Mondays With Marcus (Seven Days' Sequel)
CengCrdva · 45 chapters · 74,047 words
MONDAYS WITH MARCUS
ATTENTION:
This book is the sequel of my short story
Seven Days.
Make sure to
read it first
before reading this. Thank you!
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.
This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author’s imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.
It also contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout.
(R-18) Read at your own risk!
2018 ©
CengCrdva
All rights reserved
# BLURB
Blurb
Gaya ng isang kanta, parang isang linggong pag-ibig kita.
Lunes ng unang magtagpo ang ating mga mata,
Martes ng mapadalas ang lingon ko upang masilayan ka.
Miyerkules, umaasa na sana... sana kaklase pa rin kita.
Nang sumapit ang Huwebes ay muling humanga ang aking mga mata.
Biyernes nang masapo ko ang dibdib at nasabing parang iba na...
Sabado, doon ko nakitang nagmahal ka ng iba...
At pagsapit ng linggo...
Naging masaya kayong dalawa...
# CHAPTER 1
Chapter One
Mirthene De Escamilla
Why do most of us hate Mondays? Is it because we are dragged to do some shit we didn't want to do in the first place?
Sino nga bang gustong bumangon ng maaga sa panibagong araw para lang matusta ang utak sa eskwela? Sa trabaho? O kahit sa buhay na lang?
Why do we hate Monday so much? Is it because it means doing the same thing all over again? or an indication to move your ass for another five days straight doing things you are too tired of?
Bakit ang Martes, katabi lang naman ng Lunes pero hindi naman masyadong nasisisi?
Bakit si Miyerkules nagagawang paluwagin ang isip natin dahil nasa gitna na siya ng linggo?
Bakit kapag Huwebes, mas ganado na tayo?
Bakit nga ba naiinis tayong pumasok ang panibagong Lunes pero masaya tayo sa tuwing dumarating ang Biyernes?
Bakit mas nagbubunyi sa pagsapit ng Sabado at Linggo?
Masasabi kong kanya-kanya naman tayo ng rason sa buong pitong araw na mayroon ang isang linggo.
Kung halos lahat ay kinasusuklaman ang Lunes, ako naman ay taliwas ang nararamdaman para doon.
Monday feels like a fresh start for me.
Monday gives me hope to do better things for the rest of the week.
Monday becomes my motivation to fight back on life.
Ewan ko ba... pero higit sa lahat, Lunes ang unang araw na nakita ko ang lalaking alam kong mas matagal pa sa pitong araw na mananatili sa puso ko.
Lunes unang nagtama ang mga mata namin.
Dahil excited ako sa ideya ng kolehiyo, maaga akong gumising at nag ayos para makarating sa Campbell International University.
Hindi naman na bago ang ganito sa akin dahil likas naman na talaga akong masipag pero pakiramdam ko ay triple ang effort ko ngayong college na ako.
Suot ang pink na t-shirt na may nakasulat sa kaliwang bahagi ng brand ng damit, isang ripped jeans pang ibaba at ang aking pink na chuck taylor ang suot ko sa unang araw sa kolehiyo.
Monday.
Dalawang buwan kong hinintay ang Lunes na ito para sa araw na makakakilala ako ng mga panibagong tao sa buhay ko.
High school has been so good to me and I'm hoping that my college life will be just as awesome too.
Lumapit ako sa whiteboard at kinuha ang panulat na nakasingit sa gitna kasama ang eraser.
Ako ang unang estudyante sa loob ng silid na ito. Kung siguro'y matatakutin lang ako ay hindi ako tumuloy pero dahil determinado ako ngayong araw, hindi ko na naisip ang mga nakakatakot na pala-isipan.
I started writing on the board with my usual arts on both sides of a greeting. Hindi na bale kung mapagalitan ako ng professor namin, gusto ko lang batiin ang mga magiging kaklase ko ngayong araw.
I want them to read what I wrote on the board. Na kahit hindi ko sabihin sa kanila isa-isa ang mga katagang welcome freshies ay ako pa rin ang unang bumati sa kanila sa eskwelahang ito.
I jumped a bit when I heard the door opened. Natigil ako sa pagguhit ng mga borders dahil sa pagdating ng unang panauhin na literal na nagpahinto sa paggalaw ng kamay ko maging ng aking paligid.
I saw a tall handsome guy standing beside the door looking at me with furrowed brows. Hindi ko alam kung may nakikita ba siyang kakaiba sa likod ko o talagang sa akin nakatitig ang mga matang madilim at may mabibigat na talukap.
Maingat niyang isinara ang pinto. Sa paglapat no'n sa hamba ay hindi ko napigilang mapahugot ng isang malalim na paghinga. My heart began to pound aggressively inside my chest.
Napalunok ako ng makita ang paglapit niya sa akin.
"Good morning." Pormal niyang bati pagkatapos ay huminto sa harapan ko.
My breathe become short when his expensive perfume reaches my nose. His scent literally blew my mind far away from reality.
Natutulirong napatitig ako sa mga mata niyang kasing ganda ng kulay asul at kumikinang na dagat habang pinupuri ng haring araw. Ang matangos na ilong na nagdedepina kung gaano ka-perpekto ang walang kapintasan niyang kabuuan. Ang mapupulang labi na gusto ko nalang haplusin para titigan kung may lipstick bang nakalagay o wala...
What a start of my college life, huh?
The side of his lip slightly arched when he saw me memorizing every details of his face.
"Ang gwapo mo..." Wala sa sarili kong bulong.
"What?"
Napatalon ako ulit dahil sa narinig!
Pumikit ako ng mariin at kahit na masakit ang iwan ang mga mata niya ay pinili ko paring itigil ang pagtitig sa gwapo niyang mukha dahil sa kahihiyan.
"G-Good morning!"
He chuckled. Ang tawang halos yumakap sa akin. What the hell Mir! Anong naiisip mo!
Tinalikuran ko siya at nanginginig ang mga kamay na ipinagpatuloy nalang ang ginagawa.
"I thought I heard you say something else..."
Ako naman ang natawa dahil sa kahibangan ko at pagiging totoo sa nakita. He is really handsome! Hindi naman ako nagsisinungaling pero hindi ko rin gustong umamin sa harapan niya!
"W-Wala kaya..." I murmured.
Shit! Mir what are you doing?! Pumikit ako ng mariin at pinigilan ang sariling kabahan kahit na ramdam ko ang iilang hakbang niya patungo sa gawi ko.
"Really?"
Pinigilan ko ang sarili kong lingunin siya.
"Hundred percent!" Dagdag kasinungalingan ko bago ipagpatuloy ang patapos kong borders.
"Welcome freshies?" Puna niya sa isinulat ko.
"Freshies like freshman. Common sense?"
I bit my lower lip because of that. Hindi ko mapigilan ang kaba ko at naiinis akong sa tuwing ganito ako ay alam kong pagsusungit na ang kasunod na lalabas sa labi ko.
"I know but it sounded like pussies."
Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kanya. Hindi nawala ang ngisi sa labi niya dahil sa sinabi. Tinaasan niya ako ng kilay ng pati ang bibig ko ay napaawang narin!
"Freshies? Pussies? Get it? Common sense?" He playfully blurted.
"Bastos!" Marahas kong ibinato sa kanya ang hawak kong marker pero mabilis siyang nakailag.
"Gwapo naman!" Humahalakhak niyang sabi.
Nagmartsa ako pabalik sa mga gamit ko at siya naman ay nanatiling nakasunod sa akin habang patuloy ang nakangising mukha.
Monday.
Ang unang araw na nakilala ko ang unang taong hindi ko akalaing magkakaroon ng malaking parte sa aking pagkatao.
I didn't expect that Monday will be my most anticipated day of the week.
Na sa tuwing naririnig ko ang salitang Lunes ay siya kaagad ang unang pumapasok sa isip ko.
His playful smirk, gorgeous face and gestures that made me fall for the first time.
That's the first reason why Monday is my favorite among the seven days of the week.
Napangiti ako ng makita ang nakasulat sa aking binder sa pangalawang linggo ng semester.
His full name...
Nang tumunog ang wrist watch ko ay itinuon ko na ang pansin sa pintuan bago nagsimulang mag countdown sa mga papasok na estudyante sa silid.
Hindi pa man natatapos ang pagbilang ko ng hanggang sampu ay nasulyapan ko na ang pamilyar na lalaking hinihintay ng mga mata ko.
Monday.
Ang tanging araw sa isang linggo na nagkikita kami dahil sa pagiging irregular student niya.
Pinigilan ko ang nakakabaliw na pagkalampag ng puso ko ng marinig ang pag upo niya sa likuran. Humugot ako ng sapat na tapang at dahan dahan ko siyang nilingon.
Mas bumilis ang tahip ng puso ko dahil sa paglingon ko ay siya namang paglingon niya pabalik sa akin! Damn it!
Mabilis kong ibinalik ang aking ulo sa harapan kasabay ng pagsapo ko sa nagwawala kong dibdib!
Tumikhim ako at umayos ng upo pagkatapos ay kinagat ang pang ibabang labi...
Bakit ba ako masaya? Bakit ganito na lang sa tuwing nakikita ko siya?
Kumurap kurap ako at sinubukang lingunin ulit ang lalaking gustong gusto ng mga mata ko...
Sa muling paglapat ng mga iyon sa kanyang gawi ay kasabay naman ng pagbulong ng aking utak sa pangalan na nakasulat sa aking binder...
Marcus Findle Warner...
# CHAPTER 2
Chapter Two
Ngiti
"Ano ba Jen! Huwag na kasi!" Kinakabahan kong sambit habang hawak ang kamay ng kaibigan kong gusto yata talaga akong patayin sa kahihiyan!
Humalakhak siya pero sa ginawa niya ay mas lalo lang akong nawindang sa kaba!
"Jennifer!" Halos mangiyak ngiyak ko ng sambit habang kinakaladkad niya ako papunta sa library dahil sa iisang dahilan.
Si Marcus...
"Para kang baliw Mir! 'Di ba gusto mo siyang makita? O ayan! Sinasamahan na nga kita, e. Hindi lang Monday ang araw na pwede mo siyang makita."
Bumagal ang lakad niya para ipaintindi sa akin ang mga plano niyang hindi ko alam kung tama ba o dapat ko ng iakyat sa korte suprema!
"Every Tuesday nasa library ang crush mo, ito palang ang confirmed. Wednesday nasa gymnasium dahil sa practice ng basketball. Tuwing Thursday at Friday naman, lahat ng klase niya ay sa building one kaya mahihirapan kang makita siya pero para saan pa at naging kaibigan mo ako? Handa akong magpakapagod sa'yo Mirthene sumaya ka lang!" Nakangising sabi niya habang pinipisil pisil ang kamay ko.
Isang hilaw na ngisi ang isinukli ko sa mga kahibangan niya. Parang noong isang buwan palang kaming magkakilala pero ang babaeng ito na yata ang tanging kayang bumasa sa mga laman ng utak ko.
Posible pala talaga 'yun no? Iyong makakahanap ka ng magiging kaibigan na kahit hindi naman planadong makasundo ay talagang ibinigay para sa'yo. Para suportahan ang lahat ng kabaliwan mo.
"A-Alam mo talaga ang schedule niya?" Lutang kong tanong habang nagpapatianod nalang sa paghila niya sa akin.
"Yup!" Tumango tango siya habang binabati ang mg kakilalang nakakasalubong.
"Paano?"
"Mir, ako pa ba? Hanggang ngayon ba pinagdududahan mo parin ang kapasidad ko bilang isang magaling na imbestigador?"
Napahagikhik ako sa narinig pero agad ring napawi ang mga ngiti ko ng matanaw ang library kung saan naroon ang pakay naming dalawa.
"Titignan lang natin ha. Huwag mo ng kausapin please? Baka makahalata na siyang may gusto ako sa kan'ya..." Napahinto ako dahil sa biglaang paghinto ni Jennifer.
Napaawang ang bibig ko dahil sa panlalaki ng mga mata niya.
"Seriously Mirthene? Gusto mo na ba talaga siya? Hindi lang crush kung hindi gusto na? As in gustong maging boyfriend? Asawa? Partner sa kama-"
Natataranta kong tinakpan ang bibig niya dahil sa kung anong mga litanya niyang kahihiyan na naman ang dulot sa akin!
"Jen!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.
Natatawa naman niyang hinawi ang kamay ko.
"Relax!" Patuloy ang paghalakhak niya dahil sa naging reaksiyon ko.
Tahimik ang library sa pagpasok namin pero nabibingi parin ako sa lakas ng kalabog ng puso ko.
Isang buwan palang a? Sa loob ng isang buwan ay ilang beses ko palang siyang nakita pero bakit ganito na ako kung mag-react?
'Yung pakiramdam na sa tuwing nakikita ko siya ay hindi ko na mapigilan ang paglundag sa tuwa ng puso ko.
I've never been in love. Ni sa panaginip nga yata ay hindi ko naisip na magkaka-boyfriend ako dahil palagi ko lang naaalala ang mga kaibigan kong palaging bigo sa larangan ng pag-ibig.
Si Hillary... Ang best friend ko noong high school ay ilang beses ng niloko ng mga lalaking naging boyfriend niya. Na kahit ibinigay na niya ang Bataan at ilang mga karatig probinsiya ay iniwan parin siya!
Si Amanda... Ang class president namin noong third year high school.
Mabait 'yon, masipag at matalino pero iniwan parin. Hindi dahil sa pagiging perfectionist at mataba ang utak kung hindi dahil sa pagiging maalaga niya. Can you imagine that? Kapag pala maalaga ka sa isang tao ay nakakasakal na pala 'yon?
Huminga ako ng malalim ng hilahin ako ni Jennifer papunta sa bakanteng lamesa na nasa harapan ng grupo ng mga kaibigan ni Marcus.
"Diyan lagi ang pwesto nila. May thirty minutes ka para titigan siya dahil may klase na sila sa pagtunog ng bell. Go on..." Nakangising bulong ng kaibigan ko at pagkatapos ay iniwan na ako matapos inguso ang hilera ng mga librong gagawin naming props sa pag-aaral.
Gusto ko sanang sumunod sa kan'ya pero natigilan ako sa pagtayo ng makita ang pag galaw ni Marcus at paglinga sa paligid.
Dahil sa kaba ko ay wala sa sariling hinalungkat ko nalang ang bag ko para ilabas ang binder at ang isang makapal na librong dala ko.
Sa kabila ng pagtuon ko sa librong nasa aking harapan ay siya namang pagbibilang ng oras ng aking utak.
I only have thirty minutes to look at him! Kabaliwan man ang naisipan ni Jen pero ano pa nga bang magagawa ko kung ang kabaliwang ding 'yon ang gustong gawin ng utak ko?
Dahan dahan kong ibinaba ang librong hawak ko para sulyapan ang gawi ni Marcus. Wala sa sariling umangat ang kamay ko para suportahan ang bibig kong gusto na namang umawang...
My head slowly tilted when Marcus leaned on the table. Sa bawat galaw ng mga kamay niya sa pagsusulat ng kung ano sa yellow paper ay para naman akong literal na nawawala na sa normal na pag-iisip.
Hindi ako makapaniwalang ganito ang kaba ko habang pinagmamasdan siya. Ni minsan ay hindi ako nagkainteres ng ganito kalala sa isang lalaki. Kung minsan kasi ay nagsasawa din ako kaagad sa pagtingin o di kaya naman ay nawawala kaagad ang paghanga ko sa isang lalaki pero kay Marcus...
Hindi ko kayang itigil...
Napatalon ako ng huminto siya sa pagsusulat at madaling napatuon ang mga mata sa aking gawi. Literal kong naramdaman ang marahas na pagbuhos sa akin ng tila isang drum na tubig na punong puno ng yelo.
Ni hindi ko nagawang umiwas ng titig o magkunwaring nag-aaral dahil ang mga taksil kong mata ay hindi na kumawala sa kan'ya.
Ilang beses akong napalunok sa kaba at ilang mura narin ang inilabas ng utak ko pero ng makita ang dahan dahang pag arko ng kan'yang labi gawa ng isang ngiti ay tila napalitan ng init ang tubig na ibinuhos sa akin.
Ang mapuputi at pantay pantay niyang ngipin ay tila indikasyon na tagumpay ang plano ni Jennifer!
Kinakabahan man ay napangiti narin ako pabalik sa kan'ya. Kung hindi pa siya siniko ng nasa tabi niyang lalaki ay hindi pa mapuputol ang lumalagkit kong titig sa kan'ya.
Ilang beses humiyaw si Jennifer habang ikinukwento ko ang nangyaring titigan at ngitian namin sa library.
"See? Ano masaya ka na? Pagtitiwalaan mo na ba ako?" Natatawa niyang sabi habang nilalantakan ang mga pagkaing nasa harapan namin.
Hindi ko alam kung bakit kahit na wala pa namang laman ang tiyan ko ay hindi ko naman magawang kumain. Nabusog na yata ako sa ngiti palang ni Marcus kanina.
"Uy! Hala? Mirthene! Marami pang oras para mag day dream! Huwag muna ngayon dahil kailangan nating ubusin 'to bago dumating ang sunod na klase. Kain na!" Patuloy na pagalit niya sa akin.
Tumango tango ako sa kan'ya at sinimulan ng kumain pero kahit na yata isang linggo akong hindi kumain ngayon ay busog na ako hanggang sa katapusan ng buwan!
Iyong ngiti palang ni Marcus... Parang isang buwang supply na ng groceries at limang kaban na bigas!
Napapangiti ako habang iniisip kung paano pa kaya kapag nagkaroon na kami ng pormal na pag-uusap? Baka buong taon na akong mabusog at hindi makakain!
"Mir..." Napapitlag ako ng marinig muli ang pagtawag sa akin ni Jen.
Humagikhik ako at tinanguan ulit siya.
"Sorry..." Tanging nasabi ko nalang dahil kahit na ano pa yata ang gawin niyang pagalit sa akin ay hinding hindi ko malilimutan ang ngiting 'yon...
Ang gwapong lalaking 'yon.
Ang lahat lahat ng pakiramdam na kaya niyang ipadama sa akin kahit sa maliliit na interaksiyon...
# CHAPTER 3
Chapter Three
Manliligaw
"Warner... Warner... Warner..." Taimtim kong dasal habang iniisa isa ng aming professor ang mga magkaka-grupo sa project na gagawin.
Napadilat lang ako ng marinig ang apelyido ni Jen kasabay ng pagtawag sa surname ng lalaking ipinagdarasal ko.
Nagkatitigan kaagad kami ng kaibigan ko dahil sa nangyari. Umiling iling siya at bumuntong hinga sabay tingin sa gawi ng lalaking nasa likuran namin.
Bagsak ang balikat ko lalo pa ng marinig ang apelyido ko na kasama ang ilang mga kaklase namin.
"Cheer up! Palit nalang tayo gusto mo? kakausapin ko si Mrs. Polimar." Patuloy na pangungulit sa akin ni Jen habang nakapila kami sa cafeteria.
Umiling ako at hinarap siya.
"Hindi na. Ayos lang naman sa akin kung hindi, e..." Sagot ko.
Kahit na totoong ayos lang naman sa akin na hindi siya makasama sa project ay hindi ko parin maiwasan ang malungkot.
Kumunot ang noo ko ng matahimik si Jen. Kung sa ibang pagkakataon ay pinagaan na niya ang loob ko pero imbes na bigyan ako ng mga pampalubag ng loob ay tanging ngisi lang ang nakita ko sa kan'ya.
Rumolyo na ang mga mata ko ng kagatin na niya ang labi dahil sa kung anong kalokohan ang pumasok sa utak.
"Jen, ano na naman?" Huminga ako ng malalim ng sumabog na naman ang kaba sa puso ko.
Alam kong may itim na binabalak na naman ang babaeng ito!
"Sumama ka sa amin kapag gagawa na kami." Nakangisi niyang sabi.
Imbes na sagutin siya ay mabilis ko siyang tinalikuran.
"Mir look! Hindi naman bawal na sumama ka, a? Besides, sumasabay ako pauwi sa'yo. Paano ako makakauwi kapag wala ka?"
Pinigilan kong pagalitan siya dahil ako na ang nasa unahan ng pila para sa pagpili ng mga pagkain. Itinuro ko ang apple pie at isang soda bago siya bigyan ng atensiyon.
"Jeep? Taxi? Magpasundo ka sa driver niyo o di kaya naman ay maglakad. Maraming paraan para makauwi. And no thank you. Okay nga lang." Giit ko.
Napanguso siya at hindi na muling nagpumilit sa kan'yang ideya.
Sa panibagong Lunes ng linggo ay nagawa kong mag ayos ng sarili. Naglagay ako ng kaunting blush on at lip tint para kahit paano ay magkakulay naman ang mukha ko.
Napangiti ako ng makita ang sariling repleksiyon sa salamin.
Siguro naman mahirap ng mapansin kung pamumulahan man ako ng mukha mamaya kung sakaling kiligin ako sa kan'ya 'di ba?
Malayo palang ako sa classroom ay wala ng pakundangan ang pagwawala ng puso ko. Sa sobrang bilis no'n ay para nalang akong mahihimatay kung sakaling ngitian niya ulit ako.
Ilang beses kong kinalma ang sarili at binagalan ang paglalakad. Calm the fuck down Mirthene... Sobra sobra yata talaga ang pagkabaliw ko sa lalaking 'yon at hindi na makatarungan!
"Hey!"
Napatalon ako ng marinig ang boses ng isang lalaki at hindi pa man ako nakakalingon ay parang nilubayan na naman ako ng aking katinuan ng makita ang mabilis na paglapit ni Marcus sa gawi ko para pantayan ako.
"Anong oras na?" Pormal niyang tanong ng huminto sa tapat ko.
Isang mahabang mura ang isinigaw ng utak ko. Nang maramdaman ko ang pag init ng aking pisngi ay isa lang ang naging sambit ng utak ko.
Salamat sa blush on!
Napayuko ako para tignan ang bagay sa aking palapulsuhan.
Oras na para mahalin mo ako
...
Bulong ng talipandas kong utak.
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at nagmamadaling sinuri ang aking wrist watch.
"N-Nine fifteen!" Kinakabahan kong sagot.
Napaangat ako ng tingin ng marinig ang buntong hinga ni Marcus. Pakiramdam ko'y umalon ang mundo ko ng maramdaman ang kamay niyang humawak sa yakap kong libro.
Sa pag ngiti niya ay lumakad na ang init sa buong katawan ko.
Is... this... really... happening? Ngayon ba talaga? Hindi ba 'to ilusyon lang?
"Sabay na tayo. Ako na." Nakangiti niyang sabi bago kunin sa akin ang dala kong libro.
Dahil sa pagkatulala ay hindi na ako nakatanggi kaya naman sa pagpasok namin sa classroom ay parang sinilaban ang mukha ni Jennifer ng makita kami.
Patuloy akong umiling dahil alam ko na ang iniisip niya. Sa nakakalokong ngisi niya palang ay parang gusto ko ng tapalan ang bibig niya!
"T-Thank you!" Natataranta kong sambit bago kunin ang libro ko sa kan'yang kamay.
Tumango si Marcus at napakamot pa sa ulo dahil sa madalian kong pagbawi doon. Hindi nawala ang titig ko sa kan'ya hanggang sa makaupo na siya sa kan'yang upuan.
Natigil lang ang ako ng lapitan na ako ni Jennifer.
"Improvement..." Pilyo niyang bulong sa akin habang sinusundan ako sa aking upuan.
"You wish..." Bulong ko pabalik.
"Sus... Bakit kayo magkasama aber?" Aniya.
Inayos ko ang bag ko bago siya harapin.
"Nakasabay ko lang." Tipid ko namang sagot.
Hindi na siya nagsalita kahit na alam kong kating kati pa siya sa dami ng gustong itanong sa akin. Dumating narin ang unang professor namin kaya tuluyan na siyang nahinto sa pang uusisa.
Isang buwan... Dalawa... Tatlo, hanggang sa matapos ang semester ay hindi natigil ang paghanga ko kay Marcus.
Ang noo'y akala kong mawawala ring paghanga ay lalo pa yatang tumindi ng mapagtanto kong sa pangalawang taon ko sa Campbell ay mas naging mabait ang tadhana sa akin.
Hindi lang Lunes kung hindi sa limang araw ko sa loob ng isang linggo ay makikita ko na siya. Hindi ko na kailangan pang pumunta sa building one para lang makita siya. Sa library o di kaya naman ay manuod palagi ng practice game nila dahil sa pagiging magkaklase namin sa lahat ng subject.
Hindi natigil ang pagwawala ni Jennifer lalo na ng malaman na hindi lang ito ang magiging kaklase namin kung hindi ang crush niya ring kaibigan nito na sI Leonne.
Nakapangalumbaba akong nakadungaw sa pintuan at hinihintay ang bilang na sampu...
Hanggang ngayon ay hindi natigil ang kabaliwan sa isip ko.
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin na sana... sana isang araw ay mapansin niya ako kahit na imposible.
Sampu...
Pakiramdam ko'y lumiwanag ang buong silid ng makita ko siyang papasok sa pintuan habang kasama ang mga kaibigan.
Umayos ako sa pagkakaupo pero hindi nawala ang titig ko sa kan'ya.
Hindi ko naiwasang purihin ang bagong gupit niyang buhok na mas lalong naging dahilan ng pagwawala ng bagay sa dibdib ko. Damn it! He is gorgeous!
My feelings for him were unstoppable.
Sa bawat paglalapit namin at mga kaswal na pag-uusap ay parang dinidinig ng may kapal ang mga panalangin ko.
"Sorry Tyrone..." Bagsak ang balikat kong sambit ng sabihin ko sa lalaking ilang linggo ng nanliligaw sa akin ang mga salitang 'yon.
Hinawakan ko ang braso niya at marahan iyong pinisil.
"H-Hindi pa kasi ako ready, e..." I lied.
Napalunok ako ng salakayin ako ng matinding konsensiya.
Oo nga at hindi naman kasinungalingan ang sinabi kong hindi pa ako handa pero alam kong may iba pang dahilan kaya ko siya nagawang tanggihan.
"Really Mir? Ngayon mo lang sinabi pagkatapos ng ilang beses kong pagsundo at paghatid sa'yo? Lahat ng effort ko? Ngayon lang talaga?" Napabitiw ako sa kan'ya ng layuan niya ako.
He looked at me with disgust. Parang sinipa ng paulit ulit ang puso ko kasabay ng pagdaloy ng matinding kirot dito dahil sa narinig.
Hindi ko akalaing ganito siya. Sa ilang linggong pagbuntot niya sa akin ay hindi ko akalaing maririnig ang tono niyang ganito.
"Ty, I know you're upset and I'm sorry-"
Natigil ako ng lumabas ang sarkastiko niyang pagtawa. Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere.
"You're not what you think Mirthene. Tama nga ang sinabi ng mga lalaking binasted mo. Wala kang taste." Matabang niyang sabi na tuluyan ng naging dahilan ng pag igting ng panga ko.
Dahil sa matinding galit na sumanib sa akin ay mabilis na umangat at dumapo ang palad ko sa kan'yang mukha.
"What the fuck!" Matigas niyang sigaw na dahilan ng panghihina ng mga tuhod ko.
Hindi ito ang unang beses na may binasted ako. Maraming mga lalaki na ang sumubok na ligawan ako pero ni isa sa kanila ay walang pumasa pero hindi iyon dahil sa wala akong taste!
Sa dami ng mga 'yon ay si Tyrone... Siya lang ang kauna-unahang lalaki na ganito ang naging reaksiyon sa pagtanggi ko.
Napaatras ako ng makita ang mabilis niyang paglapit sa akin pero hindi ko parin naiwasan ang kamay niyang mabilis na hinablot ang kamay ko.
Sa kabila ng dagat na mga estudyante sa school grounds ay ni isa sa kanila ay walang naglakas ng loob na punahin ang galit na lalaking nasa harapan ko.
"You're boring! Nakakainis dahil nagsayang lang ako ng oras! Wala kang kwenta!" Halos tumulo ang mga luha ko dahil sa diin ng pagkakasabi niya no'n.
Ito ang unang beses na may lalaking nagalit sa akin. Ito ang unang beses at hindi ko alam kung paano ko siya matatakasan. Kung nakamamatay lang ang titig niya ay baka pinaglamayan na ako sa kinatatayuan ko!
Sa pag arko ng labi niyang mala demonyo ay lalong nadagdagan ang takot ko. Iginalaw ko ang kamay kong hawak niya pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Dude, tigilan mo na." Kalmado ngunit may diin na puna ng kung sino.
Natigagal ako sa pagbaling ko sa aking likuran ng makita si Marcus kasama ang mga kaibigan niyang nakasuot ng basketball jersey.
Mas lalong dumilim ang titig ni Tyrone sa pagbalik ng mga mata ko sa kan'ya.
"Manliligaw mo?" Matigas niyang bulong bago balingan si Marcus.
Tuluyan ng nagwala ang pagkatao ko ng makita ang paglapit ni Marcus at ng kan'yang mga kaibigan sa gawi namin.
Napahawak ako sa palapulsuhan kong namumula ng bitiwan niya ako.
"Manliligaw ka rin ba?" Sarkastiko niyang tanong.
Natataranta akong sumunod sa gilid ni Tyrone.
"Hindi!" Maagap kong sabi dahil sa tanong niya.
Para na akong mahihimatay sa lakas ng pagkalampag ng puso ko.
Marcus looks so dangerous in his poker face. Ngayon ko lang nakitang seryoso at madilim ang kan'yang aura samahan pa ng mga kaibigan niyang parang gusto nalang kastiguhin ang lalaking nasa tabi ko.
Lumipat ako sa gitna nila at hinarap si Tyrone para pigilan ang tensiyon.
"Hindi Tyrone! Si Marcus-"
"Ano ngayon sa'yo kung manliligaw ako? Anong pakialam mo?" Matigas na sabi ni Marcus na nagpahinto sa pag inog ng mundo ko.
# CHAPTER 4
Chapter Four
Happiness
Naramdaman ko ang panlalamig ng aking kamay.
Hindi sa kabang baka magsuntukan sila kung hindi dahil sa narinig na litanya na galing sa lalaking nasa aking likuran.
Muling umawang ang bibig ni Tyrone kasabay ng nakakaloko niyang paghalakhak.
"Proud ka pa? Bakit akala mo ba sasagutin ka ng walang taste na babaeng 'to?!' Napayuko ako ng ibalik niya ang matalim na titig sa akin.
Pakiramdam ko'y napapaso ako sa tindi ng galit ni Tyrone!
Bakit ba kasi hindi ko nalang sinunod ang sinabi ng kaibigan kong huwag itong bigyan ng pansin! Kasalanan mo Mirthene! Nagpadala ka sa mga mabulaklak na salita. Umasa kang mababaling ang atensiyon mo sakan'ya kahit na alam mong iba naman talaga ang gusto mo!
Napapitlag ako ng maramdaman ang paghawak ng mainit na kamay sa akin.
Para akong dahon na tinangay ng isang malakas na hangin dahil sa simpleng paghawi ni Marcus sa akin paalis sa harapan ni Tyrone ay agad akong nadala.
"I'm not scared of rejection. At ano ngayon sa'yo kung bastedin niya ako?"
Napalunok ako ng ilang ulit pero imbes na bigyan ng atensiyon ang dalawang nagkakainitang lalaki ay lumakad lang ang tingin ko sa kamay ni Marcus na hawak ang kamay ko.
What the hell!
Ang isang kamay ko ay wala sa sariling naisapo ko sa aking nagwawalang dibdib!
Bakit ganito? Bakit ang lahat ng takot ko kanina ay kusang naglaho lalo na ng maramdaman ang kamay niya? Bakit pakiramdam ko ay walang taong makakapanakit sa akin ngayong nandito siya? At higit sa lahat...
Bakit ganito kataas ang pag asa ko sa simpleng paghawak niya?
Kahit na alam kong ginagawa niya lang 'to para itaboy si Tyrone ay umakyat parin sa utak ko ang kahibangang sana nga siya nalang...
Sana nga siya nalang ang nanligaw sa akin para hindi na ako nakasakit pa ng iba...
"Well good luck! Bahala ka sa buhay mo!" Inis na sigaw ni Tyrone na gumising sa lahat ng kahibangang nasa utak ko.
Naramdaman ko ang pag galaw ni Marcus at paghigpit ng kapit sa kamay ko ng banggain siya ni Tyrone. Ang kamay kong nasa aking dibdib ay mabilis na napahawak sa braso niya ng makita ko ng amba niyang pagsugod sa lalaking umalis.
"H-He's not worth it!" Natataranta kong pigil sa kan'ya.
Ilang minutong natahimik ang gawi namin.
"Kupal talaga 'yang si Jones!" Inis na sambit ni Leonne na bumasag sa katahimikan ng lahat.
Sa paglingon sa akin ni Marcus ay muling naputol ang paghinga ko. Marahan niyang binitiwan ang kamay ko.
"Are you okay?" Kunot noo niyang tanong.
Tumango tango ako at binitiwan narin ang braso niya. Inayos ko ang bag ko at maging ang aking sarili. Sa nangyari kasi ay para akong na haggard ng sampung beses!
"Good. Stay away from douchebags." Ngumiti siya ay sinulyapan na ang mga lalaking kasama bago ako lagpasan.
"Marcus!" Tawag ko kaya nahinto siya sa pag alis.
Kumunot ang noo niya ng balingan ako.
"Salamat." Ngumiti ako sa kan'ya.
Tango nalang ang naisagot niya sa akin habang si Leonne naman ay kumaway pa sa akin. Ang lalaking isa naman ay dire-diretso na at nanatiling walang kibo sa nangyari.
Pinanuod ko silang maglakad hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Wala sa sariling nagbaba ako ng tingin sa kamay kong hinawakan ni Marcus...
Oo nga at mahilig akong managinip ng gising pero sa lahat ng panaginip ko ay hindi ko naisip na mahahawakan niya ang kamay ko.
Humugot ako ng isang malalim na paghinga ng muling umulit sa utak ko ang ginawa niyang pagtataboy sa walang modong si Tyrone Jones!
"Uy! Tawag ka na!" Siko sa akin ni Gary ng hindi ko mapansing tinawag na pala ako ng aming professor para mag-recite sa harapan.
Dahil sa tindi ng imahinasyon ko dahil sa nangyari kanina ay hindi na ako pinasukan ng katinuan. Hanggang sa matapos ang klase ay natutuliro parin ako.
Sa pag uwi ko sa bahay ay halos matapos ko ang lahat ng homework ko sa loob lamang ng thirty minutes! Gano'n ako kainspirado dahil sa tagpong nangyari kanina.
Ilang beses kong pinigilan ang sariling umasa pero huli na yata ako.
Sa pagtagal ng oras at palagiang pagtatagpo ng mga landas namin ay natutunan ko ng hayaan ang sarili kong mahulog sa kan'ya. My daydreams were big this time.
Kung noon ay umaasa lang akong makausap niya, ngayon naman ay dumating na ako sa isiping balang araw ay magugustuhan niya ako.
Ang kabaliwang 'yon ang naging motivation ko sa pag-aaral.
I badly want to impress him. Kahit na alam ko namang malabo iyong mangyari ay gusto kong gawin ang lahat para lang mapansin ng isang Marcus.
Sa iilang mga event ay mas lalo kaming napalapit. Sa birthday ni Hermes Montgomery ay muli ko silang nakasama. Sa tuwing may laro sila ng basketball ay ni minsan hindi ako pumalya mapanuod lang siya.
At kahit minsan ay hindi niya ako nagawang pansinin sa paraang gusto ko, natuto akong makuntento dahil alam ko...
Si Marcus ang kasiyahan ko. Hindi man ako ang dahilan ng pag ngiti niya pero mananatili siyang inspirasyon ko sa lahat.
"Sama ka na." Nakangiti niyang anyaya sa akin ng sabihin ni Jennifer na hindi siya sasama sa party ni Leonne kapag hindi ako kasama.
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Jen pero ipinagkibit ko lang 'yon ng balikat.
"Pag iisipan ko ha. Kasi-"
"Give her ten minutes!" Putol sa akin ni Jen.
Siniko ko siya pabalik dahil sa gigil. Narinig ko ang pagtawa ni Marcus.
Damn... His laugh is really my jam!
"Sige na, Mir! Gusto mo ihatid pa kita pagtapos, e. Same time!" Si Leonne tukoy sa curfew kong ipinatupad ni Daddy.
"Hello? At ako? Hindi ba ako kahatid hatid Leonne?" Ismid ni Jen na naging dahilan ng pagtawa ko.
Humalakhak si Marcus at sinapak ang balikat ng kaibigan.
"Siyempre kayong dalawa!" Pagbawi niya.
Sa pag-uusap nila ay nagkaroon ng pagkakataon ang kaibigan ko para pandilatan ako at inguso ang kinababaliwan niyang si Leonne.
Huminga ako ng malalim bago sabihin ang sagot ko.
"Alright. Sasama na." Natatawa kong sabi.
"'Yun!" Pagbubunyi ni Leonne.
Naging mas malapit kami hindi lang dahil sa pagiging magkaklase namin kung hindi dahil sa pagsuporta namin ni Jen sa lahat ng mga kalokohan nila.
Hindi nawala ang tuwa ko habang nakaupo sa tabi ni Marcus at tahimik na kumakain. Pinagpaplanuhan nila ang gagawing surprise party sa nalalapit na birthday ni Jen.
"What do you think?" Nakangiting baling niya sa akin.
Napailing ako.
"S-Saan?" Lutang kong sambit.
Humagikhik si Marcus at muling sinabi ang plano nilang punoin ang buong condo unit ni Jen ng mga lobo at kung ano ano pa.
"Pwede naman." Nakangiti kong sagot sa kan'ya.
"Good! Isa pa, ano nga palang favorite na kulay ni Jen?" Tanong niya.
"Uhm, blue."
"Blue then!" Isinulat ni Leonne ang lahat ng mga bagay na plano naming gawin para sa surprise birthday party ni Jen.
"Ikaw anong favorite mo?" Wala sa sarili kong tanong sa kan'ya.
"Red." Sagot niya.
"Same..." I murmured.
Sa dami ng plano namin ay wala na yata akong natandaan dahil sa kalandiang nasa utak ko sa buong durasyon no'n!
Parang gusto ko nalang batukan ang sarili ko dahil sa tuwing napupunta kay Marcus ang mga mata ko ay pakiramdam ko'y bumabagal ang paggalaw ng lahat.
Ang pagsasalita niya... Ang mga ngiti at lahat ng kilos ay talaga namang naisasapuso ko.
Ganito pala talaga kapag in love ka 'no?
Na lahat ng bagay ay konektado sa taong gusto mo.
Na maski ang paghinga niya ay parang gusto mo nalang kabisaduhin kung kada ilang segundo.
Na kahit alam mong hindi siya perpeko ay wala siyang kapintasan sa utak mo.
Tama ba?
Tama pa ba ang ganito kahit na alam kong kahit kailan naman ay hindi niya ako napansin sa paraang gusto ko?
Na ni minsan ay hindi man lang niya ako natitigan gaya ng mga titig ng bidang lalaki sa babaeng bida sa loob ng isang romantic movie?
Napayuko ako sa naisip nang imbes na purong kasiyahan lang ang maramdaman ko ay nalamatan na ng lungkot ang puso ko.
Stop thinking so much Mirthene...
Paalala ng nakikisimpatya kong utak.
Just admire him. Let him be your happiness.
Sige lang... Mahalin mo lang lalo na kung ang pagmamahal mong 'yon ang tanging nagpapasaya sa'yo...
Huminga ako ng malalim at ipinilig ang ulo para mawala ang paglalim ng isip ko.
Wala namang masama kung mahalin ko siya hindi ba?
# CHAPTER 5
Chapter Five
If Life Is So Short
"Congrats!" Halos lumundag ako sa tuwa dahil sa pagkapanalo nila ngayon ng basketball game laban sa Ravensbourne University.
Maingay at nagkakagulo sa gymnasium dahil sa resulta ng laro.
Humigpit ang kapit ko sa mga hawak kong tuwalya dahil nadadala ako sa purong kasiyahang nararamdaman ko! Baka kasi hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi siya yakapin ng mahigpit!
Panay ang tili ni Jen habang nasa likuran ko. Huminto ako ng makalapit ng sapat kay Marcus pero hindi pa man nakakahinga ng matino ang mahina kong pagkatao ay nanlaki na ang mga mata ko kasabay ng halos pagsubsob ko sa katawan ni Marcus!
Humahalakhak si Jennifer ng balingan ko! She pushed me!
"Oops! Sorry!" Anito at nag peace sign pa sa akin!
Nagmamadali akong umalis sa pagkakayakap ni Marcus!
Damn it! Papatayin kita Jennifer! Dadanak talaga ng kape ngayong araw!
Tumawa si Marcus at bago pa man niya mahalata ang pamumula ko at matinding nerbiyos ay agad ko ng inilahad sa harapan niya ang tuwalya.
Agad ko siyang tinalikuran para sana bigyan rin ang iba pero natigilan ako ng maramdaman ang paghawak niya sa kamay ko.
I bit my lower lip so hard! Kasabay ng pagdiin ko no'n ay siya namang malakas na pagtititili ng aking kaluluwa!
"Thanks!" Ani Marcus ng muli ko siyang harapin.
Isang ngiti lang ang naisagot ko. Ang ngiting alam kong mukhang constipated dahil sa matinding kaba!
Marahan niyang binitiwan ang kamay ko. Hindi na ako nakagalaw at hindi ko narin naman kailangan pang gumalaw dahil lumapit na ang iba sa gawi namin.
Siniko siko ako ng walang hiyang si Jennifer habang patuloy ang pagtusok niya sa aking tagiliran!
"May paghawak sa kamay huh!" Nakangisi niyang sabi na dahilan ng pagrolyo ng mga mata ko.
Pinanuod ko si Marcus na punasan ang mga pawis sa katawan niya. He seems tired but still looks undeniably handsome!
Para na naman akong isang dahon na natatangay ng sariwang ihip ng hangin patungo sa isang napakagandang paraiso.
"Bigyan mo ng tubig." Sikong muli sa akin ni Jen habang inilalahad sa harapan ko sinasabi niya.
"Ikaw na."
Napaatras ako ng pandilatan niya ako ng mga mata.
"Mirthene?! Sige na't uhaw na 'yan! Baka ibang pagmamahal pa ang mainom e! Sige ka."
"Sabi ko nga!" Parang robot kong sagot at hindi na inintindi ang kabang nararamdaman ko.
Diniretso ko ang gawi ni Marcus at agad na ibinigay sa kan'ya ang isang bottled water. Muli niya akong nginitian pero dahil sa pagtikhim ni Leonne ay nawala ang titigan namin.
"Pahingi din." Aniya.
I nodded.
"Sandali." Tipid ko siyang nginitian at nagmamadali na silang iniwan.
Hinayaan kong batiin sila ng mga estudyanteng kanina pa nagkakandarapang makalapit sa pwesto ng mga players. Sa pagbalik ko ay kasama ko na si Jen na siyang patuloy akong ibinubugaw.
"Ako na ang bahala. Huwag ka ng aalis sa tabi ni Marcus. Stick with him." Kumindat pa siya bago ako hinila pabalik sa tabi ni Marcus.
Hinayaan kong humupa ang usapan at ang pagkuha ng mga litrato. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil kahit na nakikita ko lang siyang masaya ngayon habang nakikihalubilo sa mga estudyante ay panay ang pagbubunyi ng puso ko.
Wala namang dapat ikakilig dahil ganito naman na ang routine namin palagi ni Jen pero ewan ko ba. Masaya na talaga ako sa ganito. Ang babaw man pero wala e. He's really my happiness.
"Sa condo daw tayo magce-celebrate sama ka?" Nakangiting tanong ni Leonne sa akin habang hinihintay si Hermes at Marcus na matapos sa pakikipag-usap sa mga tagahanga.
Tumango ako.
Nasabi na naman sa akin ni Jen ang plano bago palang sila magsimula sa laro at madali narin akong pumayag. Ito ang huling laro nila ngayong huling semester namin sa pangalawang taon sa kolehiyo.
Sabay sabay na kaming umalis ng Campbell pagkatapos namin silang hintaying mag ayos.
Ang sasakyan ni Leonne ang gamit namin at may isa pang nakasunod kasama naman ang iba pang ka-team nila sa basketball.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana.
Hindi ko na kailangan pang makita si Marcus dahil sa bawat galaw ng sasakyan ay ramdam ko ang pagtatama ng mga balat namin. Doon palang ay para na akong nababaliw sa tuwa.
Pakiramdam ko'y hindi sapat ang blush on na nailagay ko kaya natatakot akong baka sa pagbaling ko ay makita na niyang pulang pula na ako ngayon sa kilig!
Nag-uusap silang apat habang binabaybay namin ang daan patungo sa condo ni Jen at ako naman ay nanatili lang na nakikinig.
My thoughts are keeping me silent. Parang ayaw ko ng intindihin ang mga usapan nila dahil gusto ko nalang makuntento ngayong nasa tabi ko ang kasiyahan ko.
"Tahimik mo, a?" Napapikit ako ng maramdaman ang marahang pagsiko sa akin ni Marcus.
Huminga ako ng malalim at kumurap kurap bago siya lingunin. I smiled at him.
"Napagod ako sa kakasigaw." Tanging nasagot ko.
He nodded.
"Bakit kasi kailangan pang sumigaw?" Nakangiti niyang tanong.
Pasimple kong kinurot ang sarili ko dahil alam kong matutulala na naman ako sa kan'ya kung sakaling hindi ko gigisingin ang sarili ko.
"S-Siyempre! Full support!" Humagikhik ako para itago ang kaba.
"Sus. Alam naman na namin 'yun."
"Alam mo naman pala kaya natural lang 'yon!"
Lumakad ang tingin ko kay Hermes. Ngumiti siya at umiling iling pero nanatili namang tahimik.
"Nakakapanibago lang na tahimik ka." Aniya.
I chuckled.
"Lagi naman akong tahimik, a! Hindi kaya ako madaldal gaya ni Jen."
Natigilan ang pag-uusap ng dalawang nasa harapan dahil sa litanya ko. Sa pag ikot ng ulo ni Jen sa gawi namin ay muli akong sinalakay ng kaba.
"Talaga ba Mir? Sige nga, bakit ka tahimik at hindi gaya kong madaldal, huh?" Nakangising singit niya.
Pinandilatan ko siya ng mata.
Nakakadalawa na sa akin ang babaeng ito at hindi ko alam kung hanggang ilan nalang ang kaya kong tiisin! Bakit ba naging bully na yata siya nitong mga nakaraan?
"K-Kasi... Tahimik lang talaga akong tao!" Pinilit kong ngumiti ng pormal at iniwas na ang tingin sa humahalakhak kong kaibigan.
Iisipin ko nalang siguro na birthday niya parin. Na araw niya parin ngayon para lang mawala ang plano kong makapanakit ng kapwa tao.
Kunot noo naman ang isinalubong sa akin ni Marcus at Hermes dahil sa huling sinabi ko. Tinaasan ko sila ng kilay.
"Totoo!" Dagdag ko pa. "A-Ang galing niyo pala kanina grabe! Hindi naka shoot ng marami 'yung MVP last time!" Pagbabago ko ng topic.
Muling umiling ang damuhong si Hermes habang nakangisi. Tumango tango naman si Marcus.
"Paano kasi inspired 'yung MVP natin kaya madali tayong nanalo." Si Leonne na sumusulyap pa sa rear view mirror.
Wala sa sariling bumalik ang tingin kay Marcus at doon...
Halos marinig ko na ang pagdaloy ng dugo ko sa aking katawan ng makitang nakatitig siya sa akin ng mataman.
His eyes... Damn... Nag iilusyon lang ba ako? Bakit parang...
"Shut up, Leonne." Pamumuna niya sa kaibigan pagkatapos ay mabilis na nag iwas ng tingin sa akin.
Napapitlag ako ng hampasin ni Jennifer ang dashboard dahil sa kilig niyang hindi ko alam kung para saan!
Ilan beses akong napalunok at agad na ipinilig ang aking ulo pabalik sa bintana. Shit!
"Anong kanta? Ikaw muna Hermes, hindi ko pa naririnig 'yang boses mo e!" Si Jen ng makarating na kami sa condo.
Abala ang dalawa pang lalaking ka team nila habang gumagawa ng mga cocktail sa kitchen counter.
Tahimik naman akong nakaupo sa tabi ni Leonne at Hermes habang si Jen ay halos malukot na ang mukha habang nakatuon sa song book.
"I don't sing." Masungit na sabi ni Hermes.
"Yeah. Huwag mo ng pilitin Jen at baka umulan pa." Si Leonne.
Kumawala ang tawa ako ng titigan ng masama ni Hermes ang kaibigan.
Sa pagbalik ni Marcus sa kinaroroonan namin ay dala na niya ang mga pagkain. Agad tumayo sa tabi ko si Hermes para salubungin ito at tulungan.
Naghiyawan ang lahat lalo pa ng marinig ang door bell na sigurado akong ang pizza delivery na. Bumalik narin si Romeo at Daniel dala naman ang mga alak.
Uupo na sana si Marcus sa nasa gilid na couch ng itulak siya ni Hermes papunta sa upuang inalisan niya.
"Doon ka na. Masikip." Anito pagkatapos ay sinulyapan ako gamit ang mga makahulugang mata.
Napailing nalang ako.
"Game! Si Mir nalang ang kakanta. Ayan na inilagay ko na 'yung favorite mo." Agaw atensiyon ni Jen pagkatapos pindutin ang kantang sinabi niya.
"B-Bakit ako!"
"Sus! Sige na!" Hindi na ako nakatanggi lalo na ng ibigay sa akin ni Marcus ang mikropono.
Natutula ko iyong kinuha sa kamay niya. My heart pounded so loud in my rib cage! Pakiramdam ko'y hindi ko makakanta ang nakasalang dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko.
"Sing for us." Nakangiting sabi ni Marcus bago umayos ng upo sa tabi ko.
"Ayan na!"
Wala sa sariling kinuha ko ang cocktail sa harapan ko at madali iyong ininom. Naghiyawan ang dalawang lalaki maging si Leonne na kakabalik lang sa gawi namin habang dala ang pizza.
Huminga ako ng malalim at itinuon na ang buong atensiyon sa kakantahin.
Nang tumahimik ang lahat ay muli akong sinalakay ng nakakaliyong kaba. Pinigilan ko ang sarili kong pamulahan lalo pa ng mapagtanto ang kantang gustong ipakanta ng taksil kong kaibigan.
"Isn't it funny
How times seems to slip away
So fast
One minute you're happy
The other you're sad
But if you give me one more chance
To show my love for you is true
I'll stand by your side
Your whole life trough..."
Pumalakpak pa si Jennifer kaya naman ginaya tuloy siya ng mga lalaki. Si Hermes naman ay nanatiling nakangisi habang pinapakinggan ang boses ko.
Huminga ako ng malalim at pinaalalahanan ang sariling tapusin ang kanta ano man ang mangyari.
Nilingon ko si Marcus na nakangiti habang nakatitig sa TV. Gustohin ko mang alisin ang paningin ko sa kan'ya ngunit hindi ko na magawa. Kinanta ko ang buong chorus habang nakatitig sa gwapo niyang kabuuan.
"If life is short
Why won't you let me love you
Before we run out of time
If love is so strong
Why won't you take the chance
Before our time has come
If life is so short
If life is so short..."
Sa pagbalik ng tingin niya sa akin sa pagtapos ng chorus ay siya namang pag iwas ko ng tingin.
"Love is a word that explains
How I feel for you
And when you're in my arms
All my dreams come true
And when you're not around
You can't hardly see
These tears that I'm crying
Now are for you to be with me..."
Sa bawat pagkanta ko ng lyrics at bawat hiyaw ng mga kaibigan ko ay taliwas naman ang naramdaman ko.
"If life is short
Why won't you let me love you
Before we run out of time
If love is so strong
Why won't you take the chance
Before our time has come
If life is so short
If life is so short..."
I'm not an emotional person.
Hindi ako madaling umiyak dahil sa pagiging overwhelmed pero habang kinakanta ko 'yon ay nararamdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko.
Hindi naman malungkot ang mensahe ng kanta pero hindi ko kayang sabayan ang kasiyahan nila.
Sa pagbalik ng mata ko kay Marcus ay doon ko napagtanto kung bakit ganito...
Dahil kahit na anong gawin ko ay pakiramdam ko hindi talaga... Hindi talaga niya ako makikita bilang ako.
Bilang isang babaeng nagmamahal sa kan'ya at nakakatakot...
I'm scared and weakened by the thought that I may lose our friendship because of this feeling. Yes it's risky. Ayaw kong isang araw ay mawala ang pagkakaibigan namin kung sakaling hindi man kami parehas ng nararamdaman para sa isa't-isa.
Hindi ko alam kung paano pero sa ngayon ay hahayaan ko nalang siguro muna ang oras na magdesisyon kung kailan. Kung ano ang tamang tiyempo. Kung kailan ang tamang timpla para sa aming dalawa.
At kung hindi man ay tatanggapin ko dahil alam kong sa kailaliman ng puso ko ay siya na ang gusto ko...
Sa ngayon ay wala akong pwedeng hilingin kung hindi ang pagbagal ng oras... Nang mga pangyayari... nang mga pagkakataong kasama siya dahil alam ko...
Pagbali-baliktarin man ang mundo ay darating parin ang oras na lalabas ang lahat ng nararamdaman ko para sa kan'ya...
Huminga ako ng malalim at mapait na napangiti ng balingan niya ako at ngitian.
Damn it Marcus... Why do I fucking love you so much?
# CHAPTER 6
Chapter Six
Oath
Sa pangatlong taon namin sa kolehiyo ay doon ko nasabing parang hindi ko na yata kayang matapos ang isang buong araw ng hindi siya nakakausap.
"Kain tayo?" Nakangiti niyang sabi matapos kunin ang mga hawak kong libro.
Tumango lang ako.
"Hihintayin pa ba natin sila?" Nilingon ko ang silid kung saan naiwan ang mga kaibigan namin.
Natatawang umiling si Marcus.
"Hindi nag review 'yang si Leonne kaya baka abutin 'yan ng siyam siyam! Tayo nalang muna." Masaya niyang sabi na dahilan ng awtomatikong pagkagat ko sa aking labi.
"May tayo na?" Natutuliro kong tanong pero ng makita ang pag ngisi niya ay agad akong humalakhak at nag iwas ng tingin!
Parang biglang sinipa ang puso ko dahil sa kabang sumalakay sa akin. Bakit ka ganyan Mirthene? Bakit ang hilig mong saktan ang sarili mo?
"Gusto mo ba?" Pilyong sagot ni Marcus.
Kung siguro'y narinig ko ang mga katagang 'yon noong mga panahong hindi pa namin nagagawang magbiruan ng ganito ay baka nagtatatalon na ako sa tuwa pero dahil sa nakagawian na namin na asarin ang isa't-isa ay normal nalang ang lahat.
Para sa kan'ya...
"Ikaw 'yun! Uy... Gusto mo na 'no?" Sinapak ko ang braso niya pero hindi naman siya umiwas.
"Ikaw nga, gusto mo?" Nakangisi niyang pag uulit.
Inirapan ko siya at mas binilisan ang paglalakad. Humahagalpak siya ng tawa habang pilit na pinapantayan ang lakad ko.
Ilang ulit akong minura ng utak ko dahil kahit na alam kong biruan na namin ang ganito ay hindi ko parin maiwasang lumagpas sa linya ng mga bagay na hindi pwede. Mga bagay na hindi tama... Parang kami.
"Ikaw nga 'yung may gusto, e! Huwag nga ako!" Inirapan ko siya ulit at tumahimik na.
Nabubwisit na ako. Hindi dahil sa pang aasar niya kung hindi dahil sa sarili kong asang asa naman sa mga ganito!
"Akin na nga 'yang bag mo. Parang ang daming laman a? Dala mo yata si Gryffindor!" Hindi na ako nakaiwas ng agaran niyang kinuha ang bag ko.
"Hindi. Kung pwede nga lang e." Malungkot kong sabi ng maisip ko ang alaga kong toy poodle na si Gryffindor.
"Pwede naman..." He murmured.
Inayos niya ang mga gamit ko sa kan'yang balikat habang tinatahak namin ang daan papunta sa parking area.
Dahil examination lang ngayong araw ay malaya na kaming umalis pagkatapos ng huli. Bumagal ang lakad ko dahil sa sinabi niya.
"Paano?"
"Gusto mo ba?" He asked again.
Hinila niya ako sa gilid ng may masalubong kaming guard.
"Oo." Nakangiti kong sagot.
"Sabi ko na e! Gusto mo ako?!" Parang nanalo sa lotto'ng hiyaw ni Marcus.
Napahinto ako sa narinig at agad na hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Ano?!" Naguguluhan kong tanong dahil hindi ko na maintindihan kung ano na ba ang pinag uusapan naming dalawa!
At ang puso ko ay walang tigil na naman ang paghuhuramentado! Parang ilang araw nalang talaga ay sasabog na ang lahat ng nararamdaman ko para sa kan'ya.
No! I need more time! Lalo na ngayong komportable na ako sa ganito. Hindi pwede!
"Hoy! Hindi!" Mariin kong tanggi.
Humalakhak siya ulit dahil sa inis ko.
"Sus..." Nakangisi niyang pang aasar.
"Hindi 'no! Ang kapal mo naman! Hindi talaga Marcus! Eww!"
Nilagpasan ko siya ng hindi mapuknit ang nakakalokong ngiti niya. Baliw!
"Ang pikon mo talaga!" Hiyaw niya habang nakabuntot na sa akin.
Dinoble ko ang mga hakbang ko dahil tingin ko'y isang pang aasar nalang niya ay aamin na ako.
"Kapal mo kasi!" Tumakbo na ako ng matanaw ang sasakyan niya.
Damn it Mirthene!
Natatawa parin niya akong sinundan. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Hindi ko na nagawang tumitig sa kan'ya dahil hindi ko na kaya pang magsinungaling. Isang tingin nalang ay baka sunggaban ko nalang siya bigla! Ang bataan at mga karatig lalawigan ay hindi pwedeng isuko!
"Saan mo gusto?" Pormal na tanong ni Marcus habang abala sa pagmamaneho.
"Gusto ko ng kimchi."
Tumango tango siya at kalaunan ay iniliko na ang sasakyan ng madaanan namin ang isang sikat na Korean restaurant.
Sa pagtakbo ng oras ay mas naging madalas ang paglabas namin ni Marcus ng kaming dalawa nalang.
Dahil abala si Jen sa pag-aaral at pangungunsinti sa akin ay siya na mismo ang gumagawa ng paraan para masolo ko si Marcus.
"Mali." Puna niya sa sagot ko sa aming homework.
Nasa bahay kami ngayon. Maging ang pamilya ko ay nasanay narin sa presensiya ni Marcus lalong lalo na si Mommy at ang kapatid kong si Mackenzie na dalawang taon lang ang agwat sa akin.
Tinuro ni Marcus at ipinaliwanag sa akin kung saan ako nagkamali. Hindi naman una ang ganito pero namamangha parin talaga ako sa tuwing naiisip kung gaano siya katalino.
"Tama na?" Tanong ko pagkatapos palitan ang sagot.
"Yup." Aniya at nagpatuloy nang muli sa pagsagot sa mga iba pang tanong.
Matapos gumawa ng homework ay inanyayahan naman siya ng pamilya kong mag dinner.
Sa pagdalas ng pagbisita niya sa bahay ay itinuring narin siyang parang anak ng mga magulang ko.
"Hindi ba talaga Mirthene? Baka naman nahihiya lang kayong umamin?" Usisa ni Mommy sa akin isang araw.
Natatawa kong kinuha ang kamay niya. Naglalaro kami ni Marcus sa xbox at uminom lang ako ng tubig sandali pero dahil sa pang iintriga ni Mommy ay hindi ako nakabalik kaagad.
Tinanaw ko ang gawi ni Marcus at wala sa sariling napangiti nalang. Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago ibalik kay Mommy ang tingin.
"Magkaibigan nga lang po kami Mommy."
Parang gusto kong matawa dahil sa pagkunot ng noo niya.
"At bakit?"
"Mom!"
Humagikhik siya at hinaplos ang kamay ko.
I just can't believe her! Hindi ko alam kung paanong nabago ang ihip ng hangin sa bahay namin. Noon kasi ay mahigpit pa sa kamay na bakal kung magpaalala sa akin si Daddy na bawal akong mag boyfriend pero ngayon naman ay parang gusto na nila akong ipagkanulo kay Marcus.
Sa pagbalik ko sa tabi niya ay kasabay ko si Mackenzie na abala sa hawak niyang tablet.
"Nagugutom ka na ba?" Pormal kong tanong.
Umahon si Marcus sa malambot na carpet na punong puno ng mga unan para sagutin ako.
"Hindi pa naman. Ikaw ba?"
Umiling ako.
Busog na busog parin kung alam mo lang!
Ipinilig ko ang ulo ko ng salakayin na naman ako ng kapilyuhan. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang isang controller. Natigil lang ako sa paglalaro ng mapansin ang kapatid kong nakapangalumbaba na sa aming dalawa.
Wala sa planong nagkatitigan kami ni Marcus at sabay na kinunutan ng noo ang kapatid ko.
"What now?" Tamad kong sambit.
Umiling siya at itinuon ang mga mata kay Marcus.
"Hindi talaga kayo?" Inosente niyang tanong.
"Mackenzie!" Tinaliman ko ang titig ko sa kan'ya dahil alam kong mangungulit na naman siya.
Tumawa si Marcus at umiling.
"Walang taste ang Ate mo." Natatawa niyang sagot rito.
"Isa ka pa! Meron kaya!" Giit ko.
Ikaw! Ikaw ang sagot sa lahat ng panlasa ko Marcus Findle Warner!
Ibinaba niya ang controller para lang balingan ako.
Napalunok ako ng ilang beses dahil sa malagkit na titig ni Marcus! Heto na naman siya! Nag uumpisa na naman akong asarin!
Tumikhim ang kapatid ko at nagpapasalamat ako dahil natigil ang mga matang iyon sa pang aakit sa akin.
Bumalik ang tingin ko sa kapatid ko ng makitang may sasabihin siya.
"Anyway, gusto ko lang klaruhin na hindi na pwede 'yung bigla nalang mawawala! Hindi acceptable 'yung bigla nalang titigil sa pagbisita kahit na hindi kayo! O kaya naman kapag may girlfriend ka na." Seryosong baling niya kay Marcus.
"Kuya, parte ka na ng pamilya namin kaya have some decency to commit to this family! Please swore an oath!"
"Shut up, Ken!" Tumayo na ako para itaboy ang nababaliw kong kapatid!
Tumitili naman siyang umilag sa akin habang binabato ako ng mga throw pillow.
Narinig ko ang pagtawa ni Marcus na aliw na aliw na naman sa kahibangan ng kapatid ko kaya mas lalo akong nagkaroon ng determinasyon na makasakit ngayon!
"Mackenzie!' Nanggigigil kong sigaw habang hinahabol siya paakyat ng grand staircase.
# CHAPTER 7
Chapter Seven
Best Friend
"O tapos?"
Kinagat ko ang labi ko dahil sa tanong ni Jen. Katatapos lang ng klase namin ngayon at papunta naman sa library para mag review sa susunod na recitation.
Nagkibit ako ng balikat at pinilit itigil ang pag ngisi.
"'Yun lang. Nanuod lang kami ng sine tapos hinatid niya na ako pauwi." Itiniklop ko ang librong hawak ko at kinuha naman ang panibago.
Things between me and Marcus are getting better and better. Well para sa akin. Alam kong walang magandang kahihinatnan ang pag asa kong isang araw ay maging iba ang direksiyon ng aming relasyon pero hindi na yata maaalis sa puso at utak ko ang panalanging 'yon.
Ang pag asang sana isang bukas ay ako naman. Kami naman. Sana kami nalang.
"Wala paring aminan na naganap?! Mir look... Huwag mong mamasamain a, pero kahit na hindi ka pa naman umaamin ay halata naman sa mga kilos mong gusto mo siya. Halatang noon pa man ay mahal mo siya."
Napatuwid ako ng upo dahil sa narinig.
"T-Totoo?" Nabibigla kong tanong.
Sa pagtango niya ng dahan dahan ay para ng sinilaban ang pagkatao ko. Pakiramdam ko'y umikot ang sikmura ko.
Kung alam ng iba na gusto ko siya higit pa sa kaibigan ay sigurado akong alam narin niya?! Hindi. Hindi pa pwede!
"Yeah... Lalo na ngayong palagi na kayong lumalabas. Akala nga namin nila Hermes kayo na e! Wala ba talaga? Hindi niyo ba talaga napag uusapan ang mga bagay na gano'n?"
Tuluyan ko ng itinabi ang librong hawak ko para lang harapin si Jennifer.
Umiling ako.
"How can I confess what I really feel for him kung ngayon pa nga lang ay natatakot na akong bigla niyang layuan? Jen, I can't risk that. Masaya kami. Masaya akong makasama siya..."
Itinigil ko ang pagsasalita ng maramdaman ko ang malaking pagbara ng kung ano sa lalamunan ko.
Malungkot niya akong tinitigan.
"I know what you feel. Ganyan din ako noon kay Leonne remember?"
Napayuko ako ng maisip kung paano nagkalamat ang relasyon nila noon dahil sa pag amin niyang gusto niya ito bilang isang lalaki at mas mataas sa relasyong kaibigan lamang.
Ilang linggo rin silang hindi nagpansinan noon at sa tuwing naiisip kong lalayuan din ako ni Marcus gaya ng ginawa ni Leonne ay sumisikip na kaagad ang dibdib ko.
"Kaya nga hindi pwede Jen."
"Pero paano ang katotohanan?"
Nagkibit ako ng balikat.
"I can continue the lies that I started just to be with him. Kaya kong ipagpaliban ang nararamdaman ko sa ngayon para lang hindi masira ang pagkakaibigan namin."
Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko. Pinagdiin niya ang labi niya habang hinuhuli ang mga mata ko. Sa pagtitig ko sa kan'ya ay siya namang pag ngiti niya.
"Just tell him the truth Mirthene. Kung hindi mo pa kaya ngayon, subukan mo sa susunod na mga bukas. Just promise me to tell him what you really feel, okay?"
Tipid akong ngumiti at tumango.
Kailan ba naging ganito kahirap ang umamin sa totoong nararamdaman? Noon naman ay hindi ako nahihiyang ipangalandakan sa mga naging crush ko na hinahangan ko sila pero si Marcus... Iba ang lahat pagdating sa kan'ya.
I couldn't risk our friendship... Hindi ko gustong mawala 'yon dahil hindi ko na alam kung ano pa ang magiging papel ko sa buhay niya kung pati 'yon ay masira.
"Seryoso kayo, a?" Natatawang sabi ni Leonne na papalapit sa lamesa namin kasama ang kan'yang girlfriend.
Nagkatitigan kami ng kaibigan ko. Pinisil niya ang kamay ko.
"Nagre-review lang kami. Tapos na ba kayo?"
Sa pagbalik ng atensiyon ko sa libro ay siya namang pagdating ni Marcus. Nakikita ko palang ang mga hakbang niya palapit ay kinakabahan na naman ako.
Bago matapos ang araw ay muli akong niyaya ni Marcus na mag dinner kasama ang kan'yang pamilya. Birthday kasi ni Tito Leo, ang kan'yang ama at sinabing gusto raw akong makita sa dinner mamaya.
Ilang beses narin naman akong nakapunta sa bahay ng mga Warner gaya ni Marcus sa aming bahay kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumama.
"You think you did well today?" Pormal niyang tanong habang ipinaparada ng maayos ang kan'yang sasakyan.
"Oo naman. How about you?" Proud kong sagot.
"Tinatanong mo talaga ako niyan?"
Napanguso ako ng marinig ang pagtawa niya.
"Yabang mo! Ikaw na matalino!"
Mas lalong lumakas ang tawa niya kaya natawa narin ako.
"Hija! It's good to see you!" Bati sa akin ni Tita Helene ng makapasok na kami sa loob.
Sinalubong ko ang yakap niya. "Kayo rin po, Tita!"
Binati ko si Tito Leo matapos ang pagbati sa kan'yang ina. Sa ilang ulit ko nang nakabisita sa kanilang bahay ay kilala narin ako ng kanilang mga kasambahay.
Napaangat ang tingin ko kay Tito Leo ng tumikhim siya. Hindi ko man nasundan ang tanong pero alam kong may kinalaman na naman iyon sa amin ni Marcus.
Nanlamig ang mga kamay ko ng makita ang masayang muha ng kan'yang ina na nakabaling sa akin.
"P-Po?" Naguguluhan kong tanong.
Humagikhik si Tita Helene bago balingan ang asawa.
"Leonardo stop asking so many questions! Kaya hindi natutuloy ang relasyon ng mga bata dahil sa pagiging excited mo."
Nakagat ko ang aking pang ibabang labi. Nilingon ko si Marcus na seryosong nakatingin naman sa akin.
"I'm just curious, Helene. Gusto ko si Mirthene para sa anak natin. Isa pa, siya lang ang babaeng dinala ni Marcus dito."
"Dad..." Napapakamot sa ulong singit ni Marcus sa usapan.
"Leo, big deal ba kapag nauna?" Si Tita.
Umiling ang kan'yang ama bago muling nagsalita.
"Hindi sa nauna kung hindi dahil natatangi." Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko sa loob ng aking dibdib dahil sa naging takbo ng pag uusap.
"Hija, tell me. Hindi ka ba talaga nililigawan nitong anak ko?"
"Dad! Hin-"
"Hindi po!" Agap kong sagot para tapusin ang pagsingit ni Marcus.
Nilingon ko siya at tipid na nginitian kahit na wala na yatang saya sa mukha niya dahil sa pangungulit ng ama.
Humugot ako ng sapat na lakas para klaruhin sa lahat ang kung anong meron kami ni Marcus. Ayaw kong sa kan'ya mismo manggaling na magkaibigan lang talaga kami dahil kahit na alam kong 'yong ang katotohanan ay masasaktan parin ako.
Ibinalik ko ang tingin sa mag asawa bago tuluyang sagutin ang mg katanungan nila.
"Matalik na magkaibigan lang po talaga kami ni Marcus... Maswerte po ako na nariyan siya para sa'kin bilang isang kaibigan..." Unti unti ang pagsibol ng kirot sa puso ko pero kahit na gano'n ay nagawa kong magpatuloy.
"W-We're just best friends. Hanggang doon lang po talaga kami."
Hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yon ng nakangiti kahit na taliwas doon ang totoo kong nararamdaman.
Tumahimik ang mga taong nasa lamesa dahil sa naging litanya ko. Sa pagbaling ko kay Marcus ay siya namang pagtango niya sa akin. I smiled at him.
We are just best of friends right?
Kahit nabago na ang usapan ay hindi nawala ang kaba at lungkot sa puso ko. Ilang ulit pumasada sa aking utak ang mga sinabi ko at doon ko napagtantong tapos na...
Dapat matapos na ang kahibangan kong mahalin siya dahil alam kong hanggang doon nalang talaga kami.
"Best friends huh?" Natatawa niyang sabi pagkatapos akong tabihan.
Matapos ang dinner ay pumanhik na ang mag asawa para magpahinga samantalang kami naman ay nanatili sa kanilang garden. Lumapit ako sa maliit na fish pond para tignan ang mga isda doon.
Sa kabuuan ng malaki nilang bahay ay ito ang pinakapaborito kong parte sa lahat.
"Bakit? Totoo naman 'di ba?" Walang lingon kong tanong.
Umalis ako sa pond at bumalik sa kanilang veranda. Sumunod naman siya sa akin pagkatapos ay sabay kaming naupo sa couch na naroon.
"'Di ba sabi mo gusto mo ako?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nang makita ko ang seryoso niyang mukha ay humalakhak ako.
"Ikaw 'yun hindi ako!"
"Sus! Best friends..." Tumawa narin siya.
"Just that. I'm always here for you kaya tama lang na ako ang best friend mo!" Giit ko.
Tumango tango siya.
"Ano pa bang role ng isang best friend? Pupwede bang magselos?"
Natigil ako sa pagtawa dahil sa narinig. Muling naghuramentado ang puso ko. Hindi ko mapagtanto kung dahil ba 'yon sa ambiance ng kinaroroonan namin o sadyang nababaliw na naman ang puso ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya?
"Selos? Para saan?" Kunot noo kong tanong.
Humilig siya sa upuan at inangat ang paa para harapin ako ng mas maayos. Napalunok ako ng makita ang mamula mulang mukha ni Marcus na siguro'y gawa ng whiskey na ininom nila ni Tito Leo kanina.
Nagkibit siya ng balikat.
"Ni minsan ba hindi ka man lang nagselos kapag may kausap akong iba?" Seryoso niyang tanong.
Naikumo ko ang kamay ko dahil sa kabang sumalakay sa akin.
Oo nature na naming mga babae ang maging selosa pero may mangyayari ba kapag malaman niyang nararamdaman ko 'yon sa tuwing nakikita kong may kausap siyang babae? May magbabago ba kapag umamin ako?
"Para sa mga magkarelasyon lang 'yun Marcus. And no. Bakit ako magseselos? Jowa ba kita? Hinding hindi kahit sa magiging girlfriend mo pa!"
Dinaan ko ang mga salita ko sa mapagbirong tono para maibsan ang kaba ko pero kahit na ano pa yatang gawin kong tawa ngayon ay hindi ko na kaya pang pagtakpan ang kirot ng puso ko.
Ni ngiti ay walang lumabas sa labi niya gaya ng mga nakasanayan naming biruan.
Ngayong gabi nga yata ay hindi niya ako nagawang asarin ng todo. Nanatili siyang seryoso at tahimik na tila may malalim na iniisip.
Magsasalita pa sana ako para putulin ang nakakabinging tensiyon sa pagitan naming dalawa pero natigil na ako ng bumukas ang bibig niya.
"So kailangang maging girlfriend muna kita bago ako magkaroon ng karapatang mag selos gano'n ba?"
# CHAPTER 8
Chapter Eight
Mahal Kita
Sa tagal na panahon naming magkakilala ni Marcus ay ito na yata ang pinakamahabang oras na natahimik ako dahil lang sa isang tanong.
Naghahati ang utak at puso ko sa isang sagot na sana ay noon ko pa sinabi pero imbes na sagutin 'yon sa paraang gusto ng utak ko ay wala akong nagawa kung hindi ang mapalunok nalang ng ilang ulit.
Huminga ako ng malalim ng makita ang pagtuwid niya ng upo. I badly wanna tell him that I want him... I love him...
Tila bumalik lang ako galing sa malalim na pagkakatulog ng marinig ang paghagalpak ng tawa ni Marcus kasabay ng pagpisil niya sa aking pisngi.
Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa gulat!
"Damn! That was funny!" Humahalakhak niyang sabi habang pinanggigigilan ang pisngi ko.
Sa pagbitaw niya sa akin ay parang doon lang isinampal sa akin ang lahat.
He's testing me again and I'm so stupid to feel this way! Muntik pa akong mapaamin dahil sa pang aasar niya!
"I hate you!" Inis kong hiyaw sa kan'ya ng makitang wala na yata siyang balak tumigil sa katatawa dahil sa naging reaksiyon ko!
"Kung makikita mo lang 'yung hitsura mo Mir! Nakakatawa para kang na in love bigla sa akin!"
Naramdaman ko ang ilang malalakas na sipa sa puso ko dahil sa kan'yang sinabi!
Tumuwid din ako ng upo at naghalukipkip sa kan'yang harapan.
"Are you kidding me?! Baka ma in love ako sa'yo! No way!" Inirapan ko siya.
Damn you Marcus! I hate you for being so playful! Muntik na ako!
Dahan dahang humupa ang tawa niya ng talikuran ko siya. Hindi ko na maawat ang kabang nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako at parang gusto ko nalang siyang sapakin ng ilang beses dahil sa ginawa niya!
Nang maramdaman ko ang paggalaw niya ay nagmamadali na akong tumayo.
"Uuwi na ako." Huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap.
Tumayo siya at tumango.
"Ihahatid na kita." He said.
I nodded at him. Ayaw ko ng dugtungan ang nabuksang asaran dahil alam ko, sa huli ay masasaktan lang ako sa mga birong sana ay totoo nalang.
Sa paglipas ng semester ay hindi ako nawala sa tabi ni Marcus. Madalas narin kaming magkasama kaysa kila Leonne. Ilang events at mga party narin ang nadaluhan naming dalawa at lahat ng 'yon ay siya ang date ko.
Sa bawat pagsikat ng araw at paglubog nito ay tila unti unti akong mabubuhayan ng loob para sa aming dalawa.
Sa bawat mga sulyap niya ay ipinapanalangin kong sana sa ibang paraan niya naman ako titigan
Sa bawat hawak niya sa kamay ko ay sana, siya na lang rin hahawak sa akin hanggang sa dulo...
"Nag eenjoy ka ba?" Nakangiti niyang tanong habang nasa dance floor kami.
Katatapos lang ng pormal na programa para sa reception ng kasal ng pinsan ni Marcus. And today, I am still his date.
Marahan akong tumango at ngumiti sa kan'ya. Naglakad ang kamay ko pahaplos sa kan'yang malapad na balikat hanggang sa kan'yang leeg.
"Thank you..." I blurted.
Nakita ko ang paglunok niya at pang ngiti.
"Saan naman?" Kunot noo niyang tanong.
Parang gusto kong maiyak sa inis ng magbago ang kanta sa kabuuan ng club house.
"I don't wanna lose you,
I don't wanna use you
Just to have somebody by my side..."
Payak akong tumawa. Damn it! Why do I feel so emotional right now? Dahil ba sa kanta? O dahil may nararamdaman akong kakaiba?
Iyong pakiramdam na gusto ko nalang siyang ipagdamot. Ang pakiramdam na gusto ko siyang ilayo sa lahat at sarilinin nalang...
"And I don't wanna hate you
I don't wanna take you
But I don't wanna be the one to cry
That don't really matter to anyone, anymore
But like a fool I keep losing my place
And I keep seeing you walk through that door..."
Umiling ako at muling ngumiti.
"Wala lang, gusto ko lang mag thank you kasi palagi kang nandiyan para sa akin. You always make sure that I am okay. Sa lahat lahat Marcus. Thank you... Walang halong biro."
Napalunok ako ng naramdaman ang marahan niyang paghapit sa katawan ko palapit sa kan'ya.
"Did you drink? May ibinigay ba sa'yo si Patricia?" Anito tukoy sa kan'yang pinsan.
"Wala. Seryoso na kasi. Gusto ko lang talagang mag thank you."
Kinagat niya ang labi niya habang nakatitig sa mga mata ko na tila may malalim na iniisip. Parang sinisiguro kung may nainom ba talaga ako o wala.
Kalaunan ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hinga.
"You're serious." he murmured.
"Yes."
Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko ang marahang pag angat ng kan'yang kamay sa pinakakurba ng aking bewang..
"You are my friend Mir, remember? Best friend..." Dahan dahan niyang sambit na tila unti unti ring pagdiin ng mga matatalim na bagay sa aking dibdib.
Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang masalimuot na isipin kasabay ng masakit na katotohanan.
Nagbaba ako ng tingin lalo pa ng makita ko ang pagkislap ng magaganda niyang mga matang paborito ko sa lahat. Iyong pagtitig niyang alam ko kung hanggang saan ang dulo.
"B-Best friend." Bulong ko.
He chuckled and work his fingers on my chin. Sa marahang paggalaw niya ay parang gusto nalang mag unahan ng mga luha ko.
Hinuli niya ang mga mata ko bago muling nagsalita.
"Palagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo. Kahit ano pa 'yan Mirthene... You can always talk to me about everything. Makikinig ako. Iintindihin kita. At kung isang araw may lalaking magtatangkang manakit sa'yo, ako ang unang unang makakalaban niya."
Lumakas ang kalabog ng puso ko lalo pa't pakiramdam ko'y sobrang lapit niya lang sa akin pero kahit kailan ay imposible kong maabot.
Siya ang isa sa mga pangarap kong malabong matupad...
Kinagat ko ang aking pang ibabang labi nang maramdaman ang paglabo ng aking mga mata.
Mir, please... Don't cry...
Pag aalo ng utak ko.
Hinaplos niya ang pisngi ko bago muling ngumiti at magsalita.
"Nandito lang ako para sa'yo Mir dahil mahal kita... Dahil ikaw ang best friend ko..."
Nag unahan nang tumulo ang mga luha ko. His words were glimpse of a dream... Iyong pangarap ko noong unang beses ko palang siyang nakita pero ang mga salitang huli niyang binanggit ang pumutol rin sa lahat ng kahibangan ko.
Tumango tango ako sa kabila ng mga pagalit niya dahil sa aking pag iyak.
"Stop crying Mirthene. Ilan ba ang nainom mo ha?!" Hiyaw niya habang yakap yakap na ako.
# CHAPTER 9
Chapter Nine
No One
"Ano ba kasing nangyari?" Nag aalalang tanong sa akin ni Jen matapos kong sabihin sa kan'ya ang nangyari noong gabi ng pag uusap namin ni Marcus.
Isang mapait na ngiti ang namutawi sa labi ko. Nagkibit ako ng balikat.
"Wala. That's it."
Imbes na maliwanagan ay tila mas lalong nalukot ang kan'yang mukha.
"Teka." Napaangat ako ng tingin ng tumayo siya at lumipat sa tabi ko.
"Anong that's it, Mir?"
"That's it. As in we're just best friends Jen. Mahal niya ako bilang kaibigan. Hindi ba gano'n naman talaga?"
"No. Hindi! Bakit? Bakit hanggang doon lang?"
Hindi ko na napigilan ang matawa sa reaksiyon niya. Nitong mga nakaraang araw ay wala namang pagbabago sa relasyon namin ni Marcus. Ni pag iwas ay hindi ko ginawa kahit na alam kong dapat ay tapos na ang lahat ng pag asa ko para sa aming dalawa.
Umiling nalang ako at nagkibit ng balikat.
May sagot pa ba sa tanong na 'yon maliban sa hanggang doon lang talaga ang nararamdaman niya para sa akin?
I am his best friend... Best friend lang, period.
Ilang linggong nanatili ang pangungulit sa akin ni Jen tungkol sa kung saan nagkamali ang mga plano niya pero wala na akong maisagot.
"What? Do you need anything?" Kunot noo kong tanong kay Hermes isang araw ng mapansin kong hindi nawala ang titig niya sa akin.
Imbes na sagutin ako ay kinunutan niya rin ako ng noo. What the hell!
Binitiwan ko ang pagtitig sa kan'ya at muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa kong essay na ipapasa bukas.
Ilang minuto palang akong nakakabalik ay nahinto ulit ako ng hindi parin ako tinantanan ng lalaking nasa harapan ko. Padabog kong isinara ang libro ko bago siya muling harapin.
What the hell is wrong with this guy?! At bakit ba siya narito ngayon imbes na samahan ang mga lalaki sa gymnasium?
"Bakit ba Hermes?" Inis kong palatak sa kan'ya.
Bumuntong hinga siya at ipinilig ang kan'yang ulo.
"Bakit din ba? I'm just looking at you. Masama ba?"
Rumolyo ang mga mata ko sa kan'ya. At ngayon pa talaga niya ako kailangang titigan habang busy ako at may ginagawa? Hindi niya ba alam ang salitang nakakailang?
"Masama Hermes! Isa pa, bakit mo naman ako kailangang titigan aber?!"
Naghalukipkip ako at hinarap siya ng maayos.
"You can't hide what you really feel Mirthene." Makahulugan niyang sinabi.
Kusang nabuwal ang mga kamay kong nasa aking harapan. Wala sa sariling napalunok ako dahil pakiramdam ko'y may iilang tamang punto siyang nasapul sapagkatao ko.
"W-What do you mean by that?" Nauutal kong sambit.
Nagsalubong ang kilay niyang tila gusto talaga akong salain ngayon! Ano bang nakain niya ngayon at ganito siya kung nakapag-react?!
Nagkibit siya ng balikat at pagkatapos ay tumayo na upang iwan ako.
"Hoy!"
Sinubukan ko pa siyang habulin kahit na hindi naman dapat pero dahil sa malalaking hakbang niya ay ako nalang din ang sumuko.
Hermes gave me the same look everyday.
Hindi ko man siya gustong pansinin sa mga pang iintriga niya pero hindi ko mapiligan lalo na sa tuwing magkakasama kaming lahat.
Sa tuwing binibigyan ako ng atensiyon ni Marcus ay doon naman mas lalong tumutuon ang mga mata niyang mapanuri sa akin.
Tumikhim ako ng mahuli ko siyang nakatingin na naman.
Is he drunk? Sa pagkakaalam ko ay wala namang alak na inilabas si Jennifer pero bakit ang lakas ng tama niya?
"Fuck." Tipid na sagot ni Leonne pagkatapos banggitin ang isang babaeng sikat sa Campbell.
Umirap si Jen sa akin at inginuso ang sumagot. Natatawa namang tinapik ni Hermes sa balikat ang katabing kaibigan.
"Fuck boy ka talaga!" Si Marcus.
Humalakhak si Leonne at itinaas ang kamay niya para bigyan ng middle finger si Marcus.
Sabay kaming tumayo ni Jen para gumawa ng maiinom pero panandali akong natigil ng sumagot si Leonne.
"Coming from you Marcus! Sino kaya ang fuck boy!" Aniya.
"I'm not like you Leonne!" Ganti naman nito.
Kung hindi pa hinila ni Jennifer ang kamay ko ay baka hindi na ako gumalaw. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakaintriga.
Ang laro o ang mga sagot ng kalalakihan? Probably the last one.
Sa pagbalik namin ay nagpatuloy lang sila sa larong fuck, marry kill habang nasa harapan ng xbox.
Napangiti ako ng makita si Hermes na seryoso habang pinagiisipan ang isasagot sa tanong.
"Fuck Tiffany. Marry Pat and kill Jen."
Humagalpak ako ng tawa habang inaayos ang sarili sa tabi ni Marcus dahil ang kaibigan ko ay madaling napunta ang kamay sa braso ni Hermes.
"Jen what the fuck!" Gulat niyang hiyaw dahil sa agarang hampas na natanggap niya.
"That's for killing me Hermes!"
"That's a different one! Iyong nasa college of accounting! Tsk!" Palatak niya habang sapo ang braso.
Tumawa naman si Leonne at umiling iling kay Jen para ipahamak pa ang kaibigan.
"Sino 'yun?" Nakangiting tanong ko kay Marcus habang abala ang tatlo sa pagbabangayan.
"Iyong fan niyang obsessed."
Tumango tango ako at ibinigay sa kan'ya ang isang basong may lamang juice.
"Hindi nga kayo kasali! Leonne, damn it! Back me up!"
"Bahala ka sa buhay mo! You shouldn't kill your friends Hermes!" Humahalakhak niyang panggagatong sa galit ni Jen.
Tumayo na si Hermes ng hindi siya tantanan ni Jen sa pananakit.
"I hate you Hermes!"
Umiiling na tumawa ang huli.
"Anong gusto mo? Fuck? Marry?"
Nakita ko ang agarang paghinto sa pagiging bayolente ni Jen dahil doon. Umirap siya at ngumuso.
"Kahit ano huwag lang kill. Patayin kita e!"
Lumipat sa tabi ko si Hermes habang si Jen naman ay umupo na sa tabi ni Leonne.
"Tawa tawa ka diyan. Ikaw rin!" Ismid niya sa katabi. "Ako nga ang sasagot!"
Umayos siya ng upo sa tabi nito. Nang humupa ang asaran ay saka siya muling nagsalita.
"Fuck Marcus. Marry Marcus and kill the both of you!" Singhal niyang mas lalo yatang nagpagulo sa sitwasyon.
Umiling si Marcus at sinulyapan ako. Ngumiti lang ako sa kan'ya.
"Hindi nga pwede ang friends, Jen." Si Marcus.
"At bakit? Sige nga, ikaw nga ang sumagot. Ako, si Mir at si Tiffany."
Tumuwid ng upo si Marcus at ipinasa kay Leonne ang controller bago lagukin ang laman ng basong hawak.
"Come on! It's just a game."
Ilang ulit akong napalunok ng makita ang ambang pagsagot ni Marcus. Kahit ano yata doon basta mabanggit lang ang pangalan ko ay mababaliw na naman ako sa kaba.
Nagtinginan ang mga lalaki kaya napainom narin ako sa hawak ko.
"Kill Tiffany." Tanging sagot niya.
Lahat kami ay natahimik at huminto sa kan'ya kanyang gawain para lang hintayin ang sagot ni Marcus pero wala na itong isinunod.
Napawi ang ngiti ni Jen habang ang dibdib ko naman ay mas lalo ng kumalabog. Damn it! My hopes are getting high again!
"And? Fuck? Marry? who?"
Umiling siya at humilig sa couch na kinauupuan namin.
"No one." He said.
# CHAPTER 10
Chapter Ten
Inspired
"Mir are you sure about that?" Tanong ni Mommy ng sabihin ko ang balak kong pagpalit ng kurso.
Tinapos ko muna ang pagkaing nasa aking bibig bago siya muling sagutin.
"I'm still thinking about it Mom. Hindi pa naman po final." Nginitian ko silang dalawa ni Daddy maging si Mackenzie na hindi na maipinta ang mukha.
"Is it because of Kuya Marcus?"
Nanlaki ang mg mata ko sa sinabi ng kapatid ko. Hindi ko gustong masali si Marcus sa usapan pero kahit kailan yata ay hindi ko na 'yon maiiwasan.
"No. At bakit naman nasali si Marcus, Ken? Are you out of your mind? Hindi ba pwedeng gusto ko lang talagang maging beterinaryo?" Inirapan ko ang kapatid ko.
Bumuntong hinga naman si Daddy at sinulyapan si Mommy.
"Okay. Kung 'yan talaga ang gusto mo, Mir. We're here to support you. Kahit ano sige lang."
Ngumiti ako sa kanila.
"Thanks Mom, Dad..."
Sa totoo lang ay matagal ko ng balak ang magpalit ng kurso pero hindi ko lang talaga magawa dahil sa mga kaibigan ko... Including Marcus. I don't know... Siguro nga gano'n talaga kapag nagmahal ka 'no?
'Yung lahat gagawin mo para lang makasama siya ng mas matagal. Makita siya araw-araw. Lahat lahat para lang pagbigyan ang walang hiya mong puso.
Halos habulin ko ang paghinga ko ng yakapin ako ni Marcus matapos ang huling three point shot niyang naging dahilan ng pagdedeklara ng championship.
Ang ilang buwang practice ay nagbunga na dahil sa pagkapanalo nila ngayong araw!
"C-Congrats!" Kinakabahan kong sambit habang dahan dahang sinasagot ang yakap niya.
Ilang segundo pa iyong hindi naputol kaya naman napapikit na ako.
"Thank you Mir..." He murmured in between our hugs.
"Here's to the MVP!" Malakas na hiyawan ng mga ka-team niya kaya nabuwal kaming dalawa.
Sa pagdagsa ng mga lalaki ay umalis na ako para bigyan sila ng pagkakataong batiin si Marcus. Napangiti rin ako ng makita si Jen na pinupunasan ang pawis ng boyfriend niyang si Russel.
Inabutan ko ng tubig si Hermes ng lapitan niya ako.
"Thanks."
"Saan ang celebration?" Masaya kong sambit pero imbes na sagutin ako ay tanging iling lang ang isinagot niya sa akin.
"Bakit? Hindi ka na naman sasama?"
"Hindi na muna. May pupuntahan ako e."
Sinundan ko siya sa bench para bigyan naman ng towel.
"Saan naman? May date ka?"
Kumunot ang noo niya ng balingan ako.
"Wala."
Hindi ko napigilan ang pag ngisi.
Bakit nga ba ngayon ko lang napapansin ang pagiging aburido ni Hermes nitong mga nakaraan? Kanina nga lang ay ilang beses siyang na foul dahil sa mga sadyang pananakit sa kalaban.
"Sus. Magkaaway ba kayo ng girlfriend mo kaya ka laging badtrip?" Hindi ko siya tinantanan kahit na naglalakad na siya papunta sa locker room.
Tumawa siya dahil sa sinabi ko.
"Kung meron nga lang, e." Sarkastiko niyang sabi.
Binilisan ko ang mga hakbang ko para pantayan siya.
"E bakit nga ba wala?"
Umiling siya at hindi ako sinagot. Dahil sa tindi ng laro kanina ay ilang energy drink ang naubos ko kaya siguro ganito ako kaganadong intrigahin ang tahimik at misteryosong si Hermes.
"Wala lang. Masama bang maging single?"
Nagbaba ako ng tingin ng tumagal ang titigan namin. Alam kong mapupunta na namans a akin ang topic kaya mas mabuti pang itigil nalang kaagad.
"Mir!" Sabay kaming napahinto at napalingon sa tumawag sa akin.
Humihingal si Marcus na mukhang hinabol kaming dalawa. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang muling pag iling ni Hermes.
Muling naghuramentado ang puso ko ng agad akong lapitan ni Marcus... At sa pangawalang pagkakataon ay muli akong niyakap ng mahigpit.
"M-Marcus..." I murmured.
Hindi ko alam kung talagang ganito lang siya kasaya dahil sa pagkapanalo nila ngayon o ano.
He never hugged me twice after a basketball game. Kung minsan nga ay hindi pa niya ako nayayakap lalo na kapag abala na siya sa pakikipag-picturan sa mga bumabati.
Pakiramdam ko'y hinaplos ang puso ko ng bumitiw siya sa akin. He smiled sweetly at me. Iyong mga ngiting walang palya kung bumuo sa araw ko...
Pinilit kong tugunan ang mga ngiti niya sa kabila ng pagwawala ng bagay sa aking dibdib.
Tinapik ako ni Hermes bago tanguan si Marcus at nauna na sa pupuntahan.
"Bakit? M-May sasabihin ka?" I swallowed the lump on my throat.
Ipinagpapasalamat ko nalang na hindi ako pumiyok! Letse!
Umiling siya at inakbayan ako.
"Wala. Thank you..."
Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari pero isa lang ang sigurado, nababaliw na naman ako.
"Sa pag cheer? Wala 'yun!"
Bumagal ang lakad niya ng balingan ako. Hindi nawala ang ngiti sa kan'yang mukha.
"I mean thank you for everything. Wala lang. Hindi ko lang siguro nasasabi sa'yo lalo na nitong mga nakaraan kaya gusto kong bumawi."
Huminto siya at tinanggal ang kamay sa aking balikat at pagkatapos ay kinuha naman ang magkabilang kamay ko.
"How about dinner later? Tayong dalawa lang, just like the old times?"
Napangiti ako.
Gusto kong tumanggi. Gusto kong lumayo. Gusto kong mawala na ang pagkagusto ko sa kan'ya at ituring siya na hanggang sa pagiging magkaibigan nalang pero paano ko naman 'yon gagawin? Paano? e kung sa ganito pa nga lang ay mabilis ng nababali ang lahat ng tama sa pag iisip ko?
I slowly nodded at him.
"Yes?" Lumiwanag ang mukha niya sa tanong.
"Oo sige."
"Yes! Susunduin kita mamaya ha." Excited niyang hiyaw pagkatapos ay mabilis ng sinundan si Hermes.
Naiwan akong nakatulala sa daan kung saan papalayo si Marcus.
"This is your chance to tell him what you really feel, Mir!" Ani Jen habang iniisa isa ang laman ng closet ko.
Normal naman na ang mga dinner namin ni Marcus at ang pagtulong sa akin ni Jen sa mga bawat susuotin ko pero pakiramdam ko'y pinakaiba ang mangyayari ngayong gabi.
Sa lahat ng pagalit sa akin ni Jen at pagpupumilit na umamin ay parang ngayon lang nagkaroon ng linaw ang utak ko.
Siguro nga tama siya. Ngayon na nga siguro ang tamang panahon para umamin ako. At kung iiwasan man ako ni Marcus ay tatanggapin ko.
I already decided about changing course. Kung sakaling layuan niya ako ay ilang buwan lang naman ang titiisin ko hanggang sa matapos ang semester dahil alam kong sa susunod na taon ay hindi ko na siya araw-araw makikita.
Alas sais ng katukin kami ng kasambahay at sinabing nasa baba na si Marcus.
Huminga ako ng malalim at muling sinuri ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Isang simpleng itim na dress at sneakers ang suot ko.
Hindi ko isinuot ang gusto ni Jen na pula dahil alam kong hindi iyon tugma sa mangyayari ngayon.
Alam kong sa pagtatapos ng dinner ay magluluksa ako dahil alam kong magiging klaro lang sa akin ang tungkol sa pagkakaibigan naming dalawa.
Pinilit kong ngumiti ng makita si Marcus na naghihintay sa akin habang kausap ni Daddy. Natigil silang dalawa pagkatapos ay binalingan ako.
Pormal na nagpaalam si Marcus kay Daddy at sinabing iuuwi rin ako pagkatapos ng dinner naming dalawa.
Nasa biyahe palang kami ay lumulukso na sa kaba ang puso ko. Hindi ko mapigilan ang mapakagat sa labi habang binabasa ang sunod sunod na text messages ni Jen sa akin.
Jen:
Kaya mo 'yan!
Jen:
The truth will set you free.
Jen:
Nakarating na ba kayo?
Jen:
Just call me if you need anything okay?! Kung kailangan mo ng susundo sa'yo tawagan mo lang ako.
Jen:
Mirthene! Any reply? Like hello?! Update please! Nag aalala ako.
Napangiwi ako sa huling nabasang message. Gustohin ko mang replayan ang kaibigan ko pero hindi ko na magawa. Masyado ng okupado ang utak ko sa mangyayari mamaya sa dinner.
Huminga ako ng malalim at sinulyapan si Marcus na abalang sinasabayan ang kanta sa stereo habang nakatuon ang mga mata sa daan.
Wala sa sariling napangiti ako sa kabila ng lungkot na pilit bumabalot sa puso ko.
This is probably the last time I am gonna be with him. Iyong walang lamat na relasyon. Walang bahid ng kung ano at purong pagkakaibigan lamang.
Ito na siguro ang huling beses ko siyang makakausap na gaya ng normal naming interaksiyon.
"O? Nagagwapuhan ka'no?" Natatawa niyang sabi.
Tumango nalang ako.
"Gwapo ka naman talaga." Seryoso kong sabi.
Ngumisi siya at hindi na nakasagot pa ng may tumawag sa kan'ya.
"Hello?"
"Where are you? Hindi ka ba pupunta?"
Ipinilig ko ang ulo paalis sa kan'yang gawi at nakinig nalang sa usapan nila ni Leonne.
Alam kong may party sila ngayon at hindi ko alam kung bakit nga ba kami narito ni Marcus at hindi sa kasiyahan.
"Hindi ko pa alam. I'm with Mir."
"Right! So sasabihin mo na kung bakit ka inspired, huh?" Nakakalokong tanong ng kausap niya sa kabilang linya.
Awtomatikong nabaling ang tingin ko sa gawi ni Marcus.
"Shut up Leonne! Sige na!" Natatawang sabi ni Marcus.
Bago pa tuluyang mamatay ang tawag ay narinig ko pa ang pahabol na mga pang aalaska ng kaibigan namin.
Hanggang sa makarating kami sa restaurant ay hindi nawala sa utak ko ang sinabi ni Leonne. Ayaw ko mang mag isip ng mga hindi dapat pero nauuna na naman ang utak kong umasa.
Hindi. Ngayon kahit na anong mangyari ay sasabihin ko na talaga sa kan'ya ang lahat ng nararamdaman ko.
Hindi nawala ang matamis na ngiti ni Marcus kahit na nagsisimula na kaming kumain.
We're in a garden restaurant. Ang magandang awra ng lugar ag nagbigay sa akin ng sapat na tapang para ipagpatuloy lang ang mga kaswal na usapan. I'll probably miss this...
His handsome face... the way he laughs at my joke. Napakakorny kong tao pero nagagawa niyang tumawa sa lahat ng mga biro ko.
Hindi natigil ang kaba ko kahit na nasa kalagitnaan na kami ng pagkain.
Ang simpleng topic kanina ay naging malalim na pero hindi parin ako makakuha ng tiyempo para umamin.
Naiisip ko palang kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nasabi ko ng mahal ko siya higit pa sa pagiging magkaibigan ay parang nangangatog na ang tuhod ko.
Parang gusto ko nalang tumakbo palabas sa lugar na 'to at huwag ng magpakita pa sa kan'ya.
"Inspired huh?" Wala sa sariling bulalas ko ng wala na akong masabi.
I need another minute to tell him what he needs to know.
He nodded.
Huminga ako ng malalim kasabay ng pag angat ko sa wine glass at pag inom doon. Okay, I'm ready... I am ready!
Akmang sasabihin ko na ng maputol ako dahil sa pagsasalita niya.
"I need to tell you something Mir..." He blurted.
Naitikom ko ang bibig ko dahil sa narinig. Nilunok ko ang lahat ng mga salitang gusto ng lumabas sa bibig ko para lang pakinggan siya.
"A-Ano 'yon?"
Nawala ang ngiti ni Marcus at tanging ang seryoso niyang mukha ang nakatuon sa akin. Mas lalong kumalampag ang puso ko dahil do'n. Pinilit kong huwag mapapikit ng maramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay.
Bumaba ang tingin ko doon.
Sa marahang pagpisil niya sa kamay ko ay parang gusto ng tumulo ng mga luha ko dahil sa samo't saring emosyon.
"Mir... we're friends right?" Maingat niyang sambit.
Dahan dahan ang pagtango ko. "Of course..."
Pinagdiin niya ang kan'yang labi bago muling pinisil ang kamay ko. Sa bawat galaw niya ay para na akong mawawalan ng ulirat.
Oo nga at nagiging seryoso naman siya kung minsan pero ang ganito? Hindi ko alam kung bakit pero parang mahihimatay nalang talaga ako sa sobrang kaba...
"What is it?"
Pinilit kong ngumiti at pagaanin ang boses ko para lang matulungan siyang ituloy ang sasabihin.
I'm controlled by my hopes. Ilang beses ko mang pagalitan ang sarili kong huwag ng umasa ay hindi parin talaga ako natututo.
"I don't want to ruin our friendship. G-Gusto kong walang magbago sa atin Mirthene kapag nalaman mo... gusto kong malaman mo..." Kitang kita sa mga mata niya ang kaseryosohan sa bawat salitang binanggit.
Sa pagkakataong 'yon ay ako naman ang pumisil sa kan'yang kamay.
Huminga ako ng malalim at pinigilan ang lahat ng emosyong gusto ng kumawala sa akin.
Parang gusto ko nalang mapapikit habang hinihintay ang sasabihin niya pero hindi ko ginawa. Gusto kong marinig ang lahat ng sasabihin niya habang nakatitig sa kan'yang mga mata.
"We are friends Marcus. Best friend kita kaya kahit na ano pa 'yan..."
Gusto mo rin ba ako? Mahal mo rin ba ako
Marcus
?
Pagpuputol ng utak ko sa dapat ko pang sabihin.
Tipid siyang ngumiti at tumango. Lumulukso sa kaba ang puso ko. Hindi ko na alam...
Kaya ba siya inspired dahil sa'kin? Kaya niya ba ako niyakap ng dalawang beses kanina dahil ako ang inspirasyon niya? Kaya niya ba ako niyaya dito dahil aamin na siya? Mali lang ba ako? May hindi ba ako nakita?
"Right. We are best friend." He said.
Tumango tango ako para segundahan ang sinabi niya. Halos marinig ko na ang daloy ng sarili kong dugo dahil sa kabang nararamdaman ko.
Muli siyang humugot ng isang malalim na paghinga bago muling magpatuloy sa kung ano mang sasabihin.
"There's this new girl that I like... siya ang inspirasyon ko."
# CHAPTER 11
Chapter Eleven
Tapos Na
Ilang segundo akong natahimik at hinayaan ang mga salita ni Marcus na dumaloy sa sistema ko.
Gusto kong magtanong... Gusto kong isipin na mali ang lahat ng narinig ko. Gusto kong mapapikit pero hindi pwede dahil alam kong kapag pumikit ang mga mata ko ay kusa ng tutulo ang mga luha dito.
Ang mga luha na dulot ng pag asang ako iyon... Ako ang tinutukoy niya. Ako ang inspirasyon niya. Ako ang mahal niya. Ako naman sana pero hindi... Alam kong hindi kailanman at ang tanga tanga ko! Ang tanga tanga kong hanggang ngayon ay umasa parin ako.
I'm so stupid that I let this feelings grew with too much hope for us even though I know that I can't be that girl since the very beginning.
Hindi magiging ako kahit kailan.
Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib kasabay ng pag ragasa ng nakakaliyong kirot.
I can feel the sides of my eyes burning. Iyong mga luha ng kabiguan at abo ng pag asa ay kanina pa gustong kumawala!
Nagpapasalamat nalang talaga ako dahil madilim sa aming gawi at tanging ang isang kandila lang sa ibabaw ng lamesa ang tanging nagbibigay ng liwanag sa aming pagitan.
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya at marahang pag ngiti. Suminghap ako at pinisil ang kamay niyang nakahawak sa akin.
I reminded myself to control the pain that I'm feeling. Na itago nalang ang lahat kahit na parang imposible na.
"W-Who's the lucky girl?" Halos mapapiyok kong tanong.
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang itanong sa kan'ya ang bagay na 'yon pero ang isang parte ng utak ko ay pilit na ipinaaalala sa akin kung ano talaga ako. Na tama lang at hindi masama ang magtanong dahil magkaibigan kami.
Magkaibigan lang kami.
He chuckled and left my hand.
Sa paghilig niya sa kan'yang upuan at pagtawag sa waiter ay pasimple kong pinunasan ang mga luha ko. Matapos ang usapan nila ng tinawag ay bumalik na sa akin ang atensiyon niya.
"I just saw her last couple of weeks. I don't know Mir. She's just... She's different."
Napangiti ako ng mapait at tumitig sa mga mata niya. Ang mga matang may tuwa na ngayon dahil sa ikinukwento.
Kung iba rin ba ako at hindi ganito, magugustuhan mo rin kaya ako
?
Kung oo... Sana iba nalang din ako 'no?
Tumango tango ako.
Hindi ko pa man nakikita o nakikilala ang babaeng 'yon pero masasabi ko ng napakaswerte niya. Oo nga at marami namang nakakakuha ng atensiyon ni Marcus pero ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng takot na mawawala siya sa akin dahil lang sa mga babaeng nali-link sa kan'ya.
Ngayon lang.
The way he talks about her makes his face lighten up. Ibang iba sa lahat.
Sa dami ng impormasyong sinabi niya tungkol sa babaeng ang pangalan ay Blaire ay wala akong naalala dahil masyado ng okupado ng sakit ang kabuuan ko.
Ngayon pa nga lang na magkasama kami ay unti unti ko ng nararamdaman na malalayo siya sa akin. Ano pa kaya kapag nangyari na?
I don't like being selfish. Ayaw ko mang angkinin si Marcus pero iyon ang gusto ng makasarili kong puso.
"Gusto ko lang ipaalam sa'yo." Maingat niyang sambit.
Ilang hilaw na ngiti pa ang pinakawalan ko para lang matugunan ang usapang magaan sa pagitan naming dalawa.
"Hindi naman na kailangan. Alam ko naman na Marcus. Isa pa, kailangan mo narin talaga sigurong magkaroon ng girlfriend!" Humagikhik ako.
Thank God for this wine! Naitatago ko ang lahat ng pagkabitter ko sa topic. Damn it!
He nodded. Kusang nawala ang mga ngiti ko ng muli niyang hulihin ang aking kamay.
"Are you okay with me liking someone?" He asked.
Parang gusto ko nalang matawa sa inis dahil sa tanong niyang 'yon pero bago pa ako makapagsalita ay muli na siyang nagsalita.
"I-I mean, siyempre best friend kita at gusto kong alam mo ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Gusto kong malaman kung ano ang opinyon mo... Isa pa, I want you to meet her pero huwag na muna sa ngayon."
"I'm okay with it as long as you're happy." Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya. "I'd be glad to meet her, Marcus." Dagdag ko.
Hanggang sa matapos ang dinner namin ay hindi ko na nasabi ang lahat ng plano kong sabihin.
How can I tell him that I like him when he just confessed that he likes someone else? Hindi ba dobleng sakit at katangahan 'yon sa harapan niya?
Pasimple ko siyang sinulyapan habang nakatuon sa daan at nagmamaneho.
Siguro nga tama sila...
Lahat ng bagay ay may tamang oras o timing. At para sa akin ay hindi ito ang tamang panahon para malaman niya ang lahat ng nararamdaman ko para sa kan'ya.
Maybe someday.
Isang araw kapag humupa narin ang lahat ng sakit sa puso ko. Kapag kaya ko ng tanggapin na magiging masaya siya ng wala ako. Magiging masaya siya sa piling ng ibang babae na kahit kailan ay imposibleng maging ako.
"Thanks for the dinner." Nakangiting sabi ko matapos isarado ang pintuan ng kan'yang sasakyan.
Ngumiti siya at tumango sa akin.
"Sunduin kita bukas?"
"Hindi na! Maaga kami bukas ni Jen e. Sa school nalang tayo magkita." Pormal kong sagot.
Simula ngayon ay kailangan ko ng bigyan ang pagitan namin ng sapat na distansiya. Hindi man niya hiniling na layuan ko siya dahil lang sa babaeng gusto niya pero gusto kong gawin 'yon para sa sarili ko. Uunti untiin ko dahil iyon ang tama.
Huminga ako ng malalim at kumaway na kay Marcus. Sa pag angat ng bintana ng kan'yang sasakyan ay doon na ako tinakasan ng lakas. Habang papalayo iyon ay wala ng humpay ang pagtulo ng mga luha ko.
Wala na e... Tapos na at dapat matapos na rin ang lahat ng pag asa ko para sa aming dalawa.
Oo nga at mananatili naman akong best friend ni Marcus pero gusto ko rin siyang bigyan ng pagkakataong makadiskubre ng mga bagay na iba ang kasama.
Iyon naman dapat 'di ba?
Na kahit hindi ikaw ang piliin ng taong mahal mo, mga mabubuting bagay parin ang gusto mo para sa kan'ya.
Na kahit masaktan ka ay ayos lang basta makita mo siyang masaya.
Na kahit makita mo siyang masaya sa piling ng iba... Magtitiis ka.
Kasi gano'n naman talaga 'di ba?
Hindi lahat ng mga mahal natin ay mamahalin tayo.
Hindi ibig sabihing mahal natin sila ay kailangan na nila tayong mahalin pabalik. Dahil dapat ay makontento lang tayo sa kung ano ang kaya nilang ibigay sa atin.
At sa sitwasyon namin ni Marcus, hindi man niya ako mahalin higit pa sa pagiging magkaibigan ay patuloy ko siyang mamahalin ng lagpas pa do'n.
Dahil sa ngayon ay iyon pa rin ang gusto ko.
I will still continue to love him even if it means watching him love someone else...
# CHAPTER 12
Chapter Twelve
Till My Heartaches End
"Sama ka ba?" Tanong ni Hermes sa akin habang nag aayos na ako ng gamit.
Katatapos lang ng klase namin at eto na naman ako. Nagmamadaling umalis para lang makaiwas sa pang iintriga niya.
"Hindi. May pupuntahan kasi kami ni Ken e. Next time nalang." Nginitian ko siya pagkatapos ay isinilid na sa aking bag ang huling librong dala ko.
"Mga ilang next time pa ba Mir?"
"Eto naman! Para namang hindi kayo sasaya kapag wala ako!" Natatawa kong sabi kahit na alam kong pinapasigla ko lang ang lahat para wala na siyang mahalata pang kung ano.
"Hindi nga."
Tinapos ko ang pag aayos at madaling isinukbit ang aking bag sa aking balikat bago siya harapin.
"Hermes, busy lang talaga ako. Isa pa, masanay ka na ng wala ako. I need to focus on my studies." Napahinto ako ng maghalukipkip siya sa harapan ko at tinitigan ako ng hindi kumbinsidong tingin.
"Masanay ng wala ka? Bakit? Dahil magpapalit ka na ng kurso sa susunod na taon-"
"Hermes!"
Kinakabahan kong binuwal at kinuha ang isang kamay niya sa kan'yang harapan pagkatapos ay hinila siya palabas ng classroom. Mas binilisan ko ang mga hakbang na makita ko ang paghinto ni Leonne sa pakikipaglandian sa babaeng katabi.
Binitiwan ko lang ang kamay ni Hermes ng makaladkad ko na siya palayo.
"P-Paano mo nalaman?!"
Hindi ako makapaniwala na alam niya ang desisyon kong 'yon! Hindi naman sa gusto kong itago pero kasi ayaw ko munang malaman nila sa ngayon dahil baka pag nalaman ni Marcus ay isipin niyang dahil sa nangyari noong nakaraang dinner namin kaya ako nagdesisyong mag shift.
Kumunot ang noo niya at matalim akong tinitigan.
"I told you Mirthene. Wala kang maitatago sa akin." Bumaba ang mga mata niya sa aking dibdib.
"Kahit 'yan hindi mo maitatago sa akin." He added.
Ramdam ko ang pag init ng magkabilang pisngi ko dahil sa napagtanto. Agaran kong ipinag krus ang mga kamay ko sa aking harapan.
"Bastos!" Singhal ko sa kan'ya.
Imbes na matakot sa naging reaksiyon ko ay lalo lang nalukot ang kan'yang mukha.
"Hermes how could you say that! Are you hitting-"
Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang paghagalpak ng tawa ng damuho!
"Why are you laughing Hermes! You pervert!"
Mas lalo pa siyang natawa dahil sa sinabi ko. Tinanggal ko ang kamay ko sa aking harapan at isinapak ang isa sa kan'yang braso.
"Ano kayang nakakatawa sa kababuyan mo!"
Sa muling pagsapak ko ay hinuli na niya ang kamay ko.
"Nakakatawa ka talaga! Tumigil ka nga. I'm not referring to your..." Sinundan ko ang mga mata niya kung saan ang tinutukoy pero imbes na tignan ulit 'yon ay nag iwas lang siya ng tingin.
"Ang ibig kong sabihin ay kung ano talaga ang nararamdaman mo. Alam kong mahal mo si Marcus. Hindi ba?"
Natigilan ako sa sinabi ni Hermes. Ni walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Napawi ang katuwaan sa mukha niya at tumango tango na tila may sinabi akong sagot sa mga katanungan niya.
"Alam ko. You can't hide what you really feel Mir."
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso lalo pa ng makita ang lalaking pinag uusapan namin na papalapit na sa kinatatayuan naming dalawa.
Ilang beses akong napalunok.
"Tapos na 'yun Hermes... Huwag na nating pag usapan please? And about my plans... Huwag na muna sanang lumabas sa ngayon..."
Nang hindi pa siya sumagot ay muli kong hinawakan ang kamay niya. Bumuntong hinga si Hermes kasabay ng tuluyang paglapit ni Marcus sa aming dalawa.
"Bro! Mir! Ano tara?" Excited niyang hiyaw.
Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Hermes partikular sa mga kamay naming magkahawak. Noong una ay nahinto siya sa pag ngiti pero ng walang magsalita sa aming tatlo ay lumabas na ang ngisi niya.
"Ano 'yan huh? Mukhang may seryoso kayong pinag uusapan?"
Mabilis kong binitiwan ang kamay ni Hermes.
"Wala!"
"Yeah." Si Hermes.
Bumaling ang huli sa akin gamit ang mga makahulugang titig pero agad din namang ibinalik kay Marcus.
"I was just telling Hermes that I can't go with you tonight. May pupuntahan kasi kami ni Ken ngayon." Ngumiti ako at tumuwid ng tayo sa kan'yang harapan kahit na kumakalabog na naman ang puso ko.
"Saan? Mall?" Hindi natigil ang pabalik balik na tingin niya sa aming dalawa ng lalaking nasa tabi ko.
"Oo! Doon... Mag enjoy kayo. Just send me pictures."
Ngumiti ulit ako para maging kumbinsido ang desisyon ko. Tumango si Marcus at tinapik ang balikat ni Hermes.
"Kasama si Blaire. Tara?"
Tumango tango naman ang huli. Nang balingan ako ni Marcus ay madali ko ng kinuha ang cellphone ko para magkunwaring may tumatawag.
"Oo nga! Papunta na ako. Ano?" Sumenyas ako sa dalawang lalaki bago tumalikod.
Ilang beses kong narinig ang masayang boses ni Marcus na nagkukwento tungkol kay Blaire habang ako ay nagkukunwaring kausap ang kapatid ko.
"Ang sakit...." Wala sa sariling sambit ko na dahilan ng pagbalik ko sa kasalukuyan.
Narinig ko ang tanong ni Hermes galing sa aking likuran kaya ipinagpatuloy ko ang pagkukunwari.
"Ano?! Masakit ang puson mo? O sige papunta na ako." Nagmamadali kong ibinalik sa bulsa ko ang aking cellphone bago sila muling balingan.
Parang sinaksak ang dibdib ko ng makita ang masayang mukha ni Marcus.
"Mauna na ako ha. Si Mackenzie kasi!"
"Mir-"
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Marcus.
Nagmamadali na akong umalis. Sa sobrang bilis ng mga yapak ko ay hindi ko na alintana ang mga estudyanteng nababangga ko. Ang gusto ko lang ngayon ay kumawala sa lahat at dumistansiya muna sa sakit.
"Ikaw na." Napapitlag ako ng iangat ni Jen ang basong may lamang alak sa aking harapan.
Ngayon gabi, imbes na sumama siya sa party ay narito kami sa condo niya at umiinom ng alak. Tamad kong kinuha ang baso at diretsong nilagok 'yon.
"Hayaan mo na Mir. Some things are better left unsaid naman e. Siguro nga mas better na hindi niya nalang alam."
Napayuko ako sa hawak kong microphone. Ngayon lang yata ako kakanta sa ilang oras na umiinom kami.
"Oh. Naku naku! Hindi bagay ang malungkot sa'yo Mirthene! Mamamatay din 'yang pagmamahal mo. That pain is just temporary. Mawawala din 'yan. Parang birthday na lumilipas!"
Nagpatuloy ang mga litanya sa akin ni Jennifer pero kahit na alam kong tama naman ang lahat ng mga sinasabi niya ay hindi ko parin kayang gawin.
Hindi ko parin kayang pigilan ang sakit.
Gano'n pala talaga 'yon. Na kahit anong advice ang ibigay sa'yo ng mga taong gustong tumulong ay mahirap paring gawin.
Nakakatawang isipin na hindi ko naman naging boyfriend si Marcus pero bakit kailangan kong mag move on? Hindi niya naman ako minahal gaya ng pagmamahal ko pero bakit kailangan kong ibaon sa limot ang lahat ng nararamdaman kong pagkagusto sa kan'ya?
Siguro nga hindi naman lahat kailangan ng label para sa mga emosyon at nararamdaman para sa isang tao.
Nando'n na yun e. Kahit walang kayo. Kahit hindi kayo at hindi magiging kayo ay hindi madidiktahan ng mga payo ang totoong isinisigaw ng puso mo.
Marahan kong inangat ang mikropono at nagsimula ng kantahin ang kantang inilagay ni Jen para sa akin.
"I recall when you said that you would never leave me
You told me more, so much more like when the time you whispered in my ear
There was heaven in my heart
I remember when you said that you'd be here forever..."
Imbes na matulala sa TV ay sa akin natulala ang kaibigan ko.
"Then you left without even saying that you're leaving
I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday
And I pray that you would stay
But then you're gone and, oh, so far away..."
Sa sakit ng nararamdaman ko ngayon ay daig ko pa ang iniwan ng boyfriend. Sa pagkanta ko ng chorus ay boluntaryo ng tumulo ang mga luha ko.
"I was afraid this time would come
I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within
I have learned to live my life beside you
Maybe I'll just dream of you tonight
And if into my dream you'll come and touch me once again
I'll just keep on dreaming till my heartaches end..."
It's just the song right? Hindi dahil sa naiisip ko kung gaano kasaya si Marcus ngayon habang kausap si Blaire. Hindi sa isiping sa pagtatapos ng gabi ay mas magkakaigihan sila. At hindi sa isiping sa paglipas ng mga araw ay magiging sila na talaga.
Dahil lang sa kanta 'di ba?
Napahagulgol na ako at hindi na naituloy ang ginagawa. Mabilis akong niyakap ni Jen dahilan para mas lalo lang kumawala ang mga hagulgol ko.
"Mir... Sige iiyak mo lang... Kaya mo 'yan Mir..." Aniya habang walang humpay ang paghaplos sa aking likod.
Hinawi ko ang mga luhang unang tumakas sa aking mga mata pero bigo akong tuluyang matanggal 'yon.
"Hindi ba ako dapat mahalin Jen? Hanggang kaibigan lang ba talaga dapat ang label ko?" Hindi ko na napigilang itanong.
I'm drunk. Siguro ang lahat ng nararamdaman kong kahinaan ngayon ay dala lang ng alak. Hindi ko naman gustong maglasing. Ang gusto ko lang ay makalimot kahit panandali. Dahil sa tuwing naririnig ko sa bibig ni Marcus ang pangalang 'yon ay nasasaktan talaga ako.
"No! It's not your fault. Hindi mo kasalanan na hindi ka ginusto ng taong gusto mo okay? Never think that way Mir. You are worthy of love. Siguro hindi ang pagmamahal ni Marcus pero sa iba sigurado akong oo. Marami ka pang makikilala Mirthene. Hindi lang si Marcus. Maraming marami pa."
Sarkastiko akong natawa sa kabila ng paglalim ng mga iyak ko.
Bakit kasi hindi tayo gusto ng mga gusto natin?
Bakit hindi tayo mahal ng mga taong itinitibok ng puso natin?
Bakit pa natin naramdaman 'yung pagmamahal kung masasaktan lang din pala tayo?
Marcus... Bakit hindi ako?
# CHAPTER 13
Chapter Thirteen
Sasagutin
Lunes.
Lunes noong unang beses kitang makita. Tuwing Lunes din noong taong 'yon na hiniling kong sana ay araw araw maging Lunes nalang. Siguro nga totoong nakikinig sa atin ang nasa itaas 'no?
Dahil ang mga dasal ko noon ay mabilis na napagbigyan. Naging kaklase kita nang sumunod na semester. Naging close sa pangalawang taon. Minahal sa pangatlo...
At ngayon...
Lunes.
Sa panibagong Lunes ng panibagong taon ko unang nakita si Blaire... Kasama ka. Hawak sa magkabilang kamay ang kan'yang mga gamit habang nakangiti at magiliw na nakikipagkwentuhan sa kan'ya.
Hindi ko man alam kung ano ang ibig mong sabihin na iba si Blaire sa mga babaeng nakilala mo pero isa lang ang sigurado.
Iba siya kasi siya ang gusto mo. At ako, gaya lang ng iba na kaibigan lang kung ituring.
Pakiramdam ko'y nanlamig ang buong katawan ko ng makita kung paano mo siya hawakan at titigan. Iyong titig na punong puno ng paghanga.
Iyong titig na kahit kailan... Alam kong hindi mo gagawin sa akin.
Simula sa pagkabata ay hindi ako nainggit sa mga bagay na wala ako pero ngayon, hindi ko maiwasang maramdaman ang inggit kasabay ng kirot sa puso ko habang pinagmamasdan kayo.
"Mir!"
Napapitlag ako at agad na nag iwas ng tingin sa gawi nila Marcus ng marinig ang boses ni Hermes sa aking likruan.
Inayos ko ang aking sarili bago siya balingan. I smiled at him.
"Uy! Hermes!" Magiliw kong sagot, pilit na tinatanggal ang lungkot na nararamdaman.
Naningkit ang mga mata niya at sinulyapan ang dalawang nasa hindi kalayuan. Dahil sa pagtingin niya doon ay napalingon ulit ako. Sana pala hindi nalang.
I see how Marcus laugh while looking at her with so much adoration.
Umaalon ang hanggang bewangniyang buhok. Hindi man natural na kulot iyon pero masasabi kong napakaganda parin. Her skin is like porcelain. Makinis at walang kapintasan.
She is really beautiful...
Bumaba ang tingin ko sa kabuuan niya. Parang gusto ko nalang mapangiwi dahil wala ng masabi ang utak ko kung hindi purong papuri nalang.
Naputol lang ang tingin ko sa kanilang dalawa ng hawakan ni Hermes ang siko ko.
"Tara na, ihahatid kita sa classroom mo."
Pinagdiin ko ang mga labi ko bago tuluyang kalimutan ang lahat na nararamdaman. Kahit na napalayo ako sa mga kaibigan ko dahil sa pagpalit ng kurso ay nanatili parin naman silang suportado ang lahat ng ginagawa ko.
Kung minsan nga lang, sa kagustuhan kong umiwas ay hindi na ako nakakasama sa mga simpleng pagyaya nila na kumain sa labas.
"Dinner tayo?" Nakangiting bati sa akin ni Marcus ng sunduin niya ako pagkatapos ng klase ko.
Kanina pa tapos ang klase nila pero hindi ko alam kung bakit sinundo niya pa ako ngayon. I guess Blaire wasn't around? O baka naihatid na niya pauwi?
Napalunok ako ng maramdaman ang mabilis at malakas na pagsipa ng kung ano sa aking dibdib.
"Wala ka bang gagawin? Marami kasi akong homework ngayon kaya baka hindi kita masamahan."
Nilagpasan ko siya pero madali niya rin namang napantayan ang mga hakbang ko.
"Gano'n ba? Paano kung sa bahay niyo nalang tayo? I'll help you with everything."
Ngumiti ako at muling umiling.
Binagalan ko ang mga yapak ko. Dahil sa bawat pagmamadali ko ay mas lalo ko lang nararamdaman ang malakas na kalabog ng aking puso.
"Hindi na. I know you're busy. Tsaka kayang kaya ko na 'to 'no!" Nginitian ko siya.
"Are you sure? Ihahatid nalang pala kita?"
"Isa pa 'yan, nagpasundo kasi ako ngayon Marcus. Naku, oo nga pala! May pupuntahan pa kami ni Mackenzie! I gotta go. Next time nalang siguro!"
Hindi ko na hinintay pang pigilan niya ako. Maski ang pagsagot sa sinabi ko ay iniwan ko na. Kahit ang paglingon sa kan'ya ay hindi ko narin ginawa.
Akala ko sa bawat pag iwas ko ay maiiwasan ko naring mahalin si Marcus. Akala ko sa bawat pagtanggi ko ay kaya ko naring tanggihan ang gusto ng puso ko. Pero hindi pala.
Sa bawat paglayo ko ay dobleng sakit lang ang nararamdaman ko.
Inabala ko ang sarili ko sa pag aaral. I divert my attention on sports. Kahit na wala akong kahilig hilig sa paglalaro ng kahit ano ay nagawa kong mag try out ng volleyball.
Noong una ay nahirapan ako pero dahil sa subject naming physical education noong first year ay may idea narin ako kung paano ito laruin. Tuwing uwian naman ay niyayaya ko ang kapatid kong mag practice.
Natigil ako matapos i-serve ang bola ng marinig ang malalakas na palakpak sa aking gilid. Nakita ko ang mga kaibigan kong patuloy ang pag chi-cheer sa akin. Parang gusto ko tuloy maiyak ngayon dahil sa totoo lang, pati sila ay nadamay narin sa pag iwas ko.
"Go Mir!" Hiyaw ni Jen habang kumakaway pa sa akin.
Pumwesto ako pabalik sa laro. Ilang beses kaming nakapuntos dahil sa pagfocus ko sa bola.
Masayang niyakap ako ni Bonita sa huling puntos dahilan ng pagkapanalo namin.
"Ang galing mo talaga Mirthene!" Walang pagsidlan ang tuwa niyang hiyaw matapos akong yakapin.
"Ikaw rin! Magaling tayong lahat!" Humahagikhik kong sabi.
Tumango tango siya at lumayo na sa akin. Sunod ko nalang naramdaman ang pagyakap ng pamilyar na bulto sa akin.
My hands automatically hug him back... Kung hindi ko lang nakita si Jen na umiiling ay baka napapikit pa ako.
Mabilis akong bumitiw sa yakap ni Marcus.
"Ang galing mo Mirthene..." Nakangiti niyang bungad sa akin.
"Thank you!"
Hindi na siya nakasagot ulit ng pumagitna sa amin si Jennifer para bigyan ako ng yakap ay paalalang baka umasa na naman ako.
"Congrats Mir! Grabe ang galing mo na ha!"
"Magaling ang teammates ko." Ngumiti ako sa kan'ya.
Lumapit narin sila Leonne para batiin ako.
"O, tara na!" Aniya.
"Huh?" Naguguluhan kong sambit.
Nagsalubong ang kilay niya pero agad ring napalitan ng tuwa.
"Celebrate! Kain naman tayo. Miss ka na namin Mir. Tara na treat ko pa."
Nagkatinginan kami ni Jen pero bago pa ako makapag isip ng alibi ay sumingit na si Hermes.
"Sige na Mir. Ngayon nalang naman." His voice sounded desperate.
Kailan nga ba ang huling beses na sumama ako sa kanila? Hindi ko narin matandaan dahil sa pagiging abala ko. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago marahang tumango.
"O-Osige. Mag aayos lang pala ako."
Lumawak ang ngiti ni Marcus ng balingan ko siya.
He nodded.
Sa paborito naming restaurant kami napadpad. Normal naman ang mga usapan. Katabi ko si Marcus at Hermes habang nasa harapan naman si Jen at Leonne.
"I'm so proud of you." Bulong ni Hermes sa akin ng maging abala si Marcus sa pakikipag usap sa dalawa.
"Proud saan?"
"Sa lahat."
Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi ni Hermes. Sa seryoso niya kasing mukha at sa mga lumalabas sa bibig niya ay parang hindi parin ako makapaniwalang siya na ngayon ang mas nakakausap ko sa ganitong paraan.
Sa mga bagay tungkol sa pag-aaral. Kung minsan ay nasasamahan niya ako sa mall para mamili ng gamit o kapag may kailangan sa school.
"Sus lover boy!" Hiyaw ni Leonne na nagpabaling sa amin ni Hermes sa usapan ng tatlo.
Humahagikhik si Jen habang si Marcus naman ay mukhang nahihiya.
"Aminin mo na! Kayo na 'no?" Dagdag pa nito.
"Nah."
Kinuha niya ang inuming nasa kan'yang harapan pero hindi naman 'yon ininom. Bumaling siya sa akin at tipid na ngumiti.
"E anong status?" Intriga ulit ni Leonne.
"Ninyo ni Blaire?" Si Hermes.
Nagbaba ako ng tingin sa pagkaing nasa harapan ko. Hindi parin talaga ako sanay na iyon ang pinag uusapan namin. But what can I do? Parte na ng buhay ni Marcus si Blaire sa away at sa gusto ko.
"Liligawan palang." He said.
Bumagal ang pag nguya ko sa sinabi ni Marcus pero hindi ko nagawang ibalik ang tingin sa kan'ya. My heart pounded again. Iyong pagkalampag na wala na yata talagang katapusan!
Kailan ba talaga ako magiging handa sa ganito?
Tumikhim si Jen at si Leonne naman ay muntik ng mapasigaw. Mapait akong napangiti at tinapos ang pagkaing nasa aking bibig.
"She's perfect bro! Ligawan mo na at pasagutin. Baka maagawan ka pa e! Ang dami kayang nagkakagusto do'n!" Si Leonne.
Tumawa si Marcus at kumpiyansang sumagot.
"Ako ang sasagutin no'n."
# CHAPTER 14
Chapter Fourteen
Tulips
Marcus:
This one? Or this one?
Marcus:
How about this? 'Di ba gusto mo ng tulips?
Ilang beses kong binasa at pinasadahan ng tingin ang mga messages sa akin ni Marcus at ang mga pictures ng bulaklak na balak niyang ibigay kay Blaire.
Ako:
Yes. 'E pero magkaiba naman siguro kami ng gustong bulaklak no'n.
Wala pang isang minuto ay muli siyang nagreply. Para akong kinapos ng hininga ng makita ang pag selfie niya habang hawak ang isang bouquet ng makukulay na tulips.
Wala sa sariling napangiti na ako at hinaplos pa ang mukha niyang nasa screen ng cellphone ko.
Marcus:
Sasagutin na ba niya ako nito?
I bit my lower lip. I'm sure Blaire will love you Marcus... Alam kong mamahalin ka ng kahit na sinong babaeng magugustuhan mo dahil hindi ka mahirap mahalin. Kita mo, pati ako nga 'di ba minahal ka? Kahit akong hindi pwede, mahal na mahal ka...
Ako:
Oo naman. Sasagutin ka no'n.
Marcus:
Thanks Mir! I can't do this without you! You're my angel.
Ako:
No worries. May kailangan ka pa ba?
Marcus:
Wala na. Thank you ulit!
Ibinaba ko na ang cellphone ko.
Tinapos ko ang lahat ng kailangan kong tapusing report para bukas dahil hindi ko 'yon kaagad nagawa dahil kay Marcus. Ilang oras kaming magkausap. She wanted to surprise Blaire. Gusto niyang magpursigi sa panliligaw dito at ako naman ay buong puso siyang tinulungan.
Alas dos na ng madaling araw ng matapos ako. Napangiti ako ng makita ang goodnight message ni Marcus sa akin.
Sa pag gising ko ay bumungad sa akin ang bouquet ng tulips na kinuhanan ni Marcus kagabi.
"Ma'am mabuti naman po at gising na kayo, sayang nga lang at hindi niyo naabutan si Sir Marcus!" Nakangising sambit ng isang kasambahay namin.
Kunot noo kong kinuha ang bulaklak at binasa ang card na nakasingit doon.
"Thank you Mir..."
Basa ko doon.
Sa paglipas ng panahon ay hindi ako nagkulang sa pagtulong sa panliligaw ni Marcus kay Blaire. Ilang beses ko mang narinig ang mga pagalit ni Hermes at Jennifer ay hindi ko nalang sila inintindi.
Gusto ko siyang tulungang maging masaya kahit na sa bawat kasiyahang 'yon ay nadudurog ako ng sobra.
Gano'n naman talaga ang gawain ng isang best friend 'di ba? You're there to support him. Make sure he's happy and be with him when he's down. Sa ngayon ay gusto kong suportahan ang lahat ng mga bagay na makapagpapasaya sa kan'ya.
Alam kong mahirap pero wala na akong magagawa para mapigilan pa ang lahat. Makita ko lang na nakangiti si Marcus ay ayos na sa akin. Kuntento na ako.
Lumakas ang paghuramentado ng puso ko habang nakatingin sa pinagkakaguluhan ng mga tao.
Gusto kong maging masaya ng walang halong ibang emosyon para kay Marcus at Blaire. Iyon talaga ang gusto ko ngayon pero paano?
Paano ako magiging masaya ngayon kung tinatraydor ako ng puso kong hangad ay ibang bagay?
Pinigilan kong mapapikit ng marinig ang magandang kanta na pinatugtog ni Hermes sa katabing stereo. Malakas na tilian ang nakadagdag sa pagwawala ng puso ko lalo pa ng lumabas si Marcus sa gilid ni Leonne.
Napaatras ako ng makita ang marahan niyang paglapit sa nalilito at nahihiyang babae habang hawak ang bouquet ng mga pulang rosas.
Pakiramdam ko'y biglang nanghina ang puso ko lalo pa ng mapansin ang mga placard na hawak ng mga estudyanteng materyal ng kan'yang panliligaw kay Blaire.
Sa loob ng tatlong taon naming pamamalagi sa Campbell ay walang ibang naging date si Marcus sa ball kung hindi ako pero ngayon?
Tila napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan kasabay ng pag agos ng kirot patungo sa puso ko.
Muling umulit sa utak ko ang nakasulat sa hawak ng mga schoolmates namin.
"Will you go to the ball with me?"
Ilang beses akong napalunok ng banggitin niya ang pangalan ni Blaire. Hindi ko narin napigilan ang mapapikit ng marinig ang sunod niyang mga sinabi.
"Will you be my date?" Masaya niyang sambit.
Lumakas ang tugtog at natahimik naman ang mga taong nakapalibot sa kanilang dalawa. Partikular ako. Napako ang mga mata ko sa lapag habang nakikiramdam sa mga nangyayari. I know this is gonna happen. Hindi ko lang in-expect na ganito kabilis.
Na sa isang iglap ay tuluyan na akong mawawala sa eksena. Gusto kong maging bitter pero pilit kong pinapagalitan ang sarili ko. Kahit kailan naman ay ayaw ko talaga siyang ipagdamot.
He is not mine.
Malinaw na malinaw iyon, pero mas malinaw ngayon na pag aari na siya ng iba.
Na ang lahat ng mga ginagawa naming dalawa noon ay kay Blaire na niya gagawin. Lahat ng mga ngiti at korning usapan ay si Blaire na ang makakasaksi. Lahat ng mga pag aalaga at atensiyon ay si Blaire na ang makakatanggap.
At ako?
Mananatili akong nakasuporta sa kan'ya. Sa kanilang dalawa... Mananatiling kaibigan niya at nangangakong patuloy na makikinig kung sakaling magkaproblema silang dalawa.
Lahat lahat ay hindi dapat magbago. Sa nangyayari lang ngayon ay lumilinaw kung hanggang saan lang talaga ako at kung gaano naman kalapit si Blaire sa kan'ya.
"Yes Marcus..."
Napapikit na ako ng marinig ang sagot ni Blaire. Nakakatawang isipin na sa nakalipas na tatlong taon ay itong pagkakataong ganito ang pinakainaabangan ko sa lahat.
Iyong araw na yayayain niya ako sa ball bilang date niya. Taon taon kong hinintay 'yon pero ngayon... Nag angat ako ng tingin pabalik sa hiyawan ng lahat.
Napakagat ako sa aking pang ibabang labi ng makita ang pagyakap ni Marcus kay Blaire na wala na yatang pagsidlan ang tuwa dahil sa pagpayag nito.
Ngayon, hindi na niya ako kailangan. Hindi na niya ako kailangan pang yayain sa ball dahil iba na ang gusto niya.
God knows how much I wanted to be happy for him... for both of them pero kasinungalingan kung sasabihin kong okay lang para sa akin kasi ang totoo, hindi.
Ang totoo, masakit parin pala lalo na kapag nakita mo na mismo kung gaano sila kaperpekto para sa isa't-isa.
"Sinong date mo?" Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Jen.
Imbes na sa library kami ngayon magkita ay minabuti kong sa ilalim nalang ng malaking puno na ito. Umupo siya sa tabi ko matapos maghagis ng coin sa fountain na malapit lang sa amin.
Nagkibit ako ng balikat. Nakita ko ang pagbukas ng labi niya at ang agarang pagsara nito ng makita ang mga papalapit na lalaki.
"Kanina pa namin kayo hinahanap, dito lang pala namin kayo makikita!" Si Leonne na halatang napagod nga yata sa paghahanap.
Umupo siya sa tabi ko habang ang dalawa naman ay sa harapan namin. Inilapag ni Marcus ang isang box ng macaroons na agad namang kinuha ni Jen.
"Kanina pa kayo?" He asked.
Tumango ako at ngumiti.
"Oo. Tapos narin kami e."
He nodded. Kinuha niya rin ang binder ko.
"Mir, ako na ang maghahatid sa'yo mamaya." Singit naman ni Hermes sa usapan.
"Oo. 'Di ba pupunta pa tayo sa bookstore."
Tumawa siya at tumango tango.
"Sino bang date mo Mir?" Si Leonne.
Natigil sa pag nguya si Jen para pandilatan ng mata ang huli. Napalunok ako ng awtomatikong bumalik ang tingin ko kay Marcus.
He is waiting for my answer. Sino nga bang date ko? Hindi ba siya lang naman ang nagyayaya sa akin tuwing ball?
Sasabihin ko na sanang wala pero naunahan na ako ni Hermes.
"Ako." He said.
"H-Ha?"
Pasimpleng isinenyas ni Hermes ang katabi niya kaya agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin.
"O-Oo! Si Hermes ang date ko Leonne!" Tumawa pa ako para lang maiwasan ang paniningkit ng mga mata ni Marcus.
"Pumayag na ba si Blaire?" Kunwaring walang ideya kong tanong.
"Yeah."
"Sus Mirthene! Kung alam mo lang kung paano naging Don romantiko 'yang best friend mo para kay Blaire! Nakakabakla!" Natatawang pang aasar ni Leonne.
Humagikhik ako ng marinig ang awkward na tawa ni Jennifer.
Our conversation went on and on. Mas marami ang naging usapan tungkol sa gaganaping ball pero wala na akong nasundan. Inukopa na kasi ng utak ko ang sinabi ni Hermes na siya ang magiging date ko.
Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o gusto niya lang akong i-save sa pagkapahiya sa harapan ni Marcus?
Matapos ang dalawa pang klase ay nakita ko na si Hermes sa labas ng classroom ko. Kinuha niya kaagad ang mga dala kong libro at sabay namin iyong ibinalik sa library. Pagkatapos naman ay sinamahan niya akong mamili ng mga gagamitin para sa isang project ko.
"Totoo bang ako ang date mo sa ball?" Tanong ko ng maihatid niya ako sa bahay.
"Ayaw mo ba?"
"H-Hindi naman sa gano'n! Tsaka wala rin namang nagyaya sa akin kaya sino ako para tanggihan ka?"
Tumawa siya at tinapik ang couch para sabihing doon ako maupo. Para naman akong sunud sunuran sa kan'ya.
"I saw you that day..." Panimula niya.
Kumunot ang noo ko ng harapin siya.
"Noong niyaya ni Marcus si Blaire sa ball. Nakita kita doon..."
Nag iwas ako ng tingin ng maisip ang kasinungalingan kong tanong kanina.
Gusto kong sabihing oo nakita ko lahat. Nakita ko kung gaano ka excited si Marcus na mapasagot si Blaire. Ilang buwan narin naman siyang nanliligaw dito at alam kong hindi magtatagal ay magiging sila narin.
Napangiti ako ng mapait sa naisip. Nakita ko lahat.
Nakita ko kung gaano siya kasaya simula ng makilala si Blaire at kung paano siya nalayo sa akin.
Nakita ko lahat ng 'yon... Pati ang sarili kong pagkawasak ay kitang kita ng dalawa kong mga mata...
"Mahal mo talaga 'no?" He asked.
Kumawala ang sarkastiko kong tawa bago humilig sa braso niya.
"Nakakatanga palang magmahal 'no? 'Yung tipong ang sakit sakit na pero nagpapatuloy ka parin. Gano'n ba talaga Hermes?"
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hindi ko tuloy alam kung may mali ba sa tanong ko pero hindi ko narin nabawi. Bumuntong hinga siya bago ako sagutin.
"Parehas lang tayong tanga Mir..." He said.
# CHAPTER 15
Chapter Fifteen
The End
"You're so beautiful, Mirthene!" Parang hindi makapaniwalang sambit ni Jen habang sinisipat ang kabuuan ko sa kulay ginto at makinang na evening gown.
Sa totoo lang ay parang naninibago parin ako.
Una ay dahil bago ang magiging date ko sa gaganaping ball ngayong linggo at itong damit. This is not my usual go to dress whenever there's a party. I am big fan of ball gowns. Iyong magmumukha kang prinsesa kapag suot mo na pero ang suot ko ngayon ay ibang iba.
I stepped my right foot forward. Lumabas kaagad doon ang makinis kong legs dahil sa mataas na slit sa gilid. Hindi ako makapaniwalang nagmukha akong matured dahil sa ganda ng gown.
Hulmang-hulma ang katawan ko at kahit na hindi naman masyadong mababa ang uka sa harapan ay pakiramdam ko'y madali akong makakakuha ng atensiyon dahil sa boobs ko.
"I need to lose weight damn it!" Reklamo ni Jen na pumutol sa mga iniisip ko.
Hindi ko napigilang mapangiti ng makita ang nakabusangot niyang mukha habang hinahaplos ang tiyan na hindi naman gano'n kalaki.
"Tama lang naman, Jen. You look great."
Lumapit ako at tinulungan siyang iangat ang zipper na hindi pa tuluyang naisara.
Kung ang sa'kin ay kulay ginto, ang kan'ya naman ay silver na makinang din. 'Yon nga lang, mas mukhang revealing iyong kan'ya.
"Kung sabagay..." Tumagilid siya sa harapang salamin para tignan ang kan'yang pang upo. "My butt looks bigger in this gown. I'll get this, Mir."
Tumango tango ako sa kan'ya.
"Ikaw? Are you comfortable with that?" Lumayo siya ulit sa akin para suriin ang kabuuan ko.
"I guess?" Umikot ako sa harapan niya ng imuwestra niya ang mga kamay.
"Then 'yan na! Maraming maglalaway pagnakita ka sa ball!" Humahagikhik niyang pambobola sa akin.
"Sira!"
Nang lumabas si Jen sa cubicle para tanggalin na ang suot na damit ay napabuntong hinga ako. Gaya ng damit na 'to, siguro nga kailangan ko naring baguhin lahat? Kung pwede nga lang na pati ang puso madaling mabago e.
"Wow!" Nakagat ko ang labi ko ng makita si Daddy na laglag ang panga ng makita ako.
Tumuwid ng tayo si Hermes at ang date ng kapatid ko na parehong nasa kan'yang gilid. Ngumiti ako sa kanila ng makalapit na ako at pagkatapos ay niyakap si Daddy.
"Mirthene." Sabay sabay kaming napalingon kay Mommy na kasama naman si Mackenzie.
Hindi ko alam kung marami lang ba siyang make up sa pisngi o sadyang namumula lang talaga dahil sa date niya ngayong gabi?
Niyakap ko si Mommy ay hinayaang kuhanan niya kami ng mga pictures.
"Mag iingat kayo ha." Paalam ni Daddy bago tuluyang isara ang pintuan ng sasakyan nila Hermes.
Si Mackenzie naman at date nitong si Conrad ay nasa likuran namin at sumusunod.
"You're stunning Mir." Bulong ni Hermes ng baybarin na namin ang daan patungo sa Campbell.
Ngumiti ako at nahihiyang tumango.
"Ikaw din naman. Ang gwapo mo ngayon." I wholeheartedly said.
Halos sumabog na sa kaba ang puso ko ng makarating na kami sa Palace. Siniguro kong nakakapit ako ng maayos sa braso ni Hermes dahil ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko.
"You okay?" Malumanay niyang tanong sa akin.
Kabado akong ngumiti at tumango na lang.
"Good. You look beautiful Mir kaya wala kang dapat ikakaba."
Umirap ako at pinisil ang braso niyang hawak ko.
"Wala, naninibago lang siguro ako..." Itinuon ko ang tingin sa malaking pintuan sa dulo ng hallway.
Hindi ko maiwasang isipin si Marcus. Sa mga ganitong pagkakataon ay palagi naman akong kinakabahan at sa lumipas na tatlong taon na siya ang kasama ko sa ball ay hindi siya pumalyang pakalmahin ako.
"Oh? Tingin nga? Sus! Walang wala lahat ng babae doon sa'yo! Baka nga ikaw pa ang manalo bilang queen of the night! Smile nga!"
Sinapak ko ang braso niya. Nakakainis! Taon taon niya nalang ginagawa ang ganitong klaseng pang aasar sa akin para lang mawala ang kaba ko.
"Huwag mo nga akong utuin!"
Mas lalong humalakhak ang damuhong lalaki sa tabi ko. Sa paghawak niya sa kamay ko ay mas lalong nagwala ang pagkatao ko. Mas nakakakaba pa yata ang maisip na nasa tabi ko ang gwapong lalaking ito kaysa sa mangyayari sa event ngayon e!
"Mir? Uy..." Napapitlag ako ng marinig ang boses ni Hermes na pumukaw sa pagbabalik tanaw ko.
"S-Sorry!" Ipinilig ko ang ulo at muling inayos ang sarili para makasabay sa kasalukuyan.
Sinalubong kaagad ako ni Jen ng tuluyan na kaming makapasok sa venue. Nasa tabi niya ang date at boyfriend na si Russel.
"Bagay kayo ha!" Mapang asar niyang bulong sa akin habang inilalayo ako sa tabi ng mga lalaki.
Gaya ng mga nakalipas na taon ay parehas lang naman ang naging daloy ng event.
Ang naiba nga lang, wala na si Marcus sa tabi ko ngayon kung hindi nasa tabi ni Blaire. Other than that, nothing has change. Maging ang kabaliwang pagmamahal ko sa kan'ya ay nanatili.
"Mir nakailan ka na. Tama na 'yan!"
Sinubukang kunin ni Jen sa kamay ko ang pang apat na basong wine na kinuha ko sa pabalik balik na waiter.
"Jen naman... Ngayon na nga lang ako uminom e. Tsaka hindi ako malalasing ng wine!" Humagikhik ako at muling sumimsim doon.
Inirapan niya ako at muling hinawakan ang kamay ko kaya mabilis kong nilagok ang laman ng basong hawak ko.
Natatawa kong pinunasan ang labi ko pagkatapos kong maubos 'yon!
"Hay naku Mirthene! Kailan ka ba hindi nalasing? Kahit wine o champagne pa yan alam mong madali kang matamaan kaya tigilan mo na. Tara nalang sa photo booth!"
Iniwas ko ang sarili ko ng tumayo siya at ambang hahawakan ako patungo sa pakay. Hindi natigil ang pag ngisi ko kahit wala naman talagang nakakatawa sa mga nangyayari.
Itinikom ko sandali ang bibig ko ng makita ang seryosong mukha ng kaibigan ko at ang mga braso niyang awtomatikong humalukipkip.
Tamad akong tumuwid ng upo at tumikhim para lang maging seryoso sa harapan niya.
"I'm tired. Mamaya nalang."
"Tired? Mir, you're tipsy!"
Umirap ako sa kan'ya.
"You're over reacting Jen. I'm okay. I'm enjoying this!" Iniwas ko ang tingin sa kan'ya para muling hanapin iyong waiter na gusto ko ng maging best friend ngayong gabi.
Naramdaman kong muli ang pag upo niya sa tabi ko.
"Mir, sabihin mo nga-"
"Jen. You should dance with Russel. Huwag ako ang intindihin mo okay? Gusto ko lang manahimik dito at inumin lahat ng libreng painom ng Campbell. This is only once a year kaya sige na!"
Nagpapasalamat akong hindi na nakatutol sa akin si Jen dahil sa pagdating ni Russel at Hermes pabalik sa lamesa namin.
"Sayaw tayo?" Tanong ni Russel sa kan'ya.
"Go!" Pagtutulak ko.
Bago pa siya tuluyang pumayag ay nakita ko muna ang pagsenyas niya kay Hermes na tila ipinauubaya na ako rito.
Napangiti ako ng mahagip ng mga mata ko ang best friend kong waiter.
"I'll get this." Masaya kong sabi ng muli niya akong lapitan.
Mukha mang hindi sigurado ay hinayaan niya akong kunin ang isang bagong bote ng mamahaling red wine. Kinuha iyon ni Hermes sa kamay ko.
"Hermes!" Bawi ko.
"I-I'll just open it."
Ilang segundong naglaban ang mga mata namin pero sa huli ay bumigay din ako. Matapos makainom ng dalawa pang baso ay pumayag na akong umalis sa kinauupuan namin para paunlakan siya sa isang sayaw.
"Pinuntahan ka na ba niya?" Tanong ni Hermes habang nasa gitna na kami ng dance floor.
"Nino?"
"Marcus."
Tipid akong ngumiti at umiling.
"Hindi na kailangan. I'm sure he's busy with Blaire." Mapait kong sabi.
Pinanuod ko siyang humugot ng isang malalim na paghinga.
Ang plano kong isang kanta ay nadagdagan pa ng dalawa.
"She's really lucky." Wala sa sariling bulong ko sa gitna ng katahimikan namin.
Kumunot ang noo ni Hermes dahil sa sinabi ko. Sa pagtitig ko sa mga mata niya ay naramdaman ko ang bahagyang pag alon ng paningin ko. Aaminin kong mahina nga akong uminom at tama ang kaibigan ko, lasing na nga siguro ako.
"Sino?"
"Si Blaire.." Pinagdiin ko ang labi ko at mas mataman siyang tinitigan. I see him swallowed hard. "She's really pretty Hermes..."
He slowly nodded at that.
Napangiti ako ng mapait lalo na ng sa pag ikot namin ay siya namang pagbalandra ng dalawang pares na halos magkayakap na sa dance floor.
Bumilis ang dagundong ng puso ko ng makita ang ngiti at tuwang nakapaloob sa mga mata ni Marcus habang matamang nakatitig kay Blaire.
He looks so happy and in love with her. Iyong pagmamahal na hanggang sa pwesto namin ni Hermes ay damang dama ko.
Napapikit ako at nag iwas ng tingin ng makita ang marahang paghaplos ni Blaire sa mukha ni Marcus. Sa ginawa ko ay naramdaman ko ang pagbaling doon ni Hermes.
"B-Balik muna ako Hermes..."
Mabilis akong kumawala sa pagkakahawak sa kan'ya at nagmamadaling lumusong sa dagat ng tao para hindi na niya ako mahabol. Malalaki ang mga yapak ko sa kabila ng nagkalat na tao sa paligid.
Nang makita ko si Leonne sa lamesa namin na nakikipagtawanan sa mga babae ay umibis ako palayo.
Sunod ko nalang napagtanto ay nasa bar area na ako kasama ng best friend kong waiter na walang humpay ang pagpapaalala sa akin na hindi na dapat ako uminom.
Humagikhik ako at inangat ang basong katatapos ko lang maubos.
"Ma'am tama na." Nahihiya man ay nagawa niyang kunin ang wine glass sa kamay ko.
Tumango tango ako.
"Thank you." Sinubukan kong umalis sa high chair pero napakapit ako sa counter ng muling umikot ang mundo ko.
"Mir! I've been looking for you!" Tawag ng isang boses galing sa aking likuran.
Hindi ko na kailangan pang lumingon para makita kung sino ang nagsalita dahil sa pagbigkas palang niya ng pangalan ko ay alam na alam na ng pagkatao ko ang dapat makita.
Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana ay mali lang ako pero hindi na ako nakatakas. Napapitlag ako sa paghawak niya sa aking siko.
Pakiramdam ko'y nalalasahan ko na ang kabang nararamdaman ko ngayon.
"Mir..."
I bit my lower lip when I heard his voice again. Ang boses niya na purong saya lang ang nakapaloob.
Nanatili akong nakatuon sa sahig dahil para na akong mahihimatay sa paraan ng pagkalampag ng puso ko at sa kirot na mabilis na dumumog sa dibdib ko.
"Uminom ka?" Hindi nawala ang tuwa sa boses niya at sinimulang iharap ako sa kan'ya.
Ilang ulit nagmura ang utak ko dahil hindi ko pa man nakikita ang masaya niyang mukha na dahil kay Blaire ay nag iinit na ang magkabilang mata ko.
Pumikit ako ng mariin ng maramdaman ang kamay niyang marahang dumampi sa aking baba at maingat na inangat 'yon.
Damn it...
"Mir, I have something to tell you... Look at me."
Imbes na gawin ang sinabi niya ay madali kong hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin.
I felt like I am so close to exploding. Hindi ko alam kung dahil sa wine na ginawa kong tubig o talagang punong puno na ako? Iyong pakiramdam na gusto mo nalang sumabog at hindi intindihin ang lahat.
"Damn, you are drunk. Where's Hermes?" Ang kaninang masaya niyang boses ay nabahiran na ng pag aalala.
"Iniwan ka niya?" Patuloy niyang tanong at kinuha muli ang kamay ko.
Mas lalong pumait ang nararamdaman ko. Oo nga at wala namang masama sa sinabi niya pero dahil sa patuloy na pagbaon ng kirot sa puso ko ay dumating na ako sa dulo...
Buong tapang kong hinawi sa pangalawang pagkakataon ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"I'm okay." Pormal kong sambit.
Nakita ko ang pag igting ng panga ni Marcus ng magtama ang mga mata namin. Tila gulat sa nagiging reaksiyon ko ngayon.
"Are you okay? Nasaan si Hermes? Hinayaan ka niyang uminom ng mag isa?"
Mabilis akong umatras ng makita ang paglapit niya.
Sarkastiko akong natawa. Ilang parte ng utak ko ay pinaalalahanan akong kontrolin ang sarili ko pero hindi ko na yata iyon kaya pang gawin. Hindi na lalo pa ngayong nasa harapan ko siya.
"Ihahatid na kita-"
"No Marcus. I said I'm okay! Hindi na kailangan."
"Mir why are you acting like this? Nag away ba kayo ni Hermes? Anong ginawa niya?"
Mas diniinan ko ang pagkagat sa pang ibaba kong labi para muling pigilan ang sariling marating ang sukdulan ng aking emosyon. Kahit na nahihilo ay nagawa ko siyang lagpasan para makaalis na.
"Mir. Come on! What happened-" Nahinto ako ng mahuli niya ulit ang kamay ko.
My heart pounded aggressively in my chest. Sa malakas na kalampag no'n ay nahirapan na akong huminga ng maayos!
"Marcus ano ba! I said I'm okay! I am fucking okay! Hindi mo ba naiintindihan?!"
Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko dahil sa mga salitang lumabas sa labi ko. Pilit kong tinanggal ang kamay niyang humawak sa akin.
Parang sinaksak na ng tuluyan ang puso ko ng makita ang pagkatulala ni Marcus sa akin. Gayunpaman, wala na akong naramdamang pag atras dahil nag uumapaw na ang lahat ng emosyong dapat ay noon ko pa inilabas.
"Mirthene..." His voice soothes in the deepest part of my heart.
Ang boses niyang puno ng pang unawa at pag intindi pero hindi ako natinag.
"What's wrong?" Litong lito niyang sambit.
Itinaas ko ang kamay ko ng humakbang siyang muli palapit. Sa pag angat ko ng tingin para tumitig sa naguguluhan niyang mga mata ay kusa ng tumulo ang mga luha ko.
"I'm okay! Okay na Marcus! Tama na! Ayaw ko na!" Gumagaralgal ang boses kong sabi na mas lalong nagpatigagal sa kan'ya.
Ilang ulit siyang napalunok dahil sa pagbuhos ng mga luha ko. Iyong pakiramdam na gusto niya akong aluin pero dahil sa mga sinabi ko ay hindi na niya magawa.
"Mir, anong-"
Marahas kong pinunasan ang mga luha ko bago siya putulin sa pagsasalita.
"I'm okay! Pipilitin kong maging okay dahil ayaw ko na! Hindi ko na kayang magkunwaring masaya at maging maayos sa harapan mo Marcus dahil ang totoo, matagal na akong nagtitiis! Matagal ko ng tinitiis ang sakit na nararamdaman ko dahil gusto kitang suportahan sa lahat ng bagay na makapagpapasaya sa'yo! Gusto kong sumaya ka kahit na kapalit no'n ang sarili kong kasiyahan..."
Halos pumiyok ako sa tindi ng paninikip ng dibdib ko pero hindi ako huminto.
"Sinuportahan kita kasi gano'n naman talaga kapag nagmahal ka 'di ba? Susuportahan mo kahit kabaliwan na para sa iba! Susuportahan mo parin dahil mahal mo. Oo Marcus... Mahal kita! Mahal na mahal kita kahit napakasakit mong mahalin!"
Parang pinira-piraso ang puso ko sa pagtapos kong magsalita.
Sabi nila kapag inilabas mo ang lahat ng bagay na nagpapabigat sa kalooban mo, gagaan na ang pakiramdam mo pero bakit parang hindi naman?
Bakit parang habang nakikita ko siyang natutulala sa akin ay mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko?
Ilang beses siyang kumurap habang tila nai-estatwa sa kinatatayuan. Bumuntong hinga ako para kumuha ng panibagong lakas upang magpatuloy.
Sa kabila ng panlalabo ng mga mata ko ay kitang kita ko parin ang mukha niyang walang maisagot sa akin.
Nanginig ang balikat ko ng muli akong mapahagulgol. Fuck all the wine...
Pumikit ako at yumuko. I can't stand seeing him like this. Hindi ko kayang makita siyang ganito dahil ang totoo ay wala naman siyang kasalanan.
Ako ang nagmahal. Ako ang lumagpas sa hangganan ng relasyon namin kaya dapat ako lang ang masaktan. I won't blame him. Hindi ko gustong masira kami pero wala na akong magawa.
I know we will end up like this eventually. Lahat ng kinatatakutan ko ay nasa harapan ko na ngayon.
"Marcus ayaw ko na..." Pagod kong sambit.
"I don't want to get hurt while seeing you being so happy with someone else. Selfish ako. Makasarili ako pero nagawa kong magtiis para sayo pero ngayon... Hindi ko na kaya. Pagod na akong masaktan habang nakikita kang masaya sa piling ng iba. Ayaw ko ng magkunwaring wala lang lahat dahil ang totoo, wasak na wasak na ako. And for that I am sorry... I'm sorry dahil hindi ko na kaya pang maging masaya sa mga kasiyahan mo."
Sa huling beses ay muli akong tumitig sa mga mata niya sa kabila ng walang humpay kong pagluha. Mapait akong ngumiti at buong pusong nagpatuloy,
"Marcus... I-I'm sorry if I can't be the girl who can truly make you happy...I'm sorry I'm not what you wanted... and I'm sorry if I wasn't good enough..."
"Mir..."
Umiling ako at hindi na hinayaan pang dugtungan niya ang lahat ng gustong sabihin.
Nagmamadali ko na siyang tinalikuran at patakbong lumayo sa kan'ya. Dumaan ako sa pinakamaraming tao para kahit na sundan niya ako ay mahihirapan na siya.
Hindi ko ininda ang may kadilimang lugar at ang sarili kong umiikot na ang paningin dahil sa dami ng nainom. Habang nararamdaman ko ang pagkirot ng puso ko ay mas lalo lang akong nagkakaroon ng determinasyong lumayo.
Ito na ang huli.
This is the end of my night and probably the end of our friendship...
# CHAPTER 16
Chapter Sixteen
I Love You From A Far
I distance myself from everyone. Hindi lang dahil sa gusto ko kung hindi dahil alam kong iyon lang ang tama sa lahat ng gagawin ko.
I did well in our games. Nakakuha pa kami ng isang championship bago matapos ang huling semester ng school year.
Sa kabila ng distansiyang ginawa ko at pagpupumilit na kalimutan ang lahat ay pinagbigyan ko parin ang sarili kong makita siya sa huling pagkakataon.
Inayos ko ang sarili ko sa gilid ng malaking pinto ng convention bago ituon ang mga mata sa lalaking nasa stage at masayang tinatanggap ang kan'yang diploma. Ngayong araw ay hindi lang siya ang ga-graduate kung hindi lahat silang apat maliban sa akin.
Wala sa sariling napakapit ako sa hawak kong box na may lamang relo. I bought this last year. Noong mga panahong maayos pa kami at magkaibigan. Sa ilalim ng hawak ko ay isang letter na ginawa ko kagabi. It was just a simple congratulations letter and nothing else.
Pagkatapos noong nangyari sa ball ay hindi na nagtagpo ang mga landas namin ni Marcus. Ni minsan rin ay hindi ko na pinangarap 'yon dahil alam kong tapos na ang lahat. I ended our friendship.
Napalunok ako ng makita kung gaano siya kasaya ngayon. Hindi man ako nagpakita sa kanila sa buong durasyon ng programa ay nanatili naman akong nakatanaw sa malayo habang masaya para sa natapos nila.
I am so proud not only for Marcus but for all of my friends who graduated today...
"Mir?" Napapitlag ako at mabilis na napalingon sa boses ng isang babaeng tumawag sa akin.
Pinigilan kong mapaawang ang bibig ng makita ang masayang si Tita Helene.
Halos maputol ang paghinga ko dahil sa agaran niyang pagyakap sa akin. Imbes na intindihin 'yon ay mas pinagtuunan ko lang ng pansin ang mga kaibigan kong papalapit na sa amin.
"Tita!" Masaya kong sambit at agad na pinutol ang yakapang 'yon.
"I'm so glad you came! I'm sure Marcus will be so happy to see you my dear!"
Tipid akong ngumiti at umiling.
"Napadaan lang po ako Tita." Bumaba ang mga mata ko sa mga bagay na aking hawak.
Huminga ako ng malalim at muling ibinalik sa kan'ya ang tingin.
"Gusto ko pa po sanang magtagal pero kailangan ko naring umalis." Inilahad ko sa harapan niya ang mga hawak ko. "Pwede niyo po bang ibigay ito kay Marcus?"
Napalunok ako ng matitigan ang mga mata niyang punong puno ng lungkot sa hindi ko malamang dahilan.
She slowly nodded at my request. Tila may naintindihan sa gusto kong sabihin.
"I'm sorry Tita Helene kung hindi na ako magtatagal. Congratulation din po sainyo. Mauna na po ako."
Pinisil ko ang kamay niya pagkatapos ay nagmamadali ng umalis bago pa ako maabutan nila Marcus.
Kung hindi lang dahil sa mainit na tasa ng kapeng hawak ko ay baka nalunod na akong muli sa kawalan. Pumikit ako at hinayaang hanginin ng malamig at preskong simoy ng hangin ang aking buhok. I can taste the sea from where I stand.
Huminga ako ng malalim... It's been a while since I think of him. Kung noon ay walang palya ang mga isipin ko tungkol sa kan'ya, ngayon naman ay madalang nalang pero kahit na gano'n... Kung ano ang nararamdaman ko noon ay parang hindi parin naman nagbago.
They say time heal all wounds... But in my case, time just made my wounds bleed continues love for him. Na kahit alam kong masaya na siya sa piling ni Blaire at ikakasal na nga ay hindi man lang nabawasan ang pagmamahal ko.
Yes I love him still but I know where to stand. Nirerespeto ko ang lahat ng kung anong mayroon silang dalawa at mananatili akong masaya para sa kanila. Hindi man niya alam ang mga saloobin ko ay susuportahan ko parin siya.
He will always be the guy who I loved first. Who I love the most... And still the guy that I'm loving from a far.
"Alam mo na ba 'yung tungkol sa dalawa?" Bungad sa akin ni Jen isang araw matapos kong ligpitin ang mga gamit sa aking lamesa.
"Oo naman. Noong isang araw pa sinabi sa akin ni Hermes."
"And?"
Kumunot ang noo ko sa tono ni Jen na may halong pang iintriga.
"And I am happy for them Jen. Iyon lang. Masaya ako para sa kan'ya. Ilang taon narin naman ang relasyon nila e. They should get married asap."
"Are you okay with that?"
Isang sarkastikong tawa ang lumabas sa bibig ko. Isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat bago lumabas ng tuluyan sa aking opisina.
"At bakit naman hindi? I am truly happy for Marcus and Blaire, Jen. Don't ever doubt that. Masaya talaga ako."
Isang mahabang buntong hinga ang pinakawalan niya sa kabilang linya.
"Paano kung imbitahan ka nila sa kasal? Pupunta ka?"
Bumagal ang mga hakbang ko dahil sa tanong ni Jen.
Kahit kailan ay hindi ko naisip 'yon. At hanggang ngayon yata ay hindi ko kayang isipin ang bagay na 'yon.
Kaya ko nga bang makita ang pakikipag-isang dibdib ng lalaking pinakamamahal ko sa babaeng pinakamamahal niya?
"Why not." Sa huli ay nasabi ko.
Ilang minuto pang nagtagal ang usapan namin bago siya tuluyang magpaalam sa akin. Hanggang sa makauwi na ako ay hindi nawala sa isipan ko ang napag usapan naming dalawa.
It's been four years...
Natulala ako ng bumungad sa akin ang profile ni Marcus na punong puno ng mga pictures nila ni Blaire. Wala sa sariling napangiti nalang ako.
Ang isang parte ng puso ko ay naisip na tama lang rin ang mga nangyari. Tamang si Blaire ang nakatuluyan niya dahil hindi ko alam kung kaya ko siyang pasayahin ng ganito.
Ibinaba ko ang cursor para tignan pa ang mga pictures nilang magkasama. Mayroong mga litratong kuha sa iba't ibang lugar. Iyong mga surprises ni Marcus at kahit ang mga maliliit na bagay na nagsusumigaw ng purong pagmamahal para kay Blaire.
Napahinto ako sa huling litratong nakita ko.
It was the night of his marriage proposal...
Wala sa sariling napangiti ulit ako.
Blaire really deserves Marcus and vise versa. Wala akong masabing kapintasan sa kanilang dalawa at maging sa kanilang relasyon.
Leonne even labeled them as the couple goals and we can all agree to that.
Humugot ako ng isang malalim na paghinga ng makita ko ang litrato ng nakaluhod at emosyonal na lalaki sa harapan ng napakagandang babae. Hinihintay marahil ang sagot nito tungkol sa pagyayaya ng kasal.
Bumilis ang tibok ng puso ko...
Noong bata pa ako ay pangarap ko ang ganito. Iyong isang araw na may lalaki ring magmamahal sa akin at ituturing akong prinsesa.
Iyong lalaking sasambahin ako at rerespetuhin. At isang araw hihingin ang kamay ko.
Isang araw pangarap ko ring maglakad sa altar habang hinihintay ng lalaking handa kong makasama sa habang buhay.
Pangarap kong titigan siya sa mga mata habang sinasabi ko kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako kahandang ibigay sa kan'ya ang lahat ng kaya ko mapasaya lang siya...
Pangarap kong mahalikan sa harapan ng lahat ng pamilya namin dahil sa purong pagmamahal na pinaghirapan naming buohin.
Ipinilig ko ang aking ulo at ibinalik ang atensiyon sa picture nilang dalawa.
Someday I will find him. Hindi pa siguro ngayon pero aasa akong balang araw ay makikita ko rin ang sarili kong magmamahal ng iba. Sasaya sa piling ng iba gaya ni Marcus...
He found his one true love.
Wala sa sariling pinasadahan ng aking mga daliri ang masayang mukha ni Marcus habang nakatingala sa babaeng pinakamamahal.
"Be happy Marcus Findle... Just be happy for me..." I murmured.
# CHAPTER 17
Chapter Seventeen
Boyfriend
"I can't believe you." Umiiling na sambit ni Jen habang sinisipat ang kabuuan ko.
Kumunot ang noo ko at nagkibit nalang ng balikat.
"He's change."
Marahas siyang napatayo sa kinauupuan para lang lumipat sa aking tabi.
"Mirthene seryoso ka ba talaga? Parang noong nag aaral pa tayo kinasuklaman mo na 'yung taong 'yon tapos ngayon sasabihin mo sa'kin na sasagutin mo na? I can't fucking believe you!"
Imbes na dagdagan ang inis niya ay pinigilan ko ang sariling matawa. Itinuon ko ang mga mata sa nakabukas na TV.
Lahat naman siguro ng tao nagbabago 'di ba? I believe in second chances too. I become a sucker for that lately. Siguro dahil sa mga napapanuod kong movies nitong mga nakaraan.
Alam kong hindi naman talaga maganda ang nangyari sa amin noong nag aaral palang kami sa Campbell pero habang tumatagal ay nakikilala ko naman siya.
Ilang beses narin siyang humingi ng tawad sa akin sa nagawa niya noon at ilang beses ko narin naman siyang pinatawad. We were young. Hindi ko siya masisisi lalo na at marami naman siyang choice noon. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kan'ya.
He can even get all the girls that he wanted and I ruined his ego. Iyon ang nakita kong dahilan kaya siya nagalit ng husto sa akin noon.
"Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga lubos maisip na magkakagusto ka rin pala sa gagong Tyrone na 'yun!" Patuloy niyang pagalit na litanya sa akin.
"Nagbago na nga. Nag matured na... and maybe I am ready too. Ready narin naman akong magkaroon ng boyfriend Jen."
Sandali siyang natigilan dahil sa sinabi ko.
Ipinilig ko ang aking ulo para matigil na siya sa pagdududa sa akin. I know what she was thinking. Alam na alam ko na kung ano ang tumatakbo ngayon sa utak niya. It's all about Marcus again.
"No Jennifer, okay? Walang kinalaman si Marcus sa desisyon kong sagutin si Tyrone. Iba na ngayon. I want to be happy just like him. Malay mo si Tyrone pala talaga-"
"I doubt that!" Pagpuputol niya sa sasabihin ko.
I bit my lower lip.
Ano pa nga bang magagawa ko?
Hindi ko na yata siya kayang kumbinsihin na gustohin si Tyrone para sa akin.
Siguro normal lang ang ganito sa mga kaibigan. Normal lang 'yung maging overprotective sila sa'yo lalo na sa paglalayo sa mga taong nagawa ka ng saktan noon.
"Napakaraming lalaking nanligaw sa'yo Mir. Hindi ko akalaing si Tyrone talaga ang napili mong maging boyfriend. Naiinis parin talaga ako!" Inis siyang naghalukipkip kasabay ng padabog na pagsandal sa couch na kinauupuan namin.
Huminga ako ng malalim at inalis ang tingin sa TV para lang balingan siya.
"Jen you know I don't like Russel at first too pero dahil gusto mo siya kaya gusto ko narin... Please just give me the benefit of the doubt. Kahit ngayon lang sa desisyon ko. I... I like him." Halos pabulong kong sambit sa mga huling salita.
Sinalakay ng kaba ang dibdib ko dahil sa huling sinabi. Parang hindi ako makapaniwalang masasabi ko sa kan'ya ang bagay na 'yon na ibang tao na ang tinutukoy.
I never imagined myself liking someone else other than Marcus pero habang nakikita ko ang effort ni Tyrone sa ilang buwang panliligaw sa akin ay unti unting nabuo ang atraksiyon ko para sa kan'ya.
Oo nga at hindi kami nag umpisa sa magandang relasyon pero sa pagtatiyaga niya ngayong makuha ako ng totoo ay alam kong nagugustuhan ko 'yon.
Napangiti ako ng makita ang pagbuntong hinga ni Jen at pagsilay ng isang matamis na ngiti. She slowly nodded and held my hand.
"Ayaw ko lang talagang makita kang nasasaktan ulit Mir... You deserve to be truly happy. Iyon lang ang gusto ko para sa'yo dahil lahat na yata ng kasiyahan ay isinuko mo na para sa taong mahal mo..."
Pinisil ko ang kamay niyang nakahawak sa akin bago suklian ang kan'yang mga ngiti.
"Normal lang namang ibigay lahat para maging masaya 'yung taong mahal mo 'di ba? Wala akong pinagsisisihan doon Jen. Gusto ko naman 'yon. Ginusto ko 'yon at tama ka. I deserve to be happy too kaya sana kahit na hindi mo gusto si Tyrone, suportahan mo nalang ako? Pwede ba 'yon?"
Marahas siyang napabuntong hinga sa sinabi ko pero kalaunan ay ngumiti nalang ulit at tumango.
I know this is hard for her. Sabay naming kinamuhian noon si Tyrone kaya naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng pagtutol niya.
I met Tyrone again after my graduation. Sa iisang kompanya rin kami nag training at simula noon ay hindi na siya nawala sa buhay ko. He begged for my forgiveness and eventually he asked if he can court me again. Iyong totoo na sa ngayon. Iyong seryosohan na. That's his exact line.
Noong una ay hindi naman ako naniwala pero sa araw araw at walang palyang pagsuyo niya sa akin ay alam kong unti unti ko narin siyang nakilala.
"What?!" Nakita ko ang agarang pagliwanag ng mukha ni Tyrone ng sabihin kong sinasagot ko na siya.
Tila lumakas ang masayang tugtog ng piano sa hindi kalayuan dahil sa tuwang nakikita ko ngayon sa lalaking nasa harapan ko.
"Oo na!" Natatawa kong sinabi.
Halos magningning ang mga mata niya dahil sa walang pagsidlang katuwaan. Kumalabog ang puso ko ng tumayo si Tyrone at lumapit sa kinauupuan ko para lang kunin ang aking kamay.
Masaya ko namang tinanggap ang nakalahad niyang kamay at sinundan ang pag giya niya sa akin. Sa pagtayo ko ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Lumakas ang pagwawala ng puso ko dahil do'n!
"You made me the happiest Mir. Imagine, boyfriend mo na ako ngayon!"
"You're a douchebag back then!" Natatawa kong bulong sa tenga niya na naging dahilan ng paghalakhak niya ng tuluyan.
"Oo na. I admit it okay? Gago na ako pero tignan mo... Tayo na ngayon."
Tinapos ko ang yakap na 'yon para harapin siya.
"Wala kasi akong taste." Pang aasar ko.
Ikinawit niya ang kan'yang kamay sa aking bewang bago ako hapitin palapit.
"Ako ang maglalagay ng panlasa mo simula ngayon Mirthene..." Aniyang taliwas sa inaasahan kong sagot.
Wala sa sariling kinagat ko na ang pang ibaba kong labi ng makita ang paglapit ng mukha niya sa akin. Pakiramdam ko'y kinapos ako ng paghinga ng bumaba ang mukha niya. My heart screamed so loud when I felt his lips against mine.
Ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa pagkagulat ay agad ring nawala ng maramdaman ang paghaplos ni Tyrone sa aking pisngi.
Tuluyan na akong napapikit. This is my first kiss... He is my first boyfriend and I am ready to be happy...
Marami mang mga kaibigan ko ang magtataas ng kilay kapag nalaman nila pero wala na akong gustong isipin kung hindi ang maging masaya kasama si Tyrone. Sa ngayon ay ramdam kong totoong masaya ako. Sa loob ng ilang taon ay ngayon lang ako sumaya ulit ng ganito. And this is all because of him.
Dahil sa boyfriend ko...
# CHAPTER 18
Chapter Eighteen
Mahal Ko
Napangiti ako ng maramdaman ang pagyakap sa akin ni Tyrone galing sa aking likuran.
"I'm sorry..." He murmured.
Mabilis akong kumawala sa yakap niya para harapin siya. Umiling ako.
"Okay lang 'yun, I understand. Okay na ba?" I asked.
Kanina pa kami narito sa beach resort para i-celebrate ang unang buwan ng aming relasyon pero ngayon lang siya ulit bumalik sa tabi ko. He's so busy talking to his father.
Tumango siya at muli akong niyakap.
"Yeah. Pagbalik natin didiretso ako sa office para harapin naman 'yung board members." Bumuntong hinga siya na tila stressed na sa mga nangyayari.
Hinaplos ko ang mukha ni Tyrone at tinitigan ng maigi ang kan'yang kulay kayumangging mga mata.
"Matatapos din 'yan okay? You can do it, Ty. Isa pa ayos lang naman na iyan ang unahin mo. Your father needs you. Sino pa bang mamamahala ng lahat ng business ninyo kung hindi ikaw 'di ba?"
Tumango tango siya sa sinabi ko.
"But I also want to be with you. Mahal kita Mir..." Madamdamin niyang sambit.
Napalunok ako dahil doon.
Ilang beses ko naman nang narinig ang mga salitang 'yon sa kan'ya pero hanggang ngayon ay naninibago parin ako. I'm still not used to it. Ni ang magkaroon nga ng boyfriend na kagaya niya ay parang nakakapanibago parin kahit na isang buwan na kami.
"I... I love you too." Nauutal kong sagot sa sinabi niya.
Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan ng mabilis niyang tawirin ang pagitan namin para gawaran ako ng halik. Bago pa ako makatanggi ay hinapit na ni Tyrone ang katawan ko padiin sa kan'ya.
He bent back my head across his arm and kissed me with intensity that made me cling to him. His keen mouth was parting my trembling lips, sending wild tremors along my spine. Napaatras ako ng maramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Sa bawat paggalaw ng mga labi niya ay gano'n nalang din ang pagbilis ng kalampag ng aking puso.
Sa gitna ng panghihina ay nagawa ko paring sagutin ang mga uhaw niyang halik.
Sunod ko nalang namalayan ay nakabalik na kami sa loob ng suite. Maingat niya akong inilapag sa malambot na kama habang hindi napuputol ang mga labi naming patuloy ang pagsasalo sa nag aalab na halik.
Ramdam ko ang init ng katawan ni Tyrone habang nasa ibabaw ko pero mas ramdam ko ang init ng katawan ko. I gasp when his lips traveled to my chin down to my neck. Iyong mga labing mapanuyo at marahan ang pag galaw.
"Ty..." Daing ko ng bumaba pa ang mga halik niya patungo sa aking collar bone.
Ilang ulit kong kinagat ng mariin ang labi ko dahil sa kiliting dulot ng mapanukso niyang mga halik.
I let his hands travel to my thigh. Sa bawat paghaplos niya sa aking katawan ay kusang nagsisitayuan ang mga balahibo ko.
I've never been touched by anyone. At ito ang unang beses na lumagpas kami sa simpleng mga halik, yakap at holding hands.
Napadilat ako ng maramdaman ang pag angat niya sa suot kong dress. Bahagya ko siyang naitulak dahil doon.
Hinihingal kong idiniin ang mga palad ko sa kan'yang dibdib.
"Babe?" Laglag panga niyang tanong dahil sa pagpigil ko sa kan'yang ginagawa.
Ang mga mata niyang punong puno ng pagnanasa ay nahaluan ng matinding kalituhan.
Kinalma ko ang aking sarili at nagmamadaling inayos ang damit na bahagya pang nakataas.
"I can't..." Nahihiya akong umalis sa harapan niya at bumalik sa veranda.
Ilang malalalim na paghinga ang pinakawalan ko dahil pakiramdam ko'y sasabog na ako sa sobrang kahihiyan at kaba. Sa lahat ng mga nangyayari ay isa lang ang naisip ko.
Masyadong mabilis. Masyado pang maaga para gawin namin ang ganito. I still can't give him what he wants.
Napapitlag ako ng maramdaman kong muli ang pagyakap sa akin ni Tyrone kasabay ng paglagay niya ng kan'yang mukha sa aking leeg. Napapikit ako ng marinig ang malalalim niyang pagbuntong hinga.
"Babe it's been a month... Hindi ka parin ready?" Bulong niya sa akin.
This is the first time I let him touch me like that. Hindi naman ako gaya ng iba na gusto ng kasal bago ang sex pero sa relasyon namin ni Tyrone ngayon ay hindi ko pa kayang ibigay ng buo ang sarili ko.
"I'm sorry..." Napayuko ako.
Maingat siyang bumitaw sa akin para maiharap ako ng tuluyan sa kan'ya.
"Hindi ba masyado pang maaga para do'n? I mean isang buwan palang tayo Tyrone..."
Inangat niya ang baba ko para salubungin ang mga mata kong mailap.
"Wala naman sa tagal 'yun pero kung hindi ka pa handa sige lang. Maghihintay ako Mir."
Tumango tango nalang ako. Ang buong araw na plano naming maglibot sa kabuuan ng resort ay hindi na natuloy dahil sa pagiging abala ni Tyrone sa sariling problema ng kanilang pamilya. Mabuti nalang at naging maayos na iyon sa pagbaba ng araw kaya nagkaroon pa kami ng oras na maligo at mag dinner sa tabing dagat.
Our relationship started so good. At sa paglipas ng mga araw ay nagpatuloy ang kasiyahan sa puso ko. Tyrone never fails to make me happy kahit na minsan ay nauubusan siya ng oras sa akin dahil sa kan'yang career.
"Peter?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Oo babe. I'm sorry hindi kita masusundo ngayon huh? Babawi ako bukas! Makulit kasi 'tong si Peter kaya pagbibigyan ko na." Tukoy niya sa mga kaibigan noong college kami.
"Alright. Be safe and don't forget to text me when you got home."
"Copy that!" Natatawa niyang sabi bago tuluyang naputol ang tawag.
Ilang segundo akong natulala sa kawalan dahil doon. Parang naririnig ko kasi ang boses ni Jen na pinapagalitan ako ngayon. Ipinilig ko nalang ang aking ulo.
Marami pa akong dapat na isipin ngayon at hindi ko dapat alalahanin si Tyrone na magsaya kasama ang mga kaibigan niya. I trust him and I know that he can be trusted.
Nakapagpahinga lang ang utak ko ng mareceive ang text niyang nakauwi na siya.
Sa pangalawang buwan ng relasyon namin ay wala namang naging problema maliban sa pagiging abala niya sa trabaho.
"Puntahan kaya natin? You know like stalk them and shit." Suhestiyon ni Jen ng sabihin kong lumabas na naman si Tyrone kasama ang mga kaibigan niya.
"Jen! That's stupid. Hindi naman kailangan 'yon. I'm just here to vent. Wala akong mapagsabihan." Tipid kong sambit.
Nitong nakaraang linggo kasi ay napadalas ang pakikipagkita niya sa kan'yang mga kaibigan at hindi ko na naiwasan ang mag isip.
"See? Paano mo nga naman ise-share kila Tita at Ken iyang mga naiisip mo kung gaya ko rin silang tutol diyan sa relasyon na 'yan."
Inirapan ko siya at tamad na kinuha ang chips na nasa coffee table.
"You're so negative."
"Sige sabihin mo na lahat ng gusto mo pero alam mo yung women's intuition? Minsan totoo talaga e! Hay naku Mirthene huwag lang siyang magkamali dahil kahit wala akong connections sa mga serial killer ay maipapapatay ko siya!"
Napanguso ako sa sinabi ni Jennifer pero imbes na mainis ay natawa nalang ako. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko pa siya pormal na maipakilala kila Mommy. Paano ba naman, itong si Jen palang ay hirap ng makasundo.
Gano'n siguro talaga kapag ayaw mo sa isang tao. Iyong kahit na anong gawin nila, kahit na wala basta ayaw mo. Ayaw mo talaga.
"I'm serious Mirthene." Dagdag niya kasabay ng pag nguya ng chips na kinuha.
Hindi na ako sumagot.
Pumunta ako rito para maibsan ang mga negatibong bagay sa utak ko pero ibang lugar yata ang napuntahan ko. Sa mga sinabi niya kasi ay lalo lang dumami ang mga iniisip kong masama kay Tyrone. Damn it. I'm so bad at this. Tama bang maramdaman ko ang ganito?
"Mahal mo na ba talaga? Mag ti-three months palang Mir pwede ka pang makipagbreak kaagad."
"Jen naman. Mahal ko 'yon." Ismid ko sa kan'ya.
Isang sarkastikong tawa ang lumabas sa labi niya dahilan para mapairap ulit ako.
"Talaga? Mas mahal mo na kay Marcus?" Mapang asar niyang sambit.
Nahinto ako sa pag nguya para titigan siya ng matalim.
"Iba 'yung mahal sa minahal Jen!"
Humalakhak siya ng makita ang nakabusangot kong mukha.
Minsan nakakapikon din palang pag usapan ang ganito lalo na kung pakiramdam mo ay may punto ang lahat ng sinasabi niya.
"Ang ibig kong sabihin ay kung mahal mo na ba si Tyrone gaya ng pagmamahal mo noon kay Marcus! With the same intensity gano'n!"
Natigilan ako lalo pa ng makita ang pagtaas ng kilay niya habang hinihintay ang sagot ko. Pinagdiin ko ang aking labi. Ilang beses ko mang hagilapin sa utak ko kung gaano ko kamahal si Tyrone pero wala akong tamang maisagot sa tanong ng kaibigan ko.
Kahit ako ay parang hindi ko pa kayang sagutin 'yon. Yes I am happy with him. Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako pero kung titignang mabuti kung parehas iyon noong kay...
Naputol ang pag iisip ko dahil sa pagpalakpak ni Jen sa aking harapan.
"Sabi ko na nga ba e!"
Rumolyong muli ang mga mata ko.
"Mahal ko okay?! Bakit ba palaging nasasali sa usapan si Marcus? Ikaw yata 'tong hindi na naka move on!"
Hindi nawala ang pagtawa niya.
"Sige na ako na! Ako na lahat, Mirtene. Ang punto dito, dapat hindi ka masaktan okay?" Natulala ako ng ituro niya ang dibdib ko bago magpatuloy.
"Guard that thing, Mirthene..." Buong puso niyang sambit.
# CHAPTER 19
Chapter Nineteen
Masaya Ako
"Are you still out?" Pinipigilan kong magtaas ng boses o kahit ang magdemand kahit na alam kong natatalo na ako.
He's been so busy this week. Ni on cam nga ay hindi ko narin siya nakikita. Kahit na may komunikasyon naman kami araw-araw ay parang hindi parin iyon sapat.
"Yeah. Sorry babe. I'm sorry. Sobrang busy lang talaga ngayon. Sige na. I gotta go okay? Mag ingat ka. I love you!"
"Ty-" Kasabay ng pagsambit ko no'n ang hudyat ng pagtatapos ng tawag.
Napapikit ako ng mariin. Ngayon ang third monthsary namin at simula kanina ay ni hindi man lang niya iyon nabanggit sa akin.
Siguro nga hindi naman big deal kung magce-celebrate o hindi pero babae ako. He is my first boyfriend and I know a greeting isn't too much to ask. Kung mahalaga ako sa kan'ya ay dapat kahit iyong mga maliliit na bagay ay mahalaga din.
Tamad kong isinukbit sa balikat ko ang aking bag at walang lingon ng umalis sa aking opisina.
Ayaw ko mang mag-isip ng katulad ng mga iniisip ni Jen sa boyfriend ko pero sa mga nangyayari ay parang hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapunta sa pahina kung nasaan ang kaibigan ko. I'm starting to doubt so much about our relationship.
Oo nga at gusto ko namang intindihin kung busy siya pero ang mabalewala ako? Sana hindi nalang siya nag girlfriend kung busy naman pala siya 'di ba?
"Early out Miss Mir?" Nakangiting bati sa akin ni Bella na mukhang paalis narin.
Ngumiti ako at iwinaglit ang lahat ng mabigat na isipin. Pormal ko siyang hinarap at tinanguan.
"Coffee muna tayo?" Masaya niyang anyaya.
Gusto ko sanang tumanggi pero hindi ko na nagawa ng pumunta narin si Faye sa pwesto namin para yayain akong mag coffee.
"May problema ka Miss Mir 'no? Si Sir Tyrone ba?" Malungkot na tanong ni Faye habang naglalakad kami papunta sa coffee shop.
Malapit lang naman iyon sa aming building kaya hindi na ako nagreklamo ng sabihin nilang maglakad nalang.
Umiling ako para tanggihan ang mga naiisip nila.
As much as possible, I want my relationship with Tyrone to be private. Gusto ko iyong simple lang kami at hindi masyadong bulgaran sa lahat lalo na kapag may ganitong problema ako. Kung kaya kong sarilinin ay gagawin ko pero kapag hindi naman ay si Jennifer na ang takbuhan ko.
"Naku hindi. Pagod lang siguro ako ngayon kaya gusto ko ng umuwi."
Nagtinginan silang dalawa na tila hindi kumbinsido sa mga sagot ko.
"Pansin ko kasi hindi ka na niya sinusundo lalo na nitong linggo e." Si Bella.
Pinagdiin ko ang labi ko dahil sa nakuha niyang punto. Marahan akong tumango para kumpirmahin 'yon.
"Oo. Busy kasi 'yon ngayong linggo kaya minsan hindi na ako nasusundo pero ayos lang naman. Kaya ko namang umuwi ng mag isa."
"Baka naman may ibang sinusundo Miss Mir?" Pabiro ngunit may lamang sabi ni Faye.
Payak akong tumawa sa sinabi niya. Hindi ko sigurado kung para saan ang ginawa ko. Kung para pagtakpan si Tyrone o pagtakpan ang sarili kong nagdududa na. Maybe both?
"Uy grabe ka naman Faye! Hindi naman siguro gano'n pero malay natin." Nagkibit siya ng balikat habang nakatitig sa akin ng makahulugan.
Pasimple akong humugot ng malalim na paghinga. Akala ko kapag may makakausap ako ay gagaan ang pakiramdam ko.
Iyon bang sasabihing busy nga lang si Tyrone. Mahal ako ni Tyrone. Lahat ng ginagawa ni Tyrone ay para naman sa aming dalawa. Iyong mga katagang gustong kunsintihin ang sarili ko. Dahil kahit ang mga kaibigan ko, pamilya ko ay walang amor sa relasyong ito. Dahil ako lang 'yung naniniwala sa aming dalawa.
"Malay nga talaga natin pero Miss Mir, ang hot kasi talaga ng boyfriend mo kaya alam mo na. Dapat sa mga gano'n nakatali palagi!" Humagikhik si Faye sa sinabi.
Napangiwi naman ako at ipinagpatuloy nalang ang paglalakad.
Ramdam ko ang unti unting panghihina ng mga tuhod ko dahil sa mga narinig. The ladies feed my imagination with hurtful things. Hindi ko tuloy alam kung tama bang sumama pa ako sa kanila ngayon o maski ang kausapin sila.
Paano nga naman ako makakahinga sa ganito kung lahat ng mga taong nakapaligid sa akin ay sarado ang utak pagdating sa relasyon namin ni Tyrone?
"Totoo Faye! 'Yung mga gano'ng tipo pa naman, 'yung babae na mismo ang lumalapit." Dagdag kunsinti pa ni Bella.
Hindi na ako sumagot. Parang gusto ko nalang silang iwan at takbuhin na ang distansiya ng coffee shop para matapos na lahat ng usapan nila tungkol sa boyfriend ko.
Nang makita yata nilang tahimik na ako ay binago na nila ang topic at kalaunan ay nanahimik na. Nagsalita lang ulit si Bella ng papasok na kami sa coffee shop.
"Miss Mir ayos ka lang?" May pag aalalang tanong niya.
"O-Oo naman." Ngumiti pa ako para segundahan ang sinabi ko.
Nagkatinginan silang dalawa ni Faye at pagkatapos ay nag ngisihan pa na tila may na accomplish sa panglalason sa utak ko.
Hinawakan ni Bella ang kamay ko at iginiya na papasok sa coffee shop. Naguguluhan man ay hindi ko na binawi ang kamay ko. Siguro napansin nilang natamaan ako sa mga sinabi nila? Na sensitive talaga ako pagdating sa mga ganito.
Sa pagbukas ng pintuan ay halos malaglag ang panga ko ng mapansing hindi ito ang coffee shop! Dahil sa kalutangan ko ay hindi ko na napansing nasa isang restaurant kami.
Lumakas ang kalampag ng puso ko ng makita ang kabuuan no'n na walang katao-tao maliban sa lalaking may dalang bulaklak habang nasa gilid ng lamesa na may dalawang magkaharap na upuan.
Lumakas ang tunog ng piano ng isang love song na hinaharana ang kabuuan ng lugar.
Nilingon ko ang dalawang kasama ko.
"Mauna na kami Miss Mirthene..." Nakangising bulong ni Faye habang sinisiko siko si Bella dahil sa kilig.
"H-Ha?" Naguguluhan kong tanong.
What the hell?!
Bumalik ang tingin ko sa lalaking nasa gitna ng restaurant. Mas naghuramentado ang puso ko ng makita ang paghakbang niya papalapit sa akin. Parang gusto ng bumigay ng mga tuhod ko!
Planado nila 'to! Si Bella at Faye ay kinuntsaba ni Tyrone para guluhin ang utak ko dahil sa sorpresa niyang ito?!
Bago pa makalapit sa gawi ko si Tyrone ay nagmamadali ng lumabas ang dalawa.
The lights were slightly dimmed. Sa pagbaba ng mga mata ko ay nakita kong nakatapak ang mga paa ko sa sahig na punong puno ng mga petals ng pulang rosas.
"Babe, happy monthsary..." Tyrone murmured.
Sa pagbalik ng mga mata ko sa kan'ya ay siya namang paglapit niya ng tuluyan sa akin.
Suminghap ako ng maramdaman ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Wala sa sariling niyakap ko siya kaagad ng mahigpit.
"I hate you! Akala ko ba busy ka!" Maluha luha kong pagalit sa kan'ya sa gitna ng pagyakap.
He chuckled at that.
"I am and I'm sorry..." Maingat at malambing niyang bulong sa akin.
Humiwalay siya sa akin at ibinigay ang bulaklak na hawak niya.
"Thank you."
Kung kanina ay punong puno ako ng pagdududa, ngayon naman ay parang gusto kong ipamukha sa kaibigan ko at pamilya na hindi gano'n si Tyrone. Na totoong mahal niya ako at pinapatunayan niya 'yon sa akin ngayon.
"Pwede ba akong bumawi sa girlfriend ko?" He asked.
Kinagat ko ang labi ko dahil sa hindi mapigilang ngisi. Damn it! He is so handsome right now! Ganito ba kami katagal hindi nagkita at gwapong gwapo ako sa kan'ya ngayon?
"Oo naman. I miss you Tyrone..." Humigpit ang kapit ko sa mga bulaklak dahil pakiramdam ko'y naiiyak na naman ako.
"I miss you too Mir." His hand snaked into my waist.
Iginiya niya ako sa lamesang mayroong mga kandila at bulaklak na centerpiece.
Hindi nawala ang tuwa sa puso ko habang kumakain kami at nag-uusap. I missed him. 'Yung ganitong magkasama lang kami at pinag uusapan ang mga bagay bagay.
Pagkatapos naming mag dinner ay hinatid niya ako sa bahay. Ayaw ko pa mang humiwalay sa kan'ya ay wala narin akong nagawa. I don't want him to think that I am clingy. Kahit na iyon ang totoo.
Babe:
I'll see you tomorrow. Maaga akong aalis para sunduin ka. I love you.
Pinigilan kong mapangisi ng mabasa ang text ni Tyrone dahil sa mukhang nangingilatis ni Mackenzie na nasa aking harapan.
Tumikhim ako at tahimik na nagtipa ng reply.
Ako:
Okay. And please next time ibang tao nalang ang hingian mo ng pabor kung gusto mo akong i-surprise okay?! Kung alam mo lang...
Babe:
Why? Ano bang sinabi nila?
Ilang minuto akong napatitig doon pero sa huli ay nagawa ko ring sabihin ang mga nangyari.
Ako:
Hmm, wala naman. They're just saying na dapat tinatali kita dahil lapitin ka ng mga babae.
Babe:
Well that was funny. Ang tanong, papayagan ko ba silang lumapit sa'kin? You're my girlfriend Mirthene. Sa'yo na ako.
Hindi ko na napigilan ang pag ngisi sa nabasa. Kasabay no'n ang pagrolyo ng mga mata ng kapatid kong pinapanuod yata maski ang paghinga ko.
Tinalikuran ko si Mackenzie bago muling nagreply kay Tyrone.
Ako:
I trust you Ty... I love you.
Para akong kinapos ng hininga ng makita ang pag sent ng message kong 'yon.
I love him. Totoong mahal ko siya at alam kong kung magtatagal kami ay mas lalo akong mahuhulog sa kan'ya.
Gano'n naman talaga dapat 'di ba? I chose him even if I can choose somebody else. Someone better, kung sabihin pa ni Jen pero siya ang napili kong paglaanan ng oras dahil gusto ko siya.
At kahit na marami mang mga tao ang tutol sa amin ay wala na akong pakialam.
I should trust my mind and let my heart be happy. Sa ngayon ay kuntento na akong masaya ang puso ko...
Masaya ako...
# CHAPTER 20
Chapter Twenty
Mahigpit Na Yakap
"Thank you Ty..." Buong puso kong sambit habang sinasagot ang yakap niya.
Katatapos lang naming mag dinner kasama ang kan'yang pamilya at sigurado akong naging maayos naman ang lahat. His family is very supportive of us. Ito ang unang beses kong makilala ang pamilya niya.
His Dad was a bit silent throughout the dinner but everything went well. Kung hindi dahil sa nag iisang kapatid niyang babae at kan'yang ina ay baka tahimik ang naging takbo ng dinner na 'yon.
Tyrone sighed with contentment.
"No worries Mir. They definitely love you." Bulong niya sa akin habang hinahaplos ang aking buhok.
Inangat ko ang aking mukha para matitigan siya.
"Tingin mo?" May pag aalinlangan kong tanong.
He chuckled. Napanguso naman ako pero agad ding nawala ng haplusin niya ang aking pisngi.
"Hundred percent Mir. But does it matter if not?"
I nodded.
"Siyempre. Kung mahal kita, gusto ko ring mahalin ang pamilya mo."
"Right." Napangiti ako ng yumuko siya para dampian ng halik ang aking noo.
"But just love me more Mirthene..." Bulong niya sa akin.
Marahan akong tumango tango para sagutin ang sinabi niya.
I am loving him. At kahit na hindi niya sabihing mahalin ko siya ay ramdam na ramdam ko naman iyon sa kabila ng lahat ng pagtutol sa parte ko.
"How did it go?" Nananantiyang tanong ni Jen isang linggo matapos ang dinner namin sa pamilya ng mga Jones.
"Ayos naman. Mababait naman sila Jen."
Hindi ko itinuon ang paningin sa kan'ya dahil alam kong kahit sabihin kong naging sobrang maayos ng dinner ay hindi niya ako paniniwalaan. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin nawawala ang pagdududa niya.
"Hmm, walang nagtaas ng kilay sa'yo? How about the evil sister of Tyrone?"
Bahagya akong natawa doon. That's the thing of fake news. Dahil kilala ang pamilya ng mga Jones ay hindi madaling iwasan ang pagkalat ng mga balita tungkol sa pamilya nila.
Noong college palang kami ay usapan nang napakasama ng ugali ng nakatatandang kapatid nito. Meron pang sinabi na may ipinahiya daw 'yon sa Campbell dahil lang sa lalaking nagugustuhan.
"She's fine. Malayong malayo sa chismis." Tipid kong sagot.
Sarkastikong natawa si Jen at marahas na isinara ang babasahin na hawak.
"Pakitang tao siguro Mir?" Nakataas ang isang kilay niyang sambit.
Kusang rumolyo ang mga mata ko. Sumandal ako sa aking upuan para tapunan na siya ng atensiyon.
"You know. Hindi naman madaling magbago ang isang tao. Maybe she's just being nice because you're his brother's girlfriend. That's it. Tapos kapag naghiwalay kayo, baka siraan ka no'n sa lahat. Like that girl she used to-"
"Jen! Stop, okay? Enough of this." Wala sa sarili kong hiyaw na halos magpaputla sa kan'ya.
I watched her swallowed many times. Ang mga mata niya ay nakatulala sa akin dahil sa pagtaas ng boses ko. Imbes na dugtungan pa ang sinabi ay pinilit ko nalang kalmahin ang aking sarili.
I hate this! Oo nga at maliwanag pa sa buwan na ayaw niya si Tyrone para sa akin pero ang ulit ulitin 'yon at halos lasunin na ang utak ko ay hindi na yata tama. I don't care if she doesn't like my boyfriend. Hindi ko na problema 'yon!
"Well, I'm just stating facts here Mir-"
Sa kabila ng pagpapaliwanag niya ay nagawa ko parin siyang putulin.
"I said enough Jen. Tama na please." Yumuko ako at iniwasan ang mga mata niyang naniningkit sa akin.
Bumilis ang pilantik ng puso ko dahil sa magkahalong kaba at inis para sa kan'ya. Ayaw kong pagsabihan siya ng gano'n pero tao lang ako at may hangganan rin sa lahat. At ngayon ay naabot ko 'yon.
Hindi ko naman sinabing gustohin nila si Tyrone. Ang gusto ko lang sana ay respetuhin nila ang kasiyahan ko. At kung talagang mahal nila ako ay pilit nila akong iintindihin at pagbibigyan. Hindi ang ganito.
Bumalik lang ang tingin ko kay Jen ng tumayo siya at kinuha ang bag na nasa gilid.
"I should go." Kalmado niyang paalam na tinanguan ko lang.
Ni hindi ko nagawang pigilan siya o ano dahil pakiramdam ko'y tama lang ang ginawa ko. I shouldn't let her talk something cruel about the Jones. Sana ay noon palang sineryoso ko na ang topic tungkol sa relasyon namin ni Tyrone. Hindi na siguro umabot pa sa ganito.
Ilang araw akong walang natanggap na text kay Jen. Kung hindi pa tinanong ni Mackenzie kung pupunta ako sa birthday nito na gaganapin sa isang araw ay hindi ko na iyon maaalala.
Dahil naging abala din ako sa opisina ay hindi ko na naalala ang tungkol sa huling tagpo namin ng kaibigan ko.
Hinarap ko si Ken pagkatapos ay nagkibit lang ng balikat.
"Friendship over na kayo?" Kunot noo niyang tanong na ipinagkibit ko ulit ng balikat.
Ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay sa aking basang buhok sa harapan ng aking vanity mirror habang siya ay patuloy na nakadungaw sa akin. Umupo siya sa aking kama at muling nagsalita.
"Ate, pati si Ate Jen hindi mo narin kaibigan?"
Marahas ko siyang nilingon at tinapunan ng matalim na titig.
"What are you talking about Ken? Normal lang naman sigurong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan pero hindi ibig sabihin na hindi na kami magkaibigan."
"Really? E bakit si Kuya Marcus parang tuluyan mo ng hindi naging kaibigan?"
Agad akong nag iwas ng tingin sa kapatid ko.
"Magkaiba 'yon Mackenzie." Matigas kong pagtatapos.
Naramdaman ko ang pagtayo niya patungo sa pintuan pero bago pa lumabas ay huminto ulit at hinarap ako.
"Sige hindi na ako magtatanong pero kung tungkol kay Tyrone ang naging pag aaway niyo ni Ate Jen, pag isipan mo. You can't defend your boyfriend all the time Ate. Gusto lang ni Ate Jen na huwag kang masaktan ng boyfriend mo kaya sana huwag mong masamain kung nakakapagsalita siya ng ayaw mong marinig. She's your friend at normal lang na mag alala siya sa'yo." Klaradong sambit ng kapatid ko bago tuluyang lumabas ng aking silid.
Napabuntong hinga ako ng marinig ang paglapat ng pintuan pasara at ang katahimikang bumalot sa akin.
Ilang araw na nga ba kaming hindi nakakapag usap? Is it my fault? Naging sensitive ba ako o talagang sumobra na siya noong isang araw? Or maybe I wasn't that Mir anymore?
Ilang beses akong napalunok bago abutin ang aking cellphone. I opened her contact and started typing message for her. Sa kalagitnaan no'n ay ilang ulit ko ring nabura ang mga tinipa ko.
Ito na ang pinakamatagal naming hindi pag uusap at hindi ko alam kung paano magsisimula. Sa huli ay isang text na hi lang ang naisend ko.
Ilang minuto na akong nakatunganga sa aking cellphone pero ni isang tuldok ay wala akong natanggap na reply kay Jennifer.
Sumobra ba talaga ako?
Iyon ang naging tanong ko sa mga lumipas pang araw na hindi kami nag uusap. Lumipas nalang ang birthday niya na hindi ako nakapunta. Gustohin ko man pero dahil marami akong kailangang gawin sa opisina ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makapunta.
Maaga akong umalis sa opisina ng sumapit ang Lunes para hintayin si Tyrone sa coffee shop. Today is our fourth month. Ngayong araw ay gusto kong lumabas lang kami at kumain imbes na mag out of town.
Babe:
I'll be there in a sec.
Napangiti ako ng mabasa ang text niyang 'yon.
Ako:
I'll wait for you. Kakarating ko lang. I love you.
Babe:
I'm driving. I love you too.
Ibinaba ko na ang cellphone ko at inabala nalang ang sarili sa pagbabasa ng mga magazine na nasa gilid ng aking lamesa.
Matapos ilapag ng waiter ang order kong kape ay nagpatuloy naman ako sa pagbabasa habang pinakikinggan ang magandang tugtugin sa kabuuan ng lugar.
Sa tuwing naririnig ko ang ingay na galing sa wind chime na nakasabit sa itaas ng pinto ng coffee shop ay hindi ko maiwasang mapatingin doon. I am too excited for Tyrone! Ngayon palang na naiisip kong makikita ko ang gwapo niyang mukha ay para na akong sinisilaban sa kaba.
Damn it Mir! Stop it.
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at pinigilan ng mapatingin doon kahit na gustong gusto na akong traydurin ng mga mata ko. Sigurado naman akong madali niya akong makikita kung sakali dahil ilang lamesa lang naman ay layo ko sa bukana.
Umingay muli ang cafe ng may magsidatingan na isang pulutong kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong lingunin ang mga bagong dating.
Ang ngiting inireserba ko para sa parating kong boyfriend ay tila napawi ng makita ang isang pamilyar na panauhing kakapasok lamang sa loob ng kinaroroonan ko.
His hair was a bit messy. Siguro dahil sa hangin sa labas o dahil matagal ko lang talaga siyang hindi nakita?
Napakapit ako sa magazine na hawak ko ng makita ang paghawi niya sa kan'yang buhok at ang bahagyang pagpasada ng dila sa kan'yang mapupulang labi.
Bumilis ang kalabog ng puso ko nang sa paglingon niya ay hindi na ako nakaiwas. His eyes was darted directly at me. Ang mga matang iyon na noon ay gustong gusto kong titigan... Ang kabuuan niyang kung may nagbago man ay sa magandang paraan. His build is still masculine and... Damn...
Ilang beses akong napalunok ng lumiwanag ang mukha niya kasabay ng isang napakatamis na ngiti bago naglakad palapit sa kinauupuan ko.
"Mir?" Masaya niyang sambit sa pangalan ko.
Pinigilan kong huwag mapapikit ng marinig ang boses niyang 'yon. I gathered all my strength to respond. Sinimulan ko sa pag ngiti at pagtayo para tuluyan siyang batiin.
Isang malakas na mura ang pinakawalan ng utak ko ng maramdaman ko ang panghihina ng aking tuhod habang pinapantayan siya. He's so close! Para na akong mauubusan ng hininga lalo pa't kabadong kabado na ako!
Pormal ko na sana siyang babatiin pero natigilan ako ng bigla siyang lumapit at tinawid ang pagitan naming dalawa para mabigyan ako ng mahigpit na yakap.
"It's good too see you Mirthene!" Masaya niyang sambit.
Halos marinig ko na ang pagwawala ng puso ko dahil sa gulat!
Pumikit ako ng mariin at pinilit na intindihin ang mga nangyayari.
The man that I avoided for years is here in front of me! Hugging me! Parang gusto ko ng sumigaw ng malakas lalo na ng maramdaman ang paghigpit ng yakap niyang 'yon.
"M-Marcus..." I murmured with trembling voice.
# CHAPTER 21
Chapter Twenty-One
My Happiness
"God! How are you?!" Naputol ang paghinga ko ng maputol ang pagyakap niya sa akin at agad akong hinarap.
Hindi nawala ang paghuramentado ng bagay sa aking dibdib. Hindi ko narin alam kung kakalma pa ba 'yon ngayon kung nakikita ko kung gaano kasaya si Marcus habang buong pusong nakatitig sa mga mata ko.
"I... I-I am good!" Nauutal kong sagot.
Tumango tango siya at maingat akong iginiya pabalik sa upuan. He sit right in front of me.
"It's been years Mir..." Inilibot niya ang mga mata sa paligid ng coffee shop. "Dito lang pala kita makikita." He added in disbelief.
Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko sa kaba. Ilang taon nga ba akong nagtago at hindi nagpakita sa kan'ya dahil lang sa nangyari noong gabing umamin ako kung ano talaga siya para sa akin.
I know his schedule. Ilang buwan din siyang bumisita noon sa bahay hanggang sa hindi na nagawi. Siguro ay nagsawa narin sa pagbisita pero lahat ng 'yon ay naroon lang ako.
Tandang tanda ko kung ilang araw sa loob ng isang linggo kung magtago ako sa aking kwarto at sabihin sa pamilya kong iparating na wala ako. Na umalis o di kaya naman ay tulog pa. I made up alibis just to avoid him. Avoid everything because that is easy than face him.
Tanging tipid na ngiti lang ang naisagot ko. I am not proud of what I did but I don't regret doing it. Siya ang nagpapaalala sa akin kung gaano ako naging lulong sa pagmamahal na alam kong kahit kailan ay imposible kong makuha.
Sandali siyang natahimik habang nakatitig sa mga mata ko. I felt like he was still searching for answers. Ang mga tanong na mahirap sagutin.
Gaya ng pagtitig niya ay wala akong nagawa kung hindi ang tumitig pabalik at pagalitan ang sariling umakto ng ganito.
Pakiramdam ko'y malalagutan na ako ng hininga ng makita ang pagbukas ng mga labi niya. He slowly reached for my hand and murmured.
"I... I-I missed you Mirthene..." Nauutal niyang sambit.
Napalunok ako ng wala sa sarili at pagkatapos ay binawi ang kamay kong hawak niya. Tumikhim ako at tumuwid ng upo kahit na ang totoo ay parang sinasaksak ang puso ko ng paulit ulit sa hindi malamang dahilan.
I felt like traveling back in time...
Nakita ko ang dahan dahang pagpawi ng mga mata niya dahil sa ginawa ko.
"Are you waiting for someone?" Pagbabago niya ng usapan.
Halos magpasalamat ako dahil sa tanong niyang 'yon dahil tila nagising ako sa ilang segundong pagbabalik tanaw sa nakaraan.
"Y-Yeah!" Kabado kong sambit.
Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng coffee shop. Alam kong ilang minuto nalang ay darating na si Tyrone at hindi na ako makapaghintay na mangyari 'yon.
Bumalik ang paningin ko kay Marcus ng makita ang pagtukod niya ng magkabilang siko sa lamesa para lang matitigan ako ng mas maigi. Ipinagsalikop niya ang mga palad.
This is crazy! Hindi ko na alam kung paano siya pakikitunguhan sa tagal kong nagtago sa kan'ya! I hate myself for feeling so awkward about this situation!
"A boyfriend?" Maya maya'y tanong niya.
Nagbaba ako ng tingin at tumango. I just can't look straight in his soulful eyes! Parang nalulunod ang pagkatao ko sa dagat na ipinangako kong hindi hindi ko na lalapitan!
I nodded again. Muling namatay ang usapan sa pagitan naming dalawa. Nag angat lang ako ng tingin ng marinig ang pagbukas muli ng pintuan.
I am hoping for Tyrone to save me from this madness!
Mabilis din namang nawala ang pag asa ko ng makita ang matandang babae na pumasok sa loob. Wala na akong nagawa kung hindi ang ibalik ang tingin sa lalaking wala na yatang balak na itigil ang pagtitig sa akiin.
Ibinaba niya ang mga kamay at pagkatapos ay humilig sa kinauupuan. Doon lang naging pormal ang paghinga ko.
"How are you?" Buong tapang kong tanong kahit na ang totoo ay halos mabasag pa ang boses ko sa kaba.
"I'm good."
Bumaba ang mga mata ko sa kamay niya. I can't see any ring on it. Ibig sabihin ay hindi pa siya naikakasal?
"You're still not married?" Pormal kong tanong habang ibinabalik ang mga mata sa kan'yang kamay.
Bumuntong hinga siya at umiling. Sa ginawa niya ay doon ko lang napansin ang mga lungkot sa kan'yang mata. Or I was just assuming things again?
"Not yet." He answered.
Tumango tango ako.
"How's Blaire?"
"She's fine."
"Mabuti naman. So... Kailan ang kasal?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko sa tanong na 'yon.
Tipid siyang ngumiti na tila nag iisip ng malalim bago ako sagutin.
"Soon." Aniya. "So... who's the lucky guy?" Pagbabago niya ng usapan.
Bago pa ako makasagot ay natigilan na ako ng marinig muli ang wind chimes hudyat ng panibagong customer ng cafe. Wala sa sariling napaahon ako sa upuan ng makita si Tyrone na nagmamadaling hinahanap ang pwesto ko.
Ngumiti ako at kumaway para maagaw ang pansin niya. His face lightens up when he sees me. Matutuwa na sana ako pero hindi ko lubusang magawa 'yon dahil sa pagtayo ni Marcus!
I almost forgot that he's here!
"Babe!" Masayang sambit ni Tyrone na naging dahilan ng paglingon ni Marcus dito.
Sa paglingon ko sa huli ay nakita ko ang pagtiim ng bagang niya. Naputol lang ang pagtitig ko ng hapitin na ni Tyrone ang aking bewang at agad akong ginawaran ng madiing halik sa labi.
I gasp for air when the kiss was done. Sumobra na yata ang pagka-tense ko sa sitwasyon kaya nabigla ako sa paghalik niya.
"I'm sorry! Matagal ka bang naghintay?" Nakangiti niyang tanong na tila hindi napansin ang lalaki sa gilid namin.
Pinagdiin ko ang labi ko. Mas lalong nagwala ang puso ko dahil sa ginawa niya!
"H-Hindi naman!" Iniyakap ko ang kamay ko sa kan'yang bewang.
Nabawasan ang tuwa sa mukha ni Tyrone ng tuluyan ng mapansin si Marcus.
Kumunot ang noo niya at unti unting niluwagan ang pagkakahawak sa bewang ko.
"It's you." Aniyang tila may pinupunto galing sa nakaraan.
Napalunok ako.
"Ah babe! Si Marcus, I'm sure you remember him-"
"Seriously Mir?" Naputol ako sa pagsasalita ng marinig ang matalim na boses ni Marcus na tila hindi makapaniwalang ito ang boyfriend na tinutukoy ko.
Nag igting ang panga ni Tyrone sa narinig pero agad rin namang nawala ng tanggalin ko ang yakap sa kan'ya at inihaplos ang mga 'yon sa kan'yang braso.
Sarkastiko siyang natawa bago balingan si Marcus.
"Seriously what?"
Sinalakay na ako ng matinding kaba ng makita ang galit sa kabuuan ni Marcus! Is it still because of what happened before?! Nagagalit ba siya dahil doon?!
Humakbang ng isang beses si Tyrone para harapin si Marcus pero imbes na umatras ang huli ay hindi ito natinag. He stood straight like a soldier ready for war.
"Babe..." Pigil ang paghinga kong sambit sa galit na lalaking hawak ko.
Bumalik ang tingin ko kay Marcus ngunit nananatili ang galit sa kan'yang sistema. Napalunok ako ng makita ang pagbalik ng mga mata niya sa akin.
"Are you serious about this Mirthene?" Muli niyang tanong habang patuloy na nakatiim ang bagang.
Nang maramdaman ko ang pag galaw ni Tyrone palapit pa rito ay maagap na akong pumagitna sa kanilang dalawa.
"Ty!" Pigil ko habang hawak ang dibdib niya.
Sinulyapan ko si Marcus bago tuluyang tapusin ang lahat ng kabaliwang nangyayari ngayon.
"We're leaving Marcus. And yes, I am dead serious. Si Tyrone ang boyfriend ko." Walang preno kong sambit bago hilahin ang kamay ni Tyrone palayo kay Marcus.
Kahit na nanginginig ang mga tuhod ko ay hindi ko 'yon ininda mapigilan lang ang posibleng pagbabanggaan nilang dalawa.
Hindi ko maintindihan! Bakit lahat na lang ay ayaw kay Tyrone samantalang wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako at patunayang nagbago na siya.
Na hindi na siya katulad noon! Bakit hindi nila makitang deserve nito ang bigyan ng pagkakataong mapatunayan ang sarili para sa akin?
Why can't they even accept that he is my happiness now? Bakit wala yatang may gustong suportahan ang kasiyahan kong 'yon?
# CHAPTER 22
Chapter Twenty-Two
Alone
"Wala ng fruits, Ma?" Kunot noong tanong ko ng makita ang lagayan ng mga prutas namin na wala ni isang laman.
Nagkibit ng balikat si Mommy at binalingan ang kapatid ko. Bumuntong hinga naman ang huli bago sagutin ang aking tanong.
"Hindi pa yata nakakabili si Manang. 'yung iba naman ibinigay ko kay Conrad." Tukoy sa boyfriend niya.
Tumango tango nalang ako. Dahil sa pagiging mahilig ko sa prutas ay hindi ako makapaniwalang walang laman ang lagayan no'n. Maging ang maisip na hindi ako makakakain ng kahit na anong prutas bago mag umpisa ang araw ko ay nakakainis.
Kailan pa naubusan ng prutas ang bahay na 'to?
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain bago pa tuluyang uminit ang ulo ko. I don't drink coffee. Kung ang iba ay kape ang gusto sa paninimula ng araw, ako ay tanging prutas lang.
"Hindi parin ba kayo nag uusap ni Jen?" Pukaw ni Mommy sa hapag na nagpahinto sa irita ko.
Nauna na si Daddy sa opisina kaya naman kaming tatlo lang ang nag uumagahan ngayon.
Tumitig sa akin ang mapanuring mata ni Ken kaya nanahimik ako. I heard her sighed again.
"Really Ate? Ang tagal na, a?"
"Mir, what is happening between the two of you? Ang sabi ng kapatid mo ay kahit noong birthday ni Jen hindi ka nakapunta?"
"Mom, I was busy. Hindi naman ako palaging free sa mga lakad. Nagkataon na busy ako sa opisina noong nakaraan kaya hindi ako nakadalo." Pagpapaliwanag ko.
"That's not enough reason to ditch your best friend's birthday Mirthene. Kung hindi opisina ay si Tyrone nalang ang laman ng buhay mo. Noong nakaraan ay hindi ka narin nakapunta sa birthday ng Lola mo. Hindi naman sa pinipigilan kitang makipagrelasyon diyan pero anak, you need to balance your life. Sana huwag kang mawalan ng oras sa mga kaibigan at sa aming pamilya mo."
Nag angat ako ng tingin sa kanilang dalawa ni Mackenzie. Parang gusto ko nalang mainis lalo ng makita ang pag iwas ng tingin ni Ken sa akin. Of course, wala na nga pala akong kakampi sa ganito.
"Sorry Mom." Tanging nasabi ko nalang.
Huminga ng malalim si Mommy. Alam kong kahit na ayaw niya sa boyfriend ko ay hindi naman talaga niya ako pinipigilan. Mas may simpatya pa nga ito kaysa sa kapatid ko.
"Anyway, your Dad wants to meet Tyrone next week. Sa birthday party niya Mir."
Pakiramdam ko'y literal na may nahugot na bagay sa aking dibdib dahil sa narinig. Naningkit ang mga mata ko dahil tila nabingi pa ako. This is new.
"P-Po?"
"Yeah. You should bring him. Siguro ay oras narin para naman makilala namin ng tuluyan si Tyrone."
"Yup! This is the right time to know his whereabouts too. You know, just in case na saktan ka niya, alam namin kung anong bahay ang susunugin." Matabang na pagbibiro ng kapatid ko.
Napanguso ako sa sinabi niya kaya tuluyan na siyang natawa. Gano'n narin si Mommy.
Hindi ako makapaniwalang mangyayari ang ganito. Ang alam ko kasi ay nasulsulan na ito ni Jen at Ken kaya malabo ng tanggapin pa nila si Tyrone.
"Really?" Gulat na tanong ni Tyrone sa akin sa kabilang linya.
"Yeah babe... Will you come?" Napakagat ako sa aking pang ibabang labi.
Hindi naman siya bulag para hindi malamang ayaw ng pamilya ko sa kan'ya kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot niya sa akin ngayon.
Kapag hindi siya pumunta ay baka mapasama siya lalo sa pamilya ko. Kapag pumunta naman siya ay hindi ko alam kung paano ang magiging takbo ng birthday party na 'yon.
"Hmm. Alright." He said.
Halos mapatalon ako sa narinig!
Isang linggo kong tinanong si Tyrone kung sigurado ba siya sa desisyon niya dahil habang lumalapit ang kaarawan ni Daddy ay pabigat naman ng pabigat ang dibdib ko dahil sa magkahalong kaba at excitement.
"Oo nga." He chuckled.
"Sure ka talaga?" Hinaplos ko ang mukha niyang nakangisi.
Tumango tango siya bago nanahimik. Napalunok ako ng makita ang paglamlam ng kan'yang mga mata kasabay ng bahagyang paggalaw ng kan'yang bibig.
Hindi na ako nakaiwas ng bumaba ang kan'yang mukha para salubungin ako ng halik.
His kisses were soft at first. Ang halik na para lang akong idinuduyan sa alapaap hanggang sa mas lumalim at mas naging uhaw ang kan'yang bawat paggalaw.
Napaatras ako ng maglakad siya patungo sa kung saan. Sunod ko nalang naramdaman ay ang sofa sa aking likuran at ang pagbagsak ko doon.
For what I can remember, naka todo naman ang aircon sa aking opisina pero dahil sa katawan niya ngayong nasa aking ibabaw ay tila nakapatay na 'yon. He's hot...
Narinig ko ang magbibigat niyang paghinga ng bumaba ang labi niya sa aking leeg.
He left traces of kiss on my neck down to my collar bone. Napakapit ako sa arm rest ng couch ng maramdaman ko pa ang pagbaba ng kan'yang halik kasabay ng pagbukas niya ng mga butones sa aking damit.
"Ty..."
Kumawala ang munting ungol niya sa akin bilang sagot. Halos manginig ang aking katawan ng maramdaman ko ang mga kamay niyang humawak sa aking dibdib.
"Ty... babe..." Pigil ang paghinga kong sambit bago hawakan ang mga kamay niya para pigilan.
Hinihingal niya akong tiningala.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang apoy ng pagnanasa na mahirap ng patayin. Pakiramdam ko'y nilalagnat na rin ako dahil sa mga halik niya.
"N-Not now..." Namamaos kong sambit.
Pumikit siya ng mariin na tila may nasabi akong masama. Sa muling pagdilat niya ay maingat niyang hinawi ang kamay ko pagkatapos ay iginapang muli ang mga kamay sa kung saan nakahawak.
Napasinghap ako ng maramdam ulit iyon.
Ang isang kamay niya ay gumapang sa aking hubad na tiyan pababa sa aking hita. Pinigilan kong mapapikit kahit na nakikiliti ang buong katawan ko sa bawat paghaplos niya.
"Mir..." Hirap niyang sambit na umukopa sa tenga ko.
Bumalik ang kamay niya paitaas bago igapang patungo aking likuran.
Sa isang galaw niya lang ay naramdaman ko na ang pagkawala ng mga dibdib ko sa ilang oras na pagkakakulong. He lowered my bra and began kissing me there.
Napadaing ako ng maramdaman ang mainit niyang labi sa tuktok ng aking dibdib.
That definitely brought me to another dimension. Ito ang unang beses...
"Ty..." Sa kabila ng kakaibang pakiramdam na ipinapadama niya sa akin ay naroon parin ang takot kong bumigay.
Sa pagbaba ng mga labi niya sa aking tiyan ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Napaahon ako kaagad sa pagkakailalim sa kan'ya.
Doon muling bumalik sa utak kong nasa loob kami ng opisina ko! Tumayo ako at lumayo.
"Ty I'm sorry!" Nagmamadali akong tumalikod at inayos ang sarili.
Narinig ko ang ilang mga mura niya dahil sa ginawa ko. Sa muling pagharap ko ay nakita ko ang kabiguan sa mga mata niya. Tumayo siya at inayos narin ang bahagyang nagusot na damit.
Napalunok ako sa naisip.
Hindi ko na alam kung bakit tumatanggi pa ako sa ganito. Hindi ko alam kung bakit nagagawa ko pang tanggihan 'yon dahil kung tutuusin ay gusto narin naman iyon ng katawan ko?
"I'm sorry..." I murmured.
Bumuntong hinga siya at tumango bago lumapit sa akin.
"I gotta go. I'll call you when my meeting is done. Okay?" Lumapit siya sa akin at nag iwan ng mabilis na halik sa aking noo.
Tanging tango nalang ang naisagot ko pabalik.
Nang makita ang pagsara ng pintuan ay doon lang ako tila sinampal ng kahibangan ko.
I almost give myself to him! Oo nga at wala naman sigurong masama sa gagawin namin lalo na't nasa tamang edad naman na ako pero pakiramdam ko'y hindi pa handa ang utak at puso ko. Taliwas sa gustong mangyari ng katawan ko.
Nanghihina akong napaupo pabalik sa couch. Ilang beses ng nangyari ang ganito at hanggang ngayon ay hindi ko parin kayang ibigay ang sarili ko sa kan'ya ng buo.
Maybe we're always doing it at the wrong place... Frustrated akong napabuntong hinga sa naisip.
Nang sumapit ang birthday ni Daddy ay sinabi ni Tyrone na male-late siya dahil ihahatid niya pa sa airport ang kan'yang kapatid.
Naubos ang oras ko sa pakikipag susyalan sa mga bisita at kaibigan ng aming pamilya.
Dahil abala si Ken sa mga kaibigan at boyfriend na kasama ay naiwan na akong mag-isa sa aming lamesa.
Sa lahat ng klaseng okasyon ay ngayon lang ako napag-isa...
Wala sa sariling napatulala nalang ako sa kawalan. I can't believe that I am alone in occasions like this.
Mag-isa at walang kaibigang kasama. Lumakad ang tingin ko sa kapatid ko habang masayang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya.
The thought hits me hard. Isang taong ang nabuo kaagad sa utak ko.
Nasaan ang mga kaibigan ko?
Do I even have friends right now? Meron pa bang natira sa dami ng mga 'yon noon? O lahat na ay naipagpalit ko sa lalaking pinili kong mahalin ngayon?
# CHAPTER 23
Chapter Twenty Three
I Don't Have You
"Hi."
Tamad kong nilingon ang narinig kong boses galing sa aking likuran. Hindi pa man nakakapag adjust ang mga mata ko ay awtomatiko ng nabuwal ang mga kamay ko sa aking harapan ng makita ang prenteng ayos ni Marcus.
Hindi naman siya nakangiti at hindi rin naman siya seryoso pero hindi ko mapigilang hindi kabahan! Napatuwid ako ng upo at agad na inayos ang sarili.
"Hi." Tipid kong bati pabalik.
Of course! Siyempre nga naman ay imbitado siya sa birthday party ni Daddy! Ang mga pagkakataong ganito ang noo'y iniiwasan ko. Sa tuwing alam kong pupunta siya ay umiiwas kaagad ako pero ngayon... Wala na akong kawala.
Nilingon ko ang pinanggalingan niya para makita kung sino ang posibleng kasama niya. I'm looking for his parents or even Blaire pero wala akong nakita.
Tumikhim siya kaya bumalik ang atensiyon ko sa kan'ya.
"Mag isa ka?" I asked.
Wala naman na yata talaga akong choice kung hindi ang makipag usap sa kan'ya dahil wala naman akong pwedeng kausaping iba. Hermes is already in Australia, maging si Leonne. Si Jen naman ay nasa ibang bansa rin sabi ng kapatid ko.
"Yeah. Ikaw? wala pa ba 'yung boyfriend mo?" Wala sa sariling napalunok ako dahil doon.
"Wala pa pero pupunta 'yon. I'm actually waiting for him." Pormal kong sambit kahit na ang totoo ay nagpupuyos na naman ako sa samo't saring emosyon.
Hinawi niya ang kan'yang sleeves at itinupi iyon hanggang siko. Pinanuod ko siyang nilugawan ang neck tie na suot at inaayos ang sarili. He looks exhausted. Ang alam ko lang sa tuwing napag kukwentuhan nila Mommy si Marcus ay maayos ang trabaho nito sa isang kompanya. Hindi naman ako nagtatanong kaya wala akong idea kung anong ginagawa niya ngayon.
Matapos ayusin ang damit ay muli akong napalunok ng bumalik ang mga mata niya sa akin.
"Do you really love that guy Mir? You know-"
"Marcus stop!" I cut him off.
Tila nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya.
"I'm just saying-"
"No you stop! Kung kakausapin mo ako para lang sabihin ang mga pagtutol mo kay Tyrone ay huwag nalang. I know he is not perfect but he doesn't need to be one. He can makes mistakes and that is given. Marcus, I am happy with him. I'm finally happy..." Pakiramdam ko'y bumigat ang paggalaw ng puso ko dahil sa walang preno kong pahayag.
Napaawang ang bibig ni Marcus pero ang mga mata niya kaninang mapanuri ay napalitan ng pag intindi.
Ilang minuto kaming nagtitigan ngunit ako rin ang unang bumitiw ng lumamlam ang kan'yang mga mata.
Mabilis akong tumayo at akmang aalis na para iwan siya pero natigil ako ng maramdamam ang maagap niyang kamay na humawak sa palapulsuhan ko.
My heart pounded aggressively in my chest. Sa lakas no'n ay tila nanghina ang buong katawan ko.
"I'm sorry Mir..." Maingat niyang sambit.
Sa paglingon ko ay dama ko ang pangingilid ng mga luha ko.
Hindi ko alam. Masyado akong naging emosyonal sa simpleng salitang iyon...
Hinawi ko ang kamay niya pero hindi ko kaagad nagawang umalis.
"I'm sorry. Hindi ko gustong makisawsaw sa relasyon niyo pero kahit hindi mo itanong, nag aalala lang ako para sa'yo. I don't want you to get hurt."
Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na inalis ang lahat ng sakit na unti unting sinasalakay ang mahina kong puso.
You hurt me so many times Marcus... Mas masakit pa sa unang hindi pagkakaintindihan namin ni Tyrone.
Pinigilan kong lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig ko. I shouldn't. Wala akong karapatang sabihin 'yon dahil lang hindi ako ang ginusto niya noon.
"Mir..." Muli niyang kinuha ang kamay ko. "Can we just talk like we used to? Please?" Ang malumanay niyang boses at mga matang nangungusap ay nakatitig sa akin. Pakiramdam ko'y pilit niyang inabot at hinaplos ang puso ko.
"P-Please?" He pleaded.
Ilang beses akong napalunok. Bumaba ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak sa akin.
"I promise hindi na ako makikialam. Hindi na." Gumaan ang paghinga ko ng siya na mismo ang bumitiw sa kamay kong hawak.
Nag angat ako ng tingin at unti unting tumango.
Lumiwanag ang mukha ni Marcus dahil doon. Iyong mga ngiting gaya noong unang beses sa unang araw ko sa Campbell.
Iminuwestra niya ang upuang pinanggalingan namin at iginiya ako doon. Hindi na ako tumanggi. Mas mabuti narin naman sigurong mamatay ang oras ko sa ganitong paraan kaysa ang matulala ako buong magdamag sa kawalan.
Masayang Marcus na ang nakita ko sa pagbalik niya sa aking harapan.
"How are you? I mean, after that night..." Panimula niya.
Kumurap kurap ako habang inaalala ang tinutukoy niya. Kumalabog ang puso ko ng maisip ang gabi ng ball.
"Ayos naman. Anyway, mag isa ka ba? Wala ba sila Tita?" Pagbabago ko ng topic.
Nakita ko ang pagbuntong hinga niya at pagtango.
"How about Blaire? Bakit hindi mo isinama?"
"She's fine. Busy."
Ako naman ang tumango tango. I don't know what to say. Kung noon ay walang humpay ang daloy ng usapan namin, ngayon naman ay wala na akong makapang pwede naming pag usapan.
Nilingon ko ang entrance ng venue pero hanggang ngayon ay wala parin si Tyrone. Baka na traffic lang kaya natagalan.
"I think my parents are gonna divorce soon. For real."
Wala sa sariling napabaling ako pabalik sa kan'ya.
"W-What?"
Sa muling pagtatama ng paningin namin ay doon ko na nakita ang matinding lungkot na nakapaloob sa kan'yang mga mata.
Umiling siya at kumuha ng alak sa dumaang nag se-serve. I watched him finished his drink.
"Are they still..."
Nahinto ako sa pagsasalita ng sagutin niya kaagad ang tanong ko sa pamamagitan ng pag tango.
"Hindi naman natigil ang pag aaway nila. I'm just concerned about my mother. She's been through a lot keeping this family together..."
Nilukob ng lungkot ang puso ko sa napagtanto. Marcus had a rough time listening to her mother's misery. Noon pa mang nag-aaral palang kami ay madalas na ang pag aaway ni Tita Helen at Tito Leonardo. Ilang beses naring lumayas ang kan'yang ama sa kanilang bahay sa tuwing nagkakaroon ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan.
"But I think it's for the best. Para matahimik na." May halong pait niyang pahayag.
"I'm sorry Marcus..."
"It's okay. Siguro nga kailangan din talagang maghiwalay lalo na kung hindi na kayang panindigan ang lahat. I just don't understand my father Mir. Kung kailan tumanda, tsaka pa nag buhay binata."
Nagbaba siya ng tingin ng makita ko ang pagkislap ng mga 'yon. Parang may iilang matatalas na bagay ang sumaksak sa puso ko ng maramdaman kung gaano siya kalungkot ngayon.
Yes he looks tired pero may mas malalim pa palang dahilan ang pagiging pagod niyang 'yon.
Hindi ko akalaing makikita ko siyang tila nababasag sa harapan ko. Noon ay ginagawa niya lang biro ang sitwasyon sa pagitan ng kan'yang mga magulang pero ngayon.... Ito ang unang beses na nakita ko siyang tila susuko na.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan ang kamay niyang nakapatong lang sa lamesa.
"Marcus..." Maingat kong sambit.
Unti unti siyang nag angat ng tingin at pilit na ngumiti sa kabila ng matinding kalungkutan. I can never imagine what he is going through. Lalo na kaya ang pinagdaraanan ng kan'yang ina?
"It sucks Mir. I can't tell Blaire about my father's issues. Ayaw kong mabahiran ang pagtingin niya kay Daddy and I don't have someone else to talk to about this.." Lumunok siya at inilagay ang isa pang kamay sa ibabaw ng sa'kin.
Marahan niyang pinisil ang kamay ko, tila kumukuha ng lakas bago magpatuloy.
"I don't have you..."
Parang gusto ng tumulo ng mga luha ko sa narinig.
Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ng isang boses galing sa aking likuran.
"Mirthene?!"
# CHAPTER 24
Chapter Twenty Four
Reconnect
Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ang baritonong boses ni Tyrone galing sa aking likuran. Awtomatikong napabawi ako ng kamay sa pagkakahawak kay Marcus.
I surely went pale while standing up to face my boyfriend. Nakaigting ang panga ni Tyrone ng maharap ko.
"Babe..." Kinakabahang sambit ko habang hinihintay siyang makalapit sa akin.
Matalim ang mga mata niyang tumitig sa akin pagkatapos ay kay Marcus dahil sa tila nabuong konklusiyon sa nasaksihan.
Halos sumigaw ang puso ko sa kaba ng yakapin siya. I didn't feel him hugging me back and that just made me so nervous!
Oo nga at wala naman kaming ginagawang masama ni Marcus pero ang maabutan niyang may lalaking nakahawak sa akin, alam kong hindi magandang tignan kahit na wala namang malisya doon.
Tumikhim ako at bumitiw sa kan'yang pagkakayakap. Tumayo narin si Marcus para batiin ang lalaking bagong dating.
Sa pagpapantay ng mga paningin nila ay siya namang paglakad ng kamay ni Tyrone sa bewang ko. He pulled me closer to him, claiming me as his.
Tipid na ngumiti si Marcus rito bago ako balingan.
"Thanks for the talk Mir. I gotta go."
Tumango tango ako. Gusto ko pa sana siyang ihatid palabas pero hindi ko na nagawa ng maramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Tyrone sa aking katawan.
I swallowed hard many times. Naiisip ko palang ang unang salitang lalabas sa bibig niya ay natatakot na ako.
I saw him got jealous before. Sa mga kaopisina ko at maging sa ilang pinsan kong hindi niya pa kilala at alam kong kahit na ipaliwanag kong kaibigan ko lang si Marcus, ay hindi siya exempted sa selos na 'yon.
Bumuntong hinga si Tyrone na tila nagpipigil ng kung anong inis na nararamdaman.
"N-Nahuli ka yata?" Pinilit kong isantabi ang kaba para magkaroon kami ng maayos na usapan.
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Hinarap ko siya. Hindi siya kaagad nakasagot.
"Hmm?" Muli kong kuha ng atensiyon niya. "A-Are you mad?"
Tumingala siya at nilingon ang daang siguro'y dinaanan ni Marcus.
"Ty..."
Kasabay ng pagbaling niya ay ang kan'yang pagtango.
"I am Mirthene. I am jealous now. You know I hate that guy."
"I swear to God Ty. Kaibigan ko lang si Marcus at wala kang dapat pagselosan, okay? We're just talking about his problems. I mean, I am being just a friend..."
Hinaplos ko ang nakaigting niyang panga, umaasa na sana ay mawala ang inis o kahit na ang selos na nararamdaman niya.
Nobody knows what I really felt about Marcus except for Jen, Hermes and my family. At kung tatanungin ako kung dapat ko bang sabihin kay Tyrone ang naramdaman ko noon para rito ay hindi ang sagot ko. Marcus was a part of my past and I'm leaving that all behind.
Ang relasyon namin ngayon at ang naging pagmamahal ko sa kaibigan ko ay magkaiba at hindi na dapat pang ungkatin.
Lumuwag ang paghinga ko ng maramdaman ang marahan niyang pagtango.
"Alright," He sighed. "So can we meet your parents now?" Nakangiti na niyang sambit.
Tumango tango ako. Sa pagkawala ng kaba sa dibdib ko ay hindi ko na napigilan ang tumingkayad para abutin ang labi niya't gawaran ng mabilis na halik.
I know my family is being doubtful about my relationship with Tyrone but I was ecstatic about how our night ended.
Nakita ko kung gaano siya naging welcome sa pamilya ko lalo na sa kapatid kong sa tuwing nababanggit ang pangalan niya ay parang gusto nalang umikot ng mga mata.
Ilang buwan ang lumipas matapos ang party at masasabi kong naging maayos naman ang lahat.
Tuwing may pagkakataon ay inaanyayahan si Tyrone nila Mommy na mag dinner sa bahay o kahit bumisita man lang kapag may pagkakataon.
As for my relationship with Marcus, masasabi kong sa unti unting mga mumunting usapan namin lalo na nitong mga nakaraang linggo ay mas naging mabuti ang pakikitungo namin sa isa'-isa. It wasn't like our super close relationship before but It's still better.
Nagiging bukas na ulit kami sa isa't-isa kahit na minsan ay nababanggit niya parin ang mga paalala sa akin at sa relasyon ko sa aking boyfriend.
I listened to him whenever Blaire was on top of our conversations. At gano'n din siya kapag nagbubukas ako ng usapan patungkol kay Ty.
Other than him being protective of me, wala naman ng gulo.
I guess he accepted and respected my decisions, enough to give me the benefit of the doubt.
"I really love you Mirthene... I hope you trust me enough..." Napaangat ang tingin ko kay Tyrone dahil sa biglaan niyang sinabi.
Parang gusto ko ng maluha sa saya. Knowing someone loves you is a great feeling. At ang malaman na mahal na mahal ka ng taong mahal mo ay wala ng mas hihigit pa.
Umangat ako para mahalikan siya ng mabilis pero ang simpleng halik na plano ko ay lumalim ng hindi niya ako pakawalan.
Ramdam ko ang mabilis na pagwawala ng puso ko dahil sa pagiging uhaw ng mga labi ni Tyrone. I'm at his place today. Wala naman talaga sa plano na pumunta ako pero dahil gusto ko siyang sorpresahin ay nagawa kong mag leave para sa kan'ya.
Sa isang linggo ay magse-celebrate na naman kami ng monthsary at habang tumatagal ay gusto ko ng maniwala na magiging maayos kami. Na kami na talaga. Sana kami na.
Napasinghap ako ng bumaba ang halik ni Tyrone sa aking leeg. I was expecting him to do this like he does every time pero ang sarili ko'y nagsusumigaw na naman sa kaba.
Ilang beses umulit sa utak ko ang mga salitang, kaya ko na ba? handa na ba akong bumigay sa kan'ya ng buong buo? At lahat ng mga katanungang palaging inuungkat ng utak ko.
I was surprised that I let him touched me. Undress me. Tease me. Pero ng ibaba na niya ang underwear ko ay muli akong sinalakay ng pagtutol.
Hinihingal kong pinigilan ang kaliwang kamay niya sa tuluyang pagbaba no'n paalis sa aking katawan.
"Mir, please..." Namamaos niyang sambit habang nakatitig sa aking mga mata.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko... He bit his lip. Ramdam ko ang init ng magkabila kong pisngi dahil alam kong handa na akong bumigay. Handa na ako sa ganito...
Dahan dahan kong niluwagan ang pagkakahawak sa kan'yang kaliwang kamay para maipagpatuloy niya ang ginagawa.
He's halfway removing my undies when my phone rang.
Muntik na akong mapamura dahil sa lakas ng pagtunog no'n!
Tyrone groaned and started kissing my lips again. Tila sinasabing huwag na namin iyong pansinin. I kissed him back. Babalikan ko nalang kung sino ang tumatawag pagtapos.
Nakahinga ako ng maayos ng mamatay iyon pero sa pagbalik ng matinis na tunog ay nawala na ang atensiyon ko sa ginagawa namin ni Tyrone.
Bumitiw ako sa pagkakahalik sa kan'ya.
"Can you give me a sec?" Pigil ang kaba kong hiling.
Buong tapang kong tinitigan ang mga mata niyang punong puno ng pagnanasa. Bumuntong hinga siya at tamad na inalis ang sarili palayo sa akin bago tumango.
Nagmamadali ko namang ipinulupot ang puti't makapal na kumot sa aking katawan bago kunin ang cellphone kong wala na yatang balak tumahimik.
Hindi ko na tinignan ang pangalan ng tumatawag. Dumiretso ako sa balcony para sagutin iyon. It was from unregistered number.
Kumunot ang noo ko pero dahil narito na ako sa labas ay wala na akong ibang choice kung hindi ang kausapin ang kung sino.
"Hello? Who's this?" Tanong ko kaagad.
Narinig ko ang katahimikan sa kabilang linya.
"Hello?"
Damn it! Bakit ko ba 'to sinagot? Ni hindi ko alam kung sino ang istorbong 'to!
"Hello? Sino 'to?" Ulit ko.
"Mir..."
Sumandal ako sa malamig na railings ng marinig ang pamilyar na boses. The voice that I missed so much!
"J-Jen?"
"Uhm... Yeah."
Bumalik ang tingin ko sa aking pinanggalingan. I saw Tyrone looking at his phone while waiting for me. Ipinilig ko ang ulo para ibalik ang buong atensiyon kay Jennifer.
Sa loob ng ilang buwan naming hindi pag uusap ay ito ang unang beses na narinig kong muli ang boses niya.
Ang kaninang kalabog ng puso ko dahil sa ginagawa namin ni Tyrone ay napalitan ng kakaibang kaba dahil sa kaibigan ko.
"W-What's up? Napatawag ka? May problema ba? Bagong number mo ba 'to?!" Hindi ko na napigilan ang maging tunog excited na makausap siya ngayon.
"Are you with Tyrone?" Tanong niya pabalik imbes na sagutin ang sa'kin.
"Uhm... Yes-"
"Oh, okay. Sige pala. I'm sorry to call you. Sorry sa istorbo Mir. I gotta go-"
"No Jen! I mean, anong kailangan mo? Do you need me? Please don't hang up!"
I feel sick just thinking about how our relationship turned because of a guy. Pero kahit naman na mas mukhang pinili ko si Tyrone ay nananatili siyang nasa puso ko. I can't hold grudge for her that long. Hindi ko alam kung hanggang saan ang hindi namin pag uusap kaya ang ganitong pagkakataon ay hindi ko gustong palampasin.
I missed her so much... Napasinghap ako ng marinig ang pagbuntong hinga niya.
Anong nangyari sa atin Jen? Bakit ganito na tayo ngayon? Bakit nahihirapan akong ganito tayo?
"Kung gusto mong ipagpatuloy ko ang sasabihin ko, just make sure you're willing to leave your boyfriend now. Kahit ngayon lang Mir. Pwede ba 'yon? Can you do that for me?"
Wala sa sariling napatuwid ako ng tayo pagkatapos ay inayos ang kumot na nakabalot sa katawan ko.
I'm glad that I heard from her after so long but this conversation is giving me a heart attack!
Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi kaagad dahil sa pag aalinlangan kay Tyrone.
"Okay Jen... Ano 'yon?" Kinakabahan kong sambit.
There. I decided to choose her over Ty right now. Kahit na hindi niya parin magustuhan si Tyrone sa pagtatapos ng usapang ito ay wala na akong pakialam.
I will respect her opinion about him pero sa ngayon ay isa lang ang gusto ko. Gusto kong kahit kami nalang ang magkaayos. Kahit tumutol na siya sa boyfriend ko basta maayos kami. I'll settle for that.
"I'm at the condo Mir. I just need you. Hindi ko na alam ang gagawin ko." She said, sounded so frustrated.
She paused.
Pigil ang paghinga kong hinintay ang sunod niyang sasabihin pero tumagal pa 'yon ng ilang segundo.
Iyon na yata ang pinakamahaba at nakakakabang katahimikan na narinig ko sa buong buhay ko. Hindi ko na alam.
I'm afraid of what's happening. Sa katahimikang 'yon ay nabuo na sa utak ko ang samo't saring eksena. Kahit na ilang buwan kaming hindi nag usap ay ramdam kong may malaki itong problema.
I heard her sigh deeply before continuing,
"Marcus is here Mir... And I don't know what to do to him anymore..."
# CHAPTER 25
Chapter Twenty Five
A Man With Pride
Hindi ko alam kung paano ko natakasan ang mga bigong mata ni Tyrone ng sabihin kong kailangan ko ng magmadaling umuwi. Hindi ko narin nagawang magpahatid dahil alam kong kapag sinabi kong kay Jennifer ako pupunta ay baka hindi niya lang ako paniwalaan.
Or baka mas hindi niya lang ako pakawalan.
Kitang kita ko ang pagkadismaya sa pares ng kan'yang mga mata habang inihahatid ako sa aking sasakyan.
"I'm sorry Ty..." Sambit ko bago tuluyang sumakay sa loob na aking kotse.
Matikas siyang nakatayo sa gilid. Still being silent about my decision. Hindi ko na hinintay pang magbago ang isip ko para kay Tyrone. Jennifer needs me. At alam kong sa tono ng pananalita niya kanina ay talagang kailangan niya ng tulong ko.
Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit naroon si Marcus? Anong meron at bakit mukhang problemado ang kaibigan namin dahil sa kan'ya?
Pakiramdam ko'y nasa pabor ko ang oras dahil sa tuwing natatapat ako sa mga traffic lights ay naka kulay berde ang mga 'yon. Walang traffic at kahit na hindi pa naman madaling araw ay tila madalang lang ang mga tao sa daan.
Ilang sandali pa ay tinawagan ko na ulit si Jen para sabihin nasa building na ako ng kan'yang condo. She still sounded so stress about something pero ng sabihin kong malapit na ako ay para siyang nabuhayan ng loob.
Ilang hingang malalim ang pinakawalan ko ng matapat ako sa pintuan ng kan'yang condo unit.
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero ngayon palang ay kinakabahan na ako. Pakiramdam ko'y kusa nalang tutulo ang mga luhang gusto ng kumawala sa mga mata ko kapag nakita ko siya.
Napasinghap ako ng gumalaw ang doorknob at maya maya pa ay iniluwa na nito ang kaibigan ko. I felt the sides of my eyes burning a bit when I see Jen. Gano'n din ang reaksiyon niya ng makita ako.
"I missed you!" Naluluha niyang sambit pagkatapos ay agad akong niyakap ng sobrang higpit.
Tumulo na ang mga luha ko. I missed her so much! At kulang ang yakapang ito para mapatunayan ko 'yon. Nanginig ang balikat niya habang sinasabi kung gaano niya ako na miss sa ilang buwan naming hindi pag uusap.
"I missed you too Jen! I'm sorry..." Emosyonal kong sambit.
Hinarap niya ako at tumango tango. Sandali niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo sa kan'yang mga mata. Gano'n din ang ginawa ko.
"Sorry din Mirthene. I'm sorry for being hard on your relationship with Ty. I'm sorry kung naging selfish ako ha. Forgive me."
I slowly nodded and hugged her for the second time. Walang humpay ang tuwa ko sa nangyari. I didn't realized that being friends with her again will bring me so much comfort.
Sa muling paghihiwalay namin ay muling napalitan ng kaba ang puso ko.
"Now the reason I called you..."
Iginiya niya ako papasok sa kan'yang condo unit. Tahimik ang loob noon at maliban sa mga bagong gamit ay wala namang gaanong nagbago sa ayos ng lugar.
Sumunod ako sa kan'ya hanggang sa marating namin ang living area kung saan naroon ang natutulog na lalaking mukhang wala ng ginawa kung hindi ang uminom ng alak.
Napalunok ako ng makita ang pagod na hitsura ni Marcus habang mahimbing na natutulog sa malawak na couch. Bahagyang nakabukas ang kan'yang puting polo. Ang isang kamay ay nakapatong sa kan'yang noo at ang kan'yang paghinga ay normal lamang.
"He's been crashing here for almost a month Mir... At halos lahat ng pagkakataon ay lasing ang isang 'yan..."
Awtomatiko akong napatitig kay Jen dahil sa narinig. Tahimik akong naupo sa couch na nasa uluhan ni Marcus habang si Jen naman ay nasa harapan ko. Wala namang nakukwentong problema sa akin si Marcus maliban ang sa pamilya niya kaya hindi ko maisip kung anong posibleng dahilan ng pagiging ganito niya ngayon.
I know him. Hindi niya magagawang maglasing at pabayaan ang sarili dahil sa mababaw na dahilan. He is responsible and I can't see bits of that in him. Hindi ngayon.
"Bakit?" I asked.
Kumunot ang noo ni Jennifer sa naging tanong ko.
"Hindi mo alam? I mean. wala man lang ba siyang nabanggit na problema?"
Sinulyapan ko si Marcus bago umiling.
"His parents?"
"His parents. His career. And now... His relationship with Blaire."
Napalunok ako ng mabanggit ang nag iisang babaeng nakita kong minahal ng sobra ng kaibigan ko.
"Wala akong alam Jen..."
"He got fired from his job a couple of weeks ago. Before that, totohanan ng nag file ng divorce si Tito Leo. And now..." Napabaling ako sa kan'ya ng mahinto siya sa pagsasalita.
"Now?" My brows arched a bit.
"H-He's thinking about breaking up with Blaire."
"What?!" Hindi ko napigilan ang pagtaaas ng boses ko dahil sa matinding gulat.
Agad akong umahon sa pagkakaupo at kinuha ang kamay ni Jen para igiya palayo kay Marcus.
Hindi ko maintindihan.
Noong huli naming pag uusap ay mukhang maayos naman sila? Napag-usapan pa nga namin ang ilang detalye ng kasal na gaganapin. Kung gaano siya nagsusumikap sa trabaho para lang mabigyan si Blaire ng magandang buhay sa hinaharap tapos ano? Anong nangyayari ngayon?
Binitiwan ko lang si Jen ng mapadpad na kami sa kitchen.
"That's why I need you. Gusto kong sabay natin siyang kausapin. You know him Mir. Alam nating dalawa na kapag nag desisyon na si Marcus ay hindi na iyon mababago pa. He's a man of his words. Kapag sinabi niya ay gagawin niya."
"Pero bakit? I don't understand Jen. They look happy. They're perfect for each other..."
Mapait na ngumiti si Jen sa sinabi ko.
"I guess they're not perfect after all." Malungkot niyang sambit, "Marcus promised Blaire everything she deserves. Alam nating dalawa kung paano sila nagsimula at hindi lingid sa kaalaman natin ang buhay na gustong ibigay ni Marcus para kay Blaire. Ngayong wala na siyang trabaho, sira ang kan'yang pamilya. Paano niya gagawin 'yon?"
"Sapat ba 'yon para sumuko Jen? Paano kung ipaintindi niya kay Blaire ang lahat? I'm sure she will still accept him-"
"I doubt that Marcus will do that. He is a man with pride. Akala mo ba papayag 'yon na mag suffer si Blaire sa tabi niya? Maghirap?" Jen chuckled with sarcasm.
"I doubt that Mir," Pag uulit niya. "Mas pipiliin ng isang 'yan ang pakawalan ang babaeng mahal niya kaysa maghirap si Blaire dahil sa kan'ya."
Nagbaba ako ng tingin sa sinabi niya. Ni sagot para doon ay wala na akong maisip. Naiintindihan ko. Ngayon alam ko na kung gaano kalaki ang problemang kinakaharap ni Marcus.
Wala sa sariling nilingon ko ang gawi ng living room.
What can I do to help you Marcus? May magagawa ba ako?
Napatalon kaming dalawa ni Jen ng makarinig ng nabasag na kung ano galing sa kinaroroonan ni Marcus. Patakbo kaming pumunta doon ni Jen.
I see Marcus now sitting on the couch. Ang mga kamay ay nakasapo sa kan'yang ulo. Nalaglag ang tingin ko sa nabasag na display ni Jen.
"Marcus..." Maingat na lumapit si Jen para kausapin ito samantalang ako ay tila napako sa aking kinatatayuan.
"Jen, I'm sorry. I'll just pay for it." Aniyang nananatili sa parehong posisyon.
"Hindi. Okay lang, hayaan mo na 'yan sa Divisoria lang naman 'yan galing." Ngumiti si Jen at pinilit na pasiglahin ang boses.
"Are you okay? Nahihilo ka pa ba?"
"I'm fine... Sorry. Uuwi na ako."
Doon na ako tinapunan ng tingin ni Jen kaya napatingin narin si Marcus sa gawi ko.
"Mir..." Tinanggal niya ang isang kamay sa ulo habang ang isa naman ay isinuklay sa buhok na medyo nagulo sa pagkakatulog kanina.
Pinilit kong ngumiti at dahan dahang lumapit sa kan'ya.
Pumikit siya ng mariin. Tila pilit na gustong ihinto ang sariling kalasingan.
Walang ingay akong naupo sa tabi niya. Bumuntong hinga naman si Jen at itinuro ang mga kalat sa sahig bago kami iwan ni Marcus.
"G-Gusto mo ba ng kape? Gatas? Para mawala na 'yung hilo mo?" Pinigilan ko ang sarili kong haplusin ang likod niya pero kusa iyong gumalaw para aluin siya.
Pagod niya akong tinapunan ng tingin. Pakiramdam ko'y nilukot ang puso ko ng makita sa kan'yang presensiya kung gaano siya kalugmok ngayon.
"I'm fine..." Sa kabila ng mga problema ay nagawa niya akong ngitian.
"What are you doing here? Wala ka bang trabaho? Gabi na a?"
Umiling ako at sinuklian siya ng ngiti.
"I'm on leave. Sabi ni Jen nandito ka kaya..." Sandali kong pinagdiin ang mga labi ko bago magpatuloy.
"I'm here."
Nag iwas siya ng tingin sa akin. Siguro'y alam na kung ano ang naging usapan namin kanina ni Jen.
"Y-You can just let go of Blaire, Marcus..." Kinakabahan kong sabi.
Bumigat ang naging paghinga niya. Wala siyang isinagot sa akin maliban do'n.
"I-It's unfair..." i added.
Naputol ako sa pahayag ng tapunan niya ulit ako ng tingin.
His deep set of eyes sent shivers down my spine. Kitang kita ko kung gaano kahirap sa kan'ya ang desisyong hiwalayan si Blaire dahil lang sa pag guho ng mundo niya.
Ramdam ko ang galit sa kan'yang sistema pero hindi iyon para sa akin. Galit para siguro sa kan'yang sarili at sa mundong mapagkait.
"Mas unfair kung hahayaan ko siyang maghirap kasama ako kung pwede naman siyang maging masaya at maayos sa iba, Mir. I can't let her suffer just because I failed. Hindi ko siya idadamay sa pagbagsak ko. I might as well shatter into pieces than see her being broken beside me. Mas hindi ko 'yon kaya..."
Parang tutulo ng muli ang mga luha ko ng makita ang pagkislap ng kan'yang mga mata. Humilig siya sa couch at pagkatapos ay tumingala nalang.
I was left speechless. Parang kahit na anong sabihin ko ay hindi na niya pakikinggan. Kahit magsama pa kami ni Jen ay wala na iyong silbi.
He already made up his mind and that is to break up with Blaire. To Break her heart just for her to have a better future with someone else.
Pinagmasdan ko siyang lumuha sa harapan ko. Sa bawat pagpatak ng mga 'yon ay kasabay ng pagtusok sa puso ko ng paulit ulit.
Ganito ba talaga kasakit ang magmahal? Kailangan mong bumitaw para sa ikabubuti ng lahat? Para sa ikabubuti ng taong mahal mo? Makakaya mong mawasak ng mag isa kaysa ang madamay siya?
I didn't know that love can be this selfless. Hindi ko akalaing makakasaksi ako ng ganitong klase ng pagmamahal.
Nang manginig ang magkabilang balikat niya ay kusa ng gumalaw ang katawan ko para bigyan siya ng mahigpit na yakap. Tumulo ng muli ang mga luhang pinipigilan ko.
Oh Marcus...
# CHAPTER 26
Chapter Twenty Six
Thank You
"Are you sure you can get through that Marcus?" Nag aalalang tanong ko habang seryosong nakatitig sa kan'yang mga mata.
Hindi ko naman obligasyon na kumustahin si Marcus araw-araw dahil hindi rin naman siya humihingi ng tulong sa amin ni Jen pero bilang kaibigan, alam kong iyon ang tamang gawin.
Inilayo niya ang tingin sa akin at ibinaling sa malawak at payapang dagat. Sumunod doon ang mga mata ko. Tyrone is with his friends for a night out again kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong makausap si Marcus tungkol sa bigat ng problema niya.
"Yeah."
Inangat niya ang beer na bahagyang nakabaon sa buhangin at walang ano ano'y ininom 'yon.
"She will be devastated Marcus..." Malungkot kong sambit.
Hanggang ngayon ay hindi ko maisip na mangyayari ang ganito. Noong sinabi sa akin ni Hermes na ikakasal na si Marcus at Blaire ay alam ko ng nakatadhana iyon. Pero ang desisyong pakikipaghiwalay niya rito? I didn't see it coming.
Siguro nga may mga bagay na hindi tayo dapat magsiguro. Lalong lalo na iyong mga bagay na akala natin ay kontrolado natin. Time and fate is a tricky bitch. Patalikod kung tumira. Darating sa oras na hindi mo inaasahan.
"Sandali lang 'yon Mir, kumpara sa habang buhay na magiging hirap niya kasama ako."
Gano'n ang naging kabuuan ng takbo ng aming usapan. At sa mga sumunod pa ay parehas lamang ang naging kahihinatnan. He is certain with his decision.
Sa naging pag aayos namin ni Jen at Marcus ay tila bumalik kami sa dati. Kung minsan ay binibisita nila ako sa bahay gaya noon. Sa lahat ng pwedeng sumaya ay si Mackenzie ang pinaka natutuwa sa lahat ng nangyayari.
Tyrone often visits me. Kung minsan ay sinusundo niya ako sa bahay at inihahatid sa opisina.
Nang dumating ang sunod naming monthsarry ay nag out of town kami kasama sila Mommy. Simple lang ang naging selebrasyon at totong masaya ako sa nagiging takbo ng aming relasyon ngayon.
I love Tyrone so much. Parang wala na akong hihilingin pa.
"They broke up already Mirthene..." Natigagal ako sa narinig na balita kay Jen isang gabi.
"Where is he?"
"He's here. Hindi ko nga makausap e. I'm really worried about him."
Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan ng maramdaman ang pagyakap sa akin ni Tyrone galing sa aking likuran at ang paghalik niya sa aking leeg. Tinakpan ko ang aking cellphone para sawayin si Tyrone pero nagpatuloy siya sa ginagawa.
He's drunk. Galing kami sa party ng kan'yang kapatid at ngayon nga ay ako pa ang nag drive sa kan'ya pauwi rito. Kakaayos ko lang sa kan'ya sa kama at handa na sanang umuwi ng tawagan ako ni Jen.
"Ty, please? Saglit lang." Pakiusap ko.
Huminto siya sa paghalik pero lumipat naman sa kabilang banda ng aking leeg. Ibinalik ko sa tenga ko ang cellphone para sana magpaalam na kay Jen pero naunahan na niya ako.
"Mir, can you come here? I'm sorry, I know you're with Ty pero kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko rito. Hindi ko na alam kung paano. I'm bad at dealing with broken people like him. Isa pa, aalis kami ni Russel ngayon e. Please? I just need someone to look after him right now. You know, people with broken heart tend to do cruel things with themselves so please? I promise we'll come back after a couple of hours?"
I gasp when I felt Tyrone's hand cupping my breast. Dahil sa pagkagulat ay napalayo ako sa kan'ya.
"Okay Jen." Sagot ko bago nagmamadaling patayin ang tawag.
"Babe? Let's do it right now..." Namumungay ang mga matang sambit ni Tyrone sa akin.
Lumapit siya ulit at agad na hinapit ang katawan ko palapit. Pinilit kong lumayo dahil alam kong lasing lang siya pero dahil sa lakas niya ay parang isang pader lang ang kaharap ko.
"Ty, you are drunk okay? Please stop. Next time nalang." Pilit kong pagpipigil sa kan'ya.
"I'm not babe..." He kissed me again.
Hindi ako nakapagsalita kaagad pero ng bumabang muli ang halik niya sa aking leeg ay nagawa ko na siyang maitulak.
"Ty! Tama na. Huwag muna sa ngayon. Lasing ka okay? Magpahinga ka na. We will talk about this again. Huwag lang sa ngayon."
Nakita ko ang pag igting ng kan'yang panga dahil sa sinabi ko. Namuo sa kan'yang mga mata ang galit na kahit kailan ay hindi ko pa nakita sa buong durasyon ng aming relasyon.
"Hanggang kailan ba ako maghihintay Mir? Ang tagal na natin pero hanggang ngayon ayaw mo parin? Hindi pa ba sapat 'yung pagmamahal ko? Hindi pa ba ako sapat para sa'yo? Why can't you just make love to me?" Frustrated ang boses niyang litanya sa akin.
Ilang beses akong napalunok. Hindi ko akalaing maririnig ko ang mga salitang 'yon sa kan'ya. He's been gentle with me the whole time. Pinaalalahanan ko ang sariling dahil lang iyon sa alak. Dala lang ng alak kaya siya nagiging ganito ka sensitibo ngayon.
"Ty..." Akmang hahawakan ko ang kamay niya ng umatras siya palayo sa akin.
"I'm sleeping. You go home." Matigas niyang sambit bago ako talikuran at naglakad pabalik sa kama.
Ilang minuto pa akong natulala sa kan'ya habang nakikita siyang nakahiga na doon at natutulog bago ako tuluyang umalis.
This is the first time he acted like that. Kasalanan ko. Ilang beses na ba kaming sumubok pero hindi naman natutuloy? I'm more than willing to give him my all pero hindi ganitong lasing siya.
I want my first experience to be memorable. Iyong pag naisip ko ay iinit nalang ang pisngi ko sa kilig.
Kapag bumigay ako sa kan'ya ay baka hindi niya lang iyon maalala kinabukasan at ayaw kong gano'n lang ang mangyari.
Pagdating ko sa condo ay nakabihis na si Jen at Russel.
"Mir! Thank God! Hindi ko na alam! I'm scared!" Histerikal na sambit ni Jen matapos akong pagbuksan ng pinto.
Pakiramdam ko'y nanlamig ang buong katawan ko sa naging reaksiyon niya. Lumapit si Russel at inalo ang emosyonal na girlfriend.
"Bakit? Anong nangyari?!" Lumakas ang paghuramentado ng puso ko dahil sa kaba.
"He's in the balcony Mir. He won't let us talk to him! Hindi ko rin mabuksan 'yung pinto!" Niyakap niya si Russel na tila kumukuha ng lakas dito.
"Babe relax..." Alo ni Russel habang hinahaplos naman ang buhok ng girlfriend.
Nilingon ko ang nakabukas na kurtina sa balcony. I see Marcus sitting on the floor. Beer on his left hand and cigarette on the right.
"Sige na Jen. Ako na ang bahala okay? You two go and enjoy. Kapag tatalon 'yang kaibigan mo, doon ko nalang babasagin 'yang pintuan. Ayos lang ba?" I said, trying to lighten up the mood even though my body is shaking.
Ang totoo ay natatakot ako sa anong kayang gawin ni Marcus sa sarili niya ngayong tila pasan niya ang buong mundo. Anything can happen.
"Are you sure?" Nag aalalang sambit ni Jen.
Tumango ako at tinapik ang balikat niya. Maging ang kay Russel ay tinapik ko para sabihing ako na ang bahala.
"Thank you Mir. Just call me when something goes down. Like literally down the building!" Aniyang pilit na inililipat ang malungkot na sitwasyon sa masaya.
Tumango tango nalang ako. Habang inihahatid sila palabas ay hindi natigil ang pagsulyap ko sa gawi ni Marcus. Mukha namang wala siyang balak tumayo kaya medyo nakakahinga pa ako ng maluwag.
Sa paglapat ng pintuan sa hamba ay narinig ko na ang sariling pagtibok ng puso ko. Sa katahimikan ng kan'yang condo unit ay umaalpas ang malakas na kabang nararamdaman ko.
Lumapit ako sa pintuan. I knocked twice pero ni hindi man lang siya gumalaw sa pwesto. The smoke of the cigarette in his hand were dying. He looks helpless.
"Marcus... It's Mirthene. I'm here... Can you open the door?" Maingat kong sambit pero wala akong nakuhang sagot.
Nanlulumo akong naupo sa tapat niya. Nakapagitna ang glass wall sa aming dalawa.
"Marcus? Uy..."
"I'm here..." Pag uulit ko.
Still, he doesn't move even a bit. Tila lutang siya sa sakit na nararamdaman.
"Marcus? Galaw galaw ka baka ma stroke ka diyan..." Pagbibiro ko pero gaya ng mga nauna ay wala parin.
"Do you want me to sing? 'Di ba sabi mo noon maganda 'yung boses ko? Maganda 'yung boses natin? Baka pwede tayong mag duet? O baka gusto mong maglaro ako ng volleyball dito? Doon lang kasi ako magaling e. Gusto mong makita? Huh?"
Niyakap ko ang aking mga tuhod at sumandal sa dingding ng wala parin akong makitang pagbabago. Alam kong naririnig niya ako. Alam ko 'yon pero sana lang ay pinapakinggan niya ang mga sinasabi ko.
Napawi ang mga ngiti ko ng maisip na kahit ako yata ay wala ng magagawa. He is too damn sad... and I can't do anything about it.
"Marcus... I know it's hard... Alam kong masakit. Alam kong naiisip mong sumuko pero paano 'yan? Pag tumalon ka diyan, mamamatay ka. Masisira 'yung gwapo mong mukha. Madudurog 'yung utak mo at sasabog sa ibaba-"
Natigil ako ng makita ang paghithit niya sa hawak na sigarilyo at ang pag inom naman sa hawak na beer.
I continued my litany with a low and soft voice,
"Pag nawala ka... M-Mamimiss kita Marcus... Gusto mo bang umiyak kaming lahat kapag nawala ka? Do you want me to cry? Iiyak talaga ako Marcus... Sige ka..." Nangilid ang mga luha ko sa mga huling salita.
Pakiramdam ko'y buong buo ang mga salitang 'yon na nanggaling pa sa kaibuturan ng aking puso. I heard a clicking sound. Lumiwanag ang mukha ko ng makita ang pag awang ng pintong tamad na binuksan ni Marcus.
Para akong batang biniyayaan ng napakaraming chocolates dahil sa ginawa niya. Nagmamadali akong tumayo at lumabas doon.
Lumapit ako at tumayo sa harapan niya. Hiningal pa ako dahil sa pagmamadali! Pakiramdam ko nga ay lalabas na ang puso ko!
"You're being too loud, Mirthene." Masungit niyang sabi.
Imbes na matakot sa pamumuna niya ay lumawak lang ang ngiti sa labi ko.
Huminga ako ng malalim ng maramdaman naman ang inis na mabilis na kumalat sa aking pagkatao.
"Magpapakamatay ka ba ha?! Gusto mo na bang kunin ni Lord?! Pwes sinasabi ko sa'yo hindi ka mapupunta sa langit kapag nag suicide ka! You're definitely going to hell Marcus! At hindi masaya do'n! Satan will burn you alive! Habang buhay kang susunugin and that's not cool at all!" Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko dahil sa magkahalong kaba, takot, saya at pag-aalala para sa kan'ya.
Sa posisyon niya ngayon sa buhay ay alam kong wala ng iba pang daan para matakasan ang lahat kung hindi ang magdesisyon para sa sarili. Alam kong pwede niya iyong maisip pero hindi iyon ang tamang solusyon! Taking his own life will never be the answer to his problem. Hindi kailanman.
"Why are you crying? Hindi pa naman ako patay a?"
Nagmamadali akong lumuhod sa harapan niya at agarang pinagsasapak ang kan'yang dibdib!
I knew he was drunk. Mamula mula na ang kan'yang magkabilang pisngi at ang mga mata ay tila namumugto pa.
"I fucking hate you, you know!" Patuloy kong bulyaw sa kan'ya.
Natatawa niyang ipinitik ang sigarilyong hawak at hinuli ang kamay ko. Hinawi ko naman iyon at mabilis na pinunasan ang mga mapangahas kong luha.
Tahimik akong naupo sa tabi niya. He handed me his beer. Agad ko iyong kinuha at ininom.
"I'm not stupid to kill myself, Mir. Gusto ko lang sanang mapag-isa pero paano ko 'yon gagawin kung ang ingay ingay mo? May pa volleyball volleyball ka pang nalalaman akala mo naman makakapaglaro ka sa loob ng condo ni Jen."
Natatawa kong sinapak siya ulit.
"Hindi ka kasi gumagalaw! Malay ko ba kung na overdose ka na sa alak mo!"
"There's no such thing."
"Yes there is! Nakakamatay ang alak." Pagkasabi ko no'n ay muli kong tinungga ang natitirang alak ng kan'yang beer.
Yes he looks sad pero alam kong may hangganan ang lahat. Alam kong kaya niyang lagpasan ang lahat ng ito.
"Bakit mo ininom kung nakamamatay?"
Inismiran ko siya. Ibinaba ko ang bote at pagkatapos ay nagseryoso na. Sa muling pagtitig ko sa mapupungay niyang mga mata ay doon ako muling nahawa ng lungkot.
"Pwede naman sigurong damayan kita sa kamatayan 'di ba?"
Pagod siyang pumikit at isinandal ang ulo sa dingding. Wala sa sariling ginawa ko rin ang ginawa niya. I closed my eyes.
Siguro nga kailangan ko nalang tumahimik para sa kan'ya. If he wants to be alone, then I'll act as if I wasn't here.
Binagalan ko ang paghinga ko, iniiwasang maistorbo siya sa pag-iisip pero agad akong napadilat ng maramdaman ang kamay niyang humawak sa aking ulo at maingat na iginiya iyon patungo sa kan'yang balikat.
I let him do that.
Nagbaba ako ng tingin at pinanuod naman ang isa niyang kamay na lumakad para kunin ang kamay kong nasa aking hita.
Napalunok ako ng makita ang detalyadong pagdadaop ng aming mga kamay.
Lumakas ang pagtambol ng puso ko ng maramdaman ko ang pagbagal ng kan'yang paghinga. Napapikit na ako nang marahan niyang haplusin ang aking buhok.
"Thank you for being here, Mirthene..." He wholeheartedly murmured.
# CHAPTER 27
Chapter Twenty Seven
Lost
Malungkot kong ibinaba ang hawak kong cellphone matapos makitang hanggang ngayon ay wala parin akong natatanggap na text galing kay Tyrone. It's been a week since we argued about making love. Noong una ay akala ko madali niya lang makakalimutan ang nangyari pero mali ako.
He's giving me a cold treatment. Iyon bang tumatak na sa utak niya ang nagawa kong pagtanggi. Halos araw-araw ako kung magtext sa kan'ya. I even visited him twice this week but I felt like it wasn't enough.
Sa tuwing binubuksan ko naman ang usapan tungkol doon ay agad niyang pinapatay ang topic.
Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan ko. Jen keep on asking me to watch a movie pero dahil magulo ang utak ko sa relasyon namin ni Tyrone ay ilang beses ko iyong tinanggihan.
Jen:
Sige. I understand pero kung kailangan mo ng kausap andito lang ako ha?
Ako:
Thanks Jen.
Reply ko naman sa text niya.
Katatapos ko lang mag lunch kasama sila Bella at ngayon nga ay pabalik na ulit sa aking opisina.
Inangat ko ang hawak ko ng marinig ang muli niyang pagte-text.
Jen:
Pupunta ka ba sa hospital?
I pushed the door and went straight to the swivel chair. Humilig ako sa sandalan bago siya muling replayan.
Kasabay ng pag alis ni Tito Leo. Pagkatanggal ni Marcus sa trabaho. Pakikipag-hiwalay kay Blaire ay sumabay pa doon ang tila pagbitiw ni Tita Helene sa buhay. She's been in and out of the hospital dahil sa matinding depresyon.
Napalunok ako ng maisip ang patong patong na pinagdaraanan ni Marcus ngayon.
Ako:
Hindi ko pa alam kung makakadaan ako bukas. I haven't talk to him since the last time. How is he?
Jen:
Still broken and almost giving up. Tita Helene needs him, Mir. Pumunta ako kahapon at hanggang ngayon ay wala paring pagbabago.
Simula ng nahospital si Tita Helene ay isang beses palang akong nakadalaw. Noon pang umuwi si Leonne at Hermes para sa ilang araw na bakasyon. Iniisip ko palang kasi ang sitwasyon ni Tita Helene ay parang nanghihina na ako.
Marcus's mother is really beautiful and loving. Noong unang nakilala ko ito ay wala akong naging problema sa pakikisama dahil likas itong masayahin at mabait. Pero ngayong halos hindi na ito makausap ay parang pinipiga ang puso ko. I can't imagine my Mom being like that.
Hindi ko kaya.
Ako:
Kapag may oras dadalaw ako. I'll text you.
Jen:
Okay.
Matapos ang aming usapan ay tumahimik na ang paligid ko. Imbes na mag isip ay inabala ko nalang ang sarili sa trabaho. Kung hindi lang dahil sa malakas na hiyawan ng mga maiingay na taong pumasok sa loob ng opisina ko ay baka hindi ko namalayan na oras na pala ng uwian.
Kumunot ang noo ko ng marinig ang patuloy na paghiyaw ni Faye habang hawak ang malaking bouquet ng rosas sa kan'yang mga kamay. Lira, our new intern stood by her side smiling like there's no tomorrow.
Isinara ko ang aking laptop ng makalapit sila sa aking lamesa.
"Miss Mir," Tumikhim si Faye at pilit na inayos ang sarili kahit na tila kanina niya pa gustong tumili ng tumili sa kung anong dahilan. "This is for you. Ipinabibigay ni... Well just read the card."
Inilapag niya sa harapan ko ang bulaklak.
Nalilito at nangingiti ko iyong kinuha at binasa.
"I'm sorry for how I treated you this past few days babe... Forgive me even though I can't forgive myself for acting so stupid."
Napangiti ako sa nabasang card at bago pa makapag react ay nakita ko ng pumasok si Tyrone sa loob ng aking opisina.
Tumayo ako at agad na lumapit sa kan'ya para bigyan siya ng mahigpit na yakap.
We ended up at our favorite restaurant. Buong gabi yata siyang nag sorry sa akin kahit na paulit ulit ko namang sinabing ayos lang iyon.
"Okay lang Ty... I'm sorry..." Hinaplos ko ang kan'yang mukha.
Kinuha niya ang kamay ko at iginiya iyon sa kan'yang labi bago gawaran ng halik.
"I'm sorry Mir... I promise to wait for you. Hihintayin kong maging ready ka bago natin gawin 'yon."
"I swear I am more than ready, Ty... I am ready to give myself to you but I also want it to be special. I want to remember every part of it." Pakiramdam ko'y namumula na ang buong mukha ko dahil sa mga pinagsasasabi.
Tyrone nodded.
"I want that too..." He answered.
The next week went lighter than the last one. Mas naging maayos kami ni Tyrone at mas napadalas narin ang paglabas namin. Hindi rin lumilipas ang isang buong araw na wala siyang padalang kahit na ano kapag nasa opisina ako. Most of it was flowers and fruits.
I almost forgot the world existed until I received a text from Marcus.
Ito ang unang interaksiyon namin matapos ang nangyari sa condo ni Jennifer ilang linggo ang nakalipas.
Marcus:
Are you busy?
Ang kaninang masayang pakiramdam ko ay tila unti-unting lumabo dahil agad kong naramdaman ang presensiya niya kahit pa hindi ko naman siya kaharap.
Ako:
I'm about to sleep. Bakit? Are you okay? How are you?
Inayos ko ang sarili sa kama habang iniyayakap sa aking katawan ang makapal na comforter.
Katatapos lang naming kumain sa labas ni Tyrone kanina kaya medyo na-late ako ng uwi ngayon.
Marcus:
Can you come outside?
Awtomatiko akong napabalikwas ng tayo sa kama dahil sa nabasa.
Ako:
Nasa labas ka?
Marcus:
Kanina pa. I'm sorry to disturb you Mirthene. It's just that I'm so lost right now...
Madali kong kinuha ang aking robe at ipinatong sa aking katawan. Dahil malalim na ang gabi ay ako nalang ang natitirang gising sa kabuuan ng bahay namin.
Nakita ko ang pagtayo ni Marcus sa gutter ng buksan ko ang aming gate. Tipid niya akong nginitian bago lumapit sa gawi ko.
"Anong oras ka pa nandito? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Niluwagan ko ang gate para patuluyin siya.
"I don't want to disturb you. I was here before the sunset but the maid said you're still out. Bumalik lang ako ngayon, nagbabakasakaling nandito kana." Sagot niya habang sinusundan ako papunta sa garden area.
Napayakap ako sa katawan ko ng umihip ang hangin. Nang makarating kami doon ay naupo ako sa isang silya. Gano'n din ang ginawa niya.
Pinilit kong ngumiti kahit na ngayon palang ay ramdam ko na naman ang lungkot niya.
"I was out with Ty kaya natagalan ako ng uwi. Sana tinext mo nalang ako."
Umiling siya at inayos ang sarili sa aking harapan.
"Okay lang. Hindi ko rin naman alam na babalik pa ako e." Nag iwas siya ng tingin at kinuha ang isang pack ng sigarilyo galing sa kan'yang bulsa. "Can I smoke?" He asked.
Tipid akong ngumiti at tumango.
Marcus still looks the same. Maliban sa lungkot na madaling makita sa kan'yang mukha ay wala namang masyadong pagbabago doon.
Ipinilig ko ang aking ulo at nagbaba ng tingin ng simulan na niya ang paghithit sa hawak.
I can't believe I am praising how gorgeous he is with light stubble.
Siguro nga matagal kaming hindi nagkita kaya hindi ako masyadong sanay na mayroon siyang facial hair ngayon. He look so good with it though.
Pinanuod ko siyang manigarilyo habang hinihintay ang kung anong pakay niya sa akin. He flicked his cigarette after two hits.
"How's your day?" He asked.
"Okay naman ikaw? How's Tita Helene?"
"She's fine. Nakatulog kaya naiwan ko ulit kanina. Dapat noong isang linggo pa ako pupunta..." Huminto siya at muling nanigarilyo.
Tumango tango nalang ako. Wala akong masabi o maitanong na iba. Parang lahat kasi ng itatanong ko ay maaapektuhan ako ng lungkot.
"How are you and Tyrone, Mir?" Out of nowhere niyang tanong.
Hindi ako kaagad nakasagot. Hindi pa man nauubos ang sigarilyo ay tinigilan na niya 'yon at hinarap ako.
Parang gusto kong matawa ng maisip na sa dami ng pwede niyang itanong at sabihin ay 'yon talaga ang napili niya.
"Ayos naman kami." Tipid kong sagot.
Tumango tango siya at muling nanahimik. Nang mapagtanto kong hindi na siya muling magsasalita ay sarkastiko na akong natawa.
"Is that it? Kaya ka narito para itanong sa akin 'yon? That's the reason why you're lost Marcus?"
Tumuwid siya ng upo dahil sa tanong ko.
"Do you really love that guy Mirthene?"
Napaawang ang bibig ko sa tanong na binitiwan niya. Kasabay ng pagkairita ay ang pagpintig ng tenga ko.
Parang gusto ko na siyang ipagtabuyan kaagad lalo pa't sa tono ng pananalita niya ay parang nauulit lang ang unang beses na nalaman niyang ito ang boyfriend ko. A tone full of disappointment.
"Why are we talking about this again Marcus? Iyon ba talaga ang pinunta mo?"
"I am just asking you."
"And why do you have to ask about how I feel? Hindi pa ba sapat 'yung unang sagot ko diyan?"
Kumurap kurap siya at natigil sa pagsasalita pero hindi nagbitiw ng tingin sa akin.
Hindi ko gustong mainis pero dahil sa tila pangingilatis niya sa relasyon namin ay muling nabuhay ang galit ko.
"Mir, I am just concerned-"
"About what? Are we talking about the same issue when we're in college?"
Napatayo na ako dahil sa inis.
"Mir, hindi. Ayaw ko lang masaktan ka ni Tyrone. I don't want you to get hurt because of him."
Malumanay ang pagpapaliwanag niya no'n pero hindi ko na napigilan ang galit na tinalo ang natitira kong kabaitan.
"I can't believe you! Nasasabi mo talaga 'yan huh? Sa'yo pa galing na baka saktan ako ni Tyrone? Marcus look what you did to Blaire! Hindi ba dapat iyon ang atupagin mo kaysa ang pakialaman ako? You broke the girl who loved you the most!"
Nahinto ako sa pagsasalita ng makita ang dahan dahan niyang pag ahon sa pagkakaupo.
Pakiramdam ko'y umikot ang tiyan ko dahil alam kong nasapul ko ang ilang parte ng kahinaan niya pero sa galit na nararamdaman ko ngayon ay wala ng makakapigil sa akin. I'm sick of the people who have nothing good to say about my relationship with Ty.
Those unsolicited advice that I didn't even want to hear! Pagod na pagod na akong ipaglaban ang lalaking wala namang ibang ginawa kung hindi ang pasayahin ako! Kailan nila makikita 'yon?!
"I'm sorry..." He said gently, tila sumusuko at nagsisisi sa sinabi but I'm unstoppable!
Pakiramdam ko'y narating ko ang dulo ng pasensiya ko dahil sa paulit ulit na panghihimasok niya sa amin ni Tyrone.
"Hindi porket iniwan mo si Blaire ay gagawin ko rin iyon kay Tyrone dahil hindi mo siya gusto. You don't have to tell me what's wrong and what's right. Wala kang karapatang sabihin sa akin kung saan ako sasaya at kung saan ako masasaktan dahil hindi mo kontrolado ang lahat. Blaire is happy being with you, yet you left her because of too much pride. Now sinong mas masama sainyo ni Tyrone?" Mabilis ang nagawang pagtaas baba ng dibdib ko dahil sa mga mararahas na salitang lumabas sa aking bibig.
Parang piniga ang puso ko. Hindi ko akalaing masasabi ko ang mga 'yon pero wala akong balak bawiin.
I watched him shut his eyes and looked down.
Wala siyang nagawang sagot sa lahat ng sinabi ko at nagpapasalamat ako dahil alam kong hindi ako magpapatalo kapag inulit niya pa ang unang mga salita.
Tumalikod na ako ng makita ang pag igting ng kan'yang panga kasabay ng pagkumo ng mga kamay.
I hate it! I hate how they protect me from something I love. Tyrone and I may have bumps throughout our relationship but that's just how things work. Gano'n talaga ang relasyon!
"I'm sorry Mir. Aalis na ako." He said in a low voice.
Hindi ko siya nilingon. Kahit na narinig ko ang mga yapak niya palayo ay hindi ko siya nagawang tapunan maski ni isang tingin.
# CHAPTER 28
Chapter Twenty Eight
Bijoux
"Mir, I think you went out of the line..." Mahinahong sambit ni Jen ng bisitahin niya ako sa opisina isang araw.
Noong mga nakaraan ay hindi ko iyon naisip pero ng mapag-usapan namin ni Jen ay para akong binalikan ng katinuan ko. She's right. Maybe the words that came out of my mouth was too much.
Pero anong magagawa ko? Nangyari na.
"I know."
Pinagdiin niya ang mga labi bago hawakan ang kamay ko.
"Ako ayaw ko ng makialam dahil alam ko namang masaya ka kay Tyrone. I kinda like seeing you happy with him even though I still have doubts." Natawa siya ng maningkit ang mga mata ko.
Binitiwan niya ang kamay ko at itinaas sa ere na tila sumusuko sa usapan.
"I'm cool with that. Now, ang sa'kin lang sana hindi umabot sa gano'n. Hindi ko naman kinakampihan si Marcus pero alam kong alam mo rin na he already have so much on his plate right now."
Tumango tango ako. I've never heard of him after what happened that night. Sa inis ko ay pati ang number niya nagawa kong burahin ng gabi ding iyon. I just hate the fact that he keeps on meddling with my relationship. Hindi naman sa ayaw kong pinapakialaman pero napag usapan na namin iyon noon.
Gaya ng mga nakaraang linggo ay hindi ko nalang inisip ang mga nangyari. Maybe things will get better if we're apart. Sa tuwing nariyan kasi si Marcus ay hindi maiwasang nagugulo ang mga sitwasyon.
"Going out?" Nakangiti kong tanong kila Bella ng makita silang naghahanda ng umalis kahit na hindi pa naman iyon ang usual nilang oras ng uwian.
Tipid na ngumiti si Bella at tumango samantalang si Faye naman ay lumipat sa tabi ko.
"Naku Miss Mir, si Bella lang ang aalis. Nakakalungkot nga eh, marami pa akong gagawin kaya wala akong time para sa social life ko."
"Grabe ka naman Faye, e nung nakaraan nga 'di ba nasa Las Deux ka pa! Huwag ka nga!"
Humagikhik si Faye sa pambubuko ni Bella.
"Oo nga pala pero kahit na!" Binalingan niya ako. "Ikaw Miss Mir? Ayaw mo bang sumama?"
"Huwag mo ng yayain si Miss Mir! Alam mo namang busy 'yan masyado." Natatawang singit ni Bella sa amin.
"Yeah, she's right. May tatapusin pa ako. Anyway, enjoy Bella." Ngumiti ako bago sila tuluyang iwan.
Pagbalik ko doon ay saka ko lang naisip kung kailan nga ba ang huling night out na nasamahan ko? Parang wala na akong maalala. Kung hindi kasi si Tyrone ay si Jen lang naman ang nakakasama ko.
Hermes and Leonne are currently in Australia. Ang ilang mga naging kaibigan ko naman noong college ay busy na rin sa kani-kanilang buhay.
Siguro nga ganito talaga. Na hindi lahat ng pagkakataon makakasama mo 'yung mga taong nakasanayan mong palaging nandiyan.
Sometimes people really come and go. Iyon bang minsan magigising ka nalang at magtatanong kung bakit hindi na kayo nakakapag-usap ng taong noon ay hindi mo kayang hindi makita kahit isang araw.
Kung minsan may mga kaibigan na nakakahiyang kumustahin dahil baka maistorbo mo sila... tapos hanggang sa nasanay nalang kayong hindi nag-uusap.
Napabuntong hinga ako sa naisip.
I hate to admit that I miss being surrounded by friends. Kasi sa ngayon ay si Tyrone nalang at Jen ang tila natira sa akin. Gusto ko mang isama sa bilang si Marcus pero sa nangyari ay hindi na dapat.
Nang dumating ang pang sampung monthsary namin ni Tyrone ay ang kan'yang pamilya naman ang kasama namin sa outing. Sumabay kasi doon ang birthday ng kan'yang Ina kaya ipinagsabay nalang ang selebrasyon.
Sa mga sumunod na linggo ay naging normal na ulit ang lahat. I haven't heard much about Marcus and I guess that's just how it's supposed to be.
Ang akala kong magkahiwalay na naming mundo ay tila muling pinagdugtong ng isang araw ay makatanggap ako ng tawag galing sa kapatid ko.
"Can you please calm down? Ano ba?" Tumayo ako at dumiretso sa bintana dahil bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita ni Mackenzie.
"Ate, Si Tita Helene... She passed away." Nanginig pa ng bahagya ang boses niya.
Napahigpit ang kapit ko sa kurtinang sinusubukan kong hawiin. I felt a rush of emotions. Parang kahit na maliwanag sa labas ay parang kumulimlim dahil sa balitang narinig ko.
"W-What do you mean?" Tila pumiyok pa ang boses ko.
Oo nga at wala naman akong balita sa pamilya ng mga Warner pero hindi ko rin naman inaasahan ang ganito.
"Mom just called me. Kanina lang daw madaling araw."
"A-Are you sure?"
Hindi. Bakit? I mean... Hindi ko na alam. Parang lumutang ang utak ko sa sinabi ni Mackenzie.
"Yes. Mamaya pupunta sila Mommy sa burol," Narinig ko ang pag singhap niya bago magpatuloy. " Sasama ka ba? Ate wala ng pamilya si Kuya Marcus. Alam kong may naging samaan kayo ng loob pero kung naging kaibigan talaga siya para sa'yo ay ipagpapaliban mo lahat ng galit para damayan siya ngayon."
"I-I'll... I'll think about it Ken. S-Sige na. I gotta go." Agad kong ibinaba ang tawag dahil hindi ko na gusto pang marinig ang sasabihin niya.
Natutulala akong natigil sa pwesto ko. I can feel shivers down my spine because of it. Tita Helene... Ang nag-iisang taong pwedeng kapitan ni Marcus ay tuluyan narin siyang iniwan...
Nang puntahan ako ni Tyrone kinagabihan ay sinabi ko ang nangyari at ang plano kong bumisita doon.
"You can go Mir pero hindi na ako sasama."
Tumango tango ako.
"I understand. Thank you..."
Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit.
Gano'n nga ang nangyari kinagabihan.
Hindi pa man handa ang puso ko para makita si Marcus at Tita Helene ay nakumbinsi ko ang sarili kong damayan siya. Wala namang mawawala kung pupunta ako dahil alam kong iyon din ang gusto ni Tita Helene.
Hindi na ako nag abala pang magdrive dahil sandali lang naman ang balak kong pagbisita. Pagkatapos ng siguro'y isang oras ay babalik din ako sa opisina para tapusin ang trabahong naiwan.
Nauna na doon sila Mommy at maging si ang kapatid ko.
Habang nasa taxi ay iniisip ko kung ano ang unang sasabihin ko. Kung magso-sorry ba ako dahil sa nangyari o kakalimutan nalang 'yon at itutuon kay Tita Helene ang sitwasyon.
Nang umibis ang taxi sa lugar ay naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko. Parang ilang sandali nalang ay tutulo na ang mga luha ko. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang wala na si Tita Helene. Wala na ang lahat ng posibleng karamay ni Marcus sa lahat.
I was greeted by my sister. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng may kalakihang silid. Bumungad kaagad sa harapan ko ang naglalakihang bulaklak at mga taong nagluluksa sa pagkawala ng isang napakabuting nilalang.
Tipid akong nginitian ni Ken bago ituro ang direksiyon ni Marcus na nasa harapan ng kan'yang ina.
Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan ko para mabawasan ang pagkalabog ng dibdib ko pero walang naging epekto 'yon.
Habang papalapit ako sa kanya ay ramdam ko lang lalo ang pagbilis ng pintig ng puso ko.
"Marcus..." Maingat kong sambit ng makalapit ako sa gawi niya.
Nilingon niya ako at pagkatapos ay tipid na nginitian.
"Mir." Kaswal niyang sambit bago tumayo.
Nang makita ko ang umaapaw na lungkot sa kan'yang mga mata ay kusa ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagyakap sa kanya.
"I'm sorry... I'm so sorry for your loss..." Humihikbi kong sabi.
Hinaplos niya ang likod ko. I felt him nod slowly. Pagkatapos ng yakap ay sabay na naming sinilip si Tita Helene.
It was surreal. Para lang isang bangungot. Tita Helene looks so beautiful. Sa tila matagal niyang pakikipaglaban sa buhay ay ngayon lang siya nakapagpahinga.
"You know she's looking for you the day before she died..." Napaangat ako ng tingin kay Marcus.
Nanatili naman ang mga mata niya sa kan'yang ina. Kahit na malungkot ay nagawa niyang ngumiti habang inaalala ang mga huling tagpo nilang dalawa.
"She told me how much she missed you..." Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at nakinig sa kan'ya.
"Gusto sana kitang puntahan at pakiusapang dalawin si Mommy pero hindi ko magawa." Lumunok siya at sinubukan akong tignan.
"Sorry kung naging pakialamero ako Mir pero hindi ako magso-sorry dahil sa totoong nararamdaman ko para sa boyfriend mo." Malumanay niyang sabi.
Ibinalik niya ang tingin sa ina. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot kaya nanahimik nalang ako at ginaya ang ginawa niya. Hindi ko na gusto pang pahabain ang usapan lalo pa't nasa harapan namin si Tita Helene.
Nang dumating ang mga pinsan niya ay tuluyan na siyang naging abala. Kahit na natapos ang pakikipagbatian niya sa mga kamag anak ay hindi na niya ako nilapitan ulit.
Nauna na ring umuwi sila Mommy at Mackenzie. Gustohin ko mang sumabay ay parang hindi ako kumbinsido sa simpleng daloy ng naging usapan namin kanina kaya nagpaiwan ako.
I was left with his cousin. Iyon ang pumatay ng oras ko habang pasulyap sulyap sa kan'yang nakatulala lang sa ina. Nang umalis ang pinsan niya ay doon na ako naglakas ng loob na magpaalam. Siguro ay ipagpapaliban ko muna ang lahat. I'll let him mourn for now.
"Marcus... I gotta go..." Pagkuha ko ng atensiyon niya.
Tumango siya at tumayo na para ihatid ako palabas. He was silent kaya ako na ang nagsalita.
"Babalik nalang ako bukas tutal Sabado naman."
"Is it Friday today?" Nalilito niyang tanong.
"Oo."
He nodded. Nang makalabas kami ay nagpaalam na ako.
"Marcus, hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon pero alam kong magiging maayos din ang lahat. Alam ko ring narinig mo na sa mga bisita ni Tita ang salitang magpakatatag ka pero gusto ko iyong ulitin... Just be strong Marcus, okay?"
Inalalayan niya akong makababa sa hagdan. Tumango tango lang siya pagkatapos ay iginala ang paningin sa malawak na parking lot.
"Where's your car?"
Umiling ako.
"I just took a cab. Magta-taxi nalang din ako pabalik sa office. May kailangan pa kasi ako doon."
Nahinto ako sa paglalakad ng huminto siya.
"Ihahatid na kita"
"Hindi na-"
"I'm sure Mom can wait for me Mir. Alam ko ring pipilitin niya akong ihatid ka ngayon. Besides, nando'n naman 'yung mga pinsan ko."
Hindi na ako nakatanggi ng maglakad siya sa itim na sasakyang ilang dipa lang ang layo sa gawi namin.
Habang nasa biyahe ay hindi ko parin magawang basagin ang nakakakabang aura sa pagitan naming dalawa.
Natagalan kami sa traffic kaya hindi na ako nagtaka ng iliko ni Marcus ang sasakyan sa ibang daan.
"Magtatagal ka ba sa opisina?" Tanong niya ng maging diretso ang takbo namin sa maluwag na daan.
"Hindi na siguro. Baka sa Lunes ko nalang gawin 'yung trabahong naiwan pero may kukunin parin ako."
"Alright, Ihahatid nalang kita hanggang sa bahay."
"Hindi na. Abala na ako masyado sa'yo-"
"It's fine." Pagpuputol niya sa akin bago bilisan ang takbo ng sasakyan.
Kahit na expected ko namang maging ganito ang pag-uusap namin ay hindi ko parin mapigilan ang malungkot.
Ang dami kong gustong itanong gaya ng kung anong nararamdaman niya ngayon. Kung anong magagawa namin para mabawasan 'yung bigat ng nararamdaman niya pero sa sitwasyon ay hindi ko magawa.
"Bakit nandito tayo?" Naguguluhan kong tanong ng maramdaman ang paghinto namin sa bukana ng Bijoux.
Imbes na sagutin ako ay nanahimik lang siya.
"Marcus?"
Tinapunan niya ng tingin ang kan'yang wrist watch habang seryosong nakatitig sa bukana ng club.
Ayaw ko na sanang magtanong dahil baka pag sinabi niyang gusto niyang uminom ay hindi ako makatanggi.
Nakita ko na siyang malasing ng sobra noon. Maraming beses iyong nangyari sa unang bugso palang ng problema niya, ngayon pa kayang wala ng pakundangan ang bigat nito?
"Gusto mo bang uminom? Sige, pero sandali lang."
"Any minute now Mir." Muli niyang minaniobra ang sasakyan palapit pa sa entrance.
Kunot noo ko siyang tinitigan habang siya naman ay nakatiim bagang na nakatitig sa kung saan. Taas baba ang daliri niya sa manibela na tila sinasabayan ang paggalaw ng orasang nasa kamay.
Sinundan ko ang tingin niya. Wala namang kakaiba doon dahil normal namang maraming tao lalo na't Biyernes.
"Huh?" Ibabalik ko na sana ang tingin ko kay Marcus pero sa kalagitnaan ng pagbaling ko ay siya namang paglabas ng dalawang pamilyar na mukha galing sa loob ng club.
Nanlamig ang buong katawan ko.
Tyrone's hand snaked on another woman's body.
Para akong sinaksak ng paulit ulit ng makita kung gaano kasaya si Bella habang humahagikhik dahil sa kung anong ibinubulong ni Tyrone sa kan'yang tenga.
Pakiramdam ko'y nabingi ako sa malakas na pagsigaw ng utak ko dahil sa nakita. Kusang tumulo ang mainit na likido sa magkabila kong pisngi lalo na ng makita kung gaano sila ka-komportable sa paghawak sa isa't-isa.
My heart shattered when I see both of Tyrone's hand went down on Bella's butt, then pulled her closer for a lustful kiss.
Ramdam ko ang panghihina ng pagkatao ko lalo pa ng ilang beses nilang inulit 'yon. Not minding the people around them. Parang wala siyang girlfriend. Parang hindi niya ako naging kaibigan. Parang walang ako...
Sinubukan kong gumalaw sa kinauupuan ko para komprontahin sila pero maski isa sa mga daliri ko ay hindi ko naigalaw. Kahit ang mga mata ko ay hindi ko nagawang tanggalin sa kanilang dalawa kahit na ang sakit sakit...
Hindi ko maintindihan.
Paano? Bakit?
Anong nagawa kong masama sa kanila at bakit nila ako nagawang gaguhin ng ganito?
# CHAPTER 29
Chapter Twenty Nine
Broken People
Gusto kong lingunin si Marcus. Gusto kong tanggalin ang titig sa mga talipandas na nakikita ng mga mata ko.
Gusto kong tanggalin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon pero hindi ko magawa. I felt like I was stuck in this nightmare forever.
Na ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay ang panuorin ang sarili kong malunod sa sakit na dulot ng pagmamahal na akala ko'y totoo.
Ipinaglaban ko siya... Ginawa ko naman ang lahat. I'm willing to cut off my relationship with people who have doubts in him. Kahit ang pamilya ko handa kong ipagpalit sa kan'ya pero hindi ko naman alam na sa ganito lang din pala pupunta ang lahat.
Ang lalaking ipinaglaban ko sa mga taong mahal ko ay siya rin palang unang mananakit sa akin.
It sucks... It really sucks loving someone so much and yet get cheated on.
Sana hindi nalang. Sana kung sinabi niyang hindi pa siya handa sa pang habang buhay na relasyon ay sana hindi nalang namin inumpisahan.
Sana hindi nalang ako naniwala. Sana mas pinakinggan ko sila.
Tyrone completely destroyed me. Every part of me...
Buong lakas kong inangat ang kamay ko para hawakan ang handle ng pintuan pero bago ko pa iyon magawa ay naramdaman ko na ang marahas na pagbukas ni Marcus ng pinto sa gawi niya at dali-daling lumabas doon.
Pakiramdam ko'y bumalik ang ilang lakas ko lalo pa ng makita ang mabilis na pagsugod nito sa lalaking walang kamalay malay na nakita ko na ang lahat.
Halos matumba si Bella ng hawiin siya ni Marcus para lang maharap si Tyrone at paulanan ng mga suntok.
Agaran siyang napaluhod sa unang suntok palang. Mabilis na pumaibabaw si Marcus kay Tyrone at ipinagpatuloy ang walang humpay na pananakit sa lalaking 'yon.
Kahit na lumulutang ang utak ko ay nagawa kong makalabas sa loob ng sasakyan para lang lumapit sa kaguluhan.
Sa paglabas ko doon ay sinalubong ako ng nakakabinging sigawan at mga matitigas na mura ng dalawang lalaki.
Tinakbo ko ang distansiya nila Marcus at hindi inintindi ang babaeng kanina lang ay halos marating na ang langit sa hawak palang ni Tyrone.
"Marcus!"
"You cheating peace of shit!" He screamed with every punch.
"I told you to stay the fuck away from her if you'll just gonna hurt her! I fucking warned you!" Walang tigil niyang sigaw na tila wala ng pagsidlan ang galit na nararamdaman.
Walang nagawa si Tyrone kung hindi ang saluhin ang lahat ng mga suntok ni Marcus. He is drunk and probably too weak to even respond.
Ang mga bouncer na naroon ay hindi nagawang pigilan ang lakas ni Marcus. Parang ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon sa buhay ay kay Tyrone niya ibinubuhos.
"Sir tama na!"
"Sir!" Sigawan ng mga bouncer na mabilis akong hinarang bago ako tuluyang makalapit sa kanilang dalawa.
Lumukso ang puso ko ng makita ang mga dugo sa mukha ni Tyrone at kamay ni Marcus.
Nang dumating ang pang apat na bouncer ay doon lang nila tuluyang naialis si Marcus kay Tyrone.
Nanginig ang buong katawan ko ng makita ang magkabilang kamay ni Marcus na puno ng dugo dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung sa kan'ya ba 'yon o galing lang sa mukha ni Tyrone.
Patuloy ang pagpiglas niya sa mga bouncer na nakahawak. Ang mga tao namang nakikiusyoso ay tinulungan na si Tyrone sa pagtayo.
Napalunok ako ng makita ang agarang pagtakbo ni Bella palapit kay Tyrone at ang paghawak niya rito na tila ginigising sa nangyari.
Sa pagdilat ng mga mata niya ay ako kaagad ang nilapatan ng mga 'yon. Hinawi ko ang mga luha sa mga mata ko.
"Mir..." Tila gulat niyang sambit pagkatapos ay bahagyang hinawi si Bella palayo.
Napalunok ako ng makita ang agarang paglapit niya sa akin.
"Mirthene, it's not what you-"
Hindi pa man siya natatapos ay hinapit na ni Marcus ang katawan ko palayo sa kan'ya.
Ambang susugurin na naman niya ito ngunit mabilis na ang mga bouncer sa pagkakataong 'yon.
"Marcus! Enough!" Agad kong hinawakan ang braso niya pero hindi siya natigil sa galit na pagtitig kay Tyrone.
"Marcus..." Mas mahinahon kong sambit para kunin ang atensiyon niya.
"Mirthene, Babe? I'm sorry! Mali ang iniisip mo." Nagpatuloy sa pagsasalita si Tyrone pero wala na akong pakialam.
Ang tanging gusto ko nalang gawin ngayon ay makalayo sa harapan ng lahat at takasan ang eskandalong nangyari.
Bumaba ang mga kamay ko sa matigas na kamao ni Marcus. Doon lang siya napabaling sa akin. Suminghap ako ng maramdamang muli ang pagkirot ng aking puso.
Nanlabo ang mga mata ko.
"Mir..." He murmured.
Ang kaninang nakatiim niyang bagang ay tila lumambot ng makita akong umiiyak. Binuwal niya ang mga kamaong handang manakit para lang hawakan ang kamay ko pabalik.
"Can you get me out of here please? Alis na tayo Marcus..." Pagmamakaawa ko.
Bahagya siyang napayuko at napapikit. Tila pilit na kinokontrol ang sarili sa pagitan ng galit at pagiging malumanay sa akin. He nodded slowly.
Sa pag akbay ng mga kamay niya sa akin at pag giya palayo ay hindi ko na nagawa pang tapunan ng tingin ang lahat ng taong naroon. Partikular ang dalawang taong pinandidirihan ko.
Hindi natigil si Tyrone sa pagtawag sa akin kahit na hindi naman makalapit dahil sa mga bouncer na nakaharang.
Sa pagsara ni Marcus ng pintuan ng kan'yang sasakyan ay napahagulgol na ako.
Inilagay ko ang magkabila kong kamay sa aking mukha at doon ibinuhos ang lahat ng sakit.
Hindi ako tumigil kahit pa naramdaman ko na ang pagbalik niya sa tabi ko. I can't stop it. Hindi ko gustong mabasag sa harapan niya pero kahit na anong gawin ko ay hindi ko magawang pigilan ang sariling emosyon.
It felt like the pain was never going to end. And the world wasn't going to stop crashing down until there was nothing left of me. Kahit pa pira-piraso na ako.
Kahit na naramdaman ko na ang paglayo namin sa lugar ay hindi ako natigil sa paghagulgol.
"Mir, calm down..." Bulong ni Marcus habang hinahaplos ang likod ko.
I didn't respond. Masyadong okupado ng mga hikbi ang labi ko. Masyadong okupado ng sakit ang puso ko. Hindi ko na alam...
Dahan dahang huminto ang sasakyan matapos ang ilang minuto kaya tinanggal ko ang mga kamay ko sa aking mukha para tignan ang paligid.
Wala kami sa opisina, wala sa bahay at malayo sa lugar na maraming tao. Ang tanging nakikita ko sa aking harapan ay ang mga makukulay na ilaw sa ibaba. Ang siyudad.
Hinarap ko si Marcus. Hindi ko na inisip kung anong hitsura ko ngayong patuloy lang ang pagdaloy ng mga luha sa aking mgamata.
Bumuntong hinga siya at sunod ko nalang naramdaman ay ang pagyakap niya sa akin.
"Marcus..." Namamaos kong sambit.
His touch comforts some part of me. Pero sa ginawa niya ay parang mas lalo lang akong naiyak.
"I'm here, Mir. Hindi ako aalis hangga't hindi ka tumatahan..." Napahagulgol ako lalo dahil doon.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang nangyari ang lahat ng ito. Na nagawa akong lokohin ni Tyrone.
"A-Ang sakit..." Humigpit ang yakap ko sa kan'ya ng tila sumikip ang paghinga ko.
Gano'n din ang ginawa niya. Marcus slowly caress the back of my hair, trying to calm me down.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang aking mga hikbi.
Hindi ko na alam kung ilang oras kaming nasa ganoong posisyon. Nanghihina akong kumawala ng medyo kumalma ako kahit paano.
Maingat akong inayos ni Marcus sa upuan at pagkatapos ay pinunasan ang mga luha ko. Mataman niya akong tinitigan saka ngumiti.
"Gusto mo bang kumanta ako? Mag basketball sa loob ng sasakyan para lang tumahan ka? Doon lang ako magaling e."
Pinagdiin ko ang labi ko. Gustohin ko mang ngumiti pero talong talo na ako ng lungkot at sakit ngayon.
Bumuntong hinga si Marcus at humilig sa kan'yang upuan para pantayan ang paningin ko.
"Alam mo bang totoong maganda 'yung boses mo? Bagay na bagay sa boses ko Mir... Try natin?" Nakangisi niyang pangungulit.
Pagod akong umiling at pinunasang muli ang mga luha. Damn it! Mas malala pa yata ang mga mata ko sa falls ngayon.
Wala akong ginawa kung hindi ang titigan siya habang tinititigan ako.
Hindi ko maintindihan kung paano pero ramdam kong unti-unti akong kumakalma kahit na magkaharap lang kami. Kahit na walang mga salitang pinag-uusapan.
Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang pagpawi ng mga ngisi niya kasabay ng pagkanta.
"Isn't it funny how times seems to slip away... so fast, one minute you're happy the other you're sad..."
Ramdam ko ang tila paglukob ng mainit na bagay sa puso ko kasabay ng paglakas ng tibok nito ng marinig ang boses niya.
Hindi natigil ang pagtitig niya sa akin habang nagpapatuloy sa ginagawa.
"But if you give me one more chance to show my love for you is true. I'll stand by your side your whole life through..."
Walang palya ang naging pagpunas ko sa aking mga mata para lang makita ang bawat segundo ng seryosong mukha ni Marcus.
"If life is short why won't you let me love you before we run out of time? If love is so strong why won't you take the chance before our time has gone? if life is so short. If life is so short..."
Hindi ko na napigilan ang pag angat ng labi ko ng marinig ang pagkulot ng boses niya sa dulo ng chorus. Natatawa naman niyang hinaplos ang lalamunan pagkatapos ay hinuli ang isang kamay ko.
"Pangit siguro kaya ka natatawa 'no?"
Umiling ako.
"Ano pala? Maganda?"
Umiling ako ulit.
"If life is short why won't you let me love you before we run out of time? If love is so strong why won't you take the chance before our time has gone? if life is so short. If life is so short..."
Pag uulit niya sa mas mataas at ganadong tono na naging dahilan ng paghinto ng mga luha ko.
Sumilay na ang mga ngiti ko lalo pa ng makitang feel na feel niya iyon. Hindi bagay!
"Oo na." Natatawa kong sabi.
Tumatawa niyang itinigil ang pagkanta.
Ang totoo ay hindi talaga gano'n kaganda ang boses ni Marcus kaya natatawa ako. But his effort just to make me happy... iyon yata ang talent niya.
Pinisil niya ang kamay ko pagkatapos ay ngumiti ng pagkatamis tamis.
I smiled back at him. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay naming magkahawak.
Wala sa sariling hinaplos ko ang mga 'yon at sinubukang tanggalin ang mga bakas ng dugo ni Tyrone pero pinigilan niya ako.
Umangat ang kamay niya sa aking baba at marahan iyong ipinilig para magtagpo ang aming mga mata.
Hindi na nawala ang ngiti niya kaya nahawa narin ako.
"'Yan... Mas bagay sa'yong masaya."
Tumango tango ako. Pinigilan kong mapapikit ng maramdaman ang pag galaw ng kan'yang mga daliri sa aking pisngi.
Napawi ang mga ngiti niya at ang mga mata ay nagsimula ng magseryoso. Bumilis ang kalampag ng puso ko dahil doon. Those orbs... Parang ang tagal kong hindi natitigan ang mga 'yon.
"Mirthene, alam kong wala ako sa posisyong sabihin sa'yo ang bagay na tungkol sa pagiging masaya dahil alam kong nasaktan rin kita noon... A-And I'm sorry..."
Sa paraan ng pagtitig niya ay parang gusto ko na namang maiyak.
"Sorry Mir..." Sinsero niyang pag-uulit.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa gilid ng aking pisngi.
"Wala na 'yon Marcus. Matagal na 'yon."
Pinagdiin niya ang labi niya pagkatapos ay tumango. Sandali kaming natahimik. I felt like our souls were talking. Iyong kahit na wala naman kaming pinag-uusapan ay nagkakaintindihan na kami.
"Right..." Huminga siya ng malalim at bago ibaba ang kamay ay hinawi niya ulit ang mga natirang luha sa pisngi ko.
"Hm, gusto mo pa bang marinig 'yung second verse?" Muli siyang napangisi sa sariling tanong.
Natatawa naman akong tumango. Tumuwid ng upo si Marcus at tumikhim pa ng ilang beses bago gawin ang gusto.
Nilamon ako ng malalim na pag-iisip habang pinagmamasdan at pinakikinggan siya.
Hindi ko maisip na sa kabila ng lungkot at sakit na pinagdaraanan niya ngayon ay nagagawa niya akong pasiyahin. Na kahit alam kong may sarili siyang problema ay inuna niya ako.
I wonder where his courage came from. Masyado siyang matatag sa buhay dahil nagagawa niya pang magpasaya ng ibang tao kahit na ang sarili ay lugmok na lugmok na sa dami ng pinagdaraanan.
I guess it's true that broken people are so tragically beautiful.
"Thank you, Marcus..." Emosyonal at buong puso kong sambit.
# CHAPTER 30
Chapter Thirty
The One That Got Away
"I'm so glad he fucked up. Inasahan ko na rin talaga 'yon." Parang nabunutan ng tinik sa dibdib na bulong sa akin ni Jen habang nasa burol kami ni Tita Helene.
Tipid akong ngumiti. It's been three day's since the cheating happened. Ang araw na ito rin ang huling lamay at simula ng makita ko si Bella at Tyrone ay lumiban muna ako sa trabaho.
Kahapon ay ibinalita na sa akin ni Lira na nag-resign na si Bella pero hanggang ngayon ay hindi parin ako handang pumasok. Siguro ay dadamayan ko muna si Marcus hanggang sa matapos ang pagluluksa niya kay Tita Helene.
"Nanggigigil parin talaga ako Mirtina." Pigil ang paghingang sambit ni Jen habang pinipisil ang kamay ko.
Tinawanan ko nalang siya. Gano'n na ang nakagawian ko sa ilang araw na napag-uusapan si Tyrone. Tinatawanan ko nalang lahat ng katangahan ko sa relasyong 'yon.
Ilang beses narin niyang sinubukan na kausapin ako at magpaliwanag pero dahil kay Daddy ay hindi na ito bumalik sa bahay kahapon.
Napapailing nalang ako habang nakatulala sa kinalalagyan ni Tita Helene.
Ilang araw ko ng tinatanong sa sarili ko kung saan humuhugot ng kapal ng mukha si Tyrone at Bella sa akin na parang wala silang ginagawang kababuyan sa likod ko? Saan nanggaling ang tigas ng mga mukha nila na umaktong parang inosente at anghel sa harapan ko?
Nandidiri ako sa tuwing naiisip kong ang mga labing buong puso kong hinahalikan ay hinahalikan din ng ibang babae. I just can't believe how good they are.
Ilang buwan na kaya nila akong niloloko? Siguro nga may pagkukulang ako kahit paano sa relasyon namin pero tangina naman.
Talaga bang kailangang maghanap ng iba dahil lang hindi ko kayang gawin ang gusto niya? Fuck reasons like he has needs and shit, dahil hindi iyon kailanman tamang rason para maghanap ng ibang mapapasukan ang kung anong kakatihan niya sa katawan.
"Anong iniisip mo?" Napapitlag ako ng maramdaman ang pag upo ni Marcus sa tabi ko.
Sa tagal ng pagkatulala ko ay hindi ko narin napansin na umalis na pala sa tabi ko si Jen para salubungin si Russel na kararating lang.
Ngumiti ako at umayos sa pagkakaupo.
"Wala naman. Mga bagay bagay lang."
"You mean, boyfriend mo?" Ibinigay niya sa akin ang isa sa mga kapeng hawak.
"Ex boyfriend." Sagot ko bago kunin iyon.
Tumango tango siya. Dahan dahan akong sumimsim sa mainit na kape at pagkatapos ay inilapag iyon sa aking gilid. Gano'n din ang ginawa ni Marcus.
"So iniisip mo nga?"
Agad akong umiling para tanggihan ang tanong niya kahit na alam kong wala naman akong maitatago. Kahit tumanggi kasi ako ay alam niya naman ang totoo.
"Huwag mo ng isipin 'yon sus!"
Natatawa niyang ginulo ang buhok ko kaya napanguso ako. Sinapak ko naman ang braso niya.
"Akala mo siya hindi iniisip si Blaire." Ganting pang-aasar ko kahit na hindi naman siya mukhang naapektuhan.
"Hindi ko na nga iniisip." Huminga siya ng malalim at ipinilig ang ulo para sulyapan ang kan'yang ina. "Mas mahirap yatang pakawalan si Mommy." Malungkot niyang sabi.
Pakiramdam ko'y dumoble ang bigat sa puso ko. Hinaplos ko ang kan'yang likod kaya napabaling siya ulit sa akin.
"She's finally happy Marcus. Kung si Blaire ay napakawalan mo para maging masaya siya at posibleng guminhawa sa iba, you should let go of Tita too... Sigurado akong wala na siyang sakit na nararamdaman ngayon. She's probably dancing with angels now. 'Di ba magaling mag tango si Tita?"
Sandali siyang napangiti at pagkatapos ay marahang tumango. Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa kan'yang balikat.
Pakiramdam ko'y sumigaw ang ilang parte ng pagkatao ko lalo pa ng maramdaman ang init no'n.
Wala sa sariling napalunok ako ng makita ang maingat niyang pagpantay ng kan'yang kamay sa kamay ko at ang dahan dahang pag pwesto ng mga daliri para ipag-isa ang aming mga palad.
He then glance at me.
"I have nothing left Mir. Lahat ng pinaghirapan ni Mommy wala na. Even the house..."
Pinagdiin ko ang labi ko bago pinakawalan ang bigat sa aking dibdib. I want to be there for him. Gusto kong bigyan siya ng lakas kahit na hindi ko alam kung paano. Kahit na wala akong magawa sa pag guho ng kan'yang mundo.
"You know you're always welcome to live with us Marcus. Kung gusto mo ipapahanda ko na 'yung kwartong tinutulugan mo noon?"
Ngumiti siya pero inilingan ang sinabi ko bago nagbaba ng tingin.
"I'm good. Kaya ko pa. Thank you Mir..."
"You're always welcome. Narito kami para sa'yo Marcus at hindi 'yon pampalubag lang ng loob. Ako... I'm still here at hindi kita iiwan."
Napaangat ang tingin niya dahil sa sinabi ko. I swallowed hard when his eyes looked at me with curiosity. Parang gusto ko tuloy kwestiyunin ang sinabi ko. Tama ba ang pagkakasabi ko no'n?
Hanggang sa mailibing si Tita Helene ay hindi ako nawala sa tabi ni Marcus at gano'n din siya sa akin. Dahil mas iniisip ko ang kalagayan niya ay hindi ko na naisip ang sariling problema at sakit na napagdaanan ko kay Tyrone.
Ginawa ko ang sinabi ni Marcus na huwag ng isipin ang mga manlolokong 'yon pero may mga oras talaga na hindi ko mapigilan ang lungkot. Sometimes I still cry myself to sleep because of it. Kahit ayaw ko.
"Uuwi na po kayo?!" Kumunot ang noo ko dahil tila gulat na gulat sa akin si Lira ng sabihin kong maaga akong uuwi ngayon.
It is Russel's birthday at napagdesisyunan ng kapatid ko na sa bahay nalang kami mag-celebrate kaya naman maaga akong uuwi.
"Oo. May pupuntahan pa kasi ako e." Lalagpasan ko na sana siya pero maagap niyang nahawakan ang kamay ko at agad na pinigil.
"Miss Mir! Mamaya nalang po kaya?"
"H-Ha? Bakit Lira? May kailangan ka pa ba sa akin?" Naguguluhan kong tanong.
Umiling siya at pagkatapos ay kumuha ng sapat na lakas ng loob para ipagpatuloy ang gustong sabihin.
"Si Sir Tyrone po kasi nasa labas at hinihintay kayo kaya..." Yumuko siya at binitiwan ang kamay ko.
Imbes na sundin ang gusto niya ay buong tapang akong lumabas. Hindi ko na alam kung ano pa ang pupwede niyang idagdag sa kasinungalingan niya pero sige. Sa ngayon ay gusto ko siyang pagbigyan. Gusto kong makita kung gaano siya magmumukhang tanga sa harapan ko.
"Mir..." Mabilis na tumayo si Tyrone ng makita ang paglabas ko ng lobby.
Nilagpasan ko lang siya pero sa laki ng hakbang niya ay mabilis niya akong napantayan.
"Mirthene please? Can we talk?"
Nagpatuloy ako sa paglakad na tila walang naririnig. Inabala ko ang aking sarili sa pagbati sa mga taong bumabati rin sa akin sa kabila ng pagkakailang nila sa parang asong ulol na habol ng habol sa likuran ko.
Sa paglabas ko ng tuluyan sa building ay doon na niya ako nagawang hawakan.
"Mir... Please?" Marahas kong hinawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Sa pagtitig ko sa kan'yang mukha ay parang agad na napuno ng galit ang buong pagkatao ko.
Tyrone is dead to me. Kahit na anong sabihin niya sa akin ngayong palusot ay wala na akong balak pang makipagbalikan.
Kahit na totoong lumuha pa siya ng dugo ay hinding hindi na ako magpapaloko sa kan'ya.
He had his chance yet he screwed it.
Kitang kita ko sa mukha niyang may mga bakas parin ng sapak ni Marcus ang sinserong pagmamakaawa pero hindi ko na makita ang sarili kong siya ang kasama.
Kahit ngayong naiisip kong magkalapit kami ay parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa para lang makawala sa presensiya niya.
"Mir, I'm sorry. Hindi ko gustong mawala ka sa'kin. Walang nangyari sa amin ni Bella maniwala ka. Mahal kita. Ikaw ang mahal ko Mirthene."
Umatras ako ng makita ang pag galaw niya at akmang paghawak sa akin.
"Mir? Please naman? Please? Gusto mo bang lumuhod pa ako para lang mapatawad mo? Babe-"
"Luhod." Matigas kong pagpuputol sa litanya niya habang matalas na nakatitig sa kan'yang mga mata.
Nakita ko ang paglunok ni Tyrone maging ang matinding pagkalito sa sinabi ko.
"Mir?"
"Luhod sabi." Walang emosyon kong pag-uulit.
"Ano?" Litong tanong niya.
Hindi na ako sumagot bagkus ay inayos ko ang pagkakatindig ko sa harapan niya.
Dahil sa pananahimik ko ay wala na siyang nagawa. Gusto kong lumuhod siya. Halikan ang mga paa ko habang nagmamakaawa pero ng makita ko ang pagsuri niya sa paligid at pagtingin sa posibleng makakakita sa nakakabawas pagkalalaki niyang gagawin ay naiinis na akong natawa.
I can't believe him! Damang dama ko ang galit sa bawat pagkalabog ng puso ko!
"Sinabi mong luluhod ka pero hindi mo magawa? Tyrone that's exactly what happened to our relationship! Lahat ng sinabi mo hindi mo napanindigan kaya tapos na tayo! Tapos na tapos na tayo sa relasyong sana hindi na sinimulan!"
Tinalikuran ko na siya kaagad pero hanggang sa makalapit ako sa aking sasakyan ay sinundan niya ako.
"Mir naman! Wala nga 'yon. Hindi ko nga gusto si Bella. Ikaw-"
Huminto ako sa paghakbang para harapin siya. Ang galit na nararamdaman ko sa kan'ya ay wala ng pagsidlan!
Buong lakas kong inangat ang kamay ko at agad iyong ipinadapo sa kan'yang matigas na mukha!
Nag-igting ang bagang niya dahil sa gulat at wala sa sariling nasapo 'yon.
"Damn you! Anong karapatan mong sabihin na parang choice mo si Bella habang may girlfriend ka?! Anong karapatan mong sabihin na ako ang mahal mo pagkatapos mo akong saktan? At anong karapatan mong magpakita pa sa akin ngayon sa kabila ng panloloko mo?!"
"Mir-"
"Don't you dare touch me!" Umatras ako palayo sa kan'ya.
Kitang kita ko ang pag awang ng bibig niya at ang pagbuo ng mga luha sa kan'yang mga mata.
He deserves an Oscar's award! Ngayon may gana pa siyang umiyak? May gana siyang umarteng parang nalugi gayong siya nga itong nagpakasasa sa ibang babae?
Pwes walang dating. Kahit mangisay siya ngayon sa harapan ko ay hinding hindi ko siya tutulungan.
Bumilis lalo ang pagwawala ng puso ko ng makita ang pagtulo ng mga luha niya. This asshole!
I bit my lower lip to prevent myself from crying. He doesn't even deserve a tear from me. Kahit ang mga luhang nagbabadya sa'kin ay dulot lang ng galit. Masyado siyang walang kwenta para iyakan ko ulit!
Hindi ko na kailangan pang sabihin na pumunta siya sa impyerno dahil ngayon palang ay alam kong doon talaga siya nanggaling!
Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko nang ibuka ang bibig ko para sa pinal na litanya.
"We are so done, Tyrone Jones! Consider me your one that got away dahil kahit ano pang gawin mo ay hinding hindi na kita babalikan!"
# CHAPTER 31
Chapter Thirty One
Pleading
"Talaga?!" Halos lumukso ang puso ko sa sobrang tuwa nang sabihin sa akin ni Marcus na natanggap siya sa trabahong gusto niyang simulan.
It's been a year since his world turned up side down. Isang taon na rin ang lumipas ng mawala sa kan'ya ang lahat. And yes, he may still not have everything but he's trying. Nakita ko kung gaano siya nagpupursigi para lang maiayos ang buhay niya ngayon sa kabila ng mapagkait na tadhana.
He nodded.
Natatawa niya akong niyakap at binuhat paangat sa kinatatayuan ko. Napatili ako at napakapit ng mahigpit sa kan'yang katawan ng maramdaman ang marahang pag ikot niya sa akin.
Halos habulin ko ang paghinga ko ng huminto siya at maingat akong ibinaba.
"And that's because of you. I finally got the job Mir!"
"Hindi! It's because you worked hard for it Marcus. Nandito lang ako para tulungan ka pero lahat ng ito, dahil sa'yo. You deserve this!" Excited ko paring hiyaw.
Hinapit niya lalo ang katawan ko palapit sa kan'ya. Umiling siya at muli akong nginitian ng pagkatamis tamis. Damn it! Bakit hindi ako matigil sa kakapuri sa lalaking 'to? I mean, tumigil nga ba?
Pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko ng pinagdikit niya ang aming mga noo. Napukol ang tingin ko sa mapupulang labi ni Marcus. Ang mabibigat niyang paghinga ang naging dahilan ng pagbilis ng kalabog ng puso ko.
Para na akong mababaliw lalo pa't ngayon ko lang naisip ang pwesto namin. Siya na nakayakap sa bewang ko. At ako na nakakunyapit naman sa kan'yang leeg.
Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang maigalaw ang mga kamay ko dahil para na akong estatwa na nakatingin lang sa dahan dahang pagseryoso ng kan'yang mukha.
Wala sa sariling napapikit na ako ng maramdaman ang marahang pagbaba ng kan'yang ulo. I bit my lower lip.
Ilang mura ang pinakawalan ng utak ko lalo pa ng maisip ang posibilidad ng mga mangyayari ngayon sa posisyon namin. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil kahit na hindi ko gustong maramdaman ulit ang ganito ay wala naman akong magawa para pigilan.
"Oh my fucking God!"
Ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko na tila binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang gulat na paghiyaw ni Mackenzie galing sa kung saan.
Nagmamadali akong bumitiw sa pagkakahawak kay Marcus kahit pa naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng mga kamay niya sa aking bewang.
Laglag ang panga ni Mackenzie ng harapin ko siya. Sinulyapan ko naman si Marcus na napapakamot nalang sa ulo. Shit! Shit! Shit!
Pinigilan kong sapuin ang dibdib ko kahit pa parang kumikirot na 'yon dahil sa matinding pagkalampag. What the fuck just happened?
Nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Mackenzie na tila nagulantang rin sa naabutang eksena.
Huminga ako ng malalim at nilunok ang lahat ng hiya, kaba at pagkalito sa utak ko.
"So! Tara kain na kaya tayo!" Nagmamadali kong sambit at walang ano ano'y iniwan na silang dalawa sa garden.
Daig ko pa ang sumali na marathon dahil sa nararamdaman ko nerbiyos ngayon. We... We almost kissed right?
Pumikit ako ng mariin ng tuluyan na akong makapasok sa loob ng bahay. Doon ko narin nagawang haplusin at pakalmahin ang dibdib ko.
Nakita kong sumaya si Marcus. Magmahal, masaktan, madurog at muling bumangon upang labanan ang hagupit ng buhay.
Last year was the lowest point of his life at masasabi ko ngayong kumpiyansa akong maibabalik niya rin sa lahat ang dati. Kahit na hindi man kasali doon si Tita Helene.
Nasubaybayan ko ang ilang buwan niyang pagluluksa sa pagkawala ng lahat sa kan'ya pero kahit na gano'n ay hindi rin siya nawala sa tabi ko. Hindi siya nagkulang sa pagdamay sa akin at pagpapaalala na hindi kawalan ang lalaking ipinaglaban ko. Ang lalaking nanakit at nanloko sa akin.
Na mahalaga ako at hindi gaya ng mga tanong ko sa utak. Iyong mga tanong na ano ang kulang sa akin? May tao pa bang magmamahal sa akin sa kung ano lang ang kaya kong ibigay? May makukuntento pa ba?
Si Marcus na nga yata ang naging lakas ko imbes na ako ang maging lakas niya.
"I'm glad to see you again Tita! At may good news ako ngayon..." Maingat kong inilapag ang bulaklak at mga kandilang dala namin ni Marcus sa pagbisita sa kan'yang Ina.
Ganito na ang naging routine namin sa tuwing sasapit ang Sabado. Pagsapit naman ng Linggo ay siya naman ang bumibisita sa bahay o di kaya naman ay lumalabas kami nila Jen.
Nilingon ko si Marcus na kakababa lamang ng sasakyan. Nakalimutan niya kasi ang lighter kaya binalikan pa niya. Ibinalik ko ang atensiyon kay Tita Helene ng makita ang paglalakad ni Marcus papunta sa gawi ko.
"May trabaho na si Marcus Tita, and I think your son is happy now. Alam kong sa bawat pagbuo niya ng buhay niya ay naroon kayo, helping him in every way possible." Ngumiti ako at hinawi ang mga tuyong bulaklak sa kan'yang lapida bago magpatuloy.
"You raised a tough man, Tita Helene. Manang mana sa'yo si Marcus at alam kong kahit nasaan man kayo ngayon ay proud na proud kayo sa anak ninyo... Hindi bale Tita, ipinapangako kong hindi ko iiwan si Marcus kahit na anong mangyari. 'Di ba nga po, bestfriend kami?" Natigil ako sa pagsasalita ng maramdaman ang pag-upo ni Marcus sa tabi ko.
Kinuha niya ang ilang kandilang nasa harapan at binuhay ang mga 'yon. Inayos niya rin ang bulaklak na dala namin.
"Hi Ma, do you like your flowers? Si Mir ang bumili niyan kaya alam kong magugustohan mo."
Ngumiti ako ng sulyapan niya ako. Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap sa ina habang ako naman ay nanatili lang sa pakikinig. We also prayed for her soul before leaving the cemetery.
"Sunduin kita bukas?" Tanong ni Marcus matapos ihinto ang sasakyan sa harapan ng aming bahay.
"Hindi na. 'Di ba first day mo? Baka ma late ka pa kasalanan ko pa!" Natatawa kong sagot sa kan'ya.
Tinanggal ko na ang seat belt ko pagkatapos ay lumabas na doon. Bumaba naman ang bintana sa pagsara ko ng pinto.
"Susunduin nalang kita bukas."
I nodded.
"Ikaw bahala." Ngumiti ako. " Good luck sa first day mo Mr. Warner!" Natatawa kong itinaas ang mga kamay ko sabay sabing, "Aja!"
Tumawa narin siya at umiling bago tumango tango.
"Good night Mirthene!"
Kumaway nalang ako sa kan'ya.
Hinintay kong mawala sa paningin ko ang kan'yang sasakyan bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Sa panibagong araw ay naging maayos naman si Marcus sa kan'yang bagong trabaho. Kahit na naging abala ay hindi parin niya ako nakalimutang sunduin. Gano'n rin ang nangyari sa mga sumunod na araw.
Kung minsan siya rin ang sumusundo sa akin para ihatid ako sa opisina.
Marcus:
Coffee tayo mamaya?
Agad akong nagtipa ng reply ng mabasa ko ang kan'yang message.
Ako:
Seryoso? Mamaya pag uwi? Hindi ba pwedeng dinner nalang?
Marcus:
Sige. Kahit anong gusto mo.
Pakiramdam ko'y kiniliti ang tiyan ko sa nabasa.
Ako:
Is it payday already?
Natawa ako ng magsend siya ng masungit na sticker emoji.
Marcus:
Not yet. Bakit? Kailangan bang payday bago mag kape?
Ako:
Sungit mo naman. Sige na nga.
Ibababa ko na sana ang cellphone ko para tapusin ang natirang gawain pero hindi ko nagawa ng mag reply siya ulit.
Marcus:
Hindi naman. Gusto lang talaga kitang makasama ng mas matagal mamaya.
Kinagat ko na ang pag ibabang labi ko ng mapangisi ako.
Ako:
Sus. Oo na sasamahan na kita.
Bago pa siya mag reply ulit at bago pa ako traydurin ng utak ko ay ibinalik ko na ang aking cellphone sa loob ng drawer.
I've never been with someone since my relationship with Ty ended. Sa nakalipas na taon ay hindi naman tumigil sa pagpaparamdam si Tyrone pero gaya ng huli kong sinabi. Tapos na kami. Tapos na ang lahat at siya ang tumapos no'n.
Habang nasa cafe kami kinahapunan ay ilang beses kong pinaalalahanan ang sarili kong huwag bigyan ng malisya ang bawat interaksiyon namin ni Marcus. I've been hurt before by all my assumptions at ayaw ko ng maulit pa iyon.
Tamad kong ibinaba ang cellphone ko sa aking gilid kaya naman napabaling sa akin si Marcus.
"Is it him again?"
Kinuha ko ang kapeng nasa aking harapan at sumimsim doon bago tumango tango. Kita ko ang pagrehistro ng inis sa mukha niya.
"Do you believe him?"
Umiling ako. "No."
Tumango siya bago nagpatuloy sa kinakaing chocolate cake. Matapos ang ilang subo ay nagsalita na siya ulit.
"She's about to give birth..."
Nagbaba ako ng tingin dahil doon. Bella is pregnant with Tyrone's child at wala narin naman akong pakialam kung anong merong buhay silang dalawa. Iniiwasan ko narin ang mga ganitong klase ng usapan pero kapag kasama ko si Marcus ay hindi ko talaga magawa.
"Good for them." Tipid kong sambit.
Tinapos niya ang huling parte ng kan'yang cake bago muling magsalita.
"And good for you too Mir. Anyway, Russel and Jen are inviting us. I mean, sa susunod na linggo para daw sa kanilang anniversary. You wanna go with me?"
"Saan naman?"
"They're talking about this private beach in Zambales. Sabi ko kung sasama ka, sasama rin ako."
Napahagikhik ako sa sinabi niya.
"At bakit nakadepende sa akin?" Mataray kong tanong kahit na ang totoo ay natatawa ako.
Marcus chuckled at my question. Humilig siya sa kan'yang upuan at pagkatapos ay tinitigan ako ng mataman. Maya maya pa ay umangat na ang gilid ng labi niya.
"I find it boring when you're not around. Isa pa, you deserve something like this. Masyado ka ng nabuburo sa opisina mo. And lastly, I don't wanna be a third wheel Mirthene. Dalawa lang 'yun. It's either I'll become their photographer or referee kapag nag away sila. I don't like that."
Nagkibit ako ng balikat at binalewala ang dilemma niya.
"Titignan ko. Kapag kaya ng schedule then why not."
Nawala ang ngisi niya at pati ang kaninang masayang mga mata ay napalitan ng pagseseryoso.
"Come on! Since when did you reject me?"
Parang may sumabog na bomba sa loob ng katawan ko partikular sa aking dibdib ng biglaan siyang humilig sa lamesa at titigan ako ng mas malapit.
Bumalik ang ngisi niya ng mapalunok ako. Damn it!
Nag-iwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa kape. Iinom na sana ulit ako doon pero maagap niyang hinawakan ang kamay ko.
Para akong lutang na napatitig nalang sa mga nangungusap niyang mata. Wala naring kapaguran ang paghuramentado ng puso ko.
Bakit ganito Marcus? Anong meron ka at nagagawa mong sirain ang lahat ng katinuan ko? Para na akong natuyuan ng lalamunan ng bumaba ang mga mata ko sa kan'yang mapupulang labi...
"Please? Come with me Mirthene..." He said in a low pleading voice.
# CHAPTER 32
Chapter Thirty Two
Great Guy
"Ililibre mo ako ng pagkain sa tatlong bathroom stop natin, Marcus!" Seryoso kong sabi matapos iayos ang sarili sa loob ng kan'yang sasakyan.
Mahaba haba ang biyahe namin ngayon papunta sa Zambales para damayan si Jen at Russel sa kanilang anniversary celebration.
Ang sabi ng mga ito ay agahan naming bumiyahe dahil baka abutin kami ng traffic kaya naman alas kwatro palang ng madaling araw ay nasa bahay na siya para sunduin ako.
"Copy that." Natatawa niyang sagot sa akin.
Kumaway ako kay Mommy at Daddy ng umatras na ang sasakyan niya palabas sa aming gate. Bumisina naman si Marcus para tuluyang magpaalam sa mga ito.
"I'm serious. Inaantok pa ako at siguradong uubusin ko 'yang pera mo mamaya sa pagkain." Mataray kong sabi na ikinatawa lang niya.
"'Yun lang?" Nanghahamon niyang tanong.
"Aba... Marami pa, humanda ka."
Inayos ko ang sarili ko sa upuan. Binuksan niya naman ang stereo sa mahina't nakakarelax na tugtog. Nang mapahikab ako ay sandali siyang may pilit inabot sa backseat.
"Sige na, matulog kana muna. Gigisingin nalang kita mamaya." Nakangiti niyang sabi.
Kinuha ko ang unan na nakuha niya sa likod.
"Tatlong stop Mr. Warner." Pag-uulit ko bago ipinikit ang aking mga mata.
Ilang sandali palang ako sa gano'n ay naramdaman ko na ang dahan dahan niyang paghinto ng sasakyan.
"Hmm?"
Tinanggal niya ang kan'yang seat belt bago lumapit sa akin. Pakiramdam ko'y kinapos ako ng paghinga at ang antok na nararamdaman ko kanina ay kusang inilipad sa malayo ng maamoy ko ang mabango niyang katawan.
Wala sa sariling napahigpit ang kapit ko sa malambot na unan. Maingat niyang ibinaba ng bahagya ang sandalan ng upuan ko at inayos ang aking seat belt.
Wala akong nagawa kung hindi ang panuorin siyang inaayos ako para sa mas komportableng pwesto. Matapos niyang ayusin ang aircon sa aking harapan ay natatawa niyang ipinasada ang isang kamay sa mata ko. Hinaplos niya 'yon dahilan para mapapikit ako sandali. Damn it! My heart is really melting right now...
"Matulog ka na." Sabi niya na agad ko namang sinunod para lang matakasan ang pagwawala ng dibdib ko.
Ang nakangiti at gwapong mukha ni Marcus ang huling naalala ko bago ako tuluyang makatulog. Kung minsan ay binubuksan ko ang mga mata ko para sulyapan siyang abala sa pagmamaneho pero sa huli ay nakatulog narin ako.
His car is so comfy. Parang siya ang kabuuan ng kotseng ito na patuloy akong hinihele para lang makatulog.
Nagising lang ako ng maramdaman ko ang marahang pagyugyog niya sa aking balikat.
Pupungas pungas naman akong gumising. Nang makita kong nakatitig siya sa akin ay tinabunan ko ang mukha ko ng unan.
Pasimple kong inayos ang sarili ko sa ilalim no'n! How long did I sleep? Sinulyapan ko ang labas, maliwanag na. Hindi, tirik na tirik na ang araw!
Ibinaba ko lang ang hawak kong unan ng marinig ang pagtikhim niya.
Nakatanggal na ang seat belt niya ng harapin ko.
"W-Where are we?" Naguguluhan kong tanong pagkatapos ay isinuklay ang aking mga daliri sa medyo nagulo kong buhok.
Kumunot ang noo ko at napatigil sa ginagawa ng imbes na sagutin ako ay nalito lang ako sa pag nguso niya.
"H-Ha?"
Ngumuso siya ulit na tinutukoy ang gilid ng mga labi ko. Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa buong katawan ng maisip na may laway akong natira sa gilid ng labi dahil sa mahimbing kong pagkakatulog kanina!
Natataranta kong pinunasan ang magkabilang gilid ng labi ko at pagkatapos ay nagkukumahog na ibinaba ang sun visor para titigan ang sarili sa salaming naroon.
Hindi ko pa man naibababa 'yon ay napapitlag na ako sa paghagalpak ng tawa ni Marcus.
"What?!" Inis kong hiyaw sa kan'ya ng makitang hindi na yata siya hihinto sa pagtawa.
Iritado kong sinapak ang braso niya.
"You dick head!" Singhal ko ng maisip na pinagti-tripan niya lang ako.
Sa pangalawang pagsapak ko ay hinuli na niya ang kamay ko.
"I'm just kidding Mirthene! Masyado kang guilty!"
"I am not!" Hinawi ko ang kamay kong hawak niya at inirapan siya ng matindi.
Hanggang sa makarating kami sa beach ay walang ginawa si Marcus kung hindi ang asarin ako.
Excited kong niyakap si Jen ng salubungin nila kami ni Russel sa reception area ng resort.
"I'm so glad you came!"
"Oo naman!" Natatawa kong sabi pabalik sa kan'ya.
Nang matapos ang yakapan namin ay si Marcus naman ang niyakap niya.
"You should thank me for that." Aniyang tinutukoy ang pagsama ko ngayong araw.
Natatawa namang nag thank you ang baliw naming kaibigan sa kan'ya.
Dumiretso kami sa resto na malapit sa pool para mananghalian. Pagkatapos naman no'n ay nagyaya si Jen na puntahan ang pinakasikat na maliit na islang malapit lamang sa beach resort na kinaroroonan namin.
May iilan kaming nakasabay sa malaking bangka na gaya rin naming mga turista sa lugar.
"Sayang 'no? Sana kasama natin sila Leonne ngayon." Ani Jen habang inaalalayan ni Russel pababa sa bangka.
"Hindi na ba uuwi?" Tanong ko naman bago sulyapan si Marcus na tahimik sa gilid ko.
Nagkibit siya ng balikat.Pinantayan ako ni Jen ng tuluyan siyang makababa doon.
"I don't know. Mag aasawa na yata ang isang 'yon. Well, good for him!"
Natawa ako sa tono niyang parang hindi makapaniwala na mauunang mag-asawa ang noo'y crush at playboy naming kaibigan.
"Talaga? Sila parin ba ni Harriete?" Parang nasusorpresa ko ring tanong.
"Yup! Stronger than ever!" Humahagikhik niyang sagot.
"Change has come." Dagdag naman ni Russel kaya natawa narin kami ni Marcus.
Hindi natigil ang mga usapan namin tungkol sa mga nakaraan kahit na nasa banana boat na kami. Maging ng matapos ang pag snorkeling sa mga magagandang corals sa malapit ay ang mga kaibigan parin ang naging laman ng usapan namin.
Inilapag ni Russel ang dalawang fruit shake para sa amin ni Jen samantalang ang sakanila naman ni Marcus ay beer.
"Si Harren? Kumusta na?" Lumulukso ang puso ko sa tuwa ng maisip ang isang 'yon.
Parang ang huli pa naming pag-uusap ay noong namatay si Tita Helene. Isang mabilis na usapan pa iyon at simula no'n ay wala na akong balita.
I deleted my old social media accounts. Maging ang number kong alam nila ay wala narin dahil pinalitan ko matapos akong hindi tantanan ni Tyrone. Pero kahit naman nagpalit ako ng number ay hindi parin siya tumigil.
Napawi ang mga ngiti ko ng makita ang makahulugang titig sa akin ni Jen patungo kay Marcus.
Nalilitong sumunod ang mga mata ko sa huli na napainom sa hawak.
"H-He's good!" Napailing ako ng marinig ang pagsegunda ng plastic na tawa ni Jen.
Inangat niya ang nasa harapang inumin at uminom doon.
"Hindi pa ba magpapakasal 'yon?" Natatawa kong tanong na halos ikasamid ng kaibigan ko.
"Babe, easy..." Si Russel.
Nakakunot noo kong sinulyapan si Marcus para makakuha ng sagot pero sa seryoso niyang aura na hindi man lang ako nagawang tignan ay hindi na ako nagpumilit.
"Mir, ligo tayo!"
Nagmamadali akong hinila ni Jen palayo sa dalawang lalaking nasa maliit na kubo.
"B-Bakit? Akala ko ba sabi mo masyado pang mainit para maligo Jennifer?" Sambit ko nang marating namin ang ilang mga puno ng niyog malapit sa dagat.
Umupo siya sa buhangin kaya sinundan ko siya doon. Kumunot ang noo ko ng titigan niya lang ako imbes na sagutin ang aking tanong.
"Hindi mo pa nga alam."
"Huh?"
Sandali niyang sinulyapan ang pinanggalingan namin.
"Si Hermes... H-He's with Blaire." May pag iingat niyang bulalas.
Nalaglag ang panga ko sa narinig.
"What do you mean by that? Magkarelasyon sila?"
Napailing si Jen bago magkibit ng balikat.
"Well not really but I think they will be in a relationship eventually. You know that girl Hermes used to adore so much back in college? Hindi ba si Blaire 'yon?"
Napalunok ako at kahit na ramdam ko ang bugso ng mga katanungan sa utak ko ay wala akong naitanong kahit na isa!
Oo nga at naging malapit rin naman kami ni Hermes pero...
"Blaire moved to Australia right after the seven days. Sinabi 'yon ni Leonne sa'kin. Tapos nalaman ko naman kay Hermes na nasa iisang kompanya lang sila."
"Teka, alam ba ni Marcus lahat ng 'to?"
She nodded slowly at my question.
"Yeah. 'Yang bestfriend mo pa nga ang humiling na bantayan si Blaire e."
Wala sa sariling napasulyap narin ako sa kinaroroonan ng dalawang lalaki. Sa pagbalik namin ni Jen doon ay kating kati na akong mapag-isa kami ni Marcus para lang klaruhin ang lahat sa kan'ya. Hindi naman sa dapat alam ko ang lahat pero gusto ko rin namang malaman lalo pa't kaibigan ko rin si Hermes.
Nang bumaba na ang araw ay niyaya ko si Marcus na maglakad lakad bago kami bumalik sa resort.
"Is it true?" Panimula ko.
"Hm?"
"That you asked Hermes to look after Blaire?"
Inilagay ni Marcus ang kan'yang mga kamay sa bulsa bago tumango tango.
"Paano kung..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ng maramdaman ko ang pagbagal ng mga hakbang niya.
"Then good. Hermes is a great guy Mir."
"I know that. Ang gusto kong malaman e kung handa kang makita ang bestfriend mong kasama ang ex mo? Kaya mo bang maimagine na masaya silang dalawa? Or ikakasal sila balang araw? Paano kung kunin ka pang bestman? "
Marcus chuckled. Kinunutan ko naman siya ng noo dahil ang kaseryosohan ko ay ginagawa niyang biro.
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.
"Kung magiging masaya silang dalawa bakit hindi? I only want happiness for the people I treasure the most, Mir."
Humugot siya ng malalim na paghinga pagkatapos ay mas hinapit ako kaya naman napasiksik ako sa kan'yang mabangong katawan.
Gusto ko pa sanang tumanggi at makipagtalo sa kan'ya pero sumuko na ang utak kong wala na namang ginawa kung hindi ang sulsulan ang tibok ng puso ko.
Nang makita ko ang pagbaba ng araw ay ikinawit ko na ang aking kaliwang kamay sa kan'yang bewang. Siya naman ay huminto para yakapin ako pabalik.
Damn... This is so comfortable.
Parang ang katawan niya ay saktong sakto lang sa akin. Sakto lang na yakapin ako ng ganito... Inihilig ko ang ulo sa malapad na dibdib ni Marcus habang nakatanaw sa namamaalam na haring araw.
Parang gusto ko nalang mapapikit ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa hinahangin kong buhok pababa sa aking leeg.
I feel my heart stopped beating when I felt his lips buried a kiss on my temple. Napakapit ako sa bewang niya dahil doon.
"I'm sorry Mir..." He murmured.
# CHAPTER 33
Chapter Thirty Three
Wedding
Ilang araw kong inisip kung ano ang posibleng ibig sabihin ni Marcus noong nakadungaw kaming dalawa sa sunset. I should've ask him why he's being sorry but his hug was so comfortable that I can't even ruin the moment.
Sa pagbalik namin ay hindi narin namin iyon napag-usapan. Natatakot rin akong magtanong dahil ayaw kong mabahiran ang kung anong relasyon na meron kami ngayon.
Ilang buwan ang lumipas ay nakita ko kung paano muling nakabangon si Marcus. Dahil siya lang ang naiwan ni Tita Helene ay siya rin ngayon ang nagbabayad ng mga utang na naiwan nito. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon pero naniniwala naman akong kaya niya.
Tahimik akong naupo sa harapang upuan ng lamesa ni Marcus.
Pagkatapos ng trabaho ay dumaan ako sa kan'yang apartment para dalhan siya ng pagkain.
"Busy parin?" Malumanay ang boses kong tanong na ayaw siyang maistorbo kahit kaunti.
Itinigil niya ang ginagawa. He even closed his laptop just to answer me.
"Hindi pa. Uuwi ka na ba?"
Tumayo na siya kaya naman sumunod narin ako.
"Oo. Nakahain na 'yung pagkain. Kumain ka muna bago ka matulog." Sabi ko habang sinusundan siya palabas ng kan'yang maliit na opisina.
Nang mapunta kami sa dining area ay saka niya lang ako sinagot.
"Kumain ka na?"
Tumango tango naman ako.
"Kanina pa sa office. Kasama ko si Lira."
Lumapit ako sa lamesa at umupo sa nasa harapan niyang silya.
"May mga prutas din akong dala." Inginuso ko ang mga prutas sa kitchen counter.
Pinagdiin niya ang labi bago lumapit sa harapan ko. Dahil doon ay napatayo ako.
"Kain muna tayo? Wala kasi akong gana pero pipilitin kong kumain kung sasabayan mo ako."
Dumiin ang kuko ng aking hinlalaki sa gitna ng aking hintuturo. Hilaw akong tumawa para pagtakpan ang muling pag-aalburuto ng puso ko.
"Kumain na nga ako."
Imbes na ihatid na ako palabas ay nakakunot noo siyang naghalukipkip sa harapan ko.
"Mamamatay ako sa gutom..."
Kumawala ang tawa ko lalo pa ng makita ang trying hard niyang mukha na pilit pinalulungkot.
Natatawa kong inangat ang kamay ko patungo sa kan'yang mukha para mawala ang pagbusangot no'n.
"Mamamatay naman ako kaagad kapag tumaba ako!"
Siya naman ang natawa at ginulo ang buhok ko. Kinagat ko ang labi ko ng marahan niyang pisilin ang mukha ko.
"Mataba? Asan dito ang taba Mirthene?" Sa isang galaw lang ay nailayo niya ang upuan na nakadikit sa lamesa.
"Upo na."
Isang beses niya pang pinisil ang pisngi ko bago bahagyang lumayo para bigyan ako ng daan sa upuang inilatag niya para sa'kin.
Humahagikhik akong umirap sa kan'ya. How can I resist him? Tama nga siya, kahit kailan talaga ay hindi ko siya kayang tanggihan!
Habang kumakain kami ay nagpatuloy siya sa pagkukwento habang ako naman ay inililipad sa kung saan ang utak.
Iniisip ko kung may kinalaman ba si Tita Helene sa mga nangyayari ngayon? Siya ang naging dahilan ng pag-aayos namin ni Marcus at pagbalik sa ganito.
Siya rin ba ang kupido namin ngayon? Pero bakit parang mas matindi ang epekto ng pana niya sa akin? Bakit parang mas doble ang lahat na pakiramdam?
Sa paglipas ng mga buwan ay nagawa ko ng makausap si Hermes. Kahit na mahabang panahon kaming hindi nakapag-usap ay hindi naman gano'n kahirap balikan ang nahinto naming pagkakaibigan.
Ikinuwento niya sa akin kung gaano siya kasaya ngayon sa buhay niya sa Australia lalo pa't naroon ang kabuuan ng kan'yang angkan.
I shared everything that went through my life. Lalo na ang pag-aayos namin ni Marcus at ang pakikipag-relasyon ko kay Tyrone.
"I'm so happy to hear that you and Marcus are still friends. Pero mas masaya yata akong naghiwalay kayo ni Tyrone." Masayang sabi ni Hermes sa kabilang linya.
Natatawa akong tumango tango. Inayos ko ang laptop para makita siya ng maayos sa kabilang dako ng mundo.
"Pati ba naman ikaw ayaw do'n?"
"Hell yeah! You know Angela? 'Yung tahimik at matalinong classmate natin noong first year college? Tyrone dumped her after he got what he wants. People said he got her pregnant kaya nawala sa Campbell."
Napabuntong hinga ako sa narinig. Hindi naman ako magsisisi kung sakaling naibigay ko kay Tyrone 'yon dahil mahal ko siya pero ngayong parang iyon lang pala talaga ang habol niya sa mga babae, nakakagago.
Ilang anak pa niya ang hindi ko alam?
"Yeah I remember her. Anyway, I miss you Hermes. Kayo ni Leonne! Kailan ka ba uuwi? Do you have plans?"
"Hm, wala pa sa ngayon pero malay mo. I missed you too Mir! I promise I'll call you kapag nagkaplano. Medyo busy kasi ngayon sa kompanya."
Napangisi ako sa naisip.
"Busy sa trabaho o kay Blaire?"
Nakita ko ang agarang pag iling ni Hermes at ang pamumutawi ng kakaibang tuwa sa kan'yang mukha.
Nagpatuloy ang magiliw naming pag-uusap.
Nang sumapit ang pangatlong taon ni Tita Helene sa langit ay sumabay naman ang isang magandang balita.
Marcus just got his promotion. Halos maluha ako sa tuwa ng sabihin niya iyon sa harapan namin ni Tita Helene.
"I'm so proud of you Marcus!" Umaapaw ang tuwang sambit ko habang yakap yakap siya.
"Thank you Mirthene."
We ended up having dinner.
Dahil araw niya ito ngayon, siya rin ang nanlibre sa akin.
Sa sumunod na mga buwan ay parang nadagdagan pa ang mga kaganapan namin sa buhay ng mag propose si Conrad sa kapatid ko.
Siniko ako ni Jen ng makita ang paghahalikan ng dalawa sa harapan ng buo naming pamilya.
Pinandilatan ko lang siya ng mata ng makita ang ngisi niya habang nakatuon ang mukha kay Marcus na nakatingin sa akin pabalik.
Imbes na intindihin ang pag-aasar niya ay nilapitan ko nalang ang kapatid ko para batiin.
"Congratulations Ken!" Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you Ate! Sorry kung mauuna na ako ha! Hindi na makapaghintay si Conrad e." Humahagikhik niyang bulong sa akin.
"Mauuna ka talaga dahil wala pa naman akong boyfriend!" Reklamo ko matapos kumawala sa kan'ya.
Pinagtaasan niya ako ng kilay at pagkatapos ay may sinulyapan sa likod ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil alam kong si Marcus iyon.
Dumalo na sa amin sila Mommy kaya hindi ko na siya nasita sa pagbibigay kulay sa relasyon namin ni Marcus.
"Take good care of my sister Conrad." Emosyonal kong hiling kay Conrad ng siya naman ang yakapin ko.
"Of course Ate Mir. I will always take good care of Mackenzie... Mahal na mahal ko 'yan Ate."
I smiled at him.
"Well, good luck at ngayon palang ay hinihiling kong maging masaya kayong dalawa." Tinapik ko ang braso niya.
Sa panibagong taon ay ikinasal na ang kapatid ko.
Isang masayang tawanan ang narinig ko habang pinakikinggan ng karamihan ang kapatid ni Conrad na nagsasalita sa harapan.
"Sabi nila, a happy wife is a happy life kaya Conrad! My Brother, kapag pinaiyak mo si Mackenzie ay iiyak ka rin. Kapag malungkot siya ay malulungkot ka rin. You guys are officially just as one and I wish you all the happiness in life. And of course, more babies to come!"
Nagpalakpakan ang lahat ng halikan ni Conrad ang kapatid ko. Kahit na magkaiba kami ng lamesa ni Marcus ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. itinaas ko ang basong may lamang champagne ng tumagal ang titig niya.
Itinaas niya rin ang kan'ya bago imuwestra ang tila pagdidikit ng mga 'yon.
Matapos ang iilan pang pagsasalita ay dumako na ang kasiyahan sa paghagis ng bride sa kan'yang bouquet.
Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko ang kalabog ng puso ko habang si Ken ay masayang inaayos ang bulaklak na ihahagis.
Ang totoo, ayaw ko naman talagang masalo 'yon dahil sa gusto ko ng ikasal. Kung hindi dahil paborito ko ang tulips at iyon ang naging motibasyon ko para magpursiging makuha.
"Saluhin mo, akong bahala sa'yo." Bulong ni Jen na nag stretching pa.
Natatawa ko siyang inilingan.
"Okay, ready?"
Nagsitanguan ang lahat lalo pa ng magsimula ng magbilang ang host ng party.
Sa paghagis no'n sa ere ay para na akong mahihimatay sa kaba!
Mackenzie purposely throw it on my direction. Inilahad ko ang mga kamay ko para hintayin iyong mahulog sa akin pero bago pa mangyari ay inagaw na 'yon ng babaeng kaibigan ni Mackenzie.
"Yes!" Malakas niyang hiyaw na tumalon talon pa dahil sa sobrang tuwa.
Nagpalakpakan ang lahat ng bisita maging ang bride and groom sa resulta ng nangyari. Laglag naman ang balikat kong binalingan ang kapatid ko. Nang makita ko ang inis kay Jen ay hinila ko nalang siya paalis sa nakararami.
"Oh God! Sumasakit ang ulo ko!" Eksaherada niyang bulong sa akin habang naglalakad pabalik sa pwesto namin.
Pinilit kong ngumiti kahit na para akong inagawan ngayon ng isang masarap na pagkain.
"Hayaan mo na. Baka kailangan ko munang maghanap ng boyfriend bago ako ikasal." Matabang kong sabi.
"Sus! Boyfriend lang pala Mir!"
Pagkatapos niyang maupo ay itinuro niya si Marcus. Natataranta ko namang ibinaba ang kamay niya.
"Jen!"
Pero huli na. Hindi na natanggal ang tingin sa amin ni Marcus na nasa isang lamesa lang kasama ang ilang mga lalaki.
Tumaas ang dalawang kilay niya kasabay ng pagtaas rin ng kan'yang hinlalaki na tila tinatanong kung okay lang ba ako.
I nodded. Ngumiti nalang din ako at pagkatapos ay inginuso na ang nasa harapang host ng tawagin naman nito ang mga sasali para sa pagsalo ng wedding garter.
Tamad siyang tumango at tumalima sa pagyayaya ng lalaking katabi. Bago pa siyang tuluyang makalapit sa gitna ay sinulyapan niya ulit ako kaya naman para na namang naipit na kambing si Jen dahil sa mga pigil na pagtili.
"Damn you too! Get married already-"
"Jen!" Para na akong mababaliw sa hiya!
Agad ko siyang niyakap para lang tumigil siya sa kan'yang kahibangan.
Nagpapasalamat nalang talaga ako dahil kasabay ng hiyaw niya ang paglakas ng tugtog sa kabuuan ng magarbong venue.
Tumayo ulit ako para panuorin ang mangyayaring saluhan. Nag speech pa si Conrad bago ipakita ang garter sa mga lalaking nasa kan'yang harapan.
Parang nasalat ang energy ko ng makita ang antisipasyon sa mukha ni Marcus dahil sa gagawing pag agaw ng garter.
Is it bad to wish that he can't catch it? Hindi naman sa ayaw kong mapagbigyan ang gusto niya kung hindi dahil hindi naman ako ang susuotan niya no'n!
Ugh! Stop it Mirthene! He's not yours!
Kahit na wala akong dapat ikangiti ay ginagawa ko nalang para sa event.
I hate it. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng inis na hindi naman dapat!
Sa pangalawang pagkakataon ay muling nalaglag ang balikat ko ng makitang sa direksiyon ni Marcus mahuhulog ang garter.
Natatawang umiling si Marcus at imbes na saluhin ang bagay na mahuhulog sa kan'yang harapan ay natatawa niyang itinaas ang magkabilang kamay kaya naman nakuha iyon ng kapatid ni Conrad.
Sa lakas ng sigawan at tawanan ay para akong lumutang sa alapaap lalo pa ng makita ko ang paglinga ni Marcus at paghinto ng tuluyan akong mahagip.
He smiled at me.
Wala naman akong maisagot dahil nagpapatuloy lang ang mabagal na paggalaw ng mga tao sa paligid namin. Na ang lahat ay unti-unti nalang lumalabo at tanging ang kabuuan niya lang ang malinaw sa akin.
Halos mapamura na ako sa sobrang pagkalampag ng puso ko dahil sa gulat ng hindi ko namamalayang nakalapit na pala siya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang isang tangkay ng tulips na inilahad sa harapan ko.
"Wala akong balak saluhin 'yon dahil hindi naman ikaw ang nakasalo ng bulaklak. I know how you love tulips kaya..." Lumakad ang mga mata ko ng kunin niya ang kamay ko para ilagay doon ang tulips na kinuha niya sa kung saan.
Nang mailagay niya 'yon ay umangat ang tingin ko sa kan'yang sinserong mga mata.
Pinigilan kong haplusin ang gwapong mukha ni Marcus na nakabalandra't nakangiti sa harapan ko.
Is this real? Hindi ba ako nag-iimagine lang? Hinawi niya ang buhok na kumawala sa pisngi ko.
"Huwag ka ng malungkot... I'll buy your own bouquet of tulips Mirthene... Kahit ilan kaya hindi mo kailangang makipag-agawan sa kanila."
# CHAPTER 34
Chapter Thirty Four
Borrowed Time
"Hindi parin talaga? Hindi pa ba dating 'yan Mir? Look how he treats you! Para kang isang prinsesa sa kan'ya. Para ngang ikaw ang unang naging girlfriend ni Marcus e!" Pang-iintriga ni Jen sa akin isang araw.
Hindi ko siya pinansin. Nanatili ang mata ko sa aking laptop. Sa background na may mukha naming dalawa ni Marcus.
Nang makita ko ang pagtayo ni Jen at akmang paglapit sa akin at madali ko iyong isinara.
"Hindi nga. Isa pa, kung oo sasabihin ko naman sa'yo. He's been like that since the very beginning Jen. Huwag mo ng bigyan ng kulay-"
"Bakit? Umaasa ka rin 'di ba? Kasi alam kong hanggang ngayon si Marcus parin naman talaga. You still love him do you?"
Napalunok ako sa tanong ni Jen sa akin. Alam kong kahit na sabihin kong hindi ay hindi naman siya maniniwala.
"K-Kung oo... Masama ba 'yon?"
"Hell no! Mas maganda nga 'yon lalo na ngayong matagal narin si Hermes at Blaire! Marcus deserves a happy ending too! Meaning ikaw, Mirthene! Alam kong noon pa ay kayo na talaga ang nakatadhana. I just hate the fact that life ruined all of it! Hindi ko inasahan si Blaire at mas lalong hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ay pareho parin kayong single at naghihintayan!"
"Anong gagawin ko Jen? I can't tell him that I love him-"
"Hep hep! Enough of that crap! I'm sure he knows what you really feel for him!"
Napailing ako sa napagtanto.
Hindi ba mas nakakatakot ang gano'n? Iyong alam naman na ni Marcus na mahal ko siya pero wala parin siyang ginagawang hakbang? Paano kung kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin at masira kami ulit dahil sa kahibangan ko?
"That's the reason Jen. Kung alam na niya, bakit kailangang ako ulit ang magsabi?"
Sandaling natigil sa pagsasalita ang kaibigan ko at tila nilamon nalang ng malalim na pag-iisip.
Imbes na hintayin pa ang sasabihin niya ay muli ko nalang itinuon ang atensiyon sa trabahong ginagawa ko.
Days went so fast.
Isang araw ay ibinalita nalang sa akin ni Hermes ang balak niyang marriage proposal kay Blaire.
"Alam na ba ni Marcus? I mean hindi naman sa nangingialam ako o ano..."
"Of course Mir. Siya ang unang taong pinagsabihan ko no'n. I respect Marcus so much at masyadong malawak ang pang-unawa ko sa nakaraan. I totally understand everything that happened between the two of them and I am grateful that Marcus is still my friend. Kahit na pakakasalan ko na si Blaire... I have his permission, Mir. Noon ko pa hiningi 'yon kahit na hindi niya hilingin. He's my bestfriend and he means so much to me."
I nodded.
"Well, congratulations Hermes. I'm glad that you are happy with Blaire. Totoong masaya ako para sa inyong dalawa." Buong puso kong sambit.
"Thank you Mir. So paano? I'll just send you the wedding invitation?"
Napangiti ako doon.
"Put me on the VIP list kung meron!"
Natatawang tumango tango si Hermes.
Ilang linggo pa ang lumipas bago ako nagkalakas ng loob na maitanong kay Marcus ang tungkol sa napag-usapan namin ni Hermes.
I just wanted to know how he feels about his bestfriend marrying the love of his life.
"Just like what I have said, masaya ako para sa kanila Mir. At kung kukunin man akong best man ni Hermes, maa-appreciate ko pa."
"Really?" Hindi sigurado kong tanong sa kan'ya.
Tumango tago siya bilang pagsegunda sa unang sinabi.
"You don't believe me?"
"No. I'm just making sure."
Marcus chuckled like what he used to do. Iyong tuwing napag-uusapan ang bagay na seryoso ay parang ginagawa niya lang biro para gumaan ang usapan.
"I am serious Mirthene. Now, can I eat my steak first before you ask me God knows what about their wedding?" Nakangisi niyang tanong.
Napanguso nalang ako.
"Alright. Mabulunan ka sana kung nagsisinungaling ka."
Kahit na halos pabulong nalang ang pagkakasabi ko no'n ay narinig parin ng damuho!
Humalakhak siya at binitiwan ang mga hawak na kubyertos bago tumayo at ilahad ang kamay sa harapan ko.
Pakiramdam ko'y matutunaw na ako ngayon lalo pa't ramdam ko ang marahas na pagtibok ng puso sa aking dibdib.
"Ano?"
"I lost my appetite."
"A-Agad agad?" Naghalukipkip ako imbes na tanggapin ang kamay niya.
Nagbago ang tugtog sa garden restaurant kung nasaan kami kaya mas lalo niyang pinag-igi ang kamay na nasa harapan ko.
"Oo, ang kulit mo e."
Itinaas ko ang isang kilay ko.
"Anong gagawin ko ngayon?"
Ang lahat ng pagtataray ko ay awtomatikong napawi ng makita ang paglunok niya at pagseryoso.
"I owe you this one Mir... I missed that last ball with you. So... please? Pwede bang pabawiin mo ako?"
Para akong nahipnotismo sa paraan ng pagtitig sa akin ni Marcus at wala sa sariling tinanggap ang kamay niya. He smiled once again bago lagay ang kan'yang mga kamay sa aking bewang.
Habang sinusundan ang maingat niyang paggalaw sa tugtuging namumutawi sa kabuuan ng garden restaurant ay hindi ko mapigilan ang humiling na sana ay huwag ng matapos ang ganito.
Na kung hiram lang ang oras na kasama ko siya ngayon ay sana huminto nalang ang pag-inog ng mundo.
I've never imagine myself hoping again for us but here I am... Mas matindi sa kung anong naramdaman ko ngayon ang nararamdaman ko para sa kan'ya. At nakakatakot. Hindi nawawala ang takot ko pero ipupusta ko ang lahat para lang sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.
Dahan-dahan kong ipinadausdos ang kamay ko patungo sa dibdib ni Marcus. Dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya at kung hahawakan ko rin ang akin ay gano'n din 'yon.
Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko ng hulihin ni Marcus ang kamay kong nasa kan'yang dibdib at maingat iyong inangat patungo sa kan'yang labi habang nakatitig sa aking mga mata.
Napangiti ako ng ulitin niya ang paghalik do'n ng dalawa pang beses pagkatapos ay muling ibinalik ang kamay ko sa kan'yang leeg.
Gusto ko ng mapayuko dahil alam kong pulang pula na ang pisngi ko at kitang kita iyon ni Marcus ngayon pero ayaw ko rin namang mawala siya kahit isang segundo sa paningin ko.
Lumamlam ang mga mata niya habang unti-unting bumababa patungo sa aking labi. I swallowed hard at that.
Muli na naman kasing nagsusumigaw ang puso't isip ko.
"Have I told you how beautiful you are Mir?" Aniyang matamang nakatitig sa akin.
Pakiramdam ko'y pati ang buong katawan ko na ang umaapoy ngayon dahil sa kaseryosohan ni Marcus. Ni kahit kaunting tuwa o pagbibiro sa mga mata niya ay hindi ko nakita.
"No."
Doon lang siya tila natawa pero agad din namang bumalik sa pagkaseryoso.
"I'm such a dick then. Damn..."
Napahagikhik ako lalo pa't nakita ko ang inis niya sa sarili.
"Hindi rin naman kaila-"
"You are... so... damn... beautiful Mirthene..." Klaro at dahan-dahan niyang pagpuputol sa sasabihin ko.
Naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko dahil sa narinig. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kay Marcus.
Kung mag te-thank you ba ako sa kan'ya o ibabalik sa kan'ya ang sinabi.
Ano nga bang dapat gawin o sabihin kapag sinabihan kang maganda ng lalaking noon ay hindi naman iyon nakita?
"T-Thank you..." I blurted.
Iginalaw ko ang mga kamay ko papunta sa mukha ni Marcus. I let my hand felt his light stubble.
"Ang gwapo mo rin..." I confessed.
Parang mas lalong naghuramentado ang puso ko ng makita ang pag ngisi niya.
"I know. Sinabi mo na noon 'di ba?" Pilyo niyang sambit.
Parang gusto ko nalang tapusin ang pagsasayaw ng maalala kong iyon ang una kong nasabi sa kan'ya sa unang Lunes nang simulan ko siyang pangarapin.
"I can't remember." Pagsisinungaling ko.
Mas lalong lumawak ang ngisi ni Marcus kaya tinanggal ko na ang mga kamay ko sa kan'yang leeg.
"Kain na tayo. Nagutom ako bigla!"
Akmang aalis na ako sa harapan niya pero ni hindi ko magawang umatras kahit kaunti dahil sa paghigpit ng mga kamay niya sa aking bewang.
"You're lying Mirthene... Alam kong gwapo ako dahil sinabi mo na noon."
Bahagya kong kinagat ang labi ko. My heart is pounding so loud in my chest! Nakakabaliw na ang pagwawala ng puso ko!
"Hindi ko na talaga maalala."
"Really?"
Napalapat ang mga kamay ko sa magkabilang dibdib ni Marcus ng maramdaman ko ang paglakad ng isa niyang kamay sa aking likuran.
Pakiramdam ko'y habang umaangat 'yon ay pabilis naman ng pabilis ang kuryenteng patuloy na dumadaloy sa sistema ko.
"So hindi ako gwapo, huh?"
Pinigilan kong mapapikit ng maramdaman ang palad niyang nasa aking leeg na.
"G-Gwapo..." Nauutal kong sambit bago tuluyang kumawala sa kan'ya.
Nagmamadali akong bumalik sa lamesa at agarang napainom ng tubig dahil sa nangyari!
Nanatili namang nakatingin sa akin si Marcus habang naiwan sa kinatatayuan namin kanina.
Ibinulsa niya ang kan'yang magkabilang kamay bago ako lapitan. Hindi nawala ang nakakalokong ngisi niya.
Damn you Marcus! Damn you!
Ang buong durasyon tuloy ng dinner namin ay halos hindi ako makatingin sa kan'ya ng diretso. I prayed that he just make fun of what happened pero hindi nangyari.
Ilang beses nagmura ang utak ko. I felt like I let him see some part of myself that I'm still trying to hide. Ang paghanga ko sa kan'ya. Ang pagmamahal na higit pa sa isang kaibigan.
Nang sumapit ang birthday ko sa sumunod na buwan ay napagdesisyunan naming bumisita sa Paris.
"What?!"
Halos sabay naming bulalas ni Marcus ng sabihin ni Jen na hindi na sila sasama sa amin ni Marcus.
Humagikhik si Jennifer at hinawakan ang kamay ni Russel.
"We decided to go to Israel. Gusto kong bago kami mag settle ay mabisita ko muna ang holy land."
Nagkatitigan kami ni Marcus dahil doon. Nagkibit naman siya ng balikat.
Kahit na duda ako sa dahilan ng dalawa ay hindi ko narin sila pinilit. Kaya naman ng dumating ang araw ng bakasyon sana naming apat ay dalawa nalang kami ni Marcus na pumunta.
"
Bonjour
Mr. and Mrs. Warner!" Bati ng isang babaeng sumalubong sa amin ng makarating kami sa isang resort na si Jen ang nag ayos.
Napalayo ako kaagad kay Marcus ng marinig ang pagbati nito. Imbes na itama naman niya ang sinabi ng babae ay binati niya lang ito pabalik.
"
Bonjour
."
Hindi natigil ang pagdaldal ng magandang babae sa amin gamit ang kan'yang nakamamanghang french accent. Pero mas hindi ako makapaniwalang sa iilang french words na sinabi nito ay tila naintindihan iyong lahat ni Marcus. Nanatili akong tahimik at tulala sa kanilang dalawa.
Kung hindi pa hinawakan ni Marcus ang kamay ko ay baka hindi ko pa mamalayang nasa harapan na kami ng suit.
"Welcome to the honeymoon suit." Nakangising sambit ng babae na nagpalaglag ng panga ko.
Umangat naman ang gilid ng labi ni Marcus habang tumatango tango sa babaeng nasa kan'yang harapan.
"N-No-"
"
S'il vous plaît profiter de votre séjour avec votre femme
!" Masayang dagdag ng babae kay Marcus na dahilan para matigil ako.
Nalilito kong pinagmasdan ang tuwang tuwa na mukha ni Marcus kasabay ng pagtango niya rito.
"
Une femme heureuse est une vie heureuse.
" He answered back.
Para akong literal na na-seenzoned dahil kahit na nasa harapan nila ako ay parang hindi nila nakita ang pagtutol ko sa isiping sa iisang kwarto lang kami tutuloy ngayon!
Bago pa ako makapag-reklamo ay nagpaalam na ang babae.
"What was that?"
"Huh?"
"Anong ibig sabihin no'n at tuwang tuwa kayong dalawa?" Hinarangan ko si Marcus ng akma na siyang papasok sa loob.
Natatawa niyang pinisil ang mukha ko.
"Wala. Sabi niya honeymoon suit daw 'to-"
"Narinig ko 'yon Marcus! I'm asking about the french words. I didn't know you can speak french too! Did you say something bad about me huh?"
Humagalpak na siya ng tawa.
"Why would I do that?"
Sinapak ko ang dibdib niya.
"E bakit tuwang tuwa ka! Alam kong may sinabi kang iba Mr. Warner!" Pinagdiin ko ang huling salita.
Mas lalo lang siyang natuwa sa asta ko. Umiling siya at nilapitan ako.
Napalunok ako ng makita ang mabilis na pagpasada ng kan'yang dila sa mapupulang mga labi para basain 'yon.
Oh God! Wala na ba talagang katapusan ang pagwawala ng dibdib ko?!
Para akong natuyuan ng lalamunan ng hawiin niya ang buhok sa aking mukha at maingat iyong ibinalik sa likod ng aking tenga sabay sabing,
"A happy wife is a happy life..."
# CHAPTER 35
Chapter Thirty Five
Stolen
Halos isang linggo na kaming nasa Paris ni Marcus pero hanggang ngayon ay hindi ko parin ma-contact si Jennifer!
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung paano niya plinano ang ganito sa aming dalawa ni Marcus! Oo nga at gusto ko itong makasama pero ang isipin ng lahat na nasa honeymoon kami ay kabaliwan!
Sa tuwing umuuwi kami ni Marcus sa suite pagkatapos maglibot ay hindi nawawala ang mga panibagong magagandang bulaklak sa loob nito.
Wala sa sariling kinuha ko ang panibagong bouquet na nakalapag sa kama at inamoy 'yon. Napapikit na ako. Hindi ko narin napigilan ang mapangiti.
I'm loving this. Ang magandang lugar at kultura ng mga pranses na ang bawat segundo ay punong puno ng pagmamahal.
Napadilat lang ako ng marinig ang pagclick ng camera galing sa kung saan.
Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Marcus habang tinititigan ang kinuha niyang litrato.
Ibinaba ko ang bulaklak para sugurin siya pero madali niyang inangat ang hawak na camera palayo sa akin.
"Patingin Marcus! How could you!"
Tumatawa niyang mas itinaas iyon kaya lalong hindi ko maabot.
"Stop it Mir! No. Baka burahin mo!" Tumalikod siya pero hindi ako tumigil sa pangungulit.
"I promise patingin lang!" Naiinis akong natatawa sa sarili ko.
Hindi ko alam kung anong hitsura ko doon. Ang mga kaninang stolen shots niya sa akin gamit ang cellphone niya ay nabura ko pero ang mga pictures sa hawak niyang camera ngayon ay hindi ko pa nakita. I can't even touch the damn thing!
"Marcus!"
"No way!"
Halos hingalin na ako kakatalon para lang abutin iyon sa kamay niya pero dahil sa tangkad niya ay hindi lang ako umabot sa kan'yang palapulsuhan.
"Marcus you're being rude!"
Humagalpak siya ng tawa at umikot para harapin na ulit ako pero sa pag ikot niya ay sakto naman ang pagtalon ko.
Pakiramdam ko'y niyakap ako ng isang napakalamig na kaluluwa ng muntikan ng mahagip ng labi ko ang kan'yang labi.
Pareho kaming natigil sa pag galaw at napatitig nalang sa isa't-isa dahil sa pagkagulat.
Naghuramentado ang puso ko ng makita ang pagtaas baba ng adams apple ni Marcus matapos lumunok ng dalawang beses. Damn... He is sexy!
Parehas kaming nanatili sa ganoong pwesto. Kahit na gusto kong kalmahin ang dibdib ko ay hindi ko magawa!
Napalunok narin ako ng makita ang bahagyang pagkagat niya sa kan'yang pang ibabang labi.
"I..." Napahinto ako ng mablangko ang utak ko.
Shit!
"A-Ang init... Ang init init!" Agad akong yumuko at patakbong umalis sa harapan niya.
Pakiramdam ko'y naiwan sa labas ang kaluluwa ko matapos kong maisara ang pintuan ng bathroom! Nagkukumahog akong lumapit sa sink para maghilamos!
Habang ginagawa 'yon ay wala sa sariling natigil ang mga daliri ko sa aking labi. Pumasadang muli sa utak ko ang nangyaring muntikan naming paghahalikan.
Lumihis ang kamay ko at mariing pinisil ang magkabila kong nag iinit na pisngi. Napangiwi ako.
"Shit..."
This is real.
"Mir?"
Napatalon ako ng marinig ang pagkatok at tawag sa akin ni Marcus.
"O-Oh?" Nauutal kong sagot.
Tumikhim ako at kinuha ang puting tuwalya na nakalagay sa gilid bago pinunasan ang basa kong mukha.
"I heard you cuss. Are you okay?"
Hell no!
Sigaw ng utak ko.
Tumikhim ako at itinabi ang tuwalya pero hindi parin ako handang makita si Marcus.
Itinukod ko ang aking magkabilang kamay sa gilid ng sink, still calming my self after what happened.
"Yeah."
"Good. Pwede ka ng lumabas. Hindi naman mainit."
Inayos ko ang aking buhok ko at muling naghilamos.
"Hey..."
God! Talagang papatayin ko si Jennifer pagbalik namin ng Pilipinas!
Muntik na ulit akong mapamura ulit ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone sa aking bulsa. Agad kong pinunasang muli ang mukha ko at kinuha 'yon.
Speaking of the devil...
Habang tinutuyo ang mukha ay sinagot ko na ang tawag ni Jen.
"Mirthene..." Napakagat ako sa aking labi ng marinig ang mapang-asar niyang boses.
"You bitch."
Nawala ang kaba ko ng marinig ang paghalakhak niya sa kabilang linya. Damn! She really planned this! Kaya naman pala parang hindi nakikisali si Russel sa usapan namin dahil siya naman pala talaga ang may itim na balak sa amin!
"What?! So ano? Kumusta naman ang honeymoon ha!"
"I hate you!" Lumabas na ako sa banyo.
Binuwal ni Marcus ang pagkakasandal sa dingding ng makita akong lumabas doon.
Nagpaalam ako sandali para kausapin si Jen. Kalaunan ay ibinigay ko narin kay Marcus ang cellphone ng hanapin siya ng taksil kong kaibigan.
Nagtagal pa kami ng isang linggo sa Paris bago naman lumipad patungong Greece. Hindi na ako nanibago ng pati doon ay itinuturing kaming bagong kasal at nasa honeymoon.
Sa huling araw ng bakasyon namin bago bumalik sa Pilipinas ay doon ko na natanggap ang balita ni Jen tungkol kay Hermes at Blaire.
"O-Okay ka lang?" Tahimik akong tumabi kay Marcus na nakatanaw lang sa mga yateng nasa ibaba ng kinaroroonan namin.
He nodded.
Kanina lang ibinalita sa akin ni Jen na ikakasal na si Hermes at Blaire pero ang sabi ni Marcus kanina ay noong nakaraan pa raw iyon sinabi sa kan'ya ni Hermes. Maybe he just doesn't expect their wedding to be this soon.
"Are you sure you can do it? Pupwede ka namang tumanggi kay Hermes at sabihing huwag nalang ikaw ang gawing best man? Baka nga maintindihan pa niya kapag hindi ka pumunta sa kasal nilang dalawa kasi-"
"I said I'm fine Mir..." Humarap siya sa akin at seryosong inulit ang sinabi.
Ako naman ay napatango nalang.
Basta kapag masakit sabihin mo ha? Sabihin mo lang Marcus...
Hanggang sa makabalik kami ng Pilipinas ay hindi ko na binuksan ang topic na 'yon dahil alam kong kahit na sinasabi niyang okay lang siya ay ramdam ko namang hindi.
Kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya ay tiyak mahihirapan din ako. Baka nga hindi talaga ako umattend sa kasalan. Kahit pa sabihing bestfriend ko siya...
Just like what I felt before when I found out that he already proposed to Blaire. Alam kong hindi talaga ako pupunta kung sakaling natuloy 'yon.
Pero iba si Marcus. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang tapang at lakas ng loob na gawin ang mga bagay na ito para kay Hermes at Balire.
Siguro nga gano'n talaga kapag sobrang mahalaga sa'yo ang isang tao.
Kapag mahal mo, nakakaya mong gawin 'yung mga bagay na imposible sa mata ng iba. Mahal mo e, and love has indeed no boundaries.
Kasama ko si Jen mamili ng damit na susuotin para sa kasal ni Hermes at Blaire.
Si Marcus naman ay kasama ng kan'yang best friend para sa gaganaping bachelor's party nito bago ang kasal sa isang araw.
"Sisipot kaya si Marcus?"
Ibinalik ko ang kinuhang damit sa lagayan bago kumuha ng panibago.
"For sure. Mukhang gusto niya rin namang makita si Blaire." I can almost taste the bitterness of my voice.
Ipinilig ko nalang ang ulo ko ng magtagal ang mapanuring titig sa akin ni Jen.
"Sukat ko muna 'to." Itinaas ko ang damit at dumiretso na sa fitting room bago pa niya ako kundenahin.
Nakailang oras pa kami sa paglilibot sa Parissiene bago makahanap ng susuotin sa kasal.
Excited ako ng dumating ang araw ng kasal ni Hermes. Maliban sa gustong gusto ko na siyang makita ay totoong masaya ako para sa kan'ya at hindi na ako makapaghintay na sabihin 'yon sa kan'ya ng personal.
Sinundo ako ni Marcus para sabay na kaming pumunta sa venue.
Hindi ko na muling tinanong ang mga katanungan ko dahil masyado na akong paulit-ulit. Tahimik lang din naman siya at seryoso.
Kahit na hindi niya sabihin sa akin ay ramdam kong apektado parin siya sa araw na ito.
Inalalayan niya akong makalabas sa pintuan ng kan'yang sasakyan at pagkatapos ay sabay na kaming pumanhik sa loob ng simbahan.
I greeted Hermes and Leonne. Maging ang iilan pang mga pamilyar na mukha ay binati ko rin.
Nang sumenyas ang wedding coordinator na dumating na ang bride ay muli kong tinapik ang balikat ni Marcus.
"I'm okay..." He mumbled.
Tumango tango nalang ako at sumama na kay Jen sa upuan namin.
Pakiramdam ko'y kusang nabasag ang puso ko ng makita ang pagkislap ng mga mata ni Marcus ng magsimula ng maglakad sa aisle ang bride. Maging ang boses ng wedding singer ay tila nanunuot sa kailaliman ng puso ko.
Nasa gilid siya ni Hermes na gaya rin nitong nakatitig sa magandang mapapangasawa.
Blaire on the other side looks so stunning. Suot ang napakagandang wedding gown na tanging sumisigaw ng kagarbohan.
Siniko ako ni Jen ng muli akong mapatitig kay Marcus.
Ano kayang nasa isip niya ngayon?
This is his dream right?
Ano nga kayang pakiramdam na ang pangarap mong kasal at pakakasalan ay sa iba napunta? Sa bestfriend mo?
Parang gusto ko nalang siyang yakapin ng mahigpit ng makita ang pilit niyang pag ngiti kay Blaire sa kabila ng malungkot na mga mata.
Marcus... Masakit pa ba? Nasasaktan ka parin ba? You know I'm always here right? Ako... Hindi kita iiwan... Hinding hindi kahit na walang wala ka na. Kahit ako nalang ang matira. Ako nalang Marcus...
# CHAPTER 36
Chapter Thirty Six
Paano Kung
"Are you okay?" Bulong ni Jen sa akin.
Tipid ko siyang nginitian bago tumango.
"I'm fine."
Nakita kong ngumiti si Blaire sa gawi ni Marcus. Kita ko rin ang pagiging emosyonal ng huli. Kahit na pigilan niya 'yon ay ramdam ko. Damang dama ko ngayon ang lubos na panghihinayang niya.
The wedding was perfect.
Natapos ang lahat ng hindi tumututol si Marcus. Taliwas sa biro ng lahat. He just made fun of it and acted like he totally moved on from his relationship with Blaire.
"Ayos ka lang?"
Tanong ko matapos naming makabalik sa sasakyan at binabaybay na ang daan patungo sa reception ng kasal.
Bumuntong hinga siya at tumango.
"I am fine..." He answered.
Napalunok ako ng sulyapan niya ako.
"Parang hindi."
Umiling siya at itinuon ng muli ang atensiyon sa daan.
"You now you can't hide that from me Marcus. Kilala na kita."
Hindi niya ako kinibo. Sa pagkakataong 'yon ay ramdam ko ang tila pagbigat ng aura sa paligid namin.
"Turn right." I said when we reached an intersection.
"Huh? Akala ko ba sa Le Sireneus ang reception?" Nalilito niyang tanong sa akin pero minaniobra rin naman ang sasakyan sa sinabi kong direksiyon.
"We're not going there. Alam kong mahirap parin sa'yo ang nangyayari ngayon at alam kong maiintindihan ni Hermes kung hindi na tayo pupunta. Ako na ang bahala."
"But Mir-"
"Come on! I don't want you looking sad while they're celebrating the best day of their lives! Huwag na tayong magdala ng negativity sa party! How about we make our own para sumaya ka naman kahit paano?!" Ngumisi ako at itinuro sa kanya ang shortcut patungo sa Bijoux.
Natatawa siyang umiling.
"I am happy."
"Well you look sad mister!" Giit ko, "Stop it Marcus. Come on! Iinom natin 'yang natitirang sakit mo sa puso!"
Natawa siya doon. Hindi ko na alam kung paano ko naipagpilitang malungkot siya kaya nanalo ako sa usapan.
Tinulungan niya akong tanggalin ang kulay cream kong vest at pagkatapos ay inalalayan akong makaupo sa bar area.
Matapos ilapag ng waiter ang order namin ay agad ko iyong inilagay sa kanyang harapan. Tumikhim ako at inayos ang sarili bago magsimula.
"So... Cheers to moving on?!" Magiliw kong sambit.
Hindi man sigurado ay sinakyan na lang ni Marcus ang lahat ng trip ko.
Hanggang sa dumami ang tao at umingay ang club ay hindi kami natigil sa pag-inom.
"Hindi ko alam kung anong nakita mo sa gagong 'yon!" Natatawa niyang bulalas ng mapadpad ang usapan namin kay Tyrone.
Lahat nga yata ng topic namin ay tungkol sa mga ex namin dahil sa tema ng mga shots naming 'moving on.'
Halos hindi na ako makahinga habang tawang tawa ako sa hindi malamang dahilan.
We're probably drunk, right?
Nagpalit na ng bartender pero nandito parin kaming dalawa.
"Bakit? Maybe I'm just attracted to him! Gwapo siya at mukhang matino!" Humagikhik ako at ininom muli ang panibagong shot ng alak.
"'Yon lang? Kasi mukhang matino at gwapo kaya nagustuhan mo?"
Umirap na ako at sinapak siya sa braso.
"You're being mean! Gano'n naman talaga kapag nagmahal ka Marcus! Nagiging bulag ka!"
Natatawa niyang sinang ayunan ang sinabi ko. Dalawang shot pa ng alak ang nainom namin bago kami nagdesisyon na umuwi.
"Whoa!"
Inakbayan ako ni Marcus ng tumayo na kami at sinubukang lumabas ng club.
Pareho kaming lasing na at wala akong ideya kung paano pa kami nakalabas ng club ng hindi natutumba.
Wala kaming ginawa kung hindi ang tumawa ng tumawa sa walang katuturang dahilan!
Ikinuha narin kami ng cab dahil sigurado akong hindi na kaya ni Marcus ang magmaneho at baka sa ibang dimensiyon pa kami mapunta kapag pinilit niya.
Walang humpay ang pang uusisa ng mga taong nadaraanan namin papanhik sa kanyang apartment pero ni isa ay wala na akong inintindi. I'm too drunk to even care!
Pasalampak na naupo si Marcus sa couch kaya naman nadala niya ako doon. Kahit na ramdam ko ang bahagyang pag-ikot ng mundo ko ay nagawa ko paring pumunta sa kusina at kumuha ng tubig para sa aming dalawa.
"Nagugutom yata ako..." Natatawa kong sabi matapos uminom ng tubig at makabalik sa tabi niya.
"Pizza?"
I nodded.
Umorder si Marcus ng pizza at siya rin ang kumuha no'n ng dumating ang delivery boy.
Habang tinatanggal ko ang suot kong sapatos ay napasalampak ako ng upo sa ibaba ng couch. Iyon ang pwestong naabutan ni Marcus kaya doon narin siya umupo.
Pakiramdam ko'y nagbunyi ang kabuuan ko ng maamoy ang mabangong aroma ng pizza. Damn! Sana pala nakikain muna kami bago kami naglasing!
Ibinaba ni Marcus ang hawak niyang beer sa nasa harapan naming coffee table.
Nakadalawang pizza na ako bago ako huminto at gawing tubig ang dala niyang beer. Gano'n din ang ginawa niya ng matapos ang pagkaing nasa bibig. He burped.
Nagtawanan na naman kami. Shit! Alak pa ba ito o baliw na kami?
Nang mabusog ay itinabi na ni Marcus ang pizza at ipinagpatuloy ang pag inom.
Sa paghinto ng mga mata ko sa kabuuan niya ay parang muli ring nahinto ang pag galaw ng mundo ko.
Gaya noong sa kasal ng kapatid ko...
Mamula mula ang mukha ni Marcus at ang dibdib niyang bahagyang nakabalandra sa harapan ko gawa ng bukas na mga butones ay namumula rin.
Napalunok ako ng makita ang pagtaas baba ng adam's apple niya matapos uminom.
Nagsimula na namang magseryoso at magwala ng puso ko. Bakit kailangan niyang maging ganito ka-gwapo sa paningin ko? Oo nga at gwapo rin naman si Tyrone pero kahit kailan ay hindi ko siya pinuri gaya ng pagpuri ko sa tuwing natititigan ang isang ito...
Matapos maubos ang laman ng beer na hawak ay humilig siya sa couch at sandaling pumikit na tila kinakalma ang sarili. Inabot ko naman ang remote control na nasa lamesa at walang paalam na binuksan ang stereo.
"Ain't never felt this way... Can't get enough so stay with me."
Bumukas ang mga mata niya at wala sa sariling napatitig sa akin.
Pakiramdam ko'y may naghabulang mga kabayo sa puso ko ng harapin niya ako. Alam kong umiikot na ang mundo ko pero mas lalo pa yatang dumodoble ang lahat dahil sa mapupungay niyang mga mata.
"Mir..."
Dahan-daan kong ibinaba ang boteng hawak sa aking gilid. Napalunok ulit ako ng makita ang pagpawi ng kahit na anong tuwa sa kanyang mukha.
He looked at me like looking right into my soul. Wala akong maisagot. Tanging ang magandang musika sa paligid at malakas na tibok ng puso ko ang naririnig ko.
Muli siyang lumunok bago magsalita,
"Paano kung naging matapang ako?"
Kumurap kurap ako sa kanya. Sa kabila ng pamamanhid ng buong katawan ko ay ramdam ko parin ang marahas na pag-aalburoto ng puso ko.
"H-Ha?"
Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko kaya wala sa sariling nakagat ko 'yon.
"Paano kung hindi ako naduwag na mahalin ka noon?"
Ramdam ko ang pagdaloy ng tila malamig na hangin sa kabuuan ng katawan ko matapos marinig ang mga tanong niya.
Uminit ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kung ano ang dapat kong gawin.
Lasing lang ba ako o tama ang narinig ko? Tama ang pagkakaintindi ko sa mga tanong niya?
Humilig siya sa couch. Itinukod niya ang siko sa upuan at inihilig ang ulo sa kanyang palad. Lumapit rin siya sa akin at muli akong tinitigan sa nakakabaliw na paraan kaya hindi ko na napigilan ang tuluyang pawawala ng puso ko.
"Marcus-"
"Paano kaya kung sinunod ko 'yung puso kong mahalin ka noon. Paano kung hindi ako nagpatalo sa mga pagdadalawang isip ko? At some point alam kong ramdam mo 'yon Mir. Ramdam mong mahal kita at totoong minahal kita..."
Mas lalong pumungay ang nakakahipnotismo niyang mga mata.
Nang bumabang muli ang tingin niya sa labi ko at umurong pa palapit sa akin ay buong puso ko ng sinalubong ang labi niya.
"Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad..."
Ang sakit ng puso ko.
Ang sakit sakit dahil sa walang humpay na pagtibok ng napakalakas. Gusto ko pa siyang pakinggan pero tingin ko'y narinig ko na ang noon pa may gusto kong marinig na mga salita.
Tumulo na ang mga luha ko ng hapitin ni Marcus ang katawan ko padiin sa kanya kasabay ng pagsagot niya sa uhaw kong halik.
Ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng maramdaman ang kamay niyang patuloy ang paghaplos sa aking likuran. Ikinawit ko ang mga kamay ko sa kanyang leeg para mahalikan siya ng mas mabuti. Mas malalim... Mas uhaw...
Hindi ko alam kung mas magaling lang ba talaga siyang humalik kay Tyrone o ano dahil ang halik niyang ito ay hindi ko maikumpara sa huli. Ibang iba si Marcus sa lahat. Sa lahat lahat...
Nahinto siya sa paghalik sa akin ng maghiwalay ang mga labi namin pero muli ko siyang hinalikan. I pulled him closer. Hindi ko na alintana ang natabig kong bote ng beer sa pagbagsak namin sa sahig.
Ni hindi ko narin inintindi ang malamig na likidong bumasa sa aking braso dahil doon.
I'm more focus on what we are doing. Nanghina ang buong katawan ko sa pagbaba ng halik ni Marcus sa aking leeg matapos niyang mailapat ng tuluyan ang katawan ko sa carpeted floor.
Naramdaman ko ang sandaling paghinto niya kaya naman muli ko siyang hinalikan sa labi. Wala na akong maisip kung hindi si Marcus at ang mga sinabi niya kanina.
"Mir... You're drunk..." Tila hirap niyang sambit.
"Just kiss me Marcus... Please..." Paos at nauutal ko namang sagot.
I found myself naked in front of him, gano'n din siya.
Nakasandal si Marcus sa couch habang ako ay nasa ibabaw niya. Pulang pula lalo ang mukha niya partikular ang kanyang tenga habang pinagmamasdan ang kahubaran ko.
Napalunok ako ng bumaba ang mga mata ko sa kanyang katawan. Pakiramdam ko'y umaapoy na ang buong katawan ko ngayon.
Sa pagtitig ko pabalik sa mapupungay na mata ni Marcus ay dahan dahan ko ng inangat at ibinaba ang katawan ko pasalubong sa kanyang kalakihan.
Napakapit ako sa kanya ng maramdaman ang pagkirot no'n. I felt Marcus hand lifted me up pero huli na.
"Mir!"
Umiling ako at muling ginawa iyon sa kanyang ibabaw. I didn't mind the pain. Hindi ko rin alintana ang nag uunahang pagtulo ng mga luha ko dahil sa sakit. At mas lalong hindi ko inintindi ang pagpigil ni Marcus sa akin.
"Mirthene... fuck..." He blurted when I did it again.
Bahagya niya akong inalis sa pagkakayakap sa kanya. Ang pangamba kong tuluyan niyang pag-alis sa akin ay nawala ng mabilis niya akong hinalikan.
Napadaing ako dahil doon. His kiss is just comforting. Parang nawala ang lahat ng sakit at napalitan na ng nakakaliyong pakiramdam.
Maingat niya akong binuhat kaya napakunyapit ako sa kanyang leeg.
He's still inside me. Kahit sa paglalakad niya patungo sa kung saan ay hindi niya inalis 'yon.
Sunod ko na lang nadama ang paglapat ng katawan ko sa malambot niyang kama.
Nang maiayos niya ako ng pwesto ay sinubukan kong gumalaw muli pero mahigpit ang naging pagpigil niya sa balakang ko.
Bumaba ang ulo niya sa gilid ng aking leeg. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng maramdaman ang mabibigat niyang paghinga doon.
I tried moving my hips again but I couldn't.
"Don't... Let me do it slower baby..." He said in his husky voice.
Kahit na labag sa loob ko ay sinunod ko siya. Bumagal ang bawat paghalik niya sa aking labi pababa ng aking leeg... Fulfilling his promise the he'd be gentle this time.
Napaigtad ako ng marating ng mainit niyang labi ang tuktok ng aking dibdib. Hindi ko na napigilan ang pagsabunot sa kanyang buhok.
"Marcus... Ah!"
Napasinghap ako dahil sa unti-unti niyang pag-alis sa akin at muling pagpasok sa pinaka-maingat na paraan.
I didn't feel the pain anymore. Sa bawat pag galaw ni Marcus ay tanging nakakabaliw na sensasyon na lang ang nararamdaman ko.
Bumalik ang mga halik niya sa mukha ko. Sa magkabilang pisngi ko na pinapawi ang mga luhang naroon.
He eventually move at his own pace. Iyong ritmong halos bumaon na ang kuko ko sa kanyang likuran.
"Marcus... I think I'm... I'm..." Namamaos kong bulong sa tenga niya.
"Hold me tight... Just hold me Mirthene. Damn!" Hirap niyang sambit.
He groaned and moves faster. Tila gusto akong sabayan sa sukdulan. With his hard, fast and deep thrusts... We both reached our climax.
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko habang hinihintay na humupa ang pakiramdam ng narating namin ni Marcus.
Maingat niyang ibinaon ang kanyang ulo sa aking leeg habang iniiwanan ng maliliit na halik 'yon. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
"I love you Marcus..." Mahina kong bulong.
He didn't respond.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Kahit na tapos na ang ginawa namin ay ramdam na ramdam ko parin ang kabuuan niya sa'kin. I can still feel my flesh pulsating because of his massive shaft.
Nang umalis siya sa ibabaw ko at tumabi sa akin ay iniyakap niya ang kamay sa aking bewang. Bumagal ang paghinga niya. Wala sa sariling hinaplos ko ang nakapikit na si Marcus...
He's sleeping. I know he's tired. Hindi ko na alam kung paanong nangyari ang mga nangyari pero kahit isang guhit ng pagsisisi ay wala akong naramdaman.
He groaned when my fingers touched his red lips pero nanatili siyang nakapikit.
Ilang minuto kong pinagbigyan ang sarili kong titigan siya ng ganito. Naging emosyonal na naman ako... Lasing lang ako 'di ba?
Ipinasada ko ang aking dila sa aking labi ng muli kong haplusin ang kanya.
Para akong namagnet ng mga labi niya. I kissed him once more. Pagkatapos no'n ay ibinaon ko ang maliit kong katawan sa malapad niyang dibdib.
Sa pagyakap ko sa kanya ay saka naman ang pagsambit niya ng napakahina ngunit klarong mga salita sa tila nananaginip nang tono.
"I love you... I love you too, Blaire..."
# CHAPTER 37
Chapter Thirty Seven
Someday
Hindi ko alam kung paano ko nagawang makauwi pagkatapos ng nangyari sa amin ni Marcus.
I instantly felt the shattering pieces of my heart when I heard him say the last words.
Alam kong hindi ako nagkamali sa pagkakarinig no'n kahit na may alak ang sistema ko. Marcus still loves Blaire and I totally understand that.
Kahit na naibigay ko sa kanya ang lahat ng meron ako ngayon ay si Blaire parin ang laman ng puso niya. Pero okay lang. Ayos lang. Magiging maayos rin ako...
Sikat na ang araw ng makauwi ako sa bahay. Parang nawala narin ang hilo ko matapos kong maligo.
Wala sa sariling hinawakan ko ang labi ko habang nakatitig sa harapang salamin. I can still feel his lips against mine. Kung paano niya ako halikan at kung paano ko sagutin ang mga 'yon.
That was the best kiss of my life... Sa taong matagal ko ng pinangarap. Kahit ano nga talaga ang gawin ko ay hindi ko na maitatangging mahal na mahal ko si Marcus at nagawa ko na ang lahat ng pagpapakatanga para lang mapatunayan 'yon.
Hapon na ako nagising. Matapos kong pumunta sa opisina ay agad kong kinausap ang pamilya ko sa aking pag uwi.
"Anong kabaliwan ito Mirthene? Bakit ngayon mo naiisip ang ganito?"
"Vlad, hear your daughter first." Malumanay na sambit ni Mommy habang hinahaplos ang braso ni Daddy.
Napayuko ako ng tapunan nila akong lahat ng tingin.
"I... I just wanted to get out of the country. Besides, maganda naman ang offer ni Clinton sa akin sa New Zealand-"
"May kinalaman ba si Marcus sa desisyon mong ito Mirthene?" Matigas na tanong ni Daddy.
Nag angat ako ng tingin. Malungkot lang akong tinignan ng kapatid ko pero ni isang salita ay wala naman siyang sinabi.
I haven't heard anything from Marcus dahil simula kanina ay hindi ko na pinakialaman ang cellphone ko. I hope he's still sleeping or too tired to even remember everything that happened.
Hindi ko rin sigurado kung matatandaan niya ang sinabi niya kanina pero ngayon ay buo na ang loob kong tanggapin ang offer ng boss kong si Clinton.
"Mirthene, tell us what happened? Alam ba ni Marcus ang desisyon mong umalis ng bansa ha?" Si Mommy.
"Mom, Dad... Wala naman kaming relasyon ni Marcus kaya kahit na hindi ko ipaalam sa kanya ay wala siyang magagawa sa desisyon ko. I'm leaving tomorrow before sunrise."
Kitang kita ko ang kalituhan sa mukha ng mga magulang ko pero sa huli ay wala na rin naman silang naging pagtutol. Mommy looks so scared about my decision habang si Daddy naman ay parang gusto nalang akong itali huwag lang akong matuloy.
Hindi man magiging madali ang iwan sila at lumayo ng mag-isa pero iyon nalang ang tanging naiisip kong paraan para lang makapagpahinga ako sa sakit.
Mackenzie followed me in my room.
"Ate are you sure about that huh? Napag-isipan mo ba yang mabuti? I know something happened between you and Kuya Marcus. Nag-away ba kayo dahil nandito si Blaire?"
Dumiretso ako sa aking closet para kunin ang mga damit kong dadalhin pero sinundan niya parin ako.
"Ken wala. Hindi kami nag-away. Gusto ko lang talagang tanggapin ang promotion na in-offer sa akin and that's it. Walang kinalaman si Marcus sa desisyon ko." Pagsisinungaling ko.
"But why it's so sudden? Kung talagang nakapag-desisyon ka na noon palang, sana noon mo pa sinabi sa amin kahit ang detalye hindi 'yung biglaan na ganyan."
Nilagpasan ko siya at dinala ang mga nakuha kong damit sa aking kama. Binalikan ko rin ang maleta ko doon.
"Stop asking so many questions Ken. My decision is final." Pasalampak siyang naupo sa kama ko at dinaganan ang mga gamit kong nililigpit.
"Umamin ka na... Ano bang nangyari?"
My heart pounded at that. Alam kong hindi niya ako titigilan kaya hindi imposibleng mabasag nalang ako ngayon sa harapan niya.
Aalis na sana ako pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.
"Ate please tell me what's going on? Hindi ba nangako tayo sa isa't-isa na walang taguan ng sikreto? Don't you trust me?" Malungkot niyang sambit.
Sa pagharap ko sa kanya ay kusa ng tumulo ang mga luha ko.
Nang marinig ko ang sinabi ni Marcus kanina ay wala akong iniyak. Lahat ng natitirang tapang ko ay inipon ko para lang makaalis sa apartment niya pero ngayong kaharap ko ang kapatid ko ay tuluyan na akong nabasag.
Maagap ang pagyakap sa akin ni Mackenzie na tila natataranta pa dahil sa pagkawala ng mga luha ko.
"You're right Ken... Something really happened between us..." Humihikbi kong pag amin sa gitna ng mahigpit niyang pagyakap.
Lalong nanginig ang mga balikat ko dahil doon.
"Ate..." He murmured softly.
Hinayaan niya akong umiyak sa balikat niya habang pinakikinggan ako sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kahit anong tapang ko pala, hindi parin sapat. Masakit parin pala... Masakit na masakit parin...
Tutol man ang mga magulang ko sa desisyon kong umalis ngunit wala naman silang magawa dahil alam nilang iyon ang gusto ko.
Kahit na hindi naman kailangan ay gumising parin sila ng maaga para magpaalam sa akin.
I did not sleep. Kahit isang oras ay wala akong naitulog kanina dahil sa magkahalong takot at kabang nararamdaman ko sa gagawin.
Sinulyapan ko sa huling beses ang aking cellphone ng makita ko ang pag ilaw nito sa ibabaw ng bedside table. Imbes na kunin 'yon ay yumuko ako at buong loob na iniwan 'yon.
Hawak ang isang suitcase sa aking kamay ay natigil ako sa pagpapatuloy sa naghihintay na sasakyan ng makita ko si Marcus na nakapamulsa at nakatayo sa gilid ng sasakyan namin.
Sinulyapan ko kaagad si Mackenzie na mabilis namang bumalik sa tabi ng mga magulang ko at iginiya sila pabalik sa loob ng bahay. Kinuha ng aming kasambahay ang mga dala kong gamit at walang ingay na pumahik sa sasakyan para isunod iyon sa mga nauna.
Kumalabog ang puso ko ng makita ang agarang pag angat ng mukha ni Marcus para titigan ako. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot na kahit kailan ay hindi ko nakita sa kanya. Ibang klaseng lungkot iyon. Malayo sa lungkot na dala ni Blaire.
"Mir..." Agad siyang lumapit sa gawi ko at hinintay ako sa ibaba ng hagdan.
Tila nasemento naman ako matapos makatapak sa bermuda grass dahil sa maagap niyang paghawak sa kamay ko.
Mirthene... huwag kang iiyak!
"What is this Mir? Why aren't you answering my calls?"
Kinagat ko ng mariin ang pag ibaba kong labi para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Imbes na sagutin siya ay umiling lang ako.
"Mir? Can you at least talk to me? Ano 'to?" Gumaralgal ang boses ni Marcus dahil doon.
Muntik na akong mapasinghap ng bahagya niyang iangat ang baba ko para lang mahuli ang mailap kong mga mata.
"Can we talk? Please?" He pleaded.
Pinagdiin ko ang labi ko at tumango nalang. Ayaw ko mang maging dahilan ng pagbabago ng isip ko ang magiging pag-uusap namin pero siguro nga kailangan ko rin 'yon para magpaalam sa kanya. Sisiguraduhin kong hindi na niya mababago ang desisyon ko.
Hinayaan kong igiya niya ako papunta sa garden. Parang nalaglag ang puso ko ng bitiwan niya ang kamay ko ng makarating kami doon.
Nakakunot noo't tiim bagang si Marcus na tila gulong gulo sa mga nangyayari.
"Is that true? Tama ba ang sinabi ni Ken, Mir?"
Nanatili akong tahimik. Marahas siyang napabuntong hinga at naisuklay pa ang isang kamay sa kanyang buhok.
"Are you really leaving me?" Aniyang parang isang matulis na punyal sa aking dibdib.
"Marcus, this is not about you. Not about what happened between us..." Natigil ako ng makita ang pagkislap ng mga mata niya.
Halos habulin ko ang aking paghinga ng muli niyang hulihin ang magkabila kong kamay.
Mataman niyang itinuon sa aking mga mata ang kanyang matang punong puno ng pagsusumamo.
"Alam kong oo, Mir... Fuck... I am so stupid to let you-"
"No... Hindi..." Pinisil ko kaagad ang kamay niya para matigil siya.
"Then what happened? May nagawa ba ako? Anong mali Mir?"
Sa pagkakataong 'yon ay kitang kita ko ang matinding kabiguan sa kanyang mga mata.
Umiling ako at nagbaba ng tingin.
"Mir... Mahal kita..." He murmured softly.
Tumulo na ang mga luha ko sa narinig. Parang paulit-ulit na piniga ang puso ko sa kabila ng katuwaang nararamdaman ko ngayon.
Mapait akong napangiti. Yes I am happy that I finally heard Marcus say that pero hindi ko lubusang maramdaman iyon dahil sa kaakibat nitong sakit.
Suminghap ako at pinunasan ang aking mga luha bago pisiling muli ang kanyang kamay.
"No Marcus... Hindi porket alam mong mahal kita ay kailangan mo na akong mahalin. I didn't ask you to love me back kahit iyon ang gusto ko..."
Hindi ko inaasahang makita ang pagbagsak ng mga luha niya. Wala sa sariling dumako ang palad ko sa kanyang pinsgi.
Oh please Marcus... Don't cry... Huwag ganito...
Kinuha niya ang kamay ko at pilit na ibinaba 'yon.
"Alam kong mahal kita Mir. Ramdam kong mahal kita..." Mariin niyang sambit.
"S-Si Blaire... I know you still have feelings for her too and that's okay Marcus."
Nanginig ang balikat niya dahil sa pag iyak. Damn it... I hate this. Hindi ko kayang makita siyang ganito. Kahit noong mga panahong nasadlak siya ay hindi ko siya nakitang ganito kung umiyak...
This is the first time.
"Bigyan mo pa ako ng oras Mir... Huwag namang ganito oh? Bakit naman kailangan mo akong iwan? Mir wala na si Blaire sa buhay ko. Matagal na. Sige sabihin na nating tama ka pero sigurado akong mas tama ako. Mirthene, mahal kita. "
"Marcus don't... It's okay, I'm okay. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong madaliin ang nararamdaman mo."
"Why don't you give me a chance to be brave right now? I've been so coward all my life pero ngayon handa na ako. Handang handa akong maging matapang para sa'yo... pero bakit hindi na pwede?" Nanginginig ang boses niyang litanya.
Napahagulgol na ako.
Buo na ang desisyon kong lumayo dahil hindi ko na kakayanin ang lahat kapag nagpatuloy pa ang ganito.
I can't risk even an ounce of feelings he still have for Blaire. Alam kong hindi kailanman mabubura iyon ng basta nalang at pagod na akong umasa. Pagod na akong manalangin ng oras para sa aming dalawa. I just wanted to leave everything behind. Kahit ngayon lang. Kahit para sa sarili ko nalang.
"I'm sorry, Marcus..."
"Mir, please? Give me a chance. Bigyan mo naman ako ng pagkakataong maging matapang... pagkakataong ipaglaban ka..." Binitiwan niya ang kamay ko at saka idinuro ang kanya padiin sa kanyang dibdib. "Ipaglaban 'to..."
Parehas na kaming nasa malalim na emosyon. God knows how much I wanted that but it's too much for me right now. Wala na akong maisip kung hindi ang magpahinga.
Mahal na mahal ko si Marcus at sa ngayon ay maniniwala nalang ako sa kasabihan na kung kami talaga, kami.
Gumalaw ang katawan ko para bigyan siya ng mahigpit na yakap. Doon na kami nagpatuloy sa pag-iyak.
I'm finally leaving him tonight.
Nadudurog ang puso ko sa tuwing nararamdaman ang paghigpit ng yakap niya sa'kin. Habang damang dama ang pagmamahal niya para sa akin.
"Mir, ikaw nalang ang natitira sa'kin bakit iiwan mo na rin ako? Please tell me what should I do to make you stay? Please baby... just fucking stay with me..." Namamaos niyang sambit.
Hinayaan kong lumuha ako sa dibdib ni Marcus. Napapikit ako ng maramdaman ang ilang ulit niyang paghalik sa aking buhok.
"I'm sorry Marcus... Hindi ko na kaya..." Bulong ko sa gitna ng paghagulgol.
We stayed crying in each other arms for minutes. Hindi ko na alam kung paano ako pupunta sa airport ng ganito ngayong wala na yata akong makita dahil sa walang humpay na pagtulo ng mga luha ko.
Akmang bubuwalin ko na ang yakap niya pero hindi ko magawa ng mas lalong humigpit ang pagkakakulong niya sa katawan ko.
"Marcus..."
"Please let's just stay like this Mirthene... I can't let go of you... Please? Nagmamakaawa ako..." Bahagyang pumiyok ang boses niya.
Suminghap ako para masagot ang sinabi niya. You don't know how long I've been waiting for this Marcus but it's too late... Pagod na ako. Sumusuko na ako...
"Y-You should let me go, Marcus..." I pleaded.
"No!"
Idinikit na niya ng tuluyan ang kanyang labi sa aking buhok. Sa bawat pagtaas baba ng balikat niya ay nagmumura ang utak ko.
Sa bawat paglabas ng boses niyang punong puno ng pagmamakaawa ay nababaliw ako sa sakit.
Nang maramdaman ko ang panghihina niya ay doon na ako tuluyang kumawala sa kanya.
Pinilit kong ngumiti kahit na patuloy ang pag iyak ko.
"You'll be fine Marcus. Matapang ka. Makakaya mo ang lahat ng 'to."
Agad siyang umiling at hinawi ang mga luha sa mata.
"How can I be strong without you?! Paano ko gagawin 'yun kung ikaw ang lakas ko sa lahat, Mir?! Sa'yo ako kumukuha ng lakas para magpatuloy pero paano ko gagawin 'yon kung iiwan mo ako?"
"Marcus-"
"Ang lahat ng meron ako ngayon ay kaya kong bitiwan pero ikaw? I just can't..."
Damn it! Bakit ganito kahirap?
"Marcus hindi ba ang sabi nila kapag tayo, tayo talaga? Kung hindi noon at hindi ngayon malay mo sa ibang panahon, tayo na..."
"Fuck that! Kaunting oras lang ang kailangan ko, Mir... And I want every second of it with you... bakit ayaw mo akong pagbigyan? Bakit kailangan pa nating sundin 'yung kasabihan kung pwede namang ngayon? Just give me a chance... Please? Huwag mo na akong iwan."
Muli akong napahikbi ng makita ang panghihina sa kanyang kabuuan. His words are just so pure and true.
"I'm begging you, baby..." Matapos ang pagkakasambit niya no'n ay kasabay ng pagluhod niya sa harapan ko.
Natutop ko ang bibig ko pero agad din namang nakabawi kaya madali ko siyang nadaluhan sa bermuda grass.
"Marcus, don't do this please?"
"Huwag mo ring gawin sa'kin 'to Mirthene... Mahal kita at mamahalin kita. Hindi mo ba ako kayang paniwalaan huh?"
Ikinulong ko ang nagmamakaawang mukha ni Marcus sa aking mga palad.
"I believe you but I need to leave. Gusto kong makahinga muna. M-Marcus, please get up."
Umiling siya at muling hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.
"Wala na ba akong magagawa para mapigilan ka? Huli na naman ba ako? Am I too late to fight for us?"
Marahan akong tumango.
Napayuko siya at pinisil ang kamay kong nakahawak parin sa kanyang pisngi. Nang makita ko kung gaano siya kabasag sa harapan ko ay muli ko siyang niyakap ng mahigpit.
"I-I love you so damn much... Marcus... Mahal na mahal kita kaya ko gagawin 'to. Please give me a chance to heal too..." Pagod kong sabi sa gitna ng pagyakap.
Kumawala ang lahat ng sakit sa lahat ng parte ng katawan ko ng maramdaman ang marahan niyang pagtango.
Iniharap niya ako.
Sa pagkakataong 'yon ay siya naman ang kumulong sa mukha ko at pagkatapos ay pinunasan ang mga luhang patuloy ang pagtakas doon.
Hindi pa man ako nakakapag-isip ng matinong sasabihin ay naglaho na ang lahat ng katinuan sa utak ko ng tawirin niya ang pagitan naming dalawa.
He kissed me one last time... Iyong halik na noon pa ay pinangarap ko na. It was indeed our farewell kiss...
"I love you too Mirthene, at ako ang aalis. Ako ang lalayo. Hindi mo kailangang iwan ang pamilya mo dahil sa'kin. Let me at least do this for you..."
"Marcus-"
"Bukas na bukas aalis ako at ipinapangako kong hindi ako babalik hangga't hindi ka pa nagiging maayos. I will give you all the time in the world to fix yourself... At ako... Mananatili akong aasa na balang araw sasang-ayon rin ang lahat sa atin. Na balang araw tayo na. Habang buhay kong ipagdarasal na ikaw parin ang pakakasalan ko... Ikaw ang hihintayin ko sa altar ng kahit saang simbahan mo gusto..."
His words cuts deep. Natutunaw ang lahat ng lakas ko lalo pa't damang dama ko ang bawat salitang sinabi niya.
I didn't respond. I'm too tired to even part my lips.
"I'm so sorry for causing you too much pain, Mirthene." Aniyang walang humpay sa pagpawi ng luha sa aking pisngi.
"Sorry kung naging duwag ako noong mahalin ka dahil akala ko iyon ang magiging paraan para mas magtagal tayo. Na kapag hindi ako lumagpas sa pagiging magkaibigan ay hindi tayo kailanman masisira. Kung alam ko lang na ganito lang rin pala, sana naging matapang na ako simula palang. Sana minahal na kita. Sana sinunod ko nalang 'yung puso ko pero wala e. Duwag ako. Duwag na duwag akong mawala ka sa'kin noon." Tumigil siya sandali para kalmahin ang sariling emosyon.
"Mahal kita noon at mas mahal kita ngayon Mirthene..."
Napahagulgol na naman ako sa mga narinig. I felt the sincerity of his broken voice. Na sa bawat salita niya ay kusa iyong dumidiretso sa kaibuturan ng puso ko. At naniniwala ako. Kahit aasa na naman ako ay maniniwala ako.
"Mas mahal na mahal kita..." Emosyonal kong sambit.
Tinulungan niya akong makatayo at pagkatapos ay muli akong niyakap sa huling pagkakataon.
Sa pagtapos ng yakap ay muli niyang ikinulong ang mukha ko gamit ang kanyang mga palad.
"Don't leave them please? Promise me you'll stay?" Hinawi niya ulit ang mga luha ko at wala sa sariling napatango nalang ako.
Pumikit siya ng mariin at pagkatapos ay tumingala na tila pinipigilan na naman ang pagbabadya ng mga luha. Sa muling pagbalik niya ng tingin sa akin ay pinilit niyang magpaskil ng isang ngiti.
Bumaba ang mga kamay niya patungo sa aking mga kamay. Ilang beses niyang pinisil iyon na tila hirap na hirap parin sa gagawin.
"I'll always love you, Mirthene..." Aniya habang unti-unting binibitiwan ang kamay ko.
# CHAPTER 38
Chapter Thirty Eight
Status: Happy And In love
"Shh... Don't cry na baby... Mama Mir is here..." Hinaplos haplos ko ang likod ni Cadien habang pinapatahan ito pero mas lalo pa yata siyang naiyak.
Iginalaw ko ang mga kamay ko para ihele siya.
"Den Den. stop crying na please? Mama is here..." Ilang beses ko pang ulit.
Kinuha ko sa crib ang bote ng gatas at maingat iyong inilagay sa kan'yang bibig. Sa pagtanggap niya no'n ay agad na napayapa ang kwartong kinaroroonan namin.
"Gutom ka lang pala Den? Bakit kailangan mo pang magwala? Manang mana ka talaga sa-"
"Ate! I'm sorry!" Natatarantang hiyaw ni Mackenzie na dahilan ng pagputol ng sasabihin ko sa kan'yang anak.
I cancelled all my appointments today dahil may kailangang asikasuhin ang kapatid ko maging ang kan'yang asawang si Conrad.
Ang mga magulang ko naman ay nasa Ilocos ngayong araw at hindi rin kami palagay na iwan nalang ang bata sa kung sino.
Marahan niyang hinalikan ang kan'yang anak pero hindi naman kinuha sa akin.
"You're really good at this you know." Makahulugan niyang sabi.
Inirapan ko siya at natatawang tinalikuran.
"Then you should pay me as I babysit him!" Mataray kong sambit na nagpatawa lang sa ka'ya.
Lumipat siya sa harapan ko at kinuha na ang anak.
"Mahal na ang rate mo kaya huwag nalang at baka mamulubi pa ako!" Pagbibiro niya.
"Sige na! Magpapahanda na ako para makakain na tayo. Patulugin mo muna 'yan bago ka bumaba okay?"
Tumango nalang siya bilang sagot.
Isang taon palang ang pamangkin ko at mukhang masusundan kaagad dahil sa mga kalaswaang palagi naming napag-uusapan ni Mackenzie.
"Hindi mo ba namimiss huh?" Pilyang tanong niya matapos naming kumain ng dinner.
I convinced her to stay for tonight. Wala lang, masyado kong namiss ang may kausap sa bahay na ito. Not that I don't talk to my parents pero iba naman ang daloy ng usapan namin kumpara kapag ito na ang kaharap ko. Gaya nalang ngayon.
"Bakit ko naman mami-miss aber?" Kinuha ko ang glass wine na nasa harapan ko at uminom doon.
Natatawa naman niya akong hinarap.
"Just asking."
"No. I don't."
"Okay!" Itinaas niya ang kamay habang tatawa tawa parin dahil sa pagtataray ko.
"E hindi mo nga talaga namimiss?" Pangungulit niya habang umiinom na ako ulit.
Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi parin siya natinag.
"Ayaw mo ba talagang malaman kung nasaan na siya? I mean kung gaano na siya ka successful ulit ngayon? Ate, if you just ask me-"
Naputol ang pagsasalita niya ng dumating ang aming kasambahay hawak ang umiiyak na si Cadien.
Napangisi nalang ako sa naisip. See? Maging ang tadhana ay parang ayaw parin akong payagang malaman kung ano na ang buhay niya ngayon. Hindi naman sa gusto kong malaman ang lahat pero kung pupwede lang ay huwag nalang muna. Huwag muna.
I'm sure Marcus doesn't know a bit about my life right now too and that's exactly what I want.
Ipinilig ko nalang ang ulo at itinuon ang mga mata sa kapatid kong pinapatahan ang anak. Mabuti nalang at kahit natapos na ang lambingan nila ay hindi na namin naibalik ang topic hanggang sa magdesisyon kaming magpahinga.
Sa sumunod na mga araw ay naging normal na ulit ang buhay ko. Gaya ng mga taong lumipas, nakasanayan ko na ang buhay sa opisina at bahay. I've never been out of the country kung hindi naman business ang pakay.
"Blue or green?" Nakangising tanong sa akin ni Mackenzie habang itinataas ang mga hawak na onesie para kay baby Cadien.
Katatapos lang ng unang meeting ko ngayong araw at hindi ko narin nagawa ang iba pa dahil sa pangungulit niyang magpasama sa mall.
"Let's buy both." Hindi na siya nakasagot ng kunin ko ang kan'yang mga hawak bago dumiretso sa counter.
Nanatili naman siyang nakabuntot sa akin na giliw na giliw.
"Ang galante naman talaga ni Tita Mir Mir!" Humahagikhik niyang sambit ng makalabas na kami sa shop na 'yon dala ang mga pinamili.
Napapailing akong umirap sa kapatid ko. Sa isang linggo ay birthday na ng pamangkin ko kaya naman kahit na ano nalang ang makita kong pupwede sa bata ay binibili ko.
Natigil ang usapan namin ng pumasok ako sa iba pang boutique para mamili ng mga gamit. Nang matapos 'yon ay saka ko nalang siya ulit kinibo ng mapunta na kami sa parking area ng Parissiene.
"Tell him I missed him. Okay?" Niyakap ko siya ng mahigpit bago tuluyang magpaalam.
"For sure... Just be happy okay?" Hindi ko na napigilang mangiti dahil sa tuwing maghihiwalay nalang kami ay iyon ang huling palagi niyang sinasabi sa akin.
"I am happy. I'm finally happy..."
Bumitiw siya sa akin at pagkatapos ay hinarap ako.
"I know. I'm pretty sure your man won't ever break your heart."
"Paano ka nakakasiguro huh?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Humagalpak na ng tawa ang kapatid ko.
"Basta!"
"Don't be so sure about that Ken. Alam mo naman ang mga lalaki." Pinigilan kong mapahilot sa aking sintido ng may maisip akong masama.
"True, but I am pretty sure Renly wouldn't do such thing."
Napatango nalang ako para sang ayunan ang sinabi niya pero gaya ng sinabi ko, hindi parin ako pwedeng maging kampante. Lahat naman kasi ng pagkakataon ay kayang sumingit ng mapaglarong tadhana. Walang kasiguruhan.
"O sige na, basta sa birthday surprise ha. I want you all to be there."
"Of course!" Niyakap niya ulit ako bago tuluyang sumakay sa sasakyang nasa gilid ko.
I missed my sister. Simula kasi noong magbuntis siya sa pamangkin ko ay minsan nalang kami kung magkita. Lumipat na kasi sila sa kabilang siyudad ni Conrad kaya madalang nalang sila kung makabisita sa bahay kaya naman sa mga pagkakataong ganito ay sinusulit ko na.
Kung si Mackenzie ay bumukod na, ako naman ay nanatili lang sa bahay namin. God knows how I badly wanted to move out but my parents couldn't handle the sight of me leaving. Dahil doon ay naniwala na ako sa salitang favoritism.
Noon kasing nagpaalam si Mackenzie na bubukod na kasama si Conrad ay wala namang naging pagtutol ang mga magulang namin pero pagdating sa akin ay halos itali na ako huwag lang umalis.
Hindi ko mapigilan ang pag ngisi ng matanaw si Mommy at Daddy sa labas na tila hinihintay pa ang pagdating ko.
Speaking of favoritism huh?
Bumusina ako matapos ihinto ang sasakyan. Niyakap naman nila ako ng makababa na ako doon at sabay sabay na kaming pumunta sa dining area. Dahil hindi na nakadaan ang kapatid ko ay ako nalang ang nagsabi ng mga habilin nito para sa gaganaping party ni Cadien sa isang linggo.
Our night ended like that. Wala ng bago doon maliban sa buong gabi akong hindi natigil sa pakikipag-usap kay Renly.
Pagkagising ko kinabukasan ay masakit pa ang ulo ko dahil sa puyat.
"Good morning Miss Mirthene!" Napangiti ako sa pormal na pagbati sa akin ni Lira ng buksan ang pintuan ng aking opisina.
Nang matapos siya sa kan'yang internship ay agad siyang na hire sa kompanyang ito at ngayon nga ay sekretarya ko na.
Faye already moved to New Zealand with Clinton. Siya ang pumalit sa akin at hindi naman naging mahirap ang desisyon kong hindi na tanggapin ang kan'yang offer. He totally understand my decisions and let me stay.
"Good morning Lira."
Mas lalo akong napangiti ng ilabas niya galing sa kan'yang likuran ang kapeng naging arawan na niyang sorpresa sa akin.
"Thank you."
Umupo ako sa aking swivel chair habang hinihintay siyang ilapag ang kape sa aking harapan.
"Medyo maluwag ang schedule niyo ngayong araw, as requested." Ngumiti siya sa akin ng makahulugan.
Kinuha ko naman ang kape habang pinakikinggan siyang nagpapatuloy sa pagsasabi ng mga kailangan kong gawin.
"That's it?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Yes!" Kumindat pa siya.
"Okay. Thank you Lira. Anything else?" Tanong ko ng mapansing nasa harapan ko parin siya, mukhang nag-aalinlangang magsabi ng kung ano.
"Hmm... Seryoso po bang invited ako?"
Nag-angat ako ng tingin at napahagikhik bago tumango.
"Oo naman! I'm sure he wants to see you too. Besides, this is your idea. Sobrang busy ko na kaya hindi ko naatupag ang pagpa-plano para sa birthday ni Renly. I can't do all of that for my man kung wala ka."
Tumango tango siya at marahang naupo sa harapang upuan.
"Napakasuwerte po talaga ni Renly sainyo, Miss Mirthene..." She said emotionally.
Napalunok ako dahil doon.
Hindi kami ganito kadrama ni Lira kaya nanibago ako sa biglaang pagsabi niya no'n. Maliban kasi kay Faye na naging kaibigan ko ng matagal ay isa rin si Lira sa mga naging kasangga ko.
Pinagdiin niya ang kan'yang labi na tila gusto pang segundahan ang sinabi.
Maybe she just witnessed what I've been through. Simula kay Tyrone hanggang kay Marcus kaya naman ngayong masaya na ako kay Renly ay totoong masaya rin siya para sa akin.
"Mas masuwerte ako sa kan'ya." Buong puso kong sambit.
Lira nodded at my statement. Ilang beses ko naring sinabi iyon sa lahat at sa pagkakataong ito ay masaya nang muli ang buhay ko. I'm happy and very much in love with that guy!
"Okay, okay! Where is he?" Natatarantang tanong ni Jen sa kabilang linya ng sumapit ang araw ng birthday surprise.
"Renly is on his way. Nandito na kaming lahat!"
"Okay! Malapit na kami! Paliko na!"
"Sige, mag-ingat ka." Ibinaba ko na ang tawag.
Jen and Russel stayed in Israel for years. Siguro nga ay masasabi kong na in love na siya doon at gustohin man niyang doon nalang manirahan ay hindi naman pupwede dahil sa mga negosyong hawak nila na narito lang sa Pilipinas.
This is the first time that they will meet him. Ako nga yata ang pinaka-excited sa lahat. Knowing Jen, sigurado akong may masasabi iyon kahit na hindi ko naman hinihingi ang kan'yang opinyon tungkol sa mga lalaking dumaan sa buhay ko.
Ilang minuto ko pang sinuri ang kabuuan ng lugar para lang masigurong maayos ang lahat.
It's been four years since that night.
Sa apat na taong lumipas ay wala na akong nabalitaan pa sa kan'ya maliban sa umalis na siya ng bansa, gaya ng pangako niyang aalis siya noong gabing 'yon. Na siya ang dapat lumayo at hindi ako...
Naging bukas naman ako sa aking pamilya kung ano lang talaga ang naging relasyon namin ni Marcus at lahat ng nangyari ay nabigyan na rin ng linaw.
Tuwing sabado ay hindi parin nawawala sa routine ko ang pagbisita kay Tita Helene kahit na wala na ang kan'yang anak rito. I always make time for her dahil alam kong hindi na magagawa ni Marcus na bisitahin ito.
I still give her flowers. Mga puting tulips na paborito ko. Kung minsan ay kasama ko si Renly na bisitahin si Tita Helene at naiintindihan niya naman ang lahat.
Kung minsan nga ay siya pa ang nagpapaalala sa pagbisita rito sa tuwing nakakalimutan ko at nagpapasalamat ako doon.
Inayos ko ang buhok ko ng marahang umihip ang hangin.
Sa pagpasada ng mga mata ko sa parte kung saan ko huling nakita si Marcus ay parang may kung anong nalaglag sa puso ko.
Pakiramdam ko ay nakikita ko parin siyang nakaluhod at nagmamakaawa sa akin para lang bigyan siya ng pagkakataon. Na bigyan kaming dalawa ng panahon para magmahalan.
I felt shivers down my spine.
Simula noon ay hindi ako napadpad sa parteng ito ng bahay namin. Hindi ko alam. Hindi naman dahil iyon nalang ang palagi kong naiisip kung hindi dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang mga pakiramdam na dapat ay hindi ko na nararamdaman.
I hate it. I honestly hate it. Pakiramdam ko kasi ay nagiging unfair ako kay Renly. Dapat siya nalang ang isipin ko ngayon. Siya nalang ang paglaanan ko ng pagmamahal at lahat ng parte ng puso ko ay para sa kan'ya nalang pero paano?
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga.
"Miss Mir, nariyan na po sila Miss Jen!" Excited na hiyaw ng aming kasambahay.
"O-Okay."
Kumurap kurap ako bago ialis ng tuluyan ang tingin ko sa isang parte ng aming hardin na nagpabalik sa akin sa nakaraan. Mabibigat ang nagawa kong paghakbang papanhik sa loob ng aming bahay.
Ngumiti ako ng makita ang mga kaibigan ni Renly na ako pa mismo ang nangumbinsi maging successful lang ang party na ito.
Kinawayan ko sila Lira at Mackenzie na naghahanda na sa pagdating ng lalaking susorpresahin namin.
Parang tumalon ang puso ko ng sumungaw sa double door si Russel at Jen na magkahawak pa ng kamay.
Pinigilan kong maging emosyonal kahit na nakita ko kaagad ang pangingilid ng mga luha ng kaibigan ko.
Sinalubong ko ang yakap niya.
"Oh Mir! I missed you so much! Grabe!"
"I missed you too Jen!" Bati ko sa kan'ya pabalik habang sinasagot ng paghigpit ang yakap niya.
Nang bumitiw ako ay parehas ng tumutulo ang mga luha namin. Damn it! This is weird! Hindi ko tuloy alam kung ang party bang ito ay para pa kay Renly o sa pagkikita naming tatlo?
Niyakap ko rin si Russel at pagkatapos ay nakinig na sa mga pangungumusta ni Jennifer.
Hindi ko na napigilan ang pag-uumapaw na tuwa sa puso ko pero ang sayang iyon ay nahaluan kaagad ng kaba ng lumapit ulit ang nagkukumahog namin kasambahay.
"Miss Mir! Nariyan na daw po si Sir Renly!" Napaahon ako sa upuan maging si Jen dahil sa narinig.
Nagkatinginan kaming dalawa. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagiging handa sa pagsuri sa lalaking parating pero mas nangingibabaw naman doon ang kasiyahan para sa akin.
"Okay. Thank you." Tumayo na ako para daluhan ang iba pang mga bisitang naghihintay doon.
Lumipat kami sa bukana ng pintuan para ihanda ang sarili sa pagbukas ng pinto at pagsigaw ng pagbati para sa darating.
Ngayon palang ay taos puso na akong nagpapasalamat kay Lira dahil lahat ng ito ay siya talaga ang nag plano. At sa tagal naming pinag-planuhan ito ay ni isang idea, alam kong walang alam si Renly.
Mas lalong tumahimik ang lugar ng marinig ko ang boses ni Renly na tinatanong ang kasambahay kung nasaan ako sa isang matigas na ingles.
Napakagat ako sa pang ibaba kong labi ng maramdaman ang pagsiko sa akin ni Jen.
Sinulyapan ko ang lahat para maghanda. Pigil ang paghinga ko ng marinig ang paglapit ng mga yapak sa pintuan. Sa paghawi no'n ay siya namang pagsabay ng malakas naming sigaw ng '
happy birthday!'
Renly looked so surprised by it. Maging ang mga hindi planadong pagsabog ng confetti'ng hawak ng mga kasambahay namin ay nagpagulat sa kan'ya.
Muling lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko ang kan'yang kabuuan. Suot ang maong shirt na panloob at kulay brown na coat, maong pants at brown leather shoes.
Lumakad ang tingin niya sa akin na tila wala ng pagsidlan ang tuwa at pagkagulat. Ang mga kaibigan niya ay hindi kaagad nakalapit ng kawayan niya ako.
Hindi ko na napigilan ang pagiging emosyonal ng makita ang napakagwapong mukha ni Renly.
Agad siyang lumapit sa akin at ginawaran ako ng isang mahigpit at punong puno ng pagmamahal na yakap.
"Mommy... I love you..." He murmured.
Pakiramdam ko'y hinaplos ang puso ko dahil doon. Suminghap ako bago siya buhatin at sagutin,
"I love you too Marcus Renly... Mommy loves you too so much baby..." Ilang beses kong sambit habang paulit ulit siyang ginagawaran ng halik sa pisngi.
# CHAPTER 39
Chapter Thirty Nine
Kilig
"Mir!" Dinaluhan ako ni Mommy at Daddy na kasama ko sa planong ilibot muna si Renly sa kung saan para lang maisagawa ang balak namin para sa araw na ito.
"Thanks Mom, Dad." Emosyonal kong sambit.
Hinagkan din nila ang karga karga kong si Renly at binati.
Nang matapos 'yon ay nakita ko na kaagad ang mukha ng kaibigan kong laglag parin ang panga na tila hindi makapaniwala sa nasaksihan.
"He's so big... and looked just like his father..." Natutulala niyang sambit habang papalapit sa kinaroroonan naming mag ina.
Maging si Russel ay gano'n din ang naging reaksiyon. Hinarap ko silang dalawa kaya natuon narin ang atensiyon ni Renly sa kanila. Kumunot ang noo niya ng makita ang mapanuring mata ni Jen.
Imbes na batiin ang mga kaharap ay agad niya akong niyakap kaya napahagikhik ako. Si Jen naman ay natawa rin.
"Aba't mailap rin gaya ng ama ha!" Natatawa niyang sabi.
Hinaplos ko ang likod ni Renly.
"Baby, this is Tita Jen and Tito Russel remember? They're the one who gives you lots of presents last month..."
Dahan dahan niyang inilayo ang katawan sa akin at inilapat ang kan'yang ulo sa aking pisngi.
"Even the car?" Nahihiya niyang bulong.
Tumango tango naman ako.
Ngumisi si Jen habang nakatitig lang sa aming dalawa na nag-uusap. Kitang kita ko sa mga mata niya ang walang pagsidlan na tuwa. Hinayaan kong kargahin nila at batiin ang anak kong madali namang nakapag-adjust sa mga bagong mukha.
Kalaunan ay nagsimula na ang kan'yang party. Hindi nawala sa tabi niya si Mommy at maging ang isang kasambahay namin na umaalalay rito.
"I still can't believe it Mirthene! Talagang nagbunga ang isang gabing 'yon?! To think that you're both drunk. How did it happened-"
"Parehas ng kung anong ginagawa mong panghahalay kay Russel. Pareho lang ang nangyari noong gabing 'yon, Jennifer." Pagpuputol ko sa mga sasabihin niya.
Nagsimula na ang program kaya naman ang mga batang bisita ay abala sa harapan habang kaming mga matatanda naman ay nanatili sa lamesa.
"Damn! He's good then!"
Pakiramdam ko'y nag-init ang buong katawan ko sa narinig! What the hell! Hanggang dito ba naman ay iyon talaga ang napili niyang topic?
Hindi na ako nagsalita kahit na nagpatuloy siya sa pang-iintriga sa akin.
Nang madako ang tingin ko sa kinaroroonan ng anak ko ay nalunod na naman ako sa malalim na pag-iisip.
Really... How can I forget that man if my son looks just like him? Na kahit ang ayos at kilos nito ay kuhang kuha niya kay Marcus?
Sabi nila, kung sino raw ang mas kamukha ng anak ay iyon daw ang mas nagmamahal. Kung gano'n, mas higit pa sa pagmamahal ko ang naramdaman ni Marcus para sa'kin noon?
Mali bang sumuko ako kung kailan nagtapat na siya? Kung kailan handa na siyang lumaban? Pero kung sumugal naman ako, paano siya maghihilom? Paano niya ako mamahalin ng buo kung may parte parin ng puso niya ang para kay Blaire?
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga.
Dalawang buwan matapos niyang umalis ay nalaman kong nagdadalang tao ako. Unang kita ko palang sa dalawang guhit ng pregnancy test na 'yon ay sinalakay na ako ng iba't-ibang uri ng emosyon at ang tanging nagawa ko nalang ay umiyak.
I am happy that at least he left me with something that I can hold on to... Dahil kahit na ramdam kong totoo ang lahat ng sinabi niya sa akin ng gabing 'yon ay hindi parin ako sigurado kung pagtatagpuin pa kami upang maipagpatuloy ang lahat hanggang sa dulo.
Kung hindi man ay ayos na sa akin na may naiwan siyang palaging magpapa-alala sa akin kung gaano kadakila ang pagmamahal ko para sa kan'ya.
Throughout my pregnancy, hindi nawala ang takot ko. Natakot ako sa katanungang, kaya ko bang buhayin ang magiging anak ko ng mag-isa? Kaya ko ba iyon physically at emotionally? Pero sa kabila ng mga negatibong bagay na sumubok sa akin ay ni minsan hindi ko naisip ang hindi ipagpatuloy ang aking pagbubuntis.
Na kahit alam kong hindi magiging madali ay buo ang loob kong kakayanin ko. Nakaya ko ngang magmahal ng sobra sobra sa taong napakahirap mahalin, ang ipagpatuloy pa kaya ang biyayang ibinigay sa akin?
I never spoke with Marcus. Kung ano ang nangyari noong gabi ng pamamaalam niya ay iyon na ang huli para sa amin kaya sigurado akong kahit siya ay walang alam sa kung ano ang buhay ko ngayon. Kung ano ang meron ako. Kung ano ang naging bunga ng nagawa namin.
Ang tanging nakakaalam lang ng tungkol kay Renly ay ang pamilya ko at sila Jen. Maging ang mga kaibigan namin noong college ay wala ring alam sa lahat ng nangyari sa akin.
Hermes, Leonne and I still communicate. Masaya ako para sa kanila na natagpuan rin ang mga babaeng para sa kanila. They even introduced me to their kids. Maraming pagkakataong pwede kong sabihin ang tungkol kay Renly pero hindi ko nagawa.
Naiisip ko palang kasi ang mga posibilidad ay nababaliw na ako.
Pagkatapos ng party ni Renly ay buong linggo kaming nag out of town kasama sila Mommy at ang kapatid ko. Sa loob ng ilang taong nasa trabaho at bahay lang ako para alagaan si Renly ay ito na ang pinakamatagal naming alis na kasama ang buong pamilya.
"Sobrang laki no'n Ate. Mas malaki pa nga ngayon dahil ni-renovate! I'm pretty sure you'll like it kaya lang hindi ibinibenta e."
Nag-angat ako ng tingin kay Mackenzie matapos subuan si Renly na abala naman sa paglalaro.
"Ken, sino namang may sabing aalis ang mag-ina sa bahay natin? Pumayag na ba kami ng Mommy mo?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Daddy, tila hindi natutuwa sa topic na binuksan niya.
"Mom, Dad, soon lalaki na si Renly. Malay niyo balang araw mag-asawa narin 'yan si Ate at imposibleng hindi 'yan kukunin ng magiging asawa niya sa inyo. You should let them go as early as now para naman masanay na kayo."
"Ken..." Marahan kong puna sa kapatid ko ng makita ang pagbaba ng tingin ni Mommy.
"M-Mom, plano palang naman. Hindi pa naman final." Hinawakan ko ang kamay niya kaya napabalik ang tingin niya sa akin.
Parang kinurot ang puso ko ng makita ang pangingilid ng mga luha niya.
Oh God! Here we go again!
"Mirthene, our home feels incomplete without Ken. Paano pa kaya kapag kayo ni Renly ay umalis rin?"
Sinulyapan ni Daddy si Conrad na agad namang nagkibit ng balikat.
"Mom! You can't do that to Ate! Besides, hindi naman malayo ang lilipatan kaya huwag na kayong masyadong oa! Sa kabilang village lang naman 'yon. Mas convenient sa trabaho niya at malapit sa inyo. Isa pa, hindi rin ibinibenta kaya kung sakaling gusto nilang bumalik sa bahay ay pupwede. Kumbaga, practice lang. Kapag kaya ni Ate, let them go. Kapag hindi naman nila kaya, e 'di babalik!"
Nagtinginan ang mga magulang ko at sa huli ay napabuntong hinga nalang si Daddy.
Ilang beses ko ng binuksan ang topic na iyon sa kanila. Ilang bahay narin ang napuntahan namin ni Ken at ang huling ito ang pinaka-nagustuhan ko sa lahat ng nirerentahang bahay na accessible para sa akin.
"Isang buwan Mirthene. Stay with us just one last month hanggang sa matanggap na namin ng Mommy mong hihiwalay narin kayo ng apo ko."
Pakiramdam ko'y sumigla ako dahil doon!
Mabilis akong napaahon para yakapin silang dalawa. Nag thumbs up naman sa akin ang kapatid ko. Alam kong kung wala siya ngayon rito ay baka parehas na sagot na naman ang makuha ko. And that is always a rejection.
"Hay, saan ba tayo nagkulang Miranda at palagi nalang tayong iniiwan?" Emosyonal na pagda-drama ni Daddy.
Imbes na malungkot ay pinigilan ko nalang ang mag-react dahil sa paghagalpak ng tawa ng kapatid ko.
Natawa narin si Mommy pero si Daddy ay nanatili sa seryoso at malungkot na emosyon.
Nagkukumahog na lumapit ang kapatid ko sa likuran ng huli para gawaran siya ng mahigpit na yakap.
"Daddy, gumawa ka ng mga magagandang nilalang kaya sana naisip mong isang araw ay mag-aasawa kami at bubukod sainyo! Malay niyo kapag wala na si Ate sa bahay makagawa pa kayo ng panibagong anak-"
"Mackenzie!"
Napahagalpak na ako ng tawa dahil sa agarang paghiyaw ni Mommy. Dahil sa gulat ay napaiyak tuloy si Cadien kaya mabilis na inilayo ni Conrad.
Tumakbo si Mackenzie ng amba siyang pipingutin ni Daddy. Hindi natigil ang pagtawa ko lalo na ng makita ang pamumula ni Mommy sa sinabi ng kapatid ko.
Natigil lang ako ng kalabitin ako ni Renly.
"What is it baby?" Hinaplos ko ang kan'yang noo na mayroong mumunting mga pawis.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya.
"What's funny Mommy?" Sinulyapan niya ang kan'yang Lola na naiiling parin. "And why Granny's face is turning red?" He asked innocently.
Kinagat ko ang labi ko para muling pigilan ang napipintong pagtawa. Sa paglingon ko kay Mommy ay pinandilatan niya ako ng mga mata.
"Nothing Ren..."
"I want to know Mommy..." Ibinaba niya ang hawak na ipad para lang harapin ako ng tuluyan.
"Anak, it's just for adults."
"She's blushing..." Ikinumpas niya ang kamay niya para sabihing ilapit ko sa kan'ya ang aking tenga.
"Did Granny ask for Granpa's kiss?" Bulong niyang nagpangisi ulit sa mga labi ko.
Sa gigil ko ay hindi ko na napigilang pisilin ang kan'yang magkabilang pisngi.
"How did you know that?"
Ngumuso ang gwapong anak ko at muling kinuha ang tablet pagkatapos ay inilahad iyon sa kamay ko.
"You're blushing here too like Granny..."
Sa pag-ikot ko paharap ng hawak niya ay nalaglag ang panga ko sa nakita.
It was a photo of me and Marcus back in college!
Iyong picture na nakahalik siya sa aking pisngi habang ako naman ay halos mangamatis na sa kilig! Kuha iyon sa photo booth sa pangalawang taon namin noon sa kolehiyo...
Pakiramdam ko'y kumalam ang sikmura ko! Oo nga at hindi ko naman ipinagkait sa anak ko ang tungkol kay Marcus pero ang makita nito ang ganoong klaseng picture naming dalawa ay nakakahiya!
Nagmamadali ko iyong binura.
"Where did you get that Renly?"
Hindi pa man niya nasasabi kung kanino ay agad ko ng nakita ang guilty na mukha ni Ken habang patay malisyang umiinom sa hawak na buko shake!
This bitch talaga!
"Tita Ken said, you only blush when you're being kilig. What is that Mommy? When a guy kiss you is that kilig?"
"Ren, no..."
Kahit na gusto ko ng sakalin ang kapatid ko ay hindi ko ginawa dahil kailangan kong magpaliwanag sa murang isip ng anak kong dinidemonyo niya. Inilapit ko ang upuan ko sa kan'yang tabi.
"You only blush and feel kilig when you're in love..." Natigil ako ng maisip na bakit ko ba kailangang magpaliwanag.
"Baby you're too young for this type of conversation..."
"But I want to know Mommy."
"I know." Inilakad ko ang mga daliri ko sa kan'yang ulo. "You're too smart and curious, Ren Ren. Mukhang maaga mo akong sasaktan at iiwan ha!"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
Pinupog ko siya ng halik! Why am I being so emotional right now? Naiisip ko palang na iiwan na ako ng anak ko para sa babaeng mamahalin niya balang araw ay parang gusto ko na siyang itali!
"Renly, please don't listen to your Tita Ken. Okay?" Ani Mommy na hanggang ngayon ay namumula parin.
Hala Ma! Teenager?
Umiling si Renly. "But Mommy loves my Daddy Marcus, Granny." Giit niya.
Wala sa sariling napalunok ako ng ilang litrong laway dahil doon! What the hell?! Sa pagkakaalam ko ay isang araw ko lang naman ipinaalaga ang anak ko sa kapatid ko! Bakit napakarami na yatang nalaman ng batang ito?!
Nasapo ko nalang ang noo ko ng lahat sila ay magtinginan sa akin.
"Baby-"
"Right Mommy? You love my Daddy Marcus that's why I am here? You love him because you're kilig and blushing."
"Renly..."
Ramdam ko ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata habang nakatitig kay Renly.
Hindi ko mapigilang maisip na iisang tao lang ang nasa harapan ko ngayon. Dahil alam kong kung ano ang nararamdaman ko ngayon para sa anak ko ay gano'n rin ang nararamdaman ko para sa kan'yang ama.
Hanggang ngayon. Walang pagbabago.
Nang matapos ang isang buwang kagustuhan ni Daddy na pigilan kaming lumipat ay wala narin siyang nagawa sa huli.
Sila mismo ni Mommy ang naghatid sa amin sa panibago naming titirhan. Dumating naman ang tatlong kasambahay at isang mag-aalaga kay Renly sakaling wala ako. Hindi naman masyadong mabigat sa pakiramdam dahil ang dalawa doon ay malayo naming kamag-anak.
"How was it?" Excited na hiyaw ni Mackenzie sa kabilang linya.
Inilinga ko ang tingin ko sa kabuuan ng dalawang palapag at malaking bahay na ang kulay ay puti, abo at itim lamang. Ang tanging naiba lang sa bahay na ito ay ang kwarto ni Renly na kulay asul.
"It's new and beautiful! Ibang iba doon sa tatlong nauna. Iyong pangalawa sana maganda pero mas maganda rito. Mas malapit sa bahay at mas gusto naming mag ina."
"Finally! Mabuti naman at may nagustohan ka rin! Anyway, makikitulog kami sa weekends pwede ba?"
Hinawi ko ang makapal at kulay puting kurtina sa kinatatayuan ko. Bumalandra kaagad sa mata ko ang pool na mayroong jacuzzi.
"Oo naman. Anytime."
Nagpatuloy ang usapan namin ni Ken hanggang sa makalabas ako sa pool area. Kanina pa tulog si Renly dahil siguro'y napagod kanina sa paglalaro.
Matapos ang tawag ay walang alinlangan na akong naligo sa pool.
Ilang araw ang lumipas at naging maayos naman kami sa bago naming tirahan.
Kahit na isang linggo na rin ang lumipas ay hanggang ngayon, hindi ko parin mapigilan ang sarili kong purihin ang bahay namin. Noon ko pa man gustong bumili ng sarili ko pero hindi ko pa kasi alam kung kakayanin ko na ba talaga kaya palagi iyong nauudlot.
Tama ang kapatid ko, siguro nga kailangan ko munang mag-practice. Dahil baka kapag bumili na ako ng sarili ay hindi ko rin kayanin at bumalik lang ako sa aming bahay. Sa isang linggong 'yon ay na enjoy ko naman kaya nawala sa utak ko ang bumalik sa mansion.
I received a good news after my birthday. Sa ilang taong pagsasama ni Jen at Russel ay nag desisyon na silang magpakasal.
"Seryoso na ba?!" Patili kong hiyaw sa harapan niya ng ipakita niya sa akin ang kumikinang niyang singsing sa kaliwang kamay.
"Oo! Wala ng atrasan!"
"Oh my God Jen! I am so happy for you!" Niyakap ko siya ng mahigpit at gano'n din siya sa akin.
"I know! Grabe, kaya naman pala ang weird ni Russel kagabi!" Hindi maipinta ang tuwa sa kan'yang mukha.
Hindi natapos ang usapan namin hanggang hindi namin naubos ang isang bote ng wine.
Kinabukasan tuloy ay hindi ako nakapasok dahil doon. Si Jen naman ay hanggang tanghali na-comatose dahil sa alak kaya iniwan ko muna sa bahay para igala si Renly mall.
Sa mga sumunod na buwan ay naging abala kami sa preparasyon ng kasal ni Jen at Russel.
Gaganapin iyon sa isang private island na mayroong luma't maliit na cathedral at tanging malalapit lamang na kaibigan ang kanilang mga bisita.
"Saan 'to?"
Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Ken bitbit na naman ang napakaraming pagkain.
"Again?" Kunot noo kong tanong ng makitang puro paboritong tsokolate na naman iyon ni Renly at mga prutas ko.
She's spoiling my kid. Kung hindi mga laruan o mga kotseng pambata ay siya naman palagi ang pumupuno sa refrigerator namin dala ang mga pagkaing imported.
Ang dahilan niya sa mga laruan ay ipapamana naman ni Renly ang lahat kay Cadien kaya ayos lang sa kan'ya ang mamili ng mga gamit para rito.
Tumango tango siya.
"Ang daming dala ng Mommy ni Conrad galing Australia kaya ito. Dito nalang yung iba baka masira pa e."
Inginuso ko ang kitchen at pagkatapos ay binalikan na ang ginagawa namin ni Jennifer.
Nang sumapit ang Sabado ay sinamahan ko siyang isukat ang napili niyang wedding dress. Kami rin ni Renly ay isinukat ang sa amin. Renly will be their ring bearer habang ako naman ang maid of honor.
Napasinghap ako ng lumabas si Jen galing sa fitting room ng mamahaling boutique kung saan gawa ang kan'yang damit.
"That perfectly fits you, Jen..." Emosyonal kong sambit.
Mabuti nalang at maagap akong nabigyan ng tissue kaya nasalo no'n ang mga luha ng tuwa ko para sa kan'ya.
"Mirthene naman! Why are you doing this to me?! Wala pa tayo sa simbahan pinapaiyak mo na ako!" Reklamo niya.
Humagikhik ako at pinigilan ang aking mga luha.
"I'm just happy for you!" Tumayo ako at inayos ang laylayan ng kan'yang engrandeng gown.
Nang matapos siya ay pareho naman kaming naging emosyonal ng makita si Renly sa suot na suit.
Ngayon palang ay umabante na ang utak ko sa araw na ikakasal siya at iiwan narin ako.
Ganito ba talaga? Parang ngayon palang kasi ay nakikita ko na ang hitsura ng anak ko habang suot ang magarang suit and tie sa araw ng kan'yang kasal.
Ipinilig ko ang ulo at nagpatuloy nalang sa pagsipat sa kan'ya.
Lunes ng ibigay sa akin ni Jen ang mga invitation para sa pamilya ko.
"Uhm... Basahin mo nalang kaya mamaya kapag wala na ako?" May pag aalinlangan niyang sabi na nagpakunot ng noo ko.
"Huh?"
"Wala! Sabi ko aalis na ako. May nakalimutan akong gawin! Mauna na ako Mir!"
Napatayo ako dahil sa pagtayo niya.
"Teka hindi pa tayo nakakapag meryenda-"
"Busog pa naman ako kaya huwag ka ng mag abala pa okay? Sige na ha! I need more beauty rest! Nakaka-stress pala ang ganito habang palapit!"
Hindi na ako nakatanggi ng maglakad na siya patungo sa main door. Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan nalang siya at ihatid hanggang sa kan'yang sasakyan.
Matapos iyon ay inasikaso ko na si Renly. Nang makatulog ito ay doon ko lang naalalang basahin ang wedding invitation na ibinigay sa akin ni Jen kanina.
Nang matanggal ko palang ang kulay pulang sealed ng envelope ay sinalakay na ako ng kaba. I am just so happy for her! Matagal ng gustong magpakasal ni Jen at tanging si Russel nalang ang hinihintay at ngayon nga ay ilang linggo nalang, totoong mangyayari na!
Napangiti ako ng mabasa ang mga pangalan ng ilang kaibigan namin noon. Leonne and Hermes will attend their wedding too. Kasama narin doon ay mga asawa nila.
Sa pagbaba ng mga mata ko sa huling pahina ng guest list ay tila nalaglag ang puso ko ng makita ang pangalan niya.
"Marcus Findle Warner..." I mumbled.
Wala sa sariling napahugot ako ng isang malalim na paghinga.
Naibaba ko ang mga kamay ko dahil tila nawalan iyon ng lakas. Tanging ang mga mata ko nalang ang nakatitig sa kan'yang pangalan.
My fingers traced every letters of it. Bumilis ang tibok ng puso ko...
Hindi naman na dapat ako magtaka dahil kaibigan naman ni Jen si Marcus pero ang isiping magkikita sila ng anak ko...
Napapikit na ako.
I don't know if he will come to the wedding. Hindi ko rin sigurado kung ano talaga ang nararamdaman ko ngayon pero dapat akong maghanda. Dapat kong sagutin ang lahat ng tanong niya at dapat hindi ako maging madamot.
For Renly... Para nalang kay Renly...
Nang sumapit ang kasal ni Jen at Russel ay pakiramdam ko ito rin ang big day ko.
I confronted Jen about Marcus attending the wedding at ang sabi niya ay hindi naman daw iyon sigurado dahil huli narin ng ipaalam niya ito rito.
Ilang linggo niya raw kasing pinag-isipan ang bagay na 'yon para sa akin kaya naman wala ring kasiguruhan ngayon ang pagdating nito dahil tiyak na gahol na sa oras. Kahit na gano'n ay hindi naman ako mapakali habang naiisip ang mga mangyayari.
Masaya kong binati si Leonne at Hermes maging ang kanilang mga asawa't anak ng magkita-kita kami sa loob ng simbahan.
Renly is with my sister at nagpapasalamat akong doon ito sumama dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila iyon sa paraang maiintindihan nila. Wala naman yatang salita ang makakapaghanda sa akin sa ganitong sitwasyon.
I hide him from everyone for almost five years. At hindi madaling ipaliwanag iyon lalo pa't hindi naman kami nawalan ng koneksiyon nga mga ito. Marami akong chance pero hindi ko sinabi.
Napapangiwi nalang tuloy ako habang nakikita kung gaano kasaya ang mga kaibigan ko habang hawak ang kani-kanilang mga anak.
"Mir, are you still single?" Nakangiting usisa sa akin ni Blaire.
Hawak niya sa isang kamay ang anak nilang babae ni Hermes.
Tumango ako bilang sagot. Kumunot naman ang noo niya at kahit na mukhang marami pang gustong sabihin ay hindi na nagawa dahil sa pagdating ni Harriete. Agad niya akong niyakap at personal na ipinakilala sa anak nitong si Leroy.
Habang hinihintay namin ang pagdating ni Jen ay naging maayos naman ang lahat sa akin.
Palinga linga ako sa paligid habang hinihintay ang pagdating ng kanina pa nagpapakaba sa akin pero kahit na umikot na ang ulo ko ng 360 degrees ay wala parin akong nakita.
"Hindi ba nakauwi si Marcus?"
Awtomatikong tumuon ang mga mata ko kay Leonne habang tinatanong si Hermes. Ang huli naman ay wala sa sariling napatingin sa akin bago nagkibit ng balikat.
"Hindi yata. Noong isang araw nasa UK ang isang 'yon. Ewan ko lang. Late narin sinabi ni Jen e. Ayaw yata talagang papuntahin." Nagbaba ako ng tingin ng titigan niya ako ng makahulugan.
Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko naman?
Ang pagtawag ng coordinator ang naging salba ko sa lahat ng pagbibintang sa akin ni Hermes.
Umalis muna ako sa tabi nila para daluhan ang anak kong nakay Mackenzie.
"Ano? Ready ka na?" Kinakabahan niya ring tanong ng makita ako.
Tumango lang ako at agad na lumuhod sa harap ni Renly para ayusin ang kwelyo ng kan'yang damit.
"Nandiyan ba?"
Umiling ako kaagad kahit na hindi niya naman binanggit ang gustong itanong.
Nang maayos ko ang damit ni Renly ay iginiya ko na siya papunta sa bukana ng simbahan kasama ng mga kasali sa program.
Hindi pa man kami nakakalapit ay nakita ko na ang panlalaki ng mga mata ni Hermes habang si Leonne naman ay laglag ang panga ng makita ang batang nakahawak sa aking kamay.
My heart pounded so loud in my chest. Para akong hihikain sa bilis at marahas na pagpintig ng puso ko!
Nanghihina man ang mga tuhod ko pero nagawa ko paring makalapit sa kanila. They still looked so shocked. Kulang na nga lang ay pasukan ng langaw ang bibig ni Leonne para muli niyang maisara iyon.
"Mommy..." Pinigilan kong mapapikit ng marinig ang pagtawag ni Renly sa akin.
Parang gusto ko nang tumakbo ng makita ang pagbukas ng bibig ni Hermes bago ko pa masagot ang anak ko,
"Mir... Don't tell me..."
"Fuck that's Marcus's!" Hiyaw ni Leonne na nagpahigpit ng kapit ko kay Renly.
Napalingon ako sa kan'ya ng hilahin niya ang kamay ko.
"Mommy... He said bad words." Aniya.
Oh God!
Sinamaan ko ng tingin ang litong litong si Leonne pero kahit na yata yugyugin ko siya ngayon ay hindi parin mawawala sa hitsura niya ang pagkawindang.
Tumunog ang malakas na kampana na hudyat ng pagsisimula ng programa.
Nawala sandali ang pagkabigla ng mga kaibigan ko pero hindi parin nawala ang mga mata nila sa anak kong hawak na ng coordinator.
Tahimik akong bumalik sa tabi ni Hermes at ikinawit ang kamay ko sa kan'yang braso.
"Mir, I swear to God. That kid..."
Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya. Nagbaba ako ng tingin pero hindi ko na nagawa ng maingat niyang iangat ang baba ko para magkatitigan kami ulit.
"Mirthene?"
Napabuntong hinga ako ng marahas at tanging tango nalang ang nagawang sagot.
"Holy fuck!" Siya naman ngayon itong napamura ng malutong.
"Hermes! Watch your mouth please!" Pagalit ko.
Para na siyang baliw na nakangisi ngayon sa harapan ko.
"Gusto kong magmura ng maraming beses Mithene at talagang gagawin ko sa paglabas natin ng simbahang ito!"
Nilingon ko si Leonne na nanatiling nakatulala sa anak ko habang paulit ulit na nagmumura sa mahinang boses.
Bumagal ang paghinga ko ng marinig ang magandang saliw ng tugtugin na galing sa gilid ng altar.
Kinalma ko ang sarili ko ng kami na ang naglakad sa gitna ng simbahan. Hanggang sa makabalik ako sa tabi ng kapatid ko ay hindi nawala ang kaba ko.
Damn it! Parang gusto ko narin tuloy lumabas ng simbahan para lang mapakawalan ang lahat ng mura ko!
Kung hindi ko pa nakita ang napakaganda kong kaibigan ay baka nakalimutan ko ng kasal niya nga pala ngayon. And this day isn't about me.
Lahat ng ito ay pipilitin kong maging maayos para sa araw ng kaibigan ko. I will set aside my worries about my friends and Renly. Sa ngayon ay isasantabi ko muna ang lahat ng aking kaba at takot sa mga posibleng itatanong nila sa akin mamaya.
Nang matapos ang kasal ay agad kong kinarga si Renly para ilayo sa intriga. Gusto kong mag-isip muna at ihanda ang isip sa mga katanungan nila kaya naman nang makalabas na ang groom at bride sa simbahan ay hindi na ako nag-alinlangan pang sumabay sa kapatid ko patungo sa reception.
God knows how thankful I am that Marcus isn't here. Dahil baka kung nandito siya ay kanina pa ako hinimatay sa kaba.
The party was perfect.
Simula sa wedding hanggang sa unang yugto ng reception ay naging maayos naman ang lahat.
Jen and Russel looked so in love with each other. Hindi nawala iyon kahit na ilang taon na silang magkasintahan. Ni minsan rin ay hindi nawala ang tinging iyon sa kanilang mga mata. Yes, they may still have bumps ahead of their relationship pero sigurado naman akong malalagpasan na nila iyon ng gano'n lang kadali.
"How old is he again? Four? Five?" Si Hermes.
"Four."
"What's his name?" Si Leonne.
"Marcus Renly." I answered.
Napasinghap siya na tila nababaliw parin sa mga impormasyong nalalaman.
"If he got you pregnant, bakit siya umalis at iniwan kayo?"
Muling nalaglag ang panga ni Leonne ng makuha ang sagot sa tanong ni Hermes kahit na wala naman akong sinasabi.
"Hindi niya alam?!" Bulalas niya.
Napayuko ako. Yup. Kayo nga hindi niyo alam, siya pa kaya?
"Mir, he deserves to know that he has a kid." Ani Hermes sa seryosong boses.
Parang gusto ko tuloy ma-guilty ngayon. Hindi lang dahil sa naglihim ako sa kanila kung hindi dahil ang party na ito ay naging tungkol tuloy sa akin at hindi sa bagong kasal.
"Ipapaalam ko naman..."
"Kailan? Another four years Mir? What if nakahanap na 'yon ng iba sa tagal ng panahon?" Si Leonne.
Napangiti ako ng mapait.
"Then so be it. Gano'n siguro talaga. Hindi kami, period."
Napatuwid ng upo si Hermes.
"Mir naman?! Hanggang ngayon ba nagtuturuan pa kayo kung sino ang dapat mauna? Sino ang dapat gumawa ng hakbang? You wasted so many years already!" Frustrated na komento ni Hermes.
Pinagdiin ko ang labi ko ng wala na akong maisip na sagot sa sinabi niya. He's right. Pero paano? Ni numero nga no'n ay hindi ko alam. I am not into social media anymore. Matagal na akong walang mga accounts doon.
"Tatawagan ko na!" Nagmamadaling tumayo si Leonne dahilan ng pagkataranta ko.
"Leonne! Pwede bang ako nalang ang magsabi please?"
Pinigilan ko ang kamay niya.
"Okay, but I will call him now. Ngayon na Mirthene. Hindi bukas o mamaya. The kid deserves to know his father. Ilang taon na ang nasayang. Can you at least let him know that he has a kid that looks just like him? Fuck! Nababaliw na talaga ako rito."
Napatango nalang ako at hinayaan na siya sa gagawin.
Habang lumalayo si Leonne hawak ang kan'yang cellphone ay hindi ko na maintindihan ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko na alam. Para na akong tinatawag ng kalikasan na hindi. Damn it!
Hinawakan ni Hermes ang kamay ko at marahan iyong pinisil.
"Kahit itago mo si Renly, hindi naman makakaligtas 'yan kay Marcus kapag nakita niya. Look at him..." Sinundan ko ang tingin niya patungo sa gawi ng anak ko.
"Kahit dito sa malayo kamukhang kamukha ng tatay, e!"
Napahagikhik ako.
"I'm sorry Hermes. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin. Hindi ko na alam..."
"It's okay Mirthene. I'm rooting for the both of you. Ewan ko ba. Fate is really fucked up. Pero alam kong may pag-asa pa. Lalo na ngayon..." Itinigil niya ang tingin sa anak kong kalaro ang kan'yang anak.
"Baka mapangasawa pa ni Renly ang Hermione namin." Pagbibiro niya.
Napangiti nalang ako.
Kung saan at kanino magiging masaya ang anak ko ay doon rin ako. Ngayon palang ay sinabi ko na sa sarili kong hindi ako makikialam sa kung ano ang gusto niya sa buhay. Narito lang ako para suportahan siya at gabayan sa lahat.
Muling bumalik ang kaba ko ng makita ang bagsak na balikat ni Leonne.
"Wala daw e. Ang sabi ng secretary ay nasa ibang bansa parin." Malungkot niya akong sinulyapan at kahit na may lungkot akong naramdaman ay hindi ko na iyon ininda.
Mabuti nalang rin at tinawag na ang mga bridesmaid para sa paghahagis ng bouquet.
Nang makita ko ang tulips na hawak ni Jen ay ginanahan ako. Simula kasi kanina ay wala na akong maramdaman kung hindi ang nakakaliyong kaba pero ng makita ko ang mga 'yon ay parang nagkaroon ako ng buhay kahit na kaunti.
Kasama ni Mackenzie sa table si Blaire, Harriete at ang mga bata kaya panatag rin ang loob kong iwan doon ang anak ko.
"Ready!" Napangisi ako ng kindatan ako ni Jennifer.
Wala man akong boyfriend ngayon ay handa akong saluhin 'yon!
Natatawa kong inayos ang suot kong dress. Sa pagkakataong ito ay alam kong ako na ang makakakuha no'n. Makikipagpatayan na talaga ako!
Natawa ako ng tila sinusukat pa ng kaibigan ko ang gawi ko para sa tamang paghahagis ng bouquet.
"Okay ladies! One, two..."
Hinanda ko na ang sarili ko. Sa pagbilang ng tatlo at pagsabay ng paghagis niya noon sa aking direksiyon ay agad akong tumingkayad para maabot iyon sa ere.
Wala sa sariling napatalon pa ako ng isang beses nang sa wakas ay mahawakan ko na iyon!
I finally catched a wedding bouquet!
Kahit na alam kong hindi naman magiging totoo ang kasabihan na kung sino ang nakasalo ay siyang susunod na ikakasal ay papanindigan ko parin.
Walang pagsidlan ang tuwa sa puso ko lalo pa ng makita ang hiyawan at palakpakan ng lahat partikular ng mga kaibigan ko.
Sa pagpihit ko para sana hanapin ang anak ko ay awtomatikong nahinto ang pag-ikot ng mundo ko ng makita ang isang bultong nakatayo ilang dipa lang ang layo sa akin...
Parang may isang malakas na tambol ang umalingawngaw sa puso ko ng makita ang kabuuan niya.
Humigpit ang kapit ko sa bulaklak na aking hawak lalo pa ng makita ang suot niyang itim na suit na kaparehong kapareho ng suot ng anak kong hawak niya...
Ilang ulit akong napalunok ng marinig muli ang nakakabinging hiyawan. Ang kaninang higpit ng kapit ko sa bulaklak ay nawalan ng saysay dahil nabitiwan ko na iyon ng mapahawak ako sa aking dibdib.
Ang puso ko... Sumisikip ang puso ko sa matinding paghuhuramentado nito...
The sight of Marcus Findle Warner holding my child makes my heart so weak...
Parang isang pitik nalang sa akin ay tutulo na ang mga luha ko. Kitang kita ko sa mukha ni Renly ang hindi mapantayang tuwa habang nakatitig lang sa mukha ng amang nakatitig naman sa akin.
Napasinghap ako ng tanggalin ni Marcus ang suot niyang aviator at hinayaan iyon sa kamay ng kan'yang anak.
Sa paghigpit ng pagkakayakap niya rito ay bumukol ang iilang muscles niya sa braso. Kung may nagbago man kay Marcus ay sigurado akong nasa mata niya ang mga 'yon. He still looks so damn gorgeous! Silang dalawa ay parang pinagbiyak!
Kahit siguro punit punit ang suot nila ay lulutang parin ang kagwapuhan sa kanilang mga mukha.
Muli akong napalunok ng maglakad siya ng kaunti palapit sa akin at mahagip ako ng mata ni Renly.
Inilagay ko na sa bibig ko ang aking mga palad.
Oh Mirthene! Hold your tears please!
Sigaw ng utak ko.
Nanatiling nakatitig ang halos lahat ng bisita sa bagong dating na hawak si Renly, at sa akin na natutulala parin sa kanila.
Renly smiled at me and said,
"Mommy look! My daddy is here! My Daddy Marcus is finally here Mommy! I have a Daddy now, Mommy!"
# CHAPTER 40
(This will be the last chapter. POV and special chapter will only be available on Patreon. Thank you all so much for reading Mondays With Marcus!)
Chapter Forty
Tadhana
Sunod ko nalang naramdaman ang pagtulo ng maiinit na likido sa aking pisngi ng tuluyan na siyang makalapit sa akin.
Napakurap-kurap ako para luminaw ang mga mata ko at pagkatapos ay marahang pinawi ang mga luhang patuloy na nalalaglag doon.
Is it me or talagang matagal lang kaming hindi nagkita? Bakit kahit sa paggalaw nalang maski ng iilang hibla ng kan'yang buhok ay siya namang pagpuri ng pagkatao ko sa kan'yang kabuuan.
Pakiramdam ko'y dumoble ang emosyon ko ng dahan dahang umarko ang kan'yang labi para sa isang napakatamis na ngiti. Isang simpleng ngiti lamang iyon pero para bang lahat na ng matagal kong hinihintay ay kasabay na ng mga ngiti niya.
Kahit na gustohin kong sagutin ang ginawa niya ay hindi ko naman magawa dahil sa sobrang emosyong sumasalakay sa akin.
"Hi..." Pormal niyang panimula.
Napalunok ako at pinilit na maging matatag sa kan'yang harapan kahit kanina ko pa ramdam ang panginginig ng aking mga tuhod.
"H-Hi." Mahina kong sagot.
Hindi ko na pinansin ang mga bisitang nakatuon sa amin. Hindi ko na rin alam kung dapat ko pa bang intindihin ang kasal ng kaibigan ko o ang anak kong ngayon ay hawak na ni Marcus makalipas ang ilang taong lumipas.
Muli siyang ngumiti at hinalikan sa pisngi ang anak na hawak. Doon na ako nalunod ng tuluyan. Sa pag nginig ng balikat ko ay agad kong nakita ang pagtawid niya sa mumunting pagitan naming tatlo para gawaran ako ng yakap.
"Damn baby... I'm sorry, please don't cry..." Maingat niyang sambit kasabay ng paglapat ng kan'yang labi sa aking buhok.
I felt Renly's hand giving me a hug too.
"Mommy stop crying... Daddy will get sad..." Aniya sa maliit na boses.
Hindi ko nagawang mag-angat ng tingin sa kanilang dalawa bagkus ay iniyakap ko nalang rin ang mga kamay ko sa katawan ni Marcus.
Doon ko ibinuhos ang lahat ng nararamdaman kong hindi ko parin maisalarawan.
Narinig ko ang hiyawan ng mga tao lalo na ang nangingibabaw na boses ni Jennifer na nagwawala na yata.
Lumuwag ang yakap niya sa akin para sana harapin ako pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakayakap sa kan'ya. He chuckled at that. Muli niya nalang hinalikan at hinaplos ang buhok ko.
Damn... Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon ngayong yakap yakap ko si Marcus. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang pigilan ang pagkawala ng mga emosyon kong naipon sa loob ng ilang taong wala siya.
Napapikit ako ng marinin ng maramdaman ang paghugot niya ng isang malalim na paghinga.
"Na miss kita alam mo ba 'yon?" Bulong niya sa akin.
Pupungas pungas kong inangat ang mukha ko para muli siyang matitigan. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang mag ama pero hindi ko naman nagawang magsalita. Inangat niya ang isang kamay niya para unti unting hawiin ang mga luha ko.
"I'm sorry Mirthene... I'm so sorry for everything... Sorry if I let you raise my son without me-"
Para akong binalikan ng katinuan sa narinig at napakalas ng wala sa oras sa kan'ya. Wala sa sariling inilahad ko ang kamay ko para kunin sana si Renly pero imbes na magpakarga sa akin ang anak ko ay niyakap niya lang ng mas mahigpit si Marcus.
Laglag panga akong natulala sa kanilang dalawa. Si Renly na nakabusangot ang mukha habang yakap siya at siya naman na ngising ngisi dahil sa ginawa ng huli.
"He missed me Mir. Hayaan mo-"
"Hindi..." I cut him off.
Kumunot ang noo niya.
"H-Hindi ko maintindihan. Paano mo nahanap si Renly? A-and how can you be so sure that he is yours?" Nauutal at naguguluhan kong sambit.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya at bago pa sumagot ay hinuli na ang kamay ko. Tinanguan niya at tinitigan ang mga taong nasa aming paligid kaya napagaya ako.
Sa paglingon ko ay iyak na ng iyak si Mackenzie. Ang bride naman ay emosyonal narin habang ang mga kaibigan naming lalaki ay abot hanggang tenga ang ngiti.
"Gusto mo bang idetalye ko sa kanila kung paano natin ginawa si Renly?" Nakangisi niyang sambit.
"Marcus!" Agad kong sinapak ang dibdib niya! What the hell!
Imbes na magalit sa ginawa ko ay mas lalo pa siyang natawa. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
"Let's talk Mir." Seryoso na niyang sabi.
Bumilis at lumakas ang kalabog ng puso ko. Hindi pa man ako nakakapayag ay gumalaw na siya. Aalis na sana kami doon pero agad kaming tinawag ni Russel.
"Where are you guys going?! Hindi pa tapos ang party Marcus! You can surely talk about everything later! Ang mahalaga ngayon, ito..." Iwinagayway niya ang wedding garter na kan'yang hawak bago lumapit sa amin.
"Sorry guys pero ipapaubaya na natin ito ngayon sa susunod na dapat nauna pang ikinasal sa amin ng asawa ko!" Magiliw niyang pagpapaliwanag sa crowd na sinagot naman ng hiyawan bilang pagpayag.
Kinuha ni Jen ang bouquet na nabitiwan ko at ibinigay sa akin pagkatapos ay kinuha si Renly kay Marcus.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi ng wala na akong nagawa matapos akong dalhin ni Marcus sa isang upuan na nasa gitna ng lahat.
Sa pagluhod niya sa aking harapan ay sumabay ang pagbabago ng tugtog. Hindi ko na tuloy alam kung paano pa ititigil ang pagluha ko. I glanced at my son. Hawak parin ito ni Jen sa kamay at kasalukuyang nanunuod rin sa amin.
Napabalik ang tingin ko sa lalaking nasa paanan ko ng hawakan niya ang aking kaliwang paa at marahang inangat iyon paalis sa bermuda grass.
"Let's get it on!"
Natatawa niyang nilingon ang sumigaw na si Leonne at pagkatapos ay umiling iling. I let him put my feet on his knees.
Awtomatikong natigil ang mga luha ko ng maingat niyang tanggalin sa aking paa ang suot kong sapatos. The crowd went crazy at that. Gustong kong pandilatan si Marcus lalo pa't alam kong nanunuod ang anak namin pero wala na akong magawa.
Ni isang salita ay wala ng gustong lumabas sa labi ko lalo na ng titigan ako ng kan'yang malamlam na mga mata. Napalunok siya ng bumaba ang kan'yang mga mata sa kinagat kong labi.
"Mirthene... I don't know if you still want me in your life. Hindi ko rin alam kung kahit kaibigan ay matatanggap mo pa ako. Hindi ko alam kung sino ng nagpapasaya ngayon sa'yo at mas lalong hindi ko alam kung dapat bang bumalik na ako pero gaya ng huli kong sinabi, apat na taon ang lumipas... Mahal kita at mamahalin kita." Bumalik ang mga mata niya sa akin bago magpatuloy.
"Mir, Mahal na mahal parin kita..." Dahan dahan at klaro niyang sambit.
"M-Marcus..."
Napakapit ako sa upuang kinalalagyan ko ng maramdaman ang maingat niyang pagpasok ng garter sa aking paa. Hindi na ako nakapagpatuloy.
Pakiramdam ko'y nagsisitayuan na ang lahat ng buhok ko sa katawan sa bawat pagtaas at paglapat ng kan'yang kamay sa aking balat.
"Hmm?" Aniya habang nagpapatuloy sa ginagawa.
"Higher! Higher!" Sigaw ng mga nanunuod.
Napalunok ako. Sa paraan palang ng pagtitig niya sa akin ay nagwawala na ang puso ko, ano pa kaya itong hawak na niya ako ngayon?
"May sasabihin ka?" He teased.
Lumakas ang kalabog ng dibdib ko ng makita ang pag ngisi niya. Itinikom ko ang aking bibig at hinintay nalang siyang huminto.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng marinig ang paghiyaw ng host ng party at ang pagpalakpakan ng lahat matapos niyang huminto ng tuluyan sa aking hita.
Sa pagtayo ko sa upuan at pag-alalay niya ay siya namang paglapit sa amin ni Renly.
Agad ko siyang kinarga. Marcus held my hand again as he reached for the microphone.
"Thank you guys! Russel, Jennifer... Congratulations to the both of you! Ngayon..." Nakangiti niyang iginala ang paningin sa lahat ng nakapalibot sa amin.
"I just wanted to ask all of you a favor... especially to the newlywed," Sandali niya akong sinulyapan bago ibalik sa lahat ang tingin. "Pwede ko na bang masolo ang pamilya ko ngayon?" He continued.
Nag thumbs up si Hermes habang si Leonne naman ay nilapitan na kami para kunin ang mikroponong hawak niya. Humahagikhik na nagsilapitan narin sina Jen at Mackenzie para bigyan ako ng yakap.
Kahit na wala pa namang kasiguruhan kung ano ang mapag-uusapan namin ni Marcus ay nagpatianod nalang ako.
Siya na ang kumarga kay Renly hanggang sa makarating kami sa suite na para sa aming mag-ina.
Lumakas muli ang kalabog ng puso ko ng tuluyan na niyang maisara ang pintuan at lukobin kami ng nakakaliyong katahimikan.
Dahan dahan niyang inilapag sa kama si Renly na nakaidlip na. Tinulungan ko siyang asikasuhin ang anak ko at pagkatapos ay sabay na kaming lumabas sa balcony.
Wala kaming kibuan at tanging ang mga mata lang namin ang nag-uusap sa ilang minutong lumipas.
"Mir..."
"Marcus..."
Parehas kaming natigil ng sabay kaming magsalita.
"Hmm?"
"Ha?"
Umiling ako ng sabay parin kami sa pangalawang salita.
Tumikhim si Marcus at nilingon ang kinalalagyan ni Renly bago ibalik ang tingin sa akin.
"He's mine, Mir. Kahit hindi ko maging kamukha ang batang 'yan ay alam kong sa akin parin siya..." Pinal niyang sabi.
Napalunok ako.
I can feel my heart beating so fast again. Hindi ko na maintindihan. Akala ko hindi na siya makakapunta ngayong araw kaya ang kagabing kinabisado kong mga linya ay tuluyan ko ng nakalimutan.
"P-Paano kung hindi?" I blurted.
Parang gusto kong mapapikit ng marinig ang pagalit ng utak ko. Seriously? Iyon talaga ang naisip kong itanong?
Sarkastiko siyang natawa at pagkatapos ay hinila ang upuan palapit sa akin. Literal na naputol ang paghinga ko ng makitang napakalapit na niya sa akin.
My mind cursed me again when his lips curved a playful smile.
"Then I'll make him mine, Mirthene. Aakuin ko para sa'yo..."
"You can't do that. Paano kung..." Napaatras ako ng muli niyang inilapit ang mukha niya sa akin habang patuloy na nakangisi.
Damn it!
"P-Paano kung may boyfriend ako! Paano kung ayaw ko na sa'yo?"
"Really..." Aniya sa boses na nananantiya.
"Really." Pagmamatigas ko.
Pinigilan kong mapalunok ng makita ang pagseseryoso niya. Iyong mga mata niyang palaging tumatagos patungo sa kaluluwa ko.
"Tell me you don't love me..." Nag-iwas ako ng tingin.
"You still do." Proklama niya kaya napabalik ang tingin ko sa kan'ya.
"How can you be so sure?! It's been four freaking years Marcus. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung paa-"
"Then I'll make you fall in love with me again. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako ng higit pa sa pagmamahal mong binalewala ko noon. I'll give you time to think about us Mir. Kasi ako... Hanggang ngayon sigurado akong ikaw parin. Ikaw lang... Kayo ng anak natin. Anak ko..."
Napapikit na ako ng maramdaman ang bawat emosyon sa binanggit niyang mga salita. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para mapigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko.
"Alam kong tayo ang magkakatuluyan at ngayon gusto kong bigyan ng katotohanan ang mga kasabihan na kahit magkalayo ang dalawang taong nakatadhana ay sila parin ang magkakatuluyan hanggang sa dulo. Parang tayo... Mir, para sa akin ka. And God knows how long I've been praying that he allows me to be with you again. Kahit isang chance lang..."
Lumakad ang kamay niya para kunin ang kamay kong nasa aking hita. Pinisil niya 'yon bago magpatuloy.
"Simula ng malaman kong nagbunga noon ang nangyari sa atin ay-"
"What?!" I cut him off immediately.
"I know about Renly... Hindi pa man siya lumalabas sa mundong ito alam ko na."
Lito ko siyang tinitigan, patuloy paring pinipigilan ang pag-iyak.
"How?"
"Mackenzie."
"Oh God..." I blurted.
Pinagdiin niya ang mga labi bago tumango tango.
"Kaya hindi mo pwedeng itanggi sa akin si Renly. I even named our guy, Mir."
"I-Ikaw ang nagbigay? Ikaw ang nagsabi no'n para ipilit sa akin ni Mackenzie?!"
Tumango tango siya at pagkatapos ay inangat ang kamay ko patungo sa kan'yang labi.
"Lahat alam ko. And I'm sorry if I wasn't there when he was born. I struggle for months in the states. Walang araw na hindi kita naisip. Kung anong nararamdaman mo. Kung paano ka habang dinadala ang anak ko. Kung sino ang bumibili ng mga kailangan mo, nang mga gusto mo habang naglilihi ka. Kung sinong humahawak ng buhok mo sa tuwing nagsusuka ka... Lahat lahat ng 'yon ay dahilan ng hindi ko pagtulog gabi-gabi. Ngayon..." Yumuko siya at humugot ng isang malalim na paghinga.
Tumulo na ang mga luha ko ng muling bumalik ang seryoso niyang mga mata sa pagtitig sa akin.
"I want you to know that I am ready. Na kaya ko ng ibigay ang lahat ng pangangailangan niyo... Just please... please let me fight for this family... Gusto kong buohin ang pamilya natin Mirthene. will you give me a chance?" He pleaded.
Ilang segundo akong natigilan habang dinadama at kinakalma ang pagwawala ng aking puso. I never expected this. Ni minsan ay hindi ko inasahang ganito kabilis ang mga mangyayari ngayon.
Parang kahit na wala ang mga magulang ko ngayon rito, o sa islang kinaroroonan namin dahil sa conference nila sa ibang bansa ay tila naririnig ko ang mga opinyon nila. Na sige na! pumayag na ako. Maging ang boses pati ang mukha ni Mackenzie ay nakikita kong handa akong pagalitan sa oras na tumanggi pa ako.
Apat na taon na nga ang lumipas. Marami na rin ang nangyari pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay gaya ni Marcus, hindi rin naman nagbago ang nararamdaman ko para sa kan'ya. Maybe because the sight of him never left me. Dahil kay Renly ay hindi ko siya nakalimutan. Paano ko naman kasi gagawin 'yon? They're definitely twins.
Kumurap kurap siya ng wala akong maisagot. He bit his lip, tila kabadong hinihintay ang sagot ko. Pakiramdam ko ay naririnig ko na rin ang mabilis na pagkalabog ng bagay sa kan'yang dibdib.
Bago pa siya muling magmakaawa ay marahan na akong tumango.
"O-Okay.." I said.
Lumiwanag ang mukha ni Marcus at wala sa sariling niyakap ako kaagad. Pakiramdam ko'y ang ilang puwang sa parte ng puso ko ay unti-unting nabuo sa ginawa niya.
Napangiti ako ng halikan niya ang buhok ko.
"I love you Mirthene..." Punong puno ng kasiyahan niyang sambit.
Huminga ako ng malalim bago siya sagutin,
"I-I still love you too Marcus..." I wholeheartedly blurted while hugging him back.
# EPILOGUE
Epilogue
Marcus Findle Warner - POV
This chapter is only available on Patreon. Click the link on my bio or message me for details. Thank you!
# SPECIAL CHAPTER
Special Chapter
Marry Me
This chapter
is only available on Patreon (
TIER 3
) and WILL NEVER be posted here unless it will be under paid story. Click the link on my bio for patreon related questions/tutorial or message me for direct VIP pledge.
Again, thank you all so much to
everyone
who expressed their love and
support
for this story. You guys are the best! xoxo!
# NOTES
Thank you all so much for reading Mondays With Marcus. I never thought that he will finally end up being happy. Ang gusto ko lang talaga sa mga short story ko usually ay nakakaawa 'yung mga bida! Haha!
But anyway, I would like take this opportunity to thank my Ate
eiyaahbagunas
sa pangungulit na gawan ko ng happy ending si Marcus dahil sa totoo lang, kuntento na akong malungkot siya sa Seven Days! Haha! Kung hindi siguro dahil sa kanya at sa mga iba pang nag-request sa kasiyahan ni Marcus ay wala itong MWM ngayon kaya thank you!
To all the readers (Cenglot's, My babies, And sa mga mahal kong OFW's),
Thank you all so much for supporting me. For pushing and inspiring me every single time! Yes, I maybe writing for myself, but I also want to share my happiness with all of you lalong lalo na sa mga bayani nating nasa ibang bansa (Mabuhay po kayo!) Sana nagustuhan niyo ang kwentong ito. Salamat ng marami! See you sa ibang istorya pang magagawa ko.
May God continue to bless us all!
P.S
Special Chapter will only be available on paperback. Stay tuned.
To God be the glory!
🙏🏼
💚
"A friend loves at all times." ~
Proverbs 17:17
- CengCrdva

