Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017
Ai Tenshi · 8 chapters · 12,501 words
TOP COMMENTS AND REVIEWS
MR. GENIUS X MR. BLOOD SUCKER (COMPLETED)
WRITTEN BY Ai_Tenshi
TOTAL OF 101 EPISODES









NOTE
Author’s Note:
Salamat sa magiting na nag donate ng cover:
Michael Pelaez
Aiman Ali WP
Chael Sshi

Kwentuhan muna tayo..
Taong 2013 noong unang inilabas ko ang kwento nila Rael at Enchong dito sa wattpad. Noong una ay katuwaan lang ito at hinamon lang ako ng isang kaibigan na gumawa ng isang BXB fantasy themed na akda. Pinag laro ko lamang ang aking imahinasyon kaya’t nabuo ko ang konseptong Mr. Genius X Mr. Blood Sucker. Bakit Iyon ang title? Hindi ko alam, basta ang gusto ko ay makagawa ng dalawang character na mag kalaban isang scientist at isang bampira na mag sasama para sa iisang kwento. Ang unang konsepto ay horror genre ito pero naisip ko na dapat ay hindi boring kaya’t ginawa ko itong comedy.
Ang unang book nito ay mayroon lamang 7 chapters, na ang layunin ko lang ay subukan kung kaya ko bang gumawa. Kung kakagatin ng tao ay itutuloy ko, kung hindi naman ay ihinto at wala nga akong talent. Bakasyon noong ilabas ko ito sa wattpad at mayroon namang ilang bumasa, hindi nga lang ganoon karami pero kahit papaano ay binasa pa rin. Ito ang aking kauna unahang fantasy story, hindi pulido, maraming butas, gawang baguhan. Mabilis ang scene, mali ang mga spelling, halatang inapura at punong puno ng redundancy ang bawat salita.
Gayon pa man ay nakatuwaan ko pa rin ito kaya inilabas ko ito bilang isang column sa aming school news paper noong 2013 din. Pero hindi BXB version kundi isang straight version na kinatuwaan at kinakiligan ng mga mag aaral. Iyon nga lang ay 7 issue lang ang aking ginawa at agad ko itong binigyan ng happy ending.
Dito sa wattpad ay isinundan ko ito ng tatlo pang bahagi na kinatuwaan naman ng lahat, lalo na yung talagang mahilig mag basa ng fantasy katulad mo binabasa ito ngayon. Oh baka maiyak ka pa. Oo ikaw nga, bakit may kasama ka pa bang nag babasa ngayon? LOL. Seryoso na, syempre ang akdang ito ay kayamanan ko at mahalaga ito sa akin kaya naman naisip kong iremake ito at gawing “high quality” katulad nina Malik, Seth, Ibarra, Jorel, Narding at Ace. Siguro naman ay kaya ko nang pagandahin ang nauna kong likha at makabawi man lang sa laki ng naitulong ng kwentong ito sa aking kakayahan.
Ano ba ang pag babago ngayong 2017? Ang totoo noon ay talagang nahirapan ako dahil gusto ko pa rin panatilihin ang mga epic at trademark scenes sa old version at dalhin ito sa bagong version. Kung nabasa mo ito o nag karoon ka ng kopya ay tiyak na malalaman mo agad ang kaibahan ng luma sa bago. Sinubukan kong imaintain ang mga character, ang kanilang ugali at ang kanilang mga lines pero talagang kailangan iupgrade. Kaya asahan mong maraming bagong scenes, mas hinimay, mas pinalinaw at mas pina aksyon.
Kaya kung nabasa mo ang lumang version ay tiyak makakarelate ka at mapapansin mo ang bagong senaryo. Kung hindi mo naman nabasa ang old version nito ay nek nek mo.. Joke lang. Mag eenjoy ka pa rin dahil wala kang idea sa mga susunod na pang yayari. Basta kung minahal nyo sina Rael at Enchong ngayon.. Tiyak na mas mamahalin nyo sila ngayon.
P.S
Kung hindi mo gusto ang binabasa mo, o hindi umayon sa kagustuhan mo ang senaryo o ang estilo ng pag susulat ko, ang maipapayo ko lang sa iyo ay itigil mo na ang pag babasa at hindi ko kailangan ng suhestiyon mong ubod ng talino. Iapply mo muna ito sa sarili mo bago mo pangaralan ang nag sulat ng kwentong binabasa mo. At kung mag bibigay ka ng harsh comment sa mga ginagawa ko ay siguraduhin mong may naisulat kang isang kwento na maaari mong ipag malaki sa akin. Kung wala naman ay huwag kana mag aksaya ng talino mo dahil hindi ako maniniwala sa iyo.
Ang mga kwento ko dito ay para sa mga mambabasang mayroong mababawa na kaligayahan, madaling tumawa, umiyak at maka appreciate ng simpleng bagay. Hindi ito para sa mga ubod ng talino at perpektong mambabasa na walang ibang nakikita kundi ang pag kakamali ng manunulat.
Ako ay simpleng manunulat lang naman, hindi tayo nag hahangad na makilala o sumikat (kaya nga hanggang ngayon ay nag tatago pa rin ako). Ang gusto ko lang ay mag enjoy at mapasaya kayong lahat. Kahit huwag kana mag paramdam sa akin, huwag kana mag comment, mag vote o mag follow. Basta nag enjoy ka, masaya na rin ako, iyon lang pawi na ang pagod ko.
Maraming salamat sa inyo…
Part 1: Science Project
Full credits: Yangyang as Enchong
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker
AiTenshi
July 17, 2017
Pinakawalan ni Egidio ang libo libong kawal niya mula sa ilalim ng lupa. Ang lahat ng ito ay uhaw sa dugo, hayok sa laman at walang sariling pag iisip.
Binalot ng lagim ang buong lupain, wala ni isa ang nag akala na ang kanilang Hari ay isa palang alagad ng dilim na siyang sumupil sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa buong sanlibutan. At simula noong mga oras na iyon ay nag tago na ang araw sa kalangitan at napalitan ito ng purong kadiliman.
Matagal na nag hari si Egidio sa buong lupain ng mga uhaw sa dugo, halos umabot ng daang taon ang kanyang pag hahasik ng lagim hanggang sa isang araw ay umusbong ang kaunting liwanag ng pag asa at iyon ay sa katauhan nina Leandro at Idan.
Kinalaban ng dalawa ang hari ng dilim, nag salpukan ang kapangyarihan, lakas ay katatagan. Halos magunaw ang buong lupain sa kanilang madugong tunggalian hanggang sa ibuwis nina Leandro at Idan ang kanilang buhay upang ikulong sa malayong demensyon ang Hari na si Egidio.
Ngunit, isinumpa ng hari na siya ay babangon upang muling aangkinin ang mundo at pag harian ang kanyang lupaing nabaon sa limot.
Part 1: Science Project
Present Day:
“And, the Sun is more complicated than just Hydrogen gas being converted into Helium. The Sun was born 4,600,000,000 years ago. It contains all the elements that were in the Interstellar Medium at the time it was formed. It would be interesting to know in what proportions all the elements in the Periodic Table were in existence at that time. We could tell a lot about the evolution of the Universe and all the other stars if we had this data on the Sun.”
“Do you have any support in your hypothesis Mr. Enchong Rayo?” ang tanong ng guro
“Our Sun was an intergalactic gas cloud back then. It started out as gas and dust called the Interstellar Medium. The makeup of the medium is what should be the makeup of the Sun we see today. My answer is, Maybe.” sagot ko naman
Tawanan ang buong klase..
“Maupo kana nga frend, wala naman tayong laban sa utak ng prof natin no, saka isa pa yung buong klase na ito ay puro abnormal. Baket ba kasi napunta tayo dito? Este ako lang pala kasi genius ka rin eh. Hindi pang ganito ang ganda ko.” bulong ni Oven sabay hatak sa akin paupo sa silya.
“Tama naman ang sagot ko, may posibility na mas maraming periodic table of elements ang mayroon sa araw. Adik pala iyang prof natin eh” bulong ko habang hindi maitago ang pag kainis.
“Eh kasi naman yung ganda ko hindi pang ganito. Iba level na tong klaseng ito.” reklamo pa niya
“Okay class, end na ng month so i expect na lahat kayo mag susubmit ng science project. Any experiment will do. Mga geniuses naman kayo kaya wala akong worries. Huwag naman yung mga simpleng experiment na pang elementary like pag culture ng plastic eating microbes, artificial intelligence robotic function and artificial human organ. Ayoko ng mga ganyan, so make sure na ibabatay nyo ang inyong experiment according to your age. Group yourself into two. Dismiss!” ang wika ng prof sabay walkout.
“Kayang kaya mo yan bestie. Syempre tayong dalawa ang mag kasama diba? Through thick or thin, richness and poorness and everything.” masayang wika ni Oven.
“Syempre naman, pero ikaw ang financer ah. Ako na nga sa utak eh. Ikaw ang gagastos para sa mga gamit.”
“Yan tayo eh” pag mamaktol nito
“Okay wag na, solo nalang ako.” pang aasar ko.
“Ikaw naman bestie di kana mabiro. Go na tayo dyan experiment na iyan. Bawian mo si Sir Kaldabog at patunayan mo na mas bongga ka sa kanya.”
“Iyon talaga ang gagawin ko at makikita niya!”
Ako si Enchong, 20 years old, kasalukuyang nag aaral sa isang Science University dito sa Siyudad sa kurong BS Chemistry. Noong bata palang ako ay nakahiligan ko na ang mangulekta ng mga items at kung ano anong bagay na may kinalaman sa science. Dahil nga para sa akin ay “Science Rocks!” Marahil iyon ang dahilan kung bakit lumaki akong kaunti ang kaibigan. Ngayong nag binata na ako ay ipinag patuloy ko pa rin ang aking hilig sa pag tuksan ng kung ano anong bagay sa aking paligid kaya naman nag feeling “Genius” na ako at nag enrol sa isang sikat na klase kasama ng mga pinaka matatalinong mag aaral sa aming Unibersidad.
Ako ay may taas 5’9, may maayos na build ng pangangatawan. Hindi ako yung tipong hunk o hearthrob effect na mababasa ninyo sa ibang story. Simple lang ako pero cute naman habang pinag mamasdan Lol. Nag mula ako sa isang mayamang pamilya, solong anak lang ako ng aking mga magulang. Si papa ay guro sa isang university at isa rin siyang doktor. Si mama naman ay may ari ng isang kompanyang humahawak sa mga modelo at commercial sa TV. Minsan nga ay naging commercial model rin ang mama ko ng isang sikat na brand ng sabong panlaba kung saan sumasayaw ito kasama ang mascot ng batya at palo palo. Pero wala naman silang masyadong kinalaman sa kwento kong ito.
Basta hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang aking hilig sa science at paki wari ko ba ay mas naging masigasig pa ako habang patagal ng patagal ay palala naman ng palala na animo sakit na patungong terminal stage.
“So anong plan mo doon sa Science Project natin?” tanong ni Oven
“May idea kaba? Diba sabi ko saiyo ay mag brain storming ka kagabi? Nasaan na ang mga data?” tanong ko
“Nag brain storming ako, kaso masyadong malakas ang storm dito sa ulo ko kaya lalong nag kagulo ang mga ideas PERO ay naisip na ako at mayroon akong suggestions!” ang naka ngiting wika nito habang kinikilig pa.
“Ano nga iyon?” tanong ko
“Diba 2017 na ngayon? So meaning dapat ay high tech narin ang experiment natin. Diba kasi part ng Science ang technology kaya nga Science and Technology diba?”
“Oo, ano ang punch line?”
“Walang punch line My Dear Chong, seryoso ito. Eto ha, mamili ka.
Number 1, Since everyone is using smart phone, bakit hindi tayo mag design ng isang application na magiging libre ang pocket data? Yung tipong kapag iniinstall mo ito ay mag kakaroon ka ng unlimited gigabytes.
Number 2, mag design tayo ng isang application para mag karoon ng auto likes at auto follower ang gumagamit ng mga social media para hindi na nila kailangan pang mag buyangyang ng katawan at cleavage sa twitter o facebook para mag karoon ng follower?
Number 3, mag design tayo ng ultimate web site for fame whores. Sama sama na ang mahilig mag pa pansin, kulang sa pansin at walang pumapansin doon sa isang site.
Number 4, oh kaya gumawa tayo ng isang detector para malaman natin kung plastic o ahas ang frend nasa tabi natin. Marami dyan beshie ka pag naka harap pero pag talikod mo ay hindi na. Ano sa tingin mo Chong my dear?“ ang tanong ni Oven
“Maganda lahat ng ideas mo bro, kaso ay mas mahusay sa atin pag dating sa technology yung mga kaklase natin. Im sure lahat sila ay iyan ang gagawin. Ang gusto ko sana yung kapaki pakinabang, yung makatutulong sa ating lipunang ginalawan. Makakalutas sa kahirapan at kakulangan ng bansa. Yung mag sasalba sa atin sa tiyak na kapahamakan. Ano sa tingin mo?” ang tanong ko habang naka tanaw sa kalangitan
Tumingin rin si Oven sa kalangitan kung saan ako nakatingin “Wala akong makita e, nakaka silaw lang kaya. Pero bet ko iyang gusto mo. Bakit hindi tayo lumikha ng bato na kapag inulok ay magiging si Darna na ako? Dapat ay babaihan ha, ayoko ng ganoon kay Elsa Droga.”
“Tao lang ako at hindi ako alien para gawin iyan. Ang naisip ko ay isang tableta o gamot na nakakagaling ng lahat ng klase ng sakit.”
“Nakoo, malabo iyan. Paano mo naman gagawin iyan aber?”
“Maaaring may mga herbal o halamang gamot na hindi pa nadidiskobre ng science na maaaring maka gamot sa malulubhang sakit. Lalo ngayong 2017 ang mga tao sa buong mundo ay wala inatupag kundi pindutin ang gadget nila, mag travel, kumain sa labas at picturan ang buhay nila saka iupload sa social media. Wala silang paki alam sa mga natural source of living katulad ng pag gamit ng alternatives bilang medicine. At im sure, mayroong isa sa isang daang tiyansa na makahanap ng kakaibang halamang gamot na maaari nating magamit sa ating science project.” tugon ko
“Paano ka naman naka sure na mayroon nga aber?” ang tanong nito
“Syempre naman ilan ang bundok na naka paligid sa lugar na ito?” ang tanong ko dahilan para mapaisip ito “Apat, Bundok ng Tralala, bundok ng Bari bari, bundok ng susong dalaga, at Bundok ng Bukol ng binata. Oh anong mayroon?” ang tanong rin niya.
“Depende sa laki ng mga bundok, noong nakita ko ang Bundok ng Susong dalaga, ang kalkulasyon ko ay mayroon itong 2,926 metres above sea level. Elevation na 2,992m. Ang bundok Baribari naman ay mayroong elevation na 2,954 m at ang ibang karatig bundok ay mayroon 1,090 m. So meaning may malaki ang bundok ay mas maraming halaman na makikita sa loob nito.
Mas malaking probability na makatagpo tayo ng kakaibang species ng living organism doon na makakatulong sa ating experiment. Kung susuyurin natin ang dalawang bundok na pinaka malaki which is Bundok ng Susong Dalaga at Bundok ng Bari Bari ay mag maaari tayong magkaroon ng 100% = 1 o 50% =1/2 or 0.5 probability na makahanap ng kakaibang medicinal plants doon.“ sagot ko naman
“Oo nga frend. Ang galing mo talaga.” ang wika ni Oven habang tumutulo ang dugo sa ilong
“Shit, anong nangyari sa ilong mo? Eto ang tissue.” ang gulat kong salita sabay tapal ng papel sa kanyang mukha.
“Okay lang ako frend, parating nangyayari to sa tuwing nag eexplain ka. Once lang tayo napunta sa mga bundok na iyon paano mong nasukat?”
“Estimation lang. Pero accurate iyon.” ang sagot ko.
“Eh yung probability na 000.00075 at 50% paano nakuha?” tanong rin niya
“Estimation rin. Pero malaki ang chance” tugon ko ulit.
“Bongga ka talaga frend, ikaw na ikaw na talaga.” tugon niya sabay akbay sa akin bagamat dumudugo pa rin ang kanya ilong kaya pinasakan nalang niya ito ng bulak.
Kinagabihan, alas 10 ng gabi noong ako ay mahiga sa aking silid. Damang dama ko pa rin ang stress at pressure dahil sa pag nanais kong makatugon sa aming science project. Hindi naman kasi ordinaryong requirement lang iyon dahil tiyak na ang lahat ay hahataw at nag nanais akong may patunayan sa kanila lalo na sa aking guro na parati akong pinag iinitan sa pamamagitan ng mga tanong na out of this world. Kanina ay tinanong niya ako ng mga periodic element na maaaring nag eexist sa araw, kahapon naman ay tinanong niya ako tungkol sa ancient civilization ng Maya at pilit pinapa dugtungan sa akin ang kalendaryo nila na nag tapos na noong year 2012. Noong nakaraang linggo ay tungkol naman sa orbit at construction ng planetang pluto na malayo malayo na sa kaalaman ko.
Napabuntong hininga nalang ako habang naka tanaw sa kisame..
Tahimik..
Nasa ganoong posisyon ako ng biglang bumukas ang aking bintan at mula dito ay bumuga ang malakas na ihip ng hangin. Nilipad ang puting kurtina sa aking silid at gayon din ang mga papel sa aking study table. Kaya naman agad akong bumalikwas upang isara ang bintana kung saan umiihip ang malamig na hangin na animo mayroong yelong kasama.
Tahimik akong nag tungo sa bintana at dito ay dumungaw ako upang lumanghap ng malamig na hangin. Pikit mata ang aking ginawang pang langhap, dinadama ko ang masarap na pakiramdam habang humahalik at yumayakap ang hangin sa aking balat.
Tahimik ulit..
Marahan kong iminulat ang aking mata at dito ay laking gulat ko nang biglang nag laho ang aming bakuran at mapalitan ito ng mga sukal at mga punong kahoy. Nag mistulang kagubatan ang paligid kaya naman agad kong binuksan ang aking silid at dito ay tinawag ko sina mama.
“Maaaa!! Paaa!! Bakit naiba ang paligid? Bakit parang nasa gubat tayo?! Ano bang nangyayari?” ang sigaw ngunit wala ni isa ang sumagot sa akin.
Mabilis akong bumaba ng hagdan at habang nasa ganoong pag aapura ako ay unti unting nabubura ang aking paligid. Ang mga pader ng aming bahay ay nagiging madilim na para bang nag babago ng anyo ang lahat. Hanggang sa makalipas ang ilang sandali ay wala na ang bakas ng aming tirahan. Natagpuan ko nalang ang aking sariling nakatayo sa isang kakahuyang napapaligiran ng maraming puno.
Malamig ang hangin na umiihip sa paligid, ang buwan ay bilog na bilog kaya’t ito lamang ang nag sisilbing liwanag sa aking kinatatayuan.
“Maaaa!!! Paaaaa!” ang sigaw ko ngunit walang taong sumagot sa akin maliban sa echo na nag mumula kung saan.
Ibayong kaba ang lumukob sa aking pag katao kaya naman ang tatakbo ako upang hanapin ang daan pauwi. Walang direksyon ang aking pag hakbang basta ang alam ko lang ay panaginip ito at imposibleng maging realidad.
Takbo!!
Takbong walang humpay ang aking ginawa at dito ay napag tanto ko na hindi ako umalis sa aking kinatatayuan. Na pako pa rin ako sa lugar na ito bagamat halos mapatid na ang aking hininga sa matinding pag takbo.
“Nasaan ako?! Bakit ako nandito?!!” ang sigaw ko na hindi maitago ang pinag halong takot at pag kainis.
Wala akong nakuhang sagot maliban sa ingay ng kuliglig at lagaslas ng malamig na hangin sa paligid. At bukod pa roon ay wala rin akong nagawa kundi ang mapaupo na lamang sa tabi ng isang puno at dito ay mag isip kung paano ako makaka alis sa lugar na ito.
Tahimik ulit..
Ini ikot ko lamang ang aking mata habang binabalot ng matinding pag ka tuliro..
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay may namataan akong isa nag liliwanag na bagay sa di kalayuan kaya naman agad akong tumayo at agad itong pinuntahan. Ang bagay na ito ay isa maliit na halamang may bulaklak na umiilaw, nag liliwanag na animo ginto sa gitna ng kadiliman.
Marahan akong tumayo upang lapitan ang bulaklak na talagang kakaiba ang anyo. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako naka kita ng ganitong uri ng halaman. Kaya naman marahan akong lumapit dito upang mapag masdang mabuti.
“Ang ganda.” bulong ko sa aking sarili at doon ay naakit akong hawakan ito.
“Iyan ang tinatawag na “kinday”, isang espesyal na halamang naka gagamot ng lahat ng sakit. Iyan ang hinahanap mo hindi ba?“ boses ng isang lalaki sa aking likuran. Isang magandang tinig na nakakapag pabanayad ng damdamin.
“Sino ka? Paano mo na laman ang tungkol doon?” tanong ko naman.
“Sa tingin ko ay hindi na ito mahalaga. Kumukha kana ng halaman iyan ang makatutulog sa iyo sa iyong proyekto” ang wika niya habang unti unting nag lalaho ang kanyang katawan.
Wala naman akong inaksayang panahon, agad akong pumitas ng halaman at dito ay bigla nalang humangin ng malakas, kasabay noong ang pag sulpot ng isang lalaki sa aking harapan. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha ngunit batid kong tumakbo ito patungo sa akin.
Hawak ko pa rin ang halaman sa aking mga kamay at mas lalo pang naging mahigpit ang pag hawak ko dito habang pinag mamasdan ang parang aparisyon ng isang lalaking mabilis na tumatakbo papunta sa aking kinatatayuan..
“Umalis kaaa na ditooo!! Bilisan mo!!!” ang sigaw nito sabay tulak sa akin palayo.
Lumipad ang aking katawan paatras at dito ay nag paikot ikot ako hanggang sa muli kong imulat ang aking mga mata.
“Uughhhhh!” natagpuan ko ang aking sarili na naka higa sa aking kama, pawis na pawis, uhaw na uhaw at walang lakas ang katawan.
Hindi ko alam kung anong nangyari noong mga oras na iyon, batid panaginip lang ang lahat dahil noong tumingin ako sa bintana ay sarado naman ito at wala ni isang hangin ang pumapasok maliban sa lamig ng wallfan. At isa pa ay hindi naman ako naniwala sa engkanto o maligno dahil ang lahat ay kaya ipaliwanag na science. Marahil ay isa lang akong lucid dreamer o kaya ay stress lang ang aking katawan kaya’t nag ffunction ang aking utak ng mas malalim.
Kinabukasan, pag baba ko sa sala ay agad akong sinalubong ni mama. Kaya naman nag taka ako kung bakit ganoon nalang ang pag aabang niya sa akin pababa sa hagdan. “Anak, hindi ba’t sinabi ko sa iyo na huwag kang lumalabas ng gabi? Saan kaba nang galing ha? Bakit sira ang sapatos mo? At tapos may magandang bulaklak doon sa pintuan. Halika tingnan mo” pag yaya ni mama.
Pag dating namin sa pinto ay nakita ko nga ang isang magandang bulaklak na kulay ginto ang petals, maliit lang ito ngunit nakaka akit pag masdan. “Bulaklak ba talaga iyan? Parang ngayon lang ako naka kita ng ganyang kakintab na halaman?” pag tataka ni mama samantalang umakyat naman ang matinding kilabot sa aking ulo.
“Paano ito napunta rito? Panaginip lang yung kagabi diba? Nag sleep walking ba ako?” ang tanong ko sa aking sarili habang naka titig sa bulaklak.
“Anak, ayos ka lang ba? May problema ba?” tanong ni mama
“Ah e, wala ma. Project ko ito sa science.” palusot ko nalang
“Project? Eh bakit kinakalat mo lang dito sa labas? Saka sa uli uli ay ayokong lalabas ka ng gabi ha. Kung saan kang lupalop nag suot.” sermon pa ni mama.
“Maa, hindi naman ako umaalis kagabi, maniwala ka.”
“Naku, huwag mo na nga ideny no, hayan na nga ang ebidensya sapatos mo itong oh. Ikaw talagang bata ka. Basta kung project mo nga iya ay isinop para hindi nawawala. Kumain kana muna bago ka pumasok sa eskwela.” hirit pa ni mama
Wala maman akong nagawa kundi ang mapa kamot ng ulo habang pilit na inaalala ang kakaibang pang yayari kagabi. Siguradong may explanation ang tungkol dito kaya’t kung ano man iyon ay hahanapan ko ito ng kasagutan.
Gayon pa man ay tila may kung anong kaba ang gumuguhit sa aking pag katao dahil batid kong mula ngayon ay mag babago na ang lahat..
Itutuloy.
Part 2: Experiment X
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017
AiTenshi
July 19, 2017
Wala maman akong nagawa kundi ang mapa kamot ng ulo habang pilit na inaalala ang kakaibang pang yayari kagabi. Siguradong may explanation ang tungkol dito kaya’t kung ano man iyon ay hahanapan ko ito ng kasagutan.
Gayon pa man ay tila may kung anong kaba ang gumuguhit sa aking pag katao dahil batid kong mula ngayon ay mag babago na ang lahat..
Part 2: Experiment X
“May multo talaga frend, at yung nangyari sa iyo ay hindi isang bangungot. Naeengkanto ka at binibigyan ka ng kung ano anong bulaklak. Ganyang ganyan yung kwento ni Ibarra na nabasa ko sa wattpad. Yung sinulat ni AiTenshi.” ang wika ni Oven habang papasok sila
“At naniwala ka naman? Baliw iyon, kung ano anong sinusulat tungkol sa mga Alien at kung ano ano pang lupalop ng mundo.” Pag kontra ko naman.
“Aba oo naman naniniwala ako, si AiTenshi iyon, favorite ko iyon. Papatay ako para sa kanya!” ang pag tatanggol nito
“Oh siya bahala kana. Basta mamaya simulan natin ang experiment. Mang huli ka tuloy ng dagang may lagnat para malaman natin kung gagaling siya. Trial lang ito ha.”
“Dagang may lagnat talaga? Paano ko naman malalaman kung may sakit nga yung dagang huhulihin ko?” pag tataka niya
“Narito ang thermometer. Malaki kana, alam mo na kung paano gamitin iyan. Sige na doon na ko sa library para mag basa ng books.” paalam ko naman
“Bakit hindi ka nalang sa cellphone mag browse? Library talaga? Ang retro mo ha.”
“Ganoon talaga, huwag kana kumontra at mang huli ka nalang ng daga!” utos ko sabay alis.
Pag pasok sa library ay kumuha agad ako ng mga reference book tungkol sa mga halaman at sinubukan kong hanapin ang bulaklak na nakita ko kagabi sa aking panaginip o kung ano man iyong naganap sa aking katawan ay hindi ko na maisip pa. Masakit na rin kasi ang bungo ko kakaisip ng scientific explaination kung paano nangyaring napunta ako sa kakahuyan, alangan naman gumamit ako ng time travel o ng wrap zone ng hindi ko namamalayan at sino naman ako para umabot para umabot sa ganoong level.
“Chong, pre.. Kamusta ang science experiment?” ang tanong ni Elmo na aking kaibigan ibang department. Kumukuha siya ng kursong HRM at namumuhay ng normal hindi katulad namin sa lupon ng mga science department na mga freak at genius.
Matangkad si Elmo, basketball player siya sa kanilang department. At kasalukuyang nakaupong president doon. Bukod pa roon ay kakapanalo lang niya ng Mr. HRM noong nakaraang gabi kaya’t kainitan pa ng kanyang pagiging popular.
“Ayos nalang, nag reresearch lang tungkol sa mga halaman.” sagot ko.
“Wow. Botanist ka na rin? Astig ahh. Alam mo tol, nakaka miss ka rin eh. Bakit ba kasi doon ka pa pumasok sa lupon ng mga matatalino? Alam kong may pagka genius ka at ang isip mo ay malayo sa aming mga normal na tao pero yang kagwapuhan mo ay parang hindi bagay doon. Alam mo kung nag shift ka ng course ay baka member ka pa ng varsity ngayon at popular. Daming nag kakagusto sa iyo eh. Sayang ang kagwapuhan mo kung susubsob ka lang dyan sa science project mo.” ang wika nito sabay akbay sa akin.
“Ayos lang naman. Sa panahon kasi ngayon ay binibigyan na ang atensyon ang katalinuhan ng tao. Saka kagustuhan ko naman ito kaya’t masasabi kong masaya ako. Wala nang mas liligaya pa sa isang taong nagagawa ng malaya ang kanyang nais basta wala siyang tinatapakang iba.” ang sagot ko
“Kaya sayo ako eh. Kay Crush kita pare, ang galing mo. Nga pala since nandito ka na rin, sagutan nga natin itong assignment ko. Chemistry eh, Alam mo namang bobo ako dyan.” ang natatawang wika nito sabay labas ng kanya notebook.
Natawa ako at tiningnan ang kanyang lecture “Mole fraction” lang naman pala iyan. Madali lang iyan. Ganito lang iyan.
Mole fraction is another way of expressing the concentration of a solution or mixture. It is equal to the moles of one component divided by the total moles in the solution or mixture.
Example :
0.100 mole of NaCl is dissolved into 100.0 grams of pure H2O. What is the mole fraction of NaCl?
Solution:
100.0 g / 18.0 g mol1 = 5.56 mol of H2O
Add that to the 0.100 mol of NaCl = 5.56 + 0.100 = 5.66 mol total
Mole fraction of NaCl = 0.100 mol / 5.66 mol = 0.018
What is the mole fraction of the H2O?
5.56 mol / 5.66 mol = 0.982
“Oh ayan okay na..” ang wika ko habang naka ngiti..
“Wow, ang galing mo tol. Ang bilis mong nasagot.” ang wika niya habang ng pupunas ng panyo sa ilong.
“Bakit dumudugo yung ilong mo?” tanong ko sabay dukot ng tissue sa aking bag.
“Ahaha, wala ito. Masyado lang akong nabigla sa paliwanag mo.” sagot niya sabay tawa ng malakas.
“Ssshhhh!! Quite!!!!” ang wika ng librarian.
Natawa kami ng pigil, nanatiling naka akbay sa akin si Elmo samantalang ako naman ay abala pa rin sa pag lipat ng pahina tungkol sa aking sinasaliksik.
Makalipas ang halos 40 mins ay natapos ako sa pag reresearch ay wala akong napala o nakita man lang na impormasyon, si Elmo naman ay naka tulog na sa aking tabi kaya’t ginising ko nalang ito upang sabihin na mag sasara na ang library. Tawa naman ang kanyang isinagot syempre ay nag pasalamat ako sa kanyang pag sama sa akin, medyo boring pero batid kong nag enjoy naman siya sa pag tulog. Lamig kaya sa loob, full airconditioned.
“Nag research o nakipag landian kay Elmo sa library?” ang tanong ni Oven
“Nag research syempre, saka wala namang malisya yung pag sama sa akin ni Elmo, frends kami at walang masama doon.” depensa
Tumaas ang kanyang kilay sabay kuha ng kulungang may naka lagay na dagang matamlay. “Ayan ha, may lagnat ang daga na iyan. Biruin mo frend namuti na sa sobrang taas ng lagnat!”
“Tado, dagang costa iyan kaya talagang puti. Na ithermometer mo ba ito?” seryoso kong tanong
“Ofcourse, 39.6 degree celcius! May lagnat talaga iyan. Actually naka confined iyan sa ospital ng mga daga, kinidnap ko lang. Feeling ko tuloy kriminal na ako.” nag aalalang wika nito.
“Good naman, hayaan mo na at for sure ay mapapagaling natin siya. Tayo na simulan ang ating experiment X” ang excited kong tugon.
Agad kami dumiretso sa aming bahay. Mayroon akong maliit silid doon sa likod at iyon ang ginagamit kong laboratoryo. Dito ako nag coconduct ng experiment at nag sasaliksik tungkol sa kung ano anong bagay na aking matripan. Dito rin naka imbak ang aking mga imbensyon simula pa noong bata ako mula sa simpleng laruan na pinalakad at ginawang robot, mga eroplanong sariling design na talagang lumilipad gamit ang solar energy at kung ano ano pa.
Hindi naman ito ang unang pag kakataon na napunta rito si Oven kaya’t hindi na rin bago sa kanya ang aking pribadong silid. Malinis naman ito dahil ang lahat ng specimen at mga kagamitan ay naka secure sa cabinet na may iba’t ibang kategorya.
“Oh ayan ang scientific method, basahin mo na.” ang utos ko habang inihahanda ang mga chemicals at sample ng mga halamang gamot.
“Kailangan ba talaga tuwing mag sstart tayo ng experiment ay babasahin ang scientific method na ito? Step by step proccess of solving problems ba talaga ang kailangan?” reklamo ni Oven
“Protocol iyan para sa aming mga scientist. Simulan mo na habang inihahanda ko ang mga materials.” sagot ko naman at doon ay nag basa ito ng malakas
Make an Observation
Scientists are naturally curious about the world. While many people may pass by a curious phenomenon without sparing much thought for it, a scientific mind will take note of it as something worth further thought and investigation.
Form a Question
After making an interesting observation, a scientific mind itches to find out more about it. This is in fact a natural phenomenon.
Form a Hypothesis
A hypothesis is an informed guess as to the possible answer of the question..
Conduct an Experiment
Once a hypothesis has been formed, it must be tested. This is done by conducting a carefully designed and controlled experiment.
Analyse the Data and Draw a
Conclusion
As the experiment is conducted, it is important to note down the results. In any experiment, it is necessary to conduct several trials to ensure that the results are constant.
“Ayan ha, nabasa ko na ang orasyon!” ang salita ni Oven
“At dont forget ang proteksyon sa mata, mahirap na baka maya maya ay mag karoon ng chemical reaction ito.” ang wika ko habang nag susuot ng goggles.
Sinimulan namin ang experiment, pinag sama sama ko ang mga herbal na dinikdik at ginawang liquid saka maharang inihalo ito sa solution na naka lagay sa breaker.
Marahan kong hinalo halo ito gamit ang stirring rod, may kakaibang amoy ito ngunit hindi naman ganoong kasakit sa ilong. “Pahiram ako ng acid solution, dali” ang wika ko kay Oven na noon ay nag sisilbing assistant ko.
“Apurado naman, alin ba rito? Yung pula o yung asul?” ang tanong nito
“Yung asul, dali na” ang pag aapura ko
“Oh ayan, becareful ha baka masobrahan” ang paalala nito
Agad kong pinatakan ang solution na aking ginagawa. Isa hanggang apat na patak at ang kulay dilaw na tubig sa beaker ay unti unting naging berde. “Ayy ang bongga niyan frend!!” ang masayang wika ni Oven
Patuloy sa pag kulo ang solution sa loob ng lalagyan samantalang kami naman ni Oven ay pinag mamasdan lang ito. “Bakit ganon? Dapat ay magiging kulay orange ito. Bakit ayaw?” pag tataka ko
“Eh alam ko na, baka kailangan ng pulang acid. Akin na nga ako ang mag peperform.” ang wika nito sabay eksena sa aking kinalalagyan.
Pinatakan niya ang solution, dalawang patak at unti unti itong naging orange. Napalundag si Oven sa sobrang galak. “Nakita mo na? Winner ang ginawa ko diba? Achieve na achieve ang kulay orange na solution katulad ng nasa plano.” wika nito at maya maya ay bigla nalang umusok ang beaker kasabay nito ang malakas na pag kulo.
“Ay! Anyare?! Teka baka sumabog iyan!!” ang natatarantang wika ni Oven
Maya maya ay bigla nga ito sumabog sa aming kinalalagyan!!
“BOOOMMM!!!!”
Nabasag ang beaker at lumikha ito ng malakas na pag sabog na animo 5 star. Tumilapon si Oven sa gawin pintuan, ako naman ay gumulong sa ilalim ng lamesa. Kapwa kami nag tamo ng galos at pinsala sa mukha dulot ng malakas na pag sibat ng salamin mula sa nabasag na breaker.
“Ano ba iyan?! Anak bakit hindi kayo nag iingat?” ang wika ni mama na natataranta habang tumatakbo sa likod bahay patungo sa aking lab
“Ano ba iyan? Bakit nag dadala kayo ng paputok dyan sa loob? Ang lakas noon ah!” ang wika naman ni Papa na noon ay hinahawi ang usok sa loob ng laboratoryo.
At iyon ang resulta ng Experiment X..
Failed..
Itutuloy..
Part 3: Mutant X
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Mr Genius X Mr Blood Sucker 2017
AiTenshi
July 21, 2017
Part 3: Mutant X
“Hindi kasi kayo nag iingat, muntik na kayong madisgrasya sa pinag gagagawa ninyo.” ang sermon ni mama habang ginagamot ang mukha ni Oven na puro gasgas at tama ng salamin.
Umiiyak si Oven “Tita, keri pa ba? Winner pa ba yung pez ko?” ang tanong niya
“Minor injuries lang naman ito. Gasgas lang at tiyak na mawawala rin ito makalipas ang dalawa o tatlong araw. Saka maganda ang ointment na ito, gamit ito ng tito Hermes mo sa ospital kaya’t tiyak na effective.” naka ngiting wika ni mama samantalang ako naman ay naka tingin lang sa kanilang ginagawang gamutan.
“Eh bakit po si Chong walang galos samantalang mas closer siya sa solution. Kitang kita ko na tumapon pa ito sa mukha niya. Saka bago ko himatayin ay nabilang ko pa yung tumusok na salamin sa mukha niya. 5 iyon eh, isa sa baba, sa ilong, sa noo at sa mag kabilang pisngi.” ang wika ni Oven
“Talagang nabilang mo pa? Ganyan ka kagaling?” tanong ko
“Oo naman at sure ako na mas marami kang tama sa akin. Mas bongga yung pag wisik sayo ng asido eh bakit parang wala nangyari sa pez mo? Walang gasgas, walang sugat o kahit kudlit man lang? Beauty ka pa rin. Unlike sa akin? Bakeet??” ang iyak ni Oven
“Baka naman namalik mata ka lang hijo?” ang tanong ni mama
“Hindi tita, basta alam ko na marami talaga. Bakit ganoon? Nakapag tataka naman.” sagot ni Oven
Nakatawa lang ako ngunit pati ako nag tataka rin. Ang totoo noon ay tumapon sa katawan at mukha ko iyong asido sa beaker at fatal ang pag tama ng mga basag na salamin sa aking mukha. Ramdam ko ang sakit nito bago ako mawalan ng malay. Ngunit noong pag gising ko ay bigla nalang nawala ang aking mga sugat na parang walang nangyari, pati ang kirot sa aking braso dulot ng pag sabog ay wala na rin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari ngunit pakiwari ko ba ay nasa ilalim pa rin ako ng isang panaginip na mahirap paniwalaan.
Pati si mama ay nag tataka rin ngunit sinabi ko nalang na nag lagay ako ng proteksyon sa mukha upang hindi mag kasugat at yung nakita ni Oven ay dala lamang ng kanyang malikot na pag iisip. Sino ba naman ang mag aakalang nasugatan ako kung gayon wala naman silang makita ni isang gasgas. At sa tingin ko ay wala silang magagawa doon.
Alas 9 ng gabi, muli akong bumalik sa aking laboratory upang mag linis. Magulong magulo ang buong lugar ngunit ang mga cabinet na may mga specimens ay hindi naman nahagip ng pag sabog. Maliban nalang doon sa dagang costa ni Oven na naka kulong sa di kalayuan. Matigas na ito at isang malamig na bangkay.
Tahimik sa loob ng lab, dito ay naisip kong kumuha ng sample ng aking dugo at silipin ito sa microscope.
Wala naman akong nakitang kakaiba, normal pa rin ito katulad ng iba. Pero paano kayang nag hilom ang aking mga sugat. Baka naman dala ito ng mga chemical reaction na tumama sa aking mukha kaya’t naabsorb ito ng aking balat at naging auto immunization. Instant mutant lang kung tutuusin kaya’t sa tingin ko ay mali ang terminology kong “immunization” dahil baka literal na mutation ang nagaganap sa katawan ko. Gusto ko na ngang maniwala na may engkanto, paano ko ba maipapaliwanag sa aking sarili yung halaman na kulay ginto? Yung lalaking pumapayag na kumuha ako ng halaman at yung lalaking tumatakbo na nag tulak na akin palayo sa lugar na iyon. Ano ba iyon? Aparisyon o dala lamang ng stress at pagod dahil masyado akong subsob sa pag aaral?
Nasa ganoong pag iisip ako ng maisipan kong ipatak sa isang halaman ang aking dugo. Baka sakaling mayroon itong reaction sa ibang bagay na hindi ko napapansin sa aking sarili.
Maliit na amount lamang ng dugo ang pinatak ko sa dahon ng halaman at maigi ko itong pinag masdan.
Tahimik ulit..
Maya maya ay laking gulat ko noong unti unting maging brown ang mga berdeng dahon nito at maya maya ay malanta na animo na tuyot na puno sa disyerto.
Noong mga sandaling iyon ay tila ba nilukuban ako ng ibayong kaba at pag kamangha. Muli ko ipinatak ang aking dugo sa natuyong halaman sa paso. Pumatak ito sa ugat at inabsorb ng lupa. Maya maya ay muli akong namangha sa aking nakita dahil unti unting naging berde ang mga sanga nito, tumubo ang mga dahon at maya maya ay umusbong ang magandang bulaklak na rosas sa mga sanga nito.
Namangha ako ngunit mas lalo lamang akong naguluhan at kinabahan..
Muli kong sinubukan ipatak sa bibig ng patay na dagang costa ang aking dugo. Maya maya nangisay ito at nag simulang pumintig ang tiyan. Marahang bumangon at bumalik ang dating sigla.
Kasabay nito ay ang pang hihina ng aking tuhod. Hindi ko na alam kung anong kababalaghan ang nangyayari sa akin. Wala akong nagawa kundi ang mapadukduk nalang sa lamesa at dito ay ipinahinga ko ang aking ulo na nag sisimulang kumirot.
Tahimik ulit..
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip hanggang sa maya maya ay bigla na lamang akong nakarinig ang malakas na pag sabog sa labas ng aking laboratoryo, yumanig at lumindol ng malakas. Kaya naman napasigaw nalang ako at napakapit sa haligi ng lamesa habang gumagapang sa ilalim ito.
“Maaaaa, paaaaa!! Tulong!!! Tulooonggg!!” ang sigaw ko habang nag susumiksik sa ilalim ng mesa.
Tumagal ng ilang sandali ang pag yanig bago tuluyang tumigil ito. Noong bumalik ang lakas ng aking tuhod ay mabilis akong lumabas ng laboratory at doon ay laking gulat ko ng makitang putol ang mga puno sa paligid. Ang bukid ay mayroong isang malaking hukay na animo binagsakan ng bomba. Wasak ang lupa at gayon rin ang paligid.
“Anak, ayos ka lang ba?” ang tanong nina mama.
“Oo ma, ano bang nangyari?” ang tanong ko at dito ay nag simula na ring lumabas ang mga tao sa paligid upang tingnan yung nangyari sa bukid.
“Wasak yung bukid, parang may laglag na bomba kanina. Ang laki ng pinsala. Mabuti nalang at walang nasaktan sa akin.” ang wika ng mga nakikiusisa.
“Tamang tama, binalita sa tv ngayon na may nalaglag raw na maliit na missile dyan sa bukid kaya’t sumabog ito. Mabuti nalang at hindi sa bahay natin nalaglag.” ang wika ni papa habang pinag mamasdan ang malaking pinsala sa paligid.
“Naku dapat ay ireklamo natin ang mga baguhang sundalong nag ttraining dyan sa bundok ng Bari bari! Mapapahamak tayo eh!” ang reklamo ng ibang residente samantalang ako naman ay halatang hilo pa rin at wala sa katinuan dahil sa matinding takot.
“Hindi lang ireklamo, dapat ay paalisin na sila doon sa bundok! Delikado ang mga sandata nila! Baka maya maya ay anak na natin ang matamaan dito!!” galit na protesta nila samantalang ako naman ay niyaya na nila mama sa loob at pilit na pinakalma. Hindi ko alam kung saan ako dapat matakot, sa nagaganap bang kakaiba sa aking katawan o sa mga bombang ibinabagsak ng mga sundalong nag ttraining doon sa bundok na umaabot hanggang dito ang pinsala.
Kinabukasan, dahil walang pasok ay nag pasya nalang akong imeet si Oven sa lumang parke na aming madalas tambayan. May dala itong isang supot ng mangga at katulad dati ay amin itong pinag saluhan.
“Bumabalik na sa dati yung mukha mo. Effective yung ointment ni papa hano?” naka ngiti kong tanong habang abala sa pag babalat.
“Tse, langyang project iyan buwis buhay talaga? Saka bakit kaya hindi ka na injury e mas malapit ka doon sa pag sabog. Anong sekreto mo ha?” ang tanong nito
Tumingin ako sa kanya ng seryoso at dito ay naisip kong sabihin sa kanyan ang naganap sa akin kagabi. Hindi ko ito maipaliwanag ngunit sa tingin ko ay wala namang ibang makaka unawa at makakaramay sa akin kundi siya lang din. “May sikreto ako pero huwag mong ipag sasabi ha, sana ay ibulsa mo yung pag uusapan natin at huwag mong itutukis sa iba.” seryoso kong salita habang naka titig sa kanyang mata.
“Maka titig ka naman, ano naman iyon? Seryoso ito ha. Walang halong kaeklatan?” ang tanong niya
“Oo nga, seryoso ito.” ang sagot ko sabay hinga ng malalim at dito ay sinambit ko ang nais sabihin ng aking bibig. “Nag karoon ako ng healing powers.” ang wika ko
Tumingin sa akin ng seryoso si Oven at maya maya ay tumawa ito ng malakas “Wahahaha, sino ka si wolverine? Tigilan mo nga ako. Anong sikreto mo?” ang tanong niya ulit
“Tang ina naman, para ka palang binibiro eh. May nangyari sa akin pag katapos kong sabugan noong solution na ginawa natin. Maniwala ka.” ang seryoso kong tugon
Tumawa nanaman ito “ikaw frend ha, alam kong matalino ka pero huwag mo naman ako echosin ng ganyan. Baka naman bumigay kana? Marami dyan sa sobrang talino ay bumibigay ang isip. Okay ka lang ba? Alam na ba ito ng mama at papa mo?” tanong nito
“Gago, hindi ako nababaliw. You want proof? Sige huwag kang kukurap ha.” ang wika ko sabay agaw sa kanya ng kutsilyo.
Hinawa ko ang aking palad na parang nag laslas. “Aayyy jusko! Nababaliw kana ba? Bakit may ganyan?! Gago ka bakit ka nag laslas sa palad? Dapat sa pulso diba? Hindi naman nilalaslas ang palad eh, pulso ang nilalaslas! Saka hindi ka naman katipunero!” ang sigaw ni Oven na hindi mapakali at takot na takot “Nabubuwang kana ba? Baket?”
“Tado, huminahon ka at manood.” pag pigil ko dito ag ipinatak ko ang aking dugo sa isang halaman sa tabi na aming kinalalagyan.
Noong una ay walang nangyari kaya’t tumaas ang kilay ni Oven. “Hmmfff, Ano kaya iyon? Push mo yan teh.” pang aasar nito
“Teka muna, huwag kang maingay.” tugon ko at maya maya ay laking gulat niya ng siya mismo ang maka kita na unti unting namamatay at nag lalagas ang dahon ng halaman.
Napasigaw nalang ito at napatingin sa akin. Naduling at hinimatay..
“Eeyyy, gumising ka!” ang wika ko habang tinatapik ang pisngi nito. Pero wala pa rin kaya naman hinayaan ko muna siyang naka bulagta sa upuan at ipinag patuloy ang pag kain ng mangga. Parang wala na lang sa akin kung nabigla siya, expected ko naman kasi na ganoon nga ang magiging reaksyon nito. Kahit sino naman ay tiyak na mabibigla kapag nakakita ng kakaibang bagay.
Makalipas ang ilang minuto ay bigla nagising si Oven. Napatingin ito sa akin at bahagyang lumayo. “Who are you and what are you?” ang tanong niya na may takot sa mga mata.
“Ako nga to, bestfriend mo. Wala naman akong pinag bago oh. Nag karoon lang ng kaunting mutation dulot ng pag sabog ng mga chemical sa aking katawan. Iyon ang teorya ko.” ang wika ko naman.
“Kung ikaw nga si Enchong na bestie ko at hindi ka Alien ay prove it! Baka maya maya ay alien ka ha o kaya ay maligno na nag papanggap na siya” paninigurado nito
“Okay, bumigay ka noong ikaw ay 8 years old. Unang beses kang nag suot ng bra noong 10 years old ka at iyon ang bagong bra ng nanay mo. First kiss mo ay yung pinsan mo at siya rin ang first sex mo. First boyfriend mo ay member ng math club na one week lang ang tinagal nyo dahil naka tagpo siya ng iba. Nag suot ka ng wig ni Sailormoon at nahuli ka ng tatay mo kaya binugbog ka nito. Mayroon ka malaking balat sa kanang pisngi ng pwet at…” natigil ako dahil tinakpan niya ang aking bibig
“Tama naa, okay na. Ikaw nga iyan! Jusko frend. Anong nangyari sayo?” ang tanong niya na hindi maitago ang pag alala.
“Hindi ko nga alam e. Natatakot na ako, paano kung malaman ito ng media? Baka pag experimentuhan nila ang aking katawan. O kaya ay idisect na palang isang palaka.” pag aalala ko.
“Kaya kailangan ay isecret natin ito. Nasan na yung sugat mo sa palad? Halika at gamutin na natin.” wika ni Oven
“No need, wala na siya oh.” pag mamalaki ko sabay pakita ng aking palad na walang galos. Maya maya ay hiniwa ko ito ulit at ipinatak ang aking dugo sa halamang namatay kaya muli nanamang umusbong ang berdeng dahon nito at mas yumabong pa. May bonus pang bulaklak.
Napa nga nga si Oven “iyan ang resulta ng experiment natin? Para kang naging mutant niyan frend. Eh teka, bakit ako ay hindi? Bakit wala akong ganyan e pareho lang naman tayong nasabugan hano.” ang reklamo nito na parang may halong inggit.
“Aba, parang nainggit ka pa? Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa akin hano. Paano ko ba maibabalik sa normal ang buhay ko? Ang iniisip ko ay baka may side effecf ito at bigla nalang akong singilin.” pag aalala ko
“Or else baka ikamatay mo pa iyan frend” ang sagot niya dahilan para batukan ko ito “Patay agad? Grabe sya!” pag mamaktol ko, ahh basta! Walang makaka alam nito dahil kung hindi ay IKAW ang lalantahin ko. Nakikita mo ba iyang halaman na iyan? Ganyan ang mangyayari sa iyo.“ pananakot ko
“Grabe ka naman, takutin ba ako. Sige promise walang makaka alam nito pagiging mutant X mo. Basta hanapan natin ito ng solusyon bago pa mang yari ang kinatatakutan natin.” ang sagot niya habang pinag papawisan.
“Good! Basta tahimik ka lang hanggang hindi pa tayo nakakahanap ng solusyon kung paano ako makakabalik sa normal.”
“Yes naman. Alam ko na, pwede natin pag kakitaan iyan. Pila pila sa pang gagamot mo. Yayaman tayo frend”
“Tado, kakasabi ko lang na isekreto diba?”
“Hindi ka naman mabiro. Bukas na bukas ay puntahan natin si Dr. Elvis. Baka may maitulong siya sa atin.”
Hindi ko naman tinanggihan ang plano ni Oven, pati ako ay nangangamba narin dahil batid kong mas masarap mabuhay ng normal. Ayokong maging kakaiba sa paningin ng lahat ay gayon din sa paningin ng aking mga pinaka mamahal.
Itutuloy..
Part 4: Ang Bundok Bari Bari
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Mr Genius X Mr Blood Sucker 2017
AiTenshi
July 21, 2017
Part 4: Ang Bundok Bari Bari
Matapos ang pag tatapat ko kay Oven ay hindi na kami nag aksaya ng mga sandali, kinabukasan ay nag tungo kami sa kaibigan naming scientist sa siyudad upang mang hingi ng payo. Halos hindi na rin kasi ako makatulog ng maayos lalo’t pakiwari ko ba ay nasa bingit ng panganib ang aking sarili. Hindi ko maunawaan ngunit tila ba may kakaiba sa akin na hindi ko mawari.
“Ibang klase ang nangyari sa iyo hijo, normal naman ang dugo mo, ang vital parts mo ay maayos rin. Marahil ay dala lamang ito ng epekto ng kemikal na humalo sa iyong katawan at mabilis itong nadissolve kaya’t hindi na mahagip ng ordinaryong microscope ang pag kakaiba. Gayon pa man, ang nagaganap sa iyo ay talagang kakaiba at maging ako ay ngayon lang naka encounter ng ganyan.” ang wika ni Dr. Elvis habang sinusuri ang aking kalagayan.
“So may posibility ba na maging permanent mutant na siya? Kung sa bagay ay okay lang naman dahil normal ka naman sa labas, walang makaka alam na kalahi mo si wolverine na may super caliber healing powers!” sabad ni Oven
“Hindi ko alam kung kailan mawawala ang epekto ng kemikal sa katawan mo ngunit sa tingin ko ay kinakailangan mo lang ibalik sa normal ang iyong buhay. Ang ibig kong sabihin ay kumilos ka katulad ng isang ordinaryong tao, kumbaga sa superhero ay maging natural ka lang na gumagalaw sa iyong paligid.” payo ng Doktor
“Pero Doktor, mahirap iyon lalo’t hindi maalis sa aking isipan na ako ay kakaiba sa lahat. Paano kung biglang sumabog ito sa media? Edi pati buhay ng aking mga magulang ay nadamay pa?” katwiran ko
“Alam mo Enchong hijo, matagal na tayong mag kakilala, bata ka palang ay hinihikayat na kitang mahilig sa siencia. Alam kong malalagpasan mo ang suliraning ito. Malay mo ang pagiging kakaiba mo ay may purpose sa mundong ito. Kung ano man iyon ay walang nakaka alam. At tungkol naman doon sa bulaklak na ipinasuri mo sa akin kanina. Walang naka talang ganoong sa mga aklat dito sa ating kasaysayan. Ngunit ang isang ito ay nakita ko na dati pa.” ang wika ni Dr. Elvis
“Nakita? Anong ibig mo sabihin dok? Saan nyo nakita ang ganyang uri ng halaman?” pag tataka ko
“Noong bata ako ay nakita ko na ito sa bundok ng Bari Bari. Galing ako sa camping noon at naligaw ako sa pag lalakad sa gitna ng kakahuyan. Dito ay nakita ko ang mga bulaklak na nag liliwanag na animo ginto at doon naakit akong lapitan ito. Ngunit isang hakbang pa lamang ang aking ginagawa ay bigla na lamang itong nag laho na parang bula. Dito ko napag tanto na ang bundok ng Bari Bari ay talagang mahiwaga katulad ng sinasabi nila. Ang halamang iyan ay minsan ko nang nakita, hindi na masyadong malinaw sa aking ala ala ang eksaktong kaganapan ngunit naka titiyak akong nandoon lamang ito sa gitna ng kabundukan. Galing ka ba doon hijo?” ang tanong ng doktor
“M-minsan na po akong nang galing doon. Hindi ko lang alam kung paano ako nag punta, basta nandoon ako sa gitnang kakahuyan kung saan maraming ganyang uri ng halaman. At hindi ko rin sigurado kung doon nga ang kakahuyang tinutukoy ko. Basta, komplikado kung aking ipaliliwanag.” naguguluhan kong tugon. Paano ko ba ipaliliwanag na naka punta ako sa kakahuyan gamit lamang ang aking isip at imahinasyon. Baka naman ang isipin nila ay nababaliw na ako.
“Ano ba iyan, out of place naman ako sa eksenang ito. Bundukan ang labanan. Sige mag monolog lang kayo habang nag bebeauty rest ako.” ang maaarteng wika ni Oven sabay higa sa lamesa.
Samantalang ako naman ay kinausap ng masinsinan ni Dr. Elvis, yung tipong nakatigtig siya sa aking mga mata kaya’t hindi ko na nagawa pang kumurap. “May kakaiba sa bundok ng Bari bari, bukod sa teorya mong kemikal na nakapag pabago sa iyong kondisyon ay baka may kinalaman rin ang bundok na iyon at ang mahiwagang halamang ito.
Dalawang teorya ang ating iapply sa kondisyon mo, ang UNA ay ang pag tapon at pag halo ng kemikal sa iyong dugo at ang IKALAWA naman ay ang kababalaghang teorya kung saan nanaginip ka na ikaw ay nasa kakahuyan habang naka tanaw sa mga gintong bulaklak at pag mulat ng iyong mata ay nag bago na ang iyong kondisyon.
Tayong mga tao sa likod ng agham ay hindi naniniwala sa kababalaghan dahil ang lahat sa atin ay may siyentipikong paliwanag, kung ating iaapply ito sa halamang ginto na iyan ay baka mayroong higit pang talino ang hindi pa natutuklasan ng tao na maaaring ituro ng kakaibang halamang iyan sa bundok na iyon. At kung papalarin ay baka naroon rin ang kasagutan iyong katanungan.“ ang wika nito
“T-teka muna dok, paano ka nakaka siguradong may kasagutan doon?” tanong ko
“Hindi ako sigurado hijo ngunit paano mo ipapaliwanag ang kondisyon mo? Ang nangyari sa iyo sa kakahuyan? Katulad ng salaysay mo kanina sa akin diba? Huwag kang mag alala dahil naniniwala ako sa iyo, ako mismo noong kabataan ko ay naka kita ng mga aparisyon sa lugar na iyon kaya’t natitiyak kong mahiwaga ito.” ang sagot ng doktor
“Kung gayon, ano po ang maaari kong gawin?” tanong ko ulit
Tumingin ang doktor sa aking mata at nag wika “mag tungo ka sa bundok na iyon kung saan nag simula ang lahat. Minsan kung ano ang simula ay iyon din ang wakas. Maaaring masagot mo ang iyong katanungan kung sakali man.” ang seryoso niyang tugon
Natahimik ako at napaisip..
“Kung sa bagay, wala namang mawawala kung hahanap ako ng kasagutan sa lugar na iyon.” ang salita ko
“Tama iyan hijo, alamin mo ang agham sa likod ng bundok na iyon. Malay mo ikaw ang kauna unahang siyentipikong maka pag paliwanag sa mga bagay na nagaganap doon na hindi magawang bigyan ng kasagutan ng mga tao.” pang hihikayat niya sabay tapik sa aking balikat.
“Pero, hindi ko sigurado kung ang bundok na iyon ang nasa aking panaginip.” pag aalinlangan ko
“Sigurado ako, dahil ang bulaklak na nakita ko doon at ito ay iisa lamang. Subukan mo, malakas ang pananalig ko sa kakayahan mo hijo.” ang naka ngiting wika niya
Hindi ako naka kibo at dito ay napatango nalang ako kasabay ng mapangahas na desisyong sundin siya sa kanyang pang hihikayat.
At iyon nga ang set up, nag desisyon akong mag tungo sa bundok ng Baribari upang mag imbestiga. Nais ko ring malaman kung anong klaseng halaman ang ibinigay sa akin ng lalaki sa aking panaginip.
Flash back
Ibayong kaba ang lumukob sa aking pag katao kaya naman ang tatakbo ako upang hanapin ang daan pauwi. Walang direksyon ang aking pag hakbang basta ang alam ko lang ay panaginip ito at imposibleng maging realidad.
Takbo!!
Takbong walang humpay ang aking ginawa at dito ay napag tanto ko na hindi ako umalis sa aking kinatatayuan. Na pako pa rin ako sa lugar na ito bagamat halos mapatid na ang aking hininga sa matinding pag takbo.
“Nasaan ako?! Bakit ako nandito?!!” ang sigaw ko na hindi maitago ang pinag halong takot at pag kainis.
Wala akong nakuhang sagot maliban sa ingay ng kuliglig at lagaslas ng malamig na hangin sa paligid. At bukod pa roon ay wala rin akong nagawa kundi ang mapaupo na lamang sa tabi ng isang puno at dito ay mag isip kung paano ako makaka alis sa lugar na ito.
Tahimik ulit..
Ini ikot ko lamang ang aking mata habang binabalot ng matinding pag ka tuliro..
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay may namataan akong isa nag liliwanag na bagay sa di kalayuan kaya naman agad akong tumayo at agad itong pinuntahan. Ang bagay na ito ay isa maliit na halamang may bulaklak na umiilaw, nag liliwanag na animo ginto sa gitna ng kadiliman.
Marahan akong tumayo upang lapitan ang bulaklak na talagang kakaiba ang anyo. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako naka kita ng ganitong uri ng halaman. Kaya naman marahan akong lumapit dito upang mapag masdang mabuti.
“Ang ganda.” bulong ko sa aking sarili at doon ay naakit akong hawakan ito.
“Iyan ang tinatawag na “kinday”, isang espesyal na halamang naka gagamot ng lahat ng sakit. Iyan ang hinahanap mo hindi ba?“ boses ng isang lalaki sa aking likuran. Isang magandang tinig na nakakapag pabanayad ng damdamin.
“Sino ka? Paano mo na laman ang tungkol doon?” tanong ko naman.
“Sa tingin ko ay hindi na ito mahalaga. Kumukha kana ng halaman iyan ang makatutulog sa iyo sa iyong proyekto” ang wika niya habang unti unting nag lalaho ang kanyang katawan.
Wala naman akong inaksayang panahon, agad akong pumitas ng halaman at dito ay bigla nalang humangin ng malakas, kasabay noong ang pag sulpot ng isang lalaki sa aking harapan. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha ngunit batid kong tumakbo ito patungo sa akin.
Hawak ko pa rin ang halaman sa aking mga kamay at mas lalo pang naging mahigpit ang pag hawak ko dito habang pinag mamasdan ang parang aparisyon ng isang lalaking mabilis na tumatakbo papunta sa aking kinatatayuan..
“Umalis kaaa na ditooo!! Bilisan mo!!!” ang sigaw nito sabay tulak sa akin palayo.
Lumipad ang aking katawan paatras at dito ay nag paikot ikot ako hanggang sa muli kong imulat ang aking mga mata.
“Uughhhhh!” natagpuan ko ang aking sarili na naka higa sa aking kama, pawis na pawis, uhaw na uhaw at walang lakas ang katawan.
End of flash back
Hanggang ngayon ay naka ukit pa rin sa aking isipan ang lugar na iyon, ang kakahuyan, ang bawat detalye nito. Walang katiyakan ang aking gagawing hakbang ngunit wala naman akong pamimilian kundi ang humanap ng sagot sa aking katanungan. At sa bandang huli ay wala rin namang makatutulong sa akin kundi ang aking sarili. Nais kong maging normal at ayokong maging kakaiba sa lahat. Iyon ang mga bagay na nag tutulak sa akin para suungin ang mga bagay na hindi ko alam kung ano at paano.
Itutuloy..
Part 5: Lupain ng Hiwaga
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017
AiTenshi
July 22, 2017
Part 5: Lupain ng Hiwaga
Kinabukasan, maaga palang ay nag ayos na kami ni Oven ng gamit patungo sa bundok ng Baribari. Ang paalam ko sa aking mga magulang ay mag reresearch lang para sa science project kaya hindi naman sila tumutol kung umakyat man ako ng bundok upang manguha ng halamang gamot.
Naka lagay sa loob ng knapsack ang aking mga gamit, cellphone, compass, chalk na pananda sa daan, tubig, de latang pag kain at tent kung sakali man na abutin kami ng dilim. “Sure kaba dito sa gagawin natin frend?” ang tanong ni Oven na may halong pag aalinlangan.
“Heto na nga tayo, kaunting sandali na lang at nandoon na tayo sa bundok. Huwag kang mag alala sa injury mo o kung sakali mang matigok ay bubuhayin kita kaagad.” ang biro ko
“Eh malakas ang loob mo dahil mutant ka, paano naman akong isang simpleng nilalang lamang na nangangarap maging beauty title holder?” ang tanong nito
“Title holder lang, walang beauty. Nandito na tayo! Labas na!!” ang wika ko sabay tulak dito palabas ng taxi
“Arekup bayolente naman ito. Heto na nga po lalabas na me.” ang sagot ni Oven na may halong reklamo.
Makalipas ang ilang minutong byahe ay narating namin ang bundok ng Bari Bari, parang isang ordinaryong bundok lamang ito at maaliwalas pa dahil tanghaling tapat at tirik na tirik pa ang araw sa kalangitan.
Ilang sandali rin kaming nakatanaw dito hanggang sa mapag desisyunan naming lumakad pasulong. Hawak ko ng chalk na siyang gagamitin ko sa pag mamarka ng mga puno upang mag silbi itong tanda sa aming daraanan. Samantalang si Oven naman ay may hawak na tinapay at pinipiraso ito para ilaglag sa lupa. “Ano naman iyan?” ang tanong ko
“Edi pananda para hindi tayo maligaw. Effective ito, ganito ang ginawa ni Hansel at Gretel noong mag tungo sila sa kakahuyan.” ang wika ni Oven
“Oo iyan ang ginamit nila kaya nga naligaw sila at napunta sa evil witch.” ang tugon ko naman
“Napunta sila sa evil witch at pinatay nila ito. Nung nag dalaga at nag binata sila ay naging witch hunter sila diba?”
“So anong connect dito?” tanong ko
“Wala, basta epektib ito. Huwag kana komontra okay?” ang sagot niya habang patuloy sa pag laglag ng tinapay sa lupa.
Patuloy kami sa pag lalakad at pag lalakad ng tanda sa aming dinaraanan. Sa bawat hakbang na aking ginagawa ay pilit kong binabalikbalikan sa aking isipan ang bawat detalye ng eksaktong anyo ng kakahuyan kung saan ako dinala ang aking kakatwang panaginip. Ang malalaking puno na animo higante, ang mga tuyong dahon na nag kakalaglag sa paligid at ang nag yeyelong hangin na para kang nasa loob ng isang dambuhalang cooler. At ang isang hardin ang bulaklak na kulay ginto at kumikinang sa gitna ng madilim na kakahuyan. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang mga eksenang iyon.
“Paano ka naman nakaka sigurado na tama ang ating direksyon?” ang pang uusisa ni Oven
“Hindi ko alam, basta hinahayaan ko lang ang aking paa na lumakad, sobrang pamilyar sa akin ang bundok na ito. Para bang naikot ko na ito dati. Ang bawat pasikot sikot ay nag papa alala sa akin na tila ba nag punta na ako dito.” seryoso kong sagot.
“Ayon naman pala, so alam mong hindi tayo naliligaw ha? Saka infairness sa lugar na ito, ang lamig ha. Tapos habang papasok tayo sa loob ay nawawala ang sikat ng araw, feeling ko tuloy ay alas 5 na ng gabi eh ala 1 palang noh. Ibang klase.” ang wika ni Oven habang abala sa pag lalakad.
Patuloy kami sa pag hakbang, at nakapag tataka ay para bang alam ng mga paa ko kung saan mag tutungo at habang papasok kami sa pinaka pusod nito ay siya namang pag lamig ng hangin na tila nag yeyelo. At habang nasa ganoong pag lalakad kami ay isang malakas na pag sabog at pag yanig ang sumalubong sa amin sa di kalayuan.
Naputol ang mga puno at ang lupa ay parang binagsakan ng malaking bomba..
Umuuga pa rin ang lupa at kasabay nito ang naka sisilaw na liwanag patungo sa aming kinalalagyan. Gumagapang ito na animo pader ng nakabibighaning ilaw na siyang nagiging dahilan ng pag liliwanag rin ng mga puno sa paligid.
“Ano naman iyan? Bakit nag liliwanag ang paligid?” ang takot na salita ni Oven habang kapwa kami napaupo sa lakas ng pag uga ng lupa.
“Hindi ko alam, kumapit ka sa puno upang hindi ka mabuwal.” ang sigaw ko naman habang kapwa kami binabalot ng kakaibang liwanag na lumukob sa buong paligid.
Hindi ko maipaliwanag kung ano ang liwanag na iyon, basta para itong aurora sa kalangitan na gumapang sa bundok at nilukuban kami. Ang nakapag tataka lang ay napaka lamig ng liwanag na iyon bagamat talagang nakaka silaw.
Ilang sandali ring lumukob ang naturang liwanag sa buong paligid at sa aming katawan bago ito nawala..
Tahimik..
Bumalik na sa normal ang buong paligid..
Nanatili kaming naka salampak ni Oven hanggang sa muli naming maidilat ng maayos ang aming mga mata. “Umalis na tayo dito bestie, yung pag yanig kanina ay tiyak na gawa ng mga hudas na sundalong nag ttraining dito sa bundok at hindi nila alam na may sibilyan dito sa paligid. Nakita mo ba iyong ilaw na gumapang dito? Iyon panigurado ang side effect ng nuclear weapon nila. Umalis na tayo dito bago pa tayo maging abo! Halika na!! Quit na me sa misyong itey!” ang wika ni Oven habang tumatayo.
“Teka muna naman, huwag kang mag desisyon ng pabigla bigla. Ngayon pa ba tayo aalis eh malapit na tayo sa mga bulaklak na kumikinang. Ayun na oh! Malapit sa ilog!” ang wika ko habang pinag mamasdan ang kumpol na gintong bulaklak na nag liliwanag sa madilim na bahagi ng bundok.
“Eh ano bang maitutulong niyan sa kondisyon mo?” ang tanong niya
“Dalawang dahilan kung bakit tayo nandito. Una ay upang kumuha ng mga halamang gamot na iyan at Ikalawa ay para makausap ko yung lalaking aparisyon na nag babantay dito. Kung may kinalaman ba siya sa kondisyon ko at kung paano ako babalik sa normal. Kaya halika na!” ang wika ko sabay hatak sa kanya
“Makahatak naman ito, rush na rush ba?” ang reklamo nito pero patuloy pa rin ako sa pag hila sa kanya patungo sa tabing ilog kung saan may mga bulaklak.
“Mukhang tama nga si Dr. Elvis mahiwaga ang bundok na ito. Bulaklak na ginto Oven, ginto ang mga ito. Nakaka mangha.” ang wika ko habang palapit sa mga kumpol ng halamang nakatubo sa di kalayuan.
Noong makalapit ako dito ay maigi kong nilinga ang aking paningin sa paligid, hinahanap ng aking mata yung lalaking kumausap sa akin sa panaginip. Sinabi niya sa akin na pumitas ako ng halaman dahil kailangan ko ito. Pero nasaan ba siya?
“Nasaan ka?!” ang sigaw ko
“Sino? Anong drama ba iyan frend? Kailangan ba talaga ay hanapin mo ang wala?” ang wika ni Oven habang abala sa pag kuha ng halaman.
“Nasaan ka? Marami akong nais na malaman! Mag pakita ka sa amin! Paki usap!” ang pag tawag ko ulit
“Hala, OA na iyan ha. Saka frend kaunting tone down naman ng voice mo dahil baka may mga ahas at tigre dito ay hindi na tayo makauwi ng buhay. Silent ka lang muna ha, ako na bahala sa pag pitas nitong mga precious flowers na itey” ang wika ni Oven
Ilang beses pa akong tumawag pero wala akong nakuhang sagot kaya naman tumahimik nalang ako at tinulungan si Oven sa pamimitas ng halaman.
Tahimik at mahangin sa paligid..
Padilim ng padilim ang aming paligid habang lumilipas ang bawat minuto..
“Oy frend, tingnan mo may mga sundalo sa ilog. Abala sa pag huhugas ng mga mukha.” ang wika ni Oven habang kinakalabit ako.
“Mainam iyan para alam nila na may sibilyan dito sa paligid at upang itigil nila ang pag testing ng mga kanyon nilang palasak” tugon ko
“Teka frend, ang naka tingin sila dito. Sheet ang ggwapo mukhang mga artista at ang mga katawan ay ang gaganda. Heaven ito! Ayyiiii! I like it aha aha” ang parang matataeng pigil na kilig ni Oven habang hinahampas ako sa balikat.
“Hayaan mo sila, itigil mo na nga iyang pag kakilig mo baka mapag kamalan ka nilang asong ulo ay barilin ka nalang nila.” tugon ko naman at doon ay napatingin na rin ako sa mga sundalo.
6 ang mga ito at lahat ay gwapo, matangkad at magaganda ang katawan. Mapuputi at makikinis ang balat..
“Kay ggwapo, parang modelo sila! Grabe handa na akong pag baril sa kanila. Kahit isang putok lang!” ang kinikilig na bulong ni Oven at maya maya ay kumaway sa aming gawi ang isang lalaki.
Naka ngiti ito at parang sumaludo pa sa aming kinalalagyan dahilan para lalong mamatay sa kilig si Oven..
Maya maya ay hindi lang isang sundalo ang naka tingin sa amin kundi halos lahat na sila. Naka ngiti ang mga ito habang kumakaway na para bang niyaya kami sa kanilang kinalalagyan.
“Ay! shet frend, ang gusto nilang mangyari ay pumunta tayo doon. Siguro ay matagal nang tigang ang mga yan kaya kahit lalaki ay papatulan pa para makaraos! I like it aha aha!” ang maarteng tugon nito
Habang nasa ganoong pag mamasid kami sa mga sundalong kumakaway sa amin ay tila nakaramdam naman ako ng kakaibang kaba lalo na noong mapansin na kakaiba ang mata ng mga ito, hindi normal dahil masyadong maitim at ang kanilang katawan ay para bang tinutubuan na ng mga balahibo. “Oven, umalis na tayo dito!” ang bulong ko habang napapa atras
“Aba eh bakit naman? Ayaw mo ba ng view?” ang tanong niya
“Ayoko! Halika na!!” ang sigaw ko sabay hatak sa kanya patayo
“Ayy, wag muna.. gang bang na ito eh!! Pang rated X na itong naiisip ko! Bakit ba tayo aalis?” ang tanong nito
“Dahil ang kalaswaan ng utak mo ay tiyak na magiging horror kapag hindi pa tayo umalis dito! Delikado!” ang wika ko naman
At nasa ganoong posisyon kami ng unti unting gumalaw ang mga sundalo at tumakbo ng mabilis patungo sa amin. Kasabay noon ang pag babago ng kanilang mga anyo, ang mga bibig ay lumuwang, ang mga ngipin ay humaba at ang mga katawan ay lumaki at tinubuan ng mga buhok.
Maliksi ang kanilang kilos na parang mga mababangis na hayop sa gubat kaya naman mas halos balutin kami ni Oven ng matinding kaba. “Takbooo! Halimaw ang mga iyan!! Hindi sila tao!!” ang sigaw ko habang nag kakaradapa sa kakahuyan.
“Ano ba iyan! Gwapo na naging halimaw paaaa! Paasa!! Paasa silaaaa!!” ang sagot ni Oven na hindi maitago ang pag kadismaya. “Anong klaseng bundok ba ito? Bakit may ganyan ganyan? Dapat ay mag report tayo sa pulis!!”
“Mamaya kana mag salita! Bilisan mo ang pag takbo bago pa tayo gawing hapunan ng mga iyan!” sigaw ko naman habang nag kakandarapa.
Patuloy kaming hinabol ng mga gutom na halimaw na animo bampira na may malalaking bibig at mabalahibong katawan. Samantalang kami naman ni Oven ay nawalan na ang direksyon kung saan kami mag tutungo, basta sa sobrang takot ay wala na kaming paki alam kung nasusubsob kami sa lupa, nadarapa o gumugulong pabulusok kung saan man. Ang mahalaga ay makatakas at makaligtas sa masamang panaginip na ito.
“Humanda talaga sa akin iyang si Dr. Elvis kapag naka uwi na tayo!! Idedemanda ko siyaaaaa!!” ang sigaw ni Oven habang napapatid ang hininga dahil sa pag takbo
“Ireserve mo nalang iyang galit mo kapag naka labas na tayo dito!” ang sagot ko naman
“Aayyyy!!!” ang tili ni Oven noong madapa ito.
“Bakit naman nadapa kapa? Nandyan na yung mga halimaw! Tumayo kaaaa!!” ang sigaw ko habang inaalalayan ito.
“Iwan mo na ako rito frend, iligtas mo na ang sarili mo. Hayaan mo nang maging pain ako upang mabuhay ka, tuparin mo ang pangarap nating maging isang mahusay na scientist at lumikha ka ng isang application upang mabawasan ang mga famewhore at feelingerong sikat sa social media. Promise me na mawawalan sila ng followers at malalaos!” ang wika nito
“Sige, hindi ko tatanggihan iyang offer mo. Isa kang bayani at hindi ko malilimutan iyon, dyan kana.” ang sagot ko sabay bitaw sa kanya
“Hala, joke lang iyon!! Joke lang iyon!! Ano ka ba, nag bibiro lang ako e gusto mo na talaga akong mayatap eh!” ang sigaw nito.
“Ang arte mo kasi! Takbo naaaa!” sigaw ko pa at habang nasa ganoong posisyon ay naabutan kami ng mga halimaw at mabilis itong pumalibot sa aming kinalalagyan.
Naiyak na si Oven at naka nga nga nalang ito habang naka salampak sa lupa..
“Bakit naka nganga ka nalang? Gusto mo bang mamatay tayo dito ng naka nganga? Itikom mo ang bibig mo at gumawa tayo ng paraan para makaligtas!” ang wika ko habang natatarantang isinasara ang bibig nito
Hindi sumagot si Oven, nanatili lang itong naka nga nga ay ngumangawa na parang bata. Kaya naman ako na lang ang gumawa ng paraan, mabilis kong ibinaba ang aking knapsack sa lupa at kinuha ang patalim sa loob nito.
Palapit ng palapit ang mga nag lalaway na halimaw habang ako naman ay naka harang kay Oven, hawak ko ang patalim at nakaturok sa kanilang harapan. Halos mamatay na ako sa takot habang tumatagaktak ang aking pawis at nanginginig aking katawan sa matinding kaba.
Nanunubok ang mga halimaw, paikot ikot sila sa aking paligid kaya naman paikot ikot rin ako upang makatiyak na kahit saan silang direksyon umatake ay makakalaban ako. “Sige!! Lumapit kayo!!! Papatayin ko kayooo!!!” ang sigaw ko habang nauutal sa takot
Maya maya ay tumayo si Oven sa aking tabi “Oo nga, papatayin namin kayo! Kahit mga gwapo kayo kanina!!” ang sigaw nito na noon ay may hawak na bato.
“Mabuti naman at natauhan kana, ang pangit mo kanina habang naka nganga.” ang wika ko
“Oo nga e, sabihin mo kay direk na icut nalang scene na iyon o kaya at huwag nalang niya iclose up.” sagot niya habang kapwa kami umiikot at mag katalikod sa isa’t isa upang makatiyak na hindi kami aatakihin sa bawat direksyon. Nag lalaway ang mga halimaw na tila ba gutom na gutom, ang mga kuko ay matutulis at kumakayod sa punong kahoy na siyang aming kinatatakot.
Ilang minuto rin kaming paikot ikot at nag hahanda bago tumakbo ng mabilis ang mga halimaw sa aming direksyon, lumundag ang mga ito habang naka sunggab ang mga malalaking bibig.
Nag handa kami at naging mahigpit ang aking hawak sa patalim..
Nasa ganoong posisyon ng sabay sabay na umatake ng halimaw sa aming kinalalagyan..
Itutuloy..
ANNOUNCEMENT!
WHAT HAPPENED HERE?
Ang kwentong “ MR. GENIUS X MR. BLOODSUCKER “ ay inilipat na sa Dreame.com. Doon na ito mababasa ng completed. And don’t forget to hit the “heart” or “like” button. Maraming salamat po.

DREAME COVER BY ROVI MATT. IG rovi.mat
Iba ang gamit nating Book Cover doon dahil bawal gumamit ng mga mukha ng mga celebrities. Or any picture na copyright.
PLEASE READ THE DETAILS BELOW:
PAANO ANG GAGAWIN?
Maaari kayong mag install ng dreame sa playstore o kaya ay mag tungo sa inyo browser at puntahan ang dreame.com
Matapos idownload ang dreame o naka punta na kayo sa site gamit ang inyong web browser, maaari kayong mag log in/sign in gamit ang inyong email address o kaya ay ang inyo facebook account.
Kung kayo ay naka sign in na. Maaari kayo mag tungo sa search engine upang hanapin ang aking pangalan. Ai_Tenshi. Mayroon underscore upang hindi kayo malito.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pag mamahal at suporta..
-Ai_Tenshi

