Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
Ai Tenshi · 58 chapters · 122,070 words
NOTE:
Ang Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Book 1 ay available sa Drea me bilang isang VIP story.

Ang Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Book 2: The Rise of the Gods ay available din sa drea me bilang signed story. Ito po ay mababasa ng FREE.
Part 1: Panandaliang Saya
Prologue
Nagsimula ang lahat noong madiskubre kong may kakaiba sa aking dugo. Sa paghahanap ng kasagutan dito ay napadpad kami ng kaibigan ko si Oven sa isang mahiwagang kabundukan ng Bari-bari kung saan bumukas ang portal na nagdala sa amin sa mahiwagang mundo ng Kailun. Isang mahiwagang mundo ng iba’t ibang uri ng mga nilalang na may kanya kanyang abilidad.
Pagdating sa lupaing iyon ay dinagit si Oven ng isang halinaw at nagkahiwalay kami, dito ay wala akong pamimilian kundi ang humingi ng tulong sa isang palasyo na pinamumuan ni Rael ang Prinsipe ng mga blood sucker. Sa unang pagkikita pa lamang ay nag-away kaming dalawa dahil sa kagaspangan ng kanyang ugali kaya naman sinuntok ko siya ng tatlong beses na siyang bumago sa takbo ng aming buhay.
Ang tatlong suntok ay isang marriage proposal at hindi inaasahang sitwasyon ay natali kami sa isa’t isa. Dahil walang ibang pamimilian ay itinulungan ako ni Rael at dito nagsimula ang aming paglalakbay.
Binawi namin si Oven sa kamay ng Heneral ng Dark Keeper Gate na si Rascal at hinarap namin si Kier na Heneral ng Kamatayan. Sa huli ay kinalaban namin si Egidio ang pinakamalakas na Heneral ng Kadiliman at kami ay nagtagumpay.
Ngunit ang kaligayahan ay hindi nagtagal dahil sa pagrerebelde at pagtakas ng Pinuno ng Supremo De Guardine na si Xandre Del Viuri ay nagdulot ito ng malaking kaguluhan sa Hell Society at sa ibang lupain kabilang na ang Kailun. Ginamit ni Xandre ang bestial sa katawan ni Devon upang buhayin ang kanyang mga kapanalig at lumikha ng malaking kaguluhan sa mundo. At ang madugong labanan sa pagitan ng kanyang mga kapanalig at ng aming grupo naganap.
Tinaglay ni Xandre ang kapangyarihan ng Diyos ng Kadiliman na si Elsen at dito ay nag ambisyon na siyang maging pinuno ng Sanlibutan. Binuksan ng tarangkahan ng kadiliman na naka kubli sa makapal na ulap sa kalangitan punong punong portal ng mga halimaw. Ito ang kanyang gagawing hukbo upang maghasik ng walang katapusang lagim sa buong mundo.
At mula dito ay magsisimula na ang “Huling Digmaan”.
Ako si Enchong at ito ang aking huling kwento..
MGXMBS Book 3
The Last War
AiTenshi
Oct 23, 2021
Tumatagas ang dugo ang aking katawan ngunit hindi ko alintana ito. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong tapusin ang aking nasimulan..
Mahigpit ang hawak ko sa patalim na nakatarak sa aking dibdib, hindi ko ito binitiwan upang hindi makawala ang kalaban sa aking pagkakagapos! At sa tuwing nagtatangka siyang kumawala ay mas lalo kong dinidiin ang patalim sa aking katawan.
Ito lang ang tanging paraang upang matapos ang lahat! Noong mga sandaling iyon ay wala na akong pakialam pa sa kinabukasan, walang ibang tumatakbo sa aking isipan kundi ang tuldukan ang lahat ng ito.
Bumubulwak ang dugo sa aking bibig at halos butas na rin ang aking dibdib. Isang malalim na singhap ang aking pinakawalan at kasabay nito ang pag sulyap ko sa kalangitan..
Marahang pumikit ang aking mga mata..
At ang lahat ay huminto na..
Part 1: Panandaliang Saya
“Behind the clouds are monsters! My God naalala ko tuloy yung Ghost Fighter noong binuksan ni Sensui yung portal sa mundo ng mga halimaw, tapos lahat ay nakapila para pumasok dito! Hindi ko maimagine! Posible pala talaga ito! Winner!” ang wika ni Oven, hindi ko alam kung natatakot ba ito o humahanga sa kanyang nakita.
Muli kaming tumingin sa kalangitan at dito bumalik naman sa normal ang lahat, iyon nga lang madilim pa rin dahil sa paglaganap ng itim na ulap. At hindi na muling nakita pa ang araw sa itaas. “Ang mabuti pa ay magpahinga na muna tayo, masyado akong napapagod,” ang wika ni Rael habang namumutla ito. Kaya naman agad ko siyang dinala sa aming silid at pinagpahinga. Kumuha rin ako ng dugo sa blood bank container namin at saka ibinigay ito sa kanya.
Agad naman niya itong kinuha at saka mabilis na ininom. Tumabi ako sa kanya habang siya naman ay parang batang lumagok ng masarap na inumin. “Sorry, nawala sa isip ko nagbabago ang katawan mo kapag nandito tayo sa normal na mundo,” ang tugon ko kay Rael.
“Blood sucker pa rin ang aking katawan, iyon nga lang ay nakakaramdaman ako ng madalas na pagkauhaw kapag nandito ako sa inyong mundo. Kaya kahit dalawang beses sa isang linggo ay dapat nakaka inom ako ng dugo bago pa manghina ang aking katawan,” ang paliwanag niya.
“Marami naman tayong stock ng dugo doon sa blood bank container. Maaari kang kumuha doon kapag gusto mo,” ang sagot ko naman sabay yakap sa kanyang katawan. Niyakap rin niya ako at saka isinubsob sa kanyang matipunong dibdib. “Natatakot ka ba?” tanong niya na may halong pang uusisa.
“Nag-aalala lang, para sa pamilya natin. Saan ko ba sila dadalhin para maging ligtas sila?” tanong ko sa kanya.
“Ang pinakaligtas na lugar ay dito mismo sa ating tabi. Sa oras ng digmaan ay dadalhin ko sina mama, Rouen at papa sa Palasyo. Hindi ko sila maaaring iwanan dito sa lugar na ito dahil delikado,” ang seryosong sagot ni Rael.
Sumang-ayon ako sa kanya, “tiyak ang mundo ng mga mortal ay ipagtatanggol ng Heaven at Hell Society dahil magkaka konekta ang tatlong mundong ito. At tiyak na uunahin si Xandre na wasakin ang mundo Kailun at iba pa,” ang sagot ko naman.
“Iyan ang siguradong magaganap. Mauulit lamang ang nangyari sa ating mga ninuno, ang madugong labanan nila Elsen laban kina Emrys, Kasiya, Neptune at Viento Del Gato. Ngunit ang pagkakaiba ngayon ay mas marami tayo at mas malakas tayo kaysa sa dati. Kaya’t huwag ka na mag-alala ng sobra,” ang sagot niya sa akin, maya maya ay humiga ito at ipinikit ang kanyang mga mata.
Hinayaan ko lang siyang matulog at magpahinga, pagkatapos ay lumabas rin ako sa sala kung saan naroon ang aking anak na si Rouen kalaro ang kanyang Ninong Oven. “Kumusta ang pakiramdam mo? Ang ibig kong sabihin ay kung mayroon ka bang ibang nararamdaman buhat noong dumating tayo dito?” tanong ko kay Oven.
“Hmm, wala naman friend bukod sa natatae ako dahil sa parang kinakabagan yata ako. Wala naman akong nararamdaman kakaiba,” ang nakangiti niyang sagot at dito ay binuhat niya si Rouen, lumagutok pa ang buto nito sa balakang dahil sa bigat ng aking anak. “Alam kapag pinaglangoy mo sa dagat itong anak mo, mapapagkamalang butanding dahil bilog na bilog,”, ang hirit nito.
Binuhat ko si Rouen at iniupo sa sofa, “anak huwag ka naman masyadong kain ng kain okay? Ang laki laki ng tiyan mo tapos putok na putok pa itong pisngi mo,” ang wika ko sa kanya, kumuha ako ng basang bimpo saka ko pinunasan ang kanyang mukha ng punong puno ng chocolate.
“Oo nga naman baby, gusto mo bang maging pinaka majubis na blood sucker sa history?” ang hirit ni Oven kaya naman kinagat siya nito na kanyang ikinagulat. “Anak, bad yun, huwag kang nangangagat, magagalit sa iyo si papa Rael mo,” ang wika ko sabay kandong dito.
“Jusko noh, parang cobra naman iyang anak mo, binibiro lang e nanuklaw na,” ang wika ni Oven.
“Sorry po papa, kasi si Ninong e lagi akong inaasar,” ang katwiran ng bata sabay yakap sa akin.
Samantalang ako naman ay napatingin sa labas, alas quatro pa lang ng hapon ngunit parang alas otso na ng gabi. Tiyak na ang lahat ay naninibago dahil ginawang pagsasabog ni Xandre sa kadiliman sa bawat sulok ng daigdig. At ang masaklap ay hindi nila alam kung ano malalang panganib ang nasa likod nito.
Tahimik.
Napabuntong hininga ako at binuksan ang telebisyon. Dito ay bumulaga sa amin ang mukha ng reporter na nakasampa sa rooftop ng pinakamataas gusali dito sa siyudad. Fresh na fresh ang kanyang itsura, mapapansin rin ang napakaraming lightings at malalaking ring lights ang nakapalibot sa kanyang paligid. “Aparisyon ba? Sa sobrang daming ilaw na nakatanglaw diyan kay Edith Mae ay mukha na siyang kukunin ni Lord!” ang hirit ni Oven.
Tawanan kami.
REPORT: Party all day and all night long! Iyan ang bagong motto ng mga kabataan ngayon na nagta-take advantage sa madilim na kapaligiran. Sila ang mga party people at party animal ng taon! Mga kabataang nakamaskara ng mga hayop at mga kabataang tomador!
Tila naging isang malaking advantage din sa mga bar at night club ang pagkakaroon ng madalim na kalangitan dahil hindi na sila nagsasara at 24/7 na rin ang kanilang operasyon!
Itinigil na rin ang mga klase at dumami ang pila sa motel at mga hotel kung saan 24/7 na rin ang honeymoon at love making ng mga tao! Marami rin ang tinake advantage ang night swimming at night gimik! Tumaas rin ang criminal rate ng bansa ngunit hindi ito alintana ng lahat dahil sila ay nag eenjoy at nabubuhay ng masaya! Samantala, abala naman ang ating gobyerno sa pamimigay ng condoms at contraceptives para sa mga mamayang malilibog na ginagawang anakan portion ang madilim na paligid!
Ito na ba ang pagbabagong dapat kaharapin ng ating mundo? Ang pagdilim ba ng ating kalangitan ay isang biyaya? O baka naman ito ay isang matinding sumpa? Ako po si Edith Mae Lawit! Ang superampadorang reporter ng ADS CGN News TV! Iputok mo 24/7! Tang ina party party naaa!!“
End of Report.
Napangiwi kami ni Oven, “Sadyang masayahin ang mga Pinoy diba? Biruin mo ineenjoy pa rin nila ang pagkawala ng araw ng kalangitan,” ang wika ni Oven.
“Mag enjoy na sila ngayon dahil nabibilang na ang araw nila sa mundo,” ang tugon ko naman.
“Ang cruel mo friend, anyway namimiss ko na ang asawa ko, sana ay magtungo siya dito para makapag love making din kaming 24/7, “ ang hirit nito.
“24/7 talaga?”
“Oo naman, bakit sila lang ba ang may karapatang magkipag sex all night long? Saka malapit na ang end of the world, gusto ko na lang mag enjoy at maging masaya,” ang sagot ni Oven sabay punta sa balkunahe, tumingala ito na may lungkot sa mga mata.
“Ano na naman iyan?” ang tanong ko sa kanya.
“Up where they walk, up where they run, up where they stay all day in the sun, wanderin’ free, wish I could be.. Part of that world… Char! Kumain na nga tayo friend! Tapos patulugin mo na iyang si Rouen para makapag party animal na tayo sa labas! Namimiss ko ang bar! Namimiss kong mag pa-cute sa mga boys! Namimiss kong makipag jam sa mga singers! Mag enjoy naman tayong dalawa,” ang excited na wika nito.
“Eh bakit parang ikaw si Eugene Domingo?” tanong ko naman.
“At ikaw naman si Ai Ai, diba mag bestie sila! Tayong dalawa iyon!” ang hirit niya sabay sampa sa balkunahe saka muling kumanta.
Maya maya ay dumating si mama, “nak, okay lang ba yung kaibigan mo?”
“Opo ma, nagugutom na kasi siya kaya medyo na-aaning aning na ang utak,” ang sagot ko naman sabay hila kay Oven pababa.
“O siya, gisingin mo muna si Rael para maka kain na kayo,” ang utos ni mama.
“Hay nako tita, bukas na gigising iyon, parang paniki matulog si papa Rael,” ang sagot ni Oven.
Tawanan kami..
Itutuloy..
Part 2: Himpilan ng Kaligtasan
Part 2: Himpilan ng Kaligtasan
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mag-ama ko na sabay kumakain ng almusal. Magkatabi sila sa lamesa at sabay sumusubo, medyo magulo lang ang plato ni Rouen dahil pinilipit niya gamitin ang maliit niyang kutsara para sabayan ang ama. Nakangiti ito habang puro butil ng kanin ang bibig.
Humarap sa kanya si Rael at ginusot ang buhok niya. Ngumiti naman ang bata at inilabit sa bibig ng ama ang hotdog na nakatusok kanyang tinidor. Kinagat iyon ni Rael pagkatapos ay inilapit rin sa akin ng bata at ako naman kumagat dito habang nakangiti. “Ang lakas mo maghilik kagabi, alam mo ba iyon?” wika ni Rael sa akin.
“Malamang, pagod ako, ang dami kong nilabhang damit kahapon, tapos di naman natutuyo dahil walang araw. Buti na lang at may dryer at medyo mahangin sa itaas,” ang sagot ko naman.
“Malabo ng sumikat ang araw, iyan ay sumpa ni Xandre sa buong mundo. Kapag nahawi muli ang mga ulap ay unti unting mag ccrack ang portal na parang isang mababasag na salamin at uulan ng halimaw kahit saan parte ng mundo. Kung wala kang kapangyarihan at kakayahan lumaban ay tiyak na sa kamatayan ang bagsak mo. Tinitiyak ko na ang mga mortal ay babawasan ng 50% populasyon,” ang walang pakialam na wika ni Rael. Kaswal lamang ang kanyang pagsasalita at walang kaba o takot na nararamdaman.
“Eh bakit parang wala lang sa iyo?” Ano kaya kung buksan natin ang Kailun para magsalba ng mga taong mortal?“ tanong ko ulit.
“Hindi ko ieexpose ang Kailun para sa mga iresponsableng nilallang na iyan, na sa halip na maghanda ay nagsasaya pa sila na parang mga baliw,” ang seryosong tugon ni Rael. Natawa na lang ako dahil gigil na gigil ito.
“Away away ba kayo?” tanong ni Rouen sabay suntok kay Rael.
“PLAK!”
Nasaktan ang ama, “arekup, malakas na pa lang sumuntok tong loko na ito,” ang wika nito habang hinihimas ang brasong tinamaan.
“Syempre kanino pa ba magmamana yung anak mo? Edi sa iyo lang rin naman. Saka nakita mo ba? Taglay rin ni Rouen ang lakas nating dalawa, mahusay din yung anak mo sa close combat. Saka kayong mag ama kung susuntok kayo paki tone down naman dahil nasisira ang paligid sa lakas ng kamao niyo,” ang wika ko sabay buhat kay Rouen at pinunasan ko ang bibig nito. “Anak wag na manununtok ng kaklase at kalaro ha, good boy ka dapat palagi ha, okay?” ang bulong ko sa kanya.
“Huwag kasi kayong away away,” ang sagot nito dahilan para matawa ako, “Anak, hindi naman kami nag aaway ni Papa Rael, mayroon lang kaming pinag uusapan,” ang paliwanag ko sa kanya. Mukha ito yata ang dala dala ng anak ko hanggang sa paglaki niya, at iyon ang ipagtanggol ako sa lahat ng pagkatataon. Napatunayan ko iyon dahil maraming beses niya akong ipinagtanggol mula kay Amat, kay Xandre at kay Rael noong mawala ito sa kanyang sarili.
“Oh bakit nakangiti ka sa akin?” tanong ko kay Rouen noong makita ko itong nakangisi, nakalabas ang kanyang maliit na pangil habang karga ko siya sa aking bisig.
Maya maya ay may naramdaman kong mainit sa aking tiyan at may tumutulo na sa sahig. Si Rael naman ay tawa ng tawa. Dito ko nalaman na umihi na pala ito habang buhat ko siya. “Anak, bigboy ka na e, bakit umihi ka pa? Tuli ka na dapat di na umiihi sa salawal,” ang wika ko sa kanya.
Natawa ito at saka yumakap sa akin ng mahigpit, “lambing na lang niya iyan sa iyo, wag ka na nga mainis. Diba ako kapag naglalambing din pinuputukan din kita,” ang pilyong hirit ni Rael kaya naman siniko ko siya sa tagiliran.
Tawanan kami..
Halos apat na araw na magbuhat noong kami ay makabalik dito sa mundo ng mga mortal. Simula noong kumalat ang kadiliman sa kalangitan ay hindi nagpakita pa ang haring araw. Marahil ay sisikat na lang ulit ito kapag tapos na ang digmaan. Sa mga nakalipas na araw ay wala naman akong nakikitang kakaiba sa paligid, hindi na rin nagpakita ang mga portal sa kalangitan. Bagamat alam kong nandoon lamang iyon at nakatago sa makapal na ulap. Nagbabadyang bumagsak na parang isang malakas na ulan.
Sa ngayon ay wala akong naiisip na lugar upang maging ligtas ang lahat bagamat ang tanging himpilan ng kaligatasan para sa akin ay sa tuwing nakakulong ako sa braso ni Rael. Sa takdang panahon ang lahat ay manganganib at ang lahat ay masisira sa isang malagim na katapusan.
“Hello madlang people! Good morning slash good evening sa inyong lahat,” ang bati ni Oven noong pumasok ito sa aming bahay. Nakasuot ng maiksing short at fitted na blouse, nakasuot rin ng high heels.
“Bakit ganyan ang itsura mo?” pagtataka ko habang abala sa paghahanda ng lunch kahit ang paligid para ng alas singko ng hapon.
“Kasi galing ako sa training kanina, nag practice ako ng pasarela at ng opening statement. Iba pala ang format ng “Gay of Thones All Star” ngayon. Kaya medyo kinakabahan ako,“, ang hirit nito.
“Bakit ka naman kakabahan e dati ka na nanalo diyan diba?” tanong ko ulit.
“Kasi All Star na ito frend, nandito na yung mga malalakas na kalaban! Saka hindi naman maghahamon ng rematch si Ursuha kung hindi siya siguradong mananalo diba? Kaya nga siya naghamon ay dahil sure win siya! Hindi ko alam kung anong pakulo niya pero kinakailangan kong manalo dito. Sa palagay mo friend ilan ang probability kong manalo?” tanong niya.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, “Hmmmm, ayon sa scientific measurement of the golden ratio, ang probability mong manalo ay 000.023%, meaning ay nagdedelikado ka.”
“Hala, bakit ganon?!”
“Dahil ang kapal ng buhok mo sa hita at sa kili kili!” ang natatawa kong sagot.
“Ay oo nga, mag imbento ka na kasi ng formula na kapag inilagay sa skin ay 6 months na hindi tutubuan ng buhok ang parteng iyon! Madali lang naman sa iyo yun diba?” pangungulit niya sa akin.
Lumakad ako sa aking drawer at kinuha ang shaver, “eto ang sagot problema mo, mag-ahit ka bago ka pa madisqualified,” ang tugon ko sa kanya.
“Hmmmm, ang bango naman ng shaver na ito, siguro ito ang gamit ni Papa Rael kapag na aalis siya ng pubic hair sa yagballs niya!” ang hirit pa niya.
Natawa ako, “sira, ako ang gumagamit ng shaver na iyan, matalim pa iyan kahapon ko pa lang nagamit.”
“Hmmp! Kaya naman pala amoy PH Care! Sayo pala ito!” ang tugon niya na may halong pagmamaktol.
Tawanan kami.
“Kaso may isa pa akong problema frend,” usal pa ni Oven.
“Problema? Tulad ng?” tanong ko rin.
“Hindi ko kasi alam kung anong talent ko.”
“Oh, edi kung anong yung bagay na gusto mong gawin. Diba magaling ka naman mag-sing and dance, ano na nga yung chinese song na kinakanta mo? Yun na lang, para maging kakaiba,” ang mungkahi ko.
“Ah oo, yung “The Moon Represents My Heart” kaso themesong namin ni Niko ito. Wo de qing ye zhen wo di ai ye zhen, Yue liang dai biao wo di xin,“ ang pag sayaw at pagkanta niya dahilan para mapangiwi ako.
“Ano effect ba? May chance ba?” tanong niya na may halong pag aalala.
“Okay naman siya,” nag-aalangan kong sagot.
“Anong OKAY? Mukhang naka drugs iyang kaibigan mo,” ang hirit ni Rael noong bumaba ito sa hagdan buhat si Rouen. “Sumayaw ka na lang ng pang jungle tutal iyon naman ang bagay sa iyo.”
“Hala, ang harsh naman ng asawa mo frend, siguro hindi mo siya pina siping kagabi kaya mainit ang ulo niya,” ang hirit ni Oven.
Natawa ako at tinapik ang kanyang balikat, “non bearing naman ang talent sa scoring ng Gay of thrones diba? Mag focus ka na lang sa question and answer tutal naman ay iyon ang nagpanalo sa iyo noong season 1,” ang payo ko sa kanya.
“Teka frend, may bagong segment dito. Ang nakalagay ay magkakaroon ng mini version ng Squid Game sa isang event kung saan nakatalikod si Ursuha at kapag humarap siya ay bawal na gumalaw. Dahil ang gagalaw na candidate ay babarilin! Paano iyon?” tanong niya sa akin.
“Aba e hindi ko alam, hindi na ako update sa mga kaganapan sa mundo. Baka ganyan yung laro natin noong elementary, yung pop cola seven up!”
“Ay oo! Lagi akong champion don diba? Pati nga teacher natin naitumba ko sa laro na iyan! Kayang kaya ko yan friend!” ang hirit niya.
“Mabuti naman kung ganoon! Basta suportahan taka,” ang wika ko naman habang nakangiti.
Habang nasa ganoong posisyon kami ni Oven ay laking gulat namin noong magliwanag ang balkunahe at dito ay may isang bilog na portal ang lumabas. Palaki ito ng palaki kaya naman napaatras si Oven at nagtago sa aking likuran. “Ano naman iyan frend? Jusko di pa ako ready!”
Noong makita ito ni Rael ay agad siyang lumapit sa amin at inabangan ang susunod na mangyayari. “May gumamit ba sa inyo ng instant transportation ball?” tanong nito.
“Ay, waley papa Rael. Saka on vacation tayo kaya binaon ko muna ito sa lupa. Baka maya maya ay ako pa itransport nito sa battle field noh!” ang hirit ni Oven.
“Kung ganoon ay humanda kayo, baka maya maya ay kalaban ang lumabas diyan,” ang sagot ni Rael.
Patuloy kami sa pagmamasid sa portal at noong mabuo ito ay laging gulat namin noong lumabas ang binatang bersyon ni Rouen na iniwan namin sa palasyo.
Duguan ito at puro sugat sa katawan na aming ikinabigla. Pati si mama at papa ay napatakbo noong makita ang binatang version ng kanilang apo sa ganitong kalagayan.
“Ay jusko! Yung anak mong gwapo at yummy! Anong nangyari?!” ang natatarantang tili ni Oven.
Agad namang sinalo ni Rael ang katawan ng sugatang anak. “Rouen, anong nangyari?!”
“Papa, si Egidio, buhay si Egidio! Sinalakay niya ang Kailun!” ang wika nito na aming kinabigla.
“Paano nangyari iyon? Kitang kita ko kung paano tinalo ni Rael si Egidio!” ang pagtataka ko, agad kong nilapitan si Rouen at binuhat ito sa sofa para gamutin. Mabilis kong pinunit ang kanyang damit dahilan para lumabas ang kanyang maganda at perpektong katawan. Saka ito sinumulang gamutin, sa dami ng tama ni Rouen ay mukhang mahirap ang kanyang pinagdaanan.
Noong mga sandaling iyong pag-aalala ang lumukob sa aking pagkatao. Hindi ako makapaniwala na muling bumalik ang kalaban at ngayon ay naninira ito sa Kailun. Sa kabilang banda ay pinagsikapan kong paghilumin ang mga sugat ng aking anak.
Sa tingin ko ay maagang matatapos ang aming bakasyon dito at babalik kami sa Kailun upang tapusin ang aming nasimulan.
Itutuloy.
Part 3: Haligi
Part 3: Haligi
ENCHONG POV
“Kawawa naman ang apo ko,” ang wika ni mama habang pinupusan ang maduming katawan ni Rouen na noon ay nagkaroon na rin ng malay at medyo humupa ang kanyang mga pinsala sa katawan.
“Salamat Lola, sorry kung pinag-alala kita,” ang wika nito at pinilit niyang bumangon para yumakap kay mama.
“Hijo, iingatan mo ang sarili mo at huwag kang masyadong nakikipagbasag ulo, maliwanag ba? Mahal na mahal kita, maaaring hindi mo na nga ako kasama sa future pero nais kong malaman mo na ikaw ang pinakamamahal kong apo na si Rouen,” ang wika ni mama habang magkayakap silang dalawa.
Noong mga sandaling iyon ay nakatahimik lang ako at iniisip kong mabuti kung paanong nabuhay pa si Egidio kung gayong kitang kita ng aking dalawang mata kung paano siya binura ni Rael sa pamamagitan ng isang atake lamang. Halos walang bakas na natira sa kanyang katawan sa lakas ng pagsuntok na iyon. “Paano nangyaring buhay pa siya?” tanong ko na may halong pagkalito.
“Iyon rin ang tanong ko papa, kitang kita ko kung paano siya pinatay ni papa Rael sa isang suntok lang,” ang pagtataka rin ni Rouen.
“Nagawa ko yun?” ang gulat na tanong ni Rael, oo nga pala at wala siya sa sarili noong ginawa niya ito. Kaya’t wala talaga siyang alam o walang siyang matatandaan.
“Oo papa! Ang galing mo nga e, sana maka one hit rin ako someday!” ang wika ni Rouen. Kaya naman napatingin si Rael sa kanya kamao saka napangisi na parang nagkaroon ng idea sa kanyang malakas na kapangyarihan.
“Ang pinakamabuti siguro ay bumalik na kayo sa Kailun at gampanan ang inyo ang mga tungkulin,” ang wika ni papa sa amin.
Halos hindi ko pa rin makalimutan ang kanyang nabibiglang reaksyon habang kinukwento sa kanya ang mga pangyayaring naganap sa amin nitong nakakaraang mga buwan. Mula sa pagkakaroon ko ng kapangyarihan ng aming ninunong si Kasiya, sa pagkakaroon ni Rael ng kapangyarihan ng kanyang ninuno na si Emrys hanggang sa pagkamatay ni Oven at kung paano namin ito ginawang isang imortal. Ang bawat detalye, ang bawat kalabanan o labanan ay naikwento ko sa kanya ng buong buo.
“Iyon ang balak ko Hermes, nais ko lang ibilin sa iyo na kung sakaling magkagulo at bumagsak ang mga halimaw mula sa kalangitan ay mas makabubuting doon na kayo sa Palasyo manatili nila mama. Ang inyong kaligtasan ang pinakamahalaga higit sa lahat ng bagay, maliwanag ba?” ang tanong ni Rael.
“Masusunod, mahal na Hari. At huwag niyo na alalahanin si Rouen, ang ibig kong sabihin ay ang baby version niya, kami na ulit ng mama niyo ang bahala sa kanya,” ang sagot naman ni papa.
“Salamat, Hermes,” ang sagot ni Rael.
At iyon nga ang set up, kahit wala ito sa plano ay maaga kaming nagdesisyon na bumalik sa Kailun upang harapin ang problema doon. Kaya naman noong gabing iyon ay agad kaming naghanda pabalik sa Kailun. Kahit malungkot at mabigat sa loob naming iwanan ang aming batang anak. Kinabukasan kami aalis, kaya’t bago matuloy ay mahigpit na ang yakap ko sa aming baby na Rouen habang ito ay mahimbing na natutulog. “Katulad ng dati, dapat ay mag ingat para kay Rouen, huwag magpadalos dalos okay?” ang wika ko kay Rael habang nakayakap sa anak.
“Hindi na ko hihiwalay ulit, hindi na ako mawawala. Pangako,” ang sagot niya sabay halik sa aking labi.
“Dapat lang no, kapag nawala ka ay hindi ko na alam kung paano ka babalik,” ang tugon ko naman at muli ko siyang hinalikan sa labi.
KINABUKASAN..
Hindi na namin ginising si Rouen, hinalikan na lamang namin ito bago lumabas ng silid. Isang mahigpit na yakap rin ang iginawad namin kina mama at papa. “Pa, mag iingat kayo dito, kung sakaling magkagulo ay buksan mo agad ang portal sa Kailun at doon kayo magtungo, katulad ng bilin ni Rael,” ang wika ko bago umalis.
“Kayo ang magdoble ingat hijo, marami kayong laban na pagdaraanan. Sana ay gabayan kayo ng ating mga ninuno,” ang sagot ni papa.
Agad na binuksan ni Rael ang portal at dito ay lumakad kami nila Oven at Rouen papasok dito. Hindi ko maisalarawan ang dapat kong maramdaman noong mga sandaling iyon. Basta ang nakatatak lamang sa aking isipan ay ang mabuhay at makabalik sa piling ng aking anak.
Tahimik..
Isang malalim na butong hininga ang aking pinakawalan, kasabay nito ang pagbubukas ng portal sa kabilang ng panig kung saan naroroon ang tarangkahan ng palasyo.
Medyo mataas ang portal kaya naman noong mawala ito ay nakabalanse ako bago mahulog sa lupa kaya’t maganda ang aking bagsak. Si Rael din ay nakabalanse, si Rouen ay naging paniki ang katawan bago bumagsak. “Nasaan si Oven?” tanong ko naman.
“STARRRRRRR!!!” ang sigaw nito sabay bagsak sa lupa at gumulong gulo pa. “Arekup, hindi naman pala masyadong bongga yung SS ni Esmeralda!” ang wika nito habang naghihilot ng bewang.
“Bakit kasi nag ganun ka pa e pwede ka naman lumundag, diba natraining ka naman nina Heneral Liad na tumalon sa matataas na lugar?” tanong ko naman.
“Sorry, gusto ko lang talaga ng bonggang pag-landing!” ang hirit nito dahilan para mapangiwi ako.
Luminga linga kami sa paligid, “akala ko ba nasira ang kaharian? Bakit buo pa rin ito?” tanong ni Rael.
“Eh papa hindi naman po dito sa palasyo nanggulo si Egidio, doon siya nanira sa Bayan, kaya nga nilikas namin ang taong bayan at dinala sa evacuation area doon sa likod ng palasyo,” ang paliwanag ni Rouen at pagharap nga namin doon sa bayan ay sira sira na ito. “Ilang mga kawal din po natin ang namatay dahil sa pagtatanggol,” ang dagdag pa niya.
“Tsk! Nasaan ang mga taong bayan?” tanong ni Rael.
“Nasa likod po papa,” ang sagot ng anak.
Agad na nagtungo ang mag ama sa likod ng palasyo kapwa sila naging mga maliliit na paniki at mabilis na sumibat ang mga ito sa ere. “Tingnan mo yang mag ama mo, iwan ba tayo dito?” tanong ni Oven.
Napabuntong hininga na lang ako at agad kong hinila ni Oven patungo sa likod ng palasyo para puntahan at kumustahin ang mga taong bayan. Ang likod ng palasyo ay isang malawak na evacutaion area na inilaan para sa mga nasasakupan ng blood sucker kingdom. “Eh frend wala ka bang power para mapabilis tayo doon? Kung maging dragon ka kaya o kaya Leon? Diba nasa iyo ang God power ni Kasiya?” tanong ni Oven habang tumatakbo kami.
“Nasa akin, kaso ay 50% lang ang activated sa powers niya. Yung 50% ay naka stock dito sa dibdib ko. Sa makatuwid ay wala akong ganoon kaya tatakbo lang tayo, ever!” ang wika ko at mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa likod ng palasyo, marami ng nakatayo ng mga tent dito, mistulang isang komunidad na napapalibutan ng makapal barrier ang paligid upang makasiguradong ligtas sila sa lahat ng pagkakataon. Dito ko rin nakita si Rael at Rouen na pinagkakaguluhan ng mga taong bayan. Lahat sila ay tinawag itong “Hari” at ang lahat humihiling na protektahan sila nito.
Noong mapatingin sila sa amin ni Oven ay agad rin silang lumapit at saka nagbigay galang, “si Master Enchong! Master! Tulungan mo kami! Ang mga bata ay sugatan at ang ilan sa aming mga matatandang kababayan ay malubha ang tama,” ang pag iyak ng mga ito.
“Oven, tawagin mo ang lahat ng mga medikal na kawal, ito na ang pagkakataon para magamit nila ang kanilang mga kaalaman,” ang utos ko naman at agad akong nagtungo sa kubol ng mga batang sugatan.
Dito ay nabigla ako dahil ang iba ay halos kasing edad lang ni Rouen, ang iba ay duguan at ang iba wala pa ring malay. “Bigyan niyo ako ng espasyo,” ang utos ko at lahat sila ay tumabi sa sulok.
Nagliwanag ang aking kamay at inuna kong gamutin ang batang may pinakamamalang tama. “Master, iyan ang aking anak na nabagsakan ng gumuhong pader sa kanyang dalawang binti, ang kanyang mga buto ay nasira at nadurog,” ang umiiyak na wika ng ina nito.
Hinawakan ko ang dalawang binti ng bata, “durog ang mga buto niya, at naapektuhan rin ang kanyang buong katawan kaya maaaring hindi na siya magising pa. Pero maaari kong subukang buuin ang kanyang mga selula,” ang wika ko at isa isa kong binuo ang mga piraso ng buto ng bata hanggang magtagumpay akong gawin ito.
Manghang mangha ang mga tao sa buong paligid noong masaksihan nila ang pag-aayos ng kalamnan ng bata at maya maya ay parang wala nang nangyari sa katawan nito. Dumilat ang kanyang mata at tinawag ang kanyang ina.
“Master! Maraming salamat po! Paano ko po kayo mapapasalamatan? Magaling na ang anak ko! Magaling na siya!” ang pag iyak ng babae.
Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang laha, marami pang bata ang napinsala kaya isa isa ko itong ginamot. Mabuti na lamang at dumating si Rouen para tumulong sa akin. Ang mga medikal na kawal naman ay kumalat sa buong himpilan at simulang gamutin ang mga matatanda.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay may nakita akong isang lalaking sugatan sa sulok, hawak hawak ang kanyang tiyan kaya naman lumapit ako sa kanya at tinanong ito. “Maaari kong bang makita ang pinsala mo?” tanong ko sa kanya.
Takot na takot ito at nagsumiksik sa isang sulok. Halos kasing edad ko rin ang lalaki kaya naman natawa na lang ako, “hindi mo kailangan matakot, hindi naman kita sasaktan,” ang wika ko sabay alis ng kanyang kamay nakatakip sa kanyang tiyan. Dito ay nakita kong may malaki siyang pinsala dito kaya naman nagdesisyon akong gamutin ito.
Makalipas ang ilang minuto ay naghilom ang kanyang sugat at muling naging maayos ang kanyang kalagayan. “Salamat, master,” ang nahihiyang wika nito
“Walang anuman,” ang tugon ko sabay tayo. “Kailangan mong kumain ng marami upang manumbalik ang iyong lakas,” ang dagdag ko pa.
“Salamat ulit, Master,” ang tugon niya
Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating si Rael sa kubol kaya naman napayuko ang lahat. “Hon, aalis na tayo,” ang wika nito habang nakatingin lalaking aking kausap. Pagkatapos ay tumalikod siya at hindi na ako hinintay lumabas. Kaya naman sumunod sa kanya ang mga kawal.
Agad naman akong sumunod sa kanya at humabol, “bakit ang bilis mong umalis?” tanong ko kay Rael.
“Dahil hindi nagtatagal ang hari sa ganoon lugar. Ikaw baka gusto mong magtagal lalo’t may kausap kang lalaki doon sa kubol,” ang tugon niya.
“Ah yung lalaking ginamot ko kanina? Nakita ko lang na may malala siyang pinsala sa tiyan kaya pinagaling ko,” ang tugon ko pero mabilis na lumakad si Rael at hindi na ako pinakinggan.
“Eh kasi nga nagseselos na namang yang asawa mo. Alam mo ba pinaka hate niya? Yung may kausap kang ibang lalaki. Parang di mo naman kabisado yang mister mo,” ang wika ni Oven.
“Nagseselos si papa?” tanong ni Rouen.
“Oo, alam mo naman iyang papa mo, galit kapag may kausap ibang lalaki ang papa Enchong mo,” ang tugon ni Oven.
“Wala namang masamang ginagawa si papa Enchong doon, katabi nila ako habang ginagamot ko yung bata,” ang wika ni Rouen.
Inakbayan ko ang aking anak, “nakita mo na kung gaano kaseloso yang tatay mo? Kaya paglaki mo, huwag kang masyadong seloso, okay?” nakangiti kong wika sa kanya.
“Eh kahit naman sa future, seloso pa rin si Papa Rael, kasi kaming mga blood sucker, gusto namin ay isa lang ang mamahalin namin, stick to one kami at gusto namin na yung taong magiging kapareha namin ay sa amin lamang at walang ibang kukuha o lalapit. Iyan ang espesyal sa aming mga blood sucker,” ang tugon ni Rouen.
“Parang sobrang sweet and possessive type diba? Hmmm your such a very lucky girl” ang hirit ni Oven sabay tulak sa akin na parang naiinggit.
“Naku, ibang magselos si Rael, mamaya ay tiyak na away na naman iyan,” ang tugon ko naman habang pumapasok sa bulwagan.
Pagpasok ko sa silid ay naabutan ko si Rael na nakahubad na nakahiga sa sofa, nakataas ang braso sa batok kaya’t kitang kita ang maganda katawan nito. Tumabi ako sa kanya pero wala pa rin itong kibo. “Yung ilong mo namumula na naman, nagseselos ka no?” nakangisi kong tanong sa kanya.
Hindi ito kumibo at umirap lang sa akin, lalo ito gumagwapo kapag ganoon ang kanyang reaksyon. Natawa ako at isinubsob ang aking mukha sa kanyang kili kili na may buhok. “Siguro dapat maligo ka na,” ang hirit ko bagamat mabango naman ito.
“Ikaw yung dapat maligo para mawala yung amoy ng lalaki mo sa katawan mo,” ang masungit na sagot nito.
“Hala, umabot ka sa ganyang level? Lalo kang gumaguwapo kapag nagseselos ka,” ang tugon ko naman pero pag nguso lang ang kanyang isinagot.
Natawa ako at humiga sa kanyang hubad na katawan. Nakatapat ang aking tainga sa pintig ng kanyang puso at habang nasa ganoong posisyon ako ay tila may kung anong imahe ang nag flash sa aking isipan.
Ito ay imahe ng aking mukha na duguan at nakahiga sa lupa habang nahihirapan! Maya maya nagbago ang senaryo at nakita ko ang aking sarili na walang buhay at nakahiga sa isang templo na animo libingan.
Sa ikatlong imahe ay tumibok ng malakas ang aking puso at pagkatapos noon at tila nawala aking ulirat dahilan para bumagsak ako sa sahig at mawalan ng malay.
“Hon! Honnnnn!!!” ang pagtawag ni Rael sa aking pangalan.
Itutuloy.
Part 4: Ang Selos ni Rael
Part 4: Ang Selos ni Rael
ENCHONG PO
V
“Hon, okay ka na ba? Anong bang nangyari sayo? Buntis ka na ba?” tanong ni Rael sa akin noong magising ako at nakahiga sa aming kama.
Tumingin ako kay Rael, “wala, nagkaroon lang ako ng pangitain.”
“Katulad ng?”
“Pagkamatay ko,” ang tugon ko naman sabay bitiw ng buntong hininga.
Niyakap nya ako ng mahigpit at ikinulong sa kanyang bilugang braso. “Sa tingin mo ba papayag akong mangyari iyon? Mas mauuna akong mamatay sa iyo, patayin muna nila ako bago ka nila magalaw,” ang bulong niya.
Hindi ako kumibo, kumakabog pa rin ang aking dibdib hanggang ngayon. Wala akong nagawa kundi ang sumubsob sa katawan ni Rael at ikalma ang aking sarili.
KINABUKASAN..
Kapansin pansin na mas lalo pang dumilim ang kalangitan. Parang bang may delubyong parating sa lakas ng hangin. Ang lahat ay abala sa pagdadala ng supply para sa mga nasa evacuation area. Nagpadala rin ng tulong si Haring Niko ng Floral Land, mga halamang gamot at mga pagkain ang laman ng mga kahong kanyang ibinigay dito sa palasyo.
“Kung gayon ay nasaan si Egidio? Bakit buhay pa ang gago?!” ang malakas at galit na boses ni Rael habang nakaharap sa kanyang kawal. Katabi nito si Rouen pero halatang bored na bored na kasama ang tatay niya.
“Mahal na hari, si Egidio ay bigla na lamang naghalo sa ere na parang bula matapos siyang manggulo dito sa bayan,” ang wika ng mga kawal.
“Bakit hindi niyo inalam kung nasaan?!” ang singhal ni Rael.
Napayuko ang lahat sa takot, “patawad po, mahal na Hari,” ang nauutal na wika nila.
“Tawagin niyo si Heneral Liad ngayon din!” ang utos niya. Rinig na rinig namin ang commanding na boses niya mula dito sa bulwagan.
“Hindi mo ba pina entot yang mister mo kagabi? Ang init ng ulo e,” hirit na tanong ni Oven habang buhat namin ang mga supply ng gamot at pagkain na ibibigay sa mga tao sa himpilan..
“May nangyaring kakaiba kagabi kaya hindi kami nag ganon,” kaswal kong tugon.
“Eh kaya mainit ang ulo niya,” ang natatawang sagot ni Oven.
Pagdating namin sa himpilan ng mga evacuees ay naabutan naming abala ang lahat. Ang karamin ay makarecover na mula sa maraming mga pinsala na kanilang tinamo. Pati mga batang ginamot namin kagabi ay mukhang maaayos na rin ang pakiramdam at mga kalagayan.
“Tulungan na kita Master,” ang wika ng lalaking lumapit sa amin. Agad niyang kinuha ang dala kong kahon. Siya yung lalaking ginamot ko kagabi doon sa kubol, yung lalaking pinagselosan ni Rael. “Salamat, ipamimigay natin ito sa mga may pinsala pa rin hanggang ngayon,” ang tugon ko sabay tanong sa kanyang pangalan.
“Lance po, Master. Isa po akong tindero doon sa bayan na nagnanais maging kawal dito sa palasyo,” ang wika niya.
“Hi Lance, ako naman si Odette! Have you ever seen the dawn in swan lake? Its beautiful! Do not tell anybody that I can’y swin! Swwaaaannnn!” ang hirit ni Oven.
“Kilala ko po kayo Ginoong Oven,” ang wika niya dito.
“Hala! Pero anyway pwede ka namang maging kawal dahil matangkad ka naman at maganda ang katawan na parang sila Heneral Liad rin ang datingan,“dagdag ni Oven.
“Salamat po, pero si Master Ench, ang makakapagdesisyon niyan,” ang tugon niya habang nakangiti sa akin.
“Kakausapin ko si Heneral tungkol dyan,” ang nakangiti ko ring sagot.
Hindi umaalis sa tabi namin si Lance, talagang nagpamigay siya sa mga gamot at pagkain para sa kanyang mga kababayan. Kitang kita ko ang tuwa sa mukha ng lahat habang kami ay nagpapamahagi. “Nabigyan mo na ba ng gamot at pagkain ang pamilya mo?” tanong ko sa kanya.
“Oo, kanina pa tayo nagpapamigay, dapat ay inuuna mo ang pamilya mo. Teka nasaan ba sila?” tanong ni Oven.
“Wala na akong magulang. 10 taon na akong ulila, ang aking mga magulang ay kinain ng mga hell hounds na galing sa Dark Keeper Gate. Binubuhay ko na lamang ang aking sarili ngayon,” ang tugon niya na aming ikinalungkot.
“Ganoon ba? Kung gayon ay kunin mo na ito,” ang wika ko sabay abot ng isang maliit na kahon na naglalaman ng mga pagkain, supply at gamot. “Tiyak na kakailanganin mo ito,” ang dagdag ko pa.
“Naku, salamat master! Salamat talaga!” ang masayang wika niya, mangiyak ngiyak pa ito sabay yakap sa akin na aking ikinagulat.
“Sana all hina-hug!” ang wika ni Oven habang nakanguso.
“At SANA ALL NAGLALANDI!” ang boses ni Rael sa aming likuran kaya naman agad na bumitaw si Lance at yumuko. “Pasensiya na po mahal na hari,” ang wika nito.
“OA naman papa Rael, nagpasalamat lang yung tao,” ang hirit ni Oven.
Tumingin sa akin si Rael at saka ako hinila palabas sa himpilan. Mahigpit ang hawak niya sa aking braso at dito ay ramdam na ramdam ko ang kanyang galit, “bakit nakikipagyakapan ka sa harap ng mga taong bayan? Hindi ka na nahiya!” ang hirit nito.
“Hala, ano bang sinasabi mo? Nagpapasalamat lang yung tao,” ang katwiran ko naman.
“Huling huli na nagdedeny pa, hindi ko akalain na mahilig sa mga lalaking negro at mukhang unggoy,” ang sagot niya.
“Huwag ka ngang pintasero, moreno siya at hindi siya mukhang unggoy,” ang pagtatanggol ko kaya naman mas lalo pa siyang nainis.
“Nagsasabi ako ng totoo! At talagang pinagtatanggol mo pa yung unggoy na iyon? Papalayasin ko na siya ngayon sa himpilan!” ang seryosong wika nito at muli siyang lalakad pabalik pero humarang ako sa kanyang harapan. “Ano ba yung sinasabi mo? Huwag ka ngang masyadong seloso. Wala naman akong gusto doon at wala naman kaming ginagawang masama,” ang pagpigil ko sa kanya.
“Ah, ayaw mo siya paalisin sa himpilan dahil magtatagpo kayo ulit? Diba iyon ang plano niyo?” tanong nito.
“Hala, ano bang kapraningan iyan? Ganyan ba talaga kayong mga blood sucker kung magselos? Sumosobrang praning?” tanong ko naman.
Gigil na gigil ito, hinawakan niya ako sa braso, “AKIN KA LANG! Papatayin ko ang aagawa sayo!” ang galit na singhal nito sabay suntok sa makapal na bakuran ng palasyo dahilan para magiba ito. Umalis siya sa akin harapan at bumalik sa mga kawal na noon ay nagtitipon tipon sa harap ng palasyo.
Tinapik ni Oven ang aking balikat, “Owning the possessive handsome vampire! Magandang title ito sa next novel ko,” ang hirit nito.
“Ewan ko ba naman diyan kay Rael. Nagseselos na naman,” ang wika ko naman. Napabuntong hininga na lang ako at saka sumunod sa kinalalagyan nila Rael na noon ay sinesermunan ang mga kawal kasama na si Heneral Juda mula ulo hanggang paa.
“Mukhang mainit ang ulo ng hari, tiyak na magdidiskitahan niya ang kanyang hukbo,” ang wika ni Mr. Wilson.
“E paano nagseselos na naman iyang si papa Rael. Pinagseselosan si Lance, yung gwapong binata doon sa himpilan,” wika ni Oven.
Natawa si Mr. Wilson, “hindi na kayo nasanay sa ugali ni Prinsipe Rael, ganoon na talaga siya noon pa man,” ang wika niya.
“Kung sa bagay, kahit naman yung classmate natin na dumadalaw sa iyo dati ay pinagseselosan rin niya. Muntik pa nga niya kagatin yung isa diba? Naalala mo si Dexter, yung classmate natin na mataba na dinalhan ka ng dalawang box ng brownies. Ang akala ni Rael ay nanliligaw sa iyo iyong si Dexter pero ang hindi niya alam ay inorder mo yung brownies sa bakeshop nila at dineliver lang niya,” ang natatawang wika ni Oven.
Natawa rin ako, “Oo naalala ko iyon, naganap itong nakaraang bakasyon sa mundo ng mga mortal bago tayo magtungo dito para sa misyon,” sagot ko naman.
“Ang mahal na hari ay talagang seloso noon pa, ayaw na ayaw niyang nalalamangan sa lahat ng bagay. Lalo na’t ayaw niyang hinahawakan ng iba ang kanyang mundo. Ikaw ang kanyang mundo Master,” ang paliwanag ni Mr. Wilson.
“Kaya huwag kayong magpapabaya! Bantayan niyo ang mga tarangkahan at protektahan ang mga tao sa likod ng palasyo! Heneral Liad, ikaw na ang bahala sa lahat!” ang narinig naming wika nu Rael sabay pasok sa loob ng palasyo. Inirapan pa ako nito bago lumakad ng tuwid.
“Opo mahal na hari!” ang sagot ng mga ito.
Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya at habulin ito. Ewan ko ba naman kay Rael, matagal na itong seloso kaya’t hindi ko na lamang pinapansin kapag siya ay nag iinarte ng ganito. “Ano naman kailangan mo ngayon, malandi kong asawa?” tanong nito.
“Wag mo nga ako tawagin ng ganyan. Wala naman talaga akong ginagawang masama,” ang sagot sabay kapit sa kanyang braso.
Tumingin ito sa akin, “mas gusto mo sa negrong unggoy na supot,” ang hirit nito.
“Tama na nga, ikaw ang maputi, ikaw na ang makinis, ikaw ang hindi supot at ikaw na ang pinakagwapo.”
“I know right!” ang sagot niya sabay upo sa kanyang trono. “Hindi ka na babalik sa himpilan at ban ka na doon, kunwari ka pang mang gagamot e manlalalaki ka lang pala.”
“Papa, hindi naman po manlalaki si papa Enchong, masyado po kayong gwapo at perfect para palitan niya,” ang wika ni Rouen habang nakahiga sa sofa.
“I know right! Rouen! Bakit ba dyan ka nakahiga? Hindi gawain ng prinsipe na mag planking dyang sa sofa,” sermon ni Rael.
“Rouen, halika na nga, iwanan natin yang baliw mong tatay!” ang wika ko sabay hila sa aking anak.
“Sige magkampihan kayong mag ama, tutal naman pareho kayong mga panget, malalaki mga mata at mga mukhang unggoy,” ang pang aasar nito.
“Wag mo pansinin yang tatay mong sira ulo,” ang bulong ko kay Rouen at lumakad kami palayo sa kanya.
“Mga panget! Mga alien!” ang parang batang sigaw ni Rael.
Pero hindi namin ito pinansin. At habang nasa ganoong paglalakad kami ay bigla na lang yumanig sa paligid dahilan para ma-out of balance kami. “Ano iyon?” tanong namin.
Maya maya ay nagdatingan na ang mga kawal sa loob. Lahat ay nag-aapura at lahat ay tensyonado. “Mahal na hari! Mahal na hari! Ang himpilan! Ginugulo!” ang sigaw ng mga ito.
Tuloy pa rin ang pagsabog!
Noong marinig namin ito ay agad kaming nagtatakbo palabas, pati si Rael ay tumakbo rin ng mabilis, “bilisan niyo! Ilikas ang mga tao! Dahil sila lahat sa ligtas na lugar!” ang sigaw nito.
Mula sa bulwagan ng palasyo ay nagtatakbo kami palabas sa bakuran at dito ay lumiko kami patungo sa likod nito upang puntahan ang himpilan na noon ay umuusok at patuloy sa pagsabog!
“Paanong nakapasok ang kalaban dito?!” ang sigaw ni Rael.
“Mahal na hari, si Egidio ay pumasok sa katawan ng isang taong bayan at doon siya nagtago! Ngayon ay gumising na siya kaya’t tuloy na naman ang kanyang pang gugulo!” ang paliwanag ni Heneral Liad.
Agad naman kaming nagtatakbo nila Rael sa loob ng himpilan kung saan nagmula ang kaguluhan. “Maiwan ka dyan,” ang wika ni Rael sa akin.
“Sasama ako sa loob!” ang pagpupumilit ko.
“Bakit nag aalala ka sa lalaki mo?” tanong niya sa akin.
“Wala akong lalaki!” ang singhal ko naman at nagpumilit akong pumasok.
Maya maya ay nagpumilit pumasok si Oven, “papasok din ako! Anong gusto niyo kayo lang ang stariray ng taon? Gusto niyo kayo lang ang may exposure sa fight scene na ito?” ang hirit nito at mas nauna pang pumasok sa amin.
Noong makapasok si Oven ay nagtitili ito, “It can’t be! Lancelot! My dear lancelot!” ang sigaw nito.
“Ano bang sinasabi mo?” tanong ko naman sa kanya.
“Wala naman friend, tingnan mo si Lance yung nakalutang sa ere! Parang siya yung starry starry night ng himpilang ito,” sagot ni Oven.
“Tangina, kaya naman pala hindi makita kita kung saan nagtatago si Egidio, nasa katauhan lang pala ng lalaki mo!” ang wika ni Rael.
“Pwede ba, itigil mo na nga! Wala akong lalaking! Buang ka!” ang singhal ko rin.
At noong mapatingin ako sa kalaban ay nakita ko nga si Lance na nakatayo habang nakalutang ang mga paa. Wala na ito sa kanyang sarili habanag liliwanag ang kanyang buong katawan na tila may kumakawalang malakas na pwersa dito.
Nagsisigaw siya hanggang sa magliwanag ang kanyang mga mata at nagdulot ito ng isang malakas na pagsabog sa buong paligid.
Itutuloy.
Part 5: Ang Espiritu ni Egidio
Part 5: Ang Espiritu ni Egidio
ENCHONG POV
“OMG! Asawa ni Marie! Araw gabi walang pantey! Bakit si Lance? Eh ang dami namang pwedeng maging villain? Diba? Pwede naman yung ibang swanget na kawal!” ang hirit ni Oven.
“Nakita mo na? Magaling ka rin hano? Yung lalaki mong napili ay isa palang kalaban!” ang hirit ni Rael sa akin.
“Pwede ba hindi ko siya lalaki, ano bang tinira mo at iyan ang iniisip mo?” ang tanong ko sa kanya.
“Pwede mamaya na kayo magtalo? Ayan yung kalaban oh, kanina pa umaawra yung buong katawan! Pwede peace muna?” ang wika naman ni Oven at pumagitna ito sa amin.
Noong mga sandaling iyon ay hindi ako makapaniwala na si Lance at Egidio ay iisa! Ni hindi ko naramdaman at hindi ito pumasok sa aking isipan. Habang nasa ganoong posisyon kami ay nagtatakbo patungo sa amin si Lance, mabilis itong lumipad sa ere, nagliliwanag ng lila ang buong katawan, sumasabog ang awra sa kanyang mga balat. Aatake siya sa amin kaya naman humarang si Rael sa aming harapan, “doon nga kayo sa likod ko! Nakaharang kayo dito e!” ang pagmamaktol nito at isang malakas na suntok ang pinakawalan nito.
Sinalo iyon ni Rael gamit ang kanyang palad at dito ay sumiklab ang malakas na pwersa sa kanilang katawan dahilan para magcrack ang lupa at maitulak kami palayo. Nagpaulan ng sunod sunod na atake si Lance mabilis na sipa, suntok at ilang kombinasyon ng pisikal na pag atake ang kanyang ginawa pero lagat ng iyon ay sinalo lang ni Rael at sinangga ito.
Maya maya ay nagliwanag ang kamao ni Rael sa isang hataw ay tumilapon ang kalaban sa malayo. Nawasak ang lahat ng mga tent sa paligid pati na rin ang mga puno.
Sa layo ng itinilapon ng kalaban ay nalayo na sa palasyo ito. Agad na naging paniki ang katawan ni Rael na parang hangin, mabilis itong lumipad patungo sa kalaban. “Tingnan mo yang asawa mo, mukhang naka-high na naman!” ang wika ni Oven kaya naman sinundan namin ito.
Naging mga paniki rin si Rouen at sumunod sa ama. Samantalang tumakbo na lang kami ni Oven. “Frend siguro dapat maging paniki ka na lang din! Para di na tayo nahihirapan! Kahit wag na yung maliliit na ganoon, kahit isang malaking paniki ka na lang tapos sayo ako saskay!“ang hirit nito.
“Sira, walang ganon! Sagrado ang kapangyarihan ng mga healer at hindi ako maaaring maging paniki!” ang sagot ko naman.
“Holy powers? Siguro bagay sayo ang unicorn o kaya parang ganon kay Narding! Naging phoenix ever!” ang hirit pa niya.
“Sira ka talaga! Walang ganon!”
“Hay, nakakalungkot, bakit di natin nalaman na si Egidio pala yang si Lance? Ang gwapo pa naman niya, ang pogi ng pez, parang si Tom Rodriguez noh,” ang hirit nito.
“Hindi ko alam, pero si Egidio ang kalaban natin, naalala mo ba noong nakaharap natin siya? Ang dami niyang katawan diba?” ang sagot ko naman at habang palapit kami ng palapit sa labanan ay mas lalo pang palakas ng palakas ang pag yanig.
Dito ay naabutan namin si Rouen na nakaupo na lang na parang batang inapi. Nakapangalumbaba ito at bored na bored.
“Bakit nakaganyan ka?” tanong ko.
“Eh nagagalit si papa, wag daw akong makialam,” ang sagot nito habang nakanguso. At dito nga nakita kong muling tumilapon ang katawan ni Lance sa malayo at kasabay nito ang pagkasira ng lupa dahil sa pagsuntok ng kamao ni Rael.
Nag crack ang lupa, nagkasira sira ang buong paligid na parang binagsakan ng malakas na bomba ang lupa. “Bakit ba nandito kayo?” tanong ni Rael.
“Edi lalaban kami!” ang sagot ni Oven.
“Hindi na, umuwi na kayo ng magaling ko asawa at mag kulay na lang kayo ng mga damit ng manika doon sa palasyo!” ang hirit nito sabay tingin kay Rouen, “at ikaw naman magpagupit ka nga! Mas mukha ka pang tatay sa akin!” ang sermon nito sa anak.
“Hala, pati anak sinavage talaga?” ang tanong ni Oven.
“Papa naman e,” pagmamaktol ng anak.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay bumangon si Lance, ang kanyang mga braso at leeg ay nabali at nawala sa porma pero ibinalik lang niya ito sa dati, rinig na rinig pa namin ang pag crack ng kanyang mga buto buto habang inaayos niya ito. “Paanong buhay ka pa? Iwanan mo na ang katawan ni Lance at hayaan mo siyang mabuhay ng maayos!” ang sigaw ko sa kanya.
“Ang katawang ito ay matagal ng patay. Ako lamang ang bumubuhay sa kanya! Kung itatanong mo ay kung bakit buhay pa ako ay dahil ako si Egidio! At hindi ako basta basta nanamatay!” ang sigaw niya sa akin at dito ay mas lalo pang sumiklab ang kanyang katawan saka nag ipon ng mga enerhiya at ibinalibag sa amin.
Sumabog ito ngunit nakaiwas kami!
Lumundag ako sa itaas ng puno, ganoon rin si Rouen at si Rael. Samantalang si Oven ay tumalon sa isang malaking katawan ng puno at doon nagtago. “Pakshet ka talaga Egidio! Pinatay mo na ako noon kaya ipaghihiganti ko ang sarili ko!” ang sigaw ni Oven.
Natawa si Egidio, “natandaan kita, ang pinakamahina sa iyong grupo,” ang wika nito.
“Hello, mortal ako non! Pero salamat na lang sa iyo dahil ngayon ay imortal na ako! More kapaki-pakinabang, more bonggaycious at more pretty!” ang hirit niya.
“Akala niyo ba talaga ay napatay na ako? Bago pa ibigay ng blood sucker na l ang pinakahuling panapos na suntok niya ay lumisan na ang aking espiritu at lumipat sa isang lalaking may sakit at mamatay na. Ako ang nagpagaling sa kanyang katawan at ito ang ginamit ko upang makabangon muli,” ang wika nito.
“Kung ganoon ang Lance ginamot ko at kausapin namin ni Oven ay ikaw?” tanong ko.
“Ang kanyang memorya bilang tao ay nananatili pa rin sa kanya kapag ako ay natutulog sa kanyang kaibuturan. Ang kausap niyo siya mismo, ngunit ngayong nagising na ako ay akin muli ang kanyang katawan katulad ng ginawa kong pagsira sa bayan noong nakaraang linggo. At noong matulog muli ang aking espiritu ay nawala ako sa kanyang katawan at siya muli ang pumalit sa akin. Ganoon lamang kasimple,” ang paliwanag ni Egidio.
“Kaya pala noong sumalakay ka sa bayan ay balot ng kalasag ang iyong katawan upang hindi namin makilala ang katawan ang ginagamit mo at makakilos ka ng maayos kasama ang mga walang malay na taong bayan! At ang malaking sugat sa iyong tiyan ay ako ang may gawa! Iyon ang ginamot ni papa! Tama ba?” tanong ni Rouen.
“Tama, kahit makapal at malakas ang aking kalasag ng enerhiya ay nagawa pa rin itong butasin ng iyong kamao kaya’t bago pa ako manghina ay umalis ako at iniwan ang katawan ng lalaking ito na humalo sa mga taong bayan,” ang sagot ni Egidio.
“Napaka sama mo Egidio! Pati walang malay na tao ay kinakasangkapan mo!” ang singhal ko.
“Dapat ay magpasalamat pa siya sa akin dahil malapit na rin naman mamatay ang kanyang katawan. Mabuti na lang at pinahaba ko ito,” ang sagot ni Egidio at maya maya ay natawa ito, “nga pala may gusto sa iyo ang lalaking ito. At malaki ang paghanga niya sa iyo,” ang wika nito sabay ngisi sa aking harapan dahilan para matahimik ako. Ang kanyang sinabi ay naging mainit sa tainga ni Rael kaya naman nagalit ito. “Tumigil kaaaaa!” ang sigaw nito at muling nakipagsagupaan sa kalaban.
“Tama ang narinig mo! Kaya’t tama lang na magselos ka at magalit!” ang wika niya.
“Kapag nakikita ko ang mukha mo ay mas lalo akong nagagalit!” ang singhal ni Rael at isang malakas na suntok ang iginawad nito sa kanyang katawan dahilan para tumilapon na naman ang kalaban.
Sumadsad ito sa lupa at lalong naging duguan. Maya maya ay bigla itong umiyak at nagsalita na parang hirap na hirap, “tama na, pakiusap! Tama naaaaa! Napakasakit na ng katawan koo!” ang umiiyak na wika nito.
“Tsk! Muli ibinalik ni Egidio ang katawan ni Lance, ngayon malinaw na ginawa niya itong isang hostage!” ang wika ni Rouen.
Muli aatake si Rael pero pinigil ko na siya, “tama na.”
“Anong tama na? Nalaman mo lang na may gusto siya sa iyo ay nagkaganyan ka na?” tanong nito.
“Rael, ginagamit lang ni Egidio ang katawan ni Lance. Sa tuwing sasaktan mo siya ay nagtatago ito sa kanyang kaibuturan at bumabalik ang diwa ni Lance, ngayon ay nag iiyak siya dahil ang kanyang katawan ay napinsalan mo ng husto. Maaari mong patayin si Egidio, ngunit mo na idamay ang isang tao wala namang kasalanan ay malapit ng mamatay,” ang pagpigil ko.
“Tumabi ka,” ang sagot ni Rael sa akin.
“Rael please! Ordinaryong tao ang kalaban mo ngayon. Kapag namatay siya ay lilipat lamang ang espiritu ni Egidio sa ibang katawan. Ako na lamang ang bahala,” ang tugon ko naman.
“Tumabi ka Enchong!” ang sigaw nito sa akin.
Patuloy pa rin ang pag iyak ni Lance na nakahandusay sa lupa.
“Papa, tama na,” ang wika ni Rouen sabay hawak sa braso ng ama. Naglakad ito sa aking tabi at hinarang siya. “Papa, hayaan mo muna si Papa Echong, baka mayroon siyang ideya,” ang wika nito.
“Rouen, tumabi ka, umalis ka diyan!” ang singhal ni Rael sa kanya ngunit hindi natinag ang aming anak. Nakaharang lang ito sa aking harapan.
Gumalaw ang kamay ni Rael pasuntok sa anak pero inihinto niya ito at saka lumakad sa isang sulok. Ito ang hudyat ng pagbibigay niya ng pagkakataon sa akin. Kaya naman lumakad ako sa harapan ni Lance at sinabing, “magpahinga ka na Lance. Isa kang mabuting tao, huwag mong kalilimutan iyan,” ang wika ko sa kanya.
At habang nasa ganoong pag iyak ito ay bigla natawa at muling bumalik si Egidio, humaba ang mga daliri nito at naging mga patalim na bumaon sa aking katawan at tumagos sa aking likuran.
Bumulwak ang dugo sa aking katawan dahilan para mag-alala sina Rael at iba pa. “Papa!” ang sigaw ni Rouen sabay takbo patungo sa akin pero pinigilan ko siya, “Hayaan mo ako, tiyak na lilipat na naman ng katawan si Egidio kapag malapit na siyanv matalo. Kaya ako na ang bahala sa kanya,” ang tugon ko.
“At ano naman ang gagawin mo sa akin? Makakaya mo bang saktan at patayin ang isang ito?” tanong ni Egidio at dito ay bumalik na naman si Lance sa kanyang paghihingalo. Tumingin ito sa akin ang wika, “Master, patayin mo na ako, pakiusap. Nahihirapan na ako,” ang umiiyak na wika niya.
“Huwag kang mag-alala dahil tiyak mas magandang buhay ang nakalaan sa iyo, sa susunod mong pagtahak ng mundong ito,” ang wika ko at dito ay nagliwanag ang aking katawan at itinaas ko ang aking kamay..
Umakyat ang gintong liwanag sa aking palad at saka ito sumabog sa buong paligid..
Mula dito sa itaas ay bumagsak ang mga nagliliwanag na patak ng ulan at tumama ito sa aming mga balat. “Nakaka relax, ang sarap sa pakiramdam,” ang bulong ni Rouen.
“Oo, tama ka, para bang gumaan ang pakiramdam ko at na rerelax ang isipan ko,” tugon ni Oven samantang si Rael ay nakatingala lang nakapikit habang ninanamnam ang bawat patak nito. Noong tumama ito sa aking katawan ay umusok ang aking mga sugat at saka ito kusang naghilom.
Tumama ang ulan sa duguang katawan ni Lance at dito ay nagliwanag ito at nagsimulang paghilumin ang kanyang mga sugat sa ibat ibang parte ng nito.
Maya maya sumabog ang sagradong nilawanag ng aking enerhiya sa buong katawan ni Lance at mula dito ay gumapang pababa ang maitim na enerhiya ni Egidio tanda ng pagtataboy ng aking kapangyarihan sa kanyang espiritu.
Patuloy pa rin sa pagpatak ang ulan na mayroong sagradong kulay. Pinag masdan ko ito at isinahod ang aking kamay. “Ito ay ang tinatawag na Rain Healing Purification. Lilinisin ng tubig ulan ang masamang elemento sa ating katawan at hindi ito hahayaang sakupin ang iyong pag iisip,” ang wika ko habang nakatingala.
Umuusok ang katawan ni Lance, kitang kita na pilit gumagapang at kumakapit ang kapangyarihan at espiritu ni Egidio ngunit wala na itong magawa kundi ang lumabas dahil ang katawan ni Lance noon ay pilit na nililinis ng tubig ulan.
Hanggang sa maya maya ay kusang lumabas ang itim na espiritu at nagtangka itong lumipad upang humanap ng malilipatang katawan ngunit dahil sa pagbagsak ng sagradong patak ng ulan mula sa healing purification ay pinigil nito ang pagkilos ng anumang maitim at maduming enerhiya sa paligid. Kaya ang espiritu ni Egidio ngayon ay nakahinto na lamang sa aking harapan at hindi makalipad patungo kung saan.
“Arrggh, anong ginawa mo?!” tanong nito.
“Katulad ng sinabi ko sa iyo, ang Healing Purification ay pipigilan at lilinisin ang masasamang enerhiya sa paligid. Marami ay nadetect ng tubig ulan iyong matinding kasamaan,” ang wika ko.
Natawa si Egidio at bigla itong lumipad patungo sa akin, “kung gayon ay sa iyo ako papasok!” ang sigaw nito ngunit noong malapit na sa akin ay hindi siya nakadikit sa aking balat ang tubig ulan ay proteksyon.
Lumipad rin ang espiritu papasok kay Oven, Rouen at Rael pero wala pa rin. Kaya lumipad siya sa paligid ngunit kami nakakulong sa loob nito. “Huwag ka na mag aksaya ng oras, hindi ka rin makakalabas, at dito na matatapos ang lahat, Egidio,” ang wika ko at dito ay nagliwanag ang tubig ulan at lumikha ito ng barrier na magkukulong sa espiritu ng kalaban upang hindi na ito makalipat sa iba pang katawan katulad dati.
Itutuloy.
Part 6: Rain Purification Technique
Part 6: Rain Purification Technique
ENCHONG POV
“Walahiya ka Egidio, talagang gusto mo pa itake over ang katawan ko! Pakshet ka talaga!! Bakit hindi na lang si Bobby ang kunin mo? Tutal siya naman ang matalino, siya ang laging magaling, siya lagi ang maganda! Kaya siguro siya ang favorite ni mama!” ang sigaw ni Oven na may kasamang galit.
“Si Teddy yata yun Ninong,” ang pagtatama naman ni Rouen.
“Hay, nakaka confuse kasi, don’t panonoorin ko ulit mamaya pag uwi natin!” ang hirit ni Oven pagkatapos ay natili ito dahil sumugod sa harap niya ang espiritu ni Egidio. “Ay! putang ina! Pwede ba huwag ako! Huwag ako!!”
“Wala nang matakbuhan ang espiritu ni Egidio kaya ang target niya ay ang pinakamahina at pinakabaliw dito. At ikaw iyon ogre!” ang wika ni Rael.
“Napaka mean mo talaga papa Rael! Ikaw na ang meanest creature na nakita ko sa buong buhay ko!” ang pagmamaktol ni Oven.
Maya maya ay sa akin lumipad ang espiritung enerhiya ni Egidio, bumangga ito sa akin harapan at pinalibutan ako ng kanyang mga galamay ngunit balewala ito. “Bakit? Bakit hindi ko magawa?!” ang sigaw niya sa akin.
“Tatlong dahilan, Una, igagapos ng Healing Purification ang maitim at masamang enerhiya kaya hindi ka makakalabas sa harang na ito. Ikalawa ay papahinain ng ulan ang iyong kapangyarihan at dahil wala kang katawan lupa na magagamit ay tiyak wala ka rin mapagtataguan. Ikatlo, ang ulan ay gagawa sagradong ng barrier at harang sa aming katawan upang hindi ka makapasok. At ang hindi ka na makakabalik sa Darken, Egidio. Sa pagtatapos ng labanan ito ay mawawala na ang espiritu mo na parang isang bula,” ang wika ko at dito nag liwanag ang aking katawan at lumabas sa aking kamay ang isang kakaibang uri ang pana at palaso.
Ang pana ay mas malaki kaysa sa dati kong ginagamit. Ang palaso ay liwanag na ginto lamang at wala itong eksaktong anyo.
Noong mga sandaling iyon ay wala ng magawa pa ang espiritu ni Egidio, hindi na ito makakatakas pa. Kaya naman hinila ko ang sagradong pisi ng aking pana at itinutok sa kanya ang sagradong palaso.
“Kahit wasakin niyo ang aking espiritu ay babalik pa rin ako at gaganti sa inyo!” ang singhal nito.
“Sa oras ng pagbabalik mo ay nakahanda ako,” ang sagot ko naman sabay pakawala ng palaso.
Sumibat ito at nagliwanag saka tumama sa kanyang espiritu, nilamon ng sagradong liwanag ang kanyang itim na enerhiya at hanggang sa mabura ito sa ere!
Kitang kita namin kung paano lumaban ang espiritu ni Egidio ngunit sadyang malakas ang purification arrow, nilamon nito ang kanyang espiritu hanggang sa wala ng matira dito. Ultimo ang maliliit na enerhiyang itim ay binura ng mga ulan upang makasiguradong walang matitirang kahit ano kay Egidio.
Mas mainam na ito dahil kung sina Rael o kung sino ang makakalaban niya ay lilipat at lilipat lamang ito ng katawan.
Makalipas ang ilang sandali ay tumigil ang ulan at dito ay inilapitan ko si Lance. “Ayos ka lang ba?” ang tanong ko sa kanya.
Ngunit wala na akong nakuhang sagot, nanatili na lamang nakapikit si Lance at hindi na ito gumising pa. Sadyang naging mapait lamang sa kanya ang tadhana ngunit ganoon talaga ang buhay ng tao lumaban ka at hindi ay talagang susubukin ka ng pagkakataon ng paulit ulit. Lumapit sa akin si Oven at tinapik ang aking balikat. “Hayaan mo ng magpahinga si Lance,” ang wika nito.
“Oo, tiyak na mas maayos ang buhay na naghihintay sa kanya doon. Kung saan man siya dalhin ni Bathala,” ang sagot ko naman.
Inilibing namin si Lance kasama ang mga taong bayan na napaslang dahil sa pagsalakay ni Egidio. Gayon pa man ay sinigurado kong ang ganoong pagsalakay ay hinding hindi na mauulit. Ang espiritu ng kasamaan ni Egidio ay hindi na magpapalipat lipat pa, wala na itong mabibiktima dahil ito ay tuluyan ng naglaho sa mundo na parang isang bula.
Tahimik.
Nanatili akong nakatayo sa balkunahe ng aming silid ni Rael. Malakas ang hangin at tila ay malakas na bagyong parating, bagamat ganito na lang talaga ang lagay ng panahon sa mga oras na iyon. At ang iba ay tila nasanay na rin sa madilim na kalangitan.
Nakatahimik lang ako at nakatanaw sa kalayuan. Dumadampi ang malakas at malamig na hangin sa aking katawan. At habang nasa ganoong posisiyon ako ay naramdaman kong may lumingkis sa kamay sa aking bewang pagapang sa aking tiyan. “Malungkot ka ba dahil namatay na yung lalaki mo?” tanong nito.
Siniko ko siya, “Sira ka talaga! Wala akong lalaki at huwag mo na nga ako asarin diyan,” ang reklamo ko.
“Biro lang, sorry sa mga nagawa ko, sobrang selos ko lang talaga. Para hindi ka na sa akin magalit at magtampo sa akin ay sisikapin kong kantutin ka maghapon sa lahat ng gusto mong posisyon,” ang hirit niya habang nakayakap ng mahigpit sa akin.
“Gago, masakit pa yung mga sugat ko,” ang wika ko sabay harap sa kanya, “saka di ko naman ipagpapalit yang gwapo na iyan,” ang hirit ko sabay pisil sa kanyang pisngi at ilong na parang bata.
“Hmmmp, tumitingin ka nga sa iba e,” ang wika nito.
“Hindi no, alam ko namang siraulo ka kaya hindi ko ginagawa iyon,” ang wika ko sabay yakap sa kanyang ng mahigpit. “Eto sira ulong oto, ito yung baliw na baliw sa iyo,” ang hirit din niya sabay halik sa aking labi.
Naghalikan kami habang nasa balkunahe..
At nagulat kami noong magpalakpakan ang mga taong bayan. Di namin inaasahan na darating sila sa bakuran ng palasyo kasama si Oven. Agad kaming nagbitiw ni Rael mula sa pagkakasugpong ng aming mga nguso.
“Mabuhay Princess Cinderella and Prince Charming!” ang hirit ni Oven.
Palakpakan ulit sila.
“Baliw talaga iyang kaibigan mong iyan,” ang hirit ni Rael sabay talon sa palasyo, naging pakini ang kanyang katawan at bumaba sa harap ng taong bayan.
“Mahal na hari, maraming salamat po sa pagpapatuloy sa inyong palasyo. Ngayon po ay babalik na kami sa bayan upang magsimula muli,” ang wika nila.
“Walang anuman, huwag kayong mag-alala dahil tutulong ang palasyo para makapagsimula kayong muli. Marami mga kagamitan doon upang makagawa kayo ng mas matibay na tahanan. At pagtitibayin ko rin ang harang sa inyong lupain upang kayo ay maprotekhan. Magtatalaga rin ako ng 50 kawal upang kayo ay masubaybayan,” ang wika ni Rael sa kanila.
“Maraming salamat po mahal na hari, maraming salamat po Prinsipe Rouen at Master Enchong, salamat po pagiging mabuting haligi sa aming lahat. At sa inyo rin Master Oven of Arendelle,” ang dagdag nila habang nakayuko.
“Maaari na kayong magsimulang ibangon ang inyong mga kabuhayan, ang lahat ng tulong na maaari naming igawad sa inyo ay aming ibibigay sa abot ng aming makakaya. Heneral Liad,” ang pagtawag ni Rael sa kanyang kanang kamay.
“Mahal na Hari,” ang magalang na wika nito.
“Tulungan niyo ang mga taong bayan sa pagtatayo ng kanilang mga tahanan, isama mo ang ilang mga kawal at ang mahuhusay na karpintero ng palasyo,” ang utos pa ni Rael.
“Masusunod po mahal na hari,” ang wika nila at dito ay nagsimula na silang umusad ang magtrabaho para muling buhayin ang kanilang napinsalang bayan.
Lumapit naman ako kay Rael at pinalakpakan siya. “Goodjob mahal na hari,” ang wika ko habang nangiti.
“Mahusay na gwapo pa diba?” hirit niya habang nakangisi. Sabay akbay sa akin at humirit ng “Ligo na tayo, amoy pawis na ako.”
“Wala ka namang amoy, saka parang di ka naman pinagpapawisan,” tugon ko sabay subsob ng aking mukha sa kanyang kili kili.
“Bakit ba kasi mas marunong ka pa sa akin? Maligo na tayo at ang katapat ng salitang “good job” ay isang masarap na “blow job”, galingan mo ha, use your tongue!“ ang pilyong wika nito kaya naman siniko ko siya.
Akala ko ay nagbibiro lang si Rael sa kanyang mga hirit. Pero hindi ko alam na seryoso pala ito dahil pagkatapos naming maligo at noong mapasok kami sa aming silid at tumayo siya sa aking harapan at inalis ang tuwalya na nakatakip sa kanyang bewang at dito itinapat ang kanyang tayong tayong alaga sa aking mukha.
Hindi naman ako nagdalawang isip na isubo ito, nanatili siyang nakatayo sa aking harapan habang ako ay nakaupo sa kama at sinumulan kong silindruhin ang kanyang kahabaan habang ang aking kamay ay hinihimas ang kanyang magadang katawan.
Nakatingin siya sa akin habang sinisilindro ang kanyang kahabaan, pinatuunan ko rin ng pansin ang mala kabuteng ulo ng kanyang alaga na naging dahilan ng kanyang pag ungol at pagkagat labi. Kaya naman mas pinag igihan ko pa ang pagkain nito, isinagad ko ang lahat sa aking lalamunan hanggang nakadikit na ang aking labi sa kanyang buhok.
Ungol lang ng ungol si Rael, namumungay ang kanyang mata habang hawak ang aking ulo at inaalalayan ito sa aking pagtaas baba. Kung minsan ay jajakulin ko ang mala bakal na katawan nito habang ang ulo ay pinaglalaruan ko gamit ang aking dila na nagpaungol sa kanya ng mas matindi.
Pati ang dalawang bayag niya ay hindi ko pinalagpas dahil hinimod at dinilaan ko ito ng marahas na nagbigay sa kanyang ng ibayong kiliti. Lumakas ang kanyang ungol at mas napahawak siya sa aking buhok, ako naman ay nakahawak sa kanyang pwetan at hinihimas ang katambukan nito.
Makalipas ang ilang minuto ay tila nilukuban na siya ng mas matinding libog kaya naman kusang gumalaw ang kanyang bewang at siya mismo ang kumantot sa aking bibig. Sinasagad niya ang alaga sa aking lalamunan at matapos ang ilang marahas na pag ulos ay nanigas ang kanyang tuhod at bumuga ng semilya ang kanyang ari sa loob ng aking bibig.
Noong nilabasan ay sinadya niyang ibaon sa aking lalamunan ang kanyang alaga hanggang sa wala akong pamimilian kundi lunukin ang lahat ng ito.
Matapos ang mainit na tagpong iyon ay niyakap niya ako ng mahigpit, hinalikan ako sa labi at saka inihiga sa kama. Ikinulong niya ako sa kanyang braso at nagpasalamat sa aking ginawang pagpapala sa kanyang katigasan.
Noong gabing iyon ay natulog kami ng magkayakap at ninamnam ang pansamantalang katahimikan. Ang pag aalala sa aking dibdib ay hindi nawawala bagamat pilit ko itong winawaksi.
KINABUKASAN.
Isang malakas na dance music ang gumising sa amin ni Rael, bihira kaming makarinig ng ganito sa palasyo. Kaya naman agad akong bumangon upang tingnan kung ano ang mayroon sa bakuran. Dito nga ay nakita ko si Oven na nagppractice ng kanyang talent para sa gaganaping Gay Of Thrones All Stars!
“Ano na namang kabaliwan ang ginagawa ng kaibigan mo?” tanong ni Rael habang nakahiga pa rin.
Tumabi ako muli sa kanya, “pinaghahandaan niya yung laban niya sa Gay of Thrones, ngayon kasi ay may talent portion na,” paliwanag ko.
“Bakit hindi na lang siya kumain ng buhay na manok o di kaya ay magsayaw sa mga basag na bote, salamin at bubog,” ang hirit ni Rael.
Natawa ako at tinapik ang kanyang pisngi, “sira, ultimate champion ang hinahanap at hindi star attraction sa perya,” ang sagot ko naman.
Tawanan kaming dalawa.
Muli akong yumakap sa kanyang hubad na katawan at ninamnam ang kakaibang pakiramdam sa loob ng kanyang bisig. “I love you,” ang bulong ko sa kanya.
“I love you, too.” ang sagot niya sa akin.
Walang panganib noong araw na iyon, ngunit kapag tumitingala kami ni Rael sa kalangitan ay ramdam na ramdam na namin ang huling digmaan ay nalalapit na. Para itong itlog na naghihintay na mapisa, at sa huli ay wala kaming ibang pamimilian kundi ang lumaban at tapusin ang aming nasimulan.
Itutuloy.
Part 7: Ang Pag-ibig ni Santi
Part 7: Ang Pag-ibig ni Santi
DEVON POV
“Bakit tahimik ka yata?” tanong ko kay Yul noong tumabi ako sa kanya, inilagay ko ang isang box ng pizza sa kanyang harapan.
“Nakatanggap ako ng mensahe mula kina Rafael at Michael, nanghihingi sila ng tulong sa akin para sa pag ttraining ng mga baguhang Anghel na sasabak sa digmaan,” ang wika niya.
“Legit ba iyan? Baka naman kapag pinayagan kita ay mawala na naman ang memorya mo at hindi mo na naman ako makilala. Ayokong bumabalik ka dyan sa Heaven Society e,” ang sagot ko sa kanya.
“Syempre ay kilala at hindi na mauulit ang dati, hindi naman ganoon kalupit si Hariel para burahin muli ang ala-ala ko,” ang tugon sabay kuha ng slice ng pizza at saka niya ito kinagat. Itinapat niya ito sa aking bibig at ako naman ang kumagat.
“So anong desisyon mo?” tanong ko sa kanya.
“Kung papayagan mo ako ay tutulong ako sa kanila. 3 weeks lang laman, kung okay lang sa iyo,” ang wika nito na may pag aalingan.
“Malaki ka na, hindi mo na kailangan ang basbas ko,” ang natatawa kong sagot.
“Asawa kita, mag asawa tayo kaya’t ang desisyon ng bawat isa ay mahalaga. Hmmm, kung ayaw mo ay hindi naman tutuloy,” ang wika niya habang nakangiti.
“Sira, wala naman akong sinabi na ayoko, saka kaligtasan ng mundo ang nakasalalay dito, paano ako tatanggi?”
“Ang Heaven at Hell Society ay magtutulong para sa digmaan, kapag lumabas ang mga kalaban mula sa madilim na kalangitan. Si Boss Lu ay maiiwan dito upang pamunuan ang mga taga Hell Society. Sina Rafael at Michael naman ang mamumuno sa Heaven Society. Ako naman ay tutulong sa inyo para wakasan si Xandre,” ang sagot ni Yul.
“Basta, mag ingat ka doon sa Heaven Society. Nasa likod mo lang ako lagi, kahit anong desisyon ang gawin mo,” ang sagot ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Bilang tugon naman ay hinalikan niya ako sa labi.
Tahimik.
Sa ngayon, ang tanging nasa isip namin ay maghanda, dahil nito mga nakakaraang labanan ay halos nahirapan pa rin kami, masyadong malalakas ang mga kalaban at nakakabahala na baka mas makakapangyarihan ang mga susunod. Halos may mga gabing napapanaginipan ko pa rin si Gaia, o si Xandre at kahit si Nicolo pa. May pagkakataon na labis akong binabagabag ng kakaibang kaba at takot dahil sa mga bagay na nakaranasan ko noon.
Magbuhat noong dumilim ang mga kalangitan ay hindi na namin muling nasilayan ang araw. Doon sa mundo ng Kailun, ang lahat ay natatakot at nangangamba, samantalang dito sa mundo ng mga mortal ay ginagawa lamang nila itong katatawanan at oportunidad upang maging maligaya. Wala silang kamalay-malay sa panganib na parating, sa digmaang nagaganap sa pagitan ng liwanag at dilim.
“Teka nasaan ba si Santi? Bakit laging umaalis gagong iyon?” tanong ko kay Yul habang nakahiga kami sa rooftop aming apartment.
“Edi nasa gimikan, si Santi ngayon ay isa ng party animal na. Ang sabi niya ay ineenjoy lamang niya ang buhay kaya’t sino tayo para makialam diba?” sagot ni Yul habang natatawa.
“YOLO, iyan ang lagi niyang sinasabi sa akin. Baliw talaga,” ang tugon ko sabay yakap sa kanya. Idinantay ko ang aking hita sa kanyang hita at saka ko siya hinalik-halikan. Bilang tugon ay humarap naman sa akin si Yul saka ako hinalikan sa labi.
“Dalawang linggo lang akong mawawala, please umiwas ka sa gulo, okay?” wika niya sa akin.
“Umiiwas naman tayo sa gulo diba? Pero ang masaklap ay ito mismo ang lumalapit sa atin. Kung pwede nga lang ay iwanan na lang natin ang lahat at mabuhay na lamang tayo ng normal. Yung malayo sa kaguluhan, sa labanan at sa digmaan,” ang tugon ko naman.
Natawa si Yul, “alam mo iyan rin ang naisip kong gawin, ano kaya kung iwanan natin ang lahat? Kaso ay hindi naman maaari dahil maraming mga kapanalig ang umaasa sa atin.”
“So, kailan ka naman aalis?” tanong ko sa kanya.
“Bukas,” sagot niya.
“Agad agad?”
“Susunduin ako nina Rafael at Michael. Didiretso na kami sa himpilan ng pagsasanay at tatagal kami ng dalawang tatlong doon. Kailangan natin ng mas maraming hukbo dahil hindi biro ang nasa itaas,” ang tugon ko niya sa akin.
“Okay, goodluck sa iyo,” ang sagot ko na may halong kunwari’y pagtatampo kaya naman niyakap niya ako ng mahigpit at saka hinalikhalikan. “Wag ka na nga magtampo dyan, ang bilis matapos ng tatlong linggo. Miss mo na ba ako agad?” tanong niya.
“Oo naman, araw araw kitang namimiss,” ang sagot ko sa kanya.
At habang nasa ganoong posisyon kami ay may narinig kaming malakas na ungol sa kabilang kwarto dahilan para mapabalikwas kami ni Yul, “ano ba iyon?” tanong ko na may halong pagtataka.
“Eh baka nandyan yung boyfriend ni Santi,” ang sagot ni Yul.
“Bf ni Santi? Sino? Wala naman akong nakikitang twink na bagets dito ah,” ang wika ko.
“Nabago na ang perspective ni Santi, di na siya mahilig sa twink na bagets ngayon. Dahil yung kasama niya kahapon ay ang jowa niya,” ang sagot ni Yul.
“Yung kahapon? Yung sekyu na malaki ang katawan na may tatlong anak? Bakit pumapatol si Santi sa ganoon?”
“Mag taka ba? Vice versa ang tanong mo dapat, bakit pumapatol ang sekyu sa ganoon? Saka magtataka ka pa ba alam mo naman may saltik yang kaibigan mo,” ang sagot ni Yul.
KINABUKASAN.
“Bakit? Dahil love moves in mysterious ways! At siguro iniisip niyo na slut ako diba? I’m maybe a slut but im the best slut in town!” ang depensa ni Santi habang kumakain kami.
“Pwede wag kang OA? “Bakit?” pa lang ang tanong ko diba? Bakit puro pasa at latay iyang katawan mo?“ tanong ko sa kanya.
“Ah e, dahil nag role playing kami ni dad kagabi, kunwari siya yung killer at ako ang biktima, tapos gagahasain niya ako at bababuyin bago patayin. Medyo na carried away yata siya kaya naging realistic. Saka bakit ganyan ang tingin niyo sa akin? Wala na ba akong karapatang magkaroon ng jowa? Mabuti pa si Chaka doll na si Oven nakabinggit ng gwapo at Hari pa ng Floral Land. Eh ako? Ang daming gwapo doon sa liga ng mga kapanalig niyo pero wala ni isa ang nabighani sa akin! Tapos ngayong may jowa akong daddy ay ayaw niyo? Dahil ba sa age? For me, being in a relationship is not about knowing how to speak a specific languange! Char!” ang pagtatanggol niya sa sarili.
Naubo si Oven at nabahing pa ito ng may sipong kasama habang nag ppractice ng talent sa bulwagan ng palasyo.
“Ano to? Miss Universe? Umayos ka nga,” ang sagot ko.
“Hala, e masyadong depensive iyang si Santi,” ang hirit ni Boss Lu.
“Hindi ka naman namin pinipigilan Santi, medyo bothering lang na may anak iyang jowa mong daddy at saka tatlo pa. Iniisip mo bang maging instant mother ng mga anak niya?” tanong ko sa kanya.
“Bakit? Iniisip niyo ba na hindi ako capable maging maging isang mother?” tanong niya dahilan para mapangiwi ako.
“At talagang may balak ka pang maging nanay nila ha,” ang wika ko naman sabay katok sa kanyang ulo.
“Ang harsh at ang hard niyo sa akin!” ang reklamo niya.
Katakot takot na sermon ang inabot ni Santi sa amin ni Boss Lu. Concern lang kami sa kanya lalo’t parang hindi naman mapapakatiwalaan yung lokong sekyu na iyon. Sabihin natin na may powers si Santi ngunit babasagin pa rin ang puso niya at labis pa rin itong nasasaktan.
Noong araw din iyon ay inayos ko ang lahat ng kailangan ni Yul sa kanyang pagbabalik sa Heaven Society, bagamat 3 weeks lang siya doon ngunit binabalot pa rin ako ng matinding pag aalala dahil baka ibrain na naman siya at hindi siya bumalik dito sa akin. “Ewan umaandar na naman ang pagiging demonyo ko dahil pati ang mga anghel ay talagang pinagdududahan ko,” ang wika ko habang lumalabas kami sa bakuran kung saan naroon sina Rafael at Michael.
Natawa si Yul sa akin sinabi, “Dev, walang brain washing na magaganap at uuwi ako agad after three weeks. Don’t worry, okay?”
“Basta, mahirap na magtiwala, at kapag di ka umuwi pagkatapos ng tatlong linggo ay aakyat ako doon, narinig niyo ako diba? Aakyat ako doon!” ang wika ko sa harap ni Rafael.
“Dev, hindi ka maaaring umakyat doon,” ang wika ni Michael.
“Pwede, nagawa ko na ito dati. At kapag may ginawa kayo kay Yul ay dudurugin ko ang mukha niyong dalawa ni Rafael,” ang pagbabanta ko.
“Meowth that’s right!” ang hirit ni Santi sa aking likuran.
“Huwag kang mag alala Dev, walang mangyayari kay Yul,” ang wika ni Rafael.
“At nakatanggap kami ng sulat mula sa Mount Hiraya, ang mga engkanto at mga lamang lupa ay makikiisa sa digmaan sa pamumuno ni Heneral Sam at ikalawang heneral na si Tembong,” ang dagdag ni Michael.
“Nakatanggap rin ako ng sulat mula sa kanila, mabuting balita ito upang mas lumakas ang ating pwersa lalo’t tayo lamang rin ang magtatanggol sa lupaing ito ng mga mortal,” ang wika ni Boss Lu.
Humarap naman sa akin si Yul at niyakap ako ng mahigpit nito, pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi. Naghalikan kaming dalawa sa kanilang harapan dahilan para umentrada si Santi sa aming gitna kaya nagbitiw ang aming nguso. “Alam niyo, mauunawaan ko sana yung drama ng scene na ito kung limang taong mawawala si papa Yul. Hello, three weeks lang diba? Ang OA naman talaga!” ang reklamo ni Santi..
Natawa kami, “huwag ka nga makialam,” ang wika ko na lang sabay harap kay Yul, “mag-ingat ka doon ha, bumalik agad,” ang dagdag.
“Mag ingat ka rin dito, at umiwas sa gulo ha,” ang wika niya at dito binalot ng sagradong puting liwanag ang kanilang katawan at parang mag kometang umakyat sa kalangitan. Mabilis at halos hindi na namin ito nakita pa.
Tahimik..
Pumasok kami sa loob, ako ay naupo sa sofa at nagbasa ng mga artikulo sa pahayagan. Si Santi naman ay nakipagtelebabad sa jowa niya. Samantalang si Boss Lu ay nag aayos ng battle plan para sa hukbo ng Hell Society. “Marami ring mga ligaw na kaluluwa ang nag parcipate na lumaban sa panig ng Hell Society, dahil kulang tayo sa hukbo ay pinatos na rin natin sila,” ang paliwanag ni Boss Lu.
“Sa tingin ko ay malaking tulong ang gagawing pakikipag alyansa ng mga taga bundok Hiraya. Makakatiyak tayo na malaki ang tiyansang manalo,” ang sagot ko sa kanya.
“Oo, yeah right dad, mamaya patiliin mo ako sa sarap! Harder ha! Hihihi,” ang hirit ni Santi na noon ay kilig na kilig sa sulok.
“Malala na ang tama niya, pwede bang ibalik na lang sa Hell Society si Santi?” tanong ko.
“Naku, wag na at baka doon pa maghasik ng lagim yang si Santi! Dito na siya para walang gusot,” ang bulong ni Boss Lu.
Tawanan kaming dalawa.
“Mga inggitera! Porket wala kayong mga partners ngayon! Hindi niyo matanggap na nag shine at nag stand out ang beauty ko ngayon!” ang hirit niya.
“Sa iyo ang trono ng kalandian Santi, wala kang kalaban, nga pala may dumating rin na sulat sa iyo kanina,” ang wika ni Boss Lu sabay abot ng sobre na kulay pink.
“Ano naman ito?” tanong nito, sabay bukas sa sobre. “Isang invitation, parang contest,” ang wika nito.
“Anong contest naman?” tanong ko.
“Gay of Thrones All Star! Isang labanan ng kagandahan, ako yon!, katalinuhan, at pagiging magaling sa lahat ng bagay! Dahil sa huli ay isa lang ang tatanghaling reyna!” ang pagbabasa ni Santi. “Ang imbitasyon ay nanggaling kay Ursuha. Eh sino naman iyon?” pagtataka nito.
“Malamang siya yung organizer ng pageant,” ang sagot ko.
“Kailangan maghanda ang sumusunod, arrival dress, casual dress, national costume, swimwear at long gown! At talent portion!” ang pagbabasa pa nito.
“Parang Miss Universe naman pala,” ang tugon ko.
“At para makapag auto registered ay isigaw lang ang pangalan, edad at kasabihan,” ang pagbabasa pa niya.
“Huwag mong sabihing sasali ka?” tanong ni Boss Lu.
“Bakit? Kaya nga ako pinadalan dahil maganda ako, dahil deserving ako at alam nila na strong candidate ako. At alam nila na magiging top picks ako sa mga pages ng beauty contest!” ang hirit nito.
“O, ano pang hinihintay mo? Mag registered ka na!” ang wika ko naman kaya naman tumayo si Santi nag pose.
“My name is Santi, 21 years old stunner! Yes stunner! At naniniwala ako sa kasabihang “ang baklang masipag, pag laki ay laspag! And I Thank You!!” ang sigaw niya at dito ay nagliwanag papel na pink at naukit ang pangalan niya dito.
Lumabas rin ang kanyang opisyal na numero. “NUMBER 234? Talaga? Putang ina! Ganung karami? Ano to lahat ng bakla pinadalhan?” tanong ang sigaw ni Santi.
“Oh, ginusto mo iyan, at nakalagay dito sa likod ang note na “kapag umatras ay kukulubot ang balat at lalaki ang braso. Tutubuan ng makapal ng bigoteng hindi naalis, magkakaroon din ng makapal na buhok sa binti at kili kili. At ang pinaka worst ay lalaking etist mo at magiging daks ka! Isang awkward moment ang mas malaki pa ang alaga mo kesa sa alaga ng BF mo, ito daw ay isang sumpa kaya mahirap ang umatras,” ang tugon ko habang binabasa ang nakasulat sa lukod.
“Tang ina naman pala, pero! Lalaban ako at irerepresent ko ang bansa natin with pride!” ang hirit ni Santi na punong puno ng pag asa sa kanyang mga salita.
Itutuloy.
Part 8: Wasak na Puso
WATER SNAKE: THE LEGEND OF THE DEEP available via PDF File! Grab your copy now for only 350 pesos! LIMITED SLOTS ONLY! Please contact 0995-078-9932. Thank you
Part 8: Wasak na Puso
DEVON POV
“Ohhhh yeaaahhhh! More more! Right there! Aha ahaaa! Ang weird ng feeling pero ang sarap ng buhat fvck na itooooo!! Woooooo!!!” ang sigaw ni Santi sa kabilang silid kaya naman tinakpan ko ang aking tainga gamit ang aking unan.
“Plok! Plok! Plok!” sounds ng pagtatama ng kanilang mga pawisang katawan.
“Wwoooooo! Durog na durog ang gspot ko! Winner na winner! Full blast! Baon na baon!” ang malakas na sigaw ni Santi at maya maya ay sumigaw rin ang katalik niya.
Pinabayaan ko sila ngunit talagang nakakagambala ang kanilang mga sex sound effects, kaya naman bumalikwas ako ng bangon at saka ko sila kinatok sa kabilang silid. “Bakit frend? Is there something wrong?” ang inosenteng tanong nito.
“Hindi makatulog yung mga nakatabing apartment natin at lalong di ako makatulog sa lakas ng ungol niyo, pwedeng paki tone down ng kaunti? Para kayong kinakatay e, saka bakit ba dito mo dinadala iyan? Sana nag motel na lang kayo,” ang tanong ko sa kanya.
“Nag eenjoy lang kami friend, saka fully book na lahat ng hotel at motel, pati yung mga gilid gilid ng park ay puno na rin kaya dito na lang kami. Saka alam ko namang nalulungkot ka dahil wala si papa Yul ngayon kaya’t ang nararamdaman mo ay bitterness, inggit combined with loneliness and pure deep sadness,” ang hirit na sagot nito.
“Basta hinaan niyo yan,” ang sagot ko naman.
“Hmmm, bitterness is next to ugliness!” ang hirit nito sabay sara ng pinto. “Ikaw naman kasi dad sobra kang magperform!” ang hirit ni Santi.
Tumahimik naman ng sandali, wala ng ingay maliban sa malalakas na yugyog ng kama na para bang yumayanig sa buong sa kabilang silid.
Asar na asar ako kay Santi noong mga oras na iyon pero hindi ko na lamang siya pinansin dahil magmumukha lang akong bitter. Basta ang ginawa ko na lang ay tinakpan ang aking ulo at pinilit kong matulog hanggang sa wala na akong narinig pa.
KINABUKASAN.
“Dev, dumami na ang hukbo ng Hell Society, nakakahiya man ngunit nais ko sanang manghingi ng tulong sa iyo,” ang wika ni Boss Lu habang kumakain kami.
“Tulong? Tungkol saan naman?” tanong ko naman.
“Nais ko sanang tulungan mo rin ako sa pagtraining sa mga hukbo ng Hell Society,” ang wika niya na may halong hiya.
Natawa ako, “Boss Lu, paano naman ako makakapasok sa inyo? Eh BAN nga ako diba? Simula noong pinagkalooban ako ng katawan ay hindi na ako maaaring bumalik pa doon,” ang wika ko naman.
“Huwag kang mag alala dahil ang matatandang hukom mismo ng hell society ang nanghihingi ng tulong sa iyo. Nasaksihan nila ang pag-unlad mo bilang isang mahusay na mandirigma Devon. Ikaw ang inaasahan nila na makatutulong sa ating hukbo,” ang wika ni Boss Lu.
“Paano ba ako makakatanggi? Edi sige! Basta may libreng pagkain iyan ha,” ang biro ko naman sabay bukas ng TV at dito ay bumulaga sa akin ang malaking mukha ni Edith Mae na live nag uulat sa harapan ng isang nasusunog ma motel. Kung saan nagkakagulo ang mga tao sa paligid, kanya kanya silang selfie at pictorial sa harap ng nasusunog na gusali para ipang post sa social media.
“REPORT: Isang malalang sunog ang sumiklab sa White Liquid Motel kanina lamang pasado alas 10 ng umaga bagamat ang paligid ay madilim at parang alas sais na ng gabi. Ang liwanag ng apoy na nagmumula sa nasusunog na gusali ang nagbibigay ng liwanag sa buong bayan.
Sinasabing nagmula ang sunog sa ikatlong bahagi ng silid kung saan naroroon ang ilang mga guest na nasunog ng buhay. Walang nakakaalam kung paano nagsimula ang sunog basta sa ngayon ay namomoblema ang management ng naturang gusali kung paano makakabawi.
Samantala Libro ng manunulat na si Ai Tenshi available pa rin sa merkado. Maaari pa ring umorder ng collector’s item ng Aluguryon at Pauwi Na Ako sa online. Kaya grab your copy now! Limited Items only!
At iyan po ang nagbabagang balita sa mga oras na ito, ako po si Edith Mae Lawit, ang inyong superampadorang report at ito ADS CGN News Live! Iputok mo!“
End of report.
Noong patayin ko ang telebisyon ay may narinig akong iyak sa pintuan kaya naman nagimbal kami ni Boss Lu. “Ano iyon? Umiiyak ba iyon?” ang tanong.
Nagtungo si Boss Lu sa pintuan at binuksan ito, dito ay laking gulat namin noong makita si Santi na umiiyak na parang pinagsakluban ng langit at lupa. “Santi? Anong nangyari sa iyo?” tanong ko sabay hila rito papasok.
“It really hurts, ang magmahal ng ganito, kung sino pang pinili kong hindi makuha ng buo. Hanggang gano’n na lang nga kailangan ko ’tong tanggapin na sa puso mo mayro’n na ngang ibang umaangkin! Stupid! Love soft as an easy chair! Stupid Love, fresh as the morning air! STUPID! “ ang pag iyak nito.
“Pumasok ka nga dito, ano bang nangyari sa iyo? Bakit para kang ginahasa?” tanong ko sa kanya.
“Ano na naman ang drama mo this time?” tanong ni Boss Lu sa kanya.
“Niloko lang ako ni Dad, pinaasa lang niya ako, ang sakit sakit, gusto ko mamatay!” ang pag iyak nito.
“Kasi naman ikaw ang bilis bilis mo bumigay, bilan ka lang yata ng isang pirasong kendi ay papayag ka na. Easy to get, easy to forget yan ang tatandaan mo,” ang wika ko naman sabay abot ng isang basong tubig sa kanya.
“Ano ba nangyari sa iyo? Lagi ka namang niloloko diba? Wala ka naman kasing kadala dala Santi,” ang sermon ni Boss Lu.
“Nagmahal lang naman ako at walang masama don, gusto ko lang maranasan ang may magmahal sa akin. Hindi na ako nagmahal ng mas bata sa akin dahil wala akong swerte dito. Kaya naman sinubukan kong magmahal ng mas matanda sa akin, baka sakaling sa kanya ko malasap ang tunay na sarap ng pagmamahal pero nagkamali ako dahil mas worst pa si dad! Mas masama siya at mas masakit siyang mahalin!” ang pag-iyak ni Santi at dito binalikan niya ang lahat ng kanyang naging karanasan sa taong sinubukang mahalin.
FLASHBACK
Nakilala ko si Dad sa isang bar, isang gabi noong matapos akong gumimik. Siya lang ang bukod tanging lalaki na nakapansin sa aking ganda kaya naman paano ba ako aatras at iiwas sa kanya? Noong mga oras na iyon ay naisip ko na hindi talaga ako pang twink lang. Ito na ang tamang oras para tumingin naman ng mas older guy sa akin, yung gagawin akong baby, yung gagawin akong fetus at ituturing aking kagandahan na babasagin.
Siya si John Santos, 45 years old at mayroong dalawang anak. Noong nag kwentuhan kaming dalawa, dito ko narealize na masarap pala talagang kausap ang mga matured guys at naramdam ko na agad na gusto niya akong alagaan. Kaya naman matapos ang gabing iyon ay agad kaming nagmotel at dito ay pinakain niya ako ng mataba, mahaba at malaki niyang sausage! Ito rin ang unang gabi na hindi ako nagtrabaho sa sex dahil siya lahat ang trumabaho para sa akin! Winner na winner ako, naabot ko ang multiple orgasm hanggang sa halos wala na akong lakas! At matapos ang gabing iyon ay naging kami na ni dad. Dahil nakaya ko ang 8 inches niyang monster cock!
Super perfect ng aming samahan, dito ko narealize namasarap pa lang magmahal ang mga thunderbirds at matured mens! Palong palo rin sila pagdating sa sex kaya naman yes na yes sa akin ni dad.
Halos isang linggo rin kaming naging mag-on at nagkaroon ng sweet moments hanggang inimbitahan niya ako sa motel kanina. Kaso pagdating ko doon ay nakita ko ang kanyang dalawang anak na twink kasama ang mga boyfriend ng mga ito. Sa makatuwid ay lima na agad sila sa kwarto at lahat sila at nakahubo’t hubad. Kaya naman tinanong ko si dad, “ngek, bakit nandito yung dalawang anak mo saka yung mga boyfriend nila? Saka bakit nakahubad kayong lahat? Ano to nude party?” tanong ko sa kanya.
“Santi, listen. First of all ay wala akong anak, yung dalawang iyon ay hindi ko mga anak, mga pamangkin ko lamang sila na inampon ko para dito pag aralin sa siyudad. Nandito sila kasama ang mga boyfriends nila para makipag sex sa atin,” ang masayang wika nito.
Natungin sa akin ang mga twink na pamangkin ni daddy John na noon ay abala sa pagkikipag tsupaan sa kama. “Wow, kuya Santi tara join us!” ang wika ng mga ito.
“Bakit? Pamangkin mo sila diba? Napaka incest niyo!” ang singhal ko.
“Huwag kang magalit, sige pumila ka na doon babe, lahat sila ay nakatuwad na,” ang wika ni dad at dito nga ay nakita kong nakalinya ang mga twinks, nakatuwad sila sa kama ng tabi tabi.
“Dito ka sa tabi ko kuya Santi, pang lima kang iiyutin ni dad!” ang hirit ng isa.
“Mga baboy! Akala ko ba seryoso ang relasyon natin? Bakit ganito? Pumili ako ng matured man baka sakaling maging seryoso ka sa akin pero hindi pala!”
“Seryoso? Ano bang sinasabi mo? Wala ng seryoso sa panahon ngayon! Tanghali na lang ang tapat! Iyan ang tatandaan mo! Tutuwad ka ba doon o hindi?” tanong ni dad.
“Hindi! Hindi ako tutuwad! Pang lima ako? Apat na tumbong ang pagdadanaan bago sa akin? Yuck! Hindi ko pinangarap maging 5th runner up!” ang singhal ko.
“EDI WAG! DAMING ARTE TANGINA mo bakla!” ang singhal ni dad at lumapit ito sa unang twink na nakatuwad at saka ito kinasta. Wala na silang pakialam sa akin kaya naman nagalit ako sa kabubuyan nilang lahat! Sumiklab ang bolang apoy ng enerhiya sa aking kamay at ibinalibag ko ito sa kanila dahilan para matusta sila at masunog ang hotel. Pagkatapos ay agad akong umalis, durog na durog at wasak na wasak!
End of Flashback
“Kung gayon ay ikaw pala ang dahilan kung bakit nasunog yung hotel? Naku siguradong sa impyerno ulit ang bagsak mo dahil kumatay ka ng mga tao,” ang sermon ni Boss Lu.
“Excuse me, hindi sila mga tao! Mga baboy sila at deserve nilang matusta sa paglalaro ng apoy! At wala akong niregret na ginawa ko iyon dahil iyon ang bagay sa kanila!” ang sagot ni Santi.
“Kelan ka ba kasi matututo? Tiyak iimbestigahan yung pagkasunog ng motel at maaari kang madamay doon,” ang wika ko naman.
“Wala na akong paki, trash na ang life ko ngayon. Wala na akong pag asa sa pag ibig!” ang lungayngay niyang sagot sabay pasok sa kanyang silid.
KINABUKASAN.
Nagpasya kami ni Boss Lu na simulan na ang pagttraining ng hukbo sa Hell Society. Binigyan ako ng special passes upang makabalik at makatungtong muli sa aming lupain matapos ang pangyayari noon. Dahil sa walang choice isinama na rin namin si Santi na noon ay parang zombie, walang gana sa buhay at wala rin kibo. Mainam na yung nakikita namin siya at baka kung anong kalokohan na naman ang gawin.
Samantalang, halo halong emosyon naman ang lumukob sa aking pagkatao noong makarating muli sa Hell Society. Hindi na ito kasing ganda ng dati bagamat nakita ko naman na bumabangon ang lahat. Parang naging back to basic ang buhay, walang maiingay na gusali katulad noon. Ngunit gayon pa man ay naging fresh ang paligid na tila ba ang lahat ay nagsisimula pa lamang sa una.
Ang ginawang pagsira ni Xandre dito ay talagang malala, makikita mo pa rin ang bakas ng mga nasirang siyudad at mag kapaligiran. Gayon pa man ay patuloy ang buhay hanggang sa ang lahat ay maging maayos na muli.
Ipinakita rin sa akin ni Boss Lu ang himpilan ng mga kawal. Isang malaking lupain ang inilaan sa training at noong lumakad ako sa daan daang mga guardian ay nagulat sila noong makita nila ako.
Kilala pa rin ako noong iba lalo na yung mga kasamahan kong Guardian noon, ang lahat tuloy ng ala-ala ay nagbabalik na parang kahapon lang naganap ang lahat.
Ang hukbo ng Hell Society ay assorted, iba’t ibang lahi, mayroon mga guardian, mayroong mga halimaw, mayroon ring mga kaluluwang may mga abilidad at mga preso ng Hell Prison na nag nanais baguhin ang kanilang mga buhay. “Parang Suicide Squad lang ah, assorted talaga?” tanong ko kay boss Lu.
Natawa si Boss Lu, “assorted dahil kulang na tayo sa mga tao, sa ngayon ay mayroon tayong mahigit dalawang libong kawal. Kulang pa ito kung tutuusin ngunit ang mga abilidad ng mga kaluluwang ito ay malalakas at kakaiba,” ang wika ni Boss Lu.
“May tiwala ako sa choice ng Hell Society, tama ba Santi?” nakangiti kong tanong kay Santi, naka upo lang ito at nakatulala, wala sa sarili at saka tumutulo pa ang luha. “Rape victim ka teh?” tanong ni Boss Lu sa kanya.
“Hay, masyadong nawasak ang puso ni Santi, hayaan na muna natin siyang makarecover. Siguro ay simula na natin ang training!” ang wika ko habang nakangiti.
Ang pagpapalakas sa hukbo ng Hell Society ay sisimulan ko na ngayon. Gusto kong makita ni Yul kung paano ko palakasin ang hukbo ng aming lupain. Ito ang bagay na maaari kong ipagmalaki sa kanya sa aming muling pagkikita.
Itutuloy.
Part 9: Alyansang Engkanto
WATER SNAKE: THE LEGEND OF THE DEEP available via PDF File! Grab your copy now for only 350 pesos! LIMITED SLOTS ONLY! Please contact 0995-078-9932. Thank you
Part 9: Alyansang Engkanto
IBARRA POV
“Ibarra, Leo, pwede hugot muna? Pinapatawag na kayo ni Lolo Isko doon sa kanyang tahanan,” ang hirit ni Tembong noong magsalita ang bulaklak sa tabi ng kama namin ni Leo. Ginawa niya itong parang telepono upang madaling makapagpadala ng mensahe.
Kinuha ko ang bulaklak at itinapat ito sa aking bibig, “masama ang pakiramdam ni Leo ngayon, ano bang sasabihin ni Lolo Isko?” tanong ko naman.
Maya maya ay nagsalita ulit ang bulaklak, “Ewan, baka malalang premonition tungkol sa katapusan ng mundo. Jusko no, alam mo naman yung matandang iyon puro nega ang dalang balita,” ang sagot nito.
“Pumunta ka na doon, okay lang ako, sipon lang ito sa kaunting lagnat. Kailangan ko lang ng kaunting pahinga,” ang wika ni Leo sa akin.
“Hay naku, iwasan kasi ang madalas na pag sesex doon sa ilog para di kayo sinisipon at nagkakasakit, masyadong malamig ang tubig doon eh,” ang hirit pa ni Tembong.
“O siya, sabihin mo kay Lolo Isko na susunod na ako, papakainin ko lang si Tob,” ang wika ko naman sabay lagay ng bulaklak sa plorera.
“Ayo sang cellphone niyo ah, bulaklak talaga?” natatawang wika ni Leo.
“Depende sa trip naming mga enkanto, kung minsan bulaklak ang ginagamit namin, kung minsan naman ay ihip ng hangin o kung minsan naman ay mga hayop katulad ng palaka, ahas, mga leon at iba pa. Ito rin ang paraan ng pagpapadala ng mensahe ng mga ninuno natin noong sinaunang panahon,” ang tugon ko naman.
Ilang linggong bakasyon, tahimik at walang iniisip na kahit ano, iyan ang naranasan namin ni Leo magbuhat noong kami ay bumalik dito sa Bundok Hiraya. Iyon nga lang ay hindi na muling sumikat pa ang araw at nanatili na lamang na madilim ang buong kalangitan kaya’t masasabi kong hindi pa rin perpekto ang lahat.
Kahit naman isang mahusay na mandirigma si Leo ay dinadapuan pa rin siya ng lagnat, tama naman talaga si Tembong, madalas kaming naliligo sa malamig na ilog tuwing gabi kaya’t nilamig ito. Gayon pa man ay pahinga lang ang kailangan at babalik rin agad siya sa ayos. “Papa Ibarra mag eend of the world na po ba?” tanong ni Tob sa akin.
“Sino naman ang nagsabi niyan?” tanong ko sa bata.
“Yung mga gumagawa po sa loob ng hacienda. Sabi nila yung dark clouds daw po ay simbolo na malapit na tayong mamatay lahat,” ang inosenteng wika ng bata.
Natawa ako at ginusot ang kanyang buhok, “Naku, huwag kang naniniwala sa kanila, hindi totoo iyon, walang mamamatay at hindi mag e-end of the world. Marahil ay tinatakot ka lang nila,” ang tugon ko sa kanya.
“Eh totoo rin po ba na magkakaroon ng war?” ang muli niyang tanong habang abala kami sa pagkain.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti, “Sino naman ang nagsabi niyan ha?” tanong ko.
“Si tita Tembong po at sinabi rin niya sa akin na katapusan na raw po ng beauty niya. Ano po ba ibig sabihin nun?” pangungulit nito.
“Hindi naman kami papayag ni papa Leo mo na magkaroon ng war, saka huwag mong isipin ang mga sinasabi ng tita Tembong mo, tiyak na tinatakot ka lang niya dahil makulit ka raw,” ang tugon ko na lang.
“Eh hindi naman po ako makulit papa, good boy nga daw po ako sabi ni teacher,” ang pagtatanggol ni Tob sa kanyang sarili.
Natawa naman si Leo na noon ay nakahiga lang sa sofa, “Loko talaga iyang si Tembong, kung ano anong sinasabi sa bata,” ang wika nito.
“Sa tingin ko ay talagang matalino si Tob dahil alam niya yung mga bagay na paniniwalaan niya at ang mga bagay na hindi niya paniniwalaan,” ang wika ko sabay gusot sa buhok ng bata.
Alam kong may digmaan, ayoko lamang isiksik sa utang bata ang masama at malagim na dulot nito, ayoko siyang takutin o bigyan ng trauma sa mga bagay na sisira sa kanyang murang edad. Bagamat araw araw ay sumasagi sa isip ko ang mapanganib na labanang magaganap sa oras na sumiklab ang labanan ng liwanag at kadiliman. Kahit ilang beses kong iwaksi ito sa aking isipan ay paulit ulit pa rin akong binabagabag lalo na’t kapag tumitingala ako sa kalangitan at maigi kong pinagmamasdan ang makapal na ulap na nakatabing sa kung anong masamang bagay doon sa itaas. Malakas ang dala nitong negatibong enerhiya at tiyak kong nararamdaman din ito ng iba.
Noong tanghali ring iyon ay nagtungo kina lolo Isko. Iniwanan ko sina Tob at Leo doon sa bahay upang pareho silang makapagpahinga. Ang pinakamabisang paraan upang makapaglakbay ng mabilis patungo sa sentro ng kabundukan ay ang gawing mga paru paro ang aking sarili at lumipad patungo doon. Kagaya ito ng taktikang ginagamit ng mag amang blood sucker na sina Rouen at Rael kung saan nagiging mga paniki ang kanilang mga katawan upang makalipad sa ere at makalipat sa mga lugar na nais nilang puntahan.
Lumipad ang mga kumpol ng paru paro sa gitna ng kakahuyan, dumaan rin ako sa mga ilog at sa magagandang kapatagan na may kumpol na bulaklak hanggang sa makarating ako sa tahanan ni Lolo Isko kung saan naghihintay siya kasama sina Sam at Tembong.
“Anong mayroon?” tanong ko noong maabutan sina Tembong na nakatingala.
“Nakakaloka si Lolo Isko ha, sukat ba namang sabihin na maraming portal ng halimaw sa likod ng mga ulap,” ang wika ni Tembong.
“Oo nga, ang makapal na ulap ay cover lamang. Sa likod ng madilim na kalangitan na iyan ay nakahimlay ang malalaking tarangkahan ng mga halimaw at kapag bumukas ito ay babagsak sila na parang mga ulan,” ang kaswal kong tugon.
“Isa ka pa Ibarra ha, bongga ka rin kung manakot e. Natatakot ako papa Sam!” ang wika ni Tembong sabay yakap sa bilugang braso ng binata.
“Hindi ako nananakot, iyon ay katotohanan, at matatapos lang ang digmaang ito kung matatalo natin ang ugat ng kasamaan na si Xandre. Sa ngayon, ang mga makakapangyarihang hari ng mga lupain katulad nina Rael ng Blood Sucker Kingdom, Malik ng Apresia at Seth ng Cendril Forest at si Lucario ng Bayan ng Yelo ay nagkaisa para talunin si Xandre. Kasama namin sila doon sa Kailun,” ang wika ko.
“Weh? True ba? Wa aring?” tanong ni Tembong na hindi makapaniwala.
“Oo at kami mismo ni Leo ang katulong ni Prinsipe Malik upang talunin ang kalabanan na si Caleb. Medyo madugong labanan iyon ngunit amin pa rin itong napagtagumpayan,” ang pagsasalaysay ko.
“So ano na? Gwapo ba talaga si Lucario? Tama ang tsimis?” pang uusisa ni Tembong.
“Oo, napaka perpekto ng itsura niya,” ang sagot ko naman.
Lalong kinilig si Tembong, “well then, nagdesisyon na akong sumama sa inyo ni Leo pabalik ng Kailun upang makita ang mga iyan! Im so excited, i just can’t hide it!!” ang hirit nito.
“Sa palagay ko ay hindi ka maaaring sumama sa Kailun, Tembong,” ang wika naman ni Lolo Isko.
“Why oh why, Lolo Isko? Hindi ko na kayang mabulok ang beauty ko dito! Saka tired na ko makinig sa ka-nagehan mo gramps!” ang maarteng hirit nito.
“Hindi ka maaaring umalis dito dahil mayroon tayong mahalagang misyon. At iyon ay ang ipagtanggol ang ating tahanan at mga kalahi sa tiyak na kamatayan,” ang sagot ng mata.
“Tingnan mo na, kamatayan talaga? Agad agad gramps? Ang nega nega mo naman, ang sakit sakit na sa bangs!” ang hirit naman ni Tembong.
Maya maya ay lumapit sa akin si Lolo Isko at kinatukan ako sa ulo, “hindi mo dapat kinukwentuhan ng tungkol sa mga gwapong lalaki itong si Tembong dahil isa siyang alembong!” ang wika ng matanda dahilan para matawa ako.
“Eh nagtanong kasi siya Lolo, kaya sumagot ako,” ang katwiran ko.
“Kapag siya ang nagtanong ay puro kalandian kaya hindi na dapat sinasagot pa,” ang sermon ng matanda.
“Ang harsh naman nitong mashundang itis!” ang bulong ni Tembong.
“Kayong tatlo, pinatawag ko kayo dito upang pag-usapan ang alyansang Engkanto at lamang lupa. Ngunit bago iyon, alam niyo ba ang nasa likod ng makakapal at maiitim na mga ulap na iyan?” tanong niya sa amin.
“Birds?” ang sagot ni Tembong dahilan para kutusan siya ng matanda.
“Puro ka kalokohan John Lapuz! Ang nasa likod ng mga ulap na iyan ay mga malalaking portal at tarangkahan ng halimaw! Tingnan niyo ito!” ang wika ng matanda, nagliwanag ang kanyang tungkod at ibinuga niya ang enerhiya sa itaas ng kalangitan.
Kinain ng makapal na ulap ang enerhiyang iyon, at maya maya ay nahawi ang ulap. Dito ay nagimbal kami dahil katakot takot na portal ng mga halimaw ang naroon, ang mga nilalang ay nag aabang na lamang na bumukas ang butas upang sila ay makalabas!
“Mag ccrack ang butas na iyan at sila ay babagsak dito sa lupa, magkakaroon ng digmaan. Ang Heaven at Hell Society ay nakahanda ipagtanggol ang mundong ito. Sa tingin ko ay kailangan nating tumulong upang mas malaki ang tiyansang magtagumpay,” ang wika ng matanda.
“Kung ganoon ay delikado nga tayo,” ang wika ni Tembong na putlang putla at pinagpapawisan.
“Tama ka doon, delikado nga, ngunit kung tayo ay magtutulungan ay mapapagtagumpayan natin ang digmaang ito,” ang wika ng matanda.
“Eh lolo, sa tingin ko ay kulang ang ating hukbo, paano ito?” tanong ni Sam.
“Hindi kulang ang ating hukbo, marami tayo hangga’t may kabundukan ay mayroong mga nilalang natutulog sa atin!” ang sagot ng matanda at muling nagliwanag ang kanyang tungkod, sumiklab ang berdeng liwanag sa buong paligid at sumabog ito sa iba’t ibang direksyon. “Taglay natin ang lakas ng kalikasan! Taglay natin ang pinakamalakas na pwersa sa lahat. Ang espiritu ng hangin, lupa, tubig at apoy ay ating kapanalig!” ang dagdag pa niya at dito mas lalo pang sumabog ang liwanag at lumipad ito sa bawat sulok ng lupain.
Ipinakita sa senaryo na ang enerhiyang ikinalat ni Lolo Isko ay sumabog sa iba’t ibang kabundukan. Isa itong mensahe upang makabuo ng alyansa. Natanggap ng mga lupon ng iba’t ibang nilalang sa mga kabundukan ang mensaheng ito at lahat sila ay nagsipaghanda upang tumugon sa tawag ng kapalaran, iyon ay makipagdigma upang ipagtanggol ang kanilang lupain.
Ipinakita rin sa senaryo ang iba’t ibang nilalang na nakatanggap ng mensahe, nariyan ang mga engkanto ng lupa, hangin, tubig at apoy. Ipinakita rin ang mga lamang lupa at kapre, tiyanak, tikbalang at kung ano ano pa, lahat sila ay tumugon sa tawag ni Lolo Isko. At bilang pagtugon ay nagpakawala sila ng enerhiya na gumihit sa itaas at nakita iyon nila Ibarra mula sa kanilang kinalalagyan.
“Wow, ibang ibang kulay ng enerhiya ang gumuguhit sa itaas,” ang paghanga ko.
“Iyan ang mga nilalang na tumugon sa ating panawagan, lahat sila lalaban sa ating panig,” ang wika ni Lolo Isko.
“Mabuti kung ganoon, sa tingin ko ay mas malaki ang tiyansa nating manalo,” ang tugon ko.
“At dahil lalaban si Ibarra at Leo kasama ng mga hari at Diyos ng iba’t ibang lupain doon sa ibang mundo. Si Sam ang aking itinatalagang heneral ng Hukbong Engkanto. At ikaw naman Tembong ang Ikalawang Heneral!” ang wika ng matanda.
“Tinatanggap ko lolo!” ang tugon ni Sam. “Ikaw Tembong, tinatanggap mo ba?” tanong niya.
“Ha? Eh hindi ba pwedeng pag isipan muna? Kailangan ba talaga ay ako?” tanong nito.
“Tembong isa ka sa pinakamalakas na engkanto dito sa bundok ng Hiraya. Sundin mo na ang gusto ni Lolo Isko,” ang bulong ni Sam.
“Tang ina naman oh, wala talagang chance na pag-isipan? Hindi naman talaga pang giyera ang lalambuting ganda ko!” ang reklamo nito.
“Wala kang ganda! Pumayag ka na at maging tunay na lalaki!” ang sermon ng matanda.
“Ay! Ang harsh, ang mean naman nitong matandang ito. O sige na pumapayag na ako dyan sa giyera na iyan! Pero lang ang masasabi ko lolo Isko, ang bakla kahit isabak mo ang isang libong giyera ay bakla pa rin! And I Thank you!” ang galit na wika ni Tembong at saka ito nawala sa aming harapan.
“Ayan nagalit tuloy si Tembong, ikaw naman kasi lolo Isko, ang sama mo sa kanya,” ang wika ko.
“Wala akong oras sa kaartehan niya. Ang digmaan ay magsisimula anim na buwan mula ngayon kaya’t kung magpapalakas kayo ay gawin niyo na. Ang kapangyarihan ni Xandre ay palakas ng palakas habang nagtatagal! Kapag hindi siya napigilan ay katapusan na ng sanlibutan!” ang tugon ng matanda at muling nagliwanag ang kanyang tungkol.
Nag unang liwanag ay sumibat sa kalangitan at ang isang sa ilalim ng lupa. “Nagpadala ako ng mensahe sa Heaven at Hell Society upang ipaalaam sa kanila ang mga Engkanto ay nakikiisa sa digmaan!”
Noong mga sandaling iyon ay nakatanaw lang ako sa kapaligiran kung saan ang iba’t ibang kulay ng enerhiya ay umaangat tanda ng pagtugon sa tawag ni Lolo Isko.
Nakakamangha, ngunit nakaka kaba rin sa kabilang banda. Ngayon ang lahat ay naghahanda na para sa nalalapit na huling digmaan. Tiyak na ito ay uukit at babago sa mukha ng kasaysayan.
Itutuloy.
Part 10: Para sa Bagong Bukas
Part 10: Para sa Bagong Bukas
YBES POV
Halos dalawang linggo rin akong nagpapahinga sa palasyo ng Blood Sucker bago ako tuluyang makarecover. Suportado ni Enchong at ni Rouen ang aking pag galing, halos ilang araw rin nilang binuo ang mga sumabog na cells sa aking katawan dulot ng sunod sunod na paggamit ko sa bloody energy. Isang abilidad kung saan kumukulo ang aking dugo, naglalabas ito ng malakas na enerhiya at sumasabog sa loob ng aking katawan.
“Dahan dahan ka nga sa paglalakad, baka maya maya ay bumuka pa yung mga sugat mo,” ang wika ni Seth habang naglalakad kami pabalik sa aming kampo.
“Ano ka ba, maayos na ako. Hindi naman tayo papaalis nina Enchong at Rouen doon kung hindi pa ako maayos diba? Mabuti na lang at mahuhusay ang healer natin,” ang wika ko habang nakangiti.
“Ah basta, huwag ka na ulit gagamit ng bloody energy na iyan, o kung ano man ang tawag diyan,” ang hirit niya sabay akbay sa akin.
“Susubukan kong huwag gamitin, pero malalagay tayo sa panganib ay talagang gagamitin ko ito,” ang hirit ko rin.
“Sira, susunod ka sa akin dahil ako ang asawa mo, okay ba iyon?” naka ngiti niyang tugon.
Natawa ako at hinalikan siya sa labi, saka muli kaming naglakad pabalik sa aming tribo. Mula dito natatanaw pa rin namin ang makapal na barrier ng aming tribu. Natuwa kami ni Seth dahil ligtas sila sa kabila ng matinding labanang naganap sa pagitan namin nila Rigor at Nicolo.
Pagdating namin doon ay mapayapa naman ang lahat at masaya silang sinalubong kami. Kitang kita ang tuwa sa kanilang mukha, ang mga matatandang kalahi namin ay hinaplos pa ang aming mukha at nagpasalamat sa pagsalba sa amin ni Bathala.
“Kumusta kayo dito?” tanong ni Seth sa kanila.
“Maayos naman po mahal na hari, ang mga kawal ng Floral Land at mga kawal ng Blood Sucker ay nagpapadala ng supply dito sa amin. Huwag po kayo mag alala ni Master Ybes, maayos po kami. Labis po kaming nag alala sa inyo,” ang wika nila sabay yakap sa amin.
“Ang mahalaga ay ligtas tayong lahat,” ang tugon ko habang nakangiti.
“Mahal na Hari, Master Seth, ang matandang gabay ng mga manlikmot ay nais kong imbitahan sa kanyang kubol,” ang wika ng isa.
Agad kaming nagtungo sa kubol ni Tandang Linda, isa sa pinakamatandang manlikmot na aming iniingatan dahil siya na lamang ang ala-ala ng kasaysayan. Si Tandang Linda ay nakatira sa Cendril Forest, sa isang kweba doon kasama ang kanyang anak na isang daang taon na rin ang tanda. Noong tanghaling hari ng mga manlikmot si Seth ay kinilala siya ni Tandang Linda at nagpakilala itong bilang isang matandang gabay ng kasaysayan.
Katulad ng ibang mga gabay sa iba’t ibang lupain, si Tandang Linda ay may kakayahang alamin ang hinaharap at malakas ang pang amoy nito sa mga pananganib na parating. Noong mga oras na iyon ay tiyak na mayroon siyang mahalagang bagay na sasabihin sa amin dahil madalang lamang niya kaming ipatawag.
“Alam kong dumaan kayo sa malalang pakikipaglaban,” ang bungad sa amin ng matanda.
“Opo, isang malalang labanan, mabuti at napagtagumpayan namin ito,” ang sagot ni Seth.
“Ang labanan ay naging sanhi ng matinding pinsala sa aking katawan. Ngayon pa lamang po ako gumaling,” ang tugon ko rin.
“Hindi pa iyon ang iyong oras Master Ybes, marami pa kayong pagdaraanan ni Haring Seth, katulad ng digmaang parating,” ang tugon ng matanda.
“Tandang Linda, alam namin ni Ybes ang tungkol sa digmaan, alam rin namin na mayroong mga portal ng mga halimaw doon sa itaas,” ang tugon ni Seth.
“At ang digmaan ay magaganap anim na buwan mula ngayon. At hindi sapat ang hukbo ng blood sucker, o ang hukbo ng mga Floral Gods para ipagtanggol ang buong lupaing ito,” ang wika ng matanda.
“Kung ganoon ay kapanalig namin ang Heneral ng Heaven Society na si Hariel at si Lucifer na Heneral naman ng Hell Society. Kasama rin namin sina Ibarra at iba pa,” ang tugon ko naman.
“Ang Heaven, Hell Society at ang Bundok ng Hiraya kabilang mga hukbo ng engkanto ay nag alyansa upang ipagtanggol ang mundo ng mga mortal. Ang mundo ng mga mortal ay nakatugon sa kanilang mundo kaya iyon ang kanilang ipaglalaban. Ang lalaban para sa Kailun ay hindi sapat at nakikita ako ang madilim na hinaharap dito,” ang tugon ng matanda.
“Kung ganoon ay tutulong kami, ngunit nangangamba ako na baka maubos ang ating mga katribu kapag sila ay lumaban, ang ilan sa atin ay mga matatanda na at ang ilan naman ay sobrang babata para lumaban,” ang nangangambang wika ni Seth.
“Kailangan mong gamitin nito,” ang wika ng matanda sabay abot ng kwintas kay Seth. Ito nagliliwanag pangil ng isang Manlikmot. “Tama kayo, ito ay pangil ng isang makapangyarihang Manlikmot, ito ang pangil ni Viento Del Gato. Ang pangil na ito ay may kakayahang tawagin ang mga Manlikmot na nakalat sa ibang ibang lupain, ang kailangan mo lamang gawin ay isuot ito sa kabilugan ng buwan at pakawalan mo ang isang makapangyarihan alulong natatawag sa ating mga kapanalig. Hindi tayo nag iisa, hindi tayo pababaan ni Viento Del Gato,” ang paliwanag ng matanda.
Nag aalangan man ay tila walang nagawa si Seth kundi kuhanin ang kwintas at isuot nito. “Ngunit paano lalabas ang kabilugan ng buwan kung ganito madilim ang kalangitan?” tanong ko.
“Bahala na ang pangil ni Viento, siya ang magbibigay sa iyo ng daan,” ang sagot ng matanda.
Noong mga sandaling iyon ay nakita ko kay Seth ang kakaibang apoy sa kanyang mata. Ito ang kanyang pagnanasang maisalba at maprotektahan ang aming lahi. Alam kong gagawin niya ang lahat para lamang makamit ito. “Salamat po, gagawin ko ang lahat upang magkaroon tayo ng malakas na hukbo,” ang wika nito sabay hawak sa pangil na kwintas at nagliwanag ito sa kanyang palad.
MIGUEL POV
“Kumusta ang huli sa karagatan?” tanong ko habang namamasyal sa pampang.
“Maayos naman po Master Miguel, kahit hindi na sumikat pa ang araw ay nagbibigay pa rin ng biyaya ang dagat,” ang sagot ng mga mangingisda.
“Hindi tayo pababayaan ni Neptune, huwag kayong mag alala,” ang nakangiti kong sagot at dito ay tinulungan ko sila sa paghila sa kanilang mga bangka.
“Salamat po Master, kalat na kalat na raw po ang balita sa iba’t ibang lupain na mayroong mga halimaw sa likod ng kalangitan na iyan,” ang nangangambang wika nila.
Napatingin ako sa kalangitan at pilit ko itong pinagmasdan. “Huwag kayong mag alala, nandito kami ni Malik para ipagtanggol at protektahan kayo kung sakali mang totoo ang haka hakang iyon,” ang tugon ko naman.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay yumuko ang lahat noong makita nila na si Malik patungo sa aking direksyon, “Miguel,” ang pagtawag nito.
“Bakit?” ang tanong ko sa kanya.
Inakbayan niya ako at hinawakan ang aking kamay, dito ay naglakad kaming dalawa sa pampang ng karagatan. “Anong mayroong aber?” tanong ko sa kanya
“Wala, bakit masama bang ayain kang maglakad while holding hands?” tanong niya dahilan para matawa ako.
“Syempre ay hindi, so ano na namang kalokohan ang ginawa mo?” tanong ko sa kanya.
“Wala, anong kalokohan ang gagawin ko? Nga pala, gusto ng mga matatandang gabay na magparticipate ang Apresia sa digmaan,” ang wika niya.
Natawa ako, “ilalaban natin yung kulang tatlong daang hukbo natin? Wala na tayong kawal dahil matagal na ring payapa ang ating buhay dito sa Apresia. Sa tingin ko ay imposible ang nais nila mangyari. Tayo na lamang ang lumaban at maging kinatawan ng ating lupain,” ang wika ko naman.
Naupo kami ni Malik sa dalampasigan habang nahahagip ng malamig na alon ang aming mga paa. “Wala tayong kawal, ngunit kaya ko itong gawan ng paraan,” ang sagot niya.
“Naku, kung recruitment ang iniisip mo, masasabi ko lang na wala tayo makukuhang well trained na lalaking maaaring maging kawal dito,” tugon ko naman.
Napabuntong hininga ni Malik at naramdaman kong inilingkis niya ang kamay sa aking likuran. “Ako na ang bahala sa hukbo, kung sakaling magkaroon ng kagipitan ay titiyakin kong may laban tayo,” ang sagot niya.
Tahimik.
“Totoo ang haka haka, tingnan mo ito,” ang wika ko sabay kumpas sa aking kamay ay hinati ko ang isang parte ng makapal na ulap. Dito ay tumambad sa aming mga tarangkahan ng mga halimaw na nagsisimulang dumami at naghihintay lamang ng tamang oras ng pagbukas nito. “Mukhang sa dami nito ay talagang magkakaroon ng malalang digmaan sa bawat sulok ng mundo.”
“Sa tingin ko, iyan ang mga bagay na hindi natin maiiwasan, tayo ay nasa era na ng digmaan, ito ang salpukan ng liwanag ang dilim. Ang kasaysayan ay nauulit lamang, umiikot ito at nagkakaroon ng bagong buhay,” ang sagot ni Malik.
“Ah basta, kapag natapos ang digmaang ito ay magbabakasyon tayong dalawa okay? Walang powers, walang responsibilidad na iniisip! Basta kasama lang kita at masaya tayong dalawa,” ang wika ko habang nakangiti.
“Lahat ng gusto mo ay matutupad, kahit doon pa tayo magtungo sa gitna ng karagatan o kaya ay sa palasyo ng mga sirena. Mayroon din silang potion doon na kapag ininom mo ay maaari kang magbuntis, doon na tayo gagawa ng apat na anak natin,” ang wika nito.
“Apat talaga? Ano naman akala mo sa akin? Palahiang baboy?” ang natatawa kong wika.
“Hmmm, basta akong bahala sa iyo,” ang nakangisi niyang wika sabay yakap sa akin.
Tahimik.
“Hindi ka nag-wworry na baka mawasak ang Apresia at ang ating karagatan kapag bumagsak iyang mga nilalang sa itaas?” ang tanong ko ulit. “Ako kasi ay nangangamba.”
“Hindi naman masyado, alam mo mahal ko ang karagatan ay parang outer space, ito ang dalawang lugar sa universe na mahirap lakbayin ng mga nilalang. At katulad ng outer space ang karagatan ay napakalawak rin at napakalalim, kahit akong tinaguriang Prinisipe nito ay hindi pa naiikot ang kabuuan nito. Sa makatuwid ay marami tayong maaaring maging kapanalig sa karagatan ang kinakailangan lamang natin ay manghingi ng tulong,” ang tugon niya habang nakatanaw sa kalayuan.
“Kung sabagay, bakit nga ba ako magdududa at mangangamba e ikaw si Prinsipe Malik at saklaw ang buong karagatan,” ang wika ko naman.
“Si Prinsipe Malik na alipin ni Miguel sa kama at sa totoong buhay,” ang dagdag niya.
Tawanan kami..
Habang nasa ganoong posisyon kami ay lumapit ang isang kawal sa aming kinalalagyan, “Pasensiya na po sa aking kapangahasang mang istorbo pero pinapatawag po kayo ng mga matatandang gabay, prinsipe Malik, Master Miguel,” ang wika nito.
“Ayos lang iyon, paki sabi na susunod na kami,” ang tugon ni Malik.
At iyon nga ang set up, nagtungo kami sa bulwagan ng mga matatandang gabay upang makipag usap sa kanila bagamat alam naman namin na ang sasabihin nila ay ang paghahanap ng hukbo ng Apresia. O kaya ay ang mga negatibong magaganap sa hinaharap na maglalagay sa amin sa panganib. “Parang ayoko na makarinig ng negatibong salita mula sa kanila,” ang bulong ko kay Malik.
Natawa ito, “walang magandang balita ang mga gabay, puro masasamang pangitain ang nasasagap nila, paraanin mo na lamang sa kabilang tainga ang kanilang mga sasabihin,” sagot ni Malik sabay bukas sa pintuan at nandito nga ang mga matatandang gabay na halos lagpas ulo ang pressure bagamat wala naman silang ginagawa.
“Prinsipe Malik, ang hukbo ng Apresia ay kulang na kulang, ano ang iyong gagawin?” ang tanong nila.
“Ang hukbo ng Apresia ay kulang at kakaunti, ngunit ang malawak ang karagatan, maaari silang tumulong sa atin,” ang sagot ni Malik.
Nais lamang naming ipabatid sa inyo ni Master Miguel na ang digmaan ay magaganap anim o pitong buwan mula ngayon, ito ang pagkasira ng mundo,“ ang wika nila.
Napangiwi ako, “gagawin namin ni Malik ang lahat upang maprotektahan ang ating karagatan at gayon rin ang buong Apresia, walang dapat na ipangamba,” ang sagot ko.
“Gawin ninyo ang inyong makakaya. Nawa ang tagumpay ay maging atin,” ang wika nila sabay itaas sa kanilang mga tungkod hudyat ng kanilang pagbabasbas.
Ako naman ay napahawak sa kamay ni Malik, pakiramdam ko noon ay binibilang na ang aming katapusan, kaya madalas ay ayoko ng nakikinig sa kanila lalo wala naman talaga silang balak na palakasin ang iyong loob.
Itutuloy.
Part 11: The Missing Pogi
Part 11: The Missing Pogi
ENCHONG POV
“Bakit hindi kumakain si Oven? Baka magkasakit siya?” tanong ko kila Mr. Wilson noong naghahapunan kami.
“Puspusan po ang pag eensayo ni Oven at gayon rin ang kanyang paghahanda para sa Gay Of Thrones All Stars na gaganapin sa isang linggo,” ang tugon ni Mr. Wilson.
“Oh eh bakit pati pagkain ay kinakalimutan niya?” tanong ko.
“Papa, nag didiet si Ninong Oven para maging maganda ang figure niya sa contest,” ang sagot ni Rouen.
“Kahit magdiet siya, pumayat siya o tumaba ay ganoon pa rin naman ang itsura niya. Panget pa rin!” ang diretsong sagot ni Rael kaya naman agad ko siyang binawal. “Sshh, baka marinig ka ni Oven, palakasin mo naman ang loob niya,” ang wika ko naman.
“Hindi nakapagpapalakas ng loob ang pagsisinungaling. Hayaan mo siyang malaman ang hubad na katotohanan,” ang sagot pa ni Rael sabat tawa ng nakakainis.
“Kahit na nga, kailangan niya ng moral support at self condifence para manalo,” ang tugon ko.
“Milagro ang kailangan niya para manalo, huwag niyo na ang ako lokohin,” ang sagot pa nito kaya napangiwi na lang ako.
Palapit na ng palapit ang contest na sasalihan ni Oven, siyempre ay nandito lang kami para sumuporta sa kanya. Iyon nga lang ay habang palapit ng palapit ang araw ay tila parami rin ng parami ang nanawalang mga gwapong lalaki sa lupain ng Kailun. Ginagawa daw ito ni Ursuha upang makasiguradong lahat ng kanyang mga inimbita ay darating. Noon ay nagkaroon ng matinding kaguluhan dahil sa kanyang kalokohan, ngayon ay uulitin niya ito at sisiguraduhin siya ay mananalo.
Halos nasa isipan ko pa rin ang mga eksena noong natalo siya ni Oven. Galit na galit ito at hindi niya talaga matanggap ang lantarang pagkatalo.
FLASHBACK
“Tama na mhiemah! Enough na nga mamush!! Tapos na ang laban, windrabels na akes dibachi?! Huwag ka na umepal, talo ka na kaya tanggapin mo na lang ito! The winner takes it all mamashh!” ang wika ni Oven sabay hampas ng isang kumpol na bulaklak sa mukha ni Ursuha. “At ikaw pa ang may ganang manakit e inagaw mo na ang ang lahat sa akin? Inagaw mo na ang crown ko, inagaw mo pa ang life ko!” ang sigaw ni Ursuha.
“Hala pati life tagala damay? Eh tanggapin mo na lang kasi yung pagiging first runner up! Wish mo na lang na may mangyari sa akin para ikaw ang pumalit. Pero not this time ses! Not today, not tomorrow, not forever! And I thank you!!” ang pang aasar ni Oven.
Sumeryoso ang mukha ni Ursuha. “Ang
role
ng
first runner up is very important.
If for
any
reason that the
Gay of throne winner
cannot fulfill her duties
,
ang first runner up ang papalit sa kanya!
At hindi ako magtatagumpay kung buhay ka pa! Kaya dapat sayo ay mamatay! Die fagly die! Die ugly die!!“ ang singhal ni Ursuha sabay saksak kay Oven dahilan para matumba ito sa sahig. “Kahit nasaksak ka na ay panget ka pa rin, nothing changes!”
“I’m bleeding, dalaga na ako teh,” ang hirit ni Oven at unti unti itong nahiga, inayos pa niya ang korona bago tuluyang mawalan ng malay.
END OF FLASHBACK
“Naalala ko rin iyan, ang bruhang iyan! Buti na lang na i-flash back mo best friend! Gigil na gigil na naman ako! Bakit ginagawa niyang collateral ang mga lalaking gwapo? Pak shet talaga siya!” ang wika ni Oven.
“Kaya galingan mo para hindi ka matalo,tiyak na gagawin ni Ursuha ang lahat upang siya ay manalo at makabawi sa kanyang pagkatalo noon,” ang wika ko naman.
“Kung ganoon ay ito na ang Last War ng kagandahan! Laban na itis! Go fight win!” ang seryosong sagot ni Oven.
Tuloy tuloy lang ang ginagawang pag eensayo ni Oven. Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit kailangan niyang mag concentrate sa pasarela e question and answer naman talaga ang labanan. Gayon pa man ay talagang ibinigay namin ang buong suporta sa kanya. Ang kanyang asawang si Niko ay pinatawag pa ang pinakamahusay na mananahi sa Floral Land upang igawa siya ng national costume at pasabog na gown. Iyon ay kung aabot siya sa finals dahil nakalagay sa mechanics na mula sa maraming kalahok ay mahati hati ito hanggang sa lima na lang ang matira sa gabi ng contest!
“Maraming problema ang mundo, bakit sumabay pa iyang baliw na iyan?” ang tanong ni Rael habang inirereport sa kanya at 10 na sa kanyang mga kawal ang nawawala.
“Si Ursuha ay isang babaylan, malakas ang pagnanasa niyang iahon ang sarili mula sa matinding kabiguan noon. At hindi natin mapipigilan ang kanyang nais,” paliwanag ni Mr. Wilson.
“Si Ursuha ay isang baliw! Walang ka kwenta kwenta ang gusto niya! Nag aaksaya lamang siya ng enerhiya, lakas at oras para gantihan ang isang katulad ni Oven,” ang sagot ni Rael, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis e. Wala tayong magagawa dahil literal na “mean” si Rael at wala siyang paki kung nakakasakit siya ng damdamin.
“Wala tayong magagawa kung iyon ang magpapaligaya sa kanya. Saka isa pa ay lalaban si Oven para mabawi yung mga kawal natin,” ang sagot ko naman.
“Sige, kunsintihin mo pa yung baliw mong kaibigan,” ang sagot niya sa akin.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla na lang nagliwanag ang hardin ng palasyo kaya nagkagulo ang mga kawal. Agad kaming tumayo at nagtatakbo para tingnan ang pangyayari. Pagdating namin dito ay bumulaga sa aming ang isang kulay rainbow na liwanag at noong sumiklab ito sa buong paligid ay napikit kami lahat at nasilaw.
Harmless ang liwanag, para bang effects lang para maging maganda ang entrace. May sumabog pang kumikinang na confetti mula sa itaas na nakapukaw ng aming pansin.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas rainbow portal ang isang pamilyar na nilalang. Nakasuot ito ng maskara na may burda ng mga bulaklak at nakasuot ng magarbong long gown na hinahangin pa. Ang kanyang katawan ay maganda parang babae at kapansin pansin ang kanyang malaking boobs.
“Ano nanamang kabaliwan iyan? Nagkalat pa talaga dito sa hardin ng aking palasyo!” ang asar na wika ni Rael.
“Papa, wala po akong nararamdamang panganib sa kanya,” ang bulong ni Rouen.
“Of course wala, dahil ang baliw baliwan na iyan ay walang iba kundi si Ursuha! Ang reyna ng mga pogita!” ang sigaw ni Oven. “Walanghiya ka Ursuha, nagkalat ka pa ng confetti dito sa fountain area! Paano kung papalitan namin sa iyo yung tubig nito? Panira ka sa kalikasan!” singhal pa ni Oven.
“Annabel! Kumusta ka na? Ano naghanda ka na ba? Ramdam na ramdam ko ang takot sa iyong puso, takot na baka ikaw ay matalo ng isang runner up na katulad ko,” ang wika niya.
“Ako? Matatalo? Over my dead sexy body! Saka hindi na ako si Annabel ngayon! Dahil ako si Steffi!” ang hirit nito.
“Baka stepin! Gusto mo tsinelasin kita! Echuserang to!” ang protesta ni Ursuha.
“Ikaw ang echusera! At talagang nag maskara pa? I’m sure itinatago mo ang pez mo dahil nagpatarak ka ng tig 500 na petroleum jelly!” ang hirit ni Oven.
“Excuse me! Huwag ako! May budget ako mama! Baka maya maya ay magmukha kang maid of honor kapag lumabas na ako!”
“Okay lang maid of honor naman pala!” ang sagot ni Oven.
“Boba! Maid of honor means KATULONG! Bobaaaa! Anyway no face reveal muna dahil baka matakot kayo e mag back out pa kayo sa contest. Naparito ako para siguraduhin na hindi ka aatras sa laban natin! Kaya kukuha ako ng isang pinakagwapo sa inyong lahat!” ang hirit nito.
“Walanghiya ka Ursuha! Ako na lang kunin mo! Huwag na sila!” ang sigaw ni Oven.
“Gaga! Gwapo ang kailangan ko at hindi baklang mukhang Undin! Hmmm sino kaya sa inyo ang kukunin ko? Parang hindi nagbabago ang mga anyo ninyo. Lalo kana Prinsipe Rael, napaka gwapo mo pa rin, mas lalo ka pang naging gwapo noong mas naging hunk ka. Parang ang sarap mong kumantot! At yang chest mo, yang braso mo it was all perfect!” ang wika nito habang naglalaway na nakatingin kay Rael. “Iyon nga lang ay hindi ako makapaniwala na ang asawa mo ay ang isang ito!” sabay turo sa akin.
“Ang isang ito na lalakihan, walang bahid ng pagiging malambot at walang kaganda ganda sa katawan? Hindi ko pa rin matanggap na siya ang asawa mo! Bakit siya e hindi naman siya maganda, hindi rin siya babaihan, lalaking lalaki siya at walang kalambot lambot sa katawan!” ang naasar na singhal nito.
“Eh hindi ka rin naman malambot no, ang laki laki ng body mo!” ang sigaw ni Oven.
“Shut up undin!! At ngayon ang kukunin ko ay si…” ang wika ni Ursuha.
Lumakad si Rael sa aming harapan, “kayo na ang bahala sa palasyo habang wala ako. Siguradong ako ang kukunin niya dahil ako ang pinakagwapo, pinakamasarap at pinaka hot sa ating lahat,” ang wika nito na siguradong sigurado.
“At ang kukunin ko ay si!” ang muli bigkas ni Ursuha.
Lalong naging matikas ang tayo ni Rael, nakapamewang pa ito at hinihintay na lang na kunin siya.
Nagliwanag ang kamay ni Ursuha. “IKAW ANG PINAKAGWAPO! IKAW ANG KUKUNIN KO!!” ang sigaw niya at dito ay biglang umangat sa ere si ROUEN!
Nilipad ito sa portal!
“Papa!!” ang sigaw nito sabay kapit sa akin.
“Tangina bakit siya? Anak ko lang iyan! Mas gwapo ako dyan!!” ang protesta ni Rael.
“No doubt naman na gwapo ka papa Rael kaso may asawa ka na! Kaya etong isa na lang, napakagwapo, fresh na fresh parang hindi na tsutsupa ng matindi!” ang sigaw ni Ursuha sabay tawa ng malakas.
“Salahula ka talaga Ursuha!” ang sigaw ni Oven.
“Hindi ako papayag na siya ang makuha! Mas gwapo ako diyan!” ang sigaw ni Rael at siya mismo ang humila sa anak pero umangat rin ang kanya paa at hinigop silang dalawa kaya naman hinila ko sa paa si Rael at pati ako ay nasama. Kaya ang ending ay tatlo kaming nahulog sa portal na patungo kung saan!
Nahulog kami sa portal at noong ibuga kami nito ay natagpuan namin ang aming sarili sa isang malawak na demensiyon kung saan mayroong mga kulungan. Parang ganoon sa nauna niyang strategy iyon nga lang ay may sarili na siyang portal at malawak na lupain ngayon. Sa aming paligid ay mayroong mga kulungan kung saan naroroon ang mga gwapong lalaki na binibihag ni Ursuha. Nakita ko na rin ang mga kawal na blood sucker sa gawing itaas.
“Papa, bakit nandito ka? Ikaw rin papa Enchong? Bakit nandito kayo?” tanong ni Rouen.
“Shhhhh! Huwag kang maingay! Wala dapat makaalam na sumabit lang ako okay? Kaya kayong dalawa tahimik lang! Ang ipagkakalat niyo sa buong Kailun ay sapilitan ako ang kinuha at kayo itong sumabit sabit lang dahil mga feeling gwapo kayo! Maliwanag ba? Ayusin niyo ha ,kundi ay malilintikan kayo sa akin!” tanong ni Rael na may halong pananakot.
Natawa ako dahil naalala ko na naman yung unang beses na kinuha ako ni Ursuha, halos ganito rin ang sinabi niya sa akin noon.
“Hindi ba’t Haring Rael at Prinsipe Rouen iyon? Ayun rin si Master Enchong. Silang tatlo ay kinuha dahil mga gwapo talaga sila,” ang wika ng mga kawal na blood sucker.
“Ako lang ang kinuha, kung bakit kasi sumama sama pa itong dalawa na to!” hirit ni Rael.
“Tahimik!!” ang singhal ni Ursuha at agad niya kaming ikunulong! Gusto kong kayo ang maging audience kung paano ko ilampaso ang mga panget na humahamon sa akin!“ ang hirit ni Ursuha.
“Eh diba ikaw yung nanghamon? Ikaw nga rin nagsend ng invitation sa lahat tapos ikaw rin ang organizer!” ang hirit ni Rouen.
Napatingin sa kanya si Ursuha. “Alam mo ikaw, ang gwapo gwapo pero basag trip ka rin eh!” ang galit na pagsuway nito.
“Rael, gumawa ka ng paraan para makalabas tayo dito,” ang bulong ko.
“Hmmp, ayoko nga! Nawalan na ako ng gana!” ang sagot niya.
“Hala, para yun lang?” ang tanong ko naman, ang tinutukoy ko ay yung hindi niya pagkakapili kanina.
“Hoy ikaw!” ang wika ni Ursuha sabay turo sa akin.
“Ako?” tanong ko naman.
“Oo ikaw. Ikaw na asawa ni Haring Rael na hindi naman babaihan, hindi lalambutin. Lumabas ka diyan ngayon din at imasahe mo ang paa ko katulad ng ginawa mo sa akin last time!” ang hirit nito.
“Eh bakit ako ulit? Pwede sila naman?” tanong ko.
“Dahil ikaw ang gusto ko! Lumabas ka na dito at pagsilbihan ako! Bilis! Imbyernadette Sembrano ako sa iyo alam mo ba iyon? Labas na diyan! Ang tigas tigas mooo!” ang hirit niya kaya naman wala akong nagawa kundi ang lumabas at sundin ang kanyang nais.
Umupo siya sa kanyang magarbong trono na parang si Cleopatra at saka inutusan ako muling imasahe ang kanyang paa katulad ng ginawa ko noon. Sinimulan kong imasahe ang kanyang paa. “Alam mo dumarami ang ugat mo sa paa at sa binti. Kapag hindi mo itinigil ang labis na pagsusuot ng matataas na sapatos ay tiyak na puputok ang mga ugat mo sa paa at maaaring hindi ka na makalakad ng maayos,” ang wika ko sa kanya.
“Well, alam mo naman always akong naka high heels upang mas maging maganda, matangkad at stand out sa lahat. Saka kailangan mag tiis ganda upang maging maachieve ang maximum level of beautiness!” ang hirit niya.
“Ma-aachieve mo nga kaso baka hindi ka naman makalakad kapag sumabog at namaga ang mga ugat mo sa iyong paa. Saka bakit ba nakamask ka pa?” tanong ko naman na may halong pang uusisa.
“Dalawang reason, una ay dahil surprise ang beauty ko at ikalawa ay dahil nagtatago nga ako diba? Dahil tumakas lang ako sa kulungan. Saka hindi pa rin ako makapaniwala na anak mo yung isang gwapo na iyon. Anong mayroon sa iyo? Bakit ikaw na lang lagi ang star ng pasko? Hindi ka naman babaihan at hindi ka man lalambutin!”
“Aba e ewan ko, mahalin mo kasi kung ano at kung sino ka. Huwag kang mainggit sa iba dahil mayroong nakalaan para sa iyo. Saka magbagong buhay ka na kasi, kung ano anong ginagawa mo e!” ang sagot ko naman.
“Tse! Wag ka ngang makialam, bukas ay magsisimula ang contest ng Gay of Thrones All Star! Manalangin ka na lang na manalo ang kaibigan mong mukhang daga,” ang hirit nito.
“Manalo o matalo ay proud ako sa kanya. Ikaw may mapproud ba sayo?” tanong ko habang nakangiti.
“Hmmm, I’m proud of myself and I thank you!” ang sagot niya dahilan para mapangiwi ako, nadiinan ko tuloy ang kanyang paa kaya napasigaw ito sa sakit.
“Becareful naman! Rarampa pa ako bukas!”
“Sorry, ang lalaki na kasi ugat mo sa paa at pasma pa ito, malamang ay darating ang araw at magiging parang luya na ito,” ang hirit ko naman.
“Excuse me! Hindi mangyayari iyon! Pagkatapos mo ay ito namang kamay ko ang imasahe mo,” ang utos niya habang nakahiga sa kanyang magarbong bangko.
Itutuloy.
Part 12: Gay of Thrones 1
MGXMBS Book 3
The Last War
AiTenshi
Nov 1, 2021
Part 12: Gay of Thrones 1
ENCHONG POV
“Papa galit ka ba sa amin ni Papa Enchong?” tanong ni Rouen sa tatay niya.
“Bumalik ka na nga sa future!” ang naiinis na wika ni Rael.
“Pa, syempre ako ang magiging pinakagwapo kasi kombinasyon ako ng looks niyong dalawa ni papa Enchong, hindi na nakakapagtaka iyon,” ang katwiran ni Rouen.
Kinatukan ko naman si Rael, “huwag mo nga talunin yung sarili mong anak. Kung sa bagay ako nga dati kinatalo mo pa! Nakakainis ka talaga! Abnormal!” ang sermon ko sa kanya.
“Shhh, wag mo nga akong kausapin ng ganyan, isa akong HARI! baka marinig nila na ganyan mo ako tratuhin,” ang pagpigil nito sa akin.
Sa pagsiklab ng bagong araw sa demensiyon ni Urusuha ay binuksan ang malaking field upang ganapin ang opening ceremony ng mga candidate. Ang lahat ay nakasuot ng arrival dress! Kami naman ay nanonood lang sa isang sulok at hindi kami maaaring makialam dahil may barrier ang buong paligid.
Nagsimulang magdatingan ang mga candidate mula sa iba’t ibang lugar at lupain. Parang mga Miss Universe, ang iba ay magaganda, mayroon rin native ang itsura at mayroon ring pang international ang datingan. “Hala, 480 candidate ang maglalaban laban? Paano mananalo si Ninong Oven niyan? Saka sa dami nila ay hindi ko na makita si Ninong!” ang wika ni Rouen habang nakatingin kami sa lupon ng mga nagdadatingang candidate.
Nag gagandahan ang kanilang mga arrival dress, mayroong mga naka filipiniana, mayroong mga nakagown, bestida, corporate attire na kanya kanyang desenyo. Sa dami ng candidate ay hindi na namin makita sa crowd si Oven at kung anong itsura nito.
“Ang dami nila, teka hindi ba’t si Santi iyon?” tanong ni Rouen at dito nga ay nakita namin si Santi na nakasuot ng costume ni Lunox sa Mobile Legends yung ordinary skin na Bloody Mary dahil nakapula ito at talagang pansinin.
“Yan ng arrival dress niya?” tanong ko naman.
“Malamang, baliw yan e!” ang sagot ni Rael.
“Papa hayun si Ninong Oven!” ang wika ni Rouen sabay turo sa gitnang direksyon. At dito nga ay nakita namin si Oven na nakasuot ng Sailormoon Eternal Form, yung may pakpak din. So bale dalawa sila ni Santi na may pakpak kaya’t angat na angat sila sa crowd ng mga candidate. Marahil ay hindi pa nila nakikita ang isa’t isa kaya hindi pa sila nagkakagulatan.
Kaya pala tinawag na ALL STAR ang labanan ngayon dahil halos lahat ay kasali. Parang nagkaroon ng international at local pride march at ang lahat ay handang handa para makuha lamang ang korona. Boxing kung boxing, laban kung laban.
Habang nasa ganoong posisyon ang lahat ay lumabas si Ursuha sa kanilang harapan, nakasuot ito ng beaded na dress na parang mag oopening number sa Miss Universe. Sa pagkakataong ito wala na siyang maskara, ang lahat ay napatingin sa kanyang magandang anyo na parang isang babaeng inosente at walang kamuwang muwang sa mundo. Lalong tumaas ang babaihan powers ni Ursuha, kaibahan dati na parang nagpaturok ito ng petroluem jelly. Inshort ay may budget siya ngayon.
Hinawakan ni Ursuha ang mikropono at nagsalita ito, “Namesmerized kayo! Animin niyo yan! 480 candidates in front of me, but there can only be one crown. At dahil nandito na tayong lahat ay simulan na natin ang labanan. Anyway, nice arrival dress! Kitang kita naman ang effort nating lahat diba? Lavarn kung lavarn!” ang wika ni Ursuha.
“Nakakapagtaka, kung gusto ni Ursuha na manalo ay bakit mag iinvite siya ng ganyang karaming mga kalaban? Eh baliw pala iyan e,” ang wika ni Rouen.
“Hindi, sa tingin ko ay may balak si Ursuha, balak niyang ubusin lahat ng candidate na maaaring tumalo sa kanyang sa hinaharap. Adik sa pageant si Ursuha at ito na ang kanyang buhay. Gagawin niya ang lahat para manalo,” ang bulong ko naman
Nagpatuloy sa pagsasalita si Ursuha. “Alam ko ang iba sa inyo ay galing pa mismo sa malalayo lugar upang makipagtagisan ng kagandahan, katalinuhan at husay sa pagrampa. Kaya naman nais kong ibigay sa iyo ang mechanics ng ating contest ngayong araw na ito.
-
Ang mga candidate ay darating suot ang kanilang mga arrival dress na sumasalamin sa kanilang mga kagandahan.
-
Mula sa 480 candidate, magkakaroon ng elimination at tanging 200 lamang ang papalaring makapasok sa second stage ng labanan.
-
Ang TOP 200 candidate ay muling maglalabanan at sa huli ay mahahati kayo sa TOP 100.
-
Ang TOP 100 ay sasabak sa panibagong challenges hanggang ang matira na lamang ay ang TOP 22. Ang dalawa ay WILD CARD.
-
Ang TOP 22 ay makipaglabanan sa National Costume at Introduction speech!
-
Mahahati ang Top 20 at mula dito ay pipiliin ang TOP 10 na sasabak sa talent, swimswear at long gown competetion.
-
Mula sa Top 10 ay pipiliin naman ang 5 SEMI FINALIST at sila ang maglalaban laban sa Trono!
-
Mula sa SEMI FINALIST na 5 ay pipiliin ang FINALIST 3 at sila ang pamimilian para sa TITULO! HANDA NA BA KAYO! Ngayon ay pormal ko nang binubuksan ang GAY OF THRONES ALL STAR! MALIGAYANG PAGDATING SA INYONG LAHAT!!
Ito ang malakas na sigaw ni Ursuha sabay kuha sa torch at sinindihan niya ang isang dambuhalang goblet of fire!
Palakpakan ang lahat!
OVEN POV
“Goblet of Fire talaga? Ano to Harry Potter? Pero anyway ang hirap ng life no? 480 candidates, mapansin pa kaya ako neto?” ang pag aalingan ko sa aking sarili. Sa sobrang dami ng mga etchoserang candidate sa paligid ay hindi ko na makita si papa Rael kung saan nakakulong dahil nasa gitna kami ng isang malaking field at ang mga bihag ay nasa gilid lamang at nanonood.
Pero infairness may budget ang gagang Ursuha ngayon! Ang hindi ko lang alam ay kung bakit ganitong karami ang candidate kung gusto niyang manalo. Ang gaganda ng iba, mga babaeng babae na. Mga may pabakat ng kepyas sa short, yung iba walang mga bra at pinaglalantaran ang mga boobs nilang mala papaya. Wala man lang akong makita pang wrestling o pang sabong!
“Hoy mama, bakit ganyan ang arrival dress mo? Sailormoon talaga? Nasaan ang glam team mo?” tanong sa akin ng isang beki na nakasuot ng mahabang bestida.
“Wala akong glam team, ako lang talaga to. Saka bakit suot mo na yung gown mo?” tanong ko naman.
“Ano ka ba hindi ito gown, arrival dress ko lang ito gawa ni Catriona Gray, siya mismo ang tumahi gamit ang kamay niya, mano mano,” ang hirit nito.
“Weh, ginawa mong mananahi si Cat?” tanong ko.
“Ano ka ba, Charing lang. Oh paano good luck sa iyo. Sana nag Miss Barangay ka muna bago ka sumabak dito sa All Star, medyo late ang beauty mo,” ang pagyayabang nito.
“Ikaw naman sobrang advance ng beauty mo, mukha ka ng alien!” ang hirit ko sabay tawa ng malakas.
VOICE OVER: Magsisimula na ang elimination round sa loob ng isang minuto.
“Wow, agad agad?!” ang tanong nila kaya naman agad silang kumuha ng mga make up para mag retouch.
“Ano naman kayang klaseng elimination ang magaganap? Hindi man lang ba tayo pararampahin sa gitna para sa exposure?” tanong nila na may halong pagtataka.
Maya maya ay bumalik si Ursuha sa harap ng mikropono at nagwika. “Ang elimination round ay tinatawag na “HUWAG KANG KIKILOS CHALLENGE! Tatalikod ako at pagharap ko ang makita kong gumalaw ay eliminated na! Kayo ay lalakad hanggang sa makatawid sa guhit na iyon! Ngunit magpapahuli sa akin! Bawal gumalaw remember! Ready na ba kayo? Game na!!” ang wika ni Ursuha.
Tumalikod siya at dito ay kumanta. “Mugunghwa Kkoci Pieot Seumnida,” ang kanta niya ay yung awit ng manika sa squid game.
Humakbang kami ang iba naman ay rumampa ng bongga at noong humarap siya ay huminto ako sa paggalaw. May ibang nakauna, may ibang nagmaganda at kanya kanyang rampa sa gitna!
Ang mga sumunod na kaganapan ay hindi inaasahan. Umangat ang maraming baril sa ere at “BRATATATAATATATT!!!”
PINAGBABARIL ang mga baklang kumikilos dahilan para matakot at magtakbuhan ang lahat! Nagtilian sila kaya naman ang lahat ng tumakbo ay pinagbabaril rin! Dumalak ang dugo at bangkay sa buong field! Hindi ako gumagalaw, marahil ito na ang POP COLA SEVEN UP CHALLENGE!
Muling tumalikod si Ursuha at kumanta “Mugunghwa Kkoci Pieot Seumnida,” kung ano anong kinatanta ni Ursuhang baliw!
At noong humarap ito ay hindi kami gumalaw. Ang mga gumalaw ay muling binaril. Ngunit sa pagkakataong ito ay paunti unti na lamang dahil alam na nila ang game.
Muling tumalikod si Ursuha at sa kanyang pagharap ay nakapost ako na parang Miss Universe! Nariyan yung nakahiga ako sa lupa, nakatagilid, naka flanking, naka split at kung ano ano pa!
Tuloy pa rin ang pagbaril gayon rin ang aming paghakbang.
Muling tumalikod si Ursuha kaya naman naghanap ako ng magandang pose na aagaw ng eksena noong may makatabi akong hindi inaasahang kalaban. Nakasuot ito ng cosplay ni Lunox sa Mobile Legends. “Santi? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sabay pose kasi humarap si Ursuha.
“Walanghiya ka Oven, hanggang dito ba naman?! Let me win okay?!” ang sagot niya sabay pose ng malaswa.
“Ano ba iyan! Nakakadiri naman ang pose mo! Hindi ka ba nagtraining man lang?” tanong ko sabay taas ng aking paa na parang naka ballet.
Tumalikod ulit si Ursuha.
“Excuse me! Wala kang alam sa training na pinagdaan ko kay coach Freddy Roach! Saka bakit nandito ka e hindi ka naman kagandahan hano!” ang sagot ni Santi at noong muling humarap si Ursuha ay nagbending body pa ito kaya naman nag YOGA style ako! Nakadikit ang paa sa aking ulo!
Patuloy ang pagbaril!
At makalipas ang ilang minuto ay nakatawid na pala kami ni Santi sa line ng hindi namin ito namamalayan. Masyadong naging malala ang kompetisyon sa aming dalawa kaya di namin nakita ang finish line!
At katulad ng inaasahan ay TOP 200 lamang ang natira at ang 280 ay pinatay, naka kalat ang bangkay nila sa field.
“Eh bakit nandito ka e hindi ka naman maganda?” tanong ko kay Santi.
“Well, that’s make the two of us! Hindi ka rin naman maganda at mukha kang tanga sa arrival dress mo!” sagot niya sa akin.
“Mukha kang manananggal sa itsura mo, Lunox talaga? Ewwww!” ang sagot ko naman. “Walanghiyang Ursuha na iyan! Gusto niya talaga tayong patayin!”
“Sinabi mo pa! Kailangan nating makasurvive ses!” ang bulong ni Santi. At dito ay sabay kami napatingin sa mga tambak ng bangkay sa paligid. Halos kahit saan ka tumingin ay may dugong nakasambulat sa sahig.
Ipinikita sa senaryo na habang nasa ganoong posisyon sina Oven at Santi ay nakatingin sa kanila si Ursuha. Nanliliksik ang mata nito habang pinagmamasdan ang dalawang kakompetensiya. Nag iisip siya ng paraan kung paano ma-eeliminate sina Santi at Oven sa contest ng mas mabilis! “Ano ba ito, nadagdagan pa ng isang baliw ang kalaban ko! Bakit ba kasi inivite ko pa itong chakang ito (itunutukoy si Santi) pandagdag papatayin lang naman talaga siya! Anyway I’ll make sure na sa next stage ay ligwak na siya!” ang bulong ni Ursuha sa sarili habang nakatitig ng masama kina Oven.
“Bakit ganon ang itsura ni Ursuha habang nakatingin sa atin?” tanong ni Santi.
Nakita nga namin si Ursuha na nakatingin ng masama sa aming dalawa. “baliw yan eh! Siguro nag iisip siya ng paraan para maaga tayong ma-eliminate s pa-contest niya! Iyon ang hindi mangyayari. At I’m sure nabigla siya dahil hindi niya ineexpect na magilas ang isang chakang katulad mo!” ang bulong ko naman.
“Hoy mga ses, anong klaseng contest ba itong napasukan natin? Ayaw na namin! Wala pa akong ekups, kailangan ko pang maging ganap na babae!” ang wika ng isang candidate na nakaligtas.
“Ses, wala tayong matatakbuhan, hindi tayo makakatakas, pagbutihan na lang natin para hindi tayo ma..
BANG!
Tigok!“ ang sagot ko naman.
200 na candidate na lamang ang natitira, tiyak na marami pang pasabog at kabaliwan na gagawin itong si Ursuha.
Itutuloy.
Part 13: Gay of Thrones 2
Part 13: Gay of Thrones 2
ENCHONG POV
Opisyal na binuksan ni Ursuha ang Gay of Thrones All Star sa pamamagitan ng pagsindi ng Goblet of Fire. Nabigla lamang kami sa unang challenge o ang elimination round kung tawagin dahil naging madugo ito. Ang bawat gumalaw ay binabaril ala Squid Game.
Ang iba ay takot na takot samantalang sina Oven at Santi ay cool na cool lang. Sa unang pagharap ni Ursuha ay nakapose si Oven na parang beauty queen, sa ikalawang pagharap nito ay naka split na ito samantalang si Santi ay nakataas ang isang paa sa ere.
Nagpatuloy ang labanan, halos nasa 100 na ang napapatay, nagkalat na rin ang bangkay sa buong field. “Papa, okay lang ba sila Ninong Oven?” nag aalalang tanong ni Rouen.
“Oo naman, tingnan mo nga kung gaano kabaliw yang ninong Oven mo,” ang sagot at tinuro ko itong nakabitin sa bakod ng patiwarik at naka freeze. Samantalang si Santi naman ay split gamit ang dalawang bangkay.
“Kung sabagay parang bale wala naman kila Ninong ang challenge,“ang wika ni Oven.
“Paano yang dalawang iyan ay parehong baliw! Sina Patrick at Spongebob yan kaya nagkamali talaga si Ursuha na kalabanin yung dalawang hill billies na iyan!” ang hirit ni Rael, umupo na lang ito, naghikab at saka pumikit habang nakasandal sa bakod.
BRATATATATATATATT! ngayon ay nasa mahigit 180 na ang napapatay!
Patuloy ang contest, dito ay nagtagpo na ang landas nina Oven at Santi, hindi ko alam kung anong nangyayari pero mukhang nagkaroon ng pasiklaban sa pagitan nilang dalawa pagdating sa pag pose. Parang sila lang yata ang walang pakialam sa mundo basta maka project lang ng maganda ay ayos na! Kapag komplikado ang ginawa ni Santi ay tatapatan naman ito ni Oven ng mas mahirap pang posing.
Muling tumalikod si Ursuha at noong humarap ito magkasama nila Oven at Santi na nakapose na parang model ng magasin, parehong nakaupo sa field ng sexy habang magkadikit ang katawan. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o matatakot sa mga pinagagagawa nilang dalawa.
Tuloy tuloy ang elimination, halos nasa 200 plus na ang namamatay, medyo malapit na sila sa finish line!
Ang pinakahuling pose nila bago tumawid sa finish line ay split ng todo ni Santi at si Oven naman ay naka flanking pero ang paa ay nakadikit sa ulo na parang gymnast.
Nakatawid sila ng ligtas.
“Oh ano mag aalala ka pa sa ninong mong baliw?” tanong ko kay Rouen bagamat alam ko naman talaga na makakalusot sina Oven at Santi.
“Hmmm, hindi na po papa, kaya kaya naman pala nila Ninong iyan,” ang wika nito.
Pagkatapos ng elimination round ay nagkalat ang mga bangkay sa buong paligid, kalat rin dugo at sa lupa. Mula sa 480 candidate ay bumaba na lang sila sa 200 at ngayon ay patuloy pa rin sila sa eliminate ng mga kalahok.
Binigyan ng kaunting pahinga ang 200 candidate na natira bago sila sumabak sa ikalawang elimination. Ang lahat ay takot na takot na, may umiiyak, mayroong nag mamake up at mayroon ring nag aaral pa rin ng pasarela nila. Samantalang sina Oven at Santi ay nag uusap at lamang sa isang sulok.
Makalipas ang ilang minuto ay muling nagtungo sa Ursuha sa mikropono at dito inanunsyo niya ang susunod na challenge. “At para makapasok kayo sa top 100 kailangan ninyong dumaan sa isang pang challenge na ang pamagat kay Choopa Choops!” ang wika nito at dito ay dumating ang mga kalalakihan na may dalang mga lamesa at sa ibabaw nito ay nakalagay ang mga kahon ng kakaibang bagay.
Mechanics:
-
Bawat isa sa iyo ay bibigyan ng ice cream na hugis dildo o etits! Kailangan maubos niyo iyan sa mapapagitan ng pag tsupa at bawal gamitin ang kamay!
-
Bibigyan kayo ng 59 segundo upang ubusin ito! Ang unang isang daan na magtatagumpay ang makakapasok sa next round ng challenges! Kaya’t gawin niyo ang inyong makakaya upang manalo sa segment na ito!
Ang lahat ng 200 remaining candidate ay humilera sa harapan ng kanilang mga table. At dito ay lumabas ang isang malaking orasan na nasa 60 seconds.
Noong alisin ng mga assistant ang takip sa naturang ice cream ay nagulat ang lahat dahil hugis dildo nga ito, ga lata ng sardinas ang taba at nasa 9 inches ang haba. Ang iba ay namangha, ang ibang mga pabebeng beki ay kinabahan lalo na yung mga matataas na babaihan powers na mahinhin at babaeng na kumilos at magsalita.
ROUND 2! CHOOPA CHOOOPS! TIMER STARTS NOW!!
59
58
Ang lahat ay mabilis gumalaw, kanya kanya silang subo sa ice cream, ang iba ay talagang isinubo lahat, ang iba naman ay masyadong mahinhin at hindi maibuka ng todo ang kanilang mga bibig, masyadong virgin. Ang iba naman ay nangamba dahil baka masira ng lipstick nila.
40
39
Dito ko nakita si Oven, na kinain ng buong ice cream, dumighay pa ito at nag tinga pa na parang bale wala lang sa kanya. Si Santi naman ay inihagis sa ere ang ice cream at nashoot ito sa kanyang bibig at diretso niya itong kinain.
Na markahang safe sina number 234 Santi at 166 Oven sa second round ng contest! Sure na pasok na sila sa top 100!
Patuloy ang pagkain at pagsubo ng iba sa naturang ice cream, yung iba lumaban at nakatapos ang iba ay talagang sobrang bagal at pisikal na ganda ng iniisip. Ilang minuto na lamang ang nalalabi!
4
3..
2…
1…
Umilaw ang signal na tapos na ang 59 seconds at lahat ng hindi nakatapos ay pinagbabaril! Kaya sa huli sa halip na TOP 100 ay TOP 89 lamang nakatapos. Isa itong mabilis na tagumpay para kina Santi at Oven. Nakita ko sa mukha ni Ursula ang pagkapikon dahil nakapasok pa sina Oven sa 3rd round. Tiyak na mag iisip siya ngayon ng bagong paraan para mailalag ang dalawa. Ngunit sa tingin ko ay mahihirapan siya dahil hindi naman ordinaryong tao sina Santi at Oven sa mga sandaling ito.
Katulad ng dati ay binigyan ulit ng pagkakataong makapag rest mga candidate, ang iba ay nagreretouch ang iba naman ay naghahanda para sa susunod na challenge.
“Mabuti na lang nakaligtas sina Tito Santi at Ninong Oven,” ang wika ni Rouen.
“Natural, kahit pakainin mo ng buhay ng manok iyang dalawa na iyan ay gagawin pa rin nila dahil pareho silang baliw,” ang sagot ni Rael.
“Huwag ka ngang makinig diyan sa tatay mo, bored lang iyan kaya kung ano anong pinagsasasabi,” ang bulong ko naman.
Makalipas ang ilang minuto ay muling lumakad si Ursuha sa kanilang harapan para ibigay ang next challenge. “89 beautiful ladies standing in front of me. Pero Top 20 lamang at 3 wild card ang maaaring makapasok at magpatuloy sa Game of Thrones All Stars kung saan magaganap ang tunay na labanan ng kagandahan at katalinuhan. PERO bago iyon ay daraan muli kayo sa panibagong pagsubok at ito ay ang tinagurian
“KATAS MO, KAKAININ KO!”
“Simple lamang ang mechanics ng game na ito. Lalakad kayo sa gitna ng entablado at kukuha ng isang lemon. Ang katas nito ay pipigain niyo sa inyong bibig.
-
Kailangan ay maganda pa rin ang inyong projection at poise pa rin.
-
Bawal lumukot ang mukha, dahil ang ngingiwi ay BANG! Tigok!!
-
Sa pagkakataong ito ay mamarkhan na ng mga piling hurado ang inyong beauty at poise habang may maasim na katas ng lemon sa inyong bibig. Ang mga judges ay ang mag dedesisyon kung sino ang karapat dapat makapasok sa TOP 23!
Kaya kapag pinatak ang katas ng lemon sa inyong bibig ay itodo ang projection upang mabighani ang ating mga judges na sina..
“Miss World 2013 Miss Megan Young!”
“Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman!”
“Miss International 2016 Kylie Versoza”
“At Miss Supranational 2013 Mutya Datul”
“Sila ang ating mga board of judges kaya mga bakla ayusin ninyo ang inyong mga mukha! Intiendez! Lalo ka na naka costume ng Sailormoon at Lunox! Itsura niyo! Grrrr!” ang galit na wika ni Ursuha.
Emcee: At simulan na natin ang next round! Ang bawat tatawagin kalahok ay rarampa sa apat na sulok ng entablado ng ito at saka iinom ng katas ng Lemon sa gitna! Kapang lumukot ang mukha ay TIGOK! Pero kapag nakayang ngumiti ay makarhan kayo ng ating mga special judges at kayo ay may chance makapasok sa Semi! Tawagin natin si Candidate number 27!
Rumampa si number 27 sa entablado, maganda ang suot nito at sobrang poise, hatalang berterana sa pageants. Noong nasa gitna na siya ay buong tapang niyang ipinatak ang katas lemon sa kanyang bibig. Pinilit niyang huwag ngumiwi! Bagkus idinaan niya ito sa magandang pag ngiti!
Palakpakan ang mga judges, nakaligtas si Number 27 sa tiyak na kapahamakan.
Emcee: ikaw naman ang rumampa at magpakitang gilas number 29!
Rumampa si number 29 sa apat na sulok ng entablado, umikot ikot pa ito at pabalik balik sa bawat sulok, matagal siyang rumampa at sinulit ang kanyang exposure. Noong ipatak niya ang katas ng Lemon sa kanyang bibig ay naasiman ito napangiwi!
Umilaw ang detector at BANG! Binaril si number 29, bumulagta ang katawan niya sa sahig at agad ito inalis ng mga assistant.
Nagsimula ang madugong labanan sa paglunok ng katas ng lemon, halos sunod sunod ang binabaril at may pagkakataon na sunod sunod rin naman ang nakakapasa. Naging intense ang bawat eksena at halos mapapa pikit ka na lang sa tuwing rarampa ang mga candidate dahil alam mong kamatayan ang susunod na magaganap.
Emcee: Number 166!
Noong tawagin si Oven ay excited itong rumampa sa bawat sulok ng stage. Medyo naging OA lang ang paghampas ng kanyang bewang pero okay na rin, mas maayos ito sa aking inaasahan. At noong pumuwesto siya sa gitna ng stage at piniga ang lemon ay nakangiti ito at may kasamang nga nga na may matinding galak ang kanyang expresyon na para bang nanalo na siya sa contest na kanyang nilalahukan, in short ay nakalusot si Oven, kumuha pa nga ito isa pa at muling pinaga sa bibig niya with poise!
Palakpakan ang lahat.
Maya maya ay tinawag naman si Santi na candidate number 234, hindi ito nagpatalo kay Oven sa pagrampa, umikot ikot pa ito ng limang beses na sunod sunod bago magtungo sa gitna ng entablado. Piniga niya ang lemon sa kanyang bibig at saka ngumiti ng ubod ng tamis with matching pabebe na kaway. Hindi pa ito nakontento, kinain pa niya ang buong lemon saka muling rumampa palayo.
Palakpakan ulit..
“Wow, ang husay nina tito Santi at Ninong Oven, malakas talaga ang chance nila manalo,” ang wika ni Rouen.
“Sa tingin ko naman ay patas rin ang mga judges, sana ay manalo sila interms of beauty,” ang sagot ko naman.
Sa huli ng challenge ay 48 lamang ang nakapasa ng buhay at ang iba ay namatay. Gayon pa man ay ang hindi papalaring makapasok sa top 23 ay hahayaan na lamang mabuhay bilang consolation prize. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang simple beauty contest ay maaaring mauwi sa isang malalang mascre!
At dumating na nga ang oras ng announcement ng top 20 at tatlong wild card. Ang pagpili ay depende sa ganda at poise habang may lamang maasim na katas ng Lemon ang kanilang bibig.
Noong naglakad ang emcee sa gitna ng stage ay binalot ng kaba ang lahat. Ito na ang moment of truth, ang announcement ng top 20 semi finalist at agad itong sinumulan sa pagtawag ng magaganda at babaeng babaeng kandidata. Unang tinawag sina number 8, 12, 16, 18, 21 at 36.
Balot ng tensyon ang buong paligid, hindi ko rin maiwasang kabahan lalo na noong tawagin ang pang labing siyam at dalawampung pwesto, sina number 102 at 356!
Wala si Oven at Santi sa orihinal na Top 20, hindi natawag ang kanilang mga pangalan.
Emcee: at ngayon para sa ating wild cards! Ang unang baraha ay mapupunta kay.. Ursuha Jane Chuvanezka!“ ang masiglang wika ng emcee. Si Ursuha ang organizer ng pageant kaya’t automatic ay sa kanya ang isang slot!
“Ano ba yan, ang daya naman ni mamush!” ang bulong ng dalawang beki sa likod at bigla na lang silang binaril kaya naman natakot ang lahat at tumahimik na lamang.
Tuloy pa rin ang pagtawag sa dalawang wild card.
Emcee: At ang dalawang huling baraha ay nakuha nina..
Drum rolling!!
NUMBER 166 AT 234! OVEN AND SANTI!
Palakpakan ang lahat, pati mga judges. Ganadong lumakad sina Oven at Santi sa entabaldo, mayroon pa silang pagkakataon para ituloy ang kanilang laban!
Ako naman ay nakahinga ng maluwag, ngayon papasok na sila sa totoong beauty contest. Hindi ko alam kung anong magiging pakulo nina Oven at Santi pero malaki naman ang paniniwala ko sa kabaliwan nilang dalawa.
Itutuloy.
Part 14: Reyna 1
WATER SNAKE: THE LEGEND OF THE DEEP available via PDF File! Grab your copy now for only 350 pesos! LIMITED SLOTS ONLY! Please contact 0995-078-9932. Thank you
Part 14: Reyna 1
ENCHONG POV
Sa pagpapatuloy ng Gay Of Throne All Star! Ang ultimate baklaban ng taon!
Emcee: And there you have it ladies and gentlemen. Ngayon ay nakilala na natin ang ating ultimate top 23 semi finalist! At ngayon ay dadako na tayo sa isang segment ng pageant kung saan makikilala natin ng husto ang ating mga candidate. Bibigyan sila ng 40 seconds upang ilahad ang nais nila bilang opening speech. At ngayon ay para malaman natin kung sino ang mga karapatdapat na makapasok sa top 10 ay kumuha muli kami ng bagong set of judges na makakasama natin sa pagpili ng bagong GAY OF THRONE!
“Ang unang judge, Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.”
“Miss Universe 2018 Catriona Gray.”
“Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina”
“Miss Universe 2012 First Runner Up Janine Tugonon.”
“And lastly, Miss Universe 2010 4th runner up, Maria Venus Raj!”
Palakpakan!
“At sila ang ating mga iniidolo at tinitingalang board of judges! Kaya naman ang mananalo ay deserving, walang halong kiyeme at walang halong kemerut! Kaya sinumulan na ang baklaban! Labanan ng kagandahan at labanan ng talino! Ito ang GAY OF THRONES ALL STAR!” ang masiglang wika ng Emcee at dito ay isa isa niyang tinawag ang mga candidate para sa opening statement.
Nagsimula sa magaganda at mga babaihang candidate. Lahat ay english speaking pero halata namang mga kabisado at pinagtagpi tagping quotes lamang ang mga sinasabi. Mayroon ring mga candidate na sobrang introduction hanggang sa maubos na ang kanilang mga oras.
What do you wanna be?
Will you believe me if I tell you
You can be anything you want?
Where do you wanna go?
Will you believe me if I tell you
That you’ll see the silver lining with your dreams?
’Cause when they say we can’t, we have to be braver
Together we’ll reach for the impossible
Even when you think that it’s crazy
The longest journey begins with a single step from you and me
Emcee: Candidate number 0, miss Ursuha Chuvanezka para sa kanyang opening statement.
Lumapit si Ursuha mic at nagsalita “Education is the passport to the future, for tomorrow belongs to those who prepare for it today. An inverstment in knowledge pays the best interest. I am Ursuha Jane Chuvanezka, 19 years old stunner, yes! Stunner! At naniniwala po ako sa kabisabihang “kapag pangit ka, wag kang magtaka nasa lahi niyo yan! And I Thank You!” buong poise na pumose si Ursuha at saka rumampa pabalik sa kanyang pwesto.
Maya maya ay tinawagan naman ang number ni Oven. “Number 166!”
Lumapit si Oven sa mic at huminga, “Each and everyone of us can make changes in the way we live our lives and become a part of the solution. If we want children to flourish, to become truly empowered, let us allow them to love the Earth before we ask them to save it! Protect our planet! Protect our mother earth! Save it! At para naman po sa aking kasabihan, naniniwala po ako ladies and gentlemen na “Walang pinsan-pinsan, sa baklang tulisan! My name is Steffi Rose Obituary from the beautiful province of CEBBBYUUUU! And I Thank You!!!” ang sigaw ni Oven at rumampa ito ng mabilis na parang walang bukas.
At ang pinakahuli ay tinawag naman si Santi, dito ay hindi rin nagpakabog ang kanyang mga hirit sa opening statement. “Candidate number 234!”
Lumakad si Santi sa mic at nag wika, “Rest and self-care are so important, when you take time to replenish your spirit, it allows you to serve from the overflow. You cannot served from an empty vessel. I make it a point to practice self-care, I make an appointment with myself! At para naman po sa akin kasabihan, naniwala po ako na ang “Baklang mataba, kung tumuwad plakda! Ako si Rugbiya Beatrice Luigi Mateo from Ilo-ilo City! And I Thank You!” ang sigaw naman ni Santi saka ginawa ang kanyang twister walk.
Palakpakan ang lahat..
Raise your flag
For the ones who think they can’t get somewhere
Raise your flag
For the ones who think no one believes in them
Raise your flag
For the ones who already feel like giving up
I stand here, not as one
For we’re all in this together
Reach high and raise your flag
Raise your flag
Raise your flag, oh oh
Raise your flag
“Good job Ladies! At habang tinatabulate ang score ng atiing mga candidate ay magbibigay muna ng special number ang ating special guest MY PLUS SIZED LOVER star! The Pop Icon HANS singing ANIMAL SONG!
Lumabas sa stage ang bisita at dito ipinarinig niya ang kanyang magandang tinig, nakakaindak ito at napasayaw na lamang ang mga judges pati na rin ang manonood. Panandalian niyang inalis ang kaba at tensyon sa entablado sa pamamagitan ng ilang minutong number.
“Thank you so much Hans! Available pa rin po ang kanyang story na My Plus Sized Lover sa Dreame under pay to read program! Once again, Pop Icon! Hans!”
Palakpakan ang mga tao..
Emcee: Ngayon para sa ating moment of truth! Narito na ang aking kamay ang Top 10 Semi Finalist! Ang Top 10 ang dadaan sa Talent Portion, Swimsuit, Long gown at Question and Answer Portion! At ngayon narito ang inyong Top 10 at kasali ka dito Candidate number 234! Santi also known as Rugbiya Beatrice Luigi Mateo.
Ipinakita sa malaking screen ang video ni Santi kung saan nagsasalita siya, “Isang akong Guardian from Hell Society, mahilig akong magpunta sa magagandang places at mahilig mag soul searching!” ang bungad nito. Ipinikita sa senaryo na naglalakad siya sa beach, umiikot sa sunset, at nakatanaw sa magandang kapaligiran. “Kapag ako ang nanalo ay tiyak magkakaroon na akong matinong boyfriend, sana..” ang huling salita niya sa video.
“Number 234, Rugbiya!” ang muling pagpapakilala sa kanya. “At kasali pa rin sa top 10 si candidate number 14! Sandra Lemonon Tree!” ang wika ng emcee at dito ay nagsimula na ang pagtawag niya upang mabuo ang top 10.
Kumakabog ang dibdib ng lahat at halos hindi sila mapakali habang nasa stage lalo’t tatlong spot na lang ang natitira. Nakikita ko rin ang kaba sa mukha ni Oven ngunit hindi niya ito pinapahalata.
“Number 0! Ursuha Jane Chuvanezka!”
Ipinakita ang video ni Ursuha, nakaupo ito sa tabing dagat at pinagmamasdan ang ganda ng sunset. “Gustong gusto ko ang kulay ng sunset, nireremind ako nito na ang buhay ay may hangganan. Isa akong babaylan at expertise ko ang mag pataw ng spell sa aking mga kaaway, gustong gusto ko silang nakikitang nahihirapan bago mamatay. Hindi ako masyadong mahilig sa mga gwapong lalaki dahil mga manloloko lang sila at ang karamihan sa kanila ay mas bakla pa sa akin. Naalala ko noong nagkaroon ng gwapo BF, bigla niya ako chinupa at mas magaling pa siya sa akin. Kaya simula noon ay iwas na ako sa mga gwapo.
“Number 0, Ursuha. At ang huling spot para sa top 10 ay nakuha ni candidate number 166 Steffi Rose Obituary!”
Palakpakan ng mga tao!
Ipinikita sa bigscreen si Oven na tumatakbo sa tabi ng lawa at habang may hawak na saranggola. “Ang guryon ay simbolo ng aking mga pangarap. Simple lamang akong tao at simple bagay lang ay masaya na ako. Mahilig akong magpasaya ng kapwa pero ang pinaka ironic na parte ay hindi ko alam kung paano pasayahin ang sarili ko kapag ako naman ang nalulungkot,” ang bungad nito at maya maya ipinakita ang mga larawan naming dalawa at ang mga larawan namin nila Rael sa mundo ng mga mortal. “I love my friends, sila ang aking knight in shining armor, sila rin ang reason kaya’t nandito ako ngayon,” ang dagdag pa niya at dito ay pinakitang naglalakad siya sa palasyo ng magandang hardin ng Floral Palace, “At kapag ako ang nanalo sa title ng Gay Of Throne ay hindi ako gagamit ng dahas upang maging matagumpay dahil ang lahat ay maganda sa loob at maging sa labas.”
“Number 166, Steffi Rose. At iyan ang inyong Top 10! Ngayon ay pupunta na sila sa back stage upang maghanda sa kanilang mga talent portion! At habang tayo ay naghihintay ay tatawagin ko ang special Guest mula sa Compound ng Bagong Buhay Bagong Pag-Asa Street. Ang tinaguriang “THE LAST POGI! Ladies and Gentlemen Gomer singing Mmm Bop!
Nagsimulang mag perform ang bisita, mahusay itong sumayaw at saka kumanta, halos naka join ang mga audience dahil talagang nakakaindak ang kanyang performace!
Palakpakan..
“Ladies and Gentlemen, Gomer! At ang story ang mga Alyas ay available pa rin sa Dreame under Pay to Read Program! At ilang sandali lamang ay makikita na natin ang inihandang talent ng ating mga kandidata!” ang masiglang wika ng emcee.
At lumipas nga ang ilang minutong paghahanda ay nagsimula ang talent portion. Unang tinawag si Santi na noon ay nakasuot ng damit na pang Maria Clara, sumayaw ito ng folk dance. May hawak itong pamaypay habang mahinhing nagsasayaw sa malamyos sa musika. Indak indak, ngiti-ngiti na parang isang magandang dalagang filipina hanggang tumalikod ito at biglang nagbago ang beat ng musika, dito ay inalis niya ang kanyang damit at naging sexy itong pang jungle, naglabasan na rin ang mga back up dancers na hindi malaman kung saan nang galing!
Sa pagbilis ng musika ay naging mabilis rin ang kanilang pagsasayaw, napuno ng kahayupan sa stage. Si Santi ngayon naka costume ng bra at panty na panter ang print ng tela. Wild na wild ang kanyang dance moves kasabay ng mga sound effects ng tiger at leon sa musika!
Ang pinaka-highlight ng kanyang performance ay noong nahuli siya sa lambat at dito ay pinagbalibagan siya sa bawat sulok ng stage na nagbigay ng pagkamangha sa mga judges at mga manonood.
Matapos simulan ni Santi ang masiglang talent portion ay sinundan pa ito ng iba pang performance ng mga candidate, maraming kumanta, sumayaw, nag drama at mayroon ring nagpinta ng larawan.
Noong tawagin si Ursuha ay sumayaw ito ng makabagbag damdaming interpretative dance na ang title ay Natutulog ba ang Diyos. Pagulong gulong ito sa sahig habang punong puno ng emosyon ang mukha. Pumasok rin ang kanyang mga back up dancer na mga nakaputi at dito ay isinagawa nila ang mga lifting! Hinilahod, inangat at pinagulong si Ursuha sa entablado pero ang emosyon ng lungkot ay nananatili pa rin sa kanyang mukha.
At ang pinakahuli ay si Oven na sinurpresa ang lahat sa kanyang pole dancing sa saliw ng rolling in the deep habang naka constume ng under water Goddess, shell ang bra at ang kanyang pang iiba ay panty na may kaliskis. Hangang hanga ang lahat habang nag eexhibition ito sa ere at nakakapit ang mga paa sa pole. Ang akala namin ay dito nagtatapos ang kanyang performance pero sa kalagitnaan ng sayaw ay bumaba si Oven sa pole at pumasok ang mga back up dancers! Dito namin napag-alaman na intro lang pala ang kanina.
Ngayon ay pinagbalibagan siya sa ere na parang isang flying sexy girl! Halos umabot na si Oven sa mataas na kisame ng entablado, kung pinsan ay nag ssplit pa siya sa ere at tumatambling. Mahusay rin ang ginawa niyang floor dancing kung saan siya pinagulong gulong sa sahig at saka pinaikot na parang bote ng truth or dare. Natapos ang energetic na performance ni Oven sa isang mataas na layer ng Pyramid kung saan siya tumalon ng naka split mula sa itaas at naka split pa rin noong bumabagsak sa sahig.
Standing ovation ang mga tao!
Matinding palakpak ang ginawad sa kanya ng mga judges at manonood.
Matapos naman ang talent portion ay pansamantalang pinagpahinga ang mga candidate upang mag ayos sa kanilang mga sarili para sa gaganaping rampahan events ng costume, swimwear at gown! “Ito na ang tagilsan ng kagandahan dahil dito sa Gay of Thrones All Star ay matira ang matibay!” ang wika ng emcee.
“Ang husay ni ninong Oven, medyo mahigpit ang laban ngunit alam kong mananalo siya!” ang wika ni Rouen.
“Hindi naman talaga nagpapatalo si Oven kahit anong mangyari, pero tingnan si Santi, Laban na laban rin at talaga nakikita ko sa mukha ni Ursuha na malaking hadlang ang dalawa sa kanyang pagkapanalo,” ang tugon ko naman na hindi maitago ang pagkamangha.
Lalo pang nagimba ang mga kalaban noong tawagin si Oven bilang Miss Talent, ito ang patunay na napansin ng mga judges ang kanyang husay at batid kong aabangan na siya sa mga susunod na segment.
Emcee: habang abala ang ating sampung candidate sa pagpapalit ng kanilang mga national costume ay isang special number naman ang ihahandol sa atin ng star ng MY SUPER KUYA na si Jorel ang tinaguriang Pinoy Superman ng League of Angels! Once again Kuya Jorel singing Everything!
Lumabas ang performer sa stage at literal na kinilig ang beki kalahok, si Ursuha ay halos nakakagat labi habang pinagmamasdan ang binata sa pagkanta. Hindi maipagkakaila na ang kanyang tinig ay maganda, rocker at hanep rin ang hagod sa ballad na parte. Stunner ang boses at lahat ay nakikinig sa lyrics ng kanyang kantang Everything na orihinal inawit ng bandang Lifehouse.
Salamat Jorel, ang kanyang story ay available pa rin sa WP at ang mababasa rin natin doon ang iba pang kwento ng mga league of angels! Upnext mamangha ang inyong mga mata sa National Costume competetion kung saan ibabandera ng mga kandidata ang pinagmamalaking costume ng kanilang mga lupain! Dahil dito sa Gay of Thrones All Star! Matira ang matibay!
Itutuloy.
NOTE BOX
Author’s note: hindi part ng MGXMBS universe ang ating mga guest na singers. Sadyang ginamit ko lang sila upang makapag promote. Salamat po!
Part 15: Reyna 2
Part 15: Reyna 2
ENCHONG POV
Tuloy tuloy pa rin ang labanan sa Gay of Thrones All Star. Mula sa mahigit 400 na kandidata ay bumaba na lamang sila sa Top 10. Isang kakaiba at madugong kompetisyon ito para sa lahat. Literal na madugo dahil sila ay pinapatay sa mga challenges na hindi nila nagawa. At ngayon ang bakbakan sa pagitan ng mga natira ay pahigpit ng pahigpit at sa huli ay isa lamang ang tatanghaling panalo.
Makalipas ang ilang minuto ay sinimulan ang parade of national costume. Excited na excited ang emcee habang inaannounce ang criteria para sa segment na ito. “Please welcome our Top 10 lovely candidates in their national costume!”
Unang lumabas si Santi suot ang kanyang national costume na gown na black. Sa unang tingin ay simple lang ito ngunit noong umikot ikot siya ay nagkaroon siya ng itim na pakpak at ang mahabang gown ay nag-apoy hanggang sa maging bra at panty na lang ito na kulay itim at punong puno ng mga makikinang na bato! Muli siya rumampa ala Victoria Secret Model na labis ikinamangha ng lahat.
Isang magandang panimula ang ibinigay ni Santi. Ang ibang mga costume ay mayroong mga warrior princess na style, ang iba ay nakasuot ng filipiniana na may malalaking hair dress sa ulo. Mayroon ring naka costume ng pang muslim.
Noong lumabas si Ursuha ay namangha ang lahat dahil nakasuot ito ng costume ng isang sirena, nakasakay ito sa isang malaking kabibe. Kitang kita ang hubog ng kanyang magandang katawan sa kanyang kasuotan. Maya maya ay tumayo siya sa kabibe kung saan siya nakaupo saka ito umikot ikot hanggang sa ang kanyang buntot ay maging isang magarbong gown. Nagbago rin ang kanyang buhok, mula sa nakalugay at naging naka tumpok ito at nagkaroon pa ng korona. Bagamat alam naman ng lahat na siya ay gumamit ng mahika para baguhin ang kanyang sarili. Sana ay nakita ng judges ang kanyang violations.
Ang pinakahulingi lumabas ay si Oven, nakasuot ito ng pink na gown na bulaklakin at mayroon pang mga lumilipad na paru-paru sa paligid! magarbo at talagang malaki ang sakop ng pinakapalda. Lumakad siya hanggang sa ginta ng entablado at noong makatapat ng spot light ay hinila ang pisi ang tumaklob sa kanya ang palda ng gown. Kung pagmamasdan ito ay parang isang bulaklak na nakatikom at hindi pa bumubuka.
Nanatili siya sa ganoong posisyon ng ilang segundo at noong mamukadkad ang bulaklak at bumuka ito ay lumabas si Oven na nakasuot ng fairy costume. May pakpak ito na animo paru paru at nakasuot ng maiksing damit na see through at halos kinang na lang ang nakikita sa kanyang buong katawan.
At lalo pang namangha ang lahat noong itaas ni Oven ang kanyang kamay at dito ay dumapo ang maraming paru paro na lalong nagpatingkad sa kanyang magandang costume. Tunay na nakakamangha si Oven noong mga sandaling iyon.
Palakpakan ang mga tao at mag judges.
Muling lumabas ang mga candidate sa kanilang mga national costume. Kanya-kanya silang patalbugan at eksena sa stage upang mapansin ng judges at sa huli ay tinawag si Santi bilang Best in National Costume.
Makalipas ang minuto ay nagsimula na ang major event ng contest. Binigyan ng ilang minutong pahinga at paghahanda para sa susunod na event. “At ngayon ay dumako na tayo sa highlight contest na ito. At ito ang SWIM SUIT competetion. Singing his version of “Magandang Dilag”, please welcome Lime light star Jevan Monsuni together with the Top 10 Semi Finalist of Gay Of Thrones All Star!“ ang masiglang wika ng emcee at dito ay lumabas ang singer at saka sumayaw sa entablado.
Kasabay ng nakakaindak na tugtog ay ang paglabas ni Santi na nakasuot ng two piece. Itim ang bra at gold ang panty. Sa kanyang likuran ay mayroong pakpak ng demonyo at buntot sa likuran ng kanyang pwet.
Lumabas rin ang ibang candidate na mistulang Victoria Secret model. Lahat ay may mga pakpak at mga kapa sa likuran, ang lahat ay laban laban at walang may ibig na magpatalo.
Noong tinawag ang pangalan ni Ursuha ay lumabas ito suot ang kulay pink na two piece. May tainga ng bunny at buntot ng bunny sa kanyang katawan bilang props. May bitbit rin itong basket na may makukulay ma itlog. Siya ay literal na easter bunny at ang lahat ay humanga sa kanyang makinis at may kurbang katawan.
Maya maya ay lumabas naman si Oven na nakasuot ng one piece na kulay green, wala siyang props sa katawan, simple lang itong naglakad sa bawat gilid ng entablado pero noong makarating sa gitna ay biglang nagliwanag ang tela ng kanyang swimsuit at naging dalawang pirasong dahon lang ito na nakatakip sa utong at panty na gawa rin sa dahon na animo sexing version ni Eba.
Muling lumabas ang lahat sa entablado, dito na nag full blast ang performance ng guest star. Sumasayaw ito habang rumarampa ang mga candidate at kanya kanya na namang patalbugan ang lahat.
Emcee: And there you have it ladies and gentlemen, our Top 10 lovely candidates in their swimsuit attire. And once again, thank you very much Mr. Jevan Monsuni! Up Next! Ang isa sa mga hight light ng contest ito, ang Long gown competetion! Magbabalik po ang Gay of Thrones All Star!
OVEN POV
“I can’t believe na palapit na ng palapit ang ending ng contest na ito,” ang masayang wika ko habang napapalit ng long gown.
“At I can’t believe na buhay pa rin kayo hanggang ngayon. Umaasa ba talaga kayo na mananalo? Tingnan niyo nga kaming mga kalaban niyo, babaihan ang aming mga katawan, kurbada, malalambot at makikinis! Unlike sa inyo na matitigas at parang mga maskulado pa! Ewww! Anong tinira niyo para magkaroon kayo ng guts na lumaban pa sa swim swear contest?” ang pang aasar ni Ursuha noong mapadaan ito sa dressing room namin ni Santi.
“Eh baliw baliwan ka naman pala talaga e, magpasalamat ka nga sinakyan pa namin itong pa- contest mong cheap at wala man lang pakain sa mga candidate! Gustom na gustom na kami noh! Hindi ka man lang nahiya sa mga judges ni butong pakwan di mo sila binigyan!” ang singhal ni Santi.
“Excuse me, may mani at mais doon sa table ng mga judges! Saka e ano naman kung nagugutom kayo? Paki alam kooowwwahhhh!” ang maaarteng sagot nito sabay lakad palayo sa aming harapan.
“Mainit ang ulo ni atching dalhil wala pa siyang nakukuhang award ever!” ang sagot ko naman at dito ay pinagpatuloy ko ang pag mamake up. Kinuha ko rin ang plantsa ng buhok at sinumulan kong unatin ang aking wig. Samantalang si Santi naman ay kinulot ang kanya, yung heavy na kulot, yung pang malakasan!
“Ano ba yan ses, gumamit ka kasi ng papel, ibilot mo saka mo iikot sa buhok mo saka mo lagyan ng spray net. Bakit ba kasi ayaw niyo pa mag pahaba ng hair?” tanong ng isang candidate na tinulungan si Santi dahil halos nagkalugaslugas na ang wig nito.
“Thank you ses, your such an angel! Pwede ka na sa 2nd runner up!” ang hirit ni Santi
“Gaga! Edi namatay naman ako noh!” ang sagot ng beki.
Tawanan sila.
Mula dito sa back stage ay naririnig namin ang pagdadaldal ng emcee, kung ano anong tinutukis o tsinitsimis niya sa mga audience, pati yung boyfriend niya na inahas ng best friend niya ay naikwento rin. Sana makapagpa picture naman ako sa mga idol kong beauty queens na judges! Ang gaganda talaga nila, kaunti na lang ay hahabol na sila sa ganda ko. POV ko to tang ina niyo, walang pakialamanan!
“Hoy mga baklang chaka 2 mins! Ready na kayo sa gown mga hinayupak kayo!” ang wika ng staff na sumilip sa aming dressing room.
At iyon nga ang set up, lahat kami ay lumabas na para sa long gown competetion. Hindi ko tiningnan ang gowns ng iba dahil ayokong panghinaan ng loob dahil talagang magaganda sila.
Emcee: The most awaited part of the competetion! Ngayon ay paparada ang ating mga candidates sa kanilang Evening Gown! And please welcome, our special guest, ang star ng BL story na Imbisibol Mr. John Peter Guzman “Jopet!” singing his version of Beautiful Girl by Jose Mari Chan.
Lumabas ang singer suot ang kanyang kumikinang na barong at dito ay isa isa na kaming tinawag. Unang tinawag si Santi dahil siya ang unang pumasok sa top 10.
Lumabas si Santi suot ang kanyang silhoutte gown na halos beads na lang ang nakatakip sa boobs at sa kanyang ibaba. Fitted sa kanyang katawang suman ang gown kaya mukha siyang lumpiang naglalakad. Kitang kita rin ang kanyang hubad na likuran na hindi naman masyadong makinis pati na rin ang kanyang pwet na parang lawlaw na sa dami ng gumagamit. Umikot si Santi at dito ay nagbago ang kanyang gown, naging vintage style ito na kulay itim, may mahabang sleeves at mermaid cut. Idagdag pa yung malalaking curl na hair style niya, mapapa eww kang talaga. Char lang! Maganda rin naman siya, slight lang.
“Hala, paano naman nangyari iyon?” tanong ng mga beki sa likuran.
“Ano pa ba, maraming kakilalang designer na multo at aswang iyang si Santi, marahil ay doon siya nagpagawa ng miracle changing gown niya,” ang bulong ko sa aking sarili.
Nagsimula ang labanan, ang ilang candidate ay halata namang inspired lang sa mga gowns ng miss universe ang kanilang mga suot. Mayroong ganun ay Amanda ng Thailand, mayroon ring ganoon ay Catriona noong Prelims, mayroong ganoon kay South Africa noong 2019 at marami pang mga pakulo.
Noong tinawag si Ursuha, lumabas ito sa two piece gown, nakabra lang siya na beaded puro mamahalin at makikinang bato. Talagang naka highlight ang kanyang maganda at malaking dibdib. Mayroon ring mga kristal na nakadikit sa kanyang mga braso. At ang kanyang pang ibabang damit ay isang very very flowy na na tela na may mahabang slit halos kita ang kanyang singit. Mukhang di siya nagpanty pero wala namang may paki sa kanya. Maganda talaga ang design ng gown niya at mukha mamahalin siya sa entablado.
Ang huling candidate na tinawag ay ako, lumabas ako suot ang gown na desenyo ng mga dambana sa floral land. Ang gown na aking suot ay isang old style ball gown na parang ganoon ay Cinderella. Ang palda ng aking gown ay punong puno ng iba’t ibang kulay na desenyo. Mukha lang itong ordinaryo na rain color na ball gown but wait, may twist siyempre.
Noong lumakad ako sa gitna ng stage, sa harap ng mga mga judges ay umikot ako at dito ay naliparan ang lahat ng makukulay na paru parong nakadapo sa aking gown. Well, ang rainbow color sa palda ng aking ball gown ay mga paru paro, daan daang mga paru paro ang nakalagay dito.
At noong makalipad ang lahat ay natira ang straight cut modern gown na may mahabang slit at punong puno ng mga beads. Kitang kita ko sa mukha ng judges ang pagkamangha at sinabayan ito ng isang matamis na ngiti habang hinahawi ang aking straight hair.
Muli kaming lumabas sa entablado habang kumakanta ang singer. Pumarada kami at nagpatalbugan kami sa harapan ng mga judges. Noong matapos ang kanyang awitin ay pumose kami ng ubod ng ganda upang mapansin ng mga hurado.
Emcee: Ladies and Gentlemen our Top 10 semi finalist together with Mr. John Peter Guzman. Available ang Imbisibol sa WP at mababasa pa rin ito ng libre doon! At ilang minuto lamang ay malalaman na natin ang ating best in Swimwear at best ni Long Gown! At mula sa Top 10 ay huhugot na tayo ng top 5 para sa ating question and answer round. At mula sa top 5 ay malalaman na natin ang ating top 3 Finalist!
Makalipas ang ilang minuto ay dinala ang resulta ng mga tabulator para sa top 5 at special awards. Dito ay naramdaman na namin ang kaba na hindi naman talaga maiiwasan sa kompetisyon. “At narito ang momenth of truth. Wag na nating patagalin pa, Our best in Swimwear at automatic na pasok sa Top 5 finalist ay si..
Drum rolling!
“Candidate number 0! Ursuha Jane Chuvanezka!”
Palakpakan ang lahat.
“Best in Long Gown at ang ating 2nd finalist ay si.. Candidate number 166! Steffi Rose Obituary!”
Noong marinig ko ang aking pangalan ay nawala ang kaba sa aking dibdib, dito ay lumakad ako sa kabilang side ng stage habang nakangiti.
Nagtuloy tuloy pa ang announcement at ang huling tinawag sa Top 5 ay walang iba kundi si Santi na noon ay namutla at parang nauubusan ng dugo. Ngunit gayon pa man ay pasok pa rin kaming dalawa sa top 5 at kaunti na lang ay malalaman na namin kung sino ang tatanghaling kampeon sa All Star!
Itutuloy..
Part 16: The All Star Champ
Part 16: The All Star Champ
ENCHONG POV
Binalot rin ako ng kaba noong tawagin ang Top 5, mabuti na lamang at nakapasok sina Oven at Santi. Ngayon ay kaunting effort na lang at pagsagot ng matino ang kanilang gagawin upang manalo. Ang kompetisyon na ito madugo at napakahaba, halos inabot na ito ng buong maghapon. Ang mga hindi naman nakapasok sa top 5 ay pinakawalan na lang at pinauwi bilang consolation prize!
“Papa, tulog naman si Papa Rael, mukhang wala siyang kagana gana sa ganitong bagay,” ang bulong ni Rouen.
“Hayaan mo na iyang tatay mo, wala namang pakialam kay Oven at Santi iyan e,” ang sagot ko naman sabay hubad sa aking sweater na suot at inilagay ito sa katawan ni Rael na noon ay naghihilik pa.
“Nonood lang rin ako para kung sakaling magkagulo at barili nila sina Ninong ay sisirain ko ang barrier at tatakas tayo dito sa dimensyong ito,” ang bulong ni Rouen.
Natawa ako, “don’t worry, kayang kaya manalo ng Ninong Oven mo. Huwag lang siyang dadapuan ng pagkabaliw, baka hindi siya makasagot ng maayos.”
Emcee: At ngayon ay sisimulan natin ang tagisan ng talino. Papatunayan ng ating mga candidates na sila ay hindi lang maganda, kundi sila nagtataglay rin ng talino. Kaya naman simulan na natin ang elimination! Ang una nating tatanungin ay si Candidate number 0, Miss Ursuha Jane Chuvanezka!
Lumapit si Ursuha sa emcee at bumunot ito ng tanong. “At ang iyong candidate number 0, Narito ang iyong katanungan Miss Ursuha. Who is the person you look up to the most?”
Kinuha ni Ursuha ang mikropono at saka sumagot, “Thank you very much for that wonderful question. Who is the person I look up the most o sa tagalog ay sino raw ba ang taong hinahangaan o tinitinagala ko ng labis. Mga kaibigan ang magandang katanungan iyan ay nangangailangan lamang ng simpleng kasagutan kaya naman sasagutin ko po ang iyong katanungan ng diretso at walang halong palabok o paliguy-liguy pa! Ang tao po na labis kong tinitingala ay ang nanay dahil siya ang nag luwal sa akin sa mundong ito! And I Thank You!!”
Palakpakan..
Nagpatuloy ang tanungan, at ang pangalawang tinawagan ay si Oven. “Our best in long gown and Miss Talent Miss Steffi Rose Obituary! Hi Steffi, how are you?” ang tanong ng emcee.
“Im good, a little bit dizzy and hungry,” ang sagot ni Oven.
“Oo nga naman super haba naman kasi talaga ng contest na ito, pero anyway bumunot ka ng tanong mo,” ang tugo ng emcee kaya naman huminga ng malalim si Oven at saka bumunot ng tanong. “Ang iyong tanong, makinig kang mabuti, If you could have any superhuman power what would it be?”
Ngumiti si Oven at sumagot, “My super power would be immortality. If I could live forever, I could use my “whole” life to help others during natural disasters, since I would not be afraid of losing my life. I could also give all my money to those in need, because I would never have to buy new clothes or accessories. I would also make a great history professor, as I would know the whole of human history, since I have lived through all historical events. And I thank you,“ ang sagot nito, alam ko naman na makakasagot ito dahil kasama sa training niya ang pagrereview ng Q and A under sa akin.
“Very well said Miss Steffi Rose Obituary!” ang pagpapakilala muli ng emcee.
Ang pinakahuling tinawag ay walang iba kundi si Santi, “Please pick your question Miss Rugbya Beatrice Luigi Mateo, napakahaba ng name mo hija,” ang wika nito habang nakangiti.
“Opkors!” ang sagot ni Santi sabay bunot ng tanong at iniabot ito sa emcee, “if you win this pageant what will you do?”
“Well, thank you for the wonderful question, I will carry the crown with utmost dignity as it not only a pageant title but a great responsibility which a crown gives you a complimentary gift. I will make sure that I fulfill the motto of the pageant just as successfully as any mother tries to instill qualities in her child. And I Thank You!” ang diretsong sagot ni Santi na halatang kinabisado at saka master ang sagot. Kung sabagay ay common ang question na ito, kahit si Oven ay may nakahandang sagot dito.
Emcee: Wow, I’m sure nahihirapan na ngayon ang ating mga judges, halos lahat ay mahuhusay at talagang ginalingan upang makamit ang inaasam na korona at trono! Ngunit sa kabila nito ay TATLO lamang ang uusad sa ating final question upang maging GAY OF THRONES ALL STAR CHAMPION! At ang tatlong ito ay sina..
DRUM ROLLING!!
Tumaas ang excitement sa buong venue.
OUR TOP 3 FINALIST!
RUGBYA BEATRICE LUIGI MATEO!
URSUHA JANE CHUVANEZKA!
AT SI STEFFI ROSE OBITUARY!!
Palakpakan ang lahat, pati kami napa palakpak sa matinding excitement ngunit para sa akin ay hindi deserving si Ursuha sa Top 3 dahil mas mahusay ang dalawang na eliminate. Kitang kita rin ang pagtataka sa mga judges noong tawagin ang pangalan ni Ursuha at ganoon rin ang host na parang nalito rin. “Ano ba yan, si ateng na Ursuha ay hindi naman deserving.Yung sagot niya kanina ay puro palabok,” ang reklamo ng mga beki na naout noong dumaan ito sa gilid, malapit sa amin.
“Tama papa, di naman deserving si Ursuha makapasok,” ang reklamo rin ni Rouen.
“Wala tayong magagawa dahil siya ang organizer at promoter ng contest na ito.,” ang natatawa kong sagot.
Makalipas ang ilang minuto ay pinalinya ang final 3 candidate sa stage, ang dalawa ay nilagyan ng earphone dahil isang tanong lang ang kanilang paglalaban labanan. “At ikaw ang mauunang sumagot, Rugbya Beatrice Luigi Mateo. Makinig kang mabuti, ito ang iyong katanungan. “PARA SA IYO, ANO ANG PINAKA MASAMANG UGALI NG TAO?”
Kinuha ni Santi ang mikropono at sinumulan niya ang beklamation, “I believe na ang pinakamasamang ugali ng tao ay ang pamamintas at manira ng kapwa! Dahil likas sa mga tao ang mamintas batay sa nakikita ng kanilang mapanghusgang mata. Ang pamimintas sa aming pisikal na anyo ay hindi magandang gawain dahil mga tao rin kami, mayroon din kaming puso at damdamin. Ang pamimintas ay ginagamit rin sa bullying kaya dapat ay iwasan natin ito upang magkaroon tayo ng kapayapaan. So peace be with you and with you also! And I, Thank you!!” ang sagot ni Santi, maayos naman ang kanya pagdedeliver ngunit halatang kinabahan ito.
Maya maya y tinawag naman si Ursuha na noon ay halatang confident, sa kanyang aura ay mukhang panalong panalo na ito, “Narito ang iyong katanungan, “PARA SA IYO, ANO ANG PINAKA MASAMANG UGALI NG TAO?”
Kinuha ni Ursuha ang mikropono at sinimulan ang beklamation, “Maraming salamat po sa inyong katanungan, ang isang maganda at makabuluhang tanong katulad nito ay dapat sinasagot ng mula sa puso. Ngunit kung salitang ingles ba ang aking gagamitin ay sapat na ba ito upang ako ay manalo? Kung salitang tagalog naman ay sapat na rin ba ito upang ako ay maunawaan ng mga tao? Para sa akin mga kaibigan kahit na anong lengawahe pa ang gamitin natin basta ito ay galing sa iyong wagas na damdamin ay mauunawaan pa rin. Ang katanungan ay ano raw ba ang pinakamasamang ugali ng isang tao? Sasagutin ko po ang katanungan ito ng walang halong palabok at pang eechos dahil ang isang magandang katanungan mga kaibigan ay dapat straight to the point ang sagot at hindi na dinedelay pa. Ano daw ba ang pinakamasamang ugali ng tao mga kaibigan. Para po sa akin ang pinakamasamang ugali ng tao ay ang mang-agaw ng shota dahil ang paglalandi ay isang masamang gawain! And I Thank You!!”
Palakpakan ang mga tao sa paligid.
Emcee: At tinatawagan ko ang last candidate na si Steffi Rose, PAREHONG TANONG STEFFI, ano ang pinakamasamang ugali ng tao?“ Beklamation, simulan na!
Huminga si Oven ng malalim at sinimulan ang kanyang pag sagot. “I believe na ang pinakamasamang ugali ng tao ay ang kanyang INGGIT. Ito ang ugat ng kasamaan, dahil sa inggit ay nagagawa nating manira at mamintas ng kapwa, nagagawa nating mang-agaw ng mga bagay na hindi sa atin. Ang inggit rin ang pinagmumulan ng malalim na sama ng loob sa ating kapwa. Dahil sa inggit ay pilit nating binabago ang ating sarili at kung minsan nakakapanakit pa tayo ng ating kapwa wala tayong kamalay malay na sinasaktan na rin natin ang ating mga sarili. Kaya sana ay matuto tayong makontento at tingnan ang mga bagay na mayroon tayo na wala sa iba at pagyamanin ito. Tayong lahat ay unique, tayong lahat ay mahuhusay at tayong lahat ay may kanya kanyang katangian. Wala dahilan para tayo ay mainggit. Ikaw at ako ay espesyal sa mata ng ating mga lumikha. Maraming salamat po.”
Palakpakan ang mga judges, kahit kami ay napa palakpak rin noong marinig ang magandang sagot ni Oven.
Emcee: Congratulations Ladies! Alam kong ang ating mga judges ngayon ay nahihirapan na sa pamimili kung sino ang tatanghaling Gay Of Thrones All Star Champion. At habang naghihintay tayo ng result ay haharanahin ng isang napakagwapong binata ang ating mga candidate. Ladies and Gentlemen, Please Welcome the star of Alyas Kanto Boy! RAUL ROBLES!
Lumabas ang singer suot ang kanyang fitted na tuxedo. Habang kumakanta siya ay tinatawag ang pangalan ni Santi at noong lumabas ito ay iba na ang gown na kanyang suot. Nakasuot ito ng itim backless gown na may mahabang pang ibaba. Para itong isasagala.
Maya maya tinawag ang pangalan ni Ursuha at lumabas ito suot ang metalic silver gown na ganoon sa isinuot ni Rachel Peters sa Miss Universe 2017 finals. Sa ganitong damit ay kitang kita ang magandang kurba ng kanyang katawan.
At ang pinakahuling candidate na lumabas ay si Oven suot ang damit na puti katulad ng damit ni Miriam Quiambao noong Miss Universe 1999 finals. Talagang kinarir nila ang pagpapalit ng mga gown.
Lahat sila ay inabutan ng roses ng singer habang hinaharana sila isa isa. Ang kanilang mga ngiti ay punong puno ng tagumpay at nandito pa rin ang kanilang pagnanasang manalo.
Ilang minuto ay natapos ang panghaharana. Dito ay muling lumabas ang emcee hawak ang resulta ng nanalo. “Thank you very Much Raul Robles, star of Alyas Kanto Boy 1 and 2.
At ngayon ay hawak ko na sa aking mga kamay ang resulta ng nanalo. Handa na ba kayo? Matapos ang madugong elimination, sa bilang na 400 plus candidate ngayon ay tatlo na lamang ang natira. Congratulations ladies, lahat kayo ay panalo na ngunit isa lamang ang dapat tanghaling kampeon,“ ang wika ng emcee at dito ay dumagundong ang nakaka intense na music kaya naman binalot ng kaba at tensyon ang buong paligid.
Binuksan ng emcee ang sobre at binasa ang resulta nito.
“The 2nd Runner Up is.. Rugbya Beatrice Luigi Meteo!”
Palakpakan ang mga tao. Lumakad si Santi, sinuotan siya ng sash at inaabot ang isang kumpol ng bulaklak.
Samantalang lumakad sina Oven at Ursuha sa gitna. Para bang naulit lang ang eksena noon kung saan sina Oven at Ursuha rin ang natirang last stand.
Ang pangalang una kong babangitin ay ang GAY OF THRONES ALL STAR CHAMPION is you..
Drum Rolling..
Tila naging suspended animation ang buong paligid. THE NEW GAY OF THONE ALL STAR GRAND CHAMPION IS none other than..
URSUHA JANE CHUVANESKAAAAAA!
Nabigla si Ursuha at napaupo ito, umiiyak siya habang pinuputungan ng korona at sinasabitan ng sash. Hindi ito makapaniwala na nakuha niya ang titulo kaya ganoon na lang pag iyak na, hindi niya maitago ang nararamdamang saya.
Habang nasa ganoong posisyon siya ay bumalik ang host at nag wika, “I have to apologize. The First Runner Up is Ursuha. And The GAY OF THRONES ALL STAR GRAND CHAMPION IS STEFFI ROSE OBITUARY!
Take you first step the new Gay of Throne All Star Grand Champion!
Agad na inalis kay Ursuha ang korona at inilipat ito ay Oven! Parehong shock ang dalawang candidate ngunit ang katotohanan ngayon ay kung paano tatanggpin ni Ursuha ang muling kabiguang sinapit niya sa Gay of Throne.
Itutuloy..
Part 17: The Fallen Queen
Part 17: The Fallen Queen
OVEN POV
And The GAY OF THRONES ALL STAR GRAND CHAMPION IS STEFFI ROSE OBITUARY!
Take you first step the new Gay of Throne All Star Grand Champion!
Agad na inalis kay Ursuha ang korona at inilipat ito ay Oven! Parehong shock ang dalawang candidate ngunit ang katotohanan ngayon ay kung paano tatanggpin ni Ursuha ang muling kabiguang sinapit niya sa Gay of Throne.
“Nooooooo!” ang malakas na sigaw ni Ursuha! Napa upo ito sa entablado sa kanyang biglaang pagkabigo. “Mga walang hiya kayo! Dinaya nyo akoooo! Dinaya niyo akoooo!” ang sigaw niya.
“Ateng hindi ka namin dinaya, kahit ireview mo pa itong buong pageant na ito, dapat kanina ka pa laglag sa top 5 e! Saka dapat 2nd runner ka lang kasi none sense ang mga answers mo! Baklang twoe!” ang sagot sa kanya ni Santi.
“Hindi ako makakapayag na matalo! Kung hindi lang rin ako ang mananalo ay mamatay na kayong lahat!!!” ang sigaw pa ni Ursuha at dito ay nagsimulang yumanig ang kanyang buong dimensyon. Kaya naman agad kong inutusan si Santi na buksan ang portal at itakas ang mga beauty queen na judges! “Itakas mo sila Pia at Catriona! Priority! Protect them with your life!” ang utos ko.
“Paano ka ses?!” ang wika ni Santi sa akin
“Ako na ang bahala sa buset na Ursuha na ito! Kailangan kong tapusin ang kabaliwan niya!” ang sagot ko naman habang yumayanig sa paligid at habang nawawasak ang mga lupa. Ang maaliwalas na paligid ay napalitan ng kadiliman. “Saka ako na rin ang bahala sa mga gwapong boys na binihag niya!”
“Hala, may asawa ka na ba? Landi pa rin? Alam ko na ikaw na lang ang maghatid kila Catriona sa mundo nila at ako na lang bahala dito,” suhestiyon niya.
“Gaga! Too much na yung exposure mo dito noh! Spluk na! Kailangan na namin ni Ursuha ng malalang confrontation scene! Kailangan naming tapusin ang aming nasimulan,” ang bulong ko habang nakatingin kay Ursuha na naloloka, nagliliwanag ang katawan at parang bumigay na ang utak sa pagkatalo.
“Okay fine! Pero hindi ko pa rin matanggap na ikaw ang nanalo. O siya, kawawa naman yung mga beauty queens doon tiyak na nanatakot na sila! Remember huwag haharvat kapag puyat! Iyon ang bilin ni inay!” ang wika ni Santi.
“Gaga, ako si Inay! Sa akin galing yon! Go na! Spluk na! Keri ko na to!” ang wika ko at dito ay lumapit ako kay Ursuha na noon sigaw ng sigaw. “Teh pwede tumahimik ka na?” tanong ko.
“Hindi ako tatahimik! Dinaya niyo ako! Dinaya niyo akoooo!” ang sigaw nito sabay sakal sa akin. Nagliwanag ang kanyang mga katawan at umangat ang mga halimaw na kulay pink sa lupa.
“Ano ka ba? First runner up yan oh! At least lagi kang nanalo kahit hindi ka naman talaga deserving! Saka pwede magpahinga ka muna?” ang sagot ko naman sa kanya.
“Papatayin kita! Napaka panget mo! Napakalaki ng katawan mo at mukha ka pang baklang taga kanto! Paano ka nanalo?” sigaw niya nagliwanag ang kanyang kuko at saka pinagsisira ang gown ko.
“Walanghiya ka Ursuha! Gago ka talaga! Panget nga ako pero mas matino naman akong sumagot! Try mo kayang sumagot ng straight to the point! Yung sagot mo puro introduction, puro palabok na wala namang kwenta! Sumagot ka ng maayos leche ka! At huwag mong sirain ang gown ko! Shutanamerz ka!!” ang sigaw ko sabay sipa sa kanya.
Nagkagulo ang buong paligid dahil sa paglabas ng mga halimaw na pink. Nasira ang barrier sa buong field kaya naman nakalaban na sila Enchong at iba pa. Mula dito sa malaking entablado ay nakikita ko rin ang ibang mga kawal na lumalaban sa mga halimaw na galing sa lupa.
“Walanghiya ka! Dinaya mo na nga ako nagawa mo pa akong sipain! Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo sa akin!” ang sigaw nito at maya maya nanigas ang aking buong katawan saka niya ako itinaas sa ere! Dito ay sinakal niya ako ng mahigpit gamit ang pwersang enerhiya sa kanyang kamay.
Dito ay nagpumilit akong gumalaw at nagpumiglas! Dito ko naalala ang eksenang pag gawa namin ng sandata ni Rouen, sinunod niya lahat ng weapon na gusto ko at inilagay niya ito sa isang bracelet. At ito ang bracelet na iyon,“ ang wika ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang bracelet ng sandata na dinesenyo ni Rouen para sa akin. Para itong isang pink na trap pero may malaking kristal sa gitna ala magic knight rayearth.
Patuloy pa rin ang pagsakal niya sa akin! Pero kahit mahirap ay kailangan kong iflash back ang memories na iyon at dito maiinspired ako at lalakas! Kaya naman huminga ako ng malalim at sumigaw ng FLASHBACK!!
Isang linggo matapos akong gawing imortal ng aking hubby na si Niko ay nadiskubre ko na wala naman pala akong powers. Ang expectation picture ay isa akong butterfly princess pero ang reality photo ay nga nga lang ako dahil wala silang iginawad na powers sa akin maliban sa pagkakaroon ng mahabang buhay.
Dahil sa pagnanais kong magkaroon ng malakas at magandang kapangyarihan ay lumapit ako kay Rouen upang magpadesenyo nito. “Ninong anong klaseng weapon ba ang gusto mo? Gusto mo ba na iupgrade natin ang pamaypay mo?” tanong nito.
“Ay ayoko na non! Dahil imortal na ako ay gusto kong magkaroon ng bagong power, pero syempre kailangan ko pa rin ng mapaypay na iyan. So meaning gusto ko ng maraming weapon depende sa trip ko!” ang hirit ko naman.
“Ah, naunawaan ko na ninong, kung gagayon ay nagdesenyo ako ng bracelet para dito mo lalagay ang mga weapon na idedesign natin. May naisip ka na ba?” tanong niya sa akin.
“Oo may naisip na ako,” ang tugon ko sabay bulong sa kanya ng mga weapon na gusto ko. Natawa siya at napakamot ng ulo.
“Seryoso ka Nong?” tanong niya.
“Mukha ba akong nagbibiro? Sige na gawin mo para sa akin okay?” ang nakangiti kong wika at dito ay wala siyang nagawa kundi ang sundin ako.
END OF FLASHBACK
“Ano? Tangina ka Chaka doll ka! Mamatay ka na lang ay nag flash back ka pa!!” ang sigaw ni Ursuha, humaba ang kamay niya at inagaw sa akin ang korona pero hindi ko ito binigay, mahigpit ko ito ikinabit sa aking ulo upang hindi niya maagaw!
“Akin ang koronang ito! Deserve na deserve ko to!!” ang sigaw ko at dito ay nagliwanag ang aking bracelet, sinira nito ang spell ni Ursuha na nakasakal sa akin!
Mula sa aking kaliwang kamay ay lumabas ang sagradong espada! At sa aking kanang naman ay lumabas ang mahabang magic wand katulad ng dinesenyo ko.
Noong tumayo si Ursuha ay nagtatakbo ako sa kanya, nagliwanag ang aking wand at saka naglabas ito ng malawak na energy field! Lumutang ang paa ko sa lupa habang nagliliwanag ang aking paligid! “Justice Served! The melody of Swans!” Lahat ng nahagip ng energy field ay sumasabog!
ENCHONG POV
Noong tawagin ang pangalan ni Oven bilang tunay na nanalo ay nabuhayan ako ng loob. Obvious naman na siya ang mananalo at wala naman duda doon. Kaya noong tawagin si Ursuha kanina ay talagang mag poprotesta si Rouen dahil halatang dinaya ito.
Binawi kay Ursuha ang korona at ipinutong sa ulo ni Oven, ito ang lalong nag pagalit sa babaylan, namuo ang itim na enerhiya sa kanyang katawan at sumigaw ito ng ubod ng lakas! “Nooooooo!!! Mga mandarayaaaaa!” ang sigaw niya at dito ay yumanig sa buong paligid. Ang lupa ay nagbiyak at nagdilim ang buong kalangitan!
Kasabay ng pagyanig ay ang unti unting pagkasira ng kanyang dimensyon. At isa pang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan ay bumangon mula sa lupa ang mga halimaw na pink animo mga pusit dahil sa mga galamay nito. Nasira ang barrier sa mga kulungan kaya naman agad na binuksan ni Rouen ang portal upang makatakas ang mga ordinaryong bihag kasama na ang mga judges na mga beauty queens.
Nakita kong nagtatakbo si Santi upang isalba ang mga judges at ang mga guest na singer upang makabalik sa kani-kanila nilang mundo. Samantalang tinapik tapik ko naman ang mukha ni Rael para gisingin ito, “Hoy Mister, gising nagkakagulo na sa paligid!” ang wika ko dahil literal na magulo na nga. Dito ay nakita ko ang mga kawal at si Rouen na sinusuntok ang mga halimaw na umaatake sa kanila.
“Bakit ba istorbo ka magaling kong asawa?” tanong nito.
“Nagkakagulo na po sa paligid. Beast mode na si Ursuha dahil natalo siya ni Oven at ngayon ay sinisira niya ang kanyang dimensyon,” ang sagot ko noong may tumatakbong halimaw sa aking harapan at nagliwanag ang aking kamay at itinutulak ito palayo. Si Rael naman ay pinitik ang isang palapit sa kanya.
“Kung gayon ay nanalo na naman pala yung kaibigan mong baliw,” ang sagot ni Rael at dito ay nakita namin si Oven na sinasakal ni Ursuha habang nakalutang sa ere. Maya maya ay nagliwanag ang bracelet ni Oven at dito nasira niya ang mahika ng kalaban.
Inilabas nito ang kanyang sandata, isang espada sa kaliwang kamay at isang wand o scepter sa kabilang kamay. Itinaas niya ang wand at dito ay lumutang ang kanyang paa sa ere.
Nagliwanag ang lupa kung saan siya nakalutang at ang wand ay nag generate ng isang malawak na energy field na bumalibot at umikot sa kanya! Sa lawak ng energy field ang mga nahagip nito na mga halimaw ay sumasabog at agad na nabubura sa ere! Natamaan si Ursuha ng energy field ngunit mabilis siyang nakalundag paalis kaya’t kaunting pinsala lamang kanyang natamo.
“Walanghiya Ursuha! Bakit umiwas ka pa! Ngayon ay uulitin ko ang SS ko!” ang wika ni Oven sabay lundag ulit at itinaas ang kanyang magic wand. “Justice Served!” ang sigaw pa nito pero walang nangyari.
Natawa si Ursuha at saka siya itinulak, natumba si Oven sa stage! “Boba ka talaga! May cool down ang SS boba! Engot!” ang wika nito.
“Oo nga pala, waitsung muna ako ng another 20 secs,” ang sagot ni Oven habang inaayos ang kanyang korona.
Lalong gumuho ang paligid kaya naman nagtatakbo ako kay Oven, “Halika na! Gumuguho na ang demensyon ni Ursuha!” ang sigaw ko.
“Huwag kang makialam dito! Nakakadiri ka! Lalakihan ka! Ang tigas tigas mo! Hindi ako makapaniwala na ikaw ang asawa ni Haring Rael! Sumobrang pak u ka! 100% po!” ang sigaw sa akin ni Ursuha.
“Hala, bakit pati ako ay nadamay?” pagtataka ko naman.
“Eh paano bitter na baliw iyang si Ursuha! Tanggapin mo na kasi ang pagkatalo mo!” ang sigaw ni Oven dito.
“Hindi ko tatanggapin dahil hindi ako natalo! The first runner-up serves a very important purpose because if the winner can no longer fulfill her duties, she will have to take the place of the titleholder! At hindi mangyayari ito kung nabubuhay ka pa!” ang sigaw ni Ursuha.
“Eh to think naman talaga na hindi ka naman dapat kabilang sa top 3 kasi no answer ka sa question. Saka di ka mananalo pagpuro palabok ka, matuto ka naman kasing sumagot ng direct to the point. Pinapahaba mo pa wala namang kwenta ang sagot mo,” ang wika ni Oven.
“Ikaw ang walang kwenta! Kailangan mong mawala!” ang singhal ni Ursuha at dito ay inilabas niya ang kanyang punyal na panaksak.
“Ano? Sasaksakin mo na naman ako katulad ng ginawa mo sa akin dati? Pak u ka talaga Ursuha!” ang sigaw ni Oven.
“Gaga! Kanina pa kita sinaksak nito espesyal na punyal ko, hindi mo mararamdaman ang talim nito! And now you’re bleeding bitch! Die ugly! Die!” ang sigaw niya.
Napahinto ako at dito ay nakita kong may dugo ang aking gown. Nasaksak na pala niya ako kanina pa, marahil ay noong itinulak niya ako. “Walangya ka Ursuha, nirent ko lang itong gown na ito kay Miriam Quiambao! Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya kapag nalaman niyang nasira ang pinakamamahal niyang gown!” ang wika ni Oven at dito ay unti unti siyang bumagsak sa sahig.
“Yan ang bagay sa iyo! Ngayon ay kukunin ko na ang crown ko! Para ito sa akin!” ang wika niya at dito ay hinawakan niya ang korona sa ulo ni Oven pero hindi pumayag si Oven na makuha niya ito. Nagbabag ang dalawa sa stage. “Akin ang koronang iyan!!” sigaw ni Ursuha.
“Gaga! Akin to!” ang sigaw ni Oven..
At habang nasa ganoong pagbubuno ang dalawa ay lumabas sa portal ang grupo ng mga kawal na may itim na kalasag. Dito ay pumalibot silang lahat sa stage. “Kami ang kawal mula sa Dark Gate! Ursuha ikaw ay tumakas mula sa aming kulungan, ngayon ay ibabalik ka na namin!” ang sigaw nila.
Agad silang gumamit ng espesyal na pising enerhiya upang ibigkis si Ursuha, pagkatapos ay pilit nila itong binuhat. “Bitiwan niyo akooo! Magbabayad kayong lahat!” ang sigaw nito habang nagtutulong tulong ang mga kawal upang pigilan siya.
Agad ko namang hinila si Oven pababa ng stage para ilabas ito sa demensyong nasisira. “Nireregla na naman ako friend,” ang bulong nito.
“Sira, nasaksak ka nga diba? Ang lakas ng tagas ng dugo mo,” ang wika ko.
“Eh yun naman pala e, baka naman pwede mo na akong gamutin,” ang reklamo nito sa akin. At habang nasa ganoong posisyon kami ay humarap sa amin si Ursuha at sumigaw ito, “Hindi pa tayo tapos! Kaya see you na lang sa Gay Of Throne All Star Season 2!” ang sigaw niya at dito ay hinila na siya ng mga kawal papasok sa portal. “Aray! Sinong sumundot sa wetpaks ko? May sumusundot sa pwet ko! Gago ka talaga!” ang sigaw pa nito sabay sampal sa isang kawal.
Agad naming inilabas si Oven sa portal at binigyan ito ng paunang lunas. Katulad ng inaasahan ay hindi naging maganda ang katapusan ng Gay Of Throne All Star. Naging madugo ito ngunit sa huli ay si Oven ang umuwing kampeon. Iyon ay dahil sa kanyang husay at galing sa pagsagot sa mga katanungan.
Tiyak na ito ang sandaling hindi niya malilimot..
Itutuloy.
Part 18: Mga Bagong Pagsubok
Part 18: Mga Bagong Pagsubok
SUYON POV
Mahigpit ang yakap sa akin ni Lucario habang nakabaon ang kanyang matigas na alaga sa aking lagusan. Mabilis ang kanyang pagbaon, ninamnam niya ang init ng pagkakasugpong ng aming mga katawan habang patuloy kami sa pagpapalitan ng mainit na halik.
Ilang mariing baon pa ay kusang sumabog ang aking katas at sumambulat sa aking tiyan at sa aking dibdib. “Eto na ako!” ang wika niya ngunit sa halip na ibaon ay tinulak ko siya palabas kaya ang kanyang malapot ang maraming katas ay sumabog sa aking ari at sa aking katawan. Wala siyang nagawa kundi ang jakulin ito hanggang sa wala ng matira.
Tumabi sa akin si Lucario at nagmaktol dito. “Bakit?” tanong niya.
Yumakap ako sa kanyang hubad na katawan. “Syempre, kung mabuntis ako? Ang hirap kaya maglihi ng maraming taon, papahirapan mo na naman ako,” ang wika ko naman.
“Ano ka ba, minsan lang sa ilang henerasyon nagkakaroon ng sagradong punla. Wala na ito ngayon,” ang sagot niya sa akin.
“Sabihin mo ayaw mo lang maputukan sa loob, nandidiri ka sa akin,” ang wika nito dahilan para matawa ako. Hinalikan ko siya at saka niyakap ng mahigpit, “Umabot ka talaga sa kanyang level? Para kang bata dyan,’” ang sagot ko naman.
“Hmmmp, sinayang mo yung 3 days na load,” ang pagmamaktol pa nito kaya naman mas lalo pa akong natawa.
Sa kabila ng pagbabago ng paligid at buong kalangitan ay nanatili pa rin matatag ang samahan namin ni Lucario. Bawat araw ay masaya kami lalo nandito ang aming anak na si Chaim na noon ay lumalakad ng paunti unti. Tumigil na ang kanyang paglaki ngunit sa susunod anim na buwan ay muli daw itong bubulas ito ang sabi ng ina ni Lucario.
Nabalitaan rin namin ang ginawang alyansa ng Bundok ng Hiraya, Hell Society at Heaven Society para ipagtanggol ang mundo ng mga mortal. Samantalang nakiisa ang Kailun sa digmaan lamang kay Xandre. “Eh paano tayo? Kulang ang ating mga kawal para sa digmaan,” ang wika ko naman hababg kapwa kami nakahiga.
“Hindi naman kailangan ng kawal ng bayan ng Yelo, ako lang ay sapat na para ipagtanggol ang buong lupaing ito. Sa kasaysayan ay pumatay ako ng libo libong mandirigma para ipagtanggol ang bayan ng Yelo laban sa mga mananakop. Magdududa ka pa ba sa lakas ko?” tanong ko naman.
“Syempre ay hindi, totoo naman iyon,” ang sagot naman habang nakangiti. “Sayang kung nasa akin sana ng buong ang kapangyarihan ko, wala tayong magiging problema. Siguro ay kaya kong talunin si Xandre at ang kahit na sino sa alagad niya,” ang dagdag ko pa.
“Huwag ka na nga mag isip ng kung ano ano, nandito naman ako, hindi ko kayo pababayaan ng Chaim,” ang wika niya at muling pumatong sa akin, saka ako hinalikan sa labi.
Sadyang may mga bagay lang talaga na hindi ko maiwasang isipin. Gusto kong makatulong sa digmaang ito, gusto kong may magawa ngunit sa palagay ko hindi talaga sapat ang aking lakas ngayon. Kaya may mga oras na nakatitig na lamang ako sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga malalaking portal o tarangkahan ng halimaw sa likod sa makakapal at madidilim na ulap.
KINABUKASAN.
“Master Suyon ang Bayan ng Yelo ay matagal ng walang mga kawal. Kahit noong panahon pa nila Atermis at Atalante na mga naunang Diyos ng bayang ito,” ang wika ni Mr. Alponso.
“Teka, bakit parang wala yata kayong naikukwento sa akin na ganyan noon? Pati si Lucario ay walang nasasabi sa akin tungkol sa kanyang mga ninuno,” ang tugon ko naman na may halong pagkamangha.
“Master, alam naman natin na walang pakialam si Panginoong Lucario sa mga ganyang bagay, ang iyong asawa ay may sariling mundo,” ang natatawang wika nito.
“Kung sabagay, kahit si Lucario ay bihirang mag kwento ng tungkol sa kanyang ama at ina, kanyang ninuno pa kaya?” wika ko naman.
Tahimik..
Napabuntong hininga ako, “Mr. Alponso, sa iyong palagay, gaano kalakas ang mga ninuno ni Lucario?” ang tanong ko naman.
“Ah, sina Artemis at Atalante ay magkapatid, Master. Teka, noong binata ako ay nabasa ko ang lumang aklat ng palasyo tungkol sa kanilang dalawa. Hayaan mo at hahanapin ko ito sa aklatan. Ngunit bibigyan kita ng impormasyon sa mga bagay na aking nalalaman. Katulad ng aking sinabi kanina, sina Atalante at Artemis ay magkapatid o magkakambal. Sila ang bersyon ng diyos ng kalawakan na sina Gamal at Rashida. Sa makatuwid si Atalante ang Dilim at si Artemis naman ang Liwanag. Silang dalawa ang balanse ng ating lupain. Noong kapanahunan nila, ang bayang ito ay mainit at mayroong tropika na klima, sadyang dumarating lamang sa punto na ang dalawang magkapatid ay hindi nagkakaunawaan sa kanilang mga nais at interes kaya’t ang dalawa ay nagkaroon ng hidwaan.
“Si Artemis ang nagbibigay ng liwanag sa kalangitan at si Atalante naman ang nagbibigay dilim. Si Artemis ay gumagamit ng sagradong dasal ng liwanag at si Atalante naman ay ang gumagamit ng sagradong dasal ng dilim. Ying yang ika nga, ang balanse ng itim ng puti.
“Ayon sa kasaysayan ay may namuong hidwaan sa pagitan ng dalawang magkapatid at sumiklab ang digmaan sa lupaing ito, nawasak ang atmospera at ang tropical na klima ay naging malamig na yelo. At sa huli ng kanilang kwento ay laging patas ang kanilang mga labanan dahil ang kanilang lakas ay pawang magkaparehas,” ang salaysay ni Mr. Alponso.
“Nasaan na sila ngayon?” ang tanong ko naman.
“Si Artemis ay bigla na lamang nawalang parang bula kaya hinanap siya ng kanyang kakambal. Ngunit sa paglipas ng panahon ay hindi na rin sila natagpuan. Dito dumating ang mga bagong lahi ng mga Diyos at isa na nga dito ang ama ni Panginoong Lucario. Ang kwento ng kanilang mga lahi ay talagang komplikado kaya’t mahirap itong isalaysay ng walang hawak na dokumento. Ngunit huwag kang mag alala master, hahanapin ko ito sa lumang silid aklatan ng palasyo,” ang nakangiting wika ng matanda.
“Sina Atalante at Artemis ay mga baliw kong ninuno, hindi magandang halimbawa para sa kasaysayan ng lupaing ito,” ang hirit ni Lucario habang pasan ang aming anak sa kanyang batok. Si Chaim ngayon ay napaka gwapo, ang kanyang mata ay maganda at talagang parating nangungusap. Kamukhang kamukha niya ang kanyang ama.
“Panginoon, huwag po kayong nagsasalita ng ganyan sa inyong ninuno, baka sila mag tampo sa inyo,” ang wika ni Mr. Alponso,
“Hmmp, sila ang dahilan kaya nasira ng lupaing ito,” ang tugon niya sabay abot sa akin ng aming anak. “Pakainin mo na si Chaim at iwasan mong pakagatin siya ng matatamis na pagkain upang hindi masira ang kanyang ngiti, ayokong magkaanak ng bungal,” ang hirit ni Lucario.
“Siraulo ka talaga!” ang wika ko sabay tapik sa kanyang bilugang braso. Niyakap ko ang aming anak saka ko siya hinalik halikan, sobrang cute niya, nakaka gigil talaga.
“Alponso, sabihin mo sa mga matatandang gabay na ako na ang bahala sa mga kawal sa digmaan, ang mga bagay na iyon ay hindi na nila dapat pang alalahanin,” ang utos ni Lucario.
“Pero Panginoon, wala naman tayong kawal dito sa palasyo kundi ang ilang taga bantay, wala pa silang limampu,” ang sagot ng matanda.
“May kawal ang aking ina, sa tingin ko ay hindi niyo dapat alalahanin ang tungkol doon,” ang sagot ni Lucario at nag inat pa ito saka tumabi sa akin sa sofa. Niyakap niya kami ni Chaim at saka hinalikan sa pisngi. “Doon natin pag aaral si Chaim sa mundo ng mga mortal para maranasan niya ang buhay ng isang normal na bata,” ang wika nito.
“Kahit anong balak mo ay susuportahan kita. Basta matapos lang ang digmaang ito ay magiging maayos na ang lahat,” ang tugon ko habang nakangiti.
Tahimik.
“Huwag kang masyadong mag alala, maayos rin ang lahat,” ang tugon niya sabay halik sa aking labi.
“Mas nagwoworry ako para kay Chaim, masyado pa siyang bata para makaranas ng mga pagyanig, pagsabog at pagkagunaw ng mundo,” ang sagot ko na may halong pag aalala.
“Talagang dadaan tayo sa ganoon at iyon ang mga bagay na hinding hindi maiiwasan. Ngunit tahimik sa kaharian ni ina, sa lahat ng mga lupain dito sa mundo ang kanyang kaharian sa ilalim ng mundo ang hindi naaapektuhan ng kaguluhan. Galing ka doon at alam mo kung gaano ito kapayapa. Ligtas si Chaim doon at sa oras ng digmaan ay doon na rin si Alponso at ang kanyang pamilya,” ang wika ni Lucario.
Noong mga sandaling iyon ay batid kong alam at nauunawaan ni Chaim ang aming pinag-uusapan dahil bakas sa kanyang mata ang pangungusap. Wala naman akong nagawa kundi yakapin ito ng mahigpit at hagkan sa pisngi. Bilang sukli ay yumakap siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi na nagbigay ng kakaiba tuwa sa aking puso. Tila ba inaalis niya ang takot at pangamba dito at sinasabi niyang magiging maayos rin ang lahat.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay napansin namin na nagtatakbo ang isang kawal patungo sa amin. “Panginoon, Master, ang kalangitan! Tingnan niyo po ito!” ang wika niya kaya naman agad kong inabot si Chaim kay Mr. Alponso.
Tumayo kami ni Lucario upang lumabas sa palasyo at tingnan kung ano ang sanhi ng kaguluhan sa labas.
Noong makalabas kami ay laking gulat namin noong makitang ang lahat ng mga portal sa kalangitan ay may lamat na, parang mag salamin na may crack ang mga ito. Noong mga sandaling iyon ang alam naming ito ang hudyat ng panibagong hamon. Halos ilang linggo na rin buhat noong makita ko ito at sa palagay ko ay para itong bungang pahinog ng pahinog.
“Mukhang malapit na ang digmaan, ito na ang bagong simula,” ang wika ni Lucario habang pareho kaming nakatitig sa itaas.
“Tiyak na magiging magulo ang mundo sa oras na mawasak ang harang,” ang bulong ko naman.
“Master, nais kong malaman niyo ni Panginoong Lucario na tayo lamang ang nakaka kita ng ganitong senaryo sa buong mundo, dahil nag yeyelo ang ating klima at ang kalangitan ay umaliwalas dahil tumigil ang pagbugso ng niyebe dito.
Habang nasa ganoong posisyon ako ng pagtingala ay laking gulat ko noong biglang nagliwanag ang aking kinatatayuan at dito ay bigla akong lumubog! “Isang portal na pula!!” ang sigaw ko sa aking sarili.
“Lucario!!” ang sigaw ko habang nakalubog ang kalahati ng aking katawan.
“Suyon!!” ang sigaw ni Lucario sabay lundag sa akin, hinila niya ako paitaas ngunit itinulak siya ng malakas na pwersa ng portal!
Noong maitulak si Lucario ay agad akong hinila nito palubog hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na nahuhulog sa isang demensyon patungo kung saan.
“SUYONNNNN!” ang sigaw ni Lucario na aking narinig!
Nagtuloy tuloy ang aking pagbulusok pa ibaba hanggang sa magdilim ang aking paningin at mawalan ako ng malay.
Tahimik ulit..
Hindi ko alam kung saan ako napadpad, basta noong idinilat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang madilim na templo, nakatali ang aking dalawang kamay ng enerhiyang pisi.
“Nasaan ako?” tanong ko habang nagpapanic. Pilit akong kumawala ngunit wala akong magawa dahil mahigpit ang pagkakabigkis sa akin ng tali.
Habang nasa ganoon posisyon ako at isang pamilyar na tawa ang aking narinig at mula sa kadiliman ng silid at lumabas ang isang lalaking hindi ko inaasahang makikita ko sa ganitong lugar.
“Kumusta ka na, Suyon?” tanong nito habang nakangisi.
Nanlaki ang aking mga mata noong mga sandaling iyon. Ang lalaking ito ay walang iba kundi si SATO.
Ibinihag niya ako at dinala kung saan..
Itutuloy.
Part 19: Sugo ng Kalikasan
Part 19: Sugo ng Kalikasan
IBARRA POV
Walang pagbabago ang kadiliman dito sa bundok ng Hiraya, gayon pa man ay medyo naging panatag kami nila Leo at iba pa dahil sa pagsang-ayon ng iba’t ibang lahi ng engkanto upang makiisa sa digmaang parating. Ang mundo ng mortal ang sentro ng aming mundo, dito kami kumikilos ng malaya at nakikihalubilo sa mga normal na tao. Dito kumukuha ang Heaven at Hell Society ng kanilang mga tao sa pamamagitan ng paghahatol sa kanilang mga kaluluwa. Sa makatuwid, ang mundo ng mga mortal ay mahalaga ang parte sa aming mga lupain.
“Tingnan mo Leo, magaling na pa lang magsulat si Tob,” ang wika ko noong pinakita ko ang sulat kamay nito.
“Oo, medyo lagpas lang sa guhit pero nababasa na ito, very good anak,” ang wika ni Leo sabay gusot sa buhok ng bata.
Tuwang tuwa naman si Tob kaya naman inilabas pa niya ang books tungkol sa mga gawain ng bata sa bahay, katulad ng paglilinis ng study table, paghahanda ng pagkain sa lamesa, pag aayos ng higaan at pagtitiklop ng mga kumot. Ito ang kaniyang takdang aralin.
“Hindi naman ako nagtataka na parating perfect score itong si Tob, manang mana sa katalinuhan mo, Leo.” ang wika ko habang nakangiti.
“Syempre dahil din iyan sa pagtityaga mong turuan siya,” ang nakangiting sagot ni Leo sabay akbay sa akin.
“Leo! Ibarra!!” ang pagtawag ni Sam sa amin habang kami ay abala sa pagtuturo kay Tob ng mga araling pambahay.
Sumilip ako sa bintana, “Bakit Sam?” tanong ko na may halong pagtataka dahil ang boses nito ay may takot.
“Leo, Ibarra, may nangyayari sa ibang parte ng bundok Hiraya,” ang wika ni Sam na may halong pangamba.
Dahil nga isa itong emergency ay iniwanan namin ni Tob sa mama ni Leo at agad kami sumama kay Sam na noon ay balot ng takot. “May kakaiba sa paligid, sa tingin ko ay sinasadya ito ng kung sino,” ang wika niya at noong makarating kami sa sentro ng bundok ay laking gulat namin noong makita na ang halos one fourth nito ay naagnas, nasira at namatay. Ang mga dahon ay natuyo, ang mga hayop, insekto at maging ang mga dambana sa mga puno ay kalansay na lamang ang natira, lahat ay naagnas at binura sa ere ang mga katawan.
“Isang “KAMALASAN” ito ang terminong ginagamit kapag nasisira ng bundok ng Hiraya,“ ang bulong ni Sam.
“Teka, hindi ito natural na pangyayari, ito ay sinasadya,” ang sagot ko naman noong may maramdamang kung anong nakakubli sa paligid.
“Gayon rin ang pakiramdam ko, hindi ko maipaliwanag ngunit tumitindig ang aking balahibo ngayon,” ang wika naman ni Leo.
“Ano ba ang nangyayari? Jusko no! hindi pa nagsisimula ang last war ay nawawasak na ang bundok ng Hiraya!” ang wika ni Tembong habang kasama si Lolo Isko na noon ay hawak ang kanyang tungkod.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay laking gulat namin noong gumalaw ang kalamasan at nagsimula na naman ito agnasin ang mga bagay sa paligid. Nadikitan ang aking kasuotan kaya naman agad ko itong hinubad dahil tuloy tuloy itong natunaw.
Umiwas kami at dumistansiya, ikinumpas ni Lolo Isko ang kanyang tungkod at lumikha ito ng nagliliwanag na harang sa buong paligid. Pinigilan nito ang paggapang ng tinatawag “kamalasan” o yung mahika na nag-aagnas ng mga bagay sa paligid “Tama si Ibarra at Leo, ito ay sinasadya,” ang wika ng matanda at dito ay tumaas pa ang kanyang harang sa buong paligid ng bundok upang hindi na gumapang ang “kamalasan” ng pagkaagnas.
“Oo, at isa nilalang lamang ang alam kong may galit sa bundok ng Hiraya. Isa nilalang lamang ang nagtataglay ng maitim na puso ng paghihiganti!” ang wika ko naman dahilan para mapatingin sila sa akin.
“Sang-ayon ako, at ngayon ay nandito siya upang ibangon ang kanyang dangal mula sa pagkatalo noon,” ang dagdag ni Leo hinawakan niya ang bola ng instant transportation at pinindot ito upang mag summon ng kakampi na darating maya maya lamang. Alam niya na ang kalaban ngayon ay mas malakas kaysa dati.
“Tama ang sinabi ni Leo, kaya sa tingin ko magiging isang mahirap na laban ito,” ang sagot ko naman.
“At ang tinutukoy namin ay walang iba kundi si IVO! Na nandito lang sa paligid at nakakubli lamang sa mga puno upang itago ang kanyang sarili!” ang wika ko at nagliwanag ang aking kamay at lumabas dito ang isang piraso ng rosas, nalagas ang mga talulot nito at hinipan ko sa direksyon ng makakapal na puno sa gawing gilid ng bundok. “Ibubulgar ng mga talulot ang katutunan, ilalabas nito ang kalaban,” ang wika ko pa.
Pumaikot ang mga talulot sa paligid at nagliwanag ito, dito ay lumabas ang imahe ng isang tao. Hindi ito maaninag ng maayos ngunit alam na naming pamanganib ito. Samantalang isang impit na tawa lang ang kanyang isinukli sa amin habang unti unting lumalabas ang kanyang katawan.
Unti unting nabulgar ang katawan ni Ivo sa aming harapan, nakangiti ito at ngunit ang mata ay nanlilisik, punong puno ng pagnanasang makaganti. Walang pagbabago sa mukha ni Ivo, dati pa rin ito maliban sa kulay ng kanyang buhok na ngayon ay kulay purong puti bagamat ang kanyang mukha ay batang bata pa rin.
“Kumusta na kayo dito? Hanggang ngayon ay hinanap hanap ko pa rin ang masarap na amoy ng hangin dito sa bundok ng Hiraya,” ang bungad nito.
“Kung nakakapagsalita lamang ang hangin dito sa Bundok ng Hiraya tiyak na sasabihin nila na isang malaking kamalian ang dumampi sa iyong balat. At nakakasakit lamang sila ay baka kanina ka pa nila nilason,” ang sagot ni Lolo Isko.
Natawa si Ivo, “Isko, masaya akong makitang buhay ka pa, bukod ay Tandang Orani ay ikaw na lang natitirang gabay sa bundok na ito. Paano kung mamatay ka pa ngayon sino ang papalit sa iyo? Kung sabagay, naparito ako para pamunuan ang bundok na ito. Nais ko mamuno sa mga engkanto upang kumampi kay Xandre at silang lahat ay masalba, ikaw Ibarra? Wala ka bang kumampi sa akin? Bakit hindi tayo magkaisa ngayon? Para sa ikabubuti ng mga engkanto,” ang wika niya habang nakangisi.
“Iyan ang mga bagay na hindi mangyayari Ivo, mamatay ako, kaming lahat dito at hindi mo mababago ang aming paninindigan!” ang wika ko sa kanya.
“Wala naman akong pakialam sa iyong saloobin Ibarra, sa tingin ko ay sapat ang aking lakas at kapangyarihan para bawiin ang dapat sa akin,” ang wika niya.
“Ikaw at si Caleb, pare pareho kayong hindi makatanggap ng pagkatalo!” ang sagot ni Leo.
“Magkaiba kaming dalawa, dahil ako ay hindi magbabago kahit na kailan, kayong mga muling hahadlang sa aking kagustuhan ay titiyakin kong mamatay. Bakit hindi natin simula sa isang simpleng laro?” tanong niya habang nakangisi.
“Humanda kayo, mapapalaban tayo ng husto,” ang bulong ko kina Leo, Sam, Tembong at Lolo Isko.
“Hindi ako sanay sa mga ganitong patayang fight scene pero I’ll to my best! And I thank you!” ang wika ni Tembong habang nanginginig sa takot ang boses.
“Wala na kay Ivo ang mga elemento ng enerhiya katulad ng mga ginagamit niya noon. Walang nakakaalam kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon siya ngayon,” ang wika ni Leo at dito ay muling kumabit sa kanyang katawan ang kalasag ni Akito. Samantalang nagliliwanag naman ang dalawang kamay ni Sam at naglabas ito ng dalawang mahabang espada na berde ang talim.
“Magaling at naghanda na kayo. Kung ganoon ay simulan natin,” ang wika ni Ivo at mula sa kanyang kamay ay lumabas isang nagliliwanag na buto. Piniga niya ito at dito nagliwanag ang kanyang buong katawan.
Ang kakaibang uri ng buto naglabas ng mga baging at gumapang sa kanyang buong katawan at naging isang matibay itong kalasag. Ang kalasag ay kulay berde, gawa sa matibay na halamang hindi namin alam kung saan nagmula.
Nakatayo lamang siya sa aming harapan, maya maya ay huminga siya ng malalim at bumuga ng mga bilog na enerhiyang berde. Sumibat iyon sa aming kinalalagyan at saka nagsimulang sumabog.
Umiwas kami ngunit nanatili si Lolo Isko sa kanyang kinatayuan, nagliwanag ang kanyang tungkod at naglabas rin ito ng mga enerhiyang berde na kagaya ng pinakawalan ni Ivo at sumibat ang mga ito sa direksyon ng kalaban. Sa makatuwid ay nag-abot ang mga enerhiyang berde, ang iba galing kay lolo Isko at ang iba naman ay galing kaya Ivo.
Ito ang naganap sa panimulang labanan, ang salpukan ng mga berdeng enerhiya sa paligid na lumikha ng mga pagsabog at pinsala sa bundok ng Hiraya.
Maya maya ay nakita kong ikinumpas pa ni Ivo ang kanyang kaliwanag kamay at dito ay naglabas ito ng mga itim na paru parong sumasabog rin sa lahat ng madikitan. Bilang pang counter ay nagtatakbo ako tabi ni Lolo Isko, ikinumpas ang aking kamay ay mula dito ay lumabas ang dadaan daang makukulay na paru-paro na siyang humarang rin sa bagong atake ni Ivo.
Nagsalpukan rin sa gitna ang makukulay na paru parong galing sa akin at ang mga itim na galing sa kanya. Sumasabog ang paligid, at ang mga paru paro ay nagliliyab na parang mga papel na nagiging abo kapag namamatay! Kaya ang paligid ay punong puno ng mga pakpak na nasunog na bumabagsak sa aming mga harapan.
Panandaliang tumigil si Ivo. “Hindi na masama para sa magandang panimula,” ang wika nito at maya maya ay naglabas pa muli siya ng buto sa kanyang kamay.
“Lolo, kapag nagpatuloy ito ay masisira ang Bundok ng Hiraya at maraming nilalang dito ang masasawi. Walang pakialam si Ivo, wawasakin niya ang ating tirahan!” ang bulong ko na may halong pangamba.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay naglabas si Ivo ng isang malaking energy ball, lumundag siya sa itaas at alam kong ibabagsak niya ito sa amin! Tiyak na mawawasak ang Bundok ng Hiraya!
Noong pinakawalan ni Ivo ang malaking enerhiya sa aming itaas ay nagliwanag ang katawan ni Lolo Isko, itinaas niya ang kanyang tungkod at binalot ng malakas na dilaw na enerhiya ang buong paligid. Binulat kaming lahat ng malakas na liwanag na iyon dahilan para lahat kami ay mapapikit.
Hindi namin alam kung ilang sandaling nagliliwanag ang buong paligid, basta noong maramdaman naming humupa na ito ay iminulat namin ang aming mga mata.
Dito ay laking gulat namin noong matagpuan ang aming sarili sa isang malawak na kapatagan na may mga nakausling matataas na mga bato. Ang paligid ay madilim na tila may bagyong parating. Dito ay nakita ko ring nakaluhod si Lolo Isko, hinang hina at tila nawalan ng lakas.
“Wala na tayo sa bundok ng Hiraya,” ang wika ni Sam.
“Jusko, hindi ko naramdamang nag teleport tayo dito, iba ka lolo Isko! Winner ka!” ang hirit ni Tembong.
Natawa si Ivo na noon ay nakaupo sa isang nakausling bato sa aming harapan. “Magaling Isko, mukhang may silbi rin pala ang pagiging gabay mo? Ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya para iteleport kami sa isang demenyo at para maiwasan ang pagkasira ng inyong tahanang Bundok ng Hiraya. Kahanga-hanga ang iyong naging desisyon,” ang wika nito.
“Akala ko mo ay gusto mong pamunuan ang bundok ng Hiraya? Bakit mo ito sisirain?” tanong ni Sam.
“Pamunuan ang LAHAT ng nasa bundok ng Hiraya, wala akong balak angkinin ang inyong pangit at sira sirang kabundukan!” ang sagot ni Ivo habang natatawa.
“Wala kang aangkin Ivo, matagal ka ng patay kaya ibabalik ulit kita sa kung saan ka nararapat!” ang sigaw ko. Lumakad ako patungo kay Tembong para ibigay si Lolo Isko na noon ay nanghihina, “Ikaw na muna ang bahala kay Lolo Isko,” ang bulong ko.
“Mag iingat kayo,” ang wika ni Tembong sabay alalay sa matanda at inilayo niya ito sa aming kinalalagyan.
Tahimik, tuloy ang pagtama ng kidlat sa madilim na kalangitan, humahangin sa paligid..
“Tatlo laban sa isa? Kung sa bagay, wala naman akong nararamdamang malakas na kapangyarihan sa inyong katawan. Lalo ka na Leo, nasaan ang ikalawang regalo? Bakit tila yata humina ka ng husto?” tanong niya.
“Sa tingin ko ay wala ka ng pakialam doon!” ang singhal na sagot sa kanya ni Leo.
“Kung ganoon ay simula na natin ang larong ito!” ang wika ni Ivo at dito ay mabilis na binalot ng kalasag ang kanyang katawan.
Lumundag siya sa itaas at mula sa kanyang paligid ng mga lupa ay tumubo ang mga halamang baging na mistulang mga galamay na may sariling buhay. At bawat isang galamay ay sumibat sa amin, sumasadsad ito sa lupa, humahampas sa aming direksyon at bumubuga ng mga tinik sa aming paligid.
Sa dami ng mga gamalay na halaman na animo malalaking bersyon ng latigong rosas ni Kurama sa anime na Yuyu Hakusho, kapag humpas ito sa amin ay nasisira ang mga bato at ang lahat ng tinatamaan nito ay nadudurog!
Nagsimula ang laban sa pagitan namin nila Ivo, ang labanang ito ay tiyak na magiging madugo dahil ang kanyang lakas hindi namin masukat lalo’t kaloob ito ni Xandre ang itinuturing na Hari ng Kadiliman.
Itutuloy.
Part 20: Roselia
Part 20: Roselia
IBARRA POV
Nagliwanag ang espada ni Sam at parang kidlat itong sumagupa sa mga matitinik na halamang galamay sa paligid ni Ivo, sinubukan niya putulin ang mga ito ngunit ang mga katawan ng mga ito sadyang matigas at hindi basta basta tinatalaban ng talim ng kanyang aespada. Sa pagkakataong ito ay nahihirapan kaming makalapit kay Ivo dahil sa mga nakapaligid sa kanya. At ang nagpahirap pa sa amin ng husto ay ang mga tinik na sumisibat sa aming kinalalagyan at sumasabog kapag tumatama ito sa paligid.
“Ang mga halamang ito ay matitibay hindi basta basta nasisira. Ang bawat tinik ng mga halamang galamay na ito ay may kakayahang makapanira ng mga babalik bato o kahit isang buong palasyo pa,” ang wika niya sabay kuha sa tinik ng kanyang halaman saka ito itinapon sa isang maatas ng bato sa kanya tagiliran. Sumabog ang bato at yumanig ang buong paligid.
“Mukhang napagtanto mo rin na ang paggamit ng halaman bilang sandata ay isang magandang bagay, tama ba?” tanong ko naman.
“Bago pa ako magkaroon ng kakahayaang gamitin ang mga elemento ay marunong na akong gumamit ng halaman bilang sandata. Tila yata nakakalimutan mong isa pa rin akong engkanto,” ang wika nito habang pinagmamasdan ang mga baging niyang may sariling buhay.
Maya maya ay nagsimula muli umatake ang mga ito sa amin. Humahampas ang lahat sa paligid, umuulan ng tinik at ang paligid ay sumasabog. Habang nasa ganoong pag iwas kaming talo ay mabilis kong sinuntok ang lupa at dito lumabas naman ang aking mga baging. Ang pagkakaiba lang ay kulay brown ang sa akin na animo mga sanga ng kahoy, ang kay Ivo ay berde na may tinik ng rosas.
Naglaban ang dalawang uri ng baging sa paligid na parang may mga sariling buhay. Nagsalpukan ang mga ito na parang mga malalaking uri ng hayop. Ngunit sa huli ay nadurog lamang ang mga halamang baging ko at nanaig pa rin ang kay Ivo.
“Hindi ganoon kadali iyon, ang aking halamang ito ay katutubo pa lamang, ayaw mo bang saksihan ang kanyang paglaki?” tanong ni Ivo.
“Kung gayon ang mga baging na iyan ay sibol pa lamang? Anong klaseng halaman iyan?” tanong ni Sam.
“Ito si Roselia, ang aking pinakamagandang halaman, mamaya maya lamang ay makikita niyo na siya NGUNIT hindi lalaki ang isang halaman kung walang dilig? Tama? Kaya naman kailangan niyang madiligan upang siya ay lumaki! At iyon ang inyong mga dugo!” ang wika ni Ivo at dito bumuga siya ng mga butong matatalim na tumama sa aking katawan na ang dulot ng pagdugo sa aming braso at binti.
Umatras kami nila Leo..
“Iyan lamang ang kailangan ko, tiyak na lalaki na si Roselia,” ang wika niya at dito ay nagliwanag ang mga tinik sa katawan ng kanyang mga baging. Ang akala namin ay muling aatake ang mga ito ngunit nagkakamali kami dahil ang mga tinik ay nanatiling nakadikit sa kanilang mga sanga, nagbago lamang ang anyo ng mga ito at nagkaroon ng mga animo mga straw sa pinakadulo.
Naghintay kami ng mga susunod na kaganapan, dito ay nagliwanag ang mga katawan ng baging. “Simulan na natin ang pagdidilig sa inyong mga sanga,” ang wika ni Ivo at sa isang kumpas ng kanyang kamay ay laking gulat namin na ang dugo sa aming mga sugat ay umangat sa ere at hinitit ng mga animo straw na nasa pinakadulo ng mga tinik!
Kaya parang mga straw ng zesto o karayom na may ginagamit sa hiringilya ang mga ito ay dahil ito ang hihigop ng dugo! Ang aming mga dugo ay hinigop at kitang kita ang pag angat nito sa ere na animo mga pulang sinulid!
Lumayo kami at dumistansiya nila Leo at Sam, pero ganoon pa rin, umaangat pa rin ang aming dugo!
At sa kada paghigop nila ay mamumula ang mag tinik at lalong lumalaki ang mga baging! “Takpan niyo ang mga sugat niyo ng mga tela! Bilisan niyo! Hindi ititigil ang halaman sa pagsipsip ng ating mga dugo!” ang sigaw ni Leo. Hinubad niya ang kanyang damit, pinunit ito at itinali sa kanyang sugat.
Dito nahinto ang paghigop ng halaman ni Ivo. Ngunit may kaunti pa ring umaangat sa ere pero madalang na ito, hindi tulad kanina na animo sinulid na pula ang nakakalat sa ere na hinihigop ng mga tinik.
Nalungkot si Ivo, “hmmm, kaunti lamang ang inilaki ni Roselia, siguro ay dapat na sugatan ko pa kayo ng marami upang mas lumaki pa siya!” ang wika nito at dito ay bigla na lang siyang nawala sa kanyang kinatatayuan at bago pa kumurap ang aming mata ay nagulat na lang ako noong palanding sa aking harapan ang kanyang binti bilang pag atake.
Sinangga ko ito ngunit nawala ako sa aking balanse dahilan para mapaatras ako sa lupa. Muli siyang umatake sa akin, nagkaroon ng patalim ang kanyang kalasag at mabilis niya ito inihataw sa akin, medyo nahiwa ang aking dibdib at dito ay muli na naman itong hinigop ang kanyang halaman!
Parang pulang pisi na hinihitit ang aking dugo sa ere paakyat sa mga tinik nito.
Nangiti si Ivo! “At muli ako inatake ng kanyang matalas na patalim na gawa sa kung anong ugat ng matulis na halaman. Umiwas ako at dito ay humarang sina Sam at Leo sa aking harapan, sila naman ang nakipag laban dito. Pinagtulungan nila ang kalaban, hawak ni Sam ang kanyang dalawang espada na mayroon berdeng talim na nagliliwanag. Hawak naman ni Leo ang kanyang gintong espada at sa kanyang kaliwanag kamay ay isang shield na ginto pamprotekta sa sarili. Habang nabubuno ang talo ay agad kong tinalian ang aking sugat upang mahinto ang paghigop ng halaman sa aking dugo.
Muling lumaki si Roselia, nagkaroon na ito ng makapal na katawan at sanga!
Sumasabog ang atake ng tatlo, maya maya ay bumuga ng berdeng enerhiya si Ivo agad naman itong sinagga ni Leo gamit ang kanyang shield na lumaki. Dito na lumundag si Sam at inatake ang kalaban. Isang malakas na hataw ng espada ang kanyang ginawa dahilan para mawasak ang kalasag ni Ivo pero hindi ito natinag. Bumuga ito ng mga tinik sa katawan ni Sam dahilan para tumamba ito sa lupa. Nagdugo rin ang kanyang katawan at walang ano ano ay hinitit ito ng halaman!
Dito ay nagtatakbo na ako, muli kong sinuntok ang lupa at dito ay umangat ang matutulis na sanga, umatake ang lahat ng ito ay Ivo! “Ako na muna dito! Takpan mo ang sugat ni Sam! Tiyak na mauubusan siya ng dugo!” ang utos ko kay Leo
Ako ang humarap kay Ivo, “matagal na panahon na rin Ibarra!” ang sigaw ng kalaban at nagsagupaan kaming dalawa. Naging mga paru-paro ang aming mga katawan at dito ay naglaban kami sa ere.
Ipinakita sa senaryo ang paglalaban nila Ibarra at Ivo, nagiging paru paro ang kanilang mga katawan kapag sila ay lumilipad sa iba’t ibang direksyon at babalim sila sa kanilang katawang engkanto kapag sila ay nagsasagupaan ng suntok habang nagliligagab ang mga enerhiya sa kanilang katawan. Pagkatapos ng umaatikabong suntukan at sapakan ay muling magiging paru paro ang kanilang katawan saka sila muli maglalaban sa iba’t ibang direksyon. Samantalang sina Tembong at Lolo Isko ay nag-iipon naman ng lakas upang tumulong kina Ibarra.
Naghiwalay kami ng direksyon ni Ivo, kapwa kami nakatayo sa nakausling mataas na bato. Tahimik lang paligid at ang hangin ay tumatama sa aming mga katawan.
Sumiklab ang berdeng enerhiya sa aking kamay at ganoon rin ang ginawa ni Ivo..
Sa pagtama ng matalim na kidlat sa aming pagitan ay kapwa kami lumundag. Buong lakas naming inihataw sa isa’t isa ang enerhiyang aming hawak!
Sa pagdidikit ng aming mga kapangyarihan ay sumiklaba ng malakas na liwanag sa buong paligid at saka itong sumabog na animo nuclear bomb! Sa lakas ng impact ng pagsabog ay kapwa itinulak ang aming katawan palayo sa isa’t isa.
“Ibarra!” ang sigaw ni Leo, mabilis pa sa kidlat na lumipad ito at sinalo ang aking katawan na noon ay tumitilapon sa ere! Agad niya akong ibinaba sa isang ligtas na lugar, “ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin.
“Oo, medyo nasunog lang ang braso ko, pero mawawala rin ito mamaya,” ang wika ko sabay lagay ng malamig na dahon sa aking braso.
Samantalang si Ivo naman ay muling bumangon at sumugod sa amin hawak ang kanyang mga patalim! Dito na muling lumundag si Sam at siya naman ang nakipag sagupaan kay Ivo. Kumikislap ang paligid kapag nagtatama ang kanilang mga sandata, nag sspark ang paligid at sumasabog ito dahil sa mga enerhiyang nakabalot dito.
Isinandal ako ni Leo sa isang batuhan at mabilis itong lumipad na parang kometa kay Ivo, nagliwanag ang kanyang kamao at isang malakas na suntok ang iginiwad niya sa harapan nito. Napaatras si Ivo ngunit nangiti ito at muling sumagupa sa dalawang kalaban niya.
Nakipaglaban ang dalawa, pero halata pa rin ang lakas ni Ivo. Lalo na noong magliwanag ang kanyang katawan at hinila sina Leo at Sam palapit sa kanya na parang mga magnet!
Dumikit sina Leo at Sam kay Ivo, pilit silang umalis ngunit nakagapos sila ng enerhiya nito. “Kailangan ko pa ng dugo para sa aking Roselia!” ang wika niya at dito bilang tumubo ang mga mahahabang tinik sa paligid ng kanyang katawan na animo isang hayop na porcupine at tumagos ito sa katawan ng dalawa!
Gulat na gulat ako sa bilis ng pangyayari, pati sina Leo at Sam ay nagulat rin. Dito ay tumulo ang kanilang dugo at walang anu ano ay hinigop ito ng dambuhalang halaman ni Ivo.
“Leo! Sam!” ang sigaw ko agad kong sinutok ang lupa, lumabas ang mga baging dito at agad nitong hinila sila Leo at Sam palayo kay Ivo. Kapwa duguan ngunit ang dugo ay animo pising pula na hinihila mula sa itaas! Sa dami nito ay nagliwanag ang katawan ng halaman at dito mas lumaki ang kanyang halaman.
Sa kada patak ng dugon ay nagbabago ang katawan ng halamaw at sa dami nitong nahigop sa aming katawan ay nagkaroon na ito ng ubod at nagkaroon ng isang malaking bulaklak sa itutok na hindi pa bumubuka. Para itong isang rosas na nakatikom, isang higanteng bulaklak na mas malaki pa sa amin.
Agad kong tinapalan ng dahon ang mga sugat sa katawan nila Leo upang matigil ito sa pagdugo. Habang si Ivo naman ay nakatanaw sa kanyang higanteng halaman. “Roselia, malapit ka nang mamulaklak, sa palagay ko ay masasaksihan na nila ang iyong ganda,” ang wika nito.
“Masama ito, sa pagalay ko ay nagtatalay ng malakas na enerhiya ang halaman. Naalala ko ang isang kwento tungkol sa isang makapangyarihang Diyos sa malayong kalawakan na gumamit ng halamang Lotus upang maging sandata. Sana ay huwag maging ganito ang kayayahan ni Roselia,” ang bulong ni Sam.
“Bakit ang tagal ng back up?” ang bulong ni Leo sabay taas ng instant transportation ball. Nagspark ito at saka umusok!
“Sa pagalay ko ay wala tayong maaasahan ngayon. Tayo ay nasa ibang demensyon, marahil ay hindi na ito abot ng instant transportation ball,” ang sagot ko naman.
Habang nasa ganoong posisyon kami yumanig lalo sa paligid at mas lalo pang tinubuan ng ilang bubot na bulaklak si Roselia.
“Malapit na Roselia! Malapit naaa!” ang sigaw ni Ivo sabay kuha ng espada at bigla niya hiniwa ang kanyang braso.
Ang kanyang dugo mismo ang kanyang ginamit upang maging pandilig sa higanteng halaman.
Kitang kita namin kung paano hinigop ni Roselia ang dugo ni Ivo at dito ay nagliwanag ang mga bulaklak ng bubot sa sanga ng higanteng halaman.
Lumaki ang mga ito..
At maya maya ay namukadkad ang bulaklak ni Roselia. Isang magarbo at kulay pulang bulaklak na kasing laki ng isang buong buhay.
Tuwang tuwa si Ivo noong mga oras na iyon at kasabay ng pagliliwanag ng kanyang katawan ay ang pag galaw ng mga bulaklak at bumuga ito ng pulang liwanag na dumurog sa buong paligid!
Si Roselia ay isang sandatang pandigma, isa itong mapaminsalang sandata na kayang sumira ng isang buong lupain.
Itutuloy..
Part 21: Ang Hukbo ni Ivo
WATER SNAKE: THE LEGEND OF THE DEEP available via PDF File! Grab your copy now for only 350 pesos! LIMITED SLOTS ONLY! Please contact 0995-078-9932. Thank you
Part 21: Ang Hukbo ni Ivo
IBARRA POV
“Ito si Roselia! Ang aking pinakamagandang likha sa lahat!” ang sigaw ni Ivo na may halong matinding pagkagalak habang pinagmamasdan ang kanyang higanteng halaman.
“Si Roselia naglalaman ng itim na kapangyarihan, sa makatuwid ito ang binhi na ibinigay sa kanya ni Xandre katulad ng kay Caleb at sa iba pa!” ang wika ko naman.
“Tama ka doon Ibarra, noong pumanaw ako ay wala akong natirang kapangyarihan sa akin ay orihinal kong lakas. Lahat ng pinahirapan ko ay nawala, kaya ngayon ay sisiguraduhin kong mawawala ang lahat sa inyo!”
“Pinaghirapang nakawin! Gago! Iyon ang totoo! Lahat ng lakas mo noon ay nakaw lamang! At hindi iyon matatawag na lakas!” ang singhal ni Leo.
“Kung gaano ay ipapakita ko sa inyong ang tunay na lakas!” ang sigaw rin ni Ivo. Sabay kumpas sa kanyang kamay at dito ay muling nagliwanag ang mga tinik sa katawan ng kanyang halaman at sumabog ito sa ere! Daan daan ang mga tinik na iyon at ang lahat ay tumama sa lupa. Umiwas kami at dumistansiya, ang lahat ng mga tinik ay tumama sa lupa at nagliliwanag pa rin ang mga ito.
Maya maya ay isang kumpas pa ang kamay ang ginawa ni Ivo at nagliwanag naman ang higanteng bulaklak at bumuga ito ng daan daang nagliliwanag na pollen, nanatili ito sa ere na parang mga kumikislap na insekto. “Pagmasdan ninyong mabuti! Ito ang aking lakas! Ito ang kaya kong gawin! Marahil ay natutuwa kayo dahil pinagtutulungan niyo ako, ang isa laban sa lima ay hindi patas. Bakit hindi natin baligtarin ang sitwasyon? Gawin natin ito lima laban sa daan daan!” ang wika ni Ivo at muling nagliwanag kanyang katawan saka bumigkas ng kakaibang orasyon!
Muling nagliwanag ang mga tinik na nakatusok sa lupa at gayon rin ang mga bilog na enerhiya pollen na nagliliwanag sa ere.
Sumabog ang mga enerhiya sa paligid at kasabay nito ang pag crack ng mga tinik na parang mga itlog na nabasag, ganoon rin ang mga bilog na pollen sa ere! Ang lahat ay unti unting nabiyak hanggang makalipas ang ilang saglit ay unti unting lumabas dito ang mga nilalang na parang mga halimaw. “Ang mga tinik ay mga itlog, ngayon ay nakabuo siya ng daan daang hukbo,” ang wika ni Sam habang pinagmamasdan ang mga humanoid na mga halimaw na parang balot ng ugat at sanga ng puno.
“At hindi lang iyon dahil may hukbo rin siya sa itaas, ang mga inaakala nating mga pollen ay mag itlog rin na namisa at ngayon lumabas rin dito ang daan daang halimaw na may pakpak animo mga itsekto,” ang dagdag pa nila.
“Sa makatuwid ay dalawang hukbo ang kalaban natin, ang isa ay dito sa lupa, at ang isa ay doon sa itaas,” ang wika ko naman at habang nasa ganoong posisyon kami ay nagliwanag ang aming harapan ay sumulpot dito sina Tembong at Lolo Isko.
“Lolo Isko, kaya mo na ba?” tanong ko.
“Oo, malakas kumunsumo ng enerhiya ang paglilipat ng demensyon, pinigilan ko rin ang malakas na enerhiyang pinakawalan niya kanina upang hindi masira ang bundok ng Hiraya. Ngayon ay medyo nakabawi na ako ng aking lakas,” ang tugon ni Lolo Isko.
“Digmaan na ba ito? Ang daming halimaw na hukbo ni Ivo! Ano to? Chronicles of Narnia lang ang peg?” tanong ni Tembong.
Maya maya ay naghubad si lolo Isko ng kanyang balabal at dito ay lumabas ang kanyang maskuladong katawan. “Hala, naghubad ka talaga lolo Isko? Aba’t may muscle ka pala? Ang akala ko ay isa ka lang payat na matandang may tuberculosis!” ang hirit ni Tembong.
“Matagal tagal na rin akong hindi lumalaban! Nasasabik na rin ang aking katawan,” ang tugon niya at maya maya ay nagliwanag ang kanyang likuran at mula dito ay lumabas ang isang pakpak na animo tutubi.
“Hala, dragonfly wings talaga? At translucent pa ha,” ang hirit ni Tembong.
“Kami ni Leo ang lilipad para sa mga kalaban sa itaas. Tembong, Sam at Ibarra kayo ang bahala dito sa baba! Ubusan na ito ng lakas! Kailangan nating manalo!” ang utos ng matanda.
“Alam niyo, kaya naman pala malakas ang loob ni Ivo na sumalakay mag isa sa Bundok ng Hiraya ay may baon naman pala siyang ganito!” ang wika ni Tembong at dito sinira niya ang gown niya at dito ay lumabas ang armor niya na tinernuhan ng maikling palda. “Ano pa ba? Edi lalaban na nga tayo! Patay kung patay!” ang hirit nito sabay labas ng magic wand sa kanyang kamay.
Tahimik..
Sa pagbagsak muli ng matatalim na kidlat sa paligid ay nagsimulang sumugod ang mga daan daang hukbo ni Ivo. Ang mga ito ay mabilis na nagtatakbo patungo sa amin.
“Handa na!!” ang sigaw ni Lolo Isko lumipad ito sa ere hawak ang kanyang tungkod.
Tumingin sa akin si Leo, “mag ingat ka dito,” ang wika niya at lumabas sa kanyang likuran ang pakpak na liwanag animo awra na hugis pakpak ng anghel. Lumabas rin ang gintong shield at espadang gawa sa enerhiya sa kanyang isang kamay. Lumutang siya sa ere at lumipad kasunod ni lolo Isko!
“Humanda na tayo! Walang bibitiw at walang susuko!” ang sigaw ko sabay suntok sa lupa at dito ay lumabas ang limang higanteng tuod na gawa sa matibay na mga sanga. Ang limang higanteng ito ay parang si Belerick sa larong Mobile Legends. Isa pang suntok sa lupa ang aking ginawa at umangat naman dito ang malalaking sanga ng puno upang aming maging pananggalang!
Samantalang nagtatakbo naman si Sam sa itaas ng mga malalaking sanga na aking nilikha at naging sagupaan ito sa mga halimaw.
Sa kabilang dako naman ay si Tembong na nagliliwang ang hawak na wand at sa kada kumpas nito ay tinutubaan ng mga makukulay na bulaklak ang mga kalaban. Sumasabog rin ang mga petals na inilalabas ng kanyang kamay na animo mga bomba.
Sa itaas naman ay gumuguhit ang gintong liwanag sa ere na galing sa sandata ni Leo. Para itong laser na sumasabog at iisang direksyon, samantalang si Lolo Isko ay mano-manong nakikipaglaban gamit ang kanyang pisikal na lakas!
Naging magulo ang buong paligid, para kaming nasa isang walang katapusang digmaan! Iba’t ibang kulay ng liwanag na enerhiya ang nakikita sa paligid. Ang ginto sa itaas ay kay Leo na parang matitingkad na liwanag na sumisibat sa ere at binubura ang mga insektong halimaw sa itaas. Ang kulay Pink naman ay Tembong na binabalibutan ng mga petals na sumasabog sa kanyang paligid. Ang berde ay mula naman na espada ni Sam. Ang puti na may kombinasyon na berdeng enerhiya ay sa akin. At ang itim sa itaas ay kay lolo Isko!
At makalipas ang ilang minutong magulong sagupaan ay halos bumaba na sa kalahati ang bilang ng hukbo ni Ivo, samantalang wala na ring natira sa aking mga higanteng tuod, lahat ng mga ito ay napaslang ng mga halimaw at ng kanilang matatalim at mahahabang pangil at kuko.
Hingal na hingal na kami, tagaktak na rin ang aming mga pawis. Maya maya ay bumaba sina Leo at Lolo Isko sa aming kinalalagyan. “Ang mga kalaban sa itaas ay hindi nauubos. Tuloy tuloy ang pagbuga ng pollen ng higanteng halaman!” ang wika ni Leo.
“Napababa namin ang bilang mga kalaban dito sa lupa ngunit ang aming lakas ay paubos na rin! Kulang ang ating bilang para itumba ang lahat ng mga ito!” ang wika ni Sam.
“Kung ganyon ay dito lang kayo sa aking tabi!” ang wika ni Lolo Isko kaya naman sinunod namin siya. Pumalibot kami sa kanya at dahil magkakatabi na kami ay sa iisang direksyon na lamang lumusob ang mga kalaban. Parang isang malalang kuyog ang naghihintay sa amin, mayroon sa lupa at mayroon sa ere na sumisibat pasugod sa aming kinalalagyan.
Pumalibot lahat sa amin ang mga halimaw, sa lupa at sa ere! At noong malapit na sa amin ang lahat ng kalaban ay itinaas ni Lolo Isko ang kanyang tungkod, nagliwanag ito ng husto at saka sumabog sa buong paligid! Para isang nuclear weapon na gumuhit sa lupa at sa itaas na tumama sa mga kalaban dahilan para malusaw at mabura ang ito na animo mga papel na nasunog! Namuo ng namuo ang malakas na liwanag sa paligid saka ito sumabog!!
Yumanig at binalot ng malakas at nakakasilaw na puting liwanag ang aming mga paningin! Bago tuluyang umangat ang aming mga katawan sa ere dahil sa lakas ng impact! Hindi nakapagtataka na may ganitong kalakas na kapangyarihan si Lolo Isko dahil isa siya sa pinakamatanda at pinaka makapangyarihan engkantong nabubuhay sa bundok ng Hiraya.
Tumilapon ang aming mga katawan sa ere pasadsad sa lupa, panandaliang yumanig ang paligid at noong mawala ang malakas na liwanag ay nagkaroon na ako ng pagkakataong idilat ang aming mga mata. Dito ay nakita kong naubos ang lahat ng mga hukbo ni Ivo dahilan para magalit ito.
“Tampalasan kang matanda kaaaa!” ang sigaw nito at nawala ang katawan niya sa aking paningin. Sa isang iglap ay nakita ko siya sa harapan ng nakahandusay na si Lolo Isko, lumabas ang patalim sa kanyang kamay kaya naman nagpumilit akong bumangon at mabilis na naging paru paro ang aking katawan upang makarating ng mas mabilis sa kanilang kinalalagyan!
“Lolo Isko!! Huwag!!” ang sigaw ko at noong ihahataw niya ang patalim sa matanda ay sinalo ko ito.
Tumama ito sa aking kanang dibdib, tumulo ang dugo sa aking bibig ngunit may lakas pa ako para itulak si Ivo palayo sa akin. Nahugot ang patalim sa aking dibdib at dito ay sinagupa ko siya, umangat ang mga nalagas na dahon ng mga higantenh tuod na aking ginamit kanina at ito ang ginawa kong patalim.
Muli kaming naglaban ni Ivo, naghahampasan ang mga patalim na aming hawak habang lumilipad ang mga matutulis na dahon sa aming mga paligid! Mabilis ang aming kilos bagamat sa kada galaw ko ay talagang kumikirot ang aking mga pinsala.
Habang nasa ganoong paglalaban kami ay may sumibat na gintong liwanag sa aming harapan at dito ay sumulpot si Leo, sinangga niya ang pag atake ng kalaban at siya naman ang sumuntok ng malalakas dito!
Tumatama ang kanyang mga kamao sa katawan ng kalaban kaya’t naman halos magdugo ang mukha nito. Ngunit gayon pa man ay nagagawa pa rin niyang sanggahin ang pinaghalo naming pag atake. Hanggang sa maya maya ay bigla na lamang lumabas ang napakaraming tinik sa kanyang katawan na tumusok sa aming dalawa. Ang mga tinik ay mahahaba, para siyang malaking bersyon ng Porcupine o isang Hedgehog, maaari ring isang insektong may kakayahang maglabas ng matatalim na bagay sa kanyang katawan upang protektahan ang kanyang sarili.
Lagapak kami ni Leo sa lupa..
Samantalang si Ivo naman ay bumagsak sa tabi ng kanyang higanteng halaman. May pinsala sa kanyang katawan at ang kanyang kalasag ay wasak na rin. “Bakit kailangan mo pang makipaglaban kung alam mong sa kamatayan lamang ang iyong punta?” tanong ko sa kanya.
“Nagpapatawa ka ba? Alam mong hindi ako mamatay! Kung mayroong mabubura dito ngayon ay kayo iyon! Kayo na mababang uri ng engkanto!” ang sigaw niya sabay kumpas sa kanyang kamay.
Dito ay umangat ang kanyang katawan sa lupa, ang enerhiya ay bumalot sa kanyang buong katawan na animo isang super saiyan. Kasabay nito ay ang pagliliwanag rin ng buong katawan halamang si Roselia.
Maya maya ay naipon ang liwanag na enerhiya sa pinaka antena nito at sa isang iglap ay..
Sumabog ito!
Naglabas ng isang malakas na pulang enerhiya na gumuhit sa buong paligid! Sa lakas nito ay tumaas ang aming mga paa sa lupa, nagipa ang paligid, nagbiyak ang lupang aming kinatatayuan! At kasabay nito ang isang malakas na pagsabog, sa sobrang lakas ay parang ginunaw na ang buong dimensyon.
Hindi pa kami nakakarecover ay muli na namang nagliwanag bulaklak ni Roselia at ibinuga niya ang enerhiya sa aming direksyon!
Nagtatakbo si Leo upang pigilan ito, nagliwanag ang kanyang shield at lumaki ito sapat para takpa at protektahan kami.
Sinalo ng pananggalang ni Leo ang ikalawang pagtira ni Roselia pero lumalabas na mas malakas ito, nag crack ang shield sa kanyang kamay at nabasag ito, nabasag rin ang kanyang buong kalasag sa katawan.
Panmasantalang napigilan ni Leo ang atakeng iyong ngunit hindi ito sapat. Lalo umangat ang aming katawan sa ere at noong muling balutin ng malakas na liwanag ang buong paligid ay kusang pumikit ang aking mga mata at naramdaman ko na lang na tumama sa lupa at sa batuhan ang aking katawan.
Si Roselia, isa itong malakas na sandatang pandigma, sa palagay ko may kakahayan itong wasakin ang isang buong isla sa isang tirahan lang. Tila isang malaking pagsubok ngayon kung paano namin ito magagapi kung gayon ang matindi na ang nagagawang pinsala ng labanan sa aming mga katawan.
Nawala nga kay Ivo ang mga elemento ng kapangyarihan ngunit mas malala naman ang pumalit dito, mas mapanira, mas delikado at mas malalagay kami sa kritikal na kondisyon.
Habang nasa ganoong pagkawala ako ng lakas ay naramdaman kong may dumampot sa aking latang gulay na katawan at itinaas ako sa ere. “Ngayon Ibarra, hayaan mo akong kuhanin ang iyong kapangyarihan,” boses ni Ivo.
Itutuloy.
Part 22: Ang Pinakamahalagang Biyaya
Part 22: Ang Pinakamahalagang Biyaya
LEO POV
Malayo rin ang itinilapon ng aking katawan dahil sa malakas na pagsabog. Ang aking kalasag ay nawasak gayon rin ang aking sagradong pananggalang. Sadyang napakalakas ng pwersang pinakawalan ng higanteng halaman ni Ivo at napinsala ng husto ang aking braso at katawan.
Iniangat ko ang mga tipak ng malalaking bato na tumabon sa aking katawan. Hingal na hingal ako at halos napapaubo na lang ako ng dugo. Sa mga ganitong pagkakataon ay parating sumasagi sa aking isipan si Tob. Kailangan kong makaligtas at mabuhay para sa kanya, ito ang tanging bagay na tumatakbo sa aking utak ng paulit ulit.
Pinilit kong tumayo, noong maibalik ko ang aking balanse ay laking gulat ko noong makita si Ivo na hawak ang walang malay na katawan ni Ibarra. “Ngayon ay kukunin ang iyong kapangyarihan Ibarra, hindi na masama ang pagiging engkanto lupa,” ang wika nito sabay dukot sa kanyang dibdib.
Nagsisigaw si Ibarra, ramdam ko ang kanyang sakit! Kaya naman muling sumiklab ang liwanag sa aking katawan at lumabas sa aking kamay ang sagradong espadang enerhiya. Lumipad ako na parang isang liwanag sa kinalalagyan ni Ivo. “Itigil mo iyannn! Huwag mong pagnasahan ang hindi sa iyo!” ang sigaw ko at isang malakas na hataw ng espada ang aking pinakawalan kay Ivo dahilan para maputol mga braso at kamay nito pero iyon ay ilusyon lamang dahil noong dumistansiya siya sa akin ay maayos naman ang kanyang katawan.
Hindi na ako nag aksaya ng panahon, ako na mismo ang nakipag sagupaan kay Ivo, inilayo ko siya sa aking mga kasamahan na noon ay unti unting nagkakamalay. “Hindi ka pa rin nagbabago Ivo, TIMAWA KA PA RIN!!” ang sigaw ko at nagliwanag ang aking kamao at binangag ko ito sa kanyang katawan dahilan para mapaatras siya.
“Ikaw naman Leo, malaki ang bago mo dahil masyado kang naging mahina! Kapag nanalo ako sa labanang ito ay babalik ko ang iyong anak at saka ko kukunin ang ikalawang regalo!” ang sagot niya dahilan para maginit ang aking dugo at ulo sa narinig.
“Hindi mo isasayad kay Tob ang daliri mo dahil papatayin kitaaaa! Papatayin kitaaaaa!” ang malakas kong sigaw at dito nagliwanag ang aking kamao at buong lakas kong itinira sa kanya! Nasapol siya sa katawan at tumilapon sa batuhan.
Agad ring bumangon si Ivo, naliwanag ang kanyang katawan at muling gumalaw ang bulaklak ni Roselia. Tumutok ito sa aking kinalalagyan at walang ano ano ay bumuga na naman ng isang malakas na enerhiya.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay may tumubong mga malalaking sanga ng puno sa aking paligid at ito ang naging pamprotekta ko mula sa malakas na pagsabog na nilikha ng mapanirang halaman ni Ivo. Batid kong si Ibarra ang nagprotekta sa akin.
Sumabog muli ang lahat.
Nawasak ang mga malalaking sanga ngunit hindi ako masyadong naapektuhan dahil naka kubli ako sa loob nito.
Noong humupa ang mga pagyanig ay nakita kong halos burado na ang buong paligid, puro hukay na lamang at bakas ng mga malalakas na pagsabog ang natira dito. Dito ko rin napansin na prinotektahan rin ni Ibarra ang aming mga kasamahan upang hindi sila mapahamak. Ang bawat isa sa amin ay hinarangan niya ng makakapal na mga sanga ng puno upang magsilbing shield sa aming paligid. Dito ay nakita ko si Ibarra na hinahabol ang paghinga, dito ko na rin napagtanto na matatalo kami dahil sa pagkaubos ng aming lakas.
“Maraming enerhiya si Roselia, tiyak na ubos na ang inyong lakas ay nagsisimula pa lamang siya,” ang wika nito at maya maya ay nahinto siya sa pagsasalita at saka tumawa. “May sinasabi si Roselia, gusto pa raw niyang lumaki kaya’t kailangan niyang muli madiligan,” ang nakangising wika nito.
Nagliwanag mga tinik ng halaman at dito ay muling umangat ang aming mga dugo sa ere na parang mga pising pula na hinihigop ng halaman. “Mukhang hindi lang enerhiya ang mauubos sa inyo kundi pati na rin ang iyong dugo,” ang wika ni Ivo.
“Ayoko pang mamatay, nadamay lang naman talaga ako dito no,” ang hirit ni Tembong, mula sa kanyang kamay ay lumabas ang petals na pink at itinapal niya ito sa aming mga sugat upang mapigilan ang pag higop ng dugo ng halaman.
Lumaki ng bahagya si Roselia dahil sa paghigop sa aming dugo..
Habang nasa ganoong posisyon kami ay muling sumugod si Ivo, “bakit kailangan niyong ipagkait kay Roselia ang inyong mga dugo? Bakit masyado kayong madadamot?!” ang sigaw niya at muli siyang umatake sa amin hawak ang kanyang dalawang malaking espada.
Nagpumilit tumayo si Sam at mabilis itong nagtatakbo para harangan ang kalaban. Nag-abot muli ang kanilang mga sandata ngunit sa pagkakataong ito ay halatang hindi na makasabay si Sam sa kanyang bilis. Kaya naman tumulong na ako sa kanya, muli ako umatake kay Ivo at gayon rin ang ginawa ni Ibarra.
Kaming talo ay mano manong nakipaglaban dito. Taglay pa rin niya ang kakaibang bilis at lakas na hindi mapapantayan! Maya maya ay lumundag si Ivo nagliwanag ang kanyang katawan saka ibinato iyon sa aming kinalalagyan kaya’t tumilapon muli kami pasadsad sa lupa.
“Bakit hindi pa kayo sumuko?” ang tanong niya sabay atake sa amin.
Tumayo si Ibarra at sinangga ang kanyang pag atake, “hindi kami susuko! Maraming rason para lumaban!” ang sagot niya.
“Kung ano man ang rason mo na iyan ay mas makabubuting ialis mo na ito sa iyong isipan dahil sa huli ay isa lamang ang magiging resulta ng labanang ito at iyon ang katapusan niyong lahat! Ako ngayon ang panalo, Ibarra!” ang sigaw niya at muling lumutang ang kanyang katawan sa ere. Lumabas sa kanyang kamay ang isang malaking enerhiya na muli niyang babato sa aming kinalalagyan.
“Sa oras na tumama ang enerhiyang ito sa inyo ay katapusan niyo na! Mga hangal!!” ang sigaw pa niya at noong bibitiwan niya ang enerhiya sa kanyang kamay ay mayroong isang portal na sumulpot sa itaas at mula dito ay bumagsak ang isang manlikmot na may kakaibang anyo at kalasag na animo Japanese Samurai!
Sinalo ng Manlikot na iyon ng bola ng enerhiya ni Ivo at saka niya ito hinati sa gitna. Ang bilis niya parang ninja, parang sumasabay sa hangin ang kanyang mga kilos. Mga bagay na labis naming kinamangha.
Maya maya sumagupa ito kay Ivo, sa pagkakataong ito ay kitang kita kung paano dapurakin ng bagong dating na Manlikmot ang aming kalaban. Hinawakan niya ang mukha nito, sinubsob sa lupa, kinagat, kinalmot at sinipa parang isang ninja.
Gayon pa man ay nakarecover agad si Ivo, bumuga ito ng mga tinik at kung ano anong matutulis na bagay sa kanyang bibig. Tatama ito sa manlikmot ngunit ang nakakatuwang pag iwas ito ay kapansin pansin dahil nag tambling ito, lumukso at tumatapak sa mga maninipis na nakausling mga bato.
Maya maya ay lumundag ang Manlikmot sa ere na naging tatlo ito, isang shadown clone technique. Nagliwanag ang espada nila at buong lakas na hinapas sa kalaban dahilan para tumilapon si Ivo sa malayo.
Bumagsak sa aming harapan ang manlikmot at bumalik ito sa kanyang pormang tao. Ito ay walang iba kundi si Haring Seth ng Cendril Forest. Ngumiti ito sa amin at nag wika, “Pasensiya na, sira yata yung instant transportation ball dahil kung saan saan ako nito dinala bago ako makarating dito,” ang natatawang wika nito sabay tingin sa paligid. “Mukhang matinding labanan ang naganap base sa matinding pagkasira ng paligid at sa sugat sa inyong katawan,” ang wika nito.
“Ay jusko, ang gwapo naman pala niyan, winner! Ang ganda ng pez tapos lalaki lalaki ang aroma,” ang hirit ni Tembong at biglang inayos ang kanyang sarili.
“Medyo mahirap ang laban at ang labis na nagpahirap sa amin ay ang isang iyon,” ang sagot ni Ibarra sabay turo kay Roselia na noon ay nag iipon na naman ng kapangyarihan.
Pero hindi nakasagot ni Seth dahil sumingit si Tembong, “Hi ako si Thalia Emperatriz Bongaloo! Ako ang muse ng Mount Hiraya,” ang hirit nito na may halong pagpapa-cute.
“Ako si Seth, kinagagalak kitang makilala Tembong,” ang seryosong sagot nito.
Naiyak si Tembong, “bakit? Wala naman akong sinasabing Tembong ang pangalan ko diba?” pagmamaktol nito.
“Nakita ko lang, may nakadikit na papel sa likod mo at Tembong ang nakasulat dito. Batid kong gawa ito ng bata,” ang sagot ni Seth.
Agad na kinapa ni Tembong ang kanyang likuran at dito ay nakita nga nya ang papel na may drawing ng taong medyo matabang nakagown at nakalagay dito ang isang arrow na may pangalang “TEMBONG”.
“My God!! Leo ang pilyo ng anak mo! All this time? Wala man lang nagsabi sa akin na may ganito ako sa likuran? Anong klase kayong mga kaibigan at kapanalig?” pagmamaktol nito habang umiiyak.
Maya maya ay tumingin si Seth sa higanteng halaman. “Medyo malaki ang isang iyan, sa palagay ko ay mapaminsala rin ito,” ang wika niya.
“Oo naman noh! Alam mo isang bugahan ng energy ng hinayupak na halaman na iyan ay para kaming binabagsakan ng sampung nuclear bomb! Obvious naman diba puro hukay na itong paligid,” ang hirit ni Tembong.
“Kung gayon ay hindi tayo mananalo kung hindi natin matatalo ang halamang iyan,” ang kalmadong sagot ni Seth.
“Ngunit sa palagay ko ay hindi ganoon kadali iyon, ang katawan at mga galamay ni Roseli ay matitibay,” ang wika ni Sam sabay pakita sa kanyang mga espada na halos wasak na ang talim.
“Sa palagay ko ay hindi sapat ang sandata lang. Kung malaki ang hihiwain dapat ay malaki rin ang ipanghihiwa dito. Ito ay napaka simple konsepto,” ang wika ni Seth sabay tingin kay Ivo. “Sa tingin ko ay nakarecover na ang isang iyon. Muli siyang aatake sa akin, takpan niyo ako at susubukan kong wasakin ang halaman,” ang dagdag pa nito.
“Hindi magiging madali ang lahat! Ang akala niyo ba ay hindi ko alam ang inyong binabalak? Ngayon pa lang ay buburahin ko na kayo sa mundong ito!” ang galit na sigaw ni Ivo sabay bigkas ng katagang “ROSELIA!”
Nagliwanag na naman ang bulaklak nito at ang antena ay nagsimula na namang mag absorb ng mga enerhiya sa paligid.
“Ngayon!” ang sigaw ni Seth at noong lumundag siya ay naging Manlikmot na naman ang kanyang katawan.
Ito ang signal, dito ay sumagod kaming dalawa ni Ibarra kay Ivo habang si Seth susubukang itumba ang halaman. At si Sam naman ang cover niya dito.
“Hindi tayo mag tatagumpay!” ang sigaw ni Ivo at dito ay lumabas sa kanyang mga katawan ang mga mahahabang tinik at lumipad ito sa aming kinalalagyan saka sumabog. Ginamit ko ang aking gintong panangga upang hindi kami tamaan!
Lumipad si Ivo! Lumipad rin ako sa ere!
Samantalang si Ibarra naman ay naging paru paro ang katawan at sumagupa sa kalaban. Kahit duguan ay makikita mo pa rin ang lakas at bilis nito. Ang mga baging ay pumalibot sa kanyang braso at bumuo ito ng matulis na sandata na animo espada! Muli silang naglabanan sa ere, hindi ko masundan ang kanilang paglipad ngunit gayon pa man ay inipon ko pa rin ang lakas sa aking kamao. Kapag nakahanap ng pagkakataon ay makakawalan ko ang aking enerhiya sa direksyon ng kalaban.
Samantalang sa ibaba naman ay tumatakbo sina Sam at Seth patungo kay Roselia. Humahaba ang mga galamay nito at naglalabas ng mga tinik na siya namang hinahati at sinasangga ni Sam upang icover ang pagtakbo ni Seth.
Mula sa paglalaban ni Ibarra at Ivo ay lumabas lumabas ang kanilang mga katawan mula sa pagiging mga paru paro. Dumistansiya si Ivo at naglabas ng enerhiya sa kanyang bibig. Samantalang inipon rin ni Ibarra ang enerhiya sa kanyang kamay!
Sa makatuwid ay tatlo kaming nag ipon ng lakas dito sa ere! Ang nasa bibig ni Ivo ay kulay puti na may halong itim, ang kay Ibarra ay berde at ang sa akin ay dilaw na matingkad!
Noong mapakawalan ni Ivo ang kanyang malakas na pag atake ay ipinakawalan rin namin ni Ibarra ang aming inipong lakas! Nagsalpukan ang tatlong malalakas na enerhiya sa itaas at nagtulukan ang mga ito.
Samantalang makikita sa ibaba na bumuga ng malakas na liwanag na pagsabog si Roselia sa harapan nila Seth. Nagliwanag ang katawan ni Sam, nagkaroon ng mga ugat na armor ang kanyang katawan at buong lakas niyang sinalo ang pinakawalang pwersa ni Roselia! “Ngayon naaa Sethh!!” ang sigaw ni Sam.
Tumalon si Seth sa ere at mula sa kanyang kamay ay lumabas ang isang dambuhalang shuriken! Halos kasing laki na ito ng kalahating basket ball court.
Umikot ang shuriken at naglabas ito ng malakas na enerhiya sa paligid!
Napasigaw si Seth, nagliliwanag ang kanyang mga mata at ganoon rin ang kanyang mga balahibo. Buong lakas niya ito ibinalibag kay Roselia at noong tumama ito sa halaman ay unti unti itong nahiwa at marahang bumagsak.
Samantalang nanaig ang pinaghalong pwersa namin ni Ibarra at itinulak nito palayo si Ivo. Ang aming mga enerhiya ay lumikha ng malakas na liwanag sa alapaap at walang ano ano’y sumabog ito.
Itutuloy.
Part 23: Pagbasak ng Talulot
Part 23: Pagbagsak ng Talulot
IBARRA POV
Halos sabay na bumagsak sina Ivo at Roselia sa lupa. Samantalang si Sam naman ay tumilapon ang katawan sa lupa, nagtamo siyang malalang pinsala dahil ang kalahati ang kanyang katawan ay napinsala ng todo. Umuusok ito at ang kanyang braso ay natusta dahil sa pagpigil niya sa enerhiya Roselia.
Nagtagumpay naman si Seth na putulin si Roselia gamit ang kanyang dambuhalang shuriken.
Kami naman ni Leo ay napasalampak na lang sa lupa habang hinabol ang aming paghinga. Agad rin namang rumesponde si Tembong kay Sam, nilagyan niya ng mga espesyal na talulot ng bulaklalak ang mga nasunog na bahagi ng mga braso at dibdib nito, “Sa tingin ko ay aabutin ng dalawa hanggang tatlong linggo bago mawala ang sunog sa iyong balat at mapalitan ito ng bago, sa ngayon ay mas makabubuting huwag ka na lumaban pa. Yung ginawa mong pagsalo sa enerhiya ni Roselia kanina ay well played na iyon,” ang wika ni Tembong.
“Ngunit kahit nawasak natin si Roselia ay hindi pa rin tapos ang laban,” ang wika ni Seth habang nakatanaw kay Ivo na noon ay sugatang bumabangon. Umuusok ang katawan nito at tumatagas ang dugo sa kanyang braso at katawan.
Pinilit naming tumayo ni Leo at dito ay sinubukan naming ihanda ang aming mga sarili. “Akala niyo ba ay ganoon kadali? Akala niyo ba ay basta basta niyo ako magagapi?!” ang tanong niya at dito ay muling sumiklab ang enerhiya sa kanyang katawan, “kahit wala si Roselia ay sa akin ay kaya ko pa ring maging malakas!” ang singhal pa niyal
“Tama na Ivo, ano pa ba ang nais mong patunayan? Ang pagkampi kay Xandre ay isang malaking kabaliwan! Sana ay nanahimik ka na lang sa kabilang buhay! Kung minsan ang paghahangad ng sobra ay nagreresulta sa matinding kabiguan. At sasabihin ko na sa ikalawang pagkakataon ay bigo ka pa rin!” ang sigaw ko sa kanya.
“Ito ang aking ikalawang pagkakataon at gagamitin ko ito upang magtagumpay!” ang sigaw niya at dito ay nagliwanag ang kanyang buong katawan at unti unting nag bago ang anyo nito. Noong mga sandaling iyon ay ramdam na ramdam ko ang hindi matatawarang galit at poot sa kanyang kaibuturan kaya’t sa tingin namin ay hindi niya isusuko ang kanyang pagnanasang magtagumpay at gumanti sa amin.
Patuloy na nagliwanag ang katawan ni Ivo, mula sa pagiging anyong tao ay naging isang dambuhalang Mantis ito at nagsimulang sumagupa sa amin, tuluyang binago ni Ivo ang kanyang sarili dala ng matinding pagnanasang manalo.
Noong makalapit sa amin ay bumuga ito ng usok na animo lason at ang kanyang dalawang matalim na kamay ay walang humpay sa pag atake sa amin. Wala kontrol ang kanyang katawan, tila isang baliw na halimaw na gusto lamang manira. “Tuluyan ng nawala sa sarili si Ivo,” ang wika ni Leo habang umiiwas, tinakpan namin ang aming bibig at ilong upang hindi malanghap ang lasong ibinuga nito.
“Ang pagkawala ni Roselia ang nagbigay ng matinding yurak sa kanyang pag-asa. Malakas noon si Ivo dahil lahat ng talento at kapangyarihang ninakaw niya ay maigi niyang nagagamit katulad ng element ng apoy, lupa, hangin at pati na rin ang gintong buhangin ni Tandang Orani, Noong matalo natin siya ay walang natira sa kanya kundi ang kanyang orihinal na lakas na pinag-igting lamang ng kapangyarihan ni Xandre!” ang sagot ko naman.
“Kung ganoon ay wala tayong magagawa kundi ang tapusin na ang isang iyan!” ang wika ni Seth sabay lundag at hinati ang dalawang kamay ng mantis. “Tapusin mo na Ibarra!” ang utos ni Seth sa akin.
Dito ay lumipad ako sa ere, nagliwang ang aking katawan at mula sa aking kamay ay lumabas ang maraming paru-parong nagliliwanag ang mga pakpak. Lahat ng ito lumipad at pumalibot kay Ivo na nanoon ay tuluyang naging isang halimaw. Ang mga paru paro ay pinakalma siya, isa uri ng ilusyon na papatahimikin ang iyong isipan.
Noong makasiguradong hindi na gumagalaw ang kalaban at lumabas sa aking pala ang isang uri ng matulis na patalim, ito ay isang sting na may kakayahang sumira ng kahit na anong makapal na balat o armor. Nagliwanag ang aking katawan at mabilis ako sumibat pabagsak sa kalaban!
Noong makalapit ako dito ay tumusok sa kanyang katawan ang aking sandata na naging sanhi ng pagkabutas ng kanyang tiyan. Batid kong hindi naman niya ito naramdaman dahil ikinalma ng mga paru paro ang kanyang isipan.
Unti unting bumagsak sa lupa ang katawan ni Ivo, natuyot ito ay walang natirang bakas. Samantalang napasalampak na lang ako sa lupa at napahiga. “Nanalo ba tayo?” ang tanong ko sa kanila.
“Oo, sa palagay ko ay nanalo nga tayo,” ang sagot ni Leo sabay higa sa aking tabi.
“Malakas si Ivo, nagkataon lamang na marami tayo. Hindi naman mahalaga sa atin kung sino ang umangat at kung sino naging pinakamalakas sa labanan. Ang pinakamahalaga ay natalo natin ang kalaban at nabawasan ang bilang nila,” ang wika ko naman habang nakatanaw sa madilim na kalangitan.
Bumalik si Seth sa kanyang pagiging tao, “Ang ating mga kalaban noon ay talagang malakas ang pananalig na gumanti. Ngunit mas malakas na tayo kaysa sa kahapon kaya’t ang sitwasyon ay hindi na magiging katulad pa ng dati,” ang wika niya sabay ngiti sa amin.
“Maraming salamat, Mahal na hari,” ang wika ko sa kanya.
Natawa si Seth, “Walang anuman, siguro ay dapat umuwi tayo at magpahinga, isa itong ,mahabang araw ng pakikipaglaban,” ang wika niya.
“Oo nga naman umuwi na tayo at nais kong imbitahin si Haring Seth sa ating kabundukan ng Hiraya. Pagsisilbihan ko siya at ipapatikim ang feeling ng mayroong asawang nag-aalaga at nagmamahal,” ang hirit ni Tembong.
Natawa kami, “Don’t worry Tembong alam na ni Seth ang feeling ng mayroong nag-aaruga at nagmamahal dahil mayroon na iyang asawa,” hirit ni Leo.
Napatingin si Tembong kay Seth, “Totoo ba iyon? Sino siya? Nasaan siya?” ang tanong nito.
“Siya si Ybes, isa rin siyang Manlikmot at naroon siya ngayon sa aming tribu kasama ng mga matatandang gabay,” ang sagot ni Seth,
“Ybes?! Lalakihan na naman iyan! Bakit ba ganyan kayo? Puro mga asawa niyo matitigas na parang mga bato? Ayaw niyo ba ng sobrang lambot na parang marshmallow? O parang laway ka kaya? Eto naman ako oh!” ang pagrereto ni Tembong sa kanyang sarili.
Tawanan kami..
Habang nasa ganoong posisyon kami ay lumakad sa aming harapan si Lolo Isko at nagwika ito, “Sa tingin ko ay kailangan na nating umuwi. Maraming salamat sa iyo Haring Seth, ang hari ng lahat ng Manlikmot.”
“Lolo Isko, hindi po lahat dahil marami akong kalahing hindi napapasunod, maraming mga rebeldeng manlikmot ang naka-kalat sa iba’t ibang demensyon,” ang wika ni Seth.
“Huwag kang mag-alala mahal na hari, sa susunod na kabilugan ng buwan, sa iyong pag alulong ay luluhod sa iyo ang lahat ng manlikmot at kikilalanin ka bilang nag-iisang hari ng inyong lahi,” ang wika ng matanda sabay taas ng kanyang tungkod at nagliwanag ito.
“Anong ibig sabihin ni Lolo Isko?” bulong ni Seth sa amin.
“Mahilig talagang magbasa ng bituin iyang si Lolo Isko, sa tingin ko ay binasa lamang niya ang iyong kapalaran,” ang nakangiting wika ni Leo at dito ay nilukuban kami ng malakas na liwanag na magbabalik sa amin sa bundok ng Hiraya.
“Doon ka muna papa Seth at bibigyan kita ng intense na masahe at itrain mo na rin akong maging isang manlikmot okay ba iyon?” ang hirit pa ni Tembong.
Tawanan ulit kami..
Isang mahaba at madugong labanan ang aming naranasan, gayon pa man ay amin pa rin itong napagtagumpayan sa pamamagitan ng pagkakaisa at sa paniniwala sa lakas at kakayahan ng bawat isa. Habang nagliliwanag ang aming paligid ay hinahawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Leo tanda ng aking pagmamahal at pasasalamat dahil hinding hindi niya ako iniiwan.
XANDRE POV
“Mukhang natumba na ang lahat ng iyong alagad Panginoong Xandre?” tanong ni Atalante habang nakatanaw ako madilim na kalangitan.
“Mukha ang isa sa aking mga bituin ay bumagsak na, ganoon ba kalalakas ang mga kalaban?” tanong ko habang nakatayo sa balkunahe.
“Siguro ay malalakas, ngunit para sa isang Diyos na katulad ko ay mahihina lamang sila,” ang tugon ni Atalante.
“Ganoon ba? Mukha ang tinutukoy kong bituin na unti unting bumabagsak at nandito na ngayon,” ang tugon ko at mula sa bulwagan ay nakita ko ang sugatang si Ivo na hinang hina at marahang lumalapit sa akin kinalalagyan.
“Panginoong Xandre, iligtas mo ako, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon,” ang pagmamakawa nito.
Natawa ako, “Mukha malalang pagkatalo ang iyong nakamtan, Ivo?”
“Marami sila, pinagtulungan nila ako. Kailangan ko pa ng karagdagang lakas at kapangyarihan. Pakiusap Panginoon, pagkalooban mo ako ng kapangyarihan. Pakiusap,” ang dagdag niya sabay luhod sa akin harapan.
Natawa ako, “Sa palagay ko panahon na upang magpahinga, Ivo,” ang sagot ko sa kanya.
“Pero kaya ko pang lumaban, pakiusap,” ang pagmamakaawa niya.
Pero hindi na ako sumagot, tumalikod na lamang ako sa kanya at sinenyasan si Atalante na tapusin na ang pahihirap ni Ivo. “Huwag, maawa ka sa akin!” ang sigaw nito.
“Huwag ka mag alala, wala kang mararamdamang anumang sakit,” ang sagot niya.
At dito ay narinig ko na lang na sumigaw si Ivo. Nagliwanag ang paligid at hindi ko na ito inusisa pa. Ayokong makitang nabigo ako dahil pinagkatiwalaan ko ang mahihinang katulad niya. Hindi ko na nakita ang buong detalye basta lumapit si Atalante kay Ivo at hinugot ang kaluluwa nito mula sa kanyang katawan.
Tumahimik ang paligid.
“Ang babaylang si Sato ay may dinakip na kalaban sa kanyang templo, natutuwa ako nagsisimula na rin siyang kumilos,” ang wika ko habang nakatanaw sa madilim na kalangitan. Ang aking mga hukbo ay tila naghahanda na sa kanilang paglabas. Mula dito ay nararamdaman ko ang labis na pananabik.
“Kung gayon panginoon, hayaan mo akong humarap sa kanila,” ang wika ni Atalante sa aking likuran.
“Bakit hindi tayo humarap ng sabay sabay, paghiwa hiwalayin sila muli at tapusin. Ito ang palasak na istratehiyang ginamit ng mga nabigong Lower Blood Army,” ang wika ni Maggy na isang mananayaw.
Natawa si Atalante, “Sadyang mahihina ang miyember ng Lower Blood Army dahil hindi naman si Panginoong Xandre ang pumili sa kanila.”
“Panginoon, mukhang si Sato at Muzngi ay may sarili mga mundo. Mukhang hindi sila makiki-ayon sa aming nais na sabay sabay umatake,” ang tugon ni Maggy.
“Wala akong pakialam sa inyong dalawa. Bilang isang Blood Sucker ay wala akong nais patayin kundi sila lamang. Malaki ang atraso sa akin ng mga Blood Sucker na iyan,” ang wika ni Muzngi habang hinahasa ang kanyang kwintas na krus sa gilid ng kanyang hawak na aklat.
“Gawin niyo ang inyong nais, ang mahalaga ay magapi niyo ang mga kalaban o pahinain man lang sila para kapag sumiklab ang digmaan ay wala na silang matirang lakas. Si Sato ay may sariling misyon na nais niyang gawin, gayon rin ang Paring si Muzngi, wala akong balak na hadlang ang kanilang anumang nais,” ang sagot ko naman.
“Tama si Panginoong Xandre, gawin niyo ang iyong nais gawin. Walang pakialamanan mga putang ina ninyo,” ang wika ni Muzngi.
“Pari ka ba talaga? Galing mo mag mura ah,” ang wika ni Atalante.
“Syempre! Ang masasabi ko lang ay lumakad kayo ng sa inyo at lalakad ako sa akin. Dalhin na lamang natin ang ulo ang sinumang mapapatay natin dito at inaalay kay Panginoong Xandre,” ang wika sagot ni Muzngi.
“Gawin niyo ang inyong makakaya, ilang linggo na lamang ay at tuluyan ng mawawasak ang harang, ang digmaan ay sisiklab at ang kadiliman ay muling maghahari. Kapag nangyari ito ay mababago ang lahat sa sanlibutan. Tiyak na magbabago rin ang paniniwala ng lahat,” ang tugon ko sa kanila.
“Masusunod po panginoong Xander,” ang sagot nina Atalante at Maggy, pareho silang nawala sa aking paningin at ang natira dito ay si Muzngi na noon ay abala pa rin sa paghahasa ng kanyang mga maliit na armas.
Tahimik.
“Tila ang galit mo sa mga blood sucker ay hindi humuhupa,” ang puna ko kay Muzngi.
“Matapos nilang kainin ang mag ina ko, papatayin ko silang lahat. Kasama na ang kanilang hari!” ang wika nito.
Natawa ako, “Ang hari ng mga blood sucker ngayon ay may taglay na kakaibang lakas. Sana ay makayanan mo ito.”
“Lahat ay kakayanin ko, sa ngalan ng paghihiganti!” ang sagot niya na may halong pang gigigil.
Lumakad ako paalis sa kaniyang harapan at muling nagtungo sa aking trono. Naupo ako dito at hinintay ang sandali na ako mismo ang haharap sa aking mga kalaban upang baguhin ang kanilang pinaniniwalaan.
Apat na lamang ang aking natitirang alagad, kapag naubos sila ay iyon na ang hudyat ng pag bagsak ng kadiliman mula sa kalangitan. At ang lahat ay magbabago na mula ngayon.
Ipinakita sa senaryo na lumakad si Muzngi palabas sa bulwagan upang harapin ang kanyang kapalaran. Ipinakita rin sa senaryo ang portal sa itaas ng kalangitan kung saan unti unting nag ccrack at nagbibitak ang harang na mistulang mga mga salamin na malapit na mabasag.
Itutuloy.
Part 24: Masamang Ala-ala
Part 24: Masamang Ala-ala
ENCHONG POV
Matindi ang pagbaon ng katigasan ni Rael sa aking butas. Halos dikit na dikit ang kanyang bayag habang mariing binabayo ang aking lagusan na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Nakayakap ako sa kanyang hubad na katawan habang ninamnam ang sarap ng pagtama ng ulo ng kanyang alaga sa aking G-spot.
Nagpapalitan kami ng mainit na halik, dila sa dila at laway sa laway. At makalipas ang ilang marahas na pag ulos ay sabay kaming nilabasan. Sumabog ang aking katas sa aking tiyan at siya naman ay nilabasan sa aking kaloob looban. Kapwa kami hingal na hingal noong mga sandaling iyon. Tumagal ng ilang minuto bago nahugot ang kanya ari na noon ay medyo matigas pa rin.
Matapos ang mainit na tagpong iyon ay agad kaming tumayo upang maglinis ng katawan. Bago matulog ay nagyakap muli, umunan ako sa kanyang bilugang braso at dumantay sa kanyang hubad na katawan. Ikinulong naman niya ako sa kanyang braso at saka ginawaran ng halik sa labi. Ipinikit ko ang aking mga mata at iwinaksi ang lahat ng mga bagay gumugulo sa aking isipan.
Madaling araw noong makaramdam ako ng kakaibang init sa paligid, dito ay nakita ko si Rael na binabalutan ng pulang liwanag. Malalim ang kanyang paghinga na tila binangungot na hindi mo malaman. Mula sa mahinang ungol ay parang nangining ang katawan nito kaya naman agad ko siyang ginising, “Rael, nananaginip ka, gising!” ang pagtawag ko.
“Rael, gising!”
“Rael!”
Makalipas ilang pagtawag ay bigla siyang bumalikwas ng bangon, pawis na pawis bagamat napakalamig sa buong paligid na parang nasa loob kami ng ref. Bumangon rin ako at hinimas ang kanyang likuran. Kumuha ako ng tubig at ibinigay sa kanya. “Ayos ka lang ba? Parang binabangungot ka,” ang tanong ko na may halong pag-aalala.
Tumango siya at saka uminom ng tubig. “Mayroon lang bumabalik na masamang ala-ala sa akin,” ang wika nito habang nakatingin sa sahig.
“Masamang ala-ala? Katulad ng?” tanong ko.
“Katulad ng katanghan ko noon, isa pagkakamali na madalas kong napapanaginipan at pinagsisisihan,” ang sagot niya.
“Nakikinig ako, iyan ang mga bagay na hindi mo yata naikkwento sa akin. Sa tagal nating mag-asawa,” ang wika ko naman.
“Pasensiya, ayokong isipin mo na masama akong blood sucker, na masama ang aming lahi,” ang tugon niya may halong pag-aalinlangan sa mga mata.
Niyakap ko siya ng mahigpit, “ano ka ba, kabiyak mo ako, lahat ay maaari mong sabihin sa akin. Ngayon ka pa ba nag alinlangan?” tanong ko ulit.
“Nangyari ang lahat noong kasing palang ako ni Rouen, siguro ay nasa 18 ayos o 19, matagal na panahon na iyon bago pa ako huminto sa pagtanda. Noon ay talagang isa akong bwisit na prinsipe, gahaman ako at magaspang ang ugali. Ang mahala sa akin noon ay ang kapangyarihan lamang at pumatay ng inosente para lamang sa aking pansariling kagustuhan. Marami akong mga kaibigan mga blood sucker noon, mga kabarkada ko mula sa mayayamang angkan. Ilan sa mga kaibigan ko ay ang mga blood sucker na pinaslang ko noong unang makaranas ka ng Pista dito noong pulang buwan, kung naalala mo pa iyon,” ang wika niya at dito nga ay nagbalik sa akin ala-ala ang mga eksenang iyon.
“Oo hanggang ngayon ay naalala ko pa rin iyon, unang beses na pinagtanggol mo ako laban sa iyong mga kalahi,” ang wika ko habang nakangiti.
“Noon ay marami akong mga kaibigan sa mataas na lipunan ng blood sucker. Syempre ay sabik ako noon na kilalanin bilang makapangyarihan, tuwang tuwa ako na iginagalang ng aking mga kalahi bilang prinsipe na anak ni Haring Guztavo. Noong mga sandali iyon ay ipinagbawal na ang aking ama ang pagkain ng mga mortal sa tuwing sasapit ang pista ng pulang buwan. Naghain siya ng mga kasulatan na bawal na ang ganoon gawain at kanyang nilagdaan. Ngunit dala ng suhol at kantiyaw ng barkada, at dahil gusto ko na ring sumikat sa kanila ay gumawa ng paraan upang sundin ang kanilang nais,” ang panimula niya.
“Bakit? Ano bang nais nila noon?” tanong ko naman.
“Nais nilang magdiwang ng pista ng pulang buwan sa isang malayong bayan na kung tawagin ay “Aliga” ito ay isang maliit tahimik na bayan kung saan namumuhay ang mga simple mamamayan. Dala ng kanilang kantiyaw at dala ng labis na kayabangan ay lakas loob akong nagpirma sa aking ama. Nakalagay sa sulat na pumapayag siyang salakayin namin ang bayan ng Aliga sa kanyang basbas at pahintulot. Hindi binasa ng aking ama ang sulat dahil abala siya sa pagpupulong, kanya lamang itong pinirmahan dahil may tiwala siya sa akin.
“Ito talagang anak ko, kung kailan nasa gitna ako ng pagpupulong ay saka magpapa lagda. Tungkol saan ba iyan?” tanong ni papa bagamat hindi naman niya binasa.
“Tungkol lang sa plano ng party dito sa palasyo sa aking kaarawan, papa,” ang pagsisinungaling ko at agad ko itong itinago noong malagdaan niya ito.
“Mainam naman at ikaw na ang nag-aayos ng kaarawan,” ang natutuwang wika ni papa.
“Pasensiya na po sa pang-aabala ng Prinsipe, maaari na po ninyong ituloy ang pagpupulong,” ang tugon ni Mr. Wilson at dinala niya ako sa labas para hindi na ako makapang gulo pa.
At iyon ang set up, hanggang langit ang paghanga sa akin ng aking mga kaibigan dahil nagawa kong papayagin ang aking ama. Ang gusto ko lang naman ay maging astig at maging mahusay na prinsipe ang tingin nila sa akin. Walang tumatakbo sa isip ko noon, hindi rin ako responsable, wala, isa akong suwail na anak.
Sumapit ang gabi ng pista ng pulang buwan. Ang aking mga kabarkada at mga kaibigan, pati na rin ang kaibigan ng kaibigan nila ay sumugod sa bayan ng Aliga. Wala na akong control sa mga nangyari. Bukod dito ay marami ring mga blood sucker ang mga nakisasaw kahit wala sa aming grupo.
Dinumog ang bayan ng Aliga, nasunog ang mga bayan. Binalot ng dugo ang buong paligid, pinatay ang lahat ng tao doon, mga bata, matanda pati mga hayop. Nilimas nila ang buong lupain hanggang sa walang matira dito. Ang lahat ng blood sucker ay nagpista, hanggang ang gabi ng lagim para sa bayan iyon ay natala at kinabukasan ay naging abandunado na ito. At ito ay kasalanan kong lahat, ako ang dapat sisihin dahil sinuway ko si papa at inabuso ko ang aming kapangyarihan.
Kinabukasan dalawang malutong at malakas na sampal ang tinanggap ko sa aking ama. Galit na galit ito sa aking ginawa. “Sinira mo ang imahe ng mga blood sucker sa mga mortal! Sinira mo ang ating pangalan! Isa kang kahihiyan!! Inabuso mo ako Rael! Bakit mo ito ginawa sa akin? Pinagkatiwalaan kita! Hindi ko akalaing lolokohin mo ako ng ganito!!” ang galit na sigaw ng aking ama.
At dito ay pinarusan niya ako ng isang daang hagupit at hindi ako pinakain sa loob ng dalawang linggo. Iniharap pa niya ako sa abandunado at sira sirang bayan ng Aliga. “Tingnan mo Rael, ito ang resulta ng iyong kapangahasan! Ilang buhay ang iyong winasak! Kaya ngayon ang mga mortal na nag ttrabaho sa ating kaharian ay lumisan na rin dahil nabago ang kanilang pagkilala sa ating mga lahi. Paano mo maibabangon ang sarili? Paano?!!” ang singhal ni ama habang inihaharap ang mukha ko sa wasak ng bayan.
End of Flashback.
“Matagal na panahon na ang nakalipas, hindi ko pa rin alam ang sagot kung paano makakabawi sa aking pagkakamali. Hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko ang pangyayaring iyon at sa tuwing naaalala ko ito ay binabalot ako ng ibayong kalungkutan. Isa iyon sa mga ala-alang parang isang multo na madalaw akong dinadalaw,” ang tugon niya na may halong lungkot.
“Ang nakaraan ay ang mga bagay na tapos na, saka ang mahalaga ay naging resposableng hari ka na ngayon at labis pino-protektahan ang iyong nasasakupan. Alam kong matagal na panahon mo ng pinagsisisihan ang iyong nagawa sa tingin ko ay dapat ka na mag move on at iwaglit ang mga bagay na ito sa iyong isipan,” ang bulong ko sa kanya.
Naramdaman kong yumakap siya sa akin ng mahigpit, “Huwag ka na mag-alala, ang lahat ng ito matatanggap mo rin at makakalimutan. Sa tingin ko ay mas mahalaga ang ngayon, ang hinaharap at kung paano natin mapapagtagumpayan. Magiging maayos rin lahat, huwag ka na mag isip ng kahit na ano,” ang wika ko sabay haplos sa kanyang gwapong mukha. Hinalikan ko pa siya sa labi at niyakap ng mahigpit.
Sa pagkakataong ito ay si Rael ang yumakap sa akin habang kami ay nakahiga. Pinaunan ko siya sa aking braso at ikinulong dito.
KINABUKASAN.
Pagbaba namin ni Rael ay naabutan namin si Oven, Rouen at ilang mga taga paglingkod na nanonood ng pelikula. “Ang aga namang movie niyan,” ang bati ko sa kanila.
“Syempre nag mamarathon kami ng movie, time naman para mag walwal at magrelax diba? After ng madugong bakbakan ko with Ursuha? Deserve na deserve ko to,” ang wika nito habang naka hilata sa sofa.
“Papa gusto mo ng break fast?” tanong ni Rouen.
“Naku wag mo na alukin yang papa mo dahil nag foot long na iyan kagabi at kanina,” ang hirit ni Oven.
“Sira ka talaga, Rael, gusto mo ba manood?” alok ko sa aking asawa na noon ay wala sa mood, nakaupo lang ito sa kanyang trono at nakataas ang paa. “Ano ba iyang pinapanood niyo?” ang tanong nito.
“Naku papa Rael, magandang maganda, mas maganda pa sa favorite movie mong World War Z! Alam ko naman na doon sa mundo ng mga mortal na m-movie marathon ka rin e. Ang pinapanood namin ngayon ay Abraham Lincoln Vampire Hunter! Sobrang madrama pala ito, kasi noong unang panahon ay sinalakay ng mga vampire ang tahimik na village ni Lincoln tapos ay pinatay nito ang kanyang mga magulang kaya nagalit si Lincoln at sumumpa ito, ang sabi niya “Ipatitikim ko sa inyo ang batas ng isang API! Magiging istariray din ako ng taon!” At presto naging istariray nga siya ng taon at pinapatay niya ang lahat ng vampire!“ ang salaysay ni Oven.
“Ayoko niyan, wala bang iba?” tinatamad na tanong nito.
“Peron pa naman. Van Helsing and the Sorcerer’s Stone o kaya maganda rin ito Snow White and the Prisoner of Azkaban,” ang hirit pa nito.
Napangiwi si Rael, “ayoko niyan!” ang hirit nito kaya naman tinabihan ko siya. “Okay ka lang ba?” tanong ko.
“Oo naman, sorry kung napuyat kita kagabi,” ang sagot niya.
“Wala iyon, ipagluluto kita ng break fast? Gusto mo ba?” tanong ko.
Ngumiti siya at saka tumango, “salamat hon,” ang sagot niya.
At habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pagtakbo ng kawal sa bulwagan. “Mahal na Hari, Prinsipe Rouen, Master Enchong!” ang pagtawag nito.
“Bakit? Anong nangyayari?” tanong ni Rael.
“Mahal na Hari, dumating po dito sa palasyo ni Panginoong Lucario!” ang wika nito.
“Papasukin niyo siya,” ang utos ni Rael.
“Ay jusko si Papa Lucario! Okay pause muna! Bukas na tayo manood okay? May bisita, isang gwapong nilalang mula sa Ice Country! Winner!” ang hirit ni Oven.
At maya maya nga ay pumasok si Lucario sa aming bulwagan, nakasuot nito ng simpleng damit at may hawak na isang malaking bag. “Tito, nasaan si Tito Suyon?” tanong Rouen.
“Maligayang pagdating Tito Lucario, anong sa atin?” ang nakangiting wika ni Rael.
“Tito talaga?” hirit ni Oven.
Kinatukan ni Lucario si Rael, “Huwag mo nga akong tawaging tito.”
“Arekup, mas matanda ka sa akin ang 100 years diba? Gumagalang lang ako sa iyo,” ang pagmamaktol nito.
“Nasaan si Suyon? Kumusta si Chaim na anak niyo?” tanong ko naman.
“Si Chaim ay dinala ko muna kay ina doon sa underworld kasama si Alponso. Kaya ako nagtungo dito ay nais kong manghingi ng tulong,” ang wika nito na may halong pangamba.
“Ano bang nangyari?” tanong ni Rael.
“May dumukot kay Suyon, tulungan niyo akong hanapin siya,” ang wika nito na may halong pangamba. “Sinubukan ko na siyang hanapin sa mga dimensyon at portal na alam ko ngunit hindi ko siya mahanap,” ang wika ni Lucario.
“Kung ganoon ay saan natin siya hahanapin? Handa kaming tumulong,” ang wika ko naman.
“Marahil ay dinakip siya ni Sato at dinala siya sa kung saang portal o demensyon. Hinihintay ko na lamang na gamitin siya ang instant transportation ball para mahanap natin siya,” ang tugon ni Lucario.
“Mahirap hanapin ang isang bagay na nakatago, sayang kung buhay lang sana si Agapito, tiyak na matutulungan niya tayo,” ang wika ni Mr. Wilson na may dalang pagkain para sa amin.
“Agapito? Sino naman iyon?” tanong ko naman.
Ngumiti si Mr. Wilson at saka upo, dito ay nagsalaysay ito tungkol sa kwento ni Agapito.
Itutuloy..
Part 25: Agapito, Kalansay ng Talino
Part 25: Agapito, Kalansay ng Talino
ENCHONG PO
V
“Noong unang panahon ay mayroon isang matalinong babaylan dito sa blood sucker kingdom, ang pangalan niya ay si Agapito. Lahat ng tanong ay mayroon siyang kasagutan kaya’t kinatutuwaan siya ng lahat. Madalas itinatanong sa kanya ang tungkol sa mga kayamanang nakabaon sa lupa o kaya ay ang mahahalagang dokumento tungkol sa kasaysayan ng lupain. Iyong ang espesyal na kapangyarihan ng babaylang ito. Ang ituro at sagutin ang mga bagay na nais ninyong malaman.
“Si Agapito ay nagkaroon ng kasitahang blood sucker ngunit nahulaan niya na niloloko lang siya nito. Kaya siya nalungkot ng sobra, nanghina at namatay. Pinatay ng pag-ibig si Agapito at hanggang ngayon ay sinasabing nagpaparamdam pa rin siya sa templo ng Pui-pui sa gawin hilaga ng Kailun. Doon sinasabi nagmumulto si Agapito at hinahanap niya ang blood sucker na kasintahan nito,” ang salaysay ni Mr. Wilson.
“Kung ganoon ay hanapin ang manlolokong blood sucker na iyan! Tanginang panget na nilalang na iyan dapat sa kanya ay sunugin!!” ang sigaw na utos ni Rael.
“Hala, kilala mo papa Rael? Saka wag na tayo makialam sa love life ni Early Seven okay? Kailangan natin mahanap ang kalansay niya buhayin ito at tanungin, teka paano nga ba natin ito bubuhayin?” tanong ni Oven.
“Ako, may kakayahan akong ibalik ang kaluluwa ng isang kalansay nagawa ko na ito dati pa ngunit panandalian oras lamang ang itatagal nito at ang pag bigkas ng orasyon ay depende sa tagal ng pagkamatay ng kalansay,” ang sagot ni Lucario.
“Si Agapito ay halos isang daang taon na pumanaw, panginoon. Ang kanyang mga buto ay nakalubog sa kumunoy maaari itong hanapin at paangatin,” ang wika ni Mr. Wilson.
“Hala e paano naman yon? Ano Magic Temple? Buto kalansay, tabi tabi pos a daan, lulubog lilitaw sa saradong hukay? Ganern?” ang hirit ni Oven.
“Kayang kaya ito ni Panginoong Lucario dahil ina niya si Panginoong Naama ang reyna ng underworld,” ang nakangiting wika ni Mr. Wilson.
“Tama hananapin natin iyang si Agapito at itatanong ko kung ilang lalaki na ba ang dumaan sa aking asawa, itatanong ko rin kung nagtaksil na ba siya sa akin,” ang wika ni Rael.
“Sira ka talaga, kung ano anong sinasabi mo diyan!” ang pagsuway ko sabay siko sa kanya.
“Bakit? Natatakot ka na ba magaling kong asawa?” ang hirit nito
“Ako, ako rin, itatanong ko kay Early Seven kung kailan at paano ako mabubuntis kasi excited na akong magkaroon ng pitong little Oven sa palasyo ng asaw ako. Yung mga cute at super angelic na little Oven!” ang hirit ni Oven.
“Ngii, yung isang Oven nga lang baliw baliwan na, dadagdagan pa ban g pito? Malamang end of the world na nga,” ang kinikilabutang wika ni Rael na parang nasusuka.
“Napakasama mo talaga papa Rael,” ang pagmamaktol ni Oven sabay yakap sa braso ni Lucario, “Panginoon inaapi nila ako, ang bango bango mo naman,” ang hirit pa nito.
“Kung ganoon ay ihanda ang karwahe, pupunta tayo sa Hilagang parte ng Kailun upang hanapin si Agapito!” ang utos ni Rael.
“Ngayon na ba? Agada agad? Ayaw mong patulungin muna si papanginoong Lucario? Tingnan mo may eyebags siya at sobrang haggard, tapos kailangan pa niyang maligo dahil ang dusing niya, remember galing siya sa mga portal anik anik para hanapin si Suyon,” ang hirit ni Oven.
“Ok sige, bukas na lang! Maghanda na kayo, lahat ng mga sandata at malalakas na kawal ay ating isasama,” ang wika ni Rael sabay lapit kay Lucario, “Tito, dumito ka muna sa aking palasyo, tutulungan kitang hanapin ang asawa mong si Tito Suyon. Rouen, nag bless ka na ba sa Lolo mo?” ang seryosong wika ni Rael.
Dahilan para matawa kami ng impit. “Sira talaga yang asawa mo,” ang bulong ni Oven.
Tumayo si Lucario at kinatukan silang dalawa ni Rouen, “Huwag niyo nga ako tawaging tito at lalong huwag lolo! Maaaring matanda ako ng 100 years sa iyo pero sa face value, pakinisan at pagandahan ng katawan kahit sa palakihan ng titi ay may laban ako! Baka mga mas higit pa!” ang nakangisi wika nito sabay higa sa sofa at saka pumikit.
At iyon nga ang set up, kinabukasan ay naghanda kami para pag-alis patungo sa Hilagang bahagi ng Kailun. Siguro ay sapat na ang ilang araw na pahinga, kondisyon na rin ang aming mga katawan. Ang pupunta ay Ako, si Rouen, si Rael, Oven, Heneral Liad at si Lucario kasama ng ilang kawal ng Kailun. “Sayang hindi makakasama si Niko dahil abala siya sa pagpapalakas ng depensa ng buong Floral Land, ang daming mga barrier ang dinedevelop para maprotektahan ang mga tao doon,” ang wika ni Oven.
“Iyan ang gagawin namin sa oras masira ang mga tarangkahan sa itaas. Si Rouen ay nag design ng high tech na barrier para sa mga taong bayan,” ang wika ko habang sumasakay sa likod ng karwahe kasama si Oven. Samantalang sina Rael, Rouen, Lucario at nakasakay sa kabayo. Si Heneral Liad naman ay namumuno sa mga kawal na kasama.
“Kung nakahanda na ang lahat maaari na tayong sumulong!” ang wika ni Rael at dito nga ay sinimulan na namin ang pagkalalakbay patungo sa Pui Pui Templo upang hanapin ang mga kalansay at buto ni Agapito. Parte pa rin ng Kailun ang Bayan ng Pui-pui kaya hindi naman ito masyadong malayo bagamat nasa gawing dulo na ito ng Kailun katabi ang karagatan na patungo sa Apresia.
“Naghanda ka ba?” ang tanong ko kay Oven.
“Oo naman, nakita mo naman na naka blush on ako, eyeliner at lipistik, tapos tatanungin mo kung nakahanda ba ako? Ikaw nakahanda ka na ba?” ang tanong rin niya sa sa akin.
“Sira! Ang ibig kong sabihin ay naikondisyon mo ba ang katawan mo? Baka maya maya ay mapalaban na naman tayo,” ang hirit ko naman.
“Oo naman, ngayon imortal na ako ay I can do everything, just don’t tell anybody that I can’t swim!” ang hirit nito.
“Baliw-baliwan lang? Basta mag iingat ka lalo’t kadalasan ay wala ako sa tabi mo, kapag alam mong mamamatay ka ay huwag ka na haharang harang okay? Tumakbo ka na lang at magtago,” ang paalala ko naman.
“Imortal na ako ngayon, may plus HP na ako at mayroon na rin ako additional emblem at magic power, kaya hindi mauulit yung dati,” ang wika nito dahilan para mapangiwi ako. Palala ng palala itong si Oven, laro kasi ng laro ng mga online games kaya kung ano anong pinagsasasabi.
“Master, medyo mainit sa Pui pui, maganda doon at malapit karagatan,” ang wika ni Heneral Liad.
“Ganoon ba? Kung ganoon ay maaari tayo mamasyal,” ang wika ko habang nakangiti.
“Yes, naman bff, pero ang ibig sabihin ni Heneral Liad ay mainit sa Pui-pui land kaya hubarin mo na iyang makapal na suot mo na para kang si Camile Prats sa pelikulang Princess Sarah noong hinahabol siya si Jean Garcia sa snow!” ang hirit ni Oven
Natawa ako, “Sira ka talaga! Bakit para kang si Eugene Domingo,” ang hirit ko rin.
“At ikaw naman ay si Miss Ai Ai,” ang hirit nito.
“Miss Ai Ai Delas Alas?”
“Hindi, Miss Ai Ai Tenshi,” ang hirit ni Oven sabay dugtong ng salitang “TANGINA, CORNY! LAST NA TO!”
Tawanan kami..
Gabi na noong makarating kami sa bayan ng Pui-pui. Kaya naman naghanap muna kami ng maaaring tuluyan ngunit ang mga bahay ay maliliit kaya naman wala kaming choice kundi ang maglatag na lang ng malaking tent sa isang malaking kapatagan kung saan makikita ang templo ng bayan. “Sa palagay ko ay bukas na tayo tumuloy sa templo, ang sabi sa akin ng mga tao sa bayan ay abandunado na ito at ginawa na lamang tambakan ng mga bangkay at mga buto,” ang wika ni Heneral Liad habang kumakain kami at nakapaikot sa sigang apoy.
“Ang bayan na ito ay masyadong payak, at sa likod ng templo ay karagatan, mula dito maririnig mo ang hampas ng alon,” ang wika ni Lucario.
“Kung maraming buto doon sa templo paano natin mapipili ang buto ni Agapito? Diba magkakamukha lamang iyon?” tanong ni Oven.
“Kailangan lamang ng tamang orasyon, bukas ay bibigkasin natin ito ng sabay sabay,” ang wika ni Lucario habang kumakain.
Noong gabi iyon ay magkakatabi kami sa loob ng isang malaking tent. Katabi ko sina Rael at Rouen, sa kabilang side naman na roon sina Lucario, Heneral Liad at Oven. Sa kabilang tent naman ay ang mga kawal. Ang aming paligid ay may barrier dahil napakadelikado lalo’t hindi namin alam kung anong klaseng mga hayop ang gumagala dito sa kagubatan.
“Nag aalala ako kay Suyon, may mga gabing hindi ako nakakatulog,” ang wika nito.
“Ramdam kita, ganyan rin ako noong mawala si Rael. Ang tagal ko siyang hinanap ngunit hindi ko alam kung saan siya matatagpuan. Gayon pa man ay hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Buhay si Suyon at maayos ang kalagayan niya,” ang sagot kong pabulong.
“Iyan rin ang mga bagay na pinanghahawakan ko, maraming salamat sa iyo, Enchong,” ang wika niya habang nakapikit ang mga mata.
KINABUKASAN
“Rise and shine! Koo koo roo kook! Rise and shine!” ang maingay na pagtilaok ni Oven.
“Ganyan ba talaga yung kaibigan mo, tumitilaok sa umaga?” tanong ni Lucario.
“Ah e, energetic lang talaga si Oven,” ang sagot ko naman.
“Ang sabihin mo baliw baliwan iyang kaibigan mong tumitilaok kahit doon sa palasyo,” ang sagot ni Rael.
Bago tumaas ang araw ay tumulak na kami patungo sa templo. Sa bungad pa lang ay nagkalat na ang mga kalansay at mga bungo sa daan. Literal na ginawa pala talaga itong tambakan ng mga patay kaya pagpasok palang malaking tarangkahan ng templo na napapalibutan ng mga bungo ay iba na ang hangin, parang may umiiyak sa loob at parang maingay ang paligid bagamat wala ka namang makikitang kahit ano dito maliban sa matataas na puno at mahabang daan patungo sa lumang templo.
“Maingay ang paligid dahil nananaghoy ang ilang mga kalansay, naririnig ko sila mula dito,” ang wika ni Lucario.
“Naririnig ko rin ito,” ang wika ko.
“Naririnig rin namin ni papa,” ang wika ni Rouen.
“Naririnig ko rin po panginoon Lucario,” ang sagot ni Heneral Liad.
“Wala naman e! Katahimik nga, medyo masangsang lang ang amoy! Hindi ko masyadong betsiley!” ang hirit naman ni Oven.
“Ang mabuti pa dumiretso na tayo sa kumunoy, nakalubog daw doon ang buto ni Agapito,” ang wika ni Lucario.
At iyon nga ang set up, agad kaming natungo sa maliit na kumunoy, kasing lang ito ng isang balon. Naramdaman rin ni Lucario na nandito mismo ang aming hinahanap kaya naman lahat kami ay pinababa niya sa kabayo at pinatayo sa paligid ng kumunoy. Bale, nakapabilog kami dito.
“Kailangan ko kayo upang maging matagumpay ang ritwal. Lahat tayo ay iikot sa kumunoy habang binibigkas ang orasyon. Walang titigil hanggang hindi umaangat ang kalansay ni Agapito, maliwanag ba?” wika ni Lucario.
“Game na! Nakaka excite naman ito! Parang magic temple lang ang datingan! Winner!” ang wika ni Oven.
“Handa na ba kayo? Narito ang orasyon! Sabay sabay natin itong bibigkasin habang umiikot sa kumunoy..
“AGAPITO AGAPITO ANG PANGET PANGET MO! NAKITA KO ANG YAGBOLS MO NAKALAWLAW ITO!” ang seryosong wika ni Lucario.
“Seryoso? Putang inang spell yan,” ang wika ni Rael.
“Oo e, iyan ang orasyon para kay Agapito, ang bawat kalansay ay may nakalaang orasyon. Iyan ang para sa kanya,” ang seryosong wika ni Lucario. Sabay senyas sa amin. “Simulan na natin!”
Lahat kami ay lumakad habang napakapaligid sa kumunoy at sabay sabay na binigkas ang orasyon. “AGAPITO AGAPITO ANG PANGET PANGET MO! NAKITA KO ANG YAGBOLS MO NAKALAWLAW ITO!”
“Lakasan niyo pa!” ang sigaw ni Lucario kaya naman mas nilakasan pa namin ang pagbigkas ng orasyon habang umiikot dito.
Kumulo ang kumunoy at mula dito ay umagat ang ilang bahagi ng buto ni Agapito.
“Ilang piraso pa lang ang nakalabas dito, kailangan ay mas gilasan pa ang pagbigkas ng orasyon!
Umangat na ang ulo at ilang pirasong braso ng kalansay kaya para magtuloy tuloy ang pag angat nito ay mas siniglahan pa namin ang pag bigkas, ngayon ay with matching action na, taas, baba ng kamay na parang sumasamba dito.
At makalipas ang ilang sandali ay umangat sa ere ang kumpletong kalansay ni Agapito, agad namin ito dinala sa malinis na bahagi ng templo at doon ay binuo.
Noong mga sandaling iyon ay hindi kami makapaniwala na ang nakakatawang orasyon ni Lucario ay seryoso pala talaga.
Ang aming inaabangan ngayon ay kung paano niya bibigyan buhay si Agapito kung gayong kalansay na lamang ito. Pero hindi na ako nagdududa sa kanyang kakayahan dahil siya ay isang Diyos. At alam kong makapangyarihan ito.
Itutuloy.
Part 26: Kalansay ng Katalinuhan
Part 26: Kalansay ng Katalinuhan
ENCHONG POV
“Kailangan ayusing mabuti ang kalansay upang mabuo ito,” ang wika ni Lucario habang sunusuri ang parte ng katawan nito kung nasa tamang posisyon ang lahat.
“Okay na siya PAPAnginoong Lucario, winner na winner na talaga!” ang wika ni Oven sabay kapit braso nito.
“Ngayon buo na ang mga ito, kailangan ko ng apat ng volunteer. Dahil nasa 100 years na ang tanda ng kalansay ay hindi ko kakayaning mag isa ang ritwal ng pagtawag sa espiritu. Kailangan ko ng apat na volunteer na tatayo sa Hilaga, Kanluran, Silangan at Timog na bahagi. Sa makatuwid ay papaligiran natin ang kalansay. Ako nga ang mamimili para wala away,” ng wika nito at siya nga ang tumawag sa mga tatayo sa bawat sulok. “Rael ikaw ang Timog, Rouen ikaw ang Kanluran, Liad ikaw ang Silangan at ako naman ang Hilaga.”
“Eh ako? Hindi ba ako pwede sa gitna? Hindi ba ako pwedeng maging sangre Amihan? O kahit si Inang Reyna na lang,” tanong ni Oven.
“Sorry hindi pwede,” ang sagot ni Lucario sabay tingin sa kanyang mga kasama. “Kailangan dito ng total performance, naunawaan niyo ba ako?” tanong pa niya.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Rael.
“Basta, sundan niyo lang ako,” ang sagot ni Lucario at dito ay ibinigay niya ang orasyon.
“Ito ang ating bibigkasin, “KALANSAY, KALANSAY, NARIYAN KA NA BA? KUNG OO, KUNG OO, BABANGON AKO!”
“Ulitin natin.”
“KALANSAY, KALANSAY, NARIYAN KA NA BA? KUNG OO, KUNG OO, BABANGON AKO!” ang uulit ni Lucario habang sumasayaw ito.
At dito nga binigkas nila ng sabay sabay ang spell. Ang mga kawal ay natatawa sa gilid, ako naman ay napangiwi na lang. Gumigiling ang apat, parang mga macho dancer, pinaka sexing kumilos ni Lucario, expert na expert ito.
“Jusko bff ang tigas tigas naman gumiling ng asawa mo, hindi mo ba siya na training gumiling at kumintod kapag naka doggy kayo?” tanong ni Oven.
“Sira ka talaga ! Ngayon ko lang nakitang sumayaw si Rael, ang cute cute kaya niya,” ang wika ko naman habang natatawa.
“At tingnan mo ang anak mo! Dancer na dancer, iyan ang product ng pag aartista search namin! At si Heneral Liad naman call boy na call boy ang datingan! Winner na winner!” ang hirit pa ni Oven.
Todo giling ang tatlo, parang naging performance level ang nangyari lalo na noong huminto si Lucario, Rael at Rouen saka itunuro si Heneral Liad na ang ibig sabihin ay pagkakataon nito para sumayaw ng solo.
Nagtumbling ang heneral at nagsayaw ng techno, para itong robot na nagsasayaw. Maya maya ay si Rouen naman ng tinuro nila. Hindi nagpatalo ang aking anak dahil na break dancing ito at nagsayaw ng modern hiphop!
Maya maya ay si Rael naman ang itunuro nila, nagsayaw ito ng spagetti pababa at pataas pero napaka gwapo at napaka sexy nito pagmasdan, parang isang dancer na nang aakit. Hindi na ito nakuntento dahil umalon alon pa ang katawan nito habang patuloy na binigkas ang orasyon.
Ang pinakahuli ay si Lucario na ang moon walk ala Michael Jackson at nag momoland ito chorus ng boom boom.
Tawa kami ng tawa bagamat hindi naman talaga dapat.
Unti unting gumalaw ang kalansay, nabuo ito na parang si Voltes V na nag Volt in. Maya maya ay umahon mula sa lupa ang putong usok na kanyang kaluluwa saka sumanib sa kalansay.
Maya maya unti unti itong nagkabuhay bagamat kalansay pa rin naman ang kanyang anyo. Noong maayos na ang lahat ay huminto sila Lucario sa pagsasayaw at nasa gitna nila ngayon ang isang nakatayong kalansay ng tao. “At sino ang lapastangang tumawag sa akin? Bakit nga ba nagtatanong pa ako e alam ko naman ang sagot! Ano bang kailangan niyo ha? Saka para sabihin ko sa inyo mga walanghiya kayo FRESH at ang YAGBOLS ko at hindi ito nakalawlaw! I have the best yagbols in town!” ang dagdag pa niya.
“Sorry, iyon kasi ang spell na naka aassign sayo. Binuhay ka namin dahil marami kaming nais malaman,” ang wika ni Heneral Liad.
“Alam niyo, itinigil ko na ang pagbibigay ng impormasyon sa ibang tao matapos akong lokohin ng boyfriend kong blood sucker! Kung alam ko lang sana ay hindi na ako nagpabona sa kanya!” ang hirit nito.
“Talagang blood sucker pa ang nanloko sa iyo? Ang aming mga kalahi ay stick to one!” ang wika ni Rael.
“Pwes ibahin niyo si George!” ang emosyonal na boses niyo.
“Eh sino naman iyon?” tanong ni Oven.
“Si George ang pinakagwapong blood sucker na napadpad sa aming lupain. Natagpuan ko siyang sugatan na nakalutang doon sa karagatan kaya ginamot ito at pinatuloy sa aking tahanan. Naging mabuti ang samahan namin ni George, naging malapit kami sa isa’t isa hanggang sa alam niyo na, madevelop kami at magkagustuhan.
Ang malalamig na magdamag ay pinagsaluhang naming dalawa at pinainit ito ng may mayabong na pagmamahal. Lahat ay ginawa ko para sa kanya, kinaya ko rin ang 8 inches niya alaga na kasing taba ng lata ng sardinas. Kinakagat niya ako at kung minsan ay sinisipsip ang aking dugo ng naka straw! Ang akala ko ay perfect na ang lahat katulad ng perfect square pero mali pala ako.
Dahil isang araw ay nagpaalam siya sa akin na babalik sa kanilang lupain. Ako naman itong si tanga, pumayag ako at hindi ko inaasahan na iyon na pala ang huling araw na magkasama kaming dalawa.
Makalipas ang halos dalawang linggo na aming panandaliang paghihiwalay ay nalaman kong ikinakasal na pala siya sa isang blood sucker din dahil na buntis niya ito noong magkaroon ng asul na buwan. Ang hinayupak na si George ay lalaki rin ang binuntis! Mga taksil! Mga walanghiya!
Sobra akong nasaktan ang pangyayaring iyon kaya nawalan na akong ganang mabuhay. Hindi na rin ako kinausap pa ni George noong mga oras na iyon, para lamang akong isang basurang itinapon, ginamit at binasura. Dahil masyadong masakit ang pangyayaring iyon ay lumubog na lamang ako sa kumunoy at hinintay ang aking kamatayan. End of the saddest flashback ever!“ ang salaysay niya.
Tahimik sa paligid.
Natahimik din kami..
“Eh tatanga tanga ka naman pala, sana ipinagpatuloy mo ang buhay at naghanap ka na lang ng ibang lalaking mamahalin! Hindi ka dapat nagpakamatay! Boba ka rin pala eh! Sinayang mo ang value ng life mo, at ang saddest part ay iisang etits lang ang naharvat mo,” ang wika ni Oven
“Alam mo naman, kahit ang pinakamatalinong tao sa mundo ay nabu-bobo pagdating sa pagmamahal at iyan sumpa sa akin.”
“Siguro ay hindi ka talaga gusto ng George na iyon, dahil ang blood sucker ay mapaglaro kung minsan. Pero kapag sila ay nagmahal ay talaga stick to one sila. Siguro kinailangan ka lang ni George ngunit hindi ka niya mahal,” ang sagot ni Rael.
“Pinaganda mo pa yung salitang “ginamit”,’ ang pagmamaktol nito.
“Yeah, saka tama rin papa, marahil bago mo mapulot si George ay mayroon na talaga siyang kasintahan at doon talaga siya naka stick, siguro ay pinaligaya ka lang niya dahil alam niyang malungkot ang buhay mo,” ang wika ni Rouen.
“Tumigil na nga kayong mag-ama sa pagtatanggol sa kalahi ninyo. Porket mga gwapo kayo akala niyo hawak niyo na ang mundo. Anyway, isa isang tanong lang dahil limited na lang ang powers ko ngayon okay? Syempre ano pa bang aasahan niyo sa akin, after all isa na lang akong super hot na kalansay sa inyong harapan,” ang wika nito at nagliwanag ang kanyang katawan.
“Sige, mauna na akong magtanong,” ang wika ni Rael. “Gusto kong malaman kung may pagkakataon bang nagtaksil sa akin ang asawa ko at bago ako dumating sa buhay niya ilang lalaki na ang dumaan sa kanya?” ang hirit ni Rael dahilan para mangiwi ako.
Sumagot ang kalansay habang nagliliwanag ang mga buto nito. “Wala, hindi nagtaksil kailan man si Enchong at ikaw ang kauna unahang lalaking minahal niya. At ikaw rin ang pinakahuling lalaking mamahalin niya dahil malapit na siyang matigok. NEXT QUESTION!” ang hirit nito.
“Matigok? Anong ibig mong sabihin kalansay?” tanong ni Rael.
“Isang question lang po koya, NEXT! Bilis nauubos na ang metro!” ang wika nito.
Lumakad si Lucario sa kanyang harapan, “Nais ko lang malaman kung sino ang dumakip sa aking asawang si Suyon at saan siya nito dinala?” tanong nito.
“Ang iyong asawa ay dinakip ni Sato, may malaki siyang galit sa inyong dalawa. Dinala niya ito sa kanyang dimensyon na black temple kung tawagin upang patayin. At pagkatapos niyang katayin ang asawa mo ay isusunod ka niya dahil gigil much din siya sa iyo,” ang wika nito.
Lumakad naman ako sa kaniyang harapan, “Paano namin matatalo si Xandre sa digmaang ito?” tanong ko.
“Alam mo ang sagot Enchong, hindi ba’t nakita mo na ito sa iyong pangitain?” ang sagot rin niya na patanong.
Natahimik kami..
“Kung wala na kayong tanong ay maaari na akong magpahinga. Dahil maya maya lamang paglabas niyo sa templong ito ay may tatlong portal na bubukas at pahihiwa-hiwalayin kayong lahat. Ang maipapayo ko lamang inyo ay magsipag ingat at gilasan ang pakikipaglaban.
Ikaw Enchong ay tutulong sa isang kaibigan ngunit dapat ay malaman mo ang pagkakaiba ng realidad sa pantasya. Huwag mong aalisin ang tiwala mo sa iyong mga mahal sa buhay. Iyan ang magpapanalo sa iyo sa labanan. Kung mahina ang iyong puso at tigok kang talaga at hindi ka na aabot sa coronation night.
Ikaw naman Lucario ay haharap sa iyong ninuno, isang madugong labanan ang nahihintay sa inyong dalawang. Huwag mataas ang pride manghingi ng tulong kung kinakailangan.
Kayong dalawa naman mag-amang blood sucker, haharap kayo sa bendisyon ng katarungan! Magsisisi sa nagawang kasalanan at tibayan ang loob upang magtagumpay.
At ikaw naman baklushi na naging fresh immortal, haharap kayo sa isang madugong fight scene kaya mag ready ka. Swanget na to!
O siya lumakad na kayo dahil maya maya lamang ay maambush na kayong lahat. At least diba ready kayo. At please lang kung makasurvive kayong lahat ay bumalik naman kayo sa templong ito at pabendisyunan sa kaibigan niyong anghel ang buong paligid upang matahimik na kaming lahat. Okay ba iyon? Babush!!“ ang wika ni Agapito.
“Salamat Agapito,” ang wika ni Lucario at dito at naghiwa hiwalay ang kanyang buto at muling na-shoot sa kumunoy.
“Totoo kaya ang sinasabi ng lokong iyon? Bukod sa kaboses niya si Sir Ogie Diaz e parang mahirap pa itong paniwalaan diba?” tanong ni Oven na parang nagdududa pa rin.
“Ewan ko ba, ngunit kahit anong mangyari ay dapat handa tayong lahat. Kaya kayo ay mag iingat at huwag tayong magpapatalo, maliwanag ba?” wika ko sabay ngiti. Humarap ako kina Rael, Rouen at Lucario ngunit wala ito sila sa paligid. Palabas pa lang kami ng templo ngunit wala na sila.
“Heneral, nasaan sila?” tanong ko kina Heneral na noon ay nauna sa aming harapan.
“Master, hindi po namin napansin,” ang sagot ni Heneral Liad.
Nagtatakbo ako pabalik sa loob ng templo. “Rael, Rouen! Nasaan na kayo?!” ang pagtawag ko pero walang sagot.
“Lucario! Nasaan ba kayo?!”
Pero wala pa rin, para silang mga bulang naglaho sa ere at ang hindi kapani-paniwala ay hindi ko man lang naramdaman ang kanilang pagkawala. “ROUEN! RAEL!!” ang pagtawag ko habang tumakbo sa paligid.
“Frend, wala! Hindi ko alam kung saan sila nagsuot!” ang wika ni Oven.
Hinanap namin sila sa buong paligid ng templo ngunit wala pa rin. Walang naka kita at nakaramdam kung saan sila napunta kaya naman binalot ako ng matinding kaba.
Tahimik.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay biglang tumunog ang aking instant transportation ball at may signal ito ng SOS. “Ayan, baka iyan ang mag-ama mo!” ang wika ni Oven.
Bago ito pindutin ay humarap ako sa kanilang lahat. “Pinaghiwa-hiwalay tayo ng mga kalaban. Mag iingat kayo maliwanag ba? Heneral Liad ikaw ang bahala sa lahat. Kapag may problema ay gamitin niyo ng instant transportation ball at tumawag ng tulong sa ating mga kapanalig. Maliwanag ba?”
“Maliwanag po Master, mag iingat po kayo,” ang wika ng heneral.
“Frend, mag iingat ka,” ang wika ni Oven.
Tango lamang ang aking isinagot at dito pinindot ko ang buton sa ITB. Bumukas ang portal at agad akong hinigop nito sa taong nagpadala ang SOS sa akin.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nasa loob ng portal. Gayon pa man ay alam kong mapapalaban ako agad sa oras na bumukas ang lagusan kaya naman nagliwanag ang aking kamay at mula dito ay lumabas ang isang sagradong palaso.
Tahimik.
Noong bumukas ang portal ay pinawalan ko agad ang palaso at sumibat ito sa kadiliman ang paligid at lumikha ng malakas na pagsabog.
Itutuloy.
Part 27: Hinagpis ng Nakaraan
Part 27: Hinagpis ng Nakaraan
SUYON POV
Hinigop ako ng isang portal at hindi ko inaasahan na ang may kagagawan nito ay si Sato, ang aking mortal na kalaban. At noong makaharap niya ako ay ramdam ko ang ngitngit at galit sa kanyang enerhiya. Ang akala niya ay malakas pa ako katulad ng dati, hindi niya alam na halos wala na rin akong natitirang kapangyarihan pero hindi ibig sabihin noon ay magpapatalo ako ng ganoon kadali.
Pagdating ko dito ay agad niya akong pinadakip sa kanyang mga tauhang taga sunod. Kaya naman bago pa nila ako madakip ng tuluyan ay pinindot ko na ang buton ng instant transportation ball at nanghingi ng tulong sa kung sino man ang makakatanggap nito, ang kailangan ko lang gawin ay itago ang bola sa lugar na hindi makikita upang madaling maikonekta ang tulong na parating. Alam kong nag aalala na ngayon si Lucario sa akin ngunit mas nag-aalala para sa aming anak.
“Gising!” ang wika ng kawal sa selda, sinabuyan ako nito ng tubig dahilan para bumalik ang aking malay. Nakatali ng kadena ang aking kamay at paa kaya’t hindi ako makagalaw ng maayos.
Dumilat at dito ay naramdaman ko ang mga hapdi dulot ng pasa at latay na kanilang iginawad sa akin noong bumagsak ako dito sa kulungan. Gayon pa man ay hindi ko ito ininda at mas pinagtibayan ko ang aking loob.
Ipinakita sa eksena na si Suyon ay nakagapos ng kadena sa paa at kamay. Ang pang itaas na damit nito ay sira sira, puro latay ang mukha at ang kanyang braso pati ang likuran ay may mga tama rin. Malinaw na malinaw ang pagpapahirap sa kanya noong siya dumating templong ito.
Noong magkamalay ako ay pumasok ang dalawang kawal at binitbit ako nito palabas ng selda, “dadalhin ang isang iyan kay Panginoong Sato, kailangan daw niyang makausap ang bihag bago ito tapusin,” ang wika ng kawal at dito nga ay hinilahod nila ako patungo sa magarbong templo kung saan naroon ang kalabang naghihintay sa akin.
Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang bulwagan ng templo, dito ay nakita ko agad si Sato ng nakaupo sa kanyang trono suot ang isang magardong damit na may gintong burda. “Panginoong Sato, nandito na po ang bihag,” ang wika ng mga kawal at pilit nila akong iniluhod sa harapan nito. Wala naman ako nagawa kundi ang sumunod sa kanilang nais.
“Maaari niyo na kaming iwanan,” ang utos ni Sato sabay lapit sa akin. “Kumusta ka na Suyon? Matagal tagal na panahon na rin magbuhat noong huling beses tayong magkita. Isang masalimuot na nakaraan, tama ba ako?” tanong niya sa akin sabay hawak sa aking pisngi.
Iniiwas ko ang aking mukha sa kanyang harapan. “Ang lahat ng iyon ay kasalanan mo dahil isa kang sakim at makasarili. Kung ano man ang nangyari noon ay karapat dapat lang iyon,” ang sagot ko sa kanya.
Natawa siya. “Sshhh, alam ko iyon. Kaya nga nandito ako upang baguhin ang nakaraan, may oras pa naman diba? Pwede pa naman diba? Buhay ka pa, pati Lucario ay buhay rin. At hmmm, buhay rin ang inyong anak. Siguro ay maaari nating ulitin ang lahat pero sa pagkakataong ito ay kayo naman ang mamamatay. Huwag kang mag-alala Suyon, mabilis lang naman mamatay, para ka lamang natulog at wala kang mararamdamang anumang sakit,” ang tugon niya sabay lakad pabalik sa kanyang trono, kumuha ito ng alak at sinalin sa kanyang kupita.
“Huwag mong idadamay ang aking anak, dahil papatayin kita ulit!” ang singhal ko sa kanya.
“Talaga ba?” tanong niya sabay inom ng alak, “Suyon, kwentuhan mo naman ako, masarap bang maging isang INA? Kumusta ang pagbubuntis mo? Mahirap ba? Hay alam mo, ilang beses akong kinantot ni Lucario pero hindi niya ako nabuntis? Nakakapanghinayang naman talaga,” ang wika nito habang nakangisi.
“Kung alam mo lang na labis pinagsisisihan ni Lucario na nakilala ka niya, at ayaw ka na niyang alalahanin pa,” ang sagot ko naman.
“Huwag kang mag alala dahil dito ka na rin naman mamamatay Suyon, ikaw ang hindi na maalala pa ni Lucario. At kapag patay ka na ay babalik ako sa kanya at magiging isang masayang pamilya kami,” ang wika nito sabay tawa ng malakas.
“Baliw! Hindi mangyayari ang pinapangarap mo Sato, ang kasaysayan ay mauulit lamang at hindi magtatagal ay doon ka pupulutin sa kawalan!”
“Talaga ba? Sa ganyang antas ng kapangyarihan? Paano mo nagagawang magsalita ng ganyan e napakahina mo na? Paano mo ako masisindak? Akala mo ba ay hindi ko alam?” ang natatawang wika niya sabay tayo at ibinuhos sa aking ulo ang alak na kanyang hawak dahilan para mahilam ang aking mga mata. “Umaasa ka ba na matatalo mo ako Suyon?”
“Iyan ang rin ang tanong mo noon sa akin diba?” sagot ko naman.
Natawa siya at ikinumpas ang kanyang kamay, itinulak ako ng isang malakas na pwersa dahilan para tumilapon ang aking katawan sa haligi ng templo. “Alam mo ba na kayang kaya kitang tapusin ngayon?!”
“Gawin! Huwag puro satsat!” ang sigaw ko sa kanya sabay pitik sa aking katawan dahilan para magdugo ito at muli akong tumilapon sa labas ng templo.
Pero gayon pa man ay tumayo pa rin ako at dito ay nakita kong nagliwanag kanyang kamay at naglabas ito ng isang enerhiyang sumibat sa aking kinalalagyan. Iniharang ko ang aking kamay upang saluhin ito at mawasak ang kadenang nakapalupot sa akin.
Tumama ang enerhiya iyon sa aking palad dahilan para masira ang kadena iyon. Ang kanyang enerhiya ay hinitit ng aking mga daliri. Wala akong sapat na kapangyarihan ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asang manalo. Noong makawala ang aking kamay ay pinasabog ko ang kadena sa aking binti at paa dahilan para maka kilos ako ng maayos.
Kasabay ng aking pagkakalawa ay ang malaking enerhiyang pinakawalan ni Sato patungo sa akin ngunit hindi ko ito iniwasan, nagliwanag ang aking kamay ay buong lakas ko ring hinigop ang kanyang enerhiya gamit ang aking palads saka ako tumakbo upang makadistansiya sa kanya. “Ano na Suyon, tatakbo ka na lang ba? Para kang isang daga!” ang natatawang wika ni Sato.
Pero hindi ko siya pinakinggan, habang nasa ganoong pagtakbo ako ay pumaligid sa akin at sa buong templo ang mga tauhan ni Sato dahilan para mapahinto ako sa kanilang gitna nilang lahat. “Wala ka ng tatakbuhan, Suyon!” ang sigaw niya at dito ay sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan na umatake sa akin.
Ang lahat ng kanyang tauhan sa templo ay nagbago ng anyo at naging mga halimaw ito. Ang lahat ay lumundag sa aking kinalalagyan at umatake. Nasa aking pagkakabilang ay nasa mahigpit dalawampu ito.
Lahat ay nagkumpol kumpol sa aking itaas kaya naman nagliwanag ang aking katawan at inipon ko ang enerhiyang nakuha ko kay Sato saka ko ito pinakawalan sa buong paligid! Sumabog ito at itunulak ng malakas na enerhiya ang lahat ng mga halimaw na sana ay aatake sa akin ng sabay sabay! Ang enerhiya ni Sato ay mapaminsala na animo bombang sumasabog sa ere at sa kulay nito na parang lila ay alam niyang sa kanyang ito galing!
Yumanig!
Binalot ng liwanag ang buong paligid..
Pumalakpak si Sato, “magaling magaling magaling. Mahusay ang ginawa mong paghigop sa aking kapangyarihan upang may magamit ka. Tipid tipid rin kapag may time! Tama ba? Suyon?” tanong niya habang lumalakad palapit sa akin.
“Sinisigurado ko lamang na tatagal ako sa labanan natin ito Sato,” ang sagot ko habang nakatingin ng tuwid sa kanyang mukha.
“Iyon naman talaga ang dalangin ko, sana ay magtagal ka sa laro nating dalawa dahil tiyak na malulungkot ako kapag nawala ka kaagad. Gusto ko kasing pahirapan ka ng husto at gusto kong unti unti kang patayin upang maramdaman mo ang kaparehong sakit na dinanas ko noon. At titiyakin kong hindi na mauulit pa ang pangyayari noon, dahil sapat na itong paghihinagpis ko upang durugin ka todo!” ang sigaw niya sabay atake sa akin, lumabas ang espada sa kanyang kamay at walang humpay itong winasiwas sa aking harapan.
Agad kong dinampot ang sibat na naka kalat sa lupa at ito ang aking ginamit upang sanggahin ang kanyang mga pag atake, galiit na galit ito at ramdam ko ito sa kanyang enerhiya. “Unti unti kitang papatayin at pagkatapos ay dudukutin ko si Lucario dito sa aking demensyon at magtatalik kami sa harap mo, hindi ba’t iyon ang gustong gusto mong senaryo?” ang sigaw niya.
“Isa kang baliw! Alam mo bang mas doble ang pasakit ng paghihiganti? Bakit hindi ka na lang manahimik at gamitin sa maayos na bagay ang buhay na ipinagkaloob sa iyo sa ikalawang pagkakataon? Bakit kailangan mong magpakabaliw sa mga bagay na alam mong ikapapahamak mo?” tanong ko naman sabay sangga sa kanyang espada.
“Dahil ang pag ganti at ang patayin kayo ang tanging bagay na pinapangarap ko! At ang kasiyahan na sinasabi mo ay makakamit ko lamang kapag nakita ko na ang malamig mong bangkay!” ang sigaw niya at nagliwanag ang kanyang espada at hinataw ito ng malakas sa aking harapan. Ginamit ko ang bakal na sibat na aking napulot upang sanggahin ito pero sa lakas ng pwersa ay nahati ang aking hawak na armas dahilan tamaan ako ng kanyang espada sa katawan at saka ito sumabog! Itinulak ng malakas na impact ang aking katawan sa mga pader at tarangkahan ng templo dahilan para mawasak ang mga ito.
Mabuti na lang at na protektahan ko ang aking katawan mula sa talim nito kaya’t kaunting hiwa lamang ang aking natamo bagamat tumama pa rin ito sa aking balikat pa slash sa aking kanang dibdib. Gayon pa man ay pilit akong tumayo at hindi pa ako nakakarecover ay isang malaking energy ball ang sumibat sa aking kinalalagyan. Dito ko napagtanto na pinaglalaruan lang ako ni Sato dahil sa antas ng aking kapangyarihan ay maaari niya akong tapusin anumang oras.
Pinagmasdan kong mabuti ang malaking bola ng enerhiya, plano ko sana itong higupin iyon nga lang nakita kong may imahe sa loob nito kaya naman sa halip ay sinangga ko ito. At hindi nga ako nagkamali dahil ang bola ng enerhiya ay isang patibong dahil nawala ito sa aking harapan at naging si Sato hawak pa rin ang kanyang nagliligagab na espada.
Tumalon siya sa aking itaas at buong lakas inihataw sa akin ang kanyang sandata kaya naman inipon ko ang pwersa sa aking dalawang kamay at sinalo ito. Hinawakan ko ang talim ng espada ni Sato hanggang sa tumulo ang dugo sa aking kamay.
“Mamatay ka Suyon!!” ang sigaw ni Sato at sumiklab ang pwersa sa kanyang espada ngunit nagliwanag ang aking mata at uinti unti kong hinigop ang pwersa sa kanyang espada na kanyang ikinagulat. Ang lahat ng pwersa sa kanyang sandata ay naipon sa aking kamay at buong lakas ko itong ginamit para itulak siya palayo!
“Hindi pa ako mamamatay!” ang sigaw ko at ginawa kong energy ball ang ibang enerhiyang nahigop ko sa kanyang espada at saka ko isinapak sa kanyang katawan dahilan para sumabog ang paligid at dito kapwa kami tumilapon sa ere.
Habang nasa ganoong pagtilapon kami ay laking gulat ko noong ibalibag ni Sato ang espad sa aking direksyon at tumama ito sa aking dibdib, tumagos ito sa aking likuran. Nakita kong nakangising demonyo siya habang tumitilapon sa ere.
Panandaliang binalot ng isang malakas na liwanag ang buong paligid.
At noong humupa ito ay sumambulat ang dugo sa aking dibdib, naubo na rin ako ng dugo dahil masyadong malalim ang tama ang patalim sa aking dibdib. Nasa ganoong posisyon ako noong bumangon si Sato, wala itong bahid ng kung anumang tama at gasgas sa katawan, “umaasa ka ba talaga na matatalo mo ako gamit ang aking sariling kapangyarihan?” ang wika niya.
Hindi ako naka kibo, pilit akong dumistansiya at inisip kung paano poprotektahan ang aking sarili mula sa kanyang susunod na atake. “Tingnan natin kung makakaligtas ka pa sa isang ito!” ang sigaw niya sabay hinga ng malalim, dito ay nabuo sa kanyang bibig ang isang enerhiyang itim. Lahat ng mga espiritu ng mga namatay niyang kawal sa paligid ay umangat at hinigop ng enerhiyang namumo sa kanyang bibig!
Wala pang ilang saglit ay pinakawalan niya ang enerhiyang iyon sa aking direksyon. Ang maitim na liwanag na itong sumibat sa aking kinalalagyan.
Noong mga sandaling iyon ay hindi ko na talaga alam kung paano ito iiwasan. Pinilit kong gumawa ng harang ngunit ang aking pinsala sa dibdib masyadong malala, hindi ko na magawang makabuo ng enerhiya sa aking kamay.
Tahimik.
Habang patuloy sa pagsibat ang enerhiyang itim mistulang isang suspended animation ang kaganapan dahil isang nagliliwanag na gintong palaso na animo kometang gumuhit sa kadiliman ng kalawakan ang sumibat patungo sa direksyon ng itim na enerhiya.
Nakakamanghang pagmasdan na ang sagradong palaso ay tumama sa itim na bagay na iyon at nagsabog ito ng gintong liwanag sa buong paligid. At mula sa aking tabi ay lumabas ang isang portal nagliliwanag at dito ay lumabas si Enchong, ang asawa ni Haring Rael ng Blood Sucker Kingdom.
Siya ang tumugon sa aking tawag, at noong lumabas siya ay nagliwanag ang aking katawan, napalibutan ako ng mga gintong enerhiya at dito ay unti unting sumara ang sugat sa aking dibdib. Mainit sa pakiramdam at ikinakalma nito ang aking isipan, ang takot ay unti unting nawawala at mula dito ay muli akong nakatayo ng tuwid.
“Ayos ka lang ba?” ang tanong ni Enchong sa akin.
“Oo, maraming salamat sa iyong pagdating, ang akala ko ay katapusan ko na,” ang tugon ko naman.
“Tapusin na natin ang labang ito, para makauwi na tayo,” ang wika niya habang nakangiti.
Itutuloy..
Part 28: Ang Nawawalang Ninuno
(Author’s Note: Nagdesisyon ako na ilagay ang laban nina Sato at Suyon dulo. Maraming salamat.)
Part 28: Ang Nawawalang Ninuno
LUCARIO POV
Noong matapos naming makausap si Agapito ay lumabas na kami sa kanyang templo at noong humakbang ako ay bigla na lamang nag bago aking paligid at napunta ako sa kakaibang portal. Sinubukan kong labanan ito upang makalabas ako ngunit huli na ang lahat. Mayroon mga patibong na portal sa labas ng templo at mukhang sinadya ito ng kung sino.
Noong makalabas ako sa portal ay laking gulat noong iluwa ako nito sa ere, sa itaas ng kalangitan at natagpuan ko na lang ang aking sarili na bumubulusok pa baba dito. Nasa ganoong posisyon ako noon ayusin ko ang aking sarili, ikinalma ko ang aking katawan at bumalanse ako sa ere hanggang sa ako ay lumutang at makalipad. Mabuti na lamang at nagagawa ko na bumalanse sa ere kahit wala ang aking ikalawang porma.
Madilim rin ang kalangitan, parang mayroong nagbabadyang bagyo, makulog, makidlat at malakas rin ang hangin.
Habang nasa itaas ay napatingin ako sa paligid, isa itong malawak na kapatagan, maraming mga matataas ng uri ng bato at lupa. Mayroong malaking lawa at kakahuyan ngunit wala akong makitang bayan o kahit na anong tirahang nakatirik dito. Para lang itong isang malawak na lupaing hindi pa nadidiskubre ng kahit na sino.
Noong makababa ako sa lupa ay napatingin ako sa isang mataas na batong nakausli sa kalayuan, dito ay may nakita akong imahe ng isang taong nakatayo sa tutok nito habang sumisibat ang malakas na kidlat sa kalangitan. Pilit ko itong inaninag upang makasigurado kung imahe nga ba ito ng tao. Maigi ko itong nilapitan at sinigawan, “Ey! Nasaan ba ako?!” ang tanong ko noong medyo makalapit sa kanya.
Maya maya ay nagsalita ito, “Nandito ka sa akin demensiyon, Lucario. Kumusta ka na?” ang tanong niya.
“Eh sino ka ba? Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?” tanong ko ulit sa kanya.
“Oo, ako ang nagdala sa iyo dito,” ang sagot niya habang nakatalikod pa rin.
Tahimik.
“Kung gayon ay inuutusan kita alisin ako sa lugar na ito ngayon rin!” ang sagot ko sa kanya.
Patuloy sa pagkulog at pag guhit ang kidlat sa kalangitan. Nakatalikod pa rin siya na parang bang pinagmamasdan ang kapaligiran bagamat wala namang espesyal dito. “Bakit kailangan mo akong utusan? Ganyan ka ba talaga makipag usap sa iyong ninuno?” ang tanong niya at dito ay humarap ito sa akin.
Nanlaki ang aking mata noong tamaan ang liwanag ng kidlat ang kanyang mukha. Bahagya akong napaatras at napatulala, kasabay nito ang ala-alang sumagi sa aking isipan noong ako ay nagsasanay pa lamang upang maging isang mahusay na mandirigma sa ilalim ng aking ama.
FLASH BACK
“Tumayo ka, Lucario!” ang wika ng aking ama matapos niya akong sipain sa sikmura ng malakas.
“Bakit ba kailangan pa akong maging malakas? Wala naman akong balak umakyat sa kalangitan upang makipagdigma sa kung kanino man!” ang wika ko naman habang marahang bumabangon.
Ang mga lupon ng Diyos sa kalangitan ay malalakas! Mga mahuhusay sa pakikidigma at may kakayahang mag taob ng daan daang magdirigma gamit ang kanyang puro kakayahan. Kung nandito ang ating mga ninuno, tiyak na hindi sila papayag na ikaw ay lampa at mahina,“ ang wika ng aking ama habang nakatayo ng tuwid sa aking nakabulagtang katawan. Maya maya ay may itinapon siyang larawan aking harapan.
Ang mga larawang ito ay imahe ng dalawang lalaki na nakaupo sa templo. Kinuha ko ito at pinagmasdan, “sino naman ito?” pagtataka ko naman.
“Iyan ang lumang larawan ng ating mga ninuno, sina Artemis at Atalante. Sila ay tinaguriang kambal ngunit hindi naman talaga sila literal na magkamukha. Sabay silang isinilang at ang kanilang mga kapangyarihan ay magkabigkis. Si Artemis ay nagtataglay ng kapangyarihan ng liwanag at si Atalante naman ay ang dilim. Balanse ang kanilang kakayahan, kung wala ang isa ay hindi makakatayo ang isa. Sina Atalante at Artemis ang nagtanggol sa ating mga lupain sa mga nagtatangkang sumakop nito. Kaya lumalabas dito na noong unang panahon pa lamang ay obligasyon na ng mga Diyos na ipagtanggol ang kanilang nasasakupan. Kaya’t obligasyon mo rin ito, Lucario. Tularan mo ang ating mga ninuno,” ang wika niya habang nakatingin sa larawan.
“Hindi kaya’t masyado pa akong bata para isipin iyan?” tanong ko naman.
“Ganoon rin iyon, kapag nag mature ka na at nasa wastong edad ay daraan ka rin sa maraming digmaan, kaya’t dapat ay paghandaan mo ito,” ang sagot niya.
Tahimik.
“Sina Artemis at Atalante, nasa na sila ngayon?” tanong ko naman habang nakatingin sa larawan.
Nagkibit balikat ang aking ama, “ayon sa kasaysayan ay nawala na lamang na parang bula si Artemis. At makalipas ang ilang buwan ay nawala rin na parang bula si Atalante. Walang nakakasabi kung buhay pa ba sila o patay na. Iyan ang hirap sa ating henerasyon ngayon, hindi na inaalala ng ibang mga Diyos ang tungkol sa kasaysayan ng ating mga ninuno. Ni hindi nga nila kilala kung sino ang mga nasa larawan ito,” ang paliwanag ni ama.
“Ang mga henerasyon namin ay wala ng pakialam sa kasaysayan, hindi naman nito mabubusog ang aming kaluluwa,” ang sagot ko naman at muli kami nag ensayo ng aking ama.
END OF FLASHBACK
Natahimik ako at tila nabato balani noong makita ko ang mukha ng lalaki. Ito ay wala iba kundi si Atalante, ang itim niyang buhok, ang itim niyang mga mata ay tandang tanda ko pa hanggang ngayon. Siya ang eksaktanong lalaki doon sa larawan, ni hindi man lang nagbago ang kanyang anyo.
“Bakit ganyan ang iyong reaksyon? Tila naka kita ka ng multo,” ang wika niya habang nakangisi.
“Atlante, ikaw ang aming ninuno, paanong? Pa-paano buhay ka pa?” tanong ko sa kanya.
“Natutuwa ako at nakikilala mo pa ako, sa inyong henerasyon ang mga katulad namin ay lipas na at binura na lamang sa kasaysayan. Paanong buhay pa ako? Nagpapatawa ka ba? Tayong mga diyos ay tumatagal ng libo libong taon. Nakapagtataka ba iyon?”
“Hindi, ngunit bakit nawala ka? At ano ang kailangan mo sa akin?” tanong ko sa kanya.
“Sabihin na natin na tinutulungan ko lamang ang aking kaibigan na maabot ang kanyang nais. At nandito ka upang subukan ko ang iyong lakas bilang isang diyos. Kaya naman pumili ako ng isang lugar na maganda para sa ating magiging labanan,” ang wika niya sabay luntag sa mataas na batong kayang kinalalagyan.
“Sinong kaibigan? Si Xandre ba? Nais mong makiisa sa kanya upang pagharian ang sanlibutan? Nais mo siyang kilalaning nag iisang Diyos mo?” tanong ko sa kanya.
“Si Xandre ay matagal ko ng kaibigan, sabay rin kaming tumakas na literal na mundo. Sabay rin kaming nakasaksi ng kalupitan at ang masalimuot na reyalidad ay parehong bumubungad sa aming mga mata. Tama lamang na magkaroon tayo ng iisang Diyos na sasambahin upang tayong lahat ay malagay sa matuwid na daan. Ano sa iyong palagay?” tanong niya sa akin.
“Pasensiya na ngunit hindi ako mapalagay, tama nga na tawagin kitang ninuno dahila ang utak mo ay napaglipasan na rin ng panahon. Saka natatakot akong umabot ng libo libong taong gulang dahil magmumukha akong 50 anyos na lalaki,” ang wika ko nama habang natatawa.
Natawa rin siya, “kayong mga makabagong Diyos ng kalangitan ay tila nakakalimot sa kasaysayan. Ang tingin niyo sa inyong mga sarili ay malalakas na ngunit sa huli ay iiyak naman kapag nasaktan na, sabihin mo sa akin Hijo, ganoon ka ba?” tanong niya sa akin.
“Bakit hindi mo subukan? Ang lahat ng kakampi ni Xandre ay kaaway ng sanlibutan. Nawala ka ng mahabang panahon siguro naman ay sapat na iyon para tuluyan kang ibaon sa limot,” ang sagot ko sa kanya.
Natawa siya, “ikaw ang ibabaon ko sa lugar na ito, isang mababang uri ng Diyos!” ang sigaw niya at dito ay lumabas ang itim na enerhiya sa kanyang kamao at nagsimula siyang umatake sa akin!
Isang malakas na hataw ng suntok ang kanyang pinakawalan pero nakaiwas ako kaya ang kanyang kamao ay tumama sa lupa. Sa lakas nito ay yumanig agad sa buong paligid, nagbitak ang lupa at sumabog ito. Isang nakakabigla at nakakagulantang na panimula.
Sa aking pag iwas ay nanatili akong nakalutang sa itaas at laking gulat ko noong sumulpot ito sa aking harapan at pinaulanan ako ng sunod sunod na suntok, mabilis ang kanyang kilos kaya naman kailangan tapatan ko ito. “Akala mo ba ay ikaw lang ang may kakayahang lumutang sa ere?!” ang sigaw niya at dito nagsimula ang aming tapat ng lakas.
Ipinikita senaryo ang simula ng paglalaban na Lucario at Atalante. Iba ang labanan ng mga Diyos, lakas sa lakas, kapangyarihan sa kapangyarihan. Sa kada pagsuntok at pagtatama ng kanilang mga kamao ay nagdudulot ito ng pag yanig sa paligid. Ang kanilang mga kilos ay mabibilis, sumusunod sa hangin at kung saan saan silang direksyon napupunta. Para ito labanan nila Son Goku at Frieza, ang mga bato sa paligid ay umaangat at nasisira ang kanilang mga dinaraanan. Walang pag uusap na nagaganap sa pagitan nilang dalawa, basta ang alam nila ay kailangan matalo ang bawat isa upang magtagumpay sa kanilang mga hangarin.
Malalakas ang suntok at sipa na pinapakawalan ni Atalante, pero sa kabilang banda ay alam ni Lucario kung paano ito sasanggahin at icocounter kaya naman naging mas mainit ang tagpo sa pagitan nilang dalawa.
Makalipas ang ilang sandali ay nagliwanag ng direksyon ang dalawang Diyos na mandirigma, kapwa sila nag ipon ng malakas na pwersa kanilang mga kamay at sabay nila itong pinakawalan na animo sumisibat na komenta sa kalangitan.
Nag-abot sa gitna ang dalawang magkaibang kulay ng enerhiya, isang kulay itim galing kay Atalante na simbolo ng itim na kapangyarihan at isang kulay bughaw na kalangitan mula kay Lucario sa kulay ng niyebe sa kanilang lupain.
Lumikha ng malakas na pagsabog ang kanilang mga pinakawalang enerhiya dahilan para mawasak ang mga nasa paligid. Kasabay nito ang pagbulusok nina Atalante at Lucario at magkaibang direksyon dahil ito sa lakas impact ng pag atake na tumama sa kanilang mga katawan.
Nagliwanag sa buong paligid, pinilit kong labanan ang malakas na pag atakeng iyon ni Atalante dahil alam kong magiging delikado kung tatama ito sa akin. Gayon pa man, sa lakas ng pwersa ay tumilapon ako pabagsak sa lupa at tumama ang aking katawan sa mga batuhan.
“Tsk, kung bakit sa dinami-rami ng kalaban ay dito pa ako natapat sa gagong ito,” ang wika ko habang nakahiga sa lupa, hinahabol ko ang aking paghinga at pakiramdam ko ay kinakapos ako sa hangin.
Nasa ganoong pagkakahiga ako noong laking gulat na makita ang kalaban sa ere, ikinumpas niya ang kaniyang kamay at mula itaas ay bumabagsa ang mga mamalaking itim na bagay na may matutulis dulo. Para mga itim na stalactites na bumabaon at sumasabog sa lupa kaya naman agad akong bumango at lumipad upang makaiwas.
Nagliwanag ang aking kamay at hiniwa ko ang lahat ng mga malalaking mga bagay na patusok sa akin. At iba ay sinangga ko at dinurog na animo pulbos upang makatiyak na hindi ako basta batas mapipinsala.
“Hindi na masama Lucario, ngunit nararamdaman mo na ba ang malaking agwat ng ating lakas at kapangyarihan? Kung hindi pa ay maaari kong ipakita sa iyo ngayon!” ang wika niya na may malaking kompiyansa sa sarili. Huminga ito ng malapit at namuo ang isang itim na energy ball sa kanyang bibig.
Walang ano ano ay ibinuga niya ito sa akin, maliit lamang ang bola iyon ngunit napakalakas na impact ng pagkasira ang nilikha nito sa lupa, halos nag iwan ito ng matinding hukay at pinsala doon.
Tila walang kapaguran ang kanyang sunod sunod na pag atake. At hindi pa ako nakakarecover ay heto na naman siya sa aking harapan at pinaulanan ako ng sunod sunod na malalakas na suntok. Sa kada pagtama nito sa aking katawan ay yumayanig sa paligid.
Hanggang sa wala akong ibang pamimilian kundi ang lumaban muli at makipagsabayan sa kanya. Mabilis ang aming mga kilos, halos ibangag na niya ang aking mukha sa mataas na batong nakausli sa paligid. At makalipas ang ilang sandali ay natagpuan ko na naman ang aking sarili na bumubusok pabagsak sa lupa.
At noong sumasad ang aking katawan dito ay tumilapon ang instant transportation ball, tumama ito sa batuhan at saka umilaw. Sa hindi sinasadyang pagkakaton ay nakapagpadala ako ng SOS signal kung kanino man.
Itutuloy.
Part 29: Atalante
Part 29: Atalante
LUCARIO POV
“Maaaring malakas ka nga, dahil karamihan sa aking kalaban isang hatawan lang ay patay na agad. Ngayon pa lang ay binabati na kita dahil nakatagal sa akin ng mahigit sampung minuto,” ang wika ni Atalante habang matikas itong nakalutang sa ere.
Natawa ako, “salamat sa papuri mo, ngunit ang mahalaga sa akin ngayon ay matalo ka, makaalis sa lugar na ito at makabalik sa pamilya ko. Huwag mong isipin na panalong panalo ka na,” ang tugon ko sabay balikwas ng bangon.
“Kung pagmamasdan mo ang sitwasyon nating dalawa, maaari kong ngang sabihing panalo na ako,” ang wika niya at dito ay muling binalot ng itim na enerhiya ang kanyang katawan na animo super saiyan at saka muling sumugod sa akin.
Bago siya tumama sa aking kinalalagyan ay sumiklab rin ang bughaw na liwanag sa aking katawan at muli kaming nagsagupaan. Sa muling pagtatama ng aming mga kamao ay umaangat ang mga bato at mga bagay na aming nadaraanan. Nag sspark ang buong paligid! Katulad ng dati ay muli kong kinapatan ang kanyang kilos na para bang hangin lamang sa bilis.
Makalipas ang ilang minutong sapakan at sanggahan ng atake ay umatras kaming dalawa naipon ang malalakas na enerhiya sa aming kamay at pinakawalan namin ito. Nagsalpukan ang magkaibang kulay ng kapangyarihan sa itaas at muli itong lumikha ng nakakagigimbal na pagyanig!
Hingal na hingal na ako..
Samatalang ang kalaban ay para bang hindi nauubusan ng lakas. At hindi pa ako nakakarecover noong makitang maraming mga itim na enerhiyang bilog ang lumilipad patungo sa akin. Dahil nabigla rin ako ay sinangga ko ang mga ito at sumabog sa aking katawan dahilan para mawasak ang aking kalasag at damit na suot. “Kapag ikaw ay nasa labanan ang iyong isipan ay nakatuon lamang sa iyong kalaban at wala ng iba pa, ito ang magpapatalo sa iyo,” ang wika niya at muling sumugod sa aking harapan, pinagsusuntok niya ako dahilan para mahirapan na akong makabawi. Isang malakas na tadyak ay tumilapon ako muli sa batuhan, sa malayong direksyon.
Sadsad akong lupa.
“Hindi pa naman huli ang lahat, Lucario, maaari kang sumama sa akin at pumanig kay Xandre, maganda ang kanyang hangarin para sa sanlibutan. Ang lahat ng pagkakamali ng mundo ay maitutuwid kapag siya na lamang ang iisang Diyos na kilalanin natin,” ang wika niya habang bumababa sa aking harapan.
Dumura ako ng dugo at pinahiran ang dugo sa aking bibig. “Pwe! Hindi ko pa rin maunawaan kung bakit gusto niyang kilalanin siyang nag iisang Diyos. Ano ba ang pagkakaiba nito sa isang ordinaryong Diyos na pinaniniwalaan ng kanyang mga taga sunod.”
“Gusto ni Xandre na siya lamang ang kilalaning nag iisang Diyos at wala ng iba pa. Ang lahat ng mga dimensyon at lupain sa mundong ito ay siya lamang ang hahawak at mamumuno. Magandang senaryo iyon diba? Kung iisa ang ating tinitingalang Diyos, maaaring magkaisa at magbuklod buklod ang lahat. Siya ang gagawa ng bagong batas, siya rin ang huhubog sa ating bagong paniniwala. Bakit kasi lumalaban pa kayo? Hindi niyo kailangang lumaban sa kanyang kagustuhan,” ang paliwanag niya.
“Pwes, si Xandre ay isang malaking baliw, hindi niya mababago ang paniniwala ng mga nilalang kung sino ang gusto nilang sambahin! Huwag na niyang panghimasukan ang lahat ng bagay na wala siyang control! Mga baliw! Pati ikaw ay isang malaking baliw!” ang sigaw ko sa kanya.
“Ang lahat ng lumalabag sa kaloob ni Xandre ay mamamatay, handa ka na bang mamatay? Lucario?” tanong niya.
“At ang lahat ng sumusunod kay Xandre ay papatayin ko! Handa ka na bang mabura sa mundong ito?” ang tanong ko at dito ay nagliwanag ang aking katawan at lumabas ang aking espesyal na pormang pang Diyos. Gumapang ang kalasag sa aking katawan, nagkaroon ang pakpak at sumiklab ang malakas na pwersa mula sa aking paligid.
Nangiti si Atalante sa kanyang nakita, dito ay tila lalo siya nanabik. “Gusto mo bang makita ang ikalawa kong porma? Iyon nga lang ay baka matakot at umatras na lamang sa labang ito. Kung sa bagay ay wala ka namang aatrasan dahil lumaban ka man o hindi ay mamatay ka rin,” ang wika sa akin at dito nagsimulang lumutang ang kanyang mga paa sa lupa.
Binalot ng malakas na liwanag ang kanyang katawan dahilan para matabingan nito ang lahat. Namuo ang itim na enerhiya sa kanyang paligid at pumorma ito ng isang malaking bilog na animo cocoon.
Ilang minuto ring nagliligabgab ang itim na enerhiya sa paligid bago tuluyang mag crack ang kinalalagyan ni Atalante.
Patuloy sa pagkulog at pag kidlat.
Maya maya ay lumabas mula dito ang kalaban. Kakaiba na ang kanyang anyo at hindi na katulad ng dati. Ang kanyang katawan ay parang naging sa tigre tinubuan ng itim na bahalibo, humaba ang kanyang kuko at ang kanyang paa ay nagkaroon ng mas matibay na joints upang makakilos ng mas mabilis. Ang buntot niya ay mahaba at sa dulo nito ay isang matulis na bagay na animo barena. Ganoon rin ang mukha ni Atalante, nagkaroon lang ito ng mga markang itim at ang kulay ng kanyang mga mata ay nagbago rin.
Noong lumabas ang kanyang ikalawang anyo ay tila nanginig ang aking tuhod, dito sumiklab ang napakalakas na pwersa kanyang katawan, ramdam na ramdam ko ito at ramdam ko rin ang pagtulak sa akin ng malakas na enerhiya sa kanyang paligid.
Nasa ganoong posisyon noong bumukas ang aking pakpak at lumipad ako sa ere. Ikinumpas ko ang aking kamay at dito ay lumabas ang isang dambuhalang enerhiyang hugis espada. Sa pamamagitan ang aking orasyon ay nahati ang dambuhalang espada sa ordinaryong sukat na may daan daang piraso. Ang lahat ng espadang enerhiyang ito ay pumalibot sa akin upang maging proteksyon.
“Malakas ang isang ito, sa lahat ng aking nakatunggali ay ito na yata ang pinakamalakas sa lahat. Tiyak na kapag nakalapit siya sa akin ay maaaring katapusan ko na,” ang bulong ko sa aking sarili habang naghahanda sa kanyang atake.
Ipinikita sa senaryo na naghanda sa pag-atake si Atalante gamit ang kanyang bagong anyo. Pagtingala niya ay nakita niyang nandoon ang Diyos na si Lucario. Namangha siya sa kanyang nakita dahil ang daan daang espada ay nakapalibot na dito, nagliliwanag ang paligid habang nakaprotekta sa sagradong anyo nI Lucario. Noong mga sandaling iyon ay labis na nakaramdam ng saya si Atalante, bumuwelo na parang lulundag at pagkatapos ay biglang nawala sa kanyang kinatatayuan. Napakabilis ng kanyang pagkilos, ni hindi namalayan ni Lucario ang paggalaw nito. Nakita na lamang niya ang katunggali na nakatayo na sa kanyang harapan at nakalutang sa ere.
“Maganda, makulay at nakakamangha,” ang wika ni Atalante habang nakatingin sa mga espadang enerhiyang nakapalibot sa aking.
Hindi ako kumibo, hindi ko siya sinagot, nagliwanag ang aking pakpak at dito ay nagliyab pa ang mga espada, nagbago ang hugis ng mga ito, mas lalong humaba at tumalim. “Hmmm, tama iyan Lucario, kailangan mong protektahan ang iyong katawan upang hindi ako makalapit sa iyo. Dahil kapag nakalapit ako ay alam mo na ang mangyayari sa iyo, tama?” ang tanong niya habang nakangisi.
“Ayokong mag isip ng kung ano, ang kailangan ko lang ay manalo sa labanang ito,” ang sagot ko sa kanya.
“kung ganoon ay bakit hindi natin simulan ang magandang larong ito?” ang tanong niya at dito ay nagliwanag ang buong katawan niya sa isang iglap ay mabilis siya umatake sa akin. Dito ay wala na akong pamimilian kundi ang ibagsak sa kanya ang mga espada sa aking paligid. Ang lahat ng ito ay nagliparan patungo sa kanyang kinalalagyan.
Ang daan daang enerhiyang espada ay animo may mga sariling buhay na tumatama at sumasayaw sa kanyang paligid. Samantalang wala naman siyang malamang gawin kundi ang kumilos at umiwas upang hindi siya tamaan. Ang iba naman ay sinasangga niya at sumasabog ito sa kanyang balat ngunit bale wala wala lamang ito sa kanya.
Isang kumpas pa ng kamay ang aking ginawa at nagliparan pa ang mas malalaking patalim sa aking paligid, sumibat ito sa kanya at kitang kita ko kung paano niya labanan ang daan daang sumusugod at humahabol sa kanya. Parang napakaimposibleng mapahinto niya ang lahat ng ito ngunit sa kanyang taglay na lakas ay masasabi kong wala talagang imposible. “Hindi na masama, Lucario,” ang wika niya habang patuloy sa pag iwas, ang ilang espada ay nagkakabanggaan at sumasabog sa kanyang paligid. Hanggang sa makalipas ang ilang sandali ay naubos niya ang mga enerhiyang sandata at buong laya siyang nakasugod patungo sa aking kinalalagyan.
Sinubukan ko namang itulak siya, ipinigilan ko ang kanyang katawan, ibigkis ko ito ng espesyal na pisi ngunit hindi man lang ito tumalab at kusa rin siyang nakalaya. Noong nakawala ang kanyang katawan ay buong pwesa siyang lumipad patungo sa akin at dito ay muli kaming nagsagupaan. Inalis ko ang pakpak sa aking katawan upang mas makasabay ako sa kanyang pagkilos. Sa una ay patas ang aming kilos ngunit may mga pagkakataong mas nararamdaman ko ang malalakas na hataw ng kanyang suntok kaya naman bago pa ako mapurohan ay inipon ko ang enerhiya sa aking palad at itinulak ko siya palayo.
Napaatras siya at napadistansiya sa akin. Dito ay sinubukan kong iwain ang parte ng kanyang mga katawan gamit ang aking palad, katulad ng mga taktikang aking ginagawa noon pa. Ngunit noong subukan ko ito ay laking gulat ko noong ang palad ko ang mag dugo at kauting gasgas lamang ang naigawad ko sa kanyang balat.
“Mukhang ang iyong pinagpalang palad ay walang laban sa aking kalasag, ano na ngayon ang gagawin mo? Teka, ang kalasag mo pa malakas?” ang tanong niya habang nakangisi at maya maya ay nagliwanag ang kanyang katawan at mabilis pa sa kidlat na umatake sa akin!
Sinubukan ko siya itulak galit ang aking pwersa ngunit hindi na ito tumatalab, sinubukan kong balibagan siya ng mga enerhiya ngunit sinasangga lamang niya ito at parang bale wala lang sa kanya. Ang pinakahuli kong ginagawa ay binalot barrier ang aking paligid upang hindi siya basta basta makalapit.
“Sa tingin ko ay hindi sapat iyan!!” ang sigaw niya sabay kalmot sa barrier gamit ang kanyang nagliliwanag at matulis na kuko dahilan para mag crack ito at mabasag, dire-diretso ang kanyang katawan sa aking harapan kaya naman agad kong ibinukas ang aking pakpak at hinarang ito sa akin buong katawan. Pumalibot ang aking bagwis sa aking paligid at tinakpan ako nito upang magbigyan ako ng proteksyon. Matibay ang aking pakpak at hindi ito basta basta na sisira nawawasak.
“Sa palagay mo ba ay mapipigilan ako niyan?!” ang sigaw niya at mas lalo pang nagliwanag ang kanyang katawan bago igawad ang kanyang pag atake sa akin!
Sa unang tama ng kanyang kuko ay nawasak agad ang aking pakpak!
Hindi ko akalaing mawawasak ito sa isang tirahan lang, indikasyon na malakas talaga si Atalante. At hindi ko maunawaan kung saan nagmumula ang kanyang lakas!
Nabiyak ang aking pakpak at sumabog ito. Isang malakas na kalmot ang kanyang ginawa, sinangga ko ito ngunit sumabog ang aking kalasag at nawala ako sa balanse. Hindi pa ako nakakarecover ay isang pag atake pa ang kanyang iginawad sa aking katawan dahilan para sumambulat ang aking dugo at bumulusok ako pababa sa lupa.
Lagapak!
Malaki ang tama sa aking katawan, halos nabiyak ang aking dibdib dahil sa talim ng kanyang kuko. Napasuka na lamang ako ng dugo at dito ay nagsimulang magdilim ang aking paningin ngunit nilabanan ko ito. Pinaghilom ko ng kaunti ang aking sugat upang tumigil ang sobrang pagdurugo nito.
Nasa ganoong posisyon ako noong bumagsak ang kalaban sa aking harapan at isang malakas na sipa ang tumama sa aking katawan dahilan para tumilapon ako sa mas malayong direksyon at tumama sa maraming nakausling batuhan.
Maya maya ay nakita ko siyang lumilipad na naman ng mabilis at muling umatake sa akin. Agad kong ibinalanse ang aking katawan, sinangga ko ang kanyang kamao at hinakawan ang kanyang braso. “Ngayon ay papatayin na kita! Isa kang mahinang Diyos!” ang wika niya.
“Isasama kita!” ang sigaw ko rin at mas humigpit pa ang hawak ko sa kanyang braso. Dito ay nagsimulang mag evaporate ang aking katawan tanda ang pag iipon ng lakas!
Patuloy kami sa pagsibat sa ere! Habang hawak ko ang kanyang braso ay hinawakan ko ang kanyang leeg. Nagliwanag aking buong katawan kabilang na ang aking mga mata!
Naipon ang pwersa sa aking kamay pati sa buong katawan at SUMABOG ito ng MALAKAS! Sa makatuwid pinasabog ko ang aking sarili kasama siya!
Ang simpleng pag atake at pagpapalipad ng mga enerhiya ay madali niyang maiiwasan, kaya mabuti ang naisip kong hulihin siya at isama sa pagsabog!
Binalot ng malakas na liwanag ang buong paligid, yumanig at parehong tumulapon ang aming katawan.
Nawala ang aking ikalawang pormang diyos, samantalang naputol ko ang kaliwa niyang kamay.
Kapwa kami tumilapon sa magkaibang direksyon bago sumadsad ang aking katawan sa lupa at ako ay mapa pikit na lamang.
Itutuloy.
Part 30: Ang Dalawang Mukha
MGXMBS Book 3
The Last War
AiTenshi
Nov 16, 2021
Part 30: Ang Dalawang Mukha
Isang malakas pagsabog ang naganap noong ipunin ko ang pwersa sa aking katawan. Hinawakan ko ang braso at leeg ng kalaban upang hindi ito makawala. Sayang lamang at nagawa kong putulin ang kanyang kamay pero hindi ko nagawang wasakin ang kanyang leeg at ulo, masyado kasing makapal ang armor sa gawing ito ng kanyang katawan.
Nawala ang aking porma Diyos, bumalik ako sa aking orihinal na katawan, nakahubad, duguan at tanging pantalon lamang ang suot. Pinilit kong bumangon sa kabila ng panghihina at pangangatog ng aking tuhod at kalamnan.
Nasa ganoong posisyon ako noong mawala ang usok at pagyanig sa paligid dahilan para makita ko si Atalante na tumatayo, umuusok ang kanyang katawan at ang kanyang braso ay naputol. “Tatlong libong mandirigma ang aking nakalaban at dalawa lamang kayo ni Xandre na nagbigay sa akin ng ganitong pinsala. Binabati kita bata, nakuha mo ang paghanga ko, may ibubuga ka rin pala!” ang wika nito at maya maya umusok ang kanyang braso at mula dito ay lumabas muli ang kanyang kamay na parang walang nangyari.
Iniunat niya ang kanyang katawan at dito ay parang may napansin ako sa likod sa kanyang ulo. Parang may mayroong imahe ng mukha dito na hindi ko malaman! Maigi ko ito tinitingan at maya maya ay mas lalo pang bumakat ang mukha dito dahilan para lalo rin akong magulat.
Nanlaki ang aking mata noong makilala ko ang imaheng ito. “Artemis,” ang bulong ko sa aking sarili na parang namamalik mata.
“Bakit ganyan kang makatingin? Nagulat ka ba sa aking dalawang mukha?” tanong niya habang nakangisi.
“Ang iyong isang mukha ay walang iba kundi si Artemis, ang iyong kakambal! Paanong napunta siya diyan?” ang naguguluhan kong tanong.
Si Artemis ang kakambal ni Atalante na bigla na lamang naglahong parang bula sa kanilang kaharian. Kung taglay ni Atalante ang kapangyarihan ng dilim ay taglay naman ni Artemis ang kapangyarihan ng liwanag dahil silang dalawa ay ang tinatawag na balanse.
“Ayon sa kasaysayan ay bigla na lamang naghalo si Artemis kaya’t ang mas humaba ang gabi kaysa sa araw! May kinalaman ka ba sa pagkawala niya?!” ang tanong ko na hindi maitago ang pagkalito.
“Si Artemis, ang aking pinakamamahal na kakambal ay parte na ngayon ng aking pagkatao. Ang aming lakas ay naging isa kaya’t hindi na kami matatalo,” ang wika niya sabay lakad sa aking harapan. “Siguro ay nararamdaman mo ang lungkot ko ngayon kapag naalala ko siya,” ang wika niya sabay haplos sa aking mukha na duguan. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha, “iniisip mo ba na pinatay ko siya?” tanong pa niya.
“Sinungaling!” ang sigaw ko sabay hawak sa kanyang mukha. Nagliwanag ang aking kamay at saka hinagilap ko sa kanyang mata ang katotohanan. “Sabihin mo sa akin ang katotohanan! Ang mata ay hindi nagsisinungaling!” ang wika ko at noong mapatingin ako sa kanyang mata ay nakita ko ang iba’t ibang senaryo na kanyang pilit na itinatago.
Sa unang imahe ay nakita kong umiiyak si Artemis at niyayakap niya ang kanyang kapatid na si Atalante. Hindi ko alam kung anong mayroon sa senaryo pakiwari ko ay mayroon silang problema na hindi ko mawari.
Sa ikalawang imahe naman ay nakita kong naglalaban sina Atalante at Artemis. Duguan si Artemis at walang awa sa kanya ang kanyang kapatid. Isang madugong senaryo ang aking nakita at ang lahat ay punong puno ng dahas.
Sa ikatlong imahe naman ng aking pangitain ay nakita kong kinakain ni Atalante ang kanyang kakambal. Naduwal ako at napabitiw sa kanyang mukha. Para akong nalunod, hinahabol ko ang aking paghinga at napaatras na lamang ako dahil sa kakaibang takot pagkabigla.
Natawa si Atalante, “ano nakita mo? Nagustuhan mo ba?”
“Masahol ka pa sa halimaw, Atalante! Paano mo nagawa iyon sa sarili mong kapatid?!” ang sigaw ko sa kanya.
“Ano ka ba, sa panahon natin kahit ang magkakapatid ay nagpapatayan para sa kanilang mga kagustuhan. Nakatala sa iba’t ibang kasulatan ang mga magkakapatid na naglalaban para makamit ang kanilang nais makamit, ang ganitong bagay ay napaka simple kaganapan na lamang. Ito ang sinasabi ko sa iyo, ang ating paniniwala sa mga diyos ng mga diyos ay bale wala dahil hindi naman talaga pinarurusahan ng diyos na ating sinasamba ang nilalang na may sala. Pero kung Xandre ang kilalanin nating diyos, ang lahat ng lalabag sa kanyang utos ay mamatay, ang lahat ay magiging masunurin at desiplinado,” ang wika ng kalaban.
“Baliw! Kung si Xandre ang magiging Diyos ay paghaharian ng kadiliman ang buong lupain kabilang na ang buong sanlibutan at ang lahat ay mauuwi sa kaguluhan! Ang iyong ginawa sa iyong kapatid ay may kaukulang parusa! Iyan lang ang masasabi ko!” ang sagot ko sa kanya.
“Pwes! Ang sinasabi mong parusa kay kailan kaya magaganap? Libong taon na ako sa mundong ito at walang kaparusahang naghihintay sa akin Lucario! Kung mayroon dapat parusahan ay ikaw iyon dahil mali ang iyong paniniwala, mali ang iyong pinanigan!” ang sigaw niya at dito ay muli na naman siyang umatake sa akin!
Katulad kanina ay nawala ang kanyang katawan sa aking panginin at pinaulanan na naman niya ako ng suntok. Duguan ang aking katawan ngunit may lakas pa ako para lumaban! Hindi ako basta basta susuko kahit ano ang mangyari!
“Bakit hindi ka na lamang sumuko at kumampi sa akin? Gagawin kita isang alalay o kaya ay kanang kamay, sayang naman ang iyong potensiyal,” ang wika niya habang patuloy ang pag atake niya sa akin. Duguan ang aking katawan at mga braso dahil sa talas ng kanyang kuko.
“Hinding hindi ako papayag sa nais mo! Mainam pang mamatay na lang tayong dalawa,” ang wika ko sabay hawak ng mahigpit sa kanyang dalawang braso. “Gagamitin mo ulit ang spirit bomb na ginamit mo kanina upang pasabugin tayong dalawa, napagtanto mo ba na hindi uubra sa akin ang mga malalayong pag-atake dahil madali ko lang itong maiiwasan kaya’t ngayon ay kailangan mo pa akong hawakan ng ganito kahigpit upang mapinsalaan? Napaka desperadong taktika ngunit ito ng pinaka epektibo,” ang wika niya at dito ay naramdaman kong tumusok sa aking likuran ang kanyang buntot at tumagos ito sa aking tiyan.
Bumulwak ang dugo ang aking dibdib, ngunit hindi pa rin ako bumitaw, “Oo, at sa pagkakataong ito ay gagawin ko ang lahat upang mabura ka sa mundong ito,” ang sagot ko at dito ay lumabas ang aking pakpak at binalot kaming dalawa. Muling nag evaporate ang aking katawan at ang aking mata ay nagliwanag!
“Ako si Lucario, ang Diyos ng Pagkagunaw kaya hayaan mong gunawin ko ang iyong mundo,” ang wika ko sa kanya at dito ay nagliwanag ng malakas ang aking katawan at saka pareho kaming sumabog! Ito na ang aking pinakamalakas na kapangyarihan.
Nagliwanag ang buong paligid at nahawi ang maitim na kalangitan..
Ipinakita sa senaryo na kahit nasa malayong demensyon sila Lucario at Atalante ay naramdaman pa rin ni Suyon, Enchong, Seth, Ibarra at iba pa ang kapangyarihan ni Lucario bagamat hindi nila alam kung saan ito nagmula. Ipinakita rin sa senaryo na napahinto si Naama sa paglalakad sa bulwagan ng kanyang palasyo noong maramdaman ang kapangyarihan ng kanyang anak. Samantalang si Chaim ay umiyak ng umiyak habang buhat ng Mr. Alponso, Ipinakita rin sa senaryo si Xandre na nakangiti sa balkunahe ng kanyang palasyo at labis na nasiyahan sa labanan ng dalawang Diyos.
Sa lakas ng pagsabog na bumalot sa katawan nina Lucario at Atalante ay pareho silang binura ng liwanag. Samantalang hindi inaasahan ng kalabang si Atalante na may ganitong kalakas na pag-atake si Lucario. Nabura nito ang kanyang pormang diyos at ang kanyang mga braso ay kusang naputol. Si Lucario naman ay tumilapon duguang katawan sa malayo, halos nawalan na siya ng lakas noong pakawalan niya ang kanyang ultimate attack.
Nagunaw ang paligid, halos binura nito ang lahat at walang nang ibang makita kundi ang mga nawasak na lupa, mga bakas ng hukay at ang mas lumalalang pagyanig at pagsabog. Habang lumalagapak ang katawan ni Lucario sa lupa at nakadilat lang ito at pilit inaalala ang mukha ng kanyang asawa at anak. Kasabay nito ang pagtama ng kanyang lantang gulay na katawan sa batuhan.
“Suyon, Chaim.. kaya ko pa ba?” ang bulong ko sa aking sarili.
Noong mga sandaling iyon ay pilit kong nilalakasan ang aking loob bagamat halos hinang hina na rin ang aking buong katawan. Hindi ko akalaing darating ang pagkakataon namagagamit ko ang aking buong lakas, ang akala ko noon ay sapat na sa akin ang pagkumpas ng kamay upang hatiin at hiwain ang mga kalaban. Ngayon ay aminado na ako na ang aking ninuno ay talagang malakas at makapangyarihan.
Makalipas ang ilang minutong pagsabog ay humupa rin ang usok at mga liwanag sa paligid. Nakadilat lang ang aking mata at pinilit kong bumangon ngunit hindi ko ito magawa.
Noong maging malinaw ang paligid ay nakita ko si Atalante, duguan at halos putol ang kanyang dalawang braso. “Magaling bata! Ngunit sayang lamang ang iyong kapangyarihan dahil kaya kong gawin ito!” ang wika niya at dito ay muling tumubo ang kanyang dalawang braso dahilan para matawa siya. “Kahit ilang beses mong wasakin ang aking katawan ay madali ko itong maibabalik sa dati dahil MALAKAS AKO AT MAKAPANGYARIHANG DIYOS! At ngayon, hayaan mong ako naman ay bumura sa iyo!” ang wika niya at dito ay namuo ang enerhiya sa kanyang mga kamay.
Noong malaki laki na ang enerhiya dito ay laking gulat niya noong biglang mag spark ang kanyang braso at malusaw ito dahilan para maantala ang kanyang pag iipon ng enerhiya. “Ano ito? Bakit ganito!?!!” ang sigaw niya.
Natawa rin ako at muli bumangon, “Ang aking kapangyarihang iginawad sa iyo kanina ay hindi lang basta enerhiya dahil isa itong orasyon at sumpa na natutunan ko sa aking ina. Hindi nito hahayang mabuo at mag regenerate ang iyong katawan. Sa makatuwid ay walang paraan para bumalik ito,” ang wika ko sa kanya.
“Sumpain ka! Kahit wala ang aking braso ay kaya ko pa ring gawin ito!” ang wika sigaw niya at dito ay lumabas ang liwanag na enerhiya sa kanyang bibig at sa kanyang buntot! Naipon ito at isang malakas na pwersa ng kapangyarihan ang nabuo! “Tikman ang aking galit! Lapastangan!” ang sigaw niya at pinakawalan niya sa aking direksyon ang kanyang enerhiya.
Sumibat ang malakas na enerhiyang ito sa aking direksyon, halos mas malaki pa ito sa akin! At dahil wala akong ibang pamimilian ay pinilit kong bumangon para salubungin ang kanyang pag atake bagamat halos mahinang mahina na rin ang aking katawan.
Huminga ako ng malalim at binuo ang aking sarili!
Noong malapit na sa akin ang enerhiya ay laking gulat ko noong may sumalubong na asul na enerhiyang parang malamig na tubig sumagupa sa kapangyarihang pinakawalan ni Atalante, binalot rin nito ang aking paligid bilang pamproteksyon! Hindi ko inaasahan may suporta at tulong na darating.
Nagsalpukan ang tubig at ang enerhiya ni Atalante saka ito sumabog. At mula sa aking tabi ay lumitaw ang isang portal.
Dito ay lumabas si Prinsipe Malik hawak ang kanyang nagliliwanag na trident!
Agad niya akong nilapitan at binalutan ng malamig na tubig ang aking makasugat dahilan para unti unting tumigil ang pagdurugo nito. “Lucario, ayos ka lang ba?” tanong niya.
Tumingin ako sa kanya, “oo, maraming salamat sa pagdating mo, ang akala ko ay katapusan ko na. Kung medyo nahuli ka pa ay baka hindi mo na ako naabutang buhay,” ang wika ko naman habang natatawa.
“Imposible naman yata iyon. Masyado kang malakas para magapi ng basta basta,” ang sagot niya habang lumilinga linga sa paligid, “Sira sira ang lahat, mukhang malalang labanan ang nangyari dito,” ang dagdag pa niya.
“Oo, ninuno ko lang naman ang kalaban ko,” ang wika ko sabay turo sa kay Atalante na noon ay nakangisi at nakatingin sa amin. “Hindi ko akalaing kakampi ang ninuno ko sa kadiliman,” ang dagdag ko pa.
Napatingin si Malik sa kanya..
Nagkatinginan silang dalawa. “Ang pamilyar na amoy ni Neptune, alam mo ba na minsan ko nang hinamon ito? Ngunit hindi niya ako pinatulan, bagkus ay pinagtawanan lang niya ako!” ang sigaw niya.
“Hindi papatol si Ama sa mga katulad mong mapagpanggap, bakit hindi mo ipakita ang iyong tunay na anyo?” tanong ni Malik.
“Tunay na anyo? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Ang tubig ay sumisimbolo sa repleksyon at kadalisayan, nakikita ako ang repleksyon at hindi ito ang kanyang kataunahan, ang tunay ay nakatago sa kanyang kaloob looban,” ang wika ni Malik at dito ay natawa si Atalante na wari’y tama ang kanyang tinuran.
Itutuloy.
Part 31: Katotohanan
Part 31: Katotohanan
LUCARIO POV
“Anong ibig mong sabihin, Malik?” tanong ko sa kanya.
“Ang repleksyon ng tubig sa aking mga mata ay nakikita ang katotohanan, ang tunay na kalaban ay nakatago sa loob ng katawan niya,” ang sagot ni Malik habang nakatingin sa tuwid sa kalabang si Atalante.
“Ngunit ang kalaban ay iyan mismo, si Atalante! Kinain niya ang kakambal niyang si Artemis kaya ito nawalang parang bula!” ang sagot ko sa kanya.
“O maaari ring baligtad, Lucario. Maaaring ang nilalang sa loob ang kumain sa nilalang sa labas. Parang isang parasite na naghahari sa katawan at isipan ng isang nilalang upang mapasunod ito sa kanyang nais,” ang sagot ni Malik dahilan para matawa si Atalante.
“Hindi ko akalaing may makakaisip ng ganoong bagay. Ang akala ko ay walang makakapuna nito kaya naman naisipan kong mag tago sa katawan ng aking kapatid at gamitin ito upang tumagal ako ng mahabang panahon at maging malakas,” ang wika ni Atalante at dito ay unti unting nabigyak ang kanyang tiyan.
Nito ko lang napagtanto na maaaring ang katawan sa loob ni Atalante ang nagmamanipula sa kanya, bakit hindi ko agad ito naisip? “Kung ganoon ay nilinlang mo ako?! Anong klaseng pangitain ang ipinakita mo sa akin noong basahin ko ang iyong mata?!” ang tanong ko sa kanya.
Natawa si Atalante, “masyado ka pang bata para malaman ang sikreto sa paggamit ng mata ng Diyos. Ang mga Diyos na may malalakas na kapangyarihan ay may kakahayang imanipula ang katotohanan na iyong makikita. Sa makatuwid ang pinakakita ko sa iyo ay pawang kasinungalingan lamang! Uto uto ka kasi!” ang sigaw nito na may halong pang iinsulto.
Maya maya ay nagsimulang lumabas ang kamay sa nabiyak na tiyan at mula dito ay lumabas ang kanyang ulo at katawan. Dito ko nasilayan ang mukha ni Artemis na mas batang pagmasdan kaysa kay Atalante, para lamang siyang kasing edad namin ni Rael at Malik. Singkit ang kanyang mata at mukhang matapang kung iyong pagmamasdan, ang ibig kong sabihin ay hindi siya approachable kung iyong huhusgahan.
Makalipas ang ilang saglit ay tuluyang nakalabas si Artemis sa katawan ni Atalante, ang kaawa awang katawan ng kanyang kakambal na parang pinaghunusan ay bigla na lamang natunaw sa lupa. Nakahubad si Artemis at tanging pang ibaba lamang ang kanyang saplot. Nag inat pa ito sa aming harapan at lumanghap ng hangin habang hinahangin ang kanyang mahabang buhok ay hinahangin, “matagal tagal na rin noong huli akong lumabas sa katawan ng aking kakambal, iba pa rin ang pakiramdam na ako ay kumikilos mag isa,” ang wika nito na parang galak na galak.
“Kung ganoon ay sabihin mo sa amin ang katotohanan! Ang buong kasaysayan ay dapat baguhin,marami ang naniniwala na inapi ka at ginamit lamang ng iyong kapatid! Ngunit ang katotohanan iyon ay hindi totoo, hindi porket ikaw ang Diyos na sumisibolo sa liwanag ay lagi ka nang tama!” ang wika ko sa kanya.
“Lucario, kami ng aking kapatid na si Atalante ay hindi naman talaga magkasundo noon pa man, pinipilit naming pakisamahan at mahalin ang isa’t isa dahil ang aming mga kapangyarihan ay magkarugtong at nagbebenepisyo kami sa isa’t isa. Ngunit sa libong taon na kami ay magkasama ay talagang magkaiba ang aming paniniwala at pinaniniwalaan hanggang sa magdesisyon kami na talikuran ang isa’t isa. Totoo ang nakita mo sa iyong pangitain Lucario.
Sa unang senaryo ay niyayakap ako ng aking kapatid dahil tinanggap ko ang hamon ng aming digmaan, ang yakap na iyon ay hindi yakap ng pagmamahal kundi yakap ng paghihiganti at mapapaalam. Sa ikalawang senaryo ay ipinakita ang walang humpay na labanan, ang aming kapangyarihan ay patas lamang, kakainin ng liwanag ang kadiliman at kakainin naman ng kadilaman ang liwanag, Paulit ulit lamang na ganoon ang nangyayari hanggang sa magdesisyon ako na magkain kay Atalante, nagpanggap akong natalo nanghina ang hindi niya alam ay mayroon akong mga lihim na taktika na inaral ko sa iba’t ibang mga tribu.
Inaral ko ang taktika na kung tawagin ay “reperdos” ang estilo nag pasakop sa katawan ng isang nilalang sa pamamagitan ng pagpapakain dito. Ginagamit ito ng matandang tribu kung tawagin ay “Cunya” mga nilalang na nag-aaral salitang rebirth o pagkabuhay. Ang iyong diwa ay sasakupin ang katawan ng nilalang na kumain sa iyo at muli kang mabubuhay sa kanyang katawan. Ito ang aking ginamit upang magwagi sa aming walang katapusang labanan ni Atalante.
Noong kinain niya ako nabuo ako sa kanyang kaibuturan hanggang masakop ko ang kanyang isipan, katawan at buong kalamanan. Nakipaglaban pa rin si Atalante sa akin ngunit dahil nasa loob na ako ng kanyang katawan ay halos wala na siyang nagawa kundi ang sumuko hanggang sa tuluyan kong maangkin ang lahat. Una akong nawalang parang bula dahil nasa loob na ako ng katawan ni Atalante, iyon ang dahilan ng aking pagkakalaho. Ngunit makalipas ang ilang buwan noong tuluyan kong makuha ang katawan ng aking kakambal ay umalis na ako, nagtago at naglakbay upang maging mas malakas, dito ko nakilala ang aking kaibigan si Xandre Del Viuri na noon ay bagong sipa pa lamang sa Heaven’s Society, ako ang nagturo sa kanya ng taktikang pagkuha ng kapangyarihan sa iba’t ibang nialang upang maging malakas. Hindi ko akalaing magiging dalubhasa siya sa paggamit nito kaya’t ngayon ay mas malakas pa siya sa akin. Gagong iyon! Kapag siya ang naging Diyos ay magpapakain ako sa kanya at sasakupin ko ang kanyang katawan!“ ang salaysay ni Artemis.
Tahimik.
“Isa kang tusong nilalang Artemis! Ang kasaysayan ay isang malaking hangal upang panigan ka!” ang sigaw ko sa kanya at dito ay natawa siya at sumiklab ang kapangyarihan sa kanyang katawan. “Sino kaya sa inyong dalawa ang kukuhanan ko ng katawan? Nananabik na ako!” ang sigaw niya sabay takbo patungo sa amin.
“Lucario, balutin mo ng enerhiyang kalasag iyong katawan upang hindi siya makapasok dito, ito ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin,” ang wika ni Malik kaya naman gumuhit ang enerhiya sa aking katawan at ginawa ko itong kalasag.
“Gayon pa man ay binabati kita Lucario, sa dami ng nilalang na nakalaban ko ay ikaw lamang ang nakapinsala ng husto sa katawan ni Atalante, kaya naman bilang gatimpala ay kukunin ko ang iyong katawan at diyan ako maninirahan!“ang sigaw pa niya.
Ikinumpas ang kanyang kamay at habang tumatakbo ay nagligabgab ang puting enerhiya sa kanyang katawan kaya mas lalo lang bumilis ang kanyang pagkilos. Mula sa kanyang likuran ay lumabas ang isang liwanag na hugis dragon at iyon ang sumagupa sa amin.
Bilang pang counter ay nagliwanag ang trident ni Malik at naglabas rin ito ng isang dragon na gawa naman sa tubig, sumibat ang dalawang magkaibang kulay na dragon sa aming harapan, nag salpukan at nagbuno na animo mga buhay na nilalang.
Habang nasa ganong posisyon kami ay sumulpot naman sa aming harapan si Artemis at nagpakawala ito ng isang puting enerhiya sa pamamagitan ng kanyang pag suntok na agad namang sinangga ni Malik at dito ay nagbuno silang dalawa. Mula sa dalawang kamay ni Artemis ay lumabas ang dalawang nagliliwanag na espadang gawa sa kanyang enehiya. Katulad ng kilos ni Atalante kanina, mabilis rin ang kilos nina Malik ng kanyang katunggali. Sumasabog ang enerhiya sa paligid habang nagtatama ang kanilang mga sandatang hawak.
Hindi ko alam kung sino ang lamang sa dalawa, basta ang alam ko lang ay kailangan kong tulunga ang aking kapanalig. Noong mga sandaling iyon ay pinilit kong tumayo ng tuwid, muling umangat ang paa ko sa ere at mabilis akong sumibat ng lipad patungo kina Malik at Artemis na noon ay patuloy sa paglalaban.
Noong makita ako ni Malik na nag iipon ng enerhiya ay ikinumpas niya ang kanyang trident at dito ay gumapos ang tubig sa katawan ni Artemisd dahilan para mahinto ito sa pag-galaw! “LUCARIO! Ngayon na!” ang sigaw niya.
Lumipad ako at niyakap ng mahigpit si Artemis! “Tama na ang kabaliwan mo!! Ang malakas ay ang katawan ni Atalante at kaya lang naging malakas ay dahil sa kanya! Ngayong wala na siya ay wala ka na ring magagawa!!” ang sigaw ko at dito ay muling nagliwanag ang aking mata at nag evaporate ang aking katawan. “Spirit Bomb!” ang sigaw ko at dito pareho kaming sumabog ni Artemis sa itaas ng ere!
Ang aking katawan ay parang bituing sumabog sa kalawakan!
Noong mga sandaling iyon ay batid kong tinamaan at napurohan ang katawan ng kalaban samantalang ako naman ay lalong na drain at nanghina. Tumilapon ang aking katawan sa lakas ng pagsabog, naramdaman ko na lang na sinalo ni Malik ang aking katawan sa ere gamit ang kanyang tubig.
Patuloy sa pagsabog at pagyanig ang buong paligid hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay tuluyang humupa ito at muling naging maaliwalas ang paligid bagamat napakadilim pa rin ng kalangitan!
“Lucario, gising! Ang mga pag atake na ginagamit mo napaka delikado, alam mo ba iyon?” ang wika ni Malik.
“Kinakailangan kong gawin ng paulit ulit ang atakeng iyon upang mapinsalaan ang kanyang katawan. Ang long range na attack katulad ng pagpapalipad ng mga enerhiya ay walang magagawa dahil maiiwasan lamang niya ito at sayang lang ang ating pwersa. Ang aking ginagawa ay tumatama ng direkta sa katawan ng kalaban,” ang wika ko habang hinihingal.
“At tatama rin ito ng direkta sa iyong katawan na maaaring mag resulta ng pagkabaldado,” ang tugon niya sa akin.
Tahimik..
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pagbangon ni Artemis mula sa kanyang pagkakabagsak. Putol ang kanyang dalawang kamay. Sigaw ito ng sigaw at wala siyang magawa kundi ang magalit ng husto. Nagliwanag ang kanyang naputol na braso at sinubukang patubuin ang napinsalang parte ng kanyang katawan ngunit hindi niya ito nagawa dahil katulad ng iginawad ko kay Atalante, ang aking spirit bomb technique ay may kasamang orasyon.
“Lapastangana ka Lucario! Isa kang hangal na Diyos!” ang sigaw niya.
“Talaga ba? Ikaw ang hangal, kung inaakala mong matatalo mo ako ay nagkakamali ka! Malakas ka nga ngunit hindi mo ito nagamit sa tama!” ang sigaw ko sa kanya.
Tumayo si Artemis at ang kanyang katawang lupa ay unti unting nalulusaw na animo plastic na tinapat sa apoy.
“Mukhang napinsala siya ng husto,” ang wika ni Malik.
“At dahil na pinsala siya ng husto ay gagawa siya ng paraan upang makaalis sa kanyang katawan at upang makapasok alin man sa atin,” ang wika ko naman.
“Kung ganoon ay ipaubaya mo na sa akin ang lahat. Alam ko na ang gagawin sa kanya,” ang wika ni Malik habang nakangiti.
“Gago ka, nakuha mo pang ngumiti porket gasgas lang ang tinamo mo,” ang wika ko habang bumabangon.
“Ako naman ay sumuporta lang, noong dumating ako dito ay halos tapos mo na ang laban. Sa lakas ng kapangyarihan ng iyong ninuno malamang pati ako ay mahihirapan kung ako ang nakaharap niya kanina,” ang wika nito.
“Aminado akong malakas ang aking ninuno, halos ngayon lang ako na-drain at naubusan ng lakas sa buong buhay ko,” ang sagot ko naman.
“Kung ganoon ay tapusin na natin ang labanang ito,” ang wika ni Malik.
Nasa ganoong pag uusap kami noong makita naming nahihirapan ang kalaban, “kailangan ko ng katawan! Kailangan koo!” ang sigaw niya at dito ay nalusaw ang kanyang napinsalang katawan lupa at tanging liwanag lang animo ahas ang natira sa kanyang kinalalagyan. Nakalutang ito sa ere at mabilis na lumipad patungo sa amin. “Akin ang iyong katawan!” ang sigaw niya.
Dito na nagliwanag ang sagradong sibat ni Malik, itinarak niya ito sa lupa at dito ay nagbago ang buong paligid. Ang nagkaroon ng tubig sa aming tinatapakan, ang tubig na napakalinis, parang isang kristal na nakikita ang aming repleksyon.
Sa isang kumpas ay nagliwanag ang tubig at napakaganda nitong pagmasdan..
Dito ay patuloy na lumipad sa aming direksyon ang espiritu ni Artemis at noong makatapat siya sa tubig ay may umangat ditong mga kadena gawa sa asul na enerhiya.
Iginapos ng kadenang iyon ang espiritu ni Artemis, parang itong isang hayop na nahuli at nagpupumilit na magpumiglas upang makawala. Ngunit sa halip ay mas marami pang mga kadenang enerhiya ang umangat mula sa tubig at dito ay ibinalot siya nito.
“Pipigilan ng kadena ang pag kilos ng anumang enerhiya sa paligid, sa tingin ko ay wala ka na ring pag-asa pang makalipat ng katawan pang muli dahil dito ka na maililibing,” ang wika ni Malik at dito ay nagsimula na siyang igapos ang bawat parte ng katawan nito.
Nagpumiglas si Artemis, nagwawala ito habang nakagapos ng kadena ang kanyang espiritu. “Kahit magpumiglas ka ay wala ka na ring katawang malilipatan,” ang dagdag pa ni Malik at mas hinigpitan pa niya ang mga kadena.
Maya maya ay lumapit kay Malik at tinapik ang kanyang balikat. “Ako na ang tatapos sa aking ninuno,” ang wika ko naman.
“Paano? Sigurado ka ba? Paano mong magagawa ito kung gayong hindi ka maaaring lumipit sa kanya dahil kapag dumikit ka sa kanyang espiritu ay kakapit ito sa iyong balat at papasok sa iyong katawan. Papaalisin niya ang iyong diwa sa ayaw at sa gusto mo!” ang sagot niya sa akin.
“May naisip ako,” ang nakangisi kong wika sabay harap sa enerhiya ni Artemis. “Gusto mo ng bagong katawan diba? Eto ang katawan mo! Gago kaaa!” ang sigaw ko sabay dampot ng maliit palaka sa lupa.
Binilabag ko ito sa kanya!
Gulat na gulat si Malik..
Kumapit ang enerhiya ni Artemis sa katawan ng palaka at dito pumasok ang kanyang espiritu!
Sa makatuwid ay naging palaka ang katawan ng kalaban..
Tahimik.
Nagkatinginan kami ni Malik at nagkatawanan..
Nagtatakbo ang katawan ng palaka palayo kaya naman parang bata namin itong hinabol ni Malik at noong maabutan ko ito at nagpatibuwal ako at dinaganan ang katawan nito dahilan para mapisak.
“Gusto ko na umuwi,” ang wika ko habang nakahiga.
“Bago tayo umuwi ay siguraduhin muna natin na hindi nakakalabas pa si Artemis sa katawan ng palakang iyan,” ang wika ni Malik at ito ay binalot niya ng tubig ang katawan ng kalaban, umangat ito ere at biglang nawala.
“Nasaan na?” tanong ko.
“Ipinadala ko na ito sa kulungan sa pinaka kailaliman ng karagatan, walang makakarinig at makakahanap sa kanya doon. Kasama na niya doon ang mga halimaw na lumabag sa batas ng kalikasan,” ang sagot ni Malik sabay hila sa aking braso patayo.
“Salamat sa iyo, Malik,” ang wika ko.
Ngumiti siya at saka ipinindot ang instant transportation ball, “umuwi na tayo” ang wika niya at dito ay lumabas ang portal patungo sa Kailun.
Itutuloy.
Part 32: Mapanlinlang na Mahika
Part 32: Mapanlinlang na Mahika
SUYON POV
“At talagang tumawag kapanalig? Kung sabagay sa estado ng iyong kapangyarihan ay talagang walang paraan para manalo ka, Suyon!” ang wika ni Sato sa akin. Maya maya natingin siya kay Enchong. “Isang healer, ang akala ko naubos na ang ganyang lahi. Nakakatuwang maka kita pa ako ng isa matapos pag aralan naming mga babaylan ang kanilang mga katawan upang makamit namin ang husay sa pang-gagamot,” ang dagdag pa niya habang nakangisi.
“Ang aming lahi ay ginamit ng lahat ng mga nilalang upang pag aral, hindi na ako nabigla sa iyong sinabi,” ang mahinahong sagot ni Enchong.
“Mainam at hindi ka na nabigla, interesado ako sa iyong katawan. Pagkatapos ng labanang ito ay pag aaralan kita at kukunin ko ang kakayahang mong manggamot!” ang hirit ni Sato dahilan para humarang ako sa harapan ni Enchong, “Ako ang harapin mo at huwag mo siyang pakialaman,” ang wika ko sa kanya.
“Ngayong nagtawag ka ng kasama, malaman ay papatayin ko na kayong dalawa, ang akala mo ba ay magiging madali lang lahat? Ano ang magagawa ng isang mahinang katulad mo?” tanong niya na may halong pang iinsulto.
Maya maya ay nagliwanag ang kanyang likuran at mula dito ay lumabas ang isang hugis humanoid na imahe. Medyo malabo ito dahil masyadong maliwanag ang enerhiya ngunit sigurado akong imahe ito ng isang nilalang na nakalutang sa kanyang likuran na animo aparisyon. “Nakikilala mo ba ang imaheng ito? Suyon? Ito ay si Gnosis, ang aking tapat na alagad,” ang wika niya at dito ay pumasok sa kanyang bibig ang imaheng enerhiyang iyon at umangat ang kanyang katawan sa lupa.
Binalot siya malakas na enerhiya ang kanyang buong katawan at mula dito ay lumabas ang kanyang bagong anyo. At ramdam na ramdam namin ang kanyang nag uumapaw na lakas!
Kapansin pansin ang pagbabago sa kanyang pisikal na anyo, humaba ang kanyang buhok na naging kulay puti ito, ang kanyang mata ay nagliliwanag, ang kanyang katawan ay binalutan ng kakaibang baluti at mula sa kanyang kamay ay lumabas ang isang mahabang staff na may kakaibang uri ng batong nagliliwanag sa pinakadulo.
Kapansin pansin rin ang kanyang likuran kung saan lumabas at unti unting umusbong ang isang pakpak na animo paru-paro ngunit ito na may burdang ginto.
Noong matapos ang transformation ni Sato ay yumanig ang paligid at sumiklab ang kanyang napakalakas na pwersa. Sa lakas ng impact nito ay nagawa kaming itulak ni Enchong palayo. “Sorry kung nadamay ka pa,” ang bulong ko sa kanya.
“Wala iyon, nandito ako para tumulong, mabubuhay tayo para sa ating anak, at walang sinuman ang makakagapi sa atin,” ang wika niya at nagliwanag ang kanyang kamay, mula dito ay lumabas ang isang gintong enerhiya ng hugis pana at palaso. Samantalang binalot naman ng kulay lila (violet) na enerhiya ang aking at naghanda na rin para sa kanyang pag atake.
“Maganda ito, labanan ng mga bicthes na bottom! Malalaman natin kung sino magaling umupo sa etits sa ating tatlo!” ang sigaw ni Sato at mula sa kanyang likuran ay nagiba ang buong templo! Ang malalaking haligi nito ay lumutang sa ere at naging matulis ang mga dulo na para bang tinasahang lapis! Hindi lang dalawang o apat na malaking haligi ang umangat kundi pati ang malalaking bagay sa paligid ay nagliparan din at mas pinatulis pa ang dulo. Walang pagkilos na ginagawa si Sato, nakatayo lang siya hawak ang kanyang staff at nagliliwanag ang buong katawan.
Tahimik..
Sa isang kumpas ng kanyang kamay ay nagliparan ang lahat ng matutulis at malalaking bagay sa aming direksyon, umiikot ang mga ito sa ere na parang mga barena, humarang ang lahat ng itoi kay Sato kaya’t nahirapan ni Enchong na asintahin ang kalaban.
“Susubukan kong pigilan ang lahat ng kanyang pag atake, subukan mo rin siyang asintahin!” ang wika ko habang nagliliwanag ang katawan at noong malapit na sa aming direksyon ang mga ito ay pinigilan ko lang lahat sa pagklilos. Nanatili ang mga ito na nakalutang sa ere at kada isang bagayt ay balot ng aking enerhiya upang maigapos ang mga ito. “Ngayon na!!” ang wika ko noong makakita ng awang para paliparin ang sagradong palaso sa kanyang direksyon.
Agad namang nakuha ni Ench ang aking nais ipabatid kaya naman nagliwanag kanyang katawan at pinakawalan ang isang kulay gintong palaso na gumuhit sa ere na animo isang bubulalakaw! Habang nasa ere ito ay namuo ang malakas na pwersa paligid ng palaso at kahanga hanga dahil nagkaroon ito ng pakpak na animo phoenix na sumagupa sa kinaroroonan ni Sato.
“Hindi na masama!” ang wika ni Sato at dito ay maigi niyang pinigilan ang gintong palaso sa kanyang direksyon, hinawakan niya ito ng kanyang kamay at piniga dahilan para sumabog ang liwanag nito na tumulak sa amin paatras.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay nakita kong ikinumpas ni Sato ang kanyang staff o tungkod ng kapangyarihan na kanyang hawak at dito ay nagsimula na namang kumilos ang malalaki haligi na may tulis sa aming paligid.
Ginawa ko ang makakaya ko upang pigilin at panatilihin ang mga haligi sa kanilang posisyon ngunit sadyang malakas ang pwersa ni Sato, muli gumalaw ang mga ito at isang kumpas sa kanyang tungkod ay sumibat ito sa amin ng mabilis.
Ang unang pagtama ng maturtulis na haligi ay naiwasan namin ni Enchong at tumama ito sa lupa sa tabi namin na lumikha ng pagyanig, ngunit nagsunod sunod na ang pagbagsak ng mga ito kaya naman ang iba ay iniwasan na namin at ang iba naman ay pilit naming inatakedahil wala rin namang pamimilian! Ang iba ay pinapana ni Enchong, ang iba naman ay hinahati ko at dinudurog gamit ang aking pwersa sa palad.
Naging magulo ang buong paligid, daig pa namin ang binabagsak ng mga bahay dahil sa lalaki ng mga tipak ng pader at malalaking haligi na bumabagsak mula sa nasirang templo. Pagod na pagod kami sa pagtakbo habang si Sato ay tuwang tuwa lamang habang kami naman ay nahalalagutan ng paghinga sa bilis ng aming pagkatbo at paghingal.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay nakita kong lumipad si Sato sa ere, doon sa pinakaitaas. “Nakakaboring, bakit hindi natin pasiglahin ang mga sandaling ito?” ang wika niya sabay taas sa kanyang staff na hawak at mula dito sa kalangitan ay bumagsak ang mga itim na enerhiya na animo mga sibat. Para itong mga malalaking patak na ulan na kapag tumama sa lupa ay sumasabog dahilan para mas lalong naging magulo ang paligid.
Nagtatakbo si Enchong sa aking tabi, ikinumpas niya ang kanyang kamay at nagkaroon kami ng kulay puting harang sa itaas upang hindi kami tamaan. Tila hindi nagustiuhan ni Sato ang kanyang ginawa kaya naman muling nagliwanag ang tungkod nito at mula sa kalangitan at bumagsak sa aming itaas ang isang malaking enerhiya na animo isang kometa dahilan para masira ang harang na barrier na ginawa ni Enchong at kapwa kami sinabugan!
Umangat ang aming katawan sa lupa at kapwa kami tumilapon. Hindi ako makapaniwala na umabot na sa ganitong kalakas na level ang kapangyarihan ni Sato.Pinilit kong bumalanse ngunit dahil sunod sunod ang pag ulan ng itim na sibat na enerhiya sa paligid ay patuloy pa rin ang pagsabog ang pagyanig hanggang sa nagdulot na ito sa matinding pinsala sa aming katawan.
Pareho kaming bumulagta ni Enchong sa lupa, tila yata ayaw pagpahingahin ni Sato dahil ang kanyang pag-atake buhat kanina ay sunod sunod ay walang humpay, “O bakit nakahiga kayo sa lupa? Bawal magpahinga mga hangal!” ang sigaw niya at naipon mula sa ere ang lahat ng mga sibat na itim, nagdikit dikit ito at saka bumuo ng isang higanteng bola ng enerhiya.
Hindi pa kami nakakabangon mula sa sunod sunod na pagsabog ay muli niya ibinagsak ang higanteng bola ng enerhiya sa aming kinalalagyan dahilan para baluting nakasisilaw na liwanag ang aming paningin at halos wala na kaming makita o marinig.
Dahil sa matinding pagkasilaw ay pumikit ang aming mata, hinihintay namin ang malakas na pagsabog ngunit wala kaming narinig na kahit ano kaya naman noong imulat namin ang aming mga mata ay nakita namin ang isang gintong enerhiyang pader na nakapalibot sa amin dahil para kapwa kami mamangha ni Enchong.
“Paano?” ang tanong ko.
“Nasaktan ba kayong dalawa?” ang tanong ng isang lalaki sa aming likuran.
At noong humarap kami sa kanya ay nakita namin si Miguel ng Apresia, ang asawa ni Prinsipe Malik, “Paano kang napunta dito?” ang tanong ko sa kanya.
“Pinindot ko ang instant transportation ball kanina bago magsimula ang laban, habang napapalit ng anyo si Sato dahil naramdaman ko ang isang napakalakas na pwersa sa kanyang katawan. Ang layunin natin ay ang manalo sa pinakamabisang paraan at ito na iyon, kailangan nating mag tulungan upang magtagumpay,” ang wika ni Enchong.
“Si Malik ay tumugon rin sa request ITB, noong makita kong nagliliwanag ang aking bola ay tumugon rin ako, mukha seryoso ang kalaban niyo base sa paligid na halos wasak na wasak na,” ang wika ni Miguel at lumakad ito sa aming harapan upang pagmasdan ang kalaban. “Malakas ang isang ito, mas malakas kaysa kay Caleb,” ang wika niya.
“Iyan si Satori, ang mortal kong kalaban, ngayon ay hindi matahimik ang kanyang kaluluwa hanggang hindi ito nakakapaghiganti,” ang sagot ko naman dahilan para matawa si Sato na nakalutang sa itaas.
“At talagang nagtawag pa kayo ng isa pang bottomesang tisoy? Kung sa bagay birds of the same feather, flock together! Kaya sabay sabay kayong mamamatay dito!” ang sigaw niya sabay lipad patungo sa amin. Sumiklab muli ang malakas na pwersa sa kanyang katawan at dito ay lalong naging mabilis ang kanyang pagkilos!
Humarang sa amin si Miguel at dito ay nagliwanag ang kanyang palad dahilan para mapahinto si Sato sa paglipad. Itinulak niya ito, napaatras ng kaunti ang kalaban pero hindi ito natinag, “Iyan ang kakahayan ni Salem, ang magtulak at humila ng mga bagay sa kanyang paligid, ngunit hanggang saan mo kakayanin?” ang tanong ni Sato habang nakapigil sa kanya si Miguel.
“Hindi naman siya nag iisa, tila yata nakalimutan mo ako!” ang wika ni Enchong at noong mapatingin ako dito ay nakatayo na ito sa isang direksyon, nagliliwanag kamay habang hawak ang sagradong pana at pasok. Pinawalan niya ito at sumibat sa kinaroroonan si Sato dahilan para sumabog ang kanyang paligid. Dito nagkaroon ng pagkakataon si Miguel, itinapon niya ang katawan ng kalaban sa batuhan dahilan para pumakat ang kanyang katawan doon.
Noong lumagapak ang katawan ni Sato ay natawa siya at nagalak, “Sa palagay ko ay magiging masaya ito!” ang sigaw niya at muling lumutang kanyang katawan na parang walang nangyari, wala siyang pinsalang natamo sa aming ginawang pag atake sa kanya. Huminga siya ng malalim at nagbuga ng malakas na enerhiya itim sumibat sa aming direksyon. Dito ay humarang na ako sa harapan nila Enchong at Miguel, sinalo ko ang enerhiya iyon gamit ang aking kamay at saka ko ito hinigop.
“Tila yata nakalimutan kong may kasama kayong mahina at patapon kaya’t ang kaya lang niyang gawin ay humigop ng enerhiya ng iba para magkaroon siya ng lakas.Kaawa awang nilalang, mas mahina ka pa sa pinakamahinang kawal ni Xandre,” ang pang iinsulto nito sa akin.
Muling umangat sa lupa ang kanyang katawan at dito ay nagliwanag ang kanyang pakpak at pati na rin ang kanyang tungkod na hawak. Bumigkas siya ng isang kakaibang orasyon dahilan para balutin ng kakaibang kilabot ang paligid. “Mag ingat kayo, si Sato ay isang makapangyarihang babaylan, kaya niyang lasunin ng maraming beses ang ating pag iisip,” ang wika ko kina Miguel at Enchong.
“Magandang ideya ang sinabi mo Suyon, kayo ay nabubuhay ngayon ng mayroong perpektong asawa at pamilya, bakit hindi natin baguhin ang iyong mga kwento? Bakit hindi natin gawing kakaiba, kapana-panabik at kahanga-hanga ang mga nangyayari?” ang wika ni Sato at mula sa kanyang paligid ay sumabog ang liwanag sa kanyang pakpak at naglabas ito ng mga itim na pollen sa buong paligid.
Kapansin pansin rin na nagkaroon ng mga mata ang kanyang pakpak..
Nakapikit ang lahat ng ito..
“Bakit hindi natin simulan ang isang magandang kwento?” ang tanong niya at dito ay bumukas ang mga matang nakaukit sa kanyang pakpak at nagsabog ng malakas na liwanag sa aming paligid! Halos wala na kaming makitang kahit ano!
“Maligayang paglalakbay sa isang magandang panaginip,” ang boses ni Sato at kasabay nito ang kusang pagpikit ng aming mga mata.
Ipinakita sa senaryo na ginamit ni Sato ang kapangyarihan ng kanyang pagiging isang babaylan upang lagyan ng sumpa ang isipan nila Enchong, Miguel at Suyon, Gamit ang mga mata sa kanyang pakpak ay nagawa niyang bumuo ng isang kakaibang mundo para sa tatlong katunggali. Kasabay ng paglukob ng malakas na liwanag sa kanilang mga katawan ay ang pagkawala ng kanilang mga ulirat.
Noong humupa ang liwanag ay ipinakita sa senaryo na nakatayo na lamang sina Enchong, Miguel at Suyon sa kanilang kinalalagyan, mga nakadilat ngunit tila walang mga kaluluwa, walang mga diwa! Ngayon ang kanilang mga orihinal na sarili ay panandaliang maglalakbay sa sumpa ni Sato at maaaring doon na rin sila mapahamak. “Ngayon ay tiyak na masaya kayo sa inyong bagong buhay, ang dipresyon at kalungkutan ang papatay sa inyo. Ibibigay ng aking sumpa ang mga takot at senaryo na ayaw ninyong makita,” ang wika ni Sato habang lumalakad sa harapan ni Enchong.
Lumabas ang espada sa kanyang kamay ay walang ano ano ay sinaksak ang katawan ni ito sa kanyang kanang dibdib. Natuwa si Sato, ngayon ay unti unti niyang susugatan at papatayin ng mga naiwang katawan ng kanyang mga katunggali. Sinaksak rin niya ang katawan nina Suyon at Miguel dahilan para magdugo ang mga ito.
Muling lumapit si Sato kay Enchong at noong puputulin niya ang leeg nito ay nagliwanag ang katawan ng healer at tila may kung anong awra ang nagprotekta dito. Lumukob ang gintong enerhiya sa katawan nina Miguel at Suyon upang maging pananggalang.
Tumaas ang kilay ni Sato ay muling inatake ang katawan ni Enchong pero naputol lang kanyang espada at hindi na tumatalab ang anumang atake niya dito. “Anong klaseng nilalang ka?! Bakit nagagawa mo pa ring protektahan ang iyong katawan?!” ang galit na wika nito at noong hawakan niya ang katawan nito ay nakita niya ang imahe ng Diyos na si Kasiya, ito ang nagprotekta sa katawan ni Enchong at ng iba pa habang sila ay naglalakbay sa isang masaklap na panaginip.
Itutuloy.
Part 33: Nakakalasong Panaginip 1
MGXMBS Book 3
The Last War
AiTenshi
November 18, 2021
Part 33: Nakalalasong Panaginip 1
Matapos igawad ni Sato ang kanyang sumpang orasyon kila Enchong, Suyon at Miguel ay naglakbay ang kanilang mga diwa sa iba’t ibang senaryo ng kanilang buhay. Ngayon ay ipapakita kung anong buhay ang ibinigay sa kanila ng orasyon na iyon.
ENCHONG POV
Tinamaan ng magandang sinag ng araw ang aking mata dahilan para dumilat ako. Dito ay natagpuan ko ang aking sarili na nakahubad at nakahiga sa isang magarbong silid na animo hotel. Takang taka ako noong mga sandaling iyon, ngunit ang nakapagtataka ay wala akong maalala kahit ano sa aking ginawa kahapon. “Good morning hon, dapat nag rest ka pa, galing ka party kagabi at halos lasing na lasing ka na noong makauwi ka,” ang wika ni Rael na noon ay nagsusuot ng corporate attire.
Napakunot ako ng noo habang pinagmamasdan siya. “O, bakit ganyan kang makatingin sa akin?”
“Wala naman, saan ka pupunta? Bakit ganyan ang itsura mo? Si Rouen? Kumain na ba?” tanong ko sa kanya.
Natawa siya at tumabi sa akin, “hala, siyempre sa work ako pupunta, may training ako under kay Papa diba? Saka sino bang Rouen ang sinasabi mo? “ tanong ni Rael sa akin.
“Natural naman, hahanapin ko siya, anak natin si Rouen, siyempre itatanong ko diba?” wika ko naman na may halong pagkainis.
Natawa siya at ginusot ang aking buhok, “hon, may hang over ka pa yata. Okay ka lang ba? Walang Rouen dito, ang kasama natin dito ay si Ryu ang BOY natin dito sa mansion. Paano natin siya magiging anak e 18 anyos na iyon. Kung gusto mong magkaanak ay pwede naman natin itong pag usapan ng maayos, marami namang way diba? Saka isa pa ay bakit ka ba nag aapura? Halos 3 weeks pa lang tayong kasal,” ang wika nito sabay halik sa aking labi. “Oh paano? Aalis na ako, ikaw na ang bahala dito,” ang dagdag pa niya.
Ibayong pagtataka ang lumukob sa aking pag iisip noong mga sandaling iyon. Bumalikwas ako ng bangon sa kama at dito nga ay nakita ko ang larawan namin ni Rael noong kami ay ikasal. May isang kwardo pa na portrait sa pader na kami ay parehong nakangiti habang magkayakap.
Tahimik.
Takang taka ako, hindi ko alam ngunit parang may mali na hindi mapagtanto. Lumabas ako sa aming silid at dito ay bumulaga sa akin ang napakalaking mansiyon. Magarabo ang paligid at magaganda ang disenyon ng mga kagamitan. Habang nasa ganoong pagkamangha ako ay nakita ko si Ryu na may buhat na mga gamit palabas sa sala. “Magandang umaga po sir,” ang bati niya sa akin.
“Magandang umaga rin,” ang wika ko sabay baba ng hagdan.
“Sir, gusto mong magkape? Mukha pong may hang over pa kayo,” ang wika nito habang nakangiti.
“Matagal ka na ba dito?” tanong ko sa kanya dahilan para mapakamot siya ng ulo, “sir ilang weeks pa lang din po ako dito, kayo pa nga po ang nagpasok sa akin diba? Anak po ako ni Linda yung kaibigan ng mama mo sa work noong dalaga ito,” ang nagtatakang wika nito habang nakaupo ako at pinagtitimpla nya ng kape.
Tahimik ulit.
“Sir, eto pala yung copy ng couples magasin, pinadala po nila kanina,” ang dagdag pa nito sabay abot sa akin ng magasin kung saan kami ni Rael ang cover dito, nakayakap siya sa aking likuran at kapwa kami nakangiti. Nakalagay dito ang caption “Perfect Couple”.
“Sobrang bagay na bagay po kayo ni Sir Rael, sana po tumagal pa kayo. At sana rin po ay maging successful yung business niyo,” ang wika ni Rouen sabay buhat ulit ng mga gamit at inilabas niya ito patungo sa likod bahay.
Noong mga sandaling iyon ay para akong isang sira ulong nag iisip. Wala akong maalala sa lahat ng ito, o baka naman naaksidente ako kagabi kaya’t tila sobrang gulo ng aking isipan. O maaari rin namang nananaginip lang ako. Kaya naman kumuha ako ng pin at itinusok ito sa aking balat pero napa “aray” na ang ibig sabihin ay maaaring hindi nga ito panaginip. Pero bakit kakaiba ang lahat? Kailangan pa naging mahusay na businessman si Rael?
Magulong magulo ang aking isipan, ngunit gayon pa man ay wala akong nagawa kundi ang sumabay sa agos ng aking buhay. Noong mga hapon na iyon ay wala akong ginawa kundi ang tumingin sa mga photo album at pilit kong inirerecall ang lahat. Isa pala akong College Professor at ngayon ay nagtuturo ng Mathematics at General Education sa mga freshman, nagtuturo din ako ng PE at Music sa kanila. Si Rael naman ang ttraining sa company ng aking mga magulang bilang isang CEO at ngayon ay may sarili ring business.
Bagamat may nararamdaman akong kakaiba ay wala namang pagtataka ang mga tao sa paligid ko. Kaya naman itinigil ko na ang pagsasalita at nagfocus na lang ako sa pagsabay sa agos ng oras kung saan ako dalhin nito. “Napaka perfect na couple, kung sabagay napakagwapo naman kasi ni Pareng Rael, talagang lahat ng chicks ay hinahabol siya,” ang wika ng kaibigan kong si Oven.
“Eh ikaw, kumusta naman ang buhay mo dito?” tanong ko sa kanya.
“Hala, iyan talaga ng tanong mo sa akin? Eto excited na ako dahil ikakasal na ako kay Nikka sa isang linggo, best man ka kaya huwag kang mawawala. Sayang nga lang dahil kapag nakatali na ako ay bawal na makipagkilala sa mga sexing chicks!” ang sagot ni Oven habang naglalakad kami sa hallway ng campus.
“Enjoy mo lang ang buhay may asawa,” ang tanging nasagot ko bagamat bakit ba sumasagi sa isip ko na si Oven ay isang bading. Pero dito maskulado siya at lalaking lalaki ang kilos, teacher pa ito sa ROTC.
“Nag ask ako ng one month live, sa Japan ang honey moon at vacation namin ni Nika, hopefully magkababy na kami agad,” ang dugtong pa niya.
“Best wishes sa inyo,” ang nakangiti kong sagot habang napapakamot ng ulo.
KINAGABIHAN.
Isang malakas na tawa ang isinukli sa akin ni Rael noong sabihin kong isang bakla si Oven, “What makes you think na gay yung tao? Lalaking lalaki iyon ay mas maton sa lahat ng mga maton,” ang wika ni Rael habang naliligo, sinasabon niyang maigi ang magandang katawan at ang kanyang alagang nakalawlaw.
“Eh ewan ko basta, iyon ang nasa isip ko,” ang sagot ko naman.
“Funny ka talaga hon,” ang wika niya habang nagbabanlaw.
Matapos maligo ay agad siyang tumabi sa akin sa kama, “alam mo, siguro stress ka lang sa pagtuturo, diba sabi ko huwag ka na mag concentrate sa pagiging professor mo, mag training ka na sa kumpanya para magkasama tayong dalawa,” ang wika niya habang nakangiti.
Napatingin ako sa kanya, “nasaan yung pangil mo?” tanong ko.
“Pangil? Anong akala mo sa akin bampira? Kung sabagay mas gwapo ako kay Edward Cullen kung sakaling magiging bampira man ako,” ang wika niya sabay yakap sa akin. “Ikaw talaga, halos 3 days ka nang wirdo,” ang biro pa niya.
Natulog kami ni Rael, noong mga sandaling iyon ay pilit kong ikinalma ang aking isipan. Bagamat magulong magulo talaga ito at hindi ko maunawaan ay kung bakit ko ito nararamdaman, tila may mali, tila hindi ako nakapakat sa lugar na ito. Habang nasa kailalim ang aking tulog ay isang boses ang aking narinig. “Enchong!” boses ng lalaking tumatawag sa akin dahilan para imulat ko ang aking mata at dito ay nakita kong wala si Rael sa aking tabi.
Alas 2:30 ng umaga, dahil nakaramdam ako ng ihi ay agad akong bumalikwas ng bangon at lumabas sa aming silid. Habang nasa ganoong paghakbang ako ay tila may narinig akong umiiyak o umuungol na hindi ko mawari sa sofa sa gawing sala.
Kaya naman para tingnan dito ay sumilip ako sa hagdan. At dito mas malinaw ko narinig ang iyak ng pamilyar na boses. Marahan akong bumaba, walang kaluskos at ingay, nagtago ako pinakalikod ng hagdan.
Dito nasilayan ko ang imahe ng dalawang lalaking nasa sofa, maliwanag nito dahil nakabukas ang mga dim light.
Nanlaki ang aking mga mata noong makita ko si Ryu na nakabukaka sa sofa, nakabukaka ito habang tirik na tirik ang alagang napapaligiran ng makapal na bulbol. Ang kanyang pwet ay dinadaliri ni Rael habang ang kanyang bibig ay nakapasak ang matabang alaga ng aking asawa. Kitang kita ko ang morenong katawan ng bata habang naglalawa ang butas nito. Namumuwalan ang kanyang bibig dahil sa malaking kargadang nakapasok dito.
Maya maya ay iniluwa niya ang basang basang alaga ni Rael, “Sir baka magising si Sir Enchong, ayoko pong masira ang tiwala niya sa akin,” ang wika nito pero hingal na hingal at sarap na sarap kanyang nararamdaman. Lalo pa itong napaungol noong bilisan ni Rael ang pagdaliri sa kanyang butas.
“Shhh, wag kang maingay! Gabi gabi natin itong ginagawa aarte ka pa ba?” ang wika nito sabay salpak ulit ng ari sa bibig ni Ryu. Samantalang ang kanyang tatlong daliri ay nakapasok sa butas nito. Kinantot niya ang bibig nito. Lumaban si Ryu at sinalubong niya ang pagsuso sa malaking alaga sa kanyang bibig. “Sarap diba?”
“Opo sir! The best talaga itong alaga mo, ang sarap, ang taba, ang laki ng ulo! Ang sarap susuhin!” ang sagot ni Ryu na parang sanggol na sinususo ang ulo ng alaga ni Rael. Nakatirik naman ang mata ni Rael sa sarap ng pagpapala sa kanyang matigas na alaga. Paminsan minsan ay kinakadyot niya ng marahas ng bibig nito at sinisiguradong nakabaon ng husto ang kanyang alaga.
Maya maya ay hinugot ni Rael ang kanyang sandata at siya naman ang naubo sa sofa, tumayo si Ryu at itinutok ang matabang alaga nito sa kanyang butas. Napaungol ito noong pumasok ang karagada ni Rael sa kanyang lagusan. Marahang bumaon ito at kapwa tumirik ang mga mata nila sa sarap.
Makalipas ang ilang sandali ay kitang kita ko na ang pagkakasalpak ang alaga ni Rael sa butas ng katalik. Bayag na lang ang kita dito dahil nakabaon na ang lahat. Nagsimulang gumiling si Ryu sa ibabaw ni Rael, sa una ay mabagal lang ito pero madiin at isinasalaksak ng todo ang pagkakabaon. Kitang kita ko rin ang pagtulo ng paunang katas sa ari ni Ryu na parang malapot na ihi, kumakalat ito sa kanyang dibdib at bulbol dahil sa matinding kasabikan.
Samantalang si Rael naman ay nakakagat labi lang, umuungol at nakahawak sa bewang ng kaniig. Paminsan minsan ay sinasalubong niya ng bayo ang pag giling ni Ryu sa kanyang ibabaw. “Ah sir ang galing, ang sarap!! Lalabasan akooo!” ang ungol ni Ryu habang nakasandal ang katawan sa matipunong katawan ni Rael at hinahayaan niyang bayuhin siya ng todo. At habang pinagmamasdan ko ang mukha niy (ni Ryu) ay para bang nag iiba ang anyo nito. Sa kada giling niya nagbabago ang hilatsa ng kanyang mukha.
Hanggang noong kusutin ko ang aking mata ay iba ang katalik ng aking asawa. “Pokpok ka talaga Sato, sarap mo!” ang ungol ni Rael.
“Oh galing na etits mo! Sapol na sapol ang bahay bata ko! Gago ka!” ang sagot niya at dito ay bumilis pa ang kanyang pagkabayo dito.
Maya maya ay tumuwad ito at dito kinasta siya ni Rael na parang aso sa sahig. Kitang kita ko ang pagtatama ng kanilang mga katawan, sigaw ng sigaw ang katalik ni Rael kaya tinakpan niya ang bibig nito.
Maya maya ay hinila ni Sato si Rael sa hagdan, sa eksaktong pwesto kung saan ako naroon. “Dito mo ako kastahin,” ang wika niya sabay bukaka. Itinapat pa niya sa aking mukha ang ari ni Rael bago isalpak sa kanyang butas. “Masarap ba?!” ang wika nito habang nakatingin siya sa akin.
Dahil alam na niya kung nasaan ako ay dito na ako nataranta, sa aking pag atras ay nasagi ko ang switch ng ilaw dahilan para magliwanag sa buong sala.
Napahinto si Rael sa pagkasta sa katalik at napatingin ito sa akin. “Suprise!” ang wika ng kanyang katalik.
Pero sa halip na tumitigil ay parang nag enjoy pa si Rael sa kanyang ginagawa, muling itinarak nito ang alaga sa butas ng kalaguyo saka silang dalawa ay muling nagtalik sa aking harapan.
Noong mga sandaling iyon ay para akong mabubuwang. Nagwala ako at pinaghahampas silang dalawa! “Mga hayop! Mga baboy!” ang sigaw ko sabay kuha sa malaking flower base at binasag ko ito sa kanilang dalawa.
“Hay nako, naiinggit ka lang dahil hindi ka naman talaga mahal ng asawa mo! Kaya sa mga gabing naghihilik ay lagi kami nagpapakasasa sarap!” ang sagot ni Sato.
Sa sobrang galit ay kumuha ako ng patalim at itinutok sa kanila, “lumayas kayo! Mamatay na kayo!” ang sigaw ko.
“Hindi ba dapat ay ikaw na ang mamatay? Walang nagmamahal sa iyo! Dapat ay sa iyo mo isaksak ang patalim na iyan,” ang wika niya at dito parang nagliwanag ang kanyang mata at nakaramdam nga ako matinding sakit, kirot at depresyon. Lalong bumigat ang aking pakiramdam noong makita kong muling yumakap si Rael sa kanya ay humiga sila sa sofa para ipagpatuloy ang pagtatalik. Hinawakan ni Sato ang malabakal na ari ni Rael at muli inupuan ito.
Nagdilim na ang aking paningin, ang sobrang depresyon ay ginagawang blanko ang aking isipan kaya naman gumalaw ang aking kamay at simulan kong laslasin ang aking pulso, sinasaksak ko rin ang aking tiyan. Ang aking kamay ay parang may sariling buhay na hindi ko malaman.
Ipinakita sa senaryo sa orihinal na mundo na habang balot ng gintong liwanag ang katawan ni Enchong at nakatayo lamang ay biglang nagkahiwa ang braso nito, nagkadugo rin sa kanyang tiyan at sa kanyang hita. Dahilan para mangiti si Sato dahil batid niyang pinapatay na ng kanyang biktima ang sarili sa mundong kanyang nilikha.
Mula sa aking kinalalagyan ay narinig ko ang ungol nila dalawa kaya naman lalo akong naramdaman ng sakit at nagdesisyon akong tapusin na ang lahat sa pamamagitan ng paglaslas sa aking leeg.
Ngunit may pangalan na tumawag sa akin. “Enchong! Ano ang ginagawa mo?! Gumising ka!” ang pamilyar na boses na aking narinig.
“Sino ka?” tanong ko sa kanya.
“Gumising ka at labanan ito!” ang boses pa niya at habang nasa ganoong posisyon ako bigla akong napatingin sa sahig kung saan gumulong ang isang bola. Para itong isang device na hindi ko malaman kung saan ginagamit.
Tahimik.
Noong damputin ko ito ay narinig ang boses ni Rouen at Rael na tinatawag ako, lahat sila ay sinasabing gumising ako..
Narinig ko rin ang tinig ng isang lalaki na ang pangalan ay Agapito, tila ba binigyan na niya ako ng warning noon pa. Na ako raw ay tutulong sa isang kaibigan at huwag na huwag ko raw aalisin ang tiwala ko sa taong minamahal ko.
Natahimik ako at napaluha..
Habang nasa ganoong posisyon ako lumapit sa akin si Sato, puro tamod ni Rael ang kanyang katawan. Kumuha siya ng matalas na kutsilyo at nagwika, “ano patay ka na ba? Ang matinding kalungkutan at depresyon ang papatay sa iyo, sinabi ko naman sa iyo na wala kang puwang sa mundong ito. Hayaan mong pabilisin ko na ito,” ang wika niya at noong itatarak niya ang patalim sa aking harapan ay natawa ako.
“Tama ka, wala nga akong puwang sa mundong ito, sa mundo ng kasinungalingan, sa mundong ito ng pagpapanggap, sa mundo ng kalaswaan at sa pekeng mga tauhan na iyong nilikha! Sumpain ka SATO! Ang kaluluwa mo ay sinusunog na sa impyernong naghihintay sa iyo!” ang sagot ko at dito sumiklab ang malakas na enerhiya sa aking katawan at itinulak siya palayo!
Nabura ang lahat ay dito ay unti unti naglihom ang aking sugat at kasabay nito ang pagmulat ng aking mga mata.
Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa lupa, nagising na ako mula sa bangungot na nilikha ni Sato pero ang aking mga kasamahan ay hindi pa kaya naman nagtatakbo ako kay Suyon at inuga pilit ang katawan nito, “Suyon! Gising! Gumising kayo!” ang sigaw ko.
“Maligayang pagbabalik, hindi ko inaasahang maaga kang magigising,” ang wika ni Sato habang nakangisi.
Humarap ako sa kanya at nagwika, “Oo at sisiguraduhin ko mabubura ka sa mundong ito! BABOY kaaa!” ang singhal ko sa kanya.
Itutuloy.
Part 34: Nakalalasong Panaginip 2
WATER SNAKE: THE LEGEND OF THE DEEP available via PDF File! Grab your copy now for only 350 pesos! LIMITED SLOTS ONLY! Please contact 0995-078-9932. Thank you
Part 34: Nakalalasong Panaginip 2
MIGUEL POV
“Tinatanggap ko,” ang wika ni Malik habang ikinakasal kami sa templo ng kanyang palasyo. Nakangiti siya, suot ang kanyang asul na kalasag na kasing kulay ng magandang karagatan ng Apresia.
“Ikaw Miguel, tinatanggap mo ba si Prinsipe Malik upang maging iyong kabiyak?” tanong ng matandang gabay. Napatingin ako sa lahat ng taong saksi sa aming kasal, napatingin ako kay Malik na noon masayang nakangiti sa akin. “Miguel, anong sagot mo?” tanong sa akin ng matanda.
“Bakit kinakasal tayo ulit? Bakit parang may mali?” ang bulong ko na may halong pagtataka.
Natawa si Malik, “ano ka ba Migs, ito ang dream wedding natin diba? Ang tagal nating plinano ang kasal na ito,” ang wika niya sabay haplos sa aking pisngi.
Tahimik..
Dala man ng matinding pagtataka, wala akong nagawa kundi ang humarap sa matandang gabay ay sumagot ng “tinatanggap ko ang maging asawa si Malik.”
“Kung ganoon, sa kapangyarihang iginawad sa akin ng palasyong ito at ng ating panginoong si Neptune, kayong dalawa ay mag asawa na. Maaari niyo ng halikan ang isa’t isa,” ang wika ng gabay dito ay ginawaran namin ng damping halik sa labi ang isa’t isa.
Palakpakan ang lahat.
Nakangiti si Malik at kumakaway sa mga tao ng Apresia, ako naman ay kumakaway rin ngunit hindi ako ganoon kasaya dahil pakiramdam ko ay may mali, para bang may pagkalito akong nararamdaman na hindi ko mawari.
Naramdaman ko na lang noong hinawakan ni Malik ang aking kamay at dito ay niyaya niya akong bumaba sa hagdan ng templo kung saan naroon ang mga taong bayan na nagpupugay para sa aming pag iisang didbib.
Lumakad kami palabas sa templo, parang mga artistang kinakawayan ng lahat. “Prinsipe Malik, handa na po ang barkong magdadala sa inyo sa isla ng Puroy Lilipud,” ang wika ng isang kawal.
“Isla? Puroy Lilipud? Ano iyon? Bakit may ganoon?” ang tanong ko sa kanila na may halong pagtataka.
“Mahal, ikaw ang namili ng Isla doon diba? Gusto mong doon tayo mag honey moon at bumuo ng ating pamilya,” ang wika niya habang nakangiti. “Ikaw talaga, minsan pala biro ka rin,” ang dagdag pa niya sabay akay sa akin papaakyat ng barko.
Hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari, basta naguguluhan ako, pakiramdam ko ay kakagising ko lang mula sa matagal na pagkakatulog kaya’t tila yata wala akong maalalang kahit ano. “Nag ritwal ka na ba?Katapusan ng buwan ngayon diba?” ang tanong ko noong mapatingin ako sa kalendaryo.
“Ritwal? Anong sinasabi mo hon?” tanong niya na may pagtataka.
“Yung tumatayo ka sa itaas ng tubig at babasbasan mo ang karagatan para sa magandang huli ng isda. Para hindi sila maging madamot sa atin, at pagbibigay pugay rin iyon kay Neptune,” ang sagot ko naman.
“Ah iyon ba, ang totoo noon ay hindi na ginagawa ang pag riritwal ngayon, maayos naman ang karagatan at sapat ang biyayang ibinibigay nito,” ang nakangiti niyang sagot kaya naman napakamot na lang ako ng ulo.
Nagpatuloy ang aming paglalayag patungo sa isla ng Puroy Lilipud, halos inabot ng maghapon ang paglalakbay hanggang sa marating namin ang isang islang hugis korona dahil sa matataas na bundok na nandito. Berdeng berde ang isla at mula dito sa aming kinalalagyan ay makikita mo agad ang isang malaking bahay kung saan kami titira ni Malik. “Siyempre ay may ilang mga tao rinj sa isla, hindi naman natin ito solo, pero ang ating tahanan ay nakatirik sa isang magandang pwesto na malapit sa karagatan,” ang wika ni Malik habang palapit kami dito.
Hanggang ngayon ay tila nagtataka pa rin ako, bakit kailangan naming tumira sa ganitong isla kung maraming tungkulin sa Apresia na dapat gampanan. “Alam kong magulo ang isipan mo, hindi dapat kita binigla sa isang kasal, pero siyempre ay nais ko namang magkaroon ng saysay ang ating pagsasama dahil seryoso talaga ako sa iyo,” ang wika niya.
“Seryoso ka sa akin? Bakit marami ka bang naging shota noon pa? At hindi mo sila sineryoso?” ang tanong ko na may halong pagtataka.
“Alam mo naman ang tungkol doon diba, may tiwala ka sa akin kaya pumayag kang mag pakasal, huwag na nga natin pag-usapan ang mahalaga ay magkasama tayo ngayon ay masaya tayo,” ang wika niya at dito bumaba kami sa barko.
Hindi ko maunawaan, ilang beses na ako hinahawakan sa kamay ni Malik ngunit ang kanyang haplos ay parang hindi ko kilala. Gayon pa man ay sinubukan ko pa ring sakyan ang mga pangyayari, baka nga nabibigla naman ako o kaya ay baka hindi lang ako sanay sa buhay na mayroong asawa.
Pagdating sa aming tirahan ay magarbo ito, parang isang mamahaling bahay na makikita sa mga magasin, mala mansion na presko ang desenyo at ang kariniwang mga pader ay gawa sa salamin kaya’t makikita ang pinakalabas kapag nandito ka sa loob. “Nagustuhan mo ba?” ang tanong ni Malik sa akin.
“Maganda, napaka espesyal,” ang sagot ko at dito ay niyakap niya ako ng mahigpit sa aking likuran.
Ngumiti ako at hinalikan siya sa labi, “Salamat, masaya akong mabuhay dito ng kasama ka,” ang sagot ko habang nakangiti.
Habang nasa ganoong posisyon kami ng paglalambingan ay bigla may lalaking nagsalita sa ikalawang palapag, “Maligayang pagdating sa inyong bagong kasal,” ang wika nito.
Napatingin ako sa kanya, pamilyar ang kanyang mukha ngunit hindi ko ito makilala kung sino, “Sino siya?” ang tanong ko naman.
“Seryoso? Hindi mo ako kilala? Palabiro ka naman Miguel,” ang natatawang wika nito at laking gulat ko noong halikan niya sa labi si Malik. “Okay para matapos na ang biruang ito, ako si Satori ang unang asawa ni Malik, at ikaw ang pangalawang asawa,” ang wika nito habang naka ngiti.
“Asawa? Dalawa kami? Paano nangyari iyon?” ang tanong kay Malik.
Nagtawanan sila, “Ano ka ba, gusto mo ba i-flash back ko sa iyo ang lahat? Ganito iyon, mag bestfriend tayong dalawa, originally ako talaga ang asawa ni Malik, nagkataon lang na bored ako sa relasyon namin kaya pumayag akong makipagrelasyon siya sa iyo. Ngayon ka pa baa arte? Hindi ba’t gustong gusto mo nga na pinapanood ko kayo ni Malik habang nagbibirahan sa silid namin,” ang natatawang wika ni Sato.
Ngumiti si Malik at hinalikan si Sato, pagkatapos noon ay hinalikan rin niya ako,“ huwag kang mag-alala hon, ngayon asawa ko na kayong dalawa, magpapakasaya tayong tatlo dito sa isla!“ ang wika niya at muli niya akong hahalikan pero lumayo ako.
“Hala, ngayon pa ba umarte kung kailan binigyan ng karapatan? Hay naku kausapin mo nga iyang si Miguel,” ang wika ni Sato sabay kuha ng kanyang towel at dumiretso ito para maligo.
“Ang ibig sabihin ay kayong dalawa talaga ang orihinal na mag-asawa? Tapos ako ay sawsaw lang?” ang tanong k okay Malik.
“Ano ka ba hon, huwag mo ngang sabihing sawsaw ka, mahal din naman kita katulad ng pagmamahal ko Sato, asawa ko kayong pareho at masaya ako sa inyong dalawa,” ang wika nito habang nakangiti saka ako niyakap yakap.
Natahimik ako.
“Anong iniisip mo?” tanong niya.
“Hindi lang ako makapaniwala na sumawsaw ako sa relasyon niyo. Totoo ba ang sinasabi niya na nagniniig tayo sa harap niya?” ang tanong ko.
“Oo, saka okay lang naman sa kanya iyon, at isa pa ay masaya naman tayong tatlo sa tatluhan natin diba? Tingnan mo itong video natin sa ipad mo,” ang wika niya at dito ay nakita ko ang video naming tatlo nakatayo, mag kakarugtong na animo kadena at nasa gitna ng maigting na pagtatalik, nakatuwad si Sato sa kama habang nakapasok ako sa kanya at sa likod ko naman ay naroon si Malik na abala sa pagbayo sa akin.
Noong mga oras na iyon ay lalo akong naguluhan, napatingin ako kay Malik at inilayo ang video sa aking paningin, “O bakit?” ang tanong niya na parang napaka kaswal lang.
“Wala, magpapahinga lang ako, siguro ay pagod lang ako sa biyahe,” ang wika ko naman.
“Nandoon sa gitna ang ating silid, maghahanda lang ako ng pagkain,” ang wika niya sabay halik sa aking labi. Samantalang ako naman ay umakyat sa aming silid at saka nahiga sa isang malaking kama, ipinikit ko ang aking mata at pilit inaalala kung anong klaseng buhay ang mayroon ako dati, kung ano ang mga bagay na ginawa ko kahapon ngunit kasamaang palad ay blangko ang lahat, wala akong maalala kahit ano.
Tahimik.
Pinilit kong ipikit ang aking mga mata hanggang sa ako ay dalawin ng antok. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog, basta’t naalimpungatan na lamang ako noong maramdaman kong may yumuyugyog sa kama.
Noong imulat ko ang aking mata ay nakita ko si Sato na nakaupo sa matigas na alaga ni Malik at nakahiga pa ito sa aking tabi, wala itong pakialam kung nakatabi ako sa kanila. Noong makita nila akong nakatingin ay ngumiti sa akin si Sato, hinugot ang alaga ni Malik sa kanya lagusan at hinawakan ito, “Ikaw naman? Lika dilaan mo alaga ng asawa natin,” ang wika nito na para bang pagkaing iniaalok sa akin ang ari ni Malik.
Samantalang si Malik naman ay nakangiti at naka-kagat labi, “Ayaw mo ba?” ang tanong ni Sato.
Umiling ako at saka tumayo..
“Hmm arte mo naman,” ang wika ni Sato tumagilid ito at itinutok sa kanyang lagusan ang alaga ni Malik at dito ay naging maigting pagtatalik nilang dalawa. Ungol dito at ungol doon, lasing na lasing sila sa makamundong pag nanasa.
Noong mga sandaling iyon ay wala ibayong sakit at pagkalito ang lumukob sa aking buong pagkatao, lumabas ako sa silid at iniwan ang dalawa sa ganoong posisyon ng pagpapakasasa sa makamundong gawain. Mabilis ang tibok ng aking puso noong mga sandali iyon, hindi ko maunawaan ngunit parang dumurugo ito, naninikip ang aking dibdib at nahihirapan akong huminga.
Natagpuan ko ang aking sarili sa labas ng bahay at dito nakakita ako ng bangka, noong mga sandaling iyon ay naisip kong umalis na lang ng isla at hingin ang basbas ni Neptune upang makaalis ako ng maayos at makapaglayag sa karagatan. Hindi ko akalaing si Malik ay isang baboy, isa siyang hayok sa laman at parang halimaw!
Nagtungo ako sa bangka at noong sasampa ako dito ay laking gulat ko noong may sibat na tumusok sa aking likuran at tumagos ito sa aking tiyan! “Tatakas ka? Anong arte ang ginagawa mo Miguel? Pinakasalan kita para maging laruan namin ni Sato! Tapos ay ngayon ka pa aarte?” ang wika ni Malik.
Nagdugo ang aking katawan gayon rin ang aking bibig at natumba ako sa buhanginan, gayon pa man ay pinilit ko pa rin hugutin ang sibat na itim at depensahan ang aking sarili. “Nandito ka para maging laruan namin! Wala kang ibang parte dito!” ang wika ni Sato.
“Paalisin niyo na lamang ako at ayoko na dito! Hindi itotoo! Panaginip lang ito!” ang sigaw ko at muli akong sumakay bangka pero isa pang sibat ang tumama sa aking likuran at tumagos naman ito sa aking kanang dibdib dahilan parang masubsob ako sa tubig at matumba.
Samantala, ipinakita naman sa senaryo ang nangyayari sa reyalidad kung saan si Enchong ang kalaban ni Sato. Sumisibat sa ere ang daan daang mga palasong ginto, ayaw payagan ni Enchong na makalapit si Sato sa walang uilirat na katawan nina Suyon at Miguel na noon ay nasa ilalim pa rin ng sumpa. Habang nasa ganoong paglalaban ang dalawa ay laking gulat ni Enchong noong biglang tumulo ang dugo sa tiyan at dibdib ni Miguel, bigla ring nabasa ang kanyang katawan, ngunit ito ay nakatayo lang at walang ulirat. Nagulat rin siya noong bumulwak ang dugo sa katawan ni Suyon, nagkahiwa hiwa ang mga damit nito at gayon rin ang kanyang mga braso.
“Mukhang unti unti na silang pinapatay sa kanilang magandang panaginip, masaya diba?” ang wika ni Sato.
Agad na nagtatakbo si Enchong sa katawan nila Miguel at Suyon, inuga niya ito at pilit na ginising, “Gising! Hindi totoo ang lahat ng pinagdaraanan ninyo! Ang lahat ay sumpa, ang lahat ay ilusyon! Gumising kayo pakiusap!!” ang pagsigaw ni Enchong pero walang nangyari.
“Nice try, pero hindi sila magiging kaya ang tangi mo na lang magagawa ay suportahan ang kanilang katawan at huwag akong kahayang makalapit sa kanila dahil kung hindi papatayin ko sila ng wala silang kamalay malay!
“Subukan mong lumapit at ikaw ang papatayin ko!” ang sagot ni Enchong at muling nagliwanag ang kanyang kamay saka nagbalibag ang mga gintong kunai na sumasabog sa paligid. Ang labanan nilang dalawa ay paigting na paigting, gayon pa man ay todo protekta pa rin si Enchong sa kanyang kapanalig at kaibigan laban sa tusong si Sato.
“Anong ba ang nangyayari? Bakit parang may mali,” ang bulong ko sa aking sarili habang nakasubsob sa karagatan.
“Miguel..” ang boses na aking narinig, isang pamilyar na boses.
“Salem?” ang pagtawag ko dito, hindi ko maunawaan ngunit kusa itong lumabas sa aking bibig.
“Miguel, ikaw ay nasa ilalim ng isang sumpa, ang mundong ito ay hindi totoo at gawa gawa lamang upang wasakin ang iyong paniniwala. Upang wakasan ka, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap ka dahil sa enerhiya ng karagatan, ngayon ang lahat nakadepende na sa iyo, kailangan mong makawala sa sumpang ito,” ang wika niya.
“Paano ako makakawala?” tanong ko na may halong takot.
“Ang iyong magagandang alala sa mga taong iyong minamahal, iyon ang mga bagay hindi matatalo, Miguel,” ang sagot ni Salem
Habang nasa ganoong posisyon ako ay bigla na lamang hinablot ni Malik ang aking buhok at iniangat sa tubig, “isa ka lamang laruan Miguel! Kahit na kailan ay hindi kita minaha!” ang gigil sa salita nito at muli akong ilunod sa tubig.
Maya maya ay inangat yan ulit ako, “Oo, kahit kailan ay hindi mo ako minahal dahil hindi ikaw si Malik! Isa kang mababang uri ng hayop na nandito sa aking bangungot!” ang sigaw ko sa kanya
Pero nilubog niya ulit ako sa tubig, habang nilulunod ay pilit kong inaalala ang lahat ng magagandang bagay na pinagsamahan namin ni Malik, malabo ngunit ang aking puso ay masaya, parang lumuluwag ang aking nararamdaman.
Habang patuloy ako inilulubog sa tubig ay mayroon humaplos sa aking pisngi, “Miguel..” ang boses nito.
Ito ay si Malik..
Ang totoong lalaking minahal ko at minamahal ako!
Muli akong iniangat mula sa pagkakasubsob. “Mamatay ka na!” ang sigaw nito sa akin habang nakasabunot sa aking buhok.
“Ikaw ang mamatay, isama mo na ang hayop mong asawa!” ang sigaw ko at dito ay nagliwanag ang aking kamay at kasabay ng aking pagsigaw ay ang malakas na pwersang tumulak sa lahat ng bagay sa aking paligid kasama na ang pekeng Malik at Sato.
“Alam ko na ang lahat, ito ay isang bangungot!” ang sigaw ko sabay tulak kay Malik at Sato sa malalayong direksyon!
Noong napagtanto ko na peke ang lahat ng ito ay lumundag ako sa karagatan at kasabay nito ang pagmulat ng aking mga mata!
Itutuloy.
Part 35: Masakit na Ilusyon
Part 35: Masakit na Ilusyon
SUYON POV
“Ginoong Suyon, marami pa po kayong gagamutin sa labas, maayos nap o ang iyong kalagayan?” ang tanong sa akin ng isang lalaki noong imulat ko ang aking mga mata, nagising ako sa isang lumang templo habang suot ang kakaibang uri ng kasuotang mya mga burda.
“Ano iyon? Saka bakit na nandito ako?” ang tanong ko na may halong pagtataka.
“Ginoo, ayos lang po ba kayo? Kaya mo po bang gamutin ang mga pasyente sa labas?” ang tanong niya.
“Hindi ko maunawaan, hindi yata ako marunong manggamot, teka, nasaan ba ako?” ang tanong ko habang nililinga ang aking mga mata.
“Hay siguro po ay ipagpaliban na muna natin ang pang gagamot dahil hindi pa maganda inyong pakiramdam, dala po siguro iyan ng pagkaka aksdiente mo kahapon sa palasyo ni Panginoong Lucario,” ang wika niya.
“Lucario? Oo! Si Lucario, nasaan siya? Gusto ko siyang makausap,” ang wika ko na parang nabuhayan ng loob.
“Eh ginoo, hindi na po kayo maaaring pumasok doon sa palasyo dahil ipinagbabawal na nila ang mga babaylan doon,” ang wika ng lalaki.
“Ipinagbabawal? Bakit? Saka sino ka ba? Saka hindi naman ako babaylan diba?” ang tanong ko naman na may halong pagtataka.
“Ginoo, ako po ito si Alponso, ang iyong gabay bilang punong babaylan, hindi mo ba ako natatandaan? Marahil ay dahil iyan sa pagkakabagok ng iyong kahapon kaya’t medyo naapektuhan ang iyong isipan,” ang tugon niya.
“Nabagok? Ako? Ano ba ang nangyari kahapon? Bakit wala akong matandaan?” ang tanong ko naman.
“Ginoo, kahapon po ay nahuli kayo ni Panginoong Lucario na may ginagawang kababalaghan, hindi po ito nagustuhan ni Master Satori at nagkaroon ng malalang pagtatalo sa inyong pagitan.”
“Ako? Gagawa ng ganoon? Ano bang sinasabi mo?” ang tanong ko sabay tayo at lumabas ako sa aking silid. Hindi ko maunawaan ngunit pakiramdam ko ay may mali sa nangyayari dito, Lalo lamang akong nagulantang noong lumabas ako ng templo dahil maraming mga tao ang nag-aabang sa akin, “ayan na ang punong babaylan na si Suyon! Magpugay tayo upang tayo kaniyang basbasan at pagalingin!” ang wika ng mga ito sabay samba sa akin.
“Teka, mali ho kayo, hindi ako babaylan!” ang wika ko naman pero pinagkaguluhan na nila ako kaya naman nagpumiglas ako nagtatakbo palabas sa tarangkahan ng templo. Hindi ako babaylan, at lalong hindi ko alam ang nangyayari! Gulong gulo na ako at pakiwari ko ay hindi ko alam kung saan ba ako pupunta.
Nagtatakbo ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, gulong gulo ang aking pag iisip, tuliro at tila mabubuang ako kakaisip, paano akong naging isang babaylan? NI hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin nito.
Tahimik.
Ilang minuto rin ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa paligid ng isang pamilyar na palasyo. Sa gawing likuran kasi ako nagdaan kaya’t hindi ako napansin ng mga gwardiya lalo’t kakahuyan ang likuran nito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit alam ko ang daan dito, para bang matagal na akong tumatakbo sa lugar na ito.
Takbo, lakad, takbo, lakad ang aking ginawa hanggang sa makarating ako sa gilid ng palasyo. Sa hingal pagod ay panandalian akong napaupo sa sulok nito. Nakatanaw ako sa bughaw na kalangitan at mainit rin ang paligid. Nagtaka na naman ako, ang alam ko ay nagyeyelo dito, malamig ang klima at kadalasan ay kulay puti ang paligid, ngayon ay maalinsangan at nagkakalaglag ang tuyong dahon sa mga puno dahil sa init.
Sumandal ako sa pader sa at ipinahinga ang aking sarili ng may marinig akong nag uusap sa loob, kaya naman sumilip ako sa binata, dito ay nakita ko si Lucario at ang isang pamilyar na lalaki na mukhang may pinag uusapang mahalaga, “Nagseselos ka na naman ba?” ang tanong ni Lucario.
“Oo, gusto kong paalisin mo lahat ng babaylan dito sa lupaing ito kabilang na ang Suyon na iyon, hindi ko papayagan na lumapit siya sa iyon. Isa siyang ahas na babaylan, makasalanan at walanghiya!” ang sigaw ng lalaking kausap niya.
“Hindi na nga mauulit ang nangyari iyon sa amin, wala naman kaming ginagawang masama, niyakap ko lamang siya bilang pasasalamat dahil napagaling niya ang ating mga kawal, walang ibig sabihin sa yakap na iyon, ikaw ang mahal ko, ikaw ang asawa ko at hindi ko magagawa ang magtaksil sa iyo,” ang sagot ni Lucario dahil para mas maguluhan ako, sa kanilang pag uusap ay isa akong mang aagaw at naninira ng relasyon bagamat wala naman akong maalala sa nangyari sa akin.
“Wag mo ko lolokohin kundi ay hindi ko ilalabas itong baby natin,” ang wika ng lalaki sabay himas sa kanyang tiyan.
Natuwa si Lucario at saka hinimas rin ang tiyan ng lalaking kausap, “ano ang gusto ng asawa ko? Naglilihi ka diba?” ang wika nito.
Ngumiti ang lalaki at dinakma ang bukol sa harap ng pantalon ni Lucario, “Eto ang gusto ko,” ang naka kagat labing wika niya.
Natawa si Lucario, tumayo ito at saka naghubo, inilabas ang alaga niyang matigas at tirik na nakakurba paitaas, malinis ang pagkakatuli at mayroon maninipis na bulbol na parang nakatrim. Agad itong hinawakan ng lalakli at saka isinubo na parang isang batang tuwang tuwa sa kanyang nakita. Samantalang napa-ungol si Lucario at napatingala habang sinisilindro ang kanyang mahaba at matabang katigasan
Sarap na sarap ang lalaki, may pagkakataong dinidilaan pa nito ang ulo at butas ng alaga ni Lucario kaya naman sa labis na pang gigigil ay hinawakan niya ang ulo ng katalik at saka siya na mismo ang bumayo ng bumayo sa bibig nito, kung minsan ay nakikita ko pa ang bakat ng alaga ni Lucario sa lalamunan ng lalaki dahil sa matinding pagkakabaon nito. Tumutulo ang laway ng kanyang katalik habang pinagpapala at sinasamba niya ang katigasan ng gwapong lalaki sa kanyang harapan.
“Akin lang ito,” ang libog na libog na wika nito.
“Oo, Sato, sayo lang iyan, malibog ka talaga!” ang impit na ungol ni Lucario at maya maya ay napahawak ito sa ulo ng sumususo sa kanya. “Eto naaa!” ang dagdag pa niya.
Iniluwa ni Sato ang ari sa kanyang bibig at mabilis itong binayo, sumabog ang malapot at marami nito katas sa mukha ng katalik, ang iba dinilaan pa nito na parang ice cream. Habang nasa ganoong posisyon ako ay biglang may humablot sa aking balikat, “Isa kang babaylan, bawal ka dito!” ang wika ng kawal sabay hawak ng mahigpit sa braso ko pero nagpumiglas ako at nagtatakbo.
Tinugis nila ako, noong una ay isang kawal lang hanggang sa dumami na ito. Sinarado nila ang mga tarangkahan upang ma-corner ako ng mas mabilis at dito ay iginapos. Dinala nila ako sa harapan ng palasyo upang iharap kay Lucario at Sato.
Samantala sa iba pang senaryo at ipinakita si Enchong na nakikipaglabanan pa rin ng lakas kay Sato sa orihinal na mun
do
. Lumilpad ang mga bola ng enerhiya sa paligid ni Enchong na kanya namang sinasangga gamit ang gintong barrier sa kanyang kamay. Sugatan na ito, bagamat hindi pa rin siya umaalis sa tabi nila Miguel at Suyon na noon ay wala pang malay.
Sabay nagaganap ang bangungot nina Miguel at Suyon kaya’t kahit tawagin pa ni Enchong ang mga ito ng maraming beses ay hindi niya magawa. “Hindi na rin sila gigising, dahil sa mga panahong ito pinapatay na sila sa walang katapusang sakit, kirot at depresyon!” ang sigaw ni Sato.
“Hindi ako na naniniwala sa iyo! Sina Suyon at Miguel ay malalakas, hindi sila basta basta matatalo sa sumpang iginawad mo sa kanila!” ang sigaw at dito ay bigla na lang nabasa ang katawan ni Miguel (Ito yung eksenang sinusobsob siya sa karagatan)Kitang kita ni Enchong kung paano bumulwak ang tubig sa bibig nito na parang nalulunod. Samanatalang si Suyon naman ay umuusok ang katawan na parang sinusunog na hindi malaman!
“Gumising kayo! Gisinggg!!” ang sigaw ni Enchong pero wala siyang magawa upang tulungan ang mga ito. Sa ngayon ang tanging magagawa lamang niya ay ang protektahan ang mga ito laban sa tusong kalaban sa kanyang harapan.
“Bitiwan niyo ako! Wala naman akong ginagawang masama!” ang pagpupumiglas ko.
“Anong wala? Nahuli kita na sa paligid ng palasyo! Ipinag bawal na ni Master Satori ang pagpapa pasok ng babaylan dito sa palasyo dahil sensitibo ang kanyang pagbubuntis!” ang sigaw ng kawal sa aking harapan.
Nasa ganoong posisyon kami noong dumating sina Lucario at Sato, “Ikaw na naman? Ano, lalandiin mo na naman ang asawa ko? Bakit ang kati kati mo?!” ang agad niyang singhal sa akin sabay sampal sa aking mukha. “Tingnan mo nga naman, ikaw pa mismo ang nagpupunta dito para mag landi, hindi ka na nahiya!”
“Wala akong ginagawang masama at wala akong balak manggulo dito! Hinuli ako ng mga kawal at hindi nila ako pinaalis!” ang katwiran ko pero ang galit sa mukha ni Sato ay hindi nawawala. “Sinungaling! Ang sabihin mo naglalandi ka! Peste ka! Pati asawa ko ay kinakalantari mo!” singhal niya at muli akong sinampal ng malakas. Ni hindi ko alam kung paano ako umabot sa ganito, hindi ko rin maunawaan ang mga nangyayari.
“Tama na Sato, ilabas niyo na iyan!” ang utos ni Lucario.
“Anong ilabas? Tuturuan ko siya ng leksyong hindi niya malilimutan!” ang sigaw ni Sato sabay kuha ng espada sa kawal at bigla niya akong sinugod. “Walanghiya ka talaga!” ang singhal niya sabay saksak sa aking likuran dahilan para magdugo ang aking katawan.
Nagulat ako at nagpumiglas, naitulak ko ang mga kawal dahilan para tumilapon sila. Humarap ako kay Sato at itinulak rin siya dahilan para madalsak ito at magpagulong gulong sa sahig. Nagtatakbo si Lucario at sinipa ako. “Tama na Suyon! Huwag mong guluhin ang pamilya ko!” ang sigaw niya sa akin.
Natumba ako sa sahig at dito ay nagsisigaw si Sato, dugo ang kanyang hita at ang kanyang kamay ay may dugo rin. “Lucario, wala na ang baby natin! Wala na ang ating anak!” ang pag iyak nito.
“Ano?! Ang anak ko!!” ang sigaw ni Lucario habang pinagmamasdan ang patapon ng dugo sa katawan ni Sato, dahilan para magalit siya sa akin, nagtatakbo ito at pinagsusuntok ng malalakas ang aking mukha dahilan para masubsob ako sa lupa. “Pinatay mo ang aking anak! Kaya papatayin rin kita sa pinakamahirap na paraan!” ang singhal niya sa akin.
Agad akong dinampot ng mga kawal at tinalian, “Wala akong kasalanan!” ang sigaw ko sa kanila.
“Kasalanan mong lahat ng ito, ang anak kooooo! Pinatay mo ang anak koooo!” ang sigaw umiiyak at nagsisisgaw na pag-atungal ni Sato.
“Dakpin ang kriminal na iyan at igapos sa harap ng taong bayan! Tampalasan!” ang sigaw ni Lucario sabay sampal ng malakas sa akin dahilan para mawalan ako ng malay.
Tahimik.
Hindi ko alam kung ilang sandali ako nakatulog at nawalan ng ulirat. Pagmulat ng aking mata ay nakita ko ang mga taong bayan na nakapaligid sa akin at natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatali sa isang kahoy na haligi. Sa paligid ko ay punong puno ng kahoy na binubuhusan ng gaas.
Nagpumiglas ako ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali. “Ang babaylan na si Suyon ay pinatay ang anak ni Master Sato kaya’t iginawad ni Panginoong Lucario sa kanya ang pinakamasakit na kaparusahan, ito ay ang pag sunog sa kanya ng buhay! ang sigaw ng isang kawal sabay taas ng sulu na may malakas na apoy.
“Pakawalan niyo ako, wala naman akong kasalanan, ipinagtatanggol ko lang ang aking sarili! Wala akong kasalanan, maawa kayo!” ang pag iyak habang pilit na kumakawala
“Pinatay mo ang anak ni Panginoong Lucario, napakalagi ng kasalanan mo babaylan! Sunugin siya!” ang sigaw ng taong bayan at pinagbabato pa nila ako.
Tumama ito sa aking mukha at sa aking mga katawan. “Sunugin ang tampalasan na iyan na pumatay sa akin anak!” ang utos ni Lucario.
Sumang ayon ang lahat.
“SUNUGIN!” ang sigaw nila.
Ngumisi ang mga kawal, inilagay nila ang sulu na may apoy sa mga kahoy at dito ay sumiklab ang malakas na apoy sa aking paligid. Noong mga sandaling iyon ay ramdam na radam ko ang init at pagkasunog ng aking balat!
“Tulungan niyo ako! Saklolo! Pakiusap! Tulong! Maawa kayo!!” ang sigaw ko pero walang tulong, lahat ay pinapanood ang aking unti unting pagkamatay hanggang sa gumapang ang apoy sa aking paa at sa buong katawan dahilan para magsisigaw ako
Nasa ganoong posisyon ako ng pagkasunog noong may marinig akong tinig mula kung saan. “Suyon, bakit hinahayaan mong mangyari iyan sa iyong sarili?” tanong nito.
“Sino ka?” tanong ko naman, “tulungan mo ako, pakiusap,” ang pag iyak ko.
“Ako lang naman ang nag gawad sa iyo ng kapangyarihan, ako si Naama at nais kong malaman mo na aking parte ay nasa iyong pagkatao dahil ginagamit mo ang aking natitirang lakas. Tatlong mahalaga bagay na nais kong sabihin sa iyo. Makinig kang mabuti Suyon.
UNA: Ang aking kapangyarihan ay nahati sa ating tatlo. Ang 50% ay nasa iyong anak na si Chaim. Ang 30% ay nasa iyong katawan at ang 20% ay nasa sa akin dahil kailangan ko ito para ipagtanggol ang aking kaharian. Suyon, huwag kang maniwala na 30 porsiento lamang ang iyong lakas! IKAW AY MAY SARILING KAPANGYARIHAN, ito ay nakatago lang sa iyong pagkatao. Magbuhat noong gawin kang imortal ni Lucario ay nagbago na rin ang porma ng iyong katawan at ang espesyal na ugat sa iyong mga kalamanan ay nabuhay rin. Matagal ko nang nais itong ipaliwanag sa iyo. Ngunit humahanap lamang ako ng pagkakataon upang magawa mo ang dapat gawin. Sa makatuwid ay nais kong gamitin mo ang sarili mong kapangyarihan upang isalba ang iyong sarili.
IKALAWA: Ang mundong iyan ay isang bangungot, nasa ilalim ka ng isang mabangis na sumpa, kung mamamatay ka dito ay hindi ka na makakabalik pa sa reyalidad.
IKATLO: LUMABAN KA SUYON! IKAW AY MALAKAS HIGIT PA SA IYONG INAASAHAN. Kailangan mo lang buksan ang iyong puso at isipan.
Nawala ang tinig ni Naama.
At dito ay unti unti akong dumilat at sumigaw ng malakas! “Hindi ito totoo! Hindi ito ang aking mundo!! Pakawalan niyo ako! Pakawalan niyo ako dito!!!” ang sigaw na may halong matinding galing! Halos sumabog ang aking puso at kasabay nito ang pagliliwanag ang aking dibdib. Noong mga sandaling iyon ay hindi ko inaasahang magbubukas ang tarangkahan ng aking kapangyarihan!
Yumanig ang buong paligid dahilan para magbitak ang lupa.
Ang malakas na pulang apoy nagbago ang kulay at naging kulay itim ito. Nawala rin ang sunog sa aking katawan at muling nabuo ang aking balat.
Nagimbal ang lahat..
Lumakad ako sa kanilang harap at nagwika, “hindi ba’t sinabi kong pakawalan NIYO AKOOOO!” ang sigaw ako at sumabog ang itim na liwanag sa aking katawan dahilan para matupok ang lahat ng bagay sa aking paligid!
Itutuloy.
Part 36: Ang Galit ni Suyon
Part 36: Ang Galit ni Suyon
SUYON POV
Nagliliyab ang paligid, sumisiklab ang itim na apoy sa akin katawan. Dito na humarap si Lucario sa akin, “Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpaslang sa aking anak!” ang sigaw niya at dito malalakas na enerhiya ang iginawad niya sa akin ngunit hindi naman ako tinalaban ng mga ito.
Lumutang ang aking paa at lumapit ako Lucario, hinawakan ko ang mukha at nagwika, “Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagsira sa imahe ni Lucario! At pagbabayaran mo rin ng malaki ang ginawa mong pangbababoy sa realidad na pinaniniwalaan ko,” ang wika at dito ay sumiklab rin ang itim na apoy sa katawan niya at unti unting nilusaw ang kanyang mga balat.
“Walanghiya kaaaaa! Bitiwan mo ang asawa ko! Pinatay mo na ang anak ko pati asawa ko ay nais mo rin kunin sa akin!” ang sigaw ni Sato sa aking likuran.
Humarap ako sa kanya, “walanghiya ka rin, BABOY ka!” ang sigaw ko sa kanya, kumuha ako ng apoy sa aking paligid bumuo ito ng malalaking sibat. Sa isang kumpas ay lumipad ang lahat ng ito kay Sato at pinagtutuhog ang kanyang katawan. Tama, mahihina ang mga tauhan sa bungungot na ito, dahil ang lahat ay hindi totoo at ang kalabanan dito ay ang iyong sarili mismo, kung paano mo ibabalik ang katotohanan sa iyong isipan at kung paano ka gigising mula sa sumpang bangungot na ito.
Kasabay nito ay isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan at dito bumukas ang aking mata sa reyalidad!
Halos sabay kami ni Miguel nakabalik sa totoo mundo, nasira namin ang sumpa ni Sato. Hingal na hingal ako at gayon rin si Miguel na ubo ng ubo habang nakaluhod sa lupa. Para kaming nalunod, ang aming katawan ay duguan sa hindi malamang dahil. Dito ko napagtanto na kung anuman ang pangyari sa aming panaginip ay nangyayari rin sa aming katawan.
Habang nasa ganoong pag-recover kami ay nakita ko si Enchong na tumilapon sa aming kinalalagyan. Duguan ito at halos malalaki na rin ang pinsala katawan. Batid kong mas nauna siyang nagising sa amin ni Miguel. Kahit na duguan ay natuwa pa rin ito noong makitang gising na kami at nakabalik na sa tunay mundo ang aming mga ulirat.
Dito rin namin nakita si Sato na nakalutang sa ere habang nagliliwanag katawan. “Sana ay tatapusin ko na kayo ngunit prinotektahan kayo ng healer na iyan. Hindi ko akalain na una siyang magigising at masisira ang aking sumpa sa kanyang isipan.”
“Kahit sino sa aming tatlo ang unang magising ay talagang poprotektahan namin ang isa’t isa! Kahit ano pang maging kapalit nito,” ang sagot ni Enchong sa kanya at dito ay ikumpas niya ang kanyang kamay at umusok ang kanyang katawan, lahat ng pinsala na kanyang natamo, kabilang na ang mga gasgas, mga malalalim na sugat at mga hiwa ay nagsara at gumaling. Nagulat rin kami ni Miguel noong umusok rin ang aming sugat at magsara ito ng kusa. Iba talaga ang kapangyarihan ni Enchong, ang kanyang sagradong lakas ay maihahambing sa isang Diyos.
“Kung gayon ay may lakas ka pa pala upang suportahan ang iyong mga kasamahan, magaling!” ang wika ni Sato at dito ay muling bumukas ang mga mata sa kanyang pakpak, “siguro ay dapat kayong matulog muli at managinip ng magandang bagay!”
“Tumigil kana sa kabaliwan at kababuyan mo! Hindi ko mapapatawad ang mga ginawa mong pagsira sa imahe ng mga taong mahal namin! Isinusumpa kita Sato! Isinusumpa kita!” ang sigaw ko sa kanya at dito ay nagliwanag ang aking katawan at ako mismo ang sumagupa sa kanya. Sinubukan niya ulit akong bulagin gamit ang kanyang hipnotismo sa kanyang mga pakpak.
Nagsimula na namang pumikit ang aking mata ngunit hindi ako nagpatalo! Pinulot ko ang nakakalat na patalim lupa at sinaksak ko ang aking braso at hita upang makaramdam ng sakit at hindi tamaan ng pagkaantok. “Hindi na!! Tama na ang kabaliwan mo! Malaswa ka!!” ang galit kong sigaw at noong makalapit ako sa kanya ay nagsagupaan kaming dalawa. Isang malakas na suntok ang iginawad ko sa kanyang mukhang dahilan para mapaatras siya pero gumanti siya at sinapak rin ako sa mukhang sanggang nagtuloy tuloy ang aming palitan ng atake, ang iba ay sinasangga ko at ganoon rin ang kanyang ginagawa.
“Hindi mo ba nagustuhan Suyon? Iyong ang dapat mangyari!” ang sigaw niya sa akin.
“Walang mangyayaring ganoong bagay! At kahit anong gawin mo ay hindi mo mababago ang katotohanan! At mananatili kang kaaway sa mga mata namin!” ang singhal ko at dito ay inipon ko ang enerhiya sa aking kamao at buong lakas kong sinapak ang kanyang harapan.
Iniharang niya ang kanyang tungkod sa aking pag-atake at lumikha ito ng malakas na impact na pagsabog!
Tumilapon ako at nawala sa balanse. Dito ay laking gulat ko noong biglang umangat ang aking katawan sa ere, para akong rocket lumipad pasibat doon. “Masarap bang lumipad Suyon? Sisiguraduhin kong madudurog ang katawan mo pagbagsak mo sa lupa! Ano ang leksyon? Dapat ay matuto kang lumipad! Kung sa bagay, ang 30% lakas mo ay hindi sapat para paangatin ang katawan mo sa ere!” ang sigaw ni Sato habang ako ay patuloy na umaangat sa madilim na alapaap, halos lumagpas na maitim na kalangitan at dito ay nakita ko ang libo libong tarangkahan ng mga halimaw na nagbabadyang lumapas.
Lahat sila ay nagwala noong makita akong sumisibat sa ere paitaas! Tumaas pa ang aking katawan hanggang sa halos makarating na ako linyang hangganan ng mundo.
Dito ay nagkaroon ako ng dalawang mabigat na bakal na enerhiya sa katawan. Inilagay ito ni Sato upang mabigatin ang aking timbang at mas mabilis akong bumagsak sa lupa!
Makalipas ang ilang sandali ay tuluyan akong nalaglag at bumulusok pabagsak!
MIGUEL POV
Pinaghilom ni Enchong ang aking mga sugat, hindi ko akalaing mapapasailalim ako ng isang bangungot mga bagay na ayokong mangyari sa amin ni Malik, iyon ang magbibigay ng malalang dipresyon sa akin kung nagkataon.
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay bigla na lang namuo ang matinding galit kay Suyon ay siya mismo ang nagtatakbo para sagupain ang kalaban. Gayon pa man ay nanatili pa rin si Sato kayang posisyon, lumabas muli ang mga mata sa kanyang pakpak, mukhang balak niya ulit patulugin si Suyon at bigyan ng mas malalang bangungot!
Nagliwanag ang mga mata sa pakpak ng kalaban indikasyon ng pag gagawad ng sumpa. Napapikit ng kaunti si Suyon at bumagal ang kanyang pagkilos gayon pa man ay hindi na niya pinayagang mapikit muli. Mabilis niya dinampot ang naka kalat ba punyal sa lupa at sinasaksak niya ang kanyang braso at hita upang makaramdam ng sakit!
“Iyan ang pinakamabisang paraan upang hindi makatulog, ang sugatan ang iyong sarili,” ang wika ni Enchong.
“Kaya ba ni Suyon? Mukhang medyo malayo ang kakayahan ng kalaban sa kanya, malayo ang antas ng kanilang kapangyarihan,” ang tugon ko naman.
“Hayaan nating ilabas at gawin ni Suyon ang kanyang makakaya, bigyan natin siya ng pagkakataong ilabas ang kanyang galit,” mahinahong tugon ni Enchong. Napaka kalmado ng kanyang pag iisip na parang isang mapayapang batis sa gitna ng kakahuyan.
Ilang sandali pa ay nag abot na sila Suyon at Sato, mabilis ang kanilang kilos, sumasabay sa hangin, sanggahan ng suntok, sipa at pisikal na pag-atake.
Maya maya ay naghiwalay ang dalawa, namuo ang malakas na enerhiya sa kamay ni Suyon, buong lakas niya itong ibinagsak kay Sato ngunit iniharang ng kanyang kalaban ang tungkod nito dahil para mag abot ang kanilang mga pwersa. Sa lakas ng impact ay bahagya kaming itinulak sa aming kinalalagyan. At noong sumabog ito ay tumilapon si Suyon sa ere.
Sa kanyang pagtilapon ay tila hindi pinayagan ng kanyang katunggali na masayad ang kanyang katawan sa lupa dahil laking gulat namin noong biglang umangat ang kanyang katawan sa ere at pinalipad sa pinakamataas na bahagi, nagliliwanag ang tungkod ni Sato, ito ang ginagamit niya upang paangatin ang katunggali sa pinakamataas na bahagi ng alapaap.
“Kailangan nating gumawa ng paraan! Nakakalipad ka ba?” ang tanong ko kay Enchong.
“Hindi saklaw ng aking kapangyarihan ang lumipad ngunit kaya kong ilagay ang aking lakas upang makabalanse sa ere at hindi bumulusok pababa ng mabilis. Kung ito ang gagawin ni Suyon ay maaari siyang makaligtas,” kalmadong sagot ni Ench.
“Kung ganoon ay nakahanda ako hilahin siya upang hindi tumama ang katawan niya sa lupa,” ang tugon ko at dito ay nagliwanag ang aking palad.
Dito ay pinagmasdan namin si Suyon kung paano itinulak ng malakas ng pwersa ni Sato sa ere, halos hindi na ito makita sa sobrang taas ng kanyang kinalalagyan. Noong makarating sa pinakarurok ay may lumabas na mga enerhiya animo mga bolang metal sa kanyang katawan. “Ano iyon?” ang tanong ko.
“Isang uri ng enerhiyang pampabigat, sisiguraduhin ni Sato na babagsak at tatama sa lupa ang katawan ni Suyon. Ang mga bola ng enerhiyang iyon ay mga espesyal na uri rin ng bomba. Kapag tumama sa lupa ang katawan ni Suyon ay tiyak na kusa siyang sasabog,” ang paliwanag ni Enchong.
“Masyadong malupit!” ang sagot ko naman at dito nga nagsimulang bumulusok pa bagsak ang katawan ni Suyon mula sa pinakamataas na parte ng kalangitan. Samantalang ako naman ay naghanda upang hilahin siya kung sakaling malapit na itong tumama sa lupa.
Patuloy na bumagsak ang katawan ni Suyon hanggang sa maging malapit na ito sa lupa, ilang dipa na lamang ang taas. Noong aktong hihilahin ko na siya pinigilan ako ni Enchong, “Sandali, tumaas ang lebel ng enerhiya ni Suyon,” ang wika nito at maya maya nga ay sumiklab ang itim na apoy sa paligid ng kanyang katawan , mula sa panget na hindi balanseng pagbagsak at nagsimulang bumalanse si Suyon hanggang sa tuluyan itong lumutang ere.
Nakapikit ito..
At noong imulat niya ang kanyang mga mata ay sumiklab ang malakas na enerhiya sa aming paligid at dito ay lumipad siya patungo kay Sato. “Iyan ang gusto ko!” ang sigaw ni Sato at sumiklab rin ang pulang liwanag sa kanyang katawan at saka muli silang nagsagupaan.
Makikialam sana ako ngunit pinigilan ako ni Enchong at sinabing “Ang labanang ito ay sa pagitan ni Sato at Suyon, sila ay magkaribal at sa tingin ko ay hindi nila magugustuhan kung tayo ay makikigulo pa. Ang tanging magagawa lamang natin sa ngayon ay sumuporta kay Suyon at siguraduhing siya ay ligtas.
Kumalma ako at pinanood ang dalawa sa paglalaban, para silang dalawang makapangyarihang ibon na magikaba ng kulay kung pagmamasdan dito. Si Suyon ay kulay itim at si Sato ay kulay pula, nagigiba ang buong paligid sa lakas ng kanilang mga pwersa.
Ang akala namin ay eto na ang pinaka “the best” na parte ng kanilang paglalaban hanggang sa naghiwalay silang dalawa ng dirkesyon at parehong tumayo sa mataas na parte ng nakausling mga bato.
Panandaliang tumahimik..
Maya maya ay biglang sumikba muli ang enerhiya sa kanilang katawan at mula sa kanilang kinatatayuan ay lumabas ang dalawang higanteng nilalang. Ang nasa tabi ni Sato ay isang knight na may suot na kalasag na ginto at pilak, mayroon itong mahabang espada at pakpak ng gintong anghel na napaka sagrado ang anyo bagamat hindi ito bagay sa kanya.
Samantalang lumabas naman sa likod ni Suyon ay ang isang higanteng nilalang rin na halos kasing laki ng knight ni Sato. Kung ilalarawan ko ang itsura ng higante sa tabi ni Suyon ay masasabi kong isa itong positibong “ONI SAMURAI” o bansang Hapon isa itong demonyo na malupit at mahilig pumatay ng kapwa mandirigma. Kapansin pansin ang manipis na samurai na gamit nito at ang kanyang maskara na parang isang evil.
Sa paglabas ng mga itintagong kapangyarihan nina Suyon at Sato ay mas sumiklab rin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Sa kanilang mga kumpas ay nagsimulang kumilos ng mabilis ang dalawang higante at noong mag abot sila sa gitna ay walang humpay na pagsabog ang naganap sa buong paligid.
Ang mga nakikita ng aking mga mata ngayon ay tila hindi talaga kapani-paniwala, nakakamangha ito na para akong nanonood ng isang international film na mataas ang budaget. Samantalang sa ibaba ay tuloy pa rin ang labanan nila Sato at Suyon na para bang ang lahat ay walang kapatusan.
Itutuloy..
Part 37: Para sa Sarili
Part 37: Para sa Sarili
SUYON POV
“Mukhang inabanduna ka na ni Lucerne, napagtanto na ba niya na hindi ka karapat dapat sa kanyang kapangyarihan?” tanong ni Sato habang walang ang pag atake nito sa akin. Sa kabilang dako naman ay patuloy pa rin sa sagupaan ang mga higanteng aming gabay.
“Si Lucerne ay gabay ni Naama, nagkataon lamang na nagtagpuan ko na ang aking sarili kapangyarihan at kakayahan kaya’t hindi na ako kailangan manghiram pa sa iba?!” ang sigaw ko at dito ay nagbago ang hugis ng itim apoy sa aking paligid at naging isa itong malaking ibon, lumipad ito sa kinaroroonan ni Sato at saka dinagit ang kanyang katawan. Dahilan para mawala siya sa balanse ngunit patuloy pa rin siyang lumalaban dito.
“Si Oni ay ang aking espiritung gabay, sa tingin ko ay mauunawaan na ni Lucerne kung bakit hindi ko na siya kailangan! Dahil si Lucerne ngayon ay gabay na ng aking anak at darating ang araw na siya rin ang mga mamana ng kapangyarihan namin ni Lucario bilang mag asawa! Mga bagay na sa bangungot mo lang nararanasan!” ang singhal ko sa kanya at dito ay nagpakawala pa ako ng maraming enerhiyang itim patungo sa kanyang dahilan para sumabog ito ng malalakas.
Samantalang sa kabilang parte ng lumapit ay nag eespadahan si Gnosis at Oni, ang kanilang lakas ay patas, ang sagradong baluti ni Gnosis ay matibay pa sa pinakamatibay na kasalag kaya’t kahit anong gawing pag atake ni Oni dito ay hindi siya natitinag. Gayon pa man ay taglay ng aking gabay ang lakas at bilis kaya’t sa isang iglap ay nagligabgab ang itom na apoy sa kanyang espada at muli itong umatake sa kalaban. Ang kanilang mga kilos ay parang mga mandirigmang eksperto sa pag gamit ng mga espada.
Samantang nagliwanag ang katawan ni Sato at sumabog ito kasama ang higanteng ibon ng enerhiya na aking nilikha. Sa lakas ng pwersang pinakawalan ni Sato sa kanyang katawan ay nawala ako sa balanse saka sumasadsad sa lupa. Maya maya ay nagliwanag ang kanyang tungkod at mula sa aking kinalalagyan ay sumibat ang isang pulang liwanag galing sa kanyang pag atake. Dahil wala akong ibang maatrasan noong mga sandaling iyon ay wala akong nagawa kundi ang saluhin at pigilan ang kanyang pag atake.
At iyon nga aking ginawa, sinalo ko ang enerhiya at sinubukan kong higupin ito ngunit sa laki ay parang napaka imposible. Gayon pa man ay napigilan ko ito at inihagis pa itaas.
Ilang saglit sumabog ito na parang nuclear weapon, nahawi ang ulam sa sobrang lakas ng impact. Umabot ang lakas nito sa aming kinalaglagyan kaya naman tumilapon ang aking katawan sa ere at hinigop paitaas ng malakas na pwersa. Mabuti na lamang at nakita ko si Miguel na tumatakbo, nagliwanag ang kanyang palad at saka hinila patungo sa kanilang kinalalagyan.
“Ayos ka lang ba?” tanong nito sa akin noong matagumpay niyang gawin ang kanyang technique ng paghila.
“Oo, sa tingin ko medyo nabali lang braso ko at medyo nasugutan lang ako,” ang sagot ko naman.
Natawa si Enchong, “medyo? Bali ang braso mo at ang dalawang daliri mo, bali rin ang dalawang tadyang mo sa close combat na ginawa niyo ni Sato, ang kanyang suntok ay may enerhiyang nagpepentrate sa kalasag ng ating katawan. Noong maglaban kami kanina ay ilang beses niya itong nagawa sa akin mabuti na lang at mabilis ko ring narerepair ang aking katawan sa ayos. Tadtad ka rin ng sugat sa buong katawan, ang iba dito ay malalim,” ang wika ni Enchong at dito hinawakan niya ang aking dibdib at saka nagliwanag ang kanyang kamay, gumapang ang liwanag sa aking katawan at unti unting nabuo ang aking mga butong nabali. Tunay na kahanga hanga ang kanyang kakayahan.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay isa nanaman enerhiyang pula ang sumibat sa aking harapan mula kay Sato kaya naman nagtatakbo si Miguel sa aming harapan, sinuntok niya ang lupa at dito ay umangat ang mga dambuhalang pader na harang, gawa sa ginto at dito tumama ang pag atake ng kalaban!
Malalakas ito at lumikha ng mga pagyanig, hindi lang itong isang beses ginawa ni Sato, pinaunlalan niya kami ng maraming enerhiya na tumama sa pader at haligi na ginawa ni Miguel.
Tuluyang nasawa ang buong paligid at kasabay nito ang pag tilapon ng higanteng gabay ni Suyon na si Oni, putol ang braso nito at nabitawan pa ang samurai sa kanyang kamay. “Mahina ang iyong gabay! Katulad mong mahina rin! Kung wala ang suporta ng mga kaibigan mo kanina ka pa patay!” ang sigaw ni Sato sa akin.
“Huwag mo siyang pansinin, kailangan mong mag focus upang mas mapabilis ang pagbuo ng iyong mga napansalang parte,” ang wika ni Enchong habang patuloy sa pag gamot sa akin. Samantalang si Oni naman ay iniharang ang kanyang katawan sa mga pader upang saluhin ang mga pag atake ni Sato sa amin.
“Hanggang kailangan kayo magtatago mga daga?!” ang sigaw ni Sato habang nagpapakawala ng mga bolang enerhiya.
“Ang isang ito ay talagang makapangyarihan, hindi siya nauubusan ng lakas!” ang wika ni Miguel habang pinipigilan ang pagkasira ng kanyang mga pader.
Tahimik.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla naming naramdaman ang isang nakakakilabot na enerhiya isang pamilyar na pwersang sumabog kung saan at nakarating hanggang dito sa amin. Ang pwersa ito ay kay Lucario, batid kong nakikipaglaban rin siya kung saan. “Si Lucario, iyon ang ang kanyang pwersa,” ang wika ko na may pag-alala.
“Huwag kang mag alala dahil magiging maayos rin ang lahat. Sa lakas ng enerhiyang pinakawalan niya ay hindi nakapagtatakang matatalo niya ang kalaban,” ang positibong salita ni Ench. Samantalang natawa naman si Sato, “Mukhang nahihirapan ng husto si Lucario, batid kong ang kalaban niya ay ang kanyant ninuno na si Atalante! Sa tingin ko nalalapit na ang kanyang malupit na katapusan!”
Ito yung eksenang pinasabog ni Lucario ang sarili niya gamit ang pinakamalakas na uri ng spirit bomb habang kalaban si Atalante. Ang kanyang malakas na enerhiya ay naramdaman ng lahat kabilang na sila Suyon at iba pa.
“Kung ayaw ninyong lumabas ay mas makabubuting pasabugin ko na lang kayong lahat sa loob ng pader na iyan!” ang sigaw ni Sato at lumapit siyang dalawa ng kanyang gabay na si Gnosis
Samanatalang makalipas naman ang ilang sandali ay tuluyang naghilom ang aking mga sugat. Ang mga nabali kong mga buto ay nabuo na rin at naging maayos muli ang aking pakiramdam. “Tingnan niyo ito,” ang wika ni Miguel at noong mapatingin kami sa itaas ay nakita nga namin si Sato na nagliliwanag ang buong katawan!
Namuo ang malalakas na awra sa katawan nina Sato at Gnosis, sa lakas nito ay halos bulagin na ang aming mga mata sa tinding liwagan. “Sa tingin ko ay masyado ng mahabang ang labanang ito, tapusin na rin natin upang makasunod ka na kay Lucario sa kabilang buhay!” ang sigaw ni Sato sabay taas sa kanyang staff na hawak. Hinigop nito ito si Gnosis na parang isang nagliliwanag na usok. Sa makatuwid ay pumasok ang espiritung gabay niya sa kanyang sandata.
Ninamnam ni Sato ang napakalakas na kapangyarihang bumabalot sa kanyang hanggang sa muli magkaroon ng pagbabago sa kanyang anyo. Ngayon ay binalutan siya sa putting armor na ganoon sa suot ni Gnosis, para sa kanya ito napunta, ang kanyang nagbago rin ang kanyang pakpak at naging aura lamang na hugis pakpak ng isang anghel. At ang kanyang tungkod na hawak ay nagbago rin ng anyo at naging isang malaking baril na ginto na kakaiba ang anyo. Ang baril ay may mahabang barrel at may malaking muzzle.
Si Sato ngayon ay parang isang anghel na nakalutangh sa kalangitan gamit ang pagpapala ni Gnosis na kanyang gabay. Hindi nag-aksaya ng oras ang kalaban, mukhang nasabik siyang gamitin ang kanyang bagong tuklas na lakas. Hiniwakan niya ang sagradong baril at bumuo ito ng isang malakas na enerhiya sa bibig nito. Kitang kita namin kung paano ito mag ipon at humigop ng lakas sa kanyang paligid.
Noong makaipon ng kinakailangan lakas ay kinalabit niya ang gatilyo nito at dito sumibat ang isang nagliliwanag nab ala, malaki ito at hindi ganoon sa mga ordinaryong bala lamang. Ito ay balot ng putting enerhiya na mabilis lumipad patungo sa akin.
Dito ay mas lalo lang sununtok ni Miguel ang lupa upang mas tumaas ang harang na pader sa aming paligid. Nagliwanag rin ang bibig ni Oni at dito bumuga ito ng malakas na enerhiyang animo laser upang pigilan ang balang parating.
Nagsalpukan ang dalawang enerhiya, isang itim na mula kay Oni at isang puti mula sa balang pinakawalan ni Sato, noong una ay halos patas naman ang labanan hanggang sa tumagos ang bala ni Sato at mawasak ang enerhiya ni Oni. Nagtutuloy ang bala sa aming kinalalagyan at mistulang isang suspended animation noong sumabog ito.
Kitang kita ko kung paano nabura si Oni na tinamaan ng bala, nagcrack rin at nabasag ang matibay na gintong harang na ginawa ni Miguel, gulat na gulat ito at hindi makapaniwalang nawasak ng ganoon na lang ang kanyang harang. “Imposible!” ang sigaw ni Miguel.
Bumagsak sa amin ang bala ni Sato at walang ano ano’y sumabog ito. Ikinumpas ni Enchong ang kanyang kamay upang protektahan ang aming katawan sa banta ng pagkawasak. Sa sobrang lakas ng enerhiya ay kami nitong burahin sa anumang iglap.
Ito na yata ang pinakamalakas na pag-atakeng naranasan ko, umangat ang aming mga katawan sa lupa dahil nadurog ang batuhan na aming kinalalagyan at saka tumilapon ang aming katawan sa iba’t ibang direksyon, kasabay nito ang tuluyang pagkawasak ng buong paligid.
Sumadsad ang aming katawan sa lupa, halos lahat kami ay duguan at nagtamo ng malalang pinsala. Natabunan ng lupa si Miguel kaya noong bumangon ito ay ubo ng ubo sabay buga ng buhangin sa loob ng kanyang bibig. Si Enchong naman ay natabunan ng mga gumuhong pader na lumipad dulot ng pagsabog. At ako naman ay nadagdagnan ng mga puno at lumipad na haligi.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay natawa si Sato na noon ay nakalutang sa aming itaas, “aba’t buhat pa pala kayo? Kung sa bagay iyan ay 50 porsiento pa lamang, ngayon ay ipapatikim ko sa inyong ang 100 porsiento ng aking kapangyarihan. Sisiguraduhin kong mabubura kayo sa mundong ito!” ang sigaw niya at muling nagliwanag ang kanyang hawak nab aril.
Bumangon si Enchong at nagliwanag ang kanyang buong katawan, “Hindi, hindi ako papayag na dito magtapos ang lahat. Lalaban pa rin ako!” ang wika nito kaya naman tumayo ako at tumabi sa kanya, ganoon rin siya Miguel na nagliwanag muli ang mga palad, “Sa tingin ko ay may natitira pa akong lakas, kaya ko pang sumuporta,” ang wika rin nito.
Ikinumpas ni Enchong ang kanyang kamay at dito muling umusok at nagsara ang aming mga sugat. Ngunit ngayon ay ang malalaking pinsala na lamang ang naghilom sa aming katawan. Gayon pa man ay ibinabalik dito ang aming nawalang enerhiya. “Kung wala ang healer sa inyong tabi ay baka kanina ko pa kayo binura sa mundong ito! Uunahin kita burahin manggagamot!” ang galit na sigaw niya sabay tutok ng baril sa direksyon ni Enchong.
“Sana marunong kayong kumilala sa mas malakas sa inyong lahat!” ang wika ni Sato habang patuloy sa pag iipon ng enerhiya sa kanyang sandata.
“Kung ganoon ay dapat kilalanin mo ako,” ang sagot ni Enchong sa kanyang habang nagliliwanag ang katawan nito.
“Kilala? Isa ka lamang hamak na manggagamot, ang lahi ninyo ay pinag eksperimentuhan lamang namin!” ang sagot niya.
“Kaya’t galit na galit sa iyo ang aming Diyos, dahil sa inyong kasalanan!“ang sagot ni Enchong.
“At sinong Diyos ang pinagsasasabi mo? Si Xandre lang ang magiging Diyos na sasambahin ng lahat!”
“Ang Diyos na sinasabi ko ay nandito sa aking pagkatao, ako ang kanyang dugo at laman, ako ang kanyang tagapagmana,” ang wika ni Enchong at nagliwanag ang kanyang kamay, dito ay umangat ang kanyang paa sa ere ay mula sa kanyang palad ay lumabas ang isang gintong liwanag na hugis pana. Mula naman sa kanyang likuran ay lumabas rin ang gintong liwanag animo pakpak ng isang anghel.
Humarap sa amin si Enchong, “Suyon, Miguel, kailangan ko ang inyong suporta,” ang wika nito at mula sa kanyang pana ay lumabas ang isang nagliliwanag na palaso.
Natawa si Sato, “hindi sapat ang lakas ng iyong palaso! Bala ang iyong kalaban at hindi sibat na kahoy!” ang pang iinsulto niya.
“Alam ko! Huwag mong maliitin ang kapangyarihan ni Kasiya!” ang tugon ni Enchong at mas nagliwanag pa ang palaso niyang hawak.
“Sabihin mo lang at nakahanda na ako,” ang bulong ko kay Enchong, namuo ang itim na enerhiya sa mga kamay at inipon ito.
Si Miguel naman ay parang kinakalkula ang lupa at tinitingnan ang direksyon kung saan niya gagawin ang kanyang pag atake. “Ayos, siguro ay pwede na ako dito,” ang wika nito na nakapwesto sa aming likuran at nakadampi ang palad sa lupa.
Tahimik
Sa pagbagsak ng malakas na kidlat mula sa kalangitan ay pinakawalan ni Sato ang isang dambuhalang puting enerhiya na hugis bala. Umiikot ito, gumuguhit na parang isang mapanirang kometa pabagsak sa lupa.
Huminga ng malalim si Enchong, nagligabgab ang awra sa kanyang katawan at walang anu ano ay pinakawalan niya ang palaso sa ere pasagupa sa balang atake ni Sato.
Ngayon ang banggaan ng dalawang malakas at makapangyarihang enerhiya ay nagsimula na. Gumuhit ang magkaibang kulay ng liwanag kalangitan, isang kulay puti at isang kulay ginto. Parehong sagrado kung pagmamasdan ngunit isa lang ang mananaig sa huli.
Ang mga lupa ay umangat sa ere, hinawi nito ang ulap at dito ay nakita rin namin ang daan daang tarangkahan sa itaas, mga halimaw na tuwang tuwa at nag aabang na sila ay makalabas.
Itutuloy..
Part 38: Masalimuot na Pagbagsak
Part 38: Masalimuot na Pagbagsak
SUYON POV
Ang atakeng ginawa nina Sato at Enchong ay mga kapangyarihang katumbas sa kakayahan ng isang Diyos, kitang kita ng aking dalawang mata kung paano magbago ng anyo ang kanilang mga pinakawalang kapangyarihan. Ang bala ni Sato ay naging kulay puting dragon na bumubuga ng puting enerhiya sa bibig. Samantalang namangha rin kami noong umikot ikot ang gintong palaso ni Enchong at nagkaroon ito ng pakpak, ilang sandali pa ay naging hugis phoenix ito at nakipag sagupaan ito sa kalabang dragon mula sa itaas.
Nagtulakan ang katawan enerhiya, sumasabog ang liwang sa alapaap,isang nakakamanghang pangyayari na halos ngayon ko lang nasilayan. Maya maya ay nakita kong nanaig ang dragon ni Sato, unti unti nitong nilingkis na animo ahas phoenix at saka ito kinain. Ang dragon ni Sato ay maihahalintulad kay Shenron ng anime na Dragon Ball Z, ngunit liwanag lamang ito.
Noong unti unti kainin ang phoenix na enerhiya ni Enchong ay wala akong nagawa kundi ang ipunin ang aking lakas mula sa malaking enerhiyang itim sa aking kamay. Halos ibinuhos ko sa enerhiyang ito ang aking lakas at noong makabuo ng sapat ay lumipad ako sa ere ng mabilis, ibinalibag ko ang bola ng enerhiyang ginawa ko sa phoenix na nilikha ng palaso ni Enchong.
Humalo ang aking itim na enerhiya sa gintong enerhiya nito at muling nabuhay ang enerhiyang ibon, mas lumaki ito at sumabog sa buong paligid, ang kanyang pakpak ay nagkaroon ng pinaghalong itim at gintong awra.
Muling nakipaglaban ang phoenix sa dragon at sa pagkakataong ito ay mas lumamang ang enerhiya sa aming panig. Hindi nagustuhan ni Sato ang aking ginawa kaya naman nagliwanag ang kanyang katawan at sumugod sa aking kinalalagyan habang ako ay nakalutang sa ere. “Pakialamera ka Suyon!! Sumpain kaaaaaa!” ang sigaw nito at noong ibabaril niya sa akin ang kanyang sandata ay nagliwanag ang katawan ni Miguel, sa isang suntok niya sa lupa ay umangat ang libo libong kadenang ginto na gumapos sa buong katawan ni Sato. Naka tugon sa lupa ang kadena at wala siyang magawa kundi ang mapahinto at piliting makawala.
Nasa ganoong posisyon siya ng pagkakagapos noong biglang sumabog ang dragong enerhiya na kanyang ginawa at dito ay lumipad sa kanyang harapan ang enerhiya ng ibong phoenix na nagliligabgab ng pinaghalong ginto at itim na awra ang kanya. Nagliwang ang mata nito at walang anu ano ay sumagupa ito sa katawan ni Sato at saka sumabog ng malakas!
“Kinain ng phoenix si Sato!” ang wika ni Miguel
Samatalang ako naman ay hinang hina at napaluhod na lang sa lupa. “Wala na akong lakas,” ang daing ko habang nakatanaw sa itaas at pinagmamasdan kung paano makipaglaban si Sato sa aming huling baraha.
Hindi nagpapatalo si Sato ngunit habang lumalaban siya ay mas lalo siyang sinusunog ng enerhiya ito hanggang sa mawasak ang kanyang kalasag at mapasadsad siya sa lupa. Nawasak rin ang kanyang tungkod na sandata hanggang sa hubad na katawan na lang ang matira sa kanya. Gayon pa man ay nagawa pa rin niyang talunin ang malakas na enerhiyang aming pinakawalan!
“Malakas talaga ang loko,” ang bulong ni Enchong habang umuusok ang kanyang katawan. Noong hawakan namin ito ay napaso kami.
“Anong nangyari sa katawan mo, bakit parang kumukulo ang iyong balat?” tanong ni Miguel sa kanya na may halong pagtataka na hindi mawari.
“Ako ang nag control sa ibong phoenix kanina, ang aking command ang kanyang sinusunod, sa makatuwid ay ako ang nakipaglaban sa dragong enerhiya at ako rin ang nakipaglaban kay Sato bago ko ito maitumba. Ang enerhiya ni Suyon ay binigyan ako ng kakaibang lakas upang makakilos at makagalaw ng mabuti, malaking tulong ang kanyang ginawang pagbabahagi ng kanyang kapangyarihan. At malaking tulong rin ang kadenang ginawa mo Miguel, napigilan mo siya sa pagkilos at nawasak ko ang kanyang mapanirang kalasag at espada. Ang pag usok ng aking katawan ay tada na naabot ko na rin ang aking limitasyon, kung magpapatuloy ang labanan ay hindi ko na kayang suportahan kayo ng sabay,” ang wika ni Enchong, at dito ay nakita ko ang maraming pinsala ng pagkasunog sa kanyang mga balat na kanyang pinapagalin.
Tahimik.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay bumangon si Sato sa kanyang pagkakabagsak sa lupa, marami na rin ang pinsala sa kanyang katawan, “Magbabayad kayong lahat! Papatayin ko kayooooo!” ang sigaw niya sabay buga ng isang malakas na pulang enerhiya, hindi ko akalaing may lakas pa siyang natitira.
Lumakad si Miguel sa aming harapan at siya na mismo ang pumigil sa enerhiyang ibinuga ni Sato, sa isang kumpas ng kamay ay itinulak niya ito pabalik sa kalaban dahilan para sa kanya sumabog ito. “Sato, maaaring malakas ka nga ngunit ang lahat ng ito ay may hangganan” ang wika ko sa kanya.
“Walang hangganan! Ang tanging hangganan ko lamang ay mapatay kayong lahat! Lalo na ikaw Suyon! Isa kang duwag at mahinang nilalang!” ang sigaw nito.
“Tama ka doon Sato, sa labanan nating dalawa ngayon ay ikaw ang nanalo, ikaw ang mas malakas at ikaw ang mas nanaig. Ngunit wala na dito ang aking isipan, sa ngayon ang nais ko lang ay mabuhay para sa aking anak dahil masyado pa siyang bata para mawalan ng magulang kaya’t sumumpa kami ni Lucario na uuwi sa kanya at gagabayan siya sa kanyang paglaki. Sato, hindi mo na kailangan pang patunayan na ikaw ang pinakamalakas dahil aminado ako na ikaw ang nanalo sa ikalawang labanan nating ito,” ang seryoso kong sagot sa kanya.
“Kung ako ang nanalo, dapat ay mamatay ka na ngayon SUYON!!” ang sigaw niya at muli itong tumakbo patungo sa amin ngunit habang nasa ganoong pagtakbo siya ay biglang sumulpot ang imahe ng isang lalaki sa kanyang harapan.
“Sino iyan? Bagong kalaban?” tanong ni Miguel habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harapan ni Suyon suot nag itim na damit na may burdang ginto.
“Ang mukhang iyon ay hindi ko malilimot, iyan si XANDRE DEL VIURI!” ang sagot ni Enchong.
“Xandre, ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Sato sa kanya.
“Sato, nalulungkot ako na makita ka sa ganitong kalagayan ng pagkagapi, napaisip tuloy ako kung sapat ang kapangyarihan ng binhi na iginawad ko sa iyo,” ang wika niya sabay lapit kay Sato at hinaplos ang mukha nito.
“Xandre, kailangan ko pang lumaban! Bigyan mo pa ako ng kapangyarihan,” ang wika ni Sato pero natawa lang si Xandre, “Nagnais kang maging isang Diyos noon ngunit nabigo ka. Kaya naman ngayon ay sisiguraduhin kong hindi ako mabibigo. Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong kasama pa rin kita sa aking tagumpay,” ang wika niya habang nakangiti.
“Kailangan ko ng karagdagang kapangyarihan upang matalo ang kalaban,” ang wika niya pero sa halip na sumagot ay itinayo siya ni Xandre at bigla na lang dinukot ang kanyang dibdib!
Nanlaki ang mga mata ni Sato at nabigla ito. Nagliwanag ang mga kamay niya at sinubukang itulak si Xandre na noon ay napasok ang brasong nagliliwanag sa kanyang dibdib.
Hindi natinag si Xandre sa kanyang pagkakatulak! Bagkus ay niyakap pa nito si Sato at saka nagwika, “huwag kang mag-alala, kasama pa rin kita sa pamamagitan nito,” ang wika niya sabay kulay ng pulang liwanag sa katawan ni Sato.
“Walanghiya ka Xandre, ibalik mo sa akin ang kapangyarihan ko!” ang sigaw nito at sumugod siya kay Xandre.
“Ang iyong kapangyarihan ay isang magandang ala-ala, Sato,” ang wika niya habang nakangisi.
“Hindi pa ba sapat lahat ng paglilingkod at pagbibigay ko ng aking sarili sa iyo?” ang tanong niya.
“Ang mga bagay na iyon ay hindi ko hiningi dahil kusang loob mo itong ibinigay sa akin. Huwag kang mag-alala dahil maaari mong baunin ang mga ala-alang iyon sa iyong paglisan,” ang wika niya sabay subo sa enerhiya ni Sato, nakita namin ang pulang liwanag na nanulay sa kanyang katawan.
“Walang hiya ka katalga! Sana ay hindi kita pinagkatiwalaan!” ang sigaw niya.
“Sayang naman kung mamamatay ka lang diba? Ako na muna ang bahala kay Gnosis, kailangan ko siya sa aking pakikipaglaban. At ikaw naman Sato, sana ay naging masaya ka sa piling ko, hindi ko makakalimutan ang lahat ng maiinit na tagpong ating pinagsamahan,” ang wika niya at nagliwanag ang kanyang kamay saka pinasabog si Sato sa kanyang kinalalagyan!
Kitang kita ng aming dalawang mata kung paano tupukin si Sato ng enerhiya mula kay Xandre, halos walang nagawa ito upang ipaglaban ang kanyang sariling buhay!
Ganoon kabilis ang mga pangyayaring hindi namin lubos na inaasahan!
Gulat na gulat kami!
“Ubod ng sama si Xandre, hindi ko akalaing gagawin niya ito kay Sato,” ang bulong habang pinagpapawisan ng malamig dahil sa kaba, hindi ko inaasahan na mabubura sa ere si Sato ng ganoon kadali.
Tahimik.
Napansin ko si Enchong na nakatayo lang sa aming harapan, maya maya ay nag wika ito, “Kinuha ni Xandre si Gnosis sa katawan ni Sato, masama ito at ngayon pa lang ay hindi na ako makagalaw. Mas malakas siya ngayon kaysa sa huling beses na naglaban kami,” ang wika nito.
“May lakas pa ba tayo upang labanan ang isang ito?” tanong ni Miguel.
“Wala, sa tingin ko ay kahit may lakas pa tayo ay hindi na natin ito kakayanin, ang pinakamagandang gawin ay buksan ang Instant Transportation ball, kailangan nating bumalik sa Kailun, hindi ito ang tamang oras upang harapin siya,” ang wika ni Enchong kaya naman agad kinuha ni Miguel ang instant transportation ball at pinindot.
“Kung gayon ay umalis na tayo, ang portal ay magbubukas saloob ng isang minuto,” ang wika ni Miguel.
“Kung ganoon ay dapat makatagal tayo ng isang minuto,” ang wika ni Enchong at dito ay nagsimulang magliwanag ang kanyang kamay.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namangh pagharap ni Xandre sa aming kinalalagyan, “Hmmm, mukhang nais niyo na yatang umalis? Hindi ba’t mas maganda kung pakikipaglaro muna kayo sa akin,” ang wika niya habang nakangiti, maya maya lumanghap ito sa hangin at mas lalong nanabik, “Naaamoy ko ang dugo ni Kasiya, ang Diyos ng mga healer. Kumusta ka na?” ang tanong niya sa akin.
Hindi ako kumibo, nakiramdam lamang ako sa kanyang sunod ng gagawin!
“Paano kung sabihin kong walang aalis sa lugar na ito? Ayos lang ba sa inyo?” ang tanong ng kalaban.
“Ang katulad mong napakasamang nilalang ay hindi dapat sinasamahan!” ang sagot ni Enchong.
“Kung gayon ay nais ko lang rin sabihin na baka ito na rin ang inyong magiging libingan!” ang sigaw niya at mula sa kanyang palad ay lumabas ang isang kulay lilang liwanag!
Sumibat ang napakalakas na liwanag sa amking kinauupuan sa lakas nito ay halos madudurog at nagkakapira piraso.
“Ilang segundo pa?” ang tanong ni Enchong kay Miguel.
“20 seconds bago bumukas ang portal!” ang sagot ni Miguel at noong marinig iyon ni Enchong ay nagliwanag ang kanyang buong katawan at lumikha siya ng isang gintong barrier para pumigil sa malakas na atake ni Xandre!
Makalipas ang ilang saglit ay tumama sa gintong barrier na ginawa ni Enchong ang malakas na pwersang pinakawalan ni Xandre. Dahil sa lakas ay naduro ang lupang aming tinatapakan! Habang si Enchong naman ay nagliliwanag ang kamay dahil siya mismo ang pumipigil sa pwersa ng malupit na kalaban. Kitang kita ko ang hirap niya sa pag salo nito.
“Limang segudo!” ang sigaw ni Miguel samantalang tinulungan ko si Enchong sa pagharang ng pwersa n I Xandre, sumasabog ang buong paligid at talagang nasisira na ang buong demensiyon na nilikha ni Sato.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay nagbukas ang portal at dito ay inutusan kami ni Enchong na pumasok, agad namin itong ginawa ngunit siyempre hindi namin siya maaaring iwanan kaya naman mabilis pa sa kidlat na hinila ni Miguel ang kanyang katawan papasok sa portal at ang buong paligid ay sumabog at nagliwanag.
Agad kaming hinigop ng portal pabalik sa Kailun, mabuti na lamang at agad naramdaman ng mga kawal na blood sucker ang aming prinsensiya, agad kaming pinuntahan ng mga ito at tinulungan. Kaming tatlo ay hinang hina at nawalan ng lakas, si Enchong ay duguan at walang malay, makikita rin sa kanyang braso ang napakalaking pagkasunog dulot ng pagpigil sa kapangyarihan ni Xandre.
Gayon pa man kami ay nakaligtas at binigyan pa ng isang araw para mabuhay.
Itutuloy.
Part 39: Blood Eater
Part 39: Blood Eater
ROUEN POV
“Papa! Nasaan ka?” ang pagtawag ko habang nakasalampak sa isang madilim na lugar. Hindi ko lubos maisip kung paano kami napunta dito basta ang alam ko lang ay naglalakad kami ni Papa palabas sa templo ni Agapito noong bigla na lamang magbago an gaming dinaraanan. Para itong isang uri ng portal na hindi gumagamit ng worm hole, o maaari rin kaya na yun mismong daan palabas ang ginawang portal upang maging patibong.
“Eto ko sa ilalim! Pwede ba umalis ka dyan, kailangan ba talaga naka upo ka sa likod ko?” ang reklamo ni papa habang nakadapa sa lupa.
“Sorry pa, nasaan ba tayo?” ang tanong ko sabay alis sa pagkakaupo ko sa kanyang likuran.
“Aba hindi ko alam, ikaw yung matalino dahil nagmana ka sa papa Enchong mo, dapat ikaw ang mas higit na nakakaalam ng mga bagay bagay sa ating dalawa, after all isa lang naman ako gwapo at super hot na hari ng Blood Sucker Kingdom na tatay mo,” ang hirit ni papa, umandar na naman ang kahanginan niya na hindi akmang ibato sa ganitong pagkakatao.
“Hindi ko sigurado kung nasaan tayo dahil masyadong madilim,” ang wika ko naman at habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang sumindi ang liwanag sa paligid. Dito ay natagpuan namin ang aming sarili sa isang maluwang at malaking arena na mayroong mga rehas sa paligid.
“Ano ba ito? Ang laking arena naman nito, bakit parang gladiator ang datingan?” ang tanong ko naman at sa labas ng mga rehas ay maraming mga taong nanonood na para bang ang iba ay nagpupustahan pa na hindi mo malaman.
At sa loob ng arena ay makikitang marami pang mga tao ang nakagapos sa sulok sulok, para bang inipon kami sa isang malaking lugar na ito, “Ang lahat ay mga blood sucker galing sa iba’t ibang mga lupain, ano kaya ang kailangan nila sa atin?” ang tanong ni papa
“Mga bagong salta ba kayo? Siguro ay nahulog kayo mula sa itaas, lahat ng nahuhulog na blood sucker ay dito bumabagsak sa arena na para bang dito talaga tayo balak tapusin,” ang wika ng isang lalaking nakagapos sa aming tabi.
“Kung ganoon lahat tayo dito ay kumpirmadong mga blood sucker? Anong gagawin nila sa atin?” ang tanong ko naman na may halong pagkalito.
“Pangalawang araw ko na ito dito sa arena, kahapon ako dumating dito at nakasurvive ako ng isang araw na labanan. Ang malaking arenang ito ay isang battle field na ang lahat ng pinapatay at pinaglalaruan ay ang ating mga lahi. Ang diyos sa mundong ito o sa lupaing ito ay malaki ang galit sa mga blood sucker kaya’t tayo ang inaambush nila para dalhin dito,” ang wika niya sabay pakilala sa amin, “Ako si Henry at mula ako sa lupain ng Pigar.”
“Hindi ko pa narinig ang lupaing iyan, ako si Rael at siya ang aking anak na si Rouen, kung nandito tayo sa arenang ito ay sino ang ating kalaban?” ang tanong ni papa.
“Ang mga kalaban ay ang mga hybrid na nilalang, sila ang mga itanatawag na “BLOOD EATER”, mga nilalang na anyong tao ngunit kasing bilis at kasing lalakas sila ng mga blood sucker at tayo ang paborito nilang kainin. Kahapon ay dumating ako dito na halos nasa 200 ang bilang naming mga bihag, ngayon ay halos nasa 120 na lang tayo kasama na kayong mga bagong dating,“ ang sagot niya.
Habang nasa ganoong pag-uusap kami ay pumasok naman na ang isang lalaking nakausot ng pang pari, hawak ang kanyang bibliya at bendisyon. Nagtungo ito sa gitna ng arena at ang lahat ay natahimik. “Nawa ay maging masagana at masaya ang ating palaro ngayong araw na ito. At sana ay magdulot sa atin ng walang hanggang kasiyahan ang pagdalak ng dugo ng mga isinusumpa nating nilalang, ang mga blood sucker. Ang lahat ng ito ay hinihiling ko sa matamis na pangalan ng lumikha. AMEN!” ang wika niya sabay wisik ng bendisyon sa buong arena.
“Pari ba talaga iyan? Bakit ganyan ang mga pinagsasasabi? Parang may sira sa ulo!” ang bulong ni Rael.
“Iyan ang paring si Muzngi, isang blood sucker hunter, tiyak na siya ang may kakagawan kaya’t nandito tayo ngayon,” ang sagot ni Henry.
Tahimik.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang bumukas ang gitna ng malaking arena at dito ay lumabas ang mga taong mga putla ang katawan na parang mga walang dugong dumadaloy, nakikita ang mga ugat sa kanilang mga balat at ang mga mata ay mapupula. May mga numero ang bawat lumabas dito, mula sa number 1 at ang pinakamataas na aking nakita ay number 89. “Ganyan karami? Sila na ba ang blood eater?” ang tanong ni papa.
“Oo at kung ako sa inyo ay simulan niyo ng alisin ang mga tanikalang nakagapos sa iyong mga kamay bago pa kayo lapain ng mga iyan!” ang wika ni Henry at dito ay isinundot niya ng pako ang lock ng tanikalang na gapos sa kanyang braso. At noong mapalingon ako sa lahat ay halos lahat sila ay nagkukumahog upang alisin ang nakagapos sa kanilang mga kamay.
Maya maya ay tumunog ang bell hudyat ng pagsisimula ng labanan. Dito ay lumundag ang mga eater sa mga blood sucker sa mga paligid, may ilang nakawala at nakalaban sa mga ito dahilan para magpalakpakan at maghiyawan ang mga tao sa sobrang excitement. Dito ay nakita ko rin si Henry na ang labas ng dalawang patalim sa kanyang bulsa at sinagupa ang mga eater na palapit sa kanya. “Kailangan nating makaligtas at mabuhay pa ng isang araw, kumilos na kayo!” ang sigaw niya.
Napatingin sa akin si papa at dito ay isang pitik lang ay nasira na niya ang nakagapos ng tanikala sa kanya, gayon rin ang aking ginawa, madali ko naman itong napigtas. At noong may lumundag na eater sa aking harapan ay isang malakas na suntok paitaas ang ginawad ko dito dahilan para lumipad ito sa ere at bumagsak sa labas ng arena.
Nagulat ang mga tao at naghiyawan..
Si papa naman ay pinipitik lang ang mga lumalapit sa kanya dahilan para umagaw ito ng eksena. Sa arenang ito ay madaming makikita kung sino ang blood sucker na mandirigma at may kakayahan sa pakikipaglaban sa blood sucker na walang alam.
Namamatay ang mga blood sucker na mahihina, lahat sila ay kinakain ng mga eater at halos piyesta piyesta ang mga ito sa kabilang sulok ng arena kung saan halos kaunting mga blood sucker na lamang ang buhay at ang karamihan ay mga nakain na, wakwak ang katawan at umaagos ang dugo kahit sana.
“Mula sa 120 na blood sucker ay 50 na lamang tayong buhay, ang iba ay may sugat na at malalalim ang mga tama,” ang wika ni Henry sabay saksak sa ulo ng eater na sumugod sa kanya. Mapapansin na halos naipon ang may alam sa pakikilaban sa aming sulok kaya’t ang ilan sa amin ay nabuhay pa.
Maya maya ay may dalawang mabilis na eater nag lumundag sa itaas ni Henry kaya naman lumundag ako at tinadyakan ito pabangag sa ibaba, tumama ang katawan nito at gayon rin ang aking binti sa arena dahilan magiba at ito at mag-crack.
Shock ang lahat, hindi sila makapaniwala na gagawa ko ang ganitong bagay, samantalang si papa naman ay nakaupo lang sa itaas ng tarangkahan at bored na bored na nakamasid sa amin. Alam ko naman na walang interest si papa kung ganito lang kagugulo ang mga kalaban.
“Paano mo nagagawa ang ganyang bagay?” tanong ni Henry sa akin na may pagtataka
“Ha, ah e, ano, kaunting magic lang,” ang sagot ko naman sabay suntok sa isang eater na palapit sa amin dahilan para tumilapon ito sa malayo.
“Eh yung papa mo? Bakit nandoon lang siya sa itaas ng rehas at nakaupo? Hindi ba siya natatakot sa mga eater?” pagtataka pa nito.
“Believe me, yung mga eater ang matatakot sa kanya once na tumira ito. Hayaan na natin siya doon sa itaas,” ang sagot ko naman.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay nakita naming nagtatakbubahan ang mga eater na parang mababangis at maliliksing hayop patungo sa aming side. Dahil nalimas at nakain na nila ang kabilang gilid ngayon ay dito naman sila sa aming gawi. Ang ibang mga blood sucker ay sanay at marunong makipaglabanan, ang iba ay napangunahan ng takot bagamat nakahanda parin silang depensahan ang kanilang buhay.
“Kung matatalo ba natin ang lahat ng ito ay makakalabas na tayo sa arenang ito?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko alam, ngunit katulad ng sinasabi ko sa inyo ay pangalawang gabi ko na ito. Baka wala silang balak na pakalawan tayo hanggang hindi tayo namamatay,” ang wika ni Henry.
Sa isang iglap ay sumugod sa amin ang mga blood eater. Para silang mga gutom na gutom pa rin bagamat kanina pa sila kumakain. Ang estilo ng kanilang kain ay walang pinagkain sa normal na bampira, lulundagin at saka kakagatin sa leeg. Sa arenang ito, ang nagiging prey ay ang mga blood sucker na kahit lumaban ay wala pa ring nagagawa.
Noong palapit na sa akin ang tatlong eater ay nagliwanag ang aking kamao at pinagsusuntok ko ang mga ito dahilan parang mabura ang mga katawan nila sa ere. At dahil kaunti na lang kaming natitira ay nagdesisyon ako tapusin na rin ang iba pang eater sa arena, inilabas ko ang espesyal capsule sa aking bulsa at dito ay lumabas ang dalawang espada, ito ang ginamit ko upang ubusin ang mga kalaban sa loob ng isang minuto.
Natahimik ang lahat..
Ito yata ang unang pagkakataon na nanalo ang isang blood sucker sa arena. At noong maubos ang mga kalaban ay muling pumasok ang mga kawal at dinala kami sa gilid ng selda para itali. Hindi muna kami kumibo ni papa, hindi kami lumaban o nagpumiglas, gusto lang naming obserbahan kung ano ang susunod mangyayari sa arenang ito.
Namatay ulit ang ilaw, mabuti na lamang, kaming mga blood sucker ay hindi basta basta nauuhaw o nagugutom. Sa tingin ko ay tatagal pa kami ng mga dalawang araw pa kahit walang laman ang aming tiyan. “Kung sakaling magkagutuman ay kakain ako ng tao sa audience, ang mga katulad nila ay dapat pinapatay,” ang wika ni papa.
“Sa akin mo na ibalato ang pari, ako ang papatay sa kanya,” ang sagot ko naman.
“Mabuti pa ay ireserved niyo na lang ang lakas niyo para sa susunod na labanan,” ang wika ni Henry.
“Tsk, kayang kaya kong wasakin ang buong arenang ito,” ang hirit ni papa.
“Marami pa palang mga blood sucker sa iba’t ibang lupain,” ang namamangha kong wika.
“Ang mga blood sucker ay naka kalat sa iba’t ibang lupain, sila yung mga umalis sa Kailun upang mamuhay ng malayo sa batas ng hari,” ang wika ni papa.
“Kung ganoon ay talaga Kailun pala kayo, balita ko ay mahigpit ang hari niyo doon? Kung sakaling mabuhay pa tayo ay huwag na kayo umuwi sa Kailun, doon na lamang kayo sa aming lupain, malaya ang mga blood sucker doon,” ang wika ni Henry.
“Paanong malaya?” tanong ko naman.
“Malaya, walang batas, maaari kang mag asawa ng normal na tao, o kaya ay maaari kang mambiktima ng tao na may sariwang dugo pag gusto mo, sa Kailun ay pinagbabawal ang mga ganoong bagay, wala kasing kwenta ang hari doon,” ang wika ni Henry.
“Ah ganoon? Paano kapag sinabi ko sa iyo na ako ang Hari doon? Anong gagawin mo?” tanong ni Rael.
Natawa si Henry, “huwag kang mag alala pare, hindi naman ako naniniwala na ikaw ang hari doon,” ang sagot niya.
“Makikita mo, at kapag nakaalis ako dito ay papaputulan ko ng ulo ang lahat ng blood sucker sa lupain niyo,” ang wika ni papa.
Natawa ako, “Si papa ang Hari ng Blood Sucker Kingdom sa Kailun, hindi siya nagbibiro,” ang wika ko dahilan para matahimik si Henry.
“Nagbibiro lang naman, alam ko naman na isa kang hari at malakas na mandirigma,” ang pagbawi nito
“Bugok!” ang sagot ni Rael sa kanya.
Ang arena ay hindi nasisikatan ng araw, madilim dito at wala kaming makita maliban sa malabong imahe. Ito ay isang uri ng staduim na ginawa upang paglaruan ang mga blood sucker, upang patayin at gawin entertainment. Mga bagay na malupit at hindi dapat pinapatawad.
Makalipas ang ilang oras na pahinga ay muling tumunog ang mga alarm sa buong arena, at noong isa isang sumindi ang ilaw ay laking gulat namin noong may bagong blood sucker na nakatali sa mga sulok. Kung kahapon ay 30 lamang kaming natira, ngayon ay bumalik na naman kami sa isang daang mahigit. “Paulit ulit lamang ang nangyayari, pagkatapos ng labanan ay mamamatay ang liwanag at dito maglalagay sila ng mga bagong blood sucker na recruit, may mga babae, may matatanda, may mga batang teen ager, lahat ay natatakot, ang ilan sa kanilang namumuhay lang ng tahimik at dinadakip na parang mga hayop para patayin dito sa loob ng arena,” ang wika ni Henry.
“Malupit, masyadong malupit ang ginagawa nila,” ang bulong ko.
Noong mga sandaling iyon ay halo halong emosyon ang aking naramdaman, ang arenang ito ay ginawa para bawasan ang aming lahi. Hindi ko akalain may nag eexist na ganito sa isang malayong lupain.
Tahimik.
Habang nasa ganoong pagmamasid ako ay napako ang aking tingin sa pari na si Muzngi na noon ay nakatayo sa harap ng rehas at pinagmamasdan ang mga bagong bihag na blood sucker, sa lahat ng mga nilalang dito ay silang dalawa ni papa ang may malakas na pwersa na kahit itago nila ay sumisiklab pa rin. Ang pari ay hindi ordinaryo, ramdam ko sa kanyang galit na hindi maipaliwanag.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay marahan ko kinuha ang bola ng instant transportation ball at pinindot ito upang manghingi ng tulong, bagamat alam ko naman na kaya namin ito papa, mainam na yung may makatulong kami dahil batid kong marami pang mga kalaban sa paligid.
Ipinakita senaryo ang kabuuang luwang ng arena at gayon rin ang mga bihag na blood sucker na nakatali sa mga rehas. At ipinakita rin ang pinaka underground nito kung saan nakahimlay ang libo libong blood eater na nag aabang mabuksan ang butas sa itaas ng arena at sila ay tuluyang makalabas upang makakain.
Itutuloy.
Part 40: Ang Mundo ni Muzngi
Part 40: Ang Mundo ni Muzngi
ROUEN POV
Bumukas ang pinatuan arena at dito ay muling pumasok ang pari ng lupain na si Muzngi. Katulad kahapon ay pumunta ito sa gitna ng arena at saka nagsalita, hawak pa rin ang kanyang agua bendita at saka ang kanyang aklat na banal. “Ayan na naman yung paring baliw!” ang wika ni Henry.
“Malakas ang isang ito,” ang bulong ni papa sa akin.
“Kahapon ko pa siya napapansin papa, mukha may kinalaman ang paring iyan, kung bakit nandito tayo,” ang bulong ko naman.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay hinawakan ng pari ang mikropono at muling nagsalita. “Ngayon ay nakikita na natin ang liwanag ng hustisya. Ang ating bagong panginoon na si Xandre ay ibibigay sa atin ang ating kahiligan at iyon ay ang burahin ang mga blood sucker sa ating landas. At ngayon ay napakaswerte natin dahil kasama natin ang napaka espesyal na panauhin. Dahil nandito ngayon sa ating arena ang hari at prinsipe ng Blood Sucker Kingdom. Sina Haring Rael at Prinsipe Rouen, siguro naman ay hindi na kayo nagtaka sa kanilang lakas dahil ang mga nauupong pinuno ng blood sucker kingdom sa Kailun ay talagang may angking lakas, ang tanong ay kung hanggang kailan nila kakayanin ang ating mga blood eater? Kaya naman mula sa aming lahat dito ay naming magpasalamat sa inyong pagdating, Mahal na Hari at Mahal na Prinsipe!” ang wika nito at ang lahat ay naghiyawan na may kasamang galit at poot!
“Patayin! Patayin ang mga iyan!!” ang sigaw ng mga tao sa labas!
“Mga baliw!” ang sigaw ni papa na parang bata.
“Talaga bang tatay mo iyan?” tanong ni Henry.
“Oo, mahabang kwento,” ang wika ko naman, alangan namang ipaliwanag ko pa sa kanya na galing ako sa future at ang Rouen na anak nina papa ay bata pa lang.
“Kasi para lang kayong magkapatid,” ang wika nito, “totoo nga pa lang dugong bughaw kayong dalawa at mukhang galit na galit sa inyo yung Pari.”
“Wala akong pakialam sa kanya, basta isa lang ang sigurado, pagkatapos kong durugin ang lahat ng mga nasa arenang ito ay isusunod ko lahat ng mga baliw na taong iyan sa paligid lalo na yung pari na parating nangangaral sa kanila!” gigil na wika ni papa.
Maya maya humarap sa amin ang pari, “sana ay mag enjoy kayo sa inyong pakikipaglaban!” ang wika nito sabay labas sa arena. “Music maestro!” ang sigaw nito.
At noong makalabas siya ay tumugtog ang isang musika bilang background music sa madugong labanang magaganap. Ang musika ay may pamagat na Mozart Requiem. Nakaka kilabot at nakakapanghina ng tuhod kung iyong pakikinggang mabuti.
Ilang sandali pa ay bumukas ang gitna ng arena at dito ay umangat ang mas maraming blood eater, mas marami kaysa kahapon na ikinagulat ni Henry. “Tang ina, mas marami ngayon! Mas dumoble ang kanilang bilang!” ang wika nito na may halong takot.
“Lahat kayo, pagsikapan ninyong iligtas ang mga babae at kabataan sa kabilang sulok. Kami na ni Rouen ang bahala sa kanila,” ang wika ni papa sabay baklas ng kadena sa kanyang mga braso, at ganoon rin ang ginawa ko.
Kasabay ng dumadagundong na kanta ay ang pagsugod ng mga blood eater. Ang lahat ay mabibilis kumilos, parang mga mababangis na hayop, parang mga mababangis na zombie sa pelikula!
Dahil sa gigil ay nahati sa maliliit na paniki ang katawan ni papa at siya mismo ang sumagupa sa mga kalaban. Samantalang ako naman ay nagtatakbo ng mabilis upang tulungan ang mga walang laban na blood sucker sa bawat sulok ng arena. Ako ang nagsilbing cover nila Henry at ng iba pa.
Sa gitna ng arena ay nakita ko si papa, lumundag ito sa ere at ginawaran ng malakas na suntok ang arena dahilan para magiba ito, literal na magiba!
Gulat na gulat ang lahat, parang binagsakan ng malaking kometa ang malawak na entablado ng labanan! Yumanig at ang mga blood eater nagkagulo dahil sa lakas ng impact.
Samantalang gulat na gulat naman ang mga audience, lahat sila ay nasindak sa lakas ni papa. “Ganyan pala kalakas ang papa mo?” ang tanong ni Henry.
“Oo ang lahat ng hari ng mga blood sucker ay malalakas,” ang wika ko sabay lundag sa isang blood eater at sinuntok ko ito pabaon sa lupa dahilan para mag crack ang buong paligid at mag iwan ng malaking crater o butas ang aking kamao. “Malakas ka rin pala? Hanep para kayong si Tsunade at Sakura ng Naruto,” ang biro nito.
“Doon ako pinaglihi ng parents ko!” ang hirit ko naman at isang malakas na suntok pa sa makapal na pader ang aking ginawa dahilan para magiba ito. “Nandito ang exit! Dito kayo dumaan para makatakas!” ang sigaw ko.
Sa gitna ng arena ay nandito pa rin si Papa, tuwang tuwa ito sa pag pikit at pag sipa sa mga eater na kalaban. “Wala na bang iba? Ang maganda siguro ay pumasok ka na dito, huwad na pari! Pagbabayaran mo na dinala mo kami dito!” ang sigaw ni Rael sabay pugot sa ulo ng kalaban at inihagis ito sa lugar kung saan naroroon ang pari bilang paghahamon.
“Lumabas na kayo, bilisan niyo!” ang sigaw ko sa mga bihag na blood sucker habang hinaharangan ang mga kalaban upang makaraan ng maayos ang aming mga kalahi sa butas na aking ginawa. Habang nasa ganoong posisyon kami ay mas marami pang mga blood eater ang lumabas sa arena at ngayon ay hindi na halos mapigilan ang kanilang bilang. Sa isang iglap ay nasira ang palaro o kung ano pa man ang tawag dito ng mga baliw na tao sa paligid! Dapat lang wakasan na ang kanilang pagiging hangal bago pa ito lumala.
Maya maya ay bumagsak si papa sa aking tabi. “Masyado ng madami ang mga kalaban sa tingin ko dapat lumabas na tayo sa arenang ito, nasaan ang ibang blood sucker?” tanong niya sa akin.
“Tumakas na papa, sila Henry at iba pa ang bahala sa kanila. Iyon nga lang ay hahabulin at hahabulin sila ng mga blood eater dahil ang ating dugo ang pinakamabango sa kanilang pang amoy,” ang wika ko sabay suntok at sipa sa mga kalabang parating.
Sa pagkawala namin sa arena ay nagkagulo ang mga tao sa paligid lahat sila ay nagtakbuhan dahil ang ilang mga blood eater ay kumakain rin ng mga tao depende sa bango ng dugo ng mga ito kaya naman napuno ng pagpapanic ang lahat!
Habang nasa ganoong posisyon kami ay muli pang bumukas ang pintuan ng sirang arena at dito ay mas marami pang mga blood eater ang lumabas na parang mga zombie sa pelikula, lahat ay tumutulo ang laway, nanlilisik ang mga mata at halatang mga gutom na gutom. Sa pagkakataong ito ay hindi na namin mabilang pa ang kanilang mga hukbo.
“Tsk, isang tao lang may kagagawan nito at iyon ang pari na iyon!” ang wika ko sabay turo sa pari na katayo lang sa di kalayuan at nanonood sa kaguluhan sa kanyang paligid.
“Pa, sa tingin ko ay imposible pang makalapit sa kanya dahil sa dami ng kanyang mga hukbo,” ang wilka ko naman at dito nga ay nagsimula ng sumugod sa amin ang mga blood eater, ang iba sa kanila ay lumundag sa ere upang atakihin kami.
Naghanda kami ni papa, nagliwanag aming kamao.
At habang nasa ganoong posisyon kami ay laking gulat namin noong magkahiwa hiwa ang katawan ng mga blood eater na lumundag ere, pinagputol putol ang kanilang katawan. Nagtaka kami ni papa kung sino ang gumawa nito at noong mapalingon kami sa nasirang bakod ng arena ay nakita namin si Devon na lumalakad, nakabalot ng makapal ng kapang may hood ang kanyang katawan. Wala itong ginagawang pagkilos, basta lumalakad lang siya ngunit lahat ng mga blood eater na sumusugod sa kanya at nahahati ang katawan.
Siya ang nakatanggap ng S.O.S alert sa instant transportation ball!
“Paano niya nagagawa iyon? Ni hindi gumagalaw ang kanyang mga kamay pero nahihiwa ang kalaban?!” ang pagtataka ni papa.
“Pa, ang mata ni Devon ay may makapangyarihan psychic ability, kaya niyang makipaglaban ng hindi gumagalaw ang kamay, sa makatuwid ay pag iisip at paningin lamang ang kanyang ginagamit,” ang paliwanag ko naman. Matagal sa aming nagpagaling noon si Devon Vanford, ngunit ako lang halos ang naka saksi sa kanyang kakayahan noong mag sample siya sa aking harapan kaya alam ko ang detalye nito.
Kitang kita ko ang pagkagulat sa mata ng pari noong dumating si Devon, batid kong nasagap rin niya ang lakas nito. Ang dugo niya ay parang blood sucker din, ngunit nangingibabaw pa rin ang dugo ng isang guardian Devil kung ito ay aamuyin at susuriin mabuti, “Salamat sa pagtugon, Dev,” ang wika ko habang nakangiti.
“Ang laban niyo ay laban ko rin, nandito ako upang tumulong sa abot ng aking makakaya,” ang wika niya habang nakangiti. “Teka nasaan si Enchong?” ang tanong pa niya.
Umiling ako, “wala e, kami lang ni papa ang target ng portal,” ang sagot ko.
“At ngayong nandito ka na, siguro naman ay maaari ko na itumba ang isang iyon? kanina pa ako nangigigil sa kanya!” ang wika ni papa sabay turo sa paring nakatingin sa aming kinalalagyan.
“Ako na ang bahala dito sa mga ito, zombie ba ito? mga aswang kaya? Hindi ko malaman, basta perfect sila para apocalyptic movie!” ang wika ni Devon.
Natawa ako, “Mga experimental sila, mga blood eater kung tawagin, kumakain ng mga blood sucker,” ang wika ko naman.
“May dugo akong blood sucker, kaya naman pala apura ang sugod niya sa akin,” ang sagot niya at dito ay nahiwa ang dalawang eater na sumugod sa amin gamit ang kanyang tingin.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ni Devon ay biglang lumundag si papa at naging mga paniki ang kanyang katawan, lumipad siya patungo sa pari at dito ay nagharap silang dalawa. “Mukhang gigil na gigil yung tatay mo,” ang bati ni Devon.
“Sinabi mo, kanina pa siya galit dahil nasaksihan niya ang kalupitang inabot ng aming mga kalahi, ginawa silang laruan dito sa arena at kinain ng blood eater ng walang kalaban laban,” ang paliwanag ko.
“Kung gayon ay magagalit nga talaga yung tatay mo,” ang wika ni Devon habang nakangiti, “Sige, puntahan mo na siya, ako ang bahala sa mga ito,“ang dagdag pa niya.
Napatingin ako kay papa na noon ay nakatayo sa harap ng pari, “Sigurado ka?” tanong ko sa kanya..
“Oo naman, maliit na bagay lang ito, kapag naubos ko na ang mga kalaban ay tutulong ako agad sa inyo, malakas ang isang iyon, sa tingin ko ay hindi ito magiging isang easy fight,” ang tugon ni Devon.
Tumango ako at lumipad patungo kay papa, samantalang nagliwanag ang kamay ni Devon at dito ay lumabas ang kanyang scepter na nagliliyab, humarap siya sa daan daang eater sa kanyang paligid at sumigaw, “LAPIT!”
Itutuloy..
Part 41: Priest
Part 41: Priest
ROUEN POV
“Maligayang pagdating dito sa bayan ng Samar, ito ang bayan na pinamumunuan ko. Ako si Muzngi Archambeau, isang simpleng Pari,” ang pagpapakilala nito sa aming harapan.
“At ano naman ang kinalaman namin sa iyo? Maliban sa kampon ka ni Xandre at sinusuportahan mo ang kanyang kahangahan?” tanong ni papa.
Natawa ang Pari, “mas malalim pa doon mahal na hari, at alam kong alam mo ang tinutukoy ko,” ang wika niya.
“Mukhang malala ang galit mo sa mga blood sucker, nakikita ko ito sa iyong mga mata at nararamdaman ko sa iyong awra. Maamo ang iyong mukha ngunit galit na galit ito katulad ng nararamdaman ko ngayong kaharap kita,” ang wika ko naman habang kinakalkula ang kanyang lakas gamit ang aking mata.
“Isa kang pari ngunit isa ka ring malakas na mandirigma at ang kahangalan mo ay kailangan nang tapusin dito, ginoo,” ang tugon din ni papa.
“Huwag kang mag-alala mahal na hari, unti unti kong ipapaalala sa iyo ang mga bagay na nakakalimutan mo,” ang wika niya sabay distansiya sa amin, inalis niya ang kanyang makapal na balabal at dito ay lumabas ang kanyang kasuotan, isang itim damit na pang pari at mayroon bakal na kalasag sa balikat at braso. Literal na pang pari ang kanyang kasuotan habang mayroong silver na kwintas na krus sa kanyang leeg, may hawak na banal aklat.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay nagsimula na rin ang mga pagsabog sa arena kung saan naroon si Devon na kalaban ang mga blood eater, nagliligabgab ang malaking scepter na kanyang hawak habang isa isang hinihahataw ito sa kalaban!
“Matagal kong pinaghandaan ang araw na makaharap ko kayo, at ngayon ay nananabik akong padalakin ang inyong dugo sa aking lupain!” ang wika nito habang nakangisi.
“Kung matagal kang nag sanay at matagal mong hinubog ang iyong sarili para maging malakas ay ganoon rin ako. Kaya’t huwag mong isipin na magiging madali ang labanang ito,” ang wika ni papa habang pinalalagutok ang kanyang daliri at kamao.
“Bakit hindi natin simulan sa isang pilas ng banal na papel na ito?” ang wika niya sabay pilas ng pahina sa kanyang sagradong aklat. Umangat ang pahina sa ere at nagliwanag. “Ayon sa pahina, huhukuman ng Panginoon ang mga makasalanang nilalang gamit ang mga naglalakihang patalim na babagsak mula sa kalangitan!” ang wika niya at naglaho sa ere ang pahina.
Maya maya ay biglang nagliwanag ang madilim na ulap at mula dito ay bumagsak ang mga naglalakihang sibat at mga espada na nagiging sanhi ng pagyanig kapag bumabagsak at tumatama sa lupa! Malalaki ang ito, halos mas malaki pa sa amin ni papa kung iyong susukatin. At iyon ang senaryo, ayon sa kanyang binigkas na salita mula sa pahina ay iyon nga naganap.
Iniwasan namin ang mga naglalakihang patalim, ang iba ay sinusuntok o kaya tinatadyakan upang hindi sa amin tumama ang direkta. “Itigil mo na ang larong ito! Wala akong oras makipagbiruan sa iyo!” ang sigaw ni papa sabay hawak sa isang dambuhalang espada na halos kasing laki ng isang ten wheeler truck. Buong lakas niya ito inihataw sa kinalalagyan sa pari pero nakaiwas ito. Hindi na kontento si papa dahil sinalo niya ang isang dambuhalang sibat at buong lakas niya itong ibinato sa kalaban. Ang mga pagbasak ng mga patalim ay tila naging advantage pa kay papa sa labanang ito.
Maya maya ay sumalo rin ako ng isang itim na patalim na animo itak at ito ang ginamit ko pang atake sa kalaban, nagsalitan kami ni papa ng paghampas at pagbato sa kanya hanggang sa wala siyang nagawa kundi ang umiwas at itigil ang pag ulan ng patalim dahil lumalabas na naging pabor ito sa amin.
Habang patuloy siya sa pag iwas ay muli siyang pumilas ng pahina at muling binasa ito ngunit sa pagkakataong ito ay pabulong na lang ang kanyang sambit.
Habang abala kami sa pag atake pasulong sa kanya ay huminga siya ng malalim at bumuga ng malakas na apoy sa kanyang bibig na tumulak sa amin palayo, gayon pa man ay naka iwas kami bago ito direktang tumama sa aming katawan.
“Sa kapal ng pahina ng aklat na iyan ay baka matanda na tayo ay hindi pa iyan natatapos!” ang hirit ni papa.
“Pa, hindi naman tayo tumatanda,” ang natatawa kong wika sabay balanse, hinugot ko ang isang dambuhalang sibat na nakatarak sa lupa buong lakas itong binato sa kalaban pero binugahan lang niya ito ng apoy kaya naging abot.
Muli akong kumuha ng isang sibat pa at saka ibinato ko ulit sa kanya pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya bumuga ng apoy, umiwas na lamang siya mula sa pag atake kong iyon.
“Ano bang ginagawa mo?” tanong ni papa sa akin.
“Tama nga ang hinalo ko papa, ang isang pahina ng kanyang orasyon ay tatagal lang ng 30 segundo, ang pag ulan ng patalim kanina ay tumagal lang 30 seconds at ang pagbuga niya ng apoy ay 30 seconds lang din.
Natawa si papa, “para kang yung nanay kung ano anong ginagawa habang nakikipaglaban.”
“Taglay ko rin ang kapangyarihang healer ni papa Enchong, kapag nabalian ka ng buto o kaya maputulan ng daliri ay nandito ako para pagalingin ka papa,” ang wika ko naman habang nakangiti.
“Gusto mo unahin kong putulin yang braso mo? Nang iinis ka ba?” asar na wika nito sa akin na parang barkada lang ako kung ituring. Sa bagay, sa future din naman ay ganito kaming dalawa.
“Tama na satsat!” ang wika ng pari sabay punit ulit sa pahina ng kanyang aklat at dito ay binasa niya ang nakasulat dito, “ang talulot ng mga bulaklak ay kaaya aya sa paningin ngunit ito ay may panganib na dadalhin,” ang wika niya at sa isang kumpas ng kanyang kamay ay lumabas ang napakaraming mga petals ng bulaklak, lahat ng ito ay naging patalim na lumipad sa amin, mabibilis at talagang hindi mo huhuli dahilan para magkaroong hiwa sa aming braso, pisngi at hita.
Tumigil ka na sa kabaliwan mo!“ ang sigaw ni papa sabay suntok ng malakas sa lupa at ang mga umangat na parte nito ay pinagsisipa niya na naging harang namin sa mga nagliliparang petals. Kumuha rin ako ng mga bombang particles sa aking bulsa at inihagis ko ito sa ere dahilan para sumabog ang mga talulot sa palapit sa akin.
28..
29..
30..
Tumigil ang pagsibat ng mga matatalim na petals!
“Tama! Ngayon ay sigurado ako, every 30 seconds, iyon ang itinatagal ng kanyang sandatang orasyon. Ngayon ay pipilas na naman siya at gagawa ng panigabago!” ang wika ko kay papa.
Ipinakita sa senaryo na tama ang naging konklusyon ni Rouen sa orasyong pahina ng pari. Gayon pa man ay hindi naman naging madali ang lahat dahil samu’t saring mga pag atake ang kanilang mga pinagdaanan sa kabaliwan ng kanilang kalaban. Nariyan yung binalot sila ng makapal na yelo, binasa ng tubig at malakas na alon, pinaulanan ng mga malalaking bato, sinugod ng mga insekto, palaka, mga tigre, dinaanan ng mga dinosaur at kung ano ano pa. Ngunit sa halip na mapagod ay nakatuwaan lang ng mag ama ang ginagawa ni Muzngi, para sa kanila ay isa lamang itong laro na may may difficulty level ang bawat stage.
Samantalang ipinakita rin sa senaryo na halos maubos na ni Devon ang mga kalabang blood eater. Tinigilan na niya ang pag gamit ng kanyang mga mata dahil masyadong kumulo ang kanyang dugo at kapag na overused ito ay maaari siyang mauhaw at mangibabaw ang dugong blood sucker sa kanyang katawan. Gayon pa man ay makikitang maayos ito at alam na niya mga gagawin sa bawat sitwasyon.
Wasak ang paligid.
“Ano mayroon pa ba? Baka may dragon pa diyan o kaya ay mga butiki, butete, o mga itik kaya? Ilabas mo na para matapos na ang lahat ng ito!” ang sigaw ni papa habang nakatayo sa isang nakausling batuhan.
“Ang ginawa kong iyon ay bating panimula lamang, nais ko lamang kayong batiin at iientertain sa inyong pagparito,” ang sagot niya sa akin.
“Reason, sabihin mo lang kung wala ka ng ibubuga para tatapusin na kita! Nag aaksaya ako ng oras sa iyo!” ang sagot ni papa.
Tahimik.
“Oo nga naman, bakit hindi tayo magseryoso? Sayang lamang ang maraming taon ng pagsasanay at pagpupursige, araw araw kong pinapangarap na makaharap ang hari ng Blood Sucker Kingdom at ngayon nandito ka na sa aking harapan ay para itong isang magandang panaginip,” ang wika niya at dito ay kinuha niya ang dalawang espada sa kanyang likuran. “Marami ng mga blood sucker ang nagdaan sa talim ng espadang ito at titiyakin kong ang dugo mo ang maglilinis sa mga dusing at dumi nito.”
“Bakit hindi natin subukan ang kayabangan mo!” ang sigaw ni papa sabay lundag ng mabilis at sinuntok ang pari, ngunit iniharang ni Muzngi ang kanyang dalawang espada at nagliwanag nito, napigilan ng espada ang kanyang mapanirang kamao!
Noong hindi nasira ni papa ang espada ay dito na nagsimula ang labanan nilang dalawa. Ang kanilang mga kilos mabibilis na parang mga hangin, kapansin pansin rin ang pagiging hayok ng pari, wala siya sarili kapag umaatake, nakadila ito na parang mabangis na hayop habang apura ang hataw sa kanyang hawak na espada.
Maya maya ay nagliwanag ang kanyang espada noong ihataw niya ito ay naglabas ng isang malakas na pwersang pagsabog sa lupa!
Nakaiwas si papa sa ere at dito ay muling pumuwesto ang pari, pinagdikit niya ang kanyang espada na para cross at naglabas itong isang malakas na enerhiyang sumibat sa ere! Sa ikalawang pagkakataon ay nakaiwas si papa dahil nahati sa maliliit na paniki ang kanyang katawan at ang enerhiyang ibinuga ng espada ni Muzngi ay nilamon lang ng kalangitan.
Dito ay ako umatake sa kalaban. Nagliwanag ang aking kamao at isang malakas na suntok ang iginawad ko sa kanya ngunit sinangga niya ito gamit ang kanyang kamay pina ikot niya ang aking braso at walang anu ano ay itinarak niya sa aking dibdib ang kanyang espada! Agad rin niya binunot at sinapa ako palayo sa kanyang harapan, tumilapon ang aking katawan at tumama sa mga batuhan.
Muli siyang nakipagsagupaan kay Papa, malalakas ang mga pag atakeng ginagawa. Hanggang sa magiba na halos sa buong paligid. Makikita kay Muzngi ang pagiging bihasa sa pakikipaglaban dahil sa husay niyang gumamit ng espada samantalang si papa ay hindi pa naglalabas kapangyarihan at batid kong wala pa dito ang enerhiya ni Emrys.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay lumundag sa akin ang maraming mga blood eater, bago sila makalapit sa akin ay sumibat sa ere ang nag aapoy napangalawit ni Devon at tinapos ang mga ito, “ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin habang inaalalayan ako sa pagbangon.
“Oo, ayos lang ako,” ang tugon ko, nagliwanag ang aking kamay at pinaghilom ko ang aking sugat.
Patuloy pa rin sa pakikipaglaban si Papa, habang nasa ganoong posisyon ito ay binalibag ng pari ang mga pahina ng kanyang banal na aklat sa ere, nagliwanag na animo ginto ang mga ito at pumalibot kay papa.
Parang isang kisapmata..
Ang lahat ay dumikit sa kanyang balat, at pinigilan siya sa pagkilos! Dumikit ng dumikit ang mga nagliliwanag pahina ang banal na aklat sa kanyang buong katawan hanggang sa parang maging mummy na lang ang kanyang anyo. Pinigil nito sa pagkilos si papa at bumagsak ito sa lupa na balot na ang kanyang katawan.
Dinasalan ng pari ang kanyang nakabalot na katawan at mula sa paligid nito ay lumabas ang mga kadenang pumalupot sa kanyang buong katawan. Parang ikinulong si papa gamit ang pahina ng banal na aklat.
“Ito ang hinihintay kong pagkakataon!” ang wika niya sabay kumpas sa kanyang kamay ay mula sa kanyang tabi ay may lumabas na isang gintong kabaong at isang parang batang anghel na walang emosyon.
“Papa!” ang sigaw ko sabay takbo patungo sa kanila ngunit itinulak lang ako ng pwersa ni Muzngi.
“Huli na ang lahat, ang iyong ama ay nakabalot na sa aking sumpa. Ito ay imposible ng masira. Maraming taon kong ibinuhos ang aking kapangyarihan sa pahina ng aklat na ito. Ikukulong nito ang kanyang katawan at papatayin ang kanyang luluwa. Ito ang tinatawag na Eternal Cursed Technique. At walang sinuman ang makakasira nito. At para makasiguradong maikukulong ng maayos ang iyong ama ay tinawag ko ang sagradong tagapagbantay na si Orifiel, isang munting anghel na nagtataglay malakas na kapangyarihan. Siya ang pipigil sa pwersa ng iyong ama at siya ang mga kukulong dito hanggang bawian ito ng buhay. Ang taktikang ito ay matagal kong inaral at pinalakas dahil alam kong darating ang oras na ito!” ang sagot niya sa akin.
Maya maya umangat ang nakabalot na katawan ni papa sa ere at bumukas ang gintong kabaon na balot ng sagradong enerhiya. Inilagay nila ang katawan doon ni papa at noong sumara ang kabaong ay naupo si Orifiel sa taas nito upang maglagay ng kakaibang selyo.
Natahimik ako at unti unting namuo ang galit sa aking dibdib. “Anong paraan para makalabas si papa dyan?” ang tanong ko sa kanya habang nang gigilid ang luha.
Natawa ang pari at sumagot. “WALA! Ang papa mo ay patay na!” ang wika niya.
Sumiklab ang kapangyarihan sa aking buong katawan, tumingin ako sa kanya ng masama at nag wika, “Kung ganoon ay susunod ka na sa kanya,” ang seryosong salita.
Itutuloy
Part 42: Ganti
Part 42: Ganti
“Maganda ang tabas ng iyong katawan bata, kapag natalo kita dito ay hindi agad kita papatayin dahil gagawin kita isang blood eater katulad nila!” ang wika ni Muzngi sabay turo sa marami pang blood eater sa ilalim ng arena na natrap sa mga malalaking haligi.
“Kung ganoon, ang libo libong blood eater na iyan ay mga blood sucker?” tanong ni Devon.
“Tumpak, ang mga blood sucker na may magagandang porma at may lakas ng pangangatawan ay ginagawa kong blood eater upang maranasan ng mga blood sucker na kainin ng kapwa nila. Hindi ba’t magandang konsepto ito?” wika niya habang nakangisi ngunit may nakikita ako matinding poot sa kanyang mga mata.
“Hindi, ang ginawa mo ay kalupitan at kabaliwan! Kung nabubuhay ang Diyos ng mga blood sucker ay tiyak na ikaw ang unang niyang parurusahan!” ang sigaw ko naman sa kanya.
“Rou, mag iingat ka dahil baka gamitin na naman niya ang pahina ng kanyang banal na aklat at pati ikaw ay makulong katulad ng nangyari kay Rael. Tiyak iyon pa rin ang binabalik niyang gawin,” ang bulong ni Devon.
“Iyon ang hindi ko papayagan!” ang sagot ko at dito ay napangisi si Muzngi, sumugod siya sa amin dala ang kanyang dalawang matalim na espada, “kung mahina ang tatay ay tiyak na mahina rin ang anak! ang wika nito na parang nababaliw na umatake sa amin.
“Humanda ka na Rouen, kailangan ay maging maingat tayo sa ating mga kilos,” ang sigaw ni Devon at dito ay mas nauna akong atakihin ng kalaban ng harapan. Mabuti na lang at nailabas ko ang aking espada sa maliit na capsule, ito ang ginamit kong pamprotekta sa aking sarili.
Malalakas ang hataw ng kanyang espada, mabilis rin siyang kumilos kaya naman nakialam na sa amin si Devon, sinangga niya ang pag atake ng kalaban sa akin mula sa itaas gamit ang kanyang scepter na pangalawit na ganoon ay kamatayan.
“Isa ka pa lang Guardian Devil mula sa Hell Society! Hindi nakapagtataka na kumukulo ang aking dugo sa iyo dahil kampon ka ng kasamaan!” ang singhal niya at dito ay si Devon naman ang kanyang inatake.
“Tama ka doon, isa akong guardian mula sa impyerno ngunit sinisugarado ko sa iyo na mas maugat ang kasamaan sa iyong pagkatao! Kaya kung sakaling mamatay ka dito ay dadalhin kita sa impyerno at susunugin ko sa kumukulong langis ang iyong kaluluwa!” ang sagot ni Devon at dito ay nagliwanag ng kulay pula ang kanyang scepter at buong lakas itong inihataw sa kalaban.
Mabilis ang kamay ni Muzngi dahil agad na pumalibot sa kanya ang mga pahina ng kanyang banal na aklat at gumawa ang mga ito ng isang barrier na may puti at gintong liwanag. Hindi tumalab ang atake ni Devon.
Alam kong gagawin niya ito kaya naman inipon ko ang lakas sa aking kamao at mabilis akong lumundag sa kinalalagyan ng kalaban saka ko inihataw ang aking malakas na tira sa kanyang barrier dahilan para mag crack ito at unti unting mabasag!
Yumanig sa paligid at halos nagsabog ng malakas na impact ng liwanag ang pagtama ng aking kamao sa kanyang harang.
Maya maya muling nagliwanag ang scepter at isang malakas na hataw ang kanyang iginawad sa barrier dahilan para tuluyang mag-crack at mabasag.
Sumabog ang barrier at tumilapon si Muzngi sa kalayuan?
Nasa ganoong posisyon kami noong dumikit sa aming katawan ang mga piraso ng nasirang mga pahina duliot ng aming malalakas na pag-atake. Ang pirasong ito ay pumakat sa aming braso, dibdib, hita at binti. Samatalang kay Devon naman ay ganoon rin, dumikit sa dalawang niyang hita, braso at dibdib ang maga ito. Pinilit namin itong iinalis ngunit matindi ang pagkakapakat nito sa aming mga katawan.
Nagliliwanag ang mga piraso ng pahina na nakadikit sa aming katawan, maya maya ay naging kulay pula ang ilaw nito na parang warning light sa mga high tech facilities. Nasa ganoong posisyon kami noong ikumpas ni Muzngi ang kanyang kamay at ang mga papel ay sumabog sa aming katawan, para itong instant penetration dahil kahit na malakas ang depensa ng aming balat at kalamnan ay nasabugan pa rin ito na naging sahi ng malalang pinsala, nag sunod sunod ang pagsabog hanggang sa mapaluhod na lang kami ni Devon at mapasadsad sa lupa.
Tahimik, makalipas ang ilang sandali ay tumigil ang pagsabog at tumagas ang aming mga dugo sa katawan. Dito ay pinilit kong bumalanse at tumayo pero pinigilan ako ni Devon, “Huwag kang gagalaw,” ang wika nito.
Humarap ako sa paligid at dito ay nakita kong mas marami pang mga papel na bomba ang nakapalipot sa amin. Ang bawat pahina nito ay nagliliwanag ng pula at sa isang maling kilos ay muli silang didikit sa amin. “Ano kayo ngayon? Ilang beses kong sinabi sa inyo na kakaibang uri ako ng pari,” ang wika niya.
Pero hindi kami sumagot, nanatili lang kaming nakatayo sa aming posisyon. Halos ilang minuto rin kaming walang kilos na ginagawa, nag-iisip ako ng tamang pagkakataon para kumilos ngunit hindi ko alam kung paano ko ba ito gagawin. “Tiktok! Tiktok! Bakit napakatagal ninyong gumalaw? Nawawalan ng thrill at saysay ang eksenang ito!” ang asar na wika niya na para bang inip inip sa tono ng kanyang salita.
Hindi pa rin kami gumalaw at tumagal pa kami ng halos dalawang minuto sa ganoong posisyon kaya naman hindi na siya nakapagpigil, ikinumpas niya ang kanyang kamay at dumikit sa aming balat ang mga pahina at sumabog ang mga ito.
Sa sobrang lalakas ng pagsabog kahit nilagyan namin ng barrier ang aming katawan ay hindi pa rin ito naging sapat! Tumilapon kami ni Devon duguan at mas lumala pa ang pinsalang aming natamo. Nawasak na rin ang aming mga pang itaas na dami at halos bingaw (puro ugong lang ang naririnig) ang aming mga tainga.
Noong dumaloy ang dugo sa aming paligid ay natawa na lang ang kalaban at dito ay pinasabog niya ang arena, ang kanyang pakay ay palabasina ng marami pang blood eater na naroon sa underground. “Ang mga blood sucker na ito ay talagang magaganda ang mga kalidad. Madali lamang gumawa ng formula upang makagawa ng isang blood eater, kukuha lamang ng dugo ng mga hell hounds at ilang mababangis na halimaw sa kakahuyan at ituturok ito sa mga puso ng blood sucker.
Ang blood eater ay ang aking version ng zombie na ang paboritong kainin ay ang kanilang mga kapwa. Halos marami na rin akong mga blood sucker na napag eksperimentuhan at nagagalak ako dahil ito ay matagumpay!“ ang wika niya at dito nga ay nagsimula ng kumilos ang mga blood eater patungo sa amin.
Marahan ako bumangon, “bakit galit na galit ka sa aming lahi?” ang tanong ko.
“Dahil malaki ang kasalanan niyo sa akin!” ang sagot niya at dito nagliwanag ang kanyang kamay, inutusan niya ang kanyang hukbo ng blood eater na “KAININ SILA!!” ang sigaw niya sabay harap sa aming kinalalagyan, “Sa dami ng pinsalang inyong natamo ay imposible na ang makatakas, hindi ko lubos akalain na masyado kayong mahihina,” ang wika niya na may halong pang iinsulto.
“Talaga ba? Nakalimutan kong sabihin sa iyo na ang aking mga magulang ay mga perpektong mandirigma, ang aking ama ay isang blood sucker at ang aking isa pang ama ay healer kaya’t kaya kong gawin ito!” ang sagot ko sa kanya at dito ay umusok ang aking buong katawan, nanlaki ang kanyang mata noong makitang naghilom ang aking magsugat at pinsalang natamo, pati ang sugat ni Devon ay nagsara rin sa ilang sandali.
“Salamat, ako na ang bahala ang mga eater, iligtas mo ang iyong ama,” ang wika ni Devon sabay lundag para sagupain ang mga nakalabas na blood eater sa paligid!
Ako naman ay humarap kay Muzngi at sumiklab ang liwanag sa aking katawan, “huwag kang magpakakampante na ikaw ay mananalo! Magagaya ka rin sa iyong ama na isang mahina at walang kwenta!” ang sigaw ng pari at dito ay muling lumabas ang espada sa kanyang kamay at nakipag sagupaan ito sa akin.
Sa pagkakataong ito ay mas binilisan ko pa ang aking pagkilos, mabilis siya ngunit kaya ko naman itong sabayan sa abot ng aking makakaya. Masyado rin siyang mahusay sa pag gamit ng espada na kapag sumusuntok ako ay nagkakaroon ng barrier sa kanyang paligid.
Habang nasa ganoong paglalaban kami ay napatingin ako sa kabaong na kinalalagyan ni pap at nararamdaman ko pa ang tibok ng puso nito kaya’t alam kong buhay pa siya, ang batang anghel na nakaupo sa kanyang kabaong at naglalabas ng awra ay ang pumipigil sa kanya sa pagkilos! “Ano ang iniisip mo? Pay attention bata!“ang sigaw niya, pinagdikit niya ang kanyang sandata at naging cross ito saka ibinalibag sa akin na parang boomerang. Nagliwanag ito at sumabog sa aking kinalalagyan ngunit naging paniki ang aking katawan at mabilis akong umatake sa kanya, ito ang hinihintay kong pagkakataon, ang mawala sa kanyang kamay ang kanyang sandata.
Sumulpot ako sa kanyang harapan at inatake ito ngunit nakaiwas siya at mabilis na dumistansiya, kasabay nito ang pagbuwelta ng boomerang sa aking likuran kaya agad rin ako umiwas! Bumalik sa kanyang kamay ang kanyang sandata.
“Ano iyon? Aatake lang ay sabay pa.” ang wika nito na may halong pang iinsulto.
Natawa ako. “Talaga ba? Masyado kang mayabang father!” ang wika ko at dito ay pinikita ko ang aking kamay na may dugo niya, hindi niya namalayan na noong sumugod ako kanina ay intensyon ko lang na sugatan siya.
Napansin ng pari na may kalmot siya sa kanyang dibdib at nagdurugo ito pero natawa siya, “Ito lang? Ito lang ang nagawa mo?” ang tanong niya na may halong pang iinsullto.
Natawa rin ako, “sa amin sa future ay mayroon ako isang sikretong trabaho, hindi ko ito sinasabi sa mga magulang ko dahil tiyak na magagalit sila, pero alam kung ano iyon? Isa akong taga paslang,” ang wika ko at dito ay pinatak ko ang kanyang dugo na naipon sa aking kuko, pumatak ito sa aking dila at noong matikman ko ito ay muli akong nakaramdam ng pagkalasing! Natahimik ako at itinukod ko ang aking kamay sa lupa kasabay nito ang isang malakas na pwersang gumapang sa aking mga ugat dahilan para mas lalong tumalas aking pakiramdam at ang aking paningin.
Tahimik.
Ipinakita sa senaryo na natahimik lamang si Rouen sa harap ng kalaban at maya maya ay bigla na lamang itong nawala. Gayon pa man ay alerto ni Muzngi dahil noong sumulpot si Rouen sa kanyang harapan ay nasangga niya ang atake nito. At muli na namang nawala ang katawan ni Rouen sa kanyang paningin. Ni kaluskos ay wala siyang nararamdaman at hindi alam ni Muzngi kung kailan ito aatake ulit dahilan para kabahan siya. Ang pagkilos ng kalabang blood sucker ay mabilsi, parang hangin lamang na dumaraan, isa nga itong pekpetong taga patay dahil kahit inaral niya ang lahat ng bilis at kilos ng mga blood sucker ay kakaiba ang isang ito.
Tahimik lang sa buong paligid, maya maya ay sumulpot si Rouen sa kanyang harapan at umatake ito ngunit nasangga niya ulit dahilan para matawa siya, “anong klaseng pag atake iyong ginagawa? Hindi mo ako matatakot sa ganyan lang!” ang sigaw niya
Maya maya ay lumabas si Rouen sa kanya harapan at hawak na nito ang kanyang dalawang daliri sa kanang kamay. “Pakawalan mo ang aking ama at hahayaan kitang mabuhay pa,” ang wika ni Rouen habang nalilisik ang kanyang mga mata.
“Patawa ka ba? Iyon ang hinding hindi ko gagawin! Kung mamamatay ako ay kasama ko pa rin ang iyong ama dahil malaki ang kasalanan niya sa akin!” ang sagot nito sabay kumpas sa kanyang kamay at dito ay nagliparan rin ang mga pahina ng sagradong aklat sa kanilang paligid, walang ibang pamimilian si Muzngi kundi ang ikulong ang prinsipe ng blood sucker dahil delikado ito.
Ngunit muling nawala si Rouen at noong sumulpot ito sa kanyang harapan ay naputol na ang kanyang kanang braso dahil para mapasigaw siya at sa kanyang galit ay lumipad ang lahat ng pahina ng sagradong papel kay Rouen at dumikit din ito sa kanyang katawan dahilan para mawala ang kanyang pormang assassin.
Katulad ng nangyari kay papa ay dumikit rin sa akin ang mga selyo at bumalot ito na parang mummy sa aking paa paakyat sa aking binti, bewang at mga kamay. Pinigilan nito ang aking pagkilos, habang nasa ganoong posisyon ako ay nagtatakbo si Devon sa aking kinalalagyan at binugahan ang bolang enerhiya ang mga papel na dumikit sa akin.
“Walanghiya kaaaa! Ang braso kooo! Magagawa ka rin sa iyong ama!!” ang sigaw niya
Kahit na winawasak ni Devon ang mga pahina ay dumikit rin ito sa kanyang katawan at ngayon ay dalawa na kaming ikinukulong na parang mummy gamit ang sagradong piraso ng banal aklat!
“Ngayon, lahat kayo ay mamamatay! Magagaya kayo sa inyong walang kwentang hari!” ang sigaw niya at dito ay gumapang ang kadena sa aming katawan upang hindi kami makakilos.
Pinilit kong kumilos ngunit ang paggapang ng kadena ay talagang mabilis at tila pinipigil nito ang pwersa aking katawan. Ganito ang nangyari kay papa kaya’t hindi siya nakalaban, ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit ganito kabilis ang pangyayari.
Parang naulit lamang ang pangyayari kay papa, ang lahat ay bumalot sa amin ni Devon at bago pa matakpang ang aming mukha ay biglang lumusot ang kamay ni papa Rael sa kabaon at dinakot ang katawan ng tagabantay na si Orifiel na noon ay walang kamay malay na nakaupo sa kanyang gintong kabaong.
Yumanig ang buong paligid, muli kong naramdaman ang malakas na pwersa ni papa, yung kapangyarihan niya na ibinigay ni Emrys, isang dumadagundong na lakas katulad noong unang beses ko siyang makita noong mga oras na na-one hit niya si Egidio.
Halos ganoon pa rin ang pakiramdam ko ngayon, hindi pa rin nababago ang kilabot at pagtindig ng aking balahibo.
Gulat na gulat si Muzngi, halos lumuwa ang mata nito sa panlalaki!
Maya ay sumabog ang kabaong kung saan niya kinulong ang aking ama at dito lumabas ito dakot dakot sa kanyang kamay ang katawan ni Orifiel at walang ano ano ay kinain niya ito.
Itutuloy.
Part 43: Ang Dalawang Pagkakamali
Part 43: Ang Dalawang Pagkakamali
ROUEN POV
Halos ganoon pa rin ang pakiramdam ko ngayon, hindi pa rin nababago ang kilabot at pagtindig ng aking balahibo.
Gulat na gulat si Muzngi, halos lumuwa ang mata nito sa panlalaki!
Maya ay sumabog ang kabaong kung saan niya kinulong ang aking ama at dito lumabas ito dakot dakot sa kanyang kamay ang katawan ni Orifiel at walang ano ano ay kinain niya ito.
Kitang kita namin ang panlilisik ng mata ni Papa, pulang pulang ito at halos nakakapanindig balahibo ring kanyang awra. Halos ikinabigla rin namin ang pagkain niya sa bantay na si Orifiel, para itong isang karne kinagat at saka inalisan ng buhay.
Dumadagundong ang pwersa ni papa, nagliliwanag ng pinaghalong itim at pula ang kanyang buong katawan at sa kada pagtapak niya sa lupa ay umaangat ang mga bato dito.
Habang nasa ganoong posisyon ay nagliwanag ang kanyang kamay at dito ay naalis ang mga pahina ng banal na aklat na nakapalibot sa amin dahilan para makawala kami makatayo ng maayos. “Papa!” ang pagtawag ko dito, para lamang makasigurado kung nasan sarili ba siya o baka naman nalasing na naman siya sa kapangyarihan ni Emrys na aming ninuno.
Hindi sumagot sa akin si papa, noong malapit na siya sa aking kinalalagyan at ipinatong niya ang kamay sa aking at tinapik ito sa nagtuloy tuloy ng lakad patungo sa kalaban na noon ay putol na ang braso dahil sa aking pag atake.
Sa pagtapik ni papa sa aking balikat ay ramdam kong nandito pa siya sa kanyang sarili, ang kinatatakot ko lamang ay ang kainin ulit siya ng kapangyarihan ni Emrys. “Malakas ang taglay na kapangyarihan ng papa mo,” ang bulong ni Devon
“Kaya nga takot ako kay papa kasi kapag nagalit siya ay baka burahin na lang niya ako sa mundo,” ang biro ko naman sa kanya.
Patuloy na lumakad si papa sa harap ng kalaban at noong makalapit ito ay itinapon niya sa harap nito ang bangkay ni Orifiel, wakwak ang leeg at halos parang tuyot na kahoy na lamang. “Magaling ang ginawa mong pagsasanay at pagpapalakas ng maraming taon ngunit sa tingin ko ay hindi ito sapat,” ang wika ni papa.
“Bakit hindi magiging sapat? 40 taon akong nag ensayo para maging malakas!” ang singhal niya.
“40 taon? Hindi pa rin sapat dahil buong buhay ko ay inialay ko sa pag eensayo at pakikidigma,” ang sagot niya.
“Paano kang nakaligtas sa kamatayan?” ang tanong ng kalaban.
“Hinigop ko ang enerhiya ni Orifiel, mapapatay mo ang isang ordinaryong mandirigma sa iyong taktika, ngunit ako o ang aking anak o kahit ang guardian devil sa kanyang tabi ay hindi mo mapapatay sa taktikang ito. Ikaw lamang ang naniniwalang malakas ang iyong mga orasyon at sumpa,” ang sagot ni papa.
“Sinungaling! Ang lahat ng mga katangian ng blood sucker ay inaral ko, lahat ng blood eater na pinag eksperimentuhan ko ay kinilala at pinag aralan kong mabuti! Pare pareho lamang ang lahat! Ano ang kaibahan mo sa kanila?” ang tanong niya na may halong galit.
“Ang aming salin lahi ay malalakas at makakapangyarihan, ito ang tanging bagay na wala ang ibang blood sucker na pinag aaral mo, pinag eeksperimentuhan upang maging halimaw. Malakas ka NGUNIT ako ay mas malakas sa iyo ng isang daang beses,” ang tugon ni papa.
“Kung gayon ay makikita natin ang sinasabi mong lakas!!” ang sigaw niya sabay lundag paatras, nagliwanag ang kanyang katawan at nanatili itong nakalutang sa ere. Maya maya ay nagkaroon ng mga gamalay ang kanyang mga puting awraw sa paligid at hinitit ito ang kaluluwa ng mga blood eater sa kanyang paligid!
“Hinihigop niya ang mga enerhiya ng blood eater upang manumbalik at madagdagan ang kanyang lakas!” ang wika ni Devon habang pinagmamasdan ang pagkabuo ang braso niyang pinutol ko.
“Sa tingin ko ay ito lamang ang kanyang niyang gawin,kailangan niya ng mas malakas na kapangyarihan upang makapantay kay papa,” ang tugon ko naman at dito nga ay yumanig na ang buong paligid, sumasabog ang malakas na enerhiya at pwersa ni Muzngi sa aming paligid na nagtulak sa amin palayo ngunit si papa ay nanatili lamang sa kanyang kinatatayuan at hindi ito natitinag.
Unti unting nagbago ang pisikal na anyo ng pari, lumaki ang kanyang katawan, naging halimaw ang itsura ng kanyang mukha at naging malalaki ang mga braso. Sa ginawa niyang paghigop sa pwersa ng daan daang blood eater na naka stock pa rin sa underground ng arena (yung mga natira pa) ay nakalikom siya ng sapat na enerhiya upang baguhin ang kanyang pisikal na anyo.
“Hindi dito matatapos ang lahat! Dahil gaganti pa ako! Igaganti ko ang aking pamilya, igaganti ko ang aking mga kaibigan! Naalala mo ba ang isang BAYAN NA WINASAK NIYO NOON? Ang bayan ng ALIGA! Alam kong hindi mo ito makakalimutan dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit nawasak an gaming lupain! Ipinagbawal ni Haring Guztavo noon na atakihin ang lupain ng mga mortal sa Kailun dahil nais niyang maging magkapanalig ang mga tao at blood sucker NGUNIT sa kasamaang palad ay winasak mo ito at binigo mo ang iyong ama!
Binigo mo ang iyong ama! At ikaw ang nanguna upang salakayin ang aming bayan! Tahimik kaming natutuiog noong mga oras na iyon, yakap ko ang aking mga kapatid ng biglang may kumalampag sa aming bubungan at dito ay bumagsak ang mga blood sucker at kinain nila ang lahat, ang aking buong pamilya! Tumakas ako ngunit hinahabol pa rin ako ng mga blood sucker, sa murang edad ay hindi ko na alam ang aking gagawin, ang aming bayan ng Aliga ay nilimas ng inyong lahi kaya’t wala na akong babalikan pa!
Patuloy akong tinugis ng mga blood sucker hanggang sa iniligtas ako ng isang guardian devil sa kakahuyan na noon ay may tinutugis na isang espirutong tumakas sa Hell Prison, iniligtas ako ni Xandre at sinabi niya sa akin na “MABUHAY KA AT PAGBAYARIN MO SILA!”
Pinagkalooban niya ako ng isang aklat at espada na may basbas ng kanyang kapangyarihan, ito ang ginamit ko upang maging malakas, magbuhat noon ay isinumpa ko na sa aking sarili na wawasakin ko ang lahat ng blood sucker sa mundo, uubusin ko kayo katulad ng ginawa niyong pag ubos sa aming lupain! Naalala mo diba? Naalala mo ang iyong kahangalan!“ ang salaysay niya na may matinding galit at poot sa kanyang mga salita, isang malakas na suntok ang iginawad niya kay papa na tumama sa mukha niyo.
Isa pang suntok ang kanyang pinakawalan ngunit hindi pa rin umiwas si papa, hinayaan niyang upakan siya nito ng paulit ulit. “Hindi ka makalaban dahil ito ang bangungot mo! Ako ang produkto ng iyong kasalanan! Hindi sapat ang libo libong mga blood sucker na pinahirapan ko at pinag eksperimentuhan hanggang hindi kita napapatay!” ang sigaw pa niya nagliwanag ang kanyang kamao at iniupak nito kay papa NGUNIT sinalo niya ito gamit ang kanyang palad. “Gusto kong malaman mo na matagal na panahon ko ng pinagsisisihan ang kasalanang iyon, halos araw araw ko itong pinagbabayaran habang nagtutulos ako ng mga kandila at nag aalay ng bulaklak sa inyong nasirang bayan sa tuwing sasapit ang petsa kung saan naganap ang aking pagkakamali. Bata pa ako noon, mahina at salat sa kaisipan, dala iyon ng impluwensiya ng aking mga kaibigan. At nais kong manghingi ng tawad sa iyo dahil ang lahat ng iyon ay kasalanan ko, ang lahat ng iyon ay kagagawan ko,” ang wika ni papa.
“Kung gayon ay dapat mamatay ka na dahil ito ang pinakamagandang kabayaran sa iyong nagawang kasalanan!” ang singhal niya at dito ay humaba ang kanyang kuko at umatake muli siya kay papa. Sumibat ang matutulis at mahahabang kuko niya na animo mahahabang patalim sa harapan ng katunggali ngunit pinitik lang ito ni papa at saka nawasak ang bawat piraso sa kanyang kamay. “Pero kung iyong iisipin ay pareho rin tayong nagkamali. Unang una sa lahat ay natural lamang sa aming mga blood sucker ang kumain ng mortal dahil ganito kami nilikha ng aming Diyos.
“Ang tanging naging kasalanan ko lamang ay ang hindi pagsunod sa batas ng aking ama, pero kung wala ang batas na iyon ay aatakihin pa rin kayo ng iba pa naming kalahi at iyon ang sirkulo na dapat ninyong harapin. Ikalawa, ang populasyon ng bayan ng Aliga noong mga sandaling iyon ay nasa 500 na katao kabilang na ang mga bata at matatanda. Ang bayan ng Aliaga ay isang maliit na lupain lamang na kasing laki ng isang maliit na sitio o pulo. Ang aking tanong, hindi pa ba sapat na pumatay ka ng libo libong blood sucker upang maibisan ang iyong galit? Pagmasdan mo ang daan daang bangkay sa iyong paligid, hindi ka ba nito binigyan ng konsensiya na ihinto na ang lahat ng bagay na ito at mamamuhay na lang ng payapa sa lupaing ito? Pumatay kami ng isa ngunit pumatay ka ng isang daan. Ito ang bagay na labag sa batas ng kalikasan!” ang sagot ni papa sa kanya.
“Bagay lang iyon dahil masama ka at isang kriminal! Isa kang masamang binhi na dapat burahin sa mundong ito!” ang singhal niya at dito naipon ang kanyang enerhiya sa kanyang kamao at mabilis itong nagtatakbo sa harap ni papa upang ibagsak ang pinakamalakas na hagupit ng kanyang galit! Yumayanig ang paligid at nag aangatan ang mga bato sa lakas ng pwersang naipon sa kanyang katawan.
Dumadagundong ang pwersa ng kalaban, galit na galit ito, buong lakas niyang inihataw sa harapan ni papa ang kanyang nagliliwanag kamao ngunit hindi natinag ang aking ama.
Sa halip at sinalo niya ang pwersa ang kalaban gamit ang kanyang kamay. “Tama ka, isa akong masamang binhi dahil sa ginawa kong kasalanan, ngunit nanghingi ako ng patawad sa iyo at tinanggap ko ang aking pagkakamali. Ikaw ba ay hindi manghihingi ng tawad sa akin dahil sa pagpatay at pagpapahirap mo sa libo libong blood sucker na aking kalahi? Ikaw ba ay hindi manghihingi ng tawad dahil pinaglaruan mo sila at ginawa mong mga halimaw?!” ang sigaw ni papa sa kanya.
“Hindi ako manghihingi tawad DAHIL LAHAT KAYO AY MGA HALIMAW! MAMATAY KAYONG LAHAT!”
“Kung gayon ay wala kang pinagkaiba sa amin, halimaw ka rin at isang masamang binhi!” ang singhal ni papa nagliwanag ang kanyang kamao at isang malakas na suntok ang iginawad niya sa katawan ng kalaban dahilan para mabutas ito!
Gulat na gulat si Muzngi dahil ang kanyang kalasag sa katawan ay nawasak at nabutas ng isang suntok ang kanyang dibdib tagos sa kanyang likuran. “Mas makasalanan ka, dahil sumobra ang paghihiganti mo at idinamay mo pa ang walang kamalay malay na nilalang, sana ay masaya ka sa mga ginawa mo,” ang bulong ni papa at inialis niya ang kamao sa katawan ng kalaban at saka siya tumalikod.
“Paano? Paanong!” ang tanong ni Muzngi habang sinasalo ng kamay ang dugo sa kanyang nabutas katawan. “Hindi pa tayo tapos! Hindi pa ako patay!!” ang sigaw niya at ang kanyang kamay ay naging isang patalim at inihataw ito kay papa.
Pero humarap sa kanya ang aking ama at isa pang malakas na suntok ang giniwad nito sa kanyang katawan dahilan para tumilapon siya sa malayo. “Tama, bibigyan kita ng pagkatataong mabuhay at magbago, huwag mong iwanan ang mga kababayan mo sa lugar na ito,” wika niya at muling tumalikod palayo.
Bumangon ang kalaban at talagang makulit ito, hindi tumatanggap ng pagkatalo. “Hindi pa tapos! Huwag kang mayabangggg” ang sigaw niya at muling tumakbo ng mabilis patungo kay papa.
Ipinakita sa senaryo na habang tumatakbo si Muzngi ay nakita niya ang kanyang pamilya na nakangiti sa gilid na para bang sinusundo na siya ng mga ito. Nagbalik rin sa kanyang ala-ala ang masasayang araw nilang magkakapatid habang naglalaro sa tabing ilog at pinalilipas ang maghapon ng punong puno ng saya sa kanilang mga puso. “Tapos na ba?” ang tanong niya sa kanyang pamilya.
Tumango ang mga ito at inilahad ang kanilang mga kamay. “Umuwi na tayo, Muzngi,” ang wika ng kanyang ina habang nakangiti. Noong mga sandaling iyon ay hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
Nagtuloy tuloy ang pag atake ng kalaban kay papa, at nagbago muli ang anyo ng kanyang kamay at naging patalim. Tuloy tuloy niyang inatake ang katunggali..
“Binigyan kita ng pagkakataon! Gayon pa man ay patawarin mo ako sa aking naging kasalanan!” ang wika ni papa at nagliwanaga ng kanyang kamao! Isang malakas na suntok ang iginawad niya sa kalaban dahilan para mabura ito ng tuluyan sa ere!
Ganoon kalakas!
Parang yung ginawa niya kay Egidio noon. Maging si Devon ay hindi lubusang makapaniwala sa kanyang nakita. “Kung ganito kalakas ang papa mo ay may laban tayo kay Xandre,” ang wika niya habang namamangha maya maya ay napalingon ito sa gilid kung saan napako ang kanyang tingin.
“Ayos ka lang ba Dev?” tanong ko naman.
“Oo, si Muzngi, kasama na niya ang kanyang pamilya ngayon,” ang tugon niya sa akin.
Maya maya umusok ang katawan ni papa at napahiga na lang ito sa lupa. “Tapos papa! Nanalo tayo!” ang wika ko naman sabay yakap sa kanya.
“Salamat kung ganoon, buksan mo na ang portal at umuwi na tayo, baka nag gagalit na yung nanay mo doon,” ang wika nito sabay pikit.
Nangiti ako at saka kinuha ang instant transportation ball ni Devon, pinindot ang buton nito pabalik sa Kailun. Binuhat namin si papa na noon ay nawalan ng lakas, gayon pa man nagtagumpay kami sa aming laban.
Itutuloy.
Part 44: Sandaling Katahimikan
Part 44: Sandaling Katahimikan
ROUEN POV
“Jusko, maayos naman tayong umalis diba? Bakit noong dumating kayong lahat ay agaw buhay kayo? Abalang abala ang medical team at nagpatawag pa tayo ng mga back up na floral fairy na expert sa healing keme para maaccommodate kayong lahat na mga wounded!” ang wika ni Ninong Oven na parang maloloka sa dami ng inaasikaso.
Tinatalian ng bundahe ang aking tiyan at braso dahil hindi pa ito masyadong magaling, “okay naman ako Ninong, kumusta sila papa?” ang tanong ko naman.
“Bulagta! Yang papa Enchong mo malala ang tama kaya kahapon pa ito natutulog dahil sa pagod. Pero don’t worry alam mo naman si bestfriend parang si Rafaela yan! Healing for everyone! Kahit ang self niya kaya niyang gamutin kahit tulog,” ang hirit ni ninong.
Dito ko napag alaman na lahat kami ay dumaan sa malalang pakikipaglaban, sa likuran ng palasyo ay nandoon sina Lucario at si Prinsipe Malik na kapwa sugatan dahil sa pakikipaglaban sa ibang demensyon. Nasa himpilan naman ng mga medical team sina Miguel at Suyon dahil nakipaglaban rin sila kasama si papa Enchong. “Ninong, kumusta kayo dito? Hindi ba kayo inatake ng mga kalaban habang wala kami?” tanong ko sa kanya.
“Hindi nga e, super ready pa naman ako makipagbakbakan! Ewan ko pa naman, noong mawala kayong lahat doon sa templo ni Agapito ay wala namang dumating na enemy para sa amin kaya ang ending ay umuwi na lang at nagdasal na sana ay maayos kayo,” ang sagot niya.
Tumayo ako at umakyat sa silid kung nasaan sila papa, “Hep, hep saan ka pupunta? Huwag mong guluhin ang mga papa mo nagrerest sila,” ang pagpigil niya.
“Ninong, kailangan nila ako ngayon. May lakas pa ako, kaya ko pang suportahan ang kalusugan nila,” ang pagpupumilit ko kaya wala siyang nagawa kundi ang samahan ako sa silid kung saan sila nagpapahinga.
Pagdating namin sa itaas ay nakasalubong ko ang ilang mga medical team na tumitingin kina papa. “Kumusta ang lagay nila?” tanong ko na hindi maitago ang pag aalala.
“Mahal na prinsipe, magkaibang sitwasyon po ang mayroon sa iyong mga magulang. Ang hari po ay naubusan lamang ng pisikal na lakas at mababawi niya ito sa ilang araw na pagtulog. Nagamot na rin namin ang mga sugat sa kanyang katawan. Samantalang si Master Enchong naman po ay napinsala ng husto ang braso ang dalawang braso, nasunog ito at nasira ang kanyang mga cells. Kahapon ay talagang maitim na maitim ang kanyang braso ngayon ay medyo nagrepair na ang mga pinsala nito,” ang wika nila at dito ay binuksan nila ang silid.
Dito ay nakita ko nga sila papa na nakahiga sa magkahiwalay na kamay. Si papa Rael ay maaayos ang lagay, para lang itong natutulog ng mahimbing. Samantalang si papa Enchong ay nagtamo ng malalang pinsala mula sa kanyang balikat pababa sa kanyang buong braso at kamay. Sunog sunog ito kaya naman ibayong awa aking naramdaman, hinawakan ko ang kanyang braso at itinulungan siyang irepair ang mga nasirang selula dito.
“Bakit umabot ng ganito?” ang pagtaraka ko na hindi mapigilan ang lungkot at awa.
“Ayon kay Miguel na asawa ni Prinsipe Malik, siya ang naging rescue nina Enchong at Suyon. Dumating daw si Xandre sa lugar kung saan ginaganap ang kanilang labanan at sinubukan pigilan ni Enchong ang malakas na pag atake nito upang hindi sila mapahamak. Sa makatuwid ay iniligtas ng iyong ama ang kanyang mga kapanalig. Ito naman kasing si best friend masyadong mabait!” ang malungkot na sagot ni ninong.
Tahimik.
Napabuntong hininga na lamang ako. Noong mga sandaling iyon ay pinag igihan ko ang pag gamot kay papa Enchong. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang ibalik ang buhay ng kanyang mga natupok na selula. Alam kong nahihirapan siyang mag repair ngayon dahil wala pa siyang malay kaya’t malakint tulong ang aking ginagawa. “Tingnan mo ninong, medyo nawawala na yung pangingitim ng balat niya sa braso,” ang wika ko.
“Oo nga, hindi siya si Kirara ngayon. Kaya ikaw ha, huwag mo nang kinukunsume ang papa mo para hindi siya na sstress okay?” ang sermon niya sa akin dahilan para mapakamot ako ng ulo. “Bakit sa akin na naman napunta?” pagmamaktol ko.
Patuloy kong ginamot ang braso ni papa hanggang sa maibalik ko 60% na selula sa kanyang katawan. Dahil sa pagod ay hindi ko na malayang nakatulog na ako at nadukdok na lamang ako sa kanyang tabi. Ibayong kaba at pag aalala pa rin ang lumulukob sa aking pagkatao, halos hindi ko maiwaksi ito gayon pa man ay masaya ako dahil buhay kaming lahat sa kabila ng kaliwa’t kanang labanan ang aming kinaharap at pinagdaanan.
Kinabukasan..
Naramdaman kong may kamay na humimas sa aking ulo dahilan para magising ako at noong imulat ko ang aking mata ay nakita ko si Papa Enchong na nakangiti sa akin, “Papa, kumusta ang pakiramdam mo? Masaya ako at okay ka na ulit,” ang wika ko sabay yakap sa kanya.
“Maayos na ako, salamat anak, alam kong ginamot ako kaya napabilis ang pag recover ng mga braso ko. Medyo namamaga pa ito ng kaunti ngunit naigagalaw ko na ito ng maayos. Masaya ako na nakabalik kayo ni Rael dito sa atin,” ang wika niya sabay gusot sa aking buhok.
“Opo papa, noong mga sandaling malayo kami sa iyo ay wala kaming inisip kundi ang makauwi ng buhay para magkasama sama tayong muli. Hindi ko alam kung anong klaseng hirap ang pinagdaanan mo doon sa battle field pero nagpapasalamat ako dahil nakauwi ka ng ligtas papa,” ang wika ko at dito ay hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay narinig namin na naghihilik si papa Rael, nagkamot pa kita ng mukha saka dumapa sa higaan, “mukhang okay naman itong tatay mo,” ang wika niya habang nakangiti.
“Okay naman po siya pa, ginawa ni papa Rael ang lahat para manalo sa laban at siyempre ay ginawa ko rin ang best ko,” ang wika ko naman.
“Syempre, alam ko naman na parati mong ginagawa ang best mo sa lahat ng bagay at isa pa ay alam ko rin na hindi mo pababayaan ang papa mo kahit anong mangyari,” ang tugon niya at muli akong niyakap ng mahigpit.
Ibayong saya ang naramdaman ko noong mga sandaling iyon, ang lahat ng takot at pangamba sa aking dibdib ay unti unting nawala dahil alam kong maayos ang lagay ng aking mga magulang. Halos tumagal ng isang linggo ang recovery ng lahat. Si papa Rael ay halos tatlong araw na natutulog kaya naman noong magising ito ay gutom na gutom at nagbawi ng lakas. Si Papa Enchong naman ay unti unting pinaghilom ang kanyang mga sugat hanggang sa tuluyan itong gumaling. Siyempre ginamot rin namin si Lucario dahil malala rin ang tama sa katawan nito at halos inabot rin ang isang buong linggo ang kanyang recovery.
Noong mga sandaling iyon ay nagdesisyon si papa Rael, ang hari ng lupain na patuluyin muna sa palasyo ang lahat upang mas mapabilis ang kanilang pag galing at upang mapag usapan na rin ang plano para sa nalalapit na digmaan. Sa unang pagpupulong ay nag report si Ninong Oven tungkol sa mga pinagdaanan naming mga labanan. Inimbitahan rin namin sina Ibarra, Leo, Seth at Ybes upang makakuha ng impormasyon. Samantalang si Yul naman ay nasa Heaven Society pa rin at hindi ito nakarating.
Lahat kami nakaupo sa silid ng pagpupulong, katabi ko si papa Enchong at si Mr. Wilson. Katabi naman ni Suyon si Lucario sa aming likuran at sa kabilang gilid naman ay magkakasama sina Miguel, Prinsipe Malilk, Devon at Ybes at Seth. Sa pinakaduilong row naman sina Ibarra at Leo. Samantalang si papa Rael nasa kanyang trono at natutulog.
“Sigurado ba kayo na gustong makipagpulong ni Rael? Bakit naghihilik pa?” ang tanong ni Ibarra.
“Masyadong siyang napagod, maaari naman tayong magsimula kahit tulog siya,” ang sagot ni Devon.
Maya maya ay lumakad naman si ninong Oven sa harap ni papa Rael at ginising ito, “Mahal na hari, mag sstart na tayo, pwede huwag kang humilik?” ang hirit nito, agad namang nagising si papa at umayos ito, “magsimula ka na sa report mo, tatamad tamad na to!” ang hirit nito.
“Hala, at ako pa talaga?” ang pagmamaktol ni Oven sabay kuha ng kanyang report. “Ehem, ang daming pinagdaanan ng League of Gods ngayong mga panahon na ito at masaya ako dahil buhay pa tayong lahat. Noong nakaraang tatlong linggo ay sinalakay ni Ivo ang Bundok ng Hiraya, dito nakaharap niya sina Ibarra, Leo, Sam, Tembong, Lolo Isko at ang rescue na si Seth. Nasirang ang ilang bahagi ng Kabundukan at hindi pa alam kung kailan ito makakarecover.
At noong nakaraang linggo naman ay naganap ang “SABAY SABAY” o “ALL OUT ATTACK” ng mga kalaban, katulad ng dati ay ginawa nilang dukutin ang mga kanilang mga target upang paslangin ang mga ito. Ang unang labanan ay nagamat kay Atalante laban kayPanginoong Lucario at sa ang kanyang rescue na si Prinsipe Malik. Si Atalante ay ang ninuno nina Panginoong Lucario kaya’t naganap ang isang madugong labanan sa pagitan ng magkatunggali. Sa kabila ng panghihina at kawalan ng lakas ay nanatili pa rin matatag si Panginoong Lucario at sa tulong ni Prinsipe Malik ay natalo nila ang kanilang kalaban.
Kasabay ng labanan nila Panginoong Lucario ay naganap rin ang labanan ng babaylan si Sato at Suyon. Matatandaan na nawala si Suyon dahil dinakip siya ni Sato at dinala sa isang demensyon. Noong maganap ng labanan ng dalawa ay dumating sina Enchong at Miguel bilang rescue. Naganap ang tagisan ng lakas sa pagitan ng tatlo at sa huli ay dumating si Xandre upang kuhanin kay Satori ang kanyang gabay na si Gnosis. Upang makatakas ay pinigilan ni Enchong ang malakas na pwersa ni Xandre na sana ay tatapos sa kanilang noong mga sandaling iyon dahilan para mapinsala ng husto ang kanyang braso.
At ang pinakahuling labanan ay naganap sa pagitan ng Paring si Muzngi , Haring Rael. Prinsipe Rouen at ang kanilang rescue na si Devon Vanford. Dito kinaharap nila ang mga experimental being na kung tawagin ay mga Blood Eater, ito yung mga blood sucker na ginawang halimaw na kumakain ng kanilang kapwa blood sucker.
At sa huli ay nanaig ang kanilang lakas upang maipanalo sa laban. Kaya ang masasabi ko lang ay VICTORY! WIN STREAK AT WINDRAX tayo sa mga international contest na iyan!“ ang report ni Ninong Oven, seryoso ito ngunit hindi namin mapigilang matawa sa kanyang mga sinasabi. Maya maya ay humarap ito sa amin, “WHAT’S WRONG WITH YOU PEOPLE?” ang hirit nito
CHAR LANG!
“So nandito ang listahan ng mga alaga ni Xandre na eliminated slash evicted na sa labanang ito mula dun sa baliw baklang nakalaban namin nila Santi at Heneral Liad hanggang dito kay Muzngi! So meaning ay si Xandre na lang ang dapat nating itumba!” ang hirit nito.
“Kaya nga dapat ay paghandaan natin siya,” ang wika ni papa Enchong.
“Mas makabubuti siguro kung kami na lamang nila Lucario, Seth, Malik, Yul at Leo ang sasagupa kay Xandre, sa ganitong paraan ay mas malaki ang tiyansa nating manalo,” ang seryosong wika ni Rael.
“Bakit ang selfish niyo? Paano naman kami? May kapangyarihan din naman kami para makatulong sa digmaang ito!” ang protesta naman ni papa Enchong.
Tumingin sa akin si Rael at nagwika, “Manatili na lamang kayo dito at mag gantsilyo ng punda ng unan o kaya ay ng mga damit panlamig,” ang hirit nito at nagtawanan silang lahat.
“Hala, laglagan portion na? Dapat ay magkaisa tayong lahat para manalo, tapos mawawasak pa yung mga portal sa kalangitan at uulan ng mga halimaw! Pang finale na talaga ito! Last war na last war ang datingan!” ang hirit ni Ninong Oven na parang excited pa.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla na lamang yumanig sa buong paligid at kasabay nito ang pagpasok ng mga kawal sa silid ng pagpupulong. “Anong nangyari? Sinasalakay ba tayo?” ang tanong ni papa Rael.
“Hindi po mahal na hari, ang kalangitan ay biglang nag crack na parang isang salamin, sa tingin po namin ay hindi magandang senyales ito!” ang wika nila na may halong matinding takot.
“Hala, kakasabi ko lang diba? Jusko, nagdilang anghel yata ako!” ang wika naman ni Ninong.
Itutuloy.
Part 45: Simula ng Katapusan
Part 45: Simula ng Katapusan
ENCHONG POV
“Halos sira na rin ang mga barrier ng halimaw, kumbaga sa prutas ay hinog na hinog na ito at malapit na malaglag sa sanga,” ang wika ni Lucario habang nakatingin sa kalangitan.
“Ang ibang mga parte nito ay butas na at ang mga ibang halimaw na may maliliit na sukat ay malaya ng nakakalabas,” ang wika naman ni Suyon habang tinagala rin.
“Ang pinakamalaking crack ay nandoon sa gawin roon,” ang wika ni Seth.
“Sa tingin ko ay wala na tayong magagawa sa mga iyan, kailangan natin ihanda ang mga kawal para sa digmaan,” ang wika ni Rael habang pinagmamasdan ang kondisyon ng alapaap.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay lumakad naman si Oven sa aming harapan at nakitingala dito, “Nasaan ba? Lahat kayo may entry ha! Bakit ganon wala naman akong makita kundi ito ng madidilim na ulap na ito,” ang reklamo nito habang namumulagat ang mga mata.
“May kakayahan silang makakita sa malayong direksyon,” ang wika ni Miguel sa kanya. “Hayun ang pinakamalapit na butas na maaari mong makita,” ang wika pa nito sabay turo sa isang direksyon na malinaw.
“Nasaan? Eh parang itim na lobo lang iyan na lumipad sa langit ah,” ang wika nito.
“Ganyan nga iyon kung iyong titingnan gamit ang iyong ordinaryong paningin,” ang tugon ni Miguel habang nakangiti.
“Kung gayon dapat ay maghanda na tayo, ang hukbo ng mga blood sucker ay ihahanda ko na sa lalo’t madaling panahon. Ang mga Floral Gods at ang Dark Gate sa pamumuno nila Haring Niko at Haring Rafalgia ay makikiisa sa atin upang ipagtangol ang Kailun,” ang wika ni Rael.
“Ang mga engkanto pati mga anghel ng Heaven Society kabilang na ang mga kawal ng Hell Society ay nakahanda upang ipagtanggol ang mundo ng mga mortal sa banta ng pagkasira,” ang wika ni Ibarra.
“Kailangan naming ibigay ang proteksyon sa mundon ng mga mortal dahil mundo rin namin ito. Tiyak na ito ang unang sisirain ng mga hukbo ng kadiliman,” ang dagdag ni Devon.
“Ikinalulungkot ko ngunit walang kawal ang bayan ng Yelo, baba roon ang mga alagad ng ama upang tumulong, tutulong rin ang kawal ng aking ina para ipagtanggol ito. Ngunit bakit kailangan pa ng kawal kung ako lang ay sapat na,” ang wika ni Lucario.
“Bilang lamang ang kawal at ang lahi ng mga Manlikmot ngunit susubukan kong kumuha ng alyansa upang maipagtanggol ang Kailun,” ang wika ni Seth.
“Ikaw Prinsipe Malik, ang Apresia ay makikiisa ba? Sino ang magtatanggol sa Apresia?” ang tanong ni Rael sa kanya.
Natahimik si Malik, “walang kawal ang Apresia ngunit kaya ko itong gawan ng paraan,” ang tugon niya sabay ngiti sa amin.
“Simula ngayong araw na ito ay paghahandaan natin ang digmaang ito, tiyak na ngayon ay naghahanda na rin ang kalaban para sa malawakang pag atake. Hindi magiging madali ang labanang ito, ngunit kung tayo ay magkakaisa ay tiyak na may tiyansa tayong manalo,” ang wika ni Rael na punong puno ng pag asa.
Noong mga oras na iyon ay panandaliang naghiwa hiwalay ng landas ang aming mga kapanalig. Nagdesisyon kaming gawin ito upang iayos ang aming mga hukbo. Sa lawak ng kalangitan ay tiyak na malawak na kawal rin ang kailangan upang magtagumpay. Samantalang kami naman nila Rael ay nagsimula na ring ihanda ang aming mga kawal. Ang aming mga medical team ay malaki na rin ang inimproved at tinitiyak kong magiging useful sila sa digmaang parating.
Habang nasa ganoong posisyon ako ng paglalakad sa hallway ay bigla na lamang nag flash sa aking isipan ang mga imaheng nagbigay ng kaba sa aking dibdib. Ang una ay ang aking mukha duguan at ikalawa ay ang aking sarili na lumalakad sa walang katapusang kadiliman.
Lalo lamang kumabog ang aking dibdib. “Papa, okay ka lang ba?” tanong ni Rouen noong makita ako.
“Oo, medyo sumakit lang ang ulo ko, pumunta ka na doon sa himpilan ng mga medical team at iayos sila sa mga bagay na dapat nilang gawin, si Heneral Liad na ang bahala sa mga kawal na makikipaglaban,” ang wika ko naman.
“Sigurado ka bang ayos ka lang papa?” tanong ulit niya na may halong pag aalala kaya naman ngumiti ako at saka umupo muna saglit sa sofa. Samantalang wala namang nagawa si Rouen kundi ang sundin ang aking utos na pamunuan niya ang mga medics. Habang nasa ganoong posisyon ako ay dumating si Rael sa aking tabi at saka ako hinalikan sa labi. “Ayos ka lang ba?” tanong niya.
“Oo, medyo nahilo lang ako,” ang wika ko naman sabay tayo para umakyat sa aming silid at magpahinga.
“Baka buntis ka? Hindi kaya nakabuo ulit tayo? tanong niya habang nakangiti.
“Humarap ako sa kanya, hon, okay lang sa akin na magka-baby tayo ulit pero huwag muna ngayon dahil nasa digmaan tayo,” ang wika ko sabay yakap sa kanyang katawan. Humiga ako sa kama at ipinahinga ang aking sarili.
Samantalang naghubad ng pang itaas na damit si Rael at saka ito tumabi sa akin. Pinaunan niya ko sa kanyang bilugang braso at isunubsob sa kanyang dibdib. “Nag woworry ka ba?” tanong niya.
“Oo naman, kung sakaling mawala ako ay ikaw na ang bahala kay Rouen,” ang wika ko habang nakayakap sa kanya.
“Hon, ano bang sinasabi mo? Diba ang sabi ko sa iyo ay mas mauuna pa akong mawala sa iyo dahil poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. Saka ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Ang dami na nating mga kalabang naitumba,” ang wika niya habang nakangiti.
“Marami nga pero parati naman tayong almost dead at dumaraan sa butas ng karayom para magtagumpay,” tugon ko naman.
“Sa tingin ko ay hindi na mahalaga iyon, ang mas mahalag sa ngayon ay magtagumpay at ang manalo,” ang sagot niya sabay patong sa aking at hinalikan ng marahas sa labi at sa pisngi.
Hinayaan ko siyang nakapatong sa akin, niyakap ko ang kanyang hubad na katawan hanggang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg at muli itong umakyat sa aking tainga dahilan para makiliti ako.
Muli kaming nagpalitan ng marahas na halik hanggang sa maisipan kong ipasok ang aking kamay sa kanyang alaga na noon ay matigas na matigas na. Habang naghahalikan kami ay pinaglalaruan ko ang ulo ng kanyang alaga hanggang sa lumalim ang kanyang paghinga at makaramdam na ito ng matinding sarap dulot ng nakakakiliting sensasyon.
“Wag ka na mangamba ha, nandito lang ako,” ang bulong niya sabay halik muli sa aking labi, ipinasok niya ang kanyang dila sa aking bibig at dito ay mas naging marahas pa ang pagpapalitan namin ng halik.
Ilang minuto rin kami sa ganoong paghahalikan hanggang sa humuhod siya sa aking harapan at hubuin ang kanyang salawal, itinapat niya ang matigas na alaga sa aking bibig at agad ko naman itong isinubo. Kontrolado ang pagpasok nito sa aking bibig, inuuna kong paglaruan ng aking dila ang mala kabuteng ulo nito bago ko isubo ang buong katawan bagamat hindi ko ito kayang kainin lahat.
Napaungol si Rael, kagat labi siya habang nalalabas masok sa aking bibig ang kanyang katigasan. Samantalang yakap ko naman ang kanyang pwet at inaalalayan ang pagbayo niya sa aking bibig.
Makalipas ang ilang minutong pagsubo ko sa kanyang kahabaan ay pinatuwad niya ako, nilagyan niya ng pampadulas ang kanyang ari at gayon rin ang aking butas saka niya ito itinutok sa aking lagusan. Napakagat labi ako at napaungol ng impit dahil sa pagpasok ng kanyang naghuhumindig na alaga.
Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa magsimula na siyang bumayo. Mistulan akong isang asong kinakasta sa kalye sa aming posisyon. Ramdam na ramdam ko ang hagod ng matigas na alaga ni Rael na tumatama sa aking g spot.
Baon na baon, mariin ang kanyang ritmo, minsan ay gumigiling pa ito dahilan para kapwa kami mapaungol ng matindi.
Papaungol ako ng matindi kapag sumasagad at bumabaon ng husto ang kanyang alaga at dahil dito ay sinabayan ko ito ng pagjajakol sa aking sariling ari. Ilang taas baba lang sa aking katigasan ay sumabog ang aking katas. Maya maya ay napayakap rin sa akin si Rael tanda ng pagsabog ng kanyang katas sa aking kaloob looban.
Noong mahimasmasan ay muli kaming nagyakapan, ikinulong niya ako sa kanyang bisig habang ako naman ay sumubsob sa kanyang matipunong dibdib at sako ako magpasyang magpahinga.
Ang bisig ni Rael ang pinakaligtas na lugar sa lahat. At kahit na kailan ay hindi ako magsasawang ikulong ang aking sarili sa kanyang piling.
XANDRE POV
“Panginoon, isang masamang balita ang pagkamatay nina Atalante, Suyon at Muzngi. Ikinalulungkot ko po,” ang wika ni Maggy ang natitirang mandirigma na aking nirecruit.
“Ang mga bagay na iyan ay matagal ko ng alam. Kung ikaw ang aking tatanungin, nais mo pa bang lumaban sa aking panig? O umuwi ka na lamang sa inyong tahanan at alagaan ang iyong anak?” ang wika ko habang nakatingin sa kalangitan.
“Isang malaking karangalan po ang lumaban at mamatay sa iyong tabi panginoong Xandre,” ang sagot niya sa akin.
Natawa ako, “ngunit kung ako ang tatanungin ay papauwiin na lamang kita sa inyong baryo. Sa tingin ko ay magiging sapat ang aking hukbo upang talunin ang sinumang hahadlang sa akin,” ang tugon ko naman.
“Kung iyan po ang inyong nais panginoon, kung babalik man ako sa aking lupain ay nais kong ipabatid sa iyo na ako ay tapat na maglillngkod sa iyo anumang oras,” ang wika niya habang nakaluhod.
Noong mga sandaling iyon ay naisip kong palayain na lamang si Maggy dahil mayroon siyang dalawang anak, kung sina Atalante, Sato at Muzngi na inaasahan ko ay nagapi, paano pa ang isang hamak na mananayaw lamang ng ilusyon? Si Maggy isang mananayaw ay may kakayahan siyang gumawa ng ilusyon o dalhin ang kanyang mga kalaban sa lugar na malayo sa reyalidad, ngunit sa tingin ko ay hindi ito sapat lalo’t ang mga kalaban ay malalakas, higit pa sa akin inaasahan.
Sumasagi rin sa aking isipan ang healer na iyon, kung paano niya pigilan ang aking malakas na pag atake,tunay ngang na master na niya ang kapangyarihan ni Kasiya at sa tingin ko ay magiging malaking balakid siya sa akin.
Si Enchong ang kanyang tinutukoy.
“Salamat Maggy, kung magtatagumpay ako sa aking misyon ay ikaw ang aking gagawin tapat na taga sunod, humayo at mamuhay ng mapayapa,” ang wika ko sa kanya. Ikinumpas ni Maggy ang kanyang kamay at unti unti itong nawala sa aking paningin.
Sumagi sa aking isipan ngayon na ako ay mag isa na lamang sa labanang ito, ngunit kung inaakala nilang magiging madali ang lahat ay nagkakamali sila dahil sa tingin ko ay ito na ang oras na aking pinakahihintay.
Tahimik..
Habang nasa ganoong posisyon ay sumiklab ang liwanag sa aking buong katawan na lumikha ng matinding pagyanig sa buong paligid. Unti unting gumapang ang sagradong kalasag ng kadiliman ng aking buong katawan, kulay itim at gintong kalasag na hindi basta basta nawawasak nino man.Ito ang tamang pagkakataon upang simulan ang digmaan. At sa tingin ko ay kailangan na silang palabasin mula sa matagal na pagkakakulong!
Tumingala ako at namuo ang malakas na enerhiya sa aking kamay, ganito rin ang ginawa ni Elsen noon, uulitin ko lamang sa mas malawak at mas makapangyarihang paraan Namuo ang isang malaking bola ng enerhiya itim sa aking kanang kamay at sa aking kaliwa naman ay lumabas ang Bestial Blood na kakailanganin ko upang buksan ang tarangkahan sa itaas.
Binagsak ko ang bestial at ang alikabok nito ay humalo sa enerhiyang itim, itinaas ko ang aking kamay ay umangat sa ere ang aking kapangyarihan.
Marahan ang pag angat nito at noong makarating sa alapaap ay nagliwanag ng husto at unti unting nag crack ng malalaki ang mga portal. Kasabay nito ang pagkabutas ng ilang mga portal kaya nakalabas ang ilang mga halimaw.
Pinagmasdan ko ang mabuti ang aking ginawa, napangiti ako dahil ang tagumpay ay sa akin na! Muli akong lumakad sa pinakadulo parte ng aking balkunahe at dito ay ipinatak ko ang aking dugo sa lupa kasabay ng isang dasal. “Ang iyong dugo ang buhay, muling babangon ang kadliman at muling ibabangon ang kanilang mga dangal! Ang dugo ng Diyos na si Elsena ng iyong maging gabay! BUMANGON KAYO MGA KAWAL NG KADILIMAN!” ang sigaw ko.
Tahimik ulit.
At mula sa ilalim ng lupa ay nakarinig ako ng mga sigawan, dito ay bumukas ang itim na tarangkahan at sa pintong iyon ay lumabas ang mga kawal na itim, malalaking halimaw at mga isinumpang espiritu. Ito ang ginamit ni Elsen noong upang sakupin ang daigdig, ito ang aking gagamitin upang tuparin ang aming misyon.
Luminya sa aking harapan ang libo libong mga kawal at kasabay nito ang pagsiklab ng kapangyarihan sa aking buong katawan. “Ito na ang simula ng katapusan! Ito ang simula ng bagong yugto ng kasaysay! Dito na magaganap ang HULING DIGMAAN!
Sigawan ang mga kawal sa ibaba!
Namuo muli ang malakas na pwersa sa aking kamay ay buong lakas ko itong pinakawalan sa itaas. Sumibat ang aking enerhiya sa ere at tumama ito sa kalangitan!
Sa isang iglap ay nabagsak ang salamin at mula dito ay nagsimulang bumagsak ang mga halimaw sa sasakop sa sisira sa iba’t ibang lupain.
Itutuloy.
Part 46: Ang Apoy ng Pag-asa
Part 46: Ang Apoy ng Pag-asa
ENCHONG POV
Kinabukasan, sa aming pag gising ni Rael ay iba na ang simoy ng hangin, may dala na itong kilabot at kakaibang lamig sa pakiramdam na hindi namin maunawaan. Noong pinagmasdan namin ang kalangitan ay mas lumaki pa ang crack nito na halos nakalabas na rin ang ibang mga halimaw mula sa itaas.
Noong araw din iyon ay nakatanggap na kami ng mga report na nagsimula ng bumagsak at sumalakay ang mga halimaw sa mula sa itaas. Mabuti na lamang at may mga barrier ang mga lupain na nasasakupan ng blood sucker kingdom kaya’t kahit paano ay magsisilbi itong proteksyon para sa lahat. “Sa tingin ko magsisimula na ang digmaan, sabihin kay Heneral Liad na maghanda na! Nararamdaman kong sasalakay ang mga kawal ng kadiliman anumang oras,” ang wika ni Rael.
“Sigurado ka ba?” tanong ko kay Rael.
“Oo, sigurado ako, si Emrys mismo na nagpakita sa aking panaginip kagabi, ginamit ni Xandre and kaparehong hukbo na ginamit ni Elsen noon upang sakupin ang lahat, ngayon ay mauulit lamang ang kasaysayan,” ang wika ni Rael at habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pagpasok nina Oven at Rouen sa aming silid.
“Paano rin niyo ito dali!” ang wika ni Oven hawak ang kanyang cellphone, dito ay tumambad sa amin ang reporter sa mundo ng mga mortal kung saan ang lahat ay nagkakagulo na at parang malalang kaganapan ang nangyayari doon.
REPORT: Kung dati ay maligayang maligaya ang mga tao sa pagdilim ng kalangitan, lahat ay naging party animal, naging tomador at dumami ang pagbubuntis dahil parating gabi. NGAYON, ang kasiyahan na aking nabanggit ay nabura na dahil sa mga hindi kapani-paniwalang pangyayaring naganap kagabi habang ginaganap ang ultimate party ng mga alter sa Hotel Dela Blue sa sentro ng siyudad.
“Tama ka dyan ses! Edi party party kami, sayaw dito sayaw dooon, siyempre mabentang mabenta sa amin ang mga bortang no trace, sa kanila kami talaga nakapila para makipaglandian. Syempre dahil party iyon sayaw sayaw kami, naku nakatabi ko pa si Nelson yung classmate ko noong college ang laki laki ng katawan at ahit naman ang kilay. At alam mo ba ang tsimis, dati daw iyang lumalaban sa miss Gay Barangay, halatado at semi babaihan pero makuhang jowa, walang maharvat kaya ang ending nagpaka paminta pero sobrang gelatin naman,” ang wika ng beking borta sa tabi ng reporter.
“Ah e, ses, pwedeng straight to the point na lang? tsimosa ka rin eh, ang dami mong palabok, baklang toe! Spluk mo na ang talk show, ano bang nangyari?” ang tanong ng reporter.
“Edi ayun nga nakipagsayaw kami ng mga friends ko sa dance floor, nag naughty girl kami, nag crazy in love, nag Bad Romance hanggang sa mapansin namin na parang namumula ang kalangitan. Nagtilian kami kasi akala namin bababa si Super Nardo o kaya ay si Super Kuya pero mamushhh HALIMAW ang bumagsak! Originally ako talaga ang aatakihin ng halimaw buti na lang at katabi ko si Nelson a.k.a Fake Borta itunulak ko siya at siya nalapa ng halimaw! Im safe and sound by Taylor Swift!” ang salaysay ng bortang beki.
“Eh gaga ka naman palang bakla ka, doon ka na naga!” ang pagtulak sa kanya ng reporter. Maya maya ay finocus sa kanya ang camera, “Kitang kita sa mga video footage ang pagbagsak ng mga halimaw sa kalangitan at ngayon ay makikita pa rin ang ginagawang paglaban ng mga militar sa mga ito nanggugulo at naninira sa buong siyudad. Ang ibang mga taong bayan ay humukay na lamang ng tunnel sa ligtas na lugar at ang ilan naman ay nagkulong sa kanilang mga bahay. Ito na nga ba ang simula ng katapusan? O isa lamang itong pakulo ng Gobyerno upang mapagtakpan ang kanilang pangungurakot sa kaban ng bayan? Ako po si Edith Mae Lawit at ito ang ADS GCN New Live! IPUTOK MO!”
END OF REPORT
“Nagkakagulo na pala doon sa mundo ng mga mortal, paano sila mama, papa at ang anak natin?” ang tanong ko kay Rael na may halong pangamba.
“Nagpadala na ako ng mga kawal na magbabantay sa kanila. Ang orihinal na plano ay dadalhin sila dito ngunit hindi na ito maaaring sundin dahil dito sa Kailun magaganap ang digmaan, maaaring masira ang lupaing ito at madadamay sila. Pinakaligtas na lugar na doon sa mundo ng mga mortal dahil wala doon ng ugat ng kasamaan, at isa pa ay nagpadala rin si Niko doon ng mga kawal na Floral Gods upang makasiguradong maayos ang pamilya natin,” ang paliwanag ni Rael.
At ipinakita sa senaryo ang bahay ni Enchong sa mundo ng mga mortal na mayroong makapal na barrier sa paligid at sa loob nito ay nakatayo ang sampung kawal na blood sucker sa harap ng kanilang bakuran at sa likuran naman ay sampung kawal ng Floral Gods ang nakatambay. Lahat sila ay nakatingin sa mga panaka nakang pagbagsak ng mga halimaw mula sa itaas. Ang mga bumabagsak sa barrier ay natutunaw at agad na pnapatay ng mga kawal. Sa loob naman ay walang kamalay malay ang batang version ni Rouen na nagananap na ang digmaan sa kanyang paligid, naglalaro pa rin ito at nakangiti habang ang kanyang lola ay naiiyak na sa takot at kaba.
Noong araw na iyon ay luminya na ang daan daang kawal ng blood sucker sa harapan ng palasyo. Ang kanilang kalasag ay kulay pula at ang lahat ay armado ng mga sandata, mayroon ring mga kanyon at mga laser gun na ginawa si Rouen bilang upgrade sa kanilang mga sandata. Sa likod ng mga kawal ay ang naroon ang daang medics para sumuporta sa mga sugatan. Nakaka kilabot ang eksenang iyon, wala akong magawa kundi ang mapahawak sa kamay ni Rael habang pinagmamasdan ang kanilang pag aassemble.
YBES POV
“Nagsisimula na ang pagbagsak ng kadiliman, haring Seth, ikaw lamang ang may kakayahang pagkaisahin ang mga lahi,” ang wika ng aming matandang gabay.
“Ngunit paano ko ito magagawa?” tanong ko habang nakalingon sa kalayuan.
“Nasa iyo ang kapangyarihan ni Viento ni Del Gato, nasa iyo rin ang kanyang kwintas. Isuot mo ito at iparinig ang iyong tinig sa lahat,” ang wika nito.
Hinawakan ko ang kamay ni Seth, “magtiwala ka sa iyong kakayahan, nandito lang ako sa tabi. Ikaw ang hari namin, nasa iyo ang lahat ng batas at kapangyarihan upang gawin ang mga bagay na makabubuti sa ating lahi,” ang wika ko habang nakangiti.
“Mamayang gabi ay kabilugan ng buwan, magtungo ka sa Cendril Forest at tumayo sa itaas ng palasyo, doon sa altar ni Viento Del Gato, isuot mo ang kwintas at humarap ka sa kabilugan ng buwan. Dito ay buong lakas mong pakawalan ang iyong tinig! Ito ang magsisilbing hudyat upang ikaw ay kilalanin ng lahat. Nandito tayo sa malalang digmaan ng liwanag at kadiliman, ang pagkakaisa ang tanging sagot upang magtagumpay!” ang wika ng matanda at wala kaming ibang nagawa kundi ang sumang-ayon at subukan.
Noong mga sandaling iyon ay agad naming binuksan ang portal pabalik sa Cendril Forest. Tahimik dito at napansin namin na unti unti na muling umaayos ang kalagayan ng palasyo ni Viento Del Gato.
Pagdating sa palasyo ay agad kaming nagtungo sa gawing itaas kung saan naroon ang altar ni Viento. Sa kasaysayan ay dito madalas nakatayo ang hari sa tuwing ipapatawag niya ang kanyang kawal ng mga Manlikmot ngunit sa pagkakataon ito kung saan nakatayo si Seth ay walang kahit ano sa paligid.
“Kaya ko ba?” ang tanong niya sa akin.
“Kaya mo, maniwala ka sa akin dahil naniniwala ako sa iyo,” ang tugon ko naman sabay halik at yakap sa kanya.
Hinintay namin ang pagsapit ng gabi, sumandal kami ni Seth sa pader ng palasyo at pinagmasdan ang paglubog ng araw sa kalangitan. Nakakulong ako sa kanyang bisig at dito ay ramdam na ramdam ko ang tibok ng kanyang puso. “Mananalo tayo diba?” tanong ko sa kanya
“Oo naman, mananalo tayo at babalik sa normal ang lahat,” ang tugon niya at muli akong niyakap ng mahigpit.
“Natatakot ako ngunit kapag naiisip kong hindi ako nag iisa ay nawawala ang lahat ng ito, kaya huwag kang aalis sa tabi ko,” ang tugon ko sabay halik sa kanyang labi.
Matapos lumubog ang araw sa kalangitan ay naghintay lamang kami ng kaunti pang sandali upang mas maging maliwanag ang buwan, mula dito sa altar sa itaas ng palasyo ay makikita ang bilog na bilog na hugis nito na para bang napakalapit lamang. Tumingin sa akin si Seth at ngumiti samantalang isang matamis na ngiti naman ang aking isinukli biglang pagsuporta.
Maya maya ay isinuot niya ang kwintas na ibinigay ng gabay at dito nagliwanag ang kanyang katawan at unti unting naging manlikmot. Lumakad siya sa altar sa mas sumiklab pa ang pwersa sa buong paligid. Huminga ito ng malalim, makikita mong naipon ang hangin sa kanyang matipunong dibdib at pinakawalan niya ito sa pamamagitan ng isang malakas na alulong maitaas sa buwan.
Isang perpektong senaryo na ang isang taong lobo ay nagpakawala ng makapangyarihang alulong habang tinatamaan ng liwanag ng buwan ang kanyang katawan!
Tahimik..
Muling nagliwaang ang kanyang katawan at isa pang alulong ang kanyang pinakawalan, sa pagkakataong ito ay makasamang liwanag na enerhiya ang kanyang hininga na sumama sa hangin na aking labis na ikinamangha.
Tahimik ulit..
Nanatili si Seth na nakatayo sa harap ng altar at habang nasa ganoong posisyon kami ay isang alulong mula sa malayong direksyon ang aming narinig, tila may tumutugon sa kanya. Hanggang sa dumami ang alulong mula sa iba’t ibang direksyon at mula sa aming harapan (sa ibaba) ay may isang liwanag na lumabas!
Isang portal!
Dito ay lumabas ang grupo ng mga kalalakihan na natumingala at biglang humuhod kay Seth, gulat na gulat kami noong mga sandaling iyon, “Kami ng tribo ng Manlikmot na nagmula sa kanlurang kakahuyan ng Aslum Forest, kami ay taga sunod ni Viento Del Gato, at noong marinig namin ang iyon tinig at parang narinig rin namin ang tinig ni Viento. Simula ngayon, kami ay iyong kapanalig sa digmaan ito, mabuhay ka mahal na hari! Ang Hari ng mga Manlikmot!” ang wika nila at lahat sila ay lumuhod sa harapan ni Seth.
Noong mga sandaling iyon ay marami pa ang portal na bumukas sa ibat ibang parte ng Cendril Forestl, ang lahat ay tumugon sa tawag ni Seth, nakakamangha ngunit ang mga ito ay ang aming mga kalahi mula sa iba’t ibang tirbo at demensiyon.
Ngayon ang lahat ay nagkakaisa at sumuporta sa aming tawag ng alyansa upang wakasan ang kadiliman. Ang kailangan ng mga manlikmot ngayon ay isang mahusay at makapangyarihang hari. At dahil nananalaytay kay Seth ang kapangyarihan ni Viento Del Gato ay kinilala rin siya ng ibang tribu bilang kanilang pangkalahatang hari.
Noong mga sandaling iyon ay mukhang tumama ang propesiya, may isang manlikmot at pagbubuklurin ang aming lahi, ang lahat ay magkakaisa at pagtitibayin ng matibay ng pisi ng pagtitiwala, pagmamahal at respeto ang bawat isa. At ang haring iyon ay walang iba kundi si Seth.
“MABUHAY ANG HARI NG MGA MANLIKMOT! ANG HARI NG MGA HARI NG ATING LIPI!” ang sigaw nila.
Bilang tugon ay nagligabgab ang awrsa paligid ng katawan ni Seth, naging manlikmot ulit ang kanyang anyo, tumayo siya sa altar at huminga ng malalim kasabay nito ang kanyang pag alulong ng malakas at habang ginagawa niya ito ay kitang kita ng lahat ang espiritu ni Viento Del Gato na sumabay sa pag alulong kay Seth na ang ibig sabihin ay nabubuhay ito sa katauhan ng bagong hari (si Seth).
Ang iba ay naiyak noong makita ang senaryong ito, ako naman labis na kinilabutan!
Muling umalulong si Seth at bilang pagtugon ay umalulong rin ang lahat!
Ngayon ang hukbo ng mga Manlikmot ay buo na, ano mang oras ay nakahanda na kaming lumaban sa huling digmaang magaganap.
Itutuloy.
Part 47: Mga Natatanging Hukbo
Part 47: Mga Natatanging Hukbo
MIGUEL POV
Habang nakaupo ako sa balkunahe ng aming palasyo ay bumulaga sa akin ang isang portal at pampang ng karagatan at dito nga ay lumabas sina Oven at Rouen. Nakasuot agad ng pang beach si Oven, may malaking sumbrero at may salbabida pa sa bewang na pang bata. Si Rouen naman ay nakasuot ng preskong damit at short.
“Oven, Rou, bakit kayo nandito? Teka maligayang pagdating sa Apresia,” ang pagbati ko habang nakangiti.
“Ito kasing si Ninong nagyayaya dito sa Apresia gusto daw niyang makita ang kagandahan ng inyong lugar,” ang sagot ni Rouen.
“Gusto niyo ba ng maiinom? O pagkain kaya? Tara doon sa palasyo,” ang wika ko naman sa kanila.
“Naku okay na ako dito, lalanghap lang naman ako ng fresh air, napaka presko dito, nakakarelax at napaka breath taking ng karagatan! Unlike doon sa Kailun puro paghahanda na digmaan ang mga nasa isip. Teka, nasaan si Prinsipe Malik? Siguro ay abala na rin sa pag aassemble ng iyong mga kawal!” ang wika ni Oven dahilan para matawa ako.
“Walang kawal ang Apresia,” ang sagot ko naman.
“What? Paano ang lupain niyo? Paano ang mga taong bayan? Sino ang magtatanggol sa kanila?” tanong pa niya.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating naman si Prinsipe Malik nakangiti itong sumalubong sa amin. “Hindi man lang kayo nagpasabi na darating, sana ay napakahanda kami kahit papaano. Maligayang pagdating sa lupain ng Apresia Ginoong Oven at Prinsipe Rouen,” ang magiliw na bati ni Malik sa kanila.
“Maganda naman talaga itong Apresia, ito na yata ang pinakamagandang karagatang nakita ko, medyo chaka ng lang yung kalangitan kaya medyo nakakasira sa view pero okay na rin. Anyway kaya kami nandito ay dahil gusto kong maging mermaid princess!” ang hirit ni Oven.
“Mermaid Princess? Ang ibig sabihin ay gusto mong maging sirena?” seryosong tanong ni Malik dahilan para matawa si Rouen. “Naku wag niyong seryosohin si Ninong Oven, nagbibiro lamang siya. Ang totoo noon ay pinapunta kami dito ni Papa upang icheck kung mayroon daw ba kayong kawal? Magpapadala daw kasi sila kung sakaling kulang ang depensa ng Apresia,” ang paglilinaw ni Rouen.
Luminga linga kaming lahat, “Wala kaming kawal dito sa Apresia, ngunit huwag na kayong mag-alala, pakisabi kay Haring Rael na napakabuti niyang kapanalig,” ang nakangiting wika ni Malik.
“Ang lahat ay naghahanda na doon sa Kailun, paano ang mga taga rito?” tanong ni Rouen na may pag-alala.
“Ganoon ba? Kung ganoon ay kailangan na pala ang ating mga kawal,” ang wika ni Malik dahilan para mapakunot noo ako.
“Palabiro pala ito Mister mo Miguel, wala na nga kayong kawal diba? Hay nako, kung di lang to gwapo at kung di lang sexy baka isipin kong nabubuang na siya,” ang hirit ni Oven.
Tawanan kami.
“Si Rael ay mayroong army of blood sucker plus medical team. Si Ibarra ay mayroong Engkanto Army and power of nature eme. Si Seth ay may Army of Manlikmot, si Lucario no need hano, kasi siya lang ay sapat na! Si Devon naman ay may Army of the Dead ng Hell Society. So ano naman ang bala ni Prinsipe Malik?” ang panunubok ni Oven.
Nangiti si Malik, “Ganoon ba? Madali lang iyan!” ang wika nito sabay lusong sa tubig. Lumabas sa kanyang kamay ang kulay asul trident niya.
Lumakad si Malik sa itaas ng tubig dahil para mamangha ang mga bisita. Hindi ko alam kung anong iniisip niya noong mga oras na iyon ngunit may tiwala ako sa kakayahan ni Malik. Alam kong mayroon siyang itinatagong surpresa sa lahat dahil si Prinsipe Malik ng Apresia ay hindi basta basta magpapahuli.
Itinaas ni Malik ang kanyang trident at nagliwanag ito ng kulay asul, kasabay ng pag alon ng karagatan ay nagliwanag rin ang kanyang buong katawan. Ang trident na kanyang hawak at buong lakas niyang itinarak sa tubig.
Ang susunod na eksena ay nakakamangha dahil gumapang ang luwanag sa buong karagatan, nagliliwanag ang tubig at mula dito ay tumigil ang pag alon ito.
Tumahik ang buong paligid..
Maya maya nanlaki ang aming mga mata dahil unti unting umangat mula sa karagatan ang ang malalaking barko ng pirata lumubog karagatan sila pa noong unang digmaan. At mula sa bawat barkong iyon ay umahon mula sa tubig ang mga kalansay ng mga pirata at muli silang nagkaroon ng buhay. Sa isang kumpas ni Malik ng kanyang trident ay naging bago muli ang mga barko at ang mga mga pirata dito ay nagkaroon muli ng magagarbong kasuotan.
Hindi na namin mabilang kung ilang mga barko ang umangat sa ilalim ng karagatan at nabuo na parang mga barkong pandigma. Isang nakaka kilabot na pangyayari ang aming nasaksihan noong mga sandaling iyon.
Halos namangha ang lahat ng mga taong bayan noong makita nila ang daan daang barkong pandigma sa karagatan, ang lahat ng ito ay ang sandatahang lakas ng Apresia!
Palakpakan sila at nagbunyi! Nawala ang takot sa kanilang mga puso sa nakitang mga panlaban sa karagatan. Ang akala namin ay dito na nagtatapos ang lahat ngunit hindi pa pala, dahil muli pang nagliwanag ang katawan ni Malik at mula sa pampang ng karagatan ay umahon ang mga kawal ng Apresia na pumanaw na mula pa noong sinunang digmaan.
Lalo kaming kinilabutan, kaya naman pala relax lang si Malik dahil may itinatago siyang ganito. “Ninong, naihi po kayo!” ang wika ni Rouen.
“Oo nga, sobrang akong naamaze, naihi tuloy ako sa salawa!” ang nakanga-ngang wika ni Oven.
Luminya ang lahat ng mga kawal sa aming harapan at mula sa mga kalansay na anyo ay muli silang nagkaroon ng laman at nabuo rin ang kanilang mga kalasag at armas.
“Ang karagatan ay isa sa pinakamalawak na lugar dito sa mundo, para itong outerspace kung tutuusin. At ang mga ito ang biyaya ni Neptune sa atin, kahit na kailangan ay hindi niya tayo pababayaan! Para sa Apresia! At para sa ating mga lupain ay lalaban tayo!” ang wika ni Malik sabay taas sa kanyang nagliligabgab na trident at dito ay itinaas rin ng mga pirata at mga kawal ang kanilang mga sandata bilang tanda ng pagtungon sa tawag ng prinsipe ng karagatan.
ENCHONG POV
Sa pagbubukas ng bagong araw at nagsimula na ang banta ng digmaan. Namataan na ng aming mga kawal ang napakaraming hukbo ni Xandre na patungo sa Kailun, dito magaganap ang huling digmaan ng kabutihan laban sa kasamaan.
Bago sumapit ang bagong umaga ay nakalinya na ang aming mga kawal sa isang mawalak na kapatagan. Sa sograng lawak nito ay daig pa ang isang venue sa mga international war movies na napapanood sa sine. Lumakad si Rael sa gitna ng kanyany mga kawal suot ang pulang kalasag ng Dragon. Sumunod naman kami ni Rouen sa kanya, suot ko ang puting kalasag at itim naman ang aming anak.
Mula sa kabilang parte ng lupain, sa gawing kanan ay bumukas ang portal at dito ay dumating ang mga kawal na nakasuot ng berdeng kalasag. Ito ang mga Floral Gods sa pamumuno ng kanilang Hari na si Niko na noon ay nakusot rin ang kulay berdeng kalasag na mas matingkad ang kulay sa kanyang mga kawal. Katabi ni Niko si Oven na nakasuot ng armor na animo magic knight.
Mula rin sa kabilang parte ng lupain sa gawing kaliwa naman ay bumukas ang portal at dito ay lumabas ang mga taong nakasuot ng iba’t ibang kaswal na damit, mayroong nakapantalon, mayroong nakasuot ng mahahabang manggas at iba pa. Ito ay ang mga tribo ng Manlikmot sa pamumuno ng kanilang Hari na si Seth na nakasuot lang ng itim na damit at pantalon, gayon rin si Ybes na nakasuot ng printed na damit. Kung sa bagay ay hindi naman nila kailangan ng armor dahil ang kanilang mga katawan bilang Manlikmot ay sapat na bilant kalasag.
At sa gawing likuran naman ay bumukas ang portal at dito ay lumabas ang mga kawal nakasuot ng itim na kalasag. Ito ang mga kawal ng Dark Gate sa pamumuno ni Sante Rafalgia na nanoon ay nakasuot ng kulay lilang kalasag habang hawak ang kanyang malaking sandata ng palakol.
Lumakad si Rael sa gitna ng lahat at dito ay tumabi sa kanya ang mga hari ng bawat lupain. Lahat sila ay inabangan ang pagdating kawal ni Xandre na noon nasisilayan ng aming mga mata.
Nangingitim ito sa dami, halos hindi mabilang, parang sasakupin na talaga niya ang mundo. Halos hindi ito matapos tapos at batid kong mas marami di hamak ang bilang ng kanyang hukbo sa aming mga dala dala. “Huwag kayong matakot sa kanilang bilang, ang bawat isa sa atin ay malalakas kaya’t kaya natin silang ubusin at labanan! Para sa KAILUN! Para sa ating mga KINABUKASAN!” ang sigaw ni Rael.
Samantalang ipinakita naman sa iba pang senaryo na ang iba pang mga alyansa sa iba’t ibang lupain. Sa mundo ng mga mortal ay unang nakatayo sa malawak na lupain ang mga Engkanto na hukbo nila Ibarra, Leo at Sam. Sila ang namuno sa pag aassemble ng kanilang hukbo. Makalipas ang ilang minuto ay nagliwanag naman ang kalangitan at dito lumabas ang gintong hagdan, mula sa mga hagdan na iyon ay lumabas ang daan daang kawal ng Heaven Society sa pamumuno nina Yul, Michael at Rafael. Lahat ng mga Anghel ay luminya sa tabi ng mga engkanto suot ang mga pilak at gintong kalasag.
Maya maya ay bumukas naman ang tarangkahan sa lupa, at mula dito ay umangat ang mga nilalang na may mga kakaibang anyo, ang iba ay mga halimaw, ang iba ay mga lamang lupa, ang iba ay mga parang bangkay na nabuhay, mayroon ring mga guardian devil na may hawak na pangalawit at mga baril. Ang mga ito ay ang tinaguriang Army of the Dead mula sa Hell Society sa pamumuno ni Devon, Santi at Boss Lu.
Samantala, sa Bayan naman ng Yelo ay umangat sa lupa ang mga kawal ni Naama at sa kalangitan naman ay bumaba ang ilang mga Diyos na magtatamggol sa kanilang mga lupain. Ganito rin halos ang eksena sa Apresia kung saan nakalinya na ang mga barkong pandigma sa mga pirata at ang mga kawal ay nag aabang na sa tuluyang pagbasak ng mga halimaw mula sa kalangitan.
Noong mga sandaling iyon ay ramdam na ramdam na ang kaba sa digmaang palapit. Alam nila na ito na ang magiging simula ng katapusan para sa lahat!
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na sa aming harapan ang hukbo ni Xandre. Halo halong mga halimaw mula sa kadiliman. Mayroon ng mga itim na diwata at engkanto, mayroong mga itim na manlikmot, mayroong mga hell hounds at mayroong rin mga blood sucker na sumamba at sumunod sa kalaban.
Sa likuran ay makikita si Xandre na nakatingin sa aming lahat, suot niya ang kakaibang kalasag ng hugis dragon. Kapansin pansin rin na di hamak mas marami ang kanilang bilang kaysa aming pinagsama-samang lakas.
“Heneral Liad, ikaw ang bahala sa ating mga kawal. Ako ang haharap sa isang iyon,” ang wika ni Rael sabay turo kay Xandre.
“Masusunod po mahal na Hari, ang digmaan ito ay pagtatagumpayan natin,” ang wika ng Heneral.
Muling humarap Rael sa lahat ng hukbo, “Isipin niyo ang ating mga kinabukasan! Hindi natin hahayaang maghari ang kasamaan at kadiliman sa ating mga lupain! Para sa ating kinabuksan at para ito sa ating mga lahi!” ang sigaw niya sabay taas ng kanyang hawak na espada.
Humarap kami lahat sa hukbo ng kalaban!
At dito nakita namin si Xandre ang nagliwanag ang kanyang katawan at naipon ang enerhiya sa kanyang kamay. Pinasibat niya ito sa kalangitan at mula dito ay nabasag ang harang!
Tahimik.
Nawasak ang lahat ng harang dito!
At ang pagbagsak ng unang halimaw sa aming harapan ang naging hudyat upang sumugod!
“PARA SA KAILUN! PARA SA ATING MGA KALAHI!” ang sigaw ni Rael at naging mga paniking maliit ang kanyang buong katawan at dito lumipad siya pasugod sa mga hukbo ng kalaban.
Dito tumakbo patungo sa amin ang mga hukbo ng kalaban at nito na rin nagsimulang magsipag takbuhan pasulong ang aming mga kawal!
Ang mga manlikmot ay sabay sabay nagbago ng mga anyo sa pamumuno nina Seth at Ybes. Ang mga Floral Gods ay naglabas na nga mahika, at ang mga kawal ng Dark Gate ay tila mababangis na hayop na sumugod sa mga kalaban!
Ipinakita sa eksena ang sagupaan ng hukbo ng Kailun laban sa mga halimaw na kawal ng kadiliman. Mistulang isang epikong pelikula ng digmaan sa mga international scene ang pangyayari! Naging magulo ang paligid at ang lahat ay nakahandang pumatay at mamatay para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Samantala, ipinakita rin sa mundo ng mga mortal ang pagbagsak ng mga halimaw sa kalangitan, libo libo, daan daan! Halos hindi na ito mabilang! Dito na kumilos ang hukbo nila Ibarra upang ipagtanggol ang buong lupain.
Ganito rin halos ang senaryo sa bayan ng Yelo kung saan nag simula na ring ipatanggol nila Lucario at kanilang lupain. Sa Apresia naman ay sumasabog ang mga kanyon lalo’t ang mga kalabang bumagsak ay ang mga pantubig! Mga malalaking halimaw na bubuhay sa karagatan at ang iba ay talagang malalakas!
Ang pag ulan ng halimaw kalangitan ay isang bangungot madalang masilayan ng mga mandirigma! Ito ang senyales ng katapusan at para sa iba ay isa itong malagim na daang kanilang tatahakin mula sa ngayon at sa mga susunod pang mga sandali.
Itutuloy.
Part 48: Ang Huling Digmaan
Part 48: Ang Huling Digmaan
ENCHONG
POV
Nagsalpukan ang aming mga hukbo at ang hukbo ng kadiliman ni Xandre. Nag abot kami sa gitna at dito naging sumiklab ang labanan sa pagitan ng lahat. Naging magulo ang buong paligid, umuulan ng mga mahika, nagliliparan ang mga sandata at halos ang lahat ay kanya kanyang laban na kinakaharap!
Si Rael ay naging mga paniki ang katawan at sumasagupa ito sa mga kalaban, si Rouen naman ay hawak ang kanyang espada at ang lahat ng humaharang sa kanyang mabilis niya hinihiwa. Abala rin sila Heneral Liad na noon ay marami ring kalaban ang pinipilit talunin, samantalang sina Seth at ang mga grupo ng mga Manlikmot ay kalaban ang kanilang mga kalahi na tumiwalag at kumampi kay Xandre.
Ang mga floral Gods na may kakahayang lumipad na parang mga paru-paro ay nasa alapaap at sila ang pumapatay sa mga halimaw na nalalaglag mula dito. Ang ang mga kawal naman ng Dark Gate sa pamumuni ni Rafalgia ang humaharap sa mga halimaw na bumabagsak at tumatapak sa lupa para makigulo sa digmaan!
“Ang gulo gulo ng paligid, hindi ko na alam kung sino ang titirahin!” ang sigaw ni Oven sabay pindot sa kanyang bracelet.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay mag isang higanteng hell hound na tumatakbo patungo sa amin kaya naman humarang sa harap ko si Oven, “ano ba itong nakalagay bracelet? Axie weapon? Ano to?” tanong nito sabay pindot sa buton.
Dito ay biglang tumalon si Oven at sinuro ang kalabang higanteng halimaw sabay sigaw ng “Ivory Stab! Sinister Strike!!” ang sigaw pa niya sabay kalmot dito.
Maya maya ay nagliwanag ang kanyang pwet at kinaskas ito sa kalaban sabay sigaw ng “Tail Slap! Gain Energy!” Matapos ang atakeng iyon ay dumistansiya siya at dumura ng malaking tubig na shuriken! “Star Shuriken! End last stand!”
Napangiwi ako, “anong bang ginagawa mo?” tanong ko sabay pana sa mga kalaban parating.
“Eh ewan ko ba friend, hilong hilo na ako, bakit ba kasi may Axie option dito sa bracelet na to,” ang pagmamaktol nito sabay pindot pa ng buton at bigla naman ito nanuwag, nanuro na parang toro at nangagat! “Swift escape! Fish hook! Angry Lam! Vegetable Bite!” ang sigaw pa nito.
“Ano ba ginagawa mo? Bakit ang hina ng damage mo? 110, 130, 250 ang critical! Huwag mo na nga gamitin iyan! Nakaka stress!” ang sagot ko sabay tira ng palaso sa kanyang mga inaatake.
Patuloy ang labanan, patuloy rin ang magulong paligid, kahit saan ka lumiungon ay makikita mo ang mga nagsasagupaang nilalang, sa itaas, sa ibaba o kahit sa mga gilid pa. Makikita mo rin ang mga nagkalat na bangkay ng mga kalaban at ng aming kakampi. Ang ilang sugatan ay kinukuha ng mga medical team at ginagamot upang mas mabilis makarecover. Ang mga medical team na blood sucker ay nasa likod lamang ang protektado ng kanilang mga kapwa kawal. Naroon rin si Rouen at Niko na nakaharang upang makasigurado ang kanilang kaligtasan, ang medical team ang mahalaga sa pagkakataong ito dahil sila ang nagdurugtong ng buhay ng aming mga kasamahan.
Samantala ay dumadagundong naman ang lakas ng kamao ni Rael na nililimas ang mga kalaban upang makalapit siya kay Xandre na noon ay nanonood lang at nakaupo sa kanyang gintong trono. Samantalang si Seth at Ybes ay halos inuubos na ang kanilang mga taksil na kalahi. Si Rafalgia naman ay itinulang si Rael na makalapit kay Xandre, silang dalawa ang halos sumagupa sa malalaking halimaw sa paligid nito.
Ang mga kawal ni Xandre mga assorted kung tawagin, sila ay binubuo ng lahat ng uri ng nilalang sa mundo, mga hell hounds, Manlikmot, mga Engkanto, Blood Sucker at maraming pang iba. Karamihan dito ay mga halimaw mula sa ilalim ng lupa na ginamit noon ni Elsen para sakupin ang daigdig.
Patuloy sila Rael sa pagtakbo hanggang sa makarating siya sa trono ni Xandre, nagliwanag ang kanyang kamao at isang malakas na hataw ang ginawa nito sa harapan ng kalaban ngunit pinitik lang siya nito at ang katawan ni Rael ay tumilapon at lumipad sa malayo na aming kinagulat. Maya maya ay si Rafalgia naman ang umatake sa kanya ngunit hindi na gumalaw si Xandre, nakaupo lang ito sa kanyang trono ngunit napahinto niya sa pagkilos si Rafalgia, inangat niya sa ere ang katawan nito at saka itinapon sa aming kinalalagyan.
“Rael! Ayos ka lang ba?” ang tanong ko sa kanya.
“Oo, sinubukan ko lang lumapit sa kanya, hindi ko alam na baon siyang malakas na pag atake,” ang wika nito habang tumatayo. Wala naman itong natamong gasgas sa katawan dahil nakasuot siya ng isang matibay na armor.
“Huwag ka kasi padalos dalos!” ang sermon ko naman sabay punas sa kanyang mukha at habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang lumundag sa amin si Oven at saka sumigaw ito, “Ocean’s Payback!” nagkaroon ng mga tubig na enerhiya sa buong paligid at pinasabog nito ang mga kalaban sa kanyang range. “Pwede ba Marian at Dingdong mamaya na kayo mag moment kasi nasa gitna tayo ng war oh!” ang hirit nito dahilan para matawa kami.
“Marami pa rin ang kalaban at parang hindi nauubos ang mga ito, ang mga kawal na blood sucker ay nalagasan na ang 10% at ang 20% nito ay sugatan na! Ano ang ating gagawin mahal na hari?” ang tanong ni Heneral Liad.
“Ang mga maaaring lumaban ay palabanin pa ang mga malala ang pinsala ay dalhin na sa medical unique at huwag na palapitin dito sa battle field!” ang sagot ni Rael at dito ay muli siyang lumakad, “Ang mga kalaban ay marami dahil lahat ng ito ay hinukay lang sa ilalim ng lupa, ang tanging magagawa natin sa ngayon ay ang ubusin sila!” ang dagdag pa ni Rael at dito ay nahati muli sa mga paniki ang kanyang katawan at sumagupa sa lahat ng direksyon.
Nagtatakbo naman si Heneral Liad at muling nakipaglaban sa mga kawal ng dilim. Ang labanan ay walang katapusan, ang pagbagsak sa langit ng mga halimaw ay hindi rin nauubos! Ang ilang mga floral fairy ay pagod na sa paglipad at pagpaglaban mula sa itaas. Ito na yata ang pinakamahabang digmaan na nakita ko sa kasaysayan dahil inabot na kami ng halos dalawang oras ng walang pahinga, walang humpay.
DEVON POV (MORTAL WORLD)
Mistulang isang bangungot ang aming nasaksihan, ang kalangitan ay biglang nagcrack at nabasag at mula dito ay nahulog ang libo libong halimaw mula sa portal sa itaas, bukod pa rito ay bumukas rin ang mga portal sa paligid at dito ay lumabas ang mga kawal ni Xandre na mas marami kaysa sa aming mga hukbo. Ngayon kahit saan ka lumingon ay mayroong kalaban, mapa lupa o mapa himpapawid pa!
“PARA SA ATING KINABUKASAN! PARA SA ATING MUNDO! SUGODDDDD!” ang sigaw ni Ibarra at dito ay nagsimula na kaming tumakbo at sumagupa sa mga kawal sa ibaba, samantalang ang mga anghel mula sa Hell Society at ang ibang engkanto ay lumipad para sa mga kalaban sa itaas!
Noong mga sandaling iyon ang mundo ng mortal ay nalagay na sa tiyak na pagkawasak, ang mga ordinaryong tao wala ng matakbuhan dahil sa pag ulan ng mga halimaw sa buong paligid. May mga anghel at guardian devil na nagtungo sa sentro ng siyudad ngunit hindi pa rin sapat ang kanilang bilang para magtagumpay!
Binalot ng matinding takot ang lahat! Gayon pa man ay ipinagpatuloy pa rin namin ang paglaban sa abot ng aming makakaya, “Masyadong marami!” ang sigaw ni Santi habang nagpapaulan ng bullet sa buong paligid.
“Ang mga kalaban ay hindi basta basta mauubos! Ang tanging magagawa natin ay sarhan ang portal kung saan dumadaan ang kawal ni Xandre!” ang sigaw naman ni Ibarra sa kabilang gilid.
“Kung gayon ay dapat ay isara natin ito! Kami na ang bahala!” ang wika ni Yul kasama ang kanyang mga kawal na anghel mula Heaven Society. Pumalibot sila sa mga portal at sinimulan nila itong isara at lagyan ng harang sa pamamagitan ng kanilang mga sagradong kapangyarihan.
“Jusko, ang papanget ng kawal ng Hell Society, hindi ko na alam kung sino ang kalaban at ang hindi! Im so confused!!” ang sigaw ni Tembong habang nakasakay sa higanteng bulaklak na may mga baril.
“Pa join naman dyan John Lapuz! My favorite sweet of all!” ang wika ni Santi sabay lundag sa higanteng halaman ni Tembong at dito pareho silang nakipagbarilan. “GAY EMPOWERMENT!” ang sigaw ni Santi.
“Gaga! Dalawa lang tayo noh!” ang hirit ni Tembong.
Tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga kalaban, ang iba sa kanilang ay hindi ordinary dahil mayroong mga Manlikmot, maroon mga mabibilis na blood sucker at mayroon ring mga engkanto na mahirap icounter. Hindi ito ordinaryong digmaan ng mga kawal kaya’t pati kami ay hirap rin.
Habang nasa ganoong pagkakagulo kami ay napahinto ang lahat dahil may isang malakas na pwersa ang parating na pumukaw sa aming atensiyon. Hinanap namin ito kung saan nagmumula at dito ay laking gulat namin noong bumagsak ang isang lalaki sa aming harapan, nakasuot itong balabal na brown at kalasag ng Hell Society.
Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Clement! Ang ikalawang ranggo sa Supremo De Guardine, ang aking guro!
Agad na nagliwanag ang kanyang katawan at dito ay nadurog ang lahat ng mga halimaw sa paligid, “Devon, ako na ang bahala sa mundong ito, puntahan niyo sina Rael at ang iba pa sa Kailun, sila ay nahaharap sa tiyak na kamatayan sa kamay ni Xandre!” ang utos nito sabay lutang sa ere at ang lahat ng kanyang madaanan ay nabubura na parang abo.
“Tama kapag hindi napigilan si Xandre ay patay na tayong lahat dito! Kami na ang bahala sa mundong ito, magtungo na kayo doon!” ang utos ni Boss Lu.
Samantala, ipinakita sa senaryo ang kalagayan sa Apresia kung saan nagaganap ang malalang digmaan sa Karagatan. Umuulan rin ng halimaw sa kalangitan kaya naman halos abala ang lahat sa pakikipaglaban kabilang na sina Prinsipe Malik at Miguel.
Samantalang sa Bayan naman ng Yelo ay abala rin sina Lucario, Suyon at ang iba pang mga Diyos pakikipaglaban sa ere at sa lupa, iilan lamang silang mga Diyos sa lupaing iyon ngunit ang lakas ng bawat isa ay maikukumpara na sa daan daang mandirigma. Bukod sa mapaminsalang kamay ni Lucario ay kakaiba rin ang abilidad ng iba pang Diyos, mayroong nag aapoy ang buong katawan, mayroong nagyeyelo, mayroong bumubuga ng mga kidlat at mayroon ring naglalabas ng malakas ng sound wave! Ito muli ang pagkakataon na nagkaisa ang mga Diyos upang bumuo ng isang makasaysayang kaganapan sa kanilang lupain.
Noong mga sandaling iyon ay natala ang makasaysayang digmaan ang buong mundo, sa lahat ng mga dimensyon. Ito ang inaabangan ng mga tagapagtala upang ang bawat eksena at kaganapan ay kanilang maisulat at maging mahalagang kasaysayan.
Sa Kailun, ang digmaan ay naging madugo lalo na noong makialam si Xandre at isa isa nitong pasabugin ang mga medical team na sumusuporta sa buong hukbo. Gayon pa man ay hindi naman nagpatalo sina Rael at ang iba pa, dahil gamit ang kanilang lakas ay nagawa nilang bawasan at pauntiin ang hukbo ni Xandre hanggang ang matira sa buong battlefield ay ang malalakas na.
Kumaunti ng kumaunti ang bilang ng mga kawal ng kadiliman hanggang sa maging malinis ang napakaluwang na battlefield. Halos inabot rin ng ilang oras ang patayan at labanan. May mga halimaw pa rin na bumabagsak mula sa kangitan ngunit ang mga ito ay hindi na itinuturing na hadlang. Gayon pa man ay abala pa rin sina Haring Niko at ang mga Floral Gods sa laban sa mga ito mula sa itaas. Panandalian namang tumahimik sa battlefield. Sa kabilang direksyon ay nakatayo si Xandre at sa kabilang direksyon naman ay ang grupo nila Rael na noon ay halos pagod na rin.
“Ikaw na ang susunod, pekeng Diyos!” ang wika ni Rael kay Xandre dahilan para matawa ito.
“Dito mismo sa lugar na ito naganap ang labanan nila Elsen, Emrys, Viento, Neptune at Kasiya noon, dito rin naganap ng mahalagang kasaysayan na mauulit lamang ngayon. At alam niyo ang bagay na maaari maulit? Iyon ay ang matalo ang kadiliman!” ang sigaw niya.
“Huwag mong masyadong paasahin ang sarili mo dahil baka masaktan ka ng todo kapag ikaw ay nabigo! Ngayon ay magwawakas na ang kasamaan mo!” ang sigaw ni Rael at dito ay nagtatakbo ito para sumagupa sa kalaban.
Itutuloy.
Part 49: Ang Adhikain ng Diyos
Part 49: Ang Adhikain ng Diyos
ENCHONG POV
“Naku yang asawa mo, hot na hot lang? Sumugod na naman oh,” ang wika ni Oven noong muling magtatakbo si Rael patungo sa kalaban, maya maya ay bigla rin itong tumilapon pabalik sa amin dahil sa pagtulak sa kanya ng mataas na uri ng force field na nasa paligid ni Xandre.
“Arekup,” ang bulong nito kaya naman agad ko siyang itinayo, “Sa tingin ko ay hindi agad tayo makakalapit sa kinaroroonan ni Xandre dahil ang kanyang kalasag na gamit ay automatic na naglalabas ng pwersang humaharang sa kalabang aatake sa kanya.
Tahimik.
Lumakad si Xandre sa aming harapan, “Bakit kailangan niyo akong kalabanin? Maaari naman tayong magkaisa,” ang wika nito.
“Ang makiisa sa pagpapakalat ng kasamaan at kadiliman? Ang makisama sa pag-sira sa aming mga lupain? Kalokohan iyan! Kailanman ay hindi kami papanig at sasang-ayon sa iyong nais!” ang sigaw ni Seth.
“Ang ginagawa niyo kasi ay puro paghadlang lamang, hindi niyo inintindi ang aking adhikain. Pangarap kong maging iisang Diyos ng lahat upang mag isahin ang lahat ng mga lupain ang dimensiyon dito sa mundo. Hindi natin kailangan maghiwa-hiwalay, ang kinakailangan natin ngayon ay maging isa. At ang iisang mundo ay kinakailangan lang rin ng iisang Diyos at ako ang inyong kikilalaning kataas taasang hukom.,” ang wika niya sa amin.
“Seryoso ka? Hindi namin kailangan ng iisang DIyos dahil lahat ng nilalang na nabubuhay sa mundong ito ay may kanya-kanyang paniniwala at hindi mo iyon mababago! Huwag mong isiksik ang iyong sarili sa mga bagay na hindi naman talaga inilaan para sa iyo! Ikaw at si Elsen ay parehong mga baliw!” ang sigaw ko naman.
“Kung ganoon ay malinaw na lumalabas sa inyong bibig ang hindi pagsang-ayon sa akin adhikain. Kung gayon ay alam niyo na ang naghihintay sa inyong kapalaran at iyon ay ang kamatayan!” ang wika niya at dito nagliwanag ang kanyang mata at dito ay bigla na lamang kaming itinulak ng malakas na pwesang nagmumula sa kanyang katawan. “Kapag kayong lahat ay namatay na ay ako ang magiging Diyos sa mundiong ito at ang lahat ay haharian ko, ang lahat ay susunod sa aking nais! Ang kataas taasang kapangyarihan ang aking nais at wala ng iba pa!” ang sigaw niya sabay sugod patungo sa amin.
Sumiklab ang pwersa sa kanyang katawan kaya naman naghanda na sina Rael at Seth sa kanyang pag atake bagamat simula pa lamang ay dumadagundong na ang kanyang pwersa.
Unang sumugod si Seth, nagpalit anyo siya bilang Manlikmot at sumugupa kay Xandre ngunit sinipa lamang siya nito at tinadyakan dahilan para bumaon ang kanyang katawan sa lupa. Noong makalapit sa amin ang kalaban ay nagliwanag ang kanyang kamao at buong lakas na inihataw iyon sa aming direksyon ngunit sinalo ni Rael ang kanyang kamao kahit na kitang kita namin na lumubog ang mga paa niya sa lupa dahil sa bigat ng pwersa. At habang nasa ganoong posisyon siya ay nagliwanag pa ang kaliwanag kamao ni Xandre at noong ihahataw niya ito ay sinalo naman ito si Rafalgia!
Natawa si Xandre noong makitang dalawang malakas na mandirigma ang pumigil sa kanyang kamao ngunit panandalian lamang ito dahil mas sumikalab pa ang liwanag sa kanyang mga braso at dito ay sumabog ito ng malakas! At sa lakas nito ay lumipad ang aming katawan sa malayo at agad rin nawasak ang kalasag nila Rael at Rafalgia sa katawan.
Sadsad ang aming katawan sa lupa!
“Argh! Masyadong malakas,” ang bulong ni Rael habang bumabango ito, dumura pa siya ng dugo at ang kanyang suot ay tanging sirang damit na lamang dahil ang kanyang kalasag ay nabasag na parang mga salamin.
“Syempre, malakas iyan! Final boss kasi siya!” ang wika ni Oven at natili ito noong makitang lumalakad si Xandre patungo sa amin. “Humanda na kayo, lalaban tayo!” ang wika ni Rael. Samantalang pinindot naman nina Rouen at Ybes ang Instant Transportation Ball upang kumuha ng back up dahil naramdaman rin nila na hindi basta basta ang kalaban.
Nagliwanag ang aking kamay at dito ay lumabas ang aking sagradong palaso, ito ang unang ginamit ko upang sukatin ang kanyang lakas, pinakawalan ko ang palaso at sumibat ito na parang isang kometa sa direksyon ng kalaban ngunit sa halip na iwasan niya ito ay hinayaan lang niya itong tumama sa kanyang katawan at sumabog lamang ito sa kanyang kalasag ngunit hindi natinag.
Maya maya ay isang sagradong palaso pa ang aking pinakawalan, sumibat muli ito sa kinalalagyan ni Xandre ngunit sa pagkakataong ito ay naging hugis ibon ito at parang isang phoenix na sumibat sa kalaban ngunit ang ending ay sinalo lang niya ito at dinurog gamit ang kanyang kamay. “Mukhang bale wala ang mga simpleng pag atake,” ang bulong ko sa kanila.
“Tama ka doon, bale wala ang mga ganyang atake na may mababang antas ng kapangyarihan, bakit hindi mo ilabas ang kapangyarihang minana mo kay Kasiya at ito ang gamitin mo sa akin? Baka sakaling tumalab iyon,” ang wika niya habang nakangising demonyo.
Maya maya ay nagliwanag ang kanyang kamay at may lumabas rin dito palaso at pana, ngunit kulay itim lamang ito. “Hayaan mong ipakita ko sa iyo ang tamang paggamit ng ganyang kapangyarihan!” ang singhal niya sa pakawala sa pisi ng kanyang hawak na pana.
Sumibat ang itim na enerhiyang pana sa aming direksyon at sa lakas niton ay sinuntok ni Niko ang lupa, dito ay umangat ang daan daang mga puno na may malalaking sanga! Pinalibutan rin niya ng sanga ang aming paligid para maging haligi ngunit ang palaso ay winasak lamang ang lahat ng kanyang nilikhang harang. At noong malapit na sa aming ang palasong nagliligabgab na parang kometa ay humarang si Seth sa aming harapan at bumuga ito ng puting enerhiya na tumama sa atake ng kalaban dahilan para muling sumabog at yumanig ang buong paligid!
“Ano ba, wala pang 5 minutes nating nakakaharap si Xandre pero durog na ang paligid! Bakit napaka unfair ng buhay!” ang pag iyak ni Oven habang nakasubsob sa lupa agad siya itinayo ni Niko at niyakap ng mahigpit. Yumakap rin si Oven sa kanya, “Oh diba parang sina Miaka at Tamahome lang kami habang nasa war!” ang hirit pa nito.
“Mas malakas siya ngayon kaysa noong huling beses na nakaharap natin siya sa altar ng healer,” ang bulong ni Rafalgia habang inaalis ang mga sirang kalasag sa kanyang katawan.,
“Nag uumpisa pa lang ang laban! Ngayon pa lang ako nag iinit!” ang wika ni Rael at saka pinalagutok niya ang kanyang buto sa kamao.
“Kung ganyan lamang ang ipapakita ninyong lakas ay wala kayong mapapala. Bakit hindi natin apurahin ang labanang ito? Ang aking pagiging Diyos ay hindi na makapaghihintay pa!” ang wika ni Xandre at dito ay muling sumiklab ang lakas sa kanyang at muling sumagupa sa amin. “Hindi ako maaawa sa inyo, ang mamamatay ay mamamatay! Iyan ang aking batas!” ang sigaw niya.
“Walang mamamatay sa amin! Kung mayroon man ay ikaw iyon!” ang sigaw ni Rael at dito ay sumagupa rin it okay Xandre, sumiklab ang pulang liwanag sa kanyang katawan, iyon ang liwanag ni Emrys at dito ay nakipagsabayan siya ng malalakas na suntok sa kalaban. Dumadagundong ang hataw ng kanilang mga kamao, kapag tumatama ito sa lupa ay nawawasak ang buong paligid.
“Iyan ang tinatawag na labanan ng mga Diyos, grabe ang lakas nilang dalawa, hindi ko akalaing halimaw rin pala ang asawa mo!” ang namamanghang wika ni Oven na halos hindi na masundan ang bilis ng dalawa. Halos gumuhit na liwanag na lamang ang nakikita ng aming mga mata, isang itim at isang kulay pula!
Maya maya biglang napaatras si Rael nawala ito sa balanse, isang malakas na suntok ang iginawad sa kanya ni Xandre pero nasangga ito ni Rael ngunit napaatras ang kanyang mga paa. Isa pang malakas na suntok ang iginawad niya at dito ay nagtatakbo si Seth, nagliwanag ang katawan nito nagbago ang kanyang anyo, nagkaroon siya ng kalasag na animo Samurai ng Japan, at kapansin pansin ang bilis ng kanyang pagkilos, bihira sa isang Manlikmot ang nakakakilos na parang kasing bilis ng hangin!
Mistulang isang kidlat na sinalo niya ang kamaong tatama kay Rael at dito pinagtulungan nilang dalawa si Xandre. Ang kilos nilang tatlo ay mabibilis, maliliksi at hindi kapani-paniwala. Gumuhit na mga liwanag, nagtatalsikang mga enerhiya sa paligid at umaangat ang mga bato sa lalakas ng kanilang mga pwersa.
“Taglay ni Seth ang kapangyarihan ng kanyang ninuno na si Viento Del Gato, hindi napagtatakang makakasabay siya sa labang ito,” ang wika ni Niko
“Pero malakas pa rin si Xandre dahil dalawang level ng Diyos ang kanyang kalaban at literal na pinagtutulungan niya ngunit hindi siya magandang galusan ng dalawa,” ang wika ni Rafalgia na malinaw nakikita ang labanang nagaganap.
“Bakit nakikita niyo? Bakit ako ay liwanag lang na gumuguhit? Napaka unfair!” ang pagmamaktol ni Oven na halos hilo na sa pagsunod sa mga liwanag na nakikita ng kanyang mata.
“Tatamaan si Papa!” ang sigaw ni Rouen at dito nga ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Xandre na tumama kay Rael dahilan para tumilapon ito at bumaon sa mga matataas na batuhan ang kanyang katawan. Samantalang si Seth ay tuloy pa rin sa pakikipaglaban, maya maya dumistansiya ito ay naglabas ng malaking shuriken, buong lakas niya itong ibinato sa kalaban ngunit sinalo lang ito at binasag sa kanyang kamay.
Dumistansiya si Seth at si Rael naman ay nagsimula ng bumangon mula sa pagkakatilapon.
“Maaari ko kayong maging kanang kamay, pangako na walang gusot na magaganap, ang kailangan ko lang ay ang inyong katapatan,” ang wika ni Xandre.
“Hindi kailanman!” ang sigaw ni Rael sabay lundag sa kalaban at tinadyakan niya ito mula sa itaas. Nakaiwas si Xandre kaya tumama ang tadyak ni Rael sa lupa dahilan para magiba ito at lumikha ng malaking hukay.
“Wala ring kayong mapapala kung kakalabanin niyo ako, kamatayan lamang ang naghihintay sa inyo kung ito ay inyong gagawin,” ang mahinahong wika ni Xandre at siya ang sumugod kay Rael, lumundag siya at sinuntok rin niya ito ngunit nakaiwas ang kanyang target kaya tumama rin ang kanyang suntok sa lupa dahil para mawasak rin ang paligid at mas makikitang mas malaki ang hukay na nagawa ng kanyang kamao kaysa sa hukay ng pagtadyak ni Rael sa lupa
Panandaliang tumahimik ang paligid..
“Bakit hindi natin pasayahin ang labanang ito? Bakit kailangan niyo akong pagtulung tulungan? Hindi ba kayo nahihiya sa inyong sarili? Siguro ay dapat nating ipatas ang labanan,” ang wika niya sabay harap sa amin at maya maya nagliwanag ang kanyang buong katawan, kinagat niya ang kanyang daliri at ang kanyang dugo ay pinatak niya sa lupa.
Isang patak..
Dalawa..
Tatlo..
Apat…
Saka niya ikinumpas ang kanyang kamay at dito ay unti unting umagat ang mga pulang likido, apat ito na animo mga pulang putik na tumaas sa kanyang paligid.
“Marami kayo, kaya dapat ay mayroon ring akong kakampi, tama diba?” ang nakangising wika ni Xandre at maya maya ay naging hubog ng tao ang apat na likidong pula sa kanyang harapan.
Mula sa hugis tao ay bumuo ito ng kanyang kawangis, sa makatuwid ay apat na Xandre ang nakatayo sa kanyang harapan. Bale lima kung isasama ang orihinal.
“Hala, isa pa nga lang durog na tayo, bakit nahati pa sa lima?” ang reklamo ni Oven.
“Sinabi ko naman sa inyo, hindi magiging madali ang labanang ito,” ang wika ni Rafalgia at dito lumabas sandata sa kanyang kamay.
“Kung gayon ay lalaban tayo,” ang wika ni Ybes at dito ay unti unting naging Manlikmot ang kanyang katawan.
“Paalala lamang, ang bawat isang ako ay magkakasing lakas, at bawat isang kopya ko ay may kanya kanyang pag iisip at paraan sa pakikipaglaban. Ito lamang ang tanging naisip kong paraan upang maging masaya ang labanang ito, nais kong maglaro bago man lang kayo mamatay,” ang wika ni Xandre at sa isang kumpas ng kamay ay lumundag sa amin ang kanyang mga kopya.
“Papa!” ang sigaw ni Rouen at dito ay sinalubong niya ang unang kopya ni Xandre upang pigilan sa pagsugod sa akin.
Ang ikalawang nilabanan nina Niko at Oven. Ang ikatlo ay hinarap ni Rafalgia. Ang ikaapat na kopya naman ay pinagtulungan nina Seth at Ybes! Samantalang ang orihinal na kopya ay hinarap ni Rael ng mga isa.
Dumistansiya kami sa isa’t isa, sa pagkakataong ito ay may kanya kanya kaming laban na kinaharap. Si Rouen ay nakakasabay sa bilis ng aming kalabanan, ngunit makikitang mas lamang pa rin ang kopya ni Xandre. Katulad ng laban nina Rael at Xandre ay halos ganoon rin sa aming anak, palakasan ng suntok, sabugan ng mukha at kamao. Maya maya ay pinaangat ng kalaban ang tatlong malalaking bato sa lupa, halos triple ang laki nito sa aming lahat. Ang mga higanteng bato ay ibinalibag niyang lahat kay Rouen. Ang lahat ito ay sinalo ng aking anak gamit ang kanyang kamao. Ang pinakamalaking tipak ng bato ay sinipa niya at tumilapon ito sa malayo, ang ikalawang tipak ay sinuntok niya dahilan para sumabog ito at maging buhangin. “Mas lumakas ka yata ngayon bata?” ang tanong ni Xandre.
“Pinaghandaan ko ang araw na nito, at sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang dati!” ang sigaw niya at ang muling nagliwanag ang katawan sumugod kay Xandre.
Sa kabilang panig naman ay malakas ang pagyanig sa laban ni Rafalgia, mula dito ay nakikita ko ang isang dambuhalang palakol na buhay niya at ginagamit ito upang ihataw sa kalaban. Ang tapatan ng kanilang lakas ay talagang nakakamangha.
Sina Oven at Niko ay pinagtulungan ang ikalawang kopya ni Xandre, mula dito ay makikita mo ang kakaibang istratehiya ni Niko gamit ang nagliliparang mga halaman na animo patalim sa paligid. Samantalang dumadagundong naman ang mula sa lupain kung saan kalaban sina Seth at Ybes! Lumilipad at umuulan ng mga bola ng enerhiya sa buong paligid na naging dahilan ng madalas na pagyanig.
Ngayon ang magulang labanan sa pagitan ni Xandre ng kanyang kopya laban sa aming lahat ay nagaganap na. Ramdam kong maliit ang tiyansang manalo ngunit wala naman kaming ibang pamimilian kung ang lumaban at naging matatag sa lahat ng pagkakataon.
Itutuloy.
Part 50: Ang Limang Xandre
Part 50: Ang Limang Xandre
ENCHONG POV
Gumawa si Xandre ng kopya ng kanyang mga sarili at dito ay nahati rin ang aming kuponan. Ang bawat isa ay may katumbas na lakas sa orihinal kaya naman hindi naging madali ang lahat. “Papa, kaya ko naman ang aking sarili, sa tingin ko ay mas kailangan ka ni papa Rael doon,” ang wika ni Rouen noong sumasadsad ang kanyang katawan sa lupa, dumura ito dugo at muling pinahilom ang kanyang mga sugat na natamo dulot ng pakikipaglaban.
Tuloy tuloy pa rin ang pagsabog sa iba’t ibang direksyon dulot ng pakikipaglaban ng aming mga kasamahan. Noong mapatingin ako sa aking paligid ay nakita kong nabubugbog na aking mga kasamahan. Lalo na si Rael na halos puro gasgas at pasa na ang hubad na katawan dahil sa pagsagupa sa kanyang kalaban. Ilang beses ko na ring nakikita ang pagsadsad at pagtilapon nila Niko, Oven at iba pa sa lupa.
“Pwe!” ang pagdura ni Rael ng dugo.
“Nasaan na ang kapangyarihan ni Emrys? Bakit hindi mo ito gamitin blood sucker!” ang sigaw niya dito.
“Edi maaga kang natalo,” ang pang iinis ni Rael kaya naman muli siyang inupakan ng kalaban at muli siyang tumilapon sa malayo. Kasabay din noon ang pagtilapon ni Rouen sa tabi ng kanyang ama.
Tahimik.
Noong mga sandaling iyon ay napahawak na lamang ako sa aking dibdib. Huminga ako ng malalim at dito ay nagliwanag ang aking dibdib, gayon rin ang aking buong katawan. Wala akong ibang nasa isip kundi ang makatulong at maisalba ang kanilang mga buhay.
At noon ding mga sandaling iyon ay natuklasan ko ang isang natatagong kapangyarihan sa aking kaibuturan. Itinaas ko ang aking kamay at naipon ang malakas na enerhiya sa aking kamay. Sumibat ito paitaas sa kalangitan at nagliwanag ang alapaap. Sa kabilang madilim na kalangitan ay gumuhit ang gintong liwanag sa mga ulap.
Maya maya ay biglang bumuhos ang mga maliliit na enerhiya na parang mga patak ng ulan. Masasabi ko ring literal itong ulan na noong tumama sa katawan nina Rael, Rouen, Niko, Oven, Seth at iba pa ay naghilom ang kanilang mga sugat. Gulat na gulat ang lahat na para bang bumalik sa dati ang kanilang mga lakas at nawala ang kanilang mga pagod. At ni isang gasgas sa kanilang mga katawan ay walang natira.
“Isang heal rain, ang husay mo papa!” ang wika ni Rouen.
“Pakialamero!” ang sigaw ni Xandre sabay buga ng bilog na enerhiya sa aking direksyon. Nagliwanag ang aking kamay at dito ay sasalubungin ko sana ito ng sagradong palaso ngunit humarang si Rouen sa aking harapan at sinipa niya ang bola ng enerhiya na parang soccer player, pa backward pa ang kanyang pag tambling. Bumalik ang enerhiya kay Xandre at sumabog ito.
Noong manumbalik ang lakas ng bawat isa ay muli silang sumugod sa kanilang mga kalaban. Iyon nga lang ay tuloy pa rin ang pagbagsak ng heal rain sa kalangitan kaya’t kahit mapinsala ang mga ito ay umuusok lamang ang kanilang mga katawan at nagrerepair na kusa ang kanilang mga cells. Naging malaking tulong ang aking ginawa at habang tumatagal ay ginagawa rin sila nito ng karagdagang lakas. Iyon nga lang ay malakas kumunsumo ito sa aking enerhiya at kailangan kong mapanatili ang pagbagsak ng sagradong ulan hanggang sa mataas ang laban.
Habang nasa ganoong posisyon ay nakita ko ang naghuhumindig na lakas ni Seth sa kada hataw ng kanyang espada ay napapa atras ang kanyang kalaban. Si Rafalgia naman ay patuloy na nakikipagsugpaan sa kanyang katunggali, may pagkakataon na siya nasusugatan ngunit agad lang rin itong naghihilom kaya’t kahit papaano ay nakapatas sila sa lakas ni Xandre.
“Ayyyy! NOOOOOO!” ang tili ni Oven noon makitang nasaksak ng sibat na enerhiya ang kanyang asawa na si Niko habang pinipigilan nito ang kalaban sa pag gawad ng malakas na pag atake. Agad namang hinugot ni Niko ang nakatarak sa kanyang katawan at unti unting naghilom ang kanyang mga sugat na parang nangyari. “Ayyy bongga!” ang wika ni Oven noong makitang wala na ulit sugat ang asawa.
Noong mga sandaling iyon ay napalingon si Xandre sa kanyang paligid, kahit anong pinasala ang gawin niya sa mga kalaban ay nawawala lamang ito, katulad ni Rael na binalian niya ng braso ngunit ilang sandali lang ay bumalik rin agad ito sa normal.
Panandaliang tumigil si Xandre sa pagkilos at dito ay napatingin siya sa kalangitan kung saan bumuhos ang aking sagradong ulan. Marahil napagtanto niya na imposibleng magapi o masugatan ng husto ang kanyang mga kalaban dahil agad rin itong gumagaling. Ito ang kanyang labis na ikinagalit, “KASIYAAAAAAAAAA! SUMPAAINNN KAAAAAAA!” ang sigaw nito at dito ay lumundag ang kanyang mga kopya pabalik sa kanyang tabi.
Nagliwanag ang kanilang mga kamay at silang lima ay bumuo ng isang malaking malaking enerhiya na naipon ng naipon sa kanilang itaas, sa sobrang laki nito ay halos sakupin na ang buong paligid. “Masama ito!” ang wika ni Rael sabay lundag sa akin harapan, niyakap ako nito at inialis sa aking kinatatayuan. “Lahat kayo, atras!” ang sigaw nito.
“Natural malaking energy ball na magagawa niya, HELLO, lima sila no! And this is really is it! We’re all gonna die!!” ang sigaw ni Oven na noon ay nangangatog ang baba sa takot.
Patuloy na lumaki ang enerhiyang ginawa ni Xandre. Kitang kita ang pagligabgab ng itim na awra sa paligid nito na naging dahilan ng matinding pagyanig.
Umatras kami at dumistansiya sa kalaban. Sinuntok ni Niko ang lupa at dito ay lumabas ang mga malalaking sanga at ugat ng puno na humarang sa aming paligid na parang mga pader. Gumawa rin ang malaking barrier si Rafalgia na kumabit naman sa mga harang na pader. At bilang karagdagang proteksyon ay gumawa si Ybes ng mas maliit na barrier sa loob. Sa makatuwid ay halos tatlong layer ang harang na aming ginawa. Ang ulang layer ay ang ginawa ni Rafalgia, ang ikalawa ay mula ay Niko at ang ikatlo ay galing kay Ybes.
Maya maya ay umangat ang mga paa nila Xandre sa lupa at buong lakas nilang pinakawalan ang enerhiya sa itaas..
Nagliwanag ito at sumabog ng malakas! Hinawi nito ang kalangitan at nawala ang gintong enerhiya ng sagradong ulan na aking ginawa. Iyon ang pangunahin niyang layunin sa paggawa ng ganitong kalakas na pag atake.
Noong mawala ang ulap na aking nilikha ay biglang sumibat sa amin ang natirang enerhiya at mas lumikha pa ito ng malakas na pagsabog. Parang binura na ang buong paligid, nagbitak ang lupa at mas lalong nawasak ang pinakamalaking kapatagan ng Kailun!
Sa sobrang lakas ng pagsabog ay parang nabingaw na ang aming tainga at ang aming mata ay binulag na ng malakas at nakakasilaw na liwanag.
Nagcrack ang ginawang harang ni Rafalgia at maya maya nabasag ito. Nagtuloy tuloy pa ang malakas na impact ng pagsabog hanggang sa nasira rin ang malalaking haligi na ginawa ni Niko. At noong nahagip nito ang harang na ginawa ni Ybes ay panandalian nitong nilaban at pinigilan ang pagmalakas na impact pero sa huli ay nag crack lang rin ito na nabasag.
Sa makatuwid ay nawasak ang tatlong layer na aming barrier. Mabilis ang pangyayari at naganap lamang ito ng ilang segundo.
Umangat ang aming mga katawan sa lupa at lahat kami ay tinangay ng malalakas na pagsabog sa iba’t ibang direksyon. Halos ito yata ang pinakamalakas na pagsabog na aking naranasan simula pa noon.
Ipinakita sa senaryo kung paano kainin ng malakas na pagsabog ang Kailun. Kahit malayo na ang palasyo nila Rael ay gumuho pa rin ang ilang parte nito, nagbitak ang lupa at ang Floral Land ay naapektuhan rin. Malawak ang sinakop ng pagsabog at ang luntiang paligid ng Kailun ay wari naging disyerto. Ang unang malakas na pagsabog ay nasundan pa ng after shock na siyang nadulot ng mas malaking pinsala sa buong paligid. Binura na nito ang lupain ng healer at tuluyang nawala ang mga labi nito. Sumabog rin ang Dark Gate at ang gumuho ang palasyo ni Rafalgia. Nawasak ang mga kagubatan at na wipe out ang mga nilalang na naninirahan dito.
Samantala sa mundo ng mortal ay tuloy pa rin ang digmaan, ang lahat ay doon ay wasak na kabilang na ang mga siyudad at hindi pa rin natatapos ang pagbagsak ng mga halimaw doon. Si Clement ang nag take over ng pamumuno sa pagtatanggol sa mundo ng mga mortal dahil sina Ibarra, Leo, Devon at Yul ay tumugon sa tawag ng Instant Transportation Ball. Ang natirang nakikipaglaban sa mortal world ay sina Santi, Boss Lu, Sam, Tembong at Iba pa. Minabuting hindi na sila sumama ay hanggang ngayon ay delikado pa rin ang kalagayan ng mundong iyon.
Sa Lupain naman ng Apresia at Bayan ng yelo ay medyo mapayapa na ang paligid ngunit ang panaka nakang labanan ay hindi pa rin humuhupa. Sina Suyon, Lucario, Malik at Miguel ay tumugon sa S.O.S signal ng ITB at agad silang nagteleport sa Kailun. Tuloy pa rin ang digmaan at ang tagumpay ay medyo malayo pa sa katotohanan.
Ilang oras din ang itinagal ng pagsabog hanggang sa humupa nito. Nabaon ang aking katawan sa lupa at sa aking harapan ay si Rael, yakap ako nito halatang prinotektahan niya ako kanina. Gayon rin si Rouen na walang malay sa aking tabi at hawak pa ito sa aking braso. Dito ako naluha dahil ang mag ama ko ay walang ginawa kundi ang protektahan ako sa lahat ng oras. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa iba ngunit nagpasya akong gisingin sina Rael upang bumalik ang kanilang malay.
“Arrrghhh, ang sakit ng tainga ko, masyadong malakas ang pagsabog,” ang wika ni Rael noong magkamalay ito, gumalaw ang kanyang katawan at inalis ang mga nakadagan sa amin.
“Pa, sira na ang buong paligid. Halos burahin ni Xandre ang Kailun,” ang wika ni Rouen noong makabangon ito.
Wala pa ring malay ang iba, naka kalat ang kanilang mga katawan sa iba’t ibang direksyon. “Gising! Lahat kayo!” ang sigaw ko sa kanila. Lalo lang akong napanic noong makita ko si Xandre na nakalutang sa ere at nagliliyab ang katawan sa lakas ng kanyang enerhiya. Wala na ang kanyang mga kopya, muli itong haharap sa amin ng mag isa.
“Yun ba iyon? Nakakalungkot na nagapi kayo ng isa mahinang pag atake,” ang wika ni Xandre.
“Hayop ka Xandre? Mahina pa ba yon? Teka buhay pa ba ako? O heaven na ito?” ang ungol ni Oven habang bumabangon.
“Nakakatamad, nawawalan ako ng ganang makipaglaban sa inyo. Dapat siguro ay ang mga kawal ko na lamang ang tumapos sa inyong lahat,” ang wika niya.
“Kawal? Naubos na diba?” tanong ni Rouen sa amin.
“Naubos? Patawa ka ba bata? Ang aking kawal ay hinding hindi mauubos!” ang sigaw niya sabay kumpas sa kanyang kamay at dito ay bumukas muli ang kalangitan.
Dito ay muling bumagsak ang mas marami pang halimaw dahilan para mapatulala na lang kami dahil mas marami pa ito kaysa kanina. “Ang aking mga kawal ay lalabas at lalabas ayon sa aking utos, tiyak na madudurog na ang mundo ng mga mortal sa kanilang muling pagbagsak!” ang sigaw pa ni Xandre.
Samantala, sa mundo ng mga mortal ay ipinakitang pagod na ang lahat, halos hinahabol na lang ng mga mandirigma doon ang kanilang mga paghinga. At habang nasa ganoong pagkahapo sila ay muling nagliwanag ang kalangitan dito ay napamura na lang si Boss Lu dahil nagsimula na namang bumagsak ang libo libong halimaw, mas marami pa ito kaysa kanina. Napanganga na lang sila Sam at sila Santi na noon ay halos pagod na pagod na rin.
“Panginoon, tulungan mo kami,” ang bulong ng anghel na si Rafael habang hawak ang kanyang gintong sibat!
Halos pareho rin ang senaryo sa Apresia at Bayan ng Yelo, lahat ay nakanganga na lang dahil ang inaasahang tagumpay ay malayo pa.
END OF NARRATION
Itutuloy.
Part 51: Mga Natatanging Mandirigma
Part 51: Mga Natatanging Mandirigma
SANTI (MORTAL WORLD)
“Hala, bakit ganyan? Eh ubos na kanina diba? Windrax na tayo? Bakit may huge wave of monster pa? Saka kaninong idea ba na paalisin sina Ibarra at Devon dito?“ang sigaw ko noong makita ang halos libo libong halimaw na bumabagsak sa kalangitan, iba’t ibang uri at iba’t ibang laki.
“Ideya ko, alam niyo hindi matatapos ang pagbagsak ng mga halimaw na iyang hanggang buhay si Xandre Del Viuri. Kilala mo si Xandre, wala siyang pakialam kung masira ang lahat sa mundong ito,” ang wika ni Clement noong bumagsak ito sa aming harapan.
“Hmp, ikaw naman pala ang nagpaalis, alam mo kahit sobrang gwapo mo hindi kita ihaharvat dahil hindi ako mahilig sa mga daddy type!” ang sagot ko naman at dito ay inilabas ko ang aking malalaking baril.
“Maghanda na kayo, lalaban tayo!” ang wika ni Clement kaya naman lahat ng aming kapanalig ay naghanda na, kahit pagod na ang mga anghel, engkanto at mga demonyo sa paligid ay tumayo pa rin sila ng matuwid at nangakong ibibigay ang lahat ng kanilang makakaya.
“Nanalo na tayo kanina, tiyak na magagawa ulit natin ito ngayon! Kaya natin ito!” ang wika ni Sam.
“Trueness! Go fight win!” ang wika ni Tembong sabay kumpas sa kanyang kamay at dito ay lumabas ang isang higanteng bulaklak na mayroong maraming galamay na may mga bibig at pangil. “Lets go!” ang dagdag pa niya kaya naman sumampa kaming dalawa sa higante at dito ay hinawakan ko ng mahigpit ang aking baril. “Ang galing natin ses, simula ngayon ikaw na ang bff ko, OVEN YOU ARE OUT!” ang wika ko at nagyakapan namin ni Tembong.
Nabahing si Oven na may kasamang sipon habang naghahanda sa pag atake nila, “Putangna naman yung nakaalala sa akin, siguro pangit yon at mukhang kabayo,” ang bulong nito sabay piga ilong at suminga sa likod.
Sa loob ng ilang sandali ay bumagsak sa aming harapan ang mga kalaban dito ay sumugod kami at sumagupa sa mga ito. Ang mga halimaw ay iba’t iba ng katangian, mayroong mga higante, mayroong lumilipad, mayroong bumubuga ng apoy at mayroon ring mga itim na engkanto, blood sucker, manlikmot at kung ano ano pa. Muling sumiklab ang labanan sa buong siyudad, halos nawasak na ang buong paligid, ang mga gusali ay nagiba at bumagsak na rin.
Ang pinakamalakas sa grupo ay si Clement na lahat ng halimaw sa paligid ay madali niyang nagagawang abo sa pamamagitan ng pagtitig at pagtingin sa mga ito. si Sam naman ay sumasabay sa hangin gamit ang kanyang espada na matalim ang blade. Si Boss Lu ay naglabas ng 10 mga ninja na zombie at kasama niya ito sa kanyang pakikipaglaban. Samantalang kami naman ni Tembong ay nasa taas ng higanteng halaman at binabaril ang mga lumalapit sa amin, ang kanyang halaman ay kinakain ang maliliit na halimaw na animo mga insekto.
Samantalang ang mga anghel na mandirigma mula sa Heaven Society ay nasa itaas kasama sina Michael at Rafael na mga kanang kamay ni Yul, sila ang lumalaban sa mga lumilipad halimaw sa himpapawid.
Sa isang iglap ay naging magulo ang buong paligid, marami na rin ang nasawi sa aming kakampi ngunit ang aming pag-asa ay hindi pa rin nawawala , kumakapit pa rin kami kahit na halos parang malabo na ito.
Samantalang ipinakita rin sa senaryo ang bahay nila Enchong na patuloy pa ring ipinagtatanggol ng mga kawal na blood sucker at mga floral army. Ang kanilang harang ay halos basag na at may malaking butas kaya’t dito pumapasok ang mga halimaw. Pati si Hermes na tatay ni Enchong ay ipinagtatanggol ang kanyang apo na si Rouen (baby version) at ang kanyang asawa.
Ipinakita rin ang kalagayan sa Apresia kung saan nagaganap ng malalakas na pagsabog sa karagatan at sa Bayan ng Yelo kung saan tumulong na si Naama at ang ilang matatandang babaylan sa mga Diyos na noon ay patuloy pa ring lumalaban.
ENCHONG POV (KAILUN)
Matapos wasakin ni Xandre ang halos 40% ng buong Kailun ay nagtuloy tuloy pa rin ang kanyang pag atake, sa pagkakataong ito ay wala kaming ibang pamimilian kundi ang bumangon at mas tatagan ang aming mga sarili. Habang naghahanda ay nagliwanag ang aking katawan at pinaghilom ko ang sugat ng aking mga kasama. Halos malalaki rin ang pinsalang kanilang natamo dulot ng malakas na pagsabog kanina.
At ngayon ay pinagmamasdan namin ang walang katapusang pagbagsak ng mga halimaw sa lupa. “Mag handa na kayo, lalaban tayo!” ang wika ni Rael at muling sumiklab ang pulang enerhiya sa kanyang katawan.
“Kung ganoon ay simulan na ulit natin ang katuwaang ito!” ang sagot ni Xandre sabay taas sa kanyang kamay at sa pagbasak ng malakas na kidlat sa aming harapan at ikinumpas niya ito, “SUGOD!!” ang sigaw niya at lahat ng mga halimaw ay nagtatakbo patungo sa amin. Sa dami ng mga ito ay halos yumanig na at gumuho ang lupa.
At habang nasa ganoong posisyon kami ng paghahanda ay lumabas ang malaking liwanag sa buong paligid at dito ay lumabas ang isang malakas na enerhiya na animo tubig at tumama sa mga halimaw na nagtatakbuhan, may umangat rin na mas malalaking mga baging at mga ugat sa lupa. Bumagsak rin ang mga gintong sibat sa kalangitan at ang ilang mga halimaw ay umangat sa ere at nagkahiwa hiwa ang katawan.
Hinanap namin kung saan nagmula ang mga enerhiyang iyon at bago pa makalapit sa amin ang mga halimaw ay bnumagsak sa aming harapan sina Malik, Miguel, Lucario, Suyon, Devon at si Yul. Timing na timing ang kanilang pagdating, ngunit sa kabila ng malalakas na enerhiyang kanilang pinakawalan ay hindi pa rin ito sapat upang mabawasan ng todo ang mga kalaban. Marami pa rin sila at tila walang tiyansang maubos.
Dito na muling nahati sa mga paniki ang katawan ni Rael at Rouen kapwa silang sumugod sa mga halimaw, sina Devon at Yul naman ay lumipad sa itaas upang labanan ang mga halimaw sa himpapawid. Nagtatakbo naman si Ybes at Seth at kapwa nging mga Manlikmot ang anyo sabay sugod sa mas malalaki at mas mga higanteng hukbo.
Ako naman at sina Niko, Rafalgia at Oven naman ay nanatili kanilang kinalalagyan upang sagupain ang kalaban na parating. Ang liwanag ang aking kamay at dito sumibat ang limang palaso na animo kometa lahat ng madaanan ng mga ito ay nalulusaw at sumasabog. Si Oven naman ay hawak ang kanyang pamaypay at ang lahat ang mahanginan at inilalapad sa ere at nahahati. Sila Niko at Rafalgia ay mano mano ng lakas, lumilipad ang mga enerhiya sa kamay ni Rafalgia at gayon rin ang dahong patalim ni Niko.
Naging magulo ang buong paligid! “Kami ang harapin mo baliw! Hindi pa tayo tapos!” ang sigaw ni Rael sabay sagupa kay Xandre. Muling nag abot ang kanilang pwersa at kamao noong mga sandaling iyon dahilan ng pagyanig at paulit ulit.
“Friend okay na kami dito! Tulungan mo si papa Rael at ang anak mo kay Xandre!” ang sigaw ni Oven.
“Pero masyado silang malayo! Paano makakalapit? Ang daming kalaban sa paligid!” ang sagot ko naman at dito ay bigla akong hinawakan nila Malik at Miguel sa braso.
“Halika!” ang wika ni Miguel at katulad ng dati ay nagliwanag ang kanyang palad at itinulak niya palayo ang mga halimaw na sumusugod sa amin. Nagliwanag din ang sibat ni Malik at sa isang kumpas ay lumabas ang isang malaking tsunami ng tubig, sumakay kami ni Miguel dito para makaraan kami sa maraming kalaban. Sa makatuwid ay binigyan nila ako ng daan upang makarating kila Xandre at Rael na noon ay patuloy pa rin sa paglalaban.
Ang kanilang mga kilos mabibilis pa rin, naghahalo ang pula at itim na liwanag sa ere. Nakakamangha at halos hindi na ito masundan ng aking mga mata. Noong dumistansiya si Xandre kay Rael ay si Rouen naman ang sumugod, ang mga suntok nito malalakas rin at halos napapaatras si Xandre kapag iginagawad niya ito.
Maya maya ay nagtulong na silang mag ama, sa pag atake, iyon nga lang ay talaga hindi nila mabasag ang barrier na kasalag sa katawan ni Xandre, ang kanyang kalasag ng dilim ay naglalabas ng enerhiyang shield na pumipigil sa kanilang pag atake!
Habang nasa ganoong posisyon ng paglaban ang dalawa ay inilabas ko ang aking pana at palaso, “Rael!” ang pagtawag ko at dito ay parang alam na nila ang aking nais gawin.
Hinila ko ang pisi ng enerhiya at dito sumibat ang gintong palaso sa itaas nila. Ang gintong palasyo ay nahati sa lima at tumusok ang mga ito sa lupa. Ang bawat palasong nakatarak sa lupa ay naglabas ng gintong kadena na kumapit sa katawan ni Xandre. Ngayon ay limang kadenang ginto ang gumapang at pumigil sa kanyang pagkilos.
“Ngayon na!” ang sigaw ko.
Sumiklab ang malakas na enerhiya sa katawan ni Rael, ito na ang enerhiya ni Emrys! Namuo ang pulang liwanag sa kanyang kamay na animo dugo at isang malakas na suntok ang iginawad niya sa katawan nito dahilan para magcrack ang kanyang barrier at mabasag ito! Isang malakas na suntok pa ang ginawad ni Rael at nagcrack naman ang kalasag na itim ni Xandre
At ang ikatlong suntok na igagawad niya ay hindi natuloy dahil binukas si Xandre ang kanyang bibig at dito ay may lumabas na isang malaking sibat! Tumusok ang sibat na iyon at tumagos sa kanyang dibdib at dito ay tinangay siya palayo sa kalaban.
Nagliwanag ang katawan ni Xandre ay pinilit niyang makawala sa pagkakagapos ng aking mga kadena, dito na lumundag si Rouen at sinubukan hiwain ang kanyang leeg gamit ang kanyang espada. Ngunit kahit anong baon siya ito ay hindi niya magawa. Kitang kita ng aking mata ang pang gigigil ni Rouen, hinawakan niya ang dalawang talim ng espada at idiniin sa leeg nito.
Habang nasa ganoong posisyon siya ay nagbuga ng mga maliliit na enerhiya si Xandre at ang lahat ng ito ay sumabog sa kanyang katawan dahilan para sumabog kanyang dugo sa paligid at tumilapon palayo.
Kakawala si Xandre sa aking kadena kaya naman kinontrol ko ito upang mas maging mahigpit, gayon pa man ay talagang malakas siya dahil naputol niya ang isa sa likuran.
Ilang malalakas na galaw pa ay dalawa na ang naputol at noong aktong kakawala na siya ay may bumagsak na gintong kahon sa kanyang harapan. Natahimik siya at natingin siya dito.
Ang gintong kahon ay bumukas at naglabas ito ng mas marami pang gintong kadena napumalibot sa kanyang buong katawan hanggang ulo!
Ang kahon ng kadena ay nagmula kay Miguel, tumabi ito sa akin at pilit na iginapos katawan ni Xandre. “Ngayon naaaaa!” ang sigaw niya.
Nagtatakbo si Malik at isang malakas na enerhiyang asul ang lumabas sa kanyang sibat at itinarak niya ito kay Xandre dahilan para balutan pa ito ng tubig na gumagapos sa kanyang katawan.
Maya maya nakita ko si Suyon na tumabi sa amin, iniangat niya si Xandre sa lupa na noon ay nagpupumilit gumalaw at pinigilan niya ang pagkilos nito.
Mula sa itaas ay sumibat ang isang gintong liwanag at ginapos siya, ito naman ay nagmula kay Hariel na nasa itaas!
Nagkukumawala pa rin si Xandre kaya naman niyakap na ito ni Lucario at Seth upang hindi makagalaw. Sinabayan pa ito ng mga ugat at baging ni Ibarra ag Niko.
Kitang kita kong ginawa nila lahat upang maigapos ang kalaban. “DEVON!” ang sigaw ni Lucario.
Agad na bumaba si Devon sa aming tabi, lumabas ang kanyang nagliliyab na scepter at saka itinarak niya ito sa lupa. Nagliwanag ang lupa at nagbiyak ito! “Hell Gate!” ang sigaw niya at dito ay bukas ang pintuan ng impiyerno!
Hinila si Xandre ng mga itim na kamay at kinain ang kanyang katawan sa pinakailalim nito. Agad na hinugot ni Devon ang kanyang scepter sa lupa at isinara ang tarangkahan!
Nagsara ito at nawala ang bakas ni Xandre.
Hingal na hingal kaming lahat. Napaupo na lamang ako at Devon naman ay nahiga na lang sa lupa. “Nanalo tayo!” ang sigaw ni Oven.
Nangiti na si Malik at Seth, “sa palagay ko nga, nagtagumpay tayo,” ang wika nila.
“Hindi pa, nararamdaman ko pa ang lakas ni Xandre,” ang wika ni Rafalgia at matapos niya itong sabihin ay sumabog ang lupa at dito ay umangat sa ere si Xandre na may pakpak ng isang demonyo, nasira na ang kanyang itim na kalasag ngunit buhay na buhay pa rin ito.
“Hindi pa tapos! Kahit magtulong tulong kayo ay hindi niyo ako kaya!” ang sigaw niya at dito muli lumabas ang nagbabagang enerhiya sa kanyang katawan.
“Bakit ganon? Full force na kanina diba? Kitang kita ko na combination na iyon ng mga powers niyo. Bakit ganon?” ang natatakot na wika ni Oven na para iiyak na hindi mawari.
“Bakit ganon? Dahil labanang ito ay ako ang magtatagumpay at nakaguhit iyon sa aking kapalaran!” ang sigaw ni Xandre at dito ay nagligabgab ang kanyang katawan at umakyat ang kanyang enerhiya sa langit.
Bumukas ang ulap na parang nahati ito at muli dito ay bumagsak ang isang higanteng nilalang.
Napaatras si Suyon, “si Gnosis! Ang gabay ni Satori! Naalala kong kinuha ito Xandre noon! Ngunit iba ang anyo niya ngayon, isang anghel na itim at mayroong dalawang sugay, buntot at mukhang halimaw!” ang wika ni Suyon.
“Tama ka Suyon, ito si Gnosis at mas malakas siya ngayon!” ang sagot ni Xandre at dito ay biglang bumuga ng itim na enerhiya ang higanteng gabay at sumabog ito sa aming harapan.
Itutuloy.
Part 52: Karimlan ng Dilim
Part 52: Karimlan ng Dilim
ENCHONG POV
“Hindi na kaaya aya ng ang anyo ni Gnosis, mas nakakakilabot siya ngayon,” ang bulong ko sa aking sarili at habang nasa ganoong pag iisip ako ay biglang bumuga ng itim na kapangyarihan ang higante dahilan para balutin ng liwanag ang aming mga paningin.
Umiwas kami ngunit biglang umangat ang katawan ni Suyon sa ere at dito ay lumabas ang isang pang higante. Ito ang tagabantay na si Oni, ang ginamit niya noon upang labanan si Sato. Nagtatakbo si Oni sa aming harapan, gamit ang kanyang kalasag sa braso ay pinigilan niya ang ibinugang enerhiya ng kalaban.
“Ayos!” ang wika ng aming kasamahan.
“Grabe! Palang pelikulan! Titan sa Titan ang labanan! May baong ganyan si Suyon?” ang namamanghang tanong ni Oven.
“Malakas si Suyon, alalahin mong asawa siya ni Lucario,” ang wika ni Niko habang nakangiti samantalang nasa likod lamang si Rouen dahil ginagamit nito ang napinsalang dibdib ng ama.
Yumayanig ang paligid dahil sa paglalaban ng dalawang madirigmang higante. Gamit ni Oni ang kanyang nagliliyab na espada samantalang si Gnosis ay mahababang kuko at buntot ang ginagamit sa pag atake.
Maya maya ay lumipad sa ere si Gnosis kaya naman nagliwanag ang katawan ni Oni na kayang kalaban. Gumapang ang mga kakaibang simbolo sa kanyang katawan at nagliyab ito, maya maya umangat din sa ere ang katawan ng higanteng gabay ni Suyon saka sila naglaban sa itaas. Hindi nakakalipad si Oni, ngunit dahil sa kapangyarihan ni Suyon umangat ito sa ere.
At habang nasa ganoon posisyon si Suyon ay isang itim na sibat ang lumipad sa kanyang direksyon kaya naman agad itong sinalo ang kanyang asawa na Lucario. “Huwag mong isasayad ang makasalanan mong sandata sa aking kabiyak!” ang sigaw ni Lucario at dito lumabas ang pakpak sa kanyang katawan. Ito ang kanyang ikalawang porma. Mabilis itong lumipad sa kinalalagyan ni Xandre at nagbuno silang dalawa sa ere!
“Aatake tayo!” ang sigaw ni Ibarra at dito naghanda muli kami sa paglulunsad ng all out attack!
“Ako na ang bahala kay Gnosis! Gawin niyo ang makakaya niyo upang pabagsakin si Xandre! Ititigil si Gnosis kapag nagawa niyo ito!” ang sigaw ni Suyon na noon ay nasa itaas at kinokontrol pa rin ang paglipad ng kanyang gabay.
Ang paglalaban nila Lucario at Xandre ay halos ganoon rin kila Rael, iyon nga lang sapakan ng kapangyarihan ang ginagawa ng dalawa. Hanggang sa maya maya ay biglang niyakap ni Lucario ang katawan ni Xandre at bigla SUMABOG silang dalawa!
Sa sobrang lakas nito ay parang nagliwanag buong kalangitan! “Gago talaga si Lucario! Siniguradong magkakaroon ng pinsala ang kanyang kalaban!” ang wika ni Malik.
“Ngayon na! Sugod na!” ang sigaw ni Ibarra at dito ay inilunsad namin ang all out attack habang si Xandre ay hindi pa nakakabawi ng lakas!
Lumipad si Leo at Yul sa itaas, kapwa ng liwanag ang kanyang katawan at isang malakas suntok ang ginawad sa katawan ng kalaban dahilan para bumagsak ito sa lupa! Lumabas ang dalawang sibat sa kanilang kamay, ang kay Leo ay ang sibat ni Akito at ang kanya Yul naman ay ang Spear of Lance. Kapwa humaba ang dalawang sibat na kanilang hawak at tinusok nito si Xandre sa katawan, bumaon ang sibat sa lupa habang nakabaon sa katawan ng kalaban!
Ngunit ilang saglit lang ay sumigaw si Xandre at parehong nabali ang kanilang mga sibat. Hinawakan niya ang naputol na tulis nito at kapwa ibinalibag kina Leo at Yul dahilan para silang dalawa ang matuhog sa katawan! Lagapak ang dalawa!
Nakawala si Xandre at nagsimula rin itong umatake sa kanyang bumagsaka ng pulang Manlikmot sa kanyang likuran, niyakap ni Ybes ang katawan ni Xandre at sumigaw ito “BLOOD ENERGY BOMB!” Umusok ang katawan ni Ybes at umangat ang mga dugo niya sa katawan saka ito sumabog ng malalakas sa kanila ni Xandre pero sadyang malakas ang kalaban dahil inawakan nito ang kanyang braso at binali dahilan para tumilapon si Ybes.
Sinalo ni Rafalgia ang katawan ni Ybes na tumilapon, dito ay siya naman ang sumugod kay Xandre, ginamit niya ang enerhiyang pisi sa kanyang katawan at iginapos niya ito, ngunit may lumabas na mga malalaking tinik sa pakpak ng kalabang pinipigilan at lumusot ito sa kanyang katawan dahilan para matumba siya.
Muling lilipad sa ere si Xandre pero bigla siyang hinila pababa ni Miguel at muli siyang tinalian nito ng kadenang ginto.
Maya maya nagtatakbo si Malik, nagliwanag ang kanyang trident at naglabas ito ng isang malaking enerhiyang gawa sa tubig.
Nagliwanag rin ang katawan ni Ibarra at naglabas ito ng malaking enerhiyang berde na hugis paru paru.
Dito na lumabas ang aking sagradong palaso, nagkaroon ng pakpak ang aking likuran at pinakawalan ko ang nagliliwanag na gintong palasyo. Humalo ito sa enerhiya ni Malik at Ibarra, nagrumble ang tatlong malakas na enerhiya at bumuo ng isang dragon.
Sumagupa ito kay Xandre at ngunit nawala ito sa kadena ni Miguel at pinigilan ang bibig ng aming dragong enerhiya upang hindi tumama sa kanya. Dito na sumulpot si Rouen! Nagliliwanag kamao ang tumama sa kanyang katawan. Dahil para ma-out of balance ang kalaban. Sumulpot pa si Devon sa kanyang harapan, hawak nito ang kanyang malaking pangalawit at hiniwa niya ang katawan ng kalaban dahilan para magdugo ito at lalong mawasak ang kanyang depensa.
Maya maya ay bumagsak ang katawan ni Rael sa kanyang itaas, nagliliyab ito na animo super saiyan na pulang awra! Iginawad niya ang pinakamalakas na suntok sa mukha nito.
At ang pinakahuling atake ay ginawa ni Seth, hawak nito ang isang dambuhalang shukiren na ibinato niya sa kalaban dahilan para mawala ang pagpigil niya sa dragong enehiya at saka siya nilamon ng nito.
Kitang kita namin kung paano tupukin ng aming kapangyarihan ang katawan ni Xandre hanggang sa sumabog ng malakas ang enerhiya at tumilapon kaming lahat sa magkakaibang direksyon.
Natapos ang aming all out attack, sana lany ay epektibo ito. Ito ang mga bagay nasa isip ko habang tumitilapon sa ere pasadsad sa lupa. Sana lang ay sapat na ang mga pinagsama sama naming lakas at kapangyarihan para itumba ang kalaban.
Yumanig ang buong paligid at halos wala na akong naaninag pa, batid kong mas lalong lalala ang pinsala ng Kailun, sana ay makabangon pa ito pagkatapos ng malalang digmaang ito.
Nagtatakbo si Oven at pinidot ang kanyang bracelet, lumikha ito ng temporary shield upang harangan ang aming mga katawan.
Panandaliang binalot ng malakas na liwanag ang aming mga paningin at dito ay naging blangko na ang lahat, basta ang naramdaman ko lang ay tumama ang aking katawan sa batuhan dahilan para magdilim ang aking paningin.
Ilang minuto rin akong nakapikit at noong idilat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang wasak na lugar, animo binagsakan ng ilang mga kometa ang buong paligid, halos hindi na ito makilala pa. “Gumising kayo,” ang wika ni Rafalgia.
“Tapos na ba?” ang tanong ni Oven.
Umiling si Rafalgia habang hawak ang kanyang duguang katawan , “Hindi pa, malayo pa sa katapusan,” ang wika niya at dito ay biglang bumagsak si Oni na gabay ni Suyon mula sa ere, putol at hati hati ang katawan nito na aming ikinagulat. Dito ay nakita rin namin si Suyon na duguan at walang malay.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay nagliwanag muli ang paligid at dito ay nakita namin si Xandre, nakahubad na lang ito, may sungay ang ulo, may pakpak ng demonyo ang katawan at mayroong buntot.
“Iyan ang kanyang anyo, isang makapangyarihan guardian ng hell society,” ang wika ni Devon habang bumabangon. Dito napatingin siya sa aming mga kasamahan na noon ay puro sugat. “Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito, kung sana ay naging malakas lang ako, sana ay napatay ko na siya noon pa man. Sana ay hindi niya nakuha ang bestial at sana ay hindi umabot sa ganito ang lahat,” ang wika niya.
“Devon, huwag mong sisihin ang sarili mo, ang lahat ng ito nakatakda, ang lahat ng ito talagang magaganap sa ayaw natin at sa ayaw ng nakararami,” ang wika ni Malik sabay hawak sa kanyang balikat.
“Mag ipon kayo ng lakas, isang all out attack pa, at ako ang magsisimula nito,” ang wika niya at dito nagbago ang kanyang anyo, nagkaroon ng pakpak at sungay si Devon, mukhang ito ang kanyang devil form.
Mabilis na lumipad si Devon sa harapan ng kalaban at noong makita ito ni Xandre at lumipad rin ito sa ere at nag-abot silang dalawang nagliwanag ang kanilang mag katawan at umiikot ikot sila doon, habang nagbubuno. “Ang akala mo ay matatalo ako sa ganyang porma mo? Oo nga at pareho tayong guardian devil na may ikalawang porma ngunit ang sa akin ang pinakamalakas!” ang sigaw ni Xandre at dito ay kapwa sila nagpakawala ng parehong enerhiya. Ang abot ang kanilang mga hawak na liwanag sa gitna hanggang sa manaig ang enerhiya ni Xandre ay sumabog ito sa katawan ni Devon.
Dito na lumipad sina Leo, Yul at Lucario, tinulungan nila si Devon sa mano manong pakikipaglaban. Malalakas ang suntok na pinakawalan ni Lucario, maya maya ay nagliwanag ang katawan nito ay nagpakawala ng malakas na enerhiya sa ere na tumulak kay Xandre palayo, dito na sumugod si Yul, hawak ang kanyang spear of lance, nakapag sagupaan din siya sa kalaban, lumilipad ang mga sibat sa kanilang paligid mula sa kapangyarihan ni Yul.
Dito na rin sumagupa si Leo, malalakas ang suntok na iginagawad niya sa kalaban dahilan para mawala ito sa balanse sa paglipad. Maya maya ay kinalawit siya ni Devon sa katawan at sumigaw ito “Yul!!”
Noong marinig ni Yul ang kanyang pagtawag ay nagliwanag ang pakpak ni Yul at gayon rin ang kanyang buong katawan. Itinaas ni Yul ang spear of lance at dito ay bumukas ang tinatawag na “Heaven Gate!”
Hinigop nito si Xander sa itaas, lumalaban ito sa paghila sa kanya ngunit pinagsusuntok ni Lucario ang kanyang katawan paitaas dahilan para higupin ito ng liwanag. Dito ko napagpatanto na ang magkaparehang Devon at Yul ay parehong may kakayahang buksan ang tarangkahan ng langit at lupa, sila ay talaga espesyal na mandirigma.
Bago lamunin si Xandre ng tarangkahan ay lumabas si Gnosis sa kanyang likuran at hinila siya nito pababa, pinasabog ng higante ang heaven’s gate dahilan para tumilapon ang mga kasamahan sa paglipad. Sa makatuwid ay isinalba ni Gnosis si Xandre mula sa pagkakasunog nito sa tarangkahan ng kalangitan.
Bumaba si Xandre sa lupa at dito ay nagliwanag rin ang katawan ni Gnosis na kanyang gabay. Hinigop niya ang enerhiya ng higante at dito ay namuo ang bagong kalasag sa kanyang katawan. “Wala na bang katapusan ito?” ang wika ni Oven.
“Mayroon, ang kailangan lang ay tuklasin natin ang kanyang kahinaan!” ang wika ni Seth at muling nagbago ang kanyang anyo, naging mala ninjang Manlikmot ito at saka sumagupa kay Xandre, naglabas ito ng isang malaking bakal na shuriken at noong ihagis niya ito sa ere ay nagliwanag ito at nahali sa daan daang piraso na lumipad patungo sa kalaban.
Maya maya at ikinumpas ni Malik ang kanyang trident at dito lumabas ang mga sibat na tubig sa kanyang paligid at pinalipad rin niya ito sa kalaban habang nakasakay siya sa isang malaking tsunami!
Nagsimulang sumugod ang dalawa ngunit mas dumoble pa ang bilis ni Xandre, hinigop nito ang kanilang mga pag atake at saka ibalik sa kanilang dalawa dahilan para sila ang tamaan ng mga ito. Nawala siya sa kanyang kinalalagyan, dinakot niya ang katawan ni Malik at saka sinaksak ang kanyang dibdib gamit ang itim na enerhiyang animo espada, itinapon niya si Malik sa malayo na parang isang lantang gulay. Maya maya si Seth naman ang sumugod nagliwanag muli ang katawan ni Xandre, nawala ang pormang taong lobo nito at saka sinuntok ng malakas ang kanyang katawan, tumagos ang atake nito sa kanyang likuran dahilan para mapasuka ng dugo si Seth.
“Sethh!! Hindeeee!” ang sigaw ni Ybes, naglabas ito ng malakas na enerhiya sa kanyang bibig ngunit biglang nawala ang pormang Manlikmot ni Ybes at siya ang binugahan ng enerhiya ng kalaban. Dito na kami inisa isa ni Xandre ang kanyang sunod na sinugod ay si Rafalgia na binalian niya mga buto at si Niko na biglang binali bali ang katawan sa ere na parang isang laruan.
Ang natira sa aming direksyon ay ako, si Ibarra, Leo, Lucario, Suyon, Rael, at Oven.
“Sinabi ko naman sa inyo, ako ay isang Diyos, mas malakas ako at mas makapangyarihan. Kung natalo ng inyong mga inuno si Elsen noon ay hindi kayo magtatagumpay sa akin, ito ang ating huling kabanata.
Ito na ang “LAST WAR”
Itutuloy..
Part 53: Ang Pagbangon ng Diyos
Part 53: Ang Pagbangon ng Diyos
ENCHONG POV
Lumakad patungo sa amin si Xandre, ang kanya lakas noong mga sandaling iyon ay hindi mapapantayan! O sadyang pagod na lang at maraming pinsala ang aming kuponan dahil dumaan pa kami sa isang mahabang digmaan at daan daang kalaban? Ewan, basta ang alam ko lamang ay siya na ang pinakamalakas na madirigmang nakita ko.
“Katulad ng sinabi ko sa inyo, ang aking lakas ay katumbas ng isang Diyos, ako ang iyong sasambahin sa hinaharap, iyon ay kung bubuhayin ko kayo. Kaya ngayon pa lang ay maaari na kayong lumuhod sa aking harapan at mag makaawa,” ang wika nito at dito ay naging isang matalim na sandata ang kanyang kamay.
Habang nasa ganoong posisyon siya ay muling sumulpot si Suyon sa kanyang likuran, nagliwanag ang katawan nito at pinigilan siya sa pagkilos. Itinaas ni Suyon ang kanyang katawan sa ere, kahit duguan ang katawan ni Suyon nagagawa pa rin niya ang ganitong bagay.
Dito na lumundag si Lucario, nagliwanag ang kanyang kamay at sinubukan hiwain ang kalaban. Tumama ang kanyang atake sa balikat ni Xandre ngunit kahit anong gawin niya ay hindi ito maibaon sa kalaban. Kaya sa ikalawang pagkakataon ay niyakap niya ang katawan ng kalaban at noong pasasabugin niya ulit ito ay bilang nagkaroon ng maraming patalim sa katawan ni Xandre na tumagos sa katawan ni Lucario, sa kanyang balikat, dibdib, tiyan, braso, binti at mga paa.
Maya maya ay umangat rin ang katawan ni Suyon sa ere at saka binali ang buto nito sa Braso. “Tama naaaaa!” ang sigaw ko sabay hawak ng aking pana at palaso, sunod sunod kong pinakawalan ang aking pag atake sa kanyang harapan. Sumasabog ang palaso tumatama sa kanya ngunit bale wala lamang ito. Itinapon niya ang duguang katawan ni Lucario at Suyon sa malayo at saka humarap sa aming direksyon.
Habang nasa ganoong posisyon siya ay pinigilan ni Ibarra ang kanyang katawan gamit ang mga ugat at sanga ng puno sa lupa. Dito sumugod si Leo, buong lakas niyang itinarak ang sibat sa ulo ni Xandre pero nabali lang ito. “Anong sinabi ko sa inyo? Hindi niyo ako matatalo sa ganyang lebel ng kakahayan!” ang wika nito sabay dakot sa mukha nito at ibinagsak ito sa lupa. Bumaon ang kanyang katawan dito kaya naman nagtatakbo si Ibarra ngunit humaba ang mga kuko at kamay ng kalaban at bumaon iyon sa kanyang katawan. Wala ring nagawa ang dalawa.
“Hanggang diyan ka lang, huwag kang lalapit!” ang wika ni Rouen noong humarang sa amin ni Oven. Maya maya humarang naman sa kanya ang kanyang ama. “Diyan lang kayo, ako ang bahala sa isang ito,” ang wika ni Rael.
“Ganon ba? Masyado ko yatang na over power ang kapangyarihan ni Emrys, kung sabagay, mahina naman talaga siya noon pa,” ang wika ni Xandre at dito ay lumabas ang mga enerhiyang bilog sa kanyang paligid at lumipad lahat iyon sa aming direksyon pero ang lahat ay sinalo ng katawan ni Rael upang hindi ito tumama sa amin. Kitang kita ko kung paano sumabog ang kanyang katawan dahil sa lakas ng enerhiya pero hindi niya ininda hanggang sa maubos ng enerhiya at ang dito umuusok ang kanyang buong katawan, tumutulo ang dugo sa kanyang bibig ngunit matatag pa rin ang kanyang tayo.
Maya maya ay tumakbo ito at sinuntok ang kalaban pero sinalo lang ito ni Xandre at saka binali ang kanyang buto dahilan para magsigaw ito. “Papa! Tama naaaaa!” ang sigaw ni Rouen at siya naman ang sumugod dito ngunit sinakal lang siya ni Xandre at parehong ihagis ang kanilang katawan sa ere.
Sinuntok ni Xandre ang lupa at dito ay umangat ang isang puno na parang metal na puro tulis o spike at tumusok ito sa katawan ng aking mag ama dahilan para mapasigaw ako. Ganitong ganito ang aking pangitain noon! Ang aking panaginip! Ito iyon! Nangyari nga ang lahat ng bagay na kinatatakutan ko! Ito yung nakikita ko sa aking panaginip noon pa man! Ito yung kapamahakan ng mag-ama ko!
Pumatak ang dugo nina Rouen at Rael, dito ay hindi ko na mapigilan ang aking galit, sumiklab ang gintong enerhiya sa paligid at mula sa aking kamay ay lumabas ang mas malaking pana at palaso, buong lakas kong hinila pisi ng enerhiya at ilang beses kong pinalipad ang malalaking palaso patungo kay Xandre.
Ang unang tama nito sa kanyang katawan ay nagdulot ng pinsala kanyang braso, nabasag ang kanyang kalasag sa parteng ito. Ang ikalawang pagtama ay sa kanyang dibdib na naging sanhi rin ng pag crack ng kanyang armor sa gawing ito. Ang ikatlong palaso ay sinalo niya at nilusaw sa kanyang palad.
Lumakad siya palapit sa amin ni Oven, “Huwag kang lalapit!” ang sigaw nito (Oven) hinawakan niya ng maigi ang kanyang pamaypay ay buong lakas itong inihataw sa harap ng kalaban. Yumanig ang paligid at dumaan kay Xandre ang mga hangin na animo cutter at blade pero wala lang rin sa kanila. Pinitik niya si Oven at parang laruan lang itong tumilapon sa malayo.
Lumakad siya sa aking harapan, “kailangan ko ang kapangyarihan si Kasiya, ang kakayahan mong sumuporta at magpagaling ay talagang nakakamangha, kung makukuha ko ito ay wala ng makakapantay sa aking kapangyarihan. Huwag kang mag alala, mabilis lamang ito katulad ni Satori ay wala ka ring mararamdaman,” ang wika niya.
Umatras ako at gumawa ng barrier sa aking paligid ngunit pinitik lang niya ito dahilan para mabasag ang aking harang. “May mga bagay sa mundo na hindi natin maaaring takasan. Katulad ng kamatayan o kaya ng paghihirap. Kailangan mo itong yakapin upang matanggap mo ng maaga na ang buhay ay hindi naging maganda para sa iyo,” ang wika niya at dito ay biglang nanigas ang aking katawan. Mabilis niya akong hinila patungo sa kanya at noong makalapit ako ay dinukot niya ang aking dibdib dahilan para masaktan ako at magsisigaw.
“Tama na..” ang bulong ni Rael sa itaas habang nakatusok sa kanyang katawan ang malaking bakal na sanga.
Napatingin ako kay Rael noong mga sandaling iyon, dito ay nakita ko ang pinaghalong lungkot at galit sa kanyang mata. “Tama naaaaa! Tumigil ka naaaa!” ang sigaw ni Rael ngunit tuloy pa rin si Xandre sa kanyang ginagawa.
“Layuan mo siya! Layuan mo ang buhay kooo!” ang umiiyak na wika ni Rael.
Maya maya ay tumahimik na lang ito at pumikit..
“Mukhang binawian na ng buhay ang iyong asawa, maya maya lamang ay susunod ka na,” ang wika ni Xandre sa akin.
Natawa ako, “sa buong laban ni Rael ay hindi niya ginamit o pinakawalan ang kapangyarihan ni Emrys ng buo. Ayaw umasa sa kapangyarihang ng kanyang ninuno kaya’t ginamit niya ang buo niyang lakas para dito,” ang wika ko at dito ay tumingin sa kanya. “Ikaw kaya mo pa ba?” tanong ko sabay kumpas sa aking kamay at dito ay nagliwanag ang katawan ni Rael. Maya maya ay maraha itong dumilat si Rael.
Sa pagkakataong ito ay pulang na ang kanyang mata at ang mga marka ni Emrys at lumabas na sa kanyang katawan. “Ginamit ko ang aking kapangyarihan para gisingin ang dugo ni Emrys sa kanyang katawan. Binuksan ko ang kanyang mga ugat at pinadaloy ko ang kapangyarihan sa kanyang dugo. Ganito ang ginawa ni Kasiya noon para talunin si Elsen. Tama ka mauulit lamang ang pangyayari!” ang wika ko at dito sumabog ang pulang enerhiya sa katawan ni Rael. Nawasak ang puno ng metal na nakatusok sa kanila ni Rouen.
Pagbagsak ni Rael ay agad ito nawala at sumulpot sa harapan ni Xandre. “Lumayo kaaaa!” ang sigaw nito at isang malakas na suntok ang kanyang ginawad. Sa kada suntok sumasabog ang pulang liwanag sa paligid.
Sinalo ni Xandre ang suntok ni Rael para ipakitang malakas siya ngunit nabali ang kanyang buto sa daliri.
Maya maya ay si Xandre naman ang sumuntok ngunit sinalo lang ito ni Rael at muli siyang ginawaran ng malakas na sapak sa mukha dahilan para tumilapon ang kanyang katawan.
Dito ay nagsagupaan muli ang dalawa at sa pagkakataong ito ay pumatas na ang lakas ni Rael. Napapabagsak na niya si Xandre ng paulit ulit! Gayon pa man talagang malakas si Xandre dahil ilang beses ring bumangag sa lupa ng katawan ni Rael. Naglalaban ang itim at pulang liwanag sa paligid.
Dito ay nakita ko ang lahat pumipilit bumangon, bali na ang kanilang buto sa braso, binti at ang iba ay malala ang tama katulad ni Malik at Lucario na halos butas na ang katawan.
Tahimik.
Napatingin ako sa aking palad, halos wala na ring lakas. Gayon pa man ay gagamitin ko ito para tulungan si Rael. Nagliwanag ang aking katawan at lumabas ang pakpak sa aking likuran, umangat ako sa ere at ang sinag ng aking gintong pakpak ay tumama sa katawan ng aking mga kapanalig. Dito ay unti unting nag-repair ang kanilang mga braso at binti. Marahang sumara ang mga malalaking sugat nila sa katawan. Kasabay nito ang pakiusap “Tulungan ninyo si Rael, huwag niyo siyang pabayaan pakiusap!” ang wika ko at dito ay nakita kong nagliwanag ang katawan ng lahat kasabay nito ang pagkaubos ng aking lakas at bumagsak na lang ako sa lupa.
Lahat ay tumayo para ibigay ang kanilang huling lakas sa labang ito.
Patuloy pa rin sa paglalaban sina Rael at Xandre. Umaangat ang mga bato at nadudurog ang lupa kanilang sapakan.
Maya maya ay tinadyakan ni Rael ang kalaban at bumagsak ito sa lupa. Dito ay nagliwanag katawan ni Miguel at sumibat sa lupa ang mas malalaking kadena! Mas malalakas at matitibay kaysa kanila!
Pinigil nito si Xandre sa pagkilos ngunit talagang malakas ang kanyang katawan dahil nawasak niya ito bago pa man umatake ang lahat. Lumipad si Xandre ere at dito ay namuo ang isang dambuhalang itim na enerhiya sa kanyang itaas!
“Kung ganoon ay papatayin ko na kayong lahat, ang bola ng enerhiya ito ay buburahin ang buong Kailun at gayon rin ang ibang lupain sa iba’t ibang demensyon!” ang sigaw niya. Sumagad na ang galit ni Xandre noong mga sandaling iyon at wala na siyang ibang magagawa kundi ang wasakin ang lahat sa kanyang paligid.
Lumaki ng lumaki ang enerhiya at halos mas malaki pa ito sa ginawa nila kanina..
Umaangat ang lupa at hinihigop nito ang lahat..
Gayon pa man ay hindi nawala ang pag asa sa puso ng lahat. “Isa para sa lahat, lahat para sa isa! Tayo ang “Liga ng mga Diyos” at ginagabayan nila tayo!“ ang sigaw ni Malik.
Nagliwanag ang katawan ng bawat isa.. isang nakakakilabot at nakakaiyak na eksena ng pagkakaisa.
Asul na limawanag mula kay Malik, itinaas niya ang kanyang trident at dito lumabas ang asul na liwanag na sumisimbolo sa karagatan at sa lahat ng nabubuhay dito. Lumabas rin kay Miguel ang isang gintong liwanag na sumisimbolo sa proteksyon at pagmamahal.
Nagliwanag rin ang katawan ni Devon, ang kulay Lilang enerhiya ay sumisibolo sa buhay ng Hell Society at ang isang nagliliwanag na puting enerhiya kay Yul na simbolo ng Heaven Society. Ito ang enerhiya ng langit at lupa.
Ang berdeng enerhiya ay kay Ibarra, simbolo ng kalikasan ng mga nabubuhay dito. Ang dilaw naman ay kay Leo na simbolo ng pag-aaruga at pagbabago.
Ang niyebe, kumikinang na puti na animo kristal na enerhiya ay kay Lucario, ito ang simbolo ng Diyos ng kalangitan. At ang kulay abong enerhiya ay kay Suyon na kumakatawan sa kadalisayan at sinseridad.
Isang purong puting enerhiya ang handog ni Seth na kumakatawan sa mga Manlikmot. At kulay kahel naman ang kay Ybes na simbolo ng pangarap at pagkakaisa.
Ang enerhiya ni Oven ay kulay puti rin, simbolo ng pagiging tapat na kaibigan at kay Niko ay ang berde bilang hari ng Floral Gods. Sumiklab rin ang pinaghalong puti at itim na liwanag kay Rafalgia bilang hari Dark Gate. At isang dilaw na liwanag sa katawan ni Rouen bilang prinsipe ng mga blood sucker.
Ang lahat ng liwanag ay tumaaas sa ere at naghalo halo ito na animo bahaghari. Kitang kita ito ng lahat sa Kailun at tiyak na nagbigay ito ng liwanag ng pag asa para sa lahat.
Ipinakita sa senaryo na nakatingala ang lahat ng mga nakaligtas na kawal ng mga blood sucker, floral gods at manlikmot. Sa pamumuno ni Heneral Liad ay itinaas nila ang kanilang kamay at lumabas ang mga enerhiya sa kanilang mga katawan. Lumipad ang mga enerhiya nila at nagtungo sa bilog na liwanag na kanilang nakikita. Noong mga sandaling ang lahat ay namangha pati ang mga ordinaryong tao ay nagtaas ng kamay at lahat sila nagpadala ng enerhiya bilang suporta.
Sumiklab ang dalawang magkaibang enerhiya sa itaas, ang isa ay itim na galing kay Xandre at ang isa ay isang matingkad na pinaghalo halong liwanag galing sa lahat. Halos magkasing laki ang dalawang liwanag. At ito rin ang simbolo ng nalalapit na pagtatapos ng digmaan.
Itutuloy.
Part 54: Xandre Del Viuri
Part 54: Xandre Del Viuri
Dalawang magkaibang enerhiya ang nabuo sa alapaap, ang isa itaas ay ang kay Xandre at ang nasa baba naman ay ang pinagsama sama naming enerhiya. Ngayon pa lang ay mararamdaman mo na ang lakas ng impact na para bang may delubyo at makikitang umaangat ang malalaking tipak ng bato. Nagliwanag ang katawan ni Xandre, isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan at dito ay sumiklab ang lakas sa kanyang paligid. Buong lakas niya ibinagsak ang kanyang enerhiya sa aming lahat.
Dito na nagtatakbo si Rael, ang pulang enerhiya sa kanyang katawan na sumisimbolo sa lahi ng mga blood sucker ay isinama niya sa aming naipong lakas at siya na rin ang humawak nito para ibalibag paitaas. Isang malakas na sigaw rin ang bitiwan ni Rael na mahahalata mo ang hirap at bigat na dahil ang enerhiyang aming naipon. Buong lakas niya ito inihagis paitaas.
Sumibat ang dalawang enerhiya at nagbanggaan ito, animo dalawang planetang nag dikit sa gitna na nagtutulakan. Maya maya ay gumamit pa si Xandre ng kanyang enerhiya at itinulak ang kanyang energy ball dahilan para umurong sa amin ang dalawang enerhiya.
Dito na ako tumayo, nagliwanag ang aking katawan at mula sa aking kamay ay lumabas ang sagradong palaso. Hinila ko ang pisi ng gintong pala at pinakawalan ang aking palaso na parang isang malakas na kometang tumulak sa aming naipong energy ball. Ngunit hindi pa rin ito sapat dahil naiututulak pa rin paibaba ni Xandre ang aming huling alas.
“Isa pang pagkakataon pa! Huwag nating hayaang masayang ang lahat!” ang sigaw ni Seth at dito ay muling sumiklab ang liwanag sa kanilang mga katawan.
“Ang tanging magagawa natin ay pigilan si Xandre sa kanyang pagkilos!” ang sigaw ni Miguel at dito nagliwanag ang kanyang katawan at mula sa kalangitan ay bumagsak ang apat na malalaking gintong poste at dito lumabas ang mga gintong kadena na mabilis pumulupot sa katawan ni Xandre dahilan para matigil ito sa pagkilos. Nagliwanag palad ni Miguel at itinulak niya ang malaking bola ng enerhiya pasulong.
Naglalaban pa rin ang dalawang enerhiyang animo planeta sa itaas.
Dito nagsimula kanilang pag atake, nagtatakbo si Malik at lumabas mula sa kanyang trident ang isang higanteng dragon na gawa sa tubig! Huminga ng malalim sina Seth at Ybes at mula sa kanilang bibig at sumiklab ang malakas na bola ng enerhiya na magkaiba ng kulay.
Nagliwanag rin ang buong katawan nina Devon at Yul, ang kanilang mga sandata ay sumiklab ang malalakas na kapangyarihan, ang kay Devon ay mga bolang nagmula sa ilalim ng lupa na kulay lila at ang kanyang Yul naman ay bumagsak sa kalangitan na parang mga maliit na bolang puti. Isang malaking enerhiya na animo snow flakes ang nagmula sa dibdib ni Lucario at itim na bolang apoy naman ang kay Suyon.
Sumibat rin sa kalangitan ang mga berdeng mga liwanag na hugis ng berdeng paru-paro at ang mga puting mga liwanag na animo mga ibon mula naman kay Ibarra at Leo. Isang berde espiritu ng isang diwata ang pinakawalan ni Niko at isang puting crescent moon naman ang kay Oven. Itim na liwanag ang pinakawalan ni Rafalia at dilaw naman ang kay Rouen.
Ang lahat ng enerhiya ay muling naghalo halo at tinulak nito ng mas mabilis ang aming huling barahan. Pilit kumawala si Xandre sa kadena ni Miguel hanggang sa sumabog ang bawat haligi nito. Muli niyang itinulak pa bagsak ang kanyang kapangyarihan kaya’t naman umusad ulit ang sa amin paatras. Dito na lumundag si Rael muli niya itinulak ang enerhiya pasulong.
Ngunit sadyang malakas pa rin si Xandre dahil natatalo siya nito, kaya naman naisipan kong igawad sa kanya ang lakas ni Kasiya. Muling lumabas sa aking kamay ang sagradong palaso, inipon ko rito ang aking lakas at noong pakawalan ko ito ay tila isang anghel na sumibat sa itaas. Ang lahat na paligon dahil ang pakpak nito ay talagang nagliliwanag ng husto.
Tumama ang aking enerhiya kay Rael, niyakap siya ng enerhiyang anghel mula sa likuran at dito ay nagkaroon siya ng mga gintong pakpak, sumiklab ang pakpak ng enerhiyang iyon sa buong paligid hanggang sa maitulak niya ng mga malakas ang natitirang alas!
“Ako ang magiging Diyos at ang lahat ng ito ay wawakasan ko!” ang sigaw ni Xandre.
“Wala sinuman ang kilala sa iyo, ang isang Diyos ay mapagmahal, mapagmalasakit at mapag aruga na parang isang magulang sa kanyang mga anak! Mga bagay na wala ka kaya’t una pa lang ay wala kang pag asang maging isang Diyos! Dalhin mo na lang sa impiyerno ang pangarap mo Xandre dahil doon ka nababagay!” ang sigaw ni Rael at mas sumiklab pa ang kapangyarihan sa kanyang katawan at buong pwersa itinulak ang aming enerhiya.
Noong mga sandaling iyon ay nakatingin ang lahat sa kalangitan kung saan naglalaban ang dalawang magkaibang kulay ng enerhiya. Ang mga tao sa mortal world kabilang na sina Santi, Boss Lu at ang mga magulang nina Enchong at Rael ay nakatingala at pinagmamasdan ang matinkad na liwanag naglalaban sa kalangitan. Noong mga sandaling iyon ay alam nilang lahat na matingkad liwanag na lumalaban sa itim ay galing sa pinaghalo halong lakas ng mga piling mandirigma sa iba’t ibang sulok ng mundo. Nakatingala rin ang mga taga Apresia, mga engkanto sa bundok ng Hiraya, ang mga taga Bayan ng Yelo, ang lahat ay nananalangin na magtagumpay ang kanilang mga mandirigma upang wakasan ang kadiliman.
“Hindi ka magtatagumpay Xandre! Ang mundo ay para sa mga nilalang na nabubuhay dito at hindi para sa iyo lamang! Itigil mo na ang ambisyon mo dahil hindi ito makakatulong sa iyo!” ang sigaw ni Rael at dito matagumpay niyang natalo ang enerhiya ni Xandre, nilamon ng aming pinagsama samang enerhiya ang enerhiya ni Xandre. Nagtuloy tuloy ito at nilamon rin ang kalaban!
Ipinakita sa senaryo na unti unting tinamaan ng enerhiya ang katawan ng aming katunggali, nabura ang kanyang pakpak at nawasak ng kanyang mga kalasag. Dito ay pumikit ang kanyang mata ang muling nagbalik sa kanyang isipan ang lahat ng kanyang mga pinagdaan.
Si Xandre ay ipinangak bilang isang Guardian ng Heaven Society. Ngunit ang kanyang nga magulang ay tumalikod sa kanilang tungkulin at nanirahan sa mundo ng mga mortal dahil gusto nilang maging malaya. Ang mga magulang ni Xandre ay may sariling ambisyon, ginamit nila ang kanilang kapangyarihan upang maging maunlad at literal na makapangyarihan sa mundo ng mga mortal. Nalulong at nalunod sa iba’t ibang bisyo ang kanyang magulang ang hanggang tamaan ng malubhang sakit ang kanyang ina at mamatay ito. Ang kaluluwa ng kanyang ina ay hindi tinanggap sa kalangitan at bilang parusa sa kanyang ginawa ay binura ng kataas taasang ang kaluluwa nito.
Dahil sa pagkamatay ng kanyang ina ay naiwan si Xandre sa puder ng kanyang ama at dito ay ibinaling ng ama ang lungkot kay Xandre at ginawa siya nitong parausan. Sa murang edad ay naging saksi si Xandre sa makamundong gawain ng kanyang sariling ama sa kanyang sariling katawan at maging sa ibang tao. Ginagamit rin ng kanyang ama ang kanilang tahanan sa malaking sugal, sa walang katapusang pagtatalik at sa mga brutal na gawain ng pagpatay. Mga babaeng nakahubot hubad sa isang silid habang pinag pipiyestahan ng maraming kalalakihan. Mga taong pinapatay dahil sa katuwaan lamang, mga taong pinahihirapan para sa maliit na halaga. Ang lahat ng ito ay ang katotohanan.
Ang kanyang ama ay literal na halimaw at isang masamang binhi. Ito ang nagbukas sa kaisipan ni Xandre na lahat ng mga nilalang sa mundo ay likas na masasama. Noong mamatay ang kanyang ama ay nagbalik loob siya sa Heaven Society at dito ay pinilit na linisin ang kanyang sarili. Siya ay lumaking malakas at naging kanang kamay siya ng heneral na si Hariel.
Ngunit dahil si Xandre ay mula’t ang kaisapan ay madaling inulukuban ng inggit ang kanyang sarili lalo’t mas malakas sa kanya ang ibang guardian lalo na si Hariel na kahit kailan ay hindi niya matapatan. Dala ng matinding inggit ay umalis muli si Xandre at dito hinayaan niyang lamunin ang kanyang sarili ng kasamaan. Naging makapangyarihan siya at muling hinarap si Hariel, naglaban silang dalawa hanggang sa matalo niya ang heneral ng Heaven Society at siya mismo ang maupo sa pwesto nito.
Itinamasa niya ang walang kapantay na papuri dahil sa kanyang bagong posisyon. Walang kamalay malay si Xandre na iyon ang magiging simula ng kanyang pagbasak lalo na noong malaman ng kataas taasang ama ang kanyang ginawa. Pinatapon si Xandre sa lupa, sinunog ang kanyang papak at sinentensiyahan ng kamatayan.
Siya ay dinala sa Hell Society at ginawang isang normal na Guardian Devil na taga tugis ng mga kaluluwang tumatakas sa Hell Prison. Hanggang sa madiskubre nila na si Xandre Del Viuri ay malakas at dito ay nabuo ang Supre De Guardine kung saan siya ang naging unang at pinakamataas na Ranggo.
Naabot si Xandre ang mataas na kakahayan at dito ay simibol ang kanyang pagnanais na sakupin ang lahat. Ang pagnanasang maging pinakamataas, pinakamalakas at kung saan titingalain siya ng iba’t ibang lahi. Kung ang kanyang ama ay nag ambisyon na maging makapangyarihan sa mundo ng mga mortal ay mas mataas ang kanyang ama at mas matayog sa lahat ng pangarap.
Ngunit hindi niya ito magagawa kung nakatali siya sa Hell Society kahit tinalikuran niya ito. Winasak niya ang kanilang lupain at itinuloy ang kanyang balak. Ang unang hakbang ay ant kuhanin kay Devon ang Bestial of blood at gamitin ito upang buksan ang Darken para mas malalakas na kapanalig.
Ang layunin ng kanyang pagiging Diyos ay ang pagbabago. Nais niyang pag-isahin ang lahat ng lupain at alisin ang balanse nito. Ang malalakas ay maiiwan at ang mahihina ay kakainin ng mas malalakas. Iyan ang kaisipan at kalupitan na kanyang nasaksihan at naranasan noon. Nais niya itong ibalik sa kanyang nasasakupan. Ang paggamit sa kapangyarihan ni Elsen ang nagdala sa kanyang sa pinakamalakas na antas, ngunit ito rin ang nagbagsak sa kanya.
Ang kasaysayan ay mauulit lamang. Iyan ang sirkulo ng buhay at ngayon ay magagawa na lamang siya sa kanyang ina at ama na nabura na parang bula.
END OF NARRATION
Tuluyang nilamon si Xandre ng liwanag at dito ay sumabog ang buong paligid, hinawi ang kalangitan at aming pinaghalo halong pwersa ay binuo ang alapaap, nawala ang butas dito ang mga mangilan-ngilang halimaw sa lumalabas ay sumabog na parang mga lamok. Umangat ang aming katawan sa lupa at saka itinulak kami palayo.
Samantalang ang katawan ni Rael na nahuhulog sa ere dahil wala na itong malay ay sinalo ni Lucario at inialis sa malakas na malakas na sabog ng enerhiya sa kanyang paligid.
Mistulang isang suspended animation ang aming pagtilapon. Wala kaming marinig na pagsabog, tila sanay na rin ang aming mga tainga. Basta naramdaman ko na lang na muling tumama ang aking katawan sa lupa at ang lahat ay nabura.
Ilang minuto ring tumagal ang malakas na liwanag sa paligid bago ito tuluyang humupa. Noong idilat ko ang aking mata ay nakita kong katawan ni Xandr na nakahiga sa lupa. Putol na ang kanya braso at ang natira na lamang ay ang kanyang ulo, leeg, dibdib at kalahati ng kanyang katawan.
Noong mga sandaling iyon ay naisip kong tapos na ang lahat at unti unti ring nahawi ang madilim na ulap sa kalangitan. Sa unang pagkakataon ay muli nasilayan ng lahat ang liwanag ng haring araw. Na dala ang bagong pag asa para s lahat.
Itutuloy.
Part 55: Ang Huling Handog ni Enchong
MGXMBS Book 3
The Last War
AiTenshi
Dec 3, 2021
Part 55: Ang Huling Handog ni Enchong
ENCHONG POV
Habang nakahandusay sa lupa ang natitirang katawan ni Xandre ay lumapit sa kanya sina Devon at Yul. Ibinaba nila ang kanilang mga sanda at niyakap ang katawan nito. “Nanalo kayo,” ang wika ni Xandre sa mga dati niyang kasamahan.
“Mas malakas ka na kaysa akin, malayo na ang narating Xandre, sana ay naging magkaibigan tayo, sana ay maaari tayong magsimula muli, sana ay hindi pa huli ang lahat,” ang wika ni Yul.
“Huli na ang lahat, Hariel. Alam mo ang naghihintay sa aking espiritu. Tumakas ako sa Hell society at maging sa Heaven Society, ang aking espiritu ay sasama sa hangin at mawawala,” ang wika niya habang unti unting nagiging abo ang katawan.
“Ikaw pa rin ang idolo ko, bilang isang number 98 Guardian, ang makasama ka at makausap ay isang suntok buwan. Salamat sa pagdating mo dahil tinulungan mo akong maging malakas,” ang wika ni Devon. Tumango lang si Xandre at dito ay unti unting naagnas ang kanyang katawan.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay bilang kumabog ang aking dibdib at kasabay nito ang pagbabalik ng isang alala sa aking isipan habang kausap ko noon si Kasiya.
FLASH BACK
“Enchong, nais kong malaman mo na ang power of darkness na taglay ni Elsen at ni Xandre ay hindi naglalaho. Ito ay parang espiritu na lilipad lamang at magpapasalin salin sa mga katawan ng piling mandirigma. Kapag nagpatuloy ito, ang kasamaan ay magpapatuloy lang din lamang, iikot lamang ulit sa simula ang lahat,” ang paalala ni Kasiya.
“Sa makatuwid ay kapag nakalipat sa iba ang kapangyarihan ni Elsen ay malalagay na naman sa kapahamakan ang lahat?” ang tanong ko naman.
“Oo, tama ang iyong pagkakaunawa, Enchong,” ang tugon din niya.
Nagtaka ako, “Kung ganoon ay paano mo natalo si Elsen? Paano mo siya napagilan?”
“Katulad ng aking sinabi sa iyo, ang aking kapangyarihan ay may espesyal na selyo na magkukulong sa kahit anong bagay na aking naisin. Ito ang ginamit ko upang igapos si Elsen, ngunit delikado ito dahil maaari kang kainin nito kung hindi handa ang iyong isip at katawan. Ang isang mandirigmang may mahinang determinasyon ay madaling masasakop at kakainin ng kadiliman. Katulad ng sinabi ko sa iyo, buhay ang kapangyarihan ito, hindi mawawala at hindi hihina,” ang sagot niya.
“Anong nangyari sa iyo? Nagtagumpay ka ba? Kasiya?” tanong ko ulit, may halong pag aalala.
“Noong ikulong ko ang kalaban ay nasakop nito ang aking isipan at iyon ang pinakamalungkot na parte ng aking kwento. At ang tanging nagawa ko ay magpakamatay at isama siya sa aking hukay,” ang wika ni Kasiya, bumakas ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata noong sandaling iyon.
END OF FLASH BACK
Habang nakatingin ako sa nagiging abong katawan ni Xandre ay pinagmasdan kong mabuti ang pagliliwanag ng kanyang dibdib, ito ang idikasyo na nandito pa ang enerhiya ni Elsen. Noong mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngunit ang pag iisip ay pag uubos ng oras. Kaya naman nagliwanag ang aking kamay ay dito binalot ko ng liwanag ang naagnas na katawan ni Xandre.
“Enchong, bakit?” ang tanong ni Devon sa akin.
“Dahil importante ito,” ang tugon ko habang nakangiti.
At makalipas ng ang ilang sandali ay tuluyang nabura ang katawang lupa ni Xandre at dito ay natirang isang itim na bola, ito ang enerhiya ni Elsen. Lumipad ito layo ngunit balot na ito ng aking kapangyarihan.
“Iyan ang enerhiya ni Elsen!” ang wika ni Malik sa aking likuran.
“Oo, at kailangan ko itong iselyo, kapag hindi ko ito ginawa ay tiyak na hahanap lamang ito ng ibang katawan at mauulit ang digmaan,” ang wika ko.
“Kung ganoon ay nag vovolunteer ako, sa akin mo iselyo!” ang wika ni Devon.
“Hindi, sa akin mo ibigay!” ang wika ni Yul sabay harang sa kaniya.
“Tumigil kayong dalawa, sa akin dapat ibigay iyan dahil malakas ang katawan ko. Wawasakin ng enerhiya ni Elsen ang inyong pisikal na katawan at paghaharian niya ito. Kung mahina ang iyong will power ay magiging kalaban kayo,” ang wika ni Lucario pero tinapik ni Rael ang kanyang balikat. “Ako ang gagawa, sa akin mo ibigay!” ang wika nito sabay lapit sa akin.
Natahimik ako..
“Naappreciate ko ang inyong mga sinasabi, ngunit kung sino ang nag selyo at siya ang gagawa ng lahat. Ito ang sinabi sa akin ni Kasiya kaya alam ko nang mangyayari ito. Ang kasaysayan ay naulit lamang at pagkakaiba lang ay nagkaisa tayo at iyon ang pinakamahalaga sa lahat. Inihanda ko na ang aking sarili sa mga bagay na dapat mangyari, nakita ko na ito sa aking panaginip,” ang wika ko habang nakangiti.
“Papa, huwag please! Baka may iba pang paraan,” ang pagpigil ni Rouen sa akin.
“Walang ibang paraan, ito lang ang epektibo at pinakamabisa,” ang sagot ko at dito ay hinila ko ang enerhiya ni Elsen na nakaselyo at mabilis itong pumasok sa aking dibdib.
Lumalaban ang enerhiya si Elsen gayon pa man ay pinilit kong ikalma ang aking sarili upang macontrol ito ngunit tila hindi ganoon kadali ang lahat.
Tahimik.
Makalipas ang ilang sandali ay biglang nag-init ang aking katawan at dito ay naging itim ang aking mga mata, ang enerhiyang ginto sa aking paligid ay nangingitim rin. Lumabas ang mga enerhiyang animo galamay sa aking paligid at nagsimula itong umatake sa aking mga kasamahan, “Papa, labanan mo! Kinakain ng kapangyarihan ni Elsen ang kanyang katawan! Papaaa! Lumaban kaaaa!” ang sigaw ni Rouen ngunit malabo na ang kanyang boses.
Napasigaw ako at dito ay tila sariling buhay ang aking katawan! “Lumayo kayo sa akin! Baka masaktan ko kayo!” ang sigaw ko habang nilalaban ito ngunit bale wala, malakas ang pagkain ni Elsen sa aking enerhiya.
“Ench! Lumaban ka please! Lumaban kaa! Huwag kang magpatalo sa kanyaaaa!” ang sigaw ni Oven at nagpumilit itong lumapit sa akin ngunit itinulak ko siya gamit ang itim na enerhiya. Maya maya ay si Rael na ang yumakap sa akin at pinigilan ako, “Tama na Ench! Tama naaaa! Nandito lang ako, labanan mo iyan! Nakikiusap ako! Mahal na mahal kita!” ang pigil ni Rael sa akin ngunit ibayong sakit ang aking naramdaman kaya naman napasigaw ako at dito ay tinulak ko siya palayo.
Tila wala akong kontrol sa aking sarili katawan, nagsimula na akong umatake kila Malik at kung kani kanino pa! Pinipigil ko ang aking sarili ngunit wala akong magawa, masyadong nilukuban ng kadiliman ang aking katawan. “Hindi ka mananalo, akin ang katawan mo!” ang wika ng espiritu ni Elsen sa aking kaibuturan. Huminga ako ng malalim at bumuga ng isang malakas na itim na enerhiya dahil para sumabog ang paligid.
Habang nasa ganoong posiyon ako ay may gumapos na mga kadenang ginto sa aking katawan mula kay Miguel, “Ench, tama na, isipin mo kami, kami ang mga kaibigan mo! Nandito kami para sa iyo! Labanan mo! Malakas ka at alam kong kaya mo ito,” ang wika niya at maya maya ay biglang kumalma ang aking katawan at dito ay nakita ko si Suyon na ginagawa ang lahat upang huwag akong manira at manakit. “Enchong, alam kong malakas ka, kayang kaya mo iyan!” ang wika ni Suyon.
Tahimik.
Kusang kumalma ang aking katawan at noong maigalaw ko ang aking kamay ay lumabas ang gintong liwanag dito ay lumabas ang isang gintong punyal sa aking kamay. “TAMA NAAAAA! HUWAG MO SILANG SASAKTAN!!” ang sigaw ko.
“Tumigil ka, mamatay ang lahat at ikaw ay akin!” ang sigaw niya at dito ay nawasak ang kadenang nakapigil sa aking katawan at kusang tumaas ang aking kamay, maglalabas na naman ito ng malakas na enerhiya ngunit nahinto ito dahil sinaksak ko ang aking sariling kamay. “Tama naaaa!” ang sigaw ko.
At maya maya sinaksak ko ng pauli ulit ang aking dibdib. “Kung mamamatay ako ay isasama kita! Iseselyo kita hanggang kamatayan at sisiguraduhin kong hindi ka makakawala!” ang sigaw ko at dito ay mas sumiklab pa ang gintong liwanag sa aking katawan at ngayon nilabanan nito ang itim na enerhiya si Elsen.
Muli kong sinasaksak ang aking dibdib ng paulit ulit, walang makalapit sa akin dahil itinutulak sila ng pwersa sa aking paligid. “Wala kang sasaktan sa kanila, lalo na ang pamilya kooo!” ang sigaw ko pa at dito ay paulit ulit kong itinarak ang sagradong punyal sa aking dibdib, ang talim nito may lalabas ng malalakas na enerhiyang selyo na hahalo sa aking dugo at magbibigkis kay Elsen sa walang hanggang pagkaka kulong. Nagsisigaw si Elsen ngunit ginapos siya ng mas matibay na selyo hanggang kusang huminto ang kanyang pag control sa akin.
Bumaba ng dugo sa aking katawan, pati ang aking bibig ay halos bumuga na rin ng maraming dugo, nakadiin ang punyal sa aking dibdib hanggang sa tuluyang kumalma ang lahat, Bumulagta ako sa lupa, naliligo sa aking sarili dugo at hinahabol ang aking paghinga.
“Papa, sandali lang, pagagalingin kita,” ang umiiyak na wika ni Rouen.
Umiling ako, “Huwag, hindi ko paghihilumin ang aking sarili baka maghilom rin ang kalaban. Hindi ko rin maaaring alisin ang punyal sa aking dibdib dahil hindi pa kompleto ang selyo, ang aking huling hininga ang kokompleto nito, Hayaan niyo dalhin ko siya hanggang sa aking kamatayan,” ang tugon ko.
Umiyak na si Oven, gayon rin si Rael na niyakap na lamang ako at dumukdok sa aking ulo, “alagaan mo si Rouen, huwag mo siyang pababayaan,” ang wika ko habang nakangiti.
“Hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano gigising bukas ng hindi na kita makakasama, kung isang bangungot ay gusto ko na gumising, gusto ko na bumalik sa dati,” ang wika ni Rael at dito ay nagsimula na itong umiyak.
“Gumawa kayo ng paraan, ano ba kayo! GUMAWA KAYO NG PARAAN!! BAKIT NANONOOD LANG KAYO!” ang sigaw ni Oven at natataranta ito sa pagpili ng buton sa kanyang bracelet at noong hindi na ito makapili ay humagulgol na lang ito ng malakas.
“Papa,” ang pagtawag ni Rouen.
“Ngumiti ako sa kanya at nagwika, alagaan mo ang tatay mo, huwag kayong madalas nag aaway at huwag kang maging pasaway, kakain ka ng marami at maging malakas ka. Anak, kung sa future ay naging sobrang higpit ko ay patawarin mo ako dahil ganoon kita kamahal. At sana ay piliin mo yung taong mamahalin mo at magmamahal sa iyo. Ang kaligayahan ang pinakamahalagang bagay sa ating buhay. Mahal na mahal ko kayong dalawa ng tatay mo,” ang wika ko at dito ay nagsimula na rin akong umiyak bagamat hinahabol ko na ang aking paghinga.
“Opo papa, mahal na mahal kita,” ang umiiyak na wika ng aking anak.
Maya maya ay tumingin ako kay Rael “Maraming salamat sa pagmamahal mo, ikaw ang pinaka the best na asawa at tatay sa buong mundo, Mahal na mahal kita,” ang wika ko sa kanya.
“Ikaw rin ang pinaka the best na asawa sa buong mundo, hindi na ako magmamahal ng iba. Mahal na mahal rin kita,” ang sagot ni Rael at mas humigpit pa ang yakap nito sa akin.
“MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!” ang pag iyak ko habang hinahabol ang aking paghinga, maya maya gumalaw ang enerhiya ni Elsen kaya mas idiniin ko pa ang patalim sa pagkakatarak nito. Ang panaka-nakang pag galaw nito ay senyales na hindi itong tuluyang nakakulong.
“Ikaw ang pinakamatapang na nakilala ko Enchong, salamat sa ating pagkakaibigan,” ang wika ni Niko habang umiiyak rin. Binalot ng matinding emosyon ang lahat noong mga sandaling iyon.
Tumatagas ang dugo ang aking katawan ngunit hindi ko alintana ito. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong tapusin ang aking nasimulan..
Mahigpit ang hawak ko sa patalim na nakatarak sa aking dibdib, hindi ko ito binitiwan upang hindi makawala ang kalaban sa aking pagkakagapos! At sa tuwing nagtatangka siyang kumawala ay mas lalo kong dinidiin ang patalim sa aking katawan.
Ito lang ang tanging paraang upang matapos ang lahat! Noong mga sandaling iyon ay wala na akong pakialam pa sa kinabukasan, walang ibang tumatakbo sa aking isipan kundi ang tuldukan ang lahat ng ito.
Bumubulwak ang dugo sa aking bibig at halos butas na rin ang aking dibdib. Isang malalim na singhap ang aking pinakawalan at kasabay nito ang pag sulyap ko sa kalangitan..
Marahang pumikit ang aking mga mata..
At ang lahat ay huminto na..
B
inawian ng buhay si Enchong bago tumama ng malamlam na sinag ng araw sa kanyang mga mukha. Punong puno ng dugo ang kanyang katawan at walang nagawa sina Rael noong mga sandaling iyon kundi ang umiyak at yakapin ang malamig na bangkay nito. Ang digmaan ay natapos nananalo sila, ngunit isang trahedya ang naganap at ito ang pinakamasakit sa lahat.
Itutuloy..
Part 56: Ang Simbolo ng Pagmamahal
MGXMBS Book 3
The Last War
AiTenshi
Dec 3, 2021
Part 56: Ang Simbolo ng Pagmamahal
ROUEN POV
Ang pagtatapos ng digmaan ay isang tagumpay para sa lahat at isang kabiguan para sa amin. Ang akala ko noon, ang pagsikat ng bagong araw ay magdadala ng bagong pag-asa ngunit bakit kabiguan ang dala nito sa amin?
Ang digmaan na tinawag na “The Last War” ay inukit sa kasaysayan ng lahat ng lupain sa mundo. Sa kabila ng tagumpay ay nanatili pa ring isang malaking pagsubok ang muling pagbangon lalo na sa lupain ng Kailun na halos napulbos ang 50% bahagi nito kabilang na ang Dark Keeper Gate at Altar ng mga Healer at ang ibang bahagi ng Floral Land.
Ang mundo mga mortal ay nawasak rin at hanggang ngayon balot pa rin ng trauma ang lahat. Ngunit dahil hindi tinatanggap ng mga mortal ang mga kababalaghan ay minabuti ng mga Guardian ng Hell at Heaven Society na alisin ang kanilang mga ala-ala at palitan na lamang ito ng isang malakas na delubyong dumating na nating dahilan ng pagkasira ng kanilang mga siyudad.
Samantala, ang pagkakaisa ng lahat ang pinakamagaling at mabisang sandata upang magtagumpay, iyan ang mga bagay na napagtanto ng lahat noong matapos ang kaguluhan. Nabuo rin ang pagkakaibigan ng ibat ibang lahi katulad ng Manlikmot, Blood Sucker, Floral Gods at kahit mga kawal ng Dark Gate na nagpahayag ng pag suporta sa isa’t isa.
Ang lahat ng mga lupain ay nagdiwang ngunit ang Blood Sucker Kingdom ay tahimik at binabalot ng matinding lungkot at pagdadalamhati. “Papa, kumain ka na muna,” ang wika ko kay Papa Rael pero nakaupo lang ito sa gilid ng himalyan ni Papa Enchong.
“Wala akong gana,” ang bulong niya.
Nakahiga ni Papa Enchong sa isang gintong himalyan na napapalibutan ng magagandang bulaklak. Suot niya ang kulay puti at gintong damit na animo prinsipeng natutulog lamang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya, tila hindi ako sanay at hindi ko alam kung kailan ko ito matatanggap.
Habang nakatitig sa kanyang mukha ay hindi ko maiwasan ang umiyak at lumuha napakasakit para sa akin ng nangyari ito. At walang madaling paraan upang magpaalam sa taong nagluwal sa akin dito sa mundo.
Si Ninong Oven ay tahimik lamang. At nakabantay sa labi ng kanyang matalik na kaibigan. Buti nga ngayon ay halos tahimik na ang lahat kaysa kahapon na halos ilang beses hinimatay si Lola at Lolo Hermes noong makita ang kanilang anak na wala ng buhay. Hindi pa rin nila matanggap ang buong pangyayari ngunit si papa ay isang bayani. “Sabihin niyo sa akin, hindi nawalan ng saysay ang pagkamatay ni papa diba? Hindi siya namatay sa wala,” ang pag iyak ko.
Niyakap ako ni Ninong Oven, “ang papa mo ang pinakamahusay, pinakamatalino at pinaka perfect na taong nakilala ko. Hindi siya nawala sa atin dahil nandito siya sa ating mga puso,” ang umiiyak na wika nito.
“Paano ba ako babalik sa hinaharap? Tiyak na wala na si papa Enchong doon,” ang wika ko naman.
“Nandito pa ako, maging matatag ka para sa papa mo, at ayaw niyang nalulungkot tayo ng ganito,” ang sagot ni papa Rael sabay tapik sa aking balikat.
Dumagsa ang pakikiramdam sa buong palasyo, dumating sina Prinsipe Malik at ang taga Apresia upang basbasan ang katawan ni papa Enchong. Dumating din sila Haring Seth, Lucario, Devon at iba pa. Ang lahat ay itinuturing siyang isang bayani. At ang lahat ay humanga sa kanyang katapangan. Bagamat naging emosyonal ang lahat lalo na sina Miguel at Suyon na nakasama niya sa pakikipaglaban noon.
Ito ang araw na muling dumagsa ang napakaraming tao dito palasyo, ngunit hindi para magsaya kundi para makiramay at makidalamhati. Naging emosyonal rin ang mga kawal na kanyang tinuruang manggamot bagamat labis labis ang pasasalamat sa aking ama dahil sa panibagong aral na kaniyang ipinagkaloob sa mga ito.
“Gwapo pa rin, parang natutulog lamang,” ang wika ni Santi habang pinagmamasdan ang mukha ni papa sa kanyang himlayan.
“Sinabi mo pa, para bang natutulog lang siya, parang mamaya ay gigising rin ito,” ang wika ni Ninong Oven habang nakangiti ito.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating na ang mga kawal na bubuhat sa gintong hingaan ni papa. “Mahal na hari, mahal na prinsipe, nakaayos na po ang templong himlayan ni Master Enchong,” ang wika nila
Tango lamang ang isinagot ni papa Rael, tumayo ito at inilagay ang kanyang balabal na itim. Binuhat ng mga kawal ang gintong higaan ni Papa Enchong at sinimulan itong ilabas sa karwahe upang dalhin sa templo ng kanyang himlayan. Ito ang paraan ng paglilibing Kailun, ang mga dugong bughaw ay inilalagay sa isang sagradong templo at hinahayaang doon na lamang ito maagnas.
Bumuhos ang emosyon habang inilalabas ang himlayan ni papa, ang lahat ng tao ay sumamang maglakad upang ihatid siya sa kanyang patutunguhan. At habang nasa ganoong posisyon kami ay tumugtog ang isang musikang nagmumula kung saan na siyang nagpa-igting sa aming mga emosyon.
Noong mga sandaling iyon bumabagsak ang mga puting talulot ng bulaklak mula sa itaas, ang hangin ay wari’y nakikidalamhati sa aming nararamdaman. Habang humahakbang ang aking mga paa ay napapahawak sa aking dibdib habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Ang sakit at kalungkutan ay nanunuot, sana ay nararamdaman ni papa Enchong kung gaano ko siya hinahanap hanap.
Nasa ganoong posisyon ako ng paghakbang noong makita ko si papa Rael siya walang emosyon at tahimik lamang, alam ko nilalakasan niya ang kanyang loob dahil ayaw niyang isipin ng kanyang nasasakupan na mahina ang kanyang loob, bagamat noong mga sandaling iyon ay alam kong durog na durog na siya dahil sa matinding kalungkutan.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating kami sa templo kung saan ihihimalay si Papa Enchong, isa itong tradisyunal na animo chinese temple na may 20 baitang ng hagdan paakyat. Ito ay sumisimbolo sa pag-akyat ng espiritu ng namayapa sa piling ng kanyang lumikha.
Ako, si Papa Rael at Ninong Oven lamang ang umakyat kami ang naghatid kay papa Enchong sa loob ng templo at dito ay hindi ko na maiwasan ang pag iyak. “Papa, sorry kung umiiyak ako, naiisip ko lang na wala kang kasama dito, mag isa ka na lang at alam kong malulungkot ka. Huwag ka na mag-alala sa akin, kaya ko na ang sarili ko at pangako na magiging isang responsableng hari ako at hinaharap katulad niyo ni Papa Rael. Magpahinga kang mabuti papa, Good night,” ang umiiyak kong salita.
Hinawakan ni Ninong Oven ang kanyang kamay, “see you soon best friend, wala akong luha maiiyak. Parati kita iisipin at gagawin kitang inspirasyon para ako ay maging isang ulirang asawa. Lahat ng pinagdaanan nating dalawa ay hinding hindi ko malilimot, aaraw araw ko itong aalalahanin hanggang sa dumating ang oras na magkasama tayong muli,” ang wika ni Ninong.
Tahimik..
Si papa Rael naman ang lumapit sa kanya, hinalikan nito sa labi ang kanyang asawa at isang simpleng mga salita lamang ang kanyang binitiwan ngunit punong puno ito ng emosyon. “Ituloy natin ito sa kabilang buhay, hintayin mo ako,” ang bulong niya.
Inayos namin ang kanyang himlayan at matapos noon ay lumabas na kami sa templo. Dito ay nag aabang ang mga taong bayan lahat sila ay malungkot at bakas sa mukhang ang pagdadalamhati.Hindi na nagawang ipasok ni Lolo Hermes si Lola dahil baka daw makasama ito sa kanyang kalagayan lalo’t tiyak na hihimatayin na naman ito sa loob kaya’t naghintay na lang sila sa ibaba.
Lumakad si Rael sa harapan ng lahat at dito nagsalita ito. “Tapos na ang digmaan, at ang bawat isa sa atin ay nawalan ng minamahal, nawala ng isang mahalagang bagay. Ang bawat isa sa atin ay nawala ng tirahan, ng pangarap at ng kaibigan Naging madugo ang digmaan, maraming nagsakripisyo, maraming napinsala at maaaring binalot tayo ng walang katapusang takot at pangamba. Sana, ang lahat ng sakit ay mapawi, ang lahat ng takot sa ating mga puso ay maglaho at mapalitan ito ng lakas ng loob na mabuhay at magsimula muli. Lahat tayo ay malaya na at ang lahat ay magiging mapayapa na mula ngayon. Magkaisa tayong muli, ibangon natin ang mga pangarap, ibangon natin ang ating mga lupain at higit sa lahat ay ibangon natin ang mga sarili. Alam kong hindi magiging madali ang lahat ngunit alam kong marami pa tayong oras. Ibabangon nating muli ang Kailun at ang isang mahabang daan ay nasa ating harapan kaya’t magsimula na tayo ngayon.”
PALAKPAKAN ANG MGA TAO..
Habang nasa ganoong posisyon ako ay napansin kong may kumikislap na bagay sa itaas ng templo, ngunit pakiwari ko ay ako lamang ang nakakakita nito. Patuloy pa rin sa pagsasalita si papa, “Mahaba pa ang daan ating tatahakin, ngunit ang pag asa ay nandito sa ating mga puso, hinding hindi ito mawawala kahit na kailan. At isa pang bagay..
Huwag nating kakalimutan ang mga taong nagsakripisyo para mabuhay tayo ng mapayapa.. Sila ay nandito lang at hinding hindi mawawala. Huwag natin silang lilimutin,“ ang dagdag ni papa at dito ay tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang bumukas ang pintuan ng templo at dito ay laking gulat namin noong lumabas si Papa Enchong, hinahangin ang damit nito at ang kanyang buhok ay humaba ng kaunti.
Gulat na gulat kaming lahat..
Kasabay nito ang palakpakan at hiwayan ng mga tao sa paligid. Sa halip na matakot ay tila natuwa pa silang lahat dahil nabuhay si papa Enchong at hindi ito isang panaginip!
Nakangiti si Papa Enchong na bumaba sa baitang ng hagdan at noong humarap si Papa Rael sa kanya ay umiyak na lang ito at nagtatakbo. Inabot niya ang kamay ng kanyang asawa at dito ay nagliwanag ang paligid at umulan ng mga pulang talulot ng bulaklak.
You’re not alone, together we stand
I’ll be by your side, you know, I’ll take your hand
When it gets cold and it feels like the end
There’s no place to go, you know, I won’t give in
No, I won’t give in
Keep holding on
’Cause you know we’ll make it through
We’ll make it through
Just stay strong
’Cause you know I’m here for you, I’m here for you
There’s nothing you can say, nothing you can do
There’s no other way when it comes to the truth
So keep holdin’ on
’Cause you know we’ll make it through
We’ll make it through
“Papa!” ang sigaw ko sabay takbo dito, hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngunit ito ay isang milagro.
Lahat kami ay nagtakbuhan para salubungin si Papa Enchong, pati sina Miguel, Suyon at Devon at Ybes ay napaluha na lang habang niyayakap nito. Niyakap ko si papa ng mahigpit at ginusot nito ang aking buhok, “Naging mabait ka ba habang wala ako?” ang tanong niya.
Tumango at ngunit ang luha sa aking mga mata ay hindi nawawala. “OPO, papa!” ang sagot ko.
Maya maya ay muli silang nagyakap ni papa Rael at ginawaran nila ng halik sa labi ang isa’t isa. Ito ang simbolo ng kanilang wagas na pagmamahal na kahit kailan ay hinding hindi magwawakas.
Itutuloy..
Part 57: The Revival of Enchong (ARC FINALE)
MGXMBS Book 3: The Last War
AiTenshi
Part 57: The Revival of Enchong
SPECIAL CHAPTER
“Hala totoo nga, buhay ka nga! Hindi ka naman naging zombie diba?” ang tanong ni Oven sa akin sabay pisil sa aking pisngi.
“Malaman hindi, ang lahat ng iyon ay dahilan at mayroong explanation,” ang sagot ko naman habang nakangiti. Ito ang eksena kinagabihan matapos kong mabuhay ulit.
“Kung ganoon ay anong negative effect ang dala mo? Baka naman kumakain ka ng lupa at naliligo ng lupa katulad ni Gina Alajar doon sa Shake Rattle and Roll!” ang hirit pa ni Oven dahilan para matawa ako. At dito ay binalikan ko ang pangyayari kung bakit at paano ako nabuhay na muli.
FLASH BACK
Noong huminto ang aking paghinga ay para lang akong nakatulog ng mas mabilis, wala na akong naramdaman pa. Basta ang alam ko lamang ay natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa isang gintong tarangkahan kung saan naroon ang espirtu ni Elsen, nakagapos at nakaselyo. “Kung nakipagkasundo ka sa akin, sana ay buhay ka pa ngayon,” ang wika ng kanyang liwanag.
“Kung ang kapalit ng pakikipagkasundo ko sa iyo ay ang walang katapusang kadiliman at kasamaan ay mas mainam pang mamatay na lang tayong pareho,” ang sagot ko sa kanya.
“Makakawala rin ako dito, at babalikan kita,” ang wika niya.
“Ewan ko sa iyo, ang kinalalagyan mo ay isang malayong dimensyon na kahit ano ay hindi ko alam kung saang parte kita ng aking katawan hahanapin. At isa pa ay maraming selyo ang mga rehas na ito, sa tingin ko ay aabutin pa ng mga dalawa hanggang tatlong daang taon bago ito humina. Sa makatuwid ay dito ka lang muna at sasamahan mo ako sa ayaw at gusto mo,” ang wika ko naman habang nakangiti.
“Sumpain ka Healer! May araw ka rin!” ang sigaw niya sa akin.
“Patay na nga ako diba? Aakyat ka sa langit para gumanti? Aasa pa ba akong makakawala ka dito? Dyan ka na nga, kasalanan mo to e,” ang wika ko at dito ay lumakad ako palayo sa kanya. Kinikumpas ko ang aking kamay at binalot ng gintong liwanag na parang box ang enerhiya kaya’t hindi ko na ito narinig pa.
Sa kada paghakbang na ginagawa ko ay palayo ako ng palayo sa selda hanggang sa hindi ko na ito makita pa. Patuloy ako sa paglalakad sa kadiliman hanggang sa makita ko si Kasiya na nakatayo sa aking harapan at nakangiti. “Happy? Ito ang gusto mo diba?” ang bungad ko sa kanya na may halong inis.
Natawa ito at inakbayan ako, “Diba una pa lang sinabi ko na sa iyo na mauulit lang ang pangyayari noon? Mas graceful pa nga at beautiful kill ang nangyari sa iyo. Ako nga noon e, hinati pa ang katawan ko at sinelyo ng tubig ni Neptune para di makatakas ang enerhiya ni Elsen,” ang wika niya sa akin.
“Kesho graceful o kung ano ano pa, namatay pa rin ako at iyon ang main point. Teka saan ba tayo pupunta?” tanong ko naman sa kanya.
“Edi sa tahanan natin, basta magugustuhan mo doon,” ang wika niya at ilang hakbang pa ang aming ginawa ay natapos ang kadiliman at dito ay nakita namin ang liwanag.
Noong makalabas ay bumulaga sa akin ang isang pamilyar na templo at dito ay maraming mga tao ang sumalubong sa aking pagdating. Ang templong kilala ko ngunit hindi ko maisip kung ano. “Maligayang pagdating sa ating tahanan, master,” ang bati nila sa aking habang nakangiti.
“S-salamat. Eh sino ba kayo?” pagtataka ko.
“Enchong, sila ang ating mga kalahing healer at ang lugar na ito ay ang ating Altar. Nalalaa mo na? Noong maubos ang mga healer ay gumawa kami ng isang paraiso dito at tahimik na nanirahan. Ito ang kabilang buhay ngunit hindi namin tinatawag na ganoon. Maagan sa pakiramdam hindi ba? Ngayon ay kapiling mo na rin ang lahat ng ating mga ninuno simula pa noon. Tingnan mo, ginawang ka pa nila ng banner. “Maligayang pagdating “Enchong”, ang sweet nila diba?“ masayang wika ni Kasiya.
“Talagang expected niyo na no? Talagang alam na alam nyong mamamatay na ako ngayon,” ang pagmamaktol ko habang naglalakad kami sa gitna ng magandang lupain ng mga mga Healer.
“Ano ka ba, huwag ka na nga mapikon diyan,” ang natatawang wika niya.
“Pero tama ka nga, masayang kasama ang mga ating mga kalahi, ito ang aking mundo at dito ako nababagay. Maraming salamat sa pagdala sa akin dito,” ang wika ko habang nakangiti.
Umupo kaming dalawa ni Kasiya sa tabing batis kung saan makikita ang magandang paligid, luntian ang mga damo at napakalamig ng simoy ng hangin. Matapos ang digmaan ay napakasarap pakinggan ng katahimik. “Anong mangyayari kay Elsen?” tanong ko.
“Sa tindi ng selyong ginawa mo? Malamang daang tao na ulit ang itatagal niya at wala ng makakatagpo sa kanya,” ang wika niya habang nakangiti.
Tahimik.
“Ang ganda dito, para lamang akong nananaginip, ito ang pangarap, sana ay dumating ang araw na muli kong makasama ang aking pamilya, masyado pang bata si Rouen para iwanan ko, baka puro kalokohan ang ituro sa kanya ng siraulo niyang tatay,” ang wika ko habang natatawa.
“Sina Rael at Emrys ay halos pareho ng ugali. Ang isang matagumpay na Blood sucker ay mayroong isang mahusay na Healer sa kanyang likuran. Tayo ang kanilang mga anting anting, tayo ang kanilang tinatawag na lucky charm. Isang katanungan, maganda ba dito?” ang tanong ulit niya.
“Sobra, ito ang pinaka perpektong paraisong nakita ko, ngunit tiyak kong mamimiss ko sila doon,” ang tugon ko habang nakapako ang tingin sa mala kristal na tubig ng batis.
“Kung namimiss mo sila ay maaari kang bumalik doon,” ang wika niya habang nakangiti.
“Huwag ka ngang magbiro ng ganyan,” ang tugon ko naman.
“Noong isinalin ko sa iyo ang aking kapangyarihan ay alam kong mauulit ang kasaysayan at mamamatay ka rin katulad ko. Noong mga oras na iyon ay naramdaman kong malakas ka na dahil nasa iyo ang kapangyarihan ni Idan. Kaya’t dito ko naisip na 50 porsiento lamang ang i-activate sa iyong katawan at ang kalahati na 50 porsiento ay itago sa iyong dibdib sa paligid ng iyong puso. At alam mo ang dahilan kaya ko ito ginawa?
Una: dahil nakita ko ang relasyon mo sa iyong pamilya, mga bagay na pinangarap ko noon. Hindi ko nagawang iligtas ang aking sarili ngunit ikaw ay maaari kong iligtas. Kaya tinira ko ang 50 porsiento ng aking lakas upang protektahan ang iyong puso at muli itong patibukin sa oras na maganap ang takdang katapusan. Ikalawa: ang 50 porsiento ng aking lakas na nakahimlay sa iyong katawan ay may kakayahang ibalik ang buhay sa iyong katawan. Noong pa man ay alam kong darating ang araw na ito at gusto kong baguhin ang kasaysayan, gusto kong itama ang aking pagkakamali noon,“ ang paliwanag ni Kasiya.
“Pero ang ginawa mo noon ay hindi isang pagkakamali, naging bayani ka at ikaw ang naging simbolo ng pagmamahal para sa iyong kapwa. At ngayon, ang iyong ginawa para sa akin ay hindi ko masusuklian, utang ko sa iyo ang aking lakas at gayon rin ang aking ikalawang buhay.,” ang wika ko naman at dito ay hindi ko maiwasan ang pagluha.
“Huwag ka na umiyak, sige ka baka maya maya ay maaapektuhan yung regalong kaloob sa iyo ng may kapal.,” ang wika nito habang nakangiti.
“Anong regalo?” tanong ko naman.
“Malalaman mo rin, oh paano? Bumalik ka na dahil baka namamatay na sa kalungkutan yung asawa at anak,” ang wika niya sabay kumpas ng kanyang kamay at dito ay nagliwanag ang aking dibdib.
“Sandali lang,” ang pagpigil ko sa kanya.
“Bakit, Enchong?” tanong niya.
Ngumiti ako at niyakap ko siya ng mahigpit, “Marami salamat sa iyo,” ang bulong ko.
“Walang anuman, parati kitang babatayan, ikaw ang pinakamahalagang yaman ng ating lahi,” ang bulong niya sabay yapos sa aking ulo.
Tahimik.
Lalong nagliwanag ang aking katawan at naramdam ko na ang mabagal na pagtibok ng aking puso, ito ang senyales ng aking pagbalik sa orihinal kong mundo.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa isa pang pagkakataon na ibinigay sa akin ng tadhana. Kaya nandito ako, buhay na buhay at nakahandang maging isang mabuting magulang at asawa. “At iyon ang dahilan kung bakit ako muling nabuhay, ang lahat ay nakatakda at ang lahat ay naganap sa tamang oras at panahon,” ang salaysay ko habang nakangiti.
END OF FLASHBACK
“Ma, huwag ka na umiyak, mugtong mugto na yung mata mo,” ang wika ko sa aking ina.
“Natural lang na patayin ko ang sarili ko kakaiyak dahil ang akala ko ay nawala ka na talaga sa amin, Hermes, iyang anak mo pagsabihan mo na huwag na muna sumabak sa mga ganyang digmaan,” ang umiiyak na wika ni mama.
Natawa si papa, “Si Enchong ay may asawa na, yung asawa niya ang magdedesisyon para sa kanya. Ngunit sa ngayon ay dapat nating ipagdiwang na siya ay kapiling na muli nating lahat,” ang tugon ni papa at dito ay niyakap nila akong dalawa.’
“Siguro naman malinaw na sa inyong lahat na hindi ako zombie o walking dead pa,” ang pagmamaktol ko.
Tawanan kami lahat.
Kinagabihan, mahigpit ang yakap sa akin ni Rael, halos ayaw na niyang bumitiw, maigi niyang pinagmamasdan ang aking mukha na para bang kinakabisado niya ang bawat anggulo nito kaya naman yumakap ako sa kanya at dito ay hinalikan niya ang aking labi, “Huwag ka na ulit aalis, huwag ka na mawawala sa akin tabi,” ang wika niya.
“Hindi na ako lalayo, hindi na ako aalis sa iyong tabi, lagi na tayong magkasama, mula ngayon, bukas at kahit abutin pa ng daang taon, mamahalin kita ng paulit ulit at hinding hindi ako magsasawa,” ang sagot ko sa kanya at dito ay ginawaran ko siya ng halik sa labi.
Sa pagsikat ng bagong araw ay nagsimulang bumangon ang buong Kailun, nagtulungan ang lahat ng mamamayan nito at sinumulan naming buuin ang mga nasira sa aming lupain. Nagbigay din kami ng pagkilalal sa lahat ng mga kawal na napaslang sa digmaan sa pamamagitan ng paglalagay ng isang malaking memorabilia bato kung saan nakaukit ang lahat ng kanilang pangalan. Itinayo ito sa mismong lugar kung saan naganap ang digmaan bilang pag ala-ala sa kanilang kabayanihan.
Tungkol naman sa aming mga naging kapanalig, sina Prinsipe Malik at Miguel ay bumalik sa Apresia at sinimulang ibangon ang kanilang lupain. Ang pagkakaibigan sa pagitan namin ay pinagtibay ng pagkakataon at ng panahon. Binuksan rin ng Apresia ang pakikipag kalakalan sa Kailun upang mas maging maunlad ang dalawang lupain.
Sina Lucario naman at Suyon ay bumalik sa kanilang palasyo at ipinagpatuloy ang normal na buhay doon. Masaya silang inaalagaan ang kanilang anak at siyempre tumulong rin sila sa pagbangon ng Bayan ng Yelo na noon ay labis na nasira dahil sa digmaan. Naging close kami ni Suyon at alam kong ang aming mga anak ay magiging matalik na magkaibigan sa hinaharap.
Sina Seth ay Ybes naman ay bumalik sa Cendril Forest kasama ang kanilang mga katribu, ang mga Manlikmot ngayon ay nagkakaisa bagamat marami pa rin mga rebelde at hindi kinikilala si Seth bilang hari ay hindi naman nagsasara ng pintuan ang Cendril Forest na kanilang tahanan.
Si Ibarra at si Leo ay nagpaalam at bumalik sa bundok ng Hiraya upang makasama si Tob na kanilang anak. Dito ay namuhay sila ng tahimik bilang isang perpekto at masayang pamilya. Samantalang tuloy pa rin ang buhay para kina Sam na noon ay heneral na ng mga engkanto at si Tembong naman ang bise heneral bagamat ayaw talaga nitong gampanan ang kanyang tungkulin, sa huli ay napatunayan naman niya na siya ay totoong may beauty with a purpose.
Sina Devon at Yul bumili ng bagong tirahan upang dito muli silang magsama, siyempre kinupkop nila sina Santi at Boss Lu. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang kabayanihan ay pinayagan na silang tao na bumalik at tumapak sa Hell Society na noon ay maayos at maganda na muli ang kalagayan. Si Devon ay nagtatrabaho pa rin bilang isang artista sa paranormal channel at siya na ngayon ang ikalawang ranggo bagong Supremo De Guardine at si Clement naman ang unang ranggo na noon ay nagbalik loob. Si Yul naman ay nagbitaw na heneral ng Heaven Society, sina Michael at Rafael ang pumalit sa kanya ngunit siya pa rin ang iginagalang at irerespeto ng mga Guardian sa kalangitan.
Si Santi ay umiwas na sa pagiging tanga sa pag ibig, ngayon ay nagfocus na lang siya sa kanyang career bilang isang model at siya rin ang ikatlong ranggo sa Supremo. Samantalang si Boss Lu pa rin ang punong heneral ng Hell Society at sa mundo ng mga mortal ay isa naman siyang guro sa college.
Samantalang si Santre Rafalgia ay muling nagpatayo ng palasyo bilang hari ng Dark keeper, siya pa rin ang guro at tagapayo namin ni Rael, hindi na ito mababago pa. Si Niko naman ay naging abala sa pagbangon ng Floral Land dahil halos 60 porsiento ng kanilang lupain ay na wipe out ng kaguluhan. Siyempre ay nakasuporta ang kanyang asawang si Oven sa lahat ng kanyang desisyon.
At tungkol naman sa mahahalagang tao sa aming buhay, sina mama at papa ay nauna nang bumalik sa mundo ng mga mortal na noon ay paunti unti na ring bumabangon matapos ang sakuna. Nangako naman kami na susunod sa oras na matapos ang trabaho dito sa palasyo.
Si Heneral Liad naman ay nanatili pa ring heneral at kanang kamay ni Rael, kapag bumalik kami sa mundo ng mga mortal ay siya ang tatayong pinuno ng buong kaharian.
Si Oven naman na aking bestfriend ay nasa aking tabi pa rin at hindi na yata talaga kami paghihiwalayin lalo’t imortal na rin siya ngayon at ang aming masayang pagkakaibigan ay tiyak na tatagal ng habang panahon.
Si Rouen ay nagbabalak na bumalik sa future, tila ba nalungkot kami dahil naging mahalagang parte na siya ng pamilya ngunit ang kanyang panahon ay nasa hinaharap. Balang araw ay makakasama ko rin naman siya kapag ang aming anak (si Rouen na baby version) ay nagbinata na.
At tungkol naman sa amin ni Rael, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala na pinagdaanan namin ang mga mahihirap na pagsubok na iyon. Ilang beses kaming sinubukang paghiwalayin ng tadhana ngunit heto pa rin kami, magkasama at nangakong hindi maglalayo kahit ano pa ang mangyari, kahit na gaano pa kahirap ang sitwasyon. Alam kong marami pang digmaan ang darating ngunit nakahanda kaming harapin ang lahat ng ito ng magkasama dahil lahat ng pagsubok ay makakaya naming lagpasan basta’t nasa tabi namin ang isa’t isa.
Ang buhay ay walang katapusang paglalakbay, ito ang reyalidad. Madarapa tayo, masusugatan at daraan sa maraming balakid. Sa huli ang tanging magagawa mo lang ay tibayan ang iyong loob at maniwala sa kapangyarihan ng pagmamahal. Iyan ang tanging bagay na pinanghahawakan ko at habang nandito si Rael sa aking tabi ay mananatiling buhay ang aming pagmamahal kahit abutin pa ito ng libong taon.
At habang may naniniwala sa aming kasaysayan ay mananatiling buhay sina..
“MR. GENIUS at MR. BLOOD SUCKER.”
END OF SEASON 1
AUTHOR’S NOTE: BUKAS AY MAGBUBUKAS ANG BAGONG “ARC” O BAGONG SEASON NG MGXMBS!

