My Hideous Heartthrob
SimoyX · 2 chapters · 2,200 words
One
Author’s Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humihingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
“Anak kakain na!!! Lumabas ka naman jan sa kwarto mo ilang linggo kanang nagkukulong jan!!” Sigaw ni mama sa labas. Wala akong planong lumabas kasi gusto kong magmukmok buong taon kaso nagugutom ako kaya no choice kundi ang lumabas..
“Jusko po napurisima! Anyari jan sa mukha mo Onie ang dugyot dugyot mo na tingnan. Yung buhok mo sobrang haba yung mukha mo ang dungis at hindi kapa nagshave. Mamaya mag ayos ka bibigyan kita ng pera saka magshopping ka na rin” panenermon ni mama.
“Eh ano naman kung ganito mukha ko? Bakit ayaw niyo na ba sa akin dahil pangit na ako ha?” Sigaw ko rito
“Anak wala akong sinabi na ganyan kaya nga pinapayuhan kitang mag-ayos eh” tugon ni mama
“No!!! Hindi ako mag-aayos ng sarili hanggat walang taong tanggap ako sa kung anong itsura ko” tugon ko
“Ganyan na ba ang millennials ngayon pagnabroken hearted?” Tanong ni mama
“Basta ma saka na ako magpapaayos kapag nakita ko na ang taong tanggap ako kahit ganito ang ayos ko” tugon ko
“Ikaw bahala anak Basta mahanap mo ang the one mo kung ganyan ang ayos mo edi susuportahan kita” sabi ni mama sabay yakap sa akin.
“Papasok ako sa school ngayon ma” tugon ko
“Ha!!! Wag na anak dito ka nalang” tugon ni mama
“Bakit po? Paano ko po makikita si the one ko?” Tanong ni ko
“Sa social media mo nalang hanapin” tugon ni mama
“Ehh Basta papasok ako ngayon” tugon ko sabay takbo papuntang hapagkainan.
“Ihahanap nalang Kita ng tutor!!! Wag ka nalang lumabas na ganyan ang ayos!!!!” Sigaw nito. Haystt bahala siya.
Pagkatapos Kong kumain ay agad akong pumunta sa kwarto. Naligo tapos ay nagbihis. Sinadya ko talagang badoy ang suotin para mas lalo akong pangit tingnan.
1 month na Akong broken-hearted kaya maybe this is the time na kailangan Kong maghanap sa nakatadhana sa akin. Si crizza kasi na naging first love ko ay iniwan ako. Binigay ko naman ang lahat ng luho niya pati kaluluwa ko ay binigay ko kaya sobrang gumuho ang mundo ko ng makita ko itong may kahalikan na lalaki. Nasabi ko sa sarili ko nun na pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Ngunit wala eh niluko niya ako. Siguro nga pangit talaga ako dahil kahit anong papogi ang ginawa ko ay pinagpalit pa rin ako. Oo nga heartthrob ako dito sa campus , nag iisang apo ng may ari ng Rough.inc pero it doesn’t mean na wala akong insecurities.
Pagdating sa school ay kakaibang mga tingin ang ipinupukol sa akin ng mga kapwa ko estudyante pero wala akong paki sa kanila dahil hindi naman sila ang the one ko kaya deadma Lang ako. Sikat ako dito sa school bilang heartthrob kaya Siguro nagtataka sila na ganito ang ayos ko at isa pa hindi nila alam na nagiisang apo ako ng may ari ng Rough.inc. ayaw kasi ni lolo na pagpyestahan ako ng media at yung para bang pribado ang buhay. Ayaw niya kasing nakikita ako na limitado ang galaw dahil ito ang nangyari Kay dad. Gusto niya na malaya akong nakakagala, nakakasalamuha ng ibang tao at higit sa lahat mapayapang pamumuhay kaya nga dito kami sa zambales nakatira at sila papa at lolo naman ay sa makati. Pagdating ko sa may department namin ay biglang may bumuhos sa akin ng soft drinks kaya napatingala ako ng biglang may itlog na tumama sa mukha ko kaya napashit ako.
“Hoy ikaw pashnea!!!! “ sigaw ng boses sa likuran ko. Shit sino siya? Bakit sobrang ganda niya pero …… wait bakit panglalaki yung uniform niya??? Hindi kaya—–
“Hoy ikaw bumaba ka rito!!!! Gusto mo suntukan tayo!!!” Sigaw ulit nito at lumapit sa akin
“Ok ka lang ba?? Gusto mo manghiram ng damit meron akong extra?” Offer niya ngunit nakatulala Lang ako
“Wait ha bubugbugin ko Lang yung damuhong na lalaking yun” tugon nito at tumakbo. Ilang saglit Lang ay bumalik ito bitbit ang lalaking nagbuhos sa akin ng soft drink.
“MAGSORRY KA!!!” Sigaw nito sa lalaki. Wow ang astig ng baklang to. First time kong mabully at first time ko ring naipagtanggol ng ibang tao.
“S-sorry s-shonne” tugon ng lalaking nagbuhos sa akin.
“Good sige umalis kana kung ayaw mong basagin ko yung mukha mo!!” Tugon nito. Kaya agad na umalis yung lalaki.
“Halika sa cr ipapahiram ko yung extra shirt ko sayo” tigon nito na nakangiti. Kaya tumango Lang ako.
“B-bakit ang tapang mo??” Tanong ko rito habang inaayos ko ang sarili ko sa salamin.
“Mmm kasi yun ang gusto ko at kasama iyon sa tungkulin ko bilang isang peace officer” sagot niya
“SAlamat pala dito” nakangiting tigon ko
“Ayan gwapo ka pala pag nakangiti eh. Sana ngumiti ka nalang” tugon nito
“H-Hindi ka napapangitan sa akin?” Tanong ko
“Hindi. Mas napapangitan ako sa taong walang asal at yung kulang sa saltik” tugon nito. Kakaiba siya sana naging babae nalang siya para masabi kong siya ang perfect person for me kaso nga Lang lalaki ito pero maganda.
“Ako nga pala si shonne” tugon ko sabay lahat ng kamay.
“Alam ko!” Tugon nito
“Saan mo nalaman?” Tanong ko
“Kanina sinabi ng lalaki nung nanghingi siya ng tawad” tugon nito. Ayy oo nga pala sinabi ng lalaking nagbuhos sa akin kanina.
“Lhucke pala” tugon nito
“Nice to meet you lhucke” tugon ko
“Nice to meet you din shonne” tugon nito
“Bakit parang ngayon Lang Kita nakita sa Campus na ito?” Tanong ko
“Huh? Ahmm transferee ako dito!” Tugon nito
“Huh kelan Lang?” Tanong ko
“Last month Bakit?” Tugon nito. Medyo maangas nga mag salita ang isang to. Kala ko babae Medyo mahaba kasi ang buhok at maputi saka Medyo may kaliitan ang mukha ngunit ng tinalian niya ang kanyang buhok ay lalaki naman siya tingnan. Siguro nga sa buhok lang kung bakit siya nahmumukhang babae. Ay mukhang mas basagulero pa nga to kesa sa akin.
“Oh pano mauna na ako may klase pa kasi ako. Isauli mo nalang yan pagkatapos mong gamitin” dagdag nito
“Ok salamat ulit at bye” tugon ko at tumakbo na siya palayo
Itutuloy………
Please vote and leave a comment for encouragement. Just enjoy 😊
Two
Author’s Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humihingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
SHONNE POV
Andito ako ngayon sa klasroom hinihintay matapos ang klase. Sobrang boryo na ako dahil hindi ko talaga magets ang lessons lalo pat algebra ang topic. Ilang sandali lang ang tumunog na ang bell kaya agad akong tumayo.
“Mr. Gomez!!! Did I said you may now go out???” Sigaw nito. Wala akong paki sayo sir kung alam mo Lang at wala akong pakialam jan sa lessons mo.
“Di po!!” Tugon ko
“Let me say goodbye first before you stand up ok? Goodbye class” Tugon nito. Tangina talaga nito magsasabi din pala ng goodbye papagalitan pa ako.
“Goodbye sir” sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko. Paglabas ko ay medyo naninibago pa rin ako dahil wala ni kahit isang bumabati sa akin o kahit man Lang pumansin sa akin ay wala. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang mapunta ako sa kabilang department. Baka hindi ko mahanap ang room ni lhucke dahil una hindi ko alam kung anong course niya at pangalawa hindi ko alam ang apelyedo niya.
“Shonne? Ikaw ba yan?” Turan sa akin ng isang babae habang may dala dalang bucket ng chicken joy.
“Hmmmm” tanging nasagot ko
“It’s me! Alexa!” Tugon nito kaya napa-isip ako kung may alexa akong kilala.
“Grabe ka naman. Bestfriends tayo nung elementary! Hoy Clark nandito si shonne!!!!” Sigaw nito at kinawayan ang lalaking naglalakad Na may kasama ding isang lalaki.
“Alexa vale?” Taka kong Tanong
“Oo. As in A L E X A” tugon nito
“Weh???? Sipunin yung Alexa na kilala ko eh” Turan ko at binatukan niya ako.
“Makabully ka sa akin. But look at me now I’m one of the hottest girl in our house” tugon nito at nagpasexy pose pa.
“Hahaha ikaw nga yan Alexa.”
“Pareng shonne. It’s been a long time since nagkita tayo. Di ko akalain Na after all this time di mo pa nasubukang mag shave” tugon nito at tumawa.
“Oo nga shonne. Ibang iba ka doon sa poster sa labas. Napakagwapo mo dun pero anyare?” Tanong ni Alexa
“It’s a long story. Ano labas tayo treat ko” tugon ko sa kanila. At sumang-ayon naman sila.
Agad kaming lumabas ng school at naghanap ng pwedeng magpagtambayan slash makainan Na rin. Di talaga ako makapaniwala sa mga pagbabago ng mga bestfriend ko noon. Halos Di ko sila makilala Buti nalang ay katulad pa rin ako ng dati, gwapo. Tanging si Alexa Lang ang daldal ng daldal habang kaming tatlo ay nakikinig Lang sa kanya.
“So what is the story behind that look?” Biglang tanong ni Alexa na ikinatigil ko sa pagnguya ng pagkain.
“Mmmmm it’s a long story kasi” Sagot ko dito at nagpatuloy sa pagkain.
“Kaya nga simulan mo na eh para e continue natin bukas” tugon nito sabay batok sakin.
“Isa nalang talaga at babatukan din Kita” pagbabanta ko rito.
“Ano Na kasi! Ang tagal nating Hindi nagkita tapos ang damot mo magkwento” pagtatampo nito
“Pinalayas ka ba sa inyo pareng shonne?” Tanong ni Clark habang naka akbay sa katabi nitong lalaki. Oo nga pala sino naman tong isang to.
“Nga pala sino siya?” Tanong ko dito
“Mmmm iniiba mo Lang ang usapan eh. By the way siya si Gelo boyfriend ko” tugon ni Clark na ikinabigla ko
“B-boyfriend mo?” Paglilinaw ko
“Oo bakit may masama ba?” Tanong nito
“Mmm Wala naman. Di mo sinabi sakin Na bading ka pala” tugon ko dito at binatukan ako.
“Ulol! Hindi ako bading. Tanging si Gelo Lang ang minahal ko Na lalaki. At isa pa hinding hindi ako magkakagusto sa ibang lalaki. Maswerte Lang talaga tong isang to dahil sa kanya tumibok ang puso ko.” Tugon nito at siniko naman siya ni gelo.
“Ang cheezy mo!” Biglang sabat ni alexa sabay tapon ng French fries dito.
“Ewan ko sayo! Basta mahal ko tong lalaking to kahit magmukha akong bakla” tugon nito at hinalikan si gelo sa pisnge at siniko ulit ito ni gelo Na halatang nahihiya.
“Tigilan niyo na nga yan. So back to you shonne, Ano nga ang nangyari sayo sa loob ng pitong taon?” Tanong ni Alexa
“Hayst napakakulit mo talaga hanggang ngayon. Basta broken hearted ako ngayon” tugon ko at napasimangot naman si alexa Na halatang nabitin sa sinabi ko.
“Yan ba yung sinasabi mong long story?” Bulyaw nito
“Wala kang kwenta man kwento pareng shonne” tugon naman ni Clark at sinusubuan si gelo ng fries.
“Eto na, magkukwento na.” Sagot ko
“Broken hearted ako. One month na ang nakalipas noong naghiwalay kami ng girlfriend ko Na si crizza.” Pagkukwento ko ng biglang sumingit si Alexa
“Si crizza yung miss campus?” Tanong nito
“Oo sya nga. Minahal ko siya, halos lahat ng luho niya binigay ko. Pinagpupuyatan ko lahat ng thesis niya pati mga projects niya ako ang gumagawa kasi nga mahal ko siya. Umabot ng dalawang taon ang pagsasama namin. Wala naman nagbago sa samahan namin. Madalang Lang kaming magkita kasi pareho kaming busy as officers ng university. Second anniversary namin ng paghandaan ko siya para sa isang surprise pero laking paghihinayang ko ng ako ang Na sorpresa sa ginawa nila ng sikat Na varsity player na si reymond. Kitang kita ko kung paano sila maghalikan at kung paano lasapin ng hayop Na lalaki Na yung ang nasilang parte ni crizza. Sa sobrang galit ko ay binugbog ko si reymond. Hindi siya lumaban ngunit siniraan nila ako sa buong university. Pinalabas nila na pinagsamantalahan ko daw si crizza at tinulungan lang daw siya ni reymond ngunit binugbog ko raw. Buong university noon ay galit Na galit sa akin. Pinatawan ako ng penalty at samot saring pambubully ang inabot ko. Wala naman akong pakiaalam sa sasabihin ng iba eh ang mas nagpasakit Lang ng damdamin ko ay pinili ni crizza ang lalaking yun kesa sa akin na matagal Na niyang kilala.” Tugon ko at nakita kong maluha luha si Alexa.
“Nabubwesit ako sa babaeng yun. Parang gusto ko siyang balatan ng buhay.” Nanggigigil Na tugon ni Alexa.
“So dapat ay ayosin mo yang sarili mo. Mas lalo kang mabubully dahil jan sa ayos mo” tugon naman ni Clark
“Sinabi ko sa sarili ko Na saka na ako magpapaayos kapag may tao ng tumanggap kung kahit ganito ang itsura ko” tugon ko
“Eh tanggap ka naman namin eh” turan naman ni Alexa.
“Ahh basta saka na ako magpapaayos” sagot ko rito
“Bahala ka nga. Oh Eto chicken joy para sumaya ka” tugon nito at inabutan ako ng chicken leg.
Hayst matagal tagal Na rin mula noong may mapagsabihan ako ng nararamdaman ko. Inaamin ko na masarap sa pakiramdam ang makapagpalabas ng hinanakit. Buti nalang talaga at nakita ko ang mga matalik na kaibigan ko noon.
Itutuloy…..

