Mumu Sa Garden (boyxboy)
YorTzekai · 5 chapters · 5,840 words
Mumu Sa Garden (boyxboy)
MUMU SA LIBRARY BOOK III >
Mula ng makatuluyan ng kaibigan nyang si Kayden ang gwapong si Gero Montenegro ay naniwala na si Boom na may tunay talagang pag-ibig sa pagitan ng magkaparehong kasarian. Ngunit ganon pa man,hindi nya hinangad na mapabilang sa ganong mundo. Kuntento na sya sa buhay easy go lucky. Until one day naimbitahan sya sa party ng mga Montenegro,dala ng kalasingan ay nagtungo sya sa madilim na bahagi ng garden para magpahangin,ngunit ganon na lang ang gulat nya ng biglang may nagpakita,sa takot ay nanakbo sya at sinabi kay Kayden na may Mumu Sa Garden.
PROLOGUE :“>
Haay! Ang buhay nga naman! Ang bilis ng panahon. Graduate na kami lahat ng college,at ito nga,pahinga muna ako ng dalawang taon bago sumabak sa trabaho.
Masyado ko pang na e-enjoy ang pagiging malaya. Hindi tulad ng mga tropa ko na sobrang busy na ngayon,si Kiyuu nasa Japan,si Mon at Andrei nasa family company na nila,si Tina busy sa pinatayong Shop ng mga accessories. At si Kayden,busy sa partner nyang si kuya Gero at sa anak nitong si Jaiiron.
Tingnan mo nga naman,ni hindi namin nabakasan ng pagkabakla yong si Kayden. Ganon talaga siguro,makapang yarihan ang pag ibig. Kahit kapareho mong kasarian,basta pinana ka ni kupido wala kang magagawa. Well,okay sa akin yon,pero hindi ako papasok sa ganung relasyon,no way! Sayang ang lahi ko,madami pa akong maaanakan at magiging anak.
“Sir Boom,may bisita po kayo.” ani ng katulong namin. Nandito kasi ako sa may garden namin. Ang sarap magrelax dito at tinitingnan ko din yung mga bulaklak ni Lola,mga inaalagaan nya nung nabubuhay pa sya.
“Papuntahin mo na lang dito sa garden.” ani ko at uminom ng juice. This is life,quiet and peaceful.
“Ganyan ka na ba katamad ngayon,at pati pagsalubong sa akin sa main door ay hindi mo magawa?” sabi ng isang boses na nagpalingon sa akin.
“Oh! Tol! Kayden! Anong atin? Maupo ka.” ang nakangisi kong bati dito. Blooming si gago ah.
“Hindi na,saglit lang naman ako at may pupuntahan lang ako na malapit dito kaya dinaanan na kita.”
“Oh,ano bang meron tol?” ang agad kong tanong.
“May party ang mga Montenegro this coming saturday,at imbitado ang tropa.” sagot ni Kayden at tumingin sa paligid. “Ang gaganda na ng mga bulaklak ni Lola.” dagdag nya.
“Syempre! Inaalagaan ko eh,ayokong multuhin nya ako. By the way san ba gaganapin ang party?” ani ko at tumayo.
“Sa Montenegro Mannor. Be on time dahil madami ding invited.” ani nya. “O sige na,alis na ako,bibili pa ako ng laruan ni Jaiiron.”
“Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng Pag ibig.” ang pambubuska ko dito.
“Ulul! Pag na inlove ka,mas malala ka pa sa akin.” anito na ikinatawa ko.
“Haha! Hatid na kita sa labas.” sinamahan ko sya hanggang sa makalabas ng bahay namin. Nang maka alis na ang kotse nya ay saka ako muling pumasok sa loob.
Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga. Naisip ko yung mga sinabi ni Kayden. Mas malala nga ba ako pag nainlove na ako? Hindi pa ako nakaranas magmahal kahit kailan,ni hindi ko nga alam ang pakiramdam ng inlove. Puro flings lang ako,puro make out,puro one night stand. Siguro,hindi ko pa talaga nakikilala ang babaeng magpapatibok sa puso ko. At kung dadating ang panahon na iyon,gusto kong maging handa.
Lumipas ang mga nakaka boring na araw,gusto ko sanang mag bar hopping tuwing gabi,kaso baka pagdating ng sabado ay wasted na ako. Madaming kakilala at kaibigang magagandang babae ang mga Montenegro,kaya dapat maging sobrang gwapo ko sa araw na iyon.
“Nak ng tipaklong! Nakaka boring! Makapag mall na nga lang at bibili ako ng damit.” sabi ko sa sarili ko at dumeretso sa CR para maligo na. Tama,bibili na lang ako ng damit.
Nang nasa Mall na ay patingin tingin lang ako sa paligid,ilang boutique na ng mga damit ang nadaanan ko pero wala akong matipuhan. Hanggang sa mapadaan ako sa isang bagong bukas lang ata na boutique kaya pumasok ako.
“Good afternoon,Sir. Weve just opened this boutique,at lahat po ng nakikita nyo ay bago. Galing pa po sa US.” ani ng saleslady.
“Thank you. May mga poloshirts ba kayo?” ani ko dito at ngumiti. Mukhang mahal pero hindi importante sa akin yon,hindi ako mamumulubi sa limang pirasong damit.
“Marami po Sir! This way.” anito at sumunod ako. Magaganda nga ang mga poloshirts nila,hindi na ako nag fit,kumuha ako ng sampu at nagbayad na.
Ano na ngayon? Makakain muna. Tutal matagal na akong hindi kumakain sa mga fastfood. Puro restaurant na lang,minsan nakakasawa din talaga ang maging mayaman.
Napangisi ako ng makita ang Jollibee,ito paborito ko nung bata pa ako,matagal na din akong hindi nakaka-kain dito. Last ata ay yung 4th year college kami nina Kayden at 2nd semester pa lamang noon.
Kahit mahaba ang pila ay nagtyaga akong pumila. Ito ang masarap pag simpleng tao ka,kaso hindi ako simple kaya kahit medyo matyaga ay naiinip ako.
Nang maka order ay humanap na ako ng pwesto at mag isang kumain. Wala pa ako sa kalagitnaan ng pagkain ko ng may madinig akong boses sa likod ko.
“Hindi na ba talaga pwede?” boses iyon ng lalaki. Pero hula ko,binabae iyon dahil malambing ang boses.
“Tigilan na natin ito Luwi. Walang mangyayari sa relasyon natin,babae ang kailangan ko.” sagot naman ng isa ding lalaki. At parang nakuha ko na agad ang pinag uusapan nila.
“Pero mahal kita.” at nabasag yung boses nung tinawag na Luwi. Napailing ako,swertehan lang siguro talaga para sa magkapareho ng kasarian ang tunay na pag ibig. Kawawang bading.
“Pwede ba? Tigilan mo yan? Nakakahiya sa makakadinig. Sige na,aalis na ako,huwag ka ng pupunta sa bahay,magtetext o tatawag.” at nakita kong dumaan sa gilid ko yung lalaki pero hindi ko nakita ang mukha.
Humikbi na yung tinawag na Luwi. At sa pagkakataong iyon ay gusto ko ng lumingon ngunit wala ako sa lugar. Wala akong karapatan. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya tumayo na ako.
Pagtayo ko ay naglakad naman yung Luwi kaya nagkabanggaan kami.
“S-sorry.” anito,pinunasan ang mga luha at nilampasan ako.
Ako naman ay natulala. At kung bakit? Hindi ko alam,ang tanging alam ko lang ay ang bilis ng tibok ng puso ko.
AN / Kamusta? What can you say sa Prologue? Lahat na ng story ko ay iUpdate ko para may matapos na at may masimulan na din ako. Thank you for reading. =)
MUMU wan :3
Hanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa din yung bakla na nag ngangalang Luwi. Naisip ko tuloy na hindi siguro lahat ng bading at half-half ay seswertehin sa buhay pag ibig tulad ni Kayden at ng mga kaibigan ng kasintahan nyang si kuya Gero.
Napaka kumplikado naman pala ng buhay pag-ibig ng mga nasa ikatlong kasarian. Mabuti na lang at hindi ako napabilang sa kanila.
Bumangon ako at tiningnan ang polo shirt na nabili ko,pati ang pantalon. Maganda ang tela at mukhang hindi ako nagwaldas ng pera para sa wala.
Naisip ko din na inimbitahan din siguro ni Kayden at kuya Gero ang tropa. Pero bakit ganon yung mga walangyang yon? Walang paramdam? Nagpapamiss ata ang mga loko.
Parang reunion na din siguro namin ang magaganap na party ng mga Montenegro.
Kinuha ko na ang poloshirt at pantalon saka itinago sa closet ko.
Ang gagawin ko na lamang ngayon ay matulog mamaya,dahil bukas na yung party.
Kinabukasan ay nakatanggap ako ng text mula kay Kayden. Pinagbabantaan ako,na pag hindi daw ako pumunta ay kakalimutan na daw nya ang pagkakaibigan namin.
Natawa na lang ako dahil hindi naman sya ganyan dati. Nag iiba nga talaga ang tao pag inlove ano?
Nang sumapit ang oras ay gumayak na ako. Nag commute lang ako dahil ayokong dalhin ang kotse ko,inshort coding ito.
Sinabi ko na sa taxi driver ang address. Ngayon lang ako makakapunta sa Montenegro Mannor. Pakiramdam ko nagdugtong dugtong ang mga buhay namin. Iniisip ko na baka nandun din ang iba pang mayayaman,gaya ng mga Fuentebella,Ongpauco,Montemayor at iba pa.
Pagdating ko ay nagbayad na ako sa driver at bumaba ng taxi. Kahit na mayaman ang pamilya ko ay hindi ko pa din maiwasang mamangha sa malapalasyong bahay. Ang dami ding nakaparada na mamahaling sasakyan at medyo dinig dito sa labas ang ingay mula sa loob.
Ayon sa text ni Kayden ay sa loob ng bahay mismo ang party at sa harapan ng bahay. Pagpasok ko ng gate ay sumalubong sakin ang napaka daming tao.
Inilibot ko ang aking paningin. “Nasan kaya ang mga impaktong yon?”
“Im glad at nakarating ka Boom. Kanina ka pa hinihintay ng tropa nyo.” napalingon ako sa nagsalita.
“Kuya Gero!” ang nakangiti kong bati dito.
“Tara samahan kita sa table nyo.” anito at sumunod ako.
“Akala ko kakalimutan ka na namin eh.” ani Kayden ng makalapit kami.
“Ako pa?! Basta party at alak. Im always on the go!” nakangisi kong sagot habang umuupo sa tabi ni Mon.
“Dude. Maiwan ko muna kayo. May gagawin lang kami.” paalam ni Kuya Gero kay Kayden at saglit na naglapat ang kanilang mga labi at tuluyan ng umalis si Kuya Gero.
“Lalong naging sweet.” ang pang iinis ko.
“Syempre! Magiging ganyan ka din pag nagmahal ka.” sagot ni Kayden. Pangalawang beses ko na itong nadinig sa kanya.
“Nasan si Jaiiron?” ang tanong ni Tina.
“Nandito yun kanina kausap namin ni Kiyuu nung wala pa kayo.” sagot naman ni Mariah.
“Ang talino at bibo ng batang iyon.” dagdag ni Kiyuu. At syempre sumang ayon ako. Kung magkaka anak ako,gusto ko ganun.
“Lagi nga syang top sa klase nila eh.” ang proud na sabi ni Kayden.
“Kadugo na talaga ang turing mo sa kanya no?” ani Andrei.
“Syempre.”
“Kahit ako naman siguro,kung ang mapapangasawa ko ay may anak na,tatanggapin at mamahalin ko.” ani Mon kaya tinukso namin sya na maghanap na sya ng matrona.
“Malapit ng kumain guys. After that inuman na. Lipat kayo sa table namin.” ani ng isang boses na ikinalingon namin. Ang kapatid ni Kaiicen at si ate Brit.
“Kuya Kheem!” masayang sabi ni Kayden at niyakap ito. “Ate Brit.” at si Ate Brit naman ang niyakap nito.
Magkamukha sila,kung magkamukha si Kayden at Kaiicen,kamukha din nila si kuya Kheem.
“Masyadong mahaba at maluwang ang table namin. Lumipat kayo mamaya. Saka may bago kaming katropa,ipapakilala namin sa inyo.” ani ate Brit matapos makipag kamustahan sa tropa.
Lahat kami ay nag agree na lumipat sa kanila mamaya pagkatapos ng kainan. Hindi naman siguro iyon abala.
Yung mga pagala galang mga waiter ay naglagay na ng pagkain at inumin sa table namin. Masaya kaming kumain at nag usap. Pinag usapan namin yung mga panahon na hindi kami nagkakasama.
Ang sarap pala balikan ng nakaraan lalo pa at marerealize mo na doon naging matatag ang aming tropahan.
Bago nagsimula ang inuman ay nagbigay ng speech ang pinaka matandang Montenegro,nagpasalamat sya sa mga kaibigan nya,sa mga employees nya,pamilya at sa lahat.
Ito pala ang ika 60th anniversary ng Montengro Group of Company. Nag standing obation ang mga tao at nagpalakpakan. Halos lahat ng Montenegro ay present. Wala talagang itatapon sa kanila,nag gagwapuhan ang mga lalaki at ubod ng ganda naman ang mga babae.
Nagsimula na ang inuman. Tulad ng usapan ay lumipat kami ng table. Nandun ang tropa nina Kaiicen at Gero,at tulad ng dati ay mainit pa din ang pagtanggap nila sa amin. Sa tingin ko nga ay kami ang pinaka maingay.
Pero narealize kong hindi pala,dahil ang mga teenager na mga Montenegro kasama ang mga kaibigan nila ay nagkakatuwaan din ng spin the bottle.
“Nasan na ba yun?” ani ate Brit na parang may kanina pa hinahanap.
“Baka tinatawagan ang ex boyfriend nya. Pabayaan mo na. Babalik din iyon.” ang sagot dito ni kuya Kheem.
Pumailanlang ang isang maka bago at teknikong tugtugin,yung mga ka edad namin at yung mga teenager ay nagpuntahan sa gitna at nagsisayaw. Pati ang mga ilaw ay nag iba,para na talaga kaming nasa isang bar.
“Sayaw tayo Boom!” ang biglang hila sa akin ni Tina papunta sa dance floor. Agad kong kinuha yung dala ng waiter na alak at tinungga ito,naka tatlong shots din ako at masasabi kong effective ang alak. Hindi ako sumasayaw ng hindi ako nakakainom.
Sayaw at tawa ang ginawa namin ni Tina. At ng magsawa kami ay bumalik kami sa tropa. Nagsisimula na silang uminom,nakakatuwa nga dahil naka barrel pa. Salubong ang ikot ng tagay para wala daw mabo-bored. Sa akin ay walang kaso iyon,dahil pinaghandaan ko naman talaga ang araw na ito.
Habang nag iinuman at nagkekwentuhan ay palinga linga ako sa paligid. Madaming magagandang chikas pero wala pa akong matipuhan na pwede ko talagang lapitan.
“Maiilap ang mga babae no?” ang bulong ni Andrei.
“Oo,pag mayaman talaga ang hirap no? Lahat may pamantayan.” ang pag sang ayon ko at tumagay.
Madami na din akong nainum,mas matindi ang tama ko dahil nga nakainum na ako ng tatlo kanina na hard bago sumayaw diba? At pakiramdam ko ang init na ng paligid kaya naman nagpaalam na ako na magpapahangin muna.
Napakalawak ng lugar na ito. San ba ako pwedeng magpahinga at magpahangin kahit saglit lang?
Umikot ako sa bandang kanan ng bahay,kokonti lang ang tao at madilim,may mga couples na nag uusap. And I found out na entrance ito ng garden.
Pwede kayang pumasok? Mukha kasing walang pumapasok dahil nandito lang sila sa entrance. Bahala na nga.
Pumasok ako at wala namang nakapansin. Kahit gabi na ay kita pa din ang ganda ng mga bulaklak,ang maayos na hugis ng mga halaman,ang magandang pagkaka landscape at ang mga pinong bermuda grass na akala mo ay sa carpet ka tumatapak.
Napaka laki at napaka lawak ng garden. Naisip ko tuloy na baka maligaw ako dito. Pero hindi naman siguro ito tulad ng sa mga palabas na parang puzzle ang garden.
Maliwanag ang buwan at masarap din ang simoy ng hangin. May naisip ako kaya tumingin muna ako sa paligid saka humiga.
Ang sarap tingnan ng buwan at mga bituin pag nakahiga ka. Parang dito ko na guston–
“HUHUHUHUHOOO,.”
Teka? Ano yon?
Agad akong bumalikwas ng bangon at tumayo.
“HUHUHUHOOO.,”
San galing yon? May multo ba dito? Shit! Dapat hindi ako pumuntang mag isa dito eh.
“HUUU,.”
Hindi ako matatakot sayo. Ispirito ka lang at tao ako.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa,at ang ilaw nito ang naging parang flash light ko. Kailangan kong makita ang multong yon,baka kailangan ng tulong o may huling habilin.
Diba ganon naman ang mga kaluluwang hindi matahimik?
Mukhang galing sa sulok! Tama nandun sa sulok! Agad akong lumapit dito,hinawi ko yung halaman at inilawan ito.
Pagtutok ko ng ilaw ay may humarap na mukha.
“Shit!” agad akong napaurong. May nagmumulto nga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,dahan dahan pa akong umatras.
“Hoy! Sino ka ba?”
“Damn! Nagsalita sya! Ugh! Mumu!” at agad akong kumaripas ng takbo.
“Hoy! Luko-luko!” nakita kong sumusunod ito kaya mas binilisan ko ang takbo.
Hingal na hingal ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng bumalik sa table namin.
“Oh Boom? San ka galing? At parang nakakita ka ng multo?” takang tanong ni Tina.
“Nakakita nga ako. At hinahabol nya ako.” ang parang tanga kong sagot. Shit! Ganito pala ako pag natatakot.
“Huh?”
“Kuya Gero,may Mumu sa garden nyo!” ang pagdeklara ko na parang ikinagulat nila.
“Hoy gago! Anong mumu sa garden? Ikaw na nga itong sumira ng moment ko,pagbibintangan mo pa akong mumu?” sabi ng isang boses sa likod ko. At agad akong napanganga.
“Luwi! San ka galing?” dinig kong tanong ni ate Brit.
Luwi? Sya yon! Sya yung baklang umiiyak sa mall dahil iniwan ng boyfriend.
Sya ang mumu sa garden.
“Parang alam ko na kung san patungo ito.” ani kuya Kheem.
“History repeats itself.” dagdag ni kuya Gero kaya nilingon ko sila na naguguluhan.
“Haay. Wala na talaga. Ayaw na nya.” ani nung baklang si Luwi at umupo sa tabi ni ate Brit. Biglang tumulo ang mga luha nito.
“Its okay. Huwag mo na kasing pagpilitan ang sarili mo sa kanya.” ang pag alo dito ni Ate Brit.
Yun pa din bang lalaking iyon sa mall ang iniiyakan nya?
Hindi ko alam,pero parang ako yung naaapektuhan sa pag iyak nya.
mumu tuu!
Hindi ko alam pero parang may sariling pag iisip yung kamay ko na abutan sya ng juice.
Tiningnan ako nito bago suminghot. “S-salamat.”
At pagbaling ko sa mga kasama namin sa table,lahat sila nakatingin sa akin.
The hell? Anong ginawa ko?
“Luwi,yan nga pala si Boom,Boom si Luwi ang kaibigan ko.” nakangising pagpapakilala ni Ate Brit. Kahit na medyo nairita ako sa kanila ay naglahad pa din ako ng kamay at tinanggap naman ito ni Luwi.
“Pasensya na at napagkamalan kitang mumu sa garden,takot kasi talaga ako sa mga multo.” hinging pasensya ko.
“Its okay. Mas malala pa nga sa mumu ang itsura ko kanina.” anito at ngumiti.
Hindi ko alam kung anong nangyari,pero dahil sa ngiti nya bumilis ang tibok ng puso ko,para akong na rattle. Takot ba ako? Hindi naman ah? Pero bakit ganon?
Nang lumalalim na ang gabi ay nagsisiuwian na ang mga bisita,hanggang sa puro mga kabataan at ka edad na lamang namin ang natira.
“Dito na kayong lahat matulog. Its getting late na din,malaki ang Montenegro Mannor at magkakasya kayong lahat.” ani kuya Gero.
“Ireserve ko lang ang tatlong guestroom. Ang mga gustong matulog na ay sumabay na sa akin.” ani Kayden. Nakita ko din ang mga bisitang ng mga pinsan at kapatid ni Gero na nagsisipasukan na sa Mannor. Sobrang laki ng Montenegro Mannor para na syang palasyo.
“Ganito din ba kalaki ang bahay nyo?” tanong ni Mon kay kuya Kheem.
“Oo,ganito din kalaki ang Ongpauco Mannor sa probinsya.” sagot naman ni kuya Kheem.
“Eh ang mga Fuentebella?” ang pagsali ni Tina sa usapan.
“Probably mas malaki dito,just imagine na may Isla Fuentebella sila,bahay pa kaya?” sagot ni kuya Gero.
Ilang saglit pa ay bumalik na si Kayden. “Guys yung mga gusto na din matulog tara na,sasamahan ko na kayo,nauna na ang iba,malalaki ang bawat guestroom,kasya naman ang lima o anim bawat kwarto. Kailangan ko pang puntahan si Jaiiron at nagrerequest na basahan ko ng story.”
“Tara na! Antok na din talaga ako.” ani ate Brit at tumayo. Saka napatingin sa tabi nya,nakayupyop na si Luwi sa table at halatang tulog na. “Pagod na sa trabaho,pagod pa sa kakaiyak. Sinong bubuhat sa kanya?”
Napatingin ako sa kanilang lahat,ang iba ay papasok na sa Mannor. Napalunok ako.
“Si Boom na bahala sa kanya.” nakangising sabi ni kuya Gero at naglakad na din papasok sa Mannor.
“Thank you Boom! Sige na,lets go!” sabi ni Ate Brit,inakbayan na sya ni kuya Kheem,ngumiti at nag tumbs up pa si kuya Kheem bago sila naglakad din papasok.
“Shit! Ako talaga?” nakanganga kong tanong sa sarili. Mabilis kong nilapitan si Luwi at binuhat ng dahan dahan,ala bridal style. “Ang payat pero ang bigat!”
Ang kasama namin ni Luwi sa kwarto ay sina Mon,Andre at Kiyuu. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay nakasalampak na ang tatlo sa kama.
Saan ako matutulog? San ko ihihiga itong si Luwi? Tae naman tong tatlong ’to sarap tadyakan sa bayag eh.
Bumukas ang pinto at pumasok si Kayden. Nakita nya siguro na nahihirapan ako kaya pumasok sya sa isang walk in closet at paglabas ay may dala ng foam,yung foam talaga ng kama at may cover pa.
“Excited kasi matulog tong tatlong ito. Dito na lang kayo ni Luwi.” ani Kayden at inilapag ang foam. Kumuha din agad sya ng mga extrang unan at comforter. “Dito na lang kayo.”
“Salamat tol.” ani ko at inihiga na ng maayos si Luwi. Sa itsura nya parang pati pagtulog dala dala nya ang problema nya.
“Wala yon. O sige na tol,goodnight!” at lumabas na si Kayden. Ako naman ay natigilan.
Saan ako matutulog? Hindi ako sanay na may katabi. Ang malupit pa dun,beki ang makakatabi ko.
Muli kong tiningnan si Luwi,mukhang hindi naman sya gagawa ng ganun at mukhang hindi naman sya patay gutom sa ari ng lalaki. Infact ang liit ng bibig nya,parang bibig ni Celine Dion. Naisip ko tuloy,paano nagkasya yun don?
Ugh! Ano ba itong iniisip ko? Damn! Makatulog na nga!
Nahiga na ako patalikod kay Luwi at naglagay ako ng unan sa pagitan namin. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko,kanina pa to,nakakairita na nga eh,wala naman akong ginagawang masama para kumalabog ang puso ko ng ganito.
Nahirapan akong matulog. Pero hindi nagtagal ay dinalaw na din ako sa wakas ng antok.
Hanggang sa maramdaman kong may yumakap sa akin. Pinabayaan ko lamang ito dahil masarap sa pakiramdam. At saka isa pa,hindi pa nawawala ang tama ng alak sa sistema ko kaya medyo nag iinit na din talaga ako. Nang mas humigpit ang yakap nito ay dahan dahan akong humarap.
Gahibla na lamang ang layo ng mga mukha namin. Tulog na tulog pa din si Luwi,pero ako ay gising na gising. Pati ang alaga ko ay gising na gising!
Pinakalma ko ang sarili ko. Hindi ako dapat papatol at manamantala. Hindi ako ganong tao. Huminga ako ng malalim at tinanggal ko ang pagkakayakap sa akin ni Luwi. Bumangon ako,mukhang hindi na ako makakatulog.
Inilibot ko ang paningin ko. Ayun! May veranda! Makapag pahangin na lang muna hanggang sa antukin ako ulit.
Tiningnan ko ang tatlong kulugo na sinolo ang kama,tulog pa din sila. Pero may napansin lang ako. Bakit hawak ni Andre ang kamay ni Kiyuu at nakapatong pa ito sa pagkalalaki nya? Bromance na din ba sila? Tsk!
Pagpunta ko sa veranda ay malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Parang ang sarap tuloy manigarilyo. Tahimik na ang paligid at mga kuliglig na lang ata mula sa mga puno at sa garden ang nag iingay.
“Pota dude! Anong ginagawa mo? Ang sarap nyan!” boses iyon ni kuya Gero. Nanlaki bigla ang mga mata ko. Ano yon?
“Ang ingay mo! Damhin mo na lang!” boses naman iyon ni Kayden. Napalunok ako. Mga gagong yon,gagawa lang ng milagro ang ingay pa. San ba kwarto nila at bakit dinig na dinig ko sila?
Mas lumamig na kaya nagpasya na lang akong pumasok ulit sa loob. Pipilitin ko na lamang matulog at baka mawala din itong init na nararamdaman ko.
Pagbalik ko ay iba na pwesto ni Luwi,nakadapa na sya at sakop na ang buong foam. Tsk! Malikot pala matulog ang isang ito.
Iniurong ko sya at humiga ako sa likod nya. Tumagilid ako paharap sa kanya para mabantayan ko kung gagalaw sya para mas maging maayos ang paghiga ko. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako,pero naalimpungatan na naman ako sa kakaibang sensasyon pero hindi ko na ito inintindi at ipinagpatuloy ko ang aking pagtulog.
Nang magising ako ay ako na lang mag isa sa kwarto at nasa kama na ako. Nagtataka man ay ipinagkibit balikat ko na lamang ito at dumiretso sa banyo para mag hilamos at mag mumog.
Pag baba ko ay abala na ang mga maids. Kaya nagpaalam ako sa isa sa mga ito na kung hanapin ako nina kuya Gero at Kayden ay sabihing umuwi na ako.
Kahit pagdating sa bahay ay medyo masakit pa din ang ulo ko,chivaz ba naman ang huli naming binanatan kagabi. Kaya nagdesisyon na lamang akong maligo para mawala na ang sakit ng ulo at bigat ng pakiramdam ko.
Matapos maligo ay bumaba na ako dahil nakaramdam ako ng matinding gutom. Pagtingin ko sa orasan ko ay alas onse pasado na pala.
Habang kumakain ay iniisip ko yung mga nangyari kagabi. At sumagi din sa isipan ko si Luwi. Kamusta na kaya yon?
Ugh! Bakit ko ba iniisip yon? Hindi pwede. Maaaring naiinggit lang ako sa tropa dahil taken na sila pero hindi ako gagaya sa kanila na same sex ang papatulan,tama na yung natanggap kong ganun at naunawaan kong ganun sila.
Katatapos ko lang kumain ng tumunog ang iphone ko. Nang tingnan ko ay si Ate Brit ang tumatawag. Anong kailangan nya?
“Hello ate Brit,napatawag ka?” ang agad kong bungad.
“Nakauwi ka na ba Boom?” anito na ipinagtaka ko.
“Oo ate,kanina lang. Bakit?”
“Uhm,” at huminga ito ng malalim.
“Ano nga?”
“Eh kasi,akala ko nasa Montenegro Mannor ka pa. Makikisuyo sana ako sayo.” ang parang nahihiya pa nitong sabi.
“At ano naman yon? Wala na ngang tao dun maliban sa mga maids.”
“Exactly! Uhm,naiwan daw kasi ni Luwi yung wallet nya sa kwartong ginamit nyo. Hindi pa sya nakakauwi at nandun lang daw sya sa labas,eh alam mo mahiyain yon kaya nahihiya syang pumasok ulit sa loob. Baka pwedeng bumalik ka dun para kunin ang wallet nya?” ang tuloy tuloy na sabi ni Ate Brit na ikinanganga ko.
Bakit ako? Bakit hindi na lang si Kuya Gero o Kayden? Naman eh!
“Baki–”
“Thank you so much! Bye!” at naputol na ang tawag.
Nakakainis naman eh! Bakit kasi iniwan pa ng Luwi na yon ang wallet nya? Ibig sabihin,kanina pa sya nandun sa labas ng Montenegro Mannor! Bakit hindi ko sya nakita? Damn!
Umakyat ako sa kwarto para magpalit ng damit. Nagulat pa ako ng kumidlat kasunod ng malakas na kulog at pagbuhos ng malakas na ulan.
Shit! Paniguradong mababasa ang isang iyon!
mumu tri!
Pagdating ko sa labas ng Montenegro Mannor ay nakita ko agad sa gilid si Luwi,basa sa ulan. Itinigil ko ang kotse sa harap nya at ibinaba ko ang salamin.
“Balak mo bang magpakamatay sa lamig at sa sakit?” sabi ko sa kanya na halatang ikinagulat nya.
“B-boom?”
“Pumasok ka na dito at ako na ang kukuha ng wallet mo.” sabi ko. Para syang basang sisiw,niyakap nya ang sarili nya.
“Mababasa ang upuan ng kotse mo.” ang sabi pa nya. Damn! Ang tigas ng ulo ng bading na ’to.
“Wala akong pakialam! Ang upuan hindi magkakasakit. Pero ikaw magkakasakit ka! Ipinakausap ka sa akin ni Ate Brit,kaya sakay na!” sigaw ko dahil mas lumakas pa ang ulan. Pumasok sya at naupo sa front seat.
“S-salamat.” ang nanginginig nyang sabi. Napailing ako,thats what you get sa pagpapabasa sa ulan.
“Ako na kukuha ng wallet mo.” ani ko,ini atras ko ang kotse hanggang sa tapat ng gate. Sumilip agad ako at nakita ako ng gwardiya. “May naiwan ako sa guestroom,sinong tao dyan? Pwedeng pumasok?”
“Mga katulong lang sir,eto ang payong.” iniabot ito ng guard mula sa pwesto nya.
“Hintayin mo ako.” ani ko kay Luwi. Tumango lang sya,yakap pa din nya ang sarili nya at halatang hindi na nya mapigilan ang panginginig.
Binuksan ko ang pinto,binuksan ang payong at bumaba na ako. Pinagbuksan ako ng guard ng gate at tumakbo na ako papunta sa front door ng Montenegro Mannor. Kumatok muna ako at may nagbukas na maid.
“Kayo pala sir. May nakalimutan po kayo?”
“Oo,nakalimutan ko ang wallet ko sa guestroom. Ako na ang kukuha.” sabi ko at umakyat na,dumiretso ako sa kwartong ginamit namin.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero wala naman akong nakitang wallet.
Pinagtitripan ba ako ni Ate Brit at ng Luwi na yon?
Yumuko ako at sinilip ang ilalim ng kama. There it was,tama nga,kasi sa lapag kami natulog.
Agad ko itong kinuha at tumayo. Alam kong bawal makialam sa gamit ng iba,pero may kung anong nag-uudyok sa akin.
LB pa ang wallet nya. Binuksan ko ito,may mga credit cards at cash. Pero ang pinaka kumuha ng atensyon ko ay yung litrato.
Si Luwi iyon at isang lalaki na parang hahalik sa pisngi nya pero nakatingin sa cam. Halatang masaya sila sa litratong iyon.
Ito ba yung iniiyakan nya ng mapagkagamalan ko syang mumu sa garden? Mukhang ang saya nila dito ah? Bakit nagkaganon?
Sa bagay,bilang lang sa kamay ang mga same sex relationship na nagtatagal. Ngayon ko napagtanto na napaka kumplikado pala ng ganong pag iibigan. May pinagdaanan siguro sila na hindi kinaya at humantong sa hiwalayan.
Theres something inside me na parang may ibinubulong pero hindi klaro. I just shake it off,sinara ko ang wallet at lumabas na ng guest room.
Paglabas ko ng guestroom ay nakasalubong ko yung maid kanina,madami na sila ngayon at mukhang hindi pa din tapos sa paglilinis.
“Nakita nyo po,sir?”
“Oo,salamat. Alis na ako ah?” nakangiti kong sabi at nilampasan na ito.
Pagdating sa labas ay binalik ko sa guard ang payong,nagpasalamat at agad pumasok sa kotse.
Napalingon ako kay Luwi. Tulog sya pero nanginginig. Agad kong kinapa ang noo nya.
“Shit! Nilalagnat sya.” agad kong pina andar ang kotse. Kailangan makahanap ako ng drug store para makabili ng gamot. Swerte naman na meron,agad akong bumaba at bumili.
Pagdating sa bahay ay hindi ko na naipark ng maayos ang kotse ko. Agad ko ng binuhat si Luwi,napatingin sa akin yung boy namin at lumapit.
“Tulungan ko na kayo sir!”
“May gamot sa kotse,isunod mo sa kwarto ko at sabihan ang maid na magdala ng maliit na towel at hot compress sa kwarto ko.” ang sagot ko dito. Bitbit si Luwi ay pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko.
Maingat kong inilapag sa kama si Luwi. Ang tingin ko ay kinukumbulsyon na sya.
Shit! What to do? Hindi ako marunong mag alaga ng may lagnat.
Napansin ko agad ang suot nya. Oo nga pala,basa pa ito.
Huminga ako ng malalim,wala naman pwedeng gumawa nun kundi ako. Tinungo ko ang closet ko,kumuha ng brief na hindi pa nagagamit,pati ng shirt at pajama.
“Sir ito na po.” at nilapag ng maid ang plangganitang may lamang mainit na tubig sa bedside table kasama ang towel at mga gamot,saka ito lumabas.
Inilock ko ang pinto,lumapit sa kama at sinimulan na ang dapat gawin. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan at nanginginig ako eh huhubaran ko lang naman si Luwi para mabihisan ng tuyong damit.
Inuna ko yung damit nya. Nang nahubad ko ito ay napatitig ako sa katawan nya,hindi payat,pero malaman at hindi din mataba. Makinis at maputi,walang buhok sa kili kili at ang kinis pa ng kili-kili,parang babae lang. Napatingin ako sa nipples nya,kulay pink ito.
Ugh! No! Hindi dapat,bakit ganito?
Suway ko sa sarili ko dahil nararamdaman kong unti unti ng bumabangon ang akin. Shit lang talaga.
Huminga ako ng malalim at sinunod ko ang pantalon nya,ng mahubad ko ito ay napatigil na naman ako.
Tang ina! Para akong mang mo-molestiya nito ah?
Sinunod ko yung undergarment nya. Para itong panty na parang brief. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Fuck! Bakit ako nakakaramdam ng ganito?
Pikit mata ko itong hinubad pero tiningnan ko pa din. Ewan at bakit napangisi ako sa nakita ko. Sanay akong makakita ng ari ng ibang lalaki,lalo na kina Mon,Andre,Kiyuu at Kayden pag nasa shower kami after ng basketball,pero itong kay Luwi,ang cute kasi.
The hell? Ano bang sinasabi ko? Para na akong tanga.
Nilublob ko na ang towel sa mainit na tubig,piniga at saka ko pinunasan ang mukha at katawan ni Luwi. Nagmamadali ako kasi baka magising sya,pero parang ewan at hindi sya magising. Agad ko syang binihisan.
Nakahinga na ako ng maluwag,hindi ko na lang bubuksan ang aircon. Minabuti ko na lang na pumasok na sa banyo para maligo dahil naulanan din naman ako,ayaw kong magkasakit.
Paglabas ko ng banyo ay gising na si Luwi,nakasandal sa headboard ng kama at ibinalot sa katawan ang blanket.
“Ang lamig. Ang sakit ng ulo ko.” aniya.
“Magbibihis lang ako at kukuha ng pagkain mo. Ang taas ng lagnat mo. Tsk,sino ba kasi nagsabing magpaulan ka?”
Hindi nya ako sinagot. Bagkus ay iba ang sinabi nya. “Ikaw ang nagbihis sa akin? Salamat ah? Nakakahiya tuloy.”
“Wala yon. Mahiga ka na ulit at magpahinga,nga pala nasa ilalim ng unan ang wallet mo.” ani ko,tumalikod at tinungo ang closet,kumuha ako ng boxers at sando saka pumasok sa banyo para magbihis.
Paglabas ko ay nakahiga na sya at nakapikit. Bumaba na ako at dumiretso sa dirty kitchen.
“Sir,alam po naming may sakit ang kaibigan nyo. Kaya ito po at nagluto kami ng noodles.” sabi ng isa sa katulong namin. Inilipat nila ito sa bowl at nilagay sa tray.
“Salamat. Ako na magdadala,paki sunod na lang ng tubig kasi papainumin ko pa yon ng gamot.” ani ko at kinuha na ang tray at bumalik sa kwarto.
Agad ko syang ginising. Mabilis naman syang nagmulat ng mga mata at sumandal ulit sa headboard.
“Ang sakit ng ulo ko.” ang agad nyang daing. Pumasok ang maid at nilapag din sa bedside table ang pitchel at baso saka kinuha ang mga ginamit ko kanina.
“Pakilabhan at idryer agad ang mga damit nya.” ang utos ko dito na agad sinunod. Pagtingin ko kay Luwi ay nakatingin pala sya sa bintana,sa labas.
“Ang lakas ng ulan.” aniya at tiningnan ako. “Pasensya na sa abala. Pag natuyo ang mga damit ko ay uuwi din agad ako.” anito at napayuko.
“Kumain ka muna at uminom ng medicine para mabilis kang gumaling at mawala ang sakit ng ulo mo.” ani ko. “Babalik ako pagkatapos mong kumain.” ani ko at tumayo saka lumabas ng kwarto.
Dumiretso ako sa living room. Why am I doing this? Ni hindi ko nga kilala ng lubusan ang Luwi na iyon. Bakit parang ganon na lang ako agad na attached sa kanya eh kagabi lang kami nagkakilala.
Nasa gitna ako ng pagmumuni muni ng tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ito at si kuya Kheem pala ang tumatawag.
“Napatawag ka kuya?”
“Nakisuyo kasi ang ate Brit mo. Hindi sya makatawag dahil busy sya. Naihatid mo na ba si Luwi?” ang sabi naman ni kuya Kheem,ayoko sanang sabihin na nilalagnat si Luwi pero hindi ko ugaling magsinungaling.
“Nandito sya sa bahay at nagpapahinga,nilalagnat kasi–”
“Woahh there! It might be the start,Boom.” pamumutol nito sa sasabihin ko,napabuntong hininga ako.
“Kuya please? Im not into that. Nagpaka concern citizen lang ako. Uuwi din sya pag humupa ang lagnat nya.” ang inis kong sabi.
“Sabi mo eh. Nakainom na ba sya ng gamot? You see,mag isa lang sa buhay yang si Luwi,madaming pinagdaanan,mabilis ko syang nakasundo coz he reminds me so much of Kaiicen.” ani kuya. Parang gusto ko tuloy alamin ang buhay nito dahil sa mga narinig ko.
“Bakit parang wala sya sa sarili?” ang agad kong tanong.
“Masayahing tao si Luwi,ng makilala namin sya ay ongoing pa ang relasyon nila ng ex boyfriend nyang si Callie,mahal na mahal nya yon. Then one day biglang nagpakita sya na namamaga ang mga mata. He was so devastated. Hindi sya maka move on. Callie was his first boyfriend.” mahabang sabi ni kuya Kheem.
Tapos na kaming mag usap pero yun pa din ang nasa isip ko. Alam kong hindi imposibleng magmahal ng bakla,o tomboy o ng parehong lalaki at babae. Pero hindi ko lang lubos maintindihan,kung bakit kailangang manakit ng damdamin?
Umakyat na ako sa kwarto ko at naabutan ko si Luwi na tapos ng kumain. Ngunit hindi pa nagagalaw ang gamot. Lumapit ako at naupo sa kama.
“Bakit hindi mo ininom ang gamot? Inumin mo na iyan.” ang sabi ko sa kanya.
“Nahihiya kasi ako,sobrang perwisyo na ang naidulot ko.”
Huminga ako ng malalim. Ngayon naiintindihan ko na,gusto kong mas mapalapit sa kanya,gusto ko syang ibalik sa dating sya.
“Don’t think it that way,Luwi. Im your friend,at huwag ka dapat mahiya.”
Sa sinabi ko ay napatingin sya sa akin.
“K-kaibigan mo na ko?”
“Yes. Magkaibigan na tayo mula ngayon.”
- HAHAHA PASENSYA NA PO SA MGA NAG AABANG DITO AT MEDYO NATAGALAN,ALAM NYO NAMANG PRIORITY KO YUNG MGA PATAPOS KO NG STORY :) COMMENT PO KUNG NAGUSTUHAN NINYO :D

