loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
My Four Homophobic Stepbrothers

My Four Homophobic Stepbrothers

GoddessOfSevenColors · 77 chapters · 151,394 words

Author’s Note

Hi! Everyone! 😁

Ako po ulit ito, ang inyong lingkod na manunulat. Chaarrr. Masyadong pormal. Ahahaha. 😂

Anyways! This story will start on 2017! Kaya sana, I hope guys! You’ll support me to my new story.

Halo halo na po ang tema ng story na ito.

*Nakakiklig *Nakakaiyak *Nakakatawa *Nakakatakot

At higit sa lahat

NAKAKALOKA!

Kaya I’m warning you guys! This story will make you crazy! Ahahaha! Charooot. Basta! Basahin nyo nalang and I will do my best to give you a good, nice and entertaining story na magugustuhan nyo!

Kaya don’t forget to VOTE! AND COMMENT! Para ako po’y ganahan sa pagsusulat!

Again! Ngayon palang nagpapasalamat na ako sa inyong lahat! Lovee yah guys! Muuuahhh! Enjoy Reading! :* :* :*

By the way. I-follow nyo naman po ako. Ina-amag na kasi ang profile ko eh. Ahahaha! Thanks! ^_____^

-GoddessOfSevenColors

Sooooon. :)

Prologue

“Souvenir! Bili na po kayo ng pampasalubong!” Shout out loud ko sa mga turistang dumaraan in full volume! Ganun!

Ilang oras na nga ako sigaw ng sigaw dito eh, kakaunti lang yung bumibili. Na-hahagard tuloy ang beauty ko! Ahahaha. Charot!

I have no choice but to do this kind of job, we’re poor kasi! Paakk! English yun! Ha?! Ahahah.

Nasanay na akong mag-english, slight lang, dahil kadalasan may mga foriegners akong customers! So I learned English language by my self! Try nyo din!

Hindi naman ako nahirapan, high school lang ang natapos ko. We’re poor kind of human kasi! Kaya si mudra, hindi ako kayang pag-aralin sa college kaya I need to help her nalang to work kasi kapag hindi kami kumayod! Nga-nga kami!

Isang kahig isang tuka! Ganyan kaming mga poorita!

Ang trabaho naman ni mudra ay sa isang night club dito sa isla. Woy! Huwag kayong mag-isip ng masama sa mudrabells ko! She’s clean! I wash her! Ahahaha! Chaarringgg!

Waitress si mudra sa night club na iyon. Hindi ko nga akalain sa edad na iyon mudra tatanggapin pa sya sa night club na iyon. Pero hindi naman nakakapagtaka na tanggapin sya, mukha lang nasa twenties si mudrabells! Hindi nga kami mukhang mag-ina! Mukha kaming magkapatid!

Dating beauty queen kasi si mudra! Dapat sya ang lalaban sa miss universe! Pero na- disqualified sya dahil sa akin. Na buntis kasi noon si mudra ng boyfriend nya, at ng malaman ito ng Philippine Pageant Organization, dinisqualified sya. Kaya ayun! Nasira ang dreams ni mudra ng dahil sa akin.

Pero kahit sad ang naging story nya, pinanagutan naman sya ni Pudra. But as you noticed, kaming dalawa nalang ni mudra ang nabubuhay dahil tegi na si pudra. Maayos naman ang buhay namin noong nabubuhay pa si Pudra, but when he died, all things in our life had changed.

Pudra died with a lung cancer, ginawa na namin ni mudra lahat lahat! Kumayod kami ng kumayod para may ipampagamot lang si Pudra, but our effort and perseverance became worthless, dahil katawan na mismo ni pudra ang sumuko, at iniwan nya na kami.

Kaya ngayon, kami nalang ni mudra ang magkasana at ginagawa namin lahat para mabuhay.

Kaloka! Naiiyak tuloy ako! Ayoko na ngang magkwento! Baka sabihin nyo masyado ko namang ginalingan, ma-discover pa ako ni Ate Charo. Ahahaha! Charoooot!

Nang kumagat na ang dilim…

May ngipin pala yung dilim? Na ngangagat? Ahaha! Charr

…niligpit ko na ang lahat ng paninda kong souvenir items. I need to go home na dahil hinihintay na ako doon ni Mudra. Ang pag-uwi ko ay syang pagpasok nya naman sa night club na pinapasukan nya. Tulog si mudra sa umaga at gising naman sya ng buong magdamag. Baliktad kami ng oras ng trabaho, ako sa umaga , sya sa gabi. Kaya nga minsan nalang kami nagkakasama ni mudrabells.

Pag-uwi ko. . .

I knocked at the door, three times.

Tok!

Tok!

Tok!

Ayan! Three times nga diba? Ahahaha.

May narinig akong tawanan sa loob ng bahay! At hindi ako pwefeng magkamali, tawa yun ni mudrabells!

Sino kaya yung katawanan nya? Parang naghaharutan ata sila! Nakur! Mukhang nabubuhay na naman ang mga hormones ni mudra! Nagmumurang sampalok na naman ata sya! Sino kaya yun??!

Dahan dahan kong binuksan ang pinto!

Ay! Bakit ba ako kumatok? Hindi naman pala naka-lock! Anubeyen.

Binuksan ko ang pinto, naglakad ako papasok sa bahay naming gawa sa pawid. At dahan dahan akong naglakad papunta sa lugar kung saan ko naririnig ang tawanan nilang iyon!

When I reached the living room! My eyes expanded ten times to its normal size!

Oh! Paak! English again! Ahahar!

Si mudra! Nakikipagkilitian sa isang lalaking naka-suit!

“Nay!” Sigaw ko in O A way! Ahaha.

Napalingon siya sa akin! Pero yung lalaking kaharutan nya ayaw lumingon! May stiff neck yata! Ahahaha.

“Fita! Nakauwi kana pala!” Naka-smile na say ni mudra .

“Ay hindi Nay! Paalis palang ako.” Sarkastiko kong sabi. “Sino po ba yang kasama nyo?” Tanong ko.

Hinawakan ni mudrabells ang kamay ng lalaking yun na nakatalikod!

Dahan dahan itong pumaharap sa akin!

Pagharap ng lalaking iyon! Biglang lumuwang yung garter ng panty ko! Nalaglag ito sa sahig! Ahaha! Chaaarr!

Gossh! Ang gwapo naman ng lalaking to! I’m sure kaedaran ito ni mudra na nasa trenta na mahigit! thirty three palang si mudrabells! Siguro mga nasa thirty six or something na sya!

“Nak! Fita! Natulala ka na diyan!” Kuda ni mudra at nanumbalik naman ako sa conscious mind ko!

Kaloka! Natulala ako sa kagwapuhan ng lalaking ito!

“Nay? Sino sya?” Inosenteng tanong ko!

“Hello Fita!” Nakangiting bati sa akin ng gwapong lalaking itey!

Nakur! Yung panty liner ko! Mygad! Nag we-wet na! Ang gwapo nyang ngumiti! Kaloka!

“Sya si Ark! Ang bago mong magiging Tatay!” Nakangiting sagot ni mudra!

Oh no no no! Sya?!!! Soon to be tatay ko?! Mygad! It shouldn’t beee!

Sya dapat ang magiging soon to be honey ko! Ahaha! Charooot!

“Nay! Ano to? Joke?!” Gulat kong tanong!

“Hindi nak, totoo yun. Magiging Tatay mo na sya, dahil ikakasal na kami!” Deklara nya!

I was like, NO! THIS IS ONLY A DREAM! PLEASE! WAKE ME UP!

Sampalin nyo ako ng sagwan please! >_<

Paaakkk 01

• FITA’S POV •

So ayun na nga ang nangyari!

Ikinasal si Mudra sa bagong gwapo kong magiging Pudra! Beach wedding ang naganap. And alam nyo na, ginawa akong flower girl ni Mudra. Ako yung nagsaboy ng petals ng mga roses sa red carpet na kemerut na iyon.

At first hindi ko talaga matanggap! Bigla bigla nalang magpapakasal si mudrabells sa lalaking ngayon ko lang nakita! Mabuti sana kung kami ni Fafa Ark ang ikakasal, matutuwa pa ako! Ahaha! Charrr.

Pero ayun nga, syempre may deep inside conversation kaming ginawa ni Mudra about sa pagpapakasal nya kay Fafa Ark.

Fafa Ark talaga? Ahaha! Eh baket ba? Magiging Papa ko na naman sya eh! Kaya Fafa Ark na ang tawag ko sa kaniya!

To continue my sayings, ayun na nga, nag-usap na kami ni Mudra. Sabi nya nabighani daw sa kagandahan nya si Fafa Ark, at simula noon madalas na daw itong pumunta sa night club kung saan sya nagtatrabaho. Well, talaga namang maganda si Mudra! Mukha nga lang kaming magkapatid eh!

And of course? Saan pa ba ako magmamana? Beautiful gorgeous din ako tulad nya!

Pang Miss U ang ganda namin ni Mudra. Taob si Pia Wurtzback! Ayy wait? Tama ba spelling ko?

Ahahaha!

Bakasyonista daw si Fafa Ark sa Isla namin, may business meeting lang daw silang ginawa sa Isla, ito daw ang napili nilang lugar dahil sa ganda nito. Sakto namang napadpad si Fafa Ark sa night club kung saan nagtatrabaho si Mudra at doon na daw sila nagkakilala. Isang linggo daw niligawan ni Fafa Ark si Mudra bago sya sagutin nito. And after nun! Nag-propose na agad si Fafa Ark!

Kaloka ang love story nila! Dinaig pa ang maharot na kumanta ng Isang Linggong Pag-ibig. Ahaha! Charoot.

Dahil mahigit limang taon ng patay si Pudra the original, eh siguro panahon na para muling umibig si Mudra. Kahit mahirap ito, kailangan kong pumayag dahil kitang kita ko kung gaano kasaya si Mudra sa twing kasama nya si Fafa Ark.

“We’re here.” Sabi ni Fafa Ark then he turned off the machine of the car.

So nandito na pala kami? Sa bahay nya, kung saan kami titira ni Mudra.

Sinilip ko ang bahay nya mula sa bintana ng car. Halos lumuwa yung mata ko sa nakita ko!

Oh really? Seriously? Absolutely? Bahay nya to?!

Nakakaloka mga besss! Ang laki! Ang ganda! Parang palasyo! Goooshh! Totoong ngang mayaman itong si Fafa Ark!

Ohmyy! So meaning? Magbubuhay Reyna at Prinsesa na kami ni Mudra sa palasyong ito ni Fafa Ark!

Ihhhh! This is what I am dreaming of! Ang tumira sa ganito kaganda at kalaking bahay. Akala ko sa panaginip nalang mangyayari ang lahat ng ito, but look! It is happening now!

“Nak! Baka pasukan ng langaw yang bibig mo!” Sabi ni Mudra at sya na ang nagsara sa naka-nga nga kong bibig!

“Maganda ba?” Nakangiting tanong ni Fafa Ark!

Bigla akong nakaramdaman ng hiya! Kaloka! Nakita nya akong naka-nganga!

“Ahm. O-opo Ti-Tito. Maganda po.” Sagot ko.

Tito daw ang itawag ko sa kanya sabi ni Mudra!

“Simula ngayon, diyan na kayo titira kasama ako…” Nakangiting sabi nya. “At ng mga anak ko.” Pahabol nya pa!

“Anak? May anak po kayo?!” Gulat kong sabi.

“Nakalimutan ko pala sayong ikwento Nak! May apat na anak ang Tito Ark mo, puro lalaki sila.” Paliwanag ni Mudra.

Oh no no no! It shouldn’t beee! Akala ko ako lang at si Mudra ang kasama ni Fafa Ark na titira sa Palasyong ito! May apat pala ayang anak! At puro lalaki pa!

Huwaaait?! Tama ba ang narinig ko? Puro lalaki?!

“Tito Ark, mga bata pa po ba ang anak nyo?” Tanong ko.

“No Fita. Malalaki na sila. Halos kaidaran mo nga sila or mas matanda pa ata sila sayo.” Sagot nya! “I’m sure kanina pa nila tayo hinihintay.” Dagdag nya pa.

I was like!!! Ohhhh yeeahh!!! Si Fafa Ark ang Hari. Si Mudra ang Reyna. Ako ang Prinsesa. At ang apat na lalaking yun ang mga Prinsipe ko! Ahahaha! Goosh! I’m sure! Malakas ang kutob ko! Beki instinct! Gwapo din sila gaya ni Fafa Ark!

Mygaaaddd mga bessss! I’m excited to see them na!

Relax! Kalma lang Fita! Dapat demure ka! Huwag mong ipahalata sa kanila ang personality mong maharot!

At ayun na nga! Lumabas na kami sa loob ng kotse. Naglakad na kami papasok ng bonggang bahay na ito.

Pagpasok namin sa loob, lalo akong napanga-nga! Mas maganda pa pala ang loob ng bahay na ito kesa sa labas!

Grabeee! Parang lahat ng gamit dito eh puro mamahalin! Nakakatakot tuloy galawin.

“Good Afternoon po Ser.” Greetings ni Manang kay Tito Ark.

“Good After noon Manang Yolly.” Sagot nya. “By the way she’s Helena my new wife and this is Fita her son.” Pakilala nya sa amin!

Naloka ako sa salitang SON! Nakur! Babae ako noh! Dapat daughter!

“Hello po Mam, Ser. Ako po si Yolly. Mayor Doma sa mansyong ito.” Pakilala ni Manang Yolly.

Nakur! Ayan na naman! SER talaga? Dapat Mam! Kaloka!

“Where are my sons?” Tanong ni Tito Ark kay Manang Yolly.

“Nasa pool po Ser. Nagsu-swimming.” Sagot nya.

“Okay. Thanks. Maghanda ka ng miryenda para sa amin.” Utos ni Tito Ark.

Agad naman kaming naglakad papuntang pool.

This is it pancit canton! Makikilala ko na ang apat nyang mga anak! Bigla tuloy akong kinabahan! Habang naglalakad kami papunta doon, pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko. Anubaah! Bakit ba ako kinakabahan?!

Pagdating namin sa pool. As usual, napa-nga-nga ulit ako. Pero syempre sinara ko agad! Baka pasukan ng langaw!

Grabeeee! Ang bongga! Ang laki at ang haba ng pool nila! Para itong resort! Gusto ko na din mag-swiming! I’m sure naman na walang jellyfish dito! Yung kasing sa Isla namin kapag nagsu-swimming ako sa dagat lagi nalang akong nadi-dikya! Trip ata ako ng mga pisteng jellyfish na iyon eh!!!

“Ayun pala sila.” Sabi ni Tito Ark sabay turo sa direksyon sa kaliwa.

Sinundan ko naman ang hintuturo nyang nakaturo sa kaliwa, at nang dumako na doon ang eyes ko….

Oh My Goddess Of Burning FIRE!

Homyyygaaaddd!

Hindi lang ako napanganga, Nanlaki pa ang mga mata ko sa nakita ko! Biglang bumilis ang kabog ng flat kong dibdib! At halos mag flashflood na yung wetness ng pantry liner ko sa aking nakita!

Totoo ba ito?! Sila? Sila talaga? Ang anak ni Fafa Ark?! Sabi ko na! Hindi ako binigo ng Beki Instinct ko!

Hindi lang sila Super Gwapo! Ang Hot pa nila mga bessss! Josko! Mga naka-brief lang sila!!!

Bawat parte ng mukha nila ay perpekto! Makakapal na kilay, matatangos na ilong, mapupulang mga labi na parang ang lambot lambot! At ang kanilang mga matang nakakapanghina ng laman!

Dumako ang maharot kong mata sa kanilang katawan! Parang inukit ng magaling na sculptor ang katawan nilang nagliliyab! Matipunong dibdib, malalaking braso at mga pandesal na kulang nalang ay palaman!

Bigla tuloy akong nagutom! Ahaha! Charoot!

Naglakad silang apat palapit sa amin. Parang pintig ng puso ko ang mga hakbang nila! Pabilis ng pabilis!

Inayos ko ang sarili ko. Inipit ko sa tenga ko ang buhok kong hanggang balikat. Kailangang maganda ako kapag kaharap sila! Binasa basa ko ang labi ko para kunyari nag-lip gloss ako! Ahahaha! Tapos inayos ko ang tayo ko. At ang huli kong ginawa, I smiled sweetly! Ganern!

Paglapit nilang apat sa amin! Lumundag ang puso ko! Mas gwapo at hot pa pala sila sa malapitan! Nakakaloka na ito mga bessss! Hindi ko na keri!

“Dad? Sila na ba yun?” Tanong ng gwaponganak ni Tito Ark na naka blue na brief.

“Yes. This is Helena, my new wife and your new Mom. Just call her Tita.” Sabi ni Tito Ark.

“Okay Dad.” Tugon nilang apat.

So okay lang agad sa kanila na may bago silang magiging Nanay? Sa mga napapanuod ko kasi sa TV ang ganitong mga eksena ay madrama! Yung hindi matatanggap ng mga anak ang bago nilang magiging Nanay! Ganun! Pero sila! Tanggap agad?! Well hindi naman ako nagrereklamo. Nakakagulat lang kasi. You know. Ahaha.

“And who’s that girl?” Tanong ng anak ni Tito Ark na naka red na brief sabay turo sa akin!

Ohmymy! Tama ba ang naring ko?! Tinawag nya akong girl?! Anubaaah! Huwag kang ganyan Kuya! Kinikilig ako! Ahahaha!

“He’s not a girl. He’s Fita, Helena’s only son. Ituring nyo na din syang parang nakakabatang kapatid.” Sabi ni Tito Ark sa mga ito!

Kitang kita ko kung paano manlaki ang mata nila sa sobrang gulat! Ahahaha! Akala siguro nila babaeng tunay ako! Ang ganda ko kasi! Charot!

“Hello po.” Pa-sweet kong bati sa kanila. Pero parang bigla nalang nagbago ang timpla nila! Nanlilisik ang mga mata nila habang nakatingin sa akin!

Hala! Galit ba sila?! Anong nagawa ko?!!!


Itutuloy. . .

Paaakkk 02

• FITA’S POV •

Nanlilisik ang mga mata nila habang nakatingin sa akin!

Gosssh! Ano ba kasing nagawa ko?! Bakit parang galit sila sa akin???

“By the way. Helene, Fita. He is Axe my eldest son, and this is Ash my second son, Air the third and my youngest son, Ace.” Pakilala ni Fafa Ark sa mga anak nya!

Yung totoo? Favorite letter ba nya ang A para pangalanan ang lahat ng anak nya na nagsisimula sa letter A? Tapos kaloka! Three letters lang ang mga name nila! Masyadong tinipid! Pero keribells lang! Bagay naman sa kanila! Ahahahaha!

Si Axe ang panganay na naka kulay Blue na brief. Yum yum yum!

Si Ash ang pangalawa na nakakulay red na brief. Delisyoso!

Si Air ang pangatlo na nakakulay green na brief. Nakakagutom!

And lastly ang bunso na parang kasing edad ko lang, si Ace na nakakulay black na brief! Kanin please! I need rice! Ahaha!

Oh ayan! Kulay lang ng brief ang pinagkaiba nila! Kaloka! Dahil pare-parehas silang mga gwapo mga besss!

“Diyan muna kayo ha. Ipapakita ko lang kay Helena ang kwarto namin.” Sabi ni Fafa Ark! “ Sons, talk to Fita. I-tour nyo sya dito sa bahay.“ Utos nya pa sa mga anak nya tapos mabilis nyang hinila si Mudra papasok sa bahay!

“Nak! Behave!” Pahabol pa ni Mudrabells at pinanlakihan nya pa ako ng mata!

Nakur! Alam na alam nya ang maharot kong personality! Eh pano ba naman kasi, may apat na nag-gwapuhang lalaki ang nasa harap ko! Tapos! Mga naka-brief lang mga besss!

Tumingin ulit ako sa apat kong magiging Kuya. At gosh! Ganun pa din! Nanlilisik pa din ang mata nila habang nakatingin sa akin!

“Ahm. Ba-bakit kayo ganyan makatingin?” Pa-sweet kong tanong sa kanila.

“We hate gays!” Matigas na sagot ni Kuya Axe!

Ayy kaloka! We? As in silang lahat? Ayaw sa pusong babaeng tulad ko??! Whaaat?!! Bakeeet naman!

Naglakad silang apat palapit sa akin habang masama silang nakatingin sa beauty ko! Mygad! Sa kinikilos nila parang ilang saglit lang bubugbugin na nila ako! Josko! Anong gagawin ko!

Pabilis ng pabilis ang kabog ng flat kong dibdib. Nakakatakot silang tumingin! Yung kaninang maamong mukha nila, bigla nalang naging mabangis! Ganern!

Paglapit nila sa akin, tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa. Parang masusi nilang sinusuri ang beauty ko. Kaya hindi ko na naiwasang mag-pose! Paaaak! Tuloy ang modeling! Ahaha!

“What are you doing?!” Inis na tanong ni Kuya Ash.

“I’m just posing. Tinititigan nyo kasi ako, so dapat maganda ako sa bawat angle!” Sagot ko sabay pose ulit! Paaakk! Laban!

“Gays are gays! They’re doing annoying things!” Galit na sabi naman ni Kuya Air!

“Right. Puro kabaklaan lang ang alam! Nakakairita!” Dagdag pa ni Kuya Ace!

Ay grabeee! Ang hard naman nila! Walang preno?! Direct to the point! Hindi ba nila alam, I am hurting na! Charrrr!

“Bakit ba galit kayo sa mga bakla?! Ano bang nagawa ko? Bakit ang init init ng dugo nyo sa akin ha?!” Tanong ko.

“As I said, we hate gays!” Sigaw ni Kuya Axe!

Beastmode agad??? Nagtatanong lang naman! Ang lapit lapit ko lang, kailangan talagang ipagsigawan! Nakur!

“Eh bakit nga? Bakit kayo galit sa tulad ko?!” Tanong ko ulit.

“It’s none of your business. Basta galit kami sa baklang tulad mo! Tapos!” Sigaw din ni Kuya Ash sabay duro sa akin!

“Ewan ko sa inyo! Ang hirap nyong kausap. Nagagalit kayo sa akin, ayaw nyo namang sabihin ang dahilan.” Mataray kong sabi.

Mygaad! Mga gwapo at hot nga sila pero ang sama naman ng mga ugali! Nakur! Akala ko naman mababaet sila! Pero nagkamali ako! Kabaliktaran ng mukha nila ang pag-uugali nilang apat!

“We will do everything to kick you out of here!” Galit ding sabi ni Kuya Air!

“This house is going to be your living hell! Hindi magiging madali ang pagtira mo dito bakla!” Dagdag pa ni Kuya Ace!

Gossh! Naloloka na ako sa mga pinagsasabi nila ha! Tinatakot ba nila ako??? Are they threatening my beauty?

Isumbong ko kaya sila kila Mudra at Fafa Ark!

“Huwag mong tatangkaing magsumbong kay Dad sa lahat ng sinabi namin sayo! Dahil kami, kami ang makakalaban mo bakla!” Galit namang sabi ni Kuya Ash!

Ay ang taray! Nabasa nya yung iniisip ko! Ginalingan! Bigyan ng Jacket yan! Ahahaha!

Akala ko magbubuhay Prinsesa na ako dito sa palasyong ito, pero mukhang hindi na yata mangyayari yun dahil sa apat na asungot na yon na galit sa akin!

Bakit ba kasi sila galit sa baklang gaya ko?!! Parang ang lalim ng pinanggagalingan ng reason nila! And I really wanna know it!

Ngayon! Nawala na yung kilig, attraction at desire ko sa kanila! Desire talaga??? Ahaha! Charot!

Parang nawalan na ako ng gana sa kanila. Kung nung una nabighani ako sa angkin nila kakisigan at kamachohan, ngayon na turn off na ako sa magaspang nilang attitude!

Ayoko na sa kanila! Sa inyo na sya mga besss! Palitan nyo na ako dito sa role ko. Ahaha! Charr!

Bumalik silang apat doon sa gilid ng pool at nag-swimming ulit sila at nag-pool volleyball pa! Tsee! Hindi man lang nila ako niyaya. Gusto ko din mag volley ball!

Habang nakatayo ako sa may gilid ng pool, ay biglang . . .

Biglang may tumama sa mukha ko! Ang sakeeeet!!! Na out of balance ako at ayun! Lalag ako sa pool!

Mabuti nalang may dugong sirenang nananalaytay sa aking mga ugat! Hindi ako nalunod. Mabilis akong umahon sa pool at pag-ahon ko narinig ko ang malakas na tawanan ng apat ng kumag!

“That was a great shot Bro!” Natatawang sabi ni Kuya Axe kay Kuya Ace!

“Bullseye!” Dagdag pa ni Kuya Ash at Air habang natatawa sila!

Nakur! Mga piste kayo! Sinadya nyo yun! Tawang tawa pa kayo sa ginawa nyong mga letchugas kayo!

“Ser, eto na po ang miryenda nyo.” Sabi ni Manang Yolly habang bitbit bitbit nya ang mga ito.

Lalapit na sana ako sa kaniya nang mabilis na lumangoy ang apat na iyon papunta sa kanya at kinain nila ang miryendang para sa akin! Mga piste talaga!

Tinitigan ko sila ng masama, pero nakakalokong ngiti lang ang ginanti nila sa akin! Boooset! Mabulunan sana kayo!

At dahil basa na rin lang ako, I decided to swim nalang! Ahaha! This is my first time na mag-swimming sa isang malaki at malawak at sobrang gandang pool!

Hinubad ko ang suot kong t-shirt, at pati na rin ang pantalon ko. Tanging fitted na sando at maiksing short nalang ang natitira kong saplot.

Napatingin ulit ako sa apat na kumag na yon! At gossh! Anong nangyari sa kanila? Bakit parang natulala sila sa akin? Tinitignan nila ako mula ulo hanggang paa!

Nakur! Parang alam ko na! Ahahaha! Natulala sila sa ka-sexihan ko! Kahit flat ang dibdib ko, maganda naman ang pangangatawan ko. Kapag nga naliligo ako sa dagat doon sa isla namin may mga lalaking namboboso sa akin!

Kaya confirmed!!!!! Natulala sila sa kasexyhan ko! Ahahahaha!

Ngayon, tignan natin kung magagawa nyo pang magalit sa akin kapag inakit ko na kayo gamit ang sexy kong katawan! Ahaha!

Nagpose ako ng sobrang seductive! Habang hinahamplos hamplos ko ang flawless legs ko. Ayan! Kaloka mga bess! Mukhang effective! Napapalunok sila ng laway! Ahaha! Kala nyo ha! Mga lalaki talaga! Marurupok! Whaha!

Naglakad ako ng sobrang sexy palapit sa kanila. Nakatulala parin silang apat sa akin!

“Pwede bang makahingi? Nagugutom na kasi ako?” Sabee ko! In sexy way!

Gossh! Naloloka na ako sa ginagawa ko ha! Sabi ni mudra mag-behave daw ako! Pero hindi ko nagawa! Likas na yata talaga sa akin ang pagiging maharot! Ahaha! Charrr!

Agad naman nilang inabot sa akin yung platong may lamang potato chips. Tulala pa rin sila habang nakatingin sa akin.

Kaya naman, dahan dahan kong sinubo ang potato chips. Sinexihan ko pa ang pagsubo para lalo silang maakit! Ahaha! Walang duda! Anak talaga ako ni mudra! Ang lakas ng alindog naming dalawa! Ahaha!

“Mukhang nagkakasundo na kayo ha?” Nakangitimg sabi ni Fafa Ark! Gosh! Bigla nalang syang sumulpot!

Mabilis akong tumayo at inayos ko ang sarili ko.

“Ah-eh. O-opo. Ti-tito. Ma-mababaet naman po pala ang mga anak nyo.” Naka smile na sagot ko. “ Tito? Na saan po si Nanay?“ Tanong ko pa.

“That’s great! Mabuti naman at nagkapalagayan na kayo ng loob. From now on, tatawagim mo na silang Kuya. Is that clear Fita?” Sabee ni Fafa Ark!

“O-opo Tito.” Sagot ko.

“Mukhang napagod ang nanay mo sa byahe. Nakatulog na sya sa kwarto namin.” Saad ni Fafa Ark! “Sige, diyan muna kayo. May aayusin lang ako sa office.” Paalam niya at naglakad na sya paaalis.

“Anong ginagawa mo?!” Galit na tanong ni Kuya Axe sa akin habang mahigpit nyang hawak ang braso ko.

Aray ha! Maseket keye!

“Anong ginagawa? Hindi kita ma-gets!” Sagot ko!

“Why are you teasing us!” Galit nyang tanong!

Ay teasing us talaga?!

“Ba-bakit effective ba?” Nakangisi kong tanong! Ahaha!


Itutuloy. . .

Paaakkk 03

• AXE’S POV •

“Why are you teasing us!” Tanong ko sa baklang to habang mahigpit kong hawak ang kaliwang braso nya.

“Ba-bakit effective ba?!” He answered and smiled!

This faggot is goddamn shit! Ginagalit nya talaga ako!

“No! It is fvcking disgusting! Nakakadiri!“Bulyaw ko. At dahil sa sobrang galit, naitulak ko sya na ikinatumba nya.

“Aray! Ang saket!” Pag-inda nya sa sakit.

“Get out of our sight faggot! Baka kung ano pa ang magawa namin sayo!” Pagtaboy naman ni Ace.

“Tseee! Hindi nyo na ako kailangang ipagtabuyan! Magbabanlaw na ako! Baboo!” singhal nya then he walked away!

Ugh! At last wala na sya sa panigin ko! Kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakakakita ako ng bakla! Dammit!

“Ibang klase ang baklang yun! Nawala tayo sa sarili sa ginawa nya!” Ash said and I feel the annoyance in his voice.

“That’s the last time na magagawa nya yun sa atin! Remeber Bros, he’s gay! Kahit mukha pa syang babae, bakla pa rin sya! Huwag tayong magpa-apekto sa ginawa nyang pang-aakit! Sinsubukan lang tayo ng baklang yun, at hindi na natin sya papayagang gawin ulit yun sa atin!” Matigas kong sabi sa kanila.

“Okay Bro. Hindi na tayo maiisahan ng baklang yun.” Air answered.

“We will make his life, a living hell.” Ace added.

We hates gays! Not only gays but all people who belong in homosexual community! They are fvcking disgusting! I can’t imagine na may mga taong nag-eexist na tulad nila! They are all shit! Nakakadiri!

I can’t still forget the time when my brothers and I have been kidnapped by those fvcking gays! I thought they were real man by their manly looks but shit! They are gays! Faggot kidnappers! Bukod sa pera at ransom na hinihingi nila kay Dad, they were asking one thing in exchange! They wanted to touch us! I was only 14 on that time, while Ash and Air were 13 and Ace was only 12!

Hindi ko lubos maisip na may ganun ka demonyong tao na pagbabalakan kami ng masama bukod sa pagkuha ng pera gusto pa nila kaming galawin!

My three brothers were very scared on that time, kaya bilang Kuya, I saved them with the dark desire of those fvcking gays!

I volunteered myself. Ako ang sumalo ng lahat! Ipinaubaya ko ang sarili ko sa mga baklang barako na iyon!

They touched me in front of my brothers! Binaboy nila ako sa harap ng tatlo kong kapatid! Kinuha nila ang pagkalalaki ko!

Nakakasuka!!!

Nakakadiri!!!

Ng mga oras na iyon gusto ko nalang mamatay!!!

Every time I remembered that shit incident! Nakakaramdam ako ng galit! At naibubuntong ko iyon sa mga baklang nakikita ko sa school. They deserve that! Masaya ako kapag may bakla akong nakikitang nahihirapan dahil naipaghihiganti ko ang mga kababuyang ginawa sa akin ng mga tulad nila!

I hate gays! We hate gays! My loathing with them is endless! Kahit kailan, hindi mawawala ang galit ko sa mga bakla! They deserve to suffer! Dahil pare-parehas lang silang lahat!

Mga NAKAKADIRI!


• FITA’S POV •

Mga letchugas talaga sila! Lalong lalo na yang Axe na yan! Sumakit ang balakang ko sa malakas nyang pagtulak sa akin! Josko! Yung matres ko baka nawala na! Ahahar!

Inihatid ako ni Manang Yolly sa magiging kwarto ko. At naloka ako mga besss! Ang bongga ng room ko! Malaki, maaliwalas, presko at maganda! I’m so lucky to have this kind of room. Akala ko sa panaginip lang ako magkakaroon nito pero! Nangyayari na talaga sya!

Sobrang swerte namin ni mudrabells dahil dumating sa buhay namin si Fafa Ark. Sya ang tumupad sa pangarap ni Pudra the Original na magkaroon kami mg magandang buhay. Siguro si Pudra ang gumawa ng paraan para magkakilala si Mudra at Fafa Ark dahil alam nyang nahihirapan na kami sa buhay.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong naghanap ng maisusuot. Binuksan ko ang malaking cabinet na nasa gilid ng pinto. At pagbulas ko, napanga-nga ako sa nakita ko!

Ang taray! Ang daming damit! Wala kaming bagaheng dala ni Mudra nang pumunta kami dito sa Palasyo ni Fafa Ark dahil sabi nya bibilhan nalang daw nya kami ng bagong damit. And I am really shock sa dami ng damit na nasa loob ng cabinet na ito! Mukhang mga mamahalin pa.

Gossh! Baka ma-allergy ako sa mamahaling damit na ito. Nasanay na kasi ang kutis ko sa pang dukhang damit. Ahaha. Charoot.

Pumili ako ng magandang maisusuot. Mabuti nalang alam ni Fafa Ark ang taste ko sa damit. Yung gustong gusto ko kasing sinusuot eh yung pang neutral na damit, meaning pwede pang lalaki, pwede ding pambabae. Ganun.

Pero dahil nasa bahay lang naman ako, I want to wear short shorts and fitted shirt! Ahaha! Susubukan ko ulit akitin ang apat na kumag na yun para naman hindi na sila magalit sa akin!

Pagkatapos kong magbihis, I gently comb my short hair at nagpulbos ako, and don’t forget to spray a little bit of fragrant! Ahaha! Okay game! Im ready!

Lumabas na ako sa room ko. Bumalik ako sa may pool dahil baka nandoon pa ang apat na iyon, pero pagpunta ko doon, hindi ko na sila nakita.

Dahil nakaramdam ako ng boredom, napagdesisyunan ko nalang libutin ang malaking bahay na ito. Ito-tour ko ang sarili ko sa palasyo ni Fafa Ark dahil ayaw naman akong i-tour ng apat na kumag na yun.

Naglakad-lakad ako sa garden at para akong nasa isang park dahil may fountain pa talaga sa gitna. Bongga! Ang daming flowers ang daming plants at kung anu-ano pa. Napaka sarap sa mata.

Pumitas ako ng isang pink rose at inipit ko iyon sa kanang tenga ko.

Oh! Yeah! Rosalinda aya mor! Paakk! Laban! Ahaahaha. Nababaliw na ako. Sorry na mga besss.

Nagpatuloy ako sa paglilibot. Pumasok ulit ako sa loob ng bahay para iyon naman ang lilibutin ko.

Naglakad lakad ako. Nakakaloka! Ang daming pinto dito mga bess! Apartment ata ito eh. Ahaha.

At dahil dakilang etchosera ako, binuksan ko isa-isa ang mga pinto na iyon.

Maganda ang bawat silid at parang mga guest room lang ata ang mga ito.

Nagpatuloy ako sa pagrampa sa bongga palasyo na ito! Rampa dito! Rampa doon! Dapat may hampas ng balakang ang bawat lakad ko dapat poise pa din! Tapos dapat Fierce! Yan ang turo ni Tita Tyra Banks! Ahaha!

Nakarating ako sa second floor. Mas maganda ang mga kwarto dito! At parang mas mamahalin pa ang mga gamit dito. Kaya natakot akong galawin. Etchosera lang ako, hindi ako pakialamera noh. Magkaiba yun. Hahaha. Charr.

Pagdating ko sa may dulong pasilyo napakunot ang noo ko. Gossh! Biglang naging iba ang kulay ng mga pinto dito. May Red, Blue, Green at Black na pinto. Kanina puro brown lang tapos ngayon naiba na yung kulay???

Bigla tuloy akong na-curious kaya dahan dahan kong binuksan ang asul na pinto.

Pagpasok ko, bumungad agad sa akin ang mga book shelves! Gossh! Ano to library?! Kaloka. Agad naman akong lumabas sa silid na iyon dahil nahilo ako sa sandamukal na librong nakita ko. I hate reading.

Sunod ko namang binuksan ang green na pinto. Ay ang taray! Ang daming musical instruments! Bongga! May pianos, guitara, drums at kung ano-ano pa. Balak ko sanang patugtugin yung drum pero tulad ng sinabi ko kanina hindi ako pakialamera. Etchosera lang ako. Ahaha.

Next ko namang binuksan ay ang black na pinto.

Pagbukas ko, bumungad agad sa akin ang mga litrato ng mga sexing babae sa pader! Mga poster, magazines at kung anu-ano pa na may mga litrato ng mga babaeng sexy!

Mygaad! Nakakaumay! I’m sure pervert ang may ari ng kwarto na iyon. Nakakadiri. Kaya mabilis akong lumabas.

Palabas ko ay nagtungo na ako sa huling pinto na hindi ko pa nabubuksan - ang pulang pinto.

Pagbukas ko, inilibot ko agad ang mata ko sa buong silid at masasabing bongga din ito. Halatang lalaki ang may-ari ng kwartong ito. Amoy lalake kasi eh. Ahaha.

May kung ano-anong mga posters na naka dikit sa pader at puro basketball players ang mga ito. Tapos may mga sapatos pang naka-display sa gilid at mga bola ng basketball.

Ayy kaloka! Walang duda. Volleyball player ang nakatira dito! Ahaha! Charoot! Syempre basketball player! Ano ba kayo. Commonsense! Whaha! Meron ba ako nun? Hahaha.

Inilibot ko pa ang mata ko sa buong paligid.

Tapos homyyygad! May nasagi akong isang trophy at nalaglag ito sa sahig!

Paakkk! Ganyan ang tunog. Ang lakas mga bess! Pero mabuti nalang matatag ang trophy na iyon buhay parin! Ahaha. I mean buo pa rin. Ganern.

Bigla namang may narinig ako na bumukas na pinto! Napalingon ako sa may pinto sa gilid ko.

“What the fvck?! Anong ginagawa mo dito?!” Galit na sabi ni Kuya Ash!

Napatingin ako sa kanya, may bula pa sya sa buhok nya at malamang nasa gitna sya ng paliligo nya! Dumako ang mata ko sa bandang baba nya at JUSKO!

Wala syang saplot!

Nakita ko! Nakita ko mga besss! Yung ano! Yung basta!!!! Jusko!

Agad kong tinakpan ang mata ko!

Gossh! No! No! It shouldn’t bee! My virgin eyes! Wala na!


Itutuloy. . .

Paaakkk 04

Sorry for this late update! May inasikaso lang ako sa school kahapon. Alam nyo naman, malapit na ang pasukan. Ahaha.

Enjoy Redaing guys! Muaah. :* :*


• ASH’S POV •

“What the fvck?! Anong ginagawa mo dito?!” I madly asked this faggot!

Tinitigan nya ako and when his eyes reach my lower part bigla nalang nyang tinakpan ang mga mata nya!

Oh shit!!!! I’m naked! Wala pala akong suot!!! Fvck!!!

Agad kong kinuha ang towel na nakasabit at mabilis ko iyong tinapis sa katawan ko!

“So-sorry! Sorry po! La-labas na ako!” Aligagang sabi ng baklang to while his hands are still covering his eyes!

Mabilis syang naglakad at dahil hindi nya nakikita ang dinaraanan nya tumama ang ulo nya sa may kanto ng pinto!

Idiot!!!

“You deserve that!” Natatawang sabi ko, but I stop laughing nang bigla syang tumuba at hindi na sya gumagalaw!

Damn! What happened to him?!

Naglakad ako palapit sa kanya and I saw blood running on his forehead! God!

“Hoy! Bakla! Gising!” Sigaw ko dito habang tinatapik-tapik ko sya gamit ang paa ko. But he didn’t move neither answer! Holyshit! Mukhang nawalan sya ng malay! Napakatanga kasi!

Wala na akong nagawa kundi buhatin ang baklang to at inihiga ko sya sa kama ko.

Napatingin ako sa katawan ng baklang to, hindi ko tuloy maiwasang isipin kung babae ba talaga sya o bakla! He suppose to be a man but he has this feminine body but his chest is flat, kaya malamang bakla talaga ang isang to!

But shit! I can’t stop my self staring at his body! Bakit ba kasi ganiyan ang suot nya! Kulang nalang ilabas nya yung buo nyang kaluluwa!

Tinakpan ko ng kumot ang katawan nya. Tinawagan ko si Manang Yolly para asikasuhin ang baklang to! Napaka tanga kasi!

“Ser ano pong nangyari?” Gulat na tanong ni Manang Yolly pagdating nya.

“Ang baklang yan! Pumasok sa kwarto ko ng basta basta. Tumama ang ulo nya d’yan sa may kanto ng pinto kaya ayan, walang malay.” Sagot ko.

“Paano po tumama ang ulo nya sa kanto ng pinto Ser? Tinulak nyo sya?” Tanong ni Manang Yolly.

“No! Hindi. Napaka tanga nya kasi, tumakbo sya palabas nang makita nya akong nakahubad kaya ayan, tumama ang ulo nya d’yan sa kanto mg pinto.” Sagot ko ulit.

“Ay. Akala ko tinulak nyo. Sige po Ser ako na pong bahala kay Ser Fita.” Aniya at binuksan nya ang first aid kit na dala nya.

“Bakit nyo naman naisip na tinulak ko sya?” Inis kong tanong kay Manang Yolly dahil parang pinagbibintangan nya ako.

“Eh kasi naman po Ser. Kanina ko pa po napapansin na ang init init ng dugo nyo kay Ser Fita, kayong apat doon palang sa pool.” She answered then she start mending the wound of this gay!

So obvious pala ang galit namin sa baklang to. Well mahirap talagang itago ang galit, lalo na kung kasama mo sa iisang bubong ang klase ng taong kinamumuhian mo.

“Just continue that. Ipagpapatuloy ko lang ang paliligo ko.” Ang nasabi ko nalang kay Manang Yolly.

“Okay po Ser.” Sagot nya at naglakad na ako pabalik sa banyo para ipagpatuloy ang naudlot kong paliligo.


• FITA’S POV •

“Ser! Gising na pala kayo.” Nakangiting sabi ni Manang Yolly.

Bigla kong na-feel na parang sumasakit ang noon ko, kaya hinawakan ko ito. Na shock ako nang may makapa akong parang bondage!

“Manang ano tong nasa noo ko?!” Gulat na tanong ko.

“Benda po Ser. Na untog po kayo sa may pinto dito sa kwarto ni Ser Ash.” Sagot nya!

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid! Unti-unti kong inalala yung mga naganap na eksena kanina!

At mygaad! Bigla ko nang naalala lahat! Goosssh! Yung nakita ko! Yung ano! Yung ano ni Kuya Ash! Jusko! Erase! Erase! Erase! Ayoko ng maalala pa.

Mabilis akong bumangon. “Manang Yolly salamat po.” Sabi ko dito.

“Wala po iyon Ser, trabaho ko po iyon. Masaya ako at maayos kana.” Kuda nya.

Pagbangon ko, mabilis akong lumabas ng kwarto ng asungot na Kuya kong si Ash!

Kinapa-kapa ko ulit ang noo ko. Ang sakit mga besss! Parang tinamaan ako ng wrecking ball ni Besss Miley Cyrus! Nakur! Paano kaya kapag tinanong ni Mudra at ni Fafa Ark kung anong nangyari sa akin kung bakit ako nagkaroon ng sugat na ganito? Ano sasabihin ko???

Bahala na! Si Author nalang ang bahala! Ahahahar!

Naglakad ako pababa, bumalik ako sa garden para makalanghap ng sariwang hangin. Para kasing na suffocate ako sa amoy lalaking kwarto ni Kuya Ash!

Pagdating ko sa garden, naupo ako sa may damuhan. At dahil malambot ang damo, Humiga na ako mga besss! Ahahaha.

Gulong dito, gulong doon. Gossh! Nakakahilo. Okay tama na. Ahaha

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at nagpatuloy ako sa paglalakad sa garden. Ilang saglit pa’y may narining akong tunog na parang nang gagaling sa isang guitara.

Sino kaya yung naggi-guitara?

At dahil likas na sa akin ang pagiging etchosera, hinagilap ko ang nagpapatugtug noon. Ahaha.

At pagtingin ko sa may fountain, nakita ko doon si Kuya Air!

Sya! Sya ang nag-gi-guitara! Bongga! Ang galing nya!

“There are times…

Paaak! Bigla nalang syang kumanta! Intro palang panalo na! Ahaha! Kaloka mga besss! Ang gwapo ng boses nya! Makalaglag panty liner ganern! Haha! Charoot.

“When I just want to look at your face…

Anubahh! Kinikileg ako! Hindi ako pwedeng magkamali! Forevermore yung kinakanta nya! Feeling ko hinaharana ako ni Kuya Air! Ahaha!

With the stars in the night

There are times

When I just want to feel your embrace

In the cold of the night

I just can’t believe that you are mine now

Ayan na! Chorus na mga besss! Awwww! Ang lakas magpakilig ng boses nya! Kaloka!

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can’t compare you with

Anything in this world

You’re all I need to be with forevermore

All those years I’ve longed to hold you in my arms

I’ve been dreaming of you

Every night,

I’ve been watching all the stars that fall down

Wishing you would be mine

I just can’t believe that you were mine now

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can’t compare you with

Anything in this world

You’re all I need to be with forevermore

Time and again

There are these changes that we cannot end

As sure as time keeps going on and on

My love for you will be forevermore

Wishing you would be mine

I just can’t believe that you were mine now

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can’t compare you with

Anything in this world

As endless as forever

Our love will stay together

You’re all I need to be with forever more

You’re all I need

To be with forevermore…

Mygaaaad! Ginalingan eh. Bigyan ng jacket yan! Ahahaha!

Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko na palakpakan sya!

Clap clap clap!

Mahusay Kuya Air! Pwedeng pwede mo ng palitan si Justin Bieber sa trono nya. Mas bongga ka sa kanya! Ganorn!

“The fvck! Kanina ka pa diyan?!” Galit nasabi sa akin ni Kuya Air! Habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.

Ay kaloka! Beastmode agad? Sya na nga itong pinalakpakan sya pa itong galit. Nakur!

“Oh yes! From the beginning.” Nakangiti kong sagot sa kanya. “Ang galing galing mo palang kumanta Kuya, I’m sure sisikat ka! Ahaha.” Dagdag ko pa, sabay hagikhik ng bahagya. Ahaha.

“Huwag mo akong tatawaging Kuya! Wala akong kapatid na bakla!” Galaiti nya.


Itutuloy. . .

Paaakkk 05

• AIR’S POV •

“Huwag mo akong tatawaging Kuya! Wala akong kapatid na bakla!” I shouted.

Lakas maka kulo ng dugo ng baklang to! Tawagin daw ba akong Kuya! Dammit!

“Eh sabi ni Tito Ark, tawagin ko daw kayong Kuya. I’m just following what he said.” Sagot nya!

Nakakakulo ng dugo talaga ang baklang to! Bait baitan! Kung makatingin akala mo maamong tupa! Shit!

“Pwes huwag mo akong tatawaging Kuya kapag hindi natin kaharap si Dad! Naiirita ako! Naiintindihan mo?!” Galit ko muling sabi sa baklang to.

“Okay. Hindi na kita tatawaging Kuya kapag hindi natin kaharap si Tito Ark.” Nakangiting pagsang-ayon nya.

Fvck!

May pangiti-ngiti pa syang nalalaman! Ano to? Nagpapa-cute ba sya sa akin?! Tsk!

“Ahm. Kuya? Ay este Air pala? Pwede ka pa po bang kumanta? Isa pa po please! Ang sarap kasing pakinggan ng boses mo. Ahaha.” He requested! Then he vaguely smile!

Ang kapal din ng mukha ng baklang tong mag-request! Tsk!

At talagang hindi nya tinitigilan ang pag-ngiti ngiti nya sa akin!

Pinagmasdan ko syang maigi, at nakakagulat pa rin na malamang bakla pala ang isang to! He’s pretty and he becomes prettier if he wears that wide smile!

My eyes run on his body, he doesn’t only have a pretty face, he also have this kind of slim body na masasabing pwede na! Kaya hanggang ngayon, ang hirap paring isipin na bakla ang isang to!

Shit!

Why am I praising this faggot! Dapat kini-criticize ko sya at hindi pinupuri!

Damn ! What’s happening to me! Baka epekto parin ito ng ganiwa nyang pang aakit sa amin kanina!

I was hypnotized by his seductive actions a while ago! Nakalimutan kong bakla sya and my madness and anger to him were disappeared! Hindi lang ako, pati ang tatlo ko pang kapatid, nagawa nyang patulalain.

Kaya ngayon! I need to always put in my mind na bakla sya! Bakla ang isang to! He’s gay! He’s a fag! And we hate that kind of person! Tapos!

“Uy? Kuya- ay este Air? Ano na? Natulala ka na po diyan?” Saad nya.

“Ayoko!” I madly replied then I walk away.

“Edi ’wag! Damot mo!” Sabi nya!

“Shut up fag!” Sigaw ko sa kanya at nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob ng bahay.

Tahimik akong kumakanta kanina, tapos bigla nalang e-eksena ang baklang yun! Panira talaga ng moment ang lintik na yun. Tssk.


• FITA’S POV •

Ang damot ni Kuya Air. Nag-re-request lang naman eh! Kung ayaw nya edi huwag! Rwwwwrr. Pero mygad! Hindi parin talaga ako maka-move on sa napakagwapo nyang boses mga besss! Parang bumilis yung kabog ng flat kong dibdib noong narinig ko syang kumanta! Feeling ko tuloy. . .

Feeling ko tuloy. . .

Crush ko na. . .

Crush ko na yung boses nya! Ahahahaha! Yung boses lang! Hindi si Kuya Air! Ang sama kaya ng ugali nya. Rwr.

Naglakad na ako papasok sa loob at dumiretso na ako sa maganda kong kwarto, ’sing ganda ko! Ahaha! Charot lungs mga bessh!

Pagpasok ko sa pretty room ko, humarap agad ako sa mirror mirror on the wall. Nakita ko ang malaking bondage na nakatapal sa noo ko. Gosssh! Mukha akong na-car accident sa hitsura ko. Nakurrr! Nabawasan tuloy ng 50.5% yung ganda ko! Ahaha! Charr lungs.

Pero wait lang mga besssh!!!!!

May nawawala sa akin!!!!

Yung boobs ko! Hahaha! Joke! Lang syempre! Wala naman talaga ako nun! Ahahar!

Mygaad! Totoo na to! Nawawala yung kwintas ko! Yung necklace na bigay sa akin ni Pudra the original. Huhu.

Na saan na kaya yun?! Hindi pwedeng mawala sa akin yun! Iyon nalang ang natitirang ala-ala sa akin ni Pudra!

I need to find my kwintas!

Pero saan ko yun hahanapin????

Ah tama! Baka doon ko naiwan sa may damuhan nung nag rolling rolling ako dun.

Kaya naman mabilis akong rumampa pabalik sa damuhan at hinanap ko dun ang kwintas ko. But unfortunately hindi ko nakita! Rwwwrr! Nai-imbyerna na ako hah! Nakurr.

Binalikan ko ang lahat ng lugar na pinuntahan ko kanina. Pero mukhang ayaw talagang magpakita ng letchugas na kwintas na yun! Baka pinagtataguan ako nun! Nakurr! Mabilis pa naman akong ma-haggard! Ayaw na ayaw kong nagfa-finding nemo! Rwr.

Makalipas ang ilang minutong pagrampa pabalik sa mga lugar na pinuntahan ko kanina, hindi ko pa rin nakita ang kwintas ko!

Anubaah! Magpakita kana please!!!

Biglang nag-flash backless sa utak ko yung eksena kanina! Tama! Right! Correct! Baka nasa kwarto ni Kuya Ash yung kwintas ko, siguro na tanggal yun nung tumama ako sa may pinto! Shungaa ko kase eh! Tama! Tama! Babalik ako sa kwarto nya!

Mabilis akong rumampa papunta sa kwarto ni Kuya Ash. Pagdating ko, agad akong kumatok ng three times. Nakasara kaseee.

Knock! Knock! Ayan. Tunog yan ng katok ko. Ahahaha.

“Who’s there?” Boses yun ni Kuya Ash!

“Honda.” Sagot ko. Ahaha.

“Honda? Honda who?!” Galit nyang tanong.

“ Honda wings of love! Up and above the clouds the only way to fly, is Honda Wings of Love.“ Sagot ko ulit!

Ahahah! Sorry na mga besssh! Nasa dugo ko na ang pagiging corny! Hahaha!

“Fvck off! Shit!” Galit nyamg sigaw sa akin!

Ay! Grabee. Mukhang nainis sya sa ka-cornihan ko. Ahaha.

“Kuya Ash! Wait! Joke lang yun! Si Fita to! Please! Open the door!” Sigaw ko sa kanya!

Binuksan nya ang pinto! Kaya nasilayan ko ulit ang gwapo nyang fesss! Landeee. Ahaha. Kaya lang nakabusangot naman ang mukha nya! Mukhang beast mode na naman ang isang to.

“You again! What do you want! You want to see my body again hah!” Galit nyang sabeee.

Ay kaloka! Judgmental ding ang isang to! Nakurrr! Akala nya ba nagustuhan ko yung nakita ko kanina! Hindi no! Ashumerooo. Pepektusan ko na to sa scrotum nya eh! Rwwr.

“Ang kapal ha? I went here dahil may naiwan ako dyan sa kwarto mo.” Sagot ko.

“What?!” Galit na naman nyang tanong!

“Yung kwintas ko! Naiwan ko dyan.”

“Walang kwintas dito! So get lost faggot!” Sigaw nya sabay sara ng pinto!

Muntik na akong maipit! Kaloka ang kumag na to! Balak pa atang putulin ang daliri ko! Tsk.

So? Kung wala sa kwarto nya? Eh na saan na yun!??? Utang na loob namang kwintas ka! Magpakita ka na!

Napatingin ako sa tatlo pang pinto dito na may ibang kulay! Tama! Baka nahulog ko iyun dito sa isa sa mga kwarto dito.

Mabilis akong lumapit sa silid na may blue na pinto. Pinihit ko yung bukasan pero mukhang naka-lock! Anubeyeeen. Tsk. Sunod ko namang pinuntahan ang kwartong may green na pinto, pero naka-lock na rin ito.

Gosssh! Bakit naka-lock?! Bukas naman ito kanina ah!

Last ko namang pinuntahan yung room na may black na pinto. Paglapit ko dito, parang may kakaibang tunog akong naririnig sa loob!

Gossh! Ano kaya yun?

At dahil dakilang etchosera ang bessh nyo, dahan dahan kong binuksan ang pinto. Ahahaha

Pagpasok ko sa loob, mas naging clear yung tunog na naririnig ko!

At naloka ako sa tunog na iyon mga besssshhh!!!!!

Parang ungol! Tama! Ungol yun ng lalaki! Jusko! Sino kaya ang umuungol na iyon na parang ewan! Kaloka!

Dahan dahan kong hinakbang ang paa ko palapit sa boses ng lalaki na iyon na umuungol at palapit ko….

Halos lumuwa yung mata ko sa nakita ko!!!!!

Homygaaaaaaddd!!!!!!!!

Jusko!!!!!

Si Kuya Ace!!!!

Ginagawa nya yun! Yung pagababa-taas ng kamay nya sa ano nya! Basta yun na yun! Jusko!

Mabilis kong tinapkan ang mata ko! At nagmadali akong lumabas ng kwarto nya!

Una, nakita ko yung kay Kuya Ash!!!! Ngayon naman yung kay Kuya Ace!!! At hindi ko lang nakita yung kanya! Napanuod ko pa yung ginagawa nya!!!!

Ilang hakbang nalang sana at makakalabas na ako sa kwarto nya nang madapa ako!!!! Anubahh! Shunga ka talaga! Shungaa ka talaga Fita!!!! Ang lampa mo kahit kailan!!!!

Lumagapak ako sa sahig at ang lakas ng tunog! Ang sakeeet mga bessh!!!

“Who’s there!!!” Rinig kong sigaw ni Kuya Ace at natigil sya sa pag-ungol nya!

Mabilis akong tumayo para makalabas, but it’s too late!!!! Pagtayo ko, nakita kong nakaharang na sa may pinto si Kuya Ace habang naka tapis ng towel ang ibabang bahagi ng katawan nya. Nanlilisik naman ang mga mata nya habang nakatingin sya sa akin!!!!

Napalunok ako ng isang litrong laway sa sobrang takot at kaba!!! Tumagtak ang pawis sa aking katawan!

Juskopo! Dyosang Mahabagin! Iligtas nyo po ako! Baka bugbugin ako ni Kuya Ace!!!!


Itutuloy. . .

Paaakkk 06

Finally and Officially Enrolled! Ahahaha! Sorry for this late update! Ipagpaumanhin po ninyo, nag-enroll lang po kasi ang mahal nyong author. Alam nyo na! Pasukan na sa lunes! Magiging busy na ako. But I’ll try my very best to upadte this story! Hahaha. ✌😁😁😁😁😁

Enjoy Reading! Muaah! 😘😘😘


• ACE’S POV •

“Anong ginagawa mo dito?! Sagot!” Hiyaw ko sa kaniya!

Lintik na bakla to!!! Malapit na sana akong labasan! Bigla bigla nalang e-eksena! BullShit!!!

“Ano! Magsalita kang bakla ka!” Muli kong sigaw sa kaniya dahil ayaw nyang sumagot!

Napansin kong nanginginig sya at pawis na pawis! Mukha nanginginig na sa takot ang baklang to ah!!! Tama yan! Matakot ka!

Dahan dahan akong naglakad palapit sa baklang to habang matalim ang titig ko sa mga mata nya. Pero uma-atras naman sya kapag humahakbang ako palapit sa kanya! But when his back reached the wall, at last, I cornered him!

Sinandal ko ang dalawa kong kamay sa pader para hindi sya makawala sa pagkaka-corner ko sa kaniya! Ngayon! Wala ka ng kawalang bakla ka!!!

“Ku-ku-ku-kuya.” Utal nyang sabi at hindi sya makatingin sa akin ng diretso.

“Answer my question! Anong ginagawa mo dito!” Pasigaw ko muling tanong sa kaniya then I punched the wall at his back.

Napapikit sya sa ginawa ko. Akala nya siguro sya ang susuntukin ko.

“So-sorry po Ku-kuya! Hi-hindi ko-ko po sinasadyang ma-makita yu-yung gi-ginawa mo. So-sorry po.” Umiiyak nyang sabi!

Aba!!! Wala pa nga akong ginagawa umiiyak na agad ang lintik na to! Akala nya ba madadaan nya ako sa drama nyang iyan?! Tsk!

“Alam mo bang binitin mo ako!!” Pasigaw ko muling sabi. “Napatayan ko tuloy ng tawag yung sexing babaeng ka-video call ko kanina ng dahil sayo hah!!!” Pagpapatuloy ko!

“So-sorry po. Hi-hindi ko po sinasadya Kuya. So-sorry po. Hi-hindi ko intensyon na-na gambalain ang gina-ginawa. So-sorry po Ku-kuya.” He said again while his tears are still falling on his face!

Ang galing! Ang galing umarte ng baklang to! Ibang klase!!! Ang sarap nyang i-untog sa pader! Fvck!

“Hindi mo ako madadaan sa drama mong yan bakla! Alam kong nagustuhan mo yung nakita mo! Tang*na ka! May paiyak iyak ka pang nalalaman!” I shouted again then I grab his left arm while holding it tight.

“Ah. Aray! Ku-kuya ma-masaket. Bi-bitiwan mo ako.” Pag-inda nya!

“No! Hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko hindi kita bibitawan!” Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso nya.

“Opo! Sa-sagutin ko na po! Ah! Aray!” Sagot nya at hindi parin sya tumitigil sa pag-iyak!

“Then answer!” hiyaw ko.

“Yu-yung kwintas ko. Hinahanap ko yung kwintas ko. Ba-baka kasi na-nahulog ko yun di-dito nung pumasok ako dito ka-kanina. Ah! Aray! “ Umiiyak nyang sagot. Binitiwan ko na ang braso nya at napansin kong namula yun dahil sa mahigpit kong pagkakahawak doon! But I don’t fvcking care!

So iyun pala! Kaya pala may narinig ako kanina na parang may nagbukas ng pinto! Sya pala yun! Bwisit na bakla ito! Basta basta nalang pumapasok!

Bigla kong naalala yung kwintas na nakita ko sa sahig kanina. Mukhang iyun ang kwintas na tinutukoy ng pesteng baklang to!

Naglakad ako papunta sa study table ko at kinuha ko doon ang kwintas ng pesteng baklang to!

“Ito ba ang kwintas mo?” Matigas kong tanong sa kanya habang nakalambitin ang kwintas sa kamay ko.

“O-opo! Iyan nga po ang kwintas ko!” Mabilis nyang sagot nang matanaw nya ang hawak hawak kong kwintas at agad syang naglakad palapit sa akin.

“Stop!” Sigaw ko. Agad naman syang tumigil sa paglalakad nya palapit sa akin.

“Ku-kuya. P-please. Ibigay mo na po iyan sa akin.” Pagmamaka-awa nya at hindi pa rin talaga sya tumitigil sa pag-iyak! Bwisit! Nakakairita na ang baklang to!

Naglakad ako palapit sa bintana ng kwarto ko at binuksan ko ito.

“Gusto mong makuha ang kwintas mo?” Tanong ko sa kaniya then I evilly smirked.

“O-opo Kuya! Ibigay nyo na po ang kwintas ko.” Umiiyak nyang sagot!

Buong pwersa kong hinagis ang kwintas nya sa labas ng bintana para hindi nya na ito makita pa!

Akala nya ba ibibigay ko sa kaniya yun pagkatapos nya akong bitinin?! Fvck! Magdusa sya!

“Bakit mo hinagis!” Sigaw nya at nagmadali syang lumapit sa bintana para tinganan kung saan naroroon ang kwintas nya!

“It’s a trash, and a trash deserves to throw out!” Sagot ko.

Sa isang iglap, bigla ko nalang naramdaman ang malakas nyang sampal sa kanan kong pisngi!

“Ptangna mo kang bakla ka! Bakit mo ko sinampal!” Galit kong saad at mabilis ko syang kinuwelyuhan at buong lakas ko syang sinandal sa pader!

“Dahil bagay lang sayo yan! Hindi basura ang kwintas ko! Importante yun sa akin! Tapos itatapon mo nalang ng ganun ganun lang! Regalo yun sa akin ng tatay ko! Iyun nalang yung natitira nyang ala-ala sa akin tapos tinapon mo lang! Napaka walang hiya mo!“Galit nyang ding sigaw sa akin at kitang kita ko ang galit sa kaniyang mga mata habang patuloy na tumutulo ang luha nya!

Agad kong binitawan ang mahigpit kong pagkakahawak sa kwelyo ng damit nya.

“Tandaan mo to! Kapag hindi ko nakita yung kwintas ko! Hinding hindi kita mapapatawad!” galot nyang sabi habang dinuduro nya ako. Pagkatapos ay mabilis syang tumakbo palabas ng kwarto ko!


• AUTHOR’S NARRATION •

Matapos ihagis ni Ace ang kwintas ni Fita sa bintana, mabilis na tumakbo palabas di Fita para hanapin ito. Pero paglabas nya sa pinto ng silid ni Ace nabunggo nya si Axe.

“Shit! Bulag kaba?!” Galit na saad ni Axe kay Fita.

“Sorry po.” Umiiyak na paumanhin ni Fita dito at mabilis syang tumakbo pababa ng hagdan.

Nakita ni Axe na galing si Fita sa kwarto ni Ace at napakunot ang noo nya ng makita nya itong umiiyak.

“Ano kayang ginawa ni Ace sa baklang yun?!” Tanong ni Axe sa kaniyang sarili.

Samantala, pagdating ni Fita sa garden kung saan hinagis ni Ace ang kwintas nya ay agad nya itong hinanap. Bawat sulok, bawat parte ng hardin ay masusi nyang sinusuri para hanapin ang kwintas nya.

“Kailangan ko yung mahanap! Hindi pwedeng hindi ko yun makita!” Matigas nyang sabi sa kaniyang sarili at muli syang nagpatuloy sa paghahanap.

Ilang oras pa ang lumipas, lumubog na ang araw, at binalot na ng dilim ang buong kalangitan ay hindi pa rin nakita ni Fita ang kwintas nya.

“Ano ba! Magpakita kana please!” Muli nyang sabi sa kaniyang sarili. Bakas ang pagod sa kaniyang hitsura, pawis na pawis na sya at kanina pa tumutunog ang tiyan nya sa gutom.

Walang kaalam alam si Helena na nasa hardin ang kaniyang anak na si Fita at wala itong tigil sa ginagawang paghahanap.

“Manang Yolly, paki tawag naman po si Fita sa kwarto nya. Paki sabi magdi-dinner na.” Utos ni Helena kay Yolly agad namang sinunod ni Yolly iyon..

Nasa hapag kainan na sina Ark at ang apat nitong anak at si Fita nalang ang kulang.

“Are we not going to eat?” Tanong ni Axe.

“Hintayin natin si Fita, mas maganda kung sabay sabay tayong kakain.” Sagot ni Ark sa anak.

Palihim na pinaikot nalamang ni Axe ang kaniyang mata dahil sa inis. Dahil sa loob loob nya, ayaw nyang makasabay kumain si Fita at ganun din ang nararamdaman ng tatlo nya pang kapatid.

“Pa-VIP pa ang bakla!” Mahinang bulong ni Air sa tatlong kapatid.

“Yeah. Akala nya naman gusto natin syang makasabay kumain.” Dagdag pa ni Ash.

“Mam. Heto na po si Ser Fita. Wala po sya sa kwarto nya, nakita ko po sya sa garden.” Saad ni Yolly kay Helena habang naka tayo sa tabi nya si Fita.

“Nak! Anong nangyari? Bakit ganiyan ang hitsura mo?!” Gulat na tanong ni Helena nang makita nyang may benda sa noo ang kaniyang anak at sobrang dungis pa nito. Puro damo at puro lupa ang katawan ito.

“Fita are you okay?” Tanong naman ni Ark.

Tinignan ni Fita ng sobramg talim si Ace, at ang talo pang magkakapatid pero agad naman nya itong binawi.

“Wala po ito Nay. Na-untog lang po ako kanina sa may pinto sa kwarto ko. Si Manang Yolly po ang gumamot sa akin. And about this messy and nasty look naman, natuwa po kasi ako sa garden nila Tito Ark, ang laki kasi at ang ganda kaya naglaro po ako doon.” Nakangiting sagot ni Fita sa tanong ng ina.

“Sa susunod mag-iingat kana Nak. Tignan mo yang hitsura mo, mukha ka kanang ginahasa ng sampong kambing! Hala sige maghugas kana para makakain na tayo!” Ani Helena sa anak.

Natawa naman si Ark sa biro ni Helena, kaya nakaramdam ng hiya si Fita.

“Nay naman!” Nakangusung maktol ni Fita sa ina.


Itutuloy. . .

Paaakkk 07

• FITA’S POV •

Dinner Time

Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay gumorabells na ako sa chair sa tabi ni mudra at umupo ako doon.

“Nak ang baho mo na. Maghilod ka mamaya ah kapag naligo ka!” Kuda ni mudrabells!

Ay grabeee! Nanay ko ba talaga to! Lakas mang-bully eh! At sa harap pa talaga ni Fafa Ark! Nakakahiya tuloy. Pinagtatawanan nya ako!

“Tseee! Ewan ko sayo Nay! Kahit mabaho ako, maganda parin ako noh!” Ganti ko kay mudra!

“Oo nga. Maganda ka, manang mana ka sa Nanay mo.” Nakangiting sabi ni Fafa Ark!

Anubahh! Huwag kang ganyan Fafa Ark! Kinikilig ako! Ahaha! Baka saniban ako ng espiritu ng kalandian, agawin pa kita kay mudra! Hahaha! Charoot!

Nakita ko namang nagsimula nang kumain ang apat na kumag na iyon at parang walang pake sa huntahan namin nila Fafa Ark. What’s new? Wala naman talagang care ang apat na halimaw na yun.

“Wait! Huwag muna kayong kumain!” Pagpigil ko sa kanila.

Tumigil naman agad sila sa pagsubo habang masama ang tingin nila sa akin.

“Bakit? Ano ba yun?” Inis na tanong ni Kuya Axe.

“Hindi pa kasi tayo nagpi-pray. Dapat, magdasal muna bago kumain.” Nakangiti kong tugon sa kaniya.

Sabay sabay nila akong pinaikutan ng mata at mukhang galit na naman silang apat sa akin. Anong bago?

“Hindi namin nakasanayang magdasal bago kumain, it’s good to know that you have this good manner Fita.” Natutuwang sabi ni Fafa Ark.

“Syempre po, dapat tayong magdasal at magpasalamat sa biyayang nasa hapag natin ngayon. Iyun po ang turo sa amin ni Tatay.” Nakangiti ko namang sabi. “Diba Nay?” Pagbaling ko kay mudra.

“O-oo.” Tipid na sagot ni mudra.

Goossh! Mukhang pinalala ko na naman ata sa kaniya si Pudra. Bigla tuloy lumungkot yung mukha si mudra.

Sinimulan ko na ang pagpi-pray at walang nagawa ang apat na halimaw na iyun, nagdasal din sila kasabay ako.

Kahit likas at nasa dugo ko na ang pagiging maharot, pinalaki naman ako nina Pudra at Mudra ng maayos. Kaya hindi ko pa rin ngayon maitindihan kung bakit may gaya ng apat na halimaw na ito na galit na galit sa akin. Para akong apoy na nagpapakulo sa mga dugo nila! Mygad!

Pagkatapos kong magdasal, agad kong sinunggaban ang mga pagkain! Rwwwr! Nagwawala na kase yung cobra sa tiyan ko! Gutom na gutom na din ata sila. Ahaha! Charrr.

Sunod sunod na subo ang ginawa ko. Graveee! Ang serep mga besssh! Kain din kayo! Ahaha.

“Hinay hinay lang Nak. Marami pang pagkain, hindi ka mauubusan.” Saway ni mudra sa akin.

“Ang sarap kasi Nay! Ngayon lang ako nakatikim ng pang-mayamang pagkain, kaya hayaan nyo na ako.” Kuda ko at nagpatuloy ako sa paglafang. Ahaha.

Patay gutom na kung patay gutom. Wala akong pake! Ang cherep kaya. Ang cherep kaya mga bessh.

“Kamusta kayo ng mga Kuya mo Fita? Nakilala nyo na ba ang isa’t isa?” Tanong ni Fafa Ark.

Kaloka! Muntik na akong mabulunan sa tanong nya.

“Ahm. Opo Tito. Kilalang kila na po namin ang isa’t isa. At nakakatuwa dahil lahat sila ang babait. Sobrang bait ng mga Kuya ko.” Nakangiti kong sagot sa kaniya. “Close na nga po kami eh. Diba mga Kuya?” Dagdag ko pa at binigyan ko silang apat ng abot tengang ngiti.

Nubayan! Feeling ko ang plastik plastik ko na! But I need to do this plastic conversation with them dahil kailangan. Hindi ko ito ginagawa dahil natatakot ako sa apat na halimaw na to. Ginagawa ko ito para kay mudra. Kitang kita ko kasi na masaya sya sa piling ni Fafa Ark, at ayoko namang magkaproblema sila ni Fafa Ark kapag nalaman nila na masama ang pakikitungo sa akin ng apat na kumag na iyon.

Kailangan isipin nila na magkakasundo kami, ayokong magkaproblema sina Fafa Ark at mudra sa isa’t isa. Ang sarap kasi sa pakiramdaman na makita mo ang mudrabells mo na masaya at dobleng kasiyahan ang naidudulot noon para sa akin na anak nya.

“So? Tell me about what you have discovered to my sons.” Sabee ni Fafa Ark.

Anubah! Lagot na?!! Ano nga ba ang nalaman ko sa apat na halimaw na to?!

Isip Fita! Isip! Ay wait? Meron ba ako nun? Ahahaha!

“Ahm. Sa pagkakakilala ko po sa kanila. Si Kuya Axe po ang panganay at si Kuya Ash naman po ang sumunod. Mahilig po sa basket ball si Kuya Ash at napansin ko po iyon sa kwarto nyang punong puno ng basketball kemerlu eklabu. Ganern. At si Kuya Air naman po, mahilig kumanta at sobrang galing nya po talagang kumanta. Pinarinig nya po sa akin yung boses nya kanina sa may garden. And lastly naman po, si Kuya Ace. Sya po ang bunso at sa pagkakakilala ko sa kaniya, feeling ko babaero sya. Ahaha. Ang dami nya kasing pictures ng mga babae sa kwarto nya.” Mahabang kuda ko at syempre, I plasticly smiled.

Hanga na ako sa isip ko. Nagfa-function pa pala sya ng maayos! Ahahaha. Galing galing kong mang-plastic! Graveeeteee.

“Good to hear that.” Sabi ni Fafa Ark.

“Oh, ngayon may mga Kuya kana Nak. Naku, magpakabait ka sa kanila. Mukha pa naman silang mga good boy at ikaw lang ang bad. Kilala kita Nak! Behave lang hah!” Kuda ni mudra!

Nakur! Kung alam mo lang Nay! Kabaliktaran ang mga sinasabi mo. Rwrr. Sila ang totoong bad at hindi ako! Mga halimaw silang apat!

After ng dinner ay muli akong bumalik sa garden para ipagpatuloy ang paghahanap ko sa kwintas na bigay sa akin ni Pudra! I have and I need to find it! Hindi ako matatahinik hanggat hindi ko yun nakikita!

Bwiset kasing Ace na yun! Napakawalang hiya! Nakakagigil sya ng laman! Gusto ko syang sambunutan hanggang sa makalbo sya! Rwwr!

Mukhang wala na ata talagang pag-asa na bumait ang apat na kumag na iyon sa akin! Pare-parehas silang kampon ni Hagorn! Ang sasama nila! Wala naman akong ginagawang masama! Galit na galit sila sa akin! May mga toyo ata sa isip ang apat na kumag na yun eh. Pasalamat sila, pinagtatakpan ko ang mga kawalanghiyaang ginagawa nila sa akin! Nakurr.

Lumipas pa ang ilang oras! Wala! Hindi ko pa rin makita ang kwintas ko! Na-lowbat na yung cellphone ko dahil ito ang ginawa kong flashlight in the dark.

Anubah! Magpakita ka ng kwintas ka! Haggard na ako! Ang baho baho ko na! Amoy lupa na ako. Rwwwr.

Napatingala ako sa taas, at nakita kong nakadungaw sa bintana nya ang halimaw na Ace na yun! Mukhang pinapanuod nya akong maghirap sa kakahanap ng kwintas ko! Boseeet sya! Kapag talaga hindi ko na kita yung kwintas ko, pepektusan ko talaga sya sa scrotum!!!

“Ser Fita!” Biglang sabi ng isang boses!

“Ay pwet ng manok na kulay pink!” Bulalas ko sa sobrang gulat.

Paglingon ko, si Manang Yolly lang pala!

“Manang! Ginulat nyo naman po ako.” Sabe ko habang naka hawak ako sa flat kong dibdib.

“Sorry po Ser. Kanina ko pa po kasi kayo nakikitang parang may hinahanap d’yan. Ano po ba yun?” Etchosera din itong si Manang hah. Kaloka.

“Yung kwintas ko po Manang. Hinahanap ko po yung kwintas ko.” Sagot ko.

“Ano pong kwintas? Yung gold na may heart shape diamond sa gitna?” Tanong nya.

Ay kaloka! Paano nya nalaman??

“Opo! Iyun nga! Nakita nyo po ba?” Gulat na tanong ko.

May kinuha si Manang Yolly sa bulsa nya. At pagtingin ko sa kamay nya hawak hawak nya ang kwintas ko! Mygad!

“Ito po ba?”

“Opo! Iyan nga po Manang!” Natutuwang sabi ko sabay kuha ng kwintas sa kamay nya. “Salamat po Manang! Pero paano po ito napunta sa inyo?” Tanong ko.

“Kasi po Ser, napadaan po ako sa garden kanina. May nakita po akong kumikinang sa may damuhan at agad ko naman iyung kinuha.” Sagot ni Manang.

“Ah, ganun po ba. Salamat po talaga Manang! Akala ko mawawala na ito sa akin.” Natutuwamg sabi ko.

“Ser? May itatanong lang po ako.” Aniya

“Ano po iyun?”

“Bakit nagsinungaling ka kila Mam Helena at Ser Ark. Tungkol dyan sa sugat mo at tungkol sa masamang pakikitungo sayo nila Ser Axe.” Tanong nya!

Mygad! Naloloka na ako kay manang hah! Tinalbugan nya na ata ako sa pagiging etchusera. Nakurr! Dapat ako lang ang etchusera sa palasyong ito at wala ng iba. Ahahaha.

“Paano nyo po nalaman na masama ang pakikitungo sa akin ng apat na halimaw na yun?” Tanong ko.

“Hindi ko na po kailangang malaman. Kitang kita na po kasi Ser. Doon palang sa pool halata na ang masamang awra nila sayo.” Sagot nya.

Ayy ganern?! So may pa-awra awra pa syang nalalaman. Kaloka. Ikaw na Manang! Bigyan ng jacket yan. Ahaha.

“Nagsinungaling ako dahil ayokong magkaproblema sina Tito Ark at Nanay. Ayokong problemahin nila ang problema namin. Baka kasi pagnalaman nilang masama ang pakikitungo sa akin ng apat na yun, eh magkaroon pa sila ng problema sa isa’t isa at ayokong mangyari yun. Ayokong makitang muling malungkot si Nanay. Si Tito Ark ngayon ang nagpapasaya kay Nanay at gusto ko syang palaging makitang masaya, at bilang anak, gagawin ko ang lahat para mapasaya ko siya kahit pa alam kong ako ang mahihirapan. Wala akong pake Manang. Ang mahalaga sa akin ay ang kasiyahan ni Nanay dahil alam ko, at ramdam ko na mahabang panahon syang nangulila kay Tatay, at alam kong si Tito Ark ang muling makakapagpasaya sa nangungulila nyang puso. “ Sagot ko.

Mygosssh! Totoo ba? Galing ba sa akin ang sagot na iyun? Kaloka! Konti nalang maiiyak na ako. I’m so serious to that speech. Anubah. Ahahaha.

“Pero Ser. Nagsisinungaling ka sa kanila.” Sabe nya.

“Manang, hayaan nyo na po ako sa ginagawa ko. Ako na pong bahala. Kaya sana secret lang po natin to ha?”

“Okay po Ser. Secret lang.” Pagsang-ayon nya.

Hayyy! Salamat Mahabaging Emre! Sa wakas! Bumalik na ang kwintas na bigay sa akin ni Pudra! Hindi ko na hahayaang mawala pa ito sa akin.

Naglakad na ako pabalik sa loob. Gusto ko na talagang maligo! Ang baho baho ko na mga bessh. Amoy na akong digmaan. Ahaha.

Habang naglalakad ako papasok sa loob ay bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa braso ko. At paglingon ko, si Kuya Ace pala! Ang halimaw na si Ace! Boseet sya!

“Bitiwan mo nga ako!” Galit kong sabi sa kumag na to.

“Now I know your reason. I thought you’re just scared sa banta namin sayo na mananagot ka sa amin kapag sinabi mo kay Dad ang masama naming pakikitungo sayo. Ngayon alam ko na ang dahilan mo.” Seryosong sabi nya.

Napakunot ako ng noo sa sinabi nya??? Hindi ko sya ma gets.

“Ano?” Naguguluhang tanong ko.

“Narinig ko ang pag-uusap nyo ni Manang Yolly kanina mula sa bintana, and with that nalaman ko ang rason mo kung bakit mo kami pinagtakpan kanina kay Dad.” Sagot nya.

Ay kaloka! Chismoso ka din palang halimaw ka! Nakurr!

“I’m sorry sa nagawa ko. I’m glad that you already found your necklace.” Sabee nya!

Nag-expand ang mata ko ten times sa narinig kong sinabe nya!

Totoo ba???

Nag-sorry sya???


Itutuloy. . .

Paaakkk 08

• FITA’S POV •

Totoo ba ito? Nag-sorry ang halimaw na Ace na’to sa akin? Totoo ba?

Kinurot ko yung braso ko, baka kasi nagha-hallucinate lang ako. Baka imagination ko lang ito. Pero ang saket mga bessh! Nasaktan ako sa kurot ko, so meaning? It is real? Yeah it is real!

“Mabuti naman, marunong at alam mo naman pala ang salitang sorry!” Kuda ko sabay bawi ng braso ko na hawak hawak nya.

“Of course I know. Hindi naman ako ma-pride at ganun kasamang tao para hindi mag-sorry sa maling nagawa ko.” Sertosong sabe nya.

Huwow??? So hindi pa pala sya masamang tao sa lagay nya na yan? Pagkatapos ng lahat??! Nakurr! Don’t me!

“Mabuti alam mong mali ang ginawa mo! Kaloka! Wala naman kasi akong ginagawa sa inyong masama, bakit ba ang init init ng dugo nyo sa akin.” Say ko ulit.

“We have our reason why we hate you. You’re gay, and we hate gays.” Sabee nya.

“Eh bakit nga? Bakit ba galit kayo sa mga baklang gaya ko?!” Tanong ko.

Ilang segundo din ang lumipas pero wala akong sagot na narinig mula sa kaniya! Ay Kaloka! Ano to? Na pipi na sya? Rwr!

“Woy? Ano na? Nga nga ka na diyan?” Kuda ko sabay tapik sa braso nya.

“I can’t answer your question. But I’m telling you, galit kami sa bakla, sa lahat ng baklang gaya mo.” Seryoso nyang sabi habang titig na titig sya sa beautiful eyes ko.

Ganoooon? Iyon na yun? Yun na yung sagot nya? Anubeyen! Hindi ako na satisfied! Feeling ko may malalim na rason kung bakit galit na galit sila sa mga sirenang gaya ko. Nakurrrrrr! Baka tingin nila sa lahat ng bakla mga madudumi, pakawala, nakakadiri ganun! Nakurr! Hindi lahat ganun noh! Malinis ako! Malinis! Pinalaki ako ng maayos nila Pudra at Mudra! Good girl ako no.

“Alam mo, huwag sana kayong magalit sa lahat ng bakla. Yes, we are gays but we’re different individuals . We have our different characteristics and attitude! Oo mga bakla kami at sekswalidad lamang ang pagkakatulad namin dahil may iba’t ibang pananaw kami sa buhay at pag-uugali. Kaya huwag nyo sanang gine-generalize ang lahat ng bakla dahil magkakaiba kami! Yes, we have the same gender but we are totally different and unique.” Pang miss-universe kong kuda sa kaniya! Ahaha!

“Yes. I know that. You made me realized that you’re far different from those gays. Mukhang hindi lahat ng bakla kagaya nila.” Sabe nya in serious mode again.

Napakunot ang forehead ko. Those gays? Nila? Sino ba yung tinutukoy nya na yun?

“Sinong nila?” Tanong ko.

“Nothing. Forget it.” Sagot nya.

Nakurr! Ayaw nya talagang sabihin! Lalo tuloy akong naguguluhan. Rwr.

“Sige na Kuya. Maliligo na po ako! Ang baho baho ko na eh. Na-ngamoy lupa kasi ako kakahanap sa kwintas kong tinapon mo.” Sarkastiko kong sabe sa kanya sabay talikod. Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng muli syamg magsalita.

“Wait.” Pagpigil nya sa akin.

“Ano yun?” Tanong ko.

“Sana isikreto mo nalang yung nakita mong ginawa ko kanina sa kwarto. The up and down thing.” Pakiusap nya sabay ngisi.

Ay kaloka! Up and down thing?! Ano yun??? Yun ba yung ginawa nyang pagbaba taas sa ano nya???!! Mygaad! Nakalimutan ko na eh! Pinaalala nya pa! Grrr.

“Actually wala akong balak sabihin kahit kanino man yung nakita kong ginawa mo kanina. And honestly! Nakalimutan ko na nga yun eh! Pinalala mo pa!” Imbyernang kuda ko sa kaniya!

“But if you want, I can show it to you again.” Nakangisi nya pang sabe!

Halos uminit yung buong mukha ko sa sinabi nya! Boseeeeeet!!!! Anong akala nya? Nagustuhan ko yung nakita kong ginawa nya?! Nakurrr! Huwag nya nga akong itulad sa babaeng pokpokin na ka-video call nya! Walang duda! Manyak ang halimaw na to! Halata naman sa kwarto nyang punong-puno ng pictures ng mga sexing babaeng labas ang mga kaluluwa!!!

“Tseee! Show mo mukha mo! Bastos!” Sigaw ko sa halimaw na to then I run away going into my room.


• ACE’S POV •

No doubt! Ang baklang ito ay hindi tulad ng mga baklang yun na kumidnapp sa amin. He’s right, like other people, ang mga bakla gaya nya ay may magkakatulad lamang na sekswalidad but they are indeed different person.

Halos limang taon din akong namuhi at napuot sa mga taong gaya nya. We thought, all gays, all people belong in that third sex community are all the same. But now, that gay named Fita made me realized that not all gays like him are the same.

The first time I saw him, I thought he was a girl. But when Dad introduced him to us, we were shocked nang malaman naming bakla pala sya.

Hindi ko itatanggi na medyo magaan ang loob ko sa kaniya noong una palang, siguro dahil na-cutan ako sa kaniya. Gaya nalang kanina, napa-cute niya noong inasar ko sya na ipapakita ko ulit sa kaniya yung ginawa kong pagsasarili sa kwarto ko kanina. His expression is very cute. Mukhang nakakatuwa syang asarin.

Pero kahit magaan na yung loob ko sa kaniya noong una palang, kailangan ko itong kalimutan dahil tinatak na sa amin ni Kuya Axe na dapat magalit at mamuhi kami sa mga baklang gaya nito. Kaya sinubukan kong magalit at kamuhian ang baklang iyon. I tried my best to be rude to him at ipinaramdam ko- namin sa kaniya na ayaw na ayaw namin sa mga gaya nyang bakla.

I thought it is hard for me to get mad to that gay but when he entered my room without my permission and when he saw me doing that thing- the up and down stuff! My madness and anger collide! Kumulo talaga yung dugo ko sa kaniya kanina! Konti na nga lang masasapak ko na sya eh! Mabuti nakapag-timpi ako!

Akala ko binobosohan nya ako! Kaya sobra talaga akong nainis sa kaniya. Dahil ganun ang pagkakakilala namin sa mga baklang gaya nya! Mga nakakadiri at katawan lamang ang habol ng mga gaya nya sa mga lalaking tulad namin kaya naisip kong baka binobosohan nya ako! Idagdag pa na binitin nya ako! I almost there! Konti nalang lalabasan na ako! Pero bigla nalang syang umiksena! Kaya napatayan ko tuloy ng tawag ang cute na model na ka-video call ko. We’re doing that thing! I know you all know what we’re doing on cam.

At dahil sa sobrang galit ko, I threw his necklace na sobrang importante pala sa kaniya. He slap me! Sinampal nya ako ng sobrang lakas noong tinapon ko ang kwintas nya and I saw in his eyes the deep anger na naramdaman nya dahil sa ginawa ko.

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa ginawa kong iyun sa kaniya. Kaya nga hindi ko naiwasang pakinggan yung pag-uusap nila ni Manang Yolly sa garden. At doon ko na-realize na iba sya sa mga kilala kong bakla at may pagkakatulad pala kami.

He’s different from the other gays, dahil may pagkakatulad kami. Handa syang mahirapan, mapasaya nya lang si Tita Helena. He’s ready to endure our rude treatment para lang ipakita sa nanay nya na ayos lang ang lahat para mapasaya nya ito. Just like him, I did that before with my Mom.

My Mom was Dad’d third wife. She had severe disease, I tried my best to make her happy. Kahit sobra na akong nahihirapan at nasasaktan noon sa sitwasyon nya, ginawa ko pa rin ang lahat mapasaya lang sya until her last breathe. I was depressed, I feel lost and I feel the emptiness nang iwan nya ako.

She was my everything. Kaya nang mawala sya, hindi ko ito matanggap. Kaya siguro naging ganito ako. I’m always searching for love. Kung sinu-sinong babae ang pinatulan ko para lang mapunan ang kalungkutang bumalot sa akin noon.

Kaya ngayon, parang nakasanayan ko na ang papalit palit ng babae. Dahil hindi ako tumitigil, I want to find a girl na tulad niya. Gusto ko ng babaeng kagaya nya, dahil siya ang basehan ko ng babaeng mamahalin ko. But every girl I met they often didn’t qualified. It always end up with one night stand and after that, wala na.

Parang lahat nalang ng babaeng nakikilala ko, katawan lang ang gusto sa akin. Wala naman akong magawa kundi pagbigyan sila. But I never gave up. Alam kong may babaeng tulad din ni Mom na darating sa buhay ko, and I’m still hoping with that.

Naglakad na ako pabalik sa kwarto ko, at nang makarating na ako sa tapat ng pinto, nakita ko si Kuya Axe na nakatayo doon.

“Hey Bro? May kailangan ka?” I asked him.

“May gusto lang akong itanong sa iyo.” He seriously said.

“Ano yun?” Tanong ko.

“About the faggot.” Sagot nya. “Nakita ko sya kanina na umiiyak at galing sya sa kwarto mo. Anong nangyari? May ginawa ba ang baklang iyon sayo?” He added.

“Wala. Wala syang ginawa. Actually ako nga ang may ginawa sa kaniya eh.” I answered.

“And what did you do to him?” Tanong nya ulit.

“I threw his necklace outside the window. Naiwan nya kasi yun nung pumasok sya sa kwarto ko ng walang paalam. Importante pala iyon sa kaniya that’s why you saw him crying.” Sagot ko.

“Good. He deserve that. I hope he’ll never find that necklace.” Nakangiti nyang sabi.

“Bro? I need to tell you something about Fita.” I seriously said.

“Fita?! Tama ba ang narinig ko? Tinawag mo ang baklang yun sa pangalan nya!” inis nyang tanong.

“Bro, iyun nga yung gusto kong sabihin sayo tungkol sa kaniya.” Sabi ko. “Iba pala sya sa ibang bakla. I think he’s a nice person.” Dagdag ko pa.

“Fvck! Ace! Are you out of your skull to say that he’s a nice person! He’ll never be nice! Dahil bakla sya! At galit tayo sa mga baklang gaya nya. Don’t tell me, nakalimutan mo na ang ginawa ng mga baklang gaya nya sa atin! Sa akin!” galit nyang saad.

“No Bro, I never forget that. Pero, sa tingin ko, hindi naman lahat ng bakla ay magkakatulad. I think Fita is different from them.” I explained.

“Anong ginawa sayo ng baklang yun hah? May pinakain ba sya sayo para magkaganyan ka? Dammit Ace! I never want to hear that words coming from your mouth again! We hate those kind of people! At huwag na huwag mo yang kakalimutan! Galit tayo sa kanila!” aniya. “ Nagkakaintindihan ba tayo?! “ Tanong nya pa.

I understand where his madness coming from. Naiintindihan ko sya. Kaya wala na akong magagawa, I need to follow what he wants. Dahil malaki ang utang na loob naming magkakapatid kay Kuya dahil sinagip nya kami sa maitim na balak noon ng mga baklang kidnappers na kumidnap sa amin noon. He sacrificed his self for us. Pero hindi ko maipapaangako na magiging magaspang ulit ang pakikitungo ko kay Fita, maybe I’ll just ignored him. Iyon nalang siguro ang magagawa ko, ang umiwas at iwasan si Fita.


Itutuloy. . .

Paaakkk 09

FITA’S

POV

Kinabukasan

Nagising ako sa pagtawag ni Mudra sa akin mula sa pinto. Dinaig nya pa yung tilaok ng tandang! Mygadd! So noisyy.

“Nak! Gising na! Gising!” Talak ni mudra kaya mabilis akong rumampa papunta sa pinto para buksan ito.

“Nay naman. Nagbu-beauty rest pa ako. Gusto mo talagang puma-panget ako eh.” Maktol ko kay mudrabells pagbukas ko ng pinto.

“May pa-beauty rest beauty rest ka pang nalalaman dyan. Halika na sa baba. Ikaw nalang ang kulang sa breakfast. Nandoon na silang lahat. “ Kuda ni mudra.

Nung marinig ko yung salitang breakfast biglang may sumipa sa loob ng tiyan ko! Mukhang gutom na naman ata ang mga cobra sa tummy. Ahaha! Charot lungs!

Pagdating namin ni mudra sa dinning area, nakaupo na ang apat na halimaw na iyon sa tabi ng mesa pati na rin si Fafa Ark.

“Good Morning po Tito Ark!” Naka-smile na pagbati ko dito sabay beso sa cheeks nya! Ahaha! Ke aga aga buhay na buhay na naman ang pagiging maharot ko. Whahaha.

Bebeso pa sana ako sa kabilang pisngi ni Fafa Ark nang bigla nalang umeksena si mudrabells.

“Oh! Tama na yan. Pinapak mo na ang Tito Ark mo. Hindi sya yung ulam, ayan sa mesa yung ulam.” Ani mudra!

“It’s okay Helena. Napaka-sweet na bata pala nitong si Fita.” Nakangiting sabe ni Fafa Ark!

Eeehk! Oh! Narinig mo yun Nay! Okay lang daw! Ahaha!

Susubukan ko pa sanang bumeso kay Fafa Ark nang hilahin ako ni mudra sa upuan ko.

“Naku ikaw talaga. Sabi ko mag-behave ka lang eh. Kumain kana nga lang d’yan.”

Kaloka! Panira talaga itong si Mudra! Beso lang naman eh! Ang damot. Rwwr.

“Hi Brothers! Good morning po sa inyo.” Nakangiti ding pagbati ko sa apat na halimaw na’to.

I need to do this, alam nyo naman? Kailangan kong magpanggap na close ako sa kanila sa harap nila Fafa Ark at mudrabells.

Pero wala! Hindi man lang sila nag hello at nag-good morning too sa akin! Dinedma lang nila ang beauty ko mga besssh!

Mabuti nalang hindi napansin nila mudra at Fafa Ark ang pag-isnob sa akin ng apat na yun, dahil bising busy silang dalawa sa sweetness nila at sa harap pa talaga ng hapag.

Nakurr! Maharot din itong si mudra eh! Sa kanya ko nga yun namana! Tapos gusto nya pa akong mag-behave. Ano ako? Aso. Rwwr! Isda ako noh. Isda. Ahaha.

“Ehemmm! Let’s pray na po!” Pag-eksena ko sa sweet moment nilang dalawa. Ahaha.

At ayun na nga, after the praying session, kainan na! Sinunggaban ko agad ang mga pagkain. Lafang kung lafang! Whahaha.

Habang kami ay kumakain biglang nagsalita si Fafa Ark.

“May sasabihin nga pala kami sa inyo.” Sabe nya.

“Ano yun Dad?” Tanong ni Kuya Axe.

“Helena and I are leaving the country later. We’re going to France para bisitahin ang wine production natin doon, and I decided na doon na din kami magho-honey moon. It’s been a week simula ng ikasal kami and I think this is the right time to do that. So mamaya na yung flight namin and we’re staying in France for a week.” Sabe ni Fafa Ark!

Nakakaloka! Totoo ba yun?! Sila aalis?! Agad agad?? Iiwan na ako mudra! Gusto kong sumama! Kailangan kong pigilan ang honeymoon nila. Ahaha! Charot lang bessh.

“Okay Dad. Have a nice flight sa inyo ni Tita Helena.” Sabi naman ni Kuya Ash.

“We hope na sana pag-uwi nyo dito, may bago na kaming kapatid.” Nakangiti namang say ni Kuya Air!

Anooo daw??! Bagong kapatid?! Ay bongga! I like that idea! Sana nga pag-uwi dito ni mudra buntis na sya!

Ano kayang magandang maging kapatid?

Lalaki o babae?

Kung lalaki yung magiging kapatid ko, so dapat maging kagaya ko sya! Dapat maging sirena din sya gaya ko! Hindi pwedeng matulad sya sa mga barako nyang magiging kuya! It’s no! No! No!

Eh kung babae naman! Edi bongga! Ako ang magiging best Ate sa kanya! Ahaha.

“Bongga yan! Gusto ko na din pong magkaroon ng kapatid Nay! Gusto ko yung babae! Kaya huwag kang uuwi ng Pinas hanggat hindi ka nabubuntis.” Natutuwang kuda ko kay mudrabells!

“Talaga Fita? Gusto mo na ng bagong kapatid?” Nakangiting tanong ni Fafa Ark! Mygad! Ang gwapo! Ahaha.

“Opo Tito. Lumaki po kasi ako ng mag-isa, kaya nanabik po talaga ako sa kapatid, yung nakakabatang kapatid. Ganun po.” Sagot ko.

“Eh kung ganun pala, dapat pala naming pag-igihan ni Helena. Dapat araw-araw.” Sabe ni Fafa Ark.

“Naku! Ikaw talaga! Anong araw araw ka dyan!” Pakipot na sabe ni mudra kay Fafa Ark at kinurot nya pa ito sa braso.

Manang mana talaga ako sa kanya. Pabebeng maharot! Ganyan yung personality namin ni mudra. Ahaha! Kunyari ayaw, pero gustong gusto naman! Hahaha!

“Tita, it’s for the better. Para sure. Dapat araw-araw.” Natatawang sabe ni Kuya Ace!

“Oo nga Tita. Hehe.” Dagdag pa ni Kuya Air.

“Naku! Kayo talaga! Pinagkaisahan nyo pa ako! Kumain na nga lang tayo. Lumalamig na yung pagkain.” Sabe nya. Asus! Pakipot pa itong si mudra, pero deep inside, excited na excited na yan. Ahaha!

“By the way, kailan pala ang pasukan nyo?” Biglang tanong ni Fafa Ark sa mga halimaw na to.

“Next month na Dad. Why?” Ani Kuya Axe.

“Napag-usapan na namin to ni Helena, we decided na papag-aralin na rin namin si Fita. He needs to study to have a degree katulad nyo.” Sagot ni Fafa Ark!

Halos lumuwa ang mata ko sa narinig ko! Mygaaad!

Really? Really? Really?

Makakapag-aral na ako sa college! Homygaad talaga???!

“Ta-talaga po Tito Ark! Papag-aralin nyo rin po ako?!” Bulalas ko sa sobrang pagkabigla.

“Oo Nak. Alam kong matagal mo ng pangarap na makapag aral kaya kinausap ko na ang Tito Ark mo tungkol dito.” Nakangiting sagot ni Mudra.

Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at mabilis ko silang niyakap na dalawa! Naluha pa ako mga besssh!

Sa wakas! Makakapag-aral na ako!!!!

“And beside, parte na kayo ng pamilya, kaya responsibilidad ko na pag-aralin ka dahil pinakasalan ko ang Nanay mo.” Nakangiting sabi ni Fafa Ark.

“Thank you po talaga! Salamat po Tito Ark! Salamat Nay!” Naluluhang drama ko habang mahigpit ko pa rin silang yakap.

“Naku. Nagdrama ka na naman Nak. Tignan mo yang mukha mo, ang asim na.” Sabe ni mudra sabay kurot sa pisngi ko.

Nakurr! Talagang bully itong si mudra! Pepektusan ko na to sa fallopian tube nya eh. Rwwr.

Pinunasan ko yung tears ko sa face ko, at rumanpa na ako pabalik sa chair ko para ipagpatuloy ang pagkain ko. Ahaha! Nakakagutom magdrama.

“So? Anong gusto mong kunin na course Fita?” Tanong ni Fafa Ark.

Mygaad! Tuwang tuwa ako na halos maiyak na ako nang malaman kong makakapag-aral na ako sa college pero gosssh! Hindi ko pa alam kung anong course ang kukunin ko! Kaloka!

“Ah-eh. An-ano…hi-hindi ko pa po alam Tito Ark.” Sagot ko!

“Then think of it. You only have couple of weeks para pag-isipan ang course na gusto mo. Ang payo ko lang sayo, just choose the course na sa tingin mo gusto mo at makakapagpasaya sayo, because your course will describe your future profession.” Speech ni Fafa Ark.

Nakakaloka! Jusko! Ano bang course ang kukunin ko???? Tulungan nyo ako mga bessh! My mind is not functioning.

“O-opo Tito. Pag-iisipan ko po iyan ng maigi.” Sagot ko.

“Kung gusto mo naman Nak, ikaw na ang magpatuloy sa pangarap kong maging doctor. Kung wala kana talagang maisip.” Suggestion ni mudra!

Ano daw? Doctor??? Mygaad! Pang pasiente lang yung level ng utak ko Nay! Hindi pang doctor! Kaloka.

“Ayaw ko nga Nay. Hindi keri ng utak ko yung ganiyan. Tsaka alam nyo namang takot ako sa dugo, tapos gusto nyo pa akong mag-doctor. Ayaw. Ayaw ko.” Pagtanggi ko.

“Edi huwag. Nagsa-suggest lang naman.” Nakangusung sabe ni mudrabells

“Basta, pag-isipan mo iyong maigi Fita. At kung ano man ang mapili mo, we’re here to support you.” Say ni Fafa Ark.

“Opo. Salamat po Tito.” Reply ko naman.

Napatingin ako sa apat na halimaw na’to. At parang may kanya kanya silang mundo. Wala silang pake sa pinag-uusapan namin. Nakurr! Wala din akong pake sa inyo noh.

“Pag-alis namin dito, kayo na ang bahala sa bahay. Nandiyan naman si Manang Yolly.” Sabe ulit ni Fafa Ark. “Fita, just ask Manang Yolly kung may kailangan ka sa kanya ha. Don’t hesitate to approach her and feel at home.” Pagbaling nya naman sa akin.

“Opo Tito Ark.” Sagot ko.

“Behave Nak hah! Behave!” Kuda naman ni mudra!

“Opo Nay!” Napipilitang sagot ko.

“Axe, dahil ikaw ang panganay, I give you the responsibility in this house. Ikaw ng bahala dito at bantayan mo ang mga kapatid mo including Fita.” Saad ni Fafa Ark kay Kuya Axe.

“Yes Dad.” Tugon ng halimaw na si Kuya Axe.

Homyygaad! Nakuur! Wala akong tiwala kay Kuya Axe! Baka pag-alis nila Fafa Ark at mudra eh pahirapan nila! Baka alilain nila ako. Baka gawin nila akong si Cinderella, tapos sila ang magiging evil stepsisters ko na magpapahirap sa akin!

Whaaaaaaaaa!

Hindi ko yun papayagan mangyari? Kapag inapi nila ako, lalaban ako! Lalaban ako! Subukan lang nila! Matitikman nila ang himagsik ng baklang api! Ahahahaha! Laban tayo mga besshh! Hindi tayo papatalo sa mga kumag na halimaw na to! Laban!!!! Walang urungan! Fight kung fight! Rwwwrrrr!

“I think this week is going to be fun.” Rinig kong bulong ni Kuya Axe at bigla syang napatingin sa akin pati narin ang tatlo pang kumag na yun.

Nakatingin silang apat sa akin at bila silang ngumiti na parang mga demonyo! Mygaadd! Mukhang may masamang balak sa akin ang mga halimaw na to wah!

Hindeeeee! Hindi ako papatalo! Ano man yang balak nyo sa akin, paghahandaan ko yan!

Labaaann!


Itutuloy. . .

Paaakkk 10

Sorry for this late update guys! Nagpalamig lang ako ng ulo. May isang reader lang kasi na nagpa-beast mode sa akin. Hahaha. Pero naka-move on na ko mga besshh! So Enjoy Reading guys! Muaahhh! :)

Sana wala ng rude reader dito. Naiimbyerna ako eh. Hahaha.


• FITA’S POV •

“Bye Nay! Bye Tito Ark!” Saying good bye ko sa kanila at niyakap ko sila ng sobrang higpit!

Gossh! Feeling ko mag-aabroad si mudra, tapos iiwan nya na ako para magtrabaho sa ibang bansa! Ganun.

Kaya hindi ko naiwasan ang maiyak. Drama ko talaga mga bessh. Ahaha!

“Don’t cry Fita, babalik din kami ni Helena after one week.” Sabe ni Fafa Ark tapos pinunasan nya luha ko. “Diba gusto mo ng magkaroon ng kapatid? So kailangan naming umalis.“dagdag nya pa.

Ayoko! Huwag kayong umalis! Hindi dapat matuloy ang honey moon nyo! Ahahaha! Charoot langss!!

“Opo. Mag-iingat po kayo. Naiiyak lang po kasi ako, ngayon lang malalayo sa akin si Nanay ng ganito katagal.” Madramang kuda ko.

Mahal na mahal ko si Mudra! Parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko sya nakikita. Alam nyo naman mga bessh. Si mudra ang isa sa dahilan ng kasiyahan ko. Kapag nakikita ko syang masaya, mas doble ang saya nun para sa akin. Kahit lagi akong binu-bully ni mudra, mahal na mahal ko sya, alam kong pambu-bully yung isa sa paraan nya para ipakita sa akin na mahal nya rin ako.

Kalog kasi yang si mudra. Malakas ang sense of humor nyan. At pinagmamalaki kong sa kanya ko yun namana. Ahaha! Parehas kaming may saltik. Ganun. Hahaharrr.

Niyakap ako ng sobrang higpit ni mudra. “Diba sabi ko huwag kang magda-drama ng ganiyan, umaasim na naman yang mukha mo. Para kang nakakain ng kamias na binudburan ng patis Nak. “ saad nya.

Kitams! Bully talaga eh!

“Nay naman! Bad ka talaga!” Imbyernang sabe ko.

“Mag-iingat ka hah. And always remember yung lagi kong sinasabe, behave dapat.” Dagdag nya pa.

“Opo Nay.” Nakangusung say ko.

“Osige na, aalis na kami. Bye Nak! Love you!” Malambing na kuda ni mudra sabay kiss sa cheeks ko.

“Bye Nay! Love you din po! Ingat po kayo!” Paalam ko sabay halik sa pisngi nya. “Bye din po Tito Ark! Ingat po!” Paalam ko naman kay Fafa Ark then I kissed his cheeks!

Awww! Two points na mga beshhh! Ahahaha.

“Bye Fita.” Paalam ni Fafa Ark sa akin. “ Bye sons!“ Paalam nya naman sa mga anak nya.

“Bye Dad!” Sabay sabay na sabi ng apat na halimaw.

At ayun na nga. Nakaalis na sila mudra at Fafa Ark. Lumipad na sila papuntang France! Rwwwr! Gusto ko din pumuntang France. Gusto kong itumba yung Eiffel tower! Para sumikat ako sa mundo! Ahaha! Nababaliw na ako mga bessh! Akin na nga ang gamot ko. Ahaha.

Pag-alis nila Fafa Ark at mudra ay ibinalik ko ang paningin ko sa apat na halimaw na yun.

Pero gossshh! Wala na sila sa likod ko! Mygaaaad! Saan sila nagpunta?! Bakit nila ako iniwan?! Sabi pa naman ni Fafa Ark na sumabay ako sa kotse nila! Pero mga boseeet! Iniwan nila ako!! Jusko! Hindi ko alam ang pauwi! Baka maligaw ako!

Dahil hindi ko na talaga nakita ang apat na halimaw na yun, napagdesisyunan ko nang maglakad palabas ng airport.

Hindi ko talaga alam ang daan pauwi, tsaka ang layo kaya ng bahay nila Fafa Ark mula dito!!!! Mga bwiseet talaga ang apat na yun! Mga walanghiya! Hinayaan lang nila ako dito! Wala pa naman akong ka-alam alam dito sa Maynila! Kamalas malasan pang hindi ko dala yung cellphone ko at wallet ko kaya nga-nga ako ngayon! Booooooseeeeet!

Naiiyak na ako mga bessh! Hindi ko alam kung tama ba itong daan na nilalakbay ko pauwi! Baka naliligaw na ako! Juskopo naman po!

Ayyy waaait!!!

Oo nga pala! Sabi nga pala ng matatanda sa amin, kapag naliligaw ka, baliktarin mo ang suot mong damit. Taaamaaa! Gooo! Kailangan kong baliktarin tong suot ko. Para makauwi na ako. Kahit alam kong etchos lang ng mga matatanda ang paniniwalang iyun , I need to follow it dahil wala na akong choice! Rwwwr.

Naghanap ako ng tagong lugar, sa walang tao. Baka may mang boso sa sexy kong katawan eh! Ahaha! At doon ko binaliktad ang suot kong t-shirt.

Ayaaan! Okay na! Makakauwi na ako! Yeey!

Bumalik na ako sa kalsada, at ipinagpatuloy ko na ang pagrampa. Kailangan ko ng makauwi bago magdilim. Sa beauty kong ito, delikado akong lumalabas ng dis oras ng gabi, baka may magnakaw pa ng ini-ingat ingatan kong puerto prinsesa. Ahahaha!

Makalipas Ang Ilang Oras

Mygad!!!! Akala ko effective itong pagbabaliktad ko ng damit pero hindi naman pala! Naliligaw na ako nga besssh! Dumidilim na din ang kalangitan! Mag-ga-gabi na! Ang sakit sakit na din ng binti ko! Ilang kilometro na ba’y nalalakad ko??! Jusko. Kapag talaga nakauwi ako sa bahay, pepektusan ko talaga ang mga halimaw na yun sa scrotum nila! Boseeet sila!!!!!

Hindi ko namalayan na bigla nalang tumulo yung luha ko. Naiyak na ako mga bessh! I’m crying na! Para akong batang naligaw at hindi ko na alam ang daan pauwi. Ganun.

Jusko! Help me please! Gusto ko na pong umuwi. Huhuhu!

Habang nagda-drama ako sa may kalsada ay bigla nalang may sasakyan na papalapit sa akin!!!

Eeeeeeeeewhhkk!!!! Masasagasaan ako!!!!! Nooooooo!!!

Ipinikit ko yung mata ko sa sobrang takot sa maaaring mangyari!

Ilang segundo pa ang lumipas, wala akong naramdaman na pain sa katawan ko! Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at mabilis kong kinapa-kapa ang katawan ko kung buo pa ba ako o baka nagkahiwa-hiwalay na’y katawan ko!

Baka patay na ako mga bessssh! Buhay pa kaya ako?!?!

“Hey? Are you okay?” Rinig kong tanong ng lalaki na galing sa loob ng sasakyan na makakabundol sana sa akin.

Naglakad sya palapit sa akin. . .

At paglapit nya. . .

Homygaaaaadddd!!!!

Yung panty liner ko mga besshh! Nalaglag! Nawalan ng dikit! Mygad!

Buhay pa ba ako? O nasa langit na ako?

Sino itong gwapong nilalang na nasa harapan ko ngayon! Awwwww! Nakasando lang sya mga besssh! Ang macho ng braso! Sarap kagatin! Ahahaha!

“Hey? I am asking you, are you okay?” Alalang tanong nya muli sa akin.

“Ah–eh–ih–oh–uh” Utal kong sabe! Gossh! Parang tinirintas na yung dila ko! Na-utal na ako mga bessh! Ang gwapo nya kaseee eh!

“What? Pipi ka ba? Nakakapagsalita kaba?” Tanong nya ulit.

Kaloka! Hindi lang sya gwapo at macho! Sobrang pogi din ng boses nya. Awwww. Awwww. Awwww.

“Ah, o-opo. Nakakapagsa-salita po a-ako.” Sagot ko. Medyo utal pa din eh.

“Good. So? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” Tanong nya ulit.

“Opo. Ayos lang po ako.” Tugon ko in my most sweet way sabay flip ng hair! Landeee! Ahaha!

“Mabuti naman.” aniya sabay buntong hininga. “Bakit ka kasi naglalakad na parang wala sa sarili, muntik na tuloy kitang mabundol.” Sermon nya.

Ayy! Kaloka! Hindi ako nawawala sa sarili no. Naliligaw ako. Ganun.

“Hindi po ako nawawala sa sarili, naliligaw po ako. I don’t know how to go home.” Malungkot kong kuda sa kaniya.

Bigla naman syang natawa sa sinabi ko.

“Are you serious? Ang laki-laki mo na, naliligaw ka pa?” Natatawang tanong nya.

Ay grabe sya! Gwapo nga, judgmental naman! Boseet! Turn off na ako mga bessh!

“Kung ayaw mong maniwala edi huwag! Hindi naman kasi ako taga rito kaya naliligaw ako.” Supladang sabi ko sa kaniya.

Tumigil sya sa pagtawa. “ Really? Eh taga saan kaba?“ Tanong nya. Medyo naging serious na sya. Mabuti naman!

“Taga Isla Mako po ako. Pero lumipat po kami ng nanay ko dito sa Maynila dahil sa personal na dahilan. Kaya hindi ko na po alam kung paano umiwi sa bahay namin dito sa Maynila.” Malungkot kong sagot.

“Ganun ba? Alam mo ba ang address ng bahay nyo dito sa Maynila.” Tanong nya ulit.

Gossh! Address?!! Ay wait! Aalalahanin ko!

Ano nga ulit yun?

123 Villa Metropolis

Oo! Tama yun nga!!!

Mabuti nalang naalala ko! Thanks lord! Whohoho!

“Ahm. Sa 123 Villa Metropolis po kami nakatira.” Sagot ko.

“Really? Dun ka nakatira? Eh mga kilalang tao lang ang nakatira doon hah. At isa pa, alam ko ang address na yan.” Gulat nyang saad.

“Basta. Dun po ako nakatira. Pero wait! Tama ba ang narinig ko? Alam mo po ang address namin?”

“Yes. Kilala ko ang mga taong nakatira sa address na iyon.”

“Talaga? Weh? Totoo?” Gulat kong tanong.

“Yeah. Dun din ako nakatira sa subdivision na iyan, Number 234 naman kami.” Sagot nya. “Pwede kang sumabay sa akin, madadaanan naman natin yung bahay nyo.” Alok nya!

Biglang gumuhit ang abot tengang smile sa mukha ko! Mygaad! Yeeeesss! Makaka-uwi na ako!

“Talaga?! Thank you po! Thank you!” Natutuwang sabe ko at na-hug ko sya mga bessh!

Awww! Awww! Awww talaga! Ang tigas ng braso! Serep nyang yakapin. Ahaha!

“You’re welcome. Halikana, pumasok kana sa sasakyan.” Sabe nya, kaya kinalas ko na yung tight hug ko sa kaniya at naglakad na ako papasok sa kotse nya.

Pagpasok nya, sinimulan nya na ang pagmamaneho.

“May I ask you something?” Tanong nya.

“Yes, you may.” Naka-smile na sagot ko. Ahaha! Dapat sweet ako palage. May gwapong nilalang sa tabi ko eh.

“Alam ko yung address na binigay mo, and I know those persons who live there. Doon kaba talaga nakatira?” Sabee nya.

Ang kulit din ng poging ito eh. Kakagatin ko na talaga yung braso mo eh! Ahaha!

“Opo. Dun po ako nakatira.” Sagot ko.

“Kasambahay kaba ng mga taong nakatira doon? Kasi sa pagkaka-alam ko walang anak na babae si Mr. Alcantara, puro lalaki.” Sabe nya ulit.

Mr. Alcantara? Si Fafa Ark ba ang tinutukoy nya???

Pero wait! Nakakaloka!!! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil akala nya babae ako, o maiimbyerna ako dahil pinagkamalan nya akong kasambahay! Mygaaad!

“Excuse me, sa ganda kong to? Pinagkamalan mo akong kasambahay? Kalola ka Kuya! Stepdaughter ako ni Tito Ark no. Pinakasalan nya yung Nanay ko kaya doon na kami nakatira sa mansyon nila.” Sagoot ko!

“Oh. Sorry. Hindi ko alam. So may bago na palang asawa si Mr. Alcantara.”

“Yes, at nanay ko yun.” Proud kong kuda sa kaniya.

“I see.” Sabe nya.

“Ahm.Pwede ako naman po ang magtanong?” pa-sweet kong tanong.

“Oo naman. Go on.” Pagpayag nya.

“Ano po pangalan nyo?” Tanong ko.

“I’m Ethan, Ethan Salvador.” Sagot nya.

Awww! Pati pangalan ang gwapo din mga besssh! Ahaha!

“Ikaw? What’s your name?” Tanong nya.

“Huwag mong pagtatawanan pangalan ko hah.” Nakangusung sabe ko sa kaniya.

“Oo naman. Ano ba pangalan mo?”

“I’m Fita. Fita Flores” answer ko sabay smile! Ahaha.

Bigla naman syang natawa sa sagot ko!

“Kakasabi ko lang huwag kang tatawa eh!” Imbyernang maktol ko sa kaniya.

“Hehe. Sorry. Your name sounds cute. It’s a name of a biscuit brand, right?” Natatawang sabe nya.

“Oo! Kaya huwag ka ng tumawa. May history kung bakit iyun yung pangalan ko. Kaya stop laughing na!”

“Really? May history pa talaga? Haha “ natatawa ulit nyang sabi.

Grrrr. Inaasar nya ako.

“Oo, and its a long history to narrate. Next time nalang. “ say ko ulit.

“Okay. Fita.” Nakangiti nyang sabee!

Mygad mga bessh! Ang gwapo nyang ngumiti! Nakakaluwag ng garter ng panty ganun! Ahaha!

“Pwede pa ba akong magtanong?” Tanong nya.

“Opo. Ano ba yun?”

“Bakit baliktad yang suot mong damit?” Tanong nya.

Ayyy kaloka! Nakakahiya mga besshh! Sasagutin ko ba yung tanong nya??

“Ahm. Ano… Kasi. Diba sabi ko sayo kanina, naliligaw ako? Sabi kasi nung iba dyan, kapag naliligaw ka baliktarin mo lang yung damit mo para hindi kana maligaw.” Sagot ko!

Bigla syang natawa ng malakas sa sinabe ko!

“Hahaha. Ibang klase ka Fita. Pinapatawa mo ako.” Natatawang sabi nya.

Grrrr! Nakakainis sya! Pinagtatawanan nya ako! Rwwr!

“Tseeeee. Huwag ka na ngang tumawa dyan.” Mataray kong sabi sa kanya.

“Hahaha. Okay, okay.” Sabe nya! At pilit nyang pinipigilan ang tawa nya. Rwwwr.

Ilang minuto lang ang lumipas, nakarating na rin kami sa tapat ng masyon nila Fafa Ark.

“Salamat po sa paghatid sa akin dito.” Naka-smile kong sabi.

“You’re welcome Fita.” Nakangiti din nyang tugon.

Bumaba na ako sa sasakyan nya, at sinarako na amg pinto nun, pero naka bukas pa din ang bintana nito.

“Ahm Ethan. May kailangan ka palang malaman.” Kuda ko sa may bintana ng kotse nya.

“Ano yun?” Kunot noo nyang tanong.

“Hindi po ako babae. I’m confidently gay with a heart!” Say ko! Sabay pose! Paakk! Ganern! Ahahah.

Tinignan ko sya, at naka-nga-nga lang sya sa sinabi ko. Halatang nagulat sya sa nalaman nya. Hahaha.

Ganun ba talaga ako kaganda? Para pagkamalan nila akong babae? Hindi naman mahaba ang buhok ko eh. Nakakaloka na wah. Ahahaha.

“Bye Ethan! Ingat!” Paalam ko at rumampa na ako papasol sa mansyon nila Fafa Ark.

Ngayon!!!! Humanda sa akin ang apat na halimaw na yun! Mga boset sila!

Matitikman nila ang paghihimagsik ng baklang naligaw! RWWWWRR!


Itutuloy. . .

Paaakkk 11

I’m busy, kaya bihira nalang ako mag-update. May pasok na kasi mga bessh, kaya I can’t update everyday. Sana intindihin nyo ako. Hindi naman pwedeng ipagpalait ko ang oras ko sa pag-aaral para lang mag-update ng update diba??? Kaya whether you like it or not, thrice or twice a week nalang po ako mag-uupdate. But I’ll try my best para makapag-update parin kapag may extra time. Okayyy???

Okayyy???

Enjoy reading! :)))


• FITA’S POV •

Rumampa na ako papasok sa mansyon, pero bago ako makapasok, may nakita akong mga palaka sa may garden.

Ayy bongga! May reunion ang mga palaka! Maki-join kaya ako? Ahahaha!

“Kokak! Kokak! Kokak!” Rinig kong sabe ng mga palaka.

Bakit ganun? Parang naiintindihan ko yung sinasabe nila??? Ahahaha!

Biglang may bright idea akong naisip para makaganti sa apat na halimaw na yun!!! Tama!! Hihingin ko ang tulong ng mga palakang ito para makapaghiganti sa apat na kumag na yun.

Naglakad ako palapit sa mga palaka.

“Kokak! Kokak! Kokak!” Kuda ko! Ahahha! Oh diba? I know their language.

“Kokak! Kokak! Kokak!” Sagot ng mga palaka sa akin!

Bongga mga besshh! Naintindihan nila ako!

Hindi naman ako takot sa palaka eh, at hindi din ako nandidiri sa kanila. May nahalikan na nga akong palaka noon eh. May napanuod kasi akong fairytale, nung hinalikan nung prinsesa yung palaka, bigla itong naging isang gwapong prinsipe! Awww! At dahil sa kabaliwan ko, ginaya ko yun! But unfortunately walang nangyari mga bessh!

Isa-isa kong kinuha ang mga palaka, at inilagay ko sila sa malaking panyong dala ko. Mabuti nalang kasya sila sa panyo! Ahaha!

Nagpatuloy ako sa pagrampa papasok sa loob. At ilang saglit lang may narinig akong mga boses na parang nagtatalo sa may sala.

Sinilip ko kung kaninong mga boses iyon at pagtingin ko… sa mga halimaw pala iyon.

“Kailangan natin syang balikan Bro, baka kung anong mangyari sa kanya, lagot tayo kay Dad.” Kuda ni Kuya Ace.

“No! Bahala sya sa buhay! I don’t care!” Matigas na sabe naman ni Kuya Axe! Bweset sya!

“Mas mabuti na wala na sya dito. We don’t need his presence.” Dagdag pa ni Kuya Ash!

“But Bro! Taga probinsya sya, at wala syang ka-alam alam dito sa Maynila. Baka kung saan sya mapunta! Baka mawala sya. I’m sure, Dad will definitely kill us if that happens. “ Saad ni Kuya Ace!

So concern sya sa akin??? Totoo ba yan??? Nakurrr!!!

“Sabihin nalang natin na sya ang umiwan sa atin. Lets say na he saw a guy in airport at nilandi nya iyon kaya iniwan natin sya.” Sabe ni Kuya Air!

Anoooo daaaaw?!!! So gusto nilang palabasin na nakipaglandian ako sa airport kaya nila ako iniwan!!! Abaaaa! Mga walanghiya talaga! Gagawan pa nila ko ng kwento!

Nanlisik ang mga mata ko! Binalot ako ng sobrang galit! Mga walanghiya! Humanda kayo ngayon sa akin!

“Kokak! Kokak! Kokak!” Bulong ko sa mga palakang nasa panyo ko!

“Kokak! Kokak! Kokak!” Sagot nila. Sabi nila, okay daw. Ahahah!

“I think that’s not a good idea bro.” Sabi ni Kuya Ace kay Kuya Air.

“Why it seems that you’re concern with that faggot?!” Tanong ni Kuya Ash kay Kuya Ace.

“I’m not concern with him, I’m just concern with us. Magagalit si Dad sa atin dahil sa pang-iiwan natin sa baklang yun sa airport. Kahit anong sabihin nating dahilan kay Dad, he will not believe us dahil mabaet yung tingin nya sa baklang yun. And besides kapag may nangyaring masama sa baklang yun, tayo pa rin ang mananagot.” Sagot ni Kuya Ace!

Soooo ganun?! Hindi pala sya concern sa akin! Nakurr! Sabee ko na eh! May pa-sorry sorry pa syang nalalaman kagabi tapos ngayon! Bunalik na naman sya sa pagihing halimaw! Rawwwr! Pare-parehas lang silang mga boseeet!

Patay kayo sa akin ngayon!

Dahan dahan akong rumampa papunta sa sala.

“Ehem. Ehem. Ehem. Ehem.” Sabi ko habang nakataas ang kanang kilay ko at tinitigan ko sila ng sobrang talim.

Sabay sabay silang napatingin sa akin. At iisa lang ang mga ekspresyon ng mga mukha nila. Pare-parehas silang nagulat sa biglaang pag-eksen ko. Ahaha!

Ayan! Magulat kayong mga halimaw kayo!

“Nandito kana?” Gulat na sabi ni Kuya Ace.

“Hindi. Picture ko lang to.” Sarkastiko kong sagot sa kanya.

“Andyan na pala ang baklang yan, so wala na tayong dapat pang pagtaluhan.” Sabe ni Kuya Axe at tumayo na sya sa pagkakaupo nya sa sofa.

“Wait! Walang aalis! Dyan lang kayo!” Sigaw ko!

“Who are you para utusan kami?” Inis na tanong ni Kuya Ash at tumayo na rin sya sa pagkakaupo nya.

“Sabing dyan lang kayo eh! Upo!” Sigaw ko ulit.

“Anong karapatan mong sigawan kami hah!” Galit na sabi ni Kuya Air at tumayo rin sya.

“Uupo kayo o sasabihin ko kay Tito Ark yung ginawa nyo sa akin?!” Pananakot ko sa kanila.

“Fvck!” Galit na sabe ni Kuya Axe.

Wala silang nagawa kundi bumalik sa pagkaka-upo sa sofa.

“Ikaw?! Umupo ka rin!” Sigaw ko kay Kuya Ace, dahil bigla nalang syang natahimik. Mabilis nya naman akong sinunod, tumabi sya sa tatlong halimaw na yun.

Nakatayo ako sa harap nila, habang silang apat ay nakaupo sa sofa. Masama ang pinupukol nilang tingin sa akin maliban kay Kuya Ace na sa ibang direksyon nakatingin.

“Alam nyo ba yung pinagdaan ko pagkatapos nyo akong iwan sa airport?!” Mataray kong tanong sa kanila.

“We don’t fvcking care!” Galit na sagot ni Kuya Axe!

Aba! Aba! Hinahamon nya ako wah! Tignan natin!

“Alam nyo bang naligaw ako! Ilang oras akong naglakad! Para akong shunga na naglalakad sa kwalan na hindi ko naman alam kung saan ako pupunta!” Galit ko sabi sa kanila.

Pinaikutan lang nila ako ng mata at halatang wala silang pake sa sinasabe ko.

“And the worst thing is, muntik na akong mabundol ng sasakyan!” Dagdag ko pa.

“Tapos kana ba sa speech mong iyan? Wala kaming panahon para pakinggan yang walang kwenta mong kwento!” Inis na sabe ni Kuya Air!

“Ah ganon? So ayaw mo na sa mga kwento ko? Okay. Madali naman akong kausap.” Kuda ko at ngitian ko silang apat.

“You’re wasting our time.” Dagdag pa ni Kuya Axe.

Sabay sabay silang tumayo.

“Hep! Hep! Hep! Sinabi ko na bang pwede na kayong tumayo?!” Mataray kong pagpigil sa kanila. “Upo!” Utos ko.

Muli nila akong inirapan at sabay sabay silang umupo sa sofa.

“May itatanong lang ako?” Tanong ko. “Takot ba kayo sa palaka?” Dagdag ko pa.

“Now you’re asking stupid question.” Inis na kuda ni Kuya Axe.

“Hindi ko kailangan ng opinyon mo, gusto ko lang marinig ang sagot nyo. Takot ba kayo sa palaka?” Mataray kong tanong sa kanila.

“We’re not scared with that fvcking frog that you’re talking about!” Galit na sagot ni Kuya Ash.

“Ano? Tapos ka na ba?!” Galit ding sabe ni Kuya Air.

“Hindi pa.” Naka-smile na sagot ko. “Gusto ko munang patunayan kung takot ba talaga kayo o hindi.” Dagdag ko pa.

Tignan natin ngayon kung nagsasabi kayo ng totoo! Sa pagkakalaam ko, lahat ng mayayamang gaya nyo ay takot sa mga nakakadiring mga palakang kaibigan ko!

Kaya,

let the freaking show begin!!!

HAHAHAHAHAHA!

Mabilis kong hinagis sa kanila ang panyo kong punong puno ng palaka.

“What’s this?” Tanong ni Kuya Air dahil sa kanya napunta ang panyo ko.

“Open it.” Nakangiti kong sagot.

Dahan dahang tinaggal ni Kuya Air ang buhol ng panyo ko at…..

At pagbukas nya…..

Mabilis na nagtalunan ang mga kaibigan kong palaka papunta sa kanila!

“Shit!!!!!” Bulalas ni Kuya Air!

AHAHAHAHA!!!!!

Hindi lang palaka ang tumatalon, pati na rin ang apat na halinaw na to! Ahahaha!

“Akala ko ba hindi kayo takot sa palaka? Bakit nanginginig kayo d’yan?!” Natatawang sabe ko.

“Aaaaahh! F*ckyou!” Sigaw ni Kuya Axe habang inaalis nya ang mga palakang pumasok sa loob ng damit nya.

“Bwisit kang bakla ka!!!!” Sigaw din ni Kuya Ash at halata sa mukha nya na diring diri sya sa mga palaka habang pinapagpag nya ang damit nya! Ahahaha!

“Alisin mo na ang mga palakang yan dito!” Sigaw naman ni Kuya Ace habang naka kapit sya sa may hawakan sa hagdan ng mansyon para hindi sya maabot ng mga palaka.

Ahahaha! Takot na takot sila! Whahahaha! Mabuti nga sa inyo!

“Sa susunod na may gawin ulit kayong hindi maganda sa akin. Hindi lang yan ang matitikman nyo!” Kuda ko sa kanila.

“Ser ano pong nangyayari?!” Gulat na tanong ni Manang Yolly sa akin. Bigla nalang syang sumulpot at kasama nya pa ang tatlo pang kasambahay na sina Mimi, Lily at Deedee.

“Wala po manang naglalaro lang po kami.” Nakangiti kong sagot. “Sige po alis na ako.” Paalam ko naman at mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko.

Sana sa ginawa kong iyan sa kanila, tigilan na nila ako. Sana tigilan na nila ang mga masasamang bagay na gusto nilang gawin sa akin.

Dahil kapag hindi nila talaga ako tinigilan, wala akong choice kundi labanan sila!

Laban lang ng laban mga bessh!

Walang aatras!

Hindi porket bakla ako, eh mahina na ako. Ipapakita ko sa kanila na hindi ako mahina!

Hindi ako magpapa-api sa mga halaw na iyon no!


Itutuloy. . .

Paaakkk 12

• FITA’S POV •

TOK! TOK! TOK!

Malakas na pagkatok ng nilalang sa may pinto!

Sino kaya yun?! Kung maka-katok naman parang sisirain na yung pinto! Mygaaad!

Kumembot ako papunta sa pinto para buksan ito, at pagbukas ko…

Ang apat na halimaw ang bumungad sa akin! Tapos gosh! Nakakaloka! Ang sama ng mga tingin nila sa akin! Nakupo! Baka bugbugin nila ako sa ginawa ko sa kanila kanina!!!!

Mabilis kong sinara ang pinto at ni-locked ko ulit ito! Hindi ako lalabas! Alam kong gagantihan nila ako sa ginawa ko!

TOK! TOK! TOK!

Malakas na pagkatok ulit ng mga halimaw na yun! Nakurr! Hindi ko bubuksan ang pinto noh! Manigas kayo d’yan! Hindi nyo ko magagantihan! Ahahaha.

“Open the door faggot!” Rinig kong sigaw ni Kuya Axe.

“Ayoko nga! Hindi ko bubuksan ang pinto!” Sigaw ko din sa kanila.

“Bubuksan mo ang pinto o sisirain namin to?!” Rinig kong banta ni Kuya Ash! Mygad!

Sisirain talaga??? Kaloka! Noh!

“Ayoko! Gagantihan nyo lang ako!” Sigaw ko ulit.

“Hindi namin yan gagawin. Open the door. Now!” Rinig ko namang sabi ni Kuya Ace!

Hindi daw? Nakurr! Huwag nga ako! Hindi ako uto-uto noh. Witty kaya ako. Ahaha.

“You can’t fool me!” Sigaw ko sa kanila. Ahaha! O diba? English ulit yun mga beshh!

“You fvcking gay! Open the door! May kasalan ka kay Manang Yolly! Inatake sya sa puso dahil sa mga palakang dinala mo!” Galaiti ni Kuya Air!

Anoooo daaawww??? Si Manang Yolly??? Inatake sa puso??? Jusko! Totoo ba yun??!

“To-totoo ba-ba yan?” Tanong ko, may konti takot akong nadama mga bessh. Baka kung ano ng nangyari kay Manang Yolly!

“Totoo yun! Kaya buksan mo na itong pinto! Harapin mo ang kasalanang ginawa mo bakla!” Sagot ni Kuya Axe.

Dahan dahan kong binulsan ang pinto. . .

“Na-nasaan si Manang Yolly?” Nag-aalalang tanong ko pagkabukas ko mg pinto.

“She’s in her room now. Tumawag na kami ng doctor to check on her condition.” Sagot ni Kuya Ace.

Mabilis akong tumakbo papunta sa maid’s room kung saan naroroon si Manang Yolly.

Pagdating ko dun, nakita kong chinicheck up sya ng doktor. Nandoon din sina Mimi, Lily at Deedee.

“Do-doc? Ka-kamusta po si Manang?” Tanong ko.

“Sa ngayon, kailangan nyang magpahinga. ’Coz her heart is still in shocked dahil sa nangyari. I think she needs few more days to rest para maging maayos na yung pakiramdaman nya.” Sagot ng Doktor.

Tinignan ko si Manang Yolly. Wala syang malay mga bessh! Nakakaawa sya. Nakakakonsensya.

Nakokonsensya ako dahil nadamay sya sa paghihiganti ko sa apat na halimaw na yun. Kaloka kasing mga palaka na yun! Mga traydor sila! Sabi ko ang apat lang na halimaw ang puntiryahin nila, pati pala si Manang Yolly dinamay nila! Nakurrr! Pagnakita ko ulit ang mga palakang yun, i-aadobo ko talaga sila. Rwwwrr!

“Salamat po Doc.” Sabi ko.

“She needs to rest and drink her medicines na nireseta ko. And after that, she will get better soon.” Sabe ni Doc. “I have to go. May mga pasiente pa ako sa hospital.” Paalam ni Doc.

“Sige po Doc. Salamat po.” Kuda ko.

“Tito? Paalis kana?” Tanong ni Kuya Ash kay Doc.

Tito? Totoo ba? Tito nila si Doc?

“Yes. May mga pasiente pa ako sa ospital na kailangang gamutin.” Sagot ni Doc.

“Okay Tito. Ingat.” Sabe naman ni Kuya Ace.

“Okay. Bye.” Paalam ni Doc at naglakad na sya paalbas. Hinatid naman sya nila Mimi, Lily at Deedee.

Kaya ako, si Manang Yolly at ang apat na halimaw nalang na to ang naiwan dito sa maid’s room.

“Now, you saw the result of your stupid action!” Galit na sabi ni Kuya Axe.

“Ano kaya ang sasabihin ni Dad if he knew what you did to Manang Yolly. I think he’s good impression with you will fade.” Sabe naman ni Kuya Air.

“Kayo lang naman ang gusto kong gantihan. Hindi ko intensyon na idamay si Manang.” Depensa ko.

“But it happened. Nangyari na. Nadamay na sya, dahil sa kagagawan mong bakla ka!” Singhal sa akin ni Kuya Ash.

“Kung hindi nyo lang kasi ako iniwan sa airport hindi ito mangyayari! Kayo ang punot dulo ng lahat ng ito!” Ganti ko naman.

“At ibubuntong mo pa talaga sa amin ang kasalanan mo?! Fvck! Your not admitting your mistake!” Galit na sabi naman ni Kuya Axe.

“Tama na. Lahat tayo may kasalanan. Huwag na natin sisihin ang isa’t isa. Ang importante sa ngayon ay ayos ang lagay ni Manang Yolly.” Pagsingit naman ni Kuya Ace.

Wow??? Totoo ba yan??? Bait baitan ka na naman?!

“Umalis na nga kayo! Kailangan magpahinga ni Manang Yolly. At hindi sya gagaling kung magsisigawan tayo dito! Kaya lumabas na kayo! Ako ng bahala sa kanya. I’ll take care of her. Kaya labas!” Kuda ko.

“Hindi pa tayo tapos bakla!” Matigas na sabe ni Kuya Axe.

“This game is not yet over!” Dagdag pa ni Kuya Ash.

“Magbabayad ka sa ginawa mo sa amin kanina. “ pahabol naman ni Kuya Air.

“Tara na Bro.” Sabe naman ni Kuya Ace at naglakad na silang apat palabas ng maid’s room.

Binantaan pa nila ako! Nakurrr! Hindi ko yan uurungan! Lalaban ako! Hindi ako magpapa-api sa inyo mga halimaw!

Umupo ako sa tabi ni Manang Yolly. Pinagmasdan ko syang maigi. Siguro mahigit singkwenta anyos na si Manang. Kaya siguro sya inatake sya sa puso dahil sa edad nya. Nakokonsemsya talaga ako mga besshh! Ang bad bad ko talaga! Pati si Manang nadamay sa kagagahan ko.

“Sir. Nakaalis na po si Doc.” Sabi ni Mimi pagpasok nya sa maid’s room. Kasama nya sina Lily at Deedee.

“Ahm. O-okay. Salamat.” Sabe ko.

“Mukhang sobra po kayong nag-aalala kay Manang Yolly.” Puna ni Deedee sa akin.

“Kasalan ko kasi kung bakit sya inatake. Dahil sa mga palakang dinala ko.” Malungkot kong kuda sa kaniya

“Wala po kayong kasalanan Sir. Huwag nyo pong sisihin ang sarili nyo. Wala pong may gusto ng nangyari. Tsaka alam naman po namin na kila Sirs Sungit yung mga palakang dinala nyo.” Sabat ni Lily.

Ano daw? Sirs Sungit? Tapos alam nila? How? How? Carabao?

“Paano nyo nalaman? Tsaka sino yung Sirs Sungit?” Tanong ko.

“Nakita po namin kayo sa labas Sir. Kinukuha nyo yung mga palaka. At doon, parang nalaman na namin ang plano nyo kila Sirs Sungit.” Sagot ni Mimi.

“Tsaka Sir, Sirs Sungit ang tawag namin kila Sir dahil masusungit silang apat! Lagi nalang mainit ang mga ulo nila. Mas malala pa nga sila sa babaeng may regla.” Dagdag naman ni Lily.

Kaloka! Akala ko sa akin lang masungit ang apat na yun pati din pala sa mga kasamabahay nila.

Mga nasa twenty pataas na siguro itong sila Mimi, Lily at Deedee. So dapat tawagin lo silang Ate? Ganun. Pero wait?? Bakit kaya ganun ang mga pangalan nila? Parehas na inuulit. Parang Lotlot lang ganun! Ahahaha.

“Kaloka! Akala ko sa akin lang masungit ang apat na halimaw na yun, pati din pala sa inyo.” Sabe ko.

“Naku Sir. Ganyan talaga sila. Mga gwapo nga, ang susungit naman. Kaya nga na-turn off na kami sa kanila eh.” sabe ni Ate Deedee.

Ganern?? So nagka-crush din pala sila sa mga halimaw na yun. Hindi ko sila masisisi mga gwapo nga ang apat na halimaw na yun, kaya lang mga masasama naman ang ugali. Rwwwr.

“Oo nga pala. Ako nalang ang mag-aalaga kay Manang. Tutal ako naman ang may kasalanan. “Kuda ko.

“Naku Sir. Kami na po.Huwag nyo na pong intindihin si Manang. Kami na pong bahala sa kanya.” Sabe ni Ate Lily.

“Pe-pero.” Pagtutol ko.

“Wala na pong pero pero Sir. Kami na pong bahala kay Manang. Huwag na po kayong mag-alala.” Pagpupumilit ni Ate Mimi.

Kaya wala na akong nagawa, ipinaubaya ko na sa kanila ang pag-aalalaga kay Manang Yolly. Siguro, ang magagawa ko lang ngayon ay mag-pray na sana gumaling na si Manang.

“Pero Sir. May problema po.” Biglang sabi ni Ate Deedee.

“Ha? Ano naman yun Ate?” Tanong ko.

“Dahil kailangan munang magpahinga ni Manang ngayon, baka wala po kayong kainin sa hapunan.” Sagot ni Ate Lily.

“Ha? Hindi ko gets Ate?” Kunot noong tanong ko.

“Hindi po kami sanay magluto. Si Manang po ang cook sa mansyong ito. Kaya baka wala po kayong maging hapunan mamaya.” Sagot ni Ate Mimi.

“Ha? Edi ba kasambahay kayo? Bakit hindi kayo sanay?” Tanong ko ulit.

Kaloka namang mga kasambahay to! Hindi marunong magluto! Mygaad.

“May cook book po kasing ginagamit si Manang kapag nagluluto sya. Eh hindi po kami marunong magbasa.” Malungkot na sagot ni Ate Deedee.

Ayy ganun ba??? Nakakaloka naman. Turuan ko kaya sila? Ahahaha. Chaaarrr!

“Sige. Ako nalang ang magluluto para sa hapunan.” Deklara ko.

“Wow! Talaga Sir? Sanay ka?” Sabay sabay nilang sabe.

“Oo. Kasing sarap ko ang mga niluluto ko.” Proud kong sabe. Ahahaha!

Oy! Huwag kayong ano d’yan! Sanay akong magluto no. At masarap akong magluto. Kasing sarap ko! Ahahaha! Tinuruan ako ni Mudra na magluto kaya nung matuto na ako, sya naman ang pinagluluto ko. Nakakalungkot nga lang, dahil hindi manlang natikamn ni Pudra yung mga luto ko. Huhuhu. Ang drama ko na naman. Rwwr.

“Kung ganun po Sir. Tutulungan nalang po namin kayo.” suhestyon ni Ate Mimi.

“Okay.” Sagot ko.

“Kung gusto nyo po Sir, lagyan natin ng lason yung pagkain nila Sirs Sungit. Hahaha.” Natatawang sabe ni Ate Lily! Kaloka sya!

“Naku, hindi lason ang ilalagay ko. Kundi gayuma. HAHAHA!” Natatawa namang sabe ko.

Gayuma o lason???

Gayuma nalang! Ahahahaha! Tignan lang natin kung hindi kayo maging maamong tupa pagkatapos nyong kainin ang masarap kong luto.

Whahahahahahaha!!! ^0^


Itutuloy. . .

Paaakkk 13

Ang hirap magpatawa lalo na kung hindi ka naman talaga masaya. Ang hirap magsulat ng kilig moments kung broken ka. Ang hirap talaga mga besssh! Lagi nalang akong nari-riject at nasasaktan! Wala na talagang magmamahal sa akin! Ayoko na! 👊😕😢😢😟😥😞😭😭😭💔👊

Let’s move on! Rwwwwr!

By the way! Happy 10k+ reads! Salamat sa patuloy na pagsuporta mga bessh! And wait! There’s more! My Four

Homophobic Stepbrothers has been ranked #23 in HUMOR Category ! Wow! Congrtasss!

And because of that, Enjoy Reading! :)


• FITA’S POV •

Ayun na nga mga besh! Nagkaroon kami ng cooking show, kasama ko sina Ate Lily, Mimi at Deedee. Ang niluto kong putahe ay adobong manok! Syempre I made some twists with my dish! Ahahah! Nilagyan ko ng cream para may touch ng sweetness! Medyo maalat kase eh. Paano ba naman kasi, si Ate Mimi nilagay ang isang bote ng Datu Puti soy sauce! Nakakaloka! Wala talaga silang alam sa pagluluto. Mygad!

“Sir! Lagyan mo na po ng gayuma.” Sabe ni Ate Deedee.

“Wait lang Ate. Nagmamadale? Ahaha!” sagot ko.

Mabilis kong kinuha yung maliit na bote na nasa bulsa ko. Naglalaman ito ng dinikdik na ugat mula sa puno ng balete, dinurug na sea urchin, isang pirasong petal mula sa pulang rosas, dinurug na puting kabute at virgin coconut oil. Sinamahan pa ito ng orasyon at enchantment kemerlu. Ahahaha!

Nabili ko ang gayumang ito sa matandang lola na katabi kong nagtitinda sa Isla Mako. Ako nagtitinda ng souvenir, sya naman nagtitinda ng kung anu-anong gamot. Ganun.

Kaya nung nagka-crush ako isa sa mga mangingisda sa Isla namin, naisipan kong bumili ng gayuma mga bessh para magustuhan nya din ako. Nakakaloka naman kasi ang gwapong mangingisdang iyon! Bukod sa sobrang gwapo nyang mukha eh may pa-abs pa sya mga bessh!

Pero hindi ko nagamit sa kanya ang gayumang ito. Dahil na-turn off na ako sa kanya. Lalaki din pala ang hanap nya mga bessh! Nakakaloka!!!! Hindi ko kinaya!

Mabuti naitabi ko pa itong gayumang to, ngayon malalaman ko na kung effective ba ito o hindi. Ahahaha!

“Iyan na ba yun?” Tanong ni Ate Lily.

“Oo, ito na nga yun ate. Kailangan lang natin ng apat na patak. Para mapaamo natin ang apat na halimaw na yun.” Kuda ko.

“Go! Sir! I-push mo na yan!” Na-eexcite na sabi ni Ate Mimi.

Kaya dahan dahan kong nilagyan ng apat na patak ang adobong niluto ko.

Isa…

Dalawa…

Tatlo….

Apat…

Paaakkk!

Akala ko may sasabog, wala pala mga beshhh. Ahahaha.

“Ayan! Ngayon tignan natin kung anong magiging epekto sa kanila.” Sabe ko.

“I’m so excited Sir!” Kuda naman ni Ate Deedee.

Syempre nagbukod na ako ng adobong manok na kakainin ko sa dinner. Hindi pwedeng kainin ko ang adobong nilagyan ko ng gayuma, baka ma-inlove pa ako sa apat na halimaw na yun! It’s a no! No! No! No! It shouldn’t beeee!

“Mga Ate, huwag nyong sasabihin sa apat na halimaw na yun na ako ang nagluto ng adobong ito, I’m sure hindi nila yan kakainin. Kaya magpanggap nalang kayo na kayo ang nagluto nito. Okay???” Utos ko sa kanila.

“Okay po Sir!” Sagot nila.

Dinner Time

Sa hapagkainan. . .

“Kain na po kayo mga Sirs!” Sabe nila Ate Mimi.

Agad naman nag-umpisang kumain ang apat na halimaw na to. Tapos na akong kumain ng dinner, kasabay ko sila Ate Mimi, Lily at Deedee kanina. Hindi na ako sumabay sa apat na to dahil alam ko namang ayaw nila akong kasabay kumain.

“Hindi ka ba kakain?” Biglang tanong sa akin ni Kuya Ace. Nakatayo ako kasama sila Ate.

“Hindi. Tapos na akong kumain. Tsaka alam ko namang ayaw nyo akong kasabay.” Sagot ko.

“Mabuti alam mo.” Sabe ni Kuya Axe!

“May isip ka din pala.” Dagdag pa ni Kuya Ash!

Nakakaloka! Ang hard nyang magsalita! Boseet sya!

“Ang sarap nitong adobo.” Sabi naman ni Kuya Air!

Bongga! Nasarapan sya! Ahaha! Sige lang! Kain lang kayo ng kain! Let’s see kung effective ba ang gayuma o hindi.

“Oo nga, may kakaiba sa lasa nya.” Pagsang-ayon naman ni Kuya Ace.

“Ang sarap talagang magluto ni Manang.” Saad ni Kuya Axe sabay subo ulit ng kanin at ulam.

“Wait Bro! Manang is at rest, she can’t cook for us, remember?” Pagsabat naman ni Kuya Ash.

“Oo nga no. Eh sino ang nagluto nito?” Tanong ni Kuya Axe.

“Baka sila.” Sagot ni Kuya Air sabay turo kila Ate.

“As far as I know, they didn’t know how to cook. So it’s impossible na sila ang nagluto nito.” Kuda naman ni Kuya Ace at muli syang sumubo. Ahaha! Mukhang sarap na sarap sila habang naguguluhan kung sino nga ba ang nagluto ng adobo kinakain nila.

“Maybe they bought this food.” Conclude naman ni Kuya Axe.

“But they don’t have money to buy.” Sagot naman ni Kuya Air.

“Kesa magtanungan tayo, bakit hindi nalang natin sila tanungin.” Suhestyon ni Kuya Ash.

“The three of you, come here.” Utos ni Kuya Axe kila Ate. Mabilis namang silang lumapit sa mga ito.

“Ano po iyon Sir?” Tanong ni Ate Mimi.

“Who cook this adobo?” Tanong ni Kuya Axe.

“Bakit Sir masarap po ba?” Naka-smile na tanong ni Ate Lily! Kaloka! Nagpa-cute pa sya.

“Yeah. It tastes good. Sino ang nagluto?” Sagot ni Kuya Axe.

“Si Sir Fita po.” Sabay sabay nilang sagot! Mygaad!

Kakasabi ko lang kanina na huwag sasabihin eh! Nakakaloka kayo Ate! Ulyanin na ba kayo! Jusko!

“What!!!” Gulat na sabi ng apat na halimaw na to.

Oh diba??? Ang OA nilang magulat. Nga-nga kung nga-nga sila! Ahahaha!

Mabilis na binitawan nila Kuya Axe, Ash at Air yung mga hawak nilang kutsara at tinidor at mabilis silang tumayo. Samantalang si Kuya Ace, nakaupo pa din.

“Pweeee!!!” bulalas ni Kuya Axe.

“This food is disgusting!” Inis na sabi naman ni Kuya Ash!

“Itapon nyo yan!!!” Pahabol pa ni Kuya Air!

Ay grabe silaaa!!! Kanina sarap na sarap sila tapos ngayon ganyan sila??? Nakurrr! Nalaman lang na ako ang nagluto kung makapag-react naman ang mga halimaw na’to wagasss!!!

“It’s not bad Bro, masarap naman. Tsaka sayang yung pagkain kung itatapon lang natin.” pagtutol ni Kuya Ace at nagpatuloy sya sa pagkain.

“Stop that Ace! Huwag mo ng kainin yan! Hindi natin alam baka kung anong nilagay ng baklang yan d’yan sa adobo na yan!” Pagpigil ni Kuya Ash kay Kuya Ace.

“At hindi natin alam kung malinis ba yan o hindi!” Dagdag pa ni Kuya Air.

“Itapon nyo na yan!” Inis na utos ni Kuya Axe kila Ate.

“Hoy! Hoy! Hoy! Ang kapal nyo naman!” Imbyernang kuda ko sa kanila. “Kanina, sarap na sarap kayo sa adobong niluto ko, tapos ngayon ganyan kayo! Wow! Hah! Ang kapal nyo talaga! Pasalamat nga kayo pinagluto ko pa kayo ng ulam para may makain kayo! Wala kayong utang na loob.” Galaiti ko pa.

“We didn’t ask you to cook for us! And we didn’t want your food! Kainin mo yan kung gusto mo! Pweee!” Galit na sabi ni Kuya Axe!

“Ace! Tumayo kana d’yan.” Utos ni Kuya Ash dito.

“But Bro—” ani Kuya Ace.

“No buts! Tara na!” sabe naman ni Kuya Air.

“Itapon nyo yan! Kapag nakita ko pa yang lintik na pagkain na yan dito, kayo ang mananagot sa akin.” Galit na sabi ni Kuya Axe kila Ate.

“O-opo Si-Sir. “ Tugon nila Ate

Mabilis na naglakad paalis ng dinning area ang apat na halimaw na yun!

“Sir. Mukhang hindi effective ang gayuma nyo.” Malungkot na kuda ni Ate Lily.

“Oo nga eh. Halata nga ate. Beast mode na naman ang mga halimaw na yun sa akin!” Imbyernang sabe ko.

Boseeet sila! Dapat pala lason nalang yung nilagay ko, hindi ang walang effect na gayang ito. Rwwrr!!!

“Itatapon po ba natin ang niluto nyo?” Tanong ni Ate Deedee.

“Huwag! Sayang. Ipakain nyo nalang sa mga pusang gala dyan sa labas. Masamang magsayang ng pagkain. Magagalit si Lord.” Sabe ko.

Kaya ayun mga besssh! Pinakain nila Ate sa mga pusang gala ang adobong niluto ko. Nakakaloka, may mga pusa gala dito sa Villa Metropolis. Sabi ni Ethan pang mayaman daw ang lugar na ito, so bakit may mga pusang gala???? Hay ewan. Ayoko ng ma-istress.

Nakakaasar talaga. Hindi gumana ang letchugas na gayumang ito. Siguro na-expired na. Booooseeet! Rwwwr.

Pagkatapos nilang ipakain sa mga pusang gala ang adobong niluto ko eh rumampa na ako papunta sala. Gusto kong manuod ng TV. Na-istress ako sa mga halimaw na yun. I need to refresh my mind.

Mag aalas otso na, meaning, Encantadia na! Ahahaha!

Pagdating ko sa sala, ang apat na halimaw na yun ang naabutan ko. Nanunuod sila ng basket ball game! Rwwr!

Paano ako makakanuod ng Encantadia kung nanunuod sila ng NBA na yan! Pashneya naman oh!

Isip Fita! Isip! Dapat mapaalis mo sila sa sala!

Ano kayang magandang gawin???

“Ohmygoood! Ipis! Ipis!” Sigaw ko, syempre nagpaka OA na ako sa pagsigaw ahahaha!

“Fvck!!!” Sigaw ni Kuya Axe.

“Nasaan ang ipis!” Sigaw naman ni Kuya Ace.

“Ayun! Nasa ilalim ng sofa!” Pagsisinungaling ko.

“Shit!” Sigaw nan ni Kuya Ash.

“Ohmygad! Ayan na! Ayan nasa paa nyo na!” Sabe ko pa! Ahahaha!

Para silang sumasayaw ng tinikling sa kakatalon. Ahaha! Wala namang ipis eh. Ang OA din talaga mag-react ng mga to.

“Ayan na! Pumasok na sa damit nyo! Mygad!” OA ko ulit na sigaw.

Pinagpag nila ang mga suot nilang damit. Ahahahaha! Mga uto uto.

“Shit! Shit!” Sigaw nila.

“Umalis na kayo dito, ako ng bahala sa mga ipis. Kukuhanin ko lang yung baygon!” Sabe ko sa kanila. Dapat convincing yung pag-arte ko. Ahaha.

Naglakad na silang apat paakyat sa kanilang mga kwarto. At nang masiguro ko ng wala na sila, mabilis kong kinuha ang remote at inilipat ko sa Encantadia. Ahahahaha! Ayan na! Magsisimula na. Ayossss!

Humiga ako sa sofa habang nanunuod.

Oh diba? Ang galing ko talaga mga besshh??? Madali kong na-uto ang apat na halimaw na yun! Wahahaha. Palaka at ipis lang pala ang katapat nila. Next time naman butiki or tipaklong naman ang ipapanakot ko sa kanila. Hahaha.

Makalipas ang ilang minuto kong panunuod, biglang may kumuha ng remote na hawak hawak ko! At pagbangon ko, nakita ko ang apat na halimaw na to na nasa gilid ng sofa! Mygaaad! Ang sama ng tingin nila sa akin!!!!

“So pinagtripan mo na naman pala kami para lang mapanuod mo ang pangbaklang palabas na yan!” Galaiti ni Kuya Axe!

“Hi-hindi no. Na-napatay ko na kasi yung mga ipis kaya naisipan ko nalang manuod.” Katwiran ko.

“Talaga lang ha? Hindi mo ba alam na may cctv ang bawat sulok ng bahay na ito. And we saw you, wala ka namang pinatay na ipis! So meaning, niloko mo lang kaming bakla ka!” Galit na sabi naman ni Kuya Ash!

Nakakaloka! Totoo ba yun??? Nagkalat ang cctv dito??? So dapat pala palagi maganda ang angle ko sa camera. Ahahaha.

“Ah-eh. A-ano.” Wala na akong masabi mga besh! Nabuking na ako!

“Wala ka talagang balak na tigilan kami sa mga lintik mong kalokohan ano.” Galit ding sabi ni Kuya Air.

“Wala! Dahil ang sasama nyo! Kaya hanggat hindi kayo nagiging mabaet sa akin, hindi ko din kayo titigilan.” Sagot ko, strongly.

“Kung ganun pala, tignan natin kung hanggang saan yang tapang mo bakla!!!” Bulyaw sa akin ni Kuya Axe.

Mabilis nila akong hinawakan sa magkabila kong braso. Si Kuya Axe sa kanan at si Kuya Ash naman sa kabila.

“Bitiwan nyo ako! Pakawalan nyo ako! Rape! Rape! Tulong!” Sigaw ko.

Rape talaga??? Ahahaha! Malay mo naman beshh iyun yung gawin nila sa akin. Wahahaha.

“Anong rape sinasabi mo d’yan! Ulol!” Sigaw ni Kuya Ash at mas hinigpitan nya pa ang pagkakahawak sa braso ko.

Aray! Ang seket! Maseket beshh!

Dinala nila ako sa may garden, isinandal nila ako sa may puno ng ewan. Hindi ko na ma-recognize kung anong puno to, madilim na kasi mga bessh.

“The rope!” Saad ni Kuya Axe.

Mabilis namang inabot ni Kuya Air ang lubid kay Kuya Axe.

“Bro, huwag nyo na kayang gawin yan. Maybe we can punish him, but not in that way.” Pagpigil ni Kuya Ace!

Tama yan! Pigilan mo sila!

“No! Hindi titino ang baklang to kung hindi natin tuturuan ng leksyon!” Saad ni Kuya Ash!

Mabilis nila akong ginapos sa may puno! At sobrang higpit ng pagkakatali nila! Hindi na ako makahinga! Rwrr!

“Pakawalan nyo ako! Mga bwisit kayo!!!” Sigaw ko sa kanila.

“Shut up fagg!” Sabi ni Kuya Air at tinapalan nya ng packing tape ang bibig ko!

“Bro, baka malaman ni Dad itong ginagawa natin sa kaniya.” Sabi naman ni Kuya Ace.

“He’ll never know this. At alam kong hindi magsusumbong ang baklang yan. Kaya tara na! Pumasok na tayo sa loob!” Kuda ni Kuya Axe!

So balak nila akong iwanan dito mag-isa???!!! No!!!!! Ayoko! Hindi pwedeee!!!!

“Pero—” naputol na sasabihin ni Kuya Ace.

“Wala ng pero pero. Let’s go.” Sabi ni Kuya Air at mabilis na silang naglakad papasok sa loob!

Mga bwisit kayo!!!! Huwag nyo kong iwanan dito!!!! Bumalik kayo!!!

At dahil may packing tape na nakatapal sa bibig ko, hindi ako makasigaw ng tulong!

Juskopo! Anong gagawin ko??? Paano ako makakawala dito??? Sino ang tutulong sa akin???

Kinarma na ata ako sa mga ginagawa ko. Ang bad bad ko kasi, kaya ayan! Ginantihan na ako ng mga halimaw na yun! Rwwwrr! Kapag talaga ako nakawala dito, sila naman ang igagapos ko! Mga boset sila!

“Fita?” Rinig kong patagwag ng isang boses na mula sa kung saan.

Inilibot ko ang mata ko, at paglingon ko sa may malapit sa may gate, nakita kong nakatayo doon si Ethan!

Mygad! Yung panty liner ko mga besh! Nalaglag na naman! Ahahaha.

Pero wait???

Ano kayang ginagawa nya dito????

Baka sya na ang Prince Charming na sinugo ni Bathalang Emre para iligtas ako. Ahahaha!


Itutuloy. . .

Paaakkk 14

• FITA’S POV •

Dali-daling pumasok si Ethan sa gate at naglakad sya palapit sa kinaroroonan ko. Gooosssh! Ayan na ang Prince Charming ko! Ahaha.

“Who did this to you?” Tanong nya.

Kaloka! Paano ako makakasagot! May packing tape ang bibig ko. Talagang itong si Ethan. Nakurr.

“Oh, sorry. I forgot.” Aniya nang mapansin nya ang packing tape sa bibig ko at mabilis nya itong tinanggal!

Homygaaaad! Ang saket!!! Natanggal ata yung balat ko!

“Ouchhh!” Sabe ko. Ang seket kaya mga bessh.

“Ops! Sorry again.” Sabi nya sabay smile.

Naku! Naku! Naku! Konti nalang maiihi na ako sa kilig kay Ethan! Mygaad! Ang gwapoooooo nyang mag-smile! Rwwwwr.

“Paki tanggal na din yung tali.” Pa-sweet na sabi ko sa kaniya.

Agad nya namang tinggal ang pagkakagapos ko sa puno. Ayan! I’m free! I’m free! I’m free! Ahaha.

Dahil sa sobrang saya ko, bigla kong nayakap si Ethan! Ahoho! Ang tigas ng braso nya mga bessh! Serep kagatin. Ahahaha.

“So-sorry. Hi-hindi ko sinasadyang yakapin ka. Natuwa lang kasi ako.” Pabebeng sabe ko sa kaniya. Wahihihi!

“It’s okay.” Naka smile nyang sabe! Mygaaad talaga mga bessh! I can’t breath! Grabe magpakilig itong si Ethan! Hindi kinakaya ng panty liner ko! Josko!

“Sino nga pala ang nagtali sayo sa punong ito?” Tanong nya.

“Hay naku! Edi ang mga halimaw kong Kuya! Pagkatapos nila ang igapos, iniwan nalang nila ako dito ng basta basta!” Imbyernang kuda ko. “Natakot nga ako eh, ang dilim kasi dito. Mabuti nalang dumating ka. You saved me. Salamat.” Madrama ko pang sabi sabay yakap ulit sa kanya!

Ahahaha! Two points na mga besshh! Serep nya talagang yakapain! Nakakagigil! Wahihi!

“You’re welcome. Huwag ka ng matakot, nandito na ako.” Sabe nya sabay haplos sa likod ko!

Juskoooo! Parang tinamaan ako ng kidlat ni Volta sa paghaplos nyang iyon mga bessh! Bulta-bultaheng kuryente ang dumaloy sa sexy kong katawan! Megeed!

“Talaga bang ang mga Kuya mo ang gumawa sayo nito? Bakit nila ito ginawa sayo?” Tanong nya ulit.

“Galit sila sa akin. Sobrang init ng dugo ng mga halimaw na yun sa akin. Galit daw sila sa mga baklang gaya ko. Kaya ginaganito nila ako.” Madramang sagot ko sabay yakap ulit sa kanya! Ahahaha! Nawiwili na ako mga bessh! Bukod sa matigas ang katawan nitong si Ethan, sobrang bango nya pa! Nakakaadik! Ang serep nyang singhutin!

Ahahaha!

“Oh. I see. Sa pagkakaalam ko nga, galit talaga sila sa mga bakla. But stepbrother ka nila diba, or should I say stepsister, dapat hindi ka nila sinasaktan.” Sabe ulit ni Ethan.

“Oo nga. Pero wala eh. Galit talaga sila sa akin. At kahit anong gawin ko, mukhang hindi na yun magbabago pa.” Sagot ko. “Pero paano mo naman nalaman na galit sila sa mga bakla?” Tanong ko pa.

“I know them. Silang apat ang kilabot ng mga gays sa school. Not because gays like them but because gays in our school are scared with them. Takot na takot sa kanilang apat ang mga gays sa school, dahil nambubugbog silang apat ng mga bakla. Especially si Axe.” Sagot ni Ethan.

Nakakaloka!!!! Ganun pala talaga katindi ang galit nila sa mga sirenang gaya ko! Umaabot talaga sa bugbugan kemerlu! Baka bugbugin din nila ako! Josko!

It shouldn’t beeee!

“Grabe pala talaga ang mga halimaw na yun! Walang kapantay ang kasamaan nila.” Inis kong sabi.

“Yeah, right. I don’t really know why they hate gays.” Sabe nya pa.

“Ako nga din eh. Gulong gulo na ang bangs ko sa kakaisip kung bakit ba galit na galit ang mga halimaw na yun sa mga sirenang gaya ko!” Kuda ko din.

“Maybe they have deep reason about it.” Aniya.

“Ay wait. Change topic tayo. Bakit ka nga pala nasa may gate namin?” Tanong ko.

“I’m here to return the books na hiniram ko kay Axe. Tapos ko na kasi itong basahin, tsaka galing ako sa convenience store dyan sa may kanto, I bought some snacks. Napadaan na rin naman ako, kaya naisipan ko ng isauli ang mga ito.“Sabe nya at napansin kong may dala syang paper bag. Doon siguro nakalagay yung mga books.

“Talaga? Kay Kuya Axe yang mga books na yan? So magkakilala pala kayo, kasi pinahiram ka niya ng libro niya.” Say ko.

“Yup. Magkaklase kami. But we’re not too close with each other.” Sagot nya.

Really? Classmate sila??? What a revelation naman! Ahahaha.

“Now I know. Ahm. Tara na sa loob Ethan. I’m sure nandun ang mga halimaw na yun sa sala.” Aya ko sa kanya.

“Okay.” tugon nya sabay smile! Mygaad! Ang gwapoooo telege.

Rumampa na kami ni Ethan papasok sa bahay at nang marating na namin ang sala, nadatnan namin ang apat na halimaw na yun na nanunuod ng movie. Action movie, ganun.

“Wait Ethan. Dyan ka muna. Ako muna ang unang pupunta sa sala. Kapag tinawag na kita, tsaka ka lumabas hah.” Pabulong na kuda ko sa kanya.

“Ha? Bakit naman?”

“Basta. Gusto ko lang gulatin ang mga halinaw na yun. Gaganti ako sa ginawa nilang pangga-gapos sa akin. Okay??”

“O-okay.” Sagot nya.

Kaya dahan dahan akong nagalakad papuntang sala. . .

“SUNOG! SUNOG! SUNOG!” Sigaw ko in OA way and in full volume! Ahahahahahahaha!

Mabilis akong nagtago sa likod ng pader, pagkatpos kong sumigaw.

Nang marinig ng apat na halimaw na yun ang sigaw ko, bigla silang nagtayuan at ang mga ekspresyon ng mga mukha nila! Hindi maipinta sa sobrang pagkataranta!

WHAHAHAHA!

“Shit! The fire extinguisher! Kunin nyo dali!” Natatarantang sigaw ni Kuya Axe! Ahahaha!

“Lumabas na tayo Bro! Baka makulong pa tayo dito!” Natataranta ding sabi ni Kuya Ash! Whahaha!

“Fvck! Kailangan na nating tumawag ng bumbero!” Dagdag pa ni Kuya Air.

At bago pa sila maakaalis sa sala, lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Ahahahaha!

“Wahahahaha! Wahahaha! Wahahaha!” Natatawang kuda ko habang naglalakad ako palapit sa kanila. “Wala namang sunog eh. Ahahahaha! Ang OA nyo talagang mag-react! “ Dagdag ko pa.

Gossshh! Konti nalang mauutut na ako mga bessshh! Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa! Ahahaha! Ang dali dali talagang utuin ng mga halimaw na to! At ang bagay talaga na nakakatawa, eh yun reaction nila na sobrang OA!

Wahahaha!

Ayoko na. Ang seket na ng tiyan ko. Ahahaha

“Ikaw! Paano ka nakawala!” Galit na sigaw ni Kuya Air.

“Pinagtripan mo na naman kaming bakla ka!!!!” Galit na galit ding sabi ni Kuya Ash.

“Sumusobra ka na talagang putang*na ka!” Galit na galit ding sabi ni Kuya Axe! Tapos bigla syang naglakad palapit sa akin!

Mabilis nya akong sinakal! Josko! Hindi na ako makahinga! I can’t breath!

“Bro! Bitiwan mo sya. Baka masaktan sya. “ Sabe ni Kuya Ace dito habang inaalis nito ang braso ni Kuya Axe na nakasakal sa akin.

“Huwag kang makialam!” Galit na sabi ni Kuya Axe at itinulak nya si Kuya Ace, dahilan para matumba ito. “Sinagad mo na talaga ang pasensya kong bakla ka! Ngayon, tignan natin kung saan ka dadalhin ng biro mo!” Galit na galit nyang sabi at mas lalo pang humigpit ang pagkakasakal nya sa akin!

Josko! Hindi na talaga ako makahinga! I need oxygen! Mygaaaad!

“E-ethan! E-ethan! Tu-tulong! ETHAN!” Nahihirapang sigaw ko.

At pagkatapos kong sumigaw, biglang lumabas si Ethan sa may gilid ng pader.

“Axe! Stop it!” sigaw ni Ethan at mabilis nyang inalis ang kamay ni Kuya Axe na nakasakal sa akin.

“Ethan! Anong ginagawa mo dito?!” Gulat na gulat na tanong ni Kuya Axe pagkatapos nyang bitawan ang leeg ko.

Mabilis akong lumapit kay Ethan at niyakap ko sya. Hindi ko na naiwasang umiyak mga bessh! Ang sakit sakit ng ginawang iyon ni Kuya Axe. Akala ko ma de-deads na ang beauty ko. Mygad!

“Are you okay?” Tanong ni Ethan sa akin. Umiling lang ako bilang tugon at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya habang patuloy ako sa pag-iyak.

“Why are you comforting that gay?! Huh!” Galit na tanong ni Kuya Axe kay Ethan.

“He needs it. Sinaktan mo sya. Bakit ba lagi ka nalang nanakit ng mga bakla?! Don’t you remember, he’s your stepbrother, bakit mo sya nagagawang saktan.” ani Ethan.

“Wala ka na dun! Bakit kaba nandito?! Magkakilala ba kayo ng baklang yan!” sagot ni Kuya Axe.

“I’m here to return your books.” tugon ni Ethan. “ Mabuti nalang pala, ngayon ko naisipang isauli ang libro mo, dahil kung hindi, baka kung ano ng nangyari kay Fita dahil iniwan nyo sya sa labas habang nakagapos sa may puno!“ Galit na dagdag ni Ethan.

“So ikaw pala ang nagpakawala sa baklang yan!” Galaiti ulit ni Kuya Axe.

“Oo.” Matigas na sagot ni Ethan. “Here’s your books. Salamat sa pagpapahiram.” Dagdag nya pa sabay abot kay Kuya Axe ng paper bag.

“What are you waiting for? Nasauli mo na ang libro ko. Pwede ka ng umalis.” Sabe ni Kuya Axe!

“Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nasisigurong hindi nyo na sasaktan pa si Fita.” Sabe naman ni Ethan.

Parang may mga thunder bolt ni picca chu ang naglalabasan sa kanilang mga mata. Sobrang sama ng titig ni Kuya Axe kay Ethan at ganun din si Ethan kay Kuya Axe!

“Bakit mo ba pinagtatanggol ang bakla yan! Kilala mo ba sya?!” Inis na tanong ni Kuya Axe.

“Maybe I know a little thing about him. But one thing for sure, mabait si Fita and he didn’t deserve this kind of treatment na ginagawa nyo sa kaniya. Hindi nyo sya dapat sinasaktan.” Sagot ni Ethan!

Nakakaloka! Prince Charming ko talaga sya! He’s my knight in shinning shimmering glittering sparkling armor! Ganern! Nagva-vibrate ang panty liner ko sa mga sinasabe ni Ethan mga besssh! Megeed! Ahahaha!

“Wala kang alam dito Ethan. You didn’t know anything! Kaya umalis ka nalang.” Galaiti ni Kuya Axe dito.

“Hindi! Hindi aalis si Ethan! Dito lang sya! Bisita ko sya, kaya pwede syang magtagal dito hanggang gusto ko.” Pagsabat ko sabay punas sa luha ko.

“Sampid ka lang ditong bakla ka! Kaya wala kang karapatan!” Sigaw sa akin ni Kuya Axe.

Grabeee! Ang sakit! Ang sakit ng salitang SAMPID mga besssh! Tumagos sya sa bone marrow ko.

“Ihahatid nalang kita sa kwarto mo Fita to make sure that you are safe, and after that aalis na ako.” Sabe sa akin ni Ethan.

“Pero—” pagtutol ko.

“Shhh. Halika na. Sasamahan na kita doon.” Aniya. Kaya wala na akong nagawa, hinayaan ko syang samahan ako hanggang sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto ko…

“Salamat sa paghatid. Salamat din sa pagtulong sa akin. Salamat din sa pagtatanggol mo sa akin kila Kuya. Salamat talaga Ethan. Mukhang nagkagalit pa ata kayo ni Kuya Axe dahil sa akin, baka hindi kana makahiram ng libro sa kaniya.” Sabi ko.

“Wala iyon Fita. I know you’re a good person, at sobra akong natutuwa sa iyo. Nakakaaliw ka, kaya nalungkot ako nang malaman kong sinasaktan ka pala ng mga Kuya mo because of your sexuality. Hindi ko talaga sila maintindihan kung saan nang gagaling ang galit nila sa mga gaya mo.” Kuda nya. “Hindi na ako hihiram pa ulit ng libro kay Axe, maybe that’s the last time. Tsaka don’t worry, classmate ko lang si Axe and we’re not friends, kaya walang kaso sa akin kung magalit sya sa akin. “ Dagdag nya pa.

“Salamat talaga. Mabuti kapa, hindi ka galit sa akin. Tanggap mo ako. Samantalang ang mga iyun, halos isumpa na ako dahil sa sobrang galit nila sa akin.”

“Wala naman sa sexuality ang basehan kung mabuti o masama isang tao, it’s with their heart and with their actions. At ikaw, I know you’re a nice person. Kaya walang dahilan para kamuhian ko ang gaya mo.” Kuda nya at kasabay noon ang pagguhit ng isang matamis na ngiti mula sa kaniyang mga labi

Araaaay ko mga bessh! Sa sobrang tamis ng ngiti nya, kinagat na ako ng mga langgam! Mygaaad! Ahaha! Kung asukal lang siguro ang smile ni Ethan, malamang may diabetes na ako! Ahahaha!

“Salamat. Salamat talaga. I’m happy na nakilala kita. Salamat ulit sa paghatid. Good night Ethan. Ingat ka sa pag-uwi hah.” Nakangiting sabe ko sa kaniya.

“You’re welcome again. Good night din. Salamat.” Sagot nya.

“Bye!” Paalam ko at pumasok na ako sa kwarto ko.

“Bye!” Ganti nya naman at dahan dahan ko ng sinara ang pinto ng kwarto ko habang patuloy ako sa pagkaway sa kaniya.


Itutuloy. . .

Paaakkk 15

My Four Homophobic Stepbrothers has been ranked #18 in HUMOR!

Wow! Congrtasss mga bessh! Pasok na tayo sa top 20. Ahahaha! Just continue READING, VOTING and COMMENTING! Maraming salamat po sa suporta! ^__^

Enjoyyy Reading! :)


• ETHAN’S POV •

Pagkatapos kong ihatid si Fita sa kwarto nya, bumalik na ako sa sala para magpaalam sa apat na magkakapatid. Hindi naman ibig sabihin na galit ako sa kanila, it doesn’t mean hindi na ako magpapaalam. Bahay pa rin nila ito, and I’m here in their territory so I need to act formally.

“Alis na’ko. Salamat ulit sa pagpapahiram ng libro. Don’t worry, that would be the last.” Saad ko kay Axe pagkadating ko sa sala.

He stared at me and I feel the annoyance in the air. Pakiramdam ko, galit na galit silang apat sa akin dahil sa mga titig nila.

Maglalakad na sana ako paalis nang pigilan ako ni Axe.

“Stop. May itatanong lang ako.” Aniya. I faced him.

“Ano yun?” Tanong ko.

Nakaharap ako ngayon sa kanya and his three brothers are at his back.

“Paano kayo nagkakilala ng baklang yun? I’m still curious why you and that faggot are close.” Tanong nya.

I smiled before I answer. “ I met him near at the airport. Muntik ko na syang mabundol because he’s walking on the road unconsciously.“ Sagot ko.

“So, meaning? Ikaw ang naghatid sa kaniya dito pauwi?” Tanong niya.

“Yup. Sabi nya naliligaw daw sya, naawa naman ako, so I decided to help him. And I was quite shocked ng sabihin nya sa akin na sa address na ito sya nakatira. It really surprised me na stepbrother nyo pala sya.” Saad ko.

“Now everything is cleared. Naiintindihan ko na ngayon.” Patango-tangong sabi nya. “Pero sinasabi ko sayo, pinapaalalahanan lang kita. That gay is a great pretender. Hindi mo pa sya kilala ng husto, baka nagpapanggap lang siyang mabait sayo dahil maybe he likes you.” Aniya. Napakunot ang noo ko sa sinabi nyang iyon. I don’t know kung saan ba nangagaling ang mga sinasabi nyang iyan about kay Fita. Sinisiraan nya pa talaga ito sa akin.

“Yes, hindi ko pa nga sya lubusang kilala. But I have my intuition, at ramdam kong mabuti syang tao ’di tulad ng sinasabi mo. For me he’s not pretending, he’s very genuine in his actions at alam kong totoo syang tao. Ramdam ko yun. He’s nice to be with, nakakatuwa syang tao. At yang sinasabi mong may gusto sya sa akin, I don’t think he do.” Pahayag ko

“Too much flowery words to describe that faggot. Hindi ko alam kung anong pinakain o ginawa sayo ng baklang yun para ipagtanggol mo sya ng ganiyan. But I’m telling you, he likes you. I saw him staring at you differently.” Sabi muli ni Axe.

“Lalaki din ako Axe. Mararamdaman ko naman kung may gusto sa akin ang isang tao o wala. So don’t conclude. Your hypothesis is not yet supported. Kaya hindi yan totoo.”

“Bahala ka sa buhay mo.” Inis nyang sabi.

“Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit kayong apat ay sobrang galit at napupuot sa nga bakla. Wala naman silang ginagawa sa inyo.” Ganti ko naman.

“Wala ka na dun. Better to get out of our sight.” Axe said annoyingly.

“Okay. Yun na nga ang balak ko eh. Aalis na ko.” Sabi ko then I sarcastically smiled at them.

“Fvck!” Rining kong sabi ni Axe.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas.


• FITA’S POV •

Kinabukasan. . .

Minulat ko na ang beautiful eyes ko.

Goosssh! Buong magdamag akong kinilig kay Ethan! Hanggang sa panaginip kasama ko sya! Ahahaha!

I think….

I think…

I started to like him na! Ahaha! Josko naman bessh! Sino namang tao ang hindi magkakagusto kay Ethan, Bukod sa gwapo at hot na nga, super duper bait pa! Meeegeeeed! He’s a down to earth from the Sky person talaga! Fallen Angel talaga si Ethan. At bumaba sya dito sa lupa para pakabugin ang flat kong dibdib! Ganun! Ahahaha!

Pagkatapos kong maghilamos at magtootbrush, bumaba na ako papuntang kusina. Naguguton na kasi ang mga alaga kong cobra sa tummy ko, they need to feed na. Ahaha! Charroot!

Pero bago pa man ako makarating sa kusina, sinalubong agad ako nina Ate Mimi, Lily at Deedee.

“Sir! Sir!” Pagtawag nila sa akin. Kaloka naman ang mga to, parang end of the solar system na ang reaction nila.

“Bakit? Anyare? Bakit ganyan ang mga face nyo?” Tanong ko.

“Sir! May nangyari po!” Kuda ni Ate Lily.

“Ano nga yun? Sabihin nyo na.” Say ko naman.

“Si-si Doc po. Nandiyan.” Sagot ni Ate Mimi

“Ha? Bakit? May nangyari ba ulit kay Manang Yolly? Lumala ba yung lagay nya?” Gulat kong sabe!

“Hindi po Sir. Actually paggaling na nga po si Manang eh.” Sagot ni Ate Deedee.

“Yun naman pala eh. Eh bakit nandito si Doc?” Kuda ko.

“Sila Sirs Sungit. Sumasakit ang tiyan at inaapoy ng lagnat. Kaya tinawagan namin si Doc para i-check ang kondisyon nilang apat!” Tugon ni Ate Lily!

Homygaaad! Really? The four monster are sick? Ahahaha! Buti nga sa kanila! Karma is fast. Parang si Flash! Ganun. Ahaha!

“Buti nga. Pero ano sabi ni Doc? Bakit daw sumasakit ang tiyan nila at nilalagnat?” Tanong ko.

“Hindi po namin alam Sir. Puntahan mo nalang si Doc para malaman mo.” Sabe ni Ate Mimi kaya ganun nga ang ginawa ko.

Rumampa ako papunta sa kwarto ni Kuya Ace dahil nandun daw si Doc. At pagdating ko dun. . .

“Doc? Ano po ba nangyari sa kanila?” Tanong ko dito habang chine-check up nya si Kuya Ace.

“I think they have been food poisoned. May nakain silang pagkain na nakasira ng tiyan nila.This is really bad. Kailangan nilang madala sa ospital.” Kuda ni Doc.

“Bu-but Ti-tito. We don’t want to go there, alam mo naman yun diba?” Hirap na hirap na sabe ni Kuya Ace kay Doc.

Gosssh! Bakit ganun? Parang nakaramdaman ako ng awa sa kaniya. Nakurrr. It shouldn’t beee.

Pero something is bothering me. Bakit ayaw nilang pumunta sa ospital???

“Yeah. I know. Kaya nga gagawin ko ang lahat mapaggaling lang kayo dito.” Sabe naman ni Doc kay Kuya Ace.

“Thanks Tito.” Sabe nya naman.

“Ano ba yung huli nyong kinain?” Tanong ni Doc.

Nag-isip sandali si Kuya Ace at parang inaalala nya yung huli nyang kinain.

“Adobo.” Sagot ni Kuya Ace!

Mygaaaad! Adobo??? Yung adobong niluto ko? Really?

Gosssshhh!

Baka! Baka yung gayumang expired yung dahilan kung bakit sila na food poisoned!

Kaloka mga besssh! Ako ang salarin! I’m the suspect of the crime! Jusko! Baka mapatay na ako ng apat na halimaw na’to kapag nalaman nila na ako ang dahilan ng sakit nila. Megeed!

“Sino ang nagluto ng adobong kinain nyo?” Tanong ni Doc.

Gosssh! Biglang bumilis yung kabog ng flat king dibdib!

Tog!

Tog!

Tog!

Kinakabahan na ako mga besssh!

“Sya. Sya ang nagluto nun.” Sagot ni Kuya Ace sabay turo sa akin.

Napatingin sa akin si Doc. Halos nagwater falls na yung pawis ko sa sobrang kaba! Josko.

“Ahm. Inosente po ako! Wala po akong kasalanan!” Depensa ko agad!

“Wala pa nga akong tinatanong eh. Dumidipensa ka agad.” Kuda ni Doc at natawa pa sya ng slight.

“Ah. Eh. Kasi na feel ko po na baka ako ang sisihin nyo. Wala po akong ginagawang masama. Malinis po ang niluto kong adobo. Iyun din po ang kinain ko nung dinner pati po sila Ate Mimi.” Sagot ko. Gosssh! Kinakabahan talaga ako! Hindi ako sanay magsinunggaling mga bessh! Mygaad!

“Okay. Hindi na importante kung ano yung kinain nila, the important thing now is gumaling silang apat.” Sabe ni Doc.

“Opo. Iyun nga po ang importante. Kaya dalhin na po natin sila sa ospital. Para gumaling na sila agad.” Kuda ko.

“I can’t do that.” Sabe ni Doc.

“Ha? Eh bakit po? Mas mapapabilis po ang paggaling nila kung dadalhin natin sila dun.” Pagpupumilit ko.

“Gustuhin ko man, they didn’t want to go there.” Sabe niya ulit.

“Ha? Eh bakit po?” Naguguluhang tanong ko.

Hinila ako ni Doc palayo kay Kuya Ace.

“They have Nosocomephobia” sagot nya.

“Ha? Ano yun Doc? Nakakain ba yun?” Tanong ko. Mygad! Hindi ko ma-gets ang mga sinasabing ito ni Doc. Kaloka!

Natawa sya sa tanong ko. Huh? Ano kaya ang nakakatawa dun. Nakurrr. Mukhang pinagti-tripan ako ni Doc ah! Rwwr!

“ Nosocomephobia is fear of hospital. Meaning, takot silang apat na pumunta sa ospital kaya hindi ko sila pwedeng dalhin dun.“ Sagot ni Doc.

Huwhaaat??? Yun pala meaning nun? So ibig sabihin takot ang apat na halimaw na yun na pumunta sa ospital. Bakit kayaaaa??? Damulag na sila, natatakot pa din silang pumuntang ospital??! Kalokaaaa!

“Bakit po sila takot pumuntang ospital?” Tanong ko ulit.

“I don’t think, I have the right to answer your question.” Sagot nya.

“Ihhhh! Sige na Doc! Sagutin nyo na po tanong ko. Bakit po sila takot na pumunta sa ospital?” Pangungulit ko.

“Okay. You’re now part of their family. I think you should know this.” Kuda nya. Huminga sya ng malalim bago sya muling nagpatuloy.

Anubeeee! Pa-intense pa itong si Doc! Lalo tuloy akong naku-curious. Ahahaha.

“Pinsan ko si Ark, your stepdad at lumaki ako kasama sya. He was a playboy. Mahilig syang makipaglaro sa mga babae. He took his every relationship not seriously. Kaya may babaeng nagsumpa sa kaniya, one of the girls na pinaiyak at pinaglaruan nya. Sinumpa sya nito na walang sinumang babae ang tatagal sa kaniya.” Mahabang kuda ni Doc.

Kaloka! Parang wala naman sa tanong ko yung sinagot nya sa akin. Pero nakakagulat mga bessh! Naniniwala pala sila sa sumpa kemerlu eklabu na iyan.

“Lahat ng nagiging asawa ni Ark, namamatay.” Sabe nya!

Halos mag-expand ng twenty times ang mata ko sa sinabi ni Doc!!!!!

Totoo ba? Lahat ng nagiging asawa ni Fafa Ark namamatay??? Ohhhmyygaaaaad! So paano na si Mudra??!!! Asawa na sya ni Fafa Ark! Ibig sabihin ba nun made-deads din si mudra??!?

Noooooo!!!!! It cannot beeee! Hindi pwedeee!!! Si mudra nalang ang natitirang mahal ko sa buhay kaya hindi sya pwedeng mawala!!!!

“But don’t take it deeply. Wala namang patunay na totoo ang mga sumpa.” Kuda ni Doc.

“Pe-pero. A-ang mga naging unang asawa ni Tito Ark. Namatay ba silang lahat?” Kinakabahang tanong ko.

“Unfortunately yes. They all died with different diseases. Namatay ang unang asawa ni Ark na si Glenda sa sakit na colon cancer. Sya ang ina nina Axe at Ash. Sumunod naman si Fatima, Air’s mother. She died with brain tumor. And lastly, Ace’s mother named Diana. She died with Chronic kidney disease. “ Sabe nya.

Jusko! Puro malalalang sakit pala ang dumapo sa mga asawa ni Fafa Ark kaya na deads na ang mga ito! Mygaad! I’m sure naman na 100% healthy si mudra. At alam kong hindi sya magkakasakit. Kaya sana, I hope na hindi sya matulad sa mga na unang asawa ni Fafa Ark na patay na. Hindi ko yun hahayaang mangyari! Kailangan kong makabili ng anting-anting pangontra sa sumpa ng kung sino mang babaeng iyun kay Fafa Ark.

“Pe-pero, malusog po si Nanay. I’m sure hindi sya matutulad sa mga naunang asawa ni Tito Ark.” Kuda ko kay Doc.

“Huwag mo nalang pansinin ang sumpang iyon. Hindi naman natin alam kung totoo yun o hindi. Maybe nagkataon lang ang lahat.” Kudaa ulit ni Doc.

“Oo nga. Baka nagkataon lang po iyun Doc. Tsaka bibili po ako ng anting-anting or agimat pangontra sa sumpa. Hindi ko hahayaang ma-deads ang beloved mudra ko.” Say ko naman.

Natawa si Doc sa sinabi ko. Ngayon ko lang napansin, gwapo din pala itong si Doc. Nakasalamin kasi sya, pero guma-gwapo sya kapag ngumingiti! Awwww! Ahahaha.

“Pero Doc. Hindi nyo pa po sinasagot ang tanong ko. Bakit po ba may phobia silang apat sa ospital?” Tanong ko.

“Iyun na nga ang susunod kong sasabihin. They have fear of hospital dahil takot silang magkaroon ng sakit tulad ng ikinamatay ng kanilang mga ina. Takot silang pumunta sa ospital dahil naalala nila doon ang paghihirap at sakit na pinagdaanan ng kanilang mga magulang sa ospital. They’re scared of seeing other person suffered with severe diseases. And they are terrified to have those kind of diseases that might lead them to death.” Mahabang sagot ni Doc.

Mygaaadd! So iyun pala ang dahilan. Takot sila sa ospital dahil naalala nila ang paghihirap at sakit na pinagdaanan ng kanilang mga mudra doon. At takot din sila sa ospital dahil takot silang magkaroon ng sakit gaya ng sakit na ikinamatay ng mga mudrabells nila.

Now I know. Ngayon gets ko na mga besshh! Ganun pala.

Mabuti naintindihan ko ang lahat ng sinabi ni Doc. Akala ko hindi ko na naman mage-gets. Pero nakakloka talaga ang lahat ng nalaman ko!

Nakakadugo sya ng bangsss mga besshhh! Megeed!

So ngayon, dahil hindi pwedeng dalhin ang apat na halimaw na yun sa ospital kailangan may mag-alaga sa kanila dito. At dahil ako ang salarin sa kanilang sakit, ako dapat ang mag-alaga sa kanila.

Kahit may galit pa rin akong nafe-feel sa apat na halimaw na yun, kailangan ko silang alagaan dahil kailangan!

Nakokonsensya ako sa ginawa ko mga besshh! Kaya kailangan kong bumawi sa kanila.

I need to take good care of them.

Rwwwrrr.


Itutuloy. . .

Paaakkk 16

As of now. MFHS has been ranked #12 in HUMOR! Ahahaha! Konting kembot nalang mga bessh pasok na tayo sa top 10. Ahaha! Read lang ng read , vote lang ng vote at comment lang ng comment mga bessh! Salamat!!!! :)))


• FITA’S POV •

Umalis na si Tito Doc. Si Tito Doc pogi! Awww. Ahahaha.

Tito na din daw ang itawag ko sa kaniya.

Nag-volunteer ako na alagaan ang apat na halimaw na to. Sabi ni Doc bibisita daw sya ulit bukas para i-check ang lagay ng apat. Pero syempre, bago pa man sya umalis in-explain nya na sa akin ang mga kailangan kong gawin sa apat na yun.

Every morning, noon and evening kailangan nilang inumin ang gamot nila. So it means, three times a day silang iinom ng gamot. Ganun. Kailangan ko din daw silang pakainin ng healthy food. Mas maganda daw kung soup or porridge with veggy para mabilis nilang ma-digest. And lastly, kailangan ko daw palaging i-check ang temperature nila.

Oh diba??? Ang taray???!!! Ako na ang dakilang nurse ng taon! Kaloka! Ahahaha.

I have no choice kundi alagaan sila. Ako naman ang may kasalanan eh. Kaya kailangan kong bumawi. Hindi keri ng konsensya kong panuorin silang nahihirapan sa sakit na ako ang dahilan. May puso din ako mga besshh! Kulay pink pa nga eh! Ahahaha.

Magtatanghali na. So kailangan ko ng magluto ng tanghalian nila.

Ano kayang magandang lutuin?

Sopas o lugaw o champorado. Ahaha! Champorado talaga??? Sige. Sigeee. Sopas nalang.


Pagkatapos kong magluto ng sopas ay agad ko itong inihatid sa kwarto ng mga halimaw. Mabuti nalang mabilis akong natapos sa pagluluto. Tinulungan kasi ako nila Ate Mimi. At more chika pa nga kaming apat habang nagco-cooking show. Ganun.

Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pumasok sa kwarto ni Kuya Ace. Sya muna ang uunahin kong pakainin. After nya si Kuya Air, next si Kuya Ash naman and lastly ang pinaka bad sa lahat si Kuya Axe!

Ihuhuli ko na ang halimaw na Axe na yun! Maghintay sya!

“Hi. Kuya Ace! Here’s your lunch!” Masayang bungad ko sa kaniya habang dala dala ko ang tray na naglalaman ng sopas, tubig at gamot nya.

“Hindi ba sasakit ang tiyan ko sa lunch na niluto mong iyan?” Nahihirapang tanong nya habang nakahiga sya sa kama.

Ayyy kaloka! Pinagdududahan nya kaya ako?? Baka naisip nya na ako ang dahilan kung bakit nasira ang tiyan nila??? Mygaad! I need to defend my self! Hindi pwedeng mabuking na ako ang salarin.

“Grabe ka naman Kuya. Malinis tong niluto ko. Gusto mo tikman ko pa para patunayan sayo na malinis to.” Kuda ko.

“No need. Just feed me.” Sabe nya.

Bongga! Mukhang wala na yung pagdududa nya. Kaya ngayon, I need to feed him na. Feed him talaga??? Ahahaha.

Umupo ako sa tabi nya. Habang nakapatong ang tray sa dalawang hita ko. Pumaupo naman sya sa kama at humarap sa akin.

“Ano ba yang niluto mo?” Tanong nya sickly.

“Sopas po Kuya and I am proud to say na masarap to.” Kuda ko.

“Then prove it. Subuan mo ko.” Sabe nya.

Nakakaloka mga bessssh! Ngayon lang ako may papakainin na ibang lalaki bukod kay Pudra noon. Kailangan ko ng panindigan itong pagiging nurse ko.

“Say ahh.” Kuda ko sabay lapit sa kanya ng kuntsarang naglalaman ng sopas.

“Aaaahhhh” Pag-ungol nya!

Mygaaaaaad! Ang bastos! Ibang ahh ang sinasabi ko hindi aahhhh na ungol kundi ahh na ahh!

“Anu ba yan! Ang laswa pakinggan!” Say ko kay Kuya Ace.

Bigla syang natawa. “Hehe. Sorry. That was the ahhh sound that I know.” Sabe nya.

“Tsee. Tama na nga. Nguma-nga ka nalang po.” sabe ko. Sinunod nya naman ang inutos ko kaya natikman na din nya sa wakas ang sopas na niluto ko.

“Uhm. Its pretty good.” Aniya. “Subuan mo pa ako.” Utos nya.

Kaya ganun na nga ang nangyari mga besssh. Sinubuan ko ng sinubuan si Kuya Ace hanggang sa maubos nya na ang sopas na dala ko.

Pero naloka ako mga bessh! Medyo nakaramdam ako ng pagka-awkward kay Kuya Ace dahil kanina habang sinusubuan ko sya, nakatitig lang sya sa mukha ko! Hindi ko tuloy alam kung may tira bang kanin o catsup sa mukha ko kaya ganun sya makatitig.

After kong pakainin si Kuya Ace, pinainum ko na sya ng gamot.

“Thanks Fit.” Nakangiting sabe ni Kuya Ace!

Anooo dawwww??? Fit???? Parang armpit ganun? Ang baho naman ng tawag nya sa akin. Rwwwr.

“Fita nalang. Ayoko ng Fit. Parang tunog armfit eh. It sounds mabaho. Ganun.” Kuda ko sa kaniya.

Biglang natawa si Kuya Ace sa sinabe ko. Kaloka naman! May nakakatawa ba? Ahahaha.

“Ang kulit mo din pala. Haha. Okay. Fita. Thanks.” Natatawang sabi nya.

Sige tawa pa moreee. Mukhang magaling na ata ang halimaw na to. Nagagawa nya ng tumawa.

“Tama nga si Ethan. Nakakaaliw ka.” Dagdag pa niya.

Ha? Sinabi yun ni Ethan? Telege??? Naaliw sya sa akin??? Mygad! Baka like na ako ni Ethan hindi nya lang sinasabe. Ahahaha! Sige Fita! Assume pa more!

“Kailan naman sinabi ni Ethan na naaliw sya sa akin?” Tanong ko.

“Kagabi. Nag-usap sila ni Kuya.” Sagot nya.

“Anu-ano pa ba yung sinabi ni Ethan tungkol sa akin?” Kinikilig kong tanong.

“Uy. Mukhang intersado ka ah. Siguro tama yung sinabi ni Kuya na may gusto ko kay Ethan.” Sabeee nyaaa!

“Tseee. Wala no! Nagtatanong lang naman may gusto na agad.” Imbyernang sabi ko sa kaniya.

“Uy. Guilty. Defensive pa. Hahaha.” Natatawang sabi pa nya.

“Tseee! Ewan ko sayo! Bahala ka na nga d’yan!” Iritang sabe ko. Magwo-walk out na sana ako ng pigilan nya ako.

“Wait Fita.” Pagpigil nya.

“Ano?!” Pagtataray ko.

“Salamat. Don’t worry. Secret lang natin na may gusto ka kay Ethan.” Pag-aasar nya pa.

“Tseeeee!!!! Wala nga!!! Kulit mo!” Paghihimutok ko.

Grabeeee! Ang lakas mang asar ng halimaw na yun! Nakurrr! Pepektusan ko na sya sa scrotum nya eh! Rwwww!

“Fita.” Pagtawag nya ulit! Nakurr!

“Anooooo na namaaannn!!” Imbyernang sigaw ko.

“Ang cute ng panty mong kulay pink na may design na hello kitty.” Sabe nya sabay kindat sa akin!

Homygggaaddd! Paano nya nalaman ang design at kulay ng suot kong panty???

Napatingin ako sa suot kong short. At mygaaadd! May butas pala ito sa may likod! Kalokaaaa!!!!

“Bastos!!!!” Sigaw ko sa kaniya. May nahawakan akong unan at buong pwersa ko iyong binalibag sa mukha nya! At pagkatapos nun, mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto nya.

Rwwrrr! Ang manyak talaga ng halimaw na yun!!!!!! Halata naman sa kwarto nyang punong puno ng mga sexing babae!!!!! Hindi ko na sya babalikan mamaya! Bahala sya sa buhay nya dun!

Sunod ko namang pinuntahan ang kwarto ni Kuya Air. Bumalik muna ako sa kusina para kumuha ng sopas, tubig at gamot niya. Nagpalit na din ako ng short dahil butas yung suot ko kanina. Rwwwrr.

Tulad kanina, nilagay ko iyun sa tray.

Kumatok ako ng tatlong beses tsaka ako pumasok sa kwarto nya.

Bumungad sa akin ang mga musical instrument nya. Mga piano, guitara drums at iba pa. Ito pala yung kwartong napasukan ko nun na punong puno ng musical instrument. May green na pinto ang kwarto ni Kuya Air.

Naglakad ako palapit sa kama nya.

“You! Anong ginagawa mo dito?!” Medyo inis nyang tanong pero mahahalatang nahihirapan sya dahil sa sakit nya.

“Nandito ako dahil ako ang nurse nyo for today!” Naka-smile na sabi ko.

“Fvck! Get out of here!” Sabe nya.

Kung totohanin ko kaya ang sinabi nya! Nakurrr! Pasalamat kayo may puso ako. Kung wala, naku! Baka nilason ko na talaga kayo ng tuluyan. Rwwrr

“Relax lang Kuya. Nandito lang ako para ihatid ang lunch at gamot mo okay???” Kuda ko.

“Ilagay mo nalang d’yan sa table then get out!” Sabe nya.

So ayun na nga ang ginawa ko mga besshh. Nilagay ko sa may study table nya yung lunch nya at naglakad na ako palabas. Pero bago pa man ako makalabas ng tuluyan, may narinig akong lagapak sa sahig.

Kaya dali-dali kong bilikan si Kuya Air. At nakita ko syang nakadapa sa may sahig sa gilid ng kama nya.

Ayan kaseee! Akala nya siguro kaya nyang tumayo at maglakad mag-isa, eh hindi naman pala.

Nilapitan ko sya. Tinulungan ko syang tumayo at inalalayan ko sya sa paghiga nya sa kama.

“ Why are you doing this?!“ Inis nyang tanong matapos ko syang maihiga sa kama nya.

“Ang alin po ba?” Tanong ko.

“This! Why are you helping me! Diba dapat wala kang pake sa akin dahil masama ang trato namin sayo.” Sabe nya.

“Kahit pa masama ang trato nyo sa akin, stepbrothers ko pa rin kayo. At nangako ako kay Tito Doc na aalagaan ko kayo kasi ayaw nyong magpadala sa ospital. So, I am your nurse for today.” Say ko naman.

Bigla syang natahimik at tumitig sya sa akin. Parang sinusuri nya ako. Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa.

“Bakit? Ano ba yun? Bakit ganyan ka makatitig?” Tanong ko.

“Nothing.” Tipid nyang sagot.

Nakurrr! Nothing daw eh halos malusaw na ako sa titig nya! Kaloka!

“Oras na ng pag-inom mo ng gamot. Pero before that, kainin mo muna yung sopas na to para magkalaman yang tiyan mo. “ sabe ko.

“I can’t eat by myself. Help me.” Sabe nyaaa.

Ahahaha! Oh diba???? Kailangan din naman pala nya ang tulong ko, nagsuplado pa sya kanina. Nakurrr.

Umupo ako sa tabi nya at tulad kanina, ipinatong ko ang tray sa dalawang hita ko.

“Mainit to, hihipan ko muna wah.” Sabi ko habang hinihipan ko ang isang kutsarang sopas na isusubo ko sa kaniya.

“No need to do that. Hindi na ako bata.” Singhal nya sa akin.

Rwrrr! Medyo suplado pa rin talaga ang halimaw na to sa akin ah! Sya na nga itong may kailangan sya pa itong nagsusuplado.

Kaya sinunod ko ang gusto nya. Isinubo ko sa bibig nya ang sopas kahit mainit pa ito.

“Shit! Ang init!” Galit nyang sabi at ibinuga nya ang sopas na sinubo ko.

“Ayaw mo kasing pa-ihipan sa akin eh. Ayan tuloy na paso ka.” Kuda ko.

“Hindi ko naman alam na ganyan pala yan kainit.” Sabe nya.

“Oo na. Sige na. Ang sopas na ang may kasalanan dahil hot sya. So pwede ko na bang hipan para hindi kana mapaso?”

“Go ahead.” Labas sa ilong nyang sagot.

Kaya ayun. Bago ko isubo ang sopas sa kaniya, hinihipan ko muna ito. Para hindi sya mapaso.

“Mahilig ka pala sa music.” Say ko. Syempre kailangan ko syang daldalin. Hindi naman pwedeng tahimik lang kami habang sinusubuan ko sya.

“Oo. I love music.” Sagot nya.

“I love music too. But music hates me.” Sabe ko naman.

“What? How?” Kunot noo nyang tanong.

“I love those instruments, but I don’t know how to play them.” Sagot ko.

Gossssh!! Napapa-english ata ako ngayon! Ahahaha!

“Gusto mo bang matutunan kung paano sila gamitin?” Tanong nya.

“Oo naman. I love music nga diba? But they hate me nga. Kahit anong pilit kong pag-aralan silang gamitin hindi ko parin matutunan. “ Sagot ko ulit. “Tsaka hindi mo naitatanong, muscian kaya ang Tatay ko. Mahilig syang mag-guitara. Actually kasama nga sya nuon sa sikat na boy band dito sa Pilipinas noong araw. Yung Rock of Adonis. Guitarist sya ng banda.” Dagdag ko pa.

“Seriously??! Isa sa member ng Rock of Adonis ang tatay mo?” Gulat na tanong ni Kuya Air.

“Oo naman. Bakit parang gulat na gulat ka dyan?” Tanong ko.

“Rock of Adonis was one of the greatest and famous band in the philippines noong araw. And I really idolized them with their songs.” Sabe nya at para syang nabuhayan ng dugo. Kanina nanlalata sya, pero ngayon naman parang bagong sibol syang patola.

“Oo nga daw. Naikwento na iyan sa akin noon ni Tatay. Pero nagkawatak-watak daw ang banda nila simula ng mamatay ang vocalist nila.” Sabe ko naman.

“Yeah. That’s a bad tragedy with the band. Nakakalungkot na nasira ang isang banda dahil sa pagkawala ng isa.” Medyo sad nyang sabi.

“Pero pwede mo naman sundan ang yapak ng banda nila Tatay. Pwede ka namang gumawa ng sarili mong banda. I’m sure sisikat kayo. Ang galing mo kayang kumanta at tumugtog ng guitara. Kaya sigurado ako na kapag bumuo ka ng banda. Eh sisikat ka, kayo.” Say ko.

“Really? You think so?” Tanong nya.

“Yes. Absolutely. Basta just keep on believing and do not lose your hope sa pag-abot ng iyong panggarap. Tsaka may isa ka na agad na fan.” Sagot ko naman. “Ako.” Nakangiting pahabol ko pa. Ahahaha

“I can’t believe kinakausap kita ngayon. Akala ko wala kang sense kausap meron naman pala. I’m glad that I already have a fan.” Sabe nya at napangiti sya!

“Grabe ka sa akin Kuya! May sense ako no, anim panga eh. Ahaha.” Kuda ko.

Kaloka! Totoo ba ito? Napangiti ko si Kuya Air??? So meaning hindi na sya galit sa akin???

“By the way, what’s your dad’s name?” Tanong nya.

“Wilfred. Wilfred Flores. Yan name ng Tatay ko.” Sagot ko.

“His name sounds familiar. Maybe I heard it before. Hindi ko lang matandaan kung saan.” Sabe nya.

“Sikat kasi nuon si Tatay kaya kung saan saan mo maririnig ang pangalan nya.” Kuda ko.

“Yeah. Maybe you’re right.” Sabe nya.

Napatingin ako sa bowl na hawak ko, at wala na pala itong laman. So meaning ubos na ang sopas na dala ko. Ahahaha! Nalibang ako sa kwentuhan namin ni Kuya Air. Hindi ko napansin, ubos na pala.

“Ubos na ang sopas. Inumin mo na yung gamot mo Kuya.” Sabe ko sa kaniya.

Agad nya namang ininom ang gamot nya. “Thanks.” Pasasalamat nya sabay ngiti!

Kaloka! Second time na nginitian nya ko! Mukhang hindi na galit sa akin si Kuya Air. So ibig sabihin ba nito? Bati na kami????

“Sige Kuya. Alis na ko. May dalawa pa akong pasienteng naghihintay.” Paalam ko, at maglalakad na sana ako palabas nang marinig ko syang magsalita.

“If you want to learn how to play musical instruments, don’t hesitate to approach me. I’m willing to teach you.” Kuda nya sabay ngiti!

Mygaaaad! Three times smile from Kuya Air is nakakaloka! Ang sarap sa feeling na hindi na matatalim ng tingin ang ibinigay nya sa akin, kundi ngiti na!

At ito pa ang nakakaloka!

Inalok nya pa ako na tuturuan nya daw ako ng musical instrument nya! Mygaaad talaga mga bessh! Biglang nagbago ang ihip ng hangin ahhh.

Mukhang bati na kami at bumabait na ata sya sa akin. Ahahahaha. . . .

Mali talaga ang sabi ni Lola Nora Aunor. Sabe nya walang himala, pero meron kaya!!!

Akala nya lang wala, pero Meron!!!

Meron!!!

Meron!!!

Pero bago ako magsaya ng bongga, may dalawa pa akong kailangang pakainin. Sina Kuya Ash at si Kuya Axe! Ang dalawa pang halimaw!

Kailangan kong ihanda ang sarili ko.

I’m sure, this will be a challenging feeding program! Ganun!


Itutuloy. . .

Paaakkk 17

Enjoy reading guys!!! :)


• FITA’S POV •

Tok! Tok! Tok!

Tatlong beses akong kumatok sa pinto ni Kuya Ash.

“Come in.” Rinig kong sabi nya mula sa loob ng kwarto, kaya naman pumasok na ako.

“Magandang Tanghali Kuya!” Full of energy na pagbati ko sa kaniya. Ahaha.

“Ikaw!!!! Anong ginagawa mo dito?!” Galit nyang tanong.

Megeed! Wala pa nga akong ginagawa nagagalit na agad sya sa akin! Kaloka!

“I’m here kasi, inihatid ko lang yung lunch mo and your medicine also.” Sagot ko.

“Labas! Get out! Now!” Sigaw nya.

Kaloka! May sakit na nga ang halinaw na to ang tindi pa rin ng energy nyang magalit hah.

“Oo na. Lalabas na. Iiwan ko nalang yung lunch at gamot mo dito.” Kuda ko at inilapag ko iyun sa may table sa gilid ng kama nya.

“Hindi ko yan kakainin! Labas! And bring that food out of here!” Galit ulit nyang sabi.

So Ganern?? Ayaw nyang kainin luto ko???! Naku! Hindi pwede! Kailangang kainin nya to! Sayang naman! Tsaka kailangan nyang uminom ng gamot! Baka magalit sa akin si Tito Doc pogi kapag hindi ko siya napakain at napainom ng gamot.

Keri mo yan Fita! Pilitin mo sya!!!!

“Kuya. Kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot. Para mabilis kang gumaling. Sige ka, kapag hindi ka kumain at kapag hindi mo ininom ang gamot na dala ko, baka mapilitan si Tito Doc na dalhin ka sa ospital.” Kuda ko na may halong pananakot.

Ahahaha! Alam kong takot sila o syang pumuntang ospital kaya kailangan ko syang takutin para kainin nya ang luto ko!!,!

Napansin ko namang parang namutla sya nang marinig nya ang salitang OSPITAL! Ahahaha! Mukhang scared na sya. Effective! Bongga!

“Tsaka kapag dinala ka sa ospital baka mahirapan ka dun, dahil maraming gagawin sayo yung doctor. Kapag lumala ang lagay mo, baka kung anu-anong bagay ang isak-sak nila d’yan sa katawan mo, tsaka pagsusuotin ka pa nila ng hospital dress na kulay puti na wala man lang ka-fasion fashion sense. Tsaka syempre kapag nasa ospital ka, makikita mo yung ibang tao na may sakit, yung may malalalang sakit and the worst scenario is mahawa ka pa sa sakit nila. Diba nakakaloka yun? Kaya kung ako sayo, eat this food and medicine para gumaling kana agad.” Mahabang kuda ko sa kaniya.

Mygassh! Nakakauhaw! Medyo mahaba yung dialogue ko ngayon hah! Kaloka si Author! Pinapahirapan talaga ako sa scene na to. Ahahaha! Charoooot.

Tinignan ko si Kuya Ash at josko! Parang wala na syang dugo! Sobrang putla nya. Ganun na ba ka-exaggerating ang pananakot ko sa kanya? Ahahaha.

“Uy! Kuya! Okay ka lang ba? Bakit parang namunutla ka d’yan?” Tanong ko with matching hidden evil smile!

Ahahaha! Effective ang pananakot ko.

“Wa-wala. A-ayos la-lang ako.” Utal na sagot nya.

Whahaha. Oh diba???? Takot nga sya!

“So ano? Kakainin mo pa ba itong dala kong pagkain o aalis na ako?” Nakangiting tanong ko.

“I- I’ll eat that.” Sagot nya.

Hay! Mabuti naman! Pumayag din ang halimaw!

“Kaya mo po bang kumain mag-isa o gusto mo na tulong ko?” Naka-smile ulit na tanong ko.

Kailangan kong ngumiti mga bessh! Kahit galit ako sa kanila, I need and I have yo show them that I’m not mad at them! Ganun!

“I can eat by myself.” Sagot nya.

“Okay!” Sagot ko.

Inilagay ko ang tray sa may kama nya at nanatili akong nakatayo sa gilid nya.

“Why are you still here? Lumabas kana.” Medyo imbyerna nyang sabi sa akin.

“Lalabas ako Kuya kapag tapos kana. Kailangan kitang hintaying matapos. Kakailangan ko kasi yang tray sa susunod na pasiente ko.” Sagot ko.

“Pasiente? Ano ka nurse?” Kunot noo nyang tanong.

“Yes Kuya. I’m your nurse for today!” Sagot ko. “Isang pasiente nalang ang hindi ko pa napapakain ng lunch at napapainom ng gamot, si Kuya Axe nalang. Tapos ko ng pakainin at painumin ng gamot sina Kuya Ace at Kuya Air. And base on my observation they’re getting better.“Dagdag ko pa.

“Talaga? Pikianin mo sina Ace at Air?” Gulat nyang tanong.

“Opo. Sinubuan ko pa nga po sila eh. Hindi kasi nila kayang kumain mag-isa. So I help them.”

“At pumayag sila na subuan mo sila???!” Gulat na gulat nyang tanong!

Ang OA naman ng reaction nitong halimaw na to! Halos mag-expand ang mata nya! Kaloka.

“Yes po. Baka gusto nyo din pong magpasubo, I’m willing to do it for you Kuya.” Sabi ko then I smiled sweetly.

“No need!” Inis nyang sagot.

Kung ayaw mo edi huwag! Madali naman akong kausap. Suplado talaga ng halimaw na to! Grrrr.

At ayun na nga mga bessh. Kumain sya mag-isa. Pinanuod ko lang syang kumain. Mabuti kaya nyang gawin yun mag-isa. Mukhang hindi ata sya napuruhan sa expired na gayuma ko. Naku! Sayang! Ahahaha! Charot lungs!

“Ahm. Kuya, mahilig ka talaga sa basketball no?” Tanong ko.

Ayoko namang tumanga lang dito mga besssh! Kaya dadal-dalin ko sya, baka mapanis ang laway ko! Ahahaha.

“Hindi ba obvious?” Sagot nya sabay irap!

Nakurrr! Suplado na nga maldito pa!!! Keri mo yan Fita! Just control your temper! Chilax lang.

“Syempre obvious. Obvious na obvious nga sa kwarto mong punong puno ng basket ball stuffs.” Sagot ko. “Pero alam mo Kuya, basketball is one of my hobby nung bata pa ako. Iyun yung bonding moment namin ni Tatay. Akala nya kasi noon, lalaki akong tunay. Hindi nya alam na may puso akong babae. Tsaka hindi mo naitatanong, naging MVP ako sa basketball nung high school. “ Kuda ko pa.

Ang daldal ko talaga mga bessh! Ahahaha! Mas okay na ang pagiging madaldal kesa sa tahimik. Laging fresh ang breath ko! Hindi napapanis. Haha! Charrr.

“Ikaw MVP? Haha! That was a funny joke!” Seryoso nyang sabi sabay irap ulit sa akin!

Nakurrr! Eh kung funny pala bakit hindi sya tumatawa! Baliw din ang halimaw na to eh!

Ayaw nyang maniwala! MVP naman talaga ako! Basketball game yun ng mga beki sa school namin nuon at ako nga ang nagimg MVP! Galing galing ko kaya! Baka nga mas magaling pa ako sa halimaw na to eh!

“So hindi ka naniniwala? Gusto mo ng patunay?” Tanong ko.

“Hindi! Sa payat mong yan magiging MVP ka? Mukha ka ngang lampa eh! Tsaka as far as I know, gays hate playing basketball!” Singhal nya sa akin!

Ay kaloka! Jinudge na naman nya ako ng halimaw na toooo!

Naiimbyerna na ako wah. Rwwwrrr.

“Grabe ka! Gusto mo one on one pa tayo! Para patunayan sayo na magaling din ako!” Panghahamon ko sa kaniya.

“No need. Wala akong panahon para patulan yang walang kwenta mong biro.” Mataray nyang sabe sa akin.

“Baka naduduwag ka lang? Ayaw mong makipag-one on one sa akin dahil natatakot ka na baka matalo ka lang ng isang bakla.” Taas kilay kong sabe sa kanya.

Tinitigan nya ako ng matalim. Tumingin sya sa akin mula ulo hanggang paa.

“Hindi ako duwag! Okay! Sige! Mag-one on one tayo! I’ll make sure you’ll regret na hinamon mo ako.” Matigas nyang sabi.

“Okay! But before that magpaggaling ka muna.” Sabi ko naman.

Mygaad! Mukhang napasubo ako dito ah? Ahahaha! Pero confident naman ako mga besshh na matatalo ko ang halimaw na to. Magaling ako! Naging MVP nga ako diba?

Kaya lang…. Beki basketball game yung sinalihan ko nun. Iba ang basketball game ng mga lalaki sa basketball game ng mga beki! Mygaassh!

Bigla akong kinabahan! Josko! Bahala na si Bathalang Emre! Patnubayan nawa ako ngal apat na brilliante sa magiging laban namin ni Kuya Ash!

Kaloka!


Pagkatapos ko kay Kuya Ash ay nagtungo na ako sa kwwarto ng pinaka halimaw sa lahat! Sa kwarto ni Kuya Axe!

Megeed! Bigla akong kinabahan.

Okay…

Inhale….

Exhale….

Keri ko to!

Support nyo naman ako mga bessh! Kinakabahan talaga akes!

Nasa tapat ako ngayon ng kwarto ni Kuya Axe na may kulay blue na pinto.

So ito pala ang kwarto niya???!

Sa pagkakatanda ko, nakapasok na ako dito eh. Akala ko noon library to! Kwarto nya pala! Ang dami kasing libro sa loob ng kwarto nya mga besssh. Mukhang wide reader ang halimaw na yun.

Knock! Knock!

Pagkatok ko sa pinto.

“Who’s there?” Rinig kong tanong nya sa loob.

Ahahaha! Eto na naman ang knock knock and who’s there na yan! Okay game! May baon ako ngayon! Hihihi!

“Nae nae” sagot ko. Ahahaha!

“Nae nae who?!” Tanong nya.

Nae nae

tatay gusto ko tinapay ate kuya gusto ko kape, lahat ng gusto ko ay susundin mo syang nagkamali ay pipingutin ko.“ Ahahahahaha!

Sorry na nga besshh! Corny talaga ako eh! Mais kayo d’yan!!! Whahaha

“Fvck! Sino ba yan!” Rinig kong galit nyang sabe mula sa loob.

Oh diba??? Mukhang na-cornihan sya sa knock knock ko! Parehas sila ni Kuya Ash! Nakurrr! Mga taong hindi mabiro! Ganyan sila! Mga halimaw talaga! Grrrr.

“Si Fita to Kuya.” Sagot ko.

“Huwag kang papasok dito!” Galit nyang sabi.

Nakurr! Hindi pwede! Kailangan kong pumasok!

Kaya kahit ayaw nya akong pumasok sa kwarto nya, ginawa ko pa din. Kailangan nyang kaininin ang sopas na niluto ko at ang gamot na dala ko!

“Diba sabi ko huwag kang papasok!!!! Get out!!!!” Galit nyang sigaw sa akin.

Inasahan ko na to. Na ganito ang reaction nya. Kailangan kong maging mahinahon. Hindi ako lalabas sa kwarto na to hanggat hindi nya nakakain at naiinom ang dala ko.

“Ayoko. Hindi ako lalabas. Nandito ako para dalhin sayo ang lunch mo at gamot mo. Kaya hindi ako lalabas dito hanggat hindi mo ito nakakain at naiinom.” Mahinahon kong kuda sa kaniya. Kahit deep inside naiimbyerna na talaga ako sa halimaw na to.

“Tang*ina! Labas sabi! Get out!” Galit nyang sigaw sa akin.

Haaaayyy! Sinasagad talaga ng halimaw na to ang pasensya ko! Nakurrr.

Bigla syang napahawak sa ulo nya at mukhang sumasakit iyon.

Buti nga sayo! Sige sigaw pa moooore! Hindi naman ako yung mahihirapan kundi ikaw! Grrrrr.

“Ahhh! Shit!” Sabe nya at parang namimilipit sya sa sakit ng ulo nya. Mygaaad!

Kaya naglakad ako palapit sa kanya.

“O-okay ka lang Kuya?” Medyo concern tanong ko.

Hindi sya sumagot, nakahawak lang sya sa noo nya at halatang nahihirapan sya sa sakit ng ulo. Kaya naman, nakaramdam ako ng pag-aalala sa kalagayan nya.

“La-labas!” Nahihirapan nyang sabi.

“Ayoko. Hindi ako lalabas dito hanggat hindi ka nagiging okay. Kumain kana Kuya para makainom kana ng gamot. Para mawala na yang sakit mo sa ulo.” Kuda ko.

“I-ikaw ang nagpapasakit ng ulo ko! Labas! Get out!” Mahinang galit nyang sabi sa akin.

Umupo ako sa tabi nya. Ipinatong ko ang tray sa hita ko.

“Hindi. Dito lang ako. Kumain ka muna and drink your meds and after that lalabas na ako. Okay?”

“Fvck! Ang kulit mo! Lumabas ka sabi!” Galit nya pa ding sabi.

“Hindi.” Pagmamatigas ko.

Kinuha ko ang kutsara, sumandok ako ng sopas.

“Open your mouth. Kumain kana Kuya.” Sabi ko at akmang ilalapit ko na sana amg kutsara sa bibig nya pero itulak nya ang kamay ko palayo. Kaya natapon tuloy ito.

“Don’t act like you’re concern with me! Ipakita mo na ang tunay mong kulay bakla! Itigil mo na yang pagbabait-baitan mo!” Galit nya ulit na sabi.

“I am who I am. Totoo naman ako wah? Kaya yang sinasabi mong nagpapanggap ako? Hindi yan totoo!” Ganti ko sa kaniya.

“Tsk! You can’t fool me faggot! Kilala kita! Kilala ko kayo! Pare-parehas lang kayong mga bakla! Mga nakakadiri! Mga imoral! Hindi na dapat nag-e-exist ang mga gaya nyo dito sa mundo! Tang*na!“Galit na galit nyang sabi sa akin habang nanlilisik ang mga mata nya.

Halos tumagos sa ugat ng puso ko ang mga sinabi nya!

Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko!

Sinampal ko sya ko sya ng buong husay!!!!

Sobra na ang halimaw na to! Sobra na ang mga salitang binibitiwan nya para lang i-describe ang mga bakalang gaya ko! Sinagad nya na talaga ang pasensya ko!

Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko.

“Hindi mo ako kilala! Kaya wala kang karapatan na i-judge ako! Hindi ako nakakadiri! Hindi ako imoral! Sobra ka na! Wala kang kasing sama!” Galit kong sabi habang patuloy sa pagtulo ang luha ko.

“Tang*na ka! Anong karapatan mong sampalin ako!!!! Hah!!!” Galit na galit na galit nyang sabi.

Balak nya din sanang gantihan ako sa ginawa ko pero bigla ulit sumakit ang ulo nya.

Buti nga sayo! Bagay lang sayo yan! Halimaw ka talaga!!!!

Mabilis akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko sa kama nya at inilapag ko ang tray sa table malapit sa kama nya.

Bahala na sya sa buhay nya!!! Kumain sya mag-isa nya!!! Ayoko ng maging mabaet sa mga taong masama naman ang trato sa akin!

Ito na ang huli! Hinding hindi ko na papansinin Ang halimaw na Axe na yan!!!!!!

Pashneya syaaaaaa!!!!


Itutuloy. . .

Paaakkk 18

Sorry for this late update guys. I’m not feeling well kasi this past few days. Parang dinudurug yung ulo ko. Ang saket. :( 😖 But I’m quite feeling well na. :)

Enjoy Reading! Kayo na pong bahalang umintindi sa update kong ito. Medyo sabog lang talaga ang isip ko ngayon eh.


FITA’S

POV

Mygaaaaaaaaaaad!!!!

Ang sama ng panaginip ko mga besshhh!!!! Si mudra daw na-deads na!!!! Jusko! It shouldn’t beeee!!!

Halos nag- shower na ako sa sarili kong pawis dahil sa tindi ng nightmare ko!

Iniwan na daw ako ni mudra at gumora na daw sya sa heaven!!! Iyak ako ng iyak! Mga isang baldeng luha yung naiyak ko sa panaginip ko!

Ano kayang ibig sabihin ng panaginip kong yun??? Senyales na kaya yun na made-deads na talaga si mudra dahil sa sumpa ng babeng mangkukulam na sinaktan noon ni Fafa Ark???

Mygaaad! Huwag naman po sana!!!

Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si mudra! Sya nalang ang natitirang mayroon ako! Kaya gagawin ko ang lahat! Huwag lang syang mawala sa akin!

Oo! Tama!!!!

I need to buy some agimat or anting-anting pangontra sa sumpa!

Pero saan naman kaya ako bibili nun???

Meron ba nun dito sa maynila???

Oo! Tamaaaaa!!!! Tatanungin ko nalang si Manang Yolly kung may alam syang store na pwedeng mabilhan ng ganun!

Mabilis akong rumampa papunta sa kusina dahil paniguradong nandun si Manang Yolly. Magaling na kasi sya and I’m sure, nagluluto na sya ng breakfast namin.

Kagabi pa bumuti ang kondisyon ni Manang Yolly. Sya nga ang nagluto ng dinner namin kagabi. Sya na rin ang nagpakain at nagpainom ng gamot sa apat na halimaw na yun.

Na imbyerna kasi ako kay Kuya Axe, kaya nawalan na ako ng gana na pagsilbihan at alagaan pa silang apat. Mabuti nalang right timing yung paggaling ni Manang.

“Manang! Manang!” Pagtawag ko dito pagdating ko sa kusina at naabutan ko syang nagko-cooking show. Ganun.

“Oh. Ser? Bakit po? Ano po yun?” Tanong nya.

“Ahm. May alam po ba kayong bilihan ng mga anting-anting or agimat dito?” Tanong ko.

“Ha? Bakit nyo naman natanong Ser?” Tanong nya ulit.

“Basta po. Kailangan ko pong makabili nun. May alam po ba kayong bilihan nun dito?” Kuda ko ulit.

“Sa Quiapo po Ser. Madaming nagbebenta ng ganun duon.” Sagot nyaaaa.

Quiapo? Saan yun? Parang ngayun ko lang narinig yun wah. Ahahaha.

“Saan po yung Quiapo Manang? Alam nyo po ba kung paano pumunta dun?” Tanong ko ulet.

Gooosh! Question and answer portion lang ang pegg namin ni Manang. Kaloka. Ahaha.

“Bakit mo naman tinatanong? Gusto mo bang pumunta dun?” Biglang tanong ni Kuya Ace.

Kaloka! Bigla bigla nalang syang sumusulpot. Mukhang magaling na ang halimaw na to ah. Ang bilis naman ata! Anyareee??? May himalaa ba??? O sadyang mabilis lang talagang gumaling ang mga masasamang damong gaya nya. Rwwwr.

“Oo. Pupunta ako. May bibilhin lang ako dun.” Sagot ko kay Kuya Ace. “Manang pwede nyo po ba akong samahan? Sige na po pleaseee!” Pakiusap ko naman kay Manang Yolly.

“If you want, ako nalang ang sasama sayo.” Nakangiting sabi ni Kuya Ace sabay kindat sa akin!

Nakurr! Ayoko nga! Baka kung saan nya pa ako dalhin! Iba mag-isip ang mga manyak na gaya nya! Tsaka baka pagtripan at asarin na naman ako ng halimaw na to about kay Ethan. No! Hindeeee.

“Ayoko nga.” Taas kilay kong kuda kay Kuya Ace! “Sige na po Manang samahan nyo na po akong pumunta sa Quiapo please Manang please.” Pagbaling ko ulit kay Manang.

“Pupunta kang Quiapo?” Biglang tanong ni Kuya Air.

Gossssh! Bigla nalang din syang sumulpot. At mukhang feeling well na din sya mga besssh. Effective ata ang pagiging nurse ko sa kaniya. Ahahaha! Ang galing ko telege.

“Ahm. Opo Kuya. May bibilhin lang ako dun.” Sagot ko.

“Ganun ba? Gusto mo sumabay ka nalang sa akin papunta dun? May dadaanan din kasi ako dun.” Alok ni Kuya Air!

Megeeeed! Totoo ba? Inalok nya akong sumabay sa kanya? Wahihi! Mukhang hindi na nga sya galit sa akin! Bati na talaga kami! Yeeeeeeey!!!

“Si-sige po Kuya. Sasabay na ako sayo. Baka maabala ko pa si Manang kapag sya pa ang sumama sa akin papunta dun.” Nakangiti kong sagot sa kanya.

“Okay.” Sabe nya with smiley face!

Anubeeee! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ngini-ngitian na ako ni Kuya Air! Medyo kinikileg ako mga besssh! Ahahaha! Ang gwapong nyang ngumiti! Nalalaglag ang suot kong panty liner! ganun! Hahaha. Charooot.

“Ayan na pala Ser. Sasamahan ka na pala ni Ser Air. Mukhang nagbago na ata ang ihip ng hangin ngayon ah.” Nakangiting kuda ni Manang.

“Tssk! Kanina ako yung nag-aaya, ayaw pumayag. Ang daming arte. “ Inis na sabi ni Kuya Ace sabay irap sa akin.

Ano na naman ang nagawa ko???!! Bakit nya ako inirapan! Kaloka! Ang hirap ding intindihin ng halaw na’to! Bigla bigla nalang nagagalit! Grrrrrr.


Pagkatapos naming magbreakfast bumalik na ako sa kwarto ko para maligo at maghanda sa pag-alis namin ni Kuya Air. Mga 10 am daw kami aalis. Ahahaha! I’m sooo exzoited!

Mabuti nalang talaga hindi ko nakita ang Axe na yun! Hiindi kasi sya sumabay sa breakfast namin nila Kuya Air kanina. Siguro may sakit pa din sya! Wahahaha! Bagay lang sa kanya yun! Magdusa syang halimaw sya! Grrrr.

[

10:00

am

]

“Fita? Are you ready?” Rinig kong sabe ni Kuya Air mula sa labas habang kumakatok sya pinto ng kwarto ko.

“Opo. I’m ready!” Sagot ko naman at mabilis akong rumampa papunta sa pinto.

Pagbukas ko, muli kong nasilayan ang gwapong mukha ni Kuya Air! Kaya mabilis kong hinawakan ang panty ko, baka kasi malaglag na naman! Ahahaha! Charoot.

Simpleng pink shirt na may printed na baemax at maong short na maiksi ang OOTD ko. Ahaha! Nasanay na akong magsuot ng short na maiksi. Syempre, sayang naman yung biyaya sa akin ni Bathalang Emre na flawless pinkish white legs kung hindi ko naman ipapakita sa lahat diba??? Wahahaha. ^0^

“Kuya? Uy! Kuya Air!” Kuda ko sa kanya dahil bigla nalang syang natulala sa kagandahan ko.

Ahaha! Charooot!

“Ta-tara na. Alis na tayo.” Sabe nya at mabilis syang naglakad pababa. Hindi man lang ako hinintay!!! Rwwwr.

Pagbaba ko, nakita ko sina Kuya Ash at Kuya Ace na nanunuod ng TV. Sabay silang napatingin sa akin. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa, kaya naman hindi ko na naiwasang mag-pose! Paaaak! Tuloy ang modeling! Ahahaha

“Ang sexy wah.” Nakangising sabe ni Kuya Ace! Oh diba? Manyak talaga eh.

“I know right.” Proud kong sabi. “Oo nga pala Kuya Ash, about dun sa one on one natin. I want to do it later, pag-uwi ko. Mukhang magaling kana, siguro naman hindi mo tatanggihan ang hamon ko.” Taas kilay kong sabi kay Kuya Ash.

“What? One on one? Hamon? Hindi ko ma-gets? Ano ba yun Bro?” Gulong gulong tanong ni Kuya Ace.

“Later you will find out what it is.” Sagot ni Kuya Ash sa kapatid. “Don’t worry. I’ll never refuse your dare. Sisiguraduhin kong pagsisihan mo to, bakla.” Sabe nya naman sa akin. At bigla akong kinilabutan mga besssh!

Nakakatakot yung titig nya! Parang ilalampaso nya ako sa game! Grrrr. No! Hindi ako dapat matalo! Bibili ako ng lucky charm para matalo ko ang halimaw na to sa one on one game namin! Ahahaha! Humanda ka sa akin mamaya! Rwwwr.

“Okay! Baboooo!” Kuda ko at mabilis akong nag-tsunami walk papunta sa garahe. Paaaak!

Pagdating ko dun, May limang kotse akong nakita. Isang kulay grey, kulay red, kulay blue, kulay black at kulay green.

Kay Fafa Ark ang kotseng kulay grey, and I’m sure na kay Kuya Ash yung kulay red, yung kulay black naman kay Kuya Ace at yung blue kay Kuya Axe.

Naglakad ako palapit sa kotsemg kulay green dahil iyon ang sasakyan ni Kuya Air.

Ako kaya? Kailan magkaka-kotse? Bibilhan kaya ako ni Fafa Ark nun? Ahahaha! Gusto ko kulay pink na may hello kitty na design! Ganun.

“Pumasok kana.” Kuda ni Kuya Air.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan nya at umupo ako sa front seat sa tabi nya. Grabe mga besssh! Ang bango sa loob! Amoy lalaki! Amoy Kuya Air! Nakaka-adik! Ahahaha.

“Fasten your seat belt.” Sabe nya. Kaya kinuha ko yung seat belt, pero hindi ko ito ma-lock! Grrr. Bakit ayaw???!

Napansin naman ni Kuya Air na nahihirapan akong i-lock yung seatbelt ko.

“Ako na.” Sabe nya at bigla nyang hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa lock ng seatbelt, inalalayan nya ako na i-lock iyon. “This is how you fastened it.” Kuda nya pa, at ayun! Okay na! Na-locked na!

Grabeeee mga besssh!!!!!

Hindi ako nakahinga sa mga nangyari!!!! Sobrang lapit ng mukha ni Kuya Air sa mukha ko! At yung moment na hinawakan nya ang kamay ko! Jusko Dhay!!! Parang dumaloy ang bulta bultaheng kuryente sa buong sistema ko. . .

Nakakanginig na nakakakilig! Ahaha! Mygaaad!!!!

Ilang saglit pa’y pinaandar na ni Kuya Air ang sasakyan.

Binuksan nya ang music player sa kotse nya at nag-play ang kanta ni Justin B!!!!

SORRY pala yung title nung kanta. Ahahaha. Ano kaya yung gustong ipahiwatig ni Kuya Air? Gusto nya kayang mag-sorry sa akin???

Hindi ko na naiwasang mapaindak at mapakanta, sinabayan ko na yung music! Pero syempre mahina lang yung pagkanta ko, baka mairita pa si Kuya Air sa boses ko. Ahahaha.

You gotta go and get angry at all of my honesty

You know I try but I don’t do too well with apologies

I hope I don’t run out of time.

Could someone call a referee?

’Cause I just need one more shot at forgiveness

I know you know that I made those mistakes maybe once

or twice

And by once or twice I mean maybe a couple of hundred

times

So let me, oh, let me redeem, oh, redeem, oh, myself tonight

’Cause I just need one more shot, second chances

Yeah

Ayan na! Chorus na! Ahahaha. At dahil feel na feel ko na yung kanta, nawala na ako sa sarili! Yung kaninang mahinang pagkanta ko, biglang nag full volume! Paaakkk!

Birit kung birit mga bessshh!!!

Is it too late now to say sorry?

’Cause I’m missing more than just your body,

oh

Is it too late now to say sorry?

Yeah, I know-oh-oh, that I let you

down

Is it too late to say I’m sorry now?

I’m sorry

yeah

Sorry

yeah

Sorry

Yeah, I know that I let you

down

Is it too late to say I’m sorry now?

Pagkatapos kong bumirit sa chorus bigla kong narinig na pumalakpak!

Kaya napadilat ako ng mata!

“Ang galing mo palang kumanta.” Nakangiti nyang sabi sa akin.

Gossshhh! Totoo ba? Ang panget kaya ng boses ko. Nakurrr. Inuuto lang ako ni Kuya Air!

“Huh? Hindi kaya. Ang panget nga ng boses ko eh. Mabuti hindi ka nairita sa pagbirit ko.” Kuda ko.

“Maganda. Maganda ang boses mo. Maybe some instance nawawala ka sa tono, but your voice sounds great. Kung magpa-praktis ka lang baka maging mas magaling kapa sa akin,” Kuda nya.

Really? Talaga!!!! Maganda ang boses ko??? Ahahaha! So pwede na pala akong sumali sa The Voice!!!!

Megeeed! Kinikilig ako! Na-appreciate ni Kuya Air yung boses ko. Si mudra kasi kapag kumakanta ako,lagi akong ino-okray kaya akala ko ang panget ng boses ko. Mukhang effective yung pagvo-vocalization ko sa dagat! Nakakaganda pala talaga yun ng boses! Ahahaha. Ngayon napatunayan ko na, na sirena talaga akong tunay! Paaakkk!!!

“Sa-salamat Ku-Kuya.” Pasweet na sabi ko kay Kuya Air then I flipped my hair. Ahihi.

“Kung gusto mo, pwede kitang tulungan kung paano mo mapapaganda ang boses mo. And I can also teach you how to play some musical instruments just like what I said yesterday.” Naka smile nyang sabi.

Ohmygad talaga!!! Nawawalan na talaga ng dikit yung suot kong panty liner! Konti nalang malalaglag na sya! Grabe! Sobrang magpakilig itong si Kuya Air! Hindi kinakaya ng panty ko mga besshhh! Kaloka! Ahahaha.

“Opo. Sige po Kuya. Gusto ko yan.” Naka smile kong sagot sa kanya. Ahihihi.

Nginitian nya lang ako bilang tugon at nagpatuloy sya sa pagmamaneho.


Itutuloy. . .

Paaakkk 19

“Anyone can love a rose, but it takes a lot to love a leaf.”

-Tom Flynn


• FITA’S POV •

Wow! Asi in Wowowin! Ito pala ang Quiapo! Ang daming tao mga bessshh! Feeling ko nasu-suffocate na ako dito! Ahahaha. Charrr Sa isla kasi namin, kokonti lang ang tao dun, kaya this is my first time to see so many humans in my surroundings! Ganun.

“Ano ba ang bibilhin mo dito?” Tanong ni Kuya Air habang rumarampa kami sa Quiapo.

Kami talaga? Ahaha. Dinamay ko pa sya sa kabaklaan ko. Rewwr.

“Ahm. Agimat or anting-anting. Yun yung gusto kong bilhin dito Kuya.” Sagot ko.

“Ha? Bakit ka naman bibili nun?” Kunot noo nyang tanong.

“Basta. I need it, kaya kailangan kong bumili nun.” Sagot ko.

“Okay. Follow me, dun pa ang bilihan nun.” Kuda nya at mygaaadddd! Hinawakan nya ako sa kamay at hinila nya ako papunta sa kung saan.

Yung kuryente mga besssh! Dumaloy na naman sa sistema ko! Megeeeed!

Konti nalang mangingisay na ako! Ahahaha.

Dinala ako ni Kuya Air sa may tapat ng simbahan, kung saan maraming mga vendors na nagtitinda ng kung anu-ano. Hinila nya ako palapit sa isa sa mga vendors na yun.

“Ate may agimat po ba kayo?” Tanong ni Kuya Air sa Lolang tindera.

“Oho Ser. Meron po. Para saan po ba ang agimat na gusto nyo?” Tanong ng tindera.

“Uy. Para saan daw?” Tanong sa akin ni Kuya Air.

“Ahm. Para po sa pangontra sa sumpa.” Sagot ko.

“Pangontra sa sumpa ba kamo? Meron ako nyan hija.” Kuda ni lolang tindera.

Kaloka! Hija talaga? Ahahaha! Ang gando ko kasi ehhh. Hahaha. Charrrr.

“Heto. Yan ang agimat na pangontra sa sumpa. Malakas ang kapangyarihan nyan hija, lalo na kung dadasalan mo.” Kuda ulit ni lolang tindera sabay abot sa akin ng agimat na hawak nya.

Ang taray mga besssh! Ang gando ng agimat na itey! Kulay pink na kwintas na may kung anu-anong pang design na hindi ko maintindihan.

“Effective po ba talaga to Lola?” Tanong ko dito.

“Oo naman hija. Effective yan. Kailangan mo ding bumili ng insenso na tinda ko para kapag dinasalan mo ang agimat na yan, magiging epektibo talaga ang kapangyarihan nyang agimat kontra sa sumpa.” Sabe ni Lola sabay abot sa akin ng tinda nyang insenso.

Kaloka. Bakit may insenso? Pang chinese diba yun? Nakurrr.

“Magkano po lahat Lola?” Tanong ko.

“500 lang hija.” Sagot ni Lola!!!!

Mygaadddd! 500???? Eh isang daan lang ang dala kong pera!!!! Naku naman!

“Ahm pwede 100 nalang Lola?” Pagtawad ko dito. Ahahaha.

“Naku hija. Hindi pwede. Kailangan 500. Sa Capiz pa galing ang agimat na yan kaya mahal.” Kuda ni Lola.

Rwwwr! Ayaw nya. Grrrr.

“Ito po ang bayad.” Sabe ni Kuya Air at may inabot syang 500 pesos kay Lola.

Mygoosh!!! Nakakahiya! Sya yung nagbayad! Anubeee kinileg ako bessh!! Hahahah.

“Nakakahiya naman sayo Kuya. Ikaw pa ang nagbayad.” Pa-shy na kuda ko.

“It’s okay.” Nakangiting sabe nya!

Ohmygadd! Ang gwapo nya talagang ngumiti!!! Feeling ko, lumuluwang na naman yung garder ng panting suot ko. Ahahahaha. Charooot.

“Salamat Kuya.” Naka-smile kong say sa kanya.

“Baka gusto mong magpahula hija? Singkwenta lang.” Alok naman ni Lolang tindera.

Hula? Manghuhula din pala itong si Lola! Kaya pala kahawig sya ni Madam Awring. Ahahaha.

Gosssh! Gusto kong magpahula. Gusto kong malaman kung si Ethan na ba or si Kuya Air ang lalaking para sa akin! Ahahaha.

“Sige po Lola. Magpapahula po ako.” Excited kong kuda sa kaniya.

“Hindi naman totoo ang mga hulang ganyan.” Ani Kuya Air.

“Ano kaba Kuya. This is my first time to experience this Hula Hoop Moment kaya hayaan mo na ako. And don’t worry ako ang magbabayad nito. May 100 pesos pa ako sa wallet.” Kuda ko sa kaniya at umupo na ako sa tabi ni Lola habang binabalasa nya ang mga tarot cards nya.

“Awoooh! Awaaaah! Gilabooo! Sikabooo! Eklabuuu! Kalbooo!!” Nagtitirik na sabi ni Lola habang binabalasa nya ang mga cards!

Kaloka! Parang ine- epilepsy na si Lola! Jusko! Buhay pa kaya sya.

“Uy! Lola! Anyare sayo???” Tanong ko.

“Ayos lang ako hija. Pinapalakas ko lang ang kapangyarihan ng aking mga baraha para tama ang masabi ko sayong hula.” Sagot nya.

Ganun? Akala ko made-deads na sya. Ahahaha

Isa isa nya nang inihilera ang baraha nya.

“Mamili ka ng bubuksan natin.” Kuda ni Lola. Kaya binuksan ko yung card na nasa right side.

Pagbuklat ni Lola…

“Limang kawal na may puso ang nasa baraha. Ibig sabihn, may limang binata ang maghuhulog ang loob sayo.” Kuda ni Lola!!!!

Reallyyyy???? Talaga lang ha??? Eh ni isa nga walang nagkakagusto sa akin, tapos lima pa???? Kaloka naman si Lola! Ang exage manghula. Hindi ka pani-paniwala. Grrrrr.

“Naku Lola. Baka chinacharot mo lang ako d’yan. Ang haba naman ata ng buhok ko kung may limang lalaki ang magkakagusto sa akin.” Nakangusung kuda ko kay Lola.

“Iyon ang sinasabi ng baraha. Maaring lima o higit pang mga lalaki ang magkagusto sayo.” Sabe nya.

“Kanina lima? Tapos ngayon pwedeng more than pa sa lima? Yung totoo lola? Ganun ba ako kaganda para dagsain ng mga boylet ha?”

Hindi ako sinagot ni Lola, basta bigla nalang nyang binuklat ang barahang nasa left side ko.

“Pusong lumiliwanag na may nakangiting maskara. Ibig sabihin, hindi ka magugustuhan ng limang binatang iyon ng dahil sa iyong ganda, bagkus mahuhulog ang kanilang loob sayo ng dahil sa iyong busilak na puso na punong puno ng saya.” Sagot ni Lola.

At na feel ko na totoo ang sinabe nya. Gossssh!!!! Totoo nga bang may limang fafa ang magkakagusto sa akin? Mygaaaad! I’m excited to meet them na! Pwede ko silang gawing jowa ng sabay sabay! Isang boyfriend kada araw. Ganun! Palitan kung baga! May schedule dapat sila! From Monday to Friday, at beauty rest ko ng Saturday at Sunday! Ahahaha!

“Magbukas kapa ng baraha.” Utos sa akin ni Lola. Kaya I opened the cards on the middle part.

Pagbukas ko, nakita kong may dalawa parang kawal ang nasa picture ng baraha at nag-eespadahan sila.

“Ngunit. Sa limang lalaking magkakagusto sayo, dalawa lang ang tunay mong mamahalin. At gagawin ng dalawang iyon ang lahat, mapili mo lang sila.” Kuda ni Lola.

Ganern? So I will fall for two Fafas and they will fight to get my heart? Ganooon? Mygaaad mga besssh! Hindi ko kini-keri ang mga hula hoop ni Lola! Ako? Pag-aagawan?! Feeling ko talaga ang ganda ganda ko na! Ahahaha!

“Fita let’s go. Kailangan ko ng puntahan yung kaibigan ko. Tumawag na sya sa akin.” Pagsingit ni Kuya Air.

Naku naman! Mamaya na Kuya! I’m excited to know more hula pa kay Lola ehhhh.

Bago pa ako tumayo, mabilis kong binuksan yung isa pang baraha na nasa gitna. At ang nakita kong drawing sa card ay baby na may palakol sa likod! Mygaaaad! Ano ibig sabihin nun????

“Fita let’s go.” Pag-aya ulit sa akin ni Kuya Air. Kaya tumayo na ako sa pagkakaupo ko, maglalakad na sana ako palapit sa kanya ng hawakan ako ni Lola sa braso ko.

“May biyayang darating sa inyong pamilya, isang bagong miyembro. Ngunit may kaplit ang pagdating nya. Isang buhay!” Kuda ni Lola!

Bigla akong kinilabutan sa sinabi nya!!!

Ano kaya ibig sabihin nun????

Hinawakan ako ni Kuya Air sa kamay at hinila nya na ako palayo kay Lolang manghuhula.

“Don’t believe with those things that she said. Hindi totoo ang mga hula.” Sabe ni Kuya Air habang naglalakad kami pabalik sa naka-park nyang sasakyan.

“Pero, feeling ko totoo yung mga sinabi nya.” Sagot ko

“That’s what they want. They will do their best to persuade their customers to believe what they said.” Sabe nya ulit.

“Oh my gossh Kuya!!!” Gulat na sabi ko.

“Bakit?” Alalang tanong ni Kuya Air.

“Nakalimutan kong magbayad kay Lola sa panghuhula nya sa akin!” Sagot ko!

“Hayaan mo na. Hindi rin naman totoo ang mga hula nya sayo.” Kuda nya hanggang sa makarating na kami sa tapat ng kotse nya.

Nag-aalala pa rin ako sa hulong barahang nabuksan ko.

Ano kayang ibig sabihin ni Lola sa hula nya sa aking iyon???

Feeling ko may good thing at bad thing na mangyayari soon.

Nakaka-kaba tuloy mga besssh! Sana walang bad thing na mangyari! Sana puro good thing nalang!

Baka hindi kayanin ng pink kong puso kung may masamang pangyayari ang dumating! Huhuhu.

Pero anyway!

I’m sooooo egggggciteddd! Ahahaha!

May lima or more than pang Fafa ang magkakagusto sa akin!!!

Sino sino kaya sila????

Mga gwapo kaya sila????

May mga abs ba sila??? Ahahaha! Abs talaga? Bakit ba?! I like pandesal eh.

And Gosssh. Sino kaya yung dalawang lalaking mag-aagawan makuha lang ang puso ko? Totoo bang mamahalin ko sila?

Kaloka naman! Bakit dalawa pa!

Maloloka ako neto eh!

Ayoko na! Uwian na mga besh.

I’m so very tired of being gorgeous!

Ahahaha! Charooot.

Nababaliw na ako.

Yung gamot ko please. -__-


Itutuloy. . .

Paaakkk 20

As of this moment, My Four Homophobic Stepbrothers has been ranked #03 in HUMOR Category!!!!

Mygaaaad! Pang third na tayo mga bessshh! Pang third! Nakakaloka!!!!!

👏👏👏🎉🎉🎉🎉🎉🎉👏👏👏

Salamat sa patuloy na pagsuporta at pagbabasa sa story kong ito. Stay Reading, Voting and Commenting mga besssh!

Thank you guys! Muaaah!!! 😘😘


• FITA’S POV •

Pag-uwi namin ni Kuya Air sa bahay. . . .

Agad akong umupo sa sofa sa may sala dahil sumakit ang flawless legs ko sa pagrampa namin ni Kuya Air sa Quiapo.

“Napagod ka?” Tanong ni Kuya Air.

“Medyo. Ang sakit ng binti ko.” Sagot ko.

Nagulat ako nang biglang umupo si Kuya Air sa sahig at mabilis nyang hinawakan ang binti ko.

“Ganito yung ginagawa noon sa akin ni Mom kapag sumasakit ang binti ko.” Kuda nya at dahan dahan nyang pinisil at minasahe ang binti ko!

Mygaaaad! Ang charap! Super sarap sa feeling mga bessh! Uggggh! Sigeee pa Kuya Air! Pisilin mo pa! Diinan mo pa! Ang sarap! Ahahaha.

“Aaahh!” Kuda ko! Goooshh! Napaungol tuloy ako sa sarap ng pagmamasahe nya. Ahahaha.

“It feels good right?” Nakangiti nyang sabe.

“O-opo Kuya.” Naka smile ko namang sagot! Ahahaha.

Grabe na to mga bessshh! Hindi ko alam kung totoo ba itong nangyayari o isa lang itong imagination.

Ang dating suplado, antipatiko, at galit na galit na si Kuya Air ay bigla nalang naging mabaet at maalagang nilalang! Kaloka! I can’t believe this is happening na.

“Ehem! Ehem!” Rinig naming pag ubo ng isang boses na galing sa kung saan.

Kaya sabay kaming napalingon ni Kuya Air sa may hagdan at nakita namin na pababa doon si Kuya Ace.

Agad binitawan ni Kuya Air ang binti ko at mabilis syang tumayo.

“Sige Fita. Punta lang ako sa kwarto ko.” Paalam ni Kuya Air at mabilis syang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto nya.

Grrrrr! Kaines na Kuya Ace na yan! Panira ng moment!!!! Bigla bigla nalang sisingit sa eksena!!!! Kung kailan sarap na sarap na ako sa pangmamasahe ni Kuya Air eh. Tsaka sya susulpot! Urrr.

Naglakad palapit sa akin si Kuya Ace at umupo sya sa tabi ko sa sofa. Kaya naman inirapan ko sya ng buong husay dahil sa pagkaimbyerna ko.

“Oh? Anong nagawa ko? Bakit nang-iirap ka d’yan?” Tanong nya.

“Tseeee. Ewan ko sayo.” Mataray kong sagot sa kaniya.

“Hahaha. Parang alam ko na. Nagagalit ka dahil natigil ang pagmamasahe ni Kuya sayo? Right? Bakit nasarapan ka ba?” Natatawang sabe nya. “Gusto mo ako nalang magmasahe sayo? Paniguradong mas masasarapan ka.” Nakangisi nya pang tanong!!!!

“Tseeee. Hindi noh. At ayaw kong magpanasahe sa manyak na tulad mo!” Inis kong sagot at tatayo na sana ako sa sofa nang bigla akong hilahin ni Kuya Ace palapit sa kanya!!!!

Nasubsub ako sa matigas nyang dibdib!!!!

“Alam mo masyado kang pakipot.” Kuda nya habang mahigpit nyang hawak ang dalawa kong braso habang nakasubsub ako sa dibdib nya!!!

“Anong pakipot! Ang kapal mo naman! Bitawan mo nga akong manyak ka!” Pagpupumiglas ko.

Bigla nyang ni-lock ang dalawa nyang binti sa may hita ko. Kaya hindi na ako makagalaw!!!!

“Ano ba! Sabing pakawalan mo ako eh!” Sigaw ko sa kaniya.

“Ang bango mo pala Fit.” Kuda nya sabay amoy sa buhok ko!

Grrrr! Narinig ko na naman ang FIT na yan! Sabing ayokong tinatawag akong FIT ehhhh!!! Namumuro na talaga sa akin ang manyak na to! Konti nalang bibingo na talaga sya sa akin! Rwwwwwr!

Tapos kinilabutan ako nang bigla nyang amuyin yung batok ko!!!!

“Ang bango.” Sabe nya! “Nakakaadik.” Dagdag nya pa!!!!!

Pashneya!!!! Sagadsagaran na talaga ang pagkamanyak ng halimaw na to!

“Bitawan mo ko sabe! Manyak! Manyak!!!!” Sigaw ko ulit.

“Anong nangyayari dito?” Biglang tanong ng kung sino.

Sabay kaming napalingon ni Kuya Ace sa kaliwa namin at nakita naming nakatayo doon si Kuya Ash habang salubong ang dalawa nitong kilay!!!

Mabilis akong binitawan ni Kuya Ace kaya nakahinga na ako ng maluwag! Grrrr!

“Wala Bro. It’s nothing. Don’t mind us.” Sagot ni Kuya Ace kay Kuya Ash.

“Anong wala! Minamanyak mo ako!” Imbyernang kuda ko at nakita kong nakabukaka si Kuya Ace kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon para gantihan sya!

Buong pwersa ko syang sinipa sa kahinaan nya!!!! Ahahaha!

“Shiiitttt!!!” Bulalas nya nang masipa ko ang junior nya!!!

Namilipit sya sa saket bessh!! Ahahaha! Mabuti nga sa kanya! He deserve that kick of mine! Ganun!

Mabilis akong nag-run away paakyat ng hagdan pero bago pa man ako makarating sa second floor eh biglang may humawak sa braso ko.

At paglingon ko….

Si Kuya Ash pala!!!! At mygaaad! Seryoso syang nakatingin sa akin!

“Ba-bakit?” Kinakabahang tanong ko.

Baka kasi igaganti nya ang manyak na yun! Nakurrrr! Huwag nya sana akong ihulog dito sa hagdan!!!

“May nakakalimutan ka yata.” Kuda nya.

“Ha? A-ano na-naman yun?” Utal kong tanong.

“Yung one on one natin. I want to do it now!” Seryoso nyang sabe.

One on one???? Meron ba akong sinabing ganun? Ahahahaha! Oo nga pala! Yung one on one! Kaya pala naka jersey na syang outfit. Mukhang reding ready na sya sa game!!!!

Homygaaaaaaddd!!!! Nakalimutan kong bumili ng good luck charm para sa one on one game namin ni Kuya Ash! Goooossssh! Baka matalo ako!

“Ah. Pu-pwede bu-bukas nalang.”

“No! I want to do it now!” Matigas nyang sabe.

“Now? As in ngayon na? Ang bilis naman Kuya.”

“Matagal tagal na akong walang nakakalaro. I’m bored. Kaya maglaban na tayo ngayon!” Matigas nya ulit na sabe.

“Okay! Okay! Now na as in now. Eh saan naman tayo maglalaro?” Tanong ko.

“At the backyard. May court sa likod ng bahay.” Sagot nya.

“Talaga? Meron? Bakit hindi ko yun nakita?” Gulat kong tanong.

“Ang dami mong tanong! Magbihis ka nalang! Bilis!” Imbyerna nyang sabe sa akin at pinaikutan nya pa ako ng mata!

“Oo na! Magbibihis na po! Nagmamadale? May lakad.” Say ko naman at mmrumampa na ako papunta sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Maiksing short na pang basketball ang suot ko at syempre may ka partner itong fitted na sando, para naman lumabas ang ka-sexihan ko! Ahahahaha.

Syempre, I wear my new rubber shoes na kulay pink na binili sa akin ni Fafa Ark, and of course may ka partner itong medyas na hanggang tuhod ko. Wahaha!

Okay!

Game!

I’m ready to fight na!!!

Nag-tsunami walk ako papunta sa backyard kung saan nadoon ang court.

At pagdating ko dun, nakita kong nasa gitna na ng court si Kuya Ash habang hawak hawak nya yung basketball ball.

Mygaaaad! Bigla akong kinabahan mga besssh! Feeling ko ma lo-lose ako. Ganun.

“Go Ser Fita! Kaya mo yan!” Rinig kong pag-cheer sa akin ng kung sinong nilalang.

Kaya nagpalinga-linga ako at nakita kong nakaupo sa bleacher sina Manang Yolly, Ate Mimi, Deedee at Lily. At lalo pa tuloy akong kinabahan nang makita ko ding naka upo doon sina Kuya Air at Kuya Ace!!!

Anak ng tokwa!!!! Bakit nandito sila??? Siguro sinabi ng halimaw na Ash na to na magwa-one on one kami. Para eka may makapanuod ng pagkapanalo nya at nang pagkatalo ko.

Grrrrrrr.

Nag-invite pa talaga sya ng audience ha!

“Go Ser!” Pag-cheer sa akin ni Manang Yolly. At kaloka! May pa banner sila!!!!

Okaaaaay! I have supporters , so I need to do my very best in this game. Kailangan kong matalo si Kuya Ash kahit napaka imposible. Rwwwr.

Bathalang Emre! Kayo na pong bahala sa akin! Nawa’y basbasan mo ako gamit ang apat na brilliante. Ahahahaha. Charroot.

“Ano pang hinihintay mo? Let’s start the game!” Sigaw sa akin ni Kuya Ash nang makita nya ako.

“Oo na po! Papunta na.” Imbyernang kuda ko. Nagmamadali talaga ang halinaw na to. Nagmamadali syang matalo ako. Huhuhu.

Naglakad ako palapit sa kanya. Biglang bumilis ang kabog ng flat kong dibdib. Sobra na talaga akong kinakabahan! Jusko.

“This is the rule of this game! Kung sino ang unang maka 20 points sya ang panalo! Kuha mo?” Seryosong sabi nya.

“Opo. Gets ko.” Sagot ko.

“Air will be the scorer and Ace will be the referee. Kaya ihanda mo na ang sarili mo bakla sa pagkatalo mo.” Kuda nya

Grrrr. Talagang nag-conclude na sya na sya na talaga ang mananalo. Nakurrr! Hindi ako papayag!

Lumapit si Kuya Ace sa gitna namin ni Kuya Ash at kinuha nya ang bola.

“The game begin in… Three…two…one!” Kuda ni Kuya Ace at pumito sya ng malakas sabay hagis ng bola sa ere!!!!

Ohmygaaad! Eto na! Magsisimula na!!!!

Dahil may kaibigan akong mga palaka, tinuruan nila ako nuon kung paano tumalon ng mataas, kaya naman ako ang nakakuha ng bola dahil sa super high kong jump! Ganun. Ahahahaha! Yes! The ball is mine!

Agad akong nag-dribble at tunakbo papunta sa ring ko!

Kailangan ako ang unang maka-pointsssss!

“Go Ser Fita! Goooooo!” Walang humpay na pag-cheer sa akin nila Manang at Ate kaya naman lalo tuloy akong ginanahang maglaro.

At ayan na!!!!

Malapit na ako sa ring!!!!

At ayannnnnn!!!!!

SLAM DUNK!!!!!

Pasooooookkk mga bessshhh!!!!

Ohhhh yeaaahhhh!!!!

Mahusay Fita!

“Naka-tsamba ka lang.” Inis na kuda ni Kuya Ash at ayun! Mabilis nyang inagaw ang bola!

Mygaaaaad! Kailangan ko syang habulin!!!!

At ayun na nga mga besssh! Tumakbo ako ng bonggang bongga!!!

Kaya lang may nangyari!!!!

Naapaakan ko yung sintas ng sapatos ko kaya ayun! Plakda ako sa sahig!

Gooosssh! Ang sakeeeeet!!!

Mabilis akong tumayo. Hindi dapat ako maging mahina! Kailangan kong magpakatatag!

“Go Ser! Kaya mo yan! Labaaan!” Pag-cheer ulit sa akin nila Ate.

Kaya lang hindi ko na naabutan si Kuya Ash! Kaya naka pag-slam dunk din sya! Grrrrrr

Lumipas ang ilang sandali, naka 18 points na si Kuya Ash! Samantalang ako nakaka-17 points palang!!!!

Mygaad! Isa ang lamang nya sa akin! Isang shoot nya nalang matatalo nya na ako. Pero kapag naka-three points shot ako, matatalo ko sya!

Okay!!!!

Kailangan ko nang galingan!

I need to exert my full power to the highest level! Ganun!

Nasa akin na ngayon ang bola mga besssssh! Kaya kailangan kong maka three-point shot para matalo ko ang halimaw na to.

Nakaharang sya sa dinaraanan ko at pilit nyang inaagaw ang bola sa akin.

Halos parehas na kaming naliligo sa pawis! Basang-basa na kami! At feeling ko. Haggard na haggard na ang fess ko! Megged!

Nalusaw na ata ang beauty ko! Kaloka!!!

“Ako ang mananalo!” Kuda ni Kuya Ash habang inaagaw nya sa akin ang bola.

“In your dream!!!” Ganti ko naman at mabilis akong tumalon ng sobrang taas.

Tumalon din si Kuya Ash ng sobrang taas.

Kaya naman buong pwersa at buong husay kong hinagis ang bola papunta sa ring!!!!

Ma-shoot ka!

Ma-shoot ka!!!!!

Pleaseeee!!!!

Sinubukan pang hampasin ni Kuya Ash ang bola pero hindi nya na ito nagawa. Kaya naman tunama sa mukha ko ang kamay nya!!!!

Natumba ako sa sobrang lakas, pero naramdaman ko ang pagkabig sa akin ni Kuya Ash kaya hindi ako ang tumama sa sahig kundi sya.

Nakapatong ako ngayon sa ibabaw nya! Rinig na rinig ko ang mabilis na pagpintig ng puso nya dahil sa hingal at pagod. Parehas kaming naghahabol ng hininga.

Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng pagkakahampas ni Kuya Ash sa mukha ko at feeling ko, namumula at may pasa na ang mukha ko. Ganun.

“Yeeeyy! Shoot! Na-shoot Ser! Ikaw ang panalo!” Rinig kong tuwang tuwang kuda nila Ate. Kaya naman dinilat ko ang mata ko.

“You won.” Biglang sabe ni Kuya Ash.

“Oo. Natalo kita!” Proud kong sabe.

“I can’t believe na natatalo mo ako. By the way, Congrats.” Nakangiti nyang sabe.

Homygaaad? Totoo ba ito? Nginitian nya ako? Kaloka!!!!

“ASH! AIR! ACE! SUMUNOD KAYO SA AKIN! NGAYON NA!!!” Galit na sigaw ni Kuya Axe.

Ha? Magaling na pala sya?! Nakurrr! Bakit? Dapat hindi na sya gumaling!!! Grrrrr. Bigla bigla nalang syang eeksena!

“SUMUNOD KAYO SA AKIN!!! BILIS!!!!” Sigaw ulit ni Kuya Axe kila Kuya Ash.

Kaya naman tumayo na ako mula sa pagkakapatong ko kay Kuya Ash.

“Papunta na.” Sagot ni Kuya Ash at mabilis syang tumayo at naglakad papunta kay Kuya Axe. Sumunod na din naman sina Kuya Air at Kuya Ace.

Bakit kaya galit na galit ang halimaw na Axe na yun kila Kuya Ash? Kung makasigaw sya halos lumuwa na yung tonsil nya.

Grrrrr.


Itutuloy. . .

Paaakkk 21

• AUTHOR’S NARRATION •

“Bilis!” Galit na saad ni Axe sa tatlo nyang kapatid habang naglalakad sila papasok sa loob ng mansyon.

“Bakit kaya galit si Kuya?” Tanong ni Ace kay Air.

“I dont know Bro.” Sagot naman ni Air.

“This is the very first time na sinigawan nya tayo. Maybe we really did something bad.” Wika naman ni Ash.

Wala silang kaalam alam sa dahilan kung bakit nagagalit si Axe, kaya kung anu-anong tanong ang tumatakbo sa kanilang isipan.

Pagdating nila sa sala, umupo sa sofa sina Ash, Ace at Air habang si Axe naman ay nakatayo sa kanilang harapan.

“Anong nangyayari sa inyo ha?” Matigas na tanong ni Axe sa tatlong kapatid.

“What do you mean Bro?” Kunot noong tanomg ni Ace.

“Napanuod ko ang lahat ng mga pinaga-gagawa nyo sa cctv!” Galit na sagot ni Axe dito.

“Bro, we don’t get what you mean. Ano ba ang gusto mong sabihin? Ano bang nagawa namin?” Tanong naman ni Air.

“Kayo! Kayong tatlo! Bakit kayo lumapit sa baklang yun ha?! And shit!!! Why it seems that you’re treating that faggot nicely! Bakit bigla kayong bumait sa baklang yun!!! Baka nakakalimutan nyo na, na galit tayo sa tulad nya!!!” Galit na saad ni Axe sa mga kapatid.

Natahimik ang tatlo, dahil naunawaan na nila kung bakit nagagalit si Axe sa kanila.

“Sorry Bro.” Ani Ash dito.

“This is the last time na makikita ko kayong lalapit sa baklang yun! Maliwanag?!” Deklara ni Axe sa tatlo.

“But Bro, okay naman siya. He’s a nice person. Though he’s gay, it doesnt mean katulad na sya ng mga baklang kumidnap sa atin noon. He’s different.” Pahayag naman ni Air sa kapatid.

“Nice person? Different? Fvck!!! Pare-parehas lang ang mga bakla! They’re all the same person!! Ayoko ng maririnig na ipagtatanggol mo ang baklang yun sa harap ko Air, dahil if you did that again, magkalimutan na tayo.” Matigas na sagot ni Axe dito. “Naiintindihan mo?!” Dagdag pa nito.

“Ye-yes Bro.” Tugon ni Air dito.

“Totoo naman ang sinabi niya, Fita is a nice person. At iba sya, hindi sya tulad ng mga baklang kinamumuhian mo o natin Bro. He’s now part of our family, kaya we need to treat him nicely. Wala namang dahilan para magalit tayo sa kaniya dahil mabait at maalaga namang sya. He took good care of us nung nagkasakit tayo. Doon palang mapapatunayan na natin na hindi sya gaya ng baklang iniisip mo Bro.” Pahayag naman ni Ace kay Axe.

“Tama na! Ayoko ng maririnig pa ang mga salitang yan sa bibig nyo! Alam nyo ang pinagdaanan ko sa mga baklang gaya nya! At ginawa ko yun para sa inyo! Tiniis ko ang lahat ng kababuyang iyon para sa inyo! Nasasabi nyo lang ang ganiyang salita dahil hindi nyo pinagdaan ang napagdaanan ko! Hindi nyo naranasan ang hirap na dinanas ko para lang iligtas kayo! Huwag na huwag nyo yung kakalimutan!” Galit na saad ni Axe sa mga kapatid.

“This is the last time na maririnig ko ang ganiyang mga salita sa bibig nyo. This is the last time na lalapit kayo sa baklang yun! Kung naaalala nyo pa ang utang na loob nyo sa akin, susundin nyo ang sinabi ko. Dahil kung hindi, I’ll forget you as my brother.” Dagdag pa ni Axe at mabilis syang naglakad papunta sa silid nya.

“Sundin nalang natin si Kuya. Ibalik na natin ang dati. We need to treat that gay in a hard way again.” Saad ni Ash sa dalawang kapatid.

“Wala naman tayong magagawa. Ang laki ng utang na loob natin kay Kuya. He saved us, kaya kahit mahirap kailangan ulit nating maging masama kay Fita.” Pag-sang ayon naman ni Air.

“Tsk. Back to start again.” Labas sa ilong na sabi ni Ace sabay buntong hininga.


• FITA’S POV •

“Bakit kaya beast mode na naman ang halimaw na Axe na yun!” Kuda ko.

“Baka po may dalaw na naman Sir.” Sagot ni Ate Mimi.

“Lagi naman yung may dalaw eh! Kaloka sya.” Say ko naman.

“Huwag nyo nalang po intindihin si Ser Axe. Ang importante ngayon Ser ay ang pagkapanalo mo. Nanalo ka Ser!” Natutuwang kuda ni Manang Yolly.

Gosssssh! Oo nga pala! I won! I won! I won! Nanalo ako mga besssh! Ahahaha!

“Congrtas Sir!” Say naman ni Ate Lily.

“We need to celebrate my winnings. Kaya Manang, mga Ate! It’s party time!!!” Declare ko.

Ahahaha. Its party time na mga bessh!!!

“Magluluto ako ng masarap Ser.” Natutuwang sabe ni Manang.

“Tutulong po kami Manang.” Kuda naman ni Ate Deedee.

“Osige po! Tutulong din ako! Gusto kong kumain ng pizza!!!” Excited kong sabi. Ahahaha.

At ayun na nga ang nangyari mga besssh. Nagkaroon na naman kami ng cooking show sa kusina.

Naghanap si Manang ng cook book kung paano lutuin ang pizza. At syempre, nagluto din ako ng favorite kong spaghetti!!! Ahahaha.

Nagsasayawan at nagkakatanhan kami habang nagluluto sa kusina.

Mygaaaddd! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na matatalo ko si Kuya Ash! Tapos kanina, nginitian nya pa ako! Ano kayang ibig sabihin nun? Hindi na rin kaya sya galit sa akin? Megeeeeddd!!!! Parang isa isa na atang bumabait ang mga halimaw na yun sa akin. Ahahaha!

Makalipas ang ilang sandali, natapos na kami sa cooking show!

Inihain na nila Ate Lily, Mimi at Deedee ang mga niluto namin ni Manang sa dinning area.

Pizza, spaghetti, fried chicken, sandwich, at kung anu-ano pang mga pagkain ang niluto namin! Ahahaha! Fiesta ang ganap namin mga besssh! Magpapakabusog kami! Dahil nanalo ako!

“Kaya ba nating ubusin ang lahat ng ito?” Tanong ni Ate Deedee

“Parang hindi. Masyadong madami to eh.” Sagot naman ni Ate Mimi.

“Ahm. Alam ko na! Tatawagin ko sila Kuya para saluhan tayo sa party kong ito!” Say ko naman.

“Sige pi Ser. Mas marami mas masaya. “ Kuda naman ni Manang.

“Okay. Go Sir.” Sabi naman ni Ate Lily.

Kaya hindi ko na inaksaya ang panahon, agad akong nag catwalk papunta sa mga kwarto ng mga halimaw na yun.

Una kong pinuntahan yung kwarto ni Kuya Ash. Nang makarating na ako sa harap ng pinto nya ay agad akong kumatok.

Tok! Tok! Tok!

Ilang saglit pa, may narinig akong yabag ng mga paa na papalapit sa pinto.

Unti-unting bumukas ang pinto.

“Hi Kuya! May party kasi kami nila Manang sa baba, gusto sana kitang ayain.” Pasweet na sabi ko.

“Ayoko! At huwag na huwag ka ng pupunta pa dito sa kwarto ko! Nakakabala ka!” Seryoso nyang sabi sa akinsabay sara ng pinto.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig na galing sa ref sa sinabing iyun ni Kuya Ash.

Anong problema nya? Bakit parang nagagalit sya sa akin? Kanina lang nginitian nya pa ako tapos ngayon? Bigla bigla nalang syang magihing suplado ng ganiyan?

Grrrrr! Baka na-realized nya na hindi nya matanggap na natalo sya sa basketball ng isang sirenang gaya ko! Kaya siguro nagagalit sya sa akin!

Akala ko naman bumait na sya! Hindi pa pala! Halimaw pa rin sya gaya ng dati!

Kaya naman, sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Ace. Gaya kanina, kumatok ako ng tatlong beses.

“Sino yan?” Rinig kong tanong nya mula sa loob.

“Si Dyosang Fita to.” Sagot ko.

Dyosa talaga? Ahahaha! Bakit ba? Ingget lang kayo eh! Hahaha! Charooot!

Ilang saglit pa’y binuksan na ni Kuya Ace ang pinto.

“Hello Manyak! May party kami sa baba nila Manang. Gusto mong makisali? Marami kaming nilutong pagkain.” Nakangiti kong pag-aya sa kaniya.

Tinignan nya ako ng seryoso nula ulo hanggang paa.

“Ngayon ko lang na realize, hindi ka pala maganda, hindi ka din pala sexy sa pagkakaakala ko. Ang panget mo. Kaya don’t worry hindi na kita mamanyakin pa, dahil nakaka-umay ka.” Sabe nya at mabilis nyang sinara ang pinto!!!!

Para akong sinampal ng tsinelas sa mukha sa mga sinabing iyun ni Kuya Ace!

Ako? Hindi maganda?

Ako? Hindi sexy?

Ako? Nakaka-umay?!!!!

Bweseeeeettt sya!!!!

Ang kapal naman ng mukha nyang sabihin sa akin yun!!!! Pagkatapos nya akong amoy amuyin kanina? Tapos bigla nalang syang nau-umay sa akin? At pagsasalitaan nya pa ako ng masasakit na salita?!!!

Boseeeeet talaga sya!!!!!

Kailangan kong patunayan sa halimaw na yun na sexy ako! At hindi ako panget!!!! Makikita nya! Magpapaganda pa ako ng lalo! Kung kailangan magsuot pa ako ng sobrang iksing short gagawin ko! Maipamukha ko lang sa halimaw na yun na mali sya!!!!

Bwisit sya! Grrrrrrr!!!!

Huli kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Air. Mukhang sya nalang ata ang makakasama namin sa party. Sya lang naman kasi ang pinaka mabaet sa apat na magkakapatid.

Tulad kanina, kumatok ako ng tatlong beses. Ilang segundo pa ang lumipas, dahan dahan nang bumukas ang pinto.

Muli kong nasilyan ang gwapong mukha ni Kuya Air! Awwww! Awww! Awww! Naka sando lang sya mga bessh! Ang muscles nya! Nakakagigil. Ahahaha!

“Hello Kuya! May party kami nila Manang at Ate sa baba. We are celebrating yung pagkapanalo ko kay Kuya Ash. Gusto mo bang maki-join sa amin?” Naka-smile na pag-aya ko sa kaniya.

“No thanks. Ayoko.” Walang buhay nyang sagot sa akin.

“Ganun? Ayaw mo? Bakit? Busy kaba? May gagawin kaba? “ Malungkot kong sabi sa kaniya.

“Ayoko nga. Ang dami mong tanong! Nakakairita kana.” Inis nyang sabi sa akin. “ Umalis ka na nga! At huwag na huwag ka ng pupunta pa dito! Naiintindihan mo?!“ Dagdag nya pa at kasabay noon ang malakas nyang pagsara sa pinto.

Parang tinusok ng isang libong thumbtacks yung puso ko mga besshhh!

Ang sakit!

Hindi ko na naiwasang mapaiyak.

Hindi ko inaasahan na gagawin sa akin ni Kuya Air yun, hindi ko inasahan na pagsasalitaan nya ako ng ganun! Hindi ko yun ini-expect!

Bakit?

Bakit bigla nalang syang nagbago?

Bakit bigla nalang syang nagalit sa akin, samantalang kanina, minasahe nya pa nga yung binti ko.

Ano bang nangyari sa kaniya?

Bakit bigla nalang syang bumalik sa dati?

Bumalik sya sa pagiging halimaw nya!!!!

At ang sakit sakit nun mga bessh!

Akala ko okay na kami, akala ko bumait na sya sa akin, tapos ngayon? Back to monster na ulit sya????

May nagawa ba akong mali?

Anong nagawa ko?

Bakit parang nagsimula na naman ulit ang lahat sa umpisa?

Halimaw na naman ulit sila. 😢


Itutuloy. . .

Paaakkk 22

Enjoy Reading mga Besssh! 😊


• FITA’S POV •

Nawalan na ako ng gana para kainin ang mga niluto namin ni Manang para sa party ko.

Hindi pa rin ako makapag move-on sa lahat ng nangyari.

Ang sakit sakit pa din mga bessh! Yung akala mong okay na, hindi pa pala! Grrrrrr.

Nandito ako ngayon sa kawalan, I’m walking all by myself habang nag-eemote ako.

Naisip kong maglakad lakad dito sa subdivision na ito. Ang ganda at ang lawak din kasi dito kaya I decided to walk nalang para mapag-isa.

“Beeeep! Beeeep! Beeeep!” Malakas na pagbusina sa akin ng isang sasakyan!

Mygaaaad! Halos mag-jumping rope yung puso ko sa sobrang gulat! Boooset! Humanda sa akin ang driver ng kotseng yun! Grrrrr.

Nilapitan ko yung kotse. Mukha itong pamilyar, pero wala akong pake! Ginulat nya ang beauty ko! Kaya humanda sya sa akin!

“Hoy! Hindi naman ako nakaharang sa kalsada! Kung makabusina ka naman parang wala ng bukas!” Imbyernang kuda ko habang nasa tapat ako ng bintana ng kotse.

Unti-unting bumababa yung bintana ng sasakyan, at bigla ko nalang nasilayan ang isang gwapong nilalang! Megeed!

“Hehe! Sorry. I just wanna get your attention.” Nakangiting sagot ni Ethan!

Josko! Ang gwapooooo! Humihina na naman yung kapit nung panty liner ko! Mygad. Ahahaha.

Parang biglang nabuhayan ako ng dugo nang makita ko si Ethan! Na miss ko sya agad! Pa-kagat naman po Ahahaha.

“Ikaw lang pala yan. Akala ko kung sino na.” Sagot ko naman in sweet way! Ganun.

Bumaba si Ethan mula sa sasakyan nya at nilapitan nya ako.

“Bakit parang wala ka na naman sa sarili mo?” Tanong nya.

“Ha? Hindi no. Naglalakad-lakad lang kaya ako.” Sagot ko naman.

“Mukhang malalim ang iniisip mo eh.” Kuda nya naman. “May nangyari ba?” Tanong na pa.

“Ahm. Ano–kasi—” Putol na sabi ko.

“Yung mga Kuya mo? May ginawa na naman sila sayo? Right?” Sabi nya. Tumango lamang ako bilang tugon.

“Ano? Ano na naman ang ginawa nila sayo? Did they hurt you?” Sunod sunod nyang tanong.

“They didn’t hurt me physically, but they hurt me emotionally.” Sagot ko. Paaak! English yun wah. Ahahaha.

“How? Ano bang gimawa nila?” Tanong nya.

“Kasi, nitong nakaraang araw, ramdam ko na bumabait na sila sa akin. Ngini-ngitian pa nga nila ako eh. Pero kani-kanina lang, bigla nalang ulit silang naging halimaw. Kaya nakakalungkot, na akala ko okay na ako sa kanila, hindi pa pala.” Madramang sagot ko kay Ethan.

Tapos bigla nya nalang akong inakbayan!!!!

Mygaaad! May dumaloy na namang kuryente ng Meralco sa sistema kp! Ahaha.

“Huwag mo nalang silang intindihin. Mukha kasing wala ng pag-asa pang bumait ang apat na yun sayo. Don’t be sad, nandito naman ako, pwede mo naman akong ituring na parang Kuya mo.” Nakangiti nyang sabeee! Habang titig na titig sya sa mata ko!!!

Ituring na Kuya??? Ayoko nga no! Ayoko! Gusto ko boyfriend! Boyfriend! Ganun! Ahahaha. Charrrot!

“Ahm. Ethan, gusto mong pumunta sa bahay? May party kasi kami kanina nila Manang but I lost my appetite because of what happened kanina sa amin nila Kuya, kaya hindi natuloy ang party.” Kuda ko.

“Party? Bakit may party?” Tanong nya.

“Ahm. Natalo ko kasi sa basketball si Kuya Ash.” Pa-dweet kong sagot. Ahaha.

“Really?” Gulat na gulat nyang sabe. “Natalo mo sya? But he’s the MVP of our school. Totoo ba yan?” Dagdag nya pa.

Oh diba? Hindi sya makapaniwaka. Ahahaha. Masyado kasi akong maganda para sa basketball. Wala sa hitsura ko. Hahaha! Charooot.

“Yes. I defeated him. Nag-one on one kasi kami kanina at ayun natalo ko sya kaya naisip nila Manang na magpa-party because of my triumph.” Sagot ko, proudly.

“Wow. I can’t imagine magaling ka pala mag-basketball.” Nakangiti nyamg sabi.

Ahaha. Amg gwapooo talaga. Rwwwr.

“Opo. Gusto mo, one on one din tayo.” Sabi ko naman sabay smile.

“Hehe. Ayoko. Matatalo mo lang ako. Huwag nalang.” Nakangising sabe nya.

“Buti alam mo. Ahahaha.” Natatawang biro ko naman. “But anyway! Tara na sa amin Ethan. Kainin na natin yung mga niluto ni Nanang at niluto ko para sa party.” Kuda ko pa.

“Marunong kang magluto?” Tanong nya ulit.

Oh diba? Hindi rin mahilig magtanong si Ethan no? Ahahaha

“Yes. Bata palang sanay na akong magluto. I can cook many food dishes.” Sagot ko.

“Wow. Ikaw na talaga Fita. You’re so blessed to have those skills.” Ani Ethan.

“Naku, chinacharot mo lang ako eh. Let’s go na sa bahay. Nagugutom na ako.” Say ko naman then I grab his arm at inakay ko na sya para maglakad.

“Wait.” Pagpigil nya

“Bakit?” Tanong ko.

“I have my car. Tara.” Kuda nya then he grab my right hand at naglakad kami palapit sa sasakyan nya!

Megeeed! Hawak kamay! Di kita iiwan sa paglakbay! Dito sa mundong walang katiyakan. Hawak kamay! Ahahaha! Anubeeee!

At ayun na nga ang nangyari mga besssh.

Ethan drive his car to our house and after a minute of driving we finally reached it. Oh! English ulit yan! Ahahaha.

Naglakad na kami papasok sa loob, at nang mapadaan kami ni Ethan sa sala, nakita namin ang apat na halimaw na kumakain doon.

Sabay sabay silang napatingin sa amin ni Ethan. At kitang kita ko ang ekpresyon ng kanilang mukha! Pare-parehas silang nagulat.

Pinaikutan ko lang sila ng mata then hinawakan ko yung kamay ni Ethan at naglakad na kami papunta sa dinning area.

Pagdating namin sa dinning area. . .

“Upo ka Ethan, ipaghahain kita.” Kuda ko.

“Okay. Thanks.” Nakamgiti nyang sabi.

Kaya naman rumampa na ako papunta sa ref para kunin ang mga niluto namin ni Manang kanina. Iinitin ko nalang ang mga yun sa microwave.

Pero pagbukas ko ng ref…

Wala na doon ang mga pagkain na niluto ko!!!!!!

Mygaaad! Saan yun napunta???

Bigla kong naalala yung apat na halimaw na yun! Kumakain sila sa sala! Baka! Baka yung pagkaing niluto ko yung kinakain nila!!!!

“Ethan wait lang ha. May kukunin lang ako.” Paalam ko dito.

“Okay. Go ahead.” Sagot nya.

Kaya mabilis akong nag-tsunami walk papunta sa sala para tignan yung mga pagkaing kinakain ng mga halimaw na yun!!!

At pagdating ko doon, hindi nga ako nagkamali! Yung pagkaing niluto ko nga yung kinakain nila! Grrrrrrr! Mga patay gutom kayo! Kinain nyo ang pagkain ma para dapat sa amin ni Ethan! Humanda kayo sa akin ngayon! Rwwwwr!

“Magaling! Magaling! Magaling!” Kuda ko habang pumapalpak ako.

Sabay sabay silang napatimgin sa akin.

Naglakad ako palapit sa kanila.

“Sinong nagsabi sa inyo na pwede nyong kainin yang pagkain na niluto ko ha?” Mataray kong tanong sa kanila.

“Ikaw pala ang nagluto? Kaya pala ang panget ng lasa! Pweee!” Sabi ni Kuya Axe sabay luwa nung pagkaing ngi-nunguya nya.

“Tseee! Anong panget ang lasa! Eh halos maubos mo na nga yang kinakain mo eh!” Imbyernang sagot ko sa kanya!

“Pinag-tsagaan ko lang!” Inis na ganti naman ni Kuya Axe!

“Wow! Pinagtsagaan?! Ang kapal mo rin no?!” Galit na sabi ko sa kanya! “Ang kapal nyong apat! Bakit nyo kinain yan! Para dapat yan kay Ethan! Niyaya ko sya dito para sabay naming kainin ang pagkain na yan tapos kinain nyo na pala!!!” Dagdag ko pa.

“Edi magluto ka ulit, problema ba yun! Ang dami mong satsat! Ang sakit mo sa tenga bakla!” Galit na kuda ni Kuya Axe.

“What’s happening?” Tanong ni Ethan.

Gooosssh! Bigla nalang syang sumulpot!

“Sila. Kinain nila yung food na dapat kakainin natin.” Sumbong ko kay Ethan.

“Hayaan mo na.” Sabe ni Ethan.

“Hayaan? No! Hindi! Dapat para sayo at sa akin yung pagkain na yun, pero sila ang kumain!” Imbyerna pa ding kuda ko.

“It’s okay. Kumain nalang tayo sa labas.” Deklara ni Ethan!

Nag-expand ang eyes ko sa sinabi! Mygaaad!

Really? Kami? Kaming dalawa? Kakain sa labas? Ng magkasama? Ihhhh! Gosssh! Inaaya nya ba akong mag-date? Ahahahaha! Charrr.

“Talaga? Kakain tayo sa labas?” Nakangiting tanong ko sa kaniya.

“Yup and its my treat.” Nakangiti nya ding sagot.

Nakakaloka! Totoo ba? Ililibre nya pa ako! Mygaad! Ang ganda ganda ko talaga! Ahahahaha!

“Ah. Sige. Tara na. I’m hungry na eh.” Pa-sweet kong kuda sa kaniya then I hold his arm.

Tinignan ko ang apat na halimaw, nakatulala lang sila sa amin ni Ethan. At parang hindi sila makapaniwala na aayain ako ni Ethan na kumain sa labas! Kaya naman dinalaan ko sila para asarin! Ahahaha

Belaaaat! Sana sumakit ulit ang mga tiyan nyo! Mga patay gutom! Grrr.

“Seriously? Kakain kayo sa labas ng baklang yan? Hindi kaba nahihiya.” Mapang matang sabi ni Kuya Axe!

Grrrr! Pashneya talaga ang halimaw na to! Kontrabida talaga sya sa buhay ko!

“Bakit naman ako mahihiyang makasama si Fita? Dahil ba bading sya? You know Axe, you’re always putting something bad in your mind kaya ganyan ka mag-isip. I don’t care if he’s gay and I’m a straight guy, kakain lang naman kami at wala namang masama dun diba?” Seryosong sagot naman ni Ethan kay Kuya Axe.

Homygossh talaga mga bessh! Hindi ko kinakaya ang mga dialogue na ganyan ni Ethan! Lumuluwang na naman yung garter ng panting suot ko! Josko!

Kinikilig ako sa mga sinasabi nya! Ahahahah

“Get lost!” Asar na saad ni Kuya Axe sabay walk out!

Oh diba? Ang galing talaga ng Ethan ko! Ethan ko talaga? Wahihi. Lagi nya nalang akong pinagtatanggol sa halimaw na Axe na yun! Mygosh!

Kapag laging ganito si Ethan sa akin baka hindi lang panty liner ko ang mahulog, baka pati ang puso ko mahulog na rin para sa kanya.

Nakakaloka!

Ahahahaha.


Itutuloy. . .

Paaakkk 23

Last Saturday, MFHSB has been ranked # 01 in HUMOR CATEGORY!!!!!!

Ohmyyyygoossshhh!!!!!

Nasa Top 1 na tayo mga bessshh! Nakakaloka!!!!

Salamat sa inyong patuloy na pagbabasa at pagsuporta. I will do my very best to update this story as soon as possible! Basta po, don’t forget to VOTE! And COMMENT! Para palagi tayong nasa top! Ahahaha!

Salamat!!!!

Enjoy Reading! ^__^

Kayo na pong bahalang umintindi sa update kong ito, medyo wala ako sa momentum ngayon eh. Hahahaha. ^___^


• FITA’S POV •

Ngayong araw na yung uwi ni Mudrabells at Fafa Ark galing France!

Ano kayang balita? Preggy na kaya si Mudra? Nakuuuuu! Sana naman buntis na sya para may baby na kami sa bahay. Ahahaha.

Anyway!

Nakasakay ako ngayon dito sa taxi papunta sa airport para salubungin sina Mudra at Fafa Ark. Hindi na ako nakisabay sa apat na halimaw na yun dahil wala din naman silang balak na isakay ako sa kotse nilang parang transformer!

Ilang araw ko ding hindi pinansin ang nga halimaw na yun! At syempre ganun din sila sa akin.

Walang pansinan! Ganun!

Wala na akong pake sa kanilang apat! Dahil ang importante para sa akin ngayon ay si Ethan! Ahahaaha.

Mygosh mga besshh! Aaminin ko na. May gusto na talaga ako kay Ethan! Ahahaahaha.

After nung date namin, Date talaga?Ahahaha Basta! Kumain kami sa labas nung nakaraan, eh talagang nahulog na ang puso ko para sa kanya! Meggged!

I can’t deny, I like him na talaga!

Kumain kami nun sa isang magandang restaurant! At talagang binusog ako ni Ethan dahil ang dami nyang inorder! Syempre, demure akong kumain. Dapat sweet lang, ayokong malaman ni Ethan na halimaw ako lumamon na parang dragon! Ganun! Ahahaha

Sobrang saya nyang kasama and eto pa mga besssh! He get my number!!!!!

Oo! Kinuha nya yung number ko para daw magkaroon kami ng communication sa isa’t isa! Megeed! Kinilig talaga ako ng bonggang bongga!

Nung nakaraang araw nga, magka-text kami ng halos buong magdamag! Ang dami naming pinag-usapan na kung anu-ano.

Tapos eto pa mga bessh!

In-add nya pa ako sa Facebook! Kaloka!!!!! Famous pala itong si Ethan! Ang dami nyang likers mga nasa thousands! Ganun! Samantalang ako, wala pang ten yung likes ng profile ko!

Grrrrr!

Wala naman kasing mga facebook yung mga tao dun sa Isla namin! Wala kasing signal dun! Kaya wala akong masyadong friends! Lumalangoy pa nga ako sa kabilang Isla nun para lang makasagap ng wifi! Mygadd! Naalala ko na naman ang dukha kong pamumuhay noon. Rwwr.

But anyway! To continue, Ini-stalk ko nga yung FB ni Ethan eh, at talagang naglaway ako sa mga pictures nya mga besssh! Mygaaadd!

May pandesal din pala sya! Ahahaahaha. Yum! Yum! Yum!

Anubeeee Fita! Ang landi mo na. Ahahaha

“Mam nandito na po tayo.” Panira ni Manong driver sa pag-iimagine ko kay Ethan! Grrr.

At gossh! Mam talaga? Ahahaha! Ang ganda ko kasee eh! Charrrring!

Kaya naman mabilis akong bumaba sa sasakyan at gumorabells na ako sa loob ng airport!

Nakita ko namang nasa airport na din ang apat na halimaw na yun. Rwwwrr.

Napatingin silang apat sa akin, pero ini-snob ko lang sila. Akala siguro nila papansin ko pa sila! Manigas sila nooo!!!! Wala na akong pake pa sa mga halimaw na gaya nila! Grrrr.

Naglakad ako papunta sa waiting area ng airport para hintayin sila mudra pero bigla nalang may lalaking bumunggo sa akin!

Araaaaay! Ang sakeeet! Parang tumama ata yung fess ko ss pader!!!!

“Ouch!” Kuda ko habang hawak hawak ko yung mukha ko dahil ang sakit talaga mga besssh!

“Are you blind?!” Galit na tanong sa akin ng lalaking nakabunggo sa akin!

Homyggaaad! Kamukha nya si Incredible Hulk!!!! Mygaaaadd! Parang ilang saglit lang bubugbugin nya na ako mga bessh!

Pero bakit sya yung nagagalit? Eh sya itong bumunggo sa akin at sya yung hindi tumitingin sa dinaraaanan nya eh!!!! Pashneya sya! Sya pa itong may ganang magalit eh sya itong may mali!

“No I’m not blind! My eyes are on it’s twenty-twenty condition. Maybe you’re the one that you’re talking about.” Kuda ko in my most mataray way! Ganun!

Hindi ko alam kung tama paba yung grammar ko! Wala na akong pake! In-english nya ako eh! So I need to reply in English too! Ganun.

Biglang kumunot yung noo nya at biglang nanlisik yung mata nya habang nakatingin sya sa akin!!!!!

Mabilis nya akong hinawakan ng mahigpit sa braso ko!!!!

“Are you mocking me?!!!” Galit nyang sabi.

“No, I’m not mocking you. I’m just reminding you!” Sagot ko!

Ang tapang ko na mga besssh! Nakakaloka! Ganito pala yung naiidulot ng pakikipag gerahan ko sa apat na halimaw na yun, pati sa ibang lalaki nagagawa ko na ding makipag away! Kaloka naman! Baka ma ward ako neto ngayon!

Bigla nyang hinigpitan pa ng mas mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko! At talagang sobrang sakit nun mga bessshh!!!! It’s like griding my arm! Ganun.

“Araaaayyy!!!” Sigaw ko. Naiyak na ako sa sobrang sakit mga bessh! Pinalipit nya yung braso ko.

Pagkatapos kong sumigaw, bigla nalang akong nagulat sa sumunod na eksena.

OH MY GOOOOOD!!!!!

Is this real?????

Is it real???

Totoo ba itong nakikita ko????

Sina Kuya Ash, Kuya Air at Kuya Ace!

Bigla nilang pinagtulungan ang Incredible Hulk na malaking lalaki na yun na nanakit sa akin!

Dahil sa nangyari, mabilis na tumakbo ang incredible hulk na yun palayo dahil sa suntok at tadyak nila Kuya Ash , Air at Ace!

Ang laki nyang tao, hindi man lang sya nakalaban kila Kuya????!

Ano to? Duwag ba sya?

Wala naman palang silbi ang dambuhala nyang katawan! Duwag din pala sya! Eh sa tingin ko, kayang kaya nya ngang patumbahin sina Kuya sa isang suntok lang eh! Kaloka!!!

Anyareeee????

“Okay ka lang ba?” Sabay sabay na tanong sa akin nila Kuya Ash, Kuya Air at Kuya Ace!

Weh? Totoo ba itong nangyayari? Sila biglang naging concern sa akin???? Weeeeehhh talaga? Parang nanaginip lang ako? Napaka-imposible naman na sabay sabay nilang susugurin ang incredible hulk na yun para lang ipagtanggol ako?

I think I am only dreaming.

Siguro nanaginip lang ako.

PAAAAKKKK!!!!

Sinampal ko talaga ng bonggang bonngga yung fess ko para malaman kung nanaginip ba ako o hindi.

Mygaaaaaad!!!! Ang SAKEEET!!!

“Why did you slap your face?” Tanong ni Kuya Ash.

Grabeee! Hindi nga ako nananaginip! Totoo nga iyong nangyayari!

“Wala. May dumapo lang kasing lamok. Pinatay ko lang. “ Sagot ko. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sobrang sakit. Araaay.

“Are you okay? Nasaktan ka ba?” Alalang tanong ni Kuya Air.

“Hi-hindi naman.” Sagot ko.

“Anong hindi! Eh pulang pula na yang braso mo! Gago talaga ang damulag na yun! Sa susunod na makita ko sya, hindi lang yun ang aabutin nya.” Galit na sabi ni Kuya Ace.

Wow! Totoo ba ito? Concern sila sa akin? Kaloka! Buglaan ata? Anong nakain nila? Bakit bigla silang bumait ulit sa akin??!

“Salamat po sa tulong nyo mga Kuya.” Nakangiting sabi ko sa kanila then I tightly hug them!

Niyakap ko silang tatlo. Hindi ko alam pero sobra akong nagagalak dahil mabait na ulit sila sa akin.

“Naaaaakkk!!!!” Rinig kong sigaw ng isang boses! Kaya naman mabilis kong kinalas ang pagkakayakap ko kila Kuya at nilingon ko ang taong sumigaw na yun.

At paglingon ko….

“Naaaaayyy!!!!!” Sigaw ko din!

Tumakbo ako palapit kay mudra at niyakap ko talaga sya ng mahigpit!

Gosssh! Parang ilang taon kaming hindi nagkita! Ahahaha!

“Nak! Hindi na ako makahinga.” Kuda ni mudra.

“Ay sorry po Nay. Na miss lang po talaga kita.” I happily said. “ Nasaan po si Tito Ark?“ Tanong ko naman.

“Kinuha nya lang yung mga bagahe, bawal na kasi akong magbuhat.” Naka-smile na sabi ni mudra.

“Ha? Bakit bawal ka ng magbuhat?” Kunot noong tanong ko.

“Ah. Wala Nak. Sabi ko ayaw akong pagbuhatin ng Tito Ark mo, kaya sya nalang ang kumuha ng mga bagahe. Pina-una nya na ako dito.” Sagot ni Mudra. “Ayan na pala sya” Dagdag nya pa at nakita kong paparating na si Fafa Ark!

Tumakbo ako palapit may Fafa Ark at niyakap ko din sya sabay kiss sa pisngi nya!

Ang seraaap mga besssh! Ahahahaha.

“Welcome back po Tito Ark.” Pa-sweet na sabi ko dito.

“Oh, thank you Fita. You’re so sweet.” Nakangiting sabi ni Fafa Ark! Meggeeed! Ang gwapoo!

Nagulat ako mg bigla akong hilahin ni mudra.

“Mukhang mas na miss mo pa ang Tito Ark mo kesa sa akin ha!” Imbyernang kuda ni Mudra.

“Nay naman! Syempre parehas kayo! Pero mas na miss po kita.” Say ko naman sabay yakap ng mahigpit kay Mudra.

“Sila Axe? Are they here?” Tanong sa akin ni Fafa Ark.

“Yes po Tito. They are here. Ayun po sila oh.” Sagot ko. Sabay turo sa kinaroroonan ng apat na yun.

Pero bakit ganun????

Bakit parang pinapagalitan ni Kuya Axe sina Kuya Ash, Air at Ace?

Mukhang galit na galit sya sa tatlo nyang kapatid!

Ano kayang ginawa ng tatlong yun?

Bakit beastmode na naman ang halimaw na Axe na yun?

Grrrr.

Bahala na nga sila. Rwwr.


Itutuloy. . .

Paaakkk 24


• FITA’S POV •

Ayun na nga yung nangyari mga besshh!!!

Binigay ko na kay Mudra yung agimat na binili ko sa Quiapo para pangontra sa sumpa. Sana naman effective yun! Naku! Kapag may nangyaring masama kay mudra, lagot sa akin ang tinderang yun! Ipapasunog ko talaga yung tindahan nya! Ahahaha! Charooot lungs!

Ang dami pa ngang tanong ni Mudra kung bakit ko pinapasuot sa kanya yung agimat na yun. Nung una, ayaw nyang suotin yun dahil panget daw yung design, pero dahil sinabi ko na nakaka-bata ng mukha yung agimat na yun eh mabilis nya yung sinuot. Kaloka! Ibang klase talaga si Mudra! Basta pampaganda, nangu-nguna sya! Rwwwwr.

Ang dami ngang chinika sa akin ni Mudra about sa mga bansang pinuntahan nila ni Fafa Ark! Hindi lang pala sila sa France pumunta, pati din sa Germany at Greece! Kaloka! Dapat pala talaga sumama ako! Grrrr.

Anyway! Dinner time na, kaya naman tumulong ako kay Manang at kila Ate Mimi para maghain sa dinning area.

Pagkatapos naming maghain, isa-isa ng nagdatingan ang mga halimaw at isa isa na silang umupo sa silyang nasa tabi ng table.

One, two, three.

Tatlo lang sila. Wala pa yung halimaw na Axe na yun. Pa-VIP talaga ang kumag na yun! Nakuuur! Wag na syang kumain! Lalasunin ko pa sya eh. Grrrrr. Kumukulo talaga yung dugo ko sa halimaw na yun. Rwwwr.

Gossssh! Oo nga pala, mabait na ulit sa akin ang tatlong halimaw na to, so ibig sabihin pwede ko na ulit silang kausapin?

Sige! I’ll try to talk them.

“Hi! Kuyas!” Masayang pagbati ko sa kanilang tatlo. Ahaha.

Kuyas talaga? Syempre, tatlo sila, meaning they are plural so I need to add “s” to the word Kuya! Ganun! Gets ba mga besssh! Ahahaha!

Tinitigan lang nila ako, at wala silang naging reaksyon sa pagbati ko sa kanila!!! Ini-snob nila ang beauty ko mga bessssssh!!!!

Mygaad! Akala ko bumait na ulit sila?! Ano na naman itong ginagawa nila sa akin??? Grrrr! Naloloka na ako sa pabago-bago nila ng ugali! Nakakaimbyerna na ha!

Kaya naman nilapitan ko silang tatlo para komprontahin!

“Oy! Mga suplado kayo! Sabi ko Hi! Hindi man lang kayo ng Hello!” Inis kong kuda sa kanila.

“Lumayo kana sa amin! Please lang.” Seryosong sabi ni Kuya Ash.

“At bakit naman ako lalayo! Aber?” Mataray kong tanong sa kanila.

“Dahil nakakairita ka!” Galit na sagot ni Kuya Air!

“Alis na! Panget!” Dagdag pa ni Kuya Ace!

Ano daw?!!! Ako panget! How dare him to say that to me!! Maganda ako! Hindi ako panget! Boseeet talaga sila!

Kanina lang, niligtas nila ako sa incredible hulk na nanakit sa akin sa airport! Tapos ngayon! Ganito na naman sila! Halimaw na naman sila!

Gulong gulo na ang beauty ko sa tatlong pisteng to! Ang hirap nilang intindihin!!!

“Hindi ko na kayo maintindihan! Kanina mabait kayo, tapos ngayon, mga halimaw na naman kayo ulit! Ewan ko sa inyo! Ang gulo nyong magkakapatid! May mga saltik ata kayo eh. O sadyang Bipolar lang talaga kayo!” Imbyernang kuda ko sa kanila.

“Bakit mo sila sinisigawan?” Inis na tanong ni Kuya Axe!

Jusko! Bigla nalang syang sumulpot! At mygad! Mukhang galit na naman sya sa akin!

“Wala.” Sagot ko at pinaikutan ko sya ng mata.

Nagulat ako ng bigla nalang akong hawakan ni Kuya Axe ang braso ko ng sobrang higpit.

“Huwag na huwag mo ng lalapitan ang mga kapatid ko, sa susunod na makita pa kitang lalapit sa kanila o kakausapin mo sila, mananagot ka sa aking bakla ka!” Galit nyang sabi sa akin. “Naiintindihan mo?!” Dagdag nya pa at pinandilatan nya pa ako ng mata!!!

“What’s happening here?” Biglang tanong ng isang boses! Kaya napalingon kami sa may bandang pinto ng dinning area.

Nanlaki ang mata ko! Gosssh! Si Fafa Ark pala yun! At kasama nya pa si mudra!!! Mygad! Nakita kaya nila? Narinig kaya nila yung pag-away namin nila Kuya?

“I said, what’s happening here?!” Medyo tumaas na yung tono ng boses ni Fafa Ark at mukhang galit na sya.

Nakakaloka! I need to do something! Dapat hindi nila malaman na may world war III na nangyayari sa pagitan ko at ng apat na halimaw na to.

“Ah. Wa-wala po Tito. Ano, kasi, kuman. Ah-eh, uma-acting lang po kami ni Kuya! Opo tama! We’re just copying the scene sa palabas na napanuod namin kanina sa Encantadia. Kunyari sya po si Hagorn at ako po si Amihan. Tapos naglalaban po kami! Ganun po. Hahaha.” Natatawang palusot ko!

Mygad! Walang kwentang palusot! Jusko! Sana gumana! Wala na talaga akong maisip na palusot mga bessh! Bahala! Bahala na si Volta! Sana paniwalaan nila.

“Ikaw talaga Nak, pati yang mga kuya mo, dinadamay mo pa d’yan sa kalokohan mo.” Kuda ni mudra.

“Hahaha! Naku Nay! Nag-eenjoy nga po sila Kuya sa labanan namin eh.” Natatawang sabi ko. “Diba Kuya? Ang saya?” Pagbaling ko kay Kuya Axe. Ngintian ko sya at pinanlakihan ko sya ng mata.

“Y-yeah. I-it’s fun.” Pilit nyang sagot.

“Naku, pagpasensyahan nyo na yang si Fita. Isip bata pa yan, kaya kung anu-anong kalokohan ang pinagagagawa nyan.” Kuda ni mudra kila Kuya.

“Okay lang po Tita, we understand. Ganyan po siguro talaga kumilos ang fourteen years old.” Sagot ni Kuya Axe.

“Oy! Grabe ka! Anong fourteen ka dyan! Seventeen na kaya ako noh! At malapit na nga akong mag-debut! Malapit na akong magdalaga!” Imbyernang kuda ko kay Kuya Axe!

Kalokang halimaw na to?! Pagkamalan daw ba akong fourteen?! Alam ko baby face ako, pero sobra naman yung fourteen years old! Nakurrr.

“Oh tama na nga yan. Kumain na lang tayo.” Pag-e-end of conversation ni mudra.

Kaya naman nagsipag-upuan na kami sa tabi ng table para kumain.

Of course, I lead the pray first before we eat. At pagkatapos ng praying session, nagsimula na kaming kumain.

Na miss kong kumain kasabay si mudra at Fafa Ark! Nasawa na kasi akong makita ang apat na halimaw na to. Puro sila nalang yung nakikita ko. Grrrr.

Sana nandito si Ethan. Ahahahaa! Oo nga pala, hindi ko pa na chi-chika kay mudra na may bago na akong friend na soon to be boyfriend ko pa! Ahahaha!

“Oo nga pala Nay! May kaibigan na po ako ngayon.” Kuda ko kay mudra.

“Talaga Nak? Sino naman yan? Saan mo nakilala?” Tanong nya.

“His name is Ethan Nay! Nakilala ko po sya dun sa labas ng airport nung hinatid po namin kayo nila Kuya nung paalis po kayo.” Sagot ko. “Kaklase nga po sya ni Kuya Axe eh.” Dagdag ko pa.

“Ethan? Is that Ethan Salvador?” Tanong ni Fafa Ark.

“Opo. Kilala nyo po sya Tito?” Tanong ko.

“Yes, he’s a very nice boy. He’s the son of my friend at ng ka-partnership ko sa bussiness.” Sagot ni Fafa Ark.

Now I know, kaya pala kilala ni Ethan si Fafa Ark dahil kaibigan nito ang parents nya.

“Gwapo ba sya Nak?” Tanong ni mudra!

“Opo Nay! Super gwapo! At macho pa! May abs nga po sya eh.” Sagot ko!

“Naku Nak! Kaibigan ba talaga turing mo dyan sa Ethan na yan o crush mo sya! Pati yung abs na pansin mo.” Naghihinalang sabi ni mudra!

Mygoosh! Bakit ko ba nasabi yung abs! Kaloka! Tamang hinala pa naman tong si mudra! Kilalang kilala nya ang pagiging maharot ko!

“Natuwa lang po ako sa abs nya! Ikaw naman Nay! Magkaibigan lang po talaga kami ni Ethan! Promise.” Kuda ko.

“Naku! Ayusin mo lang yan Nak, baka mamaya magulat ako buntis kana!” Kuda ni mudrabells!

Ano daw? Ako mabubuntis! Omygod! I like that! Tapos si Ethan yung ama ng baby ko! Ahahaha!

Natawa naman si Fafa Ark sa sinabing iyon ni Mudra pati din sila Kuya Ash, Air at Ace! Gosssh! Nakakahiya! Pinagtatawanan nila ako!

“Nay naman! Kung may matres pa ako pwede pa! Kaloka ka Nay!” Imbyernang sabi ko kay mudra.

“By the way, speaking of buntis, may gusto nga pala kaming sabihin ni Helena sa inyo.” Nakangiting sabi ni Fafa Ark sabay hawak sa kamay ni mudra.

“Ano po yun Tito Ark?” Tanong ko.

“It’s positive. Helena is pregnant. Magkakaroon na kayo ng bagong kapatid!” Nakangiting sabi ni Fafa Ark!

Nanlaki ng bonggang bongga ang mata ko sa sinabing iyon ni Fafa Ark!!!!!

Homygaaad! Really? Si mudra preggy na??? Ihhhhh! Sa wakas!!!!! Magkakaroon na ako ng kapatid!

Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo ko at niyakap ko talaga si mudra ng bonggang bongga!

“Gossh! Nay! Congrats! Magkakaroon na ako ng kapatid!” Tuwang tuwang sabi ko.

“We’re happy na may bago na namang madadagdag sa family natin Dad.” Nakangiting sabi ni Kuya Ash.

“I hope he’s a boy.” Sabi naman ni Kuya Ace.

“I can’t wait to see him.” Dagdag pa ni Kuya Air.

“Ano ba kayo mga Kuya! Hindi sya lalaki. Babae sya no. Kaya I will do my very best to be her best Ate.” Kuda ko naman.

“We didn’t know that yet. Babalitaan nalang namin kayo kung ano ang gender ng bago nyong kapatid.” Sabi naman ni Fafa Ark.

Sana babae! Sana babae talaga! Para naman ako ang palagi nyang makasama. Baka kasi kapag naging lalaki si baby, ang apat nyang halimaw na Kuya ang palagi nyang makasama! And I will never let that to happen!

Kailangan ko ng tulong nyo Bathalang Emre! Gawin nyo pong babae ang magiging kapatid ko! Pleaseeee!!!

Ahahaha.


Itutuloy. . .

Paaakkk 25

• FITA’S POV •

Madaming minutes, hours, days, weeks ang lumipas. Dumating na yung araw ng pagpunta ko sa school kung saan nag-aaral ang apat na halimaw kong mga Kuya.

Ito na yung moment na yun mga besshhh! Makakapag-aral na talaga ako! Ahahaha!

But before I enter this school, I need to pass the entrance exam first! Kaloka! May ganun pa pala! Megeed!

Sana makapasa ako!

Kinakabahan tuloy ako mga bessh!

“Are you ready?” Tanong sa akin ni Ethan.

Oo tama kayo ng na basa! Si Ethan nga yung nagsalita. Nagpasama ako sa kanya papunta sa school nila na ang pangalan ay Zarvard University! Ang taray ng name! Tunog pang mayaman! Ahahaha!

Sabi nga pala ni Fafa Ark magpasama daw ako sa apat na halimaw kong mga Kuya papunta sa Zarvard University! Pero dahil warla kami ng mga halimaw na yun, kay Ethan nalang ako nagpasama.

“Yes, I’m readier than ready!” Kuda ko.

“By the way ano nga pala yung course na kukunin mo?” Tanong ulit sa akin ni Ethan habang minamaneho nya ang sasakyan nya.

Gossssh! Oo nga pala! Yung course ko! Nakakaloka! Ang tagal ko yung pinag-isipan. Sabi kasi ni Fafa Ark, when I need to choose kailangan ko daw sundin ang puso ko. Kaya ayun!

Ang napili kong course ay . . .

“Educ. Yun yung napili kong course.” Sagot ko kay Ethan.

“Really? Anong Educ? Primary or secondary?” Tanong nya ulit.

“Ahm. Secondary and major in English!” Proud kong sagot! Ahaha.

“Wow. That’s nice. So you wanna be an english educator someday.” Nakangiting sabi ni Ethan!

Mygad!!! Ang gwapo! Jusko! Baka mawalan na naman ng dikit yung panty liner ko! Ahahaha!

“Yes. Gusto ko talagang maging teacher, cause I want to teach, inspire and develop my future students. I love teaching talaga.” Sagot ko kay Ethan.

“That’s a nice goal Fita, hope you will be a very good teacher someday.” Sabi naman ni Ethan.

Makalipas ang ilang sandali, nakarating na kami sa Zarvard University!

Goooosssh! Ang ganda dito mga besssh! Ang laki! At ang lawak! At ang daming mga skyscraper! Bongga talaga!

Lalo tuloy akong kinakabahan! Mukhang pang-mayaman lang talaga ang school na to, and I think I’m not belong here.

“Ayos ka lang?” Tanong sa akin ni Ethan habang kami ay rumarampa papunta sa admission office.

“Ah. O-oo. Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang.” Sagot ko sabay ngiti.

Nagulat ako mga bessh nang bigla akong akbayan ni Ethan! Kaloka!!!! Amoy na amoy ko ang aroma nya!

Aroma talaga? Ahahaha! Basta! Ang bango nya! Nakaka-adik! Ganun!

“Don’t be nervous. Everything is going to be fine.” Nakangiting sabi nya sa akin.

Jusko! Wala na! Nalaglag na ng tuluyan yung suot kong panty mga bessh! Grabe itong si Ethan! Ayaw nya talagang tigilan ang pagpapakilig sa beauty ko! Mygad!

“Sana nga. Kinakabahan ako, kasi parang may ibang mundo akong papasukin. Ang mundo ng mga mayayaman. At feeling ko, hindi ako belong. Alam mo naman diba? Pinulot lang kami ni mudra sa lupa.” Kuda ko kay Ethan.

“Huwag ka ng kabahan, and don’t worry, not all students here are rich. Yung iba dito galing din sila sa low class family and they are here because of their intelligence. Madami din ditong mga scholar at galing din sila sa hirap, just like you. Kaya huwag ka ng mag-alala pa.” Sabi ni Ethan.

Medyo gumaan yung loob ko. So I’m not the only poor human being na mag-aaral sa pang-mayamang school na to! Hay! Mabuti naman! Hindi ako nag-iisa.

Sinamahan ako ni Ethan sa admission office at after nun, marami pa kaming pinuntahan! Basta! Medyo nahilo ang beauty ko! Kung saan saan kami pumunta.

And after ng ilang kembot at ilang hampas ng balakang! Natapos din kami ni Ethan sa mga dapat kong gawin!

Umupo kami sa tabi ng fountain na nasa gitna ng school, dahil sobra na talaga akong na-haggard mga bessh.

“We’re done. Ngayon, kailangan mo nalang ipasa ang entrance exam para makapag-aral kana dito.” Sabi ni Ethan, at pansin ko din na napagod sya sa ginawa namin.

“Uy, sorry hah. Mukhang napagod ka tuloy dahil sa pagsama mo sa akin.”

“It’s okay. I will do everything to my friend.” Nakangiti nyang sabi.

Ano dawwww??? FRIEND???!!! So kaibigan lang ang tingin nya sa akin????

Na-friendzoned na ba ako???

Noooo! Ethan please nooo!!! Bawiin mo yung sinabi mo! Bawiin mo!

“May nasabi ba akong mali? Bakit parang hindi na maipinta yang mukha mo?” Alalang tanong nya.

“Wa-wala. Gutom lang siguro ako.” Sagot ko. Pero deep inside my heart was broken into millions and billions and trillions of pieces.

Ang saket! Friendzoned! Kaibigan lang pala ang turing nya sa akin. At wala ng iba pa!

Huhuhu!

“Tara, let’s eat. It’s my treat.” Nakangiti nyang sabi.

Gosssh! Bakit ganun?! Parang nabuhay ang basag kong beauty dahil sa narinig kong EAT at TREAT! Ahahaha!

Mamaya na ako mag-eemote mga bessh! Pagkatapos naming kumain ni Ethan, tsaka na ako magda-drama dahil na friendzoned nya ako! Kailangan ko munang magpalakas at lumanon, para kapag umiyak na ako mamaya, may energy ako.

Hinila ako ni Ethan papunta sa cafeteria at doon umorder sya ng sandamukal na pagkain! Kaloka! Ma-uubos ba namin to?!

“Uy! Parang ang dami nito para sa ating dalawa.” Kuda ko.

“Hehe. Hindi lang naman tayo ang kakain nyan.” Nakangising sabi nya.

Ano daw? Hindi lang kami? So meaning may kasama pa kaming iba?

“Ha? Eh sino pa yung makakasama nating kumain?” Tanong ko.

“Basta, padating na sya. Excited na nga syang makilala ka eh.” Nakangiti nyang sabi. “Na iku-kwento kita sa kanya, at sa kwento ko palang, tuwang tuwa na sya sayo.” Dagdag nya pa.

Nakaka-curious! Sino kaya yung ipapakilala nya sa akin? Tapos excited pa daw itong makilala ako?! Gosssh! Baka sikat na ako, hindi ko lang alam. And maybe the person that he’s talking to is my biggest fan! Ganun! Ahahaha!

“Hello.” Rinig kong pagbati ng isang boses mula sa likod ko.

Kaya dahan dahan kong nilingon ang taong iton na nagsalita.

At paglingon ko….

Isang napakagandang babae ang aking nasilayan! Mygad! Para syang diwata na nagmula sa kagubatan ng Encantadia! Ganun!

“You’re here.” Nakangiting sabi ni Ethan dito at bumeso sa kaniya ang magandang babae.

Pinaupo ni Ethan ang babaeng iyon sa tabi nya.

Hindi ko alam pero, may something na parang kumikirot sa puso ko.

“Hi! You must be Fita? Right?” Naka smile na sabi ng babaeng ito.

“Ahm. O-opo. Ako nga po.” Nahihiyang sagot ko. Nakaka-intimidate ang kagandahan nya!

“Nice to meet you Fita. By the way, I’m Stella.” Sabi nya at nakipag shake hands sya sa akin.

Stella pala yung name nya! Bagay na bagay sa maganda nyang mukha.

“Ni-nice to meet you din po.” Sagot ko naman.

“Yayayain ko sanang manuod ng sine si Ethan, ’cause my much awaited movie is now showing. But he said, he’s with you, here in Zarvard. So I decided to go here nalang to meet you.” Kuda ni Stella. “ Lagi ka nyang kinu-kwento sa akin, and I’m very happy to see you now.“ Dagdag nya pa.

Ngintian ko nalang sya bilang tugon! Wala akong masabi! I’m speechless now!

“Ahm. Pwede pong magtanong? Ate ka po ba ni Ethan?” Tanong ko.

Mukha kasing mas matanda si Stella kay Ethan, so siguro Ate sya nito. Parehas silang maganda at gwapo eh. Hindi nakakapag takang magkapatid sila, though they didn’t look a like.

Natawa si Stella sa tanong ko! Gosssh! May nakakatawa ba dun?

“No, dear. Ethan is my boyfriend.” Nakangiting sagot nya! “I know I look older than him, kaya siguro napagkamalan mo akong Ate nya, but I understand. I’m used to it.” Dagdag nya pa.

Tama ba ako ng narinig?

Bo-boyfriend nya si Ethan?

So meaning, mag-jowa sila?!!!

Ha? Bakit? Paano? How?!!!

Wala namang nabanggit sa akin si Ethan na may girlfriend sya! Tsaka ini-stalk ko kaya yung facebook nya at wala naman ni isang pictures sa album nya na kasama nya ang Stella na to!

So paano?!!! How come?!!! Totoo ba?!!!

“Ma-may girlfriend ka pala. Hindi mo sa akin sinabi.” Sabi ko kay Ethan!

Gosssh! Konti nalang maiiyak na ako mga bessh!!!!

Parang hiniwa ng daan-daang blade ang puso ko! Ang sakit! Sobrang sakit!

“Our relationship is secret. Hindi ito alam ng parents ko at ng iba pang taong nakapaligid sa akin, sa amin. ’Cause they didn’t want me to have relationship with Stella. You are now my friend Fita, you’re now a close friend of mine kaya sinabi ko sa iyo ito.” Sagot ni Ethan!!!!

Ha?! Hindi ko pa rin ma-gets!! Bakit kailangan nilang isikreto ang relasyon nilang dalawa? Bakeeeet???!!!

“I didn’t get it. Bakit secret yung relationship nyong dalawa?” Gulong gulong tanong ko.

“As you can see, Stella is older than me and she’s also a professor in this university. And if my Dad know this, he’ll definitely kill me.” Sagot nya. “This school has a rule that no one who belongs in the faculty should never have an affair with their students. Kaya we keep our relationship as secret.”

“Ku-kung ganun? Eh bakit kayo magkasama ngayon? At dito pa talaga sa school? Hindi ba kayo mabubuking nyan?” Tanong ko.

“Never dear, dahil ang akala ng lahat, Tita ako ni Ethan.” Sagot ni Stella.

Nakakaloka!!!! Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa bagay na nalaman ko ngayon! Bukod sa basag na basag na ako ngayon, eh gulong gulo pa ang isip ko sa lahat lahat!

“I-lang taon na po ba kayo?” Tanong ko kay Stella.

“I’m already 25 dear.” Sagot nya.

“Eh ikaw Ethan? Ilang taon kana?” Tanong ko dito.

“20.” Maiksi nyang sagot!

Limang taon! Five years ang agwat ng edad nila! Hindi ko ma-imagine na attracted pala si Ethan sa mga babaeng mas matanda sa kanya.

“Age doesn’t matter, sabi nga nila diba? Kaya sana, I hope you will keep this as secret Fita. Maasahan ba kita?” Sabi ni Ethan habang nakatitig sya sa mga mata ko.

“Ahm. Oo naman. Basta ikaw! Para saan pa’t naging mag-friends tayo diba?” Natutuwang kuda ko, pero sa totoo lang sobra na akong nasasaktan.

Kung titignan mo silang dalawa, bagay na bagay sila. Isang magandang babae at isang gwapong lalaki. They are meant to be kahit na may gap sa age nila.

Siguro bukod sa pagiging maganda ni Stella, sobrang bait nya pa. Kaya siguro nagawa syang mahalin ni Ethan kahit mas matanda sya dito. Nagawa ni Ethan na isikreto ang relasyon nilang dalawa dahil ganun nya kamahal si Ate Stella.

Ate Stella nalang ang itatawag ko sa kanya dahil mas matanda naman sya sa akin.

Naloloka pa rin ako ngayon dahil professor din pala si Ate Stella dito sa Zarvard. So baka maging prof ko pa sya kapag nagkataon. Mygasssh.

Hindi ko na to keri mga besssh!

Gusto ko nalang i-untog ang ulo ko sa pader para makalimutan ko ang lahat lahat ng ito, pati na rin ang nararamdaman ko para kay Ethan!

I want to forget everything!

Ayoko na bessh!

Uwian na!

Tapos na pala ang laban eh!

May nanalo na pala eh.

Huhuhu.


Itutuloy. . .

Paaakkk 26

• FITA’S POV •

After one week, dumating na yung araw ng exam ko sa Zarvard.

Wala. Sabog pa rin ako mga besh! Isang linggo na ang lumipas after kong malaman na may girlfriend na pala si Ethan eh parang fresh na fresh pa rin yung sakit dito sa puso kong basag.

Hindi ko pa rin matanggap! At sobrang hirap mag move on!

Tumatawag at nagtetext sa akin si Ethan nitomg mga nakaraang araw, pero hindi ko sya sinasagot at nire-replyan. Gusto ko ng mang move on! Kaya kailangan ko munang iwasan si Ethan! I need space! I need fresh air! I need food! Ahahaha!

Nakakagutom kayang mag-drama noh! Kakain muna ako sa baba.

Mabilis akong rumampa papunta sa dining area, at nadatnan ko dun sina Ate Mimu, Lily at Deedee.

“Hello Sir!” Masayang pagbati nilang tatlo sa akin.

Gosshh! Wala talaga akong energy na replayan sila ng HELLO TOO!!! I’m hungry, I’m broken, I’m out of my mind. In short, lutang ako! Rwwwr.

Dire-diretso lang ako papunta sa ref para kumuha ng makakakain.

“Sir? Ayos ka lang po ba?” Tanong ni Ate Mimi.

“Okay lang ako Ate.” Pilit komg sagot.

Kaloka! Bakit ba tayo ganito mga bessh! Kahit hindi tayo okay, sasabihin pa din natin sa iba na okay tayo kahit na basag na basag na tayo!

“Parang hindi naman Sir. Pansin namin, halos isang linggo ka ng malungkot. Wala na yung pagiging masayahin nyo.” Kuda ni Ate Lily! Ethchoserang to.

“Oo nga Sir. May problema ka po ba?” Dagdag pa ni Ate Deedee.

Hindi ko alam, pero bigla nalang nag-water falls ang mata ko! Naiyak na ako mga bessh!

“Ayoko na! Gusto ko ng makalimot! Huhuhu.” Naiiyak na kuda ko sa kanila.

Mabilis akong nilapitan nila Ate at niyakap nilang akong tatlo.

“Sir ano po bang problema?” Tanong ulit ni Ate Lily.

“Si Ethan! Si Ethan! Si Ethan!” Umiiyak pa din na sabi ko.

“Ano po? Ano pong meron kay Ethan?” Naguguluhang tanong ni Ate Deedee.

“Meron…meron na syang girlfriend! May girlfriend na pala sya!” Sagot ko in crying way pa rin.

“Sir? Sinong Ethan? Yung lalaking bisita nyo nung nakaraan?” Tanong ni Ate Mimi.

“Oo sya nga! Sya nga yun! May girlfriend na sya!” Sagot ko. Iyak pa rin.

“May gusto ka sa kanya Sir? kaya ka umiiyak ngayon dahil nasaktan ka?” Tanong ni Ate Deedee.

“Oo! Gusto ko sya! Oo! Nasasaktan ako! Oo! Oo! Oo! Sobrang sakit!” Sagot ko.

“Tahan na Sir. Wala naman pong forever. Maghihiwalay din sila ng girlfriend nya.” Kuda ni Ate Lily.

“Wala ngang forever! Pero mukhang silang dalawa ang magpapatunay na meron nun! Huhuhuhu!” Sagot ko.

“Aha! Sabi ko na! May gusto ka talaga kay Ethan!” Biglang singit ng isang boses!

Paglingon ko sa may pinto, nakita ko dun si Kuya Ace.

Goasshh! Bakit sya nandito!!!!! Mabilis kong pinunasan ang luha ko at inayos ko ang sarili ko.

“Anong sinasabi mo dyan. Wala no. Wala.” Deny ko.

“Wala daw. Eh narinig ko lahat lahat ng pinag-usapan nyo.” Sabi nya.

“Pashneya ka! Bakit ka nakikinig sa usapan ng iba! Etchosero ka rin eh!” Imbyernang kuda ko sa kaniya.

“Nagde-deny kapa, eh huling huli kana.” Sabi nya ulit.

“Tseee!”

“May paiyak-iyak ka pang nalalaman. Lalo ka tuloy puma-panget.” Pang-aasar nya!

“Tseeee! Mas panget ka! Halimaw!” Inis kong sabi sa kanya.

“Hindi ko alam, kung ano bang nagustuhan mo sa Ethan na yun at kung makapagdrama ka d’yan sobrang OA na.” Sabe nya!

“Madami! Madami akong bagay na gusto sa kanya! Si Ethan mabaet! Si Ethan sweet! Si Ethan caring! Si Ethan masayang kasama! Si Ethan niririspeto ako! At higit sa lahat si Ethan, tanggap ako! Hindi tulad nyong apat! Mga halimaw kayo!” Kuda ko! “Kaya don’t questioned me with my dramatic reaction! Dahil ganun ko kagusto si Ethan!” Dagdag ko pa.

“Tssk. Kung alam mo lang.” Inis na sabi nya.

“Ang alin naman?!” Inis ko namang tanong.

“Wala. Edi d’yan ka na sa Ethan mo na taken naman!” Sabi nya!

Grrrr! Pinapakulo talaga ng halimaw na to ang dugo ko!

“Ano yung naririnig kong sigawan?” Biglang sulpot ni mudrabells!

Gossshhh! Bakit ba laging may sumusulpot kapag may eksena ako?! Kaloka na wah!

Nagulat pa ako ng makita kong kasama ni Mudra si Kuya Axe at ina-alalayan sya nito sa paglalakad. Sabi kasi ng doktor, medyo sensitive daw ang preggy moment ni mudra kaya she needs a lot of care giving. Ganun.

“Ah. Eh. Wala po Nay! Nagkakantahan lang po kami dito nila Ate at Kuya Ace sa kusina. Diba mga Ate? Diba Kuya Ace?” Palusot ko.

“O-opo Mam. Na-nagkakantahan lang pi kami dito.” Kuda ni Ate Mimi.

“Yeah. I-it’s true. We’re just singing aloud.” Pagsang-ayon naman ng halimaw na Ace.

“Ganu ba? O sya! Sige magkantahan lang kayo d’yan!” Kuda ni mudra.

Hay! Salamat! Mabuti nalang naniwala sya. Hindi ko alam kung nong gagawin ko kung naabutan kami ni mudra na nag-aaway ni Kuya Ace. Baka ma-istress sya at mapahamak si baby! Nakurrr! I won’t let that to happen!

“Oo nga pala Nak? Diba ngayon na yung exam mo sa Zarvard?” Tanong ni Mudra.

“Opo Nay!” Sagot ko.

“Ayos pala. Pupunta din daw ang Kuya Axe mo dun, sabay ka nalang sa kanya. “ Kuda nya.

“What?!!!!” Bulalas ni Kuya Axe! Ang OA nya talagang mag-react! As if naman na gusto kong sumabay sa kanya.

“Bakit may problema ba Axe?” Tanong ni Mudra.

“Wa-wala naman po Tita. Baka po kasi mga 9:30 am na po ako umalis.” Sabi ng halimaw na si Axe.

“Sakto pala. Diba 10 am ang start ng exam mo Nak?” Kuda ni mudrabells!

“Ah. O-opo Nay.” Sagot ko.

Grrrr. Ayokong sumabay sa halimaw na to! I need to do something!

“Pero Nay, magco-commute nalang po ako.” Sabi ko.

“Naku! Sumabay ka nalang sa Kuya Axe mo. Para tipid.” Say naman ni mudra. Rwwwrr! Ayoko!


At ganun na nga yung nangyari mga bessh!

Nandito ako ngayon sa passengers seat sa tabi ni Kuya Axe. Dito kasi ako pinaupo ni mudra! Kaya wala na akong nagawa.

Nakasuot ng earphones ang halimaw nato habang nagda-drive sya! At tutok na tutok lang ang mata nya sa kalsada. Inexpect ko na to. Alam ko namang hindi nya ako papansinin at kakausapin. At wala akong pake sa kanya. Rwwwr.

Napatitig ako sa mukha nyang naka-side view sa akin. Gooosh! Gwapo din talaga ang halimaw na to! Dugyot nga lang talaga ang ugali nya! Sayang! Kung kasing bait lang siguro sya ni Ethan, hindi malayong magustuhan ko din ang isang to. But it’ll never ever happen! Dahil mortal kaming magkaaway! Ganun!

“Bakit mo ako tinititigan?!” Inis nyang tanong sa akin!

Mygaaaddd! Nahuli nya ako! Kalokaaaaaa!!!!

“Ha?! Ang kapal mo naman! Hindi kita tinititigan no! Napatingin lang ako. Masyado ka namang ashumero.” Sagot ko!

Napakunot ang noo ko ng bigla nyang hininto ang sasakyan.

“Ba-bakit mo hininto?” Tanong ko.

“Hindi ko hininto. Kusang huminto ang sasakyan!” Sagot nya.

“Ha? Bakit?” Tanong ko.

“I don’t know!” Irita nyang sagot.

“Gossh! Baka malate ako sa exam ko! Paandarin mo na!” Kyda ko naman!

“Will you please shut up! Naiirita na ako sayo wah!” Galit nyang sabi.

Paulit ulit nyang pinindot ang start ng kotse nya pera ayaw pa rin nitong umandar!

“Baka wala ka ng Gas! Ano ba yan!” Kuda ko ulit.

“Are you fvcking retard?! Electric car to, meaning hindi ito ginagasulinahan.” Galit nyang sagot.

“Okay! Baka lowbat na! Ano ba yan! Male-late na ako!” Kuda ko ulit.

“I always make sure tha it is fully charged, whenever I use it!” Sabi nya naman.

“Hay naku! Bababa nalang ako! Male-late na ako! Tssk!” Sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse nya, pero ayaw nitong bumukas. Grrrrr! Bakit ayaw!!!!!

“Shit! We’re locked!” Inis nyang sabi!!!!

“What?! Anong we’re locked sinasabi mo dyan?!!!” Gulat kong tanong.

“Shit! Anong nangyari! Bakit ngayon pa! Fvck!!!” Imbyerna nyang sabi ulit sabay hampas sa manibela.

“Ano ba! Anong sinasabi mo dyan? Bakit ayaw bumukas ng pinto!”

Pinaikutan nya ako ng mata. “Electric car doesn’t have a key! Dahil pinapagana lang ito ng remote na hawak ko! Mukhang nagloko ang makina! Shit! Bubukas lang ito kung may ibang tao na magbubukas nito mula sa labas!” Sagot nya!!!!

Ano dawwww???? Hindi namin mabubuksan ang pinto?!!!! Mygaaadddd! Noooooo!!!! It shouldn’t beee! Ayokong mabulok dito kasam ang halimaw na to!!! Hindi ko alam na may ganto palang klaseng kotse! Kaloka!

“Bakit kasi ganito pa yung kotse mo! May pa-electric electric car kapang paandar! Sirain naman pala tong kotse mong parang transformer!” Kuda ko.

“Shut the fvck up! Tumahimik ka na nga lang!!!!” Sigaw nya sa akin at kinuha nya ang cellphone nya.

Tumingin ako sa labas, at nahinto kami dito sa may magubat na part ng subdivision na to! At mukhang konti lang ang mga taong dumaraan dito! Jusko! Ano ba itong nangyayari! Ayoko na! Palabasin nyo na ako dito!!!

“Shit! Bakit ngayon pa!” Inis nya ulit na sabi habang pinipindot nya ang cellphone nya.

“Sorry, your balance is insufficient. Please reload immediately!” Rinig kong tunog mula sa phone nya! Gaaashhh! Mukhang wala syang load! Homygaaaad! Ako din pala walang load!!! Anubaaaaahh! Bakit ngayon pa! Hindi ako nakapagload dahil hindi ko naman tinitext si Ethan! Kainesssss!!!!

Ilang saglit pa, nakaramdam na ako ng init. Mukhang wala na yung lamig ng aircon! Pawis na pawis na ako mga besssh! At ganun din ang halimaw na to!!!!

“Ang init! Gusto ko ng lumabas!” Kuda ko! “Palabasin nyo ako dito! Please!” Dagdag ko pa habang hinahampas ko ang binta ng kotse nya.

“That is useless! Bulletproof ang bintanang yan! Hindi natin yan masisira!” Kuda nya!

Nakurrr! Ano bang klaseng kotse to!!! Sino ba kasing naka-imbento ng ganitong kotse! Ipapasunog ko talaga yung bahay nya! Grrrrrr.

Lalo pang umiinit mga besssh! Naliligo na kami sa sarili naming pawis!!! Gossssh!!! Lusaw na ang beauty ko! Rwwwr!

Nagulat ako ng biglang hinubad ni Kuya Axe ang suot nyang damit!

Halos lumuwa yung mata ko sa nakita ko! Mygaad! Pawisang katawan! Angcheereep naman nga bessh! Ahahaha!

Anubeee Fita! Kaaway mo yan! Huwag mo syang tignan!!!

Tumalikod ako sa kanya para hindi ko makita ang hubad nyang katawan! Kaloka! Biglang bumilis yung pintig ng puso ko! Anubaaah!

“Ang init!” Kuda ko, habang pinapaypay ko yung envelop na hawak ko.

Ang init talaga! Gusto ko na ding maghubad! Jusko! Kaya lang, makikita ng halimaw na to ang flawless body ko! Hindi pwede! Magtitiis nalang ako.

Pero dahil init na init na init na init na talaga ako, I take off my shirt! Tinakip ko nalang iyun sa dibdib ko! Baka makita pa ng halimaw nato ang boobs kong cleavageless. Ahahaha! May ganun bang word?! Ay basta! Flat lang ang ibig sabihin nun! Ganun!

Napatingin ulit ako sa halimaw na to, at nahuli ko syang nakatitig sa katawan ko!

“Anong tinitingin, tingin mo d’yan!” Mataray kong sabi sa kanya.

“Wa-wala.” Sagot nya!

At sobra akong nagulat sa sumunod na nangyari!!!!

Bigla nalang syang tumumba sa may hita ko at nawalan sya ng malay!!!! Homygaaaad!!! Anong nangyari sa halimaw nato?!!! Anong gagawin ko??? Jusko!!!

“Uy! Gising! Gumising ka!” Sabi ko habang tinatapik ko ang mukha nya, pero ayaw nya paring gumising! Kaloka! Baka madeads ang halimaw na to! At baka ako ang pagbintangang may sala! Nakurrr! It shouldn’t beee!!!!

Pinaypayan ko sya ng pinaypayan, pero wala parin. Ayaw nya paring magising!

Oo nga pala! May emergency utang load nga pala yung sim network ko! Gossh! Bakit ngayon ko lang iyun, naisip! Okay!!!!

Pagdating ng load na inutang ko sa sim network ko, mabilis kong dinail ang number ni Ethan! Sya at si Mudra lang naman ang laman ng contacts ko, kaya sya nalang ang tatawagan ko. Kahit ayoko syang kausapin at pansinin wala na akong choice! Baka kasi ma-istress pa si mudra kapag nalaman nya itong nangyari sa amin ni Kuya Axe!!!

Caliing Ehtan

. . .

“Hello? Fita?!” Masayang pagsagot nya sa tawag ko.

“Ahm. He-hello Ethan.”

“Ugh! Sa wakas tumawag ka din! Almost one week ka ng hindi nagpaparamdam sa akin. I thought you’re mad at me.” Kuda nya.

“Ahm. Ethan I need your help.” Sabi ko.

“Ha? What help? As long as I could gagawin ko. Ano ba yun?” Tanong nya.

“Na locked kami ni Kuya Axe dito sa kotse nya. Ayaw bumukas ng pinto kailangan may ibang taong magbubukas nito mula sa labas. Wala ng malay si Kuya Axe, at talagang naloloka na ako. Please Ethan, tulungan mo kami. Nandito kami sa may magubat na part ng subdivision.” Mahabang speech ko.

“Okay! I’ll be there!” Sagot nya, sabay baba ng tawag.

Thank you Lord! Darating na ang tagapagligtas ko! Sana umabot sya, medyo nahihilo na rin kasi ako. . . .

Konti nalang mawawalan na rin ako ng malay.

Unti-unti ng pumipikit ang mata ko. . . .

….okay! Goodnight!


Itutuloy. . .

Paaakkk 27

Now!!!!!

MFHSB has been ranked Number 01 in HUMOR CATEGORY!!!!!!

Congrtas mga besssh! Nasa number na ulit tayo! Yeeey!!! 💪😁😁😁✌🎉🎉🎉🎆

• FITA’S POV •

“Fita! Fita! Wake up!” Rinig kong sabi ng isang boses! Kaya dahan dahan kong minulat ang aking mata.

Kinusot kusot ko pa ito dahil hindi ko maaninag ang taong nasa harapan ko ngayon. At nang luminaw na ang paningin ko….

Nasilayan kong muli ang napakagwapong mukha ni Ethan! Mygaad!

“E-ethan.” Sabi ko.

“Are you okay? May masakit ba sayo?” Nag-aalalang tanong nya.

“A-ayos lang ako.” Sagot ko.

Pero bigla nalang akong nakaramdam ng lamig, kaya napayakap ako sa braso ko. At pagtingin ko sa katawan ko… Wala pala akong suot na damit!!! Juskoooo!!!!!

“Ohmygaaaadddd!!!” Bulalas ko sa sobrang gulat at mabilis kong kinuha ang damit kong nasa sahig ng kotse! Tsaka mabilis ko iyong sinuot!

Gossshhh! Nakakahiya! Nakita ni Ethan ang boobs kong cleavageless!!!! Anubaaahh!!!!!

“Wala pa ring malay si Axe.” Kuda ni Ethan. Kaya napalingon ako sa taong nasa tabi ko at nakita kong tulog pa rin ang halimaw na si Axe!

Gosssh! Ano to? Feeling nya ba sya si Sleeping beauty? And he’s waiting for a princess to wake him up with the use of the magical kiss? Ganern? Nakurr! Sampal lang ang jatapat nya! Let’s see kung hindi sya magising sa full power kong sampal! Ahahah! Makakaganti na rin ako sa wakas! Wahahahaha! Yeah!

“Hoy! Gising! Halimaw! Gumising kana dyan!” Sigaw ko habang inaalog alog ko sya. At nang ayaw nyang gumising, buong pwersa ko syang sinampal.

“Why did you do that!!” Gulat na sabi ni Ethan.

“Para gisingin sya! And of course para makaganti na rin. Haha.” Kuda ko.

“But it didn’t help. Wala pa rin syang malay. Baka may masama ng nangyari sa kanya.” Sabi ni Ethan.

Ha?! Oo nga noh! Tulog pa rin si Kuya Axe! Gossh! Kaloka! Baka nga may nangyari na sa kanyang masama.

“Dalhin na kaya natin sya sa ospital.” Suggestion ni Ethan.

“No. Hindi pwede.” Sagot ko.

“Bakit?” Tanong nya.

“May phobia sya sa ospital. Baka kapag dinala natin sya dun, eh mabaliw na ang isang to.” Sagot ko ulit.

“Then, iuwi nalang natin sya sa inyo.” Aniya.

“No. Hindi din pwede.” Sagot ko.

“Why? Bakit naman?” Tanong nya ulit.

“Alam mo naman na preggy si Nanay. At sensitive ang pagbubuntis nya. Kapag dinala natin si Kuya sa bahay ng ganiyan at kapag nalaman ni Nanay na hindi ako natuloy sa exam ko eh baka maloka yun. Baka mapahamak pa ang baby sister ko.” Sagot ko.

“If that’s the case, dalhin nalang natin sya sa bahay. I’ll call a doctor to check on his condition.” Sabi nya!

“Ta-talaga! Pwede sa inyo?”

“Oo. Wala naman si Dad kaya okay lang.” Nakangiti nyang sabi

Mygad! This is my very first time na pupunta sa bahay nila Ethan. Hindi nya pa kasi ako naiimbitahan sa bahay nila. Gossh! Na-eexcite tuloy ako. Ahahaha.

“T-thank you Ethan.” Sabi ko in my most sweet way! Ganern! Ahahaha.


Sobrang ganda ng bahay nila Ethan at obvious na obvious na anak mayaman sya. Mas malaki nga lang talaga ang bahay nila Fafa Ark, siguro dahil si Ethan at Daddy nya lang ang nakatira dito.

Naikwento nya kasi sa akin noon na, may dalawa syang kapatid. Isang babae at isang lalaki at parehas ng bumukod ang dalawa nyang kapatid sa kanila. Kaya silang dalawa nalang ng pudra nya dito sa mansyong ito. Wala na kasi ang mudra nya. Nasa heaven na.

“Nanay Vicky pakitawagan naman si Doc Francis. I need him now.” Sabi ni Ethan sa kasambhay nila na parang ka-edaran din ni Manang Yolly.

“Opo Sir.” Sagot nito at dali-dali itong lumabas.

Nasa guestroom kami ngayong tatlo. Inihiga ni Ethan si Kuya Axe sa kama at wala pa rin itong malay hanggang sa ngayon.

“Salamat hah. Thank you dahil tinulungan mo kami. Salamat talaga Ethan. “ Sabi ko sa kanya.

“Wala yun. Basta para sayo gagawin ko.” Sabi nya. Naglakad sya palapit sa akin! “Na miss kita!” Kuda nya pa at bigla nalang nya akong niyakap ng sobrang higpit!!!!

Mygaaassshhh! Anubeeeeh! Totoo ba yung narinig ko??? Na miss nya daw ako? Ihhhh! Tama na! Ayoko na! Ayoko ng umasa! Alam ko namang na miss nya ako dahil kaibigan lang ang tingin nya sa akin. At ganun lang yun! Wala ng iba!

“I was worried when you didn’t answer my calls and any of my texts. I thought you are mad at me.” Sabi nya at kinalas nya na ang mahigpit nyang pagkakayakap sa akin. “Bakit ka nga pala hindi nagparamdam ng halos isang linggo?” Tanong nya pa!

“Ahm. Ano-ka-kase. Nag-review lang ako. Nag-review ako para sa exam, ayoko kasing bumagsak. Ayoko kasing ma-dissapoint sa akin si Nanay at Tito Ark. Sorry hah.” Sagot ko. Pero ang totoo nyan, nagmu-move on lang ako sa kanya kaya hindi ako nagparamdam. Ganun!

“Now I understand. May mga bagay talaga na kailangan nating pagtuunan ng pansin kesa sa iba.” Nakangiting sabi nya.

“Sir! Nandito na po si Doc.” Pagsingit ni Nanay Vicky. Anubayan. Panira ng moment. Ahahaha.

“Ethan. Anong problema? Bakit mo ako pinapunta dito? Are you sick?” Pagbungad ni Doc kay Ethan.

“Hindi po. Yung kaklase ko po yata ang may sakit. He has been sleeping for so long. Maybe there’s something bad happened to him.” Sagot ni Ethan.

“Okay. Ako ng bahala.” Sabi ni Doc at naglakad sya palapit kay Kuya Axe.

Kung anu-anong ginawa ni Doc kay Kuya Axe na hindi ko maintindihan. At makalipas ang ilang sandali, natapos na sya sa kanyang ginagawa.

“Doc? Ano po? What happened to him?” Tanong ni Ethan.

“Na-heatstroke sya and he has been dehydrated. He needs a cool place, I suggest i-todo nyo ang lamig ng aircon at lagyan nyo ng ice bag ang bawat part ng katawan nya at kapag nagising na sya, painumin nyo sya ng maraming tubig.” Sagot ni Doc!

Ganern?!??? Eh bakit ako? Okay naman. Wala namang nangyari sa akin? Siguro hindi sanay ang katawan ng halimaw na yun sa sobrang init na temperature! Sa isla kasi namin, sobrang mainet din dun. Kaya siguro hindi ako masyadong naapektuhan ng init na yan dahil sanay na ang beauty ko sa ganiyang mga bagay! Ahahaha.

“Noted po Doc! Ako na pong bahala!” Sabi ko.

“Mabuti hindi naging grabe ang lagay nya. He needs some rest and a cool place na mapagpapahingahan.” Sabi ulit ni Doc. “ Ethan, I have to go, madami pa akong pasiente sa ospital and they need me more. Kayo ng bahala sa kaklase mo.“

“Yes Doc, thank you.” Ani Ethan at nag walk away na si Doc!

Tinodo ni Ethan ang power ng aircon! Gosssh! Para na tuloy kaming nasa loob ng ref! Mygaad!

Kumuha naman ng ice bags si Nanay Vicky at ako na ang nagdampi noon sa katawan ni Kuya Axe!

“Kahit ang sama ng pakikitungo ni Axe sayo, nagagawa mo pa rin syang alagaan and I know you are concern with him.” Biglamg sabi ni Ethan.

“Hay Naku! Ewan ko ba! Hindi ko na nga rin maintindihan ang sarili ko! Kung bakit ko to ginagawa.” Kuda ko.

“Because you’re a very kind person. Kaya kahit kaaway mo yang si Axe, eh nagagawa mo pa rin na maging mabuti sa kanya.” Aniya.

Ganern?! Naku! Ang lakas mang etchos nitong si Ethan! Hindi naman ako ganun kabuting tao. May maharot din naman akong pag-uugali na itinatago ko lang! Ahahaha.


• AUTHOR’S NARRATION •

Dahan-dahang minulat ni Axe ang mata nya. At nang luminaw na ang kaniyang paningin, mukha ni Fita ang nakita nya sa tabi nya.

Naka-upo sa sahig si Fita habang nakapatong ang mukha nya sa ibabaw ng kama at mahimbing ang kaniyang pagtulog dahil mukhang napagod sya sa pag-aalaga kay Axe.

“Gising kana pala.” Saad ni Ethan at agad namang syang nilingon ni Axe.

“What happened? Nasaan ako?” Tanong ni Axe dito.

“Nasa bahay namin kayo. Na-locked kayo ni Fita sa loob ng kotse mo. Tinawagan nya ako para humingi ng tulong.” Sagot ni Ethan dito. “Na-heatsroke ka and you’re dehydrated, better to drink that water beside you to gain your energy.” Dagdag nya pa.

Mabilis namang ininom ni Axe ang tubig na iyon, at halos maubos nya ang lahat ng laman ng pistel.

“Thanks. I have to go.” Ani Axe at mabilis syang bumangon mula sa pagkakahiga.

“Hindi ako ang dapat mong pasalamat kundi si Fita.” Sabi naman ni Ethan dito.

“Why would I do that?” Irita nitong tanong.

“Dahil inalagaan ka nya.” Sagot ni Ethan. “Look at him, mukhang napagod sya sa pag-aalaga nya sayo.” Dagdag pa nito.

Tinitigan ni Axe si Fita, at pansin nya ang pagod sa mukha nito.

“Bakit ako nandito sa bahay nyo? It’s better kung dinala nyo nalang ako sa bahay namin.” Saad ni Axe.

“Ayaw ni Fita. Balak ko ngang dalhin ka nalang sa ospital but he said you have phobia with hospital. Ayaw nya ring dalhin ka sa bahay nyo dahil buntis daw ang Nanay nya, and I heard her Mother’s pregnancy is sensitive baka daw ma-stress kapag nalaman ang nangyari sa inyong dalawa.” Sagot ni Ethan.

Natahimik nalang si Axe sa mga bagay na nalaman nya, pero ang ipinagtataka nya ay kung paano nalaman ni Fita na may phobia sya sa ospital.

“Sana alisin mo na yang galit mo kay Fita, dahil wala naman syang ginagawa sayong masama.” Muling sambit ni Ethan, “Nakita mo na? Na kahit masama ang pakikitungo mo sa kanya, eh nagawa nya paring maging concern sayo at alagaan ka. He’s undeniably a good person kaya sana matauhan kana. He didn’t deserve the hard treatment that you’re giving to him.” Muling pagpapatuloy nya.

Napatitig nalang muli si Axe sa tulog na tulog na mukha ni Fita. Hindi nya maintindihan, pero sa loob nya mukhang tama naman ang lahat ng sinabing iyon ni Ethan.

Pero may alinlangan pa rin sa loob nya, dahil hanggang ngayon patuloy pa rin syang nasusuklam sa mga baklang gaya ni Fita.

He’s now in the process of being confused! 💪😁✌🎉


Itutuloy. . .

Paaakkk 28

Sorry po sa late update! Busy lang talaga ang author nyo. Ang daming school works! Nakaka-stress! Ahaha!

Salamat sa patuloy na pagsuporta! Nasa Rank #01 pa din tayo! Hihi! Thank you mga bessh! Muaaah! 😘😘😘😘

Hinabaan ko na po ang update para worth it ang inyong paghihintay! :)

Enjoy Reading po! ^__^


• FITA’S POV •

Ewan ko ba, pero pansin ko may nagbago na nitong mga nakalipas na araw.

Alam nyo ba kung ano yung nagbago?

Syempre yung ganda ko! Lalo akong gumanda! Ahahaha! Charuutt!

Pero seriously speaking, naramdanan ko yung pagbabago ng pakikitungo ng halimaw na si Axe sa akin! Kung dati, iniirapan o di kaya naman pinanlilisikan nya ako ng mata sa tuwing magkakatinginan kami, eh ngayon parang ang aliwalas na ng mukha nya at mukhang hindi na sya na-be-beast mode kapag nakikita nya ako.

Ano kayang nangyari sa halimaw na yun? Mukhang menopause na ata sya! Hindi na sya dinadalaw ng mens! Ahaha.

Pero nakakaloka pa rin talaga yung nangyari sa amin sa kotse nya! Hinding hindi ko yun makakalimutan!!! Mas gugustuhin ko pang maglakad nalang kesa sumakay ulit sa kotse nyang de-batirya! Hindi ko na nga chinika kila mudra at Fafa Ark ang nangyari dahil baka parehas lang silang ma-stress. At pinagpapasalamat ko din dahil nakapag-exam na ako sa Zarvard kahit hindi ako umabot sa tamang oras. Meron pa palang other schedule ng exam! Mabuti nalang nakapag-exam na ako!

And the good news is! Nakapasa ako! Oh diba? Ang galing ko talaga?! Ahahaha! Partida wah, hindi pa ako nag-review nyan. Ahahaha.

Isang linggo nalang pasukan na! Kaya I am super duper very so much excited sa pasukan! Mygassh! I can’t wait!!!!

Habang nagmo-moment ako ngayon, eh natanaw ko sa may hagdan si Kuya Axe! Paakyat sya at ako naman pababa at makakasalubong ko sya! Napatitig ako sa mukha nya! At mukhang peaceful naman ang hitsura nya.

“May dumi ba ako sa mukha?” Biglang tanong nya! Mygasssh! Nahuli nya ako!!!

“Ah. Wa-wala na-naman.” Sagot ko! Ihahakbang ko na sana ang isa kong paa pababa ng matapilok ako!

Homygaaaddd!!!! Malalag-lag ako sa baba!!!! Wala na akong nagawa kundi ipikit ang beautiful eyes ko! Bahala na si Bathalang Emre kung mabubuhay paba ako pagkatapos kong mahulog dito sa hagdan! Juskoooo!!!!

Pero ilang saglit pa, may naramdam akong kamay na humawak sa may bewang ko!!!! At pagdilat ko, nakita ko ang mukha ni Kuya Axe!!!!

“Bi-bitawan mo ako!” Kuda ko.

“Kung gagawin ko yan, mababasag yang ulo mo sa may hagdan. Gusto mo yun?” Seryosong sabi nya habang nakatitig sya sa mga mata ko.

Gosssh! Ewan ko ba! Pero naiilang ako ngayon kay Kuya Axe at hindi ko alam kung bakit!!!!

“Syempre hindi no!” Sagot ko.

“Ang lampa lampa mo kasi! Bababa ka nalang sa hagdan matatapilok ka pa! Kembot ka kasi ng kembot!” Sabi nya at seryoso pa din sya sa expression nya!

“Tseeeee!!!! Ikaw kaya ang may kasalan! Nakaharang ka kasi sa daan!” Imbyernang sabi ko sa kanya.

“And now you’re blaming me with your own fault!” Irita nyang sabi at bigla nya nalang diniin ang pagkakahawak nya sa bewang ko!

“Araaay hah! Masakit!! Pashneya ka!” Sigaw ko at mabilis nya akong isinandal sa may gilid ng hagdan. Natahimik ako nang titigan nya ako ng sobrang seryoso.

“Nakakabingi ka na! Bansot!” Sabi nya at pagkatapos nun, naglakad na sya palaalis.

Ano dawww??? Ako bansot!!!!!! Hindi ako bansot noh! Cute lang! Kapal talaga ng mukha ng halimaw na yun! Porket mala kapre ang height nya kung maka-bansot naman sya sa akin! Gggrrrrr!

Pagbaba ko sa sala, nakita kong parang tuwang tuwa sina Ate Mimi, Lily, Deedee at kasama na rin nila si Manang Yolly!

“Anong pong nangyayari? Bakit kayo masaya?” Tanong ko.

“Sir! Aalis po tayo ngayon Sir!” Masayang sagot ni Ate Lily.

“Ha? Saan naman tayo pupunta? As in ngayon na?” Tanong ko.

“Sa Isla natin Nak.” Sagot ni mudra! Kaloka! Bigla bigla nalang syang sumusulpot.

“Sa Isla natin? Bakit Nay? Ano pong gagawin natin dun? Biglaan ata?” Tanong ko ulit.

“Magbabakasyon tayo doon ng tatlong araw. Dahil malapit na ang pasukan nyo, napagdesisyunan ng Tito Ark mo na magsu-swimming tayo sa Isla Mako. At para na din mabisita natin ang mga kababarrio natin doon.” Sagot ni Mudrabells.

Talaga??? Babalik kami sa Isla Mako! Gossssh! Parang na-eexcite tuloy ako! Sobrang na mi-miss ko na kasi yung Isla namin at ang amoy ng dagat at ang simoy ng hangin at ang pagbebenta ko ng mga souvenir items sa mga turista!

“Pero Nay, mahaba habang byahe yun. Kaya nyo po ba?” Tanong ko.

“Naku Nak! Ako pa ba? Kaya ko yan! Na-eexcite na nga akong bumalik muli sa isla natin.” Nanabik na sagot ni mudra!

Oh diba? Mas excited pa sya kesa sa akin! Nakurrr! Sana walang mangyaring masama kay baby!

Gossh! Kailangan ko ng mag-impake! And I need to bring my two piece para maglaway na naman sa akin ang apat na halimaw na yun! Ahahaha! Charottt! Lungsss!


Makalipas ang ilang oras na byahe, sa wakas nasa Isla Mako na kami! Sa islang sinilangan ko, sa islang kinalakihan ko at sa islang…basta isla! Wala na akong maisip. Ahahaha.

“We’re here!” Masayang sabi ni Fafa Ark!

“Ang ganda dito Sir!” Sabi ni Ate Mimi!

“Oo nga! Ang ganda ganda talaga!” Dagdag pa ni Ate Deedee.

“Gusto ko na pong mag-swimming!” Kuda naman ni Ate Lily.

“Mamaya na yang swiming na yan. Buhatin muna natin ang mga bagahe.” Pagsingit ni Manang.

“Tutulungan ko na po kayo!” Prisinta ko.

“Wow! Ayos pala ang lugar na to.” Na mamanghang kuda ni Kuya Ace.

“Napaka presko sa pakiramdam.” Dagdag pa ni Kuya Air!

“I can’t wait to swim on this blue crystalline water!” Sabi naman ni Kuya Ash!

“Come on, bumaba na tayo.” Ani Fafa Ark and then bumaba na yung hagdan ng sinasakyan naming yate. At isa isa na kaming bumaba.

Sa isang mamahaling resort kami tumuloy. Nakakaloka mga bessh! Itong resort na tinutuluyan namin ngayon yung resort na pinapangarap kong mapasukan noon! Gosssh! Nagkatotoo na sya! Mygeeed. Naiiyak talaga ako! Hindi ko alam na yung mga pangarap ko lang noon, natutupad na sya ngayon! Kaloka! Ahaha.

“Tara na mga Bro! Let’s swim!” Pag-aya ni Kuya Ash sa tatlong halimaw. Sa hitsura nya, halatang eggzoited na syang mag-swimming!

Ako din! I want to swim na! Na mimiss ko na ang tubig alat! Na mimiss ko na ang mga kaibigan kong sea urchin at mga butanding! Ganun! Ahaha.

Pumunta kaming lahat sa tabing dagat. Sina Manang Yolly, Ate Mimi, Lily at Deedee ay busing busy sa pagluluto ng mga inihaw na ewan! Basta inihaw. Ahaha. Nakaupo naman si mudra sa buhanginan at katabi nya si Fafa Ark habang busing busy din sila sa pagse-selfie. Rwwwwr.

“Dad? Can we use the yacht?” Tanong ni Kuya Ace kay Fafa Ark.

Kanina pa silang apat nagsu-swimming sa dagat, mabuti hindi sila nadi-dikya! May nakita kasi akong dikya kanina! Kaya hindi na ako tumuloy sa pagsu-swimming sa ocean park! Sayang tuloy ang swimsuit attire ko! Nakatago lang dito sa suot kong damit na mukhang bathrobe! Grrrrr.

“Okay. Take care of that yacht. Ingat kayo.” Sagot ni Fafa Ark.

“Thanks Dad!” Masayang kuda nilang apat

Mabilis na pumanik sa yate ang apat na halimaw! Mukhang may balak silang libutin ang buong Isla Mako. Kaloka! Sana maubusan sila ng gasolina, para hindi na sila makabalik! Hahaha! Charoot langsss!

“Nak! Sumama ka sa kanila. I-tour mo sila dito sa isla.” Sabi ni mudra!

“Ayoko Nay.” Pagtanggi ko.

“Axe!” Pagtawag ni Mudra kay Kuya Axe.

“Ano yun Tita?” Tanong nito.

“Isama nyo na si Fita, maraming alam yan dito sa isla. Pwede nya kayong i-tour sa buong isla.” Kuda ni mudra!

“Nay! Ayoko po.” Nakangusung pag-ayaw ko. Rwwwr.

“Sige na Fita. Samahan mo na ang mga Kuya mo. Baka kung saan pa sila mapunta. They need someone to guide them in their way.” Sabi ni Fafa Ark!

At dahil si Fafa Ark na ang nakiusap sa akin, wala na akong nagawa kundi samahan ang apat na halimaw na yun sa yate! Grrrr. Hindi ko sila papansin. Bahala sila sa buhay nila.

Nakaupo lang ako sa isang sulok ng yate. Samantalang ang apat na halimaw na yun ay nagkakasiyahan habang umiinom sila ng canned beer. Nakurrr! Kapag sila nalasing! Baka wala ng mag-drive nitong yate pabalik sa isla!

“Bakit kayo umiinom? Baka malasing kayo! Baka mamaya hindi nyo na kayang paandarin ang yate na to pabalik sa isla dahil langgo na kayo sa beer na yan.” Imbyernang sabi ko sa kanila.

Sabay sabay silang napatingin sa akin!

“Iyun nga yung gusto namin. We want to stay in this yacht until sunset.” Sagot ni Kuya Ash.

“Ano? Until sunset?! Baliw kaba?! 5 hours pa bago mag sunset!” Kuda ko.

“Kung ganon, edi mas masaya.” Nakangising sabi ni Kuya Ace!

“Tseeee! Lalangoy nalang ako pabalik! Bahala kayo d’yan!” Sabi ko in my most mataray way!

Hinubad ko ang suot kong damit na parang bathrobe kaya ngayon, ang suot ko nalang ay ang swimsuit attire ko, maiksing short at fitted sando na hanggang pusod ko lang! Ahahaha! Nakita ko ang reflection ko sa salamin na nasa bintana ng yate at mygosssh! Ang sexy ko talaga! Hindi ko tuloy naiwasang mag-pose! Hahaha. Paaaakkkk! Tuloy ang modeling! Laban!

Pagkatapos kong mag-pose ng mag-pose sa salamin sa may bintana ay dumiresto na ako sa may gilid ng yate. Tatalon nalang ako! Hindi naman ganun ka layo ang isla namin mula dito sa kinaroroonan ko. I will swim and swim and swim! Kakamustahin ko na din ang mga ka-friendship kong mga lamang dagat. Na misa ko na talaga sila. Ahaha.

I ready my self sa pagtalon ko sa yate, napatingin ako sa tubig at nanlaki ang mata ko sa nakita ko doon!!!!!!

Homygaaaaad! Bakit ngayon pa!! Ang mga bwisit na jellyfish! Nasa tubig silang lahat! Grrrr! Mukhang inaabangan talaga ako ng mga pashneyang to! Ano bang nagawa ko sa kanila???! BAkit kung saan ako naroroon, nandun din sila! Grrrr.

Kaya naman, hindi na ako tumuloy sa pag-jump ko sa tubig, dahil baka pag-ahon ko, sunog na ang beauty ko sa electric attack ng mga dikyang yun!

Napalingon ako sa apat na halimaw na yun, at nanlaki talaga ng bonggang bongga ang mga mata ko! Dahil I saw them na nakatitig silang apat sa katawan ko, from head to toe they are staring at me! Gossssh! Mukhang natulala na naman ang apat na halimaw na to sa ka-sexihan ko. Ahahaha.

Oo tama! Alam ko na ang gagawin ko! I will seduce them, at kapag naakit ko na sila, aayain ko na silang bumalik sa isla! Ganun! Ahaha.

Naglakad ako palapit sa kanilang apat in my most sexy way of walking!

“Ahm. Mga Kuya, pwede na ba tayong bumalik sa isla?” Kuda ko in sexy way pa rin. Ahaha.

“Ah- oo, ba-babalik na tayo.” Sagot ni Kuya Air at napalunok pa sya ng laway! Wahahaha

“Salamat!” Sabi ko at kinindatan ko silang apat! Ahahaha! Gosssh! Naloloka na ako sa mga ginagawa ko hah.

Nagulat ako ng maglakad si Kuya Ace palapit sa akin! Bigla nalang nya akong sinandal sa bakal sa may gilid ng yate at mahigpit nya akong hinawakan sa bewang ko!!!

“Ku-kuya. Ba-bakit po?” Kinakabahang tanong ko! Mygad! Seryoso syang nakatitig sa akin! Bumibilis tuloy ang kabog ng flat kong dibdib.

“You’re so sexy! Nakakalibog ka.” Bulong nya sa kanang tenga ko! Halos tumayo lahat ng balahibo ko sa sinabing iyon ni Kuya Ace!

Manyak talaga sya!!!!!

Hindi na ako nakapag-react sa sinabing iyon bi Kuya Ace dahil napukaw ang atensyon naming lahat nang biglang dumilim ang kalangitan at biglang lumakas ang ihip ng hangin at nagsisimula ng lumakas ang hampas ng alon!!!

Anong nangyari??? Bakit biglang dumilim?!

“Mukhang may bagyong parating, we have to go back to the island as soon as possible!” Kuda ni Kuya Axe!

Oo nga pala! Dito sa isla namin, may mga hindi inaasahang panahon. Minsan aaraw, minsan bigla nalang uulan! Sabi ng teacher namin sa Araling Panlipunan, ang isla daw namin ay nasa pagitan ng equator at not tropical country kaya madalas daw kaming makaranas ng hindi inaasahang weather! Ganun!

Napatingin ako sa buong karagatan! At talagang naloka ako sa nakita ko! Nag-expand talaga ang mga mata ko ng bonggang bongga!!!

Gossssh! Ipu-ipo ba yun?! Juskoooooopooooo!!!!!

“Ku-kuya! May ipu-ipo!!!!” Sabi ko kay Kuya Ace! Napatingin sya sa direksyon kung saan ako nakatingin.

“Shiiittt!!!” Bulalas nya. Mabilis syang tumakbo papunta sa tatlo pang halimaw. “We need to drive this yacht as fast as possible! Baka maabutan tayo ng tornado!”

“What???!!!” Gulat na sabi ng tatlo. Kaya naman mabilis silang bumaba papunta sa driving area ng yate at minaneho nila ito ng sobrang bilis!

Pero huli na pala ang lahat!

Naabutan kami ng ipu-ipo!

Kumapit ako ng sobrang higpit sa gilid ng yate habang kami ay nagpapaikot ikot sa dagat!!!!

Unti-unting nang pumipikit ang mga mata ko! Nanghihina na ako. … …

Jusko! Bathalang Emre! Kayo na pong bahala sa aming lima! Basbasan nyo nawa kami gamit ang limang brilliante! Mygaad!

…..unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. At may apat na tao akong na aninag. Kinusot kusot ko ang mata ko para luminaw ito. At pagdilat kong muli, tumambad sa akin ang apat na halimaw na to!!! Kaya naman mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga ko.

“Are you okay? Ayos kana ba?” Tanong ni Kuya Air.

“Na saan tayo? Anong lugar to?!” Tanong ko, hindi kasi pamilyar sa akin ang dalampasigang ito.

“We didn’t know where we are. Maybe we are trapp in an island na walang ni isang tao ang nakatira.” Sagot ni Kuya Ash!

Ano dawwww???? Nasa isang isla kami??? At walang humans dito na nakatira?? Juskoooooo!!!! It shouldn’t beeee!!!! Ayokong makasama ang apat na halimaw na to sa isang islang walang katao-tao!!!!!!

Ayoko!!!!!!

Please! Kung nanaginip lang ako, sampalin nyo na ako mga besshhh para magising na ako sa bangungot kong ito!!!


Itutuloy. . .

Paaakkk 29

• FITA’S POV •

Ang sakit sakit na ng paa ko! Ilang oras ko ng nililibot ang islang ito pero wala talagang taong nakatira dito! Mygaad! Ilang oras nalang lulubog na ang sunshine!

But I don’t want to give up! Kailangan naming makaalis sa islang ito bago magdilim, dahil alam na alam ko ang mga panganib sa paligid kapag gabi na sa islang gaya nito.

“Ang kulit mo din no? Kanina pa namin sinasabi, wala ngang ni isang taong nakatira dito.” Kuda ni Kuya Axe!

Hindi ko na pansin na sinundan nya pala ako. Sabi ko kasi sa kanila kanina maghahanap ako ng tulong pero sabi nila sa akin wala daw taong nakatira dito sa isla na to. Nalibot na daw nila ang buong isla nung mga oras na nag-sleeping beauty ako, pero hindi ako naniwala kaya ngayon, patuloy pa din ako sa pag-rampa!

“Hindi! We need to continue! Dapat hindi tayo sumuko! Kailangan nating makaalis dito bago magdilim!” Sabi ko sa kanya.

“Ang kulit mo talaga!” Inis nyang sabi sa akin.

“Tseee! Bumalik ka na nga lang dun! I don’t need your help!” Ganti ko sa kanya.

Umupo sya sa nay malaking bato na nasa gilid ng puno ng balete at doon sya nagpahinga.

“Bahala ka nga!” Sabi nya at pinaikutan nya pa ako ng mata!

“Babooo!” Kuda ko at ihahampas ko na sana ang balakang ko para simulan muli ang pagrampa nang marinig kong biglang sumigaw si Kuya Axe!!!!

“Ahhh!!! Shittt!!!” Bulalas nya!

Mabilis ko syang nilapitan dahil parang may masamang nangyari sa kanya!

At nanlaki ng bongga ang beautiful eyes ko sa hayop na nakasalubong ko! Isang ahas na kampon ni Ether na makamandag!!!! Gossshh!!! Pero nawala ang kaba ko nang lampasam ako ng pashneyang ahas na yun at nagpatuloy ito sa paggapang palayo!

“A-anong nangyari sayo Kuya?” Alalang tanong ko.

“Tha-that snake! Ti-tinuklaw nya ako!” Sagot nya habang hawak hawak nya ang kanang hita nya na may dugo!!!!

Gosssh! Dugo!!!! May dugo!!!! Takot ako sa dugo!!! Homygaaaadd!!! No! No! No! Hindi ko dapat pairalin ang takot ko sa dugo dahil baka mamatay na ang halimaw na to at multuhin nya pa ako kapag nagkataon.

“Hubarin mo yang sando mo! Bilis!” Utos ko sa kanya.

“What?! Why?!” Tanong nya!

“Ang daming mong tanong! Hubarin mo na bilis!” Kuda ko.

“Bakit nga!” Inis nyang tanong!

“Huhubarin mo yang sandong suot mo o mamatay ka?!” Pananakot ko.

“Fine!” Singhal nya at mabilis nyang hinubad ang suot nyang sando!

At nang mahubad nya na ang sandong suot nya. . .

Halos mag-expand ng bonggang bongga ang mata ko!

Oh My Goddess of Abssss!!!!

Nakita ko na naman ang super hot nyang katawan!

Awwww!!!

Awwww!!!

Awwww!!!

Ang serep nemen mge besssh! Pahingi namang palaman! Ang daming pandesal! Ahahahaha!

Gossh! Bakit parang biglang uminit?! Nakapatay ba ang aircon! Ang init talaga! Ahahaha!

“Ano na?” Tanong ni Kuya Axe! Anubayan! Nawala na naman ako sa sarili! Kaloka! Fita behave! Behave! Nagiging maharot ka na naman! Ahahaha.

Agad kong kinuha ang sando nya at mabilis ko iyong itinali ng sobrang hipit sa hita nya para mapigilan ang pagkalat ng kamandag sa katawan nya.

“Aray! Masakit! Anong bang ginagawa mo?! Nanadya ka ba?!” Galit nyang sabi sa akin!

“Lahat nalang ng ginagawa ko palaging masama ang dating sayo! I’m doing this for you! Makamandag yung ahas na tumuklaw sayo kaya kailangan nating pigilan ang pagkalat ng kamandag dyan sa katawan mo! Gets mo ba??” Sagot ko in my most mataray way!

Bigla syang natahimik sya sa sinabi ko. Mukhang na realize nya ang kamalian nya. Rwwwr! Mabuti naman!

“Ngayon kailangan kong sipsipin ang kamandag dyan sa hita mo para maalis na to.” Sabe ko.

Even it’s disgusting , I have to do this. Baka mamatay ang halimaw na to at baka ako pa ang sisihin. Grrrr. Tsaka ganito yung ginawa noon ni Pudra nung matuklaw noon si mudra ng ahas. Kaya I know how to do this sipping session!

“What?! No!” Bulalas nya! At gulat na gulat sya sa sinabi ko. Bakas sa mukha nya ang pandidiri!

Oh diba? Ang OA talagang mag-react ng isang to! Para namang gusto ko yung gagawin ko sa kanya! Assuming din talaga ang halimaw na to! Kung ayaw nya! Edi huwag! Mamatay sya d’yan! Iniimbyerna nya pa ako!

“Kung ayaw mo, edi ’wag! Mamatay ka d’yan! Puro ka arte!” Sigaw ko sa kanya at magwo-walk out na sana ako nang pigilan nya ako.

“Wait!” Pagpigil nya.

“Ano?!” Pagtataray ko.

“Just do it! Please!” Kuda nya at pansin kong hirap na hirap na syang magsalita! Mukhang kumakalat na ang kamandag sa katawan nya!

“Papayag ka din pala, puro ka pa arte d’yan! Akala mo naman gusto ko rin itong gagawin ko! Kung ibang tao ka lang pinabayaan na kita d’yang mamatay!” Kuda ko ulit.

“Okay! Fine! I’m sorry! Please! Do it! Ayoko pang mamatay!” Hirap na hirap nyang sabi.

Kaya naman, inumpisahan ko na agad ang pagsipsip sa kamandag sa sugat nya na nasa bandang hita nya!

Sip sip! Luwa! Sip sip! Luwa! Ganyan ang naging moment naming dalawa! Pero keri lang mga bessh! Ang bango bango naman ni Kuya Axe! Amoy lalaki talaga sya! Nakaka adik! Ahahaaha!

Anubeyen! Nagiging maharot na naman ako! FITA! BEHAVE! Hahahaha. Arrrr.

“Aaaaaahhhh! Shittttt!” Mahinang sabi ni Kuya Axe! Ewan ko ba kung umuungol sya o nasasaktan sya!

“Bo-Bro? Fita?! What are you doing???!!!” Sigaw ng isang boses mula sa di kalayuan. Kaya dahan dahan kong nilingon kung sino ang taong sumigaw. At paglingon ko….

Nakita ko sina Kuya Ash, Air at Ace! At nakakaloka! Pare-parehas sila ng reaksyon! They are all shocked sa nakita nilang tagpoooo!!!

Ha? Bakit kaya????

Naglakad sila palapit sa amin. “Fita? Are you giving him a blowj*b?!” Gulat na tanong ni Kuya Ace!!!

Ano daw blowj*b?!!!! Ano yun??? Nakakain ba yun??

Mabilis akong tumayo sabay punas sa bibig ko. “ Ano yung blowj*b? Iyun ba yung ginagawa kong pagsipsip sa ano ni Kuya?“ Tanong ko.

“I can’t believe this!” Gulat na sabi ni Kuya Air!

“Bro! Akala ko ba galit ka sa mga gaya ni Fita?! Why did you let him sucked your d*ck!” Matigas na sabi ni Kuya Ace!

“Hindi kami makapaniwala sa ginawa mo Bro! Mukhang napasuko ka ni Fita!” Dagdag pa ni Kuya Ash!

Ha? Ano daw? Hindi ko sila magets? Ano bang nangyayari?!!! Naloloka na ako wahhhh!!!

“Fvck! Mga sira! Sa tingin nyo ba hahayaan ko yung mangyari! I’m not fvcking insane to let that fvcking gay, svck my shaft!” Galit na sigaw ni Kuya Axe! “Natuklaw ako ng ahas, here in my right leg! And that gay sipped the the fvcking venom! At iyun ang nakita nyong ginagawa nya kanina!” Dagdag nya pa.

“Okay na ba pakiramdam mo Kuya? Wala ka na bang ibang nararamdaman?” Tanong ko.

“I’m fine!” Sigaw nya at paika-ika syang naglakad paalis.

Ha? Bakit beast mode na naman ata ang halimaw na yun? Ano ba kasing nangyayari? Wala akong magets sa pinag-uusapan nila?!!!

“Anong nangyari dun? Bakit nagagalit si Kuya Axe? Sya na nga itong tinulungan sya pa itong nagagalit!” Imbyernang kuda ko kila Kuya Air.

“Kasi nga akala namin, you’re giving him a blowj*b. Nagkamali pala kami!” Sagot ni Kuya Ace.

“Ano ba kasi yang blowj*b na yan?” Tanong ko.

“Seriously? Hindi mo yun alam?!” Tanong ni Kuya Ash!

“Magtatanong ba ako kung alam ko? Kaloka kayo!” Gati ko naman.

“Blowj*b means—” sagot ni Kuya Ace pero naputol amg sasabihin nya mg pigilan sya ni Kuya Air.

“Stop it Bro, mas mabuti kung hindi nya nalang alam.” Sabi ni Kuya Air.

“Ano ba kasi yun? Bakit ayaw nyong sabihin?! Gusto kong malaman kung bakit nagagalit si Kuya Axe?! Ano ba kasi yang blowj*b na yan!” Imbyernang kuda ko sa kanila.

“Gusto mo talagang malaman?!” Seryosong tanong ni Kuya Ace.

“Oo!” Sagot ko.

“Come with me! Ipapagawa ko sayo yun!” Sabi nya at hinila nya ako palayo kila Kuya Ash at Air!

“Ace! Ibalik mo si Fita dito!” Sigaw ni Kuya Air.

“Gago ka talaga Ace! Huwag si Fita iba nalang!” Sigaw din ni Kuya Ash.

Hinabol pa kami nila Kuya Ash at Air pero, masyadong mabilis ang pagtakbo ni Kuya Ace habang hila-hila nya ako kaya nagawa naming makalayo sa dalawa.

Nakarating kami sa isang kweba, umupo ako sa may malaking bato sa gilid nito dahil napagod at sobrang na haggard na ang beauty ko sa ginawa naming pagtakbo!

“Bakit mo ba ako nilayo sa kanila?!” Hinihingal na tanong ko.

“Dahil sabi mo, gusto mong malaman kung ano ang blowj*b. Then I will let you to do it to me.” Sagot nya.

“Ha? Paano ko naman yun gagawin sayo kung hindi ko alam kung ano yun! Kaloka ka!”

“Luhod.” Sabi nya.

“Ha? At bakit naman ako luluhod?!” Kunot noong tanong ko.

“Basta luhod!” Natigas nyang sabi.

“Oo! Na! Luluhod na!” sagot ko sabay luhod.

Pagkaluhod ko, naglakad palapit sa akin si Kuya Ace. Ganitong ganito yung posisyon namin kanina ni Kuya Axe.

“Oh ano na?!” Tanong ko.

“Nga-nga!” Utos nya.

“Ha? At bakit naman ako nga-nga nga?” Tanong ko ulit!

“Basta ngumanga ka nalang!” Matigas nyang ulit na sabi.

“Oo na! Nga-nga-nga na!” Pagsunod ko. Dahan dahan kong ibinuka ang bibig ko.

“Pikit!” Utos nya.

“At bakit naman ako pipikit? Ano to may surprise ba?” Mataray kong tanong.

“Yeah. Masu-surprise ka sa bagay ba makikita mo.” Nakangising kuda nya. Kaya dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko.

At….

Bigla nalang…..

Bigla nalang may humila sa akin!

Aray! Ang sakit hah! Dinilit ko na ang beautiful eyes ko!

“Sira na talaga yang ulo mo Ace! Balak mo pala talagang ipagawa iyon kay Fita!!” Galit na sabi ni Kuya Air habang hawak hawak nya ang braso ko.

“Gusto mo pang samantalahin ang kainosentehan ni Fita!” Galit ding sabi ni Kuya Ash.

“He wants to know it kaya gusto ko lang sagutin ang tanong nya.” Sagot ni Kuya Ace.

“Stop it Ace! Tara na! Bumalik na tayo sa pang-pang! Baka nandoon na si Kuya Axe.” Sabi ni Kuya Air at hinila nya na ako para maglakad.

Gulong gulo na yung isip ko! Hindi ko pa rin sila magets! Hindi ako matahimik! Naku-curious pa rin ako kung ano ba yung blowj*b na yun. Rwwwwr. Bakit kaya ayaw nilang sabihin.

Pagdating namin sa pang-pang, nakita namin si Kuya Axe na nakahiga sa may buhanginan at wala na syang malay! Jusko! Patay na ba sya???

Mabilis kaming nag-run forward para lapitan si Kuya Axe!

“Bro! Gising!” Kuda ni Kuya Ash habang inaalog nya si Kuya Axe.

“He’s hot! Mukhang inaapoy sya ng lagnat!” Ani Kuya Air matapos nyang hawakan si Kuya Axe.

“Ano nang gagawin natin? Baka iyan na yung epekto ng kamandag ng ahas na tumuklaw sa kanya!” Dagdag pa ni Kuya Ace.

“Dito lang kayo. Maghahanap lang ako ng gamot.” Sabi ko at mabilis akong nag run away!

Naalala ko pa, noong natuklaw si mudra ng kampon ni Ether. Ganung ganun din ang nangyari sa kanya. Inapoy din sya ng lagnat! Kaya ngayon, kailangan kong hanapin ang halamang gamot na ginamit noon ni Pudra para pagalingin si mudra.

Dahil kung hindi….made-deads ang halimaw na si Kuya Axe!!!!


Itutuloy. . .

Paaakkk 30

Enjoy Reading guys! :*


• FITA’S POV •

Nandito ako ngayon sa may tabing dagat. Kasama ko ang halimaw na si Axe! Wala pa rin syang malay hanggang ngayon! Pero in goodness side, wala na yung lagnat nya. Mukhang effective yung halamang gamot na dinikdik ko at pinainom ko sa kanya.

“Ugh.” Rinig kong sabi ng halimaw na to at sa wakas nagising na din ang sleeping monster. Rwwwr.

“Ayos na ba pakiramdam mo Kuya?” Tanong ko.

Pero hindi sya sumagot. Tinitigan nya lang ako. Yung titig na parang kinikilatis nya ang ganda ko! Ahahah! He staring at me from scalp to toe! Ganun!

“Bakit ganyan ka makatingin?” Tanong ko.

“Wa-wala.” Sagot nya. “Where are my brothers?” Tanong nya pa.

“Naghanap sila ng pagkain. Mukhang gutom na sila.” Sagot ko.

“Let’s follow them.” Kuda nya at akmang tatayo a sana sya pero pinigilan ko sya.

“Hindi! Dito ka lang. Magpahinga ka kaya muna! Baka mahimatay ka na naman.” Pagpigil ko.

“I said, Let’s follow them.” Matigas nyang sabi.

“Dito ka na nga lang! Huwag ka ng umalis, baka mapaano kapa.” Sabi ko naman.

“Why are you doing this?!” Inis nyang tanong.

Wow! Ano na naman yung ginawa ko? Bakit beast mode na naman ang halimaw na to! Grrrr.

“Ang alin ba? Bakit ba lagi ka nalang galit? Wala naman akong ginagawang masama sayo wah!” Imbyernang ganti ko sa kanya!

“That’s the point! Wala kang ginagawang masama sa akin kaya ako nagagalit!” Sagot nya at mas tunaas pa ang pitch ng boses nya!

So ganon? Pataasan ng boses ang gusto mo ha! Pagbibigyan kitang halimaw ka!

“Ewan ko sayo! Ang gulo mong kausap! Nagagalit ka sa akin dahil wala akong ginagawang masama? Ano gusto mo? Gawan kita ng masama? Baliw ka na talagang halimaw ka! Ano tingin mo sa akin? Masamang tao?” Ganti ko in my most high pitch of my gorgeous voice!

“Oo! Dahil lahat ng baklang gaya mo ay mga masamang tao!” Sigaw nya ulit.

“Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang tingin mo sa mga baklang gaya ko, gaya namin! Oo, I am gay, we are gay in gender but we are indeed different person and we have our different perspectives in life and that make us different from each other! Kaya sana huwag mong lahatin! Dahil hindi kami magkakatulad!” Sigaw ko din sa kanya! “ Ikaw lang ang nakilala kong taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob! Pagkatapos kitang tulungan, ganyan ka pa sa akin! Napakasama mo talagang halimaw ka! Ang sama sama mo! Isa ka talagang halimaw!“

Dahil sa sobrang imbyerna ko, nagwalk out na ako! Pinakulo na naman ng halimaw na yun ang dugo ko! Grrrr.

Habang naglalakad ako palayo, nagulat ako nang may humawak sa braso ko.

…at paglingon ko, ang halimaw na si Axe ang tumsmbad sa akin!!!

“Ano? Ano namang kailangan mo? Magagalit ka na naman ng walang dahilan? Ano?!” Galit kong kuda sa kaniya.

“I-I-I” sabi nya.

“Ano? Anong I? Pinagsasabi mo dyan!!” Pagtataray ko.

“Fvck! Okay! I’m sorry!” Sigaw nya.

Ano daw???? Totoo ba yung narinig ko? Ang halimaw na to? Nagsorry sya sa akin?

“Ano?! Anong sabi mo?!” Tanong ko ulit. Baka kasi mali lang ako ng dinig.

“I said I’m sorry!” Galit na sigaw nya.

“May nagso-sorry bang sumisigaw?!” Mataray kong tanong.

“Shit! Okay I’m sorry for what I did.” Mahinahong sabi nya.

“May nagso-sorry bang nagsasabi ng bad words?!” Mataray kong tanong ulit with matching taas kilay pa.

Pinaikutan nya ako ng mata at huminga sya ng malalim.

“I’m sorry sa nagawa ko, and thank you for saving my life.” Mahinahong sabi nya.

Oh diba? Kaya nya din palang maging mahinahon! Kailangan nya pang pilitin. Rwwwwr.

“Okay na! Walang anuman.” Sagot ko. “Pasalamat ka dahil nalala ko pa kung paano yung ginawa ng pudra ko nung natuklaw din noon si Nanay ng ahas. Mabuti nalang sharp ang memory ko, dahil kung hindi…baka deads ka na ngayon.” Dagdag ko pa.

“Salamat.” Matipid nyang sabi.

“Ay! Oo nga pala Kuya. Ayaw kasing sabihin sa akin nila Kuya Air yung ibig sabihin nung blowjb. Ano ba yun? Akala daw nila bino-blowjb kita kaya nagulat sila. Ano ba kasi yun?” Tanong ko.

Biglang naubo si Kuya Axe sa tanong ko at hindi aya makatingin sa akin ng diretso.

“Hindi mo ba talaga alam yun?” Seryosong tanong nya.

“Itatanong ko ba kung alam ko.” Sagot ko.

“You are gay, dapat alam mo yun.” Sabi nya.

“Ha? Eh hindi ko nga alam! Sabihin mo na kasi.” Pamimilit ko.

“Huwag mo nalang alamin.” Sagot nya.

“Sige na! Sabihin mo na! Ano ba kasi yun! Hindi ako matatahimik hanggat hindi mo sinasabi.” Kuda ko.

“Bata ka pa para malaman yun.” Sagot nya.

“Ha? Hindi noh! Magdadalaga na kaya ako! Sabihin mo na.” Pamimilit ko ulit.

“We’re here! Ang dami naming nakuhang pagkain.” Sabi ng isang boses kaya napalingon kami ni Kuya Axe sa direksyon kung saan galing ang boses na iyon. At nakita naming madaming dalang prutas sina Kuya Axe, Air at Ash.

“Bro? Kamusta pakiramdam mo?” Tanong ni Kuya Air sabay lapag ng isang piling ng saging sa buhanginan.

“I’m feel better now. Ayos na pakiramdam ko.” Sagot ni Kuya Axe.

“Talagang magling na nurse si Fita. Kahit anong sakit napapagaling nya. “ Nakangising sabi naman ni Kuya Ace.

“Syempre! Ako pa ba?!” Proud kong sabi sabay pose! Paaakkk! Ahahahaha.

“Malapit nang dumilim. Mukhang dito na tayo sa isla magpapalipas ng gabi.” Kuda naman ni Kuya Ash.

“Don’t worry, ako nang bahala. Lumaki ako sa isla kaya alam ko ang mga gagawin.” Kuda ko.

“Great! Mabuti naman.” Nakangiting sabi ni Kuya Ace sabay akbay sa akin.

“Nagugutom na ako. Kuya Air pahingi naman po ng saging.” Sabi ko.

“Eh yung saging ko? Gusto mo?” Nakangising tanong ni Kuya Ace!

“Wala ka namang dalang saging eh. Buko yung dala mo.” Sagot ko.

“Meron. Nandito oh.” Sabi nya at ituturo na sana nya kung nasaan yung saging nya nang bigla nalang sumigaw si Kuya Air.

“Ace! Sira na talaga yang ulo mo!” Galit na sabi ni Kuya Air at hinila nya ako palayo kay Kuya Ace.

“Relax Bro! I’m just kidding.” Natatawang sabi ni Kuya Ace.

“That’s not a good joke Ace. Huwag mo ng uulitin yan.” Sabi naman ni Kuya Axe.

“Alam mo namang may inosente tayong kasama, kaya ayusin mo yang kilos mo.” Dagdag pa ni Kuya Ash.

“Okay! Okay. Hahaha. Relax lang kayo Bros.” Kuda ni Kuya Ace. Kumuha sya ng saging na dala ni Kuya Air at binigay nya iyon sa akin. “Enjoy my banana.” Sabi nya sabay kindat!

“Salamat Kuya.” Sabi ko naman at dahil gutom na talaga ako. Mabilis kong kinain ang saging na bigay ni Kuya Ace.

Habang kinakain ko yung saging, naloka ako dahil nakatingin lang silang apat sa akin. At parang natulala pa yata sila.

“Uy! Bakit ganyan kayo nakatingin?” Tanong ko.

“Ugh! Ang liit pala ng bibig mo Fit, halos hindi magkasya yang saging.” Kuda ni Kuya Ace.

Grrrr. Narinig ko na naman ang Fit na yan! Ayoko ngang tinatawag nya akong Fit eh!

“Ang laki kasi ng saging, kaya ang iharap kainin.” Sabi ko. “ Huwag mo na nga akong tatawaging Fit! Ang baho nga sabing pakinggan eh!“ Imbyernang kuda ko pa.

“Hahaha. Oh, I’m sorry I forgot.” Natatawang sabi ni Kuya Ace.


Kinagabihan….

Pinakuha ko silang apat ng mga kahoy para sa magiging apoy namin sa gabing iyon. At nang makuha na sila ng sapat ng woods, agad kong sinimulan ang paggawa ng apoy.

Kiskis dito… Kiskis doon… Dapat mabilis! Pabilis ng pabilis! Gosssh! Ang sakit sa braso! Baka magka-muscles pa ako. No! No! No! Kung nasa akin lang siguro ang briliante ng apoy! Nakur! Isang kumpas lang tapos na ang laban! Ahahahaha!

After a few minutes of kiskis session! Sa wakas may apoy na din kami!

“Wow! Ang galing mo talaga Fit.” Kuda ni Kuya Ace! Grrrr. Fit na naman!!!!

“Basic lang yan.” Pagyayabang ko. Ahahaha.

“Mabuti nalang nakasama ka namin dito sa isla. Dahil kung kami kami lang, baka kung ano ng nangyari sa amin dahil wala kaming ka alam alam.” Nakangiting sabi ni Kuya Air!

Awwww! Ang gwapo! Nalaglag na naman ang panty liner ko! Ahahaha. Anubeee.

“Oo nga. Akala namin you’re just a gay that full of crazy thoughts, pero may alam ka din pala sa ganitong mga bagay.” Dagdag pa ni Kuya Ash at nginitian nya din ako!

Awwww! Ang gwapo din! Mygaaad! Hindi ko na kaya to mga besssh! I need back up! May psnty liner pa ba kayo dyan? Naubos na yung stock ko! Ahahaha.

“Syempre naman. Lumaki ako sa isla. Lumaki ako sa hirap ng buhay. Kaya marami akong alam.” Proud kong sabi. Ahaha.

Pero bigla nalang umihip ang malamig na hangin, kaya na bahing tuloy ako ng hindi oras! Gosssh! Bakit biglang lumamig!

Nagulat ako nang hubarin ni Kuya Axe ang suot nya sando at inilagay nya iyon sa magkabila kong braso. Medyo malaki yung sando nya kaya parang naging balabal ko tuloy iyun.

“Nilalamig ka na. Sayo muna yan.” Seryosong sabi nya at bumalik sya sa kaninag pwesto nya.

Ha? Totoo ba yung ginawa nya? Wehhh? Ang halimaw na yun? Biglang naging concern sa akin? Totoo ba?

Pinagmasdan ko sina Kuya Ace, Air at Ash. At pare parehas ailang nagulat sa inasta ni Kuya Axe. Mukhang pati sila, hindi makapaniwala sa ginawa nito.

“Ito din ang sando ko, itakip mo dyan sa hita mo. Baka lamukin ka.” Kuda naman ni Kuya Ash pagkatapos nyang hubarin ang sando nya. Inabot nya ito sa akin. Kaya naman ginawa ko ang sinabi nya.

Nakakaloka na wah! Mukhang bumabait na naman ang mga halimaw na to sa akin. At hindi lang sila basta naging mabait! Mukhang naging gentlemen na sila dahil alam nilang may kasama silang Dyosa! Ahahahaha. Eme lang!

“Salamat.” Pa sweet na sabi ko.


• AUTHOR’S NARRATION •

Nang makatulog na si Fita, nag-umpisa nag mag-usap usap ang apat na magkakapatid. Hindi sila makatulog dahil hindi sila sanay matulog sa ganoong lugar.

“Bro? Anong ibig sabihin ng ginawa mo kanina?” Nakangising tanong ni Ace kay Axe.

“What do you mean? Ano bang ginawa ko?” Tanong naman ni Axe dito.

“You showed concern to Fita nung bigla syang lamigin.” Sagot ni Ace.

“Does it mean hindi ka na galit kay Fita?” Tanong naman ni Air kay Axe.

“I don’t know. Maybe tama kayo. He’s different. Mukhang iba nga sya sa mga baklang bumaboy sa akin noon. Ibang iba sya… He’s very–” naputol ang sasabihin ni Axe nang sumingit si Ash.

“He’s very innocent right? Yan ba ang gusto mong sabihin Bro?” Saad ni Ash.

“Yeah. Hindi ko alam na may bakla palang gaya nya na walang kaalam alam.” Ani Axe.

“Mabait si Tita Helena, and she raised Fita in a good way. Kaya mabait din si Fita gaya ni Tita.” Saad naman ni Air.

“So now? Magiging masungit pa ba tayo sa kanya? Or we just treat him in a nice way?” Nakangiting tanong ni Ace sa mga kapatid.

“We’ll treat him, the way he treat us.” Sagot ni Axe.


Itutuloy. . .

Paaakkk 31

Guys! Don’t rush me to update! Dahil ang hirap gumawa ng bagong update kung wala naman po ako sa momentum. Mahirap mag-isip ng bagong update kaya sana don’t rush me po.

Kayo na pong bahalang umintindi sa update kong ito. Medyo wala lang takaga ako sa sarili ngayon! Salamat. :)


• FITA’S POV •

Kinabukasan. . .

Dahan dahan kong minulat ang tantalizing eyes ko. Tantalizing talaga? Ahahaha. Basta! Ganun! Inunat unat ko ang mga braso’t binti ko. Ugh! Ang serep!

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. At hindi ko nakita ang apat na halimaw. Saan naman kaya nagpunta ang mga yun?

“Kuya! Mga Kuya!” Sigaw ko. Pero wala akong narinig na sagot.

Gossshh! Baka iniwan na nila ako?! Nakurrr! Pepektusan ko talaga sila sa scrotum kapag iniwan nila ako dito. Rwwwr.

…napatingin ako sa dagat dahil sa narinig kong inagy ng tubig. At paglingon ko doon, tumambad sa akin ang apat na halimaw na yun!

Pero juskooooooo!!!! Bakit mga naka brief lang sila!!!!

OH MY GODDESS OF BURNING BODY OF FIRE! Mygaaaad!!!!

Anubeeee! Hindi pa nga ako nagbe-breakfast busog na agad ako! Ahahahahaha! Nagfountain na naman ata ang panty liner ko sa makasalanang pigura na nakikita ko ngayon! Ahahahaha.

Dahan dahan silang umahon mula sa dagat. Para silang mga anak ni Poseidon! Para silang mga sirenong nagmula sa pusod ng karagatan para paluwagin ang suot kong panty! Ganun! Ahahahaha.

Napalunok ako ng laway. Halos hindi kumurap ang mata ko. Para itong DSLR camera na naka-focus lang sa nagliliyab nilang mga katawan nagbu-blured ang lahat maliban sa kanila. Hahaha. Anubeeee Fita! Ang harot mo telege!

“Good Morning mga Kuya!” Naka smile na pagbati ko sa kanila. Syempre in sweet way! Ganun.

“Good Morning Fit!” Pagbati naman ni Kuya Ace sabay kindat sa akin at naloka ako sa ginawa nya! Hinimas nya yung ano nya sa harap ko!

Jusko! Ang bastos! Manayak talaga ang halimaw na to! Kaya ibinalimg ko nalang kay Kuya Air ang paningin ko.

“Good Morning Fita.” Nakangiting pagbati naman ni Kuya Air.

Awwww! Ang pogi! At ang hot pa! Mygosh! I need rice! Kanin nalang ang kulang! May ulam na. Ahahahaha.

“Good Morning!” Sabi naman ni Kuya Ash. Naka smile din sya. At sa kanilang lahat, si Kuya Ash ang may pinaka magandang katawan. Siguro dahil basketball player sya! Ahahahaha.

“Go-good morning.” Pagbati naman ni Kuya Axe! Bakit ganun? Hindi sya makatingin sa akin ng diretso? Anyaree sa halimaw na to?

“Here, kumain kana.” Kuda ni Kuya Air sabay abot sa akin ng prutas na hawak nya.

“Salamat po Kuya.” Pa sweet na sabi ko.

“Fit? Gusto mo ulit ng saging ko? Eto, marami pa.” Nakangising sabi naman ni Kuya Ace at inilapag nya sa tabi ko ang isang piling ng saging.

“Salamat Kuya.” Tugon ko. Pero hindi ko na sya tinignan. Baka kung ano naman ang gawin nya sa harap ko.

“May buko din dito, uminom kalang kung nauuhaw ka.” Sabi naman ni Kuya Ash sabay abot ng buko. Ahahaha.

Anubeeee. Totoo ba itong mga nagaganap? Ang mga halimaw na to? Pinagsisilbihan ako? Nakakaloka! Nung nakaraan lang hindi nila ako pinapansin, tapos ngayon, todo alaga sila sa akin. Ahahaha. Kinikilig tuloy ang virgin hormones ko sa kanila.

Inumpisahan ko ng kumain, habang sila nakatitig lang sa akin. Nakakailang yung tingin nila. Hindi tuloy ako makakain ng ayos! Kaloka! Tapos mga naka-brief lang sila! Mygosssh!

“Huwag nyo nga akong tignan! Nakaka-ilang kasi.” Kuda ko sa kanila.

“I can’t stop myself staring, ang ganda at ang sexy mo kasi.” Nakangiting sabi ni Kuya Ace at kinindatan nya ulit ako!

“Tseee! Nung nakaraan lang sabi mo ang panget panget ko! Tapos ngayon bigla mong babawiin. Ewan ko sayo!” Imbyernang sabi ko sa kaniya.

“I was just out of my mind when I said that. But now, I realized that you’re pretty and undeniably sexy.” Nakangiti nyang sabi at lumapit sya sa akin. Inakbayan nya ulit ako! Grrrr.

“Tseeee! Bolero! Ganyan ganyan yung mga kakilala kong mga babaero. Ganyan sila magsalita! Tigilan mo nga ako Kuya.” Pagtataray ko sa kanya at inalis ko ang braso nyang naka-akbay sa akin. Tumayo ako at tumabi ako kay Kuya Air.

Natawa sina Kuya Air, Ash at Axe sa sinabi ko kay Kuya Ace.

“Hehe. Tama yan Fita. Huwag kang magpapaloko dyan kay Ace. Bolero talaga yan. Kaya nga hindi na mabilang ang mga ex nyan.” Natatawang sabi ni Kuya Air.

“Ano ka ngayon Ace? Nga nga ka? Hahaha.” Natatawa ding sabi ni Kuya Ash.

“Oh, tama na yan. Baka mapikon pa si Ace sa biro nyo.” Kuda naman ni Kuya Axe at mukhang pinipigilan nya lang yung tawa nya.

“Nope Bro! Hindi ako mapipikon. Alam ko namang sa ating lahat. Ako ang pinaka gusto ni Fit.” Kuda nya sabay kindat sa akin!

Ang kapal!!!! Ang kapal talaga ng mukha ng halimaw na to! Ako? Magkakagusto sa kanya? Utut nya!

“Excuse me, si Kuya Air ang pinaka gusto ko sa inyo. Dahil ang galing galing nyang kumanta.” Sabi ko at hinawakan ko ng mahigpit ang braso ni Kuya Air.

“Ako pala ang gusto Ace. Kaya umuwi ka na. Hahaha.” Natatawang sabi ni Kuya Air at imakbayan nya ako.

“Sanay din akong kumanta! Mas magaling pa nga ako dyan sa Air mo.” Pagyayabang nya.

“Weh? Huwag puro salita. Sample dapat Kuya!” Kuda ko. Ahahaha!

“Next time nalang! May sour throat ako ngayon.” Palusot nya.

Nagtawanan naman kami dahil sa palusot ni Kuya Ace! Nakurr! Manyak na nga, puro yabang pa ang alam. Kaloka sya. Ahahaha.


Pagkatapos naming mag-agahan, muli naming nilibot ang buong isla. Naghiwa-hiwalay kami dahil napagdesisyunan naming gumawa ng balsa. Dahil hindi kami makakaalis sa islang ito kung hindi kami gagawa ng paraan. Malawak ang dagat, baka sa mga oras na ito, hinahanap na kami nila Mudra at Fafa Ark!

Gosssh! Ano na kayang nangyari kay mudra? Baka na-istress na yun dahil sa nangyari sa amin! Jusko! Sana safe ang baby sisteret ko.

Naghanap ako ng baging para gawing panali sa balsang gagawin namin, samantalang ang apat na yun, naghanap sila ng mga kawayan.

Umakyat ako sa isang puno para kumuha ng baging sa itaas nito. Mabuti nalang may dugong chimpanzee ako! Kaya na keri kong mag climb climb to this high tree. Ahahaha.

Pero nang ihahakbang ko na ang paa ko, bigla nalang may langgam na kumagat sa akin! Kaya na out of balance ako!

Oh mygaaaaddd! Mafo-fall ako!!!! Goshhh! Mapa-plakda ang beauty ko sa lupa! No! No! No! Jusko!

Napapikit ako ng mata, at hinintay ko nalang ang pagbasak ko sa lupa! Paniguradong ang sakit nito!

“Fita!” Rinig kong sigaw ng isang boses! At nang idilat ko ang mata ko, nakita ko si Kuya Ash na mabilis na tumatakbo!

Sana masalo nya ako! Juskoooo

Ilang saglit pa’y naramdaman ko ang matigas na katawan ni Kuya Ash. At salamat kay Bathalang Emre dahil nasalo nya ako!

“A-are you okay?” Tanong nya.

“O-opo Kuya. Okay lang po ako. Salamat po!” Sabi ko at dahil sa sobrang tuwa ko, nayakap ko sya ng sobrang higpit.

Awwww! Ang bango mga besssh! Nakaka-adik! Ahahaha! Charoot lungs!

“Mag-iingat ka na sa susunod. Ako nalang ang kukuha ng mga baging.” Sabi nya.

“Pe-pero Kuya. Gusto kong tumulong.” Kuda ko.

“Sa paggawa ka nalang ng balsa tumulong. Ako nalang ang aakyat ng puno.” Sagot nya.

Kaya wala na akong nagawa, hinayaan ko nalang sya.

Pagkatapos nyang makakuha ng sapat na baging para sa aming gagawing balsa ay naupo kami sa ilalim ng puno ni Kuya Ash habang nakasandal kami dito. Mukhag napagod sya sa pagputol ng mga baging ni Fafa Tarzan. Ahaha.

Kinuha ko ang panyong nakita ko kanina sa may tabing dagat. Dahil pawis na pawis na si Kuya Ash. I want to wipe his sweat. Ahahaha.

Dahan dahan kong pinunasanang pawis nya! Awww! Parang nakukuryente ang kamay ko sa tuwing dumadampi ito sa mukha ni Kuya Ash. Ahahaha.

“Salamat.” Nakangiti nyang sabi. Omygash! Ang gwapo nye telege!

Nagulat ako nang bigla akong hawakan sa may pulso ni Kuya Ash. At tumitig sya ng seryoso sa mga mata ko.

“Ah. Ba-bakit Kuya?” Tanong ko.

“May itatanong ako.”

“A-ano naman?”

“Nagka-boyfriend ka na ba?” Tanong nya!

Nakakaloka! Yun ba talaga ang tanong nya?? Bakit kaya natanong nya yun?! Nakurrrr.

“Wala. Hindi pa ako nagkakaroon Kuya.” Sagot ko.

“Kaya pala.” Sabi nya.

“Anong kaya pala?” Tanong ko.

“Kaya pala napaka inosente mo.” Sabi nya.

Ako? Inosente? Maybe yes! Siguro nga inosente pa ako. Ako yung INOSENTENG MAHAROT! Ganun! Ahahahaha! Walang aangal! Ibo-block ko sa wattpad ang umangal! Ahahaha.

“Papaano mo naman nasabi na inosente ako Kuya? Hindi ko maintindihan.” Tanong ko.

“Dahil marami kapang bagay na hindi alam.” Sagot nya.

“Ganun? Eh ano ba yung mga bagay na hindi ko alam? Gusto kong matutunan yung mga bagay na yun.” Kuda ko.

“Tsaka na, kapag malaki ka na.” Sabi nya.

“Grabe ka Kuya! Magdadalaga na kaya ako! Ganun ba ako kaliit sa tingin mo? Palibhasa kasi mga height nyo pang kapre! Kaya sobrang liit ng tingin nyo sa akin.” Nakangusu kong sabi ko sa kanya.

“What I mean is kapag matured enough kana to know some things na hindi mo pa dapat malanan.” Sabi nya.

“Ganun. Okay po. Magse-self study nalang ako sa mga bagay na hindi ko pa alam. Ganun!” Sagot ko.

“But I like what you are right now. Your innocence is one of the things that I really like about you and also your crazy personality.” Nakangiting sabi ni Kuya Ash!

Totoo ba yung na heard ko? Like nya ako? May gusto sa akin si Kuya Ash? Ahahahaha! Ang lakas talaga ng alindog ko! Taob si Liza Soberano. Ahahahaha

“So may gusto ka pala sa akin Kuya, kasi sabi mo like mo ako.” Kuda ko.

“I-I didn’t sa-say that. A-ang sabi ko lang I-I like your innocence and your crazy personality hindi ikaw.” Sabe nya.

Ayyg ganooooon? Awwwwccch! So hindi nya ako gusto?! Grrrrrr! Nag-assume pa naman ako! Pashneya talaga ang halimaw na to! Paasa sya!!! Rwwwr!

“Okay! Tara na nga Kuya! Baka nandun na sila.” Imbyernang sabi ko sa kanya!

“Bakit ka nagagalit d’yan?” Tanong nya.

“Wala! Red days ko ngayon!” Sagot ko.

“Hahaha. Red days? Eh wala ka namang matres.” Natatawang kuda nya!

“Tseeee! Akala mo lang wala pero meron meron meron!” Sigaw ko.

“Okay! Meron na kung meron. Hahahaha.” Sabi nya ulit at tawang tawa pa sya.

Grrrrrr.


Itutuloy. . .

Paaakkk 32

• FITA’S POV •

At ganun na nga ang nangyari mga besh! Nakagawa kami ng balsa! Ahahaha.

“At last! We did it!” Sabi ni Kuya Axe pagkatapos naming magawa ang balsa.

“So now? Sino ang gagamit nyan para makahingi ng tulong?” Tanong ni Kuya Ash.

“Edi tayo Bro! Sino pa ba?” Sagot ni Kuya Ace.

“Ang ibig kong sabihin sinu-sino? Hindi naman tayo kasya sa balsang ito. Parang tatlong tao lang ang kasya dito.” Kuda ni Kuya Ash.

“Ako. I wanna try this floating bamboo.” Ani Kuya Air.

“Ako din po! Gusto kong sumakay!” Pagsingit ko.

“Dito ka lang Fita. Kami na ang bahalang humingi ng tulong.” Pagpigil ni Kuya Ash.

“Pero Kuya! Sige na! Marami akong kaibigang mga lamang dagat, baka matulungan nila tayo. Kaya isama nyo na ako.” Pagpupumilit ko.

“Hehe. Puro ka talaga biro Fit! Hayaan nalang natin sila Kuya na humingi ng tulong. Para tayong dalawa nalang ang maiwan dito.” Nakangising sabi ni Kuya Ace!

Nakurrr! Ayuko! Sasama ako! Ayukong maiwan dito kasama ang manyak na to. Rwwwr.

“Sasama ka sa amin Ace. Si Kuya Axe at Fita ang maiiwan dito. Injured pa rin si Kuya kaya hindi sya makakasama.” Saad ni Kuya Air.

“But Bro! Kayo nalang. Gusto kong magpaiwan!” Pag-ayaw ni Kuya Ace.

“Hindi Ace! Sumama ka sa amin! Baka kung ano pang gawin mo kay Fita kapag kayong dalawa lang ang maiiwan dito!” Ani Kuya Ash.

“Sige na Ace. Sumakay ka na sa balsa. Ako ng bahala kay Fita.” Kuda naman ni Kuya Axe?

Weh? Talaga ba Kuya Axe? Ikaw ang bahala sa akin? Parang hindi parin ako makapaniwala sa kinikilos nya ngayon. Nakakapanibago. Wala na ang halimaw na si Axe! Ahahaha.

At ganun na nga ang nangyari. Sumakay na sila Kuya Ash, Air at Ace sa balsang ginawa namin. Sana lang talaga makahingi sila ng tulong! Dahil hapding hapdi na ang flawless skin ko dahil palaging tubig dagat nalang ang pinangpapaligo ko. Tapos wala pang sabon at shampooo! Juskooooo! Rwwwwr.

“Hintayin nalang natin ang pagbalik nila.” Rinig kong sabi ni Kuya Axe at umupo sya sa may tabi ng puno.

“Sana makahingi na sila ng tulong. Na mimiss ko ng kumain ng spaghetti.” Kuda ko.

Narinig kong biglang natawa ng bahagya si Kuya Axe.

“Bakit? Ano nakakatawa Kuya?” Tanong ko.

“Ah. Wa-wala.” Sabi nya.

Naglakad ako palapit sa kanya at tinabihan ko sya sa tabi ng puno.

“Kuya?” Pagtawag ko.

“Bakit?”

“Bati na ba talaga tayo? Hindi ka na ba talaga galit sa akin?” Tanong ko.

“Oo. Bati na tayo bansot.” Sabi nya at ginulo nya pa ang buhok ko.

“Tseee! Hindi nga ako bansot! Cute lang! “ Imbyernang kuda ko sa kaniya.

“Tumayo ka.” Utos nya.

“At bakit naman ako tatayo?!”

“Basta tumayo ka.” Kaya tumayo naman ako at ganun din sya.

“Bakit mo ba ako pinatayo?” Tanong ko.

“Tignan mo ang height mo sa height ko. Hanggang dibdib lang kita. Kaya may karapatan akong tawagin kang bansot.” Sabi nya! At talaga namang na asar ako ng bonggang bongga!!!!

“Tseeee! Hindi ako bansot! Kapre ka lang! Kapre ka!” Sigaw ko!

“Kung ako kapre, ikaw naman unano.” Pang-aasar nya pa!

“Tseeee!!!! Sa ganda kong to? Ako magiging unano?! Kapre ka! Kapre!” Kuda ko habang hinahampas ko sya sa dibdib.

Aray ha! Ang saket! Ang tigas ng dibdib nya!!! Grrrr.

Natigil ako sa ginagawa kong paghampas sa dibdib nya nang bigla nyang hawakan ang braso ko, at idinikit nya ako sa punong nasa likod ko. Bigla akong kinabahan! Seryoso nya kasi akong tinitigan sa aking mga mata! At hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nya.

“Ba-bakit?” Utal na tanong ko.

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.” Sabi nya at unti unti pa syang lumalapit sa akin! Mygad!

“A-ang alin? A-ano ba yun?” Tanong ko.

“Na kaya ko palang makipag-usap at makipagbiruan sa baklang gaya mo. I never thought na mangyayari ang ganitong bagay, na mapapalapit ako sa isang baklang gaya mo.” Seryosong sabi nya! Habang titig na titig sya sa mga mata ko!

“A-ako din naman! Kahit kailan hindi ko na-imagine na magkakaayos pa pala tayo. Dahil sa inyong apat, ikaw ang pinaka halimaw sa lahat! Akala ko hanggang forever na ang World War III natin.” Kuda ko.

“Halimaw? Ganyan ba tingin mo sa amin?” Tanong nya at napangiti sya ng bahagya.

“Oo! Mga halimaw kayong apat! Unang dating ko palang sa mansyon nyo, ang sama na agad ng pag-welcome nyo sa akin.” Sagot ko.

Lumapit pa sya sa akin, halos magkadikit na yung katawan namin! Juskoooo! Ang tigas! Ang tigas ng katawan nya! Rwwwwwwwr. Inilapit nya din ang mukha nya sa mukha ko, na parang ilang inches nalang ang layo nito.

“You made me realized, that not all gays are the same. May katulad mo pa palang naiiba.” Bulong nya sa kanang tenga ko!

Halos magtayuan lahat ng balahibo ko dahil sa sobrang init ng hininga nyang dumampi sa balat ko! Anubeeee Kuya Axe! Bakit ka ganyan! Ano ba itong ginagawa mo! Bumibilis tuloy ang kabog ng flat kong dibdib! Kaloka kaaaa!

“O-of course! I’m differently unique! Wala akong katulad! Endangered species na ako!” Kuda ko ulit.

“Fita?” Pagtawag nya. Gosssh! Bakit parang may kakaiba sa pagtawag nyang iyon. Kinakabahan tuloy ako.

“A-ano yun Ku-kuya?” Tanong ko.

Hindi sya sumagot! Bigla nalang nya akong binuhat at inihiga nya ako sa buhanginan!!!! Mabilis nyang hinawakan ang magkabila kong pulso habang nakapatong sya sa ibabaw ko!

“Tayong dalawa lang ang nandito.” Sabi nya at tunog manyak ang tono ng boses nya! Kaya lalo tuloy akong kinabahan ng bonggang bongga!

“Ku-kuya! A-ano ba-bang gi-ginagawa mo! Bi-bitiwan mo ako!” Kabang kabang sabi ko.

“Hindi.” Matigas nyang sabi. At dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko!!!!

Bathalang Emre! Hindi ko maintindihan ang nangyayari! Naloloka na ako kay Kuya Axe!!!! Ano bang nangyayari sa kanya!!!!!!

Damang dama ko ang hininga nya na dumadampi sa mukha ko, at bumaba ito hanggang sa dibdib ko. Juskooooooo! Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba!!!!!

“Ku-kuya! Bi-bitiwan mo ako!” Pakiusap ko.

“Ayaw mo ba sa ginagawa ko?” Tanong nya!

“Syempre ayuko! Bi-bitawan mo na nga ako! I-isusumbong kita kila Kuya Air!” Kuda ko.

“Wala naman sila dito. Kaya kung magsusumbong ka man sa kanila, eh tapos na itong gagawin ko sayo.” Sabi nya at talaga namang nakakakilabot ang tono ng boses nya!

“A-ano ba-bang ga-gawin mo?” Kinakabahang tanong ko.

“Gusto mong malaman?” Tanong nya at nasilayan ko ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi!

Ooooh juskoooo! Ganyan na ganyan ang ngiti ni Kuya Ace! Mygaaaaad! Manyak din pala ang halimaw na Axe na to! Walang dudang magkapatid sila!!!!

…ilang saglit pa…..

Naramdaman ko nalang ang matigas nyang….

Ang matigas nyang….

Ang matigas nyang daliri nang pitikin nya ang ilong ko! Araaaayyy! Ang sakitttt!!! Pashneya!!!!!

“Aray! Ang sakit ha!!!” Sigaw ko!!!

“Hahahahaha! Ang lambot pala ng ilong mo bansot! Parang walang buto!” Natatawang sabi nya at kinalas nya na ang mahigpit nyang pagkakahawak sa pulso ko at umalis na rin sya sa ibabaw ko!

“Tseeee!!!! Boseet kang halimaw ka! Akala ko kung ano nang gagawin mo sa akin! Pipitikin mo lang pala ang ilong ko! Pashneya ka!!!!” Imbyernang kuda ko sa kaniya habang binabato ko sya ng mga balat ng saging!

“Bakit? Ano bang akala mong gagawin ko?” Natatawang tanong nya.

“Wala! Wala! Boooseet ka talaga!” Galaiti ko sa kaniya.

“May itatanong ako bansot?” Biglang tanong nya!

“Ano! Ano naman ang itatanong mo!” Pagtataray ko.

“Bakit Fita ang pangalan mo? Pinaglihi kaba sa biskwit?” Natatawang tanong nya.

“Hindi no! There’s a story behind my beautiful name!” Sagot ko.

“Then, tell me that story” Aniya

“Mahabang kwento.” Sagot ko.

“I’m willing to listen.” Sabi nya naman.

“Talaga?”

“Yup.” Sagot nya.

“Ganto kasi yan, si Nanay at yung Tatay ko nagkakilala sila sa isang commercial shoot.” Panimula ko. “Dahil maganda si Nanay, kinuha syang commercial model at si Tatay naman dahil sikat syang guitarista ng banda nilang Rock of Adonis kinuha din syang model. At doon na nga nila nakilala ang isa’t isa.” Kuda ko pa.

“Oh? Ano koneksyon nun sa pangalan mo?” Tanong ng halimaw na to.

“Kasi yung product na ico-commercial nila ay yung Fita biscuit. Sa commercial na yun, mag-lovers sila at after ng commercial na yun, doon na nga nagsimula ang love story nila Nanay at Tatay. At nang isilang na ako ni Nanay, ipinangalan nya sa akin yung pangalan ng biskwit na yun dahil iyun daw ang nagpapaalala sa kanila ng simula ng love story nilang dalawa! Ganun. Gets? Ba?” Mahabang sagot ko sa kanya.

“Ah. What a nice story. Now I know.” Sabi nya.

“Ako Kuya? Pwede ba akong magtanong sayo?” Tanong ko.

“Of course, ask me anything and I’ll do my best to answer it.” Sagot nya.

“Ahm. Itatanong ko lang. Bakit galit ka sa mga gaya kong bading? Kasi sabi mo noon you hate gays like me.” Tanong ko.

Biglang natahimik si Kuya Axe sa tanong ko.

“Ahm. Kuya?” Pagtawag ko sa kanya.

“I’m sorry, I can’t answer your question.” Sabi nya.

“Ganun? Ang daya mo naman. Pero okay lang. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo.” Sabi ko naman.

“I will tell you the reason kapag kaya ko na.” Aniya at pansin kong parang lumungkot ang awra nya.

“Okay po. Hihintayin ko yan.” Nakangiti kong sabi sa kanya. “Iba nalang yung itatanong ko sa iyo Kuya.” Pahabaol ko pa.

“Ano yun?”

“Maganda ba ako?” Naka-smile na tanong ko! Ahahaha!

“Tinatanong pa ba yan? Syempre hindi! Walang bansot na maganda!” Sagot nya!!!! Kaya buong pwersa ko syang hinampas sa braso nya!!!! Ang lakas din mang-okray ng halimaw na to!!! Grrrrr.

“Tseeeee!!!! Maganda kaya ako no!” Sigaw ko sa kaniya habang patuloy ko syang hinahampas.

“Hindi ka maganda.” Pang-aasar nya pa!

.

“Tseee!!!!!” Hahampasin ko pa sana sya ulit sa braso nya ng hilahin nya ang braso ko!

At naloka ako sa sumunod na eksena!!!!!!

Nasubsub ang ngusu ko sa pisngi ni Kuya Axe!!!!!! Gooosssh! Na halikan ko sya sa pisngi!!!!

Kaya agad akong lumayo sa kaniya!

“Pweeeee!!! Iwwwww! Yaaaakkk!!!” Kuda ko.

“Ayos ha?. Ikaw pa itong nag-inarte. Ikaw na nga itong nakahalik sa gwapong gaya ko!” Sabi nya!

Huwoooww! Ang yabang! Ang kapal ng mukha ng halimaw na to! Gwapong gwapo din pala ang isang to sa sarili nya! Grrrrr.

“Ang kapal mo! Halimaw ka talaga!” Sigaw ko at nag-walk out na ako.

Goooosssh. Anu ba itong nangyayari. Para kaming sina Tom at Jerry! May oras na bati kami, at may oras naman na warla kami! Kapag kasama ko ang halimaw nato baka mabaliw na ako ng tuluyan!!!! Juskoooo.


Itutuloy. . .

Paaakkk 33

Sorry po sa late update! Midterm po kasi namin nitong mga nakaraang araw kaya hindi po ako nakapag-update! I hope you understand. :)

Medyo may hang over pa rin ako sa midterm week namin, kaya kayo na pong bahalang umintindi sa update kong ito. Ahahaha! ✌😁😁😁😁

• FITA’S POV •

Excited na akoooo!!!! This is my first day in school! Makakapag-aral na talaga ako sa college! Mygaaad!!! Para akong batang paslit na excited na pumasok sa school! Ganun. Ahahaha!

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapag-move on sa mga nangyari sa amin sa isla. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na mabait at maayos na talaga ang pakikitungo sa akin ng apat na halimaw na yun. Kung hindi siguro kami na-istranded sa islang iyon, baka hanggang ngayon galit pa rin sa akin ang apat na kumag na yun. Rwwwr. Subukan lang nila ulit magalit sa akin! Tsa-tsaniin ko talaga isa-isa ang malalago nilang balahibo sa kili-kili. Grrrr.

But anyways! Nung umalis nga pala sila Kuya Ace, Air at Ash para humingi ng tulong gamit yung balsang ginawa namin ay mabuti nalang may nakakita sa kanilang mangingisda at iyon ang tumulong sa amin!

Pagbalik namin sa isla Mako, kitang kita ko kung paano ma-istress si mudra! Alalang-alala sya sa aming lima! Mabuti nalang talaga walang nangyari sa baby sister ko. She’s in her good condition! Ahaha! Pero sila Ate Mimi, Lily at Deedee together with Manang Yolly ay sobrang OA ng reaction! Ang drama talaga nila. Ahahaha. Si Fafa Ark naman kalmado lang ang reaksyon pero syempre nagpa-awa effect ako sa kanya para mayakap ko sya! Ahahahaha! Anubeee.

“Nak! Fita? Tinatanong kita? Anong oras ang pasok mo?” Rinig kong tanong ni mudra kaya nanumbalik ako sa ulirat ko. Ahahaha. Nasa dinning area nga pala kami ngayon and we’re eating our breakfast.

“Ahm. 8:00 am po Nay!” Sagot ko.

“Pare-parehas pala kayo ng oras ng pasok. Sumabay ka nalang sa mga Kuya mo Fita.” Kuda ni Fafa Ark.

“Sa akin ka nalang sumabay!” Sabi ng apat na halimaw na to in chorus! Kaloka! Pati si mudra at Fafa Ark naloka din! As in sabay sabay talaga nilang sinabi yun! Ahahaha.

“Sa akin ka nalang sumabay Fit.” Kuda ni Kuya Ace sabay kindat sa akin. Rwwwr. Ayuko nga! Baka kung saan mo pa ako dalhin.

“If you want you can ride in my car, mabilis akong magmaneho. Hinding hindi tayo male-late.” Alok naman ni Kuya Ash. Kaya lang ayuko ng masyadong mabilis! Baka malaglag yung puso ko!

“Sabay ka nalang ulit sa akin. Kung gusto mo lang. Don’t worry maayos na yung kotse ko.” Mahinang sabi naman ni Kuya Axe. Nakurrr! May phobia na ako sa kotse nyang de-batirya! Baka makulong na naman kami sa loob nun! Rwwwr! Ayuko.

“Kay Kuya Air nalang po ako sasabay.” Deklara ko.

Napatingin sa akin si Kuya Air at nagulat pa sya sa sinabi ko. Ahahaha.

“Sa akin?” Tanong ni Kuya Air.

“Opo Kuya. Sayo nalang po ako sasabay. Okay lang ba?” Sagot ko naman.

“Sure! Okay na okay.” Nakangiting sabi ni Kuya Air! Awwwww! Ang gwapo nya talagang ngumiti! Ahahaha!

At ganun na nga ang nangyari mga besssh! Kay Kuya Air ako sumabay. Nakasakay ako ngayon sa kotse nyang kulay Green. Nakaupo ako sa front seat katabi nya.

“May lunch box ka talagang dala?” Nakangising tanong ni Kuya Air.

“Eh, pinagluto ako ni Manang Yolly, sayang naman kung hindi ko babaunin.” Sagot ko.

“Ang cute mong tignan while holding that lunch box.” Sabi niya!

Anooo dawww? Ako cute? Ahehe! Anubeee! Alam ko naman yan Kuya!

“Eh yung suot ko? Okay lang ba Kuya?” Tanong ko. Simpleng yellow shirt at skinny jeans with matching sneakers ang OOTD ko ngayon.Wala naman kasing uniform ang Zarvard University. Ganun daw kasi sa ibang bansa kaya inimitate na nila. Ahaha!

Tinignan ako ni Kuya Air mula ulo hanggang paa. “Its okay. Ang ganda mo ngayon.” Sagot nya!

Anubeeeee! Kanina cute lang, ngayon naman maganda na! Ahahahaha. Napaka honest talaga ni Kuya Air!

“Ikaw din Kuya, ang gwapo mo ngayon.” Pa sweet na sabi ko.

“Talaga? Gwapo ako?” Nakangiting tanong nya.

“Opo Kuya! Super gwapo.” Sagot ko.

“Ang sarap naman pakinggan. Hehe.” Nakangiti nyang sabi.

“Pero mas masarp pakinggan yung boses mo Kuya, kapag kumakanta ka. Sample naman d’yan.” Kuda ko.

“Hehe. Sure. Ano bang gusto mong kanta?” Tanong nya.

“Ahm. Kahit ano po Kuya.” Sagot ko.

“Okay. Okay.” Sabi nya at ilang saglit lang nagsimula na syang kumanta. . . .

Bakit kapag tumitingin ka

natutunaw ako,

Bakit kapag lumalapit ka

kumakabog ang puso ko

Bakit kapag nandito ka sumasaya

ang raw ko

Lahat ng bagay sa mundo parang

walang gulo…

Awwww!!!! Ohmygasssshhh!!!! I can breathe! Ang gwapo talaga ni Kuya Air! Lalong lalo na yung boses nya! Ahehehe!

…. Bakit kapag nakikita ka parang

nasa ulap ako

Bakit kapag kausap kita nauutal-

utal sayo

Bakit kapag nandito ka

nababaliw ako

Nababaliw sa tuwa ang puso ko…

Gossssh!!! Sumusulyap-sulyap pa sya sa akin habang kumakanta at nagmamaneho sya! Omegeeed! Konti nalang maiihi na talaga ako! Juskoooo!

Sa isang sulyap mo ay nabihag

ako,

para bang himala ang lahat ng ito,

Sa isang sulyap mo nabighani ako,

nabalot ng pag-asa ang puso,

Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo,

ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,

Sa isang sulyap mo ayos na ako,

sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Ohhhhhhh! Myyyyyyyy! Gaaaaaddd!!! Nag-vibrate talaga ng bonggang bongga ang lahat ng hormones ko sa sobrang kilig! Maryosep! Sobrang bilis ng pintig ng pink kong puso!!! Anubeeeee! May arinola ba kayo dyan?! Ihing ihi na talaga ako! Ahahahaha! Charooot.

“Ano? Ayos ba?” Nakangiting tanong sa akin ni Kuya Air pagkatapos nyang kumanta.

“Ah. Eh. Ih. Oh. Uh.” Utal kong sagot!!!! Josko! Nagkabuhol buhol na ang dila ko. Ahahaha!

“What?! Haha.” Natatawang tanong.

“Ah. Wa-wala. Sabi ko, ayos na ayos! Super gwapo talaga ng boses mo Kuya!” Sagot ko.

“Hehe. Hindi ko alam bolera ka rin pala.” Kuda nya sabay pisil sa pisngi ko!!!

Parang tinamaan ako ng kidlat ni Volta nang pisilin nya yung pisngi ko! Nakuryente ako mga besssh! Walang sinabi ang Meralco sa tindi ng voltage nito! Ahahahaha.

“Hindi po kita binobola Kuya. I’m saying the truth.” Nakangusung sabi ko sa kanya.

“Hehe. We’re here.” Aniya at pagtingin ko sa bintana, nasa Zarvard na pala kami.

“Gusto mo ihatid na kita sa room nyo?” Tanong ni Kuya.

“Ah. Hi-hindi na Kuya. Salamat nga pala sa pagsabay sa akin ha.” Naka-smile na sabi ko sa kanya.

“Wala yun. Basta para sa little sister ko, I can do anything for you.” Nakangiting saad nya.

Anooooo daaawwww??? Little sister???? So kapatid lang ang turing nya sa akin???? Huhuhu. Na frienzoned na nga ako kay Ethan, tapos ngayon naman na siblingzoned naman ako ni Kuya Air! Huhuhu! Ayuko na! Kung kailan naman may crush na ako kay Kuya Air tsaka nya pa ako sasaktan. Gwwwrrrr.

Lahat nalang ng tao, sinasaktan ako. Huhuhu.

“Fita? Are you okay?” Tanong ni Kuya Air.

“Ah. O-opo Kuya. Ayos lang ako. Sige po. Mauna na ako. Byeeee!” Kuda ko at mabilis akong nag-run away!

Huhuhu.

Habang tumatakbo ako, bigla akong nabangga sa kung saan! Kaya natumba ako sa sobrang lakas ng impact! Araaaay! Ang seket!!!

“Ouch!” Sabi ko. Tumingala ako para tignan kung anong bagay ang nabangga ko. At pagtingin ko hindi pala bagay ang nabangga ko, kundi tao..

“Fita? Ikaw pala yan!” Sabe ni Ethan! Kaloka! Sya pala ang nabangga ko!

Inalalayan nya akong tumayo. “Ayos ka lang ba?” Tanong nya pa.

“Ayos lang ako Ethan. Sorry ha. Takbo kasi ako ng takbo.” Sabi ko naman.

“Ayos lang yun. Huwag mo nalang uulitin, baka may iba ka pang mabangga.”

“Oo. Hindi na po. Ang sakit kaya. Ahaha.” Kuda ko.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ethan. Omygad! Niyakap nya akooooo!!!!

“Ang tagal din nating hindi nagkita. Na miss tuloy kita.” Sabe nya habang yakap yakap nya ako.

Anubaaaah! Bakit ganyan ka Ethan! Lalo tuloy akong nahuhulog sayo!!!! Kaines ka! Huwag kang ganiyan please!

“Kamusta? Ano balita? Ilang araw ka ding hindi nagparamdam sa akin ha.” Dagdag nya pa at kinalas nya na ang paykakayakap nya sa akin.

“Sorry. Nawala kasi yung cellphone ko. Nawala nung pumunta kami sa Isla namin para magbakasyon. Kaya hindi kita na text or natawagan. “ Sagot ko. Nawala yung cellphone ko nung inatake kami ng tornado na yun. Kaya hanggang ngayon wala parin akong phone.

“Ah. Ganun ba. May cellphone akong hindi ginagamit, gusto mo bigay ko nalang sayo?” Alok nya.

Kaloka! Bibigyan nya talaga ako ng cellphone? Mga mayayaman talaga!

“Ah. Hi-hindi na. Nagpabili na ako kay Tito Ark ng bago.” Sagot ko. .

“Nga pala, sabay tayong mag-lunch mamaya ha.” Aniya pa.

“Ah. Si-sige. Go ako d’yan. May baon akong dala, gusto mo share tayo?” Tugon ko.

“Sure. Hehe. Sasabay din sa atin si Stella.” Say nya pa!!!

Huwaaaat?! Sasabay ang girlfriend nya? Nakurrrr! Ayuko na! Hindi na ako sasabay! Masasaktan na naman ako!!! Tama na!!!!

“Ahm. Hindi na pala ako makakasabay Ethan. Sorry.” Kuda ko! “Mauna na ako! Byeeee!!!” Paalam ko naman at mabilis akong nag-walk out!

“Pero Fita! Sabi mo…” Rinig kong sabi nya kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglakad.

Nakurrr! Dapat ko na talagang iwasan si Ethan. Dahil sa twing nakikita ko sya at sa tuwing niyayakap nya ako at tmsa tuwing nakikita ko ang ngiti nya, bumalik lahat ng feelings ko para sa kanya! Ayuko na! Gusto ko ng makalimot at mag-move on!

Sorry Ethan, pero kailangan na talaga kitang iwasan. Rwwwwr.


Itutuloy. . .

Paaakkk 34

• FITA’S POV •

Lumipas ang mga oras!

LUNCH BREAK NAAAA!!!

As usual, introduce your self here, introduce your self there. Ganyan ang naging eksena sa room namin kanina. At nakakaloka ang mga classmate ko! Lahat sila maaarte! Damang dama ko na ayaw nila sa akin dahil may puso akong babae! Ayaw nila sa tulad ko. Grrr. Tinanong ba nila kung gusto ko sila? Tssssk! Mukhang wala akong magiging friends sa section namin. Rwwwr.

Habang naglalakad ako, biglang may sigawan at hiyawan akong narinig sa ’di kalayuan. At dahil dakilang chismosa at etchusera ang lola nyo, mabilis akong rumampa papunta sa mga taong nagkakagulo.

“Woooh! Ang gwapo talaga nila!” Hiyaw ng babaeng katabi ko na nakasuot ng malaking ribbon. Halos mabingi ako sa sigaw nya! Kaloka!

“Ate?! Anong meron? Anong nangyayari? Bakit nagwawala kayo d’yan?” Tanong ko.

“Ang A Brothers! Nandiyan at magkakasama sila!” Sagot nya.

A Brothers?

Sino yung mga yun? Mukhang sikat na sikat sila dito sa school! Lahat ng babae nagtitilian sa kanila! Kaloka nemen.

At dahil gusto kong makita ang sinasabi nitong A Brothers, nakisiksik at singit ako sa kumpulan ng mga mahaharot na babaeng ito.

At pagdating ko sa unahan, nanlaki ang mata ko sa aking nakita!!!!

Sila???? Sila yung sinasabing A Brothers ?? Weh??? Di nga??? Sila yung pinagkakaguluhan at pinagtitilian ng mga babaeng ito???! Totoo ba???? Ang apat na halimaw na yun? Sikat na sikat sa school na to??? Kalokaaaaa!!!!

“Fit!!!” Sigaw ni Kuya Ace nang makita nya ako. Kaya napalingon na rin sa akin sina Kuya Axe, Air at Ash!

Naloka ako nang maglakad silang apat palapit sa akin! At ang mas nakakaloka pa, lahat ng babaeng nasa paligid na tumitili sa kanila kanina ay biglang natahimik! Pinagmamasdan lang nilang lahat sina Kuya habang naglalakad ang mga ito palapit sa akin!

“Nakapag-lunch kana ba?” Tanong ni Kuya Air nang makalapit silang apat sa akin.

“Ah. Hi-hindi pa.” Utal kong sagot!

Joskooooo!!!! Abot abot ang kaba ko! Lahat ng mata ng mga taong nasa paligid namin ngayon ay nasa akin! Lahat sila nakatingin sa akin! Kaya nakaramdam ako ng hiya! Gooosssh! Center of attention kami ngayon!!! Mygaaadd! Hindi ako sanay ng ganitong eksena!!!

“Sumabay ka nalang sa amin Fit.” Kuda ni Kuya Ace at mabilis nya akong inakbayan.

Yung kaninang gulat na mga mata ng mga babaeng nasa paligid namin ngayon, ay biglang nagbago! Biglang nanlisik ang mga mata nila habang nakitingin silang lahat sa akin!!! Parang china-chop chop na nila ako sa isip nila! Juskopo!

“Sino ba yan? At bakit parang close sya sa A Brothers ?!” Rinig kong tanong ng isang babae habang nakataas ang kilay nito.

“I don’t know bes, this is the first time na nakita ko sya dito.” Sagot naman ng isa pang babae.

“Hindi naman sya maganda! Hindi sya bagay sumana sa A Brothers! Sinisira nya lang ang view!” Imbyernang sabi naman ng isa pang babae at pinaikutan ako nito ng mata! Kaloka! Ano bang nagawa ko??? Bakit parang galit na galit silang lahat sa akin???!!!

“Let’s go. Nagugutom na ako.” Kuda ni Kuya Axe at nagumpisa na kaming maglakad.

“What do you want to eat?” Tanong sa akin ni Kuya Ash habang naglalakad kami.

“Ahm, may baon ako Kuya. Ito nalang ang kakainin ko.” Sagot ko at ipinakita ko sa kanya ang dala kong lunch box.

“Oh. Lakas maka elementary ng lunch box mo ah. Haha.” Pagsingit ni Kuya Ace habang patuloy sya sa pag-akbay sa akin.

“Tseee! You dont care” Kuda ko sa kanya at inalis ko ang braso nyang naka-akbay sa akin. Naglakad ako papunta kay Kuya Air at humawak ako sa braso nya. “ Hindi nyo sinabi sa akin na sikat pala kayong apat dito sa Zarvard! Para kayong mga artista na pinagkakahuluhan ng mga kababaihan.“ Sabi ko pa.

“Hehe! Ganun talaga kapag gwapo. Sikat.” Mayabang na sagot ni Kuya Ace! Rwwwr! Ang kapal talaga ng fess nya!

“Ganon? Pero nakakatakot yung tingin nila sa akin. Parang pinapatay na nila ako sa isip nila. Ano bang nagawa ko?”

“I think they’re jealous with you, kaya ganun ka nila tignan.” Sagot ni Kuya Ash.

“Jealous? Bakit naman sila magseselos? Eh mga Kuya ko kayo.” Kuda ko.

“This is the first time na may ibang tao kaming kasama. At hindi pa nila alam na step-sister ka naman, that’s why they are reacting that way.” Sagot naman ni Kuya Air.

“Naku! Kailangan ko palang mag-explain sa fans nyo na step-sister nyo lang ako. Baka kasi mamaya abangan nila ako sa labas at sabay sabay nila akong bugbugin. Ganun kasi yung titig nila, parang papatayin na nila ako.” Sabi ko pa.

“Don’t worry, we never let that thing to happen. Kaming bahala sayo.” Ani Kuya Ash.

“Pero wait lang? Bakit A Brothers ang tawag nila sa inyo?” Tanong ko.

“ A Brothers kasi, our names start with letter A.“ Kaswal na sagot ni Kuya Axe.

“Ah. O-okay!”

Kaloka! Bakit hindi ko yun naisip?! Common sense nga naman! Kaya A Brothers kasi nagsisimula sa letter A ang pangalan nilsng apat! Anubeyen! Lutang ako ngayon. Ahahahaha.

Pagdating namin sa cafeteria, as usual pinagkaguluhan na naman ang apat na halimaw na to. Lahat ng mata ng mga taong nasa paligid ay nasa kanila, pati sa akin! At tulad kanina mga nanlilisik na mga tingin ang pinupukol nilang lahat sa akin. Kaloka na wah! Parang lahat nalang ng tao dito galit sa akin! Grrrr.

“Maupo na kayo, ako ng bahalang umorder.” Kuda ni Kuya Axe at nagpunta sya sa counter.

Naupo kami sa pang-animan na table at nasa may gitnang bahagi ito ng cafeteria kaya naman, center of attention na naman kami! Anubeee! Hindi ako sanay sa ganito. Juskooo.

“Ba’t nakayuko ka dyan?” Tanong ni Kuya Air.

“Na-nahihiya na kasi ako Kuya. Kanina pa nila tayo tinitignan.” Sagot ko.

“Masanay ka na. Kami nga sanay na. Huwag mo nalang silang pansinin Fit.” Ani Kuya Ace at muli nya akong inakbayan. Grrr.

Ilang saglit lang, dumating na ang mga pagkaing inorder ni Kuya Axe, kaya naman nagsimula na kaming kumain. Inilabas ko na ang lunch box ko. Adobong manok ang pinabaon sa akin ni Manang Yolly at mukhang masarap ito. Ahahaha.

“Gusto nyo?” Alok ko sa kanila.

“No thanks. Ikaw gusto mo?” Alok naman ni Kuya Axe sa mga pagkaing inorder nya. Inilapit nya sa akin yung spaghetti na nasa tabi nya. “Ayan na yung favorite mong spaghetti.” Dagdag nya pa.

“Talaga sa akin to?” Tanong ko.

“Ayaw mo ba?” Seryosong sabi ni Kuya Axe! Kaloka!

“Syempre gusto. Mamaya ko nalang kakainin pagnaubos ko na itong baon ko.”

Natigil ang eating moment naming lima ng may isang pamilyar na boses ang nagsalita.

“Pwede ba akong maki-share ng table?” Tanong ni Ethan habang dala dala nya yung tray ng pagkain nya.

“Ethan! I-ikaw pala yan. Oo. Pwede. Dito ka sa tabi ko.” Sagot ko sa kanya. Umupo naman si Ethan sa kanan ko.

“Hey Bro? Kamusta?” Pagbati ni Ethan kila Kuya.

“We’re good.” Sagot ni Kuya Air. Pero may napansin ako. Parang biglang bumigat ang awra sa buong paligid. Ramdam ko na parang ayaw ng apat na halimaw na to kay Ethan. Dahil hindi nila ito pinapansin, tahimik lang sila at patuloy lang sila sa pagkain.

“Akala ko ba kasama mong mag-lunch si Ate Stella?” Pabulong kong tanong kay Ethan.

“May importante daw syang lakad ngayon, kaya hindi nya ako masasabayan. Mabuti nalang nakita kita.” Pabulong nya ding sagot.

“Ganun ba? Okay. Tara kain na tayo.” Aniko at nagsimula na kaming kumain.

Pakiramdam ko, kaming dalawa lang ni Ethan ang magkasama ngayon dahil tahimik at walang ka imik-imik ang apat na halimaw na to.

“Bakit mo nga pala ako tinakbuhan kanina? May nasabi ba akong masama?” Tanong ni Ethan.

“Ah. Wa-wala naman. Nagmamadali lang talaga ako. Haha.” Dahilan ko.

“What time ang uwi mo mamaya?” Tanong nya pa.

“Ahm. 4 pm pa.” Sagot ko.

“Great. 4pm din ang uwi ko. Sabay ka nalang sa akin.” Aniya.

Ako? Sasabay sa kanya? Pero paano na yung plano kong iwasan sya? Grrrr. Mukhang hindi ko na ata magagawa yun dahil si Ethan lang naman talaga ang nag-iisa kong kaibigan dito! Huhuhu! But I want to move on! Tatanggihan ko ba sya???

“Ah. Oo. Sige,” sagot kooo. Anubeeee! Bakit iyun yung nasabi ko dapat HINDI! Rwwwr.

“Magkita nalang tayo sa parking lot mamaya ha.” Sabi ulit ni Ethan.

“Ah. Okay. Sige.” Nakangiti kong sagot.

“Wait Fita, may ano ka.” Sabi nya.

“Anong ano?” Tanong ko.

Nagulat ako ng hawakan ni Ethan ang mukha ko at may kinuha sya sa gilid ng labi ko. “May kanin kasi, tinggal ko lang.” Nakangiti nyang sabi!!!!

Juskooo! Paano naman ako makakapag move on nito kung ganito palagi ang trato sa akin ni Ethan! Konting kilos at galaw nya lang kinikilig na ako!!!! Anubeeee!

“Ang takaw mo talaga. Haha.” Natatawang sabi nya pa.

“Grabe ka! Hindi kaya! Gutom lang ako no.” Katwiran ko.

“Hehe. But you look so cute, just continue eating.” Naka-smile pang sabi nya!!!!

Hindi ko na kayaaaa! Tama na Ethan!!!! Bakit ba ganyan ka!!! Lalo mo lang akong binibigyan ng rason para ma-fall pa sayo ng tuluyan. Huhuhu.

Nagulat ako nang biglang may naghampas ng baso sa mesa at ang lakas ng tunog noon. Pagtingin ko si Kuya Axe pala!!!

“I’m done.” Sabi nya at mabilis syang umalis.

Anong problema nya? Bakit parang ang init ng ulo nya? Tapos hinanpas nya pa ang bado nya sa mesa ng psgkalakas-lakas! Mabuti hindi nabasag.

Naloka ako nang sunod na tumayo si Kuya Ash at walang anu-anoy naglakad na din sya paalis. Hindi man lang siya nag ba-bye sa akin. Ano din kaya ang problema nun?

“Nakakawalang gana.” Kuda ni Kuya Ace at mabilis syang tumayo at agad na naglakad palabas ng cafeteria!!!! Hindi man lang niya inubos ang pagkain nya! Sayang!!!

“Kuya? Anong problema nila? Bakit sila umalis?” Tanong ko jay Kuya Air.

“Just like what Ace said, baka nawalan sila ng gana.” Sagot nya. “Sige Fita, mauna na ako. I also lost my appetite.” Paalam nya at nag-walk out din sya.

Ha???? Ano bang nangyayari? Nawalan sila ng gana? As in sabay sabay talaga sila? Kaloka naman!

“Mukhang galit na naman yata ang mga Kuya mo.” Sabi ni Ethan.

“Ha? Bakit naman sila magagalit? Eh bati na kaming lima eh. Tsaka hindi na sila galit sa akin. World peace na daw kami.” Sagot ko.

“Talaga? Ayos na kayo ng mga Kuya mo? Hindi na sila galit sayo?” Gulat na tanong ni Ethan.

“Oo. Maayos na yung pakikitungo nila sa akin. Hindi na nila ako inaapi.” Sagot ko.

“Eh kung ganon? Why they seemed mad?” Takang tanong nya.

“Hindi ko din alam. Baka galit na naman sila sa akin. Wala naman akong ginagawang masama.”

“Ang hirap talagang intindihin ng mga Kuya mo. Pabago bago ng pag-uugali.” Aniya.

“True! Mga bipolar talaga sila!”

Bakit nga kaya ganun sila? May nagawa ba akong masama? Oh baka naman bumalik na naman ang pagiging halimaw nilang apat at na realize nilang galit pa rin sila sa baklang gaya ko???

Nakurrrr!


Itutuloy. . .

Paakkk 35

• FITA’S POV •

After kong mag-lunch bumalik na ako sa room namin. At nakakaloka! Pagdating ko sa room lahat ng mga classmate ko nakatingin sa akin. Hindi iyon normal na tingin, parang sa titig nila gusto nila akong patayin! Josko!

Wala akong classmate na lalaki, ganun siguro kapag education ang course mo puro babae kami sa section namin. Rwwwr. At tantsa ko, wala akong magiging kaibigan sa kanila dahil gaya nga ng sinabi ko kanina lahat sila maarte. Grrrr.

Umupo ako sa likurang bahagi ng room namin. “Bakit ganyan kayo makatingin?” Tanong ko.

Naglakad silang lahat palapit sa akin habang nalilisik ang kanilang mga mata.

“Bakit kasama mo ang A Brothers kanina? At parang close na close pa kayo!” Mataray na tanong ng hitad kong classmate na naka maiksing palda!

“Oo! How could a gay like you be close with them!” Dagdag pa ng imapaktita kong classmate na kulay blonde ang buhok.

“Teka? Papaano nyo nga pala nakilala ang A Brothers ? Eh pare-parehas lang naman tayong freshman dito?” Takang tanong ko.

“Retard! Of course sikat sila! That’s why we know them, and one reason why we enrolled here is because of them. Hindi lang sila sikat dito sa school they are also famous in some social media.” Sagot naman ng bruhang babaeng ito na naka-tube with matching booths.

Yung totoo? Education students ba talaga sila? Kaloka ang mga outfit nila wah! Hindi ko kinakaya! Parang may fashion show na magaganap! Hindi man lang nila ako ininform, edi sana sinuot ko ang backless gown ko. Ahahahaha.

Pero wait? Sabi ng bruhang to sikat din sila Kuya sa Socila media kemerut kaya kilala nila ito? Ganoon? Mamaya nga iche-check ko ang mga FB account nila!

“Ganon? Pero sana huwag kayong OA d’yan. Hindi ko inaagaw ang A Brothers nyo! Close kami dahil mga stepbrothers ko sila! Gets nyo ba?” Kuda ko. At gulat na gulat sila sa bafay na siniwalat ko.

“Stepbrothers mo sila? So meaning you’re living with them?” Tanong ng bruhang to na naka leather jacket.

Pero napansin ko, nagbago yung tirig nila sa akin. Hindi na nanlilisik ang kanilamg mga mata. Bigla itong umamo at parang naging interesado sila sa akin.

“Yes. Absolutely.” Sagot ko.

“Ohmygod! Sorry for what we said! We didn’t know they have a stepbrother like you.” Kuda ulit ng hitad na babaeng ito na naka palda.

“Excuse me? Stepsister dapat! Lalaki nga ako pero babae ang puso ko no!” Imbyernang sabi ko sa kaniya.

“Stepbrothers mo sila right? So meaning hindi mo sila tunay na kapatid. We thought A Brothers hate gays like you, so papaanong nangyari na naging close kayo?” Tanong pa nito.

“Basta! Mahabang kwento.” Sagot ko. “Pero talaga bang galit silang apat sa mga bading na gaya ko?” Tanong ko pa.

“Yes. Kalat na kalat na nambubugbog sila ng mga bakla, kaya lahat ng bakalang nag-aaral dito ay takot sa kanila.” Sagot nya.

“Ganern? So kung kalat na kalat na ang balitang yan, edi may punishment moment na ginawa ang school na to sa mga Kuya ko? Naparusuhan na sila sa ginawa nila diba?” Tanong ko.

“Never. They didn’t deserve to be punish! Yung mga baklang nabugbug nila ang kusang umaalis dito sa school. They didn’t file any complain with the school administration.” Sagot nya.

Ganoooon? Nakalaloka! Dapat pinarusahan sila sa ginawa nila. May unfair treatment pala ang school na to sa mga pusong babaeng gaya ko! Grrrrr. Pero may part sa akin na naawa ako sa mga gays na binugbog nila! Parang gusto ko silang ipaghiganti sa mga Kuya ko! Ganun din kasi ang ginawa ng mga halimaw na yun sa akin noong una. Pinahirapan nila ako.

Pero kaya ko bang ipaghiganti ang mga kabandera ko sa mga Kuya ko na bumabait na sa akin ngayon?

Anubeeee! I don’t know how to do! Pero gusto kong magbayad ang mga Kuya ko sa mga maling nagawa nila!


Lumipas ang mga oras, UWIAN NA PALA!!!

Nagulat ako nang paglabas ko ng room, tumambad sa akin si Ethan! Gosssh! Ang gwapo nemen.

“Uy Ethan ikaw pala yan. Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.

Na-shocked ako nang bigla akong yakapin ni Ethan! “Why Fita? Bakit nangyari sa akin to? Masama ba akong tao? May nagawa ba akong mali?” Sunod sunod nyang tanong. Hindi nya alintana ang mga taong nagdaraan. Medyo nahiya ako pero sya patuloy pa din sa pagyakap sa akin. Kaloka!

Pero wait! Ano dawwww??? Wala akong na-gets sa mga tanong nya! Ano bang nangyayari sa kanya?

“Ethan? Bakit? Ano bang nangyari?” Tanong ko.

“Dad knew it. Nalaman nya na ang relasyon namin ni Stella and now he used his communication with this school. He fired Stella.” Sagot nya!

“Pa-paanong nalaman ng Dad mo? Akala ko maingat kayo ni Ate Stella?” Tanong ko.

“I don’t know. Hindi ko din alam kung papaano nya nalaman. But Stella told me that Dad threatened her. Binantaan sya ni Dad na kung hindi nya ako lalayuan, he will do anything and everything para hindi makakuha ng trabaho si Stella.” Sagot nya. “Kaya pala hindi sya nakasabay sa akin kanina sa lunch, she was in the middle of this bullshit situation!” Dagdag nya pa at ramdam na ramdam ko ang galit nya sa pudra nya.

“So anong balak mo? Nyo? Ngayon? Alam ko kung gaano mo kamahal si Ate Stella at alam ko rin na mahal na mahal ka rin nya. Kakalabanin mo ba ang Dad mo?”

“I don’t know. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong gulo na ang isip ko ngayon. Kung sasalungatin ko si Dad, I’m sure he will do what he said to Stella. And I’ll never let that thing to happen! May pinapaaral na mga kapatid si Stella at maapektuhan ang pamilya nya sa bantang iyon ni Dad. At hindi ko hahayaang mahirapan sya ng dahil sa akin.”

“Dapat mag-usap muna kayo ni Ate Stella. Puntahan mo sya ngayon.” Suhestyon ko.

“Samahan mo ako.” Aniya at bigla nyang hinila ang kamay ko at kinaladkad nya ako papuntang parking lot

Hanggang ngayon parang hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyayari! Naloloka na ako mga besssh! Parang ang bilis ng mga shocking moment ngayon! Naloloka na ako pati kay Author! Masyadong ginagalingan sa pagsusulat ng kwento ko. Ahahahaha!

Ngayon, nasa tapat kami ng isang simpleng bahay na masasabi kong maganda na rin at pasado na sa beauty qualifications ko. Ahaha.

“Just wait me here, kakausapin ko si Stella and I hope maging maayos ito.” Sabi ni Ethan.

“Just think positive! Kaya mo yan. Go!” Kuda ko at binuksan na nga ni Ethan ang pinto ng kotse nya at saka sya pumasok sa gate ng bahay nila Ate Stella.

Nakurrr! Bakit parang ako yung kinakabahan? Sana naman maging maayos ang pag-uusap nilang dalawa. Alam kong may gusto na ako kay Ethan, pero mas gusto ko pa rin na makita syang masaya. At si Ate Stella ang kasiyahan nya. Sana maayos nila ang problema nilang dalawa.

Lumipas ang ilang oras, nagising ako sa tunog ng makina ng kotse ni Ethan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako! Pagdilat ko sa mga mata ko, tbad sa akin ang gwapong mukha ni Rthan at pansin kong ang bigat ng dina-dala nya.

“A-anong nangyari sa pag-uusap nyo ni Ate Stella?” Tanong ko.

“Napag-usapan namin na lumayo sa isa’t isa.” Walang bujay nyang sagot habang patuloy lang sya sa pagmamaneho.

“Pero? Paano na yung relasyon nyo? Nag-break ba kayo?”

“Yes. We broke up. And we have to do this for the sake of ourselves. Ito ang makakabuti sa aming dalawa. We need space, and beside may kamag-anak daw sya na nag-offer sa kanya ng trabaho sa abroad and as soon as possible aalis na sya.” Sagot nya. “But I promised to her na babalikan ko sya. Ibabalik namin kung anong meron kami. Sa ngayon hindi ko pa kayamg salungatin ang mga desisyon ni Dad. The only thing I can do is to follow him and wait until sa pag-graduate ko. Hindi ko pa kaya, siguro kapag naka-graduate na ako at nakahanap na ako ng permanenteng trabaho, tsaka ko na babalikan si Stella. Iyun ang napag-usapan namin. And if that time happens, I will ask her to marry me. Na ngako ako sa kanya na sya lang ang manahalin ko at hihintayin namin ang isa’t isa hanggang sa dumating ang oanahon na pwede na ulit kaming magsana.” Mahabang dagdag nya.

“Masaya ako dahil nakapag-usap na kayo ng maayos. Sabi nga ng mga tao dyan sa paligid, kung kayo talaga ang para sa isa’t isa gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para kayo’y pagtagpuin.” Kuda ko naman.

“Thanks for accompanying me Fita. May I ask you a favor?” Tanong nya.

“Ano yun?”

“Samahan mo naman akong uminom. I just want to unwind.” Sagot nya.

“Ha? Eh hindi ako umiinom eh. Tsaka magga-gabi na, baka hanapin ako sa bahay.” Katwiran ko.

“You don’t need to drink, I just need you at my side. Kailangan ko lang ng makakausap. Please?” Pakiusap nya at talaga namang nanghina ako sa titig nyang iyon! Nakakaawa syang tigman! Kaya parang hindi ko sya kayang tanggihan.

“Ah. O-osige.” Pagpayag ko.

“Thanks.”

“Wala ka bang ibang kaibigan? O mga kabarkada man lang? Bakit ako pa ang gusto mong makasama?” Tanong ko.

“Hindi kasi ako friendly. Sa school at kay Stella lang umiikot ang mundo ko. Siguro may mga friends ako, but they’re not as close as we are right now. Ikaw lang ang taong pinaka-close ko ngayon, that’s why I ask you na samahan ako.” Sagot nya.

Hindi ko alam pero na overwhelmed ako sa sinabi nyang ako ang pinaka-close na tao sa buhay nya ngayon!

“Ganun ba? So hindi ka pala friendly? Eh papaanong naging friends tayo?” Tanong ko at natawa ako ng bahagya.

“Hindi ko din alam. Haha. Pero ang alam ko lang, natutuwa ako kapag kasama kita. Ang gaan mong kausap at sobra akong naaliw sayo.” Natatawang sagot nya.

“Naaliw ka sa akin? Para naman akong clown sa sinabi mo.” Nakangusu kong kuda sa kaniya.

“Haha. That’s not what I meant. Basta ang hirap i-explain.” Sabi nya sabay pisil sa pisngi ko.

Makalipas ang ilang sandali, nakarating na kami ni Ethan sa lugar kung saan sya iinom. Pagti gin ko sa bintana, nagtaka ako dahil nasa park pala kami!

“Bakit nanadito tayo? Akala ko ba iinom ka?” Tanong ko.

“Yup. Iinom nga ako. Ayoko sa bar uminom, sobrang ingay dun. Gusto ko ng tahimik na lugar. Bibili nalang ako ng canned beer d’yan sa kanto.” Aniya at muli nyang minaneho ang kotse nya papunta sa may kanto para bumili.

Pagkatapos nyang bumili ay naglakad na kami papasok sa park. Umupo kami sa bench na nasa tabi ng puno.

“Kahit anong ingat at pagtatago pala ang ginawa namin ni Stella, nalaman din ni Dad ang realasyon namin.” Sabi nya sabay tungga sa beer.

“Sabi nga nila, wala sikretong hindi nabubunyag.” Kuda ko naman.

“Tama ka. And we didn’t expect na ngayon pala mangyayari ang bagay na yan.”

“Ganun talaga. May mga bagay na isu-surprise ka nalang bigla.”

Lumipas ang ilang oras at naubos na ni Ethan ang lahat ng canned beer na binili nya! Kaya ngayon, hilong hilo na sya. Gossh! Paano kami uuwi kung lasing na sya??? Sino magmananeho ng kotse nya? Eh hindi naman ako sanay!!!!

“Ethan! Ethan!” Tinapik tapik ko pa sya.

“Fita. I-i-i want to lay on my bed.” Kuda nya.

“Lasing kana! Paano na tayo makakauwi n’yan ngayon? Hindi naman ako sanay mag-drive.”

“Taxi. Ma-mag taxi na-nalang tayo.” Sagot nya.

“Okay Sige. Balikan mo nalang bukas dito yung kotse mo. Halika na iuuwi na kita sa inyo.” Sabi ko at inalalayan ko syang tumayo.

“A-ayokong umuwi sa-sa a-amin. I don’t wanna see my Dad. A-at paniguradong papagalitan lang a-ako nun kapag umuwi a-ako ng ganito.” Sabi nya.

Eh san ko sya dadalhin??? Omygad! Mukhang kailangan ko syang dalhin sa bahay! Pero ano nalang yung sasabihin nila Mudra at Fafa Ark kung dadalhin ko doon si Ethan ng ganito???? Juskooo naman! Bahala na nga!

Pumara ako ng taxi, tinulungan ako ni Manong driver na ipasok sa kotse si Ethan.

“Saan po kayo Mam?” Tanong ni Manong.

“Sa Villa Metropolis po Manong.” Sagot ko.

Nakapatong ngayon ang ulo ni Ethan sa balikat ko, habang mahimbing syang natutulog. Pinagmasdan ko ang gwapo nyang mukha! At talaga namang hindi ko maiwasang kiligin dahil sobrang lapit na namin sa isa’isa.

Kahit amoy alak na sya, amoy na amoy ko pa rin ang bango nya na sobrang sarap sa ilong! Ahahaha!

Nakurrrr! Sana pumayag sila Mudra at Fafa Ark na sa bahay muna magpalipas ng gabi si Ethan, dahil kung hindi, ay Nakooo! Maloloka na ako ng tuluyan.


Itutuloy. . .

Paaakkk 36


• AUTHOR’S NARRATION •

Pagdating sa mansyon, nagpatulong si Fita sa driver ng taxi para maipasok sa loob ng bahay si Ethan. Agad namang natanaw ni Manang Yolly si Fita kaya nagkumahog syang lapitan ito.

“Ser? Saan po kayo galing? Kanina pa po kayo hinahanap nila Ser Ark at Mam Helena. “ pagbungad nito kay Fita.

“Mamaya ko na po ichi-chika sa inyo Manang! Kailangan na naming maipasok ni Manong si Ethan sa loob. Lasing sya at super bigat nya pa.” Sagot ni Fita dito.

“Sa loob? Bakit Ser? Dito nyo sa papatuluyin?” Tanong ulit ni Manang Yolly.

“Opo Manang! Warla sila ng pudra nya kaya dito muna sya!” Sagot nito at mabilis nyang inalalayan si Ethan papasok sa loob. At dahil sa tulong ng taxi driver, mabilis na naihigi ni Fita si Ethan sa sofa.

“Oh, eto po ang bayad Manong! Salamat po talaga sa tulong!” Saad ni Fita sa taxi driver sabay abot ng bayad.

“Naku Mam. Sobra po ito.” Ani ng driver.

“Keep the change nalang po! Salamat!” Sagot nya.

“Naku! Salamat po Mam.” Sabi ng driver at agad ding itong naglakad palabas ng mansyon.

“Ser! Mukhang lasing na lasing si Ethan.” Puna ni Manang Yolly.

“Halata nga po Manang.” Tugon nito. “Oo nga pala manang? Nasaan po sina Nanay at Tito Ark?” Tanong pa nito.

“Naku Ser! Kanina ka pa nila hinihintay, nasa hapag na sila at ikaw nalang ang kulang. Hindi pa sila nag-uumpisang kumain dahil hinihintay ka nila.” Sagot nito.

“Ganon? Sige po papunta na ako. Ahm. Manang ikuha nyo naman po ako ng maligamgam na tubig tsaka bimpo. Pupunasan ko lang si Ethan.”

“Sige po Ser.”

Inayos muna ni Fita ang pagkakahiga ni Ethan sa sofa, bago sya nagtungo sa dinning area. At pagdating nya sa hapag, tumambad sa kaniya ang mga taong kaniyang inasahang makita.

“Nak! Saan ka ba galing! Bakit ngayon ka lang!” Ani Helena sa anak.

“Ahm. A-ano po. Ka-kasi Nay, kasama ko po si Ethan. Kaya po ginabi po ako ng uwi.” Sagot nito.

“Ethan? Bakit saan ba kayo nagpunta?” Tanong naman ni Ark.

“Si-si-sinamahan ko po syang uminom.” Sagot nito.

“Uminom?! Uminom kayong dalawa?! Uminom ka?!” Bulalas ni Helena.

“Hindi po Nay. Alam nyo namam pong hindi ako umiinom. Sinamahan ko lang po si Ethan, may problema po kasi yung tao. At bilang friendship nya, sinamahan ko sya. Sorry po Nay. Hindi ko po kayo nasabihan.” Tugon nya sa ina.

“So ganun pala ang nangyari, sakto pala I bought you a new phone. Sa susunod na may pupuntahan ka or aalis ka magtext or tumawag ka Fita, para hindi na kami nag-aalala sayo.” Saad naman ni Ark.

“O-opo Tito. Sorry po kung nag-alala kayo sa akin. Hindi na po mauulit.” Nakayukong sabi ni Fita.

“Maupo kana, kumain na tayo.” Ani Helena.

“Busog pa po ako Nay.” Aniya. “May isang bagay pa po palang akong gustong sabihin sa inyo.” Pagpapatuloy nya.

“Ano yun?” Tanong ni Ark.

“Ahm. Si-si- si Ethan po nasa sala, lasing na lasing po sya. Pwede po bang dito muna sya tumuloy? May problema po kasi sila ng Tatay nya, kaya ayaw nya munang umuwi.” Mabilis na sagot ni Fita!

“What???!!!” Gulat na sambit ng apat na magkakapatid. Kanina pa sila tahimik at walang kibo, pero mababakas sa mukha nila ang labis na pagkagulat sa sinabing iyon ni Fita.

“Nasa sala si Ethan? At lasing na lasing?” Gulat na tanong din ni Ark.

“O-opo Tito.” Tugon nya. “Please po Tito Ark! Please Nay! Pumayag na po kayo. Dito muna po si Ethan. Kahit ngayon lang.” Pakiusap nya pa.

Nagtinginan muna sima Helena at Ark bago sumagot ang isa sa kanila.

“Okay. Sabihan mo nalang si Manang Yolly na ihanda ang guest room para kay Ethan.” Pagpayag ni Ark. Kaya abot tengang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Fita.

“Thank you po Tito! Salamat po. Si-sige po, balik na po ako sa sala.” Masayang saad ni Fita at mabilis syang naglakad pabalik sa sala.

Pagbalik nya doon, sakto namang pagdating din ni Manang Yolly habangdala nito ang isang maliit na palanggana at bimpo.

“Ser, heto na po ang pinapakuha nyo.” Anito.

“Salamat po Manang! Ahm. Manang, sabi po ni Tito Ark, paki-ayos daw po yung guest room para sa tutulugan ni Ethan.”

“Sige po Ser, ako ng bahala.” Sagot ni Manang Yolly at mabilis nyang inabot kay Fita ang mga dala nya at agad syang nagtungo sa guest room.

Samantala, habang nasa hapag kainan, napansin ni Ark na parang walang gana ang apat nyang mga anak.

“What’s the problem? Ayaw nyo ba sa ulam? Bakit hindi nyo ginagalaw ang mga pinggan nyo?” Tanong nito sa mga anak.

“Wa-wala akong gana Dad.” Sagot ni Axe at agad syang tumayo.

“Ako rin.” Sagot din ni Ace at tumayo rin siya.

At gaya nilang dalawa, tumayo na rin sina Air at Ash at mukhang pare-parehas silang nawalan ng gana at sabay-sabay nilang nilisan ang dinning area.

“What happened to them?” Tanong ni Ark kay Helena.

“Hindi ko alam. Mukhang wala talaga silang gana.” Tugon nito, at napabuntong hininga nalang dalawa at muli silang nagpatuloy sa pagkain.

Umupo si Fita sa gilid ni Ethan. Ibinabad nya ang bimpo sa maligamgam na tubig na nasa palanggana at pinigaan nya ito. Dahan dahan nyang pinunasan ang mga braso nito.

“Kahit lasing ka, napa pogi mo parin!” Kinikilig na sabi ni Fita kay Ethan habang pinupunasan nya ito.

At nang pupunasan nya na ang mukha ni Ethan, napatitig sya dito. Isa-isa nyang titigan ang bawat parte ng mukha nito.

“Baka malusaw na n’yan si Ethan.” Saad ni Axe kay Fita.

“Ay pusang may kabag!” Gulat na gulat na sabi ni Fita. “Ka-kanina pa kayo d’yan?” Utal na tanong pa nito sa mga kapatid.

Lingid sa kaniyang kaalaman, kanina pa pala siya pinagmamasdan ng apat nyang mga Kuya.

“Kanina pa.” Sagot ni Ash dito.

Nakaramdam ng hiya si Fita dahil hindi nya inakalang kanina pa pala sya pinapanupod ng mga ito.

“Ah. Ahaha. Ganoon? Ahm. Pi-pinupunasan ko lang si Ethan, pa-para wala yung pagkalasing nya.” Aniya sa mga kapatid.

“Talaga lang ha? Bakit parang hindi ganon yung nakita namin kanina.” Sarkastilong sambit ni Ace.

“Ser! Ayos na po ang guest room.” Biglang singit ni Manang Yolly. Kaya nagkaroon ng pagkakataon si Fita na umiwas sa sinabing iyon ni Ace.

“Salamat po Manang!” Tugon nya.

“Sige po Ser. Magliligpit pa ako ng mesa, mauna na po ako.” Ani Manang Yolly at agad din itong naglakad papunta sa dinning area.

Pag-alis ni Manang Yolly, doon palang napagtanto ni Fita na hindi nya pala kayang buhatin si Ethan mag-isa papunta sa guest room. Kaya naman naisipan nyang magpatulong sa mga kuya nya.

“Ahm. Mga Kuya, pwede bang magpatulong? Hi-hindi ko kasi kayang buhatin si Ethan, patulong naman na mailipat sya sa guest room. Please! Please!” Pakiusap nya sa mga kapatid.

Pero wala syang sagot na narinig sa apat na binata. Nakatitig lamang ang mga ito sa kanya.

“Sige na Kuya! Please!” Muli nyang pakiusap.

“Why did you bring him here?” Biglang tanong ni Air kay Fita.

“Kuya, gaya nga ng sinabi ko kanina, may problema sya sa Tatay nya kaya napainom si Ethan at ayaw nya munang umuwi sa kanila ngayon.” Sagot nito.

“Is that really the reason?” Tanong ni Axe.

“Ha? Oo naman! Bukod dun wala ng dahilan. Bakit ano bang iniisip mo Kuya?”

“Nothing.” Sagot ni Axe at agad syang naglakad palapit kay Ethan at inalalayan nya ito sa paglalakad. Tumulong na rin sina Ash at Air sa pag-akay kay Ethan papuntang guest room. Samantalamg si Ace, salubong pa rin ang mga kilay habang nakatitig kay Fita.

“Ma-may problema ba Kuya?” Tanong ni Fita kay Ace.

“What’s between you and Ethan?” Seryosong tanong ni Ace.

“Ha? Between us? Hi-hindi kita ma-gets Kuya.” Gulong gulong sagot ni Fita dito.

“Anong meron sa inyong dalawa ni Ethan?” Tanong ulit nito.

“Meron sa amin? Syempre wala! Magkaibigan lang kami ni Ethan. Alam kong alam mo na may gusto ako sa kaniya, pero alam ko naman kung saan ako lulugar. May iba na syang nagugustuhan kaya ayos na ako na hanggang kaibigan lang ang turing nya sa akin dahil alam kong hindi nya rin naman ako magugustuhan.” Sagot ni Fita.

“Then why he’s acting like that kaninang nasa cafeteria tayo? I guess he also has a feelings for you.”

“Ga-ganun lang talaga si Ethan. Na-mi-misunderstand nyo lang yung mga ginagawa nya sa akin. Parang nakakabatang kapatid lang yung turing nya sa akin at alam kong hanggang dun lang yun.” Aniya at nagpatuloy na sya sa paglalakad papuntang guest room.

Naiwang mag-isa sa sala si Ace at parang hindi pa rin sya naniniwala sa mga sinabing iyon ni Fita.

“Sa-salamat po mga Kuya sa pagtulong.” Saad ni Fita sa tatlong kapatid nang makarating na sya sa guest room. Pero napakunot ang noo nya nang makita nyang wala ng damit na pang-itaas si Ethan. “Ba-bakit nyo sya hinubaran ng damit?” Tanong nya.

“Pawis na pawis na sya, kaya hinubad ko na. Bakit? Balak mo bang ikaw ang maghuhubad ng suot nya?” Ani Axe.

“Ha?! Of course not. Mas mabuti nga na kayo na ang gumawa nun para sa akin.” Saad naman ni Fita.

“Are you going to sleep here with him?” Tanong naman ni Ash kay Fita.

“Ha? Naku syempre hindi no! Bakit ko naman gagawin yun. Pupunasan ko lang sya at after nun, aalis din ako agad.” Tugon nito.

“Then start wiping him.” Ani Axe.

“O-okay.” Sagot ni Fita at muli nyang sinimulan ang pagpupunasan kay Ethan habang nanunuod ang tatlo nyang kapatid.

“Why are your hands are shaking?” Biglang tanong ni Air nang mapansin nyang nanginginig ang kamay ni Fita habang pinupunasan nya si Ethan sa katawan nito.

“Ah-eh. Ano, pa-pasmado lang ang ka-kamay ko.” Dahilan nya at nuli syang nagpatuloy sa pagpunas kay Ethan.

“Let’s go, gusto ko ng matulog.” Ani Axe sa dalawang kapatid at naglakad na silang tatlo palabas ng silid.

Nakahinga naman ng maluwag si Fita dahil wala na ang kaniyang mga Kuya na mariin syang pinapanuod sa kaniyang ginagawa.

“Hay! Kaloka! Bakit kaya ganun sila Kuya? Hindi ko maintindihan ang mga kilos nila ngayon.” Sambit ni Fita sa kaniyang sarili sabay buntong hininga.

Ngunit nang muli nyang pupunasan si Ethan, nagulat sya ng mahigpit sya nitong hinawakan sa kamay at buong pwersa syang kinabig nito. Kaya naman nasubaub si Fita sa dibdib ni Ethan.

Abot abot na kaba ang nadama ni Fita! Halos hindi na sya makahinga ng ayos dahil damang dama nya ang init at tigas ng katawan ni Ethan.

“S-stella. Ste-stella.” Sambit ni Ethan habang sya ay natutulog. At mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ni Ethan kay Fita dahilan para hindi na sya makawala.

“E-ethan! Bi-bitawan mo ako p-please.” Ani Fita dito at pilit syang kumakawala sa pagyakap ni Ethan.

At hanggang sa buong pwersa nyang inalis ang braso ni Ethan at tuluyan na nga syang nakawala sa mahigpit nitong pagkakayakap. Pero hindi nya inasahan ang sumunod na tagpo, muling hinatak ni Ethan ang braso nya at sa pagkakataong iyon, hindi sya sa dibdib nito nasubsub kundi sa malambot at mainit nitong mga labi.

Halos lumuwa ang mata ni Fita sa sobrang gulat! At parang wala ng humpay sa pagtambol ang puso nya sa mga oras na iyon. Parang sasabog na ang puso nya sa sobrang bilis ng pintig nito.

Ngunit ang mas lalo pang nagpaluwa ng mga mata ni Fita ay ang biglaang pagbukas ng pinto at nakita nya doon na nakatayo ang apat nyang mga Kuya!

At dahil sa sobrang pagkataranta, buong pwersa nyang naitulak si Ethan, agad syang tumayo ng mabilis at pinunasan nya ang kaniyang mga labi.

Halos abot abot na ang kaba ni Fita, parang ilang oras lang sasabog na sya sa kaniyang kinatatayuan at mas gusto nalang nyang lamunin sya ng lupa dahil sa sobrang hiya. Tinignan nya ang apat nyang mga Kuya at iisa lang ang ekpresyon ng muka na kaniyang nakita, pare-parehas itong mga gulat.

“Wa-wala yung nakita nyo. Ahm. A-ano ka-kasi si-si E-ethan ka-kasi––” aniya pero napuyol ang sasabihin nya ng biglang magsalita si Axe.

“Stop saying anything. We saw what you did.” Matigas na sabi ni Axe kay Fita.

“Hi-hindi. Wa-wala akong ginagawa. Si-si E-ethan, hi––”

“Tama na! Nakita namin ang nakita namin!” Pagputol muli ni Axe sa sasabihin ni Fita at sa pagkakataong iyon, tumaas na ang tono ng boses nya.

Nagkumahog na naglakad si Fita palapit sa apat nyang mga kapatid “Kuya! Wala akong ginagawang masama. Mali kayo ng iniisip. Baka iniisip nyo na pinagsasamantalahan ko ang pagkalasing ni Ethan.” Paliwanag nya sa mga ito.

“Bakit hindi ba?” Seryosong tanong ni Axe dito.

“Hindi!” Matigas na sagot ni Fita.

Naglakad si Axe palapit sa table na nasa tabi ng kama at kinuha nya doon ang naiwan nyang cellphone. “Tara na. Nakuha ko na ang nakalimutan ko. Hayaan na natin ang baklang yan na ipagpatuloy ang ginagawa nya.” Ani Axe sa mga kapatid.

Parang may kung anong tumusok sa tenga ni Fita nang marinig nya muli na tawagin syang “bakla” ni Axe. At napagtanto nyang galit na naman ito sa kaniya.

Wala na syang nagawa kundi panuorin nalamang ang paglisan ng apat nyang mga Kuya sa silid na iyon na hindi man lang pinakinggan ang paliwanag nya.


Itutuloy. . .

Paaakkk 37

❤ FITA’S POV ❤

Juskooo!

Gulong gulo na ang isip ko ngayon! Hindi ko nga alam kung may isip pa ba ako dahil wala talagang tumatakbo sa utak ko! Sabog at lutang na lutang ako! Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon!

Napatingin ako kay Ethan, at sobrang himbing ng pagtulog nya. Wala syang kaalam alam sa ginawa nya sa akin! Pero wala akong galit na nararamdaman sa kanya, dahil naiintindihan ko sya. Lasing sya at wala sa sarili. Pero may ibang part sa akin na natutuwa dahil ang taong gusto ko ang s’yang unang taong na-kiss ko!!! Mygaaad!

First kiss ko yun mga besssh!!!! And I accidentally received it from him!

Ang lambot at ang init ng labi ni Ethan! Kahit amoy alak sya, ang tamis pa din ng lips nya! Jusko! Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari yun!!!! I can’t still believe it!!!

Pero, ang tanging gumugulo ngayon sa isip ko ay ang apat na halimaw na yun! Nakita nila! Nakita nila na magkalapat ang lips namin ni Ethan! At ngayon, iniisip nila na pinagsasamantalahan ko ang kalasingan ni Ethan dahil alam nilang may gusto ako dito. And the worst thing is! Bumalik na naman ang pagiging halimaw nila at mukhang Imbyerna mode na naman sila sa akin! Grrrr.

Hindi man lang nila pinakinggan ang paliwanag ko! Nag conclude agad sila na hinalikan ko si Ethan! Mga halimaw talaga! Grrrrr.

Pero gossssh! Paano kung sabihin nila yun kay mudra at Fafa Ark! Juskooo! Baka talakan ako ni mudra ng bonggang bongga!!!! Nooo! Hindi pwede! Kilala ko si mudra, at baka mas paniwalaan pa nun ang apat na kumag na yun kesa sa akin! I need to do something! Kailangan kong i-explain sa apat na halimaw na yun ang totoong nangyari!!!! Ayukong ma-award kay mudra. Baka hindi na nun ako palapitin kay Ethan. At hindi ko yun papayagang mangyari dahil ako lang, ako lang ang matatakbuhan ni Ethan dahil problemado sya ngayon at ayuko syang iiwan sa ere ng mag-isa! Ganun!

Mabilis akong rumampa papunta sa mga kwarto ng apat na halimaw na yun! I’m sure, gising pa sila! I need to explain to them everything!

Una kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Axe.

“Kuya! Ako to si Fita. Buksan mo ang pinto! Please!” Kuda ko habang kumakatok ako sa pinto nya.

Ilang saglit pa, may narinig akong yabag ng paa palapit sa pinto.

“Alis!” Matigas na sabi ni Kuya Axe pagkabukas nya ng pinto.

“Kuya! Please! Mali kayo ng iniisip!”

“Shut up! Ang ingay mo! I don’t wanna here your fvcking explanation!” Galit nyang sabi at mabilis nyang sinara ang pinto.

EDI ’WAG!!!! Halimaw ka talagang Axe ka! Dapat sayo pinapalakol! Grrrr!

Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Ash. Kumatok ako ulit, pero hindi nya ako pinagbuksan. Mukhang tulog na ata sya. Ang bilis naman?!

Kaya lumipat naman ako sa kwarto ni Kuya Air. Para sa akin, sya ang pinaka mabait sa apat na halimaw kaya alam kong papakinggan nya ang paliwanag ko! Sana lang.

“Ku-kuya! Ako to si Fita. Buksan mo naman po ang pinto. Please.” Sabi ko pagkatapos kong kumatok.

Pero lumawit na yung dila ko at sumakit na ang kamay ko sa paulut ulit kong pagsasalita at pagkatok pero wala pa rin ni isang sagot akong narinig sa kanya. Gosssh! Tulog na rin ba sya? Napaka bilis naman ata???

Kaya pinuntahan ko na ang huling kwarto, ang kwarto ng halimaw na si Ace! At gaya kanina kumatok ulit ako.

“Kuya, si Fita to. Please buksan mo naman ang pinto.” Kuda ko ulit. Napapagod na ako sa paulit ulit na dialogue na sinasabi ko. Rwwwr.

Pero wala pang ilang segundo, agad na bumukas ang pinto.

“Bakit?! Anong kailangan mo?” Seryosong tanong ni Kuya Ace pagkabukas nya ng pinto. Mefyo kinabahan ako ng konti dahil iba yung titig nya sa akin.

“Ma-mag-eexplain lang ako. Ma-mali kayo ng iniisip sa na-naakita nyo kanina.” Sagot ko.

“Talaga lang ha?” Sabi nya at damang dama ko ang pagdududa nya.

“Oo! Mali kayo ng iniisip!” Matigas kong sabi, pero nagulat nalang ako sa sumunod na eksena!!!!

Bigla akong hinatak ni Kuya Ace papasok sa kwarto nya. Agad nyang sinara ang pinto at buong pwersa nya akong idinikit sa likod ng pinto nang maisara nya ito.

Binalot ako ng sobrang kaba! Dahil nakakatakot yung tingin sa akin ni Kuya Ace!!!! Mygaad! Bakit ba ganyan sya makatingin!

“Ku-kuya. Ba-bakit?” Kinakabahang tanong ko.

Dahan dahan syang lumapit sa akin at halos magkadikit na ang katawan namin! Mygad! Hindi na ako makahinga!!!

Pero halos manlaki at halos lumuwa na yung mata ko sa sunod na ginawa ni Kuya Ace!!!!

Bigla….

Bigla…

Bigla nalang nya akong hinalikan habang nakasambunot ang kamay nya sa buhok ko!!!!

Kaya naman buong pwersa ko syang tinulak! At nagtagumpay naman ako! Napahawak ako sa bibig ko dahil sa sobrang pagkabigla!

Baliw na ba sya!!!! Bakit nya ako hinalik! Napakawalanghiya nya talaga!!!!

“Ano? Kaninong halik ang mas masarap? Sa akin o kay Ethan?” Tanong nya at napangisi pa sya ng bahagya!

Halos sumabog ang utak ko ng marinig ko ang tanong nyang iyon!!!!

“Anong sinasabi mo dyan! Baliw kana talagang halimaw ka! Bakit mo ako hinalikan! Walanghiya ka!” Galit kong sabi at pinagpapahmpas ko sya.

Bigla nyang hinawakan ang dalawa kong braso at muli nya akong idinikit sa likod ng pinto.

“Bakit ayaw mo ba? Mas masarap ba yung labi ni Ethan kesa sa labi ko?” Tanong nya!!!

Juskooo!!!! Nasisiraan na ata ng ulo ang halimaw na to! Ano bang sinasabi nya!

“Baliw kana! Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling yang mga tanong mo! Nasisiraan ka na yata ng ulo! Bitawan mo ako!” Imbyernang kuda ko sa kanya habang nagpupuniglas ako sa mahigpit nyang pagkakahawak.

“I like you.” Sabi nya!!!

Natigil ako sa pagpupuniglas ko at talaga namang nagulat ang lahat ng hormones ko sa sinabi g iyon ni Kuya Ace!!!!

“A-ano? A-anong sa-sabi mo?” Gulat na gulat kong tanong.

Tinitigan nya ako ng sobrang seryoso, binitiwan nya ang mahigpit nyang pagkakahawak sa braso ko at dahan dahan nyang hinawaka ang mukha ko.

“Gusto kita.” Sabi nya!!!!

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko! Napipi na ako sa mga sandaling ito.

Totoo ba???? Si Kuya Ace??! May gusto sa akin??!? Gusto nya ako??? Ha???? Paano??! Bakit??? Ako talaga??? Weeeeh??????????

“Na-nagbibiro ka lang diba?” Tanong ko.

“Sana nga nagbibiro lang ako. Dahil sobrang laking biro na magkagusto ako sayo. Pero hindi eh, seryoso ako. At iyon ang totoo.” Seryosong sabi nya. Mukhang seryoso nga sya!!!! Mygaaad!!!

“Ba-baka naguguluhan ka lang. Ma-magkaptid tayo Kuya. Ba-baka gusto mo lang ako bilang isang kapatid. Ba-baka ganun lang yun.” Kuda ko.

“Hindi tayo magkapatid. At kahit kailan hindi kita ituturing na kapatid. Dahil gusto kita, I want to treat you as a special person.” Sabi nya!!! Mygaaad!

“Gu-gusto mo ako? Ang baklang gaya ko? Parang ang hirap paniwalaan. Dahil dati halos isumpa nyo na ako, tapos ngayon sasabihin mo gusto mo ako? K-kuya kung pinagti-tripan mo lang ako, pwede ba! Itigil mo na to! Hindi na ako natutuwa!” Imbyernang kuda ko sa kaniya at itinulak ko sya palayo sa akin.

Pero muli syang lumapit at mahigpit nya akong niyakap! Hindi na ako makawala!!!!

“Unang kita ko palang sayo, ang gaan na ng loob ko. But I need to hide that light feelings of mine towards you dahil kailangan. Kailangan kitang tratuhin sa paraan na maiinis ka, masasaktan ka at mahihirapan ka. But as time passes by, unti unti kitang nakikilala. Then I found out that we have a lot of similarities. You’re a happy person na kahit nahihirapan na, pinipilit mo paring maging masaya at maging ayos ang lahat. Aaminin ko, nagagandahan at nasi-sexihan ako sayo, but those things are one of the reasons why I like you. The thing that I like you the most is how the way you are. Sabi ko sa sarili ko noon, I need to find a girl na katulad ni Mom. Dahil gusto kong makahanap ng babaeng mamahalin na tulad ng kung sino siya. But I didn’t expect that you have my mom’s characteristics. You indeed qualified.” Mahabang sabi nya! At muli syang nagpatuloy.

“Mabait, masayahin, masarap magluto, maalaga, palabiro at kahit nahihirapan na nakukuha paring ngumiti. Those are the characteristics of my mom that you have kaya hindi imposibleng magustuhan kita, kahit hindi ka pa tunay na babae.”

Ewan ko ba pero parang tumagos lahat ng sinabing iyon ni Kuya Ace sa puso ko. Hindi ko inasahan na mangyayari ito! Hindi ko akalain na may tao palang magkakagusto sa akin! Akala ko noon, walang lalaking kayang magustuhan ang baklang gaya ko, pero nagkamali pala ako. Pina-realize sa akin ni Kuya Ace na pwede din pla, na maati din plamg magkagusto ang gaya nyang lalaki sa bakalng gaya ko. Nakakaloka!!!!

“Sobrang sakit makita na palagi kayong magkasama ni Ethan. Sobrang sakit malaman na may gusto ka sa kanya. At pinaka masakit yung nakita ko kanina. It really broke my heart.” Dagdag nya pa

“Ma-mali kayo ng iniisip. Hindi ko hinalikan si Ethan. Hindi ako ganong klaseng tao na pagsasamantalahan ang iba.” Sabi ko. “Pinupunasan ko lang si Ethan, pero bigla nya nalang akong hinila at nasubsub ako sa kanya at iyon na nga yung nakita nyong eksena kanina. Wala akong ginagawang masama. Aksidente lang ang lahat!” Dagdag ko pa.

“Pero masakit pa rin. Dahil alam kong nagustuhan mo yung nangyaring yun. Diba?” Sabi nya.

Natahimik ako. Hindi ako nakapagsalita. Dahil aamin ko, nagustuhan ko nga.

“See? Hindi ka nakasagot. It means you liked it.” Sabi ulit ni Kuya Ace. Kinalas nya na ang mahigpit nyang pagkakayakap sa akin. Kanina pa sya nakayakap sa akin. Nakakaloka.

“Please. Kuya. Huwag nyong sabihin kay Nanay at Tito Ark yung nakita nyo. Please.” Pakiusap ko.

“Okay I will. Pero hindi ako sigurado kung hindi magsasalita sila Kuya.” Sagot nya!

“Pigilan mo sila. Please. Sabihin mo sa kanila na wala akong ginagawang masama. Na aksidente lang ang lahat. Kuya please.” Pakiusap ko.

“Okay I’ll try.” Sagot nya.

“Thank you Kuya!” Masayang sabi ko. At dahil sa sobrang tuwa nayakap ko sya.

“But— but what is your reaction to those things that I confessed?” Tanong nya.

“Ahm. Ah-eh.” Gossshh! Wala akong masabi! Ano ba dapat ang sasabihin ko? Jusko!!!

“I know you really like Ethan. But I will do everything para magustuhan mo rin ako.” Nakangiting sabi nya. “Hindi ko hahayaang mapasakamay ka ng iba.” Dagdag nya pa!!!

Homygad! Ano ba namang araw to! Ang daming naganap! Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari sa isa tapos may bago na namang eksena! Nakakaloka! Konti nalang mababaliw na talaga ako! Juskooooo.


Itutuloy. . .

Paaakkk 38

Hinabaan ko na po. Para worth it ang paghihintay nyo. ;)

Enjoy Reading! ^_^


❤ FITA’S POV ❤

Juskoooo! Yung eyebag ko sumayad na ata hanggang sa sahig! Wala akong tulog! Buong magdamag akong gising! Hindi na ako nakatulog pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kaya ang ending? Sabog ako ngayon! Rwwwr.

“Mr. Flores? What is the theme of the story?”

Pagkagising ko kanina, si Ethan agad ang pinuntahan ko, pero hindi ko na sya naabutan sa guest room. Maaga daw umalis sabi ni Manang Yolly. Pero mga bessh! Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng pagka-ilang kay Kuya Ace kanina. Siguro dahil sa pagtatapat nya ng feeling nya sa akin! Kaloka! Totoo bang nangyari yun? Mygad! Sana panaginip nalang. Pero hindi eh! Kinukulit nya ako kanina na sa kotse nya daw ako sumabay papunta sa school, pero syempre hindi ako pumayag. Naiilang talaga ang lola nyo.

“Mr. Flores? What is the theme of the story?!!”

At eto pa mga bessh! Mukhang back to being monsters na naman ata talaga ang tatlong halimaw na yun sa akin. Hindi nila ako pinapansin kanina. I tried to approach them, pero ayaw talaga nila akong pansinin. Grrrrr.

“Mr. Flores! What is the theme of the story!” Malakas na sigaw ng isang boses! Megeed! Halos mabasag ang eardrums ko!

Napatingala ako, at pagtingin ko! Ang prof namin! Nanlilisik na yung mata habang nakatingin sa akin! Juskooo!

“Si-sir? A-ano po yun?” Tanong ko.

“I will ask you this in fourth times! What is the theme of the story!” Galit nyang tanong! Kaloka! “It seems that your mind is flying somewhere Mr. Flores!” Dagdag pa ni Sir.

Kaloka! Sya pala yung kanina ko pa nariring na parang bubuyog na bulong ng bulong! Anubeee! Epekto to ng mga nangyari kagabi! Hindi tuloy ako makapag-focus sa klase!

“A-ahm. Team? I-I I think Team A po Sir!” Sagot ko.

Malay ko ba kung anong team ang sinasabi nya. Tapos bigla ko nalang narinig na nagtawanan ang mga bruha kong classmates! Problema nila? Bubuhusan ko pa sila ng kumukulong mantila eh. Grrr.

“What? Team A?! I’m not asking for a team! I am asking you the theme of the story!” Halos mamula na sa sobrang galit si Sir! Mygasssh! Theme ba? Akala ko Team! Anubeee Fita!!!

Lalong lumakas ang tawanan ng mga letchugas kong mga kaklase! Myyyygad! Mali ang sagot ko! Juskooo!

“So-sorry po Sir!” Kuda ko sabay tayo.

“Get out of my class! Now!” Galit na sigaw ni Sir. “Get out!” Ulit nya pa!

“O-opo.” Mabilis akong naglakad palabas ng clasroom dahil baka lalo pa akong ma-award kay Sir!

Naku naman! Nagalit na si Sir sa akin! Anong gagawin ko? Baka i-drop nya na ako sa subject nya! No! No! No! Patay ako kay mudra kapag nalaman nya yun! Dapat makausap ko si Sir mamaya. Oo tama! I will talk to him later! Ganun!

Naglakad-lakad ako. Nilibot ko ang buong Zarvard University! Wala akong magawa! Kaya mamamasyal nalang ako dito sa school.

Lakad dito…

Lakad doon…

“Hoy! Ikaw!” Rinig kong sigaw ng isang boses sa likod ko. Kaya nilingon ko ito. Paglingon ko…

Tumambad sa akin ang grupo ng mga babae. Parang pamilyar ang mga fess nila sa akin? Saan ko ba na-sight yung mga mukha nila?

Isip…

Isip…

Oo tama! Hindi ako maaring magkamali! Sila yung mga babaeng fans na sumisigaw at halos mangisay na sa sobrang kilig nang makita nila ang apat na halimaw kong mga Kuya!

“Ba-bakit po?” Tanong ko.

Naglakad silang lahat palapit sa akin. Binilang ko sila! Mga fourteen silang lahat. At naloka ako sa expression ng mga fess nila! Mga mukha silang angry birds na hindi nangitlog! Ganun!

“You’re the person na kasama noon ng A Brothers right?” Tanong ng babaeng ito na putok na putok ang blush on!

“Ah. O-opo. A-ako nga po yun!” Sagot ko. Nagulat ako nang pinalibutan nila akong lahat! Kaloka!

“How the hell an ugly flatchested bone like short hair pathetic girl like you get closed with our beloved A Brothers?!” Taas kilay na kuda sa akin ng babaeng ito na labas ang cleavage!

Anoooo dawww? Ako? Ugly? Flaschested? Bone like? Pathetic? Girl? So akala nila babae ako?

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi nya o sasambunutan ko nalang sya sa sobrang inis! Matatanggap ko pa yung flastchested at girl! Pero yung ugly! Bone like! At pathetic! Baka naman mai-subsub ko sya sa cleavage nyang paling! Grrrr.

“Wala po akong oras sa inyo. I have to go! Bye.” Kuda ko at akmang maglalakad ako nang harangin nila ako at hinawakan nila ako sa magkabila kong braso!

“You didn’t know me? Right?” Kuda ulit ng babaeng ito na labas ang cleavage! Kaumay!

“Oo. Hindi kita kilala. Sino kaba?” Mataray kong tanong! Naiimbyerna na ako sa kanila wah! Konting konti nalang! Lalabas na si Fita the beast!

“I’m Daffnie Halili. The head of the most dangerous sorority in this university!” Kuda nya at pinanlakihan nya pa ako mg mata!

Sorority? Dangerous sorority? Diba yun yung girl version ng Fraternity?!! So ang mga babaeng ito ay miyembro ng sorority na pinamumunuan ng Daffnie na to na may paling na cleavage?! Mygaaad! Tapos most dangerous pa daw sila! Bigla akong kinilabutan mga besssh!

“A-ahm. A-ano po ba-bang kailangan nyo sa akin?” Kinakabahang tanong ko.

“I can see the fear in your eyes! Haha! Now we’re talking!” Natatawang sabi nya. “Anong karapatan mong landiin ang A Brothers ha?!” Galit nyang tanong at hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso ko!

“Hi-hindi ko po si-sila nilalandi!” Sagot ko.

“Talaga lang ha? Don’t fool me liitle wanton. I can break your arm kung hindi ka sasagot!” Pananakot nya pa! Kaya lalo tuloy akong binalot ng kaba!

“To-too po ang si-sinasabi ko. Hi-hindi ko po sila ni-nilalandi.” Sagot ko, at bigla nalang akong sinambunutan ng Daffnie na to!!! Araaay! Ang sakit!!!

“Ahh! Bi-bitawan nyo ako!” Pakiusap ko! Nakurrr! Bakit ba parang wala akong lakas ngayon! Bakit parang naduwag na akong lumaban sa kanila nang malaman kong mga miyembro pala sila ng sorority! Bigla akong nakaramdam ng takot! Juskooo. Sa hitsura nila, mukhang kaya nila akong pagtulungan at bugbugin!

“Let him go.” Rinig kong sabi ng isang boses.

At paglingon ko…

Si Kuya Air pala ang nagsalita!!!

Agad akong binitiwan ng bruhang Daffnie na to. Yung kaninang nanlilisik nilang mga mata, biglang naging hugis puso ng makita nila si Kuya Air!

“He-hello Air!” Malanding pagbati ng impaktang Daffnie na to kay Kuya Air at inilantad nya pa talaga ng bongga ang paling nyang cleavage! Iwwww!

Hindi pinansin ni Kuya Air ang greetings ng pisteng Daffnie na yun. Naglakad sya palapit sa akin, hinawakan nya ako sa kamay at hinila nya ako palayo sa mga bruhang babaeng iyon.

Dinala ako ni Kuya Air sa isang bench sa ilalim ng puno ng Acasia. Umupo kami doon. Tahimik lang sya habang nakatingin sa kawalan. Hindi nya pa rin ako pinapansin. Rwwr.

“Ku-kuya? Sa-salamat. Salamat dahil inilayo mo ako sa mga bruhang yun.” Kuda ko.

“Why? Why you’re always bothering my mind?” Tanong nya! Hindi pa rin nya ako nililingon.

“A-ano Kuya? Hindi kita ma-gets?” Tanong ko.

“Bakit lagi mo nalang ginugulo ang isip ko.” Tanong nya. Tinagalog nya lang eh.

“Ginugulo? Hindi talaga kita maintindihan Kuya. Ano bang gusto mong sabihin?” Kuda ko.

“Why are you always in my mind? Bakit hindi kana mawala sa isip ko?” Tanong nya!

Huwhaaaat? Ano daaaawww??? Lagi akong nasa isip nya? At hindi na ako mawala? Gosssh! Ano bang sinasabi nitong si Kuya Air!

“A-ano?” Yan nalang ang tanging nasabi ko.

“I’m worried na baka hindi ka lang sa isip ko mag-stay. Baka pati sa puso ko mapunta kana din.” Seryosong sabi nya at sa wakas lumingon na rin sya sa akin.

Pero still! Hindi ko pa rin ma-gets ang lahat ng sinabi nya.

“Ku-kuya. Hindi ko talaga ma-gets yung mga pinagsasabi mo. Pwede bang diretsohin mo na ako?” Kuda ko!

“Is it true? Totoo bang hinalikan mo si Ethan dahil you’re taking advantage because he’s drunk?” Tanong nya. Lumapit sya sa akin, tinitigan nya ako sa mata. “I’m pretty sure na hindi mo iyon magagawa. I just wanna hear the truth in your mouth.” Dagdag nya pa.

“Hi-hindi ko yun magagawa Kuya. Hindi ako ganoong klaseng tao. Hindi ako mapagsantala.” Sagot ko.

“Then how can you explain the scene that we saw last night?” Tanong nya ulit.

“Aksidente lang ang lahat Kuya. Pinupunasan ko nun si Ethan at nagulat nalang ako ng bigla nya akong hilahin. Kaya ayun, nasubsub ako sa ano nya. Lasing si Ethan at alam kong hindi nya alam ang ginagawa nya. Kaya nagawa nya yun.” Sagot ko.

“Do you really like him?” Tanong nya! In serious way! Ganun.

Tumango ako bilang sagot sa kanya. “Pero hindi naman ako umaasa na magugustuhan nya din ako. May ibang babae ng nagmamay-ari ng puso nya.”

“So you’re contented na magkaibigan lang kayo?” Tanong nya ulit.

“Oo Kuya. Dahil alam kong hanggang dun lang ang kaya nyang ibigay sa akin.” Sagot ko ulit.

“What if dumating yung panahon na magustuhan ka din nya? Will you take the chance na maging kayo?” Kaloka! Ang damibg tanong ni Kuya Air ha.

“Hindi. Dahil alam kong may taong naghihintay sa kanya at tunay na nagmamahal sa kanya at mas-deserving sa kanya.” sagot ko!

“May I ask you again?”

“Sige lang Kuya.” Sagot ko.

“What if dumating yung time na magkagusto ako sayo? Will you give me a chance?” Seryosong tanong nya!!!

Anoooo dawwww???

“Kaloka naman yang tanong mo Kuya! Hahaha. Hindi naman yan mangyayari.” Natatawang sabi ko.

“Don’t laugh. I’m serious. It is happening right now.” Kuda nyaaaa!!!

“A-a-a-anooo?” Gulat na tanong ko!!!

“I- I like you.” Sagot nyaaaa!!!!

Halos mag-expand ng bonggang bongga ang mata ko! At napanga-nga ako sa sinabing nyang iyun! Juskoooo!!!

Totoo ba??? He like me??? Wehhh? Di nga??? Talaga??! Ako talaga??? Ako??? Bakit??? How???? When?!! Where??! Paano???

“Ku-kuya. A-ano ba yang si-sinasabi mo. Pa-paano mo naman ako magugustuhan? Hi-hindi naman ako babae! Hello?!” Kuda ko.

“Hindi ko din alam. Basta ang alam ko, masaya ako kapag nandiyan ka, masaya ako kapag nakikita kita, masaya ako kapag masaya ka.” Sagot nya. “I tried to ignore this strange feelings dahil parang hindi tama. Sinubukan kong tratuhin kang parang nakakabatang kapatid, but when I saw you and Ethan in that scene kagabi parang may kumirot sa puso ko. Hindi ako nakatulog sa kakaisip. I admit, nagalit ako sayo kagabi dahil ang akala ko totoo ang paratang ni Kuya Axe sayo. That’s why when you’re knocking at my door hindi kita pinagbuksan. Dahil hindi ko matanggap na magagawa mo yun. But there’s a side in me na hindi naniniwala na magagawa mo yun. Dahil alam ko at ramdam ko na hindi ka ganoong klaseng tao. But my feelings and anger united kaya siguro nawala din ako sa sarili ko kagabi at hindi na ako nakapagsalita.”

“Ku-kuya. Ba-baka naguguluhan ka pa rin ngayon. I-isipin mong mabuti. Baka hindi mo ako gusto, baka nakakabatang kapatid lang talaga ang turing mo sa akin. Isipin mong mabuti.” Kuda ko!

“Napag-isipan ko na ito ng paulit ulit. Kahit ako hindi makapaniwala sa nararamdaman ko para sayo ngayon. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung paano nangyari at kung saan nagsimula. But one thing for sure, ikaw ang nagpa-realize sa akin na may katulad mo din palang kayang maniwala sa kakayahan ko. Diba sabi mo? You’re my number one fan?”

“O-oo naman Kuya! I’m your number one fan! Idol na idol kita!” Kuda ko.

“You’re the first person who said that to me. Mahiyain ako. Wala akong lakas ng loob na ipakita sa lahat yung talent ko. Dahil natatakot ako na matulad sa nangyari kay Mom.” Sabi nya.

“Ha? Ba-bakit? A-ano bang nagyari?” Tanong ko.

“Mom was a great singer for me. Pangarap nyang maging sikat na singer. Just like her, wala din syang lakas ng loob na ipakita sa lahat ang talent nya dahil natatakot sya na baka hindi sya magustuhan ng mga tao, na baka hindi magustuhan ng mga tao ang boses nya. But Dad let her to show it to everyone because dad believed in her. But as what mom expected, hindi nga nagustuhan ng mga tao ang boses nya at talagang na depressed noon si Mom. At doon sya nagsimulang magkasakit.” Sagot nya at pansin kong biglang nalungkot si Kuya Air.

“I’m sorry Kuya. Napapadami na yata ang tanong ko.”

“It’s okay.” Nakangiti nyang sabi.

“Naniniwala ako sa kakayahan mo Kuya. Ang galing galing mo kaya. Sobrang gwapo ng boses mo. Huwag kang matakot na ipakita sa lahat ang talent mo. Biyaya yan ni Papa God. Kaya dapat, shini-share at ipinapakita mo yan sa iba. Alam kong natatakot ka na baka matulad ka sa nangyari sa Nanay mo, pero siguro naman gagabayan ka nya sa pag-abot ng iyong mga pangarap. Kung sya hindi nagtagumpay noon, siguro ikaw magagawa mo na. Basta maniwala ka lang. Kaya mo yan!” Kuda ko ulit!

“That’s the reason why I like you.” Nakangiting sabi nya.

“H-ha?” Tanong ko!

“Napaka positive ng tingin mo sa buhay. At diterminado ka sa lahat ng bagay. You’re the first person na nakilala ko na may ganyang perspective sa buhay. I really adore you with that. Salamat sa pagpapalakas ng loob ko. Now I decided to join the musical group of this university.” Nakangiting sabi nya.

“Ta-talaga? Sasali ka?”

“Yup. Ayokong ma-disappoint sa akin ang number one fan ko.” Sabi nya at kinindatan nya pa ako! “Gagawin ko ang lahat para maipakita sa lahat ang talent ko and I will do my best para magustuhan nila ako.” Dagdag nya pa.

Mygassshhh! Ang gwapoooo! Yung panty ko! Lumuwang na naman ata! Ahahahaha!!!

“Go Kuya!” Sabi ko naman.

“Thanks Fita.” Sabi nya at bigla nalang nya akong hinalikan sa noo!!!!!

Ohmygaaassh! Parang may bulta-bultaheng kuryenteng dumaloy sa buong sistema ko! Kaloka!

“Wa-wala yun. K-kuya.” Sagot ko naman. Feeling ko mas mapula pa sa sauce ng spaghetti ang mukha ko ngayon! Kaloka!!!!


Itutuloy. . .

Paaakkk 39

2840 Words! Siguro sapat na yan para hindi kayo mabitin sa Chapter na to.

Enjoy Reading! :)


❤ FITA’S POV ❤

Mygassssshhhh! Ilang ulit ko ng sinampal yung sarili ko pero hindi pa rin talaga ako magising sa panaginip na ito!

Una si Kuya Ace! Sumunod naman si Kuya Air! Mygaaad! Totoo bang nagtapat ang dalawang halimaw na yun ng feelings nila sa akin?

Totoo ba?

Totoo ba?

Parang hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko!

Ano bang nagustuhan nila sa akin? Hindi naman ako babae eh! Kaloka naman! Ganun na ba talaga ako kaganda? Para mahulog sa akin ang dalawang yun? Juskooo! Umabot na ata sa Zimbabwe yung haba ng buhok ko! Megeed!

Ace is calling. . . .

Ayan! Tumatawag na naman siya! Ilang beses nya na akong tinatawagan! Siguradong aalukin nya ako na sa kotse nya ako sumabay! Ganun! Pero ayuko! Naiilang pa rin ako sa kanya mga besssh!

Air is calling. . . . .

Gooosssh! Ngayon naman si Kuya Air! Kaloka! Anubeeee! Parang wala pa akong lakas ng loob na harapin sila pagkatapos ng pagtatapat nila sa akin!

Ethan is calling. . . .

Homygad! Ngayon naman si Ethan! Gossh! Bakit kaya sya tumatawag? Okay! Sasagutin ko.

“He-hello Ethan?” Pagsagot ko sa tawag nya.

“Salamat” Sabe nya.

“Ha? Salamat saan?” Tanong ko.

“Sa lahat lahat. Salamat sa pagsama sa akin na uminom at salamat sa pag-aalaga mo sa akin kagabi. “ Sagot nya.

“Ah. I-iyun ba? Wala yun! Para saan pa’t naging magkaibigan tayo.” Kuda ko. “Pumasok ka ba?” Tanong ko pa.

“Hindi. Wala ako sa mood. Baka bukas nalang.” Sagot nya.

“Eh kamusta naman kayo ng Tatay mo?” Tanong ko ulit.

“Pinagsabihan nya ako kanina. And he said that my decision is right. Tama daw na naghiwalay kami ni Stella, dahil may babae daw syang gustong ipakasal sa akin.” Sagot nya.

“I-ipakasal? So ibig sabihin ipapakasal ka ng Tatay mo sa babaeng hindi mo mahal?!” Gulat kong tanong.

“Apparently yes. Taga US daw yung babae. And she will arrive soon.”

“I’m sure naman na hindi ka magpapakasal sa babaeng yun diba?”

“Oo naman. Hindi. Hinding hindi ko yun papayagang mangyari.”

“Hayyy. Mabuti naman kung ganun!” Masayang sabi ko.

“Ahm. Fi-fita?” Sabi nyaaa.

“Bakit Ethan?” Tanong ko.

“I’m sorry.” Sagot nya.

“Sorry saan?” Tanong ko.

“Sorry dahil nahalikan kita kagabi. At alam kong galit na naman ngayon sayo ang apat mong mga Kuya. Dahil ang akala nila, pinagsasamantalahan mo ang kalasingan ko.” Sabeee nya!

Huwaaaattt?!!!! Paano nya nalaman!!!

“Pa-paano mo nalaman?” Gulat kong tanong!

“Napanuod ko sa cctv nyo. Tinanong ko kasi si Manang Yolly kung anong mga nangyari kagabi dahil wala talaga akong malay, I’m curious. Kaya she suggested na panuorin ko nalang daw sa cctv ang lahat dahil hindi nya din daw alam ang mga nangyari. At doon ko nga nalaman ang lahat lahat.” Sagoot nya.

Cctv?!!! Oo nga pala! Meron nga pala nun sa buong bahay! Mygasssh! So kung napanuod ni Ethan ang lahat ng nangyari! May ebidensya na ako na maipapakita kila Kuya na magpapatunay na hindi ko talaga pinagsamantalahan ang kalasingan ni Ethan! Wohooo! Yeeeey!

“A-ayos lang yun Ethan! Ahm. Sige, mamaya nalang ulit tayo mag-usap may kailangan pa akong patunayan! Byeee!” Kuda ko sabay baba ng tawag.

Ngayon! May pruweba na ako! Hindi na ulit magagalit ang mga halimaw na yun sa akin dahil inosente talaga ako!

Mabilis akong naglakad palabas ng school, pero bago pa man ako tuluyang makalabas, nakita ko si Kuya Ash na papasok sa Gymnasium.

Ha? Ano kayang gagawin nya dun? Tapos ang dami nya pang kasama. Mga kabarkada nya yata yun or kaklase. Ayyy basta! Kailangan ko syang sundan! Kailangan kong sabihin sa kanya na hindi totoo ang iniisp niya tungkol sa akin! Kailangan kong sabihin sa kanya na nasa cctv ang lahat! Ganun!

Mabilis akong rumampa papasok sa gymnasium! At pagpasok ko, natulala ako sa sobrang laki nito! Mala Araneta Coliseum! Bongga!

Pero gossh! Nasaan na si Kuya Ash! Nakita ko syang pumasok dito! Eh saan na sya nagpunta?

“Ahm Kuya? Saan po nagpunta yung mga lalaking pumasok dito kanina?” Tanong ko kay Manong Janitor.

“Doon ho Mam.” Sagot nito sabay turo sa malaking pinto na nasa kanan ko.

“Ah! Sige po salamat!” Kuda ko at mabilis akong rumampa papunta doon.

Pagadating ko dun, dahan dahan kong binuksan ang pinto. . .

At pagbukas ko!!!!!

Tumambad sa akin ang mga hubad na katawan ng mga lalaking ito na kaninang kasama ni Kuya Ash!!!!! Mygaaaddd! Mga naka-topless silang lahat at yung iba naka boxer lang!!!!

Juskooooooo!!!!!!

Napatingin silang lahat sa akin! At gulat na gulat din sila nang makita nila ako!!!

“So-sorry po!!!” Kuda ko at isasara ko na sana ang pinto nang may biglang humawak sa braso ko!!!!

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Kuya Ash! Mygassh! Bigla nalang syang sumulpot!

Napatingin ako sa katawan nya at jusko mga bessh! Naka short lang sya at wala din syang pang-itaas! Anubeeee! Yung mata ko! Nabubusog na naman! Awwww! Ahahahaaha!

“Ahm. A-ano. Ka-kasi. Hi-hinahanap kasi kita.” Utal na sagot ko! Sino ba namamg hindi uutalin! May nagpuptukang pandesal ang nasa harap mo. At hindi lang isa! Madami sila! Meeegeed! I can’t breath!

“At bakit mo naman ako hinahanap?” Seryosong tanong nya!

“A-ano. Ka-kasi, may gu-gusto sana akong sabihin sayo.” Sagot ko.

“Ang lakas talaga ng kamandag mo Dude! Mukhang may babae na namang magtatapat sayo.” Pag-eksema ng lalaking to na naka-sumbrero!

Anooo dawww? Babae? Anubeee! Ang ganda ko talaga! Ahahahaha! Pero wait? Anong sabi nya? Magtatapat ako? Nakurrr! Baka akala ng mga lokong to, may gusto ako kay Kuya Ash.

“Cute naman ang isang yan. Pagbigyan mo na Dude!” Dagdag pa ng lalaking to na naka-hikaw!

“Umalis kana dito. Get out.” Matigas na sabi ni Kuya Ash. Inalis nya ang mahigpit nyang pagkakakapit sa akin at naglakad sya papunta sa locker nya!

Grrrr! Ayaw nya pa rin akong kausapin! Galit pa rin sya sa akin! Anong gagawin ko?!!

“Mukhang ayaw sayo ni Mr. MVP. Gusto mo sa akin ka nalang?” Kuda ng lalaking to na naka suot ng blue na boxer short!!! At bigla nya nalang akong hinawakan sa bewang!

“Naku! Hi-hindi po! Aalis nalang ako!” Sagot ko at pilit kong inaalis ang kamay nya sa bewang ko pero ayaw nya pa rin akong bitawan!

“Ayaw mo ba sa akin baby? Parehas naman kaming gwapo at hot ni Ash.” Bulong nya sa tenga ko!!!!

Mygad! Nakakakilabot! Kinilabutan ako sa hininga nyang pumasok sa tenga ko! Juskooo.

“Ayuko! Bi-bitawan mo ako!” Pagpupumiglas ko!

Tinignan ko si Kuya Ash! Pero wala pa rin syang pakialam sa nangyayari! Ayaw nya akong tulungan! Patuloy pa rin sya sa pagbibihis nya ng basketball uniform nila!!!! Grrrrr.

“Mukhang pa-hard to get pa ang isang yan Xian.” Natatawang sabi ng lalaking yun na nakasumbrero sa lalaking to! So Xian pala ang pangalan ng pisteng to!!!!

“Oo nga eh. But I like those girls who are hard to get!” Kuda ng Xian na to at bigla nalang nyang idinikit ang katawan nya sa katawan ko!

“Lu-lumayo ka sa akin! Hindi ako babae!” Sigaw ko!

Nanlaki ang mata nilang lahat sa sinabi ko! Halatang nagulat sila! Rwwwr!

“What?! Yo-you! You are gay!” Gulat na sabi ng lalaking yun na nakahikaw!

“Oo! Kaya tigilan nyo na ako!” Sagot ko. “At ikaw! Bitawan mo ako!” Pagbaling ko sa Xian na to!

“So hindi ka pala babae?!” Tanong nya! Ayaw nya parin akong bitiwan sa bewang ko!

“Hindi!” Sagot ko.

“Edi ayos pala.Gusto mo bang sumama sa akin mamaya?” Nakangisi nyang tanong! “I will bring you to heaven.” Bulong nya paaaa!!!!!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya!!!! Anong akala nya sa akin? Kaladkaring bakla?! Tseeee! Dalhin mya mukha nya sa heaven! Manyak syaaaa!!!!

“Stop it Dude. Let him go.” Biglang sabi ni Kuya Ash.

“Diba ayaw mo naman sa kanya? Kaya sa akin na sya ngayon.” Sagot naman ng Xian na to!

Naglakad si Kuya Ash palapit sa amin at buong pwersa nyang inalis ang kamay ni Xian sa bewang ko!

Parang tumigil ang oras! Lahat ng tao sa locker room natahimik at nakatuon lang sa kung ano ang susunod na mangyayari!!!

“Hindi sya sayo! Sa akin lang sya!” Matigas na sabi ni Kuya Ash at buong pwersa nya akong hinila palabas ng gymnasium!!!!

Anooooo dawwww???? Totoo ba yung narinig koooo??? Sa kanya lang ako???!!! Bakit nya kaya nasabi yun???

Dinala ako ni Kuya Ash sa parking lot, at doon pinapasok nya ako sa kotse nya!

“Anong pumasok sa isip mo at bigla ka nalang pumasok ng basta basta sa locker room namin?” Singhal nya sa akin.

“Hi-hinahanap kasi kita. Hi-hindi ko naman alam na locker room pala yung napasukan ko.” Sagot ko!

“Really? Oh gusto mo lang makakita ng katawan kaya you desperately entered our locker room without even knocking at the door!” Sabi nyaaa!

“Hindi no! Anong akala ko mo sa akin? Ganung klaseng nilalang! Hindi ako ganun!” Imbyernang sagot ko sa kanya! Grrrr! Jinudge na naman ako ng halimaw na to!

“Talaga lang ha? Yun nga din ang akala ko. I thought you’re different. Akala ko hindi ka ganoong klaseng bakla! Pero nagkamali ako! You’re just like them!” Ganti nya naman.

“Ano bang sinasabi mo dyan! Wala akong maintindihan!”

“Tulad ka rin ng ibang bakla! Mapagsamantala!” Sabi nya! “Naging masaya ba ang gabi mo? Nagawa mo ba ang gusto mong gawin kay Ethan? Ha!” Dagdag nya pa!

“Hindi ako ganun! At wala akong ginawa kay Ethan, may pruweba ako dyan! Iyun nga yung gusto kong sabihin sayo kanina! Pero hindi ka nakinig!” Kuda ko. “Hindi ko pinagsamantalahan ang kalasingan ni Ethan! Aksidente lang yung nakita nyo kagabi! Umuwi na tayo! Panuorin mo ang mga nangyari sa cctv para malaman mong nagsasabi ako ng totoo!” Dagdag ko pa.

“C-cctv? So you mean nasa cctv ang lahat ng nangyari?” Tanong nya.

“Oo! Kaya umuwi na tayo! Panuorin mo! Para malaman mong nagsasabi ako ng totoo!”

Pero hindi na sya sumagot. Natahimik na sya. Tapos tinitigan nya ako sa aking mga mata!!!

“A-anong problema? Bakit ayaw mo pang paandarin ang sasakyan mo? Diba gusto mong malaman yung totoo? Kaya umuwi na tayo.” Kuda ko sa kaniya.

“No need. Mukhang nagsasabi ka nga ng totoo.” Mahinahong sabi nya. Oh diba? Maniniwala din pala! Gusto pa nya yung nag-aaway kami ng ganito! Kaloka!

“Mabuti naman naniwala kana! Pero umuwi na tayo! Ngayon na. Gusto ko paring ipapanuod sayo yung lahat ng nangyari.” Sabi ko naman.

“I’m sorry.” Biglang sabi nya.

“H-ha? Ano?” Tanong ko.

“I’m sorry for judging you. I’m sorry if I conclude na pinagsasamantalahan mo ang kalasingan ni Ethan. Sorry.” Seryosong sabi nya habang nakititig sya sa akin!

“O-okay na Kuya. Kalimutan nalang natin lahat. Pero sana, kung may maling bagay man akong magawa, sana bigyan nyo ako ng panahon para ipaliwanag sa inyong lahat iyon. Don’t judge me if you didn’t know the reason behind the thing that I did. Ang sakit kasi sa feelings na hinusgahan ka agad ng iba ng hindi man lang nila inaalam ang dahilan.” Kuda ko.

“Sorry. Hinding hindi na kita huhusgahan pa. Makikinig na ako sa paliwanag mo sa susunod. Sorry talaga.” Aniya at hinawakan nya ang dalawang kamay ko.

“Sorry accepted! So ibig sabihin ba nito? Bati na ulit tayo? Hindi kana galit sa akin?” Nakangiti kong kuda sa kaniya.

“Yup! Bati na tayo! At hinding hindi na ako magagalit pa sayo.” Nakangiti ding sagot ni Kuya Ash.

Hay! Salamat! World Peace na ulit kami ni Kuya Ash! Ang problema ko nalang ngayon ay ang halimaw na si Axe! Grrrrr. Pero siguro naman kapag napanuod ng halimaw na Axe na yun yung video sa cctv baka magkabati na rin kami! Hay nakur! Sana nga!

“Sorry din pala sa nangyari kanina. Nabastos ka tuloy ng mga kasamahan ko sa basketball team. Hinding hindi ko na ulit hahayaamg makalapit ang mga lokong yun sayo.” Kuda nya.

“Kalimutan na natin yun! Ayuko ng maalala pa ang mga manyak na yun. Lalong lalo na ang Xian na yun!” Sagot ko.

“Xian is a playboy pervert jerk! Get rid of him at hindi ko din hahayaang makalapit sya sayo.” Seryosong sabi nya.

“Oo Kuya. Hinding hindi ako lalapit sa manyak na yun.” Sagot ko. “Pero Kuya? Bakit mo nga pala sinabi kanina kay Xian na sayo lang ako? Anong ibig mong sabihin dun?” Tanong ko pa.

“Ah. A-about t-that. I-I I just s-said that dahil gu-gusto kong tigilan ka na nya.” Sagot nya! Parang bigla syang ninerbyos sa tanong kong iyun! Kaloka!

“Okay. Umuwi na tayo Kuya. Nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain. “ Kuda ko.

Nagulat ako ng biglang natawa si Kuya Ash!

“Bakit ka tumatawa d’yan?” Tanong ko.

“Natutuwa lang ako sayo. Kahit kailan puro pagkain yang nasa isip mo! Ang takaw mo talaga.” Natatawang sabi nya.

“Tseee! Eh nagugutom naman talaga ako eh! Sige na Kuya! Paandarin mo na ang sasakyan!” Sabi ko, at inilagay ko sa manibela ang dalawang kamay nya. “Gooo!” Dagdag ko pa.

Pero hindi nya parin pinaandar ang sasakyan. Nakatingin lang sya sa akin na parang ewan!

“Uy! Kuya! Ano na? Natulala ka na dyan?”

“Fita.” Seryosong sabe nyaaa.

“Bakit?” Tanong ko.

“Hindi ko akalain na may tulad mo na darating sa buhay ko. You make me confuse.” Sabi nya in serious way pa din!

“Co-confuse? Anong ibig mong sabihin Kuya?”

“You make me confuse with my feelings for you. Hindi ko alam kung gusto kita bilang nakakabatang kapatid, o gusto kita as a special person. Ginugulo mo ang isip ko.” Aniya !!!!

Anoooo dawwww???

“Ku-Kuya. Ano ba yang sinasabi mo. Hahahaha. Syempre gusto mo ako bilang kapatid at gusto din namin kita bilang Kuya ko.” Natataeang sabi ko.

Kaloka yung mga binitawan nyang salita wahhh! Ayukong isipin!!!! Ayuko talaga!!! Ayukong isipin na baka may gusto din si Kuya Ash sa akin! Ayuko! Erase! Erase! Imposible namang magkagusto ang tatlo kong Kuya sa akin ng sabay sabay! Sa mga korean drama ko lang napapanuod ang ganiyang eksenaa? Hindi yan mangyayari sa totoong buhay! I’m sure! Siguro naman gusto ako ni Kuya Ash bilang kapatid! At ganun lang yun!

“But that’s not what I feel. Parang…parang hindi kita gusto bilang kapatid lang. Maybe I like you as a special person.” Sabeee nyaaaa!!!!

“Ano kaba Kuya! Hahaha! Ano ba yang sinasabi mo.”

“Siguro nga gusto na kita. I think… I think I like you.” Seryosong sabi nya ulit sabay hawak sa kamay ko!!! Joskooo!

“A-ako? Pa-paano mo naman ako magugustuhan kuya! Hindi ako babae! Tsaka magkapatid tayo! Ano kaba! Baka naguguluhan ka lang! I’m sure gusto mo lang ako bilang kapatid! Bilang kaptid! At biglang kapatid lang.” Kuda ko

“Ang kulit mo din talaga. Maybe I’m still confuse right now but I’m sure, gusto kita dahil gusto kita and I have special feelings for you. Una palang kitang makita you already caught my attention. But I was really shocked nang malaman kong hindi ka pala babae, with that, likeness turned into hatred. Pero sa mga lumipas na araw, unti-unti kitang nakilala. You’re a very cool person. Dahil ikaw ang kauna-unahang taong nakatalo sa akin sa basket ball game. Hindi ko inakala na ang isang patpatin at baklang gaya mo ay magagawang talunin ang isang tulad ko. Maybe that time is the start when I felt a special feelings for you. Hindi ko inasahan na sa bawat araw na lumipas nagawa mong guluhin ang isip ko. Shit! You made my mind burst! Ginulo mo ang isip ko, kaya ngayon hindi ko akalain na magkakagusto, o kaya ko din palang magkagusto sa gaya mo. Pero sa ginagawa at sinasabi mong yan ngayon sa akin parang tinataboy mo ako.” Sabi nyaaa.

Ang habaaaa! Gosssh, talagang tumagos sa puso ko ang long dialogue nya na yun. Nakakaloka!

“Hi-hindi kita tinataboy Kuya. A-ang sakin lang. Ba-baka naguguluhan lang kayo sa nararamdaman nyo sa akin!” Sagot ko.

“Kayo? What do you mean na kayo? Are you saying na may iba ding taong nagtapat sayo?” Gulat na tanong ni Kuya Ash!

“Ha? Sinabi ko ba yung kayo? Sabi ko ikaw. Hindi kayo!” Palusot ko!

Juskoooo! Nadulas akooo!!!

“Don’t lie to me. Nadulas kana. Sino yung ibang tao na nagtapat sayo? Do I know them?” Seryosong tanong nya.

“Wa-wala nga yun Kuya. Namali lang ako ng pronoun na ginamit. Dapat ikaw, hindi kayo. Ganun.” Dahilan ko ulit!

“Sige na. Sabihin mo na sa akin. Para malaman ko kung sino ang kakompitensya ko sayo.” Sabi nyaaaa! Mygaaasssh!

Kakompitensya talaga! Kaloka namang word yan!!!!

“Wa-wala nga yun Kuya. Hu-huwag mo ng isipin yun. Umuwi nalang ta-tayo.” Kuda ko.

“I will find out kung sino yang taong tinutukoy mo. Yang taong kakompitensya ko.” Sabi nyaaa! At sa wakas pinaandar na din nya ang sasakyan!

Juskooooo! Akala ko hanggamg Zimbabwe lang ang haba ng buhok ko! Hindi ko aklain na aabot pala ito hanggang sa pluto! Megeeed! Hindi ko na kinakaya yung mga nangyayari!

Juskoooopooo.


Itutuloy. . .

Paaakkk 40


• FITA’S POV •

Dinner Time

Nakakaloka!!! Hindi ako makakain ng maayos! Sila Kuya Ace, Air at Ash! Silang tatlo! Nakatitig lang sila sa akin habang ako’y nanginginain. Hindi nila ginagalaw ang pinggan nila! Kaloka!

“Bakit hindi pa kayo kumakain?” Tanong ni Fafa Ark kila Kuya.

Mygaaad! Ayan na! Napansin na sila ni Fafa Ark! Josko.

“Busog na ako Dad.” Nakangiting sagot ni Kuya Ace.

“Busog? Kumain kana pala.” Ani Fafa Ark dito.

“No Dad. Hindi pa ako kumakain. May tao lang na nakapagpabusog sa akin. Makita ko lang sya. Busog na ako.” Sagot nya sabay tingin sa akin!

Megged!!!! Ano ba Kuya Ace!!!! Aatakihin ako sayong halimaw ka! Baka mahalata ni Fafa Ark at Mudra yang pinaggagagawa mo!

“Mukhang inlove ka yata Ace? Sino ang maswerteng babaeng yan?” Tanong ni mudra. May pagka-chismosa din talaga siya kahit kailan. Rwwwr.

Nakurrr. Kung alam mo lang mudra! Hindi babae ang nagugustuhan nya! Kundi binabae! Ganern!

“Hehe. Secret po muna ngayon kung sino sya Tita. But I’ll tell everyone soon.” Sagot nya sabay tingin ulit sa akin!

Anooo dawww? He will tell everyone soooon??? So may balak pala syang sabihin kila mudra at Fafa Ark! Josko! It shouldn’t beeee! Hindi ko yun hahayaang mangyari!

“Fita? Gusto mo pa ng kanin?” Tanong sa akin ni Kuya Air dahil mukhang napansin nyang wala ng laman ang pinggan ko.

“Oo Kuya.” Sagot ko. Kukunin ko na sana ang sandok ng agawin nya sa akin ito! At nagulat ako ng ipagsandok niya ako ng kanin at inilagay nya ito sa pinggan ko!!!!

“A-ang sweet mo naman Ku-kuya. Sa-salamat.” Kuda ko!

Juskorrr! Alam kong may gusto rin sya sa akin, pero sana naman ’wag niyang ipahalata! Kinakabahan ako sa titig ni mudra! Mukhang may naamoy sya sa amin nila Kuya!!!

“Syempre kung may kanin, dapat may ulam din.” Biglang sabi ni Kuya Ash at mabilis nya akong ipinagsandok ng ulam at inilagay nya iyon sa pinggan ko.

“Ahaha. Sa-salamat Ku-kuya.” Sabe ko at muli akong nagpatuloy sa eating moment ko.

Naloloka na ako mga bessh! Ang hirap mag-adjust! Ang hirap parin talagang paniwalaan! Dati ayaw ng mga halimaw na to na makasabay ako na kumain, pero ngayon pinagsisilbihan pa nila ako! Maryosep! Totoo ba talaga itong mga nangyayari???

“Nakakawalang gana.” Kuda ni Kuya Axe sabay tayo sa upuan nya habang nakatingin sya ng masama sa akin pati na rin kila Kuya Ace.

Anubeyen! Beast mode na naman ang halimaw na yun!

“May problema ba Axe?” Tanong ni Fafa Ark dito.

“Wala naman Dad. Nakakawalang gana lang kumain ngayon.” Sagot nya sabay walk out!

Aba! Ma-attitude talaga ang halimaw na yun! Grrr.

“Anong problema ng Kuya nyo? Bakit ang sama ng tingin sa inyo? May hindi ba ako alam na nangyari?” Matigas na tanong ni Fafa Ark kila Kuya.

Gossshhh! Ngayon ko lang na kitang ganiyan si Fafa Ark! Nakakatakot pala syang ma-beast mode. Joskooo.

“Wa-wala Dad. Wala namang nangyari.” Sagot ni Kuya Ash.

“Then why is he acting that way?” Tanong ulit ni Fafa Ark in hard way pa rin.

“We-we don’t know Dad.” Sagot naman ni Kuya Air.

“Baka may problema lang si Axe. Hayaan na muna natin sya. Kumain nalang muna tayo. Hindi magandang mag-usap ng ganiyan sa harap ng hapag.” Pagsingit ni mudra.

“O-okay. I’m sorry. Let’s continue.” Ani Fafa Ark at muli syang nagpatuloy sa pagkain.


After naming mag-dinner, agad akong naglakad papunta sa kwarto ko. Pero bago pa man ako makarating doon, napatingin ako sa bintana, nakita kong nasa garden sila Kuya at parang tinatalakan ni Kuya Axe sina Kuya Air!

Nakurrr! Ang halimaw na yun talaga! Bakit na naman kaya sya beast mode sa mga kapatid nya! Grrrr.

At dahil dakilang etchusera ang lola nyo, mabilis akong rumampa papunta doon. Whahihi!

Pagdating ko sa garden, agad akong nagtago sa likod ng halaman para pakinggan ang conversation ng apat na halimaw.

“Ano? Sumagot kayo! Bakit ganon nyo nalang tratuhin ang baklang yun ha?! Anong pinakin nya sa inyo para magkaganiyan kayo?! Hindi nyo ba nakalimutan yung ginawa nya kay Ethan kagabi?!” Galaiti ng halimaw na Axe na to sa tatlo nyang kapatid.

“But— Bro. Napaliwanag na sa akin o sa amin ni Fita ang lahat. Aksidente lang daw ang nangyari kung bakit nya nahalikan si Ethan.” Sagot ni Kuya Ace.

“Really?! Talaga lang ha?! At naniwala naman kayo sa dahilan ng baklang yun!” Galit pa ring sigaw nya!

Humakbang si Kuya Axe palapit sa tatlo nyang mga kaptid habang nanlilisik ang kaniyang mga mata!

“Pare-parehas lang ang mga bakla! Alam nyo yan! Itaktak nyo yan sa kokote nyo! Konting paliwanang lang ng baklang yun naniwala naman agd kayo?! Tskk! Baka nakakalimutan nyo na yung pinagdaanan natin at yung impyernong pinagdaan ko sa tulad nyang bakla noon!” Kuda nya pa in angry mode pa din!

Anooo dawwww??? Impyernomg pinagdaan nya sa kamay ng mga bakalang gaya ko??? Anong ibig nyang sabihin dun??????

“Hi-hindi namin yun nakakalimutan Kuya. Pe-pero, hindi ganoong klaseng tao si Fita. Iba sya. He’s different. Kaya huwag mo sana syang husgahan ng ganiyan.” Sabi naman ni Kuya Air.

“Tssk. Huwag husgahan? Ang mga tulad nilang bakla ay dapat lang hinuhusgahan sa mga kababuyang ginagawa nila! Akala ko iba ang bakla Fita na yan! Akala ko hindi sya gaya ng mga p*tang *nang mga baklang yun na nagsamantala at bumaboy sa akin! Pero gaya din sya ng mga yun! Mapagsamantala! At kitang kita yun ng dalawa nating mga mata!” Galit na sagot ni Kuya Axe.

Parang may kung anong sumaksak sa puso ko ng marinig ko ang mga salitang binitiwan nya!!!!

Ako? Baboy? Ako? Mapagsamatala? Ako? Katulad ng mga baklang bumaboy sa kanya? Ngayon alam ko na kung bakit sila galit at sobrang namumuhi sa baklang gaya ko. Naranasan pala nila ang ganoong bagay sa mga baklang tulad ko. Hindi ko masisi si Kuya Axe kung bakit sya nagkakaganiyan. Ngayon alam ko na ang dahilan.

Pero hindi tama na nilalahat nya ang mga bakla. Na hinuhusgahan nya kami base sa naranasan nyang iyon sa kamay ng bakalang gaya ko. Ang sakit isipin at tanggapin na ganon pala ang tingin nya sa mga bakalang gaya ko, kaya punong punong sya ng galit sa puso nya.

“But Bro, napanuod ko ang lahat ng nangyari sa guest room sa cctv. Aksidente lang ang nangyari kung bakit nahalikan ni Fita si Ethan. It is not his fault but it’s Ethan who grabbed him and Fita fell on his lips and that’s the secene that we saw.” Sabi ni Kuya Ash! “Hindi sya gaya ng mga baklang yun na kumidnap sa atin at bumaboy sayo. He is different. Hindi ganoong klaseng tao si Fita. Iba sya.” Dagdag nya pa.

Hindi ko alam kung maiiyak na ba ako sa pagtatanggol na ginawang iyon ni Kuya Ash at nila Kuya Air, pero parang gusto kong tapangan ang loob ko. Hindi dapat tumulo ang luha ko! Kailangan kong harapin ang halinaw na to at isampal sa kaniya ang katotohanan na hindi ako ganoong klaseng bakla!!!!

“Salamat mga Kuya.” Kuda ko pagkalabas ko sa pinagtatanguan kong halaman.

Nanlaki ang kanilang mata sa sobrang gulat nang bigla nalang akong umiksena sa moment nilang apat!

“Salamat Kuya Ash, Kuya Air at Kuya Ace sa pagtatanggol nyo sa akin kay Kuya Axe.” Nakangiting sabi ko sa kanila. “Mahirap paliwanangan ang taong sarado ang puso sa pagpapatawad at sarado ang isip sa salitang pagkakaiba. Pero siguro ito na yung time na kailangan ko na kayong iwasan. Ayuko na ng gulo, ayuko ng makarinig pa ng mga masasakit na salita. Sawang sawa na ako. Kaya simula ngayon, ako na ang iiwas sa inyo. Huwag kayong mag-alala, hindi ko na kayo guguluhin pa at kukulitin. Ituturing ko nalang kayong invisible sa paningin ko. Dahil sawang sawa na akong pakisamahan ang mga taong ayaw at galit sa baklang gaya ko. From now on, kanya kanya na tayo mga Kuya. Huwag nyo na akong papansin at hinding hindi ko na rin kayo papansin. Okay?!” Dagdag ko pa at hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagpatak nito!

Megeedd! Ang drama ko ngayon! Mmk na ba ito? Rwwwr.

“Fita don’t say that.” Kuda ni Kuya Ash sabay hawak sa kanang kamay ko.

“Hindi Kuya. Buo na ang desisyon ko. Salamat sa lahat.” Sagot ko at inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa kanang kamay ko.

“Hindi lang napanuod ni Kuya ang mga nangyari sa cctv that’s why he said that. Galit lang sya dahil akala nya pinagsamantalahan mo si Ethan. Pero ngayon alam nya na. Hindi na sya galit sayo.” Sabi ni Kuya Ash sa akin. “Diba kuya?” Tanong nya sa halimaw na yun.

Pero hindi sumagot ang halimaw na Axe na to! Tulala lang sya sa mga nangyayari. Grrrrr.

“Salamat sa lahat. Ito na yung huling pagkakataon na papansinin ko kayo. Bye.” Aniko at mabilis akong nag-walk out!

Siguro mas mabuti na to. Mas mabuting iwasan ko nalang sila. Wala din namang magandang maidudulot kung ilalapit ko pa ang loob ko sa kanila. Ngayon, alam ko na ang dahilan ng lahat. Kaya ako nalang ang iiwas. At siguro mas mabuti na rin na iwasan ko silang apat dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang gagawin ko pagkatapos magtapat sa akin nila Kuya Ace, Air at Ash. Hindi ko na alam kung paano ko pa sila papakitunguhan pagkatapos nilang magtapat. Mas mabuti na rin ito para makalimutan na nila ang nararamdaman nila sa akin. Dahil baka malaking gulo pa ang mangyari kapag nalaman nina Fafa Ark at mudra ang lahat ng nagyayari ito.

Haaaayyyy. Sobra na talaga akong naiistress! Parehas kami ngayon ng nararamdaman ni Author! Parehas kaming sabog, lutang at wala sa sarili.

Rwwwwr.


Itutuloy. . .

Paaakkk 41

• FITA’S POV •

“Uhm. Nay, Tito Ark. Alis na po ako.” Paalam ko sa kanila.

“Are you not going to eat?” Tanong ni Fafa Ark.

“Busog po ako Tito. Tsaka nagmamadali po ako ngayon. Ayuko pong ma-late.” Sagot ko.

“Sumabay kana sa mga Kuya mo.” Kuda ni mudrabells!

“Sabay kana sa akin.” Pagsingit ni Kuya Ace.

“I’m done. Sa akin ka nalang sumabay.” Eksena naman ni Kuya Air sabay tayo sa upuan nya.

“Hi-hindi na po Nay. May kasabay na po ako. Nasa labas na po si Ethan. Kanina nya pa ako hinihintay.” Sagot ko. “Sige po. Alis na ako Nay!” Sabi ko sabay halik sa pisngi ni mudra. “Bye Tito Ark!” Paalam ko naman kay Fafa Ark sabay kiss sa pisngi nya!

Awww! Ang cherep mga beshh! Ahahahaha.

Kailangan ko itong gawin. Ang iwasan ang apat na halimaw na yun, ang hindi sila pansinin. Kailangan ko itong gawin dahil ito ang mas makakabuti sa aming lahat. Ayuko na ng gulo. Gusto ko ng tahimik na buhay. Wala na akong pake sa kanila. Bahala na kami sa mga buhay namin! Ganern.

Paglabas ko sa gate, nakita ko agad ang kotse ni Ethan, kaya agad akong rumampa palapit doon. Dahan dahan nyang binaba ang bintana ng kotse nya at nginitian nya ako sabay kaway sa akin! Mygad! Ang gwapoooo.

“Good Morning.” Greetings nya sa akin at pinagbuksan nya ako ng pinto, kaya pumasok na ako, agad agad!

“Good Morning din.” Sagot ko naman at pinaandar nya na ang sasakyan.

“Anong balita?” Tanong nya.

“Ha? Saan naman?” Tanong ko din.

“Sa inyo ng mga Kuya mo? What happened? Galit pa rin ba sila sayo? Pinapanuod mo na ba sa kanila ang lahat ng nangyari?” Sunod sunod nyang tanong! Kaloka! Pwede bang huminga muna? Ahahar.

Tango lang ang naging sagot ko sa kaniya. Wala eh. Hindi ko alam ang uunahin. Kaloka talaga itong si Ethan.

“So it means, ayos na ulit kayo ng mga Kuya mo?” Tanong nya ulit.

“Hindi.” Sagot ko.

“Ha? But why? Akala ko ba napanuod na nila lahat sa cctv?”

“Simula ngayon, hindi ko na sila papansinin. Para wala ng gulo.”

“What? Hindi kita ma-gets?” Gulong gulong tanong nya.

“Okay! Listen carefully! Sa ating dalawa lang to ha. Friendship kita Ethan kaya sasabihin ko to sayo and I trust you.” Kuda ko in serious mode.

“Okay. I promise, kung ano man ang sasabihin mo sa akin, I’ll keep that as secret.” Sagot nya.

Kaya ayun na nga ang nangyari mga bessh. Kinuwento ko lahat lahat ng nangyari kay Ethan, pati na rin ang feelings nina Kuya Ace, Air at Ash sa akin! At syempre na-ikwento ko na din sa kanya ang dahilan kung bakit nagagalit at namumuhi ang apat na halimaw na yun sa may pusong babaeng tulad ko.

“I can’t believe it. Medyo sumakit ang ulo ko sa mga sinabi mong yan. Nakakagulat.” Kuda ni Ethan after nung story telling ko sa kanya.

“Oo nga eh. Ang sakit talaga sa bangs! Kaya mas mabuting iwasan ko nalang sila para wala ng gulo.” Sagot ko naman.

“But I can’t deny, it is possible that a straight guy could fall in love with someone like you dahil hindi ka naman mahirap magustuhan.” Biglang sabee nya!!!

Huwhaaat??? Totoo ba yung narinig ko??? Hindi ako mahirap magustuhan? Weh???? Paano???

“Pa-paano mo naman nasabi yan? Ganun na ba talaga ako kaganda para madali akong magustuhan ng mga lalaki d’yan sa tabi tabi?” Tanong ko.

Natawa sya sa tanong ko! Rwwwr! Seryoso keye ako! Anubeee.

“Maybe that’s of one reason, but I think yung bagay talaga siguro na nagustuhan sayo ng mga Kuya mo ay yung personality mo at yang puso mo.” Nakangiting sagot nya.

“Ha? Anong meron sa personality ko? At sa puso ko?” Tanong ko ulit!

“Masayahin kang tao, even you’re in pain you could still smile genuinely. Kahit sinong tao ang kasama mo, nahahawaan mo ng kasiyahan mo. Ang saya mong kasama and you have a beautiful heart that I think will never fade.” Sabe nya!

Awwww! Damang dama ko ang sincerity nya! Totoo bang ganun akong klaseng tao??? Parang hindi naman. Maharot kaya ako. Alam nyo yan mga besssh! Ahahahaha.

“Ga-ganun. Pa-parang hi-hindi naman.” Pa-humble kong sabe. Ahaha.

“Ganun naman talaga ang isang tao. Hindi nila napapansin ang pagkatao nila at kung paano sila makisalamuha sa iba. Tanging ibang tao lang ang makakapagsabi kung ano at kung sino tayo dahil sila ang nakakapansin at nakakapuna sa mga bagay na ginagawa natin. “ Kuda nya.

Ano daaaw??! Ang lalim. Parang hindi ko masyadong na-gets! Ahahaha! Pero basta! I’m sure positive yung sinabi nyang iyon. Ganun.

“Hay. Let’s move on na nga lamg. Huwag na natin silang pag-usapan. Kailangan ko ng kalimutan at iwasan ang apat na halimaw na yun.” Aniko.

“Pero to be honest, sa ginagawa mong pag-iwas, you could hurt their feelings. Mas mabuti kung kakausapin mo muna sila and better sabihin mo kanila na kaptid lang ang turing mo sa kanila at hanggang dun lang yun. Dahil hanggat hindi mo sinasabi sa isang tao ang boundaries at limitation nyo sa isa’t isa may isang taong aasa.” Kuda nya ulit.

Kaloka! Ano ba yang mga sinasabi ni Ethan! Hindi ko na ma-gets! Pero naintindihan ko yung sinabing nya na kailangan kong sabihin sa tatlong halimaw na yun na hanggang kapatid lang ang turing ko sa kanila.

Pero ganun ba talaga? Hanggang kapatid nga lang ba ang turing ko sa kanila? Oo naman! Hanggang dun lang yun no! Malaking gulo pa kapag nagkaroon din ako ng feelings sa kanila! Mygaad! Aaminin ko may konting pagka-crush ako kay Kuya Air pero konti lang yun. Mas lamang yung nararamdaman ko para kay Ethan. Pero siguro dapat ko na talagang kalinutan yung konting pagka-crush ko kay Kuya Air dahil baka lumalim pa yung feelings ko sa kanya! Paniguradong patay ako kay mudra!!!!


11:45 am

Nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain. Saan naman ako kakain? Tinext ko kanina si Ethan, pero hindi nya daw ako masasabayan sa lunch dahil nay importante daw silang pag-uusapan ng pudra nya. Rwwr.

Kaya ngayon, mag-isa ako na naglalakad sa kawalan .

“Hi. Pretty chick!” Biglang sabi ng isang boses at naramdaman ko nalang ang pag-akbay sa akin ng lalaking to!

Dahan dahan kong tiningala ang mukha nya! Mas matangkad kasi sya sa akin. Ay nang makita ko ang feslak nya….

Mygad! Hindi ako maaring magkamali! Ang lalaking to! Ito yung ka-tram nate ni Kuya Ash sa basketball! Ano nga ulit ang pangalan ng manyak na to????

Oo tama! Xian! Si Xian na manyak!!!

Mabilis kong inalis ang braso nyang naka-akbay sa akin!

“Pashneya ka! Lumayo ka nga sa akin!” Imbyernang pagtaboy ko sa kaniya.

“Napaka-hard to get mo talaga baby!” Kuda nya sabay kindat sa akin! Juskorrr. Nakakakilabot!

“Hoy! Manyak! Huwag kang lalapit sa akin! Sisigaw talaga ako ng rape!!!” Babala ko sa kaniya pero tinawanan nya lang ako! Grrrr.

“So do you want me to rape you huh? Yun ba ang gusto mo?” Nakangising tanong nya!!!

“Tseeee! Sinabi ko lang yun dahil mukhang iyun ang gawain ng manyak na gaya mo! Mukha kang rapist! Subukan mo lang lumapit sa akin! Hindi kana sisikatan ng full moon mamayang gabi!” Banta ko pa!

“Talaga lang ha? Let’s see kung kaya mo ngang gawin yan.” Nakangiting sabi nya at naglakad sya palapit sa akin! Kaya umatras lang ako ng umatras, hanggang sa maramdaman ko nalang na may puno na pala sa likod ko!

“Huwag kang lalapit!” Sigaw ko!

Meggedd! Nasaan na ba yung mga tao sa school na to! Bakit wala akong makitang ibang tao! Kaming dalawa lang ng manyak na to sa lugar na to! Medyo mapuno sa lugar na to! Josko! Mukhang walang makakita sa akin kapag humingi ako ng tulong!

“I can’t still imagine that you’re gay.” Sabe nya at muli syang humakbang palapit sa akin! “Napakaganda mo, ang kinis at higit sa lahat sexy.” Dagdag nya pa sabay kagat labi!

Juskolord! Bathalang Emre! Dyosang mahabagin! Tulungan nyo po ako! Naloloka na ako sa kinikilos ng manyak na to! Nanginginig na tuloy ako sa sobrang takot at kaba!!!!

“Lu-lu-lumayo ka sa akin!” Kabang kabang sabi ko.

“Ayoko!” Matigas nyang sabi at mabilis nya akong hinawakan sa dalawang kamay ko!!!

“Bi-bitiwan mo ako!” Pagpupumiglas ko.

“Lagi nalang babae yung natitikman ko. Medyo nakakasawa na. I wanna try something new. Something like you.” Bulong nya in his most manyak way!

Nagtayuan talaga ng bonggang bongga ang lahat ng balahibo ko!

Ano ng gagawin ko?!!! Mukhang may maitim na balak ang manyak na to sa akin! Nakurrrr! Hindi pwede! Hindi pwedeng matuloy ang balak nya!!! Para lang sa taong mahal ko ang virgin island ko! At hindi ko yun hahayaang makuha nya!!!

Kaya naman buong pwersa ko syang sinipa sa kahinaan nya!

“Ahhh! Shit!” Bulalas nya! At dahil mukhang napuruhan ko ang junior nya inalis nya ang mahigpit nyang pagkakahawak sa kamay ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakas!

“Bagay lang sayo yan! Manyak!” Kuda ko while running.

Pero naloka ako ng habulin nya ako! At ang bilis nyang tumakbo! Daig nya pa ata ang kabayo! Gooossh! Ganun ba talaga kapag basket ball player? Mga runner din?! Megeed!

Konti nalang maabutan nya na ako!!!!

Ayan na sya!!!!

Bilis pa Fita! Bilis!!!!

“Gotcha!” Sabe nya nang masbutan nya ako at mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko!

“Bi-bitiwan mo ako!!!” Sigaw ko.

“Walang makakarinig sayo. We’re in the middle of the woods in this university. Kaya sa akin kana ngayon.” Kuda nya!!!!

“Bitiwan mo sya!” Biglang sabe ng isang boses galing sa kung saan. At pagtingin ko sa may likod ng halaman, nakita ko doon si Kuya Axe!!!

“Axe? Ikaw pala yan?” Nakangiting sabi ng Xian na to!

“Ako nga.” Sagot nya. “Now, let him go!” Matigas nyang sabi.

“At bakit ko naman sya papakawalan? Diba galit ka sa mga bakla? You’re punishing gays like him? Diba? Baka pwede namang ibalato mo nalang sa akin ang isang to. Sayang naman yung ganda at kasexihan nya kung hindi ko mapapakinabangan.” Sabe ng manyak na Xian na to!!!! Grrrrr.

“So you wanna play with that gay?” Tanong ni Kuya Axe!

“Yup!” Sagot nito.

“Okay. Then enjoy.” Nakangiting sabi ni Kuya Axe sabay talikod sa amin!!!!

“Thanks!” Masayang masayang sabi ng Xian na to at mariin nya akong sinandal sa isang puno.

Halos malaglag ang panga ko sa ginawang iyon ni Kuya Axe! Totoo bang ipinaubaya nya nalang ako ng ganun ganun lang sa manyak na to?! Wala ba syang pakialam sa gagawin sa akin ng manyak na to! Wala ba syang ni katiting na wa na nadama sa akin! Wala ba syang planong bawiin ang sinabi nya!

Ganun nalang ba talaga ang tindi ng galit nya sa mga baklang gaya ko! Ganun na ba talaga nya ako kinamumuhian!

Ang sama nya!!!! Wala syang kasing sama!!! Ang sama sama nya!!!!

“Ngayon wala ng istorbo. I can do whatever I want.” Rinig kong sabi ng Xian na to at dahan dahan kong naramdaman ang labi nya sa leeg ko!!!

Hindi ko na namalayan ang dahan dahan ding pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Kahit sumigaw ako, kahit magpumiglas ako. Hindi rin ako nakakawala sa lalaking to.

Ngayon, ang tanging pag-asa ko nalang ay ang isang himala!!!!!

“Hey Bro?! Wanna taste this?” Rinig kong sabi ng isang boses at kasabay noon ang malakas na lagapak!

Hindi ko na naramdaman ang labi ng Xian na yun sa leeg ko. Binitawan nya na rin ang mga kamay ko. Kaya dahan dahan kong idinilat ang mata ko.

At pagdilat ko. . .

Nakita kong nakahandusay na sa damuhan si Xian at putok na ang mga labi nito.

“Are you okay?” Tanong ng isang boses, kaya napalingon ako sa kanang bahagi ni Xian at nanlaki ang mata ko sa taong nasilayan ko.

“Ayos ka lang ba? Hindi kaba nasaktan?” Nag-aalang tanong nya.

“I-ikaw? A-akala ko. A-akala ko i-iniwan mo na ako.” Gulat na sabi ko.

“Ang dami ko ng nagawang kasalan sayo. Sobra na kitang nasaktan. Kaya hindi ako tanga para sayangin ang pagkakataon na to para makabawi sayo.” Sagot nya.

“Akala ko iniwan mo na ako! Akala wala ka ng pake sa akin! Akala ko pinaubaya mo na ako sa manyak na yan!’ Naiiyak na sabi ko habang hinahampas ko sya sa dibdib nya.

“I’m sorry kung nagawa kong maisip mo ang ganiyang bagay. Kinailangan ko lang ng pagkakataon para puruhan ang isang yan.” Sabe nya sabay tingin kay Xian. “Sorry sa lahat ng nagawa ko, I’m sorry if I judged you right away without even listening to your explanations. I’m sorry. I am really sorry. Mapapatawad mo pa ba ako?” Dagdag nya pa sabay tingin sa mga mata ko.

Akala ko iniwan na talaga ako ng halimaw na AXE nato! Akala ko pinabayaan nya na ako! Grrrrr! Nakakabwisit talaga sya! Pero salamat dahil dumating sya at iniligtas nya ako.

Parang ang lahat ng galit sa puso ko sa kanya ay bigla nalang nawala.

Niyakap ko sya mahigpit. “Salamat Kuya! Salamat! Pinapatawad na po kita.” Naiiyak na sabi ko.


Itutuloy. . .

Paaakkk 42


❤ FITA’S POV ❤

Nasa isang mamahaling restaurant kami ngayon ni Kuya Axe. Dito nya ako dinala after nung nangyari kanina. Bigla nalang kasing tumunog ng sobrang lakas ng tiyan ko kaya wala na syang sinayang na oras, he immediately brought me here.

“Here are your orders Sir, Mam. Enjoy.” Kuda ng waiter na to.

“Thanks.” Sagot ni Kuya Axe at agad namang umalis ang waiter na yun.

Nakakagutom! Mukhang masasarap lahat ng inorder ni Kuya Axe! Mukhang mapaparami na naman ang kain ng mga alaga kong cobra sa tiyan ko. Ahahahaha. Charot lungs!

Syempre before eating session, nag-pray muna kami. Hihi. And after nun…

“Let’s eat.” Ani Kuya Axe kaya nagsimula na kaming kumain.

“Sa-salamat Kuya. Ang sarap ng pagkain dito.” Kuda ko while eating! Ang serep talaga mga bessh. Kain din kayo. Ahahaha.

“Halata nga. Mukhang sarap na sarap ka eh. Hinay hinay lang baka mabulunan ka.” Sabe nya.

“Okay po.” Nakangiting sagot ko.

“You know what? Naiinis ako sayo!” Singhal nya sa akin!

Anooo dawww? Naiinis aya sa akin?! Ano namang nagawa ko?!!!

“Bakit?! Bakit ka naiinis sa akin? May nagawa na naman ba akong hindi mo gusto?” Imbyernang tanong ko sa kaniya.

“Naiinis ako sayo. Dahil ang bilis bilis mo akong napatawad. Ganun mo nalang ba kabilis nakalimutan ang lahat ng ginawa ko sayo?” Inis nyang tanong!

Aba! Sya na nga itong pinatawad sya pa itong nagagalit! Grrrrr. Dapat nga magpasalamat pa sya dahil pinatawad at kinalimutan ko na lahat lahat ng ginawa nya sa akin!

“Ang dami mong arte Kuya. Ikaw na nga itong pinatawad ikaw pa itong naiinis.” Pagtataray ko.

“Hindi naman sa nag-iinarte ako. Nakakagulat lang dahil sa dami ng masasakit na salitang sinabi ko at sa dami ng hindi magandang bagay na ginawa ko sayo eh ganun mo nalang ako kabilis pinatawad. Kung siguro ibang tao yun, maybe it takes time to forgive and forget those bad things.” Aniya.

“Kuya. Alam mo kasi, sinabi sa akin nun ni Tatay bago sya mawala na huwag na huwag daw akong magtatanim ng galit sa kahit kanino. Kahit malaki o maliit man ang nagawang kasalanan sayo ng isang tao, kailangan mo silang patawarin at kalimutan ang hindi magandang bagay na nagawa nila. Dahil sabi ni Tatay, sobrang hirap daw mabuhay kung punong puno ka ng galit sa puso mo. Kaya ako, never akong nagtanim ng galit sa kahit kanino dahil mabigat yun sa kalooban. Ang hirap kayang maging masaya kung may galit ka dyan sa puso mo.” Kuda ko.

Pinagmasdan ko si Kuya Axe at parang natauhan sya sa sinabi kong iyon.

“Sana tulad mo rin ako. I hope I could easily forgive those people who did something bad. Pero para sa akin, sobrang hirap. Pero para sayo ganon nalang kadali iyon. I admire you with that attitude.” Sabi nya sabay ngiti sa akin.

“Alam kong mahirap yung napagdaanan mo Kuya, kaya hindi kita masisisi kung nahihirapan kang magpatawad at makalimot. Pero ang sa akin lang, huwag mo sanang lahatin ang mga gaya naming may pusong babae. Tulad ng sabi ko dati, magkakamukha lang kami ng sekswalidad pero magkakaiba kami ng pagkatao, kaya sana treat us differently because we’re different from each other.” Sabe ko naman.

Anubeeee. Napapa-english tuloy ako ng ’di oras. Ahahaha.

“Yeah. You’re right. Simula ngayon hindi ko na kayo ige-generalize. Dahil, ngayon alam ko ng hindi nga kayo magkakatulad, because you proved it to me right now.” Nakangiting sabe nya.

Awwww! Gosssh! Bakit ba ang gwapo ni Kuya Axe ngumiti! Hindi tuloy ako makatingin sa kaniya ng diretso! Ahahaha.

“Hay! Mabuti naman kung ganun!” Sabe ko sabay buntong hininga.

“Ipagpapatuloy mo pa ba?” Biglang tanong nya.

“Ha? Ang alin naman Kuya?” Tanong ko din.

“Ang pag-iwas sa aming apat. Itutuloy mo pa ba yun? Talaga bang hindi mo na kami papansin?”

Gosssh! Kaya ko lang naman sila iniiwasan dahil sa kanya! Dahil ayuko na ng gulo, pero ngayong bati na kami ng halimaw na to, ano ng gagawin ko?

Ipagpapatuloy ko ba ang pag-iwas sa kanila o papansinin ko na sila? Kaya lang paano na ang tatlo pang halimaw na yun? Nagtapat sila ng feelings nila sa akin? At hindi ko pa rin alam kung papano ko sila papakitunguhan after ng confession nila.

Meggeed! Nakaka-stress palang maging maganda! Ahaha! Charot!

“Ano? I’m waiting for your answer.” Sabe ni Kuya Axe.

“Uhm. Si-siguro mas mabuting iwasan ko nalang kayo.” Sagot ko.

“What!” Matigas nyang sabe! “Bakit? Maayos na naman tayo ha? Bakit kailangan mo pa kaming iwasan? Diba ako lang ang dahilan kung bakit mo kami iniiwasan? Because of my stupid attitude? So why are you saying na ipagpapatuloy no pa rin ang pag-iwas sa amin?” Sunod aunod nya pamg tanong! Kaloka!

“Oo Kuya. Iniiwasan ko kayong apat dahil sa kagagawan mo. Pero kahit bati na tayo ngayon, kailangan ko paring umiwas.” Sagot ko.

“Bakit nga? Give me a good reason kung bakit mo kami kailangang iwasan?” Tanong nya ulit! Megeed!

Ayokong sabihin sa kanya na kaya ko ipagpapatuloy ang pag-iwas sa kanila dahil sa pagtatapat nila Kuya Ace, Air at Ash. Hindi ko alam mung paano ko pa papakitunguhan ang tatlong yun. Naloloka ako sa kanila. Tsaka mas mamakabuti na iwasan ko na talaga sila para mawala na yung feelings nila sa akin! Ganun.

“Basta. Kailangan ko talaga kayong iwasan. Kaya this is the last time na mag-uusap tayo.” Sagot ko.

“Hindi kita iiwasan hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan. Kukulitin kita ng kukulitin, hindi kita titigilan. Kaya sabihin mo na sa akin ang dahilan kung bakit mo kami kailangang iwasan pa.” Seryosong sabe nya.

Megeed! Hindi nga pwede! Ang kukit mo rin talagamg halimaw ka! Baka pagsinabi ko sayo, ipagkalat mo pa. At baka malaman pa nina Mudra at Tito Ark! I’m sure malaking gulo yun! Kaya I will shut my mouth!,

“Hindi. Hindi ko sasabihin.” Mativas kong sabe sa kaniya.

“Sabihin mo na. Kapag hindi mo sinabi, sasabihin ko kay Tita Helena na nag-kiss kayo ni Ethan. I’m sure kapag nalaman yun ni Tita hindi kana nya hahayaan pang lumapit kay Ethan.” Pagbabanta nya! Juskoor!

“Tseee! Aksidente lang yung nangyari! Maiintindihan yun ni Nanay!” Imbyernang sagot ko sa kaniya!

“Really? What if sabihin ko kay Tita na may gusto ka kay Ethan? Ano kayang magiging reaksyon nya?” Banta nya ulit! Grrrr!

Pashneya talaga ang halimaw na to!!!! Ayaw nya talaga akong tigilan! Tinatakot nya pa ako! Rwwwr!

Ano? Sasabihin ko ba sa kanya na kaya ko sila iiwasan dahil may gusto ang tatlo nyang kaptid sa akin? Anubeee! Sasabihin ko ba o hindi? Mygad! Naloloka na ako mga bessshhh!!!!

“Ano? Hindi mo pa rin sasabihin?” Tanong nya ulit.

Huminga ako ng malalim sabay buntong hininga!

“Okay fine! Sasabihin ko na!” Kuda ko.

“Great! Then say!” Nakangiting sabe nya! Grrrr.

“A-ano ka-kasi. Ka-kaya ko kayo iiwasan da-dahil— naiilang na ako kila Kuya Ace, Air at Ash. Hindi ko na alam ku-kung paano ko pa sila papakitunguhan.” Sagot ko!!!

“Huh? Bakit ka naman naiilang sa kanila? May ginawa ba sila sayo?” Kunot noong tanong nya.

“Ka-kasi…ka-kasi…Na-nagtapat silang tatlo sa akin…Gu-gusto daw nila ako. Ma-may gusto daw silang tatlo sa akin.” Sagot ko!

Nanlaki ang mata ni Kuya Axe sa sobrang gulat! “Really? Nagtapat sila sayo??” Gulat na gulat nyang tanong.

“Oo Kuya. Kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Kagabi nga lang, nung sa dinner. Sobra akong naiilang sa kanila. Pinagsilbihan kasi nila ako. At natatakot ako baka mahalata at malaman nila Nanay at Tito Ark na may gusto silang tatlo sa akin.“Sagot ko.

“Hi-hindi ako makapaniwala. But I think there’s nothing wrong kung malaman man nina Tita ay Dad na may gusto silang tatlo sayo.” Sabe nya!

“Huh? Anong there’s nothing wrong ka dyan! Very wrong kaya! Sabi ni Nanay at Tito Ark mahalin daw natin ang isa’t isa bilang magkapatid lang at tanging magkapatid lang at hanggang dun lang yun! Kaya baka atakihin silang dalawa kapag nalaman nila ito.” Kuda ko.

“Pero hindi ka naman namin kadugo. We’re not related in blood kaya wala naman sigurong masama. I’m sure maiintindihan naman iyon nina Tita at Dad. So if I were you, don’t ignore us. Ibalik nalang natin ang dati. Wala din namang mangyayari kung iiwasan mo sila dahil kilala ko ang mga kapatid ko, makulit ang mga yun at hinding hindi ka nila titigilan, ngayon pang malalaman nila na magla-ayos na tayo.” Kuda nya.

“Pe-pero! Hindi parin tama Kuya! Maling mali! Ayokong malaman nila Nanay at Tito Ark na may gusto silang tatlo sa akin! Maloloka ako kapag nangyari yun! Kaya please! Huwag mong sabihin sa kanila.” Pakiusap ko.

“Okay. Pero sa isang kondisyon. Papansinin mo na kaming apat at babalik na tayo sa dati.” Aniya!

“Ha?! Eh ayoko nga! Hindi ko nga alam kung paano ko pa papakitunguhan ang tatlo mong kapatid. Maloloka lang ako kapag hindi ko kayo iniwasan.”

“Ako ng bahala sa kanila. I’ll talk to them.”

“Ta-talaga? Ka-kausapin mo sila?” Tanong ko.

“Oo. Sasabihin ko sa kanila na

may the best man win!“

Sagot nya!

“Anong may the best man win pinagsasabi mo d’yan! So kukunsintihin mo pa ang mga kapatid mo na ipagpatuloy ang nakakalokang bagay na ginagawa nila sa akin?! Anong gusto mong palabasin? Na pagkokompetensyahin mo ang tatlong yun ha?!” Imbyermang tanong ko sa kaniya.

“Hindi mo ba na-gets? Sasabihin ko sa kanila na may the best man win dahil isa din ako sa kakompitensya nila sayo.” Nakangiting sabi nya.

“Ha?! Ano! Hindi kita ma-gets! Bakit makikipag-kompitensya ka sa tatlo mong kapatid! Anong kakompitensya mo sila sa akin?! Hindi kita maintindihan! Ang sakit mo sa bangs Kuya!” Gulong gulong tanong ko.

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Kuya Axe ang kamay ko!!!! At tumitig sya ng mariin sa mga mata ko!!!

“Para madali mong maintindihan. In short, gusto din kita. May gusto din ako sayo. Kaya kasali ako sa kompitisyon nilang tatlo. Meaning, apat na kaming may gusto sayo. Gets mo na ba? Kaya

may the best man win!“

Sabe nya!

Biglang nalaglag ang panga ko sa sahig! Nag-expand ng 100 times yung mata ko sa sobrang gulat!!!

Ano dawwww??? May gusto din sya sa akin??? At kasali sya sa kompitisyon ng tatlo nyang kapatid?!!! So kaya nya pala sinabing

may the best man win

dahil gusto nya din ako????!!!!

Weeehhh???? Totoo ba?!!!! Ang halimaw na Axe nato! May gusto sa akin! Wehhh???!!! Papaano naman iyun mangyayari! Eh sagad sagaran nga yung galit nya sa akin!!!! Imposible!

“Na-nag jo-joke ka lang diba?” Tanong ko.

“Mukha ba akong nagjo-joke?” Seryosong tanong nya! Megessh! Mukha ngang hindi sya nagjo-joke!

“E-eh pa-pa-paanong na-nangyaring gusto mo ako? Eh diba abot hanggang buto ang galit mo sa akin?!” Tanong ko!

“Siguro nung umipisa sagad sagaran yung galit ko sayo dahil nga bading ka. Pero habang lumilipas ang araw at habang nakatira tayo sa iisang bubong unti unti kitang nakilala. Nung una, hindi ko matanggap na ang isang baklang gaya mo ay may mabuti din palang ugali. Akala ko lahat ng mga gaya nyo ay puro kagaguhan lang ang alam gawin. But when we were trapped in my car, I realized na kahit ang sama sama ng pakikitungo ko sayo, you still have the urge to take care of me nung na heat stroke ako. At nung na stranded din tayo noon sa isla, you saved my life. Niligtas mo ako. Kahit na ang dami dami kong nagawang kasalanan sayo nakuha mo pa rin akong tulungan. And with that, na-realize ko na iba ka talaga sa mga baklang gumago noon sa akin.” Saad nya at muli syang nagpatuloy. . .

“But something happened. Nakita ka namin na hinalikan mo si Ethan, hindi ko maintindihan noon ang sarili ko, pero bigla nalang akong nagalit ng sukdulan sayo. Doon ko nalang na-realize na kaya pala ako sobrang nagagalit sayo at kaya pala kung anu anong masasakit na salita ang nasabi ko sayo ay dahil nasaktan pala ako nang makita kong hinalikan mo si Ethan. Oo galit ako sayo noon dahil nasasaktan ako. Doon ko nalang napagtanto na gusto na pala kita. At para pagtakpan ang nararamdaman ko sayo at pati na rin ang sakit na nararamdaman ko, pinagbintangan kitang pinagsamantalahan mo si Ethan kahit alam kong hindi mo naman yun kayang gawin. Pinagbintangan kita dahil naiinis ako sayo, dahil noon ko lang naramdaman na mag-selos at masaktan. Kahit kailan hindi ko pa naramdaman ang salitang selos na yan, at kahit kailan hindi ko pa naramdaman ang ganung sakit. Kaya ibinuntong ko nalang sayo ang lahat ng galit ko.” Dagdag nya pa.

“I’m sorry. Sorry sa mga kagaguhang nagawa ko. Sorry if I became impulsive with my feelings and emotion. Kung anu-ano tuloy na masasakit na salita ang nasabi ko sayo dahil sa sobrang galit at selos. I’m sorry.” Pahabol nya pa.

Gravity! Ang haba nung dialogue nya na yun ha! Kaloka! Hindi ko kinaya! So ngayon alam ko na ang lahat! Pero jusko naman! Totoo ngang may gusto din sa akin si Kuya Axe! Akala ko galit talaga sya sa akin! Pero tinatago nya lang pala ang nararamdaman nyang iyon para sa akin!

Megeeed! So totoo nga? Totoo ngang apat na silang may gusto sa akin!!!!

Homygaaaad! Yung buhok ko! Pakiputol na po please! Ayoko na! Nakaka-stress palang magkaroon ng sobrang habang buhok!

Ano na ngayon ang gagawin ko? Apat na sila??? Apat na silang kaiilangan ko! Papaano na ako makikitungo sa kanila ngayon! Paano ko pa haharapin ang bukas! Juskoooo.

Feeling ko talaga nanaginip lang ako! Kung nanaginip lang ako, paki buhusan ako ng kape! Please! Gustong gusto ko ng gumising dahil sobra na akong nai-stress sa panaginip kong ito! Naloloka na ako mga besssh! Sobrang hirap pala talagang maging magandang dyosa! Megeeeddd!!!!

Una si Kuya Ace, sunod si Kuya Air tapos si Kuya Ash at ngayon naman si Kuya Axe!

Gossssh! Silang apat! Waaaaittt!!! Baka kaya???? Baka kaya ito na yung epekto ng expired na gayumang hinalo ko sa pagkain nila?! Kaya siguro sila nagkagusto sa akin dahil sa gayumang yun! Tama!!!! Baka iyun nga ang dahilan! Dahil sobrang napaka imposibleng pagkakataon naman na magkagusto sa akin ang apat na halimaw na yun! Kaya I’m sure! Dahil yun sa gayumang iyon! Kailangan kong hanapin ang matandang pinagbilhan ko noon. Kailangan kong makuha ang gamot na pangontra para sa gayuma na yun!

Go! Fita! Kaya mo yan! Aja!


Itutuloy. . .

Paaakkk 43


• FITA’S POV •

Three hours ang byahe papunta sa Isla Mako, sa isla namin. Pero kung ako si Darna wala pang one minute nandun na ako. Ahahaha! Mabuti nalang binigay na sa akin ni mudra ang one week allowance ko. Kaya may gorss ako para makapunta sa Isla namin. Um-absent ako sa dalawang subject namin para lang makapunta sa Isla.

Babawi nalang ako bukas! Ngayon lang to. Ito na ang una at huling absent ko sa school! Dahil kapag nalaman ito ni mudra, paniguradong teggi ako!

Pagdating ko sa Isla namin, agad kong hinanap yung matandang pinagbilan ko ng gayumang iyon!

Hanap dito…

Hanap doon…

Juskor! Nasaan naba si Lola!

At ilang saglit lang nakita ko na sya! Ayun! Nag-iba na pala sya ng pwesto.

Mabilis akong nag-runaway papunta kay Lola. At paglapit ko sa kanya. . .

“Lola! Mygad! Mabuti nahanap kita.” Hingal na hingal na kuda ko. Kapagod keyeng tumakbo mga bessh. Lakas maka-haggarad. Nubeee.

“Sino ka?” Tanong nya!

“Ako to Lola! Yung dyosang pinagbentahan nyo ng gayuma!” Sagot ko sabay pose! Paaaak! Labaan. Ahahaha.

“Hindi kita matandaan hija.” Sabe nya!

Megeeed! Uso naba ngayon ang alzheimers na yan! Kaloka wah.

“Ay basta. Never mind nalang Lola. Itatanong ko lang kung may pangontra po ba kayo sa gayumang binili ko sa inyo dati?.” Tanong ko

Nagulat ako ng biglang natawa si Lola! Mygash! Bakit kaya sya tumatawa! Mukha tuloy syang mangkukulam. Juskorr.

“Hindi totoo ang gayumang binili mo sa akin hija. Peke lang ’yun. Imbento ko lang yung mga sangkap na nakalagay dun.” Natatawang sagot nya!!!

Anoooo daaaw???!! Hindi totoo ang gayuma nya?! Peke lang yun!!! Really?!

“Ano?! Peke lang yun?!” Sigaw ko.

“Oo hija. Peke lang yun. Hindi yun totoo.” Natatawang sagot nya.

Grrrrr! Mandurugas din pala ang matandang to. Niloko nya ako! Akala ko totoo! Pero hindi naman pala!

PEROOOO! Papaano nagkagusto sa akin ang apat na halimaw na yun kung hindi totoo ang gayuma nya!

PAANO????!

Waaaait!

May naalala ako! Yung hula ni Lolang tindera sa Quiapo! Sabe nya may apat or lima daw na boylet ang magkakagusto sa akin! Homygaaad! Ito na ba yun? Ang apat na halimaw na ba yun ang mga lalaki na tinutukoy nyang magkakagusto sa akin???

So ibig sabihin hindi talaga ang gayuma ang dahilan kung bakit ako nagustuhan ng apat na yun? Nagustuhan nila ako dahil maganda talaga akong tunay!!!

Kalokaaaaa!

After ng ekesna namin ni Lolang tinderang madurugas eh mabilis akong sumakay sa bangka para makauwi na!

Makalipas ang tatlong hours. . .

Nakauwi na rin ako sa wakas! Kapagod mga bessh. Nakakapagod talagang maging maganda. I mean nung byahe. Ahahaha! Charott.

Pagpasok ko sa bahay, nadatnan ko ang apat na halimaw na yun nasa sala. Mukhang may pinag-uusapan sila. Kaya nagtago ako sa may gilid ng pader para pakinggan ang dialogues nila. Ahahaha.

Etchusera mode ON!

“So you mean magka-ayos na kayo ni Fita?” Tanong ni Kuya Ash kay Kuya Axe!

“Yup. I thought he need much time for him to forgive me but he did it right away. Sya ang klase ng taong hindi nagtatanim ng galit. He’s unbelievable.” Sagot ni Kuya Axe!

Gosssh! So kinwento na pala ng halimaw na Axe na to ang lahat sa tatlo nyang mga kapatid. Grrrr.

“Does it mean hindi na tayo iiwasan ni Fita?” Tanomg naman ni Kuya Air.

“Yeah. He’ll never ignore us.” Sagot ni Kuya Axe!

Nek nek mong never ignore us! Hindi ko na kayo papansinin! Maloloka lang ako sa inyo. Ngayon pang apat na pala kayong may gusto sa akin! Hindi ko kinakaya yung buhok kong abot na pala sa kabilang galaxy. Juskoor.

Tsaka I need space right now! Gusto ko munang mag-isip isip kung anong gagawin ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. I’m still in the process of being shocked attack! Ganun.

“That’s great! Ngayon magagawa ko na ang gusto kong gawin kasama sya.” Tuwang tuwang sabi naman ni Kuya Ace.

Tseeee! Ano naman kayang gusto nyang gawin! Kinikilabutan ako. Megeeed.

“Ano bang gagawin mo?” Tanong ni Kuya Axe dito.

“Secret.” Nakangising sagot ng manyak na Ace na yun!

“Sir Fita! Nanadito na pala kayo.” Malakas na sabi ni Ate Lily! Kaya napalingon sa akin ang apat na halimaw na yun!

“Kaloka ka Ate! Nagtatago nga ako dito eh! Panira ka talaga!” Imbyernang bulong ko sa kaniya.

“Ay. Sorry po. Hihi.” Sabe nya sabay walk out! Grrrr.

“Hi Fit!” Bati sa akin ni Kuya Ace sabay kindat! Mygaaad.

Hindi ko sya pinansin. At naglakad na ako papuntang hagdan.

“Wait.” Pagpigil sa akin ni Kuya Axe. Kaya nilingon ko sya.

Awwww. Ang gwapo nila. Nubeeeh.

“Bakit?” Walang expression na tanong ko. Yeah! Dapat poker face lang ako. Ganun.

“Bakit ngayon ka lang umuwi? Its already 6:00 pm. May pinuntahan kaba?” Tanong ni Kuya Axe!

Aba! Ano to?! Tatay ko na ba sya ngayon? Makapag tanong naman wagas. Grrrr.

“Kila Ethan ako galing. Nagpatulong lang ako sa kanyang gawin yung assignment ko.” Pagsisinungaling ko. Awwww. Bad! Bad!

“Bakit hindi ka nalang sa akin nagpatulong? I can help you with anything.” Kuda ni Kuya Axe!

Weew! Telege leng heh! Yabang netong halimaw na to.

“Mahirap yung assignment namin eh. Si Ethan lang yung naisip kong makakatulong sa akin.” Sagot ko naman.

“Wait Fita. Hindi mo ba alam yung tungkol kay Kuya Axe?” Biglang tanong ni Kuya Ash.

“Ha? Anong tungkol sa kaniya?” Tanong ko.

“He’s the smartest student in Zarvard.” Sagot ni Kuya Ash.

“Kaya kung may assignment ka na sa tingin mo mahirap, nandito lang si Kuya. He’s better than that Ethan.” Dagdag naman ni Kuya Ace.

Anooo dawww??? Smartest student??? Matalino ba talaga ang halimaw na Axe na to???? Kaya siguro punong puno ng libro ang kwarto nya na akala ko library dahil sobrang talino nya pala talaga! Mygaaad!

Pero NO! Hindi ako hihingi ng tulong sa kaniya. Kay Ethan pa rin ako hijingi ng tulong. Baka mamay may kapalit yung pagtulong nila sa akin.

“No thanks nalang Kuya. Kay Ethan pa rin ako magpapatulong. Baka kasi maka-abala lang ako sa inyo eh.” Kuda ko.

“Kahit kailan hindi ka naging abala sa amin.” Biglang singit ni Kuya Air. Awww. Bakit parang bigla akong kinilig. Mygosh.

Sasagot pa sana ako ng biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko!!! Megeeed. Umaatungal na naman ang alaga kong cobra.

“You want to eat?” Nakangiting tanong ni Kuya Ash.

“Hindi. Busog pa ako.” Sagot ko. Pero bigla na namang tumunog ang tiyan ko! Anubeeee!

“You’re hungry. Tara sa kusina.” Sabe ni Kuya Axe tapos bigla nalang nyang hinawakan ang kamay ko at hinila nya ako papuntang kusina! Sumunod naman agad ang tatalo pang halimaw.

“Ba-bakit ba? Busog pa nga ako. Bitawan mo ako “ pagpupumiglas ko.

“Iba ang sinasabi mo sa sinasabi ng tiyan mo.” Matigas nyang sabi. “ Just sit here, I’ll cook something for you.“ Sabe nya pa!!!

Ano dawww. Ipagluluto nya akooo???! Weeehhh!

“Ano?! Bakit? Sanay kabang magluto?!” Tanong ko.

“Basta may cook book, kaya ko.” Sagot nya.

“I’ll help you Bro.” Sabi ni Kuya Air pagpasok nila sa kusina.

“Ako din. Tutulong ako.” Sabi naman ni Kuya Ace!

“I want to help too.” Dagdag pa ni Kuya Ash.

Nakurrr! Wala akong tiwala sa lulutuin nila. Baka sumakit ang tiyan ko. Hindi naman sila sanay magluto eh!!!

“Huwag na. Huwag na kayong magluto. Hayaan nyo na si Manang ang magluto.” Pagpigil ko sa kanya.

“Manang is not around. May emergency daw sa bahay nila. Kakaalis nya lang kanina kasama si Mimi at Deedee.” Sabe ni Kuya Ash.

Ganoon? Kaya pala ang tahinik ng bahay! Gosssh. Ano kayang emergency yun????

“Ha?! Ganun? Ako nalang. Ako nalang ang magluluto.” Kuda ko.

“Kami na. Maupo ka nalang d’yan.” Pagpigil ni Kuya Axe.

“Anong nangyayari dito?” Biglang tanong ng isang boses at pagtingin ko sa may pinto si mudrabells pala!

“Hello Tita. We just want to cook something delicious for dinner.” Sagot ni Kuya Air.

“Cook? Kayo? Magluluto?” Gulat na gulat na tanong ni mudra.

Nilapitan ko sya. “Nay! Pigilan mo ang apat na yan. Baka sakitan tayo ng tiyan kapag sila yung nagluto ng hapunan natin.” Sabe ko sa kanya.

“Ako dapat ang magluluto ng hapunan ngayon Nak dahil wala si Manang. Pero hayaan na natin sila. Tsaka bakit ganyan ka sa mga kuya mo! Sigurado namang pagkain pa rin ang tawag sa maluluto nila.” Imbyernang sabi ni mudra sa akin. Rwwwr.

“Pero Nay. Wala silang alam sa pagluluto.” Sabi ko pa.

“Naku Nak! Hayaan na natin sila! Kanilang kusina to, huwag na tayong makialam. Tsaka I’m tired, iiglip lang ako. Gisingin mo nalang ako kapag kakain na ha?” Kuda nya!

Anobayannn!!! Nabuntis lang si mudra naging tamad na sya! Grrrrr. Nakurrr! Kung hindi kalang buntis Nay. Nakuuu talaga. Naiistress ako. Nakuuu.

Wala na akong nagawa kundi panuorin ang apat na halimaw na yun.

Haaay. Sana lang hindi ako magtirik sa pagkaing lulutuin nila. Rwwwr.

After ng ilang kembot ng oras, natapos din sa wakas ang apat na yun. Si Kuya Air ang naglagay ng mga plato sa mesa. Si Kuya Ash naman sa baso at mga kubyernos. Basta ganun! Tapos si Kuya Ace naman yung naglagay ng ulam at kanin sa malaking bowl at inilagay nya iyun sa mesa. And lastly si Kuya Axe na pagod na pagod. Mukhang napagod sya sa pagluluto ng adobong manok.

Pero bakit ganun? Bakit ang gwapo nya pa rin kahit haggard na sya! Awww! Anubeee.

“Dinner’s ready! Let’s eat!” Kuda ni Kuya Axe sabay tanggal ng apron na suot nya.

“Wait! Wala pa si Tito Ark. Hintayin na natin sya.” Sabi ko naman. .

“Hindi makakauwi si Dad ngayon. Nasa business trip sya sa Berlin.” Sabe ni Kuya Air.

“Ha? Talaga? Ba’t ’di ko alam. Hindi man lang ako nakapag saying good bye kay Tito.” Nakangusung say ko. Arrrr.

“Tawagin mo na si Tita, para makakain na tayo.” Ani Kuya Ash.

Kaya mabilis akong rumampa papunta sa kwarto nina mudra at Fafa Ark. At pagbukas ko ng pinto, nakita kong kumakain si mudra ng biskwit! At ang dami na nyang nakain dahil ang daming kalat sa sahig!

“Nay! Gabing gabi na bakit pa kayo kumakain nyan. Magdi-dinner na tayo.” Say ko.

“Ayoko ng kumain Nak. Busog na ako. Sobrang sarap pala nito. Mukhang naglilihi na ata ako sa biskwit na to Nak.” Natatawang sabe ni mudra.

“Biskwit? Really Nay?! D’yan ka talaga naglihi?”

“Oo Nak! Kaya may naisip na akong ipapangalan sa magiging kapatid mo.”

“Ano namang pangalan ang naisip mo Nay?!” Tanong ko.

“Hansel. Yan ang ipapangalan ko sa kapatid mo. Diba ang cute!”

“Mygash Nay! Fita na nga ang pangalan ko tapos yang si baby papangalan mo pang Hansel? Kaloka ka Nay. Puro nalang kami biskwit.”

“Hay nakuuu! Basta! Buo na ang desisyon ko. Hansel na ang pangalan nya. Bumaba kana dun Nak, sabayan mo ng kumain ang mga Kuya mo at ako’y iiglip lang, ayoko ng maingay.” Sabe sya sabay higa sa kama.

Grrrrr. Ganito pala majontis si mudra. Nakuuur. Wala na syang ginawa kundi humiga at matulog at humiga. Ganun. Kaloka pala ang mga buntis. Nakaka-stress

Pero NO! Hindi dapat Hansel ang pangalan ng baby sister ko! Dapat yung unique! Dapat yung maganda! Yung kasing ganda ko. Ahoho. Charot.

Bumaba na ako papuntang dinning area at pagdating ko dun, nakaupo na sa kanya kanyang upuan ang apat na halimaw. Mukhang hindi pa sila nagsisimula.

“Nasaan si Tita? Bakit hindi mo sya kasama?” Tanong ni Kuya Axe.

“Busog na si Nanay. Ang dami nyang nakain na biskwit. Mukhang naglilihi ata.” Sagot ko sabay upo sa chair ko.

“Seriously? Sa biskwit talaga naglilihi si Tita?” Gulat na tanong ni Kuya Air.

“Oo Kuya. Gusto pa nga nyang ipangalan sa baby sister natin yung brand ng biskwit na kinakain nya.” Sagot ko.

“Really?! Anong brand ng biskwit? Rebisco? Skyflakes? Bravo? Haha!” Natatawang tanong ni Kuya Ace!

“Hansel!” Sagot ko. At nag-ihit talaga silang apat ng tawa ng bonggang bongga!

“That’s cute. Pwede na.” Sabi ni Kuya Ash.

“Pero mas cute parin talaga ang pangalang Fita.” Nakangiting sabe ni Kuya Ace!

Anubeee. Alam ko naman yen eh. No need to say that. Ahohoho.

“Tama na nga. Kumain na nga lang tayo. Nagugutom na ako.” Kuda ko.

Sasandok na sana ako ng kanin nang agawin sa akin ni Kuya Air yung sandok.

“Ako ng maglalagay sa pinggan mo.” Nakangiting sabe nya! Awww! Ang gwapo. Mygash. Lumuluwang na namn yung garter ng panty ko. Josko. Ahahaha.

“Si-sige.” Sagot ko.

“Taste this dish, I’m sure masarap yan.” Sabe naman ni Kuya Axe at ipinaglagay nya ako ng adobong niluto nila sa plato ko.

“Eto tubig. Baka mabulunan ka.” Naka-smile namang sabe ni Kuya Ash at nilagyan nya ng tubig yung baso ko.

Anubeeeee. Bakit ba sila ganyan! Hindi ako sanay. Ang awkward sa feeling. Feeling ko tuloy isa akong napagandang prinsesa na pinagsisilbihan ng mga nag-ga-gwapuhan prinsipe. Ahohoho.

“Tikman mo na.” Sabi naman ni Kuya Ace kaya mabilis kong kinuha ang kutsara at tinidor at dahan dahan akong sumubo ng kanin at kasunod naman ang adobong manok na niluto nila.

Ngumuya ako. At juskoooo! Talaga bang sila ang nagluto nito????? ANG SEREEP! ANG SARAP! Ang sarap mga besssh!Kasing sarap ko. Ahahaha. Charoot!

“How is it?” Tanong ni Kuya Axe.

“Ma-masarap.” Sagot ko!

“Really?!” Nakangiting bulalas ni Kuya Axe.

“Opo. Masarap po. Kumain na rin kayo. Huwag nyo na akong titigan. Nakakailang po kayo.” Kuda ko sa kanila.

Kaya nag-umpisa na rin silang kumain. . . .

“Sir Fita! May bisita po kayo.” Biglang singit ni Ate Lily.

“Ha? Sino naman?” Tanong ko.

“Si Ethan po.” Sagot ni Ate Lily at kasabay nun ang biglaang pagpasok ni Ethan sa dinning area.

“Ethan! Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.

“Yayain sana kitang kumain sa labas. Pero huli na pala ako. You’re eating already.” Sagot nya.

Ha???? Akoooo?? Yayain nyang kumain sa labas? Weehh? Bakit naman? Anong meron???

Tumayo ako at mabilis kong pinuntahan si Ethan.

“Seryoso kaba? Anong meron at yayain mo akong kumain sa labas?” Pabulong na tanong ko.

“Biro ko lang yun. Gusto ko lang makita yung reaksyon ng mga Kuya mo kapag sinabi ko yun.” Nakangiting sagot nya. “Look at them, halos hindi na maipinta yung mga mukha nila. Totoo ngang gusto ka nila. Bakas yung selos sa mukha nila.” Dagdag nya pa

“Ikaw talaga! Bini-beast mode mo sila. Kaloka ka! Pero bakit nga? Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?” Pabulong na tanong ko.

“Isasauli ko lang to.” Sabe nya sabay abot sa akin nung kwintas ko na bigay ni pudra!

“Papanong napunta sayo to?” Gulat kong tanong.

“Nakita ko yan sa gilid ng kotse, siguro nahulog mo yan kanina, nung sumabay ka sa akin papasok.” Sagot nya.

Ganooon?! Juskoooo. Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko na namalayan na nawala na pala yung kwintas ko. Mygassh.

“Naku! Salamat Ethan! Importante to sa akin. Salamat talaga.” Aniko sabay yakap sa kanya.

Awwww. Ang tigas ng katawan nya mga besh. Ang serep yakapen. Ahohoho.

“Hehe. Sige. Mauna ako. Mukhang tino-torture na ako ng mga Kuya mo sa isip nila. Sobrang sama ng tingin nila sa akin oh.” Natatawang sabi nya.

“Sige! Bye! Ingat.” Kuda ko with matching waving of hands.


Itutuloy. . .

Paaakkk 44

I’m BUSY. That’s the shortest explanation why I’m late in updating this story! Hope you understand! Thanks! 😁


• FITA’S POV •

Naloloka na ako! Kagabi pa galit sa akin ang apat na halimaw na yun! Simula nung umeksena sa dinner namin si Ethan kagabi, naging ganyan na sila. Mga halimaw na bugnutin! Grrrr.

Paglabas ko sa pinto ng mansyon, nagulat ako ng tumambad sa akin sina Kuya Ash, Air at Ace! Mga nakapamewang pa sila at yung kilay nila magkasalubong na naman! Mukhang beast mode na naman ang tatlong to!

“Ba’t ang tagal mo?” Singhal sa akin ni Kuya Ace!

Ano daw?!! Bakit? Hinihintay ba nila ako?!

“It’s none of your business!” Pagtataray ko!

“Sumabay kana sa akin.” Biglang sabi ni Kuya Ace sabay hawak sa braso ko.

“No Bro, sa akin sasabay si Fita.” Biglang singit naman ni Kuya Ash sabay hablot sa braso kong hawak hawak ni Kuya Ace!

Aray hah! Meseket na!

“That’s enough Bros, Fita will come with me. Sa akin sya sasabay.” Eksena naman ni Kuya Air. “Diba Fita?” Sabay tanong nya!

Ugghhh! Kuya Air! Don’t do this to meeee You’re making me weak! Sayo nalang ako sasabay Ahahaha! Charooot!

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, kaya agad ko iyong kinuha at nag-flash sa screen ang pangalan ni Ethan! Ohmygad! Si Ethan ko tumatawag!

*swipe to

the

right*

“Hello Ethan?” Pasweet na sagot ko sa tawag nya! Ahaha.

“Where are you? Nakaalis kana na ng bahay nyo?” Tanong nya.

“Hi-hindi pa. Ba-bakit?” Tanong ko?

“Great! Nasa labas ako ng bahay nyo, I’m waiting for you. Sumabay kana sa akin.” Kuda nya!

Megeeeed! Anubeeeee Kay aga aga! Inuulan ako ng mga lalaki! It’s raining men mga besssh! Kanino ba ako sasabay??? Apat na silang nag-aalok sa akin at hindi ko alam kung kanino ako jo-join! Megeeeed! Ang hirap talagang maging maganda! Ahahaha! Chereet!

“Let’s go!” Biglang sabi ng isang boses mula sa likod ko, at paglingon ko si Kuya Axe pala.

Bigla nyang hinablot ang cellphone ko at inilagay nya yun sa bulsa nya!!!! Tapos mahigpit nya akong hinawakan sa braso at pwersahan nya pa akong kinaladkad papunta sa kotse nya!!!

Wala ng nagawa ang tatlong halimaw na yun kundi panuorin ang pagkaladkad sa akin ng halimaw na Axe nato!!!!

“Ano ba! Bitiwan mo nga ako!!” Imbyernang kuda ko sa kanya.

“Pasok!” Sabe nya, pagkabukas nya ng pinto ng kotse nya.

“Ayuko! Bitawan mo ako! Akin na yung cellphone ko!” Galaiti ko sa kaniya! Grrrr.

Pero hindi sya sumagot at naloka ako ng bigla nya akong buhatin at pwersahan nya ako pinasok sa kotse nya!!!!!

“Palabasin mo ako dito! Halimaw ka talaga! Ayuko ng sumakay sa kotse mong de-batirya!” Kuda ko in my most angry way! Ganun.

“Tahimik!” Matigas nyang sabi at mabilis nyang pinaandar ang kotse nya palabas ng mansyon!!!!

“Itigil mo na yung sasakayan! Bababa na ako! Ayuko dito! Palabasin mo ako! Baka makulong na naman tayo dito sa kotse mong nagma-malfunction!”

“Edi maganda. Tayong dalawa lang ang nandito kung nagkataon.” Sabe nya sabay ngisi! Juskorrrr! Parang may hindi ako magandang feeling sa ngisi nyang iyun! Mygaad!

“Akin na yung cellphone ko! Kay Ethan ako dapat sasabay at hindi sayo!” Kuda ko pa.

Tapos naloka ako ng bigla nyang ihinto ang sasakyan.

“Ethan? Si Ethan na naman? Puro ka nalang Ethan!” Galit nyang sabi!

Gossshhh! Bakit parang bigla akong natakot sa kanya! Bigla akong kinabahan mga besssh! Anubeeeee.

“Apat na kaming may gusto sayo, pero yang Ethan parin na yan ang bukang bibig mo!” Dagdag nya pa!

At naloka ako ng dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko!!!!

“Sabihin mo nga? Ano bang meron yang Ethan na yan na wala ako?! Ha?!” Galit nyang tanong!

Tog! Tog! Tog! Mygaaaad! Bumilis ng bonggang bongga ang palpitation ng puso ko! Bakit ba ganito ang halimaw na to! Pinapakaba nya ako! Juskooo

“Ku-kuya. . . “ Kabang kabang sabi ko.

“Huwag mo akong tatawaging Kuya! Hindi kita kapatid!” Sigaw nya at lalo pang lumapit ang mukha nya sa mukha ko!

Halos dumikit na yung ulo ko sa bintana ng kotse nya!!!

“Huwag mo akong tatawaging Kuya, dahil higit pa sa kapatid ang nararamdaman ko para sayo.” Seryosong sabi nya.

Megeeed! Wala na! Speechless na ako mga bessh! Nakalimutan ko na yung susunod kong dialogue dahil sa sobrang kaba!

“Wala ba akong pag-asa? Hindi mo ba ako kayang magustuhan, tulad ng pagkagusto ko sayo?” Sabe nya pa at jusko! Kalahating protractor nalang yung layo ng mukha nya sa mukha ko!

“Hi-hindi k-ko alam.” Utal kong sagot!

“Then, I will let you know.” Bulong nya at dahan dahan nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko!

At!!!!

At!!!!

At bigla ko nalang naramdaman ang mainit nyang labi sa lips ko!!!! Juskooooooo

Halos magmukha na akong tarsier sa sobrang laki mg mata ko dahil sa sobrang pagkabigla!!! At parang sasabog na yung flat kong dibdib dahil sa hindi maipaliwag na feelings na nararamdaman ko ngayon!!!!

Yung dating mailap at sobrang samang halimaw na nakilala ko noon, yung halimaw na halos isumpa at patayin na ako noon…ngayon nasa harap ko at ipanapadama sa akin kung gaano nya ako kagusto!!!! Hindi parin ako makapaniwala!

Totoo ba talaga itong mga nangyayari???

“Gusto kita. And I’ll do everything to make you feel the same .” Bulong nya ulit.

At muli nyang binuhay ang sasakyan at nagpatuloy sya sa pagmamaneho samantalang ako, tulala pa rin sa mga nangyari. Hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung magagalit ba ako o matutuwa! Ewan!!! Shock pa rin ako mga bessssh!

Pagdating namin sa Zarvard. . .

“I’ll come with you, ihahatid na kita sa room nyo.” Sabe ni Kuya Axe pagkalabas namin sa kotse nya.

“Hi-hindi na. Kaya ko ng mag-isa.” Sagot ko.

“I insist.” Sabe nya. Inakbayan nya ako at nagsimula na kaming maglakad.

Nakaramdam ako ng hiya, dahil sa sobrang daming human being na nakatingin sa amin! Yung iba nagbubulungan pa at yung iba naman, ang sama ng tingin sa akin! Juskooooo.

“I-iwan mo na ako.” Sabi ko kay Kuya Axe.

“No.” Matigas nyang sagot. “I know you feel ashamed because of those people. Don’t mind them, wala akong pakialam sasabihin nila. Ang importante sa akin ngayon, ay ikaw.” Dagdag nya pa at kasabay nun ang paguhit ng sobrang tamis na ngiti sa kaniyang mga labi!

Mygaaad! Feeling ko lumuwang na yata yung garter ng panty ko! Konti nalang malalaglag na itu! Anubeeee! Bakit ang gwapo ni Kuya Axe ngumiti! Nakakapanghina ng hormones! Juskoor.

Habang patuloy kami sa paglalakad, biglang tumunog ang cellphone ni Kuya Axe. Agad nya naman iyong kinuha, at pagtingin nya sa screen ng phone nya biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya!

“Shit!” Inis nyang sabi.

“Ba-bakit? A-anong problema?” Tanong ko.

“I have to go, may emergency lang.” Sagot nya at mabilis syang tumakbo palayo sa akin.

Hindi ko maintindihan mga bessshh, pero may hindi ako magandang feeling! Ano kaya yung emergency na yun ni Kuya Axe! Naku-curious ako!

At dahil dakilang etchusera ang lola nyo, nag-run away ako para sundan si Kuya Axe!

Mygaassh! Eto yung pinaka ayaw kong scene! Yung runaway mode! Kaloka! Lakas maka-haggard! Nawawala na tuloy ang freshness ko! Aahahaha.

Nakita kong pumasok sa lumang stadium ng Zarvard si Kuya Axe. As far as I know, bawal pumasok sa stadium na yun dahil delikado na ang lugar na yun dahil sa sobrang luma na nun! So bakit pumasok dun si Kuya Axe?!!!

Gosssh! Baka may hindi magandang mangyari sa kanya dun! I need to stop him!!!

Kaya mabilis akong tumakbo papasok din ng lumang stadium.

Pagpasok ko, puro agiw, alikabok at mga sira-sirang gamit sa school ang nasa paligid nito! At jusko! Ang baho dito mga besssh.

“At last! You’re here!” Rinig kong sabi ng isang boses mula sa kung saan. Kaya nagpalinga-linga ako.

At naloka ako! May tatalong beki ang nasa harap ngayon ni Kuya Axe at may mga kasama silang limang lalaki na mukhang bouncer sa bar! Katakot! Ganun!

“Where’s my car?” Tanong ni Kuya Axe sa mga ito.

“Secret.” Mapang-asar na sagot ng beki na nakasuot ng shades.

“Fvck! Ano bang kailangan nyo hah?” Galit na tanong ni Kuya Axe sa mga ito.

“We want you.” Sagot ng beki na yun na naka pink na blouse.

“We want you to suffer! Tulad ng pagpapahirap mo noon sa amin!” Galit pang dagadag ng beki na naka-scarp.

Ohmygassshhh! Ano daw????? Papahirapan nila si Kuya Axe! Megeeed! May balak silang masama!

“Hindi mo alam kung ilang buwan kaming na-confine sa ospital dahil sa pambubugbog mo sa amin?! And now! We’re well, ipaparanas namin sayo ang hirap na dinanas namin sa kamay mo!” Sigaw ng beki na yun na naka shades!

“Boys! Kayo ng bahala sa lalaking yan!” Sabe naman ng beki na yun na naka-kulay pink na blouse sa apat na lalaking yun na mukhang bouncer!!!!

Juskoooo! Balak nilang ipa-bugbog si Kuya Axe sa apat na damulag na yun!!! Megeeedd! I need to do something! Alam kong masama ang ginawa ni Kuya Axe sa mga beking yun, pero hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Kuya!!!!

“Tigil!!!!” Sigaw ko in my most loud way!

Napatingin silang lahat sa akin!

“What are you doing here?!” Galit na tanong ni Kuya Axe.

“Tutulungan kita.” Sagot ko.

“You can’t help me! Umalis kana! Baka madamay kapa!” Sigaw nya. At kassbay noon ang pagpalibot sa kanya ng apat na bouncer na yun!

“Well, well, well. Looks who’s here. Ang baklang stepbrother ng lalaking nagbugbog sa amin.” Kuda ng beki na to na naka-scrap.

Maka bakla naman ang pisteng to! Parang sya hindi. Grrrr.

“Don’t dare to touch him! Huwag nyo syang idamay dito.” Sigaw ulit ni Kuya Axe.

“Oh, mukhang concern ang Kuya mo sayo ha. I thought, he hates gays like us. Pero bakit ikaw? Mukhang hindi sya galit sayo?” Sabi naman ng beki na to na naka kulay pink na blouse.

“Don’t touch him! Layuan nyo sya! Hindi nyo sya katulad! Ibang iba sya sa inyo!” Sigaw ulit ni Kuya Axe.

“Oh really? How come?! Dahil ba mukha syang babae kaya na iba sya sa amin? Ha?!” Imbyernang tanong ng beki na to na naka shades.

“That’s one reason! Sya maganda! Kayo mga panget! Hindi nyo sya katulad! Ibang iba sya sa inyo! Subukan nyo lang syang saktan, tutulyan ko na kayong tatlo!” Sigaw ulit ni Kuya Axe.

“Ah, ganon?! Panget pala kami ha?” Imbyernang sabi ng beki na to na naka scarp. “Boys! Bugbugin na ang lalaking yan!” Utos nya sa mga bouncer na yun!!!

At sinimulan na na apat na bouncer na yun na bugbugin si Kuya Axe!!!!!!

“Kuya!!!” Sigaw ko, tatakbo sana ako palapit sa kanya ng bigla akong sambunutan ng baklang to na naka kulay pink na blouse!

“Saan ka pupunta? Dito ka lang!” Sabe nya at hindi nya parin tinitigil ang pagsambunot sa buhok ko.

“Aray! Bitawan mo ako! Mga hunyango kayo!!!” Sigaw ko.

“Hunyango pala ha?! Etong sayo!” Sabi ng baklang yun na naka scarp at pinagsasampal nya ako!

Ang sakeeeetttt!!!!

“Dapat d’yan sa mukha mo, sinisira! Para pare-parehas na tayong panget!” Sabi pa ng bakla na to na naka shades at naloka ako ng makita kong may hawak syang basag na salamin.

“Go sis! Sirain mo ang mukha ng baklang yan! Masyadong nagmamaganda! Hahaha!” Kuda ng baklang yun na naka pink na blouse!

“No! Hu-huwag!” Pakiusap ko.

Pero hinawak nila ng mahigpit ang mukha ko at dahan dahan nilang inilapit ang basag na salamin na yun sa mukha ko!

Ito na ba???

Ito na ba ang katapusan ng pagiging dyosa ko?

Ito na ba ang oras na may papalit na sa role ko bilang si Fita?!

Ito na ba yung oras na mapuputol na ang mahaba kong buhok?

Ito na ba yung moment na matatapos na ang reign ko bilang pinaka magandang bakla ng taon?!!!!

Juskooooooo!!!!

Lord! Help me please!

Bathalang Emre!

Dyosang mahabgin!

Tulungan nyo po kami!!!!!

“Eto na! Hahaha!” Sabe ng bakla na to na naka pink na blouse!

At naramdaman ko nalang ang paghiwa nila sa pisngi ko!!!!!

Ang sakeeeeeeetttt! Mga piste kayooooo!!!!

“Isa pa sis! Tadtadrin natin ng hiwa ang mukha nya! Hahaha!”

“Love it! Okay! Sa kabilang piangi naman! Hahaha!”

Goodbye everyone! Wala na. Wala na ang Dyosang si Fita. Ako na ang reyna ng mga hiwa.

“Itigil nyo yan!” Malakas na sigaw ng isang boses.

Napatingin kaming lahat sa may pinto at nakita ko doon si Ethan! At may mga kasama syang mga guards ng Zarvard.

“Itaas nyo ang kamay nyo! Walang gagalaw!” Kuda ni manong guard habang naka tutok ang baril nya.

Itinaas naman ng mga baklang to ang kamay nila, at isa isa silang tinali nila manong guard. Pati na rin ang apat pang bouncer na yun!

Napalingon ako sa kinaroroonan ni Kuya Axe.

At…at bigla nalang tumulo yung luha ko sa sitwasyong nakita ko.

Wala na syang malay. Halos mapuno na ng dugo ang mukha nya. Puro na sya sugat.

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya!

“Kuya! Kuya! Please! Gumising ka Kuya.” Umiiyak na sabi ko.

“F-fita.” Mahinang sabi nya. Jusko! Parang naghihingalo na sya!!!!

“Kuya. Alam ko malakas ka. Please. Huwag kang bibitaw. Dadalhin ka namin sa ospital.” Kuda ko in crying moment pa rin.

Hinawakan nya yung mukha ko. At tinitigan nya ang hiwa sa mukha ko. “Si-sinaktan ka ni-nila. Hi-hinding hi-hindi ko si-sila ma-mapapatawad.” Hirap na hirap nyang sabi.

“Hindi Kuya. Ayos lang ako. Huwag mo akong isipin.” Sagot ko.

“Fita.” Pagtawag sa akin ni Ethan.

“Ethan! Please! Dalhin natin sa ospital si Kuya!” Umiiyak pa ring sabi ko.

“Ako ng bahala.” Sagot nya at binuhat nya si Kuya Axe palabas ng stadium.

Agad namang dumating ang ambulasya.

Juskoooooo! Sana maging okay na si Kuya Axe! Sana walang mangyari sa kanyang masama.

Sumakay kami ni Ethan sa loob ng ambulasya, para samahan si Kuya. Nakaupo kami sa dulong bahagi nito. Samantala, busy naman ang mga taong naka-puti na to sa pag-asikaso kay Kuya.

“Ayos ka lang ba?” Tanong ni Ethan.

“Ayos lang ako. Si Kuya Axe ang iniisip ko ngayon. Kung magiging okay lang ba sya.” Sagot ko.

“He’ll be fine.” Sabi nya.

“Sana nga. Sana nga maging ayos na si Kuya.” Aniko

“Mabuti nalang pala, sinundan kita kanina.” Aniya.

“Ha? Ako sinundan mo?” Tanong ko

“Oo. Nakita kita kanina na tumatakbo, kaya naisipan kong sundan ka. At nagulat ako sa nakita kong tagpo sa loob ng stadium. Gusto ko na sana kayong tulungan pero naisip kong wala akong magagawa. Kaya humingi nalang ako ng tulong.” Sagot nya.

Niyakap ko si Ethan, “Salamat. Salamat sa tulong. Salamat dahil lagi kang nariyan, sa t’wing kailangan ko ng tulong.” Sabi ko.

“I’m sorry.” Biglang sabi nya.

“Ha? Bakit ka nagso-sorry?” Tanong ko at inalis ko na ang braso kong nakayakap sa kanya.

“I’m sorry kung nahuli ako. Nasaktan ka tuloy.” Sagot nya at bigla nyang hinawakan ang pisngi ko na may hiwa at tinitigan nya ito.

“Ayos lang ako. Malayo to sa kidney! Tsaka kahit ilang hiwa pa yung gawin ng mga baklang yun sa mukha ko, maganda pa rin naman ako diba?” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Puro ka talaga biro. Oo na. Maganda ka pa rin. Sobrang ganda mo.” Natatawang sabi nya.


Itutuloy. . . .

Paaakkk 45

Yung feeling ng importante sya para sayo, pero para sa kanya wala ka lang? 😑

Kadramahan Mode On! 😭👊

BTW, Happy 300k+ reads! 😁🎉🎆🍦


• FITA’S POV •

Ilang araw ding nasa ospital si Kuya Axe dahil sa pagbubugbog ng apat na bouncer na yun sa kanya! Ang dami nyang naging sugat and the worst thing is, nabalian pa sya ng braso.

At dahil may phobia si Kuya Axe sa ospital, nag-blind fold nalang sya noong nandoon sya sa ospital. Ganern.

At dahil hindi nya maigalaw ang kanang braso nya. Ako na ang nag-prisintang maging nurse nya. Kakalabas lang kasi nya ng ospital.

At kung tinatanong nyo kung kamusta na ba ang lagay ng Dyosa kong fesss. Eto, ayos lang naman! Mabuti nalang may kilalang magaling na derma si Fafa Ark. Nawala yung peklat sa mukha ko! Kaya nasa akin pa rin ang korona!

Ako pa rin ang dyosa ng taon! Walang aangal!!! Ang umangal papaputukan ko ng piccolo! Ahahaha! Charoot.

Syempre, naikwento ko na lahat noon kila mudra, manang, ate Lily, Deedee at Mimi ang lahat ng nangyari, pati na rin kay Fafa Ark at sa tatlo pang halimaw. And obviously , lahat sila nagulat sa mga nangyari. Pero ngayon naka-move on na kaming lahat.

Okay na si Kuya Axe at ngayon, pauwi na kami sa bahay. Nasa kotse kami ngayon ni Fafa Ark. Katabi ko dito sa back seat si Kuya Axe na mahimbing ang pagtulog.

“Nandito na tayo Nak.” Kuda ni mudra. Nasa front seat sya katabi ni Fafa Ark.

“Okay po. Mauna na po kayo Nay. Gigisingin ko pa si Kuya Axe.” Say ko naman.

Bumaba na sina Fafa Ark at mudra sa kotse, kaming dalawa nalang ni Kuya Axe ang naiwan sa loob.

“Wuy! Gising na Kuya. Nandito na tayo.” Paggising ko sa kanya habang tinatapik ko sya sa balikat.

“Fi-fita..” Pagtawag nya sa akin nang magising sya.

“Ba-bakit Kuya?” Tanong ko.

“Na–na…” Sabe nya

“Ha? Na? Na a-ano ka?” Tanong ko.

“Naiihi ako. Open the door!” Sagot nya, kaya agad kong binuksan ang pinto ng kotse.

Jusko! Naiihi lang pala sya akala ko kung ano na! Rwwwr!

Mabilis syang nagtatakbo papunta sa gilid ng puno sa may garden!

Kaloka! Mukhang ihing-ihi na talaga sya! Dyan pa talaga nya naisipamg umihi! Nakurrr! Kapag ikaw na nuno dyan! Ay nakooooo.

“Fita!” Sigaw nya.

Grrrr. Ano na naman bang kailangan nya.

“Bakit Kuya?” Tanong ko.

“Come here! Bilis!” Sigaw nya kaya nagmadali akong rumampa palapit sa kanya.

“Ba-bakit? A-ano ba yun?” Tanong ko pagkalapit ko sa kanya.

“Hindi ko mabuksan ang zipper ko. Open it!” Utos nyaaaa!

Ano dawwwww?!!! Open it?!!! Juskorrrr!

“A-ayuko nga!” Pagtanggi ko. Kaloka! Papabuksan nya talaga yung zipper nya sa akin?! Baliw na talaga ang halimaw na to!

“I can’t use my right hand. So open my zipper! Bilis!” Sabe nya!!!!

“Ha?! Bakit ako?! Ta-tawagin ko lang sina Kuya. Sila nalang.” Kuda ko.

“Buksan mo na bilis!” Galit nyang sigaw!!!

Aba! Sya na nga itomg nang uutos sya pa itong galit! Grrrrrr.

“Oo na! Eto na!!!!” Imbyernang sagot ko.

Pinikit ko yung mata ko at dahan dahan kong binuksan ang zipper nya!

Megeeed! Halos sumabog na yung dibdib ko sa sobrang kabaaaaa! Bakit ba ako kinakabahan! Bubuksan ko lang naman yung zipper nya eh!!!!

“Ayan! Tapos na!” Sabi ko at maglalakad na sana ako paalis nang pigilan nya ako ulit. Grrrr.

“Wait!” Pagpigil nya.

“Oh? Ano? Ano na naman?” Tanong ko.

“Do you think I can pee by myself? Tulungan mo ako.” Sabi nya!!!!

Anooo! Dawwww!!!! Sira na talaga ang ulo ng halimaw na to!!!!

“Kaya mo na yan! Malaki ka na!” Sagot ko.

“Diba sabi mo, ikaw magiging nurse ko? So why are you refusing my request?! Help me!” Galit nyang sabeeee!!!

“A-ano bang ga-gawin ko?” Tanong ko. Gossssh! Bakit ba ako nagprisinta pang nurse ng halimaw na to! Mukhang aalilain nya lang din pala ako! Grrrr. I regret it!!!!

“Ilabas mo sya.” Sagot nya.

“Ha? Sinong sya?!” Tanong ko!

“Sino pa ba? Edi sya!” Sagot nya sabay tingin sa ano nyaaaa!!! At ngumisi pa sya ng nakakaloko!

Juskoooor! Mygaaaad!!!! Sabi ko naaaa! Sabi ko na nga ba!!!! Manyak din ang halimaw na to! Magkaptid nga sila ng halimaw na Ace na yun! Parehas silang manyak!!!!

“Tseeeee! Ilabas mo mukha mo! Bahala ka dyan!” Imbyernang kuda ko!

“Shit! Lalabas! Bilis! Help me! Please!” Sigaw nya!!! At mukhang ihing ihi na talaga sya!

Juskorrr! Ayuko! Hinde! Hindi ko gagawin ang gusto ng manyak na to! Bahala sya sa buhay nya dyan! Maihi sya sa pantalon nya!

“Fita?” Rinig kong pagtawag sa akin ng isang boses, at hindi ako maaring magkamali! Boses yun ni Ethan. Kaya lumingon ako sa likod ko.

At nasilayan kong muli ang gwapo nyang mukha. At syempre! Nalaglag na naman ang panty ko! Mygasssh! Ang gwapo nya telege. Ahohoho.

“E-ethan? Ba-bakit ka nandito? May kailangan ka ba?” Tanong ko.

Naglakad ako palapit sa kanya.

“Nakalimutan mo na ba? It’s Sunday, you promise me na sasamahan mo akong magsimba ngayon.” Sagot nya.

Ohhhmygasssh! Oo nga pala! May usapan kami! Gasssh! Nakalimutan ko! Anubeeee! Dahil sa manyak na halimaw na Axe na to, nakalimutan ko tuloy yung usapan namin ni Ethan.

“Fita! Bilis! Tulungan mo ako!” Sigaw ng halimaw na Axe na yun!

“Ahm. Ethan. Pwede bang tulungan mo si Kuya Axe.” Pakiusap ko kay Ethan. Parehas naman silang lalaki! I’m sure papayag ang Axe na yun.

“Sure. Ano bang tulong?” Tanong ni Ethan.

“La-lapitan mo nalang sya. Salamat!” Sagot ko.

At naglakad na si Ethan palapit kay Kuya Axe.

“So ano bang tulong ang kailangan mo Bro?” Tanong ni Ethan kay Kuya Axe.

“Shit! What are you doing here?!” Gulat na tanong ng halimaw na yun nang makita nya si Ethan!

“Sabi ni Fita kailangan mo daw ng tulong? Ano bang tulong ang kailangan mo?” Tanong ni Ethan!

“Nothing!” Galit na sagot ni Kuya Axe sabay sara ng zipper nya!

Aba! Pashneya! Sabi nya hindi nya kayang umihi mag-isa! Tapos ngayon, nakaya nyang isara ang zipper nya!!! Bosett talagang halimaw na to! Pinagtitripan lang pala ako! Grrrrrrr.

“Ethan. Magpapaalam lang ako kila Nanay at Tito Ark. Magpapalit na rin ako ng damit! Wait lang ha?” Kuda ko.

“Okay. Take your time.” Nakangiti nyang sagot kaya mabilis na akong rumampa papasok sa loob.


“Ang ganda mo naman.” Nakangiting sabi ni Ethan pagkapasok ko sa kotse nya.

Megeeed! Konti nalang mangingisay na ako sa sobrang kilig mga besssh! Juskooor.

Syempre magdi-date ulit kami ni Ethan kaya nag-ayos talaga ako ng bongga! Date talaga?!! Ahahaha! Basta ganun din yun! Huwag kayong ano dyan.

“Sa-salamat.” Pa-sweet kong sagot. “Ikaw din naman, ang gwapo mo.” Sabi ko pa! Ahaha.

“Hehe. Alam ko na yan.” Nakangisi nyang sabi. “ Kaya nga bagay tayo.“ Dagdag nya pa!

Ohhhhgasssh! A-anoooo daaawww?! Ba-bagay kami??? Ihhhhhhhhh!!!! I can’t breath! Hindi ako makahinga! Sagad na sagad na sa bone marrow ko yung kilig! Juskooo Ethan! Huwag kang ganiyan pleaseee! Hinahatak mo akong lalo para mahulog sayo!

“Ahm. Sa-saan tayo magsisimba?” Tanong ko.

“Sa St. Anne’s Church. Malapit lang yung dito.” Sagot nya.

“Ah. O-okay po.”

Makalipas ang ilang saglit nakarating na kami sa church. Madami ng tao sa loob. Kaya hinila ako ni Ethan papunta sa unahan para makaupo.

“Dito ako laging nagsisimba.” Kuda nya.

“Ah. Ganon. Sige, dito nalang din ako lagi magsisimba. Para lagi kitang ka—”

“Ka?” Tanong nya.

Mygasssh! Anubeeeee. Fita! Baka mahalata ni Ethan na may gusto ka sa kanya! Umayos ka!

“Ah. Wa-wala. Haha.” Sagot ko.

“You’re the second person na sumama sa akin magsimba dito.” Nakangiti nyang sabi.

“Ha? Second? Bakit sino ba yung first?” Tanong ko.

“Si Stella. We’re always here every Sunday para magsimba.” Sagot nya.

Oo nga naman. Si Ate Stella. Na syang palaging first para kay Ethan. At ako? I am always in the second place. Bakit ba kasi nagtanong pa ako. Sinasaktan ko lang sarili ko. Haaaayyy!

Ilang saglit lang ay nagsimula na ang misa….

at makalipas ang isang oras, natapos na ito.

Nagulat ako ng hawakan ni Ethan yung kanang kamay ko at nagsimula na kaming rumampa palabas ng church.

“Nagugutom ka ba?” Tanong nya.

Gosssh! Tinatanong pa ba yan? I’m always hungry! Ahahaha.

“Konti. Haha.” Sagot ko.

“Good. Tara let’s eat.” Sabe nya sabay hila sa akin papunta sa kung saan! Kaloka!

Dinala ako ni Ethan sa isang Garden Restaurant na punong puno ng mga puno at halaman at mga bulaklak.

Ang presko sa pakiramdam. At ang ganda dito mga bessh. Feeling ko diwata na naman ako. Ahahaha. Kulang nalang sa akin butterfly wings! Ganun.

“May I take your order Mam, Sir?” Kuda ng waitress na to nang makaupo na kami ni Ethan sa isang table.

Mam na naman. Gosssh. I’m used to it. Ang ganda ko talaga. Ahahaha.

“Fita? Anong gusto mo?” Tanong sa akin ni Ethan.

Tinatanong pa ba yan! Syempre ikaw! Ikaw ang gusto ko! Makita lang kita busog na busog na ako. Ahohoho.

“Ahm. I-ikaw ng bahala. Kahit ano naman kinakain ko.” Sagot ko.

“I want this, and this, and this and also this and this.” Kuda ni Ethan sa waitress habang tinutro nya yung mga gusto nyang kainin sa menu.

“Okay Sir! Just wait a minute, your orders will be serve.” Sagot ng waitress na yun sabay lakad paalis.

“Ang ganda dito no?” Tanong sa akin ni Ethan.

Oo maganda! Kasing ganda ko! Ahahaha.

“O-oo nga maganda dito.” Nakangiti kong sagot.

“Dito kami nun, palaging kumakain ni Stella after the mass.” Sabe nya.

Stella na naman. Awwwccch.

“Na-nami-miss mo na sya no? Kanina po pa kasi sya kinukwento.” Kuda ko.

“Yah. I’m miss her. Every time I go here, sya lang ang naalala ko.” Sagot nya in sad tone.

“Okay lang yan! Magkikita din kayo soon. Hintayin mo nalang yung araw na yun. And if that time happens, gawin nyo na ang gusto nyong gawin.” Sabe ko naman. Ang shakeeet.

“Pero mukhang matagal pa yun or baka hindi na nga mangyari yun.” Sagot nya.

“Huwag mo nga yang isipin. Mangyayari yun! Basta. Magkikita kayo. Tiwala lang. At maghintay.” Kuda ko.

“Fita.” Seryosong pagtawag nya sa akin.

Bakit parang bigla akong kinabahan.

“Oh? Ba-bakit?” Tanong ko.

“Gaano na ba tayo katagal magkakilala?” Tanong nya.

Ha? Saan naman galing yung tanong nyang iyun? Kaloka.

“Ahm. Si-siguro almost two months na.” Sagot ko.

“I think that’s enough” Sabe nya.

“Ha? Ano? Anong that’s enough?” Tanong ko.

Ngumiti sya at talaga namang lumuwang na naman ang garter ng panty ko! Juskorrr! Ang gwapooo!

“Ba-bakit? Ano ba kasi yun?” Tanong ko.

“I know and you know I love Stella, but I think … I think I like you. Gusto na yata kita.” Sagot nya!

Waaaaiit! Anoooo dawwww?! Paki-rewind ngaaaa! Tama ba yung natinig ko!!!! Anoooo? Tama ba?????!!! Oh may malaking tutuli lang akonsa tenga???!!

“Ha? A-ano?” Gulat na tanong ko.

Hinawakan nya yung kamay ko. At ngumiti syang muli! Awwww!

“Gusto na kita. I like you.” Sagot nya!!!!

Noooooo! It cannot beeee! Totoo ba??!!!

“Ahaha. Alam ko na yan. Gusto mo ako bilang kaibigan diba?” Natatawang tanong ko.

Oo tama! Iyun nga yung gusto nyang sabihin. Na gusto nya lang ako bilang kaibigan! Ganun yun!

“At first yes, I like you as a friend. Natutuwa ako kapag nariyan ka. Pero kagabi ko lang na realize ang lahat. Na gusto na kita, not just as a friend but as a special someone.” Sagot nya.

“E-ethan! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?! Kaloka ka! Kung pinagtitripan mo lang ako, hindi ako natutuwa. Dahil parang niloloko mo na niyan si Ate Stella!” Kuda ko.

Biglang naging seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa akin!

Juskorrr! Bakit ganyan sya makatitig! Bakit ba kasi ang tagal ng order namin eh!

“Nakipag-hiwalay na sya sa akin ng tuluyan.” Sagot nya.

“Ha? Ba-bakit nya yun ginawa?” Tanong ko.

“May bago na sya. I saw it on her post. She’s with someone. “ Sagot nya.

“Weh? Totoo ba yan! Ba-baka mali ka lang ng nakita. Parang hindi naman yun magagawa ni Ate Stella.”

“Akala ko rin. Pero ng tawagan ko sya, sinabi nya sa akin na kalimutan ko na daw sya dahil may iba na sya.”

Kalokaaaaa! Hindi ako makapaniwala! Akala ko mahal ni Ate Stella si Ethan! Pero bakit nya yun nagawa!

“Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi? Sana nadamayan kita nung mga oras na yun. Alam kong nasaktan ka sa ginawa nya.” Kuda ko.

“Yeah. Nasaktan nga ako, but it is not painful like before. Thanks to you.” Nakangiti nyang sabi sabay hawak ulit sa kamay ko.

“Ha? Anong thanks to me? Wala nga akong nagawa eh.” Tanong ko.

Kaloka!!! Ang dami na naming napag-usapan ni Ethan pero yung order namin wala pa rin! Grrrr! Gutom na ako!

“May nagawa ka. You lessen the pain,because that time I already feel something for you. Hindi ako gaanong nasaktan dahil sayo.” Sabe nya.

“Ga-ganun? Pero Ethan! Sayang parin! Sayang yung mga masasayang alala nyo ni Ate Stella. Sayang yung matagal nyong relasyon. Baka pwede nyo pang masyos to. Kasi alam ko kung gaano nyo ka mahal ang isa’t isa. Tsaka, hindi ko maiwasang isipin na parang ako yung naging rebound nang masaktan ka kay Ate Stella. Baka kaya sinasabi mo lang na gusto mo ako para kalimutan yang sakit dyan sa puso mo.” Kuda ko ulit.

“I tried to call her over and over again. Sinubukan kong puntahan yung bahay nila para tanungin sa pamilya nya kung saan sya sa US nagtatrabaho para mapuntahan ko sya. But they didn’t answer me, ayaw nilang sabihin at ang masakit pa, pinagtabuyan pa nila ako at sinabi pa nilang kalimutan ko na daw si Stella dahil may mahal na daw itong iba.” Sabi nya. “Akala mo ba hindi ko ginawa ang lahat? I tried everything para maibalik at maayos ang lahat, pero wala ding nangyari.” Dagdag nya pa.

“Here are your orders Mam! Sir! Enjoy!” Biglang singit ng waitress na to!

Sa wakassss! Dumating na rin ang order namin!!!!

“Sa-salamat po Ate.” Sagot ko at naglakad na paalis ang waitress na yun.

“Hindi kita ginagawang rebound. Sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ko.” Seryosong sabi ni Ethan. “At gaya nga ng sabi ko sayo noon, hindi ka mahirap magustuhan that’s why I end up like this, confessing my feelings for you. Mukhang hindi lang ang mga Kuya mo ang nahulog sayo, pati na rin ako.” Dagdag nya pa!

OhLooooord! Ano baaaaa! Ano ba itong nangyayari! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maloloka sa mga happenings ngayon sa buhay ko!

Hindi ko na keri. Masaya ako na may gusto din pala ang taong gusto ko sa akin pero! Pero parang nalulungkot ako dahil sa nangyari sa kanila ni Ate Stella! Alam kong mahal nila ang isa’t isa at nanghihinayang ako sa relasyon nila. Masaya at kontento na naman ako bilang kaibigan ni Ethan eh, ang gusto ko lang naman makita syang masaya. At alam kong kay Ate Stella sya magiging masaya, kaya lang ganun nga ang nangyari! Hiwalay na sila completely!

Ano ng gagawin koooo????

Nakurrrrr! Makakain na nga lang! Gutom lang to!!!!


Itutuloy. . .

Paaakkk 46

Paper works! Really sucks! Nakakaloka na talagang mag-aral! Konti nalang mababaliw na ako. Rwwwr. 😔😒😢😷


• FITA’S POV •

Pooookkk!

Pooookkk!

Pooookkk!

Paulit ulit ko ng inuntog ang ulo ko sa pader pero hindi pa rin ako magising sa panaginip kong ito!

Panaginip ba talaga to? O totoo na ba itong nangyayari? Juskooooo! Nakakaloka naman kasi mga besssh! Limang lalaki!

Limang lalaki na ang nagtapat sa akin na gusto daw nila ako! Diba? Parang sa panaginip lang nangyayari yun? Napaka-imposible naman na may limang lalaki ang magkakagusto sa isang dyosang sirenang gaya ko!

Alam kong maganda ako! Pero hindi ko naman in-expect na may limang lalaki pala ang mahuhumaling sa akin! Mygaaaad!

“Bakit inu-untog mo ang ulo mo dyan sa pader?” Biglang tanong ng isang boses!

Kaya inikot ko ang ulo ko 360 degrees! Ahahaha. Chaar.

“Ku-kuya Air! Ikaw pala.” Kuda ko ng makita ko sya.

“Gabing gabi na? Bakit gising ka pa? At bakit mo nga inu-untog ang ulo mo dyan sa pader?” Tanong nya. .

“Wait lang Kuya! Isa isa lang ang tanong. Kaloka ka naman eh.” Sagot ko.

“Hehe. Okay. Answer my first question.” Nakangiting sabi nya.

Awwwww. Ang gwepe nye mge besssh. Kenekeleg eke. Ahahahha.

“Hindi kasi ako makatulog kaya gising pa ako hanggang ngayon. At kaya inuuntog ko ang ulo ko sa pader, dahil gusto ko ng magising sa nakakalokang panaginip na ito. Konti nalang mababaliw na ako.” Sagot ko.

“Panaginip? You’re not dreaming. Totoo ang lahat ng nangyayari ngayon.” Sabe nya.

“Kung ganun? Bakit? Bakit ang dami nyo? Bakit lima kayo? Pwede namang isa or dalawa! Pero lima! Lima kayo!” Say ko ulit.

“What?! Ano bang sinasabi mo? Isa lang ako. Anong lima?” Gulat na reaksyon nya. “Look, maybe you need some rest. Mukhang naghahalo halo na yung mga bagay dyan sa isip mo.” Sabe nya pa at hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat.

“Gusto ko ng matulog Kuya. Pero ayaw talaga akong patulugin ng isip ko.”

“Sige, ako ng bahala. I hope it could help you to sleep.” Aniya at inalalayan nya ako papuntang kwarto ko.

“Paano mo naman ako matutulungan?” Tanong ko.

“Kakantahan kita. Para makatulog kana.” Sagot nya. “Mahiga kana.” Utos nya. Kaya mabilis akong humiga sa kama ko at sya, umupo sya sa gilid ng kama.

Gaaassh! Maririnig ko na namang kumanta si Kuya Air! Megeeed! Baka imbes na makatulog ako, mangisay nalang ako dito sa sobrang kilig!

Nakuuur. Fita! Behaveee.

Huminga ng malalim si Kuya Air, at ayan na! Magsisimula na sya!

Tulog na mahal ko. . .

Awwww! Intro palang yan mga bessh! Yung dikit ng panty liner ko nawawala na! Mygassh!

Hayaan na muna natin ang

mundong ito

Lika na, tulog na tayo.

Tulog na mahal ko

Wag kang lumuha, malambot

ang iyong kama

Saka na mamroblema

Tulog na hayaan na muna natin

sila

Mamaya, hindi ka na nila kaya

pang saktan

Kung matulog, matulog ka na

Tulog na mahal ko

Nandito lang akong bahala sa iyo

Sige na, tulog na muna

Tulog na mahal ko

At baka bukas ngingiti ka sa

wakas

At sabay natin haharapin ang mundo

Tulog na hayaan na muna natin sila

Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan

Kung matulog, matulog ka na

Hanggang makatulog ka

Ohmegeed! Yung puso ko! Tog! tog! tog! Ang gwapooo! Gasssh! Ang gwapo talaga ng boses nya!

Okay! Magtutulug tulgan ako. Sayang naman yung effort ni Kuya Air kung hindi ko ipapakita sa kanya na tulog na ako.

Pikit mata! Insert HILIK SOUND. z Z z Z .

“Fita? Tulog kana?” Tanong nya.

“Z z Z z Z z Z” Ayan! Hilik ko yan. Ahahaha.

“Ang bilis mo namang makatulog. Gusto pa sana kitang kantahan. But anyway, good night. Sweet dreams.” Kuda nya sabay halik sa noo ko!

Juskooorrr! Parang kuryente ng meralco yung halik nya mga bessh! Dumaloy talaga sa buong sistema ko! Konti nalang mangingisay na talaga ako! Ahahahaha!

Isa pa please! Ahaha.

At ayun, narinig ko nalang ang pagsara ng pinto. Mukhang nakalabas na si Kuya Air.

Haaay! Bakit parang biglang uminit! Kasi naman eh! Dama ko pa rin ang after shock ng kiss nya sa noo ko. Ahahaha! Makapag pahangin nga muna sa labas! Di talaga ako makatulog.

Naglakad ako palabas ng mansyon. At mygash! May nakita ako mga besssh!

May kulay pink na palaka na nasa garden! Wooow! First time kong makakita nun! Mukhang rare species yun.

Kaya sinundan ko ang palang kokak na yun. At ayun! Pumasok sya sa basement! .

Kaloka! Ang dilim! Nasaan na kaya sya! May flashlight ba kayo dyan mga bessh? Ahahaha.

Pumasok ako sa basement at naloka ako ng bigla nalang sumara ang pinto!!!!!

Juskooooo!!!!

Ang dilim!!!!

“Tulong! Tulungan nyo ko! Buksan nyo ang pinto! Buksan nyo ang ilaw!” Sigaw ko!

Kumapa-kapa ako sa dilim! Nasaan na ba yung door knob! Kailangan kong makalabas! Baka may kung anong nakakalokang nilalang ang lumabas dito! Jusko.

“Fitaaaaaa.” Biglang sabi ng isang boses! At talaga namang nagtayuan ang lahat ng balahibo ko!!!!!

“Wala! Wala akong narinig! Jusko! Kailangan ko ng makalabas dito!” Kuda ko habang patuloy pa rin ako sa pagkapa sa paligid ko!

At…

Biglang…

Parang….

May nakapa akong kakaiba!!!!

Ano to????

Ang tigas!!!!

Parang…

Parang abssss!!!! .

Megesssh! Hindi ako maaring magkamali! Abs tong nahahawakan ko!

“Sige lang. Hawakan mo lang hanggat gusto mo.” Rinig kong sabi ng isang boses! At bigla ko nalang naramdaman ang mahigpit na pagyakap sa akin ng taong ito!!!

“Si-sino ka!!!! Bi-bitawan mo ako!” Sigaw ko habang nagpupumiglas ako.

“Ako to. Ang taong patay na patay sayo.” Sagot nya at narinig ko pa syang napatawa!

“Tseeee! Patayin mo yang mukha mo! Bitawan mo ako! Hindi na ako makahinga! Sino ka ba! Palabasin mo ako dito!” Sigaw ko ulit. Nakuur! Konti nalang mapapaos na ako. Megeed.

.

Naramdaman ko nalang na binitawan nya na ako. Hay! Sa wakas!

Nagulat ako nang biglang bumukas ang ilaw sa buong basement! At sa wakas lumiwanag na ang lahat!!!

Pero wait? Paanong nangyari yun? Sino nagbukas nun?

Napalingon ako sa may gilid ko at nanlaki ang mata ko sa taong nakita ko!!!

“Ikaw! Anong ginagawa mo dito!” Gulat na tanong ko

“Hehe. Sinundan kita kanina. Di kasi ako makatulog eh. Sakto namang gising ka din, kaya I followed you here.” Sagot nya.

“Lalabas na ako! Babooo!” Sabi ko at naglakad na ako papuntang pinto ng basement.

Pinihit ko ang doorknob pero..

Pero ayaw ng bumukas nito!!!!

“Bakit ayaw ng bumukas!” Imbyernang tanong ko kay Kuya Ace.

“Talaga? Edi maganda. Tayong dalawa lang dito.” Sagot nya at ngumisi pa sya!!!

“Tseeee! Anong ginawa mo! Buksan mo ang pinto! Ayukong makulong dito.”

Naglakad sya palapit sa akin, sinubukan nyang pihitin yung doorknob pero ayaw talaga nitong bumukas!

“Mukhang na-lock tayo dito. Matagal na kasing hindi nabubuksan itong basement, mukhang nasira na yung lock.” Kuda nya at mukhang masaya pa sya..

“Tseee! Baka kamo ikaw ang may gawa nito kaya na lock tayo dito! Nakooo! Kuya! Wala akong panahon sa trip mong ito. Buksan mo na yung pinto please!”

“As you notice, gawa sa bakal yang pinto, so kahit anong sira at tadyak ang gawin ko dyan, hindi yan mabubuksan. Wala akong ginagawa, baka tadhana na ang naglapit sa ating dalawa kaya nakulong tayo dito.” Say nya!

Nakuuur! Napapangigil ako ni Kuya Ace! Mukha ngang imposible nyang masira ang pinto! Juskooor! Bakit ba tuwang tuwa pa sya!

“Tseee! Tadhana mo yang mukha mo. Grrrr.” Gigil kong sabi.

“Bakit ba ang taray mo? Wala nga akong ginagawa. Hindi ko na kasalanang masira yang pinto. At ma-lock tayo dito.” Aniya.

“Eh, bakit kasi tuwang tuwa ka pa dyan! Nakulong na nga tayo eh. Di mo ba alam, may pasok pa tayo bukas! At ayukong ma absent no. Tsaka paano tayo makakahingi ng tulong? Paano tayo makakalabas dito?! Hay! Naloloka na ako!”

“Relax lang. Magiging maayos din ang lahat. Tiwala lang.” Sabe nya. “Natutuwa ako sa nangyari dahil tayong dalawa lang ang nandito. Solong solo kita.” Dagdag nya pa at naglakad sya palapit sa akin.

“Tseee! Huwag kang lalapit sa akin.” Kuda ko sabay atras.

“Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong to, na masolo kita.” Nakangiting sabi nya habang patuloy pa rin sya sa paglakad palapit sa akin.

“Isa pang hakbang mo Kuya! Sisigaw na talaga ako!” Banta ko pa.

“Sige lang, sumigaw ka lang. Wala rin namang makakarinig sayo.” Nakangising sabe nya!

Juskooor! Bigla akong kinilabutan! Bakit ba ganyan ang kinikilos ng halimaw na to! Kabang kaba na tuloy ako mga besssh!

Tapos…

.

Tapos bigla nalang nya akong na-corner! Wala na! Wala na akong kawala! Mygaad!

Hinawakan nya ang dalawang pulso ko! Itanaas nya ang kamay ko at idinikit nya ito sa pader!

“Kuya! Bitawan mo ako! Pashneya ka!” Sigaw ko.

“Gusto kita.” Bulong nya sa kanang tenga ko. Megeeed! Nakakakilabot.

“Ku-kuya. Bi-bitawan mo na a-ako please. Hi-hindi na a-ako na-natutuwa sa gi-ginagawa mo.” Utal kong sabi dahil sa sobrang kaba.

Tumitig sya sa mga mata ko! Tapos bigla syang naging seryoso! Kaya lalo tuloy akong kinabahan!

“May pag-asa ba ako sayo? Kaya mo rin ba akong magustuhan gaya ng pagkagusto mo sa Ethan na yon?” Seryosong tanong nya.

Ano daaaww?!!!! Nababaliw na talaga ang halimaw na to. Mygaassh!

“Ku-kuya. Bi-bitawan mo na ako.” Kuda ko.

“Hindi kita papakawalan hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko.” Sabe nya! In serious mode pa din!

Maryosep naman! Juskorrr! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana sinundan ang pink na palakang kokak na yun! Megeed!

“Hi-hindi ko alam!” Sagot ko.

Nagulat ako ng bigla nalang akong halikan ni Kuya Ace! Humigpit ang pagkakahawak nya sa pulso ko at sobrang sakit nito! Idinikit nya ng sobra ang katawan nya sa katawan ko, halos maipi na ako!

Hindi ako makawala, hindi ko magawang magpumiglas. Ang laki nyang tao, ang lakas nya! Wala! Wala akong magawa!

“Fita. Akin ka nalang please.” Sabe nya at nagulat ako ng bumaba ang halik nya sa may leeg ko at yung kamay nya na mahigpit na nakahawak sa pulso ko kanina ay biglang napunta sa may pang-upo ko! Piniga nya ito ng sobraaaaa! Ang sakeeet!!!

“Ku-kuya!” Sigaw ko!

“Please Fita, be mine.” Sabe nya ulit at patuloy pa rin sya sa paghalik sa leeg ko! Juskooooo!

“Ku-kuya! Please! Ta-tama na!” Sigaw ko ulit.

Napatingin ako sa may pinto, natigil si Kuya Ace sa ginagawa nya nang biglang bumukas ang pinto!

“What the fvck! Ace! A-nong ginagawa mo!” Gulat na sabe ni Kuya Ash!

“Ku-kuya! Tulong please!” Sabe ko at nakakaloka! Biglang tumulo ang luha ko.

Mabilis na lumapit si Kuya Ash sa amin at pwersahan nyang itinulak si Kuya Ace palayo sa akin!

Napayakap ako kay Kuya Ash, hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng takot kay Kuya Ace dahil sa ginawa nyang iyun! Hindi ko lubos maisip na magagawa nya yun sa akin!

“Are you out of your mind?! Bakit ginawa mo yun kay Fita!” Galit na sabe ni Kuya Ash kay Kyya Ace.

“Gusto ko sya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I- I’m sorry.” Sagot nya.

“Gu-gusto? Tama ba yung narinig ko? You like him?” Gulat na tanong ni Kuya Ash dito.

“I like him so much.” Sagot nya.

“Kung gusto mo sya bakit mo yun nagawa! Sira na ba yang ulo mo?! Papaano kung— pa-paano kung hindi ko narinig yung sigaw ni Fita?! Baka ngayon, na-rape mo na sya!” Galit na saad ni Kuya Ash.

“I-I’m sorry. Na-nadala lang ako. Hi-hindi ko naman talaga intensyon yun, na-nadala lang ako.” Sagot nya. “I-I I’m sorry Fit.” Sabe nya sa akin. At kitang kita ko sa mata nya ang pagsisisi.

“From now on, hindi na kita hahayaan pang makalapit ka kay Fita.” Seryosong sabi ni Kuya Ash kay Kuya Air. “Gusto ko din sya, and I’ll do everything to protect him from you!” Dagdag nya pa at hinawakan nya ako sa kamay at inalalayan nya akong lumabas ng basement.


Itutuloy. . .

The War of A Brothers is soon to begin!

Ahahaha! Tama ba grammar ko? Hays! Bahala na! Kayo na umintindi. Hahahaha.

Paaakkk 47

It is hard to love someone, who could impossibly love you back! 💔

Depressed lang ako nitong mga nakaraang linggo kaya hindi ako nakapag-update. Alam nyo naman, it is hard to think kapag wala ka sa sarili. Kaya pagpasensyahan nyo na po ako. Kayo na pong bahalang umintindi sa update kong ito. Medyo wala lang talaga ako sa sarili ngayon. Gumawo! :)


• AUTHOR’S NARRATION •

“Kanina ko pa na papansin? Bakit hindi mo pinapansin si Ace?” Tanong ni Axe kay Ash habang naglalaro sila sa backyard court ng basketball.

“He’s a jerk!” Galit na sagot ni Ash dito.

“What? Anong sabi mo? Galit kaba sa kanya? What did he do?” Sunod sunod na tanong ni Axe dito.

“Tanungin mo nalang sya Bro.” Sagot ni Ash sabay shoot sa bola.

Naglakad si Axe papunta sa bench na nasa gilid ng court kung saan naka-upo sina Air at Ace.

“Ace, let’s talk.” Saad ni Axe.

“For what? Bro?” Tanong ni Ace dito.

“What did you do? Anong problema nyo ni Ash? Bakit sya galit sayo?” Seryosong tanong ni Axe sa kapatid.

“Seriously? Galit si Ash sayo? Bakit?” Biglang singit naman ni Air nang tanungin nya si Ace.

Natahimik si Ace at hindi nya alam ang isasagot nya sa tanong ng dalawang kapatid.

“Ace! Ano? Sagot!” Ani Axe dito.

“I-I-I ju-just––” Putol na sagot ni Ace.

“What?!” Tanong ni Axe at napataas na ang tono ng boses nya.

“I- I I like him. Gusto ko si Fita.” Sagot ni Ace!

“What?!” Gulat na tanong ni Air. Hindi na nakaramdam pa ng pagkabigla si Axe sa sinabing iyon ni Ace dahil alam nyang may gusto ang tatlo nya pang kapatid kay Fita.

“That’s it? Nagalit si Ash sayo ng dahil lang gusto mo si Fita?” Tanong ni Axe.

“Hi-hindi Bro. I- I- I did something bad. May nagawa ako kay Fita, ka-kaya na-nagalit sya sa akin. “ Sagot nito.

“Ano? Anong ginawa mo kay Fita?!” Sabay na tanong nina Axe at Air dito.

“Hi-hindi ko sinasadya. Na-nabigla lang ako, nadala lang ako.” Sagot ni Ace.

“Ano nga! Anong ginawa mo kay Fita?” Galit na tanong ni Axe dito.

“I-I nearly— I-I mean I-I almost rape him.” Sagot nya sabay yuko ng ulo.

Nanlaki ang mga mata ni Axe at Air sa sobrang gulat. At bigla silang binalot ng galit sa sagot na iyon ni Ace.

“Are you out of your mind!” Galit na saad ni Axe at hindi nya na napigilan ang sarili nya, hinawakan nya ng mahigpit ang kwelyo ng damit ni Ace.

“I-I’m sorry Bro. It is not my intention to do it, nadala lang ako.” Ani Ace.

“Don’t you ever try to touch him again! Kapag ginawa mo ulit yun, hindi kita mapapatawad, kahit kapatid pa kita.” Matigas na sabi ni Axe at binitawan nya na si Ace.

“Why are you reacting like this?! Bakit? Gusto mo din ba sya? Do you like him too?!” Pasigaw na tanong ni Ace kay Axe.

“What if I say yes? Does it matter?!” Sagot ni Axe dito.

“I knew it! Sabi ko na! Hindi lang ako— I am not the only person who like hin! Gusto nyo din sya ni Ash!” Ani Ace.

“And so?” Saad ni Axe. “I am warning you, don’t you ever touch him again! Naiintindihan mo!” Dagdag pa nya sa mataas na tono.

“I- I like him too. Gusto ko din si Fita.” Pagsingit ni Air sa away ng dalawang kapatid.

“Ano?! I-ikaw din?!” Gulat na tanong ni Ace.

“Yup.” Sagot ni Air. “This is crazy. Mukhang nahulog na naman tayong apat sa iisang tao lang.” Dagdag nya pa at napatawa sya ng bahagya.


• FITA’S POV •

Dala dala ko ang miryenda ng apat na halimaw na yun na nasa tray na ito. Madami kasing ginagawa si Manang Yolly at sila Ate kaya nag-volunteer na ako na, ako na ang maghahatid ng miryenda sa apat na yun.

Pagdating ko sa backyard court, naloka ako sa nakita ko! Gooosssh! Ano kayang nangyayari dun? Bakit parang nag-aaway na naman ang mga halimaw na yun?!

Kaya mabilis akong rumampa papunta sa kanila.

Hindi ko alam, pero kapag nakikita ko si Kuya Ace, bumabalik lahat ng nangyari noong nakaraang gabi. May konting takot akong nararamdaman sa kanya dahil nga sa ginawa nyang iyun sa akin.

Pero there’s a side in me na… parang…hay! Ewan! Basta naguguluhan ako ngayon mga besssh!

“Na-nag-aaway ba kayo?” Tanong ko sa kanila.

Napatingin sina Kuya Axe, Air at Ace sa akin at naglakad naman palapit sa amin si Kuya Ash na nakaupo sa gilid lang ng ring.

“O-of course not! Hindi kami nag-a-away.” Sagot ni Kuya Air.

“Ganun? Eh bakit parang nag-aaway kayo? Narinig kita Kuya Axe. Sumigaw ka kanina at mukhang beastmode ka sa tono ng boses mo.” Kuda ko.

“Fo-forget it. Wala lang yun. We’re not fighting.” Sagot ni Kuya Axe. “Are you okay?” Biglang tanong nya sa akin sabay kuha sa dala kong tray.

“Okay lang ako.” Sagot ko.

“Fita, let’s go inside.” Biglang sabi ni Kuya Ash at mahigpit nya akong hinawakan sa kaliwang kamay ko.

Pero naloka ako nang hawakan din ni Kuya Air ang kanang kamay ko!!! Megeeesssh!

“He will stay here.” Sabe ni Kuya Air.

“For what?” Ani Kuya Ash. “Let him go.” Utos nya kay Kuya Air.

“No. Dito lang sya.” Matigas na sagot ni Kuya Air!

Mygaaaaad! Ano ba itong nangyayareeee!

“Sabi ko bitiwan mo sya.” Matigas ding sabi ni Kuya Ash.

“Bakit mo nilalayo si Fita? He has his mind to decide whether he wants to leave or stay.” Kuda ni Kuya Air! Megeeed!

“I just want to pro—” Ani Kuya Ash.

“Itigil nyo na yan. Ako nalang ang aalis.” Biglang sabi ni Kuya Ace at mabilis syang naglakad papasok sa loob ng bahay.

Mygaaad! Ano ba kasi itong nangyayaree! Naloloka na ako ha! Gulong gulo na ang beauty ko Juskoooo.

“Ahm. Wait! Ano bang nangyayare? Hindi ko kayo ma-gets!” Kuda ko sa kanila.

“Wala. Walang nangyayari.” Sagot ni Kuya Axe. “Let’s just eat this food na dala mo.” Dagdag nya pa.

Uupo na sana ako sa bench nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya mabilis ko itong kinuha sa bulsa ko. Pagtingin ko, si Ethan pala ang tumatawag! Gaaasssh! Bigla na namang bumilis ang heartbeat kooo.

Lumayo ako kila Kuya para sagutin ang tawag ni Ethan…

“He-hello Ethan?” Pagsagot ko sa tawag nya.

“Fita. Padating na sya.” Sagot nya.

Anooo dawwww?! Sino? Sino ang padating?

“Ha? Ano?” Tanong ko.

“Padating na sya. Yung babaeng ipapakasal sa akin ni Dad.” Sagot nya.

Huwhaaaaat?! Noooo! Hindi dapat ako maging OA sa reaction ko, sabi naman ni Ethan hindi sya magpapakasal sa babaeng yun, so hindi ko na kailangan pang mag-alala. Ganuuun.

“Ta-talaga? Nakita mo na ba sya?” Tanong ko.

“Hindi pa. Dad told me to wait her in the airport. Kailangan ko syang sunduin dun.” Sagot nya.

“Ga-ganon? So susunduin mo sya?” Tanong kooo.

“Yup. Kailangan ngayon palang kausapin ko na sya na hindi ako payag sa kasal na yan! But I-I need your help.” Sagot nyaaaa

“He-help ko? Pa-paano naman ako makakatulong?”

“Ipapakilala kita sa kanya. We need to convince her na gusto natin ang isa’t isa. Just pretend to be my girlfriend.” Sagot nyaaa!

Napanga-nga ako sa sinabing iyun ni Ethan!

Ako? Magpapanggap na girlfriend nya! Meggedd! Parang ganito yung napapanuod ko sa mga teleserye, na magpapanggap ang bida na boyfriend ng lalaking bida tapos sila din ang magkakatuluyan sa huli! Mygaaaad! I can’t breathe ! Oxygen please! Hibdi ko kinakaya yung mga shocking moment na itooo.

“Fita? Nandiyan ka pa ba?” Tanong ni Ethan sa kabilang linya.

“Uhm. O-Oo nandito pa ako.” Sagot ko.

“Will you help me?” Tanong nya ulit!

Gooosssh! Anubeeee! Papayag ba ako?!!!

“A-ahm. Oo. Tu-tulungan kita.” Pagpayag ko! “Kaya lang baka hindi natin sya makumbinsi. Hindi naman ako babae.”

“That’s not a problem. Mas maganda nga na malaman nya na hindi babae ang girlfriend ko, madali syang matu-turn off sa akin. “ Sagot nya. “But anyway, thanks! Susunduin kita dyan ngayon.”

“O-okay. Si-sige.” Ang nasabi ko nalang.

“Sino yung tumawag?” Bulong sa akin ng isang boses! At paglingon ko si Kuya Axe pala.

“Ha-ha? Si-si Ethan tumawag lang.” Sagot ko.

“Bakit sya tumawag? May kailangan na naman ba sya sayo?!” Tanong nya.

Aba! Etchusero din talaga ang halimaw na to wahhh.

“Wala. Wala ka na dun.” Sagot ko.

“Ano nga ang kailangan nya sayo?” Medyo galit na tanong ulit ng halimaw na to!

“Bakit ba gusto mong malaman? Hindi mo ba alam ang salitang privacy?” Pagtataray ko. Nakaka-high blood talaga ang pisteng to. Grrrr.

“Manliligaw mo na ako, so I have the right to know everything you do.” Sagot nyaaaa!

Huwhaaat? Anuuu dawww? Manliligaw ko na sya!!! Pektusan ko pa sya sa scrotum eh!

“Anong manliligaw ka dyan?! Bakit? Pumayag na ba ako?! Kaloka ka!”

“Tssk. Ang dami mo pang arte. Pasalamat ka may gwapong naliligaw sayo. Apat pa kami.” Mayabang nyang sabeee!

Huwwwooow! Huwooow talaga! Ang kapal!

“Tseeee! Ewan ko sayo. Ligawan mo yang mukha mo.” Mataray kong sabe.

Pero naloka ako sa sunod na ginawa ng halimaw na to!!!

Bigla nya akong kinabig! Nadikit ng bonggang bongga ang katawan ko sa katawan nya! Tapos bigla nya akong niyakap ng mahigpit! Megeeed! Hindi ako makahinga! Durog na ako mga besssh! Ang tigaaas!

“The more you tried to be hard to get, the more eager I am to have you, to get you!” Bulong nya sa kanang tenga ko!

Kalokaaaaa! Ano dawwww? Hindi ko alam kung tama yung pagkakadinig ko sa sinabi nya!

“Ewan ko sayo! Bitiwan mo ako! Hindi na ako makahinga!” Pagpupumiglas ko.

“You’ll be mine. Sinisigurado ko yan.” Matigas nyang sabi sabay kalas sa mahigpit nya pagkakayakap sa akin.

Napatingin ako sa mukha ng halimaw na Axe nato at naloka ako sa ekspresyon nya!!!

Nakangiti sya na parang ang lalim lalim ng kahulugan! Pero ewan ko ba! Bakit parang gusto ko yung ngiti nyang iyun! Parang lumuluwang yung garter suot kong panty! Ahahaha!


Itutuloy. . .

May ginawa akong konting twist sa story kong ito! Abangan nyo nalang po kung ano yun. ✌😁💓

Paaakkk 48

May mga bagay talaga na mas mabuting ngitian nalang, kesa iyakan.


• FITA’S POV •

Nandito kami ngayon ni Ethan sa airport, at hinihintay namin ang pagdating ng babaeng ipapakasal sa kanya ng pudrakels nya! Uso pa rin pala talaga ngayon ang arranged chu chu na kasal na yan! Kaloka!

“Hello! Are you Ethan?” Biglang tanong ng isang boses. At yung tono ng boses nya! Parang anghel! Ganun!

Dahan dahan kong nilingon ang babaeng nagsalita. Hindi ako maaring magkamali, ang babaeng nagsalita na yun ay ang babaeng dapat papakasalan ni Ethan!

Pagtingin ko sa babaeng iyun, halos malaglag na yung panga ko sa sobrang gulat! Hindi ako nagulat dahil chaka ang fesss nya, nagulat ako dahil sobrang ganda nya!!!!

AS INNNN! Ang ganda nya talaga!!!! Parang kabilang sya sa mga Greek goddesses na nag-uumapaw ang kagandahan! Ganun! Nanliit tuloy ako sa beauty nya! Akala ko wala ng makakapantay sa kagandahan ko, nagkamali pala ako. Wala pa ako sa kalingkingan ng kagandahan ng babaeng to.

Huhuhuhu.

“Yes. Ako nga. Are you Xylene?” Tanong ni Ethan sa babaeng ito na ubod ng ganda.

“Yup. The one only me.” Nakangiti nyang sagot. Pisteeee! Nakakatomboy ang ganda nya. Rwwwwr.

So Xylene pala ang pangalan nyaaa! Ngayon ko lang narinig ang ganyang name! Napaka-unique! Ang ganda.

“So? Who’s that girl beside you?” Tanong ni Xylene Kay Ethan. Mukhang ako at ang tinutukoy nya.

“He’s not a girl. He is Fita.” Sagot ni Ethan.

“Fita? Nice name.” Nakangiting sabi nya. “I thought he is. So? Is he a—”

“Gay. Right.” Pagdugtong ni Ethan sa sasabihin ni Xylene.

“He’s a very pretty gay.” Nakangiting sabi ni Xylene.

“Yeh, indeed.” Pagsang-ayon naman ni Ethan. “And he is my girlfriend. I can’t say he’s my boyfriend, mukha syang babae kaya mas okay kung girlfriend.” Dagdag nya pa! Pashneya! Bakit sinabi nya agad! Walang preno!

Napatingin ako kay Xylene, at parang Hindi man lang syang nagulat sa sinabing iyon ni Ethan!

“So it means? You didn’t like our arrange marriage?” Nakangiting tanong ni Xylene.

“Yeah. Kaya ngayon palang sinasabi ko na sayo. May ibang tao na akong mahal, isipin mo na ang gusto mong ispin sa relasyon namin ni Fita, I know he’s gay but I love him. And beside, ayukong magpakasal sa taong ngayon ko lang nakilala at hindi ko mahal.” Seryosong sagot ni Ethan.

“I see.” Nakangiting sabi ni Xylene! Kalokang babaeng to! Wala syang ginawa kundi ngumiti. Hindi man lang syang na shock sa mga pinagsasabi ni Ethan. “Hindi ko rin naman gusto ang kasal na’to. So I’m happy that we have the same feelings about it.” Dagdag nya pa.“

“Really? Hindi mo rin gusto to?” Gulat na tanong ni Ethan.

“Yes. Sinong tao naman ang papayag na diktahan sa kung sinong tao ang papakasalan nila. No one, because that’s marriage, and I don’t want to be confined for a long time with someone na hindi ko mahal.” Sagot ni Xylene.

“So? Why are you here? Dapat hindi kana pumunta kung hindi mo naman pala gusto.” Tanong ni Ethan.

“I want to talk to your father about this, and siguro I need some rest. Medyo na-istress kasi ako sa studies ko kaya I will take this moment as a vacation.” Nakangiting sagot ni Xylene. “Would you mind na ihatid ako sa condo unit na tutuluyan ko. I don’t have a car right now.” Tanong pa nito.

“Yah. Sure.” Sagot ni Ethan at mabilis nyang kinuha ang mga bagaheng dala ni Xylene.

Tulala pa rin ako sa mga nangyayari. Kalokaaaa. Lutang parin akong hanggang ngayon mga besssh!

Pagpasok naming tatlo sa kotse, nakaupo sa backseat si Xylene samantalang si Ethan sa driver’s seat at ako naman sa passenger’s seat.

“So? Gaano na kayo katagal?” Tanong ni Xylene sa amin. Mukhang yung tinutukoy nya yung relasyon namin ni Ethan! Kaloka! Kung totoo nga lang sana! Baka abot galaxy na yung happiness ko!

“Two months.” Tipid na sagot ni Ethan at pinaandar nya na ang sasakyan.

“So bago pa lang pala kayo.” Comment nya. “You know, in US it is not a big deal if a guy like you would have a relationship with a pretty gay like him. Kaya hindi na ako nagulat sa sinabi mo. I’m used to it.” Dagdag nya pa.

So taga US pala sya! Kaya naman pala hindi sya nagulat sa shocking revelation ni Ethan eh. Sanay na sya sa ganung moment. Nubeyen. Nag-expect pa naman ako na manlalaki yung mata nya, bubuka ang bibig nya ng sobrang laki! Basta ganooon.

“What’s your name again? Is it Fita? Am I right?” Tanong ni Xylene.

“Yes po.” Sagot ko.

“Cute name. It suits you well.” Sabeee nya.

“Sayo din naman cute. Ngayon ko lang narinig yang ganyang name.” Kudaa ko naman.

“My name came from a chemical compound, my mom is a chemist. She named me after that chemical compound.” Sabe nyaa.

Wala akong nagets. Basta maganda yung name nya! Kasing ganda nya. Ahohoho.

Makalipas ang ilang sandali, ay nakarating na kami sa harap ng condo na tutuluyan ni Xylene.

“Thank you for bringing me here. See you soon.” Masayang kuda ni Xylene at gumorabels na sya sa loon ng building.

“Bye po!” Ang nasabi ko nalang at nagpatuloy si Ethan sa pagmamaneho.

“That was easy.” Biglang sabi ni Ethan.

“Ha?” Kuda ko.

“Akala ko mahihirapan tayo na kumbinsihin si Xylene sa pekeng relasyon natin, but she believed it right away. At mabuti nalang din pala, hindi nya din gusto ang magiging kasal namin.” Padang naginhawahang sagot ni Ethan.

Oo nga. Huhuhu! Syang naman yung effort ko. Inaral ko pa naman yung script! Yung dialogue na sasabihin ko! Kung paano magpanggap bilang jowa ni Ethan! Pero wala! Walang nangyari. Huhuh.

“Are you okay Fita?” Tanong ni Ethan.

“Ah. Oo naman. Okay na okay ako.” Sagot ko.

“Salamat pala sa pagsama sa akin ngayon.” Aniya pa.

“Naku! Wala yun. Para saan pa’t naging mag-frienship tayo.” Naka smile na sabi ko.

“Friends? Ang sakit naman. Wala ba akong pag-asa sayo?” Tanong nya!

Anoooo dawwww???! Totoo ba yung mga narinig ko! Paki play nga ulet! Mygaash! Dati ako lang ang nag-iisio ng ganiyan. Oero ngayon parang nagkabaliktad na kami ng sitwasyon ni Ethan! Joskoooo. Sya naman ang na-friendzoned ko. Ahohoho. Ang gondo ko telege.

Natahimik ako! Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya! Nubeyeen!

“Siguro umaasa ka pa rin na magkakabalikan kami ni Stella. Kaya sinarado muna yung puso mo para sa akin.” Seryosong sabe nya!

Totoo ba itong naririnig ko! Si Ethan ba talaga itong nagsasalita! Naloloka na ako waaah!

“Hi-hindi naman sa ganon. Pero siguro nga, tama ka. Na umaasa pa rin ako na magkakabalikan kayo ni Ate Stella.” Aniko.

“Pero impossible na yun. She hurt me a lot. At kapag naalala ko sya, bumabalik lahat ng sakit na yun. I can’t still believe na magagawa nya to sa akin.” Malungkot syang sabi.

Naawa naman ako sa sad face ni Ethan! Nakaramdam ako ng pag-slice sa puso ko kapag nakikita ko syang ganiyan.

Hinawakan ko yung kamay nya. At tumingin ako sa mukha nya. Awwww! Ang gwepooo. Ahohoho

“I’m sorry Ethan. Naguguluhan pa rin kasi ako hanggang ngayon sa lahat ng mga nangyayari. Konti nalang talaga maloloka na ako. Alam mo namang nagtapat din sa akin ang apat kong mga Kuya tapos dumagdag ka pa. Kaya talagang hindi nagfa-function ng ayos ang isip ko dahil sa mga shocking moments na nangyayari ito. Hindi ko nga alam kung totoo ba itong nangyayari o isa lang ito sa panaginip. Mantakin mo kasi, Lima kayo. Lima kayong may gusto sa pusong babaeng gaya ko. Kaya kahit sino naman maloloka dun diba?” Mahabang kuda ko.

Biglang hininto ni Ethan ang sasakyan! Tumitig sya sa mukha ko ng seryoso. At nagulat ako bang hawakan nya ang dalawa kong kamay.

“I understand. Mukhang nakakadagdag lang ako sa mga iniisip mo. I’m sorry. Si-siguro nga, mas mabuting maging magkaibigan nalang tayo. Dun naman tayo nagsimula diba? Kaya dun din dapat tayo matapos. Bilang magkaibigan.” Aniya.

“E-ethan–” Ang nasabi ko nalang.

“I’m okay. Don’t worry about me. Ayos lang ako.” Sabe nya at binigyan nya ako ng matamis na ngiti.


Kinabukasan. . .

Tanghali na akong nagising! Wala naman kasing pasok ngayon. Kaya sinagad ko na ang beauty rest ko! Ahohoho.

Habang bumababa ako sa hagdan, may narinig akong ingay sa may kusina. ..At dahil etchusera ako!

Etchsera mode ON!

Ahahaha!

“Its been a long time since we see each other.” Masayang masayang sabi ni Kuya Axe habang nakaupo sya sa chair nya sa dining area sa kanang bahagi.

“Oo nga eh. Na miss ko kayo.” Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses, kaya dumako ang paningin ko kaliwang side ng table at naloka ako sa nakita ko!!!!

Sya yun!!!! Hindi ako maaring magkamali!!! Si Xylene yun! Ang fiance ni Ethan! Ano kayang ginagawa nya ditooo?!!

“Really? You missed us?” Nakangiting tanong ni Kuya Air.

“Yup. Na miss ko lahat ng mga kalokohang ginagawa natin noong mga bata pa tayo.” Sabe naman ni Xylene.

“Oh! I remember those moment! Specially nung mahulog ka sa balon because you’re wishing on that well.” Natatawang sabe naman ni Kuya Ash!

Nakakalokaaaaa! Kilala nila ang babaeng yun? At mukhang close na close pa sila! Megeesssh!

Umatras ako ng bahagya, nagtago ako sa gilid ng pinto para hindi nila ako makita.

Pero naloka ako nang biglang may kumalabit sa akin!

“Ser? Ano pong ginagawa nyo dyan? Bakit hindi po kayo pumasok?” Tanong ni Manang Yolly! Mygassh!

“Sssh! Huwag kang maingay Manang, pinapakinggan ko lang yung conversation nilang apat.” Saway ko dito.

“Ah ganon po ba? Bakit nyo naman gustong pakinggan ang pag-uusap nila?” Tanong nya ulit.

“Nakakaloka lang kasi Manang. Close ba talaga sila Kuya sa babaeng yun? Kilala nyo po ba yung Xylene na yun?” Tanong ko.

“Oo naman Ser. Si Mam Xylene ang childhood love ng apat na magkakapatid. Magkakabata sila. Kaya close na close sila.”

HUWHAAAAAAT? ANOOOOOO?!!!! Childhood love? Magkababata? Seriously? Weeeeeeeeh???

“Ano? Childhood love?!” Gulat kong sabe!

“Opo Ser. Patay na patay ang apat na magkakapatid kay Mam Xylene. Dahil bukod sa maganda na, sobrang baet pa. Lahat ginawa nila para kay Mam Xylene. Umabot nga sa punong, nag-away away silang apat dahil sa kanya.”

Ohmygaaaad! I can’t believe this! Juskoooo! Napakaliit naman ng mundo para mangyari ang mga bagay nato!!!!!


Itutuloy. . .

Paaakkk 49

Para sa akin, ikaw ang lahat. Pero para sayo, akoy wala lang. 😞


• FITA’S POV •

Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang Xylene na yun?! Childhood love ng apat na halimaw na yun? Well, hindi naman nga siguro nakakapagtaka. Bukod sa sobrang dyosa nyang mukha eh sexy pa sya. At gifted pa sya mga bessh! Ang laki ng hinaharap nya. Yung tipong nagba-bounce! Ganern! Samantalang ako. Wala! Wala akong hinaharap! Nakakaingget. Rwwwwr.

“Just wait here, kukunin ko lang yung photo album.” Nakangiting sabi ni Kuya Axe kay Xylene. Nasa childhood memories na topic na kasi sila. Yun yung kanina pa nila pinag-chi-chikahan.

Kukunin daw ni Kuya Axe yung photo album para ipakita kay Xylene yung mga old memories nila.

Lumabas sa dinning area si Kuya Axe at napdaan sya sa harap ko! Tinignan nya ako saglit, pero wala hindi nya ako pinansin.

“Kuya Axe!” Pagtawag ko sa kanya.

Nilingon nya lang ako pero patuloy pa din sya sa paglalakad kaya naman sinabayan ko na sya.

“Uy! Kuya! Sino yung babae sa dinning area?” Tanong ko sa kanya. Nagkunwari nalang ako na hindi ko kilala ang Xylene na yun.

“Mamaya nalang tayo mag-usap may kukunin pa ako.” Malamig nyang sabe! At nagpatuloy sya sa paglalakad. Samantalang ako, he to, nanigas na ako sa kinatatyuan ko.

Bakit ganun? Bakit may nag-iba? Bakit hindi man lang nya sinagot ang tanong ko! Simpleng tanong lang naman yun! Tapos mamaya na?! Kaloka sya!

Nakita kong lumabas din ng dinning area si Kuya Ash kaya nilapitan ko sya.

“Hi Kuya?! May itatanong lang ako.” Naka-smile na bati ko sa kanya.

“Talk to me later, may important lang akong gagawin..” Sabe nya at nagmadali syang lumabas ng bahay.

Awwwch. Hindi nya rin ako pinansin! At mukhang nagmamadali pa sya! Ano kaya yung importanteng gagawin nya???

Nakita ko namang bumalik na si Kuya Axe sa dinning area dala dala nya yung sandamukal na photo album. Grrrr. Mukhang mahaba habang chikahan ang mangyayari sa kanila.

Nakita ko namang lumabas din ng dinning area si Kuya Air. Kaya nilapitan ko sya. Siguro naman papansinin ako ni Kuya Air! Hindi sya yung klase ng tao na mangsi-seenzoned ganern!

“Hi Kuya! Pwedeng magtanong?” Tanong ko sabay smile. Ahohoho.

“Mamaya nalang Fita, kukunin ko lang yung guitara ko sa taas.” Sagot nya at ayun! Nagmadali syang pumanik sa hagdan!

Ayoko na! Bakit ba busing busy sila! Hindi man lang nila ako kayang kausapin ng matagal! Ano bang problema nila?!!!! Magtatanong lang naman eh!

Umupo ako sa sofa na nasa sala. Nakita kong pumasok na sa loob si Kuya Ash at may dala dala pa syang mga flowers! At hindi ako maaring magkamali! Flowers yun sa garden! So iyun pala ang importantng gagawin nya?! Ang mamitas ng bulaklak?! At bakit nya naman kaya sya namitas ng bulaklak?!

Nakita ko din na nagmamadaling bumaba ng hagdan si Kuya Air dala dala nya yung paborito nyang guitara.

Kaya naman rumampa ulit ako papunta sa dinning area, nagtago ulit akonsa gilid ng pinto at sinilip ko ulit ang conversation ng mga yun.

“Haha. We’re so cute here. Napakataba pa natin dito.” Natatawang sabi ni Xylene habang mayntinuturo sya sa photo album.

“You’re the cutest chubby girl ng mga panahong yan.” Nakasimle na kuda ni Kuya Axe.

“Remember this flower? Ito yung ginagawa naming flower crown sayo noon.” Sabe naman ni Kuya Ash at inilapag nyan sa harap ni Xylene ang mga flowers na iyun!

“Yah! I remembered that. Can you make me one again?” Naka smile nyang kuda kay Kuya Ash.

“Sure!” Mabilis na sagot ni Kuya Ash at ayun!, aligaga syang gumawa ng flower crown para kay Xylene!

“So now, I will sing the song na madalas nating kantahin noon.” Kuda naman ni Kuya Air at nagsimula na syang mag-gitara.

“Yah! Go on! I really miss that song.” Excited na sagot ni Xylene.

At pinagmasdan ko si lang apat. Ang saya-saya nila. Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako?! Ha??? Bakit ako nasasaktan?! Eh bakit hindeee?!! Sabi ng tatlong halimaw na to gusto daw nila ako! Nagtapat pa sila ng feelings nila para sa akin, tapos ano? Nawala na yung nararamdaman nila sa akin dahil sa muling pagbabalik ng childhood love nila na yan! Huhuhuu! Mga taksil! Mga sinungaling! Sabe nyo ako lang ang gusto nyo! Tspos ngayon, nagbalik lang ang babaeng yan, kinalimutan inyo na ako! Ni hindi inyo man lang akong magawang kausapin. Huhuhu!

Nag-run away ako palabas. Pumunta ako sa garden at umupo ako sa bench na nasa ilalim ng punk ng ewan. Basta puno sya. Hindi ko lang alam yung pangalan.

Ganun na lang ba yun? Ganun nalang ba nila kadaling nakalimutan yung feelings nila para sa akin?! Huhuhu!

Eh bakit ba ako magtataka pa?!

Si Xylene na ubod ng ganda! Si Xylene na mabaet daw! Si Xylene na malaki ang hinaharap! Si Xylene na ubod ng sexy! Si Xylene na first love nila! Si Xylene na isang tunay na babae! Huhuhuhu!

Anong laban ko sa kanya? Isa lamang akong hamak na nilalang na may pusong babae na walang hinaharap. Huhuhu.

“Why are you crying?” Biglang tanong ng isang boses.

Mabilis kong pinunasan ang mata ko at tumingala ako para makita kung sino yung nagsalita na yun.

At pagtingin ko….

Si Kuya Ace pala!

Natahimik ako! Hindi ako makapagsalita! Nasa harap ko ngayon si Kuya Ace! Juskoooor!

“Don’t worry, huwag kang matakot. Hindi ko na uulitin yung ginawa ko sayo noon. Pinagsisihan ko na yun.” Kuda nya. “I’m sorry again.” Pahabol nya pa.

Mygaassh! Nakakaawa yung mukha nya! Para syang batang inigawan ng lollipop!

“Po-promise? Hi-hindi mo na uulitin?” Tanong ko.

“Yes. Promise! I’ll never ever do that fvcking thing to you again.” Sagot nya.

“Eh. Pa-pano kapag inulit mo?”

“Pinapangako ko sayo Fit, hinding hindi ko na yun uulitin. Promise. “ Aniya.

“O-okay.” Ang nasabi ko nalang.

“Okay? So it means? Pinapatawad mo na ako?” Tanong nya.

Tumango ako bilang tugon sa kanya.

“Thank you! Thank you Fit!” Masayang masayang kuda nya at bigla nya akong niyakap ng sobrang higpit! Awwwwch! Durog na ata ang buto ko.

“Ku-kuya hindi na ako makahinga!”

“Oh. I’m sorry.” At kinalas nya na ang mahigpit nyang pagkakayakap sa akin. “So now? Pwede mo na bang sagutin ang tanong ko.” Tanong nya.

“Ha? Ano ba yun?”

“Why are you crying? Bakit naabutan kitang umiiyak dito?” Tanong nya!!!

“Ahm. A-ano ka-kase—”

“Kasi ano?”

“Wait! May itatanong pala muna ako Kuya! Sino yung babae sa dinning area?” Tanong ko.

“Just answer my question first.”

“Ih! Sige na Kuya! Sagutin mo na yung tanong ko!” Pagpupumilit ko.

“Okay. She is Xylene. Kababata namin.” Sagot nya.

“Totoo bang childhood love nyo sya? Kayong apat?” Tanong ko ulit.

“Sino nagsabi nyan?” Gulat nyang tanong!

“Si Manang. Sinabi nya sa akin. So Toto nga? Na childhood love nyo sya. Sya yung first love nyong apat?”

“Yeah. Sya yung kauna-una babaeng minahal ko, I mean namin.”

“Eh anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa dining area ka din at nakikipagkasiyahan ka kasama nila?” Tanong ko.

“Iba ang noon sa ngayon Fit. Oo, minahal ko sya noon. Pero ikaw na ngayon. Kaya bakit pa ako pupunta dun? Kung nandito ka naman sa harap ko. Ikaw lang sapat na para maging masaya ako.” Nakangiti nyang sabi sabay hawak sa kamay ko!

Omegeeesssh! Thunderbolt attack! Biglang bumilis ang kabog ng flat kong dibdib! Tog! Tog! Tog! Tog! Nakuurr! Ano ba itong nararamdaman ko! Juskooorrr! Damang dama ko yung dialogue na iyun ni Kuya Ace! Tagos na tagos hanggang sa fallopian tube ko! Ahahaha! Meron ba?! Charoot!

“A-ang lakas mo ring mambola Kuya!” Kuda ko at mabilis akong tumayo sabay lakad.

“Fit, wait. Nagsasabi lang ako ng totoo.” Kuda nya habang sinusundan nya ako sa paglalakad.

“Bolero ka talaga.” Dagdag ko pa.

“Iba ang bolero sa taong nagmamahal.” Seryosong sabe nya.

Awwwww! Tog! Tog! Tog! Ayan na naman ang heartbeat ko! Tumatambol na naman sya! Kalokaaaaaa!

“O-okay.” Ang nasabi ko nalang.

Nagulat ako ng bigla nya akong akbayan. “Tara, ipapakilala kita kay Xylene.” Sabe nya.

“Ha?! Ayuko!” Pagtanggi ko!

Hindi pwede! Hindi dapat kami magkita ni Xylene! Sa pagkakaalm nya, girlfriend ako ni Ethan! Nakuuur! Baka mabuking nya nagsisinungaling lang ako!

“Tara na. Mabaet yun.” Kuda pa ni Kuya Ace.

“Ayuko nga!” Pagpupumiglas ko. Pikit kong inaalis yung kamay nya sa balikat ko.

“Bakit ba ayaw mong ipakilala kita sa kanya?”

“Ahm. Wala.” Sagot ko.

“Eh wala naman pala. Let’s go.” Sabe nya at bigla nya nalang akong binuhat!

Ohmygaaaaaaad! Juskoooor! Akong gagawin ko! Mababaliw na talaga ako! Mygaaassh talagaaaa! Omygaaadd! Mygaaad! Na mygaad!


Itutuloy. . .

Paaakkk 50

Babae yun! Ano laban mo dun? Umuwi ka na lang besss. Bakla ka lang. 😢💔

Sakettttt! 😭

• FITA’S POV •

“Kuya! Ibaba mo ako!” Sigaw ko! Mygaaad tong halimaw na Ace nato! Ayaw nya pa rin akong ibaba! Buhat buhat nya pa rin ako.

“Relax ka lang Fit. Ibababa din naman kita.” Nakangiti nyang sabe!

Hanggang sa makarating na kami sa dinning area!

OHMYGAAAAD! NOOOOOO WAAAAYYY! Hindi ako pwedeng makita ni Xylene!

“Kuya! Ibaba mo na ako!” Sigaw ko ulit.

Pero wala na! Huli na ang lahat! Nakapasok na kami sa loob. Nakatitig sina Kuya Axe, Ash at Air sa amin at syempre pati na rin si Xylene.

“Were here.” Kuda ni Kuya Ace at binaba nya na ako mula sa pagkakabuhat nya!

“Ace! Ano na naman ang ginawa mo kay Fita?” Matigas na tanong ni Kuya Axe.

“Wa-wala. Wala akong ginagawa sa kanya. Binuhat ko lang sya dito. Mukha kasing nahihiya ata syang makilala si Xylene.” Sagot ni Kuya Ace!

“Really?” Nagdududang tanong ni Kuya Ash habang matalim ang tingin nya kay Kuya Ace! Kaya umiksena na ako!

“Totoo ang sinasabi ni Kuya, wala syang ginagawang masama sa akin.” Kuda ko.

“Ohmygad! You! I know you! Fita? Is that you?!” Gulat na sabi ni Xylene. Mukhang matagal pa syang nag-isip, hindi nya pa ata ako nakilala. Naglakad sya palapit sa akin. “Sabi ko na! Ikaw yan. Sorry I didn’t recognize you immediately, medyo malabo kasi ang mata ko.” Dagdag nya pa.

“What?! Magkakilala kayo?!” Gulat na gulat na sabe ng apat na halimaw na to. At yung expressions nila! Napaka OA talaga.

“Yes. I met him in the airport.” Sagot ni Xylene.

“How? Paano kayo nagkakilala sa airport?!” Tanong ni Kuya Air.

“Diba sabi ko sa inyo kanina, I came here because of that damn arrange marriage. Sya, si Fita ang girlfriend ng lalaking dapat papakasalan ko.” Sagot nya!

Pisteeee kang babae ka! Hindi mo man lang ako in-inform na ire-reveal mo na agad yan! Mygaaasssh! I’m not ready! Ano ng gagawin ko?! Juskoooor!

“What?! Girlfriend?!” Gulat na gulat ulit na sabe ng apat na to!

“Totoo ba yang sinasabi mo Xylene?” Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Ash.

“Yes. Kahit tanungin nyo pa si Fita.” Nakangiti nyang sagot! Pisteee.

Sabay sabay silang apat na tumingin sa akin. Gooosssh! Tog! Tog! Tog! Meggeeed! Walang humpay sa pagtambol ang dibdib ko sa sobrang kaba! Juskkkkoooo!

“Totoo ba yun Fita?!” Tanong ni Kuya Ace!

“Ahm. Ah-eh-ih-oh-uh!” Mygaassh! Nabaluktot na naman yung dila ko sa sobrang kaba!

“Who’s that guy?! Yung lalaking papakasalan mo dapat? Sino sya?!” Tanong ni Kuya Ash kay Xylene.

“His name is Ethan— Ethan Salvador. His Dad is my Dad’s business partner.” Sagot ng babaeng ito!

“E-Ethan!” Sabay sabay ulit nilang sabi at gaya kanina. Pare parehas silang nagulat.

Ibang klase ang apat na halimaw na to! Duet kong duet! Ahahahaha. Wait! Bakit ba ako tumatawa! Dapat kinakabahan na ako! Juskoooo.

“Totoo ba yun Fita?! Girlfriend kana ni Ethan!” Matigas na tanong ni Kuya Axe! Katakot!

“Ahm. A-ano. Ka-kase—”

“Yes, it’s true. Two months na daw yung relationship nila. Nakakakilig nga sila eh.” Pag-eksena ni Xylene at mukhang kilig na kilig pa sya! Pisteee! Hindi naman sya yung tinatanong sabat ng sabat! Grrrrrr.

“I can’t believe this!” Inis na sabe ni Kuya Axe!

“Matagal mo na pala kaming niloloko.” Dagdag pa ni Kuya Ash at halatang galit sya! Meggeeed!

“So you’re fooling us all this time!” Sabe naman ni Kuya Air.

Ayaaan na! Beast mode na sila sa akin! Mygaad!

“Hindi ako naniniwala. Alam kong hindi naman kayo ni Ethan. Diba? Ikaw lang naman ang may gusto sa kanya, at hindi ka nya gusto.” Pagsingit naman ni Kuya Ace!

Araaay hah! Ang sakettt naman nun. Dati yun noh! Pero hindi na ngayon! Gusto na rin ako ni Ethan! Pero in fairness dito kay Kuya Ace, magaling kumutob. Ahahaha.

“Si Ethan mismo ang nagsabi Ace, they’re in relationship.” Pagsabat ulit ni Xylene. Epal din talaga ang babaeng to eh. Pigilan nyo ako mga besssh! Pepektusan ko na ang babaeng to sa fallopian tube nya! Grrrr.

“But that’s impossible.” Matigas na sabi ni Kuya Ace. “Maniniwala lang ako kung kay Fita mismo mangagalang na sila na nga ni Ethan.” Dagdag nya pa! “Ano? Kayo na ba talaga ni Ethan?” Pagbaling nya sa akin! Kalokaaaa!

Parang may rock band na sa dibdib ko! Tog! Tog! Tog! Walang humpay sa pag-drums tong flat kong dibdib! Juskoo.

“Ahm. A-ano. Ka-kasi–– “ naputol ang sasabihin ko ng may umeksena na naman.

“Anong meron dito?” Tanong ni mudra at kasama nya pa si Fafa Ark!

“Nay! Ikaw pala yan. Saan po kayo galing ni Tito Ark?!” Kuda ko.

“Nagpa-check up lang ako Nak sa ospital.” Sagot ni mudrabells.

“Ah. Okay po.” Ang nasabi ko nalang.

Napatingin si mudra kay Xylene at tinitigan nya ito mula ulo hanggang paa. “Sino ka hija? Parang ngayon lang kita nakita?” Tanong ni mudra kay Xylene.

“Uhm. I’m Xylene po Tita. Kaibigan po nila ako.” Nakangiting pagpapakilala nya.

“Kababata nila Axe yan hon.” Sabe naman ni Fafa Ark. “Kailan ka pa dumating Xylene?” Tanong nya naman dito.

“Kahapon lang po Tito.” Sagot nya.

“Ang ganda mo hija! Dapat palagi ka nalang nandito para palagi kitang makikita. Baka sakaling maging kasing ganda mo itong si baby.” Kuda ni mudra!!! “

Aba! Baket?! Hindi pa ba sapat ang ganda ko para sa kanya?! Grrrrr.

“Sure po Tita. Bibisita po ako ng madalas.” Nakangiting kuda ng Xylene na to.

“So na saan na ba tayo Fita?” Seryosong tanong ni Kuya Ace! “Totoo ba yung sinasabi ni Xylene?” Dagdag nya pa.

“Ha? Ano yun Ace? Ano yang sinasabi ni Xylene tungkol kay Fita?” Tanong ni mudra!!!! Juskooor!

“Sabi po kasi ni Xylene, Fita and Ethan are in relationship.” Sagot ni Kuya Ace!!!!! Mygaaaaddd talaga!!!

“Ano?!” Gulat na sabe ni mudra! “Totoo ba yun Nak?! Kayo na ni Ethan?!” Tanong nya pa!

Juskooooo. Anong isasagot ko?!!!

“Hi-hindi po Nay. Hindi po yun totoo.” Nakayukong sagot ko.

“What?! Pero sabi nyo ni Ethan kayo na?! Sabi nyo two months na yung relationship nyo. Ano ba talaga? Niloloko nyo ba ako?!” Tanong ni Xylene at medyo naimbyerna pa sya.

“I’m sorry Xylene. Sinabi lang ni Ethan na may relasyon kami para hindi matuloy ang kasal nyo, at para daw ma-turn off ka sa kanya at para sa ikatatahimik ng lahat. Yun yung dahilan. Pero ngayon, dahil hindi mo rin naman pala gusto ang kasal nyo ni Ethan, wala na sigurong dahilan para magpanggap pa kami. Kaya ngayon, sinasabi ko na ang buong truth. Ganon.” Paliwanag ko. Ahahaha. Ang haba.

“Helena! Hon!” Bulalas ni Fafa Ark nang mahilo si mudra at matumba ito sa kanya!

Goooosssh! Si mudraaaa! Juskooo!

“Nay! Nay!” Kuda ko at mabilis akong lumapit sa kanya.

Binuhat ni Fafa Ark si mudra!

“A-ayos lang ako. Me-medyo nahilo lang ako sa mga nalaman ko.” Sabe ni mudra. “Gusto ko na munang magpahinga.” Dagdag nya pa kaya naman dinala na sya ni Fafa Ark sa kwarto nila.

Mygaaassh! Kibahan ako dun ha! Akala ko naman kung ano ng mangyayari sa kanya. Mabuti nalang okay lang sya!

“Sabi ko na nga ba, hindi yun totoo.” Nakangiting sabi ni Kuya Ace at inakbayan nya pa ako!

Ang bigaaat!

“Sorry po ulit Xylene, kung nagpanggap kami ni Ethan.” Sabi ko ulit sa kanya.

“It’s okay. Naiintindihan ko.” Nakangiting sagot nya. “Pero in fairness, bagay kayo ni Ethan kung magiging kayo man.” Dagdag nya.

“No! No! No! Hindi sila bagay. Mas bagay kami ni Fit.” Pagsingit naman ni Kuya Ace.

“What? Why are you saying that Ace?” Kunit noong tanong ni Xylene.

“Is it not obvious? I like him.” Nakangiting sabi ni Kuya Ace sabay kindat sa akin! Juskoooo naman.

Napanga-nga si Xylene sa sinabing iyun ni Kuya Ace! At mukhang na shocked sya! Ahahaha!

“Seriously? You like him?” Tanong ni Xylene.

“Yeah.” Sagot ni Kuya Ace.

Napansin kong parang nag-iba ang timpla ni Xylene. Na fe-feel ko yung itim na awra sa paligid nya! Ganern! Anong nangyari sa kanya???

“Tara na Fit, kain tayo sa labas. Libre ko.” Sabi ni Kuya Ace.

Oo nga pala, hindi papala ako kumakain. Bigla tuloy tumunog ng malakas ang tiyan ko nung marinig ko ang salitang Libre! Ahahaha.

“See? Gutom ka na. Kaya let’s go.” Sabi nya ulit at hinawakan nya yung kanang kamay ko! Megeeesh!

“Ha? Eh Bakit? Dito nalang tayo kumain.” Pagtanggi ko.

“Eh maraming tao dito sa dinning area. Hindi kita masosolo. Kaya tara na.” Sabi nya at hinila nya ako.

“Wait Ace! Bitawan mo si Fita! Ayaw nya namang sumama sayo, huwag mo syang pilitin.” Matigas na sabe ni Kuya Axe!

“Wala akong gagawing masama sa kanya. Kakain lang kami.” Sagot ni Kuya Ace.

“Are you sure about that?!” Tanong ni Kuya Ash. Naglakad sya palapit sa akin at hinawakan nya ang kabila kong kamay. “He’ll stay here.” Sabi nya pa.

“No Bro, he’ll come with me.” Sagot ni Kuya Ace.

“Dito nalang kayo kumain ni Fita. Nagluto naman si Manang ng caldereta.” Kuda naman ni Kuya Air.

Nakuuuu! Itong tatlong halimaw na to! Kanina lang hindi nila ako pinapansin! Tapos ano to? Concern sila sa akin ngayon? Bakit hindi nalang kaya ang Xylene na yan ang bigyan nila ng concern na yan. Grrrrr.

Inalis ko ang kamay ni Kuya Ash na nakahawak sa kamay ko.

“Sasama ako kay Kuya Ace. Nag-promise sya sa akin. Kaya nagtitiwala na ulit ako sa kanya. Tsaka sya hindi nakakalimot ng ano nya sa akin, basta something that starts with letter F, eh kayo? Wala! Para kayong nagka-amnesia, may dumating lang, nakalimutan nyo na lahat!” Kuda ko.

Kinuha ko yung kamay ni Kuya Ace. “Tara na po Kuya. Gutom na ako. Kain na tayo.” Aniko at hinila ko palabas si Kuya Ace.

Nilingon ko sina Kuya Axe, Ash at Air. Tulala sila sa mga nangyari. Mukhang nakalimutan ata nila ang script nila. Ahahaha. Buti nga sa kanila! Magsama sama sila ng Xylene na yan.

Dumating lang ang babaeng yun, nakslimutan na nila yung feelings nila sa akin! Huhuhu! Bahala sila!

Napalingon din ako kay Xylene, at naloka ako sa ekspresyon ng fess nya!

Ano to???? Galit ba sya???


Itutuloy. . .

Paaakkk 51

Ang hirap talagang mag-isip ng bagong update kung basag na basag ka. Haaayyyy. Mabuti kinakaya ko pang mag-update. 😩😷💥🔫


• FITA’S POV •

Ilang araw ko ring hindi pinansin ang tatlong halimaw na yun. Nai-imbyerna pa rin ako sa pang i-isnob na ginawa nila sa akin nung dumating ang Xylene na yun.

Nasa school ako ngayon, si Kuya Ace ang sinabayan ko kanina papasok dito sa Zarvard. Naloka nga ako sa mga kinikilos nya. Parang naging mas sweet sya at gentlemen sa akin. Hindi ko tuloy maintindihan ang hormones ko, parang kinikilig ata sa mga pinagagagawa nya. Ahohoho. Anubeeeee.

Ngayon, naglalakad na ako papunta sa education building namin, dapat hindi ako malate. Nakuuuur.

Habang naglalakad ako, biglang may isang kamay na humawak sa braso ko. Nagulat talaga ang ganda ko sa nangyari! Kaya nilingon ko kung sino yung nakahawak sa braso ko, at pagtingin ko…

Si Kuya Axe pala!

“Bakit?” Tanong ko in lifeless way. Ganon.

“Gusto kitang makausap.” Sagot nya at mukhang seryoso sya.

“Tungkol naman saan?” Tanong ko ulit.

“About your action. Bakit mo ba ako iniiwasan? Why are you avoiding me?” Sabe nya!

Really???! Hindi mo alam! Akala ko ba matalino ang halimaw na to! Bakit hindi man lang nya na-notice ang dahilan! Kalokaaaa. Grrr.

“Ano ba sa tingin mo ang dahilan?” Taas kilay kong tanong. Ganern! Mataray mode ON!

“Wala talaga akong ideya. So please! Tell me why?” Sabe nya at mukhang naiimbyerna na rin sya. Aba! Aba!

“Kausapin mo nalang ako kapag alam mo na ang dahilan. Male-late na ako. Bye!” Kuda ko at tinalikuran ko na sya.

Pero naloka ako ng hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat at buong pwersa nya akong iniharap sa kanya! Araaay! Ha! Maseket!

“Bakit ba?! Ano bang problema mo?” Imbyerna kong tanong.

“Ikaw! Ikaw ang problema ko.” Ganti nya naman.

Titig na titig sya sa mga mata ko. Bigla tuloy akong kinabahan mga bessh. Seryoso sya eh. Hoho.

“Kuya. Bitawan mo ako. Kailangan ko ng pumasok.” Mataray kong sabi sa kanya.

“No! You’ll stay here.” Matigas nyang sabe! Megeeed! “Sabihin mo na sa akin ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan. Please. Nasasaktan ako sa ginagawa mo.” Dagdag nya pa.

Ayyy kaloka!!! Totoo ba yung narinig ko? Sya nasasaktan na? Eh kamusta naman yung ginawa nya, nila sa akin?! Akala ba nila hindi ako nasaktan dun?!!!!

“Bitawan mo na ako Kuya.” Sabe ko.

Pero imbes na bitawan ako, eh bigla nya nalang akong niyakap ng mahigpit! Araaaay! I can’t breathe .

“K-Kuya ano ba?! Bi-bitawan mo na nga sabi ako eh!” Kuda ko.

“I’m sorry. Kung ano man yung nagawa ko. I’m really sorry. Huwag mo na akong iwasan. Please.” Mahinahon nyang sabi sa akin.

Awwwww. Bakit bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya! Damang dama ko yung sorry nya. Huhu.

“Naasar ako sayo. Sa inyong tatlo.” Sabi ko.

Kumalas si Kuya Axe sa pagkakayakap nya sa akin.

“Bakit? Bakit ka naasar sa akin?” Tanong nya at inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko. Goossh. Anubeeee.

“Ka-kasi. Da-dahil sa ginawa mo.” Sagot ko.

“Ano nga yung ginawa ko?” Tanong nya.

“Para kasing nagka-amnesia ka. Kayong tatlo nila Kuya Ash. Dumating lang si Xylene, hindi nyo na ako pinansin. Feeling ko tuloy mahal nyo pa rin sya. Kasi sabi ni Manang Yolly childhood love nyo daw sya. First love nyo daw sya.” Sagot ko.

Bigla syang ngumiti na para bang nakakaloko! Aba! May nakakatawa ba sa sinabi ko???!

“Bakit ka ngumingiti dyan? May nakakatawa ba?” Imbyernang tanong ko.

“You’re jealous.” Nakangiting sabe nya.

Anoooooo?!!! Akoooo? Nagseselos?! Utot nyaaaaa! Hindi kaya!

“Jealous mo mukha mo! Hindi no.” Kuda ko.

“Kakasabi mo lang eh. Naasar ka sa akin, sa amin dahil hindi ka naming napansin nung dumating si Xylene. So it means, you’re jealous.” Sabe nya

“Hindi nga sabi! Naasar lang ako sa inyo kasi akala ko nakalimutan nyo na yung feelings nyo sa akin. Na kinalimutan nyo na ako dahil dumating ang first love nyo! Ganon lang yun.” Sagot kooo.

Hinawakan nya yung mukha kooo! At tumitig sya sa mga mata ko! “It will never happen.” Seryosong sabi nya.

“E-eh ba-bakit hi-hindi nyo ako pinansin nun?” Tanong ko.

“I admit I ignored you because we’re just busy with Xylene. But it doesn’t mean I forgot my feelings for you. Alam mo namang kababata namin si Xylene, at tama ka, first love namin sya. Kaya natuwa lang kami nang dumating sya. Mahigit tatlong taon na nung huling namin syang nakita kaya ganun nalang yung saya namin ng muli namin syang makita.” Sagot nya.

“Pe-pero. F-first love nyo sya. Alam kong may na-nararamdaman ka parin sa kanya. Imposibleng wala na.” Aniko.

Inalis nya yung kamay nya sa mukha ko at hinawakan nya yung kamay ko.

“Wala na akong nararamdaman sa kanya. Sinaktan nya kami noon, na-friendzoned kaming tatlo sa kanya. Dahil si Ace yung pinili nya nun.” Sagot nya.

Nanlaki yung mata koooooo! Anoooo dawwww??? Si Kuya Ace?! Yung pinili ni Xylene??? Talaga ba????

“Ha? Anong ibig mong sabihin?” Gulat kong tanong.

“Xylene and Ace had a relationship. Pero nung umalis si Xylene, doon na natapos ang relasyon nila. Kaya yang iniisip mo na mahal pa rin namin si Xylene, that’s impossible.” Sagot nyaaa.

Ohmygaaaaddd! Reaalyyy??? Si Kuya Ace at Xylene? Naging sila dati??? Gaaasssh! Nakakagulat! Kaya pala parang hindi na nagpapansinan sina Xylene at Kuya Ace dahil may past pala sila.

“So? Gu-gusto nyo pa rin ako?” Tanong ko.

“Gustong gusto.” Nakangiting sagot nya sabay kindat! Awwww! Meggeeedd! Ang gwapoooo. Ahohoho. Anubeee.

“O-okay. N-ngayon ma-malinaw na sa akin ang lahat.” Aniko sabay buntong hininga.

“So hindi ka na galit? Papansinin mo na ako?” Nakangiting tanong nya.

“Opo.” Ang nasabi ko nalang.

“Mabuti naman.” Aniya at bigla nalang nya akong niyakap! Awww. Ang tigasss. Ahahaha.

“Fita?” Rinig kong pagtawag sa akin ng isang boses. Kaya lumingon ako sa may kanan ko at nakita ko doon si Ethan.

“E-ethan!” Gulat kong sabe at bigla kong naitulak si Kuya Axe para maalis ang pagkakayakap nya sa akin.

“Kamusta?” Tanong ni Ethan.

“A-ayos lang naman. Haha.” Sagot ko.

“Malapit na mag-eight ha? Bakit hindi kapa pumapasok?” Tanong nya.

Napatingin ako sa relo ko at pagtingin ko! Two minutes nalang bago mag-eight! Gosssshh! Male-late na akooo!

“Ohmygad! Bye bye na po sa inyo! I have to go na!” Paalam ko sa kanila at mabilis akong nag-run away papunta sa room namin.


Sumapit ang lunch break. Ang lakas ng ulan sa labas. Wala pa naman akong dalang payong! Huhu! Paano na ako nito makakakain! Megeeed!

Ano ng gagawin ko???

Biglang nag-ring ang phone ko at pagtingin ko sa screen, si Ethan ang tumatawag! Ano kaya ang kailangan nya???

Kaya naman mabilis ko iyong sinagot.

“He-hello? Ethan?” Pagsagot ko sa tawag nya.

“Nasaan ka?” Tanong nya.

“Ha? Ah. Nandito pa ako sa building namin. Hindi ako makalabas. Wala kasi akong payong na dala.” Sagot ko.

“Sige susunduin nalang kita diyan. Sabay na tayong mag-lunch.” Sabi nya sabay baba ng tawag.

Ano kayang meron? Feeling ko may something. Hahaha.

Ilang saglit pa ay dumating na din sa wakas si Ethan. Nakapayong sya na kulay blue. Ang taray din nitong si Ethan! Boy scout! Ready sa ganitong weather.

“Let’s go.” Nakangiti nyang sabi sabay abot sa kamay ko.

“O-okay po.” Aniko at sumukob na ako sa payong nya at nagsimula na kaming rumampa papunta sa cafeteria.

Pagdating namin sa cafeteria pinaghanap nya ako ng mauupuan namin sya na daw ang bahala sa order namin. Gosssh. Mukhang ililibre nya na naman ako. Ahohoho.

Naghanap ako ng mauupuan namin, pero napalingon ako sa may dulong bahagi ng cafeteria ng bigla may tumawag sa akin.

“Fit!” Sigaw ni Kuya Ace at kasama nya pala sina Kuya Axe, Air at Ash.

Kinawayan ko lang sya. Pero sumenyas sya na parang pinapalapit nya ako dun sa pwesto nila. Kaya naman lumapit ako.

“Sabay ka na sa amin. Kanina pa kita tinatawagan, pero busy ang phone mo.” Sabi ni Kuya Ace.

“Ma-may kausap lang akong iba nung tumatawag ka.” Sagot ko.

“Ano bang gusto mong kainin?” Tanong naman ni Kuya Axe.

“Uhm. A-ano ka-kasi kasama ko si Ethan. U-umorder na sya ng kakainin namin.” Sagot ko.

Biglang nanlisik ang mga mata nila nang marinig nila ang pangalan ni Ethan. Mygaasssh!

“Maupo kana, dito nalang din kayo kumain ni Ethan.” Alok naman ni Kuya Air. Kaya naman umupo na ako.

Napatingin ako sa mga pagkaing in order nila. Mukhang hindi pa nila yun ginagalaw. Bigla tuloy akong natakam. Ahahaha! Patay gutom mode ON!

“Ngayon alam na namin ang dahilan.” Biglang sabi ni Kuya Ash.

“Ha? Anong dahilan?” Tanong ko.

“Alam na namin ang dahilan kung bakit mo kami iniiwasan. Sinabi na sa amin ni Kuya ang lahat.” Sagot ni Kuya Ash.

Kalokang halimaw na yun! Chinika agad sa mga kapatid nya. Grrr.

“Ah. Y-yun ba. Ka-kalimutan na natin yun. Let’s move on nalang. Haha.” Ang nasabi ko nalang.

Ilang saglit pa ay dumating na si Ethan habang dala dala nya yung tray ng order namin. Medyo nagulat sya ng makita nang kasama ko sila Kuya. Kaya naman nginitian ko nalang sya.

“Hey Bro?” Pagbati ni Ethan kila Kuya pero hindi sya nito pinansin.

Kalokang mga halimaw to! I-seenzoned daw ba si Ethan!

“Ethan, upo kana dito. Tabi tayo.” Nakangiti kong sabi sa kanya, agad namang umupo si Ethan sa tabi ko.

“So let’s eat?” Tanong ni Ethan.

“Wait! Pray muna!” Kuda ko at ayun, nag-praying session muna kami and after nun, kainan na! Ahohoho.

Medyo natahimik kaming lahat nang simulan na namin ang pagkain. Kalokaaaa! Walang umiimik ni isa. Okay! Ako nalang ang mag-iingay haha!

“Ahm. Oo nga pala Ethan. Alam na pala ni Xylene yung totoo.” Kuda ko.

“Anong totoo?” Tanong nya.

“Na nagpanggap lang tayo na mag-jowa sa kanya.” Sagot ko.

“Ah. Iyun ba? Oo alam ko na, sinabi na nya sa akin yan.” Aniya sabay subo ng food.

“Ah. Okay. So hindi na talaga tuloy ang wedding nyo?” Tanong ko ulit.

“I’m not sure. Pero Sana nga hindi. Hindi pa kasi nakakausap ni Xylene si Dad.” Sagot nya.

“Ah. Okay. Sana nga hindi talaga matuloy.” Ang nasabi ko nalang.

“Anong gagawin mo kapag natuloy kung sakali?” Tanong nya.

Tinatanong pa ba yan! Edi gegerahin ko ang Xylene na yun! Papaputukan ko sya ng shotgun mga fifty times! Ganooon! Ahahaha.

“Edi pupunta ako sa kasal nyo tapos eeksena ako dun. Sisigaw ako ng ITIGIL ANG KASAL! Kapag hindi nyo itinigil, magpapaputok ako ng dinamita with matching granada! Ganon. Haha.” Biro ko.

Natawa naman si Ethan sa biro ko. Ahohoho. Ang gwapooo. Megesssh!

“Ang kulit mo talaga.” Natatawang sabi ni Ethan sabay kurot sa pisngi ko. Araay! Ang shekeeet. Ahehe.

Napatingin ako sa apat na halimaw na to. At naloka ako sa mga mukha nila! Mygaaasssh! Mas mapait pa sa hilaw na ampalaya yung mukha nila. Juskoooor.

Kaya naman medyo lumayo ako ng konti kay Ethan. At ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

“Oo nga pala Fita? Tutal malapit na yung sembreak gusto mo bang sumama sa probinsya namin?” Tanong ni Ethan.

“Probinsya nyo? Bakit hindi kaba taga dito sa Maynila?” Tanong ko.

“Actually taga Bulacan talaga kami, but when Dad had that business matters, naisipan naming lumipat dito.” Sagot nya.

“Ah. Okay. Sige sige. Go ako dyan. Gusto ko rin makagala minsan. Pero syempre magpapaalam muna ako kay Nanay at Tito Ark.” Sagot ko.

“Hindi ka papayag ni Tita at ni Dad, not unless kasama mo kami.” Pag-eksena ni Kuya Axe!

“If that’s the case, pwede naman kayong sumama.” Sabi ni Ethan.

“Ta-talaga? P-pwede silang sumama?” Gulat na tanong ko.

“Yup. Wala namang problema dun.” Sagot nya.

“Yun naman pala eh! Edi go na tayong lahat!” Sabi ko Sabah subo ulit ng kanin at ulam. Ahahaha.

Feeling ko magiging exciting yung mga darating na araw. Whahahaha. Sana ngaaaaa.


Itutuloy. . .

Paaakkk 52

Magdamag akong umiyak. Yung story ko na “The Gay Slave” biglang nawala. I don’t know why, pero nakakaines! Bigla nalang nawala! Limang buwan ko din yung pinaghirapang gawin tapos bigla nalang mawawala. Ginawa ko na lahat, pero wala na. Wala na talaga yung story. Nakakaiyak. 😢

Simula ngayon, lagi ko ng isi-save sa email ko lahat ng chapters ng mga story ko! Para hindi na mawala. Sakit. Sobra. 😢💔


• FITA’S POV •

Ito na ang araw! Ito na yun mga besssh! Ang araw ng pagpunta ko sa probinsya ni Ethan, dun sa Bulacan. Sembreak na eh, so its my time to relax and enjoy my beauty! Ganon! Ahahaha.

Kinuha ko na ang backpack ko at ang dalawa ko pang paper bags. Ang dami kong dala damit! Syempre! Dapat palagi akong maganda! Dapat araw araw fashion show! Ganern!

Rumampa na ako pababa ng stairs, nakita kong nakaupo sa sofa sa may sala sina Mudra at Fafa Ark! Naloka ako sa ginagawa nilang dalawa! Harutan kung harutan! Itong si Fafa Ark himas ng himas sa malaking tiyan ni mudra! Kaloka!

“Eheem. Eheem.” Paubo ubong kuda ko sabay lakad pababa. Ahahaha.

“Oh, Nak? Ngayon na ba ang alis mo?” Tanong ni mudrabells.

“Opo Nay. Baka sa Monday pa po ako makabalik.” Say ko naman.

“Mag-iingat kayo don. Kung may problema, tumawag agad kayo ha.” Sabi naman ni Fafa Ark.

“Opo Tito.” Sagot ko.

“Ayan na rin pala ang mga Kuya mo.” Biglang sabi ni mudra sabay tingin sa may hagdan kaya napalingon din ako.

At paglingon ko…

Nakita ko ang apat na halimaw na ang daming mga bitbit. Ano to? Swimming? Kaloka! Mas madami pa silang dala sa akin. Kung tutuusin dapat hindi sila kasama, eh nagpumilit ang mga halimaw, mukhang ayaw ata nila akong maiwan kasama si Ethan! Rwwwwwr!

Sayang! Solo ko na sana sya! Ahohoho.

“Tara na Fit.” Nakangiting sabi ni Kuya Ace.

“Dad, Tita. Alis na po kami.” Paalam naman ni Kuya Axe.

“Mag-iingat kayo ha!” Kuda ulit ni mudra.

“Yes po Tita. Mag-iingat po kami. At mas iingatan po namin si Fita.” Say naman ni Kuya Air!

Awwww! Nakakakeleg! Anubeeee. Ahahaha.

“Fita? Ako nalang ang magdadala ng mga yan.” Alok ni Kuya Ash.

Ayyy! Taray! Gentlemen! Ahohoho. Tatanggi pa ba ako? Syempre hindi. Maninigas tong muscles ko sa mga dala ko no.

“Ah. Si-sige Kuya. Salamat.” Sagot ko at iaabot ko na sana sa kanya yung mga dala ko ng bigla itong kinuha ni Kuya Ace!

“Ako. Ako na ang magdadala ng mga to.” Sabi nya!

Napatingin ako kay Kuya Ash, at mukhang naimbyerna sya sa ginawa ni Kuya Ace! Mygassh.

“Bye Nay! Bye Tito Ark!” Saying good bye ko sa manila sabay halik sa pisngi.

“Bye Nak! Behave ka ha!” Ani mudra! At pinanlisikan nya pa ako ng mata. Kaloka!

“Opo Nay! Bye po!” Sagot ko at ayun, nag walk out na kaming lima palabas ng bahay.

Sa van kami ni Ethan sasakay, kasya naman daw kaming lahat doon at para isang kotse nalang daw ang gamitin. Ganon.

Makalipas ang ilang sandali, dumating na din sa wakas si Ethan.

“Sa wakas.” Kuda ni Kuya Axe at mukhang nainip na sya sa paghihintay.

“Pasok na kayo.” Sabi ni Ethan kaya binuksan agad ni Kuya Ash yung pinto at isa isa na kaming pumasok sa loob.

Pinaupo ako ni Ethan sa passenger’s seat sya kasi ang driver, gusto nya daw akong katabi. At ang apat na halimaw, nasa back seat.

“Hi everyone! Surprise!” Rinig kong sabi ng isang boses! At pamilyar ang boses na yun! Parang boses ng kampon ng Ravena! Ganun!

“Xylene!” Gulat na sabi nila Kuya!

Nagtago pala ang babaeng yun sa may gilid ng upuan! At nang gulat pa talaga sya wah! Kung ako siguro yung nasa tabi nya , baka na uppercut ko na sya! Ahahaha.

“A-anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Kuya Air.

“Diba obvious? Sasama ako.” Nakangiting sagot nya.

Whaaat?!!!! Sasama sya!!! Nooooo waaayy!!!

“Ethan? Bakit kasama sya?” Pabulong na tanong ko kay Ethan.

“Nagpumilit eh. Naikwento yata ng mga Kuya mo sa kanya na aalis tayo kaya ayan, sumama. Hindi ko naman matanggihan. Baka magalit kung hindi ako papayag..” Sagot nya!

Grrrrrr. Okay na sana eh. May um-epal lang. Kainesss naman oh.

Isa’t kalahating oras ang byahe. At rinding rindi na yung eardrums ko dahil puro boses ng babaeng iyun ang naririnig ko. Puro sya kwento ng ganito ganiyan. Throw back dito, flashback doon. Mygaaad! Kung may dala lang akong medyas na isang linggo ng hindi nalalambhan ipinasak ko na sa bibig nya. Megeed.

Hindi ko alam, pero bigla nalang uminit yung dugo ko sa babaeng ito. And I don’t know why. Siguro napaka pabebe nyang masyado. Kagigil. Feeling ko nilalandi nya sila Kuya, specially si Kuya Ace. Pero hindi naman sya pinapansin ni Kuya Ace! Mabuti nga. Ahahaha.

“We’re here.” Sabi ni Ethan sabay hibto sa sasakyan.

Binuksan ko agad yung pinto at nagmadali akong lumabas. Excited na akong makita ang bahay nila Ethan dito sa Bulacan! Megeed.

Paglabas ko, tumambad sa akin ang isang malaking mansyon. Puro puno ang nasa paligid nito. At mukhang nasa liblib kaming lugar. Wala kasing kahit isang kapit bahay ang mansyong ito nila Ethan! Kaloka.

“Wow! Ang ganda pala dito.” Kuda ng Xylene na yun pagkalabas nya sa van.

“It looks haunted. Are you sure this is your house?” Tanong ni Kuya Axe.

“Yup. Yeah it looks haunted. More than eighty years na kasi ang mansyong ito.” Sagot ni Ethan!

Huwhaaaattt? More than eighty years! Mygasssh! Eh haunted nga talaga to! Juskoooor! Sana lang walang mooomooo dito.

“Sino ang nakatira dito? May tao ba sa loob?” Tanong ni Kuya Air.

“Meron, si Aling Greta yung care taker naming dito.” Sagot ni Ethan.

“Ano pang hinihintay natin? Let’s go inside.” Kuda ni Kuya Ace kaya naglakad na kami papasok sa loob.

“Ser Ethan! Nandiyan na po pala kayo.” Sabi ng matandang babaeng ito. Baka ito na si Aling Greta.

“Oho, maayos na ho ba ang mga kwarto sa taas?” Tanong ni Ethan.

“Opo Ser. Maayos na po ang lahat.” Sagot nito. “Gusto nyo po bang maghanda ako ng makakain at maiinom nyo?” Tanong pa nito.

“Sige ho. Salamat.” Sagot ni Ethan at mabilis na umalis si Aling Greta para maghanda ng makakain namin.

Medyo gutom na rin ako. I need to eat na. Yung mga pets ko sa tummy ko eh, nagwawala na naman. Ahahaha.

“May apat na kwarto kami sa taas. Kay Xylene yung isa dahil babae sya kailangan nya ng bukod na kwarto. Siguro maghati hati nalang tayong anim sa tatlo pang kwarto. Dalawa sa isang kwarto.” Kuda ni Ethan!

“Okay lang naman sa akin kung may kasama ako sa kwarto.” Sabi ng Xylene na to.

“Kung ganon, siguro pwede na kayong dalawa nalang ni Fita ang magkasama.” Ani Ethan.

Anooo?! Ako? Kasama ang babaeng yan?! Noooooo waaaayyy!!!

“Ahm. Siguro mas mabuting sumama nalang ako sa inyo. Sabi nga ni Ethan babae si Xylene and she needs a private room.” Kuda ko.

“Kung ganon, kami nalang ni Fit ang hati sa isang kwarto.” Sabi ni Kuya Ace!

Anooo dawww? Kameeee? Sa iisang kwarto? Mygaassh!

“Hindi pwede!” Matigas na sabi ni Kuya Axe.

“Wala akong gagawin masama sa kaniya.” Depensa naman ni Kuya Ace.

“We’re not sure about that. Kaya hindi pwede.” Sabi naman ni Kuya Ash.

“Kami nalang ni Fita ang maghahati sa isang kwarto.” Deklara ni Ethan. “Tara na sa taas, para maiayos na natin ang mga gamit para makakain na tayo.” Dagdag nya pa.

At dahil mansyon to nila Ethan, wala ng nagawa ang mga halimaw kundi sumunod. Mygaash! Mygaassh! Mygaash talaga! Magkasama kami ni Ethan sa iisang kwarto! Juskooor!

Pumanik na kami sa second floor, at pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Nakita kong magkasama sina Kuya Axe at Ash sa unang kwarto, at sina Kuya Ace at Air naman sa pangalawa. Samantalang ang Xylene na yun mag-isa! Ahahaha! Buti nga. Sana may mooomoong lumabas para takutin sya. Ahahaha.

“Dito mo nalang ilagay ang mga damit mo.” Sabi ni Ethan sabay turo sa may cabinet.

“Ah. Okay.” Sagot ko naman at inumpisahan ko ng ayusin ang lahat ng gamit ko.

“Oo nga pala, ikaw na ang matulog sa kama. Ako nalang sa sahig.” Sabi ni Ethan!

“Ha?! Nako! Sayong bahay to tapos matutulog ka sa sahig? No! Hindi pwede!” Pagtanggi ko.

“Eh, anong gusto mo? Magkatabi tayo?” Nakangiting tanong nya.

Magkatabi??? Ihhhhh! Mygaaasssh! Never in my entire life na may nakatabi akong lalaki sa pagtulog! Kung nagkataon, ito ang first time ko! Ahohoho.

“Ah. Hi-hindi naman sa ganon. Pwede namang ako ang matulog sa sahig.” Sagot ko. Pero syempre charot charot lang yan! Ahahaha.

“Hindi naman pwede yang gusto mo.” Sabi nya. “Alam ko na, sa sala nalang ako matutulog mamaya.”

“Sa sala? No! Hindi pwede! Dito ka matutulog. Sige na. Oo na. Tabi na tayo. Para wala ng gulo. Okay?”

“Talaga?” Hindi makapaniwalang tanong nya.

“Yes. Marami namang unan dito. Maglagay nalang tayo ng boundary sa gitna.” Suggestion ko.

“Pero malikot ako matulog. Baka—” Sabi nya.

“Baka ano?” Tanong ko.

“Ah. Wa-wala. Hehe.” Natatawang sagot nya!


Pagkatapos namin ni Ethan mag-ayos ng mga gamit, lumabas na kami ng mansyon. Sa garden daw kami kakain ng miryenda. Bongga!

Pagdating namin dun, nakita ko na nakahanda na ang food sa table at ready to eat na ang apat na halimaw pati na rin ang Xylene na yun. At mukhang nagkakasayahan pa sila. Pwera lang kay Kuya Ace. Lamnyo na kung baket. Haha.

“Ser, kumain na po kayo.” Kuda ni Aling Greta.

“Ah. Sige ho. Salamat ho ulit Aling Greta.” Sagot ni Ethan.

“Kung may kailangan pa po kayo Ser tawagin nyo lang po ako.”

“Sige ho. Salamat.” Nakangiting say ni Ethan at naglakad na papasok sa loob si Aling Greta.

“Ethan? Si Aling Greta lang ba mag-isang nagbabantay ng mansyon nyo?” Tanong ko. Nakakaloka naman kasi. Sya lang yung nakita naming tao dito bukod sa amin.

“Hindi. Kasama nya yung asawa nya na si Manong Bert. Yung hardinero namin dito.” Sagot nya.

“Eh nasaan sya?” Tanong ko ulit.

“Baka nasa bukid, pagwala na kasing ginagawa dito si Manong nagpupunta sya dun para sa mga alaga nyang mga pananim.” Sagot nya.

“Ah. Okay.”

“Tara, kain na tayo.” Aya nya kaya gumorabells na kami papunta sa table.

“Fit! Dito ka sa tabi ko umupo.” Nakangiting sabi ni Kuya Ace.

“Ah. Okay po.” Sagot ko at umupo na ako sa tabi nya.

Naloka ako ng bigla nya akong akbayan! Ambigat!

“So what do you want to eat? Ikukuha na kita?” Nakangiti nyang tanong! Mygassh! Anubeeee!

“Gu-gusto ko nun, iyon, iyon pa, tsaka iyon at iyon.” Isa isa kong tinuro ang mga gusto kong kainin.

Pitchi pitchi, biko, palabok, palitao tapos ensaymada. Yung mga tinuro ko. Ahahaha. Ang dami. Eh sa gutom ako eh. Baket ba?!

“Hehe. Ang dami. Okay.” Nakangising sabi ni Kuya Ace at nilagyan nya na yung pinggan ko ng mga pagkaing tinuro ko.

“Hinay hinay lang Fita. Mabigat sa tyan yang mga yan. Hehe.” Sabi naman ni Ethan.

Nakuurrr. Walang mabigat sa tiyan ko noh! Lahat magaan! Basta masarap! Charooot! Ahahahaha.

“Axe, gusto ko din nun. Can you give me one?” Pabebeng utos ng Xylene na to kay Kuya Axe.

“Sure.” Sagot ni Kuya Axe sabay kuha nung food na gusto ng Xylene na yun. “Ano pa? Ano pang gusto mo?” Tanong pa nito.

“I want also that.” Sagot nya sabay turo sa pitchi pitchi.

“Napakatahimik pala dito.” Sabi ni Kuya Ash.

“Yeah. Malayo kasi to sa kabayanan.” Sagot ni Ethan.

“Oo nga. Mag-soundtrip nalang muna tayo para masaya.” Ani Kuya Air at nagpatugtog sya ng music sa maliit na speaker na dala nya.

Makalipas ang ilang minutong kainan, bigla kong naramdaman ang pagtawag ni inang kalikasan! Mygaaassh! Kumukulo ang tiyan ko! I need to go to cr! Nabigla ata yung tiyan ko! Tama nga si Ethan! Ang bigat nga sa tiyan! Ang takaw ko kasi eh! Huhuhu.

“Uhm. Ethan? Magji-jinggle bells lang ako. San yung cr?” Tanong ko. Sa laki ng mansyon nila, hindi ko alam kung san yun matatagpuan.

“Dire-diretsohin mo lang yung pintong yun. Nandun na yung cr.” Sagot nya sabay turo sa pintong yun na kulay brown.

“Ah. Okay. Thank you!” Kuda ko at nagmadali akong rumampa papunta dun.

Pagdating ko sa cr, inilabas ko na ang dapat ilabas! Ahahaha! Success!!!!

After kong maglabas ng sama ng loob, lumabas na ako para ipagpatuloy muli ang pagkain. Bigla ulit akong nagutom eh. Ahahahahoho.

Pero na-shocked ang beauty ko ng pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin ang Xylene na to. Mygaash!

“Let’s talk.” Taas kilay nyang sabi.

“Ha? Ano naman ang pag-uusapan natin?” Tanong ko.

“About Ace.” Sagot nya.

“Ano naman ang pag-uusapan natin tungkol sa kanya?” Tanong ko ulit.

“Are you aware that Ace and I had relationship?” Tanong nya!

“Yes. I know that.” Sagot ko. English kung english! Ganon!

“And are you aware that your four stepbrothers were crazily in love with me before?” Taas kilay nya ulit na tanong.

“Yes. I know that.” Sagot ko ulit. “But as you said, it was before so don’t and never assume that they’re still crazily in love with you.” Dagdag ko pa. Paaaakk! Laban! Kala mo ha!

“Are you sure with that? Iba kasi ang nararamdaman ko at ipinapakita nila. Wala pa rin silang pinagbago. Ganon pa rin ang trato nila sa akin, just like before. Kaya we can’t say that their feelings for me have faded.” Confident nyang sagot. “And in addition, I don’t think that Ace could love a person like you dahil alam ko. Ako pa rin ang mahal nya. I know how much he loves me.” Dagdag nya pa.

In your dreams! Si Kuya Ace na mismo ang nagsabi noh! Ashumera ka talagang babae ka. Pektusan kita dyan eh.

“You’re not sure about that. Dahil si Kuya Ace na mismo ang nagsabi sa akin. Wala na syang nararamdaman pa sayo. Dahil iniwan mo sya.” Sagot ko.

“Sinabi nya lang yan para umasa ka, but deep inside he still loves me. Ramdam ko yun. And I think, ginagawa ka lang nyang paraan para iwasan ako. Nagiging sweet sya sayo dahil gusto nyang ipakita sa akin na wala na syang nararamdaman pa for me. Ginagamit ka lang nya para ipakita sa akin na naka move on na sya kahit ang totoo nyan hindi pa.” Sagot nya.

“Hindi ko alam kung saan nangagaling yang mga sinasabi mo. Masayado ko naman yatang nagagandahan sa sarili mo.” Pagtataray ko.

“Yeah. I know I’m beautiful and Iam proud of it. Kasi nga babae ako. Eh ikaw?” Mapangmatang sabi nya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa!

Pigilan nyo ako mga besssh! Ifa-flush ko talaga sa inidoro ang babaeng to! Kagigil! Grrrrr!

“Hindi mo ba napapansin? Pasulyap sulyap si Ace sa akin? Dahil alam ko miss na miss nya na ako. At ramdam na ramdam ko na sabik na sabik na sya sa akin. Pero pilit nya lang yung tinatago. Hindi mo alam kung gaano nya ako kamahal, at kung gaano sya nasaktan sa pag-alis ko. Ganon nya ako kamahal. Try to ask him, papiliin mo sya between you and me. Let’s see kung sino ang pipiliin nya. Ang babaeng magandang gaya ko? O isang tulad mo na… Alam mo na.” Kuda nyaaa sabay tawa!!!!

Nasaan ang itak! Ilabas ang itak! Tatadtarin ko ng pinong pino ang babaeng to! Grrrrrrr. Naramdaman ko na parang naiiyak na ako! Pero hindi ko dapat ipakita sa kanya na mahina ako! I’m strong! And I have to be strong! Kaya lang, nasaksaktan na ako sa mga sinasabi nya.

At nagdadalawang isip na tuloy ako. Kung totoo ba, o hindi ang mga sinasabi nya!!!!!

“Excuse me. Babalik na ako sa kanila.” Kuda ko sabay lakad paalis.

“Isipin mo ang mga sinabi ko. Para hindi kana masaktan pa sa huli dear.” Rinig kong sabi nya! Kaya nagmadali na akong lumabas.

Hindi ko alam. Pero nagugguluhan tuloy ako sa mga sinabi ng babaeng impakta na yun. Sana hindi yun totoo! Sana lang! Dahil kung totoo yun! Hindi ko na alam ang gagawin ko!


Itutuloy. . .

Paaakkk 53


• FITA’S POV •

Hindi ko alam pero naapektuhan talaga ang beauty ko sa mga sinabi ng bruhang Xylene na yun. Bigla tuloy akong nagduda kay Kuya Ace at sa tatlo pang halimaw. Hindi ko alam kung totoo ba talagang gusto nila ako. Huhuhuhu.

Tapos na kaming mag-dinner, ang apat na halimaw ay nasa sala kasama ang Xylene na yun at nanunuod sila ng movie. Si Ethan naman abala sa pagtulong kay Aling Greta sa pagliligpit sa kusina. Samantalang ako? Mag-isang nakatayo dito sa may terrace sa may labas ng mansyon.

“Where’s Fita?” Tanong ni Kuya Ace kila Kuya.

“Nasa labas yata.” Sagot ni Kuya Ash.

Napatingin si Kuya Ace sa kinaroroonan ko. Nagkatinginan kami at nginitian nya ako. Naglakad sya papuntan sa akin.

“Bakit nag-iisa ka dyan?” Tanong nya.

“Ah. Wa-wala naman. Nagpapahangin lang ako.” Sagot ko.

“Tara sa sala, maganda yung movie na pinapanuod namin.” Alok nya.

“Sige, kayo nalang. Hindi ako mahilig sa action movie eh.” Sagot ko.

Action movie kasi pinapanuod nila. Yung bida si Tom Cruise! Tapos puro barilan pa yung ginagawa. Mygaad! Yuko nun. Gusto ko mga Disney movie ganun! Ahahaha.

“Eh ano bang movie ang gusto mo? Baka meron akong kopya sa flashdrive ko.” Sabi nya.

“Mga Disney movie ganon. I’m sure naman na wala ka nun. Kaya huwag na lang.” Kuda ko.

Napangiti sya sa sinabi ko.

“Bakit ngumingiti ka dyan?” Tanong ko.

“Disney talaga? Para ka parin palang bata. Hehe.” Sabe nya!

Grabe sya! Porket mahilig sa Disney pang bata na agad? Hindi ba pwedeng pakiramdam ko lang isa ako sa mga Disney princess! Ganun! Kaloka!

“Sige na. Bumalik ka na dun. May na-skip ka tuloy na scene dun sa movie na pinapanuod nyo.” Aniko.

“Uy. Joke lang naman yung sinabi ko. Nagalit kaba?” Biglang tanong nya.

“Hindi. Sige na. Gusto ko lang talagang mapag-isa.” Sagot ko.

“Bakit? May problema ba?” Seryosong tanong nya.

“Wa-wala naman.” Sagot ko.

“You will not act like that kung wala kang problema. Ano ba kasi yun?” Pangungulit nya.

“Wala nga. Sige na Kuya. Bumalik ka na dun.” Sagot ko.

“Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang problema mo.” Matigas nyang sabeee!

“Wala nga. Kulit.”

“Meron. Sabihin mo na.”

“Wala.”

“Meron. Ano nga kasi yun?”

“Wala.” Sagot ko ulit.

Hinawakan nya yung magkabila kong balikat. Tapos tumitig sya sa mga mata ko! Megeed!

“Sabihin mo na. Ayukong nakikita kang ganiyan.” Seryosong sabi nya.

Gooossshh! Hindi pwede! Hindi ko pwedeng sabihin na kaya ako nagkakaganito dahil sa impaktang Xylene na yun.

“What if kung papipiliin ka? Ang isang magandang babae na ubod ng sexy o ang isang gaya kong sirena na walang matres?” Seryoso kong tanong sa kanya.

“Why are you asking something like that out of the blue?” Tanong nya.

“Basta. Sagutin mo nalang.”

“Syempre ikaw. Aanhin ko ang babaeng maganda at ubod ng sexy kung hindi ko naman yun mahal.” Sagot nya.

“Paano kung si Xylene yung babaeng yun. Pipiliin mo ba sya o ako?” Tanong ko. Wala namang ideya si Kuya Ace na alam ko na may past sila ni Xylene. Kaya okay lang na gawin kong example ang bruhang babaeng yun.

Natahimik si Kuya Ace! Hindi sya nakasagot! Ohmyyyyy! Ibig sabihin ba nito? Totoo? Totoo yung sinasabi ng bruhang yun na mas pipiliin sya ni Kuya Ace kesa sa akin!!!!!

Nooooo waaayyy!!!! Huhuhuhu!

“Pasok na ako sa loob. Mauna na ko. Bye.” Kuda ko sabay walk out!

Sinungaling sya! Sabi nya wala na syang nararamdaman sa babaeng yun! Pero bakit hindi sya nakasagot! Silence means yes! Means yes! Means yes! Ganun! Ansakeeet! Nagsinungaling sya!

Umakyat na ako sa room namin ni Ethan, humiga agad ako sa kama. Tumingin ako sa kisame!

“Sabi mo ako lang ang gusto mo! Sinungaling!” Imbyernang kuda ko sabay nato ng unan!

Nakakainis! Kaya pala confident na confident ang bruhang Xylene na yun sa mga sinabi nya sa akin dahil totoo lahat yun! Ngayon, feeling ko mas pipiliin din nila Kuya Axe, Air at Ash si Xylene kesa sa isang bading na gaya ko!

Ano nga ba ang gusto ng mga lalaki? Edi babae! Babaeng maganda! Babaeng makinis! Babaeng sexy! At ang babaeng iyun ay walang iba kundi ang bruhang Xylene na yun!

Ano nga ba ang laban ko sa mga babae? Edi wala! May boobs sila! May matres sila! Eh ako? Wala! Wala! Wala! Wala! Wala! Huhuhuhu!

Narinig ko na may kumatok sa may pinto.“Fita?!” Pagtawag ng isang boses. At hindi ako maaring magkamali, kay Ethan yun. Mabilis kong pinunasan yung luha ko.

Mygaaad! Naiyak na pala ako sa kadramahan ko. Huhuhuhu.

Naglakad ako papuntang pinto at binuksan ko yun.

“Bakit mo ni-lock?” Tanong nya.

“Ah. Ano. Kasi, kuwan. Nagpalit lang ako ng damit. Haha.” Sagot ko.

“Eh, iyan pa rin naman ang suot mo.” Sabi nya.

“Ha? Hindi no. Iba na to. Dalawa kasi yung ganito kong damit.” Palusot ko.

“Ah. Okay.” Ang nasabi nya nalang. “Ayaw mo bang samahan ang mga Kuya mo sa baba? Nanunuod sila ng movie.” Tanong nya.

“Ayuko. Inaantok na ako. Gusto ko ng magpahinga.” Sagot ko.

“Ah. Ganon ba. Mahiga ka na, mukha ngang pagod ka.” Sabi nya. “By the way, bukas may exciting tayong gagawin.” Dagdag nya pa.

“Ha? Exciting? Ano naman yun?” Tanong ko.

“Basta. Surprise yun. Kaya matulog kana at magpahinga, siguradong mapapagod ka bukas.” Nakangiting sabi nya.

Ayyy kaloka! Anong kaya yung exciting na gagawin namin??! Bigla tuloy akong na-excite! Ahahaha! Kaya nga exciting! Kasi nakaka-excite. Anubee Fita!

“Okay. Sige. Matutulog na ako. Good night! Sweet dreams!” Kuda ko sabay smile! Ganern!

“Good night. Sweet dreams.” Sagot nya naman. Kaya nahiga na akonsa Kama namin ni Ethan. Naglagay ako ng tatalong unan sa pagitan namin. At ipinikit ko na ang mata ko!

Good night everyone! Matutulog na ako! Gusto ko munang makalimot sa mga nangyari kanina. Tama na ang pag-iyak! Matulog nalang tayo. Sana paggising ko, wala na tong big at sa feelings ko. Huhuhu.

pikit mata


open eyes

Nagising ako dahil may naramdaman akong humawak sa mukha ko. At nang kusutin ko ang mata ko, mukha ni Ethan ang bumungad sa akin!

Awwww! Ang gwapoooo. Hindi ko na kailangan ng breakfast! Busog na agad ako sa kenye. Ahohoho.

“Good morning.” Pagbati ko sa kanya sabay smile.

“Gabi pa rin. Wala pang morning.” Nakangiti nyang sabi.

Haaaa??? Anong dawww? Gabi pa rin???

Napatingin ako sa bintana at , Oo nga! Madalim pa sa labas! So gabi pa nga lang???

“Matulog ka na ulit.” Ani Ethan sabay pisil sa Ilong ko. Mygaasssh.

Pero wait?!! Bakit ganito na kaming kalapit ni Ethan???? May nilagay akong unan sa pagitan namin wah! Eh san na yun napunta??? Mygaad!

“Na-nasaan yung unan sa gitna natin?” Tanong ko.

“Inalis ko.” Nakangiti nang sagot!

“Ha?! Baket mo inalis! Kaloka ka!” Gulat kong sabi.

“Gusto kasi kitang makatabi, mayakap. Kahit ngayon lang.” Sagot nyaaa!

Anoooo dawwww?! Homygaaaaddd! Juskoooorr! Gising ba talaga ako o nananginip lang?!

“E-ethan! A-ano ba yang si-sinasabi mo.” Kuda ko.

Pero naloka ako ng inilapit nya pa ang sarili nya sa akin at bigla nya nalang akong niyakap ng mahigpit! Juskkooooopooo talagaaaa!

“Kahit ngayon lang.” Bulong nya sa tenga ko!

“E-ethan. Ba-bakit k-ka ga-ganyan?” Kinakabahang tanong ko.

Mygad! Yung puso ko, walang humpay sa pagkalabog! Tog! Tog! Tog! Ganern!

“May nalaman ako.” Sabi nya.

“A-ano yung nalaman mo?” Tanong ko. Gooosssh! Kinakapos na ako ng hininga! Ang higpit talaga ng yakap nya! Jossko.

“May gusto ka pala sa akin.” Sagot nya at napatawa pa sya!

Huwhaaattt?!!! Kanino nya yun nalaman!!!! Megeeed! Nooo waaay!

“Hi-hindi yan to-totoo. Si-sino naman ang nagsabi sayo n-nyan?” Tanong ko.

“Huwag ka ng magkaila. Alam ko na ang totoo. While you’re sleepin, narinig ko kanina ang mga Kuya mo na nag-uusap sa may sala. It is not my intention to hear their conversation, napadaan lang ako nun and I heard from them that you like me. Matagal mo na pala akong gusto.” Sabe nya!!!

OHMYLOOORD! Wala na! Nalaman nya na! Itatanggi ko pa ba?! Eh narinig nya na pala lahat sa mga halimaw na yun! Rwwwrrr.

“Selos na selos pala sa akin ang mga Kuya mo. Hindi sila mapakali dahil tayo ang magkasama dito sa kwarto. Natatawa nalang ako sa reaksyon nila.” Kuda nya.

“To-totoo? Na-nagseselos sila sayo?” Tanong ko. Kinalas ni Ethan ang mahigpit nyang yakap sa akin. Inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko! Jusko!

“Oo.” Maiksi nyang sagot. “Pero sorry nalang sila. Mukhang tuloy tuloy na ang pagseselos nila dahil isa na rin ako sa kakompitensya nila sayo.” Seryoso nya pang sabi!

“A-ano?!” Gulat kong sabi.

“Kung noon, tinanggap ko agad na hanggang magkaibigan nalang tayo dahil akala ko nun yon lang yung tingin mo sa akin, ngayon hindi ko na hahayaang mapunta ka sa isa sa mga Kuya mo. Ngayon pang nalaman ko na gusto mo din pala ako, malaki pala ang laban ko sayo. Kaya hindi ako magpapatalo sa kanila.” Mahabang sabi nya! Hinawakan nya yung mukha ko at tumitig sya ng sobrang seryoso sa mata ko. “I-I like you, and you should be mine.” Dagdag nya pa!

Unti unting nagpa-process sa utak ko ang bawat words na binitiwan ni Ethan! At nang matapos na ang processing! Nalaglag nalang yung panga ko sa sobrang pagkabigla sa mga sinabi nya!!!!

MYGAAAADD!

Is this really the reality? O nanaginip lang ako!!!! Hindi! Noooo! Totoo ba talagang sinabi yun ni Ethan! Mygaash! I can’t believe this is happening!

Anubeeeee! Bakit naman ganito. Palagai nalang akong nagugulat sa mga susunod na eksena! Sana naman author i-inform mo muna ako! Para naman mapaghandaan ng beauty ko ang mga shocking moments na ito! Mygaaad.

So? Ngayon? Ano na ang gagawin ko?! Gugupitin ko na ba ang buhok ko at gagawin kong relief goods at ipapamahagi ko sa mga chakang nasalanta?! Anooo? Megeedd.


Itutuloy. . .

Paaakkk 54

Happy

500k+ Reads! Thanks mhga besshy! Umabot na tayo ng kalahating milyon! Ahahaha. 😁👌


• FITA’S POV •

“Kokak! Kokak! Kokak!” Kuda ng mga palaka dito sa malawak na palayan ni Manong Bert!

Si Manong Bert yung asawa ni Aling Greta na care taker nila Ethan sa mansyon nila. Remember ba mga bessh? Ahahaha.

“Iwww! Those frogs!” Pag-iinarte ng Xylene na to! Grrr. Sarap nyang isubsub sa putikan. Kagigil. Megged.

“Ano bang ginagawa natin dito?” Medyo inis na tanong ni Kuya Axe!

“Nandito tayo para tulungan si Manong Bert sa pagtatanim ng palay.” Sagot ni Ethan..

Omyggash! Seriously? Kameee??? Magtatanim kami ng palay! Kaloka naman tong si Ethan!

“Seriously? Pagtatanimin mo kami ng palay?” Iritang tanong ni Kuya Axe!

“Yeah. Pero kung ayaw nyo hindi ko naman kayo pipilitin.” Sagot naman ni Ethan.

“If that’s the case, I’ll sit here and I’ll watch you plant those rice seeds.” Kuda naman ni Kuya Ace at mabilis syang umupo sa may gilid ng puno ng mangga.

“I’ll never do that.” Sabi naman ni Kuya Ash at tinabihan nya si Kuya Ace.

“I-I’m not in the mood to do that.” Kuda naman ni Kuya Air at sumunod din sya kay Kuya Ash.

“So am I.” Pahabol pa ni Kuya Axe at naupo din sya sa gilid ng puno ng mangga.

“Well, even if you give me a million dollar, I’ll never do that thing. Okay.” Kuda naman ng Xylene na to! At mabilis syang rumampa papunta kila Kuya! Grrrr. Wala akong pakeeee!

“Ethan? Seryoso kaba? Tayo magtatanim ng palay?” Tanong ko.

“Yup. This is the exciting thing that I told to you last night.” Nakangiti nyang tanong.

Huwhaaat? Ito? Ito yung exciting thing na sinasabi nya? Mygaash! May nakaka-excite ba sa pagtatanim ng palay! Kaloka!

“Nagbibiro ka lang diba?” Tanong ko sa kanya.

“No, I’m not.” Sagot nya sabay ngiti. “Ayaw mo ba?” Tanong nya pa.

Juskoooo. Do I need to be honest? Kailangan ko bang sabihin sa kanya na YES! AYOKO. HINDI NAMAN EXCITING YUNG PAGTATANIM NG PALAY! Mygaaad.

“Syempre gusto ko! Never ko pang na-experience gawin yan. So I wanna try.” Nakangiti kong sagot.

Wala. Wala na talaga. Hindi ko talaga kayang hindi-an si Ethan. Lagi nalang akong napapa-Oo sa kanya. Joskooo.

“Great! So let’s start!” Excited nyang sabi. Lumapit sya kay Manong Bert at kinuha nya yung punla ng mga palay. Iyun daw yung itatanim namin dito sa putikan.

In-expect ko na, na tatanggihan ng apat na halimaw na yun ang ideyang ito ni Ethan. Lalong lalo na ang Xylene na yun! Sya ang reyna ng kaartehan. Kagigil. Grrrrr.

Pinagsuot ako ni Ethan ng parang pajama at long sleeve na damit at pinagsuot nya din ako ng sumbrerong pang magsasaka. Oh diba??? Pang magsasaka na ang OOTD ko ngayon! Kaloka! Ahahaha.

Wala akong karapatang mag-inarte, dahil sa putikan din naman kami galing ni mudra at hindi ko yun nakakalimutan. Mahirap kami, dukha, patay gutom! Ganern! Kaya kering keri ng beauty ko ang planting session na ito!

“Fita?! Are you going with him?” Tanong ni Kuya Axe.

“Yes. Hindi ba obvious sa outfit ko Kuya? Mukha namang masaya eh.” Sagot ko.

“You didn’t know what are those things under that mud, baka may kung anong bagay ang kumagat o sumugat sayo.” Sabe nya pa.

“Ano kaba Kuya! Putik lang yan.” Sagot ko.“ Tara na Ethan, let’s start our planting session.“ Pagbaling ko naman kay Ethan.

“Okay.” Nakangit nyang sagot! Awwwww! Megeeed! Ang gwpooooo. Ahohoho.

“They’re crazy.” Rinig kong sabi ng bruhang Xylene na yun! Nakuuur! Babatuhin kita ng putik dyan makita mo!

Sinimulan na namin ang pagtatanim, ibabaon lang pala namin sa putik itong punla ng mga palay and that’s it! Pero dapat daw naka-line sila, meaning dapat diretcho! Ganern!

“Ethan? Matanong ko lang? Hindi kaba nandidiri sa putik? Kasi diba? Anak mayaman ka tapos para sayo exciting tong ginagawa natin na pagtatanim ng palay? Sakin kasi okay lang, kasi sanay naman ako sa ganitong pang-dukhang gawain pero ikaw? Nakakagulat.” Tanong ko.

“Bata palang ako tinutulungan ko na si Manong Bert sa pagtatanim. Ang boring kasi sa mansyon kaya I tried to find something na mapaglilibangan ko. And I found this planting of rice seeds an exciting habit. Nakita mo naman, na wala kaming kahit isang kapit bahay kaya wala akong makalaro nung bata pa ako. Kaya instead of playing alone tinulungan ko nalang si Manong Bert dito sa palayan, at ang sarap sa pakiramdam kapag umusbong, yumabong at lumago na yung mga palay. Kasi makikita mo yung bunga ng paghihirap mo sa pagtatanim.” Mahabang sagot nya.

Nakakaloka. Alone pala itong si Ethan nung kabataan nya kaya imbes na maglaro, nagtanim nalang sya ng mga palay! Iba din pala ang trip nya in his childhood days! Meggeed. Pero nakakatuwang isipin na kahit mayaman sya, eh wala syang ka arte arte sa katawan! Ganun ang gusto ko! Yung walang kaartehan! Ganern!

“Fita, hindi ganyan .” Kuda ni Ethan pagkatapos kong maibaon ang punla ng palay!

“Ha? Bakit? Mali ba?” Tanong ko.

“Ganito dapat.” Sagot nya at ipinakita nya sa akin kung paano ibaon yung punla.

“Ah. Okay! Gets ko na.” Say ko naman sabay baon ulit ng punla.

“No, no. Hindi ganyan.” Kuda ulit ni Ethan!

“Eh. Paano ba?” Tanong ko.

“Ganito lang.” Sagot nya at naloka ako ng hawakan nya yung dalawang kamay ko! “Huwag mong bibiglain ang pagbaon, dapat dahan dahan lang and you need to make sure na dapat nakabaon talaga sya ng maigi.” Dagdag nya pa at inalalayan nya yung kamay ko sa pagbaon ng punla.

Joskooooo! Hindi ako makahinga mga besssh! Dikit na dikit sa akin si Ethan! Damang dama ko ang tigas ng katawan nya. Ahahaha. Megeed.

“Ah. O-okay. A-alam ko na.” Sabi ko.


• AUTHOR’S NARRATION •

“They’re sweet. Talaga bang hindi sila?” Tanong ni Xylene kina Axe, Air, Ash at Ace.

“Hindi! Hindi sila! At hindi pwedeng maging sila. Hindi sila bagay.” Matigas na sagot ni Axe dito.

“Yang Ethan na yan! Mukhang pumaparaan kay Fit!” Inis na sabi naman ni Ace.

“And look at Fita’s face. Pulang pula na sya! Shit! Kilig na kilig pa yata sya.” Dagdag pa ni Ash.

“Relax Bros, anong magagawa natin? Eh si Ethan naman talaga ang gusto nya kaya huwag na tayong magtaka kung mamula sya ng ganiyan.” Saad naman ni Air.

“Why they’re talking in that way? May gusto ba sila sa baklang yun?” Tanong ni Xylene sa kaniyang isipan dahil kanina pa sya nagtataka sa pagka-inis ng apat na magkakapatid kay Ethan. “No way! It’s impossible!” Dagdag nya pa.

“I can do something! I’ll interrupt their sweet moment!” Singhal ni Axe at mabilis syang naglakad palapit kila Ethan.

Pagkalapit ni Axe kila Ethan, nagulat si Fita nang makita nya ito.

“K-Kuya? Bakit nandito ka?” Gulat na tanong ni Fita. Hindi sya makapaniwala na magagawang maglulusong ni Axe sa putikan.

“Gu-gusto ko ding tumulong.” Sagot ni Axe.

“Are you sure?” Tanong ni Ethan.

“Very sure. So show me how to do it.” Sagot nito.

Ipinakita naman ni Ethan kay Axe kung paano ang tamang pagtatanim ng punla ng palay. At nang malaman na ni Axe kung paano iyon gagawin sinimulan nya na rin ang pagtatanim.

“Akala ko ba ayaw mo?” Tanong Fita kay Axe.

“Napilitan lang ako.” Sagot ni Axe.

“Ha?! Anong napilitan sinasabi mo dyan?” Tanong ni Fita habang patuloy pa din sya sa pagtatanim.

“Lumalandi ka na naman kasi, porque malayo kami sayo nilalandi mo na si Ethan! Kitang kita namin kung paano kayo magharutan!” Pabulong pero inis na sagot ni Axe dito. Hininaan ni Axe ang boses nya dahil nasa tabi lang ni Fita si Ethan.

“Ano?! Anong lumalandi sinasabi mo dyan! Tseeee! Hindi no! Nagkakatuwaan lang kami!” Singhal naman ni Fita kay Axe.

“May problema ba?” Pag-eksena ni Ethan sa pag-uusap ng dalawa nang marinig nyang tumaas ang boses ni Fita.

“Ah. Wa-wala naman Ethan. Haha.” Natatawang palusot ni Fita. “Bumalik ka na nga dun Kuya!” Pagbaling niya kay Axe.

“I’ll stay here. Hindi kita hahayaang landiin pa yang Ethan na yan!” Matigas na sagot ni Axe. “Ako lang dapat ang nilalandi mo at hindi ang kung sinu-sino!” Dagdag nya pa.

“Ewan ko sayo! Landiin mo yang mukha mo.” Mataray na sagot ni Fita dito at naglakad sya palapit kay Ethan.

“Aaaah! Shit!” Biglang sigaw ni Axe habang nakaupo sya sa putikan!

“Ku-Kuya! Bakit? Napano ka?” Gulat na tanong ni Fita at mabilis syang lumapit kay Axe.

“What happened Bro?” Tanong din ni Ethan.

“Yung paa ko! Ah! Ang sakit!” Sagot ni Axe habang namimilipit sya sa sakit.

“Kuya! San? Anong paa? San yung masakit?” Alalang tanong ni Fita. Umupo na rin sya sa putikan at hinawakan nya yung paa ni Axe.

“HAHAHAHA! Just kidding!” Tawang tawang saad ni Axe at mabilis nyang pinahiran ng putik sa mukha si Fita.

“Kuya! Ikaw! Boset ka!” Galit na galit na sabi ni Fita.

Nang makita ni Axe ang galit na mukha ni Fita, mabilis syang tumakbo palayo.

“HAHAHA. Come and get me.” Pang-aasar pa ni Axe sabay kindat kay Fita.

“Humanda ka sa aking halimaw ka! Lulunurin kita sa putikan!” Galit na tugon ni Fita at mabilis syang tumakbo para habulin si Axe!

“Kung mahuhuli mo ko.” Sagot namsn ni Axe at mabilis din syang tumakbo para hindi sya maabutan ni Fita.

“Rwwwwrrr! Patay ka talaga sa aking halimaw kaaaaa!” Gigil na gigil na saad ni Fita.

Dinala sina Fita at Axe ng kanilang habulan sa gitnang bahagi ng palayan, kung san hindi na sila tanaw nina Ethan, Xylene at nang tatlo pang magkakapatid.

Pero habang tumatakbo si Axe bigla syang natalisod kaya natumba sya sa putikan at napuno ng putik ang buo nyang katawan.

“HAHAHAHA! Mabuti nga! Karma! Karma yan! Belat!” Natatawang sabi ni Fita kay Axe habang nakatayo sya sa gilid nito.

“Ah ganun. Karma pala hah!” Saad ni Axe at mabilis nyang hinila ang paa ni Fita kaya natumba ito sa kanya.

Pero nagulat ang buong sistema ni Fita nang pagtumba nya kay Axe ay saktong tumama ang labi nya sa labi nito.

Nagulat din si Axe sa nangyari pero imbes na pakawalan si Fita ay buong pwersa nya itong niyakap! Ipinagpatuloy nya ang paghalik kay Fita habang ang isa nyang kamay ay nakahawak sa ulo nito.

Matapos ang mahigit kalahating minuto, ay pinakawalan na ni Axe ang mga labi ni Fita.

“Sa akin ka lang at hindi ko hahayaang mapunta ka sa kahit na sino. Lalong lalo na sa Ethan na yon.” Seryosong saad ni Axe habang nakatitig sya sa mga mata ni Fita.

“Ku-Kuya. Bi-bitawan mo na ako please.” Ani Fita dahil mahigpit parin na nakahawak ang kanang kamay ni Axe sa bewang niya.

“Just a moment. Gusto ko munang mayakap ka.” Ani Axe at hinigpitan nya pa ang pagkakayakap dito. Parehas na silang balot na balot ng putik sa kanilang buong katawan. “Sabay tayo maligo ha.” Nakangisi pa nyang sabi.

“Tseeee! Sabay mo mukha mo! Kapag hindi mo pa ako binitiwan may gagawin ako!” Mataray na sabi ni Fita.

“Ano naman ang gagawin mo?” Nakangiting tanong ni Axe dito.

“Gusto mo talagang malaman?”

“Yup. Say it.”

“I’ll not say it. I’ll do it!” Saad ni Fita at bigla nyang hinagis sa mukha ni Axe ang palakang hawak hawak nya!

“Oh! Shitt!” Gulat na sabi ni Axe sabay tayo mula sa pagkakahiga nya sa putikan.

“Yan ang bagay sayo! HAHAHA!” Natatawang sabi ni Fita.

At muli silang naghabulan sa malawak na palayan habang nanlilimahid sila sa putikan.


Itutuloy. . .

Paaakkk 55


• FITA’S POV •

Hay salamat! Umalis na rin ang bruhang Xylene na yun. Wala ng sagabal sa buhay ko. Rwwwrrr. Ako na ulit ang pinaka maganda. Ahahaha. Chaaarrr.

Tinawagan daw kasi ng pudra ni Ethan ang Xylene na yun, may urgent daw silang pag-uusapan and it seems very important! Ganern. Kaya mabilis na umalis ang bruha. May sundo session pa ngang naganap eh. Dahil may pinadala pang bonggang kotse ang pudra ni Ethan para lang sunduin ang Xylene na yun.

Well, mabuti wala na sya. Umalis na rin ang kontrabida sa buhay ko! Good job author! Alam mo talaga ang gusto ko. Ahahaha.

“Bakit ngumingiti ka dyan?” Tanong sa akin ni Ethan habang kami ay naglalakad papasok sa mansyon. Mygaash!

“Kailangan ko bang maging honest?” Nakangiti kong sagot.

“Of course. Dahil kahit minsan hindi ako nagsinungaling sayo.” Sagot nya.

“Ahaha. Okay. I’m smiling because the bitch has gone.”

“Bitch? Who? Si Xylene ba?” Gulat na tanong nya.

“Yah. Sino pa ba. Alam mo Ethan, unang kita ko dyan kay Xylene akala ko mabaet sya, akala ko hindi sya yung klase ng tao na pang kontrabida. Kasi nga ang ganda ganda nya. Pero ng makilala ko sya. Mygaad. Jusko. Sya na ata ang deserve na gumanap na Velentina sa remake ng Darna!” Honest kong sagot. Ganun!

“Woah! San galing yang mga sinasabi mo? Mabait naman si Xylene, medyo may konting kaartihan nga lang. But I think she’s a nice person.” Aniya.

“You’re wrong. Totally wrong! Kasi bad ang babaeng yun.” Kuda ko at ikinwento ko lahat ng bad side ng babaeng yun kay Ethan pati ang mga masasakit na salitang sinabi nya sa akin!

“Nakakagulat. Ganun pala syang klaseng babae.” Shocked nyang sabi pagkatapos kong ma-ikwento ang lahat.

“Yah! Kaya sobrang init na talaga ng dugo ko sa kaniya. Ako nalang ang umiiwas kasi ayuko na ng gulo.” Sagot ko.

“Hehe. Relax. Tara sa loob, let’s eat some ice cream para lumamig yang dugo mo.” Natatawang sabi ni Ethan.

“Okay! Go ako dyan!” Excited kong sagot. Kapag talaga pagkain, nabubuhayan ako ng dugo. Ahahaha.

Matakaw Mode On!

Pagpasok namin ni Ethan sa loob, naabutan naming naglalaro ng kung ano kemerut ang apat na halimaw. Ano kaya yung nilalaro nila?

“Ano yang nilalaro nyo?” Etchusera kong tanong.

“It’s Jenga.” Sagot ni Ethan.

“Ha? Jenga? Ano yun?” Gulong gulong tanong ko ulit.

“Nakikita mo ang mga blocks na to?” Tanong ni Kuya Axe.

“Of course. May mata ako noh.” Sagot ko.

“Jenga consist of 54 blocks and the players must build a tower using those blocks. After building a tower, the players need to remove the other blocks in the lower part or in any part of the tower to build a higher tower. In short, pagkatapos makabuo ng tower kailangang alisin ng mga players ang mga blocks na nasa ibabang part or kahit saang part nila gusto para mas pataasin pa ang tower.” Explain ni Kuya Axe.

“Oh. Okay. Eh paano kung matumba ang tower habang inaalis mo yung blocks sa ibabang part?” Tanong ko.

“Then you need to do the consequences and the game will start again.” Sagot ni Kuya Ash.

“Oh. Okay. Parang masaya yan ha.” Kuda ko.

“You can play with us.” Nakangiting sabi ni Kuya Ace. Myggash! Ngayon nya lang yata ako pinansin. Pero, sorry nalang sya. Wala pa ako sa mood para pansinin sya. Ang sakit parin nung pagsisinungaling nya sa akin. Sabi nya gusto nya ako, pero mahal nya pa pala ang Xylene na yun. Grrrrr.

“May I join too?” Tanong naman ni Ethan.

“We can’t say no, yes you may.” Sagot naman ni Kuya Air. Kaya naupo na kami ni Ethan sa couch.

Nakapaikot ang tatlong couch sa isang table dito sa sala, magkatabi sina Kuya Ash at Axe, sina Kuya Air at Ace at kaming naman ni Ethan ang magkatabi. Ganun.

“So what’s the consequence kapag natumaba ang tower?” Tanong ni Ethan.

“Well… I think…” Nag-iisip na sabi ni Kuya Axe.

“Someone is going to remove each thing he wears every time na matutumba nya ang tower.” Biglang sagot ni Kuya Ace!

“Ano! No way!” Gulat kong sabi! Myggaaad naman! Bakit ganiyan ang consequence! Kailangan talagang maghubad! Josko!

“I think that’s a nice consequence. So let’s start?” Nakangiting sabi ni Ethan!

Ethan?! Ikaw ba talaga yan! Anong nice consequence! Eh ngayon lang ako maglalaro ng Jenga na yan! Anong alam ko dyan! Baka mamaya makita na nila lahat lahat sa akin kapag nagkataon! Noooo! Waaayyy!

“Ayaw na ako.” Kuda ko sabay tayo.

“You can’t leave. Once you say you will play, you must play!” Matigas na sabi ni Kuya Ace. Aba! Talagang tinaasan nya pa ako ng boses!

“Tseeee! Ayuko. Hindi ako maglalaro nyan. Bakit kasi ganiyan ang consequence nyo!” Imbyernang kuda ko.

“Then let’s change the consequence.” Ani Kuya Air.

“Good idea Kuya! Ibahin na lang nga.” Pag-sang ayon ko.

“Fita? Okay lang naman yung consequence, there’s nothing wrong. Ano naman kung maghubad tayo dito, eh pare-parehas naman tayong mga lalaki.” Kuda ni Ethan!

Anooo dawww?! Pare-parehas na lalaki?! Of course nooot! Babae ako! Babaeeee! Perioood!

“Ayuko. Babae ako no. From soul to bone to heart!” Sagot ko.

“Let’s play. Just stay here. Please.” Sabi ni Ethan at tumitig sya na para bang nagmamakaawa sya sa akin.

Mygaaad Ethan! Don’t look at me like that! Baka mapa-oo na naman ako! Please! Don’t. Doooooooont!

“O-osige na nga!” Sagot ko sabay upo!

Mygaaassh! Talaga! Bakit ba hindi ko matanggihan si Ethan! Huhuhu! Ganito na ba ako ka patay na patay sa kanya! Jossskkooo.

“So let’s start!” Ani Kuya Axe at nagsimula na kaming maglaro.

Isa isa naming pinagpatong patong ang mga blocks hanggang sa makabuo na kaming ng tower!

“Now let’s start the new level.” Excited na sabi ni Kuya Ash at sya ang na unang nagtanggal ng isang block mula sa ibaba ng tower. Dahan dahan nya yung tinanggal! At ayun! Natanggal nya at ipinatong nya yun sa pinakataas ng tower!

“It’s your turn Ethan.” Sabi ni Kuya Air kaya naman nagconcentrate si Ethan ng maigi.

Dahan dahan nyang tinanggal ang block sa ibaba pero bigla nalang nyang nasira ang buong tower! Natumba to mga besshhy!

“Ooops!” Ani Ethan matapos nyang matumba ang tower.

“The consequence.” Saad ni Kuya Ace.

Tumayo si Ethan at naloka ako sa sumunod nyang ginawa!!!!! Hinubad nya yung T-shirt na suot nya!

Juskooooo! Ang pandesal! Nasaan na yung palaman! Gusto ko ng kumain! Lumuluwang na naman yung garter ng panty ko mga besssh!!!! Juskoopo.

“Let’s start building the tower again.” Kuda ni Ethan after nyang maghubad ng T-shirt!

Nasa tabi ko lang sya mga besssh! Pigilan nyo ako! Konti nalang makakagat ko na sya! Megeed.

Napatingin ako kila Kuya at naloka ako sa reaksyon ng mga mukha nila! Bakit?! Bakit ganiyan sila makatingin! Parang konti nalang papatayin na nila si Ethan! Josko.

After naming makabuo ulit ng tower, it is now time to remove the blocks na nasa ilalim!

“It’s your turn Fita.” Sabe ni Kuya Air kaya dahan dahan kong inalis yung blocks pero dahil napapatingin ako sa makasalanang katawan ni Ethan! Bigla kong natumba ang tower!

Mygaaaddd! Bad eyes! Bad eyes!

“Remove what you have.” Sabi ni Kuya Ace!

Gosssshhh! Ano bang huhubarin ko? Wala naman akong relo. Nakalimutan ko ring suotin yung kwintas na bigay ni pudra dahil sa ginawa naming pagtatanim ni Ethan ng palay kanina kaya hinubad ko yun!

Juskooo! T-shirt, short at panty lang ang suot ko ngayon! Mygaaaad! So meaning! Kapag naka tatlong tumba ako sa tower, wala na! Makikita na nila lahat!!!! Nooooo! It shouldn’t beee!

Hindi ko yun hahayaang mangyari! Noooooooo! As in big NO! Ganun.

Tumayo ako. “Pumikit kayo!” Utos ko sa kanilang lima dahil titig na titig sila sa akin. Parang hinihintay nila ang susunod kong gagawin!

“At bakit naman kami pipikit?” Tanong ni Kuya Axe.

“Huhubarin ko ang t-shirt ko! Kaya pumikit kayo!” Sagot ko.

“Para namang may makikita kami sayo kapag naghubad ka.” Kuda naman ni Kuya Ace!

“Tseeee! Pipikit kayo o aayaw ako!” Imbyernang sabi ko.

“Fine! Fine!” Irita nilang sabi at sabay sabay silang pumikit. Kaya mabilis kong hinubad ang suot kong t-shirt. Agad kong kinuha yung unan na nasa couch at tinakip ko iyun sa boobs ko!

Meroon ba? Ahahaha! Basta! Meron! Flat nga lang! Ganun!

“Pwede na ba kaming dumilat?” Tanong ni Kuya Air. .

“Pwede na po.” Sagot ko.

Sabay sabay nilang dinilat ang mga Mata nila at nakakaloka! Sabay sabay din silang Lima na tumingin sa katawan ko!!!!

“Kinis ha.” Nakangiting sabi ni Kuya Axe!

“Ang puti.” Dagdag pa ni Kuya Ash!

“Sexy.” Sabi naman ni Kuya Ace sabay sipol pa! Mygaaaad!

“Tseee! Manahimik kayo. Maglaro nalang tayo.” Pagtataray ko.

At nagpatuloy ulit kami sa paglalaro. . . . . . . .

Makalipas ang mahigit kalahating oras. . . . .

Juskooooooo. Ayuko na! Hindi man lang ako in-inform ni Author na may papandesal pala sa chapter na ito! Sana nagtayo na ako ng bakery! Mygaaad!

Hindi ko alam, pero sunod sunod nilang natutumba ang mga tower. Feeling ko sinasadya nila o sadyang nadi-distract lang sila sa akin dahil topless ako???!! Megeed!

Tanging brief nalang ang suot nilang lima!!!!

Si Kuya Axe naka kulay blue na brief! Mygaad!

Si Kuya Ash naka kulay red na brief! Juskoo!

Si Kuya Air naka kulay green na brief! Maryosep!

Si Kuya Ace naka kulay black na brief! Goosssh!

At si Ethan naka kulay white na brief! Ayukooo na!!!!

Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kanila! At jusko! Yung panty ko, may leak na yata! Ahaha! Syempre charooot lunggs!

Pigilan nyo ako mga besss! Baka saniban ako ng espiritu ng mga zombie, bigla ko nalang silang kagatin isa-isa!

Hindi tuloy ako makahinga ng maayos! Kinakapos na ako ng hininga! Yung kamay ko, nanginginig na mga besss! Di ko na keri ito!

“Fita? Are you okay?” Tanong sa akin ni Ethan.

“Ah. O-Oo. A-ayos l-lang a-ako.” Utal kong sagot! Megeed.

“It’s your turn.” Kuda ni Kuya Axe at bigla syang napakamot sa may batok nya! Juskooo! Ang muscles! Yung armpit nya! Ang sereep! Ahaha. Chaaar!

Anubeeee Fita! Umayos ka! It’s your turn! Kailangan mong ayusin! Dahil kapag natumba mo yung tower! Hindi brief, kundi panty nalang din ang matitira sayo!!!

Huminga ako ng malalim. Sabay exhale! Ganun.

Dahan dahan kong inaalis yung blocks, ayan na! Matatanggal ko na …

Pero biglang. . . . .

Biglang natumba yung tower!!!!!!!

MYGAAADDDD! NOOOOOOOOOO!!!!

“Take off something you wear.” Mabilis na sabi ni Kuya Ash!

Noooooo! Hindi ko kaya!!!! Panty nalang ang matitirang suot ko! Juskooooo. Makikita na nila! Yung sexy, flawless, stunning, alluring body ko! Ganern! Ahahaha. Nubeee.

“We’re waiting.” Saad naman ni Kuya Ace habang nakatingin silang lima sa akin!

“Pikit ulit kayo.” Utos ko.

“Na naman!” Inis na sabi ni Kuya Axe!

“Tseee! Sige na! Pumikit na kayo!” Pagtataray ko!

“Pumikit nalang tayo Bros” kuda ni Kuya Air sabay pikit.

“Okay! Okay! Tssk!” Ani Kuya Axe at sabay sabay na silang pumikit.

Dahan dahan kong hinubad ang short na suot ko!!!!!

Mygad! Ang lamig naman dito! I need a hug! Hug talaga?! Ahaha! Charoot!

Nang mahubad ko na ang suot kong short, mabilis kong itinakip yung isa pang unan na nasa couch sa lower part ko!

“Dilat na po kayo.” Kuda ko. At mabilis nilang dinilat ang mga mata nila at sabay sabay ulit silang napatingin sa akin!

Pero naloka ako nang tinitigan nila ng sobrang tagal ang legs ko! At napapalunok pa talaga! Juskooo! Kung ice cream lang ako, malamang baka tunaw na ako ngayon sa init ng titig nila! Megeeed!

“Tama na nga! Huwag nyo na nga akong titigan ng ganiyan! Maglaro na tayo!” Kuda ko. Kinuha ko ang isa pang unan na nasa gilid ng couch para takpan ang legs ko! Masyado kasing na-e-expose!

Gumawa ulit kami ng bagong tower. Pero habang isa-isa naming ipinapatong ang bawat blocks, naloloka ako sa mga titig nila sa akin. Jusko mga bessshh! Yung legs ko talaga yung pinupuntirya ng mga mata nila! Pati itong si Ethan! Nakititig na din sa legs ko kahit may takip ng unan!

Pero ito ang ikinaloka ko mga besshhh! Bigla nalang may langgam na kumagat sa may legs ko! Kaya napatayo ako sa sobrang sakit!

“Aray!” Bulalas ko sabay kamot sa part ng legs ko na kinagat ng langgam!

“Wow.” Rinig kong sabi ni Kuya Axe.

“Sexyyyy!” Rinig ko ding sabi ni Kuya Ace at sumipol pa sya!

“Ang hot mo pala Fita.” Rinig ko ding sabi ni Ethan!!!!

Napatingin ako sa sarili ko! AT JUSKOOOOOO! NAKALIMUTAN KONG NAKA-PANTY LANG PALA AKO! Bakit ba ako tumayo!!!! Natanggal tuloy yung unan na nakatakip sa katawan ko!!!! MYGAAADDD! BOSEEET KANG LANGGAM KA IKAW ANG MAY KASALANAN!!!!!

Mabilis akong umupo sa couch at tinakpan ko yung katawan ko ng mga unan sa gilid nito!

Wala na! Nakita na nila! Nakita na nila lahat! Huhuhu!

Pero wait???

Tama ba yung narinig ko? Ako sexy? Ako hot??! Anubeeeee! Alam ko na yun! No need to say that! Ahahahaha. Charoot!

Akala ko dun na matatapos ang nakakalokang moment, pero may sumunod pa pala! Dahil nang tignan ko sila Kuya at si Ethan. . .

NANLAKI NG SOBRA ANG MATA KO!

Yung!

Yung!

Yung!

Mygaaaaaaaaddddd!!!!!!!

Yung kemerut nila, biglang bumukol sa brief nila! JUSKOOOOOO!

Napatakip ako ng mata! “Ano ba yan!” Kuda ko.

“Bakit? Anong problema?” Rinig kong tanong ni Kuya Air.

Tinaggal ko yung mga kamay ko na nakatakip sa mata ko. “Ayuko na. Ayaw na ako.” Kuda ko. At mabilis akong nagtatakbo papunta sa kwarto namin ni Ethan.

Hindi ko na keri ito mga besssh! Masyado ng na-expose ang sexy kong katawan sa kanila! At masyado na ring na-expose ang mata ko sa kemerut nila. Ayuko na. Di ko na kaya.

I need to walk out. Natatakot ako na baka saniban talaga ako ng epiritu ng kaharutan at baka isa-isa ko silang gawing HAPUNAN! Ahahaha! Chaooot! Basta ganun!


Itutuloy. . . .

Paaakkk 56


• FITA’S POV •

Madaling araw na. . .

Pero hindi pa rin ako makatulog. . .

Ewan ko ba. . .

Hindi pa rin ata ako maka-move on sa nangyari kanina. . .

Haaay! Erase! Erase! Erase! Tama na Fita! Forget it!

Dahil umalis na ang Xylene na yun, ako na ngayon ang gagamit ng kwartong inalisan nya. Medyo naiilang na kasi ako kay Ethan after nung nangyari kanina kaya I decided to move here nalang. Hay nakurrr! Yung kemerut na yun! Hindi pa rin mawala sa isip ko! Juskooo.

Habang nag-eemote ako dito mag-isa, naloka ako ng biglang humangin ng malakas! Megeed ang lamig! Kaya mabilis kong sinarado ang window! Ganern. Pero mas naloka ako nang biglang namatay ang ilaw sa kwarto ko!!!! Biglang dumilim sa paligid! Wala akong makita! Juskoooo! Brown out ba???!!!!

Rumampa ako ng mabilis papuntang pinto at paglabas ko sa kwarto, wala din akong makita! Sobrang dilim sa buong mansyon! Megeed! Brownout nga talaga!

At makalipas ang ilang sandali, narinig ko nalang ang biglaang pagbuhos ng ulan sa labas! Sinabayan pa ng kulog at kindlat kaya bigla akong naloka mga bessshh!

“Ethan! Mga Kuya! Na san kayo!” Sigaw ko. Gosssh! Natatakot na ko wah! Nasaan na ba sila!

Kumapa-kapa ako sa dilim habang patuloy ako sa pagsigaw ng pangalan ni Ethan at nila Kuya pero wala pa ring sumasagot!

Baka tulog sila?! Madaling araw na eh! Himbing na himbing siguro ang tulog ng mga yun kaya hindi nila ako marinig! Huhuhu! Tumatayo na yung balahibo ko mga bessh! Sana walang momoo dito!

Patuloy pa rin ako sa pagkapa sa dilim hanggang sa. . . . .

“Bakit gising ka pa?” Rinig kong tanong ng isang boses! Kaya lumingon ako sa may likod ko at. . .

“Waaaaaahhhhh!!!!” Sigaw ko sa sobrang gulat! At mabilis akong nagtatakbo papunta sa kung saan! Ewan hindi ko na alam kung nasaan ako! Ang dilim kaya!

Matandang naka puti! Yun yung nakita ko! Mooomoooo!!!! Mooomooo yun! White lady! Juskooo! Sabi ko na may multo sa mansyong to! Mygaaaaadd! First time kong makakita ng multo! Akala ko hindi sila totoo! Pero ayun! Yung matandang naka puti! Mooomooo!

“Ethan! Kuya! Nasaan na kayo!” Sigaw ko ulit habang patuloy ako sa pagtakbo. Jusko! Naiyak na ako sa sobrang takot! Huhuhu.

Tapos naloka ako nang biglang may humawak sa braso ko. Tumayo lahat ng buhok sa buong katawan ko! Juskoooooo!

“Waaahhh! Bitiwan mo ako! Layuan mo akong multo ka! Wala akong gingawang masama sayo! Shuuu! Alis!” Umiiyak na sigaw ko habang nagpupumiglas ako sa pagkakahawak ng multong to!

“Fita! Calm down! Ako lang to.” Sabi ng isang boses.

Huh? Parang pamilyar yung boses na yun wah! Kay… Kay Kuya Ash yun! Hindi ako maaring magkamali!

“Ku-kuya Ash?!” Tanong ko. Wala akong makita ang dilim!

“Ako nga. Just calm down okay?” Sagot nya.

Si Kuya Ash nga! Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko sya ng mahigpit dahil sa sobrang takot.

“Bakit gising kapa?” Tanong nya.

“Hi-hindi ako makatulog. Na-natatakot ako.” Sagot ko.

“Don’t be afraid, nandito na ako.” Sabi nya.

“Ku-kuya! May nakita ako! May moomoo dito! May nakita akong matandang nakaputi!” Takot na takot kong sabi.

Naloka ako nang biglang tumawa si Kuya Ash!

“Bakit ka tumatawa! Hindi kaba naniniwala sa sinasabi ko! May moomoo nga dito!”

“Relax. Baka si Aling Greta lang yung nakita mo. She’s walking around.” Sagot nya.

“A-aling Greta?! Sya? Sya yung nskita ko?!” Gulat kong tanong.

“Ako nga yun Mam Fita. Pasensya na po kung natakot ko kayo.” Biglang eksena ni Aling Greta habang hawak hawak nya yung gasera.

Naka-all white sya! Sino ba naman ang hindi matatakot sa kanya! Kalokaaaa!

“Kayo talaga. Muntik na po akong atakihin sa puso. Mygaad. Akala ko may multo na akong nakita.” Kuda ko.

“Wala pong multo dito Mam. Sa dalawang dekada ko ng pagtira dito wala pang ni-isang multo akong nakita.” Sagot ni Aling Greta at napatawa pa sya ng bahagya. Megged!

“Hay! Jusko! Mabuti naman.” Sagot ko sabay buntong hininga.

“Magpahinga na po kayo. Mukhang matatagalan pa bago bumalik ang kuryente.” Kuda ni Aling Greta. “Heto po ang gasera.” Sabi nya pa sabay abot ng gasera sa akin.

“Sige ho Aling Greta, mauna na ho kami.” Kuda ni Kuya Ash at I alalayan nya ako sa paglalakad.

Pagdating namin sa tapat ng kwarto ko. . .

“Magpahinga kana.” Sabi ni Kuya Ash.

“A-aalis ka? Iiwan mo ko?” Tanong ko.

“Yup. Bakit? Natatakot ka pa rin ba?” Tanong nya.

“Me-medyo. Kuya please. Samahan mo ko. Hi-hindi ko kayang mag-isa sa kwarto.” Sagot ko.

Nakita kong napangiti sya. “Okay. Let’s get in.” Sagot nya at naglakad na kami papasok sa kwarto ko.

“I’ll sit here. Aalis nalang ako kapag nakatulog kana. Okay?” Kuda nya sabay upo sa gilid ng kama.

“Okay po. Salamat Kuya.” Nakangiting sagot ko. Inilagay ko sa tabi ng lampshade yung gasera at humiga na ako sa kama. “Good Night Kuya. Sweet dreams.” Sabi ko pa.

“Good night.” Sagot nya.

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang biglang kumulog ng malakas at sinabayan pa ng matalim na kidlat kaya napayakap ako kay Kuya Ash sa sobrang gulat!!!! Mygaaad!

“Fita? Are you okay?” Tanong nya.

“Ku-kuya. Di-dito ka lang. Huwag mo akong iiwan please.” Pakiusap ko.

“Don’t worry. I’ll stay here. Hindi kita iiwan.” Sagot nya.

“Sa-salamat Kuya.” Sabi ko naman at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Feeling ko secured ako kapag kayakap ko si Kuya Ash. Nawawala yung kaba sa dibdib ko dahil sa pisteng kidlat at kulog na to.

Humiga na rin si Kuya Ash sa Kama, tinabihan nya ako. Habang nakayakap ako sa kaniya ng mahigpit at ganon din sya sa akin. Megeed.

“Fita?” Pagtawag niya.

“Ba-bakit Kuya?” Tanong ko.

“May I ask you something?” Tanong nya.

“Oo naman. Ano ba yun?” Sagot ko.

“What if may opportunity na dumating sa buhay mo and that opportunity will lead you to your dream, but you have to leave at iwan ang mga taong mahal mo? Would you grab that opportunity or not?” Tanong nya.

Ha???? Anooo daaawww? San galing yung tanong nya na yan! Pang Miss U naman ang question na yan! Nakakadugo ng nerve cells!

“Ahm. Ano…si-siguro…iga-grab ko yung opportunity. Kung talagang pangarap ko yun edi iga-grab ko na. Siguro maiintindihan naman ng mahal ko sa buhay na kailangan kong tuparin ang pangarap ko at kailangan ko silang iwan. At kapag naabot ko na ang yung pangarap ko na yun, then siguro tsaka ko na babalikan ang mga mahal ko sa buhay na iniwan ko. Babalikan ko sila na may mga ngiti sa labi at ipapakita ko sa kanila na natupad ko na ang pangarap ko at siguro with that magiging proud sila sa akin. Parang ganon! Haha.” Mahabang sagot ko.

Ewan ko kung tama ba yung sinagot ko! Basta! Iyun yung unang pumasok sa isip ko eh.

“Kung ganon, kailangan ko na pala talagang umalis.” Sabe nya!

“Ha?! San ka naman pupunta?!” Tanong ko.

“I know it is hard to leave but I badly want this dream. Gusto kong matupad yung pangarap ko na yun. Bata palang iyun na yung pangarap ko and just like what you said maybe, Dad and my brothers would understand my reason.” Sagot nya. “The basketball team that I always dreaming to be part of called me and they want me to be part of their team. They want me to go to New York and do the tryouts. Pangarap ko to Fita, matagal na. They will give scholarship in their university at sila na ang gagastos ng lahat. I’ll be more famous, I’ll be seeing my idols and shit! I’ll be playing in their team! Isn’t it a good news right?!” Dagdag nya pa.

Haaaaaa??? Syaaaa?? Aalis? Syaaaa?? Pupuntang New York? Iiwan na kaming ni Kuya Ash?!!! Kung alam ko lang na ito pala ang reason kung bakit nya ako tinanong kanina Sana iniba ko nalang yung sagot ko. Huhuhu.

Pero anong magagawa ko??? Matagal nya na pala itong pangarap! Pipigilan ko ba syang tuparin yun? Noooooo! Dapat suportahan ko sya! Alam kong iyun yung pangarap nyabat at ang tuparin yon ang magpapasa sa kanya. So I have to and I should support him in pursuing his dream!

“So? Aalis kana talaga?” Tanong ko. Kinalas nya yung mahigpit nang yakap sa akin at tumitig sya sa mga mata ko.

“Bakit? Ayaw mo ba?” Tanong nya.

“Ha?! Hi-hindi naman sa ganon. Nagtatanong lang naman. Kung yan ang gusto mong gawin, I’m always here to support you.” Sagot ko. Megeed!

“Are you not going to stop me?”

“Why would I? Kung ako ang nasa kalagayan mo parehas lang tayo ng gagawin. Kaya I’ll support you sa desisyon mo.” Sagot ko.

“So do you want me to leave?”

“Yes, because I know when you leave you will pursue your dream and you’ll also be happy because the dream that you’re always want will come true.” Sagot ko! Mygaaasssh! Dumudugo yung ilong ko dito kay Kuya Ash! Maryosep!

“Mami-miss mo ba ako?” Tanong nya.

“O-Oo naman. Syempre.” Sagot ko.

“I made my decision, I’ll grab the opportunity.” Saad nya. “Thanks Fita.” Dagdag nya pa sabay halik sa pisngi ko! MYGAASSSH!

“Pero ang tanong, papayag kaya si Tito Ark sa desisyon mong iyan?” Kuda ko.

“Of course he will. I hope so.”

“Kung matutuloy nga yang pag-alis mo, huwag mong kalilimutang sumulat ha.” Say ko naman.

“Seriously? Sumulat? Hehe. Of course I will. I’ll always chat you or if you want we can do the videochat.” Nakangiting sabi nya sabay pisil sa ilong ko!

“Si-sige. Okay. Go-good night na Kuya. Inaantok na ko. Haha.”

“But there’s something in me that doubt about my decision.” Bulong nya.

“Ha?! Akala ko ba buo na yung desisyon mo? Bakit may doubt ka pa din?”

“If I leave, I’ll lost my chance to have you. Baka pag-uwi ko isa sa mga kapatid ko o di kaya si Ethan na yung boyfriend mo!” Sabeee nya!

Anooooo! Daaaawwa?! Boyfriend?! Juskooooo! It will never happen! Nooooo!

“Kaloka ka Kuya! Hindi yan mangyayari no. Wala akong magiging boyfriend kahit isa sa kanila.” Kuda ko.

“Hindi ako naniniwala.” Sabe nya!

“Edi huwag kang maniwala.” Pagtataray ko sabay talikod sa kaniya. Nagulat ako nang bigla nya ulit akong yakapin ng patalikod ng sobrang higpit!

“Susulitin ko na yung oras na kasama kita. I’ll do everything for you in my remaining days here. Para pag-umalis na ako we have a good memory of being together.” Bulong nya sa tenga ko! Juskooo! Yung init ng hininga nya! Nakakakilabot! Anubeeeee.

“Good Night Fita. Sweet dreams!” Sabe nya at muli nya akong hinalikan sa pisngi!

Hindi na ako nakapalag! Yakap yakap nya ako ng sobrang higpit! Magpupumiglas pa ba ako?! Syempre hindi na. Ahahahaha. Sukitin na ang dapat sulitin.

Mababawasan na ang halimaw sa bahay. Huhuhuhu.


Itutuloy. . .

Paaakkk 57

Expect the sad moments sa mga susunod pang mga chapters. Even this story is in the Humor category, may iyakan din dito kaya i-ready nyo na yung tissue nyo mga besssh. Hindi kasi lahat puro saya, kailangan din natin ng konting drama sa buhay. Ahahaha! Okay?! ✌😊


• FITA’S POV •

MULAT MATA

Kinusot-kusot ko pa yung mata ko. Baka kasi may muta eh! Nakakahiya naman dito kay Kuya Ash na yakap yakap ako habang nakaharap sya sa akin. Ang gwapoooo. Ang gandang agahan naman nito. Ahahaha! Charot!

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm na yun! San ba galing ang tunog na yun! Hindi naman ako nag-aalarm sa cellphone! Mygaad!

Tinanggal ko ang braso ni Kuya Ash na nakayakap sa akin. Dahan dahan akong tumayo para hindi sya magising. Pagtayo ko, hinanap ko agad kung saan nang gagaling ang tunog na yun. At pagtingin ko sa may desk sa gilid ng kama, nakita kong nag-aalarm ang cellphone ni Kuya Ash!

Kaloka! Hindi man lang sya nagising! Tulog mantika din pala itong si Kuya!

Mabilis akong rumampa papunta sa desk, para patayin ang alarm ng cellphone nya. Pagtingin ko sa screen naloka ako sa nabasa ko!!!!

“ AIR’S BIRTHDAY“

Yan yung naka flash sa screen! Huh??? Birthday ba ngayon ni Kuya Air?!

Pinatay ko na ang alarm. Mukha ngang Birthday ngayon ni Kuya Air! Kaloka! Special day ito ni Kuya! Hindi ko man lang alam. Sana nabilhan ko man lang sya ng gift. Rwwwr. Pero wait! I have an idea! Tama! Tama! Ahahaha! Ipagbe-bake ko sya ng cake! Magpapatulong ako kay Aling Greta!!!! Game!!!

Mabilis akong nag-run away papunta sa kusina. Nakita ko dun si Aling Greta na abala sa paghahanda ng agahan namin.

“Good Morning po.” Pagbati ko sa kanya.

“Good Morning din po Mam.” Sagot nya. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nya.

“Ahm. Aling Greta? Sanay po ba kayong mag-bake ng cake?” Tanong ko.

“Opo, sanay po ako. Bakit nyo po natanong?”

“Ah. Eh. Magpapatulong po sana ako sa inyo na mag-bake ng cake. Birthday po kasi ni Kuya Air ngayon, gusto ko lang po syang i-surprise.” Sagot ko.

“Osige po. Kaya lang Mam, kailangan natin ng maraming itlog. Wala ng itlog sa ref.” Sabe nya.

“Ganon? San po ba nakakabili ng itlog?” Tanong ko.

“Ay hindi po kayo bibili, may manukan po ang asawa kong si Bert. Doon nalang po kayo kumuha ng itlog.” Sagot nya!

Ganooon? So may pa egg hunting pa pala bago makagawa ng cake?! Kaloka naman!

“Ah. Sige po. Ilang itlog po ba ang kailangan?”

“Mga sampo po.”

“Ang dami naman pala. Kaloka.”

“Mas madami mas masarap. Pasensya na po Mam kung hindi ko na kayo masasamahan sa bukid, kailangan ko pang maghanda ng agahan. Basta diretsohin nyo lang po ang pilapil papunta sa kubo namin, nandoon na po yung manukan.” Kuda nya.

“Okay po. Wala po yun Aling Greta! Kering keri ko na pong mag-egg hunting mag-isa!”

“Ingat po kayo Mam.” Sabi nya. “Heto po ang basket, dito nyo po ilagay ang mga itlog.” Dagdag nya pa sabay abot sa akin ng basket na to.

“Sige po. Alis na po ako.” Paalam ko at mabilis akong rumampa papunta sa manukan ni Manong Bert!

Habang naglalakad ako sa pilapil, nakita ko si Manong Bert na nagtatanim ng kung anong kemerut na halaman.

“Good Morning po Manong Bert!” Greetings ko sa kaniya.

“Magandang umaga din ho.” Sagot nya. “San ho ba kayo patutungo?” Tanong nya pa.

“Pupunta po ako sa manukan. Kukuha po ako ng itlog.” Sagot ko.

“Samahan ko na ho kayo. Masungit ho ang mga manok sa hindi nila kakilala.” Kuda nya.

“Naku Manong. Hindi na po. Ipagpatuloy nyo lang po yang pagtatanim nyo. Kaya ko na po ito.”

“Sigurado ho kayo?!”

“Opo! Sure na sure. Sige po. Bye!” Sagot ko at nagpatuloy ako sa pagrampa papunta sa manukan.

Pagdating ko dun…

Puro manok ang nakita ko. Eh Ano pa nga ba? Manukan nga ito diba? Ahahahaha. Anubeeee.

Naglakad ako papasok. Simulan na ang egg hunting! Hahaha!

Isa-isa kong nilapitan ang mga inahing manok. Pero nakakaloka! Nakataas ang mga kilay nila mga besss! Mukha ngang masungit ang mga manok ni Manong Bert!

“Huwag nyo akong sungitan ng ganiyan! Kukuha lang naman ako ng itlog no!” Kuda ko sa mga manok na to.

“Cluck! Cluck! Cluck! Cluck!” Sabi ng mga manok na to. Ano to? Kumakanta ba sila?

Naglakad ako palapit sa isa sa mga manok na to, dahan dahan kong inilapit ang kamay ko. Pero naloka ako sa sumunod na nangyari!!!!

Tinuka nya ng tinuka ang kamay ko! Mygaaaaadddd! Ang sakeeet!

“Letcheflan kang manok ka! Aray! Masakit!” Kuda ko.

Pero no! I need to fight! Kailangan kong makakuha ng itlog! Hindi pwedeng hindi! Kailangan kong ipag-bake si Kuya Air ng cake!!!!!

Kaya ayun, nakipaglaban ako sa mga manok na to para lang makakuha ng sampong itlog! Akala ko mag-e-egg hunting lang ako! Hindi man lang ako na-inform na kailangan ko pala silang kalabanin! Kaloka!!!!

After ng ilang minutong pakikipaglaban sa mga manok na yun, sa wakas! Nakumpleto ko na rin ang sampong itlog! Kaya lang, ang ending, heto, tadtad ako ng tuka at kalmot ng mga letcheflan na manok na yun! Huhuhuhu! Ang sakeeeet! Makakaganti din ako sa inyo! Kapag ginawa na kayong tinola ni Manong Bert! Sisiguraduhin kong uubusin ko kayo, wala akong ititirang sabaw! Grrrrrrrr.

Pagbalik ko sa mansyon, nagulat si Aling Greta sa hitsura ko. Ang ganda ko daw! Ahahaha. Chaar.

“Mam?! Ano pong nangyari sa inyo? Bakit ang dami nyong sugat?!” Gulat nyang tanong.

“Wala po ito. Nakipaglaban lang po ako sa mga manok.” Sagot ko.

“Susmaryosep. Ang mga manok po ang may gawa nyan?”

“Opo. Pero huwag nyo na po akong alalahanin. Ang importante po ngayon ay ang makapag-bake po tayo ng cake bago po magising si Kuya Air.”

“Naku, kayo talaga Mam. Mas inuuna nyo pa yung iba kesa sa sarili nyo.” Sabe nya.

“Ay naku Aling Greta, tara na po. Simulan na po natin ang baking session!” Sagot ko.

At ayun, nagsimula na kaming mag-bake ng cake.


• AUTHOR’S NARRATION •

“Where’s Fita?” Tanong ni Axe sa mga kapatid habang nasa dining area sila. Si Fita nalamang kasi ang kulang sa table.

“Baka natutulog pa din sa kwarto nya.” Saad ni Air.

“He’s not in his room. Wala sya dun. Paggising ko wala na sya.” Sabi naman ni Ash.

“What?! What do you mean na paggising mo wala na sya?!” Tanong ni Ace.

“Magkatabi ba kayong natulog?!” Tanong pa ni Ethan.

“Ah. Uhm. Y-yup.” Sagot ni Ash.

“What?!” Gulat na sabi ng apat na binata.

“Bakit kayo nagtabi?!” Matigas na tanong ni Ace.

“He was scared last night. Kailangan nya ng makakasama, so I slept beside him.” Sagot ni Ash.

“Nag-brown out po kasi kagabi, malakas pa ang ulan at kulog. Nakita ko po kagabi si Mam Fita na takot na takot. Mabuti nalang gising pa noon si Sir Ash, sinamahan nya si Mam Fita, mukhang nakatulog naman sya ng ayos” Pag-eksena ni Greta sa usapan ng mga binata.

“So. Ganon pala ang nangyari. There’s nothing to worry about.” Ani Ethan.

Nakahinga naman ng maluwag ang tatlong magkakaptid nang marinig nila ang sinabing iyun ni Greta.

“But now, the question is, nasaan na nga ba si Fita?” Tanong ni Air.

“Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday to you!” Pagkanta ni Fita habang dala dala nya ang cake na may kandila sa ginta na ginawa nila ni Greta kani-kani lang.

Napatingin ang limang binata kay Fita at pare-parehas sila ng reaksyon. Kapwa sila nagulat.

“Sino ang may birthday?!” Tanong ni Ethan.

Naglakad si Fita palapit kay Air. “Happy Birthday Kuya Air!” Nakangiting pagbati nya dito sabay lapag ng cake sa harap ni Air.

“So it’s your Birthday?!” Tanong ni Ethan kay Air.

“Yes! Birthday ngayon ni Kuya. Kaya ayan, pinag-bake ko sya ng cake.” Nakangiting sagot ni Fita.

“Happy Birthday Bro.” Nakangiting pagbati naman ni Ethan kay Air.

Napatitig si Air sa cake na nasa harap nya. Nakasulat sa ibabaw noon ang pangalan nya.

“Mag-wish ka muna Kuya bago mo i-blow ang candle.” Saad ni Fita.

Tumayo mula sa pagkakaupo si Air. Pero imbes na hipan ang kandila, naglakad sya ng mabilis palabas ng mansyon.

“Kuya! Saan ka pupunta?!” Tanong ni Fita kay Air. Pero hindi sya nilingon nito at nagpatuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makalabas na ito ng mansyon.

“What happened to him?” Gulat na tanong ni Ethan.

“Saan mo nalaman na birthday ni Air ngayon?!” Seryosong tanong ni Axe kay Fita.

“Sa- sa cellphone ni Kuya Ash. Nag-alarm kasi ang cellphone nya. Nakalagay sa reminder nya na birthday ngayon ni Kuya Air.” Sagot ni Fita.

“We’re not celebrating his birthday.” Saad ni Ash.

“Ha? Bakit? Bakit hindi nyo sini-celebrate ang birthday nya?” Gulat na tanong ni Fita.

“Because the day of his birthday is the day when his mom passed away.” Sagot ni Ace dito.

“When his mom died, hindi na nya sini-celebrate ang birthday nya. Dahil naalala nya lang yung araw nang mamatay si Tita.” Dagdag pa ni Axe.

Dahil sa mga narinig nya, mabilis na tumakbo palabas si Fita para puntahan si Air.

“Jusko! Kuya Air! Hindi ko alam! Mukhang pinaalala ko pa ata sayo yung nangyari! Mygaad! Ano ng gagawin ko!” Saad ni Fita sa kaniyang sarili habang patuloy sya sa pagtakbo para hanapin si Air.

Takbo dito . . .

Takbo doon. . .

Halos hingalin na si Fita sa kakahanap kay Air hanggang sa dumako sya sa may puno ng mangga. Nakita nya doon si Air na nakaupo sa gilid noon. Dahan dahan syang naglakad palapit dito.

“Ku-kuya.” Aniya.

Napalingon si Air sa kanya na blangko ang mukha. Kaya umupo si Fita sa tabi nito habang nakatitig sya sa mga mata nito.

“I-I- I’m sorry Kuya. Hi-hindi ko alam na hi-hindi mo pala sine-celebrate ang birthday mo.” Malungkot na sabi ni Fita kay Air.

“Kanino mo nalaman na birthday ko ngayon?” Tanong ni Air.

“Ka-kay Kuya Ash. Pero hindi nya sinabi sa akin. Nag-alarm kasi yung cellphone nya kanina, at nang papatayin ko na yung alarm nabasa ko sa screen na birthday mo pala ngayon. Ka-kaya pi-pinag bake kita ng cake. “ sagot ni Fita.

Napatingin si Air sa mukha ni Fita, napansin nyang marami itong sugat. Dumako pa ang mga mata nya sa mga kamay nito at nakita nya ding punong puno ito ng mga sugat.

“What happened to you? Bakit ang dami mong sugat?” Tanong ni Air dito.

“Ah-a-eh. Ano- kasi yung mga manok. Nakipaglaban sila sa akin. Kinalaban nila ako.” Sagot nya.

“What?! Mga manok? Hindi kita maintindihan.”

“Kasi kanina, pumunta ako sa manukan nila Manong Bert sa bukid. Kumuha ako ng mga itlog. Eh ang susungit kasi ng mga manok na yun, ayaw nila akong bigyan ng itlog kaya ayun, nakipaglaban ako sa kanila. “ Sagot nya.

“Para lang sa itlog? Dapat bumili ka nalang, tignan mo tuloy ang nangyari sayo.” Ani Air habang nakatitig pa din sa mga sugar ni Fita.

“Eh-ka-kasi malayo yung bilihan dito. Kaya sabi ni Aling Greta sa manukan nalang daw ako kumuha.” Dahilan nya.

“Eh san mo ba ginamit ang mga itlog? Wala naman akong nakitang lutong itlog sa mesa kanina?” Tanong ni Air.

“Ahm. A-eh. Ano. Ginamit ko para makapag-bake ng cake. Hi-hindi kasi ako makakapag-bake kung walang itlog.” Sagot ni Fita.

Nagulat si Air sa sagot na iyon ni Fita. Hindi nya sukat akalain na napuno ito ng sugar sa mukha at braso para lang makakuha ng itlog para maipaghanda lang sya ng cake.

Napagtanto nyang ginawa lang iyon ni Fita para lang pasayahin sya.

“Pumasok na tayo sa loob.” Saad ni Air at nagsimula na syang maglakad.

Hinabol ni Fita si Air sa paglalakad. At nang maabutan nya itox niyakap nya si Air ng mahigpit mula sa likod.

“Sorry Kuya. Sorry talaga. Hindi ko naman alam. Sorry. Sana hindi nalang kita pinaghanda ng cake. Pinalala ko tuloy sayo yung mga nangyari sa past mo. Sorry.” Ani Fita.

Nagulat si Air sa biglaang pagyakap na iyon ni Fita. At hindi nya maunawaan, pero bigla nalang gumaan at napuno sya ng saya sa yakap na iyon.

Tinanggal nya ang braso ni Fita na nakayakap sa kanya. Humarap sya dito at tinitigan nya ito sa mga mata.

“Kuya Sorry po.” Malungkot na saad ni Fita.

“Wala ka dapat ihingi ng sorry. I appreciate what you did. Pinasaya mo ako ngayon.” Nakangiting sabi ni Air sabay hawak sa pisngi ni Fita.

“Ta-talaga? Hi-hindi ka galit sa akin?” Gulat na tanong ni Fita.

“Hindi.” Sagot nito. “Salamat Fita for making me happy. Even this day reminds me of a bad thing, you changed it. Simula ngayon, ise-celebrate ko na ang birthday ko. Hindi naman kasi habang buhay magiging malungkot ako sa araw na to. Salamat, pina-realized mo sa akin yun.” Nakangiting saad ni Air at msbilis nyang ginawaran ng halik sa pisngi si Fita.

Biglang namula ang buong mukha ni Fita. Hindi nya inasahan na gagawin iyon ni Air. Kaya napahawak nalang sya sa parte ng pisngi nya na hinalikan ni Air.

“Tara na sa loob. Gusto kong tikman yung cake na ginawa mo.” Ani Air kay Fita at hinawakan nya ito sa kamay.

“Ah. O-o sige. Haha. Si-sinisiguardo kong ma-masarap yun.“Aniya.

“Okay, then let’s see. Let’s celebrate my birthday!” Masayang saad ni Air at naglakad na sila papasok ng mansyon habang magkahawak sila ng kamay.


Itutuloy. . .

Paaakkk 58


• FITA’S POV •

Nandito kami ngayon sa isang napagandang waterfalls! Bongga! Excited na tuloy akong lumangoy! Megeed! Ahahaha.

Kung tinatanong nyo kung bakit kami nandito, kasi nga birthday ngayon ni Kuya Air. He decided to celebrate his birthday kaya itong si Ethan nag-suggest na dito nalang daw namin i-celebrate dahil maganda daw dito. And as I noticed maganda nga dito mga besssh! Yung feeling ng mapapanga-nga ka nalang! Sa sobrang ganda! Ganern!

“Xylene is coming.” Biglang sabi ni Kuya Axe!

Huwaaaattt?! Ang babaeng yon? Eepal na naman! Grrrrr.

“Bakit daw sya pupunta dito?!” Tanong ko.

“Gusto nya din daw maki-celebrate sa birthday ni Air.” Sagot ni Kuya Ash.

Nakuuurrr! Celebrate celebrate! Utut nya! Rwwwwrrr.

“Come on, let’s arrange our things para makakain na tayo.” Kuda ni Ethan at nagsimula na nga kaming mag-ayos ng mga gamit namin.

Parang picnic ang naganap. Naglatag kami ng malaking blanket sa damuhan at isa-isa naming nilagay duon ang mga pagkain na nasa basket na luto ni Aling Greta.

“I’m starving let’s eat.” Sabe ni Kuya Ace. Mabilis syang naupo at isa-isa nyang binuksan ang mga tupperware.

“Wait lang! Kantahan muna natin si Kuya ng happy birthday song.” Pagpigil ko sa kanya.

“Hehe. No need Fita. Kumain nalang tayo. Kinantahan mo na ako kanina diba?” Nakangiting sabi ni Kuya Air at naupo na rin sya sa tabi ni Kuya Ace.

“Ganun. Si-sige na nga.” Ang nasabi ko nalang.

“Hindi ba natin hihintayin si Xylene?” Tanong ni Ethan.

“Nasa byahe pa yun. Nagugutom na ako. So I’ll eat now.” Sabe ni Kuya Ace at nag-umpisa na syang kumain.

Kaya nagsimula na rin kaming kumain. Mabuti nalang nasarapan sila sa chocolate cake na ginawa namin ni Aling Greta! Naubos nila lahat! Kaloka! Hindi man lang nila ako tinirhan!

Pagkatapos naming kumain. . . It’s SWIMMING TIME NA!

Kaya nagbihis agad ako ng swimwear ko! Sa loob ako ng kotse nagpalit ng damit. Two piece kung two piece! Ganern! Ahahaha! Charoot! Tanktop partnered with floral short lang ang suot ko.

Paglabas ko sa kotse. . .

Mygaaad! Nasa bakery na naman ba ako?! Gosssh! Bakit ang daming pandesal! Juskoooo. Mga naka brief lang silang lima mga besssh! I can’t breath!

Naglakad na ako palapit sa kanila. Tapos sabay sabay silang napalingon sa akin. Tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa! Ganooon!

“Woah. Ang sexy mo talaga Fit.” Nakangiting sabi ni Kuya Ace sabay kindat sa akin. Megeed.

“Come on, let’s swim.” Pag-aya ni Kuya Ash.

“Ah. Si-sige. Mauna na kayo.” Sagot ko.

“Tara na. Sumabay kana sa amin.” Sabi naman ni Kuya Air.

“Ahaha. Mamaya nalang ng konti. Mauna na kayo.” Sagot ko ulit. Juskooo. Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso! Bakit ba kasi mga naka brief lang sila!

“Tara na! Huwag ka ng maarte dyan.” Rinig kong sabi ni Kuya Axe at nagulat ako nang bigla nya akong buhatin! Juskoo!

“Kuya! Ibaba mo nga ako!” Kuda ko.

“Hindi.” Matigas nyang sabi at tatalon na sana sya sa waterfalls kasama ako nang may biglang dumating na sasakyan. Napatingin kaming lahat doon.

“Si Xylene na yata yun.” Kuda ni Kuya Axe.

“Wait nga Kuya! Ibaba mo ako!” Sabi ko sa kanya. Ibinaba naman ako ni Kuya Axe.

Nakatitig lang kaming lahat sa kotseng dumating at hinihintay namin ang taong lalabas sa loob noon.

“Hi everyone!” Masayang bati ng bruhang Xylene na yun pagkabukas nya ng pinto ng kotse nya!

Naloka ako sa suot nya mga besssh! Naka red two piece sya! Juskoo! Yung kaluluwa nya! Konti nalang lalabas na! Mygaaad na babae to!

Tinignan ko sila Kuya at Ethan at jusko! Titig na titig sila sa Xylene na yun! Halos hindi na kumurap yung mga mata nila! Grrrrrr.

Kaya nag-walk out nalang ako! Iba yung titig nila sa Xylene na yun kumpara sa akin. At napansin kong sa Mt.Everest ng babaeng yun sila nakatingin!!!! Huhuhu! Mga lalake talaga! Gusto ng malalaki! Grrrr.

Naglakad lakad nalang ako dito sa kagubatan ng kemerut. Ewan. Hindi ko alam anong lugar na to. Basta forest sya, ganon!

“Fita? Where are you going?” Nagulat ako, sinundan pala ako ni Ethan. Akala ko natulala na rin sya sa boobs ng Xylene na yun.

“Wala. Maglalakad-lakad lang.” Sagot ko.

“Samahan na kita.” Sabi nya.

Habang naglalakad kami, biglang nag-ring ang cellphone ni Ethan. Mabilis nya naman iyong sinagot.

“Yes? Hello?— Who’s this?–– Hello?! Sino ba to?! Bakit ayaw mong magsalita?! Hello?!” Imbyernang kuda ni Ethan. Mukhang may nagpa-prank call sa kanya. Kaloka. Kaya binaba nya na yung tawag.

“Uy? Okay ka lang? Sino daw yung tumawag?!” Tanong ko.

“Yah. I’m fine. Ayaw nya ngang magsalita. I think this is the fourth times na may tumawag sa akin ng ganito.” Sagot nya.

“Fourth times? Kaloka. Baka may nangti-trip lang sayo.”

“Baka nga. I think, I should change my number.” Sabe nya.

“Mas mabuti pa nga siguro kung ganon.” Kuda ko.


• AUTHOR’S NARRATION •

Pagbalik nina Fita at Ethan sa waterfalls, naabutan nilang nagkakasiyahan sina Air, Ash, Axe at Xylene habang naliligo ang mga ito doon. Samantalang si Ace naman, nasa tabi lang ng isang puno habang nakaupo at nililibang nito ang sarili nya sa paglalaro ng game sa kaniyang cellphone.

“Kuya? Ayaw mong mag-swimming?” Tanong ni Fita kay Ace.

“Mamaya nalang siguro.” Walang buhay na sagot nito.

“May problema kaba Kuya? Bakit parang ang tamlay mo?” Tanong ulit ni Fita.

“I’m fine. Sige na. Mag-swimming na kayo.” Nakangiting sagot ni Ace habang patuloy pa rin sya sa paglalaro sa cellphone nya.

Wala ng nagawa si Fita kundi pabayaan si Ace, napansin nyang parang may kakaiba dito kaya hinayaan nya nalang itong mag-isa.

“So? Tara? Ligo na tayo?” Nakangiting sabi ni Ethan kay Fita.

“O-okay!” Sagot naman nito at sabay silang tumalon sa waterfalls.

Pero may hindi magandang nangyari. Dahil nang tumalon si Fita, at nang nasa ilalim na sya ng tubig, hindi nya inasahan na bigla nalang syang pinulikat. Kaya hindi nya na naigalaw ang mga binti niya para makalangoy.

“Fita?!” Pagtawag ni Ethan dito dahil hindi nya makita si Fita. “Fita?! Nasaan ka?!” Pag-ulit nya pa.

“What’s wrong Ethan?” Tanong ni Axe dito.

“Si Fita?! Nawawala!” Sagot nya na punong puno ng pag-aalala.

“What?!” Gulat na saad ni Axe kaya mabilis syang sumisid para hanapin si Fita sa ilalim.

“Ethan? What’s happening?!” Tanong naman ni Ash kay Ethan.

“Fita is missing, sabay kaming tumalon pero hanggang ngayon hindi pa rin sya lumalabas.” Sagot ni Ethan. Nang marinig ito ni Ash mabilis din syang sumisid para hanapin si Fita sa ilalim.

Sumisid na rin si Ethan para tulungan ang dalawa pang binata sa paghahanap. Dahil malakas ang buhos ng tubing sa falls, nahirapan silang hanapin si Fita.

“Where are they?!” Tanong ni Xylene kay Air nang mapansin nyang silang dalawa nalang ang natira sa falls.

“Hindi ko alam. Nandito lang sila kanina ha.” Sagot ni Air.

“I found him!” Biglang sigaw ni Axe nang makita nya si Fita. Wala na itong malay kaya dali-dali nya itong inahon sa tubig.

Nang makita nina Ash at Ethan na nakay Axe na si Fita, mabilis mila itong sinundan sa pag-ahon.

“Ano bang nangyayari?!” Naguguluhang tanong ni Xylene kay Air.

“Si-si Fita! May nangyari yata sa kanya!” Sagot ni Air. Nakaramdam sya ng pag-aalala sa kalagayan ni Fita kaya dali-dali syang lumangoy para puntahan ito.

“Air! Wait for me!” Saad ni Xylene nang iwan sya ni Air mag-isa.

Nang mai-ahon na ni Axe si Fita agad nya itong inihiga. Mabilis nya itong binigyan ng CPR.

Samantala, habang abala si Ace sa paglalaro ng game sa kaniyang cellphone, napatigin sya sa kinaroroonan nina Axe at Fita. Nanlaki ang mata nya sa sobrang gulat nang mapagtanto nya kung ano ang nangyayari, kaya mabilis syang tumakbo papunta dito.

“Fita! Come on! Wake up!” Sigaw ni Axe habang patuloy sya sa ginagawa nyang pagsi-CPR kay Fita.

Pero hindi pa rin nagising si Fita.

“Bro! Walang nangyayari! Maybe we should bring him to the hospital!” Saad ni Ash kay Axe.

“No! I can handle this!” Matigas na sagot ni Axe at nagpatuloy pa rin sya sa kaniyang ginagawa.

Wala ng nagawa sina Ace, Ash at Ethan kundi panuorin at maniwala na magagawang iligtas ni Axe si Fita.

Pagdating nina Air at Xylene sa kinaroroonan nila Fita ay laking gulat nila sa naabutan nilang nangyayari.

“Bu-buhay pa ba sya?” Tanong ni Xylene sa sobrang gulat.

“Of course he is! Ano ba yang tanong mo!” Napataas ang boses ni Axe nang sagutin nya si Xylene dahil alalang alala na sya dahil hindi pa rin gumigising si Fita.

Nagulat naman si Xylene nang pagtaas sya ng boses ni Axe. Hindi sya makapaniwala na magagawa iyon ni Axe sa kaniya.

Kaya hinawakan ni Air si Xylene sa balikat nito. “Nag-aalala lang si Kuya, sorry kung nasigawan ka nya. Intindihin mo nalang. Kahit ako, sobrang nag-aalala na rin.” Saad ni Air dito.

“Hindi ko alam na sobra na palang napalapit ang loob nyo sa kaniya.” Ang nasabi nalang ni Xylene.

Ilang saglit pa, nagising na rin si Fita. Mabilis itong niyakap ni Axe.

“Thanks God! Gising ka na.” Saad ni Axe habang mahigpit nyang yakap si Fita.

Nakahinga na rin ng maluwag ang apat pang binata nang magising na si Fita.

Samantalang si Xylene sobra ng nagtataka sa mga kinikilos ng limang binatana para kay Fita.

“I need to prove something.” Sabi ni Xylene sa kaniyang sarili.


Pagkatapos ng hapunan, nagtungo na sa kani-kanilang silid sina Fita, Xylene at ang limang binata para makapagpahinga dahil bukas na ang balik nila sa Maynila. Ito na ang huling araw nila sa mansyon nila Ethan.

“Sa-sa kama ka nalang matulog. Ako nalang sa sahig.” Salad ni Fita kay Xylene dahil magkasama sila sa iisang kwarto.

“No. You should sleep beside me. I know you’re still not feeling well because of what happened earlier. Kaya magtatabi tayo whether you like it or not.” Sagot ni Xylene dito.

“Pero okay lang naman talaga ako sa sahig. Tsaka okay na yung pakiramdam ko.” Sabi naman ni Fita.

“Don’t argue with me okay?! Kaya humiga kana because I have many questions to you.” Sagot ni Xylene. Napansin ni Fita na seryoso ito kaya dala na syang nagawa kundi ang tabihan ito.

Nasa kaliwang bahagi ng Kama si Xylene samantalang si Fita naman nasa kanan.

“Inaantok na ako. Bukas mo nalang ako tanungin ng kung anu-ano.” Ani Fita.

“No! Wake up!” Sigaw ni Xylene. Nabingi naman si Fita sa sigaw na iyon.

“Ano ba kasi ang tanong mo! Tanungin mo na! Antok na antok na talaga ako!” Singhsl ni Fita dito halata ang pagkabanas nya sa dalaga.

“Yes or no lang ang isasagot mo? Okay? And be honest! You lied to me before so don’t do it again.” Saad ni Xylene.

“Oo na. Oo na. Ano ba yung tanong mo?!” Tanong ni Fita.

“May gusto ba ang apat na magkakaptid sayo?!” Seryosong tanong nito.

Nanlaki ang mata ni Fita dahil hindi nya inasahan na iyon ang itatanong ni Xylene.

“Ha? Ah-ano, s-syempre wala noh.” Sagot ni Fita.

“You’re stammering, it means you’re not confident with your answer. So meaning you’re lying!” Singhal ni Xylene dito.

“Oy! Grabe ka. Nautal lang sinungaling na agad?! Hindi ba pwedeng nagulat lang ako sa tanong mo. Kaloka ka! Kung anu-anong iniisip mo dyan. Wala silang gusto sa akin. Kapatid lang ang turing ko sa kanila at ganon din sila sa akin.” Sagot ni Fita. “Kung wala ka ng tanong, good night na. Inaantok na talaga ako. Bye.” Dagdag pa nito sabay takip ng kumot.

“I’m not fool to believe you. Malalaman ko rin ang totoo.” Sabi ni Xylene sa kaniyang isipan.


12:12 am

Naalimpungatan si Fita at nakaramdam din siya ng uhaw kaya naisipan nyang bumaba. Pero pagtingin nya sa kaliwa nya, hindi nya nakita doon si Xylene. Wala ito sa tabi nya.

“Nasaan kaya ang bruhang yun? Madaling araw na gising pa rin?” Tanong nya sa kaniyang sarili. “Nako! Baka mananaggal ang Xylene na yun! Nahahati sya at gumigising sya sa gabi para makahanap ng mabibiktima! Mygassh! Kailangan kong hanapin ang kalahati ng katawan nya para buhusan ng asin para mawala na sya sa landas ko. Ganon!” Dagdag nya pa. At naglakad na sya pababa sa kusina para uminom.

Habang naglalakad sya patungo doon, may narinig syang mga boses na parang nagtatalo. At dahil sa pagtataka, hinanap ni Fita kung san nanggagaling ang mga boses na iyon.

Dinala sya ng pala nya sa may hardin ng mansyon. Nakita nya doon sina Xylene at Ace na nag-uusap. Kaya nagtago sa gilid ng halaman si Fita para pakinggan ang pag-uusap ng dalawa.

“Kaloka! Gabing gabi na! Gising pa rin ang dalawang to! Pero wait! Diba warla silang dalawa? Bakit sila nag-uusap ngayon?!” Tanong ni Fita sa kaniyang sarili.

“Ace! I still love you at alam kong ganon din ang nararamdaman mo sa akin.” Saad ni Xylene.

“You’re totally wrong. Hindi na kita mahal. May iba na akong gusto.” Sagot ni Ace.

“Gusto?! Sino?! Ang baklang yun?! Ace! Pwede ba! Stop saying na gusto mo sya! I know you are only using him para iwasan ako!”

“Gusto ko si Fita and that’s the truth. Maniwala ka man o hindi wala na akong pakialam.”

“Okay! Sige! Sabihin na natin na gusto mo ang baklang yun! But I know, you still love me. Gusto mo sya, pero ako pa rin ang mahal mo. Am I right?!”

“This is nonsense. I have to go.” Saad ni Ace at maglalakad na sana sya paalis nang hawakan ni Xylene ng mahigpit ang braso nya.

“I still love you. At walang nagbago doon. Mahal pa rin kita.” Saad ni Xylene, hindi nya na napigilan ang luha nya, tumulo na ito sa kaniyang mga mata.

“Naririnig mo ba yang sinasabi mo?! Kung mahal mo ako, hindi mo sana ako iniwan noon!” Tumaas na ang tono ng boses ni Ace.

“I already explained to you the reason! Kailangan ko bang ulit-ulitin pa?! Hindi kita iniwan, si Kuya Xander ang nagdala sa akin sa US. Pinaikot nya rin ang ulo nila Mom at Dad, siniraan ka nya sa kanila. Hindi ka nya gusto para sa akin kaya inilayo nya ako sayo. Dahil inihas mo daw ang girlfriend nya.” Sagot ni Xylene.

“Hindi ko inahas ang girlfriend nya! Yung babaeng yun ang lumalapit sa akin at hindi ako.” Depensa ni Ace. “Pero sinabi ko sayo noon na itatakas kita, but what did you do? You rejected my offer. Sabi ko gagawin ko ang lahat pero hindi ka naniwala sa akin.” Dagdag nya pa.

“Ace! We’re so young on that time! Kahit itakas mo ako, wala rin tayong pupuntahan, at kilala mo si Kuya he’s a monster! He can do everything! Kaya ako nalang ang lumayo dahil ayukong saktan ka nya.”

“Pero nangyari na ang nangyari. Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan, so stop thinking na mababalik pa natin kung ano ang meron sa atin noon.”

“Ace! Pwede pa nating maibalik kung ano man ang meron sa atin noon. It’s not too late dahil mahal pa rin kita at alam kong mahal mo pa rin ako.” Saad ni Xylene at mahigpit nyang niyakap si Ace. “Ace. I love you. I still love you.” Dagdag pa nito.

Halos manginig ang buong sistema ni Fita sa mga narinig nya. Hindi sya makapaniwala sa mga nalaman nya.

“Mahal mo pa rin ako diba? Tama ako?” Tanong ni Xylene sabay hawak sa mukha ni Ace.

“I- I - I admit. Oo, mahal pa rin kita.” Sagot ni Ace.

“We can start over again. Pwede tayong magsimula ulit. And I promise, this time wala ng gugulo sa atin.” Nakangiting sabi ni Xylene.

“Are you sure? Paano ang Kuya mo? Paano ang kasal mo kay Ethan.”

“From now on, my family could never handle my life again. Hindi ko na hahayaang sila nalang palagi ang magdesisiyon sa buhay ko. Ayuko ng mawala ka pa sa akin.” Aniya at muli nang niyakap ng sobrang higpit si Ace.

“I’ll do the same. I’ll never let you go. I’ll fight for you. I promise.” Saad ni Ace at niyakap na rin si Xylene ng sobrang hipit.

Natulala nalang si Fita sa mga bagay na narinig nya at sa mga bagay na nangyari. Hindi nya inakala na totoo lahat ng mga sinabi sa kanya noon ni Xylene. At ngayon nagkabalikan na nga sina Ace at Xylene. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya, pero tumulo nalang ang luha nya sa mga nangyari. Kaya naisipan nyang tumakbo pabalik sa kaniyang silid.

Pero nang ihahakbang nya na ang paa nya bigla nalang syang nadapa.

Napatingin sina Ace at Xylene sa kinaroroonan ni Fita dahil narinig nila ang ingay ng pagkadapa nito. Mabilis silang naglakad papunta doon at laking gulat nila nang makita nila doon si Fita.

“Fi-fita?!” Gulat na sambit ni Ace.

Napalingon si Fita kina Ace at Xylene habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata. Nang makita ni Ace na umiiyak si Fita, kinutuban sya na baka narinig nito ang lahat ng pag-uusap nila ni Xylene.

Mabilis na tumayo si Fita at mabilis din syang tumakbo papasok ng mansyon. Nawalan na ng pagkakataon si Ace na kausapin si Fita sa tagpong iyon.


Itutuloy. . .

Paaakkk 59


• FITA’S POV •

Naiiyak na talaga ako. Huhuhuhu. Iiwan na kami ni Kuya Ash. Magfa-fly away na sya papuntang New York para tuparin ang kaniyang dream! Ganun.

Pumayag si Tito Ark sa gusto ni Kuya Ash dahil alam nyang matagal na itong pangarap ng second son nya. Wala na ring nagawa sina Kuya Axe, Air at Ace para pigilan si Kuya dahil suportado nila ang pangarap na iyon ni Kuya Ash.

Ang sakit. Ang sakit maiwan. Ang sakit na may tao na namang mawawala sa buhay ko. Ganito yung feeling ko nung iniwan kami ni pudrabells. Pero hindi dapat ako maging malungkot! Kasi alam kong magiging masaya si Kuya Ash sa lugar na yun! Tsaka babalik din naman sya! He promised me na babalik sya!!!

“Bye Dad! Bye Tita! Bye Bros!” Paalam ni Kuya Ash habang bitbit nya yung mga baggage nya. “Bye Fita!” Pahabol nya pa! Kaya tumakbo ako palapit kay Kuya Ash!

Niyakap ko sya ng mahigpit! Awwww! Ang tigas! Ang bangoo! Ahahahaha.

“Bye Kuya! Ingat ka ha?! Huwag mo kaming kakalimutan.” Kuda ko, medyo mangiyak-ngiyak pa ako. Mygaassh!

“Of course! Hindi ko kayo magagawang kalimutan. Lalo na ikaw.” Sabi nya sabay halik sa noo ko! Juskooo. Isa pa please! Ahahaha! Chaaar lang!

At ayun na nga yung nangyari. . .

Umalis na nga si Kuya Ash. Wala na. Wala na sya. Wala ng mangungulit sa akin na maglaro ng basketball. Wala na talaga sya.

Yung tatlong halimaw nalang na yun ang makakasama ko. Kulang na sila ng isa. Huhuhu.

“Tama na ang drama Nak. Umuwi na tayo.” Pag-eksena ni mudrabells sa pag-e-emote ko. Kaloka!

“O-okay po.” Sagot ko sabay punas sa sipon ko! Goosh! Bakit nagkasipon ako?! Nubeeee!

Pagdating namin sa parking area, bigla akong hinawakan ni Kuya Ace sa braso ko!

“Bitawan mo ko.” Sabe ko sa kaniya!

“Sa akin ka sasabay.” Sagot nya in very serious way! Ganun!

“Sa sasakyan ako ni Tito Ark sasabay.” Sagot ko.

“Nak! Tara na.” Sabe ni mudra!

“Ahm. Tita, sa akin nalang daw po sasabay si Fita.” Sabe ng halimaw na Ace na to!!!!

“Oh. Okay. Mauna na kami.” Sagot ni mudra! Juskooo!

“Nayyy! Sa inyo ako sasabay!” Sigaw ko! Pero wala na! Nakaalis na sila.

Hinanap ko sina Kuya Axe at Kuya Air pero mukhang nakaalis na rin sila! Wala na yung kotse nila dito!!!! Megeeed!

“May kailangan tayong pag-usapan.” Seryosong sabi ng halimaw na to at pwersahan nya akong ipinasok sa loob ng kotse nya.

Hindi ako nagsalita. Ayuko pa rin syang kausapin. After nung mga narinig at nalaman ko! Grrrrr. Wala na akong ganang kausapin pa sya. Rwwwr.

“I can’t take it anymore. Ilang araw mo na akong iniiwasan.” Sabe nya at pinaandar nya na ang sasakyan.

Wala akong pake. Magkukuda ka diyan. Wala akong sasabihin. Bahala ka!

“Narinig mo lahat? Diba?” Tanong nya. I’m sure yung tinutukoy nya yung pag-uusap nila ng bruhang Xylene na yun.

Tumingin ako sa bintana. Wala syang mariring na kahit isang words sa akin! Naka-silent mode ako ngayon!

“Come on Fit! Kausapin mo naman ako!” Tumaas na yung boses nya! Ayan! Mukhang naiimbyerna na ang halimaw.

Nagulat ako ng bigla nyang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Tumingin sya sa akin ng sobrang seryoso! Katakot!

“I’m sorry. Mahal ko pa rin si Xy. Hindi nawala yung nararamdaman kong iyon para sa kanya even she hurt me a lot before.” Sabe nya. Hinawakan nya yung kamay ko. “I’m sorry if I lied to you. Pero yung sinabi kong gusto kita, totoo yun. Gusto talaga kita.” Pagpapatuloy nya pa.

“Wala namang kaso sa akin kung mahal mo pa rin sya. Naiintindihan ko. May past kayo, sya ang first love mo and first love never dies sabi nga nila. Kaya lang nagsinunggaling ka sa akin at iyon ang masakit. Nagmukha akong tanga sa harap ng Xylene na yun dahil ang buong akala ko hindi mo na sya mahal kasi nga iyon yung sabi mo.” Sagot ko! Gooossh! Sabi ko hindi ako magsasalita pero wala! Hindi ko na napigilan! “Pero okay lang. Wala na akong magagawa dun. Tsaka ano nga ba ang aasahan ko? Babae ang Xylene na yun! Ako? Hindi. At ang sirenang gaya ko laging naiiwan. Laging isinasantabi dahil alam ko naman ang gusto ng mga lalaking gaya nyo eh, isang tunay na babae!” Dagdag ko pa!

“Sorry. I’m sorry Fit.” Malungkot nyang sabe. Mygasssh! Parang konti nalang iiyak na sya! Kaloka! Hindi ako sanay na may lalaking iiyak sa harap ko! Jossskooo!

“Okay lang. Kalimutan nalang natin ang lahat. Let’s move on. Nangyari na ang nangyari. Kilala mo naman ako Kuya, ayuko ng may kagalit ako. Ayukong magtanim ng sama ng loob. Ang bigat sa feeling nun. Kung talagang yan yung gusto mo, kung talagang mahal mo pa rin si Xylene wala na akong magagawa. Puso mo iyan, ikaw lang ang may-ari nyan. Sana lang ingatan mo. Sana lang hindi ka ulit saktan ng Xylene na yun. Sana maging masaya kayong dalawa. Aaminin ko, hindi ko gusto si Xylene, dahil nga sa mga masasakit na salitang sinabi nya sa akin noon. Pero ngayon, naiintindihan ko na kung bakit sya ganon. Nagmamahal lang sya, kaya ganun sya kabruha sa akin.” Sagot ko.

“Aminado ako na may pagkamaldita si Xy. Pero Fit, she’s a very nice person kapag nakilala mo sya. Ganun lang talaga sya sa mga taong hindi nya gusto. But I’m sure she will like you. Wala naman sigurong tao na hindi ka kayang magustuhan kapag nakilala ka na nila. Diba?”

“Hay. Ewan. Pero sana huwag na akong malditahan ng Xylene mo. Dahil kapag inulit nya pa yun ay nako! Matitikman nya ang bangis ng probinsyanang sirena.”

Natawa sya sa sinabi ko. Bigla nyang ginulo-gulo yung buhok ko sabay pisil sa pisngi ko!

“Sige. Sasabihin ko. Mag-bonding din kayo minsan para makilala nyo ng lubusan ang isa’t isa.”

“Sige. Ilalagay ko na yan sa schedule ko. Pero para lagi akong safe magdadala ako lagi ng kutsilyo. Para kapag minalditahan ako ng Xylene mo. Isang saksak ko lang tsugi na sya!” Biro ko naman. Pero deep inside totoo yun! Ahahahaha.

“Hahaha! Ikaw talaga! Puro ka kalokohan.” Natatawang sabi nya.

Kalokohan! Seryoso ako dun noh! Makikita ng Xylene na yan! Kapag minalditah nya ako ulit! Ayyy! Nakooooooo! Gigilitan ko talaga sya!

Aaminin ko, nasaktan ako sa mga narinig ko nung nag-uusap sina Kuya Ace at ang Xylene na yun. Kaya siguro naiyak din ako nun. Pero, ngayon okay na sa akin. Ayuko namang maging kontrabida sa buhay nilang dalawa. Tsaka sa simula palang naman sila na talagang dalawa. Kaya wala na akong magagawa dun! I admit, nagkagusto din ako kay Kuya Ace. Dahil sya ang unang naging mabaet sa akin sa kanilang apat na halimaw. Pero let’s forget about that feeling! Dahil alam kong magiging masaya sya sa taong mahal nya. Sana lang.

Pero kapag sinaktan ulit ng Xylene na yun si Kuya Ace! Ayyy nakooooo!

Tatapyasin ko talaga ang Mount Everest nya! At ido-donate ko sa mga taong dalawa ang likod! Ganun! Ahahaha! Chaaarr!

Hindi ko alam, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba sa tuwing sinasaktan ako ng ibang tao, Ganun nalamg sa akin kadali ang patawarin sila??? Hayyyy! Bakit ba kasi ganito ako?!!!! Hindi ko alam kung martir ba ako? Masyadong mabaet?! O manhid na talaga ako?!!! Kalokaaaa!

Siguro ang tanging gusto ko lang ay WPRLD PEACE Chenesss! Ganern! Ahahaha. Hay! Ewannn!


Itutuloy. . .

Paaakkk 60


• FITA’S POV •

Naglalakad ako ngayon dito sa school. Medyo napaaga kasi ang pasok ko. So I still have thirty minutes before our class starts. Paaakkk! English! Ahaha.

Habang rumarampa ako, may nakita akong parang nag-aaway sa harap ng musical club. At dahil umandar na naman ang pagka-etchusera ko, mabilis akong rumampa palapit dun.

May na-sight akong babaeng nakasalamin sa mata, nakatirintas ang buhok nya, parang yung hair style nung kapatid ni Elsa! Ganern. Tapos, mygaash! Yung outfit nya pang manang. Naka long-sleeve sya tapos nakapalda pa na abot hanggang bukong-bukong nya. Kaloka.

“We are searching for those people na qualified maginf part ng musical play, not like you na pang-back stage lang ang purpose.” Say ng babaeng yun na sobrang taba! Kaloka! Is she discriminating that girl?!

“I want to join your musical play, sinabi nyo na kahit sino pwede. But now, you’re saying that I’m not allowed to do the audition?! Why?!” Sagot naman ni Ate girl. Kahawig nya talaga yung kapatid ni Elsa sa frozen. Kaloka. Nakalimutan ko na kung ano yung name nun. Basta! Yun.

“Enough talking! Just leave this building manang!.” Sabe naman nung babaeng blonde ang buhok.

“Sagutin nyo muna ako. Bakit ayaw nyo akong tanggapin?” Tanong ulit ni Ate girl.

“It’s simple. You’re just an old fashion nerdy girl who seems worthless. You didn’t fit in our standard.” Sagot naman nung isa pang babaeng naka-mini skirt!

Grabeee sila! Bakit nila binubully si Ate girl! Wala naman sa hitsura yung talent ng isang tao! It is in his or her self!

Mabilis akong rumampa palapit sa kinaroroonan nila. Naiimbyerna na talaga ako sa tatlong babaeng yun! Mga bully sila! Mabuti sana kung sobrang gaganda nila pero hindi! Grrrr.

“Hello po mga Ate sis. May itatanong lang po ako.” Kuda ko sa tatlong babaeng to.

“Yes miss? What’s your question?” Sagot ng babaeng to na blonde ang buhok.

“Ahm. Pwede po bang sumali ang kahit sino dito sa musical play nyo?” Tanong ko.

“Of course. We are entertaining everyone to join our musical play.” Nakangiting sagot ng matabang babaeng to.

“Really? Kahit po ako pwede? Kahit sino?” Tanong ko ulit.

“Yes. Everyone.” Sagot ng babaeng to na naka-mini skirt.

“So if that’s the case, you will allowe her to do the audition. Kasi sabi nyo pwede ang kahit sino.” Kuda ko sabay lapit kay Ate girl na binubully nila kanina.

“No! She’s not allowed.” Matigas na sabi ng tatlong babaeng to.

“Ganern? Ano ba talaga? Ang gulo nyo! Sabi nyo pwede ang kahit sino pero ayaw nyo namang pasalin itong si Ate! Can’t you see? She’s eager to join you musical play!” Imbyernang sabe ko sa kanila.

“Magkaibigan ba kayong dalawa? Alam nyo mas mabuting umalis nalang kayo dito?! You’re wasting our time! Alis!” Ganti naman ng babaeng matabang to!

“We didn’t know each other! Naawa lang ako kay Ate! Kasi gustong gusto nyang sumali sa musical play nyo tapos ayaw nyo syang pasalin! Tapos dini-discriminate nyo pa sya! Nakakaimbyerna kayo wah! “ Sigaw ko naman!

“You don’t care! Aalis kayo? Or I’ll call the security to kick both of you out of here!” Sigaw naman ng babaeng blonde na buhok! Grrrr.

“Umalis nalang tayo.” Takot na takot na sabi ni ate girl na nerdy sabay hawak sa braso ko.

“What’s going on here?!” Tanong ng isang boses! Kaya napalingon ako sa likuran ko.

At gooosssh! Si Kuya Air!

“Yan! Yang dalawang babaeng yan! They are ruining our audition sa musical play. Gusto nilang mag-audition but they didn’t fit in our standards.” Sagot ng babaeng to na Naka mini skirt.

Napalingon sa amin si Kuya Air! “Fita? What are you doing here?” Gulat nyang tanong.

“Kuya, gusto kasing mag-audition nitong si Ate.” Sagot ko sabay tingin kay Ateng manang manamit. “Pero ayaw naman ng tatlong babaeng yan na payagan syang mag-audition kasi raw nerdy daw si Ate at old fashioned daw. In short panget daw itong si Ate! Hindi daw sya pasok sa standards! Pang back stage lang daw ang purpose nya! Eh hindi pa naman nila nakikita ang talent ni Ate! Jinudge na nila agad!” Sagot ko kay Kuya.

“What?!” Napataas ang boses ni Kuya. Ayan! Mukhang imbyerna na sya! “Is that true? You didn’t allow this girl to do the audition? Diba sabi ko sa inyo lahat pwedeng sumali basta may ibubuga pagdating sa kathanan?!”

“Ye-yes. Bu-but—” Sagot ni Ateng mataba!

“No buts! I was wrong na pinili ko kayo para sa pagmamanage ng audition.” Singhal ni Kuya Air!

“We-we’re sorry Air.” Sabay sabay na sabi ng tatlong bruhang to.

“Come on miss. Get inside.” Sabe ni Kuya Air kay Ate girl at naglakad na sya papasok sa building.

“Ayan na Ate girl! Pumasok kana! Do your best ha?!” Kuda ko naman.

Nagulat ako ng bigla nalang akong niyakap ni Ate girl! Kaloka!

“Thank you! Thank you so much! You didn’t know how happy I am right now!” Masayang masayang sabi nya sa akin. Kinalas nya yung mahigpit syang yakap sa akin. “Bye the way, I’m Anna.” Pagpapakilala nya sabay abot sa kamay ko.

“Anna? Annabelle?” Gulat kong sabi. Ahaha.

“No! Anna Karenina Park” Sagot nya.

Huh? Diba libro yun? Tapos may park pa??? Ano yun? Parang Luneta park? Ganern! Ahahaha! Kaloka!

“Ah. Ahaha. Hello Ana, I’m Fita.” Pagpapakilala ko din.

“Fita? Is that the biscuit brand?” Gulat nyang tanong.

“Yah. Yah. Hahaha.” Natatawang sagot ko. Kaloka.

“Ow. Cute name!” Nakangiti nang sabi.

“Haha. Thanks!” Sagot ko. “Oh. Pumasok kana. Baka hinihintay kana ni Kuya Air sa loob.”

“Kuya Air? Tinawag mo syang Kuya?“Gulat nyang tanong.

“Yah. Stepbrother ko sya.” Sagot ko.

“Really!!!” Sigaw nya.

Ayyy! Juskooo! Muntik ng matanggal eardrums ko!

“Oo! Really! Kaloka ka! Ang sakit mo sa tenga.” Kuda ko.

“I-I can’t believe this! So you and Air are living in the same house?” Tanong nya.

“Yah. Bakit parang nagging interesado ka kay Kuya Air?” Tanong ko.

“Ahm. Nothing. Haha. Pasok na ako. Bye! Thank you ulet!” Kuda nya at mabilis syang nagtatakbo sa loob ng building!

Ang weird ng babaeng yun! Pero I like her! Ang gaan ng loob ko sa kanya. Haha.


“Good bye class!” Paalam ni Sir Macapuno sa amin.

“Good bye Sir!” Sagot naming lahat. At ayun! Paglabas ni Sir Macapuno, mabilis ding naglabasan ang mga kaklase kong tuod. Hahaha. Chaarrr.

Pero nagulat ako nang may narinig akong tiliian at sigawan sa labas ng room! Huhhh??? Ano kaya yun???

Kaya mabilis akong rumampa palabas ng room. . . .

Paglabas ko. . .

Nakita kong nakatayo sa may hallway sina Kuya Axe at Ethan!!! Mukhang hinihintay ata nila ako! Nubeee.

“Bakit ang tagal mo? Almost five minutes mo akong pinaghintay.” Imbyernang kuda ni Kuya Axe!

Ayyy! Kaloka! Pinaghintay? Wala naman kaming usapan na hihintayin nya ako dito wah!

“Sinasabi mo dyan? Bakit? Sinabi ko bang hintayin mo ako?” Ganti ko naman.

“I texted you. Sinabi ko na sabay tayong magla-lunch.” Sagot nya. Ganern???

Kaya mabilis kong kinuha ang phone ko. At nakita ko nga doon na nag-text sya.

“Sorry naman. Ngayon ko lang nabasa. Malay ko ba.” Sagot ko.

“Come on. Let’s eat. I’m hungry.” Sabi nya at mabilis nya akong hinawakan sa kamay!!!

Biglang tumigil yung tilian ng mga hitad na babaeng to na nakapaligid sa amin nang hawakan ako ni Kuya Axe sa kamay! Gossssh! Nakakahiya! Baka kung ano pang isipin ng mga lukaret na to. Kaya tinggal ko agad yung kamay nyang nakahawak sa kamay ko.

“F-Fita.” Rinig kong pagtawag ni Ethan. Naglakad sya palapit sa akin.

“E-Ethan? Ba-bakit nandito ka?” Tanong ko.

“Hinihintay kita.” Sagot nya.

Ano daw???

“Ba-bakit? Bakit mo ko hinihintay?” Tanong ko.

“Wa-wala lang. Yayayain sana kitang kumain sa bagong bukas na Korean restaurant dyan sa tapat ng school.” Sagot nya.

“Ta-talaga? May bagong bukas na Korean restaurant dyan sa tapat?” Gulat kong tanong.

“Yeh. Let’s try it. Ano?”

“Ah. O-o sige! Go ako dyan!” Sagot ko.

“Eheeem!” Singhal ni Kuya Axe. “Diba ako ang unang nag-aya sayo? Bakit sasama ka kay Ethan?” Seryoso nyang tanong! Katakot!

“Ah. Eh. Haha. Pwede naman tayong kumain ng sabay sabay. Dun tayo sa Korean restaurant na sinasabi ni Ethan.” Sagot ko. Mygaaad.

“Ayoko. I don’t like Korean foods.” Imbyerna nyang sagot.

Edi huwag! Kaloka ka!

“Gusto kong kumain dun. Kung ayaw mo kami nalang ni Ethan.” Sagot ko. “Tara na Ethan! Excited na kong matikman yung mga Korean foods na yan. Haha!” Sabi ko at hinila ko yung braso ni Ethan at nagsimula na kaming maglakad.

“Fine! I’ll go with you!” Kuda ni Kuya Axe at halatang kumukulo na naman ang dugo nya.

Pagdating namin sa restaurant, naloka ako dahil ang daming tao! Mukhang bet na bet ng mga pinoy ang mga Korean foods na ito. I never tasted any Korean food. This is my first time! Mygaad.

“Fitaaaaaa!!!!” Bulalas ng isang boses! Kaya inikot ko ang mata ko sa buong paligid! Goossh! Sino kaya yung sumigaw na yun???!

Pagtingin ko sa may dulong bahagi ng restaurant, nakita ko dun si Anna! Kumakaway-kaway pa sya.

“Dun tayo umupo.” pag-aya ko kina Ethan at Kuya Axe dahil napansin kong mag-isa lang si Anna sa table nya.

Pagdating namin sa kinaroroonan ni Anna, agad kaming umupo. Nakasalampak kami. Ang baba kasi ng table. Wala nga ding silya dito eh. Korean na korean talaga ang peg! Ganern.

“Hi! Anna!” Pagbati ko dito.

“Hello Fita! Nice seeing you again!” Kuda nya.

“Kilala mo?” Tanong ni Kuya Axe.

“Yah. Nakilala ko lang sya kanina.” Sagot ko.

“So kamusta naman yung audition mo kanina?” Tanong ko kay Anna.

“It was great! Natanggap ako sa musical play!” Masayang sagot nya.

“Ay bongga! Congrats! So Ano naman daw ang role mo dun sa play?” Tanong ko.

“Hindi pa sure eh. Kapag natapos na ang audition, dun palang kami bibigyan ng role.” Sagot nya.

“Ayyy. Ganern? Sana ikaw ang makuhang leading lady! Para mapahiya ang tatlong bruhang nambully sayo kanina.” Kuda ko.

“I think it’s impossible to happen.” Malungkot nyang sabi.

“Ha? Bakit naman?” Tanong ko.

“Yung hinahanap kasi nilang leading lady, yung maganda at bagay na i-pair kay Air. Si Air kasi ang magiging leading man sa musical play.” Sagot nya.

Tintigan ko si Anna. Feeling ko may igaganda pa ang babaeng to! Manang lang sya tignan pero kapag inayusan sya baka lumabas ang gandang hindi nya inakala! Ganun.

“Ano kaba. May pag-asa ka pang maging leading lady no!” Kuda ko.

“Ha? How?” Tanong nya.

“Ah. Basta! Ako bahala! Gagawin natin yan ng paraan.” Sagot ko.

Natigil ang chikahan namin ni Anna nang bigla kaming nakarinig ng tunog ng tiyan. At hindi lang isang tunog, kundi dalawa!

“Mukhang gutom na yata ang dalawang kasama mo Fita.” Sabi ni Anna at halatang nagpipigil sya ng tawa.

“Ah. Hahaha. Oo nga. Ako din gutom na.” Natatawang kuda ko.

Napansin kong naiirita na naman si Kuya Axe. At si Ethan naman napapahimas sa tiyan nya. Halatang gutom na nga silang dalawa.

“Here’s our menu. Umorder lang kayo ng food na gusto nyo. It’s my treat.” Ani Ana sabay abot ng menu.

“Talaga? Libre mo?” Gulat kong sabi.

“Yes. It’s my treat. Restaurant namin to. This day is our grand opening day. Kaya kainin nyo lang ang gusto nyo.” Sabe nyaaa!

Talaga baaaa????

“Kaloka! So sa inyo tong korean restaurant na to?!!!” Gulat na gulat kong sabi.

“Yes. At hindi mo naitatanong, half korean kasi ako. My dad is Korean and my mom is Filipino.” Kuda nya pa.

Kaya pala napaka-kinis at puti nitong si Anna! May lahing Koreana pala. Kaloka!

“Bongga ka pala Anna! Kaloka!” Sagot ko. “Eh Bakit Ana yung name mo? Bakit hindi pang korean?” Tanong ko pa.

“Anna din kasi name ni Mommy, kaya sinunod lang yung name ko sa name nya.”

“Ayy. Ganun. Bongga ka talaga. Haha.” Ang nasabi ko nalang. “Oo nga pala Anna, meet Ethan and Kuya Axe.” Pagpapakilala ko sa dalawang to.

“Hello po.” Pagbati ni Anna.

“Hi.” Tipid na sagot ni Kuya Axe.

“Hi Anna. Nice to meet you.” Sagot naman ni Ethan.

At after ng meet and greet, umorder na kami ng foods! And after a few minutes! Dumating na ang mga food! Kaya kainan na!!!!!

“Kain lang kayo ng kain.” Kuda ni Anna.

“Ikaw? Hindi kaba kakain?” Tanong ko.

“Kakatapos ko lang kanina.” Sagot nya.

“Grabe! Ang sarap ng foods nyo! Hindi ko alam ang tawag dito, pero ang sarap.” Kuda ko habang lumalapang.

“Haha. Thanks. Mabuti naman nagustuhan nyo.” Nakangiting sagot ni Anna.

“Bye the way, babayaran ko yung mga kinain ko.” Pag-eksena ni Kuya Axe.

“Ha? No, its okay. It’s my treat.” Sagot ni Anna.

“Sorry, pero hindi kasi ako nagpapalibre sa babae.” Ani Kuya Axe at nagpatuloy lang sya sa pagkain.

“Ahm. Ako din, babayaran ko na din yung mga kinain ko. Nakakahiya naman kasi. This day is your grand opening so dapat kumita kayo ng malaki ngayon araw.” Dagdag pa ni Ethan.

“O-okay po. Kayo pong bahala.” Ang nasabi nalang ni Anna.

“Don’t worry Anna. Itong mga kinain ko, hindi ko to babayaran. Libre mo diba? Masama kayang tumanggi sa grasya lalo na kung libre. Haha.” Kuda ko.

“Ang kapal.” Sabe ni Kuya Axe.

“Tseee! Friends kami ni Anna. Tsaka sayang naman yung pag-alok nya sa atin kung hindi natin iga-grab! Ganon!” Sagot ko.

“Haha. Ikaw ang bahala.” Natatawang sabi ni Ethan.

“Ahm. Fita? Is that true? Friends na tayo?” Tanong ni Anna.

“Yah. We’re friends na.” Sagot ko.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Anna! Kaloka.

“Thank you! Thanks Fita! Now, I already have a friend.” Masayang masayang kuda nya.

“Ha? Bakit? Wala ka bang friends?” Tanong ko.

“Wa-wala eh.” Malungkot nyang sagot.

“Don’t worry. Friends na tayo ngayon. Kaya huwag kanang ume-mote dyan.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Nilibre ka lang friends na agad. Tssk.” Kuda ni Kuya Axe! Aba! Kanina pa talaga ako kinokontra ng halimaw na to eh!

“Tseeee! Epal ka talagang halimaw ka.” Imbyernang sabi ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla akong kinabig ni Kuya Axe! Hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso ko. Inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko!

“Alam mo kung sino yung epal? Yang kaibigan mo at yang si Ethan! Sana tayong dalawa lang ang magkasama ngayon pero ayan sila! Umi-epal sa ating dalawa!” Bulong nya sa tenga ko at halatang nangigigil sya! Juskoooo!!!!

“E-ewan ko sa-sayo! Ku-kumain ka na nga lang! Kung anu-ano na yang sinasabi mo! Epekto lang yan ng gutom!” Sagot ko sa kanya at itinulak ko sya para maghiwalay kaming dalawa.

Ano bang nangyayari sa halimaw na to! Napapadalas ata yung pagiging mainitin ng ulo nya! Grrrrr.


Itutuloy. . .

Paaakkk 61

• FITA’S POV •

“So what brought you here?” Tanong ni Fafa Ark kay Xylene.

Oo tama kayo ng narinig. Nandito si Xylene at kasabay namin syang naghahapunan. Kaloka.

“Uhm. Actually Dad, I invited her to join us to our dinner. Kaya nga nag-request ako kay Manang Yolly na damihan ang luto.” Sagot ni Kuya Ace!

“Naku Ace. Kung alam ko lang na darating si Xylene sana ako nalang ang nagluto para naman matikman nya ang luto ko.” Pag-eksena naman ni Mudrabells.

Ganern! Kaloka tong si Mudra, feeling ko bet na bet nya itong si Xylene.

“Haha. Kayo po talaga Tita. Hindi nyo na po kailangang mag-abala pa sa akin.” Sagot ni Xylene.

“So? Anything you want to tell us?” Tanong ni Fafa Ark kay Kuya Ace.

“Yeh Dad, I– I just wanna inform everyone that Xylene and I are in relationship again. Kami na ulit. She’s my girlfriend.” Saad ni Kuya Ace!

“Sabi na eh.” Sabe ni Kuya Axe.

“Inasahan na namin yang pagbabalikan nyo. Hehe.” Dagdag naman ni Kuya Air.

“So kayo na talaga? Nako mga bata kayo, hindi masamang makipag-relasyon dapat inilulugar yan ha? At huwag na huwag nyong papabayaan yang pag-aaral nyo.” Kuda ni mudrabells.

“Opo Tita. We’ll keep that in our minds.” Nakangiting sagot ng Xylene na yun.

“But? How about your marriage to Ethan? Hindi na yun tuloy?” Tanong ni Fafa Ark.

“Hindi na po Tito. Kinausap ko na po yung Dad po ni Ethan about that at pati na rin po sila Mom at Dad.” Sagot ni Xylene.

“So ibig sabihin dito kana sa pilipinas ulit mamalagi?” Tanong ni Kuya Air.

“Yup. Hindi ko na iiwan si Ace.” Sagot ng Xylene na yun at ipinatong nya pa ang ulo nya sa balikat ni Kuya Ace! Kaloka.

“Fita? Nak? Tahimik ka yata?” Puna ni mudra sa akin.

“Ha? Ako po? Gutom lang ako Nay. Nagfo-focus lang ako sa pagnguya.” Sagot ko. Megeeeed!

“Fit? Sabi nga pala ni Xy, she wants to bond with you tomorrow.” Kuda ni Kuya Ace!

“Bond? Bonding? Kami?” Sunod sunod kong tanong! Kaloka!

“Yes. Tayo. Tayong dalawa lang. I really want to know you more at gusto din kitang maging kaibigan. Let’s forget our crazy past. Haha.” Sagot ni Xylene.

Nakuuurrr. Kailangan kong magdala ng itak or kutsilyo pang-self defense. Baka atakihin ng kamalditahan ang bruhang to so dapat lagi akong ready! Ganern!

“I like that! Sige payag ako.” Sagot ko.

“Great! Let’s have a girl bonding tomorrow! Make sure you’ll wear your best OOTD.” Aniya.

Huh? Best OOTD? Kailangan pa ba nun?

“Haha. Sige. Gow!” Ang nasabi ko nalang.

Excited na may halong kaba yung nararamdaman ko. Ewan ko ba. Kapag may ginawang hindi maganda sa akin ang bruhang ito bukas. Nakooo! Talaga nalang. Gigilitan ko talaga sya. Ahahaha. Charooot.


Kinagabihan. . .

Nauhaw ako bigla, kaya gumora ako sa kusina para uminom ng cold water. Habang umiinom ako bigla ko nalang naramdaman na may yumakap sa akin mula sa likod!!!! Naibuga ko tuloy yung tubig na iniinom ko! Juskoooooo!

“Sino ka?! Bitiwan mo ako!” Pagpupumiglas ko. Hindi ko sya magawang lingunin dahil sobrang higpit ng yakap nya sa akin!

“I miss you.” Bulong nya sa kaliwang tenga ko. At hindi ako maaring magkamali. Boses yun ng halimaw na si Axe!

“Tseee! Miss mo mukha mo! Magkasama lang tayo kanina! Bitiwan mo na nga ako!” Imbyernang kuda ko sa kaniya.

“Bakit ba ang taray taray mo?” Tanong nya sabay kalas sa pagkakayakap nya sa akin.

Pumaharap ako sa kanya. Seryoso syang nakatingin sa akin! Juskoo! Katakooot.

“E-eh i-ikaw kasi. Bi-bigla bigla ka nalang nangyayakap.” Sagot ko. Medyo utal. Megeeed.

“Hugging you is one thing that makes me smile. So hayaan mo lang na yakapin kita.” Sagot nya at bigla nalang nya akong niyakap ulit. Paharap! Ganun.

Awwww. Ang tigasss. Durog na yung buto ko.

“Okay na ba? Inaantok na ako. Pakawalan mo na ako.” Sabe ko sa kaniya.

“Five minutes more.” Sagot nya!

Anooooo dawww? Five minutes?! Baka pulburon na yung buto ko sa tagal nun! Durog na durog na ako sa higpit ng yakap nya!

“Tama na Kuya! Pakawalan mo na ako.”

“I never let you go. Hinding hindi kita papakawalan at hindi kita hahayaang mapunta sa kahit sino.” Kuda nya!

Anooooo daw? Pinagsasabi ng halimaw na to!

“Bro?! Fita?!” Rinig kong sabi ng isang boses! Kaya napalingon agad ako sa may pinto! At ayun! Si Kuya Air! Juskooo.

“Kuya Axe! Pakawalan mo na ako! Ayan na si Kuya Air!” Aniko.

“Hindi. Hindi kita papakawalan. Dito ka lang sa akin. Sa akin ka lang.” Sabe nya! Nababaliw na ata ang halimaw na reh.

“Bro! Pakawalan mo na si Fita. You’re drunk. Matulog kana.” Saad ni Kuya Air.

Ha? Drunk? So lasing pala ang halimaw na Axe na to!

“Kuya?! Bakit lasing si Kuya Axe?” Tanong ko kay Kuya Air.

“I don’t know. Inaya nya lang akong uminom, pero naparami yung nainom nya. Kaya ayan na lasing.” Sagot ni Kuya Air. Hinila nya yung braso ni Kuya Axe para makawala ako sa mahigpit na pagkakayakap nito.

“Thanks Kuya! Akala ko mamatay na ako. Jusko” kuda ko nang makawala ako sa yakap ni Kuya Axe.

“Sige na. Magpahinga kana. Ako ng bahala kay Kuya.” Sagot ni Kuya Air habang akay-akay nya si Kuya Axe.

“Ah. Sige. Bye. Good night!” Sabe ko.

“Good night. Sweet dreams.” Nakangiting sagot ni Kuya Air at inalalayan nya na sa paglalakad si Kuya Axe papunta sa kwarto nito.

Bakit kaya uminom ang halimaw na yun??? Nakakapagtaka naman.


Kinabukasan. . .

Ito ang araw ng bonding moment namin ng Xylene na yun. Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Kaya plain white shirt at black jeans lang yung sinuot ko, partnered with flat shoes. Ganun. Ayokong sundin yung sinabi nya na kailangan pang OOTD yung suot ko. Baka mamaya kapag nagsuot ako ng bongga i-judge nya yung fashion sense ko.

“San daw kami magkikita ni Xylene?” Tanong ko kay Kuya Ace.

“Sa Big mall kayo magkikita. Don’t worry ihahatid naman kita.” Sagot nya at pumasok na sya sa kotse nya.

“Ha? Bakit nandun na ba si Xylene?” Tanong ko sabay pasok sa kotse.

“On the way na sya. Kaya let’s go.” Sagot nya at ayun, bigla nalang nyang hinarurut ang kotse nya! Kaloka!

“Kuya dahan dahan lang! Yung puso ko tumatalbog na.” Kuda ko.

“Hehe. Sorry naman. Kailangan kasi nating maunahan dun si Xy. Ayaw kasi nun na pinaghihintay sya.” Sagot nya.

“Ay. Ganun. Oh gow! I full force muna ang pagda-drive.” Sagot ko. “Baka saniban na naman ng kamalditahan ang syota mong yan.” Bulong ko pa.

“Ha? Ano yun?” Tanong nya.

“Ah. Wala. Wala. Haha. Gow! Bilisan mo pa!”

Makalipas ang ilang sandali, nakarating na kami sa big mall. Ang laki nga ng mall nato kaya siguro tinawag na big. Ahahaha. Nubeee.

Pinark na ni Kuya Ace yung kotse nya at naglakad na kami papasok sa big mall. Mukhang naunahan ata namin si Xylene.

“Hi Sir, Mam! Bili na po kayo ng couple shirt namin it is fifty percent off. So don’t miss the chance.” Kuda ng sale’s lady na to sa amin ni Kuya Ace.

Ano daw??? Couple shirt? Baka akala ng babaeng to magjowa kami ni Kuya Ace. Kaloka.

“Nako Ate, sorry. Hindi po kami magjowa.” Sabe ko.

“Ay ganon po. Sayang naman. Akala ko mag-boyfriend kayo. Bagay kasi kayo eh.” Sabe nyaaa!

“Talaga? Bagay kami?” Nakangising tanong ni Kuya Ace dito.

“Opo Sir.” Sagot nito.

“Bigyan mo ako ng isang couple shirt. I want that red one.” Saad ni Kuya Ace!

“Woy! Bakit bibili ka?!” Tanong ko sa kanya.

“Para sa ating dalawa.” Nakangiting sagot nya.

“Anong sa ating dalawa! Sira ka talaga! Kay Xylene mo ibigay yan. Huwag sa akin.” Kuda ko.

“Relax. Hindi lang naman magboyfriend girlfriend ang nagco-couple shirt. Pati rin magkapatid. Brother’s shirt natin to.” Sagot nya.

“Ganon? Ayoko. Ibigay mo nalang kay Xylene yan. Hindi ko yan susuotin.”

“Hindi naman nagsusuot ng ganito si Xy. Itabi mo yan and wear that.” Sabi nya sabay abot sa akin nung isang pares. Kaloka.

“What’s going on? Nag-aaway ba kayo?” Biglang tanong ng kung sino. At paglingon namin ni Kuya Ace sa may direksyon ng entrance bumungad sa amin si Xylene.

Muntik ng malaglag yung pangga ko! Grabeee! Paaakkk na paaakkk naman ang suot ng babaeng to. Pang-OOTD talaga. Joskooo. Hindi ko alam kung paano ko ide-describe yung suot nya kasi nga wala naman akong alam sa fashion. Basta! Maganda! Bingga ang suot nya. Lalo tuloy syang gumanda. Ganun.

“Hehe. We’re not fighting. Binilhan ko lang si Fit ng couple shirt namin. Kaya lang ayaw nya namang tanggapin.” Sagot ni Kuya Ace.

“Couple shirt? Nyo? Haha. Mukhang sinasalisihan nyo akong dalawa wah.” Saad ni Xylene.

Ano daw????

“Woy. Grabe ka. Hindi yan totoo. Ayan yung isang pares ng couple shirt, sayo na yan. Hindi ko rin naman yan susuotin.” Kuda ko sabay abot sa kaniya nung damit.

“Haha. Relax Fita, I’m just kidding.” Natatawang sabe ni Xylene.

“Diba sabi ko, brothers shirt natin yan. Kaya sayo na yan.” Ani Kuya Ace. Kinuha nya yung damit na inabot ko kay Xylene at ibinigay nya ulit iyon sa akin. “Sige na. I have to go. Mag-ggym pa kami nila Kuya. Baka ma-late ako.” Paalam nya pa.

“Bye babe.” Paalam ni Xylene dito sabay kiss sa pisngi ni Kuya Ace.

“B-bye.” Ang nasabi ko nalang.

“Mag-enjoy kayo ha. Bye!” Paalam ulit ni Kuya Ace. At yun, naglakad na sya papuntang exit.

“So? What happened to you?” Biglang tanong ni Xylene!

“Ha? Ano?” Tanong ko. Hindi ko sya ma-gets eh.

“Sabi ko, wear your best OOTD. Bakit ganiyan lang yung suot mo?” tanong nya.

“Eh. Ka-kasi wala akong mapili. Tsaka honestly, wala talaga akong alam sa fashion at OOTD na yan.” Sagot ko.

“Uhm. To be honest with you, kapag sumama ka sa akin na ganiyan lang ang suot mo, iisipin ng mga tao na alalay lang kita.” Sabe nyaaa!

Anooooo! Abaaaa! Pigilan nyo ako mga besssh! Ilalabas ko na talaga yung itak ko.

“Edi huwag mo nalang akong samahan. Mamasyal nalang ako mag-isa.” Sagot ko. Pinipigilan ko pa yung pagiging imbyerna ko.

“No. No. No. Hindi pwede yan. Magbo-bonding nga tayo diba?”

“Eh anong gagawin ko? Uuwi ako? Tapos magpapalit pa ako ng damit?” Tanong ko.

“Bakit kapa uuwi? Maraming damit dito. I’ll help you to transform.” Nakangiting sabe nya.

“Ha? Transform?” Gulat kong tanong.

“Yes. Transform. I’ll change you to a different person.” Sagot nya. “Let’s go!” Sabe nya pa at bigla nalang nya akong hinila sa kung saan.

Dinala ako ni Xylene sa isang salon. Gossh! First time kong pupunta sa ganito. Barbershop lang kasi yung salon na alam ko! Ganoon.

Kinausap ni Xylene yung may edad na beking yun. Mukhang sinasabi nya sa beking yun kung ano yung gagawin sa akin.

“Kayo na pong bahala sa kanya. Make sure na mag-iibang tao sya pagbalik ko.” Kuda nya sa beking yun.

“Wuy?! Pagbalik mo? San ka pupunta?” Tanong ko.

“I will buy you a dress to wear at shoes na rin. I’ll be back soon!” Sagot nya at mabilis syang naglakad palabas!

“So ready kana ba hija?” Tanong sa akin ng beking ito. Kahawig nya si Mother Ricky Reyes. Ganun.

“Ah. Eh. Re-ready na po.” Sagot ko.

“Okay. Let’s start!” Kuda nya at pinaupo nya ako sa may chair na nakaharap sa malaking salamin.

Kinakabahan ako. Ano kaya yung gagawin nya sa akin! Nakuuurrr! Sana maging maganda yung result! Mygaaaaad!


Itutuloy. . .

Paaakkk 62

• FITA’S POV •

“Mygad Fita! You’re so pretty!” Bulalas ni Xylene after ng lahat ng session na ginawa sa akin ng may edad na beking yun.

Omegesh! No need to say that. Alam ko na yan. Ahahaha. Charot.

Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. At napanga-nga nalang ako sa nakita ko! Juskoooo! Ako ba to? Weeeeh? Totoo ba? Ako yan??? Gosssh! Ang ganda ko talaga!

Ang dyosa ko pala kapag naka-make up! Parang sasabak ako sa Miss U! Ganern! Ahaha! Tapos ang haba na ng hair ko! Hanggang bewang ko na! Kaya lang medyo makati tong extension na to wah! May kuto ata yung huling gumamit nito eh! Grrrr.

“Wear this dress and heels para makapag-bonding na tayo.” Kuda ulit ni Xylene sabay abot nung mga pinamili nya.

Naglakad ako papuntang restroom. Hinubad ko ang lahat ng suot ko. Binuksan ko yung paper bag na inabot ni Xylene at isa-isa kong nilabas ang laman non!

Pink floral dress na off shoulder yung biniling damit ni Xylene! At five inch heels na nude ang kulay! At kaloka! May bra pa talagang kasama with foam!!!!! Ganooon!

“Fita? Are you done?” Tanong ni Xylene mula sa labas.

“Wait. Eto na. Matatapos na.” Sagot ko at mabilis kong sinuot ang lahat ng iyon.

Pagkatapos kong magbihis humarap ulit ako sa salamin. Medyo hindi pa ako makapaglakad ng ayos dahil sa taas ng takong na suot ko! Juskoo.

Pagtingin ko sa salamin. . . .

Paaaakkkkkk!

Paaaakkkkkk!

Paaaakkkkkk!

Paaak na paaaakk! Bonggaaaaa! Mygaaaad mga besssh! Ang ganda ko! Tumingin kayo Dali! Ayan! Diba? Ang ganda ko?! Oh huwag ma-insecure nakakapanget yan. Ahahaha. Charooot!

Medyo na-iyak pa ako ng slight! First time kong makita na ganito ka ganda ang hitsura ko. Baka nga hindi na nila ako makilala eh.

Lumabas na ako sa restroom. . .

“It fits you right. You’re so pretty.” Nakangiting sabi ni Xylene pagkalabas ko sa restroom.

“Ang ganda mo girl! Hindi kita nakilala!” Kuda naman nung beking nag-ayos sa akin kanina.

“Here’s the payment. Keep the change.” Sabe ni Xylene sabay abot ng bayad sa beking yun. “Come on Fita, let’s go.” Aya nya sabay hila sa akin palabas ng salon.

“San ba tayo pupunta?” Tanong ko.

“Secret for now, basta maggi-girl bonding tayo!” Kuda nya at nagsimula na kaming maglakad. Hindi ko alam kung san ba ako dadalhin ng babaeng to.

Napapatingin ako sa mga taong nakakasalubong namin. At medyo nao- awkward ako dahil tinitignan nila kami mula ulo hanggang paa! Ganun!

“Don’t mind them. Masanay kana. Ganyan talaga kapag maganda, people will stare at you.” Ani Xylene.

Ganooonn? We’ll, hindi pa ako sanay noh. Iba kasi ang anyo ko ngayon kaya medyo nakakailang! Ahahahar!


Kung saan saan ako dinala ng Xylene na to! Sumakit tuloy ang legs ko kakalakad namin! Myggaad!

UNA! Dinala nya ako sa make up area ng mall na to. Ang dami nyang chinika sa akin about sa make up kemerut na yan. Kung paano mag-apply ng make up ganito ganiyan at kung anong make up daw ang bagay sa akin. Ganoon! Tapos ang dami nyang pinamiling make up at sa aming dalawa daw yun! Kaloka!

PANGALAWA! Dinala nya ako sa perfume station ng mall na ito! At tulad kanina, ang dami nya ring chinika about sa pabango! Ganon. Tapos sabi nya pa dapat yung pipiliin daw nating bango ay nababagay sa personality na meron tayo! Hindi nga ako naniwala sa kaniya nung una pero nang maipili nya na ako ng pabangong bagay sa akin ay naniwala na ako. Ang bango nung napili nya! Kapag naamoy ko yun naiisip ko talaga ang sarili ko! Ganern!

PANGATLO! Dinala nya ako sa wardrobe place ng mall na ito! Pumasok kami sa isang sosyalin na boutique! Ang dami talagang mga damit! At mukhang mamahalin lahat! Jusko. Pang divisoria lang yung balat ko! Baka mangati ako sa mahal ng mga damit dito! Meggeed. Ang dami rin nyang kinuda about sa mga damit chuchu ganito ganiyan. Feeling ko tourist guide itong si Xylene, ang galing nyang kumuda! Ganon! At syempre, namili din kami ng mga dress! Naka lima siguro kaming paper bag sa dami ng binili nya! Mabuti nalang libre nya lahat! Ahaha! Singkwenta lang kasi ang lama ng wallet ko! Whahaha.

PANG-APAT! Syempre kung may damit, may sapatos! So ayon! Gumorabells kami sa shoe area ng mall. And as usual, ang dami nya ulit chinika about sa shoes. Dapat daw nababagay yung shoes na suot mo sa damit mo ganito ganiyan. Basta ang dami nyang kinuwento. Kaya ang ginagawa ko ay nakikinig lang ako sa kaniya. Mga apat na sapatos ang binili ni Xylene! Tig-dalawa daw kami! Bongga talaga ang babaeng to! Napakagalante! Mabuti may pera pa sya! Ahaha.

PANGLIMA! Syempre kung may damit at sapatos dapat may bag! Ganon! Wala naman akong hilig sa bag. Basta kahit anong bag okay na sa akin! Pero tulad kanina ang dami nya ring kwento sa bag, na makikita daw sa bag na suot mo ang personality mo ganito ganiyan. Na dapat daw binabagay yung bag mo sa total outfit mo. Ganon! Dalawang bag yung binili ni Xylene! Isa sa kaniya isa sa akin! In fairness sa babaeng to ang galing nya sa piliin at sa fashion! Bongga!

LASTLY! Syempre makulumpleto ba ang OOTD mo kung walang accessories?! Kaya dyan kami huling pumunta sa jewelry area! Ganun. Bumili ng dalawang necklace, dalawang bracelet, dalawang relo at isang pares ng hikaw si Xylene. Bibilhan nya dapat ako ng hiwak, eh sabi ko wala akong butas! At ayukong maghikaw. Masaket! Ganun. At dyan natatapos ang ilang oras na pag-gala at paglalakad namin ng Xylene na yun.

Kapagod! Mygaad! Nakakagutom! Pero honestly nag-enjoy naman ako. Ang dami kong natutunan sa babaeng yun. Feeling ko tuloy nadagdagan ng 30% yung pagkababae ko! Ganon! Ahahaha.

Akala ko mamalditahan ako ng babaeng yun pero mukhang hindi na ata mangyayari yun dahil sa ilang oras na magkasama kami, napatunayan kong mabaet naman pala sya. At talagang gumaan yung loob ko sa kaniya. Ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit minahal sya ni Kuya Ace. Dahil isa syang matalinong babae, sophisticated, maganda at mabaet din pala sya. Kaloka.

“Uhm. Salamat sa lahat ng to ha.” Nakangiting say ko kay Xylene.

“Anong salamat?! May bayad yan.” Kuda nya!!!!

Huwhaaaattt?!!!!!

“Ganon?! So babayaran ko to lahat?!” Gulat na tanog ko.

“Haha. Just kidding. Libre ko na yan sayo. You’re welcome and thanks for your time. I really enjoyed being with you.” Nakangiti nyang sagot.

Bigla akong nakahinga ng maluwag! Kaloka tong babaeng to! Akala ko talaga pababayaran nya sa akin lahat ng yun. Megeeed!

“Ako din. Nag-enjoy din ako. Salamat, ang dami kong natutunan sayo.” Kuda ko pa.

“It’s my pleasure. Haha.” Sagot nya! “Bye the way, samahan mo pala ako papunta kila Ace.” Dagdag nya pa.

“Ha? Kila Kuya Ace? Sa bahay?” Tanong ko.

“No. Sa gym kung nasaan sila ngayon. Samahan mo ko dun.”

“Bakit tayo pupunta dun?” Tanong ko.

“May restaurant sa tapat ng gym kung nasaan sila, dun nalang tayo kumain. Nagugutom na kasi ako. Sumabay na tayo sa kanila.” Sagot nya.“ And of course para makita na rin nila yang transformation mo.“ Dagdag nya pa.

Ganoooonnn?!

“Ah. O-okay. Si-sige.” Ang nasabi ko nalang.

Pero bakit ganun? Bakit parang bigla akong kinabahan? Feeling ko kinakabahan ata ako sa magiging reaksyon ng tatlong halimaw na yun kapag nakita nila na ganito ang hitsura ko! Baka hindi nila ako makilala! Ahahaha. Edi bonggaaaa!


Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa gym kung nasaan sila Kuya.

“Yes Madams? Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” Tanong ng lalaking to na bato bato ang katawan nang makapasok na kami sa loob ng gym! Ang laki! Kaloka!

“Uhm. Nothing. I just want to see my boyfriend.” Sagot ni Xylene at hinila nya ako papunta sa kung saan!

“Nasaan na ba sila?” Tanong ko.

“I don’t know. Let’s try to find them, ang laki naman kasi ng gym na to. Pahirapan tuloy sa paghahanap!” Sagot nya habang patuloy kami sa paglalakad.

Nakaramdam na naman ako ng pagkailang! Dahil yung lahat ng lalaking nasa loob ng gym na to ay nakatingin silang lahat sa amin ni Xylene! Megeeed! At alam kong hindi lang yun simpleng tingin, parang may something! Ganun! Juskooooo!

“Oh! Ayun sila!!” Sabe ni Xylene. Mukhang nakita nya na ata sila Kuya!

Kaya ibinaling ko ang mata ko sa direksyon kung san sya nakatingin. At ayun! Nandun nga sila Kuya!

Mygaaaaaaad! Mga topless sila! Waaait! Parang nawala na yung gutom ko. Parang bigla akong nabusog! Ancherep! Ahahahaha! Charooot!

“Hi, babe. I miss you.” Kuda ni Xylene nang makalapit na sya kay Kuya Ace. Inabutan nya ito ng tubig at pinunasan pa nito ang pawis ni Kuya!

“Miss you more babe.” Sagot naman ni Kuya Ace sabay inom ng tubig sa tumbler na bigay ni Xylene.

“Hi Xy, where’s Fita? Akala ko ba magkasama kayo?” Tanong ni Kuya Air.

“Oo nga. Nasaan sya?” Dagdag pa ni Kuya Axe.

“Si Fita? He’s over there!” Sagot ni Xylene sabay turo sa akin.

Sinundan ng mga mata nila Kuya ang hintuturong iyon ni Xylene na nakaturo sa akin. At nang tumama na ang kanilang paningin sa akin, naloka ako nang biglang lumaki ang kanilang mga mata!

“Fit?!” Bulalas ni Kuya Ace at bigla nang nabitawan yung tumbler na hawak hawak nya.

“Seriously? Si Fita yan?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Air!

“Yup! Ang ganda nya diba?!” Sagot ni Xylene.

Maglalakad na sana ako palapit sa kinaroroonan nila nang may tatlong lalaki ang humarang sa dinaraanan ko!

“Uhm. Excuse me po mga Kuya.” Kuda ko.

“Naliligaw ka ba dito miss?” Tanong ng lalaking to na naka pulang short! Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso, feeling ko napapaso ako sa sobrang hot nila! Ang daming pandesal josko!

“Nag-iisa ka lang ba dito miss pretty?!” Nakangising tanong naman ng isa pang lalaking to na naka trunks!

“Ah. Hindi po. May kasama po ako.” Sagot ko. “Makikiraan po.” Kuda ko pa at maglalakad na sana ako nang biglang hawakan ng lalaking naka black jersey short ang braso ko.

“Dito ka muna miss. Gusto ka pa naming makausap.” Nakangiting sabe ng lalaking to!

Aba! Hindi ba ako titigilan ng tatlong to! Wala na akong choice! I need to say the truth! Baka akala ng mga kumag na reh babae akong tunay.

“Uhm. Sorry po mga Kuya. Hindi po ako miss. Lalaki po ako. Meaning, sirena po ako. Ganun!” Pagtatapat ko.

“Seriously?! You’re gay?!” Gulat na tanong ng lalaking to na naka jersey short.

“Opo. Kaya padaanin nyo na po ako.” Sagot ko.

“You’ll stay here baby!” Biglang sabi ng lalaking to na naka trunks! Tapos naramdaman ko nalang yung kamay nya sa may pwet ko! Ang bastoooss!!!

“I think I know the reason why you’re here baby. Siguro naghahanap ka ng lalaking maaakit mo no?” Nakangising tanong ng lalaking to na naka red short!

“Don’t worry baby. You made it, you seduced us. Saan mo ba gustong pumunta?” Kuda pa ng lalaking to na naka jersey short! “Sa langit?” Pahabol nya pa! Pinagapang nya yung kamay nya sa bewang ko papunta sa may balakang ko! Tapos nakagiti pa sya na parang juskooopooo!

Parang naging estatwa na ako sa kinatatayuan ko! Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin! Gusto ko silang tadyakan, sutukin at sambunutan! Pero hindi ko maigalaw yung katawan ko! Mukhang nanigas na yung katawam ko dahil sa sobrang kaba!

“Tang*na! Alisin nyo yung kamay nyo sa kanya!” Bulalas ng isang boses at pagtingin ko si Kuya Axe pala yun! At naloka ako nang isa isa nyang sinuntok ang tatlong manyak na lalaking yun.

Pero mabilis na tumayo ang tatlong lalaking yun at gumanti sila ng suntok kay Kuya Axe! Juskooopo!

Mabilis na tumakbo sina Kuya Air at Kuya Ace para tulungan si Kuya Axe at ayun! Nagrambulan sila sa loob ng gym!

“Ku-kuya!” Sigaw ko.

“Fita! Okay ka lang ba?!” Tanong sa akin ni Xylene.

“Oo. Pero sila Kuya! Awatin natin sila!” Kuda ko. Mabilis akong tumakbo para hanapin yung manager ng gym na to! Kailangang matigil na yung pag-aaway nila! Baka kung mapaano pa sila Kuya! Jusko.

“Sir! Sir! Nagkakagulo na po dun, may mga nag-aaway po. Please, awatin nyo po sila!” Sabe ko sa lalaking bato bato ang katawan na nagtanong sa amin kanina ni Xylene.

“What?!!!!” Gulat nyang sabe “Francis, Troy! Samahan nyo ako!” Kuda nya pa sa dalawa nyang kasamang lalaki at mabilis silang tumakbo papunta doon.


“So-sorry. Dahil sa akin nasaktan tuloy kayo.” Paghingi ko ng tawad kila Kuya.

Nasa park kami ngayon. Nakaupo kami sa mahabang bench. Ginagamot ni Xylene yung mga sugat nila Kuya. Alam nyo naman na takot sila na pumunta sa ospital kaya dito nalang daw.

“It’s okay. Wala to. Ang mahalaga, naturuan namin ng leksyon ang mga gagong yun.” Sagot ni Kuya Ace.

“Okay ka na ba Fita?” Tanong sa akin ni Kuya Air.

“Dapat nga ako ang nagtatanong sa inyo nyan. Sorry talaga Kuya.” Sagot ko.

Nagulat ako nang bigla akong hawakan ni Kuya Axe sa pulso ko at hinila niya ako palayo kila Kuya Air.

“A-aray Kuya! Masakit!” Pag-inda ko.

“Anong trip yan?!” Seryoso nyang tanong.

“Ha? Alin?” Tanong ko.

“Ano pa ba?! Yang hitsura mo! Bakit mo binago!” Tanong nya at parang galit ata sya.

“Ha? Ah. Ito ba? Si-si Xylene yung nag-ayos sa akin nito.” Sagot ko.

“Nagpaayos ka sa kanya? Para Ano? Para mas lalong dumami ang lalaking titingin sayo? Ganun ba? Ha?!” Tanong nya ulit!

Ano bang problema sa lalaking to, Bakit ba parang galit na galit sya!!!

“Hi-hindi naman sa ganun Kuya. Tinulungan lang ako ni Xylene na mabago yung hitsura ko kahit ngayon lang.” Sagot ko. “Bakit? Panget ba? Hindi ba bagay?!” Tanong ko pa.

“Maganda! Sobrang ganda! Bagay sayo! Hindi nga kita nakilala eh! Pero ayokong binabago mo yang hitsura mo! Kung ano ka, dapat iyun ka! Nakita mo tuloy yung nangyari dahil dyan sa kaartehan mo.” Sagot nya.

“Kuya! Hindi to kaartehan. Sinubukan ko lang naman. Oo na! Ako na ang may kasalanan kung bakit kayo nasaktan. Sorry na.”

“Huwag na huwag mo ng uulitin yan. Don’t try to change yourself again! Hindi iyan ang Fita na nakilala ko, hindi iyan ang Fita na nagustuhan ko. Oo! Ang ganda mo! Sobrang ganda mo ngayon. Mukha kang babae! Babaeng babae! Pero nabubwisit ako sa mga lalaking tumitingin sayo kanina, doon sa gym! They’re staring at you insanely! At bilang lalaki alam ko kung anong klaseng titig ang ginagawa nila sayo. Kaya nga binastos ka ng tatlong gagong yun dahil mukhang tinaman yata sila sayo.” Kuda nya!!!! “Ayokong may ibang lalaking titingin sayo, susulyap sayo, tititig sayo! Gusto ko ako lang. Kaya huwag mo ng uulitin yan. Dahil sa ginagawa mong iyan baka dumami pa ang kaagaw ko sayo. Hinding hindi ko na yun hahayaan pang mangyari. Maging simple ka lang, sapat na yun sa akin! Yun ang gusto ko.”

Ang haba naman ng speech nya. Waaait! Dina-digest pa ng utak ko yung mga sinabi nya. Ayan. Naglo-loading pa! Mygaaad!

“Naiintindihan mo ba?!” Siryosong tanong nya!

Kaloka! Ngayon ko lang na-gets ang lahat ng sinabi nya! So ganon?! Ayaw nyang magpaganda ako dahil baka habulin ako ng mga lalaki?! Ganon ba?! Gusto nya sa kanya lang ako! Ganooon?! Abaaaa! Possessive na nga selfish pa ang halimaw na to! Anong akala nya?! Pag-aari nya ako?!

“Alam mo Kuya ang selfish mo! Hindi mo ako pag-aari para diktahan mo ako sa bagay na gusto kong gawin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil nag-iba ang hitsura ko. Ngayon ko lang nakita ang sarili ko ng ganito. Kaya hayaan mo na ako. Kung hindi mo gusto ang hitsura ko ngayon, edi huwag. Bahala ka sa buhay mo.” Sagot ko.

“Hindi ako selfish, maybe I’m quite possessive even you’re not mine. Sinasabi ko lang to dahil kung ipagpapatuloy mo ang ganiyan, Baka hindi malayong may bumastos na naman sayo. At paano kapag nangyari yun? Sino? Sino ang tutulong sayo?! Wala!” Sagot nya! Naglakad sya palapit sa akin. Naloka ako nang bigla nya akong yakapin! Mygaad! “Kaya ibalik mo na yung dating ikaw, yung simpleng ikaw. Dahil yun ang Fita na nagustuhan ko.” Sabe nya pa at mas humigpit pa yung yakap nya sa akin.

Oo nga. May point nga si Kuya. Paano kung maulit ulit yung nangyari kanina? Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko, gayong bigla nalang naninigas ang katawan ko sa sobrang takot. Tsaka Oo, masaya ako dahil babaeng babaeng tunay ang look ko ngayon pero hindi ko naman kayang araw araw ganito ang hitsura ko. Siguro nga mas okay na maging simple nalang ako. Dahil iyun naman talaga ako. Iyun si Fita, simpleng maganda na may dugong dyosa! Ganooooon!

Kating kati na talaga ako sa extension na suot ko ha?! Grrrrr. Feeling ko garapata na ata yung nasa ulo ko.


Itutuloy. . .

Paaakkk 63

• FITA’S POV •

Nasa garden ako ngayon. Nakaupo ako dito sa gilid ng fountain. Nagmumuni-muni. Ganun! Mag-aalas nuebe na nga ng gabi.

Napatingin ako sa puno na nasa tapat ko ngayon, bigla kong naalala yung moment na iginapos ako ng apat na halimaw na yun dun mismo sa puno na yun! Tapos biglang dumating si Ethan at sya ang nagpakawala sa akin noon.

Nakakalokang isipin na ganun nalang kabilis magbago ng tadhana. Kung nung una, diring diri at galit na galit sa akin ang apat na halimaw na yun, ngayon ang sakit sa bangs na isipin na nagkagusto pa sila sa akin! Mygaad.

Diba? Nakakaloka?! Tapos yung Axe na yun! Sya! Sya yung pinaka namumuhi sa akin noon, tapos ngayon daig nya pa ang boyfriend sa pagiging possessive!

“Anong iniisip mo? Mukhang ang lalim ha?” Biglang tanong ng kung sinong nilalang! Kaya mabilis akong lumingon sa likuran ko at nakita ko dun si Kuya Air!

Awwww! Ang gwapoooo.

Naglakad sya palapit sa akin, at umupo sya sa tabi ko.

“Uhm. Wa-wala. Wala naman akong iniisip. Tsaka hindi ako malalim mag-isip. Haha!” Sagot ko.

“Ikaw talaga.” Sabe nya sabay kurot sa pisngi ko. Awwww. Ahaha. “Uhm. Fita? May I ask you something?” Tanong nya.

“Oo naman Kuya. Ano ba yun?”

“Anong meron sa inyo ni Kuya Axe?” Tanong nyaaaa!

Anooo dawww???

“Ha? Sa amin? Wala. Wala naman.” Tugon ko.

“Wala? Talaga? Eh Bakit feeling ko may something sa inyong dalawa.” Kuda nya! “Kayo na ba?!” Tanong nya pa!!!

“Ha?!!! Anong kami na?! Hindi no. Ano ba yang iniisip mo Kuya! Kaloka ka.”

“So hindi kayo? Walang kayo?” Tanong nya ulit.

“Wala. Period.” Sagot ko.

“Mabuti naman. Akala ko talo na ako.” Nakangiting sabe nya.

“Ha? Talo? Saan naman?”

“San pa ba, edi dyan sa puso mo. Akala ko talo na ako. Hehe.” Natatawang sagot nya!

Anubeeee. Kuya Air! Huwag kang ganiyan please! Baka makagat pa kita. Ahohoho.

“Ano ba yang mga pinagsasabi mo Kuya! Kaloka ka! Walang matatalo at wala ring mamanalo dito sa puso ko! Ganon!” Kuda ko!

Nagulat ako ng bigla nalang akong niyakap ni Kuya Air! Juskoooo. Anserep nemen. Ahaha.

“Lagi mong tatandaan, na gusto kita, gustong gusto and I’m always here for you.” Bulong nya sa may kaliwa kong tenga! Megeeed.

Hindi na ako nakapagsalita. Bigla akong napa- silent mode! I don’t know what to sayyyy. Basta! Niyakap ko din si Kuya Air. Ganoooon.

“Eheeeem!” Nagulat kami ni Kuya Air nang may biglang umubo! Paglingon namin, si Kuya Axe pala! Kaya mabilis kong inalis yung braso ko sa pagkakayakap ko kay Kuya Air at Ganun din sya!

“B-Bro. Ikaw pala yan. Ginulat mo naman kami.” Sabe ni Kuya Air.

“Halata nga. Mukhang gulat na gulat kayong dalawa. Naka-istorbo ba ako?” Seryosong kuda ni Kuya Axe!

“Ha? No. Hi-hindi. We’re just talking about something ni Fita.” Sagot ni Kuya Air.

“Matulog na kayo. Anong oras na, maaga pa yung klase natin bukas.” Saad ni Kuya Axe.

“Okay Bro.” Sagot ni Kuya Air. “Good night Fita. Sweet dreams!” Pagbaling nito sa akin at naglakad na sya papasok sa loob ng bahay.

Naiwan kaming dalawa ng halimaw na to dito sa garden. Bakit parang bigla akong nakaramdam ng kaba. Juskooo.

“Para saan naman ang yakap na yun? Huh?” Seryosong tanong ni Kuya Axe!

“Ha?! Ya-yakap?! Ah-eh wala. Wala naman yun.” Sagot ko.

“Kapag ako ang yumayakap sayo, hindi mo tinutugon ang yakap ko. Pero kapag si Air halos mabali na ang likod nya sa yakap mo.” Singhal nya.

Anoooo dawwww??? Pinagsasabi ng halimaw na to?!!!

“A-ano ba yang sinasabi mo Kuya. Nagco-conclude ka na naman ng mga bagay bagay.” Dipensa ko.

“I’m not concluding, I’m just saying what I saw.” Sagot nya.

“Ewan ko sayo. Sige na. Matutulog na ako. Good night.” Kuda ko at maglalakad na sana ako paalis nang hawakan nya yung braso ko!

“Dito ka muna.” Pagpigil nya.

“Maaga pa yung pasok natin bukas, ikaw na yung nagsabi. Kaya bitawan mo na ako. Matutulog na ako.” Sagot ko.

“Yakapin mo ako.” Utos nya in very serious way! Ganun.

“Ha?!” Gulat kong sabi.

“Yakapin mo ako, gaya ng pagyakap mo kay Air. I just wanna feel that hug tight of yours.” Sabe nya.

“Ay nako Kuya. Ang OA mo! Maka tight hug ka naman. Simpleng yakap lang yun. Sige na, bitawan mo na ako. Gusto ko ng matulog.”

“Hindi kita bibitawan hanggat hindi mo ako niyayakap.” Matigas nang sabe!

Anooo?! Problema ng halimaw na to?!!! Nangigigil na ako sa kanya wah! Napapadalas na yung pagiging ganyan nya!

“Kuya ano ba?! Sabing bitawan mo na ako eh!” Pagpupumiglas ko.

“Just hug me and I’ll let you go.” Sagot nya.

Grrrrr. Ang kulit! Okay fine!

Kaya wala na akong nagawa, niyakap ko ang halimaw na to! In fairness ha! Ang bango nya. Ahahaha.

Pero naloka ako nang bigla nya rin akong yakapin ng sobrang higpit! Halos madurog na yung skeletal system ko! Juskoo.

“Ku-kuya! A-aray! Masakit.”

“Just one minute more.” Sabe nya!

Kaya nagbilang ako ng one to sixty! At after nun, ayaw nya pa rin akong bitawan! Mygaad!

“Naka isang minuto kana! Bitawan mo na ako Kuya! Hindi na ako makahinga!” Kuda ko.

“Pwede bang i-extend?!” Tanong nya.

“Tseee! Ano to? Load? Na-eextend! Kaloka ka. Bitawan mo na ako.” Sagot ko.

Unti-unti nyang inalis ang mabibigat nyang braso na nakapalupot sa bewang ko. At naloka ako nang bigla nyang hawakan ang magkabila kong pisngi at tumitig sya ng sobrang seryoso sa mata ko! Anubeeee!

“Ku-kuya.” Aniko!

“Fi-Fita. Ano ba tong ginagawa mo sa akin. Hindi naman ako ganito. Pero nagkakaganito ako dahil sayo.” Sabe nya!

“Ha?! A-ano? Hi-hindi kita ma-gets!” Tanong ko.

“Forget it.” Sagot nya at nanlaki, as in nag-expand ng bonggang bongga ang mata ko sa sunod nyang ginawa!!!!

Naramdaman ko nalang yung mainit nyang lips sa lips ko! Juskooo! Hinalikan nya ako ng wala man lang pasabe!!!!

“I love you.” Saad nya nang maialis nya yung labi nya sa pagkakalapat sa labi ko! At ngumiti pa sya!!!!

Ta-tama ba ako ng narinig?!!!! Ang halimaw na to?! Nag-I love you sa akin?!!!! Mahal nya ako? Mahal nya na ako?!!!

Dahil sa sobrang gulat ko sa mga nangyari, mabilis akong tumakbo papasok sa loob hanggang sa makarating ako sa kwarto ko!


Tatlong oras. Yan lang ang haba ng tulog ko! Tatlong oras lang akong natulog! Kaya mga besshy, tumingin kayo sa inaapakan nyo baka naapakan nyo na yung eye bags ko! Megeeed!

Ewan ko ba. Medyo nagulo ang isip ko sa mga nangyari kagabi. Yung “I love you” ni Kuya Axe tumagos sa kaugat-ugatan ng puso ko. May naramdaman ako na parang ewan kaya napuyat ako kagabi dahil dun. Tapos yung kiss nya! Juskooo! Bakit ba parang nararamdaman ko pa rin yung lips nya dito sa labi ko! Mygaaad!

“Diiiiingggggg! Dooooonggggg!”

Hindi yan tunog ng doorbell, ring tone ko yan sa phone ko. Ewan ko ba kung bat yan ang ring tone ko. Ahahahaha!

Nanumbalik ako sa real world ng biglang tumunog ng malakas ang phone ko, at pagtingin ko sa screen nag-flash dun ang ni Annna!

“Hello Anna?” Pagsagot ko sa tawag nya.

“Hello Fita?! Uhm. Pwede mo ba akong samahan?”

“Ha? Saan naman?” Tanong ko.

“Ngayon araw na kasi pipili yung head ng musical club kung sino yung gaganap na leading lady sa musical play. Kinakabahan kasi ako. Baka hindi ako mapili, alam mo naman na iyakin ako. Haha. Baka mamaya maiyak ako dun, I need someone to comfort me and you’re the only person who can make me feel better.” Sagot nya.

“Ganun? Eh anong oras ba yan Anna? May klase kasi ako ngayon.”

“Uhm. After lunch pa naman. Mga one pa.”

“Ah. Mabuti naman. Half day lang ako ngayon, wala yung prof namin sa panghapon. Masasamahan kita.”

“Ugh! Thank you talaga Fita! Salamat!” Masayang sabe nya.

“Teka nga lang, Bakit ba iniisip mo na hindi ikaw ang mapipili na leading lady dyan sa musical play nyo. Eh ang galing galing mo kaya noh.” Kuda ko.

“Feeling ko lang kasi. Alam mo naman yung leading lady na hinahanp nila eh yung maganda. Yung bagay na ipares kay Air.” Malungkot nyang sagot.

“Maganda ka naman Anna no! Kailangan mo lang mag-ayos.”

“Yun nga yung problema. I don’t know how to fix myself. I’m a big mess.”

“Ayy nakooo! Akong bahala! Magkita tayo sa Big mall mamayang eleven.” Saad ko.

“Ha? Anong gagawin natin dun?” Tanong nya.

“Basta. Let’s meet their. Akong Bahala sayo.”

“O-okay. Sige.” Sagot nya.

“Basta magdala ka ng money. Yung sasapat sa transformation mo. Alam mo naman, dukha lang ang Lola mo.” Sagot ko.

“Ha? Transformation?” Gulat nyang tanong.

“Yah. You heard it right. Tignan natin kung hindi ka nila piliin na leading lady kapag na-transform na kita! Haha.” Kuda ko.

“Si-sigurado kaba dyan Fita?”

“Yah. I’m sure. One hundred and four percent sure! Ganun!”

“Okay. Sige. Thank you talaga Fita. Bye! Mag-uumpisa na yung klase namin.”

“Bye! Haha.” At binaba na nya yung tawag.

Kung nagawa ni Xylene na baguhin ang hitsura ko, I’m sure naman na magagawa kong baguhin si Anna. Ang dami ko kayang natutunan kay Xylene, nag take down notes kaya ako nung nag-eexplain sya ng kung Ano Anong kemerut surot about sa pagpapaganda. Kaya I’m sure! Mapapaganda ko si Anna!

I’ll make sure na sya ang mapipiling leading lady! Whahahahaha.

Aja!


Itutuloy. . .

Paaakkk 64

• FITA’S POV •

Napanga-nga ako nang lumabas si Anna sa restroom. Halos lumuwa na yung eyeballs ko sa sobrang gulat!

Mygaaaaaadddddd!

Totoo ba? Si Anna yan?! Kalokaaaa! Hindi ko sya nakilala! Bonggaaaa!

Yung dating buhok nya na nakatirintas ngayon straight na straight na! At yung dating makakapal nyang kilay ngayon hashtag kilay goals na!!! At yung damit nya noon na parang manang ang style ngayon pang OOTD na! Bongggggaaaaa talaga!!!!

“Anna! Ohmygad! Napaka-dyosa mo! Ang ganda mo! Paakk na paakk!” Kuda ko at naglakad ako palapit sa kaniya.

“Ta-talaga?! Totoo ba yan?!” Alinlangang tanong nya.

“Oo naman! I’m sure! I’m very very sure na ikaw na ang mapipiling leading lady sa musical play nyo na yan!” Sagot ko.

“Sa-sana nga. Thank you talaga Fita!” Aniya at parang naiiyak pa sya at bigla nalang nya along niyakap ng mahigpit!

“Nakuuu! Mamaya na yung drama Anna. Let’s go na! Baka ma-late pa tayo!” Kuda ko at hinila ko na sya palabas ng salon na yun.


Pagpasok namin sa loob ng musical theater dito sa Zarvard, naloka kami ni Anna dahil ang dami na palang tao sa loob! Mukhang kumpleto na ata ang cast at staff ng musical play nila at si Anna nalang ang kulang! Ganun.

“Now, we’ll start the casting of the musical play. We’re going to choose those people na gaganap sa mga character natin sa play. We all know that Air is going to be the leading man in the play, so now we’re going to choose the leading lady na makakapares nya dito. And to start with, I will read the list of the names of those people who are qualified in this role.” Sabi nung organizer ng musical play. Sya ata yung president kemerut. Ganun. “If I call your name please proceed on the stage.” Kuda nya pa. At sinimulan nya ng tawagin ang mga names na yun! “Jessica. . .

Diana. . .

Claire. . .

Karen. . .

and the last person who is qualified is Anna!“ Deklara nya!

“Ohmygaaad Anna! My chance ka! Qualified ka! Go! Pumunta kana sa stage! Sana ikaw ang mapili!” Masayang masayang sabe ko at itinulak ko sya palapit sa stage! “Go! Kaya mo yan! Ikaw ang mapipili! Dapat ikaw!” Pahabol ko pa at naglakad na si Anna papuntang stage. Halatang kinakabahan sya! Nubeee!

“Ms. Anna Karenina?!” Pagtawag ulit nung organizer.

“I’m here po.” Sagot ni Anna nang makaakyat na sya sa stage!

“Uhm. Sorry miss but we’re calling for Anna Karenina Park.” Saad ng organizer! Gossshh! Si Anna yan! Kaloka! Mukhang hindi yata nila nakilala si Anna! Ahahahaha!

“Yes. I’m Anna Karenina Park Sir. Ako po yun.” Nakangiting sagot nya! Nubeeee! Ang ganda nyang ngumiti! Kaloka!

“Seriously?!” Gulat na tanong nung organizer!

At lahat din ng tao sa buong musical theater ay nagulat. Pati na rin yung tatlong bruha na umaway sa amin noon ni Anna nung nag-audition sya! Hindi sila makapaniwala sa transformation ni Anna! Whahaha! Ayan si nguma-nga kayo! Kala nyo wah!!!!!

Napatingin ako kay Kuya Air at halatang gulat din sya sa pagbabago ni Anna. Ang cute pala ni Kuya Air magulat. Ahihihi.

“O-okay Jessica, Diana, Claire, Karen and Anna. So we’re going to choose the leading lady sa inyong lima. Do your best and perform with all your heart. Dahil dito nakasalalay ang magiging papel nyo sa play natin.” Kuda ulit ng organizer.

“Yes. Sir.” Sagot nilang lima.

“So Jessica you’re the first person who will act and sing the line of the leading lady. Do your best.” Sabi ulit nung organizer.

“Okay po Sir.” Sagot nung Jessica at tumugtog na yung music at sinimulan nya na yung pagkanta habang umaarte! Parang nanunuod ako ng Lé Meserable! Ganun. Ahahaha.

After nung Jessica sinundan ito nung Diana, at pagkatapos nung Diana sumunod na yung Claire at after nung Claire yung Karen naman at pagkatapos nung Karen si Anna na!!!!! Mygaaaad!!

“Ms. Anna, the stage is now yours.” Sabi nung organizer at nag-play na yung music.

Nag-umpisa nang kumanta at umarte si Anna.

Uwian na mga besssh! Ginalingan ni Anna! Panesss ang apat na yun! May pa-iyak iyak keme pa sya! Ang galinggg! Mahusay! Bigyan ng jacket yan. Ahahaha.

After mag-perform ni Anna nagpalakpakan lahat ng tao sa loob ng musical theater at with standing ovation pa! Paaaakkkk! Bongga!

At ang ending???? Obvious naman diba? Si Anna ang napiling gumanap na leading lady sa play! Paaaakkk! Panaloooo. Ahahaha.

Nagtatakbo si Anna palapit sa akin. Bigla nya along niyakap ng sobrang higpit! Megeed. I can’t breath!

“Thank you! Thank you Fita! Thank thank thank you talaga!” Kuda nya in her most jubilant way! Ganern.

“Bakit ka nagte-thank you sa akin eh ang husay husay nga ng pagganap mo kanina! Bongga ka!” Sagot ko.

“I just want to thank you for doing this to me. This physical change. Thank you so much Fita. Kung Hindi mo siguro ito ginawa sa akin, Hindi ako ang mapipili.”

“Naku! Iyun ba. Haha. Wala yan! Para saan pa at naging mag-friendship tayo kung hindi tayo magtutulungan!” Aniko at niyakap ko din sya.

“Mukhang ang saya nyo ha?” Biglang taking ng kung sino, kaya napalingon kami ni Anna sa gikid namin at nakita namin dun si Kuya Air!

“Of course Kuya! Napili itong friendship ko na gumanap na leading lady! Kaya were happy.” Sagot ko.

“You deserve the role Anna. Ang galing mo kanina.” Nakangiting sabe ni Kuya Air kay Anna.

Pero naloka ako nang biglang mamula si Anna. Huh???? Bakit sya namumula???

“Ah-eh. T-thank you p-po.” Utal nyang sagot habang nakayuko! “Uhm. Fita let’s go! Let’s eat! I’ll treat you!” Biglang sabi ni Anna at hinila nya ako palabas ng musical theater!

Nang makalabas na kami ni Anna, bigla nyang tiniggil ang panga-ngaladkad nya sa beauty ko!

“Hay! Salamat!” Hingal na hingal nang sabi. Ako din hiningal! Lokang babae to!

“Bakit ka naman biglang nanghihila?! Hindi tuloy ako nakapagpaalam kay Kuya.” Sabe ko.

“Sorry Fita. Kinabahan lang ako.” Sagot nya habang nakahawak sya sa dibdib nya.

“Ha? Bakit ka naman kinabahan?!” Tanong ko.

Nagsimula nang maglakad si Anna kaya naglakad na rin ako.

“Uhm. No-nothing. Forget it.” Sagot nya.

“Anong nothing?! Bakit nga? Sabihin mo na? Tsaka bakit ka namula kanina nung kinakausap ka ni Kuya Air?!” Sunod sunod kong tanong!

“Wa-wala nga. Wala lang yun.” Sagot nya.

“Ano nga?! Hindi kita titigilan hanggat hindi mo sinasabi!” Pagpupumilit ko!

May nafe-feel ako dito kay Anna! Feeling ko type nya si Kuya Air! May pusong babae ako! Kaya Alam na alam ko yung feeling kung may gusto ba ang isang babae sa isang lalaki! Ganun!

“Wala nga.” Sagot nya.

“Gusto mo ba si Kuya Air?!” Prangka kong tanong!

Biglang natigil sa paglalakad si Anna! At napahawak sya sa mukha nya! Gosssh! Namumula sya! Yan ang hirap sa mga mapuputi! Kapag nag-blush ka! Hakatain! Hindi mo made-deny!

“So confirmed! Gusto mo si Kuya Air!” Kuda ko.

Biglang tinakpan ni Anna yung bibig ko! “Huwag nang maingay! Baka may makarinig sayo!” Aniya.

“So totoo nga??” Tanong ko ulit.

“Ah-eh. Ano…ka-kasi. Oo! Oo! I like him!” Pagtatapat nya! Kaloka! Kasing pula na ng makopa itong mukha ni Anna! Ahahaha!

So tama ako! May gusto sya kay Kuya Air! Waiiittt?! I realized something! Kaya ba sumali si Anna sa musical play para kay Kuya Air? At kaya sya tuwang tuwa kanina nang mapili syang leading lady dahil makakapares nya si Kuya Air?! Ganoooon? Tama ba ang Beki Instinct ko?!!!!

“Now I know!” Sabe ko.

“Huh? Now you know what?!” Tanong nya!

“Now I know the reason kung bakit mo gustong gustong sumali sa musical play at kung bakit sobrang saya mo nang mapili kang leading lady dahil iyon lahat kay Kuya Air, dahil like mo sya! Ganon!” Kuda ko.

Lalong namula si Anna sa sinabi ko. Megeed.

“You got me. Yes it is all true.” Honest nyang sabi habang nakahawak sya sa mukha nya. Ahaha. “Please Fita, don’t tell this kay Air. Please. Ayokong malaman nya na gusto ko sya” pakiusap nya pa.

“Ganon? O-okay. Dahil frienship na tayo. Hindi ko sasabihin.” Pagsang-ayon ko.

“Oh! Thank you Fita!” Kuda nya at niyakap nya ako ulit ng mahigpit!

Pero anong gagawin ko?! Gusto ni Anna si Kuya Air! Pero sabi ni Kuya ako daw ang gusto nya! Mygaassh! Kaloka naman! Pero sa totoo lang, mukhang bagay naman itong si Anna at Kuya Air. Anong gagawin ko??? Kailangan ko na bang i-push ang love team nila? At kalimutan ko na na crush ko si Kuya Air?! Mygaaaaad. Ang sakit sa kilay.


Habang naglalakad ako palabas ng Zarvard. Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko! At nang lingunin ko kung sino iyon. Tumambad sa akin ang gwapong fess ni Ethan! Awwwww.

“E-ethan?!” Gulat kong sabi.

“Hi Fita! Tagal din nating hindi nagkita.” Nakangiti nang sabi.

“Ah. Oo nga eh. Haha. Kamusta kana?” Tanong ko.

Nagsimula na kaming maglakad ng magkasabay. Ganun.

“Eto, ayos lang. Ikaw kamusta kana?”

“Ayos lang din. Medyo stress lang.” Sagot ko.

“Stress? Saan naman?” Tanong nya.

“Basta. Sa mga bagay bagay. Haha.” Sagot ko.

“Huwag mo masyadong stress-in ang sarili mo. Kung may problema ka, I’m willing to listen and if you want I can help you too.”

“Salamat nalang Ethan. Pero I have to do this by my self. Keri ko to.” Sagot ko.

“Gusto mo bang gumala? Para kahit papaano mawala yang stress mo?” Tanong nya!

Gumala? It sounds fun! Ahaha! Goooo! Ako dyan!

“Sige! Gusto ko yan. Saan ba tayo gagala?” Tanong ko.

“Basta you’ll find out later.” Sagot nya sabsy kindat! Awww.

Habang naglalakad kami ni Ethan papuntang parking lot ay biglang nakasalalubong namin si Kuya Axe! Megeed! Seryoso itong nakatingin sa amin!

“Ku-Kuya. Ikaw pala yan.” Kuda ko.

Tinignan ko si Kuya Axe at nakita kong nanlilisik ang mata nya habang nakatingin sya sa braso ni Ethan na naka-akbay sa balikat ko. Kaya mabilis kong inalis yung braso ni Ethan sa pagkaka-akbay nito sa akin.

“Ihahatid mo ba si Fita pauwi?! Kung ihahatid mo sya, let me do that thing. Sa iisang bahay lang naman kami nakatira kaya ako na ang maguuwi sa kanya sa amin.” Seryosong sabi ni Kuya Axe kay Ethan.

“Uhm. Ka-kasi Kuya. May pupunta pa kami ni Ethan.” Pag-eksena ko dito.

“What?! Saan naman kayo pupunta?!” Gulat nyang tanong.

“Magdi-date kami.” Biglang sagot ni Ethan!

Anoooo dawwww?!! Date?!!! Pinagsasabi nitong si Ethan?! Baka biglang sumabog na parang bulkan itong si Kuya! Juskkooo!

“What?!!!” Nanlaki ang mata ni Kuya Axe sa pagkabigla!

“You heard it right Bro. So paano ba yan? Mauna na kami ni Fita.” Nakangiting saad ni Ethan at muli nya akong inakbayan!

Nagulat ako nang biglang hinila ni Kuya Axe ang braso ko at buong pwersa nya akong hinatak palapit sa kanya! Ang sakeeet!

“Hindi kayo aalis. Sa akin sasama si Fita.” Galaiti ni Kuya Axe.

“Really?! Bakit hindi natin tanungin si Fita kung kanino nya gustong sumama. Hindi yung pinipilit mo syang sumama sayo.” Ani Ethan! “Fita? Kanino ka sasama sa akin o sa Kuya mo?” Tanong ni Ethan!

Mygaaaaasssssh! Ano ba itong nangyayari?! Bakit bigla biglang may choosing moment na magaganap! Bigla akong na-pressure!

“Sagot!” Sigaw ni Kuya Axe!

Sino?! Kanino? Kanino ako sasama?! Juskoooo. Bahala na nga!

Buong pwersa kong binawi ang braso ko sa mahigpit na pagkakahawak ni Kuya Axe. Nasa gitna nila ako ngayong dalawa!

“Wala! Wala akong sasamahan. Ini-stress nyo akong lalo. Uuwi nalang ako mag-isa! Huwag na huwag nyo akong susundan!” Kuda ko in my most mataray way! Ganun. At mabilis akong nag-walk out!

Ayukong pumili sa kanilang dalawa! Baka may mangyari pang masama kapag may sinamahan ako sa isa sa kanila. Kaya mas mabuti na to! Uuwi nalang ako mag-isa!


• AUTHOR’S NARRATION •

Naiwan ang dalawang binata sa parking lot habang pinagmamasdan nila ang paglayo ni Fita sa kinaroroonan nila.

“Look what you’ve done! Magco-commute panigurado si Fita pauwi! Hassle pa tuloy iyon sa kanya!” Singhal ni Axe kay Ethan.

“Seriously? You’re blaming me to your own mistake?! Ikaw nga itong bigla bigla nalang darating at makikialam sa lakad naming dalawa.” Ganti naman ni Ethan.

Nagalakd si Axe palapit kay Ethan habang masama ang tingin nya dito.

“Lakad?! Bakit saan mo balak dalhin si Fita hah?! At may pa -date date ka pang nalalaman.” Ani Axe dito.

“It is none of your business Bro. Ano naman sayo kung magde-date kami ni Fita?! Bakit kayo ba? You don’t have the rights to stop him dahil hindi naman kayo.” Matigas na sagot ni Ethan.

“Why are you saying all of those thing! Bakit niyaya mo syang mag-date?! Huh?! As far as I know you’re just a friend of him!” Matigas ding ganti ni Axe dito.

Napatawa si Ethan at muli syang nagsalita. “Hindi ba halata? I like him. Gusto ko si Fita! Kaya niyaya ko syang lumabas.” Sagot nya.

Nanalaki ang mata ni Axe sa tinurang iyon ni Ethan. Hindi sya makapaniwala na may gusto din pala si Ethan kay Fita. Bigla syang nakaramdam ng takot at kaba.

Kaba dahil alam nyang may gusto si Fita kay Ethan. At Takot dahil baka si Ethan ang piliin ni Fita imbis na sya.

“Gu-gusto mo sya?!” Tanong ni Axe dito.

“Gustong gusto. Hindi lang ikaw ang may nararamdaman para sa kanya. Ako rin. At gagawin ko ang lahat, ako lang ang piliin nya.” Sagot ni Ethan.

Natahimik si Axe sa sinabing iyon ni Ethan. Hindi sya makapaniwala na gusto din pala ni Ethan si Fita. Bigla syang binalot ng kaba dahil alam nya na may nararamdaman din si Fita para kay Ethan at hindi malayong ito ang piliin nya.

Tinalikuran ni Axe si Ethan at mabilis syang naglakad palayo. “Fvck! Hindi! Hindi ko hahayaang ikaw ang piliin ni Fita! Dapat ako! Ako lang dapat!” Saad ni Axe sa kaniyang sarili.


Itutuloy. . .

Paaakkk 65

May mga feelings na lumalala, at meron ding nawawala. 👌


• FITA’S POV •

Lumipas ang mga oras, araw at linggo. Hindi ko alam pero parang ang daming nagbago.

Napansin ko na palagi ng magkasama sina Kuya Air at Anna. After nung musical play nila na sobrang successful dahil sobrang daming nanuod eh bihira ko na silang makasama ng matagal. Naloka nga ako na may love team na pala sila. Ang pangalan ata ng love team nila eh, “AirNa”. Oo, tama! Iyun nga! Iyun yung ginawa ng mga fan nila dahil bagay na bagay daw silang dalawa.

Nung Una ang daming maging bashers ni Anna, dahil Alam nyo naman. Ang dami ring may gusto kay Kuya Air pero as time pass by, ma’s dumami yung fan nila. Ganun.

Kaya ngayon, feeling ko may something na sa dalawang yun. Alam nyo naman. May gusto si Anna kay Kuya Air, alam kong hindi manhid si Kuya para hindi iyon maramdaman. Bigla ko tuloy naisip na baka nawala na yung feelings nya para sa akin at si Anna na ngayon ang gusto nya.

Hindi ko maipagkakaila na may konting selos akong nararamdaman. Dahil alam nyo naman, may crush ako kay Kuya Air. Pero siguro mas okay na yung ganito. Bagay naman sola ni Anna. At alam kong gustong gusto ni Anna si Kuya. At ngayon nga, feeling ko gusto na rin ni Kuya si Anna. Hindi naman ako anak ng ampalaya para pigilan kung ano mang meron sa kanila ngayon. Maybe I should accept it dahil iyon naman ang tamang gawin.

Diba??? Tama ba???

“Oh? Mukhang ang lalim na naman ng iniisp mo ha?” Tanong sa akin at Oo tama kayo. Kung sino pa yung iiisip ko sya pa itong biglang susulpot.

“Ah. Haha. Wala. May iniisip lang ako.” Sagot ko kay Kuya Air.

Nakaupo ako dito sa may gilid ng pool habang nakababad yung paa ko sa tubig.

“At ano naman yung iniisip mo?” Tanong nya. Umupo sya sa tabi ko. At inilubog nya rin sa tubing ang mga paa nya.

“Anong ano? Dapat ang tanong mo sino. Haha.” Pabirong sagot ko.

“So hindi bagay? Tao yang iniisip mo? Hehe. Sino ba yang iniisip mo? Parang napaka seryoso mo naman.” Saad nya.

“Ikaw. Ikaw ang iniisip ko.” Sagot ko. Gossshhh! Bakit iyun yung lumabas sa bibig ko! Mygaad!

Nagulat sya sa sagot ko! Megged! “A-ako? Bakit mo naman ako iniisip?” Tanong nya sabay ngiti.

“Ah. Wala. Wala. Haha.” Sagot ko at tatayo na sana ako mila sa pagkaka-upo nang pigilan nya ako.

“Wait Fita. I want to know your reason, bakit mo ako iniisip?” Seryosong sabi nya. Bumalik ako sa posisyon ko kanina. Magkatabi kami ngayon ni Kuya. At damang damang ko na seryoso sya! Megeed!

“Ah-eh. A-ano…ka-kasi. Kayo na ba ni Anna?” Kuda ko!

“What?!” Gulat nyang tanong.

“Ka-kasi napapansin ko na palagi na kayng magkasama. Tapos may love team pa kayo sa school. So kayo na ba?” Tanong ko.

“Are you jealous?” Seryosong tanong nya habang nakatingin sya sa mga mata ko.

“Konti.” Sagot ko. “Pero okay lang naman sa akin kung kayo na ni Anna or may something na sa inyong dalawa. Bagay nga kayo eh. Bagay na bagay.” Dagdag ko pa.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Kuya Air. “Anna confessed her feelings to me.” Ani Kuya while he’s hugging me.

“Totoo?! Nagtapat sya sayo?! Mahiyain yung si Anna wah! Nagawa nya yun?!” Gulat kong tanong!

Kinalas nya yung mahigpit nyang pagkakayakap sa akin at tumitig syang muli sa mga mata ko. “She was drunk when she said that. Nung naging successful yung musical play, nag-celebrate kaming lahat nun at doon nila pinilit na uminom si Anna. Pero sabi nga nila, drunk people are the most honest diba? At isa pa ramdam ko naman yung feelings nya para sa akin.”

“So? Kayo na nga ni Anna?” Tanong ko.

“Hindi pa. There’s a feeling inside me na nalilito.” Aniya.

“Nalilito ka? Saan naman?”

“Sa nararamdaman ko.” Sagot nya. “Gusto kita Fita, alam mo yan. Nalilito ako dahil alam ko at ramdam ko na may feelings na rin ako ngayon kay Anna.” Honest nyang sagot. “I’m sorry, kung nagkagusto ako sa iba. I’m really sorry.” Dagdag nya pa sabay hawak sa dalawa kong kamay.

“Okay lang yun Kuya. Naiintindihan ko kung si Anna ang pipiliin mo. Dahil sya naman talaga ang bagay sayo.” Saad ko.

“Pero Fita, I like you. Paano ka kung si Anna yung pipiliin ko.”

“Ano ka ba Kuya! Okay lang ako! Hindi naman pwedeng dalawa kami ni Anna diba?! Tsaka yung konting selos na sinasabi ko kanina konti lang yun. Huwag mong gawing big deal. Haha. Aamin ko Kuya, may crush ako sayo. Pero hanggang dun lang yun. Mas okay na magmahalan nalang tayo bilang magkapatid. Ngayon ko lang sasabihin to wah, pero ikaw ang pinaka the best na Kuya for me. Kaya huwag mo na akong isipin. I’m okay.”

Bigla akong niyakap ni Kuya Air ng sobrang higpit. “Pero Fita, ang hirap pa rin. Nahihirapan akong pakawalan ka at yung feelings ko para sayo. Ang hirap nun kalimutan. Nalilito ako.” Aniya.

Hinagod ko yung likod ni Kuya, “Huwag ka nang malito. Si Anna talaga ang bagay sayo. Bagay kayong dalawa. At Alam kong mas mabuti kung si Anna ang piliin mo.”

“Pe-pero F-Fita—”

“Shhh! Tahimik! Kuya! Okay lang ako! Huwag mo na akong isipin pa. Makakalimutan mo din yung feelings mo para sa akin kung liligawan mo na si Anna! I-push mo na yan Kuya. Nandito lang ako nakasuporta sa inyo. Ganun.”

“Thank you Fita! Salamat. But it is hard, but I’ll try. I will try.”

“Kuya, don’t try. Just do it. Iyun yung Mas mabuti at mas tama. Okay?!”

“O-okay.”

Medyo masakit pero kailangang gawin. Alam kong iyun ang mas makabubuti kay Kuya. Ang isang babaeng tulad ni Anna. Kilala ko si Anna at alam kong magiging masaya si Kuya sa piling nya. Siguro kailangan ko ng mag-move on! Ang nararamdaman kong crush kay Kuya Air, I need to forget it na. Dahil Alam kong magkakaroon na sya ng isang Anna sa buhay nya.

Yung mapapakanta ka nalang ng Let it go…. Let it go… Ahahahaha.


“Sir?! Kaya nyo pong ubusin ang lahat ng yan?” Tanong sa akin ni Ate Mimi dahil sobrang daming pagkain ngayon ang nasa lamesa ko.

Nasa garden ako ngayon, gusto ko kasing gawing literal yung sinasabi ng iba na katagang “kumain sa labas”. Kaya nandito ako ngayon sa labas at hinahanda ang tiyan ko sa matinding nguyaan na magaganap. Ewan ko ba, pero kapag stress ako, mas gusto kong kumain nalang ng kumain! Ang pagkain ang isang bagay na nakakawala ng stress ko! Ganoon!

“Oo! Keri ko to! Kulang pa nga itong hinanda nyo.” Sagot ko.

“Grabe ka Sir! Ibang klase yang tiyan mo!” Gulat namang sabi ni Ate Deedee.

“Isa ka palang dragon Sir! Ang payat payat mo pero ang lakas mong lumamon!” Dagdag pa ni Ate Lily.

“Tseee! Sige na! Iwan nyo na ako. I want to be alone. Balikan nyo nalang ako kapag naubos ko na ang lahat ng to!” Kuda ko.

“Okay po Sir! Enjoy!” Sabay sabay nilang sabi at nag-walk out na silang tatlo.

Spaghetti, carbonara, fries, pizza, burger, fried chicken, sundae at isang 1.5 na coke ang nasa lamesa ko ngayon. Dami diba? Ganyan talaga kapag stress! Nakakagutom. Ahahaha.

Nag-umpisa na akong kumain mag-isa. Ughhh! Ang serep telege mge besshy! Kain din kayo. Ahohoho.

“Takaw ha?!!” Biglang sabi ng isang boses! Nagulat ako dahil kilala ko kung kaninong boses iyun! Nabulunan tuloy ako sa sobrang gulat!

Hindi ko na nagawang magsalin ng coke sa baso ko! Tinungga ko talaga yung laman nung galon dahil hindi na ako makahinga! Megeed! Boset talagang halimaw na Axe na to! Bigla bigla nalang susulpot!

“Tseee! Umalis kana nga. Iwan mo ako.” Kuda ko after kong makainom. Jusko.

Pero imbes na iwan ako, umupo sya sa tabi ko. Grrrr.

“Are you killing yourself?!” Seryosong Tanong nya.

“Ha?! Sinasabi mo dyan?!” Imbyernang Tanong ko.

“Look, tignan mo yang mga food na kinakain mo. It is not healthy, pwede kang magkasakit kung uubusin mo ang lahat ng yan.” Seryosong sagot nya.

“Umalis ka na nga. Hayaan mo na ako. Gutom ako. Iwan mo na ako.” Pagtaboy ko sa kaniya.

“Hindi. Dito lang ako.” Matigas nyang sabi. “Lily! Deedee! Mimi!” Pagtawag nya sa mga ito.

Mabilis na pumunta sina Ate sa kinaroroonan namin!

“Yes Sir Axe?! Ano po iyon?” Ani Ate Lily.

“Alisin nyo ang lahat ng pagkain na to dito! Ngayon na!” Utos nya.

“Hoy! Anong alisin?! Kakainin ko pa ang mga to!” Galaiti ko.

“You’ll not eat these food.” Sagot nya!

“Sir?! Saan po namin dadalhin ang mga to?!” Tanong ni Ate Deedee.

“Ipamigay nyo sa mga gutom na pulubi dyan sa tabi tabi para hindi masayang.” Sagot ng halimaw na to!

“Pulubi?! Hala. Saan kami hahanap ng pulubi.” Kuda ni Ate Mimi.

“It is not my problem! Basta alisin nyo yang mga pagkain na yan dito. Ngayon na!” Utos ulit ng halimaw na ito kaya nagmadali sina Ate na kunin ang lahat ng food sa lamesa!

“Huwag! Huwag nyong alisin yan! Kakainin ko pa yan!” Sigaw ko.

“Tahimik! I’m doing this for you. Ayokong magkasakit ka. You want to eat these unhealthy food at hindi ko iyon papayagan.” Matigas nyang sabi. “Alisin nyo na yan! Bilis!” Dagdag nya pa.

Wala na akong nagawa kundi panoorin sina Ate Mimi na isa isang inaalis ang mga pagkain ko. Huhuhu! Kung pa-epalan lang din, wala ng tatalo sa halimaw na Axe na to! Grrrrr. Epal sya! Epal.

“Ano?! Masaya kana?! Ha?!” Imbyernang sabi ko sa halimaw na to matapos maalis nila Ate ang mga pagkain sa mesa ko.

“Yes. I’m happy.” Nakangiting sagot nya. At nakuha nya pa talaga akong asarin! Ganitong gutom ako!

“Epal ka talaga! Epal!” Gigil kong sabi.

“Ginawa ko lang kung anong makakabuti sayo. I’m just concern with you dahil pwede kang sakitan ng tiyan kapag inubos mo ang lahat ng yun.” Kuda nya!

“Tseee. Ang sabihin mo epal ka talaga. Gutom na gutom na ako! Ano na ngayon ang kakainin ko?!” Galaiti ko.

“Ito. Ito nalang ang kainin mo.” Biglang sabi ng isang boses. Kaya sabay kaming napalingon ni Kuya Axe. At nagulat ako nang makita ko si Ethan na may dala-dalang tupperware.

Naglakad sya palapit sa amin. “You can eat this food.” Sabi nya at inilapag nya yung dala dala nyang tupperware sa lamesa.

“E-ethan?! A-anong ginagawa mo dito?!” Gulat kong tanong.

“Uhm. Gusto ko lang ipatikim sayo yung niluto ko.” Nakangiti nyang sabi.

“Ni-niluto mo?! Marunong kang magluto?!” Gulat ko ulit na tanong.

“Actually hindi, but my older sister helped me to cook this dish. Binisita kasi kami ni si Ate Joyce, at napagtripan naming magluto. Iyun lang kasi ang bonding moment namin, alam mo naman na isang chef si Ate Joyce.” Nakangiti nyang sagot. “So? Pwede mo na bang tikman ang niluto ko.” Tanong nya pa at umupo sya sa tabi ko.

Nakakaloka! Tadhana ba ito o coincidence lang yung nangyayari ngayon?! Talagang saktong sakto si Ethan sa eksena dahil gutom na gutom na talaga ako ngayon!

“Yes! I’m excited to taste it! Salamat Ethan! Saktong sakto ang pagdating mo! Gutom na gutom na ako.” Sabik kong sagot. Kaya mabilis kong binuksan ang tupperware na dala nya.

Pero naloka ako nang biglang agawin ni Kuya Axe ang tupperware na hawak ko. “Ano ba tong niluto mo?! Healthy ba to?!” Pagsita ng halimaw na to sa niluto ni Ethan!

“It’s healthy.” Sagot ni Ethan. “ Zucchini Ribbon Pasta yan.“ Dagdag nya pa.

Ha??? Ano dawww? Hirap naman bigkasin nung name. Kaloka!

“Akin na yan Kuya! Gutom na ako!” Kuda ko sabay agaw ng tupperware sa kanya.

Pagtingin ko, naloka ako. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong pasta. Tapos green na green yung kulay I’m sure na healthy to. Yum yum yum! Mabilis kong kinuha yung tinidor at inumpisahan ko ng kainin yung niluto ni Ethan.

At pagtikim ko. . . .

Sino ako?! Kilala nyo ba ako? Saan ako nakatira? Ahahahaha! Gosssh! Muntik ko ng makalimutan na si Fits ako. Sarap ng luto ni Ethan! Kaya sunod sunod na subo ang ginawa ko. Ughhh! Chereeep.

“Hinay hinay lang Fita.” Nakangiting sabi ni Ethan. Awww. Ang gwapo.

“Haha. Ang sarap kasi eh. Thank you wah.” Sagot ko kahit may laman pa yung bibig ko.

Napatingin ako kay Kuya Axe, at nalola ako sa expression ng mukha nya! Halos hindi na maipinta! Salubong ang dalawa nyang kilay at parang bulkan sya na konti nalang at puputok na! Mygaaad. Natigil ako sa ginagawa kong pagkain.

“What’s wrong Fita?! Why did you stop?” Tanong ni Ethan nang huminto ako sa pagkain.

“Ah. Eh. Na-nabigla ata yung tiyan ko. Medyo sumakit.” Pagsisinungaling ko. Pero yung totoo, nabagabag lang ako sa reaksyong iyon ni Kuya Axe kaya ako tumigil.

“Ikaw kasi, sabi ko dahan dahan lang. Wait, hihingi lang ako ng gamot sa loob.” Saad ni Ethan at nagmadali syang pumunta sa loob ng mansyon.

“Ang takaw mo kasi.” Singhal sa akin ni Kuya Axe at masama pa rin ang tingin nya sa akin.

“Hindi naman talaga masakit ang tiyan ko. Nagsinungaling lang ako. Huminto ako sa pagkain dahil naloloka na ako dyan sa mukha mo. Daig mo pa yung nalugi.” Kuda ko.

“Alam mo kung bakit ganito ang mukha ko. Hindi ka na dapat nagtaka pa.” Matigas nyang sagot.

“Wala namang ginagawa si Ethan. Huwag ka namang magalit sa kanya.” Aniko.

“Wala?! Akala mo lang wala. He’s stealing you from me.” Galaiti nya.

Ano daw??? Stealing?! Bakit?! Pag-aari nya ba ako?! Baliw talaga ang halimaw na reh!

“Ewan ko sayo Kuya. Ang OA mo talaga. Tapos kung anu ano pa yang sinasabi mo.” Ganti ko naman.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Kuya at hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso ko. “Let’s go!” Sabe nya.

“Ha?! Saan naman tayo pupunta?!” Tanong ko.

“Basta!” Sagot nya.

“Ayoko! Dito lang ako.” Pagtanggi ko.

“Tara na. Gusto mong kumain ng masarap diba?! May alam akong lugar na siguradong mabubusog ka. And I’m sure mas masarap ang food doon kesa dyan sa luto ni Ethan.” Sagot nya.

“Saan kayo pupunta?!” Biglang Tanong ni Ethan habang may dala dala syang isang basong tubig at gamot.

“Wala ka na don!” Sagot ni Kuya at hinatak nya ako.

Naloka ako nang biglang hawakan ni Ethan yung kabilang kamay ko. “You’re not going anywhere. Hindi kayo aalis.” Matigas na sabi ni Ethan.

“At sino ka para pigilan kami?” Matigas ding sagot ni Kuya Axe savay hatak sa kabilang kamay ko. Araaay.

“Ako lang naman ang gusto ng taong hinihila mo. Kaya dito lang sya sa tabi ko!” Ganti ni Ethan at hinatak nya rin ang kabilang kamay ko. Ang sakeeet!

Naloka ako sa sinabing iyon ni Ethan! Para akong sinabuyan ng kumukulong mantika! Jusko! Totoo bang sinabi nya yun?!

“Bitawan mo sya.” Gigil na sabi ni Kuua Axe!

“No bro. I’ll never let him go.” Matigas na sagot ni Ethan at hinigpitan nya pa yung pagkakahawak sa kamay ko.

Juskoooooo. Gusto kong bawiin yung kamay ko. Pero hindi ko magawa dahil sobrang higpit ng pagkakahawak nilang pareho. Kinakabahan ako. Feeling ko may kuryenteng lumalabas sa mga mata nila at konti nalang parang magsasabong na ang dalawang reh! Megeeeddd!

Naglakad palapit si Kuya Axe kay Ethan at nagulat ako nang bigla nyang hinawakan ito ng mahigpit sa may kwelyo nito gamit ang kabilang kamay nya! Juskooo.

“Bibitiwan mo sya o hindi?!” Matigas na saad ni Kuya habang nanlilisik ang mata nya.

“Ku-kuya please. Ta-tama na.” Pag-eksena ko.

“Hindi. Hindi ko sya bibitiwan.” Sagot naman ni Ethan!

Nanlaki ang mata ko sa sumunod na eksena!!!!!!

Bigla nalang lumipad ang kamao ni Kuya Axe sa mukha ni Ethan! Natumba si Ethan sa ginawang iyon ni Kuya!

“E-ethan!” Sigaw ko sa sobrang pag-aalala.

“Let’s go!” Galaiti ni Kuya Axe at hinatak nya ako palayo kay Ethan.

Pero ilang saglit pa….

“Sabi ko hindi kayo aalis!” Matigas na sabi ni Ethan! Napalingon si Kuya Axe at doon sya mabilis na sinuntok ni Ethan sa mukha nya.Tumumba si Kuya sa sobrang lakas nun.

“Ku-kuya!” Sigaw ko.

Mabilis na tumayo si Kuya Axe at sinugod nya si Ethan! At doon na sila nagpang-abot na dalawa.

Suntok dito, sapak doon. Juskooooo! Anong gagawin ko?!!!!

“Tam na please! Tumigil na kayo!” Sigaw ko.


Itutuloy. . .

Paaakkk 66

• FITA’S POV •

“Ngayon, sabihin nyo sa akin ang dahilan. Bakit kayo nagsapakang dalawa?!” Kompronta ni Mudrabells kina Ethan at Kuya Axe!

Nasa sala kami ngayon ni mudra, Kuya Axe at Ethan. Nakaupo kami sa sofa at talaga namang walang humpay sa pagkabog yung flat kong boobs sa sobrang kaba! Juskooo! Huwag sana nilang sabihin kay mudra na ako ang dahilan ng suntukan nilang dalawa! Noooo.

“Dahil sa isang tao Tita.” Sagot ni Ethan! Juskooo! Ayan na!

“Sa akin dapat sya sasama but suddenly Ethan came and ruined everything!” Singhal ni Kuya Axe.

“At ako pa talaga ang pinalabas mong mali. Nice bro. Ikaw nga itong namimilit sa tao, kahit ayaw naman nitong sumama sayo!” Ganti naman ni Ethan.

At para na namang may kuryenteng lumalabas sa mga mata nila habang nakatingin sila sa isa’t isa!

“Hep! Hep! Hep! Kalma! Kumalma kayog dalawa! Mga batang to, napakaiinit ng mga ulo!” Kuda ni mudra. “Mukhang alam ko na ang dahilan ng away nyo, nagsuntukan kayo dahil sa isang babae?! Tama ba?!”

Sabay na tumingin sina Kuya Axe at Ethan kay Mudra at tumango silang dalawa.

“Sino ba yang babaeng yan? Napakahaba naman yata ng buhok nya. Nagsapakan kayong dalawa dahil lang sa kanya, ibang klase.” Sabi ulit ni mudra.

Sabay na tumingin sina Kuya Axe at Ethan sa akin! Kaya napatingin na rin si mudra! Juskoooo! I can’t breath!

“I can do everything for her. Huwag lang syang mapunta sa iba.” Kuda ni Kuya Axe! Hindi ko kinaya yung “HER” bigla nyang binago yung pronoun nya sa akin. Megeed.

“Same here.” Matigas ding sabi ni Ethan.

“Ayy! Nako. Walang problema sa akin kung ma in love kayo sa isang babae, pero ayokong mauulit yung nangyari kanina! Huwag na huwag na kayong magsasakitang dalawa! Hindi nyo dapat daanin sa dahas yang nararamdaman nyo, dapat daanin nyo sa effort at patunayan nyo dyan sa babaeng yan kung sino sa inyong dalawa ang karapat dapat na piliin nya. Naiintindihan nyo ba?!” Sermon naman ni mudra.

“Yes, Tita.” Sagot ni Kuya Axe.

“I’ll keep that on my mind.” Dagdag naman ni Ethan.

“Sige na. Magpahinga na kayo. Ini- stress nyo akong dalawa. Kailangan ko na ring magpahinga, pati itong si baby naiistress sa inyo.” Ani mudra sabay himas sa tiyan nya.

Naglakad na sya papunta sa kwarto nila ni Fafa Ark at mukhang naistress nga si mudra dahil sa dalawang to. Pero mabuti nalang hindi sinabi ng dalawang to na ako yung dahilan ng warla nila, baka kasi kung sinabi nila iyon kay mudra, ayyy nakoooooo.

“Ayan ha. Makinig kayo kay nanay, huwag na kayong mag-aaway na dalawa. Dahil kapag inulit nyo pa yun, wala na akong papansin ni isa man sa inyo.” Kuda ko sa dalawang to.

“Don’t say that to me Fita, you know me hindi ako ang klase ng tao na basagulero, just say it to your stepbrother.” Sagot ni Ethan.

“Fvck! Anong gusto mong palabasin na ako ang may kasalan ha?!” Gigil na sabi ni Kuya Axe.

“Oh! Tama na! Kakasabi ko lang eh!” Saway ko sa mga ito.

“I think, I should go now. Kita nalang tayo bukas.” Saad ni Ethan sabay tayó sa pagkakaupo nya sa sofa.

“Great idea! Just go now!” Pag-eksena naman ng halimaw na to.

“Bye Fita.” Paalam ni Ethan.

“Ah. Sige. Bye. Ingat.” Sagot ko at nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Ethan ng sobrang higpit.

“See you tomorrow.” Sabe nya at kinalas nya na yung mahigpit nyang yakap sa akin at naglakad na sya palabas ng mansyon.

“Pulang pula wah.” Galit na sabi ni Kuya Axe Kaya napalingon ako sa kanya.

“Ha?! Sinasabi mo dyan?!” Sagot ko.

“Yang mukha mo. Pulang pula. Niyakap ka lang, kilig na kilig ka naman.” Galit nya ulit na sabi.

Napahawak ako sa pisngi ko, at feeling ko nga namumula ako.

“Ewan ko sayo Kuya. Bahala ka dyan!” Sagot ko at magwo-walk out na sana ako nang bigla nya akong hinawakan sa braso.

Akala ko hahawakan nya lang ako sa braso pero naloka ako nang bigla nya akong kinabig kaya natumba ako sa dibdib nya.

Ang bangooo nemen. Ahahaha!

Fita anubaaaa!

“Nagseselos ako. Bakit kapag ako ang yumayakap sayo hindi ka namumula?! Wala ka ba talagang ni katiting na nararamdaman para sa akin?!” Bulong nya sa tenga ko. Kakilabot. Gosssh.

Hindi ako sumagot.

Dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko. Ano nga ba???

May feelings ba ako kay Kuya Axe o wala??? Hindi ko alam. Ewan ko. Minsan gusto ko syang kasama at masaya rin naman ako kapag nandiyan sya kaya lang yung pagiging possessive nya nakakasakal na minsan. Natutuwa ako dahil honest sya sa akin, totoo sya sa nararamdaman nya. Kaya lang… ewan ko ba!

“Ano na? Hindi kaba sasagot?!” Tanong nya.

Sorry Kuya Axe. Silent mode ako ngayon. Hindi kita masasagot sa tanong mo dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

“Kuya bitiwan mo na ako.” Kuda ko.

“Fita? Wala ba? Wala ka bang nararamdaman sa akin? Wala ba akong pag-asa?” Seryosong Tanong nya ulet.

Anubeeeee! Tama na Kuya! Hindi ko nga Alam ang sagot! Please!

“May gusto ka kay Ethan, at alam kong lamang sya sa akin. Pero sana naman sagutin mo ako sa tanong ko. Para malaman ko kung ipaglalaban pa ba kita o hindi. Ayoko namang magmukhang tanga na ipinaglalaban kita, iba naman pala ang gusto mo at wala naman pala akong kahit kaunting pag-asa sayo.” Sabi nya. At napansin kong naging malungkot ang tono ng pananalita ya.

Ewan ko ba pero bigla ko nalang niyakap si Kuya. Ramdam ko na malungkot sya kaya hindi ko na naiwasang yakapin sya.

“Fita. Answer me please.” Pakiusap nya at humigpit pa yung yakap nya sa akin.

“Ku-kuya. Ka-kasi…” Aniko.

“Kasi ano?!” Tanong nya.

“Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Hindi ko alam kung may pag-asa kaba o wala. Hindi ko alam kung gusto ba kita o hindi. Hindi ko alam.” Sagot ko.

“Dahil ba stepbrother mo ko kaya hindi mo alam?! Hindi mo alam kung bibigyan mo ba ako ng pag-asa o hindi, hindi mo alam kung gusto mo ba ako o hindi dahil natatakot ka sa magiging reaksyon nila Dad at Tita kapag nalaman nila ang lahat ng to. Tama ba ako?” Saad nya.

“Oo! Tama ka! Natatakot ako na malaman nila Nanay at Tito Ark ang lahat ng to. Dahil nga sabi nila magmahalan daw tayo bilang magkaptid at hanggang doon lang. Kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sayo.”

Kinalas ni Kuya Axe ang mahigpit nyang yakap sa akin. Tumitig sya ng sobrang seryoso sa mga mata ko.

“Noon, sagad sa buto ang galit ko sa mga tulad mo. Sa baklang gaya mo, dahil nga sa naranasan ko sa kamay nila. Pero ngayon, hindi ko lubos maisip na magmamahal ako ng isang gaya mo. Tinanggal mo ang puot at galit dito sa puso ko at pinalitan mo iyon ng pagmamahal. Sounds corny right? Pero iyon naman ang totoo. Even you’re gay, even you’re not a girl I still love you from what and who you are. Isa ka sa magandang bagay na dumating sa buhay ko.” Pagtatapat nya. Medyo naiyak ako sa sinabing iyon ni Kuya Axe.

Kahit ako hindi makapaniwala na ang isang gaya nya na sagad sagaran ang galit sa mga gaya ko ay magagawa akong mahalin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Dahil hindi naman ako babae para maranasan ang ganitong uri ng buhay. Yung pag-agawan ka, yung may mga nagga-gwapuhang lalaki ang magkakagusto sayo. Grabe, lakas makababae ng role ko dito. Hindi ko nga alam kung sirena paba ako dahil feeling ko sa lahat ng naranasana ko, pakiramdam ko babaeng babae ako. Ganun.

“Ku-kuya. Sa-salamat. Ngayon lang ako magigig honest sa nararamdaman ko sayo, siguro…may pag-asa ka naman sa akin. Pero hindi ko alam, medyo naguguluhan pa ako. Ikaw lang ang kauna-unahang lalaking nagsabi na mahal ako bukod sa tatay ko. At siguro pagsisisihan ko kung papalampasin ko ang pagkakataon na bigyan ka ng pag-asa. Kaya yung tinatanong mo kanina kung may pag-asa kaba o wala, siguro ang sagot ko ay meron. May pag-asa ka Kuya kahit may gusto ako kay Ethan, hindi naman ibig sabihin non na sya na ang pipiliin ko.” Mahabang Kuda ko.

Jusko. Ewan ko ba. Pero iyan na yung lumabas sa bibig ko. Hindi ko talaga alam ang tamang sasabihin. Hindi ko alam kung tama ba yung sinagot ko kay Kuya, na binigyan ko sya ng pag-asa. Ayoko namang maging pa-asa, pero meron naman talaga syang pag-asa! Ewan ko! Naguguluhan ako. Nakaka-stress ang moment na to wah. Megeeeddd.

Naloka ako nang muli akong yakapin ni Kuya Axe ng sobrang higpit.

“So? I have a chance? May pag-asa ako?” Tanong nya.

“Ku-kuya…kasi ano…hindi ako sigurado pero ayokong palampasin at sayangin ang pagkakataon na bigyan ka ng chance. Ikaw lang yung lalaking nagtapat sa akin ng ganito at natutuwa ako dahil kahit hindi naman ako babae, kahit sirena ako na nagmula sa karagatan, eh nagawa mo paring magustugan ang gaya ko.” Sagot ko.

“Don’t worry, I’ll show you how much I love you. I will prove my feelings and from now on I’ll be better, I’ll be doing better things for you.” Saad nya at mas hinigpitan nya pa yung yakap nya sa akin.

Megeedd! I can’t breath!

“Nak?! Axe?!” Natulak ko si Kuya Axe dahil sa biglaang pagdating ni mudra!

JUSKOOOOOOO!

NAKITA NYA KAMI NI KUYA AXE NA MAGKAYAKAP!!!!! MYGAAADDD!

“Na-nay! Ikaw pala. Haha.” Kuda ko. Biglang tumagtak ang pawis ko sa sobrang kaba!

“Anong nangyayari? Bakit nagyayakapan kayo?” Kompronta ni mudra. Juskoooo.

“Uhm. Ti-tita. Ah-uhm. F-fita hugged because, gusto nya lang akong pakalmahin. Nag-away ulit kasi kami ni Ethan kanina and that’s all.” Sagot ni Kuya Axe.

“O-o nga Nay, p-pinapakalma ko lang si Kuya. Napakainit kasi ng ulo. Tsaka pinagsabihan ko na rin sya na huwag na ulit silang mag-aaway ni Ethan.” Dagdag ko pa.

“Mabuti naman. Dapat lang na pagsabihan mo yang Kuya mo. Huwag na huwag na silang mag-aaway ni Ethan. Ayokong pa namang may nakikitang nag-aaway ha?! Kaya kayong dalawa, huwag na huwag kayong mag-aaway na dalawa, magkapatid na kayo Kaya magmahalan kayong magkaptid.” Ani mudra. At pinagdiininan nya pa talaga yung phrase na “magmahalan kayong magkaptid” Megeed!

“Yes Tita, hinding hindi po yan mangyayari, never po kaming mag-aaway nitong si Fita.” Kuda ni Kuya Axe sabay himas sa ulo ko.

“Mabuti naman kung ganon. Sige, dyan muna kayo. Magpapahangin lang ako sa garden.” Paalam nya at naglakad na sya palabas ng mansyon.

Nakahinga ako ng maluwag!

Ughhhhhhh! Salamaaaat! Akala ko kung anong iisipin ni mudra sa yakapan naming iyun ni Kuya Axe! Juskooooo.

“Wala na si Tita, may I hug you again?” Tanong ng halimaw na to. Hindi pa nga ako nakakasagot bigla nya ulit akong niyakap ng mahigpit mula sa likod.

Awwwww. Sigeeee lang. Ahohohoho. Anubeeee Fitaaaa!!!

“K-kuya! Baka bumalik si Nanay! Bitiwan mo na nga ako.” Sabi ko.

“Just one minute more.” Request nya!

Kaya wala na akong nagawa. Parang tarsier ang halimaw na to na mahigpit na nakayakap sa katawan ko.

Medyo lutang ako ngayon mga besshy. Hindi ko alam kung tama ba itong mga pinagsasabi ko o yung mga desisyong ginaw ko. Bahala na. Bahala na si Volta kung akong mangyayari. Huhu.


Itutuloy. . . .

Paaakkk 67

• FITA’S POV •

“Saan mo ba ako dadalhin?” Tanong ko kay Kuya Axe dahil bigla nalang nya akong hinila habang papunta ako sa school cafeteria! Nasa loob na kami ng kotse nya ngayon habang mabilis nyang minamaneho ang kotse nya. Ganun.

“Malalaman mo mamaya. Maghintay ka lang.” Nakangisi nyang sagot.

Bigla tuloy akong kinabahan. Ayoko pa namang makakakita ng ganong ngisi na para bang may maitim at dugyot na plano sa akin ang halimaw na to!

“Woy! Parang hindi ko gusto yang ngisi mo na yan. Saan mo ba ako dadalhin!” Sabi ko pa.

“Dadalhin kita sa lugar kung saan nababagay ang isang tulad mo. I’m sure you’ll like that place.” Nakangiti nyang sagot.

Anooo daw? Sa lugar kung saan ako nababagay?! Saan naman kaya yun?! Saan ba ako nababagay? Kalokang halimaw to, may pa-hula hoop kemerut chenes pang nalalaman.

Isang saglit lang, hininto na ng halimaw na to ang sasakyan nya. Tapos nagtaka ako nang bigla syang may kinuhang panyo.

“Iba-blind fold kita. Para surprise.” Nakangiti nyang sabi.

“Nako Kuya wah! May paandar kapang ganiyan. Kapag ako hindi na-surprise ayyy nako talaga.” Sagot ko.

“Shut up. Just do what I say.” Singhal nya at mabilis nyang tinali ang panyong iyon sa mata ko. Ayan! Brownout na mga besshy! Wala na akong makita! Rwwwr.

Inalalayan ako ng halimaw na to palabas ng kotse nya at nagsimula na kaming maglakad. Marami akong naririnig na ingay sa paligid at feeling ko ang dami daming tao ngayon ang nakakalat. Kaya parang bigla akong kinabahan.

“Kuya! Ano? Hindi mo pa ba tatanggalin yung piring ko?” Tanong ko.

“Hindi pa. Maghintay ka. Wala pa tayo sa loob.” Sagot nya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, nardaman ko nalang na huminto na ang halimaw na to. “We’re here.” Aniya at dahan dahan nyang inalis ang pagkakabuhol ng tali ng panyo sa mata ko.

Bigla akong na-tense. Parang ayaw ko pang dumilat. Kinakabahan ako sa makikita ko. Ano kaya? Saan kaya ako dinala ng halimaw na to?!

“Open your eyes.” Utos ni Kuya Axe. Kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko.

May naaninag akong kulay blue na ewan. Medyo malabo pa yung nakikita ko dahil sa tagal ng pagkaka-blind fold ko. Ayannnn. Medyo lumilinaw na….

“Wow!” Ang nasabi ko nang malinaw ko ng makita ang lugar kung nasaan kami ngayon.

“I told you, dadalhin kita sa lugar kung saan ka nababagay. Sabi mo sirena ka diba? So I brought you here.” Nakangiting sabi ng halimaw na to.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid! Mygaaaddd! Oo! Tama ang halimaw na to! Dito nga ako nababagay! Dito nga nababagay ang dyosang sirenang gaya ko. Ahahaha.

“Ang ganda dito Kuya. Para talaga tayong nasa ilalim ng ocean.” Kuda ko. Nardaman ko nalang na inakbayan ako ni Kuya Axe.

“This is the Manila Ocean Park. This is my second time of being here, at masaya ako na sa pangalawang pagkakataon ko na pagpunta dito. Ikaw na ngayon ang kasama ko.” Saad nya habang nakatingin sya sa mga mata ko.

“Bakit sino ba yung huli mong kasama nung unang punta mo dito?” Tanong ko.

“Uhm. My ex.” Sagot nya.

“E-ex?!” Gukat kong sabi.

“Yeh.” Tipid nyang sagot.

“So nagka-girlfriend kana pala Kuya.”

“Of course. Naka tatlo na nga ako eh.” Tugon nya.

“Wow. Lakas mo pala. Hindi ko alam naka-tatlong girlfriend kana pala.” Komento ko.

“Past is past. Huwag na nating pag-usapan ang nakaraan. Mag-focus nalang tayo sa kung ano ang nangyayari ngayon.” Aniya sabay titig ulit sa mga mata ko. Naloka ako nang hinawakan nya yung buhok sa may patilya ko at inipit nya yun sa tenga ko. Mygaaaddd!

“Ah. O-okay.” Ang nasabi ko nalang.

Nag-umpisa na kaming maglibot. Lakad dito, lakad doon. Kembot dito, hampas ng balakang doon. Ganunnn.

Una naming pinuntahan yung Jellyfish exhibit! Nakakaloka yun mga bessshy! Yung mga mortal kong kaaway sa karagatan, yung mga dikyang yun. Maganda pala sila kapag tinapatan ng ilaw. Tapos marunong din pala silang sumayaw! Bongga!

Sunod naming pinuntahan ni Kuya Axe yung mga peguin at kami pa yung nagpakain sa mga yun! At talaga namang nag-enjoy ako mga besshy! Feeding program kasi ang naganap! Talagang nakapila yung mga penguin. At nung sinabi kong “arms forward grace!” Ginawa naman nila. Ahahaha. Charooot lungsss.

Next destination naman namin ay yung oceanarium, kung saan makikita yung iba’t isang klase ng isda. At talaga namang makapigil hininga sa sobrang ganda yung mga isdang nandoon. Nakita ko pa nga dun si Dory eh.

“Kuya.” Pagtawag ko sa kanya.

“Bakit Fita? May kailangan kaba? Nagugutom kana ba?” Sagot nya.

Niyakap ko sya ng sobrang higpit. “Salamat. Salamat at dinala mo ako dito. Nag-enjoy ako at busog na busog yung mga mata ko sa mga magagandang bagay na nakita ko dito.” Kuda ko sabay kalas ng mahigpit kong yakap sa kanya.

Napatingin ako sa mukah ni Kuya Axe. Awwww. Ang gwapo nemen. Anubeeee. Ahahaha. Biglang gumuhit ang about tengang ngiti sa kaniyang mga labi.

“You’re welcome. I’m glad that you enjoyed being here at masaya ako dahil napasaya kita ngayon.” Nakangiti nyang sagot. “But we have one place na kailangan pa nating puntahan.” Dagdag nya.

“Ha? Saan naman?” Tanong ko.

“Basta. Come on. Mas mag-eenjoy ka sa lugar na yun.” Aniya at hinila nya ako papunta sa kung saan.

Dinala nya ako sa labas ng oceanarium at nasa tapat kami ngayon ng isang mahabang pool. At nanlaki ang mata ko nang may makita akong mga sirena, I mean mga taong naka costume na sirena at lumalangoy sila sa pool at mukhang enjoy na enjoy sila!

“Gusto mo bang subukan?” Nakangiting tanong ni Kuya.

“Ha? Subukan ang alin?”

“Subukang lumangoy while wearing those mermaid costumes.” Sagot nya.

Anooo dawwww?! Lalangoy ako habang naka mermaid costume?! Gossshhh! I like that! Matutupad na yung dream kong maging si Ariel. Ahahaha.

“Ta-talaga Kuya?! Pwede ba talaga?” Excited na tanong ko.

“Of course. Actually, this is the last place na sinasabi ko kanina na alam kong mag-eenjoy ka.” Nakangiti nyang sagot.

Dahil sa sobrang tuwa niyakap ko ulit ng sobrang higpit si Kuya! Hindi ko akalain na alam nya ang mga bagay na magpapasaya sa akin. At suportado nya pa talaga ako sa pagiging sirena ko! Ahihihi! Nakakatuwa!

“Thank you Kuya! Salamat!” Masayang sabi ko at kinalas ko na yung mahigpit kong yakap sa kanya. “Ikaw? Ayaw ba akong samahang lumangoy?” Tanong ko naman.

“No. Hehe. Papanuorin nalang kita and I’ll take some photos and videos of you nalang.” Sagot nya.

Kulay green na buntot ang pinili ko with matching purple shell bra. Ariel na Ariel lang ang peg! Ahahaha. Gossshh! I’m excited to swim na!

“Cute.” Naka-smile na sabi ng halimaw na to.

Anubeeee. Alam ko na yan Koya. Ahaaha.

“Picturan mo ako dali Kuya. Magpo-pose ako.” Utos ko sa kanya at nagpose ako. Paaakkk! Paaakkk! Paakkk!

“Hehe. Okay.” Sagot nya at sunod sunod na captures ang ginawa nya.

After ng picture taking, swimming time na! Lalangoy na ako! Eto na talaga mga besshhhy!

“Kuya video-han mo ako wah.” Kuda ko.

“Yeah. I will.” Sagot nya at ni-ready nya na yung cellphone nya.

Inumpisahan ko ng lumangoy! Gossshhh! Ang sayaaaaa! Langoy dito, langoy doon. Bongggaaaa! Ahahaha.

Pero naloka ako nang biglang may nabunggo akong ewan.

“Aray!” Pag-inda ko.

“I’m sorry miss.” Saad ng taong nakabangguan ko.

Napatingin ako sa taong yun at nanlaki ang mata ko nang makita ko yung mukha nya.

Gosshhh! Ang gwapoooo! Super gwapo naman ng lalaking ito!

“Are you okay?” Tanong nya pa.

“Uhm. O-okay lang po ako.” Sagot ko. Napatingin ako sa katawan nya at talaga namang nanlaki ang eyes ko. Meggedd! May abs! May pandesal sya mga besshhy! At naka suot sya ng blue na mermaid tail. Ang gwapong sireno naman ng lalaking to. Ahahaha.

Habang nakatitig ako sa lalaking to. Biglang may batang lumangoy sa gilid ko kaya nabunggo ako nito dahilan para masubsob ako sa dibdib ng lalaking ito at napahawak sya sa bewang ko! Jossskoooo.

“Ayos ka lang?” Nakangiting tanong nya. Habang hawak hawak nya yung bewang ko at nakasubsob ako sa matigas nyang dibdib. Gossshhh. Ang bangoooo. Ahohoho.

“O-okay lang po ako. Haha.” Sagot ko at lumayo ako ng bahagya sa kaniya.

“Ahm. By the way miss, I’m Zandro.” Pakilala nya.

“Ah-eh. Hello Zandro. I-I’m Fita.” Pagpapakilala ko rin.

“F-Fita?! As in Ef-I-Ti-Ey?!” Tanong nya at ini-spell nya pa talaga yung name ko.

“Opo.” Sagot ko.

“Hehe. Cute name.” Nakangiti nyang sabi. Grabeeee. Ang gwapo nya talaga. Ahihihi.

“Ah. Sa-salamat po. Haha. Sayo din naman cute eh.” Sagot ko.

“FITAAAA!!!” Rinig kong sigaw ni Kuya Axe Kaya napalingon ako sa kinarorooanan nya. At naloka ako nang makita kong magkasalubong ang kilay nya habang nanlilisik ang mga mata nya. “UMAHON KANA! AALIS NA TAYO!” Dagdag nya pa. At mukhang beast mode ata ang halimaw! Juskoooo.

“Ah. Si-sige Zandro. Alis na ako, bye!” Paalam ko dito at lumangoy na ako papunta kay Kuya Axe.


“Kuya dahan dahan lang, baka mabangga tayo.” Kuda ko kay Kuya Axe habang nasa loob kami ng kotse nya. Sobrang bilis nya kasing magpatakbo! Yung puso ko nagja-jumping rope na sa sobrang kaba.

Tumingin sya sa akin ng sobrang seryoso at ramdam kong may negative awra na nakapalibot sa kanya.

“Ku-kuya? Ga-galit ka-kaba?” Tanong ko.

“Hindi ba halata?!” Matigas nyang tanong.

“Ha-halat naman. Kaya nga tinanong ko eh. Ba-bakit kaba nagagalit?” Halos manliit na yung boses ko sa sobrang kaba.

“Seriously? Hindi mo alam? Fvck!” Galit nyang sabi.

“Ba-bakit nga?” Tanong ko.

“Never mind!” Sabi nya ulit in mad way pa rin.

Nagflash back ako sa isip ko, ano bang bagay ang nagpagalit sa halimaw na to?! May nagawa ba ako? Isip Fita! Isip! Paganahin mo naman yang utak mo!

At biglang sumagi sa isip ko yung lalaking nakabungguan ko sa pool kanina, si Zandro!

Gossshhhh! Si Zandro kaya?! Yung bungguan kaya namin ni Zandro ang dahilan kung bakit nagagalit ang halimaw na to?! Nagselos ba sya dahil dun?! Nagwapuhan lang naman ako kay Zandro, at hanggang dun lang yun!

“Nagkabungguan lang naman kami nung lalaki na yun sa pool kanina. Tsaka hindi ko naman sinasadya na masubsob ako sa dibdib nya, may bata kasing bumunggo sa akin.” Paliwanag ko. Alam kong iyun ang dahilan ng galit nya so I have to explain.

“Bungguan? Seriously? Eh ang lagkit nga ng titig mo sa lalaking yun!” Galit nyang sabi.

So confirm! Yun nga ang dahilan kung bakit sya nagagalit. Rwwwwrrr.

“Grabe ka sa lagkit! Hindi kaya no.” Depensa ko.

“Na-video ko lahat. Gusto mo panuorin mo pa yung video, kung paano mo titigan ng sobrang lagkit ang lalaking yun. Tssskk!” Galaiti nya ulit sabay abot sa akin ng cellphone nya. “Tapos may pahawak-hawak pa ang gagong yun sa bewang mo. Nice! Nice move!” Dagdag nya pa.

Binalik ko sa kanya yung cellphone nya. Isinandal ko ang ulo ko sa may binta ng kotse at hindi na ako nagsalita. Siguro nga tama ang halimaw na to, nabighani lang naman ako sa lalaking yun. Kaya ganun nalang yung titig ko sa kanya. Kasi namang mata to eh! Kung saan saan tumitingin! Mygaaadd!

Ilang minuto din na katahimikan ang dumaan, hanggang sa tumunog ng malakas ang tiyan ko! Doon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako kumakain.

“Kumain muna na tayo.” Mahinahong sabi ng halimaw na to.

“Umuwi nalang tayo. Mas gusto ko nalang magpahinga kesa kumain. Napagod ako.” Sagot ko.

Nagulat ako nang bigla nyang hininto ang sasakyan. Napatingin ako sa labas at nasa gilid kami ngayon ng isang park na nalang katao-tao.

“Fita, nagseselos lang ako kaya ako nagagalit.” Biglang sabi ng halimaw na to.

“Alam ko. Sorry kung hindi ko mapigilan ang mata ko na mapatingin sa iba. Pero hindi naman ibig sabihin nun na gusto ko na sila dahil sa titig kong iyon sa kanila.” Sagot ko.

Tinanggal ni Kuya ang seatbelt nya at lumapit sya sa akin. Hinawakan nya ako sa mukha at tumitig sya sa mga mata ko.

“Gusto ko ako lang ang nakikita mo. Huwag ka ng tumingin sa iba. Hindi pa ba sapat yung kagwapuhan ko para sayo?!” Sabi nyaaaa. Kaloka!

Hindi ako nakasagot. Anubeeee. Bakit kasi ganiyan yung tanong nya.

“Kuya kumain na nga lang tayo. Mukhang gutom ka na rin yata.” Aniko.

“Kung hindi pa sapat tong kagwapuhan ko, edi magpapagwapo pa ako para sayo. Huwag ka lang tumingin sa iba.” Saad nya sabay kindat sa akin. Baliw na talaga ang halimaw na to. Kung anu-ano ang sinasabi. Kaloka.

“Kuya. Gutom lang yan. Tara na. Kumain na tayo.” Kuda ko.

“Akala ko ba ayaw mong kumain?” Nakangiti nyang tanong. Ang bilis magbago ng mood ng halimaw na to. Kanina lang galit na galit sya. Ngayon abot tenga na yung ngiti nya. Ibang kalse!

“Kanina yun. Magkaiba yung kanina sa ngayon. Kaya let’s go. Gutom na ako.” Sagot ko.

“Okay. Ikaw po ang masusunod mahal na prinsesa.” Nakangising sabi nya at binuhay nya na yung sasakayan.

Ewan ko ba. Pero parang nag-vibrate yung hormones ko nang sabihin ni Kuya ang salitang “prinsesa”! Anubeeee. Kinikilig ba ako? Megeed.


Itutuloy. . . .

Paaakkk 68

Sorry for this supah late update. Sobrang stress lang ako. 😷

Kayo na pong bahalang umintindi sa update kong ito. Medyo sabog lang ako ngayon. 😲

Enjoy Reading! ✌


• FITA’S POV •

“So? Nag-date pala kayo ni Axe kahapon?” Tanong ni Ethan habang kami ay nasa loob ng sasakyan nya. Ayaw nyang pa ring paandarin yung kotse. Megeed!

“D-date?! Lumabas lang kami ni Kuya. Pinasyal nya lang ako.” Sagot ko.

“Ganun na din yun. So saan ba kayo pumunta?” Intriga nya ulit. Goossh! Ang dami nyang tanong. Kaloka!

“Sa ocean park.” Sagot ko.

“Real talk? Sa ocean park?” Gulat nyang tanong.

“Oo. Bakit? Maganda nga dun eh. Tsaka nag-enjoy ako. Ang saya pala dun.” Sagot ko.

“Hehe. Nagulat lang ako. Hindi ko in-expect na doon ka dadalhin ni Axe.” Nakangiti nyang sabi.

“Ako nga din eh nagulat. Pero in fairness kay Kuya Axe, he knows what I like. Ganun.” Nakangiti ding sagot ko.

“So? Ngayon? Pwede tayo naman ang mag-date?!” Nakangiti nyang tanong! Mygaassshh!

“D-date? Ta-tayo?” Gulat kong sambit. Kaloka!

“Yup. Magde-date tayo.” Sagot nya sabay kindat sa akin at pinaandar nyang na ang sasakyan.

“Sa-saan mo naman ako dadalhin?” Tanong ko.

“Sa amusement park.” Sagot nya.

“A-amusement park? Yung parang perya ba yun?” Tanong ko!

“Yup. Matagal na din akong hindi nakakapunta sa ganung lugar. And besides, I know you’ll like that place.” Sagot nya.

Bigla akong na-excite! Ohmygaaaddd! Amusement Park! Perya! Perya! Perya! Basta ganun! Gosshhh. I’m excited na! After so many years makakapunta ulit ako sa ganong lugar, wala kasing ganun sa isla namin eh. So I’m excitedly excited! Ganun.

“Parang may sumusunod sa atin.” Puna ni Ethan.

“Ha? Sumusunod?”

“That blue car sa likod natin, feeling ko sinusundan tayo.” Sagot nya. Kaya napatingin ako sa side mirror at nakita ko nga ang blue na kotse na sumusunod sa amin.

Peroooo waaaiiit! Kilala ko kung kaninong kotse yun! Kay Kuya Axe yun!

“Ka-kay Kuya Axe yung kotse na yun.” Kuda ko.

“Talaga? Sa kanya yun? Sinusundan nya ba tayo?” Gulat na Tanong ni Ethan. Naloka ako nang bigla nyang hinarurut ang sasakyan nya.

Napahawak ako sa flat kong boobs sa sobrang kaba! Mygaad.

Ilang saglit pa, hininto na ni Ethan ang kotse nya. Napatingin ako sa labas, at nakita kong nasa tapat na kami ng amusement park! Ang taray! Ang bilis!

“Tara na sa loob.” Aligagang sabi nya sabay bukas ng pinto ng kotse. Paglabas namin ng sasakyan, naloka ako nang mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko. “Let’s go.” Nakangiti nyang pang sabi Kaya nag-umpisa na kaming maglakad.

Pero may isang boses na nagpatigil sa amin. …

“Fita!” Sigaw ng isang pamilyar na boses at paglingon namin ni Ethan sa likod, natanaw namin doon si Kuya Axe! Mabilis syang nag-run forward palapit sa amin.

“A-anong ginagawa mo dito Kuya?” Tanong ko.

“Wa-wala. Napadaan lang ako.” Sagot nya.

“Talaga? O baka naman sinusundan mo kami?” Tanong naman ni Ethan.

“Totoo ba Kuya? Sinusundan mo kami? Kanina nakita namin yung kotse mo na naka sunod sa amin.” Kuda ko naman.

“Oo na. Nahuli nyo na ako. Sinundan ko nga kayo. Hinahanap kasi kita kanina sa room nyo, but you’re not there. So I tried to find you, then nakita ko kayong magkasama kaya sinundan ko kayo.” Sagot nya.

“You have to leave bro, may date kami ni Fita ngayon.” Sambit ni Ethan na ikina-beast mode naman ni Kuya Axe!

“Date!” Galit nyang sabi.

“Yeah. So just leave now, nakapag-date na naman kayo kahapon ni Fita diba? So now its my turn. Iwan mo na kami.” Sabi naman ni Ethan! Kaloka!

“Fine!” Labas sa ilong na sagot ni Kuya Axe at mabilis syang nag-walk out!

“Bye Kuya! Ingat ka wah!” Sigaw ko. Pero mukhang hindi nya na ako narinig dahil hindi man lang sya lumingon. Grrrr.

“Tara na?” Pag-aya ni Ethan at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob.

Lingon dito. . .

Lingon doon. . .

Halos ma-ikot ko na ang ulo ko dahil hindi ko mapigilan ang mga mata ko na titigan ang mga magagandang bagay na nasa paligid namin ngayon ni Ethan.

Pero nagulat ako nang biglang tumigil si Ethan sa paglalakad. At nang tignan ko sya, naloka ako sa hitsura nya! Para syang nakakita ng multo! Dahil nag-expand talaga ng bongga ang mga mata nya habang nakatingin sya sa isang direksyon.

“Ethan? Ano yun? Ayos ka lang ba?” Tanong ko.

“S-s-s-stella!” Sambit nya!

Waittt?!

Tama ba ang narinig ko? Stella ba ang sinabe nya?!!!

Naloka ako nang biglang tumakbo ng mabilis si Ethan papunta sa direksyon kung saan sya nakatingin kanina. Wala na akong nagawa kundi sundan sya. Tumakbo din ako! Mygassh! Ka-haggard!

“Ethan! Wait! Saan ka ba pupunta?” Tanong ko habang hinahabol ko sya.

Napunta kami sa likurang bahagi ng amusement park kung saan wala ng tao ang nandoon maliban sa amin.

“Stella!” Sigaw ulit ni Ethan at may babae na syang kasama. Hawak hawak ni Ethan ang braso ng babaeng iyon. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nila at nagulat ako nang makita ko si Ate Stella!

Ohmygaaadd! Akala ko ba nasa isang bansa si Ate Stella? Bakit nandito sya? Nakauwi na ba sya???

“Bitiwan mo ako.” Kuda ni Ate Stella sabay bawi ng braso nya na mahigpit na hawak ni Ethan.

“Akala ko ba nasa ibang bansa ka? Akala ko ba hindi kana babalik dito?” Sunod sunod na tanong ni Ethan.

“Pwede ba Ethan, stop asking me! Hindi ko masasagot yang mga tanong mo! Please! Umalis kana.” Sagot ni Ate Stella.

“Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasagot ang mga tanong ko.” Matigas na saad ni Ethan sabay hawak sa magkabilang braso ni Ate Stella.

“Bi-bitiwan mo sabi ako!” Pagpupumiglas ni Ate Stella pero hindi pa rin sya binibitiwan ni Ethan.

“Hindi!” Sigaw ni Ethan. “Sinaktan mo ako ng sobra Stella, Totoo ba? Totoo ba lahat ng sinabi mo? Totoo ba lahat ng nakita ko? Na may iba kana? Na pinagpalit mo na talaga ako? Na ayaw mo na sa akin? Totoo ba?!” Dagdag nya pa.

Hindi sumagot si Ate Stella, nakatingin lang sya sa ibaba habang nakayuko. “Sagutin mo ako! Totoo ba?!” Sigaw ulit ni Ethan.

“Please Ethan. Bitiwan mo na ako. Ginagawa ko lang to dahil ito ang makakabuti para sa ating dalawa.” Saad ni Ate Stella at naloka ako nang makita kong umiiyak na sya.

“Ginagawa ang alin? Hindi kita maintindihan!” Ani Ethan.

“Wala. Kalimutan mo nalang yung sinabi ko. Bitiwan mo na ako.” Lumuluhang sagot ni Ate Stella.

Gossshhh. Ano ba itong nangyayari. Pati ako naluluha na rin. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari.

“Stella! Please! Sagutin mo naman yung mga tanong ko! Gusto kong maging malinaw sa akin ang lahat!” Sigaw ulit ni Ethan.

“H-hindi pwede. Hindi pwede Ethan.” Sagot nya.

“Bakit ba hindi pwede! Tngna naman Stella! Sagutin mo naman ako please! Gulong gulo na yung isip ko!” Galit na saad ni Ethan.

Iyun yung unang pagkakataon na makita kong ganoon si Ethan! Nakakaloka pala syang magalit.

“Hi-hindi totoo. Hindi totoo ang lahat ng sinabi ko sayo noon. Palabas lang ang lahat ng iyon dahil iyon lang ang naisip kong paraan para magalit ka sa akin at para makalimutan mo na ako.”

“Bakit? Bakit mo ginawa yun?” Tanong ni Ethan.

“Dahil iyon ang mas makakabuti sa ating dalawa.” Sagot ni Ate Stella.

“Mas makakabuti? Sh*t! Nasaktan ako Stella! Dahil dyan sa ginawa mo! Sinaktan mo ako!” Galit na sabi ni Ethan.

“I-I’m sorry. Ayoko lang mawala ang lahat ng kung anong meron ka. Ayokong itakwil ka bilang anak ni Mr. Salvador ng dahil lang sa akin.”

“So Dad has something to do with this sh*t! May kinalaman sya dito?!” Galit na tanong ni Ethan.

“Ethan. Tama na. Please. Bitiwan mo na ako. Wala na tayo. Tapos na. Kalimutan nalang natin lahat. Dahil iyon ang mas makakabuti sayo at sa akin.” Sagot ni Ate Stella.

“Kalimutan?! Tngna Stella! Hindi yun ganun kadaling kalimutan! Mahal pa rin kita! Kahit na sinaktan mo ako, hindi iyon nawala!” Galit na sabi ni Ethan. “Isang tanong, isang sagot! Mahal mo pa ba ako?!” Tanong nya pa.

Parang may kung anong bagay ang sumaksak sa puso ko nang marinig ko ang mga sinabing iyon ni Ethan. Tama nga ako. Si Ate Stella pa rin ang mahal nya. Kahit na sinabi nya sa akin na gusto nya ako, hindi pa rin mapagkakailang si Ate Stella pa rin ang taong nasa puso nya. Bakit ba ako umasa?! Umasa na mamahalin din ako ni Ethan gayong alam kong si Ate Stella lang naman ang nag-iisa para sa kanya. Ang tanga ko. Sobrang tanga ko.

“Ethan. Please, huwag mo naman ako tanungin ng ganiyan.” Lumuluhang sagot ni Ate Stella.

“Sagot! Sagutin mo ako! Mahal mo pa ba ako?!” Sigaw ni Ethan.

“O-Oo. Oo. Mahal pa rin kita.” Nakayukong sagot ni Ate Stella.

Biglang niyakap ng sobrang higpit ni Ethan si Ate Stella. “Ngayong alam kong mahal mo pa rin ako, hinding hindi na kita papakawalan pa. Mawala na lahat sa akin huwag ka lang. Wala akong pakialam kung anong kayang gawin ni Dad. Basta hinding hindi na kita papakawalan pa.” Saad ni Ethan at mas humigpit pa ang yakap nya kay Ate Stella.

“Pero Ethan, hindi pwede. Kaya nga ako nagtago at pinakawalan kita dahil natatakot ako sa kayang gawin ni Mr. Salvador sayo at sa akin. Binantaan nya ako na kaya nyang alisin ang lahat ng meron sayo at gagawin nya ang lahat mapahirapan lang ako. “

“Wala akong pakialam. Ako ng bahala kay Dad. Kung kailangan ko syang kausapin tungkol dito gagawin ko. Basta hinding hindi na kita papakawalan pa. Dito ka lang Stella, dito kalang sa tabi ko.”

Naramdaman ko nalang ang unti-unting pag-agos ng luha sa aking mga mata. Para akong nanuod ng KDrama! Ang drama ng eksena nilang dalawa.

Pero ang sakit, sobrang sakit ng lahat ng nasaksihan ko ngayon. Parang unti-unting pinupunit ang puso ko sa pira-pirasong piraso.

Pinunasan ko ang luha ko. Kailangan ko ng umalis. Alam kong sabik na sabik sila sa isa’t isa kaya kailangan ko ng mag-walk out dahil hindi naman ako kailangan sa eksenang ito.

Tumakbo ako, kahit hindi ko nakikita ang daan, tumakbo pa rin ako ng mabilis. Ilang saglit pa naramdaman ko nalang ang isang kamay na mahigpit na nakahawak sa braso ko.

“Saan ka pupunta?” Tanong ng taong ito na nakahawak sa braso ko.

“Iwan mo ako. Kung sino ka man please! Iwan mo ako. Gusto kong mapag-isa.” Sagot ko sa taong ito. Hindi ko magawang idilat ang mga mata ko para tignan kung sino ang taong ito dahil kapag dinilat ko ang mga ito, baka umagos na parang baha ang mga luha sa aking mga mata.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng taong ito! “Alam kong nasaktan ka sa nakita mo kanina. Nakakagulat na may mahal na pala ang gagong Ethan na yun! Tngna nya! Sinabi nya na gusto ka nya tapos ano ito?! Sino ang babaeng yun?! Gagong yun! Bigla ka nalang iniwan nang makita nya ang babaeng yun!”

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. At pagdilat ko, nasilayan ko ang mukha ni Kuya Axe. Halata ang galit sa mga mukha nya.

“Ku-kuya? A-anong ginagawa mo dito?!” Tanong ko sabay punas sa luha ko.

“Sinusundan ka. Kanina pa ako naka sunod sa inyo, hindi naman ako umalis. Nakita ko rin kung anong nagyari kanina.” Sagot nya.

“Umuwi na tayo Kuya. Gusto ko ng magpahinga.” Kuda ko.

“Hindi pa tayo uuwi. Makakatikim muna sa akin ang gagong Ethan na yan!” Galit nyang sabi at hinila nya ako pabalik sa kinaroroonan nila Ethan.

“Kuya ayoko! Huwag na. Alam kong mahal nila ang isa’t isa kaya hayaan na natin silang dalawa. Huwag na natin silang guluhin.” Pagpigil ko.

“What?! Ganun mo nalang kadaling patawarin ang gagong yun! Iniwan ka nya sa ere para habulin ang babaeng yun. Tapos sabi nya gusto ka nya? Pero ano? May mahal na pala syang iba! Ano yun?! Pinaglaruan ka lang nya! Tngna nya!” Galaiti ni Kuya Axe at bigla nalang nya akong binuhat at mabilis syang naglakad pabalik sa likod ng amusement park!

“Kuya! Ibaba mo ako! Huwag na natin silang guluhin! Ano ba!” Kuda ko. Pero huli na ang lahat. Nakabalik na kami sa lugar kung nasaan sila Ethan.

“Ethan!” Galit na sigaw ni Kuya Axe at ibinaba nya na ako mula sa pagkakabuhat nya.

Parehas na nagulat sina Ate Stella at Ethan sa sigaw na iyon ni Kuya Axe!

“Axe?! Fi-fita?!” Gulat na saad ni Ethan.

Mabilis na naglakad si Kuya Axe palapit kay Ethan! At naloka ako nang bigla nya itong suntukin!!!!

Natumba si Ethan sa sobrang lakas nun.

Tumakbo ako nang mabilis para awatin si Kuya dahil nang tumumba si Ethan, pumatong sya sa ibabaw nito at sunod sunod nya pa rin itong pinagsusuntok! Juskoooo!

“Kuya! Tama na!” Pagpigil ko. Pero buong pwersa lang ako tinulak ni Kuya Axe na ikinatumba ko!

“Gago ka! Sa dinami rami ng pwede mong paikutin, paglaruan si Fita pa!” Galit na sabi ni Kuya at muli nyang sinuntok si Ethan.

“Hoy! Itigil mo yan! Ano ba!” Saad naman ni Ate Stella kay Kuya Axe pero tulad ng nangyari sa akin, tinulak din sya ni Kuya Axe na ikinatumba nya!

Napatingin ako kay Ethan at naloka ako nang makita kong marami na syang dugo sa mukha! Kaya nag-isip ako ng paraan para patigilin ang halimaw na to! May nakita akong malaking kahoy. At mabilis ko iyong kinuha.

Sorry Kuya! Kailangan ko tong gawin! I’m sorry!

Buong pwersa kong hinampas si Kuya Axe sa likod nya. Dahan dahan syang tumumba at nawalan sya ng malay.

“Ethan! Are you okay?!” Alalang Tanong ni Ate Stella kay Ethan. Ipinatong nya ang ulo ni Ethan sa mga hita nya.

“F-fita.” Saad ni Ethan. Kaya naglakad ako palapit sa kanya.

“Ayos ka lang ba Ethan?” Tanong ko.

“I-I- I’m sorry.” Sabi nya. “ I deserve this.“ Dagdag nya pa sabay ngiti. “I deserve this! I deserve this!” Paulit ulit nya pang sinabi.

“Fita? Sino ba yang lalaking kasama mo?!” Tanong ni Ate Stella.

“Si-si Kuya Axe po. Stepbrother ko po Ate.” Sagot ko.

“Bakit nya ginawa to kay Ethan?!” Tanong nya pa.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong nya.

“It’s my fault. Ako ang may kasalanan. I deserve this.” Pag-eksena ni Ethan.

“Ha? Hindi ko maintindihan? Ano bang nagyayari?” Gulong gulong tanong ni Ate Stella.

“Si Fita ang laging nasa tabi ko noong panahong iniwan mo ako. Sya lagi ang nasa tabi ko. And I realized na unti unti ko na syang nagugustuhan. At dumating sa puntong nagtapat ako ng nararamdaman ko para sa kanya. And I started courting him. Sya ang kasama ko kanina, dapat may date kami, but then I saw you kaya iniwan ko sya para sundan ka.” Sagot ni Ethan.

Halatang nagulat si Ate Stella sa mga sinabing iyon ni Ethan. Hindi sya makapaniwala.

“Kanina pa pala tayo sinusundan ni Kuya Axe. Hindi nya inalis ang paningin nya sa ating dalawa. Kaya nakita nya lahat ng nangyari. Alam mo namang maintain ang ulo ni Kuya. I’m sorry, nasaktan ka tuloy nya.” Kuda ko pa.

“Hindi mo kailangang humingi ng sorry. Ako dapat, ako dapat ang nag-so-sorry dahil iniwan kita kanina. Bagay lang to sa akin.” Saad nya. “I’m sorry Fita. I’m sorry. Sorry kung mahal ko pa rin si Stella, sorry kung umasa ka, sorry kung naging paasa ako. I’m sorry, hindi ko alam na mangyayari ang lahat ng to. Pero yung sinabi kong gusto kita, totoo yun. But I’m sorry, mahal ko pa rin si Stella. I am really really sorry.” Dagdag nya pa.

Naluha ako sa sinabing iyon ni Ethan.

Kahit masakit, kailangan ko iyong tanggapin. Gusto lang ako ni Ethan, pero mahal nya naman si Ate Stella. Ang sakit. But I need to accept everything!

Bakit ba lagi ko nalang nararanasan ang ganito? Na may taong magpaparamdam sa akin na gusto nila ako tapos iiwan lang din ako sa huli dahil mas pinili nila ang taong mahal nila kaysa sa akin. Hanggang pagkagusto nalang ba yung feelings na matatanggap ko mula sa iba? Kailan ba darating yung panahaon na may magmamahal sa akin? Yung totoong mahal ako at hindi ako iiwan?


Itutuloy. . .

Paaakkk 69

Malapit na pong mag-wakas ang story na ito, kaya kapit lang mga besshhhy! Malapit na ang ending! Huhuhu.


• FITA’S POV •

Pinunasan ko ang luha ko nang marinig kong magsalita si Kuya Axe! Sa wakas nagkamalay na rin sya! Nasa isang bench kaming ngayon, nakaupo ako habang nakahiga naman si Kuya Axe. Nakapatong ang ulo nya sa mga hita ko.

“Fi-fita.” Sabi nya habang nakatingin sa mukha ko.

“Ku-kuya. Mabuti naman gising kana.” Saad ko. “I’m sorry Kuya. Sorry sa nagawa. Sorry kung nasaktan kita. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko para patigilin ka. I’m sorry. Sorry talaga.” At muling umagos ang luha sa aking mga mata. Huhu. Nubeee. Ang drama ko talaga.

“So you’re the reason why I passed out.” Aniya. Tumango lang ako habang pinupunasan ko ang luha ko.

Dahan dahan syang bumangon mula sa pagkakahinga. Tumingin sya sa malayo habang seryoso ang kaniyang expression! Bigla akong nakaramdam ng kaba, dahil bigla nalang syang tumahimik. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, mabilis ko syang niyakap. Niyakap ko sya dahil natatakot ako sa susunod nyang gagawin.

“Kuya. Sorry. Sorry talaga. I’m sorry.” Paulit ulit kong sabi habang yakap yakap ko sya.

Ilang saglit pa, naramdaman ko nalang ang mga kamay nya na biglang hinawakan ang magkabila kong pisngi. Tumitig sya sa mga mata ko, Kaya napatitig na din ako sa mga mata nya. Naloka ako dahil hindi ko parin mabasa kung ano ang nasa isip nya. Kaya kabang kaba na talaga ako mga besshhhy! Mygaaad!

“Are you okay?” Tanong ko.

“Ha? A-ako?” Gulat kong sagot. Dahil hindi ko in-expect na iyun ang sasabihin nya!

“Yes. I’m asking you, are you okay?” Pagkaklaro nya.

“O-opo. Okay lang ako.” Sagot ko. “Eh ikaw? Okay ka lang ba? Masakit pa ba yung likod mo? Sorry talaga.” Dagdag ko pa.

“I’m okay. Its okay. I understand kung bakit mo iyon ginawa sa akin. I lost my controll, I’m sure nabugbog ko ng husto si Ethan.” Saad nya at binitiwan nya na ang pagkakahawak nya sa magkabila kong pisngi.

Tumingin sya muli sa kawalan habang seryoso ang kaniyang mukha.

“So yung babaeng kasama ni Ethan kanina, sya yung girlfriend nya?” Tanong nya.

“Opo Kuya.” Sagot ko.

“I can’t believe na may itinatago palang girlfriend yang si Ethan. And that woman looks familiar, as far as I remember, professor sya sa Zarvard. So hindi ko masisisi si Ethan why he hid his girlfriend from everyone dahil bawal yung relasyon nila, idagdag pa yung pagtutol ni Mr. Salvador.” Aniya.

“Kaya nga naghiwalay sila dahil sa dami ng problema nila. Sinaktan ni Ate Stella si Ethan, pinalabas nito na may iba na sya para saktan si Ethan. Kaya itong si Ethan broken na broken.” Aniki naman.

“Now I understand.” Sabi nya sabay titig sa mga mata ko. “Ginawa ka lang panakip butas ni Ethan, for him to easily forget his pain.” Sabe nya pa!

Awwwww! That word! PANAKIP BUTAS! Totoo bang ginawa lang akong panakip butas ni Ethan?! Kung iisipin, feeling ko ganun na nga yun! Umamin sya sa akin na gusto nya daw ako nung mga panahong broken na broken sya. Gusto nyang makalimot kaya sa akin nya itinuon ang atensyon nya. Kaya ngayon, bumalik na si Ate Stella, ganon na lang sa kanya kadaling sabihin na mahal nya pa rin ito. Na gusto nya lang ako at imposible nya akong mahalin dahil si Ate Stella pa rin ang nag-iisa para sa kanya.

Masakit tanggapin. Pero iyon ang katotohan. Naging panakip butas ako, rebound, vulcaseal! Ganun!

“Siguro nga tama ka Kuya. Ang tanga ko kasi. Napakatanga ko! Alam ko namang may iba ng nasa puso nya, umasa pa rin ako! Porke nagtapat lang sya sa akin, feeling ko mamahalin nya na rin ako. Ang tanga ko.” Kuda ko.

“You shouldn’t blame yourself. Si Ethan ang naging paasa. His eagerness to forget his pain, ang naging dahilan para umasa ka. Kaya nga sumabog ako sa sobrang inis dahil doon.” Aniya. “Sa dinami rami naman na pwedeng gawing panakip butas ikaw pa!” Dagdag nya pa at ramdam ko ang inis sa to no ng voice nya! Megeed!

“Gusto ko ng umuwi Kuya. Gusto ko ng magpahinga.” Kuda ko sabay tayo sa bench.

Pero bigla nalang akong hinila ni Kuya Axe kaya napaupo ulit ako! Tumitig ulit sya sa mga mata ko! Pero this time, biglang nag-iba ang titig nya. Nangungusap ang mga mata nya! At nakakaloka!

“Hindi mo deserve ang lalaking gaya nya. Hindi mo deserve na iwanan at ipagpalit sa iba because you have everything. Hindi mo dapat nararanasan ang ganung bagay.” Kuda nya. At muli nyang hinawakan ang kaliwang pisngi ko! Habang mariinn syang nakatitig sa mga mata ko! “You deserve to be love. You deserve me.” Dagdag nya pa!!!!!

Tumagos sa kaugat-ugatan ng puso ko ang sinabing iyon ni Kuya Axe! Bakit ba ako nagda-drama na nalang lalaking kayang magmahal sa akin?! Eh gayong nandito na pala sa harap ko ang lalaking minahal ako ng buong buo!

Si Kuya Axe na palaging nandiyan sa or as ng kailangan, Si Kuya Axe na possessive at selfish pagdating sa akin dahil gusto nya sa kanya lang ako, Si Kuya Axe na nagawang mahalin ang gaya ko kahit may hindi sya magandang karanasan sa pusong babaeng tulad ko, Si Kuya Axe na handang patunayan na mahal nya ako kahit na dapat kapatid lang ang turing nya sa akin.

Bakit ba ang layo ng tingin ko? Bakit ba sa malayo ako nakatingin? Nasa harap ko na pala ang lalaking gaya ni Kuya Axe. Bakit sa iba pa ako tumitingin? Napakatanga ko dahil ngayon ko lang na-realize ang lahat! Ang lahat lahat!

“Pe-pero Kuya. Magkaptid tayo. Hindi pwede yang nararamdaman mo para sakin. Ano nalang ang sasabihin ni Nanay at ni Tito Ark tungkol dito. Natatakot ako.” Kuda ko.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Kuya Axe ng sobrang higpit. “Don’t be afraid. Akong bahala. Sa papel lang naman tayo magkapatid but not in blood. Kaya pwede, pwedeng pwedeng itong nararamdam ko para sayo.” Saad nya.

“Hindi pa rin ako makapaniwala. Na ang dating halimaw na si Kuya Axe ay ngayon para ng maamong hamster.” Aniko. “Dati kung anu-anong masasakit na salita ang pinagsasabi mo sa akin, pero ngayon napalitan na yun ng matatamis na words na halos kagatin na ako ng langgam sa sobrang tamis.” Dagdag ko pa.

“Nagbago ako dahil sayo, nagbago ako dahil sa nararamdaman ko para sayo. Salamat. Thank you for making me the person I am right now.” Kinalas nya ang mahigpit nyang yakapsa akin. Muli syang tumitig sakin. Pero may kakaiba sa titig nya na nagpakaba sa akin! Nakatitig sya sa lips ko!!!!

At naloka ako nang dahan dahan nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko!!!! Biglang bumilis ang kabog ng flat kong boobs!

Togggggg!

Toooggggggg!

Tooooogggggggg!

Tttttooooogggggggg!

Hindi ko alam ang gagawin ko! Gusto kong umiwas pero may pumipigil sa akin, at sinasabing huwag nang gagalaw! Parang ganun! Kaya para na akong na-estatwa sa kinauupuan ko!

At….

Ilang saglit pa, naramdaman ko nalang ang malambot, mainit at matamis na labi ni Kuya Axe sa labi ko. . . .

Ilang segundo ang lumipas, saka palang inalis ni Kuya Axe ang mga labi nya sa lips ko! Napatingin ako sa mukha nya, at nasilayan ko doon ang isang abot tengang ngiti na may kasamang tawa!

“Bakit ka tumatawa!” Tanong ko. Napahawak ako sa bibig ko.

“Hehe. Hindi ka parin sanay humalik!” Natatawang sabi nya!

Halos umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo sa aking katawan! Feeling ko ang pula pula ko na sa sobrang hiya! Boseeettt talagang halimaw na to! Anong alam ko sa kiss kiss na yan! Grrrrrrr.

“Tseeeee! Ewan ko sayo! Last mo na yun! Hinding hindi na ako papayag na i-kiss mo ako ulit! Boseeet!” Imbyernang kuda ko.

“Talaga lang ha? Hinding hindi ka na papayag? Eh hindi ka nga pumalag kanina nung inilapit ko na ang mukha ko sa mukha mo, that only means you liked it.” Pang-aasar nya pa!

“Pweeeee!” Sabe ko sabay dura sa gilid. “Yaaakkk! Anong like pinagsasasabi mo dyan! Utut mo!” Dagdag ko pa sabay tayo mula sa pagkakaupo! “Bahala ka nga dyan! Uuwi na ako!” Dagdag ko pa sabay walk-out!

“Fita! Wait! Nagbibiro lang naman ko. Ang bilis mo talagang mapikon.” Rinig kong sabi nya mula sa likod ko at alam kong sinusundan nya ako kaya mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko.

“Balakajan!” Imbyerna ko ulit na sabi.

Pero naloka ako nang bigla nya nalang akong maabutan, at mas naloka pa ako nang bigla nya nalang akong buhatin na para bang bago kaming kasal!

“Kuya! Ano ba! Ibaba mo ako! Nakakahiya! Ang daming tao!” Say ko naman.

“I don’t care. Wala akong pake.” Nakangiting sagot nya.

“Kung ikaw walang pake, pwes ako meron! Kaya ibaba mo na ako! Ano ba!” Gigil kong sabi

“What if, ituloy natin yung naudlot nyong date ni Ethan dito sa amusement park? Nandito na naman tayo, so let’s enjoy.” Suggestion nya pa!

“Ayuko. Gusto ko ng umuwi!” Pagtanggi ko.

“Uyyy. Ferris wheel yun diba? Tara? Sakay tayo?” Pag-aya nya.

Napatingin ako sa ferris wheel, parang may gravitational force na humahatak sa akin papunta doon. Gossshhh! I want to ride on it!

“O-osige na nga.” Ang nasabi ko nalang. Ahahaha. Pero deep inside, gustong gusto ko talaga!

Ferris Wheel ✅

Caterpillar ✅

Carousel ✅

Rollercoaster ✅

Mygasssssshhh! Feeling ko wala na yung puso ko. Naiwan na yata dun sa rollercoaster! Kalokaaaaaa.

“Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Kuya.

“Hindi. Wala na yata yung puso ko. Naiwan yata dun sa rollercoaster! Mygad!” Sagot ko.

“Hehe. Hinding hindi maiiwan dun ang puso mo, nandito lang kaya. Iningatan ko.” Nakangising sabi nya! Naloka ako nang may inilabas syang keychen na hugis heart.

“Ano yan.” Tanong ko.

“Kakasabi ko lang diba? Puso mo yan iningatan ko.” Nakangiting sagot nya.

“Kuya. Grabe. Ang corny mo.” Kuda ko. Ahahaha. Cornyy naman talaga eh. May itinatago din palang ka-cornyhan ang halimaw na to!

Kinuha ko ang keychen na hawak nya pero mabilis nya iyong binawi! “Akin na. Sabi mo puso ko yan! Kaya ibalik mo na.” Sambit ko.

“Hindi. Sa akin na ang puso mo, iingatan ko to.” Sagot nya sabay kindat. Inilagay nya sa bulsa nya yung keychen. Kalokaaaaa!

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa ka-cornyhan nitong si Kuya o matatawa. Pero feeling ko, kinikilig ako na natatawa! Ahahaha. Ewannn. Anubeee.

Nakurrrrr.


Itutuloy. . . .

Paaakkk 70

“Gusto kanya, pero may mahal syang iba.”

Bakit ba palagi ko nalang na-eexperience to???! Hindi ba ako deserve mahalin. 😣😣😣😣😣💥


• AUTHOR’S NARRATION •

Hindi pa nga nakakalimot si Fita sa sakit na kaniyang naranasan kay Ethan, may panibagong sakit na naman syang kinaharap.

Habang binibisita nya ang kaniyang news feed sa Facebook, nagulat sya nang makita nyang may kasamang babae si Ash. Ang Kuyang nyang nagtungo sa Amerika upang tuparin ang pangarap nitong maging isang basketball player ng sikat na basketball team.

“Siguro kaibigan lang to ni Kuya.” Saad ni Fita sa kaniyang sarili. Inumpisahan nyang buklatin ang mga larawan at binasa nya ang lahat ng komentong naroon at doon nya napagtanto na hindi ito kaibigan lamang ni Ash kundi karelasyon.

Samu’t saring matatamis na komento ang kaniyang nabasa. Isang magandang babae na hindi maitataging amerikana ang kasama ni Ash sa bawat larawan.

Nakumpirma nyang karelasyon ito ni Ash nang mabasa nya ang palitan ng matatamis na komento ng dalawa at may salitang “I love you” pa sa huli.

“So alam mo na pala?” Biglang tanong ng isang boses mula sa likuran ni Fita. Agad nyang nilingon ang taong nagsalita, at paglingon nya nakita nya doon si Ace.

“Ha? Ang alin?” Ganting tanong naman ni Fita.

“Yan.” Sagot ni Ace sabay turo sa cellphone ni Fita kung saan naroon ang mga larawan ni Ash kasama ang isang babae. “That girl, girlfriend yan ni Kuya Ash.” Ani pa nito.

“Gi-girlfriend? Ma-matagal na ba sila?” Tanong muli ni Fita.

“Yup girlfriend nya yan. Bago pa lang sila, maybe they’re in relationship for almost a month.” Sagot ni Ace.

“Uhm. Sige Kuya. Pasok na ako.” Paalam ni Fita kay Ace at nagmadali itong naglakad palabas.

“Fita! Wait. Sumabay ka na sa akin.” Saad ni Ace ngunit hindi na ito narinig ni Fita dahil nakalabas na ito ng bahay.

Habang nasa loob ng taxi na kaniyang sinasakyan si Fita, paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isipan ang mga larawan ni Ash kasama ang karelasyon nito.

“Bakit Kuya? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” Tanong ni Fita sa kaniyang sarili.

“Ha? Ano po iyon Ma’am?” Biglang Tanong ng taxi driver sa pag-aakala nitong sya ang sinasabihan ni Fita.

“Ah. Wala po manong. Haha!” Sagot ni Fita sabay tawa.

Pagdating ni Fita sa Zarvard, napatingin sya sa kaniyang relo. Napansin nyang maaga pa, kaya napagdesisyunan nyang umupo sa isang bench sa tabi ng isang puno.

“Tatawagan ko ba si Kuya Ash o hindi?” Tanong nya sa kaniyang sarili. Sa loob loob ni Fita, gusto nyang makausap si Ash, gusto nya itong kamustahin at tanungin kung bakit sya lang ang hindi na kakaalam na may karelasyon na pala ang Kuya nyang si Ash.

At ilang saglit pa, dahan dahang pinindot ni Fita ang “call” sa kaniyang cellphone at doon na nag-ring ang telepono ni Ash.

“F-fita? Napatawag ka?” Pagsagot ni Ash sa kabilang linya.

“Uhm. Wa-wala lang Kuya, gusto lang kitang kamustahin.” Sagot nito.

“I’m good. Maayos naman ako dito. Ikaw? Kamusta kana?” Ganti naman ni Ash.

“O-okay lang din naman ako Kuya.” Sagot ni Fita. “Ku-kuya? Bakit bihira ka nalang tumawag?” Tanong pa nito.

“That’s great! Uhm. Sorry, medyo naging busy lang. Hehe.” Sagot naman nito.

“Ah-eh. Ku-kuya? May gusto kabang sabihin sa akin?” Tanong ni Fita.

“Sabihin? L-like what? Ano yung sasabihin ko?” Ganting tanong nito.

“Ah. Wala. Sige. Kalimutan mo nalang. Ingat ka dyan Kuya! Byeee!” Ibaba na sana ni Fita ang tawag nang pigilan sya ni Ash!

“Fita wait! I-I-I need to tell you something.” Saad nito.

“A-ano yun?”

“I-I don’t how to start…b-but I-I just want to say that I-I-I’m in a relationship.” Pagtatapat nito.

“Alam ko na yan. Nakita ko nga yung mga pictures mo sa Facebook at sinabi na rin sa akin ni Kuya Ace.“Ani Fita.

“F-Fita. I-I’m sorry. I’m sorry, I am really sorry.”

“Ba-bakit ka nagso-sorry?” Tanong nito.

“I’m sorry kung nagkagusto ako sa iba, sorry dahil nagka-girlfriend ako. I’m sorry kung hindi ako naging tapat sa nararamdaman ko sayo. Sorry kung ganun ko nalang kadaling kinalimutan yung feelings ko para sayo.” Sambit nito.

Hindi na naiwasan ni Fita ang maluha. “Ano kaba Kuya. Okay lang yun. Tsaka naiintindihan kita. Malayo ka, at alam kong maraming tao ang nakapaligid sayo dyan kaya hindi malayong magkagusto ka sa iba. Tsaka huwag mo na akong isipin, mas okay nga na babae yung naging girlfriend mo kesa sa gaya ko. Haha! At isa pa, sabi nga ni nanay at Tito Ark, magkapatid tayo at ituring nating magkapatid ang isa’t isa kaya tama lang na nagkagusto ka sa iba.”

“I’m sorry. A-are you sure? O-okay ka lang.”

“Okay na Kuya, huwag ka ng mag-sorry. Okay na okay lang ako. Bagay nga kayo nung girlfriend mo eh. Ang ganda nya! Promise!” Masayang sagot ni Fita sabay punas sa luha nya.

“Sorry kung hindi ko sinabi sayo ha. But now, kampante na ako na okay ka. Thanks Fita!” Masaya ding sagot ni Ash.

“Ingat ka dyan Kuya! Byeeee!” Paalam nito.

“Bye. Take care of yourself. Love you my little sister!” Paalam naman ni Ash.

“Haha. Gusto ko yung little sister! So itatawag ko na ba sayo big brother?!” Komento naman ni Fita.

“Hehe. Just call me anything you want.”

“Okay! Bye big brother!”

“Bye little sister! Take care!”

At doon na nga nagtapos ang kanilang pag-uusap.

Tumayo mula sa pagkakaupo sa bench si Fita. Huminga sya ng malalim at sabay bumuntong hininga. “Tama lang itong nangyayari. Mas okay na may girlfriend na sina Kuya Ace, Air at Ash! Dahil iyun naman talaga ang tama. Mas okay to kesa naman akong ang magustuhan nila. Baka magkagulo lang. Okay lang ako. Okay lang itong mga nangyayari. Dahil ito ang tama.” Saad nya sa kaniyang sarili at nagsimula na syang maglakad papunta sa kaniyang patutunguhan.

Habang naglalakd si Fita, isang taong kanya munang gustong iwasan ang humarang sa kaniyang daraanan. Napalunok sya dahil bigla syang kinabahan. Pero nilakasan nya ang kaniyang loob at sya ay nagsalita.

“E-Ethan. I-ikaw pala. Ka-kamusta?” Pagbati nya sa binata. Napansin nyang maraming benda sa mukha si Ethan, at dahil iyon sa ginawa ni Axe dito.

“Ikaw? Kamusta kana?” Pabalik na Tanong ni Ethan.

“A-ako? O-okay lang ako.” Nakangiting sagot nito.

Dahan dahang naglakad si Ethan palapit kay Fita at nang malapitan nya na ito, agad nya itong niyakap ng sobrang higpit.

“Sorry Fita. I’m sorry. Hihingi ako ng tawad ng paulit ulit sayo. Sorry. Patawarin mo ako kung ganun ko nalang kadaling binitiwan ang nararamdaman ko para sayo. Alam mong totoo ang nararamdaman ko sayo na gusto kita…pe-pero—”

“Pero mahal mo si Ate Stella.” Pagdugtong ni Fita sa sasabihin ni Ethan. “Okay lang Ethan. Naiintindihan ko. Alam mo, sa totoo lang, alam ko naman at aware naman ano kung gaano mo kamahal si Ate Stella nung una palang pero ayun nga, umasa pa rin ako sayo kasi nga nagtapat ka sa akin, sinabi mo na gusto mo ako. Nung una tuwang tuwa ako, sobrang saya ko dahil yung taong gusto ko eh gusto din pala ako, pero paulit ulit na sinasabi ng isip ko na kalimutan ko nalang yung nararamdaman ko para sayo kasi nga kahit sinaktan ka ni Ate Stella, alam kong mahal na mahal mo pa rin sya. Pero wala eh, umasa ako. Umasa pa rin ako sayo. Honestly Ethan, nasaktan ako. Ang sakit. Sobrang sakit nang nangyari noong nakaraan. Pero na-realize ko na ako din ang may kasalan kung bakit ako nasaktan. Umasa ako sayo, I gave you a chance kahit na ramdam kong mahal mo pa rin si Ate Stella.” Hindi na naiwasan ni Fita na maiyak. . .

“Wala kang kasalanan. Ako. Ako ang may kasalanan dahil naging paasa ako. Dahil sinaktan ako ni Stella noon at dahil sa paghahangad ko na makalimutan sya agad, ikaw ang nilapitan ko. Totoong gusto kita kaya sayo ko binuhos ang oras at atensyon ko dahil gusto kong makalimutan yung sakit. Pero sobrang mali ng ginawa ko. Mali na ginawa kitang gamot sa sakit na nararamdaman ko. It’s hard to say pero parang ginawa kitang rebound. That’s the exact word that can define kung anong ginawa ko sayo. I’m sorry. Sorry Fita. Patawad. Naging sobrang buti mo sa akin, you’re so kind, you’re a down to earth person pero nagawa kitang saktan. I’m sorry. Sorry talaga.” Saad ni Ethan at mas lalo pang humigpit ang yakap nya kay Fita.

“Tama na yung pagso-sorry mo. Sabi ko nga diba, okay na ako. Okay lang ako dahil naiintidihan ko naman kung bakit mo iyon ginawa. Pero siguro ngayon, gusto ko muna ng space. Huwag muna tayong magkita. Mas makakabuti iyon para sa atin. Tsaka na ulit tayo magkita at mag-usap kapag okay na yung nararamdaman natin. Kapag one hundred percent sure na tayo na okay na tayo! Kasi feeling ko 50 percent okay palang ako. Ganun.” Aniya at kumalas sya sa mahigpit na pagkakayakap ni Ethan.

“Sige. Kung yan ang gusto mo. Basta lagi lang akong nandito para sayo. Tawagan mo lang ako kapag okay na okay kana.” Sabi naman ni Ethan.

“Okay! Sige. I have to go na. Baka malate na ako sa klase ko.” Sagot ni Fita at binigyan nya ng isang matanis na ngiti si Ethan.

“Bye. Ingat ka. I’m sorry again.” Paalam ni Ethan.

“Byeee!” Ganti naman ni Fita at mabilis syang naglakad palayo sa kinaroroonan ni Ethan.


• FITA’S POV •

Hindi ko alam na ganito ang mangyayari mga besshy! Yung buhok ko na sobrang haba, unti-unting umigsi. Nabalis nyo yata eh! Ahaha! Charrrot!

Ramdam ko na totoo sina Kuya Ace, Air at Kuya Ash pati na rin si Ethan sa nararamdaman nila para sa akin, na gusto nila ako. Pero ayun nga. Hanggang pagkagusto lang ang kaya nalang ibigay sa akin dahil may iba na silang mahal. At naiintindihan ko dahil lalaki sila, mahirap para sa kanila na mahalin ang isang gaya ko na pusong babae lang. At ang talaga hinahanap ng puso nila ay isang tunay na babae at hindi ang isang gaya ko. Masakit man tanggapin mga besshy, pero that’s the truth, nothing but the truth and the only truth! Ganernnn.

Gooossh! Hindi man lang ako na-inform na may iyakan at crying moment pala sa story na ito! Sabi kasi nung producer nasa HUMOR CATEGORY daw ang kwentong ito! Kaya I assumed na puro happy moments lang ang meron dito! Kung alam ko lang nung una pa lang, edi sana hindi na ako nag-audition na Fita sa story na ito! Kalokaaa. Ahahaha. Chereeet.

Habang rumarapa ako papunta sa room namin, biglang nag-ring ang phone ko. At pagtingin ko sa screen, nag-flash sa screen ang pangalan ni Kuya Axe!!!! Hala! Bakit tumatawag ang halimaw na yun????

“He-hello Kuya?” Pagsagot kosa tawag.

“Bakit umalis ka agad? Hindi mo man lang hinintay.” Reklamo ng halimaw na to.

“Eh ayukong ma-late eh. Tanghali kana gumising. Kaya nauna na ako.” Sagot ko.

“Tsssk! Dapat kasi ginising mo ako.” Singhal nya.

“Hindi ako alarm clock para gisingin ka. Kaloka ka Kuya. Tulog mantika ka kasi.” Kuda ko.

“Where are you?” Tanong nya.

“Nasa lugar ako kung saan wala ka. Sige na Kuya. Mamaya nalang ulit tayo mag-chikahan.”

“Are you sure na wala ako sa lugar kung nasaan ka ngayon?” Tanong nya.

“Ha? Bakit? Nasaan kaba?”

“In my car.” Sagot nya.

“Nasa kotse ka pala! Ay nako. I’m sure nagda-drive ka! Kuya! Bawal gumamit ng cellphone kapag nagda-drive baka mabangga ka!”

“Concern ka sa akin?” Tanong ulit nya at narinig ko na nstawa pa sya! Kaloka!

“Hi-hindi no. Sige na Kuya. Bye na.” Kuda ko.

“Alam ko kung nasaan ka ngayon, nararamdaman kita.” Biglang sabi nya sa kabilang linya.

“Ha? Sinasabi mo Kuya?! Sige nga nasaan ako ngayon?” Kalokang halimaw na to kung anu-ano sinasabi.

“Nandito ka lang.” Sagot nya.

“Ha? Dito? Saan dito?! Nababaliw ka na naman.”

“Oo. Baliw sayo.” Sabi nya.

Biglang bumilis ang pintig ng heart ko! Kalokang halimaw na to! Bumabanat pa ng ganoon.

“Nandito ka lang. Malapit sa akin.” Sabi nya ulit. Grrrr. Baliw na talaga.

“Saan ngang dito? Ewan ko sayo Kuya. Maghanap ka nga ng kausap mo.” Sagot ko.

“Nandito ka lang. Dito…sa puso ko.” Sabeee nya!

Lalong bumilis ang kabog ng flat kong boobs sa sinabing iyon ni Kuya! Mygaaaddd! Baliw nga ang halimaw na to! Lumevel up na yung ka-cornihan nya. Josko!

“Alam mo Kuya, ang corny mo. Sige na. Babooo na! Mag-uumpisa na yung klase namin. Byeee!” Kuda ko at mabilis kong binaba yung tawag nya. Baka kasi kung ano pa ulit ang sabihin nya. Megeeed.

Ewan ko ba. Pero parang lalong naging corny si Kuya! Corny na sweet! Ganun. Ahahaha. Nubaaahhh. Nag-iba na talaga sya.


Itutuloy. . . .

Paaakkk 71


• FITA’S POV •

Nakahiga ako sa kwarto ko. Nagmumuni-muni. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gulong gulo ako. Bakit parang ang bigat bigat ng feeling ko ngayon. Siguro dahil sa sunod sunod na mga nangyari.

Una, binalikan ni Kuya Ace si Xylene dahil simula palang ito na talaga ang mahal nya. Kahit na nagtapat sa akin si Kuya na gusto nya ako, hindi maitataging si Xylene pa rin ang laman ng puso nya.

Pangalawa, ipinaubaya ko si Kuya Air sa bff kong si Anna dahil alam kong bagay sila. Kahit na may feelings ako para kay Kuya, alam ko kung gaano sya kagusto ni Anna, nag-effort pa itong sumali sa musical play para lang mapalapit sa kanya at hindi naman nabigo si Anna. Ngayon, sila na nga ni Kuya Air. Bagay na bagay sila.

Pangatlo, bumalik ang dating mahal ni Ethan na si Ate Stella. Dahil sa pag-aakala ko na hindi na babalik ang dating mahal ni Ethan binigyan ko sya ng chance, kahit na alam kong si Ate Stella pa rin ang mahal nya at gusto nya lamang ako. Binigyan ko sya ng pagkakataon. Pero ako rin naman ang nasaktan sa huli dahil sa pagbalik ni Ate Stella at sa pagtatapat nito na kaya nya lang sinaktan si Ethan dahil para ito sa ikabubuti nilang dalawa.

At pang-apat, ang nakakabiglang balita na may girlfriend na palang amerikana si Kuya Ash. Noong una talagang nabigla ako. Pero kinalaunan napagtanto ko na hindi ko pala masisisi si Kuya Ash kung magkakagusto sya sa iba dahil malayo kami sa isa’t isa. Distance can push someone to forget everything.

Kaya kung tinatanong nyo kung nasaktan ba ako sa lahat ng nangyari, ang sagot ko ay isang malaking “OO!”

Oo! Nasaktan ako. Oo! Sobrang sakit ng ginawa nila. Oo! Ang tanga ko dahil umasa ako. Masakit ang lahat ng nangyari, pero alam kong ito ang tama. Tama na napunta sa iba ang atensyon nila Kuya at Ethan sa mga taong karapat dapat lamang sa kanila. Tama lang na nagmahal sila ng isang tunay na babae kesa sa isang gaya ko. Alam kong mahirap mahalin ang isang tulad ko dahil nga pusong babae lang ako at ang dami kong bagay na hindi maibibigay sa isang gaya nilang mga lalaki.

Nasaktan ako! Oo! Dahil pinaramdaman nila sa akin na special ako. Pinaramdam nila sa akin na gusto nila ako. Sila ang unang mga taong nagparamdam sa akin na espesyal ako. Ito ang unang pagkakataon sa buhay ko na may mga lalaking nagtapat ng kanilang nararamdaman para sa akin. Kaya sobrang sakit! Ang sakit sakit. Dahil nasanay ako na iba ang tingin nila sa akin, sinanay nila ako na special ang trato nila sa akin at ngayon nga bigla nalang nawala ang lahat. Dahil may kanya kanya na silang taong minamahal. At ang masakit na katotohan ay hindi ako ang taong iyon.

Nasaktan ako dahil kahit papaano may something na akong naramdaman sa kanila. Hindi ko itatanggi na nagustuhan ko sila. Dahil sino ba naman ang hindi magkakagusto sa mga taong ipaparamdam sayo na special ka. Itinago ko yung little feelings ko para sa kanila dahil naguguluhan ako. Dahil pantay pantay ang tingin ko sa kanila. At natatakot ako na ipahalata sa kanila na gusto ko din sila dahil alam kong malakas kumutob si mudra, kaya ginawa ko ang lahat maitago lang ang lahat ng iyon. Nung una naguguluhan ako kung ano ba yung nararamdam ko para sa kanila pero ngayon nga, na-realize ko na kaya pala ako naluluha, na kaya pala mabigat yung pakiramdam ko eh dahil may feelings na rin ako sa kanila noon pa.

Masakit man ang lahat ng nangyari, kailangan ko pa ring ngumiti. Kailangan ko paring maging si Fita! Yung luka-lukang si Fita na sobrang baliw! Yung Fita na sobrang babaw lang ng kaligayahan at yung Fita na kahit nasasaktan na ngumingiti pa rin at sinasabing “OKAY LANG AKO”

Hindi ako nagagalit sa kanila dahil sa ginawa nilang ito sa akin. Hindi ko magawang magalit dahil alam kong tama naman itong mga nangyayari. At kahit na sinaktan nila ako, pinaasa at iniwan. Hinding hindi ko kayang magtanim ng kahit anumang galit sa kanila dahil hindi ko iyon kaya.

“Nak! Fita!” Rinig kong pagkatok ni mudrabells sa pinto. Agad kong pinunasan ang luha ko.

“Pasok po Nay!” Sagot ko.

“Masama ba pakiramdam mo? Hindi ka sumabay sa aming maghapunan kanina.” Nag-aalalang sabi nya. Naglakad sya palapit sa akin at umupo sya sa gilid ng kama ko.

“Medyo po Nay. Tsaka wala po akong gana.” Sagot ko.

Hinipo ni mudra ang noo ko. “Hindi ka naman mainit. Baka pagod lang yan Nak. Sige na. Magpahinga ka muna. Puntahan mo lang ako kung may kailangan ka.”

“Opo Nay. Salamat po!”

“Umiyak kaba Nak?! Bakit parang namumula yang mata mo?” Tanong nya nang mapatingin sya sa mata ko! Mygaad!

“Ha?! Hi-hindi po Nay. Hindi po.” Sagot ko.

“Nak. Magtapat ka nga, may problema ka ba?” Intriga nyaaaa!

“N-nay wa-wala po.” Mabilis kong sagot.

“Kung may problema ka, huwag kang magdadalawang isip na sabihin sa akin. Nanay mo ako at nandito lang ako lagi para sayo.” Kuda nya sabay himas sa buhok ko.

Gusto kong umiyak dahil ngayon lang ulit naging ganito ka-concern sa akin si mudra. Pero hindi ako pwedeng umiyak dahil malalaman nya na stress ako! Kaya niyakap ko nalang sya ng sobrang higpit.

“Salamat Nay. Huwag nyo na po akong alalahanin. Ang isipin nyo nalang po ang kalagayan nyo at yang si baby. Dapat lumabas syang healthy. Tsaka kung may problema man ako Nay, hindi ko yun iku-kwento sa inyo. Diba sabi ni Doc, sensitive ang pregnancy mo kaya dapat hindi ka naii-stress. At maii-stress kalang kung po-problemahin mo pa ang problema ko Nay.” Saad ko.

“Oh sya. Ikaw talaga! Palagi nalang iba ang iniisip mo! Isipin mo rin minsan yang sarili mo ha?! Sige na magpahinga kana.” Ani mudra sabay pisil sa pisngi ko.

“Sige po Nay! Good night!” Sabi ko sabay kiss sa pisngi nya.

“Good night Nak!” Sagot nya sabay kiss naman sa noo ko.

Nang makalabas si mudra, tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Naglakad ako palapit sa bintana at binuksan ko ito. Napaka-presko ng hangin. Ang lamigggg. Rwwwwrrr.

“Hey. Fita? Masama daw pakiramdam mo?” Tanong ng isang boses kaya nilingon ko ito agad. At bumungad sa akin si Kuya Axe na may dalang tray na may lamang pagkain.

Gosssh! Ang gwapong waiter naman nito. Ahahahaha. Charoooot.

“Hi-hindi naman ganun kasama. Wala lang akong ganang kumain.” Sagot ko.

“Kaya nga ipinagluto kita. Para naman ganahan ka.” Sabi nya sabay kindat. Kalokaaaa!

“A-ano ba yang niluto mo?” Tanong ko.

“Uhm. Sopas ala Axe.” Nakangiting sagot nya.

“Ha? Sopas ala Axe? Bakit ganun yung pangalan? Tsaka gabi na, pang agahan yang sopas mo. “ Tanong ko.

“Syempre ako nagluto nito and I made some twist in this sopas. Masarap yan. Kaya kumain kana.” Sagot nya at inilapag nya yung tray sa table na nasa gilid ng kama ko.

“Nakooo. Ano kayang twist ang ginawa mo. Baka mamaya magtirik ako kapag kinain ko yan.” Biro ko naman.

“Hindi ka lang magtitirik. Mapapapikit kapa sa sobrang sarap.” Nakangising sabi nya!

“Ganooon? Parang ayokong kainin yan.”

“Sige na. Kainin mo to.” Sabi nya. “Naalala mo noon? Nung nagkasakit kaming apat? Ikaw yung naging nurse namin. Sopas din yung niluto mo noon. Kaya ngayon, ikaw naman ang aalagaan ako at papakainin ng sopas na niluto ko.” Dagdag nya pa.

Aayaw pa ba ako? Syempre hindi na. Medyo gutom na rin naman ako! Kaya I’ll eat this sopas na!

Agad kong kinuha ang bowl ng sopas at kutsara na dinala ni Kuya.

“Dahan dahan. Mainit pa yan.” Warning nya.

“Okay po. Salamat po sa sopas.” Sagot ko at inumpisahan ko ng kainin ang sopas na niluto nya.

Grabeeeee! Ang sarap! Masarap mga bessh! Gumagaling na sa pagluluto ang halimaw na to wah. Clap clap!

“Ano? How is it? Okay ba?” Tanong nya.

“Okay na okay Kuya. Ang sarap.” Honest kong sagot.

“Sabi sayo masarap yan eh. Hindi ka kasi naniniwala.” Mayabang nyang sabi. Kalokaaa.

“Natatakot na akong maniwala, magtiwala at ipagkatiwal ang sarili ko sa iba dahil sa huli ako lang din naman ang masasaktan.” Ewan ko ba, pero bigla nalang iyon ang lumabas sa bibig ko.

“Woah. That was deep. Ang lalim na hugot nyan ha.” Kuda nya.

“Kuya may itatanong ako sayo.”

“Ano yun?”

“Mahal mo ba talaga ako?” Diretsahan na tanong ko habang nakatitig ako sa mga mata nya.

“You know the answer. Alam mo kung gaano kita kamahal Fita.” Sagot nya.

“Paano kung magkagusto ka sa iba? Sa isang tunay na babae? Lalaki ka Kuya at alam ko, ang mga lalaking gaya mo ay babae ang hanap at gusto. Kaya siguro iiwanan mo rin ako.”

“Huwag mo akong igaya kay Ethan. Hinding hindi kita iiwan.” Sagot nya. Lumapit sya sa tabi ko at niyakap nya ako.

“Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko pa ba yang mga salitang sinabi mo Kuya, pagkatapos ng lahat ng nangyari.” Saad ko.

“Just trust me. Hindi kita iiwan. Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Wala akong pakialam kung hindi ka babae. Para sa akin isa kang tunay na babae at yun ang tingin at turing ko sayo.” Seryosong sabi nya.

“Salamat. Salamat sa lahat Kuya. Sana totoo yang mga sinasabi mo dahil pagod na ako. Pagod na ako na palaging iniiwan, pinapaasa at ipinagpapalit sa iba. Ayuko ng masaktan.”

“I’ll never do that. Trust me. Hinding hindi kita iiwan, papaasahin at ipagpapalit sa iba.” Malambing nyang sabi at mas lalo pang humigpit ang yakap nya sa akin. Hindi ko na naiwasang tugunin ang yakap nyang iyon.

“Fita? May I ask you something?” Tanong nya. Kinalas nya ang mahigpit nyang yakap sa akin at tumitig sya sa mga mata ko.

“A-ano yung tanong mo Kuya?”

“Do you like me?”

Napalunok ako sa tanong nyang iyon! Kalokaaaaaaa. Bakit bigla nya yang tinanong.

“Oo naman Kuya. Gusto kita.” Sagot ko.

“Gusto mo ako bilang ano? Bilang kapatid mo o biglang espesyal na tao sa buhay mo?”

Mygaaadddd! Ka-pressureeeee. Anubaaaaa.

“Bi-bilang…bi-bilang espesyal na tao sa buhay ko. Gusto kita.” Pagtatapat ko.

Siguro nung una nasasakal at naiilang ako kay Kuya, pero sa mga araw na nagdaan. Nag-iba na sya. Naging malambing, maalaga at corny na sya hindi gaya dati. Kaya hindi ko itatanggi na gusto ko na sya.

Natatakot man ako na masaktan ulit, na iwan ulit na paasahin ulit, ramdam ko na iba si Kuya Axe. Sya kauna-unahang tao na nagtapat sa akin na mahal nya raw ako. At damang damang ko ang bawat salita na binitawan nya. Alam kong iba sya, iba sya kila Kuya at Ethan. Dahil ramdam ko iyon. At sana hindi mali itong nararamdaman ko. Dahil kapag iniwan ako ni Kuya Axe, baka hindi na ako maniwala na may tao pang magmamahal sa akin ng totoo.

“Kung gusto mo ako, prove it.” Aniya!

“Ha? How?” Tanong ko.

“Kiss me.” Sagot nya.

Nalaglag yung panga ko sa sagot nyang iyon! Anooo dawww? Kiss meee? Gusto nyang halikan ko sya! Eh kakasabi nya lang nung nakaraan na hindi ako sanay humalik! Tsaka sabi ko last nya ng kiss yun sa akin!

“Ayaw” Sabi ko.

“So hindi mo ako gusto.” Malungkot nyang sabi.

“Gusto. Pero bakit kiss pa! Kaloka ka.”

“Okay. Kahit hindi na sa lips. Kiss me on my cheeks.”

“Sa cheeks? U-uhm. O-osige! Sa cheeks lang!”

“Yup. Sa cheeks lang.”

“Pikit ka.” Utos ko.

“Ha? Ano ba yun? Sa cheeks mo na nga lang ako iki-kiss kailangan nàkapikit pa.” Nakangusong reklamo nya.

“Ayaw mo? Edi huwag. Walang kiss.” Imbyernang sabi ko.

“Okay! Fine! Sige na. Sige na. Pipikit na.” Singhal nya at mabilis syang pumikit.

“Huwag kang didilat ha! Pepektusan kita kapag dumilat ka.” Babala ko. At dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa pisngi nya.

At nang malapit na yung lips ko sa cheeks nya, bigla syang dumilat!!!! At naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi sya sa mga labi ko!

Napapikit ako. Hindi ko alam pero tinugon ko na rin ang halik nyang iyon. May takot man sa puso ko na magtiwala muli, alam kong iba si Kuya Axe. Ramdam ko na totoo at tapat sya sa nararamdamn nya para sa akin.

Sabi nga nila, doon ka sa taong papahalagahan ka, iingatan ka, mamahalin ka at ipaparamdam sayo na ikaw lang ang nag-iisang tao para sa puso nya.

At ramdam na ramdam ko iyon kay Kuya Axe. Gusto ko sya. At hindi ko na iyon itatanggi pa.

Ang tanga ko dahil sa malayo ako nakatingin, napakalayo ng tingin ko dahil sa pag-aakalang nasa malayo ang taong kayang magmahal sa akin ng totoo. Iyon pala nasa malapit lang sya, nasa tabi ko lang sya.


• AUTHOR’S NARRATION •

Habang patuloy sa pagpapalitan ng matatamis na halik sina Fita at Axe sa silid na iyon. Ay may hindi inaasang tao ang dumating. …

Na talaga namang ikinabigla nilang dalawa. . . .

“Fita! Nak!” Gulat na saad ni Helena matapos nyang makita ang kaganapan sa silid ni Fita.

“Axe! A-anong nangyayari dito?! Ipaliwang nyo to!” Hiyaw ni Ark dahil sa labis na pagkabigla.

Sinamahan ni Ark si Helena pabalik sa silid ni Fita dahil naiwan nito doon ang telepono nito noong nagtungo ito sa silid ni Fita upang kamustahin ang kaniyang anak. Dahil may daraanang hagdan si Helena patungo sa silid ni Fita, nagpumilit si Ark na samahan nalang ang asawa dahil buntis ito.

“Na-nay! Ti-tito Ark!” Gulat na gulat na sambit ni Fita.

“Da-dad. Ti-Tita. I-I-I’ll e-explain everything. Ca-calm down.” Saad naman ni Axe.

Pero bago pa man maipaliwanag ni Axe ang lahat may hindi inaasahang nangyari kay Helena. Biglang dumaloy ang dugo sa pagitan ng kaniyang mga hita. Sinyales na dinudugo sya. At dahan dahan itong nawalan ng malay.

“Naaayyy!” Lumuluhang sigaw ni Fita.


Itutuloy. . . . 🙈🔥💥💥💥💥

Paaakkk 72


• AUTHOR’S NARRATION •

Patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata ni Fita matapos madala sa ospital ang kaniyang ina na si Helena. Nasa waiting area sya ng ospital kung saan kasama nyang naka-upo doon sina Air, Ace, Axe at ang kaniyang tinuturing na bagong ama na si Ark. Bakas ang takot sa mga mata ng magkakapatid dahil mayroon silang phobia sa ospital, pero pilit nila itong nilalabanan dahil sa kalagayan ngayon ni Helena.

“Magiging maayos din ang lahat Fita.” Saad ni Air habang mahigpit na nakayakap si Fita sa kanya.

“Malakas si Tita at si baby kaya kakayanin nila yan.” Dagdag pa ni Ace habang hinahagod nya ang likod ni Fita.

Ginawa na nila ang lahat para patahanin si Fita ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Takot na takot ito na baka iwan din sya ng kaniyang ina tulad ng pagkawala ng kaniyang ama noon.

Wala pa ring ideya sina Ace at Air kung ano ang dahilan ng pagdurugo ni Helena, dahil wala namang sumasagot sa tanong nila. Kaya kung anu-anong bagay tuloy ang tumatakbo sa kanilang isipan.

“Axe let’s talk outside.” Sambit ni Ark sa anak habang seryoso syang nakatingin dito.

“Dad? Bakit sa labas pa kayo mag-uusap. Pwede naman dito. We should know kung ano ba talagang nangyari.” Tanong ni Ace sa ama.

“Malalaman nyo din ang dahilan, but not now. Kailangan naming mag-usap ng kaming dalawa lang.” Tugon ni Ark sa anak. “Axe, let’s go.” Ani pa nito.

Naglakad palabas ng ospital ang mag-ama. Dinala sila ng kanilang mga paa sa likurang bahagi ng ospital kung saan walang ni isang tao ang naroon maliban sa kanilang dalawa.

“Now explain to me everything.“Saad ni Ark sa anak.

Huminga ng malalim si Axe, medyo may kaunti syang kabang nadarama pero nilakasan nya ang loob nya para maisambit ang lahat.

“I-I love him. Ma-mahal ko si Fita Dad.” Pagtatapat ni Axe dito. “Hindi ko alam kung paano nangyari, pero nagising nalang ako isang araw na ganito na ang nararamdaman ko para sa kanya.” Dagdag pa nito.

“Hindi mo dapat nararamdaman yan! Magkapatid na kayo ngayon, hindi tama yang nararamdaman mo. Ngayon palang, kalimutan mo na yan.”

“Hindi kami magkapatid! At kahit kailan hindi ko sya ituturing na kapatid Dad dahil hindi ganon ang tingin ko sa kanya. Hindi madaling kalimutan itong nararamdam ko para sa kanya, hindi yun madali Dad! Mahal ko si Fita, and I’ll fight for this feeling!” Matigas na sabi ni Axe sa ama.

“Axe! Are you out of your mind! You have to listen! You have to do this! That’s the right thing to do! Ano nalang ang sasabihin ng iba?! At alam mo kung ano ang nangyari sa Tita Helena mo! If you try to continue that damn feeling, baka mapatay nyo pa sya pati ang magiging bagong kapatid nyo!”

Humakbang ng dalawang beses si Axe palapit sa ama, tumitig sya ng sobrang seryososa mga mata nito.

“Hindi kana nagbago Dad. Palaging sarili at ibang tao nalang ang iniintindi mo. Kahit minsan hindi nyo ako inisip, hindi nyo inisip kung ano bang nararamdaman ko. Iniisip nyo ang sasabihin ng iba? Bakit Dad? Noong paulit ulit kang nagpalit ng asawa nagawa mo bang isipin ang sasabihin ng iba! Wala kang pakialam noon! Tapos ngayon iniisip nyo ang sasabihin ng iba? Fvck! Wala kang pake at hindi mo man lang tinanong kung okay lang ba sa akin na may magiging bago kayong asawa! Ako ang una nyong naging anak, at hindi nyo alam kung gaano kasakit sa akin na ganoon nyo nalang kadaling patlitan si Mama! Hindi nyo man lang ako tinanong, hindi nyo man lang tinanong sa akin kung ayos lang yun. Dahil wala kayong pakialam, at sarili nyo lang ang iniisip nyo. Kaya ngayon, wala kayong karapatan na diltahan ako sa nararamdam ko para kay Fita! Mahal ko sya!”

Matapos magsalita ni Axe, isang malakas na sampal ang kaniyang natamo sa ama. Halos matumba si Axe sa lakas ng sampal ni Ark.

Lumapit si Ark sa anak at hinawakan nya ng mahigpit ang kwelyo nito. “Ako pa ngayon ang makasarili?! Hindi mo man lang ba inisip na kaya ko ginawa iyon ay dahil sayo, dahil sa inyo! Naghirap tayo simula nang mawala ang Mama mo! Nalugi ang kumpanya! Kaya ginawa ko ang lahat huwag nyo lang maranasan ang hirap ng buhay! I married those women na hindi ko naman talaga mahal, para muling maibangon ang kumpanya! Hindi ko na tinanong kung ayos ba o hindi sa inyo ni Ash na magkaroon ng bagong Ina, dahil desperado na ako noon na maging maginhawa ang buhay natin! Mahal ko ang Mama mo! Pero kailangan kong magpakasal muli sa iba dahil iyon nalang ang natitirang paraan. Hindi ko sya kinalimutan kung yan ang inaakala mo. Pero ngayon, I met Helena. Sya ang taong nagbago muli ng buhay ko. Minahal ko sya, kaya sa ayaw at gusto mo kakalimutan mo yang nararamdaman mo para kay Fita! Hindi ko papayagang may mangyaring masama sa mag-ina ko! Axe! Your smart, alam mo kung ano ang tama! At ang tamang gawin ay kalimutan kung ano man yang nararamdaman mo kay Fita because that feelings could make all things complicated!”

Pagkatapos ng kaniyang sinabi ay binitiwan nya ang kaniyang anak.

“I’m sorry Dad, but I made my decision. Mahal ko si Fita at hindi ko kayang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya!” Ani Axe at pagkaraan ay mabilis syang naglakad palayo sa ama. Nagtungo sya sa parking area kung nasa ang kotse nya at mabilis nya itong minaneho palayo.


Samantala sa ospital. . .

Halos maubos na ang tubig sa katawan ni Fita sa walang humpay nyang pag-iyak. Kaya naman dinalhan sya ng tubig ni Ace.

“Fita, please. Tama na, magiging maayos din ang lahat. Just calm down and drink this.” Sabi ni Ace sabay abot ng tubig kay Fita.

Ininom naman ni Fita ang tubig na binigay ni Ace. Pinunasan nya ang luha nya. “Bakit ang tagal ni Doc? Ilang oras na ang nakalipas bakit ang tagal nyang sabihin kung ano ba ang nangyari kay Nanay?! Natatakot na tuloy ako.” Saad ni Fita at muling tumulo ang luha nya.

“Kailangan lang natin maghintay. Don’t be afraid, nandito lang kami sa tabi mo. Everything is going to be all right.” Sabi naman ni Air at muli nyang niyakap ng mahigpit si Fita.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na ang doktor sa silid kung saan nila dinala si Helena. Mabilis na nilapitan ni Fita ang doktor.

“Doc! Ano po? Ano pong nangyari kay Nanay?! Okay lang po ba sya? Kamusta na po sya Doc?!” Sunod sunod na Tanong ni Fita sa labis na pag-aalala.

Hinawakan sya ng doktor sa kaniyang mga balikat. “Maswerte kayo, dahil parehas na ligtas ang mag-ina. Maayos na sila. Matindi ang kapit ng bata, Kaya nakaligtas sila.” Nakangiting sagot nito.

Nanlaki ang mata ni Fita sa sobrang tuwa! “Salamat po Doc! Thank you po! Salamat po!” Tuwang tuwang saad ni Fita at mabilis syang pumasok sa silid kung nasaan ang kaniyang ina. Naiwan sa lab as sina Air at Ace dahil gusto nalang bigyan ng panahon ang mag-ina.

Pagpasok ni Fita sa loob, nakita nyang may malay na si Helena kaya mabilis syang lumapit dito at ginawaran nya ito ng mahigpit na yakap.

“Nay! Salamat po! Salamat po dahil hindi nyo ako iniwan, hindi nyo ako iniwan ni baby.” Masayang sabi ni Fita.

“Salamat sa D’yos Nak, nakaligtas kami. Hinding hindi kita iiwan, at hindi ko naman papayagan na mawala itong si baby kaya nagpatagtag kami.” Nakangiti ding sabi ni Helena.

“Nay sorry po. Sorry po dahil sa akin muntik na kayong mawala ni baby. Sorry po Nay!” At muling tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.

“Nak, ipaliwanag mo sa akin ang lahat. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit namin kayo nakita ni Axe sa ganoong sitwasyon.”

“Nay…ka-kasi po…gu-gusto ko po si Kuya Axe. Nagtapat po sya sa akin na mahal nya daw po ako. Pinaramdam nya at pinatunayan nya sa akin na mahal nya ako Nay. Pero hi-hindi pa po kami, wala pa po kaming relasyon Nay.” Pagtatapat nito.

“Kailan pa? Kailan pa nagtapat sa ito si Axe?”

“Matagal na po Nay. Hindi ko na po maalala kung kailan.” Tugon nito.

“Bakit hindi mo ito sinabi sa akin?

“Natatakot po ako Nay. Dahil alam kong maselan ang pagbubuntis nyo kaya hindi ko po sinabi.”

“Kaya kaba parang problemado nitong mga nakaraang araw dahil natatakot ka na sabihin sa akin ang lahat?”

Tumango lamang si Fita bilang tugon dito.

“Nay sorry po.”

“Nak, alam mong mali yang nararamdaman nyo para sa isa’t isa dahil magkapatid na kayo ngayon. Ano nalang ang sasabihin ng iba? Ano nalang ang magiging reaksyon nitong magiging kapatid mo kapag nalaman nyang ang dalawa nyang Kuya ay may gusto pala sa isa’t isa. Mali Nak, maling mali.” Saad ni Helena. “Natutuwa ako dahil kahit hindi ka tunay na babae, may lalaking nagmahal sayo at isa yun sa pangarap kong maranasan mo Nak. Pero bakit kay Axe pa, kung ibang tao lang yan papayag ako. Pero hindi eh, kapatid mo na si Axe kaya mahirap mang sabihin, tutol ako sa kung ano man ang nararamdaman nyo para sa isa’t isa.” Pagpapatuloy pa nito.

“Gu-gusto nyo pong kalimutan ko na ang nararamdaman ko para kay Kuya Axe Nay?” Tanong ni Fita.

“Oo Nak, dahil iyon ang tamang gawin. Alam kong mahirap, pero kailangan Nak. Sa buhay darating talaga tayo sa puntong mas kailangan nating gawin ang tama kaysa sa bagay na nakakapagpasaya sa atin. Dahil iyon ang mas makakabuti para sa lahat.” Tugon nito sa anak.

“Pero Nay, paano po kung hindi ko po kayo sundin? Paano po kung hindi ko papakinggan ang gusto nyong mangyari? Magagalit po ba kayo sa akin? Itatakwil nyo ba ako bilang anak?”

“Nak, kilala kita. Alam kong mas gagawin mo ang tama. Kaya alam kong susundin mo ang gusto kong manyari. Hindi mo hahayaang magalit ako sayo, alam ko iyon Nak.”

“Sorry po Nay. Pero hindi ko pa po alam kung susundin ko ba ang gusto nyong mangyari. Diba po sabi nyo na isipin ko naman ang sarili ko kaysa iba?” Ani Fita at tumayo sya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

“Osige. Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko. Sana Nak, hindi ka magsisi sa desisyong gagawin mo.”

“Gulong gulo po ako ngayon Nay. Hindi ko po alam ang gagawin ko. Sorry po Nay, gusto ko muna pong mapag-isa. Alis muna po ako.” Saad nya sabay halik sa pisngi ni Helena at pagkaraa’y mabilis syang tumakbo palabas ng silid.


Mabilis na minamaneho ni Axe ang kaniyang sasakyan. Wala syang pakialam kung may mangyari man sa ka nyang masama dahil ang ranging tumatakbo lang sa kaniyang isipan ngayon ay si Fita.

“Hindi. Hindi ito pwede! Ngayon lang ulit ako nagmahal ng ganito! At hindi pwedeng mapunta lang ito sa wala! Ipaglalaban kita Fita, ipaglalaban ko ang nararamdam ko para sayo. “ Matigas na sabi ni Axe sa kaniyang sarili. At mas lalo nya pang binilisan ang pagpapatakbo ng kaniyang sasakyan.

“Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba?! Kung pwedeng ilayo ko si Fita gagawin ko. Magpapakalayo-layo kami. Hindi ko papayagang mawala sya sa akin!” Dagdag nya pa.

Habang mabilis na pinapatakbo ni Axe ang kaniyang sasakyan ay biglang may isang truck na pasalubong sa kanya. Dahil lutang sya sa kaniyang isipin, hindi nya ito napansin. Sinubukan pa ng truck na umiwas at lumiko pero huli na ang lahat. . . .

Bumangga ang truck sa kotse na minamaneho ni Axe. . . .

Dumaloy ang dugo, wasak na sasakyan at usok na ani moy nanggagaling sa nasusunog na bahay. Sigawan ng mga tao sa paligid ang nangibabaw, tumigil ang lahat dahil sa aksidenteng naganap. Tunog ng sirena ng ambulasya ang huling nadinig ng mga tao sa paligid.


Itutuloy. . . .

Last chapter na po ang susunod. Abangan ang pagwawakas!!!! Kapit lang!!!!

• THE ENDING •

Before anything else, gusto ko kayong pasalamatan dahil nakaabot kayo hanggang ending! Thank you sa pag-vote, pag-comment at pagbasa sa story kong to kahit na puro kabaliwan lang lahat, sinuportahan nyo pa rin ako! So thank you talaga sa inyo! Almost 10 months din ang tinagal ng kwento because of my busy schedule kaya tumagal sya ng ganito and sorry po for that.

At dahil ito na ang last chapter! This is the longest chapter ever! Almost threedays ko tong ginawa! Sobrang haba nito, mapapagod kayo kaka-scroll HAHAHA! Charooot!

And warning! Warning! Warning! Walang iiyak! Humor to! Kaya huwag kayong umiyak! Huwag nyo akong gayahin, iyak ako ng iyak habang ginagawa tong last chapter! Huhu! Walang iiyak! Tumawa tayo! Because it is easy to laugh, than to explain why you’re crying! Ganoon! Charrrr!

Enjoy Reading! Sana lang ma-enjoy nyo! Hahahaha! I accept negative and positive comments! Alam kong may mga readers dyan na hindi magugustuhan ang ending at meron naman dyan na magugustuhan ito. Kaya sige lang, feel free to comment your thoughts!

So here it is. . .

The Ending!


• FITA’S POV •

Hindi ko alam, pero naghahalong kaba, saya at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Ito ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magse-saying goodbye na ako sa pagging bagets ko. Ang araw ng pagdadalaga ko! Ganooon!

Today, I turned eighteen. Dalaga na ako. Hindi na ako yung batang Fita na uhugin at neneng nene pang umawra! Dalaga na ako! So I should act like a lady. Anubee. Parang hindi ko pa keri. Ahahaha.

Napalingon ako sa pink floral gown na nasa tabi ng kama ko. Ito ang susuotin ko mamaya sa debut ko. Oo! Tama kayo ng nabasa! Magde-debut ako! Ang lakas makababae ng araw na to!

Matagal na pala itong plinano nina mudrabells at Fafa Ark! Kasi nga dream ko noon ang mag-debut, naikwento ko yun kay mudra. Hindi ko naman in-expect na tutuparin nya ang dream kong yon! Kaya eto! Ready na ang lahat! Ang venue, ang foods at ang lahat! Ako nalang yata ang hindi ready!

May pa eighteen candles, eighteen balloons, eighteen chocolates, eighteen gifts, eighteen roses at kung anu-ano pang eighteen! Basta! Eighteen!

Rainbow ang theme ng debut ko. So, talagang makulay na makulay ang buong venue. Lahat ng guests dapat nakasuot ng kung anumang kulay ang naisin nila except sa kulay na pink! Ako lang ang dapat na magsusuot ng pink! At nakalagay yon sa invitation, bawal silang magsuot ng pink! Debut ko yun noh, so dapat wala akong kakulay! Ahahahaha.

Mamayang six pa ng gabi ang simula ng debut ko, alas kwatro palang so may two hours pa ako para magpaganda! Maya maya lang darating na yung make-up artist ko. At sana lang talaga, maging super dyosang dyosa ako mamayang gabi. Ahihihi.

May narinig akong kumatok sa may pinto.

“Nak, heto na ang magme-make up at mag-aayos sayo.” Kuda ni mudra after nyang kumatok.

“Pasok po Nay!” Sagot ko at dahan dahan nang bumukas ang pinto.

Napanga-nga ako nang makita ko ang taong magme-make up sa akin! Talaga ba??? Sya???? Sya ang mag-aayos sa akin????

“Hi Fita! Happy Birthday!” Masayang greetings ni Xylene habang marami syang bitbit na kung anu-anong pampaganda.

“Sa-salamat Xylene. Ikaw pala ang magpapaganda sa akin. Hindi mo man lang ako in-inform.” Kuda ko naman.

“Haha! Syempre surprise nga diba. Kaya hindi ko sinabi.” Natatawa nyang sagot.

“Osige. Maiwan ko na kayong dalawa dyan ha.” Paalam ni mudrabells. “Xylene, ikaw ng bahala kay Fita ha?” Say pa nya.

“Opo Tita. Sige po. I’ll do my best parang mag-stand out sya sa gabing ito.” Sagot naman nya at lumabas na nga si mudra sa kwarto at naiwan nalang kaming dalawa doon ni Xylene.

“Kinakabahan ako na masaya na nae-excite.” Sabi ko kay Xylene.

“Huwag ka ng kabahan, be happy and excited dahil I’m sure mae-enjoy mo ang gabing ito.” Aniya. “So? Let’s start our make-up session?” Tanong nya pa.

“Haha. Okay. Sige. Excited na ko! Pagandahin mo ko wah.” Sagot ko.

“Your wish is my command!” Nakangiti nyang tugon!

Hindi ko akalain na from enemies ngayon friends na kami ni Xylene! Nakakalokang isipin na ganun nalang kabilis magbago ng sitwasyon. Noong una, halos gusto ko na syang kalbuhin! Pero I’m happy! Super happy dahil bukod kay Anna may kaibigan na akong gaya ni Xylene!

Habang inu-umpisahan na ni Xylene ang pag-aayos sa akin, bigla kaming may narinig na kumatok!

“Fita! Its me Anna. May I come in?” Sabi nya sa likod ng pinto.

Ang aga naman yata ni Anna? Hindi ba sya na-inform na six pa ang start? Ahahaha.

“Pasok ka besshy!” Sagot ko.

Pagpasok ni Anna, hindi ko pa rin talaga maiwasang mabigla sa ganda nya. Dati halos mukhang manang sya sa hitsura nya pero ngayon, daig nya pa ang sasabak sa pageant sa sobrang ganda. Paaakkk na paaakkk!

“Happy Birthday besshy!” Masayang greetings nya at bigla nya akong niyakap ng super tight! Megeed! I can’t breathe!

“Thank you besshy! Bakit ang aga mo naman?”

“Uhm. Kasi, Xylene wants me to help her sa pagpapaganda sayo. Haha. Kailangan daw ng combined powers namin para mapaganda ka.” Sagot nya.

“Ganooon?! Nako ha. Kay Xylene may tiwala ako, pero sayo besshy, baka magmukhang manang ako mamaya,dahil sayo.” Biro ko naman.

“Ayyy! Grabe ka besshy! Past is past! Huwag mo ng sinasabi ang word na manang na yan. I changed na nga diba?!” Nakangusong sabi nya.

“Charooot lang besshy! Osige! Go! Mag-bolt in na kayo Xylene! Pagandahin nyo na ako.” Sabi ko.

At ganon na nya ang nangyari, nagsanib pwersa sina Anna at Xylene para mapaganda ako. Ahahaha! Pero in fact, maganda na naman ako, they just want be to be more beautiful because its my birthday! Paaakk! English. Ahihi.


2 hours Later. . .

Ilang saglit nalang magsisimula na ang debut ko! Gossshh! Kumakabog na naman ang flat kong boobs sa sobrang kaba! Anubeee. Relax Fita! Keri mo yan!

Inhaleeeeeee

Exhaleeeeeeee

“Are you ready Fita?” Nakangiting tanong sa akin ni Fafa Ark. Awwww. Ang gwapooo.

Sya ang kasama ko ngayon, sya kasi ang mag-eescort sa akin papasok sa venue. Naka white suit si Fafa Ark at talaga namang naguumapaw ang kagwapuhan nya.

“Opo Tito. I’m ready. Medyo kinakabahan lang.” Sagot ko naman.

Bigla akong hinawakan ng sobrang higpit ni Fafa Ark sa kamay ko. “Don’t be nervous, nandito lang ako sa tabi mo.” Anubeeee. Fafa Ark huwag nang ganyan. Lumuluwang tuloy yung garter ng panty ko. Ahohoho.

Naglakad na kami ni Fafa Ark, bawat hakbang namin ay parang pintig ng puso ko! Pabilis ng pabilis!

At nang makarating na kami sa malaking pinto kung saan nasa likod noon ang mga taong malapit sa kin at ang lahat ng guest! Napalunok ako ng laway! This is it!

Kailangan may pose ako sa pagrampa! Kailangan maganda ang bawat angle! Dapat paakkk na paaakkk ang awra ko! At dapat fierce! Ayaaannn! I’m readyyy! Ahahaha.

“Ladies and gentlemen, your long wait is over. Let us all welcome our beautiful debutant, Ms. Fita Flores with his escort Mr. Ark Alcantara!” Rinig kong kuda ng MC sa loob.

At dahan dahan nang bumukas ang pinto! At unti-unti kong nasilayan ang lahat ng mga tao sa loob ng venue! Nasa gitna ang stage kung saan naroron ang isang bonggang upuan! And I’m sure, that chair belongs to me! Sobrang kulay! Napakakulay ng buong lugar! And this place really suits me!

At bigla ulit akong kinabahan! Lahat ng mga mata nila ay nasa akin! Ano nga ba ang ine-expect ko?! Ako ang magde-debu kaya malamang, They will stare at me! At isa pa, bongga ang ginawang pag-aayos nila Xylene at Anna sakin! I feel ravishing talaga!

Kumaway-kaway ako sa kanilang lahat, habang naglalakad kami ni Fafa Ark sa Red carpet patungo sa bonggang upuan na yun na nasa gitna ng stage! Rinig na rinig ko ang hiyawan at palakpakan nila. Feeling ko tuloy nanalo ako ng best actress award sa Oscar! Masyado ko daw kasing ginalingan sa pag-arte sa kwentong ito kaya I deserve an award. Ahahahaha! Charooot.

Nang makarating na ako sa stage, agad akong umupo sa trono ko. Ahaha! Mukhang trono kasi ang upuang to. Ang lakas maka Disney princess! Ganooon. Iniwan na ako ni Fafa Ark at naglakad sya papunta sa tabi ni mudra!

Naloka ako sa outfit ni mudrabells! Hindi nagpakabog! Palaban ang yellow off shoulder nyang gown na parang gown ni Bell sa beauty and the beast! Ahahaha! At Oo nga pala. Kabuwanan na pala ni mudra ngayon, at anytime daw pwede ng lumabas si baby Hansel!

Oo you heard it right! Pinanindigan talaga ni mudra ang pangalang Hansel sa baby sister ko! Juskooo, puro nalang kami biskwit! Kalokaaaaa.

Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid. Nakita ko na nasa isang table lang sina Kuya, kasama ang mga girlfriends nila. Naka suot ng kulay red na lace gown si Xylene at naka red na tuxedo naman si Kuya Ace. Samantala, naka suot ng dark green backless na gown si Anna at talaga namang dyosang dyosa sya! Paakk na paaakk! At ganun din si Kuya Air, he wears dark green suit! And lastly si Dafnie ang amerikanang girlfriend ni Kuya Ash, she wears blue gown na may slit at si Kuya Ash naman nakasuot ng blue tuxedo.

Oh diba?! Couple na nga sila, pati ang kulay ng outfit nila couple din! Ako kaya? May ka-couple kaya akong kulay? Ahahaha! Malamang wala! Kasi nakalagay sa invitation bawal magsuot ng pink! Kaya malamang walang magsusuot ng pink!

Ibinaling ko ang mata ko sa table na katapat nila Kuya, at nakita ko doon na nakaupo si Ethan at Ate Stella. Oo invited sila! Hindi naman ako bitter para hindi sila imbitahin sa birthday ko. Tsaka naka-move on na ako. Kinalimutan ko na ang lahat. Pero in fairness, lalong gumwapo si Ethan sa suot nyang kulay nude na suit at sobrang ganda naman ni Ate Stella sa turtleneck nyang nude gown.

In-invite ko din ang lahat ng classmates kong mahaharot. Kahit papano naman, naging nice sila sa akin kaya I invited them. At inibitahan ko din ang mga ka-friendship ko sa isla. Talagang lumangoy pa sila makapunta lang sa birthday ko! I’m so touched. Ahahaha.

Punong-puno ng humans ang buong venue, pero parang may isang kulang????


FLAAAAASH BACKKKKKK ⏪⏪⏪🕚

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko sa balita na nabangga ang minamanehong sasakyan ni Kuya Axe. Hindi ko napigilan ang luha ko sa pag-patak nito dahil ang sabi sa balita, truck daw ang nakabanggaan ni Kuya. Kung anu-anong bagay ang tumakbo sa isip ko. Kitang kita ko sa TV kung gaano ka-durog ang sasakyan ni Kuya. Ayokong isipin na wala na sya! Ayokong isipin na iniwan nya na ako! Ayokong isipin na patay na sya! Pilit kong pinapasok sa utak ko na ligtas sya! Na buhay pa sya!

Nasa ospital pa rin kami, hinihintay naming ma-discharge si Nanay. At hindi pa namin sinasabi sa kanya ang nagyari kay Kuya Axe dahil baka duguin na naman sya sa sobrang pagkabigla.

“Bu-buhay si Kuya Axe diba? Buhay sya Kuya! Diba?! Diba?!” Lumuluhang sabi ko kina Kuya Ace at Air.

Nakita kong nasa gilid na ng mga mata nila Kuya Ace at Air ang luha nila. At ilang sandali nalang bubuhos na rin ito. Niyakap ako ni Kuya Ace at Kuya Air.

“Oo Fit. Buhay si Kuya. Buhay sya.” Sabi ni Kuya Ace at pilit syang nagpapakatatag.

“Hi-hindi nya tayo iiwan. Malakas si Kuya. Yung truck na bumangga sa kanya, wala lang yun!” Dagdag pa ni Kuya Air.

“Tabi! Tabi! Tabi!” Rinig naming sigaw ng mga nurse! At laking gulat namin ng may isang pasyienteng naliligo sa sarili nitong dugo ang dala-dala ng mga nurse na iyon papuntang operating room!

Napapunas ako sa luha ko, dahil nakita kong mabilis na tumatakbo si Tito Ark palapit sa amin.

“Saan? Saan nila dinala si Axe?” Hingal na hingal na tanong nito sa amin.

“Si-si Kuya Axe?! Si Kuya Axe yung duguang pasyiente na dala-dala ng mga nurse kanina?!” Gulat na sabi ko.

“Sya nga. Saan sya dinala?!” Tanong ni Tito Ark.

“Sa operating room Dad.” Sagot ni Kuya Air.

Mabilis akong tumakbo papuntang operating room! Gusto kong makita si Kuya Axe! Gusto kong malaman kung ligtas ba sya! Papasok na sana ako sa loob nang pigilan ako ng mga nurse!

“Hanggang diyan lang po kayo Ma’am. Hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob!” Pagpigil nito sa akin.

“Papasukin nyo ako please! Gusto kong malaman kung ligtas ba sya o hindi! Please! Papasukin nyo ako!” Pagpupumilit ko.

“Hindi nga po pwede! Diyan lang po kayo sa labas!” Sabi ulit ng nurse.

May mga kamay na humawak sa braso ko, at pagtingin ko sila Kuya Air at Ace pala.

“Tama na Fita. Hayaan muna natin sila. Sila na ang bahala kay Kuya Axe.” Ani Kuya Ace.

“Let’s pray that he will be safe.” Saad naman ni Kuya Air.

Siguro nga wala akong magagawa, kundi ang magdasal. Magdasal na sana makaligtas si Kuya! Na sana hindi nya kami iwan. Nawalan na ako ng isang taong mahalaga sa akin noon, at ayokong maulit pa iyon! Kaya please po Lord! Iligtas nyo po si Kuya Axe!!!

“It is all my fault.” Biglang sabi ni Tito Ark.

“Dad? What? Bakit? Bakit sinisisi nyo ang sarili nyo?” Tanong ni Kuya Air.

“Axe loves Fita at sinabi ko sa kanya na hindi tama ang nararamdaman nya. Sinabi ko na kalimutan nya na yon! Dahil mali! Sobrang mali! At napagbuhatan ko sya ng kamay. That’s the first time na sinaktan ko ang Kuya nyo. At alam ko, galit na galit sya sa akin. Palagay ko minaneho nya ang sasakyan nya ng wala sa sarili at siguro iyon ang dahilan kaya bumangga ang sasakyan nya!” Saad ni Tito Ark at konti nalang maiiyak na sya sa sobrang pag-aalala.

“Dad kahit kailan hindi naging mali ang magmahal. Oo, kapatid na namin si Fita ngayon at hindi tama na magkaroon ka ng relasyon sa kinakapatid mo. Pero Dad, mas importante ba yung sasabihin ng iba kesa sa nararamdaman ng sarili mong anak? Dad, kapag nagmamahal ka hindi mo dapat iniisip ang sasabihin ng iba. Kasi ang pagmamahal sa puso nakikita hindi sa bibig ng iba.” Saad ni Kuya Ace.

“And to be honest Dad, kami nina Ash at Ace nagkagusto din kami kay Fita. We liked him, at alam namin kung ano ang nararamdaman ni Kuya Axe para sa kanya at hindi kami tutol don.” Dagdag naman ni Kuya Air.

“Pero mali pa rin. Kung hahayaan ko ang nararamdaman nila para sa isa’t isa, ano nalang ang iisipin ng magiging kapatid nyo? Na ang dalawa nyang Kuya ay may relasyon pala?! Ganun ba?!”

“Hansel will be part of the family soon, we can explain to her everything sa tamang panahon Dad. Lahat ng problema may solusyon, at hindi solusyon na pigilan ang dalawang taong may parehas na naramdaman para sa isa’t isa para solusyonan ang problema.” Sagot naman ni Kuya Ace.

Hindi ko alam kung saan nangagagaling ang lahat ng sinasabi ni Kuya Ace pero kahit papano may punto sya.

“Hindi ko alam. Naguguluhan ako. I can’t clearly think right now! Pag-usapan nalang natin lahat ng to kapag maayos na ang kalagayan ni Axe.” Sabi naman ni Tito Ark.

“May nangyari na pala kay Axe, hindi nyo man lang sinabi sa akin.” Biglang sabi ng isang boses!

Napalingon kaming lahat sa likurang bahagi namin at laking gulat namin kung sino ang taong nagsalita!

“He-helena! Ka-kanina ka pa dyan?” Gulat na tanong ni Tito Ark.

“Oo. At narinig ko ang lahat ng pinag-usapan nyo.” Sagot ni Nanay!

Mabilis na naglakad palapit si Tito Ark kay Nanay at inalalayan nya ito. “Bakit ka tumayo agad. Baka ma-paano ka pa niyan. Magpahinga ka nalang muna.” Alalang saad ni Tito Ark dito.

“Okay na ako. Magpapahangin lang sana ako sa labas, pero yang mga boses nyo ang bumungad sa akin paglabas ko.” Ani Nanay.

Napalunok ako ng laway nang titigan ako ni Nanay ng sobrang seryoso. Ito ang unang pagkakataon na tinitigan nya ako ng ganito. “Fita, Nak. Kung ano man ang magiging desisyon mo, wala na akong magagawa. Ikaw na ang bahala kung ano ang pipiliin mo kung ipagpapatuloy mo pa ba yang nararamdaman mo para kay Axe o hindi, pero pinapaalalahan lang kita. Alam mong mahirap mahusgahan ng iba lalo na na ganiyan ka at lalong lalo pa na may iba kang nararamdaman sa kinakapatid mo. Hindi madali yang gagawin mong desisyon, sana pag-isipan mong mabuti dahil ayokong magsisi ka sa huli at masaktan.”

Hindi ko pa rin alam. Hindi ko alam kung ano nga ba ang gagawin ko! Gulong gulo ako. Alam kong mahal ako ni Kuya Axe, at pinatunayan nya iyon sa akin. Pero sobrang komplikado ng sitwasyon namin. At alam kong kapag ipinagpatuloy namin ang nararamdaman namin para sa isa’t isa, uulanin kami ng panghuhusga ng iba. Pero sabi nga ni Kuya Ace, wala sa sasabihin ng ibang tao ang pagmamahal kundi nasa puso.

At sana lang tama ang magiging desisyon ko. Kung ipagapapatuloy ko pa ba ang nararamdaman kong ito para kay Kuya Axe, o ibabaon ko nalang sa limot ang lahat.

Napatingin kaming lahat sa pinto ng operating room nang bumukas ito. Dahan dahang naglakad ang Doktor palapit sa amin. Para kaming uhaw na uhaw sa balita at nanabik kung ano ba ang kalagayan ni Kuya Axe.

“Doc, the patient’s time of death, 11:45pm.” Sambit ng nurse pagkatapos nyang tumingin sa relo nya. Nakita naming tinakpan na ng kumot ang katawan ni Kuya!!!!

“Pasensya na po kayo. Hindi na po kinaya ng katawan ng pasyiente ang operasyon.” Malungkot na sabi ng Doktor!

Nanlambot ang tuhod ko. Umagos ang luha sa aking mga mata. Hindi to totoo! Hindi totoong iniwan na kami ni Kuya! Hindi yun totoo!

Mabilis akong tumakbo papunta sa katawan ni Kuya, inalog alog ko sya para magising sya sa pagkakatulog nya!

“Kuya! Please! Gumising ka! Kuya! Huwag mo akong iwan! Kuya! Mahal kita! Huwag mo naman akong iwan ng ganito please! Gumising ka!” Lumuluhang sabi ko.

Naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Nanay. “Fita. Tama Nak. Wala na ang Kuya mo. Tahan na Nak.” Alo sa akin ni Nanay, pero hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak.

Ganitong ganito ang naramdaman ko noong iniwan kami ni Tatay. Ang sakit! Sobrang sakit! Parang paulit ulit na sinasaksak at dinudurog ang puso ko.

Wala na si Kuya. Iniwan nya na kami. Ayokong tanggapin, ayokong isipin na wala na sya! Ang ka-isa isang taong nagmahal sa akin, ang kaisa isang taong nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal. Ngayon, wala na. Wala na sya. Iniwan nya kami. At kahit kailan hindi na sya babalik pa. . . .

END OF FLASSSH BACKKK! ⏩⏩🕚


Natapos na ang Eighteen balloons, eighteen gifts, eighteen candles at eighteen chocolates! Ngayon ang eighteen roses na!!!

Gossshhh! Sana lang hindi ko sila matapakan ng heels na suot ko! I’m not good in dancing kasi eh. Ahahaha.

Unang nagsayaw sa akin si Ethan.

“Hello. happy Birthday!” Nakangiting bati nya sa akin sabay abot ng rose. Awwww. Ang gwapooooo nemen. Nubaaah!

“Hi. Thank you!” Nakangiti ding sagot ko at inabot ko ang rose na inabot nya. Hinawakan nya ako sa bewang at ang isa nyang kamay naman ay nakahawak sa kamay ko.

Sinimulan na namin ang pagsayaw.

“Kamusta kana?” Tanong nya.

“O-okay lang naman.” Sagot ko. “Ikaw kamusta kana? Kamusta na kayo ni Ate Stella?” Tanong ko naman.

“I’m good. We’re good.” Sagot nya.

“Mabuti hindi na tutol ang pudra mo sa relasyon nyo ni Ate Stella.” Kuda ko pa.

“Hindi na sya tumutol sa realsyon namin ni Stella when he found out na…” Bitin na sabi nya.

“Na???? Ano???” Tanong ko.

“Na two weeks pregnant na si Stella.” Nakangiting sagot nya. “I’m going to be a Dad! Soon!” Proud nya pang sabi.

Nalaglag ang panga ko sa sobrang gulat!!!!! Tama ba ang narinig ko??? Totoo ba????!!!! Buntis na si Ate Stella?!!! At magiging Daddy na si Ethan?! Ohmygaaadddd! Ohmygaaaddd talaga! As in ohmygaaaddd!

“To-totoo ba yan? Hi-hindi ka nagbibiro?!” Gulat kong tanong.

“Yup. I’m serious. Hindi na tinutulan ni Dad ang relationship namin ni Stella when he found out na magkaka-apo na sya.” Nakangiti nyang tugon.

“Grabe. So magiging Daddy ka na talaga! Nakakaloka! Ang bata mo pa para maging ama.” Shock na sabi ko.

“Yeah. You’re right, medyo bata pa nga, pero ga-graduate na ako this year and I’ll do my best para mabigyan ng magandang buhay ang mag-ina ko.” Aniya.

“Nakakaloka yang revelation mo Ethan! Basta! Kapag binyag na ng baby nyo ha! Don’t forget to make me Ninang.”

“Ya. Of course I will. Makakalimutan ko bang gawing Ninang ang best friend ko.” Sabi nya sabay kurot sa pisngi ko.

At doon natapos ang isang minutong sayaw namin ni Ethan. Medyo may after shock pa rin ako sa revelation nya, pilit ko pa ring sini-sink in sa utak ko. Nakakabigla talaga mga besshhy! I’m sure kayo din nabigla! Ahahaha. Ano kaya ang mga histura nyo ngayon? Hindi na ba maipinta? Hahaha. Charooot!

Sunod na nagsayaw sa akin ay si Kuya Ace. Hindi pa nga ako ready nang bigla nya akong hawakan ng sobrang higpit sa bewang ko! As in dinikit nya talaga ang katawan ko sa katawan nya!

“Kuya! I need space! Lumayo ka nga ng kaunti.” Reklamo ko.

“Excited lang akong isayaw ka Fit. Na miss kasi kita!” Sabe nya sabay kindat! Nakurrrr! Umandar na naman ang pagiging playboy ng halimaw na to! Mabuti hindi nagseselos si Xylene, dahil kung ako sya, baka binaon ko na yung takong na suot ko sa mata ng halimaw na to.

Medyo nahilo ako sa ginawang pag-sayaw sa akin ni Kuya Ace! Sobrang likot nya! Kaya ayun! Nakatikim sya ng thunder kick ni picca chu sa akin. Kalokaaaa.

Pagkatapos ni Kuya Ace, sumunod na si Kuya Air. Na-shock ako nang makita kong may hawak syang mike! Ano to?????? Kakanta sya? Habang sinasayaw ako??? Ganoooonnn? Anubeeeee! Koya huwag ka namang ganyan! Kikiligin na naman ako sa boses mo. Ahohoho. Charooot.

“Happy birthday to you! Happy Birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy Birthday to you!” Pagkanta nya! Pero hindi sya yung kanta na pang bata! Acoustic yung version ni Kuya Air ng happy birthday! Kaya bongga! Palakpakan ang mga audience!

“T-thank you Kuya!” naka smile na sabi ko sa kanya.

Inabot nya yung rose sa akin, hinawakan nya ako sa bewang at ang isa nyang kamay ay nakahawak sa kanang kamay ko. At inumpisahan na namin ang pagsayaw!

“Ang ganda mo ngayon.” Nakangiting sabi ni Kuya Air.

“Ngayon lang ba Kuya?” Ganting tanong ko.

“Hehe. Syempre hindi lang ngayon. Araw-araw kang maganda.” Pambobola nya pa.

“Kaya ikaw ang favorite kong Kuya eh! Hindi ka marunong magsinungaling!” Sagot ko.

“Kaya ikaw din ang favorite kong kapatid, dahil ang bilis mong mabola.” Pang-aasar nya!

“Tseeee! Ang bad mo Kuya! Hindi na kita favorite!” Nakangusong sabi ko.

“Ito naman. Hindi mabiro. Nagtampo agad! Ang cute!” Nakangising sabi nya sabay pisil sa pisngi ko.

At natapos ang sayaw namin ni Kuya Air na pareho kaming tumatawa! Ahahaha.

After ni Kuya Air, next na si Kuya Ash na matagal ko ring hindi nakita! Grabeee! Parang mas lalo syang tumangkad! At feeling ko, bato bato na ang katawan nya dahil mukhang banat na banat yun sa pagba-basket ball.

“Hi baby sister! Long time no see!” Nakangiting bungad nya sa akin after nyang iabot ang bulaklak.

“Oo nga! Long time no see big brother! Pero Kuya, hindi na ako ang baby sister mo. Nandiyan na si baby Hansel, on the way na sya.”

“Matagal pa darating si baby Hansel kaya hanggat wala pa sya, ikaw muna ang baby sister ko.” Aniya at niyakap nya ako ng sobrang higpit! Parang nadurog na yata ang buong skeletal system ko! Josssko! “Happy Birthday!” Greetings nya pa sabay kiss sa noo ko. Awwwww! Ang sweet! Anubeee

“Thanks Kuya!” Tugon ko at nagsimula na kaming sumayaw.

Medyo nahirapan ako nang isayaw ako ni Kuya Ash! Ang tangkad nya kasi! Muntik na akong magka- stiff neck dahil naka-tingala lang ako sa kanya buong dancing session namin! Megeeed.

At pagkatapos akong isayaw ni Kuya Ash, sumunod na si Fafa Ark! Ang gwapong gwaping si Fafa Ark! Grabeee mga besshhy! Feeling ko, kasibg edad lang nila Kuya itong si Fafa Ark! Bagets na bagets pa rin talaga ang awra nya! Ganooon.

“May I dance you?” Tanong ni Fafa Ark!

“Of course! Hindi ko po yan tatanggihan Tito.” Mabilis kong sagot at inabot nya na ang kamay ko at nagsimula na kaming mag-sayaw.

“Sorry for everything.” Biglang sabi ni Fafa Ark.

“Ha? Bakit po kayo nagso-sorry?” Tanong ko.

“Dahil tumutol ako sa nararamdaman nyo ni Axe para sa isa’t isa.” Sagot nya.

“Okay lang po yun Tito. Kinalimutan ko na po yun. Nakapag-move on na po ako. Haha.” Natatawang sagot ko.

“Pero kung hindi dahil sa akin, hindi yun mangyayari kay Axe. That’s one of my biggest regrets in my life.” Saad nya pa.

“Ano ka ba Tito. Okay lang po talaga. Masaya po ako na maayos na ang lahat ngayon. Pero sana po kalimutan nyo na po ang nakaraan. Huwag nyo na po iyong alalahanin pa. Alam kong pinatawad na po kayo ni Kuya Axe. Tsaka hindi ko naman po kayo masisisi kung bakit nyo yun ginawa. Kaya naiintindihan ko po kayo at alam kong ganun din si Kuya Axe.”

“Maswerte si Helena dahil nagkaroon sya ng anak na gaya mo Fita. You’re one of kind, napakabait mong bata. Natutuwa ako dahil naging parte kayo ng buhay ko. You deserve this kind of birthday kaya I hope you enjoyed it.”

“Salamat po Tito. Salamat po sa lahat. At thank you po dito sa bonggang birthday party na inihanda nyo ni Nanay. Sobrang saya ko po ngayon! Salamat po.” Nakangiting sabi ko at niyakap ko si Fafa Ark ng sobrang higpit!

Napakaswerte namin ni Nanay dahil dumating sa buhay namin ang gaya ni Fafa Ark! Sya ang ideal husband ng lahat ng kababaihan! Kaya kung magkakaroon man ako ng asawa! Gusto ko yung gaya ni Fafa Ark! Ganooonnn!

Lumipas ang ilan pang minuto hanggang sa seventeen roses na ang hawak ko. At alam kong may isang rose pang natitira at hawak hawak iyon ni. . . . . .

FLAASHH BAAACK AGAAIN! ⏪⏪🕚

Habang humahagulgol ako sa pag-iyak habang nasa tabi ako ng katawan ni Kuya Axe ay biglang may isang babae ang dumating. Lumapit sya sa katawan ni Kuya Axe! At doon, unti-unting bumuhos ang luha nya! Nagtaka kami ni Nanay dahil ngayon lang namin nakita ang babaeng iyon at parang may-edad na.

“Ate? Kilala nyo po si Kuya Axe? Kaano-ano nyo po sya? Bakit ganyan po kayo umiyak?” Sunod sunod na tanong ko sa sobrang pagtataka.

“Axe? Sino yun? Hindi Axe ang pangalan ng asawa ko. Francis, Francis ang pangalan ng asawa ko.” Humihikbing sagot nya habang yakap yakap nya ang katawan ni Kuya Axe.

“Nagkakamali po yata kayo misis, hindi po asawa nyo ang taong iniiyakan nyo ngayon.” Saad naman ni Nanay.

“Hindi. Si Francis to, sya ang asawa ko.” Pagpupumilit ng babae. Nagulat ako nang itinaas nya ang kanang braso ni Kuya Axe. “Nakita nyo? Asawa ko to? Ito. Ito ang tattoo nya sa braso nya.” Sambit nya at nanlaki ang mga mata namin ni Nanay sa sobrang pagkabigla. Wala namang tattoo sa braso si Kuya Axe!

So ibig sabihin?!!!! Ibig sabihin hindi si Kuya Axe ang lalaking to?!!!! Pero sandali?! Kung hindi ito si Kuya Axe! Nasaan?! Nasaan ang katawan ni Kuya Axe! NASAANNN???

“Helena! Fita! Si Axe! Buhay si Axe!” Tuwang tuwang saad ni Tito Ark!

“Buhay si Kuya! Nasa room 203 sya sabi ng nurse!” Dagdag pa ni Kuya Ace.

“Maling ambulasya ang sinundan si Dad kanina kaya akala nya si Kuya Axe ang taong yan. Sya ang driver ng truck na nakabanggaan ni Kuya.” Sabi naman ni Kuya Air!

At nang marinig ko ang mga sinabi nalang iyon, mabilis akong tumakbo papunta sa room 203.

Pagdating ko doon, agad akong pumasok sa silid at tumambad sa akin doon si Kuya Axe! Si Kuya Axe na buhay na buhay! Juskoooo! Kung nanaginip lang ako huwag nyo na po akong gisingin!

“Fi-Fita!” Sambit nya! Kaya mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap ko sya ng sobrang higpit!!!!

Mabilis na tumulo ang luha sa akong mga mata, pero ngayon hindi na ito luha ng paghihinagpis, luha ito ng kasiyahan! Kasiyahan dahil buhay si Kuya! Ligtas sya! Buhay ang taong mahal ko! Hindi nya ako iniwan!

“Salamat! Salamat Kuya dahil ligtas ka! Salamat dahil hindi mo ako iniwan. Akala ko nawala ka na. Akala ko iniwan mo na ako.” Lumuluhang sabi ko.

“Hindi. Hindi kita magagawang iwan. Diba nag-promise ako sayo? Na hinding hindi kita iiwan?” Saad nya sabay hamplos sa buhok ko.

Napatingin ako sa mukha nya. May malaking sugat sya sa pisngi at pakiramdam ko isa iyong malalim na sugat.

“O-okay ka lang ba Kuya? Okay lang ba pakiramdam mo? Masakit pa rin ba yang mga sugat mo?” Sunod sunod kong tanong.

“Okay lang ako. Mabuti nalang may emergency button yung kotseng binili sa akin ni Dad. Nakatalon agad ako sa kotse bago pa bumangga iyon sa truck.” Sagot nya.

“Masaya ako na ligtas ka. Sobrang sayo ko Kuya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung nawala ka.”

“Huwag ka ng umiyak.” Aniya sabay punas sa luha ko. “Okay na ako. Nandito na ako. At hinding hindi ko na hahayaang may pumigil pa sa ating dalawa.” Dagdag nya pa. Hinawakn nya ako sa pisngi at dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. “Mahal na mahal kita Fita, at hinding hindi yun magbabago.” At naramdaman ko nalang ang pagdampi ng mainit nyang labi sa labi ko.

END OF FLASSHHH BACKK! 🕚⏫


Isang rose nalang ang natitira at alam ko kung sino ang taong may hawak nun. Ang taong unang nagtapat sa akin na mahal nya ako, ang taong unang nagparamdam sa akin na espesyal ako at ang taong pinatunayan na kahit komplikado ang lahat sa pagitan namin, nagawa nya paring ipagpatuloy ang nararamdaman nya para sa akin.

Yung akala ko wala akong kakulay na damit, nagkamali ako! May isang tao na hindi sumunod sa nakasulat sa invitation. Nakasuot sya ng kulay pink!!! At hulaan nyo kung sino sya?!

Walang iba kundi ang lalaking may hawak ng huling rose! Ang halimaw na si Kuya Axeeeee!!!

Dahan dahan syang naglakad palapit sa akin. Habang nakatitig ang kanyang mga mata sa mata ko. At nang makalapit sya sa kinatatayuan ko, isang abot tengang ngiti ang binigay nya sa akin.

Kitang kita pa rin ang bakas ng aksidenteng nangyari sa mukha ni Kuya Axe. Ang sugat sa pisngi na natamo nya mula sa aksidente ay hindi na nawala sa kaniyang pisngi. Ito ang bagay na sinasabi kanina ni Tito Ark, na pinagsisihan nya. Dahil ang peklat sa pisngi ni Kuya Axe ang magpapaalala sa kanya ng mali nyang desisyon noon.

Pero kahit may malaking peklat man si Kuya Axe sa pisngi nya, wala pa ring kapantay ang kagwapuhan nyang taglay! Gwapong gwapo pa rin talaga ang halimaw na to sa suot nyang kulay pink na tuxedo! Ahahahaha! Sinadya nya talagang mag-pink para kunyari couple kami. Talagang ang halimaw na to! Ang lakas ng trip.

“Pwede ba kitang maisayaw mahal na prinsesa?” Nakangiti nyang tanong sabay abot ng pink rose na hawak nya.

“Sino ba ako para tanggihan ang alok ng mahal na prinsipe.” Sagot ko sabay abot sa kamay nya.

Hinalikan nya ang kamay ko! Mygassshhh! Ang lakas maka fairy tale nitong moment namin wah. Ahahaha. Feeling ko tuloy ako si Cinderella at maya-maya lang tutunog na ang malaking orasan, sinyales na kailangan ko ng umuwi dahil expired na ang magic ni fairy god mother! Ganooonnn.

“I love you.“Nakangiting sabi nya at damang dama ko ang bawat pagbikas nya ng tatlong salitang iyon.

“Mahal na mahal din kita Kuya.” Sagot ko.

“Okay na sana eh, may KUYA lang sa dulo. Huwag mo na sabi akong tatawaging Kuya.” Maktol nya!

“Eh anong gusto mong itawag ko sayo?” Tanong ko.

“Baby, babe, honey, myloves, sweet heart! Basta kahit ano! Huwag lang Kuya!” Imbyerna nyang sagot!

“Okay! Sige na nga!” Pangsang-ayon ko. “Mahal na mahal din kita Halimaw!” Sambit ko.

“Halimaw? Sino ako?” Singhal nya.

“Oo. Ikaw nga! Halimaw ka.” Sagot ko. “Ang halimaw na hindi ko inakala na mamahalin ko ng ganito.” Dagdag ko pa sabay kiss sa pisngi nya. Hahaha! Medyo ang corny ko dun! Pero ayun na eh! Nagawa ko na. Ahahaha.

“Oh! Bakit may kiss pa?” Tanong nya.

“Bakit ayaw mo ba? Ang arte mo ha!” Imbyernang kuda ko.

“Syempre gusto! At dahil kiniss mo ako! It’s my turn!” Nakangising sabi nya at naloka ako nang dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko!

Juskoooo! Balak ba talaga akong halikan ng halimaw na to sa harap ng maraming tao! Nakakahiya. Nahihiya ako! Hindi pwedeeee! Nooooo!

Unti-unti, at halos isang pulgada nalang ang layo ng mga labi nya sa mga labi ko nang biglang. . . .

Biglang may sumigaw ng malakas!!!! At nagulantang ang lahat ng nasa loob ng venue!

“Ahhhhh!!! Ang sakit!!!! Ang sakit ng tiyan kooo!!! Ahhhhh!” Sigaw ni mudrabells kaya natigil ang palano ng halimaw na to na paghalik sa akin!

“Helena? Bakit? Anong nangyayari?” Gulat at alalang tanong ni Fafa Ark!

“Ma-ma-manganganak na yata ako!” Hirap na hirap na sagot ni mudra! At naloka ako nang makita kong pumutok na ang panubigan nya!? Mygaaadd!

Soooo totoo ngaaaa??? Manganganak na si mudra!!! As in ngayon na talaga? Hindi ba pwedeng i-move? Hindi pa tapos ang birthday party ko eh! Ahahahaha. Charoooott.

Pero wait! Kung manga-nganak na ngayon si mudra! Ibig sabihin????

Ibig sabihin magiging magka-birthday kami ni baby Hansel???!!! Ang taraaayyy! BONGAAAAAA!!!! Sige Nay!!! I-push mo na yan! Ireeeee!

✨ THE END ✨

Finished: October 16, 2017 ( 8:43pm)

ANNOUNCEMENT 😘

At dahil magpapasko na…

May pa-christmas gift ako sa inyo. Sa lahat ng nagungulit ng special chapter! Okay! Sige na! Pagbibigyan ko na po kayo. Haha. Your long wait is over! This coming Christmas, I will update a special chapter para sa moment nila Fita at Axe! Kaya abangan nyo po! Ang bonggang chapter na paparating! Hihi.

But wait, there’s more! This coming 2018, I will start my newest story! Kaya sana suportahan nyo po ako sa bagong story ko. Kapag hindi nyo ako sinuportahan, magtatampo na ako. Huhu.

Please! Support me with my new story! Paki add nyo na po sya sa library nyo para kapag nag-update ako ko, mai-inform kayo.

My newest story is…

THE DEVIL’S ANGEL“

SALAMAT! ASAHAN KO PO KAYO! 😘✌

MFHSB - Extended Chapterrr 💋

2 YEARS LATER. . . .

“Good morning Nay! Good morning baby Hansel!” Greetings ko kay mudrbells at sa aking pinaka cute na baby little brother.

Oo! Tama kayo ng nabasa! Little Brother! Dahil lalaki si baby Hansel! Akala ko talaga babae sya! Naloka kami nung inire na sya ni mudrabells, eh lalaki pala sya. Huhu.

Syempre. Na-disappoint ako. Pero ang apat na mga halimaw na yun tuwang tuwa! Madadagdagan na naman daw ng gwapo sa pamilya. Kaloka! Kakapal nila. Grrrr.

Iki-kiss ko sana si baby Hansel sa cheek nito nang biglang tinakpan ni mudra ang bibig ko! Mygaassh!

“Nak! Mag-tooth brush ka muna. Bad breath ka pa.” Kuda nya!

“Grabe ka Nay! Kahit hindi ako mag-tooth brush good pa din ang breath ko! Never syang naging bad!” Depensa ko. Bully talaga itong si mudra kahit kelan!

“Ay nako, mag-tooth brush ka muna para sure Nak. Mahina ang resistensya ni baby Hansel. Baka hindi nya kayanin.” Sabee nya.

“Grrrr. Ewan ko sayo Nay. Makakain na nga lang.” Kuda ko. Pinisil ko nalang ang matabang pisngi ni baby Hansel.

Umupo ako sa chair ko, at nag-umpisa na akong kumain.

“Good morning Tita, good morning baby boy.” Greetings ni Kuya Ace sa kanila tapos kiniss nya si baby Hansel ng paulit-ulit!

“Ang daya! Bakit si Kuya Ace pinayagan nyong i-kiss si baby samantalang ako hindi! Eh bad breath din naman yang si Kuya eh!” Maktol ko. Ang unfair talaga nitong si mudra!

“Oy! Grabe ka Fit! kaka-tooth brush ko lang.” Katwiran ni Kuya Ace.

“Oh. Narinig mo, nagtooth brush ang Kuya mo, kaya pinayagan ko syang i-kiss si baby.” sabi naman ni mudra.

“Ewan ko sa inyo.“imbyernang kuda ko at pinagpatuloy ko lang ang paglamon. Lamon talaga?! Hahaha. Basta! Ganun.

Kaming dalawa nalang ni Kuya Ace ang nag-aaral. Dahil graduate na sina Kuya Ash, Kuya Air at Axe. They are working na. Si Kuya Ash naging member na ng NBA. Oh taray! Bigyan ng bola yan. Ahaha. Charoot.

Tapos si Kuya Air naman sikat ng song writer, composer at singer. Kakatapos nga lang nung concert nya sa Araneta last week. Uwian na, ginalingan ni Kuya eh. Ahahaha.

At si Axe naman, Oo Axe nalang ang tawag ko sa kanya. Ayaw nya kasing tinatawag ko pa syang Kuya kasi daw kami na. Ganun. Ngayon, sya ang kanang kamay ni Fafa Ark sa negosyo nila. Katulong sya ni Fafa Ark sa business at naloloka ako dahil minsan wala na syang time sa akin. Huhu.

“Where’s Dad? At si Kuya Axe? Nakaalis na ba sila?” Tanong ni Kuya Ace kay mudra.

“Oo. Nakaalis na. Sabi nila next week pa daw ang balik nila.” Sagot ni mudra.

Huh? Nakaalis?

“Bakit Nay? Saan ba gumora sila Tito Ark at Kuya Axe?” Tanong ko.

“Hindi ba nagpaalam si Axe sayo? Ngayon yung flight nila papuntang Berlin. May importante daw silang meeting dun.” Sagot nya.

Nanlaki ang mata ko sa sobrang shocked! Nooooo waaaayyy! Ang halimaw na Axe na yun! Hindi man lang nagpaalam sa akin! Grrrr. Nakalimutan nya na ba? Huhu. Hindi ba nya naalala na ngayon ang 2nd anniversary namin. Ngayong araw magto-two years na kami!

“Hindi po.” lifeless kong sagot. Tumayo na ako, nawalan na ako ng gana. Sa inyo na yung tirang pagkain ko mga besssh.

Ganun na ba talaga sya ka-busy? Ni hindi man lang nya nagawang magpaalam sa akin. Tapos feeling ko hindi nya naalala na ngayon ang anniversary namin. Lumipad pa sya papuntang Berlin! Tapos next week pa ang balik nya! Huhu.

Naglakad ako papuntang garden. Umupo ako sa swing na nandoon.

“Bakit mukhang kang malungkot dyan?” Tanong ng kung sinong nilalang. Kaya lumingon ako sa likuran ko at nakita ko doon si Kuya Air na may dala-dalang gitara.

“Wala naman. Okay lang ako.” sagot ko. Umupo si Kuya sa kabilang swing.

“I know you’re not okay.” saad nya. “Galit kaba kay Kuya dahil hindi sya nagpaalam sayo na aalis sya?” Tanong nya pa.

“Hindi naman ako galit. Nagtatampo lang. Kasi kayo, alam nyong aalis sila ni Tito Ark samantalang ako walang kaalam-alam.” Sagot ko. “Tsaka, nitong mga nagdaang linggo, masyado na syang busy. Ni hindi nya na nga ako nakakamusta.” Dagdag ko pa. Huhu. Konti nalang maiiyak na ako.

“Alam mo ba kung bakit ganyan ka-busy si Kuya?” Tanong nya.

“Hindi nga eh.” Sagot ko.

“Sya ang panganay sa amin and it only means na sya ang papalit kay Dad sa posisyon nito sa kumpanya kapag nag-retired na ito. Si Kuya na ang magpapatakbo ng business na inumpisahan ni Dad. At gusto lang patunayan ni Kuya kay Dad na he deserves that posison. Ayaw nyang ma-disappoint si Dad sa kanya. Kaya ginagawa nya ang lahat para malaman ang lahat lahat about sa business matters na yan.” Mahabang sagot ni Kuya.

“Ganun? Pwede nya namang sabihin sa akin na yun yung dahilan nya kaya sobrang busy nya. Pero hindi nya naman sinabi, hindi na nga kami nakakapag-usap.” sabe ko.

“Intindihin mo nalang si Kuya. Kung ako rin siguro ang nasa posisyon nya. Mahihirapan din ako. Mabuti nalang hindi ako naging panganay.” Aniya pa.

“Pero diba? Walang salitang busy sa taong alam ang kanyang priority. So ibig sabihin hindi nya ako priority?”

“To be honest, maybe Yes. Mukhang mas priority ni Kuya yun kaysa sayo.”

“Ang sakit naman nyan. Huhu. So hindi nya nga talaga ako priority. Kasi kung priority nya ako, hindi sya aalis ngayon. 2nd anniversary namin ngayon. Magto-two years na kami. Pero na saan sya ngayon? Wala. Wala sya sa tabi ko.” mala-MMK kong drama.

Nagalakad palapit sa akin si Kuya Air. Umupo sya na pa- squat sa harap ko para magpantay ang aming mukha. Tumitig sya sa mga mata ko.

“Intindihin mo nalang si Kuya. Kung gaano ka kasabik sa kanya, alam ko na mas sabik na sabik sya sayo.” saad nya sabay pisil sa pisngi ko.

“Ano pa nga ba ang magagawa ko.” Sagot ko naman.


At dahil wala ang halimaw na si Axe, at dahil hindi namin mace-celebrate ang anniversary namin, nag-bonding nalang kami ng mga bessshy ko! Sina Anna at Xylene!

“Hi besssy!” pagbati sa akin ni Anna. At muntik ng malaglag yung panga ko dahil pak na pak ang outfit nya.

“Hello Fita!” pagbati naman ni Xylene. At muntik ng lumuwa yung mata ko sa OOTD nya.

Juskoooooo! May fashion show bang magaganap? Bakit hindi man lang ako na-inform! Sana sinuot ko na yung turtle neck- off shoulder- backless kong dress with slit. Ganun. Nahiya naman ako sa kanila. Kapag sinamahan ko ang dalawang to baka pagkamalan akong mutcha-cha.

“Nakakaloka kayo. Ang bongga ng mga outfit nyo samantalang ako ganito lang.” Kuda ko sa kanila.

“Ano kaba, hindi kana nasanay. Usual look na namin to.” Natatawang sagot ni Xylene.

“Kaya ikaw besssyy, you have to change now. Tara, papagandahin ka namin.” Saad naman ni Anna sabay hatak sa akin papuntang kung saan.

At ganun na nga ang nangyari. . . May unexpected make over na naman na naganap. Pinagsuot ulit nila ako ng dress, accessories at heels. Tapos naka make-up na naman ako. Tumingin ako sa malaking salamin Kaloka. Babaeng babae na naman ako ngayon. AhahHaha.

“Ayan. Oh diba. Mas lalo kang gumanda bessyy.” Kuda ni Anna.

“Kung nandito siguro ngayon si Kuya Axe baka sinermonan na naman ako nun.” Sabe ko.

“Ha? Bakit naman?” Tanong ni Xylene.

“Ayaw na ayaw nya kasing nagsusuot ako ng ganito.” sagot ko.

“Okay lang yan besssyyy. Diba nasa Berlin naman ngayon si Axe? Kaya hindi ka nya makikita ng ganiyan.” Ani Anna.

“Huh? Paano mo nalaman na nandun si Kuya?” Tanong ko.

“Sinabi sa akin ni Air. Naikwento nya sa akin yung pinag-usapan nyo kanina.”

“Naku. Si Kuya Air talaga! Kinwento pa pala sayo yung kadramhan ko kanina. Kakahiya” Aniko.

“Okay lang yan Fita dear. Let’s enjoy this day nalang, I know you’re sad dahil wala si Axe sa anniversary nyo kaya magpakasaya nalang tayo.” saad naman ni Xylene.


At ganun na nga ang nangyari. Gumala at rumampa kaming tatlo. Nilibang talaga ako nila Anna at Xylene para hindi na ako malungkot. Nag-shopping kami. Kung anu-ano yung pinagbibili nila sa akin. Nalibot na yata namin itong buong big mall. Kaloka. Sakit sa legs! Tapos naka 4-inches heels pa ko. Bigti na friend.

“Ugh! I’m tired, but I enjoyed it.” Saad ni Xylene at naupo kami sa isang bench.

“Ang sakit sa binti, but it was fun. Ulitin natin to ha.” Natatawang kuda naman ni Anna.

“Salamat. Thank you sa inyo.” naka smile na sabi ko sa kanila.

“Ohmyyy. Is that Ethan?” Gulat na sambit ni Xylene kaya napalingon kami ni Anna sa direksyon kung saan sya nakatingin.

At paglingon ko doon… nakita ko si Ethan kasama si Ate Stella pati ang baby boy nila na si Tristan na karga-karga ni Ate Stella.

Mabilis akong nagtatakbo palapit sa kanila. Ang tagal ko na kasing hindi nakikita ang best friend kong yun pati ang ina-anak ko.

“Uy! Kamusta?!” Masayang greetings ko sa kanila.

“Fita! Ikaw pala. We’re good. Ikaw? Kamusta? Why are you here?” Masayang tugon ni Ethan.

“Okay lang naman. Namasyal lang kami nila Xylene at Anna.” Sagot ko. “Ayun sila oh.” dagdag ko pa sabay turo sa direksyon nila.

“Kami din. Pinapasyal lang namin si baby. And we have to buy some clothes for him.” Ani Ethan.

Lumapit ako kay baby Tristan at pinisil ko ito sa pisngi sabay kiss sa noo nito.

“Mukhang tumataba si baby wah. Ang cute cute talaga. Na-miss mo ba si Ninang?” Kuda ko kay baby Tristan.

“Nanaba nga eh. Tumatakaw sa gatas. Kaya mamimili kami ng bagong damit dahil hindi na kasya sa kanya yung luma.” Saad ni Ate Stella.

“Haha. Halata nga. Si baby Hansel din tumataba. Nagpapatabaan yata sila ni Tristan.” Biro ko naman.

Natawa naman sila sa biro ko. Ahahaha. Dapat maging mag-bestfriend itong si baby Tristan at baby Hansel. Para bongga.

“Wait lang hon. Magc-cr lang ako. Ikaw muna humawak kay baby.” Ani Ate Stella at inabot nya kay Ethan si baby Tristan at naglakad na sya papunta sa comfort room.

“Tagal din nating hindi nagkita.” nakangiting sabi ni Ethan. Juskoooo. Walang kupas pa rin ang kagwapuhan nya. Kahit daddy na sya. Ahahaha.

“Oo nga eh. Sana makapag-bonding tayo minsan.” sagot ko naman.

“Sana nga. Na-mi-miss ko na din kasi ang best friend ko.” kuda nya sabay himas sa ulo ko. “Ganda mo ngayon ah. Babaeng babae ka na naman.” dagdag nya pa at tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa. Anubeeee. Bakit feeling ko bigla akong nag-blush. Ahaha.

“Haha. Kahit kailan talaga ang hilig mong mambola. Ewan ko sayo.” natatawang sagot ko.

“Ahm. Sige na. Mukhang tapos na si Stella. We have to go now. Kita nalang tayo ulit.” nakangiti nyang sabi.

“Bye! Ingat kayo wah.” tugon ko. “Bye baby, huwag makulit kila Mommy at Daddy wah.” pagbaling ko kay Tristan sabay kiss sa pisngi nito.

“Ako ba walang kiss?” biglang tanong ni Ethan. Kaya hinampas ko sya sa braso. Kalokang lalaking to.

“Loko ka talaga! Sige na. Umalis na kayo. Bye!” pagtaboy ko sa kaniya.

“Hehe. Biro lang naman. Sige. Bye.” natatawang sabi nya at naglakad na sya palapit kay Ate Stella.

Lakas ng toyo ng Ethan na yun. May asawa na eh nagagawa pa akong biruin ng ganun. Kaloka! Ahahaha. Pero jusko! Bakit kinikilig ako! Anubeeee.


6:30 pm.

Ginabi na kami ng uwi nila Anna at Xylene. At gusto ko ng magpahinga dahil napagod ako ng bonggang bongga sa maghapon naming pagrampa.

Pagdating ko sa bahay, naloka ako dahil nakapatay ang lahat ng ilaw. Sobrang dilim! Brown out ba???? Kaya tinignan ko yung bahay nung kapit bahay namin, pero sila may kuryente! So bakit nakapatay ang ilaw???

Ilang saglit pa, biglang tumunog ang phone ko. Nag-flash doon ang text ni mudra!

“Nak, nandito kami ngayon sa Isla natin. Sinama ko na sina Manang at sila Mimi, Dedee at Lily. Ikaw na muna bahala sa bahay” — text ni mudrabellss! Kaloka!

Sumunod na nag-flash sa screen yung text ni Kuya Ace.

“Hindi ako makakauwi ngayon. May tinatapos akong project together with my groupmates. Sabi ni Tita nasa Isla daw sya. Ingat ka nalang dyan Fit.” — text ni Kuya Ace. Nakuuuu! Project ba talaga? Talaga lang huh.

Sunod na nag-flash yung text naman ni Kuya Air.

“Sinabi sa akin ni Tita na nasa isla daw sila. Baka gabihin ako ng uwi. May practice ako ngayon for my next concert. Mauna ka ng kumain.” — text ni Kuya Air. Huhu. So mag-isa ako ngayon sa mansyong ito?!

Katakot naman. Sobrang dilim. Mygassshhh.

Maglalakad na sana ako papasok sa loob ng bahay nang may mapansin akong mga kandilang nakasindi sa may garden. At dahil dakilang etchsera ang lola nyo. Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan iyon.

May nakita akong table at sa table na yun may mga food at flowers! At may bonggang red candle pa sa gitna nito. Nagutom tuloy ako dahil mukhang masarap yung food na nasa table. Mygassh.

Ano to??? Bakit may ganito? Baka mamaya namamaligo na ako wah.

Nagulat ang lahat ng hormones ko nang bigla kong naramdaman na may kamay na humawak sa bewang ko!

Natakot ako mga besshh! Kaya mabilis akong nagtatakbo papasok sa bahay! Sumandal ako sa pinto! Walang tigil sa pagkabog ang flat kong boobs dahil sa sobrang kaba.

Knock!

Knock!

Knock!

Biglang may kumatok ng tatlong beses sa pinto! Juskoooooo.

“Wh-who’s there?!” kabang kabang tanong ko.

“Ang taong mahal mo.” sagot ng boses mula sa labas.

“Ang taong mahal ko? Who?” tanong ko ulit.

“Si Axe.” sagot nya!!!!

Akala ko knock knock talaga yun. Pero mukhang naging pick-up line pa yata. Ahahaha. Anubeee. Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat?! Totoo ba? Ang halimaw na Axe na yun ang taong nasa labas?! Pero diba nasa Berlin sya???? Howwwww??? Dahan dahan kong binuksan ang pinto. At nasilayan ko nga doon ang taong miss na miss ko na.

“Happy second anniversary.” nakangiti nyang saad sabay halik sa noo ko.

“Ba-bakit ka nandito? Diba nasa Berlin ka?” tanong ko.

“Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?” seryoso nyang sabi.

“Hindi naman. Nagulat lang ako. Akala ko kasi nakalimutan mo na. Akala ko kasi mas priority mo yung trabaho mo. Akala ko kasi kinalimutan mo na ako.” madrama kong sabi. Mygassh! Naluluha na naman ako.

Hinawakan nya ako sa mukha at tumitig sya sa mga mata ko. “Hinding hindi yan mangyayari.” saad nya sabay halik sa labi ko. “Let’s go. Alam kong gutom kana. Kumain na tayo sa garden.” pag-aya nya at naglakad kaming dalawa papunta doon.

Umupo kami sa naroong table. Gossshh! Ganitong ganito yung mga romantic date na napapanuod ko sa mga movie! Joskooo. Ang sweet talagang halimaw na to! May ganito pa syang paandar.

“I’m sorry kung minsan wala na akong time sayo. Gusto ko lang talaga kasing patunayan kay Dad na I deserve everything, na desrve ko lahat ng binigay nya. He trusted me, kaya ayoko syang ma-dissappoint. Kaya ginagawa ko ang best ko for this business.” Paliwanag nya.

Hinawakan ko sya sa kamay. Tinitigan ko sya sa mga mata nya. “Okay lang. Naiintindihan ko. Pero sana sinabi mo na sa akin nung una palang para hindi na ako nagtampo pa sayo.” sagot ko.

“Kaya nga nandito ako para bumawi sayo.” nakangiti nyang sabi sabay kindat. Mygaadd! Ang gwapoooo. “Inalis ko lahat ng istorbo sa atin ngayong gabi. I asked Tita Helena kung pwedeng sa isla muna sila ngayon and she said Yes. Si Air at Ace naman, nakausap ko na rin and luckily they are busy ngayon with their personal matters. Kaya tayong dalawa lang dito sa bahay.” aniya pa.

“Tayong dalawa lang?” gulat kong sabi.

“Yes.” sagot nya sabay ngisi. Juskooo.

“Ah-Haha. O-okay. Ka-kain na tayo.” ang nasabi ko nalang at inumpisahan ko na ang paglafang.

“Ang bilis ng panahon. Akalain mo two years na tayo.” nakangiti nyang sabi.

“O-oo nga eh. Ang bilis. At sana may many years pa na dumating.” sagot ko.

“May ibigay nga pala ako sayo.” aniya.

“Ano yun?” tanong ko. “Sorry ha. Wala akong maibibigay sayo. Akala ko kasi hindi natin mace-celebrate ang anniversary na tin.” kuda ko pa sabay subo ulit ng cake. Ang sarap naman ng cake na to.

“It’s okay. Ang importante ngayon, we have this time to celebrate this day. Actually, my gift is in your mouth right now.” sagot nya sabay ngiti.

Nanalaki ang mata ko sa pagkabigla! Ano daw? Yung gift nya nasa bibig ko? Maya-maya lang may matigas na bagay na akong nanguya! Kaya kinuha ko sa bibig ko ang matigas na yun! Akala ko tuloy may buto yung cake! Laking gulat ko na sing-sing pala yun! Silver ring na may hugis puso na diamond sa gitna! Jusko! Mabuti hindi ko to nalulon. Kung hindi baka napasigaw na ako ng Darna! Ahahaha.

“Bakit naman nilagay mo sa cake yung sing-sing! Kaloka ka. Paano kung nalulon ko yun baka—” naputol ang sasabihin ko nang bigla nyang kinuha yung sing-sing na hawak hawak ko at dahan-dahan syang lumuhod sa harap ko.

Ohhhhhh! Myyyyyyy! Gaaaaaaadd! Huwag nyong sabihing?!!!!!!

“Will you be my other half?” tanong nya!!!!!

Totoo ba? Sampalin nyo ako mga besshh! Dali! Ayaw nyo?! Sige ako nalang! Sinampal ko ng buong husay ang mukha ko. Baka isa na naman kasi ito sa mga panaginip ko. Pero nang tumama na yung kamay ko sa mukha ko. Halos mapangiwi ako sa sobrang sakeeeeet! Ang sakeeet! So ibig sabihin????? Totoo ang nangyayari ngayon?????

“A-ano?!” gulat na gulat kong tanong sa kaniya.

“I said, will you be my other half?” tanong nya ulit.

Juskoooooo. Anong isasagot ko?

A. Oo B. Yes C. I will

Anooo??? Ano ang isasagot ko? A? B? or C? Tulungan nyo akooooo! Pleaseeee.

“Fita?” pagtawag ni Kuya. Natulala na ako sa sobrang pagkabigla.

“Ah. Eh. A-ano…”

“Ano?” tanong nya ulit, nakaluhod pa din sya.

“Y-Yessssss! Oo. I will!” sagot ko. Naluha na ako sa sobrang saya.

Gossshhh! Twenty years old palang ako pero ngayon I am proud to say na engaged na ako sa halimaw na si Kuya Axe! Ako na yata ang pinaka maswerte, pinaka masaya at pinaka dyosang sirena ngayong gabi. Umuwi na kayo mga besssh. Nanalo na ako. Ahahaha. Charooot.


Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Nakatingin ako sa kisame. At inaalala ko ang lahat ng nangyari kanina. Hindi pa rin nagsi-sink in sa jutakels ko ang lahat nang nangyari. Kalokaaaa.

Ilang saglit pa may narinig akong kumatok sa pinto. Kaya naglakad ako doon para buksan iyon. At pagbukas ko, tumabad sa akin ang halimaw na si Axe.

“A-ano yun? Bakit nandito ka? May kailangan ka? “ sunod sunod kong tanong.

Pero hindi sya sumagot. Nagulat ang buong sistema ko nang bigla nya akong hinalikan! Sunod sunod na halik ang sinungab niya sa akin. Binuhat ako ng halimaw na to at inihiga nya ako sa kama ko.

Napatitig ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya na sobrang agresibo. Dahan dahan nyang hinubad ang suot nyang pang-itaas. At sumunod naman ang suot nyang pang-ibaba. Hanggang sa boxer short nalang ang natitira nyang saplot. Napalunok ako ng isang litrong laway sa sobrang kaba. Walang humpay sa pagkabog ang dibdib ko.

Ito na ba? Ito na ba ang araw na yun? Ang araw na magse-saying good bye na ako sa iningat-ingatan kong cherry blossom? Juskoooo. I’m not fully ready! Biglaan naman kasi. Hindi man lang ako nakapag-half bath! Or nakapag ayos. Hindi ko pa nga hinuhubad yung damit na suot ko kanina. Naka ootd pa rin ako ngayon. Mygaasssh.

Nanginig ako nang biglang pumatong sa ibabaw ko ang halimaw na to. Hinawakan nya ako sa magkabilang pulso. Tumitig sya sa mga mata ko.

“AA-a-a-xe” kabang kabang saad ko.

“You’re so pretty. Ang ganda mo ngayon. Anong naisipan mo’t nag-ayos ka ng ganiyan?” pabulong nyang tanong sa tenga ko. Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa mmainit nyang hiningang dumampi sa balat ko.

“Ka-kasi…si-sina Anna at Xylene. Na-naisipan lang ni-nilang a-ayusan ako. Pinasyal nila ako ka-kanina. Gusto lang ni-nila akong pasayahin. Kasi akala nila hi-hindi natin mace-celebrate ang a-anniversary natin.” sagot ko. Juskooo. Yung dila ko. Nabuhol na yata.

“Diba sabi ko sayo, ayokong nag-aayos ka ng ganiyan.” saad nya at nanlilisik ang kaniyang mga mata kaya lalo akong kinabahan.

“So-sorry. Magpapal—” naputol ang sasabihin ko nang muli nya aking halikan.

“Huwag mo ng uulitin yan. Ayokong magsusuot ka pa ulit ng ganiyan. Ayokong may iba na namang tumingin sayo. Just stay simple. Dahil ganun kita nakilala at ganun kita nagustuhan.” bulong nya ulit.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ewan. Ayaw nang gumana ng nerve cells ko ngayon. Juskooo.

“O-oo. Hi-hindi na ma-mauulit.” mahinang sagot ko.

“Diba sabi ki kanina babawi ako sayo?” nakangisi nyang sabi.

“O-oo. Ba-bakit?”

“I think this is the right way para makabawi ako sayo.” saad nya sabay kindat sa akin. Muli nya akong hinalikan. At bumaba ang halik nya sa leeg ko.

Kung saan saan na napunta ang kamay nya. At dahan dahan kong nardaman ang pagkalalaki nya na unti-unting nabubuhay. Tumutusok iyon sa may bandang hita ko. Juskooooooooooo. I kennat!

Mukhang ito na nga yun. Ito na ang araw na yun. Siguro nasa edad na naman ako para ma-experience ang bagay na yun. Sana lang walang mabuo. Dahil baka atakihin si mudra kapag nalaman nyang magkaka-apo na sya. Ahahahaha. Sympre charooot lang.

Wala na akong nagawa, kundi tugunin ang nag-aapoy na katawan ng halimaw na to. Tinugon ko ang bawat halik, bawat yapos at ang mainit nyang katawan na dumadampi sa katawan ko.

Pero natigil ang mainit naming tagpo nang biglang may kumatok at parehas kaming nagulat nang biglang bumukas ang pinto!

Nanlaki ang mata ni Kuya Air pagkabukas nya ng pinto. Mabuti nalang hindi ko pa nahuhubad ang mga suot ko. Juskoooo.

“I-I just want to check you Fita. I just want to check if you’re okay. So-sorry sa abala. Hehe.” napakamot sa ulo si Kuya Air at agad nyang sinara ang pinto.

“So where are we?” bulong ng halimaw na axe na to sabay yakap sa akin.

“Ah. Eh. Ahaha. Ang baho ko pala.” kuda ko sabay amoy sa sarili ko. “ka-kailangan ko na yatang maligo. Haha.” dagdag ko pa.

“Gusto mo sabay na tayo?” tanong nya.

“Ahaha. Hi-hindi na. Ka-kaya ko ng maligo mag-isa. Diba maaga kapang babalik sa Berlin bukas? Mas mabuti siguro kung magpahinga na tayo.” saad ko.

“Ang kj mo talaga.” maktol nya at sinuot nya na ang mga damit nyang nagkalat sa sahig.

Niyakap ko sya. “Sorry. Next time nalang please.” sabi ko.

“Oo na. Sige na. Magpahinga kana.” nakangusong sabi nya. Juskooo! Ang cute!

“Sige. Good night! Sweet dreams!”

“Good night.” tugon nya sabay halik sa noo ko.

Kj na kung kj! I’m not ready eh. Next time nalang mga bessh. Siguro kapag kinasal nalang kami. Ahahahaha.


December 25, 2017

Again! Please! Kidnly support my new story entitled “

THE DEVIL’S ANGEL

“ soon on 2019!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.