MR. WRONG NUMBER (BL•ONE-SHOT)
Brictorique · 1 chapter · 5,445 words
MR. WRONG NUMBER (BL)
MR. WRONG NUMBER
written by Brictorique.
DISCLAIMER: Ano mang pangyayari, bagay, o pangalan na nakasaad sa kwentong ito ay pawang imahinasyon lamang at hindi kinuha sa totoong istorya ng buhay kaya ano pa man ang pagkakahawig na inyong mababasa ay hindi sadya dahil hindi lang naman ikaw ang nagiisang manunulat na may weirdong pagiisip. Maraming salamat.
Sa wakas at nakauwi na rin ako ng bahay. Akala ko aabutin na ako ng kinabukasan sa grocery sa haba ng pila eh halos uwing-uwi na ako ng bahay pagka dismiss palang sa amin sa klase kaninang ala singko. Anong oras na ako nakarating dito sa bahay. Maga-alas otso na ng gabi. Pfft.
Makapag ayos na nga ng mga napamili ng makapagpahinga ako. Ang sakit ng paa ko sa tagal ng pagkakatayo ko sa pila. Hindi pa naman December pero ang dami ng bumibili ng kung anu-ano sa grocery. Anong araw palang din naman. Hello? Wednesday palang.
“’Nak! Di ba one day lang yung niload ni mama mo sa akin kagabi? “ tanong ni Papa ng dumaan ako sa likuran niya. Abala ito sa panunuod ng replay ng boxing. Hindi ko kilala kung sino ’yung pinapanuod niya. Ang importante, alam ko boxing iyon.
“Oo, Pa. Mamayang 08:30 yata expire na iyon. Bakit? “
“Tignan mo kung okay pang gamitin. Ipangtawag mo sa mga kaibigan mo para hindi masayang.”
Aba! Ayos. Ako naman ang tatawag sa mga kaibigan ko ngayon lalo na kay Justine! Naka plan kasi yung phone niya kaya ayun! Tawag here and there lagi ang peg niya. Ako kasi napaka bihira ko magpa load kasi uunahin ko ipangbili ng pagkain ang pera ko kesa ipangload. Wala din naman kasi ako makakatext dahil si Justine pro-call na tao.
“Sige, Pa.” tugon ko.
Nagmadali akong ayusin yung mga pinamili ko at agad na kinuha yung cellphone ni Papa na nasa tabi lang ng TV at pumwesto sa mini garden namin na labas ng bahay. Technically, hindi siya garden kasi wala namang halaman o bulaklak na nakatanim. Damo lang na kada buwan tini-trim namin at bakal na upuan at table. Kumbaga kung gusto mo mag muni-muni, dito pwede kang tumambay.
Sabi ko magpapahinga ako eh pero heto ako at excited na i-dial ang number ni Justine sa cellphone ni Papa.
Dito ko isasagawa ang best ever plan of the month ko this 2016 lalo na at tahimik dito sa pwesto ko. Wala ng dumadaan na tricycle ng ganitong oras.
Pero hep! Bago ko tawagan si Justine, ’yung isa ko pang friendship na si Kelvin ang tatawagan ko. All Out Prank na ito mga boy!
Kumunot ang nuo ko dahil ang alam ko mabilis dapat sumagot si Kelvin lalo na kapag unknown number. Kilala ko ito eh. Lagi itong nakababad sa cellphone niya pero bakit nakakailang ring na hindi pa rin niya sinasagot?
“The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.”
Aba! Ano kaya ginagawa nitong Kelvin na ito at hindi sinasagot? Matawagan nga ulit. Hindi ako titigil kakatawag hanggang sa sagutin niya! Tignan natin kung hindi siya makulitan.
“The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.”
Eh di wow. Sa 12 attempts ko na tawagan siya, ni isang beses hindi man lang siya sumagot. Pfft. Sige na nga! Mukhang wala namang patutunguhan itong kakatawag ko sa kanya. Tatantanan ko na. Matawagan na nga lang si Justine tutal siya naman talaga ang agenda ko for tonight bago pa mawala ’yung promo load ni Papa.
Agad kong dinial ang number ni Justine at habang waiting akong sagutin nito ang tawag ko eh napaisip ako bigla kung paano ba sumagot ng tawag ’yung mga callcenter agents. Syempre dapat believable ’yung prank ko.
“Hello! Good evening! This is pancit canton speaking! How may I help you?”
Napa tap ako mentally sa balikat ko. Shit! Ang angas ng acting ko! Makatotohanan! With accent pa ang pagkaka deliver ko!
“Hello?”
Mabilisan kong nilayo ang cellphone sa tenga ko pero agad ko ding binalik iyon. Nakakapagtaka lang kasi. Bakit sobrang lalim naman yata ng boses ngayon ni Justine? Eh matinis lagi boses nito sa phone. Mapagkakamalan mo nga siyang babae eh. Hindi kaya kuya niya ito? Si Kuya Mark? Hala!
“Ay! Hello, Kuya Mark? Ikaw po ba ’yan? Si Justine po?”
“Hello? Justine? Who’s Justine?”
Ay hala! Nabagok ba ulo ni Kuya Mark a few seconds ago bago ako tumawag at nakalimutan niya na kapatid niya si Justine? Hala! Kawawa naman tropa ko!
Pero parang iba ’yung boses niya ngayon though familiar pa rin naman.
“Hello?” salita nito.
Ano ba naman itong si Kuya Mark panay ang hello. Wala ba siyang alam na ibang word bukod sa hello?
Oh my gosh! Hindi kaya Papa ito ni Justine? Hala! Nayari na!
“H-Hello? Tito? Si Justine po?”
Saglit na tumahimik sa kabilang linya.
“Justine? There’s no Justine here. I’m not his brother nor his uncle. May I–”
In-end ko nalang agad ’yung call para sure ng hindi ako lalo mapahiya at kaagad na tinignan yung phone number na dinial ko at -
Oh my god! Ang bobo! Mali ’yung dulo ng number na idinial ko! Imbis na 4 dapat ’yung dulo ng number naging 3!
Aaaah! Super duper to the maximum level of my body temperature ang kahihiyan na nagawa ko sa sarili ko!
Kaagad kong i-dinial for the second time around ang number ni Justine and this time siya na talaga ang kausap ko at ikinwento ko sa kanya ang kahiya-hiyang bagay na nagawa ko at aba! Tinawanan lang ako ng walang hiyang kaibigan ko.
“Huwag ka ng mag alala. Hindi ka naman mat-track nu’n unless naka plan ka tulad ko o tulad niya. Saka ’yang number mo unknown number lang ang mare register sa amin kaya no worries. He’ll never find out who you are. Plus, ano naman ang makukuha niya sa iyo if ever malaman niya sino ka? Duh?”
Tama naman si Justine.
Hindi kami mayaman ng pamilya ko. In fact, nakapasok lang ako University ko dahil nakapasa ako sa scholarship exam. Pang rich kid kasi ’yung school ko.
Anyway, nakapag pakilala na ba ako sa inyo? I’m Joseph Perez but you can call me Sep for short.
Binalik ko na ang cellphone ni Papa sa tabi ng TV ng tuluyan ng mag expire ang load nito kaso palakad palang ako palayo ng biglang tumunog iyon.
Kinuha ko iyon at tinignan sino ’yung tumatawag. Baka kasi si Justine at may nakalimutan lang sabihin sa akin kaso pagtingin ko, halos lumuwa ang mata ko sa kaba ng makitang ’yung wrong number kanina ang naka register sa screen ng phone. Anak ng tipaklong!
Agad kong ni-reject ang tawag niya sa sobrang kaba ko. Bahala siya d’yan!
Pero what if, tumawag ulit siya? Anong gagawin ko? Parang ang dis - Wait! Hindi parang! Direspectful talaga ang ginawa kong pag reject sa tawag niya.
’Di bale. Itetext ko nalang siya gamit ang sarili kong cellphone para matigil na ito tutal hindi naman sadya ’yung pagtawag ko sa kanya.
To: +63**********
Good Evening. I didn’t mean to reject your call but the phone number you’re calling is owned by my Father that I just borrowed to call my friend, Justine. I called your number by mistake since Justine’s number and yours shares the same first ten digits. I’m really sorry and I meant no harm.
Okay na siguro ito. Hindi na niya ako siguro kukulitin.
But of course, it didn’t go according to plan. Paano ba naman biglang nag vibrate ’yung cellphone. Meaning tumatawag siya ulit. Aba’t ang kulit din talaga ng isang ito, ’no?
Bakit siya tumatawag? Anong part ng hindi ko naman sadya ang pagtawag sa kanya kanina ang hindi niya maintindihan?
“Hello.” bati ko pag sagot ko ng tawag niya. Jusko, parang lalabas na sa ribcage ko ang puso ko sa kaba.
“Hi, may I know your name?”
“A. . A. .” anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba yung real name ko o ’yung alias ko sa facebook? Twitter? Tumblr? Wattpad? Help me decide, Universe!
“A-Allan!” halos pasigaw kong sagot. Syempre kinakabahan ako at out of nowhere kong naisip ’yung pangalan ni Allan na friend at crush ko pati, “. .I need to hang up now since I still have a lot of things to do. Bye!”
Okay na sana sa kanya iyon. Nanginginig pa rin ako sa kaba. Lintek na ’yan! Bakit ba ako kinakabahan as if namang mat-track ako ng kung sino man itong may ari ng wrong number na natawagan ko kanina, ’di ba? Yeah, as if.
From:
+63**********
Where did you get my number?
Anak nga naman ng tipaklong oh! Ang kulit nitong isang ito! Hindi pa ba sapat yung paliwanag at sorry ko sa kanya? Akala ba niya budol gang member ako?
To: +63**********
Like I said, I just dialled your number by mistake.
From: +63**********
Yeah, you might have just dialled the wrong number then.
To: +63**********
Sorry for bothering you. My bad.
Isang oras na din ang nakalipas mula ng replyan ko si Mr. Wrong Number at buti nalang hindi na ito nagreply sa akin kung hindi. . isu-sumbong ko siya kina Kelvin at Allan.
Si Allan ’yung friend ko na crush ko din na nabanggit ko kanina, anak siya ng may-ari ng University na pinapasukan ko kaso sa yaman nu’n hindi naman nagamit iyon ng cellphone kaya kapag emergency hindi mo maco-contact.
Ang alam ko parehas sila ni Justine na naka plan pero ginagamit lang niya cellphone niya panglaro ng mobile games. Never ko pa siyang ginamit ang cellphone niya for other purposes like pang text or pang tawag man lang. Siya kasi ’yung tipong, kung may kailangan kang sabihin tumawag ka nalang sa landline ng bahay nila or better yet kausapin mo siya ng harapan or pumunta ka sa bahay nila para sabihin sa kanya ’yung gusto mong sabihin.
But anyways, makatulog na nga at maaga pa ang pasok ko bukas.
Nakayakap na ako sa unan ko para magpa antok ng biglang umilaw ang cellphone ko. Huh? Sino naman kaya ito?
From: +63**********
Okay.
Muntikan ng malaglag sa mukha ko ang cellphone ko sa gulat. Tibay naman ng lalaking ito! Akala ko nag evaporate na! ’Yun pala nag chill lang saglit.
To: +63**********
Okay? Were you the one I accidentally called using my Father’s number earlier? Sorry, I already deleted our convo. Didn’t expect you to reply after my last text.
From: +63**********
How unfortunate. Anyways, good night and sweet dreams, Mr. Joseph Perez.
Kung kanina muntikan lang, ngayon nabagsak ko na talaga ang cellphone ko, hindi sa mukha ko kundi sa sahig sa sobrang gulat sa nireply niya. Napabangon pa nga ako dahil oh my god!
Paano niya nalaman ang buo kong pangalan?! I’m doomed! Na-track ako ni Mr. Wrong Number but how?!
Kinabukasn nagmamadali akong pumasok sa University namin. Feeling ko nga kanina paglabas ko ng bahay, nakatayo duon si Mr. Wrong Number at inaabangan ako. Malay ko ba kung anak pala ng ambassador iyon or kung sino mang ma-impluwensyang tao.
Hinihingal kong hinanap sila Justine, Kelvin, at Allan sa quadrangle and finally sa hindi kalayuan ay nakita ko sila na nagtatawanan.
Ano kayang happenings at ganitong oras palang ang saya na agad nila?
“Ui, Sep! Nand’yan ka na pala,” nakangiting bati sa akin ni Kelvin.
Magkaharapan kami sa stone bench nina Kelvin at Allan samantalang katabi ko naman si Justine.
“Anong meron at ang happy ninyo agad?”
“Kinwento kasi sa amin ni Justine ’yung epic fail mo na pangpa-prank sana sa kanya!” sagot ni Kelvin.
Sinamaan ko agad ng tingin si Justine. Kinwento pa talaga sa mga ito ’yung kahiya-hiyang pangyayari sa buhay ko. Pfft, ngayon hindi na nakakahiya, kundi nakakatakot na!
“Hindi kaya nakakatawa!” pataray kong usal at nag eye roll sa kanila. Sanay naman sila sa pagiging ganito ko. Jusko, aware naman silang tropa ako ni Eva kaya nga minsan nakakapagtaka rin na kinaibigan nila ako.
“Bakit naman?” tanong ni Justine.
“Bakit kamo?” umakto akong stress (kahit na stress naman talaga ako) at nag fake cry sa harap nila, “Alam ninyo ba na na-track ako ni Mr. Wrong Number kagabi! Syempre hindi! Binigay pa nga niya sa akin yung real name ko eh ’yung binigay kong pangalan sa kanya eh pangalan nito ni Allan!” sabay kuha ng cellphone ko sa bulsa ko at pakita ng convo namin sa kanila.
Imbis na maawa sa akin, sabay-sabay pa sila mamamatay sa kakatawa kaya nagtingingan sa amin ’yung mga taong nasa malapit pati ’yung mga taong dumadaan. Jusko, nakakahiya! Gusto ko nalang magpakain sa lupa!
Napaka unsupportive friends naman ng mga ito sa akin! Abut-abot na ’yung kaba ko tapos sila patawa-tawa lang!
“Hala ka, Sep! Mamaya anak ng ambassador iyan tapos sunduin ka nalang dito at ipakulong ka,” nakangising sabi ni Allan habang abala na ulit sa pagdutdot sa cellphone niya. Naglalaro na naman ng mobile game as usual.
“Allan! Hindi ka nakakatulong!”
“Ayan kasi, ginamit mo pa pangalan ni Allan kinarma ka tuloy,” dagdag ni Kelvin na naglalaro din ng mobile game.
Kainis itong dalawang ito. Hmmp! Paano ’yan? Sa kanila ko pa naman balak magpatulong lalo na kay Allan?
“Baka naman stalker iyan tapos naghahanap ng bagong mabibiktima at ikaw ’yung hulog ng langit na binigay sa kanya?” usal ni Justine.
“Justine naman eh!” napanguso ako at napatingin kay Kelvin, “Hoy! Ikaw tinatawagan din kita kagabi pero hindi ka sumasagot.”
“Ah, kalaro ko kasi si Allan kagabi. Nagdo-DOTA kami kaya busy ako at hindi ko nakitang tumatawag ka.”
“Huwag ka na mag alala, Sep. Nandito naman kami. Kami bahala sa iyo, ’di ba Kelvin? Allan?” napansin kong nagkatinginan sina Justine at Allan at sabay na napangiti. Ewan ko ba pero parang may part sa akin na nainggit bigla sa kanila though alam ko namang parehas silang straight.
Though hindi naman maaalis ’yung fact na magandang lalaki si Justine at mayaman din saka matalino at kung ako ang tatanungin, hindi impossibleng magka crush si Allan sa kanya kahit na straight ito.
Sabay-sabay kaming nagtayuan ng tumunog ang bell at lumakad papunta sa respective classes namin ng biglang mag vibrate ang cellphone ko.
From: +63**********
Pancit Canton Advisory: Aral mabuti. ;-)
Agad akong napalingon sa paligid ko at napansin naman iyon nila Justine kaya nakilingon din sila.
“Bakit, Sep?” tanong ni Allan.
“Wala! Tara na, baka malate pa tayo sa mga klase natin!” sagot ko pero nanduon pa rin ’yung kaba sa dibdib ko.
Tinignan ako ni Allan na para bang tinatansya niya kung okay lang ba talaga ako bago siya tumango.
Nasa klase na ako pero ’yung isip ko lumilipad sa kawalan. Nasa paligid ko lang kaya si Mr. Unknown Number?
Nakikita niya kaya ako ngayon at kung anong mga ginagawa ko?
Sakto namang nag vibrate ang cellphone ko kaya pasimple ko itong kinuha para tignan sino ang nag text.
From: +63**********
Pancit Canton Advisory: Hope you’re listening to your Prof and not thinking of how I look like. ;)
Agad akong luminga sa classroom para tignan kung may naki sit-in ba na students sa room namin at kung may nagce-cellphone ba sa kanila kaso wala akong nakita. Shit.
Mababaliw na ako sa lalaking ito!
Sino ba kasi itong si Mr. Unknown Number? Nakaka loka ha!
Pagdating ng break, nagkita-kita kaming apat sa cafeteria at kaming dalawa lang ni Justine ang umorder ng maka-kain. Busy kasi sina Kelvin at Allan sa kung ano man habang nakatingin sa kabilang table. ’Yung table ng cheerleading squad.
“Don’t mind them, Sep. Tinuturuan lang ni Allan si Kelvin paano manligaw. “ bulong ni Justine sa akin.
“Weh? Si Kelvin manliligaw?!”
Napa buntung-hininga ako ng marealise kong ako nalang pala sa grupo ang napag iiwanan. Si Kelvin manliligaw na. Si Allan feeling ko may crush kay Justine which si Justine mukhang may chance na i-reciprocate ang feelings niya. Hay!
“Tara! Let’s take a picture! I’ll post it sa instagram! Dali! “ aya ni Justine habang naghahanap ng magandang angle.
Pinilit kong ngumiti kahit na naii-stress ako dahil bukod sa ako ang maiiwang single sa grupo, napa-paranoid pa ako ng dahil kay Mr. Unknown Number.
“Sep! Mukha kang a-attend ng lamay! Ngiti naman d’yan!” sita niya.
“Kailangan ba nakangiti? Hindi ako informed eh!” sabay inom sa royal ko.
Heto na naman at nagvi-vibrate ang cellphone ko. Syempre ako naman itong si titignan kasi baka hindi na si Mr. Unknown Number ang nagtext.
From: +63**********
Pancit Canton Advisory: Smile, darling. You’re beautiful when you do.
Napalingon ako sa cafeteria at sinubukang hanapin siya kaso masyadong maraming may hawak ng cellphone at ang hirap i-identify sino siya sa kanila sa dami ng tao na nandito.
“Huy, Sep! Ano na? Picture pa tayo!”
Napakamot ako sa ulo ko at sinabayan nalang siya sa trip niya na pagse-selfie.
After ng break, nauna ng bumalik sa mga klase nila ’yung tatlo habang ako naiwan mag-isa at tumambay sa quadrangle.
Napa eye roll ako bago kunin sa bulsa ko ang nagvi-vibrate ko na namang cellphone. Malamang may tinext na naman siya pero laking gulat ko ng makitang tumatawag ito sa akin.
Muntik ko pang maihagis ’yung phone ko sa gulat. Shemay! Bakit siya tumatawag?
“Hello,” sagot ko para pakiusapan siya na tantanan na ako dahil natatakot na ako sa ginagawa niya.
Pero imbis na marinig ko ang boses niya sa kabilang linya. Isang sipol sa familiar na 2000s song ang narinig ko. Huh?
“Hello?! Excuse me? Mawalang galang na sa iyo pero. .”
Pinagti-tripan ba ako nito? Tumawag lang para ipakinig sa akin ’yung pagsipol niya sabay bababaan ako! Aba, matinde!
Malaman ko lang talaga sino siya!
Pagdating ng uwian, nakareceive ako ng text galing kay Justine na hindi muna siya makakasabay sa akin sa paguwi at ganuon din si Kelvin kaya ang ending si Allan ang kasabay ko na uuwi ngayon.
Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko habang nagaabang kung tatawag pa ulit si Mr. Unknown Number or magpapancit canton advisory man lang kaso mula pa kanina ng huli siyang tumawag sa akin para lang ipakinig ’yung pagsipol niya eh hindi na ulit iyon nasundan.
Happy ako na sad at the same time. Nagsawa na siguro siya sa panggo-good time sa akin. Peste sita. Naparanoid ako sa kanya ah! Pero sino kaya talaga siya?
“Ay, anak ka ng tipaklong!” sigaw ko sa gulat at muntikan ko ng mahampas si Allan ng dala kong libro ng bigla nalang ako nitong hawakan sa balikat mula sa likuran. Oo nga pala. Hinihintay ko siyang matapos sa klase niya.
“Sorry. Did I scare you?”
“Ay hindi! Nasurprise lang ako! Sa susunod nga magsignal ka kung nasa tabi na kita.” mataray kong sagot sa kanya.
Napailing lang siya sa akin habang nakangisi. Shit! Ang gwapo talaga! Kaya crush ko ito eh!
“Lagi naman akong nasa tabi mo. Ikaw lang itong laging malayo ang iniisip at hindi ako napapansin.” patampo nitong usal. Wow! Hugot ’yan?
“Iyan ba ang nagagawa ng in-love?” asar ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran niya.
“In-love?! How? Hindi nga reciprocated.”
“Hindi? Eh mukha namang crush ka din ni Justine. Bagay nga kayo eh!”
Namutla naman si Allan sa sinabi ko. Hala? Mali ba conclusion ko? O baka naman dahil hindi niya ine-expect na mapapansin ko? Ay hala!
“Tara nga. Kumain muna tayo sa may karinderya!” aya nito sabay hila sa kamay ko papunta duon sa pwesto ng mga bilihan ng pagkain. Ito naman ang nakakatuwa sa mga tropa ko. Kahit na mayaman sila, G sila sa ganitong mga pagkain. Walang halos pag iinarte o pagpapanggap man lang.
At dahil may pagka bias ako dahil crush ko din itong tropa ko, mas lalong dumami ang pogi points niya sa akin.
“Dalawang pancit canton po ’Te.”
Ano daw? Pancit Canton?
Automatic akong napalingon side by side at kinuha ang phone ko na nasa bulsa para tignan kung may text si Mr. Unknown Number kaso wala. Napansin naman ako agad ni Allan.
“Hey, kakain na tayo nagce-cellphone ka pa rin? Sino ba ’yan?” masungit nitong sita sa akin. Napanguso naman ako. Kung hindi lang niya crush si Justine iisipin kong nagseselos siya sa akin at kay Mr. Unknown Number. Delulu much.
“Adik ka talaga sa paglalaro ng mobile games, ’no?” pag iiba ko sa usapan.
“Sakto lang. Way of distraction ko lang naman ang paglalaro.”
“Ano naman nakaka distract sa’yo?”
Sakto namang nilapag ng tindera sa table ’yung inorder ni Fritz na pancit canton kaya saglit naputol ang usapan namin.
“So? how was the guy texting you?”
Ay taray! Finally, sa kanilang tatlo siya ang nagka interest magtanong tungkol kay Mr. Unknown Number.
“Ayun, wala na yata balak magtext. Na-bored na siguro sa akin.” biro ko.
“Miss him?*
“H-Ha? Bakit ko naman siya mami-miss?” halos mabulunan ako sa tanong niya. Feeling ko namumula pa nga yata ako.
“Basing on how you reacted, does that mean it’s a yes?”
“Hindi ’no! Natakot nga ako sa kanya kasi parang lahat ng kilos ko alam niya pero siya, hindi ko siya kilala at hindi ko din alam kung nasaan siya sa mga oras na ito. Mas okay kung magpakilala siya sa akin personally kung taga dito lang din siya sa univ. Syempre kung gusto niya maging friends kami, why not ’di ba? Basta ba magso-sorry siya sa panggo- good time niya!”
Ngumisi lang si Fritz sa sinabi ko siguro kasi iniisip nito sira ulo ako. Well sino bang hindi? Eh sa kabila ng ginawang pangpa-paranoid sa akin ni Mr. Unknown Number, open arms ko pa rin siyang patatawarin at gagawing friend.
“Hmm, I see baka takot lang siya na i-reject mo siya dahil nga sa panggo-good time niya even though ikaw naman talaga ang nauna sa inyong dalawa.”
Natawa naman ako sa sinabi niya. May point naman kasi kahit papaano.
“That’s silly, if that’s what he thinks. Thou what could possibly be the reason bakit takot siya ma reject aside sa fact na ginood time niya ako?”
“Maybe, Mr. Unknown Number has a crush on you for a very long time now and it was just fate that he was contacted by the person he cherishes the most.”
“Wapak naman iyang mindset mo, ’pre! Pwede ng gawing story sa wattpad! Bakit hindi mo kaya i-try gumawa ng account tapos gawin mong storyline ’yan?”
Inilingan lang niya ako at binilisan ang pagkain niya.
“C’mon! I’ll drive you home.”
Ang taray! Uwing-uwi na ’yern? Kung sabagay stress siguro siya sa mga pinapagawa sa course niya maliban sa duties niya bilang anak ng may-ari ng university. Paano ko nalaman ang tungkol dito? Kay Justine syempre.
“Ano ba kasing ginagawa natin dito?”
Ano ba kasing ka-eklabuhan ito ni Allan? Sabi niya he will drive me home, eh bakit kami nandito sa park? Lumipat na ba kami ng bahay sa park ng hindi ko nalalaman?
Ang nakakainis pa magkatabi nga kami sa wooden bench kaso nagsa soundtrip lang ang loko tapos ako, heto nagwi-wish na sana magtext si Mr. Unknown Number para naman may kausap ako.
“Allan! Kapag hindi ka pa umayos, iwanan kita! Uuwi nalang ako mag-isa.”
Okay, fine. This is it, pancit. Trip ako today ni Allan kaya uuwi nalang ako.
Ganuon ba ako ka-prone sa prank?
“Bye, Allan. Uwi na ako, ha? Ingat ka sa pag-uwi.” sabi ko at tumayo na sa kinauupuam ko.
Palabas na ako ng park at ng lingunin ko siya, hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya maliban sa mukhang abala na naman siya sa paglalaro ng games niya sa phone niya. Hmmp! Isusumbong ko talaga siya bukas kina Justine.
Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko para tignan kung anong oras na kaso nakita kong may message received ako mula sa unknown number. Sino naman kaya ito?
From: +63**********
Don’t go without me, please.
Nilingon ko si Allan kaso mukhang hindi naman siya. ’Ni hindi nga lumingon sa direksyon ko. Inikot ko ang tingin ko sa park at magiling talaga si Mr. Unknown Number magpakaba at magtago sa kung saan kasi wala akong makitang kahina-hinala sa paligid. Mukhang kami nga lang ni Allan ang nandito.
Bahala na! Desidido na ako! Gusto ko malaman kung sino itong Mr. Unknown Number na ito.
~ flash back from hours ago ~
“ Naka plan ako, oo. Kung magt-try ako mag track ng unknown number, ’yung mga naka-plan lang din gaya ko ang matatrack ko pero pangalan lang ng user ang makukuha ko nothing more, nothing less. Bakit
mo natanong?“ explain sa akin ng irregular student na friend ko sa isa sa mga subjects ko.
~ end of flash back ~
Sa buhay minsan kailangang sumugal para malaman natin kung sino ang para sa atin este sino ang nangti-trip sa atin.
Pamasahe ko pa sana ito pauwi eh pero panglo-load ko nalang sa tindahan para makatawag ako dito kay Mr. Unknown Number at sana hindi pa umaalis si Allan sa pwesto niya para mahatid niya ako sa bahay pauwi.
Bumalik ako sa park at pumwesto sa gilid ng malaking puno bago ko ini-speed dial si Mr. Unknown Number.
Ang tagal naman niyang sagutin!
“The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later. “
Hala! Pinagti-tripan ba ako nito? Nagri-ring naman ’yung number niya, bakit ayaw niyang sagutin?
Ganun ah? Tatawagan kita ng tatawagan hanggang sa makulitan ka!
Chineck ko si Allan sa pwesto niya kanina pero pagtingin ko wala na siya duon. Hala! Paano ako uuwi? Gabi na at wala na akong pamasahe pang jeep?
“Hello?” muntikan pang mawala sa isip ko na tinatawagan ko pala itong lalaki na ito. Para na akong maiiyak sa inis. Kung bakit kasi nag inarte ako kanina at inuna ko itong si Mr. Unknown Number kesa kay Allan!
“Are you crying?”
“Kasalanan mo ito!” singhal ko, namalayan ko nalang na umiiyak na pala talaga ako, “Dahil sa iyo iniwan ako ni Allan mag isa dito sa park! Tropa ko iyon at crush ko din pero huwag kang chismosa, ikaw at ako lang ang nakaka alam pag ito kumalat bukas sa school at hindi naging sila ni Justine, hahuntingin kita! Pinaranoid mo ako sa wala! Paano ako uuwi ngayon? Wala na akong pera! Pinangload ko na! Mahirap din maglakad ng gabi pauwi! Paano kung mabudol gang ako ha?”
“Sorry, I didn’t mean to make you cry.”
“Aba, dapat lang na mag sorry ka.”
“Hmm, but it was partly your fault too. You always tend not to choose whose infront of you.”
Nakakoka ah! Lalo pa niyang pinagdiinan sa akin ’yung kashungaang nagawa ko kay Allan.
“I’d known you for a long time, Sep and if you will just give me enough attention you would notice how close I am with your friends.”
Wait, paanong kilala din niya sila Justine? Classmate ko ba ito sa isa sa mga subjects ko o isa sa mga friends nila na pinakilala nila sa akin before?
“Teka nga? Paano. .?”
“You would never notice because you’re too busy looking on other people but I am to blame too. I distanced myself from you because if I didn’t, I will be too obvious having a crush on you.”
“What? Sino ka ba talaga? May balak ka bang magpakilala sa akin? Mababaliw na ako kakahula kung sino ka ba talaga.”
“If I do tell you who I am, will you be my boyfriend?”
Ha? Ano daw?! Boyfriend?
Alam ba nito pinagsasasabi niya at pinapasok niya? Naka high ba ito?
“Nu-uh! Hindi ka pa nga nagpapakilala sa akin ng maayos tapos gusto mo, ibo-boyfriend na kita? Amats ka ba?”
“Then, let’s keep my identity a mystery to you then. Bye! Walk safely in the streets.”
What the heck? Seryoso ba siya?
“W-Wait lang! Sige na! Payag na ako basta huwag mong ibaba!” taranta kong sabi habang chine-check ko ’yung kabilang linya kung binaba niya ba. Luckily, naka open pa rin ’yung line niya.
“Sure?” kahit hindi ko kita ang mukha niya, ramdam kong nakangisi ang loko.
“YES! Now, would you finally tell me and perhaps show me who you are?”
“I’m right behind you.”
Agad akong lumingon. Sa bilis ng paglingon ko, nabitawan ko pa ’yung cellphone na hawak ko at na estatwa sa nakita ko ng marealize sino ’yung nakatayo sa harapan ko.
“Uhm, hi? Good evening! This is pancit canton at your service how may I help you? “ pag gaya nito sa spiel na ginawa ko na dapat sana ay para kay Justine.
Para akong maiiyak kasi hindi ko alam kung panaginip lang ba ito or parte pa rin ito ng panggo-goodtime sa akin ng biglang –
“Pre!” biglang lumitaw si Kelvin dala ang isang boquet ng pinaghalong red and white roses samantalang si Justine naman may dalang banner at may nakalagay na, “Finally, #TeamJoAl”.
Hindi ko alam kung matatawa ako o mandidiri dahil tunog duwal. Jusko, paalala ninyo sa akin na sabihan si Justine na huwag magtatayo ng Fan Club. Ang bantot niya gumawa ng pangalan ng love team.
Teka, akala ko ba. . Bakit nandito itong mga ito at ngingiti-ngiti pa na parang wala silang ginawang kalokohan?
Naiilang akong napatingin kay Allan. Shemay! Pakiramdam ko pulang-pula na ’yung mukha ko sa nangyayari ngayon.
Narinig ko nalang na tumutugtog ng gitara si Justine habang si Kelvin naman ang kumakanta. Napagtanto ko na ’yung tinutugtog nila ay ’yung siyang sinisipol kanina ni Allan sa akin ng tumawag siya.
I don’t care what you might
think about me
You’ll get by without me if you want
Well, I could be the one to take you home
Dahan-dahang lumapit si Allan sa akin at nakangiting inabot ang boquet na dala ni Kelvin sa kamay ko.
Baby, we could rock the night alone
If we never get down, it wouldn’t
be a let down
But sugar, don’t forget what
you already kno w
“Naka kainis ka!” mahina kong hinampas yung boquet sa kanya habang nagpupunas ng luha ko sa mga mata ko.
“Sorry. Anyway, paano ba ’yan. Boyfriend na kita.” mapang asar nitong untag.
“Ha? Sinong sabi? Asa!” nagpanggap akong naiinis sa kanya.
“But you said. .” halata namang nagulat siya dahil sa sinabi ko.
That I could be the one to turn you out
We could be the talk across the tow n
“Gago! Wag cheater, Sep! Walang bawian ’di ba?! Pumayag ka na kanina na boyfriend ka niya eh!” sabat ni Kelvin.
“Yeah, and they heard it.” dagdag pa ni Allan na ngayon ay nakangisi na.
Don’t judge it by the color,
confuse it for another
You might regret what you let slip awa y
“. . .” shit. Ibig sabihin kanina pa sila din nandito kung ganuon na narinig nila usapan namin ni Allan sa phone?
“You may not notice it but you’d been the apple of the eye of Allan ever since I introduced you to him.” sabi ni Justine.
“He likes you very much kaso torpe itong si pare eh. Takot na i-reject mo.” natatawang dagdag pa ni Kelvin.
“That’s the reason why most of the time naglalaro siya ng games sa phone kasi baka kapag nahuli mo siyang nakatingin sa iyo, mailang ka bigla knowing na crush mo din naman siya.” sabi ulit ni Justine habang naka hand heart.
“And, well una palang aware na kami ni Justine na si Allan ang natawagan mo. May number niya kami, right? Ikaw lang itong wala kasi nahihiya kang kuhain ang number niya,” nakangisi sabi ni Kelvin. Shit. Oo nga, tama sila. Sa kanilang tatlo si Allan lang ang walang number sa akin.
Kaya siguro ng unang beses kong marinig ang boses niya eh familiar na agad ito sa akin dahil all along, si Allan pala iyon!
“Kaya nga ng dahil sa epic fail mo na pangpa-prank sa akin eh si Allan ang natawagan mo. Thou ang pinagkaiba si Allan, may number mo and mas magaling siyang mang good time sa iyo.”
“E-Ewan ko sa inyo!” sabi ko nalang kasi magkakasabwat pala ang mga loko sa kalokohan nila.
“Just remember that I’ll always be here beside you even if you don’t notice my existence because that is what love is all about. Loving someone and waiting for nothing in exchange. And of course, hitting up the wrong number.” pilyo nitong sabi bago ako hatakin para yakapin at halikan sa nuo ko.
A/N:
Huehue. After so many months (and years?) nakapagsulat ulit ako ng one-shot. Sana nagustuhan ninyo itong kwento na inspired from a real life event ng inyong author. Nangyari ito way back my college days. This happened, January 11, 2015 on a Monday night. If incase, you are also wondering anong song ’yung nilagay ko sa story, Geek in the Pink po ’yung title by Jason Mraz.
Again, this is your weirdong manunulat, Brictorique, na nagpapasalamat sa inyong oras sa pagbabasa ng aking likha. Ciao!

