loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
MY BOSS (BxB) COMPLETED

MY BOSS (BxB) COMPLETED

CHAKASALSAL · 10 chapters · 9,608 words

CHAPTER 1

Sa 18th floor ng Lee Group of Companies sa Ortigas, lahat ng mata ay sabay-sabay napalingon. Hindi dahil may fire drill, kundi dahil sa pagdating ng isang nilalang na parang sinapian ni Vice Ganda at Heart Evangelista sa iisang katawan.

Suot ang navy blue tailored pants, tucked-in silky white blouse, at Hermes belt na halos triple ang sahod ng accounting assistant, dumating si Secretary Kimverlyn D. Chavez, a.k.a. Ang Baklang May Binders.

May dalang Starbucks (venti, syempre), hawak ang tablet, at naka-airpods habang may kausap na supplier. Pero kahit multi-tasking, hindi kumukurap ang pilikmata. “Sir Carl, paki-expedite ‘yung shipment. Kasi kapag hindi, magpapadala ako ng glitter bomb sa opisina ninyo. Thank you, char.” Click . End call.

Pagdaan niya sa pantry, nagtaas ng kilay si Madam Joyce, ang HR head. “Late ka ngayon, Kim.” “Late ba ako, o advance lang kayo masyado?” sagot ni Kim, sabay kindat.

Dumiretso siya sa opisina ni Mr. Matthew Eun Ji Lee - ang CEO. Gwapo, tall, half-Korean, at cold-blooded pagdating sa trabaho. Bago pa man siya makapasok, pinunasan niya ang door handle gamit ang alcohol spray. “Germs don’t pay taxes,” bulong niya.

Pagbukas ng pinto nandun na si Mr. Lee, nakaupo, nagsusulat. Laging ganun: laging focused, parang lagi may iniisip na pang-world domination.

“Good morning, Mr. Lee,” bati ni Kimverlyn, sweet pero stiff ang tono. “Took you long enough,” sagot ng boss. “Wala pong Grab Helicopter today, kaya nag-MRT muna ako with the mortals.”

Tiningnan siya ni Mr. Lee, taas-kilay. “Where’s my schedule?” Kimverlyn handed the tablet. “Done. Reviewed. Organized by mood. May emojis din para less intimidating sa glance.” “…Emojis?” “Yes po. When you’re dealing with investors, smiley face can increase sales by 3.7%.”

Tahimik si Matthew. Pero halatang impressed.

“Also, your lunch is scheduled at 12:45. Korean beef rice bowl, no onions, extra kimchi. Nasa private dining room na. I told them to make sure the rice looks imported, para sosyal.”

Nilingon siya ng CEO. Matagal. Parang may gustong itanong pero hindi matuloy.

“…Secretary Kim.” “Yes, Sir?” “Do you ever plan to… not be perfect?”

Napaisip si Kimverlyn. Perfect? Maybe. Pero happy? Hindi siya sure.

Kaya sa mga susunod na araw, sa gitna ng mala-militar na rutina, may napipintong bomba. At ang bomba na ‘yon ay may laman na resignation letter.

Pero sa ngayon, ngumiti muna siya at nilingon ang boss.

“Sir, I’m gay. Perfection is part of the package.”


Linggo ng umaga pero wala si Kimverlyn sa spa, sa brunch, o sa Divisoria na panggabi lang ang budget. Nasa opisina siya, nakatayo sa harap ng table ni Mr. Matthew Eun Ji Lee—CEO ng Lee Group of Companies at certified Alpha with Ice in his Veins.

“Sir, ito na po ang reports. Na-proofread ko na, ni-reformat ko pa, tapos pinabango ko rin—baka sakaling gumaan ang loob n’yo,” ani Kim habang inaabot ang folder.

“Why is it printed in Times New Roman?” tanong ni Matthew, hindi man lang tumingin.

“Sir… standard font po ‘yan. World-class. Trusted. Classy.” “Use Garamond next time. Times New Roman is too… insecure.” “Ah, so may insecurity pala ang font. Wow. New learning,” bulong ni Kim, pero naka-smile pa rin.

Hindi pa siya nakaka-upo, biglang may diniktahan na agad si Boss Matt. “Cancel my meeting with the Singapore group. Re-schedule with the Korea team. Then double-check the contract revisions. Oh, and tell Legal I want that clause removed.”

“Yes po. On it. Char.”

Napahawak sa sinturon si Kimverlyn habang lumalakad palayo. Sa isip niya, “Lord, give me patience. Or a sugar daddy para makaalis na ako rito.”

Biglang nagsalita si Matthew habang nakatalikod siya: “Secretary Kim.”

“Yes po?” “Did you… gain weight?” Napatigil si Kim. “S-Sir?” “Your walk… it’s less… swift today.”

Tangina ‘to. Pa-observe si boss.

“Ah, siguro kasi Sir, bagong heels ‘to. Parang pang-Rescue 911 ang arch support.”

Tahimik si Matthew. Hindi man lang ngumiti. “Very well. I like the color, though. It suits you.”

OH? Compliment ba ‘yon?

Hindi alam ni Kim kung magpapasalamat siya o lalabas ng building at magpapakain sa sarili sa jeep.

Pagbalik niya sa desk, dumapo agad ang chismis gang—sina Shie, Ate Lou, at si Carl ng Admin.

“Bakla! Anong sabi ni Boss?” tanong ni Shie, may dalang milk tea. “Hay nako. As usual, font ang concern. Hindi ‘yung efforts ko. Feeling ko hindi niya ako tao, parang AI na may lashes.” “Eh gwapo naman ‘yung boss mo. Bet mo ba?” “Bet ko siya kung may pagkatao siya. Eh ang lamig niya, girl. Parang ref na may stock ng disappointment.”

Sabay-sabay silang nagtawanan.

Pero habang kumakain ng kwek-kwek si Kim, napaisip siya.

Bakit parang… ako nalang palagi ang nag-a-adjust?

At bakit parang mas nahihirapan na akong ngumiti habang sinisigawan niya ako tungkol sa spacing ng PowerPoint?

Kinagabihan, sa condo niya, habang naka-bathrobe si Kimverlyn at naglalagay ng face mask, binuksan niya ang laptop at nag-type ng Resignation Letter.

Subject: My Time Has Come… Charot, Hindi Ito Joke

“Dear Mr. Lee,

After eight fabulous, exhausting, borderline abusive yet educational years of serving as your ever-loyal and gorgeously gay secretary, I have decided to pursue another chapter in my life…”

Napahinto siya. Napaisip.

Ready na ba talaga ako?

Pero sa dulo, tinuloy niya ang type. Pinindot ang “Save.”

Sabay sabi sa sarili, “Hindi ako robot, bakla ako. May puso rin.”

CHAPTER 2

Lunes ng umaga. Sa lobby ng Lee Group of Companies, parang may kasal pero si Kimverlyn Chavez lang pala ’yon. Suot ang kulay-rosas na barong-inspired top, high-waist trousers, at may dangling earring shaped like a mini clipboard.

Handa na siya. Handa na ang resignation letter. Handa na rin siyang maging unemployed but free.

Pagpasok sa opisina ni Mr. Matthew Eun Ji Lee, biglang huminto ang mundo. Parang may sariling theme song ang bawat hakbang ni Kimverlyn. Kung may slow-mo lang sana, baka pumatak pa ang confetti.

“Good morning, Secretary Kim.” “Good morning po, Sir.” Tahimik. Mahangin. Tense. Tumindig siya nang tuwid. Kumapit sa Hermes clutch. Huminga ng malalim.

“I’d like to submit my resignation.”

Tumigil si Matthew sa pagsusulat. Dahan-dahang tinaas ang tingin niya.

“…What did you say?”

“I said, I’m resigning, Sir. This is the hardcopy. May softcopy po ako sa email, kung gusto niyo ring ipa-Notarize for extra drama.”

Matthew blinked. Ngumiti si Kimverlyn. Smile na may halong lungkot pero may glitter pa rin.

“Wait,” sabi ni Matthew, tumayo. “May problema ba sa kumpanya? Sa workload? Sa…… ako?”

Naglakad si Kim papunta sa window. Nakatingin sa Ortigas skyline, parang nasa teleserye. “Sir, sa totoo lang… wala naman po kayong ginawang masama.”

“Then why?”

“…Kasi Sir, sa loob ng walong taon, puro trabaho ang mundo ko. Para akong printer na puro labas ng output pero walang karapatang mapagod.” Huminga siya nang malalim.

“Gusto ko naman maranasan yung tanungin kung kumusta ako, hindi lang kung nasaan na yung minutes of the meeting.”

Matthew clenched his jaw. “You’re saying I took you for granted.”

Kim turned around. “Sir… I’m not saying it. I’m resigning it.”

BOOM.

Tahimik si Matthew. As in tahimik na parang nagka-buffer ang kaluluwa niya.

Kim walked toward the door. Pero bago siya lumabas, lumingon siya. “By the way, Sir… hindi ako nagpapaligaw ha. Nagpapaalam ako.”

At biglang bumukas ang pinto, sabay pasok ng Legal Team. Nagulat sila. Si Matthew, tulala. Si Kim, fierce.

“Sir Matthew?” tanong ng head ng Legal. “…I think I’m in the middle of a crisis,” bulong niya.

Paglabas ni Kim sa opisina, hiyawan agad ang chismis gang.

“Ghorl! Totoo ba ‘yan?” “OMG! Nag-resign ka na ba for real?” Kim smiled.

“Oo mga bakla. Resign is real. Pero don’t worry, ang glam ko forever.”

Kinagabihan, habang nakahiga si Kim sa kama, walang make-up, naka-shirt lang at pekpek shorts, napatingin siya sa ceiling.

“Bakla ka. Matapang ka. Pero bakit parang may part sa puso mo na… nagdadalawang-isip?”

Tumulo ang isang luha.

Hindi dahil sa trabaho. Hindi dahil sa sweldo.

Kundi dahil sa isang boss na, sa kabila ng sungit at pagiging anti-social… eh parang may tinatago ring lambing.


Isang maulan na gabi. Nasa condo si Kimverlyn, suot ang oversized shirt na may print na “Power Bottom with a Planner.” May hawak siyang mug ng chamomile tea habang tinititigan ang isang kahon sa ilalim ng kanyang kama, isang kahon na puno ng alaala.

Eight years… eight long, long, LONG years.

Binuksan niya ang kahon. Una niyang hinugot: isang lumang ID lanyard.

FLASHBACK: Year 1

First day niya sa Lee Group. Nakaponytail pa siya, may bangs, at suot ang generic white blouse with black slacks na parang uniform ng accounting.

Pagpasok niya sa opisina ni Matthew:

“Coffee, black. 73 degrees Celsius. No sugar. No milk.”

“Sir… may thermometer po ba kayo for that?”

“Buy one.”

Yikes. Ako ba ‘to o sinusumpa ko na agad ang career path ko?

Sunod niyang hinugot mula sa kahon: isang maliit na bote ng alcohol, na may label na “Kim’s Emergency Cleanse – For Boss-Induced Headaches.”

FLASHBACK: Year 3

Si Kim, umiiyak sa CR habang hawak ang mga contracts na pinabago ni Matthew ng six times.

“Bakit ba ako nag-ARComm kung ang ending ko ay taga-reformat ng Excel sheets?”

Biglang pumasok si Ate Lou ng HR, may hawak na empanada.

“Laban lang, ghorl. Ang ganda mo pa rin kahit umiiyak ka.”

“Salamat po. Kasi kahit sugatan ako, may foundation pa rin.”

Sumunod, nakita niya ang polaroid photo nila ni Matthew….. accidentally taken during company outing sa Batangas.

FLASHBACK: Year 5

Naka-shades si Matthew habang nakaupo sa may duyan. Si Kim naman, may dalang checklist ng lunch orders.

“Sir, gusto n’yo po bang sumama sa Banana Boat ride?”

Matthew: “No. I don’t do fun.”

Kim: “Ah, ganun? Ako naman po, I don’t do emotional repression but here we are.”

For the first time, ngumiti si Matthew. Aba? May ngiti?

Bumalik si Kim sa kasalukuyan. Napangiti siya habang hawak ang mga lumang alaala. Pero napabuntong-hininga rin.

“Hindi biro ang walong taon. Para na rin akong asawa… pero walang conjugal benefits.”

Tumayo siya at humarap sa salamin. Tinitigan ang sarili.

“Ghorl, proud ako sa’yo. Hindi ka lang basta secretary. Isa kang secret weapon. Ikaw ang dahilan kung bakit smooth ang business ng taong walang sense of humor.”

Kinuha niya ang favorite brush niya. Nagsimulang mag-make up habang nagsasalita sa sarili na parang acceptance speech.

“To myself, thank you. For being patient, fabulous, and still glowing despite all the PowerPoint-induced trauma. To Matthew… thank you rin. For being the reason kung bakit marunong akong umiyak nang hindi umi-smudge ang eyeliner.”

Isang deep sigh. Isang huling sip ng tsaa. At isang bagong araw na mag-uumpisa, pero wala na siya bilang Secretary Kim.

Sa kabilang banda ng lungsod, nasa loob ng office si Matthew kahit gabi na. Nakaupo, nakatitig sa walang laman na upuan sa tapat ng desk niya.

May hawak siyang sticky note na kulay lavender.

Nakalagay: “Don’t forget to smile. Hindi ka naman vampire. – KDC 💅“

At doon, sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung anong gagawin niya sa isang araw… na wala si Kimverlyn.

CHAPTER 3

Martes ng umaga.

Sa loob ng boardroom, may special emergency meeting. Hindi tungkol sa quarterly earnings. Hindi tungkol sa investors. Kundi tungkol sa isang bagay na mas maselan at mas nakakayanig sa kumpanya…

Ang pagre-resign ni Secretary Kimverlyn D. Chavez.

“Sir, is this really necessary?” tanong ni Carla, ang assistant ng assistant ng Finance. Matthew stood in front, naka-suit pero mukhang hindi nakatulog. May hawak siyang marker at may drawing sa whiteboard: isang stick figure na may label na “KIMVERLYN: CORE OF EVERYTHING.”

“Yes, this is critical,” sagot niya. “Lahat ng system natin, kahit ang internal peace ko nakadepende kay Kim.”

Sumabat si Sir Jun ng IT. “Sir, kaya naman naming ayusin ’yung systems kahit wala siya…” “HINDI ’YAN ANG POINT!” sigaw ni Matthew, sabay bagsak ng marker. “Hindi niyo ba naiintindihan? He remembers everyone’s birthdays. He adds emojis to your emails. He knows when I’m hungry just by my breathing pattern!”

Tahimik ang buong boardroom.

“Sir…” tanong ni Miss Lou. “Are you sure hindi po kayo… na-iin love na kay Secretary Kim?”

Biglang natahimik si Matthew. Napalunok. “…What are you implying?”

“Gusto niyo po siyang pigilan, pero hindi dahil sa trabaho. Dahil miss niyo siya. Iba na ’yan, Sir.”

Meanwhile…

Sa isang artsy café sa Poblacion, nasa interview si Kimverlyn. Suot ang neutral-toned suit na may pa-peekaboo lace, at nagbabasa ng brochure ng bagong kumpanya.

“Secretary Chavez, ang position na ino-offer namin ay Executive Creative Coordinator. Less stress, mas flexible hours. May birthday leave pa,” sabi ng HR.

“Hmm… may complimentary facial po ba monthly?” “…Wala po.” “Next!” sabi ni Kim, sabay ngiti.

Habang naglalakad palabas ng café, biglang nag-vibrate ang phone niya. Unknown number.

📞 Unknown Caller: Besh, I’m Desperate

“Hello?”

“Secretary Kim. This is Matthew. Your boss. Ex-Boss.” Napataas ang kilay ni Kim. “Wow. Ano’ng meron, Sir? May mali sa font ng report ulit?”

“I need you back.”

“Teka lang, Sir. Nagmumukha tuloy tayong eksena sa teleserye ni Bea Alonzo.”

“Kim, just tell me what you want. Raise? Bonus? A dedicated napping area? MAC Cosmetics subscription?”

Kim laughed. “Ay, Sir, ang dami niyo palang pinagbago… three days pa lang akong wala.”

“…Please,” bulong ni Matthew. “Tell me how to make you stay.”

Tahimik si Kim saglit. Tumingala sa langit, parang nagpa-pray.

Then, with full diva calmness, sabi niya:

“Sir, kung gusto niyo akong bumalik, simple lang ang requirement ko…”

Matthew held his breath.

“…TREAT. ME. LIKE. A. HUMAN. BEING. Hindi lang secretary. Hindi lang extension ng utak niyo. Gusto ko ng respeto, ng appreciation, at syempre, ng 13th month kahit hindi Disyembre.”

Matthew: “Done.”

Kim: “Charot. I’ll think about it. Goodbye for now.”

Click. End call.

Sa boardroom, nakatayo pa rin si Matthew, hawak ang phone, tahimik.

“Sir?” tanong ni Carla. “Umu-okay na po ba ang sitwasyon?”

Matthew looked at her. “Prepare the company jet. I have a mission.”

“Mission?”

“Operation: Pigilan si Secretary.”


Isang bagong umaga sa Lee Group of Companies.

Maaliwalas ang paligid. Tahimik. Malinis. Organisado. Pero walang rainbow. Walang amoy ng vanilla body mist. At higit sa lahat…

Wala si Secretary Kimverlyn.

Instead, sa secretary desk ngayon, nakaupo si Dexter, isang bagong hire mula sa corporate temp agency. Straight. Wala sa skincare. Walang kilay. At ang font choice? Calibri.

Sa loob ng opisina ni Matthew Eun Ji Lee…

“Dexter,” tawag ng CEO habang nagsusulat. “Yes, Sir?” “Bring me my 10:15 coffee. Medium roast. One Stevia. Two ice cubes. Coconut milk. Stainless straw. Served at exactly 43°C.”

Dexter blinked.

“…We only have 3-in-1, Sir.”

Biglang napatigil si Matthew. Natahimik ang aircon. Parang may namatay na fairy godmother.

“3-in-1?” “Yes, Sir. Extra strong.”

Napapikit si Matthew, dahan-dahang sumandal. Breathe in. Breathe out. Think of Kimverlyn.

Ilang oras ang lumipas. Dumating ang mga report. Puro numbers. Puro graphs. Wala man lang emoji. Walang color-coded tabs. Worst of all, wala ’yung signature “You got this, ghorl!” note sa dulo ng memo.

Matthew stared at the document. “This is… soulless.”

Meanwhile…

Si Kimverlyn, nasa spa. Nakahiga habang minamasahe ng dalawang therapist sabay.

“Miss Kim, ang sarap n’yong kasama sa opisina dati,” bulong ng isa.

“Ay ghorl, ’wag na tayong bumalik sa trauma. Healing era ko na ’to,” sagot ni Kim habang nakapikit.

Nag-vibrate ang phone niya. May text.

📱 From: Boss Ice King “Kim, bumalik ka na. Hindi ako maka-function. Walang may alam kung saan naka-save ang annual planner.”

Sinensilyo lang ni Kim ang phone.

“Hay naku. Karma is a professionally blended lip tint. Let him suffer with Calibri.”

Balik sa opisina…

Nag-crash ang printer.

“DEXTER!” sigaw ni Matthew. “Yes, Sir?!” “Why is the printer not working?!” “Try ko pong i-restart, Sir!” “…Where is the printer manual?” “Nasa online po. Pero may virus po yata ’yung link.”

Matthew nearly screamed.

“Kung si Kim ’yan, naka-laminate na ’yung manual at may color-coding pa. Tapos may emoji.”

Sa pantry, ang mga empleyado nagkakape.

“Naku, ang lungkot sa office no’n wala si Kim,” sabi ni Ate Lou. “Oo nga. Si Dexter… eh ’di mo masabihan ng chika. Ni ‘hi bakla’, hindi sumasagot.” “Wala rin siyang baon. Si Kim laging may dalang choco flakes at chismis.” “Pati si Sir… parang lalo pang naging bato.”

Kinagabihan, bumalik si Matthew sa opisina kahit late na. Pinuntahan niya ang desk ni Kim. Inilawan niya ito.

May naiwan pa palang item sa drawer.

Isang mini fan na may print: “Don’t sweat, Secretary Kim got you.”

At doon, sa katahimikan ng opisina, unti-unting bumagsak ang pride ni Matthew Eun Ji Lee.

Napaupo siya.

Napabulong.

“…I miss you.”

CHAPTER 4

Kumakalat ang Chika

Isang mainit na Huwebes ng umaga. Mainit hindi dahil sa panahon, kundi dahil sa intriga.

Sa group chat ng mga empleyado ng Lee Group of Companies:

📱 “Admin Baes GC” 💬 Shie: BESHHHH may nakita ako!

💬 Carl: Anong chika?

💬 Shie: Si Sir Matthew at si Secretary Kim… may “something” daw?!

BOOM. Nag-freeze ang chat, sabay sunod-sunod ang mga typing dots.

💬 Ate Lou: Hoy! Legit ba ’yan o gawa-gawa mo lang habang nasa CR ka?

💬 Shie: True, teh. Narinig ni Mike ng janitorial na si Sir mismo ang nag-text kay Kim  ng “Please come back. I need you.” Tapos may heart emoji pa raw!

Panic. Screams. Virtual chismisan.

Meanwhile …

Si Kimverlyn, nasa isang high-end co-working space, gumagawa ng mood board for his fashion line start-up idea.

“Soft masculinity meets high femme na may lace, may shoulder pad, may dignity. Ghorl, this is it!” sabi niya sa sarili habang may hawak na pink mechanical pencil.

Biglang may dumating na text.

📱 From Shie: “Baks! Kumakalat na ang chika niyo ni Sir Matt. May MU raw kayo. Spill!”

Napataas ang kilay ni Kim. “MU agad? Hindi pa nga siya marunong mag-‘Good morning’ nang may effort.”

Nag-reply siya: 💬 “Mga bakla, sa dami ng papers na pinirmahan ko sa kanya, hindi pa rin kasama ang love contract, ha.”

Pero kahit pabiro, hindi niya mapigilang mapaisip…

What if… may something nga?

Back in the office…

Naglalakad si Matthew sa hallway, as usual, composed, serious, CEO realness. Pero may napapansin siya…

Lahat ng tao, nakatingin.

May ngiti. May kindat. May bulung-bulungan.

Pagdaan niya sa HR:

“Hi Sir, kamusta po si… Secretary Kim?” sabay ngiting pilya ni Ate Lou. Matthew: “Fine. Why?” HR Team: “Wala lang, Sir. Curious lang kami kung… may special connection kayo?”

Matthew: “…I do not mix business with personal matters.”

Pero nang makalayo siya, kinapa niya ang phone sa bulsa.

Binuksan ang chat kay Kim.

Walang bagong message. Wala ring reply sa last niyang text.

Sin-seenzoned.

Later that day…

Nasa rooftop si Matthew, mag-isa, bitbit ang kape na hindi kay Kim galing. Tumingala siya sa langit.

Totoo ba ’to? May gusto ba talaga ako sa kanya? O nasanay lang ako na andun siya lagi?

Pumikit siya. Inalala ang mga moment na wala na si Kim, yung mga maliliit na bagay na dati ay hindi niya pinapansin.

’Yung sticky notes na may pa-inspirational quotes.

’Yung lavender air freshener sa opisina.

’Yung secret stash ng choco flakes kapag bad trip siya sa Board.

Napabuntong-hininga si Matthew.

“Kim… bakit ang complicated mo?”

Biglang may dumating na notification.

📱 Message from Unknown Number: “FYI, Sir, ang chismis pong may MU tayo….. fake news. Unless… gusto niyo gawing totoo? 😂”

Matthew stared at it. Napangiti.

Ngayon lang siya ngumiti nang ganu’n. Yung genuine. Yung may kilig. Yung parang sinampal ng glitter.

Meanwhile …

Si Kim, habang kumakain ng blueberry cheesecake, naglalagay ng new lipstick.

“Let’s see kung hanggang saan ang pride ni Mr. CEO,” bulong niya.

Then, with a flick of his lashes, tinype niya:

📱 “Coffee tayo bukas? Not as boss and secretary… just two adults with unresolved tension. 😘”


Ang Paanyaya ni CEO

Sa isang private fine-dining restaurant sa BGC, may nakaupong lalaki sa pinaka-discreet na booth, suot ang navy blue suit na parang pinatahi ng mga anghel sa langit. Siya si Matthew Lee, CEO, self-made billionaire, at ngayo’y kabadong-kabado.

Oo. Kabado.

Napatingin siya sa relo.

7:28 PM.

“Two minutes na lang. Darating kaya siya? O niloloko lang niya ako?”

Inayos niya ang pagkaka-upo, inayos ang kurbata kahit hindi naman maluwag, then humigop ng wine para magmukhang chill kahit sa loob-loob niya ay parang may disco ng kabog sa dibdib.

Then came the entrance.

Pumasok si Kimverlyn.

Stunning.

Suot ang beige turtleneck tucked in sa high-waisted black trousers, naka-pointed boots na may konting shimmer. Malinis ang bun, may highlight ang cheekbone, at confident ang lakad na parang sinasabi sa mundo:

“Yes, ako ’to. The secretary who got away.”

Napatayo si Matthew, di sinasadyang natabig ang wine glass. “Shit,” bulong niya. Buti na lang may staff agad na naglinis.

“Sorry I’m late,” ani Kim habang nauupo. “Nagpa-retouch pa ako. You know, first impression sa second chance.”

“Hindi ka late. I was early,” sagot ni Matthew.

Napangiti si Kim. “Ayy, punctual ang lalake. Big turn-on ’yan.”

Uminit ang tenga ni Matthew. Bakla talaga ’to. Hindi marunong magpigil.

Dinner started.

Nag-order sila ng steak, wine, at truffle pasta_sosyal pero may pahaging ng intimacy. Hindi ito business meeting. Hindi ito casual catching up. May tension.

“Bakit mo ako niyaya?” tanong ni Kim habang sinusubo ang pasta like a graceful diva. “Na-miss mo ba ang taga-timpla ng kape mo?”

“Hindi lang ’yun,” sagot ni Matthew.

Nagkatinginan sila. Saglit lang, pero sapat para may kuryenteng dumaan sa pagitan nila.

“I realized something,” dagdag ni Matthew. “Na sa dami ng tao sa paligid ko, ikaw lang ang hindi ko kayang mawala.”

TANGINA NAMAN SIR, PAASA KA BA O SERYOSO NA ’TO?!

Pero syempre, cool lang si Kim. Sip ng wine, flip ng bangs, sabay sagot:

“Hmm. Alam mo, Sir, kung sana sinabi mo ’yan noong time na ako pa ’yung umaalalay sa’yo sa every stress breakdown mo, baka na-touch ako. Pero ngayon?”

Nag-lean in siya. “Ngayon, curious ako. Kasi parang… gusto mo lang ako ulit kasi wala na ako.”

Natahimik si Matthew.

May punto siya.

Matagal bago nakasagot si CEO. “No, Kim. I want you back… but not as my secretary.”

Kim blinked. “Ano ’to, promo? Upgrade from secretary to…?”

“To someone… more important.”

BOOM.

Parang may fireworks sa paligid. Parang slow motion sa K-drama. Parang linya ng lalakeng may pinanghuhugutan.

Pero syempre, hindi nagpadaig si Kim.

“Sir, you don’t just say things like that. Hindi ako kape na puwedeng orderin kapag gusto mo ng comfort. Hindi ako paper na puwedeng i-file kapag tapos ka na.”

Tumayo siya, inayos ang coat, kinuha ang bag.

“Thanks for the dinner. Next time, try mo namang ligawan ako ng may effort. Kasi ghorl ako, pero hindi ako madaling ma-fall.”

At lumakad siya paalis. Walk of power. May sway ng balakang. May glitter ng dignity.

Iniwan niya si Matthew na nakatingin lang. Tahimik. Walang salita.

Pero may ngiti sa labi.

“Challenge accepted.”

CHAPTER 5

Monday morning. 8:00 AM sharp.

Sa lobby ng bagong kumpanya ni Kimverlyn isang posh, digital marketing agency na may industrial minimalist theme na may nakaabang na figure in black. Tall, dark, unmistakably rich-looking.

“OMG…” bulong ng receptionist, “’Di ba siya ‘yung CEO ng Lee Empire? Si Matthew Lee?!”

“Oo nga! Ang hot! Anong ginagawa niya dito? Naka-suit pa sa ganitong init!”

Ding! Nagbukas ang elevator.

At mula roon, bumaba si Kimverlyn.

White polo, tailored slacks, sling bag from a local designer, and a fresh-from-the-salon glow.

Pagbukas ng pinto, nagkita ang kanilang mga mata.

Matthew: “Good morning, Kim.”

Kimverlyn: “What in the rom-com is happening here?”

Flashback: Sunday night

Nag-zoom in ang mukha ni Matthew habang kausap ang sarili sa salamin.

“Okay, Matthew. You closed billion-peso deals, negotiated with global CEOs, at na-maintain mong 6-pack mo kahit di ka natutulog. Time to do the hardest thing you’ve ever done, ito ay ang ligawan ang isang baklang secretary na may high standards.”

He opened his laptop and typed:

GOOGLE SEARCH: “How to court a gay man (with taste)”

Back to Monday

“Bakit ka nandito?” tanong ni Kimverlyn, crossed arms, deadpan stare.

“Para sunduin ka sa work,” sagot ni Matthew, handing him a hot cup of coffee. “Triple shot oat latte, two pumps of caramel. Tama ba?”

Kim raised an eyebrow. “Alam mo pa rin pala ‘yung kape ko. Cute. Stalker vibes pero cute.”

“Willing akong maging barista mo araw-araw.”

“Hmm. Sige nga, next time may latte art na rainbow.”

“Noted.”

Lunch break.

While Kim was chatting with his new co-workers, biglang dumating ang bulaklak na isang buong bouquet ng peonies at white roses. May kasama pang hand-written note.

To the only person who made this CEO feel like a trainee.

-M.L.

Screams all over the office.

Coworker A: “Aaaaay! Kimverlyn, may pa-flowers si bossing?!”

Coworker B: “Sana all sinusuyo!”

Kim just sighed, pero halatang kinilig.

“Korni mo, Sir. Pero sige. +0.5 ka sa effort.”

Tuesday: Brunch Surprise

Habang naglalakad si Kim papuntang pantry, may nakita siyang food cart na puno ng egg tarts galing Macau ang kanyang favorite.

May note:

You always loved flaky exteriors with warm centers. Just like me.

-Still M.L.

Kimverlyn: “Tangina. Galing mag-analyze ng pastry. Therapist ka na ba ngayon?”

Wednesday: Serenade Gate

Pagbukas ng office blinds, may nakita ang buong team sa labas isang string quartet. Tapos may lumabas na violinist in full suit playing “Shallow” from A Star is Born.

“Sino ‘yang nagbayad ng musicians on a Wednesday morning?!”

Tumunog ang phone ni Kim. Text from an unknown number:

Hindi ako shallow. But for you, I’d dive deep. 🌊

“Hay. Na-Spotify ang feelings niya.”

Thursday: The Confrontation

Pag-uwi ni Kim, paglabas niya ng gate, naroon si Matthew, hawak ang umbrella habang umuulan.

Wala na siyang dalang regalo. Wala nang paandar. Just himself.

“Alam mo, Sir,” simula ni Kim, habang humahakbang palapit. “Pwede ka naman palang romantic.”

Matthew: “Ginagawa ko lang ‘to kasi gusto kitang makilala muli. Hindi na bilang secretary. Pero bilang… Kimverlyn. Ikaw.”

Tumingin si Kim sa kanya.

“Matteo, mahirap akong ligawan.”

“Okay lang. Marunong akong maghintay.”

At sa ilalim ng ulan, wala munang kiss. Wala munang holding hands.

Pero may isang bagay na nagsimula at yun ay posibilidad.

Friday morning.

Sa opisina, naka-slouch si Kimverlyn sa kanyang ergonomic chair, hawak ang phone habang ini-scroll ang messages ni Matthew. Halos buong linggo na siyang nililigawan ni CEO, at aminado siyang… may kilig.

Pero siyempre, defensive pa rin siya.

“‘Di porket may pa-flower at pa-egg tart e magiging Jane Austen novel na ‘to,” bulong niya sa sarili habang tinatago ang ngiti.

Sa inbox niya:

From: M.L.

Breakfast? I know a place na may pandesal na may truffle butter. Pang-CEO at pang-beki.😘

Napailing si Kim habang natatawa. “Ang arte mo, sir. Pero… truffle butter, ha? Ayaw ko nga lang sabihin pero na-curious ako.”

Flashback: Kagabi

Sa ilalim ng ulan, matapos ang dramatic na payong scene, nagpaka-sincere si Matthew. Hindi ito ang CEO na bossy, mayabang, at perfectionist. Siya ‘yung taong willing maghintay, hindi natatakot magpakumbaba, at alam kung paano makinig.

And for Kim, that hit different.

Kaya ngayong araw, habang papunta siya sa coffee shop kung saan sila magkikita for breakfast, isang bagay ang malinaw, yun auy nagsisimula na siyang bumigay.

At the café

Matthew: “I ordered ahead. Truffle pandesal, almond milk coffee, at isang kiss….. kidding! Unless…”

Kimverlyn: “Aba. Kaloka ka talaga. May pa-kiss-kiss ka na ngayon?”

Matthew: “Di mo ba na-miss ‘to?”

Kim smirked. “Honestly… a bit.”

Habang kumakain sila, napansin ni Matthew na parang relaxed si Kim ngayon. Hindi na stiff. Hindi na sarcastic ang tono. Parang nagbubukas na siya ng konti.

“Pwede bang itanong ko ‘to,” ani Matthew. “Bakit ka umalis noon?”

Napahinto si Kim sa pagkain.

“Gusto mo talaga malaman?”

Tumango si Matthew.

“Dahil kapag mahal mo ang trabaho mo, pero hindi ka naman napapansin as more than just an assistant… nakakalimot ka na ring may sarili kang pangarap.”

Tahimik si Matthew.

“Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako umalis,” dagdag ni Kim. “Pero ikaw din ang dahilan kung bakit ang hirap umalis.”

Later that day

Pagbalik ni Kim sa office, tahimik lang siya. Pero sa loob-loob niya, umuulan ng butterflies.

Nag-check siya ng messages. May bagong dumating.

From: Unknown Number “Uy Kim. Long time no see. Balita ko nasa bagong company ka na”

“This is Gio.”

Napakunot-noo si Kim.

Gio. Ex niya. The only ex na halos winasak ang puso niya into confetti.

Bago pa siya makapag-reply, may isa pang message:

“Mind if we meet? Coffee lang. Catch up tayo. I missed you.”

Hindi niya alam kung anong mararamdaman.

Just when things were finally looking good… biglang may ex na nagbalik?!

That night

Kim stared at his phone. Tapos napatingin siya sa message ni Matthew.

“Thanks for this morning. I like this version of you na happy.” Sabi ni Gio

Napangiti siya. Pero sabay din bumigat ang dibdib niya.

“Sht,” bulong niya. “Ano na ‘to? May Matthew na nga… babalik pa si Gio?”

CHAPTER 6

Linggo ng hapon.

Nasa harap ng salamin si Kimverlyn, naka-white linen shirt at black cropped pants, minimalist pero may dating. Para siyang pupunta sa casual date, pero sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit siya pumayag makipagkita kay Gio.

“Closure lang ’to. Wala namang malisya,” bulong niya sa sarili habang nilalagyan ng light tint ang lips.

Pero kahit anong paliwanag niya sa utak niya, kinakabahan siya.

Sa café

Maaga siyang dumating. Pinili niya ’yung table sa sulok, malapit sa glass wall, kung saan tanaw niya ang labas at ang potential escape route kung sakaling magka-drama.

Pagpasok ni Gio, para siyang time traveler mula sa past. Medyo mas lean na, naka-black tee at denim jacket, at may ngiti pa ring nakakairita’t nakakakilig.

“Kim,” bati ni Gio.

“Uy,” casual na sagot ni Kim. Pero sa loob-loob niya: Tangina, bakit pa gwapo ka pa rin?!

Umupo si Gio sa tapat niya, parang walang nangyari. Pero si Kim, alert mode.

“Kamusta ka na?” tanong ni Gio habang uma-order ng iced Americano.

“Okay naman. New job. New life. You?”

“Ganun din. Pero di ko na kinaya ’tong tahimik lang. Nung nalaman kong bumalik ka, gusto ko lang… makita ka ulit.”

“To what, Gio? Relive the trauma?” sarkastikong sagot ni Kim, pero may bahid ng lungkot sa mata.

Napayuko si Gio. “Alam kong nasaktan kita. Hindi ko madedeny ’yun. Pero nung nawala ka, dun ko lang na-realize kung gaano kita kamahal.”

Boom. Yan ang linya na minsang ikinabaliw niya.

Pero ngayon? Medyo may kalawang na.

“Gio, if this was two years ago, baka umiyak na ako sa harap mo. Baka yakapin kita at sabihing ‘try again.’ Pero ngayon… may nagbago na.”

“May iba na ba?”

Tahimik si Kim.

And as if on cue, tumunog ang phone niya. May message.

Matthew L.

Are you free later? I miss you.

Kim looked at Gio. Tapos napatingin siya sa message.

Then he smiled.

“May tumutulong na sakin to heal,” sagot niya. “And no, hindi ko na kailangang balikan ang past para lang ma-validate ’yung worth ko.”

Later that night

Sa penthouse ni Matthew, nagkita sila. Casual lang ang vibe tsaka may pizza, wine, at si Matthew ay naka-loose hoodie. Sobrang opposite sa CEO mode niya sa office.

“Kamusta araw mo?” tanong ni Matthew habang inaabot ang isang slice ng pizza.

“Interesting. May binasag akong multo.”

“Ha?”

“Yung ex ko. Nagpakita.”

Biglang naging seryoso si Matthew. “What did he want?”

“Closure. Drama. Maybe even a second chance.”

“Tapos?”

“Tapos sinabi ko sa kanya… I’m already healing.”

Tahimik si Matthew.

Tumayo siya, lumapit kay Kim, tapos hinawakan ang pisngi nito.

“I don’t want to rush you. Pero kung ako man ’yung magiging rason ng healing mo… I’ll make sure you won’t have to go through another heartbreak again.”

Nagtagpo ang mata nila.

At kahit walang halik o yakap, sapat na ang katahimikan para sabihing: something real is beginning.


Puso o Pangarap?

Isang malamig na umagang Lunes. May ambon sa labas at medyo madilim ang kalangitan. Pero ang loob ng opisina ng LGC Group ay abala sa normal nitong routine na kung saan may tunog ng keyboard, soft clicks ng heels, at amoy ng mamahaling kape.

Pero sa loob ng private office ni Matthew L. may tensyon.

Nasa harap niya si Kimverlyn, hawak ang isang folder. Pero hindi ito tungkol sa schedule, contracts, o client meetings.

Ito ang kanyang resignation letter.

“Kim,” malamig ang boses ni Matthew, pero may bakas ng disbelieve. “Anong ibig sabihin nito?”

Huminga nang malalim si Kim. “I’ve been thinking about this for weeks. Matagal na akong nagtatrabaho sa ilalim mo, at sobrang dami kong natutunan. Pero ngayon, gusto kong subukan kung ano talaga ang kaya kong gawin… as me.”

“Is this because of what happened with your ex?” matalim ang tanong ni Matthew, pero may kirot sa tono.

Umiling si Kim. “No. This is about me. Bago pa kita nakilala, pangarap ko nang magtayo ng sarili kong PR firm. Hindi ko lang tinuloy dahil natakot ako… at naging komportable.”

Tahimik si Matthew. Tiningnan niya si Kim na para bang ngayon niya lang ito tinitingnan nang buong-buo, hindi lang bilang secretary, kundi bilang lalaking may sariling lakas at ambisyon.

“I thought… we were starting something,” mahinang bulong ni Matthew.

“Baka nga,” sagot ni Kim, pilit ang ngiti. “Pero baka kailangan ko munang ayusin ang sarili ko bago ako maging part ng kung ano man ang ‘something’ na ’yan.”

Lumapit si Matthew. Hindi na siya CEO sa mga kilos niya ngayon, wala ang air of arrogance o confidence. Siya ay isa lang lalaking natatakot na mawala ang taong mahal niya.

“Kung aalis ka, hindi kita pipigilan… Pero pwede ba akong umasa na babalik ka rin sa buhay ko, kahit hindi bilang secretary?”

Napangiti si Kim. “Malay mo, ’pag successful na ako, ako naman ang kukuha sayo as my assistant.”

Natawa si Matthew. “I’m serious.”

“Me too.”

Tatlong Linggo Makalipas

Hindi na si Kim ang bumubungad sa opisina tuwing umaga. Pero ramdam pa rin ang presensya niya. Ilang beses na raw napatitig si Matthew sa bakanteng upuan sa labas ng office niya, kung saan sanay na siyang may pasimpleng eye-roll o witty comment galing kay Kim.

Pero sa kabilang parte ng siyudad, abala si Kim sa soft opening ng kanyang PR firm which is called Kimverly Communications.

Simple lang ang opisina, pero may character may mga plants, wall filled with inspiration quotes, at isang espresso machine na iniregalo ni Matthew nung nalaman nitong itutuloy na talaga ni Kim ang pangarap.

Nakangiti si Kim habang tinitingnan ang logo ng firm niya.

“Kaya ko pala.”

Sa isang charity gala

Nagkita ulit sina Matthew at Kim.

Parehong naka-black suit. Parehong mas confident, mas composed. Pero pagtagpo ng mata nila parang walang nagbago.

“Mr. Lee,” bati ni Kim.

“Secretary… este, CEO Kim,” bati pabalik ni Matthew.

Tumawa si Kim. “Guess what? Na-close ko ’yung account na hindi mo nakuha dati.”

“Ouch. Sabagay, iba talaga ang galing ng ex-secretary ko.”

“Ex na nga ba talaga?” tanong ni Kim, isang kilay ang taas.

Napalunok si Matthew.

“Well… depende. Ex-secretary, oo. Pero ex-crush? Hindi pa ako ready i-let go.”

Napangiti si Kim. “Then let’s see if your flirting game is as strong as your business pitch.”

At sabay silang tumawa.

CHAPTER 7

Pagkatapos ng charity gala, hindi na natanggal sa isip ni Matthew ang eksenang iyon, si Kimverlyn na confident, successful, glowing. Hindi na siya iyong dating laging naka-beige na slacks at neutral polo na secretary. He was now CEO Kim. At mas nakakainis… kasi mas hot pa.

“Focus, Matthew,” bulong niya sa sarili habang nasa meeting sila ng board.

Pero habang nagpe-present ang marketing director, nakatitig lang siya sa isang papel sa mesa isang calling card. Kimverly Communications

Kimverlyn Chavez

Chief Executive Officer

Bigay ito ni Kim nung gabing ’yon. Pabirong inabot, pero may ibig sabihin. Kasi sa likod nito, may sulat ng ballpen:

“Kape tayo minsan. Libre ko.”

“Mr. Lee?” sabay-sabay na lingon ng board members sa kanya. Halatang wala siya sa wisyo.

“Yes? Sorry, what was the question?” umubo siya at nagkunwaring nakikinig, pero ang totoo, wala na sa kanya ang meeting.

Kinabukasan

Hindi na nakatiis si Matthew. Nag-text siya kay Kim.

Matthew: Libre ba yung sinabi mong kape? I’m cashless today. 🙄 Kim: Libre ka pa rin… sa feelings ko. 😌

Tangina. Napangiti siya.

So he drove to the address on the calling card. Pagdating niya sa office ni Kimverlyn, ibang-iba ang vibe. Wala ang stiff corporate ambiance ng LGC Group. Bright, friendly, with a mini art wall at may scent diffuser na amoy lavender.

Paglabas ni Kim sa office niya, naka-white linen shirt siya, medyo bukas ang tatlong butones. Walang pakialam. Confident. Effortless.

“Uy, CEO,” bati ni Kim habang nagkakape.

“Libre daw kape,” sagot ni Matthew, pero nanlalaki ang mata, kasi may isang lalaking kasabay ni Kim na lumabas din ng office.

Tangkad. Chinito. May hawak na laptop.

“This is Renzo, my creative director,” pakilala ni Kim.

“Hi po, Mr. Lee,” bati ni Renzo na may slight bow.

Ngumiti si Matthew pero… bakit parang may kurot sa dibdib?

Sa Coffee Shop Malapit sa Office

Finally, silang dalawa na lang.

“So… kamusta na ang pagiging boss?” tanong ni Matthew, trying to sound casual.

“Masarap pala,” sagot ni Kim, sabay halakhak. “Walang bossy boss. Walang pa-meeting ng alas-otso. Walang ‘Kim, I need this done in five minutes.’”

Napatawa rin si Matthew. “Teka, bakit parang ako ’yun?”

“Hmm. Parang. Slight lang naman.” sabay kindat ni Kim.

Tahimik.

Tinitigan ni Matthew si Kim. Hindi ’yung titig na boss-to-employee. Kundi ’yung titig ng isang lalaking nagsisisi bakit hindi agad umamin.

“Kumain ka na ba?” biglang tanong ni Matthew.

“Hindi pa, bakit?”

“Gusto mo, dinner tayo? As in… hindi business-related. Just… me and you.”

Tumigil si Kim sa paghalo ng kape. Tumingin nang diretso kay Matthew. May konting biro sa mata niya, pero may tensyon din.

“Sure,” sagot ni Kim. “Pero this time, I pick the restaurant.”

“Basta may dessert,” sabay ngiti ni Matthew. “Gusto ko ng matamis ngayon.”

“Wala ka sa restaurant, sweet ka na agad.”

Putek.

Si Matthew ang CEO. Pero ngayong gabi, siya ang na-execute.


First date, huh? Para kay Kimverlyn, hindi ito simpleng dinner lang. Ito ang moment. Matagal niya na ’tong pinangarap hindi lang dahil kay Matthew, kundi dahil ngayon, pantay na sila. Hindi na siya yung taong tinatawag lang ng “Kiiiimmm! Kape please!”

Naka-all black si Kim, turtleneck at slacks, tapos may suot na thin gold necklace na understated pero classy. Parang sinasabi: CEO na ’ko, pero hindi ako nahuhuli sa style.

Pagdating niya sa restawran, andun na si Matthew. Naka-white polo at denim jacket, mukhang relaxed pero halatang kinabahan.

“Uy, ikaw ’yung late,” bati ni Matthew, pero may ngiti sa labi.

“Nag-make up pa ako, ’no,” sabay kindat ni Kim. “First date kaya ’to.”

Napangiti si Matthew. Hindi niya akalaing maririnig niya ’yon sa bibig ng dati niyang secretary.

Habang kumakain…

“Bakit ngayon lang?” tanong ni Matthew habang sinusubuan ng steak.

“Anong ngayon lang?” balik ni Kim, sabay lagay ng wine sa baso niya.

“Yung… ganito. Tayong dalawa. Hindi tayo… nagkatuluyan dati kasi sobrang bisi ako sa pagiging boss. Tapos ikaw, masyadong dedicated. Sobrang professional.”

“Professional? Talaga ba?” sabay taas-kilay ni Kim. “E ’di sana hindi mo ako nakita minsang natutulog sa cubicle na may mouthguard pa.”

Matthew laughed. “Aminin mo, crush mo na ako noon pa.”

“Wow, confident? Hindi naman kita ginugupitan ng strawberries sa lunch mo para lang sa health mo,” sabay irap ni Kim, pero may halakhak sa dulo.

Tahimik sandali.

Tapos seryosong tinanong ni Matthew, “Tingin mo… may chance tayo ulit?”

Tumigil si Kim sa pagkain. Tinitigan niya si Matthew ng matagal. Parang in-scan ang puso sa mata.

“Depende,” sagot niya.

“Sa ano?”

“Kung willing ka bang tanggapin si Kimverlyn… hindi bilang secretary, kundi bilang lalaking hindi mo na bossing, kundi pwedeng partner.”

Pagkatapos ng dinner…

Naglakad sila pauwi, tahimik lang. Nasa gitna sila ng BGC. May streetlight, may konting music sa background mula sa nearby bar, at malamig ang simoy ng hangin.

Biglang humawak si Matthew sa kamay ni Kim.

Di mahigpit. Sakto lang. Yung parang, “Pwede ba kitang hawakan, kahit hindi na kita pagmamay-ari bilang empleyado?”

Hindi binitawan ni Kim.

“Matthew…” bulong niya.

“Hm?”

“Kung magtuluy-tuloy man ’to… promise me one thing.”

“Ano ’yon?”

“Huwag mo na akong iwan. Kasi this time, wala nang resignation letter. Ikaw ang boss ng puso ko ngayon, pero ayokong maging part-timer lang.”

Tumigil si Matthew. Tumingin kay Kim, hawak pa rin ang kamay.

“Sige. Full-time na ’ko.”

Tapos, for the first time in years sa lahat ng meetings, overtime, stress, at silent glances they finally kissed.

Hindi ito dramatic na halik. Hindi ito cinematic.

Pero totoo. Sincere. Matagal na pinag-ipunan ng emosyon.

CHAPTER 8

Isang linggo na simula ng first date nina Kimverlyn at Matthew. Lahat ng bagay, parang bagong pintura na makintab, masaya, at walang bahid ng stress.

Sa opisina, kahit alam ng buong floor na may “something” na sa dalawa, wala ni isa ang naglalakas-loob magtanong. Si Matthew pa rin kasi ‘yung intimidating CEO na dati halos hindi marunong ngumiti. Pero ngayon? Aba, may pag-ngiti na habang nagkakape.

Si Kim naman? Glowing. As in parang bagong-ligo araw-araw. Yung tipong parang hindi siya yung dating stressed na sumasagot ng “Noted po, sir” habang umiiyak deep inside.

Pero gaya ng lahat ng love story.. may biglang twist.

Ding!

Pumasok ang isang urgent email sa inbox ni Matthew habang nasa private meeting sila ni Kim. Naka-lean forward pa siya, binubulungan si Kim ng mga plano para sa bagong business expansion pero biglang natigilan.

“Teka,” sabay turo niya sa laptop. “Galing ‘to kay Madam Luisa. Yung chairwoman ng board sa Korea.”

Kinabahan si Kim. Si Madam Luisa? Hindi ‘yon basta-basta nag-e-email ng “Hi, hello.” Usually, may bomba pag galing sa kanya.

Binuksan ni Matthew ang email. Nakakunot ang noo habang nagbabasa.

Kim watched him carefully. Napansin niya ang pag-igting ng panga ni Matthew yung subtle movement na palatandaan na something’s not right.

“Ano’ng sabi?” tanong ni Kim, hindi na kayang tiisin ang suspense.

“Kim… kailangan ko raw bumalik ng South Korea. Permanently.”

Tumigil ang mundo ni Kimverlyn. Parang may dumaan na eroplano sa tenga niya. Hindi niya agad marinig ang mga susunod na sinabi ni Matthew.

“Wait… what do you mean permanently?” tanong ni Kim, tinutunaw ang mga salitang ayaw niyang maintindihan.

“I’ve been appointed as the global CEO. Effective next month. I’ll oversee all branches from the Seoul headquarters.”

“Paano ako?” tanong ni Kim, diretsong tanong na may panginginig. “Paano tayo?”

Tahimik si Matthew.

Later that night…

Sa rooftop ng condo ni Matthew sila nagkita. Wala na ang usual banter. Wala na ang sweet lines. Tahimik silang dalawa, nakatingin sa city lights ng Makati.

“Kaya ba hindi ka agad nagsalita?” basag ni Kim sa katahimikan.

Matthew sighed. “Ayoko sana sabihin agad. Gusto kong sulitin yung ilang araw na masaya tayo.”

“Pero hindi mo na ako sekretarya ngayon, Matthew. Hindi mo ako empleyado na pwede mong i-manage emotionally.”

Napayuko si Matthew. “I know. And I’m sorry.”

“May choice ka ba?” tanong ni Kim.

“Meron… pero…” napatingin siya sa kalangitan. “This is my dream too, Kim.”

At doon na-realize ni Kimverlyn ang katotohanan na hindi lang siya ang may pangarap. At minsan, kahit mahal niyo ang isa’t isa, kailangan niyo pa ring pumili.

Monday morning. Maagang nagising si Kimverlyn. Hindi dahil may meeting. Hindi dahil late siya. Nagising siya dahil sa bigat ng dibdib niya na parang may nakadagan sa puso niya habang unti-unting lumilipas ang oras na kasama pa niya si Matthew.

One week. Isang linggo na lang bago umalis si Matthew papuntang South Korea. Isang linggo na lang bago muling maging tanong sa buhay niya ang: “Anong problema ni Secretary Kimverlyn?” Pero this time… hindi na dahil sa trabaho, kundi dahil sa puso.

Tuesday.

“Let’s go somewhere,” biglang yaya ni Matthew habang nasa elevator sila. “Somewhere na hindi opisina, hindi bahay, hindi resto…”

“Park?” tanong ni Kim, nagbibiro. “Or amusement park?”

“Let’s go on a road trip.”

Kinabukasan, nagpunta sila sa Tagaytay. Naglakad-lakad sa paligid ng taal view habang hawak-kamay. Walang mga PA. Walang email. Walang board meeting.

“Bakit ngayon ka lang naging ganito?” tanong ni Kim habang hinihigop ang mainit na tsokolate.

“Naging tao lang ulit,” sagot ni Matthew, seryoso ang tono. “Hindi boss. Hindi CEO. Just… a man in love with someone he might have to leave.”

Wednesday.

Nag-half-day si Kim. First time niya gawin ‘yon sa buong career niya.

Sumama siya kay Matthew sa isang orphanage na matagal nang sinusuportahan ng company. Doon, nakita niya kung paanong lumambot ang mga mata ng binata habang kausap ang mga bata.

“Kaya pala…” bulong ni Kim.

“Kaya pala ano?” tanong ni Matthew habang hawak ang isang batang kumakanta ng “Let It Go.”

“Kaya pala kahit ganyan ka may laman ang puso mo.”

Matthew smiled. “Baka ikaw ‘yung laman.”

Thursday.

Isang candlelight dinner sa penthouse. Simpleng steak, wine, jazz music. Pero may kakaibang lungkot sa hangin.

“Kim…” panimula ni Matthew.

“Hmm?”

“I’ve decided.”

Napalingon si Kim. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. “Ano’ng decision?”

“I’ll go. But I want you with me.”

Natigilan siya. “What do you mean?”

“I want you to come to Korea. Be with me. Hindi mo na kailangang maging secretary. Just be with me… bilang si Kimverlyn.”

Friday.

Tahimik si Kim buong araw. Kahit si Joanna, ang chismosa ng HR, napansin ang pagka-zoned out niya.

Pagkauwi niya, isang sulat ang naghihintay sa harap ng pinto niya.

Handwriting ni Matthew.

Kim,

Whatever your decision is, I’ll respect it. But if there’s even just one percent chance that you’ll choose me… I’ll be at the airport, Gate 7, 10 PM. No pressure. Just… hope.

M

Saturday.

Tumakbo si Kim sa closet. Tiningnan ang passport. Tinawagan si Lally, ang bestie niyang HR na minsang naloko ng lalaking may tatlong anak.

“Lally… kung ikaw, sasama ka ba?”

“Girl, kung ako may lalaking CEO na in love sa’kin, sasama ako kahit Antarctica pa!”

Napatawa si Kim. Pero ‘yung tawa niya, may halong luha.

Sunday. 9:47 PM. NAIA Terminal 1.

Nagmadaling pumasok si Kim sa airport. Bitbit lang ay isang maliit na bag. Tumatakbo siya habang sinusundan ng PA system ang:

“Final call for passenger Matthew Han for flight PR 468 to Incheon.”

Gate 7. Andun si Matthew. Hawak ang ticket. Nakatingin sa entrance.

Pagkakita sa kanya ni Kim ay tumayo agad si Matthew.

“Akala ko… hindi ka darating,” sabi niya, nanginginig ang boses.

“Late na nga ako sa buhay mo. Hindi na ako magpapalate pa sa flight mo,” sagot ni Kim, habol ang hininga, pero buo ang loob.

CHAPTER 9

Unang hakbang pa lang ni Kimverlyn sa Incheon International Airport, parang ibang planeta na ang nilapagan niya. Malamig. Tahimik. At lahat ng tao mukhang naka-audition para sa isang K-drama.

Nakayakap sa kanya si Matthew habang naglalakad sila palabas ng terminal. Pero kahit hawak-hawak siya ng binata, hindi pa rin mawala sa isip niya ang tanong:

“Tama ba ‘tong ginawa ko?”

“Welcome to your new home,” sabi ni Matthew, pagdating nila sa isang modernong high-rise condo sa Gangnam. Floor-to-ceiling windows. All-white interior. May scent diffuser pa na amoy vanilla at yaman.

“Ang bango. Amoy CEO,” biro ni Kim, pero halatang kinakabahan.

“Bakit parang tense ka?” tanong ni Matthew habang pinipindot ang aircon remote.

“Hindi ko kasi alam kung ano na ako ngayon… Hindi na ako secretary, hindi pa ako househusband, tapos hindi pa tayo kasal, so ano na? Tagapagbukas ng blinds?” sabay turo sa automated curtain.

Matthew laughed. “You’re my partner. That’s more than enough.”

Kinabukasan.

Sumama si Kim kay Matthew sa headquarters ng Han Group Korea. Pagkapasok pa lang sa building, halos mabulag siya sa dami ng glass walls at empleyadong parang cast ng Start-Up.

“Sino siya?” tanong ng isang board member.

“My… fiancé,” sagot ni Matthew, walang alinlangan.

Napalingon si Kim. “Hoy, fiancé agad?”

“Pre-engagement,” bulong ni Matthew, sabay kindat.

Ilang araw ang lumipas.

Unti-unti, natuto si Kim ng basic Korean.

“Annyeonghaseyo,” bati niya sa guard. “Tangina, nakaka-proud,” sabi niya sa sarili.

Pero kahit gaano kaganda ang bagong simula, may mga araw na tila nagiging tanong ulit ang dati niyang sagot.

Minsan, habang mag-isa sa condo habang nasa meeting si Matthew, bigla siyang mapapaupo at mag-iisip:

“Anong problema ni Kimverlyn?”

One Sunday afternoon.

Naglakad-lakad si Kim sa palengke ng Myeongdong. Nakakita siya ng maliit na Korean café na may rainbow flag. Pumasok siya at naupo sa sulok.

Ilang minuto pa lang, may lumapit sa kanyang lalaking may purple hair at may button na “Hello, I’m Jino!”

“Are you new here?” tanong ng lalaki.

“Yes… very. And a little lost,” sagot ni Kim.

“Lost in Korea or lost in love?” tanong ni Jino, with a wink.

Napangiti si Kim. “Both. Char.”

That night, sinabi niya kay Matthew ang nangyari.

“You made a friend?” tanong ni Matthew.

“Yeah. Name’s Jino. Baklang kaladkarin. Sabi niya tutulungan niya akong maging confident ulit. Kasi lately, parang feeling ko secretary pa rin ako na pero walang title.”

Matthew took his hand. “You’re not my secretary. You’re my life partner. Hindi kita dinala dito para gawing alalay. Gusto ko lang na simulan natin ang future na magkasama.”

Napayakap si Kim.

“Fine. Pero ako pa rin ang magde-decorate ng Christmas tree this year. Ako rin ang pipili ng theme.”

Matthew laughed. “Deal. As long as I get to be your star on top.”

“Hoy, wake up, bakla! May drag show mamaya sa Itaewon!” Text ni Jino kay Kimverlyn, kasabay ng isang selfie na may filter na glitter tears.

Nakayakap pa si Kim sa comforter habang inaantok. Pero pagtingin niya sa phone, napangiti siya. “Drag show? Seryoso?”

Matagal na niyang pangarap ‘to yung hindi man sumali, pero manood. Sa Pilipinas kasi, puro patagong venue, pa-sosyal na comedy bar, or tipid lighting. Pero dito sa Seoul? International. May LED walls. May fog machine. May budget!

8:00 PM. Itaewon.

Sumasayaw na ang ilaw ng stage. May drag queen na naka-hanbok meets Lady Gaga at may sumisigaw ng “Annyeong, mga bading!”

Si Kim, naka-pink hoodie at glittery eyeshadow. Feeling niya, ngayon lang siya huminga ng buong-buo.

“Hoy, ghorl! Bakla ka pa rin kahit nasa ibang bansa ka. Wag mong kalimutan ‘yan,” sigaw ni Jino sa tenga niya habang umiikot ang cocktail.

At that moment, narealize ni Kim na hindi lang siya “Secretary Kim” ni Matthew. Hindi lang siya fiancé. Hindi lang siya taga-decorate ng tree. Siya si Kimverlyn Chavez, certified baklang empowered.

Sa labas ng bar.

“Nag-enjoy ka?” tanong ni Jino, habang tinatanggal ang kanyang wig.

“Sobra. Ang saya pala ng feeling na wala akong kailangang patunayan. Walang kailangan i-please. Walang boss,” sagot ni Kim, habang hinihigop ang strawberry milk tea.

Jino smiled. “Then live that. Ghorl ka, hindi ka alalay.”

Pag-uwi niya sa condo.

Nakaabang si Matthew sa sofa, may hawak na popcorn at nanonood ng Single’s Inferno.

“Hey, how was the show?” tanong niya.

“It was liberating. Jino was right. Dapat hindi ako matakot ipakita kung sino ako.”

Matthew looked at him lovingly. “You never have to hide. I love you because you’re you. Glitter, drama, and all.”

Lumapit si Kim, umupo sa tabi niya at sinandal ang ulo. “Matthew, pwede bang… mag-aral ulit ako? Gusto kong i-pursue ‘yung gusto ko talaga. Maybe PR, or fashion, or kahit event planning.”

“Of course. I’ll support you all the way. Ghorl in Seoul ka na ngayon, remember?”

The next day.

Nag-enroll si Kim sa isang short course sa Seoul Design Academy, Creative Direction and Styling.

Habang nakaupo siya sa classroom na puno ng mga fashionista at designers, bigla siyang napangiti.

Hindi na siya secretary. Hindi na siya shadow. Siya na ang bida sa sarili niyang kwento.

FINAL CHAPTER

Tatlong linggo na simula nang mag-enroll si Kimverlyn sa Seoul Design Academy. Sa bawat araw ng klase, pakiramdam niya ay unti-unti siyang nabubuo na parang couture gown na sinimulang tahiin mula sa scratch. Dati, siya ang nag-aayos ng schedule ng CEO. Ngayon, siya na ang gumagawa ng creative pitch para sa isang real-life fashion event.

At hindi lang basta-bastang event.

The Han Group Gala.

Isa itong annual event para sa lahat ng global executives ng kumpanya, at ngayong taon sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ito ng fashion-forward, modern PR relaunch. At guess what?

Si Kimverlyn ang inatasan ni Matthew na maging creative lead.

“Ako?!” Halos mabitawan ni Kim ang tablet niya sa gitna ng breakfast nila ni Matthew.

“Bakit ako? Ang dami mong PR people. Mga Koreano. Mga may experience,” takang-taka siya habang naka-bonnet at oversized hoodie.

Matthew smiled. “Because no one knows flair like you do. And let’s be honest, ikaw lang ang kilala kong kayang mag-ayos ng venue habang naka-heels at walang nagagalaw sa setting powder.”

“Aba’t… nilagyan pa ng shade, ha.”

“Truth hurts,” biro ni Matthew sabay halik sa noo ni Kim.

One week before the gala.

“Okay team, focus,” sabi ni Kim sa mini PR and design group niya. Nasa harap sila ng event hall kung saan gaganapin ang Han Gala. “Ang gusto ko, elegant pero may ‘umph’. Walang ‘Pa-bongga lang’ gusto ko classy, pero may ‘Ghorl, I have arrived’ factor.”

“Yes, Kim-nim!” sigaw ng team, karamihan ay Korean interns na nahawa na rin sa gay lingo niya.

“Also, floral arch sa entrance, gold foil invite, and yes, Christian Louboutin heels for all female performers. Hindi ko papayagan ang kwelyong may pleats. Parang bad breakup ‘yan, hindi na uso!”

Sa backstage, day before the event.

“Kim, may problema,” bulong ni Jino na ngayo’y isa sa stylist leads.

“Ano?” tanong niya, habang busy sa pag-aayos ng seating chart.

“Si Sunhee, yung main host ng gala ay nagtampo. Ayaw daw sa script. Ayaw din sa look niya. Gusto ng mini dress with feathers. Eh ang theme natin ay timeless glam, not Las Vegas showgirl!”

Kim rolled his eyes. “Give me 10 minutes.”

10 minutes later…

Naglalakad si Kim papuntang dressing room ni Sunhee na parang runway. Bitbit ang custom-made black satin gown na may hand-beaded neckline.

“Sunhee-ssi,” sabi niya calmly, “You are beautiful. But the moment you step out in anything less than this gown, you insult not just the event but yourself. You’re not here to shock. You’re here to shine.”

Tahimik si Sunhee. Tumingin sa gown. Tapos ngumiti. “Okay. I’ll wear it. Ganda nito, e.”

Whew.

The night of the gala.

Naka-all white suit si Kimverlyn na may gold embroidery. Lahat ng tao, napapalingon sa kanya habang iniinspeksyon niya ang bawat sulok ng venue.

Then dumating si Matthew. Naka-classic black tux. Diretso ang lakad papunta kay Kim.

“You look like a CEO,” sabi ni Matthew, habang pinagmamasdan siya.

“I am a CEO,” sagot ni Kim, sabay irap. “Creative Events Organizer. CEO, charot.”

Ngumiti si Matthew. “Thank you. For making this event unforgettable.”

“Of course. Anything for my boss fiancé. And besides…” sabay pose si Kim, “…saan ka pa makakahanap ng PR queen na marunong mag-layout, mag-style, at mag-make up ng bridesmaids?”

Standing ovation.

Pagkatapos ng event, lahat ng guests, pati Korean board of directors, pumalakpak para kay Kimverlyn. May mga lumapit. May gustong humingi ng calling card.

At habang nakaupo sila ni Matthew sa sulok, wine sa kamay, heels sa tabi, ngumiti si Kim.

“Dati, iniisip ko, secretary lang ako. Tagakuha ng kape. Tagasagot ng tawag.”

Matthew turned to him. “Ngayon?”

“Ngayon… ako na ang bida.”

Two months later.

Sa gitna ng isang vineyard sa France, oo, hindi Tagaytay, France talaga, mga mare na nakaupo si Kimverlyn sa isang antique swing, naka-halter white jumpsuit, at may pa-scarf sa leeg na parang Chanel ad. May hawak siyang flute of champagne, habang tinitingnan ang paligid.

Sa gilid ng grapevines, may isang long wooden table na punong-puno ng white florals, tall candles, at mga imported na table napkins na mukhang mas mahal pa sa monthly rent niya dati. Nandoon ang mga kaibigan niya, family, at siyempre…

Matthew Lee.

Naka-white suit ito, walang tie, parang Korean drama character na literal na hinugot mula sa Pinterest wedding board.

“Hoy bakla, wag kang iiyak ah,” sabi ni Pao, isa sa mga beki friends ni Kim na lumipad pa galing Pilipinas.

“Char, ako pa ba?” sagot ni Kim habang pilit pinipigilan ang luha.

Pero deep inside, hindi niya mapigilan ang emotions. Hindi lang dahil perfect ang lugar. Hindi lang dahil love na love siya ng fiancé niya. Pero dahil… wala na siya sa shadow ng pagiging ‘just a secretary.’

Flashback to one week before:

“Kim,” sabi ni Matthew habang nasa bathtub silang dalawa. (Oo, bonding nila ‘yon, don’t judge.)

“I want to ask you something.”

“Kung anong gusto kong dinner? G na sa Samgyup. Wag na pizza, nakaka-bloat.”

“No,” natatawang sabi ni Matthew. “Will you marry me?”

Natigilan si Kim. Nalaglag ang bubble wand na hawak niya.

“Wait lang… seryoso ka?! Hindi ka nagjo-joke like nung sinabi mong crush mo si Jennie ng BLACKPINK pero ako pala?”

“I’m serious, Kim. I don’t want to waste any more time. I want you. Forever.”

Aba ghorl, sino ba naman ang tatanggi d’yan?!

Balik sa France.

Naglakad si Kimverlyn sa aisle habang tumutugtog ang acoustic version ng “I Am Woman” by Emmy Meli. Imbes na traditional na wedding march, gusto niya fierce at powerful. At bakit hindi? Siya lang naman ang first openly gay groom sa Han conglomerate!

Lahat ng tao napatingin. May ibang umiiyak. May ibang nagsho-shoot ng TikTok. Pero isa lang ang tinitingnan ni Kim si Matthew, na parang sinasambit sa mata, “You’re my person.”

“I, Matthew Lee, take you, Kimverlyn Chavez, to be my partner, my queen, and my permanent schedule manager especially sa meetings ko with the board.”

Tawanan ang lahat.

“I, Kimverlyn Chavez, take you, Matthew, to be my boss, my jowa, at ang lalaking papakasalan ko kahit minsan hindi mo alam anong difference ng concealer sa foundation.”

“I now pronounce you…”

Bago pa matapos ang officiant, nagsigawan na ang mga bakla: “Mrs. Lee, ghorl!”

Naghalikan sila sa gitna ng puting petals, champagne pops, at mga happy tears.

Short Epilogue:

Six months later, sa isang Vogue Business cover, naka-feature ang “The Lee Couple: Reinventing Corporate Power Through Love and Glam.”

At sa interview, tinanong si Kimverlyn: “Anong masasabi mo sa mga taong nagsasabing ‘secretary ka lang’?”

Ngumiti siya, pinakita ang wedding ring, at sinabing: “Secretary noon, CEO ng puso ngayon. Anong problema? Wala na, kasi asawa ko na ang boss ko, char!”

Wakas


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.