My Cute Demon Kid (BXB) COMPLETED
CHAKASALSAL · 36 chapters · 8,497 words
BABALA
MOVIE STYLE WRITTING
PS. VOTE & FOLLOW
MAHAL KO KAYO MGA KASALSAL❤️
CHARACTERS
Quin Aralya Yaya Dub Lucifer Devon
At marami pang mga extra
Wag kakalimutang i-follow ang aking wattpad account na
CHAKASALSAL
CHAPTER 1
Quin
“Bangon muna dyan! Malelate ka na sa klase mo!” Sigaw ng aking nanay na may malaking bunganga na dala-dala sa kanyang mukha.
“Abat! Nilapastangan mo pa ako sa mga readers natin ah!” Sigaw agad ni Mama.
“Mother!? Ang galing mo talaga! Paano mo nasabi?!” Sabi ko naman, pero bago siya makapagsalita ay bumangon na ako mula sa pagkakahiga.
“Ewan ko sa’yo. Dalihan mo na dyan at kakain na.” Sabi niya.
Hoy mga readers! Kung meron man…
Ako nga pala si Quin Aralya. Mataray sa mga matataray, mabait sa mga mababait.
19 na ako at first year college sa Belzebub University, na ang ibig sabihin yata ay Demon or whatsoever…
So ayun nga… Sa mundo ngayon, naniniwala na sila sa mga tinatawag na demonyo.
Paano ko nasabi? Kasi nakikisalamuha na rin sila sa mga tao.
Pero iilan lang ang mga ito, kasi may mga demonyong may masasamang intensyon sa mga tao, kaya sinabi kong “iilan.”
Kung nalito ka, wag kang mag-comment. Pinagsabihan ko na si author na wag kayong pakialaman sa comment box. evil laugh
Hindi ko masasabing gay ako, kaya bottom na lang. Hihi.
Kasi hindi ako malamya na parang si Maria Clara chaka churva! Pwe!
Natapos na akong maligo, lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.
Tandaan, hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap…
Yun lang ang masasabi ko sa inyo ngayon.
At welcome sa story ko mga ka-demonyo. Panget ng mga kasalsal ni author kaya yan na lang. grin
CHAPTER 2
Empyerno
“Tawagin ninyo si Yaya Dub!” Sigaw ng malalim na boses sa gitna ng bulwagan.
Nag-bow naman ang mga tagasunod nito.
Maya-maya lang ay dumating ang isang bakla na nakasuot ng pambabaeng damit ng yaya, at dahil sa kanyang kasuotan ay para na rin itong babae.
“Ipunta mo ang aking anak sa lupa, at humanap kayo ng taong siyang tatayong magulang niya. Siguraduhin mo na ang taong iyon ay tutulungan din ang anak ko na sirain ang kanilang mundo,” Mahabang sabi ng malalim na boses kay Yaya Dub.
Nag-bow naman ang yaya at saka pinuntahan ang bata na si Prince Devon sa kanyang kwarto.
Pagdating doon, nakita ng yaya na natutulog pa ito.
Prince Devon, 4 years old, may kapangyarihan ng sound wave na kayang pumatay pag narinig mo ito. Pero nakadepende iyon kay Prince Devon. Umiinit ang kapaligiran pag nagkakasakit siya, at umuulan ng malakas pag umiiyak siya.
Yan ang anak ni Lucifer.
Nagising ang bata at nakita si Yaya Dub. Napangiti ang bata at tinaas ang dalawang kamay na parang gustong magpakarga, kaya walang alinlangan na binuhat siya ng bakla at dinala sa bulwagan ng kaharian kung saan nandoon si Lucifer.
“Ngayon, pumunta na kayo sa lupa at maghasik ng lagim,” Sabi ni Lucifer sa anak at sa yaya nito.
CHAPTER 3
Quin
“Bes!!! Where na you!? Here na me!!! You are here na pala!!!” Ay gaga! Parang tanga ang baklang ’to.
Siya nga pala, siya si Beki Bekimon. Yes, yan po talaga ang name niya.
Nakakatawa, ’noh?
Pinangalan daw ito sa kanya ng papa niya kasi yun daw ang sabi ng demonyo, as in totoong demonyo, at pag ginawa daw nila yun, yayaman sila. Kaya ayun.
Pinangalan nila ito sa anak nila at hindi nga nagkamali ang demonyo dahil bigla silang yumaman. Nang malaman naman ni Beki ang story ng kanyang pangalan, naisipan na rin niyang pumasok sa Belzebub University, na kung saan ayon nga, “demon” ang ibig sabihin nito.
19 na rin siya, at sadyang may pagkatopak din minsan.
Nakita ko na lumalapit siya sa akin na parang alam mo yung ginagawa ng prinsesa na patalon-talon effect? Ganyan ang ginagawa niya ngayon habang papalapit siya, pero biglang may naapakan siyang kung ano, dahilan para mapasubsob siya sa semento.
“Ouch!” Sigaw niya.
“Parang tanga kasi! Prinsesa ka teh? Alalahanin mo ang baho ng pangalan mo, itatak mo yan sa kokote mo!” Pang-aasar ko sa kanya.
“Anong connect? At least afford ang retoke! Che!” Sumbat naman niya, saka tumayo at pinagpagan ang damit.
“Tayo na nga!” Sabi ko, at ngumiti naman ito bago sinukbit ang kanyang kamay sa kaliwa kong kamay at saka kami naglakad papasok sa university.
CHAPTER 4
Quin
“Hoy puta, ibigay mo yang condom sa akin!”
“Ano ka, sineswerte! Gagamitin ko ’to sa titi ko mamaya!”
“Girl, alam mo ba yung nangyari sa blah.. blah.. blah…”
Ayan ang classroom namin, punong-puno ng mga studyanteng malalakas ang bunganga, mga chismosa, mga basagulerong parang walang bukas, at iba pa.
Kami naman ni Beki ay tahimik lang na pinagmamasdan ang mga kaklase namin nang biglang pumasok ang aming prof na si Prof. Tanga Tiningala.
Tumingin ako kay Beki at bumulong.
“Tignan mo bes, ako na naman ang pupunteryain ng baklang yan.” Bulong ko kay Beki.
“Haha, sigurado ako dyan.” Segunda naman ni Beki sa sinabi ko.
“Mr. Aralya! Ano na naman ang binubulong-bulong mo kay Mr. Bekimon?” Sabi niya.
At tama nga ako.
“Wala po, prof.” Sabi ko.
“Anong wala!? Kitang-kita ko! Wag mo nang i-deny!” Sigaw niya.
Ano bang problema ng baklang ’to? Ano bang pinaglalaban niya?
“Halika dito at burahin mo ang mga nakasulat dito sa blackboard.” Sabi niya.
“Bakit po ako, ma’am? Kayo po yung gumamit kahapon, tapos ipapabura ninyo sa akin? Aba! Ano kayo, sineswerte?” Sabi ko.
At nagsigawan na ang mga kaklase ko, sabay tinapunan si prof ng iba’t ibang gamit na puwedeng itapon sa kanya, sabay sigaw ng:
“Tama si Quin!”
“Ang tamad mong prof ka!”
“Ikaw ang nasa harapan, ikaw dapat magbura nyan!”
At marami pang iba, at wala nang nagawa si prof kasi alam niyang wala siyang panalo sa amin.
Wag mo akong kalabanin, bakla ka!
(bakla ka din kaya)
Shut up, author!
(Okey, bye!)
CHAPTER 5
Quin POV
Palabas na kami ng classroom at ito namang si Beki ay todo paypay sa mukha gamit ang kanyang dalawang kamay sabay sabi,
“My gosh! Naloloka ako sa prof na yun. Wala nang alam ipagawa kundi activity, activity, at tsaka activity!” Sabi niya.
“OA lang, bes?” Natatawa kong tanong sa kanya at nakataas kilay naman siyang tumingin sa akin.
“Oo! Kasing OA ng pangalan ng prof na yun! Aba! Sinong magulang ang nakaisip ng pangalan na Tanga Tiningala? Sino aber!?” Sasagutin ko na sana siya nang makita kong palabas si Prof. Tanga sa classroom, kaya sinenyasan ko si Beki na manahimik muna pero ang gaga, todo bunganga pa rin.
“Ano yang sinisenyas mo? Diyos ko! Linawin mo naman, bes! Hindi yung kasing labo ng pangalan ng prof na yun na ano…” Naputol ang sinasabi ni Beki nang sumabat si Prof. Tanga.
“Na ano?” Sulpot ni Prof. Tanga.
At napatigil si Beki sa kanyang pagbubunganga at tumingin sa akin na parang nagtatanong ng mata.
Tumango naman ako bilang sagot sa tanong na pinapahiwatig niya.
“Na ano, Mr. Bekimon?” Tanong ulit ni prof kay Beki at unti-unting tumingin si Beki sa kanyang likuran.
Tapos bigla siyang tumawa ng peke.
“Hahaha, si prof na ano po… Ano… Maganda! Oo, maganda!” Sabi ni Beki.
Na ikinatawa ko ng mahina sa likod niya.
Nag-pose sabay flip ng hair ang gagang prof at sabay sabi,
“Yun lang ba? Haha, alam ko na yan. No need to shout it, Mr. Bekimon.” Sabi ni prof at tumatawang umalis sa harapan naming dalawa na may pakembot-kembot pang nalalaman habang naglalakad.
“Shuta niya! Siya? Maganda? Heh! Makikita ko muna si Satanas bago magkatotoo yan!” Sigaw niya kay prof, pero hinablot ko na siya at nilisan namin ang harapan ng classroom. Mahirap na pag narinig niya mga pinagsasabi ng baklang ’to.
CHAPTER 6
Quin POV
Natapos na ang klase at uwian na, kaya hindi na kami nagdalawang-isip ni Beki na kunin ang mga bag namin at lumabas agad ng classroom.
Nandito na kami sa labas ng gate ng Belzebub University.
At may naamoy akong fishball…
“Beki?” Sabi ko.
“Bakit? Ano yun?” Takang tanong niya.
“Ibili mo ako ng fishball, 50 pesos dapat ah.” Sabi ko habang nakapikit pa rin at nilalanghap ang amoy ng fishball.
“Hoy! Ano ako? Alkansya mo? Bakit, may pera ka bang binibigay sa akin?” Daldal niya sa tabi ko, at napatakip na lang ako sa aking tainga.
“Ang OA, bes! Luma na yang joke na yan. Gumawa ka ng sarili mo. Ulitin mo!” Sabi ko.
“Ah ganun ba? Hmmm… Paano ba? Ganito ba dapat? I’m not your alkansya! Don’t talk to me! Aray!” Binatukan ko siya dahil sa kaartihan niyang taglay.
“Ako na lang bibili ng kikiam! Maiwan na kita dyan, babush!” Sabi ko.
Beki POV
Oh my gosh, fishball kanina, kikiam ngayon? Nakakalito talaga ang isang yun.
“Baks! Hintayin mo ako!” Sabi ko at hinabol ko siya.
Malapit na kami sa bilihan ng fishball nang may makita kaming bata na sinisigawan ng baklang nagtitinda ng fishball.
Dali-daling lumapit doon si Quin…
Diyos ko! Heto na naman tayo. Awayin mo na ang matatanda sa harapan ni Quin, basta huwag lang ang isang bata…
CHAPTER 7
Quin POV
Nakita ko yung baklang nagtitinda ng fishball na may sinisigawang bata, at yun ang pinakaayaw ko sa lahat.
Kaya dali-dali akong lumapit at hinawakan sa balikat ang bata. Nang tumingin siya sa akin, nginitian ko ito.
“Ano bang problema, huh?” Mataray kong tanong.
“Bakit!? Kumakain lang naman ang bata dito, at nang tanungin ko siya kung may ibabayad siya, umiiling lang ito. Aba, kahit bata siya, business is business!” Singhal niyang sagot.
“Huh! Kala mo naman balitok yang fishball mo! Pati bata pinatulan mo. Magkano ba kinain niya?” Tanong ko.
“Bakit, babayaran mo?” Mataray na tanong ng bakla sa akin.
“Oo! Kaya bilisan mo!” Sabi ko.
“Atat! 5 pesos!” Sabi niya.
Oh my gosh! 5 pesos lang! Dahil lang dun, sinisigawan na ang bata.
Kaya napatingin ako kay Beki na nasa tabi ko.
“Bakit?” Tanong niya.
“Bayaran mo yung 5 pesos ng 10 para bongga na! Wala akong dalang pera, nakakahiya sa tindero.” Sabi ko.
“Tindera!” Sigaw ng bakla.
“Bakit, babae ka ba?” Sarcastic kong tanong.
“Ibigay mo na yung 10, bes.” Sabi ko kay Beki.
Beki POV
Diyos ko! Nakakaloka ang Quin na ito!
Kala mo naman kung sinong susugod at magtatanong kung magkano, wala pala talagang pera.
“Bakla ka talaga ng taon!” Singhal ko sa kanya.
Tapos kinuha ko yung wallet ko.
“10 pesos ibigay mo, nakakahiya sa baklang yan.” Sabi niya.
Tsk…
“Bakla ka din naman!” Sabi ng tindero.
“Pero mas panget ka!” Sabi ni tindero.
CHAPTER 8
Quin POV
Nakalayo na kami sa baklang toxic na yun. Diyos ko! Buti na lang ang daming bumibili sa fishball niya kahit amoy na amoy ang putok niya.
Pero in fairness, bumili din pala ako dun. Eww…
Pinantayan ko ang bata na kasama namin at my gosh, ang cute niya! Ibigay nyo na lahat ng mga bata, basta mga lalakeng bata ah… Ewan ko ba, mas gusto ko talaga yung mga lalakeng cute na bata kaysa mga babae.
“Anong pangalan mo?” Tanong ko sa cute na bata.
“De-Devon.” Nauutal niyang sabi. Hindi ko napigilan ang sarili ko na kurutin ang kanyang matabang pisngi.
Pero tinampal niya ang kamay ko kaya binitawan ko na ito.
“Ang taray din ng bata.” Natatawang sabi ni Beki na ngayon lang nagsalita.
“Hoy bata! Ilang taon ka na?” Mataray na tanong ni Beki kay Devon.
Biglang nag-iba ang expression ng bata, parang hindi niya nagustuhan ang istilo ng pagtatanong ni Beki.
At nakita namin, nakita mismo ng mga mata ko na may lumalabas na kuryente sa katawan niya.
Nagkatinginan kami ni Beki at sabay na sabi,
“Demonyo!”
At biglang nakuryente si Beki.
“Ahahahaha… Be… Bes… tulungan mo ako…” Nahihirapang sabi ni Beki.
Nataranta ako, kaya ang ginawa ko na lang ay yinakap ang batang demonyo na kumukuryente at tiniis ang sakit na dulot nito. Pero dahil sa pagyakap ko, biglang napatigil si Devon sa pagpapalabas ng kuryente. Yinakap niya ako pabalik at binigkas ang:
“Dada!”
CHAPTER 9
Quin POV
“Pinagsasabi ng batang yan?” Takang tanong ni Beki sa akin, kaya humiwalay na rin ako sa pagyakap sa bata.
Pero si Devon naman ay inunat ang kanyang maliit na kamay na parang gusto pa niyang yakapin ko ulit siya, pero hindi ko siya pinansin.
“Kaya nga eh. Dada? Pinagsasabi mong bata ka?” Tanong ko kay Devon, na binaba na ang kamay kasi naramdaman niyang hindi ko siya yayakapin ulit.
“Tayo na nga. Iwan na natin ang batang yan.” Sabi ni Beki, kaya napatingin ako sa pwesto ng bata at tinanong:
“Asan mga magulang mo? I mean yung mga demon parents mo?” Tanong ko, pero napakunot lang ng noo si Devon, na lalo pang nagpacute sa kanya.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa kacute-an niyang taglay.
Tapos tinuro niya ako.
“Dada! Dada!” Sabi niya.
“Diyos ko, girl! May anak ka na pala!? Lalake ka na!? Ewww! Like what the… aray!” Kinatusan ko na siya kasi ramdam kong mapaparami na naman ang sasabihin niya, kaya mas maganda nang maagapan.
“Ewan ko sa’yo! Tayo na nga, nakakaloka na din ang batang yan, kahit cute siya!” Sabi ko at sinimulan nang maglakad kasama si Beki.
“Dada!” Sigaw ni Devon.
Pero hindi ako tumingin. Like, duh!? Pinagsasabi ng batang demonyong yan!?
Pero nang simulan na ulit naming maglakad, biglang may bilog na portal na lumabas sa harapan naming dalawa ni Beki.
CHAPTER 10
Quin POV
Nagulat kami nang may lumabas na bulto mula sa portal na sumulpot sa aming harapan.
“In fairness nang baklang yan, ang ganda ng damit.” Sabi ni Beki nang makita namin ang lumabas sa portal.
Nagtataka kayo, noh?
Well, isang bakla na naka-damit ng pang-yaya, yung black and white ang kulay, ang lumabas mula sa portal. Magandang bakla, at may payong na dala-dala.
“Ganda ng baklang ’to, nakaka-insecure!” Sabi ni Beki, nang biglang hinugot ng yayang bakla ang hawakan ng kanyang payong na isa palang espada at tinutok sa amin.
“Nakita nyo ba si Prince Devon?” Tanong niya sa amin, at nagkatinginan kami ni Beki at sabay na binigkas ang:
“Prince Devon?”
Napatingin kami sa likuran namin at nandoon pa rin si Devon.
“Prince Devon!” Sigaw ng baklang yaya at dali-daling tumakbo papunta sa pwesto ng bata at yinakap ito.
Yinakap naman siya ni Devon at napahagikhik pa.
“Alis na tayo, habang hindi pa tayo napapansin ng dalawang demonyong yan.” Sabi ni Beki at tumango ako. Sinimulan na namin maglakad nang biglang…
“Dada!!!”
Napatigil kami ni Beki.
“Ikaw!” Humarap kami ni Beki sa pwesto nila.
“Ako?” Tanong ni Beki, pero biglang naglabas ng kuryente ang katawan ni Devon at muntik tamaan si Beki. Buti na lang nakaiwas siya.
“Grabe! Agad-agad? Okey fine! Ikaw daw, bakla.” Sabi ni Beki sa akin.
“Bakit?” Tanong ko kay baklang yaya, at ngumiti naman si Devon.
CHAPTER 11
Quin POV
“Ako nga po pala si Yaya Dub, ang yaya ni Prince Devon, anak po ng inyong anak.” Sabi ni Yaya Dub at nag-bow sa harapan nila nanay at tatay.
Lumapit naman ang bata kina nanay at nagmano ito.
Biglang napatingin si nanay sa akin.
“Ano ito, anak!? May anak ka na!?” Malakas na sabi ni nanay.
“Nay! Hindi po—” Naputol ang sasabihin ko nang sumabat ulit si nanay.
“Diyos ko po! Hindi bakla ang anak natin, mahal! May anak na siya! Salamat sa Diyos!” Masayang sabi ni nanay at nagyakapan pa sila ni tatay.
Napanganga na lang ako…
Nagtataka kayo sa mga nangyayari, noh?
Umuwi kami ng bahay kasama ko ang baklang yaya at si Prince Devon. Si Beki? Ayun, sa sobrang gulat hindi na siya sumama at umuwi na lang.
Pero nakakagulat ang mga pinagsasabi ng Yaya Dub na ito!
“Tignan mo, mahal, kuhang-kuha niya ang mata ni Quin, pati ilong.” Sabi ni tatay at pinisil ang ilong ni Prince Devon, dahilan para mapahagikhik ang bata.
“Oo nga, mahal! Kain muna tayo. Ikaw, Quin! Magpalit ka na ng damit, pahiramin mo ng damit si Yaya Dub.” Sabi ni mama.
“Huh!” Sabi ko.
“Anong huh!?” Sabi naman ni nanay.
“Basta, kahit anong sabihin nyo! Bakla ako!!!” Sabay padabog at kumembot-kembot na umalis ako sa harapan nila.
CHAPTER 12
Quin POV
Nandito na kaming tatlo sa loob ng kwarto ko kasi katatapos lang naming kumain kanina.
“Ano yung mga pinagsasabi mo kanina, kaloka ka!?” Tanong ko.
“Pasalamat kang tao ka, dahil hindi ko sinabing anak siya ni Lucifer.” Sabi niya, at napa-isip ako.
“Oo nga, noh.” Pagsang-ayon ko.
“Ngayon na ikaw ang tatayong magulang ni Prince Devon, dapat alam mo ang mga dapat mong gawin sa kanya pag magkasama kayong dalawa.” Sabi niya.
“Ano bang dapat gawin? Eh pwede naman siyang maiwan dito sa bahay, andyan naman si mama para mag-alaga sa kanya. Ay, wag ako, Yaya Dub!” Sabi ko.
“Isa yan sa mga rules.” Sabi niya, na ikinataka ko. Tapos binigay niya sa akin ang nakalukot na papel, na parang sinaunang scroll ba yun? Basta ganun. Binuklat ko ito.
Rule 1: Dapat tatayo kang magulang niya dito sa mundo ninyo.
Rule 2: Dapat tulungan mo si Prince Devon na sakupin ang mundo ninyo.
Rule 3: Dapat hindi ka malayo sa kanya ng 15 meters, kundi makukuryente ka mismo sa kapangyarihan ni Prince Devon.
Rule 4: Dapat ang iinumin niyang gatas ay ang gatas ni Medusa na nanggagaling mismo sa suso nito.
Rule 5: Dapat kasa-kasama mo lang siya kung ayaw mong mangyari ang Rule 3.
CHAPTER 13
Quin POV
Binasa ko ang nakasulat.
Rule 1 , okey! Walang kahirap-hirap.
Rule 2 , napalaki ang mata ko nang nabasa ko ito.
“Sinong tao ang gustong masakop ang mundo nila!?” Singhal kong tanong.
“Wala ka nang magagawa. Kahit hindi naman ikaw ang napili niya, masasakop pa rin ang mundo ninyo.” Sabi niya.
“Ah basta! Ayoko! Hindi ak—” Naputol ang sasabihin ko nang biglang napunta sa harapan ko si Yaya Dub at nasa leeg ko na agad ang kanyang espada.
“Hahaha, ito naman, hindi mabiro.” Sabay hawak niya sa espada at binaba ito. Nakakatakot, bes! Baka malagutan ako ng hininga dito.
“Mabuti at nagkakaintindihan tayo.” Sabi niya, at tinuloy kong basahin ang mga rules.
Rule 3
“Anong ibig mong sabihin na makukuryente ako?” Tanong ko kay Yaya Dub.
“Once na naging magulang ka na ni Prince Devon, dapat hindi na siya malayo sa’yo.”
Rule 4
“Diyos ko! Pinagloloko nyo ba ako!? Medusa!? Myth lang yan!” Sabi ko, at gusto ko nang matawa.
“Totoo siya, at nasa ibang dimensyon. Pero sa Rule 4, ako na ang bahala d’yan. Nakakahiya naman sa’yo. Bayad na rin yun sa paninirahan namin dito sa bahay nyo.” Mahaba niyang paliwanag.
“Aba, dapat lang noh!” Sabi ko.
Rule 5
“Ano!? Kahit saan ako magpunta!?” Tanong ko.
“Oo. Nasa’yo kung ayaw mong mamatay dahil natusta ka sa pagkakakuryente.” Napahawak na lang ako sa aking noo.
Ano ba itong napasok ko! Diyos ko, Marimar!
CHAPTER 14
Quin POV
“So ano na, girl? Baklang ama ka na ngayon.” Sabi ni Beki, at muntikan ko nang maibuga ang juice na iniinom ko.
Tumingin ako sa kanya nang sobrang talim. Nandito pala kami ngayon sa canteen ng University.
“Anong magagawa ko!? Edi sabog ang mundong Earth natin ngayon. Bobits ka ding bakla ka eh!” Sabi ko.
“Oo nga no.” Sabi niya sabay tanggal ng kulangot.
“Kadiri ka!” Sabi ko, pero yung bakla, pinunas lang sa akin yung kulangot niya kaya nabatukan ko siya bigla.
“Ang sakit nun ah. As I was saying, grabe pala yung mga rules!” Sabi niya. Magsasalita na sana ako nang may maliit na kamay na tumapik sa likod ko.
“Anak mo, baks.” Mahinang sabi ni Beki.
Kaya tumingin ako sa aking likuran at nakita ko si Prince Devon.
“Dada, gusto ko pa spaghetti.” Sabi niya sa akin, na ikinagulat ni Beki.
“Diyos ko! Panlima na yan, baks! Wala na akong pera!” Sabi ni Beki, kasi pera niya ang nagagamit sa mga kinakain ni Devon.
“Wala nang pera. Maupo ka na dun!” Sabi ko.
Nagtataka kayo bakit ganyan ako magsalita sa kanya, noh?
Kasi hindi ko pa rin matanggap na dahil sa batang demonyong ’to, mawawasak lang ang buhay ko! Mawawasak din ang aking pagkababae!
Kaya hindi nyo ako masisisi.
CHAPTER 15
Quin POV
Pauwi na kami ni Prince Devon at hindi ko pa rin siya pinapansin at hindi ko rin pinapakain. Buti na lang may-awa pa si Beki at binibilhan siya ng mga biscuit.
Habang naglalakad ako at hindi siya pinapansin, bigla niyang hinila ang damit ko mula sa likuran kaya napatigil ako at tiningnan siya.
“Bakit? Gutom ka na naman!?” Singhal ko sa kanya.
Pero umiling lang siya at yumuko na lang. Napaikot ako ng mata at tinuloy ang paglalakad.
Biglang may narinig kaming putukan malapit sa amin, kaya nagkagulo ang lahat ng tao. Nagkabanggaan at nagtulakan ang mga tao, kaya tumakbo ako at hindi ko na inintindi si Devon.
Pero naalala ko ang 15 meters rule na dapat sundin, kaya bigla akong napatingin sa pwesto ni Devon. Nasa harapan na niya ang lalakeng may hawak ng baril at nakatutok sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit, pero may nag-udyok sa akin na pigilan ang mangyayari.
Kaya dali-dali akong tumakbo, hinablot si Devon at niyakap siya ng mahigpit nang…
Bang!!!
May naramdaman akong matinding sakit sa aking likuran at parang gusto na ng mata ko na ipikit ang sariling takip.
Pero ang huling nakita ko bago ako mawalan ng malay ay ang mga kuryente na nagsisilabasan sa katawan ni Devon…
Mag-iingat ka sana… anak.
CHAPTER 16
Prince Devon POV
Nagulat ako nang tinamaan ng bala si Quin sa likod at hindi ko alam ang aking gagawin.
Pero nang marinig ko ang kanyang bulong bago siya mawalan ng malay:
“Mag-iingat ka, anak.”
Biglang lumabas ang aking kapangyarihan mula sa aking maliit na katawan at diretso itong pumunta sa lapastangang tao na bumaril kay Quin. Nakita ko na lang na natutusta na ang taong iyon dahil sa aking kuryente.
Flashback…
“Wala ka nang alam gawin dito sa empyerno! Kaya ipapadala kita sa mundo ng mga tao para wasakin ang kanilang mundo!” Nagulat ako nang sabihin iyon ng aking ama na si Lucifer.
Bakit niya gustong wasakin ang mundo nila? Ngayon pa na tanggap na ng mga tao na may demonyo rin.
“Hindi ako makakapayag!” Sigaw ko.
“Wala kang magagawa sa kagustuhan ko! Pupunta ka doon para wasakin ang mundo nila bilang bata, para mas masayang panoorin. Wahahahaha!” Sabi niya, at biglang tinapat ang kanyang kamay sa akin. Naramdaman ko na lang na parang lumiit ang aking katawan.
“Mahal na hari! Anong ginawa nyo kay Prince Devon?” Nag-aalalang tanong ng aking baklang yaya na si Yaya Dub, na tinuring ko nang kapatid.
“Yaya Dub, pumunta kayo sa Earth at isama mo si Devon para wasakin ito. Dapat makahanap kayo ng tao na tatayong magulang niya at tutulong na rin para mawasak ang sarili nilang mundo.”
Wala nang nagawa si Yaya Dub kundi sundin si Ama.
Sa pagkakataong ito, ngayon lang ako natawag na anak… pero napahamak naman ang taong tumatayong magulang ko.
Kaya nilabas ko lahat ng galit ko at tinusta ang taong bumaril sa kanya.
CHAPTER 17
Beki POV
Pasakay na sana ako sa kotse nang may narinig akong putukan at may nakita akong nagkakagulong mga tao sa bandang dulo. Dahil nga chismosa akong bakla, ay…
“Wait lang, manong!” Sabi ko sa aming driver at dali-daling tumakbo papunta kung saan nandoon ang kaguluhan.
Excited akong makita kung ano ang nangyayari kaya binilisan ko ang aking takbo.
Pero nagulat ako sa aking nasaksihan.
May lalaking may baril na nakatutok kay Prince Devon, pero biglang tumakbo si Quin kaya siya ang tinamaan at napaakap siya kay Devon.
Ako naman ay hindi ma-process ng braincells ko ang mga nangyayari, nang biglang lumiwanag ang katawan ni Prince Devon at naglabas siya ng kuryente. Sa isang iglap, nakita ko na lang na natutusta na yung bumaril kay Quin. Napatakip ako sa bunganga ko pero hindi na ako nag-aksaya ng oras. Pag hindi ko pa pipigilan si Prince Devon, baka may mapatay pa siya.
Kaya dali-dali akong tumakbo sa kinaroroonan nila at…
“Devon! Tama na yan!” Sigaw ko, pero parang wala pa rin siyang naririnig. Nagpapanic na ako sa mga nangyayari.
“Tama na yan! Baka mapatay mo pa si Quin pag hindi ka pa tumigil sa ginagawa mo ngayon!” Sobrang lakas ng sigaw ko, at nakita ko na tinignan ni Prince Devon si Quin, na ngayon ay nakayakap pa rin sa maliit niyang katawan. Bigla na lang nawala ang kuryenteng lumalabas sa kanya.
Lumapit pa ako at hinawakan si Devon sa balikat, at agad akong tumawag ng ambulansya. Pagdating ng ambulansya, sinakay na si Quin pati na rin yung lalaking bumaril.
Pasalamat siya at may konsensya pa ako.
CHAPTER 18
Beki POV
Nandito na kami sa ospital at hinihintay namin sina Tita at Tito, ang mga magulang ni Quin. Pero sa aking paghihintay, napansin ko na kanina pa nasa tabi ni Quin si Prince Devon at hindi pa niya iniiwan mula nang pumasok kami dito sa kwarto.
Baka na-miss lang niya ang pagsusungit ng ama niyang beki. Wahahaha! Si Quin kasi, lagi na lang sinusungitan si Prince Devon. Baka na-miss lang ng bata, ganun yun! Hayst…
Lumabas muna ako at isinara ang pintuan para mabigyan ko naman ng oras ang mag-ama daw, ayon kay Yaya Dub. Naalala nyo pa ba siya? Ang baklang yaya.
“Asan si Quin?” Tanong ni Tita. Dahil sa pagmumuni-muni ko, hindi ko napansin ang pagdating nila.
“Nandiyan po sa loob.” Sabi ko, sabay lapit sa pintuan para pagbuksan sila.
Napatakip si Tita sa bibig niya na parang nagulat.
“Best actress ang peg natin ngayon ah, Tita!” Nakangisi kong sabi, at tinampal niya ako sa balikat.
“Ano ka ba! Maganda ba?” Tanong niya, sabay pose ulit sa harapan ko.
Nag-thumbs up naman ako. “Perfect po, Tita!” Nakangiti kong sabi, at nag-flip siya ng hair bago lumapit sa katawan ni Quin.
“Anak! Why!!!???” Sabi ni Tita at nagmala-actress pa talaga sa harapan ni Quin na wala pang malay. Baliw talaga si Tita. Wahahaha!
Si Tito naman ay lumuhod at tinapatan ng tingin si Prince Devon, sabay sabi:
“Magiging okey lang ang dada mo, hmmm?” Sabi ni Tito at ngumiti kay Prince Devon.
Ano na kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw?
CHAPTER 19
Quin POV
Nakatutok ang baril kay Prince Devon kaya tumakbo ako nang mabilis, pero parang ang layo ng tinatakbo ko. Biglang *bang!!!!!
Napadilat ako ng mata at huminga ng malalim.
“Gising ka na pala.” Sabi ng isang boses. Tinignan ko kung sino ang nagsalita at nakita ko si Beki na naka-upo at nakangiti, sabay lumapit sa akin.
“Asan ako?” Tanong ko sa kanya.
“So ano teh!? Nagka-amnesia ka, ganun!? Bakla! Bandang shoulder mo yung naputukan, hindi yang ulo mo!” Sabi niya, sabay tawa. Kaya kinurot ko na lang yung singit niya.
“Gaga! Tinatanong ko lang, ang dami mo nang sinabi.” Sabi ko.
“Nasa ospital ka, bes.” Sagot niya. At napansin ko si Prince Devon na nakahawak sa kamay ko at nakatulog habang naka-upo sa silya. Tignan mo ang batang ’to, parang hindi bata sa itsura niya ngayon.
“Dalawang araw nang nakabantay yang anak mo kuno.” Sabi ni Beki, at hindi ko maiwasang titigan si Devon.
“Dalawang araw na pala ang nakalipas. Sino nagdala sa’kin dito?” Tanong ko.
“Ako!!! Haha.” Sabi niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at tinignan ko siya ng paano look.
“Well, alam mo na bes, dakilang chismosa ang iyong friend kaya nung nagkagulo ang mga tao, tumakbo agad ako. Kasi akala ko may idol. Yun lang pala, barilan.” Parang disappointed pa niyang sabi.
Baliw talaga ’to! Hahaha!
CHAPTER 20
Quin POV
1 week na ang nakalipas mula nung nabaril ako. At oo nga pala, tanggap ko na si Prince Devon. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya natanggap, basta ang naiisip ko na lang ay baka malapit nang magunaw ang mundo. Kaya ayun, I’m just accepting the fate of the world.
Chooosss!!! Pero seryoso, wala na talaga akong magagawa kundi tanggapin na lang ito.
At alam nyo ba, parang naging seloso si Prince Devon ngayon. Ewan ko sa batang ’yan, kung makaasta parang nagseselos kapag may kausap akong ibang lalaki. At oo! Alam na rin ng mga kaklase ko na may anak daw ako kuno… haha.
Ngayon nga, nandito kami sa canteen.
“Ahhhhh.” Suyo ko kay Devon. Pinapakain ko kasi siya ng spaghetti, naging favorite na niya ito.
At sinubo naman ni Devon.
“Talagang father na father ka na ah.” Sabi ni Beki at medyo natatawa sa term na sinabi niyang father na father.
“Ikaw magbabayad netong kinakain ni Devon.” Sabi ko naman, at bigla siyang napasimangot.
“I know right! Like always naman, divah!?” Sabi niya sabay flip ng hair, at tumayo tapos nagtungo sa counter.
Kaya napangisi na lang ako.
“Dada, tubig.” Sabi ni Devon, kaya pinagbuksan ko siya ng bote at pinainom.
Ang cute cute talaga ng demonyong ’to.
CHAPTER 21
Prince Devon POV
Hindi ko alam… nangungulila lang ba ako dahil hindi tumatayo si Lucifer bilang ama ko? O nangungulila ako sa pagmamahal ng isang nilalang?
1 week na ang nakalipas at sa tuwing may lalaking lumalapit kay Quin, tinataboy ko sila o kaya hindi ko siya papansinin kapag pinapansin niya sila. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin.
Sa buong buhay ko, hindi naman tumitibok ang puso ko. Hindi ito normal para sa mga demonyo. Pero kahit ganun, gusto ko ang mga pagbabagong nangyayari sa akin… pero ayoko talaga sa mga lalaking lumalapit kay Quin.
Aghhhh… kung pwede lang silang kuryentehin hanggang matusta para hindi na sila makalapit kay Quin, ginawa ko na. Pero baka magalit sa akin si Quin kaya wag na lang.
Quin POV
Kanina pa tahimik si Devon ah. Nandito kasi kami ngayon sa park ng University.
Si Beki?
Nandoon sa gymnasium, nagbo-boy hunting. Gusto ko sanang sumama kaso baka magtampo na naman ang batang ito. Ewan ko ba, hindi ko alam kung ano talagang tumatakbo sa utak niya.
Maya-maya lang, may portal na biglang lumabas sa harapan namin at lumabas doon si Yaya Dub.
Naaalala nyo pa ba siya?
“Bakit ka nandito?” Mahina kong tanong.
“Ibibigay ko lang gatas ni Prince Devon.” Sabi niya habang lumalapit at inabot sa akin ang bote.
“Okey, yun lang? Bye! Magluluto pa ako ng kakainin natin mamayang gabi.” Sabi ko.
“Parang-awa mo bes, wag demon foods ang lulutuin mo.” Suhestiyon ko.
“No prob, bukas na lang ako magluluto ng demon food.” Sabi niya, tapos pumasok ulit sa portal at nawala na lang bigla na parang bula.
CHAPTER 22
Lucifer POV
Nakikita ko lahat ng mga galaw ng aking anak, pati na rin ang mga pagbabagong nangyayari sa kanya. Pero hindi iyon dahilan para kalimutan niya ang kanyang misyon na sirain ang mundo ng mga tao.
Kailangan ko nang kumilos. Kahit kaya kong sirain ang mundo ng mga tao sa isang iglap, hindi ko iyon ginawa. Gusto ko kasi na mga anak ko ang katakutan ng mga tao. Pero ganito ang nangyayari kay Devon? Hindi pwede.
Malakas kong binagsak ang aking kamay sa lamesa, dahilan para magkaroon ng malakas na sound wave na sumira sa mga gamit sa bulwagan.
“Ano pong nangyayari, mahal na hari?” Tanong ng isang demon maid.
“Ipatawag mo si Agartha. Dapat pumunta siya ngayon dito, may ipapagawa ako sa kanya.” Utos ko sa kanya. Agad siyang nag-bow at naglaho sa aking harapan.
Pagkatapos, tumingin ako sa malaking salamin kung saan nakikita ko ang mga nangyayari sa mundo ng mga tao.
Maya-maya lang, naramdaman ko ang malakas na presensya. Napangisi ako at tumingin sa aking likuran.
“Ano ang maipaglilingkod ko, mahal na hari?” Tanong niya na may ngiti sa mukha.
“Simple lang, Agartha. Pumunta ka sa lupa, sundan mo si Devon, at simulan mo ang misyong dapat niyang sinimulan noon pa.” Sabi ko.
Nag-bow siya at sumagot, “Masusunod, mahal na hari.”
Aalis na sana siya pero pinigilan ko pa.
“Kung pwede, patayin mo na rin ang mga taong kasa-kasama niya sa lupa.” Nakangisi kong dagdag.
“Walang problema, mahal na hari.” Sagot niya bago nag-bow ulit at naglaho na parang bula.
Tingnan natin ang tapang mo, Aking Anak.
CHAPTER 23
Yaya Dub POV
Nandito kami ngayon ni Prince Devon sa loob ng kwarto. Naghuhugas ng pinagkainan namin si Quin, pero napansin ko si Prince Devon na nakaupo sa kama at nakatingala sa bintana, parang may malalim na iniisip.
“May problema ba, mahal na prinsipe?” Tanong ko.
“Paano kung ayaw kong sakupin ang mundong ito?” Agad niyang sagot, na nagpagulat sa akin.
“Ano ang ibig mong sabihin? Pag nalaman ito ni King Lucifer, tiyak na magagalit siya sa iyo.” Sabi ko.
“Sabihin mo sa akin, Yaya Dub… paano ko sasakupin ang mundo ng mga tao kung ang mga taong napamahal na sa akin ay ayokong madamay sa gagawin ko? Lalo na… napamahal na ako sa kanya.” Mahaba niyang sabi. Napatakip ako sa aking bunganga sa pagkagulat.
“Mahal na prinsipe…” Mahinang bigkas ko.
“Pero sa ganitong kalagayan ko… paano ko maliligtas at maipagtatanggol ang mga taong mahal ko?” Mahina niyang tanong. Tumingin siya muli sa bintana at pinagmasdan ang bilog na buwan.
Flashback
Bago kami umalis sa impyerno papunta sa mundo ng mga tao, pinatawag ako ni King Lucifer.
“Ano po iyon, mahal na hari?” Tanong ko.
“May isang paraan para bumalik sa dati niyang anyo at katawan ang aking anak.” Sabi niya.
Naintriga ako kaya nagtanong, “Paano po, mahal na hari?”
“Isang patak lang ng dugo ng isang tao, at babalik na siya sa dati niyang anyo.” Sabi niya.
Napangiti ako, kasi ganun lang pala kadali.
“Ngunit,” napatingin ako kay King Lucifer, “dapat dugo ito ng taong iniibig niya.” Sabi ni King Lucifer.
CHAPTER 24
Quin POV
Totoo ba yung mga narinig ko? Mahal ako ni Prince Devon? At ano yung tungkol sa kanyang anyo? Meron ba akong hindi nalalaman?
Pagkatapos kong maghugas nung gabing iyon, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Pero bago ko buksan ang pintuan, narinig kong nag-uusap si Yaya Dub at si Prince Devon. At dahil sa dakila akong chismosa, hindi na muna ako pumasok para makinig.
Pero nagulat talaga ako sa mga nalaman ko.
“Bes!!! Bakla!!!” Sigaw ng isang pamilyar na boses na nagpabalik sa ulirat ko. Si Beki lang pala yun. Sa kabila naman, nakita ko si Prince Devon na nakatingin sa akin habang nakakunot ang nuo. Nandito kasi kami ngayon sa University, sa garden to be exact.
“Ah… bakit?” Tanong ko kay Beki.
“Sa haba ng dinadakdak ko sa harapan mo, nasayang lang yung mabango kong laway!” Singhal niya. Napaamoy tuloy ako sa bunganga niya… bad breath bes! Pero ano magagawa natin, kaibigan natin sila, kaya we should accept them no matter what. Pero bitch! Ang baklang ’to, hindi ko na kaya bunganga niya minsan.
“Mabango? Amuyin mo kaya bunganga mo! Ay wag na… sanay ka na pala sa amoy kaya feeling mo mabango. At ano ba kasi yung sinasabi mo kanina!?” Pabulyaw kong tanong.
“So ayun na nga, foundation next week, attend ka ba?” Maikli niyang tanong.
“Yan lang? Sa dami ng tinalak mo kanina, parang isang buong libro yung sinabi mo!” Sabi ko. Nag-peace sign lang yung bakla… eww, ang panget talaga hahahaha.
“Ano pa nga ba… ehhh mapapagalitan ako ni nanay pag hindi ako a-attend sa first foundation ko ngayong college.” I said in defeat.
CHAPTER 25
Quin POV
“Anak, baba ka na d’yan, kakain na tayo!” Sigaw ni nanay mula sa baba.
Kaya dali-dali akong nagbihis at lumabas ng kwarto.
Ngayon na kasi ang simula ng foundation namin, kaya dapat maporma tayo, bes. Malay mo, may biglang hihila sa akin sa gilid at magpapachupa… eeeekkkk, joke lang! Hahaha.
Nasa gitna kami ng kainan nang biglang magsalita si nanay.
“Bakit hindi mo rin isama ngayon si Yaya Dub? Para naman makalabas siya dito sa bahay at makapag-bonding kayong tatlo nila Beki.” Suhestiyon niya.
Napatingin ako kay Yaya Dub.
“Oo nga. Gusto mo bang sumama sa amin ni Devon ngayon sa university?” Tanong ko.
“Oo naman, para mabantayan ko rin si Prince Devon.” Sabi niya.
“Prince Devon?” Nagtatakang tanong agad ni nanay.
“Ah eh… sanay kasi si Yaya Dub na ‘Prince’ ang tawag kay Devon, kaya Prince Devon ang tawag niya. Haha.” Paliwanag ko agad, mahirap na baka kung ano pa ang matanong ni nanay.
Tinapunan ko pa si Yaya Dub ng ‘muntik ka na’ look at napayuko na lang siya.
“Muntikan na tayo dun. Buti na lang ang bilis ng pag-iisip ko!” Sabi ko kay Yaya Dub habang naglalakad kami papuntang university.
Na-mention ko na yata sa first chapter na walking distance lang ang university mula sa bahay namin. Kung hindi ko man nasabi, well… ngayon alam niyo na.
CHAPTER 26
Quin POV
“Tayo na sa gymnasium. Narinig ko sa tabi-tabi na magsisimula na yung program,” sabi ni Beki habang excited na naglalakad sa unahan.
Tumayo na rin ako, pati sina Yaya Dub at Devon. Habang naglalakad kami, ramdam ko pa rin yung awkwardness. Naiisip ko pa rin yung mga narinig ko kagabi tungkol kay Devon… at sa totoo lang, ang bigat pa rin sa dibdib.
Pagpasok namin sa gymnasium, ang una kong napansin: pabonggahan talaga ang lahat.
Yung iba, paiksihan ng palda. Yung mga boys, pagwapuhan at pakisigan. Yung ibang bading, pakapalan ng liptint at highlighter.
Parang pageant na may halong streetwear competition ang vibe.
“Good morning to each and everyone. My name is Rebecca Straus, the SSG President, and blah blah blah…” Rinig ko sa mic habang nagsisimula na ang programa.
Ang dami pa niyang sinabi pero, bes, hindi ko na talaga pinakinggan. Ang boring, promise. You feel me?
Pero sa gitna ng pagsasalita niya, biglang nagkaroon ng lindol.
Nagkagulo lahat ng estudyante. Yung iba nagsisigawan, yung iba napatakbo palabas, at kami naman ay paalis na sana ng…
Biglang nabiyak ang gitna ng stage.
At may lumabas na babae mula roon.
Isang demonyo.
Prince Devon POV
Nagkakagulo ang lahat. Naglabasan na ang takot ng mga tao, pero ang mas nagpalaki ng aking mata…
“Anong ginagawa mo dito, Agartha?” Tanong ko habang nakatitig sa kanya.
Napatingin siya sa akin, at may ngiting punong-puno ng pang-iinsulto sa mukha.
“Kumusta ka na, aking kapatid?” Nakangisi niyang sabi, habang unti-unting lumalapit.
CHAPTER 27
Quin POV
Nabigla ako nang tawagin ng babaeng demonyo na si Agartha si Devon na kapatid.
So… pareho pala silang anak ni Lucifer?
Aba, matindi. Malandi din pala si Lucifer. May pa-sideline si Lord of Darkness?
Bigla siyang tumingin sa direksyon ko.
At hindi ko alam pero may masamang kutob akong naramdaman sa paraan ng pagtitig niya.
“Paalam.”
Maikli niyang sabi na agad nagpakunot ng noo ko.
Pero bago ko pa maunawaan ang lahat, biglang may lumabas na lang na pana sa kamay niya at pinakawalan niya iyon, diretsong papunta sa akin.
Na-estatwa ako sa takot. Hindi ako makagalaw.
Pero sa isang iglap, nasa harapan ko na lang si Yaya Dub. Hinugot niya ang espada mula sa payong niya at hinati sa dalawa ang palasong papatama sana sa akin.
Humagalpak ng tawa si Agartha.
“How dare you? Yaya ka lang namin pero ang kapal ng mukha mong tulungan ang taong yan.”
Punong-puno ng pangmamaliit ang boses niya.
Pero ang tapang ni Yaya Dub, grabe. Hindi man lang natinag.
“Yaya lang ako, pero yaya ako ni Prince Devon. Wala nang iba. Kaya sa kanya lang ang aking katapatan.”
Matatag ang boses niya kahit halatang ramdam din niya ang tensyon.
In fairness, ang tapang niya talaga.
“Tingnan natin ang tapang mo.”
Biglang naglaho si Agartha mula sa stage at sa isang kisapmata, nasa harapan na niya si Yaya Dub.
Hinawakan niya ito sa ulo at binalibag nang sobrang lakas sa gilid ng gymnasium.
Narinig ko pa ang bagsak at parang nabasag ang ilang upuan.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas para lang manatili sa kinatatayuan ko.
Papalapit na sana si Agartha sa akin, hawak pa rin ang mala-demonyong pana, nang biglang may malakas na kuryente ang tumama sa kanya.
Napaurong siya at napabalik ng ilang metro.
Nilingon ko si Devon.
Siya ang pinagmulan ng kuryente. Nakataas ang kamay niya at ngayon ko lang nakita ang ganoon ka-seryosong itsura sa isang bata.
Maliit man ang katawan pero ang galit sa mga mata niya parang kayang sumunog ng kaluluwa.
CHAPTER 28
Quin POV
Maraming lumabas na mga demonyo, parang walang katapusan, at doon sila naglalabasan sa malaking biyak sa gitna ng stage.
Nagkakagulo na ang mga studyante, pero kahit papaano ay lumalaban din sila. May mga estudyanteng nagtatapon ng upuan, yung iba naman ay sumisigaw lang sa gilid pero may ilan talagang sumubok lumaban.
May isa pang demonyo na papalapit sa akin, kaya dali-dali kong kinuha ang pinakamalapit na upuan at pinukpok ito nang paulit-ulit.
Buti na lang ordinaryong demonyo lang siya. Kung katulad siya ni Agartha na may kapangyarihan, baka matagal na akong natusta o napatay.
Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Devon at si Agartha na naglalaban. Kita ko na nahihirapan si Devon, halatang hirap na hirap siyang tapatan ang kapatid niyang mas matanda at mas sanay sa pakikipaglaban.
Isipin mo naman, bata laban sa dalagang demonyo na puno ng galit. Sino nga bang mas lamang?
Buti na lang at nandoon si Yaya Dub. Kahit papaano ay natutulungan niya kaming pigilan ang ibang mga demonyong lumalapit. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung wala siya dito.
Prince Devon POV
Nagpalabas ulit ako ng kuryente, umaasa na matamaan si Agartha, pero bigla siyang naglaho.
Sa isang iglap, nasa likuran ko na siya at naramdaman ko ang apoy na tumama sa katawan ko. Napahandusay ako sa sahig, ramdam ang hapdi at bigat sa katawan.
Pero kailangan kong bumangon. Kailangan kong ipagtanggol sila.
“Hindi kita maintindihan, ang dali lang ng misyon mo pero bakit natatagalan ka pa?”
Narinig ko ang boses ni Agartha, puno ng inis at pangungutya.
“’Wala ka nang pakialam! Misyon ko ito! Hindi mo misyon! Bakit ka ba kasi nandito!?” Sigaw ko, pilit bumabangon.
“ Nandito ako para isakatuparan ang misyon mong na-delay… at para patayin na rin ang mga taong mahal mo. Period.“
Bigla siyang naglaho sa paningin ko.
Sa isang iglap, nakita ko siyang nasa likuran na ni Quin.
Walang kamalay-malay si Quin, nakatalikod at hawak pa rin ang upuan na parang handa ulit lumaban.
Bumangon ako agad, pilit hinahabol ang lakas ko, pero nakita ko na pinakawalan ni Agartha ang espada sa kanyang kamay, nakatutok kay Quin.
“Wag!!!”
Pakiramdam ko bumagal ang lahat sa paligid.
CHAPTER 29
Yaya Dub POV
“Wag!!!”
Narinig ko ang sigaw at nakita ko si Prince Devon, nakatingin sa gawi ni Quin. Nandoon si Princess Agartha, hawak ang espada at handa na siyang saksakin si Quin.
Hindi ko na pinag-isipan pa. Bigla akong naglaho at napunta sa harapan ni Quin, itinulak ko siya palayo kaya ako ang tinamaan ng espada.
“Ahhh!”
Napasinghap ako sa sakit at nakita ko si Quin, gulat na gulat, nakatitig sa amin. Hinugot ni Princess Agartha ang kanyang espada at mabilis na tumalon palayo.
“Hahahaha! Yan ang napapala ng pakialamero!” Narinig ko ang tawa niya, puno ng pang-aalipusta.
Parang nanlambot ang tuhod ko, pakiramdam ko mawawala na ang lakas ko. Mabuti na lang at nasalo ako ni Quin.
“Bakla ka talaga! Bakit ka nagpasaksak!? Edi patay tayong lahat ngayon!” Sigaw niya pero alam kong pilit lang niyang tinatakpan ang takot at lungkot. Ngumiti na lang ako kahit nahihirapan akong huminga.
Nakita ko si Prince Devon, patakbong lumapit sa amin. Umiiyak siya.
“Bakit mo yun ginawa?” Tanong niya, puno ng lungkot at pag-aalala.
“Edi patay ang minamahal mong Quin kung hindi ko yun ginawa,” Mahina kong sabi habang nakangiti.
“Paano na ako ngayon? Wala na akong kasamang makipaglaban…” Mahina at basag ang boses ni Devon, ramdam ko ang bigat sa puso niya.
“Wag kang mag-alala…” Mahina kong sagot na ikinagulat nilang dalawa.
Kinuha ko ang kamay ni Quin, mabilis ko itong sinugatan. Napaigtad siya sa sakit at napadaing, kita ko ang gulat sa mukha ni Devon.
Sinalo ko ang patak ng dugo sa aking palad at mabilis na pinasubo kay Devon.
Ramdam ko ang biglang pagkawala ng lakas sa katawan ko.
At yun na ang huling natatandaan ko bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.
CHAPTER 30
Quin POV
Napadaing ako sa ginawa ni Yaya Dub at nagulat nang bigla niyang pinainom kay Devon ang dugo ko. Pagkatapos nun, bigla na lang siyang nawalan ng malay.
Kasunod nun, biglang umilaw ang buong katawan ni Prince Devon. Napakaliwanag kaya napatakip ako ng mata.
Pagdilat ko, may nakita akong isang binata.
Napanganga ako. Ang gwapo niya. Ang puti ng balat, katamtamang laki ng katawan na parang college heartthrob, at ang mukha… dyos ko, ang gwapo talaga!
Siya na ba ang totoong Devon na kasa-kasama ko araw-araw?
“Ngayon ako ang kalabanin mo, Agartha.” Nakangising sabi niya sa kapatid niyang ngayon ay nakangiti rin, pero may halong pang-iinsulto.
Prince Devon POV
Lumipad si Agartha at nagpalabas ng maraming nag-aapoy na pana sa ere, sabay pinakawalan papunta sa gawi namin nina Quin at ng walang malay na si Yaya Dub.
Nagpalabas ako ng kuryente, at sa isang iglap lang, natusta lahat ng mga pana bago pa man makalapit sa amin.
Naglahong parang hangin ang katawan ko at sa isang kisapmata, nasa harap na ako ni Agartha.
“Evil explosion!”
Bigkas ko habang nabuo ang isang itim na bilog sa palad ko. Pinakawalan ko ito papunta kay Agartha.
Tumilapon siya at napahandusay sa gilid. Halos gumuho rin ang ibang parte ng gymnasium dahil sa lakas ng atake ko.
FINAL CHAPTER
Quin POV
Nagpapalitan sila ng kapangyarihan, at talagang makikita mo na gusto nilang matalo ang isa’t isa.
Biglang napabalibag si Agartha at ngayon ay sakal-sakal siya ni Devon. Tinaas niya ang kanyang kamay, may enerhiyang lumalabas doon at handa na niyang itama iyon kay Agartha.
Pero biglang nag-blackout sa loob ng gymnasium.
Pagdilat ko, nasa ibang lugar na kami. Parang isang bulwagan ito.
“Tama na yan!!”
Sigaw ng malalim na boses. Pagtingin ko sa harapan, nakita ko ang isang gwapong lalake na may edad at may sungay.
Napatigil si Devon at napatingin sa nagsalita.
Beki POV
Biglang nag-blackout. At nang bumalik ang ilaw, wala na sina Quin sa gymnasium, pati na rin sina Yaya Dub at Devon. Wala na rin ang mga demonyo na kanina lang umaatake sa amin.
“Asan na sila?”
Prince Devon POV
Napatigil ako at nilibot ang aking paningin. Nakita ko si Ama sa aming harapan. Litong-lito ako at hinanap ko si Quin at si Yaya Dub. Nasa bulwagan na kami ng kaharian. Paano kami napunta dito sa impyerno?
“Ama! Anong nangyayari?”
“Handa ka pa talagang patayin ang kapatid mo dahil sa hamak na taong yan!”
Sabi niya habang tinuturo si Quin.
“Kung gano’n, ako na lang ang papatay sa kanya.”
Bigla niyang tinutok ang kamay kay Quin kaya agad akong naglaho at napunta sa harapan ni Quin para ako ang tamaan.
“At handa ka pa talagang ibuwis ang buhay mo dahil sa kanya!”
Sigaw ni Ama.
“Mahal ko siya, Ama!”
Sigaw ko pabalik.
“Mahal ka din ba niya?”
Sigaw ding tanong ni Ama. Napatigil ako. Hinawakan ni Quin ang balikat ko.
“Gagawin ko ang lahat para mahalin niya din ako. Kaya Ama, itigil mo na ang plano mong sirain ang mundo nila. Napamahal na ako sa mga tao, parang-awa mo.”
Pakiusap ko. Biglang napatawa si Ama.
“Kung gayon, pinapayagan na kita. Yun lang naman ang gusto ko, na makaramdam ang mga anak ko ng pagmamahal. At nagawa mo nga.”
Nakangiti niyang sabi.
Lucifer POV
Flashback
“At patayin mo na rin ang taong minamahal niya… Pero joke lang ’yon! Hahaha. Takutin lang natin ang kapatid mo. Pag nagawa mo ’yon, ako na ang aaksyon.”
Natawa ako at napangiti si Agartha.
“Oo naman, Ama.”
End of flashback
Prince Devon POV
“Kasabwat ka ni Ama?”
Tanong ko kay Agartha. Tumawa lang siya.
“Oo! Hahaha. It’s a prank!”
Lucifer POV
Bigla akong tumingin kay Quin.
“Ikaw, tao. May balak ka bang mahalin ang anak ko?”
Napaismid siya sa takot. Magsasalita na sana si Devon pero pinigilan siya ni Quin.
“Manliligaw muna siya, mahal na hari.”
Nakangisi niyang sagot.
“I like that. Narinig mo iyon, brother?”
Sabi ni Agartha.
“Oo naman.”
Nakangiting sagot ni Devon kay Quin at nagngitian silang dalawa.
“Hayst, binata na talaga ang anak ko.”
Prince Devon POV
“Salamat, Ama, sa pagtanggap mo sa amin.”
“Ano ka ba, anak. Hindi ako Diyos para pagbawalan kayo sa pagmamahalan ninyo. Demonyo tayo, kaya gawin nyo lang ang mga nakapagpapasaya sa inyo. Hahaha!”
Sabi ni Ama.
“Muntikan ko nang makalimutan si Yaya Dub.”
Sabi niya at tinuro ang katawan ni Yaya Dub. Umilaw ito.
“Magigising din siya mamaya.”
Nakangiti niyang sabi sa amin.
Quin POV
“So paano na yan… pwede bang manligaw, Quin Aralya?”
Nakangiting tanong ni Devon. Napangiti na lang din ako.
“Oo naman, My Cute Demon Kid.”
Nakangiti kong sagot sa kanya.
THE END
AUTHOR’S NOTE
Yes!!!!!! Natapos ko na din ang kwentong ito
Alam kong merong nabitin, merong mga nakuntento, at merong nakaramdam ng ka-OAhan pero okey lang at least binasa nyo hanggang huli at nasama ko kayo sa aking Imagination World
Don’t forget to follow me
VOTE every Movie Clip of the Story
and share ny story to your friends
My next Ongoing Story will be
MY GOBLIN BOYFRIEND (bxb) (bromance) (boyslove)
Trailer:
Paano kung merong nagmamahal sayo kasabay ng goblins bride na nakatakdang hubugot sa espada mo
SPECIAL CHAPTER
Quin POV
“Magandang buhay!!!” Sigaw ko nang nabuksan ko na ang aking bintana sa kwarto.
“Aagggghhhh! Ang liwanag!” Daing naman ng aking boyfriend… na asawa na rin, kasi yun ang gusto niya, pero magpapakasal lang kami pag nakapagtapos na kaming dalawa sa pag-aaral.
Tama ang nabasa ninyo! Nag-aaral na rin ang prinsipe ng impyerno. Kahit ayaw niya noong una, pinilit niya ang sarili para lang daw palagi niya akong makakasama.
Pwede na bang kiligin? Yiiiieeee…
“Bangon mo na dyan!” Pasinghal kong utos sa kanya.
“Kiss ko muna!” Pabebe niyang sabi.
Nagulat kayo, no? Ganyan na yan ngayon, marami na siyang natutunan dito sa mundo namin, at isa na doon ang pagiging pabebe. Pero don’t get me wrong, ang cute niya pag nagpapabebe. San ka pa? Cute na, gwapo pa! At malaki rin si manoy!
Pero akin lang yun, wahahaha.
Kaya lumapit na ako sa kanya, hinalikan ko siya sa labi at ngumiti siya, saka bumangon mula sa pagkakahiga.
Sabay na kaming naligo kasi mahirap na pag malelate pa kami ngayon.
Pababa na kami ng hagdan at tamang-tama naman, nakapaghanda na sina mama at papa ng makakain.
Nung nalaman nina mama at papa na siya ang prinsipe ng impyerno, hindi sila natakot kundi natuwa pa at tinuring nila si Devon na parang tunay na anak… at ako yung nakalimutan. Pero wag kayong mag-alala, may DNA test naman na nagpapatunay na ako yung anak nila, wahahaha!
“Punta na kami, mama, pa!” Paalam ko.
Sabay kaming lumabas ni Devon at naglakad papuntang university.
Malapit na kami sa gate nang makita namin sina Beki at Yaya Dub.
Yes readers! Nag-aaral din si Yaya Dub dito sa university at nakikitira siya kina Beki, pero kahit estudyante siya, hindi pa rin niya nakakalimutang mag-alaga kay Devon.
Lumapit kami sa kanila, nagkamustahan, at sabay-sabay kaming naglakad papasok ng university.
Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Devon ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na nakangiti siya, kaya ngumiti rin ako. Bigla niya akong ninakawan ng halik.
“Eeeewwwww!!!” Natatawang sabi nila Beki at Yaya Dub.
Nagtawanan kaming lahat dahil sa reaksyon nila.
…The End…
ANNOUNCEMENT
Son of Lilith and My Cute Demon Kid, A secret will unfold connecting the two worlds and making it into one.
BIG REVELATION WILL BE HAPPENING ON MY current story “Son of Lilith” so add it to your story list.
And wait for the big revelation.
ABANGAN‼️♥️

