loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Mutual Spark

Mutual Spark

kabrobars · 6 chapters · 21,505 words

Clash

Chapter 1

Kakabukas lang ng Manokalan-an, isang manokan grill restaurant malapit sa isang malaking mall sa Bacolod. At dito sa lugar na ito mag sisimula ang kuwento nina Ram at Ren.

Kapwa crew ng nasabing restaurant ang dalawa. Si Ram ang napiling maging head ng kitchen area, samantala na assigned naman bilang grill si Ren. Unang araw palang ng pag bukas ng restaurant at pag tagpo ng dalawa, hindi na naging ok ang kanilang pagsasama. Magkatapat lang ang grilling area at ang kusina kung saan naka duty si Ram.

Pukpukan ang mga trabaho dahil sa dami ng mga customers na kumain sa opening ng restaurant. Abala ang lahat ng crew walang imikan, subsob ang lahat sa kanya-kanyang toka at gawain. Gatambak na rin ang mga hugasin sa kusina. Sa dami at tambak ng mga gawain hindi maiiwasang magka initan ang mga crew.

Habang nag mo-monitor ng kanyang mga tao si Ram, nakarinig ito nang kumusyon sa wash area. Agad itong tinungo ang likod na bahagi ng kusina upang tingnan ang nangyayaring sigawan sa loob. Tumambad sa kanya ang mga basag na plato at baso na nag kalat sa sahig. At ang dalawa pang kasamahan na nag aaway habang inaawat naman ng dalawa pa.

“Teka lang anong nangyayari dito? Tigil niyo na iyan. Tama na ang bangayan, magsi-ayos nga kayo. Kapag nalaman ito ni sir tapos na kayong dalawa. Ka bubukas palang natin nag babasag na kayo ng gamit.”_pumagitna si Ram para patigilin ang dalawa sa pag aaway.

“Sir itong si Jimbo ang may kasalanan ng lahat sir. Maayos akong naghuhugas dito bigla ba naman akong hinubaran ng pantalon sir, Bakla yata yan sir eh”_paliwanag ni Marvin kay Ram.

“Tinawag niya akong bakla sir, kaya napikon lang din ako. Biro ko lang naman talaga iyon sir eh. Hindi ko naman talaga siya hinubaran. “_at nag bigay naman ng kanyang dahilan si Jimbo.

“Sandali!”_sigaw ni Ram nang hindi na maawat ang sagutan ng dalawa.

“Hindi ba at grill station ka? Bakit ka nandito sa likod? Hindi ba dapat nandoon ka sa labas, ang daming tao dapat nandoon ka sa station mo tumutulong. “_puna ni Ram kay Jimbo.

Hindi na sumagot pa si Jimbo sa mga tanong ni Ram umalis ito at bumalik sa area niya. Habang nililinis naman ni Marvin ang mga nagkalat na plato sa sahig. Pinabalik na rin ni Ram ang iba pa sa kani kanilang puwesto. Nang masigurong maayos na ang lahat, bumalik ito ng kusina.

Natapos ang buong araw na pagod ang lahat ng crew. Tatlo pong minuto bago mag sara ang restaurant nang pinatawag si Ram ng kanilang manager. Alam ni Ram na tungkol ito sa nangyari sa kusina sa pagitan nina Jimbo at Marvin, kaya agad nitong iniwan ang ginagawa at tinungo ang opisina ng kanilang manager. Paakyat si Ram nang bungguin siya ni Ren na paakyat din ng opisina. Nagka tinginan ang dalawa, pero tahimik lang si Ram, hindi ito nag react man lang sa ginawa sa kanya ni Ren.

Agad na pinapasok ang dalawa ng kanilang manager. Wala pamang sinabi ang kanilang manager tungkol sa rason nang pagpapatawag sa kanila, dumepinsa bigla si Ren. Nagsalita ito.

“Sir, ako na humihingi ng sorry sa ginawa ni Jimbo sa kitchen kanina. Eh charge mo na lang daw ang mga nabasag na plato’t baso sa kanya. Huwag mo lang daw siya tanggalin”_biglang hingi nang sorry ni Ren sa manager nila na siyang pinagtaka nito.

“Anong nakabasag? Bakit ano ba ang ginawa ni Jimbo kanina? Ram, ano itong sinasabi ni Ren? Ikaw ang in charge sa kusina diba, bakit hindi ko ito alam?”_ may galit sa tuno ng boses ng manager.

Wala itong alam sa nangyari sa kusina dahil hindi na ito ipinaalam ni Ram sa dami ng mga customer noong nangyari ang insidente. Ayaw narin naman sana ni Ram palakihin pa ang gulo. Pero dahil sa sinabi ni Ren mukhang hindi lang sina Jimbo at Marvin ang malalagot pati na siya. Ipinaliwanag ni Ram ang lahat ngunit dahil sa pagtatakip niya sa ginawa ng dalawa nagalit sa kanya ang kanilang manager.

“pag to-tolerate ang tawag diyan, hindi disiplina Ram. Kaya nga kita pinili na maging mata ko sa area mo para alam ko ang lahat. Ginawa mo akong katawa tawa dito alam mo ba iyon. Manager ako pero wala akong alam sa mga nangyayari. At ikaw naman Ren, bakit hindi mo rin pinaalam sa akin?”_

“Naka break ako noong oras na iyon sir, kanina ko nga rin lang nalaman. Akala ko din kasi sinabi na ni Ram sa inyo kaya niyo kami pina tawag dito sir.”_paliwanag naman ni Ren.

Binigyan nang sanctions ang mga involved sa nangyari sa kusina, kasama na sina Ram at Ren. Hindi matanggap ni Ren na pati siya nadamay sa nabigyan ng isang araw na suspensiyon at kasama pa sa charges. Hindi na natuloy ang totoong dahilan nang pagpapatawag sa kanila dahil uminit na ang ulo ng kanilang manager.

Naunang lumabas ang na badtrip na si Ren at sumunod naman si Ram. Tinungo ni Ram ang kanilang locker room. Bagsak ang balikat at nanlumo sa kanyang nagawa. Nadatnan niya sa loob si Ren na kasalukuyang nag bibihis at nag aayos ng damit. Napansin siya nito at agad na binulyawan ng sisi.

“Dapat ikaw lang eh, bakit ako kasama? Pa hero hero ka kasi. Buwesit!”_may diing galit ni Ren.

Ngunit kalmado lang si Ram,at nagparinig ito kay Ren._“kung hindi ka sana pumutak buo pa sana ang sahod mo, eh ma-epal ka din eh.”

Hindi nagustuhan ni Ren ang narinig kay Ram, lalong nainis ito sa isa. Padabog nitong sinara ang locker ng malakas. Sakto namang pasok ni Aina. Agad nitong sinaway ang dalawa._“Hoy kayong dalawa tama na iyan. Kabago-bago palang natin nag babanggaan na kayo. Umayos kayo diyan at lumabas na doon, may announcement si sir sa atin bilis na diyan. Para kayong mga bata.”

Tinipon ang lahat ng crew para sa isang mahalagang anunsiyo. Anunsiyo na mag papabago ng takbo ng kuwento nina Ramboi at Renzy.

“Since hindi lang sa grill chicken naka focus ang store natin, at mag i-extend tayo ng menu. Kailangan ko mag dagdag ng tao sa kitchen. At since kumpleto naman din ang grill area isa sa inyo ang ililipat ko sa kitchen area. Ramboi, next week sisimulan mong ei train itong si Renzy sa station mo. Renzy ililipat na kita sa kitchen.”_nakakagulat na anunsiyo ng kanilang manager na kinabigla ni Renzy.

“Sir wala akong alam sa kusina sir, puwede iba na lang? Dito na lang ako sa station ko sir.”_reklamo ni Renzy sa desisyon ng kanilang manager.

“Kaya nga ipapa-train kita kay Ramboi. Kung gusto mo doon ka sa dishwashing area, doon walang training don. Mukhang marunong kapa sa akin. “_at tinapos na ng kanilang manager ang kanilang meeting.

Wala nang nagawa pa si Ren kundi sumunod sa pagbabago kahit labag sa magustuhan nito. Hindi dahil sa ayaw niya talaga sa kusina, kundi dahil ayaw niya makasama sa iisang station si Ram lalo pa at magiging trainer niya pa ito. Lumipas ang mga araw, at dumating ang unang araw ng training ni Ren sa kusina. Umpisa pa lang, nagka sagutan na naman ang dalawa.

“Ano ba!? Sumeryuso ka naman sa mga turo ko. Naka ilang ulit na tayo oh. Nasasayang mo lang mga sangkap dito. Ayusin mo naman.”_puna ni Ram sa mga palpak at mali ni Ren

“Eh kaya nga turuan mo ako dito. Ayusin mo rin kasi ang pag turo. Ginawa ka lang station head akala mo magaling kana. Pabida.”_pang insulto pa ni Ren kay Ram.

Sa kabila ng hindi mabuting pakikisama ni Ren, ginawa pa rin ni Ram ang tungkulin nito. Tinuruan parin nito si Ren kahit na bugbog na ito sa mga insulto at pang aasar ng isa. Kalmado lang si Ram alam niyang darating ang araw na mag sasawa din si Ren sa kanyang ginagawa. At pinigilan ang sarili na hindi makalimot at hindi bumaba sa libel ni Ren.

Minsan, sa kalagitnaan ng operation, isang sigaw mula sa kusina ang narinig ni Ram. Agad itong pumasok para tingnan ang nangyari. Nakasalubong niya si Mayet na natataranta at nanginginig.

“Sir tulong, si Renzy…nahiwa ng kutsilyo. Ang daming dugo.”_sumbong ni Mayet.

Pinuntahan agad ni Ram si Ren. Pero parang ok naman ito. Hawak ang kaliwang kamay na balot ng apron at basa ng dugo. Nangamba si Ram nang makita si Ren, namutla na ito bagamat parang walang bakas ng sakit sa mukha nito.

“Huwag mong ibaba ang ang kamay mo, itaas mo ang kamay mo lamps ng ulo para mag karoon ng tensiyon ang dugo. Kukuha lang ako ng first aid kit. “_utos ni Ram at sinunod naman ni Ren.

“Dan, paalalay muna kay Ren baka matumba iyan namumutla na oh. Dalhin mo siya sa crew room para ma lapatan natin iyan ng gamit.”_dagdag pa ni Ram.

“Ano tingin mo sa akin takot sa sugat? Ok lang ako, malayo ito sa bituka. Nag hero herohan ka na naman. Kaya ko itong gamotin mag isa”_pag mamayabang pa ni Ren

“Nasa station kita, kaya resposibilidad kita. Kahit na dahil yan sa pagiging careless mo. Tama na nga yang pagtapang tapangan mo halata namang takot ka sa dugo. Akin na nga iyang kamay mo para mahugasan natin “_at inabot ang kamay kay Ren.

“Gago ka ba, huhugasan mo ito ng alcohol? Alam mong bang mahapdi iyan? Palibhasa hindi ikaw ang makakaramdam. Gaganti ka lang yata sa akin eh”_galit na sabi ni Ren nang makita ang hawak na alcohol ni Ram.

“Tubig ang ihuhugas natin diyan, hindi itong alcohol. Pang linis lang ito pero hindi pang hugas. Mayaman ka? ang mahal nito para pang hugas lang sa sugat mong kasing laki ng munggo. Sus mas malaki pa dito ang butas ng ilong mo.”_nang makita ang sugat sa kamay ni Ren.

“Buwesit ka, ako na nga ang gagamot dito. Dami mo pang sabi. Bakit sugat mo ba ito?”_inis na sagot ni Ren.

Sa kabila ng kanilang sagutan, ginamot parin ni Ram ang sugat ni Ren. Iyon ang unang pagkakataon na nahawakan nila ang isa’t isa. Ang simpleng reaksiyon at pag alala ni Ram sa nangyari kay Ren ay nag dulot iyon ng malaking puntos para mag karoon ng koneksiyon ang dalawa.

Kalagitnaan na naman ng buwan at ipapakilala na kung sino ang napiling maging kandidato sa pagiging crew of the month. Ang lahat na tutok sa listahan ng mga kabilang sa pipiliing maging crew of the month. Parang nandilim na naman ang mundo ni Ren ng makita ang pangalan ni Ram sa listahan pero wala ang pangalan niya.

“Mukhang hindi mo na talaga ma sisilat ang pa 1k ngayong buwan na ito boss, wala na naman ang pangalan mo oh”_pang aasar ni Brian kay Ren dahil sa wala na naman ito sa listahan.

“Ganun talaga pag sipsip. Halata namang palakasan ang labanan. “_pag puna ni Ren.

“Ayusin mo kasi trabaho. Bawas bawasan mo ang late, at matuto kang makisama. Dahil hindi pag sisipsip ang pagbutihin ang trabaho. “_sabat naman ni Ram, nang marinig ang sinabi ni Ren.

“Kung wala kasing pabida, walang nagsusumbong, eh di sana walang laglagan. Soluhin mo na iyang 1k mo alam ko mas kailangan mo iyan.”_at tinalikuran si Ram.

Laging may issue si Ren kay Ram bagay na pinagtataka naman ni Ram kung bakit. Wala itong ideya bakit ganoon na lang ang pag kainis sa kanya ni Ren. Naging mabuti naman ang pakikisama nito sa kanya.

“Congratulations team, ito na ang pinaka mataas na sales natin. Dahil diyan mag a-outing tayo. Para naman maka pag unwind naman lahat. Pero hindi lang ito basta bastang outing lang ito, dahil mag ti-team building tayo. Kaya be ready. Next week na ang outing. “_masayang balita mula sa kanilang manager.

Masaya ang lahat maliban lang kay Renzy. Pauwi na ang lahat ng may napansin si Ren sa ibabaw ng mesa. Cellphone ni Ram. Naiwan pala niya ito sa pagmamadali. Samantala nag dadalawang isip naman si Ren kung kukunin ba ang telepono o hahayaan na lang.

Nakasakay na ng jeep si Ram ng mapansing wala ang kanyang cellphone. Sa akalang na dukutan ito, halos hindi ito mapakali. Kinakabahan ito. Kinabukasan maaga itong pumasok at agad hinalungkat ang lahat ng locker sa crew room. Ngunit wala ang kanyang hinahanap. Pinag papawisan na ito nang gabutil. Nang biglang may nag salita mula sa pintuan. Si Ren, hawak ang hinahanap ni Ram.

“Pinagpapawisan ka na ba sa kakahanap nito?”_sabay pakita kay Ram ng hawak nitong cellphone.

May kaba at halos di ma waring reaksiyon sa mukha ni Ram. Batid niyang may ginawa si Ren sa cellphone niya. Agad niya itong kinuha. At akmang lalabas na sana para umiwas kay Ren pero natigilan ito sa sinabi ng isa.

“Next time kasi, ei secure mong mabuti ang mga gamit mo nang hindi mawala. At payo lang mag lagay ka ng password nang hindi sumingaw ang kulay mo”_parinig ni Ren.

“Pinaki-alaman mo ang cellphone ko? Wala ka talagang ugali.”_sabat ni Ram.

“Subukan mo lang , hawak ko ang alas mo. Kaya umayos ka. Sir”_pagbanta ni Ren sabay gawad kay Ram ng makahulugang ngiti.

Tatlong araw bago ang nalalapit nilang outing. Isang sikat na basketball player ang dumalaw sa kanilang restaurant para kumain. Kilala din ang customer nilang ito bilang isang sikat na personalidad at modelo. Nasa kusina si Ram at abalang nag bibilang ng mga stocks sa stock room nang nilapitan siya ni Ren.

“Busy ka pa ba diyan? Iwanan mo na muna iyan at may ipapakita ako sa iyo. Magugustuhan mo ito promise”_pag tawag ni Ren kay Ram.

Sumunod naman ito,kahit hindi pa alam ang gustong ipapakita ni Renzy.

Pagkalabas ni Ram, nakita niya na nag kukumpulan ang mga kasamahan nila sa labas ng kusina na tila may pinagkakaguluhan sa labas.

“Tabi nga kayo diyan, mga bakla ba kayo? Pa daanin niyo naman itong sir natin. Hayan sir diba ang gwapo niya? Ang laki ng katawan diba? yummy. Sa tingin mo sir daks ba yan?”_habang nginunguso kay Ram ang customer nilang basket ball player na naka upo malapit sa claiming area.

Nagkatinginan ang mga kasamahan nilang lalaki sa ginawa at sinabi ni Ren kay Ram. Hindi nagawang mapakapag salita ni Ram. Tila na tameme ito sa mga sinabi ni Ren.

“Bakit naman iyan ang tanong mo kay sir boss? Ano tingin mo kay sir bakla?…sir ginagawa kayong bakla ni Ren oh, I.R. na yan sir.”_nakakaasar na pabirong tanong ni Brian.

“Magaling kasi kumilatis itong si sir natin. Diba sir? Baka ang mga tipo ni Revero ang basehan ng standard niya. Eh di may basehan din tayo para magustuhan din tayo ni sir.”_dagdag pang asar pa ni Ren.

Hindi nakatiis pa sa pang iinsulto ni Ren si Ram. Hindi nito alam kung bakit ganoon ang ginawa sa kanya ni Ren. Napahiya ito sa mga kasamaan. Ramdam niya na may hindi magandang binabalak ang Isa. Gusto man niyang ipakita ang pag kapikon, nagpigil parin Ram. Dahil alam niyang may gagawin at gagawin pa si Renzy laban sa kanya.

Sa na iyon maagang umiwi si Ram, nag paalam itong lumiban muna ng mga dalawang araw dahil sa masama daw na pakiramdam at kailangan muna nito nang pahinga. Nalaman ito ni Ren, at agad nitong tinawagan si Ram para asarin ito muli.

Tumunog ang cellphone ni Ram, nagdadalawang isip ito para sagutin, hindi naka save ang number sa phone niya. Sa akalang emergency, sinagot niya ito. Ngunit nang malaman ang may-ari ng number nainis ito, at papatayin na sana ngunit pinigilan siya ng nasa kabilang linya.

“Oy teka lang, hindi mo man lang na a-appreciate ang pangangamusta ko?”_Biglang putol ni Ren kay Ram.

“Kung mag iinis ka lang, huwag ka na tumawag dito. Ano pa ba ang mga binabalak mo? Baka may balak kapang ibalita at ikalat sa lahat ang natuklasan mo, gawin mo na.”_galit na tuno nang pananalita ni Ram.

“Hahaha bakit na tatakot ka ba malaman nila ang sekreto mo, ser? Huwag kang mag alala dahan dahanin lang natin sila baka mabigla sila masyado.”_nang iinis na tugon ni Ren.

“Animal ka talaga, hindi ko alam kung ano ang kasalan ko sa iyo bakit pinapakialaman mo ako. Pero kung iyan ang kaligayahan mo mag sawa gago.”_sabay patay ng cellphone nito.

Tapos na ang lahat para Kay Ramboi malalaman na ng lahat ang pinaka tago tago niyang sekreto dahil sa pangingi-alam ni Ren.

Nag absent noon ang isa sa mga dishwasher nila sa kusina, kaya naisipan ni Ram na doon na muna siya, at para makaiwas sa iba niyang mga kasamaan lalo na kay Renzy. Naka ramdam ito nang pagka ilang sa mga kasamahan simula nang pag balik nito mula sa pag absent. Pakiramdam niya binabalatan siya ng kanyang mga kasamahan kapag nakatingin ito sa kanya.

Hindi gaano ka tambak ang mga hugasan ,hindi pa naman ganoon ka rami ang kanilang customer, kaya kung ano ano na lang hinuhugasan nito, maging busy lang siya.

Habang nakalublob ang kamay nito sa sink na puno ng tubig, nakaramdam ito na tila may humawak sa kamay niya. Sa lalim ng kanyang iniisip hindi niya napansin ang paglapit ni Ren at pagtabi nito sa kanya.

“Tutulungan na kita gah, mukhang kanina ka pa kasi dito. Hinahanap ka na nila doon sa labas.”_pabulong at may lambing na boses galing kay Ren na bumasag sa pagkatulala ni Ram.

Nagulat ito nang mapansin na si Ren sa kanyang tabi at nakiki lublob na rin ng kamay nito sa sink. Nagalit si Ram sa ginawang pang aasar ni Ren sa kanya, iiwas sana ito pero nang inangat nito ang kamay sa sink, hawak na ito ni Ren na agad naman niya winaksi. Hindi parin umiimik si Ram, hindi nito pina pansin si Ren at kung ano ano na lang ang ina ayos nito sa wash area maiwas lang ang paningin kay Ren. Napahinto ito nang magsalita muli si Ren.

“Ang sarap mo pala ka holding hands gah, ang lambot ng mga kamay mo. Siguro masarap ka ring mag masahe nuh?”_biglang hirit ni Ren at nag pa igting ng pagkapikon ni Ram.

Sa sinabing yon ni Ren hindi na naka pagtimpi pa si Ram at isang malutong na sunok ang sinagot nito sa pambabastos ni Ren. Hindi naman ito nag pa utang at ginantihan din ang nauna. Nag pangbuno ang dalawa sa wash area. Nalaman iyon ng mga kasamahan nila sa kitchen kaya inawat silang dalawa. Nakarating ang insedente sa kanilang manager, at bilang parusa sa kanilang ginawa pinatawan sila ng fifteen days suspension. Mahaba ang ganoong suspension para kay Ram kaya hindi niya matanggap na dahil Kay Ren naranasan niya ito. Mas lalo itong nagkaroon ng malalim na galit sa kaalitan.

Bagamat suspendido kasama parin ang dalawa sa kanilang team building outing at dumating na ang araw na iyon. Halos kumpleto na ang lahat sa kanilang meeting place maliban sa dalawa. Naka abang na ang mini bus, at halos nakasakay na lahat at tanging hinihintay na lang pag dating ng dalawa. Naging minuto ang paghihintay ng lahat sa dalawa hanggang sa umabot na ng isang oras.

“Umalis na lang tayo sir, baka hindi na ang mga iyon sasama aabutin na tayo nito ng pananghalian kapag hihintayin pa natin ang mga iyon.”_mungkahi ni Aina

Paalis na ang service nila nang mapansin ni Dan ang tumatakbong si Ram at naka sunod naman ang nagmamadaling si Ren. Huminto ang bus para hintayin ang dalawa. Nang maka sampa ang dalawa, palakpakan ang lahat na nasa loob ng bus.

“Saan ba kayo galing dalawa? kayo na lang hinihintay. Nag date pa ba kayo?”_tanong na pabiro ng kanilang manager,sabay tawanan ang lahat.

“Mag tabi na lang kayong dalawa total huli naman kayo. Siguro naman nagka ayos na kayo.”_sabi pa ng manager, nagkatuksuhan na sa loob ng bus.

Buong byahe tahimik parin ang dalawa walang imikan, hindi rin sila nakikisabay sa kulitan ng mga kasamahan sa loob ng bus. Maging ang panunukso sa kanilang dalawa Hindi nila pinapansin. Mahaba haba ang biyahe papunta sa resort na kanilang pupuntahan kaya hindi maiiwasang ang makatulog ang ilan. At hindi naka ligtas ang dalawa sa antok. Hindi napigilan ang dalawa ang sarili nakatulog din sila. Dahil sa magkatabi ang kanilang upuan hindi maiiwasang mapasandal ang dalawa sa isa’t isa. Nasa balikat ni Ram ang ulo ni Ren na sarap na sarap sa kanyang tulog. Ganun din ang ulo ni Ram na naka sandal naman sa ulo ni Ren. Isang pagkakataon na hindi pinalampas ng kanilang mga kasamahan. Kanya kanya silang kuha ng picture sa tila sweet na moment ng dalawa Ramboi at Renzy.

Trust talk

Chapter 2

Nakarating na ang lahat sa kanilang napiling lugar para sa kanilang team building. Isa isa na nagsibabaan ang mga crew sa bus. Excited ang lahat sa mga magaganap na activities para sa buong araw. Unang naka baba ng bus si Renzy kay Ramboi. Ganun parin ang dalawa, walang kibuan walang imikan. Naka obserba lang ang kanilang manager sa kanilang dalawa.

Nang maka baba na ang lahat. Tinipon na ng kanilang manager ang buong team para mag bigay ng unang hamon para sa lahat.

“Ok team, siguradong gutom na ang lahat. Kung napapansin niyo lahat ng dala natin mga pagkain ay puro raw. Sinadya kong huwag kayo bigyan ng naka luto na dahil dito ko masusubukan ang diskarte at galing niyo sa pag handa ng ating makakain. Meron lang tayo ditong apat na main na sangkap para sa ihahanda niyo. At ito ang una nating activity para sa buong araw na ito. Dahil apat na station kayo kailangan ko ng leader sa bawat station para sa palabunutan kung anong main ingredient ang mapupunta sa inyo.”_pagsimula ng kanilang manager.

“Si Brian na sir para sa grill.”_pag mungkahi ni Tepen.

“Ako na sir para sa counter”_ bulontaryo ni Aina.

“Sir si Romar na po station namin”_sabat naman ni Joms para sa dining.

“Sa kitchen? Sino ang magiging leader?”_tanong ng manager nila nang napansing wala pa para sa kitchen station.

“Si Renzy na lang sir.”_biglang salita ni Ram sabay nguso kay Ren.

“Anong ako? Sir si Ramboi na lang sir mas may alam siya diyan. Siya naman talaga ang leader kaya siya na lang.”_pag tanggi ni Ren

“Si Renzy na sir, matagal niya na gustong mag leader leaderan sa grupo, kaya bigay na natin sa kanya ang moment na ito”_pag tulak pa ni Ram sa pangalan ni Ren.

“Alam niyo kayong dalawa matagal ko nang napapansin ang pag babangayan niyo. May problema ba kayo sa isa’t isa?”_puna ng manager.

“Wala sir, sige ako na lang sir”_labag sa kaloobang sagot ni Ram.

“Ok ,meron ako ditong mga naka rolyo na papel, bawat isa may naka sulat na pangalan ng menu, main ingredient at ang halaga ng pera na gagamitin niyo para ihanda ang napili niyong menu. Hinati ko na ito sa tatlo. Magsilapit na ang mga napiling leader para bumunot.”_

Pork menudo ang na kuha nila Ramboi, at meron lang silang limang daang pesos na budget para sa napiling menu. Sa nabunot palang na budget hindi na nagkasundo ang dalawa, Ram at Ren.

“Tang ina, five hundred? Kasya kaya iyan? Hindi mo kasi hinalo ng mabuti bago ka bumunot. Pagbunot palang palpak na.”_kumento ni Ren

“Eh di sana ikaw na lang nagpaka leader. Alam ko ba kung ano nakasulat doon? Puro ka reklamo”_sagot ni Ram sa kanya.

Muli nag bigay ng instructions ang kanilang manager. _“ilan sa inyo malaki at subra ang nakuhang budget para sa menu na napili. Ang iba sakto lang ang iba kulang ang budget para sa piling menu. Dito ko masusubukan kung paano niyo e budget ang mga napili niyong pera para dito. Mula dito may malapit na market sa labasan. Doon makakahanap kayo ng mga sahog na kailangan niyo. Pag kabigay ko nang hudyat punta agad doon. Meron lang kayong bente minutos para bilhin ang lahat ng kailangan at tatlopong minutos para ihanda ang menu. Para sa task na ito masusubukan dito ang diskarte at pagiging responsible niyo bilang bahagi ng inyong grupo. Kaya in three ,two, one…go.”_paghudyat na nag simula na ang task para sa bawat team.

Kanya kanya nang pulasan ang bawat grupo para sa unang task. Tinungo ang malapit na palengke.

“Ano pa ang tinatayo mo diyan? bilisan mo na puntahan na natin ang palengke.”_tawag ni Ren nang mapansing naka tayo pa sa labasan ng resort si Ram.

“Sasakay na tayo ng tricycle, hindi tayo aabutin sa oras kung mag lalakad lang tayo.”_sabi ni Ram.

“Mababawasan pa niyan ang budget natin. Anim tayo, alam mo ba magkano ang pamasahe dito, bente isa. Ano na lang matitira sa isasahog natin, ketchup? Mag isip ka nga. Leader ka pa naman”_paalala ni Ren kay Ram na naiinis.

“Alam niyo, tumatakbo ang oras. Ang iba sa atin nasa palengke na. Ano sa inyo kung hatiin na lang natin ang pera. Tapos mag kanya kanya na tayo sa mga bibilhin nating sangkap. Siguraduhin lang natin na pang menudo ang mabibili natin. Magkita na lang muli tayo dito.”_mungkahi pa ni Dan sa dalawa.

“Ito na lang sir Ram kayo na ni Mayet. Tapos si Dan at Ren naman magsama. Tapos ako at si Marvin, maiiwan dito para maihanda na ang paglulutuan.”_dagdag pa ni Micheal.

Nagkasundo ang lahat sa mungkahi ng mga kasama. Gamit ang hinating pera, nag kanya kanya na sina Ram at Ren.

Malapit na ang itinalagang oras para sa bawat team. Kanya kanya nang latag ng mga pinamili ang bawat grupo. Ang iba nag simula nang mag luto. Abala ang lahat. Nag mistulang cooking showdown ang unang task para sa buong team. Nasa proseso na nang pagluluto ang tatlong grupo. Samantala sa kitchen team, nasa proseso ang lahat sa pagtatalo.

“Akala ko ba nagka intindihan tayo kanina, na hati tayo sa bibilhing sahog? Nasaan na ang bawang, ang sibuyas ang sauce? Hindi ba kayo dapat ang naka tuka doon?”_galit na tanong ni Ram kay Ren ng mapansing parehas lang ang nabili nilang sahog.

“Ayusin mo nga iyang pananalita mo ha, hati lang tayo sa pagbili ng sangkap pero hindi mo binilin sa amin na ganito o ganyan ang bibilhin namin. Ang sabi mo sahog, kaya bumili kami ng sahog.”_at binagsak sa patungan ang mga nabiling sangkap. Saka umalis si Ren. Iniwan ang grupo at si Ram.

“Paano iyan sir, puro patatas at carrots lang nabili natin pareho? Paano pa natin lulutuin ang menudo natin?”_napakamot na lang ng ulo si Mayet.

“Hindi pa naman namin na hiwa ng maliliit itong pork sir, baka magagawan pa natin ito ng paraan.”_sabat ni Micheal.

“Balatan niyo na lang ang mga iyan, mag hahanap ako sa ibang grupo baka may subra silang sangkap doon. Gawin na lang natin itong puchero.”_malungkot na sagot ni Ram.

“Ako na ang mag hahanap sir, ano ba mga kakailanganin mo?”_nag presenta naman si Dan.

“Ako na hihiwa nitong karne sir, paano ba ito. Malalaki ba o malilit lang?”_si Marvin naman na agad nilinis ang karne para simulang hiwain.

Napa iling na lang sa pagka dismaya si Ram. Suwerte naman at lahat ng kailangan niya meron ang ibang grupo. Sa katunayan naging espesyal ang niluto nitong Puchero sa dami ng sahog na nilagay niya dito galing sa mga subra ng ibang mga grupo. Nanghinayang man sa umpisa, natuwa naman ang grupo ni Ram sa naging resulta ng kanilang niluto. Hindi man nila na achieve ang naka assign na menudo, isang espesyal namang menu ang hinanda nila sa tulong ng kanyang kasamahan sa kusina at ng iba pang station.

Oras na nang pananghalian at sabay sabay na nilang pagsasaluhan ang kani kanilang hinandang pagkain. Napansin ng kanilang manager na hindi nasunod ng team ni Ramboi ang naka assign sa kanilang menu. Pinuna niya ito.

“Ano ang nangyari sa menudo, bakit nagkaroon ng sabaw?”_napangiti ang manager

Agad naman nag depensa si Renzy, at sinisi sa pagkakamali si Ramboi.

“Nag mamarunong kasi ang leader namin sir, kaya hayan palpak.”_parinig ni Ren

“Sino ang pumalpak Ren? Si Ramboi lang ba o lahat kayo? Alam ko ang nangyari kaya wag mo sabihin sa akin kung sino ang may pagkakamali o wala. Ginawa ko ang pag subok na ito para sukatin kung gaano kayo kagaling humanap ng sulosyon kapag nahaharap kayo sa matinding kagipitan at nakaka stress na sitwasyon. Ikaw Ren saan ka noong nahaharap sa problema ang team mo? Hindi ba nasa videokehan ka lang umiinum? Para saan ba ang task na ito Hindi ba para sa team? Sa gitna ng kagipitan at pressure iniwan mo ang grupo mo. Pero sila, si Ram, nag isip kung paano masuloyunan ang pagkakamali ng inyong grupo. Kahit na hirap kayo sa kung paano gagawin ang task hindi sila nahihiyang humingi ng tulong sa iba niyo pang grupo. Dahil alam nila, na kahit magkakaiba man ang inyong area,ang station niyo , bahagi parin ang lahat ng isang grupo. At hindi ba tayo din naman lahat ang kakain ng mga ito. Kaya para sa akin, para sa unang task. Palak pakan natin ang grupo ni Ramboi dahil pinakita nila ang tunay na essence ng isang team. At maging proud ka don Ren, dahil bahagi ka ng kitchen. At in fairness sa hinanda niyong puchero ang sarap. Madagdag nga ito sa menu natin.”_nanliit at nakaramdamang hiya sa sarili si Ren dahil sa pangaral ng kanilang manager.

Masayang pinag saluhan ng lahat ang mga nakahandang pagkain. Kanya kanyang hanapan ng puwesto ang bawat isa. Bumukod si Ram sa karamihan gusto niya mapag isa. Dinadamdam parin nito ang salitang binitawan sa kanya ni Renzy. Ang mga pang iinsulto at paulit ulit na pang aasar sa kanya. Naawa si Ram sa sarili. Ni hindi niya man lang kayang ipag tanggol ang sarili Kay Ren kapag pinapahiya siya nito. Nasa isang cottage ito at mag isang kumakain. Nag iisip. Nang biglang mapalingon ito.

“Soft drinks, dinalhan kita baka kasi Hindi kapa naka kuha.”_pagkaabot nito ng soft drinks kay Ram.

“Salamat”_mahinang tugon ni Ram kay Ren.

“Sorry…sorry sa ginawa ko kanina.”_muling nag salita si Renzy

“Ayos lang, wala iyon. Bumalik kana sa kanila. Iwanan mo na ako dito. Baka magtalo na naman tayo.”_sagot ni Ram.

“Hindi seryuso ako, pasensiya na talaga sa mga ginagawa ko sa iyo. Actually hindi ko nga rin alam bakit ang sarap mo inisin at asarin. Pero promise last na iyon. Hindi na kita gagalitin pa”_dagdag pa ni Ren,

“Ayos lang naman kong gawin mo nang habbit ang pang iinsulto sa akin. Kasi sa totoo lang, sinasanay ko na ang sarili ko sa iyo. Dahil sa ayaw at sa gusto ko makakasama kita lagi, araw araw sa trabaho. Wala na akong choice.”_sagot nito sa pangako ni Ren.

“Huwag ka mag alala, hinding hindi na. Kung gusto mo bibigyan pa kita ng authority na sapakin ako, na sampalin ako, kapag ginawa ko pa ulit sa iyo iyon.”_

Napangiti nalang nang lihim si Ram sa sinabi ni Ren, sa loob loob niya nag karoon ng kunting tuwa siyang naramdaman sa mga sinabing iyon ni Ren. Ngunit may pag alangan parin ito kung totoo ba talaga si Ren sa mga sinabi niya. Lumipas ang mga oras at nagpatuloy ang ilan pang mga task at games para sa buong team. At na surpresa ang lahat na halos lahat ng puntos na kukuha ng team nina Ram at Ren.

Palubog na ang araw ng mag announce muli ang kanilang manager para sa isa na namang task.

“Ok same group parin tayo. Pero this time kailangan ko lang ng tig dadalawa sa bawat team. Ako na ang pumili para walang turuan. Para sa counter, sina Shiela at Aina. Sa dining sina Jomari at Romar. Sa grill Brian at David at sa kitchen si Ramboi at Renzy.”_

Agad nagmungkahi si Ram na kung maari iba na lang ang makakasama niya sa task._“sir ok lang ba kung kami na lang ni Mayet sir?”

“Nakapili na ako at final na iyon. Ok, sa task na ito, may mga itinago kaming clues o challenge sa lahat ng sulok dito sa resort. Ang goal ng task na ito ay masukat ang tiwala niyo sa isa’t isa at ang kahalagahan ng partner mo sa iyo. Kailangan makumpleto niyo ang task sa loob ng bente singko minutos na walang nakakaligtaang mga clues o challenge. Para sa unang clue o challenge. Pumili nang kapareha at piringan ito. Pagkatapos ituro sa kanya ang tamang daan na nakasulat sa papel gamit lamang ang dalawang utos, abante o atras at dalawang direksiyon na kaliwa o kanan. Ok go”_paghudyat ng manager

“Ako na ang mag uutos sa iyo.”_sabi ni Ren kay Ram habang hawak ang blind fold.

“Hindi ayuko, baka ano ano pa ang mapagtripan mong gawin. Ako na. Ikaw na mag blind fold”_tumanggi si Ram.

Hindi na naman nagkasundo ang dalawa. _“Ako na ikaw na mag blind fold, wala ka ba tiwala sa akin? Mananalo tayo nito”_pangungumbensi pa ni Ren.

“Talaga namang wala. Subukan mo lang lituhin ako para pag tripan. Malalagot ka talaga sa akin, makikita mo.”_ napapayag din sa wakas si Ram. Siya ang nakapiring at si Ren naman ang mag sisilbi nitong mata.

Bago mag umpisa ang dalawa may binulong pa si Renzy kay Ramboi.

“Magtiwala ka sa akin, Hindi kita pababayaan. Ako bahala sa iyo gah”_

Tumagos ang mahinang pag bulong na iyon sa puso ni Ram, tila may kung anong kuryenteng pinagapang ang mga salita na iyon sa tenga ni Ram papasok sa puso niya. Napangiti na lang ito nang kusa. Gumaan ang pakiramdam niya sa assurance ni Renzy.

Tatlong clues na lang at matatapos na sila sa task. Nag hukay silang dalawa sa buhangin. Isang plastic na itlog na naman ang nakuha nila. Binuksan ito ni Renzy at binasa kay Ramboi ang nakasulat sa papel na laman ng itlog.

“Sa ilalim ng bato sa tapat ng hinukay niyo kung saan nakita ang itlog. May naka ipit na lubid sa ilalim ng bato. Itali ito inyong mga paa, upang ang hakbang ng isa ay kaparehas ng Isa panatilihing naka piring ang isa habang hinahanap ang cottage na may nakabuhol na pulang laso. Nandoon ang pangalawa sa huling clue.”_ang laman ng sulat na binasa ni Ren.

Nang mahanap ang lubid agad binuhol iyon ni Renzy sa mga paa nila ni Ramboi. Sa puntong iyon ng laro nakaramdam ng pakailang sa ikikilos nito si Ram. Halos mag kadikit na silang dalawa. Hindi niya maintindihan ang sarili. Mas nagkadikitan pa ang dalawa nang niyapos ni Ren si Ram sa beywang para hindi sila matumba. Dumag dag pa sa pagkailang na nararamdaman ang mga hiyawan at kantiyawan ng mga kasamahan nila. May mga tumtukso sa kanila dahil sa subrang sweet ng kanilang ayos. Napansin ni Renzy na distracted na si Ramboi.

“Umayos ka, matutumba tayo. Kumalma ka lang, nagpapakahalata ka naman masyado. Kumapit ka sa beywang ko para hindi tayo matuba. Makiramdam ka lang ako ang mata mo. Mananalo ulit tayo.”_binulungan ulit ni Ren si Ram para kumalma ito. Napatango na lang isa at nagsimula na silang umabante.

“Sa akin ka lang makinig para makakarating agad tayo.”_dagdag pa ni Renzy.

Pinaubaya na lang ni Ram kay Ren ang laro. Hindi nga sila nahirapan malapit na nila matapos ang task. Nasa huling clue na sila para sa huling challenge. Isa na namang itlog ang natagpuan ng dalawa gaya nang dati si Renzy parin ang nagbasa ng clue para sa huling challenge.

“Congratulations at umabot na kayo sa puntong ito. Pinakita niyo ang solido niyong samahan at ang tiwala niyo sa isa’t isa. Para makamit ang nakatayang premyo. Kailangan niyo mamili sa inyong dalawa kung sino karapat dapat.”_ang nakasulat sa papel.

“Ano pa ang nakasulat? Iyan lang ba? saan ang next clue?”_tanong ni Ram kay Ren nang marinig ang binasa nito.

“Eh sa ito lang ang nakasulat. Baka ito lang talaga. Mamili na lang tayo.”_sagot naman ni Ren.

Sa akalang hanggang doon na lang ang task, tinanggal na ni Ram ang kanyang piring at tinanggal narin nila ang lubid na nakatali sa kanila. At nagkasundo kung sino ang karapatdapat sa kanila.

“Ikaw na tumapos, total ikaw naman simula kanina pa ang nag tatrabaho sa ating dalawa.”_at tinapik sa balikat ni Ram si Ren.

“Ikaw ,ikaw din naman ang leader ng team. Para din naman ito sa kitchen diba? Kaya ikaw na lang.”_inakbayan rin nito si Ram at nginitian.

Naputol ang dalawa nang mag sigawan ang mga kasamahan nila.

“Hoy! Bakit kayo tumigil? Hindi pa tapos ang task!”

Nagkatinginan ang dalawa, agad na kinuha ni Ram ang papel na hawak ni Ren. May napansin ito sa katapusan ng nakasulat. May nakaguhit na ekis na pula.

“Para sa ano ang pulang ekis na yan?”_usisa ni Ren.

“Ito ang clue, kailangan mahanap natin kung saan ito pero kailangan isa lang sa atin”_ang pagkaintindi ni Ram.

Nang biglang may sumigaw na sa kabilang grupo. Tanda na may nanalo na. Agad tinipon muli ng kanilang manager ang lahat. Lalo na ang mga kalahok sa task.

“Sinong team ang naunang ma solve ang task? Ang counter ba? Ang grill? Ang dining? O ang kitchen na naman? Surprisingly ang naging consistent sa lahat ng task natin ngayon. Palakpakan natin ang kitchen”_pag ka anunsiyo ng kanilang manager. At naghiyawan ang lahat.

Nagtaka sina Ram at Ren sa sinabi ng manager ang pagkaka alam nila hindi natapos ang task.

“Natataka siguro kayo kung bakit sina Ram at Ren ang nanalo sa task na ito. Sa simula pa lang sinabi ko na ang goal nitong laro. Ito ay ang masukat ang tiwala at kahalagahan niyo sa isa’t isa. Sinadya ko ring piliin ang mga kalahok batay mga pagkakakilala ko sa inyo. Sa ilang buwan simula mag sama tayo bilang isang team, bilang pamilya kahit papano nakilala ko na kayo. Paki tingnan ang likod ng mga blind niyo. Kung nag tataka kayo tunkol sa ekis sa huling clue. Sa simula pa lang bitbit niyo na iyan. Sa likod ng blind fold meron diyang na ka print na x. At gaya sa sinabi sa huling clue. Isa lang sa inyo ang maaring maging karapat dapat sa ekis na yan. At sa simula pa lang kayo na ang namili para sa mga kapareha niyo ayon sa tiwala niyo at pagkakakilala sa kanila.”_paliwanag ng manager sa kanila.

“Pero bakit sila sir ang nanalo, eh lahat naman kami namili sa mga partner namin. Ibig sabihin panalo din kami.”_paglilinaw na tanong ni Aina, dahil hindi niya nakuha ang punto ng task.

“Sa bawat pares na pinili ko. Isa sa bawat pares ay binigyan ko na ng ekis. At tanging sila Ramboi at Renzy lang ang naka tama nang pinili. Sa ating trabaho hindi lahat sa atin, alam ang magiging kapalaran ng mga kasamahan natin. Pero sa araw araw na nakakasama natin ang isa’t isa, may mga bagay tayong nakikita sa mga kasamahan natin na hindi nakikita ng iba. Hindi man natin kasundo ang ilan sa atin dahil sa pagkakaiba ng mga ugali’t pananaw natin. Sa kadahilanang tayo ay bahagi ng isang grupo kailangan natin eh acknowledge ang kakulangan at kakayahan ng ating mga kasama. At that concludes sa activity task natin ngayon. So enjoy na ulit team. Maligo na muli kayo doon. Malapit na dumilim. At mag handa na muli para sa last activity natin mamaya, ang open forum.”_

Napatingin si Ren kay Ram at ngumiti ito. Ganun din si Ram sa kanya. Tila tinuldukan na ng dalawa ang mga nakatayang hindi pag uunawaan. Nakahinga na rin ng maluwag si Ram, dahil sa wakas nagka ayos narin sila ni Ren. “Malaki talaga ang naitutulong ng ganitong mga team building para sa lahat.”_sa loob loob ni Ram

Madilim na at kanya kanyang puwesto na ang mga lalaki. Kaliwa’t kanan ang nag tatagayan. Ibang grupo din sa mga babae. Nasa isang kumpulan ng mga grill at dining si Renzy. At hindi maiwasang mapag usapan nila ang tungkol kina Ram at Ren. Unang nag tanong si Jimbo kay Ren.

“Pre, totoo bang ok na talaga kayo ni Ramboi. Kanina pa namin napapansin na panay ang dikit mo sa kanya. Kanina lang sa bus parang hindi kayo magkakilala.”_mga napansin ni Jimbo sa dalawa.

Hindi pa man nakasagot si Ren, nang sumabat na si Brian._“siyempre hindi, nakikipag plastikan lang itong si Renzy kay Ramboi. Alam niyo na para bumango bango din kay sir. Kita niyo naman. Simula pa kanina, puring puri na itong boss natin. Diskarte lang yan diba boss?”_at nag tawanan ang lahat.

“Alam niyo huwag na natin pag usapan iyan, baka marinig pa tayo. Sabihin pa nilang pinag chi-chismisan natin si Ram.”_tanging nasabi ni Ren.

“Pero ano ba talaga ang totoo pre, totoo bang bakla talaga si Ram?”_pasundot na tanong ni Jushua kay Ren.

Naging curious ang iba sa tanong ni Jushua. Napalunok ng laway si Ren. Hindi niya napaghandaan ang tanong na iyon sa kanya. Si Jushua lang ang tangi niyang sinabihan tungkol sa natuklasan niya sa cellphone ni Ramboi noong minsan nakita niya ito. Alangan si Ren sa tanong na iyon. Alam niya na kapag nagsalita siya masisira si Ram sa lahat. Lalo na sa mga kamahan nilang bilib at may pag galang kay Ram.

“Anong sabi mo? Bakla si Ram? Paano nangyari iyon eh boses palang pang bakulaw na. Hindi naman natin nakikitang pumipilantik ang mga daliri niya diba? Alam mo ikaw malalagot ka diyan sa pangbibintang mo.”_paalala ni Ken sa paratang ni Jushua.

“Si Renzy mismo ang nag sabi sa akin. Nakita niya daw sa cellphone ni Ram. Maraming naka save na mga videos na mga M2M.”_paglinaw pa ni Jushua.

“Anong M2M?”_tanong ng isa pa

“Man to man na scandal.”_sabat pa ng isa.

Nagkapalitan na ng kuro kuro. Kanya kanya ng hinala at obserbasyon ang iba. Bagamat walang paglilinaw mula kay Ren. Naging tampulan naman ng diskusyon ang pagiging malapit ni Ram sa mga kasamahan nilang babae kaysa sa mga kasamahan nitong lalaki. Ang hindi pagkahilig ni Ram sa larong basketball at pang lilibre nito sa mga kasamahang lalaki tuwing sahod. Gisang gisa sa usapan nila ang pangalan ni Ramboi.

Tumutulong sa pag aayos ng hapunan si Ramboi nang lapitan ito ni Romar. Sinimplehang kausapin ni Romar si Ram. Niyaya niya ito sa kabilang cottage kung saan nandoon din sina Micheal, Chin at Shiela. Sumama naman si Ram. Akala niya mag iinuman lang sila. Pero na gulat ito nang nilapitan siya nina Chin at Shiela saka niyakap. Napayakap din ito at nagtaka.

“Teka lang ano ang meron? Bakit may payakap? Dahil ba sa na grandslam namin ang task? Naku salamat sa inyo. Huwag kayo mag alala hahatian ko kayo mga napanalunan naming tsokolate.”_ang walang kamalay malay na si Ram.

“Aasahan mo, hindi mag babago ang pagtingin namin sa iyo. Nandito lang kami bilang mga kaibigan mo.”_pagkasabi ni Chin. Nagtaka lalo si Ram sa mga kinikilos ng mga kasama. Hindi na napigilan ni Micheal ang sarili at sinabi na nito kay Ram ang nalalaman.

“Pinag uusapan ka nila ni Renzy doon sa kabila. ang sekreto mo. Ginagawa ka na nilang pulutan. At si Renzy, hindi totoong ok na siya sa iyo. Nakikipag plastikan lang siya sa iyo para hindi na magalit si sir sa kanya.”_napaisip si Ram sa mga sinabi ni Micheal. At mas nabuwal pa ito sa kanyang kinatatayuan ng may sinabi pa si Romar.

“Pinag uusapan nila na bakla ka raw. At may ebidensya raw si Renzy. Nandoon ako kanina, nakikitagay sa kanila. Pero hindi ako makatagal dahil sa mga sinasabi nila sa iyo. Kaya umalis na lang ako. Sir, kailangan mo ipagtanggol ang sarili mo sa kanila lalo na kay Renzy na iyan. Paninirang puri ang ginagawa nila at labag iyon sa rules natin. Isumbong mo sila kay sir. Mas may right ka na gawin iyon kasi ikaw ang issue nila dito sir.”_napansin nalang nila Romar ang nangingilid na luha ni Ram, tanging yakap at pag comfort lang ang kaya nilang ibigay dito.

Napaupo na lang si Ram at napayuko na tila nawalan ng lakas dahil sa sinabi ng mga kasamahan. Inamin nito sa mga kasamahan na totoo ang mga marinig nila kina Renzy. Bakla nga ito. Ikinuwento nito kina Romar kung paano nalaman ni Ren ang tinatago niyang sekreto.

“Hindi naman sa tinatago ko ang pagkatao ko sa lahat. Sadyang hindi lang talaga ako ganoong klaseng bakla na nakasanayan ng lahat. Actually hindi naman ako nasasaktan kasi na nalaman ninyo na ang tungkol sa akin. Ang masaikit ang pagtingin nila sa akin na tila ang dumi dumi kong tao. Na tila wala akong karapatan mapabilang sa inyo.”_ang mulungkot at hinanakit ni Ram sa nangyari.

“Puwes ibahin mo kami sa kanila simula pa man may nararamdaman na kami sa iyo. Unang araw palang natin. Pero hindi na namin inopen up sa iyo iyon, kasi ang mahalaga naman sa amin ay ang pagiging mabuti mong kaibigan at pagiging leader, hindi sa kung ano ka.”_naging emosyonal na rin si Shiela.

“Tama si Shiela sir, at tanggap ka namin kahit ano kapa. Sir parin namin kayo. At aaminin ko sir noong unang training palang natin may alam na ako sa iyo. Pero hindi iyon nabago ang respeto ko sa iyo. Mas hinangaan pa kita. Lalo na noong hinawakan mo na ang kitchen at pinakita sa amin na magaling kang leader sir. Kaya hayaan mo sila. Nandito pa kami sir. Hindi ka namin iiwan.”_at niyakap ni Micheal si Ram.

Sa loob ni Ram, sapat na ang iilang mga kasamahan na tanggap siya at nananatiling may respeto at tapat sa kanya para lakasan ang loob na harapin pa ang mga mapanghusgang mata ng iba pa niyang mga kasamahan, lalo na kay Renzy.

Hapunan, napansin ni Renzy ang mailap na si Ramboi. Umiiwas ito sa tuwing lumalapit at dumidikit sa kanya si Ren. Ramdam ni Ren na may mali. Boodle fight ang set up ng hapunan. Malayo si Ram kay Ren at napansin ito ni Ren. Kaya umikot ito sa puwesto ni Ram at isiniksik ang sarili sa tabi nito. Kibit balikat lang si Ram na tila hindi napansin ang presensiya ni Ren. Nag simula na ang kainan. Patuloy lang sa pagkain ang lahat maging si Ram, sarap na sarap ito sa pagkain. Samantala si Ren naman panay ang pagpapansin nito sa isa, merong kakausapin niya ito. Pero hindi naman siya sinasagot ni Ram. Minsan naman kung ano ang dadamputin ni Ram iyon din ang dadamputin nito makuha lang ang atensyon ni Ram. Pero hindi iyon pinapansin ng isa. Maging ang pag subok na subuan si Ram pero ano mang gawing pagpapapansin ni Ren hindi ito umubra kay Ram.

Natapos ang lahat at pahinga na para humanda sa huling activity, ang open forum. Alam ni Ram na hindi papabor sa kanya ang mangyayari ngayong gabi kaya nag dahilan ito para hindi mapasali sa magaganap na open forum. Nag dahilan itong masakit ang tiyan at kailangan niya nang pahinga. Pumayag naman ang manager nila. Lumapit naman si Ren kay Ram para alalayan ito. Pero agad na lumapit si Romar kay Ram. Kay Romar nag pasama si Ram. Napakunot nuo so Ren sa nakita. Bumalik na lang ito sa sulok.

Hinatid ni Romar si Ram sa isang tent hindi kalayuan sa family hall kung saan naroon ang lahat ng mga kasamahan.

“Buti na lang at alert ka, ikaw ang lumapit.”_napangiti si Ram kay Romar.

“Mahirap na namahalata nila ang pag da drama mo. Oh ano ok kalang ba dito? Text mo lang kami kung guguluhin kapa ng Renzy na yon.”_sabi pa ni Romar

“Ayos lang ako dito salamat,salamat sa inyo. Bumalik ka na doon baka mag taka pa sila bakit natagalan ka. Baka ano pa isipin ng mga kasamahan natin.”_at pina balik na nito si Romar.

Nang mga sandaling iyon napaisip si Ram, bumabalik sa isipan niya ang mga ginawa sa kanya ni Ren lately, ang pag alok nito ng soft drink noong kumain sila ng pananghalian. Ang pag sorry nito sa kanya. Ang mga pabulong na pagpapaalala sa kanya nito noong ginagawa nila ang mga task. Ang mahigpit na yakap at hawak nito sa kanya para hindi sila matumba. Ang mga tawanan nila habang magkasama sa mga task. At ang minsanang tawag nito sa kanya na gah. Ang pina iksing palangga na ang ibig sabihin ay Mahal. Lahat ng iyon bumabalik sa isipan niya. Dagdag pa ang ginawang pagpapapansin nito kanina sa kanya habang kumakain. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Bakit si Ren ang tumatakbo sa isipan niya. Kahit ipilit pa niya sa sarili niya na masama si Ren dahil sa ginawa niyang pagpapakalat na bakla siya. Ang totoo sa loob niya. Hindi niya kayang mainis o magalit man lang sa tao.

May kung anong kuneksiyon si Renzy sa puso ni Ramboi na hindi niya maipaliwanag kung bakit. Maging si Renzy man kay Ram. Hindi rin nito maintindihan ang sarili kung bakit bigla itong nanlambot sa pakikitungo sa dating kaalitan. Batid ni Renzy ang kanyang pagkalalaki, at alam niya kung ano si Ramboi. Pero bakit hinahanap ng kanyang mga mata si Ram. Bagay na nagpapalito ng kanyang nararamdaman.

Natapos ang forum, balisa sa kina uupuan si Renzy, hindi ito halos nakikipag kuwentuhan sa mga katagay na kasamahan. Palingalinga ito na tila may hinahanap. Napansin ni Brian ang kanina pang ligalig na si Ren._“boss may hinahanap ka?”

“Si Romar nakita niyo? Kukunin ko sana ang power bank ko lowbat na kasi ako”_pag dadahilan ni Ren.

“Nakita kong pumasok na sa tent, matutulog na siguro.”_biglang sabat ni Jimbo.

Walang paalam na tumayo si Ren at iniwan ang mga kasama. May guhit ng inis sa kanyang mukha. Nakita niya kanina kung saan hinatid ni Romar si Ram. At agad niya tinungo ang tent na iyon. Nang nasa tapat na ito ng tent, wala tanong tanong at agad binuksan nito ang tent. Nagulat sina Ram at Romar nang makita si Ren. Napabangon sa pagkakahiga ang dalawa. Agad nag tanong si Ram kay Ren kung bakit siya naroon.

“Pasensiya na, kakamustahin lang sana kita. At mukhang ok ka naman. Kasama mo pala si Romar?”_paliwanag ni Renzy kay Ram.

“Kay Romar ang tent na ito, nakikitulog lang ako.”_sagot naman ni Ram.

“Ako na bahala kay Ram, pre. Huwag ka mag alala”_biglang sabat naman ni Romar.

Doon lang umalis si Renzy. Batid ni Ram ang iniisip nito. Alam niyang nag dududa si Ren na may ginagawa sila ni Romar sa loob ng tent. Napangiti na lang ito ng lihim. Lumalalim na ang gabi at bukas uuwi na sila. Babalik na naman sa nakakapagod pero masayang buhay crew.

Break Time

Chapter 3

Tahimik ang buong araw ni Ram, nakakabasag na katahimikan. Abala ang lahat pero tila walang ingay sa kanyang paligid. Pakiramdam niya nag iisa lang siya sa araw na iyon. Nakaramdam nang pagkailang si Ramboi sa mga nangyayari. Lumabas ito ng kusina at tinungo ang locker room. Nandoon si Michael sa loob.

“Naramdamdaman mo na ba?”_tanong ni Micheal

“Hayaan mo sila, kung ayaw nila sa akin wala akong paki-alam. Wala ka ba lakad mamaya? Kita tayo sa dating tambayan. Libre ko.”_sagot ni Ram na halatang may mabigat na dinadala.

“Gusto ko yan. Bakit hindi kaba closing mamaya?”_nang mapansin ni Micheal na nag liligpit ng gamit si Ram.

“Mag a- under time ako ngayon. May pupuntahan kasi ako. Kita na lang tayo doon mga seven.”_Ram

“May pupuntahan o gusto mo lang umiwas? Alam mo sir, hinding hindi ka makakaiwas sa kanila. Oo ngayon. Pero bukas, sa mga susunod pang bukas. Sir sa ayaw at sa gusto mo makakasama mo sila araw-araw. “_paglinaw ni Micheal

“Kasalanan ko ba? Hindi na ba ako karapat dapat dahil sa nalaman nila ang tungkol sa akin? Ang kikitid naman ng mga ulo nila. Ako parin naman ito ah. Pero parang ang tingin nila sa akin, may nakakahawa akong sakit kung maka-iwas sila.”_hindi na napigilan pa ni Ramboi ang sarili at napahagulgol na lang ito sa sulok.

Tanging yakap lang ang naging tugon ni Micheal sa nararamdaman ni Ram.  Maging siya naawa na rin sa kaibigan. Sa ganoong sitwasyon sila nang pumasok si Brian.

“Oy mahiya naman kayo, pati ba dito sa crew room ginagawan niyo na nang kahalayan. Respeto naman diyan sir. “_parinig ni Brian nang makita ang dalawa.

“Umayos kang gago ka! Ang dumi dumi ang iniisip mo. Dapat ka nga sa grill kasing itim ng uling ang  utak mo!”_napasagot si Micheal sa parinig ni Brian.

Hanggang sa nag pang abot ang dalawa. Nagkagulo ang tatlo sa loob ng crew room, dahilan para ma alarma ang mga kasamahan nila sa labas. Hanggang sa inawat sila. Nakarating sa kanilang manager ang pangyayari at agad silang pinatawag. Tatlong araw na hindi pumasok si Ramboi matapos ang kaganapang iyon.

Nagpapahinga si Ram, nang tumunog ang phone nito. May tumatawag. Hindi pamilyar sa kanya ang number. Sa pag aakalang na galing ito sa manager nila, agad niya itong sinagot. 

“Hello, bakit hindi ka pumasok? Na miss kana ng kitchen.”_si Renzy ang nasa kabilang linya.

Nang malaman ang nasa linya, hindi na sumagot pa si Ram at pinatay agad nito ang phone. Naka ilang tawag pa si Ren pero hindi na pinansin pa ni Ram ito.

Isang text message galing sa manager nito ang natanggap ni Ram. Ayaw pa man sana nitong pumasok pero dahil sa mensahe, napa payag ito. Mag hahanda kasi ang store para sa quarterly audit.

Maaga pa lang ang at nandoon na si Ram sa store,  sinigurado niyang siya ang mauuna sa pagpasok para iwas tukso sa mga kasamahan.  Pero tila may mas na una pa sa kanya.

Malayo palang pakaway kaway na sa kanya si Renzy.

“Good morning sir, excited naman masyado, ang aga natin ah. Naka pag kape ka na ba? Maaga pa naman, kape muna tayo diyan. Libre ko.”_Pag bati nito kay Ram.

Hindi man lang sumagot si Ram, na tila hindi niya narinig ang pag bati at alok sa kanya ni Ren.

Dumating na ang kanilang manager at nabuksan na Ang store, pero hindi man lang nag ka pansinan ang dalawa.

“We will have a meeting later, para pag handaan ang nalalapit na quarterly audit.  And I will expect your full cooperation. Dito naka salalay ang performance and  progress niyo. Ram, Ren…sa station niyo nakasalalay ang 80 percent ng result. Kaya magbati na kayo.”  Ang paalala ng kanilang manager.

Patuloy parin Ang takbo ng trabaho bagamat nandoon parin Ang gap at pagiwas ni Ram kay Ren.

Hapon, Oras na nang break ni Ramboi. Wala itong close na kasamahan na kasabay niya mag break. Kaya lumabas ito ng store at nag hanap ng malapit na makainan. Sa di kalayuan mayroong food village. Isa itong puwesto kung saan kumpulan ang lahat ng klaseng food stall. Nag bebenta ng street food, kapehan , karenderya at kung ano ano pang tindahan ng mga pagkain.

Abalang namimili ng ulam si Ram, nang may nag salita sa likod niya.

“Alam mo masarap ang kansi nila dito. Pati ang bulalo.” Si Ren na nasa likod lang pala nito.

Nang makita ni Ram si Ren umiwas ito at lumipat sa ibang bilihan. Nakabili na ng ulam at kanin si Ram at naghanap na ito ng mauupuan. Medyo punuan sa Oras na iyon. Buti na lang nakahanap ito ng puwesto.

Pa umpisa na sa pagkain si Ram nang may umupo sa tapat nito.

“Pa share ha, punuan na kasi. Buti may space pa dito. Oy parehas pa pala tayo ng ulam. Paburito mo rin pala ang kaldereta. Ako din, paborito ko talaga ito.” Si Ren, at nag simulang ilatag sa mesa ang pagkain nito.

Sige lang sa pag salita si Ren pero tila kinakausap lang nito ang hangin. Gusto  mang tumayo ni Ram para lumipat at umiwas muli, wala ng bakante sa paligid.

Saglit na tumayo si Ren at iniwan si Ram. Pagkabalik nito may dala na itong dalawang soft drinks.

“Dinalawa ko na, para sa iyo itong isa. Mukhang nakalimutan mo kasi ang pangtulak. Baka bigla kang mabulunan. Ang tahimik mo kasi masyado.”   Pagkalapag ni Ren ng dala nitong inumin.

Kakasabi pa lang ni Ren, at nabulunan nga si Ram. Wala nang nagawa pa si Ram, tutol man sa kalooban niya, kinuha nito ang bigay na soft drinks at ininum.

“See, buti na lang naiisip kong bilhan ka niyan.”

“Salamat,” ang walang kagana ganang tugon ni Ram sabay latag ng bente singko pesos sa mesa.

“Para saan iyan? Huwag mo nang bayaran libre ko na sa iyo iyan.” At binalik ni Ren ang pera kay Ram.

Nagpatuloy ang dalawa sa pagkain at hindi na nag usap pa. Naunang tumayo si Ram at lumabas sa kainan. Dali dali namang sumunod sa kanya si Ren.

Patawid na sana ng kalsada si Ram nang may dumaang kotse. Mabilis ang pagtakbo nito at kamuntikan na mahagip si Ram kung hindi lang ito hinila ni Ren . Natumba ang dalawa sa gilid ng kalsada.

“Salamat,” ang nasabi lang ni Ram at tumayo na ito.

“Wala iyon. Ok ka lang?” Pag alalang tanong ni Ren.

“Ayos lang ako. Salamat uli.” At tumawid muli si Ram.

Patapos na Ang shift ng dalawa. Alas singko na nang hapon. Unang nag time out si Ren dumeritso ito sa locker room para mag palit ng damit. Subrang dungis at basa na ng pawis ang suot nitong uniporme kaya hinubad niya ito. Saka nag punas ng katawan. Sakto namang sa araw na iyon dumating ang inorder nitong short na hulugan. Siya pa lang ang tao sa locker room, kaya naisipan niya itong isukat. Pantalong hapit ang pambabang uniporme ni Ren kaya medyo nahirapan itong maghubad. Nasa tuhod na nito ang pantalon nang may pumasok bigla sa loob. Si Ram na pa out na rin nang Oras na iyon.

“Sorry hindi ko alam na may tao.” Umiwas ng tingin si Ram nang makita ang ayos ni Ren, naka brief lang ito at naka baba ang pantalon sa tuhod.

“Kukunin ko lang ang bag ko sa c.r. na ako magpapalit.” Magkatabi ang locker nila ni Ren. At maliit lang ang espasyo ng locker room. Kung kukunin ni Ram ang kanyang gamit sa kanyang locker hindi imposibleng hindi niya madaanan si Ren. At kapag ganun. Masasagi niya ang hubad na ayos nito. Alam iyon ni Ren kaya hindi man lang ito nag ayos,at hinayaang naka baba parin Ang pantalon nito.

“Sige lang, Kunin mo lang ang bag, dito lang ako.” Sumandal pa si Ren sa locker nito.

“Sige huwag na lang hihintayin ko na lang sa labas matapos ka.“akmang lalabas si Ram.

“Matatagalan pa ako dito. Baka mainip ka. Kunin mo na lang ngayon.” Pag uudyok pa ni Ren.

“Paabot na lang ng bag ko, ito ang susi” at inabot kay Ren ang susi ng locker nito.

“Sorry pero bawal sa rules ang mangialam sa pag aari ng iba. Kaya ikaw na kumuha.”

Naiinis na si Ram, pero nag Patay malisya na lang ito at maingat na nilapitan ang kanyang locker. Halos magka dikit na magkaharap ang dalawa. Ramdam na halos ng dalawa ang bawat nilang hininga. Ingat na ingat si Ram na huwag masagi ng kanyang balat ang balat ni Ren. Pagka kuha nito ng bag. Muli nitong sinara ang locker. Ngunit sa kanyang matipid na galaw, na laglag sa sahig ang kanyang susi at lock.

Natigilan ito, nagkatitigan ang dalawa. Kapag dinampot ni Ram ang kanyang susi ,masasagi nito si Ren. Kaya hinayaan niya na lang ito at nag mamadaling lumabas. Palabas na ito nang bigla namang nagka brownout.

Sa dilim ng silid napakapa si Ram, at may na kapa ito.“tsk tsk tsk hindi yan door knob.” Nang maramdaman iyon ni Ren.

Walang imik si Ram at kinapa muli ang pintuan at lumabas dahil sa hiya. Sa c.r. na nito tinuloy ang pagbibihis.

Nag aabang na ng jeep si Ram sa sakayan pauwi nang pumara sa tabi nito si Ren. “Punuan ang mga jeep ngayon. Matatagalan ka dito sa kakahintay.  Umangkas ka na lang sa akin. Hatid na kita sa inyo.” Alok ni Ren nang makita si Ram.

“Ayos lang ako dito, salamat na lang. May dadaanan pa ako. Hindi pa ako uuwi.” Pagtanggi ni Ram kay Ren.

“Sakto, mukhang tamad din akong umuwi ngayon. Masyado pang maaga. Samahan na lang kita. Saan ba punta mo?” Pamimilit ni Ren.

“Basta malayo at baka gagabihin ako. Mauna ka na. Salamat na lang.” Pag tanggi uli ni Ram.

Hindi na pinilit pa ni Ren si Ram matapos mag paalam dito, pinaharurot na nito ang motor.

Quarter to seven na nang Gabi pero nandoon parin sa hintayan ng jeep si Ram. Lumapit ito sa nagbibenta ng sigarilyo sa gilid ng waiting shed.

“Kuya, bakit walang pumaparadang jeep dito? Kanina pa ako dito wala man lang pumapara.” Tanong nito.

“Naku sir hindi kaba nanunood ng tv? May re -routing , bawal na dito mag baba o mag sakay ng pasahero. Nilipat sa kabila ang sakayan. Marami nga ang nabadtrip kaninang umaga. Bilisan mo lang doon sa kabila sir. Baka makahabol kapa. Hanggang alas siete lang ang rota ng mga jeep ngayon dahil may strike bukas” ang paliwanag pa ng tindero kay Ramboi.

“Paano ito ,malapit na mag seven. Sana sumabay na lang ako kay Renz kanina. Ginabi pa tuloy ako. Buwesit.” Sabi ni Ram sa sarili.

Nagmamadali ito para ma abutan ang natitirang jeep sa sakayan. Ngunit nanglumo ito nang wala na itong na abutang jeep. Agad dinukot ni Ram ang dalang wallet.“putragis, kulang pa pang tricycle itong pera ko. Paano pa ako mag ta-taxi nito.” Ang problemadong si Ram. Nag babakasakali parin si Ram na may masasakyan ito.

Tumagal pa ng ilang minuto ngunit wala na talagang masakyan.

“Pauwi na ba? Mukhang iniwanan kana ng mga jeep ah.” Si Renzy sakay ng kanyang motor na pumara kay Ram.

“Ikaw pala, hindi kapa pala naka uwi.” Nang mapansin ni Ram si Ren.

“Galing ako kina Kit, naki- birthday. Ikaw nakarating ka ba sa pinuntahan mo?” Tanong ni Ren.

“Oo, galing na ako doon. Papauwi narin sana pero mukhang wala ng sasakyan. Hindi ko alam na may strike pa pala bukas.” Sagot ni Ram.

“Sakay na ,hatid na kita sa inyo. Wala ng masyadong tao dito. Baka mapag tripan kapa ng mga rugbi boys dito.” Inalok na lang ni Ren si Ram ng libreng sakay.

Hindi na tumanggi pa si Ram at agad itong umangkas kay Ren.“kumapit ka sa beywang ko,baka mahulog ka sa akin. Ibig kong sabihin sa motor.” Isang ngiti pa kay Ram, sabay patakbo na ng motor nito.

Habang naka angkas si Ram nakaramdam ito ng ilang. Sa likuran ng motor ito kumakapit at hindi kay Ren, iniiwasan din nitong madikit masyado ang katawan nito kay Ren kaya halos nasa puwetan na ng motor ito naka upo. Napansin iyon ni Renzy.

“Huwag ka masyadong, mag-lilikot diyan umusog ka sa likod ko, baka tumba tayo.” utos pa ni Ren, na ginawa naman ni Ram.

May kalayuan din ang lugar nina Ram at kailan pa makauwi ng maaga ni Renzy kaya binilisan nito ang pagpapatakbo ng motor.  Kinabahan si Ram nang muntikan na itong mabuwal sa pagkakaupo kaya napahawak ito sa beywang ni Ren at napa-higpit ang ang pagka-kapit nito dito. Lihim na napangiti si Ren at mas pinabilib pa ang takbo para madikit lalo sa kanya si Ram.

Nang maihatid na ni Renzy si Ram may kinuha ito sa kanyang bag at ibinigay kay Ram.

“Ano ito?”

“Ballpen,bakit  ngayon ka lang ba nakakita ng ballpen? sabagay madalas kasi malaking marker hawak mo.” biro pa ni Renz, at tumawa ito.

“Gago, akala mo hindi ko alam ang pinupunto mo. Sa iyo na iyang ballpen mo, marami ako niyan mahahaba pa.”

“ito naman di na mabiro, sa iyo iyan parehas tayo” sabay labas pa ni Ren ng isa pa sa kanyang bag.

Alam ni Ren na mahilig mangolekta ng ibat ibang uri at design ng ballpen si Ram, isa pa madalas gumagamit talaga nito si Ram sa trabaho.

“Dumaan ako sa bookstore kanina, nakita ko iyan tapos naiisip kita. Sige , kailangan ko nang umuwi kita na lang tayo bukas.”  At nagpaalam na si Renzy kay Ram.

Nanatili lang doon si Ram habang sinusundan ng tingin ang papalayo ng si Ren. Lihim itong napangiti habang tinitingnan ang hawak na ballpen. Hindi mawari ni Ram ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.  Bigla na wala ang mga agam-agam niyo sa sinseridad ni Ren sa pakikipag ayos sa kanya.

“Uy Ren, ano ba ang nginiti-ngiti mo diyan? May nakakatawa ba sa kinakain mo?” puna ng nanay ni Ren nang makita nitong napapangiti ang anak habang kumakain ng hapunan.

“May naisip lang nay.”

“Sino si Maylene? nagkita na ba kayo? “

“Bakit nay?”

“Wala naman, pumunta kasi siya dito tapos nagdala ng mga chocolates, sabon,mga shampoo at pabango galing abroad. Umuwi na daw ang Kuya niya galing Japan. Ren tapatin mo nga ako, nagalaw mo na ba iyang si Maylene?” saad pa ng ina.

“Si nanay ang bastos, anong klaseng tanong iyan? Kailangan ko pa ba ipaalam sa inyo kung may nangyari na sa amin?” napakamot na tanong ni Ren sa ina.

“Kailangan, paano kung mabuntis mo? Handa ka na ba maging asawa, o maging tatay? Alalahanin mo mahirap ang mag-buo ng pamilya. Huwag mong asahan ang sahod mo diyan sa trabaho mo, sa sarili mo pa lang kulang na. Kaya kung may plano kang araruhin ang bukirin ni Maylene, abay magsimula ka nang mag ipon.”

“si nanay parang ewan ‘to. kanina lang ang sarap-sarap ng naiisip ko biglang binasag. At huwag ka mag alala nay , bakla ang aasawahin ko para walang problema, may pang sustento ka pa sa tong-its’ “ ani pa ni Renz na biniro pa ang ina.

Napikon ang ina sa biro ng anak kaya nabatukan nito si Renzy. “puro ka kalokohan,  bilisan mo na ang pagkain diyan at hugasan mo bago ka matulog.”

Bunso sa kaniyang mga kapatid si Renzy, maagang nag si asawa ang mga ate at kuya nito. At nakita ni lahat ni Renzy ang hirap na pinagdaanan ng mga kapatid niya.Kaya ganun na lang kung pangaralan ito ng kanyang ina.

Malalim na ang gabi ngunit hindi parin madapuan ng antok si Renz, naka-ubos na ito ng isang bote ng beer pero hindi rin tumatalab sa kanya.  Himashimas nito ang upuan ng kanyang motor habang nakangiti. 

Bumabalik sa isip nito ang reaksyon ni Ram nang pinatakbo nito ng mabilis ang kanyang motor. Lalo na nang mapayakap na ito sa kanya ng mahigpit dahil sa takot. Naisipan nitong kulitin si Ram, tinawagan niya ito, na agad namang sinagot ng isa.

“Wala bang orasan diyan sa inyo? alas dose na ng hatinggabi gabi nang-iistorbo ka pa ng tao.” Ang tugon agad ni Ram.

“Ang naiistorbo ay ang tulog, eh gising ka naman ah. Bakit ba ang sungit mo sa akin, mabait naman ako sa iyo,nilibre kita, niligtas kita, at hinatid pa kita sa inyo.”  sabat pa ni Renzy.

“Hindi ka pa ba nabingi sa mga thank you ko? Hayaan mo sa sahod, ako na naman lilibre sa iyo, tapos aabangan ko ang pagtawid mo ,para masagip din kita at pag nakuha ko na ang motor ko, ako naman maghahatid sa iyo, para quits na tayo. Ayos ba iyon?”  sabi pa ni Ram , sa sarkastikong sagot.

“Ang sarap mo talagang asarin, alam mo ba iyon? Siguro pag naging tayo, ang saya siguro ng harutan natin. Pikonin ka kasi.” ayon pa  sa komento ni Renzy.

“As if naman papatol ako sa iyo. Kahit ganito ako may taste din naman ako nuh. At hindi ang tipo mo ang ang magugustuhan ng panlasa ko.” agarang pagbara naman ni Ram sa sinabi sa kanya ni Ren.

“Huwag kang magsalita ng tapos, baka pag natikman mo iyong ano ko, baka hahanap-hanapin mo ang lasa nito.”  tawang-tawa na sagot pa ni Renz.

“Bastos mo rin talaga nuh, sabagay kita naman sa mukha.”

“Anong kita, nahawakan mo pa nga diba? Pinihit mo pa nga dahil napagkamalan mong door knob “ Ang hirit pa ni Renz.

Humaba na ng humaba ang usapan ng dalawa, di na nila namalayang naka ilang oras na silang nakababad sa cellphone. Tsaka lang naputol ang usapan ng dalawa nang tumila-ok na ang mga manok.

Kinabukasan na late si Renzy ng dating sa trabaho. Marami ng pending na order nang pumasok ito sa station niya. Inabutan nito si Ram na pawis na pawis at tila hirap na sa mga gagawin at uunahin. Subrang dami ng kanilang customer ng araw na iyon kaya abala ang lahat ng crew.

Pero bukod sa nilalabanang pagod, matindi din ang pag laban ni Ram sa kanyang antok, kaya nang dumating ang oras ng kanyang break, diretso agad ito sa locker room at sumiksik sa isang sulok para umidlip.

“Napansin mo si Ram?,  ten minutes na lang at tapos na ang break ah.” tanong ni Renz kay Shiela nang hanapin ito si Ram.

“Nasa locker room yata, pero baka lumabas din.” sagot ni Shiela.

Napansin ni Ren na nagtatawanan sina Joshua at Brian na kalalabas lang ng locker room. Agad niya tinanong ang mga ito kung naroon ba sa loob ng locker room si Ram. Ngunit nakakalokong hagikhikan ang tugon sa kanya ng kaibigan.

Tinungo ni Renz ang locker room at binuksan ang ilaw sa loob.  Naroon nga si Ram at mahimbing parin ang tulog.  Napakunot na lang ang nuo ni Renzy nang makita ang kalokohang ginawa ng dalawa sa mukha ni Ram. Gamit ang marker ginuhitan nila ng titi ang magkabilaang pisngi ni Ram na ang mga ulo pa ng mga ito nakatuon sa direksyon ng bibig nito.

Subrang himbing ng tulog ni Ram na hindi nito namalayang pinag tri-pan na ng mga kasamahan ang mukha nito.  Lumabas ng locker room si Renzy para kumuha ng bulak at alcohol. Binalikan niyo si Ram at sinubukang burahin ang drawing sa mukha nito.  Dahil sa pagkiskis nito ng bulak na may alcohol sa mukha ni Ram para lang mabura ang drawing, nagising si Ram.

Nagalit naman si Ram sa ginagawa sa kanya ni Renz, inakala nitong pinagti-tripan na naman ito ng isa. Hindi tuloy tuluyang nabura ni Renz ang nasa mukha ni Ram. Bagaman umimpis ang mga linya, makikita ang bakas ng titi sa pisngi nito.

Gusto pa sanang magpaliwanag ni Renz, ngunit inunahan na ito ni Ram ng galit.  Nang mapansin ni Ram na patapos na ang kanyang break, hinablot nito ang naka sukbit na uniform at lumabas ng locker room para sa c.r. na magpalit.

Pinigilan ito ni Renz na huwag munang lumabas dahil sa mukha niya, ngunit hindi ito pinansin ni Ram at pabalya pa nitong sinara ang pintuan ng locker room.

Pagkalabas pa ni Ram, nagtaka ito kung bakit nagtatawanan ang mga kasamahan nito nang napatingin sa kanya.  Dali-dali naman itong kinapa ang mukha at agad na pumasok ng banyo. Doon nga napamura talaga ito nang makita ang drawing na titi sa mukha nito. Pilit nitong tinatanggal ng hand soap ang nasa pisngi ngunit hindi talaga ito mabura ng tudo. Namula na ang pisngi nito sa kakahilod ng kanyang palad ngunit nananatili ang bakat.

Si Renzy ang pinagbintangan nitong may gawa nun sa kanya. Kaya pagkalabas nito sa c.r. agad itong lumapit sa manager at nagsumbong.

Kaya napatawag agad si Renzy,  sermon at warning ang inabot ni Renz sa inakalang pam-bubully nito kay Ram.Ngunit ng mahimasmasan si Ram matapos marinig ang side ni Renz,nahiya ito sa kanyang ginawa at humihingi ng tawad dito.

“Sorry? ganun na lang iyon, matapos mo ako pagbintangan at ipahiya. Matapos ako sabunin ng sermon ng ating manager, sorry? Ako na itong magmamagandang-loob sa iyo, ako parin ang masama sa paningin mo. Ano ka ba sa tingin mo, special. Oo nga pala, SIR NGA PALA KITA.” ang galit na turan ni Renz kay Ram bago ito lumabas ng locker room.

Dinibdib ng husto ni Renz ang nangyari lalo pa’t nag bigay na ng warning sa kanya ang manager.  Sa isang pagkakamali pa at suspension na ang kasunod na ipapataw sa kanya. Bully ang turing ng karamihan kay Renzy, bukod sa mahilig nga itong mang asar, promotor din naman kasi ito ng mga kalokohan at pranks lalo na sa mga bagong pasok na crew. Kaya naman kahit hindi naman siya kasali, dawit parin ang kanyang pangalan.

Muling nagkaroon ng di magandang samahan sina Ram at Renzy.

Unserved Feeling

Chapter 4

Mahaba-habang tampuhan ang namagitan sa dalawa, Ram at Renzy.  Kung para sa dalawa normal lang iyon, sa mga kasamahan nila sa station hindi.

Tambak na ang mga orders, ngunit tila walang ganang kumilos ang dalawa sa loob. Walang imikan. Animoy mga pipi na nag sisinyasan lang ang mga ito sa isa’t isa.  Kung minsan pa pinapadaan pa sa iba ang mga bagay na abot naman nila.

“Marv, paki dala nga niyang breading mix dito. Kailangan na ng refill ang mga container rito.” utos ni Ram kay Marvin na nagbabalot ng kanin.

“Renz,ikaw na mag abot kay sir ng breading mix ikaw malapit diyan uy.” ani pa ni Marvin.

“Nakita mong may ginagawa din ako. Pakuha mo kay Jimbo. Kagaan-gaan nag uutos. Nakatayo lang naman.” parinig na sabat ni Renzy.

“Kung ginagawa niyo ba ang trabaho niyo araw-araw, eh di sana hindi nababakante ang mga lagayan dito. Sana wala nang uutusan. Alam niyo naman na oras-oras ginagamit dito iyan. “ pagpaparinig din ni Ram .

“Sana din lang, magkusa naman ang walang ginagawa, hindi porke’t may posisyon eh mag-uutos na lang. Crew po tayo dito hindi manager. At parehas lang po tayo ng sahod, kaya wag naman sanang abusado.” ayon naman kay Ren.

“Alam niyo kung ganyan lang din kayong dalawa, mabuti pa maghiwalay na lang kayo ng station. Pati kami dito na kasama niyo sa loob,naririndi na sa mga kaartehan niyo.” Saway na ni Aira sa dalawa.

Doon palang nahinto ang pagpaparinigan ng dalawa, umabot na sa manager ang ginagawa ng dalawa. Dahil na rin sa mga reklamo at sumbong ng mga kasamahan. Ipinatawag sina Ram at Renzy para sa isang closure meeting.  Kasama ang mga personnel nila sa station.

“Nalalapit na ang audit, at ayoko na ng dahil sa bangayan niyong dalawa, mag suffer ang operation at maapektuhan ang performance rating natin. Kaya kung hindi niyo kayang mag-ayos ngayon, better say it. Para mapalitan ko agad kayo. Maraming may mga potensyal diyan, but I choose you both kasi nakita ko ang dedikasyon niyo at Chemistry sa trabaho. Lalo ka na Ram. Leader ka ng team, act like one.  At ikaw Renz, huwag mong i-minus ang pagiging assistant mo, may spark ka na maging leader kaya, mag paka-mature ka. Hindi laro ang trabaho.” mga punto ng kanilang manager habang ,kinakausap ang dalawa.

Sa bandang huli nagkasundo sina Ram at Renzy na isantabi muna ang kung ano mang di nila pagkakaunawaan.  Sa harap ng kanilang manager at sa harap ng mga kasamahan nag kamayan ang dalawa at nagyakapan pa, tanda na tapos na at selyado na ang gap sa pagitan nila.

Ngunit ang lahat ng iyon ay mga palabas lang pala.

Nagkayayaan mag billiards sina Renzy, Brian, at Ariel sa kanilang break. Nasa likod lang naman ng kanilang pinagtatrabahuan iyon. Kaya agad naman silang makakabalik sa tamang oras.

“Talaga bang nag patalo ka na sa bakla na iyon tol?”  tanong ni Brian kay Renzy na pumuporma para sumargo ng tira.

“Sinakyan ko lang, hanggang audit lang din naman. Lakas ng kapit nun sa manager palibhasa kapwa binabae.” sagot ni Renzy sabay tira, lima agad ang naipasok nitong bola.

“Plastik mo pre, kung hindi pa namin alam, may pahatid-hatid ka pang nalalaman kay Ram. Nakita kayo ni Josh na nakaangkas sa iyo si Ram.” sabat ni Ariel.

“Isang beses lang iyon,pampalubag ko lang iyon dahil sa pagpapakalat ni Josh ng chismis tungkol sa kanya, nakasalanan ko din naman.” ani pa ni Renz

Nagkumento naman si Brian na wala namang mali sa ginawang paglantad noon ni Renz sa sekreto ni Ram, dahil totoo din naman daw iyon. Naging pampalipas oras ng tatlo ang pagkuwentuhan si Ram at ang mga kasamahan nila sa trabaho na kampi dito. Nakalimutan na nila na May trabaho pa silang babalikan.

“Wala pa ba si Renz?”  tanong ni Ram kay Jimbo.

“Wala pa nga eh pati si Ariel , malamang magkasama na naman ang mga iyon sir. Kainis naman kung kelan na kailangan ko makauwi ng maaga dahil birthday ng baby ko, tsaka naman sila nag loko.” Ang sagot ni Jimbo, na kanina pang kating-kati na umuwi dahil kanina pa ang out nito. Napa extend na lang ito dahil walang papalit sa kanya, dahil wala pa si Ariel.

“sige na Jim, ako na diyan. Mag out ka na, hapon na tiyak naghihintay na ang asawa mo at baby sa inyo.”

“sure ka sir, eh out mo din ah.”

Tulad ni Jimbo, dapat out na rin ni Ram ngunit dahil wala pa sina Renz at Ariel napilitan na lang ito na mag extend ng oras sa trabaho, nagbabakasakaling na late lang ang dalawa. Ngunit umabot na ng isang oras mahigit, wala parin ang mga hinihintay. Nagpasya na ang manager na hindi papapasukin ang dalawa at suspendihin ang mga ito ng three days dahil sa pag awol.

Tatlong araw na maayos ang takbo ng station ni Ram, tatlong araw na walang Renz na kainisan, at tatlong araw na pangungulila sa isang taong kanyang kabanayan.

“Ano ang mukha na iyan? Bakit ang lungkot mo kahapon lang ang sahod ah.” puna ni Chin sa kaibigan

“Masama lang pakiramdam ko, mukhang lalagnatin yata ako.” ani pa ni Ram.

“Teka si Renz ba iyon ,akala ko hanggang ngayon ang suspensyon niya.” sambit ni Chin na tila may tinitingnan sa labas ng entrance.

“saan,wala naman ah,?” napalingon naman si Ram, at hinanap pa si Renz ng kanyang tingin.

“Chusera ’to, may lagnat ka nga.  nakikita ko ang symptom ng” I miss you virus“ sa iyo. Kunwari kapang di mo feel si Renz pero lungkot -lungkutan ka naman diyan. three days lang po sir, just to remind you. Bukas magkikita na muli kayo.“ pagbasag ni Chin sa pag i-emote ni Ram.

“Anong miss , pagod lang talaga ako, dapat day off ko ngayon pero nandito ako. At wala akong paki-alam kung di na bumalik dito iyon. Sana nga lang di na talaga iyon magpakita dito.” ayon pa kay Ram.

“Aba grabe siya, ganong level talaga ang wish mo sa kanya? Mag jowa kayo? Kung makaarte ka diyan. Mabait naman iyang si Renz pag di sinusumpong ng kapilyuhan. Lahat naman dito mababait maloko lang talaga. Ikaw naman kasi, mapagpatol din. Tuloy nawiwili na silang asarin ka.” kumento pa nitong si Chin.

Nasa food ang mga ito at kasalukuyang naka -break. Sa kanilang pag uusap ni Ram, napagtanto naman ng lalake na talaga namang walang patutunguhang mabuti kung patuloy lang ito papatol kay Renz at sa mga kaibigan nito. Dahil sa ayaw at sa gusto niya, habang mag kasama sila sa trabaho, sila parin ang magiging tag-team nito sa araw-araw lalo na si Renz na assistant pa man din niya sa iisang station.

Dumating ang araw ng pag-balik trabaho ni Renz, bungad pa lang ng umaga masigla na si Ram na ginagampanan ang kanyang trabaho. May ibang galak sa mga kilos nito. Ganadong-ganado. At hindi iyon lingid sa mga malalapit nitong kasamahan.

Ngunit habang umuusad ang mga oras, lumalamlam ang sigla nito. At mas lalo itong nabawasan ng may sinabi ang manager nila sa kanya na kinabagsak ng balikat nito.

“Hindi makakapasok ngayon si Renz, tumawag dito ang nanay niya,nasa hospital si Renz na admit dahil sa dehydration. Pa adjust na lang ng team mo baka next week na siya papasok, depende sa fit to work clearance niya mula sa doctor”

Nabalot ng pag-alala ang reaksyon ni Ram. Nais nitong puntahan agad si Renz at kamustahin, ngunit pinipigilan ito ng kanyang pride. Hindi rin maiwasan mapa-tanong ito sa sarili kung bakit ganun na lang ang pag-aalala nito kay Renz. Pagka-out nito kinahapunan agad nitong pinadalhan ng mensahe si Renzy para kamustahin. Naghintay ito ng reply ngunit,… wala.

Hindi ito mapakali, nasa isip ni Ram ang kalagayan ni Renzy. Natagpuan na lang nito ang sarili na nasa tapat na ng hospital kung saan na admit si Renz. Pumasok ito doon at tuloy-tuloy sa admin section para alamin ang silid ng kasamahan.

“Nasa ward 205 si Renzy Hizon sir, kaliwa po kayo sa hallway na iyan tapos sa dulo sa tapat ng pharmacy.”  pagbigay naman ng direksiyon ng nurse kay Ram.

Mabilis ang mga hakbang ni Ram. Agad nitong natunton ang ward na kinaroroonan ni Renz. Napasilip ito sa loob ngunit hindi nito makita ang higaan ni Renz dahil sa mga nakaharang na mga green na kurtina sa bawat kama. Palinga-linga ito sa bawat sulok baka sakaling mag bukas ang isa sa mga kurtina doon nang may nagsalita mula sa likuran nito at tinatanong kung sino ba daw ang hinahanap nito na agad namang sinagot ni Ram.

“kasamahan ka pala ng anak ko. Mukhang maayos naman siya, pero mahina parin. Kung ano-ano kasi ang kinakain kahit hilaw. Nakipag birthday iyan kahapon, ang sabi namulutan daw sila ng kilawin na isda. Kinagabihan pabalik-balik na ng banyo, hanggang kaninang umaga, wala ng tigil. Namumutla na siya kaya sinugod na namin dito. Sabi ng doktor food poison daw.”_salaysay pa ng ina ni Renz kay Ram habang pinagmamasdan nila ang natutulog na pasyente.

“Hanggang kelan pa ba dito si Renzy, nay?” naitanong ni Ram

“Kapag umayos na siya mamaya, baka bukas lalabas na kami.Problema nito may gamot na pinapapili ang doktor. Galing ako ng ATM machine pero hindi ko na withdraw ang sahod niya, namali ang pin na napindot ko.”

“Ito nay, ibili niyo muna ng gamot si Renz ako na muna bahala dito.” mabilis na dumukot ng pera si Ram sa wallet nito at inabot sa nanay ng kasama na walang pag alinlangan.

Umuwi si Ram na bitbit parin ang pag aalala sa kasamahan. Lumipas ang isang linggo at balik trabaho na si Renz. May gumuhit na ngiti sa labi ni Ram nang makita si Renz na pumasok sa locker room.Napansin  ni Chin ang pagsunod ng mga mata ni Ram kay Renz pati na ang pag-aliwalas ng mukha nito ng makita ang kasama.

“Inaabangan din talaga eh, sana nagpa-confetti ka narin para may bonggang pa-welcome ka sa kanya.” ani pa ni Chin na inaasar ang kaibigan.

“Lahat na lang talaga ng kilos ko binibigyan mo ng meaning. Hindi ba puwedeng masaya lang ako sa tao na walang dahilan?”

“Kung sa ibang tao iyon, eh si Renz ,ibang tao ba siya sa iyo? Umamin ka na kasi na hulog na hulog ka na sa kanya para di na kita asarin.” ayon kay Chin na kinurot ang tagiliran ni Ram.

“Eh sa wala naman akong aaminin sa iyo.  Asarin mo man ako ng sige. Never ako mahuhulog diyan nuh di naman kagwapuhan.”

Iyon ang lumalabas sa bibig ni Ram na taliwas naman sa kanyang mga kilos at reaksyon na kapuna-puna nga naman. Balik trabaho na nga si Renz, ngunit tulad ng dati parang hangin lang sila ni Ram sa isa’t isa. Sa harap ng mga kasamahan nila maayos sila, ngunit pag sila na lang ang mag kaharap daig pa nila ang may nakakahawang sakit kung mag-iwasan.

Tapos na ang shift ni Ram at nasa locker room na ito para magbihis nang pumasok si Renzy. Natigilan si Ram sa ginagawang pag bihis at napa-takip ng kanyang harapan. Naka boxer na lang kasi ito nang pumasok si Renz. Nagkatitigan ang dalawa.

“Tinakpan,…kala mo naman. Huy hindi ako interesado diyan nuh, buti sana kung puki iyan.” Sambit pa ni Renzy, at lumapit na sa locker nito. May kinuha ito sa kanyang bag at inabot iyon kay Ram.

“Ano ito?” pagtatakang tanong ni Ram nang inabot sa kanya ni Ram ang two thousand.

“pera, alangan.  Bayad sa inutang ng nanay ko noong na hospital ako. Baka kasi singilin mo pa ako ng kung ano, mas mahal na iyon dito. At baka mag interes kapa ng tubo.” sagot ni Renzy kay Ram.

Hindi tinanggap ni Ram ang bayad sa kanya ibinalik niya ito kay Renz , na pinagtalunan na naman ng dalawa.

“Kung gusto mo punitin mo na lang, hindi ko tatanggapin iyan. Kusang loob ko na tulong iyon sa nanay mo, kung hindi mo na-a-appreciate iyon wala akong pakielam pero hindi ko tatanggapin iyan.” kumunot ang nuo ni Ram nang sabihin ito kay Renz. 

Mabilis itong nag bihis at agad na lumabas ng locker room. Naiwan sa loob si Renz na napakamot na lang ng ulo.

Nagdaan pa ang mga araw at naging ganun parin ang turingan ng dalawa sa isa’t isa. Pagsekreto ang bangayan. Habang nag hihiwa ng mga gulay si Renz, aksidenteng na sugatan nito ang kamay, maliit lang naman ang sugat pero madugo. Si Aira lang ang kasama noon ni Renz sa kusina kaya nataranta agad ito ng makita ang napakaraming dugo sa kamay ni Renz kaya napasigaw ito dahilan para makuha ang atensiyon ng iba pa nilang kasamahan.

Nang pumasok na sa kusina ang mga kasamahan, doon lamang nakaramdam ng kaba si Renzy. May takot din pala ito sa dugo. Bigla na lang ito mamutla habang hinuhugasan ang kamay tsaka nahilo, muntikan na itong matumba sa sahig kung hindi lang nasalo agad ni Ram na nuoy nakatayo lang sa likod niya.

Doon pinagtulungan ng mga kasamahan na dalhin sa locker room si Renz para dun na rin gamutin ang sugat. Si Ram na rin ang nag bulontaryong gumamot nun.

“kaliit ng sugat hihimatayin ka? Eh mas malaki pa ang sugat ng tuli dito oh. Di ka pa tuli nuh? Supot?” pang aasar ni Ram habang hinahanda ang mga gagamitin sa sugat ni Renzy.

“Sa iba mo na nga lang ipagawa iyan, nabubuwesit ako sa’yo.”

“Iba? bakit may nag volunteer ba na tulangan ka na gamutin iyan? Sino inaasahan mo, sina Brian, Josh, eh tinawanan ka pa nga ng mga iyon nang muntikan ka nang mawalan ng malay kanina. Pasalamat ka at may concern pa ako sa iyo.” tugon pa ni Ram.

Wala na rin nagawa pa si Renz kung hindi hayaan si Ram na gamutin ang sugat nito. Nang madampian ng alcohol ang sugat nito, napamura sa hapdi si Renz dahilan para asarin ito lalo ni Ram.

Closing shifts silang dalawa at papauwi na ang lahat nang mapansin ni Renz na problemado si Ram. Lumapit ito at nagtanong dito. Napag-alaman ni Renzy na nawawala pala ang cellphone ni Ram sa kanyang bag, hindi rin matandaan ni Ram kung saan niya ba huling nailagay ang cellphone nito. Mangiyak-ngiyak na di Ram dahil dun. Nilapitan ng ni Renz ang kanilang manager at pina review ang kuha ng cctv ng araw na iyon. Ngunit wala naman silang nakitang kahina-hinala doon. Gayun pa man may duda na si Renz sa kung sino ang may kagagawan nun kay Ram. Agad na nagpaalam na si Renz na mauna na sa kanila. Nagmamadali itong sumampa ng motor at agad na pinaharurot paalis.

Umuwi na rin ang lahat. Sakay ng jeep, tulala ng iniisip ni Ram kung paano niya naiwala ang cellphone nito. Nakalimutan niya kasing isara ang kanyang locker ng huling break nito ng araw na iyon. Pero kung may kumuha man nun , sino. Ang unang pinaghinalaan pa nga nito ay si Renzy, ngunit magkasama naman sila buong araw hanggang matapos ang kanilang shift. Wala din sa mga gamit nito ang cellphone niya nang sinuri ng guard nila.

Bagong bili pa naman ang cellphone nito na wala pa halos isang linggo sa kanya. Bukod pa sa may kamahalan iyon, maraming mga importanteng files na naka-save doon pati mga social accounts nito at e-bank account nito.

Naghahapunan na si Ram nang may nag doorbell sa kanila gate. Sinilip niya naman ito sa bintana.  Dali-dali itong inayos ang sarili at nilabas ang tao na nasa labas ng gate. Si Renzy ang nandoon, nakatayo.

Pagkabukas ng gate agad na inabot sa kanya ni Renzy ang nawawala nitong cellphone. Nagtaka si Ram bakit hawak iyon ni Renzy, ngunit ang mas napansin nito ang sariwang sugat sa kamay ng lalake. Nakataas ang shield ng helmet ni Renzy kaya pati sa mukha nito may napansin si Ram.

Umiwas si Renzy nang lumapit pa sa kanya si Ram nang sipatin pa nito ang kanyang mukha. Ngunit wala na itong nagawa nang sapilitang tinanggal ni Ram ang helmet nito. Doon na nga tumambad ang iba pang sugat ni Renzy sa mukha, mayroon sa kilay, sa baba ng kanyang mata, sa gitna ng ilong at putok din ang labi nito.

“Anong nangyari diyan sa mukha mo? Nakipag rambulan ka ba?” Usisang tanong ni Ram at inamoy pa ang hininga ni Renzy kung nakainom ito.

“Ano ba, hindi ako lasing. Binawi ko lang ang cellphone mo kaya nagkaganito mukha ko.” Tugon ni Renzy at sinuot muli ang helmet na kinuha ni Ram.

“Bakit sino ba ang kumuha ng cellphone ko?”

“Di na mahalaga iyon, nasa kamay mo na muli ang phone mo, ingatan mo na lang sa susunod. Huwag kang burara.” At sumampa na muli sa motor nito si Renzy.

Pina andar na nito ang kanyang motor ngunit pinigilan ito ni Ram. Kinuha ni Ram ang susi ng motor ni Renzy at sinabihan siya nitong pumermi muna para magamot ang mga sugat nito sa mukha. Ayaw pa sana ni Renzy ngunit pumasok na sa loob si Ram bitbit ang susi ng motor nito kaya wala na itong nagawa kung hindi sundan na lang sa loob si Ram.

Sa loob pinaghain pa ni Ram ng pagkain si Renzy para makapaghapunan ito, tinimplahan pa ng juice.

“Ikaw ba nag luto ng adobong ito? Masarap ah ,manamis-namis na maanghang. Pansin ko ang tahimik ng bahay niyo, wala ka bang kasama dito?”

“Bahay ko ito, hulugan ang kuha ko dito. Iba pa sa mga magulang ko, pero malapit lang din naman iyong kanila sa akin nasa kabilang kalye lang. Gusto ko na kasing bumukod ng sariling akin.”  Tugon ni Ram , na hinahanda ang medicine kit na gagamitin.

“Ang laki naman nito, kung mag isa ka lang. Alam mo puwede na ito sa Isang pamilya. Kumpleto ka pa sa gamit. Suwerte ng magmamahal sa iyo.” Sambit pa ni Renzy.

Tumahimik naman si Ram na lihim na napangiti sa sinabi ni Renzy sa kanya. Nang matapos makapag hapunan ang dalawa, sinimulan nang linisin at gamutin ni Ram ang mga sugat na tinamo ni Renzy. Naibulalas na rin kay Ram kung sino ba ang salarin sa pagkawala ng cellphone nito.

Gayun pa man sa halip na magalit, pinatawad na lang ni Ram ang may kagagawan nun sa kanya sa pakiusap na rin ni Renzy.

Alas diyes na nang namalayan ni Renzy ang oras kaya agad na itong nagpaalam kay Ram, ngunit hindi na pumayag ang huli na bumiyahe pa ito ng ganung oras. Inalok ni Ram si Renzy na doon na matulog total rest day din naman nito kinabukasan.

“Hahanapin ako ng nanay ko sa amin.”

“Uy bente uno kana nuh, may tiwala na nanay mo sa iyo. At huwag ka mag alala tinawagan ko na si tita, pinaalam na kita sa kanya. At ayos lang daw.”

“Paano ka nagkaroon ng number ni nanay?” Pagtataka pa ni Renzy.

“Ganito kami ka close ng nanay mo, kaya umayos ka dahil pinapabantayan ka niya sa akin.” Tugon pa ni Ram at pinag dikit ang dalawang daliri nito.

“Pambihira, aminin mo nga sa akin, type mo ba ako Ram?”

“Uy hindi porke’t close kami ng nanay mo eh type kita nuh. Walang ganun. At asa ka, hindi kita type nuh.” Sabi pa ni Ram.

“Siguraduhin mo lang, dahil di rin kita type.” napangiting sagot naman ni Renz.

Doon na nga nagpalipas ng gabi si Renzy, sa sala na ito natulog, sa kuwarto naman nito si Ram. Nakahiga na sa couch si Renzy pero hindi ito makatulog, pumapasok sa isip nito ang usapan nila ni Ram, at ang mga ginagawa sa kanya ni Ram. Gumuhit sa mukha nito ang isang matamis na ngiti sabay amoy sa niyayakap na unan na bigay sa kanya ni Ram, na ayon pa kay Ram paborito nitong unang at yakap-yakap niya gabi-gabi.

Shifting emotion

Ang gaan ng pakiramdam ni Ram nang gumising ito kinaumagahan. Maaga itong bumangon dahil opening ang shift nito. Pagkalabas niya ng kuwarto, natutulog parin si Renz sa sala.

Tinungo agad ni Ram ang banyo para maligo,  nasa aktong pag-shampoo na ito nang bigla na lang bumukas ang pinto. Nakaligtaan ni Ram na ikandado ito dahil kampante naman itong tulog pa iyong isa. Hindi naman alam ni Renzy na may tao sa loob ng banyo dahil sa wala naman itong ingay ng tubig na naririnig, at kakagising lang din nito. Kaya tuloy-tuloy lang ito para sana umihi.

Sa gulat napa-takip ng kanyang harapan si Ram gamit ang tabo dahil sa naka hubo’t hubad ito.

“sorry -sorry akala ko walang tao.” ang nahiya ding sabi ni Renz at lumabas itong muli.

Hindi na nagawang makaligo ng maayos ni Ram dahil sa nangyari, mabilisang pag sabon na lang ang ginawa nito at agad na nagbanlaw ng katawan. Wala pang limang minuto tapos na ito. Inabutan niya si Ram nakakapasok lang galing sa labas.

“sa labas na lang ako nag bawas, pansin ko kasing tuyot na mga halaman mo sa gate kaya diniligan ko. Sorry talaga kanina, pero promise wala akong nakita.”  ani pa ni Renz .

Tumango lang si Ram, bago ito pumasok sa kanyang kwarto para mag bihis. Pagkalabas nito,nakaayos narin ng sarili si Renzy para umuwi na.

“Mamaya kana umuwi, maaga pa naman sabayan mo na ako mag almusal. Saglit lang naman. Kamusta ang tulog, kumportable ka naman ba dito ka gabi?”

“Nakatulog naman ng maayos, mas masarap pa nga ang sofa mo dito kumpara sa kama ko sa bahay. Ano ba puwede ko maitulong diyan?” paglapit ni Renz kay Ram sa kusina.

“Kaya ko na ito, maupo ka na lang diyan at maya-maya kakain na tayo.” tugon pa ni Ram

“Para naman akong espesyal nito, kung pagsilbihan mo. Alam mo ikaw pa lang nakakagawa nito sa akin. Salamat sa pagtrato mo sa akin ng ganito sa kabila ng mga nagawa ko sa iyo.” sambit ni Renzy, habang nakatitig ng seryuso kay Ram.

“Wala iyon, kahit sino naman. At isa pa pasalamat ko na rin sa ginawa mong pagbawi ng cellphone ko.”

Sabay na nag almusal ang dalawa, inalok na rin ni Renz si Ram na ihatid ito sa kanilang trabaho, ayaw na sana ni Ram dahil alam niya ang takbo ng utak ng mga kasamahan niya kapag nakita sila nito.  Hindi nagpababa sa mismong store nila si Ram.

Nang araw din na iyon , napansin ni Ram na hindi pumasok si Brian sa station nito. Tinanong nito ang head ng station ni Brian ngunit hindi rin nito alam kung bakit absent ito.  Nasa wash area ito nang nilapitan si Ram ni Joshua.

“hoy Ram, ano ba ang pinakain mo kay Renz ha?”

“Bakit naman? pakialam ko naman kay Renz. Kung ayaw niyo sa akin dumistansya na lang kayo, hindi naman kayo inaano ah.” tugon ni Ram na umiwas na lang ,kaysa lumaki pa ang gulo.

Ngunit sinundan ito ni Joshua at kinulit pa.

“Alam ko na alam mo ang ginawa ni Renz kay Brian, At  nakita ko na magkasama kayo ni Renz kanina. Ano iyon? Mag jowa ba kayo ni Renz? Alam mo naman sigurong bawal iyon diba, bilang Station Head.”

“Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo. At huwag mo akong baliktarin, dahil alam ko na kasabwat ka rin ni Brian. Kung ayaw mong mapaaga ang pahinga mo, tigilan mo ako. At tigilan niyo na ako.”

Tsaka lang tumahimik sa pangungulit nito si Joshua.

Isa sina Joshua at Brian sa mga mambu-bully ni Ram. Hindi lahat ng katrabaho nito kasundo niya. Pero dahil sa katungkulan nito sa trabaho, kailangan niya nagkibit-balikat at makisama na lang sa mga ito.

Batid ni Ram na hindi talaga ito tatantanan nina Joshua, lalo na ni Brian. Kaya minabuti nitong ipaalam sa mga kaibigan nito ang nangyari.

“Dapat isinumbong mo na sila, hindi biro ang offense na ginawa nila sa iyo. for termination na iyon.”  ayon pa kay Chin ng marinig ang lahat kay Ram.

“Tama si Chin Ram, hindi dapat pinapalampas ang ganyan. Naku lalo ka lang aasarin at bubulihin ng mga iyon. Di ka na nga nila nirerespeto pinagtitripan ka pa nila. Kaya huwag ka matakot, resbak mo kami. Isumbong mo, nang magtanda ang mga iyan.” para pa kay Romar.

Ngunit wala man lang sa mga opinyon ng mga kaibigan nito ang sinunod ni Ram.

Nang nagkayayaan ng umuwi ang lahat, humiwalay na si Ram ng daan, patawid na ito ng kalsada nang nilapitan siya ni Joshua at inakbayan. Kinutuban ng masama si Ram kaya bago pa makaporma si Joshua at magawa ang balak nito. Bumalik ito sa store, nakita naman nina Michael at Romar ang nangyari kaya bumalik din ang mga ito.

Sinumbong ni Ram, si Joshua sa kanilang manager dahil sa aktong panghaharass at pagbabanta nito sa kanya. Na agad naman dinipensahan ni Joshua.

“Wala PO akong balak na kung ano sa kanya sir, kakausapin ko lang naman siya. Masama ba iyon?”

“Joshua, markado na kayo sa akin dahil sa mga ginagawa niyo sa mga kasamahan niyo. At hindi lang si Ram ang nagpaabot sa akin ng reklamo, maging ang mga baguhan dito. Last warning na ito. Isang pasaway pa at alam niyo na ang kasunod nun.” Sabi pa ng manager nang pinagharap ang dalawa.

Nang matapos, nagpaiwan si Ram sa opisina na ng Manager at may personal itong hiniling dito.

“Hindi ko mapagbibigyan ang gusto mo, mas kailangan kita sa team ko. Kung sa tingin mo medyo apektado na ang operasyon ng store dahil sa mga pasaway na iyan, may paraan para putulin ang mga sungay nila. Malapit na ang end quarter evaluation. At bilang mga Station Head, may say kayo tungkol sa mga performances nila. But with regards sa hinihingi mong reassignment ng store, malabong mapagbibigyan kita. Remember malapit na ang audit.”

“Ginagalang ko po ang desisyon niyo sir, at maraming salamat sa tiwala. Makakaasa kayo, tatayo akong leader sir. Ipapakita ko sa iyo na deserve ako sa binigay niyong responsibilidad sa akin.” Tugon ni Ram.

“Ganyan, panindigan mo na may posisyon ka. Then show them that you deserve their respect. Mahirap kunin ang respeto pero madali lang itong anihin. Nasa sa iyo kung paano mo ito itanim sa kanilang puso.”

Isinapuso ni Ram ang mga ibinahagi sa kanya ng kanilang manager. Naging strekto si Ram sa mga mali ng mga kasamahan nito, wala itong kinikilingan basta nakagawa ng mali lalo na pag nakukumpromiso ang operasyon. Napansin nito ang ilang mga pagbabago sa pakikitungo ng mga kasamahan nito sa kanya. Maging si Brian na kakabalik lang noon sa trabaho ay umiiwas na sa kanya.

Maging si Renz ay hindi rin exempted sa pagiging perfectionist ni Ram.

“Renz naman pangatlong beses mo na itong ginawa. Ako na naman ang masasabon nito. “ Ang napakamot na lang sa ulo na wika ni Ram.

Ilang mga stock na naman kasi ang nakita nitong expired na nasa stockroom dahil sa dami. End month inventory nila kaya nag recount ng mga stocks si Ram para sa final posting at nagulantang ito sa dami ng expired items na natambakan lang ng mga bago.

“Eh di sabihin mong kasalanan ko.”  Tugon ni Renz na napakunot naman ng nuo, habang nagbibilang.

“Hindi lang iyon ganun kadali Ram, hindi ito tungkol sa accountability lang. Damay tayo lahat dito. Charges na naman ito alam mo iyon.”

“Ako lang ba ang crew dito ha? Kung tutuusin mas dapat alam mo ang nangyayari sa station mo kasi Head ka diba?  At huwag mo nga akong hiritan nang pagiging perfectionist mo. Kung ayaw mo makihati sa charges ,eh di wag.” Ang naiinis na sabat pa ni Renz.

“Ayusin mo din kasi ang pag order mo ng stock. simpleng FIFO lang di niyo pa magawa.” paninisi parin ni Ram.

“Sorry na sir, bobo kasi itong assistant mo. Hayaan mo ako na mismo ang aako ng lahat ng charges. Kasalanan ko, tanga kasi ako. FIFO lang di ko pa nagawa. “ Padabog na lumabas ng stockroom si Renz.

Isa lang iyon sa mga naging mitsa ng muli nilang banggaan. Kung dati tahimik ang kusina kapag may samaan ng loob ang dalawa, kabaliktaran naman ngayon. Dahil animo’y may mag-asawang nag aaway sa loob ng kanilang station sa tuwing may di pagkakaunawaan ang mga ito.

At kapag may bangayan apektado ang iba,

“kanin lang trabaho mo Jim, apat na buwan mo na itong ginagawa. Hanggang ngayon may hilaw pa din? Mahilig kasi sa short cut, kaya sa halip na mapadali tayo, lalo tayo nag ka pending.”  turan ni Ram sa kasamahan nitong si Jimbo nang matuklasang hilaw ang kanin.

“Bago kasi ang bigas , hirap kalkulahin. ina-adjust ko naman. Mamaya lang luto na ito sir “

“Dinahilan pa ang bigas, ang sabihin mo wala sa kundisyon iyang pulso mo kasi hanggang ngayon may hangover ka pa. Kasi ang iba diyan alam naman na opening pa itong isa, sinama-sama, pabor sa kanya kasi closing siya. Tapos ang papasan ng problema ang operasyon.” parinig ni Ram kay Renz na naghihiwa ng mga kamote.

“Kung ikaw na lang kaya ang gumawa, total di ka naman hangover. Puro ka parinig, ano ba kasi problema mo? Naiinggit ka kasi di ka sinasama sa mga labas namin?  Puwes mamaya hintayin mo ako pag out. Mag one on one tayo.”  Sabat ni Renz na pikon na pikon na sa mga pagpaparinig sa kanya ni. Ram.

Tahasang tumugon naman ang huli na lahat ng kanyang paninita ay para sa ikaaayos ng kanilang trabaho,upang hindi mag- Suffer ang operadyon ng production dahil sa mga kapalpakan nila. Ngunit magpaliwanag man si Ram, hindi na nagugustuhan ni Renzy ang pagiging mahangin nito at pa-epal sa trabaho. At maging sina Romar at Shiela napuna na rin ito kay  Ram. kaya ng minsang nagkasabay ang kanilang mga break, kinausap na ng mga ito si Ram.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo Ram? sumubra ka naman yata ngayon.” pasimula ni Shiela.

“Ginagampanan ko lang ang tungkulin ko Shee, Trabaho lang ito lahat. Nilalagay ko lang sila sa tama nilang lugar.  Para din ito sa operation.” Tugon ni Ram.

“Para sa operation,o para sa iyo? Nilalamon na ng posisyon mo ang dating Ram na kilala namin. Maging sina Aira, naramdaman iyon sa iyo. Maliit na pending lang galit ka na agad. Daig mo pa manager natin kung maka bulyaw sa mga kasamahan nating under sa iyo.” Kumento pa ni Romar sa usapan ng dalawa.

“Mali ba na itama ang pagkakamali nila. Kayo, mga head din kayo ng mga station niyo. Dapat naiintindihan niyo ako. Wala akong nilalabag sa rules, kung ayaw nila sa mga ginagawa ko ,then mag quit sila. Maraming bago.” Depensa pa ni Ram.

“Marami ng bad feedback sa iyo. Si Jimbo, nasaktan sa mga nasabi mo sa kanya, iyong isang trainee mo gusto na mag quit dahil grabe ka mag utos sa kanya. On training nga diba,sana huwag mo namang biglain. Unang pangatlong araw palang pinag-linis mo na ng grease trap. “ dagdag pa ni Shiela.

“Grease trap lang iyon. At dapat doon palang matutunan na nila ang pasensya at dedikasyon sa trabaho. Kung sa grease trap palang sumusuko na sila, paano na lang sa buong trabaho.  Walang mali sa ginawa ko. Maarte lang talaga sila. Kinaya nga ng bakla tapos sila na kalalaking tao aayaw. Mga weak.” Panindigan pa ni Ram.

“Kaya gumaganti ka? Dahil sa nabu-bully ka noon , mambu-bully ka na rin ba ngayon? “ Biglang singit ni Renz sa usapan ng tatlo.

Hindi namalayan ng tatlo ang paglapit ni Renz sa kanilang mesa, at narinig nga nito ang kanilang pinaguusapan.  Hindi na nakapagtimpi pa si Renz at napakumento narin sa pinaggagagawa ni Ram. Sa halip na tanggapin nang positibo ang mga narinig na feedback mula sa mga kasamahan, ikinasama pa ito ng loob ni Ram.

Ipinagpatuloy nito ang pagiging strekto sa mga kasamahan sa kanyang station. At nagbunga naman ng magandang resulta ang lahat.

Dumating ang isang surprise visit mula sa top management at dahil sa magandang serbisyo, organisadong sistema at maayos na operasyon. Nakatanggap ng “A” rating ang store nila at ang station na hawak ni Ram ang may pinakamataas na puntos sa lahat.  Lalong tumaas ang kumpiyansa ni Ram sa sarili, dahil sa mga natanggap na papuri at credit mula sa area manager at may-ari.

Ngunit ang inggit talaga minsan ay kadikit na ng tagumpay.

“Bakit siya lang, kasama karin naman diba? Bakit di man lang napansin ang effort mo.? tanong ni Dante kay Renz , habang nakatingin lang ang mga ito sa meeting ng mga bumisita sa kanilang store.

“Wala tayong magagawa, di tayo leader, assistant lang tayo. Hayaan mo na ang credit kay Ram, mukhang mahalaga iyon sa kanya. Ang mahalaga ginawa natin ang parte natin ng tama, sapat na iyon para mahatak ang performance rate natin sa susunod na evaluation.” Tugon ni Renz na may lihim na inggit na kinikimkim.

Patapos na ang shift ng lahat nang pinatipon ni Ram ang mga kasamahan nito sa kanyang station.  Nakangiti itong nagpasalamat sa lahat sa naging ambag ng mga ito sa matagumpay na araw na iyon. Mahalaga ang surprise visit rating dahil malaking part ng puntos mula doon ay bahagi ng actual audit na hinihintay nila. Nandoon ang lahat, ngunit pilit ang mga reaksiyon nila sa bawat sinabi ni Ram. Kahit na nagpasalamat ito sa kanila.

Sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Ram, sumingit si Renz.

“Pakibilisan ang speech, pagod na kaming lahat gusto na naming umuwi at magpahinga.”  sambit ni Renz.

Sumigunda naman si Dante at Jimbo, hanggang sa sumang-ayon na rin ang iba. Tila ba hindi naman sila interesado sa mga nangyari sa kanila ng araw na iyon. Sa loob ni Ram, nakaramdam ito ng pambabastos mula sa mga kasamahan. Ngunit pinilit niyang magpakamahinahon. May ibinalita pa ito sa kanila.

“Dahil sa tayo ang may mataas na puntos, binigyan tayo ng reward ni boss, nagbigay siya ng one thousand five,para pang kain sa ating lahat dito.” sabi pa ni Ram sa lahat.

Ngunit sa halip na ikatuwa iyon ng lahat, iba ang naging tugon ng mga ito. Sumang-ayon na naman ang mga ito sa mungkahi ni Renz.

“Hatiin mo na lang sa lahat ng pantay ang pera,busog pa kami. Mas kailangan namin ang pera kaysa sa pagkain.”

Nagpalakpakan pa ang mga ito sa suhestiyon ni Renz.  At dahil para naman sa lahat ang pera na iyon, wala nang nagawa si Ram kung hindi ang pagbigyan ang mga kasama. Pinagparte-partihan nila ang pera.

Uwian na, at sama-sama na ang lahat sa pag uwi, naiwan si Ram na wala man lang ni isa sa mga kasamahan nito ang sumama sa kanya. Hawak ni Ram ang susi ng store kaya huli na itong Naka alis doon.

May kung anong lungkot na bigla na lang lumukob sa puso ni Ram habang naglalakad ito papunta sa sakayan ng jeep. Ngayon niya lang naramdaman na mag-isa siya.  Nakaramdam ito ng gutom kaya , kumain muna ito sa isang ihawan malapit lang din sa sakayan ng Jeep. Papatawid pa lang sana ito nang mapansin nito sa labas ng nasabing ihawan ang mga motor ng mga kasamahan nito sa kusina, nandoon din ang motor ni Renz.

Nag alangan na itong tumuloy sa kainan na iyon, nang makita sa loob na magkakasama sa iisang lamesa ang lahat ng kanyang mga kasamahan sa station. Nandoon ang lahat maliban sa kanya. Mula sa kinatatayuan nito kitang-kita ni Ram ang saya sa mga mukha ng lahat habang nag tatawanan at nagkukuwentuhan.

Napaiwas si Ram nang mapansing bumaling sa kanyang direksyon ang tingin ni Renz.  Malapit lang siya doon kaya alam niya na nakita siya nito. Nagmadaling umalis doon si Ram, pagkadaan ng isang Jeep sumakay agad ito.

Hindi maiintindihan ni Ram ang sarili pero bigla na lang tumulo ang luha nito sa mata.

Bumaba ito sa isang bar, at doon binuhos nito sa beer ang lahat ng nararamdaman nito ng mga sandaling iyon. Nakadalawang bote na ito nang may tumabi sa kanya sa mesa, sina Ariel at Joshua, sakto namang doon din ang naisipang puntahan ng gabing iyon.

“Nagsosolo ka yata? Hindi ka ba kasama sa lakad nina Renz? Rinig ko kay Dante mag ki-KTV bar daw sila ngayon.” bungad ni Joshua pagkaupo pa lang nito.

“Gusto ko mapag-isa, At kung nandito kayo para asarin naman ako, puwede ba umalis na kayo. Wala ako sa huwisyo na makipagtalo.” sagot pa ni Ram.

“Pati ba naman dito pagtatarayan mo kami? Wala na tayo sa trabaho, at hindi kami lumapit dito para mang-asar sa iyo. Peace na tayo.” sambit ni Ariel.

“Tama si Ariel, Nakita ka namin na mag-isa kaya naisipan naming samahan ka. Huwag kang mag alala hindi kami magpapalibre sa iyo kung iyan ang inaalala mo.” nakangiting sabi pa ni Joshua.

Iyon ang unang beses na nakasama ni Ram ang dalawa ng harapan. Seryoso ang mga topiko na kanilang pinaguusapan, tungkol sa mga buhay-buhay. Sa maikling sandaling iyon nagkakakilanlan ang tatlo. Dahil sa kanilang kuwentuhan mas nakilala nila ang isa’t isa. Napagtanto din ng dalawa na hindi basta ganun lang si Ram, gaya nang inaakala nila. Maging si Ram sa kanila. Naunawaan ni Ram kung bakit ganun dati ang pakikitungo ng mga ito sa kanya.

Ang mga seryusong usapan, napalitan ng mga tawanan at biruan sa paglalim ng gabi. Ngayon lang muli nakatawa ng ganun ka lakas si Ram. Nakita nito ang pagiging kalog at kwela ng dalawa.

Matapos ang masayang inuman ng tatlo, nag alok naman si Ram ng libreng pa nilaga sa dalawa, bago sila umuwi. Dumaan ang tatlo sa isang Kainan para maka higop ng mainit-init na sabaw ng karne.

Lingid sa kaalaman ng tatlo,nakita sila ni Renz na nuoy papauwi na galing din sa KTV bar.  Napahinto ng motor si Renz nang makitang magkasamang pumasok sina Joshua, Ariel at Ram sa kainan na iyon. At kitang-kita nito na masaya ang tatlo habang humihigop ng mainit na nilaga sa loob.

May kung anong bumulong sa tenga ni Renz na tawagan si Ram, ngunit napamura lang ito nang pinatayan siya ng cellphone nito.

Umalis na may sama ng loob si Renz, sa kung anong dahilan maging siya ay hindi rin niya alam. Pagkauwi ni Renz sa kanila,agad itong sinalubong ng sermon ng ina dahil sa lasing na naman itong umuwi.

“Huwag mong idahilan sa akin na si Ram ang kasama mo, dahil tinawagan niya ako. Iba daw ang mga kasama mo.”  bungad agad ng ina nito.

“Ano naman ang paki-alaman niya at tinawagan ka pa niya? Nagsumbong pa sa iyo.”

“Ako nag tanong sa kanya, kasi gabi na wala ka pa. Ilang ulit ko ba ipaalala sa iyo na delikado ang mag motor ng lasing ,lalo na sa gabi. Kung si Ram ang kasama mo, pipigilan ka nun.” bunganga pa ng ina.

“Pakialam ng tao sa akin, May sariling buhay iyon nay. At hindi ako lasing, nakainom lang ako. Puwede ba tigilan mo na ang kaka-text kay Ram, akala tuloy nun yaya ko siya.” tugon naman ni Renz.

“Pasalamat nga ako at may kaibigan kang concern sa iyo. At least kahit papaano kampante ako dito, dahil alam ko kung kamusta ka na.  Eh ikaw pinapaalam mo ba sa akin kung saan ka pumupunta? iyang mga kasama mo sa walwalan maaasahan ba iyan kung may mangyari sa iyo?” patuloy pa sa sermon nito ang ina ni Renz.

Kahit nasa loob na ito ng kanyang kuwarto, dinig parin nito ang mga pagbubunganga ng ina.

Nakahiga lang ito sa kama ,pero dilat na dilat parin ang mga mata nito. Mukha ni Ram kasi ang nakikita nito sa kada pagpikit ni Renz ng kanyang mga mata. Lalo na ang mukha nitong masaya habang kasama sina Joshua at Ariel.

Tinawagan nitong muli si Ram ngunit walang sumasagot.

Behind enemy lies

Gulong-gulo ang lahat sa store, aligaga ang bawat station. Nasa store na nila ng araw na iyon ang auditor. At malaking problema ang kinahaharap ng station ni Ram. Halos kalahati kasi ng kasamahan niya sa kusina absent kasama na si Renz. Nawala na sa fucos si Ram kung alin ba ang uunahin nito. Nag hatak na ng ibang crew mula sa ibang station ang manager nila matulungan lang si Ram sa kusina.

Apat lang ang katuwang ni Ram sa kusina, lahat pawang mga trainee. Pasan-pasan ni Ram ang buong operasyon sa kusina. Pero dahil matagal narin ito sa ganoong trabaho at may kakayahan naman sa pag harap sa mga problemang ganito. Nagamay naman ni Ram ng maayos ang lahat. Buti na lang at naki ayon ang panahon at wala masyadong pending ng araw na iyon. Nakahinga ng maluwag si Ram ng matapos ang oras ng bisita. Gayunpaman ang inaasahang highest rating ay hindi na kuha ng kanilang store. Bagamat pasado naman ang naging score ng station ni Ram ang kakulangan sa kanyang manpower ang nag pababa at nagpahila sa mataas sana nilang grado.

Ikinadismaya iyon ng kanilang manager at ipinatawag ang lahat ng absent ng mga sandaling iyon, lalo pa at nakarating sa ka kanya ang ginawa ng lahat na pagpapakalasing dahilan para magka hangover ang lahat kaya hindi nakapasok.

Suspendido ng tatlong araw si Renz bilang siya ang naturong promotor ng walwalan session nila.

“Masaya ka na? “ Bungad na tanong ni Renz kay Ram nang magkasabay ang dalawa sa karenderya sa tapat lang ng store.

“Masaya saan? Huwag mo nga isisi sa akin ang nangyari sa iyo. Inom ka ng inom tapos hindi mo naman pala kaya. Nandamay ka pa ng iba.” Sagot ni Ram.

“Nagsumbong ka kasi, ano ba talaga ang agenda mo at ginaganito mo ako, noong nakaraan lang ok tayo tapos bigla ka na lang nagbago, binagbubuntungan mo lagi ng init ng ulo mo. Ganyan ka ba talaga mang-asar? “ Saad pa ni Renz.

“Ang trabaho ay trabaho. Hindi iyon personalan. Ayusin mo ang trabaho mo at wala tayong problema. Kung hindi ko pa alam, gumagawa ka ng unyon sa station natin. Para ano para kontrahin ang mga patakaran ko? Kung ako sa iyo sumunod ka na lang para tapos.” Ayon pa kay Ram.

“Akala mo talaga magaling ka ano? Tandaan mo hindi lang ikaw ang gumagalaw sa loob, hindi lahat kakayanin mo. Nasaan na iyong dating Ram na kilala namin, wala na. Sa isang iglap bigla na lang nag bago. Sa anong dahilan? Sa ano pa siyempre sa incentive, sa dagdag na sahod. Kaya balewala na lang ang nasa baba, ang walang posisyon. “ Hirit pa ni Renz na hindi maawat sa kanyang hinaing kay Ram.

“30 mins lang ang break ko, at gutom ako. Kung gusto mo makipag debate sa akin, mamaya pag out ko sagot ko ang isang bucket at pulutan. For sure hindi mo ako tatanggihan suspendido ka naman bukas. Kaya pakiusap, reserve mo na iyang mga complain mo, at kumain na muna tayo. Nakakadagdag ka sa gutom ko. “ Ang inis na inis na wika ni Ram.

At sineryoso nga iyon ni Renz, nauna ang shift ni Renz kaya maaga ang out nito. Closing naman ng time na iyon si Ram kaya, alas diyes pa ng gabi ang out nito. Walang kasabayan noon si Ram pauwi hindi kasi magkaparehas ang oras ng mga kaibigan. Papataeid na ito ng kalsada ng may sumisit sa kanya. Napalingon agad ito sa lakas ng sitsit na pamilyar sa kanyang pandinig. Napakunot nuo nalang ito nang makita si Renz na naka upo sa motor nito sa lilim ng rubber tree sa gilid ng katabing restaurant. Pinalapit siya nito, at lumapit naman si Ram kay Renzy.

“O, diba kanina pa out mo? Bakit hindi ka pa naka uwi. Alam ko na, walang pang gas? Hindi alam ko na may hinihintay kang crew diyan sa katabing fastfood nuh? Sabi na nga ba isa ka din eh. “ Bungad ni Ram kay Renz.

“Ikaw ang hinihintay ko. Suot mo na itong isang helmet nang makaalis na tayo. “ Wika ni Renz na inaabot ang extra helmet kay Ram.

“Saan naman tayo pupunta? At hinintay mo talaga ako ng three hours dito? “ Pagtataka ni Ram.

“Huwag ka ngang mag maang-maangan diyan. Ikaw nagyaya nito diba? Sagot mo pa nga ang isang bucket at pulutan. Kaya dali, sampa na sa motor ko at magdidibatihan tayo. “ Tugon ni Renz.

“Sineryoso mp talaga ang biro ko? “

“Sakay na ang dami mo pang arte. Kilala mo ako Ram, hindi ako sanay sa biruan. “

“Wala akong dalang cash dito, sa sahod na lang. “ Pagdadahilan pa ni Ram.

“Maraming ATM sa daan, lahat iyan may laman. Kaya sakay na tumatakbo ang oras. “

Hindi na naka tanggi pa si Ram. Parang napaamo na lang ito bigla ni Renz at agad umangkas sa kanya. Mabilis ang pagpatakbo ng motor ni Renz kaya halos mapayapos na sa kanya si Ram.

“Yumakap ka na nahiya ka pa.” Sigaw pa ni Renz na mas pinabilis pa ang motor.

Sa takot na mahulog nagmistulang tarsier si Ram na napakapit sa beywang ni Renz hanggang sa nakarating sila sa isang maliit na karaoke bar malapit sa sea side. Malayo-layo din iyon mula sa downtown area at unang beses pa lang ni Ram sa lugar na iyon.

“Pagkauwi natin mamaya, mag ta-taxi na lang ako. Ayuko na sumakay sa iyo parang iba ang distinasyon natin kapag nagmamaneho ka, akala mo ikaw ang nagpagawa ng kalsada. “ Ani ni Ram na tila napagod sa kanilang biyahe.

“Hindi ka lang kasi sanay, bumili ka kaya ng sariling motor ng maranasan mo ang tinatawag na adrenaline rush. At bakit uwian na agad sa isip mo, hindi pa nga tayo nag uumpisa. “ Saad ni Renz.

“Saan na ba tayo? Dagat na iyan diyan ah. Hindi ba delikado rito? “ Biglang pag alala ni Ram.

“Tahimik dito, paborito naming tambayan dito kapag rest day. Safe naman, huwag ka lang ma-oy, baka hindi ka na umabot ng ospital. Doon tayo sa may Dampa, may pa videoke sila roon. Magsasawa ka sa kakahawak ng mic. “ Tugon ni Renz.

Walang diskusyon na nangyari sa dalawa gaya ng naunang plano. Nawili ang dalawa sa kakakanta, kuwentuhan, foodtrip at inom. Tila naging bonding pa nila ang gabi na iyon. Nakangiting nakatitig lang si Renz kay Ram habang kinakantahan siya nito ng request niyang kanta na “Beer” ng Itchyworms.

Hindi mawari ni Renz ang nararamdaman pero masaya siya ng mga sandaling iyon dahil kasama niya si Ram. Napansin ni Ram ang mga titig na iyon sa kanya ni Renz kay napangiti na rin ito at inabot sa lalake ang hawak na mic. Pinagpatuloy ni Renz ang buong kanta habang nakatingin naman sa kanya si Ram. Tulad ni Renz hindi rin maipaliwanag ni Ram ang nararamdaman sa mga sandaling iyon.  Walang pagsidlan ang kanyang mga ngiti.

Sa paglalim ng gabi, hindi na namalayan ng dalawa na nakarami na pala sila ng inom. Lasing na si Ram na sobrang halata dahil hinaharot na nito si Renz. Lumalabas na ang tunay nitong kulay. Kung saan-saan na dumadapo ang mga kamay nito na hinahayaan naman ni Renz. May tama na rin ng alak si Renz pero kontrolado pa nito ang sarili. Siya naman ngayon ang umaalalay kay Ram.

“Mag bill out na tayo Renz, gusto ko ng matulog, umiikot na kasi ang paningin ko.” Wika ni Ram na napasandal na lang sa dibdib ni Renz sa kalasingan.

“Mag pahinga ka lang, ako na dito. Boss bill out na kami. “ Pasenyas ni Renz sa crew ng bar.

“May pera ako diyan sa bag ko. Magkano ba lahat ng tinira natin? Ako na magbabayad. “ Sabi ni Ram kahit nakapikit na ang mga mata.

“Pahinga na diyan baka malaglag ka pa sa motor mamaya. Bayad na itong lahat. Uubusin ko lang itong tira ko at iuuwi na kita.” Sabat ni Renz habang nilalagok pa ang isang bote ng beer.

“Sa bahay ka na matulog Renz, tabi tayo. Gusto ko katabi kita sa pagtulog. “ Usal pa ni Ram habang nakayapos sa mga braso ni Renz.

Natawa na lang si Renz sa kinikilos ni Ram. Batid niya na bunga lang iyon ng matinding kalasingan. Nang medyo nakabawi na ng lakas si Ram at nagawa na nitong makalakad at makatayo pinasamla na nito ni Renz sa kanyang motor, nagawa naman ni Ram kahit sa umpisa hirap ito. At gamit ang sariling jacket ginawa iyon ni Renz na pang suporta kay Ram upang hindi ito mabuwal sa kanyang puwesto. Gamit ang  manggas ng jacket ibinuhos ito ni Renz sa kanyang beywang para madikit ng husto sa kanya si Ram. At gumana naman ang kanyang ideya. Nakauwi naman sila ng ligtas.

-“-

Kinabukasan maagang nagising si Renz tila hindi man lang ito tinablan ng hang-over sa kabila ng mga nainom nila ni Ram kagabi. Nagpakulo ito ng tubig sa kusina para pang kape, nag sinangag at nagluto ng sampung itlog mula sa kanilang itikan. Nagtitimpla na ito ng kape nang maabutan ito ng ina na kakagising lang.

“Uy magandang lalake, ano ang nakain mo at nakapaghanda ka ng almusal? Anong oras ka na ba dumating kagabi, hindi na kita namalayan.” Bungad ng ina sabay dampot ng pandesal sa lamesa at nagpalaman ng itlog.

“Maaga pa, mahimbing lang talaga ang tulog niyo kagabi, akala ko nga may generator tayo sa lakas ng iyong hilik. “  Sagot ni Renz na pangiti-ngiti lang.

“Anong maaga, alas diyes natapos ang bingo namin pag-uwi ko wala ka pa. Huwag mo nga akong mapagloloko diyan, siguro inumaga ka na naman. Naku Renz, mabuti pa magsaka ka na lang sa bukid na tiyuhin mo. Trabaho ka ng trabaho sa siyudad tapos ilalaan mo lang sa inom sa barkada.” 

“Ayan ka na naman, ang ganda ng umaga uumpisahan mo na naman ng sermon. Baka magising ang bisita ko, nakakahiya.”

“Sinong bisita? Nagdala ka ng babae sa kuwarto mo? Nagtanan ka na? Sino ang malas na babae ang pumayag na arborin mo? Sino? “  Gulat na reaksyon ng ina ni Renz.

“Kalma nay, hindi babae. Nasa loob si Ram. Dito ko na pinatulog. Magkasama kasi kami kagabi. “ Sagot ni Renz.

“Damuhong bata ka, ayos lang sa akin na sa bakla ka magkagusto. Pero huwag mo namang babuyin ang bahay anak. Ano ang ginawa niyo sa loob ng kuwarto? Nag-espadahan ba kayo, nag ano? “

“Si nanay ang bastos. Nakitulog lang iyong tao. Wala kaming ginawang iba. Anong espadahan? Saan mo nakuha ang ideyang iyon? Iba si Ram nay,. Hindi siya ganun. “ Paliwanag pa ni Renz.

“Sinisiguro ko lang, alam mo naman ang mga bunganga ng mga tao sa labas. Tunay na babae nga pinagpipiyestahan iyong makipagrelasyon pa kaya sa binabae. “ Kumento pa ng ina.

“Mag aasawa po ako nay, bibigyan po kita ng apo. Kaya puwede ba kalmahan lang po natin ang reaksyon, baka magising si Ram at marinig kayo. Baka isipin nun iba. “ Saad ni Renz.

Bumalik si Renz sa kanyang silid para silipin kung gising na ba si Ram. Naghihilik pa rin ito masarap ang tulog. Naupo sa paanan ng kama nito si Renz habang pinagmamasdan ang inosenteng mukha ni Ram. Kinuha nito ang nakababang kumot at kinumutan si Ram. Saglit na kumilos si Ram ngunit bumalik muli ito kanyang mahimbing napagtulog. Naroon lang sa tabi nito si Renz nakatayo, pinagmamasdan ang mukha ni Ram habang naka ngiti.

Tanghali na nang maalimpungatan si Ram, nagtaka ito nang makitang wala ito sa sariling silid. Lalo itong napabalikwas ng tayo ng makita ang oras sa kanyang cellphone, opening ang shift niya nang araw na iyon ngunit mag-a-alas dose na nun. Huli nitong napansin ang kanyang suot, hindi na ito naka uniporme. Ibang damit na rin ang suot nito. Ang huling naaalala lang niya ay magkasama pa sila ni Renz na nagkakantahan sa Dampa. Ibang boxer shorts narin ang pambaba niya.

“Oh my gad kaninong bahay ito? Nasaan ako. Ang trabaho ko, late na ako. Si Renz nga pala. “  Ang gulong-gulo na nitong iniisip.

Bumukas ang pintuan ng silid at napatulala na lang ito ng makita si Renz na may sukbit na tuwalya sa kanyang balikat, wala itong pantaas na damit at tanging suot lang nito ang manipis at maikling shorts na halos bakat na ang nasa harapan nito.

“Nasa bahay ka namin. Dito na kita dinala kagabi ayaw mo kasi bumitaw sa pagyakap sa katawan ko sa kalasingan. Siya nga pala ok na sa store, naipagpaalam na kita kay sir. Kaya huwag mo na proproblemahin na ma-late ka. Bukas ka na pumasok. Gusto ka sana makausap ni nanay kaso tulog ka pa, maaga din siya sinundo dito ng mga tropa niya. At siya nga pala pupunta ako ng ilog, maliligo baka gusto mo sumama. Maraming gwapo ngayon doon kasi Sabado. Pero kung ayaw mo, nasa likuran lang ng bahay ang banyo. May tubig na roon.” Wika ni Renz.

Nakatingin lang kay Renz si Ram, tulala lang ito. Nang lumabas na si Renz doon na sinundan ni Ram ang lalake.

“Ano ang paalam mo kay sir? “ Tanong ni Ram.

“Sabi ko tumawag ka sa akin na nadulas ka sa banyo kaya nabali ang braso mo.”

“Hindi man lang sila nagtaka bakit ikaw ang nagpaalam at hindi ako? “

“Cellphone mo naman ang ginamit ko nagpanggap lang ako na pinsan mo. Ayos na iyon nag hanap lang ako ng picture ng baling braso sa Google tapos iyon ang pinasa kong screenshot. Hindi na nila mahahalata iyon. “ Saad pa ni Renz.

“Paanong hindi, ano iyon magic bukas magaling na braso ko. Bakit kasi hindi mo na lang ako ginising kanina.” Ang hindi mapakaling si Ram.

“Eh sabihin mo magaling kamo ang nanghilot sa iyo. Gumawa ka na lang ng dahilan, hindi na magdududa ang mga iyon. Di kaya umarte kang hirap. Malay mo bigyan ka pa ng extra leave ni sir. “

“Paano ang uniform ko, paano ako nakapagpalit? “ Tanong pa ni Ram.

“Binihisan kita alangan. Sinukahan mo kasi ang uniporme mo, pati ako nadamay.  Nilabhan ko na kaninang umaga ang uniform at pantalon mo sinama ko na brief mo, grabe ang baboy mo pala kung malasing Ram, umiihi ka ng tulog buti na lang hindi kutson ang kama ko. “ Kuwento pa ni Renz.

Marami pang nasabi si Renz nang mga sandaling lasing na lasing si Ram. At sa mga kuwentong naririnig kay Renz halos malusaw sa hiya si Ram sa kanyang mga pinag-gagagawa. Gusto na nitong umuwi matapos malaman ang kanyang aktibidad. Hiyang-hiya ito kay Renz lalo na ng pinakita at pinarinig sa kanya ng lalake ang video na kuha nito kung saan inamin ni Ram na may crush ito sa kanya.

Maganda ang lugar nila Renz, tahimik presko, maraming puno at mga niyog sa paligid. Isang tipikal na buhay sa nayon. Sa kabilang banda ikinatuwa ni Ram na dinala siya ni Renz sa kanila. Wala man itong naalala sa kanyang mga nasabi, hindi naman maitanggi sa mukha nito ang kakaibang saya. Hapon ng araw na iyon ng hinatid ni Renz si Ram sa sakayan pabalik ng siyudad. Maging sa pag uwi bitbit parin ni Ram ang ngiti habang pinagmamasdan ang mga selfie nila ni Renz nang gabing nagkakasayahan sila.

-*-

Simula nang gabing iyon kumambiyo na ang lahat. At ramdam iyon ng mga katrabaho nina Ram. Madalang na ang bulyawan at sigawan sa loob ng kusina. Nangyayari lang iyon kung wala ang isa sa kanila ni Ram at Renz. Kapag rest day ni Ram, si Renz kasi ang tumatayong lider ng team. At kapag wala nga ang isa, lumalabas ang pagiging strikto ni Renz sa mga kasama lalo na sa mga baguhan at trainee.

At kapag wala naman si Renz, nagiging teror din si Ram. Ayaw nitong may papetiks-petiks sa kusina dapat lahat kumikilos sa oras ng trabaho. Tuloy naisip ng mga kasamahan na may matinding kumpetisyon na nagaganap sa pagitan ng dalawa.

Pag present naman ang dalawa, tahimik ang kusina, walang nakasimangot isa man sa kanila. Kontrolado ang operasyon, walang mga pagdadabog na nangyayari. Natatapos ang buong araw na walang aberya.

Ang bagay na iyon ay nakatawag ng pansin ng manager. Ikinamangha nito ang potensiyal ni Renz sa pag hawak ng operasyon. Bilib din ito sa paghawak ni Ram sa kanyang responsibilidad. At ang tandem ng dalawa sa kusina ay isang ihemplo ng isang magandang pamamalakad.

Out na ni Ram nang habulin ito ni Romar na kaka-out lang din. Niyaya nito si Ram na magkape sa tinatambayan nilang kapehan malapit sa bilyaran kung saan doon naman madalas sina Renz at iba nilang kasamahan na mahilig sa bilyar.

“Buntis na si Liza, at balak na namin magpakasal sa makalawa. Gusto namin nandoon ka. Alam mo naman iyon ikaw lagi ang hinahanap kapag may okasyon. “ Wika ni Romar.

“Paano si Sheila?… Kaibigan ko kayo pareho at alam ko ang sekreto niyo. Aminin niyo man sa akin o hindi. Payong kaibigan lang, magiging tatay ka na at matatali ka na talaga kay Liza, kaya kung puwede tapusin niyo na ang meron sa inyo ni She. “ Ani pa ni Ram sa kaibigan.

“Napag-usapan na namin ni Sheila iyon at tinapos na namin ang lahat. Tatapusin ko na lang ang kontrata ko dito at balak ko na ituloy ang pagpunta ng Qatar. Kahit sabihing tapos na kami ni Shiela sa isa’t isa, habang araw-araw kaming magkasama hindi ko masabing kaya ko panindigan ang pangako ko. “ Ang malungkot na tugon ni Romar.

“Eh sa nag ka-inlaban kayo eh, kasalanan man hindi niyo naman sinasadya. “ Saad pa ni Ram.

“Kayo ba ni Renz, ano na ang score niyo sa isa’t isa. Ayaw ko man kumpirmahin pero nakikita ko ang lagkit ng mga tinginan niyo sa isa’t isa. Tahimik lang kayo pero pansin sa mga kilos niyo na may sekreto kayong tinatago. Ano ba ang totoo, kayo na ba? “ Biglang tanong ni Romar kay Ram.

Nakailang sunod-sunod na lagok ng kape si Ram sa tanong na iyon ni Romar bago nito nilinaw at itinanggi na walang ganung  ganap sa pagitan nila ni Renz.

Break time naman ni Renz ng oras na iyon at sa bilyaran naman na iyon ang distinasyon nito kasama sina Dante. Madaanan ang kapehan kung saan naroon sina Ram at Romar na magkaharap sa isang maliit na coffee table na nag uusap.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.