loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
My Boss

My Boss

CreammeOh · 58 chapters · 69,992 words

Prologue

BAGO BASAHIN: DI PA PO EDITED ITO, SO MARAMI PO SIYANG ERRORS SUCH AS: WRONG GRAMMARS, WRONG USAGE OF WORDS, AND ETC. PLEASE UNDERSTAND. SORRY FOR THAT. 😪

Paalala lang po, ang mga pangalan ng tao, lugar, pangyayari, thema at petsa ay nanggaling sa utak ng awtor at pawang kathang isip lamang. Sa ano mang pagkakapareho ay di sinasadya at nagkataon lamang. Salamat

.

Comment and vote guys!

Muli, paalala lang po, lahat ng storyang ito ay kathang isip lang. Salamat sa pag-intindi.

Si Kristoff Saavedra ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Accounting Technology sa isang publikong unibersidad dito sa Manila.

Nakatira siya sa isang probinsya sa Cebu kasama ang kanyang munting pamilya. Siya lang ang nag-iisang anak at talagang pinapahalagan siya ng kanyang mga magulang. Pinapunta siya sa Manila upang makapag-aral ng kolehiyo. Wala kasing maayos na paaralan noon sa probinsyang iyon, kaya lumuwas siya ng Manila.

Dun siya nag-apply ng scholarship at swerteng natanggap siya. Nag-aral siya ng mabuti upang agad makapagtapos at maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Mahal na mahal niya kasi ang kanyang mga magulang at dito siya humuhugot ng lakas ng loob upang magpursige sa buhay. Mangingisda ang kanyang papa at ang kanyang mama naman ay isang house wife lang.

Nang nakatapos siya ng pag-aaral ay naghanap siya ng trabaho, ngunit mahirap umapply ng trabaho dahil sa dami ng populasyon ngayon sa Manila at wala nang sapat na pwesto sa mga kakagraduate lang.

Kailangan niya kasing magpadala ng pera sa kanyang mga magulang, at dahil sa hirap siya maghanap ng trabaho, nag-apply muna siya sa isang fast food chain. Sakto naman at natanggap siya bilang waiter. Nagtrabaho siya dun at nagpapadala naman siya ng sapat na pera para pangtustos sa kanyang mga magulang. Kahit papaano ay may maipadala siya kahit na di na sapat ang pera niya.

Naging mas dumagdag ang kanyang pagpupursige dahil nabalitaan niyang nagkaroon ng sakit ang kanyang ama. Kahit na di na siya masyadong kumakain, nagpapadala pa rin siya ng pera para lang maipagamot sa kanyang ama.

Hanggang sa…..

Chapter 1

“Heto na po ang order niyo, Ma’am. Maraming salamat.” bati ko sa customer.

“Thank you.” sabi ng babae at agad ngumiti sakin. Ngumiti din ako at bumalik agad sa counter.

Mag-tatatlong buwan na ako nagtatrabaho dito at hanggang ngayon wala pa akong nakikitang trabaho. Akala ko mas mapadali ang pagtatrabaho dito sa Manila kaysa sa probinsiya namin kaso nagkamali ako. Mahirap nga talaga dito.

Halos mag-oovertime ako parati para lang mas dumagdag ng konti ang sweldo ko para maipadala ko sa mga magulang ko, maipagamot ko ang papa kong may sakit. Kahit na 2 beses lang ako kumakain sa isang araw, eh okay na sakin. Ayoko kasing nakakakain ako ng 3 beses sa isang araw ngunit yung magulang ko sa probinsiya eh naghahanap ng makakain dahil di na nangingisda si papa ngayon.

Yeah, isa akong bading. Pero di naman ako halata dahil lalaking lalaki yung aura ko. Hinhin nga lang ako at dun minsan nahahalata na tagilid ako. Alam nila mama at papa yung tunay na ako, tanggap nila ako at supportado sila sakin. Kaya mas naging maginhawa ang buhay ko dahil di ko tinatago ang tunay na ako.

“Oh Kris, mag-oovertime ka nanaman ba?” tanong ng isang kasamahan ko sa trabaho, si Jeff.

“Oo eh, kailangan kasi.” sabi ko habang nakayuko.

“Di pa ba magaling yung papa mo?” tanong niya ulit sakin.

“Wala pa rin eh. Natatakot na nga ako baka lumala.” sagot ko.

Kinuha niya yung wallet niya sa likuran ng kanyang pantalon at agad kumuha ng pera at inabot sakin.

“Ano yan?” tanong ko.

“Pangdagdag sa ipapadala mo. Alam ko kasi na mas kailangan mo to ngayon.” sabi niya sabay ngiti.

“Naku, di ko matatanggap yan. Pinaghirapan mo yan.” pagtatanggi ko. Nakakahiya kasi kung manghihiram ako dahil parehas lang kami nagtatrabaho dito.

“Wag kang mag-alala, may extra pa naman ako dito. Tsaka, mauuwi lang yan sa pagbili ko ng beer. Mas mabuting ipapahiram ko nalang sayo dahil mas kailangan mo.” sabi niya.

“Sigurado ka bang may natira pa sayo?” tanong ko.

“Oo naman. Budget na budget yung pang-arawaraw ko na gastusin. Kaya tanggapin mo na ito.” sabi niya sabay abot sakin yung pera na hawak niya.

“Salamat talaga Jeff ha? Di bale, darating ang araw na nakaluwag ako, babayaran agad kita.” sabi ko sakanya.

“Wag mo munang isipin yun. Tsaka, kaibigan mo naman ako.” sabi niya sabay akbay sakin.

“Salamat talaga.” sabi ko sabay ngiti sakanya.

Natutuwa naman ako na kahit papaano ay may mga kaibigan akong nandiyan parati katulad ni Jeff. Alam naman din niya na tagilid ako, pati na lahat ng kasamahan ko dito alam na din. Classmate ko siya nung nag-aaral palang kami. Sabay kaming nag-apply dito at swerteng natanggap kami pareho. Buti nalang di ako nag-iisa dito, may kaibigan din akong malalapitan at masasandalan.

Pumasok ako sa opisina ng manager namin dito, kumatok ako sa pinto at agad kong binuksan ito.

“Excuse me po, Ma’am?” sabi ko nang nakapasok na ako sa loob.

“Oh Kristoff, bakit?” sabi niya sakin.

“Pwede po bang makausap ka sandali?” sabi ko.

“Sige sige. Maupo ka.” sabi niya.

Agad akong umupo sa harap niya.

“Oh, ano bang sasabihin mo?” tanong niya nung nakaupo na ako.

“Ah Ma’am, gusto ko sanang mag-overtime ngayon.” sabi ko.

“Aba, halos mag-iisang buwan ka nang nagoovertime ah? Di ka ba napapagod?” sabi niya.

“Kasi po kailangan ko kasi ng pera ngayon para po maipadala sa mga magulang ko sa probinsya.” sabi ko habang nilulukot yung panyo saking kamay.

“Napakasipag mo naman. Oh sige, pero sana isipin mo rin yung kalagayan mo. Magkakasakit ka na niyan.” sabi niya.

“Okay lang po, basta lang may maipadala.” sabi ko.

Kumuha siya ng isang cheke at sumulat doon. Agad niya itong inabot sakin.

“Ma’am di po ako mag cacash advance.” sabi ko.

“Mas kailangan mo yan. Sige na tanggapin mo na.” sabi niya.

“Ma’am maraming salamat po talaga. Di bale, mag-oovertime naman ako.” sabi ko sabay kuha ng cheke sakanya.

“Wala yun. Napakasipag mo kasi at parating inaalala ang pamilya.” sabi niya sabay ngiti.

“Oh, Kris tara na.” sabi ni Jeff. Nag-overtime din kasi siya.

“Patapos na ako.” sabi ko at agad tumungo sa counter.

Niligpit ko lahat ng mga gamit ko pati narin yung mga gamit sa counter. Tingin ko 11:00pm na ng gabi.

“Bihis muna ako.” sabi ko sabay punta sa locker room.

Pagkapasok ko sa locker room ay agad akong nagbihis. Lumabas agad ako at tinawag si Jeff.

“Tara na, Jeff.” sabi ko.

Agad siyang tumayo at lumapit sakin. Dormate ko si Jeff kaya sabay kaming umuuwi.

Habang naglalakad kami sa kalsada, ay may napansin kaming may lumabas na babae sa isang kumpanya habang umiiyak. Ano kayang nangyari sakanya?

“Ano kaya nangyari dun?” sabi ni Jeff habang tinitignan yung babae na tumatabo palayo.

“Baka napatalsik sa trabaho.” sagot ko.

May lumabas na isang lalaki at may dinikit na isang papel. Tinignan namin ito at agad kaming nabuhayan ng loob.

“Naghahanap sila ng secretary!” sabi ko kay Jeff.

“Oo nga eh.” sabi niya.

“I-try ko kaya? Ano sa tingin mo?” tanong ko.

“Sigurado ka? Sige ba.” sabi niya.

Tinignan ko yung requirements sa papel.

“Birth certificate, 3 1x1 picture, diploma, resume. Ayos!” sabi ko.

“Kailan mo balak mag-apply?” sabi ni Jeff sakin.

“Kung maaari, bukas na. Sayang ang pagkakataon oh?” sabi ko.

“Oh siya sige.” sabi niya sakin.

Naglakad na kami papunta sa dorm at pumasok sa loob. Magkaiba kami ng kwarto ni Jeff pero magkatabi lang yung room namin.

Agad kong inayos yung mga requirements para sa pag-aapply ko ng trabaho dun sa kompyang yun.

Pagkatapos kong inayos yung mga requirements, ay agad akong nahiga sa kama. Tinignan ko yung picture frame na nakapatong sa lamesa na may litrato ng mga magulang ko. Kinuha ko ito at tinignan.

“Di bale, ma, pa. Kung matatanggap ako dito ay siguradong magpapadala ako ng mas malaking halaga para mas mapadali ang pagpapagamot ni papa.” sabi ko at agad hinalikan ito at binalik sa lamesa.

Chapter 2

“Ngayon ka na diba mag-aapply dun sa kompanya?” tanong ni Jeff nung nakarating ako sa fast food chain.

“Oo pero mamaya pa.” sagot ko at nilapag yung gamit sa lamesa malapit sa locker room.

“Sige, kompleto na ba ang mga requirements mo?” tanong niya.

“Oo. Inayos ko na kagabi.” sabi ko.

Agad ko nang sinimulan ang pagtatrabaho ko. Mamaya na ako magpapaalam kay Ma’am na maaga akong mag-out ngayon.

Sana makuha ako, sana eto na talaga. Sana. Sana.

Mga bandang hapon dumating si Ma’am, agad ko siyang nilapitan at kinausap.

“Goodafternoon, Ma’am. Pwede po ba kayong makausap sandali?” bati ko sakanya.

“Mag-oovertime ka nanaman ba?” sabi ni Ma’am tsaka siya tumawa.

“Ay hindi po. Magpapaalam sana ako kung pwede po bang maaga akong mag-out ngayon.” sabi ko sakanya.

“Oo sige. Pero bakit?” sabi niya sabay pasok ng susi sa door knob.

“Mag-aapply sana ako bilang secretary dun sa kompanya malapit dito. Yung-” di na niya ako pinatapos dahil agad siyang sumingit.

“Ah dun sa MS company? Yung naghahandle jan is yung anak ng may-ari na si Ynigo? Tama ba ako?” sabi niya.

“Opo.” sagot ko, kahit di ko alam ang pinagsasabi ni Ma’am ay sumangayon nalang ako.

“Naku, good luck sayo.” sabi niya sabay tap sa balikat ko.

“Bakit po?” takang sabi ko.

“Alam mo kasi, yang si Ynigo, napakasungit sa lahat ng trabahante niya. Marami na siyang napahiya at napatalsik dahil sa liit ng kanyang pasensya. Kaya nga lahat ng magiging secretary niya ay di nagtatagal eh.” paliwanag niya at agad binuksan ang pinto.

“Sa tingin ko, makakaya mo naman eh. Masipag kang tao at alam kong ikaw ang unang secretary na tatagal diyan.” sabi niya sabay sara ng pinto.

Napatunganga lang ako sa pinagsasabi ni Ma’am. Totoo kaya lahat ng yun? Yung babaeng nakita ko kagabi na umiiyak? Isa rin ba siyang secretary na pinatalsik o pinahiya ng boss niyang si Ynigo? Paano na ako? Kakayin ko kaya yun?

Habang nag-iisip ako kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pag-aapply ko dun o hindi, may tumapik sakin galing sa likod. Nilingon ko ito.

“May problema ba?” sabi niya sakin. “Kanina ka pa nakatulala jan.”

“Wala.” sabi ko sabay punta dun sa counter.

Mga bandang 3pm ay agad na akong nagpaalam sa kanila. Napagisip isip ko na why not kung itry diba? Siguro eto na yung time dahil ito ang pinagdadasal ko parati, ang makatrabaho sa isang kompanya.

“Una na po ako sa inyo. Jeff, mauna na ako.” sabi ko sakanila.

“Mag-iingat ka.” sabi ni Jeff.

Agad na akong lumabas at tumungo sa MS company. Kinakabahan ako dahil baka di ako matanggap at baka ipapahiya niya lang ako sa harap ng maraming tao.

Tinungo ko yung information area at dun nagtanong regarding sa pag-aapply bilang secretary.

“Excuse me po, available po ba yung secretary na position dito?” tanong ko sa babaeng nakaupo.

“Ah yes sir. Pumunta muna kayo sa room 3, diyan po sa right side malapit sa cr para po magpalista.” sabi nung babae at tinuro niya yung location ng room na sinasabi niya.

“Sige salamat po.” sabi ko.

Agad akong pumunta doon sa room 3. Kumatok ako at pumasok.

May nakita akong isang babae na nakatalikod habang may katawag sa telepono.

Umupo muna ako at naghintay na matapos siya. Medyo familiar yung boses niya pero di ko na pinansin.

Nung natapos na siya ay agad niyang binaba yung telepono at humarap sakin. Nagulat ako kung sino ito.

“Kristoff?!” sabi niya.

“Rica?!” sigaw ko.

“Omygoodness! I missed you!” sabi niya sabay yakap sakin ng mahigpit.

“I missed you too!” sabi ko sabay yakap din sakanya.

“Ano ginagawa mo dito?” sabi niya.

“Mag-aapply ako bilang secretary dito. Vacant pa ba?” sabi ko.

“Oo! Available pa.” sabi niya sabay kuha ng papel sa lamesa niya. Inabot niya sakin yun.

“Ilista mo jan yung pangalan mo. Nagback-out kasi lahat ng gustong mag-apply eh. Kaya ikaw ang unang mag-aapply.” sabi niya.

“Talaga? Dahil ba sa boss niyong masungit?” sabi ko.

“Bat alam mo?” sabi niya.

“Sinabi sakin ng manager ko kanina.” sagot ko.

“Oo bakla. Napasungit ng mokong na yun. Halos lahat ng nagiging secretary niya ay pinapahiya niya.” sabi niya sakin.

“Talaga?”

“Aba oo! Kaya ikaw, maghanda ka na.” sabi niya. “Pero feel ko kaya mo eh. Ikaw pa!”

“Sana nga kakayanin ko.” sabi ko sakanya sabay sulat ng pangalan ko sa papel.

“Oh sige, tara na. Ihahatid na kita sa opisina ng boss natin.” sabi niya sabay kuha ng papeles ko tsaka kami lumabas.

Tumungo kami sa elevator dahil sa pinakataas ng building nakalocate ang opisina ng boss dito. Pagkapasok namin doon, ay may nakita kaming umiiyak na bading, may kasama siyang dalawang babae.

“Sabi ko na sayo, masungit yung taong yun.” sabi nung babae habang kinocomfort niya yung bading.

“Oo nga. Wag ka na kasi lumapit dun.” sabi nung isang babae.

“Di ko kasi alam na ayaw na ayaw niya pala sa mga bading eh.” sabi nung bading habang umiiyak.

Tama ba narinig ko? Ayaw niya sa mga bading?

“Wag ka na magpakita dun o lumapit. Baka ipahiya ka nanaman.” sabi nung babae.

Lumabas na sila sa elevator at kami nalang ni Rica ang natira.

“Tama nga pala bakla, ayaw niya sa mga bading. So kailangan mo munang itago yang kabaklaan mo.” sabi niya sakin.

“Magbaback-out nalang siguro ako?” sabi ko.

“Wag na. Malapit na tayo.” sabi niya.

Huminto na yung elevator sa nth floor at agad kaming lumabas.

“Kailangan mong magpanggap na straight bakla ah? Para matanggap ka at para di ka niya ipapahiya.” babala ni Rica tsaka niya inabot sakin yung papeles ko.

“Kakayanin kong magpanggap. Kaya ko to!” sabi ko sa sarili ko.

“Ganyan nga bakla!” sabi ni Rica sabay tap sa balikat sakin. “Goodluck.” sabay alis.

“Kaya ko to.” sabi ko sa sarili ko.

Agad na akong kumatok at binuksan ang pinto.

Chapter 3

“Goodafternoon sir!” bati ko sa lalaking nakaupo at busying busy sa paper works.

Inangat niya yung ulo niya at napataas ng kilay. Gwapo naman pala tong boss dito. Matangos ang ilong, maputi, maganda ang pilik mata, yung katawan niyang matipuno at matangkad.

“Who are you?” sabi niya sakin habang nakataas parin ang kilay.

“Ako po si Kristoff Saavedra. Mag-aapply sana bilang secretary, sir!” sabi ko sabay abot sakanya yung papeles.

Tinignan niya ako from head to toe tsaka balik agad sa pagawa ng paper works.

“Ok.” tipid niyang sagot nang di nakatingin sakin.

Anong ibig sabihin ng ok? Ok dahil tanggap na ako? O ok dahil di ako tanggap?

“Ano po?” takang sabi ko.

Tumigil siya sa pagawa ng paper works at agad tumingin sakin ng masama. Hala?

Napalunok ako dahil para na niya akong pinapatay sa tingin niyang iyon. Ganyan ba talaga siya ka strikto?

“I said, ok.” sabi niya habang tinitignan parin ako.

“Ok po? Tanggap na ako?” sagot ko.

“Yes!” sigaw niya.

Magkahalo ang emosyon ko ngayon. Takot dahil sa kanyang titig na parang papatay ng tao. Masaya dahil tanggap na ako. Kaba dahil kung ano ang ipapagawa niya sakin.

“Ok po sir. Kailan po ako magsisimula?” sabi ko.

“Now.” tipid niyang sagot.

“Ah sige po. Ano pong gagawin?” sabi ko sabay lapag sa bag ko sa sofa.

“Take. That. Bag. Out. Of. My. Sofa.” sabi niya.

Agad kong tinanggal yung bag ko sa sofa niyang MAMAHALIN.

“Naku sorry sir.” sabi ko sabay lapag sa bag sa sahig.

“Call me boss.” sabi niya sabay balik sa pagawa nanaman ng paper works.

“Okay, boss.” sabi ko.

“Here.” inabot niya sakin yung papeles na nakalagay sa folder. “Throw this away!” sabi niya.

Agad kong kinuha yun. Ang bigat neto ah? Ano kaya to?

“San ko to itatapon boss?” sabi ko.

“Bobo ka ba? Edi sa basurahan!” sabi niya.

Hala?

“Sige boss.” sabi ko at agad kong tinapon yung papeles na yun sa basurahan malapit sa door.

“Not there! Sa labas. Sa ground floor mo itapon.” sabi niya.

Oa naman neto. May basurahan ngang malapit dito dun pa sa baba? Atsaka, secretary ako, hello? Hindi utusan!

Agad ko yung kinuha at agad lumabas. Nakakaloko talaga siya. No wonder ang daming di nakatiis sa ugali niya! Sayang yung kagwapuhan niya kung ganyan siya kasungit.

Agad akong dumiretso sa elevator at pinindot yung button. Mabuti nalang at nasa nth floor yung turn ng elevator at nakapasok agad ako.

Habang bumababa ang elevator ay unti unti itong napupuno ng mga tao. Tinitignan nila ako na tila nababaguhan sa mukha ko.

“Siya ba yung bagong secretary ni boss?” dinig kong sabi ng nasa harap ko habang sumusulyap sakin.

“Baka nga.” sagot naman ng kanyang kausap.

“Gwapo siya ah?” dinig kong sabi ng babae sa kabila.

“Oo nga.” sabi nung isang kasama niya.

Hay nako, kung alam niyo lang na ka-uri tayo.

Nasa ground floor na yung elevator at agad yun bumukas. Lumabas na ako sa elevator at agad hinanap yung basurahan. Pero wala akong makita.

Pumunta ako sa office ni Rica at magtanong kung saan ang basurahan na tinutukoy ng boss namin.

“Oh Kris, natanggap ka?” sabi niya sakin pagkabukas ko ng door.

“Yep.” sabi ko.

“Welcome to the club!” sabi niya. “Sana makayanan mo ang kasungitan ng boss natin.”

“Oo nga. By the way, san yung tinutukoy ni sir na basurahan dito?” sabi ko. “Pinapatapon niya kasi to eh.” sabay pakita sa mga papeles.

“Perfect yan! Yan ang usually pinapagawa niya sa bagong employee. Good gay!” sabi niya sakin sabay palakpak.

“Talaga?” sabi ko.

“Oo! Mabuti nalang at sinunod mo. Kung hindi, goodbye.” sabi niya.

“Buti nalang din.” sabi ko.

Agad niyang itinuro kung saan banda yung basurahan at agad ko nang sinunod.

Nagpaalam na ako kay Rica at agad lumabas ng office niya. Agad kong hinanap yung basurahan na yun.

Nakita ko yun sa labas ng kompanya at tinungo ko ito. Pagkatapos ay agad na akong pumasok sa loob. Nag-elevator ako at pumasok pabalik sa office ni boss.

“Done boss!” sabi ko sabay sara sa pinto.

Tinignan niya lang ako at balik sa paper works. Workaholic talaga siya.

“Clean the office after. Don’t leave the office if you don’t do such. Am I making myself clear?” sabi niya sakin.

“Crystal boss.” sabi ko.

“Good.” sabi niya sabay ayos ng gamit niya.

Maya maya ay tumayo na siya sa upuan niya. Ayun, kitang kita ang kanyang kakisigan at kagwapuhan. Gwapo nga talaga siya, masama nga lang ang ugali.

“I need to go. You can start already.” sabi niya sabay kuha ng bag niya.

Agad na akong tumayo at tinungo yung walis na pang MAYAMAN at yung towel na pangtrapo.

“Oh by the way, clean the hallway outside. Okay?” sabi niya sabay sara ng pinto

Grabe naman oh? Di naman ako janitress ah? I mean janitor para palinisin dito. Ganyan ba talaga siya magtreat ng trabahante niya?

Instead na magalit ako, agad na akong nag-umpisang maglinis.

Inuna ko yung malapit sa table niya. Inayos ko yung mga libro niya at pinunasan yung lamesa. Nakita ko yung isang picture frame. Siya at may isang babae. Girlfriend niya ba yan? Akala ko di na siya magkakagirlfriend dahil sa ugali niyang ewan ko nalang.

“Sayang ka naman boss, pogi ka pa naman.” sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan yung picture frame.

Agad narin akong nagwalis. Sinigurado kong bawat sulok ay madadaanan ng walis. Baka kasi ma “you’re fired” ako pag nagkataon.

Matapos kong malinis ang buong office niya ay napaupo ako sa pagod.

“Grabe, kapagod!” sabi ko sa sarili ko.

Agad naman akong napatayo nung naalala ko na pati pala sa labas ng office niya ay lilinisin ko.

Lumabas na ako sa loob at agad winalisan yung labas ng office niya. Ngayon ko lang napansin na nag-iisa lang na office ang nandidito at yun ay ang opisina ng boss ko. Medyo nakakatakot nga lang dahil ang ambiance ng lugar ay napakatahimik.

Nilagay ko ang earphones ko sa cellohone at pinasak ito sa tenga. Medyo natatakot na kasi ako dahil madilim na dito.

Nang natapos na akong maglinis ay agad na akong pumasok sa loob at pinatay yung aircon. Kinuha ko yung bag ko at agad lumabas ng office ni sir.

Pumunta ako sa elevator at pumasok na doon.

Pagkababa ko sa ground floor ay nakita ko si Rica na parang may hinihintay.

“Bakla!” bati niya sakin tsaka siya tumayo at lumapit sakin.

“Oh, sino hinihintay mo? Bakit nandito ka pa?” sabi ko.

“Syempre ikaw. Gusto kong magbonding tayo dahil namiss talaga kita. Bakit ang tagal mo?” sabi niya sakin.

“Pinalinis pa kasi ako ng office ni sir eh.” sabi ko. “Tara na, nagugutom na ako eh.”

“Let’s go!” sabi niya sabay kapit sa braso ko.

Agad kaming lumabas at agad tumungo sa fast food chain na trinatrabahuan ko. Sinuggest ko kasi na dun nalang, mabuti naman at pumayag siya.

Pinakilala ko siya sa kasamahan ko pati narin sa manager ko. Binati nila ako dahil nga natanggap ako.

“Mabuti naman at natanggap ka. Sabi ko na nga sayo, matatanggap ka.” sabi ni Ma’am sakin.

“Kamusta ang first day?” sabi ni Jeff sakin.

“Okay lang. Pagod.” sabi ko.

“Yung boss mo?” dagdag niya.

“Masungit nga!” sabi ko.

Nagtawanan nalang kami at agad sinerve yung pagkain namin. Kumain lang kami at nagchikahan. Maya maya ay napagdesisyunan namin na umuwi na dahil 9pm na nang gabi at maaga raw yung duty doon. Usually 6am dumarating si sir. Gusto niya raw na ang mga secretary niya ay mas mauuna sakanya, so by 5:30 or 5:45 ay nandun na ako.

“Oh, kita kits bukas. Siya nga pala, pag-uusapan natin lahat ng mga ipapagawa ni sir sayo para alam mo na ang dapat gawin. Alam ko na kasi lahat ng ipinapagawa niya sa lahat ng baguhan na secretary niya.” sabi ni Rica sakin.

“Oh sige sige. Mag-iingat ka!” sabi ko sakanya.

Nagbesobeso kami tsaka siya umalis. Kami nalang ni Jeff ang natira.

“Tara na?” sabi ko sakanya.

“Tara.” sabi niya at sabay na kaming naglakad papunta sa dorm.

Chapter 4

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko at alam kong yan ang sinet kong alarm. Tumungo ako sa cr at naligo. Lumabas ako at agad kinuha yung damit ko. Sinuot ko yung polo shirt at pantalon.

“Dun nalang ako kakain. Maaga pa naman.” I told myself while looking to my reflection in the mirror.

Kinuha ko yung bag ko tsaka ako lumabas ng dorm. I checked my watch and it’s 5:25am.

Habang naglalakad ako, may nakita akong tindahan na bumukas. Agad akong pumunta doon at bumili ng makakain. Bumili nalang ako ng biscuit at isang juice.

“Salamat po.” I told her as I received it.

“You’re welcome.” she responded.

Agad na akong naglakad ulit patungo sa sakayan ng jeep habang kumakain. Sakto pagkarating ko doon ay may jeep na dumaan. Sumakay na ako at pinatuloy ang pagkain.

Nagvibrate yung phone ko and I checked it. Nagtext sakin si Rica.

“Goodmorning bakla. San ka na?”

“Goodmorning. Papunta na po.” I replied.

Maya maya ay nakarating na ako sa destinasyon ko, ang opisina. Agad na akong pumasok doon at nakita ko si Rica na binubuksan yung pinto ng office niya.

“Hey!” bati ko sakanya.

Napalingon siya sakin at agad siyang ngumiti.

“Hi!” bati niya. “Buti naman at maaga ka. Naku hate ni sir ang late.”

“Early bird kaya ako. Sanay na ako na gunigising ng madaling araw.” I told her.

“Ganyan nga.” sabi niya sakin.

“Saan ka?” I asked her when she open the door.

“Bibili ng pagkain.” sabi niya.

“Sama ako.” sabi ko tsaka ako tumayo.

“Okay dokie.” she said.

Papalabas na sana kami ay nakita ko yung boss ko. Omyg!

“Oh my! Pumasok ka na bakla! Bilis.” tulak sakin ni Rica.

“Ha? Bakit?”

“Considered late ka kung mas nauna si sir sayo dun sa opisina.” sabi niya.

“What?! Oh sige mauna na ako.” sabi ko.

“Wag kang gagamit ng elevator. Ayaw niya na kasabay niya sa pag-akyat ay ang kanyang secretary. Use the stairs.” dagdag niyang sabi.

Use the stairs? Eh mamamatay ako pag gagawin ko yun.

As what Rica said, I used the stairs. Ayoko kayang pagalitan ng boss ko tsaka baguhan palang ako kaya dapat malinis record ko.

I started to ran. Tigdadalawang hakbang ang ginawa ko para mauna ako sa boss ko.

4th floor palang ay hingal na hingal na ako, pero di ko yun pinansin. I continued to ran and atlast I made it! I’m in the nth floor.

Hingal na hingal ako at pawis na pawis. Agad kong pinunasan yun para di ako magmukhang dugyot sa paningin niya. Hinabol ko yung hininga ko pero it was too late.

The elevator opened and a pretty boy appeared. He was wearing a black suit. He’s so damn handsome. His scent, very alluring. I’m already addicted to his scent.

He was shocked when he saw me. Napatayo ako ng tuwid at agad bumati sakanya.

“Goodmorning, boss!” I said.

“Is there something wrong? Why are you catching your breath?” he ask in a very serious and husky voice.

“Wala po sir. Kinakabahan lang po.” I lied. Ayoko kayang malaman niya na inuunahan ko siyang makarating dito.

“Oh.” tipid niyang sabi at agad niyang binuksan yung door.

“Very good.” sabi niya habang naglalakad siya patungo sa table niya.

“Thank you, boss!” sabi ko.

“Take a seat, Mr?” tanong niya.

“Kristoff po.” I answered.

“Okay. Well, I think you are committed on your job.” sabi niya habang kinukuha yung papeles sa cabinet niya.

“Opo boss!” sabi ko.

Inabot niya sakin yung isang papel at agad ko itong kinuha.

“Please read that. That’s my rules here, and being my secretary, you need to follow that.” sabi niya.

Binuklat ko ito at nakita yung mga rules niya dito. Binasa ko ito gamit ang mga mata ko.

“Read it using your eyes and mouth.” sabi niya.

“Okay po.” I answered.

I cleared my throat and start uttering words.

“Rules and Regulations.” sabi ko.

“Number 1, you need to come early. If you don’t, you’re fired.” sabi ko.

“Yes.” he cut me off. “That’s my number 1 rule. You need to be here before 6am.”

Tama nga si Rica. Dapat before 6 ay nandidito na ako. Naku mahirap na baka ma “you’re fired” nang wala sa oras.

“Number 2, obey all my commands. If you don’t, you’re fired.” sabi ko.

“Understand?” sabi niya.

“Opo.” sabi ko. Alam ko no? Nakakaintindi kaya ako ng English. Minamaliit mo yata ako.

“Number 3, don’t touch anything here. If you do, you’re fired.” sabi ko.

“That’s it!” sabi niya.

“So bawal kong hawakan lahat ng gamit including walis tsaka yung mga gagamitin ko sa pagtatrabaho? Loko to ah?” I whispered.

“Of course you can. What are you talking about?” sabi niya.

Namula ako dahil nadinig niya yung whisper ko na tanging kulangot ko lang ang makakarinig. Goodness Kristoff! Umayos ka!

“Boss?” pablind kong sabi

“I heard you. Don’t lie. Read number 4.” sabi niya.

“Number 4, don’t lie. If you do, you’re fired.” sabi ko. “Naku sir pasensya na talaga. Di na po mauulit.” sabi ko sakanya.

“Now you know.” sabi niya.

“Lastly, number 5, don’t do something crazy that can distract me. If you do, you’re fired.” sabi ko.

“That’s what you should keep always in your mind.” sabi niya.

“Okay boss!” sabi ko.

“Well, there’s another rule.” sabi niya. “I don’t like gays. If you have a gay friend, don’t let them draw close to me. Understand?”

Napalunok ako. Pano kung malaman niyang bading ako? Bye bye ba ako sa trabaho? Geez.

“Got it boss!” I answered.

“Is there something wrong?” he asked me while staring directly to my eyes. Those eyes, full of mysteries.

“Wala po.” I answered.

“Seems that you have a problem about the last rule, do you?” sabi niya.

“Wala po boss!” sabi ko. Kinakabahan na ako.

“You’re not a gay right?”

“No boss!” agad kong sabi.

“Okay, good to hear.” sabi niya.

Ngumiti nalang ako ng tipid. Ayokong malaman niyang bading ako. Pag nagkataon, naku lagot na ako. Baka mawala na yung mga pangarap kong magkatrabaho sa isang kompanya.

“Okay,” sabay abot sakin yung papeles. “Arrange it alphabetically.”

Agad ko itong kinuha at sinimulang ayusin.

Chapter 5

“Sir, I have a good news!” sabi nung babae nung pumasok siya sa office ni boss.

“Woah woah wait. Who are you to enter that way? Knock first before you enter, now get out!” sabi niya sabay turo sa door.

Napayuko yung babae at agad lumabas sa office. Pinahiya niya lang naman yung walang kalaban laban na babae. Nakakainis na siya ah? Grabe siya kung makapahiya, kala mo kung sino.

“What are you looking at? Get back to work!” sigaw niya sakin as he noticed that I was staring at him.

“Sorry, boss.” I said shyly. Agad narin akong kumilos para ayusin yung pinapagawa sakin. Kainis!

Yun nga ang ginawa ng babae. She knocked three times then enter the office. This time mukhang umiyak na siya. Namumula yung mga mata niya at nakayuko. Kawawa naman siya.

“Sir, I have a good news.” tamlay niyang sabi.

“What?!” sabi ni boss.

“Mr. Mendoza wants to meet you this afternoon regarding to your proposal last year.” she said while wiping her tears away.

Nawala yung kunot sa mukha ng boss naming halimaw. Mukhang nagandahan nga siya sa balitang yun. Matagal tagal na rin pala yung proposal at ngayon lang napansin ng Mr. Mendoza na yan.

“Okay then, now leave.” sabi niya sa babae.

Agad namang lumabas yung babae. This time agad ko siyang sinundan. Gusto ko siyang makausap. Naaawa kasi ako.

“Excuse me boss.” sabi ko sabay labas ng office niya.

Hinabol ko yung babae at sakto naman nadatnan ko siya sa stairs while crying. Tinabihan ko agad siya at kinomfort.

“Hayaan mo na yun. Masungit talaga yang boss natin.” sabi ko sabay tap sa balikat niya.

She wiped her tears and she looked at me.

“Halos lahat nga kami dito pinapahiya at sinisigawan eh. Araw araw ata niyang ginagawa. Sobra pa sa masungit!” sabi niya.

“Hayaan mo na. Isipin mo nalang yung pamilya mo. Kaya ka nagtatrabaho dito kasi dahil sa kanila. Wag kang susuko. Malay mo, magiging mabait din yan.” sabi ko sakanya habang tinatap parin yung balikat.

“Salamat…”

“Kristoff.” sabi ko sabay lahad sa kamay ko.

“Salamat Kristoff. Sana magtagal ka diyan sa boss nating demonyo!” sabi niya.

“Di bale, tatagal ako dito. Kakayanin natin. Aja?” sabi ko.

“Ay, bakla ka ba?” sabi niya sakin.

“Ssh wag kang maingay, baka marinig ka ni boss. Oo.” sabi ko.

“Ay oo nga pala, ayaw niya sa mga bading.” sabi niya sakin. “Sayang ka naman, kala ko lalaki ka.”

“Kaya secret lang natin to ah? Tayo tayo lang.” sabi ko sakanya.

“Of course. Hehe, Archell pala.” she said.

“Hehe nice meeting you. Oh sige papasok na ako ah? Ingat ka nalang.” I said and waved at her.

“Oo sige. Ikaw din.” she responded.

Agad na akong tumayo at bumalik sa office ni boss. Pagkapasok ko, nakita ko siyang nakatayo. Nakatingin siya sakin habang naka corrs-arm ng walang emosyon.

“Where have you been? Did you already finished that?” sabi niya sabay turo sa mga papel na dapat kong ayusin.

“Sa labas lang po. Almost done na po boss.” sabi ko sabay punta agad sa kinaroroonan ng mga papel.

Nabigla ako sa ginawa niya. Tinapon niya ito sa harap ko at nagkalat yung mga papel. Malapit ko na sana yun matapos ngunit what did he do?!

“Boss,” sambit ko.

“You are here to work, right? Then do your responsibility as my secretary. Understand?!” sigaw niya sakin habang tinuturo turo ako.

Napayuko lang ako sa kahihiyan at kaba. Parang any time tutulo na yung luha ko. Pinigilan ko yun, ayokong umiyak sa harap niya. Baka ano pang isipin niya.

“Yes boss.” sabi ko nalang habang nakayuko.

“Clean that mess.” he said. Kinuha niya yung bag niya at agad lumabas ng pinto.

Pagkalabas niya ay agad na lumabas din yung pinipigilan kong luha. Napakasungit niya naman! Di dapat siya ganun magsalita! Kung makaasta siya parang wala siyang nagawang mali. Mamatay sana siya!

“Kala mo kung sino ka!” sabi ko habang pinupulot yung mga papel na nagkalat sa baba.

Nagstart na din akong ayusin yun ulit. Mas dinalian ko yung pag-aayos ko para matapos na din ako dito at di na niya ako madatnan.

Natapos ko yung pag-aayos by 11:30am. Medyo may thunder na sa loob ng tiyan ko. Agad kong kinuha yung pera sa bag ko at lumabas ng office ni boss.

Tumungo ako sa 5th floor para kumain. Dun kasi nakalocate ang food court. Yes, may sariling food court tong kompanyang to.

Nakita ko si Rica kumakaing mag-isa. Nilapitan ko siya at agad umupo sa harapan niya.

“Oh bakla, tara kain na tayo.” sabi niya.

“Bat di mo ko tinext? Bastos ka ah?” sabi ko.

“Wala akong load no? Tsaka nakakapagod kaya kung pupuntahan pa kita doon sa nth floor.” sabi niya sabay subo ng pagkain.

“Ewan ko sayo. Bibili lang muna ako ng pagkain.” sabi ko sabay tayo.

Pagkatapos kong bumili ay agad akong bumalik sa table at sinimulan ang pagkain.

“Oh kamusta ang trabaho? Masaya ba?” sabi niya sabay tawa.

“Oo. Masayang masaya! Grabe enjoy na enjoy ako!” I said sarcastically.

“Eto naman, oh kamusta nga?”

“As what you said, nakakabaliw! Napakasungit niya talaga as in to the highest level!” sabi ko habang tinaas yung kamay ko lampas sa ulo ko.

“Talaga? Ano bang ginawa?” she asked.

“Pinahiya niya yung babae. Tapos yung pinapagawa niyang paper works sakin eh tinapon sa harapan ko, at pagod na pagod akong magpanggap bilang straight!” sabi ko.

“Okay lang yan! That’s normal. Di na yan bago samin dito. Tsaka, mukhang madali lang naman magpanggap bilang lalaki ah?” sabi niya.

“Mahirap kaya! Kahit na yung postura ko ay lalaki at ang mga damit ko ay panlalaki, nakakapagod naman magboses lalaki at kumilos bilang lalaki. Nasanay na kasi ako na lamya akong kumilos at hinhin ang boses ko.” sabi ko.

“Masasanay ka din. Remember, ayaw niya sa mga bakla. At pag nagkataon na malalaman niya, tiyak na mapapatalsik ka sa trabaho.” sabi niya.

“Oo nga. Kakayin ko nalang. Mas kailangan ko to dahil nagkasakit yung papa ko eh, kailangan ng pera.” sabi ko.

“Ay don’t worry, mataas yung sweldo dito. Magkano ang sweldo mo nung nagtatrabaho ka pa sa fast food chain?” tanong niya.

“Talaga? Hm 6,000 per month.” sabi ko.

“Yes. So bilang ikaw and secretary niya, so I think mga 15,000 or more yung sweldo mo.” sabi niya.

Nanlaki yung mga mata ko. 15,000? Ang laking halaga naman yan!

“What?! Talaga?” sabi ko ng di makapaniwala sa sinabi niya.

“Oo nga. Kahit na masungit eh ang laki ng pinapasweldo satin.” sabi niya.

“Kaya pala ang daming nagtitiis dito na magtrabaho. Now I know.” sabi ko.

Nabuhayan ako ng loob dahil ang laki ng sweldo dito. Kakayanin kong mas tumaas yung pasensya ko sa kasungitan niya.

Natapos kaming kumain ay agad na akong nagpaalam kay Rica. Bumalik ako sa office ni boss at nagpahinga sandali. Wala naman siya kaya pwede naman sigurong magpahinga sandali.

Nabalitaan ko na half day lahat ng employee ngayon. Dali dali naman akong bumaba at tinext si Rica para sabay kaming uuwi.

“Gala muna tayo.” sabi ni Rica nung nakita niya akong pababa sa hagdan.

“Ayoko. Gusto kong matulog muna.” sabi ko.

“Ay sige. Next time nalang. Sige mauna na ako, ingat ka!” sabi niya sabay wave ng hand at agad pumunta sa mga katrabaho niya.

Agad na akong dumiretso sa dorm at natulog.

Chapter 6

“Bakla, halika!” tawag sakin ni Rica nung bumaba ako galing sa office ni sir.

“Oh, bakit?” sabi ko nung nakalapit na ako sakanya.

“Look at this.” she said and lend me a piece of paper.

Kinuha ko ito mula sakanya at tinignan.

“Meeting?” bangit ko at agad tumingin kay Rica.

“Yep. First time in history na magpapatawag si boss ng meeting!” she said while clapping her hands.

“So?” napataas ako ng kilay.

“I think may something na di ko maipaliwanag.” sabi niya sabay crossed-arms.

“Eh? Talaga? Kahit nung nagsisimula ka pa dito? As in wala talaga?” sabi ko sakanya.

“Oo nga! Nagpopost lang yan ng reminders dito noon. Walang meeting meeting.” sagot niya.

“Talaga? Silent type siya at the same time monster type na boss? How amazing!” sabi ko ng di makapaniwala.

“Exactly! Oo bakla. Kaya kung di ka mapapadaan doon at di binasa yung reminders, then pag di mo sinunod yun, hay nako mag-impake ka na lang kasi you’re fired.” sabi niya.

“Grabe naman to. Eh ano kayang gagawin niya satin sa meeting? Baka fired tayo lahat.” sabi ko.

“Hindi rin no! Ano ka ba! I think maganda.” sabi niya.

“Bahala na nga. Sige mauna na ako, may inutos pa sakin si boss.” paalam ko sabay wave ng hand.

“Okay ingat ka bakla!” sabi niya sakin.

Inutusan kasi ako ni boss na bumili ng makakain para sa bisita niya mamaya. Nagtataka nga ako bakit di na lang siya tatawag para magpadeliver. Kailangan pa talaga pagurin ako? Naku naman. Naiirita ako sa mga sinabi niya sakin a while ago nung inutusan na niya ako…

“I have given my rules, so stick with it. Kahit na napakadali, just obey it. Understand, asshole?”

Sino ba di maiinis diyan? Langya to!

Sabi ni boss, kahit anong pagkain raw, basta daw masarap, bibilhin ko. Nag-iisip nga ako ano bang bibilhin at ano bang panlasa ng mga bisita niya? Hm, pizza? Doughnut? Cake? Cupcake? Pasta? Burger? Eh ang sasarap niyan lahat eh tsk.

Naglakad lakad lang ako kahit saan. Wala parin akong nakitang store na makakabili ng mga pagkaing masasarap at very worth to eat. Yung tipong, sulit sa bulsa? Ay di pala, mayaman pala to at kayang bilhin lahat, except sa buhay ng tao, charot.

Napagod ako sa paglalakad. Grabe ang layo ko na sa office at hingal na hingal na ako. Hanggang ngayon wala parin akong nakikitang store eh. San ba nagtatago yang mga store na yan at bakit parang di makita? Kapagod.

Agad naglakad ako muli, nagbabakasakaling meron ng store.

At yun nga, I saw a store. Parang eto na nga yung hinahanap ko.

Pumasok ako doon at may nakita akong nakadisplay na mga pagkain. Iniisa isa ko ang pagtingin sa mga ito.

“Hm, ang dami naman neto. Ah alam ko na!” I said. Bibili nalang ako lahat ng ito.

“Ah excuse me Ms.” tawag ko sa isang tagabantay dun.

“Yes, sir?” she answered.

“Ah magkano po tong pizza? Yung pinakamasarap po ninyo?” sabi ko. “Tsaka cupcake na best seller niyo?”

“Pizza po ay 1,600 yung pinakamasarap then yung cupcake is 200 yung isa.” sabi niya.

Tinignan ko yung pera na binigay sakin ni boss. 6000php.

“Sige Ms, pabili ako ng isang box ng pizza tsaka 15 pieces ng cupcake.” I said.

“Copy sir.” sabi niya sabay kuha nung mga order ko.

Naalala ko na sinabi pala ni boss ng pag nagutom raw ako, bibili nalang daw ako ng makakain. So….

“Ms, pabili din ng isang frappe na oreo blizzard tsaka 1 cupcake.” sabi ko.

“Okay po.” sabi nung babae.

Inabot na niya sakin yung box ng pizza tsaka nakabox na cupcake. And she also lend me my order, frappe and cupcake.

“Eto na po sir.” sabi niya.

“Thank you.” I said.

“You’re welcome.” she responded.

Umupo muna ako sa isang table at doon kinain ang inorder ko. Nilapag ko muna ang pagkain sa bisita ni sir sa bakanteng upuan malapit sakin at sinimulang kinain yung order ko.

Habang kumakain ako, bigla akong nakaramdam ng isang malamig na sensasyon sa bandang balikat ko. Napatayo ako at tinignan ko kung ano ito. Isang chocolate drink ang nakita ko at isang lalaking nakatingin sakin.

“What the hell?!” sigaw ko habang trinatrapuhan yung chocolate drink na natapon sakin.

“Sorry. Sorry.” sabi ng lalaki sakin sabay lakad papunta sakin.

“Ano ba? Magdahandahan ka naman. Nakita mo ba to?” sabi ko sabay turo sa tinapunan ng chocolate drink sa balikat ko. “Mantsa na! Puti pa naman suot ko!” sigaw ko sakanya.

“Di ko talaga sinasadya. Sorry.” sabi niya sakin.

“Sa susunod, mag-iingat ka.” sabi ko sakanya.

“Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?” sabi niya sakin.

“Sa tingin mo, ano?” sabi ko.

“Hm, damit?” sabi niya.

“Yan nga!” sigaw ko sakanya.

“Okay sandali.” sabi niya sabay alis ng store.

Maya maya ay bumalik siya at may dalang isang damit na puti.

“Sayo na yan. Buti nalang may dala akong extra. Oh, ano?” sabi niya sabay ngiti.

Tinignan ko siya at napatulala. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya. Yung mata niya, kulay blue. Matangos ang ilong, moreno, matangkad, (dahil mas matangkad siya sakin), pero nakaeyeglass siya.

Pero binaling ko yung atensyon ko sa ginawa niya.

“Mabuti naman kung ganon. Dito ka muna at pakibantayan ito, magbibihis lang ako.” utos ko sakanya.

“Okay.” sabi niya sabay upo.

Agad akong pumunta sa cr tsaka ako nagbihis. Isang vneck na shirt na white. Napakabango nito! Grabe.

Agad akong lumabas at pumunta balik sakanya.

“Bagay.” sabi niya sakin.

“Che! Alis na ako.” sabi ko sakanya.

Kinuha ko yung order ko na frappe at yung pinabili sakin ni boss. Agad na akong pumunta balik sa office.

“Boss, eto na po.” sabi ko sakanya at inabot yung pinamili ko.

“Just put it right there.” sabi niya.

Agad ko itong sinunod at ibinigay sakanya yung resibo at yung change.

“Boss eto na po yung change tsaka resibo.” sabi ko.

Tinignan niya ito at agad tumingin sakin.

“Wait? What’s this frappe and cupcake for?” sabi niya sakin.

“Meryenda ko po.” sabi ko sakanya.

“Oh really? Who told you to buy your snacks using my money?” sabi niya.

“Boss diba sabi mo na bibili ako ng makakain ko?” sabi ko.

“Yes but I didn’t tell you to use my money.” sabi niya sakin.

Napalunok ako sa sinabi niya. Oo, sinabi niya sakin na bibili raw ako ng makakain ko but he didn’t tell me to use his money. Oo nga pala! Shit.

“So, I will deduct this to your salary. How much is this? Hm, 750php.” sabi niya sabay sulat sa papel.

“Boss,” tawag ko sakanya.

“Get out and prepare the meeting room.” sabi niya.

Lumabas nalang ako sa office niya at napamura. Shit di ko alam! Tanga tanga ko.

Pumunta nga ako sa meeting room at sinimulang ayusin ito. Matapos kong ayusin ito ay sinabihan ko si boss.

“Boss, ready na po.” sabi ko sakanya.

“K.” reply niya.

Maya maya ay nagsimula na rin yung meeting. Pumunta lahat ng co-employee ko at agad nagsalita si boss.

“Okay everyone, listen up!” sabi ni boss.

“Our proposal to Mr. Mendoza is now approved. So congratulations to us.” sabi niya without any emotions.

We doubt kung magpapalakpak ba kami. Nagtinginan lang kami lahat.

“What?” sabi ni sir.

Agad naman kaming pumalakpak ng wala ding emosyon.

“Ano ba nangyayari kay sir?” bulong sakin ni Rica.

Agad ko siyang siniko dahil alam kong maririnig niya iyon. At yun nga ang nangyari, tumingin siya sa direction namin.

“What is happening to me? Huh?!” sabi niya.

Sabi ko na nga ba!

Napayuko si Rica at agad nagsalita si sir.

“Get out everybody. Get back to work!” sabi niya.

Agad naman kaming lumabas pero tinawag niya muli ako.

“Hey, stoff!” tawag niya sakin.

Stoff? It’s Kristoff!

“Boss?” sabi ko.

“Clean this meeting room and prepare. Mister Mendoza is coming here for some important discussions.” sabi niya sabay alis.

Agad kong sinunod ito. Nang natapos ako ay tinawag ko si boss sa office niya.

“Done boss!” sabi ko.

“Okay, I’ll go there in any minute.” sabi niya.

Agad na akong pumasok sa loob ng meeting room at hinintay si boss.

Maya maya ay pumasok na si boss at umupo.

“Stand beside me. Wag kang umupo.” sabi niya.

Agad akong tumayo at tumungo sa tabi niya at dun tumayo.

Agad bumukas yung door at nanlaki yung mga mata ko.

“Goodmorning Mr. Mendoza!” bati ni boss sa lalaking pumasok.

“Goodmorning Mr. Santillan!” sabi niya sabay shake hands sa boss ko.

Tumingin siya sakin at agad akong napatalikod. Shit yung lalaki kanina sa store! Yung sinisigawan ko at inutusan kong bigyan ako ng shirt. Siya pala yung Mister Mendoza? Di ko man lang napansin. Shit, I’m doomed.

“Hey.” tawag niya sakin.

Chapter 7

Marco Mendoza’s POV

Nandito ako ngayon sa store para makapag-isip isip. Makikipagmeet kasi ako kay Mister Ynigo Santillan about sa proposal niya sakin. It took 1 year para ma-noticed ko yung proposal niya, and I think last week ko lang yun nabasa. Parang may nagtulak sakin na basahin yun, which is first time kong naramdaman yun.

“Miss, 1 chocolate drink.” sabi ko sa babaeng nagbabantay.

Ngumiti siya sakin at agad kumuha ng order ko. Inabot ko sakanya yung bayad at ibinigay niya sakin yung chocolate drink.

“Here po.” sabi niya sakin tila nangaakit.

Ngumiti nalang ako sakanya at agad naglakad. Uupo muna ako dahil alam kong mamaya pa yung meeting namin.

Habang naglalakad ako, natapilok ako at natapon yung chocolate drink na hawak ko sa isang lalaking nakatalikod.

Agad siyang napatayo at tinignan niya yung natapunan ng chocolate drink at agad tumingin sakin.

“What the hell?!” sigaw niya habang trinatrapuhan yung chocolate drink na natapon sakanya.

“Sorry. Sorry.” sabi ko sabay lakad papunta sakanya.

“Ano ba? Magdahandahan ka naman. Nakita mo ba to?” sabi niya sabay turo sa tinapunan ng chocolate drink sa balikat niya. “Mantsa na! Puti pa naman suot ko!” sigaw niya sakin.

“Di ko talaga sinasadya. Sorry.” sabi ko sakanya.

“Sa susunod, mag-iingat ka.” sabi niya sakin.

“Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?” sabi ko sakanya.

Bakla pala tong mokong nato. Sayang yung kapogian niya. Pero cute naman siya.

“Sa tingin mo, ano?” sabi niya.

“Hm, damit?” sabi ko.

“Yan nga!” sigaw niya sakin.

“Okay sandali.” sabi ko sabay alis ng store.

Agad akong pumunta sa sasakyan ko para kunin yung damit. Vneck na white shirt. Agad akong bumalik sa store at inabot sakanya yun.

“Sayo na yan. Buti nalang may dala akong extra. Oh, ano?” sabi ko sabay ngiti.

Tinignan niya ako at napatulala. Siguro napansin na niya yung kapogian ko. Inisaisa niyang tingnan yung mukha ko. Mukhang nagwagwapuhan nga siya. Haha!

Agad niyang shinake yung ulo niya.

“Mabuti naman kung ganon. Dito ka muna at pakibantayan ito, magbibihis lang ako.” utos niya sakin.

“Okay.” sabi ko sabay upo.

Agad siyang pumunta sa cr.

Nakakatawa naman tong lalaking to, ay mali, baklang to. Imbis magagalit ako sakanya dahil sinisigawan niya ako at inuutusan, napalitan ito ng saya. Ewan ko pero parang interesado ako sakanya, hindi interasado na maging jowa ko ha? Mali kayo. Interesado akong makilala pa siya.

Agad siyang lumabas at pumunta balik sakin.

Tinignan ko siya habang papalapit sakin, cute nga siya. No joke.

“Bagay.” sabi ko sakanya.

“Che! Alis na ako.” sabi niya sakin.

Kinuha niya yung order niya na frappe at yung ibang gamit niya at agad umalis.

Napatayo narin ako at pumunta sa sasakyan.

“Kung mamakita kita ulit, kakausapin kita at kakaibiganin. I want to know you more.” sabi ko sa sarili at agad umalis.

Kristoff Saavedra’s POV

“Hey.” tawag niya sakin.

Di ako lumingon sa kanya. My goodness! Di ko man lang naisip na siya pala si Mister Mendoza. Ano na gagawin ko? Pano kung malaman ito ni boss na yung partner niya pala ay sinisigawan ko kanikanina lang? Hindi pwedeng mangyari to!

“Hey, stoff! Have respect to Mister Mendoza. He’s calling you.” sabi ni boss sakin.

Huminga ako ng malalim at agad lumingon sakanya. Ngumiti ako at bumati.

“Goodmorning po, sir.” sabi ko sabay yuko. Nakakahiya!

Inabot niya sakin yung kamay niya. Tinignan ko siya, nakangiti siya sakin. Ngumiti din ako sakanya at inabot yung kamay niya. Tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng hinawakan ko na yung mga kamay niyang malambot.

“I’m Marco Mendoza. You are?” sabi niya.

“Kristoff Saavedra. Secretary of Boss Ynigo.” sabi ko habang nakayuko parin.

“Please to meet you, at last.” sabi niya.

Napataas ng kilay si boss.

“You know him?” tanong ni boss kay sir Marco.

“Yep. A while ago.” sabi niya.

Omygoodness! Wag mo akong isusumbong! Please.

“Really? Where?” tanong ni boss.

“Just in the store nearby.” sagot niya.

“Coffee? Tea? Water?” offer ko sakanila para di na nila muling pag-usapan yung about sa pagkakakilala ni sir Marco sakin.

“Coffee sakin.” sabi ni sir Marco sabay ngiti.

“Water.” sabi ni boss.

Agad akong lumabas para kunin yung mga iinumin nila. Paano nato? Malaki ang kasalanan ko kay sir Marco. Ang kapal talaga ng mukha ko! Ugh!

Agad akong pumasok sa loob at inabot sakanila yung mga iinumin dala yung binili ko kanina.

“What took you so long?” sabi ni boss sakin.

“Sorry po, boss.” sabi ko sabay lapag sa tubig niya.

“Eto na po sir.” sabi ko kay sir at nilapag yung coffee niya.

“Thank you.” sabi ni sir sabay ngiti.

Nilapag ko din yung pizza at cupcake.

Lalabas na sana ako pero muli akong tinawag ni boss.

“Stoff!” tawag niya.

“Yes boss.” sabi ko sabay lapit sakanya.

“I said stand beside me. Tsaka you need to take down notes.” sabi niya.

“Ay opo.” sabi ko sabay tayo sa gilid niya sabay kuha ng notebook at ballpen.

Tinignan ko si sir at ngumiti siya sakin. Iniwas ko yung tingin ko dahil nahihiya talaga ako.

Nang natapos silang mag-usap ay agad nang tumayo si boss.

“Thank you for coming Mister Mendoza. It’s a pleasure to meet you.” sabi ni boss sabay lahad ng kamay niya.

“Sure thing Mister Santillan.” sabi niya sabay lahad din ng kamay.

Tumingin nanaman si sir sakin at agad akong umiwas ng tingin.

“Hey, Kristoff Saavedra.” sabi ni sir sakin.

Napatingin ako sakanya. Nakangiti lang siya sakin habang ako namumula na sa kahihiyan.

“Nice shirt.” sabi niya sakin.

Pinapahamak ba niya ako? Alam naman niya na sakanya galing tong shirt nato? Ugh, wag mo kong ipapahamak sir.

“Thank you.” sabi ko nalang. Kapal din ng face ko.

“Where did you bought that? I want that too.” sabi niya sakin habang nakangiti parin.

Oh. Shit.

“Binigay lang po sakin.” sabi ko.

“Who gave that? May I know HIM?” nilakasan niya pa yung word na “him”. Ano baaaaa?

“Ah…. Ah… Kaibigan ko po. Opo, kaibigan ko.” sabi ko.

“Really? Well that’s nice.” sabi niya sakin.

Alam kong pulang pula na yung mukha ko sa pinagsasabi niya. Gumaganti ba siya? Naku naman oh?!

“Okay, so let’s call it a day. May pupuntahan pa kasi ako. Goodbye Mister Santillan, and goodbye Kristoff.” sabi niya sabay alis.

“How did you know each other?” sabi ni boss sakin.

Napatingin ako sakanya at seryosong seryoso yung mukha niya.

“Ah kasi po… Ahm, nagkakilala po kami dun sa store na binilhan ko ng cupcake tsaka pizza tapos po… Yun.” sabi ko.

“Are you crazy? Tss. Never mind.” sabi niya sabay alis din.

Nakahinga na ako ng maluwag. Grabe pala tong si sir Marco. Kinakabahan talaga ako dun sa mga tanong niya. Sana di ko nalang sinigawan siya kanina. Ugh! Napahiya tuloy ako.

Chapter 8

This day will be the day! Makukuha ko na ang first salary ko and makakapadala na ako kina mama at papa para sa pagpapagamot kay papa. Tila naeexcite ako dahil malaki laki ang maipapadala ko sa kanila.

Pumasok na ako ng maaga para naman di ako mapagalitan ni boss. Naglinis ako ng kanyang opisina at inayos yung mga gamit niyang nakakalat sa table niya.

Pagkatapos kong maglinis ay agad na akong lumabas para makabili ng pagkain. Di pa kasi ako nagaalmusal eh. Mukhang napaaga yata ako dito.

Pumunta ako sa 5th floor para makabili ng makakain. Nag-order ako at umupo sa isang table at doon kinain yung binili ko.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong bumalik dahil baka maunahan pa ako ni boss.

I used the stairs dahil kung gagamit pa ako ng elevator, iikot pa ako sa kabila. Nakakatakot kaya doon kasi madilim.

Nang nakarating ako sa nth floor, sakto din ang paglabas ni boss sa elevator. Bumati ako sakanya nang palapit na kami sa isa’t-isa.

“Goodmorning, boss!” bati ko sakanya.

Papasok na sana ako ng bigla siyang tumakbo papasok at sinira yung pinto. Eh?

Agad naman akong pumasok at nagulat ako sa sinabi niya.

“You’re late!” sigaw niya sakin nung nakapasok na ako sa loob.

“Po? Bakit? Sabay naman po tayong naglakad dito ah?” sabi ko.

“I arrived first, right?” sabi niya sabay crossed-arms.

Nabigla ako sa sinabi niya. Yun ba yung dahilan bakit siya tumakbo at pumasok sa loob? Dahil gusto niya akong unahan para ako yung late? Bwisit ah?

“Seconds lang naman po ah? Bakit late parin?” sabi ko sakanya.

“Enough. You’re late.” sabi niya sabay kuha ng papel.

“Actually boss kanina pa po ako dito. Kumain lang ako saglit sa baba.” paliwanag ko sakanya.

“Sorry Stoff. But you’re late. I will deduct this to your salary.” sabi niya habang may sinusulat sa papel na kinuha niya. “You broke rule number 1.” dagdag niya.

Ganun ba talaga siya kastrikto? Anak ng! Ako nauna sakanya ah? Bakit niya idededuct sa salary ko? Oh no, baka wala nang natira sa sweldo ko.

“And with that, hm, maybe 1000 pesos?” sabi niya.

Nanlaki yung mga mata ko sa halaga ng ibabawas niya sa sweldo ko. Ang laki na! Pangbayad ko na yan sa renta ng dorm!

“Po?! Ang laki naman po boss!” sabi ko na tila tinatago parin yung hinhin na boses ko.

“Sorry Stoff. Rules are rules!” sabi niya sabay abot sakin yung isang envelope.

Kinuha ko ito at binuklat. Pera.

“Sweldo ko po ba ito?” sabi ko sabay kuha ng pera sa envelope.

“Isn’t it obvious?” sabi niya sabay upo.

Tumalikod ako sakanya at binilang yung pera. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil medyo malakilaki yung sweldo kahit na nakadeduct na yung mga ginastos ko including this late thingy!

“Salamat, boss!” sabi ko sabay harap sakanya.

“Naaaah. Get back to work!” sabi niya.

Agad naman akong nag-umpisang nagtrabaho.


“Hello, anak? Kamusta ka na?”

“Okay lang po ako mama. Kayo kamusta na kayo? Si papa?”

“Ayos lang kami anak. Wag mo na kaming aalahanin.”

“Si papa po? Lumalala pa ba yung sakit niya?”

“Ay nako anak, medyo gumagaling na yung tatay mo. Salamat sa Panginoon.”

“Amen mama. Sige po magpapadala po ako ngayon ng pera para sa inyo. Mag-iingat kayo jan mama ha? Mahal ko kayo!”

“Mahal din kita anak kahit anong mangyari. Ingat ka diyan ha?”

Agad ko nang binaba yung telepeno at nagbayad sa tindahan.

“Ale pabili din ng biscuit.” sabi ko sabay turo sa lalagyan ng biscuit.

“Ilan iho?” sabi nung matanda.

“Dalawa po.” tugon ko.

Agad niya itong kinuha tsaka inabot sakin. Binigay ko narin yung bayad tsaka ako nagpasalamat.

“Salamat po.”

“Walang anuman.” sabi niya.

Agad narin akong dumiretso sa dorm dahil kukunin ko yung pera na ipapadala ko sa mama at papa ko.

Pagkarating ko doon ay agad ko ng kinuha yung pera ko tsaka ako dumiretso isang pera padala.

Nang makarating ako doon ay agad na akong nagfill-up ng form tsaka ko ito binigay sa cashier kasama yung pera na ipapadala ko.

“Okay na po, sir. Maraming salamat!” sabi nung cashier.

“Sige po salamat.” sabi ko sabay alis.

Nung pabalik na ako sa dorm, may napansin akong isang lalaki na nakaupo sa labas ng isang restaurant malapit sa dorm ko kasama yung isang babae.

Nilapitan ko sila at doon ko na nalaman na siya at yung girlfriend niya.

Di naman ako nagpakita sa kanila at nagtago ako mula sa mga puno na nakapaligid dito.

“Babe, sorry na.” sabi nung babae sabay yakap kay boss.

“Don’t do it again, okay Danielle?” sabi ni boss. “I don’t like it.”

“Yes babe.” sabi nung girl sabay yakap sakanya.

Agad na silang pumasok ulit sa loob ng restaurant. Yun ba yung girlfriend niya? Hm.

Agad narin akong dumiretso sa dorm ko para makapagpahinga na. Sakto naman ang paglabas ni Jeff sa room niya.

“Oh, Kristoff! Kamusta ka na?” sabi ni Jeff nung nakita niya ako.

“Hi Jeff, ayos lang ako, ikaw kamsuta?” sabi ko sakanya.

“Ayos lang din.” sabi niya.

“Mabuti. Oh siya, papasok na ako.” paalam ko sakanya sabay open sa door ng room ko.

“Oh sige, may pupuntahan din ako. Ingat ka!” sabi niya sabay tap sa balikat.

Pumasok na ako sa loob at nagpahinga.

Kinuha ko yung picture frame. Tinitignan ko iyon.

“Magsisikap ako para mas malaki yung maipapadala ko. Tiwala lang mama at papa! Kaya natin to!” sabi ko sabay halik sa picture frame.

Chapter 9

Ynigo Santillan’s POV

Nandito ako sa opisina ni dad. Ipinatawag kasi niya ako for some important reasons. Either good or bad lang talaga ang madidiscuss namin every time na may ganitong ganap.

Umupo muna ako sa isang upuan kung saan malapit ito sa table ni dad.

Narinig ko naman na may bumukas sa pinto at napalingon ako dito. Tumayo ako agad at binati siya.

“Hi dad.” bati ko sa tatay ko na papasok.

Tumango lang siya at agad umupo sa kanyang table. Alam ko na kung anong sasabihin niya. Good news to. Kapag kasi di siya tumango, bad yun. But, tumango siya.

“It’s nice to hear that Mister Mendoza approved your proposal.” sabi niya sabay ngiti.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Para akong isang bata na binigyan ng candy sa sobrang saya.

Dati kasi, kahit nung bata pa ako, hate na ako ni dad. Ayaw niya sakin. Ewan ko ba pero parati niya akong pinapagalitan every time magkakaroon ako ng kasalan. Gusto kasi niya na maganda yung image ko kahit bata pa ako. Until now, ganun parin siya. He wants me to be like him. Matalino, kilala ng marami, wise, at iba pang katangian ng isang Mordeo Santillan.

Pilit ko siyang ginaya kahit na labag ito sa aking kalooban. Gusto ko kasi kahit sa ganoong paraan ay magustuhan ako ni dad. Desperado akong mapansin ako ni dad na kahit anong bagay ay kaya kong gawin para lang magustuhan ako ni dad. Dapat maging strikto sa mga trabahante, ipapahiya kapag may nagawang kasalanan, at hinding hindi maaawa sa kanila. Actually labag yun sa kalooban ko na ganun tinratrato yung mga trabahante ko, lalo na sa magiging secretary ko. Yun daw kasi ang gusto niya na maging ako.

Kahit na tinratato ko sila ng ganun (di naman talaga), ay bumabawi ako sa kanila tungo sa kanilang sweldo. Nilalakihan ko yung sweldo nila.

Homophobic ako. Ayoko sa mga bading dahil noon, ginahasa ako ng isang bading sa isang bar. College pa ako nun. Nilagyan pala ng parang pampatulog yung ininom ko at dun nakatulog ako. Yung gabing yun dinala ako ng isang bading sa motel at doon ginahasa (oral sex). Nalaman ko ito dahil nang nagising ako, hubo’t hubad na ako. Tinanong ko din yung babae sa front office kung sino kasama ko, yun nga raw isang bading ang nagdala sakin dito. Doon nagsimula na ayoko na sa mga bading.

May girlfriend ako, si Danielle. Nagkakilala kami sa isang bar. She’s beautiful, hot, sexy and mysterious. But I don’t like her attitude. She was inconsiderate by nature. You’re wondering why we’re together right? It’s because of my dad. Damn isn’t it?

I’m trying or maybe learning to love her but I cannot. It’s just that, she’s mean to every one!

Nung kumakain kami sa isang restaurant, di lang siya binati nung waitress ay nagalit na siya. She’s uttering bad words which made the people looking at us. I was embarassed so I went out. Then that moment, she asked for an apology and then I accepted it.

“And for that, here.” sabi niya sakin sabay abot ng isang kahon.

Inabot ko yun at binuksan. Nagulat ako dahil isa itong susi ng sasakyan.

“I know that it is your dream to have that car, right?” sabi niya sabay ngiti.

Napakasaya ko! At last, di siya galit sakin. Masaya naman ako na makatanggap ng kotse na matagal ko ng gusto pero mas masaya ako na maappreciate ni dad yung nagawa ko. I have a car pero I have my driver as well. I asked him if I could have my own but he said no. If only I could present to him such good news like this, he will buy my own car.

“Thank you, dad!” sabi ko sakanya.

“Try it.” sabi niya.

“Thank you, dad! Thank you!” sabi ko.

“If you can present me another good news, well, asked for something and I will grant it.” sabi niya.

“Yes dad, I will.” sabi ko sabay labas sa opisina niya.

Pinuntahan ko yung bagong kotse ko at agad sumakay.

Ang saya saya ko. It made my day. I was just expecting to have a compliment but now I have this kind of car. My dream car. First time nagbigay si dad ng isang regalo sakin. Every birthday ko kasi wala siyang binibigay, kahit cash, wala. Pero di ko yun iniisip as long as kumpleto kami magpamilya. I was the only child kasi.

Nakarating ako sa office and guess what? MASUNGIT BOSS IS NOW ACTIVATED nanaman ako.

Pumasok na ako sa loob ng nakasimangot ang mukha. Masakit naman pala sa mukha kung parati kang nakasimangot no?

Halos lahat ng nadadaanan ko na mga trabahante ko ay umiiwas, natatakot na parang any time ay papagalitan ko sila.

Dumiretso na ako sa opisina ko at nakita ko yung secretary ko na nag-aayos ng bag.

“Goodafternoon, boss!” bati niya sakin sabay ngiti.

Tumango nalang ako at agad umupo sa table.

Nahihiwagaan ako sa lalaking to. Ewan ko parang may tinatago siya na di ko alam kung ano. Di ko nalang to pinansin dahil bakit ko naman siya pag-aaksayahan ng panahon diba? Though medyo masungit ako sakanya eh kaya niyang tiisin. Usually kasi sa mga secretary ko, di sila umaabot ng 1 week and I was surprised na sobra 1 week na siyang nagtatrabaho dito. He broke the record!

“May ipapagawa ka po ba sakin boss?” sabi niya as he draw close to me.

“Nothing.” sabi ko. Wala naman talaga akong ipapagawa dahil wala namang tatrabahuin. Papalinisin ko nalang siya mamaya.

“Just clean this office later ok?” sabi ko sabay ngiti.

Mukhang nagulat ito sa inasal ko. Nakangiti ako sakanya ngayon. He was in a great shock na parang nakakita ng multo.

“What?” I said.

“No-nothing boss.” sabi niya sabay yuko.

Para talagang may something sakanya eh. Parang iba siya na pilit niyang itinatago. I feel it. Para siyang bakla eh. Pero don’t judge. Di ka pa nakakasigurado Ynigo. Lalaki siya, lalaki.

“Oh, okay.” sabi ko sabay kuha sa cellphone at naglaro ng color switch.

Gusto ko talagang malaman yung tunay na kulay netong Stoff nato. Wondering again why Stoff? Well, I like calling him Stoff. Second, common na ang Kris or Kristoff so I better look for another name so that’s why Stoff.

Cute naman siya, maganda yung mata tsaka yung pilik mata, pinkish ang cheeks at labi, may dimple tsaka yung smile niya. Pero don’t get me wrong, I’m just telling the truth.

I am curious about his real identity. I want to know if my prediction is right or wrong.

Chapter 10

Nagulat ako sa inasal ng boss ko ngayon. Bakit kaya nakangiti ang loko? Kung ano man yan, sana parati nayan. Mas gwapo siya pag ganyan eh hihi.

Nanginit yung mukha ko dahil ngumiti siya sakin. Shet kinikilig ako. Pero pinigilan ko yung kalandian ko dahil goodbye MS company, goodbye work talaga ako nito pag nagkataon.

Umupo na ako balik sa table ko dahil wala naman daw siyang ipapagawa sakin. Sinusulyapan ko siya habang naglalaro siya sa cellphone niya. Gwapo talaga siya. Malakas talaga yung dating niya.

Napaiwas naman ako dahil bigla niya akong tinignan. Bakiiiiiiit?

“Wag kang gagawa ng ikakapahamak mo Kristoff!” bulong ko sa sarili ko.

“What are you planning to do then?” sabi ni boss habang naglalaro parin ng cellphone niya.

Oh. Shit.

“H-ha? Wala boss!” sabi ko sabay upo ng maayos. Nakalimutan kong maririnig niya kahit bumubulong ka sa kulangot mo. Kakaiba din tong boss ko! Lakas ng pandinig.

“I heard you. Remeber the rule number 4?” sabi niya sabay smirk.

Shit. Don’t lie Kris. Don’t lie.

“Ah! Hahaha. Oo. Ano kasi wala kayong ipinapagawa sakin ngayon, baka ififire niya ako boss.” palusot kong sabi. Of course lalaki parin yung boses. Ang hirap!

“Ah. So di ka sanay na walang ginagawa?” nagtatagalog na talaga siya. Well it’s cute.

“Ganun na nga po, boss.” sabi ko.

“Well ganito nalang, aayusin natin ang mga files dito. Halika.” sabi niya.

Halika. Halika. Halika.

Shit this.

Lumapit naman agad ako sakanya.

“Here,” sabi niya sabay abot sa mga papel. “Ayusin mo nalang to para di ka mabored.”

Ano bang nangyayari sakanya? Parang ang bait bait niya ngayon ah? Mukhang may anghel talaga na sumanib sakanya. Sana di na aalis ang anghel diyan.

Kinuha ko ito agad at inayos ito.

Di ko maiwasan na sulyapan siya. Ang gwapo gwapo niya talaga pag ganyan kaaliwalas ang kanyang mukha.

Nahuli niya akong tinititigan siya. Agad ko naman akong umiwas at inayos ulit yung mga papel.

“You’re staring at me, huh?” sabi niya. “May problema ba?”

“Wala boss. May kamukha ka kasi.” palusot ko.

“Hahaha. Alam ko sino.” sabi niya.

Kinareer na niya talaga ang magtalagalog ah? I like it!

“Sino boss?” sabi ko.

“James Reid.” sabi niya sabay pose ng pina James Reid.

Oh. Shit. He’s. Damn. Hot.

“Kapal mo boss ah! Mas gwapo ho ako sa inyo.” sabi ko.

Ewness.

“Weh? Sino kamukha mong artista?” sabi niya sakin.

“Enrique Gil boss!” sabi ko sabay papogi.

Actually guys napipilitan na talaga ako. Ako naman talaga si Liza Soberano eh.

“Ayos ka din ah?” sabi niya sabay tawa.

“Naman boss. Gwapo diba?” sabi ko sabay pogi pose. Nandidiri na ako sa pinagsasabi ko.

“Oo. Cute ka.” sabi niya sabay ngiti.

Cute ka. Cute ka. Cute ka. Cute ka. Cute ka.

Pilit kong sinisink in sa utak ko ang mga katagang sinabi niya. I’m cute? Shit boss wag po.

Namula ako sa sinabi niya. Shinake ko yung ulo ko dahil baka mapansin niyang namumula ako.

“Oh bakit?” tanong niya.

“Wala boss. May lamok kasi.” palusot ko nanaman.

“Ah wala namang lamok dito ah?” sabi niya.

“Meron boss.” sabi ko.

“Wala naman talagang lamok dito. San naman sila papasok?” sabi niya.

“Boss, maliliit yung mga lamok. Kahit na konting bukas ng pinto ay makakapasok na sila.” sabi ko.

“Sabagay.” sabi niya sabay kamot sa ulo. Hot ka po boss.

Agad ko naman din inayos muli yung mga papel. Ang bait niya talaga! Sana ganun na siya parati please? Kung sino ka mang ispirito na sumanib sa boss ko ngayon, inuutusan kitang wag ng lalabas kahit kailan!

Nang natapos ko na yung pag-aayos sa papel ay agad ko na itong inabot sakanya.

“Tapos na ako boss!” sabi ko sabay abot sakanya yung papel.

Kinuha niya ito mula sakin at AKSIDENTENG nahawakan niya yung kamay ko. Napatingin ako sakanya at ganun din siya.

Napakaganda ng kanyang mga mata. Kumikislap na parang mga bituin sa langit. Nakakatunaw yung mga titig niya.

Napaiwas naman ako nung nagsalita na siya.

“Naaadik ka ba sa mga titig ko?” sabi niya.

Inayos ko yung boses ko at nagsalita.

“Naku boss di ah? No homo.” sabi ko na pilit na itinatago ang hinhin ng boses ko.

Tumawa siya na parang loko. Nakakaloka tong boss ko ah? Kala ko masungit lang to, kapal din pala ng mukha. Hahahaha!

Nang natapos na kaming mag-ayos ay agad na siyang tumayo.

“Oh Stoff, mauna na ako.” sabi niya sabay kuha ng bag niya.

“Sige boss maglilinis lang ako dito.” sabi ko din sabay tayo para kunin yung walis.

“Oh wag na. Malinis pa naman. Bukas nalang.” sabi niya. “Oh sige mauna na ako.” sabay labas.

Lumakas yung pintig ng puso ko. Parang iba na yung nararamdaman ko. Parang crush ko na siya.

Hinawakan ko yung dibdib ko kung saan nakalocate yung puso ko.

“Wag kang mahuhulog sakanya Kris. Wag.” sabi ko sa sarili.

Ayokong mahulog ako sakanya. Wala namang kasiguraduhan kung masusuklian niya ito. Straight siya at ayaw niya sa mga bading.

“Mawawala din to. Mawawala.” sabi ko sa sarili.

Nang matauhan na ako ay agad na akong bumaba.

Nakita ko si Rica na papalabas sa sa opisina. Tinawag ko siya at lumingon naman ito.

“Baklaa!” sabi niya sabay yakap sakin.

Nakalimutan ko palang sabihin. Si Rica pala yung bestfriend ko nung high school. Nagtaka nga ako eh bakit siya napadpad dito.

“Labas tayo?” sabi ko.

“Aba? Go ako jan.” sabi niya.

Naglakad kami patungo sa restaurant na tinatrabahuan ko. Dun namin na isipan na kumain. Landi din nitong si Rica dahil crush niya raw si Jeff. Landi ni Rica 1.1

“Kris! Kamusta ka na?” bati sakin ni Jeff nung pumasok na kami.

“Ayos lang ako. Ikaw kamusta ka na?” sabi ko.

“Eto okay lang.” sabi niya.

Siniko ako ni Rica. Tinignan ko siya at nabasa ko na yung ekspresyon niya. Ipakilala ko raw siya. Landi talaga.

“Ah Jeff, si Rica, officemate slash bestfriend ko. Rica si Jeff, classmate ko nung college.” pagpapakilala ko sakanila.

“Hi Rica!” bati ni Jeff sabay abot ng kamay niya.

Namula si Rica at inabot din yung kamay niya.

“Nice meeting you, Jeff.” sabi niya.

“Me too.” sabi ni Jeff sabay ngiti.

Halatang kinikilig si Rica dahil pulang pula na siya.

Nag-order na kami ng makakain at umupo kami sa table. Sinerve agad ni Jeff yung pagkain namin at nagpaalam.

“Here’s your order. Maiwan ko muna kayo.” sabi niya sabay alis.

“Ang gwapo ni Jeff, bakla!” sabi ni Rica.

“Naman.” sabi ko.

“Di ka ba nagkacrush sakanya?” tanong niya.

“Aba di ah? Ano ka ba.” sabi ko.

“Buti naman. Oh kamusta ka na?” sabi niya.

“Okay lang. Medyo nag-iba si boss ngayon.” sabi ko.

“Ha?” sabi niya.

“I mean, bumait siya kanina. Di niya ako pinalinis ng office niya tsaka nagbiruan kami. Ngumingiti na siya and nagtatagalog.” sabi ko.

“Ha? Talaga? Pero bakit?” sabi niya.

“Ewan ko nga. Pero sana ganun na siya parati.” sabi ko.

“Sana nga. Tsaka alam niya na bang bakla ka?” sabi niya.

“Hindi no? Di ako nagpapahalata. Pilit kong magpakalalaki. Ang hirap.” sabi ko.

“Naku wag ka talagang magpapabuking. Nako ayaw na ayaw niya sa mga bading!” sabi niya.

“Bakit naman kaya?” sabi ko.

“Ewan ko. Basta iba ang pakitungo niya sa mga bading. Basta expect the unexpected bakla.” sabi niya.

Natatakot ako sa maaring magawa sakin ni boss kung malalaman niyang bakla ako. Kaya ko namang magpanggap sa harap niya. Wag nga lang ako mabuking.

Pagkatapos na kaming kumain ay agad na kaming lumabas.

Sumabay na samin si Jeff pauwi.

“Oh bakla, dito na ako. Ingat kayo, bye Jeff.” sabi niya.

“Ingat ka.” - Ako

“Ingat Rica!” sabi ni Jeff.

Naglakad naman kami ni Jeff patungo sa dorm. Papasok na sana ako ng bigla akong hinawakan ni Jeff.

“May problema ba?” sabi ko.

“Pwede bang hingiin yung number ni Rica?” sabi niya sabay yuko.

“Ay iba! Hahaha oo sige.” sabi ko sabay bigay sakanya ng number ni Rica.

“Nice thanks!” sabi niya sabay kiss sa pisngi.

“Hoy!” sabi ko sabay pahid.

“Sus oa mo naman. Best friend mo naman ako.” sabi niya sabay pasok sa loob.

Pumasok na din ako sabay bihis. Humiga agad ako tapos pumikit.

Nagvibrate yung phone ko tsaka ko tinignan ito.

“Unkown number? Sino naman kaya ito?” sabi ko sabay open sa message.

“Hi Kristoff Saavedra. This is Marco Mendoza, save my number okay? Goodnight. Don’t reply.”

Si sir Marco? Saan naman kaya niya nakuha yung number ko? Tsaka bakit naman niya ako tinext? May kailangan ba siya sakin? Pero ano naman?

Author’s Note

Hey guys! How are you? Enjoying My Boss? Hehehe thank you sa pagsuporta. Sana til the end. Sorry kung medyo natatagalan akong mag-update. May thesis kasi kami na tinatapos eh, dalawang research paper tapos may ginagawa pa kami sa NSTP. Pero sana wag kayong magsawa na sumuporta, mag-uupdate din ako, tiwala lang. :D

Creamme Oh ~

Chapter 11

“Bakla, gala tayo maya?” sabi ni Rica sakin habang nag-aayos ng gamit.

Nandito kami ngayon sa 5th floor dahil kumakain kami ng lunch. 11am pa lang pero kumain na kami dahil kumukulo na yung sikmura naming dalawa. Wala naman si boss dahil daw may importanteng lakad siya.

“Sige ba, basta libre mo.” sabi ko.

“Yan tayo eh!” sabi niya.

“Edi walang gala.” sabi ko sabay kuha ng tubig sa pitsel.

“Okay fine. Dun tayo sa Enrico’s Kainan ha? Gusto kong makita si Jeff.” sabi niya sabay tili. Tinutukoy niya yung tinatrabahuan ko dati.

“Ayan. Landi landi tayo eh?” bulyaw ko sakanya.

“Eto naman, support ka bakla.” sabi niya sakin.

“Okay fine, siya nga pala, di ka pa ba tinetext ni Jeff? Humingi siya ng number mo nung isang araw ah?” sabi ko sakanya.

“Whaaat?! Talaga? Humingi siya ng number ko?! Oh my gee!” tili niya sabay palo sa balikat ko.

“Aray ha? Masakit.” sabi ko sakanya.

“Sorry. Sorry.” umayos siya ng upo at agad humarap sakin. “Talaga? Anong sabi niya?”

“Yun nga, humingi siya ng number mo tsaka ibinigay ko naman, tutal makati ka din eh.” sabi ko sabay tawa.

“Hoy bakla! Bastos ka ah? Di naman.” sabi niya sakin. “Pero no messages from him, bakit di siya nagtext?”

“Aba ewan ko.” sabi ko sakanya.

“Baka mali yung nabigay na number mo?” sabi niya.

“Di ah? Wait.” sabi ko sabay kuha ng cellphone ko sa bulsa. Tinignan ko yung contacts at napadilat ang aking mga mata.

“Oh my gosh!” sabi ko sabay clarify ulit kung tama ba.

“What?!” sabi niya sabay lapit sakin.

“Ito pa ba yung last number mo?” sabi ko sabay pakita sakanya yung phone.

“Bakla naman, that was 3 years ago. Nakakasira ka naman ng relasyon eh!” sabi niya sabay sapak sakin.

“Hoy sorry di ko alam.” sabi ko sakanya. “Sige, ganito nalang, doon nalang tayo kakain mamaya para naman makabawi ako sa inyo.”

Mukhang masaya naman siya sa kanyang narinig kaya niyakap niya ako from behind.

“Thanks bakla!” sabi niya.

“You’re welcome.” sabi ko. “Siya nga pala, may sasabihin ako.”

Napaupo naman siya agad at humarap sakin.

“Ano?”

“Parang crush ko si boss.”

Nanlaki naman yung mga mata niya dahil sa sinabi ko. Totoo naman eh, crush lang naman, wala pa naman to eh.

“Tell me you’re joking.” sabi niya.

“Hindi po. Seryoso ako.” sabi ko.

“Oh my gee, bakla! Homophobic si sir! Alam mo ba yun?” sabi niya sakin na para siyang isang ina na nagdidisiplina sa kanyang CUTE na anak.

“Opo alam ko.” sabi ko.

“Kailan pa yan?” sabi niya.

“Nung isang araw lang, ang bait niya kasi sakin nun at nagbibiruan pa kami.” sabi ko.

“Yan lang? My goodness bakla, ang babaw.” sabi niya sabay kamot sa ulo.

“Ewan ko ba. Pero mawawala din naman to eh.” sabi ko.

“Oh basta, binabalaan na kita, wag na wag kang mahuhulog sakanya. Alam mo na anong mangyayari sayo.” babala niya sakin.

“Opo alam ko.” sabi ko nalang.

“Oh siya, balik na ako sa office. Kita nalang tayo mamayang uwian. Hintayin kita sa lobby.” sabi niya sabay beso sakin.

“Sige sige.” sagot ko.

Agad na akong dumiretso sa office ni boss at doon nagpalipas ng oras.

Bumaba na ako galing sa office ni boss at agad dumiretso sa lobby. Hinanap ko si Rica ngunit di ko siya nakita. Umupo muna ako doon sa isang upuan para hintayin siya.

Habang hinihintay ko si Rica ay nagfacebook muna ako. May wifi kasi dito sa lobby eh.

Nung na-open ko na ito, may friend request akong natanggap.

“Hm? Sino naman ito?” sabi ko sa sarili ko tsaka ko tinignan kung sino ito.

Marco Mendoza sent you a friend request.

Oh no. Si sir Marco? Inadd ako sa facebook? Bakiiiiiiiiiiiit?

Inaccept ko nalang siya dahil para akong sino kung di ko siya iaaccept diba? Sino ba naman ako?

“Hoy tara na.” sabi ni Rica sakin.

Agad ko nang inoff yung wifi tsaka ako tumayo.

Naglakad lang kami patungo sa destinasyon namin which is doon sa tinatrabahuan ko dati. Nang nakapasok na kami dito ay agad na kaming umupo sa isang bakanteng table.

“Jeff!” tawag ko kay Jeff na busying nakikipagchikahan sa ibang mga kasama niya.

Agad naman siyang pumunta samin at kinausap ako.

“Oh Kris, kamusta?” sabi niya.

“Okay lang ako.” sagot ko.

“Mabuti naman. Hi Rica!” sabi ni Jeff habang tinitignan si Rica.

Namula si Rica at napayuko. Oa din neto, eh kanina ang ingay ingay, anyare ngayon? Hay nako.

“Hello Jeff.” hiyang sabi niya.

Nag-usap usap lang silang dalawa at ako ngayon ay OP masyado sa kanilang dalawa.

“Hoy Jeff, mamaya na yang landi, mag-oorder na ako.” sabi ko sakanya.

Agad naman siyang napatayo at ngumisi.

“Hehe. Anong gusto niyo?” tanong niya.

“Hm, eto nalang fried chicken.” sabi ko. “Ikaw Rica?”

“Burger lang.” sabi niya.

“Copy. Wait lang po.” sabi ni Jeff sabay kindat kay Rica at agad umalis.

Kilig na kilig si Rica ngayon na parang bulate sa sobrang likot. Iba talaga pag kiligin ang babae no?

Nang hinatid na yung order namin ay agad na kaming nagsimulang kumain. Nag-usap usap lang sila at ako? Loner forever.

Nang matapos na kaming kumain ay wala paring tigil na nag-uusap ang dalawa. Mukhang nagdedevelopan na sila eh. Cute silang tingnan, parang mga love birds.

“Hoy, OP na ako masyado.” sabi ko sabay pout.

Tumawa naman sila na parang baliw at agad nag-usap ulit. Aba loko tong mga to ah?

“Excuse me? Nandidito pa ako oh? Hello?” sabi ko sakanila sabay wave ng hand.

“Oa mo naman.” sabi ni Rica.

“Che!” sabi ko.

“Naiinggit ka?” sabi pa niya sabay belat.

“Di naman masyado. Pero parang, oo.” sabi ko sabay hawak sa pisngi.

“Wag ka nang mainggit, tayo nalang mag-uusap.”

Napalingon ako sa nagsalita at laking gulat ko nung nalaman ko kung sino ito.

“S-sir M-marco?” utal kong sabi.

“Sino siya?” bulong ni Rica sakin.

“Siya si Mister Mendoza.” bulong ko din sakanya.

Nandilat yung kanyang mga mata dahil mukhang di makapaniwala sa narinig. Alam niya na si Mister Mendoza ay yung almost 1 year na silang nahihintay para maapprove yung proposal nila.

“Anong ginagawa mo rito sir?” sabi ko sakanya.

“Dito ako kumain.” sabi niya sabay upo sa tabi ko.

“Ah ganun po ba?” wala na kasi akong masabi pang iba. Nahihiya na ako sakanya.

“Yep. Pakilala mo na ako.” sabi niya.

“Ha?” lito kong sabi dahil di ko gets yung sinabi niya.

“Pakilala mo ko sa mga kaibigan mo.” sabi niya ulit.

Paano ko ba siya iintroduce? Hm.

“Ah guys, si sir Marco, kaibigan ni boss. Si Rica tsaka si Jeff, kaibigan ko.” sabi ko.

“Di mo ba ako kaibigan?” sabi ni sir sakin.

Oh hell no.

“Kaibigan po.” sabi ko.

“Good.” sabi niya sabay akbay sakin.

Nagpalitan naman sila ng “hi” at nagkamustahan. Nag-usap usap kami sa mga bagay bagay at iba pa.

Maya maya ay naisipan na naming umuwi. Magcoclose nadin kasi yung ffc. Kaya sabay na kaming umuwi lahat.

“Guys, ihahatid ko nalang to si Rica. Gabi na kasi, baka mapaano sa daan.” sabi ni Jeff samin. Si Rica naman ay kilig na kilig sa sinabi. Landi talaga.

“Okay sige, ingat kayo.” sabi ko sabay beso kay Rica tsaka kay Jeff.

Agad na silang nag-iba ng landas at kami ni nalang ni sir ang natira.

“Sige na po sir, uuwi na ako. Mag-iingat ka po.” sabi sabay alis.

“No, ihahatid kita.” sabi niya sabay takbo papunta sa kotse niya. Agad naman niyang pinaandar ito at huminto sa harap ko.

“Hop on.” sabi niya sabay ngiti.

“Kaya ko naman pong maglakad.” sabi ko.

“Isa.” sabi niya.

Hala?

Agad na akong pumasok sa loob at pinaharurot ang sasakyan.

“San ba yung bahay niyo?” tanong niya habang nagmamaneho.

“Actually dorm. Diyan lang, malapit sa basketball court.” sabi ko sabay turo doon sa unahan.

“Dorm? Where did you live?” sabi niya habang sinusulyapan ako.

“Sa Cebu po.” sabi ko.

“Ah, so why did you decided to live here?” sabi niya.

“Kasi po nakakuha ako ng scholarship dito at walang maayos na paaralan dun para sa kolehiyo.” sabi ko.

“Ah talaga ba? Eh yung mama at papa mo, nasaan?” tanong niya.

“Nasa probinsya sa Cebu.” sabi ko.

“Ah I see. Nag-iisa ka dito?” sabi niya.

“Opo.” sagot ko. “Ah sir, can I ask a favor?”

Sasabihin ko nalang na wag akong ibubuking kay boss na bakla ako. Mukhang mabait naman to si sir eh, mukhang makakasundo ko.

“Yeah, what is it?”

“Pwede po bang wag mo akong ibubuking kay boss na bakla ako?” pagmamakaawa ko sakanya.

“Ha? Bakit naman?” takang sabi niya.

“Homophobic siya sir. Ayaw niya sa mga kagaya ko.” sabi ko.

“Really? Well okay. No problem.” sabi niya sakin sabay ngiti.

Nakarating na kami sa destinasyon namin, ang paraiso. Charot. Dito sa dorm ko. Agad na akong bumaba at nagpaalam sakanya.

“Salamat sa paghatid sir. Mag-iingat po kayo pauwi.” sabi ko.

“Thanks. Ah, ’til next time?” sabi niya.

“Next time?” takang sabi ko.

“Yep. Maybe next week always na akong nasa opisina ng boss mo for the mean time. We need to help each other para sa magiging project namin.” sabi niya.

Talaga? Eh mukhang mahirap to para sakin. Alam ni sir na bading ako pero si boss wala. Ano ba talaga to?

“Nge.” sabi ko.

“Why? Ayaw mo? May makakasama kang 2 pogi.” sabi niya sabay tawa.

“HA.HA.HA. pero sir please po, yung deal natin.” sabi ko sakanya. “Sige po pasok na po ako.”

“Yeah yeah.” sabi niya sabay turo sa cheeks. “Yung beso ko?”

“Ano?!” sabi ko na parang naiilang sa sinabi niya.

“Diba kaibigan mo ako?” sabi niya.

“Oo naman.” sabi ko.

“Beso mo na ako.” sabi niya sabay turo ulit sa pisngi.

“Eh bakit?” sabi ko.

“Pag kina Rica at Jeff, bumeso ka, bakit sakin ayaw mo?” sabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako at bumeso sakanya. Nakita kong nakangiti siya.

“Oh siya, mauna na ako. Ingat!” sabi niya sabay paharurot ng kotse papalayo.

Loko talaga tong si sir Marco.

Agad narin akong pumasok at nagbihis. Pagkatapos ay humiga na ako at pumikit.

“Kaya mo to, Kris. Kaya mo to. Di ka ipapahamak ni sir Marco. Tiwala lang.” sabi ko sa sarili.

Ayan naka-update na po. Sorry sa naghihintay, busy lang po si author hihihi. Okay po ba yung chapter? Please vote and comment thanks! :)

Creamme Oh

Chapter 12

Naalimpungatan ako sa ingay ng mga tao sa labas. Kinusot ko yung mga mata ko at umupo sa kama. Nagstretch ako ng kamay at kinuha yung cellphone.

“Oh, shit!” sabi ko sa sarili at agad dumiretso sa CR. It’s already 5:30am at malelate na ako sa trabaho ko. Mapapagalitan na naman ako ni boss!

Agad agad na akong pumasok sa cr. I took a quick bath and nagtoothbrush agad. Pagkatapos ay agad na akong lumabas sa cr para makapagbihis na ng damit. Lumabas na din ako sa kwarto ko at agad dumiretso sa sakayan ng jeep.

Nang nakarating ako sa office, ay agad na akong tumungo sa elevator. Mas mapapadali naman akong makarating kung mag-eelevator ako. Wala naman ding tao masyado kasi maaga pa.

Nang nakarating ako sa office ni boss, agad na akong pumasok sa loob.

“Goodmorning boss!” sabi ko sabay lock ng pinto. Nagulat naman ako dahil may kasama siya, si sir Marco.

“Hey!” sabi ni sir Marco sabay kaway.

“Goodmorning sir!” bati ko din sakanya.

Napatingin ako kay boss at natakot ako sa ekspresyon ng kanyang mukha.

“Why are you late?” sabi niya sakin sabay tapik tapik ng ballpen sa lamesa.

“Natagalan po ng gising, boss!” sabi ko sakanya.

“It’s not a valid reason you jerk!” sabi niya sakin. Galit nanaman ba siya? San na yung sumanib sa kanya? Lumabas na ba? Hays.

“Alam ko po, boss. Pasensya na po.” sabi ko sakanya.

“And with that, another deduction to your salary.” sabi niya sakin.

“Boss,”

“What? Any reactions?” sabi niya sakin.

“Wala, boss!” sabi ko.

“Good. Anyways, cancel all my meetings today. I have an important thing to do.” sabi niya sakin sabay sulat ng kung ano ano.

“Yes boss!” sabi ko sabay punta sa table ko at kinuha yung isang mini notebook ko na nandun nakasulat lahat ng mga meetings ni boss.

Tinawagan ko naman lahat ng mga taong may schedule na meeting sakanya today. Nang natapos na ako ay agad akong lumapit kay boss.

“Done boss!” sabi ko sakanya.

Di siya sumagot. Pumunta naman ako sa table ko at doon inayos yung bag ko. Wala naman siguro akong gagawin kundi maglinis dito araw araw.

“So? What’s the plan?” sabi ni boss Ynigo kay sir Marco.

“Well, as I’ve said, we need to meet him there. We need him so we need to adjust.” sabi ni sir Marco.

“Yeah, that’s right. Maybe we’ll set the date.” sabi ni boss sabay kuha sa cellphone niya. “Hm, maybe next week?” dagdag niya.

“Okay then, next week.” sabi ni sir Marco.

“Okay.” sabi ni boss.

“So, ilang days tayo dun? Weeks? Months?” sabi ni sir Marco.

“More or less, 1 week.” sabi ni boss.

“Okay?” sabi ni sir. “Isasama mo ba tong secretary mo?” sabay tingin sakin.

Saan ba sila pupunta?

Tinignan ako ni boss saglit tsaka bumalik tingin kay sir.

“Of course. I need an assistant.” sabi niya.

“San ba kayo pupunta sir?” sabi ko kay sir Marco. Siya nalang tinanong ko kasi baka mapagalitan nanaman ako ni boss.

“Sa Davao. Kailangan kasi namin suyuin yung isang tao dun para mag-invest satin.” sabi ni sir Marco.

“Ah ganun ba katagal? 1 week?” sabi ko sakanya.

“Yep. May mga meetings din kaming kailangan puntahan.” sagot niya agad.

“So, I’ll let you come with us not to have fun, but to help me there.” sabi ni boss sakin. Nagsalita na ang weirdo.

“Yes, boss!” sabi ko.

1st time kong makapunta sa Davao. Ang ganda kasi daw doon sabi ng mga friends ko na nakapunta na sa Davao. Ang bait daw ng mga tao tsaka napakalinis ng kapaligiran. No wonder bakit ang daming tourists ang bumibisita doon.

“Ganda doon sa Davao, men!” sabi ni sir Marco tsaka siya tumayo at nagstretch. Ang gwapo niya talaga, may mga muscles din siya but di naman malaki. Tama lang sa katawan niya.

“Yeah, I know, but the only purpose why we go there is to convince Mister Novitsky to invest in our company.” sabi ni boss.

“I know, but, I don’t want to miss the opportunity dude!” sabi ni sir Marco.

“After we convince him, that’s the time we’ll gonna have some fun. But for now, let’s talk about on how we convince him.” sabi ni boss sabay tayo at stretch. Gwapo din si boss, lalo na pag nakangiti. Mahirap pangitiin tong taong to, palaging galit.

“Not now dude, I want to rest.” sabi ni sir Marco sabay upo sa sofa ni boss.

“What?” sabi naman ni boss.

“We have 6 days left, so don’t be nervous. I’m here to help.” sabi naman ni sir Marco.

“Okay.” sabi ni boss saka siya umupo balik.

“Kristoff, pare, sabay tayo maya ah?” sabi niya sabay kindat.

Natatakot na ako sa mga pinagsasalita niya. Though may pare, pero nakakaduda yung phrase na ‘sabay tayo maya’ baka mabubuking na ako ni boss! Wag naman sana.

“Po? Saan pare?” nakisabay nalang ako sa pagsasabi ng pare.

“Call him sir. He’s your boss, not your friend.” sabi ni boss sakin. Tinitignan niya ako ng masama.

“It’s okay dude. He’s my buddy.” singit ni sir Marco.

“I don’t care. I want him to respect you.” sabi ni boss.

“I prefer him to call me pare instead of sir. Tapos!” sabi ni sir Marco.

Natahimik si boss at nagbuntong hininga.

“Fine.” sabi niya sabay sulat ng kung ano ano.

Ynigo Santillan’s POV

Nakakainis tong gagong to! Mas gusto pa niyang tawagin siyang pare kaysa sa sir? Iba din to!

Wala naman talagang gagawin ngayon eh, yun lang ang aim ko na dapat kong makuha, yung makumbinsi si Mister Novitsky to invest in our company. Yan lang.

Gumuhit lang ako ng kahit ano ano, pampalipas oras lang. I used to draw since I was on my 3rd grade. Ako lagi pambato samin pag may competition. Lagi naman kaming nanalo, di sa nagmamayabang.

“Sabay tayo maya ah? Hintayin kita sa lobby, pare.” sabi ni Marco habang tinitignan si Stoff.

“Oo pare, inuman ulit?” sagot ni Stoff.

Now I feel something crazier. Mas nag doubt ako lalo kung lalaki ba siya o bakla. Lalaki yung kaniyang pananalita, yung pananamit, pero iba talaga yung aura niya para sakin eh. Iba talaga. Parang may side sakanya na tagilid siya. Pero ah basta, lalaki siya. Lalaki!

“Oh, deal!” sabi ni Marco tsaka siya tumayo at nakipagkamay kay Stoff.

Mga ilang segundo din bago niya ito kinuha. Ngumiti si Marco sakanya at ngumiti din siya. What the? Nagblush siya! Ano ba talagaaaaa?

Di ko lang to pinansin at itinuon ang buong atensyon sa pagdadrawing. Pero bakit ganon? Nakikita ko talagang iba siya, pero nawawala din ito kapag nagsasalita na siya at sa kanyang pananamit. Mali siguro yung iniisip ko. Mali.

Pero bakit parang naiingit ako? Gusto ko rin ata siyang maging kumpare eh. Pero ayoko lang dahil ito yung image ko. Parating galit sa mga trabahante. Ayokong maging unfair. Pero, ewan ko, ano ba tong pinagsasabi ko.

Kumalas din si Stoff sa pagkakahawak niya sa kamay ni Marco.

“Libre mo ah?” sabi ni Stoff sabay ngiti. His smile was genuine, his eyes were attractive.

“Oh, damn!” I whisper to myself while holding my forehead. “What am I thinking.” I added.

“Sure pare, basta ikaw!” sabi ni Marco sabay kindat sakanya.

Napayuko ito at namula ulit. Oh crap!

“Stop it, Ynigo. You’re not a gay, man!” sabi ko sa sarili ko. Napasabunot ako at napansin naman ito nilang dalawa.

“You okay?” tanong ni Marco sakin.

“Yeah. Don’t mind me.” sabi ko nalang.

“Okay.” sabi ni Marco sabay tingin ulit kay Stoff. “Later pare ah?” sabi niya sabay alis.

Ngumiti lang si Stoff at nagpaalam na. Agad naman siyang nag-ayos ng kanyang bag.

“Hey.” tawag ko sakanya.

“Boss?” sabi agad ni Stoff at tinignan ako.

“Am I handsome?” sabi ko out of nowhere.

Hey guys! Long time no update! Hahaha exam week na next week guys pero I promise na mag-uupdate parin ako. So comment and vote guys! Love ko kayo.

Bitin parin ba? :)

Chapter 13

Nabigla ako ng sobra sa tanong ni boss. Bakit tinanong niya ang ganyang klaseng tanong? Bakit ako pa ang tinanong niya? Sa dami dami ng tao, ako pa talaga? Baka sinusubukan niya ako? Nahalata na ba niya na bakla ako? Wag naman sana please?

“Ano boss?” pablind kong sabi kahit malinaw sakin kung ano yung tinanong niya.

Agad naman siyang napa-alog ng kanyang ulo. Mukhang natuhan ata.

“Nevermind.” agad niyang sabi sakin at balik sa kanyang pagsusulat or ano bang ginagawa niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko, tinitest niya ako. Nawala lahat ng takot ko. Mabuti naman di na niya itinuloy, baka mapaamin ako bigla, naku lagot na.

Bumaba na ako sa lobby dahil uwian na namin. Wala na din si boss dito dahil maaga siyang umalis. Siguro may date sila nung girlfriend niya.

Pagkababa ko ay agad kong nakita si sir Marco na nakaupo sa mga upuan malapit sa information area. Nilapitan ko siya at binati.

“Sir Marco!” sabi ko sakanya at lumingon siya sakin sabay ngiti.

“Oh, Kristoff.” sabi niya sabay tayo at hinarap ako. “Tara na?”

Tumango lang ako at agad na kaming lumabas sa office. Dumiretso kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya.

“San mo gusto kumain?” sabi niya sabay fasten sa kanyang seatbelt.

“Akala ko biro mo lang yun kanina?” sabi ko din sabay fasten sa seatbelt ko.

“Di ah? Ang biro ko dun ay ang pagtawag ko sayo ng pare. Ano, ayos ba?” sabi niya sakin sabay ngiti.

“Loko! Napagalitan tuloy ako nun. Tama nga rin kasi siya, dapat sir tawag ko sayo.” sabi ko.

“Okay na yun. Ayos nga eh. Tsaka, magkaibigan naman tayo.” sabi niya.

“Bakit mo gustong makipagkaibigan sakin? Tsaka, di ka ba naiilang? Isa pa, bakla ako.” sabi ko sakanya.

“Dahil gusto ko. Di naman ako namimili ng kaibigan eh.” sabi niya sabay paharurot ng sasakyan.

“Talaga?” sabi ko.

“Oo naman. Marami akong kaibigang bakla. Ewan ko pero gustong gusto ko talaga sa mga bakla. Natutuwa kasi ako sa kanila.” sabi niya.

“Talaga? Di ka nandidiri?” tanong ko.

“Bakit naman ako mandidiri? Hindi naman sila masasamang tao. May iba nga lang bakla na bastos pero di ko sila ginegeneralize.” sabi niya.

“Oo nga. Yung ibang lalaki pag nalamang bakla ang isang tao ay pandidirian na dahil iniisip nila na marumi sila.” sabi ko.

“May iba ring lalaking di nandidiri, at isa na ako dun.” sabi niya sabay tingin sakin tsaka kumindat.

Hala?

“Tigil-tigilan mo ako sa pangingindat mo sakin PARE ha?” sabi ko sakanya.

“Bakit pare? Kinikilig ka?” sabi niya sabay ngiti.

“Di no! Walang talo talo.” sabi ko sakanya.

“Talaga lang ha? Baka isang araw nainlove kana sakin.” sabi niya.

“Di mangayayari yun!” sabi ko.

Inihinto niya ito sa isang mamahaling restaurant. Bumaba naman kami at agad ko siyang kinausap.

“Hoy, bakit dito tayo? Mahal dito ah?” sabi ko sakanya.

“Bakit? Sinabi ko bang ikaw magbabayad?” sabi niya sabay hawak sa braso ko. “Tara na.”

Sumunod nalang ako dahil syempre gutom na gutom na ako at first time kong makakain dito eh. Grab the opportunity, minsanan lang to.

“Goodevening sir, table for two?” sabi nung waitress.

“Yep!” sabi ni sir Marco.

Agad naman kaming hinatid ng waitress at binigyan ng menu.

“Pili ka lang. Ako magbabayad.” sabi ni sir Marco.

“Sigurado ka ba?” sabi ko sabay tingin sa menu.

“Ah waiter!” sabi ni sir Marco.

“Yes sir?” sabi nung waiter.

“Gusto ko ito tsaka ito.” sabi ko sabay turo sa menu.

“Yan lang?” tanong ni sir Marco.

“Oo sir. I mean, pare.” sabi ko.

“Okay.” sabi ni sir.

“Ikaw sir.” tukoy ng waiter kay sir Marco.

“Ito tsaka ito nalang.” sabi ni sir.

Sinulat naman ng waiter yung order ni sir tsaka siya umalis at dumiretso sa counter.

“Ituring mo na akong kaibigan ah? Wag kang mahihiya.” sabi ni sir Marco sakin.

“Opo. Salamat.” sagot ko sakanya.

“Tsaka pare nalang tawagan natin. Wag mo na akong tawaging sir, okay?” sabi niya.

“Paano kung nasa opisina tayo? Sir nalang itawag ko para naman may respeto ako kahit papaano.” sabi ko.

Nakakahiya din kasi kung di ko siya tatawaging sir eh nasa mataas siyang posisyon tsaka ako medyo baba sakanya, diba? Ayokong isipin ng ibang tao na feeling close ako kay sir Marco.

“Wag na.” sabi niya.

“Sige na please, favor ko.” sabi ko.

“Pangalawang favor mo na to. Utang to ha? Sige.” sabi niya.

“Sige sige.” sabi ko sabay ngiti.

Maya maya ay sinerve na samin yung pagkain at agad kaming nagsimulang kumain ni sir Marco.

“Kamusta ang pagpapanggap?” tanong ni sir Marco.

“Ok lang. Medyo mahirap.” sabi ko.

“Talaga?” sabi niya.

“Oo no. Di kaya ako sanay na dapat barako akong kumilos tsaka dapat lalaki yung boses.” sabi ko. “Alam mo naman siguro ang difference ng boses ko ngayon tsaka kanina diba?”

“Oo! Nakakatawa nga eh.” sabi niya sabay tawa.

Nag-usap usap lang kami ni sir Marco ng kahit ano tsaka naisipan na kunin na yung bill.

“4,567 pesos sir.” sabi nung waiter.

Inabot ni sir yung 5,000php.

“Keep the change. Tip niyo yan.” sabi niya sa waiter.

“Thank you sir.” sabi ng waiter.

Agad na kaming lumabas tsaka sumakay sa kotse. Hinatid niya ako sa amin.

“Salamat sa paghatid pare.” sabi ko sakanya.

“Wala yun, ano ka ba.” sabi niya.

“Sige ingat ka pare.” sabi ko.

“Wait.” sabi niya.

“Bakit?” sabi ko.

“Yung beso? Diba?” sabi niya.

“Hoy! Wag na. Nakakahiya.” sabi ko.

“Ngayon ka pa nahiya eh nagawa mo na noon. Tsaka sign of friendship natin to! Pero kung nandun tayo sa office, bro hug lang.” sabi niya saka niya itinuro yung cheeks niya. “Beso na.”

Agad akong lumapit sakanya tsaka bineso siya. Ngumiti naman siya tsaka siya nagpaalam.

“Sige, kitakits bukas!” sabi niya sabay pasok sa kotse at pinaharurot yung sasakyan.

“Ano ba nakain ni sir Marco? Bakit ang gaan gaan ng loob niya sakin?” sabi ko sa sarili ko tsaka ako pumasok sa loob.

Marco Medonza’s POV

Dumiretso na ako sa bahay tsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Palaging busy si dad sa opisina tsaka si mom naman nasa ibang bansa kasama si Ethan, kapatid ko.

“Goodevening po.” sabi ni manang.

“Hello po manang.” sabi ko sabay amen sakanya. “Pasok na po ako sa kwarto ko.”

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad na akong nagbihis. Nakaboxer lang ako tsaka sando na puti. Humiga ako sa kama at napaisip.

“Bakit ba ang gaan ng loob ko kay Kristoff?” sabi ko sa sarili ko. “Bakit parang iba siya sa mga baklang na-encounter ko?”

Umupo ako sa kama at kinamot yung ulo ko sa gulo ng isip ko.

“Ano ba nangyayari sayo Marco!” sabi ko. “Umayos ka!”

Humiga ako sa kama at tinabunan ng unan yung mukha ko. Bumangon ulit ako.

“Baka matalik na kaibigan lang ang tingin ko sakanya. Oo tama!” sabi ko sabay higa at natulog.

Ano nga ba ang tunay na nararamdaman ni Marco kay Kristoff? Matalik lang ba na kaibigan o higit pa dun? Paano si Ynigo? Abangan….

Hey update ulit hehehe. :) vote and comment guys!

Chapter 14

Kinabukasan, maaga akong nagising para naman di na ako malalate sa trabaho at di na ako mapagalitan ni boss. Ayoko ring “ma-fire” dahil ang dami dami ko ng offense. Pero nagtataka lang ako bakit hanggang ngayon ay di parin niya ako pinapaalis eh ang dami dami ko ng offense. Bahala na nga.

Dumiretso na ako sa banyo para makaligo na. Pagkatapos ay agad na akong nagbihis at pumunta sa cabinet ko. Kinuha ko yung salamin doon at nag-ayos ng buhok.

“Bakit ka ba naging bading?” sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ko yung mukha ko sa salamin.

“Sayang naman. Pero, dito ako masaya eh.” sabi ko ulit sa sarili at ibinalik na ang salamin sa cabinet.

Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto at bumaba patungo sa exit ng dorm.

“Maaga pa.” sabi ko sa sarili pagtingin ko sa relo. It’s 5:00am. Mukhang napaaga ata yung gising ko.

Naglakad lakad nalang muna ako sa kalye para naman kahit papaano ay makaehersisyo ako. Di naman siguro ako malalate dahil maaga pa at malapit lang dito yung office.

Pumunta ako sa isang convient store dito para bumili ng kape at makakain. Kumukulo na kasi yung tiyan ko at parang sunod sunod na ang di ko pagkain ng breakfast.

Bumili ako ng isang mainit na burger at isang kape. Dumiretso ako sa isang table dun at umupo.

Habang kumakain ako, someone caught my attention.

May isang lalaking papasok dito sa convinient store at mukhang kagagaling lang sa jogging. Medyo pawis siya at may dala dalang towel at mineral water.

“Si boss? San ba siya nakatira? Bakit siya nakaabot dito?” sabi ko sa sarili habang pinagmamasdan siya.

Bumili din siya ng kape at siopao. Mukhang papalapit siya dito sa kinororoonan ko.

Agad kong sinuot yung hood ng jacket ko para di niya ako makita. Niyuko ko yung ulo ko para mas di halata.

“Huwag ka nang magtago, nakita na kita.” sabi niya sabay lapag ng kanyang binili at umupo sa harap ko.

Tinaggal ko naman yung hood ko at napayuko. Shit, nakita niya pa ako.

Dahan dahan akong uminom ng kape at kumain ng burger. Nahihiya akong makipag-usap sakanya baka mapagalitan nanaman ako.

“Kanina ka pa dito?” sabi niya sabay higop ng kanyang kape.

Nagtatagalog nanaman siya.

“Bago lang po.” sagot ko.

“Ah.” sabi niya.

Tinignan ko siya habang kumakain ng siopao. Nakatingin lang siya sa labas at parang malayo ang tingin. Gwapo talaga si boss. Bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong umiwas ng tingin at hunawakan yung dibdib ko.

“No, Kristoff, no.” sabi ko sa UTAK.

Nakita naman ni boss na nakahawak ako sa dibdib.

“You okay?” sabi niya.

“Opo boss.” sabi ko sabay baba ng kamay.

“Oh okay. So, I gotta go.” sabi niya sabay tayo.

“Haaay. Ano bang meron sayo boss?” sabi ko sa sarili pagkalabas niya sa store.

Maya maya din ay lumabas na ako at dumiretso sa office.


“Tama na siguro to. Ano sa tingin mo?” sabi ni sir Marco sabay abot ng papel kay boss Ynigo.

“Hm, yeah.” sabi niya sabay tango. “Edit ko to ng konti.”

“Nice. Pwede na ako maglunch?” sabi ni sir Marco sabay tayo.

“Yeah.” sagot ni boss.

“Pare, tara. Sabay tayo lunch.” sabi ni sir Marco sabay lapit sa table ko.

“Sige, patapos na ako.” sabi ko sabay ligpit ng gamit ko tsaka ko kinuha yung bag ko at tumayo.

“Ikaw bro?” sabi ni sir Marco.

“Later.” sagot ni boss.

Nabigla ako dahil inakbayan ako ni sir Marco at agad kaming tumungo sa pinto. Nilingon ko si boss at nakita kong nakatingin siya sakin. Agad naman siyang umiwas ng tingin.

Tumungo kami sa 5th floor para doon maglunch. Nag-order kami tsaka kami umupo sa table.

“Wag mo akong akbayan sunod. Nakakahiya kay boss. Baka mahalata ako.” sabi ko kay sir Marco.

“Bakit naman? Para naman tayong magkumpare eh.” sabi niya.

“Para sayo, oo. Pero para kay boss, baka iba na iniisip niya.” sabi ko.

“Bahala siya kung anong gusto niyang isipin. Wala naman tayong ginagawang masama.” sabi niya.

“Pero kahit na. Ayoko parin pag-isipan niya tayo, I mean, ako ng masama.” sabi ko.

Oo. Madaling sabihin para sakanya na wala lang yung akbay niya. Yeah, maybe that was just a bro thingy. Pero, I don’t think that boss Ynigo will think the same way what sir Marco was thinking. Diba?

“Bakit ka naman pag-iisipan ng masama? Di naman kita ipapahamak.” sabi ni sir Marco.

“Pero-”

“Basta sumabay ka lang. Di ka mahahalata niyan, swear.” sabi niya.

Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Tama nga naman, sabayan ko nalang para di ako mahalata. Kapag kasi iiwas ako, baka may something na maiisip si boss.

Nang natapos kaming kumain ay agad na kaming dumiretso sa office ni boss. Pagkapasok namin ay nakita ko si boss na nakasandig sa sofa habang nakikinig ng music.

“Chilling bro?” sabi ni sir Marco sabay upo din sa sofa.

“Yeah.” sagot ni boss habang nakapikt.

Pumikit din si sir Marco at sumandig sa sofa. Tinignan ko silang dalawa. Ang gagwapo nila, sobra. Para silang mga anghel na natutulog. To be honest, mas gwapo si boss Ynigo kaysa kay sir Marco. Pero mas malakas ang appeal ni sir Marco. Basta gwapo sila.

Umupo ako habang tinitignan parin sila. Grabe, ang gwapo talaga nila. Kahit na ganito parati ay okay na sakin. Sana nga lang bumait na si boss Ynigo. Mas lalo siguro akong magkakagusto sakanya.

Dumilat si boss Ynigo at tinignan ako. Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na nag-aayos ng bag.

Tumayo siya at pinuntahan yung table ko. Habang papalapit siya sakin ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Anytime baka sasabog na ako. Bakit ko ba to nararamdaman? Crush pa ba ito? Oh higit pa?

Itinukod niya yung kanyang kamay at lumapit sa mukha ko. Napaatras ako sa inasal niya. Nakatingin siya direkta sa mga mata ko. Napakamisteryoso talaga ng kanyang mga mata, parang may sinasabi siya sakin gamit ang kanyang mga mata.

Nabigla ako sa tanong niya na halos lumabas na yung puso ko sa lakas ng kabog ng aking dibdib.

“Why are you staring at me?” sabi niya.

Another update. Mukhang ganado ako hehehe :) pero sana patuloy niyo pong suportahan. Salamat po. :)

Chapter 15

Napalunok ako sa tanong ni boss sakin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ngayon. Kinakabahan ako. Ano bang isasagot ko? Anong magandang palusot? Ghaaaaaad. I’m doomed.

I cleared my throat para ibalik yung panlalaking boses ko.

“Ano boss?” sabi ko.

“You’re staring at me.” sabi niya sakin habang nakatingin parin diretso sa mga mata ko.

“Di boss ah?” sabi ko.

This time, tumulo yung pawis ko galing sa noo ko. Kahit malamig dito sa loob ay mas nangingibabaw parin ang kaba ko. Pinahid ko yun gamit ang panyo na nasa kamay ko.

“Then why are you nervous?” sabi niya sakin.

“Di po ah? Bakit naman ako kakabahan?” pagdedeny ko pa.

“You’re not nervous? Then why are you sweating?” sabi niya sabay smirk.

“Kasi mainit po boss eh. Hoo grabe.” sabi ko sabay acting na pinapaypayan ko ang leeg ko gamit ang aking panyo.

“It’s kinda cold here, then you’re sweating?” sabi niya sakin.

Kailan ka ba matatapos magtanong ha? Pagod na akong mag-isip ng palusot ko at umacting na parang wala lang to?

“Boss, galing kami sa labas ni sir Marco diba? Gumamit kami ng stairs kaya pinapawisan ako.” sabi ko sakanya.

“Don’t deny it. You’re staring at me.” sabi niya sabay smirk ulit. “Am I too handsome to stare at?” dagdag niya.

Shit this!

“Boss, mas gwapo nga ho ako sa inyo. Ano bang pinagsasabi mo diyan?” sabi ko. Oh yan, kinareer ko na talaga ang pagiging lalaki ko.

“So what do you call about that thing you did earlier?” sabi niya sabay lapit pa ng mukha niya sa mukha ko.

Napaatras ako at agad nagsalita. “Ano bang ginawa ko kanina?” sabi ko.

“Remember the rule number 4?” threat niya sakin.

“Opo!” agad na sagot ko.

“So?” sabi niya.

Anak ng! Ano ba? Di parin ba siya titigil? Ano bang ipapalusot ko para huminto na ang lokong to? Hanggang ngayon mabilis parin ang tibok ng puso ko. Kinikilig ako and at the same time kinakabahan.

“Okay fine. Tinititigan kita boss kasi minimeasure ko kung sino mas pogi satin kapag tulog.” sabi ko sakanya.

Umatras naman siya at umayos ng tayo sabay ayos din ng kanyang coat. Bumalik siya sa table niya at umupo doon..

Nakahinga na ako ng maluwag. Mabuti naman at tumigil na siya, baka kasi di ko kakayanin pa kung nagpatuloy parin siya sa pagtatanong.

“Whatever you say jerk, I am more handsome than you.” sabi niya sabay kuha ng kanyang cellphone.

Alam ko naman eh. Di naman ako aangal diyan, gwapo ka nga talaga at cute ako. Okay?

Napangiti naman ako sa sinagot niya at mukhang nahalata naman niya iyon.

“What’s funny?” sabi niya sakin.

“Wala ho boss!” sabi ko sakanya.

“Ang ingay niyo naman!” sabi ni sir Marco sabay kusot sa mata. “Ano ba pinag-aawayan niyo?” dagdag niya.

“None of your business.” sabi ni boss habang naglalaro sa kanyang cellphone.

“I actually heard it, loud and clear.” sabi ni sir Marco.

“Oh, then why are you asking?” sabi ni boss habang naglalaro parin sa cellphone niya.

“Wala lang.” sabi niya sabay tayo.

“Pare, samahan mo naman ako sa labas oh?” sabi ni sir Marco.

“Ha? Saan?” tanong ko.

“May bibilhin lang. Sige na.” sabi niya.

“Sige sige.” sabi ko at agad tumayo.

“Where are you going?” sabi ni boss sabay lapag ng kanyang cellphone sa lamesa.

“May bibilhin lang.” sabi ni sir Marco.

“He’s staying, may ipapagawa pa ako sakanya.” sabi ni boss.

“Saglit lang naman.” sagot ni sir Marco.

“Sige na sir, ikaw nalang po. May ipapagawa pa si boss sakin eh. Sige na.” sabi ko kay sir Marco.

“Okay sige. Ano bang gusto mong meryenda?” sabi ni sir.

“Kahit ano lang sir!” sabi ko.

“Oh, okay.” sabi niya sabay labas ng pinto.

“Ano pong ipapagawa niyo sakin boss?” sabi ko sakanya.

“Here,” sabi niya sabay abot ng mga papeles galing sa cabinet. “I want you to look for Mister Novitsky’s file.” dagdag niya.

Agad ko namang sinunod ito at hinanap yung file ni Mister Novitsky.

“Siya po ba yung pupuntahan natin sa Davao boss?” sabi ko habang naghahanap parin ako sa file niya sa nakatambak na mga papel.

“Yes.” sabi niya habang ginagamit yung laptop niya.

“Ah okay boss!” sagot ko.

Pinagpatuloy ko ang paghahanap ng file ni Mister Novitsky. Bakit ba ang daming nakatambak na papel dito? Importante ba ito lahat?

“Eto boss!” sabi ko sabay kuha at ibinigay kay boss.

Kinuha niya ito sakin at ibinuklat yung folder. Nagscan lang siya doon at bumalik sa pag gamit sa laptop.

“Got it.” sabi ni boss tsaka siya tumingin ulit sa folder tsaka balik ulit sa laptop.

Tinititigan ko siya habang busying busy. He’s very handsome. I really like his skin complexion. Ang hot niya tignan.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hinawakan ko ito at umiwas ng tingin kay boss.

“Ano ba Kristoff, tumigil ka.” sabi ko sa sarili habang patuloy ang paghawak ko sa dibdib ko.

“What happen?” sabi ni boss habang tinitignan ako.

Agad kong binaba yung kamay ko sa pagkakahawak ko sa dibdib at umayos ng upo.

“Wala po boss.” sabi ko sabay ngiti.

Ngumiti din siya tsaka bumalik siya sa pag gamit ng computer.

Lumakas lalo ang tibok ng puso ko. Ngumiti siya sakin? Oh gulay! Ang gwapo niya talaga kapag nakangiti, shit!

Bumukas yung pinto at nakita kong pumasok si sir Marco na may dalang doughnut.

“Oh eto, kain tayo.” sabi ni sir Marco tsaka niya ito nilapag sa table malapit sa sofa. Umupo din siya at inopen yung box ng doughnut.

Agad akong lumapit para kumuha ng doughnut. My all time favorite!

Agad akong kumuha ng doughnut at umupo sa sofa.

“Favorite ko to!” sabi ko kay sir Marco.

“Talaga? Same tayo!” sabi niya.

“Ikaw boss?” offer ko kay boss.

“Sorry, I don’t like doughnuts.” sabi niya.

“Okay boss.” sabi ko.

Kumakain lang kami ni sir Marco ng doughnut na favorite namin pareho at si boss naman ay pinagpatuloy ang pagamit ng kanyang laptop.

“Stoff, clean this office later.” sabi ni boss habang di nakatingin sakin.

“Yes boss.” sagot ko sakanya.

Maya maya ay tumayo na si boss at nagstretch. Ang gwapoooooooooo at ang hoooooooooot.

“I gotta go, Danielle is waiting in the lobby. Stoff, don’t forget to clean the office.” sabi ni boss sabay kuha ng bag at lumabas ng office.

“Ikaw sir, di ka po ba uuwi?” tanong ko sakanya.

“Hintayin nalang kita.” sabi niya sabay upo sa sofa.

Kinuha ko yung walis tsaka yung dustpan. Agad ko nang sinimulan ang paglilinis.

“You need help?” sabi ni sir Marco.

“No, sir. Kaya ko na to.” sabi ko habang nagwawalis.

Pagkatapos kong magwalis ay inayos ko yung table ni sir at kumuha ng basahan para trapuhan yung table niya.

Nang natapos ako ay kinuha ko yung bag ko.

“Tara na sir?” sabi ko sakanya.

Agad naman siyang tumayo at lumabas na kami sa office ni boss.

“Sorry pare kung di kita mahahatid ngayon, may pupuntahan pa kasi ako eh.” sabi niya sakin habang naglalakad kami palabas.

“Okay lang no, ano ka ba? Tsaka, sanay na ako maglakad pauwi.” sabi ko sakanya.

“Osige pare. Beso na.” sabi niya sakin.

“Talaga bang di awkward para sayo ang ginagawa natin?” sabi ko sakanya.

“Hindi. Sige na.” sabi niya.

“Okay.” sabi ko at lumapit sakanya. Bineso ko siya at nakita kong nakangiti siya.

“Nice. Sige, ingat ka.” sabi ni sir Marco at agad siyang dumiretso sa parking lot.

Nagsimula naman akong naglakad para makauwi na.

Nang nakarating na ako sa dorm ay agad na akong nagbihis. Pagkatapos ay agad na akong humiga sa kama.

Hinawakan ko yung dibdib ko.

“Boss, ikaw ang dahilan bakit parating bumibilis ang tibok ng puso ko.” sabi ko sa sarili.

Oo, alam ko na hindi pwedeng magkagusto kay boss. Una, may girlfriend na siya, pangalawa, straight siya at bakla ako, at pangatlo, walang pag-asang masusuklian niya ito dahil ayaw niya sa mga katulad ko.

“Mawawala din to. Pero kailan?” sabi ko sa sarili.

Agad ko ng ipinikit yung mga mata ko para matulog.

Hello guys. Exam week ngayon, di ako makapag-update. By the end of the week, I promise na makapag-update. Please continue supporting My Boss. :D I love you.

PS: Di ko pa alam kung hanggang ilang chapters to, so please, bare with me guys. :)

Chapter 16

Pagkapasok ko sa opisina ni boss, ay nakita ko si sir Marco habang nanonood ng tv. Ang aga pa ah? Bakit nandito na siya?

“Goodmorning, sir!” bati ko sakanya sabay sara ng pinto. “Ang aga niyo ata?”

“Goodmorning, pare!” bat din niya sakin sabay ayos ng upo. “Oo eh, nasanay na kasi ako na laging maaga.” dagdag pa niya.

“Ganun po ba? Sino pong nagbabantay ngayon sa kompanya niyo?” sabi ko sabay lapag ng bag ko sa table ko sa gilid.

“Wala. Chinicheck ko lang sila parati dun. I know they can handle it.” sabi niya pa.

Wow. Ang laki ng tiwala niya sa mga trabahante niya, siguro loyal din yung mga trabahante niya sakanya.

“Talaga? Yung secretary mo?” sabi ko.

“Actually, wala akong secretary.” sabi niya.

Wala siyang secretary? Sino tumutulong sakanya? At talagang kaya niya ah? Amazing.

“Ano? Wala kang secretary?” gulat kong sabi sakanya.

“Oo. I’m used to it.” sabi niya sakin.

“Bakit naman?” tanong ko sabay upo.

“Wala lang.” sabi niya.

“Ganun?” sabi ko sabay kuha nung folder sa cabinet sa table ko.

Habang nagfifill-up ako ng mga forms, di ko napansin na lumapit si sir Marco sakin.

“Ano perfume mo? Bango mo ah?” sabi niya sabay ngiti. Ang gwapo niya talagaaaaaa.

“Perfume? Hello? Pawis ko yan.” biro ko sakanya sabay balik ng fill-up sa mga papel.

Agad niya akong nilapitan at inamoy sa leeg. Tumaas lahat ng balahibo ko sa leeg pababa sa buong katawan. Napaatras ako sa ginawa niya. Geez.

“H-hooy! Anong ginagawa mo?” sabi ko sakanya.

“Inaamoy ka. Nakakaadik kasi.” sabi niya sakin.

Ano ba nangyayari sakanya? Matagal ko na kaya tong pabango.

“Hala? Matagal ko na tong pabango no? Tsaka, wag ka ngang ano.” saway ko sakanya.

“Sarap mo sigurong amoy-amuyin.” sabi niya sabay ngiti.

Ghaaaad. Ano ba ginagawa niya? Baliw ba siya?

“Hoy! Baka nakakalimutan mo, bakla ako.” sabi ko sakanya.

“Di ko nakakalimutan yun.” sabi niya sabay lapit sakin.

Lumakas ang pintig ng puso ko. Umatras ako para makalayo sa napakagwapong mukha niya.

“Sir,” sabi ko habang nakatingin parin sakanya.

“Bakit?” sabi niya habang nakangiti parin at dahan dahan na lumalapit sakin.

Napapikit ako dahil napakalapit na ng mukha niya sa mukha ko. Naramdaman kong humihinga na siya sa bandang leegan ko at may binulong sakin.

“Ang ganda ng necklace mo.” sabi niya sabay layo sa mukha ko at ngumiti.

Napahawak ako sa necklace ko at nakahinga ng maluwag. Grabe, kinabahan ako dun ah? Loko tong lalaking to, parang baliw.

Yung necklace ko kasi ay may pendant na letter “K” na may kakaibang font style. Bigay sakin ni mama, susuotin ko raw parati dahil ito daw naglalarawan kung sino talaga ako.

“Nabitin ka?” sabi niya sabay tawa.

“Loko ka ah?” sabi ko sabay sapak sa braso niya.

“A-aray!” sabi niya sabay hawak sa braso niya.

“Oa mo, ang laki laki ng braso mo tapos nasasaktan ka? Bakla ka ata eh.” sabi ko sakanya.

“Ako? Bakla? Aba, nagsasalita ang straight.” sabi niya sakin sabay tawa din.

“Hoy!” sabay suntok sa braso niya. “Lalaki to tsong!” dagdag ko.

Tumatawa lang kami hanggang sa bumukas yung pinto. Nakita ko si boss na pumasok habang nakatingin samin. Umayos kami ng tayo at bumati sa kanya.

“Goodmorning, boss!” sabi ko.

“Goodmorning, dude!” sabi din ni sir Marco.

Napataas siya ng kilay tsaka siya nagsalita.

“Kanina pa kayo dito?” sabi niya sabay lapag sa bag niya sa table niya.

“Yes.” sabi ni sir Marco.

Agad din akong bumalik sa table ko tsaka ko tinapos yung pagfifill-up sa mga papeles.

“Oh, okay.” sabi ni boss sabay upo. Umupo din si sir Marco sa harapan niya tsaka sila nag-usap sa presentation nila para kay Mister Novitsky at ang pagpunta nila, namin, sa Davao para dun.

Ang gagwapo nilang dalawa. Grabe. Ang cute nilang tingnan dalawa habang nag-uusap ng masinsinan. They look like brothers, twin brothers. Not identical of course.

Habang tinitignan ko sila, di ko parin makakaila na mas gwapo si boss kaysa kay sir Marco. Crush ko na talaga si boss, pero di dapat niya ito malaman. Baka mapapatay ako niyan, nako, mawawalan na ng cute dito sa mundo. Sayang naman.

Nabigla ako dahil biglang nagbrown-out. Nagulat at nataranta ako dahilan kung bakit ako sumigaw sa loob ng opisina ng di man lang nag-iisip kung sino ang kasama ko.

“AAAAHHHHHHHHH.” sigaw ko na parang babae at napahawak ako sa pisngi ko.

Bumukas agad yung ilaw. Nakahinga naman ako ng maluwag, kala ko end of the world na.

Napatingin ako sa kanilang dalawa at nakatingin din sila sakin. Si sir Marco, pinipigilan ang tawa, si boss naman nakataas ang kilay.

Sheeeeeeeeeeeeeeeeet! Tama nga palaaaaaaaa. Bakit ba ako sumigaaaaaaaaaaaaw?! Mygoodness!!!

“What is that?” sabi ni boss habang nakataas parin ang kilay. Kitang kita ko sa mga mukha niya na nagtataka siya sa sigaw na yun.

Lumakas ang pintig ng puso ko. What to say? What to say? Omygoodness. I’m doomed! Really doomed.

Tumingin ako kay sir Marco. Sinenyasan ko siya na tulungan ako. Nagpipigil lang siya ng tawa at parang walang balak na tulungan ako. Geez.

“Boss?” sabi ko sakanya sabay palalaki ng boses.

“The scream earlier. What is that?” sabi niya habang nakataas parin ang kilay.

Bahala ka na sakin BATMAN, IRONMAN, SUPERMAN, GREEN LANTERN, INCREDIBLE HULK, HAWK EYE, CAPTAIN AMERICA AND MANY MOREEEEE. HUHUHU.

“Kasi boss napaos kasi ako ngayon. Kaya kahit sigaw ko, umiba narin. Pakinggan mo,” sumigaw ako balik na parang babae na paos. “AAHHHHH. Diba boss?” sabi ko.

Mukhang nakumbinsi naman siya sa palusot ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Nakakakaba talaga.

Tinignan ako ni sir Marco at mukhang pinipigilan niya parin ang pagtawa niya. Loko talaga siya!

Pinagpatuloy ko nalang ang pagfifill-up nung mga papeles.

“Hey, dude, una na ako.” sabi ni boss kay sir Marco.

“Sige sige, tatapusin ko nalang to.” sabi ni sir Marco habang gumagamit ng laptop.

“Stoff,” tawag ni boss sakin habang kinukuha niya yung bag niya sa upuan. “Clean the office.”

“Yes boss!” sabi ko.

Agad naman siyang lumabas.

“You’re funny.” sabi ni sir Marco habang nakangiti pero di siya tumingin sakin.

“Che, di mo ko tinulungan.” sabi ko sakanya sabay tayo para kunin yung walis.

“Malay ko ba na sisigaw ka nang ganun. Tsaka, I don’t know kung anong ipapalusot ko dun.” sabi niya.

“Nakakainis ka!” sabi ko.

Sinimulan ko na ang paglilinis. Nakakahiya talaga yun kanina, grabe, di ko inexpect yun. Bakit ba kasi nagbrown out? Yeah, may generator sila kaya madali lang bumalik yung ilaw dito.

Pagkatapos kong maglinis ay agad na akong nag-ayos sa sarili. Kinuha ko yung bag ko.

“Mauna na ako sayo. Busy ka pa eh.” sabi ko sakanya.

“Sorry di kita mahahatid, di bale, tomorrow nalang.” sabi niya.

“Okay lang no? Wala namang kaso sakin yun.” sabi ko sa kanya.

“Beso ko?” sabi niya sakin habang di nakatingin.

“Talaga lang ha?” sabi ko sakanya.

“Oo nga. Dali na.” sabi niya habang patuloy parin sa pagamit ng laptop.

Lumapit ako sakanya para ibeso siya, ngunit di ko siya nabeso dahil hinalikan niya ako sa pisngi.

Lumakas ang pintig ng puso ko.

Nagulat ako sa inasal niya. Ngumiti lang siya tsaka siya bumalik sa pagamit ng laptop.

“Sige na, gabi na oh?” sabi niya.

“Loko ka!” sabi ko sabay labas ng opisina.

Ano bang ginagawa niya? Nababaliw na ba siya? Alam kong mahilig siya sa mga bading pero, ano to?

Hello guys! How are you? Sorry if di ako nakapag-update this week. Exam kasi namin. But now, eto na. Kinikilig ako sa mga votes and comments niyo, guys. Highly appreciated. Thank you so much sa pagsupport ng My Boss! Hope ’til the end. <3

Chapter 17

“Dude, it’s almost done. Nasa sa iyo kung ieedit mo pa ba.” sabi ni sir Marco sabay abot ng FDD sakanya. Kinuha ito agad ni boss.

“Okay good. I’ll check it.” sabi niya sabay pasak to sa laptop niya.

“Good good. It’s perfect.” habang chinicheck ni boss yung ginawa ni sir Marco kagabi. “We will now prepare our files.” dagdag ni boss.

Agad umupo si sir Marco sa sofa tsaka niya in-on yung tv.

Pinagpatuloy ko yung pagfifill-up ng mga papeles dito. Naiilang parin ako sa kaniang dalawa. Ibang klase din kasi ang nangyari kagabi, whoo intense.

“Stoff,” tawag ni boss sakin. Tinignan ko siya at sumagot.

“Yes boss?” sagot ko.

“Come here.” sabi ni boss habang nagscascan ng mga papeles.

Agad akong lumapit kay boss.

“Bakit boss?” sabi ko pagkalapit ko sakanya.

Inabot niya sakin yung mga folder at kinuha ko ito.

“Another set.” sabi ni boss pagkaabot niya sakin nung mga folder.

“Okay boss.” sabi ko tsaka ako bumalik sa table ko.

Tinignan ko si sir Marco at nakita kong nakatingin din siya sakin. Ngumiti siya and I smiled back.

Agad kong sinimulan lahat ng gagawin ko ngayong araw. Medyo busy ako ngayon dahil dito sa mga ipinapagawa ni boss. Ngayon ko lang nafeel na secretary ako. HAHAHA.

“Are you ready for next week?” sabi ni boss kay sir Marco.

“Yeah. Actually I’m excited, you?” sabi ni sir Marco.

“Excited yet nervous. Do you think we can convince Mister Novitsky?” tanong ni boss kay sir Marco.

Kinakabahan pa pala tong lokong to? Di halata sa mukha eh.

“Yeah of course. Nakuha mo nga ako, siya pa kaya.” sabi ni sir Marco.

“I hope so.” sabi ni boss. Tumingin siya sakin tsaka siya nagsalita. “Prepare yourself. Next week will be our trip going to Davao.”

Naeexcite ako sa trip namin sa Davao. First time ko to! Alam ko na trabaho lang ang pagpunta namin doon pero di ko parin mapigilan ang maexcite. Gusto kong gumala doon sa Davao, ang ganda kaya dun!

“Yes boss. Ilang days po tayo dun?” tanong ko.

“Hm, 1 week, I guess?” sabi niya. “Just bring enough clothes.” dagdag niya.

Siguro sa 1 week na yun, baka gagala kami. Imposible naman kung hindi, diba?

“Okay boss.” sabi ko sabay balik trabaho. Di ko mapigilang ngumiti dahil sa excitement at galak na makapunta sa Davao. Weee.

Nang natapos ko na yung mga pinapagawa ni boss, nagstretch ako ng kamay dahil sa pagod. Grabe, ang dami kong trinabaho.

Tinignan ko sila. Si sir Marco nakatulog sa sofa, si boss naman patuloy sa pag gamit niya ng laptop niya. Siguro inaayos niya talaga yung mga iprepresent kay Mister Novitsky.

Tumayo ako at kinuha yung bag. Kumukulo na kasi yung tiyan ko, remember, di masyado ako nagbrebreakfast dahil sa maaga akong pumupunta dito.

Nagpaalam muna ako kay boss para naman alam niya.

“Boss, kain po muna ako. Gutom na po kasi ako eh.” paalam ko sakanya.

“K.” sagot lamang niya.

Sanay na ako sa mga “K” na reply. Okay lang, okay lang talaga. Promise! No hard feelings.

Agad akong lumabas sa opisina ni boss. Kinuha ko yung cellphone ko para itext si Rica na sabay kaming maglunch.

Nang natext ko na siya, bumaba agad ako sa 5th floor para kumain. Umupo ako sa isang bakanteng table malapit sa drinking fountain at hinintay si Rica.

Maya maya ay dumating na siya. Ngumiti siya nung nakita niya ako, at winave ko naman yung kamay ko sabay ngiti.

“Oh, kamusta ka na?” sabi ko pagkalapit niya sa table namin.

“Okay lang, medyo busy. Ikaw, kamusta? Si boss?” sabi niya sabay upo.

“Medyo busy din. Naku, may sasabihin ako.” sabi ko.

“Ano naman?” sabi niya.

“Pupunta kami sa Davao next week!” sabi ko sabay ngiti.

Nakita ko sa mukha niya ang pagkainggit at pagtataka.

“Eh? Bakit? Sino kasama mo?” sabi niya.

“Si boss Ynigo tsaka si sir Marco. Pupuntahan namin sir Mister Novitsky.” sabi ko.

“Anong gagawin niyo dun?” sabi niya ulit.

“Kukumbinsihin si Mister Novitsky na mag-invest dito sa kompanya natin.” sabi ko.

“Eh, nakakainggit naman.” sabi niya sabay pout.

“Mainggit ka lang. Order na tayo, gutom na ako.” sabi ko sabay tayo. Tumayo din siya at dumiretso kami para mag-order ng makakain.

Kumain lang kami at nagchikahan ni Rica. Bungangera talaga siya, sobra.

“Mamimiss kita bakla!” sabi niya sakin.

“Oa ka din. 1 week lang ako dun.” sabi ko.

“Matagal kaya yang 1 week. Di bale, sabay tayo uwi mamaya ah? Date tayo.” sabi niya.

“Sige ba. Basta libre mo.” sabi ko.

“Yan tayo eh, ako nalang parati. O sige, pero dalahan mo ko ng pasalubong ha?” sabi niya.

“Sige ba, payag ako!” sabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ako sa opisina ni boss, at ganun din siya.

“Sabay tayo mamaya ha? Puntahan kita sa nth floor.” sabi ni Rica.

“Sige sige.” sagot ko.

Bumalik na ako sa opisina. Natutulog parin si sir Marco, si boss naman kumakain.

Dumiretso ako sa table ko para ayusin na yung mga folder.

“Boss, tapos na ko na po to lahat.” sabi ko sakanya.

“Okay, just put it right here.” sabi niya habang kumakain parin.

Kinuha ko yung mga folder tsaka ko inilagay yun sa table kung saan niya ipapalagay.

“Boss, wala na po ba kayong ipapagawa?” tanong ko.

“Later.” sabi niya.

Bumalik na ako sa table ko at nagpahinga muna. Kinuha ko yung cellphone ko at nag surf muna.

Nagsearch ako ng mga magagandang puntahan sa Davao. Ang daming pagpipilian, naeexcite tuloy ako masyado. Pero, baka di ko mapuntahan lahat dahil trabaho ang pinunta namin doon, hindi para gumala.

Maya maya ay tinawag ako ni boss.

“Stoff,” tawag niya sakin.

“Boss?” sagot ko agad.

“Tell Marco to wake up.” sabi niya habang gumagamit ng laptop.

Tumayo ako at pinuntahan si sir Marco sa sofa.

Tinignan ko ang natutulog na si sir Marco. Ang gwapo niya parin kahit tulog, ganda ng pilik mata niya. Ang bango niya din.

“Gwapo ba ako pag tulog?” sabi ni sir Marco habang nakapikit parin ang mga mata niya.

Sinapak ko siya sa braso. Napadilat naman siya sabay ngiti.

“Baliw ka ba?” sabi ko.

“Bakit?” sabi niya.

Sumenyas ako ng “nandito si boss oh? wag kang ano.” na expression. Mukhang nagets naman niya yun.

“Gising na. Tawag ka ni boss.” sabi ko sakanya.

Bumangon siya at bumalik na ako sa table ko.

Baliw talaga siya. Baliw, baliw, baliw!

“Dude, I gotta go. I will going to meet dad.” sabi ni boss sabay labas sa opisina niya.

“Oh sabay na tayo pare.” sabi ni sir Marco.

“Sabay kasi kami ni Rica eh.” sabi ko sakanya.

“Edi, sabay narin ako.” sabi niya.

“Sigurado ka?” sabi ko.

“Mukha ba akong nagbibiro?” sabi niya.

“Okay. Wait lang.” sabi ko.

Nag-ayos muna ako sa sarili ko. Pagkatapos ay agad na kaming lumabas. Sakto naman ding dumati g si Rica.

“Rica, sabay daw satin si sir Marco.” sabi ko.

“Sige ba. Goodevening sir.” bati ni Rica kay sir Marco.

“Goodevening.” sabi ni sir Marco.

Bumaba na kami. Nag-elevator kami dahil napagod daw si Rica na umakyat.

Pagkababa namin ay dumiretso kami sa parking lot. Sumakay kami ni Rica sa sasakyan ni sir Marco.

“Friend mo na rin ako Rica ah, wag kang mahiya sakin.” sabi ni sir Marco kay Rica.

“Talaga po? Sige.” sabi niya.

Nag-usap usap lang kami ng kahit ano. Inuna namin hinatid si Rica sa bahay niya.

“Salamat sir Marco. Ingat kayo.” sabi ni Rica.

“Ingat ka Rica. Bukas nalang tayo magdate.” sabi ko.

Hinatid din ako ni sir Marco sa dorm ko. Bumaba na ako at bumaba din siya.

“Una na ako sir Marco. Salamat sa paghatid.” sabi ko.

“Welcome.” sabi niya sabay sandig sa kotse niya.

Lumapit ako sa kanya. Bineso ko siya at ngumiti. Ngumiti din siya tsaka ako pumasok sa loob.

“Ingat ka ah?” sabi ko sakanya.

“Oo. Para sayo.” sabi niya sabay kindat. Pumasok na siya sa kotse at pinaharurot ang sasakyan.

Namula ako sinabi niya. Para sakin talaga? Di pwede sa pamilya at sa sarili niya muna? Si sir talaga.

Pagkapasok ko sa loob ay laking gulat ko kung sino ang nadatnan ko.

“B-boss? Anong ginagawa mo rito?” sabi ko habang gulat na gulat.

Ano kayang ginagawa ng boss ni Kristoff sa dorm niya? Abangan…..

HAPPY VALENTINES DAY TO ALL! HAPPY HALLOWEEN SA MGA BITTER HAHAHAHA. I love you guysth! :*

Chapter 18

“B-boss? Anong ginagawa mo rito?” sabi ko habang gulat na gulat.

“Stoff? What are you doing here?” sabi ni boss na mukhang nagulat rin.

Ano ba ginagawa niya rito? Tsaka nakita niya ba yung “beso moment” namin ni sir Marco? Omygoodness.

“Dito po ako nagdodorm. Ikaw po?” sabi ko din sakanya.

“Well, I’m the owner of this dormitory.” sabi niya.

Hala? Talaga? Bakit ngayon ko lang siya nakita dito? Siya pala talaga ang nagmamay-ari nito? Oh no!

“Talaga boss?” sabi ko ng di makapaniwala.

“Yeah, and di ko rin napansin na dito ka rin nagdodorm.” sabi ni boss.

“Ako nga rin po eh. Hehe.” sabi ko. Kinakabahan ako. “Pasok na po ako, boss.” agad na sabi ko sabay lakad papalayo sakanya.

“Hey,” tawag niya sakin.

Oh no.

“What is Marco doing here? Why is he here?” tanong niya sakin habang nakatingin direkta saking mga mata.

Yan na nga ba sinasabi ko!!!!! Ano bang isasagot ko? My goodness! Nakita niya rin ba yung “beso moment”? Oh no.

“Sabay po kasi kaming umuwi boss, tapos hinatid niya ako rito.” sabi ko habang kinakabahan. Nilulukot ko yung panyong hawak ko.

“Ah, I see.” sabi niya. “See you tomorrow?” dagdag niya sabay alis.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang di niya nakita yung ano. Alam niyo na yan, wag na kayong magtanong. Sign of friendship, remember?

Pumasok ako agad sa kwarto ko para magpahinga na. Nagbihis na ako ng pantulog tsaka ako humiga sa kama. Tinawagan ko si sir Marco.

“Pare, napatawag ka?”

“Pare, nadistorbo ba kita?”

“No no. Bakit?”

“Grabe, si boss pala nagmamay-ari ng tinutuluyan kong dorm?”

“Talaga? Paano mo nalaman?”

“Nandito siya.”

“What?”

“Oo nga eh. Buti nalang di niya nakita yung ano.”

“Yung, what?”

“Sign of friendship natin.”

“Natatakot ka?”

“Oo no! Baka mabuking ako, mahirap na.”

“Di yan. Pakialam niya?”

“Tse, ewan ko sayo. Oh sige na, goodnight.”

“Goodnight, pare.”

Binaba ko na yung phone tsaka ko inilapag ito sa table malapit sa kama ko. Humiga na ako para matulog.

“Ang gwapo mo talaga boss.” sabi ko sabay ngiti. “Pero no no, bawal.” sabi ko sabay bakot ng unan.


“I think, it’s all set. Tayo nalang talaga kulang.” sabi ni sir Marco habang tinitignan yung iprepresent nila ni boss sa laptop.

“Yeah.” sagot ni boss, naka-crossed arms siya.

“So, good luck?” sabi ni sir Marco sabay tayo at inabot ang kanyang kanang kamay.

“Good luck to us.” sabi din ni boss at inabot din niya ang kanyang kanang kamay para magkamayan.

Ang cute talaga nila tignan. Cuties, hoties, handsomies. Ano daw?

“Oh pare, ready ka na ba next week?” sabi ni sir Marco sakin sabay sandig sa table ko.

“Di pa eh, bukas nalang siguro ako mag-iimpake.” sabi ko.

“Ganun? Oh sige.” sabi niya.

“Ikaw?” tanong ko sakanya.

“Yep! Tapos na.” sabi niya sabay ngiti.

“Di ka mukhang excited sir.” sabi ko sabay tawa.

“Shut up.” sigaw ni boss Ynigo habang naglalaro ng kanyang cellphone.

“Pasensya na boss.” sabi ko agad.

Tumawa din si sir Marco. Sinensyasan ko siya ng “ano ba, wag ka nang maingay” sign. Di parin nakinig.

“Tumahimik ka na, galit na si boss.” sabi ko.

“Wala akong pakialam.” sabi din niya. “Dahil dito ako masaya.” dagdag niya sabay tawa.

“What the heck, Marco? Can you shut your mouth?” sabi ni boss.

“Chill bro, chill.” sabi ni sir Marco.

Nagtawanan nalang kami including si boss. Ang cute niyang tumawa hihihihihi. Sarap pisilin ng cheeks niya. Ang cuuuuuute.

“Kailan tayo bibili ng tickets, bro?” tanong ni sir Marco kay boss Ynigo.

“The day after tomorrow.” sabi ni boss.

Ay? Iba talaga to. HAHAHAHA.

“Okay, excited na ako bro! Yeah Davao!” sabi ni sir Marco.

“Yeah.” sabi din ni boss.

Bakit ba ang gwapo nila pareho? Ang sarap ng buhay maging secretary dito! BWAHAHAHA. Kaya lang, kailangan pang magpanggap.


“Una na ako sa inyo, may pupuntahan pa kasi ako. Bro, pare, ingat kayo.” sabi ni sir Marco sabay kuha ng bag niya sa sofa.

“Okay, bro.” sabi ni boss Ynigo.

“Ingat ka pare.” sabi ko sabay salute sakanya. Oh diba? Soldier soldier ang peg, para lalaki tignan hahahaha!

Nagvibrate yung phone ko. Tinignan ko ito at nakita kong nagtext sakin si Rica.

“Bakla, sabay tayo uwi. Puntahan kita diyan. Okay?”

Nireplyan ko siya.

“Okay, maya maya uuwi na ako.”

Inayos ko na yung bag ko at ang mga gamit ko sa table. Nakita ko rin si boss na nag-ayos din ng gamit niya.

Nang natapos na akong mag-ayos ng gamit ko, tumayo na ako at nagpaalam kay boss.

“Boss, mauna na po ako.” paalam ko sakanya.

“K.”

K.

Lumabas na ako. Hinintay ko si Rica sa labas malapit sa stairs. Tinignan ko yung phone ko at inopen yung message galing kay Rica.

“Paakyat na ako.”

Maya maya ay may lumabas sa elevator. Si Rica.

“Tagal mo ah?” sabi ko sakanya.

“Oa neto. Ang layo kaya ng nth floor sa ground floor.” sagot niya.

“Alam ko no? Di ako baliw.” sabi ko.

“Tara na bakla.” sabi ni Rica sabay hawak sa braso ko.

“Bakla?!”

Napatigil ako sa nagsalita. Familiar ang boses na yun. Si…. Si… Si boss! F*ck!

Dahan dahan kaming lumingon ni Rica sa likod at halos lumuwa ang aming mga mata. Si boss nga, nasa likuran namin.

Tinignan ko si Rica at sumenyas ng “bawiin mo sinabi mo. bilis!” sign.

Kinakabahan ako. Hindi ko na alam anong gagawin ko. My goodness!

“Ang sabi ko, BAKA LANG pwede na tayong umalis, BAKA LANG. Kasi gutom na ako tsaka pagod na rin. Diba Kristoff?” palusot ni Rica sakin. Halata sa mukha niya na kinakabahan din siya.

“Ah oo! Tara na. Gutom na din kasi ako eh, naku namiss kita.” sabi ko sabay akbay kay Rica. Pinisil ko yung ilong niya na parang magjowa.

“Ah I thought…… okay.” sabi ni boss sabay pasok sa elevator.

Nung sumira na yung elevator ay tinanggal ko yung pagkakaakbay ko sakanya.

“Baliw ka ba?! Muntikan na tayo nun ah?” sigaw ko sakanya.

“Aba malay ko bang nasa likod natin siya!” sigaw din niya sakin.

“Wag mo na akong tawaging bakla please, maawa ka. Baka mabubuking na ako ng wala sa oras eh.” sabi ko. Kinakabahan parin ako until now.

“Oo na oo na. Hindi na.” sabi niya. “Kadiri mo ah? Ginawa pa akong jowa mo, kadiri.” dagdag niya.

“Sa tingin mo ginusto ko yun? Excuse me, babae ako no?” sabi ko sakanya. “Ginawa ko lang yun para dagdagan yung palusot mo.”

“Ewan ko sayo. Tara na!” sabi niya.

Agad kaming umalis sa opisina. Kinakabahan parin ako sa nangyari. Paano kung nalaman niya? Out na ba ako sa office niya? Wag naman sana. Wag naman.

Kamusta po kayo? Okay lang po ba yung chapter na to? Hihihi pasensya na po sa delay, sana po maintindihan niyo ako. Busy po sa studies eh, future educator be like, hihihi. Enjoy po kayo!

:D

Bitin parin po ba? Always naman eh, hahahahaha.

Sorry po. :)

Not an UPDATE

Sa lahat po nang sumusuporta ng My Boss, maraming pong salamat. Kinikilig po ako habang binabasa yung mga comments niyo and messages. Sorry po kung di ako nakapag-update kasi po nasira yung cellphone ko, napasukan ng alcohol ang screen pero ayos na po. Maybe tomorrow, the day after tomorrow po ako makapag-update. Please bare with me guys, mahal ko kayo. Keep supporting My Boss and Unexpected Love :)))))))) I love you all mwa mwa.

Sana po di kayo mainip huhuhu nahihirapan din ako guys. Sana maintindihan niyo po. I promise na mag-uupdate ako.

Saan ba kayo guys? TEAM MarStoff? or TEAM StoffYn?

Chapter 19

Ilang araw nalang ang natitira at pupunta na kami ng Davao City! One of the safest city in the whole wide world! Ang saya lang, pero mukhang di ko talaga magagawa yung mga plano kong gumala doon. Paano ba naman kasi eh trabaho talaga pinunta namin doon at hindi para gumala.

Hanggang ngayon di parin mawala-wala sa isip ko yung kahapon, nung muntikan na akong mabuking ni boss na bakla ako. Nag-ooverthink kasi ako eh, paano kung nalaman niya yun? Papaalisin na niya ako sa company niya at ipapahiya. Rica kasi eh, pahamak. Sinabihan ko narin siyang wag akong tawaging bakla pag nasa opisina kami, tatawagin lang niya akong bakla kapag nasa labas na kami o kahit saan. Wag lang talaga dito.

Nandidito ako ngayon sa table ko at nag-aayos ng mga papeles. Always na ata akong haharap sa mga papel na ito. Naku naman baka magpalit na kami ng mukha ng papel, mahirap na.

Wala pa si boss, and I think na may pinuntahan lang siya. Mabuti narin yun para makakilos ako ng maayos. Baka kasi iba na ang mga ikinikilos ko kapag nandiyan siya sa tabi tabi.

“Magsalita ka naman diyan!” sigaw sakin ni sir Marco. Nahalata niya kasing tahimik ako ngayon.

Tinignan ko siya at ngumiti.

“Busy kasi eh.” sabi ko nalang habang ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga papeles. Iniisip ko parin yung kahapon.

“Eh? Noon nga kung busy ka, maingay ka talaga, pero anong nangyari ngayon? May problema ka ba? You can tell me.” sabi niya sakin sabay tayo sa kinauupuan niya.

“Wala no? Ano bang pinagsasabi mo?” sabi ko sakanya.

“Halata na kasi na mukhang iba ang ikinikilos mo ngayon. Mukhang malalim ang iniisip mo. Ano ba kasi yan?” sabi niya.

“Wala nga, ano ka ba?” sabi ko sakanya.

“Ano ba kasi yan? O baka naman ako ang iniisip mo?” biro niya sakin sabay ngiti ng nakakaloko.

“Kapal ka din eh no? Bakit naman kita proproblemahin?” sabi ko sakanya.

“Dahil may crush ka sakin.” sabi niya. “Alam ko naman kasing gwapo ako at hot, kaya di na imposibleng magkagusto ka sakin. Tama ba ako?”

Naiinis ako na natatawa sa sinasabi niya. Ang kapal din ng mukha nitong sir ko ah? Oo gwapo siya pero di ko naman siya crush eh. Kapal talaga!

“Excuse me with the capital E, hindi no? Ang kapal mo din.” sabi ko sakanya.

“Weh? Di ka nagwagwapuhan sakin?” sabi niya.

“Gwapo ka. Pero di ako makagusto sayo no?” sabi ko sakanya.

“Wag na, dinedeny mo pa eh. Aminin mo na kasi.” sabi niya sakin.

“Bakit ba ang kulit mo? Wala nga akong gusto sayo. Gusto mong malaman anong nasa isip ko ngayon?” sabi ko sakanya.

“Ano nga? Kanina pa kita tinatanong eh.” sabi niya.

“Gusto kitang barilin ng shotgun!” sabi ko sakanya.

“Harsh neto. Baka mamimiss mo ko pag babarilin mo ko.” sabi niya. “Wala ka ng crush ng pogi at hot na kasing tulad ko.”

“Whatever with the capital W. Hindi kita type no? Atsaka, may crush na ako.” sabi ko.

“Weh? Sino? Ako ba yan?” sabi niya.

“Kasasabi ko lang po na hindi kita type.” sabi ko.

Napasimangot siya. Ang cute.

“Sino ba yan?” angas niyang tanong.

“Si boss Ynigo.” sabi ko sakanya.

“Si Ynigo?” sabi niya.

“Oo. Bakit?” sabi ko.

“Bakit siya? Eh ang sungit sungit nun.” sabi niya.

“Ewan ko din. Tatanungin ko muna yung puso ko bakit siya ang napili niya.” sabi ko.

“Wag ka na dun, masasaktan ka lang. Hanap ka nalang ng iba. May mga gwapo naman jan sa paligid na mababait at gentleman.” sabi niya sabay hawak sa chin.

Nagpaparinig ata tong lokong to ah? Lumang style na yan!

“Sa paligid?” lumingon lingon ako sa paligid. “Wala naman eh.”

“Meron nga. Hanapin mo.” sabi niya.

“Wala nga talaga. Si boss lang talaga eh.” sabi ko.

“Wag ka na kasi doon.” sabi niya.

“Bakit ba?” sabi ko sakanya.

“Tulad nga ng sabi ko, masasaktan ka lang. May girlfriend na yun no? Tsaka he’s straighter than a pole.” sabi niya.

“Alam ko no? Crush lang naman. Tsaka wala naman akong plano na kunin siya. Ano ka ba?” sabi ko. “Ewan ko nga bakit siya.” dagdag ko.

“Naku dapat alisin mo na yan, ayaw niya sa mga bakla. Paano kung malaman niya yan?” sabi niya.

“Bakit naman niya malalaman? Magsusumbong ka ba?” sabi ko.

“Di naman. Alam kong lumang kasabihan na ito, walang sikretong di nabubunyag.” sabi niya.

“Walang mabubunyag kung ang bibig mo ay nakatikom. Tsaka, malabo na yun.” sabi ko.

“Ikaw bahala, basta sinabihan na kita.” sabi niya.

Why so caring, sir?

Maya maya ay may bumukas ng pinto. Napaayos naman ako ng upo at bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko nanaman yung kahapon. Kinakabahan ako baka naniwala talaga siya dun. Naniwala kaya siya sa palusot namin? Sana nga.

Kahit na medyo malayo siya sa kinauupuan ko, amoy na amoy ko ang pabango niya na kinaadikan ko noong nagsisimula pa ako sa trabaho ko. Ang bango talaga! Gentleman’s scent, kumbaga.

“Goodmorning boss.” bati ko sakanya.

“Hey, bro.” bati din ni sir Marco kay boss Ynigo.

“Goodmorning.” sabi niya without any expression. Parang tubig kung baga, walang lasa.

Umupo siya sa table niya. Inilagay niya yung bag niya sa gilid at kinuha yung laptop. Tinawag niya si sir Marco.

“Bro, look at this. Come.” sabi ni boss.

Agad na tumayo si sir Marco tsaka siya pumunta sa likuran ni boss Ynigo. They look so adorable, ang gagwapo.

“Yes. It’s perfect. I think we’re ready.” sabi ni sir Marco.

“I think so. How about yours? Can I see it?” sabi ni boss kay sir.

“Sure.” sabi ni sir tsaka niya kinuha yung laptop niya at inilagay ito sa tabi ni boss.

“Woah. That’s great.” sabi ni boss na mukhang namangha sa ginawa ni sir Marco.

Tinignan ako ni sir Marco at kumindat. Ano ba nakain niya?

“Malapit na tayong aalis bro. Are you ready?” sabi ni sir Marco.

“Yeah I know. I’m starting to pack my things.” sabi niya.

“Good.” sabi ni sir Marco.

Naeexcite na talaga ako sa trip to Davao City namin. My goodness, first time in forever.

May bumukas ng pinto. Tinignan ko ito at nagulat sa nakita. Isang magandang babae ang aking nakita.

“Hi babe.” sabi nito at pumasok na ito ng tuluyan.

Actually guys kagabi pa sana to, kaso nakatulog ako hahaha sorry. Sino kaya ang babaeng yun? Abangan…..

Chapter 20

May bumukas ng pinto. Tinignan ko ito at nagulat sa nakita. Isang magandang babae ang aking nakita.

“Hi babe.” sabi nito at pumasok na ito ng tuluyan.

If I’m not mistaken, siya ba yung girlfriend ni boss Ynigo? Ang ganda niya.

“Oh Danielle, what are you doing here?” sabi ni boss sakanya.

“Visiting you, babe.” sabi agad nito at umupo sa lap ni boss.

Umiwas ako ng tingin. Hinawakan ko yung dibdib ko dahil parang may naramdaman akong kakaibang sakit na ngayon ko lang naramdaman. Para akong tinusok ng bbq stick sa sakit. Bakit ba ako nasasaktan? Nagseselos ba ako? Pero bakit naman?

Tumingin ako sakanila at nakita kong sobrang sweet nila. Hinalikan ni boss si Danielle sa ilong. Hinug naman kaagad ni Danielle si boss Ynigo.

Bakit parang affected ako? Wala lang naman ako sa buhay ni boss ah? I’m just an employee here to work for my family and has a crush on my boss. Di ko mapigilang masaktan sa aking nakikita, ang oa ko naman yata kung mararamdaman ko to.

Shinake ko yung ulo ko at hinawakan ko yung magkabila kong pisngi.

“Gumising ka Kristoff! Eto ang katotohanan.” sabi ng isip ko. Ayokong i-voice out or i-whisper no? Baka marinig nanaman ako ni boss, naku baka mahalata na niya talaga kung ano talaga yung tunay kong pagkatao.

“Ayos ka lang ba? Mukhang problemado ata yung pare ko ah?” sabi ni sir Marco sabay upo sa table ko. Di ko man lang namalayan na nandito na pala siya.

“Oo naman. Bakit mo natanong?” agad na sagot ko sakanya.

Sumenyas naman siya gamit ang kanyang facial expression na “dahil sa sweetness nila no? nagseselos ka?”

Umiling ako. Ayoko kayang malaman niya na nasasaktan ako sa nakita ko. Baka ano naman isipin niya sakin, nakakahiya na.

“Weh? Wag mo nang ideny, kitang kita oh?” sabi niya.

Tinignan ko siya ng masama. Mukhang alam na niya ano ang pinapahiwatig ko. Tumawa nalang siya at di na muling nagsalita.

“Babe, I’m hungry. Kain muna tayo please?” sabi ni Danielle habang nakaupo parin sa lap ni boss at niyuyugyog yung balikat ni boss.

“Okay.” sabi ni boss sabay tayo. Tumayo din si Danielle at flinip yung hair.

Che.

“Dude, kain muna kami.” sabi ni boss kay Marco.

“Okay dude. Have fun!” sabi ni sir Marco.

Tinititigan ako ni Danielle at mukhang inoobserbahan ako. Kinakabahan ako sa mga titig niya. Ngumiti nalang ako sakanya at ngumiti din siya ng pilit.

“Let’s go.” sabi ni Danielle. Hinila niya si boss palabas ng office.

Pagkalabas nila ay umupo muli si sir Marco sa table ko at hinarap ako.

“Nagseselos ka?” sabi niya sakin.

OO! OO!

“Hindi no? Bakit naman ako magseselos?” palusot kong sabi.

“Deny pa more.” sabi niya sakin. “Aminin mo na kasi, alam ko yang mukhang yan eh. Mukhang nagseselos.”

Halata pala talaga na nagseselos ako?

“Oo na oo. Nagseselos ako.” sabi ko. “Pero alam ko naman na may girlfriend siya eh.” dagdag ko.

“I knew it.” sabi niya sabay snap ng fingers niya. “Normal lang yan.”

“Anong normal? Abnormal to no?” sabi ko sakanya.

“Normal lang talaga yan.” sabi niya.

“Paano mo naman nasabi?” tanong ko sakanya.

“Alam mo kasi, you can’t control your feelings. Kung mararamadaman mo yan, then, it’s normal. But, you can control your actions. Kaya dapat mag-isip ka muna bago ka magreact sa nararamdaman mo.” paliwanag ni sir Marco sakin.

Tama nga si Marco. Depende nalang yun kung paano ako magrereact sa mga nararamdaman ko. Besides, nacontrol ko naman yung actions ko. So, it’s okay lang to feel that way.

“May point ka. Bakit parang ang galing mo dito? Ikaw ba si Kuya Kim? Ay mali, Kuya Marco?” sabi ko sabay tawa.

“Loko. Di ah? Naalala ko yung lesson ko noon sa Psychology.” sabi niya sabay smirk. “Matalino to eh?” sabi niya.

“Sorry ha? Sorry kung di ko maalala ang mga lessons ko dati. Sorry.” sabi ko sakanya.

“Loko!” sabi niya sabay tawa. “Di ka pa ba kakain? Gutom na ako eh.”

“Gutom na din ako. Tara?” sabi ko sabay tayo.

Lumabas na kami sa office at dumiretso sa 5th floor para kumain.


Pabalik na kami ni sir Marco sa office. Katatapos lang naming kumain. As usual, libre nanaman niya. Ang kapal na ng mukha ko no? Mapilit ang loko eh kaya pumayag nalang ako.

Binuksan namin yung pinto at nakita naming naglalambingan nanaman ang dalawa.

Pumasok lang kami sa loob ng tahimik. Di ko sila tinignan baka ano nanaman ang maramdaman ko.

Umupo na ako sa table ko at pinagpatuloy yung ginawa ko. Si sir Marco naman ay tumabi sakin habang tinutulungan ako.

“Babe, ano ba?” sabi ni Danielle sabay tawa. Tawang landi. “Nakikiliti ako, ano ba?” sabi niya.

“What did I do?” sagot ni boss na tila nang-aakit din.

Ang hot ni boss, super!

Nagpatuloy parin ang paglalambingan nilang dalawa. Tawa doon, tawa diyan, ay nakakainis!

“Oh, nandiyan nanaman ang mukhang nagseselos.” sabi ni sir Marco sakin.

“Wala no?” sabi ko sakanya.

“Eh ano bang tawag sa mukhang yan?” turo niya sa mukha ko.

“Mukhang maganda.” sabi ko sabay tawa.

“Loko, mas lalaki pa ang mukha mo kesa sakin.” sabi niya.

“Ah ganun?” sabi ko sabay suntok sa braso niya.

“Aray ha? Masakit.” sabi niya.

“Nasasaktan ka pa ba sa laki ng braso mo? Grabe ka.” sabi ko sakanya.

“Oo no! Tsaka, masakit ka talagang manuntok.” sabi niya.

“Che.” sabi ko sakanya.

Ang cute cute talaga ni sir Marco kapag nasasaktan. Sarap asarin ng lalaking to. Mabuti nalang nandito siya, baka kasi kung ako lang isa dito habang naghaharutan ang dalawang tukneneng na yan, eh baka ano pang magawa ko.

“Danielle, we’re about to leave by next week.” sabi ni boss Ynigo.

“Huh? Where are you going?” tanong niya.

“We’re going to Davao for some important reasons.” sabi ni boss.

“Ay? Iiwan mo ko?” sabi ni Danielle sabay pout.

“Hoy oa ka din! May importante ngang pupuntahan diba? Wag kang ano!” sabi ko sa isip ko.

“No. We will going to meet Mister Novitsky, you know him right?” sabi ni boss.

“Yes, I do. Can I come?” sabi ni Danielle. “Please?”

NO!

“Of course you can.” sabi ni boss.

Napayakap naman si Danielle kay boss.

“Yehey! Thank you babe.” sabi ni Danielle sabay kiss sa pisngi.

K.

“Dude, are the papers and presentations ready?” sabi ni boss kay sir Marco.

“Yes dude.” sabi ni sir.

“Good. So, be ready guys.” sabi ni boss.

“I’m excited babe.” sabi ni Danielle habang nakayakap parin kay boss.

“Me too. But,” sabi ni boss. “The first thing we’ll do is to settle our proposal with Mister Novitsky.” sabi ni boss.

“Yes babe. I’ll help you.” sabi ni Danielle.

Nah nah nah nah whatever!

“Stoff,” tawag sakin ni boss.

“Yes boss?” sabi ko agad.

“Are you ready?” sabi ni boss.

“Yes boss!” sabi ko.

“Good.” sabi niya sabay akbay kay Danielle. “We gotta go, okay?” sabi niya sabay kuha din ng bag niya at lumabas na silang dalawa.

“Naku paano yan kasama si girlfriend?” sabi ni sir Marco na tila nang-aasar.

“Pakialam ko?” sabi ko naman.

“Hala galit?” sabi ni sir sabay tawa.

“Di no?” sabi ko.

Lumapit siya sakin at inakbayan ako.

“Don’t worry, tayo magdedate dun. Wag ka nang malungkot.” sabi niya.

Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya sakin.

“Hoy tigil tigilan mo ko. Pag ako mabuking ni boss, naku ewan ko nalang!” sabi ko.

“Di nga yan. Bromance tayo dun. Kumpare tayo eh!” sabi niya sabay akbay ulit.

“Di ka mabubuking dun, sumabay ka kang sa trip ko, okay ba yun pare?” sabi niya.

“Okay. Basta pag ako mabuking, humanda.” sabi ko.

Author’s Note

Hi guys! Hahahahaha annoying na ba ako? Sorry po. Next chapter na po yung Davao Adventure nila. Sana po subaybayan niyo parin ang My Boss. Hehehe thank you po sa lahat ng mga sumusuporta nito, sana po hanggang dulo nito. Mahal ko kayo, sobra! :*

ANO KAYA ANG MANGYAYARI SA TRIP TO DAVAO NILA? MAGIGING MASAYA BA O ISANG MALAGIM NA ADVENTURE? ABANGAN…….

PS: follow me on,

INSTAGRAM: @denzelcabatay TWITTER: @DnzlCbty FACEBOOK: Denzel James Cabatay

THANK YOU AND GOD BLESS!

Chapter 21

Nagising ako ng maaga. Ay, mali. Di talaga ako nakatulog dahil siguro sa sobrang excitement na aking nararamdaman. Imagine, ngayong araw na kami pupunta ng Davao. 10am yung flight namin. 2am palang ng umaga.

Umupo ako sa kama ko at kinuha yung phone. Tinext ko si sir Marco na hihintayin ko nalang siya dito sa dorm. Sinabihan niya kasi akong susunduin niya ako.

Nagring yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumawag. Si sir Marco.

“Gising pa pala siya?” sabi ko sa sarili ko tsaka ko inaccpet yung call.

“Oh, bat gising ka pa?” sabi ko sakanya.

“Di ako makatulog eh. Ikaw ba?” sabi niya.

“Di rin. Excited ako eh.”

“Ako din. Nasa dorm ka ngayon?”

“Oo. Bakit?”

“Puntahan nalang kita jan. Para sabay na tayo.”

“Ha? Bawal bisita dito.”

“Di yan. Ako bahala. Wait lang, kunin ko lang gamit ko. Wag mong ibababa ha?” sabi niya.

Loko ba siya? Bawal nga rito ang bisita. Ano bang nakain niya?

“Nasa kotse na ako. Papunta na ako jan.”

“Sige sige. Ibababa ko na, mag-aayos lang ako.”

“Okay sige.”

Pagkababa ng cellphone ay agad na akong nag-ayos ng kwarto ko. Pagkatapos ay umupo nalang ako sa kama para hintayin siya.

Maya maya ay may kumatok.

Si sir Marco ba yan? Paano naman siya nakapasok? Sino ba nagpapasok sakanya?

Agad akong tumayo at binuksan yung pinto.

“Sir Marco?” sabi ko. “Paano ka nakapasok?”

“Sikreto ng mga gwapo. Papasukin mo na ako.” sabi niya.

Agad ko siyang pinapasok at in-on yung ilaw. Umupo siya agad sa kama ko at ngumiti.

“Ganda pala ng room mo.” sabi niya.

“Paano ka ba nakapasok dito?” sabi ko sakanya.

“Secret nga.” sabi niya.

“Paano nga?” sabi ko.

“Basta, wag nang maraming tanong.” sagot niya.

“Paano nga sabi? Sige susuntukin kita.” sabi ko sakanya.

“Okay okay fine. Sinabihan ko si Ynigo na pupunta ako dito.”

“Ha? Gising din siya?”

“Yep, nandito nga siya ngayon. Nasa labas siya.” sabi niya.

Si boss Ynigo? Nandidito? Pero bakit? Bakit ba ako nagtatanong eh sakanya naman tong dorm. Tanga ka Kristoff.

“Talaga? Akala ko kasama niya si Danielle?” sabi ko.

“No. Pinauwi niya si Danielle.” sabi ni sir.

“Ah okay. Excited ka talaga ah?” sabi ko sakanya sabay upo sa tabi niya.

“Oo eh! Ganun talaga. Ikaw nga rin eh.” sabi niya sabay tawa.

“Oo no? First time ko kayang pumunta ng Davao.” sabi ko. “Anong araw ba ninyo imemeet si Mister Novitksy?”

“By Tuesday sabi ni Ynigo. Baka daw mapagod tayo pagdating doon.” sabi niya.

“Mabuti naman kung ganon. Nasan ba siya?” sabi ko.

“Nasa labas.” sabi niya sabay higa sa kama ko.

“Anong ginagawa niya dun?” sabi ko.

“Ewan.” sabi niya.

Ano bang ginagawa ni boss sa labas? Gusto ko siyang silipin pero baka mahuli ako. Kaya napagdesisyunan kong wag nalang.

“Hey wake up, you idiots!”

“Ano ba? Mamaya na.” sabi ko.

“Hey you, wake up!” sabi niya “Marco, wake up!”

Dumilat ako at nakita ko si boss na pilit na ginising kami. Agad akong napatayo.

“Boss, paano kayo nakapasok dito?” sabi ko sakanya.

“Well, di niyo nalock yung pinto. And you know what time is it? It’s 8:30am!” sabi niya sabay tingin sa relo niya.

8:30am?!

Chineck ko yung cellphone ko at di nga siya nagkamali, 8:30am na nga!

“Sir Marco, gising!” sinuntok ko yung braso niya at napadilat siya.

“Ang sakit ah? Ano ba?” sabi niya sabay himas sa kanyang braso.

“Gising na, aalis na tayo.” sabi ko.

Bumangon siya at nanlaki ang mata nung nakita niya si boss.

“Dude?” sabi ni sir Marco.

“Hell yeah. Wake up! Malelate na tayo.” sabi niya.

“Sorry sorry.” sabi ni sir tsaka siya tumayo at inayos yung sarili.

“You, maligo ka na. May morning star ka pa oh?” sabi ni boss.

Agad ko namang tinabunan yung mukha ko at kumuha ng towel. Pinunas ko ito sa mata ko para kunin si Atom. Nakakahiyaaaaaa! Shit!

Natawa si boss sa inasal ko at tumayo.

“Bilis na!” sabi niya.

Agad na akong dumiretso sa CR para maligo. Nakakahiya talaga!!!!

“I’m ready!” sabi ko pagkalabas ko sa CR. Naka white shirt lang ako tsaka shorts.

Tinignan ako ni boss head to foot. Sabay smirk. Ano bang nakakatawa?

“Let’s go.” sabi niya sabay labas ng room ko.

“Ano bang problema nun?” sabi ko kay sir Marco.

“Ewan ko.” sabi ni sir Marco habang inaayos niya yung buhok niya.

“Tara na. Ako na magdadala niyan.” sabi niya sabay kuha ng maleta ko.

“No, I can handle.” sabi ko.

“No. Diba babae ka?” sabi niya sabay kindat.

“Hoy! Baka marinig ka.” sabi ko sabay suntok sa braso niya.

“Aray!” sabi niya. “Sumusobra ka na ah?”

“Ikaw kasi.” sabi ko. “Ako na kasi.”

“Ako na sabi. Sige ka, aasarin talaga kita.” sabi niya.

Hay nako!

“Okay fine.” sabi ko sabay abot sakanya ng maleta ko.

Lumabas na kami at pinuntahan si boss sa baba.


“How about Danielle dude?” sabi ni sir Marco.

“Nandun na daw siya sa airport.” sabi ni boss.

Papunta na kami sa airport. Excited na talaga ako! Goodbye, Manila. Hello, Davao ang peg ko ngayon yes yes!

Hinatid kami ng driver ni Boss Ynigo sa airport. Sosyal kasi ng boss ko, may pa driver driver pang nalalaman. Pwede naman kaming magtaxi.

Ang gwapo ni boss. Sinusulyapan ko siya sa mirror malapit sa driver. Nasa front seat kasi siya. Ang gwapo niya talaga.

Napaiwas ako nang tumingin din siya sa mirror. Wooh.

“What’s the matter Stoff?” sabi ni boss tsaka siya lumingon sakin.

Oh no.

“Boss? Wala po.” sabi ko sakanya.

“You’re staring at me.” sabi niya.

Napatingin sakin si sir Marco at nagpipigil nanaman ng tawa. Shit this! Ano bang isasagot ko?

“Wala boss! Tinitignan ko kasi yung reflection ko sa mirror.” sabi ko. I mean, palusot ko.

“K.” sabi niya sabay balik ng tingin sa harap.

Another “K” respond.

Nakarating kami sa airport. Again, si sir Marco nanaman nagdala ng maleta ko pero may back pack naman ako kaya ako na bumitbit nito.

Pumasok na kami sa loob at hinanap si Danielle. Nakita namin siya na nakaupo sa waiting area.

“What took you so long babe?” sabi ni Danielle sabay yakap kay boss.

“Sorry. Let’s go?” sabi ni boss.

Agad na kaming pumila sa station para ibigay yung tickets at para makapunta na kami sa aming destinasyon, DAVAO CITY.

Chapter 22

Ibinigay na sa amin yung assign seats namin at pumasok na sa eroplano.

Hinanap ko yung akin at nakita ko ito sa bandang gitna, at malapit sa window. Agad akong tumungo dun at umupo.

“Ay, diyan ka nakaupo?” tanong sakin ni sir Marco sabay kamot sa ulo. Cutie.

“Oo eh, number 34. Sayo ba?” sabi ko sakanya.

“Number 57, sa bandang likuran ako.” sabi niya.

“Okay lang yan, sige na.” sabi ko sakanya.

Kinuha ko yung cellphone ko at sinaksak ko yung earphones. Ipinasak ko to sa tenga at nakinig ng music.

Habang nakikinig ako, nakita ko na papalapit si boss Ynigo tsaka si Danielle. Hayz inseparable.

Di ko nalang sila pinansin at itinuon ang pansin sa pakikinig ng music. Kahit anong gawin ko, sweet sila. Wala na akong magagawa.

Hinatid ni boss Ynigo si Danielle sa bandang harapan ng plane. Kiniss niya ito sa pisngi at agad dumiretso sa bandang gitna.

Nabigla ako ng umupo siya sa tabi ko. Bigla akong nakaramdam ng kilig. Lumakas ang tibok ng puso ko. Amoy na amoy ko rin ang pabango niyang nakakaadik. Di ko pinahalata yung nararamdaman ko.

Siniko niya ako at napatanggal ako ng earphones. Gusto ko sana siyang sapakin dahil masakit yung pagkakasiko niya sa braso ko. Langya! Wag ka nang aangal.

“Bakit boss?” tanong ko pagkatanggal ng earphones ko.

“Wag kang matutulog ah?” sabi niya sakin. Nagtatagalog nanaman ang loko.

“Yes boss. Makikinig lang ako ng music.” sabi ko sabay ngiti. Ibinalik ko yung earphones ko sa pagkakapasak.

Maya maya ay siniko niya muli ako at tinanggal ko yung earphones ulit.

“Bakit boss?” tanong ko ulit.

“Listen.” sabi niya.

Nagsalita yung flight attendant na aalis na daw kami. Inayos ko yung sarili ko at umupo ng maayos. Huminga ako ng malalim.

“First time?” bulong sakin ni boss na nagbigay sakin ng kiliti. Napalayo ako dahil dun.

“Ah, yes boss!” agad na sabi ko pagkalayo ko sakanya.

“Oh, okay.” sabi niya sabay sandig ng ulo niya sa likod.

Ano ba problema nito? Bigla bigla nalang kinakausap ako. Hayz. Ano ka ba Kristoff? Dapat maging masaya ka dahil nakatabi mo si crush.

Tumingin lang ako sa labas at nagstart ng umandar yung eroplano. Una dahan dahan hanggang sa bumilis ito at lumipad na.

“Aaaaah!” sabi ko nung umakyat na sa ere yung eroplano. May nararamdaman kasi ako sa tiyan eh. Ganun ba talaga to?

“Why?” sabi ni boss sabay tingin sakin.

Ngayon ko lang napansin na nakahawak na pala ako sa braso ng boss ko. Agad ko itong tinanggal at umayos muli ng upo.

“Ah, hehe, wala boss!” agad na sabi ko.

Ano bang ginagawa ko? Mas mahahalata ako nito pag ganito yung inaasal ko. Umayos ka Kristoff, trabaho mo ang mawawala pag nagkamali ka.

Nasa ere na kami at kitang kita ko yung mga puting ulap at mga bahay bahay sa baba. Ang liliit at ang ganda ng view. Nakakatakot nga lang.

Ipinasak ko muli yung earphones ko at nakinig nanaman ng music. Nakakarelax talaga kapag nakikinig ka sa music, nakakagaan ng loob.

Napapikit ako habang nakikinig sa music. Hanggang sa sinabayan ko ng kumanta si Ariana Grande.

“So one last time, I need to be the one who takes you home~” kanta ko.

Napadilat ako pagkatapos kong kumanta sa chorus. Nagulat ako dahil halos lahat ng tao ay nakatingin sakin, including si boss.

Tinanggal ko yung earphones ko at tinanong si boss.

“Bakit boss?” sabi ko ng pabulong. “May problema po ba?”

“Yes.” sabi niya. Nagpipigil siya ng tawa.

“Hala? May ATOM nanaman ba ako? May kulangot? Ano po?” sabi ko sabay check ng mukha sa cellphone ko. “Wala naman eh, ano po ba yun?” dagdag ko.

“Lakas kasi ng boses mo. Kumakanta ka kaya.” sabi niya at di na niya napigilan ang tumawa.

HALA? Malakas pala boses ko? Di ko napansin. Omyghad nakakahiya! First time ata ni boss na tumawa ng ganito ah? Mukha ba talaga akong clown? Cute na sana siyang tumawa eh kaso parang ako yung tinatawanan niya.

Napayuko ako dahil sa hiya. Oh crap, bakit ko ba pinahiya sarili ko?

“Malakas po ba talaga yun?” sabi ko ulit kay boss na hanggang ngayon ay tumatawa pa.

“Yes yes. You have a beautiful voice ah? Pero pambabae nga lang.” sabi niya sabay tawa ulit.

Hayz boss, kung alam mo lang talaga na babae ako. Charot lang. Di sa nagmamayabang ha? Pero I can sing, pero di masyado magaling. Walang practice eh. I can do two voices, panlalaki at pambabae. Nakakatawa diba?

“Actually boss, marunong akong kumanta gamit ang pambabae at panlalaking boses.” sabi ko sakanya.

“Oh really?” sabi niya ng di makapaniwala.

“Opo! Ayaw pa maniwala.” sabi ko sakanya.

Feeling close ako sa boss ko ay crush pala hahahaha ew.

“Sige nga, sample.” sabi niya.

“Ayoko nga. Napahiya na nga ako.” sabi ko sakanya.

“Yeah, sort of but you can sing.” sabi niya sabay ngiti.

Ang cute mo boss. Sana ganito ka nalang palagi please?

“Compliment yan boss?” sabi ko sakanya.

“Of course.” sabi ko sakanya. “You’re funny.” sabay gulo ng buhok ko.

Inayos ko yung buhok ko at ngumiti sakanya. Kinikilig akooooooo.


Maya maya ay nagsalita na yung flight attendant na nakarating na kami sa Davao. Maghanda na raw kami.

Agad akong tumingin sa labas ng window at nakita ko na malapit na kaming maglanding. So excited!

Nung naglanding na kami sa airport, tumingin ako kay boss, nakatingin din siya sakin. Ngumiti ako sakanya at ganun din siya. Sheeeeet ngumiti sakin si crush.

Tumayo na siya at ganun din ako. Sinuot ko yung backpack ko at hinanap si sir Marco. Pinuntahan ko siya sa likod para tulungan.

“Ako na kasi magdadala nung akin.” sabi ko sakanya at pilit na kinukuha yung maleta ko.

“Wag na kasi makulit.” sabi niya.

“Nahihirapan ka na eh.” sabi ko sakanya.

“Kaya ko kaya. Kita mo ba to?” sabi niya sabay pakita ng muscles niya sa braso niya.

“Oo na, oo na. Sige na, tara.” sabi ko sakanya.

Habang naglalakad kami para bumaba na sa eroplano, bigla siyang nagsalita.

“Di mo sinabi sakin na maganda pala boses mo.” sabi niya.

Niligon ko siya. “Ha? Narinig mo rin yun?” sabi ko.

“Yep. Malakas kaya yung pagkakanta mo.” sabi niya sabay ngiti.

“Hala nakakahiya.” sabi ko sakanya.

“Wag ka mahiya. Maganda naman talaga kasi boses mo.” sabi niya sabay ngiti.

Bakit ba ang gagwapo ng mga amo ko? Nakakabaliw ah?

Bumaba na kami at nakita ko ang mga flight attendants sa baba. Bumati sila sa amin.

“Welcome to Davao City! Hope you’ll enjoy visiting here!” sabi nila ng sabay sabay.

Ngumiti kami sa kanila.

At last! Nakapunta narin ako sa pinakagusto kong puntahan sa buong buhay ko, ang DAVAO CITY.

Chapter 23

Dumiretso kami sa isang sikat na hotel dito sa Davao para magstay for 1 week. Naeexcite ako na ewan. Basta, parang may magagandang magaganap dito sakin.

Tumungo kami sa front office para mag-inquire. Well, si sir Marco nanaman ang nagbitbit ng maleta ko. Si boss? Ayun, kasama niya si Danielle. Hays.

“Yes sir?” sabi nung babae nang nakalapit na kami sa front office.

“Magkano ang stay dito for 1 week?” sabi ni boss Ynigo sa babae.

“17,500 per week sir.” sabi nung babae.

“Oh ano? Ayos lang sa inyo dito na tayo?” sabi ni boss samin.

“Oo. Okay na to dito.” sabi ni sir Marco.

Tumango naman si boss at nagsalita ulit sa babae.

“Room for 4 miss.” sabi ni boss.

“Ay sir, iba po yung room ng girls.” sabi nung babae.

“Babe, dun nalang ako magstay sa friend ko. Don’t mind me. Okay lang ako.” sabi ni Danielle kay boss sabay ngiti.

“Sigurado ka?” sabi ni boss. “Pwede ka naman dito magstay.”

“No. It’s okay. I can handle.” sagot niya muli.

“Okay as you wish.” sabi ni boss at nagsalita muli sa babae. “Room for 3 nalang miss.”

Ibinigay naman ng babae yung susi ng room namin at ngumiti.

“Room 554 po.” sabi niya.

So kasama ko sa kwarto ang dalawang lalaking to? Naku naman. Di ko yata kaya eh. Oh help me please?

“Sige babe, puntahan ko muna yung friend ko. Text mo lang ako okay?” sabi niya sabay kiss si cheeks ni boss.

“Okay. Take care.” sabi ni boss.

Agad na kaming pumunta sa room namin. Inilagay kaagad namin yung mga gamit namin sa gilid.

Ang ganda ng room. Simple at attractive yung mga colors. May tatlong bed, 1 table tsaka 1 cr. Okay na, mabubuhay ka na dito.

“Atlast!” sabi ni sir Marco sabay higa sa kama. “Pahinga muna tayo please?”

“Wait. Yan na ang kama mo ah?” sabi ni boss.

“Okay.” tugon ni sir Marco.

“Dito nalang ako.” sabi ko sabay turo sa nasa gitna na kama. Feelingera ako eh hahaha.

“Okay. Dito nalang ako.” sabi ni boss sabay upo sa gilid na kama.

Ang lambot ng kama at ang bango ng mga kumot at unan. Ang sarap siguro nito yakapin pag oras na ng pagtulog.

Kinuha ni boss yung cellphone niya at nagpadeliver ng makakain. Mabuti naman dahil gutom narin ako char hahaha.

Maya maya ay dumating na yung pinadeliver ni boss. Binuksan niya ito at kinuha niya yung order tsaka din niya inabot yung perang pambayad.

“Oh kain tayo.” sabi ni boss sabay lapag ng order niya sa lamesa.

“Tulog na po si sir Marco boss.” sabi ko sakanya.

“Edi tayo nalang.” sabi niya sakin sabay upo.

Hala? Feel ko tuloy parang date. Omyg wag mag assume.

Tumayo ako at umupo din. Inabot niya sakin yung isang piraso ng pizza. Kinuha ko ito agad at inilagay ito sa plato. Kinuha ko yung ketchup at nilagyan ang pizza.

Habang kumakain kami ay sinusulyapan ko si boss. Ang gwapo niya talaga, as in! Walang halong biro. Ang gwapo niya parin kahit kumakain. Ano bang meron sakanya at parang attract na attract ako sakanya? Boss!

Nabilaukan ako. Ubo ako ng ubo habang hinahawakan yung dibdib ko. Mukhang nataranta si boss kaya kumuha siya agad ng tubig sa gilid at inabot sakin.

“Here.” sabi niya sakin.

Kinuha ko ito agad at ininom. Haaaaaay. Ano bang nangyayari sakin?

“You okay?” sabi ni boss.

“Yes boss.” sabi ko sabay hawak parin sa dibdib.

“Dahan dahan kasi. Di ka naman mauubusan eh.” sabi niya sabay tawa.

Hala? Tinatawanan ako? Kung alam mo lang na ikaw ang dahilan kung bakit ako nabilaukan. Hays.

Tumawa nalang ako dahil di ko alam ang isasagot ko.

“By the way, where did you live again?” sabi niya sakin.

“Isang probinsya po sa Cebu.” sabi ko.

“Ah. Ang ganda dun ah? Bakit di ka nag-aral dun?” sabi niya sakin.

“Kasi po noon, habang nag-aaral po ako, wala pa masyadong maayos na paaralan para sa kolehiyo. Late na po lumabas lahat ng magagandang schools doon. Sayang nga eh.” sabi ko sakanya.

“Ganun ba?” sabi niya.

Nag-usap usap lang kami tungkol sa buhay ko. Tanong siya ng tanong sa akin ng kahit ano. Napaisip tuloy ako kung interesado ba siya sakin, ay char wag assuming.

Maya maya ay bumangon na si sir Marco at napakusot ng mata.

“Sorry nakatulog ako. Napagod kasi ako eh.” sabi niya sabay tayo at lumapit samin. Kumuha din siya ng isang pirasong pizza.

Matapos kaming kumain ay agad na akong dumiretso sa kama para magpahinga. Sabi kasi ni boss na magrelax muna. Bukas na raw kami mag-reresume sa plans namin.

Sumandal ako at naglaro sa cellphone ng games.

Nabigla ako ng humubad ng shirt si boss Ynigo. Napadilat ako sa nakita ko. Oh wow! 6 pack abs men! Wooh. May V-line pa. Boss naman eh!

Napaiwas ako ng tingin dahil baka san pa mapunta ang iniisip ko.

“Hey bro.” sabi ni sir Marco.

“Oh, sorry. Di kasi ako makatulog kapag may shirt.” sabi ni boss.

Okay lang boss no? Okay lang talaga, okay na okay na okay!

“Ah ganun ba?” sabi niya. “Actually, ako rin eh.” dagdag niya at tumayo din siya.

Nabigla din ako sa inasal ni sir Marco. Hinubad din niya yung shirt niya. Ghad ano bang ginagawa ng mga lalaking to? Nakikipagkompitensya siya kay boss? Hay nako sir Marco, kahit kailan ayaw mo talagang magpatalo. Ugh. Maganda din katawan niya.

Nakita ako ni sir Marco na nakatingin sakanya. Nagsmirk siya.

“Ikaw pare, hinuhubad mo ba yung shirt mo?” tanong sakin ni sir Marco sabay ngiti ng nakakaloko.

Ano bang ginagawa niya? He wants me to take my shirt off? Oh come on! Noooooooo! My breast!

“No. Di ako sanay.” sabi ko. “Tsaka, malamig na eh.” dagdag ko with matching lalaking boses.

“Ganun ba? Okay.” sabi niya sabay kindat.

Oh. Shit.

Sa mga kaganapan dito ngayon sa hotel, humiga na ako at tinabunan yung mukha ko ng unan. Ayokong makakita ng mga gwapong mga nilalang na nakashirtless! Baka ano pang maisip ko. Oh tukso, layuan mo ko!

Hanggang sa nakatulog na ako sa posisyon kong iyon.

HEY GUUUUUUYS! I MISSED YOU ALL! How are you? Sorry kung very late update. Sunod sunod kasi yung mga activities na ginagawa namin eh. Mapapatawad pa ba ako? Slow yung flow ng story no? Yeah, I know that. But I’ll try na medyo madaliin to para naman exciting.

I was shocked na nag 14.4k reads na and 1.1k votes. Oh wow! I didn’t expect that to happen. But then, I’m thankful for supporting my story, My Boss. Thank you! :) And sa mga comments, kinikilig ako dahil nag-aabang talaga kayo. Awweee :“> thank youuuu.

PS: Bare with me guys, malapit na mag-end yung semester and guess what? Makakaupdate na ako. Yehey! Magdiwang. Share ko lang, may crush ako taga Pharmacy Program sa pinapasukan kong University here sa Davao. Hays! Inspired ang author niyo, so yun lang. Hehe. :*

Chapter 24

Nagising ako ng bandang 4am ng madaling araw. Kinusot ko yung mga mata ko at pinagmasadan ang paligid. Naka-off na yung ilaw pero may lampshade na naka-on. Malapit iyon sa kama ni boss Ynigo.

Bumangon ako dahil naiihi ako. Pumunta ako sa cr at doon umihi. Pagkalabas ko ay nakita ko ang dalawang hot na mga lalaki na natutulog.

Di ko mapigilan ang dalawa kong mga paa na lumalapit sa higaan ni boss Ynigo.

Pinagmamasadan ko yung mukha niyang natutulog. He’s really a handsome guy. Kahit tulog, napakagwapo parin. Pero mas angelic face siya pag tulog.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at patuloy na pinagmasdan ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo.

“Bakit ba kasi ang gwapo niyo?” sabi ko sa sarili habang hinahawi yung buhok niya.

Malambot ang kanyang buhok. Napaisip ako na amuyin yung buhok niya. Unti-unti akong lumapit upang amuyin ito. Ngunit di ito natuloy ng may nagsalita.

“Anong ginagawa mo?” sabi nito.

Napatayo ako at tinignan si sir Marco. Nakaupo na siya sa kanyang kama habang pinapanood ako.

“Ah, wala wala.” sabi ko sakanya. Kinakabahan ako.

“Wala? Eh ano yung eksenang lalapit ka na sa mukha niya?” sabi niya sakin.

Tutal mukhang close naman kami ni sir, inamin ko na sakanya ang balak ko sanang gawin.

“Eh kasi, gusto ko sanang amuyin yung buhok niya. Yun.” sabi ko.

“Ganun ba?” sabi niya sabay higa. “Dito ka na matulog sa tabi ko.”

Nabigla ako sa sinabi niya. Ako? Diyan hihiga sa tabi niya? Oh common. Ayoko no! Baka makita pa ako ni boss at magtaka kung bakit ko katabi si sir Marco.

“Ha? Ayoko no.” sabi ko sabay higa sa kama ko.

“Please?” sabi niya sakin.

“Sir, ayoko. Nandito si boss oh? Tsaka bakit ba gusto mo akong katabi?” sabi ko sakanya.

“Nilalamig na ako eh. Kailangan ko body heat.” sabi niya sakin.

Body heat? Lakas din ng tama netong sir ko ah? Nako nako.

“Hoy kasalan ko bang nilalamig ka? Magsuot ka kaya ng damit.” sabi ko sabay lagay ng kumot sa katawan ko.

Nabigla nalang ako ng bigla siyang tumabi sakin at niyakap ako ng mahigpit. Pilit kong kinalas yung pagkakayakap niya ngunit di ko kaya. Malakas nga talaga si sir Marco.

“Sir ano ba?” sabi ko sakanya.

“Ngayon lang to. Pagbigyan mo na ako.” sabi niya.

“Sir please.” sabi ko sakanya.

“Kahit na anong pagpipilit mo, di ako kakalas. Kaya kung ako sayo, matulog kana jan.” sabi niya.

Ano bang problema nitong si sir Marco? Nababaliw na ba siya? Di ko mapigilan isipin na baka ano yung alam niyo na pero malabo naman yun.

Tumahimik nalang ako at agad natulog.


Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko si sir Marco. Bumangon na ako at napansin ko rin na wala din si boss. Nasan kaya yung dalawang yun?

Tinignan ko yung relo ko. 8am na nang umaga.

Kinuha ko yung towel ko at mga damit sa bag. Maliligo nalang ako para di na maging sagabal o nakakahiya mamaya pag nandito na sila.

Nilapag ko sa kama ko yung mga damit na susuotin ko. Dumiretso na ako sa cr. Bago ka kasi makapasok ng tuluyan sa shower area ng cr or sa bathtub na may shower curtain ay may malaki munang salamin sa gilid.

Pinagmasadan ko muna yung sarili ko. Ang gulo ng buhok ko at may panis pa na laway sa gilid ng labi ko.

“Ang haggard mo naman.” sabi ko sa sarili habang pinagmamasadan ko ang reflection ko sa mirror.

Binuksan ko yung shower curtain at napasigaw.

“AAAAHHHHH!” sigaw ko.

“OOOOOOYYYYY!” sigaw ng isang lalaki sabay takip ng dalawang kamay sa kalagitnaan niya.

Si boss Ynigo?! Oh no!

Isinara ko balik yung shower curtain at napatabon ng mukha gamit ang towel na bitbit ko. Shit, paano na to?

Naghalo halo na yung iniisip ko. Ang ganda ng katawan niya, yung vline niya tsaka ang hot niya tignan kung basa siya. Next is, baka mapagalitan ako dahil di man lang ako kumatok bago pumasok. Lagot ka Kristoff, malalagot ka talaga.

“Boss, sorry po! Di ko po alam na may tao. Di kasi naka-lock yung pinto eh.” sabi ko sakanya.

“It’s okay.” sabi niya sabay bukas ng shower curtain. Nakatapis na siya at pinapahid ang kanyang buhok gamit ang isa pang towel.

Ang gwapo.

“We are both guys here. Right? No malice.” sabi niya sabay ngiti at lumabas na ng tuluyan sa cr.

Napatunganga ako. Walang malisya? Parehas kami lalaki? Oh come on, kung alam mo lang boss kung anong nararamdaman ko ngayon.

Di parin mawala sa isip ko yung katawan ni boss Ynigo habang naliligo siya kanina. Shinake ko yung ulo ko at patuloy sa pagligo.

“Umayos ka Kristoff, kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Tumigil ka sa kabaklaan mo. Chill.” sabi ko.

Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako ng cr. Nakita ko si boss gumagamit ng cellphone niya habang nakasandig sa kama niya. Dali dali kong kinuha yung damit sa kama ko at dumiretso agad sa cr. Ayokong magbihis sa harap niya no? Nakakahiya na kaya.

Nang natapos na akong nagbihis ay lumabas na ako at tumungo sa kama ko. Umupo ako doon at inayos yung unan ko.

“Why did you waste your time going to the bathroom? You can wear your clothes here.” sabi ni boss habang di nakatingin sakin.

Boss, may malisya nga sakin lahat. Lahat lahat!

“Di ako sanay na magbihis kung may kasama akong tao.” palusot kong sabi.

“Really? Like I’ve said, we are both guys here. No malice.” sabi niya ulit.

Ayan nanaman yang no malice na yan. Sabi ngang meron eh!

“Okay. Ah, boss, pasensya kana kanina. Di ko sinasadya.” sabi ko.

“It’s okay. I guess you didn’t see my-”

“Hindi. Hindi no? Tss haha wala no.” agad na sabi ko.

“If you saw it well it’s fine with me. You also have like this” sabi niya sabay tingin sakin.

Aba bastos to ah?

“Kaya nga eh.” sabi ko nalang para matapos na tong kaplastikan na ito.

Iniba ko yung usapan.

“Nasan si sir Marco?” sabi ko sakanya.

“I asked him to buy some food outside.” sabi niya.

“Ah.” tipid kong tugon.

“By the way, you slept with Marco earlier. Why is that?” tanong niya habang nakatingin sakin ng seryoso.

Napalunok ako sa tanong niyang iyon. Yan na nga ba sinasabi ko eh. Sir Marco, san ka na? Tulungan mo ko.

“Ah, kasi, nilalamig siya kagabi. Tsaka sabi niya kailangan daw niya ng body heat kaya ayun.” sabi ko. Yan naman talaga yung dahilan diba?

“Oh, really? Okay.” sabi niya sabay sandig ulit sa higaan niya.


Ynigo Santillan’s POV

I was shocked when he answered Marco needed body heat yesterday and that’s why they slept together in one bed. Oh geez.

I already asked Marco earlier. He answered “namiss ko kasi yung kapatid ko eh kaya naisipan kong yakapin si Kristoff dahil may hawig naman sila ni Ethan”

They had different reasons. Nakakapagtaka. Sino ba sakanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo?

And speaking of Kristoff, he’s kinda weird. Recently when I took a bath, when he accidentally opened the shower curtain, he screamed like a girl. I remembered his first scream when we were in our office. Did you also remember?

This time I am now really curious about his identity. Identity crisis? Or pretending to be stiff? Well, there is one solution to that problem.

Ano kayang naisip na solution ni boss? Abangan sa susunod na chapter! :)

Hey! As requested, I updated 2 chapters this day. Chapter 23 and 24. Woah thank you very much! Spread the love! Support My Boss

! Guys, #61 yung My Boss sa General Fiction. Omyggggg! Hihihi.

Creamme Oh

Chapter 25

“Let’s prepare.” sabi ni boss Ynigo samin ni sir Marco.

Ngayong araw na daw kasi yung meeting nila with Mister Novitsky. Kinakabahan na ako, sana nga makumbinsi nila si Mister Novitsky na mag-invest.

“Okay, magbibihis lang ako. Ikaw pre?” sabi ni sir Marco.

“Magbibihis narin.” sabi ko sabay kuha ng gamit sa bag ko.

“Tara, sabay na tayo.” sabi ni sir Marco.

Nabigla ako sa sinabi niya. Kami? Sasabay? Hindi niya ba alam na nandidito si boss?

Napatingin sakin si boss. Yung tipong naguguluhan na tingin.

“Mauna ka na, bilisan mo.” sabi ko sakanya. Baliw kasi siya eh, gusto niya yata akong ilalaglag.

“Hahaha biro lang. Bihis na ako.” sabi niya sakin sabay pasok sa cr.

Nung natapos na akong kumuha ng damit, umupo muna ako sa kama para hintaying matapos si sir Marco. Napaiwas ako ng tingin dahil naghubad na si boss Ynigo ng kanyang shirt.

Ano bang ginagawa niya? Dito siya magbibihis? Oh crap!

Binalewala ko lang yung paghubad niya ng damit na sa kaloob-looban ko ay kinakabahan na ako.

Mas nabigla ako ng bigla niyang hubarin yung kanyang pants. Oh no! Nakabrief nalang siya!

Napalunok ako dahil sa ginawa niya. Nagpapanggap ako na nagtetext kahit wala naman akong katext. Shit!

“Stoff,” tawag niya sakin.

Oh no. Please. Wag mo akong tawagin, wag mo akong palingunin sayo.

“Hey, Stoff!” tawag niya ulit sakin.

Huminga ako ng maluwag at tumingin sa kanya, sa kanyang mata. Pinilit ko yung sarili kong pakalmahin.

“Bakit boss?” sabi ko sakanya.

“Can you please lend me the towel inside the cabinet?” utos niya sakin sabay turo sa cabinet niya.

Ako pa talaga inutos niya? Malapit nalang yung cabinet sa kanya, ako pa talaga? Oh GHAD.

Sumunod nalang ako sa utos niya. Kinuha ko yung towel niya sa cabinet at inabot sakanya.

“Eto boss.” sabi ko ng di nakatingin sakanya.

“You’re avoiding me huh?” sabi niya sakin.

Umiiwas ako dahil sa ginagawa mo, pan de leche!

“Wala boss.” sabi ko sakanya ng di nakatingin.

“Why can’t you stare at me?” sabi niya sakin.

Malamang baka mabuking mo ko na bakla ako. Shet.

“Wala lang boss.” sabi ko sakanya. “Eto na po.” dagdag ko sabay abot sakanya nung towel.

Kinuha niya ito at nagtapis na siya. Ngumiti siya at umupo sa kama niya.

Maya maya ay lumabas na si sir Marco.

“Tapos na ako, ikaw na.” sabi niya sakin.

Agad na akong pumasok sa loob ng cr. Nakahinga na ako ng maluwag.

“Hindi ka dapat maging apekto doon Kristoff. Mali mali.” sabi ko sabay sapak ng mahina sa noo. “Dapat di ka magpaapekto sa susunod para di ka mabuking.” at nagpunas na ako.


“We’re here.” sabi ni boss. Bumaba na kami sa taxi.

“Nandito na ba si Mister Novitsky?” tanong ni sir Marco.

“Yep. He’s here.” sabi ni boss at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng isang hotel.

Itinuro ng babae saamin kung saan si Mister Novitsky. Nandun daw siya sa isang VIP room. Agad naman kaming pumunta doon.

“So, good luck?” sabi ni boss samin.

“Good luck, bro.” sabi ni sir Marco.

Agad na kaming pumasok sa loob at bumati sakanila.


“That’s it?” tanong ni Mister Novitsky nung natapos ng magpresent si boss Ynigo at sir Marco.

“Yes sir.” sabi ni boss.

“Remember Ynigo, you are presenting your work to me. Did you know who I am?” sabi ni Mister Novitsky.

“Yes, I do sir.” sabi ni boss.

“So?” sabi ulit ni Mister Novitsky. Parang di ata siya satisfied sa presentation ni boss.

“That’s all sir.” sabi ni sir Marco.

“Oh. Okay.” sabi ni Mister Novitsky. “Well, thank you for presenting your work. I’m not interested.” sabi niya sabay tayo.

“But sir, would you-” di na natapos ni boss yung sasabihin niya dahil pinutol ito ni Mister Novitsky.

“Enough Ynigo.” simpleng sabi niya sabay alis na ng VIP room.

“Fvck!” sabi ni boss sabay sipa sa upuan.

“Chill, bro.” sabi ni sir Marco.

“I’m brainless dude!” sabi ni boss sabay gulo sa buhok niya.

“No you’re not. It’s just that, he was looking for more. What you just did was great.” sabi ni sir Marco.

Nalulungkot ako para kay boss. Sa lahat ng pinagpaguran niya ay useless. Siguro nga choosy din tong Mister Novitsky na to, na mukha namang bakla sa kaniyang outfit! Pan de leche talaga!

“What am I going to do? Wala na eh, wala na.” sabi ni boss.

Napaisip ako. What if kakausapin ko yung baklang yun, este, si Mister Novitsky? Pero baka di niya ako papansinin, sino ba naman ako diba? Pero wala namang mawawala kung magtry ako.

“Sir, boss, balik lang po ako. Dito lang kayo, wag kayong aalis.” sabi ko sabay alis.

Hinabol ko si Mister Novitsky at saktong palabas siya ng cr. Tinawag ko siya.

“Sir Novitsky!” tawag ko sakanya.

“Yes?” sabi niya sabay ngiti.

Shet. Bading nga.

“Pwede ho ba kayong makausap?” sabi ko sakanya.

“Sure sure.” sab niya. “What is it?”

“About boss Ynigo.” sabi ko sakanya.

Nawala naman yung kanyang ngiti.

“What about him?” sabi niya.

“Please sir, give him another chance. Malay mo, magiging worth it kung mag-aapprove ka. Just try it sir, please?” pakiusap ko sakanya.

“Ano ka ba niya?” sabi niya sakin.

“Secretary po sir.” sabi ko sakanya. “Please sir, give boss Ynigo another chance please?” sabi ko sakanya.

Huminga siya ng maluwag at nagsalita.

“Okay, I’ll give him a chance. But, if he failed, you already know what I’m going to do.” sabi niya. “And tutal, you’re handsome, so okay.”

Shet. May ipagmamalaki din pala ako kahit na bading ako HAHAHA. Bading nga talaga tong mokong to.

“Salamat sir.” sabi ko sabay tap ng balikat niya at ngumiti.

Kitang kita ko na mukhang kinilig ang loko, kahit na ako ay nandidiri na, hays. Tantiya ko nasa 30’s na siya.

Sumama pabalik sakin si Mister Novitsky sa VIP room at pumasok.

Napatayo agad si sir Marco at boss Ynigo nung nakita nila si Mister Novitsky.

“Sir.” sabi nilang dalawa.

“Okay Ynigo, I’ll give you a chance. Pasalamat ka sa secretary mo.” sabi ni Mister Novitsky sabay hawak sa balikat ko.

Napatingin naman sila sakin at ngumiti lang ako.

“Naku salamat sir. Thank you very much.” sabi ni boss Ynigo.

“I need to go, may meeting pa ako. So, see you?” sabi ni Mister Novitsky.

“Okay sir. Thank you.” sabi ni boss.

Lumabas na ng tuluyan si Mister Novitsky.

Ynigo Santillan’s POV

ANG SAYA KO! GRABE, HE GAVE ME ANOTHER CHANCE! WHAT A DAY! THANKS TO MARCO AND ESPECIALLY STOFF!

“Stoff, thank you very much!” sabi ko sakanya.

“Sus, wala yun.” sabi niya sakin sabay ngiti.

“Ano bang sinabi mo dun?” sabi ni Marco.

“Secret na yun.” sabi niya sabay tawa.

“Kung ano man ang sinabi mo, thank you.” sabi ko sakanya sabay yakap.

Mukhang nabigla naman siya sa inasal ko kaya bumitaw na ako agad. Nakatunganga parin siya.

“Sa ginawa mo, bibigyan kita ng reward. Anong gusto mo? Kahit ano.” sabi ko sakanya.

“Ah, eh, libre mo ko sa lahat ng gusto kong gawin at bilhin.” sabi niya sakin.

“Okay ba!” sabi ko sakanya.

Gagawin ko talaga yun as his reward. Imagine, sa tulong pala niya makukuha ko si Mister Novitsky. I’m really thankful na he stayed. Even though I’m very strict to everyone, to him. I owe him a lot.

Alam ko na rin ang tunay niyang identity. He’s gay. Nung tinest ko siya earlier, he was nervous and di siya makatingin sakin ng diretso. Yung ang sign na bakla talaga siya.

But imbis na magalit ako at ipahiya siya, parang wala lang akong naramdaman. Parang wala lang, ewan ko ba bakit di ako nandidiri sakanya or magagalit. Ayoko naman talaga sa mga bakla pero bakit parang kinain ko ata yung sinabi ko?

Tanggap ko siya kung ano siya. Pinatunayan niya na di lahat ng bakla ay bastos, may mga bakla ring kagaya niya na nagsisikap sa buhay at educated.

As you all requested, kahit na sobrang busy ako, eto na yung update. Okay lang ba? Sorry kung natagalan, ang busy ko talaga swear. Defense na namin ngayong Tuesday. After ng defense, stress-free na ako so makakapag-update na ako. Sorry talaga.

GUYS, THANK YOU TALAGA SA SUPPORT NIYO AND SA STORIES KO. MAHAL KO TALAGA KAYO, SANA PATULOY NIYONG TANGKILIKIN ANG ON GOING STORY KONG, MY BOSS. SALAMAT!

Sa lahat ng nagmemessage sakin at nagcocomment, maraming salamat sa inyo. Masayang masaya ako na kinikilig kayo weee.

Creamme Oh~

Chapter 26

“Goodmorning Stoff, magbihis ka na. May lakad tayo.” sabi ni boss sakin pagkagising ko.

Aba? Ang aga aga, san ba kami pupunta? Wala akong maalala na may lakad kami and all I know is tapos na yung meeting nila with Mister Novitsky.

“San ba tayo pupunta boss?” tanong ko sakanya.

“Ililibre kita. Diba promise ko sayo yun?” sabi niya sabay ngiti.

Oh my geeeeeeeeeee. Seryoso? Tapos. Tapos, kami lang dalawa? Oh heaven!!!!!!

“Tayo lang dalawa boss?” tanong ko sakanya. Tumayo ako para kunin yung towel ko sa cabinet.

“No. Sasama daw si Danielle.” sabi niya.

That girl! Ugh.

“Ah okay.” sabi ko sabay pasok sa cr.

“Kala ko kami lang dalawa, shet date na sana yun.” sabi ko sa sarili.


“Tara na?” sabi ni boss sakin.

“Okay.” sabi ko.

Pagkalabas namin nakita ko si sir Marco na pabalik sa room namin.

“Oh, san kayo?” sabi niya samin nung nakita niya kami.

“Ililibre ko siya. As I promised.” sabi ni boss.

“Siya lang? Pano ako? Tumulong kaya ako sayo, ako yung-”

“Shut up. Dali na.” sabi ni boss.

Agad naman siyang napatalon. Tunawa nalang kami at tumungo na sa baba.

**

“Susunduin ko muna si Danielle.” sabi niya sabay baba sa taxi.

Hays. Akala ko moment na namin to. Nakalimutan ko palang nandidito yang babaeng yan, nakakainis!

“You okay?” sabi ni sir Marco.

“Oo naman. Bakit?” sabi ko sakanya.

“Parang hindi eh.” sabi niya sakin.

“Bakit mo naman nasabi?” tanong ko sakanya.

“Kitang kita kaya oh?” sabay turo sa mukha ko.

“Eh kasi nandito pala si Danielle, may iba kasi akong nararamdaman sakanya. Parang may tinatago.” sabi ko.

“Ang sabihin mo, nagseselos ka.” sabi niya sakin sabay ngiti.

“Hindi no?” sabi ko sakanya. Halata nga talaga hahahaha.

“Sus wag ka nang tumanggi. Di bale, nandito naman ako eh. Di ka magiging 3rd wheel.” sabi niya sakin.

Di na ako nagsalita dahil pumasok na sa loob ang mga love birds.

“Hi everybody!” sabi ni Danielle pagpasok sa taxi.

Ngumiti lang kami ni sir Marco at agad ng umandar yung taxi na sinasakyan namin.


First up, sa restaurant. Kakain daw muna kami. Pumasok na kami sa loob at umupo na sa table. Umorder na kami at nag-usapusap.

“Babe, kamusta ang meeting with Mister Novitsky?” tanong ni Danielle kay boss.

“It’s ok. Really ok. Nakuha namin siya.” sabi ni boss.

“See? I told you, you can do it.” sabi ni Danielle sabay yakap kay boss.

“Dahil yun kay Marco and especially Stoff.” sabi ni boss sabay ngiti sakin.

Awweeeee. Special mention again, hays.

“Him? Why?” sabi ni Danielle sabay turo sakin.

Hoy babae ka! Wag mo akong maturu turo jan, hindi ako t** para ituro turo mo.

“Yes, siya ang dahilan kung bakit namin nakuha si Mister Novitsky.” sabi ni boss.

Tinaasan ko siya ng kilay at nagsmirk. Umirap naman siya. Kala mo ha?

“Okay whatever!” sabi niya sabay flip ng hair.

Inabot na samin yung order at tahimik kaming kumakain. Kitang kita sa peripheral vision ko na tinititigan ako ni Danielle. Ano bang problema niya sakin?

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming dumiretso sa mall.

“Ano ba gusto mo Stoff?” sabi ni boss sakin.

“Hm, kahit ano po?” sabi ko sakanya.

“Kahit ano.” sabi niya sabay ngiti.

Hays.

Pumunta ako sa mga tshirt’s. Naghanap ako dun ng mga matitipuhan kong mga damit. Kinuha ko yung kulay pink na polo shirt tsaka white na vneck.

“Eto na boss.” sabi ko sakanya sabay pakita ng damit na kinuha ko.

“Yan lang?” sabi niya sakin.

Wow LANG. LANG. LANG.

“Opo, eto lang.” sabi ko.

“Sigurado ka? May magaganda pa dun.” sabi niya sakin.

“Eto nalang boss.” sabi ko.

“Wag mong problemahin ang pera. Please?” sabi niya sakin.

“Okay boss, sabi mo eh.” sabi ko at namili pa ako ng mga damit.

“Babe, wag kang magpa-abuso ha?” sabi ni Danielle.

“Babe, hindi naman. I’m just returning the favor. I owe him a lot.” sabi ni boss.

Ngumiti ako at umirap naman si girl. Wag ka na kasi magsalita jan, sus.

“Bro, eto akin.” sabi ni sir Marco.

“Bilhin mo. May pera ka naman.” sabi ni boss.

“Grabe to, kala ko ba ililibre mo din ako?” sabi ni sir Marco.

“Sa pagkain lang tsong.” sabi ni boss.

Tumawa nalang kami at pinagpatuloy ko ang paghahanap ng magagandang damit. Sulitin ko nalang no, sayang opportunity.


Pagkatapos naming shopping ay pumunta kami sa peryahan. Sabi kasi ni Danielle maganda daw yung perya dito. Edi yun, pumunta kami.

Una naming sinakyan yung “SEA DRAGON” di sumakay si Danielle dahil sa lahat ng ridea dito, eto ang pinaka ayaw niya. OA kasi. Kaya kami nalanag tatlo.

Nung umandar na yung SEA DRAGON, para lang kaming nasa duyan.

Maya maya ang bumibilis at tumataas na, makikita mo na yung makina sa baba. Sigaw kami ng sigaw at si boss parang natatakot na.

“Sumigaw ka boss, para mawala yung takot mo.” sabi ko sakanya.

Sumigaw siya at sinabayan ko na siya. Nakakatawa naman to si boss, parang di sanay sa mga ganito. Ay oo nga pala, di siya sanay dito.

Kami naman ni sir Marco sigaw ng sigaw sa sobrang saya! Para tuloy kaming mga bata.

Pagkatapos namin dun ay dumiretso kami sa mga palaro. Yung may mga permyong stuff toys.

Si boss yung unang nagtry, nakuha naman niya agad yung malaking teddy bear. Ibinigay niya ito kay Danielle at niyakap niya ito. Iniwas ko yung tingin ko.

“Di bale, kukunin din kita ng ganyan.” sabi ni sir Marco.

Si sir Marco nanaman ang nagtry, ngunit kahit anong gawin niya, di niya makukuha yung teddy bear na malaki. But, may nakuha siyang cute na cute na teddy bear. Ang liit.

“Sorry, eto lang nakayanan ko.” sabi niya sabay kamot sa ulo.

“Okay lang, ang cute nga eh. Thank you.” sabi ko sakanya sabay yakap. Niyakap niya din ako.

Nakita kami ni boss na magkayakap. Kumalas agad ako dahil ano pang isipin niya.

Next, doon naman kami sa water gun. Si boss at si Danielle ang naglaro. Pinapanood lang namin silang dalawa.

“Gusto mo talaga si Ynigo no?” sabi ni sir Marco sakin.

“Oo eh. Ewan ko ba.” sabi ko kay sir.

“Ang swerte niya.” sabi niya.

“Ha? Bakit naman?” sabi ko.

“Nagustuhan mo siya.” sabi niya.

“So? Anong connect nun?” sabi ko.

“Wala lang. Hahahaha!” sabi niya sakin sabay akbay.

“Hayyyy, di ba ako gwapo para magustuhan mo?” sabi niya sakin.

Kinalas ko yung pagkakaakbay niya sakin at siniko ko siya.

“Loko ka.” sabi ko.

“Bakit?” sabi niya.

“Ang dami kayang nagkakagusto sayo, tingnan mo yun oh?” tinuro ko yung mga babaeng kanina pang tinitingnan si sir Marco. Mga magaganda naman sila.

“Gwapo kasi eh.” sabi niya.

“Oh see? Gwapo ka talaga. Kahit ako, nagwagwapuhan sayo.” sabi ko.

“Yan. Inamin mo rin.” sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

“Totoo naman eh.” sabi ko sabay ngiti.

Inakbayan niya ako at patuloy na pinapanood si boss. Yes, si boss lang. Bakit ko naman titingnan si Danielle eh nabwibwisit ako.

Nung napagod na kami ay napagdesisyunan na naming umuwi.

As usual, hinatid muna namin yung girlfriend ni boss. Nagpaalam na kami sakanya. Actually sila lang, ngumiti lang ako.

Ewan ko bakit ba ayaw ko sakanya. May nararamdaman kasi akong kakaiba sakanya eh. Parang may binabalak na masama o ano ba. Di ko alam. Ayokong munang magjudge.

Nung nakarating na kami sa room, agad na kaming humiga sa kama. Siguro sa sobrang pagod.

“Magbihis muna kayo.” sabi ni boss.

“Okay.” sabi namin ni sir.

Nagbihis na sila sa harap ko. Para silang mga model. Ghad ang gwapo nila.

Pumunta ako sa cr at doon nagbihis. Ayoko kasing magbihis sa harap nila. Kahit sino pa diyan, ayoko. Di ako sanay.

Nung natapos na akong magbihis ay nakita kong natutulog na si sir Marco at si boss naman ay tila may hinihintay.

“Boss? Di ka pa matutulog?” sabi ko.

“Hinihintay kita.” sabi niya.

Oh ghad, bakit? Hinihintay niya ako? For what? Hays.

“Bakit po?” sabi niya.

“Usap nga tayo.” sabi niya.

Umupo ako sa tabi niya.

“Ano po yun?” sabi ko.

Tinap niya yung balikat ko at tumayo siya. Nagwhisper siya sakin.

“It’s okay to be whatever you want, to be different. You are the reason why my perception to someone like you changes.” sabi niya sabay punta sa kama niya at humiga.

ALAM NA NA NIYA? KAILAN PA? PAANO? OH SHIT!

Hi guys! I’m really sorry for the delay. Exam na namin tomorrow, sa Tuesday and Wednesday. After that, wala na. Kamusta na kayo? Sorry talaga ha? And oh, successful yung defense namin. Yehey!

Sorry talaga ha? Sana mapatawad niyo ako. Sorry talaga. Sorry. I love you. :*

Creamme Oh

Chapter 27

Di masyado ako nakatulog kagabi kasi di parin nagsisink in na alam na ni boss na bakla ako. Paano niya nalaman? Bakit di man lang niya ako pinahiya o sinigawan o sinaktan? Homophobic diba siya? Pero ano yun?

7am na ng umaga, hanggang ngayon di parin ako nakakatulog. Natatakot kasi ako baka palalayasin na niya ako ngayon. Ewan ko ba.

Pinikit ko yung mga mata ko para magpanggap na natutulog dahil tumayo na si boss. Binuklat ko yung mga mata ko ng konti para makita siya.

Akala ko didiretso siya sa cr, ngunit unti unti siyang lumapit sakin. Agad ko ng pinikit ng buo yung mga mata ko dahil kinakabahan ako.

“Kinain ko lahat ng sinabi ko tungkol sa mga bakla nang dahil sayo. Mabuti naman di ka katulad ng iba.” sabi niya.

Ano bang ginawa ko? Wala naman ata akong ginawang kakaiba para kakainin niya yung sinasabi niyang ayaw niya sa mga bakla. Di ko naman pinahalata na bakla ako pero di ko maiwasang maipakita ang totoong ako.

Binuklat ko ng konti yung mga mata ko para tingnan ulit siya. Dumiretso na siya sa cr. Agad akong napabangon at napahawak sa pisngi.

“Kristoff, ano nang gagawin mo?” sabi ko sa sarili ko.

Bumangon na si sir Marco. Kinusot niya yung mga mata niya at binati ako.

“Goodmorning, pare.” sabi niya sakin.

“Morning.” sagot ko sakanya.

“Di ata maganda ang gising mo ah?” sabi niya sakin.

Sasabihin ko ba sakanya na alam na ni boss na bakla ako?

“Di ako nakatulog ng maayos kagabi eh.” sabi ko sakanya.

“Bakit?” tanong niya ulit sakin.

Magsasalita na sana ako ng lumabas na si boss sa cr. Di ko siya tinignan at inayos ko nalang yung unan at kumot ko.

“Gising na pala kayo.” sabi ni boss.

“Morning, bro!” bati ni sir Marco kay boss.

“Morning.” sagot naman ni boss.

Agad na akong tumayo at tumungo sa cr.

Nang nakapasok na ako ay agad kong binasa yung mukha ko. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin.

“Just go with the flow, whatever happen, happens.” sabi ko at pinunasan ko yung mukha ko ng towel.

Lumabas na ako sa cr. Nakita ko silang dalawa na nag-uusap. Umupo lang ako sa kama ko at kinuha yung cellphone sa cabinet.

“Stoff,” tawag sakin ni boss.

Ano bang gagawin ko?

“Yes boss?” sabi ko sakanya.

“Diba gusto mong gumala? Gala tayo maya.” sabi niya.

Seryoso ba siya?

“Seryoso?” sabi ko. O diba? Go with the flow.

“Yep.” sabi niya.

“Sige po.” tipid kong sabi.

Excited na akoooo. Libre nanaman! Sarap ng buhay hahahay. Nawala saglit yung kaba ko nung narinig ko ang salitang “GALA”.

“Pare.” tawag sakin ni sir Marco.

“Bakit?” sabi ko.

“Alam naman pala ni boss na tagilid ka.” sabi niya sakin sabay ngiti.

Napalunok ako. Grabe, chika agad? Maypagkababae din pala ang bunganga ni boss. Hays!

“Oo. Sinabihan niya ako kagabi.” sagot ko nalang.

“Edi ayos.” sabi ni sir Marco. “Edi okay na. Partner ni Ynigo si Danielle, ikaw naman yung partner ko. Oh diba, double date?” sabi ni sir Marco.

Anak ng?! Ano ba pinagsasabi niya?

“Hoy. Ano bang pinagsasabi mo diyan?” sabi ko sakanya.

“Tayo yung date mamaya. Bakit, ayaw mo?” sabi niya sakin.

“Whatever.” sabi ko sakanya.

“Gusto mo naman pala eh.” tawang sabi ni sir Marco.

Tinignan ko si boss at ngumiti siya sakin. Ngumiti din ako at iniwas na yung tingin.


“Are you guys ready?” sabi ni boss samin.

“Yes!” sabi namin ni sir Marco.

“Let’s go.” sabi niya sabay ngiti.

Mas gwapo siya ngayon dahil parati na siyang nakangiti. Napakaaliwalas ng kanyang mukha. Hindi na siya yung dating boss na nagkadugtong yung mga kilay, separate na siya. Yie.

Pumara na kami ng taxi at dumiretso sa isang restaurant para kumain.

Akala ko 3 lang kami, nakalimutan ko nanaman tong isang to. Si Danielle.

“Hi guys.” bati niya sabay upo katabi si boss.

Ngumiti lang kami at naghintay sa order namin.

“San tayo pagkatapos dito?” tanong ni Danielle.

“Kayo? Any suggestions?” sagot naman ni boss.

“Perya ulit tayo?” sabi ni sir Marco.

“Okay lang sakin.” sabi ko.

“Ako rin.” sabi ni Danielle.

Ay?

“Oh sige sige. Dun tayo.” sabi naman ni boss.

Maya maya ay dumating na yung order namin. Kumain lang kami at nag-usapusap ng konti. Pagkatapos ay agad na kaming tumungo sa peryahan.

“Wag muna tayo magrides, busog pa tayo eh.” sabi ni sir Marco.

“I agree.” sagot ni Danielle.

“Okay, sa palaro nalang muna tayo.” sabi ni boss.

Inakbayan ako ni sir Marco. Tinignan ko siya at tumingin din siya sakin. Ngumiti kami pareho at sabay na naglakad. Si Danielle naman nakahawak sa braso ni boss. Oh diba? Walang mag-isa dito, hahaha.

Unang naglaro si sir Marco at si boss. Cheer kami ng cheer ni Danielle. At yun, panalo naman si sir Marco. Hinug ko siya ng mahigpit sabay talon talon. Nakatingin lang samin sila boss at Danielle. Pwe.

Sunod naman kami ni Danielle ang naglaro. Cheer ng cheer naman yung mga boys samin, aw. Feeling girl ako dito ngayon.

Hanggang sa nanalo ako. Niyakap ako ni sir Marco at binuhat. Tuwang tuwa naman kaming dalawa dahil panalo kami pareho.

“Oh ano, bawi kayo.” sabi ni sir Marco sa dalawang you know.

“Oh tara sige, dun tayo sa basketball.” sabi ni boss.

Pumunta kami dun sa basketball na laro.

“Oh mga ser, kung sino yung mananalo sa inyo may premyo.” sabi nung dalaga.

“Game.” sabay nilang sabi.

“Pagbilang ko ng tatlo, dun na kayo magsisimula ha?” sabi nung babae. “Isa, dalawa….. tatlo!”

Agad naman silang nagshoot ng mga bola sa ring. Grabe cheer kami ng cheer ni Danielle sa mga pambato namin.

Lamang si boss ng 3 points. Grabe naman to oh? Di ko pinansin yun at patuloy na nagcheer.

Unang natapos si boss. 66 points lahat ang kanya, si sir naman ay may 2 bola pang natitira, 63 points na siya.

“Kaya mo na yan.” sabi ko kay sir Marco.

Unang shoot niya, palpak.

“Hoy, umayos ka nga diyan!” sabi ko sakanya.

Tinignan ako ni sir Marco. Tumatagaktak yung kanyang pawis, grabe ang hot shet. Ang gwapo niya. Ngumiti siya sakin at inabot yung bola.

“Halikan mo muna yung bola.” sabi ni sir Marco.

“Ano? Baliw ka ba?” sabi ko sakanya.

“Seryoso ako. Pampaswerte.” sabi niya sabay kindat.

AHHHHHH KINIKILIG NA AKOOO. Sir Marco naman eh.

Kinuha ko yung bola at hinalikan ito. Inabot ko muli sakanya at ngumiti naman siya.

“Tingnan mo to.” sabi niya sakin.

Shinoot niya yung bola gamit ang isang kamay niya. Nashoot naman niya iyon.

“See?” sabi ni sir Marco sabay akbay sakin.

“Hoy, tie tayo ulol.” sabi ni boss. Ay? Nagalit?

“Oh mga ser, tie kayo. So kailangan naten ng tie-breaker. Oh heto, isa isa kayo ng bola.” binigyan ni ate ng isa isang bola sina sir at boss.

“Halikan kita babe, pampaswerte din.” sabi ni Danielle at hinalikan niya sa boss sa pisngi.

“Thank you babe.” sabi naman ni boss.

Agad niya itong shinoot at, boom. Palpak. HAHAHAHAHA LOSERS! MALAS KA TULOY, NYE NYE.

“Oh ikaw, ayusin mo.” sabi ko kay sir Marco.

“Wala bang goodluck kiss jan?” sabi niya sakin.

Sinapak ko siya.

“Aray, sakit ah? Kiss mo din ako.” sabi ni sir.

“Di ka ba nandidiri? Ang daming tao oh?” sabi ko.

“I. Don’t. Care.” sabi niya. “Ako na nga lang.” sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Namula ako sa ginawa niya. Omyg. He just kissed me again.

Shinoot niya yung bola at pasok ito sa ring. Tumalon naman siya saka niyakap ako.

“Panalo again!” sabi ni sir Marco.

“Grabe kayo kuya, kahit di ako support sa LGBT pero kinikilig ako sa inyoooo!” sigaw nung babae na audience.

“Salamat.” sabi ni sir Marco.

At talagang proud siya ha? Just wow! Pero di ko maiwasang makaramdam ng kilig. Sir Marco kasi eh!

“Oh pano ba yan bro, talo nanaman kayo.” sabi ni sir Marco.

“Bahala na. Rides na tayo.” sabi ni boss.

Binigay namam ni ate yung premyo. Isang teddy bear na malaki. Kulay brown.

Binigay ni Marco sakin yung teddy bear.

“Oh, para sayo.” sabi ni sir Marco.

“Wow. Thanks!” sabi ko sakanya.

Agad na kaming tumungo sa mga rides.

Bibitinin ko muna kayo, next chapter na yung ride events nila hahahahaha. Kamusta? I love you.

Sa mga nagsuggest na lagyan ng SPG, ang masasabi ko lang po ay wala po akong balak na lagyan. Kasi po gusto ko yung love story lang. Sorry po. Pero promise ko po sa inyo na every chapter ay may kilig moments. Sinisigurado ko po yan!

Abangan ang next chapter!

Follow me on twitter! @DnzlCbty

Tweet lang kayo sakin! :)

Chapter 28

“San tayo?” tanong ni sir Marco.

“Let’s try that one!” sabi ni boss sabay turo sa roller coaster.

Agad naman kaming dumiretso doon. Nakaakbay parin sakin si sir Marco. Para na nga kaming magjowa eh. Pero wala naman samin to, bromance lang hahaha.

Sumakay na kami apat. Nasa harapan kami ni sir Marco, nasa likuran naman namin sina boss at Danielle.

“Hanggang dito parin ba nakaakbay ka? Di ba nananakit yung braso mo kakaakbay sakin?” sabi ko sakanya. Imagine, hanggang dito, nakaupo na kami ay nakaakbay parin siya? Intense.

“Gusto ko lang, bakit bawal?” sabi niya sakin.

“Bahala ka.” sabi ko sakanya.

**

“AHHH STOP IT! NOOOO!” sigaw ni Danielle.

“WOOOOOH MOOOREEE!” sigaw ko naman.

Ang saya! Grabe. Nakakatakot siya at first pero kalaunan nagiging mas exciting siya. Tawa lang ng tawa si sir Marco. Si boss naman todo yakap kay Danielle. Hayyyy.

Nung nakababa na kami, umupo agad si Danielle sa upuan at ganun din si boss. Mga mahihina hahahaha!

“Oh, ayos lang kayo? Mukhang di niyo ata gusto yung ride ah?” sabi ni sir Marco.

“Ayoko na. Please uwi na tayo.” sabi ni Danielle.

“Ayoko pa, gusto ko pang sulitin ang gabing to!” sabi ko naman.

“Ako din!” sabi ni sir Marco.

“Sige. Kayo nalang mag-enjoy, sasamhan ko nalang si Danielle. Titingin nalang kami sa inyo.” sabi ni boss sabay kuha ng pera sa pitaka niya. “Oh heto pambayad.”

“Thanks!” sabi sir Marco sabay hawak sa braso ko. “Tara.”

Agad na kaming tumungo ulit sa “SEA DRAGON”. Yung pinaka-unang ride na tinry namin. Gusto kong ulitin eh.

Sumakay na kami at naghintay na magsimula ang ride.

“Kanina pa tingin ng tingin si Ynigo satin oh?” bulong sakin ni sir Marco.

Tinignan ko naman si boss. Nakita kong nakatingin siya samin. Bakit nga ba?

“Bakit kaya?” sabi ko sakanya.

“Nagseselos ata? O nagdududa.” sagot ni sir.

“Duda?” sabi ko.

“Oo. Nagdududa ata siya kung magboyfriend ba tayo o hindi.” sabi niya sakin. Ngumiti siya ng nakakaloko.

“Oh? Para san yang ngiting yan?” sabi ko sakanya.

“Gusto mo?” sabi niya sabay ngiti parin.

“Anong gusto ko?” sabi ko.

“Gusto mo bang pagdudahin pa natin siya?” sabi niya sakin. “Para malaman natin kung nagseselos ba siya.”

Si boss? Magseselos? Oh come on, how come? Di siya magseselos no? At sakin pa talaga? Never!

“Baliw ka ba? Bakit naman siya magseselos?” sabi ko.

“Sabi niya kasi sakin kanina, gusto ka daw niya maging kaclose. Gusto ka niyang maging kumpare.” sabi niya.

Si boss? Gusto akong maging kaclose? As in magkumpare? Is he damn serious? Omy!

“Seryoso ka?” sabi niya.

“Oo nga. Gusto niyang itry ulit na magkakumpare ng bading. Actually gusto niya rin sa mga bakla noon, nag-iba lang yung tingin niya sa mga bakla nung narape na siya ng bakla.” salaysay ni sir.

Narape siya? As in rape as in letter R-A-P-E? RAPE?!

“WHAT?!” di ko makapaniwalang sagot.

“Not literally rape. Yung oral sex lang. Yun. No anal sex.” sabi niya.

“Oh my goodness!” sabi ko. “Kaya pala ayaw niya sa mga bakla dahil natrauma na siya.”

Now I understand him. Nakakaawa naman siya. Ang sama naman ng baklang yun! Kung ako siguro si boss, bibigyan ko siya ng napakaraming suntok!

“Until he met you, nagchange ulit siya. Kinain niya yung mga salitang ayaw niya sa mga bading. He’s ready to have a gay friend and ikaw na yun.” sabi ni sir Marco.

I was shocked when he said, dahil sakin. Ako ba talaga? So it means, nahalata na niya noon pa man na ganito ako? Pero bakit? Paano? Ang daming tanong ang lumilitaw sa isip ko.

“Ako talaga?” sabi ko. Di parin ako makapaniwala.

“Yes and nahihiya lang siya. Kaya nga pagseselosin natin siya para lalapitan ka na niya. Oh ano deal?” sabi niya sakin.

“Ha?” sabi ko.

“Diba crush mo siya? Tutulungan kitang maging kaibigan mo si Ynigo. Pagselosin natin siya, ano agree ka?” sabi niya.

Pwede! HAHAHAHA. Good idea. Kinikilig na ako dito! Gusto ko nang umuwi! Huhu.

“Agree ako.” sabi ko.

“Okay. Start na ako ah?” sabi niya sakin.

Inakbayan niya ako at mah binulong.

“Pagmasdan mo lang ang reaksyon ni Ynigo.” sabi niya.

Sinusulyapan ko si boss. Nakatingin parin siya samin. Nabigla ako ng hinalikan ako ni sir Marco sa pisngi. Umiwas si boss ng tingin.

“See?” sabi niya.

“Loko ka!” sabi ko.

Nagsimula na yung “SEA DRAGON” nakaakbay parin si sir sakin. Sigaw kami ng sigaw at ang saya! Grabe nakakaaliw ang ride na to!

Nung nakababa na kami, nakaakbay parin si sir Marco. Ako naman tawa ng tawa.

“Oh kamusta?” sabi ni boss samin.

“Okay lang, masaya.” sabi ko.

“Saya bro, grabe.” sabi naman ni sir Marco.

“Let’s go? Pagod na ako eh. Bukas nalang ulit.” sabi ni boss.

Ay?

Pumara na kami ng taxi at una naming hinatid si Danielle.

“Bye babe, thank you.” sabi ni Danielle.

“Mag-ingat ka babe.” sabi ni boss sabay halik sa pisngi.

Habang pauwi na kami sa hotel, si sir Marco naman nagjojoke.

“Knock knock.” sabi ni sir.

“Who’s there?” sagot ko.

“Adjust.” sagot niya.

“Adjust who?” sabi ko.

“Hey ADJUST met you, and this is crazy, but here’s my number, so call me maybe.” kanta niya sabay tawa.

“Okay, another joke has died.” sabi ko.

Hay sir Marco, ewan ko sayo!

“Korny mo bro.” sabi ni boss.

“Bakit, meron ka bang joke diyan?” sabi ni sir.

“Oo. Eto. Knock knock.” sabi ni boss.

Oyyyy I like it. Go boss!

“Who’s there?” sagot ni sir.

“Tocino.” sabi ni boss.

“Tocino who?” sabi ni sir.

“TOCINO-CINO pang tinatawagan mo nandito lang naman ako.” kanta ni boss. Ang cuuuuuute.

“Let’s dive and find the joke.” sabi ni sir Marco.

Tumawa lang kami sa mga ginagawa namin. Hanggang sa nakarating na kami sa hotel.

“Grabe, nakakapanibago. Walang traffic dito sa Davao.” sabi ni sir Marco.

“Yeah.” sagot ni boss.

Agad na kaming nagbihis ng damit. Of course sa loob ako ng cr nagbihis, ano ba kayo?

Humiga na kami sa kama namin.

“Grabe, nakakapagod pero sobrang saya!” sabi ni sir Marco.

“Oo nga eh.” sabi ko.

“Goodnight pare.” sabi ni sir sakin.

“Goodnight.” sabi ko naman.

“Goodnight bro.” sabi ni sir kay boss.

“Goodnight.” sagot naman ni boss.

“Goodnight, Stoff.” sabi ni boss.

Tama ba narinig ko? Goodnight daw? Omg!

“Goodnight boss.” sabi ko.

Agad na akong pumikit at niyakap ang unan. Kinikilig ako dahil sinabihan ako ni boss ng goodnight. Aweeeee.

**

Ynigo Santillan’s POV

Nakakaduda etong sina Marco at Stoff. They’re weird. Parang magboyfriend ang dalawang to. Sobrang sweet at napakagentleman ni Marco kay Stoff. Kahit pa nung di ko pa alam na bakla si Stoff, nakikita kong ang lapit nila sa isa’t-isa.

Kanina sa perya ang sweet sweet nila. Inakbayan ni Marco si Stoff. They look like a couple. Boy lovers. Grabe, I didn’t expect na ganito pala sila kaclose.

Nung halikan thingy, dun na ako napaisip. Magboyfriend nga talaga tong mga lokong to. Pero, wala naman akong nakikitang mali. First, Stoff is a very good person, second, he’s very cute and adorable, lastly, para na siyang babae kung ituring. Yes, he look like a real guy but his personality is very attractive. Di ko naman masisi si Marco. Yes, I know na gusto ni Marco sa mga bakla but not to the extend na magkakaroon siya ng boyfriend. Siguro nga natipuhan niya tong si Stoff. Iba din kasi siya sa lahat ng gays eh, basta. Iba siya.

I want him to be my buddy. Naiinggit ako. Alam kong bawal pero I’m really hoping na darating ang araw na magiging close din kami ni Stoff. Really hoping. Nice kasi siyang maging kaibigan, very jolly. Nakikita ko kasi kag Marco na masaya siyang kasama si Stoff.

Di bale, bukas. Bukas, ako unang magmove para maging close kami. Yeah, I know it’s kinda creepy and odd, but I want to be his friend. I want him to be one of my buddy.

Oh my goodness! Kimikilig ako sa chapter na to. Uuuuyyyy mas kinilig ako sa mga comments niyo, nakakatouch. Aweeee :“> naramdaman ko talaga ang support niyo sakin at sa story ko. Weeeee :) thank you guys! Don’t worry, parati ko kayong pakikiligin.

As requested, eto na po. Sana magustuhan niyo.

Guys sino sa inyo marunong gumawa ng cover? Balak ko sanang ichange ang cover ng My Boss. Hihi thanks!

Chapter 29

Kristoff Saavedra’s POV

Maaga akong nagising. Ewan ko pero parang gusto ko nang bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Medyo madilim pa ang kwarto, siguro napakaaga pa.

Kinuha ko yung cellphone ko at chineck kung anong oras na. Time check, 5:12am. Maaga pa nga.

Tatayo na sana ako nang may nagsalita.

“Hey, Stoff.” sabi niya.

Alam ko na kung sino ito. Si boss, paano ko nalaman? Well, pagtawag palang niya sa name ko, Stoff. Siya lang ang tumatawag sakin ng ganyan. Feel ko tuloy special ako, ay char.

Pero gising na siya? Maaga pa ah?

Nilingon ko siya at sumagot.

“Yes boss?” sagot ko sakanya.

Bumangon din siya at tumingin sakin. Kahit na medyo messy yung hair niya, still he’s handsome.

“Maaga ka atang nagising?” sabi niya sakin.

“Oo nga po eh, di ko alam. Kayo? Bat gising na kayo?” sabi ko sakanya.

“Actually, di ako nakatulog ng maayos kagabi.” sabi niya sakin.

Di siya nakatulog? Pero bakit? Ano namang pumasok sa kanyang isip at di siya natulog?

“Ha? Bakit po?” sabi ko sakanya.

“May iniisip lang. By the way, san ka?” sabi niya sakin sabay tayo.

“Lalabas sana. Bakit?” sabi ko sakanya.

“Tara, sabay na tayo.” sabi niya sakin.

Sabay kami? Omg. Kaming dalawa lang? Omg. OMG.

“Sige po.” sabi ko sakanya sabay tayo.

Agad na kaming lumabas ng room at naglakad patungong lobby. Lumabas kami sa hotel at kitang kita ko ang napakaaliwalas ng daan. Wala masyadong sasakyan dahil maaga pa naman. Kaya naisipan naming maglakad lakad nalang.

Tahimik si boss ngayon. Ay? Di naman bago sakin yun, talagang tahimik talaga ang lokong to. Di ko maiwasang kiligin dahil niyaya niya akong maglakad lakad.

“Ahm, san ka nakatira?” sabi ni boss.

OH. Kinausap niya ako? Asdfghjkllahshdhjfkxbdidh!

“Taga Cebu po ako.” sabi ko sakanya.

“Ah, pero bakit nasa Manila ka?” tanong niya sakin.

“Dun po ako nag-aral tapos dun narin magtrabaho.” sagot ko.

“Anong course mo? San ka nag-aral?” tanong niya sakin.

“Accounting Technology po. Sa toot University.” sabi ko.

“Eh? Bakit nag-apply ka as secretary? Eh diba dapat sa banko ka mag-aapply?” sabi niya sakin.

“Alam niyo po, mahirap na maghanap ng trabaho ngayon, mabuti na nga lang naghahanap kayo. Di na ako nagdalawang isip pa. Sayang naman.” sabi ko.

“Very good. That’s the spirit. Pero di ka ba nagsisi na nagtrabaho ka sa company ko?” sabi niya.

“Hm, to be honest, at first po, oo dahil masungit kayo eh. Oy, wag kayong magalit ah?” sabi ko sakanya sabay peace sign.

“Naaah, no no. Continue.” sabi niya.

“Yun po, hanggang sa nasanay na ako at mas iniisip ko po yung magulang ko kaysa sa sarili ko. Kaya tiniis ko nalang.” sabi ko.

Tama bang i-open up ko sakanya ang mga bagay na yan? Parang mali atang sabihin ko yun dahil parang personal na eh. Ayoko naman ding magsinungaling, rule number 4, hays.

“Sorry.” sabi niya sakin sabay hinto sa paglalakad. Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata.

Para siyang bata na humihingi na patawad. Ang cute cute niya talaga. Mas lumakas yung pintig ng puso ko, habang tinitignan ko yung mga mata niyang kumikislap, di ko maiwasang titigan siya. Kinikilig akoooooo.

“Para san po?” it takes 20 seconds for me to respond. Masyado akong nalunod sa mga titig niya.

“For being so strict. Being masungit to you.” sabi niya sakin.

Nagsosorry siya for that? Whyyyyy? Can you tell me why? Kinikilig na akooooooo.

“Boss, okay lang naman sakin. Dun ka nalang po magsorry sa mga trabahante ninyo.” sabi ko sakanya sabay ngiti.

“Yeah, plano ko din yan pagbalik natin sa Manila. I will throw a party dahil napa-oo natin si Mister Novitsky.” sabi niya sakin.

Wow si boss! Nagbabagong buhay na! And infairness, mas natuturn-on ako. Weeeee.

“Mabuti naman po. Hehe.” sabi ko sakanya.

“Dahil yun sayo, kung di dahil sayo, wala sa atin si Mister Novisky.” sabi niya sakin sabay hawak sa balikat ko.

Boss naman eh, wag niyo po akong pakiligin pls? Baka mapasigaw ako dito. Neke nemen eh.

“Ikaw naman, di lang ako no? Kayo din kaya.” sabi ko sakanya sabay yuko. Nanginit kasi yung mukha ko.

“Ayos ka lang? Namumula ka ata?” sabi niya sakin.

Eh kese dehel seye. Ene be?

“Ah wala to.” sabi ko sakanya.

“Alam mo, matagal ko nang napapansin na namumula ka parati. Ano ba talaga yan?” sabi niya sakin.

Omyg! Napapansin niya yun? Malamang, ano ka ba Kristoff!

“Wala boss. Nevermind na yun.” sabi ko sakanya.

“Okay. Fine.” sabi niya sabay ngiti. “Kaibigan na tayo ah?” dagdag niya.

Gusto niya nga akong maging kaibigan!!!!!!! Oh my geeeeeeee! Oo boss! OO!

“Oo naman po.” sabi ko sabay ngiti.

“Ayos!” sabi niya sabay akbay sakin. “Tara, balik na tayo.” sabi niya sakin.

WAAAAAAAH. HE JUST, HE JUST WAAAAAAH INAKBAYAN NIYA AKOOOOOO! BOSS!

Naglakad na kami pabalik sa hotel habang nakaakbay siya sakin. Oh ghad, is this real? Is this real? Dalandan. Ay korny.

Pumasok na kami sa kwarto at nakita namin si sir Marco na nakaupo sa kama.

“San ba kayo nanggaling? Iniiwan niyo ako dito eh!” sabi niya sabay kamot sa ulo.

“Nasa labas lang, pahangin.” sabi ni boss sabay alis sa pagkaakbay sakin.

“Kala ko iniwan niyo na ako, ah pare.” sabi ni Marco sakin.

“Bakit?” sabi ko.

“Diba favorite mo to?” sabi niya sabay abot ng isang box ng doughnut.

“Oo! Wow! San ka bumili?” sabi ko sakanya.

“Sa labas din. Naisipan ko lang bumili dahil gusto kitang bigyan.” sabi niya sabay ngiti.

Ang swerte ko naman sa mga kasama ko dito. Feel ko tuloy princess nila ako, ay char again hahahaha!

“Salamat pare!” sabi ko kay sir Marco. Yehey!

“Beso ko?” sabi niya.

Nabigla ako sa sinabi niya. Beso? Nababaliw na ba siya? Nandito si boss! Loko!

“Ha?” sabi ko sakanya.

“Beso ko? Dali na.” sabi niya sakin sabay turo sa pisngi niya.

“Baliw ka?” sabi ko sakanya.

“Ngayon ka pa nahiya eh halos every hatid ko sa’yo sa inyo eh bumebeso ka. Ngayon ka pa umayaw na binigyan na kita ng favorite food mo?” sabi niya sabay ngiti.

Anak ng! UGH!

Tinignan ko si boss at nakita kong nakatingin lang siya samin. Sir Marco naman eh! Pinapahamak mo yata ako!

Lumapit na ako sakanya at bineso si sir Marco.

“Ayos! Ah, bro, sign of friendship namin to. Normal lang samin to.” sabi ni sir Marco.

“It’s okay.” sabi ni boss.

“Ah, pare, samahan mo muna ako sa labas. Please? Saglit lang.” sabi ko kay sir Marco sabay hila sakanya palabas.

Nang nakalabas na kami sa kwarto agad ko siyang sinapak.

“Aray, para san yon?” sabi niya sakin.

“Para yan sa paglalaglag sakin. Ano bang nakain mo at bigla bigla mo nalang ako nilalaglag?” sabi ko sakanya.

“Ano bang ginawa ko?” sabi niya.

“Di ka naman siguro tanga para di mo alam anong nagawa mo.” sabi ko sakanya.

Napakamot siya sa ulo at muling nagsalita.

“Nagawa ko lang yun para naman mas lumapit pa si Ynigo sayo. Diba, effective naman yun? Lumabas nga kayong dalawa eh.” sabi niya sakin.

“Wag mo nang uulitin yun! Nangako ka pa sakin na di mo gagawin yun.” sabi ko sakanya.

“Sorry na. Di ko na uulitin.” sabi niya.

“Oh sige sige.” sabi ko sabay pasok balik sa kwarto.

Marco Mendoza’s POV

Pumasok na sa loob si Kristoff.

Alam kong naglakadlakad sila kanina. How? Gising na ako nung mga oras na nagyaya si Ynigo na lumabas kasama si Kristoff. Siguro nga gumawa na ng move si Ynigo para maging kakumpare si Kristoff. Yes, totoo yun na gusto niya na maging close si Kristoff.

And yun kanina? The beso thingy? Well, sinadya ko talagang gawin yun. Why? Because I’m jealous. Nagseselos ako dahil gumawa na ng move si Ynigo. I know para lang maging kaibigan sila but for me, ewan anong nakain ko bat ako nagseselos eh tinulungan ko na nga sila na maging close through bromance namin ni Kristoff.

To be honest, double reasons yun kung bakit ko ginawa ang mga bagay na yun. First para pagselosin si Ynigo at para di na siyang mahiyang lumapit kay Kristoff. Second, para makachansing kay Kristoff. I know it’s gayshit but I liked it. Ewan ko mukhang nababakla na yata ako. Nababakla ako pero sakanya lang, kay Kristoff lang. Di ko alam kung anong meron sakanya at bakit nararamdaman ko ang mga ganitong bagay. Siguro nga nahuhulog na ang loob ko sakanya.

Hindi ko po alam o hindi pa ako sigurado sa totoong nararamdaman ko pero isa lang ang masasabi ko, masaya akong kasama siya. Lumulundag yung puso ko kung nakakasama ko siya.

Pero sa konting araw na nagsama kami ni Kristoff ay nagawa niyang baliin ang matuwid na daan? Oo, straight ako, pero anong nangyari? Bend na ako? Ganun ba yun?

Agad na akong pumasok balik sa kwarto.

Sorry natagalan po. Sorry. Oh nabend na si Marco. Haba ng hair ni Kristoff diba? Oh abangan ang susunod na chapters! Happy reading! :))))))

Ano pa nga ba ang susunod na gagawin ni Ynigo para mas mapalapit kay Kristoff? Ano nga rin ba ang gagawin ni Marco para maipakita niya ang kanyang nararamdaman para kay Kristoff? Simula na ba ang labanan ng MarStoff at StoffYn? Abangan……

Creamme Oh

Chapter 30

Kristoff Saavedra’s POV

Bukas na ang flight namin pabalik sa Manila. So this will be our last day staying here in Davao, sobrang mamimiss ko ang lugar na to.

Nandidito kami ngayon sa isang coffee shop para i-meet si Mister Novitsky. Nagpatawag kasi siya ng meeting for some important discussions.

Di namin kasama si Danielle ngayon kasi may pupuntahan daw siya kasama ang kanyang mga friends. Sasama na din daw siya pabalik ng Manila bukas and gusto niyang sulitin ang natitirang araw niya with her friends. Kaya siguro naisipan nilang magbond for one last time.

“Matagal pa ba siya? Kanina pa tayo dito eh.” sabi ni sir Marco na tila naiinip na sa kakahintay. Almost 1 hour na kasi kaming naghihintay dito at hanggang ngayon wala paring Mister Novitsky na sumusulpot.

“We’ll wait.” sagot agad ni boss at tumitingin tingin sa paligid. “Oh, he’s here.”

Napalingon naman kami at nakita ko si Mitser Novitsky na may kasamang isang lalaki. Siguro siya yung secretary niya or I should say kasosyo niya sa trabaho.

“Goodmorning, Mister Novitsky.” sabi ni boss sabay abot sa kamay niya. Inabot naman ito ni Mister Novitsky at agad na silang umupo.

“Well, di na ako magpaligoyligoy pa. I will just remind you that by next week pa ang lipad namin sa Manila. There are some important things that we’re going to settle here before we leave. I hope you understand.” sabi ni Mister Novitsky.

“It’s okay sir. It’s not a big deal for me. We will just wait for your coming. We will be conducting a meeting after you arrive in Manila.” sabi ni boss.

“Thank you very much for understanding.” sabi ni Mister N.

“Surething, sir.” sagot ni boss.

Habang nag-uusap usap silang dalawa, si sir Marco naman ay kumakain. Nakakatawa naman tong lalaking to, kain ng kain.

Tinignan ko yung kasama ni Mister N. Nakatingin din siya sakin. Ngumiti siya sakin at ganun din naman ako. Well, he’s handsome. Maputi, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata at makapal ang kilay. Para talaga siyang business man sa kanyang porma.

“What’s your name?” sabi nung lalaki sakin habang nakangiti.

Napatingin ulit ako sakanya. Napatigil din sa pagkain si sir Marco at tinignan yung lalaki.

“Kristoff, Kristoff Saavedra.” sabi ko sakanya sabay ngiti.

“I’m Yohan, Yohan Bustamante.” sabi niya sabay abot ng kanang kamay niya. Inabot ko rin yung akin at nagkamayan kami. Si sir Marco naman nakatingin parin sa lalaki.

“Nice meeting you, by the way.” sabi niya sakin. “Nice meeting you too.” sagot ko rin.

Nabigla ako nang inakbayan ako bigla ni si Marco. Tinignan ko siya at nakangiti lang na nakatingin sakin. Ano bang ginagawa niya?

Si Yohan naman mukhang nagtataka sa ginawa ni sir. Nagsmirk lang si Yohan at nakatingin parin sakin.

Naiilang ako sa kakatitig sakin ni Yohan. May dumi ba ako sa mukha? O may ATOM? May kulangot? Pasintabi po. Di ko lang kasi ma-identify bakit siya nakatitig sakin.

“Gusto mong kumain?” sabi ni sir Marco sakin sabay abot ng isang kutsarang may pagkain.

“Hindi na, okay lang.” sabi ko sakanya.

“Try mo lang, masarap.” sabi niya sabay abot parin sakin ng kutsara.

No choice ako but to eat it. Tama nga siya, masarap. Nabigla ako ng pinahiran ako ni Yohan gamit yung tissue sa bandang gilid ng labi ko. Napayuko naman ako sa hiya.

“May dumi kasi.” sabi ni Yohan sabay ngiti.

Nakita kong naiinis na si sir Marco kay Yohan at ewan ko anong ikinagalit niya dito. Nagseselos? Kapal din ng mukha kong sabihin yun. Si sir Marco magseselos? Oh common hahaha!

Iba na yung titig ni sir Marco kay Yohan. Para na niyang pinapatay sa kanyang mga titig. Ewan ko anong problema ng lalaking to at panay ang titig niya kay Yohan.

Maya maya pa ay natapos na rin ang pag-uusap ni boss at Mister N. Agad na kaming nagpaalam sa kanila dahil may pupuntahan pa raw kami.

“Bye, Kristoff. See you in Manila?” sabi ni Yohan sakin.

“Bye Yohan. See you.” agad na sabi ko at humiwalay na kami ng daan.

“Bakit parang galit na galit ka kay Yohan na yun?” sabi ko kay sir Marco habang naghihintay kami ng taxi.

“Eh, chumachansing sayo eh.” sabi niya sakin. “Iba rin siya makatitig sayo, akala mo wala ng bukas.”

Nagseselos ba siya? Alam ko na makapal ang mukha ko pero yan ang nakikita kong dahilan kung bakit siya ganyan makareact.

“Mabait naman siya ah? Ano bang problema?” sabi ko.

“Eh ayoko kasi may gumaganon sayo. Gusto ko ako lang, ako lang.” sabi niya sakin habang nakatingin sakin ng diretso.

Nabigla ako sa sinabi niya. Nagseselos nga siya. At gusto niya na siya lang ang gumaganon sakin? Ano bang pinag-iisip niya? Naloloko na ba siya?

“Ano bang pinagsasabi mo?” sabi ko sakanya.

“Shut up you guys, may taxi na.” sabi ni boss. Kaya di na naipagpatuloy ni sir Marco ang sasabihin niya. Sumakay na lang kami sa taxi at tumungo sa isang mall.

Tahimik na si sir Marco ngayon. Ano ba kasi ibig niyang sabihin? Though medyo naguguluhan ako, isa lang ang naiisip kong dahilan. Baka gusto niya ako? Naaaah, it’s impossible. Straight siya no? Ano bang iniisip ko.

Habang naglalakad kami sa mall, tinanong ko si boss kung anong ginagawa namin dito.

“Gusto kong magpicnic eh. I want to seize the moment na nandidito pa tayo sa Davao. Sayang naman, diba?” sabi niya.

Agad na kaming dumiretso sa meat area. Bumili kami doon ng karne ng baboy at isda. Tapos dumiretso kami sa mga junk foods then sa soft drinks. Lastly, doon sa wine area.

Nang natapos na kaming bumili ng kakailanganin para sa picnic, agad na kaming dumiretso sa hotel para mag-ayos ng gagamitin namin.

Tahimik parin si sir Marco at tila balisa. Di ako sanay na ganun siya. Maingay naman talaga yang lokong yan at makulit. Ewan ko anong iniisip niya ngayon at tila wala sa sarili.

Balak ko sana siyang kausapin pero napag-isipan ko na mamaya nalang. Siguro gusto niya munang makapag-isip at ayoko muna siyang distorbuhin.

Nang natapos na kaming mag-ayos ay nagpahinga muna kami. By 5pm na daw kami aalis ng bahay para daw sabay na sa dinner.

Umalis na kami ng hotel at pumunta sa isang naturang lugar na kung saan pwede magpicnic doon. Pwede din rawng magluto doon, maganda din daw ang tanawin doon.

Nang makarating na kami sa lugar na yon, tama nga sila, napakaganda doon. Tulad din namin, maraming nagpipicnic doon. Di nga lang crowded. Naisipan naming pumwesto sa pinakatuktok.

Agad na naming inihanda yung mga pagkain. Nagboluntaryo naman si sir Marco na siya ang magluluto. Pumayag naman si boss at ibinigay yung karne ng baboy at isda. Kami nalang ni boss ang naiwan dito.

“Nasan nga po pala si Danielle? Di ba siya sasama?” tanong ko kay boss.

“Nope. She’s with her friends. Bukas pa daw ang uwi niya.” sabi ni boss habang nakaupo.

“Ganon?” sabi ko at umupo na din ako.

Maya maya ay bumalik na si sir Marco dala dala yung pagkain namin. Agad na niyang ipinwesto ito sa isang lalagyan.

“Kain na tayo.” sabi ni sir Marco. Iba parin yung aura niya.

Tahimik lang kaming kumakain. Siguro kung di siya nagkaganyan, masaya siguro kami ngayon.

“Tahimik ka ata bro? What’s bothering you?” sabi ni boss nang napansin niyang tahimik si Marco.

“Wala to. May iniisip lang.” sabi niya habang kumakain.

Again, back to tahimik mode nanaman kami. Matapos kaming kumain ay agad na kaming kumuha ng soft drinks para matunawan kami.

“Sabi nila may shooting star daw dito mamaya.” sabi ni boss.

“What time daw yun?” sabi ko. Gusto ko ring makakita ng shooting star.

“7pm daw? Ewan ko.” sabi ni boss.

Naghintay lang kami hanggang 7pm para masaksihan ang shooting star na sinasabi nila.

Habang naghihintay kami, binuksan na ni boss yung wine. Agad niya kaming inabutan ng tig-iisang baso ng wine. Of course, hindi puno.

“Cheers for the success?” sabi ni boss sabay taas ng baso niya.

“Cheers.” sabay naming sabi ni sir Marco at itinaas din yung baso. Sabay sabay kaming uminom ng wine.

Sakto namang may dumaan na shooting star. Agad kaming napapikit at nagwish. Pagkatapos ay bigla nalang kaming nakangiti.

“Nakapagwish na ba kayo?” sabi ni boss samin.

“Oo.” agad na sabi ko.

“Oh, wait lang, may bibilhin lang ako sa baba.” sabi ni boss at agad bumaba.

Kami nalang natira ni sir Marco dito. Awkward. Eto na siguro yung time na kakausapin ko na siya.

“Sir? Okay lang ba kayo? Bakit tahimik ka diyan?” sabi ko sakanya.

Imbis na sagutin niya ako, niyakap niya lang ako ng mahigpit. Niyakap ko nalang din siya pabalik.

“Ano ba kasing problema mo?” sabi ko sakanya.

Agad siyang kumalas sa pagkakayakap sakin at tinignan ako ng diretso.

“Nagseselos kasi ako dun sa lalaking yun kanina.” sabi niya sakin.

“Ha? Bakit ka naman magseselos?” sabi ko sakanya.

“Kristoff, gusto kita.” diretso niyang sabi sakin.

Napatunganga ako sa sinabi niya. Ano raw? Gusto niya ako? Pero, bakit?

“Wag mo akong biruin ng ganyan pare, sus ikaw talaga.” sabi ko sakanya.

“Seryoso ako, Kristoff. Gusto kita. Gustong gusto.” sabi ni sir Marco sakin. Nakita ko yung sinseridad sa kanyang mga mata.

“Sigurado ba kayo? Pero bakit? Paano?” sabi ko sakanya.

“Alam mo, sa tuwing kasama kita, korny man sabihin pero I can feel butterflies in my stomach. Kinikilig ako every time magkasama tayo. You did not fail to make me smile every day. Yes, I know that it’s hard to believe pero yun ang totoo. At first, di pa ako naniniwala sa mga nararamdamn ko dahil di na bago sakin ang may kaibigang bakla. But when time passed, lalong lumalim ang pagtingin ko sayo. Hindi nga ako makapaniwala dahil alam ko sa sarili ko na straight ako. Natatawa nga ako pero eto na eh, may gusto na ako sa kapwa ko lalaki.” salaysay ni sir Marco.

Hindi ako maka-imik. Hindi parin ako makapaniwala na nagconfess na siya sakin. And I don’t know how to react and what to say. Maybe all I can do is to listen to his confession.

“Alam kong naguguluhan ka and I understand. Maybe you have a lot of questions flying in your mind right now and di mo lang gustong magsalita. But, for now, I want to say that I really like you.”

“Bakit ako Marco? Ano bang meron sakin? Bakla ako at wala kang mapapala sakin.” bigla nalang lumabas yan sa bibig ko.

“Ano naman kung bakla ka? Di ka na ba pwedeng mahalin? And isa pa, mabuti kang tao. You always think of your family, you’re selfless. Masipag, matiyaga at masiyahin. Maybe yan ang mga rason kung bakit kita nagustuhan.” sabi ni sir Marco.

“Paano na ang sasabihin ng ibang tao? Paano kung malaman ng mga magulang mo na gusto mo ako? Tiyak magagalit yun sayo.” sabi ko sakanya.

“I don’t care. Hindi naman nila ako mapipigilan sa nararamdaman ko para sayo. Kaya kitang ipaglaban sa kanila.” sabi niya sakin.

Di ko mapigilang maiyak sa mga sinabi niya. It was really my first time to encounter this kind of situation, na may magconfess sakin na guy. I admit, noon, I was wondering what would be the feeling na may magconfess sayo. Masarap siguro sa pakiramdam ang ganun. But now, eto na. And hindi ako sigurado kung anong mararamdaman ko. Mabait naman si sir Marco, maalaga, mapagbiro, masarap kasama, pero si boss yung gusto ko. Alam kong imposibleng magcoconfess din sakin si boss pero, ugh!

“Marco..”

“I know na gusto mo si Ynigo but please, don’t beg me to stop. Hinding hindi ko magagawa yun. Isa pa, di mo mapipigilan ang puso kong mahalin ka.” sabi ni sir Marco.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinignan ako sa mga mata.

“Please, hayaan mo akong ipakita sayo ang nararamdaman ko, hayaan mo akong ligawan ka. I promise not to hurt you nor force you, I am willing to wait. Just please, let me court you.” sabi ni sir Marco.

Grabe, I didn’t expect this to happen. Imagine, Marco Mendoza, mayaman, gwapo at napaka-sipag, manliligaw sakin? Somehow, kinikilig ako pero what now? Maybe I can give him a chance. Sino ba naman ako para itakwil siya? I am not that handsome and espcially, I am just a gay. Sino ba naman ako? Maybe I will learn to like him just like how I like boss so much. Di naman siya mahirap mahalin eh.

“Okay.” yan lang ang nasabi ko. Agad naman niya akong niyakap at niyakap ko din siya.

“Thank you for letting me court you. I will be your best suitor, ever!” sabi ni sir Marco habang magkayakap kaming dalawa.

Natawa ako sa sinabi niya at patuloy parin ang pag-iyak ko. Nakakatawa mang isipin na nabali ko yung matuwid na daan ni sir Marco, at ako pa talaga ha?

Magkayakap parin kami habang nakatingin sa langit. Siguro, magiging masaya naman ako kay Marco at makakalimutan ko rin ang nararamdaman ko kay boss.

Ynigo Santillan’s POV

Kanina pa ako nakikinig sa dalawang to. I was on my way to buy something when I forgot my wallet, babalik na sana ako when I saw the both of them na seryosong nag-uusap. I was hiding behind the bush and nakinig sa seryosong usapan nila.

I heard na nagconfess na si Marco kay Stoff. I thought that they were already together but all this time ako lang pala nag-iisip ng ganun? I was blinded by their actions and not considering the reality. And now, Marco is courting my secretary? At kailan pa nabali ang matuwid niyang daan? Is Stoff really a straight bender?

And I also heard that Stoff likes me. Again, I thought that he likes Marco and now, ako pala? My secretary likes his boss? Like seriously? Ako ang gusto ni Stoff?

To be honest, I am not mad for knowing about the feelings of Stoff for me. Di ako nandiri or what, I just can’t believe it. All this time, all my thoughts were all wrong.

But I think Stoff can really learn to love Marco. Seriously speaking, di ko maisip ang sarili kong mainlove sa isang bading, yes, maybe we can consider Stoff as a girl now but ayoko parin. Maybe it will turns out na mawawala lang ang nararamdaman ni Stoff para sakin considering na nanliligaw na si Marco sakanya.

And for that, I’m supporting them. Both of them are my friends, susuportahan ko sila whatever they want. Di ko sila hahayaan especially Stoff na napakahalaga sakin. Stoff is one of the most important person in my life because he was the reason why I should not generalize people like him. Second, he helped me to get Mister Novitsky and I owe him a lot. Then, I am now considering him to be one of the most important to me and I’m glad he stayed even though I’m very strict and very masungit.

I am happy for both of them. Hope that they will be together and to be happy for the rest of their lives!

Author’s Note

Maybe sa lahat ng chapters na nagawa ko, Chapter 30 na ata ang pinakamahabang chapter. Maybe nadala ako sa chapter na yun at di ko gustong bitinin kayo dun. Well, the next chapters na ay ang Manila adventure nila. Nakauwi na sila sa Davao at continue na yung story nila doon. Hoping na susuportahan niyo parin ito kahit na medyo slow yung flow ng story. I would just to remind you na WALANG SPG ang story na to, so please wag kayong magalit sakin.

Sa lahat na patuloy na sumusuporta ng storyang ito, maraming salamat po at may God blesses you always! :) love kayo ni author.

PS: Abangan niyo po ang kakaibang love story na ito, sana til the end. Love love :)

Creamme Oh

Chapter 31

Kristoff Saavedra’s POV

Kagabi lang kami dumating dito sa Manila. Syempre, naiilang parin ako kay sir Marco dahil sa pagconfess niya sakin nung isang araw at hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nagkagusto pala siya sakin. Imagine, for a short period of time, nagawa kong baliin yung tuwid niyang daan ng di ko man lang namamalayan. Am I really a straight bender? Naaah, di naman siguro.

And yun nga, hinatid ako ni sir Marco sa dorm ko. Si boss naman hinatid niya yung girlfriend niya. Napakacaring ni sir Marco saka napakagentleman niya. Para tuloy akong babae, eh sakatunayan, babae naman yung puso ko pero lalaking lalaki yung physical appearance ko. Hays. Pero okay nato, di ko naman gusto magdamit babae no? Di ako sanay at wala na akong planong baguhin ang sarili ko.

Okay back to hatid hatid, yun nga, hinatid niya ako and he stayed for a while. Di din daw siya makapaniwala na umamin na siya sakin, first time niya kasing umamin sa bading eh. Naks naman! Ako daw ang unang baklang nakakaparamdamam sa kanya ng ganito, aweee.

(TODAY)

Gumising ako ng maaga dahil malalate na ako sa work. Agad na akong dumiretso sa cr tsaka nagbihis. Lalabas na sana ako nang biglang may nagtext. Si boss.

“Goodmorning, Stoff. Wag ka na muna papasok ngayon, I know pagod ka sa biyahe and I want you to give yourself a break. Pahinga ka muna.”

Nakangiti lang akong binasa yung text niya sakin. Bakit ba ang lakas ng impact ni boss sakin? Kahit simpleng text niya lang eh kinikilig na ako.

Umupo ako sa kama ko at inilapag ang cellphone sa table.

“Ano kaya magandang gawin ngayon?” sabi ko sa sarili ko habang nag-iisip ng magandang gawin ngayon.

Naisipan ko munang tawagan si mama. Namimiss ko na talaga siya ng sobra.

“Hello mama?”

“Oh, anak, napatawag ka? Kamusta ka na diyan?”

“Okay lang ako mama, namiss kasi kita, kayo ni papa. Kamusta na kayo diyan?”

“Okay lang kami anak, siya nga pala, napagdesisyunan namin ng papa mo na pupunta na kami diyan sa Manila para diyan na manirahan.”

“Mabuti po. Talaga po? May extra pa po ako dito, ipapadala ko nalang ngayon.”

“Wag na anak, sayo yan, itago mo yan. Nakaipon naman kami dito tsaka binenta na namin yung bangka ng tatay mo.”

“Sige mama, dito nalang po muna tayo sa dorm ko magstay. Kakausapin ko lang po yung may-ari dito.”

“Osige anak, bale bukas na yung lakad namin. Makikita na rin kita anak ko.”

“Opo mama. Miss na miss ko na kayo, mag-iingat kayo sa biyahe ha? I love you mama.”

“Ikaw din jan anak, mahal ka din namin ng tatay mo.”

Agad ko nang binaba yung cellphone at napangiti. Pupunta na sila mama dito at dito narin sila titira. Aweee, kailangan ko nang mag-ipon ng mas malaking pera para makabili ako kahit papaano ng maliit na bahay na kasya kaming tatlo.

Agad kong tinext si sir about sa extrang room dito.

Pagkatapos kong magtext ay maya maya tumawag siya.

“Hello boss?”

“Stoff, there’s a big room sa taas. Doon nalang kayo. Okay naman dun, kasyang kasya kayo dun. I’ll tell manang jan na linisan yung room na yun. By the way, malapit yun sa room ko. Basta I’ll talk to you later. Bye.”

Ay? Ang bilis naman. Katabi ng room niya? So may room siya dito? Kaya pala madalas ko siyang nakikita dito. Now I know.

Agad akong lumabas para tignan yung room na sinasabi ni boss sa taas. Gusto kong icheck, di naman sa wala akong trust kay boss pero gusto ko lang makita.

Pumunta na ako sa taas at chineck yung room na sinasabi ni boss. May nakita naman akong babae (mid 50’s) na may dala dalang mga panlinis. Eto ata si manang na sinasabi ni boss. Agad ko siyang nilapitan at kinausap.

“Ah, excuse me po, saan po yung room na available dito?” tanong ko sakanya.

“Ikaw ata si Stoff ano?” sabi ni ateng.

Hay nako boss, pati name ko alam na ni ateng, I mean ang pagtawag mo sakin ng Stoff. Grabe.

“Opo opo.” sabi ko sakanya.

“Dito po, pero di ko pa po nalilinisan.” sabi niya sakin.

“Naku, okay lang po, titignan ko lang naman eh.” sagot ko.

Agad na kaming pumasok sa loob. Malaki nga yung room na’to compare sakin. Kasyang kasya nga kami rito, sobra pa nga eh. Kompleto na ang mga gamit dito. Wala nga lang electric fan. Di bale, may isa naman ako sa room.

“Sino ba kasama mong titira dito?” sabi ni ateng habang naglilinis ng mga gamit doon.

“Mama at papa ko po.” sabi ko.

“Ah, okay na’to.” sabi niya.

Ngumiti nalang ako at agad na nagpaalam kay ate. Bumaba na ako at bumalik sa room.

“Hello, Kristoff.”

Halos mapatalon ako sa gulat. Si sir Marco, ano bang ginagawa niya dito at paano siya nakapasok dito?

“Anong ginagawa niyo rito sir?” sabi ko sakanya.

“Sir parin ba itatawag mo sakin? Hay.” sabi ni sir Marco sabay kamot sa ulo.

Bat ba ang hilig niyang magpacute? May pakamot kamot pa siya sa buhok. Pero infairness, gwapo naman siya kahit papaano.

“Ano nga ba?” sabi ko sakanya.

“Pare. Remember?” sabi niya sakin.

“Ay oo nga pala. Oh, anong ginagawa mo dito pare?” sabi ko ulit sakanya.

“Binibisita ka.” sabi niya sakin sabay ngiti.

“At bakit?” sabi ko.

“Dahil miss na kita.” sabi niya sabay hug sakin.

“Para naman tayong di nagkita kahapon, umayos ka nga.” sabi ko sakanya.

“Eh ikaw kasi eh.” sabi niya sakin.

“Ako? At anong ginawa ko?” sabi ko sakanya.

“Di ka maalis sa isip ko. Parang gusto kitang makita araw araw. Ewan ko ba.” sabi niya.

“Baliw ka na eh.” sabi ko sakanya.

“Oo. Baliw sayo.” sabi niya sabay kindat.

OMAYGHAD!

Sinapak ko siya sa braso at napasigaw naman siya.

“Aray ang sakit.” sabi niya sabay himas sa braso niya.

“Oa neto. Lalaki ka ba talaga o bakla ka? Parang ikaw ata bakla satin eh.” sabi ko sakanya. Of course biro ko lang yun, ako naman talaga ang bakla. Ang oa niya kasing magreact eh. Oa masyado.

“Oo, bakla ako. Pero sayo lang ako nababakla, pare.” sabi niya sabay ngiti.

Alam kong korny pero kinikilig ako. Aweeee. Marco naman eh.

“Sus.” sabi ko sakanya.

“By the way, gala tayo maya?” sabi niya sakin.

“Ayoko. Pagod ako.” sabi ko sakanya.

“Sige na, magpapamassage tayo. Please?” sabi niya sabay pacute.

Di ko mapigilan mapangiti sa pagpapacute niya. Ang gwapo gwapo niya talaga. Hay nako pare, maiinlove na ko sa pinagagawa mo.

“Osiya sige sige, magbibihis lang ako.” sabi ko.

“Okay.” sabi niya.

“Anong okay? Labas.” sabi ko sakanya sabay turo sa pinto.

“Okay okay, chill pare.” sabi niya sabay tayo. “Makikita ko naman din yan sa susunod.”

Kinuha ko yung unan at binato sakanya.

“Manyak ka!” sabi ko sakanya.

Narinig ko lang siyang tumawa. Agad kong nilock yung pinto. Kaloka.

Agad na akong nagbihis at pagkatapos ay lumabas na ako at sabay na kaming pumunta sa isang lugar na kung saan makakarelax daw kami pareho.

“Diba gusto mo magrelax? Tara magpamassage tayo.” sabi niya sabay hila sa loob.

Nang nakapasok na kami, dumiretso kami sa front office.

“Yes sir?” sabi nung babae.

“Magpapamassage, miss. Kahit anong massage basta hard.” sabi ni Marco.

Agad na kaming pinapasok sa room. Well, sa isang room, may dalawang bed. Pumunta na ako sa isang bed at ganun din siya.

“Hi sir, hubad ka na po.” sabi nung babae sakin.

“Hubad?” sabi ko.

“Oo, sir.” sabi nung babae.

Tinignan ko si sir Marco at nakangiti lang ako loko. Nakahubad na siya ng suot niyang shirt.

“Hubad ka na.” sabi niya.

Nahihiya man akong ipakita ang katawan ko, hinubad ko na yung shirt ko.

“Ganda ng katawan mo pare.” sabi ni Marco sakin.

“Che, huwag ka ngang ano.” sabi ko sakanya.

Tumawa nalang siya at hinubad din yung suot niyang shorts. Nagtakip naman siya kaagad ng towel at humiga na sa kama.

Ganun din ginawa ko, hinubad ko yung pants ko at humiga kaagad sa kama.

Nagsimula namang magmassage yung mgg babae samin. Napakarelaxing nga talaga yung massage dito, nakakawala ng pagod.

Nakatingin lang ako kay sir Marco habang minamasahe ako. Nakapikit yung mga mata niya. Siguro nasasarapan.

Ipinikit ko na rin yung mata ko para makapagpahinga.

After 1 hour, natapos na yung massage. Agad na kaming nagbihis at nagbayad tsaka na kami lumabas.

“Oh san tayo?” sabi ni sir Marco.

“Kain tayo? Gutom na ako eh.” sabi ko sakanya.

“Good idea. Gutom narin ako.” sabi niya sabay punta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

“Wag na pare, para naman akong babae nito eh.” sabi ko sakanya.

“Babae ka naman talaga, hindi ba?” sabi niya.

“Puso lang ang babae sakin, kaya ko kayang buksan ang pintong to.” sabi ko sabay sakay na sa loob. Sunakay din siya at duniretso sa isang restaurant.

“Order ka lang ng kahit ano.” sabi niya sabay abot ng menu.

Agad na kaming umorder at naghintay. Maya maya ay dumating yung order namin at nagsimulang kumain.

“Pare,” tawag sakin ni sir Marco.

“Bakit?” sagot ko.

“Maraming salamat.” sabi niya.

“Para saan?” sabi ko.

“Dahil hinayaan mo akong iparamdam sayo kung gaano kita kagusto.” sabi niya.

“Wala yun. Okay lang.” sabi ko sakanya.

“Magugustuhan mo rin kaya ako?” sabi niya sakin.

Napahinto ako sa pagkain at tinignan siya. Napakaseryoso ng mukha niya.

“Sana. Sanna dardating din ang araw na magugustuhan na kita at mamahalin.” sabi ko sakanya.

“Sana nga, sana magustuhan mo rin ako.” sabi niya sakin.

Sana nga Marco. Sana darating din ang araw na matutunan kitang mahalin. Sana ganun din kadali ang pahupain ang nararamdaman ko kay Ynigo. Mahirap ito para sakin dahil iisa lang kaming tinratrabahuan at isa pa, boss ko siya. Siguro darating din ang araw na yun.

“Maghihintay ako pare, maghihintay ako kahit gaano katagal.” sabi niya sakin.

Hey! Kamusta? Sorry sa delay. Nabusy kasi ako ng konti hehe. Okay ba yung chapter na to? Sana okay lang to, don’t worry parang matatantiya ko na kung hanggang ilang chapters to pero secret lang yun. Sana suportahan ninyo. Mahal ko kayo! :)

And guys, inform ko lang, may gagawin nanaman akong panibagong story entitled “Out of our League”, this story is about 2 straight guys na maiinlove sa isa’t isa. Okay tama na, sana suportahan niyo, thanks!

Creamme Oh

Fb: Denzel James

IG: denzelcabatay

Twitter: dnzlcbty

Chapter 32

Bumangon na ako ng maaga dahil may duty na ako and ngayon narin yung dating nila mama. Ililipat ko pa ang ibang gamit dahil ngayon din ang lipat ko ng room. Excited na akong makita ko si mama at papa. Can’t wait.

Pagkalabas ko ng room ay sakto din ang pagdaan ni boss. Umiinom siya ng kape. Ngumiti siya sakin at ganun din ako.

“Kailangan nga dating ng mama mo?” sabi niya sabay higop ng kape.

“Ngayon, boss.” sabi ko sakanya.

“So? Ngayon na din ang lipat mo ng room?” sabi niya ulit.

“Yes boss.” sagot ko.

“Okay.” sabi niya sakin.

“San po yung susi? Maglalagay na po ako ng gamit dun sa taas.” sabi ko sakanya.

“Oh, in my room. Wait lang kukunin ko.” sabi niya sabay balik sa taas.

Ang gwapo gwapo gwapo gwapo niya talagaaaaaaa. Kahit bagong gising ay ang gwapo parin.

Maya maya ay bumaba na siya with the key on his hand. Agad niyang inabot sakin yun.

“That’s the key to your new room.” sabi niya sakin.

“Thank you boss.” sagot ko.

Agad na akong bumalik sa loob at nagsimula ng kumuha ng mga kakailanganing gamit dun sa taas. Inuna ko yung electic fan.

“You need help? I can help you.” sabi ni boss.

“Hindi na boss. Kaya ko na.” sabi ko sakanya habang buhat buhat ko ang electric fan.

“Sige na. Wala naman akong gagawin. San pa ba dito?” sabi niya.

“Yan pong maleta.” sabi ko sabay turo gamit ang nguso ko.

Agad niya itong binuhat at sabay kaming pumunta sa taas.

“Wala bang madidistorbo nito boss? Medyo nakakabulabog tong ginagawa ko eh.” sabi ko sakanya habang umaakyat ng hagdan.

“No, it’s okay. Di naman masyadong maingay ang ginagawa natin.” sabi niya.

Medyo may pagkagreen kasi yung utak ko. May ibang kahulugan pa yung “di naman masyadong maingay ang ginagawa natin.” shet lumayo ka green!!!!!

“You okay?” sabi niya sakin nang napansin niyang inaalog ko ang ulo ko.

“Wala boss.” sagot ko agad.

Binaba ko muna yung buhat kong electric fan at inopen yung door gamit yung susi na bigay ni boss. Pagkatapos kong mabuksan ay in-on ko ang ilaw at inilagay yung electric fan na dala ko.

“Diyan mo nalang ilagay boss.” sabi ko sabay turo sa gilid ng higaan.

“There.” sabi niya sabay lapag ng maleta. “May kulang pa?” dagdag niya sabay tingin sakin.

OHGHAD. WHY IS YNIGO SO HANDSOME? Titig palang niya, nakakamatay na!!!!!

“Ah, wala na boss. Okay na.” sabi ko.

“Okay, sige. Papasok ka ngayon?” sabi ni boss.

“Yes boss. Pero pwede pong maghalfday? Okay lang po sakin na kaltasan niyo yung sweldo ko.” sabi ko sakanya.

“No no no. It’s okay. What time gusto mo mag-out?” sabi niya.

“Hm, siguro po mga 1pm?” sabi ko sakanya.

“Okay sige. Wala naman masyadong gagawin sa office ngayon.” sabi niya.

“Sige boss, mag-aayos muna ako ng gamit. Salamat sa pagtulong.” sabi ko.

“Don’t mention it.” sabi niya sabay labas ng pinto.

Napalingon ako balik dahil inopen niya yung pinto.

“By the way, sabay na tayo punta ng office later okay?” sabi niya sabay sara ng pinto.

OMYGEE! Sasabay kami papuntang office? Like seriously? OMYGHAAAD!

Gumulong-gulong ako sa kama sa kilig. Grabe di ako makapaniwala na yayayain niya akong sumabay sa kanya. Aweeeee!!!!!

Dali dali ko nang inayos yung gamit dun at para makaligo na. Ayoko namang magpa-VIP no? Kailangan mas maaga ako sakanya. Para naman you know ayyyyy.

Pagkatapos ko nang ayusin ang gamit, agad na akong dumiretso sa cr para makaligo na. Pagkatapos ay nagbihis na ako at nag-ayos sa sarili.

After kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto. Kinuha ko yung cellphone ko dahil may tumatawag.

“Mama?”

“Anak, nagising ba kita?”

“Hindi po. Bakit mama?”

“Mga 2pm pa yung flight namin jan.”

“Sige mama, hintayin ko lang kayo sa airport. 1pm po yung out ko sa trabaho ngayon.”

“Osge anak, ingat ka. I love you.”

“I love you, too, mama.”

Agad ko nang binaba yung cellphone. Papunta na sana ako sa room ni boss ng lumabas na siya.

Napahinto ako sa kakalakad at napatingin sakanya. Ang, ang gwapo niya! Fresh na fresh at napakabango!

“Tama na ang kakatitig, tara na.” sabi niya sakin.

Agad naman akong umiwas ng tingin at sumunod na sakanya sa baba. Geez, nakakahiya.

Nakarating kami sa office ng bandang 5:32am to be exact. Pumasok na kami sa loob at sumakay ng elevator. Agad na kaming pumasok sa office niya.

Dumiretso ako sa table ko at inilapag ang bag ko. Umupo na ako at nagsimulang ayusin nanaman yung gamit ko sa cabinet.

“Stoff,” tawag ni boss sakin.

“Yes po?” sagot ko.

“Can you help me with this?” sabi niya.

Agad akong lumapit sakanya. Inabot niya sakin yung papers.

Agad ko iyon kinuha at inayos.

“Kamusta na kayo ni Marco?” sabi ni boss sakin.

Napahinto ako sa pag-aayos ng papeles. Wait, alam na niya?

“Boss?” sabi ko sakanya na tila kinakabahan. Paano niya nalaman? Sinabihan na agad ni Marco? Grabe naman nito.

“Ah, I mean, kamusta na siya? Di ko na siya nacocontact since we arrived here.” pag-iiba niya ng usapan.

Napabuntong hininga naman ako. Akala ko alam na niya, di ko pa alam anong irereact kung malalaman niya yun. Jusko jusko.

“Ah, okay lang naman boss. Magkasama kami kahapon.” sabi ko sakanya.

“Talaga? Anong ginawa niyo?” sabi niya sakin.

“Nagpamasahe lang boss tapos kain sa labas.” sabi ko.

“Okay, pakisabihan nalang siya na dalian na niya at ayusin niya.” sabi niya sabay kindat sakin.

Dalian? Ayusin? Saan? Oh ghad, ako’y kinakabahan sa mga pinagsasabi niya.

Siguro alam na niya? Pero paano? Kung si Marco ang nagsabi, kailan naman? Ugh, naguguluhan na ako.

Pilit kong itinago yung kaba ko at ngumiti nalang.

“Okay.” sabi ko nalang.

Wala ang akong ginawa buong araw kundi ayos dito, ayos doon, ganun lang. And good news, hindi na ako pinapalinis ni boss, may nakuha na raw siyang tagalinis doon. Oh wow, that’s great news diba? Aweee.

Mga 12pm ko na napagdesisyunan na maglunch. Tumayo na ako at nagpaalam na kay boss upang makapaglunch na.

“Boss, lunch muna ako.” sabi ko sakanya.

“Wait, wait, nagpadeliver na ako. Dito ka na maglunch.” sabi niya sakin.

Oh wow! Treat sa lunch? Amaziiiiiing, kinikilig na ako ah? Hay nako.

Umupo nalang ako sa sofa niya. Siguro naman di na siya magagalit kung uupo ako dito, kaibigan na kaya kami. Hello?

Maya maya ay dumating na yung pinadeliver ni boss. Agad niya itong kinuha at ibinigay sakin yung isang supot.

“Eat that, masarap.” sabi niya sakin sabay upo din sa tabi ko.

Kinuha ko yung supot at binuksan. Kompleto na, may kanin at ulam. Agad ko nang sinimulan ang pagkain.

“San mo to binili?” sabi ko sakanya.

“Di ako bumili, nagpadeliver lang ako niyan.” sabi niya.

Nagjojoke ba siya o binabara ako? Loko tong crush ko ah?

“Loko ka ba?” sabi ko sakanya.

Tinignan niya ako ng masama.

“I mean, ano ka ba, alam ko no? Ang ibig kong sabihin, saan to mabibili? Anong name ng store?” sabi ko.

Tumawa nalang siya ng parang baliw. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Anong nakakatawa?” sabi ko sakanya.

“Wala naman, natutuwa lang ako sayo.” sabi niya.

Ginagawa niya ba akong clown? Naku ikaw ha? Kung di lang kita crush, inupakan na talaga kita. At mas lalong kung di kita boss, naku sinasabi ko sayo, malilintikan ka sakin.

“Ah ganun?” sabi ko sakanya.

“Eh ikaw kasi. Ewan ko sayo, kumain nalang tayo.” sabi niya.

Kumakain lang kaming dalawa ng may nagbukas ng pinto. Lumingon kaming dalawa, omygee, si Marco.

“Mali atang timing ko.” sabi niya.

“What? No.” sabi ni boss saka siya tumayo. “I have another one here, eto oh? Kumain ka na ba?”

“Wala pa. Thank you.” sabi ni Marco sabay tabi sakin. Si boss naman doon naupo sa table niya. Ay?

“Ang sakit sa mata nun ah?” bulong ni Marco sakin habang kumakain.

“Ano?” sabi ko.

“Masakit mata ko sa nakita ko kanina. Ganun na ba talaga kayo ka-close?” sabi niya.

Nagseselos? Oa neto magselos ah? Ang korny.

“Ang korny mo. Ano bang mali dun?” sabi ko sakanya.

“Wala naman, diba gusto mo siya?” sabi niya.

“Ano naman?” sabi ko.

“Wala lang, baka makuha mo rin loob niya.” sabi niya.

Aba? Aba?

“Ano ka ba? Straight diba siya? At wala naman atang posibilidad na mababali ko ang tuwid niyang daan.” sabi ko.

“Eh bakit ako? Straight naman ako, parehas lang kami. May posibilidad lahat na mangyari. Kung nakuha mo yung loob ko, makukuha mo rin ang loob niya.” sabi niya.

Sabagay, may point siya. Pero imposible parin. May girlfriend na siya at hanggang friend lang talaga yung turing niya sakin, ako lang siguro nag-iisip ng kakaiba.

“Kumain nalang tayo, aalis na ako mamaya.” sabi ko.

“Saan ka?” sabi niya.

“Susunduin sila mama.” sabi ko.

“Dadating mama mo?” sabi niya.

“Oo. At dito na sila manirahan, kasama ko.” sabi ko.

“Sabayan na kita.” sabi niya.

“Wag na. Wait, bakit ka nandito? Akala ko ba last na yung punta mo dito last last week?” sabi ko.

“Ah eh, wala lang.” sabi niya. “Basta samahan nalang kita okay?” sabi niya.

“Ikaw bahala.” sabi ko.

Maya maya ay umalis na kami at nagpaalam na kay boss. Dun nalang kami maghihintay sa airport. Madali lang naman siguro. Agad na kaming lumabas ng office at tumungo sa airport.

“Anong oras pala ang flight nila?” sabi ni Marco habang nagdridrive patungong airport.

“2pm daw.” sabi ko.

“Eh, 1:14pm palang, saan tayo tatambay?” sabi niya.

“Dun na. Wag ka na kasi magreklamo.” sabi ko.

Nakarating na kami sa airport at tumungo sa isang upuan kung saan ang mga taong nakaupo doon ay naghihintay ng kanilang mahal nila sa buhay.

“Dito na muna tayo, maybe 2:30 or 2:45 sila darating dito.” sabi ko.

“Okay pare.” sabi ni Marco.

Almost 1 and a half hour na ang nakalipas ay nagtext na si mama sakin.

“Anak, nandito na kami.”

Agad akong napatayo at tumingin-tingin sa paligid.

“Nandito na sila.” sabi ko kay Marco.

“Talaga? Saan?” sabi niya sabay tayo rin.

“Hinahanap ko pa nga. Ayun! Mama!” sabi ko sabay lapit kay mama.

“Anak ko!” sabi ni mama sabay yakap sakin ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik.

“Kamusta ka na anak? Grabe, ang laki mo na. Ang gwapo gwapo mo na.” sabi niya sabay himas himas sa mukha ko.

“Okay lang ako mama. Papa!” sabi ko sabay yakap din kay papa.

“Kamusta ka na anak?” sabi ni papa.

“Ayos lang po. Kayo? Kamusta ang biyahe?” sabi ko.

“Ayos lang din. Oh, may kasama ka pala.” sabi ni mama patukoy kay Marco.

“Siya nga pala, si Marco po, kaibigan ko. Marco, si mama tsaka si papa.” pakilala ko sa isa’t-isa.

“Soon to be boyfriend po ng anak niyo.” bulong ni Marco.

“Ha?” sagot naman ni mama at papa.

Siniko ko siya sa kanyang ABS, at napatingin naman siya sakin. Ngumiti ako at ganun din siya.

“Sabi ko po, nice meeting you.” sabi ni Marco.

“Ah, okay.” sabi ni mama.

Agad na kaming dumiretso sa isang restaurant para pakainin ng meryenda sila mama. Doon kami sa store kung saan doon kami unang nagkakilala ni Marco.

“Pili lang kayo ma’am, sir.” sabi ni Marco. “Ako po bahala.”

“Naku iho, salamat. Wag mo na kaming tawaging ma’am, sir. Tita nalang.” sabi ni mama.

“Sige po tita.” sabi ni Marco.

Nang nakapili na kami ng kakainin ay agad na kaming umupo sa table.

“Oh, kamusta ang buhay dito sa Manila anak?” sabi ni papa sakin.

“Okay lang po, medyo mahirap.” sabi ko.

“Saan ka nagtatrabaho anak?” sabi bi mama.

“Sa MS company po. Malapit lang ho yun sa pinapasukan kong dorm.” sabi ko.

“Ah, san kaayo nagkakilala nito ni pogi?” sabi ni mama.

Tinignan ko si Marco at ngumiti siya sakin.

“Pogi daw ako? Hay.” bulong niya sakin. Inirapan ko lang siya.

“Dito po kami una nagkakilala. Sa store na to.” sabi ko.

“Talaga?” sabi ni papa.

“Opo papa, nabuhusan nga niya ako ng chocolate drink eh.” sabi ko.

“Hoy di ko naman yun sinasadya.” sabi ni Marco.

Nag-usap usap lang kami at tumawa tawa. Hanggang sa napagdesisyunan namin na pagpahingahin sila mama.

Nakarating na kami sa dorm at pumasok na sa loob. Pinapasok ko sila sa room namin at pinagpahinga.

“Ang laki pala ng tinutuluyan mo anak.” sabi ni mama.

“Di naman po masyado.” sabi ko. “Sige po, magpahinga muna kayo dito. Ihahatid ko lang si Marco sa labas.”

“Bye po, tita, tito, magpahinga po kayo.” sabi ni Marco.

“Bye Marco!” sabi ni mama.

“Ingat ka pogs!” sabi ni papa.

Agad na kaming tumungo sa labas.

“Ang gaan agad ng loob ko sa mama at papa mo. Grabe, nakakatuwa naman sila.” sabi ni Marco.

“Nakakatuwa naman kasi sila.” sabi ko. “Ohsiya, mauna ka na. Salamat sa treat at time. Ingat!” sabi ko.

“Beso?” sabi niya.

Di pa pala niya nakakalimutan yan? Ay grabe.

Agad ko siyang bineso at napangiti naman ang loko. Adik.

“Hay, pag naging boyfriend mo na ako, mahahalikan na kita sa lips mo.” sabi niya.

“NO!” sabi ko sakanya. “Sige na, bye!” sabi ko sakanya.

“Bye.” sabi niya sabay sakay at umalis na.

Ayan, nakarating na sa Manila ang mama at papa ni Kristoff. Palapit na ng palapit ang climax ng story, so abangan niyo na po.

Creamme Oh

Chapter 33

Kristoff Saavedra’s POV

“Mama, papa, alis na po ako.” sabi ko sakanila habang papaalis na ng kwarto.

“Mag-iingat ka anak.” sabi ni papa sakin.

“Anak, sandali.” sabi ni mama sabay lapit sakin.

“Bakit mama?” sabi ko.

“Nakalimutan mo oh?” sabi niya sabay abot ng necklace ko na letter K.

“Ay oo nga pala.” sabi ko sabay suot ng necklace.

“Sus nako wag mong iwawala yan. Mahalaga yan anak.” sabi ni mama sakin.

“Opo mama. Sorry. Sige alis na po ako.” sabi ko sabay halik sa noo ni mama.

“Ingat anak.” sabi ni mama.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na sa opisina.

Pagkarating ko doon, nandun na si boss habang gumagamit ng computer.

“Goodmorning, boss.” sabi ko sakanya sabay punta sa table ko.

“Hey, goodmorning.” sabi ni boss sakin.

“May ipapagawa kayo boss?” sabi ko.

“Ah, eto eto. Just arrange it, may hinanap kasi ako a while ago, files of Mister Novitsky. Today is his flight back here in Manila so I will set date para kami magkita. Maybe tomorrow will do? What do you think?” sabi ni boss sakin.

Tinatanong niya ako about that? Well, base sa records ko sa mga meetings ni boss, he’s free tomorrow and the other day pa yung ibang meetings for other clients. Siguro bukas ang perfect day.

“Yes boss. Wala naman kayong appointment tomorrow.” sabi ko nalang sakanya.

“Okay thank you. I will call Mister Novitsky later to inform him about the meeting tomorrow.” sabi ni boss sabay balik ang buong atensyon sa pc.

“Okay boss.” sabi ko sabay balik sa table at inayos yung files.


“Kain ka na diyan Kristoff, wag ka magpagutom okay? Ingat ka diyan. :*”

“Kumain ka na rin Marco. Ingat ka din.”

Kasalukuyan kong katext tong si Marco. Ang sweet sweet ng taong to. Ano bang nakain niya? Naks grabe talaga yung kamandag ni Kristoff Saavedra. HAHAHAHAHA.

“Stoff, can you go with me?” sabi ni boss sakin.

“San boss?” sagot ko.

“May bibilhin lang.” sabi niya.

“Para saan po?” sabi ko.

“Ah, just a simple gift for Danielle.” sabi niya sabay ngiti.

Ako pa talaga ipapasama niya ah? Ang saya nito! GRABE. Note that sarcasm.

“Okay boss.” sabi ko.

Tumayo na ako at inayos ang sarili. Tumungo na kami sa labas at sumakay sa sasakyan niya.

“I just want you to be with me kasi may tiwala ako sa taste mo.” sabi niya sakin.

Taste ko? Sa mga gamit? Oh goodness!

“Ano pong bibilhin natin?” sabi ko.

“Kahit ano basta pambabae.” sabi niya.

“Eh boss sana dun nalang kayo nagpatulong sa fashionista. Tsaka di ho ako babae, di ko alam taste ni Miss Danielle.” sabi ko sakanya.

“Eh babae naman diba puso mo? Eh babae ka rin. Tsaka gusto ko rin makasama ka.” sabi niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Makasama ako? Oh ghaaad, totoo po ba yun?

“Ano boss?” sabi ko. Gusto ko marinig one more time.

“Dahil gusto ko makasama ka, diba kaibigan na tayo?” sabi niya.

Ay kaibigan lang pala. Okay back to reality.

“Oo naman po.” sabi ko sakanya.

Nang nakarating kami sa mall, agad na kaming dumiretso sa girl’s wear. Doon kami namili ng magagandang damit ni Danielle. Hays ginawa akong fashionista ni boss.

“Pili ka na, hahayaan lang kita.” sabi ni boss sakin.

Naghanap lang ako ng simple dress. To be honest, mas maganda kay Miss Danielle ang mga simple dahil maganda naman siya, sexy tsaka lakas ng sex appeal. Mas bagay sakanya yung simple dress lang. Siguro dahil always ko na siyang nakikitang bongga kung makaoutfit, medyo di masyado bagay sakanya yung over.

Nakita ko yung isang white dress. Simple lang siya, may mga designs siya pero ang ganda. Simple lang. Kinuha ko din yung isang peach dress. Ganda.

“Boss, what do you think?” sabi ko kay boss sabay lift ng mga dresses na napili ko.

“Perfect.” sabi niya sakin. “Sandals na tayo?” sabi niya sakin.

Dumiretso kami doon sa mga sandals and others. Nagtingin tingin ako sa paligid. Kinuha ko yung black flats tsaka yung rubber shoes na black.

“Eto oh, ang ganda ng terno nito. Siya na bahala pumili.” sabi ko sakanya.

“Sige sige ilagay mo na yan.” sabi niya.

Dumiretso nanaman kami sa bag section.

“Are you done? Matagal ba Stoff?” sabi ni boss na tila nabobored na.

“Wait,” sabi ko habang naghahanap ng magandang bag. “Eto na, dali na.” dagdag ko.

Pumunta kami agad sa cashier at binayaran lahat ng binili namin. Pagkatapos ay nagyaya siyang kumain, um-oo na ako, pagkain na yan eh, choosy pa ba ako? Gutom narin eh hehe.

Pumunta kami sa restaurant malapit sa mall nato. Umupo na kami sa table at nag-order na nang makakain.

“Thank you sa pagsama at sa pagtulong sakin para bilhan ng gamit si Danielle.” sabi niya sakin.

“Ayos lang, masaya naman ako eh.” sabi ko.

“Bakit naman?” sabi niya.

“Dahil kasama kita.” agad na sabi ko.

Napataas naman ang kanyang isang kilay at agad kong binawi yung sinabi ko.

“I mean, nakasama kita, dahil diba 1st ata natin itong nagsama bilang magkaibigan.” sabi ko.

“Same here.” sabi niya sabay ngiti.

Naks Kristoff, muntikan kana dun ah? Sus ikaw talaga.

Dumating na yung order namin at nagsimulang kumain na.

“Alam mo, di ko talaga nararamdaman na anak ako ni papa.” biglang sabi ni boss sakin.

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Bakit ba siya nagsasabi ng ganyan?

“I was trying to be his perfect son, but then again, di niya napapansin yun. I can only feel his love for me when I can achieve anything, if I can give him a good news, and other positive news. Dun niya lang ako napapansin, I don’t know why. But my mom, she’s always there for me. She always telling me that my dad loves me and he just want me to be like him, that’s why he’s very strict to me. I don’t understand her but I tried because I also love them both.” salaysay ni boss.

Bakit niya ba shineshare sakin to? Pero imbis na magreact ako, nakikinig lang ako sakanya.

“Do you think he really loves me?” sabi niya sakin.

“Oo naman. Hindi ka naman niya siguro bubuhayin kung di ka niya mahal diba? Tsaka, baka ang reason kung bakit siya nagiging strict sayo kasi gusto niya mas magaling ka pa sakanya para kung dumating man ang araw na umalis na siya sa mundong ito, ikaw na ang mamamahala sa lahat ng ito kaya ka niya sinasanay habang maaga pa.” sabi ko sakanya.

“That’s my mom keeps telling me, but since when I was young, he’s very strict to me. Every mistake I’ve made, small or big, he always punished me.” sabi ni boss.

“Siguro gusto ka lang niya turuan. I mean, in that way niya pinapakita kasi gusto niya maging disiplinado ka paglaki.” sabi ko.

“Pero parang sobra na kasi eh. Gusto na niya akong maging perfect. But, di ako perfect, I can make mistakes, I can fail to any challenges in life, every thing has a reason, it’s just that, we will just try our best and be ourselves.”

“Oo. Pero kung ganyan man, papatunayan mo sa papa mo na kaya mo. I know that you can be successful just like your father, if you’d like, more successful than your father. Just try your best.” sabi ko sakanya.

Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

“Thank you Stoff. Thank you for listening. And I’m sorry kung inopen ko sayo agad. I just want to share it with you kasi para na akong sasabog kung di ko to ikukwento. So far, ikaw pa lang ang nakukwentuhan ko about sakin sa lahat ng kaibigan ko.” sabi niya.

“Seryoso? Okay lang boss, kaibigan mo na ako, pwede kang magkwento sakin ng mga problema mo at ano pa. Nandito lang ako. Pero boss, mukhang nahihiya naman ako dahil ako pa talaga ang unang nakwekwentuhan mo ng buhay mo.” sabi ko.

“Kasi I trust you. Kampante ako at komportable ako sayo. And also, as a friend, I can also be your listener. Magshare ka lang, nandito lang din ako.” sabi niya sabay ngiti.

Mukhang matagal na yung titigan namin at tinanggal ko na yung kamay niya sa kamay ko dahil may unti unti nang dumadaloy na kuryento dito. Isa pa, kinikilig ako dahil pinagkakatiwalaan ako ng crush ko, ng boss ko. I’m just lucky to gain his trust.

Pagkatapos naming kumain ay agad na niya akong hinatid samin. Pagkarating namin doon sa dorm ay bumaba na ako at nagpaalam.

“Ah boss, diba dito ka rin punta mo?” sabi ko.

“Ah hindi. Dun ako sa mama ko ngayon magstay. Hinatid lang kita dito.” sabi niya.

Aweeee. I feel so special. Pwede gumulong sa kilig?

“Naks. Sige boss, salamat sa lahat.” sabi ko.

“No, thank you.” sabi niya sabay ngiti.

“Sige boss, pasok na po ako. Ingat ka.” sabi ko.

“Sige.” sabi niya sabay pasok sa loob ng sasakyan at umalis na.

Pumasok na ako sa loob at sinalubong sina mama at papa.

“Oh anak, ganitong oras ka ba umuuwi?” sabi ni mama sakin.

“Di po, may pinuntahan pa kasi kami ng boss ko.” sabi ko.

“Saan?” sabi ni papa.

“Sa mall po. Nagpasama siya at nagpatulong para sa girlfriend niya. May binili kami.” sabi ko.

“Ah ganun ba? Eh bakit parang ang laki ng ngiti mo jan?” sabi ni mama.

“Masaya lang po.” sabi ko.

“Dahil?” sabi ni mama.

“Wala lang po.” sabi ko sabay punta sa cr dala dala ang damit pantulog.

Hinawakan ko ang puso ko. Napangiti akong iniisip yung sinabi ni boss sakin. Nakakakilig naman yun, grabe, parang unti unting nagiging malapit na magkaibigan na kami ni boss aweeee.

Heeeeey. Kamusta poooo? Sorry sa sobrang delay, so busy si author. But anyways, thank you for your patience. Ang dami nang nagchachat sakin na mag-update, sorry po talaga. Enjoy reading po! :)

CreammeOh

Chapter 34

Kristoff Saavedra’s POV

Maaga akong pumunta sa office dahil ngayon na yung meeting ni boss with Mister Novitsky. Dumiretso na agad ako sa office ni boss.

“Goodmorning, boss.” bati ko pagkapasok ko sa loob ng opisina niya.

“Oh goodmorning Stoff, samahan mo ako sa meeting room to set up the materials.” sabi ni boss sakin.

“Yes boss.” sabi ko sabay sama sakanya papuntang meeting room.

“Actually mamaya pang 10am ang meeting ko sakanya.” sabi ni boss habang nag-aayos ng projector.

“Ah talaga? Eh bat ang aga nating mag-ayos? 5:34am palang po.” sabi ko sabay check sa relo ko sa wrist.

“Wala lang. Para di na tayo mastress later.” sabi niya.

“Oo nga naman, sabagay.” sagot ko at pinagpatuloy ang pag-ayos.

Matapos naming ayusin ang meeting room, bumalik agad kami sa office ni boss.

“Stoff, chill ka lang ngayon. All you need to do later is to list down all the important matter discussed.” sabi ni boss.

Ay talaga lang? Walang gagawin ngayon? So anong gagawin ko?

“Ah eh, anong gagawin ko boss?” sabi ko.

“Nasa sa iyo, di ko alam. Bahala ka na, ah dito ka nalang, samahan mo ko.” sabi niya sabay ngiti.

Omyghaaaad. Kahit kailan parati niya akong pinapakilig sa simpleng ngiti at basta! Hay boss ko.

“Osige boss, no problem.” sabi ko sabay upo sa sofa niya.

“Bakit ka nga ba naging bading Stoff?” bungad na tanong ni boss. Ay grabe siya.

“Di ko alam boss. Nangyari lang na parang iba yung kilos at nararamdaman ko sa ibang kaibigan kong lalaki.” sagot ko naman.

“Ah, nung nalaman ng mga magulang mo about your personality, anong sinabi nila?” sabi niya.

“Okay lang sakanila. Nahalata naman daw nila agad. Nagulat nalang ako ng sinabi nila sakin yun, di ko naman itinanggi, totoo naman din eh.” sabi ko sakanya.

“Ah ganun ba? Okay naman pala eh.” sabi niya. “Ah by the way, wala ka pa nagiging boyfriend diba?”

“Wala pa po. NBSB ako boss.” sabi ko sakanya.

“Ah, so di mo pa alam anong feeling nang naliligawan?” sabi niya.

“Di pa po, pero boss, paano ko ba to sasabihin, ahm, si sir Marco po-”

“I know. He’s courting you right? And, para sa kaalaman mo, it’s okay with me.” sabi niya.

Wait what? Alam na niya? But how? And isa pa, okay lang sakanya? I don’t know how or what to react.

“Paano niyo-”

“Di na importante yun. I just want you to be free, to be happy and I know Marco will take good care of you.” sabi niya sakin.

“Boss,” tawag ko sakanya.

“And most important thing is sana maging wise ka sa mga desisyon mo. Kung saan sa tingin mo na sasaya ka at gagaan ang loob mo, doon ka even if it is hard to choose, all I can say is that, you need to face the consequence of it.” sabi ni boss.

“Yes boss.” sabi ko.

“Are you happy with him? Will you give him a chance?” tanong ulit ni boss.

“I don’t know boss, pero, may gusto po kasi akong iba, and di ko alam paano to ihahandle, first time ko po to. Pero to be honest, I’m happy with sir Marco.” sagot ko sakanya.

“You’re happy with Marco but on the other hand may iba kang gusto?” sabi ni boss.

“Exactly boss.” sabi ko.

“Okay, so sino nga ba mas matimbang sa dalawa? Yung gusto mo o si Marco?” sabi ni boss.

Sino nga ba sa dalawa? Marco is a good person, makulit, malambing, matalino and madami pang katangian na hinahanap ng mga babae, ngunit sa kabilang banda, si boss, si Ynigo ang gusto ko, though kakaclose lang namin eh sobra sobra naman akong kinikilig kapag kausap siya, well, as of now, mas matimbang talaga si boss sakin.

“Sa ngayon po, yung guy na gusto ko po yung mas matimbang po.” sabi ko sakanya.

“Oh I think that guy has something na wala kay Marco, ano?” sabi niya.

“Di naman po, parehas naman po sila, it’s just that, ay basta po.” sabi ko.

“Sino ba yung guy? Kilala ko ba?” sabi niya sabay ngiti.

Boss kung alam mo lang na ikaw yung tinutukoy ko, pero sa ngayon, di ko muna sasabihin sayo.

“Basta po, taga samin (tinutukoy ko sa dorm na tinutuluyan ko, syempre, nandun kaya siya minsan nakatira).” sabi ko.

“San sa inyo? Sa dorm o sa probinsya niyo?” sabi ni boss.

Patay, mukhang napansin niya ata. Oh no.

“Basta po taga samin, di niyo po siya kilala.” sabi ko sakanya.

“Talaga? Eh paano kung kakilala ko pala?” sabi niya.

Wait, don’t tell me alam niya yung tungkol dun? Wag sana please, nakakahiya. -_______-

“Di boss no. Di niyo siya kilala.” sabi ko.

“Gwapo ba siya? Kasing gwapo ko ba?” sabi niya sabay ngiti.

Boss naman eh! Tigilan niyo na yan, baka mapaamin ako bigla eh nak ng!

“Mas gwapo po sa inyo, basta.” sabi ko. Well, palusot ko lang yun no, and besides, di naman niya siguro malalaman.

“Talaga lang ha?” sabi niya sakin.

“Opo naman. Mabait, matalino, cute, ay basta all in one na po siya. Kaya lang-”

“Kaya lang?” sabi niya.

Muntikan ko ng masabing strikto, pag nagkataon masabi ko yun, tiyak malalaman niya na siya tinutukoy ko. No no no no.

“Kaya lang ano, hm kaya lang mabaho hininga niya. Oo, mabaho hininga niya grabe.” sabi ko.

Ynigo Santillan’s POV

Ako? Mabahong hininga? Loko tong baklang to ah? Nilalait pa naman ako, eh alam ko naman na ako yung gusto niya. Mas gwapo paraw sakin, eh loko to ako yun eh.

Pinigilan ko ang sarili kong wag magpaapekto. Ngumiti nalang ako.

“Talaga? Paano mo naman nalaman?” sabi ko.

“Eh kasi sa tuwing nagsasalita siya sa harap ko, ay grabe, ang baho talaga. Yaks kadiri.” sabi niya.

Aba loko talaga tong baklang to ah? Eh araw araw nga akong nagtootoothbrush tsaka nagmumumog. Hinahamon yata ako nitong taong to.

Tumalikod ako ng di nagpapahalata at inamoy yung hininga ko, mabango naman ah? Tsk.

Humarap ulit ako. This time nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya, nabigla siya sa inasal ko kaya napaatras siya ng konti. Nilapit ko pa yung mukha ko hanggang sa nakadikit na siya sa pader.

“Boss,” mahina niyang sabi.

“Yes?” sabi ko na tila pinapaamoy ko yung hininga ko sakanya.

“Hm kasi ano boss,” sabi niya ulit.

“Ano?” sabi ko.

Nakakatuwa naman tong baklang to, mukha talaga siyang babae kumilos ngunit ang lalaki lalaki ng hitsura niya, gwapo nga siya ng malapitan.

“Eh kasi bat ka lumalapit?” sabi niya sakin.

“Wala lang, pinapaamoy ko lang sayo yung bago kong mouthwash, ano mabango ba?” sabi ko.

Tumango nalang siya. Agad naman akong napaatras at ngumiti.

“Mabango diba?” sabi ko sakanya.

“Oo boss, mabango.” sabi niya na tila klaro parin sa kanyang pagmumukha ang kaba. Yan kasi eh, nilalait ang crush niya tss.

“Talaga?” sabi ko.

“Oo boss.” sabi niya ulit.

“Mabuti naman, araw araw akong gumagamit niyan para mabango hininga ko.” sabi ko sakanya.

“T-talaga? Ayos boss.” sabi niya sabay thumbs up.

Alam kong kinakabahan siya na kinikilig, namumula eh hahaha. Wag mo kasing nilalait si Ynigo.

Agad may bumukas ng pinto at nakita ko si Marco.

“Goodmorning guys.” sabi niya sabay lapit samin.

“Goodmorning.” sabi ni Stoff.

Tumango lang ako sakanya.

Lumapit si Marco kay Stoff at inakbayan.

“Namiss kita.” sabi niya.

Tumingin naman si Stoff sakin at inalis yung pagkakaakbay ni Marco sakanya.

“Ako din.” sabi niya.

“Weee. By the way, anong oras yung meeting with Mister Novitsky?” sabi ni Marco.

“10am pa.” sabi ni Stoff.

“Ah good good. Pagkatapos niyan sabay na tayo lunch pare ha?” sabi ni Marco kay Stoff.

“Sige pare.” sabi ni Stoff.

“Ikaw di ka sasabay?” sabi ni Marco.

“Osige, sasabay na ako.” sabi ko.

“Okay.” sabi ni Marco.

Hello everybody, sorry ulit alam ko naiinip na kayo ang now eto na. Bitin parin ba? Awee sorry again, sige po yun lang. Have a great day! Godbless po. ✌

Creamme Oh

Chapter 35

Dumiretso na kami sa meeting room dahil papunta na raw si Mister Novitsky. Agad na kaming nag-ayos at naghintay.

Maya maya ay dumating si sir Marco bitbit ang kanyang mga papers.

“Wala pa ba sila?” sabi niya pagkapasok niya sa meeting room.

“Wala pa.” sabi ni boss na nakaupo.

“Ah good. Goodmorning, pare!” bati niya sakin sabay ngiti.

“Goodmorning!” sagot ko sakanya.

Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako bigla.

“Kamusta?” sabi niya sakin habang nakaharap ang kanyang mukha sakin.

“Okay naman, ikaw?” sabi ko.

“Ayos lang din, alam mo ba anong napanaginipan ko kagabi?” sabi niya sabay ngiti ulit.

Siguro maganda yung napanaginipan niya, dahil kitang kita ko sa mukha niya na masaya siya eh.

“Ano naman?” sagot ko.

“Tayo na raw. Tapos ang sweet sweet daw natin tsaka always daw tayong magkasama. Puros relationship goals tayo, ay ang saya!” sabi niya.

Napalingon naman si boss samin at mukhang natatawa sa sinabi ni Marco.

“Nababading ka na talaga bro. What the hell happened to you?” sabi niya kay Marco.

“Yeah bro, bading na ata ako pagdating kay Kristoff.” sabi niya sabay kindat sakin.

Oh. My. Goodness.

“Lakas ng tama mo ah?” sabi agad ni boss sabay smirk.

“Oo nga, mukhang nakadrugs.” sagot ko naman sabay tawa.

“Ay grabe ka. Di ko na kailangan ng drugs no, dahil your love is my drug.” sabi niya.

“Ang korny mo.” sabi ko.

Nahinto ang pag-uusap namin dahil dumating na si Mister Novitsky kasama niya yung lalaking pinagseselosan ni Marco, Yohan ata yung name? Nakalimutan ko, sorry.

“Goodmorning Mister Novitsky, how’s your trip?” sabi ni boss sabay lahad ng kamay niya.

“Goodmorning Mister Santillan, well it’s fine.” sabay abot din ng kamay niya para magshake hands. “Shall we start?” dagdag niya.

“Goodmorning.” sabi ni Yohan sakin.

Napalingon naman ako sakanya sabay ngiti.

“Goodmorning.” bati ko rin sakanya.

“Kamusta ka?” sabi niya sabay upo sa tabi ko.

“Ayos lang, ikaw?” sabi ko.

“Ayos lang rin.” sabi niya sabay ngiti.

Pogi niya rin ah? Infairness.

“Ehem ehem.” sabi ni Marco.

Napalingon naman kami ni Yohan sakanya.

“Quiet na, magsisimula na yung meeting.” sabi ni Marco.

“Sorry.” sabay sabi namin ni Yohan tsaka kami umayos ng upo.

Habang nagsasalita si boss sa harap, si Marco panay ang chika sakin.

“Akala ko ba quiet na? Bat panay ang daldal mo sakin?” sabi ko sakanya dahil napakaingay na niya. Ang kulit pero ang cute. Ay?.

Lumapit siya sakin at may binulong.

“Eh kasi nagseselos ako sa lalaking yan. Grabe kasi kung makatitig eh.”

Tinignan ko si Yohan at tumingin din siya sakin. Ngumiti siya at ganun din ako.

“Ano ka ba? Ang friendly niya kaya, tsaka isa pa, mabait naman siya.” sabi ko.

“Friendly friendly. Hindi yan friendly, mukhang yan!” sabi niya.

“Ehem ehem.” sabi ni Yohan.

“Bakit?” sabi ni Marco.

“Quiet na.” sabi niya sabay smirk.

HAHAHAHAHAHA.

“Tong lalaking to,”

“Quiet na kasi.” pagpigil ko sakanya.

Nakakatawa naman tong dalawang to, kala mo kung anong pinag-aawayan, hays.


Natapos na ang meeting at nagkamayan na si boss Ynigo at Mister N.

“Sabay tayo lunch, Kristoff right?” sabi ni Yohan sakin.

“Oo, Kristoff. Sig-”

“Sakin siya sasabay. Kung gusto mo, sabayan mo yung boss niya.” sabi ni Marco sabay akbay sakin.

“Maybe next time will do, see you around?” sabi ni Yohan sabay wave ng kanyang hand.

“Ang seloso mo.” sabi ko kay Marco sabay alis ng kanyang kamay sa balikat ko.

“Eh kasi dumadamoves eh.” sabi niya.

“Paano mo naman nasabi?” sabi ko.

“Boys instinct.” sabi niya.

HALA? Meron bang ganun? Sa pagkakaalam ko, girls instinct lang ang meron. Bago na pala?

“Hala? Meron bang ganyan?” sabi ko sakanya.

“Aba oo naman, ako nagpauso niyan.” sabi niya. “Pero to be honest, iba ang kutob ko sakanya, ay basta ewan ko.” sabi ni Marco.

“Ang oa mo, tara na nga.” sabi ko sabay hila sakanya papuntang canteen sa 5th floor.

**

Danielle Tan’s POV

“ Malapit na Danielle, konti nalang.“

“Make sure na magagawa mo yan okay? Alam mo naman siguro anong kaya kong gawin.”

“Yes Danielle, di kita bibiguin.”

“Okay.” I said and I ended the call.

Okay, before I forgot, I am Danielle Tan, and I am the only daughter of Amanda De Castro and Anthony Tan. Fixed marriage ang naganap samin ni Ynigo and that plan was made by me. Buti nalang his parents also agreed. I am inlove with Ynigo since we were college. I don’t know kung bakit di ko makuha kuha loob niya, but now, I can feel that he’s attracted to me. Yes, I really do. Okay stop this nonsense.

I called my friend earlier para may ipagawa. I know na kaya niya yung gawin. Madali lang naman yun.

I was planning to get rid of Kristoff. Well di ko siya papatayin, di kaya ng konsensya ko pero gusto kong mawala siya buhay namin ni Ynigo, and also my parents don’t want him na nasa buhay namin siya. Kaya gumawa ako ng plano para mapatalsik siya sa trabaho at tuluyan ng mawala sa buhay namin.

Madali lang naman gawan ng ikakapahamak tong Kristoff nato, well una, alam kong di siya palaban, pangalawa, walang wala siya sa kaya namin gawin at pangatlo, madali lang siyang kalabanin.

I can feel and I can predict na agad agad siyang mapapatalsik sa kanyang trabaho at mawawala na ng tuluyan sa aming buhay.

Remember the days and weeks na parati akong wala sa tabi ni Ynigo? Like always akong wala kagaya nung nandun kami sa Davao? It’s because I really need the help of my friends kung paano at kung anong gawin para agad na siyang mawala sa buhay namin. And there you go, we set the plan and tomorrow, I’ll be there sa office ni Ynigo to visit them.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit sila gumagawa ng plano upang mapatalsik si Kristoff sa trabaho at para mawala na siya sa kanilang buhay? Anong koneksyon ni Kristoff sa pamilya Tan? Abangan….

Guys grabe sorry for the delay. How many days akong di inspired eh so di ako nakagawa ng update. Really sorry guys. Eto na talaga, almsot climax na tayo, sana patuloy niyong suportahan ang storya kong My Boss! Thank you! God bless.

PS: Hello sa mga daberkads ko sa Gandang Lahi Squad na sina: Aaron, Isang, Senndi, Onnie, DingDong, Chin, Jeremiah and Gian! Love ko kayo! 💞

Creamme Oh

Chapter 36

Kristoff Saavedra’s POV

Nag-iisa lang ako ngayon sa office ni boss dahil may pupuntahan siya with Mister Novitsky kasama si sir Marco. May inutos din sakin si boss, mga papeles again hahaha sanay na ako sa mga gawaing ito at pinapautos niya din na magsulat ng “why should I promote you?” essay. Sabi niya kasi gagawa ako ng essay tapos ipapasa ko sakanya. No more explanations siya nung ibinigay niya sakin yan. Kaloka.

Habang nagsusulat ako ng essay, napa-angat naman ang ulo ko dahil may pumasok. Nakita ko si Yohan na nakangiti.

“Magandang umaga sayo.” bati nito sakin.

“Magandang umaga din.” bati ko rin sakanya.

“Pwede bang pumasok?” sabi niya sabay ngiti. Omg cute.

“Sige pasok ka.” sabi ko naman.

Agad naman siyang pumasok at isinara yung pinto. Umupo siya sa sofa at ngumiti sakin. Ngumiti din ako at agad ibinalik ang atensyon sa pagsusulat ng essay.

“Bakit di mo kasama si Mister N?” tanong ko habang nagsusulat.

“Dito nalang daw ako eh. Sila lang daw tatlo ang aalis.” sabi niya.

“Ah.” tipid na sabi ko.

Habang nagsusulat ako, narinig ko na unti unting lumalapit si Yohan. Di ko yun pinansin dahil nagfofocus ako sa essay ko.

“Ano ba yang ginagawa mo?” sabi niya nung nakalapit na sakin.

Pag-angat ko, nakita ko yung mala-anghel niyang mukha na malapit sa mukha ko. Napaatras ako ng konti.

“Ah, eto ba, may pinapagawa kasi si boss.” sabi ko sabay ayos ng upo.

“Ah para san?” sabi niya.

“Ewan ko.” sabi ko.

Nakatingin parin sakin si Yohan. Naiilang na ako. Ano bang meron sa mukha ko? May dumi ba? Kulangot? Muta? Ano baaa?

“May dumi ba ako sa mukha?” sabi ko sabay himas sa mukha ko.

“Wala naman.” sagot niya.

“Bakit ganyan ka makatingin?” sabi ko ng diretsuhan.

“Coz you’re cute.” sabi niya sabay kindat.

Nanginit yung mukha ko at napayuko. Lakas mambola nito ah?

“Niloloko mo ba ako?” sabi ko.

“Totoo kaya sinabi ko.” sabi niya.

“Char. Umupo kana dun.” sabi ko sakanya.

Akala ko babalik na siya sa sofa ngunit kumuha siya ng isang upuan at tumabi siya sakin.

“Oh, bakit ka nandito?” sabi ko.

“Wala lang.” sabi niya sabay ngiting pamatay.

GULAAAAAY.

Imbis makapagconcentrate ako, naiilang ako sa kakatitig niya. Grabe siya ah?

“Mag-ccr muna ako.” sabi ko sabay tayo at pumunta sa cr.

Pagkapasok ko sa cr ay agad akong tumingin sa salamin.

“Grabe siya ah. Wooh.” sabi ko sa sarili at pumasok sa isang cubicle.

Maya maya ay lumabas na ako sa cr at nakita ko siyang nakaupo parin at nakangiti.

Umupo ako balik at sinimulang magconcentrate na sa pagsusulat.

Naging maayos naman ang flow ng pagsusulat ko. Medyo di ko na pinansin ang mga titig ni Yohan. At yun natapos na yung essay ko. Agad ko itong itinago sa cabinet ko.

“Kain tayo?” sabi ni Yohan.

“Tara, gutom narin ako eh.” sabi ko.

Agad kaming lumabas ng office at dumiretso sa baba para kumain.

Nag-order na kami ng makakain at agad umupo sa table.

Naging comfortable na ako kay Yohan dahil mukhang mabait naman siya. Nagtanong naman siya about sa life ko at yun nagkwento naman ako. Nagkwento din siya about sa life niya. Masaya siyang kakwentuhan, joker siya, napapatawa niya ako sa mga biro niya.

Nang matapos na kaming kumain, agad na kaming bumalik sa office ni boss.

“San ba kayo nanggaling?” sabi sakin ni sir Marco nang makapasok na kami sa loob.

“Nandito na pala kayo? Sorry. Kumain lang kami sa baba.” sabi ko.

“Ah.” sabi niya sabay tingin kay Yohan. “Oh ikaw pala.”

“Kamusta?” sabi ni Yohan kay sir Marco.

“Ayos lang.” sabi niya.

Iba talaga to makatitig si Marco kay Yohan. Grabe siya.

“Sige na po, aalis na ako. Salamat sa oras mo, Kristoff. Sa susunod ulit.” sabi niya sabay kuha ng kanyang bag at lumabas ng pinto.

“Mauna na po ako sir Marco, sir Ynigo.” sabi ni Yohan.

“Osige, naghihintay si Mister Novitsky sa lobby.” sabi ni boss.

Tumango naman si Yohan at lumabas na ng office.

“Mukhang close na kayo ah?” sabi ni sir Marco sakin.

“Di naman masyado.” sabi ko.

“Di naman masyado? Eh mukhang magaan na loob mo sakanya eh.” sabi niya.

“Magaan naman talaga loob ko sakanya. Mabait naman siya. Teka, nagseselos ka?” sabi ko.

“Hindi ako nagseselos no?” sabi niya.

“Hindi nga ba? Sus wag mo ko lokohin.” sabi ko sakanya.

“Hindi nga.” sabi niya. Pacute naman tong isang to.

“Asus. Dumedeny ka pa.” sabi ko sakanya. “Wag ka na magselos, di bagay.”

“Oh tama na ang harutan. Stoff, nasan yung pinagawa ko sayo?” sabi ni boss.

“Ah boss, tapos na po. Wait.” sabi ko sabay kuha nung papel sa cabinet at ibinigay sakanya.

“Good good.” sabo niya.

“Para san po ba yan boss?” sabi ko.

“Ano ba sinabi ko sayo?” sabi niya.

“Magsulat ako ng essay about sa ‘why should I promote you?’” sabi ko.

“Then yun ang sagot.” sabi niya sabay ngiti.

Wait. Ipropromote niya ako? Omggggg but in that way? Magsusulat lang? Hahahaha lakas din ng tama ni boss ah?

“Talaga?” sabi ko.

“Oo naman. Ayaw mo?” sabi niya.

“Syempre po gusto. Naks naman boss salamat po!” sabi ko.

“Babasahin ko pa to at pag-iisipan. Wag kang mag-assume agad, masasaktan ka lang.” sabi niya.

Ay?

“Ay? Hugot? Okay fine boss.” sabi ko sabay tawa.

Tumawa nalang kami dito. Ang cute talaga ni boss kahit kailan. Hay nako.

“Pare.” tawag sakin ni sir Marco.

“Bakit?” sabi ko.

“Pwede ka ba mamaya? Kain tayo sa labas.” sabi niya.

“Osige ba.” sabi ko sabay approve.

“Nice nice.” sabi niya sabay ngiti.

Nawala yung mga ngiti ko nung nakita ko kung sino yung pumasok.

“Oh hello everyone!” sabi ni Danielle sabay ngiti.

Eto na ba ang simula ng plano ni Danielle laban kay Kristoff? Ano ba ang una niyang gagawin? Magtatagumpay kaya siya na mapatalsik si Kristoff? Abangan….

Woah guys sorry. Alam ko pong naiinip na kayo dahil ang dami na pong nagchachat sakin sa fb, twitter tsaka nagmemessage dito. Sorry po talaga. Actually di ako inspired ngayon dahil may problema ako, pero pinilit ko nalang sarili ko na gumawa ng chapter na to para sa inyo. Alam ko po na di masyado kagandahan ang chapter nato pagkaconstruct pero may laman naman ang chapter nato. Sana po patuloy niyo pong suportahan ang storyang ito. Salamat po sa pag-intindi guys. Laban lang guys! :)) di ko pa po alam kailan ang next update so bare with me guys. Lavyaaa 💋

Creamme Oh

Chapter 37

Nawala yung mga ngiti ko nung nakita ko kung sino yung pumasok.

“Oh hello everyone!” sabi ni Danielle sabay ngiti.

Ano ba ginagawa niya rito? Bakit parang ang sigla sigla niya ata?

Tumingin siya sakin at ngumiti.

“Oh hello there, Kristoff.” sabi niya sakin habang nakangiti… Ng PLASTIK!

Maya maya ay pumasok muli si Yohan.

Tumango nalang ako sa kanya. Kakaiba ata siya ngayon, ano bang nakain niya at bumati siya sakin? Plastik pa talaga yung ngiti niya ah? Kaloka.

“How are you guys?” sabi ni Danielle. Habang kami lahat ay nakatingin lang sakanya.

“Hey. What’s wrong?” sabi niya dahil walang niisa ang sumagot.

“Nothing. What brought you here?” sabi ni boss Ynigo sakanya.

“Oh, nothing. Binisita ko lang kayo, namiss ko kaya kayo.” sabi niya sabay yakap kay Ynigo.

“May kakaiba yata sayo ngayon Danielle.” sabi ni sir Marco na nagtataka rin sa inasal ni Danielle.

“May kakaiba? Ano ba kayo? Wala ah?” sabi niya.

I feel something na iba. Ewan ko kung masama ba ito, pero isa lang ang sigurado ako, hindi ito maganda. Parang may binabalak na ewan ko.

“Oh by the way, who’s he?” sabi ni Danielle nung nakita niya si Yohan.

“Ah, ako nga pala si Yohan ma’am.” sabi niya na tila kinakabahan.

“Oh okay.” sabi niya sabay lambing ulit kay Ynigo.

Kinakabahan ako. Ewan ko ba’t anong dahilan kung bakit ako kinakabahan. Parang may iba talaga kay Danielle ngayon. Hayaan ko nalang muna.

Buong araw akong kinakausap ni Danielle about sa buhay ko, sa sarili tsaka sa pamilya ko. Kinakabahan ako sa mga tanong niya about sakin. Nagshashare naman ako pero maliit na details lang, di ko na shinashare lahat baka naman may masabi pa ako.

Si sir Marco naman todo alaga sakin. Kinakamusta ako kada minuto, nagtatanong kung nauuhaw ba ako o nagugutom, yung ganun, kinikilg naman ako ene be? Napakacaring niya sakin nako nako. Parati niya akong tinititigan kapag nag-uusap kami ni Danielle.

Si Yohan naman nakaupo katabi si Marco. Nag-uusap naman sila ni Marco pero di masyado. Mukhang may something eh hahaha hay nako.

Si boss naman walang kibo. Ay ewan ko sakanya. Bahala siya sa buhay niya.

Nakikita ko naman minsan na si boss nakatitig sakin. Kapag naman titingnan ko siya, iniiwas niya agad tingin niya. Bess telege.

“San ba ngayon pamilya mo Kristoff?” sabi ni Danielle.

“Nandito sa Manila. Nasa dorm ko sila ngayon.” sabi ko.

“Ganun ba? Dito na ba sila for good?” sabi niya.

“Yep. Dito na kami titira.” sagot ko.

“Ah really? Good good.” sabi niya sabay ngiti.

“Marco,” tawag ni boss kay sir Marco.

“Yow?” sabi ni sir Marco.

“Puntahan mo ngayon si Mister Novitsky dahil may ipabibigay siya sakin, sabay na kayo ni Yohan.” sabi ni boss.

“Okay. San ba siya ngayon?” sabi ni sir Marco.

“Nasa office niya. Alam naman siguro ni Yohan kung saan diba?” sabi ni boss.

“Yes sir.” sabi ni Yohan.

“Osige na, punta na kayo. Sayang oras eh.” sabi ni boss habang nakatingin sa wrist watch niya.

“Sige sige.” sabi ni sir Marco at agad tumayo, ganun din ginawa ni Yohan at sabay na sila umalis.

“Pare, hintayin mo ako ah? Wag kang aalis dito okay?” sabi niya tsaka umalis na ng tuluyan.

Feeling ko tuloy princess na ako hahahaha kalerkey.

“Oh ikaw Danielle? Di ka pa ba uuwi?” sabi ni boss.

“Pinapauwi mo na ba ako babe?” sabi ni Danielle.

HAHAHAHAHAHAHA NICE KA BOSS!

“Di naman.” sabi niya.

“Hm, aalis na rin. May pupuntahan pa ako. Sige na bye.” sabi niya sabay kiss kay Ynigo sa pisngi.

“Bye Kristoff.” sabi niya sabay labas ng pinto.

“Stoff,” tawag ni boss sakin.

“Yes boss?” sabi ko.

“Kain tayo?” sabi niya.

“Saan?” sabi ko.

“Sa pagkainan.” sabi niya.

Ay loko to ah? Alam kong sa pagkainan kami kakain. Ang ibig kong sabihin kung saan ba?

“Edi wow.” sagot ko.

“Biro lang. Sa foodcove, sa baba.” sabi niya. “Don’t worry, treat ko.”

“Sigurado ka? Di ako tatanggi diyan.”

“Sige ba.” sabi niya sabay ngiti.

Agad na kaming bumaba at tumungo sa foodcove. Umorder na siya ng makakain namin at agad bumalik sa table na kinauupuan ko.

“Kamusta ang panliligaw ni Marco sayo?” bungad na tanong sakin ni boss.

“Hm, okay lang. Ang sweet sweet niya tsaka napaka-caring.” sabi ko.

“Sasagutin mo na ba?” sabi niya.

Ano nga ba?

“Ewan ko. Naguguluhan pa ako. Gusto ko na sana eh.” sabi ko.

“Oh tapos?”

“Si ano kasi yung alam mo na, yung gusto ko, pero malapit na atang mawala.” sabi ko.

“Lakas talaga ng tama mo sa lalaking yun ano?” sabi niya.

“Oo, sobra. Ngingitian niya lang ako hay nako nakakabaliw.” sabi ko.

Kung alam niya lang na siya tinutukoy ko.

“Gusto ko siyang makilala.” sabi ni boss.

“Ay wag na.” sabi ko.

“Bakit?” sabi niya.

“Basta wag na.” sabi ko.

“Kwentuhan mo nalang ako about sakanya.” sabi niya.

“Ayun, gwapo naman siya, tapos ang cute ng smile, napakacharming, mabait naman siya kaso mukhang mas umangat yung kasungitan pero okay na rin. Tama na nga.” sabi ko.

“Gwapo siguro niyan sa personal.” sabi niya.

“Ay nako sobra. Titigan ka lang, ay nako pamatay na.” sabi ko.

“Talaga?” sabi niya.

“Oo. Oh tama na sakin, sa iyo naman. Kamusta si Danielle?” sabi ko.

Huminga siya ng malalim at nagsalita ulit.

“I tried my best na magustuhan siya pero wala eh. Napakasungit niya talaga. It seems that, we’re not compatible. I actually did what my friends told me na i-try kong mahalin siya, but walang nangyari. Nagawa ko lang siyang ligawan for the sake of my parents and hers, and sa company as well. Magkasosyo kasi yung parents namin eh, you know, mga fix marriage. But now, I decided not to continue the marriage, I will tell my parents as soon as possible na our relationship didn’t work.”

Omg. Fix marriage ang ganap? So di niya talaga mahal si Danielle? And the fact na nilalambing niya si Danielle is para madevelop kahit papaano ang kanyang feeling para sakanya pero wala.

“Talaga?” tanging naisagot ko.

“Yeah. That’s the truth. I will tell my parents, hm, I think tomorrow? Dahil may meeting sila with Mister Novitsky.” sabi niya.

“Oh, talaga ba?” sabi ko.

“Yes. Wag mo muna ipagsabi kahit kanino, even Marco. Just keep it yourself, okay?” sabi niya sakin sabay hawak ng kamay ko.

“Okay po sige.” sabi ko sabay kuha ng kamay. Nakukuryente ako eh, naks.

Natapos kaming kumain ay bumalik na kami sa loob ng office niya. Tapos, nag-ayos na kami ng gamit namin dahil aalis na si boss. Hihintayin ko nalang si Marco sa lobby.

Pababa na sana kami ng bigla akong isinandal ni boss sa pader. Nagulat ako sa inasal niya, nakatingin siya ng direkta saking mga mata.

“B-boss,” sabi ko habang nakatingin parin sakanya.

Imbis na sumagot siya, dahan dahan niyang nilapit yung kanyang mukha sakin. Di ako gumalaw, kinakabahan ako sa anong pwedeng mangyari.

“Nandito na ako,” sabi ni sir Marco paglabukas niya sa pinto.

Agad siyang lumayo sakin.

“Oh,” sabi ni boss. “Mauna na ako, may kailangan pa akong puntahan.” sabi niya at agad lumabas ng office.

Danielle Tan’s POV

“Hi dad.” sabi ko as I enter the room.

“Oh, Danielle, bakit?” sabi niya.

“Dad, may sasabihin ako.” sabi ko.

“What is it?” sabi niya.

“Nandito sa Manila ang pamilya ni Kristoff.” sabi ko.

“What? We’ll have to do something para di magtagpo ng landas ang pamilya ni Kristoff at pamilya ni Ynigo.” sabi ni Dad.

“Yes dad, nandun sila ngayon nagstay sa dorm ni Kristoff.” sabi ko.

“Okay okay. We’ll plan about this.” sabi ni dad.

Hi there!!!! How are you? Sana magustuhan niyo ang chapter nato. Sana po patuloy niyong suportahan ang My Boss at iba ko pong stories. Alam ko po na medyo nabibitin na kayo at nababagot kakahintay pero almost na po tayo sa climax. Magkakaalaman na po talaga.

Yun lang po and a million thanks dahil almost 100k na ang reads aweee makahappy po. Salamat ng marami!!!! God bless, cheers!

Creamme Oh

Chapter 38

Kristoff Saavedra’s POV

Di parin maalis sa isip ko yung nangyari. Grabe kinabahan ako dun at the same time kinilig, ay naloko na. Pero seryoso, ano yun?

Nandito kami ngayon ni Marco sa parking lot, ihahatid daw niya ako pauwi. Hinahanap pa niya susi niya sa bag niya, hanggang sa nakita na niya ito.

“Eto na, tara na-” napahinto siya nung nakita niya yung mukha kong may malalim na iniisip.

“Okay ka lang?” sabi niya.

“Hoy! Okay ka lang ba? Mukhang malalim yata iniisip mo ah? Ano bang problema?” sabi niya sakin kasabay ng pag-alog niya ng balikat ko.

“Ah wala wala, tara na nga.” sabi ko nung natauhan na ako.

Habang bumabyahe kami, lutang parin ang isip ko sa nangyari. Tahimik lang ako at nakatingin sa labas habang iniisip yung nangyari kanina. It was just like a dream, a dream that everybody wants.

Mukhang napansin nanaman ni Marco yung katahimikan ko, kaya kinausap niya ulit ako.

“Pare, okay ka lang ba talaga? Ano bang problema?” sabi niya.

“Wala no? Don’t bother.” sabi ko.

“Walang problema? Eh kanina ka pa tahimik diyan eh.” sabi niya.

“May iniisip nga lang ako, tsaka di naman yun kailangan problemahin.” sabi ko sakanya.

“Osha sha, basta pag may problema ka, don’t hesitate-”

“Yah I know, don’t worry magshashare ako.” sabi ko.

“Good.” sabi niya.

Nakarating na kami sa dorm ko, agad na kaming bumaba at nagpaalam sakanya.

“Salamat sa paghatid pare. Mag-iingat ka sa daan.” sabi ko sakanya.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Sweet boy yeah?

“Mag-iingat ka rin. Bye.” sabi niya sabay pasok sa loob ng kotse.

Agad naman akong pumasok sa dorm.

“Oh anak, kamusta?” sabi ni mama pagkabukas ko ng pinto ng kwarto namin.

“Ayos lang po mama. San po si papa?” sabi ko.

“Ah naghahanap ng trabaho anak.” sabi ni mama.

“Ano? Bakit naman? May trabaho na ako mama, bat pa siya nag-abala?” sabi ko.

“Alam mo naman ang mga lalaki anak, yung pride nila. Gusto nila na buhayin ang kanilang pamilya.” sabi ni mama.

“Kahit na mama, nakatapos na ako ng pag-aaral, may trabaho na ako at kumikita. Tsaka ako na bahala sa inyo.” sabi ko.

“Ewan ko sa papa mo anak, napakatigas ng ulo.” sabi ni mama.

Bumukas yung pinto at lumingon kami. Si papa.

“Papa, bakit pa kayo naghanap ng trabaho?” bungad ko sakanya.

“Eh anak, gusto kong makatulong.” sabi ni papa.

“Papa, wag ka na kayong mabahala. Kaya ko na to, tsaka dapat ako naman ang magtrabaho para satin.” sabi ko sakanya.

“Anak naman, wag mo na akong problemahin. Tsaka may nakita na akong magandang trabaho, tatawagan nalang daw nila ako kung maaapprove yung application letter ko.”

(Segway: para sa dagdag impormasyon, high school lang ang natapos ng mama at papa ni Kristoff.)

“Talaga?” sabi ni mama.

“Oo mabuti nga yun eh. Buti may alam din ako kung papaano gumawa ng application letter at resume.” sabi ni papa.

“Hay nako papa, basta wag kayo magpapapagod diyan ha? Tsaka sabihan mo ko kung saan at kung anong klaseng trabaho yan.” sabi ko.

“Oo anak wag kang mamroblema sakin.” sabi ni papa.


Ynigo Santillan’s POV

Kinabukasan….

“Where are you mom?”

“We’re on our way, nandiyan na ba si Mister Novitsky?”

“Wala pa pero papunta na raw siya.”

“Osige malapit narin kami.”

“Okay po.”

Binaba ko na yung phone ko. Agad narin akong pumasok sa meeting area.

Maya maya ay dumating na si Mister Novitsky kasama yung asst. niya na si Yohan. Agad ko silang kinamusta at ginuide papuntang meeting area. Tsaka naman dumating sina mama at papa.

“Nandiyan na ba si Mister Novitsky?” sabi ni papa.

“Yes dad, kakarating lang rin.”

Agad narin kaming pumasok sa loob.

Nagsimula na yung meeting at nag-usap usap ng mga plano at projects and also sa partnership. Matapos yun ay agad na kaming nagpaalam sakanila.

“Thanks for coming, hope we’ll get along.” sabi ni papa.

“No worries. Hoping for that too.” sabi ni Mister Novitsky.

Agad na silang umalis at nagpaalaman.

“Tara dinner tayo.” sabi na papa at sabay labas sa office.

Pumunta kami sa isang restaurant, nag-order na kami at naghintay.

“Dad, I have something to tell you.” sabi ko.

“What is it?”

“I’ll go straight to the point, tatapusin ko na ang relasyon namin ni Danielle. I’m not going to marry her dad, sorry.” sabi ko.

Gulat na gulat silang dalawa nung narinig nila yung pahayag ko. I’m pretty sure na magagalit si dad sakin.

“Are you out of your mind?” sabi ni papa.

“No dad. It’s just that, it didn’t work. I don’t love her.” sabi ko.

“Bullsh*t! Stop this nonsense. You’re gonna marry her whether you like it or not!” sabi ni dad.

“No dad. Ayoko. Di ako magpapakasal sa taong di ko mahal.” sabi ko.

“Idiot. Walang ganyan ngayon. Fix marriage na uso satin, to save and to grow our company. I think you know about that, do you?” sabi ni dad.

“I know but you can’t force me to do that, especially now, may gusto akong iba.” sabi ko.

Mas lalong nagulat si papa sa sinabi ko.

“You’re going to marry Danielle okay? Forget that feelings, it can’t help.” sabi ni papa.

“Sorry dad, but I made my decision.” sabi ko.

Tatayo na sana ako nang hinila ako ni dad at sinuntok infront of many people.

Almost half of the crowd napatingin samin.

Agad naman napatayo si mama at pinigilan si papa.

“You jerk! Ano bang nakain mo’t gagawin mo to?!” galit na sabi niya.

“Dad gusto ko nang mabuhay na ako ang nagdedesisyon sa sarili ko. Pati ba naman sa lovelife ko ikaw pa ang mamimili?” sabi ko sakanya.

“Umalis ka na. Alis! Wag kang magpapakita sakin kung ganyan pari ang nasa utak mo!” sabi ni papa.

“Ma, alis muna po ako. Ikaw na bahala kay papa. Tatawagan kita mamaya.” sabi ko tsaka ako umalis sa restaurant.

Dumiretso ako sa kotse ko. Naramdaman ko na may tumutulo na ano sa gilid ng labi ko, pinunasan ko ito at nakita kong dugo pala ito.

“Sorry dad, pero ayoko na.” sabi ko.

Ayoko na. Ayoko nang mabuhay na kontrolado ni papa yung buhay ko. Halos lahat ng gusto niya ginawa ko, pero sana dito man lang sa lovelife ko, wag na niyang pakielaman. Gusto kong lumaya sa higpit ng papa ko.

Napagdesisyunan ko na sasabihin kay Danielle bukas, not today dahil may isa pa akong problema, si Stoff.

I THINK I’M FALLING FOR HIM.

OMYYYYYY. Eto na ba? Aamin na ba siya? Abangan.

Guys nakuuuuu long time no update haaaaays! Sorry sa lahat ng umasa dito huhuhu naging sobrang busy lang talaga ako these days. Grabe na talaga, sorry na po huhu alam ko po na naiinip na kayo pero eto na po huhu tagal diba? Sorry na mga loves. Continue to support My Boss okay mga loves? MBians always and forever!!!!!! Love you all.

May something lang akong dinaramdam ngayon pero nevermind hahaha hays.

CreammeOh

Chapter 39

Kristoff’s POV

Maaga akong nagising. Ay mali, di ako nakatulog ng maayos dahil sa mga nangyayari ngayon. I don’t know kung totoo ba ito o guni guni lang ang lahat. Di ako makapaniwala na nangyayari na ’to sakin.

Agad na akong bumangon at dumiretso sa CR upang maligo. Tapos, nagbihis at nag-ayos sa sarili.

“Ang aga mo ata ngayon anak?” sabi ni mama na kakagising lang.

“Opo mama, may kailangan pa po kasing tapusin.” sabi ko. LIAR KRISTOFF. LIAR.

“Ah ganon ba? Oh sige mag-iingat ka ah?” sabi ni mama sabay ngiti. Mukhang gusto pang matulog ni mama dahil di pa niya tuluyang nabuklat yung mga mata niya.

“Sige na mama, alis na po ako. Ingat kayo dito. Tawagan niyo lang ako kung may kailangan kayo.” paalala ko kay mama sabay kuha ng bag ko.

“Wag kang mag-alala anak.” sabi ni mama sabay higa ulit.


Papasok na ako sa elevator patungo sa opisina ni boss. Lutang parin ang isip ko until now. Pre-occupied ng mga pangyayari na imposible na nangyari in reality, at sa akin pa talaga. Kinikilig and at the same time kinakabahan. Hays.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ni boss, nagulat ako sa aking nakita. Si boss. Natutulog.

“Bat siya nandito? At bakit tulog na tulog siya?” sabi ko sa isip.

Nilapitan ko siya at tinignan. May pasa siya sa gilid ng labi niya. Ano kaya nangyari sakanya? Sino ba gumawa ng kalokohan sakanya?

Agad akong kumuha ng towel at kumuha ng hot water sa dispenser. Hinaluan ko ito ng malamig na tubig para maging katamtaman lamang ang init nito. Agad kong binasa ang towel at dahan dahang ipinahid ito sa gilid ng labi ni boss.

Habang ginagawa ko yun, tinigtignan ko siya. Ang gwapo parin ni boss kahit na tulog at may pasa pa. Ang gwapo gwapo niya parin. Para siyang inosenteng bata na natutulog.

Nung natapos ako, agad kong nilinis lahat ng kalat sa opisina niya. Syempre nagdahandahan ako, baka magising eh, lagot na. Baka mapagalitan ako neto.

Nung natapos akong maglinis, grabe tulog parin si boss. Siguro napagod to o natagalan siya bago nakatulog. Umupo muna ako sa sofa niya at tinitignan si boss na natutulog.

So sobrang attracted ako sakanya, di ko mapigilan sarili kong lapitan ulit siya. Ngayon sa isip ko, chance ko na tong titigan ang napakagwapong mukha ni boss. Di naman siguro ako mahahalata nito diba? Ah bahala na.

Lumapit ako sakanya at tinitigan ang gwapo niyang mukha. Hinahawi ko yung buhok niya na napakalambot. Inamoy ko pa ito (nakakaloka hahahaha) grabe ang bango.

“Boss,” sambit ko.

“Ewan ko ba anong meron sayo at nakuha mo yung loob ko. Na kahit na napakasuplado mo sakin noon, di ko parin maiwasang ma-attract sayo. Tila para kang angel in physical but demon inside.” natawa ako sa sinabi ko. “Yun na nga, sasabihin ko to sayo harap harapan, kahit na tulog ka, mas maganda kasi kapag tulog ka, di mo maririnig. Gusto kita boss, gusto kita, Ynigo.” dirediretso kong sabi.

Lumakas yung tibok ng puso ko after ko sinabi ang linyang yun. Tinititigan ko parin siya until now. I just want to look at his face all day and all night. Di ako magsasawa.

“Gusto din kita, secretary ko. Gusto kita, Kristoff.”

Napaatras ako dahil nagsalita si boss. Lumalakas lalo ang tibok ng puso. Kung gano kalakas kanina, mas malakas ngayon. Feel ko nga lalabas na yung puso ko sa lakas.

Binuklat niya yung mga mata niya at tumayo. Ngumiti siya sakin at umupo ng maayos. He look at me directly to my eyes.

“Ano, boss?” pablind kong tanong. Di ko kasi alam anong sasabihin ko ngayon. Mas lalo akong kinabahan sa mga nangyayari. Shit.

“I heard you, loud and clear. You like me.” sabi niya sabay ngiti ulit.

Ano ba sasabihin ko? Aamin na ba ako? Nabuko na ako eh, wala na. Wala na.

“Yes, boss.” sabi ko sabay yuko. “Sorry.”

“Don’t say sorry. Wala ka namang kasalanan. In fact, I feel the same way.” sabi niya sabay ngiti.

Napadilat ako. What do you mean you feel the same way? Shit.

Tumayo siya at lumapit sakin.

“I like you too, Kristoff. I really do. I don’t know anong meron sayo and you got me. I know it’s kinda weird but I feel the same way.” sabi niya sakin.

“Boss,”

“Hush. Totoo sinasabi ko. Walang halong biro at comedy, this is true. I like you, oh wait, I’m falling for you.” sabi niya sakin sabay hawak sa kamay ko.

Oh ghaaaad. Is this really happening?! I CAN’T BELIEVE THIS!!!!!!!! Mas lumakas pa lalo tibok ng puso ko.

“Boss, gusto din kita pero the thing is, si Dan-”

“I don’t care. I don’t like nor love her. I decided to end that shit. I’m done. I’m now free from any chains, I already told mom and dad about it. They were like, I mean, dad was like a lion kung magalit. He didn’t want our relationship to end. He really pushed me to marry Danielle, but I refused to. That’s why we had our bullshit last night.” sabi niya sakin.

“Kaya pala may pasa ka?” sabi ko.

“Yeah. Pero don’t worry, malayo to si bituka. Mas masakit kung mawala ka sakin.” sabi niya sabay ngiti.

Oh shit this guy. He didn’t fail to make me feel this butterflies in my stomach again. Shit you, Ynigo. SHIT YOU!

“Boss,”

“Well, Kristoff. Now that you know that I’m falling, will you catch me?” sabi niya sabay hawak sa magkabila kong pisngi.

“Of course, boss. I’ll catch you, even if I’m not that strong enough.” sabi ko.

“What do you mean?” sabi niya.

“Well, alam mo na, maraming hadlang dito, lalo na parents mo. They don’t know about it, what if they will know na na-fall ka sa kapwa mo lalaki? Anong masasabi nila sakin? Lalo na sayo? Masisira ka boss. Ayoko mangyari yun.” sabi ko.

“I’ll be here to protect you, Kristoff. Kahit na parents ko, kakalabanin ko para lang sayo. I know magugulat sila but still I’m not afraid to show and tell them about us.” sabi niya.

“Boss,”

“Don’t call me boss, call me Ynigo. Please say my name, Kristoff. I want you to say it.” sabi niya.

Napangiti ako at sinunod siya.

“Yes, Ynigo.” sabi ko.

“One more,”

“Ynigo.”

“One more time,”

“Ynigo.”

“Shit. I love your voice. I really love the way you call my name.” sabi niya at niyakap ako.

Ang saya ko. Sobrang saya. Ewan ko parang panaginip lang lahat ng to pero totoo to. Totoong totoo. Shiiiiit!

“Kristoff,” tawag ni boss sakin.

“Hmm?”

“Gusto mo ako diba?” sabi niya.

“Yes.” sagot ko.

“Pwede bang palitan mo?” sabi niya.

“Huh?” lito kong sabi.

“Pwedeng sabihin mo mahal mo ko? Kasi di na kita gusto eh, mahal na kita.” sabi niya.

SHIIIIIIIIT. SHIT YOU. UGH!!!!

“Yes, boss. I love you.” sabi ko.

“Ah. Ah.” sabi niya.

“I mean, I love you, Ynigo.” sabi ko.

“I love you more, Kristoff.” sabi niya.

“And I love you most.” sagot ko sakanya.

“I love you more and more.” sagot niya.

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Ayaw niya atang magpatalo, ginawa ko nalang eh hinalikan siya sa pisngi. Nagblush siya. Oh crap. He’s damn cute.

“Uuuuy, nagblublush!” asar ko sakanya.

Napakamot nalang siya sa ulo niya at tumawa.

“Grabe ka, kinilig ako dun ah? Kinikilig pala talaga kaming mga lalaki ano?” sabi niya.

“Oo naman.” sabi ko.

“Hinawakan niya yung pisngi ko at tinignan ako.

“Akin ka lang please? Wag kang maghahanap ng iba, please? Akin ka lang.” sabi niya.

“Oo, iyong iyo ako. Hinding hindi ako hahanap ng iba.” sabi ko.

“Mabuti. Iyong iyo din ako. Gagawin ko lahat wag ka lang humanap ng iba.” sabi niya sabay ngiti.

Aweeeee. Nakakatouch siya grabe. Ngayon ko lang nalaman na may ganitong side pala si Ynigo, like amg selfish. Hahahahaha ang cute niya shit akin lang siya.

“Akin ka lang, Kristoff.” sabi niya sakin.

“Iyong iyo ako, Ynigo.” sabi ko.

Dahan dahan niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa dumampi yung mga labi namin. Para akong nasa ulap na lumilipad. Napakasaya ko. Di ko inaasahan na mangayayari to sakin. Imagine, pinapangarap ko lang dati si Ynigo pero ngayon nasa akin na. Sobrang saya ko. Sobrang saya!

Shit. Pati ako kinikilig habang ginagawa ko to, langya. HAHAHAHAHA.

Guuuuuys omg so sorry for the super duper ultra mega delay na update huhuhu. Sobrang busy grabe talaga. Ngayon lang ako may oras na gumawa ng bagong chapter. Dami na nagddm sakin, chat, post. Sorry talaga guys. Eto na po yung matagal niyo nang hiling hihi hope that you like it. Aminan na to, eto na talaga. Next chapter will be the date and sweetness overload nilang dalawa like RS goals ganon hihihi. So yun guys, continue to support My Boss. Pleas bare with me always, pasensya talaga. I LOVE YOU. 💋💋💋💋

CreammeOh💘

Chapter 40

Kristoff’s POV

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nangyayari sakin to. Tila mukhang imposibleng mangyari ang mga bagay nito sakin ngunit nagkamali ako. Nangyari lahat ng gusto kong mangyari at di ko akalain na makukuha ko pala yung pinakamasungit ngunit napakagwapong boss ko, si Ynigo.

1st date

Unang araw nang aminan naming dalawa eh gusto niyang magbonding raw kami. Gusto niyang kumain. Eh ako naman gutom, um-oo na ako. So nagdecide siya na kumain sa restaurant, I declined.

“Dun nalang tayo sa trinatrabahuan ko noon, masarap dun!” offer ko kay Ynigo.

Buti nalang pumayag siya. Gusto ko ring bistahin si Jeff doon no, namiss ko kaya siya saka yung mga officemates ko.

Bumaba agad kami at nag-umpisang maglakad.

“Stoff,” tawag ni Ynigo sakin.

“Yes, boss?” sabi ko.

“Ayan ka nanaman.” sabi niya.

“Ay sorry. Bakit Ynigo?” sagot ko.

“Okay lang ba sayo maglakad tayo?” sabi niya.

“Oo naman no? Bakit naman hindi?” sabi ko.

“Akala ko kasi,”

“Ano ka ba? Sanay akong maglakad no? Baka ikaw ang hindi okay.” sabi ko.

“Hindi nga ako masyadong naglalakad ngunit gusto ko kasi na mahaba ang oras ng pagsasama natin. Gusto kong isulit lahat ng oras na kasama ka.” seryosong sabi niya sakin.

“Aba aba, nagtatagalog ka na? So proud of you.” sabi ko sabay slow clap.

“Seryoso ako, Stoff. I really like to spend my whole time with you. Every second, minute, hour, day, week, month, year, decade, century and the rest of my life.” sabi niya.

Alam kong corny pero grabe kinikilig parin ako. Grabe siya kung makapagbigay ng mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Ngumiti nalang ako bilang tugon.

“Ayaw mo ata eh, di ka umimik.” sabi niya.

“Syempre gusto no, kinikilig lang ako.” sabi ko.

Ngumiti siya at inakbayan ako.

“Sus, kinikilig ka diyan. You’re so damn cute.” sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.

Naglakad lang kami habang nakaakbay siya sakin. Minsang nacoconscious ako dahil grabe kung makatingin ang mga tao samin. Pwede na kaming matawag na “head turners”. Tinignan ko si Ynigo kung anong magiging reaksyon niya, kalma lang at nakangiti. So ginawa ko rin ay nakangiti at dinedma lahat ng mga tao sa paligid.

Nakarating na kami at agad pumasok sa loob. Una bumungad sakin yung manager ko.

“Ma’am?” sabi ko.

Lumingon siya at nanlaki ang mata.

“Kristoff?” sabi niya din.

Agad ko siyang niyakap. Nakakamiss pala ang mga tao dito.

“Kamusta kana?” sabi niya.

“Okay lang po. Kayo po?” sagot ko.

“Okay lang din. Si Ynigo ba yang kasama mo?” tanong niya sakin.

“Opo ma’am, bakit?” sabi ko.

“Diba siya yung suplado na nagmamay-ari ng kumpanyang trinatrabahuan mo?” sabi niya.

“Di po siya suplado, wait po.” sabi ko at tinawag ko si Ynigo.

“Ma’am si Ynigo po, boss ko. Ynigo si ma’am, manager dito.” pakilala ko sakanila.

“Nice meeting you, Mr. Ynigo, welcome to our diner.” sabi ni Ma’am.

“The pleasure is mine. Actually it’s my first time here. Gusto kasi ni Stoff dito kumain eh and gusto niya raw makita kayo.” sabi ni Ynigo.

“Ganun ba? Ah, maupo po kayo.” offer ni ma’an ng seats samin. Umupo naman kaming dalawa.

“Mabuti naman at naisipan mong dalawin kami Kristoff.” sabi ni ma’am.

“Syempre naman po ma’am, naging bahagi naman din po kayo ng buhay ko tsaka napakabuti niyo po sakin.” sabi ko.

“At kung di dahil sainyo, di kami magkakakilala ni Stoff.” sambit ni Ynigo na napalingon kami ni ma’am.

“Huh?” litong tanong ni ma’am.

“I mean, I’m grateful that you were part of Kristoff’s life. I’m glad that you supported him na pumasok sa kompanya ko.” sabi ni Ynigo.

“Oh well, at first, I’m hesitant because sa isyung ang sungit mo raw. But I let Kristoff decide, so he did na mag-apply sa company mo.” sabi ni ma’am.

“Yeah. Now, our feelings are mutual.” sabi ni Ynigo sabay ngiti.

“Huh?” litong sabi ni ma’am.

Agad ko siyang tinignan at kinurot. Tumawa nalang siya.

“He likes me, and I like him as well.” sabi ni Ynigo.

Nagulat si ma’am sa sinabi ni Ynigo. Ako naman ay nahihiya na sa sinasabi ni Ynigo. Di ko naman inexpect na magshashare siya about samin.

“So, you mean,”

“Yes. I’m courting him.” sabi ni Ynigo.

“Oh ghad.” sabi ko sabay hawak sa noo.

“Seriously? Bakla ka pala?” sabi ni ma’am.

“Nope. Lumihis ako sa tuwid na daan dahil nakita ko siya.” sabi ni Ynigo sabay lingon sakin. Ang lawak ng ngiti ni loko.

“Oh my, di ko inexpect to. So, so, paano yung parents mo?” tanong ni ma’am.

“Di pa nila alam. Time will come, sasabihin ko na sakanila about us.” sabi ni Ynigo.

Natawa nalang si ma’am sa mga sinasabi ni Ynigo. Ako naman nakangiti lang.

“Bakit mo sinabi sakaniya?” bulong ko kay Ynigo.

“Wala lang, gusto ko lang.” sabi niya.

“Di ka ba nahihiya?” sabi ko.

“Why should I? Di ikaw yung taong ikinahihiya.” sabi niya sabay kindat.

OH GHAD. WHY? WHYYYY?

“Oh siya, maiwan ko muna kayo mga love birds. Ikaw Kristoff, ang dami mong dapat ikwento samin.” sabi ni ma’am.

“Ma’am naman eh, oo nga pala, nasan si Jeff?” sabi ko.

“Ah si Jeff? Day off niya ngayon, tsaka may kasama siyang babae kanina dito. Rica daw yung pangalan.” sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Ynigo.

“Si Rica?” sabi ni Ynigo.

“Bakit di nila sinabi na nagdadate na ang mga loko?” sabi ko.

“Secret daw nila. Ewan ko ba, oh sige sandali lang.” sabi ni ma’am.

“May atraso ka sakin.” sabi ko kay Ynigo.

“What? What did I do?” sabi niya.

“Tigil tigilan mo yang english english mo ha? Alam mo naman anong ibig kong sabihi eh.” sabi ko.

“Bakit ikaw pa ngayon ang nahihiya? Na in the first place ikaw naman una na-fall satin?” sabi niya.

“Aba loko ka ah. Di ako nahihiya pero concern ako sayo.” sabi ko. “Baka anong sabihin ng ibang tao sayo.”

“Don’t mind them please? Di nila hawak ang buhay natin. Just let them judge me. Tsaka isa pa, proud naman ako sa sarili ko. Proud ako na ikaw yung kasama ko.” sabi niya.

He’s damn serious. Seryoso nga talaga siya sakin, sa feelings niya for me. I would do the same just like what he did. He took the risk, so I should also take the risk. So be it. I love him.

“Bakit ba kasi ganyan ka? Lalo akong nahuhulog sayo, alam mo ba yun?” sabi ko.

“I just want you to be happy. Let’s just think of our happiness instead of thinking of other’s opinion. Well, sasaluhin naman kita if ever you are falling for me again and again. May assurance ka sakin.” sabi niya sabay kindat.

Oh ghad. Swerte ako sa lalaking to, grabe!

“Oh tamana ang harutan, eto na yung food. Kumain muna kayo.” sabi ni ma’am sabay lapag ng mga pagkain.

Yun kumain kami at nag-usap usap. Kahit anong bagay napag-usapan namin, lahat na nangyari sa buhay ko.

2nd day

Naglalakad kami sa mall ni Ynigo, syempre nakaakbay nanamn siya sakin so expected na tinitignan kami ng mga tao. Pero dedma as usual.

“Stoff, punta tayo sa taas. May bibilhin tayong shirt.” sabi ni Ynigo.

“Anong shirt?” sabi ko.

“You’ll see.” sabi niya.

Agad kaming pumunta sa taas at bumili ng shirts. Di ko inexpect na yung pinili niyang shirt saming dalawa is same design and color.

“Eh?” sabi ko.

“Dali na, wag kang ano. Let’s just try to wear it.” sabi niya sabay diretso sa counter, after naming bayaran, agad naming isinuot yunh shirt. Mas lalong dumami ang taong nakatingin samin. Maraming nagbubulingan, natatawa, nagsmismile, kinikilig and all.

“Bakit ba kasi natin to sinuot?” sabi ko.

“Let’s take some pictures na nakaganito tayo. First couple shirt natin.” sabi niya.

So I assumed na magseselfie lang kami, but I was wrong. Pumunta kami sa isang studio.

“Excuse me, magkano magpapicture?” tanong niya sa babae.

Nagulat yung babae nung nakita niya kami. Of course, she started to run her eyes to Ynigo, then sakin, tapos balik kay Ynigo. Ano ba ate?

“300 sir.” sabi niya.

“Okay sige. Pasok na ba kami?” sabi ni Ynigo.

“Yes sir.” sabi niya pero nakatingin parin siya saming dalawa.

After 20 shots na different pose, lumabas na kami.

“Ah sir, pwede niyo nang makuha ang picture ngayon. Wait nalang po kayo kasi ineedit na.” sabi nung babae.

“Hintayin nalang natin.” sabi ko.

“As you wish, loves.” sabi niya.

Eh?

“Eto na po sir.” sabay bigay ng envelope kay Ynigo.

Kinuha yun ni Ynigo at tinignan ang pictures.

“Ganda nito oh,” sabi ni Ynigi sabay pakita ng picture na nakasakay ako sa likod ni Ynigo.

“Kaya nga sir, actually nagdecide po kami na magprint ng picture niyo to display outside.” sabi nung babae.

WHAT?

“Seryoso ka miss?” sabi ko.

“Yes sir.” sagot niya.

“Pwedeng wag nalang?” sabi ko.

“Hayaan mo na Stoff. Cute naman tayo eh, diba miss?” sabi ni Ynigo sabay akbay sakin.

Ngumiti lang ang babae at nagnod. PLASTICITY IS LIFE.

So yun, pinost talaga yung picture namin sa labas at kitang kita na tumitingin lahat ng tao sa picture namin. Nakakahiya!

“Look Stoff, mukhang macucutean sila satin.” sabi ni Ynigo.

“Actually sayo lang.” sabi ko.

“Hindi ah? Cute ka kaya, matuturn-on ba ako kung di ka cute in your own simple ways?” sabi niya.

“Ynigo naman eh.” sabi ko.

“Believe me, Stoff. You’re cute. Nababakla na ata ako sayo eh, you’re like a straight bender, I think.” sabi niya.

“Di ako straight bender, ginusto mo kayang gustuhin ako.” sabi ko.

“Becuase all the characteristics or personalities I want to a person, nasa iyo. You’re worthy to be called mine and I don’t want anybody to claim you as theirs.” sabi niya.

Ayan nanaman siya. Pinapakilig nanaman niya ako. Now I can conclude he really is damn serious. He’s kinda showy of his love for me, care and sweetness. He didn’t think about what people think about him, instead he’s looking forward for his happiness. Happiness dominates fear. That’s it.

“Ynigo, you know what? I’m thankful you came to my life. Maybe the time we first met, it’s not that romantic, but it ended just like in a love story. I’m happy that you appreaciated me and accepted my flaws. I know I’m not that typical dream guy, but you still chose me. I don’t know anong nakita mo sakin bakit natipuhan mo ako. I wondered na bakit ako? Di ako babae? Bakla ako? Bakit ako pa? That questions popping on my head all the time. The imaginations kept in my mind were finally came to life.” sabi ko.

Hinawakan niya pisngi ko at tinignan ako.

“Even me, I don’t know what are the factors you have that catches my heart. Time to time, I came to realize that I have the weirdest feelings ever! I didn’t expect that this will happen. I never thought that I fell inlove with a guy. Well, I didn’t reget at all because you’re tge coolest and amazing guy I’ve ever met. Since the day we first met, actually you already have my attention. I want to call you Stoff instead of Kristoff because I want to be the only person calling you Stoff. I just love the way you are, I’m happy to be with you, and also I’m glad yoh catched me when I fall. Thank you!” sabi ni boss.

I never thought that all of these are possible. Di ko inakalang mangyayari ang lahat ng to sakin, ako pa talaga? Sa dinami-dami ng tao dito na magangarap ng ganito, sa akin pa nangyari. Of course di ako nagregret sa mga nangyayari sakin. Napakasaya ko dahil dumating si Ynigo sa buhay ko at di ko akalain na mahuhulog din siya sakin ng di ko namamalayan. Masayang masaya ako.

“Hindi hindi kita ikahihiya, Stoff.” sabi niya.

“Ako rin, Ynigo.” sabi ko.


Chapter 41

Kristoff’s POV

Pumasok ako ng maaga sa office. I just want to see Ynigo, I don’t know. Kinain na yata niya ang buong sistema ko. Ewan ko ba anong nakain at nagawa kong maging baliw na baliw sakanya. I just love the way he is, yes he’s mean, cruel and all but on the other side, may tinatago pala siyang kakulitan at kakornihan. But I love his kakornihan na attitude. Lakas makabaliw hahaha you want proof? Well, look what happened to me. Then that’s the proof.

Nang pumasok ako sa office, nakita ko siya agad. Napangiti ako at ganun din siya. Tumayo siya sa kinauupuan niya and he just kissed my forehead saying….

“Goodmorning! How are you? I miss you.”

At yun. Ganun lang kadali at nabuo na niya ang araw ko. Grabe talaga siya kung makapagpakilig. Ganun kaya siya sa iba din yang naging girlfriend? And speaking of girlfriend, kay Danielle?

“Goodmorning! I’m good.” sagot ko naman sabay lapag ng gamit ko sa lamesa at umupo.

Nagchange yung expression niya from happy to confused. Lumapit siya sakin just to check if I’m good.

“Okay ka lang?” sabi niya.

“Oo naman. Bakit mo nasabi?” sagot ko while staring at him.

“Wala lang. You don’t miss me?” sabi niya with matching pa-sad na mukha. so cuuuuuute :D

“Of course I miss you.” sagot ko sabay hawak sa mukha niya.

“Sure? Eh nung nag I miss you ako a while ago, you just walk away without saying the word ‘I miss you too’”. sagot niya.

Ang korniiiiiii pero ang cute niya tingnan na mukhang nadisappoint.

Pinat ko yung ulo niya and kissed him on his cheek.

“Ang oa mo talaga kahit kailan no? Namiss kaya kita ng sobra sobra. Kaya nga maaga ako ngayon dahil gusto kita makita.”

See? Ganito na yung nangyari sakin guys. I just don’t get it why this happened to me, ang mabaliw sakanya just wow!

Niyakap niya akong mahigpit. niyakap ko rin siya pabalik.

“Damn Stoff!” whisper niya sakin.

“Ano?” sabi ko.

“You’re mine. You’re mine.”

Mga salitang yun. Ang sarap pakinggan!

“Oh sorry.”

Humiwalay kaagad kami nang may nagsalita……. si Marco.

“Oh goodmorning bro.” bati ni Ynigo sakanya.

“Yow!” tipid na tugon ni Marco.

OH SHIT.

“Goodmorning, pare!” bati ko sakanya.

He just nod and umupo sa sofa, like what happened? Nakita niya ba yung ginawa namin ni Ynigo?

“May gagawin ba tayo ngayon?” sabi ni Marco.

“Nope but…”

“Well then, aalis na ako.” sabi niya sabay tayo. Aktong lalabas na siya ngunit pinigilan ko siya.

“May problema ba?” sabi ko. “Mukhang wala ka sa mood ah?”

“Problema? Ewan hahaha.” sabi niya.

“Please tell me, di ako sanay na ganyan ka.” sabi ko.

“Well then, see me in the park near here at 6pm.” sabi niya sabay alis.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Alam kong galit siya sa nakita niya. ugh!

“Anong nangyari kay Marco?” tanong ni Ynigo.

“Ewan ko, di niya sainabi eh.” sagot ko naman.

Buong araw akong tulala. Halos wala akong natapos na gawain. Tanong ng tanong sakin si Ynigo kung anong nangyari sakin pero sabi ko wala ako sa mood at di maganda ang pakiramdam ko. Agad naman niya akong pinauwi ng maaga. May balak pa sana siyang ihatid ako kaso di ako pumayag. Buti naman at umokay na siya.

“Sorry Ynigo ha?” sabi ko nung nasa lobby na kami.

“Okay lang. just get some sleep, mukhang pagod ka lang at kulang sa tulog. Just let me know if you’re not okay. we will go to the hospital rig….”

“Oa ka, wala naman akong sakit eh.”

“Ah basta. just text or call me if you feel unusual.” sabi niya.

“Opo boss!”

“Again?”

“I mean, yes Ynigo.”

“Good. Take care, mamahalin pa kita.” sabi niya sabay wink.

“Ikaw din.” sabi ko.

Lumabas na ako ng office at tinignan ang watch. It’s 5:47pm. I decided na pumunta nalang sa park, hintayin ko nalang si Marco dun.

Habang naglalakad ako, I was thinking baka nawala siya sa mood or nagalit siya sa nakita niya kanina. Ugh. Kasalanan ko talaga to.

Nung nakarating na ako sa park, I saw him na nakaupo malapit sa malaking puno. I saw his expression, tila balisa. Lumapit ako sakanya at umupo din sa tabi niya. He was shocked and trying to stand up but I forced him to sit down.

“Bat ang aga mo? Wala pang 6pm?” sabi niya.

“Eh ikaw bat ka nandito? Anong oras ka pa nandito?” sabi ko.

“3pm, I guess?” sabi niya.

“What?!” sabi ko.

“Pake mo? Di mo naman ako pagmamay-ari.” sabi niya.

Napahinto ako sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at nagsalita na.

“Sorry,” pambungad kong salita. “alam kong may nagawa akong di maganda sayo kanina.”

Huminga siya ng malalim at nagsalita.

“Masakit pala no? Masakit makita ang mahal mong may iba na.” sabi niya.

“Sorry Marco….”

“Hehehe okay lang. Kasalanan ko naman din to eh. Pinush ko sarili ko na ipahglaban ang feelings na to na in the first place, alam ko naman na may mahal kang iba.” sabi niya.

Shet. Ako’y nasasaktan sa mga sinasabi niya. Napakawalang hiya ko!

“Marco….”

“Hays. Ang sakit isipin na yung taong mahal mo may mahal ng iba, kahit na siguro anong effort mong gawin dun parin siya sa mahal niya. Siguro sasaya lang siya saglit pero kakaiba parin ang saya kapag yung mahal mo na yung nandiyan. Ano pa nga bang laban ko diba? Walang wala ko kumpara kay Ynigo. Di ko siya abot, damn! Eto lang kasi nakayanan ko eh.” sabi niya sabay tulo ng luha.

“Marco…..”

“Stoff, mahirap ba akong mahalin?”

“Nope, hindi.”

“Then bakit di mo ko kayang mahalin?”

“Hindi sa ganun Marco, pero…”

“Kasi mas mahal mo si Ynigo?”

Tumahimik ako.

“Sagutin mo ko, Kristoff.”

“Oo, Marco.”

Tumawa siya.

“Alam ko naman yun eh, pero bakit ang sakit parin pag nanggaling sayo?” sabi niya. “Ang sakit, ang sakit sakit.”

Di ko alam anong gagawin ko, napapaluha na ako. di ko kayang nakikita siyang umiiyak at nasasaktan dahil sakin.

“Marco, tama na please? Wag ka nang umiyak.”

“Sorry Kristoff ha? Ganito kasi talaga ako masaktan eh, umiiyak. Hahaha kabaklaan nga eh.” sabi niya.

“Okay lang naman umiyak eh kaya lang ako kasi dahilan eh, ayokong nakikita ka na umiiyak dahil nasasaktan ka dahil sakin. Nagagalit na ako sa sarili ko.” sabi ko.

“Wag kang magalit sa sarili mo. Wala ka namang kasalan eh, I am. Ako may kasalanan kung bakit ako nasasaktan. I just pushed myself to continue what I really feel for you.”

“Hindi Marco, kasalan ko te eh.”

“Don’t feel bad, bat ka ba nagagalit sa sarili mo? Ako nga may kasalanan eh. Kung sana di ko nalang itinuloy di sana ako masasaktan ngayon.”

“Marco….”

“Oo, umasa ako na may pag-asa, oo naghihintay ako na mahy himala, oo nakipaglaban ako sa mahal mo, pero atleast nagtry ako diba? Kaysa naman sa wala akong ginawa kundi tingnan ka lang. Atleast I manifested my love to you. Siguro talaga hindi tayo para sa isa’t isa. It’s time na siguro to end this. Hanggang dito nalang kasi alam kong nakuha na ni Ynigo loob mo ng tuluyan and aasa pa ba ako? Pero if ever na sasaktan ka ni Ynigo, well, ako makakalaban niya at ukunin kita sakanya.” sabi niya sabay ngiti pero kitang kita sa mga mata niya ang sakit at lungkot.

Natawa ako ng slight pero mas nasaktan parin ako sa nagawa ko.

“Marco, alam kong malaki yung nagawa kong kasalanan sa iyo, sobrang sama ko. nasaktan kita, sorry, sorry talaga. Hindi ko naman talaga intention na saktan ka kaso nagawa ko parin pala. Ayokong maging rason ako bakit ka umiiyak, ayoko nun. Nasasaktan din ako kung nasasaktan ka. Naging mabait at maasahan kang kaibigan. Sa lahat ng oras na malungkot ako, nandiyan ka para patawanin ako. Nung mga oras na kailangan ko ng matutulungan, you’re there to offer a helping hand and sa lahat lahat na nang naitulong mo sakin. Sobrang salamat. di mo deserve ang tulad ko, and masaktan ka. Siguro may mas nababagay talaga sayo na talagang napakadeserving sa love mo. Sorry talaga, sorry sa lahat.”

Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako.

“Salamat Kristoff dahil nandiyan ka lagi. Salamat dahil di mo ko pinabayaan. Alam mo, di ako nagsisi na nakilala at minahal kita. Di ko sana makilala sarili ko kung di kita nakilala. Siguro kung mas maaga ako, ako sana. Sobrang nagpapasalamat ako sa’yo dahil may kaibigan akong karamay sa lahat ng oras. Mas mabuti pa nga siguro na maging kaibigan kita dahil nandito ka lagi sa tabi ko. Okay na ko dun kahit na di ka maging akin, atleast napungta ka sa kaibigan ko at alam kong di ka pababayaan at sasaktan. pero kung sakaling saktan ka niya, sabihan mo ko.” sabi niya.

“Oo na hahaha.” sabi ko sabay pahid ng luha niya. “Tama na ha? Tsaka sorry din. Di bale, di kita pababayaan. Magiging sandalan mo ko all the time. Pwede naman tayong maging bestfriends eh hahaha ano?” sabi ko.

“Mas gusto ko yung best friends with benefits.”

Hinampas ko siya ng dalawang kamay.

“Aba loko ka ah?” sabi ko.

“Bakit?”

“Anong benefits ka diyan?”

“Benefits, may makukuha ako sayo like share mo yung mga sikreto mo. Benefit nayun sakin dahil sinasabihan mo ko ng secrets, diba?”

Napakamanyak ko lang talaga eh no? LOL.

“Ah sabi ko nga.” sabi ko na tila napahiya.

“Pero, can I have a favor?” sabi niya.

“Ano yun?” sabi ko.

Lumapit siya sakin. Napakaseryoso ng mukha niya.

“Can you be mine tonight? Just tonight?”

Natawa nalang ako and say…..

“Yes, i’m yours tonight.” sabi ko.

Napangiti naman siya at agad siyang tumayo.

“YEEEEEES! Atlast, kahit na ngayong gabi lang, naging akin ka!” sabi niya sabay talon.

Tumayo naman ako at pinahinto siya. Huminto naman siya.

I’m just so lucky to have a friend like Marco in my life. Imagine, nasaktan ko na siya but he chose to stay. Hindi siya yung tipong iiwan ka nalang after niyang masaktan. I admit, nasaktan ko talaga siya pero mas pinili niya paring magstay dahil kaibigan niya ako. Ang sarap sa feeling sobra. If wala lang Ynigo sa mundong ito, I’d love to be his boyfriend. He’s one of a kind.

Ngayong gabi, atleast, mapasaya ko siya. I will love him one last time and just this time. :)

OH MY GOODNESS! How are you guys? It’s been 2 months yeah? So sorry for the super duper ultra mega delaaaaay huhu. Guess what guys? 19 na akoooo hahaha kakabirthday ko lang nung December 24. Yes, 24. I really miss you guys, sa comments, pm’s lahat lahat. thank you so much sa support ninyo! I do really love you guys, I really do.

PS: sobrang natouch ako sa chapter nato, grabe. I want Marco in my lifeeeeeee hahahahahahahahhaahah peace yow.

Keep on supporting ‘My Boss’ guys, share! :D

Creamme Oh

Chapter 42

Kristoff’s POV

It was a great night with Marco. Nakita ko sakanya yung pilit na saya dahil mas napapansin yung kalungkutan niya. I don’t want to see him like that, pero pinasaya ko siya kagabi and I think I made it naman. He’s still like a cute child, longing for happiness. It seems he really had fun with me. Nasasaktan din ako para sakanya, I’m not worthy for his tears and pain. Sinisisi ko sarili ko sa nangyari dahil may nagawa din akong kasalanan that’s why he’s suffering like that. Hays.

Nakatunganga lang ako sa office for how many hours na, wala si Ynigo kasi pinuntahan niya yung papa niya for some impotant discussions with Mister Novitsky.

Bumukas yung pinto at napalingon ako. Pumasok si Ynigo. Nakangiti siya sakin. Napakagwapo talaga niya. His face is damn perfect. His scent still catches my attention. I really like it. Damn good. Oh goodness! Why on earth?

“Goodmorning Ynigo.” bati ko sakanya as he locked the door.

“Goodmorning Stoff.” bati niya sakin sabay papalapit sakin. He kissed my head and pat my shoulder. Napangiti ako sa ginawa niya. I just damn can’t hide my feelings na kilig na kilig parin ako until now. Grabe.

“Kinikilig ka parin ba sakin?” sabi niya sakin.

“Hindi no?” sabay yuko. OO NA OO NA KILIG NA KILIG PARIN AKO. IKAW KASI ANG LANDI.

Ngumiti siya at hinarap niya ako. Tumingin siya direkta sa mga mata ko and umiwas ako ng tingin. Hindi ko parin kaya makipagtitigan sakanya. Ewan ko ba anong nasa mga mata niya at bakit parang nawawalan ako ng lakas.

“Oh, and why can’t you stare at me? You’re avoiding my eyes.” sabi niya sakin habang hawak niya yung mukha ko.

“Wala no? Ano ka ba?”

STOP IT PLEASE?

“Then look into my eyes.” sabi niya.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang anytime hihiwalay natong puso ko sa katawan ko. I try to look into his eyes directly.

Ang gaganda talaga ng kanyang mga mata. It’s like a diamond shining brightly. Di ko maiwasan ngumiti dahil sa kanyang kabaliwan.

Umiwas na ako at hinampas ang kanyang braso.

“Aray. Ano ba nagawa ko?” sabi niya sabay hawak sa braso niya.

“Eh kasi ikaw,”

“Bakit ako?”

“Kasi ikaw, pinapakilig mo ako.”

Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay ko.

“It’s my pleasure. Seeing you like that makes my simple day special.” sabi niya. “Kahit na may morning star ka pa.”

Agad naman akong napayuko at kinuha yung morning star ko. Langhiya talaga tong lalaking to. Lakas mantrip taena.

Sinapak ko siya at napahawak siya ulit sa braso niya. Natawa naman ako dahil sa oa na reaction niya.

“Langhiya ka, trinitrip mo pa ako. Loko ka. At isa pa, ang oa mo ah? Ang laki kaya ng katawan mo pero nasasaktan ka. Wala ka pala eh.” tila pang-aasar ko sakanya.

“Totoo naman eh na may morning star ka pa. Ang laki nga eh. Tsaka ang sakit mo kayang manuntok. Lalaki ka parin Stoff.” sabi niya sabay papacute. Ay loko talaga.

“Oo naman no?” sabi ko.

“Gwapo mo talaga Stoff.” sabi niya sabay ngiti.

Oh goodness gracious!!!!!!

“Oo naman. Ako pa?” sabi ko with watching buo amg boses.

“I’m damn serious. You’re freaking handsome. I’m always stunned by your face.” sabi niya.

“Di naman ako masyadong gwapo. Konti lang.” pabirong sabi ko.

“I always thought na nababading na ba ako sayo? Never in my wildest dream to love a man. I’m straight and I know that, really know that. I suddenly eat those words when I see you. Ewan ko. Everytime makikita kita, nagpopop sa isip ko na ‘ang gwapo mo’ wherein fact I never ever say that to any person. Sayo lang and I feel strange. Seeing myself uttering and thinking those statements which I didn’t used to, I feel like damn crazy. This is gayshit but it feels like heaven. I really like it. I never felt like this before, sayo lang.” sabi niya with a serious but handsome face.

Lumakas ang tibok lalo ng puso ko. I never expected that this guy will defintely fell inlove with me. He’s straight, I know that as well. But the thing is, he just simply enter the other dimension. Di ko naman sinasadya yun. Yes I dreamed that one day he will love me but seriously di ko intensyon na baliin yung matuwid niyang daan.

Wala akong masabi. Napangiti nalang ako bilang tugon sa sinabi niya. I was a bit in shock.

“Stoff,” hinawakan niya kamay ko.

“Bakit?”

“Bakit ba ang gwapo mo? Nababaliw ako. Dagdagan mo pa ng magandang ugali and a beautiful heart.”

“Bakit ba kasi ang gwapo mo rin? Magkahalong mabait at striktong ugali pero ang ganda ng kombinasyon.”

Ngumiti siya sakin na parang bata. Natawa naman ako sa mukha niya.

“Stoff,”

“Ynigo”

“I have something for you.”

May kinuha siya sa bulsa niya.

“Give me your hand.” sabi niya.

Binigay ko yung kamay ko at agad naman niyang sinuot yung relo sa wrist ko. Napangit ako sa binigay niya.

“Para san to?” tanong ko.

“Wala lang. Naisipan kong bumili kasi I noticed that you’re not wearing a wrist watch.” sabi niya.

“Hehe. Salamat.” sabi ko.

“Please,” binigay niya sakin yung isang watch na kagaya sakin. Kumbaga couple wrist watch. “Isuot mo din sakin.”

Natawa ako at kinuha yung relo at isinuot sakanya. Ngumiti siya at napangiti rin ako.

“Oh ayan, may couple watch na tayo.” sabi niya na tila isang bata.

“Loko ka.” sabi ko sakanya.

“Ynigo,”

“Bakit?”

“Bakit mo ko minahal?”

Sumeryeso yung mukha niya at huminga ng malalim.

“Love is unexplainable Stoff. I don’t even know why did I fell inlove. Di ko lubos maisip na maiinlove ako sa kapwa ko lalaki. It’s unsual. Totoo nga siguro ang kasabihan na, love has no gender. Pero isa lang ang alam ko, gusto kita dahil ikaw si Kristoff Saavedra.”

Napangiti ako niyakap siya. Ang saya ko. Ang saya saya. I now consider myself, not lucky, but blessed to have him in my life.

“Stoff,”

“Yes?”

“Will you be mine?”

Napakalas ako ng yakap at lumuhod siya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinignan ako direkta sa mga mata ko.

“Oo Ynigo.” sabi ko.

Napatayo siya at niyakap ulit ako. Habang magkayakap kami, napaluha ako. Ang saya lang sa feeling.

“Ynigo,” bulong ko sakanya.

“Yeah?”

“Will you be mine?”

“Yes. I’m yours.”

Mas lalo kong hinigpitan yung yakap ko sakanya.

Ang saya saya ko. Sobrang saya. Di ko maexplain basta ang saya ko lang. Imagine, I own him now and he owns me as well. Damn.

May narinig kami sa pinto. Yung tunog nang may sumira ng pinto. Napakalas kami ng yakap at tinignan ang pinto. Wala namang tao. We just ignored it and niyaya niya akong kumain sa labas and we did.

D

anielle’s POV

*on call

UNKNOWN: Ma’am may ibabalita po ako sainyo.

Danielle: Ano yun?

U: Sinend ko po sayo sa email niyo. Just check it out.

D: And what the heck is that?

U: You’ll see and I know you will not like it.

I’m a bit curious so I checked my email. It’s a video. I watched it and napatulala ako sa nakita ko.

I saw Ynigo and Kristoff na magkayakap. I saw also na Ynigo gave Kristoff a wrist watch and they got the same watch. Shit.

I used my earphones to hear their conversation. I was shocked of what I’ve heard. They’re in a relationship?! Like is this a kind of a freaking joke? I don’t believe this. Ynigo? Having a relationship with a guy? Like seriously? He’s straight, I do even know him. But what just happened there? Like what the?

I texted the one who sent the video to thank him. Thank him? Because I can use this to finally get rid of Kristoff out of our lives.

“Now, it’s my time to shine.” I said.

Agad kong tinawagan si Dad to pick me up.

Oh what the hell is going on? Who is that mystery guy who sent that video to Danielle? Ano ba talaga ang tunay na balak ni Danielle? Abangan…..

Oh guys! I just have the guts now to update this chapter. I’m really sorry for the delay. I know that hindi sapat ang sorry sa pagpapaantay sa update. Pero sorry talaga. Sobrang busy lang talaga to the extend nakalimutan ko na tong iupdate. But I will continue this story. Don’t worry. Tatapusin ko to and gagawa ng updates maybe next week I guess. Patapos na ang summer class ko. So guys, please keep supporting My Boss. Please share and let your friends read this story of mine. :) I LOVE YOU GUYS AND PLEASE PLEASE BARE WITH ME ALWAYS. THANK YOU SO MUCH!

-Creamme

Oh

Chapter 43

Lumipas ang ilang linggo nang maging kami ni Ynigo. Sobrang sweet niya sakin to the extend na para na akong bata sa paningin niya. Always niya akong pinapasaya and lagi ko namang pinaparamdam sakanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko lubos maisip na sasaya kami pareho at lalong di ko akalaing magiging akin yung taong pinapangarap ko lang. Ang saya ko lang sobra. Mas lalo akong naiinlove sakanya araw araw dahil parati niya akong pinapakilig. Ewan ko pero ang saya lang, sobra.

“Kumain kana?” bungad na tanong sakin ni Ynigo. Busy kasi siya ngayon kasi marami na siyang projects at kasalukuyan akong tumutulong sakanya sa mga files na kakailanganin.

“Di pa eh, ikaw ba? Nagugutom ka na?” tanong ko sakanya pabalik. Halos parati nalang niyang nakakalimutang kumain dahilan sa sobrang busy siya.

“Di rin haha gutom na ako. Ngayon ko lang naalala na di pa pala ako kumakain.” sagot niya.

“Teka, may sorpresa ako sayo.” sabi ko at sabay tayo papunta sa bag ko. Kinuha ko yung niluto kong adobong baboy. Sabi kasi ni mama na babaunin ko nalang yun.

“Ano yan?” tanong sakin ni Ynigo habang curious na tumitingin sakin.

“Charan!! Adobong baboy. Kain muna tayo oh?” sabi ko sabay lapag ito sa lamesa.

Napangiti naman siya na parang bata at tumayo agad. Dumiretso siya sa sofa niya at hinila yung lamesa palapit sakanya. Napangiti nalang ako dahil ang cute niya tingnan.

“Salamat dito, Stoff.” sabi niya sabay ngiti sakin.

Ang ganda talaga ng ngiti niya. Yung tipong ngiti palang, pamatay na. Kinikilig nanaman ako sa ngiting iyon. Gash Ynigo.

“My pleasure, Ynigo.” sagot ko naman.

Hinila nya ako palapit sakanya at pinaupo sa lap niya. Niyakap niya ako patalikod at hinawi ko yung malambot niyang buhok.

“Thank you for loving me, Stoff. I’m grateful you stayed with me.” sabi niya sakin.

“Thank you also Ynigo for letting me love you despite of our situation.” sagot ko naman sakanya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

“I took a risk just to love you. Alam ko it’s not that usual to have a relationship between guy to guy, but di ko pinagsisihan to.” sabi niya sakin sabay ngiti.

Napangiti din ako sa sinabi niya. Masaya ako sa ganap sa buhay namin pero alam ko, alam kong may di magandang mangyayari habang pinagpatuloy namin ito. Pero di ako susuko at lalaban ako.

“I love you, Ynigo.” sabi ko sakanya sabay hawak sa mukha niya.

“I love you more, Kristoff.” sagot niya.

“And I love you most.”

Hinalikan ko siya sa noo. Napayakap naman siya sakin at ganun din ako.

I really expect na madami kaming challenges ni Ynigo. Malalaman at malalaman din nila ang tungkol samin. Alam kong maraming tutol sa relasyon namin lalo na yung pamilya niya at sina Danielle din. Di ko alam. Di ko na alam actually ano ang mangyayari. Ihahanda ko nalang sarili ko sa pwedeng mangyari. Basta ngayon, right this very moment, I’m happy with him.

“Kumusta pala kayo ng papa mo?” sabi ko sabay open ng tupperware.

“Di parin kami bati. Di parin niya ako kinakausap pero I have a plan na kitain siya mamaya para kausapin siya.” sagot niya.

“Sana magkaayos na kayo.” sabi ko.

“Sana nga pero I know na galit na galit siya sakin. Sa ginawa ko ba naman, pero I’ll try.” sabi niya.

“I’ll be here. Susuportahan kita okay? Always remember that.” sabi ko sabay tap sa balikat niya.

“Salamat Stoff. Maraming salamat sayo.” ngiting sabi niya.

“Anak! May goodnews ako.” sabi ni papa pagkapasok ko sa room.

“Ano yun papa?” sabi ko sabay lapag ng bag ko sa lamesa.

“Natanggap ako sa trabaho ko!” masayang sabi ni papa sakin.

“Talaga? Wow congrats pa.” sabi ko sabay yakap sakanya. Napayakap din si mama samin.

“Pero papa, di niyo naman kailangan magtrabaho eh. Nandito naman ako. Ako na bahala sainyo.” pagiinsist ko.

“Hay nako anak, hayaan mo na ako. Tsaka mabobored lang ako dito kung wala akong gagawin.” sabi niya.

“Hayaan mo na papa mo anak, matigas ang ulo eh.” sagot ni mama.

“Hay nako papa oh sige sige bahala ka na basta lang wag ka magpapagod ng sobra. Yung sakit niyo?” sabi ko.

“Sus okay na ako. Malakas yata ako.” sabi niya.

Nagtawanan nalang kami at naghanda na si mama ng makakain namin. Si Ynigo kasi nasa bahay nila ngayon. Kakausapin niya raw papa niya about sa nangyari sa kanila. I hope and pray na sana magkaayos na sila.

“Siya nga pala, san ka nagtatrabaho pa?” sabi ko.

“Ah sa A&A company anak. Nagapply akong driver nila.” sagot ni papa.

“Ganun po ba? Kailan daw kayo magsisimula?” sabi ko.

“Bukas raw anak.”

“Talaga? Ihahatid kita dun papa. Sabay tayo aalis bukas.” sabi ko.

“Sigurado ka anak? Di ka ba malalate sa trabaho mo?” tanong ni papa sakin.

“Oo naman pa. Tsaka gusto ko din malaman san ka nagtatrabaho.” sagot ko.

Nilapag na ni mama yung ulam namin tsaka kami kumain.

“Kumusta ka jan Ynigo?”

“Ayos lang. Di parin kumikibo si papa sakin. Mukhang galit talaga siya.”

“Talaga ba? Buti nalang di siya nagmukhang leon nung nakita ka.”

“Hindi naman pero kitang kita ko sa mukha niya na galit siya. Ni hindi na niya tinapos yung hapunan eh, unalis siya kaagad.”

“Yung mama mo?”

“Eto patuloy na kinakausap si papa. Papalipasin ko nalang muna.”

“Sige sige. Magingat ka diyan ah?”

“Yes Stoff, I will. I love you.”

“I love you too, Ynigo.”

Binababa ko na yung call. Hays. Sana maging okay na yung papa ni Ynigo. Alam ko naman na masakit yun sakanya dahil about business ang usapan. Di naman bago sa mga mayayaman ang fix marriage.

Humiga na ako sa kama ko. Naalala ko, kumusta na kaya si Marco? Matagal tagal na akong walang balita sakanya pero naalala ko busy din daw siya dahil may project din siyang inaasikaso.

“Anak? Ready na ako.” sabi ni papa sakin.

“Opo papa saglit nalang.” sabi ko sabay ayos ng buhok ko. Agad na akong lumabas ng kwarto at kinuha yung bag ko.

“Tara na po? Ma, alis na po kami.” sabi ko.

“Osiya, magiingat kayong dalawa. Lalo ka na Caesar, wag ka magpapagod masyado.” sabi ni mama.

“Oo naman hehe.” saogot ni papa.

Agad na kaming lumabas at nagpara ng taxi. Ihahatid ko nalang si papa sa trinatrabahuan niya para naman malaman ko kung saan nakalocate tsaka yung environment.

“Dito nalang ho.” sabi ni papa sa driver. Agad namang hininto ng driver yung sasakyan at nagbayad na kami.

“Salamat po.” sabi ko sabay abot ng bayad.

“Eto yun anak. Ang ganda diba?” sabi ni papa sakin.

Ayos naman yung kumpanyang pinapasukan ni papa. Malaki tsaka ang gara. Siguro ang yaman din nang nagmamay-ari nito.

“Matanong ko pa, sino ba yung boss dito?” tanong ko.

“Tama nga pala anak, si Danielle. Ang bait ng boss nila dito. Akalain mo, ako talaga ang pinili niya sa daming nagaapply ng driver nila.” sagot ni papa.

Nabigla ako sa sinabi ni papa. Danielle? As in Danielle na girlfriend ni Ynigo? Sigurado ba si papa?

“Ano po?!” napahinto ako sa kakalakad. Seryoso ba ito?

“Oo anak. Si Danielle. Siya yung kumuha sakin as driver nila. Ang bait talaga niya anak.” sabi ni papa.

This can’t be happening. Ano ba nangyayari ngayon? Bakit parang ang liit ng mundo? Hindi ko maisip na nagtatrabaho si papa ngayon sa girlfriend ni Ynigo. Hindi ko na alam anong irereact ko, bagkos binalewala ko nalang.

“Ayun pala siya anak oh?” sabi ni papa sabay turo sa bandang kanan.

Nilingon ko ito at di nga ako nagkamali. Si Danielle nga.

Nakita naman ako ni Danielle at agad na pinuntahan kami sa kinatatayuan namin.

“Oh Kristoff, what a surprise. What brought you here?” sabi niya sabay ngiti.

Ghad plastik!

Bigla naman niyang napansin si papa.

“Oh, Caesar right? Our new hired driver. Good thing maaga ka. Wait, oh my goodness, magkakilala kayo?” pashock niyang sabi. Kunwaring nabigla ulol.

“Goodmorning Ma’am, ah opo, anak ko po. Magkakilala po kayo?” sabi ni papa.

“Of course I know him. We knew each other. Right Kristoff?” sabi ni Danielle.

“Ah yes.” tipid kong sagot.

“Ang liit ng mundo hehe.” patawang sabi ni papa.

“Sobrang liit ng mundo, Caesar. Sobrang liit.” padiin na sabi ni Danielle. “Oh by the way, tara na sa taas Caesar, may mga orientation pa tayo.” tinignan niya ako from head to toe “May kailangan ka pa ba Kristoff? Matutulungan ba kita?” sabi niya with a grin.

Malakas ang kutob ko na di maganda to. Parang may mali. Parang may kakaibang mangyayari.

“Nothing. I’ll go ahead. Hinatid ko lang si papa.” sagot ko.

“Okay then. Call me if you need something.” sabi niya sabay wink sakin.

May masama akong kutob sa pwedeng mangyari. Ano bang pakay niya at bakit parang bait na bait si papa sakanya? Tsaka bakit sabi ni papa na ang dami nilang nagapply pero siya ang pinili ni Danielle? May balak ba siya sa papa ko? Ano na ba to?

PERSONAL SIGNATURE

My goodness! It’s been months if I’m not mistaken since I updated Chapter 42 gaaaash super duper ultra mega delay. Huhu guys I’m so sorry. Nawala ako sa storyang ito. I kept reading this story many times para madugtungan ko na ito. I made an outline kung ano mangyayari by chapter. I guess this will last until Chapter 50 kasi nagawa ko na yung timeline. Guys sorry masyado, I didn’t mean to hang you all like really. Ineedit ko kasi by chapters din para maganda na pagkakaconatruct chapter by chapter huhu sorry guys and probably I will update succeeding chapters para makabawi sainyo. Alam ko mukhang nakalimutan niyo na yung flow and that made you read back to the first chapter huhu sorry guys. Sana mapatawad niyo si author. I still love you all and hoping for you support para sa My Boss.

PLEASE VOTE AND COMMENT. PLEASE PLEASE ❤️

Follow me on Twitter and IG @DnzlCbty @djcabatay

Thank you mwa!

-Creamme Oh

Chapter 44

Tulala ako ngayon dahilan nang nalaman ko na ang boss ni papa ngayon ay walang iba kundi si Danielle. Sa lahat ba naman nang pwedeng company at sa lahat ba naman ng pwedeng maging boss, si Danielle pa. Pinaglalaruan ba ako ng tadahana?

“Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala jan ah?” sabi sakin ni Ynigo. Napansin na niya siguro na tila balisa ako ngayon at wala sa mood.

“Ha? Ah oo ayos lang ako.” sabi ko sakanya sabay alog ng ulo ko.

Hinug niya ako at napangiti ako ng bahagya dahil sa ginawa niya.

“Alam kong di ka okay. Nararamdaman ko. Ano ba problema mo? Sabihin mo na. Di ako kumortable na nakikita kitang ganyan.” sabi ni Ynigo sakin.

“Wala talaga. Napagod lang siguro ako, medyo masakit din kasi ulo ko ngayon.” sinungaling ko. Ayokong sabihin sakanya baka anong maisip niya.

“Are you sure? I don’t want to see my love acting like this. I’m sad to see you like this.” sabi niya sabay pout.

“Bakit ba ang cute cute mo ha?” sabi ko sabay pinch ng ilong niya.

“Inborn na po.” sabi niya sabay ngiti.

Ynigo Santillan!!!! Bakit ka ba ganito sakin? Nababaliw na ako sayo!!!

“Sige alis muna ako, may puputahan lang ako sa lobby. Please be happy okay? I love you.” sabi niya sabay kiss sa forehead ko.

“Opo I will. Thank you. I love you too.” sagot ko sakanya. Agad naman siyang lumabas sa office.

Napatunganga nanaman ako kasi sumasagi lagi sa isip ko si Danielle. Ghad what is happening?

Napatingin naman ako sa pinto dahil may bumukas nito.

“Oh hi Kristoff!” sabi ni Yohan sakin habang papasok siya.

“Hello Yohan. Anong ginagawa mo dito? May inutos ba sayo si Mister Novitsky?” tanong ko sakanya.

“Wala naman.” sagot niya.

“So anong ginagawa mo dito?” tanong ko muli.

“Just visiting you.” sagot niya sabay ngiti.

Nabigla ako sa sagot niya. Ano ba nakain nitong lalaking to?

“Eh? Ulol.” sabi ko sabay tawa. “Di nga, anong ginagawa mo dito? Anong maitutulong ko?” sabi ko.

“Wala nga haha ikaw talaga. Namiss lang kita.” sabi niya.

Is he damn serious?

“Okay?” sabi ko.

Lumapit siya sakin at bigla niya akong hinalikan sa labi. Napatunganga ako. Di ko magalaw ang buong katawan ko sa ginawa niya. It took 5 seconds para mahimasmasan ako at dun na ako nagkaroon ng lakas para itulak siya.

“What the?” sabi ko sakanya. “Ano ba ginagawa mo?”

Imbes sagutin niya ako, he grabbed my arms at sinandal ako sa pader. Hinalikan niya ako sa leeg. Agad naman niyang hinawakan yung bunganga ko para di ko magawang sumigaw. I tried to push him pero shit ang lakas niya. Tinanggal niya yung polo and muntikan na niya akong mahubaran. Pilit kong tinanggal yung kamay niya sa bibig ko at sinuntok siya sa pisngi.

“Gago ka!” sigaw ko sakanya sabay suntok ng malakas. This time nanginginig na ako sa galit. “Ano bang ginagawa mo?!” galit kong sabi.

Agad naman siyang lumabas ng opisina at iniwan akong nanginginig sa galit. Umupo kaagad ako at napahawak sa buhok ko. Inayos ko yung sarili ko para di ako magmukhang dugyot.

Tinignan ko yung polo ko at mukhang natanggal yung buttones. Gusot na din yung polo ko. I tried to clean myself. Suddenly, I noticed something.

“Shit.” sabi ko nang may nakita akong hickey sa bandang chest ko. Langya!

Agad akong tumungo sa cr at tinignan ito sa salamin. Bullshit! Ang dami. Ano nang gagawin ko? Pano kung makita to ni Ynigo? Mapapatay ko talaga si Yohan kung makikita ko yung gagong yun!

“Stoff? Nasan ka?” sabi ni Ynigo.

Napahawak ako sa noo at minadaling inayos ang sarili.

“Nasa cr ako.” sagot ko.

Nilagyan ko ng pulbos yung leeg ko tsaka sa bandang chest ko. Pinilit kong iayos yung polo ko. Agad na akong lumabas at nakayuko.

“Ayos ka lang? Ano ba nangyari?” sabi ni Ynigo.

“Ah wala, masakit lang tiyan ko.” sabi ko at agad umupo.

“Sigurado ka?” sabi ni Ynigo habang papalapit sakin.

Hinawakan ko yung polo ko para tabunan yung hickey sa bandang leeg ko.

“Oo Ynigo. Sige na dun ka na.” sabi ko.

Tila parang naguguluhan si Ynigo at napakamot sa ulo.

“Bakit parang nagiba yata kinikilos mo? Something wrong?” sabi niya ulit pero di na siya lumapit pa.

“Wala nga sabi. Okay lang ako.” sabi ko.

Maya maya ay may pumasok sa office. Si Danielle.

“What are you doing here?” sambit ni Ynigo sakanya.

“I’m here because of that faggot.” sabi niya sabay turo sakin.

“Anong kailangan mo sakanya? And don’t you ever call him faggot Danielle.” sabi ni Ynigo sakanya.

“Really Ynigo? Well then, I don’t know if you’re still protecting him after you watch this video.” sabi ni Danielle at agad binigay kay Ynigo ang kanyang cellphone.

Naguguluhan si Ynigo pero kinuha niya yung phone. Whole duration ng video ay nakatunganga lang si Ynigo. Nanlaki yung mga mata niya na tila nakakita ng multo.

“What can you say about that video my dear Ynigo? Quite shock huh?” sabi ni Danielle. Nakangiti siya sakin.

Kinakabahan ako. Anong nasa video at bakit parang ganun ang expresyon ng mukha ni Ynigo? Hindi ako mapakali sa anong nasa video na yun.

“Is this true?!” sigaw ni Ynigo sabay bigay sakin ng phone.

Napahawak ako sa bibig ko saking nakita. Shit oh really shit! Yung eksena kanina. Nung hinahalikan ako ni Yohan, yung paghawak niya sa bibig ko hanggang sa pagtanggal ng buttones ko. Ang wild ng eksenang ito. Ang galing lang pagkakakuha kasi sa angle ng video parang ginusto ko yung ginagawa namin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Di ako makapagsalita.

“IS THIS TRUE? ANSWER ME!!” sigaw ulit ni Ynigo.

“Ynigo, please listen to me.” sabi ko na tila nagingiyak na ako.

“Don’t listen to him Ynigo. Look what he has done, niloloko ka lang niya. May relasyon sila ni Yohan gosh I can’t believe this.” sabi ni Danielle.

“No Ynigo, di yan totoo.” sabi ko sakanya.

“Then what the hell is that video?!” sabi ni Ynigo.

“Si Yohan, si Yohan, pumasok siya dito and and ginawa niya sakin yan. Pilit kong kalasin yung pagkakahawak niya sakin pero malakas siya. I tried to scream pero di ko nagawa dahil hinawakan niya yung bunganga ko.” paliwanag ko sakanya.

“Oh really? I really thought nasasarapan ka kasi may papikit pikit kapang nalalaman. Just wow Kristoff! At kung makipaglaplapan ka sa jowa mo, omg please a get a room. Wag dito. My goodness, di ka na nahiya. Di napigilan ang kati?” sabi niya sakin.

“Di mo alam pinagsasabi mo Danielle at lalong di ko jowa si Yohan. Please Ynigo listen to me.” sabi ko.

“Nakakatawa ka Kristoff. Well I have a visitor. Come here, Yohan.” sabi ni Danielle.

Pumasok si Yohan at tumabi kay Danielle.

“Yohan, tell Ynigo the truth.” sabi ni Danielle.

“Kristoff and I have a secret relationship. Itinago namin to for many weeks already, I tried to convince him na sabihin na sainyo pero sabi niya di pa daw siya handa.” pahayag ni Yohan.

What the actual f**k? Ano ba pinagsasabi ng lalaking to?! Langya siya.

“Anong pinagsasabi mo jan Yohan ha? Walang tayo gago ka! Hinayupak ka!!!! Bawiin mo sinabi mo!” galit kong sabi. Any time sasabog na ulit yung luha ko. Bakit ba to nangyayari sakin?

“Ano bang problema Kristoff? Bakit ayaw mong ipagsigawan na mag-on tayo? Sabihin mo na sakanila. Tsaka, ikaw pa nga nagpapunta sakin dito kanina para gawin natin yung gusto mo.” sabi niya sakin.

Nanlilisik na yung mga mata ko sa galit na nararamdaman ko! Di ko lubos maisip na gagawin sakin to ni Yohan. Akala ko mabait siyang tao punyeta hindi pala! Tama nga si Marco, may lihim tong lalaking to at ito na nga.

“Gash what a faggot!” sabi ni Danielle.

Tinignan ko si Ynigo. Nakatingin lang siya sakin na tila sinasabi ng kanyang mga mata na ‘hindi ito totoo’. Galit na galit yung mukha niya at parang papatak na yung luha niya anytime.

Lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa kamay.

“Ynigo please believe me, wala kaming relasyon ni Yohan. Di ko magagawa yun. Maniwala ka sakin please? Wala akong ginagawa-” di ko na natapos yung sasabihin ko nang itinulak niya ako papalayo sakanya.

“Stop it Kristoff. Alam ko na lahat. What’s the point if mageexplain ka pa? Wala na. There are proofs, di mo na kailangan depensahin sarili mo.” sabi niya.

“Ynigo please, maniwala ka sakin. Hindi yan totoo lahat. Please? Believe me.” pagmamakaawa ko. At this point, umiiyak na ako.

“Shit!!” sigaw ni Ynigo sabay tulak ulit sakin.

“What the f**k is that?” sabay turo sa leeg ko tsaka sa chest. Yung mga hickey.

“Omg! Ano ba yan? Yohan ano yan!!!” sigaw ni Danielle.

“Ginusto niya yan. Nasasarapan siya sa ginawa ko kanina. I keep on holding his mouth kasi nagmomoan na siya sa sarap.” sabi ni Yohan.

“BULLSHIT!” sigaw ni Ynigo sabay sipa sa lamesa. Napaupo siya at napahawak sa ulo niya. Umiiyak na siya.

“Ynigo,” sabi ko sabay lapit sakanya.

“Don’t touch me you bitch!” sabi niya sakin. Napaatras ako at umupo sa harapan niya.

“Ynigo, di totoo yung mga sinasabi nila. Believe me. Planado to lahat. Si Danielle ang may pakana nito. Ynigo hindi totoo yung sinasabi nila, gawa gawa lang yun. Gusto nilang maghiwalay tayo. Ynigo listen to me please?” pagmamakaawa ko sakanya. Di ko na mapigilan ang sarili ko.

“Labas muna tayo Yohan, I think there will be a closure right after this. Hayaan muna natin sila. Bye faggot!” sabi ni Danielle.

“Ano bang nagawa ko sayo at bakit parang galit na galit ka sakin?” sabi ko kay Danielle at tumayo.

“Paanong di ako magagalit eh you’re such a whore. Ang landi at ang kati mo. Marco, Ynigo and Yohan? Shit you’re a bitch. Ang galing mo ah?” sabi niya.

“Wag mo kong sisimulan Danielle. Di mo alam pinagsasabi mo.” sabi ko sakanya. “At ikaw Yohan, akala ko mabait ka, akala ko kaibigan tayo. Ano bang nagawa ko sayo?”

“Sorry Kristoff but I’m just telling the truth. Please maging honest ka na sakanya. Wag mo siyang paglaruan. Kawawa si Ynigo oh? Binobola mo.” sabi niya sakin.

That made me closed my fist. Galit na galit ako. BULLSHIT SILA. MAMATAY SILANG LAHAAAAT!! Gusto ko siyang suntikin pero di ko nagawa dahil lumabas na sila. Napahagulgol ako ng iyak sa nangyayari. Di ko alam ano nang gagawin ko.

Lumapit ulit ako kay Ynigo, hinawakan ko yung kamay niya. Nakikita kong umiiyak parin siya at makikita ko rin ang galit sa kanyang mga mukha.

“Bakit mo nagawa sakin to Stoff? Ha??!” sigaw niya sakin.

“Ynigo, di totoo yung mga pinagsasabi nila. Please maniwala ka sakin. Di ko magagawa yun sayo dahil mahal na mahal kita. Alam mo yun diba? Hindi ko kayang gawin yun. Hinding hindi.” sabi ko sakanya.

“Hindi mo kaya? Fk! Nagawa mo na nga. At kailan pa naging kayo ni Yohan ha?! Nung naaa Davao pa tayo?! Ano?! Tinatago niyo na pala samin yan?! Ano, masarap ba siya HA?! MASARAP BA. MASARAP BA?!” sigaw niya sakin. “Walang hiya ka. Pinakatiwalaan kitang hinayupak ka pero what did you do?! You cheated on me. Shit. Feel mo din eh no na babae ka?! Pa may gana ka pang magaliwa. Taena. Feel mo babae ka?! Ulol mo.” sabi niya.

Nasaktan ako sa mga sinasabi niya. Bakit parang ayaw niya maniwala sakin? Bakit ganyan siya kung makapagsalita? Di ba niya ako mahal? Ang sakit. Ang sakit sakit ng mga sinabi niya.

“Ynigo, please makinig ka sakin.” tanging nasabi ko.

“Stop this bullshit Kristoff. I never thought you’re still like the other gays. Akala ko iba ka pero shit you are all the same!! Sana di nalang kita nakilala. Sana di nalang kita hinayaang magtagal dito! Sana pinalayas nalang kita nung nalaman kong bakla ka. At sana, sana di nalang kita MINAHAL. Shit nandidiri ako sa sarili ko bat minahal ko ang isang tulad mo. WALANG HIYA KA!” sabi niya sakin.

Mas humagulgol ako ng iyak. Di ko inasahang ganyan siya makapagsalita sakin. Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba makikinig siya sa paliwanag ko?

“Ang sakit mo magsalita Ynigo.” sabi ko sakanya.

“Mas masakit ang ginawa mo sakin.” sabi niya sakin. “Niloko mo ko. You have that guts to cheat on me huh? You’re such a slut. Ang galing mo. Ang galing mong paikutin ako.”

“Ynigo, mahal na mahal kita. Di ko magagawa yun sayo. Ikaw lang ang mahal ko at di nako maghahanap ng iba. Please listen to me. Di totoo yun okay? Makinig ka sakin.” sabi ko sakanya.

“Let’s end this Kristoff. Let’s stop this nonsense. You’re also fired.” sabi niya sakin. Pinunasan niya yung luha niya tsaka siya nagsalit ulit. “You’re fired. Please leave my office now. I don’t want to see your face anymore. Tsaka umalis na din kayo sa dormitory. Please leave.” sabi niya.

“Ynigo please?” sabi ko sakanya.

“PUNYETA! DI KA BA NAKAKAINTINDI? Umalis ka na! Umalis ka na sa buhay ko! Wag ka nang magpapakita sakin baka ano pang magawa ko sayo! ALIS!” sabi niya.

Agad ko nalang kinuha yung gamit ko tsaka ako tumakbo palabas. Ang sakit. Ang sakit ng mga salitang binitawan ng taong mahal ko. Bakit tila ayaw niyang makinig sakin? Di ko na alam anong gagawin ko. Para na akong mamamatay sa sakit.

Agad agad akong lumabas at tumakbo papalayo. Di ko alam saan ako papunta. Gusto ko lang magpakalayolayo sa lugar na ito. Di ko alam bakit ganito ang turing nila sakin. Si Danielle, si Yohan, bakit parang pinagtutulungan nila ako? For what? Di ko alam anong intensyon nila sakin. Di ko na alam. Ayoko na. Ayoko na.

Chapter 45

Nandito ako ngayon sa park. Dito ko ibinuhos lahat ng sakit ng nararamdaman ko. Halos wala na akong luha na nailabas dahilan ng naubos na ata. Pagod na akong umiyak. Lahat ng sinabi sakin ni Ynigo natatak sa isip ko. Ang sakit ng mga salitang binitawan niya. Pilit kong inintindi siya dahil iniisip ko na galit lang siya kaya niya yun nasabi. Sa kabilang banda, nagagalit ako sakanya dahil sa kanyang pinagsasabi. Kinamumuhian na niya ako at wala na akong magagawa ngayon.

Iniisip ko din ang mga posibleng dahilan kung bakit galit na galit sakin si Danielle. Pilit kong inaalala kung ano ang nagawa ko sakanya, pero wala. Di ko alam. Hindi ko man lang din napansin ang totoong pagkatao ni Yohan. Di ko alam na magkasabwat pala silang dalawa. Ano bang nagawa ko sakanila? Ano bang kailangan kong gawin para hindi na sila magagalit sakin?

“Kristoff, lumaban ka. Ngayong nandito ka na sa Manila kasama pamilya mo, panindigan mo na.” sabi ko sa sarili ko. Pilit kong pinupunasan mata ko kahit wala nang luha. Namamaga na yung mga mata ko.

“Bakit ba nangyayari sayo to Kristoff?” tanong ko sa sarili ko.

Napayuko ulit ako at umiyak ulit. Wala na talagang luhang lumalabas. Napayakap nalang ako sa tuhod ko. Iniisip ko rin paano ko sasabihin kina mama na wala na akong trabaho, isa pa san kami titira ngayon? Papaalisin na din ako ni Ynigo sa dorm.

Gulong gulo yung isipan ko sa mga nangyayari ngayon. Bakit parang niloloko ako ng tadhana? Natatakot na ako sa ano pang pwedeng mangyari. Magsisimula nanaman ako muli.

Aakto sana akong tatayo nang may lumapit sakin. Napatingin ako at nabigla kung sino ito.

“Marco?” gulat kong sabi.

“Kristoff? Anong ginagawa no dito? Anong nangyari sayo? Bakit namamaga mata mo?” sabi niya sakin.

“Ah wala wala, nagpapahangin lang. Sige mauna na ako.” sabi ko sabay tayo. Yumuko nalang ako habang naglakad paalis.

Agad niya akong hinala at niyakap. Napahagulgol nanaman ako ng iyak. Di ko mapigilang maiyak sa nangyari.

“Iiyak mo lang yan kung ano man yang dinadala mo. Nandito lang ako.” pagcocomfort sakin ni Marco.

Hinayaan niya lang akong umiyak habang kinocomfort ako.

Ilang oras din akong tulala at walang kibo. Di din ako tinanong ni Marco about sa nangyari sakin. Hinayaan niya lang ako.

“Marco,” pambungad na sambit ko.

“Bakit?” sagot niya.

“Bakit parang ang sama ng tadhana sakin?” tanong ko.

“Alam mo Kristoff, everything happens for a reason. Di natin alam bakit nangyayari ang mga bagay bagay. Siguro we can learn something from it.” sabi niya.

“Ang sakit lang.” sabi ko.

“Masakit talaga yan lalo na’t di mo to ineexpect na mangyari. Kahit na gaanong paghahanda ang gawin mo, basta nangyari na sayo, masakit parin.” sagot niya.

“Matanong ko lang, ano ba nangyari sayo?” sabi niya.

Shinare ko lahat ng nangyari saakin kanina sa opisina. Mula sa simula hanggang sa huli. Habang shinashare ko sakanya lahat, parang bumabalik yung sakit, naiiyak nalang ulit ako sa mga salita na nabitawan ni Ynigo.

“Gago talaga yang mga taong yan!” galit na sabi ni Marco. “Bakit nila nagawa yun sayo? Ha!?”

“Ewan ko Marco. Yun na nga ipinagtataka ko kung bakit nagawa nila sakin yun.” sagot ko.

“Di ka man lang pinakinggan ng Ynigong yun? Tsaka yung mga salita niya grabe!” sabi niya. “At yung Danielle na yun? Walang hiyang babaeng yun. Si Yohan? Gago talaga yun. Sabi ko nga ba at may tinatago yung baliw na yun! Malilintikan sila sakin makikita mo.”

“Please?” sabay hawak sa kamay niya “Don’t do something to them. Hayaan mo na sila. Please? Marco nakikiusap ako. Hayaan mo na sila please?”

“Hayaan? Hindi yan pupwede. Sinaktan nila kaibigan ko at di ako magdadalawang isip para ipaghiganti ka.” sagot niya.

“Wag muna ngayon please? Presko pa lahat. Ako na bahala please? Ako na.” sabi ko. “Sige ka, magagalit ako sayo kapag may gagawin ka sakanila.”

“Osha sige. Di na. Nanggigigil ako sakanila. Sus ang sasarap sapakin.” sabi niya. “Pero teka, ano na mangyayari sayo ngayon? San ka na magtatrabaho? San na kayo tutuloy?” tanong niya.

“Ewan ko. Ewan. Di ko alam. Siguro magpapahinga muna ako.” sabi ko.

“Dun ka nalang magtrabaho sa kumpanya ko. Ipapasok kita doon. Isa pa, tutulungan kitang maghanap ng matutuluyan niyo.” sabi ni Marco.

“Wag na Marco, kaya ko na to. Maaabala pa kita. Okay na ako. Kaya ko na.” sabi ko.

“No, I insist. Please let me help you.” sabi niya.

Sumangayon nalang ako. Wala na akong choice talaga kundi tanggapin nalang yung offer ni Marco. Wala naman din akong magagawa, sasabihan ko nalang sila mama sa nangyari. Not exact and all pero limit lang para di sila mag-alala ng sobra sakin.

“Tara, kunin na natin gamit niyo habang maaga pa.” sabi niya sabay alalay sakin patayo.

“Marco,” sabi ko.

“Hmm?”

“Salamat. Salamat ng sobra. Sa tulong mo.” sabi ko.

“Don’t mention it. Okay? We’re friends and always ako nandito para sayo.” sabi niya sabay ngiti.

I am thankful and grateful as well to have Marco in my life, to have a friend like him. I still consider myself lucky, I mean, blessed that God gave me a true friend like Marco. Yung tipong maaasahan mo, yung di ka ijujudge, yung di ka iiwan, yung di ka hahayaang masaktan, at lalo na yung taong tanggap ka kung sino ka.

Agad na kaming pumasok sa kotse niya at pinaharurot sa dorm namin.

“Sigurado ka na ba anak sa desisyon mo?” tanong ni mama sakin habang pababa na kami sa dorm dala dala yung mga maleta namin.

“Opo mama. Napagdesisyunan ko na po lahat. Lilipat na lang tayo.” sagot ko sa tanong niya.

Tinulungan kami ni Marco na magbitbit ng mga gamit namin pababa ng dorm. Si papa kasi nasa trabaho pa niya, sana man lang di siya inaapi doon.

“San na ba tayo titira ngayon?” sabi ni mama.

“Maghahanap po ako ng ibang dorm tita.” sagot ni Marco.

Pumasok na kami sa kotse at naghanap ng dorm na malayo layo sa street na ito. Nakahanap naman din kami kaagad at naginquire. Maganda naman din yung offer at di na namin inaksayahan ng panahon at pumayag na din kami.

Nag-aayos na kami ng gamit sa bagong dorm namin. Natapos na kami at napaupo pagkatapos.

“Paano yung papa mo?” tanong ni mama.

“Naitext ko na po yung address ng dorm. Dito ko na siya pinadiretso.” sabi ko.

“Kristoff, punta muna tayo sa office. Ipaghahanap na kita ng available na pwesto dun.” sabi niya.

“Sige. Ma, dito lang po kayo ah? Punta muna kami saglit sa opisina ni Marco.” sabi ko.

“Sige anak. Maraming salamat din sa tulong mo Marco.” sabi ni mama.

“Walang anuman po.” sagot ni Marco.

Agad naman kaming nagtungo sa office ni Marco. Pinaghanap niya ako ng pwesto dun na pwede kong pasukan. Nakakita naman siya at agad akong pinakilala sa mga employees niya.

“You can start tomorrow.” sabi ni Marco.

“Marco maraming salamat talaga sayo. Di ko alam anong gagawin ko kung wala ka.” sabi ko.

“It’s okay. Wala yun. Ako nga dapat magpasalamat sayo kasi tinanggap mo yung offer ko.” sabi niya.

Ngumiti ako sakanya at ganun din siya.

Ilang araw ang nakalipas simula nung nangyari yung eksena sa MS COMPANY. Tila presko pa hanggang ngayon ang nangyari. Di ko parin lubos maisip na natapos na ang lahat samin ni Ynigo. Unti unti akong pinapatay dahil sa sobrang pagkamiss ko sakanya pero nawawala din agad pag naiisip ko yung ginawa niya sakin.

“Mauna na ako sainyo.” sabi ko sa co-employees ko.

“Magiingat ka Kristoff.” “Ingat!” “Sige ingat!”

Lumabas na ako sa office at naglakad pauwi ng dorm. Walking distance lang kasi yung dorm dito eh kaya nilakad ko nalang. Tsaka mahirap na ding makasakay ngayon kasi medyo malalim na ang gabi.

Habang naglalakad ako pauwi, may humila sakin papunta dun sa pwesto na medyo madilim.

“Bitawan niyo ako.” sigaw ko sa mga lalaking humihila sakin.

Binitawan nila ako nung nakarating kami sa madilim na sulok. Pinaulanan nila ako ng suntok at sipa. Napahiga ako sa sobrang sakit ng nadarama ko. Napansin kong huminto sila kaagad, nakahinga naman ako ng maluwag pero di ko kayang makatayo. Sobrang sakit ng buong katawan ko.

Narinig ko yung isang lalaki na may kausap sa telepono.

“Tapos na po boss Mordeo. Nagulpi na po namin.” sabi nung lalaki.

Nagpasalamat naman ako dahil di na nila ipinagpatuloy yung pangugulpi sakin. Tumakbo na sila at iniwan ako doon. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Chpater 46

Nagising ako sa isang maputing kwarto. Malamig ang lugar na iyon at parang napapansin kong nasa hospital pala ako. Napaupo ako dahan dahan dahil sa sakit na naramdaman ko sa buong katawan ko.

Agad namang napatayo si Marco at lumapit sakin.

“Ayos ka lang ba? May nararamdaman ka bang masakit? Ano nararamdaman mo?” sunod sunod na tanong ni Marco sakin.

“Medyo masakit pa yung buong katawan ko.” sabi ko. “San sila mama? Alam ba nila na nandito ako?”

“Oo. Tinawagan ko na sila. Papunta na sila rito.” sabi ni Marco. “Ano bang nangyari? Naaalala mo ba?”

“Oo naaalala ko pa. Naglalakad ako pauwi tapos may mga grupo ng lalaki na hinila ako papunta sa madilim na sulok at dun ginulpi nila ako.” sabi ko.

“Shit. Namumukhaan mo ba sila?” sabi ni Marco.

“Hindi. Nakamaskara sila. Pero may narinig akong may kausap yung isang lalaking nangulpi sakin.” sabi ko.

“Ano?” sabi ni Marco.

“Si Mordeo daw. Mordeo yung name ng taong nagpagulpi sakin. Sino ba yan at bakit niya ako pinagulpi?” pahayag ko.

Nanlaki ang mga mata ni Marco at napaatras. Tila may nasabi akong masama.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko sakanya.

“Mordeo?” tanong niya ulit sakin.

“Oo. Mordeo. Bakit?” sagot ko.

“Siya ang papa ni Ynigo. Si Mordeo Santillan.” agad na sabi niya.

Nagulat din ako sa sinabi ni Marco. Mordeo Santillan? Papa ni Ynigo? Seryoso? Pero bakit? Bakit niya ako pinagulpi? Ano bang nagawa ko sakanya?

“Marco, bakit? Bakit parang lahat ng tao sinasaktan ako?” sabi ko habang namumuo na yung luha ko.

“Sshh. Taha na. Di naman kita sasaktan ah? Nandito lang ako para sayo. Di bale, pupuntahan natin sila. Di na tama to. Pinalampas ko na yung ginawa ng mga lecheng mga taong yun pero sobra na to.” sabi ni Marco.

He’s actually right pero ano bang laban ko dun? Ang lalakas at ang lalaki nilang tao na kahit ano pang gawin ko, matatalo lang ako sakanila. Walang wala ako compare to them. Sino ba naman ako para kalabanin sila?

“Marco,” sabi ko.

“Di bale, pupuntahan natin sila. But for now, magpahinga ka. Magpalakas ka.” sabi niya sabay hawi sa buhok ko.

“Marco,” sabi ko sabay hawak sa kamay niya “Maraming salamat talaga. Sa lahat lahat. Di ko na maisaisa kasi sobrang dami na nang naitulong mo sakin.” sabi ko.

“Ilang beses ko nang sinabi sayo na wala lang yun. Ayos lang. Matalik kitang kaibigan at di ko hahayaan na ginaganyan ka nila. Di ako papayag.” sabi niya.

“Marco, babawi ako sayo wag kang mag-alala.” sabi ko.

“Sus okay lang. I’m glad to help you.” sabi ni Marco.

Bumukas yung pinto at napatingin kami ni Marco. Si mama at papa. Lumapit sila kaagad sakin at niyakap ako.

“Ano ba nangyari sayo anak? Sino ba may gawa sayo nito ha?” bungad na tanong sakin ni mama.

“Anak? Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sayo?” sabi ni papa.

“Ayos lang po ako. Okay na po. Di bale, tutulungan naman po ako ni Marco eh.” sabi ko.

“Maraming salamat talaga Marco. Sa lahat.” sabi ni mama habang umiiyak.

“Wala po yun tita.” sabi ni Marco.

Nakalabas na ako ng hospital at pumunta na kami sa dorm. Kumain lang kami sa dorm tsaka nagusapusap. Sinabihan ko na rin sila mama na sasabay ako kay Marco para gawin ang dapat gawin.

“Anak magiingat ka ha?” sabi ni mama.

“Opo mama.” sagot ko.

“Sigurado ka na ba jan anak?” tanong ni papa.

“Oo papa para malaman ko na po kung ano talaga ang intensyon nila sakin.” sabi ko.

“Baka mapapahamak ka lang kung gagawin mo yan.” sabi ni mama.

“Ma, hindi po. Kasama ko po si Marco okay? Wag ka na po magalala.” sabi ko.

Tumayo na ako at kinuha ko na yung gamit ko.

“Ma, pa, alis na po ako. Nasa baba na si Marco.” sabi ko.

“Anak-”

“Opo mama. Magiingat po ako.” sabi ko sabay sara ng pinto.

Bumaba na ako sa dorm at nakita ko naman si Marco na nakasandal sa kotse niya.

“Tara?” sabi ko.

“Handa ka ba?” tanong niya.

“Oo, handa na.” sabi ko sabay hinga ng malalim.

Agad na kaming dumiretso sa opisina ni Ynigo. Kinakabahan na ako kasi makikita ko ulit ang mukha ni Ynigo for how many weeks.

Pumasok na kami sa loob at gumamit ng elevator.

Nung nasa nth floor na kami, agad kong hinawakan si Marco.

“Bakit?” sabi ko.

“Wala lang.” sabi ko.

“Wag kang kabahan okay? Nandito lang ako.” sabi niya.

Tumango nalang ako at naglakad papalapit sa pinto ng opisina ni Ynigo. Kumatok kami at agad pumasok.

Bumungad sakin ang mukha ni Danielle at Ynigo, pati narin ang apat na tao, dalawang babae at dalawang lalaki. If I’m not mistaken, mama at papa nila pareho.

Napatingin sila sakin at napatayo yung mama at papa ni Danielle kung di ako nagkakamali.

Tinignan ko si Ynigo. Nakatingin lang siya sakin na tila naghahalo ang emosyon na kanyang prinoproject. Galit, awa, lungkot. Pero umiwas siya agad ng tingin sakin. I also do the same. Masakit parin yung nagawa niya sakin. I never forget that time pero parang tumitibok parin yung puso ko for him. Tanga ko lang siguro no?

“M-Marco?” utal na sabi ni Danielle. “What are you two doing here?”

“Bakit parang gulat na gulat kayo?” sabi ni Marco.

Di ko maipinta ang mukha nila. Lalo na yung pamilya ni Danielle. They tried to blink their eyes namy times, naninigurado ata kung totoo ba ito o hindi.

“Marco, what brought you here?” sabi nung guy. Siya ata yung papa ni Ynigo, si Mordeo.

“Well Mister Mordeo Santillan, I do have several questions to ask.” diretsong sabi ni Marco.

“Go ahead.” sabi ni Mister Mordeo na tila confident.

“Why did you do a bullshit to Kristoff? Didn’t you know, he almost died because of you?!” pasigaw na sabi ni Marco.

Nagulat silang lahat sa tanong ni Marco. Pati si Ynigo napatayo na din sa tanong. Tinignan ko lang si Marco na tila galit na galit sa kanila.

“What? What are you talking about?” padidipensa na sabi ni Mister Mordeo.

“Don’t act like you don’t know anything. Answer me!” sabi ni Marco.

“Dad, what is he talking about?” sabi ni Ynigo.

“Mordeo, what did you do?” sabi nung mama ni Ynigo.

Huminga ng malalim si Mister Mordeo at nagsalita ulit.

“Well you’re right. I did something to him. I actually asked my guards to do shits. Crazy shits. Buti nalang nabuhay pa yang baklang yan!” sabi niya.

Nagkahalo na ang nararamdaman ko. Sakit dahil sa pag didiscreminate sakin at galit dahil sa pagtangka niyang patayin ako. Walang hiya siya!

“Dad?!” sigaw na ni Ynigo. “Why did you do that?”

“My god Mordeo! What is happening to you?” singit ulit ng mama ni Ynigo.

“Well, tell us about your reason Mister Mordeo.” sabi ni Marco.

“Danielle told me that Ynigo and that gay has a relationship.” sagot agad ni Mister Mordeo.

We are all in a great shock, knowing his reasons behind. I can’t speak nor look at their eyes.

“What?!” sabay na sabi ng mama ni Ynigo at pamilya ni Danielle.

“Yes, that’s true. Actually she has a proof.” sagot ni Mister Mordeo. “Give me your phone Danielle.”

Danielle lend her phone to him. Inooperate niya yung phone tsaka may pinakita siyang video.

Yung video is yung time na binigyan ako ng Ynigo ng relo at nagyayakapan kami telling ourselves we love each other. Nagulat kaming lahat sa ipinakita niya.

“Who gave you that video?” sabi ni Danielle.

“Well, it’s Yohan. My very good friend.” sabi niya.

Nanlilisik na ako sa galit. Pinagkaisahan nila ako mga walang hiya!!!

“And that is the reason why am I really mad to that gay. This is bullshit! My son is not a gay and will never be. Kaya pala ang tigas ng ulo niya to break up with Danielle just because of this gay.” sabi ni Mister Mordeo.

“What the?” sabi nung papa ni Danielle.

“My god!” sabi ng mama ni Ynigo.

“This can’t be.” sabi nung mama ni Danielle.

“That’s not a valid reason.” sabi ni Marco. “What’s wrong with that?”

“What the hell Marco. Are you out of your mind? That gayshit is not right! Man to man relationship? The heck! Isa pa, I’m planning to have a fix marriage between my son and Danielle.” sabi niya.

“Dad.” sabi ni Ynigo.

“Shut up Ynigo.” sabi niya.

Napansin kong may pasa si Ynigo. Siguro galing yan sa papa niya because of what his father knew.

“Then tell me Marco, am I to be blame?” sabi ni Mister Mordeo.

“Of course you are. You can’t do crazy stuff just because you are mad and powerful. Di naman kailangan bugbugin pa si Kristoff just because he had a relationship with your son.” sabi ni Marco.

“You’re not making any sense Marco, you two can get out now. Toxic people!” sabi ni Mister Mordeo.

Nakita kong nakatitig lang sakin si Ynigo all through out sa eksena. Tila naaawa siya sakin, nakikita ko rin he attempted to come near me pero he can’t. Napayuko nalang siya sa kanyang mga nalaman. Pati ako, sobrang sakit na. Di ko na kaya ang naririnig ko. Lahat ng paratang nila sakin at mga panlalait.

“Walang hiya ka!!!” sigaw ng babaeng pamilyar sakin.

Si Mama.

“Mamamatay tao ka!” sigaw ni papa kay Mister Mordeo.

Mas lalong nagulat ang mama at papa ni Danielle nung nakita nila si mama at papa. Nung napatingin naman sila mama at papa sakanila, nagulat din sila. Si Danielle di mapakali. Di ko na alam anong nangyayari.

Chapter 47

Tila gulat na gulat ang lahat ng nandito. Parang families to families ang ganap. Parents ko, parents ni Danielle and parents ni Ynigo which is very rare na mangyari and di ko to inexpect.

“Amanda? Anthony?” gulat na sabi ni mama.

“Cynthia? Caesar?” gulat ding sabi ng mama ni Danielle, si Miss Amanda ata.

Gulat kaming lahat na magkakilala palang yung parents ko and parents ni Danielle. Pero bakit? Paano? Naguguluhan na ako.

“You knew each other?” sabi ng mama ni Ynigo si Miss Martina ata yung name.

“Oo.” sabi ni mama na di parin nakaalis ang mga mata kay miss Amanda. “Kilalang kilala ko.”

“How?” tanong ni Mister Mordeo.

“We were friends since then.” pasimulang sabi ni Miss Amanda. “She’s my bestfriend and we kept on communicating until I graduated college.”

“Then?” sabi ni Miss Martina.

“And yun na.” sabi ni Miss Amanda.

“Yun lang ba Amanda? Baka nakakalimutan mo anong ginawa mo?” sabi ni mama.

Naguguluhan kaming lahat sa tanong na iyon. Anong nagawa ni Miss Amanda noon? Anong mga rebelasyon ang dapat naming malaman?

“Cynthia, we already talked about it.” sabi ni Miss Amanda.

“I know Amanda, pero I think this is the right time.” sabi ni mama.

“Ang alin mama?” sambit ko.

“Can you please say it directly? You are confusing us.” sabi ni Miss Martina.

“What about it? Para san pa?” sabi ni Mister Anthony.

“Ngayon na ang tamang oras Anthony. Eto na.” sabi ni papa.

Mas nadagdagan pa lalo ang confusion samin. Ano bang pinagsasabi nilang apat? Ano bang dapat naming malaman? Ano ba ang sasabihin nila? Anong ibig sabihin nila na tamang oras? Ang ano? Ang alin? Nalilito na ako.

“Cynthia, please don’t.” pakiusap ni Miss Amanda.

“Are you scared? Bakit? Ha Amanda?” sabi ni mama. “Maraming taon akong nagdusa ng dahil sayo, nang dahil sa ginawa mo. At ngayon nadirito na tayong lahat, at kailangan ko nang sabihin ito sainyong lahat lalo na sayo anak.” sabi ni mama.

“Mama,” sabi ko.

“Di ka namin tunay na anak, Kristoff.” sabi ni papa sakin.

WHAT? Tama ba ang dinig ko? Ampon lang ako? How? Like paano? Bakit?

Nabigla ang lahat sa rebelasyon ni papa. Napayuko naman ang mama at papa ni Danielle ng di alam na anong gagawin.

Nanghihina na ako, parang anytime babagsak ako sa kinatatayuan ko. Namumuo nanaman ang mga luha ko. Di ako makapaniwala.

“Mama, papa, paano? Bakit? Sinong mga totoo kong magulang?” sabi ko.

Huminga ng malalim si mama at nagsalita muli.

“Sila,” tinuro ni mama si Miss Martina at Mister Mordeo. “Sila ang tunay mong mga magulang Kristoff.”

Napatingin ako sa kanila at tila gulat na gulat din sila sa sinabi ni mama. Namumuo na din ang luha ni Miss Martina, tinitingnan niya ako ng mabuti. Si Mister Mordeo naman di makapaniwala sa narinig.

“W-What? H-how?” sabi ni Mister Mordeo.

“Kung di kayo maniwala, eto.” lumapit sakin si papa at ipinakita sa kanila yung necklace ko na may pendant na K. “Ayan, yan ang pruweba. Bata pa lang si Kristoff ay may kwintas na siyang ganyan.” sabi ni papa.

Humagulgol ang iyang ni Miss Martina. Napaluhod siya sa kanyang narinig. Napaatras naman si Mister Mordeo na tila di makapaniwala sa narinig.

Balisa na ako sa mga rebelasyong aking nalaman. Para akong nabuhusan ng mga yelo. Nanigas na ako. Di ko na alam anong gagawin ko, kung anong reaction ko. I just want to get out of here!

“Paa-paano?” tanging nasabi ni Miss Martina.

“Si Amanda at si Anthony. Sila yung kumuha sa anak niyo dahil nagseselos sila sainyo. The time na magkasosyo kayo sa negosyo, they are insecure of what you’ve reached. Always kayong inaacknowledge sa board and parang di nila gusto na parati kayo ang pinupuri. Sabi pa nila na may nagawa daw din sila sa kumpanya niyo pero bakit di nakikita yun ng board. And that is why they seek revenge through kidnapping your child. Ibinigay nila yung bata sakin just because alam ni Amanda na luluwas kaming Cebu at doon na manirahan for good kasi yung asawa ko may trabaho doon. Sabi nila na di naraw ako babalik sa Manila kasi delikado daw ang buhay ng bata, at yun ginawa ko yung gusto nila. Kinupkop ko yung bata just like our son. Until such time na kinontact ko si Amanda at di na nagparamdam ulit. Gusto kong malaman ang totoong rason kung bakit ibinigay niya yung bata sakin at doon ko na nalaman ang totoo nung time na sinabihan ako ng asawa ko na nawawala ang anak niyo dahil ibinalita daw yoon. May kwintas na K at dun namin napagalamam na nasa amin yung bata, na nasa amin yung anak niyo.” pahayag ni mama.

Bumagaak na ng tuluyan ang mga luha ko. Ang sakit. Bakit parang ang sama ko ata? Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana? Bakit parang ang daming nangyari sakin? Bakit sakin? Bakit saakin pa?

“Youuuuu!” sabi ni Miss Martina sabay turo kina Miss Amanda. “You are an insecure pathetic bitch! What were you thinking huh? We are good friends but what did you do?!”

“I’m sorry. I’m so sorry Martina, didn’t mean to.” sabi ni Miss Amanda.

“You didn’t mean to?! That’s a shitty reason. Why? Why did you do this behind my back? I thought you are my good friend but bitch back off you’re not!” galit na sabi ni Miss Martina.

“Sorry Martina. Sorry.” tanging nasabi ni Mister Anthony.

“We will file you both a case. Kidnapping!” sabi ni Mister Mordeo.

Napaluhod naman si Danielle sa harapan nila.

“Please don’t. Please don’t do this to my mom and dad.” sabi ni Danielle.

“Why Danielle? Huh?” sabi ni Marco. “Are you now begging for the freedom of your mom and dad? Nasan na yung malahayop na Danielle? Bakit parang baby Danielle ang nakikita ko?”

“Shut up Marco!” sabi ni Danielle. “Please tito, tita.”

“Don’t call us tito and tita.” sabi ni Mister Mordeo. “We will see you in the court. Makakaalis na kayo. GET OUT!” sabi ni Mister Mordeo.

“Nagpatawag na ako ng police Mister Mordeo, we will just wait for them to arrive.” sabi ni Marco.

Napahagulgol ng iyak ang mama ni Danielle. Yung papa naman niya napaupo sa nangyari. Si Danielle naman tila bata na nagmamakaawa na palayain nalang sila.

Napayakap ako kina mama at papa. Umiiyak na rin ako sa mga nalaman ko.

“Anak, sorry. Sorry kung ngayon lang namin nasabi sayo. Sorry kung naglihim kami.” sabi ni mama.

“Oo anak, patawarin mo kami. Di namin intensyon na itago sayo pero iniisip namin ang kalagayan mo.” dagdag ni papa.

“Alam ko po, naiintindihan ko kayo. Di naman ako galit sainyo. Galit ako sa sarili ko.” sabi ko.

“Hush, tama na. Masyado kanang nasaktan sa mga nangyari.” sabi ni mama.

Dumating na yung mga pulis at agad pinosasan si Miss Amanda at Mister Anthony. Si Danielle naman panay makaawa kay Mister Mordeo at Miss Martina.

“Dalahin niyo na yan sa prisinto.” sabi ni Mister Mordeo.

Agad naman silang lumabas. Tanging natira nalang sa loob is yung pamilya ko, pamilya ni Ynigo at si Marco.

“Anak?” tawag sakin ni Miss Martina.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay mama at lumingon kay Miss Martina.

“Halika anak, nandito na si mama.” iyak niyang sabi sakin.

Agad naman akong naiyak at napayakap sakanya. Humagulgul kaming dalawa sa iyak. Hinalikhalikan niya ako sa ulo ko.

“Anak ko, nandito na ang anak ko.” sabi ni Miss Martina.

“Mama,” tanging nasabi ko.

Kumalas kami sa pagkakayakap at lumapit sakin si Mister Mordeo.

“Anak?” sabi ni Mister Mordeo.

Imbes na lumapit ako eh tila napaatras ako dahil naalala ko namaman yung mga nasabi at nagawa niya.

“I’m sorry. I’m sorry because I did cruel stuff about you. I know it’s my fault. I admit it, nadala lang ako sa galit. Not my intention to do it.” sabi niya.

“Muntikan mo na akong pinatay!” sabi ko sakanya.

“Nagsisisi ako. I’m so sorry. Please let me proove to you that I really meant what I’ve said.” sabi niya.

Niyakap niya ako bigla at napaiyak lalo ako sa ginawa niya. Nafefeel ko yung pagkamiss nila sakin, yung love nla para sakin. Di ko maexpress kung gaano ako kalungkot, kasaya at kagalak na malaman ko ang totoo. Pinaghalong saya at sakit, sa lahat ba naman napagdaanan ko, may rason pala ang lahat ng yun. Tama si Marco, everything happens for a reason.

“Oh maybe I’m out of this picture.” sabi ni Ynigo. “I should go.”

“Wait,” sabi ni Miss Martina.

“Bakit?” sagot ni Ynigo.

Niyakap niya si Ynigo at napaiyak naman si Ynigo sa ginawa niya.

“I’m sorry for also hiding the truth to you. I know it’s hard for you ang lahat nang to. Alam ko hindi madali ang lahat para sayo. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kahit di kita tunay na anak, tinuring kitang parang tunay ko nang anak.” sabi ni Miss Martina.

“Naiintindihan ko po at maraming salamat po kung ganon. Napakasaya ko na naging parte ka ng buhay ko, kayo ni dad. Pero ngayong alam ko na, natin ang totoo, sana mas maging masaya kayo.” sabi ni Ynigo.

Lumapit sakanya si Mister Mordeo at niyakap.

“Son, I’m also sorry for what I’ve done. Sa pagiging strikto, cruel and useless dad to you. Labis lang akong nalungkot at nasaktan. Nadala ko na ito since nawala samin si Kristoff. Sorry for experiencing such brutality. Sana di ko nalang nagawa yun. Sorry talaga.” sabi ni Mister Mordeo.

“Dad, ayos lang. I’m not what I am now kung di dahil sainyo. Tinuruan niyo ko paano maging malakas at independent. Madami akong natutunan sainyo at grateful ako kahit papaano.” sabi ni Ynigo.

Nagyakapan kaming lahat na tila isang buong pamilya. Nakakataba ng puso ang ganitong eksena, di ko alam pero masaya na ako. Masaya na ako dahil okay na ang lahat. Naliwanagan na kaming lahat at nagexchange apologies.

“Thank you for keeping our child, thank you giving the best for him. No words can express he grateful and thankful I am to have you as his parents.” sabi ni Miss Martina kay mama.

“It’s our pleasure Martina. Gusto din naming magsorry for not telling the truth. Sana maaga naming nasabi sainyo.” sabi ni mama.

“It’s okay. Atleast we already know the truth. Thank you so much! Saying thank you is not enough to return how much you treated our child.” sabi ni Mister Mordeo.

“Wala anuman. Mahal na mahal namin tong anak niyo.” sabi ni papa.

Napangiti naman kaming lahat at nagyakapan ulit. This time, mas panatag na ako sa nangyayari. Ang dami kong narealize at ang daming kong dapat ipagpasalamat. Sa lahat lahat. Kahit na ang dami kong napagdaanan na sakit, tila parang nawala ng dahil dito. Ang saya lang.

Kasalukuyan kaming nasa labas ni Marco.

“Marco, maraming salamat sa tulong mo. Sa lahat lahat lahat.” sabi ko sakanya. “Di ko na alam paano ako babawi saiyo.”

“Ayos nga lang ikaw talaga. Masaya naman ako sa outcome ng pagtulong ko. Ang saya lang isipin diba?” sabi niya.

“Oo eh. Grabe ang daming ganap no?” sabi ko.

“Sobra-” napahinto si Marco nagpatuloy ulit “May gusto atang kumausap saiyo.” sabi niya.

Lumingon naman ako sa likuran at nakita ko si Ynigo.

Chapter 48

“Maiwan ko muna kayo, para makapagusap kayo.” sabi Marco sabay sakay ng elevator.

“Ano ba ang dapat nating pagusapan?” sabi ko.

“Stoff, I’m sorry.” sabi niya. “Nalaman ko na din ang totoo, na pinagkaisahan ka nila just because Danielle was afraid.”

“Ngayon pa Ynigo? Ngayon pa na natapos na ang lahat? Ngayon pa na pinagtulungan niyo ko lahat? Muntikan na akong mamatay dahil sa papa mo, sa papa ko. At ano? Ganyan lang kadali sayo lahat? Ha?!” sigaw ko sakanya.

“I know it’s hard for us especially sayo, you’ve been through a lot. Marami akong kasalan sayo, sobra. Di ko man lang pinakinggan yung panig mo. Swear nadala lang ako sa galit.” paliwanag niya sakin.

“At ngayon mo pa narealize? Wow ha?” sabi ko.

“Please, sorry. Patawarin mo ko.” sabi niya sakin. “Babawi ako sayo.”

“Not now Ynigo, napagod na ako sa lahat ng nangyari sakin. Di ko alam kailan pero wag muna ngayon. Di ko pa nga natanggap na sarili kong ama muntikan akong ipapatay. Sorry Ynigo pero wag muna ngayon.” sabi ko sakanya.

“Alam ko. I know that. I can and I will wait for that time. Maghihintay ako hanggang sa mapatawad mo ko.” sabi niya.

Di ko siya pinakinggan at pumasok muli ako sa loob.

Gustong gusto ko na siyang yakapin actually. Pero iniisip ko palang yung sinabi niya sakin, nasasaktan padin ako. Ewan ko pero ang hirap sakin lahat ng nangyari sakin. Sa lahat ba naman ng nangyari sakin? Sobrang hirap.

“Son?”

Lumingon ako at nakita ko si Mister Mordeo. Napaatras ulit ako.

“Sorry. I’m so sorry sa lahat. Sorry sa mga nasabi ko sayong masasakit na salita at sa attempt to kill you. God, what did I do? Pero I can’t turn back time, I just want to say sorry.” sabi niya.

“Sobrang hirap po sakin lahat ng nangyari. Di ko lubos isipin na muntikan niyo na akong napatay at ang panlalait ninyo saakin. Ang sakit nun knowing na ikaw pala yung tunay kong ama. Siguro po matututunan ko kayong patawarin pero siguro ngayon po, hayaan niyo muna akong magpahinga.” sabi ko sakanya.

“I understand. I really do understand you, son. I will wait na matutunan mo kong patawarin. I know mahirap sayo yan and okay lang sakin kahit gaano katagal, hahayaan muna kitang magpahinga at pagisipan ito lahat. Again, sorry anak. Sa lahat ng nagawa ko. Babawi ako sayo, promise.” sabi niya sabay tap ng balikat ko.

Lumapit si Miss Martina at niyakap ako ng mahigpit.

“Anak ko. Sobrang namiss kita. Sobrang sobra.” sabi niya.

“Ako din po.” tipid kong sabi.

“Babawi kami sayo okay? Ang laki ng pasalamat ko sa mama at papa mo because they treat you just like their own child. They are really good parents. They want what’s the best for you. Let me and your dad do our roles as your real parents.” sabi niya sakin.

“Opo opo. Thankful din ako kasi nakilala ko sina mama at papa dahil minahal talaga nila ako at supportado sila saakin sa lahat lahat. Ibinigay nila ang lahat lahat lalo na ang pagmamahal nila bilang nga magulang.” sabi ko.

Napayakap din ako kay Miss Martina. Natoutouch ako sakanya kasi ang willingness niyang bumawi sakin at sa pagmamahal niya sakin. Alam ko mahirap din sakanila ang mawalan ng anak at naiintindihan ko sila.

“Ynigo, dito ka parin titira okay? Anak ka parin namin.” sabi ni Miss Martina habang nagaayos ng pinggan.

“Opo opo. Salamat po.” sabi ni Ynigo habang nakangiti.

“Sorry Ynigo.” sambit ni Mister Mordeo sakanya.

“Ayos lang talaga dad, ay mali, Mister-”

“Call me dad. It’s okay.” sabi ni Mister Mordeo.

“Sige po. Ayos lang po, naiintidihan ko po lahat lahat.” sabi niya.

Niyakap ni Mister Mordeo si Ynigo. Ang sweet nilang tignan actually. Atleast man lang nagkabati na sila ngayon, masaya na ako dun. Kahit na medyo mahirap din kay Ynigo ang mga nangyari.

“Let’s eat.” sabi ni Miss Martina sabay lapag ng viands sa table.

“Kristoff, puntahan mo na si Cynthia at Caesar, sabihan mo na kakain na.” sabi ni Miss Martina.

“Opo.” sagot ko.

Agad kong pinuntahan sila mama at papa sa kwarto nila at pinababa.

Kasalukuyan kaming nakatira sa bahay nila Miss Martina at Mister Mordeo. Iniinsist kasi nila na dun na kami titira kasi iisa naman daw kaming pamilya. Medyo naawkward ako sa set up pero matututunan ko na siguro tong matanggap. Mag-aadjust kumbaga.

“What’s your work Kristoff?” sabi ni Mister Mordeo.

Napatingin naman kami ni Ynigo sa isa’t isa at napaiwas agad ng tingin.

“Uhm secretary po ako ni Ynigo.” sagot ko.

“Really?” sabi ni Miss Martina. “So matagal ka na palang nandito sa Manila?”

“Opo. Dito na kasi ako nag-aral ng college.” sabi ko.

“So how’s Ynigo?” tanong ni Mister Mordeo.

Napatingin naman kami ni Ynigo sa isat isa at napaiwas ulit.

“Mabuti po.” sagot ko.

“Oh good. That’s good. Since you are now here, pwede kitang gawing boss din sa company. Kayong dalawa ni Ynigo. I think you have a good tandem. What do you think?” sabi niya.

Napalunok ako. Seryoso ba siya? Akala ko ba galit siya dahil ayaw niya sa bading?

“Matanong ko lang po, diba po galit na galit ka nung nalaman niyo na…” napahinto ako at tinignan si Ynigo “May relasyon kami ni Ynigo?”

Napahinto ng kain si Mister Mordeo at napatingin sakin. Umayos siya ng upo at nagsalita.

“Yes. Actually nabigla lang ako just because I didn’t expect that to happen. But now I understand. Pinaintindi na sakin ni mahal ang situation.” sabi niya.

“Uhm pwede po bang wag nalang?” sabi ko.

“No. You are my son and you need to be part of the growth of our company. I know magaling ka and kayang kaya mo to.” sabi niya.

“Sige na anak, listen to your dad. We believe in you.” sabi ni Miss Martina.

Tinignan ko si mama at papa at nakathumbs up sila.

“Sige po.” sagot ko.

“Well then, you can start tomorrow.” sabi niya.

My goodness. Magiging boss na ako? Seryoso ba ito? Tsaka kasama ko pa si Ynigo ha? At kami pa talaga dalawa ang boss. How ironic huh?

Nauna akong pumunta sa MS company. Siguro naadopt ko na ang maging early bird. Ayoko din kasing makasabay si Ynigo. Naaawkward pa ako. Isa pa, magkikita naman kami dun eh. So siguro casual yung pansinan namin doon kasi it’s work.

At exactly 5:38am nasa opisina na ako. Pagkapasok ko sa loob, naalala ko lahat lahat. Nung nagsimula akong magapply ng secretary dito, mga moments na linis dito, linis doon. Yung time din na pinapagalitan ako ni Ynigo. Yung time din na nandito si Marco. Lahat lahat. Lalo na yung naganap na bulagarang eksena.

Napaupo ako sa table ko. Same table nung secretary pa ako. Namimiss ko to ng sobra. Mga paperworks and all. Nakakamiss to.

Yung time din na tinitingnan ko si Ynigo dito na side, na parati niya akong nakikitang nakatingin sakanya. Yung time din na isinandal niya ako sa pader, yung pinaamoy niya sakin yung mouthwash niya, yung tinanong niya ako kung gwapo ba siya. Grabe dami kong memories dito pero past na yun. Lahat ng yun ay isang alaala nalang. Nagiba na ngayon.

Nagaayos ako ng gamit ko dito sa loob para naman may improvement yung office. Of course yung table ko lang inayos ko kasi boss din si Ynigo dito kaya magkaiba kami ng gusto at ng arrangement.

Time check its 7:30am. Bat tila wala pa si Ynigo? Lagi naman siyang maaga ah? Absent ba siya?

“Ano ba iniisip mo Kristoff? Tumigil ka nga.” sabi ko sabay alog ng ulo.

Hanggang sa….

Chapter 49

Bumukas yung pinto at nakatingin lang ako kung sino ito. Si Ynigo.

“Goodmorning.” bati niya sakin habang papasok. Nakawhite longsleeves siya at nakaslacks paired with black shoes. Then nakaayos ang kanyang buhok. Ang linis niya tingnan. In short, ang gwapo.

“Morning.” tipid kong sabi. Casual lang dapat tayo dito kasi trabaho lang tayo. “Bakit ka late?”

“Sorry. May inasikaso lang kasi.” sabi niya sabay lapit sakin.

Lumakas lalo ang tibok ng puso ko. Bakit ba siya lumalapit sakin? Anong gagawin niya?

Inilapag niya yung folder na hawak niya at napatingin ako sakanya. Kinuha ko yun at inopen.

“Para san to?” tanong ko sakanya.

“Mag-apply po. Bilang secretary niyo.” sabi niya.

Napatingin ako balik sakanya. Baliw ba siya? Sabi ni Mister Mordeo, boss kami pareho dito bat magaaply siyang secretary ko.

“Seryoso ka ba? Diba sabi ni-” di ko na naitapos yung sasabihin ko dahil nagsalita siya agad.

“Alam ko po. Kaya nga ako nalate kasi sinabihan ko si dad na magreresign ako bilang boss at alam kong kaya mo na to and di naman ako magfufunction as boss talaga kasi nandito kana as their own son. I also told him na dapat magsimula ulit ako and magaapply ako ng secretary mo. Pumayag naman siya.” dirediretso niyang sabi. “So, yan application letter ko tsaka resume.”

Baliw ba siya? Pero I like his decision actually. What if I will do the same just like what he did when I was his secretary? Hmm that’s sounds good.

“Well ok.” tipid kong sabi.

“Okay?” sabi niya.

“I said okay.” sagot ko.

“Okay kasi tanggap na ako or okay dahil di ako tanggap?” sabi niya.

Naalala ko tuloy yang linyang yan. Ganyan din reaction ko noon when he said okay nung nagapply ako. Lol.

“You’re hired.” sabi ko.

“Yes. Thank you sir.” sabi niya sabay lapag ng kanyang gamit sa sofa.

“Get. That. Bag. Out. Of. The. Sofa.” sabi ko sakanya.

Agad naman niyang kinuha yung gamit niya tsaka nagsalita.

“Sorry sir.” sabi niya.

“Call me boss.” sabi ko.

Napakamot siya sa ulo niya dahil siguro naalala niya yung pinagagawa niya sakin noon.

“Yes boss.” sagot niya.

“Well please?” inabot ko sakanya yung trashcan. “Pakitapon to.”

Agad niya yung kinuha at lumabas ng office.

Natawa ako dahil alam na niya sa labas yun itatapon. Well, gagayahin ko lang ang style niya noon. Akala niya ha?

Ang dami kong pinatrabaho sakanya. Utos doon, utos dito. Lahat lahat na. Ako kasi nagcontinue ng mga projects niya and maybe napressure na talaga ako kasi di ko alam paano to susundan. Nakastart na kasi si Ynigo para sa project na to and naipasa sakin. So di ko alam ano ang plano niya with these.

“Need help boss?” pag-alok niya sakin ng tulong.

“No need. Just clean this office.” sabi ko sakanya.

“Yes boss.” sabi niya sabay linis ng office.

Shit. Ano na? May balak ka pa bang tapusin to? Nakakapagod pala talaga maging boss. Hindi ko alam ano ang uunahin at paano to gagawin. Ynigo!!!!! Ano bang plano mo dito?


Ilang days na ang nakalipas at ganun parin ang trato ko sakanya. Utos doon at dito. Walang pinagbago. Ako? Well stuck on the process on how these projects will succeed. Ang hiraaaap!

Nakita ko naman ang dedication ni Ynigo sa trabaho niya. At kinaya niya talagang maging secretary ko ah? Lakas din ng trip nitong mokong nato. Minsan natatawa nalang ako sakanya kasi nakikita ko sarili ko sakanya noon and di ko maisip na nagexchange position pala kami.

“Boss, wala ka na po bang ipapagawa sakin?” sabi niya habang hinihingal. Bago lang niya natapos linisan ang cr.

“Wala naman.” tipid kong sabi.

“Okay boss.” sabi niya sabay upo sa table niya. “Hay salamat.”

Tinitignan ko siya. Natatawa ako at the same time naaawa sa pinagagawa niya. He doesn’t deserve this actually. Ano ba tong pinagiisip ko.

Nakapikit siya ngayon. Tila nagpapahinga. Nakahalf open yung polo niya at nakatingala siya. Namimiss ko na siya. Namimiss ko na yung Ynigo ko. Yung pinakamamahal kong tao.

Ang gwapo niya parin. Sobrang gwapo na parang titingnan eh mas mukha talaga siyang boss kaysa sakin. Namimiss ko yung yakap niya, yung halik at sweetness niya lalo na yung kakornihan niya. Yung pagiging conyo niya and all. All about him. I miss HIM.

Ynigo’s POV

Ang harsh ko pala dati ano? Ngayon ko lang naranasan na maging secretary slash katulong. I know mahirap kay Stoff ang pinagagawa ko sakanya noon. This time, ako din. Kaya kong maghintay at gawin ang lahat para sakanya. I know this would be hard for me pero kakayanin ko. This is my choice. Pinili kong mahalin ang isang tulad niya at gusto ko siyang mawin back.

Lahat ng pinagagawa ko pinagsisihan ko na. Di ko maisip na bakit ko to nagawa sakanya? Bakit di ko siya ipinaglaban? Bakit ko siya iniwan sa ere? Bakit ko siya sinaktan? Alam ko mali ko lahat. Kung sana nagstay ako sakanya, di sana nangyari sakanya ang mga bagay na di niya deserve maranasan. Napakasama ko.

Nakausap ko si dad regarding sa pagaapply ko ng secretary ni Kristoff. Gusto kong bumawi sakanya through this. Gusto kong maranasan ko rin kung ano maging secretary. Gusto ko siyang pagsilbihan. Gusto kong bumawi sakanya. Mabuti naman naintindihan ni dad yun at pumayag siya. Kaya ako nalate nung first day ni Stoff bilang boss.

Napapansin kong nakatitig siya sakin ngayon. Nagpapahinga ako kasi pinalinis niya ako ng cr what the ang hirap at ang baho ng chlorine. Di ko nakayanan. Langya din tong si Stoff. Pero kahit ganito, mahal ko parin yang taong yan.

Binuka ko yung mga mata ko at tinignan siya. Umiwas agad siya ng tingin at napangiti ako.

“Alam ko yung mga titig na yan Stoff. Alam na alam at namimiss ko yan.” bulong ko sa sarili ko.

Chapter 50

Napaiwas ako kasi dumilat yung mga mata niya. Naalala ko yung dati. Lahat bumabalik. Ilang beses na niya akong nahuling nakatingin sakanya at hanggang ngayon nakakahiya parin.

“Ynigo?” tawag ko sakanya para di masyadong halata.

“Yes boss?” sabi niya sakin sabay tayo. Agad naman niyang inayos yung polo niya at lumapit sakin.

“I’ve already seen your dedication. Good job.” sabi ko sakanya. I don’t know his exact statement noon pero bahala na. Basta yan yung thought.

“Yes boss.” sagot naman niya.

“Well then, I have set my own rules here in my office and as my secretary, you should obey all my rules.” sabi ko sakanya.

“Yes boss.” sabi niya.

Inabot ko sakanya yung folder that contains my rules. Kinuha niya iyon at binasa.

“Rules and Regulations.” sabi niya sabay upo.

Shet di ko mainsert yung ’please read it with your mouth chuchu ba yun? Hay nako.

“Number 1: don’t be late.” sabi niya.

“Yes, I am strict when it comes to punctuality.” sabi ko.

“Number 2: obey all my commands.” sabi niya.

“Any clarification about that?” sabi ko.

“Wala po boss.” sabi niya.

“Number 3: don’t touch anything here.” sabi niya.

“Understand?” sabi ko.

“Yes boss.” sabi niya. “Number 4: don’t lie.”

“I really hate that.” sabi ko sakanya.

“Rule number 5: don’t do crazy stuffs that can distract me.” sabi niya.

“Well that’s all.” sabi ko sakanya.

“Wala pong conditions boss? Like what is your punishment if I disobey your rules?” tanong niya sakin.

“You really want to know?” sabi ko sakanya.

Napakamot siya sa ulo. “Uhm yes?” sagot niya.

“Well then,” sabi ko sabay lapit sakanya. Napaatras siya at napasandal sa pader. Nilagay ko yung kamay ko sa magkabilang dulo para di siya makalabas.

“B-boss?” sabi niya.

What the? Ganito pala ang feeling ano? Like ganito at parehong pareho ang nararamdaman ko ngayon. Bakit parang ako ang mas kinakabahan? Diba dapat siya ang kakabahan sa ginagawa ko? The heck Kristoff, gising.

“Yes?” sabi ko sakanya.

“Ano po ba yung punishment?” sabi niya.

“Well lahat ng yun same ang punishment if ever di mo masunod.” sabi ko. “And that is…”

Lumapit ako sa bandang tenga niya at bumulong.

“And that is you’re fired.” sabi ko sabay atras at bumalik sa table ko. Narinig kong huminga siya ng malalim na tila kinakabahan.

Ano ba tong ginagawa ko? Nababaliw na ata ako. Ulol ko.

“But I have another rule which I didn’t put into writing.” sabi ko.

“Ano po yun boss?” sabi niya sakin.

Tinignan ko siya direkta sa mga mata at ganun din siya sakin. Di ko akalain na lalabas yun mismo sa bibig ko at di ko pinagsisihan ito.

“AKIN KA LANG. DI KA PWEDENG KUNIN NG IBA.” sabi ko sakanya.

Ngumiti siya sakin at lumapit. Agad niya akong niyakap at ganun din ako. Namiss ko ang mga yakap niya, sobra.

“You don’t need to put that thing as a rule, because I don’t have any plans to look for another one. You are enough and I couldn’t ask for more.” sabi ni Ynigo sakin habang yakap yakap pa niya ako.

“Ynigo, sobrang namiss kita.” sabi ko sakanya.

Agad siyang kumalas sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawa kong pisngi.

“Namiss din kita ng sobra sobra at sorry sa lahat ng nasabi ko sayo. Sa lahat lahat. Di ko na maisaisa pero alam kong sobrang nasaktan ka. Sana mapatawad mo na ako.” sabi niya sakin.

“Oo Ynigo, napatawad na kita. Mahal na mahal kita.” sabi ko sakanya.

“Mahal na mahal din kita Stoff.” sabi niya sakin sabay lapit ng kanyang labi sa labi ko hanggang sa nagdampi na yung mga labi namin.

Yung halik niyang nagbibigay sakin ng kasiyahan, kagalakan at kaligayahan. Ramdam ko sa halik niya na sobrang namiss niya ako at sobrang mahal niya ako. Di ko lubos maisip na mawawala ako sa piling niya at hinding hindi ko hahayaan na mawawala siya sa buhay ko.

“I will do everything just to make you happy. Your happiness will also be my happiness.” sabi niya sakin.

“Ynigo, ako rin. Ipararamdam ko sayo ang deserve mong pagmamahal. Alam kong deserve mong mahalin ng sobra sobra and I’m not afraid to give all my love to you.” sabi ko sakanya.

“I became an independent man. I became strong to handle situations. I came to realize that I can and I will. I also realize that not to generalize people because of their doings, because not all of them are the same. I’m also happy all through out my journey. I need you to see all of these because you are the reason behind.” sabi niya sakin sabay ngiti.

Napangiti ako sa sinabi niya. Sobrang natouch ako at kinilig at the same time. Lakas talaga ng tama ko sa lalaking to. Kahit anong gawin niya di talaga ako magsasawa sakanya.

“Ynigo, I can be your shoulder to lean on, your soldier to protect you, your lover to love you unconditionally. If we’re falling apart I will fight our love. Let’s fight together, for our love.” sabi ko sakanya.

Napangiti siya sa sinabi ko at napayakap ulit sakin. Niyakap ko siya ng mahigpit na parang wala ng bukas. Ang saya ko. Sobrang saya.

“Stoff,” tawag niya sakin.

“Bakit?” sagot ko.

“Alam ko madami pa tayong challenges na madadaanan, sobrang dami pa. I just want to tell you that, there are a lot of temptations surrounding us. One of those is girls. Lalaki parin ako Kristoff at alam ko anytime pwedeng pwede akong matempt, but if that happens, please don’t let me go. Fight for me. Don’t leave me. Please promise me.” sabi niya sakin.

Natamaan ako sa sinabi niya pero I’m glad that he’s honest. Yes lalaki parin siya and I know that. Boys are boys no matter what. Di ko naman talaga mapipigilan ang temptations pero I will fight for him no matter what.

“Yes Ynigo, ipalalaban kita kahit anong mangyari.” sagot ko sakanya.

“Don’t worry, alam kong madami ding magkakagusto sayo at kung matetempt ka man, di ako papayag na makuha ka ng tuluyan. I will also fight for you and never ever leave you.” sabi niya sakin.

“Weh? Si Danielle at Yohan pa nga lang gumive up ka na, what more kung ibang tao na?” pagbibiro ko sakanya.

“I know that’s crazy and I learned from that mistake. That’s why I’m telling this to you coz you really mean to me. You are my world.” sabi niya sakin. “I know that I’m your first boyfriend but I will work hard to be also your last boyfriend.” dagdag niya.

Napangiti ako at napayakap ulit sakanya. Gash bat ba ganito si Ynigo? Di niya talaga makuhang di ako kiligin. He’s always put butterflies on my stomach. Grabe I’m really happy that God has sent this angel to me.

“Ako din Ynigo. I’m not your first but I will do anything and sacrifice everything to be your last.” sabi ko sakanya.

“Promise?” sabi niya sakin.

“Promise ko yan sayo.” sabi ko tsaka ko siya hinalikan sa labi.

Lahat ng nangyari sakin ay may kahulugan. Lahat ng naranasan ko ay may rason. Lahat ng yun ay worth it. Lahat ng yun ay deserve kong maranasan dahil sa huli, naging masaya naman ako. Di ko maiwasang isipin na sobrang blessed ko kasi nagkaroon ako ng mga tao na siguradong di ako iiwan at mamahalin ako ng higit pa sa deserve ko.

The first day that I stepped inside this office, I know that this will mean a lot. Lahat ng saya, lungkot, sakit lahat lahat naranasan ko dito sa opisinang ito. I never thought of having such a loving boyfriend. He’s rich, handsome, tall, smart, hardworking, gentleman, sweet, caring, loving, all characteristics of a perfect boyfriend nasa kanya. I know lahat ng babae kayang kaya niyang paibigin in just one snap. But eto, kahit mismong bakla kaya niyang paibigin. Mas lalong di ako makapaniwala na nahulog din pala siya saakin. Sobrang imposible kung iisipin pero hindi eh. Nangyari sakin ang lahat ng to nang di ko man lang inaasahan. Sobrang saya ko to the extend na kahit na wala akong matirang love sa sarili, maibigay ko lahat lahat ng pagmamahal ko sa mga taong deserve mahalin at isa dun si Ynigo.

“I love you, my secretary.” sabi ko kay Ynigo habang yakap yakap ko parin siya.

“I love you too, my boss!” sagot niya.

PERSONAL SIGNATURE

So let’s end up that moment. Wait up! How are you guys? Aweee sobrang namiss ko kayo and I’m really sorry for the super ultra mega delay. Sobrang nawalan ako ng inspiration and motivation tsaka super busy din hoho. Don’t worry guys may EPILOGUE pa po yan. SO JUST SIT BACK, RELAX AND WAIT FOR IT <3

NEXT IS THE EPILOGUE <3 Don’t forget to vote, comment, spread and support!! I really need your help guys. I LOVE YOU ALL. MWAMWAMWA.

AGAIN, MAY EPILOGUE PA PO SO WATCH OUT :)

Follow me on:

IG: @djcabatay (secondaccount) Twitter: @DnzlCbty

SUPER DELAYED

Hello guys. Gash ang tagal na nito huhuhu kakatapos lang kasi ng boards namin eh huhu tsaka icocontinue ko po ito. I REPEAT, ICOCONTINUE KO PA PO ITO. Sa mga naghihintay ng Epilogue neto, just wait poooo huhu naghihintay pa ako makabili ng laptop para po makaedit ng mga errors sa story, especially grammars, inappropriate usage of words and etc and tsaka sa Epilogue. Nagcoconstruct na po ako so chill po hehehehe sorry ang tagal huhu i love you all.

Comment po kayo sa baba sa mga feels niyo sakin, sa story and sa ineexpect niyo sa story hehehehe. I’ll count on you haaa so goooo 😊❤️