loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
My Favorite Summer (Victoriano Series Book #2)

My Favorite Summer (Victoriano Series Book #2)

absurd018 · 28 chapters · 45,926 words

Summer, 2010

“Missing you is a choice I made to preserve my love for you”

Part 1

“Oh My God Tom! Dahan dahan lang please!”

“Kayanin mo Victor!”

“Hindi ko kaya!”

“Bilisan mo! Gusto ko ako naman!”

“Dahan dahan lang! Pawis mo tumutulo sa’kin!”

“Titigil ko na?!”

“Huwag please. Gusto ko talaga!” Sabi ko.

HINDI KAMI NAGSESEX.

Nasa gym kami. Pinapabuhat niya ako ng mabigat na gym equipment habang nakahiga ako.

Gusto ko na sumuko pero gusto ko talagang magpalaki ng katawan.

“Kapag eto hindi mo binuhat, tumayo ka na! Ako naman!” Sabi ni Tom.

So kinaya ko ’yung pinapabuhat niya at well, parang sumuko katawan ko. Tumayo na ako tapos si Tom nahiga at nagbuhat.

Ofcourse, magaan lang para sa kanya, hindi na niya ako kailangan kaya pumunta na lang ako sa treadmill para tumakbo.

Nagpapawis na lang ako nang nagpapawis.

Ang maganda sa condo namin, kumpleto lahat. May gym, may library, may pool, may mini bar, may terrace at lahat ng ’to, Plainsview may ari.

Though, hindi pa namin nalilibot lahat kasi first day pa lang naman sa work, gusto ko lang ma try ’tong gym at mukhang gusto rin ni Tom.

Nakwento ko kay Tom about kay Sir Jordan at Jayden tapos tumawa lang siya ng malakas.

Sabi niya mag threesome daw kami tapos irate ko raw kung sino magaling.

Nakakaloko rin pag iisip ng bestfriend kong ’to pero sobrang saya ko kasi kasama ko siya. Nung una, ayoko pa tumuloy kasi wala siya at baka ma OP lang ako pero gumawa siya ng paraan!

Nandito rin si Justin, ang ex crush ko na ngayon eh (I think) boyfriend ni Kit.

Kasama rin namin si Angelo, nag stop si Angelo ng 2 years tapos ngayong school year siya bumalik. So basically, ahead siya sa’min at ngayon ko lang siya nakita.

Tahimik si Angelo at mukhang simple lang kasi hindi ko siya nakitang nagdala ng something special. Parang mga damit lang talaga.

Okay naman si Angelo, may itsura. Pero hindi ko siya type. At wala rin naman akong balak.

Last, si Leo. Parehas sila ng ugali ni Tom. Naging kaklase ko na rin siya sa ibang subjects pero hindi kami ganon ka close.

Safe to say na may itsura rin siya. Parang required ata dito may pleasing personality. Luckily, ganon din tingin sa’kin so medyo flattered ako.

Nakabalik na kami ni Tom sa condo.

So bali ang kwarto namin ay may malaking sala. Pwede kang magpaparty hanggang 15 na tao, may kusina pero ang gist eh isa lang kwarto at share kaming apat.

Malaki naman ’yung kwarto at tig iisa kami ng kama kaya okay lang sa’kin.

Pero ang the best talaga ang view. Since 14th (13th) floor kami at may malaking bintana kung saan pwede ka rin lumabas at magkape, palagi kaming tambay doon sa umaga.

Nakita namin si Leo at Angelo na nakatambay sa labas at nagkekwentuhan.

Ngumiti lang sila nang makita kaming papasok sa kwarto.

“Feeling ko iniisip nila tayong dalawa!” Sabi ni Tom pagkahiga namin sa kama. Nagshower na kami sa gym at ready to sleep na dahil sobrang nakakapagod mag work out.

“So?” Sabi ko.

“I know! Buti hindi ka bothered!”

“What? Haha hindi no sino kayang unang humalik sa’tin?!”

Ginagawa na lang naming katatawanan ’yung nangyari noon kaya eto, palaging ayan ’yung banat ko tapos mapapakamot na lang siya sa ulo at tatahimik.

“Alam mo ba, may nakwento si Sir Jayden sa’kin kanina. May kababalaghan daw dito” sabi ko.

Pero nakita kong may mahinang hilik na sa pwesto ni Tom at mukhang tulog na siya.

Bilang isang chismoso at may malaking curiosity ako sa sinabi ni Sir Jayden, lumabas ako ng condo para sumilip sa kabila.

Maliwanag naman ’yung hallway pero kinakabahan ako. Pumunta ako sa katabi naming condo at mukha ngang walang nakatira doon.

Room 14-D kami. ’Yung katabi naming 14-E ’yung walang tao.

Dahil curious pa ako, sinubukan kong buksan. Nakakapagtaka lang na hindi siya naka lock.

So, dahan dahan kong binuksan ’yung pinto at sumilip. Madilim. Walang tao. Parang parehas lang din ng condo naman, wala nga lang tao.

Sasara ko na sana ’yung pinto nang may marinig ako na parang nagsasalitang babae. Tapos ang creepy pa.

Parang….

Agad kong sinara ’yung pinto tapos bumalik na ako sa kwarto namin. Tulog pa rin si Tom, tapos nasa sala na si Angelo at Leo. Wala pa rin si Justin at baka magkasama pa rin sila ni Kit.

Pinilit kong matulog kahit natatakot ako sa boses na narinig ko sa kabilang kwarto.


Paakyat na uli ako sa 24th floor kung saan nandoon ’yung office ni Maam Cherry.

Pagbaba ko ng elevator, nandoon si Maam Agnes at mukhang maraming ginagawa. Pero ang sabi niya, wala naman daw silang ginagawa kaya kapag nakita ko raw siya na may ginagawa, ibig sabihin nandoon si Maam Cherry.

Sa glass windows, nakita ko ngang may babae na nakaupo doon sa pwesto ni Sir Jordan kahapon tapos may kausap sa phone.

Nang pumasok ako sa office, tumayo siya at binaba ’yung phone saka lumapit sa’kin.

Si Maam Cherry ’yung tipo na matanda pero alam mong yayamanin. Halos kabalikat ko lang siya, naka dress na pula, mamahalin ’yung jewelries, alam mong maganda siya nung kabataan (kasi hello, Jordan at Jayden?)

Tinignan niya ako nang masama.

Then ngumiti.

“Hello!” Bati niya.   Nakahinga ako nang malalim sa pag ngiti niya.

“Good Morning, Maam” bati ko.

“Oh, polite. I love it!” Siguro mga nasa 60 or 70 na siya. Hindi naman siya uugod ugod, mukhang nag gygym pa nga eh. Pero mapapansin mo na rin ’yung kulubot sa mukha at leeg niya.

Then bumalik na siya sa pwesto niya uli.

“Anong ginagawa mo diyan?” Sabi niya.

“Po?”

“You should always be on my side. Literally. I prefer sa left side ko kasi nandito anggulo ko”sabi niya.

Agad naman akong kumilos.

Sa table niya, may desk din at upuan na para sa’kin. Doon naman ako pumwesto.

“Here, sort this out by date, lahat ng from 2000 - 2005, itapon mo na okay? ’Yung natira, lagay mo lang sa desk ko” ang daming tambak na papel non.

Pero atleast marami akong gagawin.

“Yes, Maam” sabi ko.

“Anong gusto mong itawag ko sa’yo?”

“Victor na lang Maam” sabi ko.

“Okay, Victor. No pressure pero I need all the files before lunch.”

“Opo”

“Good.” Tapos tumayo siya at lumabas. Nakita ko siyang sumakay ng elevator.

Ginawa ko na trabaho ko. Nice, first thing to do! Kahit ang boring, naeexcite ako.

Nasa kalagitnaan na ako nang pag sosort nang marinig ko ’yung elevator uli, pero this time, hindi si Maam Cherry.

Si Sir Jayden.

“Yow…. Victoriano Jr., nasaan si Mommy?” Tanong niya.

“Ahm, hindi ko po alam Sir.” Ang angas ng dating ni Sir Jayden.

Siya ’yung tipo ng lalaki na pagsuotin mo lang ng white Shirt at black pants tapos white shoes, feeling mo model na. Kapag lagyan mo pa ng cap, feeling mo siya ang bad boy of the Philippines.

“I’m only 28! Huwag mo kong iSir. Ayoko ng Sir” sabi niya.

“Okay po.”

“Call me Jayden.”

“Jayden.”

“Again, isa pa.”

“Jayden”

“Okay, use Jayden in a sentence” sabi niya.

Hindi ko alam kung pinagtitripan niya lang ako pero sinubukan ko.

“Kung ang Superman ay nagsisimula sa S, at ang Jar ay nagsisimula sa J, saan naman nagsisimula ang Jet? Edi sa Jayden”

Nawala ngiti niya sa labi nang mag joke ako. Pota ang korny ko.

Pero bigla siyang tumawa nang malakas.

“Okay, props for making the corniest joke I’ve ever heard in my entire life.” Sabi niya na lang.

Hindi na ako sumagot kasi ang corny ng joke ko. Minabuti ko na lang na tapusin pinapagawa ni Maam Cherry.

Nakita kong lumapit naman si Sir Jayden pero naupo siya sa pwesto ni Maam Cherry.

’Yung upuan namin pareho, ’yung may gulong na umiikot. Nakita ko siyang naglalaro sa pwesto niya tapos sumisilip silip sa ginagawa ko.

Wala akong masabi kaya nanatili akong tahimik.

Bigla naman siyang nagsalita.

“Bakit ka nandito Jayden? Ako? Uhm, wala gusto ko lang makita si Mommy. Ahh, okay. Nag almusal ka na ba Jayden? Hindi pa nga eh. Ikaw ba Victoriano nag almusal ka na? Hindi pa rin Sir…. ay Jayden lang pala. Mamaya pa pong 10 lunch break”

Natatawa ako sa gilid kasi kinakausap niya sarili niya.

“Talaga pong alam niyo na Sir Jayden itatawag mo sainyo?” Tanong ko.

“See? Sir Jayden tawag mo!”

“Sorry. Respect lang po kasi nasa loob tayo ng office ni Maam” sabi ko.

“So hindi mo ko rerespetuhin sa labas? Nice, I like that!”

“Hindi sir….”

“Okay, it’s official. 10AM na. May 15 minutes kang break. So tara, let’s eat. Hindi pa ako kumakain” sabi niya sabay tayo.

“Hindi pa ko tapos….”

“I’m your boss too you know. Tara!” Yaya niya.

Nakakalahati naman na ako sa ginagawa ko kaya sumama na ako.


Akala mo naman bumaba kami, nandito pa rin kami sa office ni Maam Cherry pero nasa pantry. Sa dulong room na hindi ko napuntahan kahapon.

Andoon ’yung ref at lutuan. Pero nag init lang siya ng tubig. Tapos naglabas ng donuts and cakes sa ref.

“Sweets sa almusal! Okay lang ba sa’yo?” Tanong niya.

“Opo”

“Coffee? Black?”

“Ahm hindi po ako nagkakape eh”

“What?! Hindi pwede. Magkakape tayo!” Sabi niya.

Maya maya, nakahain na mga donuts and cakes sa lamesa tapos may tag isang kape na kaming dalawa.

“So….” sabi niya. “…kumusta dito? Masaya ka ba?” Tanong niya.

“Okay naman po.” Sagot ko.

“Mag eenjoy ka kapag may activities outside the company”

“Ano pong position niyo rito?”

“Ako? Hindi ako nagtatrabaho dito. I mean, syempre gusto ni Mama pero no, not my thing.”

“Oh… ano po bang gusto niyo?”

Then napatigil siya sa paghahalo ng kape niya tapos tumingin siya sa’kin.

“Bakit po?” Tanong ko.

“Wala… wala… parang ikaw lang kauna unahang nagtanong sa’kin kung anong gusto ko”

“Talaga po?”

“Nakikipag usap ako sa mga interns, palagi. Coincidentally, tinatanong din nila kung anong ginagawa ko dito then sasabihin kong hindi ako nagtatrabaho dito tapos ang normally na sinasabi nila ‘sayang naman po, ang laki ng company niyo’ o kaya ’subukan niyo po. Sainyo naman ‘to’ mga ganon ba. Pero ikaw, tinanong mo ko kung anong gusto ko”

“Hehe…. uhm…”

“Okay, Victoriano Jr., ang gusto ko eh maging writer”

“Writer? Wow!” Okay, sa itsura niya, hindi mo iisipin na nagsusulat siya.

“Yes, ang dami ko nang nasulat na screenplays pero hindi ko naman pinupublish. Gusto ko lang magsulat”

“Pwede ko bang mabasa, Sir?”

“Hahaha No!” Agad niyang sagot.

Writer. Akalain mo ’yun. Pero huwag talaga tayong manghusga, akala ko gusto niya mag artista.

“Kumusta tinutuluyan mo??” Tanong niya.

Then naalala ko ’yung kinwento niya sa’kin before na may multo daw sa katabi namin kaya tinanong ko siya.

“Actually, tinignan ko po Sir.” Sabi ko.

“What? No. Huwag. Sabi ko nga sa’yo kakaiba ’yung kwartong ’yun!”

“Bakit naman po?”

“Ang sabi sa’kin, may namatay daw doon. At nagmumulto ’yung kaluluwa doon. Kaya walang kumukuha ng kwartong ’yun kahit sobrang mura.”

“Pero sumilip ako…”

“Huwag na huwag ka na uli pupunta doon! Okay? Tinatakot nga kita para hindi ka pumunta, tapos ikaw naman ’tong punta nang punta”

“Curious lang po”

“Curiosity kills. Huwag ka nang sumilip ah?”

Totoo nga mga bali balita sa condo tapos 13th floor pa ako. Kaya minabuti ko na lang na hindi na puntahan ’yun.

Tinignan ko oras, 10:20 na.

Tumayo na ako tapos bumalik sa pwesto ko. Sumunod naman si Sir Jayden tapos nandoon na si Maam Cherry sa pwesto niya.

“Jayden, anong ginagawa mo rito?” Sabi ni Maam Cherry nang makita niya kami.

“Nagutom lang. Nagpasama lang ako kay Junior” ayan talaga pinaka ayaw ko na tawag sa’kin.

“Okay, pupunta ka ba sa meeting bukas?” Tanong ni Maam Cherry.

“Nah, nextime na lang My. Junior, ’yung sinabi ko sa’yo ah!” Sabi niya. Sabay halik sa noo ni Maam Cherry at alis.

“Ano tinutukoy niya?” Tanong sa’kin ni Maam Cherry.

“Wala po. About sa condo lang”

“Ahh”

Fuck. So totoo bang meron sa condo na ’yun? Natatakot tuloy ako.

Napagpasyahan kong isama si Tom kapag titignan ko uli ’yung kwarto.

Pero nag gym pa si Tom kaya hinintay ko siya sa kwarto. Nakauwi na ata siya ng 9PM.

“Bakit ngayon ka lang?!” Sabi ko sa’yo.

“Dumating sa buhay ko. Pilit binubuksan, ang sarado kong puso” bigla niyang kanta.

“Leche”

“Haha bakit ba iritable ka Victoriano?”

“Ehh kasi….” kinwento ko sakanya lahat tapos naging seryoso din siya.

“Pumunta ako kagabi tapos may narinig ako na something”

“Pumunta ka mag isa? Bakit hindi mo ko sinama?”

“Eh tulog ka na!”

“Gising ako ngayon. Tara puntahan natin!”

“Ayoko. Natatakot ako!” Sabi ko.

“Para ka namang bakla… ay wait. Oo nga sorry.”

“Gago. Purkit bakla ganon agad?”

“Joke lang. Hindi insult ang pagiging bakla. Joke lang. Sorry, Kups” sabi niya.

“Pero ayoko pa rin!”

“Dali na. Tayong dalawa lang tapos bubuksan natin ilaw para hindi ka matakot!”

Curious din kasi talaga ako kaya pumayag ako. Lumabas na kami ni Tom tapos tumambay sa tapat ng 14-E.

Again, naka unlock na naman ’yung pinto.

Dahan dahan namin binuksan tapos agad naman inopen ni Tom ’yung ilaw.

Again, parang condo lang namin pero walang gamit at tahimik.

“Hello????” Sigaw ni Tom.

Pero walang sumasagot.

“Talkshit ka ata eh!” Sabi niya sa’kin.

“Alam ko narinig ko no! At saka magpapakita ba multo kapag may ilaw?” Sabi ko.

“Hmm sabagay may point ka. Tara patayin natin ilaw”

“Huwag!” Pigil ko sa kanya

Lumibot lang kami ni Tom pero parang wala namang kakaiba.

Pagpunta namin sa kusina, wala pa ring kakaiba.

Pero nagsimula ng buksan ni Tom ’yung mga drawers.

Tumingin tingin na rin ako.

“Uhm, Victor?” Tawag niya.

Nakatingin pa rin siya sa drawer sa kusina. Parang nanghina siya sa nakita niya.

“Ano ’yan? Daliri? Mata? Suicide note??” Tanong ko hanggang makalapit ako sa kanya.

Kahit ako nagulat.

As in nagulat. Pati kinilabutan. Feel ko nawala lahat ng dugo ko.

Picture ko ’yun. Picture ko ’yung nasa loob ng drawer.


VOTE AND COMMENTS!!!!

HELLO!! NEW ADVENTURE NI VICTORIANO GUYS!!!!

PURO ADVENTURE NAMAN TO HAHA! SANA MAGUSTUHAN NIYO PA RIN :)

HINDI PA KO SURE KUNG KAILAN AKO MAGUUPDATE PALAGI PERO TEASER PALANG TO HAHA!

Part 2

Isa sa pinakamatatakutin na tao si Tom na nakilala ko. Mas lalo kong napatunayan ’yan ngayon.

Halos hindi siya nakatulog kagabi sa nakita namin sa kabilang condo. Gusto ko pa sana pag usapan pero huwag na huwag ko na raw ioopen sa kanya ’yung topic na ’yun.

Pero dahil chismoso ako, naghanap ako ng mga pwedeng makaalam nang nangyari sa katabi naming condo.

Una kong tinanong ’yung security guard sa lobby. Ang sabi niya 11 years na siya sa condo, simula nang magbukas ’yung condo hanggang ngayon eh nandito siya.

Kaya tinanong ko sa kanya kung alam niya.

Si Manong guard ’yung typical guard na makikita mo sa mga establishments. Matangkad, malaki pwet tapos malaki din tyan.

“May isa ngang pangyayari about diyan sa kwartong ’yan” panimula ni Kuyang guard.

Talagang nag asikaso ako ng maaga para makipagchismisan sa kanya. 7 pa naman at 8 pasok ko kaya pinuntahan ko na siya.

“Kilala niyo po ba?” Tanong ko.

“Palagi niya akong binibigyan ng donut sa lobby kapag pauwi siya galing sa shift niyang pang gabi. Ang sabi, suicide daw pero sabi sabi, inatake sa puso.”

“Babae po ba? O lalaki?”

“Babae. Mag isa lang siya don”

“Kailan pa po ’to?”

“4 years ago? Paano niyo po nalaman na namatay siya sa condo?”

“Well, may mga guests na nagpapalinis ng condo nila, isa siya sa mga guests na ’yun. Natagpuan lang siyang patay sa kama niya”

Fuck. So totoo talagang may namatay noon.

“Si Maam Cherry? ’Yung may ari ng condo? Minabuti na huwag na muna magpatira sa condo na ’yan. Pero dahil in demand lately mga condo, binuksan uli sa Market ’yung kwarto pero dahil sa kwento, walang nagtangkang bumili o magrenta”

Kinikilabutan ako. Tapos pumasok pa ako sa kwartong ’yun.

“Never na rin binuksan ’yun.” Kwento pa niya.

At saka ako kinilabutan. Paano ako nakapasok kung nakasarado ’yun?!

7:20 pa lang naman kaya umakyat uli ako para icheck kung tapos na mag asikaso si Tom. Bago ’yun, sinubukan kong buksan ’yung kabilang pinto.

Sarado na nga.

Ang creepy.

Pagkabukas ko ng pinto namin, bumungad si Tom na parang palabas na rin kaya nagulat siya.

Napasigaw pa siya na parang babae.

“Punyemas naman Victoriano! Alam mong hindi pa ko nakakamove on kagabi tapos iiwan mo ko mag isa!!” Sabi niya.

“Nasaan na sila??”

“Alam mo naman mga ’yun, maagang kumikilos!”

“Tapos ka naman na mag asikaso eh!”

“Hindi ako naligo loko! Nagbasa lang ako ng buhok para mukhang naligo ako!”

“Kadiri ka! Maligo ka na muna!”

“Hindi na! Late na ako. May breakfast routine palagi team namin kaya kailangan nandoon ako. Buti na lang nag shower ako kagabi tapos naka aircon tayo. Hindi naman nila mahahalata, gwapo naman ako!” Sabi niya.

Pero bago ako makasagot hinatak na niya ako. Natatakot daw kasi siya sa kabilang kwarto kaya ayaw niyang tumambay sa labas.

Ayoko na lang muna isipin ’yung nangyari.


Isa sa pinakamaganda sa company na ’to, libre pagkain.

Or siguro dahil nasa office ako ng boss kaya palaging may pagkain pero unli food talaga dito.

Ngayon, kumakain ako ng cheesecake sa pantry habang nagtitimpla ng chocolate drink.

Pagkatapos ko kumain, bumalik na ako sa pinapagawa ni Maam Cherry.

Ang maganda pa sa pagiging secretary ni Maam Cherry eh marami siyang pinapagawa.

Gusto ko kasi maranasan ’yung magtrabaho nang magtrabaho.

Sabi kasi nila kapag OJT, taga timpla ka raw ng kape ng mga empleyado doon.

Pero dito, hindi. At saka, marami akong nalalaman sa company.

Katulad na lang neto, may balak bilhin na lupa si Maam sa Tagaytay para patayuan ng Hotel. Nakakalula nga mga presyo kaya tinatype ko na lang lahat.

Pagka lunch break, sumama ako sa pagkain kay Tom pero kasama niya si Leo, roommate namin.

Sabi ko nga before, magkaugali si Leo at Tom. Parang happy go lucky. Feeling nila lahat ng babae may gusto sa kanila kasi gwapo sila (which is gwapo naman talaga).

Pero nakakatawa lang kasi conyo magsalita ’tong si Leo. Mayaman kasi.

“Victor!” Bati ni Leo sa’kin.

Tumingin lang si Tom sa’kin. Galit pa rin siguro ’to sa nangyari kaninang umaga.

“Dude, how’s Maam Cherry? Ang sabi sabi sa department she’s bossy and evil daw ah?” See, ganyan magsalita si Leo.

“Nahh, mabait si Maam Cherry” sagot ko. Which is totoo naman.

“Cool cool. You have to pretend naman talaga to like your boss di’ba para walang hassle” at kung paano niya ipronounce ’yung “rrr”

“No, mabait talaga” sabi ko.

“Well, izzokay. Have you heard about doon sa company outing? We’re lucky kasi we got to bond with the employees here. Tsaka sagot daw lahat ng company!”

This time, nagsalita na si Tom.

“Ang sabi, pupunta daw tayo ng La Union!” Sabi niya.

“Really? Sawa na ko sa L.U, palagi kaming nandoon every semestral break eh” sabi ni Leo.

“Sama mo kami next time!” Sabi ni Tom na feeling close (though close naman na kaming lahat kasi hello, isang bahay lang kami)

“Sure dude! Dami pa namang may crush sa’yo na classmates ko!”

“Talaga?” Syempre natutuwa ’yan si Tom sa compliments.

“Really really. When they saw nga our pictures that I’ve posted on facebook, they were like shock kasi crush ka nila!”

Syempre, ngumingiti ngiti ’tong si Tom at hindi sumasagot.

Ganyan ’yan. Para kunwari daw humble siya.

“Hey Victor, I heard na type mo raw anak ni Maam Cherry? Nice. TBH, Akala ko kayo ni Tom pero I was wrong pala” –take note, T B H talaga sinabi niya instead of To Be Honest

Tumingin ako nang masama kay Tom.

“Nagtanong siya! Sumagot lang ako!” Sabi ni Tom.

“Hey, dude. I’m your friend. I have like, so many gay friends. Ang saya nila kasama. No dull moments. We’re cool.” Sabi niya

“Hehe” lang sagot.

“I’m straight pero everytime I see gay couples, natutuwa ako. Like, they have that strenght to do PDA. And that’s awesome!” Sabi niya pa.

Hindi na lang ako sumagot pero atleast hindi homophobe ’tong si Leo.

Good thing. Good thing.

Napagpasyahan namin kumain sa canteen. May canteen kasi dito pero siguro last time na na kakain kami dito kasi ang konti magbigay.

’Yung canteen sa school parang may ginto eh, ang mahal na nga ang konti pa.

Mas malala pala canteen sa mga company.

Habang kumakain kami, nakita ko si Sir Jayden na papalapit sa’min. May dala dala din siyang tray ng pagkain.

Since apatan ’yung upuan at tig dalawa kada row, tumabi siya kay Leo.

“Hello!” Bati ni Leo na akala mo magkakilala sila.

“Okay lang ba maki share?” Tanong niya.

“Nandito ka na Sir eh” sagot ko.

“Sir? So you’re….” bago pa masabi ni Leo sasabihin niya, sumagot na ako.

“Oo. Anak ni Maam” sabi ko.

Ngumiti lang si Sir Jayden na parang ang awkward ng sinabi ko. Tapos tumahimik siya.

Feel ko tuloy may nasabi akong offensive sa kanya kaya hindi ko na lang muna pinansin.

“Sir matanong ko lang…” sabi ni Tom “…mukhang marami kayong alam doon sa katabi naming condo. May sumpa ba doon?” Tanong niya kay Sir Jayden

“Natatakot din ako sa lugar na ’yun eh! Kaya nga hindi na ako pumupunta sa building na ’yan!” Sagot niya.

“Sandali. Anong pinag uusapan niyo?” Tanong ni Leo. Eto na ata first full sentence ni Leo na walang english.

Tapos kinwento ni Tom mga nakita namin kagabi. Nung una, hindi makapaniwala si Leo pero nang matapos si Tom, natahimik siya.

“Wait, so pinuntahan niyo?” Tanong ni Sir Jayden.

“Yes Sir. Nakakakilabot nga eh!”

“Oh My Gosh Victor. What if may gustong pumatay sa’yo?” Sabi ni Leo.

“Hala? Ang bait ko kaya!”

“So bakit may pic ka don? Don’t tell me stalker? Or secret admirer?” Sabi ni Leo.

“Hindi ko alam. Pero sana secret admirer na lang!” Sabi ko tapos tumawa kami.

Tahimik pa rin si Sir Jayden na kumakain.

After namin, sabay sabay na kaming sumakay ng elevator. Since paakyat din siya sa office ni Maam Cherry, kaming dalawa na lang natira sa elevator.

Hanggang makababa kami, hindi siya nagsasalita so hinayaan ko na lang.

Pagkapasok sa office, saka siya nagsalita.

“Next time huwag mo na uli gagawin ’yun!” Galit ’yung tono ng boses niya.

“Uhm… alin po?” Medyo natatakot ako.

“Ipapakilala mo as anak ng may ari. Ayoko ng ganon. May sarili akong pangalan!” Yeap. Galit nga siya.

Hindi niya kasi alam na kaya ko lang naman pinigilan si Leo kasi sasabihin niyang siya ’yung anak ng boss na CRUSH KO.

Okay, so let me get this straight, hindi ko crush si Sir Jayden.

Yes, gwapo siya, mayaman, daddy levels, pero attracted lang ako sa kanya.

Iba kasi meaning ng crush sa’kin.

Kumabaga ’yung crush ’yung gusto kong maging boyfriend.

Tapos ’yung pagtingin ko kay Sir Jayden, parang gusto ko lang siya tikman. Ganon.

Magkaiba ’yun

“Sorry, Sir” sabi ko na lang.

Pero galit pa rin siya.

“Sorry talaga, Sir. Hindi na po mauulit” sabi ko.

Tapos tumingin siya sa’kin.

“You can make it up to me” sabi niya.

“Paano po?”

“Aware ka naman about sa Company outing di’ba?” Sabi niya.

“Uhm. Opo”

“Ako kasi nag humahawak non. Ako lang humahawak ng masasayang activities dito.”

“Uhm okaaaaay po….”

“Tulungan mo ko magprepare.”

“Paano po?”

“I don’t know, talk to organizers, budget, plan the whole outing…”

Iniisip ko pa lang naiistress na ako. At saka, maraming pinapagawa si Maam Cherry at siya ang boss ko. Siya dapat sundin ko.

Kaya sinabi ko sa kanya ’yun.

“Okay, kung hindi mo kaya may isa pa akong favor” sabi niya.

“Sige po”

“I’m having a party on Saturday. Pumunta ka.” Sabi niya.

“Ano po?” Party?!

“Yes. Pool party ’yun so dapat naka proper swimming attire ka!”

Fuck. Kailangan naka boxer? Or brief? Trunks?

“Sir….”

Pero bago ako makasagot, nakita ko na pumasok na si Maam Cherry.

“Pumunta ka sa Sabado. Ikaw lang!” Utos ni Sir Jayden tapos humalik lang siya kay Maam at umalis na ng office.


VOTE AND COMMENTS!!!!!

KAPAG SINIPAG AKO MAG UUPDATE ULI AKO BUKAS HAHAHA.

Kapag maka 100++ VOTES HAHA

Part 3

At dahil pasaway ako at natatakot sa kung anong mangyayari, hindi ako pumunta sa party ni Sir Jayden.

It’s been a week since nag start OJT ko at so far so good. Weekly ang allowance na binibigay sa’min. 1k lang naman pero atleast meron.

May allowance pa ako galing kay Papa so mas mapera ako dito sa OJT.

Instead na sumama kay Sir Jayden, nag bonding na lang kaming magdodorm.

Bumili kami ng alak, Matador tapos chaser namin pomelo juice. Tapos sandamakmak na chichiriya.

Nagluto din si Tom ng sisig. Moment daw niya para magpasikat sa mga kasama namin.

Ikutan ang tagay namin. Masaya rin kasi puro kwentuhan.

Napansin lang namin na tahimik ’yung isa naming kasama, si Angelo.

“Dude, you’re so tahimik! Speak up. Hindi naman kami monsters” sabi ni Leo

Seryoso. Nakakatuwa (hindi nakakatawa) magsalita si Leo. Nakaka goodvibes. Kasi kung kakakilala mo lang sakanya, maaartehan ka.

“Oo nga pre. Parang napilitan ka lang na mag training sa Manila ah?” Sabi naman ni Tom.

“Hehe. Hindi lang ako sanay sa usapan niyo at saka sa mga lugar lugar” sagot ni Angelo.

Si Justin naman, busy sa katext. Pero nakiki inom siya at nakikipag kwentuhan.

“Share mo sa’min. Tropa mo kami. Ilang linggo pa tayong magkakasama” sabi ni Tom.

“Yeah dude. We can handle it naman” basta kapag conyo words, si Leo nagsabi non.

Tumagay muna si Angelo bago siya nagsalita.

“Scholar ako. Full scholarship. Allowance, lahat. Naka budget lahat sa’kin. Walang wala kami. Ako lang inaasahan sa’min kaya nag alangan pa ako kung magtutuloy ako sa UP pero sabi ng Nanay, ituloy ko raw. Para din daw sa’kin ’to.”

Nakatutok kaming lahat sa storya ni Angelo. Kahit si Justin, nakikinig na.

“Nag stop ako ng 2 years kasi kailangang kailangan na muna ng pera sa bahay. ’Yung allowance ko kasi pang sa’kin lang talaga.

Nang bumalik ako sa school, mahirap mag adjust. Kasi parang lahat may cellphone na. Parang required na. Dati naman hindi. Pero nang iopen ni Dean na kasali ako sa mag ttraining sa Manila, natuwa ako.

May natatanggap pa rin akong pera sa foundation. Tapos may allowance pa rito sa training. Malaking tulong na rin.“

Ayoko kaawaan si Angelo kasi siguradong ayaw niya ng ganon. Buti na lang talaga bubbly si Tom.

“Nice! Dahil diyan shot na tayo!!” Sabi niya.

Ngumiti lang si Angelo at simula ng mag open siya, nakikitawa na rin siya sa’min ng malakas.

Maya maya, inopen ni Tom ’yung tungkol sa kabilang unit.

Iniwan na niya ’yung kwento tungkol sa nakita niyang picture ko sa drawer.

Nung una, ayaw nilang maniwala, pero nung sinangayunan ko si Tom, naniwala na sila.

“Seryoso. Nakakakilabot nga eh. Pero ngayon, naka lock na ’yung unit” sabi ko.

“Alam niyo ba sa bahay namin, parating may nagpaparamdam na multo.” Sabi ni Angelo.

Okay, mas gusto ko na hindi siya mag oopen ng ganitong topic.

“… pero mabait na multo ’yun. Parang gusto niya lang maglaro. Namatay ’yung bata sa landslide tapos palagi lang naglalaro sa labas kaluluwa niya.

One time, nag invite ng albularyo si Nanay. Pagbaba na pagbaba ng albularyo, nagpaalam na kaagad siya sa’min.

Ang sabi niya sobrang lakas ng espiritu ng bata. At kapag naramdaman daw nung bata na nagtawag kami ng albularyo, baka maging masamang spirito siya.

Simula non, hinayaan na lang namin. Kaya hindi ako masyadong natatakot sa multo“

Again, nakatutok na naman kami sa kwento ni Angelo.

“Pero ang ginagawa namin, nag ooffer kami ng bulaklak. Kapag grabe ’yung paglalaro niya, nag lalagay kami ng sampaguita sa labas ng bahay. Para kahit papaano, tumahimik siya. Effective naman.”

Alam kong natatakot na si Tom. Kunwari matapang lang siya kaya siya nakikinig.

“Okay so, pwede bang mag change ng topic???” Sabi ni Tom bigla.

Pero hindi tumigil kwento ni Angelo.

“Hayaan niyo lang sila. Baka may hindi pa siya natatapos na gawin sa mundo kaya nagpaparamdam siya sainyo. Huwag kayo matakot.”

“Nakakatakot kaya!!” Sabi ni Tom.

“Haha, matakot lang kayo kapag may nawala kayong bagay bigla” sabi niya pa

“What do you mean nawalang bagay?” Tanong ni Leo na akala ko hindi nakikinig.

“Example…. relo. Kunwari, araw araw mo gamit tapos biglang nawala. Ibig sabihin non, kinuha niya. Ng multo. At may ibig sabihin lang non, may kailangan siya sa’yo. Either may gusto siyang ipagawa o may kasalanan kayo sa kanya”

FUCK!!!

’Yung picture ko!

Kinakabahan ako. Nasa kabilang kwarto picture ko!

Ibig sabihin may kinalaman ako sa babaeng namatay? Ang weird.

Kinikilabutan na ako sa pwesto ko pero hindi ko pinapakita.

Nagkekwento pa si Angelo nang kakatakutan sa kanila pero para kong bingi na walang naririnig.

ANONG KINALAMAN KO SA MULTO SA KABILANG UNIT?!


Nakahiga ako, halos hindi ako makatulog.

Nakita ko si Tom kanina na tumungga ng isang buong basong shot ng Matador para daw malasing siya ng todo at makatulog.

Effective naman kasi bagsak na bagsak siya at humihilik hilik pa.

Napansin ko rin na tulog na ’yung iba pero si Justin gising na gising pa at may katext, nakikita kong tumatawa tawa pa siya.

Pinilit ko na lang makatulog pero hindi ko talaga kaya.

Tumayo ako para uminom ng gatas. Hindi ko alam kung okay ’yung gatas at alak pero  kailangan ko makatulog.

Habang nagtitimpla ako, napansin kong bumukas ’yung pinto.

TANGINA. Sinong magbubukas ng pinto?!!

Sumilip ako sa kwarto, nandon pa si Justin. At kumpleto lahat sa kwarto.

Pero ’yung pinto, bumubukas talaga tapos sumasara.

Takot na takot ako pero at the same time sobrang curious!

Dahan dahan akong lumapit para sumilip sa labas pero tahimik ’yung hallway.

Kaya sinara ko uli ’yung pinto at ni lock.

Pagbalik ko ng kusina, may narinig ako.

Parang may dumaan sa harap ko.

Pero wala.

Nagtayuan mga balahibo ko.

“Huwag mo siyang palalabasin”

HALOS MAPASIGAW AKO pero walang tunog na lumabas.

May narinig akong nagsabi niyan! Boses babae!

Walang babae sa condo namin!

Mahina lang ’yung boses. Parang bata.

Tinungga ko na ’yung gatas tapos bumalik ako sa kwarto.

Tumingin lang sa’kin si Justin.

“Okay ka lang?” Tanong niya na medyo pabulong.

Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

“Okay lang.” Sabi ko.

“Kwento lang ni Gelo ’yun. Huwag mong isipin masyado!” Sabi niya sabay balik sa pagtetext niya.

Hindi ko naman iniisip eh.

NANGYARI SA’KIN NGAYON NGAYON LANG.

Anong ibig sabihin non?

“Huwag mo siyang palalabasin?”

Kung hindi lang nakakatakot ’yung setting ng lugar, kabastusan maiisip ko doon.

Huwag mo siyang palalabasin.

Sino? At ano?


SHORT UPDATE para sainyo! Haha.

Ayus ba? Haha

VOTE AND COMMENTS ULI!!

Kapag naka 100++ votes lam na :)))))

Part 4

Halos mapuyat ako kagabi pero salamat sa gatas na ininom ko, nakatulog ako.

Asusual, nagising ako sa masarap na amoy na luto ni Tom. Kahit mga kasama namin, gustong gusto na rin luto ni Tom.

Ayoko na ikwento kay Tom nangyari kagabi kasi siguradong magagalit na naman ’to dahil nagkekwento ako nang katatakutan.

Pagkatapos namin kumain, nakatambay lang kami sa condo. Sunday kasi ngayon pero sigurado na aalis si Tom at makikipag date kay Paula.

Kaya nung lunch, wala na si Tom at kami kami na lang natira.

“Victor!” Tawag sa’kin ni Leo sa kwarto.

“Yow” kapag si Leo nagsasalita minsan napapa conyo na rin ako eh.

“Samahan mo naman ako. Will buy some stuff lang sa grocery”

“Sure tara!”

“I already asked Gelo pero ayaw niya. Justin naman seems to have an appointment already”

“Okay lang. Now na?”

“Yes sana?”

Nag asikaso na ako. Nakabihis na rin si Leo pagkatapos kaya umalis na kami kaagad.

Pumunta kaming grocery na may dalang malaking cart.

“You know Victor, I have this weird na panaginip last night.” Bigla niyang kwento.

“Ohh??”

“Yeah. Some kid is looking for you. Bata, I don’t remember ’yung actual na nangyari pero yeah. Ang weird lang”

Fuck. Hanggang sa mga ka dorm ko nagpaparamdam ’yung babae.

Hindi na ako sumagot kasi mamaya makwento ko pa.

Tapos parang hindi mapakali si Leo. Tumitingin tingin sa paligid.

“Bakit?” Tanong ko.

“I dunno if you saw them kanina pero sila ’yung nasa lobby sa building kanina. ’Yung mga guys sa likod natin”

Hindi naman ako nag obvious. Buti nalang may salamin kaya tinignan ko nasa likod namin.

Hindi ko sila napansin kanina.

Siguro kasi hindi naman sila cute para mapansin.

Pero dalawang lalaki ’yun na nakaitim na jacket at cap na black.

“Dude, I’m pretty sure na sinusundan nila tayo” sabi niya.

Kumalma ako. Feel ko hindi sanay si Leo sa ganito.

Hindi rin naman ako sanay. Never pa naman ako hinabol ng lalaki sa grocery store.

One time, kami ni Hector naghahabulan sa grocery kasi malandi kami that time.

Pero iba ’to!

Naglalakad pa rin kami. Sinubukan namin lumiko sa may bilihan ng keso.

Nasa likod pa rin sila.

Literal na iniikot namin kada aisle sa grocery at sumusunod nga sila.

Fuck.

Bakit ganito? Anong nangayayari?

Nagsimula lahat ng weirdness simula nang pumasok kami ni Tom sa kabilang condo.

Nagpapanic na si Leo. Nakikita kong medyo shaky siya pero pinakalma ko siya.

“May bibilhin ka pa ba?” Tanong ko.

“Wa….wala na”

“Kalma, Leo. Baka namimili din sila”

Pero wala silang dalang tray.

Obvious na sinusundan nga kami!

“May kaaway ka ba?” Tanong ko

“What? No dude. I’m like so mabait.”

Kahit sa ganitong sitwasyon, conyo pa rin siya magsalita.

“Okay. Okay. Wala naman akong kaaway at mabait din ako. I think” sabi ko.

“Well, kinakabahan na ako. I can’t handle this pressure.” Sabi niya.

So pumila na kami sa cashier pagkakuha ng kailangan namin.

Hindi na namin nakita kung saan pumunta ’yung dalawang lalaki.

Sinabi ko kay Leo at mukhang nakahinga siya nang maluwag.

“We should get na sana pang 2 weeks na grocery para hindi na tayo lalabas” sabi pa niya.

Tumawa na lang ako para gumaan loob niya.

Pagkabayad namin nang mga binili namin, nakita na naman namin ’yung dalawa.

Matanda na sila mga 30s. Hindi naman sila tumitingin sa’min pero hello, nandito na naman sila so baka kami talaga kailangan nila.

Sinama namin ’yung cart palabas ng grocery at may nakita kaming ni Leo na familiar.

Si Sir Jayden.

Nakita niya kami ni Leo. Naka short lang siya tapos white T Shirt at cap. Ang bad boy talaga ng datingan.

“Yow, talkshit!” Bati sa’kin ni Sir Jayden.

Awkward smile lang binigay ko.

“May birthday?” Tanong niya sa’min.

“Wala. Some stuff lang” sagot ni Leo.

“Pauwi na kayo?”

“Yes” si Leo lang sumasagot.

“Nice. Tara hatid ko na kayo”

This time, sumagot na ako.

“Huwag na Si…. Jayden. Kaya na namin” sabi ko.

“Oh okay. Pero goodluck kung makakahanap kayo ng taxi. Ang haba ng pila” sabi niya.

Dito sa loob, kita na ’yung pila at ang haba nga.

“Come on dude, atleast hindi na tayo makikita ng mga sumusunod sa’tin” bulong ni Leo.

Okay. Medyo creepy nga na may sumusunod sa’min kaya pumayag na rin ako.

“Good. Pero I’ll grab something muna. Gusto niyo sumama muna kayo? Sandali lang ’to” sabi niya.

Wala naman kami magagawa so sumunod kami.

Naglakad kami sa mall tulak tulak mga pinag grocery namin tapos pumunta si Sir Jayden sa bookstore.

Pumasok din si Leo. Naiwan na ako sa labas para sa cart namin.

Pagkalabas nila, nagtatawanan sila at mukhang marami ding pinamili si Sir Jayden.

“Tara na?” Sabi ni Sir sa’kin.

Umoo lang ako.

Pagkadating namin sa parking lot at malagay lahat nang pinamili namin, sa harap ako umupo.

“Bakit mo ko tinalk shit kahapon?” Tanong ni Sir Jayden.

“Uhm… may mini party din kasi kami kahapon. Di’ba Leo?”

“Yes yes.” Sagot niya.

“Ahh I see. Sayang. I’m looking forward pa naman na pumunta ka” alam ko si Sir Jayden nagsalita eh pero parang nahawa agad siya kay Leo.

“Kung sinabi mo kahapon na he’s having a party edi sana doon na lang tayo nag party. Pool party ’yun!!” Sabi ni Leo sa likod.

“Nextime, invite ko kayong lahat ha?” Sabi ni Sir Jayden.

Hindi na ako sumagot hanggang makababa kami ng sasakyan.

Kinuha namin ni Leo pinamili tapos tumulong din si Sir Jayden.

“Kaya na namin Sir” sabi ko.

Tumingin lang siya sa’kin.

“Jayden” sabi ko pa.

“I know. May gagawin lang din ako dito” sabi niya.

Pagka akyat ng condo, pumasok din si Sir Jayden.

Inayos na ni Leo pinamili namin tapos lumabas na si Sir Jayden.

“Victor” tawag niya bago ko isara pinto.

“Po?”

“Hinintay kita kahapon. Sana nagsabi ka na hindi ka pupunta”

“Pasensiya na Sir. Biglaan lang. At saka first time namin sumahod eh hehe”

“Okay. Pero next time sumama ka ah?”

“Okay”

Pasara na pinto pero pinigilan niya uli.

Hinawakan niya kamay ko.

Okay assuming lang ako. May inabot siya sa kamay ko tapos binitawan niya agad.

Pagkatingin ko, key chain ’yun na Lady Gaga.

Okay, paano niya nalaman na mahal na mahal ko si Lady Gaga???

“Inorder ko pa ’yan online! Huwag mo walain ah!” Sabi niya.

“Teka paano niyo nalaman??”

“Nakita ko one time sa phone mo na puro siya ’yung nasa mp3”

“Tinignan mo phone ko?!”

“Nope. Si Tom. Hehe”

PAHAMAK TALAGA YANG THOMAS NA ’YAN.

“Bakit niyo po ako binigyan neto?”

“Lahat ng trainee binibigyan ko ng regalo.”

“Oh.”

“Sige na, may gagawin pa ako” sabi niya sabay paalam.

Umiwas siya sa kabilang kwarto kasi takot din siya. Tumawa na lang ako at pumasok sa loob.

Gosh. Lady Gaga keychain. Sinabit ko kaagad sa phone ko.

Tapos tinulungan ko si Leo sa pagliligpit sa kusina.


Napagdesisyunan namin ni Leo na huwag na ikwento sa iba ’yung sumusunod sa’min, baka kasi hindi naman talaga at assuming lang kami.

Pagkapasok namin kanina, wala na ’yung dalawang lalaki.

Another week sa office at agad na may pinagawa sa’kin si Maam Cherry.

“Kumusta weekend mo, Victor?” Tanong ni Maam.

“Okay naman po.”

“Good. Kasi this week ang dami nating gagawin okay?”

“Okay po.”

“Simulan mo na dito” nagabot siya sa’kin ng papel.

“Mga kalokohan ’yan ni Jayden. Taon taon na lang gusto niyang may summer outing!” Sabi niya.

Tinignan ko ’yung list na gusto niyang puntahan.

La Union nga ’yung best choice niya. With 300 employees.

Eto rin pala ’yung hinihinging tulong ni Sir Jayden sa’kin. Mukhang okay naman na lahat.

“Sabi ko kasi sa kanya, magtrabaho na lang siya dito pero ayaw niya!” Kwento ni Maam Cherry.

“Bakit naman po?” Hindi ko alam kung masyado akong chismoso pero wala na, natanong ko na.

“Ayaw niya magtrabaho dito. Ang gusto niya magsulat. Ano namang kikitain niya sa pagsusulat? Gusto pa niya magtravel? Inuubos niya ’yung pera niya sa kung ano anong bagay!”

Wrong move na tinanong ko kaya hindi na lang ako nag follow up question. Pero nagkwento pa siya.

“Sana lang tigilan na niya pag paparty at pag uubos ng pera. Kasi wala akong ibibigay sa kanya kapag naubos ’yon!”

Hindi pa rin ako sumagot pero mukhang tinitignan niya ako gumawa sa computer.

Tinatype ko lang naman lahat pati ’yung budget.

Nahuli ko siyang nakatingin sa’kin tapos umiwas siya.

“Alam mo, siguro namimiss lang ni Jayden ’yung pagiging teen niya. Hindi niya kasi naranasan ’yun. Nung nabubuhay pa Tatay niya, mahigpit ’yun sakanilang dalawa ni Jordan. Kaya school at bahay lang talaga”

ANONG ISASAGOT KO SA MGA SINASABI NG BOSS KO?!

“Pero ikaw, Victor. 18 ka lang. Baka pwedeng pakita mo sa kanya kung gaano kasaya maging 18….”

“Uhm, boring po ako Maam. School, dorm lang po ako palagi sa UP”

“I see. Pero taon taon, may nagiging favorite si Jayden sa mga trainees. Alam ko ’yun, mag nagrereport sa’kin pero this time mukhang ikaw favorite niya” sabi niya pa.

Hindi ko alam kung saan papunta ’yung usapan namin.

“Bantayan mo lang siya. O kung may party kayo na pupuntahan, sabihan mo ko. Mukhang ikaw ’yung tipo na ‘on track’, may path na sinusundan. Sana mahawaan mo si Jayden. Pakita mo sa kanya na kailangan na niya mag move forward.”

This time, tumigil ako sa ginagawa ko.

“Please? Victor. Samahan mo siya palagi kung saan niya gusto.”

ANG WEIRD NG OJT KO.

Magtrabaho para sa boss pati sa anak niya.

Pero wala naman masama kung gagawin ko.

“Sige po” ayun lang nasagot ko.

Tapos ngumiti siya.

Siguro kaya hindi ko siya matanggihan kasi Nanay siya at wala akong nanay na humingi ng favor sa’kin.

Simula nang malaman ko rin na hindi ko tunay na tatay ’yung alam kong tatay, sinubukan kong maghanap ng info about sakanya pero wala ako.

Siguro gagawin ko ’to kapalit ng info about sa tunay kong tatay.

Pero ayokong ipaalam kay Papa kasi baka magalit siya or magtampo. Gusto ko lang talaga makilala tunay kong magulang.

Siguro kaya niyang gawin ’yun! May pera siya eh.

Pero hindi ko muna ioopen ngayon.

Baka isipin niya na kaya ko gagawin ’to kasi may kailangan ko. Which is totoo naman.

Hinayaan na niya akong tapusin ’yung pinapagawa niya sa’kin.

After ng shift ko, umuwi kaagad ako ng condo.

Everytime dumadaan ako sa kabilang kwarto, nag sisign of the cross ako baka sakaling tigilan na ako ng babaeng multo.

Pagpasok ko, wala pa rin si Tom. Baka OT na naman. Si Leo lang tao doon.

“Victor, I ordered pizza awhile ago. Hope you’re gutom!” Sabi niya.

“Nice. Hindi pa ako kumakain” sagot ko.

Humiga agad ako sa sofa habang nanunuod ng TV.

“Uy!” Sabi ni Leo sa phone ko.

“Bakit?”

“Well, this is a limited Lady Gaga keychain ah? Wow. Gusto ko rin neto!” Sabi niya.

“Paano mo nalaman??”

“Oh, I saw this one kasi kay Sir Jayden last time. Ganitong ganito actually. He told me na he’ll give it to his girlfriend.”

“Ganyang ganyan??”

“Yes.”

Alam ko walang girlfriend si Sir Jayden.

So para sa’kin talaga?

Ganon tingin sa’kin ni Sir Jayden?

O assuming lang ako?

Hindi ko na lang sinabi kay Leo na galing kay Sir Jayden ’to at hinayaan ko na lang.


VOTE AND COMMENTS!!!!!!!!!

:))))))))))

Part 5

Nagluto na ako ng dinner para kay Tom.

9 na siya nakauwi kakahintay ko sa kanya.

“Saan ka ba galing? Bakit hindi ka nagtext? Kanina pa ako text nang text ah?” Sabi ko pagkauwi ni Tom.

Hindi niya alam bakit ako nagkakaganito kaya kalokohan na naman sagot niya.

“Sorry na honey, late nakauwi asawa mo ah? Marami kaming ginawa ng girlfriend ko eh!”

“Leche gutom na kasi ako!”

“Eh bakit hindi ka na nauna? Daig mo pa girlfriend ko ah!”

“Hehe sorry. Gutom lang ako at saka may kwento!” Sabi ko.

Nasa kwarto na silang lahat at kami na lang ni Tom nasa kusina.

“So???? Bakit parang kating kati ka na makauwi ako?” Tanong niya habang kumakain nang niluto kong adobong kangkong.

“Si Sir Jayden”

“Oh? Ano? Gusto mo? Inlove ka? Hindi na ako nagulat”

“Ha?! Hindi!”

“Si kambal gusto mo?? Si… Jordan? Tama ba?”

“Hindi rin!” Okay, medyo nakaka offend na ganyan tingin sa’kin ni Tom ah.

“Okay??? So si Leo gusto mo?”

“Ano?! Anong klase ’yan! Bakit ganyan pinagsasasabi mo?”

“Pustahan, lalaki ’yang kekwento mo. Pupusta ako. ’Yung sahod this week, lalaki ’yan!”

“Ayoko ng pustahan!” Sagot ko.

“So lalaki nga?”

Medyo nakakainis na kilalang kilala na ako ni Tom.

“Oo.” Sagot ko.

“Go. Kwento” kain pa rin siya nang kain.

“So, nanggaling kami sa grocery tapos binigyan ako ni Sir Jayden neto!” Pinakita ko ’yung key chain ni Lady Gaga.

Tumingin lang siya.

“So… fan din siya ni Lady Gaga?” Tanong ko.

“Hindi!! Siguro… teka! Ikaw may kasalanan neto! Sabi niya ikaw nagpakita ng playlist ko sa phone ko!”

“Okay, una, tatlo lang kanta sa cellphone mo kasi wala kang memory card. Bad Romance, Alejandro at Love Game. Paulit ulit mong pinapatugtog. Okay? Pangalawa, hindi ko pinakita. Sinabi ko lang. Magkaiba ’yun”

“Uhm….”

“At isa pa, bumili ka na ng memory card! Para malagay mo na ’yung Just Dance at Paparazzi!”

“Teka!! Nilalayo mo kwento ko eh!”

“Haha okaay… kwento… go!”

“So ayun binigyan niya ako. Limited edition ever ’to!”

Mukhang nakukuha niya ’yung point ko kasi hindi siya sumagot.

“Sinabi ni Sir Jayden kay Leo na ibibigay daw niya sa girlfriend niya ’to. Gets??? Eh alam ko walang girlfriend si Sir Jayden!”

Bahagya siyang nag isip.

Saka siya nagsalita.

“Una, paano mo nasabing limited edition ’yan? Baka may makita tayong ganyan sa divisoria! Pangalawa, paano mo nalaman na walang girlfriend si Sir Jayden? Stalker ka ba? Pangatlo, baka dalawa ’yan! At may isa pa siyang reserba para sa girlfriend niya”

May point naman siya. Pero hindi pa siya tapos magsalita.

“Naiintindihan ko bakit ka ganyan. Gusto mong lumandi. Gusto mo na uli ng lalaki sa buhay mo….”

“Hoy!…”

“Teka, patapusin mo muna kasi….”

Tinapos niya muna nguyain ’yung kinakain niya saka siya nagsalita uli.

“Namimiss mo na si Hector. Alam ko kahit hindi mo sabihin. Pero, huwag ka masyadong maexcite. Kasi ang hirap sa’yo, kapag maexcite ka, parang feeling mo lahat ng lalaki may gusto sa’yo”

“Hoy Tom….”

“Okay okay, gustuhin ka naman talaga Victoriano kahit kupal ka minsan. Gustuhin ka. Ang sinasabi ko lang, huwag kang maglagay ng label sa mga pinapakita sa’yo ng ibang tao. Kung binigyan ka ng keychain ni Lady Gaga, edi magpasalamat ka. Huwag mong lagyan ng malisya. Kasi kapag nilagyan mo ng malisya, mag iisip ka. Kapag mag iisip ka, aasa ka. Kapag aasa ka tapos hindi nangyari iniisip mo, madidisappoint ka. Kapag na disappoint ka malulungkot ka. Kapag nalungkot ka, ako pa poproblemahin mo. Kaya kalma ka lang okay?”

Alam ko pinapatawa niya ko sa last pero may point talaga sinabi niya.

Binigyan niya lang ako ng key chain at ang alam ko lang wala siyang girlfriend. Pero hindi pa entirely sure ’yun.

“Okay na? Gusto mo naman marinig kwento ko?” Tanong niya.

“Sure.”

“Napagbigyan na ako uli ni Paula!”

“Oh Gosh. Huwag ’yan! Hindi ako interesado sa sex life mo!”

“Haha biro lang no! Pero hindi biro talaga haha. Ang point ko, si Jason.”

“Uhm.. anong meron kay Jason?”

“Balita ko may bago siyang boyfriend at naka move on na raw siya totally kay Hector”

“Ahh… mabuti…”

“Mabuti talaga! At ikaw? Ikaw maghuhugas! At matutulog na ako. Bye. Goodnight!”

Nilinis ko na lang pinagkainan namin. At pumasok na uli ako sa kwarto.


“Huwag mo siyang palalabasin!”

“Huwag mo siyang palalabasin!”

Punyemas na panaginip ’to!

Naririnig ko na naman ’yung sinabi nung babae.

Okay na ’to kasi panaginip lang naman pero nakakakilabot pa rin!

Asusual, late na naman ako nagising. Sabi ni Angelo nasa gym daw si Leo at Tom.

Nag asikaso na ako para sa pagpasok.

Pagkatapos ko maligo, nakita ko si Tom at Leo na pawis na pawis at mukhang maliligo na.

Nauna si Leo.

“Bakit hindi ka na lang naligo sa gym?!” Tanong ko.

“Nothing against gays ha? Alam mo ’yan, love kita pero nakakainis mga bakla sa gym. Nung nakaraan may nanghipo sa’kin!”

Natawa ako.

“Oh bakit ka tumatawa?! Totoo nga!”

“Ohh… alam kong totoo eh bakit nag gygym ka pa doon?”

“Eh bakit? Gusto ko eh!”

“Pa fall ka rin kasi!”

“Haha kasalanan pa nang kagwapuhan ko?! Kaya nga ko nagpasama kay Leo para atleast matakot sila”

“Oh baka isipin nila na jowa mo siya?”

“Fuck! Kaya siguro pinagtitinginan kami kanina!”

Hindi ko na lang pinansin rants niya.

“May nakwento pala si Leo sa’kin about sa experience niyo sa grocery” sabi niya

“Ha??”

“Dalawang lalaking sumusunod?”

“Fuck”

“Buti na lang hindi mo kinwento sa’kin! Baka nasapak kita sa takot!”

“Kaya hindi ko rin kinwento sa’yo kasi matatakutin ka eh!”

“Pero alam mo nakakatakot nga. Sana wala lang ’yun no?”

“Sana nga”

Sana nga talaga wala lang ’yun.

Pero nagbago lahat nang papasok na kami.

Sabay kami ni Tom.

Nakita ko si Kuyang Guard na naka kwentuhan ko about sa nagpakamatay sa kabilang kwarto.

Binati ko siya ng goodmorning.

Ever since kasi na magkwentuhan kami tapos magkikita kami, palagi kaming may konting chismisan.

Katulad na lang nung isang araw, may nakita raw siya na nagbreak sa tapat ng building namin.

Tapos may nag order ng pizza. Ang sabi raw nung tao sa 7th floor eh harangin ’yung pizza delivery para daw ma late at malibre na ’yung pizza nila.

Hampaslupa daw nila.

Pero ngayon, seryoso at kwento ni Kuya Guard.

“May nahuli kaming dalawang lalaki na nagtangkang magnakaw sa 15th floor.” Sabi niya.

“Talaga????”

“Oo! Hindi namin alam kung paano nakapasok ’yung mga lalaking ’yun. Pero simula ngayon, mas mahigpit na security namin”

Hindi nakikinig si Tom kasi lumabas na siya. Hinihintay niya lang matapos kwentuhan namin ni Kuyang Guard.

“Pero, palagi naman naka lock pinto niyo di’ba?” Tanong niya.

“Opo opo”

“Good. Mabuti nang maingat”

Ngumiti siya lang siya tapos nginitian ko rin saka ko umalis.

So far, parang ang creepy nang nangyayari sa buhay ko.

Pagkarating sa office, nandoon si Maam Cherry at Sir Jordan na mukhang may pinag uusapan.

Binati ko lang sila ng Good Morning. Ngiti lang sagot nila.

Umupo na ako sa may pwesto ko at nagpanggap na may ginagawa sa computer.

Bigla namang may nag pop up na message.

“Hello” sabi sa message.

Parang chat box. Yahoo messenger. Pero parang pang office.

“Hi?” Reply ko.

“Tingin ka sa kanan” sabi niya.

Tumingin ako sa kanan kung saan nandoon ’yung conference table (isang malaking room kasi ’to pero kung may kwarto lang ’yung part na ’yun, conference room ’yun)

Nakita ko si Sir Jayden na kumakaway sa’kin.

Ang laki laki ng ngiti. Parang ang tagal namin hindi nagkita.

Hindi ako nagreply.

“Suplado mo naman :(” chat niya pa.

“Anong kailangan mo Sir?”

“Wala. Bored lang ako dito.”

“Edi umuwi ka”

“Mas boring!”

“Okay.”

“Kain tayo sa pantry. Tara!”

Nakita ko siyang tumayo pero hindi ako tumayo. Tapos umupo uli siya

“Bakit ayaw mo?” Tanong niya.

“Ayaw ko”

“Ayaw mo ba sa’kin?”

Tinitigan kong mabuti ’yung chat niya!

Ayan talaga sinabi niya.

Ayaw mo ba sa’kin.

“Ha????” Reply ko.

“Ayaw mo ba akong kasama?”

“Ah kumain na ako Sir”

“Haha okay. Ayaw mo lang ako kasama eh :(”

Ano bang ginagawa neto?

Pero nang tignan ko siya sa pwesto niya, nakatitig siya sa’kin.

Titig na pa fall.

’Yung nakatitig talaga. Sinasadya niyang tumingin.

“Unbutton mo ’yung dalawa mong butones” sabi niya pa.

Naka suot ako ng blue long sleeves at walang tie.

“Ayoko nga!” Reply ko.

“Tignan mo ko” sabi niya

Nakasuot din kasi siya ng long sleeves pero green.

Nakita kong tinatanggal niya butones. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na butones. Tapos binuka niya ng slight.

Siguro ang pagitan namin mga 5 meters.

(Promise, hindi ko siya napansin pagpasok ng office kanina)

Tapos parang nang aakit siya.

Wala siyang suot sa loob.

Okay, sinong matino ang walang suot na kahit man lang sando sa loob ng longsleeves?!

Umiwas ako ng tingin pero hindi ko mapigilan.

This time, binabalik na niya pagka butones tapos nagchachat uli siya.

“Dali na, patingin!” Sabi niya.

“Naka Tshirt po ako!”

“Take it off then! Mainit”

“Malamig sa office”

“Oh, gusto mo bang painitin natin?”

Bigla siyang tumayo tapos nakita kong pinapatay niya ’yung aircon.

Nakita siya ni Sir Jordan.

“Anong ginagawa mo Jayden?” Tanong niya.

“Nagmessage si Victor, nilalamig daw siya eh”

Tumingin din si Maam Cherry sa’kin.

Fuck! Ano bang ginagawa ni Sir Jayden?

“Ahh hindi po…” sabi ko.

Ang awkward. Buti na lang hindi na sila nakatingin.

Nagchachat uli si Sir Jayden.

“Kung pumunta ka lang sana sa party edi sana hindi kita kinukulit ng ganito” sabi niya pa.

Minabuti ko na lang talaga na huwag na magreply.

Pero chat pa rin nang chat.

“Victor.”

“Pogi”

“Victor.”

“Junior. Oy.”

“Pansinin mo ko”

“Sige ka sasabihin ko bored na bored ka na at wala kang ginagawa!”

Nakuha niya ako doon.

“Ano bang gusto mo Sir Jayden?!”

“Ikaw ;))))”

Punyemas.

Okay, huwag ma excite.

“JOKE LANG haha! Nagugutom lang ako! Samahan mo na ako!” Chat niya.

“Osige na!!!” Reply ko.

Tumayo ako. At tumayo na rin siya.

“Uhm, Victor??” Tawag ni Maam Cherry.

“Yes po?”

“Papirmahan mo nga ’tong mga ’to? Kailangan ko before 10 ah?” Sabi niya.

Nagbigay siya ng papel na may maraming pangalan.

Nakalagay din kung anong department at floor nila kaya alam kong matatagalan ako.

Save by the bell ako sa utos ni Maam Cherry.

Hindi na ako nagpaalam kay Sir Jayden kasi narinig naman niya utos ni Maam sa’kin.

Pagsakay ko ng elevator, nakahinga ako ng maluwag.

Sige nga Tom, anong iisipin ko sa ginawang ’yun ni Sir Jayden?!!


VOTE AND COMMENTS!!!!! :)))))

Part 6

Sa totoo lang gusto ko ng sex.

Grabe kasi ’yung experience kay Hector. Nakaka adik. Pero siguro gusto ko lang ka sex si Hector at wala ng iba.

So far, nakakatamad ’yung summer ko. Walang ganap. Gigising sa umaga para pumasok, minsan wala pang ginagawa sa office tapos uuwi at matutulog.

Paulit ulit.

Umasa ako sa maraming activity pero wala. Ganito pala maging empleyado?

Mas masarap pa rin pala talaga maging estudyante.

Sa school okay lang ma late, pero dito kapag late ka bawas agad sa sweldo.

Sa school maiinis ka sa mahabang break time pero dito, may oras ang break time.

2 weeks pa lang pero tamad na tamad ako. Mabuti na lang talaga mga baliw kasama ko sa condo.

Si Tom pasimuno, kahit na minsan paepal siya at parang mas excited siya na magka jowa ako uli, hindi ko kaya na wala siya.

Si Leo naman, matatawa ka na kaagad kapag nagsalita siya eh. Inaasar na nga namin siya eh. Nung una natatakot pa kami pero ngayon, nakikitawa na lang siya.

Si Justin naman okay din, kaso bihira lang siya makipaghalubilo kasi may lovelife, at sa sis kong si Kit.

Si Angelo naman natututo nang makipagkwentuhan sa’min. At nag sheshare pa ng maraming nakakatakot na story.

Pero this week, naisipan ko munang umuwi sa bahay dahil Birthday ng pamangkin ko.

Lahat sila nasa bahay pag uwi ko ng gabi after shift ko.

Nagmano ako kay Papa. Tapos dinumog ako ng mga kapatid ko.

Last kita pa kasi namin last Christmas.

“Bakit wala kang dalang lalaki?” Sabi ni Kuya Von.

“Oo nga. Nasaan na ’yung Basketball player?!” Tanong ni Kuya Vlad.

“Wala na sila nung Basketball Player, di’ba nga iniwan niya para doon sa lalaking nahuli ni Papa noon?” Singit ni Kuya Vince.

“Ahhh ’yung Hector. ’Yung gwapings din?” Sabi ni Kuya Vlad.

“Wala ka bang bago? Ang tagal na non ah!”

“Oo nga Tutoy. Wala pa kaming nakikilala na boyfriend mo ah!”

“KUNG ALAM KO LANG NA GANYAN KAYO. Hindi na ako umuwi!” Singit ko.

Then niyakap nila ako uli.

Sa totoo lang nakakahiya na ganyan sila sa’kin pero at the same time natutuwa kasi tanggap na nila ako.

Alam ko kasi marami pa ring mag sstruggle sa pag out pero ako, hinahanapan nila ako ng boyfriend.

“Wala ka pang na kekwento sa’kin ah?” Sabi ni Kuya Vince pag punta ko ng kusina.

“Wala namang bago Kuya” sagot ko.

“We? Bakit sabi ni Tom may gusto ka raw sa boss mo?”

“Ha?!”

“Jayden daw pangalan? Mas matanda pa sa’kin ’yun ah! Para kang nakikipag sex sa Kuya mo!”

“Kuya!!! Hindi. Huwag ka maniwala kay Tom. Walang sinasabing matino ’yun!”

“Haha alam ko naman! Namiss ka lang namin.”

“Halata ko nga!”

“Kumusta ka na?”

“Okay lang ako Kuya…”

“I mean, kumusta ka na? Hector pa rin?”

Natawa lang ako at hindi sumagot.

Ofcourse, deep inside si Hector pa rin gusto ko.

Hindi ko naman siya makakalimutan.

“Hinahanap mo pa rin ba si Mama?” Tanong niya.

“Hindi…” sa totoo hindi ko PA naman hinahanap. Balak ko pa lang hanapin.

Bago pa makasagot si Kuya, lumapit si Papa sa’min.

“Kumusta OJT nak?” Tanong niya

“Okay naman Pa” umalis na si Kuya Vince at naiwan na lang kaming dalawa.

“Narinig kong pinag uusapan niyo ng Kuya niyo ’yung Mama mo….”

“Pa…”

“Okay lang Tutoy. Pero wala talaga akong alam kung nasaan na sila ngayon.”

“Pa, hindi ko naman hinahanap…”

“Alam ko. Pero kung hahanapin mo at mahanap mo, sana sabihin mo sa’kin”

“Hindi mo ba sila gustong makita?”

“Anak. Nagsama ’yung bestfriend ko at mahal ko. Sa tingin mo gusto ko pa sila makita???”

Malalim hugot ni Papa doon kaya hindi na ako sumagot.

Ang bilis lang ng pep talk namin. Kumain na lang ako ng handa ng pamangkin ko.

Kinukulit pa ako nila Kuya. Sabi pa nila may kilala daw sila na irereto sa’kin pero sabi ko ayaw ko.

Masarap pa rin talaga umuwi sa tunay mong bahay. Kahit gaano kasaya ’yung bonding mo sa mga kaibigan mo, iba ’yung pakiramdam kapag sa tunay mong bahay ka natutulog.

Pinainom ako nila Kuya ng alak at dahil sa pagod, medyo nahilo agad ako kaya nagpaalam ako na aakyat na at matutulog.

Naka ayos ’yung higaan ko at nahiga kaagad. Ibang iba talaga pakiramdam kapag sarili mong kama!

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako kaagad.

Nagising lang ako bigla dahil naiihi ako at napanaginipan ko na naman ’yung pesteng babae sa kabilang unit.

Hindi na ako natatakot eh, parang nasanay na rin ako kaya mas nagising ako sa ihi.

Pagka ihi ko naman, nakita ko ’yung iba kong pinsan na lasing at natutulog sa sala. Uminom muna ako ng gatas saka ako umakyat.

Pero bago ako makapasok sa kwarto ko, may narinig ako sa loob.

Punyemas, ganitong ganito rin ’yung nangyari noon.

Nakainom ako ng alak tapos uminom ako ng gatas saka ko nakita ’yung babaeng nakakatakot.

HANGGANG DITO BA?

Alak at gatas ba ang solusyon para makakita ng multo?!

Alam ko rin sinara ko ’yung pinto pero may awang na siya ngayon.

Fuck.

Kwento sa’kin ni Angelo na kapag may sumusunod daw sa’yong multo eh huwag na huwag kang lilingon dahil kapag tumingin ka uli sa harap, makikita mo siya.

So, hindi ako lumingon.

Binuksan ko nang dahan dahan ’yung kwarto ko.

At may nakita akong nakatayo sa may bintana.

PUCHA.

Kinapa ko ’yung switch ng ilaw para buksan.

“Patayin mo ’yan!!” Sabi ng lalaki.

Pagkatingin ko…

“Tom?!!!” Halos mapasigaw ako.

“Ako nga. Bakit gulat na gulat ka?!”

“Punyemas akala ko sinundan ako ng multo sa kabilang unit natin!!”

“Gago ka talaga pinaalala mo pa!!”

“Eh bakit ka kasi biglang sumusulpot?!”

“Anong biglang sumusulpot?! Kanina pa ko rito. Nakipag inuman ako sa mga Kuya mo no tapos sabi nila tulog ka na. Dito na rin daw ako matulog!”

Nakahinga ako atleast hindi ako sinundan ng multo.

“Bakit ka pala nandito?” Tanong ko.

“Ehh kasi si Kuya Vince lasing. Kasama ni Ate Cristine baby nila, kaya nagpahatid lang sila”

“Eh bakit bumalik ka pa?”

“Duh? Alam mo naman ayaw ko sa bahay namin!”

“Eh bakit hindi ka bumalik sa condo?”

“Tinatamad ako magluto eh. Atleast dito may pagkain!”

“Sus, hindi mo lang kaya na hindi mo ko kasama eh!”

Hindi siya sumagot.

May problema si Tom!

Hindi naman ganito ’to eh.

“Okay ka lang?” Tanong ko.

“Break na kami ni Paula” sabi niya.

“Oh?? Ang bilis naman. Parang okay lang kayo nung nakaraan ah?”

“Hindi.. hindi na kami okay non. Parang nagkita lang kami para icheck kung may feelings pa kami sa isa’t isa”

“So wala na??”

“Siguro.”

Kilala ko si Paula sa buhay ni Tom. Kumabaga sa’kin, siya ang Hector niya.

Mahal na Mahal niya si Paula pero sa huli naghiwalay sila.

First love niya si Paula kaya alam kong nasasaktan talaga siya.

Naisip ko rin na baka ganito rin mangyari sa’min ni Hector.

“Hey….” hinawakan ko siya sa balikat tapos niyakap niya ako at nagsimula na siyang umiyak.

Bihira ko lang talaga makitang umiyak si Tom kaya hinayaan ko na lang muna.

Hindi ako nagsalita. Pinayak ko lang siya nang pinaiyak.

Pahigpit din nang pahigpit yakap niya at hindi niya pinipigilan pag iyak niya.

Ewan ko kung naririnig na kami sa labas, hinayaan ko lang siya.

Tapos parang napagod na siya at kumawala.

“Salamat” sabi niya.

“Saan?”

“Sa hindi pagsalita.” Sabi niya.

Kilala ko na siya. Ayun din maganda kapag bestfriend mo isang tao, alam mo kung paano mo siya icocomfort.

“Walang anuman” sabi ko.

“Pangit ka kasi mag advice eh!” Sabi niya sabay ngiti at punas ng luha niya.

Tumawa na lang din ako kasi totoo naman sinabi niya.

“Alam mo kupal, may naisip ako” bigla niyang sabi.

“Ano???”

“Single ka. Single ako…”

“Hindi kita type!”

“Pucha ayoko rin ng etits no!! Huwag kang epal, hindi mo pa kasi pinapatapos sinasabi ko eh!”

“Haha osige, ano ba ’yun?”

“Single tayo pareho. At so far ang shitty ng summer natin. Alam ko kasi paulit ulit routine natin!”

“Okaaaay?????”

“So!!! Dapat pasayahin natin. Kailangan nating gawin na best summer ’to. Sabi sa’min, nagpapaparty daw si Maam Cherry tuwing Anniv ng company niya”

“Tapos????”

“Kailangan natin magpakasaya. Kailangan natin lumandi. Kailangan natin mag walwal. Kailangan natin may maka sex! Kailangan natin! Magpapakasaya tayo ngayong summer tapos hindi natin lalagyan ng label!”

Alam kong dala lang ng alak at emosyon ’tong si Tom.

“Promise mo sa’kin, Victoriano!! Hindi matatapos ’tong training natin na wala tayong nakikilalang iba. Na, wala tayong makaka sex na iba. Na, wala tayong makakasama bilang summer fling!!”

Natatawa ako kasi seryoso si Tom.

Parang hindi siya titigil hangga’t hindi ako papayag.

“May rules tayo! Kailangan before matapos ang training magawa natin ’to!!” Sabi niya pa.

“Haha lasing ka lang Thomas!”

“Hindi ako lasing! Medyo lang! Promise ’to ah?!”

“Promise!”

Naglabas siya ng alak sa tabi niya.

Pucha, nag iinom pala siya mag isa dito. Kanina pa ba siya? Hindi ko talaga siya namalayan pag bangon ko.

“Here’s to our favorite and wild summer so far!” Sabi niya.

Kinuha ko ’yung baso ng alak at nakipag toast sa kanya.

Ikeclaim ko na eto ang magiging best summer ko!

Claiming it!!


VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!!!

:)))))

Part 7

Hello guys!! Hope okay kayong lahat at tuyo!! Keep safe. Lakas ng bagyo!!!


Nagluluto si Tom sa condo ngayon ng lunch namin.

Napagpasyahan kasi naming umuwi ngayong Sunday para hindi kami bumyahe pag pasok.

Nasa condo din mga kasama namin, nakatambay sa may labas para magpahangin.

Ako naman, sa kwarto nakatambay kasama si Justin.

Gamit ko laptop habang naglalaro ng farmville. Nagpapa harvest din kasi si Tom.

Naisipan ko naman iview account ni Hector pero instead, viniew ko ’yung farm niya sa Farmville.

Mukhang updated kasi may mga bagong tanim.

Hindi kami friend ni Hector. Pero friend sila ni Tom. Hindi ko na rin siya sinubukang iadd uli.

“Tapos ka na?” Tanong ni Justin sa’kin.

“Oo. Gagamit ka?”

“Hindi, may tatanong lang ako about kay Kit” sabi niya.

“Oh… ano ’yun?”

“Well…. ano bang mga gusto niya?” Tanong niya sabay tabi sa kama ko.

“Hindi ko pa nga alam status niyo eh!”

“Haha naglalandian lang pero hindi pa kami”

“Bakit ayaw niyo gawing official?”

“Hindi daw siya naniniwala don eh”

Ofcourse. Kilala ko si Kit nung high school. Sinasabi niya sa’kin na wala namang tumatagal sa same sex relationship kaya sex lang habol niya.

Isa pa, hindi siya gustuhin nung high school kaya siguro nadala niya hanggang ngayon ’yung ganong mind set.

“Gusto niya ng pipino” biro ko. Hinding hindi ko malilimutan kung paano niya ako tinuruan kung paano ang tamang BJ gamit ang pipino.

“Pipino????”

“Joke lang… uhm.. ang alam ko gusto niya lang ng atensyon. Try mo bigyan ng flowers, magugustuhan niya ’yun. Feeling niya babae siya”

“Talaga? Eh kung bibigyan ka ng flowers matutuwa ka ba?”

“Ako? Siguro” sagot ko.

Fuck. Naalala ko na naman ’yung binigay na isang rose sa’kin ni Hector noon!

“I see…” tapos bumalik na siya sa pakikipagtext.

Akala ko tapos na usapan namin pero nagsalita siya.

“Magkausap kami ni Hector nung isang araw” sabi niya.

Hindi naman ako tumingin. Hindi rin ako nagpahalata na gusto kong malaman kung ano ’yung pinag usapan nila.

“Hinahanap ka niya actually” sabi niya.

Doon na ako tumingin.

“Talaga?” Sabi ko.

“Yeap. Pero sabi niya huwag ko raw sabihin sa’yo na kinukumusta ka niya”

Napangiti ako kahit papano.

“Bakit ba kayo naghiwalay? Hindi mo ata nakwento ’yun?” Tanong niya.

“Siya na lang tanungin mo”

“Showbiz ng sagot ahh hehe. Pero sabi ko okay ka lang, sinabi ko rin na single ka pa rin hanggang ngayon”

“Sinabi mo ’yun?!”

Sana sinabi niya na may nilalandi ako para naman malaman ko kung meron din siyang nilalandi doon.

Baka isipin niya na hinihintay ko pa rin siya (which is totoo naman).

Baka isipin niya na mahal na mahal ko pa rin siya (which is totoo again)

“Hey, kalma… natuwa nga siya nung malaman niya na single ka eh” sabi niya pa.

Nawala tuloy inis ko.

“Talaga?” Sagot ko.

“Oo. Ewan ko sa inyong dalawa! Komplikado na nga ng lovelife ko, dinadamay niyo pa ako!” Sabi niya.

For now, atleast alam ko na natutuwa si Hector na single ako.

Pero single ba siya?!

Natutuwa siya na single ako kasi alam niyang may babalikan siya pag uwi habang may kalandian siya doon.

Ganon ba ’yun?!

Ang hirap namang umasa.

Maya maya, bumukas ’yung pinto ng kwarto at tinawag ako ni Tom.

“Kupal, may magandang babae na naghahanap sa’yo sa labas!” Sabi niya.

“Babae??”

“Oo! Bilisan mo!!”

Nakita kong naghubad ng damit si Tom tapos nagsuot ng apron.

“Anong ginagawa mo?!” Tanong ko sa kanya.

“Aakitin ko ’yung babae!”

“Sa tingin mo maaakit siya sa suot mong ’yan?!”

“Justin, di’ba ang gwapo ko?” Tanong ni Tom kay Justin.

“Oo! Maaakit mo siya diyan!” Sagot ni Justin.

“Teka, sino ba ’yun?” Tanong ko.

“Lumabas ka kasi nang malaman mo!”

Tumayo ako at sumunod si Tom.

Pagkabukas ko ng pinto, may babae sa labas.

Familiar siya kasi alam kong ka schoolmate namin siya.

“Hi Victor!” Bati niya.

“Hello, pasok ka” yaya ko.

“No, okay lang ako dito”

Nakita ko si Tom na lumabas tapos tumayo sa gilid ng labas ng unit namin.

Obvious masyado na nagpapacute siya.

“Uhmm anyways….”

“Jenica. Alam kong hindi pa tayo nagmemeet formally” sabi niya.

“Hi, Jenica… bakit mo ko hinahanap?” Tanong ko.

Nagpapansin uli si Tom.

“I’m Thomas Sigfreid pala. You can call me Tom or you can call me later” abot niya ng kamay niya.

Tumingin lang si Jenica.

Okay. First time ’to na may babae na hindi attracted kay Tom.

I mean, labas muscles ni Tom kasi shirtless siya tapos naka suot ng apron, ang hot kaya ng ganon.

“Jenica” pakilala lang niya tapos tumingin uli si Jenica sa’kin.

Natawa lang ako sa gilid tapos pumasok na si Tom sa loob.

“Pasensiya na sa bestfriend ko..” sabi ko.

“Okay lang. I know him, ang famous kaya niya sa school”

“Hehe… hindi lang siya sanay sa rejection”

“Oh?? I see. By the way he’s cute. Crush ko nga siya pero hindi ko lang papahalata!” Sabi niya sabay tawa.

“Nice”

“Anways again, nandito ako kasi kailangan ni Dean ng update. Hindi daw kayo nagpasa ng daily activities niyo sa kanya”

“Ay shit! Oo nga!”

“Yeah. Ako pa inemail niya kahapon para puntahan kayo”

“Sorry. Sorryy”

“Huy, ayus lang. Ang funny lang na lahat tayo tiga UP Baguio pero hindi tayo naghahang out!”

“Kaya nga eh…”

“We should hang out nextime!”

“Yes please! Ayun lang ba pinunta mo rito?” Tanong ko.

“Sa totoo lang, oo. Kung may number mo lang ako, tinext na lang kita!”

“Haha tara, pasok ka muna sa loob. Nagluluto si Tom ng spaghetti”

“Wow. Sino may Birthday?”

“Wala. Mahilig lang mag show off ’yun hehe. Promise, the best chef ’yun si Tom. Halika na” yaya ko.

Tapos pumasok na siya sa loob.

Nagtinginan silang lahat kay Jenica.

Alam kong kilala nila si Jenica kasi inorient kami before kami pumunta dito eh.

Si Tom kasi, sumingit lang talaga sa OJT na ’to kaya hindi niya nakilala si Jenica.

“Nagbago na ihip ng hangin ah!” Sabi ni Justin.

“Hi Jenica!” Bati ni Leo at Angelo.

Iniwan ko na muna sila sa sala para puntahan si Tom sa kusina.

“Tapos na ba?” Tanong ko.

“Malapit na….” bigla siyang nagpanic kasi nakapa niyang nawawala ’yung hikaw niya.

“Shit shit shit. Nasaan na ’yun!” Sabi niya.

Tinulungan ko siya maghanap sa sahig.

“Baka nahulog ko sa labas!” Sabi niya.

“Sige ako na titingin!”

Lumabas ako para tignan sa sahig kung may hikaw at nakita ko nga ’yung hikaw niya.

Fave niya ’to kasi totoong gold ’to.

Pagkapulot ko ng hikaw, bumukas ’yung pinto sa kabilang unit.

Hindi ’yung pinto nang may namatay.

’Yung katabi naming isa.

May babaeng lumabas, naka dress na black tumatawa.

Tapos may lalaking nakasunod. Nakahubad. Naka boxer shorts lang.

Ang hot fucking shit!

Parang inukit ng diyos katawan niya. ’Yung may abs tapos may V. Ang laki din ng braso niya.

Gulo gulo ’yung buhok, mukhang kakabangon lang o kakatapos lang makipag….

“Don’t go please….” sabi niya sa babae.

“I have to… alam mo naman”

“Kailan ka babalik?”

“Bukas. I promise” then naghalikan sila sa labas.

Ang awkward. Papasok na sana ako kaso nabitawan ko ’yung hikaw kaya pinulot ko uli.

Then pagtingin ko, naglalakad na ’yung babae papuntang elevator tapos nasa labas pa rin ’yung lalaki.

Nagkatinginan kami ng mga 2 seconds.

Grabe naman ang gwapo!

Ang laki pa!

Malaki talaga!

Siguro may lahi siya kasi sa itsura niya, at sure na may lahi siya kasi ang laki talaga.

Ngumiti lang siya tapos pumasok na uli siya sa condo niya.

Fuck! Bakit hindi ko siya nakita before?!

Pagpasok ko sa loob, inabot ko ’yung hikaw kay Tom.

Iniisip ko pa rin ’yung lalaki. Bakit ang gwapo!

Tapos ang ganda pa ng katawan. Ang tambok pa ng pwet. Mabuhok pa siya.

Ugh.

“Hoy, nakakita ka ba ng gwapong lalaki sa labas?! Bakit ganyan itsura mo?” Tanong ni Tom sa’kin.

Tumingin ako sa kanya.

Bakit alam na alam niya?!

“Wait. Seryoso? Meron?!” Tanong niya.

“Oo. Sa kabilang unit.”

“Sa nakakatakot?!!!”

“Loko hindi. Sa katabi nating isa”

“Akala ko walang tao doon?”

“Ewan ko. Baka bagong lipat!”

“Nice. Landiin mo!”

“Gago straight. May lumabas na babae tapos naghalikan sa labas!”

“Maganda ’yung babae?”

“Ayun talaga tanong mo?”

“Wait wait… bigyan mo ng spaghetti. Sabihin mo birthday mo tapos hingi ka birthday sex!”

“Gago! Ano ba ’yang sinasabi mo!!”

Natatawa ako sa pinaguusapan namin ni Tom.

Pero nakita kong naglalagay siya ng spaghetti sa plato.

“Oh dali, bigay mo sa kanya. Baka hindi pa kumakain ’yun!” Sabi niya.

“Nakakahiya!”

“Anong pinag usapan natin nung isang gabi? Di’ba gagawin nating exciting ’yung summer natin? Bibigyan mo lang ng spaghetti! Bagong lipat! Welcome gift kumbaga!”

“Pero…”

“Bibigay mo lang tapos aalis ka na. Huwag mo muna kunin ’yung plato para siya magbalik dito tapos pag ibabalik niya na, yayayain natin siya mag inuman dito! Di’ba ang ganda ng plano ko?”

“Parang pinagplanuhan mo!” Sabi ko.

“Palagi kong iniisip ’yun kapag may babaeng kapitbahay. Bibigyan ko ng pagkain tapos hindi ko kukunin ’yung plato haha. Nagawa ko na ’yun one time, naghalikan nga lang kami….”

“Okay!!” Hindi ko na pinatuloy sinasabi niya. Kinuha ko ’yung pagkain at lumabas

Nakatapat ako sa pinto niya at huminga nang malalim.

Bibigyan mo lang siya ng spaghetti. Hindi kayo magsesex. Okay.

Kumatok ako.

Maya maya, bumukas ’yung pinto.

Nadisappoint ako kasi nakasuot na siya ng damit.

Gusto ko sana tumingin sa baba para makita pa ’yung bakat pero masyadong obvious.

“Uhm…. nagluto kasama ko hehe” sabi ko sabay abot ng Spaghetti.

“Oh nice! Magpapadeliver pa lang ako ng pagkain. Thanks! Sino may birthday?”

Ako, at gusto ko ng birthday sex.

“Wala. Nagluto lang ng marami. Hindi kasi namin alam na may nakatira pala dito”

“Ahh, nagbakasyon lang pero yes, dito ko nakatira”

Mapapamura ka sa gwapo eh!

“Sige po” sabi ko.

“Hey salamat uli! Anong pangalan mo?” Tanong niya

“Victor po!”

“Jared.” Pakilala niya.

Hindi ko kinuha ’yung plato para siya na magbalik at para mainvite namin siya sa loob.


VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

PASENSIYA NA. PINAGIISIPAN KO PANG MABUTI ’YUNG PLOT NG STORY EH HAHAHAH.

KAILANGAN MATAWID KO MGA TWISTS HAHA.

Part 8

Hinihintay ko pa ring ibalik ni Jared ’yung plato.

Nasa gym silang lahat maliban kay Justin na nakatambay sa kwarto.

Ako naman, nagpaiwan kasi nga umaasa akong ibabalik ’yung plato.

Nakapaghugas na ko’t lahat lahat pero wala pa ring kumakatok.

Naglinis na rin ako ng condo para may magawa.

Sumilip ako sa labas pero nakasara pa rin pinto niya.

Pagod na akong maghintay sa tamang pag ibig, pagod pa akong maghintay sa plato.

Napagpasyahan ko na lang tumambay sa terrace para magpahangin.

Bihira lang akong tumambay dito kasi nauna nang tumambay sila Leo at Angelo dito. Kumabaga, pwesto na nila ’to.

Ang ganda ganda talaga ng view dito, ang hangin. Ang sarap magpasampal sa hangin.

Huminga ako nang malalim. Gusto ko sanang sumigaw pero ano namang isisigaw ko?

Lord pengeng jowa?

Eh feel ko may karma pa rin ako sa nagawa ko noon kaya parang ang unfair humiling ng jowa kay Lord.

Lord pengeng pera?

Hindi naman ganon si Lord.

“Hi Victor!” Halos mapasigaw ako sa gulat.

Sa kabilang terrace, nandoon si Jared, nakaupo habang nakaharap sa laptop niya.

WALA BA SIYANG DAMIT? bakit shirtless siya.

Oh gosh. Ang hairy ng chest niya. Hindi naman super hairy na parang buhok na tao na siya, may buhok lang sa dibdib part tapos ang sexy tignan.

Napalunok ako.

Ang sarap.

“Hi..” nautal kong sabi.

Kalma Victor. Nasa kabilang side siya. Paano pa kapag magkaharap kayo. Kalma.

“Kanina ka pa nakatayo diyan ah? Nagmomoment?” Tanong niya.

Fuck. So kanina pa niya ako nakita?

Paano na lang kung dumukot ako sa pwet ko tapos inamoy ko (which hindi ko ginagawa promise) tapos nakita niya?!

“Hehe. Stress lang” sabi ko kahit stress reliever ’yung aura niya.

“Ako rin! Nagbakasyon lang ako pero tambak na ako ng trabaho ngayon!”

“Hehe ang sarap mo”

Ofcourse, hindi ko sinabi ’yun.

“Hehe, kailangan mag work eh.” Bakit ganito ako? Ang panget nang sinasabi ko.

“Tama. Kailangan talaga. Kailangan magpakain ng anak” sabi niya.

“Anak????”

“Yeap.”

“May anak ka na?”

By the way, everytime sasagot siya, tumitingin siya sa’kin tapos saka uli siya titingin sa laptop niya para mag type.

Talk about proper etiquette.

“Puppy. Not, human baby haha ang bata ko pa para sa anak.”

Right on cue may lumabas na puppy na tumatahol sa kanya.

Golden retriever ’to pero mukhang puppy pa kasi maliit pa eh.

“Gustong gusto niya ’yung spaghetti! Gusto ko nga ubusin eh pero hinatian ko pa siya”

“Ang cute!”

“Ako? Hehe”

Yes ikaw!

“Ano name niya?” Tanong ko.

“Princess! Princess, say hi to our neighbor!” Binuhat niya si Princess tapos kumaway sila sa’kin.

“Baka gutom pa siya. Ang dami pang pagkain dito” sabi ko.

“Huwag na, nakakahiya….”

“Okay lang. Gusto ko rin i pet si Princess!” Sabi ko.

“Talaga? Okay lang? Sige. Uhm, ako pupunta diyan o ikaw pupunta dito?”

Fuck eto na nga! Hindi man niya isoli ’yung plato, okay lang. 

“Ahh… ako na lang siguro?”

“Yeahhh. Baka magkalat ng balahibo si Princess diyan” sabi niya.

Eto na. Eto na.

Pero kalma. Isipin mo sinabi ni Tom. Huwag lagyan ng malisya.

Papakainin mo lang ’yung aso niya, at hindi siya ang kakainin mo.

Kumbaga magiging si Spiderman ako, friendly neighborhood. Pero hindi ako magpapatalsik ng sapot kasi kadiri. Walang malisya.

Kumuha ako ng spaghetti tapos kumatok ako sa pinto niya.

Pinagbuksan naman ako.

Nadisappoint lang ako kasi nagsuot na siya ng damit at mukhang may brief na siya kasi wala nang nag sswing swing sa loob ng boxer niya.

“To be honest, gusto ko lang din kumain uli! Ang sarap talaga” sabi niya.

Mukhang mag isa nga lang si Jared pero malinis ’yung condo niya.

May TV at PS3. May sound system. Sofa. Lamesang kainan. Ayun na. Ayun lang gamit niya.

Binuhat ko rin si Princess, kasi eto naman talaga ’yung purpose ko.

Namiss ko tuloy si Smelly.

Parang naka package na kapag namiss ko si Smelly, mamimiss ko rin si Hector.

Inamoy amoy ko si Princess, mukhang hindi naman siya napapabayaan kasi ang bango bango niya.

“Sinama mo siya sa bakasyon mo?” Tanong ko.

“Oo naman! Baby ko ’yan, hindi ko ’yan iiwan”

“Hehe nice”

“So dog person ka rin?” Tanong niya.

“Oo. May aso ako once pero…. nawala” ayun na lang sinabi ko.

“Ouch. Sorry.”

“Okay lang. Matagal na ’yun. Kaya okay na ako sa paganito ganito lang.” Sabi ko.

Naglagay siya ng pagkain sa bowl ni Princess tapos umalis na si Princess sa’kin para kumain.

Pinagmasdan ko lang si Princess kasi awkward naman kung si Jared pagmamasdan ko.

Nag offer siya ng beer pero tumanggi ako. Baka kasi kung ano magawa ko kapag nalasing ako.

Hindi rin siya nag oopen ng topic! So kailangan kong mag open.

“Pwedeng magtanong?” Sabi ko.

“Go”

“Uhm. Gaano ka na katagal dito?”

“Ako??? 3 years na.” Sabi niya.

“So, aware ka rin sa quote and quote multo sa kabilang kwarto namin?”

“Hahaha. Grabe ka naman kay Ate Hilda!”

“Ate Hilda??”

“Oo. ’Yung caretaker ng condo na ’yun!”

“Caretaker?”

“Oo. Si Ate Hilda. Medyo scary nga siya pero mabait ’yan. Minsan, nagbibigay din ’yan ng pagkain sa’kin”

May nakatira doon?!

Akala ko walang nakatira?

“Teka? Akala ko…”

“Yeah, ’yung namatay??? Matagal na ’yun. Pero si Ate Hilda naglilinis palagi in case na may bumili” paliwanag niya.

Make sense siguro na ’yung dating nakita at narinig ko eh si Ate Hilda nga na sinasabi ni Jared.

Pero BAKIT MAY PICTURE KO DOON?!

Gusto ko sana itanong kaso baka sabihin niya weird ako kaya hindi ko na lang tinanong.

Nakita ko siyang lumabas sa terrace uli at binuksan laptop niya.

“Baka busy ka na. Aalis na ako” sabi ko.

“You can stay if you want. Maglaro ka ng PS diyan. Marami akong bala”

“Nextime na lang. Tapos next time iinom na rin ako” sabi ko.

“Nice. Pasensiya. Tambak na trabaho sumalubong sa’kin eh.”

“Okay lang”

Nagpaalam na ako. Hindi na ako nagpahatid kasi hello, sa kabila lang naman kami.

Sakto pagkalabas ko ng unit ni Jared, naglalakad sa hallway sila Tom at kitang kita niya na lumabas ako ng unit ni Jared.

Nagmadali agad akong pumasok sa loob at takbo sa kwarto.

Nakita ko rin kaagad si Tom sa kwarto

“Bakit ka nanggaling sa kabilang unit?!! Don’t tell me….”

“Pinakain ko lang…”

“Nagkainan kaagad kayo? Ohmygod Victoriano. Ang lupit mo!”

“Ha?! ’Yung aso! ’Yung aso pinakain ko!”

“We? Ayaw mo siyang kainin?”

“Tse kadiri ka ang lagkit mo! Maligo ka muna!”

“Bakit kasi hindi ka kaagad gumawa ng moves mo! Edi sana nadiligan ka na uli!”

“Leche! Maligo ka na!” Sigaw ko sa kanya.

Pero pinahid niya muna sa’kin lagkit ng katawan niya bago siya pumunta ng CR para maligo.

Ganito lang. Go with the flow lang. Huwag lagyan ng meaning lahat.


Another day at the office at parang gusto ko na umuwi kaagad.

Nandito si Sir Jayden pero nakakapanibago na hindi niya ako kinukulit ngayon.

Nandito rin si Maam Cherry at asusual, nagsusuplada na naman siya. Hindi ko na lang kinukulit.

Wala naman si Sir Jordan pero may pinapagawa siya sa’kin.

Sa sobrang bored ka, gusto kong kulitin si Sir Jayden.

Since nakaharap naman siya sa computer niya, chinat ko siya.

“Busy?”

Tumingin lang siya sa PC tapos tumingin sa’kin.

“Yeap.” Ayun lang reply niya.

Napahinga na lang ako nang malalim. Lalabas sana ako para makipagkwentuhan kay Miss Agnes kaso mukhang may ginagawa rin siya.

Sana kasama ko na lang silang lahat sa baba kesa nandito ako kay Maam Cherry. Mas okay kapag sila kasama ko eh, walang dull moment.

Dumating na ’yung 10AM.

10AM pa lang?!

Kumain muna ako sa pantry para kahit papano may gawin naman ako.

Nang biglang pumasok din si Sir Jayden.

“Bakit ka nagchat?” Tanong niya sabay kuha nang kinakain kong donut.

“Uhm. Wala po Sir. Sorry”

“Bored?”

“Medyo”

“Gusto mo bang may gawin tayo?”

Okay. Not sure kung sexual way ba ’yung pagtatanong niya pero hindi ko pinansin ’yun.

“Ano po?” Tanong ko.

Bago siya makasagot, may tumawag sa phone niya. Lumayo siya ng konti para sagutin ’yun.

Kita ko facial reaction niya na natutuwa at parang excited.

“We?! Fuck you! Nandito ka?” Sabi niya.

“Nasa office ako ni Mama!”

“Yeah! Humanda ka sa’kin!”

Lumabas si Sir Jayden tapos nakita ko siyang kinakausap si Maam Cherry.

Ako naman, inubos ko na ’yung donut na kinainan din ni Sir Jayden.

Hindi ko iniimagine na nalalasahan ko laway niya sa donut kasi hindi ’yun iniisip ko. Promise.

Gusto ko sanang tawagan si Tom para kulitin lang pero baka hindi niya hawak phone niya.

Nilinis ko na pinagkainan sa pantry saka ko lumabas.

Pagbalik ko sa desk, nakita kong may kayakap si Sir Jayden na lalaki!

Si Jared!

Parang excited sila na makita isa’t isa.

Nakita ko rin si Maam Cherry na niyakap si Jared.

“Uy, Victor!” Sabi ni Jared nang makita niya ako.

Kinukumpara ko lang pero mas may itsura si Jared kumpara kay Sir Jayden.

Si Jared kasi parang kaedaran ni Hector. Samantalang si Sir Jayden, kaedaran na ni Kuya Vince kaya mas lamang ako doon sa kaedaran ng boyfriend? Ex boyfriend ko.

“Uy” bati ko.

“Nasaan na ’yung dating secretary?” Tanong ni Jared kay Sir Jayden.

“Huwag mong ibahin usapan! Sabi mo next week ka pa uuwi!” Sabi ni Jared.

“Nakalimutan mo na ba tradisyon natin?”

“What?! Sa tingin mo nakalimutan ko? Akala ko ba ipopostponed lang natin?!”

“Dude no! Hindi natin dapat sirain tradisyon!” Sabi pa ni Jared.

Hindi ako maka relate sa pinag uusapan nila kaya bumalik na ako sa desk ko para gawin ’yung pinapagawa sa’kin ni Sir Jordan na kanina ko pa natapos.

Maya maya, lumapit si Jared sa’kin.

“Wow wow. Dito ka pala nagtatrabaho ah!” Sabi niya.

“Hehe. Trainee lang”

“Well to be honest, alam ko naman na trainee ka kasi doon ka nakatira sa unit na ’yun. Ang hindi ko alam eh ikaw na pala secretary ni Mama!”

“Mama?”

“Ahh oo. Sorry, ayoko talagang nagpapakilala ng ganon pero yeap, Mama ko siya” sabay turo kay Maam Cherry

“….at Kuya ko naman siya” sabay turo kay Sir Jordan.


VOTE AND COMMENTS!!!!!!

Part 9

Hindi pa rin sinosoli ni Jared ’yung plato.

Gusto ko sana siya tanungin kung may balak pa siyang isaoli pero nang malaman ko na kapatid pala siya ni Sir Jayden at Sir Jordan, parang naging mabait ako bigla sa kanya.

I mean, mabait naman ako pero kasi naisip ko siyang tikman. Pero ngayon, nabawasan na ’yung imagination pero nandoon pa rin naman.

Ang hirap lang magtrabaho (tumunganga) kanina kasi feeling ko binabantayan ako ni Jared pero nairaos ko naman ’yung araw.

Pagkauwi sa condo, sabi ni Leo nasa gym daw si Tom at Angelo. Wala rin si Justin kasi daw may date sila ni Kit.

“Alam mo ba, I saw uli ’yung dalawang lalaking sumusunod sa’tin noon. Sa ground floor. I don’t know, feeling ko tuloy I’m their target!” Sabi ni Leo bigla habang kumakain ng chichiriya sa sala.

Tumabi ako.

“Talaga??”

“Eh I saw them eh. Nakita mo ba sila kanina?”

“Hindi ko napansin pero wala naman.” Sagot ko.

“So, ako talaga kailangan nila. Hindi ko naman alam kung anong ginawa ko, at saka bakit hindi na lang nila ako kausapin?”

“Hindi naman tayo sure kung talagang hinahanap ka nila or what eh. Assuming lang tayo” sabi ko.

Pero ang creepy non. Kinalimutan ko na nga ’yung dalawang lalaki na ’yun kasi hindi na sila nagparamdam uli at baka nga guni guni lang namin ni Leo ’yun noon.

Pero ngayon, nakita niya uli, parang nakaka alarma lang.

Tinatanggal ko na nga rin sa isip ko ’yung “multo” sa kabilang unit eh.

“Anyway, have you eaten na ba? I’ll re heat na lang the spaghetti Tom cooked yesterday if you want”

“Uhm hindi na. At saka isa pa, baka magalit si Tom kapag kumain na ako kaagad”

“You know, your friendship really amazes me.”

“Bakit naman?”

“You know the saying na parang kayo pero hindi kayo? Ganon kayo”

“Haha. Siguro nagkasundo lang talaga kami from the start pa lang” ayan, nacoconyo na rin ako magsalita.

“Well, ang ganda pa rin. Parang Tom is every gay man’s dream of being the bestfriend kind of guy”

“Totoo.”

“Hindi ka ba nainlove sa kanya?” Parang eto lang ’yung straight question ni Leo na hindi siya medyo conyo.

“He’s okay. Super pogi. Pero una, technically magkapamilya kami kasi mag asawa ’yung Kuya ko at Ate niya. Pangalawa, may boyfriend ako nung panahong na meet ko siya so basically hindi ko siya napapansin”

“Well, to be honest. At if hindi mo mamasamain, you look good together. If one day maging kayo, I will not be shocked or something.”

“Sobrang labo mangyari. Magkapatid turingan namin sa isa’t isa.”

“Hehe okay. I understand!” Sabi na lang niya.

Sanay na rin ako sa mga taong nagsasabi na bagay na kami ni Tom kasi si Tom talaga ang perfect vision ng boyfriend.

Tinext ko na lang si Tom na iinitin ko ’yung pagkain at hihintayin ko siya bago ako kumain.

Nagpaalam naman si Leo na may bibilhin lang siya kaya ako na lang natira sa condo.

Maya maya, may kumatok sa pinto at nang buksan ko, nandoon si Jared.

Naka pambahay na lang siya this time. Pero sadly, may suot siyang damit.

Pero naka sando lang siya kaya kahit papano, may view ako sa medyo hairy chest niya (which is sexy!)

“Sorry, nakalimutan kong soli plato niyo” sabi niya.

Pero may lamang carbonara ’yung plato.

“Hope hindi pa kayo nagdidinner!” Sabi niya.

“Uhm.. hindi pa nga po”

“Woah. Saan nanggaling ’yung po? Yesterday, tropa tropa lang tayo ah. Ngayong nalaman mo na…”

“Well boss kita eh” sabi ko.

Bago pa siya makasagot, naramdaman ko si Princess, ’yung cute dog niya, na dumaan sa paa ko.

Takbo siya nang takbo sa loob ng unit at tahol nang tahol.

“Princess! Come out!” Sabi ni Jared.

Pumasok si Jared sa loob at nilapag ’yung pagkain sa lamesa. Takbo pa rin nang takbo si Princess.

Tapos maya maya, pumunta siya sa sulok. Sa may ilalim ng lamesa.

“Natakot. Hays. Hindi pa ’yan lalabas!” Sabi ni Jared.

“Sinisigawan mo kasi eh”

“Sorry. Nahihiya kasi ako na tumakbo siya rito. Naiwan ko palang bukas pinto ko”

“Okay lang. Hayaan mo na muna siya diyan”

“Hehe.”

Umupo siya sa sofa

Oh ang hairy din ng legs.

Naisip ko tuloy kung ganyan din si Sir Jayden o Sir Jordan.

Tapos ang hot talaga ng chest hair niya. Parang gustong lumabas.

Gusto ko na nga siyang hubaran para makita kong mabuti pati abs eh.

Ang masaklap lang, nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

Napalunok lang ako at umiwas.

Tumayo ako at kumuha ng juice sa kanya.

“Technically, I’m your half boss” sabi niya bigla.

“Ano po?”

“Sabi mo kasi boss mo ko pero no, half lang. Kasi half brother ko sila.”

Oh.

Ang korny ng joke.

“If you’re wondering at yes, obvious naman na ako ’yung anak sa labas kasi ako ’yung mas bata.”

Masyadong malalim pinag uusapan namin.

Parang “hey, gusto mo ng spaghetti?” Tapos “sure, heto pala talambuhay ko”

Pero hindi ko naman dinidisregard. The fact na kinekwento niya sa’kin ’to, ibig sabihin may tiwala siya sa’kin.

“Ahh… alam ko kasi silang dalawa lang. I mean, ’yung kwento ni Maam Cherry sa’kin before”

“That’s okay. Hindi rin naman ako nagpupumilit na pumasok sa pamilya nila. Pero close kami ni Kuya Jayden.”

“Eh si Sir Jordan?”

“Well… sakto lang.”

Gusto ko pang tanungin pero ayoko talagang maging malalim ’yung topic about sa family nila kaya tinanong ko na lang ’yung about sa narinig ko.

“Ano ’yung tradition niyo?” Tanong ko.

“Hala chismoso ka ah!”

Nagulat ako kasi chismoso naman talaga ako pero hindi ko alam na sasabihin niya sa’kin directly ’yun!

“Hala…”

“Haha joke lang. ’To naman Victor.”

“Ahh hehehe…”

“Well, ’yung tradition namin is aalis kami every summer” sabi niya.

“Kayong…. magkakapatid?”

“Yeap. Pero ang twist eh hindi namin alam kung saan kami pupunta”

“Ha??????”

“Kumbaga, may sari sarili kaming plano. Kunwari ako, ang plank ko, pupunta kami sa Bohol tapos doon kami magbobonding. Hindi nila alam na ang plano ko eh sa Bohol. So, ganon”

“Ahhh… normal vacation lang pala”

“NORMAL?!” Medyo napalakas boses niya doon.

Napansin ko rin na lumabas na si Princess at palakad lakad na lang. Nagpapalambing din siya sa’kin kaya binuhat ko muna siya.

“Idea ni Kuya Jayden, pumunta kami ng Bohol at akala namin magpupunta lang kami sa Chocolate Hills pero hindi. Sumakay kami ng chopper tapos tumalon kami, 2000feet! Ang landing namin sa Chocolate Hills. So yes, nag chocolate hills pa rin kami”

Wala akong nasabi.

“Nag skydiving kami nang hindi namin alam. Normally si Kuya Jayden lang naman ’yung may ganyang idea.”

“Nakakatakot naman!”

“Haha not really, masaya naman. Kasi palagi kaming may kasama. Kailangang may isama kami na isa sa adventure namin. Normally, girlfriend” sabi niya.

“So ’yung babae kahapon ’yung sasama mo?”

Chismoso ko talaga.

“Haha. Not my girlfriend.”

So fubu lang sila ganon? Inignore ko na lang ’yung sinabi niya.

“Ang saya naman. Sana may ganyan din kaming magkakapatid” sabi ko.

“Gusto mo ikaw na lang isasama ko? Kilala ka naman nila Kuya kaya hindi naman siguro awkward”

“Ako??”

“Kung gusto mo lang naman”

Bigla namang bumaba si Princess at tumakbo. Pagtayo ni Jared, natapon sa kanya ’yung juice na binigay ko.

Oh God, yes, take it off!

“Shit!”

Ayan na nga, naghubad na siya ng damit. Wow. Wow. Mas masarap kapag malapitan.

“Sorry, nagkalat ako. Nasaan ’yung pamunas”

“Hindi ako na.”

“okay lang ako na.” Pero pumunta na ako sa kusina. Hindi ko naman alam na sumunod siya.

Pero biglang bumukas ’yung pinto at bumungad ’yung tawa ni Tom at Angelo.

Napatingin agad sila sa’min.

Since may parang counter sa kusina, kalahati lang ng katawan makikita at definitely, makikita nilang nakahubad si Jared habang kaharap ko siya.

Nanlaki mata ni Tom pero ngumiti siya na parang ewan.

Sakto pagkabukas, tumakbo na rin si Princess palabas.

“Ako na po” sabi ko

“Sure ka???”

“Opo”

“Sorry talaga!” Sabay lakad palabas.

Tinignan lang siya ni Tom hanggang sa makarating siya sa pinto.

“Hey, seryosong offer ’yun Victor. Kung gusto mo lang” sabi niya sabay labas.

Sinara na ni Tom ’yung pinto at hindi ko maimagine kung anong sasabihin sa’kin ng bestfriend ko sa nakita niya!


VOTE AND COMMENTS!!!!!!!

Ang dami niyong advance magisip hahjahaha pero I appreciate sa mga advance mag isip!

Pero so far, mali pa rin mga hula niyooooo sooooooo hahaha

Part 10

Nasoli na ’yung plato kaya wala nang dahilan para hintayin si Jared.

Parang gusto ko uli magluto ng spaghetti si Tom para bigyan si Jared at may dahilan uli ako para maghintay nang pagbabalik niya.

Wala si Jared sa office pero nandoon si Sir Jordan. Asusual, naka postura siyang pang businessman na talagang nagpapalabas sa kagwapuhan niya.

Binati ko siya ng goodmorning tapos ngumiti lang siya.

Pagkaupo ko sa pwesto ko, tinambakan kaagad ako ni Sir Jordan nang gagawin na puro pa type.

Pero this time, kinakausap na niya ako.

“Kumusta ka?”

Parang nawala ako kasi never naman niya ako kinausap ng casual.

“Okay naman po” sagot ko.

“I mean, kumusta ka rito? Okay ka lang ba?”

“Okay naman po. Pero sana kasama ko mga roommates ko sa training” sabi ko.

“I see.”

Hindi ko alam kung nakaka offend ba sinabi ko pero mukhang hindi naman siya offended.

“Si Mama, marunong tumingin ’yan sa tao. Parang magic niya ’yan, unang tingin lang, alam na niya kung mapagkakatiwalaan ba ’yung tao o kung tamad”

Hindi ko alam kung saan pupunta ’yung usapan kaya hinayaan ko na lang.

“Siguro nakita niya sa’yo ’yun kaya ka niya pinili” sabi niya pa.

Hindi ako nakasagot. Medyo flattered lang kasi ako.

“Napapansin ko kasi na bored na bored ka palagi rito” sabi niya na may ngiti.

Magkamukha talaga sila ni Sir Jayden pero at some point, may pagkakaiba.

“Medyo po. Wala kasi akong kausap palagi. Depende pa sa mood minsan ni Miss Agnes” sabi ko.

Tumingin siya sa labas para tignan si Miss Agnes tapos ngumiti.

“Andito ako. Kausapin mo ko” sabi niya.

Saan nanggagaling ’to? Bakit parang biglang bumait si Sir Jordan?

“Okay lang Sir. Marami namang ginagawa kaya okay lang.” Sagot ko na lang.

“Hmm okay.”

Nagpatuloy na ako sa pagtatype pero hindi umalis sa tabi ko si Sir Jordan. Nagcecellphone lang siya. Hindi ko naman sure kung nakatingin siya sa’kin.

Medyo naiilang lang ako pero tinatago ko na lang.

“Uhm. Busy ka ba next weekend?” Bigla niyang tanong.

“Hindi ko pa po sure, bakit po?”

“Well, meron kasi kaming yearly na traditiong magkakapatid. This year, ayokong isama girlfriend ko for some reasons. Kung free ka baka gusto mong sumama?”

Ako? Bakit naman ako niyayaya ni Sir Jordan?! Out of the blue!

“Nakikita ko naman na close kayo ni Jayden at nalaman ko rin na magkakilala na kayo ni Jared. So, hindi ka naman siguro ma OOP?”

Fuck.

Sasabihin ko ba na niyaya din ako ni Jared? Pero hindi naman niya ako niyaya talaga. Parang tinanong lang niya indirect.

Pero etong si Sir Jordan, direct na tanong.

“Mga tropa ko kasi busy. Tapos ayun nga, ayaw ng girlfriend ko. At required talaga na dapat may kasama. Tradition kasi.” Sabi pa niya.

Okay. So may girlfriend si Sir Jordan at talagang gusto niya lang akong sumama.

Walang malisya.

“Titignan ko Sir.” Sagot ko.

“Pero sabihan mo ko kaagad ah? Kapag walang kasing sinama, sagot mo lahat ng gastos. Ayokong gumastos ng malaki knowing na sobrang mahal ng gustong punatahan ni Jayden palagi!”

Natawa ako. Ganon din kwento ni Jared sa’kin kahapon.

“Sige Sir.” Sagot ko na lang.

This time umalis na siya. So ayun lang pala gusto niya. Yayain ako. Kung ano ano pang paligoy ginawa niya.

Pero nakakatuwa lang na kinonsider niya ako.


Pagdating ng lunch, nakita ko na si Tom na nakapwesto sa pwesto namin sa canteen pero kasama niya si Jenica.

Konting flashback lang.

After kami “mahuli” ni Tom kahapon sa kusina ni Jared, kinwento niya na nasa gym din daw si Jenica non.

At nilandi niya raw.

Gumana daw moves niya kasi pawisan daw siya.

Sabi niya pa, nagpapunas siya ng pawis sa likod.

Malanding Tom.

Tapos niyaya niyang sabay daw silang mag lunch.

Akala ko naman next week pa.

Hindi ko na siya nilapitan, gusto ko naman magkaroon ng moment si Tom sa iba kasi feel ko nadadamay siya palagi sa problema ko sa buhay.

Umakyat uli ako sa office at pagka akyat, nakita kong naglulunch mag nanay.

Si Maam Cherry, Sir Jordan, Sir Jayden at Jared.

Nagtatawanan pa sila.

Dahan dahan akong umurong pero parang sira lang kasi glass room ’to so alam kong nakita na nila ako pagbaba na pagbaba ko ng elevator.

Nakareceive naman ako ng text galing kay Tom.

“GUTOM NA KO KUPAL NASAAN KA KANINA PA KITA HINIHINTAY. TXTBK”

Bago ako makareply, tinawag ako ni Maam Cherry.

“Victor, halika! Samahan mo kami” sabi niya.

Ofcourse paano ako makakatanggi.

“Sige po.” Sabi ko habang nagrereply kay Tom.

“Sorry, nakita kita kasama si Jenica. Date muna kayo haha mwa enjoy!” Reply ko sabay tago ng cp ko.

Umupo ako tapos inabutan ako ng plato.

“Tanungin niyo si Victor!” Sabi bigla ni Jared.

Mukhang gusto nila akong isama sa topic na pinag uusapan nila kanina.

“Saan ’yung pinakamalayong lugar na napuntahan mo?” Tanong ni Sir Jordan na hindi ko ineexpect na magtanong kasi akala ko si Sir Jayden magtatanong.

“Uhm. Kasal po ng Kuya ko. Sa Baguio” sagot ko.

“Oh, summer capital. City of landian dahil sa lamig!” Sabi ni Jared.

Ang funny lang kapag si Jared nagsalita. Feel ko kung ako ’yun, walang reaksyon mga makakarinig.

“Hanggang ngayon ba sila pa rin ng Kuya mo?” Birong tanong ni Jared.

“Hehe opo”

“Anong ginagawa ng Papa mo, Victor?” Si Maam Cherry nagtanong.

“Retired na po siya pero bago po ’yun, Maintenance technician po siya.”

“Ahh I see. At Mama mo?”

Naka focus silang lahat sa’kin. Parang interrogation.

Hindi ako nakasagot kaagad. Hindi rin ako masyadong komportable kasi nga hindi ko naman nakilala o nakasama Mama ko.

“Ma, personal question ’yan.” Sabi bigla ni Jared na mukhang napansin na nailang ako.

“I’m sorry Victor. Hindi ko alam.” Sabi ni Maam Cherry.

Ngumiti lang ako.

Ang awkward na tuloy ngumuya.

Buti na lang nandito si Jared kasi siya talaga ’yung comedy. Sila ni Sir Jayden.

Pagkatapos namin mag lunch, umalis na silang magkakapatid kasi may aayusin daw sila.

Naiwan kami ni Maam Cherry.

“Victor, if you don’t mind. Bakit ayaw mo pag usapan Mama mo? Wala na ba siya?”

“Hala hindi po Maam.”

Mukhang naghihintay pa siya nang sasabihin ko.

Eto rin naman gusto ko. Gusto ko rin tulungan niya akong mahanap sila Mama. Alam kong kaya niya ’yun.

Naalala ko rin na humingi siya ng tulong sa’kin na tignan ko si Sir Jayden so siguro eto ’yung gusto kong kapalit sa inuutos niya sa’kin.

“Uhm. Nung Christmas po kasi, umamin Papa ko sa’kin na hindi ko po siya tunay na Papa.”

“Ohh….” hinawakan niya kamay ko tapos umupo kaming dalawa.

Okay. Kung gusto kong tulungan niya ako, kailangan niya rin malaman kwento.

“So lumaki po ako na akala ko wala na si Mama pero mali ako.”

Kinwento ko sa kanya ’yung tungkol kay Carlos na bestfriend ni Papa na first love ni Mama.

Nakinig lang siya at mukhang concern naman siya.

“Hindi ko po tinanong kay Papa kung nasaan sila. Ayoko kasing isipin ni Papa na nagkulang siya pero part of me, gusto ko po makilala parents ko”

“May picture ka ba nila?”

“Uhm wala po eh. I mean, wala po ngayon pero meron po sa bahay.” Sabi ko naman.

“Gusto mo bang hanapin natin?” Tanong niya.

Gusto kong umiyak. Gusto ko siyang yakapin pero kailangan ko pigilan.

“Opo. Gusto ko po. Kahit anong pagawa niyo sa’kin gagawin ko…”

“Shhh. No. I wanna help you okay? Pero ’yung pangako mo sa’kin na you’ll help Jayden. Hindi ko kasi kaya na mawala anak ko.”

Ramdam ko na naiiyak siya pero pinipigilan niya.

Bakit naman mawawala si Sir Jayden? May sakit ba siya?

Syempre hindi ko na lang tinanong bilang respeto.

“Opo Maam. Thankyou po!”

“Pahingi ng pictures nila soon ha? Then ako ng bahala” sabi niya.

Natuwa ako. Gusto kong ikwento kaagad kay Tom pero ayoko muna sirain date niya.

Hindi naman siguro magagalit si Papa kung ipapahanap ko di’ba?

Or hindi ko na lang din sasabihin para hindi niya malaman.

Maya maya, tumayo na siya at ako naman, nagkunwaring may ginagawa uli kahit tapos na pinapagawa sa’kin.

Nakita ko si Sir Jayden na nakatingin sa computer niya tapos nagchat siya sa’kin.

“Hey pogi!” Ayan talaga pagkakasabi niya.

“?” Reply ko para kunwari hindi ako interesado.

“Anong pinag usapan niyo ni Mama kanina? Mukhang seryoso ah?”

“Secret. :p”

“Patingin nga ng dila”

“Ha?!”

“Dinidilaan mo ko eh. Dilian mo ko ngayon dali.”

Nakatingin siya sa’kin ngayon at dinilaan ko siya sa pwesto ko.

Hindi ko gustong dilaan katawan niya ha? Hindi didikit. Pang asar na dila lang ginawa ko.

“May secret pala akong sasabihin” chat niya pa.

“Hmm….”

“Hindi ka interesado?”

“Hindi. Busy ako”

“Busy? Eh binigay mo na kay Kuya ’yung ginagawa mo kanina haha talkshit. Wala kang ginagawa!”

“Haha. Oh ano na?” Feeling close ko naman sa reply ko.

“So, aalis kaming magkakapatid sa weekend. Need namin magsama ng isa eh. So, baka gusto mong sumama?” Tanong niya

Fuck. Niyaya ako ni Jared, Sir Jordan at ngayon naman si Sir Jayden.

“Normally girlfriend namin sinasama namin eh kaso wala girlfriend ko eh.”

“May girlfriend ka??” Hindi ko rin alam bakit ko tinanong ’yan.

“Bakit? Selos ka?”

Nakatingin siya tapos nakangiti na parang ewan. Medyo nahiya tuloy ako sa tinanong ko

“Anyways, surprise din kasi kung sino isasama namin. Parang tradition na kasi namin ’to para walang uurong. So? Pwede ka ba?”

Fuck. Paano ’to? Kanino ako sasama?

“Sa next weekend pa naman! Pero ano? Sasama ka ba?”

Naghihintay talaga siya ng sagot.

“Hindi ko sure. Try ko!” Sabi ko na lang.

“Nice! Hindi ka magsisisi. Papasayahin kita doon! ;)”

Hindi ko naman alam ibig sabihin non pero mas iniisip ko pa rin kung kanino ako sasama.

O pwede namang hindi ako sumama?

Pero syempre, nangako ako kay Maam Cherry. Kung pipili ako, kay Sir Jayden dapat ako sasama.

Chineck ko rin calendar, fuck holy week pala next week.

So hindi lang weekend ’to! Buong linggo ata kami magbabakasyon.


VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!! :))))

Parang gusto kong lagyan ng BS na hindi eh haha.

Pag iisipan ko pa!! Haha

O malay niyo walang mangyari sa summer ni Victoriano.

We’ll never know haha.

Part 11

Infairness naman ang dami kong ginawa sa office ngayon, medyo napa OT pa ako ng mga 20 minutes.

Pagkauwi ko, naamoy ko na naman ’yung special na spaghetti ni Tom. Nagutom kaagad ako.

Pero nakita kong may damit siyang suot.

Normally kasi nakahubad ’yan tapos naka apron para mukha raw siyang hot pero ngayon, may damit siya.

Nakita niya ako tapos agad siyang lumapit sa’kin.

“Please please lumayas ka muna!” Taboy niya sa’kin. Hindi niya na ako pinahubad ng sapatos.

“Ha?”

“Nasa CR lang si Jenica. Sabi naman nung iba mag OT sila kaya hindi pa sila makakauwi.”

“Bakit ayaw mong nandito ako?” Tanong ko.

“Ayoko talaga! Sosolohin ko lang si Jenica. Please please please. Punta ka sa kabilang unit baka nandon si Jared!”

Nagpapanic siya habang kausap ko. Ngayon lang uli naaligaga si Tom ng ganito.

“Please please! Umalis ka muna!” Sabi niya pa. Palingon lingon siya kasi baka lumabas sa CR si Jenica.

“Sa kwarto lang ako” sabi ko.

“Ehh baka gamitin namin mamaya ’yun! Please naman Victoriano Olivarez Jr. Ngayon lang ’to! Promise!”

Medyo nakakainis kasi gusto kong mahiga sa kama ngayon.

Pero at the same time, ngayon lang humingi ng favor ’tong si Tom at sigurado naman akong hindi ko siya matatanggihan.

Pero tinulak niya na ako palabas, wala na akong nagawa.

Sumama naman siya sa labas tapos hawak niya ako sa braso.

Hinatak niya ako papunta sa unit ni Jared at kumatok siya nang malakas.

“Anong ginagawa mo?!” Tanong ko.

“This is my moment to enjoy my summer. Remember? Hindi usapang lasing ’yun. Ngayon, eto moment mo!” Sabi niya.

“Ano ba? Straight ’yan!”

“Ano naman? Maghahang out lang naman kayo hindi ko naman sinabi na mag sex kayo! Abutan ko kayo ng spaghetti mamaya! Promise!”

Hindi ako nakapagsalita kasi bumukas na ’yung pinto at bumungad si Jared na… nakahubad.

Napalunok ako kaagad kasi favorite ko talaga ’yung medyo hairy chest.

Nainis siguro siya nang kumatok kami ng malakas pero nawala inis niya nang makita niya kami.

“Hello, namimiss na raw ni Victor si Princess baka raw pero sila maglaro!” Sabi ni Tom.

Seryoso?! Ayan excuse ko?!

“Hehe sure. Sakto, lalabas kami. Sama ka?” Tanong sa’kin ni Jared.

“Sasama ’yan. Tagalan niyo ah? Balik kayo mga 10. Kahit huwag mo na siya iuwi, okay lang. Bibigyan ko ’yan ng basbas!” Sabi ni Tom sa’kin

Tapos tumingin lang siya sa’kin na parang ewan at pumasok na uli siya sa condo.

“Tara pasok ka muna. Nagluluto ako ng dinner!” Yaya niya.

Wala naman akong ibang pupuntahan kaya pumasok ako.

Si Princess naman, tumakbo agad sa’kin.

How I wish makita ko uli si Smelly. Nakakamiss din kasi mag alaga ng aso.

Nakakamiss din si Hector.

Pero, wala siya ngayon at ang mahalaga ay ’yung ngayon.

“Balak ko sana kumain sa labas kaso ayaw ni Princess ng pagkain sa labas. So, magpipicnic kami. At since nandito ka, magpipicnic tayo!”

Chineck ko niluluto ni Jared, carbonarra na puro bacon!

“Sorry, fave ni Princess ’yung bacon eh” sabi niya.

“Okay lang. Favorite ko rin ’yan” sagot ko.

Pagkaluto ng pagkain, naglagay siya sa lalagyanan tapos kumuha rin siya ng pagkain sa ref.

“Wait lang ah? Kailangan kong sagutin ’to.” Sabi niya sabay punta sa terrace.

Lowkey nagpapasalamat ako kay Tom dahil sa ginawa niya.

Maya maya, bumaba na kami ni Jared, kasama si Princess at naglakad lakad.


Ang maganda kasi dito, ’yung building nang tinutuluyan ko, katabi lang ng office tapos sa likod naman may parang mini park.

Feel ko marami nang naglandian sa park na ’to kasi ngayon, ang daming lovers.

Pinakawalan na naman si Princess tapos nagtatakbo na siya sa damuhan.

Naglatag naman si Jared ng sapin at nilabas ’yung pagkain.

Naglabas siya ng plato sa’ming dalawa at nang matikaman ko luto niya, feel ko inlove na ako.

Ang sarap!

“Okay ba?” Tanong niya.

“Sobra!” Nasanay siguro ako sa luto ni Tom. Pero mas masarap pa rin luto ni Tom, nanibago lang ako sa sarap ng version ni Jared.

Kumain kami habang pinagmamasdan si Princess baka kasi lumayo.

“So, anong deal ni Tom kanina?” Tanong niya.

“Ah… may bisita kasing babae kanina. Sakto, wala rin ’yung mga kasama namin. Ako raw panira sa moment nila kaya pinaalis niya ako”

“At sa’kin ka niya binigay?”

Hindi ko alam kung may ibig sabihin ’yung sinabi niya kaya hinayaan ko na lang.

“Hehe. Gusto niya lang akong umalis don” sagot ko na lang

“Ikaw ba?”

“Ako?”

“Oo. May girlfriend ka ba?” Tanong niya.

Sa totoo lang, eto ang pinaka awkward na tanong sa mga bakla na hindi alam na bakla sila. Kung may girlfriend ka na ba?

Parang ang hirap sagutin ng wala.

Parang ang dali pero parang hindi malabas ng pagkatao mo ’yung sagot.

“Wala” sagot ko lang.

“Oh. Okay.”

Buti na lang hindi na siya nagtanong uli about sa lovelife.

“So? Sasama ka ba sa’min?” Tanong niya.

“Pinag iisipan ko pa. Holy week kasi ’yun, may plano rin kami sa bahay taon taon”

“I see. Pero niyaya ka raw ni Kuya Jayden ah?”

“Oo. Eh hindi ko pa nga sure.”

“So kung sasama ka, ibig sabihin kay Kuya Jayden ka sasama? At hindi sa’kin?”

May nasesense akong pagseselos na hindi ko mawari.

O assuming na naman ako?

“Hindi pa ako nagdedecide, sa totoo lang. Kaya nga….”

“Pero kung sasama ka, kay Kuya Jayden ka sasama?” Tanong niya uli.

Syempre kay Sir Jayden. Kasi nangako ako sa Mama niya eh.

“Oo.” Sabi ko.

“Okay. Okay lang ’yun. Hehe so maghahanap ako ng bagong kasama”

“Nauna kasing magtanong si Sir Jayden” pagsinungaling ko na lang.

“Haha okay lang. Hindi mo kailangan magpaliwanag.”

Maya maya, lumapit si Princess sa’min at pinakain siya ni Jared.

Pero sa’kin lumapit si Princess.

“Gusto niya sa’yo.” Sabi ni Jared.

Ako na nagpakain kay Princess tapos sumandal siya sa hita ko.

“Napagod ang loko kakatakbo. Akyat na tayo maya maya” sabi niya.

Sa hindi kalayuan, nakita ko ’yung babae na lumabas sa unit ni Jared noon na hinalikan niya sa labi.

Papalapit sa’min at mukhang galit na galit nang makita si Jared.

“Sabi mo busy ka? Pero nandito ka!” Nakapamewang pa ’yung babae.

“Babe, huwag dito…”

“Anong huwag dito? Sabi mo mag dadate tayo. Pumayag na nga ako na isama ’yang peste mong aso eh! At sino siya?!” Sabay tingin sa’kin ng masama.

“Si Victor. Trainee ni Mama” sabi niya.

“Ano na namang paliwanag mo? Sabihin mo kung makikipaghiwalay ka na! Hindi ako booty call okay?!” Sabi niya.

Tumayo na rin si Jared.

“Ayoko lang kung paano mo tratuhin si Princess. Sabi ko sa’yo mahal ko ’yang aso ko di’ba?”

“Nakaka sex mo ba ’yang asong ’yan?! Di’ba hindi? Ako nagbibigay sa’yo non pero mas mahal mo ’yan kesa sa’kin!”

Okay, natawa ako ng slight doon pero hindi ko pinahalata.

“Alam mo, bahala ka na! Kung anong gusto mong gawin, gawin mo na! Huwag ka nang tumawag uli!” Sabi pa nung babae tapos umalis na siya.

Imbis na malungkot si Jared, napatawa na lang siya pag upo niya.

“Galit na galit sa aso ang loko. Ewan ko ba doon!” Sabi niya bigla.

“Okay ka lang ba?”

“Okay lang. Palagi naman kaming ganyan, bukas okay na rin kami”

Niligpit na niya ’yung pinagkainan namin tapos binuhat ko na si Princess para umakyat.

Binati ko uli si Kuya Guard pagpasok namin.

Pagkaakyat namin sa unit, hind muna ako pinapasok ni Jared sa’min.

“Paano kung pagpasok mo, nasa kalagitnaan sila ng…. alam mo na.” Sabi niya.

Chineck ko ’yung oras, 8 pa lang. Kung nag OT man mga ’yun, siguradong mamaya pa sila uuwi.

Pumasok muna ako sa unit ni Jared tapos sumilip ako sa terrace kung nandon sila Leo.

Wala sila. So ibig sabihin, hindi pa nga sila nakakauwi.

Suot suot ko pa rin long sleeves, slacks at black shoes ko kaya medyo naiirita na ako.

Napansin naman ni Jared kaya binatuhan niya ako ng damit.

“Soli mo na lang sa’kin bukas” sabi niya.

Naka short at sando lang siya, favorite kong suot niya kasi lumalabas ’yung medyo hairy chest niya.

Pumunta ako sa CR para magbihis kasi mahiyain ako.

Maya maya, nakabukas na ’yung PS3 niya at may nakahain na carbonara at beer sa lamesa.

“Mukhang mamaya pa matatapos tropa mo, laro muna tayo” yaya niya.

Ayoko rin naman tumunganga lang dito kaya naupo ako sa sofa.

Nagulat ako nang iayos niya ’yung maliit na lamesa sa pwesto ko tapos tumabi siya.

“Pili ka!” Pinapili niya ako sa mga CD tapos si Naruto lang alam ko kaya ayun pinasalang ko.

So parang tekken lang pala ’to, magkalaban kami pero palagi akong talo.

Medyo nakaka frustrate kasi hindi talaga ako manalo nalo tapos tawa pa siya nang tawa.

May pustahan pa kami na kung sino matatalo, iinom ng hard na alak.

Naglabas kasi siya ng JD tapos shot glass.

Sa tingin ko naka 4 na shots na ako at alam kong nahihilo na ako kaya nung natalo ako sa last game, umayaw na ako.

“Haha, saluhin kita!” Sabi niya at siya na tumagay ng shot ko.

Naglaro pa kami at naka tatlong talo ako, pero siya pa rin tumagay ng lahat.

Since talo ako, napagdesisyunan na patayin na lang ’yung laro.

Matagal tagal din ako nakapagpahinga sa shot kaya ako na naglinis.

“Salamat ah?” Bigla niyang sabi.

“Salamat saan?”

“Sinamahan mo lang ako. Salamat”

Siguro about ’to sa nangyari kanina. Sabi ko na nga ba na hindi okay si Jared eh.

“Sabi mo okay ka lang”

“Haha. Syempre kailangan magpanggap pero sa totoo lang okay lang talaga ako. Siguro kapag mag isa na lang ako, malulungkot na ko uli”

Binitawan ko ’yung nililigpit ko sa lamesa tapos umupo uli ako.

“Matagal na ba kayo?” Tanong ko.

Gumilid siya ng upo at humarap sa’kin.

Gosh, ’yung medyo hairy chest na naman niya.

Napapalunok ako.

“Secret. Ayoko munang pag usapan ’to. Okay lang?” Sabi niya.

Umoo naman ako pero hindi ko alam kung anong pag uusapan namin.

“Uhm. Saan mo pala balak pumunta sa tradition niyo? May naisip ka na?” Tanong ko.

Pero hindi siya sumagot.

Nakita ko lang siyang naglagay ng shot sa shot glass tapos tinagay niya straight.

Hinila niya ako palapit sa kanya at bigla akong hinalikan sa labi.

Nagulat ako kaya tinulak ko siya.

Tumayo ka Victor tapos umalis ka na. Sabi ko sa isip ko

Pero nakaupo pa rin ako.

Hinalikan niya ako.

Nakatingin siya at parang gusto niyang magsalita ako.

Pero wala akong nasabi.

Siya na nag adjust. Siya na lumapit at sumunggab sa’kin.

This time, napasandal ako sa sofa habang hinahalikan niya ako.

Hindi lang basta halik, dila kung dila!

Nalalasahan ko ’yung fresh na alak sa bibig niya at feeling ko malalasing ako.

Ang sarap. Ang galing niya humalik

’Yung kamay ko gumagapang sa dibdib niya.

Gosh. Ilang araw ko ng pantasya ’tong mabuhok sa dibdib niya pero ngayon nahahawakan ko na.

Nung kumawala siya para halikan ako sa leeg saka ako natauhan. Uli.

Tinulak ko siya at napatayo ako.

“Bisexual ka?” Tanong ko.

“Siguro.” Sagot niya lang habang nakangiti.

Okay. Ang hot niya sa ganyang itsura.

“Anong siguro?” Tanong ko.

“First time ko lang humalik ng lalaki eh” sabi niya.

Hindi ako nakasagot.

“Mukhang nagustuhan mo naman eh” sabi niya sabay turo sa boner ko.

Punyemas. Pwede mo talagang lokohin sarili mo pero hindi mo maloloko tunay na nararamdaman ng etits mo.

Tinakpan ko kaagad.

“Sabi mo naman wala kang girlfriend. Di’ba? At technically, wala na rin akong girlfriend.” Sabi niya.

Sumandal siya sa sofa. ’Yung sandal na nang aakit.

Nakabukaka tapos nakalagay ’yung kamay sa likod. Pucha ang hot.

Napansin ko rin na wala siyang undies.

Napaghandaan niya talaga ’to no? Plano niya talaga?

“So? Ayaw mo ba?” Tanong niya.

Napalunok na naman ako.

Feel ko busog na ako sa laway ko pero nagutom ako sa kanya.

Parang ang sarap kainin.

Hinawakan niya kamay ko tapos parang  robot akong pumatong sa kanya.

Hinalikan ko uli siya habang ramdam ko buong pagkalalaki niya.

Nasira lang momentum namin nang may kumatok sa pinto.

Tumayo agad ako.

Si Jared naman kumuha ng tuwalya para takpan ’yung boner niya.

Nakaupo lang ako sa sofa.

Pagkabukas niya, nakita ko si Tom.

Save by the bell.

Tumayo kaagad ako tapos si Jared naman umupo uli sa sofa at binuksan ’yung PS3.

“Tara na. Wala na si Jenica” sabi niya.

Lumingon ako kay Jared. Hindi ko alam kung style niya ’yun pero tumingin siya sa’kin tapos nagfocus uli siya sa game.

Then tumingin ako kay Tom.

Isa talaga sa mga dahilan kung bakit gusto ko sumama kay Tom, kasi alam niya nasa isip ko.

Ngumiti lang siya.

“Pumasok ka bukas ah! Kwento mo na lang nangyari bukas” sabi niya sabay alis.

Huminga ako nang malalim at sinara ko pinto.

Napatingin si Jared sa’kin.

Lumapit ako sa kanya at pumatong uli.

Binato niya ’yung controller tapos binuhat niya ako papunta sa kwarto niya.


VOTE AND COMMENTS!!!!!! :))))))))

Part 12

Nanibago ako sa amoy ng kama, nanibago rin ako kasi nagising ako sa sinag ng araw.

Pagmulat lang ng mata ko, kakaiba na pakiramdam ko.

Nakahubad pala ako.

Naramdaman kong may nakayakap sa’kin.

Si Jared.

Natutulog pa rin siya. Nasa pisngi ko mukha niya kaya nararamdaman ko paghinga niya.

Gumalaw ako ng kaunti para pagmasdan siya.

Shet! Hindi ko akalain na may mangyayari sa’min!

Ofcourse, sa kaibutaran ng damdamin ko, gusto kong may mangyari sa’min pero hindi ko lang ineexpect na ngayon na!

Gumalaw pa ako ng konti at mukhang nagising ko si Jared.

Ngumiti agad siya sa’kin nang makita niyang nakangiti ako sa kanya.

“Good Morning.” Bati niya.

“Good Morning” sagot ko.

Nag inat siya! Nakita ko na naman medyo hairy chest niya pati hairy pits.

Umupo siya sa kama at alam kong nakahubad pa rin siya.

Alam ko, kasi ako naghubad ng damit niya.

“Okay ka lang?” Tanong niya

“Oo. Anong oras na ba?”

“Uhm… 6 pa lang. Maaga pa. Ang aga mo magising”

“Hehe. Nasanay lang.”

Maya maya, tumayo siya para pumunta ng CR.

Guess what? Nakahubad talaga siya.

Nakita ko tuloy lahat ngayon!

Nagswing swing pa habang naglalakad siya.

Hays. Ang laki.

Pagbalik niya, hindi man lang siya nag short. Talagang pina swing niya pa habang palapit siya sa’kin.

Nagtago uli siya sa ilalim ng kumot para yakapin ako.

Ang init sa pakiramdam. Ang sarap.

So nandito na ako sa point nang pag iisip.

Ano ’to?

Bakit kami nag sex?

(Basically walang sex na naganap. Oral lang. Pero hindi niya raw kayang mag oral sa’kin kaya handjob lang binigay niya which is okay lang)

Tapos ngayon, nagising ako at yumakap siya.

Nandon ka sa point na ayaw mong tanungin kasi siguradong masisira ’yung moment.

Namiss ko ’to. Namiss ko ’tong may nakayakap sa’kin.

Namiss ko ’yung ginagawa namin ni Hector noon at ngayon, nararamdaman ko na.

Pero sabi ni Tom, huwag bigyan nang malisya. Dapat go with the flow lang.

“Uhm. Kailangan ko ng maligo.” Sabi ko.

“Cool. Dito ka na maligo. Magluluto ako breakfast” sabi niya.

“Uhm hindi na. Sa kabila…”

“I insist. Go. Dito na” sabi niya.

Patayo na ako pero pinigilan niya ako.

“Maya konti.” Naramdaman kong gumagapang na naman kamay niya sa katawan ko.

Nagiinit ako.

Tumatayo.

Then hinawakan niya.

Ang init ng kamay niya.

“Ahh…. uhmm… may pasok ako” pero wala na, hinawakan na niya.

Hinawakan ko rin kanya para kwits.

Then sabay kaming nagpalabas.

“Maligo ka na. Malelate ka pa!” Sabi niya sabay bitaw sa’kin.

Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya nagsuot ng short at lumabas ng kwarto.

Okay. Kung ano man ’to, hindi ako mag eexpect. Hahayaan ko lang kung saan mapunta ’to.


Nakaligo na ako. Pinahiram niya ako ng longsleeves. Hindi ko alam bakit ayaw niya akong pumunta sa unit para kumuha ng damit ko.

May nakahain na fried rice, bacon and egg sa lamesa.

Umupo kami para sabay na kumain.

“So… you’re gay?” Tanong niya bigla habang kumakain.

Natawa ako. Hindi pa ba obvious.

“I mean, gay? As in gay? Gay? O bisexual? Kasi parang uso lately bisexual eh”

“Haha. Uhm. Yes, 100% gay.”

“Oh. Walang girlfriend? Ever?”

“Wala.”

“I see…. boyfriend?”

“Wala. Na.”

“Ahh. Good. Kasi ang weird kung may boyfriend ka ngayon tapos…”

“I get it!” Sabi ko na lang.

Surprisingly, hindi awkward ’yung way nang pag uusap namin. Siguro dahil sa idea na may nangyari sa’min kaya ganon.

“Ikaw? First time mo talaga?” Tanong ko.

“Sa lalaki, oo. Nagulat nga ako kaya ko pala humalik ng lalaki haha”

“So? Masarap ba ako?”

Hindi ko alam kung masyadong forward tanong ko.

Okay, nagsisisi na ako bakit ko tinanong ’yun.

Kasi natawa siya. Buti na lang nakalunok na siya ng pagkain at hindu bumuga sa’kin ’yung kinakain niya.

Lumapit siya sa’kin tapos hinalikan niya ako sa labi.

Good thing din, wala ng laman bibig ko.

Halik na may dila!

“Uhm… lasang bacon at bawang. So, yes. Masarap ka” sabi niya bigla sabay upo uli sa upuan niya.

I need to compose myself.

Kaya huminga ako nang malalim tapos kumain na uli ako.

“Bakit parang may doubt ka sa nangyari?” Bigla niyang tanong.

“Ah? Wala. Wala… nagulat lang ako.”

“So? Hindi mo ko pinagnasaan? I mean, napansin ko na before. Akala ko naiinggit ka lang sa chest ko pero gusto mo pala hawakan.”

Nahihiya ako pero tinatawa ko na lang.

“Hey, basta kung gusto mong maulit. Sabihan mo lang ako. I’m just one condo away. Okay?” Sabi niya.

Tempting ang offer pero umoo na lang ako.

Tumayo siya para kuhanin ’yung juice sa ref.

Pagbalik niya, tinanong ko na siya.

“So hindi ka gay?” Tanong ko.

“Uhm. I don’t think so”

“So straight ka?”

“Yeap.”

“Pero nakipagsex ka sa lalaki. Sa tingin mo straight ka pa rin?”

“Haha uhm okay, una, hindi tayo nag sex. You just gave me a 6/10 blowjob lastnight. Pangalawa, I’m pretty sure na gusto ko pa rin makipagsex sa babae.”

“Wait. 6?!” Medyo inis kong sabi.

Siguro wala akong practice kasi kay Hector lang naman ako nakipag sex before.

At nangyari lang ’yun twice.

Siguro hindi ako magaling pero base sa ungol at sigaw niya kagabi, dapat mas mataas sa 6 nakuha ko!

“Hahaha yes! 6, Victor. You’re not that great pero pwede na”

“Seryoso ka ba? O nang aasar ka lang?”

“Hahaha uhmmm 7? Pwede na?”

“Napilitan ka lang eh!”

“Okay, suck me again then I’ll rate it now.”

“Ha? No!!”

Ewan ko natatawa na rin ako sa usapan namin.

“Haha pero joke lang. 10 ka.” Bigla niyang sabin. 

“Ha! Sabi ko na magaling ako eh!”

Siguro eto ’yung mga bagay na hindi dapat sinasabi na proud ka kasi medyo nakakahiya.

“Kidding aside, thank you. Nag enjoy ako kagabi. And I hope, nakabawi ako ngayong morning with this breakfast” sabi niya.

“Okay lang kahit walang breakfast. Nag enjoy din ako” sabi ko.

Casual lang. Walang expectations. Katulad ng sabi ni Tom.

“Nice. So, pwede bang makahinga ng 3 favors sa’yo?” Tanong niya.

“Okay. Go.”

Tapos na kami pareho kumain kaya wala ng alibi para yumuko at tumingin sa pagkain. Kailangan eye to eye na kami.

“Una, pwede bang maulit ’to?” Sabi niya.

Napangiti ako.

“We can do this all the time. To be honest. Kung gusto mo dito ka na lang din matulog palagi” sabi niya.

“Hehe. Uhm. Sige, we can do this again pero hindi ako matutulog dito. Overprotective bestfriend ko, hindi papayag ’yun!” Paliwanag ko.

“I see I see. Okay, pangalawa, hanapan mo ko nang isasama sa vacation! Please? Alam mo naman consequence eh. Gusto mo isama mo si Tom! Para hindi ka talaga maOP!”

Actually magandang idea na kasama si Tom sa bakasyon kasi siguradong mag eenjoy ako kapag kasama siya.

“Sasabihan ko siya! Ano ’yung pangatlo?”

“Pangatlo… Pwede bang secret lang natin ’to? I know, sasabihin mo ’to kay Tom pero sana hanggang sa kanya na lang? Ayoko kasi na…. ayoko lang na malaman nila… basta. Okay lang ba?”

Wala naman akong balak ipangalandakan na nakipag sex ako sa kanya.

Ayaw niya kasi pagkamalan siyang bakla?

Hindi ko alam pero di’ba ganon ’yun? Once na pumatol ka sa same gender it’s either you’re gay or bisexual?

The fact na naturn on ka sa same sex ibig sabihin may something.

Ofcourse, masyadong sensitive ang topic about sexuality kaya hinayaan ko na lang kung anong gusto niya.

“Sure” sagot ko sabay ngiti.

“Nice. Uhm, pwede bang isang round pa bago tayo pumasok?” Tanong niya.

Hinila niya ako papunta sa sofa at dahan dahan na hinuhubad ’yung suot ko.

Tinignan ko oras, 7:30 pa lang naman kaya hindi ako male late.

Pumayag na ako sa isang round at ako na naghubad sa damit niya.


VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!! 😀😀😀😀😀😀😀

Part 13

“Mukhang maganda ang gising natin ah?” Bungad sa’kin ni Sir Jayden pagpasok niya ng office.

Gusto ko sanang sabihin na dahil may nangyari sa’min ng kapatid mo pero syempre hindi ko sinabi.

Nakangiti siguro ako kakaisip sa nangyari kagabi at kaninang umaga. Sino ba naman kasing hindi kikiligin di’ba?

“Hehe. Masarap lang pagkain kanina” sabi ko.

“So??? Tuloy na ba tayo sa bakasyon?” Sabi niya.

“Napag isip isip ko po na mukhang masaya naman ’yung bakasyon na ginagawa niyo kaya po sasama ako” sabi ko na lang.

“Nice!”

“Pwede ko bang malaman kung anong plano niyo sa bakasyon niyo?”

“Haha. No! Mamaya espiya ka ni Jared! Sabihin mo pa kung saan ko balak pumunta”

Medyo kinabahan ako. Bakit niya iisipin na espiya ako ni Jared? Alam kaya niya ’yung nangyari sa’min?

O OA lang ako?

Kasi for sure hindi naman sasabihin ni Jared ’yun dahil nga sikreto lang namin.

“Okay ka lang ba?” Biglang tanong ni Sir Jayden habang nagiisip ako.

“Okay lang po Sir. May naisip lang”

“Good. Basta ikaw kasama ko. Balita ko magsasama si Kuya Jordan ng babae. At si Jared, hindi ko pa alam kung anong balak niya!”

Ang weirdo nilang magkakapatid pero ang saya lang na may ganito silang tradisyon.

Sana kami ring magkakapatid meron.

Bumalik na ako sa trabaho.

Nakita kong naghubad si Sir Jayden ng damit para magpalit ng long sleeves. This time, hindi siya tumingin sa’kin para akitin ako.

Napansin ko lang sa likod niya na parang may pasa siyang malaki.

Nakikipag away kaya ’to si Sir Jayden?

Nang humarap naman siya, napansin kong may hiwa siya sa dibdib niya. Ang laki! At kitang kita mo talaga.

Mukhang napansin ni Sir Jayden na nakatitig ako kaya tumalikod uli siya.

Kinakabahan tuloy ako. Eto siguro ’yung gustong ipabantay sa’kin ni Maam Cherry.

Baka may kaaway si Sir Jayden.

Feeling ko nabugbog siya eh. At ’yung hiwa sa dibdib? Grabe! Fresh na fresh pa kasi namumula ’yung sugat.

“Okay ka lang Sir?” Tanong ko bigla.

Ngumiti lang siya

“Wala ’to. Nasugatan lang ako” sabi niya.

Obvious naman na hindi totoo kasi paano ka masusugatan sa dibdib? Unless may gumawa sa’yo non.

Hindi pa rin ako mapalagay. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Maam Cherry ’yung nakita ko?

Baka naman nasugatan lang talaga.

Siguro nasira ’yung sampayan nila na gawa sa alambre. Tapos kinukuha niya ’yung sinampay nila. Sakto naman na nakuha niya rin ’yung alambreng nasira.

Nagkataon din na nakahubad siya habang kinukuha ’yung labahan kaya tumama sa dibdib niya ’yung alambre at nasugatan siya.

Ganon na lang iisipin ko para hindi na ako magsabi kay Maam Cherry.

Pagdating ng lunch.

Nagkita kami ni Tom sa canteen at this time, hindi na niya kasama si Jenica.

Pansin ko ’yung excitement niya sa kwento ko

“Wait. Ikaw muna!” Sabi ko.

“Nagkiss lang kami ni Jenica. Ikaw na magkwento dali!”

“Ayun lang?!”

“Nagkiss kami. Ginawa ko ’yung Tom’s Style of kissing ko.”

“Pauso ka na naman. Anong Tom’s Style of kissing?!!” Tanong ko.

“Tatabihan ko siya, then aakbayan. Then hahalikan. Kapag nasa moment na kami nang halikan, hahawakan ko siya sa ilalim ng binti para buhatin tapos diretso kama”

“Ha?!”

“Apparently, hindi umepek. Sabi niya masyadong mabilis daw para sa first date”

“First date niyo sa condo?!”

“Oo! At saka nag mouth wash ako at nagshave, sa baba, tapos hindi ko naman nagamit!”

“Loko ka! Ang bilis mo naman kasi!”

“Kaya nga gusto ko siya eh. Normally ’yung mga babae g na g agad kapag ginawa ko ’yun, pero siya, umayaw. Gusto pa raw niya ako makilala nang lubusan”

“Oh. Nice! So wala na talaga si Paula?”

Sa moment na mabanggit ko si Paula, alam kong maling desisyon na ’yun. Buti na lang hindi niya minasama.

“Sabi ko sa’yo, magpapakasaya lang tayo this summer. Walang pressure.”

“So lalandi ka pa sa iba?”

“Ha! Alam kong pogi ako pero kung makikipaglandian ako sa babae, isa lang. Isa isa lang. Isa lang etits at puso ko eh”

“Gago! Haha”

To be honest, kahit babaero si Tom, hindi siya nagsasabay ng babae. Palaging one at a time lang.

No strings attached kasi talaga siya after nang magbreak sila ni Paula noon.

Tapos nagkabalikan sila, stick to one uli siya. Ngayon, naghiwalay uli sila, back to ganitong format si Tom.

“Pero kung ipupush ni Lord, okay maging girlfriend si Jenica. Iba sila ni Paula pero girlfriend material siya”

“Wow! Congrats! Atleast hindi lang puro sex hanap mo!” Sabi ko.

“Speaking of sex! Natalo niyo ba ni Jared ’yung record niyo ni Hector na apat na condom?!”

“Loko! Walang ganon!” Agad kong sabi.

“Subo subo lang? Wow. Okay. I respect that. Hindi ka nagmamadali”

Hindi ko na lang pinansin ’yung sinabi niya.

“Alam mo, ang sweet niya nga eh. Pinagluto niya pa ko ng breakfast tapos hinalikan niya ako. Sa labi ah! With dila!”

“Stop stop stop” bigla niyang sabi.

Kumakain na kami pareho at sa pagsabi niya non, napatigil din ako sa pagnguya.

“Nagsisimula ka na naman umasa. Huwag mong pansinin ’yung kasweetan niya okay? It’s either libog lang siya or parang pa thank you niya ’yun sa nangyari

Straight siya sabi mo. Kahit hindi ako naniniwala na straight siya, sa isip niya straight siya. At kung straight siya sa isip niya, babae pa rin gusto niya makasama sa huli.

Ang pinopoint out ko, nag eenjoy lang siya sa pagsubo mo sa kanya. That’s all. Huwag kang mag isip. Huwag kang may daydream na magiging mag jowa kayo.

Sweet lang siya kasi may nangyari sainyo.“

Pinroseso ko sa isip ko mga sinabi ni Tom.

Tama siya. Straight siya sa isip niya at ang straight, babae pa rin ang gusto sa huli.

“Ang advice ko, enjoy ka lang. Kung maulit, edi maulit. Pwede kang kiligin pero huwag kang aasa. Okay? Mapusok ka pa naman” sabi niya pa.

“Ayan din nasa isip ko…”

“Na mapusok ka?”

“Hindi! Na, enjoyin ko lang ’to. Sabi niya rin na huwag ko raw ipagsabi at first time niya raw ’to sa lalaki.”

Hindi naman nag salita si Tom. Parang may iniisip siya.

Tapos tumingin siya sa’kin.

“Kung first ka niya, baka nga may something siya sa’yo.” Sabi niya.

“Huh?”

“Kasi first mo si Hector, first ko si Paula. Alam natin na may special place sila pareho sa puso natin. Tapos ikaw, first ka niya sa lalaki kaya baka may gusto siya sa’yo!”

“Anong nangyari sa enjoyin lang?! Bakit ganyan ka mag salita ngayon?”

“Haha! Basta Victoriano, huwag ka mag isip. Enjoyin mo lang okay?” Ayun na lang sinabi niya.

Ang sarap talaga sa feeling na may mapagkekwentuhan ka ng ganito.

Naalala ko naman bigla ’yung offer ni Jared.

“Nga pala. Si Jared, Sir Jayden at Sir Jordan, may tradisyon na bakasyon nang magkakasama. Pero dapat, may isama sila. Sabi ni Jared ikaw daw isasama niya.”

“Oh? Bakit hindi ikaw?”

Hindi niya alam ’yung kay Sir Jayden. Hindi ko rin sinabi sa kanya ’yung tungkol sa paghahanap ko sa magulang ko.

“Nauna kasing magsabi si Sir Jayden sa’kin kaya umoo ako” sabi ko na lang.

“Libre ba?”

“Libre lahat!” Sabi ko.

“Alam mo naman kapag libre, sige lang ako!”

Natuwa naman ako. Atleast kasama si Tom dito sa adventure na ’to.

Ang bilis talaga lumipas ng oras kapag nag eenjoy ka sa kausap mo. Ala una na pala kaya umakyat na uli ako sa office.

Pagbaba ko pa lang ng elevator, nakita ko na si Jared na nakaupo sa pwesto ko habang kumakalikot sa PC ko.

Paglapit ko sa kanya, sumandal siya sa upuan ko tapos sumenyas na pumatong ako sa kanya.

“Ano ka ba. Nandito…”

“Wala si Mama. Wala si Kuya. Tayong dalawa lang” sabi niya.

Umupo naman ako sa kanya tapos niyakap niya ako.

“Punta ka mamaya sa condo?” Bulong niya

“Uhm… hindi ko alam”

“Ayaw mo ba? Maglalaro lang uli tayo”

“Maglalaro ng ano?”

“Ikaw. Kung anong gusto mong laruin” sabi niya.

Tumayo naman ako kaagad tapos tumatawa siya sa upuan.

“May kwek kwek diyan sa drawer mo.”

Agad kong binuksan ’yung drawer ko at may kwek kwek nga na nakalagay sa plastic na baso!

“Aw! Salamat! Favorite ko ’to!!” Sabi ko sa kanya.

“Talaga? Wow. Favorite ko rin ’yan. Alam mo ba kwento ng kwek kwek?”

“May kwento ’to?” Sabi ko.

Naupo naman ako sa table habang kaharap siya at kumakain ng kwek kwek na binili niya.

“Dati kasi sa pagawaan ng tinapay nakatira si Bagala” panimula niya.

“Pauso ka na naman!”

“Haha hindi nga. Kwento nga ng kwek kwek ’to!”

“Haha sige sige!”

“Ayun na nga. Si Bagala nagtatrabaho sa bakery. Si Bagala, mabagal kumilos….”

“Ahh kaya pala Bagala. Kasi mabagal” singit ko.

“Kapag hindi mo pinatapos kwento ko, hahalikan kita dito!” Banta niya.

“Ahmm… okay” tinikom ko bibig ko.

“Ayun na nga, tapos ang boss niya Amerikano! Mabait boss niya kahit ganon si Bagala.

Isang araw, gumawa si Bagala ng donut. Habang nagmamasa siya ng arina, dumating ’yung nagtitinda ng itlog para magdeliver ng stock nila.

Kinuha ni Bagala ’yung itlog at nilagay sa gilid niya. Hindi niya alam, nalagay niya pala sa pinapakuluang tubig.

Para hindi siya mapagalitan, binalatan niya ’yung itlog tapos binalot niya sa minamasa niyang arina.

So ayun na! Doon nagawa ’yung kwek kwek!“

Proud na proud siya sa kwento niya pero hindi ko naintindihan.

“Nasaan ’yung kwek kwek doon?!” Tanong ko.

“Hindi pa kasi tapos!”

Tumayo siya bigla tapos hinalikan ako. Nagulat ako kasi ang random.

“Sabi ko sa’yo kapag sumabat ka hahalikan kita eh!” Sabi niya sabay ngiti.

Tinikom ko na uli bibig ko tapos nakinig ako.

Umupo na uli siya.

“Tatlong oras niyang ginawa ’yung kwek kwek at for the first time, nagalit ’yung Amerikano niyang boss. Sabi niya, “Begela, where’s my donut!”, may accent ’yung kano kaya Begela ’yung pagkakasabi niya“

Natawa ako kasi talagang committed siya sa story niya.

“Hurry Begala. Quick. Quick. Quick! At simula nun, tinawag ni Bagala ’yung imbensyon niya na Quick Quick. Pero dahil may slang ’yung kano, tinawag niyang Kwek kwek. At yun ang alamat ng kwek kwek”

Natawa ako kasi proud na proud siya sa korny niyang joke. Pero infairness, natatawa talaga ako.

“So? Gusto mo bang malaman ang alamat ng kwek kwek part 2?”

“May part 2 pa ’yun?!” Tanong ko.

“Yeap. May season 2 pa nga ’yun eh!”

“Season 2?!”

“Oo. Kung paano nagawa ang Tokneneng featuring Neneng, ang babaeng mahinhin.”

Natatawa talaga ako sa pinagsasasabi niya.

Pero narinig namin na bumukas ’yung elevator at palabas si Maam Cherry.

Tumayo na si Jared tapos hinawakan niya lang ako sa legs.

“Kung pupunta ka sa condo, huwag ka na kumatok. Iwan ko na lang na bukas para sa’yo. Sana pumunta ka mamaya” sabi niya tapos umalis na siya.

Umupo na ako sa upuan ko at pagkatingin ko sa PC ko, mukha niya ’yung ginawa niyang wallpaper.

Tinignan ko siya at kinindatan niya lang ako bago siya tuluyang sumakay ng elevator.


VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!! :)))))

Part 14

Okay, pero imagine siya si Jared or Hector no? Haha lately nahuhumaling ako sa kanya!!! ❤❤❤


“Huwag mo siyang palalabasin!”

Minumulto na naman ako!

Nagising ako sa panaginip na ’yan. Ilang araw din akong hindi nanaginip nang nakakatakot pero ngayon, bumalik siya.

Alam ko sa isip ko lang ’to pero parang may kinalaman siya sa buhay ko eh.

Nagising din si Jared sa tabi ko.

Yes, Yes, dito uli ako natulog sa condo niya.

“Okay ka lang?” Tanong niya.

Nakahubad kami pareho at nakaramdam ako bigla ng lamig.

Niyakap niya ako kaagad para mainitan kahit meron namang kumot.

“Nanaginip lang ako” sabi ko.

“Wait. Kuhanan kita tubig” bago pa ako maka hindi, tumayo na siya at kumuha ng tubig.

Pagbalik niya, naubos ko ’yung binigay niya.

“Sure ka okay ka lang?” Tanong niya.

Hindi ako sumagot. Gusto ko sana ikwento sa kanya mga kababalaghan na nangyari sa’kin simula nang lumipat ako dito.

Pero kinwento ko lang sa kanya ’yung babae na “nakita” ko at sinabihan nga ako nang “Huwag mo siyang palalabasin!”

Nakinig lang si Jared.

“Alam mo naman siguro ’yung nagpakamatay sa katabing unit niyo di’ba?” Tanong niya.

“Uhm oo… alam mo ba totoong nangyari?”

“Hindi rin eh. Kaso ang alam ko, suicide. Iniwan kasi ng lalaki.”

“Ewan ko ba, natakot lang ako nung una pero ngayon parang tinatawag niya ako. Humihingi ng tulong.”

“Ang alam ko hindi naman ganyan humingi ng tulong mga multo, kung multo nga siya.”

“Eh ’yung nagbabantay diyan? Si Ate Hilda? Bakit siya nandiyan?” Tanong ko.

“Si Ate Hilda taga linis diyan. Wala naman siyang kinalaman sa namatay. Kaya huwag ka matakot sa kanya. Mabait ’yun!”

Kinikilabutan na ako sa kwentuhan namin ni Jared kaya tinigil ko na.

Nahiga na uli kami pero hindi niya ako pinatulog uli.

“Nawala antok ko bigla. Parang gusto ko pa ng isa” bulong ni Jared.

Wala na kong nagawa at pinagbigyan ko na siya.

After non, ang payapa na nang pagtulog ko.


Pagdating ng Friday, umuwi ako sa bahay para magpaalam kay Papa na hindi ako makakauwi ng holy week.

Alam ko namang papayagan ako ni Papa pero isa rin sa dahilan kung bakit gusto kong umuwi, para kunin ’yung picture ng Mama ko at ni Carlos.

Ang weird lang na tawag ko sa tunay kong tatay eh Carlos.

Pagkauwi ko, bumungad sa’kin si Kuya Vince.

“Hala! Bakit nandito ka Kuya?” Tanong ko kaagad.

Nandito rin si Ate Cristine pati pamangkin ko.

“Sabi ni Papa uuwi ka raw eh. At saka nasa kusina si Tom, nagluluto”

“Nasa kusina siya?! Akala ko ba mag OT siya?!”

Bigla siyang sumigaw galing kusina.

“Nope! Tinatamad ako!”

“So, Tutoy. Sino ’tong kinekwento ni Tom na bago mong boyfriend? Jared ata pangalan?” Sabi niya.

Napakaingay talaga netong si Thomas!

Nahihiya ako kasi nakikinig din si Ate Cristine.

“Hindi ko siya boyfriend, Kuya. Wala lang ’yun!” Paliwanag ko.

“Oh? Fuckboy ka na ah!”

“Fuckboy…. hindi! Jusko. Huwag ka maniniwala sa sinasabi ni Tom, hindi totoo ’yun!”

Tumawa na lang si Kuya.

Sakto nakita ko si Papa na papalapit.

“Kailan mo iuuwi ’yung Jared dito?” Tanong niya.

Nagmano muna ako pero hindi ko na rin sinagot ’yung tawag niya.

“Pa, aalis pala kami ni Tom…”

“Nasabi na ni Tom sa’kin”

Hay jusko Tom. Lahat nalang chinichismis sa Pamilya ko.

“So? Payag po kayo?” Tanong ko

“Wala naman akong magagawa. Company outing eh. Basta mag ingat lang kayo”

Company outing pinaalam ni Tom. Pwede na rin.

Pinuntahan ko naman si Tom sa kusina na nagluluto.

“Bakit ang dami mong niluluto diyan?! Ano bang meron?” Tanong ko.

“Una, 6 months na pamangkin mo. Pangalawa, sa’min ni Jenica!”

“Kayo na?!”

“Agad agad?! Kalma. Nag kiss lang kami uli. Ayun lang.”

“Kiss lang talaga?”

“Oo. Ano akala mo sa’kin? Ikaw? Ilang araw na hindi uuwi sa condo para makipaganuhan?”

Okay, so 3 nights akong natulog sa condo ni Jared at alam na.

“Huwag kang maingay! Marinig ka nila!” Sabi ko.

“Narinig ko na!” Biglang sabi ni Kuya Vince.

“Nasabi ko rin kay Kuya Vince eh hehe sorry!” Sabi pa ni Tom.

“Okay lang ’yan Tutoy. Huwag ka mahiya sa’kin. Tayo tayo na nga lang eh.”

Nakakahiya pa rin kasi na updated pamilya mo sa sex life mo, parang napaka unusual.

Pagkaalis ni Kuya Vince, mukhang may sasabihin pa si Tom.

“Di’ba aalis tayo next week?” Tanong niya.

“Oo.”

“5 days?”

“Ang sabi ni Jared, oo.”

“Alam mo ba kung sino isasama ni Sir Jordan?”

“Sino?”

“Si Jenica! Ibig sabihin may oras din kami para maglandian!”

“Si Jenica mo?”

“Yeap. Hawak kasi ni Sir Jordan si Jenica. Tapos tinanong siya kung pwede sumama, umayaw siya nung una pero nang malaman niya na kasama ako, pumayag siya!”

“Nice!!”

“Paunahan tayo maka first sex oh?” Sabi niya.

“Loko! Huwag ganyan! Di’ba eenjoyin lang?” Sabi ko.

“Ang seryoso mo naman hehe. Okay okay!”

Iniwan ko na siya sa kusina. Nakita ko naman na kumpleto sila sa sala kaya umakyat ako sa kwarto ni Papa.

Buti na lang bukas, at agad kong binuksan ’yung photo album para kunin ’yung picture ng magulang ko.

Tinago ko kaagad sa bag ko na paglalagyan ko ng mga damit ko para hindi na nila makita.

Hindi rin kasi alam ni Tom ’to kaya kailangan kong ilihim. Maingay pa naman ’to at baka madulas siya kung sasabihin ko sa kanya.

Pagkatago ko ng picture, agad kong nakita si Papa sa labas ng kwarto ko.

Nagulat ako kasi feeling ko nakita niya ako pero mukhang hindi naman.

“Bakit, Pa?” Tanong ko sa kanya.

Pumasok si Papa sa kwarto at naupo sa kama ko.

“Kumusta ka na?” Bigla niyang tanong.

“Po?” Parang kanina lang magkausap kami tapos kakausapin niya ako ng ganito.

“Narinig ko may bago ka raw ka date ah?” Bigla niyang sabi.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nahihiya pa rin ako kapag ganito si Papa sa’kin.

“Dati ’yung mga Kuya mo nagkekwento rin tungkol sa mga naging girlfriends nila. Siguro umaasa din ako na mag open up ka sa’kin” sabi niya pa.

Paano ko ba sasabihin? ‘Pa, ang awkward kasi nagsesex lang naman kami ni Jared’

“Wala ’yun Pa. Hindi pa sure hehe” sabi ko na lang.

“Kumusta kayo ni Hector?” Bigla niyang tanong.

Parang all of a sudden naman bigla niyang tatanungin si Hector.

“Ano pong ibig niyong sabihin?” Tanong ko.

“Siya lang naman kilala kong naging boyfriend mo eh. At saka mahirap siyang kalimutan” tapos tumingin siya sa’kin na para bang pinapaalala niya ’yung nakita niya noon sa sala namin.

Tumawa na lang ako.

“Nagkausap kami ni Hector bago siya umalis papuntang London” sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi ni Papa.

Bakit ngayon lang ’to sinabi ni Papa?

“Nagulat nga ako eh. Akala ko ikaw hinahanap pero ang sabi niya sa’kin, hahawakan niya ’yung pangako niya sa’kin at pangako niya sa’yo.”

Hindi naman ako makasagot.

“Sabi niya sa’kin, ginagawa niya raw ’yun para makabayad ng utang. Ayaw daw niya na may responsibilidad sa iba.”

Mukhang tapos na siya kaya ngumiti na lang ako.

“Siya naman may sabi na huwag namin ilimit sarili namin sa isa’t isa. Siguro may iba na rin siya doon at okay lang sa’kin ’yun. Atleast masaya siya” sabi ko.

“Eh bakit parang hindi ka masaya?”

Sasagot sana ako pero parang ang hirap magsinungaling sa tatay mo.

Masaya ako.

Siguro okay na ako kaya nasasabi kong masaya ako.

Nasanay na rin ako ng wala si Hector.

At may dumating naman na bago. Hindi man katulad ni Hector, atleast meron.

Kung ikukumpara kasi Hector at Jared, sobrang layo. Pero, napapasaya ako ni Jared ngayon at ’yun ang mahalaga.

“Ang sinasabi ko lang anak, kung may problema ka, sabihin mo sa’kin. Tanggap kita di’ba? Sana alam mong sincere ako don. Ha?”

Naiiyak na naman ako pero niyakap ko na lang siya.

“Opo” sabi ko.

Tumayo na siya at lumabas ng kwarto.

Nakakakonsensya tuloy na may ginagawa akong masama sa likod ni Papa pero hindi ko na lang ipapaalam sa kanya na hahanapin ko totoo kong magulang.


VOTE AND COMMENTS!!!!!! :))

Part 15

“Touch my dick” bulong sa’kin ni Jared.

Nandito kami ngayon sa labas ng building para abangan ’yung sasakyan.

6AM pa lang at alam kong antok na antok pa si Tom. Hindi kasi siya morning person.

Si Jenica naman naka earphones at parang inaantok pa.

Si Sir Jordan, nakatingin lang sa phone.

Si Sir Jayden naman nag aabang nung sasakyan.

Ako nakasandal lang sa dinding.

“Dali na! Hawakan mo!” Sabi uli ni Jared.

Kinuha niya agad kamay ko tapos dinampi niya sa ibaba niya.

Okay. Matigas siya.

Naka short lang kasi siya na manipis tapos TShirt na white.

“Palagi na siyang matigas sa’yo!” Bulong niya pa.

Ganyan na si Jared ngayon. Palaging naughty makipagusap. Medyo nasanay na rin ako.

Pero dahil mas nangingibabaw ’yung antok ko, hinayaan ko na lang siya.

Siya nga lang hyper sa’min eh. Kinukulit na niya si Sir Jayden at ayun, parehas na silang hyper.

Lumapit naman sa’kin si Tom.

“Ang dami kong dalang damit. Feeling ko tutumba na ako”

Marami ngang laman backpack niya.

“Medyo nagsisisi na ako na sumama ako. Ang aga aga pa! Saan ba tayo pupunta?” Tanong niya.

“Ang alam ko una sa listahan si Sir Jayden. Ang plano niyang puntahan eh sa Bicol!”

Mukhang okay naman sa kanya ’yung idea na pupunta kaming Bicol.

“Anong plano doon?” Tanong niya.

“Hindi ko alam. Wala naman siyang binanggit sa’kin. Sabi ko naman sa’yo, seryoso sila sa trip na ’to kaya ang gagawin na lang natin, mag enjoy!”

Sumandal na rin siya sa dingding.

“Ang ganda ni Jenica no?” Bigla niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya.

Ang aliwalas ng itsura niya habang nakatingin kay Jenica.

Sana nga maging totoo ’yung kung anong mayroon sakanila kasi gusto ko maging masaya si Tom.

“Bakit ayaw mo siya samahan?” Sabi ko.

“Hindi raw siya morning person. Gusto niya muna magsounds. Di’ba? Parehas kami!”

“Aba aba. Parang nagiging totoo na ah?”

“Totoo naman talaga nararamdaman ko. Ayoko lang madaliin.”

“Nice! Gumaganyan ka na ah!”

“Nakita ko ngang dinakot mo etits ni Jared eh. Hindi ko na lang sinabi para hindi awkward sa’yo.”

Namula ako.

“SINABI MO PA RIN!”

“Haha. I’m so proud. Tama ’yan, enjoy ka lang. Dakutin mo nang dakutin kung gusto mo.”

Hindi ko na lang pinansin sinabi niya.

“Gaano katagal byahe papuntang Bicol?”

“9 hours siguro” sabi ko.

“Fuck!”

Pero mukhang narinig ni Jared tanong ni Tom.

“Huwag ka mag alala pareng Tom, naka eroplano tayo. Ang tagal lang ng sasakyan natin!”

Okay, share ko lang na simula nang may something sa’min ni Jared, palagi na silang magkausap ni Tom.

One night nga, nakitulog din si Tom sa unit ni Jared kakalaro ng Tekken. Pero sa sala lang siya kasi kami ni Jared sa kwarto.

Si Tom naman kasi walang filter pagkatao neto kaya hindi siya mahirap pakisamahan.

“Ano kayang gagawin natin?” Tanong ni Tom.

“Hindi ko alam pero knowing Kuya, siguradong extreme ’yan. Makaka ligtas pa tayo kay Kuya Jordan kasi palaging light lang destination niya.”

“Eh ikaw? Anong plano mo?”

“Secret!! Kahit si Victor hindi ko sinabihan haha”

“Sabihin mo sa’kin, kapalit eh secret ni Victoriano!” Sabi ni Tom.

“Ibebenta mo ko para lang malaman mo kung saan niya tayo dadalhin?”

“Haha ibebenta kita para sa bente pesos!”

Bago pa ako makasagot, nakarating na ’yung sasakyan.

Sa harap sumakay si Sir Jordan.

Sa gitna naman si Tom at si Jenica.

Tapos ako, Jared at Sir Jayden sa likod.

Sa dulong part ako nakaupo, katabi ko si Jared tapos katabi niya si Sir Jayden.

Tahimik ’yung byahe. Kasi antok pa lahat. Napansin ko nga na nakatulog si Jared at Sir Jayden.

Ako kasi nagsosoundtrip ng Lady Gaga kaya buhay na buhay dugo ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng Bad Romance nang magising si Jared kasi naramdaman kong gumagapang kamay niya sa hita ko.

Agad kong sinilip si Sir Jayden, tulog siya. Nakanganga pa kaya medyo safe.

Kinuha niya kamay ko para ipahawak sa ano niya.

Sabi ko nga, manipis short niya kaya mararamdaman mo talaga.

Nasanay na nga ako kay Jared kaya pinagbigyan ko na siya. Ofcourse gusto ko rin naman.

Pagkapasok ng kamay ko, sumandal siya nang maayos at inenjoy ginagawa ko.

Maya maya, pinasok niya rin kamay niya sa’kin.

Note: nakapantalon ako kaya inunbutton niya talaga ’yung akin para mahawakan.

Sabay kaming labasan non.

Kumuha siya ng tissue tapos nagpanggap na suminga. Ofcourse maaamoy sa loob kaya binuksan niya ’yung bintana para itapon ’yung tissue.

Pinatong ko uli ’yung bag ko sa lap ko tapos inayos ayos ni Jared ’yun na para bang hihigaan niya.

Bumulong siya sa’kin.

“Sana may lakas ka pa mamaya sa eroplano” sabi niya.

Hinalikan niya ako nang mabilis sa pisngi saka siya humiga sa bag ko.

Tulog pa rin si Sir Jayden.

Samantalang natutulog naman si Jenica sa balikat ni Tom.

Nakareceive ako ng text galing kay Tom.

“Alam ko ’yung amoy zonrox pero walang zonrox! Mga malilibog!!! :))))))”

Kahit nakatalikod siya, naiimagine ko itsura niyang tumatawa.

Binatukan ko na lang siya nang mahina.

Hindi siya makalingon kasi magigising si Jenica kaya tumawa na lang siya.

Sumandal naman ako sa gilid para makatulog na rin.


12PM nasa Naga na kami!

Nagising kaming lahat pagbaba kanina ng sasakyan.

Hindi naman naulit ’yung gustong mangyari ni Jared sa eroplano kasi siya naman nakatulog.

Ako kasi first time kong makasakay ng eroplano, at alam ko pati si Tom kaya hindi kami nag usap pareho.

Pagbaba namin, saka kami nagreact na dalawa. Halos wala kaming masabi!

Sumakay uli kami sa sasakyan papunta sa hotel na tutuluyan namin. Wala akong idea kung nasaan kami. Siguro, okay na rin para surprise.

Nakarating na kami sa hotel at napanganga kami sa ganda!

Kinuha ng staff ’yung gamit namin. Mukhang kilala silang magkakapatid kasi binati sila.

“Ang swerte natin!” Akbay sa’kin ni Tom.

“Sinabi mo pa!”

“Kinakabahan lang ako sa mga kwarto. Ako lang babae sa’tin” sabi ni Jenica.

Bago kami makasagot, lumapit silang magkakapatid sa’min at si Sir Jordan nagsalita.

“Okay, so normally girlfriend palagi naming kasama kaya hindi problema pagdistribute ng kwarto. Anong gusto mo, Jenica? Pwede ka magsolo”

“Ayoko. Okay lang sa’kin na kasama si Tom at Victor sa isang kwarto” sabi niya.

“Sure ka? Pwede naman magsolo ka.”

“Ayokong mag isa.”

“Pero kasi technically, trainee kita. At kung may mangyari….”

Alam namin pinopoint out niya kaya humindi kaagad kami ni Tom.

“Hinding hindi mangyayari” sabi naming dalawa.

“Uhm. Okay… so, pwede kayo maligo sa dagat or sa pool. Bahala kayo. Order kayo ng kung anong gusto niyo, okay lang din”

Wait. May dagat?!

Kaya pala ang presko ng amoy!

“Okay. So, iisang room na lang kayong tatlo. Tapos bahala na kaming magkakapatid.” Sabi uli ni Sir Jordan.

“Lunch natin 2PM! Kaya magbihis, maligo, bahala kayo. Basta bumaba kayo ng 2, okay?” Sabi ni Sir Jayden.

Inabot niya sa’min ’yung susi tapos umakyat na kami sa kwarto namin.

Room 507 kami at pagpasok palang, mamamangha ka na! Parang pang 5 star hotel datingan!

Ang laki, may tatlong kama, de aircon, ’yung sahig gawa sa marble. Tapos may glass door kung saan may terrace para makita ’yung dagat!

Tatlo kaming lumabas para tignan ’yung view na ’yun!

Wala kaming nasabi, ang ganda. May pool sa baba, tapos maglalakad ka lang ng konti, puro buhangin na papuntang dagat.

Pumasok uli kami at sabay sabay nahiga sa kama.

“Wow! Grabeng wow!” Sabi ko.

“Parang gusto ko tuloy maging girlfriend ng mga ’yun! Saan kaya ako pwedeng mag apply?” Sabi ni Tom.

“Haha! Ako lang pwede kasi ako tunay na girl sa’ting tatlo!” Sabi ni Jenica.

“Eh paano ako? Kung papipiliin ka? Isa sa mga magkakapatid na ’yun? O ako?” Tanong ni Tom.

Naghintay din ako ng sagot pero tumawa lang si Jenica.

Nasa loob na ng kwarto mga gamit namin at kanya kanya na kaming kuha ng damit.

“Alam mo ba kung saan balak ni Sir Jordan ngayon?” Tanong ko kay Jenica.

“Ewan ko rin eh, basta ang alam ko hindi extreme sa kanya. Sa kanya lang daw ’yung pahinga sa bakasyon na ’to eh”

“Ang galing no? May ganito silang bonding na magkakapatid” sabi ni Tom.

“Ang alam ko, si Maam Cherry may idea neto eh. Simula nang magpakasal si Maam Cherry sa Papa ni Sir Jared, parang ginawa na nilang bonding ’to.”

Ayun nga rin kwento sa’kin ni Jared.

“Gusto rin daw bantayan ni Sir Jordan si Sir Jayden” sabi pa niya.

“Bantayan?” Sabi ko.

“Oo. Hindi ko rin alam eh. Hindi ko rin inalam kasi baka mag mukha akong chismoso” sabi niya.

Ano kayang ginagawa ni Sir Jayden? Pati ’yung mga pasa na nakita ko sa katawan niya.

Fresh na fresh ’yun eh. Pati ’yung sugat. May kaaway kaya siya na hindi alam ng mga kapatid niya?

“Uhm. Well….” singit ni Tom “…una sa lahat, salamat kay Dean! Kasi kung hindi dahil sa kanya wala ako ngayon dito. Pangalawa, magbibihis na ako kasi gusto kong lumangoy. Sasama ba kayo?” Tanong niya.

Umoo naman kami ni Jenica. Pero nakahiga pa rin kami.

Pumunta na si Tom ng CR para maligo.

Tumabi sa’kin si Jenica.

“May dalawa kong tanong sa’yo” sabi niya.

“Uhm… okay?”

“Una, may something ba sainyo ni Sir Jared? Nakita ko kasi kanina sa eroplano parang nakasandal siya sa’yo?”

Ayokong may makaalam. At mukhang hindi rin naman sinabi ni Tom kaya tinanggi ko.

“Antok lang talaga siya” sabi ko.

“Okay, pero hinalikan ka niya sa pisngi kanina. Nakita ko rin”

Fuck. Wala na akong kawala.

“Nakakatuwa lang! Never pa kasi akong nakakita ng alam mo na, same sex. Kaya natutuwa ako. Boto ako sainyo!” Sabi niya pa.

Tumawa na lang din ako kahit medyo awkward na.

“Ano pangalawa mong tanong?”

“Seryoso ba si Tom? O playtime lang ’to sa kanya?”

Syempre hindi ko pwedeng sabihin na nageenjoy lang siya. At mukhang hindi niya rin alam na kakabreak niya lang.

Kung kaya akong ibenta ni Tom sa mga kapatid ko kapalit mga sikreto ko, hindi ko kayang gawin sa kanya ’yun.

“Kasi ang sweet niya eh. Tapos nakakatawa pa. Walang dull moment sa kanya. Bonus na bonus pa ’yung kagwapuhan niya!” Dagdag niya pa.

Mukhang matagal pa sa shower si Tom.

“Wala naman siyang nababanggit sa’kin. Pero sabi niya, masaya ka raw kasama”

“Talaga??”

“Yeap. Siguro ineenjoy niya lang din ’yung moment niyo together.” Sabi ko pa.

Nagulat ako nang yakapin niya ako.

“Gustong gusto ko talaga magkaroon ng gay friend!” Sabi niya.

Tumawa na lang ako.

“Anong kalapastangan ang ginagawa niyong dalawa?!” Sabi ni Tom paglabas ng CR

Humigpit pa yakap ni Jenica sa’kin.

“Salawahan ka Victoriano!!” Sabi pa ni Tom.

In the end, tinanggal ni Tom pagkakayakap sa’kin ni Jenica tapos siya yumakap sa kanya.

Parang bata talaga si Tom.

Maya maya, tapos na rin kami magshower ni Jenica saka kami bumaba.

Nakita namin silang magkakapatid na nasa lobby at nag uusap. Tinawag nila kami at nagsalita si Sir Jordan.

“Okay so ganito ang plano. Ngayong wednesday afternoon hanggang bukas ng hapon, dito tayo. Bukas ng gabi, aalis na tayo papunta sa plano ni Jared. Tapos Saturday morning, aalis tayo para sa plano ko. Okay ba?”

Umoo kaming tatlo na readyng ready na sa paglangoy kahit hindi naman ako marunong.

“Nice. So, bahala na kayo today. Kumain na kami ng lunch, orderin niyo lahat ng gusto niyo tapos bukas, mag ready kayo sa hinanda ni Jayden!”

“Ano bang balak ni Sir Jayden?” Tanong ni Jenica.

“Scuba Diving!”

Mukhang naexcite si Tom at si Jenica pero ako, syempre hindi.

Paano ko maeenjoy ’yun kung hindi ako marunong lumangoy?!

Tapos, umalis na silang magkakapatid maliban kay Jared.

“Mamayang 6, puntahan mo ko sa kwarto ah?” Bulong niya saka siya umalis.

Siguro eenjoyin ko na lang kung anong mangyayari mamaya sa’min ni Jared kasi baka mamatay ako bukas dahil sa lunod!


VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!! :)

Part 16

Nakaupo lang ako sa buhangin. Hinahayaan ko lang na mabasa ako ng alon ng dagat.

Si Jenica at Tom naman naghaharutan sa medyo malayong part.

Paano ako makakapag scuba diving kung hindi ako marunong lumangoy?

Kinakabahan ako pero hindi naman ako pwedeng umayaw.

Pwede, kaso si Sir Jayden naman malalagot.

“Bakit ayaw mo maligo?”

Tinignan ko kung sino nagsalita, si Sir Jayden.

Naka TShirt siya at short.

Kahit gusto kong makita kung ano ’yung nasa ilalim ng damit niya, alam kong hindi siya maghuhubad kasi makikita ’yung sugat niya sa katawan.

Sabi nila nakakagaling ng sugat ’yung tubig dagat. Baka kaya gusto niyang magdagat, para gumaling mga sugat niya.

Umupo siya sa tabi ko.

“Bakit ang tahimik mo? May problema ka ba?”

Huminga ako ng malalim.

“Hindi ako marunong lumangoy”

Bigla naman siyang natawa.

“Eh ano naman?” Sabi niya.

“Ano naman?! Eh lulubog tayo sa dagat! Paano ako makakalangoy!”

“Hindi mo naman kailangan malaman kung paano lumangoy eh. Lulubog lang tayo sa dagat tapos ayun, kung gusto mo maglakad, maglakad ka sa ilalim ng tubig! Ganon lang.”

Pero hindi pa rin ako convinced.

“Takot ka ba sa tubig?” Tanong niya.

“Hindi. Araw araw naman ako naliligo eh”

“Haha I mean takot ka ba sa malalim na tubig?”

“Takot ako malunod” sabi ko.

Bigla naman siyang tumayo tapos inabot niya kamay niya sa’kin.

Hindi ko pinansin.

“Tara” sabi niya.

“Saan tayo pupunta?”

“Basta. Tara”

Kinuha ko kamay niya at tumayo ako.

Naglakad kami papunta sa tubig.

“Woah. Ayoko!”

“Trust me. Dali” sabi niya.

Okay lang naman sa’kin lumayo sa dagat. Kahit hanggang dibdib pa ’yung tubig, okay lang.

Kinakabahan lang ako ngayon kasi alam ko, kailangan kong lumubog sa ilalim.

Nasa hita ko na ’yung tubig.

Hindi naman malakas ’yung alon kaya naglakad pa kami palayo.

Nagulat ako nang biglang lalim at hanggang leeg ko na ’yung tubig.

Agad niya akong inalalayan. Sa kanya kasi hanggang dibdib pa lang.

Napayakap tuloy ako sa kanya.

Pero mukhang okay lang naman sa kanya.

“Okay ka lang?” Tanong niya.

Malapit mukha namin sa isa’t isa pero iniwasan ko talagang makipag harap harapan sa kanya.

Nakahawak ako sa balikat niya, nakahawak siya sa bewang ko.

Buhat buhat niya ako sa ilalim ng tubig.

“Bitaw ka sa’kin” sabi niya.

“Ayoko! Lulubog ako!”

“Hindi. Promise. Hahawakan kita. Hindi kita bibitawan”

Dahan dahan kong tinanggal kamay ko sa balikat niya. Hawak pa rin niya ako sa bewang.

Nang makabitaw na ako, hinawakan niya ako sa leeg. Agad ako nataranta.

“Wait wait lulubog ako!”

“Trust me!”

Wala akong nagawa kung hindi mag tiwala.

Hiniga niya ako nang nakalutang.

Good thing wala akong boner kung hindi makikita niya talaga.

Hawak niya ako sa leeg at sa pwetan.

Pasalamat na lang at natatakpan ng ulap ’yung araw.

Then naramdaman ko na parang ang gaan gaan ko.

Alam niyo ’yung moment na ’yun? Na lumulutang ka sa tubig tapos natatakpan ng tubig ’yung tenga mo kaya naririnig mo lang ’yung tunog sa ilalim ng dagat tapos marerealize mo ang payapa pala.

Napapikit pa ako.

Ang sarap sa pakiramdam.

Then pagdilat ko, nakatingin sa’kin si Sir Jayden.

“Lumulutang ka na.” Sabi niya.

Pinakita niya sa’kin kamay niya na hindi nakahawak sa’kin.

So kanina pa pala siya nakabitaw.

Nang marealize ko na walang nakahawak sa’kin, bigla akong nagpanic.

Napahawak agad ako sa kanya at parehas kaming lumubog.

Sa kakapanic ko, napayakap ako sa kanya. Yakap talaga. Buong katawan ko nakayakap sa kanya habang nasa ilalim ng tubig.

Mabuti na lang marunong siyang lumangoy.

Pero hindi kami umalis sa pwesto namin.

“Kaya mo naman eh! Kaya mong lumangoy” sabi niya habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

“Balik na tayo please?”

“Haha sure ka? Tuturuan pa kitang lumangoy.”

Nararamdaman ko sa likod ko na humahagod kamay niya. Parang sinasabi niya na hindi niya ako bibitawan.

Humarap ako sa kanya para may sabihin pero in the end, napatitig ako sa kanya.

Tinignan niya rin ako.

Nagtitigan kami.

Narealize ko na matagal na kami nagtititigan kaya bumitaw na ako.

Kahit malalim ’yung tubig sinubukan kong maglakad pabalik.

Inalalayan naman niya ako hanggang sa maabot ng paa ko ’yung buhangin.

“Gusto mo sa pool tayo magpractice” sabi niya.

Pero naglalakad na ko ng mabilis.

“Hindi na. Magbabanlaw na ako” sabi ko.

“Victor, sorry!”

Hindi ko alam kung bakit siya nag sosorry pero siguro dahil nagtitigan kami?

Ayun ba ’yun?

Hindi ko na inalam kung bakit siya nagsosorry basta pagkaahon ko, naglakad agad ako nang mabilis papunta sa kwarto namin.


“Hi! Yes! Room 507. Pwede po bang umorder ng pizza, fries, cookies and cream na ice cream, 5 beers at saka onion rings”

Alam ko naglalandian pa si Tom at Jenica sa dagat, kita ko nga sila dito mula sa terrace eh.

“Sorry sir, wala pong cookies and cream. Double dutch lang” sabi nung sumagot.

Sa totoo lang, joke lang talaga ’tong mga pinag oorder ko. Napapanuod ko kasi sa movie ’yung ganito pero meron sila lahat nang nabanggit ko!

“Sige po, double dutch na lang” sabi ko.

“Okay sir. Ayun lang ba?”

“Yes po. Thankyou!”

Pagbaba ko pinagmasdan ko uli ’yung view. Maya maya, masarap tumambay sa dagat kapag palubog na ’yung araw.

For now, mag fofoodtrip muna ako mag isa.

Naligo muna ako at sakto pagtapos ko, may kumatok na sa pinto.

May lalaking may dalang tray bitbit mga sinabi ko.

At ang binigay, isang buong box ng pizza, isang bowl ng fries at onion rings, may limang beer pero wala ’yung ice cream.

“Sir, isusunod na lang po ’yung ice cream” sabi niya.

Kinuha ko ’yung mga pagkain at nilagay ko sa higaan ko.

Hindi kasi ako naglunch kaya medyo nagugutom na ako.

Maya maya may kumatok uli sa pinto.

Pero pagbukas ko, si Sir Jayden.

Buhat buhat niya ’yung ice cream na double dutch na inorder ko.

“Nag order ka raw neto?” Sabi niya. Nakabihis na rin siya, nagpalit na siya ng damit pero naka TShirt pa rin siya at short.

“Hehe. Yeap!”

“Wow! Sinusulit mo ’yung room service ah!” Sabi niya pagkakita ng mga inorder kong pagkain.

“Hindi ako naglunch eh!”

“Medyo gutom na rin ako. Pwede bang makishare?”

Ayoko sana pero hello, siya nagbayad neto kaya pinapasok ko na rin siya. Umupo rin siya sa kama ko nang nakaharap sa’kin.

Buti na lang binuksan ko ’yung TV para hindi mukhang awkward.

“Seryoso ka? Kaya mong ubusin ’to?” Tanong niya.

“Syempre hindi! Maya maya darating na rin sila Tom at Jenica kaya mauubos na rin ’to!”

“Uhm siguro hindi? Nakita ko sila kanina sa bar, umiinom ng smoothies and shake. So baka hindi sila umakyat”

Fuck. So ibig sabihin, solo ko si Sir Jayden dito sa kwarto?

Medyo nahihirapan tuloy akong lumunok. Mabuti na lang nanuod din siya ng TV.

Pero para makanuod siya ng TV, kailangan niyang tumalikod sa’kin.

Pero ang ginawa niya, tumabi siya sa pwesto ko at sumandal din sa dingding.

Magkatabi na kami ngayon habang nanunuod ng iCarly sa Nickelodeon.

“Sorry pala” bigla niyang sabi.

Fuck. Magiging awkward na usapan namin! Mag sosorry siya kasi nagtitigan kami at muntikan na kaming maghalikan.

Ofcourse joke lang ’yung muntikan maghalikan pero ganon na rin ’yun.

“Sorry saan, Sir?” Kailangan kong iemphasize ’yung Sir para marealize niya na trainee ako at boss ko siya at kung may balak siyang gamitin sa’kin kapangyarihan niya, hindi pepwede!

“Kung alam ko lang na hindi ka marunong lumangoy edi sana hindi eto ’yung pinili ko. Sorry”

Ayun pala!

“No, okay lang Sir. New experience di’ba?”

“Yeap. New experience!” Sabi niya.

Natahimik na naman kami.

Nakarami na kami ng pagkain nang tumawag uli siya ng room service.

“6 na beer pa. 507” sabi niya sabay baba.

Naka dalawa na kasi ako tapos paubos na niya pangatlong beer niya.

Bigla naman siyang kumamot sa dibdib niya.

Alam kong may sugat doon.

Gusto ko sana tanungin kung napapano ’yun pero mukhang napansin niya na nakatingin ako.

At alam niya na alam kong meron siyang sugat doon.

“May kaaway ka ba Sir?” Bigla kong tanong.

Hindi siya sumagot.

Hindi siya komportbale sa tanong kaya hindi na ako nag insist pa.

Maya maya, hinubad niya ’yung damit niya sa kama ko.

Nagulat ako. Pero kahit nandoon ’yung malaking sugat, mas napansin ko ganda ng katawan niya.

Wala siyang chest hair katulad ng kay Jared pero mas firm abs niya.

Napalunok ako pero parang instinct na kailangan kong hawakan siya.

Pero nilagay ko kamay ko sa mga sugat niya.

Medyo natuyo na pero alam ko talagang malalim ’yung mga sugat.

“Masakit ba?” Tanong ko.

Tinignan niya ako uli na para bang may something sa mukha ko.

Pero bago siya makasagot, biglang bumukas ’yung pinto at narinig ko tawanan ni Jenica at Tom.

Agad namang nagbihis si Sir Jayden at ako umayos ng pwesto pero pagbukas mo kasi ng pinto makikita mo kaagad ’yung mga kama kaya nawala bigla tawanan nila.

Alam ko ’yung reaksyon ni Tom. Reaksyon na natatawa na gustong mang asar buti na lang hindi niya ginawa.

Buti na lang din, hindi nila nakita ’yung sugat ni Sir Jayden.

“Wow. Daming pagkain!” Biglang umupo ’yung dalawa para kumain ng pagkain namin.

“Huwag mong ubusin!” Sabi ko kay Tom na grabe kumuha ng onion rings.

“Pwede naman tayo umorder uli!”

“Alam mo ba, naka tatlong smoothie si Tom tapos umorder pa ng pork ribs!” Sabi ni Jenica.

“Haha. Libre naman ’to! At saka minsan lang ’to! Kailangan natin sulitin!” Sabi pa niya.

“Nandito si Sir Jayden oh! Binabayaran niya ’yan!” Sabi ko naman.

Tumawa lang si Sir.

“Pwede naman di’ba Sir?” Sabi ni Tom.

“Pwedeng pwede!” Sagot niya.

“Di’ba?!! Pabebe ka kasi Victoriano! Akala mo naman virgin ka pa!”

Okay. So, ’yang ‘akala mo naman virgin ka pa’ line, asaran lang namin ’yan ni Tom.

Pero mukhang nagulat siya sa sinabi niya kaya agad niyang binago ’yung topic.

“Magshoshower lang kami ni Jen tapos bababa uli kami. May night party ata rito eh!” Sabi niya agad.

Sumagot naman si Sir Jayden.

“Yeap. Sabi ko kasi magset up ng DJ para magparty sa beach. Marami namang tao kasi bakasyon kaya enjoy ’to!”

Nagshower na si Tom tapos si Jenica naman lumabas muna sa terrace. Si Sir Jayden naman tumayo na at lumabas ng kwarto kasi mag aayos na raw siya.

Nang makalabas si Sir, agad lumapit si Jenica at naki share sa pagkain. Hindi na siya nagsalita pero sa ngiti  niya, alam ko iniisip niya about sa’min ni Sir Jayden.

Maya maya, lumabas na si Tom at si Jenica naman nagshower.

“Kups, labas ka muna!” Sabi niya.

“Na naman?!”

“Sige na, please? Pagtapos ni Jenica baka…. alam mo na”

“Pangalawang beses na ’to!”

“Please? Hinahanap ka rin ni Jared kanina. Puntahan mo na!”

Alam ko naman na wala akong magagawa kaya lumabas ako para puntahan si Jared.

Sabi ni Tom nasa bar daw siya at pagbaba ko nga, nakita ko siya don.

Tinabihan ko siya.

“Hi!” Bati ko.

Pero hindi niya ako pinansin. Hindi naman kalakasan ’yung sounds kaya imposibleng hindi niya ako narinig.

“Uy!” Tinapik ko na siya.

“Oh?” Parang galit siya sa tono ng boses niya.

Pero hindi ko pinansin.

“Hinahanap mo raw ako sabi ni Tom”

Pero hindi siya sumagot.

“May problema ka ba?” Tanong ko.

“Wala. Doon ka kay Kuya Jayden. Magsama kayo.”

Okay. So, uhm…… nagseselos ba siya?!

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero natatawa ako na uhm….. kinikilig?

“Bakit parang… nagseselos ka?” Tanong ko.

“Doon ka na. Magpaturo ka don lumangoy! Grabe ka pa makayakap! Akala mo kayo lang tao sa beach!”

Natatawa na ako ngayon.

“Bakit ganyan ka????” Tanong ko sa kanya.

“Wala lang! Kung gusto mo pala matutong lumangoy edi sana sa’kin ka nagpaturo!”

“Hindi naman ako nagpaturo…”

“So trip mo lang yumakap sa kanya, ganon?”

This time humarap na siya at mukhang naiinis nga siya.

Pero hindi ko sinabayan, kiniliti ko lang siya sa tagiliran.

Pero alam kong wala siyang kiliti doon kaya ginawa ko uli.

Ang kiliti niya kasi sa batok.

Kaya kiniliti ko siya paatas.

Sa likod.

Sa braso.

Walang reaksyon.

Pero nang hawakan ko batok niya bigla siyang ngumiti.

“Okay na. Okay na. Tama na!” Sabi niya.

“Bakit kasi ganyan ka? Nagseselos ka ba?” Biro ko.

“Haha hindi ako nagseselos. Gusto ko lang na sana ako nagturo sa’yo. Pwede naman ’yun di’ba?”

“Hindi ko naman alam na big deal sa’yo”

“Hindi naman siya big deal. Pero kasi lumaki akong nakukuha ni Kuya Jayden lahat ng gusto niya. Eh sa ngayon, FUBU tayo, baka kunin ka rin niya sa’kin”

“Haha. Una sa lahat, SUBU lang tayo kasi subo lang naman ginagawa ko sa’yo at saka ganon ba ako kakati para pati Kuya mo ganunin ko?!”

“Hmmmm. May point. May point. Pero, gusto mo bang ilevel up ’yung SUBU to FUBU?” tanong niya.

“No!” Sagot ko kaagad.

Hindi naman siya nagtanong kung bakit.

“Okay. So, tara sa kwarto now?” Tanong niya.

Nandito ako para mag enjoy!

“Tara!” Sagot ko at sabay kaming umakyat sa kwarto niya.


VOTE AND COMMENTS!!!

OY VOTE NAMAN KAYO!!! HAHA SIMPLENG VOTE CAN MAKE ME FEEL GOOD. HAHAAAJOKE!

Part 17

First time ko sa beach party.

Ang korny kung magtatakip ako ng katawan kaya naka short na maiksi lang ako.

Parehas kami ng suot ni Tom kasi sa kanya ’tong damit na ’to.

Wala kasi akong pang marupok na damit.

Marupok lang ako pero hindi ko kayang gawing fashion.

Si Jenica naman ang sexy sa suot niya. Naka maiksing maiksi na jeans short. Parang panty na jeans na nga eh. Tapos naka bra lang.

Since summer at holiday, ang daming tao sa beach.

May bonfire, may DJ, may mini bars sa gilid tapos puro nagsasayawan.

Ako naman, nasa gilid lang kasama ni Tom at Jenica na kanina pa nagkekwentuhan at tawanan.

Sa hindi kalayuan, nakita ko si Sir Jordan, naka beach attire naman siya pero nasa tapat siya ng laptop habang nakaupo sa may mini bar.

Si Sir Jayden naman mukhang forte niya ’to. Nakikipagsayawan siya sa mga babaeng foreigner sa beach.

Si Jared, kanina ko pa hinahanap. After kasi namin mag “bonding” kanina, nakatulog kami.

Nagising na lang ako na wala siya sa tabi ko kaya bumalik ako sa kwarto.

Feel ko naman gusto ni Tom na umalis ako sa tabi niya ngayon kaya pumunta muna ako sa mini bar para umorder ng maiinom.

Binigyan ako ng malaking basong may laman na kulay blue na inumin. Pagkatikim ko, alam ko may alak. Pero ang sarap kaya inenjoy ko.

Pinagmasdan ko ’yung party.

Ang saya saya. Hindi ko maimagine na mangyayari sa’kin ’to.

Wish ko lang na sana nandito sila Kuya para maexperience rin nila ’to.

“Bakit nandito ka?” Tanong ni Sir Jordan. Hindi ko napansin na tumabi na pala siya sa’kin pero dala dala niya pa rin laptop niya.

Nakita kong nagtatrabaho pa rin siya hanggang dito.

“Uhm. Mamaya na ako magpaparty hehe” sabi ko naman.

Umorder din siya ng inumin tapos sinara niya na ’yung laptop.

Ayoko sana makipag usap kay Sir kasi medyo nahihiya ako. Parang hindi mo kasi siya pwedeng kausapin katulad kung paano ko kausapin si Jared at Sir Jayden.

Tahimik lang kami pero maingay ’yung paligid. Napapasayaw na nga paa ko pero tinatamad pa rin ako tumayo.

“Saan tayo pupunta pagdating sa’yo, Sir?” Tanong ko bigla.

Gusto ko lang mawala awkwardness.

“Uuwi na tayo. Magpapahinga. Ayun gusto kong bakasyon!” Pero sa tono ng boses niya mukhang nagbibiro lang siya.

“Sana huwag na mainvolve ang tubig. Kasi takot ako sa tubig” paliwanag ko.

“Nakita ko nga. Tinuruan ka ni Jayden lumangoy”

Fuck. Edi nakita niya rin ’yung medyo landian namin sa dagat.

“Ilang taon ka na uli, Victor?”

“18 po”

“18. Ang bata mo pa pala talaga. Bakit parang ang seryoso mo sa buhay?” Tanong niya.

“Po???”

“Parang school tapos bahay lang ginagawa mo sa buhay mo. Nakita ko kasi grades mo, ang tataas. Either sobrang talino mo o sobrang sipag mo”

“Mahirap po kasi sa UP Sir. Ayoko lang basta makapasa.”

“Pero nakakasingit ka naman ng parties right?”

“Minsan. Sa dorm. Kapag nagluluto si Tom. Minsan kapag tapos ng sem, nagiinom kami sa dorm”

“Good. Huwag mo kalimutang magsaya palagi. Okay?”

Parang Kuya kung mag alala ’tong si Sir Jordan.

Medyo nahiya tuloy ako na pinagnasaan ko siya before.

Maya maya, bigla niyang binuksan laptop niya at bumalik sa trabaho.

Mukhang sign na ’yun na tapos na kwentuhan namin.

Nakita naman ako ni Sir Jayden sa mini bar kaya sumenyas siya na puntahan ko siya pero sumenyas ako na hindi.

Bigla naman siyang lumapit sa’kin.

Kinuha niya kamay ko para pumunta sa mga nagsasayaw.

“Wala akong tsinelas!” Sabi ko.

“Wala rin ako! Enjoyin mo ’yung buhangin!” Sagot niya.

Wala na akong nagawa.

Napunta agad ako sa gitna.

Sakto tumugtog Lady Gaga. Bad Romance pa.

Parang National Anthem ng mga bakla ’to.

Kaya wala na akong nagawa, nagwala na agad ako sa dance floor.

Tapos nakita ko rin si Tom na papalapit sa’kin. Favorite niya na rin si Gaga dahil sa’kin.

Si Sir Jayden naman nakangiti lang.

Pagdating sa chorus, sinayaw namin ni Tom choreo ng Bad Romance tapos nagkaroon ng malaking space sa’min sa gitna.

Epekto na rin siguro ng alak, wala na kaming paki sa mga nanunuod.

Ang saya! Sobrang saya!

Talon lang kami nang talon tapos sigawan. Hindi ko namamalayan may hawak na pala akong beer.

Pawis na pawis na kami pero hindi kami tumitigil sa pagsayaw.

First ever beach party ko at sobrang epic pa!!


Alauna na ng madaling araw, kaunti na lang tao. Pero may DJ pa rin, hindi na nga lang ganon kalakas ’yung tugtog.

Nakita ko si Tom sa may bar, nakaupo at umiinom.

Nilapitan ko siya.

“Nawala na agad mga tao no!” Sabi ko.

Umorder siya ng alak para sa’kin tapos uminom kami.

“Nasaan na si Jenica?” Tanong ko.

“Umakyat na. Pagod na raw siya eh”

“Oh? Bakit hindi ka sumunod?”

“Eh gusto ko pa uminom…”

“Nag away ba kayo?”

Hindi siya sumagot ibig sabihin oo.

“Okay naman kayo kanina ah?” Sabi ko.

“Okay nga. Kaso alam mo na, lasing ako kanina, hanggang ngayon naman. Kaso may na dirty dance akong ibang babae. To be honest, akala ko siya talaga ’yun! Tapos nakita niya tapos ayun nagalit.”

“Teka. Kayo na ba? Bakit siya nagalit?”

“Hindi siya don nagalit!”

“Oh?? Saan siya nagalit?”

“Sabi niya, bakit daw magdidirty dance ako sa kanya. Ganon daw ba tingin ko sa kanya?”

Gusto ko sana tumawa kasi nakakatawa talaga ’yung reason pero mukhang seryoso siya kaya pinigilan ko.

“Mga babae talaga. Sakit sa ulo minsan!” Sabi pa niya.

“Kaya nga eh!” Sagot ko.

“Anong alam mo sa babae?”

“Kaya nga hindi ako nagkagusto sa babae eh. Sakit lang sa ulo.”

“Ibang ulo kasi gusto mo, loko!” Banat niya pa.

“Haha try mo rin kaya umulo minsan!” Sabi ko.

“Diring diri na nga ako nung hinalikan mo ko tapos gusto mo pang umulo ako?!”

“Maka diring diri ka naman!”

“Totoo! Kadiri talaga. Pero check mo ’tong bartender” sabi niya.

Kanina ko pa talaga pinagmamasdan ’yung bartender kasi ang gwapo.

Tapos hindi pa nakabutones ’yung polo niya. Nakakapanghina talaga kapag may buhok sa dibdib.

“Kanina pa siya tingin nang tingin sa’yo!” Bulong pa niya.

“Ano ba? Bakit parang binebenta mo na naman ako?”

“Well, ayoko sanang sabihin pero nakita ko kasi si Jared kanina. May kasamang babae. Akala ko wala lang pero pumasok sila sa kwarto niya.”

So kaya pala wala si Jared.

Hindi ko alam pero parang wala lang naman sa’kin. Siguro okay lang kasi hindi naman ako nagexpect.

“Bakit ngayon mo lang sinabi?” Sabi ko.

“May problema din ako di’ba? Eh nasabi ko na problema ko sa’yo so ikaw naman mamroblema”

’Yung katulad ni Jared ’yung tipo na dapat hindi sineseryoso.

Mabuti na lang talaga palagi kong iniisip sinabi ni Tom na magenjoy lang ako.

Hindi ko naman mababago gusto ni Jared. At the end of the day, babae pa rin hahanapin niya.

Nagkataon lang na walang babae sa unit niya at ako lang available na makakapaglabas ng libido niya.

“Kuya, hanggang anong oras ka rito?” Biglang tanong ni Tom sa lalaki.

Humarap tuloy siya sa’min tapos tumingin siya kay Tom.

“First time kasi namin ng bestfriend ko rito, eh sabi niya gusto niya raw libutin ’yung beach. Kaso gabi na eh. Mukhang tiga rito ka naman. Baka pwede mo siyang samahan?”

Fuck. Ako nahihiya kay Tom eh. Pero lasing na siya kaya malakas loob niya!

Tumingin sa’kin ’yung lalaki.

“Sure. Tapos na rin naman ako rito” ang hot pa ng boses niya. Tho may accent na probinsyano, ang sexy pa rin.

May tinawag lang siya na papalit sa kanya tapos lumabas na siya ng counter.

Fuck. Parehas kami ng suot. Maiksing short din pero siya kasi may konting abs at buhok sa dibdib.

“Aakyat na ako ha? Bumalik ka in 1 hour kung hindi papa search and rescue kita!” Bulong niya.

“Eh paano kung sa kwarto niya ako matulog?” Bulong ko rin.

“Hindi pwede! After sex, uwi agad! Okay? Bye. Naghihintay na siya!” Bigla na siyang tumakbo paakyat tapos lumapit na ako sa kanya.

Naglakad lakad kami palayo sa maliwanag na ilaw ng hotel papunta sa madilim na part ng beach.

Ngayon ko lang narealize na sumama ako sa lalaking hindi ko kilala!

Napahinto tuloy ako sa paglalakad.

“Paano ko malalaman na hindi mo kukunin lamang loob ko para ibenta?” Sabi ko bigla.

Buti na lang tumawa siya!

“Hindi ko kaya makakita ng dugo. So safe ka sa’kin!” Sabi niya.

Nakahinga ako nang maluwag.

“So, matagal ka na rito?” Tanong ko.

“Iyo…. oo. Dito na ako lumaki.”

“Ahh… so…”

“Yes.”

Kahit hindi ko tinuloy sinasabi ko, atleast alam kong gay din siya at hindi ko na kailangan sabihin.

“Anong work mo?” Tanong niya.

“Ah. Student pa lang ako. Trainee. Parang company outing ’to” sabi ko.

“Okay okay. 18 ka naman na di’ba?”

“Yeah. 18 na. Paano kung hindi ako 18? Hindi mo ko sasamahan dito?” Tanong ko.

“Syempre hindi! Mamaya kawatan pala kayo tapos hinuhuli niyo lang ako. Child abuse!”

“Haha hindi naman ako ganon. Bakit may balak ka ba sa’kin?”

Medyo pabigay ’yung linya ko doon.

Pero bigla niya kong hinawakan sa mukha at hinalikan sa labi.

“Ayaw mo ba?” Tanong niya.

Pero dahil sa kalasingan at dahil na rin sa konting sama ng loob dahil sa ginawa ni Jared, gusto ko ’to.

Humalik din ako.

Maya maya, nakahiga na kami pareho sa buhangin habang hinuhubaran isa’t isa.


Nagising ako kinaumagahan kasi ginigising ako ni Tom.

Ofcourse, umuwi ako kaagad after. Sabi nga ni Tom, After sex, uwi na agad.

Sabi ko lang sa kanya na strict bestfriend ko at siguradong oorasan ako non.

Walang nangyari sa’min na pasukan. Kumbaga, SUBU lang kami at for the first time ever, naexperience ko rin na masubo!

Ang heaven pala sa pakiramdam! Kaya pala halos mabaliw si Jared kasi masarap talaga.

Wala siyang balak ibigay pangalan niya at ayoko rin ibigay sa’kin. Okay na raw na hanggang doon lang kami.

“So, naka ilan kayo ni Pinya Boy?” Tanong ni Tom pagbangon ko.

“Pinya Boy?! Bakit mo ba ako ginigising? Ang aga aga!”

“Well, Victoriano. Ngayon na tayo lulubog sa ilalim ng dagat para hanapin si Nemo!”

Fuck. Ngayon na pala ’yun!

“Bilisan mo. May itenerary ngayon. Kailangan 8 nasa baba na tayo. Naka ligo na kami ni Jenica”

Hindi ko na muna tinanong kung okay na sila kasi 7:30 na at medyo matagal ako kumilos kaya naligo na agad ako.

Saktong 8 ako natapos at sabay na kaming bumaba ni Tom. Ibig sabihin hindi pa sila okay ni Jenica.

Pagbaba namin, nakita namin si Jenica na kumakain ng almusal. Sa’kin lang siya ngumiti tapos tinarayan niya si Tom.

Bago pa ako makaupo, tinawag ako ni Jared na nasa labas at nakalubog sa swimming pool.

Hindi naman ako pwedeng magalit sa kanya katulad ng kay Jenica kasi hindi ako babae at wala rin akong karapatan.

So lumapit ako.

“Kumain ka na ba? Tara. Turuan kitang lumangoy” sabi niya.

“Uhm. Hindi na…”

“Well, required kasi ’yung ituturo ko so bilisan mo tapos samahan mo ko rito ah?”

Ngumiti lang ako.

Tapos sa hindi kalayuan, nakita ko siya.

Si Pinya Boy nga na nakaanuhan ko kagabi.

Sumenyas siya sa’kin pero kunwari hindi ko siya nakita kasi nandito si Jared.

Pero nakita ko si Jared na lumapit kay Pinya Boy habang hawak hawak ’yung mga equipments.

Tinawag uli ako ni Jared.

“Victor, si Alex. Siya guide natin sa pagiiscuba diving mamaya!” Sabi niya.

Natawa lang si Alex pero nagkunwari lang kami na hindi namin kilala isa’t isa.

“Alex” sabi niya sabay abot ng kamay.

“Victor” pakilala ko sabay abot ng kamay niya


VOTE AND COMMENTS GUYS!!!! :))))))

Part 18

Nakasakay kaming lahat sa bangka habang hawak mga equipments namin.

Excited lahat, kahit ako excited din kasi first time ko ’to.

Okay naman lahat sa practice sa pool pero syempre, iba na kapag totoong dagat at 50 feet below kami.

Nasa unahan si Alex. Nahuhuli ko siyang sumusulyap sa’kin tapos ngingiti.

Ang ganda ng sikat ng araw kaya ang ganda ng tama sa kanya ng sinag. Morenong moreno, lalaking lalaki.

Tho, moreno rin ng slight ’yung magkakapatid, iba kasi kutis nila. Alam mong alagang alaga.

Si Tom naman mestiso kaya mamula mula siya.

Maarte ’tong lalaking ’to. Ayaw masyadong maarawan kaya nakapolo siya at malaking sumbrero.

May mga straight talaga na mas maarte pa sa mga bakla at si Tom ang number 1 example doon.

Magkatabi kami ni Jared. Habang kumukuha siya ng pictures gamit ’yung digi cam niya.

Ang layo na naman sa shore. Kulay green na rin ’yung tubig, ibig sabihin, malalim na ’yung part na ’to.

Ang ganda rin ng haplos ng hangin sa’kin. Ang saya saya talaga.

Si Tom naman alam kong may issue pa rin siya kay Jenica kaya nakatingin lang siya sa dagat.

Maya maya, bumagal na takbo ng at namatay na ’yung motor na nagpapaandar.

May napansin akong barko ata? O yacht na nakahinto sa pinaghintuan namin.

Sumampa kaming lahat doon at kumuha ng oxygen tank, tig iisa.

Eto na!

Nagsuot na kami ng equipments, googles at ’yung oxygen tank.

Napapanuod ko lang ’to sa movies noon pero ngayon ginagawa ko na.

“Paalala. Hihilahin kayo pababa ng tankeng dala niyo kaya hindi niyo kailangang pumadyak. Napag aralan niyo na tamang senyas at kung may problema, sumenyas lang kayo, okay?” Paalala ni Alex.

Umoo kaming lahat.

Maya maya, lumapit sa’kin si Alex.

“Huwag kang kabahan. Masayang experience ’to, mas masaya pa kagabi” sabi niya sabay kindat.

Ngumiti na lang ako at isa isa na silang tumalon.

Ako pinakahuli.

“Hindi ka ipapahamak ng mga ’to, okay?” Turo niya sa suot kong mga gamit saka siya tumalon.

Chineck ko kung nakaayos na at nung okay na lahat, lumubog na ako.

Ang lamig ng tubig habang pababa ako. Dahan dahan lang pero ang ganda sa ilalim ng tubig, ang payapa.

Maya maya, dahil sa sinag ng araw, nakita ko sila na nasa ilalim na.

Halos mapanganga ako sa ganda.

Ang daming coral reefs, ang daming isda, may nga pusit pa kong nakita.

Gumagana lahat lalo na ’yung tanke sa likod ko, nakakahinga ako sa ilalim ng tubig.

Lumangoy langoy ako kasi takot akong tapakan ’yung mga reef.

Maya maya, nakita ko si Tom na papalangoy sa’kin. Niyakap niya ako agad.

Kita ko reaksyon niya na tuwang tuwa siya, ang daming lumalabas ng hangin sa bibig niya.

Lumangoy langoy kami palayo. Nakita ko pa si Nemo!

Hindi ko mapaliwanag ’yung saya na nararamdaman ko.

Ang sarap magkaroon ng pera. Gusto ko rin dalhin si Papa dito pati mga Kuya ko.

Gusto ko rin dalhin si Harry. Gusto ko rin si Hector.

Ang saya siguro kung si Hector una kong makakasama sa ganito.

Maya maya, luminya kami kasi pipicturan kami ni Alex.

Pagkatapos non, nasanggi ’yung suot kong googles kaya may pumasok na bahagya sa ilong ko.

Since sa bibig namin nakapasak ’yung tube galing oxygen tank, nakakahinga pa rin naman ako pero nakakairita lang na hindi na ako makakahinga sa ilong.

Magkakalayo na kami lahat pero nakikita ko pa naman sila kasi ang ganda ng araw.

Lumapit sa’kin si Jared.

Sumenyas siya kung okay daw ba.

Sumenyas ako na okay.

Akala ko magyayaya siya sa ilalim ng dagat which is okay lang naman kaso naka body suit kami kaya hindi pwede.

Lumayo ako sa kanilang lahat at saka ko lumangoy langoy. Napapikit na nga ako sarap nang pakiramdam.

Nang tapikin ako ni Alex tapos sabi niya kailangan ng bumalik kasi mauubos na ’yung hangin.

May katapusan din lahat ng saya.

Pagka akyat namin, si Tom, Jared at Sir Jayden ang maiingay.

Puro sila “nakita mo si Nemo?”

“Nakita mo si Dory?”

“Yung maliit na parang kabayo”

Kami naman ni Jenica, nakangiti lang in silence pero alam namin na sobrang nag enjoy kami.

Tapos lumapit si Tom, ang taas pa rin ng energy niya.

“Takot ka pa rin ba?!”

“Hindi na. Kung may oxygen tank pa, bababa na ko tapos mauna na kayo!” Sabi ko.

“Haha ang saya talaga!!!”

Nakakahawa energy nila kaya halos lahat kami, nagwala na rin sa mga kwento.

Masaya na sana lahat kung hindi ko lang naalala si Hector.

Kumusta na kaya siya? Sana makasama ko siya sa ganitong klaseng experience.

At sana, wala pa siyang nahahanap na iba.


Pagbalik namin ng hotel, nagkekwentuhan pa rin kami ni Tom at medyo napansin ko na nagpaiwan si Jenica sa bar.

Pinauna ko na si Tom sa taas tsaka ko lumapit kay Jenica.

Tumabi ako. Buti na lang hindi si Alex ’yung naka duty.

“Hey, agang inom ah?” Sabi ko.

“Konting alak lang nandito hehe” sabi niya.

Alam ko namang nag enjoy siya pero feel ko kailangan ko rin ayusin relasyon nila ni Tom.

“Magkaaway ba kayo ni Tom?” Tanong ko.

“Ofcourse, sinabi niya!” Medyo inis niyang sabi.

“Hindi hindi…. napansin ko lang” agad kong sabi.

“Talaga?!”“

“Hindi kayo nag usap kagabi. Tapos hindi kayo sabay gumising kanina. Tapos ngayon, nag iinom ka mag isa. O di’ba obvious?” Sabi ko.

Mukhang kumalma naman siya.

“At saka, oo. Sinabi niya sa’kin” sabi ko na lang.

Bigla siyang tumawa.

“Well, ofcourse bestfriend ka niya. Anong gusto mong gawin ko? Matuwa ako?” Sabi niya.

“Hindi naman ata sinasadya ni Tom ’yun”

“Anong sinasabi mo?”

“Di’ba nag away kayo dahil sa nag sexy dance siya sa iba?”

“Ha? Nainis lang ako pero hindi naman ako nagalit dahil don! Naghalikan na kami, maiinis pa ko don?”

Natawa ako sa sinabi niya. Pero hindi kinwento ni Tom sa’kin na naghalikan na sila!

Samantalang ako, pati details pinapakwento niya!

Humanda talaga sa’kin ’yan.

“Eh bakit ka nagalit?” Tanong ko.

“Hindi naman ako nagalit. Nabigla lang ako. After kasi nung may sinayawan siyang babae, lumayo ako. Tapos hinabol niya ko, typical landian. Sorry siya nang sorry. Alam ko naman na hindi niya sinasadya, hello, parehas kami ng outfit nung babae so okay na ako doon.”

“Eh bakit ka nagalit?” Tanong ko uli

“Hindi nga ako nagalit. After non, sinabi niya sa’kin na gusto niya ako”

Oh. Hindi nga nakwento ni Tom ’to.

“Sabi niya ’yun?” Tanong ko.

“See. Ikaw nga hindi ka rin sure kung totoo ngang sinabi niya ’yun. Pero wala, sinabi niya talaga. At ang exact word na ginamit niya, ‘Jenica, gusto kita. Gustong gusto’. Then ayun, ewan ko, nagpanic ako”

Hindi ko alam kung totoo ba. Ang sabi ni Tom, nagsasaya lang siya. Nabanggit niya rin na oo, gusto niya si Jenica pero parang mali lang kasi kaka break lang nila ni Paula.

“Alam niya storya ko. Nagka boyfriend ako, once. Pero nagbreak din kami. Sabi ko huwag namin madaliin kasi medyo nasanay na ako sa galawan ng mga lalaki dahil sa ex ko at ganon na ganon si Tom”

“So, hindi mo siya pinansin after non?”

“Hindi ko alam sasabihin ko!”

“Gusto mo ba siya?”

“Victor, sabi ko sa’yo di’ba? Crush na crush ko ’yan si Tom sa school. Lahat nang kakilala ko either crush nila ’yan or asawa na raw nila.”

“Oh? Bakit parang ayaw mo?”

“Ehh… natatakot lang ako” sabi niya.

Wala ako sa posisyon para magbigay ng love advice pero kilala ko si Tom at alam kong mabait siya kaya kailangan ko siyang tulungan kung talagang gusto niya talaga si Jenica.

“Si Tom, seryoso ’yan. Kung natatakot ka na iiwan ka niya, huwag kang mag alala. Hinding hindi siya madaling sumuko. Kung sa tingin mo swerte ako sa kanya kasi bestfriend ko siya? Sure akong mas swerte magiging girlfriend niya”

“Ewan ko. Akala ko kasi gusto niya lang ako kasi wala naman ibang choice sa building natin”

“Haha trust me. Kung pagpipilian lang, marami ’yan si Tom. Kaya sana huwag ka matakot. Bigyan mo siya ng chance kung ayun lang naman kinakatakot mo”

Mukhang nasabi ko naman sa kanya dapat kong sabihin kasi ngumiti siya.

Bigla niya akong niyakap. Inubos niya ’yung alak tapos umakyat siya.

Hinayaan ko na lang muna sila doon.

Maya maya, tumabi sa’kin si Jared sa bar.

“Mukhang seryoso pinag uusapan niyo ah?” Sabi niya.

Nakapagpalit na siya, naka short at sando na lang siya tapos may shades sa ulo.

“Medyo hehe” sabi ko.

“Busy ka ba?”

“Bakit?”

“Wala lang. Samahan mo ko” sabi niya.

Ofcourse magyayaya na naman siya. Kailangan magpanggap din ako na hindi ako affected sa nalaman ko kaya sumama ako.

Naglakad kami papuntang beach tapos nandoon ’yung bangkang sinakyan namin kanina.

Si Alex din nakasakay pero bumaba siya paglapit namin.

“Okay na Sir” sabi niya.

Ngumiti lang si Alex sa’kin.

“Ano ’to?” Tanong ko.

“Tara!” Wala siyang sinabi. Sumakay siya sa bangka tapos sumunod ako.

Pinaandar niya hanggang sa makarating uli kami sa gitnang bahagi.

Hininto niya ’yung bangka sa ilalim ng araw.

Sa ilalim nang inuupuan namin, naglabas siya ng payong na malaki tapos tinayo niya sa bangka.

May pagkain din siyang nilabas.

“Ano ’yan?” Tanong ko.

“Uhm. Picnic? Sa gitna ng dagat?”

Naupo siya sa tabi ko tapos inabutan niya ako ng pagkain.

“I mean, ano ’to? Bakit may ganito?” Tanong ko uli.

Umakbay siya tapos hinalikan niya ako sa labi.

Unexpected pero hinayaan ko siya kasi parang namiss ko labi niya.

“Baka kasi isipin mo puro libog lang habol ko sa’yo. Minsan inaatake rin ako nang kasweetan at lucky for you, inatake ako ngayon!” Sabi niya.

Siguro medyo naguilty siya kasi nakipag sex siya sa babae kagabi kaya niya ginagawa ’to.

“Uy kumain ka! Nako, hindi biro ginawa ko para mahiram ko ’tong bangkang ’to” sabi niya.

Kinuha ko ’yung burger tapos kumain.

“Ano bang ginawa mo?” Tanong ko.

“Haha so kagabi, may babaeng chicks. Siya may ari neto, kapatid ni Alex ’yun, sabi ko hihiramin ko ’to after natin mag scuba diving.”

“Ahh….” so, nakipag sex siya para dito. Nice.

“Amazona ’yung babaeng ’yun. Akala ko madadala ko nang kagwapuhan ko eh pero ayaw, gusto niya ng pera. Eh wala pa naman akong cash! Kaya pumunta pa kaming bayan para mag withdraw! Sira ATM sa hotel eh”

Wait…..

“Tapos, nagpalibre pa ng kung ano ano sa bayan. Kaya inabot na kami ng madaling araw”

“Teka. Hindi ka nakipag ano??”

“Nakipag ano? Sex? Hala! Okay, alam ko naman na kaya kong makipag sex kahit kanino ko gusto pero syempre iisipin kita. We’re SUBU right? Loyal ako sa isa!”

Okay. Naguguilty na ako ngayon

Ang daming kasalanan ni Tom! Kasalanan niya ’to!

Pero hindi ko pwedeng sisihin si Tom sa kakatihan ko. Kasalanan ko ’to at ako nag assume na may kasex si Jared na iba.

“Oh? Bakit? Ang sweet ko di’ba?” Sabi niya sabay ngiti.

Fuck. Yes. Sobrang sweet.

“Thank you!” Sabi ko.

“No problem! Pero pwede naman, sweet and sex di’ba?”

Tumayo siya tapos naghubad ng sando at short.

Wow! Walang brief!

Nagpa sway sway pa ’yung etits niya sa’kin.

Tapos umupo siya sa dulong part ng bangka na parang inaakit niya ako.

“So? Pwede ba?” Tanong niya.

Hindi ako lumapit kaya gumapang siya papalapit sa’kin. Pagkarating niya sa’kin hinalikan niya ako uli.

“Bahala ka, hindi ko ikekwento alamat ng Tokneneng sa’yo kapag hindi ka pumayag” bulong niya sa’kin.

Feel ko ang harot harot ko na.

Naguguilty tuloy ako na may nangyari sa’min ni Alex pero wala na. Nandito na eh.

“Kwento mo muna bago ko isubo ’yan!” Sabi ko.


VOTE AND COMMENTS!!!!

PAALALA LANG NA IPUPUBLIC KO NA ULI MGA STORIES KO (SABI NI WATTPAD) SO BAKA MA FLOOD NOTIFS NIYO NG STORIES KO! HAHA

THANK YOU! :)

Part 19

Pabalik na kami ni Jared sa hotel.

Hindi niya na nakwento alamat ng tokneneng kasi sumunggab kaagad siya ng halik sa’kin.

Nauna na siyang umakyat pero nakita ko si Alex sa bar kaya umupo muna ako sandali.

Umorder ako ng juice pero binigyan niya ako ng may alak.

“Nag cheat ka ba?” Bigla niyang tanong.

Umiinom pa naman ako ng juice na binigay niya kaya halos mabilaukan ako.

“Hindi kami…. ano lang..”

“Ah okay. Mabuti naman. Hindi kakayanin ng konsensiya ko kung kayo tapos may nangyari sa’tin”

“Me too. Sorry. Nadala lang ng alak…”

“I know I know. Pero ang saya non. Salamat!” Sabi niya.

“Salamat din!”

Gusto ko lang din naman siya kausapin about dito kaya ako umupo at mukhang eto na rin ’yung closure na hinihintay ko galing sa kanya.

Maya maya, nakita ko siyang nakikipaglandian sa isang customer kaya umalis na rin ako at umakyat.

Pagkapasok ko sa kwarto, nakita ko si Tom na may kausap sa phone.

Tumambay naman muna ako sa may terrace para tignan ’yung view ng dagat.

Ang ganda ganda talaga! Lalo na ’yung simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

Naramdaman ko na lang na tinapik ako ni Tom.

At bago ako makapagsalita, siya unang nagsalita.

“Sorry”

Natigilan agad ako sa sasabihin ko nang humingi siya ng tawad.

“Saan?” Sabi ko.

“Kasi hindi ko sinabi totoo”

Naupo ako sa may upuan at hinintay ko siyang magpaliwanag.

“Sabi ko kasi sa’yo nung una mag eenjoy lang ako pero masyado akong nag enjoy. Nagkakaroon na ko ng totoong feelings para kay Jenica”

“Oh? Ayun lang pala. Bakit hindi mo sinabi sa’kin?”

“Magmumukha kasing kinain ko lang lahat nang sinabi ko sa’yo. Sabi ko, mag enjoy lang. Huwag mag expect. Eh ako naman ’tong nag eexpect sa kanya ngayon”

“Hindi naman ako galit kasi hindi mo sinabi. Parang ano lang, nagtatampo kasi halos lahat sinasabi ko sa’yo. Lahat lahat. Tapos ikaw, naglilihim ka ng ganyan”

“Sa’tin kasi dapat ako ’yung malakas. Ayoko lang na magmukhang mahina pagdating sa’yo”

Naiintindihan ko naman siya. Palagi siya ’yung nagbibigay ng advice sa’kin, palaging siya ’yung malakas.

“Well, minsan okay lang din maging mahina.” Sabi ko.

Niyakap ko naman siya agad at yumakap din siya.

“Well, so bali ayun. Kami na ni Jenica” bigla niyang sabi.

“We?!” Nagulat ako. As in.

“Hindi na ako magsisinungaling di’ba? Oo. Kami na.”

Boto ako kay Jenica at mukhang masaya naman si Tom kaya masaya na rin ako para sa kanya.

“Umakyat siya tapos nagusap daw kayo tapos hindi niya ako pinagsalita. Pagkatapos niyang magsalita, hinalikan niya ako tapos tinanong ko kung kami na ba, sabi niya oo.”

“Congrats!! Magpasalamat ka sa’kin!! Ako dahilan bakit naging kayo!”

“Haha una sa lahat, naging kami kasi crush niya ako. At ’yun na ’yung dahilan bakit naging kami. Wala ng iba!”

“Hoy madaya! Sinabi ko kaya na mabait ka kahit bihira ka lang maligo!”

“Loko ka! Huwag mong pagsigawan! Mamaya marinig ka! At saka hindi lang ako naliligo ’pag nasa Baguio tayo! Malamig kaya!”

“Ang point ko, hindi ka pa rin naliligo!”

“Haha. Ano bang gusto mo? Lilibre kita!” Sabi niya.

“Gusto ko fries, pizza, shake at onion rings!”

“Okay!”

Pumasok siya sa loob tapos tumawag ng room service.

“Ang kapal talaga ng mukha mo!” Sabi ko.

“Haha may 3 hours pa tayo bago tayo umalis. Sulitin na natin room service!”

Oo nga pala. Hindi ko pa alam kung saan next destination namin pero mukhang sasakay uli kami ng eroplano.

“Kung may gusto ka na kay Jared, okay lang sa’kin. Susuportahan kita” bigla niyang sabi.

“Bakit naman napasok si Jared dito?”

“Wala lang. May gusto ka ba sa kanya?”

Hindi ako nakasagot kasi nag iisip ako.

May gusto na ba ako? Sa tingin ko oo. Pero gusto maging boyfriend? Parang wala pa ako sa level na ’yun.

Nasa isip ko pa rin mantra namin. SUBU lang kami at hanggang doon lang kaya niyang ibigay.

At okay lang ako don.

“Masaya lang ako kapag nandiyan siya” sabi ko.

Mukhang naintindihan naman ni Tom ibig kong sabihin kaya hindi na siya sumagot.

Maya maya, natapos na maligo si Jenica tapos naglinis na kami ng mga gamit namin at inenjoy ’yung room service na tinawag ni Tom.


So tapos na kami mag asikasong tatlo. Holding hands na silang dalawa at medyo naiinggit ako.

Parang kahit gaano kasaya ’yung set up namin ni Jared, alam mong hanggang doon lang ’yun.

Walang relationship. Sex lang.

Paano kaya kung tawagan ko si Hector ngayon?

Ang unfair lang sa kanya kasi tatawagan ko siya dahil naiinggit ako sa lovelife ni Tom ngayon.

Pero what if kaya….. what if tawagan ko si Hector ngayon?

Isa sa dahilan kung bakit da best si Tom? Alam na alam niya kung anong nasa isip ko.

Nakita niya siguro na malalim iniisip ko kaya pinauna na niya si Jenica sa baba.

Pumayag naman siya tapos bumalik kami ni Tom sa kwarto.

“Alam ko ’yan. Nag iisip ka. Bakit? Naiinggit ka?”

Oh di’ba, alam na alam.

“Kaya ayoko rin sana sabihin sa’yo kasi pumunta tayo rito para mag enjoy at hindi humanap ng magiging jowa. Pero wala na eh, nangyari na. Sabihin mo sa’kin, anong iniisip mo?” Tanong niya.

“Wala… masaya lang ako sainyo…”

“Alam kong masaya ka. Pero ano bang gusto mo? Gusto mo na ba si Jared?”

“Hindi.”

“Ang bilis ng sagot ah. So? Ano nga?”

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya pero wala naman sigurong mawawala

“Si Hector” sabi ko.

Natigilan siya.

“Anong meron sa kanya?” Tanong niya

“Wala lang. Kung kumusta na siya”

Tapos nag isip siya sandali.

“Gusto mo bang kausapin?”

“Ewan ko…”

“Kasi pwede natin tawagan. Pwede ako mag message sa kanya sa facebook kung anong number niya”

“Hindi ko alam. Pagkatapos non? Ano? Tatawagan ko? Tapos?”

“Ewan ko, Victor. Ano ba kasing gusto mo?”

“Hindi ko talaga alam Tom. Please,huwag mo kong pressurin.”

Napressure ako sa mga tanong niya. Hindi ko alam kung anong gusto ko. Gusto ko si Hector dito. Ayun lang. Wala nang paliwanagan.

Hindi na rin naman nangulit si Tom at lumabas na uli kami ng kwarto.

Pagbaba namin, nandoon na silang lahat. Nakatayo habang bitbit mga gamit nila.

Sumakay na uli kami ng sasakyan. This time, solo na lang namin ni Jared ’yung likod.

Nang makaayos na kaming lahat, nagsalita si Jared.

“Alam niyo ba kung saan tayo pupunta?” Sabi niya.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

“Pupunta tayo sa Roxas, Capiz!”

Napatingin lang kaming lahat sa kanya. Pero alam ko unang pumasok sa isip ni Tom.

Mga multo!

Marami lang akong alam na kwento na maraming multo sa Capiz at parang doon nga raw birthplace ng manananggal!

“Ano namang gagawin natin don?!” Tanong ni Sir Jayden.

“Secret! Mamaya umurong pa kayo kapag malaman niyo!” Sabi niya pa.

Hindi mapakali si Tom kasi alam kong natatakot siya.

Si Sir Jordan naman back to work tapos si Sir Jayden, sumandal na siya tapos nag earphones.

Naramdaman ko na lang na umaandar na ’yung sasakyan.

“Anong gagawin sa Capiz?” Bulong ko sa kanya.

“Huwag kang mag alala. Masaya” bulong niya rin.

“Uhm. Beach ba?”

“Secret.”

“Eh ano?”

Bigla niyang hinawakan kamay ko. ’Yung holding hands talaga. Ni lock niya kamay niya.

“Huwag kang mag alala. Hindi kita pababayaan doon” bulong niya.

Pero hindi ko maka get over sa holding hands.

Mukhang napansin niya na nakatingin ako sa mga kamay namin.

“Ayaw mo ba?” Bulong niya.

“Ah… hindi naman”

Tapos humigpit pagkakahawak niya.

“Pwede ba akong maging honest?” Bulong niya uli.

“Okay. Ano ’yun?”

Nilapit pa niya labi niya sa tenga ko.

“Ang saya ko kapag kasama kita”

Nginitian niya ako ng malaki tapos hinalikan niya ako sa pisngi nang mabilis.

Hindi ko naman alam kung anong irereact ko pero napangiti ako. Siguro natural na act ’yun.

Pinaglalaruan ng thumb niya kamay ko, at ang sarap sa pakiramdam.

“Sa’kin ka lang ha?” Bulong niya sa’kin.

Sabay higa sa lap ko na para bang wala siyang sinabi na nagpapabago sa isip ko ngayon.


VOTE AND COMMENTS!!!!!! :))))

Part 20

Pagod na kaming lahat nang makarating kami ng Capiz.

Gusto na lang namin magpahinga kasi pagod na kami sa Scuba Diving kaninang umaga, pagod pa sa byahe.

May nakaabang sa’min na jeep paglabas ng airport.

May kausap si Jared na mukhang tiga rito habang pinagmamasdan lang namin siya.

“Alam mo ba plano niya?” Tanong ni Tom sa’kin na mukhang pagod na pagod na rin.

“Wala akong idea” sabi ko.

Tamad na tamad na kaming lahat. Gusto na lang namin magpahinga sa malambot na kama.

Maya maya, tinawag na niya kami at sumakay kaming lahat sa jeep.

“Wala ka bang budget?!” Tanong ni Sir Jayden.

“Haha. Masaya ’to. Magtiwala lang kayo!” Sagot naman ni Jared.

Ang maganda lang sa pagbyahe ng jeep, ang sarap ng hampas ng simoy hangin sa’min.

Though gabi, wala ako masyadong makitang view at wala masyadong street lights, feel ko mag eenjoy kami dito.

Tulog kaagad si Tom at Jenica. Si Sir Jordan naman nakadungaw lang sa labas. Samantalang si Sir Jayden, naglalaro sa phone niya.

May something sa itsura ni Jared na mukhang may binabalak na masama ’to.

“Saan tayo magchecheck in?” Tanong ko sa kanya.

“Oh. Kakaiba ’to sa tinuluyan natin sa Naga!” Sabi niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Basta!”

Hindi na niya ako pinansin at mukhang tumitingin na lang siya sa labas.

Napansin ko naman na sobrang dilim sa labas at medyo lubak lubak dinadaanan namin.

Nagising si Tom at Jenica at mukhang nakuha din atensyon ng kambal.

“Tama ba dinadaanan natin?” Tanong ni Sir Jayden.

Pero hindi sumagot ’yung driver.

Si Jared naman nakangiti pa rin na ewan.

Kinakabahan na tuloy ako.

Ayoko sanang maniwala sa mga kwento pero marami raw multo dito.

May kinwento si Angelo na dapat kapag dadayo ka sa ibang lugar, dapat palagi kang mag tabi tabi kasi baka sundan ka nila.

Naalala ko mga kwento niya nung nasa unit kami at parang sabay sabay pumapasok sa isip ko.

Multo. Aswang. Manananggal. Tiktik.

Huwag daw ako masyadong titingin sa puno kasi baka magkatitigan kami ng Kapre.

Mas lalo kaming nataranta nang huminto ’yung jeep sa gitna ng kagubatan. Halos wala talagang hotel na makikita.

“Ano ’to? Nanakawan ba tayo?!” Natataranta na si Sir Jordan.

Mahigpit na rin hawak ni Jenica kay Tom.

Alam kong mas takot si Tom ngayon kay Jenica pero kailangan niyang maging malakas para sa girlfriend niya.

Napahawak na rin ako kay Jared sa takot.

Nawala talaga antok naming lahat.

Sabay sabay kaming bumaba bitbit mga gamit namin.

“Magtiwala kayo sa balak ko” sabi ni Jared.

Wala kaming sinabi kasi natatakot na kami lalo sa driver.

Ayoko sanang husgahan pero may mga itsura talaga na kapag nakasalubong mo sa madilim na lugar, mapapatakbo ka.

Si Manong Driver, medyo ganon.

Pero nagbukas siya ng flashlight tapos naglakad kami.

Sinundan namin siya sa mapunong lugar.

Nasa dulo kami ni Jared nang hawakan niya kamay ko.

“Huwag ka matakot. Alam ko ginagawa ko” bulong niya sa’kin.

Nawala naman takot ko nang hawakan niya kamay ko.

Feel ko safe ako sa kanya.

Sa hindi kalayuan, may nakita kaming liwanag na parang nanggagaling sa malaking apoy.

May mga tao rin na parang nagsasayawan dahil sa hiyawan nila.

Nawala na talaga takot namin kasi papalapit, nakita namin na parang may fiesta sa gitna ng gubat.

Ang daming tao, nagsasayaw. Pero kakaiba suot nila, hindi naka pants at tshirt, parang pang katutubong damit.

Nakita namin ’yung driver namin na yumakap sa babae na mukhang asawa niya tapos may nagmanong mga bata na mukhang anak niya.

Ayoko na talagang manghusga.

Nagtinginan lang kaming lahat sa plano ni Jared.

“Dito tayo tutuloy! Makikisali tayo sa binyag ng anak ni Manong Ruben!” Sabi ni Jared.

Halos lahat nakatingin sa’min kasi obvious na obvious na outcast kami.

Pero may lumapit sa’ming babae tapos inofferan kami ng buko na may straw.

Kinuha naman namin.

“Ano ’to?” Medyo bulong ni Sir Jayden kay Jared pero naririnig namin.

“Buko Juice”

“Hindi. Anong klaseng plano ’to?! Nasaan ’yung hotel? Saan tayo matutulog?”

“Eto na Kuya. ’Yung kausap ko kanina,  si Manong Ruben, mabuti nga sinali niya tayo sa pagdiriwang ng binyag ng anak niya eh.”

“Okay????? Pero bakit?”

“Kung sinabi ko ba sainyo, sasali kayo? Para maiba naman experience natin pare pareho.”

“Ang akin lang, may charger ba dito?” Tanong naman ni Sir Jordan.

“Ang alam ko….. wala”

“Nice!! Wala sa usapan na walang electricity!”

“Kuya, hanggang bukas lang naman tayo dito. Sa susunod na araw, ikaw naman masusunod”

“Kailangan ko ng charger!”

“Please Kuya? For once, mag bonding lang talaga tayo. Please?” Pagmamakaawa ni Jared.

Kahit ano namang sabihin ni Sir Jordan, wala na rin namang mangyayari kaya pumayag na rin siya.

“Gusto ko nang magpahinga. Saan tayo matutulog?” Tanong niya.


May provided na 5 na kubo para sa’min. Bahala na raw kami kung saan kami matutulog.

Tinignan ko oras, 9:30 na kaya gusto ko na ring magpahinga.

Hindi na ako sumama sa kubo ni Tom at Jenica kasi awkward na knowing na sila na. Hindi na ko pwedeng umaligid aligid.

Nagsolo na lang ako sa kubo. Pagpasok ko, isang unan at banig ’yung nakalatag. Meron namang kulambo pampatanggal ng lamok.

Walang kaso sa’kin ’to. Malamig naman at saka presko kaya hindi ako maiinitan.

Ang problema lang talaga, si Sir Jordan at Jayden kasi feel ko first time nila ’to.

Maya maya, pumasok din si Jared sa kubo ko.

Kasya apat na tao sa loob ng kubo. Nakakahiya nga na solo solo pa kami kasi ’yung ibang tiga rito mukhang share share sila.

“Okay ka lang?” Tanong niya.

“Oo. Para maiba naman” sabi ko.

“Hehe. Nice” tinulungan niya akong buksan ’yung kulambo tapos nahiga kaming dalawa sa loob.

“Bakit ganito naman balak mo? Unexpected masyado” sabi ko.

“Para naman maiba. Para talagang mag bonding kami”

“Hindi pa ba kayo nagbobonding ng lagay na ’to? Taon taon niyong ginagawa ’to”

“Sabi ko nga sa’yo, dati, palaging mga girlfriend namin ’yung kasama. Kaya parang wala lang din.”

“Ahhh”

“At isa pa, gusto ko kasing magkabati na rin ’yung dalawa” sabi pa niya.

“Si Sir Jordan at Sir Jayden?”

“Oo hehe pero huwag mo sabihin na sinabi ko ah? Sana mag usap na sila ng totoo”

So may something nga sila.

Kaya pala sa office, napapansin ko na may gap sa kanila kasi hindi pala sila okay.

Masyadong seryoso si Sir Jordan tapos si Sir Jayden masyadong happy go lucky.

Habang nag iisip ako, nagulat ako nang kunin niya ’yung unan sa’kin tapos siya ’yung nahiga.

Inakbayan naman niya ako para sa braso niya ako mahiga.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Naririnig ko rin tibok ng puso niya.

Maririnig mo ingay sa labas ng mga taong nagkakasiyahan pero parang ang tahimik sa loob ng kubo namin.

“May boyfriend ka ba?” Bigla niyang tanong.

“Ha?”

“I mean, obvious naman na wala kasi hindi ka naman makikipag anuhan sa’kin kung meron. Pero, nagkaroon ka na ng boyfriend di’ba? Or may gusto kang iba pero hindi ka gusto?”

Bakit bigla bigla naman naging interesado si Jared sa lovelife ko.

“Wala.” Sagot ko lang.

“Grabe. Ang tipid naman!” Sabi niya.

Hindi na ako nagsalita, tumawa na lang ako. Baka kasi kung ano pa masabi ko.

Tapos bigla siyang nagkwento.

“Alam mo ba tumawag sa’kin ex ko. Remember? Nung nasa park?” Sabi niya.

“Ahh.. oo. Paano ko makakalimutan” sabi ko.

“Hehe ayun. Tumawag siya. Nagsosorry. Siguro dahil gusto niya lang sumama dito sa bakasyon kaya siya nagsosorry.”

“Bakit ayaw mo makipag ayos?” Tanong ko.

“Bakit pa? Eh nandito ka naman”

Ayoko ng ganito.

Ayokong mahirapan sa huli.

Hindi ko alam baka nag eenjoy lang siya sa ginagawa namin, at wala naman siyang balak panindigan kung ano mang nararamdaman niya.

“Sinabi ko sa kanya” sabi niya pa.

“Sinabi? Ano?”

“Na may nangyayari sa’tin. Na, pinagpalit ko siya sa’yo”

“Ha?!” Napatayo tuloy ako.

Pero hinila niya ulo ako at this time niyakap niya ako.

“Dito ka lang, Victor.” Bulong niya.

May something sa yakap niya na hindi ka magpupumiglas kasi feeling mo safe na safe ka.

Pero iniisip ko lang din kung anong mangyayari sa’kin sa huli.

“Kaya ko tinatanong kung may boyfriend ka kasi gusto sana kitang…..”

Bago pa niya matapos sinasabi niya, agad siyang bumitaw sa’kin kasi hinahanap siya ni Sir Jordan.

Hindi pa alam ng magkapatid ’yung tungkol sa’min kaya nag ayos din ako.

“Nasaan ’yung CR? Saan ako magshoshower?” Sabi niya.

“Samahan kita Kuya hehe”

Bago lumabas si Jared, lumapit siya sa’kin at hinalikan ako sa labi ng mabilis.

“Usap tayo mamaya ha?”

Sabay sara ng kubo ko at sumunod na sinamahan na niya si Sir Jordan.


VOTE AND COMMENTS!!!!! :)))

Part 21

To be honest, mas gusto ko ’tong plano ni Jared kumpara kay Sir Jayden. Nakaidlip na ako sandali sandali sa hangin.

Ang presko kasi, mahangin tapos first time ko pa makakita ng alitaptap!

Hindi pala siya katulad sa cartoons na parang bubuyog na malaki, maliit lang pala sila.

Meron ngang nakapasok na ilan sa kubo ko kaya pinapasok ko sila sa kulambo ko baka lamukin sila.

Ang ganda talaga. Tapos sobrang dilim pa. Nakakamangha.

Sa susunod, gusto ko din magbakasyon sa ganito.

Habang nag eenjoy ako sa alitaptap, may napansin ako sa labas na parang may nakatayo.

Hindi siya gumagalaw. Nakatayo lang talaga siya sa labas.

Eto na nga ba sinasabi ko eh! Totoo nga ’yung balita about dito na maraming multo.

Pero biglang bumukas ’yung pinto at may lalaki na may dalang pagkain ’yung bumungad sa’kin.

Muntik na akong mapasigaw.

“Baka nagugutom po kayo” sabi niya ng may punto.

Minsan naiisip ko, paano kung may punto rin pananalita ko sa mga tao sa probinsiya? At hindi sila ’yung may punto kung hindi ako?

“Ah. Salamat!” Sagot ko na lang.

Puro prutas binigay sa’kin. Mangga na may bagoong, santol, saging, pakwan at kiwi.

“Baka po gusto niyong makisaya sa’min” sabi niya pa.

“Hindi na. Okay na ako dito. Salamat”

“Sige po kaso kayo lang po ’yung wala. Lahat po nang kasamahan niyo nandoon” sabi niya.

Napatayo agad ako sa pwesto ko saka binitbit ’yung binigay niyang pagkain.

Naglakad ako doon sa malaking apoy at nakita ko nga silang lahat na nakaupo doon habang umiinom.

May tugtog din at may mga sumasayaw pero sila, nakaupo lang at nanunuod.

Tumabi ako kay Tom.

“Bakit hindi mo man lang ako tinawag?” Bulong ko sa kanya.

“Naka idlip ka kaya kanina” sabi niya.

“Kanina pa kayo nandito?”

“Oo. Nagbihis lang kami. Tapos sabi ni Jared makisali daw kami dito so eto, umiinom kami ng lambanog!”

Inabutan niya ako ng baso ng alak.

Inamoy amoy ko muna bago ko inumin. (May naalala lang ako pero bastos)

Masarap naman pala. Ginawa ko na lang chaser ’yung prutas na binigay sa’kin nung lalaki.

Busy si Tom makipagusap kay Jenica at medyo nagseselos na ako kasi feeling ko wala na siyang time sa’kin.

May napansin naman akong mag asawa na nagsasayaw tapos pinapalibutan sila habang nagpapalakpakan.

’Yung katabi kong babae, napansin ata na nakatingin ako.

“Bagong kasal. Tradisyon na dapat magsayaw sila habang pinapalibutan ng mga kamag anak nila habang nagpapalakpakan” sabi niya bigla.

“Para saan naman po ’yun?”

“Para mas tumagal pagsasama nila. Kada palakpak ng kamag anak, katumbas ay taon nang pagsasama”

“Wow. Edi forever na silang magsasama niyan!”

Nakakatuwa lang na nasa Pilipinas pa rin naman ako pero may iba silang kultura dito.

“Ano po ’yung bulaklak na nakadikit sa damit nung babae?” Tanong ko.

May kulay blue kasi na bulaklak na nakadikit sa damit niya. Napansin ko rin na meron ’yung lalaki.

“Binibigay mo ’yan sa kasintahan mo. At kapag tinanggap niya ’yun, ibig sabihin magsasama na kayo habang buhay”

“Saan naman po nakakahanap non?” Tanong ni Tom na nakikinig pala sa kwentuhan namin.

“Ang tawag namin diyan sa bulaklak na ’yan, kabuntagon, Bulaklak na pang habambuhay na pagmamahalan .Kasi lumalabas lang sila kapag tapos ng ulan sa madaling araw. Kaya bihira lang makakita niyan” paliwanag niya.

Parang gusto ko tuloy magkaroon. Pero imposible at saka wala naman akong pagbibigyan.

Kaso nakatingin si Tom sa’kin na para bang gusto niyang maghanap kami ngayon mismo.

“Ah, Nay. Umulan po ba kagabi?” Biglang tanong ni Tom.

“Umulan kanina bago kayo makarating.”

“Ibig sabihin may chance po na meron nung bulaklak na ’yun?”

Tumingin siya sa’min.

“Oo meron kaso wala kayong kasama.”

“Okay lang po. Masaya naman eh, adventure!” Sabi ni Tom tapos tumayo siya

Pinatayo niya rin ako.

“Ayoko nga!” Sabi ko.

“Huwag ka ng maarte! Kapag nakahanap tayo o edi bigyan mo si Jared o kaya si Hector.”

Hindi ko pinansin sinabi niya.

“Una sa lahat, madilim. Takot ka di’ba? Paano kapag may multo? Tapos alam mo ba kung saan tayo pupunta?”

“Hindi natin kailangan malaman, Victoriano. At saka lasing ako ngayon kaya hindi ako madaling matakot!” Sabi niya pa.

“Ehh…”

“Maglalakad lakad lang tayo! Dali na. Samahan mo lang ako” sabi niya.

Wala na kong nagawa kasi hinila na niya ako patayo.

Hindi kami nagpaalam sa kanila, dahan dahan kaming lumayo hanggang sa hindi na namin sila makita.

Nasa gubat kami at puro puno makikita mo. May daananan naman kaming sinusundan kaya siguradong hindi kami maliligaw.

“Pwede ba akong mag share sa’yo?” Biglang sabi ni Tom.

Nagulat ako nang umupo siya sa may puno kaya wala na rin akong nagawa kaya tumabi ako.

“Mahal na Mahal ko na ata si Jenica!” Bigla niyang sabi. Sa tono ng boses niya, parang excited na excited siyang ishare.

“Alam mo ba, hindi ko nakwento sa’yo before na sabay kaming kakain tapos sabay kaming uuwi. Minsan pupuntahan niya ako sa station ko tapos ako naman minsan magdadala ng pagkain sa station niya. Ewan ko, siguro may dahilan talaga kung bakit nag break kami ni Paula. Para marealize ko na may mas the best pa sa kanya.”

Ngumiti lang ako kasi masaya talaga ako para kay Tom.

“Nako, baliw na ata ako. Ngayon lang ako nagkaganito kupal! Ngayon lang. Bakit ganito?” Tanong niya.

“Tinamaan ka na kasi talaga”

“I know!! Sobra! Gosh. Tapos everytime na matutulog kami, papasok niya kamay niya sa loob ng damit ko tapos okay na ako. Ofcourse gusto ko siyang maka sex one day pero sobrang intimate na lahat nang ginagawa namin. Natuturn on ako.”

First time ko lang talaga siya makita ng ganito.

Alam kong baliw na baliw siya kay Paula noon pero hindi kasing baliw ngayon kay Jenica.

“Haha kalma! Puso mo!”

“Sorry. Kanina ko pa gustong ilabas eh haha!”

“Okay lang. Atleast nagkekwento ka na sa’kin di’ba? Puro ka sikreto eh!”

“Hindi sa ganon, Victoriano. Nung una kasi hindi pa ako sure. Ngayon, sure na sure na ako.”

Wala akong masabi kaya niyakap ko na lang siya.

“Pero huwag kang mag alala. Kapag dumating ’yung araw na kailangan mo ko, uunahin pa rin kita kasi ikaw bestfriend ko!” Sabi niya.

“Aba dapat lang!”

“Haha at dahil diyan. Gusto ko maghanap ka na rin ng bago mong boyfriend!”

“Ayoko muna..”

“Okay”

“Ang bilis mo naman kausap. Hindi mo man lang ako pinilit na maghanap!”

“Haha. Naalala mo dati kay Arthur? Pinilit kita tapos anong nangyari? Ayoko lang maulit. At kung gusto mo na magkaroon ng boyfriend uli, susuportahan kita kahit sino pa ’yan!” Sabi niya.

Bago ako makasagot, nakarinig kami na parang may tao.

Lumapit pa ako kay Tom kasi alam kong natatakot na rin siya.

“Akala ko ba hindi ka takot?” Bulong ko sa kanya.

“Kunwari lang ’yun. Nandon si Jenica eh!”

May kwento si Angelo noon na huwag kang titingin sa mata ng multo kasi habang buhay mo silang makikita kapag pumikit ka.

Kaya pinikit ko mata ko.

Maya maya, may humawak sa balikat ko kaya napasigaw ako kaagad.

“Woah woah… ako lang ’to!” Boses ni Jared.

Nakita kong nakahawak sa puso si Tom sa sigaw ko pero tinanggal niya kaagad nang makita si Jared.

Patawa talaga ’tong si Tom eh.

“Sorry, nasira ko ba kwentuhan niyo?” Tanong niya.

“Hindi naman. May hinahanap lang kami” sabi ni Tom.

“Ahh… hope na hindi multo ’yun no?”

“Haha takot si Victor sa multo”

Tumingin lang ako sa kanya ng masama kasi siya naman talaga takot sa multo sa’ming dalawa.

“So…. ang presko no?” Sabi ni Jared.

Bigla namang tumayo si Tom.

“Baka hinahanap na ako ni Jen, sige na Victor. Iwan na muna kita kay Jared” sabi niya.

Ngumiti lang si Tom sa’kin at alam ko na ibig sabihin non.

Feel ko binigyan niya kami ng time na magsolo ni Jared.

Nakatayo lang kami doon. Sobrang tahimik ng lugar. Tunong lang nang gumagalaw na sanga ng puno maririnig mo tsaka crickets.

“So….” sabi niya uli.

“Uhm ano??”

“Wala naman hehe. Gusto lang kita kumustahin dito” hindi siya makatingin sa’kin.

Alam ko na mga ganitong galawan. Bakit ngayon pa?

Ayoko sanang isipin ’yung binabalak niya pero mukhang sasabihin na niya rito.

“Alam mo ba ’yung sasabihin ko….” hindi ko pinatuloy sinasabi niya.

“Gusto ko malaman ’yung alamat ng tokneneng!” Sabi ko.

This time napatingin siya sa’kin

“Bakit?” Tanong ko.

“The last time na dapat kekwento ko ’yun, may nangyari sa’tin eh. Gusto mo ba?”

“Huh?????” Feel ko namumula ako ngayon “hindi! Uhm… gusto ko lang may mapag usapan” sabi ko.

“Haha eh may sasabihin nga kasi ako” sabi niya.

Ayoko sanang malaman. Paano kung aamin siya? Anong sasabihin ko?!

Hindi ko pa naman sure kung ready na ako.

Minsan kasi parang ang hirap mag turn down kaya in the end kahit ayaw mo, mapapa oo ka na lang.

“Victor…” sabi niya sabay kuha ng kamay ko.

Pumikit ako tapos may naramdaman akong nilagay niya sa palad ko.

Ayoko muna tignan pero nang kapain ko, muntik ko na masira.

Eto ’yung bulaklak na hinahanap namin ni Tom. ’Yung sabi ni Nanay kanina na Bulaklak na panghabambuhay na pagmamahalan.

Hindi ako nakapagsalita.

Bigla naman akong hinalikan ni Jared sa labi. Masyado pa rin akong nagulat sa binigay niya na binuhat niya ako pasandal sa puno.

Masyadong intimate halik niya to the point na napayakap ako sa kanya.

“Hindi ko na sasabihin ’yung gusto kong sabihin. Itago mo lang ’yan. Kung malalaman mo storya ng bulaklak na ’yan, malalaman mo gusto kong sabihin sa’yo”

Tinignan ko ’yung bulaklak. Simple lang naman siya na bulaklak. Parang sampaguita na red. First time ko lang kasi makakita neto.

Nakita kong nakatingin sa’kin si Jared.

Nakasandal pa rin ako sa puno habang nasa harap ko siya.

May sasabihin sana ako pero hinalikan niya ako uli.

Pagkalayo ng labi namin, sasabihin ko sana na gusto ko nang bumalik pero hinalikan niya ko uli.

Hindi niya ako hinayaang magsalita.

Everytime na bubuka bibig ko, tatakpan agad niya gamit labi niya kaya hinayaan ko na lang siya.

PS: Walang nangyari. Halikan to the max lang.


VOTE AND COMMENTS!!!!!! :)))

NAcheck niyo ba yung pinost kong new story? Malay niyo kadugtong yun ni Victoriano o story ng ibang character dito :))))))

Part 22

“Alamat ng Tokneneng.

Nagkaroon ng tokneneng nung 1872, panahon pa nang pananakop ng Espanya sa Pilipinas.

Naimbento ito ni Ka-Berto.

Habang nakikipaglaban ang mga Pilipino noon, siya naman nag aalaga sa mga sugatang sundalo. Nagpapakain, nag gagamot.

May poultry siya sa likod ng bahay niya at doon siya kumukuha ng itlog para gumawa ng tinapay.

Galit ang mga Espanyol dahil nagtatago raw ng itlog si Ka-Berto. Kaya ang ginawa niya, para hindi niya ibigay ang mga itlog, pinakuluan niya tapos binalot niya sa ginagawa niyang tinapay.

Pero hindi kumbinsido ang mga Espanyol, kaya ginawa niya, pinrito niya para magmukhang gumagawa siya ng doughnut.

Fun fact: ayaw ng mga Espanyol ng doughnut kasi raw hindi sila nagpauso non.

So naniwala naman sila kaya pinabayaan na nila si Ka-Berto.

Pero ’yung makulit na kapatid niya, natapunan ng food coloring ’yung ginagawa niya.

Kaya kulay orange ang tokneneng.

At ’yun ang alamat ng tokneneng“

Lahat kami nakatingin kay Jared.

Bumalik na kasi kami sa lahat, nakaupo na kaming pabilog sa may bonfire.

Nakinig din mga tao doon sa storya ni Jared pero lahat kami literal na nakatulala.

“Nasaan ’yung tokneneng doon?!” Tanong naman ni Sir Jayden.

“Teka teka, hindi pa kasi tapos ’yung storya!” Sagot niya.

“Pero sabi mo ayon na ’yung alamat ng tokneneng?! Ayun na ’yun?”

“Makinig ka Kuya. Eto na ’yung twist.

So, nagalit si Ka-Berto sa kapatid niya pero in the end, nagustuhan naman ng mga Pilipino.

Nagulat siya kinabukasan, pinipilahan na ’yung bahay nila para lang makakain ng tokneneng.“

“Oo na! Pero bakit tokneneng pangalan?! Trip lang nilang pangalanan ng ganon?” Si Sir Jordan naman ’yung nagtanong.

Lahat kasi nakainom na.

First time ko lang uminom nang kaunti para maenjoy ko ’yung gabi.

Si Tom at Jenica naman ineenjoy din ’yung gabi at etong kwentuhan na ’to.

“Eto na!

So bale, bentang benta ’yung naimbento nila.

Sabi ng kapatid ni Ka-Berto, ‘Patok na Patok ang ginawa nating Tokneneng!’

Sumagot si Ka-Berto ‘Patok na Patok, Neneng’

Ang pangalan ng kapatid ni Ka-Berto eh Neneng. Patok na Patok, Neneng. Tok-Neneng. HAHAHAHAHHAAHAHAHAHA“

Infairness naman tumawa lahat ng mga tao, kahit ako natawa.

Nakakatawa kasi ’yung pasok ng tawa ni Jared kaya bumagay sa kwento.

“Magaling! Magaling! Plot twist nga!” Sabi ni Sir Jayden.

“Hindi ko ineexpect ’yun! Feeling ko magiging magandang movie ’yan starring Anne Curtis bilang Neneng at Christopher De Leon bilang Ka-Berto!” Singit ni Tom.

Tawanan pa rin nang tawanan.

Hanggang sa mag lie-low lahat.

Lumipas pa ’yung gabi at nagsitulugan na ’yung mga tao.

Pumunta na rin ako sa kubo ko para magpahinga.

Pero biglang kumatok si Sir Jayden sa kubo ko.

“Hello” ang random ng Hello niya!

“Hi!” Parang mga sira lang kumustahan namin.

“Matutulog ka na ba?” Tanong niya.

“Uhm, bakit po?”

“Wala lang. Baka gusto mo makipagkwentuhan” sabi niya.

Pinapasok ko naman siya. Pumasok din siya sa loob nang ginawa kong higaan na may kulambo.

Buti na lang kasya kami.

“May problema ba?” Tanong ko.

“Wala naman. Gusto lang kitang kumustahin. Okay ka naman sa bakasyon?”

“Ah.. okay lang po…”

“Sorry kung dito tayo dinala ni Jared. Akala ko tatapatan niya ’yung extreme na plano ko eh!” Sabi niya

“Haha, extreme din naman ’to. Walang CR, kailangang magbungkal ng lupa para jumebs”

“Hehe, pero tradition lang daw nila ’to. May sarili naman daw silang bahay. Pumunta lang talaga sila para mag celebrate” kwento niya.

Bigla namang natahimik. Tunog lang ng crickets maririnig mo.

Ayoko rin namang magsalita.

Hindi rin siya nagsalita.

So nahiga muna ako.

Humiga din siya.

“Ang saya dito no?” Sabi niya.

“Masaya? Akala ko ayaw mo kasi gusto mo sa hotel?”

“No. I mean, ang ganda. Ang fresh ng hangin. Fresh ng pagkain. Hindi mo kailangan ng aircon para mapreskuhan. Nilalamig na nga ako eh”

“Ako nga rin eh hehe”

“Ikaw ba? Saan mo gustong tumira? Sa ganito? O sa city?”

“Syempre gusto ko sa City. Parang hindi ko yata kaya ’yung walang kuryente. Pero maganda ’yung paminsan minsan, pupunta ka sa ganitong lugar” sabi ko.

“Tama ka.”

Ramdam ko ’yung pagod sa tono ng boses niya. Medyo husky na boses niya, siguro dahil na rin sa hamog.

“Eh sinong gusto mo makasama?” Tanong niya pa.

“Huh?”

“May girlfriend ka ba?”

Isa talaga sa pinaka awkward na tanong sa lahat ng mga nagtatagong bakla sa Pilipinas ang tanungin ka kung may girlfriend ka.

“Wala po” sabi ko na lang.

“Ahh. May niniligawan?”

“Wala po. Ako po nililigawan” sabi ko.

“Aba ang gwapo ah!” Mukhang hindi niya nakuha gusto kong sabihin.

Siguro dahil na rin sa alak kaya parang gusto ko mag out sa kanya.

“Ang ibig ko pong sabihin, wala akong girlfriend. Kasi gusto ko po, boyfriend” sabi ko pa.

Doon siya biglang nabangon at napaupo.

“Wow! So????…..”

“Yeap!” Sabi ko kaagad.

Mukhang masaya siya na ewan sa sinabi ko.

“Well medyo halata naman gusto ko lang na manggaling sa’yo” bigla niyang sabi.

“Halata??”

“Eh palagi kitang kinukulit sa opisina di’ba??? Tapos minsan parang hindi komportable o minsan namumula ka.”

Namula na naman ako ngayon. Buti na lang medyo madilim sa loob kaya hindi niya mapapansin.

“Don’t worry. Okay lang sa’kin!” Sabi niya pa.

“Eh kung hindi naman okay sa’yo, wala rin akong paki. Ang okay, eh masaya ako” sabi ko.

“Aba aba good ’yan. Good. Good!”

Humiga uli siya.

Medyo gumaan na loob ko kasi nasabi ko na sa kanya.

Wala naman akong balak sa kanya, duh. Mabuti nang alam niya lang para hindi siya magtanong ng awkward questions sa’kin.

“Napano ’yung sugat mo sa katawan?” Tanong ko bigla

Siguro dahil lang sa alak kaya ko siya nadiretso.

Pero tahimik siya.

Sinilip ko itsura niya pero mukhang nag iisip siya.

Hindi naman siya obligadong sagutin ’yun pero curious lang ako.

May kaaway ba siya? Kaya nag aalala Mama niya sa kanya?

Kaaway niya kaya ’yung sumusunod sa’min ni Leo noon sa Mall? Tapos tinutunton nila mga kakilala ni Sir Jayden? Atleast mapapaliwanag na kung sino ’yung mga sumusunod sa’min non.

Pero bigla siyang huminga nang malalim.

“I tried to kill myself”

Nawala lahat nang iniisip ko dahil sa sinabi niya.

Nagpakamatay siya?

Hindi ako nagsalita. Feeling ko naopen ko ’yung storyang ayaw na ayaw niyang ikwento.

“Nararamdaman mo ba ’yun minsan? Na okay ka sa umaga, masaya. Pero pag uwi mo, ang lungkot lungkot mo. Hindi lang basta malungkot, sobrang lungkot mo. Tapos maiiyak ka na lang nang walang dahilan? Tapos maiisip mo na lang magpakamatay?”

Nagulat ako sa sinasabi niya kaya napabangon ako.

“When I was in college, pala aral ako. Sa takot siguro kay Papa noon, nag aral talaga ako nang mabuti. In the end, aral lang ginawa ko. Wala akong nabuild na friendship kaya everytime may problema ako, wala akong mapagsabihan.”

Bumangon din siya at naupo. Magkaharap na kami this time.

“Ang lungkot ko lang talaga. Sa totoo nga, nung namatay si Papa, natuwa ako. Feel ko ang libre libre ko na. Pero nadala nang lungkot na nararamdaman ko hanggang sa lumaki ako.

Kaya palagi akong nagpapaparty sa unit.

Kaya palagi akong may girlfriend. Ayokong mabakante baka kasi hindi ko kayanin.

Sumama pa ’yung issue ko kay Kuya Jordan.

Nung gabing sinaktan ko sarili ko, nakipag break sa’kin girlfriend ko. Kasalanan ko rin pero hindi ako nalungkot dahil nakipag break siya. Nalungkot ako kasi alam kong wala na naman akong kasama sa bahay, malungkot na naman ako. Feel ko nakakulong na naman ako.

Kaya after kong maginom, binasag ko ’yung bote tapos hiniwa ko sa dibdib ko.

Sa totoo lang ang sakit. Literal.

Kaya natumba ako sa mga bubog nang binasag kong bote kaya marami rin akong sugat sa likod.

Narinig naman ng kabilang unit ’yung basag kaya pumasok siya sa unit ko. Tapos tinawagan niya si Mama. Sabi ko na lang naaksidente ako kaya ganon.“

Kaya pala nag aalala Mama niya.

Dahil may ganitong issue si Sir Jayden.

Siguro instinct na lang din na yakapin siya after niyang magkwento.

Kaya nang yakapin ko siya, niyakap niya rin ako pabalik.

Naririnig kong umiiyak siya.

Hindi ko naman alam dapat kong sabihin kaya nanahimik na lang ako.

Minsan, sapat na rin na makinig lang at huwag nang sumagot.

Pero kumawala na siya tapos pinilit tumawa.

“Ikaw lang nag paiyak sa’kin ng ganito!” Sabi niya sabay punas ng luha niya.

“Kung wala kang makausap, nandito lang ako. Makikinig ako, promise” sabi ko.

“Huwag kang mag alala. Matagal ko nang ginagawa ang pagpapakamatay pero hindi naman natutuloy….”

“Huwag mo nang uulitin ’yan! Huwag mo nang sasaktan sarili mo. Kailangan mo lang ng kaibigan at promise, kaibigan mo ko. Makikinig ako” sabi ko.

“Salamat.” Ayun lang sagot niya at from that, ngiti lang binigay ko.

Natahimik na naman sandali tapos lumabas na siya sa kulambo ko.

“Babalik na ako sa kubo ko…”

“Sure ka? Ayaw mong matulog dito?” Tanong ko.

“Haha hindi na. May ginagawa pa kasi ako bago matulog, alam mo na” sabi niya sabay kindat.

Hindi ko na inalam kasi alam ko na ’yun. Hanggang sa makalabas siya.

Nagtataka naman ako at wala si Jared kaya sinubukan kong puntahan siya sa kubo niya.

Wala siya pero naririnig ko boses niya na mukhang may kausap sa phone.

Nang marinig niya ring papalapit ako, nagulat siya at agad niyang binaba ’yung tawag.

“Bakit nandito ka?” Tanong niya sabay lakad pabalik sa kubo niya.

Sa tono ng boses niya parang galit siya.

“Uhm. Wala lang.” Sabi ko.

“Good.”

“Teka, bakit ganyan ka?”

“Nakita ko kayong magkayakap ni Kuya Jayden! Anong gusto mong isipin ko don?!”

Hindi ko pwedeng sabihin ’yung totoo kasi seryosong issue ’yung kinwento niya sa’kin.

“Wala lang ’yun, nagkekwentuhan lang kami. Tapos…”

“Tapos ano? Trip niyo lang magyakapan?”

Hindi naman malakas boses niya at alam ko rin na walang makakarinig sa’min.

“Hindi mo kasi naiintindihan…”

“Edi ipaintindi mo. Umihi lang ako tapos pagtingin ko, ganon makikita ko”

“Eh bakit ka ba kasi nagagalit sa’kin ng ganyan?” Tanong ko.

“Hindi ko nagagalit sa’yo, okay? Nagseselos lang ako!”

Natahimik ako.

Napalunok ako ng laway.

“Nagseselos…ka?” Medyo utal kong tanong.

Hindi rin siya makatingin sa’kin.

“Oo, Victor.” Ayun lang nasagot niya.

Ang tahimik na naman. Crickets lang naririnig namin.

“Uh…. sige na, goodnight na!” Bigla niyang sabi.

Hindi na niya ako pinasagot kasi nagmadali na siyang bumalik ng kubo niya.

I guess…. uhm… may gusto sa’kin si Jared?


VOTE AND COMMENTS!!!

PASENSIYA. parang ang dami kong ginagawa haha sunod sunod kasi Birthday sa’min pag September eh!!! :)))

Part 23

Nagising ako dahil sa init na nararamdaman ko.

Not sexual, kung hindi mainit talaga.

Chineck ko orasan ko sa phone, 9AM na kaya lumabas agad ako at grabe ang sikat ng araw.

Mas presko pala kapag lumabas ako kaya nawala nang bahagya init na nararamdaman ko.

Chineck ko sila sa mga kubo nila pero walang tao sa loob.

Nakarinig naman ako ng ingay doon nga sa pwesto ng kasiyahan kagabi kaya pumunta ako.

Nakita ko silang lahat na nakikipagtawanan sa mga tao pero parang may palaro.

Nakita ko si Tom na nakahubad tapos sa hindi kalayuan, nakita ko rin si Jared na nakahubad.

Nasa gilid naman si Sir Jayden at Jordan na nakikipalakpak din.

Nilapitan ko si Jenica at tinanong kung anong nangyayari.

“Maglalaro sila ng basketball gamit buko na pinaliguan ng oil!”

May buko nga sa gitna na binubuhusan ng langis.

Magkalaban si Jared at Tom tapos may kakampi silang tig isa.

Maya maya, nakarinig ako ng whistle at nagsimula na silang maglaro.

Nakuha ni Tom ’yung buko na puro langis pero dumulas agad sa katawan niya.

Ngayon, nag aagawan na sila sa nahulog na bukong may langis.

Alam ko naman na kaya lang sumali si Tom para ipakita katawan niya. Feeling ko rin ganon ginagawa ni Jared.

“Late ka na nagising ah!” Sabi ni Jenica.

Sino ba namang hindi male-late?

After sabihin ni Jared ’yung sinabi niya kagabi, pumasok siya sa kubo para may “gawin” kami.

Muntik na ngang maging FUBU kagabi eh pero napigilan ko naman sarili ko.

Pagkatapos namin, bumalik agad siya sa kubo niya.

Nakakapagtaka lang na ang aga niyang magising kahit may nangyari sa’min kagabi.

“Pagod lang. Daming nainom eh hehe” sagot ko sa kanya.

“Uy. May sasabihin sana ako” hinawakan niya kamay ko tapos lumayo kami konti.

Naririnig pa rin sigawan nila pero hindi na gaanong kalakas.

“Narinig kong nag aaway si Sir Jayden at Sir Jared kanina tapos nabanggit nila pangalan mo.”

Ang seryoso ng itsura ni Jenica. Parang wala lang naman kung mabanggit nila pangalan ko eh.

“Uhm…. may problema ba?” Tanong ko.

“Eh kasi parang ikaw pinag aawayan nila?”

“Paano mo naman nasabi?”

“Nagising ako kaninang umaga para umihi tapos narinig ko sila. Nakita raw ni Sir Jayden si Sir Jared na lumabas ng kubo mo tapos ngiting ngiti raw siya.”

Hindi ako nakasagot pero binigyan ko siya ng facial reaction na tama sinasabi niya.

Nakuha naman niya ’yung pinapahiwatig ko.

“Tapos sabi lang ni Sir Jared walang nangyari. Nag usap lang daw kayo pero mukhang hindi lang kayo nag usap”

“Eh bakit sila nag aaway?” Tanong ko.

“Hindi ko alam. Ayun lang narinig ko kasi kinagat ako ng langgam sa pinag tataguan ko kaya lumabas na ako tapos natigil na usapan nila”

Ang strong ng word na galit eh. Baka ayaw lang niya na maging katulad ko si Jared kaya ganon?

“Alam mo, sa tingin ko lang ah. May gusto sa’yo si Sir Jayden” sabi ni Jenica.

Nahiya naman ako sa sinabi niya

“Wala ’yun. Baka ayaw niya lang din na pumatol sa lalaki si Jared kaya siya nagalit ng ganon” sabi ko.

“O kaya naman, ayaw ni Sir Jayden na mapunta si Sir Jared sa’yo kasi may gusto siya sa’yo. Di’ba?”

May point siya pero imposible.

May mga lalaki na okay lang na magkaroon ng sweet connections sa mga gay. Example si Tom. At siguro concern lang din si Sir Jayden sa’kin dahil umamin ako sa kanya kagabi.

“Tara na, balik na tayo. Baka magtampo si Tom kapag hindi ka niya makita na pinapanuod mo siya! Alam mo naman ’yun, minsan mas bakla pa sa’kin!” Sabi ko.

“Hahaha oo nga! Tara!”

Pagbalik namin, naglalaro pa rin sila. Punong puno na ng langis katawan nila.

Infairness naman, ang hot nila pareho.

Maya maya, natapos na ’yung laro at nanalo ’yung team nila Tom.

After non, may palaro naman para sa mga babae na manghuhuli ng manok.

Ang weird ng mga palaro pero mukhang masaya.

Sumali si Jenica kaya nag paiwan si Tom.

Si Jared naman, nagpasama sa shower.

“Hindi mo ba kayang maligo mag isa?” Tanong ko habang naglalakad kami papuntang banyo.

Hindi naman talaga siya banyo. Parang kubo lang din tapos mag iigib pa ng tubig.

“Kaya kita sinama para mag igib ka ng tubig! Dali na hehe” sabi niya.

Sinunod ko naman at pagbalik ko, nakahubad na siya.

As in, walang suot na kahit ano.

Pagkapasok ko ng baldeng may tubig sa kanya, hindi niya ako pinalabas.

Bigla niya akong niyakap nang mahigpit na parang pinupunas niya sarili niya sa’kin.

“Madumi ka na rin. Sabay na tayong maligo” sabi niya sabay hubad sa damit ko.

“Style mo din no?” 

Pero hinuhubad na niya damit ko.

Tinira ko brief ko pero hinubad niya pa rin.

“Hmmm…. bakit nakatayo ’yan? Maliligo lang naman tayo” sabi ko.

Okay. Ako lang ba ’yung sobrang sensitive? Everytime kasi na mahahawakan lang balakang ko, nagkaka boner na.

“Alam mong sensitive ako!” Sabi ko.

“Okay. Sabi mo ehh” sabi niya sabay halik sa labi ko.

Niyakap niya katawan niya sa’kin.

Ang dulas pero ang init.

Hinawakan niya agad ’yung sakin. Napanganga ako habang naghahalikan kami.

Tapos tumawa siya.

“Sensitive much?” Bulong niya.

Naramdaman ko na rin na matigas kanya kaya hinawakan ko rin kanya.

Bigla naman niya akong binitawan.

“Tsk. Maliligo lang tayo eh, bakit hinahawakan mo na ako?” Sabi niya sabay ngiti na parang ewan.

Okay, medyo nakakabitin nga siya pero dahil nang aasar lang siya, hindi ko siya pinansin.

Kinuha ko ’yung tabo para magbuhos.

“Sino ba talaga naglaro sa’ting dalawa? Bakit nauna ka pang maligo?” Tanong niya.

Pero hindi ko siya pinansin.

Binuhusan ko rin siya ng tubig tapos pinaglaruan ko ’yung buhok niya.

Kinuha ko ’yung sabon tapos kunwari nahulog ko sa harap niya. Dahan dahan kong pinulot ’yung sabon habang dinidikit ko katawan ko sa ano niya.

Dahan dahan din akong tumayo tapos sinabunan ko na siya.

Nakatingin lang siya.

Pero inaasar ko lang din siya.

Sinabunan ko lahat, pati kili kili niya. Pero iniwasan ko sa ano niya.

“Hey, may nakalimutan ka!” Sabi niya sabay turo sa baba niya.

“Maliligo lang tayo di’ba?” Sabi ko sabay talikod sa kanya.

Alam kong nabitin siya sa ginawa ko kaya niyakap naman niya ako.

Okay. Nagulat ako kasi parang sinadya niya sa pwetan ko.

Kaya humarap agad ako.

“Ayoko. Maligo ka diyan!” Sabi ko.

“Ehh. Bakit mo ko binibitin??” Tanong niya sabay kuha ng kamay ko para ipahawak sa ano niya.

Pero hindi ko hinawakan.

“Sabi mo maliligo lang eh. Maliligo lang tayo” sabi ko.

“Victorr…”

“Nope! Nextyme na mambitin ka, siguraduhin mong kaya mo ’yung ganti ko haha!”

Natawa na lang din siya.

“Sorry.” Sabi niya.

“Haha. Okay lang. Pero, ayoko talaga. Maliligo lang tayo, ha?” Sabi ko.

“Okay” sabay ngiti.

Sinabunan niya rin ako at iniwasan niya rin ’yung sa’kin.

Pagkabanlaw namin, nagpunas na kami at bumalik sa kubo para magpalit.

“Anong pinag aawayan niyo ni Sir Jayden kanina?” Tanong ko.

Tumingin siya sa’kin.

“Narinig mo?”

Ayokong ilaglag si Jenica kaya umoo ako.

“Wala. Nahuli niya lang ako na lumabas dito kagabi, kaya nag isip siya agad na may nangyari” sabi niya.

“Ayun lang? Parang ang dami niyong pinag usapan eh”

“Eh tinatanggi ko kasi. Sabi ko nag usap lang tayo. Pero ayaw niya maniwala”

“Bakit naman hindi siya maniniwala?”

“Ewan ko.”

“Di’ba sabi mo ako una mo? I mean sa lalaki?”

Alam niyo ’yung kunwari may alam kayo? kaya gumagawa kayo ng mga kwento para itanggi nila tapos in the end, magkekwento sila ng totoong pangyayari?

At feeling ko, nangyayari ngayon.

“May una pa before. Bago pa talaga, pero wala lang ’yun. Sex lang talaga.”

At ayun na nga.

“Ahhh”

“Pero Victor, wala lang ’yun”

Hindi naman ako galit. Hindi rin naman ako dapat magalit kasi wala namang kami.

Pero may nararamdaman ako na sana sinabi mo? Kasi okay lang naman sa’kin.

“Okay. Hindi mo naman kailangang magpaliwanag eh” sabi ko.

“Pero iba ka. Iba ’yung sa’yo, okay? Hindi ka lang basta sex.”

“Okay nga lang, Jared.”

“Eh bakit parang hindi?”

Totoo. Hindi talaga okay.

Hindi talaga ako galit. Siguro disappointed lang? Parang siguro kahit papano umasa ako na magkakaroon talaga ng something?

Kung iisipin mo, ano naman kung hindi niya sinabi di’ba? Pero wala, ang weird lang sa pakiramdam nang sinabi niya.

“Okay lang. Walang magbabago.” Ayun na lang sinabi ko.

“Victor, maniwala ka.”

“Naniniwala ako. So? Ayun lang ba pinag usapan niyo ni Sir Jayden?” Tanong ko.

“Lahat nang ginawa natin, masaya okay? Masaya lang tayo.”

“Again. Hindi mo kailangan magpaliwanag, Jared.”

“Pero…”

“Okay na, Jared. Huwag ka na magpaliwanag.”

“Gusto ko lang malaman mo na hindi ka lang pang sex, okay? Kung ano man ’tong nararamdaman ko sa’yo, totoo ’yun. Hindi pa ako sigurado pero hindi ka lang pang sex.”

Naappreciate ko sinabi niya.

“Wala naman tayong commitment kaya okay lang.” Sabi ko lang sabay ngiti.

Iniwan ko na siya sa kubo at bumalik na ako sa naglalaro.

Mukhang nanalo si Jenica kasi hawak hawak niya ’yung manok na nahuli niya habang kasama si Tom.

May bagong laro naman na manghuhuli ng baboy sa  putikan.

Palapit na ako kay Tom nang harangan ako ni Sir Jayden.

“Kayo ba ni Jared?” Bigla niyang tanong.

Nabigla ako kaya hindi ako nakasagot.

Hinila niya ako palayo sa tahimik na lugar.

“Kayo ba ni Jared?” Tanong niya uli.

Hindi ako makasagot.

Siguro hindi ko maamin?

O wala naman talagang aaminin?

Pero mukhang hindi niya nakuha iniisip ko kasi bigla siyang nalungkot.

“Huli na pala ako” sabi niya sabay alis.


VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!

KEEP SAFE AND DRY HA! 😀

Part 24

Excited na ako sa plano ni Sir Jordan kasi magchichill lang daw kami sa Tagaytay.

Matapos nang lahat ng drama dito, parang gusto ko na lang mahiga sa malambot na higaan at matulog nang matulog.

Naghihintay kami ng 6PM para sa flight at nandito na kaming lahat sa airport.

Hindi pa rin kami nagpapansinang tatlo. Si Jared at Sir Jayden naka earphones lang.

Si Sir Jordan naman, masaya na kasi nagcharge na uli phone niya.

Si Tom naman kasama ko, nakwento ko sa kanya lahat kaya ang sabi niya sa kanya muna ako tumabi.

Surprisingly, ang payapa ng flight. Ang tahimik, katabi ko si Sir Jordan kasi hindi ko ma take landian ni Tom at Jenica.

Busy naman siya sa laptop kaya ang tahimik talaga.

Since nasa window side ako, nakatingin na lang ako sa view.

Ignorante pa rin talaga ako pagdating dito kaya inenjoy ko last na sakay ko ng eroplano ngayon.

Narinig ko namang sinara ni Sir Jordan ’yung laptop niya kaya napatingin ako.

“Masaya ka ba sa bakasyon?” Tanong ni Sir Jordan.

“Sobra, Sir. Thank you!”

Saktong may dumating na attendant at binigyan kami ng salad at juice.

Infairness, ang sarap din ng pagkain sa eroplano.

“Ano pong gagawin sa Tagaytay?” Tanong ko sa kanya.

“Uhm. Secret.”

“So may plano po kayo? Sabi kasi nila Sir Jayden chill lang daw pagdating sainyo”

“Chill nga lang pero this year kasi may plano ako” sabi niya.

“Pwede ko bang malaman?”

Nag isip siya ng konti sabay ngiti.

“Siguro may kinalaman ’to sa’yo” sabi niya.

“Sa’kin?”

“Oo. Sa’yo.”

Baka alam na niya ’yung kay Sir Jayden at Jared.

Kinakabahan tuloy ako pero mukhang hindi naman.

“Ano pong meron sa’kin?” Tanong ko.

“Basta mamaya. Malalaman mo.” Sabi niya sabay ngiti

Ngayon lang naging ganito si Sir Jordan sa’kin. Ang weird. Pero hinayaan ko.

Hanggang sa makababa kami ng eroplano at pagsakay ng sasakyan, hindi ako umiimik.

9PM na kami nakarating ng Tagaytay, mabuti na lang malamig.

Hindi lang ’yon, sa hotel pa kami mag sstay kaya okay na okay.

Ang ganda ng reception ng hotel. Naupo muna kami sa gilid habang kumukuha ng kwarto si Sir Jordan.

Pagkabigay sa’min ng susi, dumiretso kaagad kami sa kwarto. Magkakasama uli kaming tatlo.

Ang maganda pa sa hotel namin, sa 10th floor kami tapos may view pa na maganda sa bintana.

Nagsolo muna ako rito para mapag isa.

Nagpaalam naman si Tom sa’kin na aalis sila ni Jenica para maglakad lakad. Hindi na ako sumama kahit niyaya nila ako.

Atleast, solo ko ’yung kwarto.

Humiga kaagad ako.

Nakatingin lang ako sa kisame.

Pinikit ko lang saglit mata ko tapos nagising ako dahil may kumakatok sa pinto.

Pagbukas ko, si Jared.

“Hi!” Bati niya.

“Hello.”

“Pwede ba ko pumasok?”

Pinag isipan ko muna. Pero parang wala ako sa mood makipag usap sa kanya. O sa kung kahit na sino.

Parang gusto ko lang mahiga tapos magpahinga habang may nagmamasahe sa’kin.

“Uhm. Matutulog na kasi ako. Actually, natutulog na nga ako eh.” Sabi ko na lang.

“Ganon ba? Usap tayo bukas ha?”

“Sige sure.” Hindi ko na hinayaan na tumagal usapan namin kaya sinara ko kaagad pinto.

Nahiga uli ako sa kama.

Narinig ko namang bumukas ’yung pinto tapos sumisilip si Sir Jordan.

“Hi, natutulog na ba kayo?” Tanong niya.

“Uhm. Umalis sila Tom eh” sagot ko.

“Oh, so ikaw lang nandito?” Sabi niya sabay pasok na ng tuluyan sa kwarto.

“Opo.”

Napansin kong naka bath robe lang siya at sa itsura niya, mukhang wala siyang suot na damit. Mukhang nakahubad siya.

“Gusto mo ba sumama? Magpapa masahe kasi ako” sabi niya.

Agad akong tumayo.

“Ugh! Salamat! Kanina ko pa po gusto ’yan!” Sagot ko.

Sinundan ko siya pababa ng elevator. Pumasok kami sa isang kwarto na sobrang payapa.

Ang ganda ng ilaw, may pa kandila pa at sobrang nakaka relax ’yung amoy.

“Jordan.” Sabi niya sa babaeng nandoon.

“This way, Sir”

Naglakad si Sir Jordan tapos sumunod ako. Pero pinigilan ako ng babae.

“Sir, pwede po kayong magbihis sa changing room, may provided po na towel and bath robe doon” sabi niya.

“Kailangang nakahubad talaga?” Bulong ko.

“Yes, Sir.” Sabi niya sabay ngiti.

Fvck.

Sensitive pa naman ako. Paano kung bigla akong magka boner habang hinihilot.

Gusto ko na mag back out kaso baka kung ano isipin ni Sir Jordan.

So naghubad na ako ng damit, nagsuot ng bath robe at nagdala ng tuwalya.

Ang weird sa pakiramdam maglakad ng walang suot na brief. Grabe mag sway si junjun eh.

Habang naglalakad, tinuro sa’kin nung babae na magbabad daw muna ako. Hindi ko naman alam ibig sabihin noon pero pagpasok ko ng pinto, naintindihan ko.

May malaking hot tub! Hindi ko alam kung kumukulo sa init ’yung tubig o talagang ganon lang ’yun?

Nakita ko si Sir Jordan doon, mag isa. Nag rerelax.

Sumenyas siya na samahan ko siya pero syempre hindi ako tumabi sa kanya, pumwesto ako sa harap niya.

Hinintay ko siyang pumikit uli bago ko tinanggal ’yung bath robe at lumubog.

Grabe ang init pero nakaka relax. Talagang mapapasandal ka at mapapapikit.

“Ang sarap no?” Sabi niya.

Umoo lang ako.

“Eto lang naman habol ko rito.” Sabi niya. Mukhang gusto niyang makipagkwentuhan kaya sumasagot ako.

“Parang hahanap hanapin ko na rin ’to”

“Hehe lalo na ’yung maghihilot. Sobrang sarap!” Sabi niya.

“Nakakahiya nga po eh, kailangan bang nakahubad talaga?”

“Professionals naman mga nandito. Hindi ’to ’yung nire-raid kasi may extra service. At please, huwag ka mag request non kasi sa’kin nakapangalan. Okay?”

“Oo naman po!” Sagot ko agad.

“Pwede ka naman mamili kung lalaki o babae eh. Saan ka ba mas komportable?”

“Mas okay po sana kung lalaki.”

“Ahh”

Parang mali ata sagot ko. Si Sir Jordan pala kausap ko.

Kapag ba gusto mo magpahilot sa lalaki, bakla ba datingan non?

“Saan mo balak magtrabaho pagkatapos mo mag aral?” Bigla niyang tanong.

Hindi ko naman ineexpect ’yung tanong niya.

“Hindi ko pa po iniisip ’yun eh”

“Ahh. Well, alam mo naman na open kami palagi pagdating sa mga trainee namin”

“Alam ko po. Kung maganda benefits sainyo, paggraduate na paggraduate, mag aapply na ako kaagad”

Tumawa naman siya.

“Pero salamat ah?” Bigla niyang sabi.

“Salamat po saan?”

“Alam ko ginagawa mo kay Jayden. Sinabi sa’kin ni Mama. Hindi ko alam pero mukhang may depression si Jayden eh. Hindi niya kayang ihandle sarili niya kaya in the end, sinasaktan niya na lang sarili niya.”

Ang crucial ng ganitong topic. Parang hindi ko kayang magsalita baka kasi mali masabi ko.

“Basta Salamat. At alam ko kung paano ako makakabawi.” Sabi niya pa.

Bago ko tanungin kung ano ’yun, nakarinig ako ng tunog ng bell.

“So, tapos na ako magbabad, Victor. Kapag narinig mo uli ’yung tunog na ’yun ibig sabihin pwede ka ng tumayo. Sundan mo lang ’yung babae kanina ah?” Sabi niya.

Tumayo siya at ayun na nga, nakahubad siya. Wala talagang suot.

Hindi ko nakita. Hindi ko tinignan. Kasi nahiya ako.

Promise.

At nung paglabas niya, naiwan na ako.

Ano kaya ’yung sinasabi niyang makakabawi siya sa’kin?


Narinig ko na nga ’yung bell at tumayo na ako saka nagpunas at nagsuot ng bathrobe.

Paglabas ko, nandoon ’yung babae.

“Satisfied, Sir?” Tanong niya.

“Sobra”

“Good. Now, follow me”

Sumunod nga ako. Pumasok kami sa isang maliit na kwarto na may higaan. Pero nakadapa ’to tapos ’yung ulo mo nakapatong sa may pabilog na may butas para siguro makahinga ka.

“Be ready, Sir. At tatawagin ko na ’yung masseur niyo”

Pagkasara niya ng pinto parang ayoko ng ituloy.

Hindi ko pa naman dala ’yung damit ko kaya no choice talaga ako kung hindi dumapa nang nakahubad.

Buti na lang may kumot at ayun na lang pinantakip ko sa bandang ibaba.

Maya maya may pumasok na na lalaki. Hindi ko siya masyadong tinignan kasi nahihiya ako.

Kaya dumapa na ako kaagad.

Siya na nagtakip ng tuwalya sa may pwetan ko.

“Good Evening, Sir!” Bati niya. Gosh, ang gwapo ng boses.

“Good Evening!” Bati ko rin.

Habang naka dapa ako, naramdaman ko na ’yung oil sa likod ko.

At nang hawakan niya likod ko, napaungol ako sa sarap.

Grabe, ang galing niya maghilot.

Nakakahiya lang na parang ungol na nakikipagsex ’yung tunog nung akin.

“Ang daming lamig ng katawan niyo, Sir” sabi niya

Hindi ko naman alam ibig sabihin non, kaya umoo na lang ako.

Binaba niya ’yung hilot at halos mabaliw ako nang dumating sa may lower back bago mag pwetan.

“Ahhh!!!”

Iniwasan niya ’yung pwet ko tapos sinimulan niyang hilutin binti ko hanggang sa talampakan.

Ayoko ng tumayo. Gusto ko na lang magpahilot ng ganito sa buong buhay ko.

Maya maya, umakyat ’yung hilot niya sa may balakang ko.

Doon na ako kinilabutan.

Iba ’yung hawak niya. Sensitive talaga ’yan! Kaya nararamdaman ko na tinitigasan na ako.

“Uhm…. huwag diyan, Kuya.” Sabi ko.

Pero hindi niya ako pinapakinggan.

Though sobrang sarap ng pisil niya, parang alam na alam niya kung saan kiliti ko, hindi pepwede kasi ramdam ko na ’yung sobrang tigas.

“Sir, harap na po kayo.” Sabi niya.

“Harap?”

“Yes, Sir.”

“Uhm, titihaya ako?”

“Yes, Sir”

Shet.

“Uhm. Okay na po ako Kuya. Satisfied na hehe”

“Gusto kitang makita”

Parang nagbago boses niya.

Parang pilit lang kasi ’yung boses niya kanina pero this time, eto talaga boses niya.

Agad kong sinilip kung sino siya pero hindi pwedeng hindi niya makita boner ko kaya hindi ko na tinuloy.

“Please, Mahal.”

At ayun na nga.

Isa lang tumatawag sa’kin niyan.

At alam na alam ko na ’yung boses na ’yan.

Wala na akong paki kung makita niya.

Agad akong bumangon at umupo at nakita ko siyang naka suot ng all white na damit na may mask.

Kahit mata niya lang makita ko, kilalang kilala ko siya.

“Hi, Victor.”

Pagkatanggal niya ng maskara, parang gusto kong maiyak.

Nasa harap ko ngayon si Hector.


VOTE AND COMMENTS!!!!!!!!

:)))))))

Part 25

Nakaupo pa rin ako sa may kama. Siya naman nakasandal sa may dingding habang nakatingin sa’kin.

Maliit lang ’yung kwarto kaya parang dalawang ruler lang pagitan namin.

Nakatingin lang siya sa’kin.

Wala siyang sinasabi.

Hawak hawak ko ’yung tuwalya na pinapangtakip ko sa’kin.

Bigla siyang naglakad, akala ko palapit sa’kin pero kinuha niya ’yung bathrobe sa gilid ko at inabot sa’kin.

“Bihis ka muna” sabi niya.

Kinuha ko ’yung bathrobe.

Nahawakan ko ng bahagya ’yung kamay niya pag abot. Bigla siyang ngumiti nang kunin ko ’yung bathrobe.

Sumandal uli siya habang nakatingin sa’kin.

“Suotin mo muna ’yan” sabi niya.

Maraming factor kung bakit ayokong tumayo.

  1. Matigas siya. As in, tigas na tigas. Kaya mahahalata niya.

  2. Nahihiya akong tumayo para magbihis.

  3. Hindi naman matatakpan neto ’yung boner ko!

“Uhm. Talagang nakaharap ka?” Tanong ko.

“Nakita ko naman na ’yan ah?” Sabi niya sabay ngiti uli.

Gosh. Bakit ang gwapo niya ngayon.

Ang lakas maka gwapo ng all white na damit. Tapos si Hector pa may suot.

Paano kumalma?

All this time na nagdodoubt ako na magmahal uli dahil sa kanya tapos ngayon, nasa harap ko na siya.

“Tatalikod ako. Sabihin mo kung okay na ha?” Sabi niya.

Tumalikod nga siya. Dinikit niya pa ’yung noo niya sa pader.

Sumilip muna ako kung talagang hindi niya ako nakikita.

Kaya nagmadali akong magsuot ng bathrobe tapos umupo uli.

“Okay na.” Sabi ko.

Humarap na uli siya.

Sumandal uli.

Tahimik lang kami.

Eye to eye. Pero umiiwas ako ng tingin kapag medyo matagal na kaming magkatitigan.

Bigla bigla naman siyang ngingiti kapag titingin uli ako tapos wala na kong magagawa kung hindi ngumiti din.

“Hindi ka pa rin nagbabago, ang cute mo pa rin” bigla niyang sabi.

Nahihiya ako. Ramdam kong namumula ako.

“6 months pa lang naman nung huli tayong magkita” sabi ko.

“6 months 12 days and….” tumingin siya sa orasan niya “2 hours, since last na nagkita tayo”

Gusto ko siyang yakapin.

Gusto ko siyang halikan.

Gusto ko siyang maramdaman.

Ang dami kong gusto pero hindi ko magawa.

Ayokong mag assume na single pa rin siya kasi ’yang ganyang itsura at ugali, imposibleng walang magmahal diyan.

“Sure ka bang ayaw mo na ng massage? May oras pa naman tayo” sabi niya.

“Ah…. hindi na. Okay na ako…” hindi pa ako makapagsalita ng maayos.

“Good. Pwede ka bang mayayang kumain? Hindi pa kasi ako nagdidinner eh” sabi niya.

Bakit hindi ka pa kumakain? Though mas gusto kitang kainin ngayon, kailangan kong magbehave.

“Ahh. Sige, medyo gutom din ako eh” sagot ko

“Nice! Hintayin kita sa labas ah?” Sabi niya.

Pagkalabas niya at pagkasara ng pinto, nakahinga ako nang maluwag.

Hindi pa rin ako makapaniwala.

Hindi pa rin ako makapaniwala na matigas pa rin ’yung ano ko.

Tumayo ako at nag shake shake ng katawan.

“Woo! Kaya mo ’to, Victor!” Sabi ko sa sarili ko.

Lumabas ako at pumunta doon ss babae kanina.   “Nag enjoy po ba kayo, Sir?”

Mukhang iba nasa isip ni Ate. Pero hindi ko na lang pinansin.

“Yes. Thank you!” Sagot ko.

Kinuha ko na uli ’yung damit ko at nagsuot saka ko lumabas.

Nakita ko na si Hector sa labas. Nagpalit siya ng damit.

Naka black pants at white T Shirt.

Ngumiti uli siya ng malaki pagkakita niya sa’kin.

“Saan tayo kakain?” Tanong ko.

“Nagpareserve na ako, tara?” Sabi niya.

Umaasa ako na aabutin niya kamay niya para hawakan ko pero hindi niya ginawa.

Hindi pa nagdidikit katawan namin maliban doon sa daliri niya nang iabot niya ’yung bathrobe kanina.

Sumakay kami ng elevator pero imbis na bumama, umakyat kami.

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko.

Pero wala siyang sinabi.

Pagbaba ng elevator, naglakad lakad kami hanggang sa makarating kami sa isang pinto.

Pagbukas, may hagdanan paakyat.

Pagka akyat namin, andon na kami sa rooftop.

Ang lamig ng simoy ng hangin.

May naka set up na table sa gitna, may mga christmas lights sa gilid at nakita ko si Sir Jordan doon.

Nandoon din si Sir Jayden na nag lalabas ng champagne.

Ngumiti silang dalawa nang makita ako.

Nagyakapan pa silang tatlo bago nagpaalam ’yung dalawa sa’min. 

Pinaupo niya muna ako saka siya pumwesto sa harapan ko.

May nakahain na spaghetti at red wine.

Tinitignan niya ako pero hindi ako makatitig. Ang dami kong tanong sa kanya.

“Kain ka na” sabi niya habang sumusubo ng pagkain niya.

Sinubukan ko ring kumain muna bago ko itanong mga tanong ko.

“Busog ka ba?” Tanong niya.

“Hindi naman. Medyo lang” bakit hindi makapag function ng utak ko?

Ngumiti lang uli siya sabay kain.

Kumain na lang din ako hanggang sa maubos namin ’yung pagkain namin.

Saka ako nagkalakas ng loob para magtanong.

“Magkakilala kayo nila Sir Jordan at Sir Jayden?” Tanong ko.

“Oo.” Sagot niya lang.

Bakit Oo lang?! Gusto ko ng paliwanag!

“Kailan pa?” Tanong ko.

Natawa lang siya sabay kuha nung baso na may lamang wine. Tumayo siya at pumunta sa dulo habang nakatingin sa view sa baba.

“Tignan mo ’to, ang ganda” sabi niya sa’kin

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi pa rin ako dumikit kasi nahihiya ako.

Pero parehas kaming nakadungaw habang pinagmamasdan ’yung view.

“Ang ganda ng view no?” Sabi niya.

Umoo ako. Pero nang tignan ko siya, nakita kong nakatingin siya sa’kin.

“Sobrang ganda ng view” sabi niya uli habang nakatingin pa rin.

Ang hirap itago ng kilig sa ganong moment.

“Kailan ka pa bumalik?” Tanong ko kaagad.

Binaba niya ’yung baso sabay sandal.

“Kahapon lang.” Sagot niya.

“Bakit ang bilis naman ata?”

“Bakit? Ayaw mo ba akong makita?”

“Huh? Uhm hindi… natanong lang”

Shit.

“Ahh. 1 year talaga supposedly pero ’yung ibang work, pwede nang gawin dito sa Manila kaya sabi ko, dito ko na lang gagawin” sabi niya.

“Ohhh….. okay…. so, paano mo nakilala si Sir Jordan at Sir Jayden?”

“Haha. Una sa lahat, boss ko sila. Boss ko Mama nila, si Maam Cherry?”

Ofcourse! Siya ’yung secretary ni Maam Cherry!

“Alam mo naman na kailangan kong bayaran utang ko kay Jason di’ba? Enough naman na ’yung work ko sa London for 6 months para mabayaran siya. Kaya pumayag na lang din ako na bumalik”

“So… Si Sir Jordan?…”

“Si Maam Cherry talaga boss ko pero maraming akong ginawang favor para kay Sir Jordan.”

“Katulad ng?”

“Si Jason. May influence kasi siya sa mga investors na gustong makatrabaho ni Sir Jordan….”

“So, ginamit mo si Jason??” Tanong ko.

“Ha? No. Hindi ako ganon. Nagkataon lang na kami na ni Jason noon. Well, doon niya nalaman ’yung tungkol sa’kin kaya nanghingi siya ng favor na kumbinsihin si Jason na pumayag siyang kausapin ’yung investors para mag invest kay Sir Jordan. So, ayun, pumayag siya”

Now I know bakit sobrang attached ni Jason kay Hector noon.

“Yeap. Eh si Jayden?”

“Ah. Si Sir Jayden, kainuman ko ’yan palagi. Palaging nagyayaya ’yan. Mas close kami ni Jayden. Kaya nga Jayden lang tawag ko sa kanya eh.”

“Ohh..”

“Then nahuli ko siya one time na gustong mag overdose, buti napigilan ko. Then kinwento niya sa’kin lahat nang pinagdaanan niya kaya mas lalo kaming naging close. Nasabi niya sa’kin na nakwento niya sa’yo”

“Nasabi niya?”

“Oo. Bakit?”

“Eh kahapon lang kami nagkwentuhan about doon ah? So palagi kayong magkausap?”

“Hindi naman palagi. Pero palagi siyang nag uupdate sa’kin tungkol sa’yo”

Ah! So mas malinaw na lahat. Kaya close sa’kin si Sir Jayden para bantayan(?) siguro ako.

“Okay, so…. bakit ka naging masahista?” Tanong ko.

“Haha. Hindi. Nag request lang ako na ako magmasahe sa’yo”

“Hmmmm… so may dalawa akong tanong diyan. Una, paano ka kasigurado na magpapamasahe ako? Pangalawa, bakit ang galing mong magmasahe?”

Tumawa naman siya.

“Okay, ah, ilang araw na kayong bumabyahe so alam kong kailangan mo ng masahe. Pangalawa, alam ko kung paano ka pasayahin” sabi niya.

Hindi ko alam paano sagutin ’yun kaya sumandal na lang din ako.

Medyo malamig kaya niyakap ko sarili ko.

Nakita naman ni Hector ginawa ko kaya pumunta siya sa harap ko para hawakan braso ko.

Pinapainit niya ako pero hindi niya alam, isang hawak niya lang nag iinit na ako.

“Malamig pa?” Tanong niya habang patuloy sa ginagawa niya.

“Hi…hindi na” sagot ko.

Nagtitigan kami.

Ang gwapo niya talaga sa malapitan.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Huli na ba ako?” Tanong niya.

“Anong tinutukoy mo?”

“May mahal ka na bang iba?”

Hindi ako makapagsalita.

“Sabi ni Jayden ano….” sabi niya

Masaya ako kay Jared pero hindi ko siya mahal na katulad nang pagmamahal ko kay Hector.

Pero hindi ko naman pwedeng itanggi na hindi ako masaya kay Jared kasi masaya talaga ako.

Iba lang talaga ang kaso ni Hector, Mahal ko siya.

Mahal ko si Hector.

“Ikaw? May mahal ka na bang iba?” Tanong ko sa kanya

“Ikaw. Mahal Kita.”

Bumababa hawak niya papunta sa mga kamay ko.

Hinawakan niya nang mahigpit kamay ko. Ganon din ginawa ko.

“Hindi ka nawala sa isip ko” sabi niya.

Wala na akong nagawa.

Hinalikan ko na siya sa labi.

Good thing, gumanti din siya at binitawan niya kamay ko para hawakan mga pisngi ko.

Sobra ko ’tong namiss. Halik ni Hector. Halik ng Mahal ko.

Hindi kami mapakali.

Kung saan saan na napupunta kamay namin.

Gusto ko siya. Gusto ko lang ng ganito.

Then kumawala siya.

“Ang sarap mo pa rin” sabi niya sabay tawa.

Hindi naman ako sumagot, tumawa lang din ako.

“Nung nakita kita kanina, nakadapa. Hindi mo alam kung gaano ako nagtimpi.” Sabi niya.

“Kahit ako” sagot ko.

“Talaga???”

“Oo. Nung nakita kita, hindi rin ako mapakali”

“Mabuti kung ganon.”

Natahimik na naman kami pero enough na ’yung hawakan namin sa isa’t isa para malaman ’yung gusto naming sabihin.

“Sobrang sakit sa’kin nung iniwan kita sa Baguio pero baka hindi ako umalis kung hihintayin pa kitang gumising non” sabi niya.

Hinigpitan ko lang hawak ko sa kanya kasi hindi ko alam sasabihin ko.

“Liligawan uli kita. Papakita ko sa’yo na simula ngayon, hinding hindi na ako aalis. Simula ngayon, nandito lang ako sa tabi mo. Simula ngayon, sa’yong sa’yo lang ako”

Umiiyak si Hector. Naiiyak din ako sa sinabi niya kaya hinalikan ko uli siya.

Ngayon, mabagal lang. Dinadamdam ko bawat galaw ng labi namin.

“Mahal na Mahal kita, Victor” sabi niya.

Yumakap ako nang mahigpit.

“Mahal na Mahal din kita” bulong ko sa kanya.


VOTE AND COMMENTS!!!!!! :))

Part 26

Bumalik na kami sa kwarto.

Pagpasok namin, wala pa rin si Tom at Jenica.

Bigla namang tumingin sa’kin si Hector nang malaki ang ngiti. Niyakap niya ako kaagad at hinalikan.

Oh God, hindi talaga ako magsasawa dito.

“Pwede kong ituloy ’yung pagmamasahe ko sa’yo” sabi niya sabay halik uli.

Hiniga niya ako after at tinuloy ang paghalik.

Nagulat kami pareho nang biglang bumukas ’yung pinto ng CR at lumabas si Jenica at Tom.

Buti na lang parehas silang naka bathrobe.

Nagulat din sila nang makita kami ni Hector na nakahiga.

Tumayo kami kaagad kahit nakatayo ’yung ano namin pareho. 😉

Hindi naman kami nagsasalitang apat. Parang ang awkward lang na makita kaming naghahalikan sa kama at the same time na awkward na makita namin silang kakalabas lang ng banyo.

Bigla namang nagsalita si Tom.

“Hindi namin kayo tatanungin, hindi niyo kami tatanungin. Deal?”

Sabay kaming sumagot ni Hector ng “Deal.”

Nagtawanan naman kaming pareho.

Then nagyakapan si Hector at Tom.

“Long time no see ah!” Sabi ni Tom.

“Hehe. Ikaw din. Gumagwapo ah?”

“Well, alam mo na. Inlove.” Sabi ni Tom sabay akbay kay Jenica.

Nakakatuwa lang makita na masaya talaga si Tom.

At good thing, hindi niya inopen si Jared kasi hindi ko pa napapaliwanag kay Hector ’yung tungkol kay Jared.

“Intro! Jen, si Hector…. ka something something ni Victor. Hector, girlfriend ko, si Jenica!” Nagkamayan sila.

Tumingin lang sa’kin si Jenica. Alam ko nasa isip niya.

“Nice to meet you!” Sabi lang ni Hector.

Lumapit naman ako kay Hector at inakbayan niya rin ako.

“Nag request kami ng movie sa lobby tapos nag order ng room service. Parating na ’yun maya maya!” Sabi ni Tom.

At sakto nga, may kumatok sa pinto.

Ako na nagbukas.

Pero si Sir Jayden at Sir Jordan ’yun! Mukhang dala dala nila ’yung inorder ni Tom.

Pagpasok nila, agad nilang binati si Hector.

Nagyakapan pa silang tatlo.

Mapapansin mo talagang close na close sila.

Bumulong naman si Tom sa’kin habang nag uusap silang tatlo.

“Alam ba niya?” Tanong niya.

“Hindi. Ako na magsasabi ha?”

“Oo naman. Sabihin mo na ngayon ah? Huwag mo nang patagalin.”

“Okay!”

“Ang gwapo niya, Victor.” Sabi ni Jenica.

Napangiti na lang ako.

“Sobrang sweet pa.” Sabi ko.

“Kaya pala umalis si Jared.” Sabi bigla ni Tom.

Napatingin ako sa kanya.

“Hindi mo ba alam? Bigla raw umalis si Jared kasi may gagawin siya bigla.”

Saan na si Jared?

Kilala niya kaya si Hector? Siguro kilala niya pero alam kaya niyang first love ko siya?

Kaya ba siya umalis kasi nakita niya si Hector? O assuming lang ako? Baka may gagawin naman talaga.

Pero biglaan naman.

“Yow, ano na? Eto na order niyo!” Sabi bigla ni Sir Jayden kay Tom

“Haha sorry Sir, kung alam ko lang na kayo magdedeliver sana konti lang inorder namin!” Sagot niya.

“Sus. Okay lang ’yan! Nagdala din kami ng alak kung okay lang sainyo? Okay lang bang dito tayo mag inom? O baba na lang tayong lahat?” Sabi ni Sir Jordan.

Tumingin si Tom kay Jenica at sumenyas na okay lang. Okay lang din naman sa’kin.

“Okay lang dito, Sir!” Sabi ni Tom.

“Nice nice!”

May dala rin silang extra pillow. Nilatag namin lahat sa sahig pati na rin ’yung unan sa kama at sa lapag kaming naupo lahat.

Binuksan lang namin ’yung TV pang background pero nagkekwentuhan lang kaming lahat.

Tinanong ko kung paano sila nagkakilala.

“Si Hector kasi tiga train ng mga trainee. Dapat makikitira siya sa unit niyo para iguide ko in and out sa company” paliwanag ni Sir Jordan.

Naalala ko pala dati. Dapat kasama namin si Hector. Natatakot pa ako non kasi kami pa ni Arthur. Pero hindi rin siya natuloy kasi umalis siya papuntang London.

“Buddy kami niyan! Alam mo naman mga pinagdaanan ko. Nasa tabi ko si Hector non. Kaya nung sinabi niya na bantayan kita, hindi ako nagdalawang isip” sabi ni Sir Jayden.

“Hey, hindi ko sinabi ’yun! Ang sabi ko, kwentuhan mo lang ako kung anong ginagawa ni Victor. Hindi ko sinabing bantayan mo!” Singit ni Hector.

“Haha. Sorry na. Sinubukan ko pa nga siyang akitin eh. Pero ayaw bumigay sa’kin, Mahal na Mahal ka talaga niyan!” Sabi ni Sir Jayden.

Namula naman ako. Tapos napatingin si Hector sa’kin. Gusto ata niya akong halikan pero nahihiya ako sa harapan ng dalawang kambal.

“So, alam mo na before pa ako umamin sa’yo?” Tanong ko kay Sir Jayden.

“About sa’yo? Oo. Sorry, kunwari hindi ko alam ah. Baka kasi magtanong ka kung paano ko malaman. Syempre malilink si Hector. Ayokong isipin mo na magkakilala kami para hindi ka mailang sa’kin” sabi niya.

Fuck. So nagkaka sense na lahat.

Kaya pala sweet sa’kin si Sir Jayden dahil kay Hector! Lahat nang pinag gagagawa niya noon, dahil lang kay Hector.

“Oh, sa kanya din galing ’yung Lady Gaga keychain sa phone mo” sabi ni Sir Jayden.

Napatingin lang ako kay Hector.

Kahit pala hindi kami magkasama. Kahit na may usapan kami na huwag ilimit sarili namin sa isa’t isa, gumagawa siya ng paraan para maging konektado pa rin kami sa isa’t isa.

Samantalang ako, dalawang lalaki na naka sex ko dahil lang single ako.

What if test lang pala ’yung sinabi niya sa’kin before tapos kapag nalaman niya, bagsak ako, babalik na siya ng London tapos iiwan ako mag isa?

Kailangan ko nang sabihin sa kanya ASAP.

“So, bakit ang aga nang pagbabalik mo bro? Sabi ni Victor sa’kin isang taon ka raw don ah?” Sabi bigla ni Tom na kaakbay si Jenica.

Mukhang nainggit si Hector sa nakita niya kaya dumikit siya sa’kin tapos inakbayan din ako.

“Miss na Miss ko na ’to eh” sabi niya sa’kin.

Naghiyawan naman silang lahat pero ako nahihiya.

At the same time, natutuwa kasi ang sweet niya sa’kin sa harap nila.

“Pero nagpaalam naman ako kay Maam Cherry kung okay lang na umuwi na ako. Wala naman daw kaso. Basta hindi ako magreresign. Sabi ko, bakit naman ako magreresign? Kasi raw wala na kong trabaho. Kinuha na ni Victor!” Sabi ni Hector.

“Eh di’ba ikaw nagsabi kay Mama na gawin niyang PA si Victor para makilala ni Mama si Victor?” Sabi ni Sir Jordan.

“Gusto ko maging Assistant ni Maam Cherry si Victor para pagbalik ko, magkasama na kami sa trabaho.” Sabi naman ni Hector.

Ang daming nangyayari. Pero nagiging malinaw na lahat.

Simula’t simula pa lang, plano lahat ni Hector ’to.

Nasa Baguio pa lang ako, sinabihan na ako ni Dean na gusto ako ni Maam Cherry bilang Personal Assistant niya. Dahil kay Hector.

Nakakaoverwhelm at the same time, sumasakit ulo ko.

“May ginawa ka pa ba na hindi ko alam na dapat kong malaman?” Tanong ko kay Hector.

“Uhm. Wala naman. Araw araw lang naman kitang minamahal nong nasa London ako so baka gusto mo rin malaman ’yun”

Bigla akong napangiti na ewan. Lahat din sila nagkantyawan.

Si Tom naman, nangingiliti sa’kin

“Bakit hindi ka ganyan bumanat!! Nakakainis ka!” Sabi ni Jenica kay Tom.

Nagtawanan naman kami.

Parang hindi ko na kaya. Parang ang unfair na hindi alam ni Hector lahat.

“Pwede ba tayong mag usap sa labas?” Bulong ko sa kanya.

“Sure”

Tumayo kami pareho, hawak kamay tapos lumabas kami sa may balcony. Nagpahangin kahit malamig na.

Niyakap niya ako sa likod para uminit pakiramdam ko. Hindi niya alam, kahit makita ko lang siya, nag iinit na ako.

“May problema ba?” Tanong niya.

Nakayakap pa rin siya kaya naririnig ko paghinga niya sa tenga ko.

“Wala ka bang nakilalang iba don? Wala ka bang nagustuhan?” Tanong ko this time humarap na ako sa kanya.

“About ba ’to kay Jared?” Tanong niya.

“Kilala mo rin si Jared?”

“Alam ko lang stepbrother nila si Jared pero hindi ko pa siya namemeet.”

“Ahh…”

“Nasabi rin sa’kin ni Jayden na parang may something na kayo. Sabi nga raw niya sa’yo, huli na siya eh. Pero sabi ko hindi naman, okay lang naman sa’kin as long na masaya ka.”

“Bakit kasi naghiwalay pa tayo? Tapos sasabihin mo na hindi ka tumigil na mahalin ako?”

“Sorry Victor… Sorry Mahal… Pakiramdam ko kasi noon hindi mo ko deserve. Na, niloko kita kasi nagsinungaling ako na naghiwalay na kami ni Jason. Gusto ko lang parusahan sarili ko sa nagawa ko sa’yo”

Humigpit hawak niya sa kamay ko.

“Si Jared….” hindi ko mapaliwanag si Jared. Ano bang sasabihin ko? Ka sex ko madalas? Ganon?

“Mahal Kita, Victor. At kung liligawan kita uli para maging tayo, gagawin ko. Kahit ilan pa manliligaw mo, makikipaglaban ako makuha ka lang uli”

Wala namang kompetisyon. Walang wala. Kahit sino pa, si Hector lang talaga gusto ko.

“Si Jared…. Si Jared, nakaka…. sex ko before.” Sabi ko.

Napansin kong nagulat siya pero agad niyang hindi pinahalata.

“Pero hanggang doon lang. Malinaw sa’kin ’yun. Nagpayo din si Tom sa’kin na mag enjoy lang ako kaya ayun. Pero lately kasi si Jared, nagiging extra sweet….”

“Naiinlove na siya sa’yo?” Tanong niya.

Oo? Hindi? Mukhang oo. Bakit niya ako bibigyan nung bulaklak kung hindi?

Ayaw niya pa rin bitawan kamay ko.

“Siguro” sagot ko lang.

Umoo lang siya. Mukhang nag iisip siya.

Ang complicated nang sitwasyon.

“Ikaw? Na fall ka ba kay Jared?” Tanong niya bigla.

Hindi ko ineexpect ’yung tanong pero sumagot ako.

“Hindi.” Sagot ko kaagad.

Napangiti naman siya.

“Pero masaya ako nung mga panahong ’yun” sabi ko agad.

Ayoko naman na mag left out ng details kay Hector at ayokong magsinungaling. Masaya ako kay Jared noon.

“Naiintindihan ko.” Sabi niya.

Natahimik kami pareho.

“Sinasabi ko lang sa’yo kasi nakaka overwhelm mga sinasabi mo sa loob. Ayokong magsikreto sa’yo.” Sabi ko.

Tumingin lang siya sabay ngiti.

“May nakilala din ako sa London” bigla niyang sabi.

Ako naman nagulat sa sinabi niya.

“Kaibigan siya ng roommate ko. Pinoy din. Palagi kasi siyang nakatambay sa apartment namin doon tapos may boyfriend din daw siya sa Pinas kaso naghiwalay kasi nga ayaw ng boyfriend niya ng LDR.

Ang sabi ko naman sa kanya, may boyfriend ako sa Pinas. Going strong. Palagi kong pinapakita picture mo sa kanya para makuha niya ’yung message na ayoko sa kanya.

Pero palagi siyang nasa apartment kaya nakikipagkwentuhan na lang din ako.

Never kaming naiwan na kaming dalawa lang. Never.

Sabi niya nagugustuhan na raw niya ako. Eh wala naman akong ginagawa para magustuhan niya ako.

Isa rin ’yun sa dahilan kung bakit umuwi ako ng maaga. Ayokong mag paasa.

At saka, ikaw lang Mahal ko“

Hindi ko alam kung ano ’tong nararamdaman ko pero siguro ganito rin nararamdaman ni Hector nang malaman niya ’yung tungkol kay Jared.

“Ayoko ring magsinungaling sa’yo, Victor. Kaya sinasabi ko sa’yo ’to. Walang nangyari sa’min, ever. Hinding hindi kita kayang ipagpalit kahit na sino.”

Di’ba? Sobrang sweet ni Hector. Nakakainis.

Hindi ko na iniisip kung sino man ’yun.

Naniniwala ako sa kanya at alam kong totoo sinasabi niya kasi hindi niya uulitin ’yung maling ginawa niya noon sa’kin.


VOTE AND COMMENTS!!!!!!!!

Part 27

Naliligo ako sa hotel ngayon. Kakatapos lang ni Hector.

Hindi na ako sumama sa kwarto ni Tom at Jenica kasi nakakahiya kung nandoon kami ni Hector.

Ngayon, tapos na ako magshower. Thanks sa hilot ni Hector, nawala ’yung pagod ko at sobrang relaxed ng katawan ko.

Nakaharap ako sa salamin. Thank God wala akong pimples today!

Nagkuskos na rin ako ng bibig. Masyadong gamit bibig ko maghapon eh.

Hindi rin ako nageexpect na may mangyayari pero nagkuskos na rin ako ng pwet. We’ll never know.

Nagbihis na ako saka ako lumabas.

Hingang malalim.

Then nakita ko siyang nakasandal sa may kama habang nagbabasa.

Up to now, mahilig pa rin talaga siyang magbasa ng libro.

Sumenyas siya na tumabi sa kanya.

Nakaakbay kaagad siya, nakasandal ako sa balikat niya.

“Tapusin ko lang ’tong chapter” sabi niya.

Ang tahimik sa loob. Isang ilaw lang nakabukas, sa kusina lang kaya ang dim ng paligid pero ang sarap sa pakiramdam.

Sinara na niya ’yung libro tapos nahiga na kami pareho. Niyakap niya ako nang mahigpit.

“Ang bango mo naman” bulong niya.

Diyan nagsisimula ’yan! Sa bulong na ganyan tapos mamaya nagsesex na kami.

“Miss na Miss kita. Alam mo ba ’yun?” Sabi uli niya.

“Ako rin”

Nanahimik kami sandali.

Nararamdaman ko na hinahagod niya likuran ko at ang sarap sa pakiradam.

“Bakit ang galing mo magmasahe???” Bigla kong tanong

“Hmm. Alam ko lang kung paano ka pasayahin”

Hindi niya ako nakikita pero alam kong alam niyang nakangiti ako kasi naramdaman ko rin pagngiti niya.

“Gusto ko sanang ituloy ’yung hilot ko sa’yo” sabi niya.

“Uhm. Okay lang sa’kin”

“Gusto ko. Pero mapusok ako eh. Baka mamaya kung anong gawin natin. Gusto ko kapag gagawin na uli natin ’yun, wala ka nang iniisip na iba”

Si Jared siguro tinutukoy niya.

“Okay.” Sagot ko lang.

Pero hinalikan niya ako sa pisngi nang matagal.

Tapos bumaba sa leeg ko. Napapikit ako sa sarap nang hagod ng labi niya.

Napapakagat lang ako ng labi.

Tapos umakyat ’yung halik niya sa labi ko.

Kiss lang nung una pero naging passionate na. Kung paano niya ako halikan kanina sa rooftop, ganito ginagawa niya ngayon.

Pero bigla rin siyang kumawala.

“Matulog na tayo” sabi niya.

Ngumiti lang ako.

“Goodnight” sabi ko.

“Goodnight, Mahal!”

Niyakap niya uli ako nang mahigpit. Hindi ako nahirapan sa pagtulog kasi alam kong katabi ko naman si Hector.


Nagising ako kasi babangon si Hector.

Ang taas na rin ng sikat ng araw pagmulat ng mata ko.

“Hey, Goodmorning. Sabay na tayo maligo?” Sabi niya agad.

Hindi pa ako masyadong nakakabangon pero naka attack na siya na parang hahalikan niya ako.

“Uhm…”

“Say yes.” Sabi niya habang nakangiti.

Jusko. Ang sarap ng Hector sa Umaga.

Wala naman akong magawa kaya umoo ako.

Binuhat niya agad ako papunta banyo.

[PS: Imaginin niyo na lang kung may nangyari o wala, pero maganda kung iimaginin niyo na meron 😉]

Pagkatapos namin magbihis, tinanong ko siya kung saan kami pupunta.

“Basta, Magpaalam ka na kay Tom. Nagsabi na ako kay Sir Jordan at Jayden” sabi niya.

Napansin ko rin na nakaayos na gamit ko. Bubuhatin na lang.

Tinanggal tanggal ko pa naman ’yun kagabi para iseparate ’yung madumi sa malinis pero mukhang inayos niya na.

“Huwag kang mag alala. Nakaayos ’yung malinis sa madumi” sabi niya bigla.

“Paano mo nalaman kung malinis o madumi?”

“Inamoy ko”

Eto na ata pinakanakakahiyang moment.

“Joke lang. Tiniklop ko lang lahat. Labhan na lang natin lahat” sabi niya bigla.

Pero parang may pakiramdam ako na inamoy talaga niya?

Hinalikan niya ako sa noo bago siya lumabas kasi may sasabihin pa raw siya sa kambal.

Lumabas na rin ako para magpaalam kina Tom. Pagkapasok ko ng kwarto, nakahiha pa sila pareho.

“Saan lakad? Bakit nakabihis ka?” Tanong niya.

“Aalis ata kami ni Hector.”

“Kinawawa ka na naman siguro niya kagabi? Naka tatlo uli?”

Tumawa si Tom pero hinampas siya ni Jenica sa tabi niya.

“Huwag ka ngang magtanong ng ganyan kay Victor!” Sabi niya

“Sorry babe” sagot lang ni Tom pero tumatawa pa rin siya.

“After non baka umuwi na ako sa unit. Dadalhin ko na gamit ko eh” sabi ko.

“Pwede raw kami mag stay dito hanggang gabi sabi ni Sir Jordan so baka mag stay kami.” Sagot ni Tom.

“Okay. Bye!”

“Bye Victor!” Sabi nila ng sabay.

Nakita ko na si Hector sa hallway, hinihintay niya ako.

Hinawakan niya kamay ko at sabay kaming bumaba. May nakasabay pa kami sa elevator pero hindi niya binitawan kamay ko.

Buti na lang wala lang silang paki.

Pagkasakay namin ng sasakyan, wala pa rin siyang balak sabihin kung saan kami pupunta.

Maya maya, pumarada ’yung sasakyan sa labas ng bahay.

Bahay namin!

“Hala, bakit tayo nandito?” Tanong ko.

Hindi pa rin siya sumasagot hanggang sa makababa kami.

Nakahawak pa rin siya sa kamay ko hanggang sa pagkatok sa pinto.

Pinagbuksan kami ni Kuya Vince na mukhang busy sa pagluluto. Amoy kasi sa loob ng bahay.

“Hector! Victor!” Bati niya sa’min sabay yakap.

Ngayon ko lang narealize na rhyme pala pangalan namin. Kaya siguro kami meant to be.

“Yow. Ang bango nang niluluto niyo ah?” Sabi ni Hector.

“Kanina pa kaming umaga nagluluto!”

Pumasok na kami at nandoon lahat ng kapatid ko.

Wala akong balak bumitaw kay Hector pero ang higpit talaga ng hawak niya sa kamay ko.

Nakita ko si Papa at niyakap ako nang mahigpit.

“Ang tagal nating hindi nagkita!” Sabi niya.

“Pa, hindi naman talaga tayo nagkikita kahit nung nasa Baguio ako”

“Alam ko, pero ang tagal ng bakasyon niyo! Feeling ko ang tagal nating hindi nagkita!”

“Bakit ang daming pagkain?”

“Pasko! Pasko nang Pagkabuhay! Sige na, umakyat na kayo sa taas para magbihis. Marami pa kaming gagawin sa kusina”

Bigla namang sumigaw si Kuya Vlad.

“Ang daya naman Pa! Bakit hindi mo pinapatulong si Victor? Siya bunso, dapat siya tiga bili sa labas!”

“Unica natin ’yan! Huwag niyong utasan!” Sagot niya.

Nahiya ako pero natawa silang lahat.

Kahit si Hector, nakita kong tumatawa sa gilid pero nang tignan ko siya nang masama, umayos din siya.

“Teka lang, bakit alam mo na may handaan dito sa bahay?” Tanong ko kay Hector.

Naupo muna kami sa sofa.

Naalala ko, dito kami nahuli ni Papa noon na naghahalikan. Dito rin ’yung dahilan kung bakit kami naghiwalay.

Ngayon, mukhang parehas kami nang iniisip ni Hector kasi natawa rin siya.

“Bawal pa rin maghalikan sa sofa kahit legal na kayong dalawa!” Sabi ni Papa sa’min.

At saka nagtawanan na kaming lahat.

Alam nilang lahat nangyari. Sino ba namang hindi makaka alam ng skandalong ’yun?

“Hindi mo pa rin sinasagot tanong ko” sabi ko kay Hector.

Nandoon din mga asawa ng kapatid ko pati mga pamangkin ko. Nagiingay pero nagkakarinigan naman kami ni Hector.

“Hindi ko alam kung nabanggit ng Papa mo na bago ako umalis, pumunta ako rito” sabi niya.

Nabanggit nga sa’kin ni Papa ’yun.

“Ang sabi ko sa kanya, pagbalik ko, haharap na ako sainyong lahat. Hindi na ako magtatago na pupunta ng bahay niyo sa gabi para lang makapagkita tayo. Sa buong pamilya mo, haharap ako para sabihin na Mahal Kita”

Ang bilis ng switch ng mood. Biglang seryoso na naman.

“Seryoso ’yun. Gusto ko talagang malaman mo na seryoso ako sa’yo. Papanindigan ko lahat nang sinasabi ko at magiging sa’yo lang ako”

Gusto kong umiyak pero makikita nang lahat kaya pinigilan ko.

“So, paguwi ko, tinext ko kaagad Papa mo. Alam ko, textmate kaming dalawa hehe”

Natawa lang din ako.

“Sabi ko umuwi na ako. Ininvite niya ako kasi nga raw nagcecelebrate kayo ng Pasko nang Pagkabuhay kaya ayun. Baka raw kasi nakalimutan mo”

For the record, nakalimutan ko talaga. Masyadong masaya ’yung bakasyon kaya nawala na sa isip ko.

“Ayun lang.” Pagtatapos niya ng kwento niya.

Ayoko nang matapos kung ano man ’tong meron sa’min ni Hector.

Siya lang talaga gusto.

Simula bukas, kakausapin ko na si Jared. Sasabihin ko na sakanya na Salamat pero si Hector gusto ko. 

Ang panget man, malinaw naman sa simula na masaya lang kami sa ginagawa namin. Nilinaw niya rin sa’kin na babae talaga gusto niya.

Pero napapaisip ako, totoo kaya ’yung sinasabi niya na gusto niya ako? Though, hindi naman niya sinabi, pero nagbigay siya ng motibo para isipin ko na may gusto siya sa’kin.

“Victor, may gusto sana akong sabihin. Pero, pwede sa taas?” Tanong ni Hector.

Pumayag ako kaya umakyat na rin kami para makapagpalit na ako nang pambahay na damit.

Pagkakuha ko ng damit sa damitan ko, nakatingin pa rin si Hector sa’kin.

“Talikod ka” sabi ko.

“Seryoso? Parang kanina lang sa CR ng hotel…..”

[PS: Imaginin niyo na lang talaga nangyari sa CR.

Clue: Grabe! First time kong gawin. First time namin gawin. At hindi ako aware na kaya ko palang gawin ’yun]

So, nagbihis na ako sa harap niya saka kami naupo sa kama.

“Nakita ko sa bag mo ’yung old picture….” panimula niya.

Fuck. Nawala na sa isip ko.

Bago kasi kami umalis non para magbakasyon, nagbigay ng heartwarming moment sa’kin si Papa kaya parang ayoko na rin ipahanap totoo kong parents.

Kasi bakit ko pa ipapahanap? Kung sapat na sapat naman na si Papa sa’kin.

“Nakwento din sa’kin ng Papa mo na gusto mo ngang hanapin magulang mo” kwento pa niya

“Alam ba niya ’yung tungkol sa picture???”

“Hindi. Pero may balak ka bang sabihin sa kanya?”

“Wala sana. Ayoko kasi….. baka kasi isipin niya na hindi ko siya mahal… pero gusto ko lang malaman kung sino parents ko. Gusto ko lang makilala” sabi ko.

Mukhang naiintindihan naman ako ni Hector kasi umooo siya.

“Gusto mo, hanapin natin?” Bigla niyang sabi.

“Si Maam Cherry, nag offer na tumulong….”

“Pwede rin, pero mas okay kung tatanungin na lang natin Papa mo o kaya mga Kuya mo. May malalaman tayo sa mga ’yan”

Tama siya.

Mukhang close na nga si Hector pati Pamilya ko kaya hindi naman siguro kami paghihinalaan.

Bigla naman niya akong hinalikan sa labi.

“Para saan naman ’yun?” Tanong ko.

“Wala lang” tapos hinalikan niya ako uli hanggang sa makahiga na ako sa kama.

Pumatong siya sa’kin.

Nang makarinig kami nang umuubo sa may pinto.

Si Papa.

“Bakit sa tuwing makikita ko kayo, palagi na lang kayong naghahalikan?”

Natawa kami ni Hector. Tumayo na kami.

“Sorry, may tumatawag kasi sa phone mo anak. Kanina pa eh, baka importante” sabi niya.

Inabot niya phone ko sa’kin.

“Next time, mag lock ha?” Sabi ni Papa bago siya bumaba.

Chineck ko naman kung sino pero unknown number.

Maya maya, tumatawag na naman kaya sinagot ko na muna.

Lumabas na muna si Hector pagkasagot ko ng tawag.

“Hello” sagot ko.

“Hi. Victor? Si Jared ’to”

“Oh…. hello” bakit ako kinakabahan??

“Sorry biglaan alis ko ah? Nagkaproblema lang sa ginagawa ko. About don sa pag uusap na gusto ko, pwede ba sa condo ko na lang? Bukas?” Tanong niya.

“Sige sige.” Sagot ko.

“Sige.” Sabay baba.

Bigla siyang nagtext after.

“Excited na akong makita ka. 😘❤” text niya.


VOTE AND COMMENTS!!!!


Return to top?

Part of a series

Victoriano Series

Part 2 of 2
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.