MY BROTHER BEST FRIEND (BOYXGAY)
PaulineHicarte5 · 4 chapters · 4,361 words
Chapter: 01 MY BROTHER BEST FRIEND (BOYXGAY)
Uno POV
“Ano tol don tayo sa bahay niyo?” Tanong ko sa kaibigan ko na si rj. Tumingin naman siya sakin.
“Sigurado ka ba? Baka kase nan don ang kapatid ko. Alam mo naman yon.” Nahihiyang sabi niya naman. Napaisip naman ako.
Yong kapatid niya kase na bakla mukhang may gusto sakin. Panay papansin sakin pag nan don ako sa kanila. Ang gulo at ang ingay pa. Si rj nalang nahihiya sa pinag gagawa ng kapatid niya. Pero naisip ko na mukhang hindi mangyayari ang lahat ng yon. Napangisi naman ako.
“Ayos lang yon. Saka sigurado hindi na mang gugulo ang kapatid mo.” Sabi ko naman sa kanya saka ko siya tinapik. Napatingin naman siya sakin na nag tataka.
“Sigurado ka dyan?” Nag tataka na tanong niya. Tumango naman ako sa kanya.
“Sabi mo yan ah.” Sabi niya pa pero isang ngiti lang binigay ko sa kanya bilang sagot. Saka kami nag sumakay sa motor ko at umalis.
Nan dito na kami sa bahay nila. Tinawagan pa namin ang ibang kaibigan namin para sumunod nalang papunta dito. Nag tuloy naman kami ni rj sa bahay nila. Pag pasok palang namin ang tahimik na. Parang wala yatang tao.
Nilagay ko naman ang gamit ko sa sofa nila. Saka ako naupo.
“Himala walang tao sa bahay niyo ngayon.” Sabi ko sa kanya sabay bukas ng tv. Nahiga pa ako sa sofa nila.
Ang totoo kase niyan ay samin tong bahay nila. Kumbaga nag uupa sila dito. Pero dahil classmates kami ni rj ay sinabihan kuna ang parents ko na bawasan ang upa nila sa bahay. Kaya parang dito na rin ako naka tira kase sa totoo lang lage talaga ano nan dito aa bahay nila.
“Umalis si mama saka papa pero si gray nan don sa kwarto niya.” Sagot naman ni rj.
“Wag mo nalang pansinin si gray pag lumabas siya. Alam mo naman yon.” Nahihiyang sabi niya. Ngumiti nalang ako saka tumango.
Ilang saglit pa dumating naman sila tito at tita at mga kaibigan ko. Sakto naman na may dala na silang inomin. Tumayo naman ako saka ako nag mano sa kanila.
“Gusto niyo ba don nalang kayo sa kubo sa likuran?” Tanong ni tita myra. Ngumiti naman ako sa kanya.
“Hindi na po tita. Okay na po kami dito sa sala.” Naka ngiting sagot ko naman sa kanya. Alam din kase nila na pag nan dito ako halos di mapakali yong isang anak nila. Napakaingay at ang kulit pa. Papansin pa masiyado.
“Ako na ang bahala sa anak ko pag ginulo kayo lalo kana.” Sabi naman ni tito mike. Tumango naman ako.
Nag umpisa naman kami mag inoman mag kakaibigan. Sumali pa si tito samin. Bali 7 kami na nan dito sa sala.
Tatlong oras na kami nag iinom pero hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang kapatid ni rj na si gray. Siguradong alam niya na nan dito kami at siguradong nahihiya yon lumabas at humarap sak—–
“Ma, Pa lalabas lang po ako saglit.” Biglang paalam ng isang boses. Napatingin naman kami sa kanya. Si gray pala.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Yong buhok niya na naka lugay. Yong labi niya na mapula. Matangos na ilong. Mga mata niya malungkot at yong mukha niya na walang emosyon. Si gray ba talaga to? Bakit parang––parang iba ang itsura niya ngayon.
Ako lang ba ang naka pansin sa kanya dahil parang ako lang natulala sa itsura niya ngayon. Napatingin pa siya sakin pero hindi ko mabasa ang isip niya. Hindi ko malaman kong ano ba nasa isip niya. Hindi ko alam pero napalunok pa ako.
“San ka pupunta?” Biglang tanong naman ni rj.
“Sa kaibigan ko lang po kuya.” Sagot niya naman.
“Uuwi agad ah.” Sabi pa ni rj sa kanya. Tumango naman siya.
“Saglit lang po ako.” Sabi pa ni gray saka ito umalis.
Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Lalo na kay rj at kala tito at tita.
“Si gray ba talaga yon?” Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman nila saka tumingin sakin at tumango.
Ang huli ko kase na nakita si gray ay last month pa. At don ko rin sinabi sa kanya na layoan niya ako at wag siya lalapit sakin. Wag niya na ako guluhin. Kumbaga tigilan niya na ako. Yong hindi niya ako kilala. Dahil inamin ko sa kanya na hindi ko siya gusto. Naiingayan ako sa kanya. Nakukulitan at inamin ko sa kanyan na ayoko sa katulan niya dahil nan didiri ako sa kanya.
Masasakit na salita ang binigay ko sa kanya para lang tigilan at layuan niya ako. At yon nga ang nangyari. Pero hindi ko alam ang nararamdaman ko. Para bang may hinahanap ako na hindi ko alam kong ano man yon.
“Ayos ka lang?” Biglang tanong sakin ni rj. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti ng pilit.
“Oo naman.” Masayang sagot ko saka ko kinuha ang bote at ininom ito.
Dahil hindi ko na alam ang nararamdaman ko.
Tuloy lang sa saya. Inoman, kwentohan, kalokohan at kong anu-ano pa hanggang sa dumating ang oras na kaylangan na namin umalis dahil tapos na ang kasiyahan. Pero si gray ay wala parin dahil hanggang ngayon kase ay hindi pa siya umuuwi.
Siguro ay umiiwas na talaga siya sakin. Natatakot at nahihiya na siya at hindi niya na kayang humarap sakin tulad ng kanina na hindi siya makatingin sakin.
Isang ngiti naman ang nabitawan ko na maisip ko yon. Buti naman at natakot siya sa mga ginawa at sinabi ko sa kanya. Dahil sa totoo lang ayoko sa katulad niya. Ayoko sa malambot at babakla-bakla na yan.
Mga sakit lamang sila sa ulo.
••••••
Itutuloy…..
Chapter: 02
Gray POV
10pm na pero nan dito parin ako sa bahay ng kaibigan ko. Naka tambay lang kami dito sa bahay niya dahil nga nan don si uno sa bahay. Sigurado naman kase na magkukulong lang din ako sa loob ng kwarto ko pag nan don siya. Nataohan na kase ako. Nag move on na ako sa pagkakagusto ko sa kanya. Inalis kuna ang feelings ko sa kanya. Inalis kuna ang pagkabaliw ko sa kanya. Kong baga dai baliw na baliw ako. Kinikilig ako. Yong ngiti niya palang maiinlove ka talaga eh. Sobrang gwapo niya kase sa paningin ko noon. Pero ngayon dahil nga sa mga masasakit na sinibi niya sakin. Nataohan na rin ako at na realize ko na ‘ah ganito pala talaga ako sa kanya’ tapos ngayon parang ang laki ng pinagbago ko.
“Hindi ka naman nakikinig sakin. Baka iniisip mo parin yong mga sinabi sayo ni uno.” Biglang sabi naman ng kaibigan ko.
“Ano ba yong sinasabi mo?” Tanong ko naman sa kanya.
“Sabi ko dito ka nalang matulog sa bahay. Baka kase mapano kapa dyan sa labas eh wala kang kasama pauwi. Mahirap na kase panahon ngayon.” Sagot niya naman.
“Sige dito nalang ako matutulog. Uuwi nalang ako ng maaga bukas. Magtext nalang ako sa kuya ko.” Sabi ko naman sa kanya.
“Ayosin ko lang higaan sa kwarto ko.” Sabi niya naman.
“Sa lapag na ako.” Sabi ko naman sa kanya.
“Ayaw mo talaga dumabi nalang sakin.?” Tanong niya. Umiiling naman ako sa kanya.
“Wala naman akong gagawin sayo.” Sabi niya naman.
“Kahit na. Basta sa lapag na ako matutulog.” Sabi ko naman sa kanya. Napakamot naman siya ulo niya.
Siya ang kaibigan ko si tim. Opo lalaki siya pero mabait siya sakin. Lima kami magkakaibigan. Si Tim at Chad parehong lalaki. Si Jean babae at si Em bisexual. Mga kaibigan ko sila at lahat sila kaclose ko talaga. Sila naging sandalan ko nong broken ako. Naging sumbongan ko pag may nangaaway sakin. Lagi silang nan dyan para sakin. At sila nag turo sakin maging matatag.
“Naka ready na ang higaan mo.” Sabi ni tim saka umakbay sakin. Tumingin naman ako sa kanya.
“Salamat ah. Saka pasensya na dito pa ako nakitulog.” Sabi ko naman sa kanya. Bigla niya naman ako sa pinitik sa noo ko kaya napangiwi ako.
“Bakit mo ginawa yon?” Tanong ko sa kanya habang naka hawak sa noo ko.
“Oa mo kase.” Sagot niya naman.
“Wag ka muna mag boyfriend ah.” Biglang sabi niya naman.
“Bakit naman?” Nag tatakang tanong ko sa kanya.
“Dahil ayoko na ulit makita kang nasasaktan. Tulad ng nangyari sayo noon. Ayoko na makita kang umiyak. Naaawa kami sayo pag nakikita ka namin na nasasaktan eh.” Mahabang sagot niya naman. Nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin.
“Pasensya na talaga dahil pati kayo naiistorbo ko. Kaya promise ko na hindi muna ako mag boyfriend.” Naka ngiting sabi ko naman sa kanya.
“Wag ka nga huminge ng pasensiya dyan. Mga kaibigan mo kami kaya dadamayan ka namin. Kahit ano pa yan. Basta laging mong tatandaan na nan dito lang kami lage para sayo. Kahit anong problema o pagsubok pa ang dumating hindi ka namin iiwan. Yan ang tunay na kaibigan. Hindi nag iiwanan.” Mahabang sabi niya sabay tapik sa balikan ko. Natawa naman ako kaya napakunot noo naman siya na tumingin sakin.
“Parang naging oa na tayo.” Nasabi ko nalang sa kanya.
“Epal naman nito. Di pa nga ako tapos mag drama eh.” Sabi niya naman saka ngumuso. Ngumiti nalang ako sa kanya.
Saka kami nag lakad papunta sa kwarto niya.
Kinaumagahan nagising naman ako na magkatabi na kami ni tim sa sahig. Naka yakap pa talaga siya sakin. Kaya inalis ko naman ang kamay niya at tinulak siya palayo. Hindi naman sa nag iinarte ako ah. Ayoko lang kase masira pagkakaibigan namin na dalawa. Saka sa totoo lang gwapo to si tim. Ang daming nag kakagusto sa kanya. Sweet siya ang napakabait pa.
“Sorry. Nahulog kase ako.” Sabi niya naman habang nag kukusot ng mata niya. Parang bata eh.
“Sus palusot mo.” Nasabi ko naman sa kanya. Ngumiti naman siya sakin.
“Good morning” naka ngiting bati niya.
“Good morning” sabi ko naman sa kanya.
“Almusal muna tayo tapos hatid na kita sa bahay niyo.” Sabi niya naman.
“Wag muna ako ihatid. Mag tricycle nalang ako.” Sabi ko naman sa kanya. Pero umiling naman siya.
“Ihahatid kita. Ayoko habolin ka ulit ng aso dyan sa kalsada.” Sabi niya naman. Binatukan ko naman siya pero ngumiti lang siya sakin.
“Epal talaga.” Nasabi ko nalang sa kanya.
Bumango naman kaming dalawa saka inayos ang hinigaan. Nag hilamos muna kami sa banyo niya saka kami lumabas sa kwarto niya. Nag almusal na rin kami. Si tim kase may kaya sila sa buhay. Pareho may trabaho ang magulang niya saka ang ate niya may trabaho din.
Natapos kami mag almusal ay lumabas na nga kami. May motor siya kase binilhan siya ng papa niya nong nag 19 siya. Yon ang regalo sa kanya. May tiwala naman ako sa kanya pag nag momotor siya kase sobrang ingat na ingat talaga siya lalo na pag ako ang angkas niya. Pag si jean at em sakay niya parang takot na tanong yong dalawa kase ang bilis raw mag maneho ni tim. Pero pag sakin hindi naman siya ganon.
“Wag mong bibilisan ah.” Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya ng naka ngiti sakin.
“Basta ikaw. Ayoko matakot ka eh.” Sabi niya naman.
“Good.” Nasabi ko naman sa kanya. Inistart niya na ang makina kaya sumakay na rin ako. Yumakap pa ako sa bewang niya.
“Grabe talaga ginamit nanaman yong pabango niya na ang sarap amoyin.” Nasabi ko naman sa kanya saka ko pinatong yong baba ko sa balikat niya. Kong titingnan kami mukha kaming mag jowa. Nagulat pa ako ng bigla siyang tumingin sakin. Muntik pa kase ako mahalikan. Baliw talaga. Nahampas ko naman siya sa balikat niya.
“Sayang.” Nasabi niya naman saka tumawa. Napapailing naman ako. Kahit kaylan di parin nag babago.
••••••
Itutuloy….. .
Chapter: 03
Gray POV
Nan dito na kami ni tim sa tapat ng bahay namin. Bumaba rin siya sa motor niya. Sinabi ko kase na pumasok muna siya sa loob at mag pakita kala mama papa alam nila na si tim nga ang kasama ko.
Pag pasok namin sa loob ay mukha agad ni uno ang nakita namin. Pareho pa kami nagulat pero mabilis naman ako umiwas ng tingin. Ayoko na kase mag salita nanaman siya ng masasakit sakin. Grabe pa naman mag salita yan. Tumingin naman ako kay tim na naka tingin din pala sakin.
“Okay ka lang?” Tanong niya. Tumango naman ako sa kanya. Tumunog naman phone niya kaya tiningnan niya sino natawag pag tingin niya si em pala kaibigan namin.
“Sagotin ko lang to.” Paalam niya. Tumango naman ako sabay tapik sa braso niya. Pero bago siya umalis sinabihan ko siya na pumunta nalang siya sa kwarto ko pakatapos nila mag usap.
Nag tuloy muna ako sa kusina dahil alam ko nan don si mama, at tama nga ako. Pati si kuya nan dito din.
“Sino kasama mo papunta dito?” Tanong ni kuya sakin.
“Si tim. Pero lumabas muna siya dahil may kausap siya sa phone niya.” Sagot ko naman sa kanya.
“Mag almusal kana dyan.” Sabi naman sakin ni mama.
“Tapos na po ako mag almusal.” Sabi ko naman kay mama.
Pansin niyo ba na parang hindi kami masiyadong close dito sa bahay. Ano kase dati yong panahong baliw na baliw pa ako kay uno. Panay papansin ako dati at ang epal ko talaga noon. Yong gagawa ka ng kahit ano para lang mapansin ka rin ng crush mo. Pero hindi ko napapansin na ang sarili kong pamilya ay nahihiya na pala sa mga ginagawa ko. Lage sila humihinge ng pasensiya kay uno kahit sa magulang ni uno humihinge sila ng pasensiya dahil nga sa kahihiyan na binibigay ko kay uno. Kumbaga mas kinakampihan nila si uno kesa sakin. Kaya dito sa bahay si mama,papa, kuya at uno lang magkakasundo. Pwera sakin. Kaya ng ma-realize ko lahat yon ay madalas na mag solo nalang ako. Kumbaga sa kwarto nalang lage o kaya sa mga kaibigan nalang ako. Mas masaya pa kasama ang mga kaibigan ko kesa dito sa bahay. Pag nan dito ako sa bahay, kahit na may mga kasama ako pakiramdam ko parin mag isa lang ako.
“Magandang umaga po tita, kuya rj.” Bati naman ni tim sa kanila. Di ko napansin na katabi kuna pala siya.
“Tapos na kayo mag usap?” Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot.
“Don po muna kami sa kwarto ko.” Paalam ko kala mama. Tumango lang sila sakin. Ni hindi nga tumingin. Si kuya lang tumingin samin pero si mama hayy.. ayoko nalang mag isip.
“Pasensya kana ah. Alam mo naman dito sa bahay.” Sabi ko naman kay tim. Umakbay naman siya sakin.
“Sanay na ako.” Sabi niya naman.
Nag lakad na kami ni tim papunta sa kwarto ko. Pero pag dating namin sa may pinto ng kwarto ko nakita naman namin si uno na naka tayo sa tapat ng kwarto ni kuya rj. Naka ang pinto nito habang siya nasa may labas naka tayo. Hindi nalang namin siya pinansin ni tim. Saka kami pumasok sa kwarto ko. Sinara ko ito saka ko nilock.
“Bakit nga pala tumawag si em?” Tanong ko sa kanya. Naupo naman siya sa kama ko.
“Nag aaya pumunta sa bahay. Silang tatlo nila chad at jean.” Sagot niya naman.
“Ano naman gagawin sa bahay mo?” Tanong ko pa sa kanya. Natampal niya naman ang noo niya habang napapailing na tumingin sakin.
“Ano ba yan. Sa dami ng dumating na problema at pagsubok sayo sarili mong birthday nakalimutan muna.” Sabi niya naman. Napataas kilay naman ako.
“Birthday? Ko?” Nag tataka na tanong ko pa.
“Oo. Birthday mo ngayon diba? Nakalimutan muna?!” Naiinis na sabi niya naman. Halata kase na naiinis na siya.
“Mukha ba akong nakikipag birioan ha gray.?” Inis na tanong niya. Napanguso naman ako.
“Sorry naman. Nawala na sa isip ko eh.” Nasabi ko nalang.
“Ang dami kasing iniisip. Hayaan muna yong mga past mo. Naka move on ka naman na. Kaya dapat kalimutan na lahat at mag umpisa sa bago.” Sabi niya naman. Ngumiti naman ako sa kanya saka ako lumapit.
“So ibig sabihin 18 na ako ngayon. Pwede na ako mag inom.” Naka ngiting sabi ko naman sa kanya. Silang dalawa kase ni chad napaka stricto eh. Ayaw ako patikimin ng alak kase hindi pa raw ako 18 pero ngayon alam ko pwede na.
“Sino naman nag sabi sayo na mag iinom ka hindi kami lang naman ang pwede mag inom. Kayo ni jean juice lang sa inyo.” Sabi niya naman. Sinamaan ko naman siya ng tingin saka ako lumayo sa kanya.
“Okay. Umuwi kana. Nawalan na ako ng gana.” Sabi ko naman. Saka ko kinuha ang twalya na naka sabit sa likod ng pinto ko saka ako nag tuloy sa banyo.
“Pakisara nalang ng pinto pag labas mo.” Walang gana kong sabi sa kanya.
“Hoyy naman nag bibiro lang ako eh. Galit agad.” Sabi niya naman pero hindi ko nalang siya pinansin. Bahala siya dyan.
Natapos ako maligo kaya lumabas na ako sa banyo. Nagulat pa ako dahil nan dito pa pala si tim sa kwarto ko. Naka higa habang nag lalaro sa selpon niya. Ng makita niya ako umupo agad siya. Alam mo yong mukha niya yong parang nag papaawa. Kaya inirapan ko naman siya.
“Sorry na kase. Nag bibiro lang naman ako.” Sabi niya naman.
“Lumabas ka muna mag bibihis ako.” Sabi ko naman sa kanya. Tumayo naman siya saka kumindat pa bago lumabas. Natawa naman ako.
Ganyan yan eh kaya sanay na ako. Sanay na ako sa kalokohan nila ni chad lalo na pag magkasama sila. Si em lagi ko kakampi saka jean. Yong dalawa naman yon lagi tagasaway pag inaasar ako ng dalawa. Magulo kami magkakaibigan pero mawawala talaga problema mo pag sila ang makasama mo.
Pero masaya parin kase sa mga kaibigan lang talaga masasabi ang problema dahil alam mong dadamayan ka talaga nila kahit ano pa yan. Kaya masaya ako na may kaibigan ako na katulad nila.
••••••
Itutuloy…..
Chapter: 04
Gray POV
Natapos ako mag bihis ay inayos ko naman ang bag na dadalhin ko sa bahay ni tim. Don ulit ako natutulog dahil sigurado ay hindi nila ako papaalisin lalo na’t kompleto kaming lima. Dahil birthday ko naman at pumayag na si tim na mag inom ako ay sigurado mag eenjoy ako ngayong birthday ko.
Nag suklay lang ako ng buhok ko saka ako nag lagay ng pabango. Kunting liptint para mapula ang labi. Marunong na kase ako mag ayos at dahil yon kay em. Tinuroan niya kase ako eh. Ganon daw dapat pag nag move on. Kaylangan gumaganda din. Nga pala naka skirt at crop top pala ako. Yong skirt na suot ko eh ginawa ko lang gamit ang yarn. Buti nalang marunong ako mag crochet.
Binuksan ko naman ang pinto para sana lumabas na kase baka naiinip na si tim kakahintay sakin. Kaso pag bukas ko mukha naman ni uno ang bumungad sakin pero mabilis naman ako umiwas sa kanya. Sinara kuna ang pinto ko at nilock ito. Hinanap naman ng mata ko si tim pero hindi ko ito nakita.
‘umuwi na kaya siya?’ tanong ko sa isip ko. Kinuha ko naman ang phone ko sa bag ko para tawagan si tim pero bigla naman hinawakan ni uno ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya saka sa kamay niya.
“San ka pupunta?” Biglang tanong niya. Tumingin ako sa mukha niya saka ko inalis ang kamay niya.
Hindi ko naman siya sinagot saka ko siya dinaanan para lumabas na.
“Tinanong kita. San ka pupunta?” Pag uulit niya. Hinarap ko naman siya at sinagot ito.
“Sa bahay ni tim.” Sagot ko sa kanya. Sinabi kuna rin para rin matigil na siya kakatanong at tumigil na siya na kausapin ako.
“Nag luluto si tita ng pancit at spaghetti para sayo. Tapos si rj at tito eh nag kakatay ng manok. Tapos aalis ka?!” Inis na sabi niya naman. Hinawakan niya ulit ako sa braso ko pero mabilis ko naman ito inalis.
“Sinabi ko ba na maghanda sila? Saka nong last year wala naman ganyan ah. Nong nag birthday ako last year walang ganyan. So ano nangyari? Bakit nag hahanda sila?” Tanong ko naman sa kanya. Napakuyom naman siya. Hindi ko naman ito pinansin. Hahawakan niya ulit sana ako pero umiwas na ako sa kanya.
“Pupunta ako sa bahay ni tim. Kasama ko nga kaibigan ko. Mas maganda don mag eenjoy ako. Kesa dito sa bahay. Eh wala naman paki yong mga kasama ko dito.” Sabi ko sa kanya saka ko siya tinalikuran. Wala naman ako narinig sa kanya.
Pag dating ko sa sala. Nakita ko naman si kuya rj at kaibigan niya. Naka upo ito sa sofa habang nanunuod ng tv. Napatingin naman sila sakin.
“San ka pupunta?” Tanong ni kuya sakin.
“Sa bahay ni tim. Kasama ko mga kaibigan ko.” Sagot ko naman sa kanya.
“Hindi pala ako uuwi. Pasabi nalang kay mama at papa.” Dugtong ko pa.
“Anong hindi ka uuwi? Hindi kana umuwi kahapon tapos hindi ka nanaman uuwi ngayon.!?” Inis na sabi naman ni uno.
“Ano bang pakialam mo.” Inis na sabi ko naman sa kanya. Natigil naman siya kaya umirap nalang ako.
“Pero nag handa si mama at papa para sayo dahil nga birthday mo ngayon.” Sabi naman ni kuya rj.
“Bakit kase nag handa sila eh sanay naman ako sa wala.” Walang gana kong sagot sa kanya. Maski si kuya ay natigil din ng sabihin ko yon.
Imbes na matuwa ako dahil nag handa sila para sakin. hindi dahil iba ang nararamdaman ko ngayon. Kong iisip niyo naman masama ako dahil hindi ako natuwa sa ginawa nila. Pwes wala na rin akong paki dahil sa oras ngayon wala akong tuwa na nararamdaman sa sarili ko. Ni hindi ko nga magawa ngumiti ng kahit peke sa kanila. Yon bang walang emosyon lang. Wala akong mabigay sa kanila sa isang ngiti dahil sa totoo lang ay hindi naman ako natutuwa ngayon. Gusto kong kasama ang mga kaibigan ko at hindi ang pamilya ko.
Mas matutuwa pa ako kong mga kaibigan ko ang kasama ko. Nagiging totoo ako sa kanila at hindi kaylangan ng kaplastikan para lang maging masaya.
“Aalis na ako.” Walang ganang sabi ko. Pero sa pangatlong pagkakataon ay hinawakan nanaman ni uno ang balikat ko saka ako hinarap sa kanya.
“Boyfriend mo ba ang tim na yon at hindi ka napapahiwalay sa kanya!?” Galit na tanong ni uno. Inagaw niya pa ang bag ko saka ito binato sa sofa.
“Ano bang problema mo?!” Naiinis na tanong ko sa kanya.
“Hindi ka aalis. Mag kulong ka sa kwarto mo pero hindi ka aalis!” Sabi niya pa. Hinawakan ako sa kamay at hinila ako pabalik sa kwarto ko. Kahit pa nag pupumiglas ako sa kanya ay lalo lang humihigpit ang pagkakahawak niya. Hanggang sa nakarating kami sa tapat ng kwarto ko.
“Ano pa bang kaylangan mo.? Sinunod ko naman ang gusto mo na layuan ka?. Pero bakit parang ikaw ang hindi kayang sundin ang mga sinabi mo sakin.?” Nag tatakang tanong ko sa kanya.
“Please uno. Tama na. Tinigilan na kita. Hindi na kita kinukulit at hindi na rin ako gumagawa ng kahihiyan para mapansin mo. Umiwas na ako kaya sana ikaw rin. Tumigil kana.” Pagmamakaawa ko naman sa kanya. Bigla naman ito ngumisi. Nagulat pa ako ng biglang hawakan niya ang balikat ko. Saka siya lumapit sa may tenga ko.
“Lumayo ka sa tim na yon. Lumayo ka sa ibang lalaki. Papayagan kitang makalabas.” Mahinang sabi niya. Hindi naman ako naka imik ng sabihin niya yon. Dahil nagugulohan ako. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin don.
“Alam ko naman na ako parin ang gusto mo.” Sabi pa nito. Tinulak ko naman siya palayo.
“Naka move on na ako uno. Nakalimutan na kita at wala na akong nararamdaman pa kaso. Kahit kunti uno. Wala na.” Sabi ko naman sa kanya. Bigla naman nag salubong ang kilay niya at galit na tumingin sakin.
“Binabawi kuna ang sinabi ko na layuan mo ako. Binabawi kuna rin ang sinabi ko na tigilan mo ako. Gawin mo nalang ulit yong dati mong ginagawa, basta lumayo ka lang sa ibang lalaki lalo na sa tim na yon.” Sabi pa nito. Humakbang naman ako palayo sa kanya habang umiiling.
“Huli na uno. Hindi kuna mababalik ang kabaliwan kong yon. Kaya tama na uno. Tumigil kana.” Sabi ko naman sa kanya. Napakuyom naman siya ng kamay niya. Kaya humakbang ulit ako palayo sa kanya. Namumula na kase ang mata niya. Halatang galit na talaga ito. Hindi kuna alam kong bakit nagkakaganito siya. Hindi siya ganito. Hindi ganito ang uno na kilala ko.
“Pag umalis ka ngayon gray. Alam muna mangyayari sa tim na yon.” Galit na sabi nito. Saka ako tinalikuran. Napatulala naman ako sa sinabi niya.
Tumunog naman ang phone ko. Pag tingin ko sa screen ay pangalan naman ni tim ang nakita ko. Pinunasan ko naman ang luha ko dahil hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Sinagot kuna rin ang phone ko.
“ San kana?“ Bungad na tanong ni tim.
“Nan dito sa bahay.” Maikling sagot ko naman.
“ Puntahan
na ba kita dyan?“ Tanong niya.
“Hindi wag na. Hindi kase ako ako makakapunta dyan. Nag luto kase si mama saka may mga bisita rin dito sa bahay. Kaya hindi ako makakapunta.” Sabi ko naman sa kanya.
“ Kong ganon edi kami nalang ang pupunta dyan. Birthday mo ngayon tapos hindi ka namin
makakasama
. Bawal yon.“ Sabi naman nito. Natawa naman ako. Akala ko kase magagalit siya dahil hindi ako makakapunta. Pero mas maganda na nga yon. Yong sila na nga ang pumunta dito sa bahay.
“Sige. Hintayin ko nalang kayo.” Sabi ko naman sa kanya saka ko pinatay ang linya.
Binuksan ko naman ang kwarto ko saka ako nag tuloy sa loob. Naupo naman ako sa kama ko saka ko pinunasan ang luha ko. Napabuntong hininga pa ako dahil nagugulohan ako sa nangyayari. Lalo na kay uno.
Bakit siya nagkaganon? Bakit bigla nalang siya nag bago? Bakit ngayon pa? Kong kelan nakakalimutan kuna siya at umiiwas na ako sa kanya. Saka naman siya bumabalik. Gusto niyang layuan ko siya pero ngayon gusto niyang iparamdam ko ulit sa kanya kong ano ginagawa kong pag papapansin sa kanya. Ayokong umasa sa nararamdaman ko. Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sumasakit lang ito sa kakaisip.
Hindi kuna alam kong ano ba tong nangyayari.
ITUTULOY
….

