MISTRESS SERIES: Tears of a Mistress
mrsWolf02 · 15 chapters · 22,532 words
-0-
THIS IS A WORD OF FICTION.
NAMES,CHARACTERS, PLACES AND EVENTS ARE FICTITIOUS UNLESS OTHERWISE STATED.
ANY RESEMBLANCE TO REAL PERSON LIVING OR DEAD OR ACTUAL EVENT IS PURELY COINCIDENTAL.
ALL RIGHT RESERVED.
NO PARTS OF THIS STORY MAY BE REPRODUCED, DISTRIBUTED OR TRANSMITTED IN ANY FORM OR ANY MEANS, WITHOUT THE PRIOR PERMISSION OF THE AUTHOR.
PLAGIARISM IS A CRIME! SO BACK OFF🖕
SYNOPSIS
“The prettiest smile hide the deepest secrets. The prettiest eyes have cried the most tears. And the kindest heart felt the most pain.”
Hindi niya kahit kailan pinangarap maging kerida ngunit walang nagawa ang puso niya nang dumating sa buhay niya ang isang Alex Rodriguez. Ilang taon na itong hiwalay sa asawa kaya naman hindi naging mahirap para sa kanya ang tanggapin ito kahit nakatali ito sa iba.
Masaya silang nagsama, itinuring siya nitong reyna at parang totoong asawa. Nag-file na rin ito ng annulment para tuluyan ng makalaya sa kahapon.
But a tragic fate comes to test them. Naaksidente ito at ilang linggo ng comatose sa ospital . At ang mas masaklap dumating si Gwyneth, ang legal nitong asawa at ipinamukha sa kanya na wala siya ni katiting na karapatan. Wala siyang nagawa nang ilabas nito si Alex sa ospital at dalhin sa ibang bansa upang tuluyang ilayo sa kanya.
Ilang taon ang lumipas bago siya ngitian ng langit. Iyon ay nang ibaba na ng korte ang petisyon for annulment ni Alex noon pa para ma-void ang kasal nito sa babae.
Ngayong pantay na sila ni Gwyneth! Handa na siyang maging Demonyo at lumusong sa impyerno mabawi lang ang kinuha nito.
||PROLOGUE||
“Sometimes you’re late for what is yours; and it becomes someone else’s.”
“Pakiusap, Gwyneth! Give him back to me. Hindi mo pwedeng kunin si Alex, hindi mo s’ya dapat inilabas ng Ospital!”
Nakangising bumwelta sa kanya ang babae. Puno ng pang-uuyam ang tinging ipinukol nito sa kanya bago nagsalita.
“You know I always dream of this, Romina. Ang makita kang lumuhod sa harapan ko. I’m glad it is happening now. Nakaluhod ka sa paanan ko kung saan ka nababagay!”
“Ibalik mo si Alex sa ospital, Gwyneth!” sigaw niya. Pagod na siyang makiusap pero pinilit niya para kay Alex, ngunit sa halip ay tumawa lang ito ng malakas.
“You know what? I didn’t know kung saan ka humuhugot ng kapal ng mukha para utusan ako, Romina! Baka nakakalimutan mo kung sino ako, o baka gusto mong isampal ko pa d’yan sa makapal mong mukha na asawa ako ng lalaking inaangkin mo!”
“Alam mong hindi na sayo si Alex, Gwyneth! Ako ang mahal n’ya at hindi ikaw. Maaaring pag-aari mo s’ya sa papel, pero hindi kailanman ang puso n’ya.”
Naningkit ang mata ng babae at lumagapak sa mukha niya ang malakas na sampal. Pagkatapos ay tinalikuran s’ya nito na parang isang basahan.
Dalawang araw na mula nang ilabas nito si Alex sa ospital matapos masangkot ang lalaki sa isang aksidente na naging sanhi ng pagka-comatose nito. Dalawang araw na rin siyang pabalik-balik at nagmamakaawa sa babae na ibalik si Alex sa poder niya, pero sa halip ay puro panghahamak at pang-aalipusta sa pagkatao niya ang napala.
Hindi niya inakala na darating sila sa puntong gagamitin nito ang karapatang matagal na nitong ipinamumukha sa kanya. Sa sitwasyon pang nasa bingit ng kamatayan ang lalaking pinaghahatian nila.
CHAPTER 1
“Demie Macapagal, is now officially in a relationship with Ken Miranda, what the fuck?” narinig niyang basa ng kaibigang si Gerald sa hawak nitong newspaper.
Kasalukuyan silang umiinom nito sa The Pub, paborito nilang tambayan at iyon ang rason kung bakit bigla-bigla na lang siyang nagyaya.
“Is this true Lex?” hindi makapaniwalang tanong ng luko. Sino ba naman kasing maniniwala agad sa balitang iyon. Kilalang-kilala ng madla si Demie at ang bawal na relasyong pinaglaban nila. Alam ng lahat kung paano hinarap ni Demie ang pangungutya rito dahil pumatol ito sa lalaking tulad niya, isang may asawang tao.
Kahit siya, hindi niya maintindihan ang lahat. Maayos naman kasi sila ni Demie bago ito umuwi sa bayang kinalakihan nito. Ang plano pa nga ay susunod dapat siya roon. Tapos biglang gan’on. Ni hindi na sinasagot nito ang tawag niya. She just told him that she’s sorry for ruining his marriage.
Wow!
“I’m asking you Alex, totoo ba to?” muli nitong tanong na halos ipagduldulan pa sa mukha niya ang hawak na dyaryo dahilan upang sumulak na naman ang dugo niya sa galit dahil sa litrato ng dalaga habang yakap ng kung sinong herodes na kasama nito.
Walang pakundangan niyang hinablot iyon at pinagpira-piraso. Nang makuntento siya sa ginawa ay muli niyang hinarap ang kanina pa niya tinutunggang alak.
“Mukhang hindi ko na kailangang magtanong kung totoo. It’s writen all of your face, man!”
“Shut up!” aniya.
Nakinig naman ito at tuluyan nang tumahimik. Ni hindi na ito nag-usisa pa. Alam na nito na hindi siya magandang kausap sa mga ganitong pagkakataon. Ipinagpatuloy na lang nila ang pag-inom at wala siyang balak pag-usapan ang bagay na iyon.
Hindi niya alam kung nasasaktan ba siya sa ginawa ni Demie, o natapakan ang ego niya ng sobra kaya siya nagmumukmok. Mahal niya ang dalaga, wala namang duda iyon. Its just that, parang hindi naman niya feel maghabol sa dalaga sa ginawa nito. Sana lang kasi nagpaalam ito nang maayos at tinapos ang lahat sa kanila bago ito naghanap ng iba. He felt betrayed and dumped.
Muli tumungga siya sa bote na hindi niya alam kung pang-ilan na ba niya. Tahimik na nga nang tuluyan si Gerald, at nang lingunin niya ito ay nakapaghalikan na ang mukha nito sa lamesa na ikinatawa niya.
“Tsk! Mahina… mahina… mahina,” paulit-ulit niyang sambit bago ubusin ang lamang ng boteng hawak.
Susuray- suray siyang lumapit sa bouncer ng club at binilinan itong ipasok sa private room ang kaibigan niyang nakatulog na sa kalasingan. Nag-iwan rin siya ng isang libong piso bilang tip para rito na siyang ikinalapad ng ngiti ng bouncer.
“Take care of t-that fucker man! Buk-khas ko na yan bab-blikan,” buhol-buhol na sambit niya habang pagewang-gewang na ang lakad ay nakuha pang kumaway sa kausap.
“No problem sir Alex, ako na ang bahala rito!”
Itinaas na lang niya ang kamay bilang pagsagot. At kahit halos hindi na niya matanaw ang dinaraanan patungo sa parking area ng lugar dahil sa kalasingan, he still manage to get his Ducatti. And one hundred and one percent sure na kaya niya iyong imaneho pauwi sa pad niya kahit pa magpakalunod siya sa alak. That’s how daredevil he was at the road.
Tama lang ang takbo niya, hindi kabilisan. Kailangan pa rin naman kasi niyang mag-ingat kahit pa sabihing bihasa siya rito. Parang sa pag-ibig lang, you wouldn’t know what will happen next. Kaya hindi dapat nagpapakakampante.
Nasa ganung pag-iisip siya nang mahagip ng mata niya ang bultong biglang tumayo sa dinaanan niyang tulay. Malapit na nga halos siya sa pinakadulo pero talagang hinatak ng kung ano ang paningin niya dahilan para lingunin kung ano man ang bagay na iyon. He automatically pulled his brakes nang masigurado niyang tao ang nakatayong iyon sa sementong railing ng tulay. Tila nawala ang tama ng alak sa sistema niya nang mga sandaling iyon. Lalo na nang mapagtanto niyang babae iyon based sa build ng katawan nito.
“Hey woman! What the hell are you doi- fuck!” mura niya nang makita niya kung paano itong bumulusok pababa sa kulay itim na tubig sa baba ng tulay.
Binalot siya ng kakaibang pag-aalala para sa babaeng estranghera na iyon.
For fuck sake, ngayon lang siya nakakita ng taong nag-suicide. Sinong hindi mag-alala? Sa bilis nang pangyayari natagpuan na lamang niya ang sariling sumasampa sa semento kung saan mismo niya nakita ang babae at wala rin siyang pakundangang tumalon.
To hell with the dark water. Kailangan niyang mailigtas kung sino man ang taong iyon dahil baka habang buhay pa siyang kainin ng konsensya niya kung papanoorin lang niya itong tapusin ang sarili nitong buhay.
He swim down on the dark cold water and keep looking for the body. Ilang pagsisid pa ang ginawa niya nang sa wakas ay mahawakan niya ang malambot nitong katawan. Agad niya itong dinala sa pangpang. Masukal at nakakatakot tingnan ang naglalakihang talahib sa paligid pero wala na siyang pakialam doon. Ang buong atensyon niya ay nakatuon sa babaeng ngayon ay pinipilit niyang i-revive. Panay ang tahip niya sa dibdib nito pero nakailang paulit-ulit na siya ay hindi pa rin ito gumagalaw.
“Damn it,” mura niya. He knows he is doing it right. Why the hell she doesn’t wake up?
He pumped her chest again. Again and again and suddenly parang may nag-pop up sa utak niyang dapat gawin.
Yeah that’s it! Cpr, bakit ba nakalimutan niya iyon.
He was about to perform the CPR, pero bago iyon tila ilang segundong tumigil ang mundo niya at napalunok nang masilayan niya ang buong mukha nito na bahagyang nailawan ng liwanag na nag mula sa isang poste sa ibabaw ng tulay.
He was stunned. Buti na lang at bumalik siya sa katinuan at naalalang nag-aagaw buhay nga pala ang babaeng nasa harap at kailangan niyang iligtas.
He put his mouth in her luscious mouth and blow. Kung hindi lang masamang manamantala ng nag-aagaw buhay parang gusto niyang lamukusin ng halik ang namumutla nitong labi.
Pagbabae talaga ang pag-uusapan, Alex Rodriguez would be Alex Rodriguez.
Natauhan lang siya sa kapilyuhang naiisip nang marinig niya ang sunod-sunod nitong pag-ubo ng tubig. Tila natulos siya sa harap nito nang magmulat ito ng mata at tumuon sa kanya ang matalim nitong tingin.
What’s with her eyes? It’s look deadly and mesmerizing at the same time.
“What d-did y-you do?” saka lang niya napansing nakatulala siya rito nang magsalita ito. “D-did you just k-kiss me?”
“Yes.” wala sa sariling sagot niya.
“Ano? Hinalikan mo ’ko?!” mataas ang boses na sabi nito.
“Y-yes… ahm I mean no!”
What the fuck? Why the hell he stammer in front of this freaking woman. “I… ahm, I perform a CPR, just that. Why would I kiss you miss?” sa wakas ay nasabi niya.
“ You still put your mouth on me, bastos ka!“ sigaw nito kasabay nang paglagapak ng palad nito sa panga niya.
Naiwang tulala siya sa damuhan. Cold and shivering, habang nakangangang tinatanaw ang babaeng iniligtas na nga niya sa tiyak na kamatayan ay nakuha pa siyang sapakin. At hindi lang ’yon, that woman accused him sa pambabastos daw niya rito, diumano.
What a great great night for him. Balak pa sana niyang habulin ito at pabulaanan ang akusasyon nito sa kanya pero nang makahuma siya sa pagkatulala ay wala na rin ito sa lugar.
Damn it! Ganun kabilis nawala. Ni hindi na nga siya pinasalamatan, nasapak pa siya.
Ano ba naman kasing nangyari sa kanya kanina, dinaig pa niya ang namatanda. Ano siya teenager na natutulala sa babae. The fuck men! Sa dami na ng babaeng dumaan sa palad at kama niya wala sa bukabolaryo niya ang matameme sa babae. Babae pa nga ang madalas magkaganon sa harap niya.
Bigla tuloy siyang kinilabutan, may sa maligno ata ang babaeng iyon. Baka kaya gano’n na lang ito kabilis nawala kasi nga may sa maligno talaga. Saka baka kaya siya natulala sa mukha nito kasi na-hypnotized siya. Ganon na nga siguro. Tama! Oh baka tama lang ng alak kaya gano’n ang inakto niya.
Mabilis na niyang nilisan ang lugar, basang-basa siya at ginaw na ginaw hanggang makauwi sa tinutuluyan niya. Binati pa siya ng babae sa lobby pero hindi na niya pinansin iyon dahil nakatuon pa rin ang isip niya sa babae sa tulay. Iniisip niya kung maligno ba talaga ito, o totoong tao dahil kung totoo ito. Hindi niya iyon palalampasin, that woman owes him her life and explanation. Wala pa atang babae ang nagbalak sumapak sa mukha niya, even Gwenyth. At hindi niya iyon palalampasin.
And that luscious lips, wala sa sariling napangiti siya nang maalala ang sinabi nito.
“What did you do? Did you kiss me?! You still put your mouth on me, bastos ka!”
Hindi niya mapigilang tuluyang matawa habang nakahiga sa kama. Iniisip pa rin niya kung paano ito unti-unting namula sa harap niya. That woman is something.
“I need to see you again, witch!” usal niya habang nakangiting nakapikit. Malakas talaga ang pakiramdam niyang may sa maligno o mangkukulam ang babaeng iyon. Iyon lang naman ang paliwanag sa nangyayari sa kanya ngayon.
He is pissed with that woman and yet he smiling like an idiot because he remember how their lips met.
Damn! Nasisiraan na ba siya ng ulo. Di kaya kinukulam na talaga siya nung babaeng yun.
CHAPTER 2
“Hay sa wakas, Romina! Buti naman pumasok ka na. Akala ko kailangan ko nang maghanap ng bagong masahista para rito sa LA VIE. Mag-iisang buwan ka ng absent, malulugi na tayo!” bungad sa kanya ng kaibigang si Mariz.
Kaya hindi rin siya pumasok ng ilang linggo eh, ayaw niyang marinig ang nakakakulili sa utak na mga litanya nito.
“Magtatrabaho ka ba ngayon, o balak mo lang tumambay rito?” dugtong pa nito.
“May kape ba tayo d’yan?” tanong niya sa halip na sagutin ito.
Napatingin lang ito sa kanya. “Meron sa pantry.” Pagkatapos ay itinuloy na nito ang ginagawang pag-aayos ng stocks nila sa spa. Siya naman ay tumayo at tinungo ang maliit na espasyong nagsisilbing pantry nila sa loob ng inuukupa nilang pwesto.
Gumawa siya ng dalawang tasang kape at binitbit iyon at inilapag sa table ng kaibigan. Saka siya prenteng umupo sa malapad na sofa na nagsisilbing receiving area nila kapag may customer.
“Kumusta naman dito nung wala ako?” malumanay na tanong niya habang sumisimsim ng kape. Itinaas pa ang dalawang paa at pinagkrus iyon sa ibabaw ng lamesitang bubog sa harapan niya.
“As usual, medyo matumal. Hinahanap ka kasi nung mga parokyano mo. Pati yung matabang si Misis Hassan, ikaw raw ang gustong magmasahe sa kanya. Ayaw sa iba, inform na lang raw s’ya kapag pumasok ka na,” saad nito.
“Ganun?”
“Oo ganun!” nakataas pa ang kilay na sabi nito.
“Ok, inform mo ngayon si Taba. Sabihin mo nandito na ako. Sa kanya ko ibubuhos yung inis ko kagabi pa,” aniya.
“Hoy Romina, VIP customer ’yon! Anong ibubuhos ang inis na pinagsasasabi mo r’yan. Siraulo ka ba? Gusto mong mawalan tayo ng galanteng kliyente?” sabi nito na tila sineryoso ang sinabi n’ya.
“Grabe! Syempre jowk lang. Alangang gulpihin ko yun. Tawagan mo na nang makapag-umpisa na ’ko,” sagot niya habang pinatutunog ang mga daliri sa kamay. “I want to get tired today!”
“Anong meron? Bakit mukhang bad trip ka yata? Wag mong sabihin sa akin na nagparamdam na naman yung ex mong walang bayag, tapos ikaw naman tong si gaga tinamaan na naman ng karupukan!”
“Pinagsasasabi mo?” natatawang sabi niya. Masyadong advance mag-isip si Mariz. Madalas din na tama ito. Ngayon lang yata hindi.
“Eh ano nga?”
“Tumalon kasi ako sa tulay kagabi, tapos may pakialamerong hudyo na nakialam, tapos alam mo ba kung anong ginawa ng hayop na yun ha!?”
Naalala na naman niya ang pananamantala nito sa kanya. “Hinalikan ak-”
“What the fuck did you say?” sa lakas ng boses ni Mariz napalabas pa tuloy ang ibang staff nila sa loob. Kumaway na lang siya para sabihing wala lang iyon. “Tumalon ka sa tulay? Are you fucking kidding me o talagang baliw ka na?”
Mariz was insanely worried, bakas na bakas iyon sa galit nitong mukha. Napangiti na lang tuloy siya nang wala sa oras.
“My God, Romina, may nakakatawa ba?” inis na saad nito.
“You’re being exaggerated Maria Rizza, calm down. I’m still alive and kicking,” aniya na sumipa pa sa hangin.
“Kicking mo muka mo! Seriously, Mina, how many times do I have to tell you that…”
“Ok, blah blah blah… enough Bessy ok! I’m fine.”
“Yeah you’re fine, thanks to that pakialamerong…come again, what is it?”
“H.. U.. D.. Y.. O.. hudyo!” pag spelling pa niya.
“Yeah, thanks to him!”
“Mariz, you shouldn’t be thankful to that bastard. That asshole kissed me! The nerve!” gigil na sabi niya. Naisip na naman niya kung paano siya tingnan ng lalaking iyon.
That look in his eyes. Para itong lobong gusto siyang pagpira-pirasohin.
“Oh really? I think that kiss was good as a reward for saving your Goddamn life, Romina!”
Sinimangutan na lang niya ito at inubos ang natitirang laman ng tasang nasa harapan niya. Pagkatapos ay tumayo na siya at pumasok sa quarter sa pinakaloob ng Spa at nagpalit ng uniform. Wala siyang balak makipagtalo pa sa kaibigan. Mariz is such a nagger. Buti na lang at natitiis ng boyfriend nito ang pagkataklesa nito. Araw-araw may sermon. Dinaig pa ang mama niya sa pangaral.
Magtatrabaho siya ngayong araw. Magpapagod siya para malibang at matuon sa iba ang isip niya. Mababaliw siya sa bahay dahil hindi siya halos pinatulog ng imahe ng damuhong lalaki na ’yon. Kung sino man ang pangahas na ’yon na humalik sa kanya. CPR pang nalalaman. Style talaga ng mga lalaki iisa lang at lahat bulok!
All mens are the same. They will just use you and dumped you afterwards.
Bakit ba siya humantong sa desisyong pagtalon sa pisteng tulay na iyon? Dahil ba pagod na siya. Dahil ba sawang-sawa na siya sa kamalasan sa pag-ibig. Dahil ba pakiramdam niya ginawa lang siya at nabuhay para masaktan.
She wanted to change her life into something. Bakit ba niya pahihirapan ang sarili niyang umasa at masaktan kung pwede naman niyang gawin din iyon? Madali nga lang para sa iba ang saktan siya. Maybe she could do it, ten times better. Sumungaw ang demonyitang ngiti sa mga labi niya.
Why not? Naisip niya. Hindi naman talaga siya perpekto. She’s lively and adventurous in many ways. Kinalimutan lang naman niya ang sarili niya para sa ibang tao. Para maging ideal girlfriend or wife material ika nga. She pushed herself to be a fine woman, and it’s all good. It’s all good but still not enough. Kasi kahit anong gawin niya, ganon pa rin. Sa huli naiiwan pa rin siyang mag-isa.
Maybe now it was the right time to freed herself. Hindi na niya hahayaan masaktan pa ulit siya ng kahit sino. Hindi na siya magpapa uto at magpapadala sa matatamis na salita at pangako. She will live her life to the extreme. She will play the game, fair and square.
May dalawang oras din ata siyang naghintay bago dumating ang inaasahang kliyente na suki nila sa LA VIE. Si Mrs. Reem Hassan na paboritong-paborito yata siya. Isa itong Emirate National na nakabase na dito sa bansa.
“Good Day, Mrs. Hassan it’s nice to see you here today,” malumanay na bati niya.
“Yarabi Romina. Where have you been this past few days? I keep coming back, I have so much pain in my body.” Hinaing ng ginang.
“Got some personal problem Mrs. Hassan, no worries I’ll fix that today.” Aniya na tila siguradong sigurado siyang pagkatapos ng session nila nito ay wala na itong iindahin pang sakit-sakit sa katawan.
Agad naman pumwesto ang ginang at unumpisahan na niya ang dalawang oras nilang session.
Walang humpay ang pasasalamat nito nang matapos. At hindi lang iyon basta nagtatapos sa pasasalamat kundi nagbigay pa ito ng maliit daw na halaga kapalit ng ginhawa na ginawa niya sa katawan nito. Kung maliit nga bang matatawag ang five thousand pesos na tip para sa ginang.
“I send it in your account, darling,” ani nito pagkatapos magbeso sa kanya. Sunuklian lang niya ito ng matamis na ngiti kahit pa wala talaga siya sa mood ngumiti.
“Shukran, Mrs. Hassan till next time,” aniya.
Palabas na ito ng pinto nang pumihit ito pabalik.
“Ohh I almost forgot, Romina darling,” anito habang abala sa pagbuklat sa dala-dala nitong Gucci bag. Nang matapos ay iniabot nito sa kanya ang itim na card.
“What is it Mrs. Hassan?”
“Ohh that’s what I’m planning to tell you but I almost forgot darling. This is my new business partner. He is very much in trouble this past few days. That’s why I offered him your service,” dere-deretsong litanya nito.
“And?”
“Ohh this one is very stubborn jerk! But he is very important to my business. So please, Romina darling, I want you to give him the best that you’ve got,” ani nito na literal na nagpakunot ng noo niya. But thinking about Mrs. Hassan’s religion, mukhang hindi naman tama agad kung ano man ang pumasok sa kukute niya. Isa pa mukang siya lang ang nag-isip nun.
“Accept it, I already said yes,” sabad ni Mariz na abala sa reception area sa likuran niya.
“You’ve what?”
“Ohh I have to go darling I have another appointment this hour,” paalam ng ginang na hindi na niya nakuha pang pansinin dahil nakatuon ang masamang tingin niya sa kaibigang si Mariz.
“Can you please explain it to me Mariz.”
“Ang alin?” patay malisyang tugon nito.
“Anong alin? Batuhin kaya kita nitong tasa makita mo. Ito,” aniya na itinapat sa mismong mukha nito ang card na hawak. “Ano ba ’toh ha? Kakapasok ko lang tapos yan ka na naman.”
“Yun na nga kakapasok mo lang tapos reklamo agad?” sikmat nito sa kanya. “Ano bang iniisip mo e trabaho yan?”
“Give him the best that I’ve got?” Hindi niya alam kung tanong ba iyon para sa kaibigan o sa sarili niya.
“O, e saan ka ba magaling?” balik nito sa kanya.
“Massage?”
“Seriously, Romina? Are you asking me?” Tinapunan niya ito ng mas masamang tingin. “OA ampotah, malamang massage. Ano pang gusto mo?”
“Tseh! Fuck off, pasalamat ka bestfriend kita kaya hindi kita masapak. Naku talaga Mariz… San ba ’toh?”
“OKADA!”
“Okada?” ulit niyang tanong, parang nanghina siya bigla. Alam naman kasing allergic siya sa mga luxurious places tapos ganito. Kung bakit naman kasi hindi na lang pumunta dito sa spa kung sino mang herodes na kliyente yun. Magpapamasahe na lang ang dami pang arte.
“Hoy Romina, alam ko yang nasa isip mo! That was a surprise gift from Mrs. Hassan, alam mo naman mga Emirate, mahilig maghadiya sa mga kasosyo sa negosyo.”
“Sino ba kasi ’toh?” tanong niya sabay tingin sa card na hawak.
CHAPTER 3
“Assalumu alaikum, Alex,” salubong na bati sa kanya ng ngiting-ngiting si Mrs. Hassan.
“Wa alaikum assalam,” tugon niya bilang pag galang sa pagbati nito. Bagong business partner niya ang babae kaya kailangan niyang mag-behave in behalf of his goddamn business.
Nakangiti siyang umupo sa upuang nakalaan para sa kanya. They’re having a business conference held here in Okada. Pagkatapos nito ay may after party pa raw mamaya. So, he left with no choice but to stay here for a night. Kailangan kasi ang presensya niya sa party na iyon. Too expect worst baka hingiian pa siya ng makabagbag damdaming speech.
Napasimangot siya sa naisip habang panay lang ang tango sa mga pinagsasasabi ng nasa harapan niya. He’s not interested at all. This past few days wala sa trabaho ang isip niya. Lumilipad iyon palagi sa kung saan.
“Alex, after the party I have a nice hadiya for you. It will relieve everything I guarantee that hundred percent,” ani ng ginang na pumukaw sa pansin niya saglit.
“That’s nice to hear, Mrs. Hassan thank you. But can I know what it is?”
“It was a surprise hadiya, habibi. Just wait for it I’ll send her on your suite after the party.”
Bahagya pa siyang napanganga sa narinig. If he heard it right, Mrs. Hassan will send someone for him?
He was in shocked, knowing Mrs. Hassan as an Islam Woman. Maiintindihan pa sana niya kung mga chekwa at hapones na business partners niya ang nag-offer ng ganun. WHATS WITH THIS WOMAN? Sa isip-isip niya.
Patay malisya na lang siyang tumango. Wala siya sa mood para sa mga ganitong surpresa kuno. Kaya naman niyang kumuha ng babae anytime na gustohin niya. No need to give him one. Kakausapin na lang niya kung sino man ang pinadala nito mamaya at bibigyan ng tip saka paaalisin. He’s not in the mood to play games. Pahinga ang gusto niya, literal.
“Ohh look who’s here. Demie, darling how are you?”
Napapikit siya nang mariin nang marinig ang pangalan binanggit ng kaharap. Tumayo ito at tumungo sa mismong likuran ng kinauupuan niya.
Nakuyom niya ang kamao nang marinig ang boses nito. Of all places, dito pa talaga sa business gathering niya makikita ulit ang babaeng ito.
“Hello Mrs. Hassan, it is nice to see you. I’m perfectly fine,” anito sa kaharap.
She’s perfectly fine, Alex! Without you, saad ng utak niya. Gusto niyang tumayo at umalis na lang sa kinauupuan pero huli na para roon.
“Hi Alex, you’re here. How are you?”
Hindi niya alam kung sinasadya ba nito ang tanong na iyon o talagang nang-iinis ito. He never thought that this woman could do such things. Nasaan ang babaeng natutunan niyang mahalin. The sweet and caring Demie.
“Oh hello, Demie, I’m perfectly fine too, as always,” malamig pa sa yelong tugon niya. Hindi tuloy naitago sa paningin niya ang biglang pagbabago ng ngiti sa labi ng kaharap. That give him wide smirk on his handsome face. He will never give her the satisfaction, chasing after woman is definitely not a Rodriguez thing.
“By the way ladies, please excuse me for a while. I have to welcome some important guest here tonight,” baling niya sa ginang na katabi lang ng dalaga.
Tumango naman ito bilang tugon. And there he goes, he just ignored, Demie. Done some ego booster stuff. Hindi siya papayag na tapakan ulit nito ang pagkalalaki niya.
Pinilit niyang iwasang makaharap muli sa lugar na iyon ang dalaga. And the business conference just ended up nicely. Pagkatapos ng meeting dumeretso na siya sa party kasama ang ibang guest. And like what he’s expecting, hindi siya pinaligtas sa makabagbag damdaming speech. Sharing some stupid stuff of how his life boomed successfully. If this people could only know.
Nang matapos siya sa walang humpay na pakikipagbatiian at pakikipag ngitian sa mga naroon. Inubos na lang niya ang natitirang oras sa pag-inom. The hell he care kung may iilan pang naroon. He have no more time for them. Ubos na ang energy niya. He has to recharge, he’s exhausted.
He just keep on drinking till the party’s over. Bangag na bangag siya sa sobrang dami ng nainom. Kinailangan pa siyang ihatid sa ookupahin niyang suite dahil sa kalasingan. Kailan ba ang huling beses na nalango siya sa alak nang ganito.
“Tsk!” Realizing that this is all because he saw that woman again. Sinira nito ang buong araw niya.
Pagpasok niya sa suite ay pabalibag pa niyang tinadyakan ang pinto sa sobrang inis. Pagkatapos ay hinubad ang suot na coat at ibinato ito sa kung saan.
“Awww angg shakeet ahh!” sigaw ng kung sino na nagpawala halos ng tama niya.
He gulped his mouth dry, dahil literal na nanuyo ata ang lalamunan niya when his eyes settled at the woman sitting on the white carpet.
That woman who is now wearing a black bodycon sparkling… shit! Ipinilig niya nang bahagya ang ulo. Mukhang marami lang talaga siyang nainom kaya kung anu-ano ang nakikita niya. Ilang araw niyang inisip ang babaeng ito tapos bigla nandito sa harapan niya. The mysterious witch on the bridge. Halos mapanganga na siya nang subukan nitong tumayo at mapagtanto niya kung hanggang saan lang ang abot ng damit nito. But unfortunately the woman just stand for about a seconds and boom, paupo itong bumagsak sa carpet. Muntik pang mauna ang mukha.
Saka pa lang niya napansin ang bote ng tequila na wala na halos laman sa tabi nito. Muli nitong sinubukang tumayo.
“WHAT THE HE-” Maagap siyang tumakbo palapit bago pa ito mangudngod ulit sa sahig. “Who the hell are you? What are you doing here in my-” Hindi niya natapos ang dapat sanay sasabihin matapos nitong ilapat ang hintuturo nito sa labi niya.
“Ssshhh… quite!” anito matapos lumayo nang bahagya sa kanya. “Ayyy em Romina Saldivar, and I’m here to give you the best that I’ve got!” Pagkatapos ay ngumiti pa ito at bahagyang humalakhak bago ito sumubsob sa dibdib niya.
Pakiramdam niya naengkanto na naman yata siya. He’s never been this excited in woman, never in his entire existence.
“ROMINA SALDIVAR!” ulit niya sa buong pangalan nito. “Ok baby, show me that best you are talking about,” nakangising aniya bago pangkuin ang katawan nito at ipalag sa malawak na kama.
CHAPTER 4
Pupungas-pungas na nag-inat ng braso si Romina, matapos maalimpungatan sa sinag ng araw na nagmumula sa kung saan ang tumama sa mukha niya. Mabigat ang pakiramdam niya at pakiramdam din niya ay umiikot ang buong paligid matapos niyang idilat ang mga mata. Pagod na pagod siya na hindi niya mawari kung anong dahilan. Nanatiling nakatitig siya sa kisame.
Puti? Agad kumunot ang noo niya. Kailan pa ba kasi naging puti ang kisame ng kwarto niya. Awtomatikong umikot ang mata niya sa kabuuan, kahit ang katawan niya ay nanatiling walang kagalaw-galaw sa pagkakahiga. Halos lumabas ang mata niya sa kinalalagyan nang mapagtantong hindi niya silid ang kinaroroonan. Agad niyang pinakiramdaman ang sarili. Mabigat talaga, hindi niya mawari kung mabigat ang pakiramdam niya o may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya.
At ang sumunod na pangyayari ay ang halos magpawala sa katinuan niya. Isang nakabibinging sigaw ang pinakawalan ni Romina matapos makita ang kamay na nakahawak sa walang saplot niyang dibdib.
“What the hell was that? Can you just let me sleep, you get me tired,” ani ng boses na nagmumula sa ilalim ng kumot.
Agad niyang hinatak ang kumot at paluksong umalis sa kama. Muli, isang sigaw ang lumabas sa lalamunan niya nang tumuon ang mga mata sa lalaking nakahiga roon na wala ni isang saplot sa katawan.
“Fuck baby, what is happening?” Pabalikwas na bangon ni Alex mula sa kama. Hinanap agad ng paningin niya ang babae. Lalapitan sana niya ito upang daluhan pero nagulat siya sa inakto nito. Agad itong umatras palayo sa kanya at kitang-kita niya sa mga mata nito ang takot. Titig na titig ito sa kabuuan niya.
“Ok!” Itinaas niya ang kamay at hinaltak ang robe na nakasabit sa gilid ng dingding. He can’t blame the shocked on her eyes seeing him naked. Kahit pa paulit-ulit niya itong inangkin buong gabi.
“S-sin… sino k-ka?” ramdam niya ang bahagyang nginig sa boses nito.
“Oww you forgot, I’m Al-”
Alex dropped his jaw on the floor pagkatapos siyang sapakin ng babaeng kaharap. Sa lakas ng kamao nitong tumama sa panga niya pakiramdam niya naalog ang utak niya. Hindi niya nagawang mag-react agad sa sunod-sunod nitong banat.
“Hayop ka! Manyak… rapist!”
“What?” Agad niyang sinalo ang suntok nitong muntik na namang tumama sa mukha niya. Nakarami sa kanya ang babaeng ito ngayong araw. At isa pa tinawag siyang rapist.
“Rapissssttt! Ipapakulong Kita, hayop ka rapist… demonyo ka!” galit na galit nitong sigaw.
Nag-iba agad ang timpla ng mood ni Alex matapos siyang makatikim ng malupit na sampal at sangkaterbang mura mula sa kaharap.
“Wow! Are you insane, woman?” Pasalya niya itong tinulak sa kama. “Ano yan, bagong modus? Kung inaakala mong madadala mo ʼko r’yan sa mga ganyang modus, oww well…” Bahagya pa siyang ngumisi.
“Hayop ka! Ang kapal ng mukha mo pagkatapos mo akong pagsamantalahan, demonyo ka!” Muli itong sumugod sa kanya. Buti na lang at maagap niya itong nasalo.
“Nice try, baby! Hindi na masama, how much do you want para matapos na ʼto?”
“Ano?”
“Ano, magkano ba? Wala akong maraming oras para sa kalukohan mo Ms. Saldivar, kung gusto mo ng extra para sa serbisyo mo name it then, and shut up,” ani Alex habang dinadampot ang mga damit nitong nagkalat sa sahig.
“Anong sabi mo?”
“Stop the drama ok, I don’t have time for this Ms. Sald-”
“Hindi ako pokpok, hayop ka!” sigaw nito sa pagmumukha niya matapos ulit siyang makatikim ng sampal.
Isang oras na ang nakalipas matapos nitong tumakbo papasok sa loob ng banyo. At hanggang ngayon wala pa rin siyang naririnig na kahit ano. He was hell worried now, matapos niyang makumpirma kay Mrs. Hassan na hindi babaeng bayaran ang pinadala nito para sa kanya. Halos suntukin na niya ang sarili nang marinig ang sinabi ng ginang sa telepono nang tawagan niya ito at tanungin.
“Ohh hi Alex, did you meet my Therapist, Romina?” ani nito, at sa dami nang sinabi ng ginang isa lang ang nakumpirma niya. Malaking problema. Because that woman is not for pleasure and yet she give him the best time of his life.
Paulit-ulit niyang inangkin ang katawan nito, magdamag. Kung hindi nga lang yata siya naawa sa pagod na pagod sa kalasingan na nitong itsura, wala pa siyang balak tumigil. He just can’t stop himself from taking her again and again.
That woman, the woman on the bridge. That insane woman who commit suicide. Hindi maipaliwanag ni Alex kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pangamba nang maalala niya ang kayang gawin ng babaeng iyon sa sarili. That woman is capable of hurting herself. Mas lalo siyang nag-alala sa isiping may isang oras na itong nasa loob ng restroom.
Agad niyang tinungo ang pinto ng banyo at kinatok ang babae sa loob. Ilang beses niyang inulit iyon pero wala ni katiting na ingay siyang narinig mula sa roon.
“Hey, open the door!” sigaw niya mula sa labas. Puno ng pag-aalala na hindi niya alam kung bakit bigla niyang naramdaman. “I said open the door, Ms. Saldivar. Kapag hindi mo ’to binuksan wawasakin ʼko to!” banta niya sa pagitan ng walang humpay na pagkatok.
Pero wala siyang napala. Wala siyang narinig na kahit ano mula sa loob. Kaya naman nagpasya na siyang sirain ang pinto. Isang malakas na tadyak ang pinakawalan niya na dahilan ng pagkagiba ng dahon ng pinto. And to his shocked, halos hindi niya napigilan ang panginginig ng kalamnan niya nang makita ang babaeng nakahandusay at naliligo sa sariling dugo sa tiled floor ng banyo.
The woman cut her wrist, for fuck sake!
Hell scared, that’s what he feels right now. Agad niyang pinangko ang katawan nitong nakabalot sa puting kumot at itinakbo palabas. Sa buong buhay niya pangalawang beses pa lang yata siyang nakaramdam ng ganitong pag-aalala.
Agad na tumawag ng ambulansya ang mga staff sa hotel pagkakita sa kanya. At laking pasasalamat niya dahil mabilis namang nakarating ang tulong.
“Don’t die, woman!” aniya habang pinagmamasdan itong nakahiga sa stretcher at nilalapatan ng first aid. Nagusot niya ang sariling buhok. This is not happening, hindi pwede. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya at habang buhay niyang dadalhin sa konsensya niya kung may mangyari ditong masama.
Kasalanan niya iyon, pinakialaman niya ang hindi niya dapat pinakialaman.
What now, Alex? Hindi ka pa nga tapos sa problema, dinagdagan mo pa! At nandamay ka pa ng babaeng walang kamalay-malay.
CHAPTER 5
“Romina… Oh my God… Saan po ang room ni Romina Saldivar?”
Napatayo si Alex sa kinauupuan nang marinig ang babae na nagtatanong sa information desk ng ospital na pinagdalhan niya sa dalaga. Nakita niyang itinuro siya ng nurse kaya’t nagtama ang mata nila ng babae nang tumingin ito sa kinatatayuan niya. Sinalubong niya ito dahil mukhang wala rin ito sa sarili.
“Ahm… Miss? I am Alex Rodrig-”
“Nasaan si Romina?” putol nito sa pagpapakilala niya. The woman seems not interested at all. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.
Napalunok siya bigla nang deretso itong tumingin sa ka’nya. Her eyes questioning him.
“R-romina is stable now,” mahinang tugon niya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwag ang nangyari. Alam niyang kasalanan niyang lahat iyon. Hindi niya pwedeng ipagsawalang bahala. Napagkamalan niya itong prostitute, at pinakialaman. Fuck! Parang gusto tuloy niyang iumpog ang sarili sa ginawa niya.
“Thank you, for saving my best friend.” Halos mapanganga si Alex nang yumuko ang babae sa harap niya at ginagap ang palad niya. “Salamat talaga. I didn’t know what could possibly happen kung hindi mo siya agad nadala rito,” dugtong nito.
“Ah… ano kasi Miss-”
“Maria Rizza, Mariz na lang,” pagpapakilala nito. “Akala ko nagbibiro lang s’ya nung isang araw when she told me that she jump off the bridge. Hindi ko alam na seryoso pala ʼyun. She’s been through a lot this past few weeks. Akala ko ok lang s’ya. I never thought she could do this to herself.” Tuluyan na itong naiyak sa harap niya.
“I’m sorry…” aniya. Wala na siyang nasabi pang iba. Tuluyan na siyang kinain ng hiya at kaba. Paano ba niya ipaliliwanag sa kaharap na kasalanan niya ang nangyari. That he had sex with her best friend dahil inakala niyang isa itong babaeng bayaran. Paano niya sasabihin iyon kung panay ang pasalamat nito sa ka’nya.
“It’s not your fault, kung mayroong may kasalanan dito iyon ay ang walang kwentang lalaking ’yon.”
Napaangat siya ng tingin sa kausap. Parang bigla siyang nagkainteres sa sinabi nito. Gusto sana niyang magtanong ngunit naunahan na siya ng hiya. Baka isipin pa nito na kalalaki niyang tao e tsismoso siya.
“Come, maybe she’s awake now,” iyon na lang ang nasabi niya. Habang iginigiya ang dalaga patungo sa kinaroroonan ng kaibigan nito.
Wala pa ring malay ang dalaga nang makapasok sila sa silid nito. Agad dumako ang mata niya sa pulsuhan nitong may benda. She cut it deep, talagang desidido itong tapusin ang sariling buhay. Is that because of what he did or may iba pang dahilan. He really wants to know.
“Ahm… Mister-?”
“ALEX, Alex Rodriguez,” pormal na pakilala niya. “Mr. Rodriguez, mukhang matatagalan pa bago siya magising. If you don’t mind, pwede bang dito ka muna saglit. Isasarado ko lang nang maayos ang Spa. Iniwan ko kasi nang biglaan. Kukuha na rin ako ng gamit ni Romina sa bahay n’ya pero babalik din naman ako kaagad,” pakiusap nito.
“ Yeah sure,“ aniya, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin iyon. Kahit pa alam niyang may naka-schedule rin siyang importanteng appointment ngayon araw.
“Salamat talaga! Sige mauna na ’ko para makabalik ako kaagad,” paalam nito.
Humugot siya nang malalim na buntong-hininga. “So, what now Alex?” tanong niya sa sarili. Ano nang gagawin niya kapag nagising ang dalaga? Anong sasabihin niya, paano siya hihingi ng tawad? Lumakad siya malapit sa kamang hinihigaan nito. She’s stable now, iyon ang sabi ng doktor. Still, she looked pale and sick. Alex bit his lower lip, kinakain siya ng kosensya. Looking at this woman in front of him. This beautiful woman he just fucked.
Damn it! Parang gustong niyang magmura ng malakas dahil sa naalala. He just seeing it in his mind, clearly. How he could ever forget how this woman moaned for him. How she responded to his kisses.
“Fuck!” he cursed loudly. Paanong hindi, kung nararamdaman niyang nabubuhay ang pagkalalaki niya dahil lang sa naalala niya ang pinagsaluhan nila ng babaeng nakahiga ngayon sa harap niya.
Kinabahan siya bigla kaya naman inalis niya ang mga mata sa nasa harap.
Fuck Alex it wasn’t right. Pinilit niyang iwinaksi ang mga nasa isip. He take his phone on his pocket at nag-dial.
“Hello Jamil! Yes… no, cancel all my appointments today. Yes, ok! ok I know. Thank you.”
Kinausap niya ang sekretarya niya para i-cancel lahat ng appointments niya buong araw. Kailangan niyang gawin iyon dahil responsibilidad niya ang nangyari at haharapin niya iyon. Hindi nga lang niya alam kung paano niya haharapin ang dalaga oras na magising ito.
“Mmmm…,” Muntik nang mapaiktad si Alex nang marinig ang ungol mula sa likuran niya. Agad siyang lumapit sa kama at dinaluhan ang dalagang unti-unti nang nagkakamalay.
Pinagpawisan ng malamig si Alex nang tumuon ang paningin ng dalagang kadidilat lang sa kanya. Hindi niya mawari kung paano siya magsasalita, o kung anong uuhanin niyang gawin. Gumalaw ito at akmang babangon. She even tried to full the thing in her hand pero pinigilan niya iyon. Unfortunately, tinabig lamang nito ang kamay niyang pumigil sa tangka nitong paghablot sa nakakabit na swero sa kanan nitong kamay. The woman still looking at him intently.
“What are doing? Can you please calm down,” aniya sa kaharap. He’s trying to act normal kahit na punong-puno ng kaba ang dibdib niya. “Look Ms. Saldivar, I really don’t know how to ask for your forgiveness, but I swear, I- ahm… I’m so sorry for what I’ve done. I really don’t know, it’s not my intention-”
“Stop saying your damn sorry Mr. Rodriguez! It’s all my fault. You can leave now,” malamig pa sa yelong putol nito sa sasabihin niya.
Ilang beses siyang napakurap. Pinagmamasdan ang walang buhay nitong mga mata. She’s emotionless. He feel her coldness, and it gives him chill. Parang ibang babae ang nasa harapan niya. Ibang iba sa babaeng nakaniig niya.
“I’m very sorry but I’ll stay Ms. Saldivar. It is better that I’ll stay until Mariz, your friend comes back,” iyon na lang ang isinagot niya sa dalaga. He will not leave, hindi niya pwedeng hayaang mag-isa ito sa ganitong sitwasyon. Might as well she will do the same thing again.
“I can take care of myself, Mr. Rodriguez. Kaya kung pwede lang sana umuwi ka na. I don’t need you here!”
Matigas ang pagkakasabi nito pero nanatili siyang mahinahon. Hindi siya nito magpapaalis, not unless dumating ang kaibigan nito at masigurado niya na wala itong gagawin ulit sa sarili nito.
“Bingi ka ba?” untag nito sa kanya dahil sa hindi niya pagsagot.
“You know I’m not-”
“Then leave!” sigaw nito.
“Sorry but I won’t leave until your friend comes back.”
Kitang kita niya ang pagkadismaya sa mukha nito. Pabagsak pa nitong hiniga ang katawan saka nagtakip ng hospital blanket na nasa harap nito. Siya naman ay lumakad patungo sa sofa ilang metro lang ang layo sa harap ng kama. Ayaw siguro siya nitong makita kaya nagtakip na lang ito ng kumot. She maybe really mad. Who wouldn’t be? Naupo siya at itinuon ang paningin sa kawalan. He still tired, wala naman kasi siyang matinong tulog. Plus the fact na sobrang dami rin niyang nainom kagabi sa party. Nasa ganong pag-iisip siya nang dapuan siya ng antok. Kaya naman hinayaan na lang niya ang sarili na magpahinga kahit pansamantala.
Alex fell asleep for a moment. Marahil ay sa sobra na ring pagod. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang na-idlip, kaya’t napabalikwas siya nang mapansin niyang wala sa hospital bed ang dalaga.
“Romina,” he called her name instantly. And it just came up from his mouth easily. Para bang ang sarap at ang daling banggitin ng pangalan nito para sa kanya kahit na nakakaramdam na naman siya ng kaba sa mga sandaling iyon. “Romina!” muli niyang sigaw nang walang sumasagot.
Then he directly walk and pushed the bathroom door.
“Potah! Ano ba, hindi ka ba marunong kumatok?” Romina shouted at his face. Matalim na naman ang tingin nito sa kanya.
“Sorry, akala ko lang kasi-” aniya, matapos siya nitong lampasan nang lumabas ito sa banyo. Hindi niya alam kung tama ba yung narinig niyang sinabi nito.
“Akala mo ano?” nakangising sabi nito sa kanya nang bigla itong humarap. He almost bite his tongue because he almost bump into Romina’s face. “You think that I might slit my throat this time, Mr. Rodriguez? O, ʼdi naman kaya nagbigti na ako or-”
“Ok, stop! That’s creeping me out!” he said in shock. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa pinagsasabi ng babaeng kaharap.
Buti na lang at tumalikod na ito at naglakad pabalik sa kama. Nahiga doon na parang wala na namang nakita. As if she never see him at all. Siya naman ay naglakad na lang ulit pabalik at naupo sa sofa. Hindi niya alam kung bakit hinihintay niya na magsalita ang dalaga tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa, kahit na sumbatan pa siya nito. Kaso wala, Romina seems not bothered about it at all. Parang wala lang dito kung ano man ang namagitan sa kanila and that annoys him a bit. Nakatingin lang ito sa kawalan na para bang may malalim na iniisip.
He should talk to her about what happened to them, pero hindi naman ito ang tamang oras para sa bagay na iyon. Hindi niya alam kung anong mga problema ang kinakaharap ng dalaga para magawa nitong saktan ang sarili nito. Kaya naman ipinagpasya niya na sa ibang araw na lang niya ito kakausapin tungkol sa kanilang dalawa. Tahimik na lang din niyang pinagmasdan ito habang nakatitig sa kisame ng silid.
Maya maya pa ay dumating na rin ang kaibigan nito, kaya naman nagpaalam na siya para umuwi muna sandali. Kailangan na rin niyang magpalit ng suot na damit. Mukha na siyang basura at may mga bakas pa ng dugo nito ang polo na kahapon pa niyang suot sa business gathering.
“Thank you Mr. Rodriguez, salamat talaga sa pagbantay sa kaibigan ko. Nice to meet you.”
“It’s my pleasure, Mariz. By the way it’s Alex, cut the Mr. Rodriguez. I’m tired of it, that’s for business matters only,” aniya matapos makipagkamay sa dalaga. “Call me if Romina needs anything I’ll be back.”
“Wow!” He saw Mariz’s smile widely, as if he says something. Nginitian na lang rin niya ito at tuluyan nang nagpaalam.
Romina still ignored him even he says goodbye. Parang wala lang itong narinig. And he gets annoyed about it. At hindi niya alam kung bakit siya naiinis sa bagay na iyon.
Umuwi siya sa bahay, naligo at nagpalit ng maayos na damit. Hindi pa rin makapaniwala si Alex sa bilis ng mga nangyari ngayong araw. Gusto na niyang matulog para makabawi man lang. Nahiga siya agad sa kama at pumikit pero sa kamalasan, tanging imahe lang ni Romina ang nakikita niya. That woman and her damn gorgeous body.
Pinilit niya ang sarili na makatulog pero bigo siya. He wanted to see Romina and he doesn’t know why.
CHAPTER 6
Umayos sa pagkakaupo si Romina matapos masiguradong wala na at nakaalis na ang lalaki sa silid na kinalalagyan niya. Mabilis naman siyang inalalayan ng kaibigan.
“Ano ba Romina? Mag-ingat ingat ka naman sa mga kilos mo,” saad ni Mariz matapos ilapag ang mga dala-dala nitong plastic at traveling bag.
“Ok na ako Mariz, can we just go home? Wala naman saysay kung mag-stay pa ako rito. It was just a wound,” walang buhay niyang saad. Wala ring mababakas ni kaunting buhay sa mga mata niya. Puno iyon ng kalungkutan.
“A wound huh? Really… says who?” sarkastikong saad ng kaibigan na sinabayan pa ng nang-uuyam na tingin. Umupo ito sa upuang nasa tabi ng kama niya at hinarap siya. “Mina, kung may problema ka at hindi mo na kaya nandito lang ako ’di ba? You don’t have to hurt-”
“Ugh, cut the crap, Mariz! I’m fine ok!” Nahiga siya at tinalikuran ang kaibigan. She don’t wanna see Mariz’s face. Mariz pitied her at ayaw niya ng ganoon. Ayaw niya na kinakaawaan siya ng kahit sino. She is a strong independent woman.
“Hindi ka pa pwedeng umuwi Mina. Maybe in two or three days siguro, kapag magaling na ’yang kamay mo. For now, magpahinga ka na muna, ok.” Mahinahon na si Mariz. Hindi na rin ito nakipag-argue o nag-usisa tungkol sa kung ano ang nangyari.
Buti na lang. Hindi rin naman kasi niya alam kung paano niya ipapaliliwanag ang dahilan. She’s hopeless and stupid.
Andaming mali na nangyayari sa buhay niya at parang hindi na niya alam kung paano pa niya tatakasan ang mga iyon. Lalo na ang sakit na paulit-ulit pinapatay ang puso niya. Bakit ba siya humantong sa pisteng tagpong iyon. Bakit ba siya nagpakalasing bigla bigla gayong alam naman niyang may duty siya. Mas lumala ang lahat, dahil sa mali at padalos-dalos niyang galaw. Dahil lang nakita niya si Joon sa venue kasama ang kung sino mang bago nito. Nawalan siya ng control sa emosyon niya. Dahil sa sakit na nararamdaman niya seeing Joon laughing with someone else in his arms.
Nagpakalunod siya sa alak dahil sa sobrang sakit. She drunk in oblivion because at last, the answer she’d been looking for is finally answered. Iniwan siya ni Joon dahil may mahal na itong iba. Iniwan siya ni Joon dahil hindi siya naging sapat. That fucking asshole. She drunk celebrating her pain and remorse. Nagpakalasing siya at hindi na nag-isip pa.
She is wasted! Really wasted. Like how Joon throw her away pagkatapos ng dalawang taong relasyon nila. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha sa magkabila niyang mata. Hindi rin nakatakas ang impit niyang pag-iyak. Good thing that Mariz fell asleep at the couch. Tinakpan niya ng kumot ang bibig dahil hindi talaga niya mapigilan ang paglabas ng emosyon niya. She’s really hopeless, para siyang batang pinagkaitan ng lahat ng magagandang bagay sa mundo.
Nasa ganong sitwasyon siya nang biglang may kumatok. Agad niyang pinahid ang luha at inayos ang sarili sa pag-aakalaing Doctor or nurses lang iyon na magro-rounds.
“Bukas ’yan,” aniya.
Dahan dahan ang pagbukas ng pinto at iniluwa niyon ang pamilyar na bulto na ayaw na sana niyang makita pa. Ayaw na niya itong makita dahil sa sobrang kahihiyan, dahil sa sobra niyang katangahan. It was all her fault. Kung hindi siya nagpakalasing o kung sana umuwi na lang siya matapos niyang magpakalunod sa alak. Hindi sana nangyari ang nangyari sa pagitan nila ng lalaking ito.
“Hi,” anito sa kanya. Nanatili itong nakatayo sa tapat ng pinto. Nakita niyang nilingon nito ang kinaroroonan ng kaibigan niya bago muling tumuon ang paningin sa kanya.
“Bakit nandito ka na naman?” mapait niyang tugon. Nagbaba siya ng paningin dahil hindi niya gusto ang nararamdaman niya nang mga sandaling nagtama ang kanilang mata.
She don’t even understand kung bakit nandito na naman at bumalik ang lalaking ito gayong wala pa yatang tatlong oras mula nang umalis ito kanina.
“I was just checking if you need something,” mahinahong tugon ng lalaki. Lumakad ito palapit sa kinaroroonan niya at hinila ang upuang malapit sa kama niya at na-upo.
“Wala akong kailangan. Pwede ka nang umuwi!”
“Bakit ang sungit mo?” out of nowhere nitong tanong. Tumikwas agad ang kilay niya nang mga sandaling iyon dahil sa narinig. Hindi siya nagsusungit, pero kung iyon ang pinipunto ng lalaking nasa harap niya, then be it.
“Alam mo Mr. Rodriguez kung-”
“Alex,” putol nito sa sasabihin niya. Hindi niya napansin ang pag-ikot ng mata niya na dahilan nang bahagyang pagngiti ng kaharap.
“Ok Alex! As I’ve told you, kasalanan ko ang nangyari and I admit it. Ngayon maaari ka nang umalis dahil wala kang dapat ipag-alala, I won’t sue you. Just forget everything that happened. Forget all of it!” mabahang litanya niya.
“Who said I’m worried about being sued?”
Naumid si Romina nang bahagya, hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Tumingin pa ito sa kanya, mata sa mata. And she read how serious this man. Mukhang hindi nga ito takot kung ano man ang banta niya rito nung una. Sino nga ba naman kasi ang maniniwala na ginahasa siya nito. I mean looking at this man face to face now, she realized na walang basehan kung akusahan niya ito ng sexual harassment.
This man’s feature in front of her. Hindi ito ang tipo ng lalaking kailangan pang mamilit ng babae para lang maikama. Women will drool over this type of man. Napalunok na lang siya nang wala sa oras dahil sa mga bagay na tinatakbo ng isip niya. At this moment na-isip niyang talo talaga siya kung nagkataon.
“Hindi ka rin mayabang noh?”
“Sorry if that’s what you think. I just wanted to see you.” Kusang gumalaw ang gilid ng labi niya, napa-ismid. Want to see her? At bakit? Ano naman kayang trip ng lalaking ito para gustohing makita siya. “Ahm… I mean, gusto lang kitang makita, I-check kung ok ka lang,” tarantang sabi nito. Parang nagulat din ito sa salitang sinabi.
“Look Mr. Rodriguez, I’m fine nakikita mo naman hindi ba? I don’t need your help or concern if yun ang gusto mong palabasin. You don’t have any obligation to me. So stop acting like someone who cares.”
“Romina!” nagulat siya bahagya sa sigaw ni Mariz. Hindi niya namalayan na nagising na pala ito. Marahil dahil medyo napalakas yata ang boses niya. “Ano ka ba namang babae ka, kahit kailan talaga.” Tumayo ito at lumapit sa kanila ng lalaki.
“Pasensya ka na Alex, ha, medyo may konting topak lang s’ya ngayon kaya ganyan ʼyan. Medyo na-ubusan yata ng dugo kaya kung anu-anong pinagsasasabi.” baling ni Mariz sa lalaki.
“It’s ok! Wala namang problema dun. Paalis na rin naman ako, may binili lang ako malapit dito kaya naisip kong sumilip saglit,” ani ng lalaki habang maluwag na nakangiti, showing his sparkling white teeth. “Sige, I gotta go,” paalam nito.
Pagkaalis na pagkaalis nito ay hinarap agad siya nang nakapameywang na si Mariz.
“Ano yun? Bakit mo naman ginanon yung tao?” anito sa kanya.
“Anong ano ʼyun?” maang-maangan niyang tanong.
“Hoy bitchesa ka! Maang-maangan, ganern? Bakit mo pinagtatarayan ’yong tao. Alam mo bang ’yun ang nagdala sayo rito. At alam mo rin bang hindi ʼyun umalis hanggang hindi ka nagigising,” litanya nito.
“Oh ngayon? Nagpasalamat naman ako sa kanya.”
“Yes, aba’y dapat lang. At wag mong ipagtabuyan, ʼyung mga ganong tipo niyayakap nang mahigpit, kinukulong sa mga bisig. Hindi pinapalayas, kasi sayang.” Muntik na siyang masamid sa sarili niyang laway dahil sa pinag-sasabi ni Mariz. Hindi niya mawari kung bakit biglang nag-init ang mag kabilang pisngi niya.
Yakapin nang mahigpit at ikulong sa bisig pala ha. Ano kayang magiging reaksyon nito kung malaman na hindi lang yakap ang namagitan na sa kanila ng bwesit na lalaking ʼyon. What they did is more than just a hug. At iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang nakikita o malapit sa kanya ang lalaki. She feels something strange and awkward at the same time. Lalo na pagsumasagi sa memorya niya ang ilang tagpo na naaalala niya. It was hell embarrassing.
“Oh, natahimik ka? Napagtanto mong tama ako ’di ba, papabol si Mr. Rodriguez, right?”
“Wala! Pweba ba Mon, tigilan mo ʼko d’yan sa mga kawirduhan mo. Pare-parehas lang naman ’yang mga yan. Lahat sila sa umpisa lang magaling,” inis na sabi niya. Pagkatapos ay bumalik na sa pagkakahiga.
“Aba wow, at saan naman galing ʼyang sentimyento mong yan teh? Bitter much?”
She just smirked and put her head on the blanket. Ayaw niyang mabwesit kay Mariz pero iyon ang nararamdaman niya. Minsan talaga hindi niya maintindihan kung bakit naging best friend niya ang babae gayong magkaibang magkaiba ang personality nila. Hindi rin niya gets minsan yung mga trip nito sa buhay, but then, they sticked together. Mas mahaba pa yata ang pinagsamahan nila kaysa sa mga relasyong pinapasok nila e.
“Ayon dedma!” tumatawa pang saad nito. Talaga yatang mas gusto nito na binubwesit siya. “Pero alam mo Mina, ang gwapo nun noh? Tall, dark and handsome, and take note, yummy.”
Napabalikwas siya nang bangon dahil doon. “Yummy huh? Gusto mong sabihin ko sa boyfriend mo ʼyang pinagsasasabi mo,” banta niya, pero sa halip na mag-alala eh nakuha pang tumawa ng gaga niyang kaibigan.
“Oh bakit, mukang yummy naman talaga si Mr. Rodriguez. Wag mong sabihing hindi mo nakikita yon. You’re not blind, baby girl.”
“Alam mo minsan hindi ko alam yang trip mo eh. Umuwi ka na nga, lalo lang akong mai-stress sa mga sinasabi mong yan,” pagtataboy niya. “Kainis!”
“Affected much?” tawang-tawang saad ni Mariz. “Sayang talaga, kung wala lang akong jowa at kung hindi ko lang mahal ang mokong na yun. I swear, hindi ko palalampasin ang Alex na yan.”
Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya lalo ng inis sa sinabi ng kaibigan. Maria Rizza seems attracted to Alex, at may kung ano sa loob niya na hindi niya maipaliwanag. Something strange, she feel a bit of sting. She doesn’t really know. She doesn’t know why she gets annoyed by the thought of Monica might like that Alex Rodriguez. Ano naman ngayon? Mariz can like anyone. And she don’t have the right to question that.
Ano bang pakialam niya sa Alex na iyon. She doesn’t like that kind of man. Naalala pa niya kung paano siya nito inalok ng pera. He’s such an arrogant asshole. A fucking pervert.
Napabuntong-hininga na lang siya at hindi na pinansin pa ang mga sinasabi ng kaibigan. Kilala rin naman niya si Mariz. She will say what she wants to says. At isa na nga rito ang pagkataklesa nito sa mga bagay bagay. Kung nagagwapuhan ito sa isang tao, she will say it, kahit pa yata sa harap ng nobyo nito. Ika nga nito eh, “I have fucking eyes and I know how to appreciate wonderful things”. ’Di ba? Ang lakas makasayad.
Umayos na siya sa pagkakahiga. She needs to take rest daw kanina pa nito iyon pinapaulit-ulit sa kanya. At isa pa kailangan niya iyong gawin para na rin makalabas na siya. Ayaw niyang mag-stay nang matagal sa ospital. Nakakaburyo. Paano niya magagawa yung bago niyang goal sa buhay kung nandito siya at nakahilata lang maghapon. And speaking of that goal, pinagpaplanuhan na niya sa isip kung saan siya pupunta at kung anong gagawin niya.
Matagal na niyang plano mag-travel, in fact plano nila iyon noon ni Joon. But it will never happen anymore. Pero hindi na importante yun, kaya naman niyang mag-travel mag-isa. She can still fulfill what ever she wants, without that coward. Napangiti siya nang mapakla, remembering those days. Mga pinakamasayang araw sana sa buhay niya na ngayon ay tinuturing na lang niyang ala-ala. Tama si Mariz, hindi siya dapat mabuhay sa nakaraan, hindi siya dapat magmukmok. She knows it wasn’t easy pero ngayon handa na siyang subukan ang lahat. And when she says all, she means all.
CHAPTER 7
“Hi!” bati niya pagbukas niya ng pinto. He visited Romina, again. Everyday naman halos niyang binibisita ang dalaga kahit nga hindi naman siya nito kinakausap nang maayos.
“Oh hello Alex, pasok ka. Buti umabot ka, nagpa-discharge na kasi itong isang ʼto, kaya lalabas na kami ngayon,” saad ni Mariz na malapad ang pagkakangiti sa ka’nya.
“Tamang-tama pala ang dating ko, I’ll drive you home.” Nagpresinta na siya agad.
“Kaya na namin umuwi, may kotse naman si Mariz, we don’t need-”
“Yeah sure Alex, you can drive her home,” putol nito sa sinabi ng kaibigan. “Madami pa kasi akong aasikasuhin sa Spa, wala namang pwedeng pag-iwanan dun nang matagal. Alam mo naman yun hindi ba, Romina,” baling nito sa kaibigan na naka-beastmode na agad ang mukha. Mukang hindi nito gusto ang idea na siya ang maghahatid dito pauwi. But then, he doesn’t care kung nakasimangot man ito o ano. Gusto pa rin niya itong nakikita. Romina is indeed a beauty kahit pa palagi itong galit.
Hindi na nagsalita pa ang dalaga, but he bet Romina gets annoyed to Mariz’s suggestion. Padabog pa nitong binitbit ang backpack at walang lingon-likod na lumabas.
“Pagpasensyahan mo na ’yang si Romina, Alex. May pagka-bitchesa talaga ’yang babaeng ’yan minsan eh. Kulang sa aruga,” ani nito.
“What do you mean? Wala ba s’yang mga magulang?” Sukat sa sinabi nito ay iyon agad ang naisip niya. Not knowing that was just Mariz’s expression. Kaya naman bigla na lang itong humalakhak at hinampas pa siya sa balikat.
“That’s not what I mean. Of course she has a parents. Ang kaso nga lang masyado nang maraming pinagdaanan ang kaibigan ko. Kaya siguro ganyan na s’ya ka-aloof sa tao.”
Sabay na silang lumabas ni Mariz sa silid, habang nag-uusap. He never thought na ganun kalungkot ang mga pinagdaanan ni Romina. Konti pa lang ang nalaman niya from Mariz, and he needs to know more. Gusto niyang alamin lahat ng bagay na may kinalaman sa dalaga. May kung anong nag-uudyok sa kanya para mas kilalanin pa ito ng husto.
“Ano maghaharutan na lang ba kayo riyan?” Napalunok siya sa sigaw na iyon ni Romina sa di kalayuan. He didn’t know why he feels something strange by the way Romina looks at him. Matalim ang mga mata nito at nakatuon iyon sa kanya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. The fuck!
“Nagmamadali, teh?” natatawang biro pa ni Mariz. Na parang wala lang dito ang sinabi ng kaibigan, samantalang siya nakakaramdam ng tensyon na hindi niya maipaliwanag. Oh baka naman guni-guni lang niya iyon.
Sabay silang tatlo na lumabas sa ospital. Mariz walks directly to her car matapos ang ilang paalala sa kaibigan, at syempre sa kanya rin.
“What now?” mataray na tanong nito sa ka’nya habang nakapameywang pa.
“Come!” malumanay na sabi niya at iginiya ang dalaga patungo sa naka-park niyang sasakyan. Saglit itong natigilan pagkakita roon. Who wouldn’t be stunned seeing a Lamborghini Hurucan.
“Get me a taxi, ayukong sumakay d’yan. Baka magasgasan ko pa ’yan singilin mo pa ako ng mahal.” Umawang ang bibig niya dahil sa sinabi nito. What the hell? Sinong matinong babae ang tatangging sumakay sa kotse niya. She is the first. And he can’t fucking believe it.
“Oh please, wala naman akong balak singilin ka. Can you please forget that you’re mad at me for once. Just let me drive you home safely,” wala siyang ibang nasabi kung hindi iyon. Ang kalimutan na muna nito ang galit sa ka’nya dahil sa nagawa niya. He knows it was unforgivable pero sana naman maisip nito na hindi naman niya sinasadya at intensyon ang nangyari. Although wala siyang pinagsisisihan ni isang segundo sa namagitan sa kanila nito.
He pressed the car key and it opens. Hindi na nagsalita pa si Romina, tahimik lang itong sumakay. Kapwa siya walang imikan habang umuusad ang sasakyan.
“Alam mo ba kung saan ang bahay ko?” Ilang sandali pa ay si Romina na mismo ang pumutol sa katahimikan.
“Yeah! Mariz give me your address.”
“Ok!” saad nito at muli na namang nabalot nang katahimikan ang loob ng sasakyan. Romina didn’t say anything. At siya naman ay ganun din. Hinayaan na lang niyang magpahinga ang dalaga. He feels Romina’s uneasiness riding in his car. At hindi niya maintindihan iyon kung bakit. Samantalang ang ibang babae gustong-gustong makasakay sa sasakyan niya, even Demie. Demie often uses his car for public photo ops. Tapos ngayon may isang babae na hindi kumportable sa sasakyan niya. What’s with her?
Alex focused on driving at nang lingunin niya ang dalaga ay mukhang mahimbing na ang tulog nito, bagay na nagpangiti sa ka’nya. Akala niya buong byahe na itong hindi magiging kumportable. Inayos niya ang car seat at bahagya iyong ibinaba upang maging mas kumportable ito. Bahagya pang nakayakap ang kamay nito sa katawan. She maybe feels cold, dahil sa aircon. Kaya naman hinubad niya ang suot niyang coat at ipinatong iyon sa katawan ng dalaga. Nagulat pa siya nang bigla itong gumalaw. Romina’s face is just an inch away from his dahil bahagya pa siyang nakayuko. Romina’s lips is tempting him at hindi niya maiwasan kagatin ang sariling labi. Fuck! Sa dami ng pwede niyang maalala, bakit ang tagpong iyon pa kung saan marahas niyang sinisiil ng halik ang mga labi nito. Ang tagpo kung saan parehas halos ang galaw ng mga labi nila. He knows how passionate she responded to his kisses. How she moaned. Nakakabaliw, at ilang araw na siyang hindi makatulog nang maayos dahil doon.
He’s so fucking tempted to give her a peek pero gumalaw ito at nag-iba ng pwesto. Muntik na siyang mapasipol, that was fucking near. Kung nagising ito dahil sa balak niyang gawin malamang nasapak na naman siya nito nang wala sa oras. He have to be careful, ayaw niyang mag-isip ang dalaga nang hindi maganda tungkol sa kanya. Ayaw niyang mas lalo pang sumama ang tingin nito sa kanya.
At para pahupain ang namumuong init sa katawan niya, itinuon na lang niya ang buong atensyon sa pagmamaheno. Something really strange in his part, at hindi niya alam kung anong nararamdaman niya. Kailan pa siya nag-alala sa iisipin ng babae sa ka’nya. Kailan pa siya nagpa-goodman image? Sanay naman siya na womanizer ang tingin sa ka’nya at mapaglaro. And he didn’t even fucking care about what people think of him.
May kalahating oras nang nakaparada ang sasakyan niya sa harap ng apartment na tinitirahan ng dalaga. But he don’t have the courage to wake her up. O mas tamang sabihin na ayaw niya itong magising agad dahil gusto pa niya itong makasama. Yes, he admit that he feel happy when he see Romina. Kaya naman ganun na lang ang pagkadismaya niya nang magmulat ito ng mata. Agad itong bumangon at sinilip ang paligid.
“Andito na pala, bakit hindi mo ako ginising!” sikmat nito sa kanya.
“You’re peacefully sleeping, and you really need more rest.” Umibis siya sa sasakyan at inalalayan ang dalaga palabas. Sabay silang naglakad, hinatid niya ito hanggang sa tapat ng apartment unit nito. Nang masigurado niyang nakapasok na ito sa nakabukas pang pinto ay saka siya nagpa-alam sa dalaga. Romina didn’t say a thing, mapait na ngiti lang ang isinukli nito sa ka’nya. Bakas sa mga mata nito ang labis na kalungkutan. Gusto pa sana niyang magsalita pero isinara na nito ang pinto.
Humakbang na siya paalis, ngunit hindi pa siya nakakalayo nang hatakin ang paa niya pabalik sa tapat ng pinto nito. He didn’t know why pero parang hindi niya kayang umalis at iwan ito sa ganong kalagayan. She’s so lonely. At nababakas iyon sa mga mata nito kahit pa anong pilit nitong ngumiti. He knocked on the door, three times. Ilang sandali pa siyang naghintay bago iyon bumukas.
“Romina!” Nakataas na kilay nito ang sumalubong sa kanya.
“Oh bakit, may nakalimutan ka?” tanong nito sa kanya.
“Ha… ah eh.. wala naman I just want to say-”
“Gusto mong tumuloy?” Nagulat man siya sa sinabi nito ay napatango siya agad nang sunod-sunod.
“Yeah! If ok lang sayo?”
“Ok lang naman.” Niluwagan nito ang bukas ng pinto at hindi na siya nagpatumpik- tumpik pa sa pagpasok. Baka mamaya magbago pa ang ihip ng hangin at itaboy pa siya paalis. Sasamantalahin na niya ang pagkakataon na mas makilala pa ang dalaga. Pumasok siya at sinundan nang paningin niya si Romina nang ibaba nito ang dalang bag sa sofa at lumakad patungo sa maliit na kitchen na tanaw rin niya nang bahagya mula sa kinatatayuan niya.
“Umiinom ka ba ng kape?” biglang tanong nito na kalahati lang ng katawan ang inilabas. He don’t like coffee that much, pero kung iyon ang pwedeng rason para magtagal siya sa bahay nito, willing siyang uminom kahit isang pitsel pa.
“Yeah, sure!” nakangiti niyang tugon. Mukhang dapat na siyang maghanda dahil tiyak aatakihin siya ng reflux pagkatapos nito.
“With or without sugar?” muli nitong tanong pero hindi na ito sumilip pa. “Pwede kang umupo since nasa loob ka na ng bahay ko. Don’t tell me iinom ka ng kape nang nakatayo?” Napakamot siya ng ulo nang lumabas ito ng kusina na dala ang dalawang tasang kape. A small cup and a big mug. Hindi tuloy niya mapigilan mapatitig sa mga iyon.
“The mug is mine,” sabi nito, tila nabasa ang nasa isip niya.
Naupo siya sa sofa malapit sa pinto at naupo rin ang dalaga sa single sofa na nakaharap sa kanya. Inilapag nito ang tasa sa tapat niya at prenteng uminom ng sarili nitong kape. They both in silence and he feels so awkward. Hindi siya sanay na ganito katahimik ang paligid . Lalo na kung may kasama siyang babae na gusto niya. Kung ibang babae siguro ang kasama niya ngayon, maybe they both naked by the time she closed the door.
“What are you thinking?” nakangising tanong ng dalaga sa ka’nya. “Let me guess,” anito, na humawak pa sa baba na animo’y nag-iisip. “Are you thinking of having sex with me again, Mr. Rodriguez?”
Muntik na niyang mabuga ang iniinom na kape sa sinabi nito. Romina caught him off guard. Because honestly speaking, parang ganoon din nga ang nasa isip niya. But not the way Romina think it is.
“No! Why would I?” pagdadahilan niya. He never thought that Romina is so straight forward. Is she really think of that thing. Kakalabas lang nito sa ospital dahil sa nangyari and now parang wala na lang dito ang lahat. She talk about it carelessly like it was nothing to her. Like it was just a big joke.
“I’m just kidding, hindi naman siguro ’yon ang iniisip mo tama?” natatawang tanong nito. “I mean if that’s what you’re thinking we can talk about it.”
Fuck! Gusto niyang magmura nang malakas because this woman is really turning him on. Kung anu-anong lumalabas sa bibig nito na hindi naman dapat. Abot-abot na nga ang pagpipigil niya kanina pa lang sa loob ng sasakyan tapos ngayon wala na itong ibang bukambibig kung hindi tungkol sa bagay na iniisip naman talaga niya.
“Talk a-about w-what?” To hell with his fucking tongue. Why the fuck he stammer?
“C’mon! Don’t play like a goody-goody knight in shining armor. I now what you’re doing. I’m used to those people like you. You are all the same. You won’t waste your time if you don’t want something from me. Want me?” Halos mapanganga at lumuwa ang mata niya sa pagkabigla. “Want this?” Lalo na nang itaas ni Romina ang over size black shirt na suot nito at tumambad sa ka’nya ang mapuputi at may katamtamang laki nitong hinaharap.
“Shit!” Nalunok niya nang ’di oras ang kape sa tasa kahit mainit iyon. Labag man sa totoong gusto niyang gawin, he choose the right thing to do. Lumapit siya sa harap ni Romina at dinampot ang hinubad nitong damit. Siya na rin mismo ang nagsuot niyon sa dalaga. Parang gusto tuloy niyang palakpalan ang sarili dahil doon. “I think you really have to rest, Romina.” Iyon na lang ang nasabi niya bago talikuran ang dalaga. Napapikit pa siya nang mariin because that’s not really what he want. He wants to bite Romina’s lips., he want to kiss her and pin her on the wall just like what he did to her at the hotel suite. He wanted to make love to her all night.
“I really wanted to die, can you just let me?”
Alex turn around just to see Romina in tears. She is in so much pain and crying. Iniisip niya kung ano bang mga pinag dadaanan ng dalaga para gustohin na lang nitong mamatay. The other day Romina is like a wolf, so wild and angry all the time. Palaging masungit at parang any moment ay bigla na lang siyang sasakmalin at gugutay- gutayin sa galit. Now she’s so vulnerable, breaking down in front of him.
Wala sa sariling niyakap niya ito nang mahigpit. All of a sudden he have this feeling that he need to protect this woman in any pain, at all cost.
“It’s ok, I’m here,” aniya habang hinahagod ang likod ng dalaga. Then she stop crying. Romina wiped her own tears and smile like she didn’t say anything and nothing’s happen.
“I’m fine, pwede ka nang umuwi.”
“C-can I, ahm… can I stay?” tanong niya rito. Kahit hindi ito pumayag ay ipipilit niya pa rin ang mag-stay at samahan ito. He can’t let Romina alone, knowing that she’s not ok.
“Bahala ka!” anito, nilampasan siya at naglakad paakyat sa ikalawamg palapag ng apartment unit nito. Naiwan siyang tulala sa sala. He can’t believe that Romina let him stay. On the other hand he gets so excited, hindi niya alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman niya. Kahit hindi niya maintindihan ang pabago-bagong mood ng dalaga it’s still a good start for him to know Romina Saldivar even more. He wants to know every single details about this woman.
Lumakad siya sa mahabang sofa at tinitigan iyon. He is calculating and the same time, thinking how could he fit on that fucking sofa. Sa huli wala ring nangyari sa pag-iisip niya. He insisted to stay and sleep in this house kaya kailangan niyang magtiis. Naupo siya at kinuha ang pillow at inilagay sa bandang dulo saka pumwesto ng higa. Kailangan rin niya ng tulog because he’s so damn exhausted this past few days. He feel unease, but he manage to lay down on the sofa even he didn’t fit. Ipinilig niya ang ulo at pumikit. Ilang minuto pa lang siyang nakahiga ngunit ramdam na niya ang pamimintig ng binti niya. Masakit na rin ang bewang niya na hindi niya maintindihan. He keeps on turning sideways. Naghahanap nang maayos na pwesto, kung meron man.
“Pwede kang matulog sa taas if you want.” Muntik na siyang mahulog dahil sa gulat nang biglang magsalita ang dalaga. Nilingon niya ito, nakatayo ito sa pinakataas na baitang ng hagdan at may dala itong unan at kumot. Agad siyang umayos ng pwesto at umupo.
“No thanks, I’m fine here,” nakangiti niyang tugon. Parang gusto tuloy niyang batukan ang sarili sa sinabi. He’s not fucking fine lying on that sofa. Ilang minuto pa nga lang ang sakit na ng buong katawan niya, how come kung magdamag pa. Baka bukas hindi na siya makabangon. Hindi naman kasi sa ayaw niya. He is just protecting this woman from him. Mahirap na baka mamaya kung ano pang magawa niya. Romina is a walking temptation, kaya kailangan niyang ilayo ang sarili sa dalaga sa mga ganitong pagkakataon, or else baka lalo lang itong lumayo. He also thinks that Romina is just tempting him. Sinusubukan marahil kung hanggang saan ang pagka-gentleman niya. Fuck that! He is fucking not. He’s not gentle at all.
“Ok, if you said so, “ saad ng dalaga nang iabot sa kanya ang dala nito. Kinuha niya iyon at nilapag sa sofa.
“Yeah, thanks!” kakamot-kamot sa ulo niyang tugon.
“Ok then, kapag may kailangan ka nasa taas lang ako. Or you can join me there.”
Naiwan siyang tulala. Like what the fuck was that? Did Romina invited him to join her? Damn! That’s crazy! Ano bang nakain ng babaeng ’yon at parang bigla namang naging sobrang bait, to the point na pumayag itong matulog siya sa bahay nito. At hindi lang yun inanyayahan pa siyang matulog sa mismong kwarto nito. Kahapon lang puro irap at simangot na mukha nito ang palagi niyang kaharap. Tapos ngayon, Shit! Does Romina mean what she says? Alam ba nito ang pinaramdam sa ka’nya ng simpleng salita na iyon. He is burning in lust. He’s fucking arouse.
Huminga siya nang malalim at bumalik sa pwesto niya kanina. Pinagdugtong niya ang maliit na sofa para ma-extend niya ang binti niya para kahit paano ay mabawasan ang pangangalay niyon. Pinilit niyang winaksi sa isip ang paanyaya ng dalaga dahil wala iyong maidudulot na maganda sa tingin niya. Ilang sandali pa ay sa wakas nakaramdam na rin siya ng antok at tuluyang nakatulog.
CHAPTER 8
Maagang naalimpungatan si Romina, hindi niya ugali ang gumising ng maaga lalo na kung wala namang trabaho na naghihintay sa kanya. But something comes in her nostril and she can’t resist the aroma. Nanunuot sa ilong niya ang masarap na amoy at bigla nakaramdam siya ng gutom. Kaya naman bumangon siya agad at bumaba. She didn’t even care to fix herself. She just walk to see what’s that delicious smell. Deretso siya sa pagbaba nilampasan ang sala na hindi man lang pinag-aksayahang tapunan ng tingin. Gusto na niya agad makita kung anong naaamoy niyang masarap. Mariz might visited her and cook something. Ganun ang trip minsan ng kaibigan niya. Ang biglang sulpot at makialam sa kusina. Kaya naman para siyang tinakasan ng kulay nang mag tama ang mata nila ng lalaking nasa harap niya ngayon at may hawak na kawali.
It was him, that fucking Alex Rodriguez.
“Anong?” Balak niya itong sigawan sana pero nagtaka siya sa inakto nito. Ang mukha nito na parang natuka ng ahas ay biglang namula at mabilis na tinalikuran siya.
“S-sorry, ahm-I d- didn’t mean to, shit!”
Nagulahan siya bigla sa pagkataranta ng kaharap at huli na nang napagtanto niya kung anong itsura niya. She was just on her freaking underware, with a piece of soft linen hanging camisole. Pati tuloy siya ay nataranta na rin.
“Potah!” iyon na lang ang nasambit niya bago magtatakbo pabalik sa silid.
Tangina, sa sobrang kahihiyan. Parang gusto na lang niyang lumubog sa lupa bigla. Lalo na ng ma-analize niya kung bakit nasa kusina niya ang lalaki. Naalala rin niya ang mga nakakahiyang pinagsasabi niya rito kagabi. Tapos ngayon makikita siya nito sa ganoong itsura.
“Potah ka, Romina!” Mura niya habang nakaharap sa salamin. Habang nakatingin sa pulang pula niyang muka. “Potah nakakahiya talaga!” sigaw niya.
“Hey Romina, Are you ok?” Dinig niyang tanong nito mula sa labas ng pinto ng kwarto niya pagkatapos nitong kumatok.
“I’m ok, pwede ka ng umalis!” sigaw niya rito.
“Yeah,” dinig niyang tugon nito. “I cooked something for your breakfast, better if you eat it while it’s hot. No worries, I’m leaving.”
“Ok, thanks!” sigaw niya na ni hindi na pinag-aksayahan pang buksan ang pinto. Ayaw niyang humarap sa lalaki sa sobrang kahihiyan. Like how? Pagkatapos ng mga sinabi niya rito kagabi. Para na rin niyang sinabi rito na isa siyang mababang klase ng babae.
Nakahiga siya nang maluwag nang narinig niya ang tunog ng sasakyan nitong papalayo. Tumungo pa siya sa bintana upang silipin kung sasakyan nga mismo ang umalis. And when she confirms it, bigla naman siyang nakaramdam ng lungkot.
Alex cooked breakfast for her. Bagay na hindi naman ginawa ng kahit sino para sa kanya maliban sa magulang niya at sa kaibigang si Mariz. Who would have thought that a CEO would cooked for some low key woman like her. Bigla tuloy siyang nakonsensya na pinalayas niya ito bigla. Nagluto ito ng pagkain nang ganito kaaga tapos pinalayas niya. Malamang hindi pa ito kumakain.
Lupaypay siyang lumakad pabalik sa kama at dinampot ang cellphone niya. She called Mariz and ask for Alex number. She needs to say thank you, that’s it! Pagkatapos niyang makuha ang numero nito ay muli siyang bumaba. Hindi na siya nag-abalang magbihis dahil sigurado naman siyang nakaalis na ang lalaki sa bahay niya.
Fried rice with bacon and egg. Daing and sizzling squid. Sizzling squid? Why the fuck did he knows her favorite foods? Nanubig bigla ang bagang niya at kumalam ang sikmura. Agad siyang napapwesto sa lamesa. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, masaya niyang nilantakan ang pagkain nasa harap niya. She’s so happy. Nagulat pa siya sa sarili niya nang ma-realize niya ang pakiramdam na matagal yata niyang hindi naramdaman. Genuine happiness. Pagkain lang pala ang magpapasaya sa kanya, edi sana nag-stress eating na lang siya at hindi na niya naisip ang mga walang kwentang kaputang inahan niya sa buhay.
Hanggang matapos ay nakangiti siya. Pagkain lang pala ang katapat niya. Hawak ang cellphone natagpuan na lang niya ang sarili na dina-dial ang numero na kinuha niya sa kaibigan. Ilang beses nag ring iyon bago ito sumagot.
“Hello?”
“Salamat sa pagkain,” she said sweetly. “And I’m sorry for being not so nice to you,” dugong pa niya.
“You’re welcome,” anito, at pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay nakangiti ang lalaki. She just feel it in his voice. “And about you being not so nice, that’s not true. If you remember what you said to me, that was more than nice, baby.”
Napalunok siya at natigilan.
“Hello, you still there?” bakas ang pag aalala sa tanong nito.
“Yes, I’m still here.”
“Sorry for that!”
“Ok, again I just called to say thank you sa pagkain, nothing more.” She just ended the call. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito. She knows that was rude. Hindi lang kasi niya gusto ang pakiramdam na bigla na lang niyang naramdaman. She knows very well, where it was heading.
Pagkatapos niyang maubos ang halos lahat ng nakahain sa lamesa niya, tamad na tamad siyang tumayo dahil sa sobrang kabusugan. Pakiramdam nga niya pang maghapon na niyang kain yung nilantakan niya. Buti na lang at wala siyang diet ek-ek na masisira kung hindi talagang wasak.
The food was so great. Wala sa itsura ng taong iyon ang masarap magluto. He was more like a happy go lucky man. Yung tipo ng lalaki na hindi mo makikita sa kitchen na nag-pe-prepare ng pagkain, bagkus ito yung tipo ng lalaki na nakaupo lang at naghihintay na pagsilbihan siya. But he cooked for you, sigaw ng isang parte ng utak niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang ngumiti sa isiping iyon. Agad niyang pinalis ang kakaibang damdamin, he just cook and no special something about it.
Nagligpit na siya ng kinainan, naghugas ng plato at nilinis na rin ang buong kusina. Alex leave a mess in her kitchen at kahit gusto niyang mainis hindi niya mapigilan ang sarili sa pag ngiti, which is weird. Nang matapos siya sa kusina ay ang maliit na sala naman ang pinagtutuunan niya ng pansin. Nakapatong doon ang unan at kumot na ginamit ng lalaki, maayos na itong nakatupi. At marunong pa lang magtupi ang mukong. Kinuha niya ito para ibalik sa kwarto niya. And when she lift and hug the pillow she suddenly smell that man’s scent. That fucking sexy scent, and memories bring back. That night, when she’s in ecstacy. When he kissed and licked every skin of her body. She remembered how she screamed in his every thrust. How she moaned and ask for more.
“FUCK!” malutong siyang napamura nang mapagtanto ang tinakbo ng isip niya. And that fucking feeling that she has right now. Hindi niya maitatanggi ang biglang pagragasa ng init sa buong sistema niya. Kaya naman halos ibalibag niya ang unan na yakap. “Kasalanan mo toh eh!” sisi niya sa walang kamalay malay na unan. Nababaliw na yata siya at pati unan pinagdidiskitahan na niya. Damn that smell, ano bang klaseng pabango ang gamit ng bwesit na lalaking iyon at kapit na kapit ang amoy sa unan niya.
Inis niyang dinampot ito ulit at umakyat sa kanyang silid. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakahiga sa kama at yakap ang unan at ninanamnam ang amoy na iyon ng lalaking humiga rito.
Some how she found herself feeling calm hugging and smelling the damn pillow. She feels peace that she couldn’t explain. Parang may kung ano sa amoy nito na nagbibigay sa kanya ng kapanatagan. Ang mga bagay na palagi niyang iniisip ay wala ngayon. Pansamantala, alam niyang pansamantala lang iyon. Bukas, muli na naman siguro siyang lalamunin ng kalungkutan at pag-iisa. But she don’t let that happen this time. She will not allow that feeling to consume and win over her this time. She has to face the reality, Joon is gone and he will never coming back. Masyado niyang iniisip ang dahilan kung bakit siya nito iniwan ng ganon na lang.
She questioned and doubted herself. Tapos malalaman niya na meron na pala itong iba. How stupid she is not thinking that reason. Sa lahat ng dahilan kasi iyon lang ang hindi pumasok sa isip niya. Why? Napangisi na lang siya sa kagagahan niya sa lalaking ni sa hinagap ay hindi niya inisip na magagawa sa kanya ang ganon. Joon looks so happy when she saw him at the party. Walang bakas ng pagsisisi sa bawat ngiti at halakhak ng binata kasama ang pinalit nito sa kanya. Oh well, goodluck to both of them.
Tapos na siya sa pagpapakatanga. She has to accept it and move on. No more cryings and no more attempts. Kung meron man siyang dapat subukan, iyon ay ang mga bagay na matagal na niyang gustong gawin. First, she wanted to travel, got a tattoo, and travel again. And the first place on her list was the Island of Siargao. She wanted to learn surfing and unite with the waves. Ang problema nga lang eh kung payagan siya ni Mariz na mag-leave nang matagal. Tiyak na bubungangaan na naman siya nito na para bang kasalanan niya kapag nalugi ang Spa. She was a co-owner, and a partime masseuse kapag trip lang niya. Hindi naman niya kasalanan that she has a hand of gold that gets the knot of someone’s aching body kaya siya ang inaabangan ng mga kliyente nila, lalo na ng mga VIP.
Inantok na lang ulit siya sa kakaisip ng idadahilan kay Mariz. Kaya naman hinayaan na lang niya ang sarili na matulog ulit kahit na kakagising lang niya. She didn’t even noticed that she’s still hugging that damn pillow so tight and keep on sniffing it. Mukhang naadik yata siya sa amoy at feel na feel niyang yapusin ang unang binalibag niya kanina lang. At ngayon lang siya ulit makakatulog ng nakangiti. Yung hindi pinapagod ang sarili niya sa pag-iyak o kaya naman ay dinadaan sa paglaklak ng sleeping pills. It feels so calm.
CHAPTER 9
Alex can’t take that wide smile on his face after hearing Romina’s, thank you. Kahit mukha na siyang siraulo na nakangiti mula sa bahay nito hanggang sa byahe pauwi sa bahay niya. Even a heavy traffic can’t erase his smile. Parang na-enjoy pa nga yata niya ang dalawang oras na traffic sa daan. Nang makababa sa sasakyan ay sisipul-sipol pa siya sa pagpasok sa bahay. Ni wala sa hinagap ang hindi inaasahang bisita na naroon at kanina pa naghihintay.
“You look so happy today, my dear husband!” Awtomatikong napapikit si Alex nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Biglang nawala ang kanina lang ay hindi maalis alis na ngiti sa labi niya. In just one snap his mood changed.
“What brings you here, Gwynette?” walang buhay niyang tanong.
“I heard the news about, Demie,” umpisa nito, mababakas sa boses nito ang panunuya. He was not surprised. Dahil kung meron mang tao na unang matutuwa at pagtatawanan s’ya. It was her, Lynette.
“Yes of course it’s on the news,” kalmang sagot niya. Kung plano ng babaeng ito na inisin siya, well that’s not gonna happen.
“I was just worried about you, dear husband, after all ako pa rin ang asawa mo. Sa mata ng D’yos at sa mata ng batas, aren’t you forget that?”
“Of course I’ll never forget that Gwynette, that’s the worst decision I’ve ever made!”
He does’nt want to say something worst to this woman. Kahit ano naman kasing sabihin niya ay parang walang epekto sa babaeng ito. Sasabihin nito kung anong gusto nito at walang makakapigil. So, he just let her say whatever she wants to say. Kahit tapak-tapakan pa nito ang pagkalalaki at reputasyon niya. He was one the most successful business man in the country but his reputation in woman was a total wreck. Everyone knows it, but no one knows the real score, the real story. At wala siyang balak mag-explain sa lahat ng tao tungkol sa mga desisyon niya sa buhay.
He don’t fucking care what people thinks of him.
“When will you stop playing games, Alex? I let you with that bitch, because what? Ipinamuka n’ya sa akin kung gaano ako ka walang kwenta at halaga sayo. And you just let that slut, you just let her say whatever she wants to me!” Nag-umpisa na naman ang pagtaas ng boses nito and he knows what’s next. “I am your fucking wife! At kahit gaano pa kadami ang maging babae mo! They are all the same! They will leave you! And no one will stay, because me, your wife, I am the only one who could bare this pain you’re causing me!”
Gwynette was crying and hysterically saying those things na paulit-ulit na niyang narinig. But maybe she’s right. Everyone is gonna leave, nothing’s gonna stay forever. He doesn’t believe in that fucking nonsense word that only be seen on dictionary.
“Do you still remember the day when I give myself to you, Alex? That day, na wala naman akong ibang gusto kung hindi ang maranasan lang ang bagay na ‘yun. I just wanted to feel it and I want it to be you. I didn’t ask for more pero ano?” Gwynette already stopped crying, she is now has that creepy smile on her face. “You ask me to marry you because you’re not the kind of man na pagkatapos ng lahat tatalikod na lang. And you know what?” Deretso ng nakatingin sa kanya ang asawa. Wala kang mababasang emosyon sa mga mata nito.
“Stop it Gwynette, it won’t change anything.”
“What happen to that man, Alex? What happen to the man that I married years ago?”
“How many times do I have to answer that question para lang makontento ka, Gwynette? I didn’t change. Not a bit Gwynette, not a bit! Instead of asking me, why don’t you question yourself?” He tsked and walk himself out of his house. Siya na ang umalis dahil alam naman niyang magwawala na naman ito.
Alam niyang hindi tama ang ginagawa niya. Wala naman kasing tama sa takbo ng buhay niya. He was been like this ever since. Maloko na siya sa babae noon pa mang binata siya. Lahat na yata ng kalukohan sa buhay nagawa na niya. Lahat ng klase at tipo yata ng babae dumaan na sa mga kamay niya. And he gets tired of it. Kaya naman ng dumating ang babae sa buhay niya. Naisip na lang niyang mag-settle down.
Ni hindi niya inisip kung anong kahihinatnan ng lahat. He just asked Gwynette out of nowhere na para bang laro pa rin iyon para sa ka’nya. He didn’t even have deep feelings for her. Basta na lang siya nagpakasal.
Gusto niyang magsisi pero wala e, wala naman magbabago if he do that. Kaya ito sila ngayon. Kasal pero parang hindi. Pinag-aralan naman niyang mahalin ang babae, he do love her. Pero hindi kasi niya mahanap ‘yung pakiramdam na hindi niya alam na hahanapin pala niya balang araw. They always fight and argue on nonsense matter. Gwynette never listen. She’s like a stubborn brat na kailangan mo pa palaging sabihan ng mga dapat gawin. Akala niya hindi na siya babalik sa dati niyang buhay.
He was wrong, ika nga ng mga kaibigan niya na palagi siyang inaasar noon.
“There’s a lot of fishes in the sea, but you just put yourself on a fish bowl.”
Matagal na silang hindi nagsasama ni Gwynette, kaya nga nagulat din siya nang nakita niya ito sa loob ng bahay niya. Gwynette knows about his relationship with Demie, his very vocal about it. In fact hindi naman lihim iyon kahit sa business world na kinabibilangan niya at ng babae. It was all in the news because Demie, was a model. Everyone on their circle was asking when he was able to file an annulment. But he choose not to, he let that to Gwynette to save her ego. After all she deserved that. Ayaw n’yang magdulot pa lalo ng sakit iyon sa babae, he cause her so much pain at ayaw na niyang dagdagan pa.
“Are you still broke, man?” tanong ni Gerald, as usual dito na naman siya tumakbo sa tambayan nilang magkaibigan pagkatapos niyang layasan ang asawa sa bahay niya.
“Of course not!”
“Ohh wow, finally move on, huh? Sabagay, kelan ka nga ba nagmukmok dahil sa babae,” saad nito.
“I just wanted to hang out man, nandoon sa bahay ko si Gwynette, kaya umalis ako dun.”
“What? At ano namang ginagawa n’un dun?
“She heard the news about me and Demie,” sabi niya habang abala sa pag inom.
“And?”
“And, alam mo hindi ka rin usisero ano.”
“Of course not,” natatawang sagot na lang ng kaibigan. Hindi na ito nagtanong pa ng kung ano ano. Alam naman nito pag ayaw niyang pag-usapan ang isang bagay.
“Maiba tayo Gie, do you know a massage spa named, La’Vie?
“La’Vie?” ulit pa nito. Pagkatapos ay deretsong iniharap ang inuupan sa ka’nya. “Kailan ka pa natutong magpamasahe sa Spa, ha? At talagang nagsosolo ka at hindi ako sinasama? God man, I’m hurt!” pagdadrama nito.
“Fuck you! Manahimik ka nga, hindi ko nga alam ’yun kaya nga tinatanong kita. Someone just told me about it.” Pagdadahilan niya. Pero totoo naman na hindi pa siya nakakapunta sa kahit anong massage lounge.
“Really?” Bakas sa mukha nito na hindi siya pinaniniwalaan.
“Bahala ka nga sa buhay mo, wala kang kwentang kausap.”
“Ok, pero maiba. Why are you interested about a Massage Spa? Kailangan na ba ng himas ng mga kasukasuhan mo, ha? Sabagay tumatanda ka na rin naman medyo kailangan mo na—”
“Can you shut the fuck up! Sa ating dalawa ikaw ’yung mas mukhang matanda, FYI lang, man.”
“Wow Rodriguez, may I remind you that we’re at the same age.”
“Ow really? Wala sa itsura!” natatawang saad niya.
“Aba tarantado!” pikong saad nito na lalong nagpatawa ng malakas sa ka’nya. Saglit tuloy nawala sa isip niya ang inis.
Gerald and him stayed at the bar, drinking till the last drop. Walang balak umuwi ng hindi gumagapang. And he didn’t want to go home lalo na at alam niyang nandun ang babae sa bahay niya. Mag-aaway lang silang dalawa at mas lalong magkakasakitan. He still respect Gwynette naman kahit paano. Its just that, things won’t work for the both of them anymore. Mas mabuting palayain ang mga bagay bagay kung mabigat na at hindi na masaya rather than stay in the situation that slowly kills the respect for each other.
Ang problema lang is hindi iyon maintindihan ng babae. Gwynette is still hoping and persistent na maaayos pa ang lahat sa kanila. He give her the benefit of the doubt, but still nothing’s change. Mas lalo lang niyang napatunayan na hindi ito ang babae para sa ka’nya. And he don’t have any remorse for leaving Gwynette, he just feel bad about hurting her feelings but that’s all. Matagal din kasi ang pinagsamahan nilang dalawa.
Ang hirap pag hindi ka makalaya sa isang bagay na matagal mo nang sinukuan. Yung tipong nandun pa ang katawan mo pero ang puso at isip mo matagal ng wala. He’s still hoping na matauhan din ang babae at maisip nito na hindi talaga sila ang para sa isa’t, that she could be more happier in someone else arms at hindi sa piling niya.
Alam niya kung gaano kalaki ang kasalanan niya sa babae. He even asked for forgiveness sometimes, but Gwynette misinterpret the things he says. Akala nito ay iniisip niyang ayusin ang relasyon nila. But the thing is, he only asked for forgiveness para makalaya na rin ang babae sa kinikimkim nitong galit at sama ng loob sa kanya. He don’t want her to suffer that much kaya pinipilit niyang ipaintindi rito na tapos na ang lahat. Na wala ng pag-asa pa na maayos.
But still Gwynette, as she is, stubborn like a brat. Wala itong pinakikinggan, ginagawa nito ang gusto nito kahit na makaladkad pa ang buong pamilya nito sa kahihiyan. Kaya hinayaan na lang niya itong gawin ang gusto nito. If Gwynette’s happiness is his downfall, then be it.
Sigurado siyang masayang masaya ito na iniwan s’ya ni Demie. That’s what she always says. Nobody will stay and love him truly. Maybe that was a curse.
CHAPTER 10
“Romina, wahhh!” sigaw ni Monica sa kabilang linya ng telepono na nagpasakit sa tenga niya. What a great morning para mambulahaw sa mahimbing niyang pag tulog. Yes, sa tinagal tagal ngayon na lang ulit siya nakatulog ng normal. ’Yung hindi niya kailangang dumaan sa pag-iyak iyak para dapuan ng antok. “Pumasok ka dali! Pumasok ka, now na!” dugtong pa nito.
“Anong meron Mon, at para kang kambing na hindi maihi?”
“Tseh! Bwesit na babae toh ang dami mong pagkukumparahan sa beauty ko kambing pa talaga, ha?”
“Oh, eh ano nga? Bakit ganyan ka makatili, artista ba yang client na dumating d’yan? BTS ba yan, o SB19? Kung hindi naman I’m not fucking interested.”
“Assumera ka sa BTS at SB19 ha! Ano ka pinagpala sa babaeng lahat para puntahan ng mga idols?” Pang-aasar pa nito sa kanya.
“Eh sino nga kasi, mas madami pa yung tili mo kaysa sa topic e,” tanong niya. Kahit siya na curious din sa inasal ng kaibigan. Sa lakas ba naman ng tili nito na halos magwelga ang mga tutuli niya sa tenga. Sinong hindi magiging interesado.
“He’s here!” excited na sabi nito na animoy kinikilig kilig pa.
“Who? Alam mo Monica, tumigil ka na nga sa pa-suspense mo nanggigigil na ‘ko sayo ha!”
“Miguel is here, hinahanap ka he’s just arrived straight from the airport girl,” ani nito.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang natulala. He’s here. Miguel is here? Why? Dahil ba nasa malungkot na sitwasyon na naman siya ng buhay niya kaya nandito na naman ang binata. To take her pain away. Because he’s been like that ever since. Shock absorber niya sa oras na hindi na niya kaya. Kapag nabibigo siya palagi itong nasa likod niya. At kapag ok na siya bigla na lang din itong lumalayo. Or she is the one who’s keeping the distance between them.
“Hey Romina, nandyan ka pa ba?”
“Yeah, I’m coming there,” wala sa sariling sagot niya.
She will come to see him. God, gaano na ba katagal mula nang huli silang magkita o mag-usap. More than two years siguro, mula noong maging sila ni Joon. Hindi naman lost communication ang dahilan because they both know how to contact each other naman. It’s just like, they have to do it. They have to get rid of each other because that’s the right thing to do. Hindi naman labag sa loob niya ang iwasan at layuan si Miguel but sometimes it saddens her. The fact that Miguel has been always there for her when her life is a mess and be gone when she’s fine.
Now he’s back and the reason is obvious. She’s in a total mess. A mess that even Miguel couldn’t fix anymore. Nagmadali na siyang mag-ayos ng sarili. She’s excited to see him. She has a lot of things to say. So excited to hear him nagging and getting annoyed in her mistakes. Hindi tuloy niya maiwasan alalahanin ang mga araw na magkasama sila. Mga miserableng araw sa buhay niya. Her first heartbreak, her first mistake, first failure. Ang mga pang-aasar nito sa kanya sa t’wing magkakamali siya. And she will never forget how offended she was when Miguel laughed at her when she confessed about her feelings for him. Hindi niya makakalimutan kung paano siya na Friend-Zone ng walanghiya. Kung paano nito sinabi sa kanya na hindi sila pwedeng maging sila dahil…
“Ayuko nga! Hindi pwede!”
“Bakit nga kasi? Mahal nga kita.”
“Tigilan mo na nga ‘yang kalokuhan mo Mina. Halika na, hatid na kita pauwi.”
“Bakit muna kasi? Ayukong umuwi bahala ka d’yan.”
Suddenly she remembered how she had tantrums like a kid. Para s’yang batang hindi napagbigyan sa hinihiling. She cried.
“Are you fucking serious? Hindi nga kasi pwede, Mina.”
“Why?” tanong niya sa pagitan ng pag-iyak. Ni hindi niya alam kung bakit siya naiyak.
“Because nobody will dry up those tears when you cry again. Nobody will come if you get hurt. Nobody will nagged and tell how stupid you are. That’s my duty in your life. That’s it, nothing more.”
“Pero mahal nga—”
“Tumahimik ka na nga. Kulit mo talaga!” anito pagkatapos guluhin ang buhok niya.
Since then, hindi na niya inulit pa ang kagagahang iyon. She never said that word again. She just buried it deep in her, kahit pa may mga pagkakataong minsan hinihiling n’yang sana ito na lang ang maging boyfriend niya. Na sana magkaroon ng label ang bagay na meron sila. Because they both know that they are not just a fucking friends.
Walang magkaibigang naghahalikan ng may malisya. Natawa na lang siya habang papunta sa Spa. Miguel is waiting there straight from the airport, that’s what Monica told her. She was smiling all through her way. She missed him. She missed him treating her like a baby. He even called him Baby, that was Miguel’s endearment to her.
Ang lapad ng ngiti niya sa labi habang pababa ng taxi na sinakyan. Hindi naman masyadong halata sa mukha niya na excited siya. Halos takbuhin lang naman niya ang entrance. And when she entered and saw his smiling handsome face. She did not expect the tears coming from her eyes while running to his arms. Miguel hugged her back. Na para bang sinasabi nito na everything will be alright dahil nandito na ito.
“Ehem, baka nakakalimutan n’yong nandito ako sa paligid ano?” Monica cut the scene. Kahit kailan talaga walang magandang naidulot itong si Monica sa buhay niya. Hindi tuloy niya alam kung bakit naging bestfriend niya ang babaeng ito.
“Sorry Mon, I just miss her so much.” Nakangiting baling dito ng binata. S’ya naman ay parang nahipnotismo na naman sa boses nito na sobrang lambing kung magsalita. Nakatitig lang siya sa binata habang nakayakap ang braso nito sa bewang niya.
“Ok, pero ’wag kayo ditong magyakapan sa harap ko. Nakakairita! Lumayas na kayo.” Natawa na lang sila parehas ng binata sa tinuruan ni Monica. Miguel knows Monica and Monica knows the thing between them. That they are just friends.
“Bye Mon, see you later. I’ll bring her home before midnight.” Paalam ng binata.
“Hay naku Miguel kahit wag mo na ’yan ibalik!” pahabol na sigaw ni Monica. Such a nagger talaga.
Magkahawak kamay silang lumabas ng Spa. Inalalayan pa siya nitong sumakay sa nakaparadang Audi, pagkatapos ay ito rin ang nag-ayos ng seatbelt para sa kanya. Miguel is always been like this ever since. Walang pinagbago. Just some little features on his face. Pansin kasi niyang mas naging lalaki itong tingnan ngayon. He still have that set of deep eyes and thick brows. His luscious lips and his smile.
“Done checking?” anito habang nakangising nakatitig sa kanya. She didn’t notice na hindi pa rin pala sila umaalis sa parking area.
“Ha?”
“I’m asking if you’re done checking my face? Baka kasi maabala ka sa pagtitig sa mukha ko kapag pinaandar ko ’tong sasakyan. How is it? Mas gwumapo ba ako ngayon?”
“Alam mo hindi pa rin nagbabago ‘yang kakapalan ng pagmumuka mo Zuez Miguel Guzman ano? Minsan kabahan ka naman sa pagbubuhat mo ng bangko.”
“Wow Romina Saldivar, what a great welcome. Parang kanina lang para kang sawa sa higpit ng yakap mo sakin tapos ngayon—”
Tinapunan niya ito nang matalim na tingin. Then a moment of silent between them before they both burst in laughter.
“Bwesit ka talaga kahit kelan!” She sighed. “I missed you.” Then she started crying. Ni hindi niya alam kung bakit siya biglang naiyak.
“I miss you too Baby, I miss you so much.”
“Why you came so late?” tanong niya.
“I’m sorry Baby, I just thought you could fix it by yourself and you don’t need my help anymore. I’m sorry.”
“You owe me a lot!”
“Yeah I know, let me make it up to you this time,” seryosong saad nito bago pinausad ang sasakyan.
“Let’s have some Ramen in my house.”
“Are you up to something huh?” nakangising tanong na naman nito. Miguel never fail to annoy her every time he smirk like a fucking asshole.
“Wag ka ngang pilingero masyado!”
“I know what you’re up to, I heard about it in some Korean Drama that when you ask a guy to eat Ramen on your house you are planning to seduce him, ’di ba ganun ‘yon?”
“Ay wow bakit anong tingin mo sa sarili mo Oppa? Mahiya ka nga. Kapal ng mukha!”
“Haven’t you heard? I’m the Gong Yoo of the Philippines.” Muntik na siyang mabilaukan sa sarili niyang laway dahil sa sinabi nito. The nerved he compare himself to Gong Yoo. Mukhang dumoble yata ang tama sa utak nitong si Miguel mula noong huli silang nagkita at nagkasama.
“Gong Yoo, huh? Really?” Hindi na niya na pigilan ang sarili sa tinitimping tawa. She laughed so hard. Ni hindi na niya namalayan na nakarating na sila sa bahay niya. Hanggang sa pagbaba nila tumatawa pa rin siya. She couldn’t help it. The fuck! Gong Yoo, talaga?
“Baka gusto mo nang tumigil sa pagtawa para buksan ang pinto?” Miguel sarcastically said to her, kunot na ang noo nito at halatang hindi na natutuwa. But still she can’t help herself but to laugh.
“Ok mister Gonggong Yoo the door is open, tadah!” Then she burst again. Dere-deretsong pumasok ang binata sa loob habang siya ay nakatayo pa rin sa pinto at nagtatawang mag-isa. She can’t stop. Daig pa niya ang nakahipak ng cannabis sa laughtrip niya. Nakasimangot na talaga ang mukha nito nang madatnan niya sa sala. Nilapag niya ang dalang gamit sa lamesa at dumeretso sa maliit niyang kusina at kinuha ang Instant Ramen noodles na nakatago sa cabinet. Nagsalang ng tubig at inihanda ang iba pang ilalagay sa ramen. Miguel wants a lot of spring onion on it kaya naman iyon ang kasalukuyan niyang inuna. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya kaya naman bahagya siyang napapitlag nang maramdaman ang mga braso nitong yumapos sa bewang niya mula sa likod. Nilingon naman niya ito at binigyan ng ngiti. Medyo nakakaasiwa para sa kanya but he just let him do it. Ganun naman talaga ito sa kanya noon pa. Miguel is sweet and caring at alam niyang hanggang doon na lang iyon. Matagal na siyang tumigil sa pantasya niya at isa pa, the feelings she had for him just fade away. Mula nung maging sila ni Joon ito lang ang lalaking pinagtuunan niya ng buong atensyon at pagmamahal and she forgot about Miguel. And now she’s alone and suffer bumalik na naman ang lalaking ito na palaging sumusulpot sa oras na wala na siyang matakbuhan.
“Looks so yummy,” ani nito na ipinatong pa ang baba sa balikat niya.
“Yummy? Wala pang luto, anong yummy ang pinagsasasabi mo r’yan. Umiiral na naman ‘yang pagkapatay gutom mo kaya pati itong dahon ng sibuyas masarap na para sayo?” B bulyaw niya.
Miguel just laugh and hugged her even tighter. Napatigil tuloy siya sa ginagawa at napatuwid sa pagkakatayo nang maramdamang lumapat ang ilong nito sa leeg niya.
“I missed you,” bulong nito sa kanya. Miguel is sweet and he always be, alam niya iyon. Hindi lang niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya ngayon. She feels something in him na medyo awkward na sa pakiramdam. Unlike before na kahit yata yakap yakapin siya nito ok lang dahil wala naman itong feelings sa kanya. He just treat her like a friend kahit pa nga nagtapat siya rito nang makailang ulit.
“I’m so stupid Mina.” Umayos ito sa pagkakatayo at pagkakayakap sa kanya, habang siya nanatili lang sa pwesto. She can’t move na para bang naghihintay niya kung anong sasabihin ng binata. “I let them hurt you. Ikaw na ginusto kong palaging maging masaya.”
“Ano bang sinasabi mo r’yan ha? Why so serious? Hindi ako sanay na ganyan ka Migz ha! Gutom lang ‘yan, sige na balik ka na dun sa sala and wait for the food.”
“Mina.” Kinabig siya nito pa harap. “I am so stupid that I always restrain myself. Alam mo kung anong nararamdaman ko noon pa. That you’re—”
“I’m what?” she ask, kahit hindi naman na siya interesado pa sa sagot nito.
“You’re the love the I never had, Mina.”
Napapitlag siya nang marinig ang pag-iingay ng doorbell. Awtomatikong napalis rin niya ang nakayakap na braso ni Miguel sa bewang niya at tinakbo ang pinto. She open it widely at bumulaga sa kanya ang hindi inaasahang bisita.
“Hi,” Alex Rodriguez greeted her.
“H-hi.”
“Sorry kung dumaan ako nang walang pasabi, I just want to give you—”
“Baby, did Monica came?”
Napapikit na lang si Romina nang marinig ang boses ni Miguel sa likuran niya. She feels tension right away. Lalo na nang lumapit ang binata sa tabi niya at lumusot ang kamay nito sa bewang niya. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang itsura ng lalaking nakatayo sa tapat ng pinto niya nang mga sandaling iyon. She doesn’t know what to react and what to feel. Pakiramdam niya may ginawa siyang kasalanan. But to whom?
“Hi.” Bumalik siya sa reyalidad nang marinig ang boses ni Alex. “I’m Alex Rodriguez,” Pagpapakilala nito, at naglahad pa ito ng kamay.
“Zeus Miguel Guzman,” ani ng binata. Hindi niya alam kung bakit tila nagdadasal siya na wag na sanang magsalita ng kahit ano si Miguel.
Pero ano naman ngayon sa kanya kung ano man ang sabihin nito kay Alex Rodriguez. Ano bang pakialam niya sa iisipin ng Alex na ’to.
“Ahm, I just dropped by to give you this,” anito sabay abot ng bitbit nitong box. Agad naman niya iyong kinuha. “Sige mukhang busy ka, I gotta go.”
Agad itong tumalikod at lumakad palabas ng bakuran niya. The next thing she knew, nasa labas na rin siya at hinahabol ang lalaki.
“Wait, Alex!” tawag niya rito nang makitang mabilis itong sumakay sa koyse nito. “Saglit lang,” Bumaba naman ito agad nang makita siya. “Ahm, ano kasi Alex. Miguel is ahm… he’s just a friend.”
“Yeah, nothing to explain about it Romina. I just came to give you that, I have to go.” Pagkasabi nito niyon at mabilis pa sa alas kwatro itong nawala sa harapan niya. At siya nanatiling nakatayo roon na para bang may mabigat na bagay siyang nagawa. She can’t explain what is going on. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang pakiramdam niya na umalis si Alex.
“Hey baby, the food is ready come inside.” And there is Miguel inside her house calling her. Ni hindi na nga niya naintindihan ang sinabi nito kanina bago dumating si Alex. Tapos ngayon pakiramdam niya kailangan niyang magpaliwanag kung bakit niya hinabol pa ang lalaki sa labas. She doesn’t know what is happening to her. Ano bang issue niya sa sarili niya at masyado yata siyang paranoid at assumera. Miguel is just a friend? Bakit ba niya sinabi iyon kay Alex ngayong alam naman niya sa sarili niya that Miguel is not just a friend, that he is more than that. And what is that Alex to her? Wala naman, he’s just a stranger.
“Let’s eat!” Aya ng binata pagpasok niya sa bahay. Everything is ready on the table. Mukhang inayos na nito at inihanda lahat dahil natagalan siya sa pagtunganga sa labas.
“Yeah, let’s eat.”
Tahimik silang kumain. Miguel did not ask her anything about Alex. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito pero nagpapasalamat siyang hindi na ito nag-usisa pa. Tinulungan siya nito sa pagliligpit sa pinagkainan nilang dalawa.
“I wanted to sleep here tonight but I think this is not the right time,” anito.
Tumango na lang siya sa sinabi nito. “I gotta go, see you tomorrow baby.” Miguel kissed her on the lips before she knew.
CHAPTER 11
“Damn it!” mura ni Alex matapos ihagis ang bote na hawak niya. He saw it with his own eyes. Hindi naman siya umalis agad sa bahay ng dalaga because he just can’t let her be with a man alone. Hindi siya makaalis knowing na may ibang lalaki itong kasama sa bahay. And why the hell Romina let that man stay in her house. Hindi niya alam kung bakit kumukulo ang dugo niya kanina pa. Nakita lang niya kung paano dumapo ang kamay nito sa balat ni Romina parang gusto na niyang baliin lahat ng buo nito sa katawan. Tapos makikita niya na hinalikan nito ang dalaga. And it’s not just a simple kiss. That pervert kissed Romina on the lips. And Romina just let him. Why?
Why she let that man kissed her if he was just a friend? Niluluko ba siya ng dalaga ng sinabi nito sa kanya na kaibigan lang nito ang lalaking iyon. Why would she do that?
“Hey dude, bakit nandito ka? Nagsosolo ka ata?” Gerald sit beside him. “Mukang nakarami ka na ah, problema mo?
“Wala!”
“Wala? At kelan ka pa natutong lumaklak mag-isa kung wala kang problema? Come on Dude, I won’t buy that.”
“Wala nga! Just want a refreshment.”
“Wow ha! Ayos ‘yang refreshment mo.”
Isang bote ng rhum ang naubos niya. At hindi pa siya nakontento dun dahil may bitbit pa siya sa sasakyan. Wala sa isip niya ang umuwi sa bahay niya, Lynette might still there. He just drive at one direction. At iyon ay ang daan papunta kay Romina. Kanina pa siya mababaliw sa kakaisip sa nakita niya and he need an answer right away.
Alam niyang wala siyang karapatang magtanong at mag demand ng sagot mula sa dalaga but he can’t help himself. He need a fucking answer. Halos magbuhol-buhol ang paa niya sa kalasingan. He knocked so hard at halos magiba na niya ang pinto ng bahay na kinakatok niya. And when the door opened. He just smirked at the woman who’s standing in front on him. Who looks worried and shocked.
“Alex!” gulat nitong tanong nang sunggaban niya ito ng yakap pagbukas na pagbukas nito ng pinto. Nakatulong ang presensya ng alak dahil hindi na niya kailangang ipaliwanag kung bakit niya iyon ginawa. He’s drunk, that excuse will do. “Anong ginag-? Bakit ba lasing na lasing ka?”
Romina’s voice is like a sweet melody to his ears. She’s sounds so worried and he likes it. Ni hindi siya nito tinulak palayo. Romina just let him. Inalalayan yan siya nito hanggang makapasok sa bahay at maiupo sa sofa na malapit lang sa mismong pinto. Ayaw pa sana niyang bitawan ito pero wala siyang nagawa nang tumayo ito at lumayo. She is murmuring something that make him smile secretly. Yes he was drunk, but he knows what is going on and he heard clearly what Romina is saying.
“Bakit ka ba naglasing lasing? Tapos nagdrive ka pa para pumunta rito, alam mo bang delikado ‘yang pinag-gagagawa mo ha!” Panay ang salita ng dalaga habang abala sa maliit na kitchen ilang metro lang ang layo sa kanya. Nang bumalik ito ay may bitbit na itong maliit na planggana. “You shouldn’t be here Alex,” ni nito na inumpisahang punasan siya ng face towel sa mukha.
“Why? Dahil ba dun sa kaibigan mo?” tanong niya. Hindi na niya napigilang magtanong tungkol sa bagay na iyon. Alam niyang wala siyang karapatang kwestyunin ang bawat galaw ng dalaga,but he can’t help it. “Is he really your friend Romina?”
“You’re too drunk Alex, you shouldn’t drive like that.”
“I don’t care! I want to come here, I want to know what I saw.” Demanding na kung demanding but he wanted to know the truth about Romina and that Miguel guy. Hindi siya matatahimik hanggat hindi niya nalalaman kung ano at saan ang lugar niya.
“Ah- ano bang sinasabi mo?” Tumayo na ang dalaga at lumayo bitbit ang planggana na ginamit nito. He know Romina is just avoiding something. But why?
“Is he really a friend? If that’s so, why he kissed you like that?”
“He was just a friend!” walang kagatol-gatol na sagot nito. “And why he kissed me? Because he want to. That’s it! Hindi ko naman siguro kailangang mag-explain pa sayo hindi ba?”
“Because he wants to? Yah! That’s good. So, are you saying that everyone who wanted to kiss you can kiss you freely? Because they want to?”
“You’re talking nonsense Alex.”
“No! You said it clearly.”
“Teka nga! Ano bang problema mo ha? If he kissed me, he kiss me. Big deal ba ’yun sayo?”
“Be my girlfriend Romina!”
“Why?” Hindi niya alam kung bakit ganun ang tanong nito. Hindi naman siya nag-i-expect na mag oo ito sa sinabi niyang iyon. He didn’t even know himself why he told her that thing. It’s not a question by the way. It was more like a command.
“Because I want to!”
“You better sleep Mr. Rodriguez, mukhang masyadong marami yata ang nainom mo. If it is ok na rito ka ulit sa sofa matulog, I’ll get some pillows upstairs.”
“Pwede bang sa kwarto mo na lang ako matulog?” seryosong pasaring niya. Malay mo pumayag, eh ’di masaya.
“You’re asking too much,” anito bago siya talikuran.
“Sabi ko nga!” Naupo siyang muli sa sofa at hinintay bumaba ulit ang dalaga. Maybe he really asking too much. But what he said earlier is all true. He mean it. At hindi tanong iyon na kailangan pang sagutin ni Romina.
Ilang saglit pa ay bumaba na ito bitbit ang unan at kumot na siya rin niyang ginamit last time na natulog siya sa bahay nito. Pagkatapos ay tinalikuran siya nito ulit at mabilis na umakyat sa kwarto nito. Masyado yata niya itong binigla sa kapreskohan niya. Kaya naman nagulat siya nang biglang bumukas ulit ang pinto nito.
Romina hold a single mattress na halos mas malaki pa sa katawan nito. Muntik na siyang matawa until he realized that it was for him she was holding. Sinalubong na niya ito bago pa man ito humakbang pababa sa hagdan. Siya na mismo ang nagbaba ng dala nito because he knows it was for him. Alangan namang bitbitin pa nito ang kama nito para tabihan siya, kung pwede naman niya itong tabihan sa kwarto nito sa taas.
“I was just noticed na hindi ka kasya sa sofa. Masyado kang mahaba baka masira pa yung upuan ko sayo. May extra mattress pa naman ako sa taas, so there it is. Use it.”
“Masyado akong mahaba? Wow ha,” natatawang komento niya.
“Your height is what I’m talking about, bastos!”
“Kaya nga! May sinabi ba akong masama? Bastos agad? Hindi ba pwedeng natawa lang?”
“Ewan ko sayo, bahala ka nga sa buhay mo!”
Hindi niya maiwasan mapangiti when Romina run to her room. Inayos na niya ang kutson na binigay nito. Feel at home na feel at home siya sa bahay. Iniurong niya ang lamesa sa gitna at duon ipinuwesto ang hihigaan. Para lang siyang nag ka camping sa loob ng bahay ng dalaga. Hindi niya maiwasan isipin ang mga sinabi niya rito. He command Romina to be his girlfriend, and she doesn’t protest about it. She doesn’t say no. Is it mean yes?
Kung ganon, kailangan ba niyang ipaalam sa dalaga ang tungkol sa kanya. Ang totoong estado niya sa buhay. Does Romina have to know that he was married? Bakit bigla siyang natakot sa bagay na iyon. He was never like this before. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay niya, never in his life na nag-alala siya sa iisipin ng iba. Every woman in his life knows where to stand. At wala ni isa sa mga babaeng yon ang pinilit niyang maging parte ng buhay niyang sobrang gulo.
And now he ask Romina to be part of his Goddamn life. Kaya ba niyang gawin ‘yon, gayong alam naman niya ang pinagdadaanan nito ngayon. Is he taking advantage of her situation right now. He knows how vulnerable Romina is at this very moment. Paano kung masaktan lang pala niya ito kahit na ang gusto lang niya ay makita at makasama ito palagi.
Nakatulugan na ni Alex ang pag-iisip. Not knowing that the woman he thinks of came after him. Romina check after Alex. She check if he’s ok. At nang makita niyang himbing na itong natutulog sa sahig, bumaba siya at lumapit. Inayos niya ang paa nitong halos lumampas na sa kutson. Inayos niya ang kumot at iniipit sa gilid ng kutson para hindi iyon mawala sa katawan nito. Tumigil siya sandali at umupo sa gilid. Pinagmasdan lang niya ang mahimbing nitong pag tulog. Mukang masyado talaga itong maraming nainom dahil kung anu-ano na ang sinasabi nito kanina. Kinabahan siya sa sinabi nito kanina. Hindi kasi iyon basta tanong lang, he sounds like he was telling her to be his girlfriend, na para bang hindi siya pwedeng humindi.
Napabuntong-hininga na lang siya at akmang tatayo nag hagipin nito bigla ang kamay niya.
“Be mine!” wala sa sariling saad nito habang hawak ang palad niya. Then he slowly let it go. Muntik na siyang atakihin sa puso dahil akala niya gising ito. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbalik na ginawa niya sa kwarto niya. Baka mamaya tuluyan pa niyang magising ang mukong na iyon at kung ano pang isipin nito.
Romina force herself to sleep kahit na hirap na hirap siya. Her face feels like burning after what she heard. Pakiramdam niya nag-init lahat ng dugo niya sa katawan.
“BE MINE!”
Paulit-ulit sa pandinig niya ang salitang iyon hanggang sa makatulog na lang siya ng may ngiti sa labi.
Romina wakes up peacefully na para bang hindi siya napuyat sa kakaisip boung gabi. She didn’t even know what is the exact time she did sleep but she’s hundred percent sure that it’s nearly morning.
Kaya naman mabilis na siyang tumayo at nagtungo sa banyo to take a quick bath dahil super late na siya sa Spa. Siguradong magbubunganga na naman si Monica, and that would be a big problem dahil baka mapurnada pa ang plano niyang humingi ng vacation leave. Although she doesn’t have to follow Monica’s order because they both own the business. She just simply can’t tolerate Monica’s mouth nagging her like a mother. At mas mabuting magpagood shot dito after she drop the bomb that she wants a fucking vacation leave.
After she finished refreshing herself. Putting clothes that’s unusual for a woman to wear at work is her next thing to do. She even smile looking at herself at the mirror wearing a black shirt that she bought a couple of weeks ago. The kind of clothes she used to wear before. It’s back, she is back. Tied her hair to a messy bun na hindi na niya pinag-abalahan pang suklayin man lang. A tattered pant and a pair of sneakers. And she’s all set.
She totally forgot na may ibang tao sa bahay samantalang boung gabi siyang hindi nakatulog dahil doon. Pasipol-sipol pa siyang habang palabas ng kwarto. Pababa na siya ng hagdan nang salubungin ang pang-amoy niya ng nakakapanubig ng bagang na amoy. Someone is cooking.
Agad niyang tinungo ang kusina at hindi nga siya nagkamali someone is busy doing something on her kitchen. And that someone done a lot of mess. But she guess the mess it worth it dahil sa mga pagkaing nakahain sa lamesa niya.
“Good afternoon Loves.” Romina almost dropped her eyeball on the floor after hearing what Alex called her.
“What did you call me?” she hesitant to ask but she know she haved to.
“I call you Loves because you’re my girlfriend now. And mine alone.”
“Ahm I think there is a missed understanding here Alex… ahm we should talk about—”
“BABY!”
Romina just shut her eyes nang bumukas ang pinto ng bahay niya kasabay ng pag tawag ng pamilyar na boses na iyon.
“M-may bisita ka pala?” It was Miguel that now is standing at the door.
“Nope pare, I’m not her visitor. I sleep here and I’m her boyfriend.”
“Alex!”
“Uhm- I guess I better leave?”
“Yes you may!” may diin sa boses ni Alex ng sabihin iyon. And there she is standing like a rock na hindi maintindihan kung anong dapat gawin. Miguel just leave and gone, she wanted to run after him and explain, but what she should explain.
“Why did that moron call you baby? Are you more than you told me yesterday?” Romina just hold her breath after hearing Alex. Parang na pressure ang utak niya sa tanong na iyon.
“Ok, don’t bother to answer that question if you don’t want to. Just sit down and eat. I cooked all of this for you and I don’t want them to waste just because of my stupid question.” Alex move the chair and she just sit.
He even put the food on her plate. That’s too much for her. He shouldn’t do things like this. Tahimik siyang kumain at ganon din ito. And she doesn’t hear anything from him anymore. Hanggang natapos silang kumain at ayusin ang buong kusina. Hindi na niya narinig pa itong magtanong kung anong meron sa kanila ni Miguel. At parang bigla hinahanap niya ang boses nito.
“Aren’t you gonna ask me again about Miguel?” wala sa sariling tanong niya.
“I don’t wanna talk about it anymore. If you say he’s a friend then he is.” Napalunok na lang siya sa tinuran nito.
Why Alex is being grumpy, samantalang kanina ngiti nito ang sumalubong sa kanya. Ngayon biglang magsusungit na akala mo talaga may karapatan itong sungitan siya. Funny thing is she just let that.
“I’m going to the Spa, I have a lot of work to do.” Hindi niya alam kung pag papaalam ba iyon or she just asking Alex to leave pero mas tunog nagpapaalam siya sa lalaki.
“You’re not going to work today and tomorrow Romina, and maybe one week?”
“What?”
“I asked Monica to give you a seven days vacation leave and she agreed to me. I know you need this.”
She was just speechless and can’t believe that Monica really did agreed to this. But she’s very excited.
“Where you wanna go?”
“Any suggestions Mr. Rodriguez?”
“You didn’t correct me when I told that moron that you’re my girlfriend. Is that mean—”
“You didn’t know what it cause you being my boyfriend Mr. Rodriguez, let’s shake it off!” She just give Alex a creepy smile. And this man thinks that she’s easy because of what happened to them. Then he is wrong. If he wanted to play then she will play the game. Men always want to play the game and it’s time for her to enjoy life. Do whatever life would offer, even sins.
Hindi niya alam kung anong motibo ng lalaking ito para alukin siya para maging girlfriend nito at wala na siyang pakialam kung ano pa iyon. She has to enjoy every single minute of her life na nakalimutan na niya ng matagal na panahon. She wanted to live wild, young and free. Young is a question mark malapit na nga pala siyang mawala sa kalendaryo pero hanggang ngayon wala pa ring pinatutunguhan ang buhay niya. She always left herself behind, she cared to much for those people na sa huli tinalikuran lang siya.
And there this stranger who came in her life suddenly. A very complicated man, a mortal sin. Pero problema pa ba niya iyon kung masangkot siya sa magulong buhay nito. After all matagal naman ng magulo ang buhay niya. Nothing will change, being a girlfriend of a married man won’t make a change. Her life is a mess anyway.
Hindi niya pinangarap maging mistress but this time it is sound so exciting to her. Hindi naman ganon kalala ang patulan ang kalukuhan ng lalaking ito because she’s not the reason of his broken marriage. So nothing to worry about kung may masasaktan siyang iba. Iyon pa rin naman kasi ang prinsipyo niya sa buhay. Hurting someone’s feelings won’t make you a better person.
At hindi niya gugustuhing makasakit ng iba dahil alam niya ang pakiramdam niyon.
CHAPTER 12
“Why did you choose Baguio? Do you know anyone there?” Matagal na niyang gustong pumunta sa lugar but she doesn’t have the time. Masyadong natuon ang panahon niya sa isang tao at nakalimutan niya ang sarili niya. She should’ve explore the world.
“I asked Monica about the place and she told me that you want to come here, so I bring you here,” sagot ni Alex habang nakatuon ang paningin sa daan. He’s driving a black 2020 4x4 Rubicon Wragler Jeep. Napangiti na lang siya nang maalala kung gaano siya na-amazed nang makita niya kanina ang sasakyan. Boung akala kasi niya ang magku-commute lang silang dalawa. But here it is, she’s riding a 4x4 all the way to Baguio. Road trip as it’s finest.
“Why are you doing this?” out of nowhere niyang tanong.
“Ang alin?”
“You know what I’m talking about Alex. There is nothing good about being my boyfriend. Wala kang mapapala sa akin. I’m just a plain woman, nothing is special about me,” paliwanag niya. But Alex just smiled at her showing his Goddamn dimples. “Bahala ka nga sa buhay mo! I will sleep, gisingin mo na lang ako kapag nandun na tayo.”
Isiniksik niya ang katawan sa gilid para umayos ng pwesto, nang mapansin naman iyon ng lalaki at agad nitong inayos ang setting ng inuupuan niya. At ngayong maayos na ang posisyon niya mas madali sa kanya ang makatulog sa byahe.
Masarap ang naging tulog niya buong byahe pakiramdam niya ay nakasakay siya sa isang duyan habang inuugoy. Kaya naman mas lalo niyang isiniksik ang sarili. Nakakatulong ang mabangong amoy na nalalanghap niya sa mga sandaling iyon. And hindi niya maintindihan ay kung bakit parang napakalapit lang ng amoy na iyon sa kanyang ilong. Langhap na Langhap niya ang pamilyar na amoy pero hindi niya matukoy kung ano iyon. At kung kanina ay ramdam niya ang lamig sa loob ng sasakyan ngayon ay wala siyang ibang nararamdaman kung hindi ang init na nakadikit sa kanyang katawan. Suddenly she realized something, at para makumpirma kung tama nga ang nasa isip niya. Unti-unti siyang magmulat ng mata. And she’s right, dahil buhat buhat siya ng lalaki at papasok na ito sa kung saan.
“What are you doing? Bakit hindi mo na lang ako ginising? Kaya ko namang maglakad!” inis na saad niya. May karapatan naman siguro siyang mainis kung basta na lang ito gumagawa ng desisyon without asking her. Nagkumahog siya sa pagbaba mula sa bisig nito.
“Ang sarap kasi ng tulog mo, I just don’t want to disturb you,” paliwanag nito pero hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Iyon ay dahil bigla siyang na-guilty when she saw sadness in his eyes.
“Saan mo ba ako dadalhin?” Pinilit niyang iniwasang tumingin sa mga mata nito. Walang maidudulot na mabuti dahil masyado s’yang mahina pagdating sa ganitong mga bagay. Mens are deceiving at kung meron man siyang natutunan sa buhay niya iyon ay ang ’wag magtiwala sa mga tao sa paligid. Lalo na iyong mga tao na sobra kung magpakita ng mabubuting bagay kahit hindi ka naman nila ganon kakilala. Suspicious ika nga.
“I already rent a transient house kanina nung natutulog ka sa sasakyan. And we’re already going there kaso nagising ka. Pasensya ka na kung binuhat kita ayuko lang sana maabala ang tulog mo. You look tired and—”
“Log Cabin?” tanong niya ng matanaw ang hindi kalakihang Cabin ’di kalayuan sa likuran ni Alex. A cute cabin made of local pines. Bigla tuloy siyang na-excite kaya naman nagpatiuna na siya sa paglalakad patungo roon. Kasunod niya itong lumakad. At nang makarating siya sa mismong tapat ng pintuan ng maliit na Log Cabin ay inabot nito ang susi sa kanya. Agad niyang binuksan iyon at tumambad sa kanya ang nakamamanghang desenyo ng buong Cabin. Hindi lang pala sa labas iyon gawa sa Pines kung hindi maging ang loob nito. May isang kwarto at spacious na kitchen, na perfect for couples dahil mukhang wala ka ng kailangan pang problemahin dahil kumpleto na iyon sa gamit.
“You like it? Kung hindi, we can rent somewhere else.”
“Nope! It’s fine, I like it.”
“Sounds great!” masiglang saad nito.
Akmang tatalikod na ang lalaki ng pigilan niya ito. She wanted to tell something. It might look strange but she has to say it. “Ahm Alex… about us. I just want to tell you that can you please don’t take it seriously? You know I’m not into relationship now.”
“It’s ok! Do what you want Romina. Do what makes you happy. I won’t mind. I’ll do the same, vice versa. Let’s just be fair and enjoy what life would offer.” Ngumiti naman ito nang sabihin iyon pero bakit pakiramdam niya hindi umabot sa mga mata nito ang ngiting iyon. Naiwan siyang nakatanga nang tumalikod ito at lumakad palabas. Sumunod naman siya at tinanaw na lang ito. Bumalik ito sa sasakyan at kinuha ang mga dala nilang gamit.
Why she feels awkward at the way Alex let her do what she wants, hindi ba’t iyon rin naman ang balak niyang sabihin dito bago pa ito magsalita. Bakit nakaramdam siya ng lungkot?
Nang bumalik si Alex ay bitbit na nito ang traveling bag nilang dalawa. Hindi tuloy niya maiwasang matawa dahil nagmumukha silang dalawang bagong kasal na mag-ha-honeymoon dito sa Baguio. At nang ma-realize niya ang nasa isip bigla na lang siyang namula sa hiya. Nag-init bigla ang boung mukha niya. Why she thinks of that perverted things with Alex? Sa dami ng pwedeng maisip, honeymoon talaga?
“Ohh, napano ka? Bakit ganyan ‘yang mukha mo? Are you ok?” Akmang lalapitan siya nito at hahawakan sa mukha nang umatras siya.
“I’m ok! Medyo nainitan lang ng konti,” pagdadahilan niya.
“Nainitan? Here in Baguio City? Are you sure you’re ok, Romina?” may bahid na ng pag-aalala sa boses nito. Habang s’ya halos makagat na ang labi sa kabobohan ng palusot niya.
The weather is so damn cold tapos siya nainitan. What the heck?
“I’m fine Alex baka nangawit lang ako sa byahe kaya medyo mainit sa pakiramdam.” Tinalikuran na niya ito at nagtungo sa kwarto. Spacious ang loob with a double size bed. Para talaga sa mag asawang mag-ha-honeymoon. Ok, enough of the idea. Hindi na siya natutuwa sa mga bagay na pumapasok sa kukote niya. Masyadong contaminated ang mga iyon at nakakainis.
“I will go out and buy some stuff. Wanna come?” tanong nito sa kanya habang nakatayo sa tapat ng pinto ng nagsisilbing silid. First day nila bilang mag jowa, hindi niya alam kung dapat ba siyang sumama o ano. “Ok lang kung mas gusto mong magpahinga, mabilis lang naman ako sa labas.”
That deep baritone voice, matched with a wide smile and that deep hole in his cheeks. Ok! Masyado na yata siyang nag-ienjoy sa view. She didn’t even realize na napanganga siya.
“Ahm-I-I’ll go with you. Sandali lang, hahanapin ko lang yung jacket ko.”
Magkasabay halos silang naglakad palabas, ito na rin ang nag-locked ng Cabin. Nakahawak pa ito sa siko niya at nakaalalay habang palapit sila sa sasakyan. Maging sa pag sakay niya ay nandun pa rin ito sa tabi niya para umalalay. Hindi yata magandang sumama pa siya. Nagiging pabigat pa yata siya at alagain or intindihin nito. At ayaw niya ng ganon. Ayaw niya pero bakit nagugustuhan niya ang mga ginagawa nito. She feels like a broken crystal and she doesn’t know if this man is trying to fix her.
Magkasama silang namili nito ng mga kakailanganin nila sa ilang araw na pag stay sa lugar. Alex also bought a lots of strawberries nang sabihin niyang gustong gusto niya iyon. Kung hindi pa siguro niya ito inawat ay baka bumili ito ng isang kaing na strawberries para sa kanya.
At sa isang oras siguro nilang paglilibot sa bayan, she just found herself laughing at Alex silly jokes. Wala namang nakakatawa sa mga sinasabi nito pero hindi niya maiwasan. She even have a little debate with him. At napagtanto niyang medyo mahihirapan siyang makipag-argue rito when it comes to Political views and opinions. And that make sense because she likes men with different point of views. Smart ass and great sense of humor is more attractive than men that just handsome and rich. But that doesn’t mean she likes Alex Rodriguez.
Masyado lang siguro siyang natutuwa sa conversations nila kanina, no dull moments at all. Ang sarap makipag-usap dito. Parang kahit ata maghapon silang mag-usap she won’t get bored.
“Get some rest, I’ll prepare the food.” Ayon na naman ang ngiti nito. Ngiting bigla na lang nagpapabilis sa tibok ng puso niya. Eww! Anong meron, it’s just a fucking smile. A hot fucking smile. “Are you ok?”
“H-huh? Ah-of course!” Muntik na siyang masamid sa sarili niyang laway. What the hell is happening to her? Bigla bigla natutulala, ano, teenager lang?
“What you wanna eat for dinner? Meat, veggies or me?”
Alam niyang biro lang iyon but the way Alex said that phrases makes her blood rise to her face. This fucking Alex Rodriguez is flirting with her. Damn!
“Biro lang,” sabay bawi nito. “Pero kung gusto mo, pwede rin, I will not complain about it,” pahabol pa nito with matching kindat.
“Siraulo ka talaga eh noh! Bahala ka nga sa buhay mo.” She walk her way straight to the room and slammed the door. Saka pa lang siya nakahinga ng maluwag. Muntik na siyang mag-hyper ventilate sa gagong yun.
“Calm yourself Love, that’s fine, I’m used to it!” dinig niyang sigaw nito mula sa labas.

