loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Music Of Love (boyxboy)

Music Of Love (boyxboy)

YorTzekai · 6 chapters · 6,998 words

Music Of Love (boyxboy)

NOTE : THis is a Parallel Story of “ANG LALAKI SA ROOFTOP” Same time frame po sya.

Kilala si Ayel sa kanilang University for being the most nerdy gay. He was so quiet,hindi pala kibo at palaimik kung hindi kakausapin. Simple lamang sya,what you see is what you get. Nasa gitna lamang ang uri ng pamumuhay,pero kahit tinagurian syang nerd ay wala namang nang api sa kanya. Until one day ay nakita nya ang lalaking magpapatibok sa puso nya: si Kaien Montenegro,ang tinaguriang Pop Balladeer sa kanilang university. Pero anong gagawin nya kung hindi man lang sya nito tapunan ng pansin? Makokonteto na lamang ba sya na nakatingin sa malayo o ipaglalaban nya ang pagmamahal nya kahit walang kasiguraduhan?

TEASER

“Ayel,anak baka bukas pa kami makauwi ng Mama mo.” ani Papa habang nagkakape. Tiningnan ko sya ng may nagtatanong na mga mata. “Gusto ng mga ka batchmate namin na mag overnight.” dagdag ni Papa.

“Ayos lang ba sa iyo yon anak?” ani Mama na papasok sa kusina. Nilingon ko sya at sinundan ng tingin. Bumagsak ang salamin ko sa aking ilong kaya bahagya ko itong itinaas.

“Ayos lang po,Ma,Pa. Basta may pagkain.” ang nakangisi kong sagot. Nagtinginan sila at ngumiti. Tumayo na ako dahil papasoka pa ako sa school. “Sige po,pasok na ako.” ani ko,hinalikan sila sa mga pisngi at lumabas na ng bahay.

Ako si Ayel Villaruiz,fourth year college,taking up Home and Restaurant Management. Isa akong simpleng tao,ang iba nga akala hindi ako nag e-exist. Tahimik kasi akong tao,mas gusto ko yon,dahil nasanay ako sa tahimik at simpleng buhay.

Pagdating ko sa school ay napagtanto kong late na ako. Okay lang naman siguro kasi last semester na.

Napansin kong may nagkakagulo sa labas ng gymnasium. Parang mga nag uunahan silang pumasok.

“Dali! Ngayon na yon!” ani ng isang babae na lumampas sa akin,may hinihila din syang isa pang babae.

“Anong meron?” sabi ko pa sa sarili. Out of curiosity ay nagtungo na din ako sa gym. Ang daming tao,at pakiramdam ko hindi ako makakapasok sa pinaka loob.

“Dahil sa paglaban nya last week sa Inter Division Singing Contest ay nakilala agad sya dito at sa iba pang campus. Iniuwi nya ang trophy,sya ang nag grand champion. At para matigil na kayong lahat sa kakarequest. Lets welcome,our Pride,our Pop Balladeer! KAIEN MONTENEGRO!” Ang dinig na dinig na boses na umalingawngaw sa buong gymnasium.

Nagsigawan ang mga tao. May mga nagtulakan. Nakaramdam agad ako ng takot na baka madamay ako kaya agad akong umurong. Pero may mga pumasok at nagtulakan kaya na out of balance ako.

Narinig ko ng nagsimulang kumanta yung Kaien,pero masyado akong malayo para makita ko ang mukha nya.

Ano ba naman tong mga ito? Hindi pa totoong singer yon ah? Ugh!

“KAIEN MONTENEGRO! WE LOVE YOU!” sabay sabay na sigaw ng mga tao. Pakiramdam ko umuuga at magigiba na ang buong gymnasium.

Nacurious tuloy ako kung anong itsura ng Kaien na yon. Hindi ko kasi binibigyang pansin ang ibang tao,basta makapag aral lang ako.

Nagtulukan ang mga nasa likod ko. Napahawak ako sa salamin ko sa takot na baka mabasag ito. Hinawakan ko naman ang bag ko gamit ang kaliwang kamay. I have no choice kundi ang makipagsiksikan sa mga tao.

Sakto natapos ang kanta ay napunta na ako sa harapan. Hingal na hingal at pawis na pawis na ako. May moist na din ang salamin ko.

“Maraming salamat po! Maraming salamat sa suporta!” ani Kaien sa mic. Napanganga ako. Ang gwapo naman nya? Tao pa ba sya? Bukod sa boses anghel sya ay mukha din syang anghel.

Kumaway sya sa mga tao at nagsigawan na naman ang lahat. Malayo ang mararating nya,sigurado ako dun.

“Kaien,since nandito ka na din,may tanong ako sayo. Pwede ba?” sabi ng isa sa mga faculty member,sya pala yung nag announce din kanina.

“Oo naman po! Ano po bang tanong nyo?” nakangiting sabi ni Kaien.

I realized something. May kakaiba,hindi dapat ito mangyari.

“Tanong din kasi ito ng lahat. Ang sabi mo,hindi ka related sa mga Montenegro. Pakiramdam mo ba kadugo mo sila? Nakausap ko na ang magpinsan na Brylle at Eriol,sabi nila baka daw kadugo ka nga nila. Anong opinyon mo tungkol dito?” sabi nung emcee.

Nawala ang ngiti ni Kaien,tumingin sya sa mga tao,tas hindi ko alam pero nang tumama sa akin ang mga mata nya ay kumalabog ang dibdib ko.

Sa akin ba sya nakatingin?

“Sa totoo lang. Hindi ko din alam at wala na po akong pakialam. Hindi ko naman alam na kilala pala ang mga Montenegro. Siguro,sobrang malayo na nila akong kamag anak. Yun lang po.” ang sagot nya at muling tumingin sa akin.

This is not right. Lalaki ako at hindi ko dapat ito nararamdaman sa kapwa ko lalaki.

Simula

Simula ng araw na nakita ko si Kaien Montenegro ay hindi na sya mawala sa isipan ko. Sobrang naguguluhan na tuloy ako sa sarili ko kung bakit lagi ko syang naiisip at bakit hindi ko na sya makalimutan.

Kaya naman,ngayong araw ng linggo ay sinadya ko talagang tapusin agad ang mga pinapagawa sa akin ni Papa. Kailangan maintindihan ko ang nangyayari sa akin. Oo nga at malamya ako,pero nagkaka gusto din naman ako sa babae,pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko na makalimutan si Kaien at kung paano nya ako tingnan.

Medyo may utak at alam naman ako,katunayan ay maihahanay nga ako sa mga nerd sa campus,yung mga hindi pansinin. Iwas ako sa kahit anong pwedeng maging dahilan para mapansin ako. Pero kahit may mga alam ako,may mga bagay din naman akong hindi alam,gaya ng nangyayari sa akin kaya sinadya ko ang pinaka malapit na computer shop.

Agad kong ni-search ang sitwasyon ko. At ayon sa mga nabasa ko ay nasa stage pa daw ako ng confusion. Madami pang nakalagay dun,pero isa lang ang napagtanto ko,Im already a bisexual.

“Haay! Hindi ko akalain na magiging ganito ako.” ang bulong ko. Nagsimula lang naman ito ng makita ko ang Kaien Montenegro na yon.

Sunod ay nag facebook ako,malimit akong mag open nito dahil wala naman akong masyadong friends,nasa 50 plus nga lang ata. Agad kong nisearch si Kaien Montenegro. Halos mapanganga ako sa mga photos nya,kahit hindi sya ganun kaporma,at kahit simple lang sya ay nag uumapaw ang kanyang kagwapuhan. Naisip ko tuloy na baka isa nga syang legal na Montenegro,at dahil dun ay nag research ako ng family tree ng Montenegro,nakakaduling,kaya bumalik ako sa facebook at inadd ang lahat ng Montenegro na nag appear.

Umuwi ako na dala dala ko sa aking sarili ang isiping may nagbago sa akin. At sa tingin ko naman ay hindi masama kung agad ko itong tatanggapin.

Kaya ng dumating ang monday ay tuluyan ko ng natanggap ang sarili ko. Tuluyan ko na ding tinanggap na attracted ako kay Kaien Montenegro.

“For the last requirements for this Semester. Gusto kong gumawa kayo ng Family tree ng mga kilalang pamilya at by group iyon. Hahatiin ko kayo into four groups.” sabi ng Filipino IV prof namin. “Hindi basta family tree,sa isang notebook ay dapat macompile nyo ang mga profile ng bawat myembro ng pamilya.”

“Maam? Kailangan po ba namin silang interviewhin?” tanong ng isa kong ka blockmate.

“Kung kinakailangan. Well hindi naman kayo mahihirapan dahil apat na kilalang angkan lang naman.” sagot ng prof namin. Naisip ko na mas madali siguro ang requirement na ito dahil may internet naman,hindi ako pabor sa pag interview,mahiyain ako.

Hanggang sa hinati na kami,nasa group four ako,at Montenegro Clan ang napunta sa amin,ang group one ay sa Fuentebella,ang group two ay sa Ongpauco at group three naman ay sa Montecarlo.

Kaya ng nadismiss ang klase ay nagmeeting agad kami. Binigyan ang lahat ng kanya kanyang toka,ako na lamang ang wala.

“Magiging mas mataas ang grades natin kung isasama natin si Kaien.” sabi ng leader namin.

“What? Mahirap yon. Kahit si Kaien mismo ay hindi alam kung kamag anak nya ang mga Montenegro.” ani naman ng isa pa.

“I know,kaya nga mas exciting dahil paniguradong patok ang gagawin natin. At ikaw Ayel ang nakatoka sa pagkilala at imbistiga kay Kaien. Hindi ka mahahalata nun dahil mukha kang hindi gagawa ng masama.”

“Huh? Mahirap yan. Para ko na ding pinasok ang pribado nyang buhay. Iba na lang.” ang agad kong reklamo. Ayaw ko ng ganun magmumukha akong stalker.

Lahat ay tiningnan ako. Muling nagsalita ang aming leader. “Okay lang na huwag isama si Kaien. Pero babagsak ka at wala kang grade. Its your choice,anyway pag bagsak ang isa,bagsak din ang lahat.” ang nangongonsensya nitong sabi.

Napabuntong hininga ako. Alam kong malaki ang posibilidad na mapahamak ako. Pero hindi ko kayang bumagsak,mahalaga ang pag aaral ko,at hindi din kakayanin ng kunsensya ko pag ako ang sinisi nila dahil sa bumagsak sila.

Bahala na. Gagawa na lamang ako ng paraan.

“Sige,payag na ako. Kailan ba tayo magsisimula?” ang tangi ko na lang na nasabi.

“Ngayong araw mismo. So umuwi na tayong lahat para magawa na natin ang kanya kanya nating toka.”

Kaya habang naglalakad palabas ng campus ay occupied ang isipan ko. Hindi ko alam kung saan at paano magsisimula. Kung mag stalk ba ako kay Kaien o kaibiganin ko sya at palihim na kumuha ng impormasyon.

Pakiramdam ko ay para akong binayarang detective dahil sa gagawin ko. First time para sa akin ang ganito,kaya sobrang nagtatalo ang isipan ko,hindi ko ugaling makialam sa buhay ng iba,pero hindi ko naman matatanggap na babagsak ako at ang mga kasama ko.

Sa sobrang pagka occupied ko ay natumba ako dahil sa pagbunggo sa akin.

“Sorry tol! Okay ka lang?” agad akong napa angat ng tingin dahil sa nagsalita.

Si Kaien Montenegro!

Tumayo ako at pinagpag ko ang dumi sa damit ko. “Okay lang ako. Sorry din.” ang sagot ko at inayos ang aking eyeglass.

Tiningnan lang nya ako kaya nakaramdam ako ng hiya. Para akong tinutunaw ng tingin nya. Para nya akong sinusuri. Pakiramdam ko alam na nya agad kung ano ako.

“Ganon ba? Pasensya na ulit.” at tumalikod na sya at mabilis na naglakad palayo. Ang lakas ng tambol sa dibdib ko,ganun na agad ang epekto sa akin ni Kaien,nakakatakot pala.

“Excuse me? Nakita mo ba si Kaien?” sabi ng boses ng isang babae kaya agad nawala ang pagkatulala ko.

It was Jecca. Ang kilalang Maldita sa campus. Ang kilala ding laging ka flirt ni Seven at mortal na kaaway ni Koy.

Kilala ko sila dahil lahat ng nadidikit kay Seven ay pinag uusapan. Bakit hindi? Leader si Seven ng isang gang,isang gang na kinatatakutan at hinahangaan at the same time. Lalo silang pinag usapan dahil sa affair daw ni Seven sa baklang si Koy,si Koy yung nakalaban ni Kaien daw sa singing contest pero hindi na sya dito nag aaral,at ngayon nga,si Kaien naman ang trip ni Jecca.

“Hello? May tao ba? Nganga?!” ang malakas na sabi ni Jecca kaya muli ko syang nilingon.

“Uhm,pasensya na. Si Kaien? Nandun na sa labas.” ang agad kong sagot. Bakit ba ako natutulala.

“Are you one of them? Ugh! Nevermind,thanks anyway.” at nagmadali na din si Jecca na lumabas ng gate.

One of them? One of what? Ganon na ba agad kahalata ang pagbabago ko? Nakikita ba agad yon? Hindi naman siguro,sadyang mapanuri lang siguro ang Jecca na yon.

Ngayon,uuwi muna ako at mag iisip ng paraan kung paano ko makikilala si Kaien,hindi pwedeng sa facebook lang ako kukuha ng impormasyon.

“Sobrang bigat at hirap talaga ng binigay nila sa akin.” ang reklamo ko at tuluyan ng lumabas ng gate. Mula sa gate ng campus ay maglalakad pa ako ng dalawang street papunta sa sakayan ng trycicle papunta sa amin,one ride lang kasi.

“Pst! Pst!”

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pagsitsit.

“Pst! Pst!”

Sa pagkakataong ito ay lumingon na ako sa paligid. Baka kasi may nagtitrip lang. May kung ano akong naisip kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Pero ganon na lang ang gulat ko ng biglang may humablot sa akin at dinala ako sa isang iskinita. Parang puputok ang puso ko sa sobrang takot.

“Pasensya na. May itatanong lang ako.” sabi nito ng pakawalan ako. Handa ko na sana itong sapakin pero natigilan ako kung sino.

“A-anong itatanong mo?” ang hindi ko mapakaling tanong. Shit! Iba na talaga itong nararamdaman ko.

“Kinausap ka ni Jecca diba? Saang direksyon sya nagpunta?”

“Tinakot mo ako ng sobra para magtanong lang ng ganyan? Ang daming pwedeng pagtanungan! Hindi ko alam kung san syang direksyon nagpunta.” sabi ko at naglakad na palayo.

Nakakatakot na baka madinig nya yung malakas na tibok ng puso ko eh.

“Sabi na nga ba eh. Mutant ka.” sabi ni Kaien na sumunod sa akin sa paglabas ko sa eskinita.

“Mutant?” tumigil ako at hinarap sya.

“Half boy,half beks!” nakangisi nyang sabi.

Hayup! Ganito pala ugali nitong Kaien na ito. Pinigilan ko ang sarili kong mabugbog sya at naglakad na ulit ako. Kahit medyo malayo na ako ay nadidinig ko pa din ang tawa nya.

Ang lakas maka bwisit!

Kaya hanggang makauwi ng bahay ay inis na inis ako. Ngayon ko pa nga lang natanggap sa sarili ko na ganito ako ay may mang bu-bully na agad sakin?

Kainis ni Kaien yan!

AN/ Maikli lang ito dahil busy ako haha! Masyado akong madaming ginagawa,sumisingit lang ako ng time na makapag sulat. Maraming salamat po sa pagbabasa. =)

Kabanata one!

Dahil sa insedenteng iyon ay parang tinamad na akong ituloy yung napunta sa aking project. Hay! Paano ko na ngayon makukuha ang mga impormasyong gusto ko makuha kay Kaien? Ang sakit na ng ulo ko kakaisip,ayaw ko na kasi syang lapitan baka mabully na naman nya ako.

Aha! Si Jecca na lang tatanungin ko tutal naman ay patay na patay iyon sa kumag na si Kaien,that way,mas mapapabilis ang trabaho ko,in the end may mataas pa akong grado.

Kaya naman ngayong lunch break ay nagmamadali akong tumungo sa cafeteria,baka sakaling nandito si Jecca. Mag iisip na lang ako ng alibi paano ako magsisimula ng conversation.

Nakakainis talaga tong iniatas sa akin,para akong baklang die hard fan ng isang sobrang sikat na celebrity.

Hindi ka ba bakla?

Hindi! Paghanga lang siguro dahil magaling syang kumanta.

Pero diba tinanggap mo na sa sarili mo na nagbago ka na at attracted ka kay Kaien?

Ugh! Wala akong panalo sa konsensya ko,tae!

Bago pa ako mabaliw sa kaka-kausap sa sarili ay namataan ko na si Jecca na nakikipagtawanan sa mga kasama nya sa isang table. Kinakabahan man ay agad akong lumapit.

“Uhm.. Miss Jecca?” ang ninenerbyos kong pagtawag dito. Tumigil sila sa tawanan at tinitigan ako,nakaramdam ako ng matinding pagka asiwa.

“Anong kailangan mo nerd?” taas kilay nyang tanong. Napalunok ako.

“Kung natatandaan mo,sa akin ka nagtanong kahapon kung nakita ko si Kaien Montenegro. Yes,I saw him at hinanap ka din nya sa akin.” ang sabi ko habang pinapakalma ang aking sarili.

Biglang nagliwanag ang kanyang mukha at sumilay ang magandang ngiti.

“Talaga? Wow! Maupo ka! Ikwento mo sa akin kung anong nangyari!” excited nyang sabi at umurong para makaupo ako,kahit nahihiya ay agad akong nagpaunlak. “Magkakilala ba kayo? Nakakainis na nga minsan yon eh,ang taas ng pride!” dagdag nito ng makaupo na ako.

“Hindi masyado,nilapitan nya ako kahapon dahil nakita daw nyang kinausap mo ako,he was asking kung saang direksyon ka pumunta,baka susundan ka nya?”

“Hay nako! Sana nga,medyo napapagod na din ako kakahabol sa kanya. Diba sabi ko nga ay mataas ang pride nya? Gusto ko sya kahit mahirap lang sya dahil ang bait nya. Pero mukhang hindi nya ako type,ayos lang naman baka hindi talaga para sa akin si Kaien.” ang malungkot nyang sabi. Yung mga kausap nya kanina ay natahimik at nagmukhang dekorasyon.

Nakaramdam ako ng awa kay Jecca,una nabigo sya kay Seven,everybody knows that,maldita kasi sya dati pero mukhang nagbago na naman sya. Maganda naman sya,seksi makinis at maputi,medyo may pagka boobita rose nga lang daw sabi nila,pero ayokong manghusga.

“Ganun? Don’t worry dadating din ang para sayo. Nandyan naman ang mga kaibigan mo,ang mahalaga makatapos ka sa pag aaral.” nakangiti kong sabi,sa totoo lang kahit wala na akong makuhang impormasyon ay ayos lang.

“Nakakatouch ka naman girl!” aniya.

“Girl?”

“Ay sorry! Akala ko beks ka hihi! Bakit ngayon lang kita nakilala?”

“Hindi naman kasi ako friendly at wala din nagtatangkang makipagkaibigan dahil nga nerd ako,hindi ako pansinin. Uhm,sige na! Salamat sa time.” ngumiti ako at tumayo na. Mas mabuti sigurong lapitan ko na lang si Kaien para mabilis kong matapos ang project na ito.

“Uy wait! Anong pangalan mo? I want to be your friend!” anito at hinawakan ang braso ko.

“Im Ayel Villaruiz,fourth year HRAM.” nakangiti kong pagpapakilala at tuluyan na akong umalis sa cafeteria.

Sa labas na lamang ako kakain dahil mas mura ang pagkain,mamaya ko na lang hahanapin ang Kaien Montenegro na iyon. Bakit kasi hindi sya kilala nina Bryle at Eriol Montenegro? Pero sa bagay,sa dami ng Montenegro sa mundo,hindi naman lahat ay magkakakilala.

Fishbol na lang ang kinain ko at pinaresan ko ng buko juice,kahit papaano ay busog na din ako. Pumasok na ako ulit sa campus at nag isip kung saan ko nga makikita si Kaien. Kung sa Library kaya? Matalino ata yun at grade concious kaya baka sa library ang tambayan nya.

Papunta na ako sa library ng mapadaan ako sa Music Room. May nakapaskil na audition daw para sa mga gustong maging part ng School Musical. Sa totoo lang,ang pagkanta din ang isa sa mga libangan ko pero hindi ako ganoong ka confident sa boses ko.

Nagdadalawang isip ako kung sasali ba ako o hindi. Naiisip ko kasi na baka mapahiya lang ako at pagtawanan,lalo pa at madaming magagaling kumanta dito sa campus gaya ni Kaien.

Tama! Baka nandito si Kaien! Mapapalapit na ako sa kanya at mapapadali ang project ko,nagawa ko pa ang matagal ko ng gusto. Hitting two birds with one stone ika nga nila.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Nanginginig ako. Lahat ay sa akin tumingin at parang nagtataka sila kung bakit ako napunta dito.

“Yes?” sabi ng Musical Prof ng Music Guild. Lalo akong kinabahan tuloy.

“Uhm.. Uhm.. Pwede pa po bang mag audition?” ang ninenerbyos kong tanong.

“Yes,and you are?”

“Ayel Villaruiz po! Fourth year HRM.”

“Good. Pumunta ka na dun sa flatform,ikaw ang last na nag audition. Alam mo ba na para ito sa School musical? Alam mo ba ang kakantahin?” napailing ako. Bigla bigla kasi akong nagdedesisyon eh! Ayan tuloy hindi ako handa.

“Hindi ko po alam eh. P-pero,pwede po bang ibang kanta na lang?”

“Sige,simulan mo na.”

Huminga ako ng malalim. Boses ko lang ang puhunan ko dito,wala akong demo tape kaya kailangan ay husayan ko.

♪Nagtatanong ang isip,

hindi raw maintindihan.

Kung anong nararamdaman♪

Pumikit na lamang ako para hindi ako mahiya at mas madama ko ang kant.

♪Kahit kailan,di kita iiwan,

kahit kailan di kita pababayaan,

kahit kailan,kahit kailaaan♪

Nagmulat ako ng mga mata at ganun na lang ang gulat ko ng nasa tabi na ng Prof si Kaien,biglang nangatog ang tuhod ko at kumalabog ang dibdib ko pero kailangan kong magpatuloy.

♪kung ikaw ay mawala sa piling

ko di na alam kung kakayanin pa

kayang umibig pang muli♪

Humugot ako ng hangin,hindi ako dapat pumalpak,gusto ko itong ginagawa ko.

♪Kahit na ano pa mang mangyari,

di maaring ipagpalit.

Sasamahan pa kita,

hanggang sa huli…♪

Pumikit ako sa huling notang mataas,gusto kong maging swabe ito gaya ng ginagawa ng South boarder.

“Impressive! Excellent! Bravo!” sigaw ng Prof at kasunod nun ang palakpakan nila. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko ding pumapalakpak si Kaien habang nakangiti. “Tapos na ang audition! Pasok ka na,hintayin mo na lang ang ipapaskil sa bulletin board!”

“Maraming salamat po!” ang masaya kong sabi. Hindi ako makapaniwala na natanggap ako. Binati ako ng mga kasama na sa Musical,nagpasalamat ako sa kanilang lahat,at ang huling lumapit ay si Kaien kaya dumagundong na naman ang dibdib ko.

“Uy mutant! Ang galing mo palang kumanta? Welcome sa music guild!” nakangisi nyang sabi. Napangiwi ako,natatandaan nya pa pala ako pati yung tawag nya sa aking mutant. Ang sarap lang nyang kutusan.

“Salamat! Sinwerte lang siguro.”

“Wow! Humble! Manlibre ka naman! Ikaw pinaka bagong member dito.” nakangiti nyang sabi. Natulala na lang ako. Ang gwapo nya talaga kahit simple,hindi nga ako dinadaya ng nararamdaman ko.

Confirmed! Isa na nga talaga akong mutant! Kailangan ko na talaga siguro tanggapin ng buo.

“Hoy! Natulala ka na!” ang pagtapik nya sa akin kaya napapitlag ako.

“Ha? Ano nga ulit yung sinasabi mo?” ang sabi ko sabay ayos sa aking eyeglass.

“Sabi ko manlibre ka naman!”

“Ha? Uhm,sige pero pwede mamayang uwian na lang? May next class pa ako baka ma late ako eh.” ang sabi ko naman at pinakalma ang sarili.

“Sige! Sabi mo yan ah! Samahan kita sa room mo para alam ko kung saan ka susunduin.”

“Huh? Hindi na kailangan yon.”

“I insist. Tara na,tayo na lang ang tao dito oh?” kaya wala na akong nagawa. Lumabas na kami at naglakad papunta sa next class ko,eto yung klase na may project nga kami.

“Salamat sa paghatid. Mamaya na lang ah? Pero huwag kang umasa na bigtime ang libre ko.” nahihiya kong pasalamat dito,at alam kung nagsisihabaan na mga leeg ng mga nasa room.

“No problem. Sanay ako sa mamisong meryenda! Again,welcome sa music guild.” nakangiti nyang sabi at umalis na. Sinundan ko sya ng tingin,ngunit pumihit sya at bumalik,napakamot sa ulo. “Pasensya na sa unang meet up natin at sa pagtawag ko sayong mutant,hindi ko pa nga pala alam ang pangalan mo,Im Kaien Montenegro.” at inilahad nya ang kanang kamay nya.

“Totoo ka naman ng hinala eh.” nahihiya kong sabi at tinanggap ang pakikipag kamay nya. “Im Ayel Villaruiz.”

“O sige,kita tayo mamaya!” at tuluyan na syang umalis. Pagpasok ko sa room ay agad akong pinagkaguluhan,sabay sabay ang mga tanong nila at wala akong maintindihan.

“Ang bilis mo Ayel! Mukhang hindi ka mahihirapan sa project!” sabi nung leader namin. Nalungkot ako bigla,sasabihin ko ba kay Kaien ang naiatas sa akin o pagkatapos na mismo ng lahat?

“Wala yon. Hindi lang talaga sinasadyang nagkakilala kami.” sagot ko at naupo na sa aking upuan. Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha ko na lang ang isa sa mga notebooks ko at binasa ang lesson kahapon.

Wala naman na din silang nagawa kaya tinantanan na nila ako. Sa totoo lang hindi ako makapag concentrate sa binabasa ko dahil talagang may bumabagabag sa akin.

Paano kung dumating ang panahon na iyon? Huwag naman sana,natatakot ako.

kabanata two!

Isang araw sa campus,break na nun kaya inaayos ko na ang bag ko ng magtilian ang mga ka blockmates ko.

“Kyaaaahhh! Si Kaien Montenegro!!” sigaw ng mga ito na ikinasalubong ng mga kilay ko.

Huh? Si Kaien daw?

Paglingon ko sa pinto ay nandun nga sya. Nakahilig sa pinto at naka cross arms,nakangiti sa akin.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Langyang lalaki to,bakit ganon kabilis tibok ng puso ko?

Napatingin ako sa mga kasama ko dun sa group project. Lahat sila ay nakangisi sa akin,lumapit pa yung leader.

“Wow Ayel,mukhang hindi ka na mahihirapan sa project natin.” anito na ikina inis ko. “At mukhang type ka pa.”

Napanganga ako,anong ibig nyang sabihin? Halata na ba na nagbago ako? Na nagiging ano,uhm na ako?

“Kayo talaga.” ang sabi ko at inayos ang eyeglasses ko at sinukbit sa balikat ko ang aking bag saka tumalikod.

“Akala ko paghihintayin mo ako ng matagal eh.” ani Kaien ng makalapit ako.

“Huh? Eh bakit ka kasi nandito at naghihintay?” nahihiya kong sabi.

“Syempre,sabay tayong mag lunch,buddy na tayo ngayon eh,at saka pupunta pa tayo sa Music guild club,may announcement daw.” nakangisi nyang sabi at inakbayan ako.

“Ganon ba? Teka yung kamay mo. Nakakahiya sa mga fans mo oh.” sabi ko at tinanggal ang pagkaka akbay nya at nauna ng naglakad.

“Anong problema dun? Pareho naman tayong lalaki,buddy nga diba?” aniya at muling umakbay. “Ay,oo nga pala,mutant ka.” pabulong nyang dagdag.

Pinakalma ko ang puso kong nagwawala. Bakit ba kasi ganito ang puso ko pag malapit sa akin si Kaien? Normal pa ba ito o may sakit na ako sa puso?

Nagtaka pa ako na lumabas kami ng campus at hindi sa cafeteria pumunta.

“Teka? San tayo pupunta?” taka kong tanong.

“Kakain. Alam mong mahal ang pagkain sa cafeteria,hindi ko afford. Pero dito sa labas,pwede kitang mailibre.” aniya na nagtaas baba pa ang mga kilay.

Naisip ko na unti unti ko na syang makikilala. Itatatak ko ang lahat ng ito sa utak ko,at saka ko na lang gagawin ang project pag malapit na ang pasahan. Medyo nakaka konsensya lang talaga,nahahati ako sa pag atras at pagtuloy dahil ayaw ko syang magalit,pero ayaw ko din namang bumagsak at madamay ang mga kagrupo ko.

“Oo nga pala. Edi mag kwek kwek na lang tayo, dalawa o tatlong piraso ay busog na tayo partner-an na lang ng buko juice.” pagkuwa’y sabi ko na lamang.

“Yan nga dapat ang isa-suggest ko,ang galing ah? Tara! May natanaw na akong nagtitinda.” aniya at hinawakan ako sa braso saka hinila.

Gusto kong bawiin ang kamay ko dahil nagulat ako na parang may kuryenteng gumapang sa akin mula sa kanya,pero binalewala ko na lamang ito at nagpahila na sa kanya.

Kwentuhan at tawanan kami habang kumakain ng kwek-kwek. Pati si Manong tindero ay nakikisali na. Ang kulit lang dahil parang matagal na kaming magkakilala,nagkekwento lang sya ng mga nakakatawang bagay na ikinakatawa ko naman talaga.

“Mahilig ka talagang kumanta?” tanong ko habang naglalakad na kami pabalik ng campus.

“Oo,sa pagkanta ko nailalabas ang lahat. Singing is really my passion.” aniya,tiningnan ko sya at kita ko kung paano kuminang ang kanyang mga mata. “Eh ikaw? Hilig mo din?”

“Oo,pero hindi ako kumakanta pag may tao. Nahihiya ako,kasi pakiramdam ko wala akong karapatang kumanta,lalo na sa itsura ko.” sabi ko naman at pumasok na kami sa gate.

“Youre really good kaya huwag kang mahiya. Mamaya sunduin kita sa last class mo,punta tayo sa bahay at mag videoke.” aniya at umakbay na naman. Napatingin ako sa paligid,natakot ako sa tinging ibinibigay sa akin ng ibang babae,parang pinapatay nila ako sa mga isipan nila.

“Si Seven ba yon?” turo ko sa isang lalaking nagmamadaling pumunta sa gate.

“Oo,baka pupuntahan nya ang pinakamamahal nyang si Koy.” ang sagot ni Kaien na nakatingin din dito. Everybody knows their story,isang malditang bakla na pinatino ang isang gangleader slash good samaritan pagdating sa campus.

Napabuntong hininga ako. Medyo nakaramdam ako ng awa dun kay Seven,ang hirap siguro talaga ng same sex relationship,bukod sa pagtatawanan kayo ay kukutyain ka pa.

Napaisip tuloy ako,sigurado na ba akong ganito ako? Baka pwede pa akong bumalik sa pagiging straight?

“Ang lalim,nalunod ako.” ani Kaien kaya nilingon ko sya ng may pagtataka.

“Huh? Ano iyon?”

“Ang lalim ng buntong hininga mo. Usually people who sighs heavily are people with heavy problems. Naks! English yon ah?” at kinabig nya ako lalo. “Ano? May problema ka ba?”

Tumigil ako sa paglalakad. Gusto kong may mapagsabihan ng mga iniisip ko. And since si Kaien ang pinaka malapit sa akin ngayon ay sya ang pwede kong pagsabihan.

“Ayoko ng ganito.” sabi ko na ikinasalubong ng mga kilay nya.

“Anong ayaw mo ng ganito? What do you mean?” aniya. Tumingin ako sa paligid para makasiguradong walang nakakarinig sa amin.

“Ayaw kong maging bakla. Hindi naman ako ganito dati. Ayaw ko nito,ayaw kong nagkakagusto sa kapwa ko lalaki. Hindi ganon pero ganon ang nangyayari.” ani ko at napayuko. Atleast,nasabi ko na,hindi na ako maiilang pa.

“Look,being a gay is not a choice of life,but its a way and a part of life. Maaaring bigla kang naging ganon kasi may rason. At nasa iyo iyan kung tatanggapin mo o lalabanan.” seryoso at mahina nyang sabi.

Sana lahat ng lalaki ay tulad ni Kaien na malawak ang pang unawa. Sana lahat ay gaya nya na tinitingnan ang buhay in a very light and positive way.

“Nakakapraning kasi eh.” ang tangi ko na lang na nasabi,inayos ko ang eyeglass ko at tiningnan ulit si Kaien,nakangiti sya na ipinagtaka ko.

“Bigla kang may nagustuhang lalaki? Sino naman?” aniya. Napalunok ako,I wont certainly tell him or tell anyone,this is my biggest secret.

“Secret. Basta malalaman mo din balang araw.” ang sagot ko at naglakad papunta sa Music guild club.

“Ang daya mo!!” sigaw ni Kaien at naramdaman kong sumunod na sya.

Hindi ko sasabihin,hinding hindi ko sasabihin na sya ang gusto ko.

Ganon pala,ngayon tanggap ko na,gusto ko nga paka talaga siya. Gusto ko si Kaien Montenegro,gusto ko ang Mister Balladeer ng aming campus.

Pagdating sa Music Guild ay nandun na lahat ng members,kami na lang pala ang hinihintay.

“We will be having a musical. At ngayon nag iisip ako kung Phantom of the Opera o Moulin Rouge. Which is better?” ani Mrs.Katarungan.

“Maam walang masyadong lalaki sa Moulin Rouge,kaya dun tayo sa Phantom of the opera.” sabi ng isa na sinang ayanun ng lahat.

“Tama kayo,at pwedeng si Kaien ang leading man doon. Sino sa girls ang bidang babae?” ani Mrs.Katarungan. Nakinig lang ako at hindi nakisali,paniguradong hindi naman ganon kalaki ang magiging part ko.

“Okay po sa akin yun Maam,pero sa mga babae,nag graduate na po kasi ang mga operatic at belters natin. Matataas ang kanta pag ang The Phantom of the Opera ang gagawin natin,at sa ating lahat ngayon,walang kayang umabot ng ganung mga notes,meron pero hindi babae.” biglang sabi ni Kaien,ewan dahil sa sinabi nya ay kinabahan agad ako ng hindi ko alam.

“Youre right Kaien,kung hindi babae,that means lalaki? At sino naman? Maybe pwede natin syang gawing babae sa Musical.”

“Maam,sino po ba sa aming mga lalaki ang narinig nyong kumanta na parang boses babae at mala Adam Lambert?” ani Kaien at tiningnan ako,napatingin sa akin lahat.

Tengene! Anong sinasabi ng Kaien na ito?

“Maam ganito,bakit hindi na lamang ipadinig sa atin nina Kaien at Ayel ang lowest and highest note nila,chest voice lang walang headtones.” sabi pa ng isa.

Shit! Papatayin ba ako ng mga ito?

“Okay,tara sa may Piano.” ani Mrs.Katarungan at sumunod kami. Nauna si Kaien at sinusundan nya ang bawat note sa pagtipa sa piano ni Maam. Nagulat ako sa taas ng boses ni Kaien,pero buo pa din at malakas. “Okay,3 octave ang vocal range ni Kaien,from G#2 to Eb5.”

Hindi ko magets? Ano daw? May ganun ba talaga?

“Ikaw na Ayel.” sabi ng katabi ko. Huminga ako ng malalim,ngayon ko lang talaga ipaparinig ang totoong range ko.

Pagpindot sa lower key ay sinabayan ko ito hanggang tumaas. Nagpalakpakan sila at tuwang tuwa.

“See? I told you,pwede syang kumanta ng pambabae,na hit nya ang note na si Regine Velasquez,Jonalyn Viray at Kyla lang ang nakakagawa.” proud na sabi ni Kaien.

Bakit parang alam na alam nya?

“Pareho kayong Tenor ni Kaien,Ayel. 3 octaves din ang vocal range mo,from B2 to B5. Pwede nga sayo yung lead role. Pero dahil operatic yung original nun,version ni Barbra Streisand ang gagawin mo.” ani Mrs.Katarungan.

Gusto kong maiyak. Hindi naman sadya ang lahat,pero heto nakuha ko ang lead role dahil kay Kaien. Parang gusto ko tuloy syang yakapin at halikan.

Halikan? Wait..WHAT?

Erase na yon! Shit,bading na nga talaga ako.

“Salamat po Maam.” ani ko at napatingin kay Kaien,agad akong nginitian at kinindatan nito. Nagfiesta agad ang puso ko at nagtatambol. Shit lang talaga.

Nidismiss na kami ni Mrs.Katarungan at ipapatawag na lang daw nya ulit kami. Paglabas ng pintuan ng Music guild ay tuwang tuwa si Kaien.

“Ang galing mo! Sabi sayo huwag mong ikahiya eh!” ani nya. Napangiti ako,dahil kay Kaien nailabas ko ang talent ko. Ang medyo hindi ko lang matanggap pa ay babae ang role ko.

“Ikaw din kaya,kung tinawag mo akong Adam Lambert ,ikaw naman si David Cook.” sabi ko na ikinangisi nya.

“Halika nga!” bigla nya akong kinabig para akbayan pero may bumunggo sa kanya.

Naglapat ang aming mga labi.

  • HELLO! Kung may nagbabasa pa nito,comment po kayo ah? Mwa! :*

Kabanata three!

Hindi ako mapakali. Paikot ikot ako sa higaan ko at hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isipan ko yung hindi sinasadyang paghalikan namin ni Kaien.

Kahit sobrang bilis nun ay damang dama ko ang malambot nyang labi. Para akong lumutang sa alapaap.

Napahawak ako sa labi ko. Kailan kaya mauulit yon? Shit! Bading na nga ako! Nababading na ako kay Kaien!

Nahihiya tuloy akong magpakita sa kanya bukas. Bakit ba kasi bigdeal sa akin? Eh sya nga tinawanan pa nya ito at sinabing:

“Naka tsansing ka ah?!”

Hay! Ano na ngayon? Ang dami ko ng iniisip tuloy. Ang project,ang music guild,at itong nararamdaman ko kay Kaien.

Kaya kinabukasan ay puyat akong pumasok sa campus. Salamat na lang sa antipara ko at hindi masyadong halata ang eyebags ko.

Dumiretso ako sa Music Guild. Pagpasok ko ay mag isa si Mrs.Katarungan.

“Good morning po!”

“Ayel! Mabuti at nandito ka na. Ito ang kakantahin mo,pag aralan mo at pakinggan mo ang version ni Barbra Streisand.” sabay abot ng papel. Pagtingin ko ay lyrics pala. “Yan ang singing piece mo sa play.”

“All I ask of you?” ani ko sa title.

“Oo,mataas yan dahil si Barbra Streisand ang kumanta. Pero kaya mo yan,huwag mo lang gagawing version ni Regine,Mariah,Whitney o Celine okay?”

“Opo Maam!” ang napangisi kong sagot. Kinabahan ako,ngayon lang ako kakanta ng pambabae at ngayon ko lang talaga mailalabas ang kalidad ko sa pagkanta.

“Pag nakita mo si Kaien,pakibigay ito. Yan naman ang singing piece nya.” at nag abot ito ulit ng papel,binasa ko ang title.

Music of the Night.

“Sige po Maam! Salamat po!” at lumabas na ako. Naglakad ako diretso sa building namin. Hindi ko pa ito nasasabi kina Mama at Papa,tiyak magugulat sila.

Pagdating ko sa classroom ay sinalubong ako ng mga kasama ko sa group project.

“Ayel,next week na ang pasahan ng project. May mga nagawa ka na bang notes regarding Kaien?”

“H-huh? Wala pa eh.”

“Paanong wala pa? Eh lagi kayong magkasama?”

“Oo nga,at close na close kayo!”

Napasimangot ako dahil sa mga sinabi nila. Ang hirap naman nito. Pakiramdam ko hindi totoo ang pakikipag kaibigan ko kay Kaien dahil sa project na ito.

“Tandaan mo. Pag walang naipasa ang isa. Bagsak ang buong grupo o di kaya’y mababa ang grades na makukuha.” ang pananakot pa ng mga ito.

Natatakot tuloy ako. Baka isipin ni Kaien nakipaglapit ako sa kanya para lang sa project namin ng mga kagrupo ko. Pero hindi ko naman sinadyang makipag lapit sa kanya diba?

Kaya sobrang nabagabag ako buong araw. Kahit nung lunch break ay nag iisip pa din ako. Pero madali lang naman,gumawa na ako at huwag na lang talagang ipaalam kay Kaien,saka ko na lang sasabihin pag kaya ko na.

Nang dissmissal na ay biglang umulan,naglalakad pa naman ako papunta sa sakayan ng jeep,agad akong sumilong sa tapat ng isang tindahan.

“Ayel!” dinig kong tawag sa akin. At alam kong si Kaien iyon. Ganunpaman ay nilingon ko pa din sya. Basang basa na din sya gaya ko.

“Oh? Kanina pa kita hinahanap ah?” ani ko ng tumabi sya sa akin at sumilong din.

“Oo kaya hinahanap din kita. Tara sa bahay,malapit lang naman,dun ka na din magpatuyo.” aniya,nagdalawang isip pa ako kung sasama ako o hindi,sa bandang huli ay sumama pa din ako.

Sa isang apartment nakatira si Kaien,sakto lang talaga para sa kanilang mag ina,may sala,may cr sa tabi ng kusina at may dalawang kwarto.

“Nasan ang Mama mo?” tanong ko ng iabot nya sa akin ang towel.

“May pinuntahan siguro. Maligo ka na.” aniya at hinubad ang mga damit nya. Saktong boxer’s brief na lamang ang natira.

Napalunok ako,bakit parang ang laki ata ng bukol nya? Dati hindi ko naman pinapansin ang mga bukol ng ibang lalaki,pero dito kay Kaien,parang nag init ang mukha at katawan ko.

“Sige.” ani ko. “Teka,nasa akin nga pala ang lyrics ng kakantahin mo.”

“Sinabi nga ni Mrs.Katarungan. Ay,sabay na lang tayong maligo para tipid sa tubig.” sabi nya,sasagot pa lamang ako ng bigla nya akong hilahin papunta sa banyo. “Pareho naman tayong lalaki,huwag ka ng mahiya.”

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,lalo na nung naka brief na lang sya. Kailang ko mag isip ng ibang bagay,I need a distraction,isang bagay kung saan pwede ko i-divert ang atensyon ko.

Pero sa awa naman ng Diyos ay naging normal ang paliligo naman dahil panay ang kwento nya,ako lang ata talaga ang naglalagay ng malisya. Ang awkward lang pag magsasabon at hilod na sa parteng iyon,hiyang hiya ako pero sya ay parang wala lang talaga sa kanya.

Matapos maligo ay dumiretso kami sa kwarto nya. Isinampay nya yung mga basa naming damit at tinutukan ng electricfan para matuyo daw agad.

Pinahiram din nya ako ng damit at underwear,tatanggi sana ako pero ayoko namang umuwi ng walang brief at hindi pa naman din nagagamit ang pinahiram nya.

Nang makapag bihis ay lumabas na kami at naupo sa sofa,kinuha ko sa bag yung lyrics ng mga kakantahin namin.

“Mag youtube ako mamaya sa computer shop. Papakinggan ko ito at pag aaralan.” aniya habang nakatingin sa papel. Gwapo sya kahit bagong paligo,ganyan siguro talaga pag gwapo. “Ikaw?”

“Idownload ko na lang at paulit ulit kong papakinggan.” sagot ko naman.

Sumandal sya sa sofa at ginawang unan ang kanyang mga braso kaya kitang kita ang kili-kili nya,maganda ang tubo ng mga buhok nya doon.

“Mabuti ka pa. Hindi kasi high technology ang phone ko para maka access sa internet eh.” aniya at huminga ng malalim.

“Pwede mong hiramin ang phone ko hanggang sa makabisado mo na. May magagamit pa naman akong isang phone sa bahay na pwede ding mag internet.” ang sabi ko,kasi naaawa ako sa kanya,wala syang mga bagay na mayroon ang mga kaedad namin,ganun din naman ako pero bilib pa din ako sa kanya,mas inuuna nya ang Mama nya at ang pag aaral.

Kung isa syang tunay na Montenegro ay hindi sya maghihirap ng ganito.

“Huwag na Ayel. Gagawa ako ng paraan.” nakatingin nyang sabi sa akin.

“I insist. Mahalaga sa atin ang play na ito. Alam ko ding mas mahalaga ito sayo. Ilang araw mo lang namang hihiramin. Hindi naman ako stranger para tanggihan mo diba?” sabi ko,kinuha ko ang phone ko na medyo luma na din,isang Samsung galaxy mini,tinanggal ko ang sim at iniabot sa kanya ang phone. May isa pang phone sa bahay na hindi ko na ginagamit,yung luma kong Alcatel.

“Salamat talaga ah? Paano ba mag internet sa ganito?” aniya habang kinikilatis ang phone.

“Magpaload ka,kung anong internet promo meron ang network mo,mag register ka sa promo nila,punta ka sa settings,sa wireless then check mo yung data,pag may lumabas na dalawang arrow sa taas,pwede ka ng mag internet.” ang sabi ko at ngumiti sa kanya. Masarap lang sa pakiramdam na kahit maliit na bagay ay natulungan ko sya.

“Ganun pala yon? Salamat talaga ah? The best ka talaga! Ang swerte ko at nakilala kita.” bigla nya akong hinapit at inakbayan,sakto naman at bumukas ang pinto. “Ma?!”

“Kaien?!” sabi nung babae. Kung titingnan mo ay para syang hindi nanay ni Kaien. Uhm,ayokong mag judge,masama iyon.

Tumayo si Kaien at lumapit saka nag bless,tumayo na din ako at lumapit.

“Ma,si Ayel. Partner ko. Ayel siya ang pinakamamahal kong ina.” ani Kaien habang naka akbay pa din sa akin. Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi nyang partner,parang iba ang dating sa akin.

“M-magandang hapon po.” ang nahihiya kong bati dito.

“Magandang hapon din Ayel.” at bumaling ito kay Kaien. “Kailan pa anak? Bakit ngayon ka lang nagsabi?”

Napanganga ako. Tulad ko ay iba din ang pagkakaintindi nito sa salitang partner. Nakakahiya!

Sa gulat namin ay biglang tumawa si Kaien,naguluhan tuloy ako.

“Anong sinasabi mo,Ma? Partner,as in partner ko sa play.”

“Akala ko,lalaki na din ang kasintahan mo. Mabuti at nilinaw mo.” anito at bumaling sa akin. “Pasensya na Ayel ha?”

“W-wala po iyon.” ang nahihiya kong sagot. Kahit pakiramdam ko ay sobrang namumula na ako. At ewan ko ba,parang gusto ko ang idea na partner talaga kami ni Kaien.

Dito na din ako naghapunan,tumila na din ang ulan at nagpaalam na ako,hinatid ako ni Kaien hanggang sa sakayan ng jeep.

“Dadalhin ko na lang bukas ang mga damit mo!” sigaw nya ng makasakay na ako sa jeep,sumilip ako sa bintana at sumagot.

“Sige! Salamat!” sabi ko. At buong byahe ay puro si Kaien na ang iniisip ko. Sana kung mabuking nya ako sa project ko,huwag sana agad syang magalit.

Pagbaba ko ng jeep ay naglakad na ako papunta sa amin ng may sumalubong sa akin,isang magandang babae at gwapong lalaki.

“You were with Kaien?” ani ng babae. Tumango lang ako bilang sagot. “Good. Ituloy mo lang ang pakikipaglapit sa kanya.”

Nagtaka ako sa sinabi nito. Anong meron? Sino ba sila.

“Teka,anong kailangan nyo kay Kaien? Sino kayo?” hindi naman sila mukhang mga masasamang tao,pero bakit ganon ang sinabi nung babae.

“Tsk,mali ang approach mo,mukhang natakot si Ayel.” sabi nung gwapong lalake. Teka,kilala nya ako? “By the way,Im Iron Versoza.”

“Ako naman si Rini Chong.” sabi nung magandang babae at ngumiti. “Pasensya ka na ah? Natakot ba kita? Matagal ka na naming nakikita ni Iron sa campus,kasi crush ko si Kaien,at crush ka naman–” bigla syang siniko nung Iron.

“Huh?”

“Pasensya ka na,madaldal talaga yang si Rini.” sabi nung Iron at ngumiti,ang ganda ng katawan nya,halatang nagji-gym. Medyo singkit ang mga mata,matangos ang ilong at maganda ang makakapal na kilay. Si Rini naman ay maputi,maganda ang medyo bilugang mga mata,pink ang lips,maliit ngunit matangos ang ilong at may high lites na pink ang buhok .“ Ang ibig sabihin ni Rini,matagal ka na naming gusto maging kaibigan,you look so lonely kasi.“

“Ganon ba? Pwede nyo naman akong kaibiganin ngayon.” sabi ko at ngumiti.

“Talaga? Edi friends na tayong tatlo,mula bukas ay magkakasama na tayo. Ang bait mo pala talaga,kaya siguro nakuha mo agad ang loob niya.” sabi ni Rini na parang kumikinang pa ang mga mata.

Sa totoo lang,magaan ang loob ko sa kanilang dalawa. At hindi naman siguro masamang maging kaibigan sila.

“Weird lang talaga siguro ako.” sabi ko. “Saka bakit mo nabanggit si Kaien nung una palang?”

“Hihi! Nainggit kasi ako,naging kaibigan mo sya,samantalang kami ni Iron ay tengga. So nakipag kaibigan na din kami sayo,gusto ka talaga naming dalawa. At kaya ko nabanggit si Kaien,kasi crush na crush ko sya,gusto ko sanang magpatulong na mapalapit sa kanya.”

Shit! Gusto din nya si Kaien!

  • PASENSYA MASABAW. MAY SUMIRA LANG NG MOOD KO :/

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.