Moonless Night Sky
ice-freeze · 6 chapters · 7,958 words
DISCLAIMER
Names, places, events, and other information used in this novel were all due to the author’s wild imagination. Any of these things similar to yours or to anyone are already out of the author’s control and purely coincidental.
Copyright © July 29, 2026, Ice_Freeze. All rights reserved. Reproduction or transmission of this book in whole or in part in any form or medium without express written permission by the writer is totally prohibited. PLAGIARISM IS A CRIME!
—
This one is a stand alone novel. Thank you and God bless, everyone.
Moonless Night Sky
WARNING:
This story may contain scenes and languages that are not suitable for ages 18 below.
READ AT YOUR OWN RISK!
| College Romance | Romance | General Fiction |
| Secret Affair | Surprise Baby | Mature |
Two different worlds, two opposing beliefs, ended in one reckless arrangement.
**
She is a broke Social Work student with huge financial struggle, mental instability, and an aching need for love and support.
He is a wealthy Law student, an heir with a solid support system and a cynical heart that scoffs at the sanctity of union.
When desperation and unspoken desires collide, she offers herself to him, and he takes it undoubtedly—loving the thrill. What begins as a constant night of escapes soon blurs the thin line between genuine love and mere excitement. But when the smoke clears and their secret affair leads to an unexpected pregnancy, he vanishes without a trace—severing every connection and memories they ever had.
Left behind close doors, she makes a vow: no second chances.
If her world is meant to remain a moonless night sky, she will embrace the darkness alone—no one has to offer a dim of light, she will always survive the night.
—
SIMULA
MALALAKI ang mga hakbang ko habang paakyat ng opisinang iyon. Sa mga oras na ’to, mas lamang sa akin maipasa ang mga kaso na hawak ko para mabigyan ng mabilis na atensyon kaysa sa hingal at pagod na mayroon ako.
Pagdating ko ay walang katok-katok akong pumasok sa loob ng opisina at halos pabalibag ko pang naisara ang pinto nang hindi ko naman sinasadya— pero siguro para sa ibang nakakakita, mukha akong nagdadabog.
“Ms. Monterica, hindi ka nagpa-appointment—”
“For heaven’s sake, Ms. Fajardo, nakailang tawag na po ako sa inyo at sa sekretarya ninyo pero wala kayong response kaya kailangan ko nang pumunta rito. Ang usapan natin ay uunahin n’yong bigyan ng atensyon ang kaso ni Nancy kumpara sa kahit na ano dahil alam n’yo naman na may in quest proceeding kapag rape ang sitwasyon—”
“Hindi ka para magdunong-dunungan sa akin, Ms. Monterica. Alam ko ang trabaho ko as a lawyer of the Public Attorney’s Office! Sino ka para—”
“Then do your job!” putol ko sa kaniya kasabay ng pagsigaw ko pabalik dahil nauna niya akong pinagtaasan ng boses at una niya akong pinutol sa pagsasalita.
“How dare you?!” sigaw niya at nakita ko pa ang panlalaki ng mga butas ng ilong niyang malapad na nga ay may lalo pang lumaki.
“Yes, how dare me. Ayokong magkasira tayo at dumating sa punto na ireklamo kita kaya kung may awa ka kahit paano sa bata, ipa-priority mo ang kaso niya!” pikon na sabi ko. May beef na talaga ako sa kaniya kaya lalo niya lang pinapalala.
“Find another lawyer! Wala na akong pakialam. Napakabastos mo!”
Nginisihan ko siya bago ko hinampas ang table niya. “Aasta ka na ng ganiyan just because you’re finally opening your own private practice? Sure, pero tandaan mo ’to, hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapabagsak sa mga naunang kaso ko na nahawakan mo!” buwelta ko bago ko siya tinalikuran dala ang mga papel ng kasong hawak ko.
Samang-sama talaga ang loob ko dahil alam ko ang galawan nila ng secretary niyang kapwa niya bruhilda. Wala silang malasakit at pakialam sa mga beneficiary. Pera-pera lang talaga sila kahit noon pa kaya’t marami na rin sa hinawakan nilang kaso ang natalo at gusto ko talagang gilitan ang leeg nila dahil sa mga ’yon.
Maluha-luha akong lumabas ng opisina niya pero hindi ko talaga pinakita na naiiyak na ako sa inis. Awang-awa kasi ako sa hawak kong benepisyaryo dahil mismong mayor ng lugar nila ang gumahasa sa kaniya. Walang gustong humawak ng kaso niya dahil natatakot na pati sila ay madamay.
Sa totoo lang ang dami ko na rin talagang natatanggap na death threat dahil sa pagtulong ko kay Nancy pero hindi ako bumibitaw dahil mas mahalaga sa akin ang makuha niya ang dapat na hustisyang para sa kaniya.
Agad akong pumara ng taxi nang tuluyan na akong makalabas ng building. Iyong binigay na lang ni Selle na private lawyer ang pupuntahan ko, mas okay siguro. Sabi niya naman ni-refer naman daw sa kaniya iyon ng kakilala niyang may rape case rin at governor pa ang gumawa. Naipanalo naman daw.
Nang marating ko ang building sa binigay na address ni Selle para naman akong nalula dahil pagkataas-taas ng building na ’to. Parang pati mata ko ay luluwa kung sira rin ang elevator dito.
Letse kasing opisina ni Fajardo. Mataas na nga ang kinalalagyan, sira pa ang elevator. Hanep na ’yan!
Halos mapa- thank You, Lord talaga ako nang makita kong fully functional naman ang elevator. Agad kong pinindot ang 47th floor kasi iyon ang nasa instruction ni Selle.
May mga kasabay ako sa elevator na mukhang mga lawyer din pero kiber lang. Social Worker ako, pare-pareho lang kaming nakapag-aral dito, hindi ko kailangan ma-intimidate sa kanila.
Nang makarating kami ng 47th floor, agad akong lumapit doon sa reception area. Sinalubong naman ako ng ngiti nitong babaeng mukhang kahit sumakay ng chubibo ay hindi gagalaw ang hair sa sobrang daming wax.
“Hello, Ma’am. Is there anything I can help you with po?” magalang na tanong niya.
Nginitian ko naman siya pabalik bago ako nagsalita. “Hanap ko sana si Mr. Mendoza. Social worker ako and my case sana akong ihihingi ng tulong sa kaniya. Sabi kasi ng mga co-worker ko, tumatanggap daw siya ng ganitong mga case,” paliwanag ko at tumango-tango naman ang babae.
“Yes, Ma’am. Tumatanggap naman po talaga si Sir Jarold ng mga ganitong case pero kailangan n’yo muna pong makausap ang owner. Kailangan po kasi ng approval from him since he owns the firm bago po mag-proceed ang mga lawyer natin. Also, kasama rin kasing nagmi-meeting si owner kapag ilalatag na ang case bago mag-attend ng trial,” paliwanag niya at gets ko naman din. Hindi naman ako maghihisterya at magsisisigaw kasi ako lang naman ang makikisuyo sa kanila.
“Sige, Miss. Puwede kayang ngayon ko makausap si owner? O by appointment?” tanong ko.
“Hindi po, Ma’am. Kapag ganitong case po ay priority ni Sir. Kahit nasa meeting po iyon, babalik at babalik ng office kapag ganito ang naitawag sa kaniya—kung minsan iiwan pa niya ang mga ka-meeting niya para lang ma-priority po ang mga ganito,” sabi niya naman bago nag-dial sa telepono.
Big wow naman sa owner. Sana lahat ng owner kagaya niya na makatao.
Nang matapos ang phone call ay agad siyang lumabas ng area niya at nilapitan ako.
“This way, Ma’am. Sakto po pala at nasa office lang si Mr. Edwards. Hindi n’yo na po kailangang maghintay.”
Bigla akong binundol ng kaba pagkarinig ko ng pangalan na ’yon pero agad naman akong umiling-iling. Sobrang imposible naman.
May narating kaming malaking pinto at kumatok muna ng tatlong beses ang babaeng kasama ko bago niya binuksan iyon.
“Salamat,” sabi ko nang makadalawang hakbang na ako papasok.
“No worries, Ma’am. Dito na rin po ako. Mabait po ’yan sobra si Sir may pagkamasungit lang. Huwag po kayong mahihiya,” sabi niya bago ako tuluyang iniwan.
Naglakad ako papasok ng opisina na iyon na kasing laki na yata ng buong bahay namin.
Nakita ko ang sadya ko na nakatalikod habang nakaupo sa swivel chair niya. Naupo naman na ako kahit hindi niya pa ako hinaharap at pinauupo.
“Hello po, Sir. I am Drae Alekzin Monterica po. A social worker in this city. I just need your help on one of my special cases,” panimula ko.
Hindi ko alam pero bakit kabang-kaba ako na hindi ko maipaliwanag kahit na kung tutuusin naman ay dapat hindi dahil wala naman akong masamang ganap dito. Sa paniniwala ko kasi ay kakabahan ka lang naman kapag gumawa ka ng mali at masama.
Para bang ang epal ng paligid at parang naging sobrang slow motion ng naging pag-ikot niya paharap sa akin.
Halos lumabas ang puso ko sa rib cage ko nang tuluyan nang bumalandra sa akin ang pagmumukha ng kaharap ko.
“Hello to you too, Ms. Monterica,” bati niya nang nakangisi sa akin.
Kung hindi lang masamang magmura ay nailabas ko na siguro lahat ng masasamang mura sa buong mundo sa oras na ito. Pero wala pa ring nagbago sa kaniya, nandoon pa rin iyong sobrang guwapo niyang mukha na masarap sapakin. Pekingduck!
“A–anong ginagawa mo rito?” Hindi ko mawari bakit kailangan kong mautal ngayon na kaharap ko siya.
“I am the owner, Ms. Monterica. Didn’t you see in front of the building? Edwards Law Firm,” walang emosyon na sagot niya sa akin.
Paano kong makikita, e, buwisit na buwisit ako kay Fajardo! Nagdire-diretso lang ako! Iyong taas lang ng building ang napansin ko! Pekingduck talaga!
Tumayo ako bago ko siya sininghalan. “Kung ikaw rin naman pala ang hihingan ko ng tulong, hindi na lang. Nakakatakot mabaon ng utang na loob sa ’yo. Wala ka pa namang kuwentang tao,” walang modong sabi ko.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papalapit sa akin. Habang naglalakad siya papalapit ay parang masisiraan na ako ng rib cage dahil nagwawala ang puso ko sa loob.
“Really?” sabi niya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Yumuko pa siya para lang magtapat ang mga mukha namin. “Wala pa naman akong balak singilin ka nang malaki. Kapag ex kasi may discount sana at kapag girlfriend…” Saglit niyang binitin ang mga sasabihin niya pa bago niya inilapit ang mga labi niya sa gilid ng tainga ko. “…everything is for free. What do you think?”
Wala ka pa ring pinagbago,
Reev
Ellios Edwards, nuknukan ka pa rin ng gago.
“No, thank you. Iyo na lahat ng abogago mo na kagaya mong gago,” sabi ko bago ko siya tinulak at tuluyang nilayasan.
“KAWAWA naman iyong pritong isda. Galunggong siya kanina, ngayon parang fish pastil na,” dinig kong boses mula sa likuran ko at kahit hindi ako lumingon alam kong si Mama ’yon.
“Wala po ako sa mood sa pang-aasar mo, Ma. Marami po akong iniisip,” sabi ko bago inabot ang syansi sa kaniya. “Ikaw na po ang magtuloy tutal nandyan ka na, ang dami ko pang hindi natatapos na labahin,” sabi ko bago ko siya tuluyang iniwan.
Tinuon ko ang atensyon ko sa mga labahin ko. Napakahirap naman kasi talagang maglaba kaya pinipilit kong magpayaman kasi ayaw na ayaw ko talaga sa lahat ng gawaing bahay ang maglaba—at oo, pati ang pagtutupi ng damit talaga. Mauubos ko na lang ang mga damit ko sa sampayan hindi ko pa rin naitutupi.
“Anak, bayaran na ng tuition ni Leesha. Ilo-loan mo na lang ba ulit?” banat ni Mama na dumungaw dito sa likod ng bahay mula roon sa lutuan.
Susmaryosep, isa pa pala iyon.
“Ako na po ang bahala roon, Ma. Abot ko po sa ’yo sa lunes next week,” sabi ko habang sige pa rin sa kuskos ng labada.
“Sige pala. Iyong gamot niya rin paubos na, ha. Kailangan na naman ng refill ng medicine box niya. Pasensiya na’t walang gaanong kita ang talipapa kaya ihihingi ko muna sa ’yo,” sab ni Mama.
“Hindi n’yo po kailangan humingi ng pasensiya. Hindi n’yo po responsibilidad—”
“Mommy! Mommy!” sigaw iyon na paiyak na kaya’t agad akong napatakbo papasok ng bahay.
Nakita ko si Leesha na nag-iiyak habang nasa sulok ng sala.
“Jusko! Napano ka?” tarantang tanong ko.
“Kokoroach! Kokoroach! Mommy, kokoroach! Yuck! Yuck!” sigaw niya at parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Akala ko kung napano na ang loka.
“Mommy will palo ng slipper the cockroach. Go to Mama there sa likod dali,” sabi ko sa kaniya na ginagawang laro ang kinatatakutan niya para hindi na siya mas matakot pa.
Agad naman siyang sumunod sa akin.
Matapos kong mapatay ang ipis ay pabagsak akong naupo sa sofa habang tinititigan si Leesha na mabagal na lumalakad papunta sa Lola niya na para bang hahabulin pa siya ng patay na ipis.
Ang dami mong mamanahin sa tatay mong may sapak sa ulo, Leesha, iyan pa talagang takot sa ipis.
Napapabilib din ako sa sarili ko dahil napalaki ko na rin kahit paano si Caleesha Illah Monterica—my 5-year old daughter.
May anak kami? Oo. Alam ba niya? Hindi. Ipapakilala ko ba sa kaniya? Mas lalong hindi. Wala siyang karapatan sa batang pinili niyang iwan at talikuran.
—
J E L A Y
M A Y O R A
I
DRAE ALEKZIN
Nakatitig lang ako sa mga nagdadaanan na mga estudyante sa harap ko. Hindi naman ako papansinin ng mga ’yan kasi bukod sa wala naman akong ambag sa kanila, masyado silang maliligalig para intindihin ko pa.
Matagal-tagal na rin akong nakaupo rito sa may shed kakahintay sa dalawang bruha. Nauna kasi ako sa kanilang lumabas dahil may mga additional courses—o subject sa kaalaman ng iba—ang mga iyon kumpara sa akin na sakto lang ang units.
Pinapaikot-ikot ko lang ang bench and bath sa hintuturo ko nang mapansin ko iyong dalawa na papunta na sa gawi ko. Malalapad ang ngiti ng mga walanghiya hindi ko naman alam kung bakit.
“Drae!” tawag sa akin ni Selle na akala mo ba ay hindi ko pa sila nakita.
Aiselle Alijah Alegre, 22. Normal na tahimik ’yan at mahiyain pero kapag sa akin talaga para siyang nakakakawala sa lungga.
“Gaga ka! Kasalanan mo kaya hindi mo tuloy nakita iyong anak ni Mr. Saberon! Puta ampogi! Namamakyu iyong ilong sa tangos!” sabi naman ni Tammy nang makalapit na sila sa akin nang tuluyan.
Tamiah Rivers, 21, half-half pati ang utak. Pikunin pero pinakamasayahin.
“Iyon…” saglit kong binitin ang sasabihin ko kaya napatanga sila sa akin. “…ang mukhang kailan man ay hindi mapapa sa atin kaya itigil n’yo ang pag-iilusyon. Una, hindi tayo mayaman, pangalawa, marami tayong excess baggage sa pamilya para magpakadelulu.”
Napasibaktong naman ang dalawa dahil sa sinabi ko. Gusto pa kasing sinasampal ng katotohanan, manong agad na lang bang tumanggap.
“May klase ka pa ba?” tanong ni Tammy kaya agad naman akong tumango. “Ay, ako wala na pong klase. Si Selle yata asynchronous yata ang sa kanila. Alam mo naman si Ma’am Javier, medyo tamad na palibhasa’t kabuwanan niya na.”
“Masyadong masipag si Ms. Arnulfo tapos maagap pa mambagsak kaya hindi ka talaga puwedeng pumetiks lang. Sa lahat din ng minor siya itong feeling major. Matindi pa magbigay ng mga exam,” himutok ko naman.
“Ay, iyong foreign language mo ba ’yan?” tanong naman ni Selle na agad kong ikinatango.
Nagkayayaan na kakain na lang muna kami sa may canteen bago uuwi si Tammy at Selle. Maiiwan ako dahil nga kay Ms. Arnulfo at medyo sanay na ako. Madalas din talaga akong maiwan lalo kapag may training.
Habang naghahanap ako ng makakain sa likod ng salamin ng mga ulam, may nahagip ang mata ko na sobrang pamilyar na pigura pero hindi ko pinansin. Sa mga oras na ’to, mas lamang ang kulo ng tiyan ko.
Pinili ko lang iyong siomai rice kasi nagtitipid talaga ako ngayon. May bibilhin pa naman akong yellow book para paghahanda sa board exam. Ga-graduate na lang at lahat dami pang gastusin. Nakakainis .
Saktong pupunta na sana ako sa full house na kainan sa labas ng canteen kung saan nandoon iyong dalawang bruha nang may mabilis na sasakyang umarangkada sa harap ko kaya literal na natapon ang pagkain ko.
Gusto kong magmura mula ulo hanggang paa sa gigil.
Pumarada ang sasakyan sa harap ng pintuan mismo ng canteen. Masama ang tingin ko nang tuluyang bumaba ang driver.
Si Qpal pala. Hindi man puwedeng salungatin ’yan kasi apo ng may-ari ng school.
“Oy, gago! Napano ka?” sabi ni Tammy na nakalapit na pala sa akin nang hindi ko napansin.
Napapalatak ako kasi umaabot na sa bumbunan ko ang pikon ko pero kailangan kong kumalma. “May bobong dumaan sa harap ko na akala mo pag-aari ang kalsada—pero sabagay pag-aari naman din niya nga kaya ganoon,” sagot na bulong ko. “Wala ka na ngang pera, natapon pa,” sabi ko na ibinaling na ang atensyon sa siomai rice kong nakakakalat na sa sahig.
“Share na lang tayo, diet naman ako hindi ko mauubos ’tong pagkain ko,” sabi naman ni Tammy bago ako hinatak papunta na sa full house.
Naki-share na lang talaga ako at literal na namburaot habang kumakain sila. Super tipid ko sa sarili ko tapos may ganoon pang nangyari.
Hindi naman ako galit doon kay Qpal, gets ko rin na medyo blindspot iyong nilalakaran ko. At lalong wala akong karapatan magalit, iskolar ako ng Lola niya.
“Maiba ako, Drae, tuloy pa rin ang allowance mo kay Miss Bella kahit hindi ka na halos nakakapaglinis ng bahay nila?” tanong ni Selle habang kumakagat sa malaking fried chicken niya. Nawawala talaga ka-demure-an ng babaeng ’to kapag kaming tatlo lang ang magkakasama.
Tumango naman ako sa tanong niya. “Wala naman problema kay Miss Bella. Mas may problema pa kami n’ong isa kasi puro kalandian ang alam,” sabi ko na ikinatawa nila.
“Boi, kung ganoon din naman ang mukha ng lalandi sa akin, kahit na hindi na ako magka-allowance, maglandian na lang kami all day at all night,” sabi naman nitong si Tammy kaya natawa rin ako.
Alam ng dalawang ’to ang sitwasyon ko sa buhay at sa bahay. Solong anak ako ng Mama at Papa ko pero apat ang mga kapatid ko bale lima kami tapos apat kaming panganay. Kung paano ’to maiintindihan, sila na ang bahalang umintindi.
Natapos kami at nagpaalam na rin ang dalawa na lalayasan na ako. Buti nga wala akong training ngayon kaya agad akong makakapunta sa bahay ng mga Edwards. Bigayan pa naman ng allowance ngayon kaya kailangan ko talagang magpakita.
KASALUKUYAN akong naglalampaso ng hagdanan pababa ngayon dahil dalawang araw din akong hindi nakapunta dito. May kalakihan ang bahay ni Miss Bella pero ayaw talaga nilang kumuha ang mga katulong. Si Inang Daling lang ang kasama ko rito, tapos tagapagluto lang nila ’yon.
“Anak, buti naman at nakapunta ka ngayon? Maluwag ang klase mo?” tanong ni Inang habang naghahanda na ng hapunan.
“Opo, Inang. At siguradong kapag hindi pa ako nagpunta ngayon, magsasabi-sabi na naman po ang paborito mong alaga,” sabi ko na ikinatawa niya.
“Sabagay, panay ngang bugnot ’yon kasi wala ka at hindi ka naaasar,” sagot naman ni Inang.
Basang-basa ang t-shirt ko nang matapos akong maglampaso. Maya-maya ay sa pool area na rin naman ang linis ko kaya mabasa man ako ay okay lang.
Nakikipanulungan talaga ako para may pang-allowance sa school. Si Miss Bella, kapatid ng school dean ko noong high school. Private ako nag-aaral noon kasi nakakuha ako ng scholarship. Na-timing na isang beses na inaabutan ako ng pamasahe ni Dean Percy gawa nang nagkaroon bigla ng babayaran na test paper, nandoon si Miss Bella. Nagkuwento naman si Dean Percy na masipag daw akong mag-aral kaya itong si Miss Bella inalok ako ng college scholarship at may allowance pa raw basta maglilinis ako ng bahay nila. Sino ba naman akong dukha para tumanggi? Hayun, g-in-rab ko at ngayon ay ilang buwan na lang at ga-graduate na rin ako.
Ang Mama ko, medyo shunga sa pag-ibig, martir, at basta madaling mauto. Ang Papa ko, sakto lang, playboy at fuckboy kaya nga apat kaming panganay tapos lima kaming magkakapatid palibhasa may itsura. Papasa siyang look alike ni Sylvester Stallone noong kabataan. Panganay ako sa aming lima, tapos may tatlo akong stepmother at apat na half siblings.
Nagpunta na ako sa pool area at ready na akong tumalon dahil alam naman nila Miss Bella na kapag pool na ang lilinisin nakikilibre swimming na rin ako. Saktong patalon na ako nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Bilang isang atleta, matindi rin talaga ang animalistic instinct ko.
Lumingon ako at nakita ko si Qpal na nakangisi sa akin. “You finally came,” sabi niya at naglakad papalapit sa akin.
Reev Ellios “Qpal” Edwards, nag-iisang apo ni Miss Bella at nag-iisang anak ng Nanay at Tatay niyang parehong US-based lawyers.
Kakauwi lang niyan galing America, mga isang taon na rin siguro kasi dito na tinuloy ang pag-aaral base yata sa request ni Miss Bella.
May istura ’yan, hindi puwedeng i-deny. Sobrang pogi na mga babae na siguro ang bubukaka mapagbigyan niya lang. Tapos idadag mo na sobrang tangkad pa. May hawig siya kay Captain America lalo na roon sa movie na The Perfect Score, sobrang hawig na hawig sila roon.
“Na para bang hinihintay mo ’ko,” bulong ko nang hindi ko siya nililingon.
“I told you, when you are talking to me, look at me,” sabi niya naman at nagulat ako nang hawakan niya ang pupulsuhan ko at bigla akong hinarap sa kaniya.
Ito na naman kami sa kalandian niya.
“Ilang beses ko kayang kailangan ipaalala sa ’yo na huwag mo ’kong hahawakan kapag walang consent ko?” pagsusungit ko sa kaniya pero sure na walang talab kasi sanay ’yan na ganiyan ko siya pakitunguhan. Parang barkada lang.
Agad niya naman akong binitawan. “Sorry.”
“Layasan mo ako at maaga ang pasok ko. Kailangan kong matapos dahil sisipunin ako kapag inabot ako ng sobrang gabi kakalinis ng pool—”
“Are you trying to seduce me?” putol niya sa akin kaya agad nangunot ang noo ko.
“Kung ikaw lang din naman, hindi na lang. Guwapo ka pero hindi kita type,” sabi ko bago ko siya bahagyang tinulak para kuhanin iyong malaking brush pangkuskos ng pool.
Nakita kong napangisi na naman siya sa sinabi ko. Hindi talaga ’yan tinatalaban ng mga ganiyan ko.
“Hanggang guwapo lang ang narinig ko. That’s enough,” sabi niya kaya ako naman ang hindi nakapigil matawa.
May holen din talaga ang isang ’to.
“Tigilan mo ako, Qpal. May kasalanan ka pa sa akin kasi natapon ang siomai rice ko kanina sa school gawa ng pagdaan mo—”
“Let’s eat out. Treat ko.”
“Pass baka makita tayo ng fan girls mo at sabunutan ako,” mabilis na sagot ko.
Nagulat ako kasi bigla niyang inangat ang kamay niya at pinunasan ang pawis ko na nagbutil-butil sa noo ko gamit ang likod ng palad niya.
Ito na naman ako sa gulat-gulat sa kalandian niya.
Hindi ko na lang siya pinansin para lang matanggal ko sa utak ko ang mga panglalandi niya.
Tinuon ko ang atensyon ko sa paglilinis ng pool. Lumuhod ako at inaabot ko na sana iyong pang-drain na nandoon sa mismong pool nang bigla na lang may sumigaw. “Mga anak, kakain na!”
Sa gulat ko ay nadulas ako sa pagkakaluhod ko at babagsak na sana sa pool nang maramdaman ko ang paghila sa akin ni Reev pabalik.
Ending ay napapatong ako sa kaniya habang ang isang tuhod ko ay nasa gitna ng hita niya at damang-dama ko ang tigas at laki ng buhay na bagay na iyon dahil naka-sweat pants lang siya.
Tindi naman ng tukso—alam gumawa ng paraan. Pekingduck talaga!
—
J E L A Y
M A Y O R A
II
DRAE ALEKZIN
Nakakatawa na may mga ganoong eksena kami pero kaswal pa rin kami sa isa’t isa. Gaya nga ng sabi ko, nasanay na ako sa panglalandi ni Reev sa akin na wala naman substance. Wala ka ring aasahan sa kaniya dahil mula’t sapul alam kong hindi naman karakas ang isa’t isa.
Kumakain kami ngayon nang magkaharap habang maya’t maya niya kung hapyawan ng hagod ng paa niya ang binto ko sa ilalim ng mesa. Sinasamaan ko siya ng tingin dahil talagang mahuhuli kami ni Inang Daling. Ayaw pa naman niya ang nagkukulusan sa hapag-kainan. Ang Qpal nginisihan lang naman ako na parang enjoy na enjoy siyang kakaba-kaba ako.
“Hindi ba kayo mag-aaral na dalawa? Ang sabi sa akin ni Tammy parating na raw ang finals n’yo? Sa totoo niyan napapabilib ninyo ako gawa ng noong panahon namin napakahirap talagang makapasok sa mga SUC. Kayo ngayon sa panahon ninyo ay minamani-mani n’yo lang at mga graduating pa kayo,” agaw ni Inang sa atensyon namin—actually ako lang, si Qpal kasi ay sabay naman na nasa kaniya ang atensyon at nasa binti ko. Perfect niya sa part na ’yon.
Apo ng kapatid ni Inang Daling si Tammy kaya madalas din silang magkausap. Bale lola siya ni Tammy sa 2nd degree? Parang ganoon pero hindi ko sure, medyo bobo ako sa mga ganiyan na tawag, e.
“Sakto lang, Inang. Sa totoo niyan nakakatuwa na rin na may State University dito sa atin na hindi na namin kailangan mag-Manila pa,” sagot ko na kunwaring hindi bothered sa paang makinis na parang pambababe ni Qpal na talagang mas pinalandi pa ang pagdantay sa akin.
“At mabuti kamo na nakilala mo ang Ma’am Bella kung hindi talagang hihirapin ka rin makapasok kasi ubusan din ng slot,” sagot naman ni Inang kaya napangiti akong tumango-tango. Totoo naman at may point siya.
Natapos kaming kumain at hindi talaga kumibo-kibo si Qpal pero pangisi-ngisi siya sa akin.
Nang nag-aayos na ako ng gamit ko para uuwi na rin ako napansin kong nawawala ang ID ko na hinubad ko kanina. Agad kong hinalughog ang bag ko at hinanap sa mga pinuntahan kong parte ng bahay.
Pekingduck talaga, kapag iyon ang nawala sibak talaga ako at hindi ako makakapasok ng State U dahil sa gate pa lang wala akong ID na maita-tap.
“Drae Alekzin Altamonte Monterica, Bachelor of Science in Social Work, Edwards State University, ID number 13-03419,” dinig kong boses ni Qpal at nalingunan ko siya sa taas na hawak ang ID ko. “You look so young in this photo, but I prefer how you look now,” patuloy niya bago ako pinasadahan ng tingin.
Bumaba ng hagdanan at nakita kong iba na ang suot niyang damit—nakapang-alis na siya. Straight cut jeans paired with plain nude colored shirt. Inabot niya sa akin ang ID ko at may inabot siyang paper bag sa akin. “Ano na naman ’to? Kung ipa-prank mo ako parang awa mo na’t maglubay ka.”
He chuckled na akala mo ba nagbibiro ako. “Wear that, I told you aalis tayo, right? Let’s go,” sabi niya bago ako dinaanan at ginulo nang bahagya ang buhok ko. Ang laki talaga ng kamay niya, dakot na dakot ang ulo ko.
Binuksan ko ang paper bag at bumungad sa akin ang isang set ng mga damit—set talaga dahil may mga underwear pa na para bang alam niya ang size ko.
Agad kong kinuha ang mga iyon at pununta sa banyo. Pagharap ko sa salamin, doon ko napagtanto na basa pala ang suot kong puting damit at bakat ang bra ko. Hindi man lang sinabi ni Inang, susmaryosep!
Tiningnan ko ang mga underwear at ininspeksyon dahil baka mamaya’t gamit na pa ang mga ito ng mga babae niya tapos ay ipasusuot sa akin. Nakita ko naman na may tag pa kaya kumalma-kalma ako.
Hindi kami ganito ni Reev noon. Ilang ako sa kaniya pero siya ay madalas na nakatitig sa akin—titig na hindi iyong tipong gusto niya akong manyakin, titig lang na parang curious siya bakit kailangan kong makipanulungan sa edad ko na ’to. Hindi kasi ako palakuwento ng buhay ko kahit kanino maliban lang doon sa dalawang bruha.
Nagsimula kaming maging komportable sa isa’t isa noong minsan na inutusan akong magluto ni Miss Bella pero hindi pa ako ganoon kagaling. Nilagyan ko ng asin ang adobo tapos naging sobrang alat, si Reev ang sumalo sa akin, in-adjust niya iyong luto ko tapos tinuruan niya ako. Matagal daw kasi siyang namuhay sa ibang bansa nang mag-isa kaya marami siyang alam. Matanda siya sa akin ng dalawang taon. Ang alam ko ay twenty-three na siya, twenty-one naman ako.
Natapos akong magbihis. Ang suot ko ngayon ay loose white shirt at at maong shorts. Buti na lang bagay dito iyong rubber shoes na suot ko.
Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang nakasakay na sa sasakyan niya. Hindi ko alam ano’ng sasakyan na ’to pero basta dalawa lang ang pinto nito at kulay dilaw. Alam kong pangnakaka-LL sa buhay ang ganitong sasakyan at kahit sa panaginip hindi ko ito mabibili.
“Nice. I estimated your sizes well,” sabi niya nang makita niya ang kabuuan ko pagkasakay ko.
“Galing mo nga kasi pati panty at bra kuha mo,” sabi ko na ikinatawa niya.
“I just know that you 34B. Sakto lang din, hindi malaki, hindi rin maliit. I like it that way,” pang-aasar niya at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Hindi ako binabastos niyan ni Reev. Sa sobrang komportable ma lang talaga namin sa isa’t isa kaya ganito kami mag-usap pero syempre hindi ko pa rin naiiwasan ang mabait na utak ko na makaramdam ng kaba.
Pinaandar na niya ang sasakyan pero syempre hindi ako papayag na hindi ako makabawi.
“Okay lang ganiyanin mo ’ko, hindi rin naman kalakihan ang jumbo hotdog mo noong natuhod ko,” sabi ko at tatawa sana nang bigla niya akong lingunin at pinangunotan ng noo.
“Hindi malaki? Really?” parang super confident na sabi niya at nag-smirk pa sa akin. “Try me, Alek. Try me.”
“Try mo lolo mo. Mag-drive ka na. Mauuna kang mag-aasar tapos kapag bumwelta ako, bigla kang may pa-try me, try me riyan,” sabi ko at tinulak ko pa talaga ng tatlong daliri ko ang kanang pisngi niya para ituon na niya ang pansin niya sa daan.
Nangingiti siyang iiling-iling dahil sa naging conversation namin. Hindi talaga kami nagpapatalo, imagine isang social worker at isang abogado? Malabo.
BUMUNGAD sa akin ang maingay at magulong mga tao pagpasok namin. Oo, nasa bandang probinsya kami pero almost city na rin ito talaga kasi wala rin naman pagkakaiba sa Manila. Halos may mga clubbing area na rin dito at hindi katulad ng mga liblib na probinsya na alas sais pa lang ng gabi ay tulog na. Dito ay alas dose ng gabi, magsisimula pa lang ang buhay ng karamihan na maitutulad talaga sa buhay sa Manila.
Nasa likod lang ako ni Reev. Wala akong balak sabayan siya sa paglalakad dahil kapag sumabay ako riyan at nakita ng fan girls niya, baka makalbo ako at hindi ako siguro papayag. Masyadong mabango ang shampoo kong empress para sirain lang nila ang buhok ko.
Mausok sa paligid pero kita sa loob ang mga kabataang halatang ang iba ay tumakas lang sa mga magulang. May center elevated circle kung saan naroon ang mga nagsasayaw, tapos sa paligid ay may mga bilog na poste. Sa side naman pagpasok ng pinto nandoon ang bar counter na marami ring nakapila para sa drinks nila.
Halata mo talaga na pa-wild nang pa-wild ang kabataan kasi sa taas kasi ay may mga magkaka-holding hands at talagang making out ang ganap. Halos katabi pa nga ng DJ sa second floor ang iba.
“Are you jealous of them? We can try that too,” bulong sa gilid ko ni Qpal at agad ko siyang itinulak palayo.
“Sabi ko huwag kang lalapit, kapag ako nakalbo ngayong gabi, ikaw talaga ang gagastos ng hair implant ko!” singhal ko sa kaniya na ikinatawa niya.
Sa paligid namin, marami talagang makikita na eyeing for Reev kasi syempre mala-Chris Evans na ’yang kaguwapuhan na ’yan, engot na lang talaga ang hindi gagawa ng paraan para mapansin niya— at oo, engot ako.
“Reev! Long time no see!” bati ng isang lalaki na tropa niya. Kilala ko iyan kasi nagpupunta ’yan sa bahay nila kapag minsan. Alam ko tropa niya ’yan sa US.
“Qaif!” bati pabalik ni Qpal at nag-fist bumps pa sila. Qaifer Jarenn Kristofv, half-half din ito base sa alam ko.
Ako ito sa gedli, patingin-tingin lang. Hihintayin ko lang ’yan si Qpal na order-an ako ng drinks, libre niya raw, e. Isa pa, iyong allowance ko na ibibigay ni Miss Bella, pang-school ko ’yon, bawal magalaw iyon.
“I’m with Alek,” sabi niya para lang ipaalam na may unnoticed presence sa tabi nila.
“Hi, Drae!” bati naman niya sa akin kaya ngumiti ako. Mabait naman ’yan sa akin, medyo pangit lang talaga ang tingin ko sa kaniya kasi base sa mga bali-balita, pakboi raw ’yan at mahilig sa mga one-night stand. Sa Eulyco State University iyan nag-aaral, halos mga 30-minute drive ang layo sa Edwards State U. Ang alam ko ay Mechanical Engineering ang course niya. Hindi ako stalker at chismosa, si Inang Daling ay main source of information ko. Daig pa kasi n’on ang TV Patrol at 24 Oras kung makapagbalita.
Naupo ako sa isang high stool dahil mukhang mapapatagal pa ang kumustahan nila. Napansin yata ni Qpal na bored ako dahil nakita kong sinenyasan niya ang bartender na bigyan ako ng maiinom.
“One margarita for this beautiful lady,” sabi ng bartender bago inabot sa akin ang inumin.
“Thank you,” sabi ko at ngumiti.
Hindi naman ako inosente na kahapon lang pinanganak. Umiinom naman ako kasama iyong dalawang bruha kapag minsan pero ang madalas talaga namin inumin ay gin kasi nga hindi naman kami mga anak mayaman.
Hindi ko alam kung nakailang baso na ako nang mapansin kong hindi na si Qaifer ang kausap ni Qpal. Babae na ang kausap niya at may pahampas-hampas pa sa braso niya habang tumatawa.
Naku! Knowing Reev? Hindi niya naman iyan papatulan pero hindi niya rin iyan babastusin at tatanggihan. Hahayaan niya lang ’yan na maggaganiyan-ganiyan bago ’yan kusang umalis kasi hindi siya makukuha. Yep, that’s him! Hindi ka niya itataboy pero ipaparamdam niya sa ’yong hindi ka niya type at hindi mo siya mauuto. Weird niya, ano?
Nagulat ako noong makita kong hinaplos na ng babae iyong gilid ng leeg ni Qpal. Grabe bang ka-aggressive.
Nangingiti akong iiling-iling na panoorin sila hindi dahil naiinggit ako, nangingiti ako kasi kapag niyan kung saan sila humantong, sibak ako kasi uuwi akong naka-commute.
Hindi ako nag-a-aspire na magka-lovelife o magkaroon man lang ng manliligaw dahil wala kong tiwala sa pagmamahal. Masyado nang malala ang trauma ko sa Papa kong babaero para kumuha pa ako ng lalaki na puwede ko lang ikasakit ng ulo. Bibihira na lang ang one-woman man at kung hindi ko naman masisigurado iyon, siguro ganito na lang ako hanggang dulo. Puwedeng mga pa-fling-fling na lang, pero ang magmahal na ibubuhos ko ang lahat? Parang malabo.
Nasa ika-apat na baso na yata ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko ang seryosong mukha ni Qpal.
“Hala? Hindi kayo natuloy? Akala ko magko-commute na ako pauwi, e,” sabi ko na may kasunod na pagtawa.
Sinenyasan niya ang bartender na bigyan siya ng alak na agad naman siyang sinunod.
“Don’t get drunk, hindi ko alam kung saan ka nakatira dahil never ka pang nagpahatid at nagkuwento sa akin,” sabi niya bago siya lumagok sa hawak niyang alak.
Nginisihan ko siya pero parnag nahihilo ako. Imbes na ilalapit ko sana ang mukha ko sa kaniya ay para akong natumba pero maagap naman niya akong nasalo.
“Ay, sabi ko na huwag mo akong hinahawakan without my consent,” pagmamaldita ko ka na naman pero hindi niya ako binitawan.
“Sinalo na nga kita, galit ka pa.” Ramdam ko ang pikon sa boses niya.
“Teka napapano ka ba?” tanong ko ay pinilit ayusin ang sarili ko.
“You’ve been smiling with the bartender mula kanina pero kapag sa akin laging ngisi lang ang ginagawa mo. Am I not charming enough para ngitian mo rin?”
Anak ng kabag! May holen nga. Parang mas lasing pa yata sa akin ’to?
—
J E L A Y
M A Y O R A
III
DRAE ALEKZIN
Kung ano man ang napag-iiisip ni Qpal, labas na ako roon. Dami niyang alam, kumalma lang talaga ang hindi. Nawala tuloy ang hilo ko sa mga banat niya.
Umuwi rin kami agad kasi nga nawala siya sa wisyo. Hindi talaga ako kinibo buong biyahe. Laki ng holen, e.
Nagpababa lang ako roon sa kanto malapit sa mansyon ng mga Edwards kasi wala akong balak magpahatid sa kaniya. Nagpasundo na lang ako ng motor kay Drev, half sibling ko na medyo close ko.
Sa apat na kapatid ko sa ibang Nanay, si Drev at Dia ang madalas kong nakakasama. Twenty-one years old kasi ako, tapos si Drev nineteen, si Dia naman ay seventeen. Oo ganiyan lang ang mga agwat namin kaya paanong hindi ko sasabihin na pakboi ang Papa namin. Si Drev Alvi Monterica, anak ni Tita Minerva Lacza. Si Dia Ally Monterica, anak ni Tita Percy Alvaro. Iyong dalawang magkasunod na bunso, si Dann Ali Monterica na fifteen years old at Dayl Alia Monterica na thirteen years old, anak pareho ni Tita Helen Kontanos. Ang cute ng buhay ko, e.
Kapag iniisip ko nga ang mga agwat naming magkakapatid, naisip ko lang na ayaw napapahinga ng semilya ng Papa ko. Ang bongga niya parang naka-family planning kasi consistent talaga na tag-two years ang mga agwat namin.
Sa mga ibang asawa ng Papa ko, kay Tita Helen lang siya nag-settle at nagpakasal, pero si Tita Helen ang pinakaayaw kong step mother, matapobre kasi siya palibhasa’t may negosyo. Si Tita Minerva naman, sa lagi’t lagi nilang pagsasalpukan ni Mama noong kabataan ko dahil siya ang unang naging kabit ni Papa, naging close na lang din kami kasi kalaunan ay naging close na lang din sila ni Mama gawa nang wala naman silang magagawa kasi babaero talaga ang ama kong binalak yatang magparami talaga ng lahi niya. Si Tita Percy rin nakakasama nila kaya medyo close kami. Oo, sobrang weird ng set up ng buhay ko pero para namang may choice ako.
Dumating si Drev at nakita kong naka-backride sa kaniya si Dia. Sabi ko nga close kasi kaming tatlo.
“O bakit kasama mo ’yan?” tanong ko nang huminto sila sa harap ko.
“Ate, itong kapatid mong tomboy na ’to nahuli ko sa bilyaran ng ganitong oras,” sumbong ni Drev at saka kinaltukan pa si Dia.
“Hindi nga ako tomboy! Hobby ko lang ’yon!” sagot naman ni Dia at inayos pa ang sumbrero niyang nakabaliktad kanina.
Sumakay ako sa loob ng tricycle at alam naman nilang matik na ’yon na ihahatid ako sa amin. Kapag kasi ginagabi rin ako sa training sinusundo ako niyan ni Drev. First year college na ’yan dapat si Drev kaso huminto at magta-tricycle driver muna raw para makaipon ng pang-aral, tapos si Dia naman ay grade 11.
Nang makarating kami sa bahay ay aabutan ko sana ng pang-gas si Drev pero hindi niya kinuha. “Ate, malapit na birthday mo, ah? Ano’ng gusto mong regalo?” sabi niya habang pinapadyakan ang motor.
“Mag-aral ka lang ulit, masaya na ako,” nakangiting sabi ko. “Ihatid mo na ’yan si Dia isumbong mo kay Tita Percy para hindi na babalik ng bilyaran,” bilin ko bago ko sila tinalikuran.
“Ate, naman!” dinig ko pang himutok ni Dia pero nangingiti na lang ako at hindi na sila nilingon pa.
Pagpasok ko ng bahay, naabutan ko si Mama na gising pa’t nagtatahi pa rin ng mga basahan na kung saan-saan niya tinitinda at dine-deliver.
“Ma, gabi na, okay na po muna ’yan. Lalo nang lalabo ang mga mata mo,” sabi ko bago ko binaba ang mga gamit ko.
“Amoy alak ka, anak. Saan ka nainom?” kalmadong tanong niya. Sanay naman ’yan si Mama sa akin dahil alam niyang responsableng manginginom naman ako.
“Inaya po ako ng apo ni Miss Bella, iyong kinukuwento ko sa ’yong malakas mang-asar,” pagkukuwento ko. Bff kami niyan ni Mama, wala akong tinatago riyan. Lagay
ba
naman kami na lang ang magkakampi ay maglilihiman pa kami?
“Crush mo ba ’yon, ’nak? O crush ka niya? Pansin ko lang lagi mong nababanggit, e,” sabi ni Mama na binitawan na ang tinatahi niyang basahan habang may mapang-asar na ngiti sa mga labi niya.
Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiwi na ikinatawa niya. “Tama na po ang kalokohan ni Papa, wala akong balak magka-jowa ng isa pang pogi tapos lolokohin lang din ako nang paulit-ulit. Auto pass po, Ma.”
Nagwalis lang ako saglit ng mga pinagtabasang tela ni Mama bago ako pumasok ng kuwarto ko. Maliit lang ang bahay namin pero may sarili naman akong kuwarto.
Nilingon ko ang mini bulletin board ko sa kuwarto kung saan nakalagay ang mga ganap ko sa mga susunod na araw. Ang dami ko na agad pagod wala pa man.
Nahagip ng mata ko ang isang picture na may katagalan ko na ring tinatago. Picture iyon ni Qpal na may kasamang ibang babae sa picture na hindi ko pa nakita at mas lalong hindi ko kilala. Sabi niya itago ko raw ’yon o itapon basta hindi na niya makikita kahit kailan. Sumunod ako pero inuwi ko, baka balang araw hingin niya ulit sa akin. May holen pa naman ’yon.
WALANG klase ngayon dahil may meeting daw with the school board ang lahat ng professor pero may training kami kaya nandito pa rin ako.
Badminton player ako, ito na rin ang halos naging daan ko para makapag-aral noong high school. May scholarship at sponsors.
Nagre-ready na ako para sa morning routine ko nang makita ko si Qpal na nakapang-basketball outfit. Mukhang may training din sila. Gahaman pa naman sa court ang coach nila, mukhang maba-bad trip na naman ako.
“Hey!” dinig kong tawag sa akin ni Qpal habang nag-i-stretching ako.
“Hey mo Lolo mo!” singhal ko. Kung makaasta parang hindi ako hindi kinibo kagabi, e.
Lumapit siya at naupo sa bench katabi ng mga gamit ko. Kinuha niya ang isang raketa ko at ininspeksyon-inspeksyon iyon na akala mo talaga may alam siya roon.
“Bitawan mo ’yan, hindi mura ’yan. Isang buwang allowance ko ang nilaan ko riyan!” banta ko sa kaniya na ikinatawa niya.
“Do you want to date me?” sabi niya out of nowhere at kung iniisip niyang mabibigla ako, asa naman. Sanay na nga ako nang sobra.
“Kagusto mo rin nang paulit-ulit na nasasabihan na hindi kita type, ’ne?” sabi ko at sumeryoso na naman ang mukha niya.
Binaba niya ang raketa ko at tumayo bago naglakad papalapit sa akin. Naka-forward lunge pa naman ako kaya ang awkward ng paglapit niya.
Bigla siyang yumuko at nagtapat ang mga mukha namin. “What’s there to dislike about me? Napapangitan ka ba sa akin?” bulong niya at nginiwian ko lang siya ng mukha.
“Mali ka ng tanong, huwag mong itanong kung ano’ng ayaw ko sa ’yo. Itanong mo kung may kagusto-gusto ba sa ’yo,” pang-aasar ko at mukhang nakuha ko na naman ang pikon niya.
Nagulat ako nang umangat ang kamay niya at bigla niyang hinawakan ang baba ko. “Don’t try me, Alek. Baka hindi mo kayanin kapag na-in love ka na sa akin,” bulong niya na halatang pikon na pero hindi ko naman malaman sa pagkatao ko bakit biglang nagkaroon ng impact iyong mga sinabi niya sa akin. Nakapaka-cringy!
Hindi ako timid na tao kasi sobrang palaban ako pero ako mismo ay nagtaka bakit hindi ako nakasagot sa kaniya.
“L–layasan mo ako! Marami akong gagawin,” utal na sabi ko at hindi ko gets bakit kailangan kong mautal.
Bigla siyang ngumisi sa akin. “Let’s have a dinner together. Dadaanan kita rito,” sabi niya bago ako tuluyang iniwan.
Qpal talaga. Hindi man lang hinintay kung payag ako.
NATAPOS nang maaga ang training kasi ako lang ang dumating, wala iyong teammates kong wala yatang balak umabot sa National.
Saktong maliligo na sana ako sa shower room nang tumunog ang smart phone ko. Text message galing kay Miss Bella.
From: Miss Bella
Hi, Drae. Pasensiya na at hindi ko naiabot ang allowance mo kahapon. Late na kasi akong nakauwi, hindi na kita naabutan. Iniwan ko na lang kay Inang Daling sa kaniya mo na lang kuhanin. Ingat lagi, Drae. Aral mabuti!
Nangiti naman ako sa text ni Miss Bella hindi dahil sa pera kahit mukha akong pera, doon siguro sa lagi niyang pinapaalala sa akin na mag-aral ako nang mabuti. Never ’yan nagmintis si Miss Bella.
Iniwan ko na muna ang mga gamit ko sa tapat ng locker bago ako pumunta ng shower room. Wala namang ibang tao at ako lang.
Sinampay ko iyong tuwalya at hinubad kong damit sa may taas ng pinto dahil may bobo na naman na nakasira ng kawitan sa likod ng pinto.
Saktong naliligo na ako nang makarinig ako ng mga hagikgikan sa labas at kasunod n’on ay biglang may humatak ng tuwalya ko na nakasampay pati ang mga damit kong hinubad.
“Sira-ulo kayo!” sigaw ko. “Ibalik n’yo ’yan, hindi ako nakikipagbiruan!”
Nakaramdam ako ng matinding kaba at panginginig. May history ako na nabosohan ako noong bata ako kaya may trauma ako sa mga ganitong bagay. Ito rin ang dahilan kaya’t lagi kong sinasabihan si Reev na huwag akong hahawakan na walang consent ko.
Halos nasa thirty minutes na akong nagsisisigaw roon na ibalik ang mga gamit ko dahil hindi ako makalabas pero walang response. Hindi ko na tuloy napigilan ang maiyak sa nangyari.
Malakas naman ako pero huwag sa ganitong trip. Nakakapanglumo kapag mga ganitong kagaguhan, e.
Nilalamig na rin ako dahil gumagabi na at wala akong saplot. Nakailang bahing na rin ako kasabay ng pag-iyak ko.
“Alek?” dinig kong tawag sa pangalan ko at si Reev lang ang tumatawag sa akin sa second name ko kaya’t kahit paano ay nabuhayan ako.
“N–nandito ako sa third cubicle,” hihikbi-hikbi na sabi ko. Gusto kong pigilan ang paghikbi dahil ayaw kong magmukhang kawawa pero hindi ko mapigil.
“What happened?” Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya nang nandoon na siya sa tapat ng pinto kung nasaan ako.
“May extra ka bang d–damit? O may t–tuwalya ba riyan? May nang-trip sa a–akin. Kinuha ang tuwalya ko a–at mga damit,” hihikbi-hikbing paliwanag ko.
Naramdaman kong umalis siya sa harap ng pinto at mukhang naghanap ng mga pinahahanap ko.
“Damn it!” dinig kong sigaw niya. “They took everything!”
“Wala k–kang extra na damit?”
“Here, just wear my shirt. Malaki naman ’to,” sabi niya at inabot niya ang damit niya mula sa taas ng pinto. Malaking tao si Reev. Nasa 6’3 ft. siguro siya. Ako ay nasa 5’6 ft. lang.
Sinuot ko ang malaking damit niya pero medyo awkward at kabado pa rin ako. Wala akong bra at panty.
Binuksan ko ang cubicle at bumungad sa akin ang katawan ni Reev na batak sa workout. Ang dami niyang abs. Akala ko sa mga model lang ng brochure ng Avon ko makikita ang mga ganiyan.
“Don’t stare at me. I’m still a man for heaven’s sake,” dinig kong sabi niya kaya’t agad akong napalunok at binaling sa iba ang tingin ko.
“Salamat pala,” sabi ko at nagpatiuna nang maglakad.
Nagpunta ako sa locker at wallet ko lang at phone ang nandoon. Pati ang mga gamit ko panglaro ay wala.
Nakita kong nakasunod sa akin si Reev at mukhang inaalam kung ano ang sitwasyon. “We’ll find out who did this to you. For now, I need to drop you off your house—door-to-door. Hindi ka puwedeng tumanggi. You cannot commute at your situation right now,” sabi niya bago ako tinalikuran.
Pati likod niya, sexy.
Sobrang awkward pati ng paglalakad ko dahil nagkikiskisan ang mga hita ko dahil wala akong panty na suot. Mahaba naman ang damit niya pero sobrang uncomfy talaga kahit pa shaved naman ako. Sure rin ako na nakabakat ang nipples ko dahil giniginaw nga ako.
Pagsakay ko sa sasakyan niya, isi-seatbelt ko na sana ang sarili ko nang parang mag-lock ang seatbelt at hindi ko mahatak.
Napansin niya yatang hirap na hirap ako kaya’t yumukod siya sa akin at tinulungan ako. Nahagip ng siko niya ang kanang nipple ko kaya napasinghap ako na ikinagulat din niya.
“I’m sorry. I didn’t mean to—”
“Ayos lang,” putol ko sa kaniya at tinulungan siyang mahatak ang seatbelt kasi hindi pa rin nahahatak.
Nasobrahan yata sa puwersa ang hatak ko dahil biglang humaba ang seatbelt at napasubsob ako leeg niya. Literal na dumantay ang mga labi ko sa leeg niya.
“Damn it, Alek,” dinig kong bulong niya.
“Sorry—”
“Not now, damn it. I’ve been holding back since you went out of the shower!”
—

