My Hot Kapitbahay
lhiamaya · 44 chapters · 70,107 words
A/N
Read at your own risk!
Contains Mature Scenes! 🔞
Blurb:
Dahil bigo sa unang pag ibig si Racquel ay lumayas sya sa Manila at nagbalik
probinsya
. Doon ay ginamot nya ang pusong sawi at
sugatan
. Ngunit hindi pa naghihilom ang sugatang puso ay tila gusto na agad nitong sumabak muli sa panibagong laban ng pag ibig. Sino ba naman kasi ang hindi iibig sa kanyang kapitbahay na saksakan ng kisig at
gwapo
?
Juan Miguel Herrera & Racquel
Chapter 1
Racquel POV
“HI honey! How are you?” Masigla at malambing na bati ko sa nobyo ng sagutin nya ang tawag ko pagkatapos ng dalawang dial.
“Oh hi Racquel – ohh shit!”
Kumunot ang noo ko ng marinig ang mahinang mura ng nobyo sa kabilang linya.
“Are you okay, hon?” Nag aalalang tanong ko.
“Y-Yeah yeah! I-I’m okay hon.. m-medyo nahilo lang ako.”
“Ha? Bakit? Ano bang ginagawa mo?”
“U-Uh n-nothing.. masama lang kasi ang pakiramdam ko kaya.. m-medyo nahihilo ako..”
“You’re sick?” Bulalas ko.
“Y-Yes honey.. m-masama ang pakiramdam ko eh. N-Naulanan kasi ako kahapon..”
“Oh..”
“Ah Racquel hon.. i-ibababa ko na tong phone. N-Nahihilo talaga ako eh. Let’s talk na lang later, okay? Bye.”
“Nathan wait – “ Naputol ang sasabihin ko ng pinatay na ng nobyo ang linya.
Napabuntong hininga na lang ako at binaba na ang cellphone.
Di bale. Pupuntahan ko na lang ang nobyo sa condo nya. I’m sure masu-surprise sya na makita ako. Pero bago yun, bibili muna ako ng pagkain para sa kanya. Siguradong maghapon lang syang nakahilata at tamad kumain. Ganun kasi sya kapag may sakit.
Ni-u turn ko ang kotse para balikan ang resto na nadaanan ko para bumili ng pagkain.
Galing ako sa two weeks trip ko sa Japan. Actually di naman umabot ng two weeks ang trip ko. Ten days nga lang at pinauwi na ako mama. One month ang hiningi kong leave sa kumpanya para makapag unwind. Stress na stress na ako at buryong na buryong na sa trabaho ko bilang sales manager. Nag iisip na nga akong mag resign na at magtayo na lang ng sarili kong negosyo, tutal naman ay may sapat na akong ipon.
Makalipas ang thirty minutes ay nakarating na ako sa condominium. Bitbit ang brown paper bag na may lamang pagkain ay pumasok na ako sa elevator at pinindot ang floor ng unit ni Nathan. Habang naghihintay ay binuhay ko ang cellphone at dinial ang number ng best friend kong si Abi. Pero hindi sya sumasagot. Baka busy sa shop nya. Meron kasi syang apparel shop sa isang mall sa Cubao.
Mamaya ko na lang sya ulit kokontakin.
Binalik ko ang cellphone sa bag ko. Makalipas ang ilang sandali ay bumukas na ang elevator. Nakarating na ako sa floor kung nasaan ang unit ni Nathan.
Lumabas ako at naglakad na.
Pinindot ko ang passcode. Narinig ko ang mahinang click at pinihit ko na ang doorknob at binuksan ang pinto. Pumasok ako at dumiretso sa kusina. Nilapag ko sa counter ang brown paper bag at lumabas muli ng kusina. Malamang ay nasa kwarto si Nathan at nagpapahinga.
Ngunit natigilan ako ng mapansin ang isang designer white shoulder bag na nasa couch. Nilapitan ko yun at tinitigan. Halatang bago pa ang shoulder bag.
‘May bisita ba si Nathan?’
Dahan dahang lumingon ako sa itaas ng hagdan. Kumabog ang dibdib ko. Kung ano anong senaryo ang pumasok sa isip ko.
Lumunok ako at dahan dahang umakyat sa hagdan.
Parang tinatambol ang dibdib ko ng makarinig ng hagikgik ng isang babae. Narinig ko rin ang boses ni Nathan na paungol.
Kinuyom ko ang kamao at parang sasabog na ang dibdib ko sa galit.
Malakas kong tinulak ang pinto.
“Oh my god!”
“Oh shit – Racquel!”
Umawang ang labi ko at parang nanlaki ang ulo at tenga ko habang pasalit salit ang tingin ko kay Nathan at sa babaeng kaulayaw nya. Ang secretary nyang si Roxanne. Parehas silang hubo’t hubad at tinatakpan lang ng kumot ang mga sarili. Huling huli ko sa akto ang kababuyang nilang dalawa kanina.
“Mga walang hiya kayo! Mga baboy!” Galit na sigaw ko sabay dampot ng sapatos ni Roxanne at bato sa kanilang dalawa. Natamaan sa noo si Nathan at namilog naman ang mata ni Roxanne.
“Hayop kang gago ka! Sabi mo may sakit ka? Yun pala inatake ka lang ng kakatihan!”
“L-Let me explain Racquel please.”
“Explain what?” Hinagkis ko naman ng matalim na tingin si Roxanne na namumutla at halos di makatingin sa akin ng diretso.
Akala ko matino syang babae dahil mahinhin at parang di makabasag pinggan. Yun pala ay tama ang lahat ng sinasabi ni Abi tungkol sa kanya na mapagkunwari lang sya.
Kuyom and kamaong lumapit ako kay Roxanne.
“M-Ma’am Racquel – ugh!” Napadaing sya at pumaling ang mukha ng bigyan ko sya ng malakas na sampal.
Hindi pa ako nakuntento at sinampal ko sya ulit ng dalawang beses at sinabunutan pa.
“Ouch! Aray! Ahh – Nathan help!” Hinging tulong ni Roxanne na hindi na magkandatuto sa pagsalag ng mga sampal at sabunot ko.
“Stop it Racquel!” Awat naman sa akin ni Nathan at hinawakan ang braso ko.
Kaya sya naman ang binalingan ko. Pinagsasampal ko din sya at sinabunutan. Binuhos ko sa kanya ang galit na nasa dibdib ko. Hindi pa ako nakuntento ay dinampot ko ang sapatos ni Roxanne at ipinukpok sa ulo nya na ikinahiyaw nya.
“Fuck you woman! Sumusobra ka na!” Galit na sigaw ni Nathan.
Pero isang malakas at malutong na sampal ang binigay ko sa kanya.
“Fuck you too! Ikaw ang sumusobra na! Hindi mo makuha sa akin ang gusto mo kaya sa ibang babae mo kinuha at dito sa secretary mo pa!” Galit na asik ko at hinagkis din ng matalim na tingin si Roxanne.
“Akala ko matino kang babae dahil mahinhin ka. Yun pala mahihindutin ka! Malandi!” Isa pa uling malakas na sampal ang binigay ko kay Roxanne.
“Sinabi ng tama na Racquel!” Hinawakan ni Nathan ang braso ko pero tinabig ko ang kamay nya.
“Huwag mo kong hawakan!” Sikmat ko sa kanya.
“This is all your fault! Kaya wala kang karapatang magalit sa akin.”
Natigilan ako sa sinabi ni Nathan. “Anong sinabi mo? Kasalanan ko pa?”
“Yes! Dahil masyado kang maarte. Two years na tayo pero nagpapakipot ka pa rin na akala mo virgin ka pa – “
“Hoy! Virgin pa talaga ako hindi lang halata. Ang kapal ng mukha mo, ha!” Malakas ko syang binatukan na ikinamura nya.
Madalas nga nya akong yayain ng sex pero tumatanggi ako. Liberated man ako pero may pagpapahalaga pa rin ako sa pagkababae ko.
“Kaya huwag ka ng magtaka Ma’am Racquel kung hanapin ni Nathan sa ibang babae ang bagay na gusto nya na hindi mo kayang ibigay.”
Hinagkis kong muli ng matalim na tingin si Roxanne at ngumisi. “Huh! Ang lakas ng loob mong magbigay ng opinyon huh. Sinong mag aakalang ang pamanang at mahinhin na kagaya mo ay may tinatago palang kakatihan. Totoo nga ang kasabihan na don’t judge the book by it’s cover. At parang proud ka pang umahas ng boyfriend ng may boyfriend.” Dinukot ko ang cellphone at mabilis silang piniktyuran. Huli na para itago nila ang kanilang mga mukha.
“O hayan, magti-trending na kayong dalawa.”
“Sige, subukan mong ikalat yan, Racquel. Idedemanda kita.” Banta pa sa akin ni Nathan.
“Eh di gawin mo! Nang lalo kang mapahiya. Kayong dalawa! Magiging trending kayo ngayong buwan.” Nakangising sabi ko at tumalikod na.
“Racquel, pag usapan muna natin to. Mag usap tayo.”
Muli akong humarap sa gagong nobyo – ex na pala.
“And by the way, break na tayo. Hindi ako nagsisisi na hindi ko binigay ang sarili sayo. Gosh! Parang hinlalaki nga lang yang titi mo ang lakas pa ng loob mong mag cheat.” Sabi ko at muling tumalikod.
Iniwan ko na ang nobyo at ang babae nya na mga nakaawang ang labi..
Pagsakay ko ng kotse ay doon ko na pinakawalan ang luha at iyak ko. Masakit at naninikip ang dibdib ko. Ang sama sama ng loob ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa sa akin ito ni Nathan. Sya ang kauna unahan kong seryosong relasyon. Naging loyal ako sa kanya at hindi ako tumingin sa iba. Pero dahil lang hindi ko kayang ibigay ang sarili ko ay naghanap na sya ng init sa ibang babae. Sobrang sakit ng ginawa nya. Akala ko ay mahal nya ako.
Hindi lang sya sinungaling kundi cheater pa! Mabaog sana syang hayop sya! Ang kapal ng mukha nyang magloko eh maliit naman ang ‘kanya!’
Suminghot ako at humugot ng tissue na nasa dashboard. Pinunasan ko ang luha sa mata at pisngi at suminghot.
Humugot ako ng malalim na hininga at kinabit na ang seatbelt. Binuhay ko na ang makina at pinausad ang sasakyan.
Sa gitna ng byahe pauwi ay patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko sa aking mata..
“Racquel, ano ba ang nangyayari sayo? Magsalita ka nga?”
“W-Wala nga ma..” Sumisinghot na sabi ko at umupo sa kama.
Kararating ko lang at kamalas malasan na naabutan ko pang nandito sa bahay si mama.
“Anong wala? Kauuwi mo lang galing Japan tapos ngayon umiiyak ka. Ano ba ang nangyayari sayo? Magsalita ka nga!” Inis ng sabi ni mama na nakapamewang na.
Sumingha muna ako sa tissue at humugot ng malalim na hininga. Pinunasan ko rin ng kamay ang luha ko sa pisngi.
“W-Wala na po kami ni Nathan, ma..”
“Ano? Anong wala na kayo ni Nathan? Linawin mo nga.”
Humarap ako kay mama at lumunok. “Break na po kami.”
“Ano??” Mataas ang boses na tanong ni mama.
Nag iwas ako ng tingin at humugot muli ng tissue na nasa side table.
“Anong.. break na kayo ni Nathan? Bakit break na kayo? Anong nangyari?” Naging mahinahon na ang boses ni mama.
Humugot akong muli ng malalim na hininga at suminghot. “Galing ako sa unit nya para surpresahin sya. Ang sabi nya kasi ay may sakit sya. Pero ako ang nasurpresa, ma..” Muli akong tumingin sa ina kasabay ng pagtulo ng luha ko. “N-Nahuli ko syang ka-sex ang secretary nya..” Pumiyok ang boses ko sabay hagulhol ko.
“Susmaryosep! Totoo ba yan anak?”
Tumango tango ako. “Y-Yes ma.. kitang kita ko at huling huli ko sila sa akto.”
Lumapit sa akin si mama at niyakap ako. Yumakap din ako sa kanya at umiyak sa kanyang dibdib.
–
“O DI ba? Tama ako ng hinala? Ikaw naman kasi eh. Ayaw mong maniwala sa akin.” Litanya ni Abi.
Bumuntong hininga ako at dinampot ang baso ng fresh orange juice at sinimsim.
“Ano bang malay ko? Sino ba naman kasi ang maghihinala na may something na pala ang dalawang yun.”
“Masyado ka lang kasing nabulagan sa pagmamahal mo kay Nathan kay di ka aware sa mga nangyayari sa paligid. Ako, amoy na amoy ko eh. Yung mga simpleng tinginan at ngitian nila.”
Ilang beses na nya akong sinasabihan tungkol sa mga napapansin nya kay Nathan at Roxanne sa tuwing dadalaw kami sa opisina ng una. Hindi ko yun pinapansin dahil malaki ang tiwala ko sa nobyo at wala naman sa hitsura ni Roxanne na ganun syang klaseng babae. Pero yun pala ay tama ang lahat ng mga sinabi ni Abi.
“So ano? Pinost mo na ba sa social media ang mga picture nung dalawa? Siguradong mag ti-trending yun. Gandahan mo dapat ang caption para lalong manggigil ang mga marites na netizen. Tapos i-tag mo yung page ng company para mas bongga.” Suggestion pa ni Abi.
“Hindi ko pinost.”
Natigilan si Abi. “Aba’y bakit? Nakokosensya ka na agad? Eh sila nga di nakokonsensya sa panloloko sayo eh.”
Bumuntong hininga ako. “Galit na galit ako sa kanilang dalawa. Pero parang di ko kaya. Kung mag ti-trending silang dalawa malamang damay din ako.”
“Eh ano naman kung damay ka? Ikaw naman ang kakampihan ng lahat dahil ikaw ang biktima. O sige, ako na lang ang mag po-post.” Dinampot nya ang cellphone ko.
“Abi, huwag na lang. Mapag uusapan din ako eh.”
“Don’t worry, di ko imi-mention ang pangalan mo. Pasisikatin lang natin yung dalawa. Para makaganti ka naman sa mga pasakit nila sayo. And girl, di na uso ngayon ang martir na babae. Huwag kang mag alala, di ko gagamitin ang account mo. Gagawa ako ng dummy account.” Nakangisi pang sabi nya at nagpipindot na sa sariling cellphone nya.
“Bahala ka na nga.” Muli ko na lang dinampot ang baso at ininom ang juice.
Pero sa totoo lang gusto ko ring makaganti sa dalawa. Hanggang ngayon ay parang sinasaksak pa rin ang puso ko sa tuwing naalala ko ang tagpong naabutan ko sa unit ni Nathan.
Chapter 2
Racquel POV
“NAMUMUGTO na naman yang mga mata mo sa kakaiyak, Racquel.” Sita sa akin ni mama pag upo ko sa mesa bitbit ang tasang may lamang kape na bago kong timpla.
Namewang si mama. “Ano ka ba naman? Isang linggo mo ng iniiyakan ang walang hiyang lalaking yun. Tigilan mo na nga yan at nagmumukha ka ng palaka sa kakaiyak. Magang maga yang mga mata mo at ang laki laki pa ng eye bag mo.”
Bumuntong hininga ako at dumampot ng isang sandwich na ginawa ng kasambahay namin sabay kagat ng malaki.
“Huy Racquel. Aba’y kinakausap kita.” Untag sa akin ni mama.
Muli akong bumuntong hininga. “Huwag kayong mag alala ’ma. Mag mo-move na ako. Kakalimutan ko na si Nathan.”
“Dapat lang. Huwag mong sayangin ang luha mo sa manlolokong yun.”
Tumingin ako kay mama. “Hindi po ba kayo nanghihinayang kay Nathan?”
Nagsalubong ang kilay nya. “At bakit naman ako manghihinayang sa kanya?”
“Eh kasi di ba.. botong boto kayo sa kanya dahil mayaman sya.”
Bumuntong hininga si mama. “Dati yun noong akala ko matino talaga sya. Pero ngayong niloko ka nya syempre ayoko na sa kanya dahil wala rin pala syang pinagkaiba sa papa mong babaero. Kaya ikaw tigilan mo na ang kakaiyak sa lalaking yan. Marami pang ibang lalaki dyan. Maganda ka, anak. Marami ka pang makikitang mas nakakahigit sa kanya.”
“Tama kayo dyan, ’ma. Bakit ba ako magmumukmok para sa kanya.” Inisang subo ko na ang huling kagat ng sandwich.
“Yan! That’s the spirit Racquel. Hindi kita pinalaking talunan.”
Dinampot ko ang mug at humigop ng kape. Napangiwi ako dahil medyo mapait yun. Kulang ang asukal na nilagay ko pero keri na. Match lang naman sa namamait kong puso.
“Kelan ka pala papasok sa kumpanya nyo? Tapos na ang leave mo. Nakapag report ka na ba?”
Binaba ko ang mug. “Nagresign na po ako, ’ma.”
“Ha? Aba’y bakit?”
“Ayoko na po roon. Puro stress ang inaabot ko.”
Bumuntong hininga si mama. “Ikaw ang bahala. Marami ka namang pag a-apply-an dyan. Gusto mo bang pumasok sa kumpanya ng ninong mo? Sasabihan ko ang ninang mo.”
Umiling iling ako. “Hindi na po, ’ma. Hindi muna ako magtatrabaho.”
Kumunot ang noo ni mama. “Aba’y anong plano mo?”
Tumingin ako kay mama. “Gusto ko pong mag negosyo.”
Tumaas ang kilay nya. “Mag ne-negosyo ka? Kaya mo na ba?”
“Susubukan ko po, ’ma. Malaki laki na rin po naman ang ipon ko.”
“Eh ano naman ang balak mong i-negosyo?”
“Gusto ko pong ituloy yung negosyo ni papa na bigasan at grocery sa Pampanga.”
“Ano? Bigasan at grocery? Anak naman, sa dami ng pwede mong i-negosyo yun pa talaga? Pwede namang apparel na lang din gaya ng kay Abi o kaya mga make up. Hindi nakaka-sosyal ang bigasan anak. Hindi bagay sayo.”
Lumabi ako. Inaasahan ko na ang reaksyon ni mama. Sosyalera kasi sya at may pagka-maarte. Pero kahit ganun sya, best mother pa rin sya sa akin.
“Ma, madali po ang kita sa bigasan at grocery. Essential po yun eh. Pangunahing kailangan ng mga tao, mayaman man o mahirap. Saka sayang yung pwesto ni papa sa palengke. Walang umuupa. Nakatengga lang. Eh di pagnenegosyohan ko na lang para lumago ang ipon ko.”
Nagpakawala ng malalim na hininga si mama at kumamot sa ulo. “Bahala ka na nga. Pera mo naman yan. Eh di ibig sabihin uuwi ka ng Pampanga?”
“Ganun na nga, ’ma. Doon po muna ako. Magnenegosyo ako doon habang nag mo-move on. Sasama po ba kayo?”
“No. Hindi ako sasama. Alam mo naman na di kami okay ng mga kapatid ng papa mo.”
Bumuntong hininga ako. “Ma, hanggang ngayon ba masama pa rin ang loob mo sa mga kapatid ni papa? Matagal ng patay si papa. Ten years na. Move on din.”
“Hmp! Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa nilang pagkampi sa babae ng papa mo kesa sa akin. Kaya di ako tatapak sa lugar na yun. Ikaw na lang.” Tumalikod na si mama at lumabas ng kusina.
Humimas naman ako sa batok sabay ikot ng mata.
May pasabi sabi pa si mama na mag move na ako pero sya hindi pa rin nakakapag move on kahit sampung taon ng patay si papa. Kunsabagay, mas malalim nga naman ang sugat na iniwan sa kanya ni papa, dahil maraming taon silang nagsama at kasal pa at may anak, tapos nagawa pa syang lokohin ni papa. Ako naman ay walang tanim na galit sa ama, nagtampo lang noon. Kahit kasi niloko nya si mama ay naging mabuting ama pa rin sya sa akin. Ako pa rin ang first priority nya dahil ako lang naman ang nag iisang anak nya. Hiling ko lang sana ay makapag move on na rin si mama at mapatawad na rin nya si papa na naging mabuting asawa din naman sa kanya.
–
“Maganda nga yang naisip mong negosyo, Quel. Bigasan at grocery. Sure na may kikitain ka dahil pangunahing pangangailangan yan ng mga tao. Ako nga parang balak ko ring mag iba ng negosyo, eh. Alam mo na, marami na ring kakumpetensya sa ganitong negosyo at nagkakasulutan pa ng customer. Naku! Na-i-stress nga ako eh. Namamaos na rin ako sa pag la-live.”
“Yun talaga ang una kong naisip na i-negosyo. Kasi naalala ko noong nabubuhay pa si papa ay malakas ang bigasan nya at grocery. Sayang nga lang noong namatay sya ay wala ng nagtuloy ng negosyo nya. Si mama sana kaso ayaw nya. Bukod sa may pagka sosyalera sya ay malaki pa ang galit nya kay papa. Kaya hayun, nagsara na lang ang bigasan at grocery. Pinaupahan na lang ang pwesto nya hanggang sa natengga.”
“Sana maging successful ang itatayo mong business, baks. At ako naman, kapag tuluyan pang sumadsad itong business ko gagayahin na lang kita.”
“Support kita dyan, baks.”
“Kelan naman pala ang uwi mo ng Pampanga?”
“Sa sabado na.”
Umingos sya. “Ang bilis naman. Eh paano ba yan bibihira na lang tayong mag bonding.”
“Uuwi uwi pa rin naman ako dito sa Manila dahil nandito si mama. Kung gusto mo naman akong puntahan sa Pampanga, welcome ka naman doon anytime.” May bahay doon ang papa ko na pinangangalagaan lang ng mga tiyahin ko.
“Sige, dadalawin kita doon.”
“Asahan ko yan, ha. Dalawin mo ko doon.”
“Oo naman! Ihanap mo rin ako ng boylet doon, ha.”
“Kung may mahahanap.”
Ngumisi sya. “Hanap ka rin ng sayo.”
“Tss.. sawi pa nga ako hahanap agad ng lalaki.”
“Maganda nga yun eh. Para mabilis gumaling ang sugatan mong puso na sinaksak ng cheater mong ex.”
Bumuntong hininga ako at inikot ang mata. “Huwag na nga natin syang pag usapan. Masisira lang ang mood ko.”
“Okay, di ko na sya babanggitin.” Kunwaring zinipper nya ang bibig.
Tinotoo nga ni Abi ang pagpost sa social media tungkol sa pagtataksil ni Nathan at ni Roxanne. Nag trending nga ang dalawa at pinag usapan. Hanggang ngayon nga yata ay pinag uusapan pa rin. Hindi na ako nakikibalita dahil parang sumasariwa lang ang sakit. Binlock ko na nga sa lahat ng social media ko si Nathan pati na rin ang number nya.
Sensitive pa rin ang puso ko sa tuwing mababanggit si Nathan. Bagong bago at sariwang sariwa pa ang sugat na binigay nya sa akin. Sobra talaga akong nasasaktan sa ginawa nya. Sya lang ang lalaking minahal ko. Kulang na nga lang ibigay ko ang sarili ko sa kanya. Buti na lang hindi ko ginawa.
Mahirap, pero makakamove on din ako sa kanya. Pipilitin ko. Baka sakali makatulong ang pagpunta ko sa Pampanga sa mabilis na paghilom ng sugatan kong puso.
Chapter 3
Racquel POV
“KUH! Nandito na pala ang maganda kong pamangkin!” Tuwang tuwang sambit ni Tiyang Erlinda na syang unang sumalubong sa akin pagbaba ko ng kotse. Bunso syang kapatid ni papa.
Paglapit ni tiyang ay agad nya akong niyakap ng mahigpit. Halatang miss na miss nya ako.
“Tiyang..” Sambit ko at hinagod hagod ang likod ng tiyahin.
“Sobra kitang namiss pamangkin ko..” Naiiyak sa tuwang sambit ni Tiyang Erlinda. Kumalas sya ng yakap sa akin at hinawakan ang mukha ko. “Ang ganda ganda mo lalo ngayon at ang kinis kinis pa. Para ka ng artista.”
Natawa ako sa sinabi ni Tiyang Erlinda. “Kayo rin po tiyang, gumanda lalo.”
“Asus! Binola mo pa ako. Baka tumanda lalo.”
“Hindi naman po. Si Tiyang Claring at si Junie po?” Tanong ko at tumingin sa dalawang palapag na bahay. Lumang bahay na ito pero maayos na maayos pa naman. Bahay pa ito ng lolo at lola ko.
“Ay nasa loob si Ate Claring. Ate Claring! Nandito na si Racquel!” Tawag ni Tiyang Erlinda sa isa ko pang tiyahin.
Si Tiyang Claring ang panganay at ang papa ko naman ang pangalawa. Si Tiyang Erlinda naman ang bunso. Biyuda si Tiyang Claring at walang anak. Namatay sa aksidente ang asawa nya at hindi na sya nag asawa pa.
“Racquel!” Patiling sambit ni Tiyang Claring ng makita ako. Lumabas sya ng pinto at patakbong sinulubong ako sabay yakap ng mahigpit sa akin.
Natatawang yumakap din ako sa tiyahin. Kapag nakikita ko si Tiyang Claring ay parang nakikita ko rin si papa. Silang dalawa kasi ang magkamukha.
“Naku! Ang ganda ganda mo Racquel!” Sa sobrang tuwa pa sa akin ni Tiyang Claring ay hinalikan pa nya ako sa pisngi.
Kami talaga ni Tiyang Claring ang sobrang close dahil parang anak na ang turing nya sa akin. Noong bata pa ako ay madalas akong maiwan sa kanya dahil si papa noon ay busy sa negosyo nya sa palengke at si mama naman ay nagtatrabaho din noon sa kumpanya ng kilalang alak.
“Halika na sa loob at mainit na rito sa labas.” Ani Tiyang Claring at tinulungan nila ako ni Tiyang Erlinda na ipasok sa loob ang mga dala kong pasalubong sa kanila. Naiwan naman sa kotse ko ang ibang gamit ko dahil dadalhin ko yun sa dati naming bahay na nasa kabilang kanto lang.
“Nasaan na po pala si Junie?” Tanong ko.
“Nasa palengke, sya ang tumao dun ngayon. Tinawagan ko na nga at pinauwi na. Sinabi ko na nandito ka na.” Sagot ni Tiyang Erlinda.
Si Junie ang kaisa isang anak ni Tiyang Erlinda. Magkababata din kami at isang taon lang ang tanda nya sa akin. Ang asawa naman ni Tiyang Erlinda na si Tiyong Johny ay isang ofw. Nagtatrabaho sya sa isang farm sa New Zealand.
“Sya nga pala Racquel, nilinis na namin ang bahay nyo noong isang araw kaya wala ka ng po-problemahin.”
“Naku Tiyang Claring, nakakahiya naman po sa inyo. Eh ang balak ko po ako na ang maglilinis.” Sabi ko habang nilalantakan ang kakanin na hinain sa akin ng tiyahin.
“Alam namin yun kaya nagkusa na kami para di ka na mapagod.”
“Eh kayo naman po ang pagod.”
“Hindi naman maruming marumi ang bahay nyo. Kaunti lang naman ang nalinis namin doon. Puro alikabok nga lang.” Saad naman ni Tiyang Erlinda na nilapagan ako ng isang basong namamawis sa lamig na ice tea.
“Salamat po mga tiyang.” Nasabi ko na lang.
“Ang mama mo ba, pupunta rin ba dito?” Tanong ni Tiyang Erlinda.
Natigilan ako at hindi agad nakaimik. “Hindi ko po sure tiyang, eh. Alam nyo naman po si mama..”
“Hmm yan talagang si Aliza, hanggang ngayon may tampo pa rin sa amin.” Saad ni Tiyang Claring.
“Eh hindi pa rin po kasi nakaka move on sa ginawa noon ni tatay.”
Bumuntong hininga ang dalawa kong tiyahin.
“Naiintindihan din naman namin dahil nasaktan sya ng lubos. May kasalanan din naman kami ni Erlinda dahil mali kami ng pagkakaintindi sa kanya noon. Pero nanghingi naman kami ng pasensya.”
“Alam ko po yun Tiyang Claring. Huwag nyo na pong masyadong isipin si mama. Makaka move on din po sya at kapag nangyari yun mawawala din ang tampo nya sa inyo.” Sabi ko.
“Hay sana nga.”
“Eh kamusta na pala kayo ng nobyo mo? Kelan mo ba sya dadalhin dito para ipakilala sa amin?”
Kinagat ko ang tinidor sa tanong na yun ni Tiyang Erlinda. Yumuko ako ng bahagya at tinusok ng tinidor ang kakanin sa platito ko.
“Wala na po kami ng nobyo ko tiyang..”
“Ha? Anong wala na kayo? Hiwalay na kayo?” Si Tiyang Claring.
Bumuntong hininga ako at sumubo ng kakanin. “Opo tiyang.”
“Aba’y bakit naman kayo naghiwalay? Sayang naman di pa namin sya nakikilala.” Ani Tiyang Erlinda.
“Hay naku Erlinda, huwag mo ng usisain si Raquel at mukhang di maganda ang paghihiwalay nila ng dating nobyo nya.”
Kimi akong ngumiti kay Tiyang Claring. Kilala pa rin talaga nya ako kahit hindi ako nagsasalita.
Maya maya pa ay dumating na si Junie. Wala pa ring pinagbago sa kanya. Maingay pa rin at madaldal. Tuwang tuwa sya na makita ako at nangutang pa agad. Tuloy ay nakatikim sya ng batok kay Tiyang Erlinda.
“Totoo ba na magnenegosyo ka dito sa atin?” Tanong ni Junie.
“Oo, kaya nga ako nag resign sa kumpanya at umuwi dito.”
Tumango tango si Junie. “Maganda nga yan. Ano naman ang i-ne-negosyo mo?”
“Eh di yung dating negosyo ni papa. Bigasan at grocery store. Doon ako sa dating pwesto nya para naman mapakinabangan yun.”
“Tamang tama yan dahil nagsara ang isang malaking bigasan sa palengke.”
“Talaga? Bakit nagsara?”
“Malakas naman ang bigasan na yun kaya lang lubog sa utang. Ayun, yung kita ng bigasan pati puhunan napunta lang sa mga utang.”
“Kaya maganda talaga na magsimula ng negosyo na galing sa sariling ipon at hindi sa utang.” Wika ni Tiyang Claring.
“Tama kayo dyan tiyang. Kaya nga po nag ipon talaga ako.”
“Huwag kang mag alala, tutulungan ka namin sa negosyo mo.” Saad naman ni Tiyang Erlinda.
“Salamat po mga tiyang.”
“Ako naman bahala maghanap ng mga magiging tauhan mo sa bigasan insan. Huwag kang mag alala, mga mapagkakatiwalaan ang kukunin ko.” Presinta pa ni Junie.
“Siguraduhin mo lang ha, baka kagaya mo ring siraulo ang mga kunin mo.”
“Ay grabe sya o! Di bale ng siraulo, pogi naman.” Nakangising sabi pa ni Junie.
“Junie, siguraduhin mong matitino ang mga kukunin mong tauhan. Alalahanin mo babae yang pinsan mo.” Paalala ni Tiyang Claring.
“Opo tiyang, saka subukan lang nilang magloko tatadtarin ko sila at gagawing giniling.” Biro ni Junie.
Nagtatadtad si Junie ng karne ng baka at baboy sa palengke. Yun ang negosyo nilang mag ina at may dalawa na silang pwesto doon.
Pagkatapos mag almusal ay hinatid na ako ng mga tiyahin ko at ni Junie sa dating bahay namin na nasa kabilang kanto lang. Medyo naluha pa ako pagpasok sa bahay. Unang una ko kasing naalala si papa. Ang buo naming pamilya. Marami kaming masasayang alaala dito. Katatapos ko lang noon sa high school ng iwan naman ni mama ang bahay na ito at nanirahan kami sa Manila. After ten years ay ngayon na lang ulit ako titira dito.
Ganun pa rin ang hitsura ng bahay. Dalawang palapag ito na konkreto at may dalawang kwarto sa itaas. May malaking espasyo sa harapan ng bahay kaya may mapagpaparadahan ng kotse ko. Nagpaplano na nga akong magpalagay ng gate.
Hindi muna ako iniwan ni Tiyang Claring at Tiyang Erlinda. Pero si Junie ay bumalik na sa palengke dahil tinawagan ng isa nilang tauhan doon.
“Marami ka ng mga bagong kapitbahay dito. Pero yung mga dati nyong kapitbahay ay narito pa rin gaya nila Mang Kosme, sila Tess at yung kababata mong si Chariz.”
Tumango tango. Malaki na nga ang pinagbago ng lugar na ito pero at least ay narito pa rin ang mga dati naming kapitbahay na kaibigan na rin ng pamilya.
Binuksan ko ang sliding window ng dati kong kwarto. Tumambad sa akin ang hindi pamilyar na bahay na halatang bagong tayo.
“May bahay na pala sa bakanteng lote tiyang.” Sambit ko.
“Oo, katatayo lang nyan mga tatlong taon na yata.”
Kaya pala ngayon ko lang nakita. Huling uwi ko kasi dito ay limang taon na ang nakakaraan.
“Huwag kang mag alala mabait naman si Migz.”
Kumunot ang noo ko. “Migz? Sino pong Migz?”
“Yung nakatira sa bahay na yan. Kuh! Mabait yun at sikat dito sa lugar nyo.”
Umalis na ako sa bintana. Hindi naman ako interesadong marinig ang tungkol sa Migz na yun dahil hindi ko naman sya kilala.
Bumaba na kami nila tiyang at sakto namang dumating si Aling Tess na tuwang tuwa ng makita ako.
“Aba’y kay ganda mong babae Racquel. Para kang artista.”
Natawa ako sa sinabi ng mabait na kapitbahay. “Salamat po.”
“Dito ka na ba titira?”
“Opo.”
“Aba’y maligayang pagbabalik kung ganun. Eh ang mama mo kasama mo ba?”
“Hindi po, nasa Manila pa po sya. Naroon po kasi ang trabaho nya.”
“Naku, napakasipag pa rin nyang si Aliza. Siguro naman ay dadalaw dalaw din sya dito dahil nandito ka.”
“Opo naman.”
Nakipag chismisan pa muna sa amin si Aling Tess ng halos kalahating oras bago umuwi. Sila tiyang naman ay nagpaalam na rin dahil magluluto pa sila ng pananghalian. Dadalhan na lang daw nila ako ng pagkain mamayang tanghali.
Bumuntong hininga ako at nilibot ang tingin sa buong bahay ng mapag isa na lang ako. Ganun pa rin ang ayos ng bahay namin at kumpleto pa rin ang mga dating gamit namin. Kung ano ang hitsura nya ng iwan namin ni mama ay ganun pa rin. Siguro ay dapat ko ng baguhin ang ayos ng bahay. Pero bago yun ay magpapahinga muna ako. Madaling araw kasi akong umalis sa Manila para di abutan ng matinding traffic..
Humikab ako at bumangon. Ininat ko ang dalawang braso. Pagkatapos kumain ng pananghalian kanina ay nakatulog agad ako. Ang bilis ko lang nakatulog. Mukhang bumabawi na ang katawan ko ngayon sa tulog dahil dalawang linggo din akong puyat kakaisip sa walang hiya kong ex.
Ipinilig pilig ko ang ulo. Hindi ko na sya dapat iniisip. Ngayong nandito na ako sa Pampanga dapat ay kalimutan ko na sya.
Tinungo ko ang bintana at binuksan. Sumalubong sa akin ang maalinsangang hangin. Hapon na nga at papalubog na rin ang araw.
Sumilip ako sa labas ng bintana. Maingay sa labas dahil maraming batang naglalaro. May ilan ding mga taong naglalakad na galing sa trabaho.
“Uy tingnan nyo o! May magandang babae.” Sambit ng isang batang lalaking mataba na nakatingin sa akin. Nagtinginan din sa akin ang iba pang mga batang kalaro nya sabay kaway sa akin.
Ngumisi naman ako at kumaway din sa kanila. Hindi talaga marunong magsinungaling ang mga bata.
“Nandyan na si Kuya Migz!” Sigaw ng isang bata at sinalubong nila ang paparating na na mahabang jeep. Sinaway sila ng mga matatanda pero hindi sila nakinig. Huminto naman ang jeep at nagsisakayan ang mga bata. Pumasok ang jeep sa compound at huminto sa katabi kong bahay na bagong tayo. Mayamaya ay nagsibabaan na ang mga bata.
Napataas ang kilay ko ng bumaba sa driver seat ang isang lalaking matangkad na may malaking pangangatawan. May tattoo sya sa malaking braso. Nakasuot sya ng kupas na maong na pantalon na butas ang tuhod at puting t-shirt. May nakasampay pang puting bimpo sa kanyang balikat.
Infairness ang lakas ng dating ni mamang driver. Ang lapad ng balikat at malalaki pa ang mga braso. Pero baka naman hipon sya. Kain katawan tapon ulo. Sayang naman.
Nagsilapitan ang mga bata sa lalaki sabay lahad ng kamay. Binigyan naman sila isa isa ng pera ng lalaki. Napataas muli ang isang kilay ko ng marinig ang malaking boses ng lalaki. Malalim yun na magaspang.
“Salamat Kuya Migz!” Sabay sabay na sabi ng mga bata at bumalik na sa paglalaro.
Tumalikod naman ang lalaki at humakbang na sa bahay nya. Pero nag angat sya ng mukha at napatingin sa gawi ko.
Nahigit ko ang hininga kasabay ng pagkabog ng dibdib ko ng magtama ang mga mata namin ng lalaki.
Ohmykiffy! Ang gwapo ni mamang jeepney driver!
Chapter 4
Racquel POV
UMALIS ako sa bintana at sumandal sa pader. Sinapo ko ang dibdib na malakas ang kabog. Sa lakas nga ng kabog nito ay parang lalabas na ito sa ribcage ko.
Marami na akong nakitang gwapo at machong lalaki. Pero ngayon lang ako nakakita ng kasing gwapo ng lalaking yun na sobrang lakas pa ng dating. Ngayon lang din kumabog ng ganito ang dibdib ko. Kahit kay Nathan ay hindi ito kumabog ng ganito.
Kinagat ko ang labi. Hindi pa rin humuhupa ang malakas na kabog ng dibdib ko. Gusto ko uling sumilip sa bintana. Pero nahihiya naman ako dahil baka nandun pa ang lalaki at isipin pa nyang sinisilip ko sya.
Nagtatalo ang isip ko kung sisilip ba ako sa bintana o hindi na. Pero sa bandang huli ag sumilip na rin ako. Wala na roon ang lalaki. Pumasok na sa loob ng bahay nya. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Pero mabilis ding yun napawi sa isiping kapitbahay ko lang ang lalaki at madalas ko na syang makikita.
Migz ang pangalan nya. Narinig ko na binanggit yun ng mga bata. Sya ang Migz na sinasabi ni tiyang kanina na mabait na kapitbahay ko.
Anong swerte ko nga naman na meron akong gwapo at super hot na kapitbahay. Yun nga lang jeepney driver. Kapag nalaman ni mama na may crush akong jeepney driver lang ay siguradong sasabunutan nya ako.
Humugot ako ng malalim na hininga. Medyo humuhupa na ang kabog ng aking dibdib. Ibang klase talaga ang dating sa akin ng lalaking yun.
Sinarado ko na ang bintana at bumaba na. Pumasok ako sa kusina pero namaywang lang ako doon dahil wala naman akong gagawin. Walang laman ang kusina maliban sa mga dati naming gamit. Wala pa akong stock na pagkain kaya wala akong lulutuin. Pero bukas na bukas ay mamimili na ako.
Muli akong umakyat sa taas para maligo. Pupunta na lang ako kanila tiyang para doon kumain.
–
Kinabukasan ay sinamahan ako nila tiyang sa dating pwesto ni papa sa palengke. Malinis naman yun at medyo maalikabok lang. Wala ng laman sa loob maliban lang sa mga lumang estante. Magkatabi lang ang bigasan at ang grocery store. Naalala ko noon ay laging maraming customer sa bigasan at grocery store. Buhay na buhay noon ang lugar na ito at bubuhayin kong muli.
“May kilala kaming karpintero, sya na lang ang pagkumpunihin natin dito.” Suhestiyon ni Tiyang Claring.
“Sige po, tita. Sana po ay makausap na natin sya agad.”
“Walang problema. Mamaya ay pupuntahan natin sa bahay nya. Nakatira lang naman sya malapit sa atin.”
Wala namang masyadong sira ang tindihan. Maliban lang sa palitin ang bubong na may tulo na at sirang kisame. Pero kailangan ay makausap ko muna ang karpintero na gagawa para masabi ko ang mga ipapagawa ko. Pagkatapos ay kahit ako na lang ang maglinis.
Hindi muna ako umuwi at pinakilala pa ako nila tiyang sa mga may ari ng mga tindahan sa katabi kong pwesto. Mga mababait naman sila. Ang mga dating tindahan ay kilala si papa pati na rin ako. Tuwang tuwa pa nga sila ng makita ako.
“Mabuti naman at naisipan mong ipagpatuloy ang negosyo ng ama mo. Aba’y nakakapanghinayang din yun lalo pa at napakalakas ng bigasan at grocery store nyo noon.” Sambit ni Ka Emong na mga prutas ang tinitinda. Natatandaan ko sya dahil sa kanya kami bumibili noon ni papa ng mga prutas.
“Oo nga. Marami na ang nag tinda dito ng bigas pero hindi masyadong dinudumog gaya ng bigasan nyo noon.” Dagdag pa ni Aling Kareng na ang tinitinda naman ay mga tsinelas.
“Pero ngayong magbubukas na ulit yan ay siguradong dudumugin ulit yan. Lalo pa at maganda ang bagong may ari.”
“Oo nga. At siguradong sisipagin din ang mga boy dito na pumasok araw araw. Ngayon pa nga lang ay halos mabali na ang mga leeg kakatingin sayo.” Komento pa ng ibang tindera.
Napangisi na lang ako. Patingin tingin nga sa akin ang mga boy ng tindahan pati na rin ang mga mamimili na dumaraan.
Nilibot pa ako nila tiyang sa buong palengke. Malaki ang palengke dito sa bayan namin. Lahat ng paninda ay narito na. Araw araw ay maraming tao. Kahit ang mga taga kabilang bayan ay dito rin namimili.
Huminto kami sa harap ng malaking establisyemento na may dalawang palapag. Maraming tao ang labas pasok doon.
“Yan naman malaking grocery store dito sa loob ng palengke. Nag iisa lang yan dito. Halos lahat ng kailangan mo ay mabibili mo rin dyan sa loob. Pero kasi yung ibang tao na praktikal ay mas gustong sa labas na lang bumili dahil makakatawad nga naman.” Ani Tiyang Claring.
“At si Migz ang may ari nyan.” Dagdag ni Tiyang Erlinda.
“Si Migz po? Yung kapitbahay ko?”
“Oo. Teka, nagkita na ba kayo?”
Biglang kumabog ang dibdib ko ng maisip ang lalaki. “Uhm.. nakita ko po sya kahapon. May dala syang jeep. Jeepney driver din po sya?”
“Oo. Sampu ang jeep nyan na pinamamasada. Minsan namamasada din sya dahil sayang naman ang kita sa isang araw kung nakatengga lang ang jeep lalo pa at laging puno ang jeep nya.”
Umawang ang labi ko. “Ang galing naman po nya.. May ari na sya nitong malaking grocery store tapos namamasada pa sya.”
“At hindi lang itong grocery store at jeep ang pinagkakakitaan nya. Meron din syang paupahang pwesto dito sa palengke. Nakita mo yung bagong building na yun na may limang pinto.” Tinuro ni Tiyang Erlinda ang bagong tayong building na may lima ngang pinto at may iba ibang tindahan. “Sa kanya yun. Beinte mil ang upa sa isang buwan. Di na lugi ang umuupa dahil malakas ang pwestong yun. Meron din syang paupahang apartment malapit sa bahay nyo at meron din syang hardware shop. Yung malaking hardware shop sa bungad yung nadaanan natin kanina, kanya yun.”
“Ang yaman po pala nya, tiyang.” Sambit ko.
“Oo naman. Sa dami ba naman nyang negosyo at lahat ay malakas pa. Pero lagi naman nyang sinasabi na hindi sya mayaman.”
“Ang humble naman nya kung ganun.”
“Masipag kasi na binata yang si Migz.” Saad ni Tiyang Claring.
“Binata? Binata pa po sya?”
“Oo, binata pa. Wala pang asawa pero napaka sipag. Akala mo may sampung anak na sa kasipagan.”
Kinagat ko ang labi sa nalamang binata pa pala ang gwapo kong kapitbahay. May tuwa ding naramdaman ang puso ko.
Inaya ko sila tiyang na pumasok sa loob ng grocery store ni Migz. Dito na lang ako bibili ng mga kailangan ko.
Pagpasok sa loob ng grocery store ay sumalubong sa akin ang maraming tao. Dalawang palapag ang grocery store na may escalator at hagdan pa. Hindi naman sya sobrang laki, katamtaman lang ang laki nya. Kumuha na ako ng pushcart at naglibot na sa loob ng grocery store kasunod ang dalawa kong tiyahin. Marami ngang mabibili dito sa loob. Hindi lang mga groceries, meron ding appliances, mga gamit sa bahay, damit, tsinelas at kung ano ano pa. Para na syang mini mall. At ang mga presyo ay abot kaya lang naman. Ang mga mamimili ay marami din kung bumili. Nagkaroon tuloy ako ng ideya sa mga panindang ilalagay ko sa grocery store ko. Syempre unang una ang mga essential. Mga pangunahing kailangan ng mga tao.
Pagkatapos kong makapamili ng mga kailangan ko sa bahay ay lumabas na kami ng grocery store. Dumiretso na kami sa pinaka loob ng palengke, sa pwesto ng mga karne. Naabutan namin doon si Junie na nagtatadtad ng karne ng baka. Abala sya at ang dalawang tauhan sa pag assist ng mga customer.
“Mukhang nakapag grocery ka na insan, ah.” Puna ni Junie at tiningnan ang bitbit kong isang malaking plastic bag.
“Oo, mga kailangan ko sa bahay. Sinamahan ako nila tiyang.” Sabi ko.
“Sa grocery store kami ni Migz namili.” Saad ni Tiyang Erlinda na tumulong na rin sa pag assist sa mga bagong dating na customer.
Malakas ang karnehan nila tiyang. Maramihan kung bumili ang mga customer at pailan ilan lang ang tingi.
“Uy, kayong dalawa sa customer ang tingin hindi sa pinsan ko. Hindi karne ng baka yan.” Sita ni Junie sa dalawa nyang tauhan na panay ang tingin sa akin.
Kumamot ang mga ito sa ulo dahil sa hiya.
“Pasensya na Boss Junie, ang ganda ng pinsan nyo eh.” Anang isang tauhan na semi kalbo.
“Syempre! Pinsan ko yan eh. Magaganda talaga ang lahi namin.” Pagmamayabang pa ni Junie.
“Eh bakit naiiba ka Boss Junie?” Tanong naman isang tauhan na payat na ikinatawa namin nila tiyang.
“May sinasabi ka Greggy? Gusto mo yatang gawin kitang bulalo.” Kunwaring banta ni Junie sa tauhan.
“Biro lang Boss Junie. Pogi din naman kayo eh. Kailangan lang titigan ng husto at hanapin kung saan banda.” Biro pa ni Greggy.
Humagalpak ako ng tawa. Inambaan naman ni Junie ng taga ang tauhan. Sinaway naman sila ni Tiyang Erlinda dahil may mga customer na naghihintay.
“Meron pa bang ribs ng baka?”
Napasinghap ako kasabay ng pagkabog ng dibdib sa pagsulpot ni Migz sa aking tabi.
Chapter 5
Racquel POV
“BOSS Migz! Anong atin?” Nakangising tanong ni Junie kay Migz.
“Ribs ng baka, pare. Isang kilo.” Nakangising sabi ni Migz at lumingon pa kanila tiyang. “Kamusta ho, Aling Erlinda, Aling Claring?”
“Eto, mabuti naman, Migz. Sya nga pala, ito pala ang pamangkin kong galing Manila.” Baling sa akin ni Tiyang Claring.
Nahigit ko naman ang hininga ng tumingin sa akin si Migz. Parang dumoble pa nga ang tibok ng puso ko.
“Sya si Racquel, ang pamangkin namin ni Erlinda na taga Manila. Sya yung kinukwento namin sayo na nakatira sa katabing bahay mo. Doon na sya ulit titira.”
Ngumisi si Migz. “Nagkita na ho kami kahapon pero di lang kami nagka usap.” Nilahad ni Migz ang malaki nyang kamay sa akin. “Migz nga pala.”
Tinanggap ko ang kamay nya at kiming ngumiti. “R-Racquel.” Nauutal pang sambit ko.
“Nice to meet you, Racquel.”
Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng pisilin pa nya ang kamay ko. Para bang may dumaloy na kuryente sa aking mga ugat. Ibang klase din ang dating ng malaki at magaspang nyang boses sa pagkakabigkas sa pangalan ko.
“N-Nice to meet you too, Migz.”
Binitawan ko na ang kamay ng lalaki dahil nanghihina na ang tuhod ko.
“Boss Migz, eto na ang baka mo. Bagong katay yan.” Inabot ni Junie ang plastic kay Migz at nag abot naman ng pera ang huli.
“Mukhang masarap ang lulutuin mo boss, ah.”
“Oo, calderetang baka. Matagal tagal na rin kasi akong di nakakapagluto nun.”
“Wow. Favorite ko yun!” Sambit ko.
Muling lumingon sa akin si Migz at ngumisi. “Talaga?”
“O-Oo, paborito ko ang calderetang baka na maraming sili.” Nahihiyang sabi ko.
“Sige, dadamihan ko ang sili tapos bibigyan kita.”
“Naku, nakakahiya naman Migz.” Sabi ko sabay kagat sa loob ng labi.
“Ayos lang, pa-welcome back ko na rin sayo. Saka magkapitbahay tayo.”
“Sige, ikaw ang bahala..” Sabi ko na lang. Baka kasi magbago pa ang isip nya di ko pa matikman ang caldereta nya.
“Wala ka bang byahe ngayon, Migz?” Tanong ni Tiyang Erlinda.
“Wala ho. May inasikaso ho kasi ako sa munisipyo.”
“Ganun ba.”
“Pauwi na ho ba kayo? Sumabay na lang kayo sa akin. Dala ko ang jeep ko. Pauwi na rin ho ako.”
“Aba’y sige! Tamang tama at pauwi na rin kami.” Ani Tiyang Erlinda at bumaling sa amin ni Tiyang Claring.
“Naku, nakakahiya naman kay Migz kung sasabay pa tayo.”
“Ayos lang ho, Aling Claring. Kesa maglakad pa ho kayo papunta sa terminal ng jeep. Nandyan lang ho ang jeep ko sa paradahan ng mga motor.”
“Oo nga naman, tiyang. Mainit pa naman.” Sabat ko. Gusto ko rin kasing sumakay ng jeep ni Migz.
Tumingin sa akin si Migz. Ngumiti naman ako sa kanya.
“Sige na nga, tara na.”
Nagpaalam na kami kay Junie at lumabas na kami ng pamilihan.
Habang naglalakad kami papunta sa jeep ni Migz ay pasimple ko syang binibistahan habang kausap nya ang dalawa kong tiyahin. Marami ang bumabati sa kanya. Halatang kilala sya dito sa palengke. Matangkad sya. Sa taas kong 5’4 nagmukha akong maliit katabi sya. Hanggang balikat lang nya ako. Nagmukha din akong bata sa laki ng katawan nya. Malapad ang mga balikat at mga braso na namumutok sa manggas. Ayoko sa lalaki ng may tattoo dahil parang maduming tingnan. Pero sa kanya, iba ang tingin ko. Parang nakadagdag pa sa hotness nya ang tattoo nya sa malaki nyang braso. Parang ang sarap haplusin at pisil pisilin. Obvious ding may tinatago syang abs sa loob ng suot nyang puting t-shirt.
Ilan kaya ang abs nya? Anim o walo? May v-line din kaya sya?
Kinagat ko ang labi at ipinilig pilig ko ang ulo.
Ano ba tong pumapasok sa isip ko? Nagmumukha na akong manyak. Two weeks ko pa lang kakabreak sa ex kong cheater tapos heto agad ako, nagnanasa agad sa isang lalaking kahapon ko lang nakita.
Well, sino ba namang hindi magnanasa dito kay Migz. Gwapo at macho. Masipag pa.. at mukhang daks din. Walang wala ang ex kong jutay na nga cheater pa. Mukhang mabilis akong makaka move on dahil kay Migz.
“Racquel.” Untag at kalabit sa akin ni Tiyang Claring.
“Po, tiyang.” Parang nagising ako sa isang panaginip. Tumingin ako kay Migz na nakatingin din sa akin. Pero may ngisi sa kanyang labi at kakaibang kislap sa kanyang mga mata.
Nag init naman ang pisngi ko at nag iwas ako ng tingin.
“Ang sabi ko kay Migz, mag nenegosyo ka ng bigas. Gusto ka daw nyang tulungan. May alam syang malaking rice mill sa Bulacan. Kilala nya ang may ari.”
Muli akong tumingin kay Migz. “Talaga?”
“Oo, pwede ka pang maka discount. Nagdedeliver din sila.”
“Sige. Titingnan ko.”
“Kelan ka ba mag u-umpisa?”
“Kapag natapos ng gawin ang tindahan. Papapalitan ko pa kasi ang bubong at kisame saka papipinturahan. Pero mabilis lang naman yun dahil gusto ko na agad makapag simula. Siguro baka next month.”
Tumango tango sya. “Sabihan mo na lang ako para masamahan kita sa rice mill ng kaibigan ko.”
“Sige ba.” Sabi ko at bigla akong na-excite.
“Maganda yung pwesto ng tindahan mo. Katabi lang ng terminal ng traysikel. Halos lahat ng mga mamimili hinuhuli na ang pagbili ng bigas dahil mabigat nga namang bitbitin.”
“Oo nga. Dating negosyo kasi yun ng papa ko noong nabubuhay pa. Gusto kong ipagpatuloy.”
“Maganda yan. Kung kailangan mo pa ng ibang tulong sabihan mo lang ako.”
Nahihiyang ngumiti. “Ang bait mo naman..”
Ngumisi sya. “Syempre kapitbahay kita. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong magkakapitbahay lang. Di ba ho Aling Claring, Aling Erlinda?”
“Tama yun.” Sang ayon ni Tiyang Erlinda.
“Saka ilang beses na rin naman kami natulungan ni Migz, Racquel. Lalo na ang pinsan mong si Junie na ilang beses ng nasasangkot sa gulo. Si Migz ang umaareglo.” Saad pa ni Tiyang Claring.
“Tumatanaw lang ho ako ng utang na loob Aling Claring. Dahil noong unang dumating ako dito sa Pampanga ay kayo ang unang tumulong sa akin. Nagtiwala kayo agad sa akin kahit di nyo ko kilala.”
“Naramdaman naman kasi namin na mabuti kang tao.”
Gusto ko sanang mag usisa pa tungkol sa lalaki. Pero nahihiya ako dahil baka mag isip sya ng iba. Saka na lang kapag medyo close na kami. Parang ang interesting kasi ng buhay nya eh.
Nakarating na kami sa nakaparadang jeep ni Migz. May mga bumati din sa kanya doon. Tinanguan lang nya ang mga ito at nginisihan. Pati nga mga babae ay tila kinikilig na binabati din sya. Tuloy ay di ko maiwasang mapaingos.
Nauna ng sumakay sa loob ng jeep sila tiyang.
“Racquel, sa unahan ka na lang sumakay. Tabihan mo si Migz. Nakakahiya naman na wala syang katabi doon.” Ani Tiyang Claring.
Syempre gusto ko yun.
“Opo tiyang.” Pumunta na ako sa front passenger seat ng jeep bitbit ang malaking plastic na pinamili ko.
Naka upo na sa driver seat si Migz at nag aabot na ng parking fee sa park boy. Ako naman ay sumakay na sa jeep. Mabuti na lang at naka sweat pants ako. Di ako nahirapang sumakay. Infairnes sa jeep ni Migz, milinis, maluwang at hindi masikip, komportable pa ang upuan.
Inayos ko ang plastic na bitbit ko sa ibaba ko. Pinaandar na ni Migz ang jeep nya. Ang dalawa kong tiyahin ay nag chi-chikahan na sa likod.
“Nag grocery ka pala sa tindahan ko.”
Nilingon ko si Migz. Nakatingin sya sa plastic na nasa ibaba ko.
“Oo, sinamahan ako nila tiyang kanina. Ang laki ng tindahan mo, ah. Parang mini mall.” Biro ko.
Tumawa naman sya at pinausad na ang jeep. Pasimple ko syang muling binistahan. Komportableng komportable sya sa harap ng manibela ng jeep. Bahagya pang nakabuka ang mga hita nyang mukhang kay titigas. Naggagalawan ang mga muscles nya sa braso.
Nang lumingon sya ay pasimple akong umiwas ng tingin. Kunwari ay may tinitingnan ako sa gawi nya.
“Naiinitan ka ba?” Tanong nya.
“Ayos lang..” Sabi ko at ngumiti sa kanya.
Pero binuksan nya ang maliit nyang electric fan at tinapat pa sa akin.
Di ko naman maiwasang makaramdam ng kilig. Ang thoughtful nya.
“Ikaw lang ba ang titira sa bahay nyo?” Tanong ni Migz sa gitna ng byahe namin.
“Oo, mas gusto kasi ni mama sa Manila. Pero dadalaw dalaw din sya sa akin sa bahay.”
“Ano pa lang dating trabaho mo?”
“Sales manager ako ng isang kumpanya.”
Sumulyap sya sa akin. “Nag resign ka?”
“Oo, mas gusto kong mag negosyo na lang.”
Tumango sya. “Kunsabagay, kung may ipon ka naman mag negosyo ka na lang. Hawak mo pa ang oras mo at wala kang boss na demanding.”
Ngumiti ako. “Tama ka dyan.”
Ngumisi sya. “Mukhang ang bata mo pa. Ilang taon ka na?”
“Twenty five.”
“Ah, hindi na pala bata.” Natatawang sabi nya.
“Ikaw, ilang taon ka na?” Tanong ko naman.
“Hulaan mo.” Nakangising sabi nya.
Napataas naman ang kilay ko at hinagod sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Sa hitsura nya ay mukhang nasa twenties lang sya. Nagmukha lang matured dahil sa balbas at bigote. Mas matanda lang siguro sya sa akin ng kaunti.
“Twenty seven?”
Tumawa sya at muling. “Hindi.”
“Nasa thirties ka na?”
Lalong lumapad ang ngisi nya. “Oo.”
Nasa thirties na pala sya.
“Thirty two?”
“Hindi. Higher pa.”
Namilog ang mata ako. “Don’t tell me, fourty ka na?”
Tumawa sya. Parang isang magandang musika ang tunog ng tawa nya. Masarap sa tenga.
“Mukha ba akong nasa fourty na? Thirty five pa lang ako.”
Umawang ang labi ko. Thirty five na pala sya. Ten years ang agwat ng edad namin. Di na masama. Matured na syang mag isip.
Chapter 6
Racquel POV
MALALIM akong bumuntong hininga ng matapos na akong mag ayos sa kusina. Sinalansan ko sa pantry ang mga pinamili ko. Nilagay ko rin sa ref ang mga frozen food, itlog at karne. Mabuti na lang at gumagana pa ang ref kahit matagal ng hindi ginagamit. Hindi na ako bibili ng bago. Halos lahat naman ng mga gamit dito sa bahay ay gumagana pa, maliban lang sa flat screen tv namin na nakasabit sa sala. Ang sabi nila tiyang isang beses sa isang linggo ay pinapagana nila ang mga gamit dito sa bahay para hindi daw masira. Buti na lang may mga tiyahin akong may malasakit sa mga gamit namin.
Naglagay ako ng ilang bote ng mineral water sa ref. Ang sabi nila tiyang ay merong mineral water station sa may kanto. Bibili na lang ako doon mamaya.
Nagsaing na ako sa rice cooker ng isang takal habang nag iisip ng uulamin ngayong tanghali. Mamayang hapon ay pupuntahin namin nila tiyang yung karpinterong sinasabi nila. Gusto ko kasing umpisahan na bukas ang pag aayos sa tindahan.
Natigilan ako ng may kumatok sa pinto.
“Sandali lang!” Sabi ko at nag punas ng kamay.
Lumabas ako ng kusina at dumiretso sa pinto. Binuksan ko yun at umawang ang labi ko ng makita si Migz na may hawak na mangkok.
Ngumiti sya sa akin na ikinakabog ng dibdib ko. “Heto na ang caldereta, luto na. Maraming sili yan.” Aniya.
Tumingin ako sa mangkok na may lamang calderetang baka. Mabango yun at marami ngang sili. Hitsura pa lang masarap na.
“Naku, talagang nag abala ka pa. Pero maraming salamat. Tamang tama nag iisip pa lang ako ng uulamin ngayong tanghali.” Nakangiti ring sabi ko at kinuha na ang mangkok.
“Teka, may kanin ka na ba?”
“Nag sasaing na ako sa rice cooker. Mabilis lang naman yun. Uhm, gusto mong pumasok?” Alok ko binuksan ng maluwang ang pinto.
Ngumisi sya. “Di na, aalis din kasi ako.”
“Saan ka pupunta?” Parang gusto kong batukan ang sarili sa tinanong ko.
Mahina syang tumawa. “Pupunta ako sa garahe para tingnan ang mga driver ko dun.”
“Ah.. sige. Salamat ulit dito sa ulam.”
“You’re welcome. Isa pa nga pala, huwag kang basta nagpapasok ng kung sino sino dito sa bahay mo lalo na at lalaki. Huwag kang basta nagtitiwala dahil mag isa ka lang dito.” Paalala nya.
“O-Oo, alam ko. Inaya lang naman kita kasi may tiwala ako sayo. Ganun..” Nakangiwing sabi ko.
Ngumisi sya. “Sige na, mauna na ako.” Aniya at tumalikod na.
“Ingat.” Pahabol pang sabi ko.
Lumingon sya sa akin at ngumisi lang.
Kinagat ko ang labi. Gusto kong kutusan ang sarili dahil para akong easy to get. Pero kasi.. gusto ko lang mapalapit sa kanya. Makipag kaibigan.
’Makipagkaibigan? Talaga ba Racquel
Emerut
?’ Kantiyaw ng isang boses sa isip ko.
Napaingos ako. Bakit ba? Kesa maunahan ako ng iba.
Sinundan ko ng tingin ang jeep ni Migz na papalabas na ng compound. Nang mawala na sya sa paningin ko ay sinarado ko na ang pinto. Inamoy amoy ko ang calderetang baka habang pabalik ako ng kusina. Amoy pa lang nakakatakam na. Nilapag ko sa counter ang mangkok at kumuha ako ng kutsara. Titikman ko muna ang caldereta habang hinihintay na maluto ang sinaing.
“Hmm..” Tumango tango ako habang ninanamnam ang sarsa at karne ng baka.
Walang eme eme, masarap magluto si Migz.
–
“Tao po. Tao po.”
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa ng may kumatok sa pinto. Sinuot ko ang tsinelas at lumapit sa pinto. Binuksan ko yun at namilog ang mata ko ng makita ang kababata at kaibigan.
“Omg Chariz!”
“Racquel!”
Nagyakap kaming dalawa at tumalon talon pa. Namiss ko ang kaibigan. Limang taon na nung huli kaming nagkita. Nagkaka usap pa rin naman kami sa social media pero di na ganun kadalas dahil parehas na kaming busy sa mga buhay namin.
“Grabe, lalo kang gumanda bakla! Kutis artista ka rin. Skincare reveal naman dyan!”
“Mamaya sasabihin ko sayo. Ihh! I miss you bakla!” Kinikilig na sabi ko at muling niyakap ang kaibigan.
Medyo nagkalaman si Chariz. Payat kasi sya noong huli kaming nagkita. Mula pa noong bata pa kami at payat na talaga sya kaya laging nabubully noon. Pero ngayon nagkalaman laman na at bagay sa kanya.
“Ang sexy mo na ngayon ah.” Sambit ko.
Ngumisi sya. “Syempre naman, iba ang nagagawa ng dilig.”
Suminghap ako sa sinabi nya. Pero naalala kong may boyfriend nga pala sya.
Ngumisi na rin ako. “Mukhang madalas kang nadidiligan ah.”
“Hindi naman, once a week lang pero tatlong putok.” Pilyang sabi nya at sabay kaming tumawa.
“Gaga ka talaga. Di na ako magugulat kung mabuntis ka.”
“Di yan. Nag iingat naman kami ni jowa no. Eh ikaw? Kamusta ka na with your jowa?”
Bumuntong hininga ako. Inaasahan ko ng itatanong nya yun.
“Wala na kami. Break na kami.”
“Ay, bakit naman? Sayang yung jowa mo, pogi pa naman.”
Umikot ang mata ko. “Pogi nga, cheater naman.” Kinuwento ko sa kaibigan ang ginawa ng ex ko. At himala na hindi na ako ganun ka-apektado. Bagaman may kaunti pa ring kirot.
“Alam mo tama yang ginawa mo, baks. Aanhin mo naman ang pogi at mapera kung cheater naman. Magkakasakit ka sa lang sa puso sa kanya.”
“Kaya nga, eh. Change topic na nga tayo. Kamusta ka na pala? Sa hotel ka pa rin ba nagtatrabaho?” Isa syang front desk supervisor sa isang hotel dito sa Pampanga.
“Oo, doon pa rin ako. Nag leave nga ako ng one week para makapag out of town kami ni jowa. Ngayon lang ako nakauwi at agad kitang pinuntahan. Kelan ka pa umuwi dito?”
“Kahapon lang ng umaga.”
“Ah.. eh kelan ang balik mo sa Manila? Nag leave ka rin ba? Sayang naman, di tayo makakapag bonding. May pasok na ako bukas eh.”
“Huwag kang mag alala, makakapag bonding pa tayo sa day off mo dahil dito na ako for good.”
Namilog ang mata nya. “Anong dito ka na for good? Dito ka na ulit titira?”
“Oo, dito na ulit ako titira. Nag resign na ako sa kumpanya at magnenegosyo na lang. Itutuloy ko ang bigasan at grocery store ni tatay.”
Lumawak ang ngiti. “Ihh! Support kita dyan bakla!”
“Salamat baks!”
Nagtagal pa hanggang hapon sa bahay si Chariz at kung ano ano lang ang pinagkukwentuhan namin. Wala pa rin syang pinagbago. Madaldal pa rin. Para syang si Abi. Siguradong magkakasundo sila kapag nagkita sila.
Pagdating ng alas singko ng hapon ay dumating sa bahay sila Tiyang Erlinda at Tiyang Claring para samahan ako sa bahay ng karpintero. Sumama na rin si Chariz.
–
“MANG Lukas, magmeryenda po muna kayo.” Alok ko sa karpintero at sa anak nya na katuwang nya. Nilapag ko sa mesang maliit ang dalawang pansit na nakalagay sa styro, puto at soft drinks na nasa malaking bote.
“Ay, salamat Racquel.” Sambit ni Mang Lukas at bumaba na sila ng hagdan na mag ama. Lumapit na sila sa maliit na mesa.
Tumingala naman ako para tingnan ang ginagawa nila. Tapos na silang magpalit ng bubong at nagpapalit na lang ng kisame. Matatapos nila ngayong araw ang pagkakabit ng kisame pati na rin sa grocery store. Bukas naman ay magpipuntura sila ng pader at mga estante. Matatapos ang tindahan ko ng wala pang isang linggo.
Tumambay muna ako sa tindahan ng isang oras at nakipag kwentuhan sa mag ama. Pagdating ng alas kwatro ay umuwi na ako.
Naniningkit ang mata ko habang naglalakad patungo sa terminal ng jeep. Alas kwatro na pero tirik pa rin ang araw at masakit pa sa balat. Mag ta-traysikel sana ako pero wala ng traysikel sa terminal. Nagkaubusan na at maghihintay pa. Kaya naman napagpasyahan kong maglakad na lang papunta sa terminal ng jeep.
May dumaang mahabang jeep at huminto sa tapat ko.
“Racquel!”
Pumitlag ang puso ko ng marinig ang malaking boses ni Migz. Lumingon ako sa jeep. Nasilayan ko ang gwapong mukha ni Migz.
Napangiti ako. “Migz!”
“Saan ka pupunta?”
“Sa terminal ng jeep. Pauwi na.”
“Sumabay ka na sa akin. Pauwi na rin ako.”
Mukhang tapos na syang mamasada.
“Sige!”
Lumapit ako sa jeep at akmang sasampa na pero nasagi ako ng isang lalaking nagmamadali. Napamura tuloy ako dahil muntik na akong masubsob sa bakal ng jeep. Mabuti na lang at nakahawak ako agad.
Pero si Migz ay binusinahan ng malakas ang lalaking nakasagi sa akin.
“Hoy! Tumingin ka sa dinadaanan mo!” Sigaw nya sa lalaki at masama itong tiningnan.
“Sorry boss, sorry miss.” Sabi ng lalaki na halatang nangilag kay Migz.
Bumaling naman sa akin si Migz. “Ayos ka lang?”
“O-Oo, salamat..” Sabi ko at sumampa na sa upuan ng jeep.
“Tss! Gagong yun, di tumitingin sa dinadaanan.” Inis na sambit nya.
“Hayaan mo na. Nag sorry naman sya. Saka may kasalanan din ako. Nagmadali din kasi ako eh.”
Kunot noong tumingin sya sa akin. “Sigurado kang ayos ka lang? Di ka ba nauntog?”
“Hindi, nakahawak naman ako agad eh. Ayos lang ako.” Nakangiting sabi ko.
Saglit nya muna akong tinitigan na para bang sinisiguro nya na ayos lang talaga ako. Hindi na tuloy magkamayaw ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Idagdag pa ang kilig na nararamdaman ko dahil sa pinapakita nyang concern sa akin.
Mayamaya ay muli na nyang pinaandar ang jeep.
Chapter 7
Racquel POV
“KAMUSTA ang tindahan?”
Nilingon ko si Migz. “Hayun, inaayos pa rin. Nakapagpalit na ng kisame. Bukas pintura naman.”
“Ang bilis ah.”
“Minamadali ko talaga para makapag umpisa na agad ako. Sayang ang araw eh.”
“Oo nga, lalo pa at fiesta na rin sa isang buwan.”
“Baka after two weeks mag start na rin ako.”
“Sasamahan na rin kita sa rice mill.”
Ngumuso ako. “Parang nakakahiya naman. Makakaistorbo ako sa pamamasada mo.”
Lumingon sya sa akin at ngumisi. “Ayos lang. Nangako ako sayo eh.”
“Sige, ikaw ang bahala..”
Pero ngayon pa lang excited na ako na samahan nya sa rice mill sa Bulacan.
Nagbagal sa patakbo ng jeep si Migz ng malapit na sa pedestrian. Sinenyasan nya ang mga tatawid na tumawid na. Natuwa naman ako sa kanya dahil may manners sya sa kalsada. Hindi gaya ng ibang mga drivers na akala mo hari ng kalsada.
At infairness din sa kanya, kahit mag hapon sa kalsada ay hindi amoy pawis. Mukhang fresh pa rin.
Makalipas ang ilang minuto ay papasok na kami sa compound namin at sinalubong kami ng mga bata na tuwang tuwa. Huminto naman si Migz at nagsisakayan ang mga bata sa likuran.
“Hi, ate ganda!” Bati sa akin ng batang mataba.
Ngumiti naman ako sa kanya. “Hello.”
“O, huwag mag tulakan. Si Jelay hawakan nyo.” Tukoy ni Migz sa batang babae na umakyat sa jeep. Sya ang pinaka bata na sa tingin ko ay nasa tatlong taong gulang lang. Hinawakan sya ng mas matandang batang lalaki.
“Upo lang ng maayos, ha. Huwag malikot.” Paalala ni Migz.
“Opo!” Sabay sabay na sabi naman ng mga bata.
Pinausad na muli ni Migz ang jeep papasok sa compound. Tuwang tuwa naman ang mga bata na akala mo ay ngayon lang nakasakay ng jeep. Nangingisi si Migz na halatang natutuwa sa mga bata. Ako naman ay napapangiti din. Nakakatuwa naman kasing pagmasdan ang mga batang masaya sa simpleng bagay lang.
Paghinto ng jeep sa tapat ng bahay ni Migz ay nagpaunahan ng bumaba ang mga bata. Sinaway naman sila ni Migz dahil nagkakatulakan na.
Bumaba na rin kami ni Migz. Pero ang mga bata ay nagsilapitan na sa kanya sabay lahad ng mga palad.
Natatawang dumukot naman sa bulsa ng pantalon si Migz at binigyan nya ng benteng barya ang bawat isa. Mukhang lagi syang handa dahil ang dami nyang baryang tigbebente.
“Manong Migz, wala pa po ako!” Anang batang lalaking maliit na kalbo at bungi. Halatang madaldal din.
“Anong manong? Ulitin mo tawag mo sa akin?” Protesta ni Migz na halatang di nagustuhan ang tinawag sa kanya ng bata.
“Ay, Kuya Migz pala!” Sabi ng bata sabay tawa at kamot sa kalbong ulo.
Pati ako ay natawa.
Lumingon sa akin si Migz at ngumisi. “Tawang tawa ka, ah.”
Kinagat ko ang labi. “Sorry naman, natawa lang ako sa bata eh.”
Nangingising umiling iling lang sya habang binibigyan ng bente ang ibang bata.
“Ate Ganda, ano po pangalan nyo?” Tanong sa akin ng matabang bata na may ngiti sa labi.
“Racquel ang pangalan ko.”
“Ako po si Cholo. Lagi po kitang nakikita, eh.” Ngiting ngiti na sabi pa nya.
“Crush ka po nyan, ate.” Singit ng batang kalbo at bungi.
Ngumuso naman si Cholo at kumamot sa ulo habang namumula ang pisngi.
“Anong crush crush? Ang bata mo pa para sa crush na yan.” Sita ni Migz kay Cholo.
“Parang crush lang naman Kuya Migz, eh.” Hirit pa ni Cholo.
“Crush crush ka pa, eh di ka pa nga tuli.” Makulit na sabi ng batang kalbo at bumaling sa akin. “Ate ganda, di pa tuli yan si Cholo kase takot sya, eh.”
Nagtawanan ang mga bata. Lalo namang namula ang mukha ni Cholo na halatang naiinis na.
“Humanda ka sa akin mamaya NatNat.” Banta na ni Cholo.
“O tama na yan, ayoko ng may nag aaway, ha. Di ko kayo pasasakayin sa jeep pag nag away away kayo.” Sabi ni Migz.
“Opo.” Sabay sabay na sabi ng mga bata.
“Kuya Migz, ligaw mo po si ate ganda?” Tanong pa ng isang batang lalaki.
Ngumisi si Migz. “Hindi. Magkaibigan lang kami.”
“Ganyan din po sabi ng tito ko noon eh. Magkaibigan lang daw sila ni Tita Jen. Tapos yun nabuntis, kaya may pinsan na ako. Mabubuntis ka rin ate ganda.” Daldal ni Natnat.
Nag init naman ng husto ang mukha ko.
Tumawa naman si Migz at parang bolang hinawakan ang ulo ni Natnat. “Ikaw talaga Natnat. Hindi kami ganun ni ate ganda.” Bumaling sa akin si Migz at nahihiyang ngumiti. “Pasensya na sa mga bata Racquel. Ganyan talaga ang mga yan. Madaldal.”
“A-Ayos lang. Naiintindihan ko naman. Bata eh.” Sabi ko. Pero iba ang epekto sa akin ng sinabi ng batang kalbo na bungi. Nawindang ako.
“Sige na, magsibalik na kayo sa paglalaro nyo.”
“Opo. Salamat po.” Sabi ng mga bata at nagtakbuhan na.
Nangingiti na lang akong sinundan sila ng tingin papunta sa tindahan at kanya kanya na ng turo.
“Buti lagi kang may barya para sa kanila.” Sabi ko.
“Oo, nagtatabi talaga ako ng barya para sa kanila.”
“Ang bait mo sa mga bata.”
Ngumisi sya. “Natutuwa kasi ako sa kanila.”
Tumango ako. Saglit na namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Naging awkward bigla.
Tumikhim ako. “Uh.. sige. Pasok na ako sa bahay.”
Tumango si Migz. “Sige. Pasok na rin ako para makapag pahinga.”
Tumango ako at tumalikod na. Para akong robot na naglakad papunta sa bahay ko.
Pagpasok sa loob ay sumandal ako sa saradong pinto sabay hugot ng malalim na hininga. Malakas ang kabog ng dibdib ko.
Parang iba na tong nararamdaman ko kay Migz.
Ipinilig pilig ko ang ulo. ’ Huwag kang masyadong marupok Racquel. Isang linggo pa lang kayo mahigit magkakilala ni Migz. Magpaka dalagang pilipina ka naman.’
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at umakyat na sa taas para magpalit ng damit.
–
“KAMUSTA ka na dyan, anak?”
Kinusot kusot ko ang mata at nag inat. Nakatulog ako sa sofa at nagising lang sa video call ni mama. Naging busy kasi ako kanina sa tindahan. Nag umpisa na kasi akong maglinis.
“Puyat ka ba?”
“Hindi po, ma. Nakatulog lang po ako sa sofa.”
“Kamusta ka na dyan?”
“Ayos lang po, ma. Malapit na pong mag start ang tindahan ko. Palalagyan ko na po ng laman. Pumunta po kayo sa blessing ng tindahan.”
“O sige, pupunta ako. Eh kamusta naman ang mga tiyahin mo?”
“Ayos naman po sila. Tinutulungan po nila ako sa pag aayos ng tindahan.”
“Mabuti naman. Sa blessing ng tindahan mo ako pupunta. Basta tawagan mo lang ako kung anong araw.”
“Opo ma, magsabay na lang po kayo ni Abi.”
Ilang minuto pa kaming nag usap ni mama sa video call. Medyo namimiss ko na nga sya kahit bungangera sya. Pero di ko naman sya mapipilit na pumirmi dito sa Pampanga kung di pa sya handa.
Pagkatapos naming mag usap ni mama ay bumangon na ako at lumapit sa bintana. Papadilim na pala. Maingay sa labas at may naririnig akong mga nagtatawanan at nagkakantahan. Mukhang may nag iinuman.
‘Dumating na kaya si Migz?’
Tinungo ko ang pinto at binuksan. Sumilip ako sa katabing bahay. Naroon ang jeep at bukas ang ilaw ng bahay nya.
Kinagat ko ang labi at sinarado na ang pinto.
Tinali ko ang mahabang buhok at tumungo na sa kusina para mag asikaso ng hapunan ko.
May natira pang kanin mula kahapon. Pero mukhang di na okay yun dahil mamasa masa na. Kaya nag saing na lang ako ng isang takal sa rice cooker. Binuksan ko naman ang ref at tumingin ng uulamin. Parang bet kong mag isda. Tamang tama na bumili ako ng galunggong kahapon. Pero kasingtigas na yun ng bato.
Natigilan ako ng may kumatok sa pinto. Sinarado ko ang ref at lumabas ng kusina.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakangising mukha ng pinsang si Junie. May hawak syang tupperware.
“Special delivery, madam.”
Tumaas ang kilay ko. “Ano yan?”
“Sinigang sa miso na salmon.” Binuksan nya ang tupperware at umalingasaw ang nakakatakam na amoy ng sinigang sa miso.
“Wow. Tamang tama, nag ki-crave ako ng isda. Di na ako magluluto.” Sabi ko at kinuha ang tupperware. “Pasabi kanila tiyang, salamat.”
“Mamaya ko na sasabihin.”
“Bakit, saan ka pupunta?”
“Uupo muna.” Nakangising sabi nya.
Kumunot ang noo ko. “Uupo?”
“Iinom dyan kanila Pareng Lando. Naaya ako eh. Birthday nya.”
“Magpaalam ka muna kanila tiyang.”
“Nagpaalam na ako kanina pa. Sige, maiwan na kita baka maubusan pa ako.” Nakangising sabi nya at tumalikod na.
Napailing naman ako at sinarado na ang pinto.
Nang maluto na ang kanin ay naghain na ako at kumain. Kailangan ko nang matulog ng maaga para maaga ding magising bukas. Maglilinis pa ako ng tindahan. At sa susunod na araw ay sasamahan na ako ni Migz sa rice mill sa Bulacan.
Sobrang bilis talaga ng mga araw. Pero ayos na rin para makapag umpisa na agad ako sa negosyo ko.
Chapter 8
Migz POV
“BOSS Migz, baka pwedeng utangin ko muna ang boundary. May sakit kasi ang bunso ko eh. Ipapa-check up bukas ni misis.” Pakiusap ni Temyong na isa sa driver ko ng jeep na nakikipasada.
“Walang problema. Limang hulugan para di ka mabigatan.”
“Salamat, boss.” Tumango ako at sinulat sa notebook ang utang ni Temyong.
Sumunod namang nagbigay ng boundary ang ibang driver. Hindi naman sila lugi dahil malaki pa rin ang naiuuwi nila sa pamilya nila. Kapag mahina ang byahe, kalahati lang ng boundary ang hinihingi ko para may maiuwi pa rin sila sa pamilya nila.
Pagkatapos kong makuha ang mga boundary ay tinungo ko ang motor ko. Tinanggal ko ang cover at binuhay ito. Chineck ko kung may problema. Ito ang gagamitin namin bukas ni Racquel papunta sa Bulacan. Mas convenient kasing mag motor kesa gumamit ng sasakyan dahil makakasingit sa trapik.
“May lakad ka, Migz?” Tanong ni Mang Manny. Ang matandang caretaker ko dito sa garahe. Dati syang palaboy at namamalimos. Naging kaibigan ko rin sya kaya inalok ko na lang na mamalagi dito sa garahe para maging caretaker. At least dito ay may masisilungan at matutulugan sya. Sinuswelduhan ko rin sya linggo linggo para may budget sya pangkain. Maayos na ang lagay nya ngayon. Malinis na at laging bagong gupit.
“Bukas ho, Mang Manny. Sasamahan ko ho ang kapitbahay ko sa Bulacan.” Sabi ko habang tsinitsek ang mga gulong.
“Babae, no?”
Lumingon ako kay Mang Manny at ngumisi. “Paano nyo ho nalaman?”
“Eh kasi, yang pang malakasan mong motor ang gagamitin mo. Kuh! Alam na alam ko yang ganyang galawan.” Nakangising sabi ni Mang Manny.
Tumawa ako. “Kayo ho talaga..”
“Maganda ba?”
Ngumisi ako. “Syempre naman, ho.”
“Sexy?”
“Panalo, ho.”
Pumalatak si Mang Manny. “Yan tayo, eh. Aba’y huwag mo ng sayangin yan. Pagkakataon mo ng mag asawa.”
“Magkaibigan lang ho kami.”
“Asus! Magkaibigan.. Magkaibigan sa ngayon. Pero pasasaan ba at magiging magka-ibigan din kayo.”
“Masyado naman kayong advance mag isip Mang Manny.”
“Sinasabi ko lang ang posibleng mangyari sa future mo. Saka, sino bang dalaga ang tatanggi sayo? Aba’y wala. Maliban na lang kung bulag.”
Nangingising napailing iling na lang ako sa sinabi ng matanda. Pero di ko maitatanggi sa loob ko na may tuwa akong nararamdaman na pinagpapareha nya kami ni Racquel. Di ko rin itatanggi na gusto ko ang dalaga. Hindi naman ako mag e-effort na samahan sya kung hindi sya espesyal sa akin. Unang beses ko pa lang syang nakita, espesyal na sya..
“Alam mo Migz, concern lang ako sayo. Ayokong magaya ka sa akin pagtanda. Mag isa at walang kasama sa buhay. Bata ka pa, magandang lalaki at mapera. Madali lang sayo ang makapag asawa. Kaya mag asawa ka na. Basta ninong ako. Ngayon pa lang, mag iipon na ako ng pang regalo sa kasal mo.”
“Huwag kayong mag alala Mang Manny, kapag naisipan ko ng mag asawa kayo ang una kong sasabihan.”
“Sinabi mo yan, ha.”
“Oho.”
Matapos kong i-tsek ang motor ay lumabas na ako ng garahe dala ang jeep ko. Mamamasada muna ako ng isang ikot bago umuwi. Sayang din kasi ang oras. Tanghali na rin ako nakapasada kanina.
.
.
Racquel POV
MATAPOS kong i-loose braid ang mahabang buhok na kulay ash brown ay sinipat ko na ang sarili sa life sized mirror. Baggy pants na maong ang suot ko at puting semi crop top sleeveless blouse na pinatungan ko ng tortilla brown cardigan jacket. Ang pampaa ko naman ay white sneakers.
Nag vibrate at umilaw ang cellphone kong nakapatong sa side table. Dinampot ko yun at kumislot ang puso ko ng makitang may text si Migz.
Migz: Nasa labas na ako.
Ako: Okay. Lalabas na ako.
Pagkatapos kong mag reply ay pinatay ko na ang cellphone at hinablot ko ang body bag na nasa kama ko. Pinatay ko na rin ang electricfan at ilaw saka ako nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Sa labas ay naabutan ko si Migz na abala sa hawak nyang cellphone. Pasimple kong pinasadahan ang suot nya. Itim na t-shirt at itim din na pantalon na medyo hakab sa kanyang mamasel na hita at itim din na safety shoes. May nakasabit na itim na aviator sa neckline ng kanyang t-shirt at may hawak pa syang leather jacket. Parang medyo pormado yata sya.
Tumikhim ako.
Nag angat ng tingin si Migz at pinasadahan din ako ng tingin. Bahagya naman akong nailang.
Ngumisi lang sya. “Tara na?” Yaya nya.
“Sige. Yung kotse ko ang gamitin natin.”
“Hindi na, maiipit tayo sa trapik kapag kotse mo ang ginamit natin.”
Kumunot ang noo ko. “Eh anong gagamitin natin?”
“Yung motor ko.”
“May motor ka?”
“Oo, nasa garahe.” Nakangising sabi nya at lumapit na sa jeep nya at sumakay.
Sumunod naman ako at sumakay na rin sa unahan. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Alas syete pa lang ng umaga. May point naman si Migz na kung ang kotse ko ang gagamitin sa byahe ay siguradong maiipit kami sa trapik. Mas convenient nga ang motor.
‘Ibig sabihin, aangkas ako sa kanya?’
Kinagat ko ang labi kasabay ng pag iinit ng aking mukha at dibdib. Parang gusto kong sabunutan ang sarili dahil wala pa nga ay kinikilig na ako.
Malawak ang garahe ni Migz. May limang mahabang jeep na nakaparada na pinupunasan ng mga driver nito. Pinarada ni Migz ang jeep na lulan namin at bumaba na kami. Binati sya ng nga driver nya. Sinalubong kami ng isang matandang lalaki na caretaker ng garahe. Si Mang Manny.
Giniya ako ni Migz sa isang pinto. Pagpasok namin doon ay tumambad sa akin ang loob na parang opisina. Mukhang dito nga sya nag oopisina. Malinis at organize ang mga gamit.
“Dito ka nag o-opisina?” Tanong ko.
“Oo, pero di naman ako dito naglalagi ng matagal. Kapag may gagawin lang.”
“Wala kang secretary?”
Ngumisi sya. “Wala. Sarili ko ang secretary ko.” Aniya habang may tila hinahanap sa drawer ng desk nya.
“Pero sa dami ng negosyo mo dapat may secretary ka.”
“Interesado ka bang mag apply? Tatanggapin kita agad.”
Ngumuso ako kasabay ng pag iinit ng mukha ko.
“H-Hindi, no. Kaya nga ako nag resign sa kumpanya at magnenegosyo na lang dahil sawa na akong humarap sa mga papel.”
Tumawa sya. “Oo nga pala.”
Matapos nyang makuha ang hinahanap ay lumabas na kami ng opisina nya.
Umawang ang labi ko ng makita ang motor ni Migz. Hindi yun basta basta motor lang kundi isa yung bigbike na itim na itim. Hindi ako maalam sa motor pero kilala ang sikat na logo nito kaya nasisiguro kong di biro ang presyo nito.
Sinuot na ni Migz ang bitbit nyang leather jacket. Nagsuot din sya ng gloves. Sumunod ay kinuha nya ang dalawang helmet na nakapatong sa rack.
Binutones ko naman ang cardigan jacket ko dahil liliparin lang ito mamaya ng hangin kapag nasa byahe kami. Magiging sagabal lang.
Kinuha ko ang helmet na inabot sa akin ni Migz at sinuot yun. Pero di naman ako magkandatuto sa pagkabit ng strap. Di naman kasi ako sanay magsuot ng helmet dahil dalawa o tatlong beses pa lang naman akong nakasakay ng motor sa buong buhay ko.
Lumapit na si Migz at sya na ang nagkabit ng strap ng helmet. Di naman magkamayaw sa pagkabog ang dibdib ko dahil sobrang lapit nya at naaamoy ko pa ang pabangong gamit nya na lalaking lalaki ang amoy. Idagdag pang suot na nya ang dark aviator nya na nakadagdag lang lalo sa kagwapuhan nya.
“Yan, ayos na.” Aniya at kinabit na rin ang sariling helmet at sumampa na sa kanyang motor at inatras yun. Lumingon sya sa akin. “Sakay na.”
“O-Oo..” Nauutal na sabi ko at lumapit sa kanya.
Nilahad nya ang kamay na may gloves. Humawak naman ako doon at sa balikat nya. Kahit papaano naman ay marunong akong umangkas ng motor.
Umayos na ako ng upo sa likuran ni Migz. Pero ang puso ko ay wala na sa ayos ang tibok. Para na itong nagwawala.
“Ayos ka na?” Nilingon ako ni Migz.
“O-Oo.”
“Hawak ka ng mabuti sa akin.”
Dalawang kamay naman akong humawak sa kanyang balikat.
“Mang Manny, alis na ho kami. Kayo na ho ang bahala dito.” Bilin ni Migz.
“O sige, ingat kayo sa byahe at magpakarami kayo – este marami sana kayong mapuntahan.” Biro ni Mang Manny.
Tumawa si Migz at umiling iling.
Ako naman ay napakagat labi na lang.
Pinausad na ni Migz ang bigbike palabas ng malaking gate ng garahe. Pagdating sa kalsada ay pinaharurot na nya ang bigbike na ikinabigla ko kaya napayakap ako sa bewang nya ng mahigpit. Narinig ko naman ang mahina nyang tawa.
Nag init na naman ang mukha ko kaya tinanggal ko ang kamay sa bewang nya dahil sa hiya. Pero binalik lang yun ni Migz sa kanyang bewang.
“Dyan ka humawak para mas safe ka.” Aniya.
Napanguso naman ako at hindi na magkamayaw sa bilis ng tibok ang puso ko.
“Kapit pa ng mabuti dahil lilipad na tayo.” Saad pa nya at mas tinulinan pa nga ang patakbo sa big bike.
Napapikit na lang ako at napayakap ng mahigpit sa bewang nya. Di ko na nga alintana na dikit na dikit na ang harapan ko sa likuran nya. Ang bilis nyang magpatakbo. Para na nga kaming lumilipad.
“First time mo bang sumakay ng motor?” Dinig kong tanong ni Migz.
Sinubukan kong dumilat at kumurap kurap. “Hindi naman. Pero mga tatlong beses lang akong nakasakay.”
“Marunong kang mag motor?”
“Hindi, umaangkas lang ako.”
“Kanino ka naman umaangkas?”
“Sa motor ng mga kaibigan ko. Pero itong motor mo ang pinaka astig na nasakyan ko.”
Muli syang tumawa. “Di ka ba nalulula?”
“Nalulula. Pero unti unti na akong nasasanay. Sa totoo lang di ko ine-expect na marunong kang mag motor.”
“Wala ng lalaki ngayon ang di marunong mag motor.”
“Kunsabagay..”
Lahat nga ng kilala kong lalaki ay marunong mag motor. Yung ex ko rin marunong mag motor pero ayaw nyang mag motor dahil mainit daw. May pagka vanidoso kasi sya, ayaw ng naiinitan. Kung may maarteng babae, meron ding maarteng lalaki at isa na doon ang ex ko. Sobrang layo nila ni Migz.
Habang nasa byahe kami ay nagkukwentuhan lang kami ni Migz ng kung ano ano. Komportable na akong nakasakay sa motor nya lalo na ang pagyakap sa kanya na parang normal na lang din sa akin. Ang sarap nga nyang yakapin eh. Ang tigas ng katawan.
Tahimik akong napabungisngis sa kapilyahang naiisip.
Chapter 9
Racquel POV
MAKALIPAS ang mahigit isang oras ay nakarating na kami ni Migz sa malaking rice mill sa Bulacan. Sumalubong sa akin ang ingay ng mga makina at mga naglalakihang truck na nagkakarga ng mga sako sakong bigas.
Una akong bumaba sa motor ni Migz at sumunod sya. Sya na rin ang nagtanggal ng strap ng helmet.
“Ayos ka lang?” Nakangising tanong nya paghubad ng helmet.
“Ayos lang, medyo nangawit lang ang puwet ko.” Sabi ko sabay himas sa puwitan.
Tumawa naman sya at sinabit na sa dalawang side mirror ang dalawang helmet.
“Boss Migz!” Bati ng isang medyo may kaliitang lalaki na mataba.
Ngumisi si Migz at tumango. Lumingon sya sa akin. “Halika na.”
Ngumiti ako at sumunod na sa kanya palapit sa lalaking tumawag sa kanya.
“Boss mo?”
“Nasa loob, tawagin ko lang po.” Agad na tumalikod ang lalaki at pumasok sa malaking warehouse.
Nilibot ko naman ang tingin sa paligid. Malaki ang rice mill at abala ang lahat ng tao sa paligid.
“Hi miss.” Bati sa akin ng isang lalaking nagkakarga ng bigas. Nagngisihan sila ng tatlo pang kasama nya.
Tinaasan ko lang sila ng kilay.
Pero natigilan sila at biglang tumalikod sabay alis.
Napakunot noo tuloy ako at lumingon kay Migz. Nakita ko ang matalim nyang tingin sa mga lalaki. Pero agad din yung nawala ng tumingin sya sa akin sabay ngisi.
Kinagat ko ang loob ng labi. Kaya pala nagpulasan ang mga lalaki dahil sinamaan nya ng tingin. Ang dating ay parang pinoprotektahan nya ako. Di ko tuloy maiwasang kiligin.
“Migz, pare!” Tawag ng lalaking kalbo at medyo malaki ang tiyan. May ngisi sa labi nya na lumapit sa akin.
“Benson, pare.”
Nagbatian ang dalawa at nagtapikan pa sa balikat. Mukhang matagal na silang magkaibigan.
Tumingin sa akin ang lalaki at ngumiti. “Who is she? Nobya mo?”
Nag init ang mukha ko sa tanong na yun ng lalaki.
Tumawa naman si Migz. “Hindi, pare. Kaibigan ko sya at bago mong kliyente. Sya ang itinawag ko sayo kahapon.”
Umawang ang labi ng lalaki at tumingin sa akin. “Oh I’m sorry, miss. Akala ko ay nobya ka ni Migz. Anyway, I’m Benson Manalo.” Sabay lahad nya ng kamay sa akin.
Tinanggap ko naman yun at ngumiti sa lalaki. “Racquel Tiglao.” Pagpapakilala ko sa sarili.
“Pasok muna tayo sa loob. Doon tayo sa opisina ko mag usap.”
Giniya kami ni Benson papasok sa dalawang palapag na gusali.
Pagpasok sa opisina ni Benson ay agad na naming pinag usapan ang pag aangkat ko ng bigas sa kanila. Madali namang kausap si Benson at hindi komplikado. Laking tuwa ko pa dahil bibigyan pa nya ako ng discount. Pinag usapan na namin ang detalye sa pagdedeliver nila ng bigas sa tindahan..
“Thank you Migz na sinamahan mo ko dito. Ang laking bagay ng tulong mo.” Sambit ko ng makalabas na kami ng gusali.
“Wala yun. Magkaibigan tayo di ba?” Nakangising sabi nya.
Ngumiti naman ako. Pero parang medyo disappointed ako sa sinabi nya.
“At dahil dyan, gusto kong bumawi sayo.” Sabi ko na lang.
Kumunot ang noo nya at lalong lumapad ang ngisi. “Anong bawi yan?”
“Kakain tayo at treat ko.”
Mahina syang tumawa. “Hindi na. Ako na ang manlilibre sayo.”
Ngumuso ako. “Ayoko nga. Ako ang manlilibre. Babawi nga ako di ba?”
“Hindi mo naman kailangan bumawi.”
“Basta, ako ang manlilibre. Period. Kapag tumanggi ka di na kita papansinin.”
Tumawa sya ulit at umiling iling. “Mahirap yan.. Sige na nga.”
Kinagat ko ang labi sa umusbong na kilig sa dibdib ko. Di ko maiwasang ikumpara sya kay Nathan. Magkasalungat talaga ang ugali nilang dalawa. Noong kami pa ni Nathan madalas ay sya ang nasusunod. Kung ano ang gusto nya ay yun lagi ang nasusunod. Nasusunod lang ako minsan kapag nagagalit na ako. Pero kasunod din nun ay tampuhan naming dalawa at aabutin pa ng ilang araw bago kami magkausap.
Nilisan na namin ni Migz ang rice mill at naghanap na kami ng restaurant na makakainan dahil parehas na kaming gutom. Sa isang seafood restaurant kami pumasok. Pinoy style ang interior ng restaurant at presko pa ang ambiance. Nakakatakam din ang mga putahe nilang seafood sa menu kaya naman nag order na kami ni Migz.
“Mukhang madalas ka dito sa Bulacan, ah.” Sambit ko habang hinihintay ang order namin.
“Hindi naman. Pero naikot ko na ang buong Bulacan sakay ng motor.”
“Sino ang kasama mo?”
“Ako lang mag isa.”
“Parang ang saya naman nun. Mamamasyal ka sa iba’t ibang lugar sakay ng motor.”
Ngumisi sya. “Masaya talaga. Yun nga ang dahilan ko kaya bumili ako ng motor. Kung gusto mo sa susunod isasama kita.”
Namilog ang mata ko. “Talaga, isasama mo ko?”
‘Sus! Emerut ka talaga Racquel. Kaya ka nga nag parinig dahil gusto mo talagang sumama sa susunod na joyride ni Migz.’
Hindi ko pinansin ang maliit na boses sa kabilang bahagi ng isip ko. Lunod ako ngayon sa kilig at tuwa.
“Oo, kung gusto mo. Okay nga yun na may kasama ako. Madalas kasi mag isa ako.”
“Sige ba!” Bulalas ko pero agad din akong tinamaan ng hiya. “Uhm, I mean gusto ko rin kasing maranasan yun eh. Mahabang byahe sakay ang motor.”
“Sigurado ka? Nakakangawit yun sa pwet.”
“Keri lang.”
Mahina syang tumawa. “Sige, sasabihan kita kung kelan.”
Nangingiting kumagat labi ako. Ngayon pa nga lang ay sobrang excited na ako.
Dumating na ang inorder naming pagkain at nagsimula na kaming kumain ni Migz. Enjoy kami sa pagkain dahil ang sasarap ng sea food na inorder namin. Sinabayan pa namin yun ng kwentuhan. Nagtawanan pa nga kami ng sabay pa kaming dumighay. Pakiramdam ko tuloy ay nag de-date kaming dalawa. Sana nga totoong date ito.
Nagpahinga muna kami ng kaunti ni Migz bago kami lumabas ng restaurant para umuwi na sa Pampanga. Parang ayoko pa ngang matapos ang pagsasama namin. Pero di bale, may susunod pa naman. Ang pamamasyal namin sakay ang bigbike nya.
“Racquel?”
Natigilan ako sa pagsuot ng helmet ng marinig ang pamilyar na boses. Sabay kaming lumingon ni Migz at umawang ang labi ko ng makita si Nathan na kabababa lang ng kotse nya.
“Nathan.”
Short update po muna :)
Chapter 10
Racquel POV
LUMAPIT si Nathan habang pasalit salit ang tingin nya sa amin ni Migz. Binigyan pa nya ng nanunuring tingin si Migz bago lumingon sa akin at ngumisi.
“Kaya pala nakipagbreak ka sa akin dahil may nakita ka ng bago. Di ka pa rin nagbabago. Madali kang magsawa at madali rin makahanap ng kapalit.”
Suminghap ako at kumunot ang noo sa sinabi ni Nathan. “Ano bang sinasabi mo Nathan?”
Lumingon ako kay Migz. Nakakunot din ang kanyang noo at salitan ding tumingin sa amin ni Nathan. Nag alala naman ako na baka kung ano ang isipin nya.
Pero si Nathan ay bumaling kay Migz. “Pare, mag iingat ka sa babaeng ito. She is a playgirl. Kapag sawa na sya sayo, madali ka lang ipagpapalit nyan gaya ng ginawa nya sa akin.”
Namilog ang mata ko. “Hindi yan totoo!”
Lalong lumapad ang ngisi ni Nathan. “Dalawang taon na ang relasyon namin. Pero walang abog abog, brineak nya ako dahil sawa na sya. Tapos isang buwan lang, heto may kapalit na ako. Makati ang babaeng yan.”
Umigkas ang palad ko ng malakas sa pisngi ni Nathan. Sa lakas ng sampal ko ay parang namanhid din ang palad ko. Gusto ko pa syang pagkakalmutin sa mukha. Ang kapal ng mukha!
Natigilan naman si Nathan na tumiim bagang at matalim na tumingin sa akin. Kinabahan naman ako at napapikit ng tumaas ang isang kamay nya. Pero wala akong naramdamang lumapat sa mukha ko.
“Fuck!”
Dumilat ako at nakita ko si Migz na mariing hawak ang pulso ni Nathan. Nakatiim bagang din sya at masama din ang tingin sa dati kong nobyo.
“Let me go. Damn it!” Sigaw na ni Nathan na halatang nasasaktan na. Wala syang laban kay Migz kapag naghamon sya. Matangkad sya pero di hamak na mas matangkad si Migz at mas malaki pa ang katawan na batak sa muscle.
Napalunok ako at kumabog na ang dibdib ko sa kaba. Napapatingin na nga rin ang mga taong dumadaan.
“M-Migz, bitiwan mo na sya. Nakakahiya na..” Sabi ko at humawak sa leather jacket nya.
Pero si Migz ay diniinan pa lalo ang hawak sa pulsuhan ni Nathan na ikinahiyaw na nito.
“Migz!”
Padaskol ng binitawan ni Migz si Nathan na ikinaatras nito. Nakangiwing hinimas himas ni Nathan ang kanyang pulsuhan.
“Halika na Racquel.” Malamig na sabi ni Migz.
“O-Oo.” Natatarantang sinuot ko na ang helmet. Kinabit naman ni Migz ang strap saka nya sinuot ang sariling helmet.
Sumakay na kami sa motor at sumibad na kami. Parehas kaming tahimik sa byahe at walang nagsasalita sa amin..
Pabiling biling ako sa higaan habang napapabuntong hininga. Hindi ako makatulog sa pag iisip dahil sa nangyari kanina.
Alas dos na kami nakauwi ni Migz galing Bulacan. Hinatid lang nya ako dito sa bahay at umalis sya ulit. Halos wala nga kaming imikan sa byahe. Di ko tuloy mapigilan mag alala at mag isip na baka maniwala sya sa sinabi ng gagong Nathan na yun. Baka na-turn off na sya sa akin. Gusto kong magpaliwanag sa kanya.
Ngunit lumipas ang ilang araw habang papalapit ang pagbubukas ko ng tindahan ay bibihira ko namang makita si Migz. Nakikita ko lang sya tuwing gabi kapag umuuwi galing pamamasada. Nahihiya naman akong istorbohin sya dahil nagpapahinga na sya. Nahihiya din akong i-text sya.
Di ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun lang ang kagustuhan kong makausap sya at mapaliwanagan tungkol sa amin ni Nathan. Basta ayokong ma-turn off sya sa akin.
–
“CONGRATULATIONS!” Sabay sabay na bati ng mga kaibigan ko, nila tiyang at ni mama ng ma-cut ko na ang ribbon at pumalakpak sila.
Today is the day na opisyal ng bukas ang tindahan ko ng bigas at grocery store. Kumpleto na ako sa lahat pati sa mga empleyado. Umpisa na ng bagong yugto ng buhay ko bilang isang negosyante.
“Kain po muna kayo.” Alok ko sa mga bisita na nakiisa sa blessing at ribbon cutting.
Si mama ay inasikaso si father at inalok ng pagkain. Ang mga tiyahin ko naman ay inasikaso din ang mga bisita. Nag pa-cater ako para di na mapagod sa pag luto sila tiyang. Inaya ko ring kumain ang mga may ari ng katabi kong pwesto.
“Congratulations again, anak. Mukhang magiging maganda naman itong takbo ng bigasan at grocery store mo.”
Ngumiti ako kay mama. “I-manifest natin yan, ’ma.”
“O sya, asikasuhin na natin ang mga bisita mo.” Bumaling si mama sa mga bagong dating na bisita. “Pasok kayo sa loob. Huwag kayong mahihiya. Maraming pagkain. Basta, dito na kayo ulit bibili ng bigas, ha.”
Natatawa na lang ako kung paano estemahin ni mama ang mga bisita. Kulang na lang magbenta na sya ngayon ng bigas. Nakakatuwa dahil suportado nya ako kahit noong una ay tutol sya sa pagnenegosyo ko ng bigas. Yun nga lang ay di pa rin nya pinapansin ang dalawa kong tiyahin. Si Junie lang ang pinapansin nya. Nakakahiya nga kanila tiyang pero wala naman akong magagawa. Pero umaasa pa rin akong magkakaayos sila.
Ang dalawa ko namang kaibigan na si Abi at Chariz ay close na. Di na nga pumepreno ang kanilang bibig sa kwentuhan. Di na nakakapagtaka na maging close sila dahil parehas sila ng ugali at parehas ding madaldal.
Pero may isa pa akong bisita na hinihintay na dumating. Tinext ko si Migz kagabi pa lang. Nagreply naman sya at sinabi nya na pupunta sya. Pero tapos na ang blessing at ribbon cutting ay wala pa rin sya.
“Insan, kain na. Baka maubusan ka.” Untag sa akin ni Junie na kumakain na.
“Oo wait lang. Nasaan pala yung dalawa mong tauhan? Di mo man lang niyaya.” Sabi ko.
“Walang maiiwan sa tindahan eh. Ipag te-take out ko na lang.”
“Bahala ka.”
Tiningnan ko ang mga bisita at mga tauhan. Kumakain na sila at bidang bida sa mga nakahaing pagkain ay ang litson na sponsored pa ni Tiyang Erlinda.
“Anak, kain ka na.” Yaya sa akin ni mama na nagsasandok na rin.
Bumuntong hininga ako at lumapit na rin sa mga nakahaing pagkain. Siguro ay mahuhuli lang ng dating si Migz.
Pagkakuha ko ng pagkain ay tumabi na ako sa dalawang kaibigan.
“Ang laki pala nitong pwesto mo, Quel. Saka maganda. Malapit pa sa terminal ng traysikel.” Ani Abi habang pumapapak ng shanghai.
“Oo, kaya nga maganda magtinda dito ng bigas at groceries.”
“Marami din bang pogi dito?” Pilyang tanong pa ni Abi.
“Meron naman. Iba iba nga lang ang variety. Gaya nyang pinsan ni Racquel na si Junie. Pogi naman. Pero kailangan mo lang titigan magdamag pa makita ang kapogian nya.” Sabi ni Chariz.
Tumawa kami ni Abi. Lagi kasi silang magkaasaran ni Junie mula noong bata pa kami.
“Yung mala adonis na variety ang gusto ko.” Hirit pa ni Abi.
Pinitik ni Chariz ang daliri. “Ay, meron akong kilala. Gwapo, as in saksakan ng gwapo. Moreno, matangkad, macho, masarap. Ruggedly handsome ang peg. Yung tipong titigan mo lang sya mababasa ka na. At halatang daks dahil malaki ang paa.”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Chariz. Para kasing kilala ko ang tinutukoy nya.
Namilog naman ang mata ni Abi. “Talaga? Ganun kagwapo?”
“Oo, kaya lang may iba ng bumabakod sa kanya.” Nakangising sabi pa ni Chariz at tumingin sa akin.
Kumunot ang noo ko.
“Ganun? Naunahan na pala ako.” Nakangusong wika ni Abi.
Pinandilatan ko naman ng mata si Chariz. Alam kong ang tinutukoy nya ay si Migz. Pero binungisngisan lang nya ako.
“Speaking of him, nandito na sya.”
Lumingon ako at parang sinibat ng pana ang dibdib ko ng makita si Migz na papasok ng tindahan. Halatang galing sya sa pamamasada dahil may hawak pang bimpong puti.
“Ay shet! Ang gwapo nga. Nakakawet.” Bulalas ni Abi.
“I told ya.”
Hindi ko pinansin ang dalawang kaibigan at tumayo ako. Sinalubong ko si Migz.
“Pasensya na, ngayon lang ako. Naipit sa trapik eh.” Ani Migz.
Ngumiti ako. “Ayos lang. Importante dumating ka.”
Ngumiti din sya at tumingin sa paligid. “Congratulations. Sa wakas, makakapag umpisa ka na.”
“Oo nga, salamat din sa suporta at tulong mo, Migz.”
“Wala yun. Magkaibigan tayo.”
Maasim akong ngumiti. Pero ang panlasa ko ay parang pumapait dahil sa sinabi nya.
“Hi Migz! Lalo tayong nagiging gwapings, ah.” Bati ni Chariz.
Ngumisi si Migz. “Maliit na bagay.” Swabe nyang sambit.
“Ah Migz, nandito pala yung isa kong friend sa Manila.” Binalingan ko si Abi na kinikilig ang hitsura habang nakatingin kay Migz. “Sya si Abi. Abi si Migz.” Pagpapakilala ko sa dalawa.
“Hi Migz! I’m Abigail Acosta. But you can call me Abi na lang for short.” Pabebeng pakilala pa ni Abi sa sarili at maarteng nilahad ang kamay.
Pabirong kinurot ko naman sya sa tagiliran na kanyang ikinaigtad. Natawa naman si Migz.
“Migz. Nice to meet you, Abi.” Tinanggap ni Migz ang kamay ni Abi.
“Nice to meet you too, Migz. Pasensya ka na dito sa friend ko. Selosa yan, eh. Kunsabagay, kung ako rin sya babakuran din kita.”
“Abi!” Suminghap ako at pinandilatan ng mata ang kaibigan.
Pero bumungisngis lang silang dalawa ni Chariz.
Tumingin ako kay Migz at nag init ang mukha ko ng makita ang ngisi nya sa labi. Lintek kasi itong si Abi eh. Sarap silihan ng bibig.
“Boss Migz! Tara kain tayo!” Malakas ang boses na tawag ni Junie kay Migz.
“Sige, pare.” Nakangising tinaas lang ni Migz ang kanyang kamay.
“Ah, halika na Migz. Kumain ka na. Saka nandito ang mama ko. Ipapakilala kita.”
Nag excuse muna ako sa dalawang kaibigan na bumalik na sa mesa at tinuloy ang pagkain. Nilapitan muna namin sila tiyang na kumakain na. Inaya din nila si Migz.
“Ma, si Migz po. Bagong friend ko dito. Malaki po ang naitulong nya sa akin dito sa tindahan.” Pagpapakilala ko kay Migz kay mama.
“Kamusta ho, ma’am.” Nilahad ni Migz ang kamay kay mama.
Pero si mama ay binigyan ng nanunuring tingin si Migz habang nakataas ang kilay. Sa huli ay tinanggap din nya ang kamay ni Migz.
“Aliza.” Tipid lang na pakilala ni mama at tumingin sya sa akin. Tingin na maraming tanong.
“Nice to meet you, ma’am.” Magalang pang saad ni Migz.
Tumango lang si mama. “Anong trabaho mo, Migz?”
“Ma.” Saway ko sa ina. Heto na naman sya eh. Pero di nya ako pinansin.
“Jeepney driver ho, ma’am.”
Namilog ang mata ni mama. “Jeepney driver?”
“Oho, galing nga ho ako sa pamamasada.”
Bumuntong hininga si mama at tumingin sa akin. Pero ang tingin nya ay nagsasabing mag usap kami mamaya.
Pilit nang ngumiti si mama kay Migz. “Kumain ka na, Migz. Huwag kang mahihiya maraming pagkain. At salamat sa tulong mo sa anak ko.”
“Wala ho yun, ma’am.”
May ilang bisitang lumapit kay Migz at bumati. Lumapit naman sa akin si mama at bumulong.
“Mag usap tayo mamaya sa bahay.”
Napabuntong hininga na lang ako habang sinusundan ng tingin si mama na lumapit sa isang dati nilang kakilala ni papa. Alam kong sesermonan nya ako mamaya tungkol kay Migz. Kilala ko si mama. Di mahalaga sa kanya ang hitsura ng lalaki. Mahalaga sa kanya ang status.
“Kumain ka na ba?” Untag sa akin ni Migz.
“Kumakain na ako ng dumating ka. Naiwan ko sa mesa yung plato ko.”
Ngumisi sya. “Di mo man lang ako hinintay.”
“Kanina pa kaya kita hinihintay. Akala ko nga di ka darating eh.” Nakangusong sabi ko.
Tumawa sya. “Naipit lang talaga ako sa trapik. Saka di pwedeng di ako sumipot. Tara, samahan mo kong kumuha ng pagkain. Nahihiya ako eh.”
Natawa na rin ako. “Halika na nga. Bubusugin kita.”
“Gusto ko yan. Busugin mo ko sa sarap.”
Nag init ang mukha ko sa sinambit ni Migz. Parang iba kasi ang kahulugan nun para sa akin. O baka greenminded lang ako.
Ipinilig pilig ko ang ulo at sinundan na si Migz na lumapit sa mga pagkain.
Chapter 11
Racquel POV
“TIYANG iuwi nyo na lang po itong ibang pagkain. Masasayang lang po ang mga ito dito sa bahay eh.” Inuwi namin ang mga tirang pagkain. Pinamigay ko na ang iba sa mga kapitbahay ko.
“O sige anak, iuuwi na lang namin yan ni ate at ipapamigay ang iba sa kapitbahay.” Saad ni Tiyang Erlinda habang naghuhugas ng mga plastic container na pinaglagyan ng mga pagkain.
“Kayo po ang bahala, tiyang.”
Mag alas syete na kami nakauwi dahil nag ayos pa kami ng tindahan at binriefing ko pa ang mga tauhan. Bukas ay start na ng operation ng tindahan ng bigas at grocery store. Maaga din akong matutulog dahil sasabayan ko bukas ang mga tauhan.
Lumingon ako kay mama na pumasok ng kusina. Dito sila matutulog ni Abi ngayong gabi at bukas ay babalik na sila ng Manila.
“Racquel.”
“Yes ’ma.”
“Yan bang Migz na yan nanliligaw sayo?”
Natigilan ako sa tanong ni mama. Pati nga si Tiyang Erlinda at Tiyang Claring ay natigilan din.
“Hindi po ’ma. Magkaibigan lang kami ni Migz.”
“Naku, siguraduhin mo lang Racquel, ha. Baka kapag nanligaw yan sayo sagutin mo agad dahil gwapo at makisig. Wala kang mapapala sa jeepney driver. Hindi ka kayang buhayin nyan.”
“Ma!” Bulalas ko.
“Aba’y bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo. Maging praktikal ka. Akala mo ba di ko napapansin ang mga kilos mo kanina sa Migz na yun. Kung makadikit ka sa kanya masyado kang halata. Ang lagkit lagkit mo rin kung tumingin.”
Napanguso ako at namula ang mukha sa sinabi ni mama.
“Pinaaalahan lang kita, Racquel. Di ka mabubuhay ng gwapo lang. Paano kapag naging kayo at nagkaanak kayo? Kulang na kulang ang kikitain nya sa pamamasada para sa inyong mag ina. Baka sa huli ikaw pa ang bumuhay sa kanya.”
“Ma, hindi po mangyayari yun.”
“Oo nga naman, Aliza. Hindi mangyayari yun dahil hindi lang naman jeepney driver si Migz kundi operator din sya at negosyante. Sampung jeep lang naman ang pag aari nya. Yung malaking supermarket sa palengke, sya ang may ari nun. May commercial building din sya na pinauupahan sa palengke at apartment. At yung malaking hardware sa bayan, sa kanya yun.” Pagbibida ni Tiyang Erlinda.
Umawang naman ang labi ni mama. “Talaga? Aba’y di na pala masama. May sinasabi din pala sa buhay ang Migz na yun at hindi lang sya basta gwapo.”
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni mama.
Umiling iling naman si Tiyang Claring. “Ikaw talaga Aliza, di ka pa rin nagbabago.”
Tumaas ang kilay ni mama at naging mataray ang mukha. “So, anong gusto mong sabihin Ate Claring?”
“Ang ibig kong sabihin, di ka pa rin nagbabago. Judgemental ka pa rin.”
Humalukipkip si mama. “Di ako judgemental, nagsasabi lang ako ng totoo, no.”
“Pero mali ang mga sinabi mo tungkol kay Migz. Hinusgahan mo agad sya.”
“Aba! Ano bang malay ko sa Migz na yun. Pinangangalagaan ko lang ang anak ko. Gusto ko lang makasiguro na mapupunta sya sa tamang lalaki. Yung lalaking di pabigat at manloloko gaya ng kapatid nyo.”
Muling natigilan si Tiyang Erlinda at Tiyang Claring.
“Oo na, naroon na tayo. Niloko ka na ng kapatid namin at hanggang ngayon ay di mo pa sya napapatawad. Pero hindi naman lahat ng lalaki ay manloloko.” Ani Tiyang Erlinda.
“Hmp! Ewan ko sa inyo.” Saad ni mama sabay irap at labas ng kusina.
Napabuntong hininga ako ulit at napakamot sa leeg. Wala pa rin talagang pagbabago si mama.
Bumaling ako sa dalawang tiyahin. “Pasensya na po sa inasal ni mama mga tiyang.” Nahihiyang sabi ko.
“Wala yun, anak. Sanay na kami dyan sa ina mo.” Saad ni Tiyang Claring.
“Bitter pa rin kasi yang mama mo. Di pa rin nakaka move on. Ten years na ngang patay si kuya, di pa rin nakakalimot.” Dugtong pa ni Tiyang Erlinda.
“Hindi mo masisisi si Aliza, Erlinda. Nasaktan sya ng labis sa ginawa ni Roland.”
“Makaka move on din po si mama. Wait lang po natin. Hindi naman habang buhay ay ganyan sya. Saka mabait naman po yan si mama. May topak lang minsan kasi menopause na.”
“Anong sabi mo Racquel?”
Napapitlag ako at natuptop ko ang bibig ng sumigaw si mama na nasa sala lang pala.
“W-Wala po, ma!” Sabi ko sa malakas na boses sabay ngiwi.
Tahimik namang bumungisngis ang dalawa kong tiyahin.
Kinagat ko na lang ang labi para pigilang matawa.
“Whoo! Ang sarap talagang mag shower. Sobrang nakaka fresh. Pero mas masarap kung may kasabay.” Nakangising sambit ni Abi paglabas nya ng banyo.
Napangisi na rin ako. Parehas talaga sila ng ugali ni Chariz. Parehas pilya. Palibhasa kasi may mga karanasan na. Ako naman, pilya din wala pa nga lang karanasan.
“Nag enjoy ka ba dito sa amin?” Tanong ko sa kaibigan ng umupo sya sa kama ko. Dahil dalawa lang naman ang kwarto dito sa bahay ay tabi kaming matutulog. Sa kabilang kwarto kasi si mama. Kwarto nila yun ni papa.
“Hmm sakto lang. Kung may nakita akong pogi baka di pa ako sumama kay Tita Aliza pauwi bukas. Puro maaasim ang nakita ko eh. Unang una na ang pinsan mong malakas mambola.”
Tumawa ako. “Grabe ka naman sa pinsan ko.”
“Lakas mambola, eh. Kulang na lang bentahan ako ng karne.”
Lalong lumakas ang tawa ko.
“Si Migz sana, kaya lang selyado na. Ayoko namang mag away tayo.” Nakangusong sabi nya at tinaasan ako ng kilay.
Nag init ang mukha ko. “M-Magkaibigan lang kami ni Migz.”
“Weh?”
“Oo nga.”
“Pero gusto mo sya?”
Hindi ako agad nakaimik at lalo lang nag init ang mukha ko.
“Uuy, di sya makasagot. Silence means yes.” Nanunuksong sabi nya.
Bumuntong hininga ako at pinagpagan ang unan. “Oo na. May g-gusto ako sa kanya..” Pag amin ko kasabay ng pagpintig ng mabilis ng puso ko.
“Sabi na, eh. Kakaiba kasi ang tingin mo sa kanya. Tinging parang hinuhubaran mo sya.”
Suminghap ako sa sinabi ng kaibigan. “Gaga, hindi no!”
Bumungisngis sya.
“Pero happy ako para sayo Quel. At least di ka na nagmumukmok dahil kay Nathan. Di hamak naman na mas gwapo si Migz no. Macho pa at lalaking lalaki.”
Speaking of Migz, di pa pala kami nakakapag usap tungkol kay Nathan. Pero at least, back to normal kami kanina. Magpapaliwanag talaga ako sa kanya. At kapag nakita ko ulit ang gagong Nathan na yun, pupukpukin ko na sya sa ulo.
Natulog na kami ni Abi. Maaga pa naman pero parehas kaming pagod at maaga pa kaming gigising bukas.
–
“THANK you po. Balik kayo.” Nakangiting sabi ko sa may edad na babaeng customer at inabot sa kanya ang plastik bag na may lamang pinamili nyang groceries. Kinuha naman nya yun at ngumiti din sa akin.
Nagmemeryenda pa kasi ang isang bagger kaya ako muna ang nag ba-bagger. Tatlo ang kahera ko at tatlo din ang bagger. Mabibilis naman mag punch ang mga kahera at mabilis ding kumilos ang mga bagger kaya di naghihintay ng matagal sa pila ang mga customer. Meron pa akong tatlong tauhan na sila namang nag re-refill ng mga stock sa estante.
Pangatlong araw na namin ngayong nag o-operate at sa far ay maganda naman ang pasok ng mga customer. Hindi malaki ang grocery store ko pero puntahan ng mga mamimili dahil katabi lang ng terminal ng traysikel. Ganun din ang bigasan namin na hindi na nawawalan ng customer simula ng magbukas kami. Kaya naman unang araw pa lang ay maganda na ang benta. Sana ay magtuloy tuloy ito.
Nang bumalik na ang bagger ay iniwan ko muna sila at pumunta naman ako sa bigasan na katabi lang. Naabutan ko ang mga tauhan na abala sa pag e-estima ng mga customer. Lima ang tauhan ko sa bigasan at isang kahera. Tumulong na rin ako sa pag e-estima. Ako na ang nagbebenta sa mga customer na pa-kilo kilo ang binibili.
Alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi bukas ang tindahan ko. Twelve hours ang pasok ng mga tauhan ko at may isang araw na day off sa isang linggo.
“Bye po ma’am. Una na po kami.” Paalam ng mga kahera ko sa grocery store. Kasasara lang namin at ang bigasan. Mas huli nga lang nag sasara ang grocery store dahil may iba pa kaming ginagawa.
“Sige, ingat kayo.” Sabi ko at nilagay sa body bag ang susi.
Pumunta ako sa terminal ng traysikel. Pero wala ng traysikel doon at naghihintay ang ibang pasahero kaya naghintay na rin ako. Hindi ako nagdala ng kotse dahil pagod na rin ako para magmaneho. Hindi pa nga rin ako kumakain. Magpapadeliver na lang ako ng pagkain sa bahay.
“Racquel.”
Lumingon ako ng may tumawag sa akin na malaki ang boses.
Tila tumalon ang puso ko ng makita si Migz na sakay ng kanyang bigbike. Dalawang araw ko syang hindi nakita.
Lumapit ako at ngumiti. “Migz.”
“Pauwi ka na?” Tanong nya.
“Oo, kasasara lang namin ng tindahan.”
“Tamang tama. Dinaanan talaga kita dito at mabuti naabutan pa kita. Sa akin ka na sumabay. Kumain ka na ba?”
“Hindi pa.”
Ngumisi sya. “Ako rin hindi pa. Kumain muna tayo bago umuwi. Gutom na ako, eh.”
“Sige.”
Umangkas na ako sa likuran ng bigbike at humawak sa bewang ni Migz. Dalawang araw ko din syang di nakita at hindi ko alam kung saan sya nagpunta kaya medyo namimiss ko sya. Pinausad na nya ang bigbike at napansin ko ang mga tao sa paligid na nakatingin sa amin. Pinagkibit balikat ko na lang yun.
Sa isang grilled resto kami kumain ni Migz at sagot nya. Natatawa pa kami habang kumakain dahil parehas kaming gutom.
“Saan ka pala galing? Dalawang araw kitang di nakita ah.” Sambit ko habang pumapapak na ng leche flan.
“Sa Manila. Pinuntahan ko ang mommy ko. Pasensya na di na ako nakapagpaalam sayo dahil nagmamadali ako.” Aniya.
Ngumuso ako. “Sana nag text ka man lang sa akin nung nasa Manila ka..” Sabi ko sa tonong nagtatampo.
Ngumisi naman sya. “Bakit kailangan kong mag text sayo? Girlfriend ba kita?”
Natigilan ako sa sinabi nya at nakaramdam ng pagkapahiya. “H-Hindi naman sa ganun.. S-Syempre nag aalala ako sayo. M-Magkaibigan tayo, di ba?”
Mahina syang tumawa. “Huwag kang mag alala, next time magpapaalam na ako sayo.”
“Huwag na lang. Wala ka namang obligasyon na magpaalam sa akin.” Parang bigla akong nawalan ng gana.
Pero ang hudyo patawa tawa lang. “Tampo ka naman agad. Ikaw nga di nagkukwento sa akin na kabe-break mo lang sa nobyo mo. Magkaibigan tayo, di ba?”
Muli akong natigilan sa pagkabanggit nya sa nobyo ko. Bumagal ang pagnguya ako sabay buntong hininga.
“Naniniwala ka ba sa sinabi nya tungkol sa akin?”
“Sino? Yung ex mo?”
Tumango ako.
Ngumisi sya. “Hindi. Mukha syang gago, eh. Kaya tama lang na i-break mo. At sa susunod na makita ko sya at pagsalitaan ka ng hindi maganda i-bi-break ko ang leeg nya.”
Napangiti na ako sa sinabi nya. Dama ko ang concern nya sa akin.
“Walang katotohanan ang sinabi nya. Gumagawa lang sya ng kwento na kaya ako nakipag hiwalay sa kanya ay dahil sawa na ako. Two years ang naging relasyon namin ni Nathan. Minahal ko sya. Pero ang gago niloko lang ako. Nahuli ko lang naman sya sa condo nya na ka-sex ang secretary nya. Kaya nakipag break ako agad agad.” Kwento ko.
Pumalatak sya. “Gago nga. Mabuti at hindi ka naghabol sa gagong yun.”
“No way! Hindi ako tanga, no. Isa pa marami namang ibang lalaki dyan.”
Tumango tango sya. “Tama! Marami pang ibang lalaki. Tumingin ka lang sa paligid mo.” Aniya sabay kindat pa sa akin.
Kinagat ko naman ang labi at parang may kumikiliti sa puso ko ng kindatan nya ako. Di naman ako tanga para di maintindihan ang ibig nyang sabihin. Pero baka nag a-assume lang ako.
Umisang subo ako ng leche flan. “Talaga! Maghahanap ako ng mas gwapo at macho.” Sambit ko.
Pero tumawa lang si Migz.
Chapter 12
Racquel POV
“TIYANG, salamat po sa paglinis ng bahay. Nakakahiya naman po sa inyo. Nilabhan nyo pa ang mga labahin ko.” Nahihiyang sabi ko kay Tiyang Claring.
Lumuwas kasi ako ng Manila dahil may nilakad ako. Binilin ko lang saglit ang bahay kay Tiyang Claring. At pag uwi ko nga ay malinis na malinis ang bahay at bagong laba ang mga labahin ko. Nahihiya tuloy ako sa tiyahin ko.
“Kuh, ayos lang, anak. Di naman nakakapagod linisin itong bahay. Walis walis lang at punas punas. Yung mga labahan mo ay kaunti lang naman.”
Kumamot ako sa leeg. “Nakakahiya pa rin po, tiyang. Pero marami pong salamat.”
“Sus, di na bago sa akin ito. Dati ko naman itong ginagawa. Ako pa nga ang nagpapaligo sayo noong bata ka pa.”
Mahina akong tumawa. “Oo nga po, naalala ko.”
Wala talaga akong masabi sa kabaitan ni Tiyang Claring. Mas mabait pa nga sya kesa kay mama. Pero syempre, parehas ko silang mahal.
“Huwag ka na palang magluto ng ulam mamaya dahil nagluto si Tiyang Erlinda mo. Hahatiran ka na lang ng ulam.”
“Sige po, tiyang.”
Lumapit ako sa ref at kinuha ang tumbler ko. Binuksan ko yun at tinungga. Lumingon ako kay tiyang at nakita kong matiim syang nakatingin sa akin.
“Bakit po, tiyang?”
Bumuntong hininga sya. “Alam mo bang pulutan ka ng chismis sa palengke? Kayo ni Migz dahil madalas kayong makitang magkasama. Pati mga kapitbahay nyo rito ay napag chi-chismisan na kayo.”
Natigilan ako. “Wala naman po kaming ginagawang masama ni Migz, tiyang.”
“Alam ko, dahil magkaibigan kayo. Yun nga ang sinasabi ko sa mga chismosa dyan. Isa pa, wala namang masama na makitang madalas kayong magkasama dahil parehas naman kayong dalaga at binata.”
“Tama kayo, tiyang. Saka huwag nyo na po silang intindihan. Mananawa din po sila.”
“Ganun na nga. Pero kayo bang dalawa ni Migz ay magkaibigan lang ba talaga?”
Hindi ako agad nakasagot sa tanong ni Tiyang Claring. “Opo naman, tiyang..”
Ngumiti sya. “Kunsabagay, kung maging kayo man ay wala akong tutol. Mabait si Migz at masipag. Boto ako sa kanya para sayo anak, kung sakaling manligaw sya sayo.”
Di ko na napigilang mangiti sa sinabi ng tiyahin.
“Nakuuu, iba ang ngiti mo. Gusto mo ring ligawan ka nya no?”
Nag init ang mukha ko. “Magkaibigan lang po kami, tiyang..”
“Sabi mo eh. Pero di na ako magugulat kung maging kayo man. Bagay naman kayo eh.”
Natawa na lang ako. Sana nga magdilang anghel si Tiyang Claring.
Hindi na ako magtataka kung nachi-chismis kami ni Migz. Madalas naman talaga kaming magkasama. Palagi na kaming sabay kung umuwi sa gabi dahil dinadaanan nya ako sa tindahan. Madalas na rin kaming kumain sa labas. As in close na kami.
Pagkaalis na Tiyang Claring ay umakyat na ako sa kwarto para magbihis.
Bago ako umuwi dito sa bahay ay dumiretso muna ako kanina sa tindahan para tingnan ang mga tauhan. Nagbilin na rin ako sa kanila doon.
Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas ako ng bahay at sinilong ko na ang mga damit kong nilabahan ni tiyang. Binati ako ng isa kong kapitbahay na may edad na babae. Nakipag kwentuhan ako saglit sa kanya.
Tumingin ako sa bahay ni Migz. Bukas ang bintana at pinto. Nag chat sya sa akin kanina na hindi sya namasada dahil masama ang pakiramdam nya. Kaya nga rin ako umuwi ng maaga dahil sa pag aalala sa kanya.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nilagay sa sofa ang mga damit. Muli akong lumabas at pumunta sa kabilang bahay para tingnan si Migz.
“Migz.” Tawag ko sa binata at sumilip sa bukas na bintana. Nakita ko syang nakahiga sa sofa habang nakahalukipkip. Pilit nga lang nyang pinagkasya ang sarili sa sofa. Halata ring may sakit sya dahil namumula ang mukha.
“Kanina pa yan di lumalabas si Migz. Nag utos nga lang kanina kay Jimuel na bumili ng gamot sa botika. May sakit yata. Di rin namasada eh.” Ani Ate Mayet na napadaan at nakisilip din sa bintana.
“Nag chat nga sya sa akin kanina, ate.”
“Sige nga, tingnan mo. Baka mamaya eh mataas na ang lagnat. Baka kailangan ng dalhin sa hospital.”
Tumango ako at tinungo ang screen door. Saktong di yun naka-lock. Baka nakalimutan nyang i-lock. Pumasok ako at lumapit agad kay Migz na nakahiga sa sofa. Nakasandong puti lang sya at sweat pants. Hinawakan ko ang noo nya at muntik na akong mapaso sa init ng balat nya. Hinawakan ko rin ang kanyang pisngi at leeg. Mainit nga sya. Dumako naman ang kamay ko sa kanyang malaking braso na may tattoo. Pati doon ay mainit din sya.
Gumalaw si Migz at dumidilat na ang mga mata.
“Migz.” Tawag ko sa kanya.
Bumaling ang mukha nya sa akin at ngumiti ng makita ako. Namumungay pa ang kanyang mga mata.
“Ayos ka lang?” Tanong ko at muli hinawakan ang kanyang pisngi.
Pumikit naman sya saglit at muling dumilat sabay hawak sa kamay ko na nasa kanyang pisngi. Napalunok naman ako kasabay ng pagpitlag ng puso ko.
“Giniginaw ako..” Anas nya.
“Sandali. Papatayin ko ang electric fan.” Akmang babawiin ko ang kamay pero pinigilan yun ni Migz.
“Migz.”
Bumuntong hininga sya at binitawan na ang kamay ko. Tila naman dumoble pa ang tibok ng puso ko.
Pinatay ko na ang electric fan at sinarado ko na ang bintana.
“Sandali, ikukuha kita ng kumot. Aakyat lang ako sa kwarto mo.” Sabi ko at umakyat sa hagdan.
Ito ang unang beses na nakapasok ako sa loob ng bahay nya.
Mas malaki itong bahay nya kesa sa bahay ko. Malinis at kakaunti lang naman ang gamit.
Pag akyat ko sa itaas ay iisa lang ang kwarto. Malamang yun ang kwarto ni Migz kaya pumasok ako doon. Tumambad sa akin ang magulong kama pero malinis naman ang buong kwarto nya. Simple at naaamoy ko ang pabangong lagi nyang ginagamit.
Inayos ko muna ang magulong kama saka ako kumuha ng kumot at lumabas na para balikan si Migz. Baka kapag nagtagal pa ako ay kung ano pa ang isipin nya.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Migz na nakaupo na sa sofa at nakasandal. Nakahalukipkip at nakapikit. Halatang nilalamig.
Napangisi ako. Ang laki ng katawan pero tinatablan din pala ng lagnat.
Lumapit na ako at kinumutan sya.
Dumilat naman sya at tumingin sa akin ang namumungay na mga mata.
“Salamat, Racquel.” Aniya sa namamaos na boses.
Muli kong hinipo ang kanyang noo at leeg. Mainit pa rin sya.
“May thermometer ka ba?”
Nginuso nya ang center table. Naroon nga ang thermometer at isang plastic na maliit na may tatak ng isang kilalang drugstore. Kinuha ko ang thermometer at pinaipit sa kilikili nya.
Habang naghihintay ay pinagmamasdan ko sya. Inosenteng inosente ang mukha nya.
“Masakit din ba ang katawan mo?”
Tumango sya.
Mahina naman akong tumawa.
Tumingin sya sa akin at kumunot ang noo. “Bakit?” Inosenteng tanong nya.
Ngumisi ako. “Ang laki laki ng katawan mo pero tinatablan ka pa rin pala ng lagnat.”
Ngumisi din sya. “Anong akala mo sa akin, imortal?”
Tumunog na ang thermometer kaya kinuha ko yun. Mataas nga ang lagnat nya.
“Uminom ka na ba ng gamot?”
“Kaninang umaga pa.”
“Anong oras kanina?”
“Mga alas otso.”
“Tapos hindi ka pa umiinom hanggang ngayon?”
“Nakatulog ako, eh.”
Bumuntong hininga ako. “Sige, papainumin kita ng gamot pagkatapos ay kumain ka na.”
Parang batang tumingin sya sa akin. “Wala akong pagkain..”
“Okay, ako na ang bahala. Ano bang gusto mong kainin?”
“Gusto kong humigop ng mainit na sabaw..”
“Okay, uminom ka muna ng gamot. Teka, kukuha ako ng tubig.” Tinalikuran ko na sya at pumunta sa kusina nya.
Kumuha ako ng isang basong tubig at bumalik sa sala. Inabot ko sa kanya ang baso at isang tableta ng paracetamol. Kinuha naman nya yun at ininom. Pinahiga ko muna sya habang ako ay bumalik sa kusina nya at tsinek ang laman ng kanyang ref. Kahit papaano ay may laman naman yun. Mga bote ng mineral water, tatlong lata ng beer, itlog, hotdog at tamang tama na may isdang lapu lapu. Ang tanong, kelan pa nya ito nabili. Baka isang linggo na ito sa ref.
Nilabas ko ang tupperware na may lamang isdang lapu lapu at pinatuluan ng tubig sa lababo para lumambot.
“Migz, kelan mo pa nabili itong isda?” Tanong ko at sumilip sa labas ng kusina.
“Kahapon lang. Sariwa yan. Nakalimutan ko lang lutuin kagabi.”
“Okay, ito na lang ang sasabawan ko.” Sabi ko at muling sumilip sa loob ng ref para tumingin ng isasahog. May nakita akong kamatis, siling haba, kalamansi at talbos ng kamote. Kinuha ko ang mga yun at nilapag sa counter. Naghanap naman ako ng sibuyas at luya. May nakita naman ako. Aasiman ko na lang ito sa kalamansi. Naalala ko dati ay ganito ang niluluto ni papa kapag gustong humigop ng sabaw.
Nagsaing muna ako ng isang takal dahil walang kanin si Migz. At nang lumalambot na ang isda ay nagpakulo na ako ng tubig na may sibuyas, kamatis, luya at siling haba..
Mataman akong nakatingin kay Migz habang humihigop sya ng sabaw. Medyo kinakabahan ako dahil baka di nya magustuhan ang lasa o kaya ay makulangan sya sa asim.
“Kamusta ang lasa?” Tanong ko ng makailang kutsara na sya ng paghigop ng sabaw.
“Walang lasa.”
Sumimangot ako. “Anong walang lasa? Eh ang asim nga eh. Maraming kalamansi ang nilagay ko dyan.”
Tumawa sya. “Eh sa wala akong malasahan eh. Ganito ako kapag nagkakasakit. Walang malasahan.”
Oo nga pala. Normal lang minsan sa may lagnat na walang malasahan.
Ngumuso ako. “Sayang naman, di mo malasahan.”
“Pero unti unti ko ng nalalasahan ang asim. Lasang masarap naman.” Nakangising sabi nya.
Umikot ang mata ko. “Binobola mo lang ako.”
“Hindi. Anong tingin mo sa akin bolero?”
“Hmm.. medyo.”
Tumawa sya at tinuloy na ang paghigop ng sabaw. Kumain na rin sya ng kanin. Kahit may sakit ay magana pa rin syang kumain. At ang sarap sa pakiramdam na pinagluto ko sya.
Nang matapos syang kumain ay nagtalo pa kami sa paghuhugas ng plato.
“Ako na ang maghuhugas nyan. Kaya ko naman.” Giit ni Migz.
“Hindi na. May sakit ka kaya ako na.”
“Pero kaya ko. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko ng makainom ng gamot. Nakakahiya na sayo. Ikaw na ang nagluto ikaw pa ang maghuhugas.”
Bahagya ko syang tinulak. “Huwag ng matigas ang ulo mo Migz. Ang mabuti pa, bumalik ka na lang doon sa sofa o kaya sa kwarto mo na lang para makapagpahinga ka ng maayos. Ako na dito.”
Hindi sya umimik at nakatingin lang sa akin.
Tinaasan ko naman sya ng kilay. Hindi uubra sa akin ang pagmamatigas nya.
Bumuntong hininga sya. “Sa ginagawa mo ngayon Racquel, lalo lang akong nahuhulog sayo..”
Napasinghap ako sa sinabi nya kasabay ng pagpintig ng malakas ng dibdib ko.
“A-Anong sabi mo?” Tanong ko kahit na narinig ko naman ng malinaw ang sinabi nya.
Ngumisi sya. “Sabi ko, masyado kang concern sa akin. Sige ka, baka mainlove ako sayo ng tuluyan nyan.”
Chapter 13
Racquel POV
HINDI na magkamayaw sa pagtibok ng mabilis ang puso kong natataranta. Nawiwindang ang isip ko sa sinabi ni Migz. O baka dala lang na may sakit sya kaya kung ano ang sinasabi.
“O, di ka na nakaimik dyan.” Nakangising sabi ni Migz.
Ngumuso naman ako at inirapan sya. “Kung ano ano kasi ang sinasabi mo. Sabi mo di ka bolero? Eh bakit gumaganyan ka?”
“Hindi naman talaga ako bolero.”
“Hmp! Ewan ko sayo. Dun ka na nga sa sala.” Pagsusungit ko sa kanya at hinarap na ang hugasin.
“Sungit naman. Kung wala lang akong sakit hinalikan na kita, eh.”
“Migz, ano ba!” Naiinis nang sabi ko. Naiinis na kasi ako sa kanya dahil ayaw na ngang paawat nitong puso ko sa pagkabog. Para na akong aatakehin sa puso.
Pero tumawa lang sya. “Oo na, titigil na. Sungit.. Kapag ako gumaling na, hahalikan talaga kita.” Aniya at tatawa tawang lumabas na ng kusina.
Kinagat ko ang labi. Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nag iinit na nga ang tenga at mukha ko. Di mawala sa isip ko at paulit ulit kong naririnig ang salitang halik. Alam kong binibiro lang nya ako pero windang na windang ang isip at puso ko na lalong umasam na makatikim ng mainit na halik mula sa kanya.
Pumikit ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga sabay pilig ng ulo. Masyado na akong nagiging asyumera. Baka mamaya umaasa lang ako sa wala.
Pero bakit ganun kung humirit si Migz? Yung hirit nyang parang nagpapahiwatig.
Muli kong ipinilig ang ulo. Parang gusto kong batukan ang sarili para matauhan ako..
“Uuwi ka na?” Parang tutol na tanong pa ni Migz.
Tapos na akong maghugas ng mga plato at magbilin sa kanya ng oras ng inom nya ng gamot.
“Oo, may ligpitin pa ako sa bahay.”
Bumuntong hininga sya. “Okay..”
“Bakit? May kailangan ka pa ba?”
Tumitig sya sa akin ng ilang sandali saka ngumiti. “Maraming salamat sa pag aasikaso sa akin. Gumaan gaan na ang pakiramdam ko ngayon.”
Ngumiti ako. Nakikita kong um-okay na ang pakiramdam nya kesa kanina. Bumaba na ang lagnat nya.
“Wala yun. We’re friends, di ba?”
Ngumisi sya. “Oo na, friends na.”
Ngumuso ako at inirapan sya. “Di mo ko sineseryoso.”
“Uuy, seryoso ako sayo.”
Muli ko syang inikutan ng mata. Heto na naman sya sa mga pasimpleng hirit nya. At heto naman ako na asyumera.
“Hmp! Dyan ka na nga, uwi na ko dahil mag aasikaso pa ako sa bahay. Basta kung may kailangan ka chat mo na lang ako, okay?” Bilin ko.
Bumuntong hininga naman sya at tumango.
“At kung di pa okay ang pakiramdam mo, huwag ka munang mamasada. Magpahinga ka muna.” Dagdag bilin ko pa.
“Oo.”
Nanulis ang nguso. “Sige, uwi na ko..” Tumalikod na ako at binuksan ang screen door.
Madilim na sa labas dahil alas sais pasado na ng gabi. Maingay sa labas dahil naglalaro pa rin ang mga bata.
“Racquel, anong ginagawa mo dyan?”
Napapitlag ako ng marinig ang boses ni Junie. Lumingon ako. Nakita ko syang nakakunot ang noo habang may hawak na plastic container na may lamang ulam.
“Anong ginagawa mo dyan sa bahay ni Migz?”
“Ah ano.. pinakain ko sya.”
“Nagpakain ka kay Migz?”
Suminghap ako at binatukan sya.
“Aray! Bakit?”
“Ang bastos mo!”
Nagsalubong ang kilay nya. “Anong bastos sa sinabi ko?”
“Ang sabi mo nagpakain ako kay Migz.” Nag init ang mukhang sabi ko.
“O, anong bastos dun?”
Inirapan ko ang pinsan.
Ngumisi naman sya. “Ikaw ang bastos mag isip, insan.”
Pinalo ko naman sya sa braso na ikinadaing nya ulit.
“Akin na nga yang ulam. Salamat.” Kinuha ko na ang container.
“Bakit mo pala pinakain si Migz?”
“May sakit sya. Mataas ang lagnat. Nilutuan ko lang at pinakain.”
“Ah, nagpakain ka nga sa kanya.”
Kinurot ko sya sa tigiliran na ikinaigik nya. “Bakit na naman?” Angal nya.
“Umuwi ka na.”
“Oo, uuwi na.”
“Huwag ka ng huminto sa inuman, ah.”
“Wala kang pakialam, di kita ate.”
Inambaan ko sya ng suntok. Umilag naman sya at tumawa.
“Oo na, diretso uwi na. Ikaw din, diretso sa bahay mo at huwag pasok ng pasok sa bahay ng lalaki. Baka mabuntis ka. Pero kung si Migz naman ang makakabuntis sayo, walang problema. Magpapalitson pa ako.”
Sinipa ko si Junie pero mabilis syang nakailag at tumawa pa ng malakas. Para namang dinilaan ng apoy ang mukha ko sa init.
“Sige na, uwi na ko. Mag double lock ka ng pinto, ha.” Bilin pa nya at tatawa tawang tumalikod na.
Napaingos na lang ako at pumasok na sa bahay.
Ang sarap talagang sipain ng pinsan.
Pagpasok sa loob ng bahay ay dumiretso na ako sa kusina at kumain na. Di na ako sumabay kumain kanina kay Migz kahit pinipilit nya ako. Dahil siguradong magugutom pa sya mamaya. At least ay may natitira pa syang pagkain.
Pero nang sumapit na ang malalim na gabi ay hindi ako makatulog agad dahil sa pag iisip kay Migz. Hindi sya mawala sa isipan ko. Alam ko sa sarili ko na hindi na simpleng crush itong nararamdaman ko.
–
“Migz.” Tawag ko sa binata at binuksan ng dahan dahan ang pinto. Sumilip muna ako sa loob. Wala akong Migz na nakikita pero siguradong gising na sya dahil bukas ang pinto.
“Migz.” Muli kong tawag. Pero wala pa ring sumasagot kaya pumasok na ako.
Nagluto ako ng almusal para sa kanya. Sinangag, pritong itlog at daing na bangus. Ibibigay ko lang ang pagkain sa kanya at kakamustahin sya pagkatapos ay pupunta na ako sa tindahan.
“Migz, may dala akong almusal mo.” Sabi ko at pinatong sa mesa ang pagkain.
Pero wala pa ring Migz na sumasagot. Sumilip ako sa itaas ng hagdan. Baka nasa kwarto sya.
Binalikan ko na lang ang pagkain sa mesa. Mainit init pa yun. Hihintayin ko muna syang bumaba bago ako umalis.
Nakarinig ako ng sipol. Pumasok ako sa kusina at nakita ko ang bukas na kalan na may nakasalang takure na umuusok. Pinatay ko ang kalan at sinalin sa thermos ang mainit na tubig. Nakita ko ang isang mug sa counter at ang dalawang maliit na garapon ng kape at asukal. Tinimplahan ko na yun ng kape at nilagyan lang ng kalahating kutsaritang asukal. Para kapag bumaba na sya ay kakain na lang at magkakape.
“What are you doing?”
“Ay!” Napatili ako at napapitlag ng marinig ang malaking boses ni Migz sa likuran ko.
Nabitawan ko ang kutsarita at pumihit paharap sa kanya. Ngunit nahigit ko naman ang hininga ng makita ang hubad nyang katawan at natatabingan lang ng tuwalya ang ibaba. Namimilog ang matang sinuyod ko ng tingin ang kanyang malapad na balikat, malapad na dibdib na may tribal tattoo sa kanang bahagi na sakop hanggang sa malaki nyang braso. Bumaba pa ang tingin ko sa kanyang sikmura at tiyan na may maliit na muscles na halatang kay titigas. Walo lang naman ang abs nya at may pa-v-line pa. Kahit inaasahan ko ng may ganito syang pangangatawan ay namamangha pa rin ako. Dumiretso pa pababa ang tingin ko sa harapan ng puting tuwalya. Nag init ng husto ang mukha ko ng makita ang bukol doon.
“Racquel.”
Suminghap ako at nagtaas ng tingin kay Migz. Sumalubong sa akin ang kakaibang kislap ng kanyang mga mata.
“Ang sabi ko anong ginagawa mo?”
“U-Uh.. a-ano..” Pumikit ako at lumunok. Parang biglang natuliro ang isip ko. Dumilat ako at alanganing ngumiti. “D-Dinalhan kita ng almusal at itinimpla ng kape.”
“Oh..” Tumingin sya sa kapeng tinimpla ko. “Nag abala ka pa.”
“W-Wala yun.. S-Sige, labas na ako. P-Pupunta pa ako ng tindahan.” Natatarantang sabi ko at nilampasan na sya pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay hinawakan nya ako sa braso.
“Sandali lang.”
Kumabog na ng husto ang dibdib ko na parang nasa lalamunan ko na. Lumunok ako at parang naninigas ang leeg kong lumingon sa kanya.
“B-Bakit?”
Bumuntong hininga sya at namungay ang mga mata. Hinila nya ako at kinabig ang bewang ko. Nahigit ko naman ang hininga muli dahil magkadikit na ang aming katawan. Damang dama ko ang katigasan ng kanyang katawan pati ang mainit na singaw nito na nakakapaso.
“I’m sorry Racquel.. pero kagabi ko pa ito gustong gawin.” Anas nya sa magaspang na boses habang titig na titig sa aking mukha.
“A-Anong – “
Namilog ang mata ko at suminghap ako ng bigla nyang sakupin ang labi ko.
Chapter 14
Racquel POV
“MIGZ!” Tinulak ko sa dibdib ang binata pero nasa bewang ko pa rin ang kamay nya. Namimilog ang matang tumingin ako sa kanya. Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Hmp!” Pero muli lang din sinakop ni Migz ang labi ko at kinabig pa ang batok ko. Mas mariin ang dampi ng kanyang labi sa akin at nagiging malikot na ang galaw.
Windang na windang naman ang isip at puso ko na parehas nagkakasundo sa gusto. Ang tugunin ang halik ng binata. Kaya naman unti unti kong pinikit ang mga mata. Mas dama ko na ngayon ang init at lambot ng labi ni Migz na mas nag lumikot pa. Unti unti na rin akong natatangay hanggang sa humawak na ako sa kanyang batok at tumutugon na sa kanyang halik.
Naging mapusok at mas magaslaw ang halik na pinagsasaluhan namin ni Migz. Darang na darang ako at para akong nalalasing sa init ng kanyang halik. May kakaiba sa halik ni Migz. Nakakaadik at parang ayoko ng bumitaw sa kanya. Ibang iba ang halik nya kesa sa halik ni Nathan. Mas intense at mas mainit.
“Hah!” Habol ko ang hininga ng maghiwalay ang labi namin ni Migz. Pakiramdam ko nga ngayon ay kulay kamatis na ang mukha ko sa init nito.
Tumingin ako kay Migz. Sumalubong sa akin ang namumungay nyang mga mata na nakatitig sa akin. Hinawakan nya ang mukha ko at muli akong dinampi dampian ng mariing halik sa labi. Para ba syang sabik na sabik sa akin dahil may halo ng gigil ang halik nya.
“Hmm Migz.. grabe ka naman makahalik.” Natatawang angal ko na dahil may kasama ng pinong kagat ang halik nya sa labi at panga ko.
Mahina syang tumawa. “I’m sorry, di ko lang mapigilan. Matagal ko ng gustong halikan ka. Kagabi pa ako nagpipigil.” Aniya at sa pisngi naman ako hinalikan at inamoy amoy pa ang likod ng tenga at leeg ko.
Para naman akong kinukuryente sa init ng kanyang hininga at may nabubuhay ding kakaibang init sa aking katawan. Hindi na nga rin ako makapag isip ng matino.
“Bakit mo ko gustong halikan?” Tanong ko at bahagya syang tinulak.
Ngumisi sya. “Hindi pa ba obvious?”
Ngumuso ako. “Sagutin mo na lang ang tanong ko.”
Muli syang tumawa. “Syempre gusto kita.”
Kinagat ko ang labi kasabay ng pagregodon ng aking puso sa tuwa at kilig.
“Talaga? Gusto mo ko?”
Pinisil nya ang baba ko. “Hindi lang gusto kundi gustong gusto. Matagal na matagal na kitang gusto.”
“You mean.. unang beses mo pa lang ako nakita gusto mo na ako?”
“Yes.. at matagal ko na ring hinintay ang pagkakataon na ito. Kaya di na kita pakakawalan pa.”
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko pa. Pero ang puso ko ay nagwawala na. Nalulunod na sa tuwa at kilig.
“Ang ibig kong sabihin, akin ka na.” Nakangising sabi nya.
Suminghap ako. “Agad agad? Naghalikan lang tayo, sayo na ako?”
“Bakit ayaw mo ba?”
Ngumuso ako at di agad sumagot. Pero napasinghap ako ng muli nyang kabigin ang bewang ko. Magkadikit na namang muli ang aming katawan.
“Alam kong gusto mo rin ako, Racquel.”
Nag init ang mukha ko sa sinabi nya. “P-Paano mo naman nasabi?”
Ngumisi sya. “Dahil hindi ka tutugon sa halik ko kung hindi mo ako gusto. Hindi mo ako titingnan na parang ako lang ang lalaking nakikita mo.”
Kumagat labi ako. Kung ganun pala ay nahahalata nya ako at magmumukha lang akong tanga kung mag de-deny ako lalo pa at tumugon ako sa halik nya.
Humugot ako ng malalim na hininga. “Oo na, aamin ko.. gusto rin kita..”
Malapad syang ngumiti at nangislap pa ang kanyang mga mata. “Sabi na eh.” Muli nya akong kinintal kintalan ng halik sa labi.
Natawa naman ako at gumanti din ng kintal na halik sa kanya. Yumakap pa ako sa batok nya at kulang na lang ay maglambitin doon.
“Ibig sabihin ba nito, tayo na?” Aniya.
Namilog ang mata ko. “Agad agad? Di mo man lang ako liligawan?”
Tumawa sya. “Sige, liligawan kita pero akin ka na.”
Mahina ko syang pinalo sa dibdib. “Ang bilis mo. Ganyan ba kayong mga jeepney driver?”
“Hindi lang kami mabilis kundi sweet lover din.” Natatawang sabi pa nya at muling kinabig ang batok ko sa isang halik.
–
“Aba’y totoo nga? Kayong dalawa ay magkasintahan na?” Namimilog ang matang tanong ni Tiyang Claring habang salitan ang tingin nya sa amin ni Migz.
“Oho, Aling Claring.”
Sabay suminghap si Tiyang Claring at Tiyang Erlinda. Si Junie naman ay napapitik pa ng daliri sa ere habang nangingisi na akala mo ay tumama sa jueteng.
“Kelan pa kayo naging mag kasintahan?” Tanong ni Tiyang Erlinda.
“Uhm, kahapon lang po tiyang.” Sabi ko at tumingin kay Migz na ngumiti naman sa akin.
Napagdesisyunan na nga namin na umamin na agad sa mga tiyahin ko para di na sila magtaka kapag nakitang mas naging close pa kaming dalawa.
“Kahapon lang? Aba’y napakabilis naman. Wala na bang ligawang mangyayari?” Bulalas ni Tiyang Claring.
Napalunok ako at muling lumingon kay Migz na napahimas naman sa batok. “Liligawan ko pa rin naman ho si Racquel kahit nobya ko na sya, Aling Claring.”
“Hindi ba dapat ligaw muna bago kayo maging magkasintahan? Naiba na ba?” Nalilito pang tanong ni Tiyang Claring.
“Ano ka ba, ate. Di na uso ngayon ang panliligaw. Iba na ang panahon ngayon. Basta gusto nyo ang isa’t isa at nagkakaintindihan kayo, pwede na kayong magkaroon ng ugnayan sa isa’t isa.” Paliwang naman ni Tiyang Erlinda.
“Tama ho si mama, tiyang.” Segunda ni Junie at bumaling kay Migz. “Welcome to our family bayaw. Painom naman dyan – aray ko!” Daing ni Junie ng kurutin sya ni Tiyang Claring sa tagiliran.
“Mukha kang alak.”
Ngumiwi lang si Junie habang himas himas ang tagiliran. Natikman nya ang lupit ng kurot ni Tiyang Claring.
“Ah Aling Claring, may pagtutol ho ba kayo sa akin para kay Racquel?” Tanong ni Migz na may nakaguhit na pangamba sa mukha.
“Naku, wala Migz. Sa katunayan ay walang problema sa akin kung maging nobyo ka ng pamangkin ko. Hindi na nga rin ako nagtataka na magkasintahan na kayo ngayon. Aba’y sobrang lapit nyo sa isa’t isa. At least ngayon, totoo na ang mga chismis at tatahimik na ang mga kakawag kawag na dila.”
“Ako din ay walang tutol. Boto ako sayo, Migz. Basta alagaan mo ang pamangkin ko.” Segunda pa ni Tiyang Erlinda.
“At huwag mong lolokohin gaya ng ginawa ng damuhong dating nobyo nya.” Dagdag pa ni Tiyang Claring.
“Oho Aling Claring, Aling Erlinda. Aalagaan ko ho si Racquel at hinding hindi lolokohin. Hindi ko rin ho sisirain ang tiwala nyo.” Ani Migz at tumingin pa sa akin sabay pisil sa kamay kong hawak nya.
Ngumiti naman ako sa kanya at sumandig sa balikat nya.
“Kung ganun ay welcome sa pamilya namin Migz at tawagin mo na kaming tiyang ni Erlinda.” Saad pa ni Tiyang Claring.
“Sige ho, mga tiyang.”
Lumapit naman si Junie kay Migz at umakbay. “At tayo naman ay magbayaw na. Hindi nagkamali si insan sa pagpili sayo Boss Migz dahil nalalapit lang ang hitsura natin. Parehas tayong magandang lalaki.”
“Asus Junie, kilabutan ka nga sa sinasabi ko at baka magalit ang langit. Masama ang mag sinungaling.” Kontra ni Tiyang Erlinda.
“Grabe to si mama o, parang di ako anak. Ma, anak nyo ko.” Kunwaring nagtatampong sabi ni Junie.
Nagtawanan naman kami nila tiyang.
Sa bahay na nila tiyang kami kumain ni Migz. Maingay nga ang hapag dahil kay Junie, idagdag pang dinadaldal ng dalawa kong tiyahin si Migz. Kinukwento nila sa nobyo ko ang talambuhay ko maging noong baby pa ako. Natutuwa naman ako at kinikilig dahil interesado ang hitsura ni Migz habang nakikinig sa mga tiyahin ko.
“Sinasabi ko na, eh. Di nga ako nagkamali na mabilis kang bibigay sa Migz na yan. Manang mana ka talaga sa ama mo. Parehas kayong marupok.”
Napanguso ako sa sinabi ni mama na ka-video call ko. Sinabi ko na rin sa kanya na boyfriend ko na si Migz para kapag pumunta sya dito ay di na sya mabigla. Alam kong medyo tutol sya kay Migz pero wala naman syang magagawa dahil kami na.
“Wala naman akong magiging problema sa kanya basta huwag ka lang nyang lolokohin gaya ng ginawa sayo ni Nathan. Dahil kung hindi, ako ang makakalaban nya. Wala akong pakialam kahit malaki ang katawan nya. Ipapakulam ko sya.”
Napangiti na ako kay mama. Kahit bungangera sya minsan ay di naman matatawaran ang pagmamahal nya sa akin.
“Mabait po si Migz, ’ma.”
“Kuh, hindi ka sigurado dyan hangga’t di kayo nagsasama sa iisang bubong.”
Napanguso na lang ako ulit. Ito lang minsan ang problema kay mama. May pagka judgemental at may trust issue lagi.
“O sya, saka ko na lang kikilatisin yang Migz na yan kapag dumalaw ako dyan.”
“Yes ma.”
“Malaki ka na Racquel. Alam mo na ang tama at mali. Kung gusto mong magpabuntis, bahala ka. Nasa tamang edad ka na.”
“Ma!” Bulalas ko. Nawindang ako sa sinabi nya at parang dinilaan ng apoy ang mukha ko.
“Hmm, di na ako magtataka kung mabalitaan kong buntis ka na. Masyado kang marupok eh. Hindi naman ako lugi sa magiging apo ko kung sakali dahil gwapo naman ang Migz na yan. Sana nga ay talagang matino.”
“Mama talaga..”
“Sige na, papatayin ko na ito at mag aasikaso na ako. May zumba kami ngayon ng mga ninang mo. Mag iingat ka dyan.”
“Yes ’ma. Ingat din po kayo.”
Pinatay na ni mama ang video call. Pinatay ko na rin ang cellphone ko at nilagay sa bag.
Mayamaya ay may kumatok na sa pinto ko. Tumayo na ako mula sa sofa at sinukbit na ang bag sa balikat. Lumapit na ako sa pinto at binuksan. Napangiti ako ng makita si Migz na nakabihis na. Halatang bagong ligo din at ang bango bango nya. Di rin nakaligtas sa akin ang paghagod nya ng tingin sa katawan ko. Simple lang naman ang suot ko. High waist skinny jeans at white t-shirt na hapit sa aking katawan.
Ngumiti si Migz. “Tara na?”
Ngumiti rin ako at tumango. Lumabas ako ng bahay at ni-lock na ang pinto. Humawak na ako sa kamay nya at lumapit sa kanyang bigbike.
Unang date namin ngayon bilang mag jowa at wala ng pagsidlan ang kilig sa dibdib ko.
Chapter 15
Racquel POV
PAGKATAPOS ng misa ay sabay na kaming nag antanda ni Migz. Hinapit nya ako sa bewang at kinintalan ng halik sa pisngi. Naginit naman ang mukha ko dahil may napapatingin sa amin.
Hinawakan ni Migz ang kamay ko at lumabas na kami ng simbahan.
“Gusto mo bang kumain muna bago tayo umalis?”
“Saan ba tayo sunod na pupunta?” Tanong ko habang patingin tingin sa mga taong tumitingin din sa amin ni Migz na para ba kaming hindi ordinaryong tao.
“Sa Manila?”
“Manila? Doon tayo mamamasyal?”
Ngumisi sya. “Pupuntahan natin ang mommy at daddy ko. Ipapakilala kita.”
Namilog ang mata ko. “Ipapakilala mo ko?”
“Of course! Nobya kita kaya ipapakilala kita sa mga magulang ko.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Migz. “B-Baka di ako magustuhan ng mommy at daddy mo.”
Tumawa sya. “Baka matuwa pa si mommy at daddy dahil may pinakilala na akong girlfriend sa kanila. Pero kain muna tayo para di tayo magutom sa byahe.”
Ngumiti ako. “Sige.”
“May alam akong masarap na sisigan. Gusto mo ba doon? Dyan lang sa tabi ng bangko.”
“Sige.”
Hinawakan na nya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa sisigan na sinasabi nya.
Ngayong boyfriend ko na si Migz ay di ko maiwasang ikumpara sya kay Nathan. Simple lang si Migz at cowboy na cowboy. Hindi maarte at masarap kausap. Hindi ako nag aalangan magbigay sa kanya ng opinyon dahil nakikinig sya. Hindi kagaya noon ni Nathan na opinyon nya lang ang tama. Iba ang sayang nararamdaman ko kay Migz. Komportableng komportable din ako at feeling ko ay secured ako.
“Hmm ang sarap nga ng sisig dito, Migz.” Sambit ko sabay subo ng kutsarang may kanin at sisig.
Mahina syang tumawa. “Sabi ko sayo eh. At murang mura pa.”
“Oo nga, kaya ang daming kumakain.” Luminga linga ako.
Hindi naman kalakihan ang sisigan. Pero puno ng mga taong kumakain at ang iba pa ay nakapila para mag take out.
“Palagi ako dito kumakain tuwing linggo pagkatapos magsimba.” Aniya.
Tumango tango ako at dinampot ang baso ng malamig na tubig at uminom. “Sya nga pala Migz, mag boyfriend na tayo pero di ko pa alam ang totoong pangalan mo.”
Tumawa sya. “Hindi ka kasi nagtatanong. Buti pa ako alam ang totoong pangalan mo. Racquel Tiglao, 25 years old. Pinanganak dito sa Mexico, Pampanga. Sina Aliza at Roland Tiglao ang ina at ama. Pagka graduate ng highschool ay pumunta ng Manila at doon nag aral ng college at nagtrabaho.”
Umawang ang labi ko. “Ang dami mo na palang alam sa akin.”
“Syempre naman. Nobya kita kaya dapat alam ko ang buong detalye ng pagkatao mo.”
Natuwa naman ako sa sinabi nya. Patunay lang na talagang gusto nya ako.
“Buti ka pa may alam na tungkol sa akin. Ako, wala pang masyadong alam sayo. Maliban sa Migz ang pangalan mo at thirty eight years old ka na.”
“Thirty five lang. Pinatanda mo naman ako.” Nakangising sabi nya.
“Ay, oo nga pala. Sorry naman.”
“Sige, magtanong ka tungkol sa akin. Sasagutin ko kahit ano.”
“Sige, yung buong pangalan mo muna.”
“Juan Miguel Herrera ang buong pangalan ko.”
“Ah.. kaya pala Migz ang palayaw mo. Pang heredero ang pangalan mo, ah.”
Tumawa lang sya.
“Eh saan ka naman pinanganak at saan ka nag aral?” Tanong ko pa habang sinisimot ang plato. Tapos na kaming kumain at ubos ang pagkain namin.
“Sa Manila ako ipinanganak. Doon ako nag aral mula daycare hanggang college.”
“Anong kurso pala ang tinapos mo?”
“Business Economics.”
“Hmm I see.. mayaman ka ba?”
Ngumisi sya. “Mukha ba akong mayaman?”
“Medyo.” Nakangusong sabi ko.
“Hindi kami mayaman. Sakto lang.”
“Okay.. ilan pala kayong magkakapatid?”
“Gaya mo, only child lang ako. Mamaya, makikilala mo ang mommy at daddy ko. Tamang tama sunday ngayon nasa bahay sila.”
“Baka masungit ang mga parents mo, ha. Baka alukin ako ng sampung milyon para layuan ka.”
Muli syang tumawa at inabot ang ilong ko sabay pisil. “Huwag kang mag alala mabait ang mga magulang ko.”
“Sabi mo yan, ah.”
Tumawa lang sya. Lalo tuloy akong kinabahan.
Nagbayad na sya ng kinain namin at lumabas na kami ng sisigan. Binalikan namin ang big bike nya sa parking lot ng simbahan. Ba-byahe na kami papuntang Manila..
Mag a-alas onse na kami nakarating ng Manila at pumasok kami sa isang exclusive subdivision.
Umawang ang labi ko paghubad ko ng helmet. Halos malaglag ang panga ko sa pagkakanganga habang iniikot ang tingin sa malaking bahay na modern style na nasa harapan ko. Mansion na mga yun sa laki.
Humawak ako sa braso ni Migz.
Lumingon naman sya sa akin habanng sinasabit nya ang dalawang helmet sa side mirror. “Bakit?”
“Sabi mo di kayo mayaman?” Tanong ko sa kanya.
Ngumisi sya. “Hindi nga. Medyo lang.”
“Medyo ka dyan..”
Tumawa sya at inakbayan ako sabay halik sa sentido ko.
“Ser Migz!”
Lumingon ako ng may tumawag kay Migz. Isang may edad na lalaki na nakasuot ng puting shorts sleeve polo at itim na trouser. Malawak ang ngiti sa kanyang labi habang papalapit sa amin.
“Mang Elvin, kamusta ho? Hindi ko kayo nakita noong huling dumalaw ako dito.”
“Eh, nag leave po ako ser.” Tumingin sa akin si Mang Elvin.
Ngumiti naman ako sa kanya. Pinisil naman ni Migz ang balikat ko.
“Sya nga ho pala, Mang Elvin. Nobya ko ho. Si Racquel.” Pagpapakilala sa akin ni Migz.
Namilog naman ang mata ni Mang Elvin. “May nobya na ho kayo, ser?”
Natawa kami parehas ni Migz dahil ang hitsura ni Mang Elvin ay parang di makapaniwala.
“Oho Mang Elvin. Para kayong gulat na gulat.”
“Aba’y napakatagal na rin ho kasi noong huli kayong nag ka-nobya. Akala ko ho ay di na kayo mag no-nobya at tatanda na lang na binata.”
“Nakita ko na ho kasi ang babaeng para sa akin.” Nakangising sabi ni Migz at kinabig pa ako padikit sa kanya.
Natatawang yumakap naman ako sa bewang nya.
“Kinagagalak ko ho kayong makilala, ma’am. Elvin ho. Matagal na akong driver nila ser.”
Nilahad ko ang kamay kay Mang Elvin. “Racquel po, Mang Elvin. Kinagagalak ko rin po kayong makilala.”
Tinanggap nya ang kamay ko. “Salamat ho , ma’am. Ang ganda nyo ho. Bagay na bagay kayo ni ser.”
“Salamat po.”
“Nasa loob ho ba si mommy at daddy?” Tanong ni Migz.
“Oho ser, wala naman ho silang lakad ngayon. Maliban sa nagsimba lang sila kanina.”
“Sige ho Mang Elvin. Pasok na kami sa loob.”
Tumalikod na kami ni Migz at iniwan na namin si Mang Elvin. Pumasok na kami sa loob ng malaking bahay. Kung namangha ako kanina sa labas ay mas namangha ako sa loob. Sumisigaw ng karangyaan ang lahat ng nakikita ko sa loob.
Naalala ko, pangarap ni mama ang ganitong bahay. May mga collection nga sya ng mga magazine na puro modernong bahay.
Siniko ko si Migz na nasa tabi ko. “Medyo lang daw. Ang yaman nyo kaya.” Bulong ko sa kanya.
“Hindi ako mayaman. Ang mga magulang ko lang.”
Iningusan ko sya. “Eh di inamin mo rin.”
Tinawanan lang nya ako at inakbayan.
“Good morning po, ser.” Bati ng kasambahay na patingin tingin at pangiti ngiti sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya.
“Si mommy at daddy? Nasa kwarto ba nila?”
“Nasa lanai po, ser.”
“Okay, salamat.”
Giniya na ako ni Migz papunta sa lanai kung nasaan ang mga magulang nya. Di ko naman mapigilan ang sariling makaramdam ng kaba.
Pinilit kong labanan ang kaba habang kaharap ang mga magulang ni Migz. Mataman kasi silang nakatingin sa akin habang pinapakilala ako ni Migz sa kanila.
“H-Hello po ma’am, sir. Good morning po.” Nakangiting bati ko at pasimpleng humugot ng malalim na hininga.
“Hello iha, just call me Tito Jacinto and welcome to our family.” Magiliw na bati sa akin ng ama ni Migz at bumeso pa sa aking pisngi.
Kahit papaano ay nabawasan na ang kaba ko dahil mukhang mabait naman si Tito Jacinto. Mukha nga syang sinaunang artista na mestiso.
“And call me Tita Cecil. Nice to meet you, iha.” Bumeso din sa akin si Tita Cecil at ngumiti ng matamis. Ngayong nakangiti na sya ay di na sya mukhang masungit.
Maganda si Tita Cecil kahit may edad na. Classic na mestisa ang beauty. Mukhang mamahalin at sosyalera pero halatang marunong makihalubilo.
“So finally, nakita mo na pala ang babaeng matagal mo ng hinahanap, anak.” Sambit ni Tita Cecil.
“Yes mommy, kaya di ko na sya pinakawalan pa.”
Kumunot ang noo ko at tumingin kay Migz. Medyo naguluhan ako sa pinag uusapan nila ng mommy nya. Pero ngumiti lang si Migz at hinapit ako sa bewang.
“Feel at home lang, iha. Huwag kang mahihiya. At ngayon pa lang, wine-welcome na kita sa pamilya namin.” Nakangiting saad ni Tita Cecil at hinawakan ang kamay ko.
Ngumiti naman ako. Unti unti ng nawawala ang kaba ko at nagiging komportable na ako sa mga magulang ni Migz. Mababait nga sila kahit mayayaman.
Chapter 16
Racquel POV
“HOW old are you, iha?” Tanong ni Tita Cecil.
“Twenty five po, tita.”
“Ten years pala ang agwat ng edad nyo ni Miguel.”
“Masyado palang matanda si Migz.” Saad naman ni Tito Jacinto.
“Hindi naman ho ako ganun katanda kay Racquel, dad.” Kontra agad ni Migz.
“Pero ten years pa rin ang tanda mo sa kanya.” Natatawang sabi pa ni Tito Migz.
Ngumisi naman si Migz. “Si daddy naman kung magsalita parang di rin sya masyadong matanda kay mommy. Ilan taon nga ho ang agwat nyo? Twelve years?”
“Oy, eleven years lang.” Pagtatama ni Tito Jacinto.
“Mas malaki pa rin ho ang agwat ng edad nyo kay mommy.”
Hindi na nakakontra si Tito Jacinto at napaingos na lang. Natawa naman ang mag ina habang ako ay nangingiti na lang.
“O, na-back to you ka, darling.” Pang aasar pa ni Tita Cecil na ikinakamot sa ulo ni Tito Jacinto.
Nakakatuwa ang mag asawa. Parang mga bagets kung maglambingan. Di gaya ni mama at papa noon. Si papa malambing kay mama, si mama naman pinagdududahan si papa kapag naglalambing hanggang sa mauwi na sa pagtatalo. Ganun ang lambingan nila.
Bumuntong hininga ako.
“Ayos ka lang?” Bulong ni Migz sa akin.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti. “Natutuwa lang ako sa mommy at daddy mo.”
Ngumisi sya at inakbayan ako. “Ganyan talaga sila.”
Eh kami kaya, magiging ganyan din in the future?
“Migz anak, pwede ka bang makausap saglit sa office?” Untag ni Tito Jacinto kay Migz.
“Yes dad.”
Lumingon sya sa akin at nagpaalam.
Naiwan kami sa lanai ni Tita Cecil at nagchikahan. Nakakatuwa si Tita Cecil dahil madaldal sya at marami ring kwento. Kinukwento nya ang tungkol kay Migz mula pagkabata. All ears naman ako dahil interesado talaga akong malaman ang lahat ng tungkol kay Migz kahit simpleng detalye pa yan.
“Tutol nga ako sa pagpapa-tattoo nya dahil nadudumihan ako. Pero ang tito mo naman ay full support sa kanya. Hanggang sa huli ay wala na akong nagawa. Ayoko talaga sa mga lalaking may tattoo. Kaya yang tito mo noong nagbalak dati inaway ko. Buti hindi tinuloy. Yun nga lang si Migz naman ang nagtuloy.” Iiling iling na kwento ni Tita Cecil.
Natawa naman ako. “Parehas po tayo tita. Ayoko rin po ng lalaking may tattoo. Pero bagay naman po kay Migz. Mas lalo nga po syang naging hot.”
“Oh, so you find my son hot huh..” Nanghihibong sabi ni Tita Cecil at nanunuksong ngumuti.
Kinagat ko naman ang labi at nag init ang mukha ko.
‘Shucks! Nakakahiya. Bakit ko ba nasabi yun sa harap ni Tita Cecil.’
Napayuko na lang ako sa hiya at napahimas sa leeg.
Tumawa naman si Tita Cecil. “It’s okay iha, gwapo naman talaga ang anak ko. Kaya di na nakakapagtaka na nagustuhan mo sya.”
Nag angat ako ng tingin kay Tita Cecil. “Pero di lang naman po dahil sa gwapo si Migz kaya nagustuhan ko sya.”
“Oh really? So ano pa ang nagustuhan mo sa unico iho ko?”
Ngumiti ako sa ginang. “Yung pagiging simpleng lalaki nya po. Masipag at marunong makipag kapwa tao. Hindi sya maarte at kahit pagiging jeepney driver ay pinapasok nya. Kahit anak mayaman naman po pala sya.”
Ngumiti si Tita Cecil. “Masaya ako na ganyan mo nagustuhan ang anak ko. At nakikita ko ring masya ang anak ko sayo. Alam mo bang ikaw lang ang babaeng inakyat nya dito sa bahay at pinakilala sa amin ng ama nya?”
Hindi ako sumagot at nangiti lang sa tuwa. Kung ganun ang swerte ko pala. Ganun ako kagusto ni Migz.
“And I’m glad finally nakita ka na rin ni Migz, iha.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tita Cecil. “Ano pong ibig nyong sabihin tita?”
Natigilan sya at bumuntong hininga sabay ngiti. “Mm.. mukhang di pa nagkukwento sayo si Migz. Sige, sya na lang ang magkwento sayo.”
Na-curious tuloy ako lalo. Ano ba ang hindi ko alam?
.
.
Migz POV
“NGAYONG nakita mo na sya anak, siguro naman ay mapagbibigyan mo na ako. Gusto ko ng magretiro sa kumpanya.”
Bumuntong hininga ako at humimas sa batok. “Just give me more time, dad. Kakakita ko pa lang kay Racquel. I want to spend more time with her.”
“Bakit hindi mo na lang sya pakasalan agad?”
Tumawa ako. “Hindi naman pwedeng agad agad, dad. Baka mabigla sya.”
“Hay, sige na nga. But I’m happy for you, son.”
“Thanks dad.”
“Well, umaasa na akong magkakaapo na soon.”
Ngumisi ako. “Hinay hinay lang tayo, dad. Darating din tayo dyan.”
“Aba’y paspasan mo na, anak. Sabik na kami ng mommy mo sa sarili naming apo. May anak na si Yñigo at Edward, ikaw na lang ang napag iiwanan. Inggit na inggit na kami ng mommy mo. At ang lolo mo, panay na rin ang tanong kung kelan ka mag aasawa at magkakaanak.”
Muli akong tumawa. “Kaunting pasensya lang, dad. Bibigyan ko kayo ng di lang isang apo kundi mga limang apo. Depende kung ilan ang gusto ni Racquel.”
Tumawa si daddy at tinapik tapik ang balikat ko. “Sa wakas malapit ka ng mag asawa, son. Matagal na namin itong hinihintay ng mommy mo.”
Natigilan kami ni daddy ng may kumatok sa pinto.
“Bukas yan.” Sabi ni daddy.
Bumukas ang pinto at sumungaw ang ulo ng isang kasambahay.
“Ser, pinapatawag na po kayo ni ma’am. Nakahain na po ang mga pagkain sa komedor.”
Tumango si daddy. “Sige, lalabas na kami.”
Sinarado na ng kasambahay ang pinto.
“Let’s go, anak. Ayaw ng mommy mo na pinaghihintay natin sya.”
Parehas kaming ngumisi ni daddy at lumabas ng office nya.
Sa komedor ay naabutan na namin si mommy at Racquel na nakaupo na habang nagdadaldalan pa. Mukhang magkasundo na sila.
Sa tabi ako ni Racquel umupo at si daddy naman ay sa kabisera sa tabi ni mommy. Nagdasal muna kami bago nag umpisang kumain. Ako na ang nagsandok ng pagkain kay Racquel. Ngumiti naman sya sa akin. Napansin ko naman ang mga tingin at ngiti sa akin ni mommy at daddy.
“So iha, ano nga pala ang work mo?” Tanong ni mommy kay Racquel.
“Dati po akong sales manager sa isang company dito sa Manila, tita. Pero nagresigned po ako at nag negosyo na lang po sa amin sa Pampanga.”
“Oh, at ano naman ang negosyo mo, iha?”
“Bigasan po at grocery store. Dati po yung negosyo ng papa ko noong nabubuhay pa.”
Tumango tango si mommy at daddy.
“That’s nice.”
“Actually mom, dad, malakas ang bigasan at grocey store ni Racquel. Maganda rin kasi ang pwesto dahil malapit sa terminal ng traysikel. Kakaumpisa pa lang nya pero di na nawawalan ng customer.” Dagdag ko pa.
Tumingin sa akin si Racquel at ngumiti habang ngumunguya. Nginisihan ko naman sya. Binaba ko ang isang kamay at pinisil ang isa nyang hita na ikinapitlag nya. Pinandilatan nya ako ng mata. Pilyo ko lang syang nginitian.
“Jacinto darling, dumalaw nga tayo sa kanila sa Pampanga.”
“Sure, darling.”
.
.
Racquel POV
NILIBOT ko ang tingin sa malaking kwarto ni Migz. Mas malaki ang kwarto nya rito kesa sa kwarto sa bahay nya sa Pampanga. Kombinasyon ang white at gray color. Malambot ang sahig dahil nalalatagan ng gray na carpet. Meron pang balcony na kita ang magandang view sa labas.
Lahat ng nakikita ko dito sa malaking bahay nila Migz ay puro karangyaan. Wala nga yata silang gamit na mumurahin at lahat ay moderno pa.
Hindi ko akalain na ganito pala kayaman si Migz. Sampung beses syang mayaman kesa kay Nathan o mas higit pa yata. Pero hindi naman yaman ang habol ko kay Migz kundi sya mismo. Mas gusto ko pa nga yung simpleng Migz lang sya sa Pampanga.
“Nagustuhan mo ba ang kwarto ko?”
Lumingon ako sa pinto ng pumasok si Migz dala ang bag ko. Inabot nya yun sa akin. Kinuha ko naman yun at nilapag sa malapad nyang kama.
“Oo, pero sobrang laki nitong kwarto mo. Parang mas malaki pa sa second floor ng bahay ko.”
Tumawa sya at hinapit ako sa bewang. Humawak naman ako sa kanyang malapad na dibdib at humaplos haplos doon.
“Kamusta ang mommy at daddy ko?”
“Hmm.. parehas silang mabait. Madaldal ang mommy mo parang si mama din. Ang daddy mo naman, may pagkabolero parang ikaw.”
Muli syang tumawa at kinintalan ako ng halik sa labi. “Sabi ko naman sayo mabait sila at magugustuhan ka nila.”
Ngumiti ako. “Oo nga eh. At masaya ako na tanggap nila ako para sayo.”
“Matagal ka na nilang tanggap Racquel..” Anas nya at dahan dahang bumaba ang kanyang mukha sa akin.
Unti unti ko namang pinikit ang mga mata hanggang sa naramdaman ko na ang kanyang mainit na labi sa akin. Mariin nya akong hinalikan at lalong hinapit ang aking bewang.
Yumakap ako sa batok ni Migz at gumanti sa kanyang halik. Naging mas magaslaw pa ang galaw ng mga labi namin at naging mas mapusok ang halikan namin.
Walang lasa ang halik pero tila kay tamis ng mainit na labi ni Migz. Nakakadarang syang humalik at may binubuhay syang init sa aking katawan na tumutupok sa aking katinuan.
Chapter 17
Racquel POV
HINDI ko mapigilang mapahagikgik habang hinahalik halikan ako ni Migz sa leeg. Paano ba naman ay kumikiskis ang kanyang bigote at balbas sa aking leeg. Nakikiliti ako.
Kauuwi lang namin galing Manila pero ang mama ay parang ayaw pa yatang umuwi sa bahay nya. Ayaw pa akong bitawan at panay papak ng halik sa akin na para ba akong isang masarap na putaheng ngayon na lang ulit nya natikman.
“Migz tama na.. nakikiliti na ako.” Natatawang saway ko na sa kanya at hinawakan ang mukha nya.
Tumingin ako sa namumungay nyang mga maya na kulay malabnaw na tsokolate. Nakausli ang labi nyang mamula mula na mamasa masa pa.
Kinagat ko ang labi at nangiti. Ang gwapo ng kumag at cute din.
Di na ako nakapagpigil at dinampian sya ng halik sa labi. Gumanti din sya ng damping halik.
“Di mo rin ako natiis no.” Natatawang sabi nya.
“Ang cute mo kasi. Para kang bata kapag nakanguso.” Tinulak ko na ang mukha nya. “Sige na, umuwi ka na sa bahay mo. Gabing gabi na, matutulog na ako.”
Ngumuso sya. “Dito na lang din ako matulog.”
Suminghap ako at namilog ang mata. “Ano? Di pwede no. Baka kung ano na ang isipin ng mga kapitbahay natin kapag nalaman nilang natulog ka dito.”
Ngumisi sya. “Eh di hindi natin ipapaalam sa kanila.”
Mahina ko syang pinalo sa braso. “Sira ka talaga.”
Tumawa naman sya. “Nagbibiro lang ako. Sige, uwi na ako. Pero kung magbago ang isip mo at gusto mo ng may katabi. Isang tawag lang ako, baby.” Swabeng sabi nya sabay kindat pa sa akin.
Kinagat ko ang labi at kunwaring inikot ang mata. “Ang dami mo na pong sinasabi. Sige na, uwi na po.” Tinulak ko na sya papunta sa pinto.
Tatawa tawang naglakad naman sya. Pero pagdating naman sa pinto ay muli nyang hinapit ang bewang ko at kinabig ang batok ko sabay halik ng mariin sa aking labi. Saglit lang yun pero halos kapusin ako ng hininga.
Muli ko syang pinalo sa dibdib kasabay ng pag iinit ng aking mukha. Sya naman ay tumawa lang at lumabas na ng pinto.
“Goodnight, love.” Nakangising sabi nya at tumalikod na.
Naiwan naman akong nakanganga dahil sa huling tinawag nya sa akin. Mukhang yun ang endearment nya sa akin.
Hmm love.. di na bago sa pandinig ko pero kinikilig ako.
Nangingiting sinarado ko na ang pinto at nilock. Nilock ko na rin ang mga bintana. Umakyat na ako sa kwarto bitbit ang bag ko habang pakanta kanta. Nag-vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko yun at nakitang may text si Migz. Pinaalalahanan lang nya ako na i-double lock ang pinto at mga bintana.
Pagkatapos kong mag half bath at magpalit ng damit ay humiga na ako sa kama. Kinuha ko ang unan at niyakap sabay amoy dito. Pumikit ako at inisip na si Migz ang unan na yakap ko. Parang gusto ko tuloy syang tawagan at dito na patulugin sa kwarto ko.
‘Ikalma mo ang kipay mo Racquel kung ayaw mong mabusog ng siyam na buwan.’
Ngumuso ako at niyakap na lang ng mahigpit ang unan.
Sa totoo lang noong si Nathan pa ang boyfriend ko iniisip ko noon na sya na ang tamang lalaki para sa akin. Masaya ako noon kapag kasama sya. Minahal ko rin talaga sya at iniisip ko pa nga noon na sya na ang lalaking makakasama ko habang buhay. Pero nagbago ang lahat ng mahuli ko syang ka-sex ang secretary nya. Gumuho ang lahat ng pantasya ko. Nasaktan ako ng sobra. Nagbago ang pagtingin ko sa kanya pati ang damdamin ko. Sa loob ng dalawang taon naming relasyon ay marami din naman kaming masasayang memories. Naging mabuti din naman sya sa akin. Pero di sapat yun para kalimutan ko ang masakit na ginawa nya at ipagpatuloy pa namin ang relasyon namin. May lamat na ang tiwala ko sa kanya at hindi na yun mabubuo pa.
Limang buwan pa lang ang nakakalipas mula ng magbreak kami ni Nathan at heto may bago akong karelasyon. Akala ko noong una mahihirapan akong mag move on kay Nathan dahil talagang minahal ko ang gagong yun. Pero nung makita ko si Migz ay naging iba bigla ang priority ng puso ko. Biglang kinalimutan si Nathan at humarot na sa gwapo at machong kapitbahay. At heto na nga, kami na ng hot kong kapitbahay.
Masayang masaya ako ngayon sa relasyon namin ni Migz. Lagi akong excited gumising sa umaga para mabasa ang chat nya at makita sya. Mabilis ko din syang mamiss. Ilang oras ko nga lang syang di nakikita ay namimiss ko na sya, lalo na ang lambing nya.
Hayy, makatulog na nga at maaga pa akong gigising bukas.
Pumikit na ako habang naglalaro sa aking isip ang gwapong mukha ni Migz.
–
“MADAM, 25 kilos na sinandomeng po.” Inabot sa akin ng tauhan ko ang dalawang libo. Sinuklian ko naman yun.
Sunod sunod na bayad pa ang binigay sa akin ng mga tauhan. Maraming bumibili ngayon ng bigas at halos matakpan na nga ang tindahan. Aligaga na ang mga tauhan ko pati na ako at ang isang kahera ko. Dalawa ang kahera ko pero hindi pumasok ang isa dahil masama ang pakiramdam kaya ako muna ang nagkaha.
“Ano bang meron ngayon at parang nagpapanic buying ang mga tao? Pati sa grocery store ang daming tao.” Tanong ko.
Normal na araw lang naman ngayon at araw araw namang di nawawalan ng customer ang bigasan at grocery store. Pero ngayong araw ay dagsa ang mga tao dito sa palengke. Sa grocery store ko nga ay mahaba haba na ang pila sa counter.
“May super typhoon po kasing tatama dito sa probinsya natin, madam. Mamayang gabi daw po ang landfall. Signal number 3 na nga po tayo eh. Kaya pinaghahanda ng lokal na pamahalaan ang lahat ng tao.”
“Ganun ba? Signal no. 3 na pala tayo pero mainit naman.” Sabi ko habang pumipindot sa calculator.
“Yan nga po ang nakakatakot madam eh. Siguradong mamaya malakas ang bugso ng ulan at hangin. Nag a-akyat na nga po ng gamit ang nanay ko dahil bahain ang lugar namin.”
“Sa amin din po, madam. Sa tabi po kami ng ilog nakatira eh. Baka po pwedeng mag under time. Wala pong kasama yung mag iina ko eh.” Sabi ng isa kong tauhan.
“Sige, maaga tayong magsara mamaya para makapaghanda kayo sa bagyo.” Sabi ko.
“Salamat po, madam.”
Tinanguan ko lang sila at nagfocus na sa pagsusukli.
“Boss Migz.”
Nag angat ako ng tingin ng marinig ang isang tauhan na binanggit ang pangalan ng nobyo ko. Nakita ko nga si Migz na pumasok at lumapit sa akin. Yumuko sya at hinalikan ako sa buhok.
“Namasada ka?” Tanong ko. Nakasuot sya ng usual nyang damit kapag namamasada. T-shirt na puti, kupas na maong na pantalon na may butas sa magkabilaang tuhod at safety shoes.
“Oo, nakakadalawang ikot pa lang ako. Ang daming customer ah.” Aniya at tumingin sa mga mamimili.
“Oo nga eh, nagpapanic buying ang mga tao. May bagyo daw na tatama dito sa atin mamayang gabi.”
“Oo, napanood ko sa balita kahapon. Kaya sinabihan ko na ang mga empleyado ko na maaga magsara mamaya para makapaghanda din sila.”
“Yun din ang sabi ko sa mga tauhan ko. Siguro mga alas kwatro o four thirty magsasara na kami.”
Tamango sya at tumingin muli sa mga mamimili na parang dumami pa. Mayamaya ay lumapit sya sa isang ale na naghihintay.
“Ilang kilo ho ang inyo, ate?” Tanong ni Migz.
“Sampung kilo ng jasmine rice. Pakisako na lang baka kasi mabutas ang plastic.”
“Sige ho.” Naghanap na nga ng basyo ng sako si Migz.
“Migz, hayaan mo na ang mga tauhan ko.” Saway ko sa nobyo. Nakakahiya naman na tutulong pa sya imbes na magpahinga.
“Ayos lang, para mas mabilis.” Aniya at bumaling sa isa kong tauhan. “Boy, asan sako nyo?”
“Heto boss.” Inabot ng tauhan ko ang isang sako kay Migz.
Kinuha naman yun ng nobyo ko at nagsalok na ng bigas. Patingin tingin ako sa kanya. Halatang alam nya ang ginagawa. Kinilo na nya ang bigas sa sako at tinantya. Nang tama na ang kilo ay tinali na nya ang sako at nilapag sa gilid ng ale sabay kuha ng bayad at lapit sa akin.
“Parang sanay na sanay ka ng magbenta ng bigas ah. Nagtinda ka rin ba ng bigas dati?” Tanong ko ng iabot nya sa akin ang saktong bayad ng ale.
Tumawa sya. “Hindi. Basic lang naman kasi yan. Magkakatalo na lang sa muscle.” Aniya.
Tumaas ang kilay ko at sinuyod sya ng tingin lalo na ang mga malalaki nyang braso.
“Di ka naman talo sa muscle. Ang lalaki ng mga muscle mo eh. Parang kayang kaya mo ngang buhatin sabay sabay ang tatlong sako ng bigas na tig 50 kilos.” Sambit ko.
Ngumisi sya. “China-challenge mo ba ako?”
Ngumuso ako. “Hindi no. Ine-eme lang kita.”
Tinawanan lang nya ako at tumulong na sa mga tauhan ko. Sinaway ko sya ulit pero ayaw nyang magpasaway kaya hinayaan ko na lang. At mukhang nagpapakitang gilas pa sya sa akin dahil may customer na bumili ng dalawang sangkong bigas na tig 50 kilos at sya ang nag benta. Walang kahirap hirap ngang binuhat nya ang dalawang sakong bigas sa kanyang balikat at nilagay sa likod ng pick up. Napapanganga na lang kami ng mga tauhan ko sa pagkamangha. Mukhang kayang kaya nga nya kahit tatlong sako pa. Kahit kasama pa ako.
Ipinilig ko ang ulo. Inaagiw na naman ang utak ko.
Kinagabihan nga ay bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng malakas na hangin. Matibay naman ang pagkakagawa ng bahay namin kaya di ako nangngambang tangayin ang bubong. Sana lang ay tumila din agad ang ulan dahil kawawa rin ang mga taong nakatira sa mababang lugar at ang mga bahay na natatangayan ng bubong.
Sumilip ako bintana. Nangaligkig ako sa lamig ng umihip sa gawi ko ang malakas na hangin. Halos wala na akong makita sa labas. Sinarado ko na ang bintana.
Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Alas dies y medya na ng gabi at kasagsagan na ng tulog ng mga tao.
May pumasok na chat galing kay mama at nangangamusta. Agad ko naman syang nireplayan na okay naman ako. Di naman ako nag aalala kay mama dahil nasa mataas na lugar ang bahay namin sa Manila at matibay din ang yari nun.
Kamusta kaya sila tiyang?
Chinat ko si Junie at nangamusta din sa kanila. Agad din syang nag reply at sinabing ayos lang naman sila. Pero ang bubong daw nila sa kusina ay lumalangitngit. Hahayaan na lang daw nyang tangayin yun dahil bulok naman at para na rin daw mapalitan.
Pumasok naman ang chat ni Migz.
Migz: Gising ka pa?
Nagtype ako ng reply.
Ako: Oo, ang lakas ng ulan at hangin.
Saktong pagsend ko ay biglang dumilim ang paligid na ikinatili ko.
“Oh my god! Walang kuryente.” Bulalas ko at agad akong binuksan ang flashlight ng cellphone.
Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Takot ako sa dilim. Lalo na ngayon na mag isa lang ako.
Napapitlag ako ng biglang nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Migz. Agad ko naman yung sinagot.
“H-Hello Migz, walang kuryente dito sa bahay.”
“Wala ring kuryente dito sa bahay ko. May brownout.”
Luminga linga ako sa madilim na paligid. Halos wala akong liwanag na nakikita maliban sa bukas na flashlight ng cellphone ko.
Napatili ako ng kumulog ng malakas sabay guhit ng matalim na kidlat. Halos maiyak na ako sa kaba at takot. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat. Ang brownout tapos mag isa lang ako dito sa bahay.
“Racquel, ayos ka lang?”
“A-Ayos lang ako Migz.. P-Pero ang dilim.” Nanginginig ang boses na sabi ko.
“Wala ka bang emergency light o kahit rechargeable light?”
“M-Meron kaming emergency light dati. Pero di ko alam kung saan nailagay ni mama. Flashlight lang ng cellphone ko ang gamit ko..”
“Okay, pupunta ako dyan. Hintayin mo ko.”
Binaba ko na ang cellphone ng mawala na sa kabilang linya si Migz. Tumayo ako at lumapit sa pinto para abangan si Migz.
Mayamaya ay may kumatok na sa pinto at narinig ko na ang boses ni Migz. Agad kong binuksan ang pinto.
“Migz..” Sambit ko at humawak agad sa braso nya.
Chapter 18
Racquel POV
“AYOS ka lang?” Tanong agad ni Migz.
“Ayos lang.. sobrang dilim lang dito sa bahay ko. Halos wala akong makita. Ang lakas pa ng ulan at hangin.” Sabi ko ng hindi bumibitaw sa braso nya.
“Wala ka ba kahit kandila?”
Napapitlag ako at impit na tumili ng biglang kumulog ay kumidlat.
“W-Wala, di ako nakapag ready eh. Wala sa loob ko na baka mag brown out. Di pa naman ako sanay sa ganito kadilim..”
“Kung gusto mo doon ka muna sa bahay ko. Para may kasama ka. May emergency light ako doon.”
Tumingin ako sa kanya kahit di ko naman halos makita ang mukha nya. “Ayos lang ba?”
“Oo naman. Para kasing takot na takot ka sa dilim.”
Kumagat labi ako. “Hindi naman sa takot ako sa dilim. Huwag lang ganito kadilim tapos mag isa lang ako. Nakakatakot kaya..”
“Oo nga, tapos may biglang mangangalabit sayo.” Pananakot pa nya sa akin.
Pinalo ko naman sya sa braso. “Naman to eh! Nananakot pa.”
Tumawa sya at inakbayan ako. “Huwag ka ng matakot. Nandito naman ako eh. Di ko hahayaang makuha ka ng monster.”
Napanguso ako at natawa na rin sabay kurot sa tiyan nya. Ang tigas ng tiyan nya.
“Puro ka kalokohan. Natatakot na nga eh.”
“Pinapatawa lang kita. Sandali lang, dito ka muna. Tsi-tsek ko muna mga outlet kung may mga nakasaksak.”
“Samahan na kita.” Suhestiyon ko.
Sinamahan ko na nga sya na i-tsek ang mga outlet dito sa bahay ko at tinanggal nya isa isa ang mga nakasaksak para safe. Sinamahan nya rin ako sa kwarto ko para kunin ang bag ko. Kumuha na rin ako ng jacket at sinuot.
Si Migz na ang naglock ng pinto ng bahay ko. Inakbayan nya ako at nagsukob kami sa payong na dala nya. Nangaligkig pa ako sa ginaw dahil sa lamig ng ihip ng hangin idagdag pa na umaanggi sa amin ang ulan.
Pagpasok sa loob ng bahay nya ay basang basa ang t-shirt na suot nya. Bahagya lang akong basa dahil halos yakap nya ako kanina.
“Magbihis ka na agad. Basang basa ka o.” Sabi ko habang hinuhubad ang jacket na suot. Hindi naman nabasa ang suot ko sa loob.
Napasinghap ako ng biglang hinubad ni Migz ang basa nyang t-shirt. Tumambad tuloy sa aking mga mata ang maskulado nyang katawan. Nagfi-flex pa ang mga muscle nya sa braso sa tuwing gagalaw sya.
Nag iwas ako ng tingin at kunwaring pinapagpagan ang jacket ng tumingin sya sa akin.
“Akyat lang ako sa kwarto para kumuha ng damit. Hindi ka ba basa?”
“Hindi naman.. Itong jacket ko lang ang medyo basa.”
“Okay. Sumama ka na lang kaya sa akin sa kwarto. Gusto mo na bang magpahinga?”
Namimilog ang matang tumingin ako sa kanya. “Patutulugin mo ko sa kwarto mo?”
“Oo naman.”
Humimas ako sa batok. “Ano.. okay na ako dito sa sofa matulog. Kasya naman ako eh. Huwag mo na lang patayin yung emergency light..”
Ngumisi sya. “Lights on ka pala.”
Sinamaan ko sya ng tingin at pabirong hinampas ng jacket na ikinatawa nya.
“Di ako papayag na dito ka sa sofa matutulog. Doon ka sa kwarto ko.”
“Eh ikaw saan ka matutulog?”
“Doon din sa kwarto.”
Suminghap ako at namilog ang mata. “M-Magkatabi tayong matutulog?”
Gumuhit ang pilyong ngiti sa kanyang labi. “Bakit, ayaw mo ba?”
Nag init ang mukha ko. Ayaw ko ba o gusto ko?
‘Syempre gusto mo. Marupok ka eh.’ Singit ng isang boses sa kabilang bahagi ng utak ko.
“V-Virgin pa ako. Mukha lang hindi..” Hindi ko alam kung bakit yun ang nasambit ko.
Tumawa naman sya. “Mukhang iba ang iniisip mo ah.”
Ngumuso ako at lalong nag init ang mukha ko. “B-Bakit, mali ba ako?”
“Mali po. Gusto ko lang makatabi ka. Wala akong gagawin.”
Tumaas ang kilay ko. “Weh?”
“Na di mo magugustuhan.” Pilyong sabi nya sabay ngisi at kindat.
Kinurot ko naman sya sa braso. Pero tumawa lang sya.
“Ay!” Tili ko ng bigla nya akong buhatin na parang sako ng bigas at humakbang sya paakyat sa hagdan. Patawa tawa lang sya habang ako ay para lang paslit na pasan nya.
Tumabi na ng higa sa akin si Migz at tumagilid. Malakas naman ang pintig ng puso ko. Ito ang unang beses na matutulog akong may katabing lalaki. Nakalimang boyfriend na ako. Pero wala ni isa sa kanila ang nakatabi ko sa kama kahit si Nathan na syang pinaka matagal na nakarelasyon ko. Liberated akong manamit at mag isip minsan pero mahalaga pa rin sa akin ang pagkababae ko. Ewan ko nga lang kung makaligtas pa ang pagkababae ko kay Migz.
“Hindi ka ba komportable na katabi ako? Lilipat na lang ako sa baba.” Ani Migz.
“Hindi, ayos lang.” Sabi ko at humawak sa braso nya.
“Sigurado ka? Baka naaasiwa ka?” Aniya na may pag aalala sa mukha.
“Hindi nga. Dito ka na lang. Komportable naman akong katabi ka eh.” Nakangiting sabi ko. At totoo naman yun. May ibang kiliti nga lang akong nararamdaman ngayong katabi ko sya.
“Sabi mo eh. So, ayos lang na yakapin kita?”
Kagat labing tumango ako.
Iniyakap naman nya ang isang braso sa bewang ko. Hindi pa sya nakuntento, isiniksik pa nya ang isang braso sa ilalim ng ulo ko kaya nakaunan na ako doon. Kinabig pa nya ang bewang ko padikit sa kanya. Dikit na dikit na ngayon ang aming katawan. Ramdam ko ang init ng singaw ng kanyang katawan at hininga na tumatama sa mukha ko.
“Ayos lang ba?” Nakangising tanong pa nya.
“Oo, ayos lang.” Natatawang sabi ko na lang kahit ang puso ko ay halos dumoble na ang tibok sa kaba. Hindi yun kaba ng takot kundi kaba ng excitement.
Natawa din sya at hinalik halikan ako ng mariin sa sentido at pisngi.
“First time mo lang bang may makatabi sa pagtulog?”
“Na lalaki? Oo..” Sagot ko.
“Ako pala ang first time mo.”
“Ganun na nga..”
“I’m glad..” Aniya at hinawakan ang pisngi ko sabay siil ng halik sa aking labi.
Magaan at padampi-dampi lang ang halik nya sa aking labi. Gumaganti naman ako na may kasamang haplos sa kanyang matigas na braso. Ngunit ang magaan nyang halik na parang nanunukso ay may ginigising na init sa aking kaibuturan. Idagdag pa ang kanyang masuyong haplos sa aking tagiliran at balakang.
Hanggang sa ang magaan at masuyong halik ay naging mapusok. Halos dumagan na rin sa akin si Migz at ang kanyang kamay ay pumipisil na rin sa aking balakang. Unti unti na rin akong nalulunod at nadadarang. Nag iinit na rin ang aking katawan. Para bang may gusto akong abutin.
Ngunit bigla namang tumigil si Migz. Tuloy ay parang bigla akong lumagapak sa lupa. Aray ko naman!
“B-Bakit ka tumigil?” Takang tanong ko habang bahagyang habol ang hininga.
“I’m sorry love. Ayokong isipin mo na nag te-take advantage ako..” Anas nya at mariin akong hinalikan sa noo.
“Ha? Ah ano..” Kumurap kurap ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pero isa lang ang sigurado. Bitin ako.
“Matulog na tayo. Masarap matulog ngayon. Sobrang lamig.” Sabi na lang nya at tinaas ang kumot sa aming katawan sabay yakap sa akin at halik sa buhok.
Wala naman sa sariling napasimangot ako habang nakatingin sa malamlam na liwanag mula sa maliit na solar lamp na nasa dingding.
Napabuntong hininga na lang ako at yumakap kay Migz.
Di bale, may next time pa naman.
Kinabukasan ay may kuryente na. Maaliwas na rin ang panahon pero nag iwan ng matinding bakas ang malakas na bagyo. Nagkalat sa labas ang mga putol na sanga ng puno at mga lumipad na yero. Ilang kapitbahay namin ang naliparan ng yero. Di rin nakaligtas ang yero sa kusina ng bahay nila tiyang.
“Mabuti na nga lang at yung yerong bulok lang ang tinangay ng bagyo. Kuh, halos di nga kami nakatulog ng Tiyang Erlinda mo.” Ani Tiyang Claring habang naglilinis na sa kusina na basang basa. Tumulong na rin ako para mabilis matapos. Hindi ako nagbukas ng tindahan ngayon para bigyan ng oras ang mga tauhan kong naapektuhan ng bagyo kagabi.
“Importante po ayos lang kayo, tiyang. Eh nasaan po pala si Tiyang Erlinda at Junie?”
“Si Tiyang Erlinda mo ay nasa palengke para tingnan ang tindahan. Pero di sila magtitinda ngayon ni Junie dahil siguradong matumal ang benta. Ang pinsan mo naman ay bumili na ng pamalit na yero. Eh ikaw, kamusta ka naman kagabi? Biglang nag brown out. Nag alala nga ako dahil naalala ko matatakutin ka sa dilim.”
Nag iwas ako ng tingin kay Tiyang Claring habang pinupunasan ko ang ibabaw ng cabinet.
“A-Ayos lang naman po ako tiyang. H-Hindi naman na po ako ganun katakot sa dilim.” Labas sa ilong na sabi ko.
“Ganun ba. Aba’y mabuti naman. Papupuntahan nga sana kita kay Junie eh. Hinihintay lang namin ang tawag mo kung magpapasaklolo ka. Pero naisip ko nandun naman si Migz na kapitbahay mo lang. Kinamusta ka naman ba?”
“O-Opo tiyang.. binigyan pa nga po nya ako ng kandila.” Pagsisinungaling ko sabay ngiwi ng patago.
“Mabuti naman.”
Kung alam lang ni tiyang na natulog ako sa bahay ni Migz kagabi at kamuntikan ng mabiyak ang kabibe ko. Siguradong makukurot nya ako sa singit.
Chapter 19
Migz POV
LUMINGON ako kay Racquel na nasa sala at abala sa ginagawa. Nagkalat ang mga resibo sa center table na kinukwenta nya. Nag aalangan tuloy akong istorbohin sya dahil baka magkamali ay sungitan ako.
Binalingan ko ang niluluto kong escabecheng lapu lapu. Dumiretso muna kami ni Racquel sa talipapa kanina para bumili ng lulutuing ulam at ang gusto nga nya ay escabeche. Bilang mabait at mapagmahal na nobyo, syempre ay ipagluluto ko sya.
Pinatay ko na ang kalan at tinakpan muna ang kawali. Tiningnan ko naman ang sinaing. Medyo basa pa yun kaya hinayaan ko muna sa mahinang apoy. Sunod ko namang hinanda ang vegetable salad.
“Love, luto na ang dinner natin.” Untag ko sa nobya.
“Sige wait lang, love. Matatapos na ako ilang resibo na lang to.” Aniya ng hindi tumitingin sa akin.
“Okay. Anong gusto mo juice o soft drinks?”
“Soft drinks na lang, love. May coke in can ako sa ref.” Sagot nya at bahagyang yumuko para damputin ang nalaglag na isang resibo dahil nilipad ito ng hangin ng electric fan.
“O.. kay..” Sambit ko habang di ko magawang maialis ang tingin sa malusog na dibdib ng nobya na sumisilip sa suot nyang spaghetti blouse.
Napalunok ako at bigla akong nainitin.
Tangna! Kailangan ko ng malamig na coke!
Lumapit ako sa ref at kumuha ng isang coke in can at binuksan yun sabay tungga. Para kasing nanuyo ang lalamunan ko bigla.
Sa bawat araw na lumilipas na lagi kaming magkasama ni Racquel, lalo na kapag kaming dalawa lang ay sinusubok talaga ang pasensya ko. Para kasing lagi nya akong inaakit sa simpleng mga galaw nya. Gaya ngayon. Alam ko namang di nya sinasadya na maipakita sa akin ang malusog na dibdib nya dahil okupado ang isip nya sa kanyang ginagawa. Pero para akong sinisilihan. Kakaligo ko lang pero parang gusto ko uling maligo. Idagdag pa naninigas na si junior ko. Matagal na rin kasi itong nahimlay at ngayon ay sabik na sabik nang sumibak.
Ayokong pilitin si Racquel sa bagay na yun dahil baka matakot sya sa akin. Gusto ko ay yung handa na sya. Kaya ko pa namang magtiis. Pipilitin kong kayanin. Pero kung laging ganito na tinatakam nya ako ay baka tuluyan nang mapugto ang pisi ng pasensya ko.
“I’m done, love. Kain na tayo.” Sambit ni Racquel na tumayo na at inayos ang pagkakatali ng buhok.
Humagod naman ang tingin ko sa kanyang kabuuan. Spaghetti blouse ang suot nya at maiksing cottong short na litaw na litaw ang mapuputing mga hita.
Muli kong tinungga ang coke in can.
“Hindi pa tayo kumakain nag coke ka na agad. Uhaw na uhaw yarn?” Nakangising sambit nya at lumapit na sa mesa.
Napangisi at napailing na lang din ako. Lumapit na rin ako sa mesa at umupo na.
“Kain na tayo bago ikaw pa ang kainin ko.”
Tumingin sya sa akin at namula ang pisngi nya.
Tumawa naman ako at pinisil ang kanyang maliit na matangos na ilong.
Nanghaba naman ang nguso nya at dinampot ang bandehado ng kanin. Nilagyan nya ako ng kanin sa plato.
“Gutom lang yan, love. Kain ka na.”
“Pwede bang mamaya ikaw naman ang kainin ko?” Pilyong sabi ko.
Suminghap sya at namilog ang mata. “Migz!”
Tumawa ako. “Gulat na gulat ka naman.”
Inikutan nya ako ng mata. “Kung ano ano kasi ang sinasabi mo eh.”
“Kasalanan mo kasi.”
Kumunot ang noo nya. “Anong ginawa ko?”
Ngumisi ako habang naglalagay na ng ulam sa plato. “Pinakitaan mo ko ng pwet ng bata.”
“Anong pwet ng bata?”
Nginuso ko ang dibdib nya.
Nagbaba sya ng tingin sa dibdib sabay awang ng labi. Namula din ang kanyang mukha at pasimpleng hinila pataas ang neckline ng spaghetti blouse. Pero bumababa lang yun at lumilitaw ang kanyang maputing cleavage.
“Huwag mo ng itago. Nakita ko na.” Nakangising sabi ko at sumubo na ng pagkain.
Ngumuso naman sya. “Sinisilipan mo ko, ha..”
“Uy hindi, ah. Hindi ko sinasadya na makita yan. Bigla kang yumuko eh.”
“Sorry.. nawala sa loob ko. Masyado akong focus kanina eh.”
“Ayos lang. Basta huwag kang lalabas na ganyan kababa ang neckline ng damit mo at ganyan kaiksi ang shorts mo. Mapapaaway talaga ako kapag may nambastos sayo.” Sabi ko at nilapit sa kanya ang ulam.
“Hindi naman ako lumalabas ng ganito lang ang suot. Sa loob lang ako ng bahay nagsusuot ng ganito.”
“Good. At kapag kasama mo lang ako.”
Tumingin sya sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. “Bobosohan mo lang ako eh.”
Tumawa ako. “Anong tingin mo sa akin manyak?”
“Gwapong manyak.” Aniya sabay tawa rin.
Napangisi at napailing na lang ako. Iniba ko na lang ang topic dahil baka kung saan pa kami mapunta sa gitna ng pagkain namin.
“Good evening baks! I have something for you – Ay! Nandito pala si boyfie.”
Sabay kaming lumingon ni Racquel kay Chariz na pumasok at may dalang mangkok.
“Kain Chariz.” Alok ko sa babae.
“Ay, tapos na akong kumain Migz. Pero may dala ako. Saktong kumakain kayo.”
“Ano yang dala mo bakla?” Tanong ni Racquel.
Nilapag naman ni Chariz ang mangkok sa mesa at tinanggal ang takip na plato.
“Wow! Bulalo.” Bulalas ni Racquel.
“Nakaharbat kasi si tatay sa kumpare nya ng karneng baka dahil nagkatay. Ang kinuha nya yung buto buto. Ayan! Masarap na pambulalo. Buti na lang marami ang dinala ko. Nandito pala si Migz.”
Ngumisi ako. “Salamat, Chariz.”
“Salamat baks. Sumalo ka na sa amin.”
“Hindi na. Kumain na ako. Busog na busog na nga ako. Kayo na lang ni Migz. Sige, iwan ko na kayo. Bukas ko na lang kunin yung mangkok. Enjoy love birds!” Tumalikod na si Chariz.
“Salamat Chariz!”
“You’re welcome!”
Lumabas na si Chariz at sinarado ang pinto. Napansin ko ang ilang kapitbahay na nakatingin sa amin ni Racquel dahil bahagyang nakatapat ang dining table sa pinto. Wala naman ng problema kung pag usapan pa nila kami ni Racquel dahil alam na ng lahat na nobya ko sya. Basta huwag lang silang magpapakalat ng tsismis na hindi totoo at ikasisira ni Racquel dahil ako ang makakalaban nila.
“Hmm.. sarap humigop ng mainit na sabaw.” Sambit ni Racquel na humihigop ng sabaw ng bulalo.
Napangisi naman ako. Masarap nga ang sabaw ng bulalo. Pero parang mas masarap higupin ang sabaw nya.
.
.
Racquel POV
“LOVE, pwedeng manghiram ng charger mo sandali? Hindi na gumagana ang charger ko eh. Dadaan na lang ako mamaya sa kalapit na mall para bumili.” Untag ko kay Migz na nagpiprito ng itlog.
Lumingon sya sa akin. “Nasa kwarto ko, love. Sa may cabinet unang drawer. Pakikuha na lang.”
“Okay.”
Lumabas na ako sa kusina at umakyat sa hagdan.
Kung kagabi ay sa bahay kami nag dinner, ngayong breakfast naman ay dito sa bahay nya. Lagi na kaming sabay umaalis ng bahay ni Migz. Sya ay para mamasada o kaya ay bibisitahin ang mga negosyo nya at ako naman ay pupunta sa tindahan. Hindi na ako masyadong maaga kung pumunta sa tindahan at grocery store dahil gamay na ng mga tauhan ko ang mga gagawin.
Pagpasok sa kwarto ni Migz ay dumiretso ako cabinet at binuksan ang unang drawer. Nakita ko naman ang charger. Pero natigilan ako ng may nakitang pamilyar na panyo na kulay puti na may disenyong bulaklak at may nakaburdang letter R. Maayos yung nakatupi. Dinampot ko yun at tiningnan.
“Parang akin to, ah.”
Short update po muna ;)
Chapter 20
Racquel POV
NATIGILAN ako at binitawan ang panyo ng mag ring ang cellphone na hawak ko. Tumatawag si mama. Agad ko yung sinagot.
“Hello, ma.”
“Anak, otw ako sa Pampanga.”
Kumunot ang noo ko. “Pupunta kayo dito sa Pampanga, ma?”
“Yes. Pupunta ako sa San Fernando sa Ninang Josephine mo dahil reunion naming magkakaklase bukas. Dadaan muna ako dyan sa bahay para dyan na rin magbihis.”
“Sige po, ma. Tawag na lang po kayo kapag malapit na kayo.” Lumabas na ako ng kwarto ni Migz dala ang charger.
“Nasa tindahan ka na ba?”
“Papunta pa lang po ng tindahan, ’ma. Pero uuwi din po ako kapag malapit na kayo sa bahay.”
“Hmm sige. Gusto ko ring makaharap ang nobyo mo at makausap. Nandyan ba sya.”
Tumingin ako kay Migz na naghahain na sa mesa ng almusal namin. Tumingin din sya sa akin.
“Opo, ’ma. Sasabihan ko po sya.”
“O sige, ibababa ko na ito at nagmamaneho ako.”
“Ingat po sa pagmamaneho, ’ma.”
Binaba ko na ang cellphone at pinatay. Chinarge ko rin yun saglit sa sala at lumapit na sa mesa.
“Tumawag ang mama mo?”
“Oo, papunta sya dito sa Pampanga. Dadalo sa wedding anniversary ng ninang at ninong ko. Pero dadaan muna sya sa bahay at gusto ka raw nyang makaharap.”
Pinaghila nya ako ng upuan. Umupo naman ako.
“Walang problema.” Aniya at umupo na rin. “So hindi ka pupunta sa tindahan at hihintayin mo ang mama mo?”
“Pupunta. Pero uuwi din ako kapag malapit na si mama.” Nagsandok na ako ng sinangag at nilagay sa plato. Sinandukan ko na rin sya.
“Okay, di na rin muna ako mamamasada. Pupuntahan ko na lang din ang supermarket at hardware para i-tsek ang mga tao doon.”
Kumain na kami ni Migz at pinag usapan ang mga plano ngayong araw. Pero medyo kinakabahan ako sa paghaharap nila mamaya ni mama. Prangka magsalita si mama at may paglataklesa. Nag aalala ako na baka ma-offend si Migz.
Pagkatapos kumain ay umalis na kami ni Migz. Dala namin ang kotse ko na sya ang nagmamaneho. Hinatid nya ako sa tindahan at sya naman ay dumiretso sa supermarket nya.
–
NAKAAWANG ang labi ko habang pasalit salit ang tingin kay mama at Migz na nag uusap. Panay ang bungisngis ni mama na parang kinikiliti habang kausap si Migz. Ibang iba ang nangyayari ngayon kesa sa inaasahan ko kanina. At may pahampas hampas pa sya sa balikat ni Migz.
“Naku, may pagka bolero ka pala Migz. Hindi mo ko madadaan dyan sa pambobola mo.”
“Hindi naman ho. Nagsasabi lang ho ako ng totoo. Hindi kayo mukhang nasa fifty. Para nga lang ho kayong nasa fourty nine.”
Muling hinampas ni mama si Migz sa balikat habang tumatawa. “Hindi ka lang bolero, mabiro ka pa.”
Natatawang tumingin sa akin si Migz sabay ngisi. Tinaasan ko lang sya ng kilay habang sinisimsim ko ang orange juice sa baso. Mukhang nakuha na nga nya ang kiliti ni mama. Magaling din talaga syang mambola eh.
“Alam mo yang si Racquel noong bata pa kamukha ng papa nya. Mabuti na lang nung mag teenager at magdalaga ay naging kamukha ko na. Kaya yan naging pilahin ng mga manliligaw.”
“Halata naman ho na sa inyo nagmana ng ganda si Racquel, tita.”
“At ka-sexy-han. Pasalamat sya sa genes ko dahil nakuha nya lahat.”
Nanlaki ang butas ng ilong ko. Sa lahat ng mga naging boyfriend ko wala akong natatandaan na ganito ka giliw si mama sa pakikipag usap sa kanila. Tanging kay Migz lang. Iba naman kasi talaga ang karisma ni Migz. Pati nga mga tiyahin ko close nya rin eh. Pero siguradong lalo pang matutuwa si mama kay Migz kapag nalamang mayaman talaga sya.
“Ah excuse me Tita Aliza, love. Tumatawag ang isang driver ko. Sagutin ko lang.” Ani Migz habang hawak ang cellphone na nag ri-ring.
“Sige lang Migz. Take your time.”
Tumayo na si Migz at tumingin sa akin. Tinanguan ko naman sya.
Lumabas sya ng bahay at sinagot na ang tawag.
“Mabait naman pala yang si Migz, anak. Kwela at masarap kausap.” Saad ni mama.
Tumaas ang kilay ko. “Mabait talaga si Migz, ma. Halata naman dahil tuwang tuwa kayo sa kanya.”
“Eh sa nakakatuwa talaga sya.”
“Parang gusto ko na ngang magselos ’ma, eh. Iba yung bungisngis nyo kanina. Para kayong kinikilig. Don’t tell me may crush na kayo kay Migz, ah.”
Kinurot ako ni mama sa tagiliran na ikinaigtad ko.
“Gaga. Natutuwa lang ako sa boyfriend mo dahil masarap kausap. Infairness sa kanya, mukha lang syang brusko dahil sa tattoo nya pero intelihente kausap. May mga sense ang sinasabi. Ibang iba sa iba mong naging boyfriends na lahat dispalinghado.”
“So, pasado na sa inyo ni Migz?”
“Pasado na. Pero syempre dapat kilalanin mo pa rin syang mabuti. Eh ang mga parents nya ba, nakilala mo na?”
“Yes, ’ma. Nagpunta kami sa bahay ng mga parents nya last month.”
“O, kamusta naman? Tanggap ka ba?”
“Yes ’ma. Mabait ang mommy at daddy nya.”
“Mommy at daddy, huh. Para namang galing sa buena familia si Migz.”
’Kung alam nyo lang ‘ma. Baka malaglag ang panga nyo kapag nalaman nyo kung gaano kayaman ang pamilya ni Migz.’
Kinahapunan ay hinatid namin ni Migz si mama sa San Fernando sa Ninang Josephine ko. Hindi na nagdala ng kotse si mama at iniwan na lang sa harap ng bahay. Dalawang araw si mama sa bahay nila Nilang Josephine. Proud pa ngang pinakilala ni mama si Migz sa ninang ko at sa iba pa nyang mga classmate noong college. Pinagkaguluhan pa nila si Migz na para silang mga teenager. Sinaway lang sila ni mama dahil baka magalit daw ako. Malapit na nga akong magalit dahil kung saan saan na dumadapo ang mga kamay nila sa katawan ni Migz. Yung isang classmate nga ni mama na maingay na kamukha ni Madam Kilay ay dalawang beses ko ng nahuling pumipisil sa puwitan ni Migz. Kung di lang sya matanda at classmate ni mama, inaway ko na sya.
“Muntik ng malaspag ang puri ko kanina, ah.” Natatawang sabi ni Migz habang nagmamaneho. Pabalik na kami sa Mexico.
“Oo nga eh. Muntik ko na ring sabunutan yung mga frenny ni mama na panay ang himas sayo.”
Lumakas ang tawa nya. “Selos ka naman.”
Ngumuso ako. “Syempre, boyfriend kita no. Ako nga di kita nahihimas eh tapos sila panay ang himas.”
Tumingin sya sa akin at pilyong ngumisi. “Hindi mo naman kailangan magselos, love. Pwedeng pwede mo naman akong himasin. Anong parte ba ng katawan ko ang gusto mong himasin?”
Nag init naman ang mukha ko sa sinabi nya. Parang biglang naging green ang laman ng utak ko.
“Uy, namumula sya. Parang alam ko na kung ano ang gusto mong himasin ah.”
Kinurot ko sya ng pino sa tagiliran na ikinatawa lang nya.
“Bakit? Wala pa akong sinasabi.”
“Alam ko ang nasa isip mo. Hindi yun no!” Nag iinit ang mukhang inirapan ko sya. Kaya dumudumi ang utak ko dahil sa mga ganitong hirit nya eh.
“Hindi ang malaki kong braso? Parang di ako naniniwala dyan. Lagi mo kayang hinihimas to. Niyayakap mo pa nga to eh.” Aniya sabay ngisi at flex ng malaki nyang braso na may tattoo.
Napanguso naman ako at inikutan sya ng mata sabay hawak at sandig sa braso nya. Pero totoo naman ang sinasabi nya. Gustong gusto kong hinihimas ang malaking braso nya at niyayakap. Secured kasi ang pakiramdam at parang kayang kaya nya akong protektahan sa anomang panganib.
“See? Tama ako di ba?”
“Oo na.”
Tumawa sya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Ang sarap pakinggan ng tawa nya. Malaki at lalaking lalaki.
“Ayaw mo rin bang himasin ang isa ko pang malaki?” Aniya sa nang aakit na boses.
Tumingin ako sa kanya at tinaasan sya ng isang kilay. “Alam mo ikaw, lalo ka ng nagiging pilyo. Yung totoo, tigang na tigang ka na no?”
Lumingon sya sa akin at nginisihan ako. Kakaiba ang kislap ng kanyang kulay malabnaw na tsokolateng mga mata.
“Paano kung sabihin kong, oo?”
Hindi ako nakaimik. Ramdam kong di sya nagbibiro. Lalaki si Migz. Gaya din sya ng normal na lalaki na may iba ding pangangailangan. Girlfriend nya ako at ako lang ang makakapagbigay ng pangangailangan nya. Maliban na lang kung kagaya din sya ni Nathan na sa iba hahanapin ang pangangailangan. Hindi naman siguro sya ganun at hindi ko rin hahayaan na sa iba pa nya hanapin yun.
“Hindi ka na nakaimik, love. I’m sorry kung nagiging pilyo na ako.”
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “It’s okay, love.” Muli akong sumandig sa braso nya.
At sa gitna ng byahe ay nag isip isip ako. Twenty five years old na ako. Nasa tamang edad na. Ayos na sigurong mawala ang virginity. At syempre ibibigay ko lang yun sa lalaking deserving at mahal na mahal ko.
Pasimple akong tumingin kay Migz na tutok ang mga mata sa kalsada.
Bago pa lang ang relasyon naming dalawa. Mag ti-three months pa lang kami next week. Pero mahal na mahal ko na sya at handa na rin akong ibigay ang sarili sa kanya.
Dumaan muna kami ni Migz sa mall at kumain doon. Nag ikot ikot din kami at doon na rin ako bumili ng bagong charger. Para nga kaming teenager na bagong mag girlfriend at boyfriend. Pinagtitinginan pa kami ng mga tao lalo na sya na talagang nililingon ng mga babae. Possessive naman akong nakahawak sa braso nya. Handa akong manakmal ng babaeng lalapit sa kanya..
–
“Mm..” Mahinang ungol ko ng marahang kagatin ni Migz ang ibabang labi ko sabay sipsip nito. Agad din naman nyang pinakawalan yun at muli akong siniil ng marubrob na halik na akin namang tinugon.
Init na init na ang pakiramdam ko sa halikan namin ni Migz. Ilang minuto ng magkalapat ang mga labi namin pero wala pa rin kaming kasawaan sa isa’t isa. Hindi na nga namin naiintindihan ang movie na pinapanuod naman at wala na rin kaming interes. Nasa isa’t isa na ngayon ang focus naming dalawa.
Naghiwalay ang labi namin ni Migz at naglapat ang mga mata naming dalawa na parehas namumungay. Hinapit nya ang bewang ko at sa leeg naman nya ako hinalik halikan habang ang isa nya namang kamay ay nasa balakang ko at pumipisil. Napahawak naman ako sa ulo nya at inarko ko ang leeg para bigyan pa sya ng acess.
Mas lalo pa akong nag iinit sa posisyon namin ngayon. Nakaupo ako paharap sa kandungan nya dito sa sofa at magkadikit na magkadikit ang aming katawan. Dama namin ang mainit na singaw ng katawan ng isa’t isa. Damang dama ko rin ang matigas nyang umbok na nasasagi ng aking gitna na lalong nagpapainit sa akin.
“Fuck love.. you’re so hot..” Anas nya at ang ibabaw ko namang dibdib ang hinalik halikan.
Kumagat labi lang ako at hinayaan syang papakin ang ibabaw ng dibdib ko. Nag iiwan pa sya doon ng maliliit na kagat na siguradong magmamarka. Napasinghap pa ako ng kabigin nya ang balakang ko padikit pa lalo sa kanyang harapan. Para akong kinuryente ng kumiskis ang kayang harapan sa aking gitna.
Biglang tumigil si Migz at tumingin sa akin. Nag aapoy ang kislap ng kanyang mapupungay na mga mata na parang hinihigop ako.
Hinawakan ko ang kanyang mukha at ako naman ang humalik halik sa kanyang labi at pisngi. Ayoko pang matapos ang sandaling ito.
“Love..”
“Hmm..”
““I think we need to stop now..”
Natigilan ako at tumingin sa kanya. “Ha? Bakit?”
Pabitin na naman eh!
Lumunok sya at hinawakan ang pisngi ko. Senswal nyang hinaplos ng kanyang hinlalaki ang aking labi.
“Dahil kapag hindi pa tayo tumigil.. baka kung saan pa tayo umabot. Ayokong biglain ka..”
Ginalaw ko ang balakang pasakyod at kiniskis ang aking harapan sa kanya. Suminghap naman sya at tumiim ang kanyang bagang. Lalong nag apoy ang kanyang mga mata.
Ngumisi ako. “Mukha ba akong nabibigla? Handa na ako, love.” Sabi ko sa senswal na boses.
Saglit syang di umimik at nakatitig lang sa akin. Mayamaya ay malutong syang nagmura at siniil akong muli ng mariing halik. Yumakap naman ako sa kanyang batok at tumugon.
Chapter 21
Warning 🔞
Racquel POV
“HMM love..” Mahinang ungol ko habang lumiliyad at nakahawak sa ulo ni Migz.
Darang na darang ako at para na akong inaapoy ng lagnat sa init na nararamdaman dahil sa sarap na ginagawa ni Migz sa katawan ko. Salitang nyang sinusubo ang dalawa kong dibdib habang ang isa nyang kamay ay nasa loob ng aking short at hinihimas ang aking pagkababaeng nanlalagkit na.
Sobrang bilis ng pangyayari. Kanina lang ay nasa sala kami nag me-make out at ngayon ay narito na sa kwarto ko. Wala akong tutol sa mga ginagawa nya sa akin. Bakit naman ako tututol eh sarap na sarap at enjoy na enjoy ako. Ngayon ko lang narananasan ang ganitong klaseng pakiramdam. Para akong kinukuryente sa sarap.
“Hmm shit love – uhhm!” Mahabang ungol ko kasabay ng panginginig ng mga hita ko ng pisilin nya ang kuntil ko.
Niluwa ni Migz ang dibdib ko at muli akong siniil ng mariing halik. Kinabig ko naman ang batok nya at tumugon ng mas mariing halik.
“Ahh love.. ang sarap..” Sambit ko habang ninanamnam ang daliri nyang nilalaro ang pagkababae ko. Nariyang mariin syang humihimas, hinahagod ang mahabang daliri sa aking hiwa at kinakalabit ang aking kuntil. Kakaibang sarap talaga ang nararamdaman ko na para akong kinukuryente at dama ko sa lahat ng sulok ng katawan ko.
“Basang basa ka na love..” Anas nya at muling sinakop ang isa kong dibdib. Nilalaro ng dila ang aking utong sabay sisipsipin. Kaya naman doble doble na ang kiliting nararamdaman ko.
Maya maya ay bumaba pa ang halik ni Migz sa aking tiyan at puson. Hanggang sa naramdaman kong binababa nya ang suot kong shorts at panty. Kumabog ang dibdib ko sa pananabik.
Napakagat labi ako sabay buntong hininga ng sumubsob sya sa aking pagkabababae. Kung masarap na ang dulot ng kanyang kamay at daliri ay mas doble ang kanyang bibig at dila. Mas masarap ang kiliting dulot nun lalo na ang kanyang mainit na dila na humahagod sa aking hiwa at kuntil.
“Uhmm love..” Impit kong ungol ng sipsip nya ng mariin ang aking kuntil.
Binuka pa nya ng husto ang aking mga hita at mas lalong naging malikot ang kanyang labi at dila na sumusungkal sa bawat sulok ng aking pagkababae. Napapasabunot na rin ako ng mariin sa kanyang buhok at panay na rin ang kislot ng aking balakang.
“U-Ugh shit love!” Tinutulak ko na paalis ang kanyang mukha sa aking pagkababae dahil pakiramdam ko ay naiihi ako. Pero matigas si Migz at lalo pang sumubsob.
Ilang sandali pa nga ay naramdaman kong parang may kung anong sumabog sa puson ko kasabay nun ang panginginig ng katawan ko. Napaikot din ang mata ko at pakiramdam ko ay naabot ko na ang bagay na matagal ko ng gustong maabot.
Habol ko ang hininga ng humupa na ang nakaliliyong sensasyong lumukob sa buo kong sistema. Nag angat na rin ng mukha si Migz at siniil ako ng halik na akin namang tinugon. Hindi ako nag alinlangan kahit pa alam kong galing sa aking pagkababae ang kanyang bibig.
“Sarap?” Nanunuksong tanong pa nya.
Nag init ang mukha ko at natatawang pinalo sya ng marahan sa braso.
“Ang galing mo.”
Ngumisi sya. “Tinatanong ko kung masarap.”
“Oo nga, masarap.”
Tumawa sya at kinintalan ako ng halik sa gilid ng labi.
Bumangon sya at hinubad ang suot na sando sabay hagis sa lapag. Sa malamlam na liwanag mula sa lampshade ay tila malinaw kong nakikita ang bawat detalye ng kanyang maskuladong katawan. Parang nabibilang ko ang maliliit nyang mga muscles sa tiyan. O sadyang kabisado ko na sa isip ang kanyang katawan.
Sunod namang hinubad ni Migz ang kanyang pantalon at brief. Napalunok ako at kumabog ang dibdib ko ng unti unti ko nang makita ang kanyang pagkalalaki na tila may sariling buhay na tumatayo. At totoo nga ang hula ko noong una pa na daks sya. Literal na malaki. Mahaba at mataba. Kulay brown at nangingintab pa ang ulo.
Muli akong napalunok at sumibol ang kaba sa dibdib ko.
‘Shit! Kaya ko ba yan?’
‘Kayanin mo yan Racquel. Ginusto mo yan eh. Di ba marupok ka?’ Singit ng isang boses sa kabilang bahagi ng utak ko.
Sumampa ng muli sa kama si Migz at gumapang sa ibabaw ko.
“Natatakot ka ba?” Malambing na tanong nya.
Lumunok ako. “H-Hindi ah.” Matapang na sabi ko.
Mahina naman syang tumawa at dinampi dampian ako ng halik sa labi. Dumagan na sya sa ibabaw ko at pinuwesto na ang ibabang katawan sa pagitan ng mga hita ko. Napakagat labi pa ako at para akong nakuryente ng dumunggol ang pagkalalaki nya sa aking gitna.
“Ready, love?”
Kagat labing tumango ako at humugot ng malalim na hininga. Humawak ako sa malaking braso nya ng magsimula na syang gumalaw. Nahigit ko ang hininga ng ihagod hagod nya ang kanyang pagkalalaki sa hiwa ng aking pagkababae hanggang sa itutok na nya ito sa aking bukana at diniin..
Mariin kong kinagat ang labi at impit akong napadaing sa sakit ng unti unti ng pumapasok ang pagkalalaki ni Migz sa aking lagusan. Dama ko ang pagkapunit ng laman ko sa loob. Dama ko ang katigasan nya na para akong hinihiwa sa dalawa.
“Ugh fuck! Ang sikip mo love nghh.”
“Ahh Migz!” Halos bumaok ang kuko ko sa braso nya ng umulos sya ng malakas. Ramdam ko na ang kabuuan nya sa aking loob. Di ko na napigilang tumulo ang luha ko sa sakit.
“I’m sorry love.. mas lalo kang masasaktan kung dadahan dahanin ko pa. Para isahang sakit na lang.” Anas nya at hinalik halikan ang pisngi ko.
Muling gumalaw si Migz ng mabagal. Kagat kagat ko lang ang labi ko habang tinitiis ang sakit hanggang sa parang nasanay na ako..
“Oh my gosh oh my gosh love.. uhmm!” Ungol ko habang malayang tinatanggap ang mabilis na ulos ni Migz sa aking lagusan.
Pabilis pa nga ng pabilis ang mga ulos nya at niyayanig nya ang buong sistema ko. May kaunting kirot pa rin akong nararamdaman pero mas lamang na ang sarap. Nasanay na nga ang loob ko sa kanyang kalakihan.
Umikot ang mata ko ng diinan pa ni Migz ang ulos nya. May tinatamaan syang sensetibong parte sa loob ko na para akong kinukuryente sa kiliti.
Ganito pala kasarap ang maangkin ng lalaking mahal mo. Parang ayoko ng matapos ang masarap na sandaling ito.
“Ugh fuck love!” Malakas na ungol ni Migz at mas binilisan pa ang mga ulos na para syang may hinahabol. Halos lumubog na rin ako sa kama ko. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at iniyakap ko rin ang aking mga binti sa kanyang balakang.
Maya maya pa nga ay muli kong narating ang sukdulan. Ilang segundo lang ay sumunod na rin si Migz. Pero hindi nya ipinutok sa loob. Mabilis nyang hinugot ang kanyang pagkalalaki at sa puson ko pinutok ang mainit nyang katas.
.
.
Migz POV
“TAPOS na pre.”
Tumayo ako sa reclining chair at humarap sa salamin. Tiningnan ko ang bago kong tattoo sa kaliwang dibdib. Wala na sana akong balak na magdagdag pa ng tattoo. Pero bigla kasing sumagi sa isip ko na ipa-tattoo ang pangalan ni Racquel. Siguradong masusurpresa sya kapag nakita ito.
“Salamat, Bogs.” Inabot ko ang bayad sa tattoo artist na kaibigan ko.
“Girlfriend mo?” Nakangising tanong nya habang nililigpit na ang mga gamit.
“Oo.” Nakangisi ding sabi ko at sinuot na ang t-shirt.
“Finally, nagka girlfriend ka na ulit. At mukhang seryosohan na yan ah. Pina-tattoo mo na eh.”
Tinawanan ko lang ang kaibigan. Talagang seryoso na ako kay Racquel at hindi ko na sya pakakawalan pa. Lalo na ngayon na may nangyayari na sa amin. Sa akin na talaga sya at hindi na maaagaw pa ng iba. Ako na ang huling lalaki sa buhay nya.
“Sya nga pala pre, medyo lumalabo na yung tinta sa dibdib mo. Gusto mo bang patungan natin?”
Natigilan ako at tumingin sa kaibigan. .
“Medyo nahahalata na kasi ang peklat kapag tinitigan.”
“Ganun ba. Sige, next time pare.”
Tumango sya.
Nagpaalam na ako sa kaibigan at lumabas na sa shop nya. Excited na akong makita ni Racquel ang bago kong tattoo. Siguradong matutuwa sya.
Tumunog ang cellphone ko. Agad ko yung sinagot ng makitang tumatawag si Racquel.
“Hello love.” Kumunot ang noo ko ng makarinig ng mga nagkakaingay na mga tao sa kabilang linya.
“Love, nasaan ka?”
“Nandito ako sa mall. Pinuntahan ko lang ang shop ng kaibigan ko pero palabas na ako. Bakit love?”
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
“Pwede bang puntahan mo ko dito sa may gasoline station sa may tapat ng banko malapit sa munisipyo.. N-Nakabangga ako eh.”
“Ano? Nakabangga ka?” Napahinto ako sa paglalakad.
Napatingin pa nga sa akin ang mga taong dumadaan. Pero di ko sila pinansin.
“O-Oo.. please puntahan mo ko. H-Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko eh.. N-Natatakot ako..”
Dinig ko ang panginginig ng boses ng nobya sa kabilang linya.
“Okay. Pupunta na ako dyan love. Mabilis lang ako.”
Binaba ko na ang cellphone at pinatay. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang escalator pababa. Nilukob na ng pagalala sa nobya ang dibdib ko.
Chapter 22
Racquel POV
“LOVE.”
“Migz.” Para akong nakakita ng anghel ng makita si Migz na nakasakay sa kanyang bigbike. Agad syang bumaba at sinabit sa side mirror ang helmet.
Lumapit sya sa akin. Humawak naman ako sa braso nya. Kinabig nya ako at hinalikan sa buhok.
“Ayos ka lang?” Tanong nya at tsinek ang katawan ko. Bakas ang pag aalala sa kanyang mukha.
Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Ngayong nandito na sya ay kumakalma na ang dibdib ko. Hindi kagaya kanina na malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba at taranta. Hindi ako makapag isip ng maayos at natutuliro ako.
“Kayo ho ba ang asawa ni ma’am?” Tanong ng pulis na rumesponde kay Migz.
“Oho sir. Juan Miguel Herrera ho.” Nilahad ni Migz ang kamay sa pulis.
Tinanggap naman yun ng pulis. “SPO1 Logarta. Mabuti at dumating ho kayo. Ito ho kasing misis nyo ay hindi naman makausap ng maayos dahil ninenerbyos.”
Tumingin sa akin si Migz. “Ganoon ho ba, sir. Pasensya na ho. Natatakot lang ang asawa ko sa nangyayari.”
Tumaas ang kilay ko. Talagang pinanindigan na nya ang pagiging asawa sa akin.
“Ano ho ba ang nangyari?” Tiningnan ni Migz ang kotse ko na nasa gilid ng kalsada at ang single motor na nasagi ko kanina. Gasgas lang naman ang meron sa motor at walang sira pero ang driver nito ay sugatan. May gasgas sa braso at binti. May iniinda ding masakit sa balakang.
“Parehas ho silang dalawa ang may kasalanan dahil parehas nag overtake. Kaya lang mas napuruhan itong nakamotor dahil tumalsik sa gutter. Handa naman syang magpa areglo basta sasagutin ang gamutan nya.”
“Sige ho walang problema. Ako na ho ang sasagot sa pagpapagamot nya.” Hinarap ni Migz ang lalaking nabangga ko at nilahad ang kamay dito. “Pasensya na pare. Pero sa susunod mag iingat ka din.”
“Opo sir, pasensya na din po kay ma’am. Eh sadyang wala lang po akong perang pampagamot. Hindi nga po ako makakapasok ngayon sa site dahil sa nangyari.”
“Huwag kang mag alala ako na ang sasagot sa pagpapagamot mo at sasagutin ko rin ang mga araw na hindi ka makakapasok sa trabaho mo.”
Hinayaan ko na lang na si Migz ang makipag usap sa mga pulis at sa lalaking nakabangga ko. Mukha kasing sanay syang humarap sa mga ganitong sitwasyon. Pero paminsan minsan ay nagsasalita din ako.
Sa huli ay sinamahan namin ni Migz ang lalaki sa hospital para ipagamot. Iniwan muna namin ang kotse sa gasolinahan. Umalis na rin ang mga pulis at bumalik na sa presinto. Pero kailangan naming sumunod doon ng lalaking nakabangga para sa blotter at magkapirmahan na rin na hindi kami maghahabla sa isa’t isa.
Malalim akong bumuntong hininga habang nakaupo sa bench sa harap ng emergency room. Si Migz ang sumama sa lalaki sa loob habang ako ay naghihintay dito sa labas. Hindi kasi ako komportable sa loob ng emergencey. Ninenerbyos ako kapag nakakakita ng dugo at karayom. Huling pumasok ako sa hospital ay seven years ago na. May tinulungan ako noon na isang lalaking duguan. Nanginginig ako noon at takot na takot sa dugo. Pero pinilit kong labanan ang takot at kaba para madala sa hospital ang lalaki.
Kamusta na kaya ang lalaking yun? Nung dumating ang isang kamag anak nya ay iniwan ko na sya dahil hindi ko na kayang magtagal sa loob ng hospital.
“Love.”
Nag angat ako ng mukha at tumingin kay Migz. “Kamusta, love?”
Tumabi sya ng upo sa akin. “Maayos naman ang lagay nung lalaki. Ginamot na ang mga galos nya. Lumabas na rin ang result ng x-ray. Wala naman syang fractured. Medyo nalamog lang ang laman sa balakang.”
Bumuntong hininga ako. “Mabuti naman.”
Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil pisil. “Ayos ka lang?”
“I’m okay na, love. Hindi lang ako komportable dito sa hospital. Takot ako sa dugo, eh. Pasensya na ha. Imbes na ako ang nag aasikaso sa nabangga ko ikaw pa ang nag aasikaso. Natutuliro kasi ako eh. Akala ko nga kanina, napuruhan ko si kuya.”
Hinalikan nya ako sa sentido. “Ayos lang, love. Naiintindihan ko.”
Matapos suriin ng doctor at gamutin ang lalaki ay binayaran ni Migz ang lahat ng gastos pati mga gamot. Nagtalo pa nga kami sa harap ng cashier dahil ako dapat ang magbabayad. Pero mapilit sya. Sa huli ay hinayaan ko na lang sya dahil nakakahiya sa mga nakapila. Pero babayaran ko rin sya.
Paglabas namin ng hospital ay dumiretso na kami sa presinto..
“Naku mabuti naman at walang masamang nangyari sayo, anak. Aba’y mag iingat ka sa pagmamaneho sa susunod.” Ani Tiyang Claring.
Pumunta ako dito sa bahay nila ni Tiyang Erlinda para ipaalam ang nangyari.
“Opo tiyang, mag iingat na po sa susunod.”
“Eh kamusta naman ang nabangga mong motor?” Tanong ni Tiyang Erlinda.
“Maayos naman po ang lagay nya tiyang. Gasgas lang po ang natamo nya at naipagamot na po.”
“Naghabla ba sayo yung nabangga mo?”
“Hindi ho. Pumayag naman hong makipag areglo basta sagutin lang ang pampagamot nya.” Si Migz ang sumagot.
“Mabuti naman kung ganun. Pero dapat ay may kasulatan para hindi na sya humabol.”
“Meron po tiyang. Sa presinto nga po kami galing.”
“Ikaw kasi insan, huwag basta basta nag o-overtake. Mamaya eh mas malaking sasakyan pa ang makabangga mo. Mabuti at motor lang.” Singit ni Junie.
“Kuh, nanenermon ka pa eh isa ka ring kaskasero at walang kadala dala. First time nitong pinsan mo na makabangga ikaw maraming beses na. Noong isang araw muntik ka na ring makasagi dahil ang hilig mong sumingit.” Bira ni Tiyang Erlinda kay Junie.
Napakamot naman sa ulo ang pinsan ko. May motor din kasi sya at may pagkakaskasero nga magmaneho.
“Maraming salamat sayo Migz at agad mong tinulungan itong si Racquel. Kung bakit ba naman kasi hindi kami ang agad na tinawagan.” Saad ni Tiyang Claring.
Napangiwi ako. “Pasensya na po tiyang. Sobra lang po akong nataranta kanina eh. Ninenerbyos pa po ako. Si Migz po ang una kong naisip na tawagan eh.” Nahihiyang sabi ko.
“Ayos lang. Mabuti at to the rescue itong nobyo mo. Salamat ulit sayo Migz.”
“Wala ho yun Tiyang Claring. Nobya ko ho si Racquel kaya ako ho ang dapat na unang mangalaga sa kanya.”
Lumingon ako kay Migz at ngumiti. Inakbayan naman nya ako at kinabig. Sumandig ako sa balikat nya. Buti na lang talaga may nobyo akong mabait at maalaga.
Ngumiti ang dalawang tiyahin ko habang nakatingin sa amin ni Migz.
“Alam mo kasi Migz matatakutin sa dugo at karayom yang si Racquel. Ayaw na ayaw nyang pumasok sa hospital dahil ninenerbyos. Huling pasok nya sa hospital pitong taon na yata ang nakakaraan. Noong may tinulungan syang duguang lalaki at dinala nya sa hospital. Pero pag uwi nya nilagnat kinagabihan.” Kwento ni Tiyang Claring.
Natigilan si Migz at bumaling sa akin. “Talaga? Nilagnat ka?”
Nahihiyang ngumiti ako sa nobyo.
“Kaya pala kanina ayaw mong pumasok sa emergency room.” Aniya at masuyong hinaplos ang buhok ko.
“Sorry love..”
Kinabig nya ang ulo ko at hinalik halikan ako sa buhok. “Nah, hindi mo kailangan mag sorry love. Ako dapat ang nag so-sorry..”
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. May kakaiba akong nakikita sa kanyang nga mata. Pero ngumiti lang sya sa akin.
“O sya, dito na lang kayong dalawa mananghalian. Sumalo na kayo sa amin.” Yaya ni Tiyang Erlinda na tumayo na at pumasok sa kusina para maghain.
–
“Thank you talaga, love. Dumating ka agad kanina. Di ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kanina sa nerbyos ko.” Sambit ko habang nakaupo ako sa kandungan at nakasandig sa kanyang malapad na dibdib.
Pagkatapos naming mananghalian kanina sa bahay ng mga tiyahin ko ay umuwi na kami. Hindi muna ako pumunta sa tindahan ayon na rin sa request ni Migz. Gusto nya ay magpahinga muna ako. Hindi rin sya umalis at sinamahan ako maghapon hanggang ngayong gabi
Hinalikan halikan nya ako sa buhok. “You’re welcome, love. Alam mo namang isang tawag mo lang sa akin darating agad ako.”
Nag angat ako ng mukha at tumingin sa kanya. Ngumiti ako at hinawakan ko ang kanyang mukha sabay dampi ng mariing halik sa kanyang labi.
“I love you, love..” Anas ko ng pakawalan ko ang kanyang labi.
Ngumiti naman sya at nangislap ang mga mata.
“I love you more Racquel..”
Tila lumulukso ang puso ko sa tuwa at kilig sa sinabi nya. Ramdam ko naman na mahal nya ako pero iba pa rin ang marinig mismo sa labi nya.
Kinabig ko ang mukha ni Migz at muli syang siniil ng halik na kanya namang agad na tinugon.
Naging mapusok at mas malalim ang halik na aming pinagsasaluhan. Punong puno ng init at pananabik. Walang gustong magpadaig. Ang mga dila namin ay tila pa mga nagpapaligsahan sa paggalugad sa loob ng bibig ng isa’t isa.
Napasinghap ako ng tumayo si Migz at binuhat ako. Yumakap naman ako sa kanyang batok habang walang puknat ang aming halikan. Naglakad sya at dumiretso paakyat ng hagdan.
Kumabog na ang dibdib ko sa pananabik at nagsimula na rin akong mag init..
“Ahh love.. stop it. Nakikiliti ako..” Humahagikgik na sambit ko habang hinahalik halikan ako ni Migz sa leeg. Nakikiliti kasi ako sa bigote at balbas nyang kumikiliti sa aking leeg.
Pero ang pilyong nobyo ay lalo pang sumubsob sa leeg ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Katatapos lang ng mainit naming pagnininiig. Nakatatlong round kami at nanghina talaga ko. Pero imbes na pagpahingahin na nya ako ay heto hinaharot pa nya ako.
“Takot ka pala sa karayom ha.. Pero sa malaking karayom ko di ka takot.” Panunukso nya sa akin.
Ngumuso ako. “Syempre.. mas masarap tumusok ang karayom mo eh.” Pilya kong sabi sabay bungisngis ng muli na naman nya akong pupugin ng halik sa leeg.
Kinabig pa nya ako lalo padikit sa kanyang katawan at parang nananadyang dinunggol dunggol pa nya ang kanyang pagkalalaki sa aking puwitan. Nag iiba na naman tuloy ang pakiramdam ko.
“Gusto mo bang matusok ulit ng karayom ko?” Pilyo nyang tanong sabay pisil sa isang dibdib ko.
Bahagya naman akong tumawa. “Nagiging malibog ka na love.”
Ngumisi sya at marahang kinagat ang tenga ko. “Ang sarap mo eh..”
“Oo na. Pero last na ha.. matulog na tayo.”
“Yes!” Tuwang sambit nya at muling dumagan sa akin.
Awtomatiko ko namang pinaghiwalay ang mga hita at yumakap sa kanyang batok.
Chapter 23
Warning 🔞
Racquel POV
“UGH shit love.. ang sarap mo puta!” Mura ni Migz sa sarap habang umiindayog ako sa kanyang kandungan. Bakas din sa kanyang mukha ang sarap. Namumungay pa ang kanyang mga mata na minsan ay pumipikit. Kaya naman lalo akong ginanahan na husayan pa ang pangangabayo sa kanya.
Masarap din palang maging hinete basta ba sya ang kakabayuhin ko.
Napakagat labi ako at ngumiti sa kapilyahang nasa isip.
Ako naman ngayon ang tumatrabaho dahil puro na lang si Migz. Baka mamaya ay manawa na sya. Dapat ako naman at enjoy din pa lang gumiling giling sa ibabaw nya lalo pa at nakikita kong sarap na sarap sya.
“Uhm uhm uhm uhmmmm ahh shit..” Ungol ko sabay ikot ng mata ng may masagi ang kanyang pagkalalaki na sensetibong parte sa aking loob. Bahagya pa ngang nanginig ang aking mga hita.
“Ugh fuck love.. mas lalo ka pang sumikip.” Anas ni Migz at humawak sa balakang ko.
Nag contract kasi ang loob ko kaya lalong naipit ang kanyang pagkalalaki. Nalukot tuloy ang gwapong mukha nya at napapakagat labi pa. Hindi dahil nasasaktan sya kundi nasasarapan.
Natawa naman ako at nirelax na ang loob. Humawak ako sa kanyang dalawang matigas na braso at muli akong sumakyod paabante at paatras. Titig na titig naman si Migz sa dalawa kong malusog na dibdib na umaalog. Hanggang sa di na sya nakatiis at sinubo nya ang isa kong dibdib at ang isa naman ay piniga piga nya.
Kumagat labi ako at pumikit sa kiliting sumalakay sa aking dibdib dahil sa mainit nyang bibig at kamay. Humawak ako sa kanyang buhok habang napapaliyad at patuloy pa rin ang pagsakyod sa kanyang kandungan. Nadagdagan lalo ang kiliti at sarap na nararamdaman ko.
“Hmm..” Mahinang ungol ko at diniinan ang pagsakyod sa kanyang pagkalalaking damang dama ko sa aking loob. Malaki talaga si Migz. Mahaba at may katabaan ang kanyang pagkalalaki na para pang bakal sa tigas. Kapag sya nga ang umuulos ay sagad na sagad talaga ang pagkalalaki nya sa loob ko.
“Ugh love!” Daing ko ng makaramdam ng kirot dahil napalakas ang sipsip nya sa aking utong. Agad naman nya yung niluwa.
“I’m sorry love.. nanggigil lang ako.” Natatawang sabi nya at hinalik halikan ako sa leeg.
Natawa na rin ako. “Masyado ka namang gigil sa akin, love. Ganun ba ako kasarap?”
Ngumisi sya sabay palo sa pang upo ko at pisil. “Sobra, love.”
Pilyang ngumiti ako at yumuko sabay siil ng halik sa kanyang labi. Gumanti naman sya ng halik.
Humawak ako sa kanyang balikat at binilisan ko na ang pagsakyod sa kanyang pagkalalaki.
“Uhmm love.. ahh ahh!”
“Ugh yess love.. bilisan mo pa nghh..”
Kumagat labi ako habang impit na umuungol. Nararamdaman kong malapit na malapit na ako.
“Ughh love!” Ungol ko sabay yakap ng mahigpit sa batok ni Migz. Nanginig din ang buong katawan ko dahil sa masarap na kiliting rumagasa sa buong sistema ko. Muli kong narating ang sukdulan.
Gumalaw si Migz at hiniga nya ako sa kama. Sya naman ngayon ang nasa ibabaw ko. Sinampay nya ang dalawa kong binti sa kanyang dalawang braso at tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Nag umpisa na syang umulos ng mariin. Yumuko sya at sinakop ang labi ko. Yumakap naman ako sa kanyang batok at tumugon din sa kanyang halik..
–
BINALIKTAD ko ang puting t-shirt ni Migz at pinagpagan. Inamoy amoy ko din yun. Napangiti ako ng maamoy na mabango yun. Ang galing ko talagang maglaba!
Sabado ngayon at naglaba ako kaninang umaga. Dinamay ko na rin ang mga damit nya. Tinulungan naman nya akong maglaba. Pagkatapos ay nilinis pa nya ang kotse ko at tsinek pa ang makina kung may palya.
O di ba? All in one ang boyfriend ko. Cook, driver, personal bodyguard, car washer, mechanic at taga aliw ko sa gabi.
Dinampot ko ang puting brief nya at niladlad sa harapan ko. Malaki ang brief nya. Natural lang dahil malaki sya.
Nilapit ko sa ilong ang brief at inamoy amoy. Hmm bango! Parang yung may ari lang. Napabungisngis ako at niligpit na ang brief.
Nang matapos na akong magligpit ay inakyat ko ang mga natuping damit ko sa kwarto ko. Nilapag ko muna yun sa kama at bumaba din. Kinuha ko naman ang mga tinuping damit ni Migz at lumabas ako para dalhin sa bahay ng nobyo. Naabutan ko si Migz na abala naman ngayon sa kanyang bigbike. Tumayo sya ng makita ako.
“Love, ako na dyan.” Aniya at akmang kukunin ang mga damit nya.
“Hindi na, ako na. Madumi ang mga kamay mo. Iaakyat ko na lang to sa kwarto mo at ilalagay sa cabinet mo.”
Ngumiti sya. “Thank you, love. Ako na lang ang magluluto ng dinner natin mamaya.”
“Okay.” Sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay nya.
Si Migz naman talaga ang madalas magluto sa aming dalawa dahil mas masarap syang magluto at mas maraming alam na luto.
Umakyat na ako sa hagdan at pumasok sa kwarto ni Migz. Nilapag ka muna sa kama ang mga tinuping damit at pinagsamasama ang mga t-shirt nyang pambahay, pantalon na pampasada, mga damit panglakad at mga underwear. Nilagay ko ang mga yun sa tamang lagayan. Kabisado ko na ang tamang lagayan ng mga damit nya. Infairness din naman sa kanya masinop sya sa mga damit nya. Hindi sya bara bara kapag kumumuha ng damit kaya laging maayos na nakatupi. Huli kong nilagay ang mga underwear sa pangalawang drawer. Binuksan ko naman ang unang drawer at doon naman nilagay ang mga bimpo nya.
Ngunit natigilan ako ng muli ko na namang makita ang puting panyo. Dinampot ko yun at tiningnan. Para talagang ito yung panyo ko na hindi ko na makita. Maraming puting panyo na may disenyong bulaklakin na mabibili. Pero ang panyo kong puti ay may initial ko na pinasadya pa ni papa dahil binigay nya sa akin yun noong elementary ako. Gaya nito. Parang imposible ring kay Migz ito. Pambabae itong panyo eh. Pero kung akin talaga ito ay paano ito napunta kay Migz?
Kumabog ang dibdib ko. Hindi kaya matagal na akong kilala ni Migz? Pero paano?
Bumuntong hininga ako.
Matanong nga sya.
Lumabas na ako ng kwarto ni Migz bitbit ang puting panyo. Sakto namang pumasok si Migz sa loob ng bahay habang nagpupunas ng kamay.
“Tapos ka na, love?”
“Oo.” Lumapit ako sa kanya. “Love, may itatanong ako sayo.”
“Ano yun, love?”
“Nagkita na ba tayo dati?”
Natigilan sya sa pagpupunas at hindi nakaimik. Mataman lang syang nakatingin sa akin.
Tinaas ko naman ang hawak na panyo at pinakita sa kanya. “Saan mo nakuha itong panyong ito?”
Tumingin sya sa panyong hawak ko at sa mukha ko sabay buntong hininga.
“Sayo yan, love..”
Namilog ang mata ko. “Sa akin?”
“Yes. At nagkita na tayo. Seven years ago. Hindi mo ba ako natatandaan? Binigay mo sa akin ang panyong yan.”
Kumunot ang noo ko. “Seven years ago? Paanong..”
Naging mapungay ang mga mata nya. “Ako yung lalaking duguan na tinulungan mo noon, love..”
Suminghap ako at umawang ang labi ko. Bumuhos sa aking alaala ang isang pangyayari ng gabing yun..
flashback..
DINAMPOT ko ang cellphone na nag iingay at sinagot habang ang mga mata ay nasa kalsada.
“Hello, ’ma.”
“Nasaan ka bang bata ka? Gabing gabi na wala ka pa.”
Naipikit ko ang isang mata at bahagyang nilayo ang cellphone sa tenga dahil parang mababasag ang eardrum ko sa boses ni mama.
“Alas otso pa lang po, ’ma.”
“Alas otso na nga. Gabi na! Nasaan ka ba?”
Ngumiwi ako. Galit na si mama.
“Pauwi na po ako, ’ma. Nasa byahe na ako.”
“Kuh! Nanggigil talaga ako sayo. Parang gusto kitang bugbugin pag uwi mo eh. Gumala ka at dala mo pa ang kotse ng papa mo. Mamaya nyan mahuli kang walang lisensya.”
“Ma, may lisensya na po ako. Kakukuha ko pa lang nung lunes.”
“Yan ang sinasabi ko. Kaya ayokong kumukuha ka ng lisensya dahil kung saan saan ka makakarating dala ang kotse ng ama mo.”
Inikot ko ang mga mata. Tama si papa. Minsan ang hirap intindihin ni mama. Dati ayaw nyang nagmamaneho ako dahil wala pa akong lisensya. Kumuha daw muna ako. Ngayong nakakuha na ako, ayaw pa rin nya akong ang magneho. Saan ba ako lulugar? Sumunod na lang kaya ako kay papa.
Ay joke lang po! Kumatok ako ng tatlo sa dashboard.
“Maling desisyon talaga na umuwi tayo dito sa Pampanga eh.”
“Ma naman, minsan na nga lang tayo umuwi dito eh.”
“Ay nako! Umuwi ka na. Bilis bilisan mo ha.”
“Bawal mag o-overspeeding, ’ma.”
“Kuh Racquel! Mapuputukan ako ng ugat sayo.”
Tumawa ako. “Relax lang kasi, ma. Ito na nga on the way na.”
“O sya, mag ingat ka sa byahe.”
“Opo.”
Binaba ko na ang cellphone at pinatay. Binalik ko na yun sa dashboard.
Galing ako sa birthday party ng classmate ko noong highschool at debut nya pa ngayon. Dapat nga ay mamaya pa ako uuwi. Pero dahil hindi naman ako nagpaalam kay mama kaya kailangan kong umuwi ng maaga dahil siguradong makukurot nya ako na may kasamang sermon na masakit sa tenga. Dahil sa kabilang bayan pa nakatira ang classmate ko ay medyo mahaba haba ang byahe idagdag pa na matrapik. At dahil matrapik ay naisipan kong mag short cut.
Pumasok ako sa isang subdivision at paglabas dun ay medyo madilim ang kalsada na one way lang pero kasya naman ang dalawang kotse. May nakakasalubong akong mangilan ngilan na nakamotor. Kabisado ko naman itong daan dahil dito rin kami dumadaan ng mga classmate ko dati kapag pupunta kami sa bahay ng classmate kong nagdebut ngayon. Maliwanag naman dito kapag araw at marami rami ding dumadaan. Pero kapag gabi ay madilim talaga dahil wala pang mga poste ng ilaw at iilan lang ang mga dumadaan. Ngayon nga ay wala na akong nakakasalubong o nakakasabayan. Nakakatakot kung tutuusin dahil halos wala ng makitang kabahayan. May makita man ay nasa malayo. Matataas din ang mga talahib.
“Ay!” Napatili ako at namilog ang mata ng biglang may sumulpot na matangkad na lalaki sa harapan ko. Duguan ang mukha nya pati damit.
Chapter 24
Racquel POV
“OH my god! Oh my God!” Nagpalinga linga ako sa labas baka sakaling may makitang ibang dumadaan. Pero walang dumadaan.
Tumingin ako ulit sa lalaking duguan na biglang sumulpot. Namilog ang mata ko at lalong kumabog ang dibdib ko sa takot at kaba nang maglakad sya palapit sa akin.
“No no no no! Huwag kang lalapit sa akin!” Sambit ko.
Pero nasa gilid na ng driver seat ang lalaking duguan na hirap maglakad. Napalunok naman ako at nanginginig ang mga kamay ko habang titig na titig sa hitsura ng lalaki.
Isa ba syang multong ligaw na hindi matahimik ang kaluluwa? At kamalas malasan sa akin pa sya nagpakita. Na-hit and run ba sya kaya ganyan ang histura? O baka naman, na-salvage sya at tinapon ang katawan sa parteng liblib na lugar na ito kaya naman nanggugulo ang kaluluwa ngayon.
Napalunok akong muli at humigpit ang hawak ko sa manibela nang humawak ang duguang lalaki sa salaming bintana.
“No no no no! Lumayas ka kampon ka ni satanas!” Sambit ko at tinapakan ang gas. Pinaandar kong muli ang kotse. Pero nasa malubak na akong parte kaya mabagal lang ang usad ng kotse. Pero ang lalaking duguan ay paika ikang humabol pa habang nakataas ang isang kamay.
“No! Layuan mo ko!” Naiiyak ng sabi ko. Pinagpapawisan na nga ako ng malamig dahil sa nerbyos. Napapraning na rin ako. Akala ko hindi totoo yung mga napapanood ko sa mga horror movies.
“Mama.. promise di na ako gagala..” Umiiyak nang sambit ko. Malutong pa akong napamura ng mapadaan ako sa malalim na lubak.
“Tulong miss! Tulungan mo ko!”
Natigilan ako ng makarinig ng boses na humihingi ng tulong. Lumingon ako sa duguang lalaki na nakaagapay na sa kotse ko. Nagsasalita sya. Sya ang naririnig kong humihingi ng tulong.
Suminghot ako at pinunasan ang luha ko sa pisngi.
Nagsasalita ba ang mga multo?
Hininto ko ang kotse at nanginginig ang kamay na binuksan ang salaming bintana. Napaigtad pa ako ng humawak sya sa bintana habang hinihingal at inuubo.
“M-Miss tulong! Parang awa mo na. T-Tulungan mo ko..”
Lumunok ako. “K-Kuyang mumu.. hindi kita matutulungan. E-Esperitista ang kailangan mo para mahanap mo ang pumatay sayo at makamit mo ang hustisya. H-Hindi ako esperitista eh. Isa lang akong simpleng college student.. K-Kaya please.. lubayan mo na ako. Sumama ka na lang sa liwanag.”
Kumunot ang noo ng lalaki. “What are you talking about, miss?”
Hanep tong multong to ah. Inglisero.
Pero mayamaya lang ay tumawa ang lalaki. Maganda ang tawa nya. Tawang elegante at lalaking lalaki. Pero kasunod nun ay napaubo sya na may kasama ng dugo na ikinangiwi ko. Ayoko ng dugo. Kinikililabutan ako sa dugo.
“Shit..” Mahinang sambit ng lalaki ng makitang may kasama ng ubo ang pag ubo nya. Muli syang bumaling sa akin. “Look miss.. hindi ako multo. Buhay pa ako and I need your help. Please.. d-dalhin mo ko sa hospital. Bago pa ako maubusan ng.. uhuk.. d-dugo..”
“S-Sigurado ka di ka multo, ah.” Naniniguradong sabi ko.
Kahit nanghihina ay tumawa nya. “I-I’m not..”
Muli akong napalunok at para mas sigurado ay tinaas ko ang kanang kamay at hinawakan sya sa parte ng braso nyang walang dugo.
Oo nga. Di sya multo. Buhay sya.
Para na akong nahimashimasan. Pero naroon pa rin ang kaba at takot ko.
“Sige kuya, pasok ka. Dadalhin kita sa hospital.”
In-unlock ko ang pinto. Gumilid naman ang lalaki at binuksan ang pinto ng kotse ko. Pumasok sya at nanhihinang umupo. Napaigik pa sya at sinapo ang dibdib na dumudugo din. Sinandal nya ang ulo sa headrest at pumikit habang habol ang hininga. Napapaubo din sya minsan.
Panay naman ang lunok ko at pinipigilan kong maduwal dahil puro talaga dugo ang lalaki. Halos di ko na nga makita ang mukha nya dahil puro pasa at umaagas pa ang dugo mula sa ulo. Mukhang binugbog sya dahil putok pa ang kaliwang kilay at maga rin ang isang mata. Marumi at puro dugo din ang suot nyang white long sleeve polo lalo na sa parteng kanang dibdib na sapo sapo nya. Di ko alam kung nasaksak ba sya o nabaril doon.
Muling umubo ang lalaki. Dumilat sya at tumingin sa akin.
“T-Thank you miss..”
Hindi ako sumagot at dinukot ko ang panyo ko sa bag. Inabot ko yun sa kanya. Kinuha naman nya yun at itinakip sa bibig sabay ubong muli.
Nag iwas na ako ng tingin. “D-Dadalhin na kita sa hospital.” Sabi ko na lang at pinaandar muli ang kotse.
Sa malapit na pribadong hospital ko dinala ang duguang lalaki. At kahit nanginginig sa nerbyos at takot ay sinamahan ko ang lalaki sa loob ng emergency room. Agad naman syang inasikaso ng mga nurse at doctor. In-interview naman ako ng isang nurse.
Nilapitan ko ang lalaki na nakahiga sa hospital bed. May benda na sya sa ulo, dibdib at may nakakabit ng swero sa kanyang kamay. Malinis na ang mukha nya at wala ng mga dugo pero kitang kita naman ang mga pasa at galos nya. Bukod sa putok ang kilay at maga ang isang mata na nakapikit na ay putok din ang labi nya. Ngunit bakas naman sa mukha ni kuya na gwapo sya. Sayang lang at napingasan ng sobra. Ang sabi ng doctor ay may saksak sya sa dibdib at tagiliran pero hindi naman daw ganun kalalim.
Gumalaw ang lalaki at dumilat. Tumingin sa akin ang namumungay nyang mga mata.
Tumikhim naman ako. “Kamusta ka na?”
Nanghihina syang ngumiti. “I’m okay but I feel weak..”
Ngumiti din ako. “Pero at least nalunasan ka na ng mga doctor.”
“Thank you miss..”
Tumango ako. “Anyway, kabisado mo ba ang number ng mga magulang mo o kaya kamag anak para matawagan natin. Wala akong nakitang cellphone sayo eh.”
Tumango sya.
Nilabas ko naman ang cellphone ko at tinype ang diniscuss nyang number. Agad ko naman yung tinawagan at sumagot ang isang lalaki na may malaking boses.
“Hello? Who is this?”
Bumaling ako sa lalaki. “Lalaki ang sumagot.”
“That’s my cousin.. sabihin mo ang pangalan ko, Miguel.”
“Okay..” Kinausap ko na ang pinsan nya sa kabilang linya. Sinabi ko dito ang pangalan ng hospital na kinaroroonan ng lalaki.
“Parating na ang pinsan mo, kuya.” Binalik ko na ang cellphone sa bag.
Napakunot noo naman ako ng marinig ko syang tumawa ng mahina. “Anong nakakatawa?”
“Nothing..” Sagot lang nya habang nakatingin sa akin.
Napanguso naman ako. “Nabugbog at nasaksak ka na nga, nakuha mo pang tumawa.”
“Sorry..”
“Nah.. huwag kang mag sorry. At least positive ka lang.”
Ngumiti sya at muling pumikit ulit. Nagsalita pa sya na di ko naman maintindihan. Hinayaan ko na lang dahil baka nagdedeliryo.
Binantayan ko muna ang lalaki hanggang sa dumating ang pinsan nya. Tiniis ko muna ang mga nakikita ko sa emergency room. Pakiramdam ko nga ay hihimatayin na ako sa mga nakikita kong dugo, karayom, gunting at kung ano ano pang mga gamit pang linis sa mga wakwak na sugat.
Tatlumpung minuto ang nakalipas ay dumating na ang pinsan ng lalaki at napanganga pa ako dahil para akong nakakita ng artista sa kagwapuhan nya. Mas gwapo pa nga sya sa artista. Mukha din syang international model na nakikita ko sa social media. Yun nga lang, mukha syang masungit.
“Hello miss. Ikaw ba yung nakausap ko kanina sa cellphone?”
“Kayo po ba ang pinsan ni Miguel?”
“Yes. I’m Edward. His cousin.”
“Uhm, nasa loob po sya ng emergency room.” Sabi ko at sinamahan ang pinsan ng lalaki sa loob.
“Damn it couz! What the hell happened to you? Sino ang may gawa nyan sayo?”
Dumilat ang sugatang lalaki at ngumisi ng makita ang pinsan. “I’m still alive couz..”
“Yes. You’re fucking still alive. Where’s the doctor? Kakausapin ko sya. Nurse!” Tawag ni Edward sa isang nurse na agad namang lumapit.
Napapitlag naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumalikod ako at muling lumabas ng emergency room. Sinagot ko ang tawag ni mama.
“Ma.”
“Nasaan ka nang punyetang bata ka? Mag a-alas diez na wala ka pa!”
Ngumiwi ako ng marinig ang mas galit nang boses ni mama. At kapag ganito na sya kagalit ay siguradong lagot na talaga ako.
“Opo ma, malapit na malapit na ako sa atin. Isang barangay na lang. Ma-trapik eh.”
“Umuwi ka na Racquel. Sinasabi ko sayo. Kapag inabot ka pa ng 10:30 sa labas ka na matutulog.”
“Opo.”
Binaba ko na ang cellphone at pinatay. Alam ko namang nag aalala lang si mama. Pero siguradong yari talaga ako pag di pa ako nakauwi bago mag 10:30.
Sumilip ako sa loob ng emergency room para magpaalam sana. Pero nag alangan akong lumapit dahil kausap ng pinsan ng lalaki ang dalawang doctor at tatlong nurse. Mukhang may sinasabi sa buhay ang dalawang lalaki.
Bumuntong hininga ako. Okay naman na si kuya kaya pwede na akong umuwi. Nandyan naman na ang pinsan nya.
Tumalikod na ako at naglakad na palabas ng hospital. Nakasalubong ko pa ang tatlong pulis na papasok.
Yun ang huling beses na nakita ko ang duguang lalaki at wala na rin akong balita sa kanya dahil kinabukasan ay bumalik na kami ni mama sa Manila..
Chapter 25
Racquel POV
present time..
AWANG ang labi at naluluhang nakatitig ako kay Migz. Di ako makapaniwala na sya ang duguang lalaking tinulungan ko noon seven years ago.
“Oh god.. I can’t believe this.. Ikaw nga si kuyang duguan na tinulungan ko noon.”
Mahina syang tumawa. “Ako nga, love..”
Suminghot ako at pinunasan ang sumungaw na luha sa gilid ng mga mata ko. “Ano na ang nangyari sayo?”
“Hindi mo na alam dahil umalis ka agad. Ni hindi mo man lang din sinabi sa akin ang pangalan mo noon.”
“I’m sorry. Nagmamadali na kasi ako noon eh. Galit na galit na si mama dahil wala pa ako sa bahay. Pero ano na nga ang nangyari sayo.”
Ngumisi sya. “Heto, buhay ako. At kung hindi dahil sayo baka patay na ako noon. Nag fifty fifty ako dahil maraming dugo ang nawala sa akin. Nilipat ako ng pinsan ko sa hospital sa Manila at doon na ako nagpagaling. Nakakalungkot lang dahil hindi ako nakapag paalam sayo. Nawala ka na lang kasi bigla.”
Suminghap ako kasabay ng pagsikdo ng puso ko. Para bang may pumiga dito sa isiping muntik na syang mamatay.
“At yang panyong yan, muntik ng itapon ng nurse dahil puro dugo. Buti na lang nagpaalam sya sa akin kaya kinuha ko. Ang balak ko sana isoli sayo yan.”
“I am sorry love kung umalis ako agad.. Pero bakit hindi mo sinabi agad na ikaw pala ang lalaking yun na tinulungan ko?”
“Dahil hinihintay kong kusa mo akong maalala. Pero naisip ko imposible ngang maalala mo ko. Hindi mo nga ako mamukhaan. Ang pangit ko kasi ng gabing yun. Basag ang mukha ko.” Natawa pa sya sa huling sinabi.
Kumagat labi ako at tiningnan ang panyo. “Kung hindi ko pa pala nakita itong panyo ko hindi pa kita maaalala.”
Lumapit sya sa akin at hinapit ako sa bewang.
Tumingin ako sa kanya. “Kung ganun, planado ang pagkakakilala natin?”
Bumuntong hininga sya. “Yeah..”
Hindi ako umimik at nakatingin lang sa kanya.
“Noong gumaling na ako ay bumalik ako dito sa Pampanga para hanapin ka. Lagi kong dala yang panyo mo. Una kong binalikan ang hospital na pinagdalhan mo sa akin. Mabuti na lang at nakasulat sa record nila ang pangalan mo dahil nagkamali ka ng fill up. Imbes kasi na pangalan ko ang nakasukat sa patient ay pangalan mo ang sinulat mo. Siguro ay dahil sa nerbyos mo. Hinanap kita kung saan saan. Gustong gusto kitang makita. Gusto kong makita ang maganda kong anghel na takot sa dugo para pasalamatan. And finally, nahanap ko rin ang address mo pero hindi ka na pala dito nakatira. Nalaman ko na sa Manila ka na pala nakatira at nag aaral.”
“Matagal mo na pala akong kilala.”
“Yes love. At gusto kong mapalapit sayo.
“Alam ba nila tiyang ang tungkol sayo?”
“Hindi. Hindi ko sinabi sa kanila.”
Bumuntong hininga ako at matamang tumingin sa kanya. “Migz, sabihin mo ang totoo. Minahal mo lang ba ako dahil may utang na loob ka sa akin?”
Nagsalubong ang kilay nya. “Syempre hindi. Hindi ako ganun kababaw, love. Kung utang na loob lang pwede naman kitang bigyan ng pabuya ng sampung milyon.”
“Sampung milyon lang? Ang liit naman.” Hirit ko pa.
Ngumisi naman sya. “Eh di 50 milyon.”
“Sana pala pabuya na lang ang binigay mo sa akin. Eh di mayaman na sana ako ngayon.”
“Mas malaki naman ako sa 50 milyon.” Nakangising sabi nya sabay nguso sa ibaba nya.
Nag init naman ang mukha ko at kinurot sya sa tiyan na ikinatawa nya. Pero totoo namang mas malaki sya sa 50 milyon. Full package pa. Syempre sya na ang pipiliin ko.
“Pero yung totoo nga, love. Di ko tuloy maiwasang isipin na minahal mo lang ako dahil sa utang na loob.”
“Huwag mong isipin yan, love. Mas malalim pa sa utang na loob ang pagmamahal ko sayo. Aaminin ko, kaya kita gustong mahanap dati dahil sa utang na loob ko. Pero alam mo ba, na sa tuwing naiisip kita, sa tuwing naaalala ko ang una nating pagkikita, tumatatak ka na sa isip ko at puso ko. Kaya naman, binili ko ang bakanteng lupang kinatatayuan nitong bahay ko. Nakipag lapit ako sa mga tiyahin at pinsan mo. Lagi kang kinukwento noon sa akin ng mga tiyahin mo lalo na ni Aling Claring kapag naglilinis sya dito sa bahay mo. Alam mo bang para akong na-broken hearted nang malaman ko noon na may boyfriend ka?”
“Talaga?”
“Yes. Pakiramdam ko nga, ex mo ko na pinagpalit mo. Doon ko napagtanto na may iba na akong nararamdaman sayo.”
Kumagat labi ako at parang kinikiliti ang puso ko sa kilig dahil sa sinabi nya.
“Hanggang sa bumalik ka na nga dito sa Pampanga. Akala ko nga namamalikmata lang ako ng makita kita sa bintana. Totoo ngang nandito ka na. At mas natuwa ako ng malamang break na kayo ng kupal mong ex.”
Bumuntong hininga ako at ngumiti na sa kanya. Humawak ako sa kanyang batok.
“Kung ganun, matagal mo na pala akong mahal.”
Ngumisi sya. “Yes.. Kaya nga ang bilis kong dumamoves di ba? Ang tagal kong naghintay sayo eh.”
Tumango tango ako. “Now I understand.. And I love you too..”
Kinabig ko ang batok nya at siniil sya ng halik sa labi. Niyakap naman nya ako at tinugon nya ang aking halik..
Marahan kong hinaplos haplos ang pangalan kong nakatattoo sa kaliwang dibdib ni Migz. Noong una kong nakita ito ay tuwang tuwa ako, hanggang ngayon naman na tinititigan ko ito. Parang markado ko na sya.
Tumingin ako sa mukha ni Migz. Mahimbing na ang tulog nya at payapang payapa. Halatang nasulit ang apat na round at napasarap ang tulog. Nauna na akong nakatulog sa kanya kanina pero nagising ako sa pagka uhaw.
Tinaas ko ang kamay at marahang hinaplos ang matangos na ilong ng nobyo. Ang gwapo talaga ng kumag. Kung magkakaanak kami, sana makuha ang perpektong ilong nya at mga mata.
Parang may mainit na kamay ang humaplos sa dibdib ko sa isiping magkakaanak kami ni Migz. Hindi naman posibleng mangyari yun kung di kami mag iingat lalo pa at napapadalas nang may nangyayari sa amin. Sigurado namang hindi ako magsisisi kung sakaling mabuntis man ako. Alam kong hindi nya ako pababayaan.
Bumaba muli ang kamay ko sa kanyang malapad na dibdib at hinaplos haplos ko naman ang kaliwa. May nakakapa ako doong parang magaspang. Tinitigan ko yun. Para yung peklat na natatakpan ng tinta ng tattoo.
Oo nga pala, nasaksak sya sa dibdib pero mababaw lang naman.
Dinampian ko ng maliit na halik ang peklat nya. Bigla tuloy akong napaisip, paano kung di sya nakaligtas at naagapan noong gabing yun. Paano kung hindi ako nag short cut at di ko sya natulungan. Baka namatay sya dahil naubusan ng dugo. Eh di walang kami ngayon.
Napabuntong hininga ako at sinandig ang pisngi sa kanang dibdib nya habang haplos haplos ko naman ang kaliwa. Mukhang kami nga talaga ang itinadhana sa isa’t isa. Nakaligtas sya sa kamatayan at hinanap ako. Naghintay sya ng ilang taon hanggang sa magtagpo kaming muli.
Hay.. Ayoko ng gawing komplikado ang lahat. Ayoko ng mag isip na baka dahil lang sa utang na loob kaya nya ako minahal. Dahil sabi nga nya, kung utang na loob lang pwede naman nya akong bigyan ng pabuya. Isa pa, ramdam kong mahal na mahal nya ako. Ang klase ng pagmamahal na hindi ko naramdaman sa mga nakarelasyon ko noon.
Gumalaw si Migz at bahagyang dumilat ang inaantok na mga mata. Niyakap nya ako at sinubsob ang mukha sa aking buhok. Dinantay pa nya ang isa nyang hita sa hita ko.
Napakagat labi ako at humawak sa kanyang malaking braso ng maramdaman ang kanyang kanyang pagkalalaking dumudunggol sa puson ko.
.
.
Migz POV
flashback..
MALAKAS akong tumawa habang kausap ang pinsang si Edward sa kabilang linya.
“Pustahan tayo couz, ikaw ang unang mag aasawa sa ating tatlo ni Yñigo.” Sabi ko habang naglalakad sa madilim na parking lot.
May dinaluhan akong convention dito sa Pampanga. At gabi na nga ito natapos. Dapat ay si daddy ang dadalo pero hindi nya maiwanan si mommy na masama ang pakiramdam. Kaya ako na lang ang inutusan nya.
“Not me. Wala pa sa isip ko ang pag aasawa. Baka ikaw.”
Muli akong tumawa. “Nah, di pa ako sawa sa buhay binata ko. And I am only 28 years old. May gatas pa ako sa labi.”
“Matanda na yun at gatas ng babae mo ang nasa labi mo.”
Muli akong humagalpak ng tawa. “So are you.”
Sa aming tatlong magpipinsan na binata ay kami ni Edward ang magkaedad. Ang isa naming pinsan na si Yñigo ay mas matanda sa amin ng dalawang taon.
“For sure si Yñigo ang unang mag aasawa dahil marami syang babae sa Manila. Hindi na ako magtataka kung makadisgrasya sya. Matutupad na ang wish ni lolo na apo sa tuhod.”
Natawa na si Edward sa kabilang linya. Bihira lang sya tumawa at laging seryoso. Pero mukhang bumenta ngayon sa kanya ang mga hirit ko.
“Anyway couz, uuwi ka ba sa San Agustin this weekend?”
Kumunot ang noo ko. “May ganap ba?”
“It’s lolo’s birthday. Nakalimutan mo na.”
“Oh shit! Oo nga pala.” Bulalas ko.
“Don’t forget to bring a gift. Alam mo naman na ikaw ang paborito nyang apo.”
Tumawa ako. “Sige, reregaluhan ko sya ng buong taong supply ng efficascent oil.”
“Gago! Baka gusto mong bastunin ka ni lolo.”
“Sige, babae na lang. Mukhang kaya pang tumayo ng kay lolo eh.”
Sabay na kaming tumawa ni Edward. Hinawakan ko ang handle ng pinto ng sasakyan at binuksan.
“Holdup to. Taas ang kamay.”
Chapter 26
Migz POV
“HOLDAP to.”
“Huwag kang gagalaw.”
Natigilan ako sa pakikipag usap sa pinsan sa kabilang linya ng may sumulpot na dalawang lalaki sa likuran ko. Naramdaman ko rin ang matulis na bagay na nakatutok sa aking tagiliran.
“Hello Migz. Are you still there? Hello?”
Sasagot na sana ako sa pinsan pero hinablot ng isang lalaki ang cellphone ko.
“Ayos to ah! Bagong labas na iphone o!”
“Sabi ko sa inyo mga pre. Bigtime tong gwapings na to. Sa sasakyan pa lang nya tiba tiba na tayo.”
Tumiim bagang ako at humugot ng malalim na hininga. Kinuyom ko ang kamao at pumihit paharap para umbagin ang dalawang holdaper.
“Sige, subukan mong manlaban. Puputok yang bao mo.”
Ngunit natigilan ako ng may tumutok sa akin na dalawang baril. Hindi lang pala dalawa ang holdaper kundi pito sila at mga armado pa. May mga ngisi sa kanilang labi habang nakatingin sa akin. Hindi ko sila kakayaning pito kung mag isa lang ako. At kung lalaban ako sa kanila ay para na rin akong nagpakamatay.
Lumapit sa akin ang lalaking may hawak na baril at kinapkapan ako. Kinuha nya ang wallet ko at tiningnan ang laman. Lumapad ang ngisi nya.
“Paldo paldo tayo mga pre.” Aniya at pinakita sa nga kasamahan ang laman ng wallet ko. Tuwang tuwa din sila.
“Yung relo, kunin nyo rin.”
Hindi nga rin nila pinalampas ang relo ko na nagkakahalagang kulang kulang isang milyon. Kinapkapan pa nila ako ng maigi at halos hubaran na nila ako. Kinuha din nila pati ang susi ng sasakyan ko. Mukhang batikang mga holdaper sila.
“Ano nang sunod na plano sa kanya?”
Nagtinginan silang pito. Mayamaya ay sumenyas ang isang lalaki na may hawak na baril at mukhang sya ang lider.
“Isakay yan sa sasakyan. Madali. Baka may makakita pa sa atin dito.” Utos nya.
Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilaang braso at hinihila papasok sa bukas na puting van na katabi lang ng sasakyan ko. Pero nagmatigas ako at hindi ginalaw ang katawan.
“Huwag ka ng magmatigas kung ayaw mong dito ka matuluyan.” Asik sa akin ng isang lalaking mahaba ang buhok sabay suntok sa sikmura ko na ikinaigik ko.
Pilit na nila akong sinakay sa puting van at nagsipasukan din ang limang lalaki. Ang dalawa naman ay pumasok sa sasakyan ko.
Napalunok ako. Kumabog na ang dibdib ko sa kaba. Alam kong di nila ako bubuhayin kung sakaling manlaban ako.
“Saan nyo ko dadalhin? Nakuha nyo na ang gusto nyo di ba? Pakawalan nyo na ako.” Demand ko sa kanila habang umaandar na ang van.
Lumingon sa akin ang lalaking nasa front passenger seat. “Huwag kang mag alala. Pakakawalan ka rin namin. Pero hindi dito.”
“Yun nga lang sayang ka pogi. Di mo na mapapakinabangan yang gandang lalaki mo. Lupa na lang ang makikinabang.” Sabat naman ng lalaking nasa tabi ko at nakatutok sa akin ang hawak na baril sabat tawa pa nilang lahat.
Tumiim bagang ako at pumikit ng mariin. Hindi ako makapapayag na mapatay nila ng walang kalaban laban.
Dumilat ako sabay siko ko sa lalaking may hawak na baril na nakatutok sa akin. Napahiyaw sya at sinapo ang ilong na tinamaan ng siko ko. Inagaw ko ang baril na hawak nya.
“Hoy tumigil ka!”
Bang!
“Ugh!” Napaigik ako ng may mainit na bagay na tumama sa hita ko.
“Tarantado ka!”
Pinagtulungan na akong suntukin ng tatlong lalaki sa mukha. Ang isang lalaki ay may bakal pa sa kamao kaya ramdam na ramdam ko ang gumuguhit na hapdi. Kahit sumasalag ako at gumaganti ay dehadong dehado pa rin ako. Idagdag pa na iniinda ko ang tama ng baril sa aking hita.
Muli akong napaigik ng may maramdamang tumusok sa aking tagiliran. Kasabay nun ang malakas na suntok sa aking panga at nagdilim ang aking paningin..
Nagising ako sa tunog ng kuliglig at ingay ng makina ng mga motorsiklo. Tumitig ako sa madilim na langit na maraming bituin. Sinubukan kong gumalaw. Ngunit napapikit ako ng sumigid ang kirot sa ulo ko at katawan ko partikular sa dibdib.
“Shit..” Sinapo ko ang dibdib. May nakapa akong malagkit na malapot.
Tinaas ko ang kamay. Pero hindi ko ito makita dahil madilim.
Muli akong napapikit ng sumigid muli ang kirot sa ulo ko. Doon ko lang naalala ang nangyari sa akin bago nagdilim ang aking paningin. Hinoldap ako ng pitong lalaki. Sinakay nila ako sa van at nanlaban ako sa loob. Binaril ako sa hita ng isang lalaki. Doon na nila ako pinagtulungan bugbugin. Ang huling natatandaan ko ay sinaksak ako sa tagilirin at sinuntok sa panga.
Mahina akong tumawa.
Buhay pa ako. Hindi nagtagumpay ang mga kupal na yun na mapatay ako.
Sinubukan kong muling gumalaw at bumangon.
“Fuck..” Mura ko sabay ngiwi dahil sumigid ang kirot ng sugat sa kaliwang hita ko. Pero pinilit ko pa ring tumayo. Sinapo ko ang kanang dibdib kong may sugat.
Nagpalinga linga ako. Puro matataas na talahib ang nakikita ko. Mukhang dito ako tinapon ng mga holdaper at tinangay nila ang lahat ng meron ako pati na ang sasakyan.
Babalikan ko silang mga hayop sila.
Pinilit kong maglakad palabas ng talahiban. May naririnig akong tunog ng mga motorsiklo. Mukhang malapit lang ako sa highway. Makakahingi ako ng tulong.
Ngunit paglabas ko sa talahiban ay isang madilim at makipot na kalsadang lubak lubak ang bumungad sa akin. Mukhang short cut-an lang ito.
Nagpalinga linga ako. Naghihintay ng may dadaan. At sakto namang may dalawang ilaw na paparating. Para akong nakakita ng liwanag ng langit. Hinintay kong makalapit pa yun.
At nang makalapit ay humarang na ako at tinaas ang isang kamay. Napahinto saglit ang kotse. Babae ang driver nun na bakas sa mukha ang pagkagulat dahil sa pagsulpot ko. Paika ikang lumapit ako. Ngunit bigla namang umandar ulit ang sasakyan.
“S-Sandali! Tulong!” Hirap na sigaw ko at kahit hirap sa paglalakad ay hinabol ko ang kotse. Napapamura pa ako dahil sumisigid na ang kirot sa mga sugat ko. Kapag hindi pa ako nadala agad sa hospital ay baka tuluyan na akong mamatay.
“Tulong miss! Tulungan mo ko!” Malakas ng sigaw ko at patuloy na hinabol ang kotse. Mabuti na lang at malubak ang daan kaya hindi mabilis ang patakbo nito.
Nakahinga naman ako ng maluwang ng huminto ang kotse. Paika ikang mabilis akong lumapit. Humawak ako sa bintanang bukas at tumingin sa babaeng nakaawang ang labi at nakaguhit sa mga mata ang takot. Namumutla din ang kanyang magandang mukha.
Ngumiti ako. Mukhang sinusundo na ako ng magandang anghel ko. Pero hindi pa ako pwedeng mamatay..
present time..
“GRABE naman pala ang nangyari sayo, love. Mabuti talaga at nabuhay ka pa. Kung hindi isang kwento ka na lang talaga at isang pagala galang kaluluwa na hindi matahimik.” Bulalas ni Racquel habang humihigop ng kape na tinimpla ko.
Tumawa ako habang naglalagay ng palaman sa pandesal. “Mabuti na lang din at dumaan ka. Kaso pinahabol mo pa ako.”
Umusli ang labi nya. “Sorry naman, akala ko kasi multo ka nun, eh.”
Pinisil ko ang pisngi nya. “Masyado ka lang kamong praning.” Natatawang sabi ko.
Tumingin sya sa akin. “Pero ano palang nangyari sa mga humoldap sayo? Nahuli ba sila?”
Kumagat muna ako ng kalahati sa pandesal at humigop ng kape.
“Oo, nahuli din sila at mga nakakulong. Habang buhay na pagkakakulong.” Sabi ko.
Mabilis din namang nahuli ang mga holdaper sa tulong ng ninong kong general. Galit na galit nga noon si daddy na gusto ding pagbabarilin ang mga holdaper lalo na si mommy na binigyan pa ng tig iisang sampal ang mga holdaper. Gusto ko rin sana silang bawian pero mas focus ako noon sa paghahanap kay Racquel.
“Mabuti naman kung ganun. Dapat lang yun sa kanila. Kaya ikaw, lagi ka ng mag iingat. Dapat lagi kang aware sa paligid mo kung saan ka man nagpupunta lalo na sa gabi.” Sermon pa nya sa akin.
“Yes po ma’am.” Natatawang sabi ko.
“Huwag kang tumawa, seryoso ako.”
Tumigil ako sa pagtawa at nangiti na lang. “Ito na, seryoso na.”
Inikutan nya ako ng mata at inagaw sa akin ang kalahati ng pandesal na isusubo ko na sana. Kinagatan nya yun at ang natira ay sinubo nya sa akin.
Natatawang nginuya ko naman yun.
Ang sweet talaga ng mahal ko.
Chapter 27
Racquel POV
“I WISH I could go back to the very first day I saw you.. wuuuuhh!”
Sabay sabay kaming napangiwing tatlo ni Abi at Chariz nang bumirit na ng mataas sa videoke si Aling Sioning. Ang kumare ni Tiyang Erlinda.
“Grabe naman tong si Aling Sioning. Ayaw magpaawat. Partida hindi pa nakakatagay yan, ha.” Komento ni Chariz.
Tumawa naman kami ni Abi habang naghihiwa kami ng carrots para sa pansit na lulutuin.
“Hayaan mo na. Boring ang birthday celebration kapag walang ganyan.” Sambit ko
Birthday ngayon ni Tiyang Erlinda at may munti kaming celebration na may kaunti ring inuman. Pinapunta ko dito sa Pampanga si Abi. Dapat nga kasama si mama pero busy daw sya. Alam ko namang ayaw lang nyang pumunta.
Meron nang ibang putahe ang naluto at itong pansit na lang at ang paboritong lumpia ng lahat ang nahuhuli. May mga nakalatag ng mesa at mga upuan sa labas at nagrenta pa ng videoke si Junie. May ilan na ngang mga bisita ang naroon na mga kapitbahay lang din nila tiyang at mga kumare sa pangunguna nga ni Aling Sioning.
Naging maingay sa labas dahil dumating na si Junie dala ang biniling cake para kay Tiyang Erlinda. Kasama nya ang isa nyang barkada na may dala ding dalawang case ng beer. Pinagsabihan pa sya ni Tiyang Erlinda.
“Abi babes! Heto na ang puto cheese na request mo.” Pumasok sa kusina si Junie na may dalang bilao. Nilapag nya yun sa counter. Puto ang laman nun na may cheese.
“Wow puto! Ang sarap!” Sambit ni Chariz na takam na takam sa puto.
“Ay, ba’t walang itlog na maalat?” Disappointed na sabi ni Abi.
“Wala ka namang sinabi, babes. Ang sabi mo putong may cheese lang.”
“Meron akong sinabi, no. Ang linaw linaw kaya.”
“Oo nga. Narinig ko yun. Naku, bastedin mo na yan, Abi. Palpak sa utos mo eh.” Sulsol ni Chariz.
Natawa naman ako. Nanliligaw kasi si Junie kay Abi. Wala naman akong tutol dahil best friend ko si Abi. Pero na kay Abi pa rin kung papatulan nya ang pinsan kong malayo sa mga naging ex nya na mga fit ang katawan. Si Junie kasi ay medyo chubby na medyo bilugan ang tiyan.
Kumamot sa ulo si Junie. “Sorry. Di ko narinig ng maayos eh. Pero masarap naman yang puto cheese kahit walang itlog na maalat.”
“Pero mas masarap pa rin kung may itlog na maalat.” Hirit pa ni Abi at kumuha ng isang puto sabay kagat.
“Kung gusto mo yung itlog ko na lang. Tamang tama wala pa akong ligo kaya maalat alat pa ito.”
Naibuga ni Abi ang puto na kinakain nya at kami naman ni Chariz ay binato ng sibuyas si Junie.
“Yuck ka!” Sabi ko.
Kadiri ka!“ Sabi naman ni Chariz.
Tumawa si Junie. “Maka-yuck at kadiri kayo kala nyo naman di pa kayo nakakatikim ng itlog.”
“Oy, yung sa jowa ko malinis at mabango no.” Ani Chariz.
“O bakit, malinis din naman tong akin ah. Maalat alat lang ngayon dahil wala pa akong ligo at amoy pawis. Pero mamaya mabango na to at malinis.”
“Ewan ko sayo insan. Doon ka na nga sa labas.” Pagtataboy ko sa pinsan.
“Dyan na nga kayo. Ang aarte nyo. Masarap ang itlog na maalat ko, no.” Tatawa tawang sabi pa ni Junie na lumabas na.
“Ang dugyot talaga nyang pinsan mo beks. Sarap yakapin sa leeg hanggang sa magkulay violet eh.” Saad ni Chariz.
“Di ka pa nasanay sa kanya.” Natatawang sabi ko.
“Okay na ba ang mga rekado sa pansit? Para mailuto na at marami na ang naghahanap.” Tanong ni Tiyang Claring na syang magluluto ng pansit.
“Opo tiyang, tapos na po ito.” Sabi ko.
Sinalang na nga ni Tiyang Claring ang dalawang talyasi sa kalan. Ang isa ay malaki na para sa pansit at ang isa naman ay maliit para sa pagpiprito ng shanghai. Tumulong na kaming tatlo kay tiyang sa pagluluto para mabilis matapos. Kami na rin ang naghain sa labas ng mga pagkain.
Pagtuntong ng gabi ay mas naging maingay pa ang bahay nila tiyang dahil nag iinuman na sila ng mga kumare nila. Ganun din sila Junie at ang mga barkada nya. Kaming tatlo naman ay tamang inom din ng light beer habang kumakanta. Nagtatawanan pa kami dahil mga sintunado ang mga boses namin.
“Friend, dyan na jowa mo o. May pulutan ka na.” Untag sa akin ni Abi.
Tumigil naman ako sa makabagbagdamaming pagbirit ng kantang All This Time at lumingon sa kaibigan.
Ngumuso naman sa labas ng gate si Abi kaya tumingin ako doon. Nakita ko ang gwapong sinisintang irog ko na bumaba ng jeep at papasok ng gate.
“Bayaw! Buti at dumating ka na. Pakiaawat nga itong pinsan ko. Kanina pa umiiyak eh.” Tawag ni Junie kay Migz.
Binato ko naman ng buto ng manok ang pinsan. Kaso na-shoot lang yun sa buko salad na kinakain ng barkada nya. Nagtawanan naman ang buong barkada. Nag sorry naman ako.
Ngingisi ngising lumapit sa akin si Migz at hinalikan ako sa pisngi. Naglalambing na yumakap naman ako sa bewang nya. Inulan naman kami ng panunukso ng mga bisita.
“Mukhang nakarami ka na, love ah.”
Tumingala ako sa kanya at ngumuso. “Hindi ah. Pangatlong bote ko pa lang to.” Sabi ko at tinuro ang bote ko na nangangalahati.
Mahina naman syang tumawa at hinalikan ako sa buhok. Binalingan nya si Abi at Chariz at binati.
“Wait lang love, babatiin ko muna si Tiyang Erlinda saka ibibigay ko muna itong regalo ko.”
Doon ko lang napansin ang paper bag na dala nya.
Tinanguan ko naman sya at binitawan na. Tumalikod sya at nilapitan si Tiyang Erlinda na nasa kabilang mesa. Binati nya ito at binigay ang regalo. Tuwang tuwa naman si tiyang. Napagtripan pa nga si Migz ng mga kumare nila tiyang.
Lumapit muli sa akin si Migz at inakbayan ako. Sayang tapos na akong kumanta. Pero mamaya ay haharanahin ko sya.
“Kumain ka na, love?”
“Hindi pa, love.”
“Teka, paghahainan kita.”
“Ako na, love.”
“Hindi, ako na.” Tumayo ako.
“Bayaw tara! Dito ka sa mesa namin!” Tawag ni Junie kay Migz.
“Heh! Mamaya na sya iinom. Di pa nga kumakain eh.” Singhal ko sa pinsan.
Binalingan ko si Migz. “Dyan ka muna. Bawal kang uminom ng wala pang kain.”
Ngumisi sya. “Yes love.” Umupo nga muna sa upuan ko si Migz at kinawayan sila Junie.
Pumasok naman ako sa loob ng bahay kung saan naroon na ang mga pagkain. Kumuha ako ng plato at sinandukan na si Migz..
“Yung totoo baks, may nangyayari na ba sa inyo ni Migz?”
Natigilan ako sa pagtungga ng bote at lumingon kay Abi na namumula na ang mukha. Parehas na sila ni Chariz. Ganun na rin yata ako dahil nakalimang bote na ako.
“M-Masyado namang personal yang tanong mo, baks.” Nag iinit ang mukhang sabi ko.
Tumawa naman silang dalawa ni Chariz.
“Sus! At kelan ka pa nahiya sa akin? Ano? Chika ka naman dali!” Atat pang sabi ni Abi.
Nilingon ko muna si Migz na nasa mesa na nila Junie at umiinom din ng beer. Nakikipag kwentuhan sya sa mga barkada ni Junie habang patingin tingin sa akin. Kanina pa nga sya patingin tingin sa akin na parang binabantayan ako.
Muli akong bumaling sa dalawang kaibigan. “Oo, may nangyayari na sa amin..”
“Ihh!” Sabay na tili ng dalawa na parang kinikilig.
Napangiti naman ako at muling tinungga ang bote.
“Sa wakas di na virgin ang frenny ko.” Tila naiiyak pang sabi ni Abi.
Pinalo ko naman sya sa braso. “Boses mo. Marinig ka ng iba.”
“Hayaan mo sila mo. Pero di nga baks. Totoo? May nangyayari na sa inyo ni Migz?”
“Oo nga, ang kulit.” Kunwaring inirapan ko si Abi.
Ngumisi naman sya. “Talagang kay Migz ka bumigay, ha.”
Ngumuso ako. “Syempre, mahal ko sya eh..” Muli kong sinulyapan ang nobyo. Nakikipag tawanan na sya kanila Junie.
“Kunsabagay, sino ba namang babae ang hindi bibigay kay Migz. Swerte mo baks.”
Ngumisi ako. “Shempre!”
“So ano? Daks o juts si Migz?” Usisa naman ni Chariz.
“Syempre daks!”
Nagtinginan ang dalawa.
“Weh? Totoo?” Tila di naniniwalang wika ni Abi.
“Oo nga!”
“Kung totoo, pic reveal nga!” Hamon pa sa akin ng loka lokang Chariz.
“Gaga! Wala akong pic ng junjun nya no.”
“Ay mahina ka. Dapat may pic para maniwala kami.” Hirit pa ni Chariz.
“Oo nga. Next time dapat may pic na, ha.” Nakangising segunda pa ni Abi sabay tawa nilang dalawa.
Pabiro ko na lang silang sinabunutan. Alam ko naman na pinati-tripan lang nila ako.
Bukas na lang po ang continuation:)
Chapter 28
Warning 🔞
Migz POV
“LOVE, loves na loves mo ba ako mm?”
Nilingon ko si Racquel na nakayakap sa braso ko at parang pusang naglalambing. Hinalikan ko sya sa buhok.
“Yes naman, love. I love you..” Bulong ko.
Humagikgik naman sya at kiniskis pa lalo ang pisngi sa aking braso. “I love you too, loves..”
Natawa na lang ako at tinapik tapik ang tuhod ni Racquel. Naging madaldal pa sya lalo at malambing ngayong lasing sya.
Minamaneho ko ang jeep pauwi sa bahay namin. Lasing na lasing na sya, silang tatlo ng mga kaibigan nya. Si Chariz ay sinundo ng nobyo nya kanina at si Abi naman ay sa bahay na nila Tiyang Claring namahinga. Ayaw pa nga nilang magpaawat tatlo sa pag iinuman. Naka isang case sila ng light beer at ang iingay na nila. Pinagtitripan na nga nila ang mga kabarkada ni Junie. Tumigil lang sila dahil sinaway na nila Tiyang Claring. Ako naman ay hindi masyadong uminom dahil nakita ko kaninang pagdating ko na tipsy na sya.
Pinarada ko ang jeep sa harap ng bahay ko. Tahimik na dito sa compound namin. Sarado na rin ang mga bahay ng mga kapitbahay. Alas onse na rin kasi ng gabi.
Una akong bumaba ng jeep at inalalayan ko si Racquel na bumaba.
“Buhat mo ko, love..” Naglalambing na ungot nya at tinaas ang dalawang kamay.
Natatawang binuhat ko naman sya. Naglakad ako papunta sa bahay nya pero pinigilan nya ako.
“Doon ako matutulog sa bahay mo..”
“Oo na, sige na.”
Yumakap na sya sa leeg ko at sumubsob.
Naglakad na ako papunta sa bahay ko. In-unlock ko ang pinto at binuksan. Binuhay ko ang ilaw.
“Baba mo ko love..” Aniya ng nasa sala na kami.
Binaba ko naman sya. “Ayos ka lang, love? Gusto mo ba ng tubig?”
Tumingala sya sa akin at matamis na ngumiti sabay tulak sa akin sa sofa. Nabigla naman ako at napaupo. Ngunit napaawang ang labi ko ng hubarin nya ang suot nyang crop top shirt at maong na shorts. Tumambad sa akin ang nakakapanlaway na hubog ng kanyang katawan. Tanging puting bra at manipis na bikini panty na lang ang kanyang suot.
Umupo sya paharap sa kandungan ko.
Tumingin ako sa may kalusugan nyang dibdib at napalunok. “Love..”
“Tinatanong mo ko kanina kung ano ang gusto ko, di ba? Ikaw ang gusto ko, love..” Aniya sabay hagikgik at halik sa aking pisngi at leeg.
Kumagat labi naman ako at ngumiti. Alam kong dala ng alak kaya ganito sya kapilya ngayon.
“Love, lasing ka..” Pigil ko sa kanya.
Gusto ko mang magpatangay pero ayoko namang lumabas na mapagsamantala.
“No love.. hindi ako lasing. Nakainom lang.” Aniya at hinawakan ang mukha ko sabay siil sa akin ng mariing halik.
Fuck!
Agad ko namang tinugon ang mariing halik ng nobya. Niyakap ko rin ang kanyang halos hubad na katawan padikit sa akin. Tuluyan na ngang nagliyab ang ningas ng apoy sa loob ng aking katawan.
“Hmm love..” Impit na ungol ni Racquel ng bahagya kong kagatin ang kanyang ibabang labi na sinabayan ko pa ng pisil sa kanyang pang upo.
Pero hindi nagpatalo ang pilya kong nobya dahil kinagat din nya ang labi ko at sinipsip. Natawa na lang ako at lalo pang nanggigil sa kanya. Kaya naman mas nilaliman ko ang paghalik at gumanti naman sya. Nagtunggali ang aming dila at walang gustong magpatalo. Lalo namang nagwala ang alaga ko sa loob ng aking pantalon na gusto ng kumawala.
Bumaba na ang labi ko sa kanyang leeg at doon ko naman sya pinapak ng halik. Ang isa kong kamay ay kumubkob na sa ibabaw ng kanyang dibdib at pinisil pisil yun.
Ngunit tila nakulangan pa si Racquel dahil hinubad na nya ng tuluyan ang kanyang bra. Bumuyangyang sa aking harapan ang kanyang maputing dibdib na bilugan at tayong tayo.
Napasinghap ako ng biglang kabigin ni Racquel ang batok ko kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib.
“Huwag mo kasing titigan lang, love.. Dedehen mo.”
Tumawa ako sa kapilyahan ng nobya. Ganito pala sya kapilya kapag lasing. Parang gusto ko na syang laging lasingin.
Hinalik halikan ko ang dibdib ng nobya at pinisil pisil. Kay sarap nitong pisilin at halikan dahil malambot. Nilabas ko ang dila at pinaikot yun sa kanyang naninigas na utong sabay subo at sipsip ng marahan.
“Unghh shit love.. sarap..” Ungol ni Racquel na ikinangisi ko.
Tumingin ako sa kanya. Kagat nya ang labi habang nakatingin sa akin ang namumungay nyang mga mata. Pinapanood nya ang ginagawa ko sa kanyang dibdib. Kinabig nya ang batok ko at dinuldol pa lalo ang dibdib sa aking mukha.
Salitan ko nang sinubo ang kanyang dibdib na sinasabayan ko pa ng pagpisil. Sunod sunod na impit na ungol naman ang kumakawaal sa kanyang bibig.
Umigtig ang panga ko nang gumalaw ang kanyang balakang. Kumikiskis ang kanyang gitna sa harapan ng aking pantalon. Lalo nyang ginigising ang aking alaga.
“Fuck love..” Anas ko ng mas diniinan pa nya ang pagkikis ng kanyang gitna sa akin.
Pero ang pilya kong nobya ay bumungisngis lang at umalis na sa kandungan ko. Nabitin tuloy ako.
“Love..” Protesta ko.
Ngunit lumuhod sya ibaba ko at pumwesto sa gitna ng mga hita ko sabay dakma sa harapan ng pantalon ko. Napaungol ako ng pisilin pa nya yun.
“Ang tigas tigas mo na love..” Aniya at tinanggal sa pagkakabutones ang pantalon ko sabay baba ng zipper.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa pananabik sa gagawin ng nobya. Ngayon lang nya ito gagawin sa akin.
“Fuck..” Mahina kong mura ng dukutin na nya ang alaga kong nagwawala sa loob ng aking pantalon.
“Gosh love.. ang laki mo talaga..” Manghang sambit nya habang titig na titig sa alaga ko. Halos hindi nga magtagpo ang kanyang mga daliri.
Napatiim bagang ako at nahigit ko ang hininga ng bahagya nyang pisil pisilin ang alaga ko at hinagod hagod ito ng kanyang kamay.
“Kasing taba sya ng lata ng sardinas.. ay male! Mas mataba sya ng konte sa lata ng sardinas..”
Natawa ako sa sinabi nya. Talagang kinumpara nya sa lata ng sardinas ang alaga ko.
Umawang ang labi ko ng inamoy amoy pa nya ang alaga ko at dinampian ito ng labi.
“Shit love..” Mahinang anas ko sabay lunok nang sumayad na rin ang mainit nyang dila.
Panay na ang kislot ng alaga ko at lalo pa itong nanigas. Para itong isang ice cream na dinidilaan nya at takam na takam sya hanggang sa isubo na nya ang ulo at doon naman inikot ikot ang dila.
“Hmm..” Mahinang ungol ko at humawak sa ulo ng nobya. Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok habang nilalasap ang masarap na dulot ng kanyang mainit na bibig at dila.
Maraming babae na rin ang gumawa sa akin nito noong mga panahon hindi ako nawawalan ng babae sa aking tabi at nag eenjoy ako. Pero mas masarap pala kapag ang babaeng mahal mo ang gumawa nito sayo.
Ngunit maya maya lang ay tumigil na si Racquel at tumayo. Napabuntong hininga na lang ako sa pagkabitin.
Binaba ni Racquel ang kanyang panty. Bumuway pa ang tayo nya kaya inalalayan ko sya pero ang mata ko ay nasa kanyang pagkababaeng may manipis na buhok sa ibabaw. Napalunok ako at parang gusto kong sunggaban yun. Ngunit bigla namang umupo ulit sa kandungan ko ang nobya at hinawakan ang alaga ko sabay tutok sa kanyang lagusan.
“Shit love.” Bulalas ko.
“Shh.. huwag kang malikot, love. Di ko mashoot eh..”
Natawa akong muli. Hindi naman ako malikot. Sya lang ang mabuway dahil nga lasing na.
Hinubad ko ang t-shirt ko at hinagis sa kabilang sofa. Hinawakan ko na ang balakang ng nobya at pinirme. Naitutok na nya sa kanyang lagusan ang aking alaga at inupuan na nya yun ng dahan dahan.
Tumiim bagang ako ng unti unti nang sakupin ng pagkababae nya ang alaga ko. Unti unti ko na ring nararamdaman ang kasikipan nya na parang sinasakal ang alaga ko.
“Shet love.. ang laki mo.. uhmm..” Anas nya sabay biglang ulos ng balakang pababa.
Napasinghap ako ng tuluyan ng nilukob ng kanyang pagkababae ang alaga ko. Damang dama ko ang kanyang kasikipan at init na nagpapabaliw sa akin. Ito talaga ang paborito kong posisyon naming dalawa. Sya ang nasa ibabaw at kumokontrol. Mas dama ko ang nakakabaliw na sarap.
Bumungisngis sya at nagsimula ng igalaw ang balakang. Hinawakan nya ang mukha ko at siniil ako ng halik. Niyakap ko naman sya at tinugon ang kanyang halik.
“Ughh shit love.. ang sarap mo uhmm..” Ungol nya habang patuloy sa senswal na paggiling sa aking kandungan. Ipit na ipit ang alaga ko sa kanyang loob at siguradong lalabasan agad ako nito.
“Ikaw rin love.. ang sarap sarap mo. Bilisan mo pa.. Fuck me more..” Anas ko sabay palo sa kanyang pang upo at pisil.
Humagikgik naman sya at mas diniinan pa nga at binilisan ang paggiling sa aking kandungan. Minsan ay paikot pa ang giling nya. Lalo tuloy naiipit ang alaga ko sa kanyang loob.
“Ughh fuck love!” Malakas na ungol ko sa sarap.
Mahigpit na akong humawak sa kanyang balakang at umulos na rin ako ng maiiksi. Impit naman syang umungol.
“Ughh ahh shit love.. uhm uhm uhm! Ughh! I’m cumming love!” Ungol nya at yumakap sa batok ko.
“Ako rin love, malapit na ahh!”
Hindi ko na kayang pigilan ang sarili. Malapit na malapit na akong sumabog.
Bumilis pa ng bumilis ang paggiling ni Racquel sa kandungan ko na para syang may hinahabol. Palakas din ng palakas ang kanyang ungol na parang umiiyak na. Hanggang sa impit syang tumili at nanginig na ang katawan. Tuluyan na syang nilabasan.
“Ugh fuck!” Daing ko ng lalong sumikip ang loob nya. Sinubukan ko syang alisin sa kandungan ko pero humigpit lang lalo ang yakap nya sa akin.
Hanggang sa hindi ko na napigilan ang tuluyang pagsabog ng katas ko sa kanyang loob.
Chapter 29
Racquel POV
NAGLALAMBING na nakayakap ako sa malapad na hubad na likuran ni Migz habang nagtatadtad sya ng bawang para sa sinangag. Kagigising lang namin at tinanghali na nga kami ng gising. Pasado alas otso na ng umaga. Napasarap ang tulog namin dahil bukod sa nagchukchakan kami ay parehas pa kaming lasing kagabi. Ang sarap din palang mag sex kapag lasing.
Hindi pa ako lumilipat sa bahay ko dahil mas gusto ko muna dito sa bahay ni Migz. Syempre nandito sya. Suot suot ko muna ang t-shirt nyang malaki na nagmistulang bestida ko na.
“Love, anong gusto mo sa itlog. Scrambled o sunny side up?”
‘Yung itlog mo.’ Ngalingali kong isagot.
Ipinilig ko ang ulo. Ano ba yan? May hangover pa yata ako.
“Sunny side up na lang, love.”
“Okay.”
Sinubsob ko ang mukha sa malapad at matigas na likod ni Migz. Tinaniman ko rin ng maliliit na halik ang kanyang likod. Medyo moreno si Migz pero makinis ang balat at mabango pa. Sinandig kong muli ang pisngi sa kanyang likod. Inaantok pa ako at wala akong gana ngayon na pumunta sa tindahan. Tatawagan ko na lang mamaya ang mga tauhan ko doon. Gusto ko sanang matulog ulit pero gusto ko ay katabi ko pa rin ang macho at masarap na mamang ’to.
Natigilan kami parehas ni Migz ng may kumatok sa pinto. Humiwalay ako ng yakap sa kanya.
“Ako na, love.” Sabi ko at lumapit sa pinto..
“T-Tita Cecil.. Tito Jacinto.. k-kayo po pala.” Nauutal na sambit ko pagbukas ko ng pinto. Hindi ko inaasahan na sila ang mabubungaran ko.
“Good morning Racquel, iha. What a surprise na ikaw ang nagbukas ng pinto sa amin ni Jacinto.” Nakangiting bati sa akin ni Tita Cecil at bumeso pa.
Nahihiyang ngumiti din ako. “G-Good morning po tita, tito.” Bati ko rin at nagmano naman kay Tito Jacinto.
Bumaling ako kay Tita Cecil na nakangiti pa rin at hinahagod ako ng tingin. “Dito ka natulog, iha?”
“O-Opo tita..”
Tumaas ang kilay nya. “Tabi kayo ni Migz?”
Nag init ang mukha ko.
“Ano ka ba, ’ling. Hindi mo na dapat tinatanong yan.” Malumanay na saway ni Tito Jacinto.
“Gusto ko lang makasiguro, darling.” Muling bumaling sa akin si Tita Cecil. “So tabi ba kayong natulog ni Miguel?”
“O-Opo tita..” Nahihiyang sabi ko sabay kagat labi.
Namilog naman ang mga mata ni Tita Cecil. “That’s noiiiccee.”
“Mom, dad. Ang aga nyo, ho. Akala ko ay mamaya pa kayo.”
Gumilid ako ng lumapit si Migz. Humalik sya sa pisngi ng mommy at daddy nya sabay hapit sa bewang ko. Niluwagan nya ang bukas ng pinto at pumasok na ang mag asawa.
“Ito kasing mommy mo, pabago bago ng isip. Bigla nanggising ng maaga kanina at aalis na raw kami.” Ani Tito Jacinto at umupo sa sofa.
“Eh kasi naman, excited na akong makita ang anak natin at itong si Racquel. Aba’y namimiss ko na sila, no.” Ani Tita Cecil at eleganteng umupo na rin sa sofa habang iniikot ang mga mata sa paligid ng bahay. Mukhang hindi naman ito ang unang beses na nakarating sila dito sa bahay ni Migz.
Ngumiti ako. “Uhm, tito, tita, nag almusal na po ba kayo? Gusto nyo po ba ng kape? Kaso magluluto pa lang po kami ng almusal.”
“Hindi pa kayo nakakapag almusal? Alas otso pasado na.” Takang tanong ni Tito Jacinto.
“Ano ka ba, darling. Mukhang kagigising lang nila. Malamang late ang breakfast.” Ani Tita Cecil.
Nangingiwing nangingiti na lang ako dahil may laman ang sinasabi ni Tita Cecil.
“Sige iha, pakitimpla na lang kami ng tito mo ng coffee. Black ha, and no sugar. Bawal kasi sa amin ang may sugar.”
“Sige po, tita.”
“Oh by the way, may dala pala kaming pasalubong para sa inyo ni Racquel, Miguel. Pakikuha na lang sa trunk.”
“Yes mom.”
Nagtinginan kami ni Migz. Sya ay lumabas na para kunin ang pasalubong at ako naman ay pumunta na ng kusina para magtimpla ng kape. Hindi pa ako sure kung anong kape ang ititimpla ko dahil instant coffee lang ang meron si Migz.
“Love, anong kape ang ititimpla ko sa mommy at daddy mo?” Tanong ko sa nobyo ng pumasok sya sa kusina at may bitbit na dalawang box ng pastries. Nilapag nya yun sa counter.
“Yang instant, love.”
Tumaas ang kilay ko. “Sure ka? Baka sumakit ang tiyan ng mommy at daddy mo.”
Tumawa sya. “Hindi maselan si mommy at daddy.”
Ngumuso ako. “Sure ka, ha. Kapag sumakit ang tiyan nila ikaw ang ituturo ko.” Kinuha ko na ang garapon ng itim na kape.
Natatawang yumakap naman sa akin si Migz mula sa likuran. Kinagat ko naman ang labi dahil damang dama ko ang init ng singaw ng kanyang matigas na katawan at balat. Masarap sa pakiramdam na makulong sa mga bisig nya at parang gusto kong manatili na lang kaming ganito buong maghapon. Ngunit hindi pwede dahil nandito ang mga parents nya.
Nilingon ko ang nobyo. “Hindi mo sinabi sa akin na pupunta pala sila dito. Nakakahiya na naabutan nila ako dito na ganito pa ang histura.”
Ngumisi sya. “Sorry, nakalimutan ko eh. Saka ine-expect ko na mamayang mga tanghali pa sila darating. Mukhang na-excite si mommy.”
“Malamang iba na ang iniisip ng mommy at daddy mo. Nakakahiya..”
“Kung anoman ang iniisip ni mommy at daddy, siguradong hindi pangit yun.”
“Sigurado ka, ha.”
“Oo nga. Malamang nga ang iniisip ni mommy ngayon ay magkakaapo na sila ni daddy.” Nakangising sambit nya.
Suminghap ako nang biglang naalala ang nangyari sa amin kagabi. “Withdrawal ka naman kagabi, di ba?” Sa sobrang kalasingan ko kasi kagabi ay wala akong masyadong maalala. Basta ang alam ko lang sarap na sarap ako kagabi.
“Hmm.. oo.” Sagot nya sabay himas sa batok at iwas ng tingin. Bumitaw na sya sa akin at hinarap na ang iniwan kaninang lulutuin. “Lulutuin ko na pala itong sinangag.”
“Sige, haharapin ko muna ang mommy at daddy mo.” Sabi ko at binitbit na ang dalawang tasang kape na nakapatong sa saucer.
–
Salit salitan ang tingin ko kay Tita Cecil at sa dalawa kong tiyahin na mga nagtatawanan. Palagay na agad ang loob nila sa isa’t isa at magkakasundo na, samantalang ito ang unang beses na magkakilala at magkausap sila. Pagkatapos nga naming mag almusal ni Migz ay dito kami pumunta sa bahay nila tiyang dahil gusto silang makilala ni Tita Cecil at Tito Jacinto. Si mama na lang ang hindi pa nila nakikilala at si Junie na nasa palengke.
“Naku, yan din ang libangan ko ang pag zu-zumba. Syempre tumatanda na tayo kaya dapat patibayin pa natin ang ating mga buto.”
“Pero minsanan na lang din akong makapag zumba. Gawa ng abala din sa palengke. Itong si Ate Claring naman ay exercise sa umaga ang pagjo-jogging at paglalakad mula dito hanggang sa palengke.”
“Hindi ka ba nag zu-zumba Claring?”
“Naku hindi Cecil. Mahiyain ako eh. Tama na sa akin ang jogging lang at lakad lakad.”
Kung kanina ang pinag uusapan nila ay tungkol sa aming dalawa ni Migz, ngayon naman ay tungkol sa mga lifestyle nila. Mga sakit nila, mga bawal at pwedeng kainin. Nakakatuwa lang silang pagmasdan dahil pare-parehas madaldal.
“Nasaan pala ang mother mo, iha? Hindi ba sya dito sa Pampanga nakatira?” Tanong sa akin ni Tito Jacinto.
“Hindi po, tito. Sa Manila po sya nakatira. May bahay din po kasi kami doon at doon din po sya nag wo-work.”
“Oh I see. Sana next time ay makaharap din namin sya.”
Ngumiti ako. “Sige po, tito. Sasabihan ko po si mama.”
Bumaling naman si Tito Jacinto kay Migz. “Migz anak, wala pa ba kayong balak ni Racquel na lumagay sa tahimik?”
Nagtinginan kami ni Migz. Natigilan din sila tiyang at si Tita Cecil.
Hinawakan ni Migz ang kamay ko at pinisil. “Hindi pa po namin napag uusapan ni Racquel ang tungkol sa bagay na yan, dad.”
“Ganun, ba. Pero sa tingin ko ay dapat nyo ng pag usapan. Hindi ka na bumabata, anak.”
Bumuntong hininga ako. Parang bigla akong na-pressure sa sinabi ni Tito Jacinto. Lumingon sa akin si Migz at pinisil pisil ang kamay ko.
“Huwag mo ngang pini-pressure ang mga bata, darling. Hayaan mo muna silang mag enjoy na binata at dalaga pa. Dahil kapag nagkaanak sila ay hindi na nila masosolo ang isa’t isa. Syempre mas priority na ang mga anak. Hindi ba, Claring, Erlinda?” Sabat ni Tita Cecil.
“Tama ka naman dyan, Cecil. Pero kung ako ang tatanungin ay nasa hustong gulang na sila. Pero syempre ay nasa sa kanila na yun kung gusto na nilang bumuo ng pamilya.” Opinyon ni Tita Claring.
Tumango naman si Tiyang Erlinda.
“Nasasabik lang ako na magkaroon na ng apo, ’ling.” Sambit pa ni Tito Jacinto.
Napakagat labi naman ako. Yun naman pala ang dahilan kung bakit parang atat na si Tito Jacinto na mag asawa na kami ni Migz. Kunsabagay, normal lang din naman na humingi na sya ng apo kay Migz dahil senior na sila ni Tita Cecil.
“Huwag kayong mag alala, dad. Malapit na tayong dumating dyan.”
Lumingon ako kay Migz. Tumingin naman sya sa akin sabay kindat at akbay.
Parang bigla akong kinabahan sa sinabi nya.
Chapter 30
Racquel POV
two months later..
“ANO ka ba naman Sherwin? Sabi ko sayo di ba, magpagupit ka na. Ayoko ng ganyang buhok mo. Di bagay sayo.” Sita ko sa isang boy ko na may kaliitan pero maliksi kung kumilos.
Kumamot sya sa ulo at nanghaba ang nguso. “Eh madam, kakagupit ko pa lang po nung isang linggo.”
“Ang pangit ng gupit mo. Ang haba sa bandang likod at tenga. Gupit ba yan?” Inis na sabi ko. Ewan ko ba, naiinis ako sa buhok nya.
“Wala na po akong pampagupit, madam. Mahal na nga po ang pampagupit sa barbero.”
“O sige, bibigyan kita ng pampagupit. Basta yung gupit yung sinend ko sayong picture. Ganung gupit, ha. O.” Inabutan ko sya ng 150.
Kakamot kamot sa ulong kinuha naman nya yun. Wala namang masama sa gupit nya. Kaya lang, hindi ko gusto. Naaalibadbaran ako.
“Bukas ha, dapat bagong gupit ka na.” Dagdag ko pa.
“Yes madam.” Sagot na nya at inestima na nya ang bagong dating na customer.
Nagtinginan at nagngisihan naman ang ibang boy ko habang nagsasandok ng bigas na binibili ng customer.
“Si madam o, may favoritism. Baka pwedeng makahingi din ng pampagupit madam.” Hirit naman ng isa kong boy na si Nato.
Tumaas naman ang kilay ko. “Ano naman ang ipapagupit mo eh kalbo ka.”
Nagtawanan ang mga boy ko at inulan nila ng panunukso si Nato na kakamot kamot sa ulo.
Mababait naman ang mga boy ko at masisipag. Masunurin din sila sa mga utos ko at walang reklamo. At syempre, binibigyan ko naman sila ng pakunsuelo sa kasipagan nila.
“Sige, magpapadeliver na lang ako ng Jollibee pang meryenda nyo.”
“Yown!” Tuwang tuwang bulalas nila.
Binalingan ko naman ang isang kahera at inutusang umorder online at magpadeliver. Parang bigla din kasi akong nagcrave sa spaghetti at chiken joy na maanghang.
At habang hinihintay na dumating ang delivery rider ay pumunta ako sa grocery store para tingnan din ang mga tao ko doon. Papadeliver-an ko rin sila ng meryenda nila para naman fair at walang tampuhan.
Maraming tao sa grocery store at mahaba haba din ang pila sa tatlong counter. Binati pa ako ng ilang mamimili na kakilala ko at nakichika pa sa kanila.
“Parang lalo kang gumanda ngayon, ah. Ang blooming mo.” Puna sa akin ni Ate Pina na kapitbahay nila tiyang.
“Talaga ate? Parang feeling ko nga tumaba ako eh.”
“Oo nga, medyo nagkakalaman ka. Pero bagay naman sayo at ang blooming mo. Hmm, nahiyang ka sa alaga ni Migz ha.”
Bumungisngis ako ng banggitin nya ang nobyo ko. Parang bigla ko rin tuloy syang namiss. Lalo na ang amoy nya. Yung amoy nyang galing pasada.
“Masarap kasing magluto si Migz, ate. Kaya laging napaparami ang kain ko.”
“Kaya naman pala. Eh kelan ba kayo magpapakasal ni Migz?”
“Kasal agad? Wala pa nga kaming one year ni Migz, eh.”
“Huwag mo ng pakawalan si Migz. Ikaw rin, maraming nakaabang dyan.”
“Hanggang abang na lang sila, no. Don’t worry, ate. Kapag nagdesisyon na kaming magpakasal ni Migz, imbitado ka.”
“Ay gusto ko yan! Sana soon na.”
“Let’s see.”
Nakipag tawanan at biruan pa ako sa ibang customer. Ito rin kasi ang way ko para bumalik balik sila dito.
Kinausap ko ang isang tauhan ko na pinagkakatiwalaan ko dito sa grocery. Sa kanya ko binibilin ang lahat kapag wala ako dito. Inutusan ko rin syang magpadeliver ng pagkain para pang meryenda nila.
Bumalik na rin ako sa bigasan at sakto namang dumating na ang pina order kong Jollibee. Agad na namin yung nilantakan. Takam na takam naman ako sa spaghetti at fried chicken at parang naglalaway pa nga ako.
“Sherwin, ito pa o. Ubusin mo.” Inabot ko kay Sherwin ang natitira kong spaghetti. Nakain ko na ang kalahati at ayoko na. Sayang naman kasi kung itatapon.
“Madam, busog na busog na ako.” Angal ni Sherwin na kinakain ang tira kong fried chicken na binigay ko rin sa kanya.
“Ah basta, ubusin mo to. Para lumaki ka.”
“Madam naman, o.” Wala na syang nagawa kundi kunin na ang inaabot kong spaghetti. Pinagtatawanan naman sya ng mga kasamahan nya na mga busog na rin.
Alam kong napapansin nila ang pagiging pansinin ko kay Sherwin. Wala lang, natutuwa lang ako sa kanya. Kamuha nya kasi si Buboy Villar.
–
Naglalambing na nakayakap ako kay Migz habang inaamoy amoy ko sya. Sinisinghot ko ang amoy nya sa dibdib at leeg. Kararating lang nya galing sa pamamasada at ginabi na nga sya dahil trapik.
“Love, maliligo muna ako.” Aniya habang hawak hawak ang bewang ko.
“Mamaya na..” Paungol na sabi ko at sinubsob ang ilong sa kanyang dibdib. Gustong gusto ko talaga ang amoy nya kapag galing syang pamamasada.
“Pero ang baho ko pa.” Natatawang sabi pa nya.
“Mabaho ka dyan. Hindi kaya..” Hindi naman talaga sya mabaho. Kahit kelan ay hindi ko naman sya naamuyang mabaho. Kahit pawisan sya. Gusto ko ang amoy nya na galing pamamasada dahil natural ang amoy nya. Lalaking lalaki ang amoy.
Niyakap na rin nya ako at hinalik halikan sa buhok. “Bakit parang sobrang lambing mo nitong mga nakaraang araw, love.”
Tumingala ako sa kanya. “Bakit, ayaw mo ba?”
Ngumisi sya. “Syempre gusto ko.”
“Yun naman pala eh.” Sinandig ko ang pisngi sa malapad nyang dibdib. Komportableng komportble kasi ang pakiramdam ko kapag ganitong nakayakap ako sa kanya.
Humiwalay na ako ng yakap sa kanya ng dumating na ang pinadeliver naming pagkain para sa dinner. Hindi na kami nagluto dahil parehas kaming pagod. Actually hindi naman ako pagod, tinatamad lang.
Pagkatapos naming magdinner ay sabay na kaming nagshower ni Migz. Syempre, naging maaksyon ang paliligo namin. Kaya naman solve ang gabi namin bago matulog.
–
“HAY naku! Grabe na talaga ang trapik sa Pilipinas. Palala ng palala. Kahit saan ka magpunta hindi nawawala ang trapik.” Litanya ni mama pagpasok nya sa bahay sabay upo sa sofa.
Nilapag ko naman sa mesa ang mga dala nyang pasalubong at pumasok ako sa kusina para ikuha sya ng malamig na tubig. Mukhang namiss ako ni mama kaya magbabakasyon sya dito ng one week. Nabu-burn out na rin daw kasi sya sa trabaho nya kaya nagleave muna. Masaya naman ako dahil gusto ko rin syang makasama. Namiss ko rin sya.
“Ma, inom ka muna ng tubig.” Inabot ko kay mama ang isang basong malamig na tubig.
“Salamat, anak.” Kinuha nya ang baso at umimom. “Hay! Kanina pa sana ako nandito kung hindi lang dahil sa lintek na trapik na yan. Hindi naman rush hour pero grabe na ang trapik.”
Inabot pabalik sa akin ni mama ang basong wala ng laman.
“Magpahinga po muna kayo ’ma.” Nilapitan ko ang stand fan at binuhay saka tinutok kay mama.
“Hindi ka nagpunta ng tindahan?”
“Galing po ako doon kanina ’ma.”
“Eh ang nobyo mo, namasada ba?”
“Nasa garahe nya po ’ma. Pinapaayos ang dalawa nyang jeep.”
Tumango tango si mama at pinasadahan ako ng tingin. “Parang nananaba ka, anak.”
Ngumuso ako. “Napapasarap lang po ng kain, ’ma.”
“Aba’y maghinay hinay ka sa pagkain lalo na sa kanin. Ugaliin mo ring mag exercise. Huwag kang nagpapabaya sa katawan mo.”
“Opo ’ma.” Sabi ko na lang.
Guilty rin naman kasi ako. Medyo malakas nga akong kumain lately lalo na kapag luto ni Migz. Tapos lagi pa akong tinatamad at gusto ko lang laging nakaupo at higa. Kaya nga siguro nananaba ako.
Naku! Hindi ito pwede. Baka mawala ang kaseksihan ko. Maghanap pa si Migz ng iba. Kailangan ko na yatang mag gym.
Chapter 31
Racquel POV
“HMM.. infairnes sayo Migz, ha. Masarap kang magluto. Talo mo pa itong anak ko.” Puri ni mama sa nilutong humba ni Migz.
Napanguso naman ako. Pero totoo namang masarap magluto si Migz.
“Thank you ho, tita.” Nakangising saad naman ni Migz.
“Kaya pala nananaba itong si Racquel dahil masarap kang magluto.” Dagdag pa ni mama na ikinatawa naman ni Migz.
Nilingon ko ang nobyo at inikutan ng mata. Para kasing natawa sya ng sabihin ni mama na nananaba ako.
“Malakas din po kasing kumain itong si Racquel, tita.” Nanuknukso pang sabi ni Migz.
“Kaya nga sinasabihan ko sya na maghinay hinay sa pagkain lalo na sa kanin. Aba’y sya rin ang mahihirapan pagtanda.”
“Oo nga love, makinig ka kay tita.” Nakangising segunda pa ni Migz.
Sinamaan ko sya ng tingin. Ayos ah! Di naman halatang sipsip sya kay mama. Humanda sya sa akin pag uwi ni mama.
“Racquel, may dala ako sa inyo ng mama mo.”
Sabay sabay kaming lumingon ng marinig ang boses ni Tiyang Claring. May dala syang food container.
“Nandito ka pala, Migz.”
“Magandang gabi ho Tiyang Claring.” Tumayo si Migz at nagmano kay tiyang.
“Magandang gabi din. Heto, may dala akong dinakdakan. Inihaw na ulo ng baboy yan.” Ani tiyang at nilapag sa mesa ang container at binuksan.
Natakam ako sa dinakdakan. Matagal tagal na akong hindi nakakatikim nito. Specialty ito ni Tiyang Claring at masarap talaga syang gumawa nito.
“Paborito nyo to di ba, ma?” Untag ko kay mama na walang imik habang kumakain pero pasulyap sulyap naman sa dinakdakan na dala ni tiyang.
“Oo, paborito yan ng mama mo. Aba’y dyan ka nga nya pinaglihi noon. Lagi nga syang nagpapaluto sa akin nyan noon. Di ba, Aliza?”
“Noon yun, Ate Claring. Hindi na ngayon.” Matabang na sabi ni mama.
Tumaas naman ang kilay ko at tumingin ako kay tiyang na napabuntong hininga na lang. Gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha. Mukhang ginawa nya ang dinakdakan para kay mama.
Tumikhim ako. “Salamat po, tiyang. Matagal tagal na rin po akong hindi nakakatikim nitong dinakdakan nyo. Mapapasarap na naman ang kain ko.”
“Walang anoman, anak.” Nakangiti nang sabi ni Tiyang Claring.
“Ah tiyang, sumalo na ho kayo sa amin.” Yaya ni Migz.
“Oo nga po, tiyang. Saluhin nyo na po kami.”
“Naku hindi na. Katatapos ko lang kumain. Kayo na lang.”
“Sige ho, pababaunan ko na lang kayo ng humba.”
“Masarap po ang nilutong humba ni Migz, tiyang. Tikman nyo po.”
“O sige nga, patikim ako.”
Tumayo si Migz at kumuha ng malinis na food container at nilagyan ng niluto nyang humba. Inabot nya yun kay Tiyang Claring. Bilib na bilib talaga ako sa nobyo ko. Laking mayaman sya pero marunong magluto at maalam sa lahat ng bagay. Kung sya man talaga ang magiging asawa ko ay sobrang swerte ko.
‘Kaya huwag mo na syang pakawalan Racquel.’
Nagpaalam na si Tiyang Claring na uuwi na. Tinuloy naman namin ang pagkain namin. Nilantakan din namin ni Migz ang dinakdakan. Pati sya ay sarap na sarap.
“Puro tayo karne ngayong gabi. Bukas mag gulay naman tayo.” Ani mama.
Tumango lang kami ni Migz.
“Ma, ayaw mo?” Tanong ko kay mama at tinuro ang dinakdakan.
Taas ang isang kilay na tiningnan nya yun saglit. Pero mayamaya ay sumandok na sya at naglagay sa plato sabay tikim. Napataas na rin ang kilay ko at nagtinginan pa kami ni Migz dahil sunod sunod na ang kuha at kain nya. Kunwari pa sya eh. Kapag favorite mo talaga, hindi mo mahihindian at hindi mo kayang titigan lang.
–
MABIGAT ang pakiramdam na bumangon ako. Humikab ako pero agad ko ding tinikom ang bibig dahil para akong naduduwal. Kinusot ko na lang ng kamay ang mga mata. Inaantok pa ako pero hindi naman pwedeng hindi bumangon dahil pupunta pa ako sa tindahan. Medyo tinanghali na nga ako ng gising dahil pasado alas syete na.
Kahit mabigat ang pakiramdam at inaantok pa ay niligpit ko ang kumot ko at pinagpagan ang kama at mga unan. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang bintana. Pumasok ang hanging pang umaga na maalinsangan na. Medyo mataas na rin ang sikat ng araw.
Pumihit ako at pinatay ang electric fan. Dinampot ko ang cellphone sa side table at lumabas na ng kwarto. Muli akong humikab pero tinuptop ko ang bibig dahil para na naman akong maduduwal.
Bumaba na ako ng hagdan at narinig kong may kumakalansing sa kusina.
“Morning, ’ma..” Bati ko kay mama na naghuhugas ng kawali at kaldero.
“Good morning, anak. Mag almusal ka na. Nakaluto na ako.”
“Opo.” Kinuha ko ang mug ko sa cupboard at nagtimpla ng kape.
“Sya nga pala, dumaan dito si Migz. May dalang pandesal. Hindi ka na pinagising. Namasada na sya.”
Ngumiti ako sa sinabi ni mama. Lagi kaming sabay mag almusal ni Migz dahil lagi na rin kaming sabay nagigising sa umaga. Syempre, lagi na rin kaming tabi kung matulog. Kung hindi sa bahay nya ay dito sa bahay. Yun nga lang, di muna namin magagawa yun ngayon dahil nandito si mama. Dyeta na rin muna kami sa chukchakan ng isang linggo. Pero baka magawan din namin ng paraan. Ika nga, kapag gusto may paraan.
Tahimik akong napahagikgik sa tumatakbo sa isip ko. Pero agad ko ding sinaway ang sarili.
Mabigat na nga ang pakiramdam ko kung ano ano pa ang iniisip ko.
“Alam mo Racquel, maswerte ka sa nobyo mo. Aba’y bihira na lang ngayon sa lalaki ang marunong magluto at masarap pa.”
“Masarap din pong magluto si papa, ’ma.” Banggit ko sa yumaong ama.
Sumimangot si mama. “Di sya kasali sa usapan.”
Bumuntong hininga ako habang hinahalo ng kutsara ang kape. “Ma naman.. matagal nang patay si papa hanggang ngayon di nyo pa sya napapatawad.”
“Masakit ang ginawa nya sa akin.”
“Alam ko naman po yun ’ma. Nagkamali si papa pero ilang beses din syang humingi ng tawad sayo. Mahal ka ni papa. Kahit sa huling hininga nya patawad pa rin at pagmamahal nya sayo ang huling sinabi nya.”
Hindi umimik si mama na patuloy lang sa paghuhugas. Pero alam kong naririnig nya ang mga sinasabi ko.
“Hindi ba pwedeng ang isipin mo naman ay yung mga panahong masaya kayo ni papa. Mas marami kayong alaala na masaya kesa doon sa alalang masakit. Patawarin nyo na si papa at makipag bati na rin kayo kanila tiyang.”
“Madali lang sabihin yan..”
“Madali ring gawin yan ’ma, kung ibababa nyo ang pride nyo.”
Bumuntong hininga si mama. “Lalamig na ang pagkain Racquel. Kumain ka na lang.”
Nagkibit balikat ako at napabuntong hininga na rin. Hindi ko mapipilit si mama. Pero alam kong nag iisip sya. Sana nga ay makinig sya sa akin. Sana ay alisin na nya ang galit sa kanyang dibdib at magpatawad na.
Bumalik na ako sa mesa bitbit ang mug na may lamang kape. Inabot ko ang paper bag na may lamang pandesal na bigay ni Migz. Mainit init pa yun. Kumuha ako ng isa at sinawsaw sa kape.
“Ma, nag almusal na kayo?” Tanong ko kay mama.
“Kape lang at tinapay. Pero sinangag ko ang natirang kanin kagabi saka niluto ko ang tocino sa ref.”
Tumango tango ako. Oo nga pala, hindi nagkakanin sa umaga si mama. Kape at tinapay lang sya. Health conscious si mama, kaya nga sa edad nyang 50 ay fit na fit pa rin sya. Active din sya sa zumba at alaga din sa exercise ang katawan. Gusto kong maging katulad nya pagtanda ko. Kaya dapat ngayon pa lang maging health conscious din ako.
Tinanggal ko na ang takip ng mga pagkain. Ngunit napangiwi ako ng makita ang sinangang na maraming bawang at tocino na pulang pula. Wala namang kakaiba pero ayoko ng amoy ng sinangag na maraming bawang at yung kulay pula na tocino.
“Ma.” Tawag ko kay mama.
“O?”
“Bakit ganito to?” Angal ko.
Kunot noong lumapit si mama habang nagpupunas ng kamay. “Bakit, anong problema, Racquel?”
Tinuro ko ang sinangag sa plato at tocino. “Ang daming bawang ng sinangag tapos tustado pa..”
“O, eh di ba ganyan ang gusto mo.”
Kumamot ako sa leeg. “Tapos yung tocino kulay pula pa..”
Lalong kumunot ang noo ni mama habang nakatingin sa akin. “Eh ano ba dapat ang kulay ng tocino? Pula naman talaga ang kulay nyan.”
Pumalatak na lang ako habang kumakamot sa leeg. Wala namang mali sa pagkain pero ewan ko ba, ayaw ko ng nakikita at naaamoy ko.
“Ano bang nangyayari sayo Racquel at ganyan ang hitsura mo? Ngayon na nga lang ulit kita pinagluto tapos ganyan ka pa.” Sermon na ni mama.
“Hindi sa ganun ma.. Ano kasi – ump!” Tinuptop ko ang bibig sabay tayo at dali daling pumunta sa lababo.
“Uwackk!” Sinuka ko ang kinain kong tinapay. Ngunit patuloy pa rin ang pagsusuka ko kahit wala na akong mailabas. Puro laway na lang pero umaalsa pa rin ang sikmura ko na parang gusto ng bumaliktad.
“Ano bang nangyayari sayo Racquel? Wala ka pa ngang kinakain pero nasusuka ka na.” Litanya ni mama habang hinahagod ang likod.
Hindi naman ako makasagot dahil panay pa rin ang duwal ko at puro laway lang ang nilalabas ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako nasusuka.
Nang humupa na sa pagregodon ang sikmura ko ay nagmumog na ako. Pero hinang hina ang pakiramdam ko at nanlalambot pa ang mga tuhod ko. Humugot ako ng tissue napkin at dinampi dampi sa bibig ko. Pumihit ako paharap at sumalubong sa akin ang matiim na tingin ni mama.
“Sabihin mo nga sa akin Racquel.”
Kumunot ang noo ko. “Ano pong sasabihin, ma?”
“Buntis ka ba?”
Suminghap ako at namilog ang mata sa tanong ni mama.
Chapter 32
Racquel POV
“BUNTIS ka ba Racquel?”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong na yun ni mama. Kumabog din ang dibdib ko sa kaba.
Lumunok ako. “H-Hindi ko po alam, ma..”
Nagsalubong ang kilay ni mama at namaywang sya. “Anong hindi mo alam, Racquel? Katawan mo yan.”
Hindi ako nakaimik agad at napayuko. Hindi ko naman talaga alam eh.
“May nangyayari na sa inyo ni Migz, ano?”
Nag iinit ang mukhang tumango ako.
“Sabi na eh. Kaya hindi talaga posibleng mabuntis ka.”
“N-Nag iingat naman po kami ni Migz, ma..”
“Paanong ingat? Nag pi-pills ka?”
“W-Withdrawal po sya, ma.”
Bumuntong hininga si mama at umiling iling. “Pero hindi ka pa rin nakakasiguro. Hangga’t may nangyayari sa inyo posible talagang mabuntis ka. Hala, tawagan mo si Migz at pabalikin dito.”
Kinabahan naman ako. Baka awayin ni mama si Migz.
“B-Bakit po, ma?”
“Kakausapin ko. Sige na, tawagan mo na bago pa kita masabunutan.”
Ngumuso ako at lumabas ng kusina. Dinampot ko ang cellphone sa mesa at dinial ang numero ni Migz. Agad naman syang sumagot isang ring pa lang.
“Hello love. Morning..” Malambing na bati nya.
Napangiti naman ako sa kilig. Bigla ko syang namiss lalo na ang amoy nya.
“Morning love.. nasaan ka na?” Malambing din na tanong ko.
“Nandito pa ako sa garahe. Kumain ka na?”
“Hindi pa. Wala akong gana eh..” Parang gusto kong magpabebe sa kanya ngayon.
“Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?” May tono ng pag aalala sa boses nya.
Nanghaba ang nguso ko at napatingin kay mama na nakatingin din pala sa akin. Nagbabanta na ang kanyang tingin na parang sinasabi nya na umayos ako kung hindi ay sasabunutan nya ako.
Tumikhim ako. “Ano.. pwedeng umuwi ka muna saglit. Si mama kasi, pinapauwi ka.”
“Bakit? May iuutos ba sya?”
“Kakausapin ka daw nya.”
“Sige, pupunta na ako dyan.”
“Okay love, ingat. Love you.”
“Love you too..”
Ngiting ngiti na binaba ko na ang cellphone at pinatay. Humarap ako kay mama at napanguso ako ng makitang nakasimangot sya.
“Kaya ka nabuntis eh. Ang harot harot mo.”
Lalong nanghaba ang nguso ko. “Hindi pa naman po sure na buntis ako, ’ma.”
“Ako, sure na sure na. Kaya pala may kakaiba sayo.”
Hindi na lang ako umimik at umupo na lang. Mabilis pa rin ang pintig ng puso ko sa kaba. Paano nga kung buntis na talaga ako? Pero maingat kami ni Migz. Lagi syang withdrawal.
Pero biglang pumasok sa isip ko na dalawang buwan na nga pala akong hindi dinadatnan ng regla ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Kung ganun, posible nga talagang buntis ako..
Nakaawang ang labi ni Migz habang titig na titig sya sa akin. Bahagya pa ngang namimilog ang kanyang mga mata.
“Totoo? B-Buntis ka, love?”
Kumagat kabi ako at tumingin kay mama na syang nagsabi kay Migz na baka buntis na ako.
“Baka pa lang naman Migz. Dahil kagigising lang nitong si Racquel ay sumuka kanina kahit wala pang laman ang tiyan. Tapos sabi nya ay dalawang buwan na syang di dinadatnan. So posibleng buntis nga sya.”
“Oh god! Finally, buntis ka na love.” Parang tuwang tuwa pa na bulalas ni Migz.
Tinaasan ko sya ng kilay. Yung pagkakasabi nya kasi ay parang inaasahan na nyang mabubuntis ako.
“Ah I mean.. baka buntis ka na nga, love. Hindi posible yun dahil lagi mo kong niyayaya.”
Suminghap ako at namilog ang mata. “Hoy, ang kapal mo!”
“Hmm, kaya naman pala.” Komento ni mama at binigyan ako ng tingin na parang gusto nya akong kurutin.
Napanguso na lang ako at hinila sa braso si Migz sabay kurot sa tagiliran nya na ikinatawa lang nya. Parang happy’ng happy sya na posibleng buntis ako.
“Pero para makasiguro tayo ay kailangan mong bumili ng pt kahit dalawa. Doon natin malalaman kung buntis na nga itong si Racquel.” Utos ni mama kay Migz.
“Sige ho, tita. Bibili na agad ako.” Ani Migz at humarap sa akin. “Bibili lang ako ng pt, love. Para malaman natin kung talagang buntis ka na nga.” Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. “Pero sana nga ay buntis ka na. Para ebribadi hapi.”
Sinundan ko na lang ng tingin si Migz na nagmamadaling lumabas ng bahay. Parang excited syang bumili ng pt.
“Mukhang pinagplanuhan ka ng nobyo mo.”
Kunot noong nilingon ko si mama. “Anong ibig nyo pong sabihin, ma?”
“Mukhang pinagplanuhan ka talagang buntisin ni Migz. Kita mo? Ang lapad ng ngiti at excited pang bumili ng pt. Naku Racquel, tapos na ang pagiging dalaga mo. Kunsabagay, mainam na rin yan dahil nasa tamang edad ka na.”
Napakamot na lang ako sa leeg. Hindi man diretsahang sabihin ni mama ay mukhang tanggap na nya kung sakaling buntis na nga ako.
Eh ikaw ba Racquel harot? Tanggap mo na ba? Tanong ng munting tinig sa kabilang bahagi ng isip ko.
Kinagat ko ang labi. Wala pa sa plano ko ang magbuntis kaya nga nag iingat kami ni Migz. Pero kung talagang dumating na, wala naman akong magagawa. At least mahal ko ang tatay ng magiging baby ko. Di na rin ako lugi dahil jackpot ako kay Migz.
makalipas ang ilang sandali..
Matiim akong nakatingin kay Migz habang titig na titig sya sa dalawang pt na parehas positive ang resulta. Ang lapad ng ngiti nya sa labi. Hinahalik halikan pa nga nya ang pt at wala syang pakialam kahit amoy ihi ko pa yun. Mukhang balak pa yata nyang ipa-frame yun.
Lumingon sya sa akin. “Magkakababy na tayo, love.” Sambit nyang muli. Makailang beses na nga nyang sinambit ang mga salitang yun. Hindi naman obvious na excited na syang magkababy na kami.
Kinurot ko sya ng pino sa tagiliran na kanyang ikinaigtad.
“Bakit, love?” Inosenteng tanong nya.
Sinamaan ko sya ng tingin. “Painosente ka pa.. Paano nangyaring nabuntis ako? Di ba laging withdrawal ka?”
“O-Oo nga..” Aniya sabay iwas ng tingin at bumaling muli sa pt na hawak.
Muli ako syang kinurot ng pino na ikinatawa na nya. “Bakit ba, love?”
“Hindi ako naniniwala sayo. Nagpaputok ka sa loob ko no?”
Humimas sya sa batok. “Well.. It was not my fault, love.”
Tumaas ang kilay ko. “So kasalanan ko?”
Ngumisi sya. “Parang ganun na nga.”
Kinuwento nya sa akin ang nangyari sa amin sa sala ng bahay nya two months ago noong birthday ni Tiyang Erlinda. Doon nabuo si baby.
Nag init ang mukha ko. Kasalanan ko naman pala. Sa sobrang kalasingan ko ayan may nabuo na.
Niyakap ako ni Migz at hinalik halikan ang sentido ko. “Alam kong hindi mo inaasahan ito, love. Pero nandito na eh. Magkakababy na tayo. Magiging isang pamilya na tayo.”
Tumingin ako sa kanya. “Nabigla lang ako, love. Pero masaya din naman ako. Syempre baby natin to eh.”
Ngumiti sya sabay hawak sa impis kong tiyan. “First baby natin.”
“Parang balak mong magkaroon pa ng second baby ah.”
Ngumisi na sya. “Syempre. Mas marami, mas masaya. Malungkot kaya ang mag isang anak ka lang at walang kapatid.”
“Kunsabagay, tama ka. Mag isang anak lang din ako eh.” Kaya lagi kong iniisip noon na kapag nagkapamilya ako ay gusto ko mga apat o lima ang magiging anak ko.
“Parehas tayo, love. Kaya gusto ko sana, malaking pamilya.”
Napangiti na ako sa sinabi ni Migz. Parehas lang pala kami ng gusto.
Natigilan kaming dalawa ng marinig ang tikhim ni mommy. Umayos na kami ng upo. Bumalik naman si mama sa pagkakaupo sa single sofa. Tapos na syang makipag usap sa workmate nya.
“Ngayong buntis ka na Racquel ay dapat nyo nang pag usapan ni Migz ang kasal nyo.”
Nagtinginan kami ni Migz. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil pisil.
“At gusto ko ring makausap ang mga magulang mo Migz sa lalong madaling panahon.”
Ngumiti si Migz. “Wala pong problema, tita. Gusto rin naman po kayong makilala ng mga magulang ko.”
“Mabuti naman kung ganun.”
Chapter 33
Racquel POV
NATATAWA ako habang nakatingin kay Tita Cecil na mangiyak ngiyak. Tuwang tuwa sya, sila ni Tito Jacinto nang malamang buntis ako. Agad nga silang napasugod dito sa Pampanga nang ibalita nga sa kanila ni Migz na buntis na ako.
“Finally.. dininig din ang matagal ko nang panalangin at hiling na sana ay mabuntis ka na para magkaapo na ako. I’m very very happy, iha. Thank you so much..” Naiiyak na sambit ni Tita Cecil habang hawak ang dalawa kong kamay.
“Sa totoo po nyan tita, wala naman po talaga sa plano namin ni Migz na mabuntis ako. Aksidente lang po talaga. Pero masaya naman po ako at mas masaya ako lalo dahil masaya din kayo.” Sabi ko. At parang gusto ko ring maging emosyonal dahil tanggap ng mga magulang ni Migz na buntis ako at magkakaapo na sila.
“Aksidente? Parang hindi yata ako naniniwala na aksidente lang na nabuntis ka, iha.”
Napalingon kami ni Tita Cecil kay Tito Jacinto na nakangisi.
“What do you mean, darling?” Tanong ni Tita Cecil.
“Ang ibig kong sabihin ay malamang plinano na talaga ni Migz na buntisin si Racquel. Remember, lagi nyang sinasabi sa atin na malapit na tayong magkaapo.”
Nag init ang mukha ko at lumingon kay Migz na pahimas himas naman ng batok. Mukhang guilty sya. Sabi na eh.
“Aww, ang galing galing mo talaga anak ko. Nagamit mo ang pagiging shooter mo noong varsity player ka pa. I love you so much talaga anak. Ito na ang pinaka the best na birthday gift mo sa akin.” Parang bata si Migz na pinanggigilan ni Tita Cecil ang pisngi. Ngingisi ngisi naman si Migz habang si Tito Jacinto ay natatawa na lang.
Maya maya ay dumating na rin sila Tiyang Claring, Tiyang Erlinda at Junie. Nalaman na rin nila na buntis ako at halos maiyak na rin sila sa tuwa. Si Junie nga ay nagpresinta na agad na maging ninong.
“Bueno balae, ngayong magkakaanak na ang mga anak natin ay dapat na rin silang ikasal.” Ani Tita Cecil.
Nakaupo na kami ngayon sa sofa at magkakaharap para pag usapan ang tungkol sa amin ni Migz.
“Yan din ang gusto kong pag usapan balae kaya nga gusto ko kayong makausap.” Saad naman ni mama.
First time pa lang nila magkakilala at magkaharap ni Tita Cecil at Tito Jacinto pero parang matagal na silang magkakilala. Balae na nga ang tawagan nila sa isa’t isa. Click na rin agad si mama at si Tita Cecil na parehas ding madaldal.
“Ano kaya kung kasal muna sa huwes bago sa simbahan? Medyo matagal din kasi ang preparation sa simbahan eh. Gusto ko makasal na agad sila bago pa lumaki ang tiyan ni Racquel.”
“Walang problema, balae. Babae ang sa inyo kaya naiintindihan ko. Mabuti nga rin na ikasal na sila agad.” Pag sangayon ni Tito Jacinto.
“Wala rin akong tutol dyan. Aba’y maganda nga yun para legal na ang pagsasama nilang dalawa.” Dagdag pa ni Tita Cecil.
Halo halo naman ang nararamdaman ko habang nakikinig sa pag uusap ng mga magulang namin ni Migz. Parang nabibilisan ako sa mga nangyayari. Kaninang umaga lang ay nalaman naming buntis ako at ngayon naman ay pinaplano na ang agaran naming kasal sa huwes. Natutuwa ako na kinakabahan. Dahil ngayong buntis na ako ay magbabago na ang buhay ko.
“Ayos ka lang, love?” Untag sa akin ni Migz sabay pisil sa kamay ko na hawak nya.
Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti. “Ayos lang ako, love.”
“Pinag uusapan na nila ang tungkol sa kasal natin, love. Hindi ka naman siguro tututol, no.” Bulong nya sa akin.
Ngumisi ako. “Gusto mo bang tumutol ako?”
“Syempre hindi.” Nakangisi ding sabi nya.
Pasimple ko naman syang kinurot sa tagiliran na bahagya nyang ikinaigtad. Lalong lumapad ang ngisi nya.
“Pinlano mo pala ang pagbuntis sa akin, ha..”
Mahina syang tumawa at hinapit ako sa bewang sabay halik sa sentido ko. “Gusto na kasi kitang makasama. At mangyayari lang yun kung mabubuntis ka na. Sorry, love..”
Napangiti na ako at yumakap sa bewang nya. Hindi naman masama ang loob ko eh. Nabigla lang ako.
“It’s okay, love. Hindi naman ako galit sayo. But next time, pag usapan muna natin.”
“Sure, love. Paglabas ni baby after two years sundan na natin agad.”
Natawa ako. “Hindi pa nga nakakalabas si baby, kasunod na agad ang iniisip mo.”
“Syempre, para makarami agad tayo.” Nakangising sabi nya.
“Saka na natin pag usapan yan kapag nakalabas na si baby.” Ngumuso ako. “Basta.. ako na lang ang babae sa buhay mo.”
Hinalikan nya ako sa noo. “Oo naman. Kaya nga binuntis na kita eh. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.”
“Me too, love. Ikaw lang din ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Kaya magpapakasal ako sayo.”
Muli nya akong hinalikan ng mariin sa noo ng dalawang beses pati na rin sa ilong, pisngi at labi hanggang sa leeg. Napahagikgik naman ako dahil kinikiskis pa nya ang bigote at balbas.
“Ehem!”
Natigilan kami parehas ng may malakas na tumikhim. Sabay kaming lumingon ni Migz. Parang dinilaan ng apoy ang mukha ko ng makitang nakatingin sa amin ang pamilya namin.
“Ah mga anak, baka pwedeng mamaya na yang lambingan nyo. Pag usapan muna natin ang kasal nyo.” Sambit ni Tita Cecil.
“Oo nga, sa harap pa talaga namin. Respeto naman sa single, o.” Sabat ni Junie.
Tumawa naman si Tito Jacinto. “Huwag mo naman masyadong ipahalata anak na gigil ka.”
Lalong nag init ang mukha ko sa sinabi ni Tito Jacinto. Nakakahiya. Bakit kasi nawala sa loob ko na nasa harap kami ng pamilya namin. Eh kasi naman kapag nasa bisig na ako ni Migz ay nawawalan ako ng pake sa paligid namin. Focus lang ako sa kanya.
“Naku, parang nakikita ko nang maraming apo ang ibibigay nilang dalawa sa atin.” Nanunuksong sambit ni Tiyang Erlinda.
“Maganda nga yun. Marami, mas masaya.” Segunda pa ni Tiyang Claring.
“Basta ako excited na sa paglabas ng una kong apo. At sana nga ay masundan agad.” Excited na sambit ni Tita Cecil.
“Ako din. Sana ay babae ang panganay dahil masarap ayusan at bilhan ng mga damit at mga ipit sa buhok.” Segunda pa ni mama.
“Ay, parehas tayo balae. Babae din ang gusto ko. Naku! Matagal ko ng gusto yan. Ipapasyal natin sya sa mall at ibibili ng mga magagandang damit.”
“Excited na ako para dyan. Sana nga talaga ay babae.”
Muli kaming nagtinginan ni Migz. Nilapit nya ang mukha sa akin at bumulong.
“Excited na excited na ang mga lola. Mukhang magiging spoiled ang panganay natin sa kanila.”
“Oo nga. Eh ang kaso ang gusto nila babae. Paano kung lalaki ang panganay natin? Baka madisappoint sila lalo na ang mommy mo.”
“Hindi sya madi-disappoint. Matutuwa pa rin si mommy kahit lalaki sya dahil unang apo nya yan.”
Muli akong tumingin sa mga lolang excited na. Nag uusap pa rin sila tungkol sa magiging apo nila. Nakalimutan na yata kami ni Migz. Tuloy pati ako ay na-e-excite na rin sa paglabas ng panganay namin ni Migz.
Short update muna. Pasensya na guys kung walang update kahapon. Nabusy lang dahil christmas.
Anyway, Merry Christmas everyone. Three years ko na kayong kasamang magpasko dito sa watty ♥️
Chapter 34
Racquel POV
“CONGRATULATIONS bakla! Grabe ginulat mo naman ako sa pasabog mo.” Ani Abi sabay yakap sa akin. Nang malaman nyang buntis ako ay agad syang pumunta dito sa Pampanga.
“Eh kasi naman nagpasabog si Migz kaya ayan jontis ang desnee prenses na maharot.” Segunda pa ni Chariz.
Natawa naman si Migz na nilapag sa center table ang meryendang pizza at softdrinks na malamig para sa dalawa kong kaibigan. Kasama na roon ang request kong milk tea at shawarma. Bigla kasi akong nag crave sa mga pagkaing yun. Agad naman akong binilhan ni Migz.
Tatlong araw na ang nakalipas mula ng malaman namin na buntis ako. Naging mas maalaga sa akin si Migz at panay ang tanong kung ano ang gusto ko. Wala pa naman akong masyadong cravings sa mga pagkain. Maliban na lang sa cravings ko sa kanya. Gusto ko lagi ko syang nakikita. Kapag kaming dalawa lang ay gusto kong niyayakap sya at inaamoy. Pero di ko yun magawa masyado dahil nandito si mama. Parang gusto ko na nga syang pabalikin sa Manila para makapag laro na kami ni Migz ng mahal mahalan.
“So, ano na ang plano nyo ngayon ni Migz ngayong buntis ka na, baks?” Tanong ni Abi na lumalantak ng pizza.
“Eh di magpapakasal kami. Pero sa huwes muna para mas mabilis.”
Sa lunes ay uumpisahan na naming lakarin sa munisipyo ang mga papel namin ni Migz. Ang gusto ni mama ay bago matapos ang buwan na ito ay dapat kasal na kami.
“Agad agad?” Bulalas ni Chariz.
“Oo, yun ang gusto ni mama eh.” Tiningnan ko si mama na nasa labas ng bahay kausap si Migz. Iniwan muna nila kami dito sa loob ng bahay.
“Mabuti at ayos lang kay Migz ang mabilisang kasal.”
“Oo naman. Excited na nga syang magsama na kami ng legal lalo na sa paglabas nitong baby namin.” Sabi ko sabay hawak sa impis ko panh tiyan. Hindi ko pa ramdam sa loob ng katawan ko si baby pero sa puso ko ay ramdam na ramdam ko na sya.
Ngumiti si Abi. “I’m so happy for you bff. Wala nga sa Manila ang kapalaran mo kundi nandito sa Pampanga. Hindi nga kayo para sa isa’t isa ni Nathan – “
Tinaas ko ang isang kamay para patigilin si Abi. “Don’t mention his name na Abi.”
“Why? Don’t tell me hindi ka pa nakaka-move on sa kanya.”
“Syempre naka move on na. Pero inis pa rin ako sa kanya. Hindi ko pa yata naikukwento sayo noong huli kaming nagkita sa Bulacan. Kasama ko noon si Migz, sinamahan nya ako sa rice mill na pinagkukunan namin ngayon ng bigas sa tindahan. Aba! Kung ano ano ang sinabi ng gago kay Migz. Binaliktad nya ako. Kaya imbyerna ako sa kanya. Buti na lang hindi paniwalain si Migz.” Litanya ko sabay kagat sa shawarma. Wala na akong balita sa gago at wala rin akong pakialam sa kanya. Basta masaya na ako ngayon. Baka nga pasalamatan ko pa sya kapag nagkita kami ulit. Dahil kung hindi ko sya nahuling nagcheat ay hindi ko makikilala si Migz.
“Alam mo baks, maswerte ka at nakatagpo ka ng gaya ni Migz. Halata namang mahal na mahal ka nya, eh. Noong wala ka pa dito, walang babaeng pinapansin yan. Yun pala ikaw lang ang hinihintay.” Ani Chariz.
Bumungisngis ako. “Of course. We were destined for each other kasi.”
“Eh di ikaw na.” Sabay pang sambit ng dalawa sabay tawa.
“Basta ha, dapat present kayo sa kasal ko kahit sa huwes lang at ninang kayong dalawa ni baby ko.”
“Syempre naman, hindi kami mawawala. Basta update mo lang kami kung kelan ang date ng kasal nyo ni Migz.”
Ang usapan namin ni Migz kapag kinasal na kami ay magsasama na kami sa iisang bahay. Pwedeng sa bahay nya, pwede ring sa bahay ko. Pero ang sabi nya ay nagpaplano na syang magpagawa ng bahay para sa aming bubuuhing pamilya. Ang sabi ko naman kahit simpleng bahay lang at maliit ay ayos na sa akin. Basta magkasama kaming dalawa.
–
“KAYA naman po pala lagi nyong trip si Sherwin, madam. Yun pala ay buntis na kayo.” Ani Jizel.
“Oo nga eh. Mukhang napaglilihian ko pa si Sherwin.” Natatawang sambit ko habang nagbibilang ng perang napagbentahan sa buong araw.
Natatawa na lang ako habang bumabalik sa isip ko kung gaano ko pinapansin ang boy ko noong hindi ko pa alam na buntis ako. Lagi ko syang napupuna. Kahit simpleng bagay ay napupuna ko sya. Hanggang ngayon nga ay mainit pa rin sya sa mata ko. Kapag may tirang pagkain ako ay sa kanya ko lang pinapaubos. Napaglilihian ko na nga yata sya. Mabuti na lang mabait sya.
“Naku madam, baka maging kamukha ni Nato ang baby nyo.” Saad ng isa kong boy.
“Siguradong pogi o kaya maganda si baby paglabas. Syempre, ako ang pinaglilihian ni madam eh.” Sambit ni Sherwin
“Nakow! Lugi sayo Sherwin. Kawawa ang baby ni madam dahil ikaw ang magiging kamukha.” Biro ni Nato at nagtawanan ang iba ko pang mga boy at cashier.
“Sino ang magiging kamukha ng baby ko?”
Natigilan kami at natahimik ng biglang sumulpot si Migz. Lumapit sya sa akin sabay yuko at halik sa gilid ng aking labi. Napangiti naman ako dahil nandito na sya sa tabi ko. Mayayakap ko na sya at maaamoy.
“Sino ang magiging kamukha ng baby ko?” Ulit ni Migz sa tanong sa naninindak na boses. Mukhang balak pa yata nyang takutin ang mga boy ko.
“Eto po bossing!” Sabay sabay turo ng mga boy ko kay Sherwin na kakamot kamot naman sa ulo.
“Uy, di ako ang nagsabi nyan ah.”
“Paanong ikaw ang magiging kamukha ng baby ko?”
“Eh kasi bossing, pinaglilihian sya ni madam.” Sagot ni Nato.
Kumunot naman ang noo ni Migz at tumingin sa akin. “Pinaglilihian mo sya, love?”
Natawa ako. “Parang ganun na nga. Lately kasi, mainit ang mata ko sa kanya at lagi ko syang napapansin.”
“Kay Sherwin din po pinapaubos ni madam ang tira nyang pagkain.” Daldal pa ni Nato.
Umawang na ang labi ni Migz. “Seryoso, love?”
Ngumisi ako at tumango.
“Love, baka maging kamukha nya si baby.”
“Eh ano naman? Cute naman si Sherwin, ah.” Pagtatanggol ko sa boy ko.
“Yown! Lakas talaga ni Sherwin kay madam.” Inulan ng tukso si Sherwin na patawa tawa na rin.
“Thank you, madam.” Ani Sherwin na nag finger heart pa sa akin.
Humimas naman sa batok si Migz. “Fine. Kung si Sherwin ang pinaglilihian mo. Walang problema.”
Tumaas ang isang kilay ko. “Talaga?”
Tumango sya pero nakasimangot naman. Natawa na tuloy ako. Mukhang masama ang loob nya.
Hinintay ako ni Migz hanggang sa magsara na kami ng tindahan. Sya ang nagmamaneho ng kotse ko habang papauwi kami. Ang sabi nya ay bibili daw sya ng sariling sasakyan next week.
“Love, kanina ka pa hindi nangiti.” Puna ko sa kanya habang lumalantak ako ng calamares na nakalagay sa plastic cup. Hinihigop ko pa ang suka noon ng maubos.
Lumingon sa akin si Migz na wala pa ring kangiti ngiti. “Hindi lang ako makapaniwala na sa lahat ng paglilihian mo yung boy mo pa. Tapos sa kanya mo pa pinapaubos ang pagkain mo. Nandito naman ako.” Himutok nya.
Tumawa ako. Sabi na eh. Masama ang loob nya.
“Eh anong gagawin ko. Sya ang trip ko eh.”
Pumalatak sya.
Nagseselos ang future hubby ko.
“Baka mamaya maging kamukha nya talaga si baby.”
“Imposible yun, no. Tayong dalawa ang gumawa kay baby. Isa lang sa ating dalawa ang kamukha nya. Pwedeng ako o ikaw. O kaya naman hati tayo.”
Lumingon sya sa akin. “Sana nga. Kung babae, sana kamukha mo.”
“At kung boy, sana kamukha mo ring. Pogi at macho.” Sabi ko at yumakap sa malaking braso nya sabay hilig ng pisngi.
Nangiti na sya at hinalikan ako sa buhok.
“Hindi ka na nagtatampo?”
Ngumisi sya. “Nagtatampo pa. Dapat ako na lang ang paglihian mo. Ako kaya ang asawa mo.”
“Uy, di pa kita asawa no. Fiance pa lang kaya kita.”
“Ganun na rin yun. Magiging asawa mo na rin ako.”
“Oo na. Pinaglilihian din naman kita. Hindi mo ba napapansin, lagi akong nakayakap sayo at mas gusto ko ang amoy mo kapag wala ka pang ligo.” Sabi ko at inamoy amoy ang braso nya.
Mahina syang tumawa. “Talaga, pinaglilihian mo rin ako?”
“Oo nga. Lalo na to.” Sabay dakot ko sa harapan ng kanyang pantalon.
“Shit love!” Bulalas nya sabay igtad ng pisilin ko pa yun.
Bumungisngis naman ako.
“Love, nagiging pilya ka na naman.” Nakangising sabi nya.
Ngumuso ako at hinimas himas ang harapan ng pantalon nya. “Eh bakit ba? Pinaglilihian ko rin ito eh. Huwag lang sanang magmukhang tite si baby.”
Malakas syang tumawa.
Pero totoo yun. Pinaglilihian ko rin yata ang pagkalalaki nya dahil trip ko ring laging himasin yun kapag kaming dalawa lang. Mabuti nga at nakabalik na si mama sa Manila eh. Kaya sagana na naman sa dilig ang pechay ko.
Pinisil pisil ko ang bukol sa harapan ng pantalon ni Migz na tumitigas na. Arouse na sya.
“Love.. huwag mong masyadong panggigilan yan.”
Hindi ako nakinig at lalo ko lang pinisil pisil ang harapan ng pantalon nya.
“Ang tigas mo na, love..” Nanghihibo pang sabi ko.
Tumiim bagang sya at humugot ng malalim na hininga. Seryoso ang mukha nyang lumingon sa akin. Ang kislap ng kanyang mga mata ay parang nag aapoy na. “Love, stop..”
Bumungisngis ako at binitawan na ang harapan ng pantalon nya.
Ngumisi sya. “Humanda ka talaga sa akin mamaya sa bahay.” Banta nya.
Nginusuan ko lang sya. Akala naman nya matatakot nya ako. Excited pa nga ako eh.
Choke me daddeh!
Chapter 35
Warning 🔞
Racquel POV
“UHMM shit love.. sige pahh!” Ungol ko habang umuulos si Migz sa aking likuran.
Tinotoo nga nya ang banta kanina sa kotse. Pag pasok na pagpasok pa lang namin sa bahay nya ay sinunggaban na nya ako ng halik at halos warakin na ang suot kong damit. Sa sala ay binoombayah nya na ako. Sarap na sarap naman ako. Parang mas masarap nga ngayon ang pagsisiping naming dalawa. Lahat ng parte ng katawan ko ay parang naging sensetibo at bawat hawak nya ay para akong kinukuryente sa kiliti.
At ngayon nga ay dito naman kami sa banyo nagboombayah. Nakatukod ang dalawa kong kamay sa tiles ng banyo habang sya ay bumabayo sa aking likuran. Hawak nya ang balakang ko at ang isa nyang kamay ay pisil pisil ang isa kong dibdib.
“Ughh fuck.. nghh ang sarap mo love..” Anas ni Migz sa tenga ko sabay kagat ng marahan.
Kinagat ko naman ang labi at lalo ko pang inarko ang likod. Halos nakatuwad na ako ngayon.
“Nghh.. i-ikaw din love.. ang sarap mo ahh!”
Mahina syang tumawa at hinawakan ang pisngi ko at pinaling ang aking mukha patagilid sabay halik nya sa aking labi. Tumugon naman ako sa kanyang halik.
Wala talagang kasing sarap ang bawat hugot at baon ng kanyang mahaba, mataba at matigas na pagkalalaki sa aking lagusan. Damang dama ko sya sa aking loob at kuhang kuha nya ang kiliti ko doon.
Hinawakan ni Migz ang isa kong hita at tinaas. Kumapit naman ako sa kanyang batok dahil baka mawalan ako ng balanse. Umulos sya ng mabilis at sagad na sagad. Dumako pa ang isa nyang kamay sa aking pagkababae at nilaro ang kuntil ko. Doble dobleng kiliti na ang nararamdaman ko at para na akong mababaliw sa sarap.
“O-Oh my gosh love.. uhmmm I-I’m cumming..” Mangiyak ngiyak na ungol ko.
“Me too love.. me too ughhh!” Paangil na ungol nya at tumiim bagang. Pabilis ng pabilis pa lalo ang bawat ulos nya na may halong gigil na. Tumitili na rin ako dahil sa nakaliliyong masarap na sensasyong sumasalakay sa pagkababae ko.
“Ahhh love! H-Hayan na ako ahhh!”
Kinabig nya ang batok ko at sabay halik ng mariin. Umulos sya ng sagad kasabay nun ang mainit na bagay na sumabog sa loob ko. Nanginig ang buong katawan ko dahil muli ko uling narating ang sukdulan.
Binaba ni Migz ang isang hita ko na hawak nya sabay pihit sa akin paharap. Kinarga nya ako. Yumakap naman ako sa kanyang batok at iniyakap ko din ang dalawang binti sa kanyang balakang. Muling nagsanib ang aming labi sa marubrob at mainit na halik..
Atras, abante at giling paikot ang ginagawa ko sa ibabaw ni Migz. Nakikiliti kasi ang pagkababae ko sa bawat hagod ng kanyang pagkalalaki sa aking loob. Cowgirl position ang favorite ko. Dahil feeling ko kasi ang sexy sexy ko. Tapos nakikita ko pang nag e-enjoy at sarap na sarap si Migz. Ang sarap din sa feelings na parang dinodominahan ko sya. Ang sarap din nyang pagmasdan sa ilalim ko. Ang laki ng kanyang katawan, hitik sa muscle at may tattoo pa pero handang maging sunod sunuran sa akin. Kaya paano ko syang hindi mamahalin.
Mahina syang tumawa habang hinahaplos ang mga hita ko. “Mukhang enjoy enjoy ka love, ah.”
“Syempre ang sarap mo eh.”
Muli syang tumawa at tumaas ang kamay sa aking dibdib at pumisil. “Hindi ka pa ba pagod hmm?” Malambing na tanong nya. Namumungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
“Hindi pa. Bakit? Pagod ka na? Ang hina mo pala, eh.” Nakangising pang aasar ko sa kanya habang banayad na gumigiling sa kanyang kandungan.
Malakas na syang tumawa. “Nag aalala lang ako sayo, love. Buntis ka, bawal na sayo ang magpuyat. Ala una o.” Aniya at nginuso ang wall clock na nakasabit sa dingding.
Lumingon ako doon at ngumiwi ng makitang ala una kinse na nga. Kabilin bilinan pa naman sa akin ni doctora na huwag akong magpupuyat.
“Nap time na, love. Naka anim na round na tayo eh. Saka na tayo magdamagan kapag pwede ka nang magpuyat.” Natatawang sabi ni Migz.
Nakangusong bumaling ako sa kanya. Oo nga, nakaanim na round na kami. Pero gusto ko pa eh. Kaya lang bawal naman sa akin ang magpuyat.
“Last na to, love. Matutulog na tayo, promise.” Sabi ko at binilisan ko na ang pagsakyod sa kandungan nya.
Bumangon naman sya at niyakap ako. Hinalik halikan nya ang pisngi at leeg ko. Humawak naman ako sa kanyang matigas na braso at kagat labing umuungol. Malapit na malapit na ako.
“Ahhnngggg!” Mahabang ungol ko kasabay ng pagnginig ng buong katawan ko na para akong kinukumbulsyon. Napaungol din si Migz dahil naiipit ang kanyang pagkalalaki sa aking loob.
Hinawakan ko ang mukha ni Migz at mariing syang hinalikan sa labi. “Hmm sarap mo talaga love.. I love you..” Nakangisng sabi ko.
Tumawa naman sya ng mahina at gumanti din ng mariing halik. “I love you more, Racquel..”
Napabungisngis ako ng taniman nya ako ng maliit na halik sa leeg at kinikiskis pa nya ang kanyang bigote at balbas.
“It’s time to sleep na buntit..” Aniya at hiniga na ako sa kama. Nahugot na ang kanyang pagkalalaki sa aking loob.
Hinila nya ang kumot at kinumutan na ako. Kinabig nya ako sa kanyang katawan. Yumakap naman ako sa kanyang bewang at umunan sa kanyang dibdib. Nakaramdam na nga ako ng antok kaya pumikit na ako.
“Good night love..” Anas ni Migz at hinalikan ako sa buhok.
“Night love..” Mahinang sambit ko naman sa inaantok na boses.
–
MALAKAS ang kabog ng dibdib ko at hindi ko malaman kung ngingiti ba ako o ngingiwi habang kaharap ang lolo ni Migz na si Lolo Arseño. Umuwi kami dito sa probinsya nila dahil gusto raw akong makita at makilala ng lolo nya bago kami ikasal next week sa huwes.
Nakakaintimidate si Lolo Arseño. Mukha syang masungit at terror na don. Pero kahit matanda na sya ay bakas pa rin ang kakisigan nyang taglay noong kabataan pa nya. May pagkakahawig nga sila ni Migz. Parang nakikita ko na nga ang hitsura ni Migz pag tanda nya.
“Ikaw pala ang mapapangasawa nitong pinakapanget kong, apo. Sigurado ka na ba, iha? Pwede ka pang umatras.”
Umawang ang labi ko sa sinabi ni Lolo Arseño. Hindi ko alam kung seryoso sya o nagbibiro lang dahil wala syang kangiti ngiti at seryoso ang bukas ng mukha.
“Lo naman, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita sisiraan nyo pa ako sa fiancee ko. Baka nakakalimutan nyo, tayong dalawa ang magkamukha. Kaya kung pangit ako, pangit din kayo.”
Suminghap ako sa sinabi ni Migz at nilingon sya. Pero nakangisi pa sya. Ang sira ulo pinatulan pa ang lolo nyang matanda na.
“Anong panget? Ikaw lang ang panget. Nagtataka nga ako kung bakit ka pinatulan nitong nobya mo eh hindi ka naman kagwapuhan.”
Tumikhim na ako. “Hindi po totoo yun Lolo Arseño. Gwapo po si Migz at macho pa.”
Tumingin sa akin si Lolo Arseño. Tumawa naman si Mommy Cecil at Daddy Jacinto pati na rin si Tita Noemi na tiyahin ni Migz.
Nag init naman ang mukha ko at kinagat ko ang labi. Napayuko na lang ako sa hiya.
Natatawang inakbayan naman ako ni Migz sabay halik sa buhok.
“Narinig nyo ’lo? Galing na mismo sa bibig ng fiancee ko. Gwapo at macho ako.” Proud pa nyang sabi.
“Hmm.. mukhang patay na patay ka dito sa apo ko, iha.”
Nag angat ako ng tingin kay Lolo Arseño. “Hindi naman po patay na patay. Mahal na mahal ko lang po si Migz, lolo.”
“Aw.. how sweet. You’re so lucky Miguel and I’m so happy for you na nakatagpo ka ng babaeng mahal na mahal ka.” Sambit ni Tita Noemi.
Napangiti naman ako. Tumingin ako kay Lolo Arseño na nakangiti na. Naging mabait na ang bukas ng kanyang mukha.
“Thanks tita. Swerte talaga ako dito sa nobya ko kaya nga di ko na pakakawalan pa.” Ani Migz at kinabig pa ako padikit sa kanya.
“And you know what papa? Buntis na rin itong si Racquel. Magkakaapo ulit kayo sa tuhod.” Pagbabalita ni Mommy Cecil.
Namilog naman ang mga mata ni Lolo Arseño. “Talaga? Buntis ka, iha?”
Ngumiti ako at tumango. “Opo lolo, 12 weeks na po.”
“Aba’y napakagandang balita naman nito.” Sambit ni Lolo Arseño at bumaling kay Migz. “Ito na ang pinaka maganda mong nagawa sa buhay mo Juan Miguel. Akala ko ay puro ka lang paasa sa akin.”
“Sabi ko naman sa inyo ’lo, bibigyan ko rin kayo ng apo sa tuhod. Yun lang ay kung maabutan nyo pa ang paglabas ni baby – Aray!” Daing nya ng paluin sya sa braso ng tungkod na hawak ni Lolo Arseño.
“Gago! Malakas pa ako. Baka ikaw ang hindi na maabutan ang paglabas ng anak mo.”
Nagtawanan kaming lahat habang si Migz ay parang batang kakamot kamot sa ulo.
Nakikita kong close silang dalawa ni Lolo Arseño at bardagulan ang kanilang lambingan.
Chapter 36
Racquel POV
“I’M happy to see you again, Racquel. Pasensya na kung hindi tayo nagkakilala ng pormal seven years ago at hindi kita napasalamatan ng maayos. Masyado kasi akong nag alala dito sa gago kong pinsan.” Ani Edward na pinsan ni Migz na syang pumunta noon sa hospital. Ganun pa rin ang hitsura nya at walang pagbabago. Gwapo pa rin pero medyo nagmatured at lumaki ang katawan. Yun nga lang naroon pa rin ang awrang masungit. May asawa na rin sya at isang anak.
“Oy, hindi na ako gago no. Matino na ako.” Protesta ni Migz.
“Kung hindi ka pa muntik nang mamatay malamang hindi ka pa titino.”
“Syempre, nahipo ako ng guardian angel ko.” Nakangising saad ni Migz sabay akbay sa akin at halik sa sentido ko.
Nahihiyang ngumiti naman ako dahil nakatingin sa akin ang dalawang pinsan nya at mga asawa ng mga ito na nakangiti.
Tumikhim ako. “Pasensya na rin Edward kung umalis agad ako noon ng walang paalam. Galit na galit na rin kasi ang mama ko at pinapauwi na ako. Hindi na rin ako nakabalik sa hospital dahil bumalik na rin kami ng Manila kinabukasan.” Paliwanag ko.
“It’s okay. Pero napakalaking tulong ang ginawa mo sa pinsan ko. Kung hindi mo sya nakita at dinala agad sa hospital, malamang pitong na rin syang nakabaon sa lupa at kalansay na lang.”
“Grabe ka naman kay Migz, hubby.” Saway ni Mona kay Edward.
“I’m just telling the truth, wife. Itong si Migz ang pinaka matigas ang ulo at pasaway sa aming tatlo ni Yñigo noon. Lagi syang nasasangkot sa away. Buti nga nagbago na.”
“That’s true. Kung hindi malamang hanggang ngayon ay stress pa rin si Tita Cecil.” Dagdag pa ni Yñigo.
Nilingon ko si Migz sa tabi ko na ngingisi ngisi lang.
“Pasaway ka pala dati, love.”
“Dati yun, love. Noong hindi pa kita nakilala.”
Ibang iba ang Migz na kilala ko ngayon kesa sa kinukwento ng dalawang pinsan nya. Ang Migz kasing kilala ko ngayon, para sa akin ay pinaka the best na lalaking nakilala ko.
“Kayong dalawa talaga. Masyado nyo namang pinagtutulungan si Migz. Ngayon na nga lang ulit nagpakita yan.” Ani Amira.
“Kasalanan nya yun, babe. Dahil bihira lang sya magpakita.” Nakangising sabi ni Yñigo at binalingan si Amira sabay akbay dito.
“Pero totoo ba na buntis ka na, Racquel? Magkakababy na kayo ni Migz?” Untag sa akin ni Mona.
Ngumiti naman ako. “Yes, buntis ako. 12 weeks na.”
“Wow! Congratulations!” Bati sa akin ni Amira at Mona.
“Thank you.”
“Congrats, couz. Kaya pala magpapakasal ka na.” Bati rin ni Edward at Yñigo kay Migz.
Ngumisi naman si Migz. “Oo, para hindi na sya makawala. Sana makarating kayo sa kasal namin sa huwes sa Pampanga. Next week na yun.”
“Sa huwes ang kasal?”
“Yes. Yun ang napagkasundan ng mga magulang namin. Pero ikakasal din kami sa simbahan. Mauuna nga lang sa huwes dahil matagal ang preperasyon sa simbahan.”
“We’ll try na pumunta.” Nakangising sabi ni Edward.
“Mga gago. Pumunta kayo. Para kayong mga hindi pinsan ah.”
Tumawa ang dalawang pinsan ni Migz.
Nakakatuwa silang tatlong pagmasdan. Parehas mga gwapo magkaiba nga lang ng taglay na kagwapuhan. Si Edward at si Yñigo ay mga sopistikadong gwapo habang si Migz naman ay bruskong gwapo ang dating dahil na rin sa tattoo nya sa braso at mas malaking katawan. Syempre para sa akin mas lamang sya sa dalawang pinsan nya.
“Akala namin hindi na mag aasawa si Migz. Dahil thirty five na sya pero binata pa rin at nag e-ermitanyo sa Pampanga.” Ani Mona habang hinahaplos ang buhok ng anak nila ni Edward na si Easton na naglalambing sa kanya. Dalawang taong gulang na ito at poging bata. Kamukha ni Edward.
“Oo nga. Lagi nga syang kinukulit ni Lolo Arseño na mag asawa na sa tuwing dadalaw sya dito. Lagi din naman nyang sinasabi na malapit na raw. Yun pala ikaw lang ang hinihintay nya.” Segunda naman ni Amira na panay ang saway sa anak nyang si Alonzo na naglalambaras sa railing ng grand staircase. Tatlong taong gulang na ito at may pagkamakulit. Ito ang kamukha ni Amira. Ang kambal naman nyang babae na si Ynna ay kamukha naman ni Yñigo at hayun nga ay ayaw humiwalay sa ama.
Narito kami sa living area nila Amira at Mona. Si Migz naman at ang dalawa nyang pinsan ay nasa library office at may pinag uusapan.
Mabait si Amira at Mona kaya naging palagay na rin ang loob ko sa kanila. Parehas ding maganda at simpleng mga babae. Si Amira ay maamo ang mukha na parang santa. Si Mona naman ay pinay na may pagkalatina ang mukha. Kaming dalawa ang magkaedad at si Amira naman ang mas bata sa amin. Bilang silang dalawa ay may mga anak na, nagtanong tanong ako ng mga experience nila sa pagbubuntis.
Humagalpak ako ng tawa sa kwento ni Mona noong nanganganak sya kay Easton sa loob ng delivery room. Kasama nya raw sa loob si Edward at nagulat na lang sya ng biglang mawala daw ito sa ulunan nya. Yun pala ay bumagsak na dahil hinimatay. Parang hindi ko ma-imagine na ang isang kagaya ni Edward na malaking tao ay hihimatayin.
“Sayang nga eh. Hindi ko na-video-han. Kaya imbes na ako lang dapat ang asikasuhin ng mga nurse ay pati sya inasikaso. Nahirapan pa silang ilabas sa delivery room dahil malaking tao. Mabuti na lang at dumating si Migz kaya nailabas sya.”
“Si Yñigo naman hinimatay nung nalamang buntis ako. Naiyak pa nga sa tuwa.” Natatawang pagkukwento rin ni Amira.
“Nasa lahi na yata nila ang himatayin. Kaya huwag ka nang magtaka kung himatayin din si Migz kapag nanganak ka.” Dagdag pa ni Mona.
Natawa naman ako. “Hindi naman siguro. Parang wala sa hitsura ni Migz ang hihimatayin.”
“Ay day! Bakit yung mga asawa namin, wala rin naman sa hitsura nila pero ayun, mga hinimatay.”
Parang na-excite tuloy ako bigla na manganak na para malaman kung hihimatayin din ba si Migz. Yung dalawang pinsan nya hinimatay sa tuwa. Eh, sya kaya? Bibidyuhan ko talaga sya kapag hinimatay.
.
.
Migz POV
“I PROMISE you, dad. Kapag nakapanganak na si Racquel at mag isang taon na si baby ay babalik na ako sa kumpanya. Hindi ko lang kayang laging iwan ngayon mag isa si Racquel dahil buntis sya at first baby namin yun. Lalo pa at lagi syang moody. Ayoko syang ma-stress.”
“I understand, son. Basta nangako ka na ngayon na babalik ka sa kumpanya sapat na sa akin yun. Gusto ko na rin kasing magpahinga and spend more time sa mommy mo. Wala namang ibang magpapatakbo sa kumpanya natin kundi ilaw lang. After all, sayo naman mapupunta yun at sa mga apo ko.”
Tumango ako kay daddy. Gusto ko rin namang magpahinga na sya pagtatrabaho sa kumpanya dahil matanda na rin sya. Halos buong buhay nya ay pinatatakbo nya ang kumpanyang minana din nya sa ama nya at ngayon ay ako naman ang magmamana. Pero priority ko muna ngayon ang asawa ko at anak ko.
“So, ano na ang plano mo ngayon sa buhay nyong mag asawa? Saan kayo titira? Sa Pampanga o dito sa Manila?”
“Sa Pampanga muna ngayon dad, hanggang sa makapanganak sya. Pero magpapatayo ako ng bahay doon at uumpisahan na yun next year. Tumitingin na rin ako ng bahay sa exclusive subdivision sa Alabang dahil doon ko balak bumili. Para kapag nandito kami sa Manila ay may sarili kaming bahay.”
“Bakit naman kailangan mo pang bumili. Pwede naman kayong tumira dito sa bahay.”
“Dad, iba pa rin kasi yung sarili namin ang bahay. Ito kasing bahay ay sa inyo ni mommy.”
“Eh sayo din naman mapupunta itong bahay kapag nawala na kami ng mommy mo. Huwag mong sabihing kapag nawala na kami ng mommy mo ay pababayaan mo itong bahay? Mumultuhin kita.”
Tumawa ako sa banta ni daddy. “Of course not, dad. Pagkakaingatan ko pa rin ito. Mapapadalas din ang dalaw namin dito kapag narito kami sa Manila.”
Bumuntong hininga si daddy. “Hay.. ito ang hirap kapag isa lang ang anak at gusto pang magsarili. Kung hindi lang nagkaproblema noon sa matris ang mommy mo malamang may lima ka pang kapatid.”
Ngumisi ako. “Talaga, dad? Baka talagang may iba pa akong kapatid na tinatago mo lang sa akin. Ipakilala mo na sa akin, dad. Don’t worry hindi ako magagalit. Pero mapapatay ka lang ni mommy.”
Mabilis kong sinalo ang ashtray na stainless na binato ni daddy.
“Tarantado! Wala na akong ibang anak at nag iisa ka lang. Kapag narinig ka ng mommy mo siguradong aawayin ako nun.”
Humagalpak ako ng tawa. Masungit si daddy pero tiklop sya kay mommy.
“I’m just kidding, dad.” Tumikhim ako at nilapag sa center table ang ashtray. “Huwag kayong mag alala, dad. Hindi ko kayo pababayaan ni mommy kahit ngayong may asawa na ako. Hindi kayo malulungkot dahil bibigyan ko kayo ng maraming apo.”
Ngumisi si daddy. “Siguraduhin mo lang, ha. Gusto ko ng maraming apo.”
“Yes dad. Kami na ni Racquel ang bahala.” Natatawang sabi ko.
Chapter 37
Racquel POV
HINDI ko maiwasang mapasimangot habang naglalakad kami ni Migz sa pinakamalaking mall dito sa Manila. Paano ba naman kasi, pinagtitinginan sya ng mga babae at nililingon pa. May iba pa nga na tahasang kuminkindat sa kanya. Naiinis ako dahil parang hindi nila ako nakikita sa tabi ni Migz na nakahawak sa braso nya. Mga walang respeto. Kitang may kasama, lantaran pa rin silang nag fi-flirt.
Eh kasi naman, ang gwapo ng asawa ko. Ang macho pa. Kaya ang daming naglalaway. Pero ako lang ang may karapatan na maglaway dahil asawa ako.
Yes. Official na kaming mag asawa ng bebeloves kong gwapo, macho at ubod ng sarap. Kinasal na kami sa huwes last week lang. Simple lang ang kasal namin na dinaluhan lang ng mga importanteng tao sa buhay namin pero sobrang saya. Lalo na kami ni Migz dahil bubuo na kami ng aming pamilya.
“Ayos ka lang, love? Simangot na simangot ka, ah.” Nakangising puna sa akin ni Migz.
Mas lalo naman akong sumimangot sabay kurot sa tagiliran nya. “Kanina ka pa pinagtitinginan ng mga babae. Naiinis na ako.”
Tumawa sya at inakbayan ako. “Selos ka naman, love. Hanggang tingin lang naman sila sa akin. Di gaya mo na lagi akong pinanggigigilan.”
“Syempre, ako lang ang may karapatang panggigilan ka.” Sabi ko sabay kagat sa matigas na braso nya.
Lalo naman syang natawa sabay kabig sa akin at halik sa buhok ko.
“Dapat yata taon taon kang buntis para lagi kang gigil sa akin.”
Suminghap ako. “Grabe ka naman sa taon taon, love. Ikaw na lang ang magbuntis kung gusto mo ng taon taon.”
“I’m just kidding, love.” Aniya at sa sentido na ako hinalikan.
Naglalambing na yumakap naman ako sa kanyang bewang. Wala akong pakialam kung pagtinginan pa kami ng mga tao. Mamatay sila sa inggit.
Pumasok kami sa department store at tumingin tingin ng mga damit. Ang sabi ni Migz ay kunin ko daw ang anomang magustuhan ko. Tinanong ko sya kung sya ang magbabayad. Um-oo naman sya. Sya daw ang bahala. Kaya naman kinuha ko ang anomang damit na magustuhan ko. Aba, libre to. Kaya susulitin ko na.
“Love, look. Sa tingin ko bagay sayo to.”
Nilingon ko si Migz. May hawak syang bulaklakin na maternity dress.
“Kailangan mo to kapag lumaki na ang tiyan mo.”
Tumaas ang kilay ko. May point sya kaya kinuha ko ang maternity dress na hawak nya at tiningnan. Mag fo-four months na ang tiyan ko at halata na ang umbok nito kaya naman ay malapit ko ng kailanganin ang maternity dress.
“Sige nga love, ikuha mo ako ng lima.”
“Lima lang? Gawin na nating isang dosena.”
“Ang dami naman.”
“Para marami kang pagpilian.”
“Sige na nga. Ikaw naman ang magbabayad eh.” Pagsuko ko.
Tumawa naman sya at namili pa ng ibang design ng maternity dress. Seryoso pa sya sa pagpili at infairness naman sa kanya dahil marunong syang pumili.
Nang makapili na ng mga maternity dress ay tumingin tingin pa kami ng ibang damit. Pinilian ko rin sya ng mga damit na para rin sa kanya. Wala naman syang reklamo at panay tango lang sa mga pinipili kong damit kahit pink pa ang kulay.
Napahinto naman kami sa mga damit at gamit ng baby. Sabay pa kaming tumingin sa isa’t isa at ngumiti. Kanya kanya na kami ng dampot ng gamit ni baby. Dahil hindi pa namin alam ang gender ay yellow color na lang ang pinili namin. Pero sinamahan ko na rin ng kulay pink at baby blue. Pakiramdam ko kasi babae si baby.
Sa bandalang huli ay nakadalawang cart kami ng puro gamit lang ni baby. Hindi pa kasama doon ang crib. Mas marami pa kaming nabiling gamit ni baby kesa sa damit naming dalawa. Pero ayos lang masaya naman..
“Next time, crib naman ang bilhin natin.” Ani Migz.
Tumango naman ako habang humihigop ng mainit na sabaw. Narito kami sa isang restaurant. Kumain muna kami bago umuwi. Diretso na kasi kami ng uwi sa Pampanga. Ang mga pinamili namin ay naroon na sa sasakyan na bagong bili ni Migz.
“Pero saka na tayo bumili kapag alam na natin ang gender ni baby. Hay.. excited na akong malaman ang gender nya.” Nangingiting sabi ko.
“Ako rin, love.” Segunda ni Migz.
“Pero sa tingin ko babae ang anak natin.”
Tumingin sya sa akin. “Talaga?”
“Oo. Pero feel ko lang naman.”
Ngumiti sya. “Ako rin. Tingin ko rin babae ang anak natin.”
“Eh paano kung lalaki?”
Nagkibit balikat sya at ngumisi. “Ayos lang naman. May junior na ako.”
“Kung lalaki, sana kamukha mo.” Sambit ko.
Lalo namang lumapad ang ngisi ni Migz.
Ang gwapo talaga ng asawa ko. Mas masarap pa syang papakin kesa dito sa nilasing na hipon na pinapapak ko. Sya talaga ang cravings ko eh. Ayokong nalalayo sa kanya. Ilang oras nga lang syang wala sa tabi ko ay hinahanap hanap ko na. Minsan nga sumasama pa ako sa pamamasada nya at ako ang taga sukli ng mga nagbabayad sa kanyang pasahero. Minsan naman kasama ko sya buong maghapon sa tindahan ko. Mabilis kasi akong mayamot kapag wala sya sa tabi ko.
Nag ring ang cellphone ni Migz. Dinampot nya yun at sinagot. Pero dahil may kaingayan sa loob ng restaurant ay hindi sila magkaintindihan ng kausap sa kabilang linya kaya nagpaalam muna sya sa aking lalabas saglit.
Patingin tingin ako kay Migz sa labas habang nilalantakan ko ang halo halo na inorder ko. Mukhang seryoso ang pakikipag usap nya sa kabilang linya dahil nakakunot pa ang kanyang noo. Kausap nya kasi ang isa sa driver nya ng jeep. Mukhang may problema yata.
“Racquel?”
Natigilan ako at lumingon sa tumawag sa pangalan ko. Tumaas ang kilay ko ng makita si Nathan. Sa dami dami ng lugar dito pa talaga kami nagkita. Wala pa rin syang pinagbago. Ganun pa rin ang hitsura nya at ganun pa rin ang awra nya. Overconfident sa sarili.
Ngumisi sya. “It’s you nga. What happened to you?” Aniya at sinuyod ako ng tingin.
Kumunot ang noo ko. “I’m fine.”
“Nah, you don’t look fine. Ang taba mo na.”
Suminghap ako. “Hoy ang kapal mo. Hindi ako mataba, no. Nagkalaman lang ako.” Ngalingali kong isaboy sa mukha nya ang halo halo. Ay huwag na lang pala. Sayang ang halo halo.
Tumawa sya. “Ganun na rin yun. At kapag pinabayaan mo ang sarili mo lalo kang tataba. Simula nang maghiwalay tayo mukhang naging pabaya ka na sa sarili mo. Ikaw kasi..” Nakangisi pang dagdag nya.
Pumikit ako ng mariin at humigpit ang hawak ko sa kutsara. Wala nga talaga syang pinagbago at mas lumala pa. Mas naging conceited at makapal pa ang mukha.
“Ano namang masama kung tumaba ako?”
“Masama? Wala namang masama. Pero aayawan ka ng mga lalaki. Nasaan na nga pala ang boyfriend mo? Don’t tell me hiwalay na rin kayo? I told you. Walang lalaking magtya-tyaga sa mga babaeng pakipot.”
Tumiim bagang ako. Ngayon ay nagtatanong ako sa sarili ko kung bakit ko ba sya pinatulan noon. Nakakadiri ang ugali nya. Nagisisisi tuloy ako ngayon na pinatulan ko sya.
Napaatras ako ng humawak si Nathan sa sandalan ng upuan ko at bahagya syang yumuko. Halos isang dangkal na lang ang pagitan ng aming mukha. Kinilabutan pa ako ng tumama sa mukha ko ang mainit nyang hininga. Punong puno pa ng malisya ang kislap ng kanyang mga mata.
“If you want.. pwedeng pwede ka namang bumalik sa akin Racquel. Kakalimutan ko na lang ang ginawa mong pamamahiya sa akin sa social media.”
“Hindi ako ang namahiya sayo sa social media.”
“Aw c’mon.. huwag ka ng magdeny, babe. Ikaw lang naman ang kumuha ng pictures namin ng secretary ko sa condo ko. But, handa akong patawarin ka basta bumalik ka lang sa akin.”
“Sorry brad. Hindi na babalik sayo si Racquel dahil kasal na kami.”
Lumingon ako kay Migz na nakabalik na. Nakahinga na ako ng maluwag.
Tumayo ng tuwid si Nathan at hinarap si Migz. May ngisi sa kanyang labi habang sinusuyod pa ng tingin ang asawa ko. Akala mo naman ay uubra sya sa kay Migz. Mas matangkad si Migz at mas malaki di hamak ang katawan.
“So kayo pa pala ng ex ko. Akala ko hiwalay na kayo. Congrats pare. Napagtyagaan mo sya.”
Ngumisi si Migz at lumingon sa akin. “Syempre, mahal ko sya eh.”
Ngumiti ako kay Migz. Sya lang talaga ang pinaka magandang naging desisyon ko sa buhay ko.
Pagak na tumawa si Nathan at sumulyap sa akin. “Magsasawa ka rin sa kanya, pare. Ako nga nagsawa eh.”
“Hindi ako kagaya mo, brad. Sa katunayan nga kasal na kami at magkakaanak na.”
Natigilan si Nathan at nabura ang ngisi. “Magkakaanak na kayo?” Muli syang lumingon sa akin.
Nanguuyam na ngumiti naman ako sa kanya at pinakita ang daliring may singsing sabay himas sa tiyan.
“Yes. Mag a-apat na buwan ng buntis si Racquel.” Saad ni Migz at lumapit sa akin sabay hawak sa balikat ko.
“At kaya rin nanaba ako dahil buntis ako.” Dagdag ko pa.
Tumiim bagang si Nathan at matalim na tumingin sa akin. “You’re so unfair Racquel. Dalawang taon naging tayo pero hindi mo binigay sa akin ang sarili mo. Samantalang sya, binigay mo na agad ang sarili mo sa kanya.” Himutok nya.
“Bakit? Pakakasalan mo ba ako kapag nabuntis mo ko?”
Hindi sya nakaimik agad at umiling iling.
“You’re still unfair, Racquel. Ngayon nagdududa ako kung minahal mo nga talaga ako.”
“Minahal kita noon, Nathan. Hindi naman tayo aabot ng dalawang taon kung hindi kita minahal. Naging faithful ako sayo. Hindi ka lang marunong makuntento. Kung sex lang ang batayan mo sa pagmamahal, aba’y gago ka. Ngayon ako nagsisisi na minahal kita noon. Sa katunayan nga gusto ko pang mag thank you sayo, eh. Thank you at nagloko ka. Nakilala ko si Migz na syang tunay na nagmamahal sa akin. And I am so lucky to have him as my husband and I love him so much.” Tahasang hayag ko at tumingin kay Migz na nakangisi naman.
Mahinang nagmura si Nathan at tumalikod na palabas ng restaurant.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga sabay ikot ng mata.
“Ayos ka lang, love?” Tanong ni Migz at umupo na sa upuan nya. Nakaguhit ang pag aalala sa kanyang mukha.
“Oo love, ayos lang ako. Nabanas lang ako kay Nathan. Sinabihan ba naman akong mataba.” Nakangusong himutok ko habang hinahalo ko ng kutsara ang halo halong natunaw na ang yelo..
Hinawakan ni Migz ang isang kamay ko at pinisil. “Huwag mo nang intindihin kung anoman ang mga sinabi nya. Para sa akin sexy ka pa rin kahit nananaba ka.”
“Talaga?”
Ngumisi sya. “Yes. At masarap ka pa.”
Napangiti na ako. “Masarap ka rin, love. Mamaya pag uwi natin, papapakin kita.” Maharot na sabi ko.
Tumawa naman sya at dinala ang kamay ko sa labi nya.
Chapter 38
Racquel POV
“NAKU, ang ku-kyut naman nitong mga baru baruan. Ang gaganda ng mga kulay.” Tuwang sambit ni Tiyang Claring na tumitingin din sa mga pinamili namin kahapon ni Migz. Ngayon ko lang ang mga ito aayusin dahil gabi na kami nakarating dito sa Pampanga. Si Migz naman ay maagang umalis para puntahan ang driver nya na nakabangga pala.
“Nakakatuwa talaga mamili ng mga gamit ng baby. Naalala ko noong baby pa si Junie. Buong akala namin noon ng tiyong mo babae sya dahil sa ultrasound babae sya kaya puro kulay pink ang lahat ng gamit nya. Yun pala paglabas may lawit.”
Tumawa ako sa kwenyo ni Tiyang Erlinda. Alam ko na ang kwentong yun tungkol kay Junie noong bata pa at hanggang ngayon ay tawang tawa pa rin ako. Pang asar ko pa nga yun dati kay Junie.
“Masyadong maraming gamit ng baby ang binili nyo, anak. Dapat hinintay nyo muna ang gender ni baby bago kayo bumili para isang kulay lang.” Komento ni mama na tumitingin din sa mga gamit ni baby.
“Excited na po kasi kami ni Migz ma, eh. Saka ang sarap bumili ng mga gamit ni baby. Ang dami pa ngang kulang eh. Sa susunod bibili na kami ng crib.”
“Hayaan mo na Aliza. First baby kaya excited ang mag asawa.” Ani Tiyang Claring.
“Hayaan? Ganyan ang linyahan ng mga kunsintidor Ate Claring. Gaya ng kinunsinti nyo noon si Roland sa pakikipaglandian nya sa babaeng yun.”
Natigilan kami sa biglaang pagbago ng mood ni mama.
“Teka, bakit napunta kay Roland ang usapan, Aliza?” Tanong ni Tiyang Erlinda.
Ngumisi si mama. “Wala naman. Bigla ko lang kasing naalala ang pangungunsinti nyo noon sa kapatid nyo. Naalala ko pa nga noon na humihingi ako ng tulong sa inyo na kausapin nyo si Roland na lumayo sa babaeng yun. Pero ano ang sabi nyo? Hayaan. Dahil magkaibigan lang ang dalawa. At nagalit pa kayo ni Ate Claring sa akin dahil masyado akong dudera sa kapatid nyo. Pero ano ang ending? Totoo ang hinala ko.”
“Ano ko ba naman Aliza? Kay tagal tagal na ng isyu na yan. Oo nagkamali kami ni Ate Claring. Pero humingi naman kami ng sorry sayo.”
“Ano pang silbi ng paghingi nyo ng sorry noon eh nasira na ang pamilya namin.”
“Nagkamali kami ni Erlinda lalo na ako bilang panganay at aminado ako doon, Aliza. Pero huwag mo naman sanang ibuhos sa amin ang galit mo sa kapatid namin. Si Roland ang may kagustuhan nun.” Sagot na ni Tiyang Claring.
Salit salitan naman akong tumingin sa kanila. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari lalo pa at tumitindi na ang tensyon sa tatlo.
Tumikhim ako. “Ah, ang mabuti pa.. Ah ano.. uhm ano kaya ang masarap na ulam ngayong tanghalian?” Nakangiwing singit ko. Baka sakaling matigil na sila sa kanilang diskusyon.
Pero hindi nila ako pinansin at matiim ang tingin sa bawat isa.
“Mahal na mahal ko si Roland alam nyo yan. Nagtiwala ako sa kanya at sa inyo.” Patuloy na himutok ni mama.
“Alam mo Aliza, hindi rin naman kasi namin masisisi si Roland kung bakit nahumaling noon kay Mina. Lagi ka kasing wala. Masyado kang busy sa trabaho at mas marami ka pang oras sa trabaho kesa sa mag ama mo. O di ba nga? Noong nagkasakit si Roland. Mas pinili mo pang pumasok sa trabaho kesa alagaan sya. Kesyo malakas naman si Roland at kaya na nya ang sarili nya. Asawa mo sya at naghahanap din sya ng kalinga mo. Kulang ka kasi ng oras sa kanya kaya sya naghanap ng kalinga sa iba.” Litanya na ni Tiyang Erlinda.
“Erlinda..” Saway naman ni Tiyang Claring na mahinahon lang.
“O, eh di lumabas din sa bibig mo Erlinda na kinunsinti nyo nga sya! Ayaw nyong tanggapin ang pagkakamali ng kapatid nyo.” Mataas na ang boses na sagot naman ni mama.
“Tanggap namin ang pagkakamali ni Roland. Kaya nga kami humingi ng sorry sayo ni Ate Claring. Pero matigas ka at masyadong mataas ang pride. Eh ikaw rin naman ah! Hindi mo rin kayang tanggapin ang pagkakamali mo. Masyado ring mataas ang tingin mo sa sarili mo na akala mo ay perpekto ka! Mabuti na lang at hindi nagmana sayo ang anak mo dahil kawawa sya kung ganyan din ang ugali nya!”
“Erlinda tama na.” Saway ulit ni Tiyang Claring.
Tumayo na rin ako dahil lalo pang tumataas ang tensyon sa pagitan ni mama at Tiyang Erlinda.
“Hayaan mo ’ko, ate. Sumusobra na ang babaeng to eh!”
“Ah! Ako pa ngayon ang sumusobra!”
“Ma, tama na.” Hinawakan ko na si mama sa braso nya. Pero piniksi nya ang braso.
“Oo! Sumusobra ka na Aliza. Wala ka na sa katwiran minsan!”
“Kung ako sumusobra, ikaw naman pakialamera!”
Sabay kaming tumili ni Tiyang Claring ng magpang abot na si mama at Tiyang Erlinda. Nagsasabunutan na silang dalawa at walang gustong magpatalo.
“Tama na yan ma, tiyang!” Awat ko sa dalawa at pilit pinaghihiwalay katulong si Tiyang Claring.
“Magpaawat na kayong dalawa, ano ba! Tumigil na kayo.”
Ngunit ayaw pa ring magpaawat ni mama at ni tiyang. Nagpapalitan pa sila ng maaanghang na salita. Panay na rin ang sigaw at tili naman ni Tiyang Claring hanggang sa napansin kong natigilan sya at napasapo sa dibdib sabay ngiwi.
“Tiyang!” Sigaw ko nang bumulagta si Tiyang Claring. Agad ko syang dinaluhan..
Palakad lakad ako sa harap ng emergency room habang hinihintay na tawagin kami ng nurse. Nasa loob na si Tiyang Claring at tinitingnan ng doctor. Sa tulong ng mga kapit bahay ay agad naming naisugod dito sa pinakamalapit na hospital si tiyang.
Nilingon ko si mama at Tiyang Erlinda na magkahiwalay na nakaupo sa bench. Tahimik silang parehas na umiiyak. Agad din silang natigil kanina nang bumulagta si Tiyang Claring.
Humugot ako ng malalim na hininga. Sana ay maayos lang ang lagay ni Tiyang Claring.
“Love.”
Yumakap ako kay Migz na bagong dating. Kasama nya si Junie at bakas din sa kanilang mukha ang pag aalala.
Nag angat ako ng tingin kay Migz. Hinalikan naman nya ako sa noo.
“Anong nangyari kay Tiyang Claring?”
Lumunok ako. “Bigla syang bumulagta kanina habang sapo ang dibdib. Nag aalala ako kay tiyang dahil ngayon lang ito nangyari sa kanya.”
Bumuntong hininga sya at hinimas himas ang likod ko. “Ipagdasal na lang natin na maging ayos si Tiyang Claring, love.”
Sinandig ko ang pisngi sa malapad na dibdib ni Migz. Ngayong nandito na sya sa tabi ko ay unti unti na akong kumakalma. Pero naroon pa rin ang matinding pag aalala sa tiyahin.
“Kasalanan ko to eh.. Hindi kasi ako nagpaawat kanina. Bawal ma-stress si ate dahil highblood sya at may problema pa sa puso..” Umiiyak na sambit ni Tiyang Erlinda. Inalo alo naman sya ni Junie.
Si mama naman ay lalo lang ding naiyak. Alam kong nagsisisi din sya sa pakikipag away nya kanina kay Tiyang Erlinda.
“Ano bang nangyari, love?” Bulong ni Migz.
Lumingon ako sa kanya at bumulong din. “Nag away kasi kanina si mama at Tiyang Erlinda. Nauwi sa sabunutan. Inaawat namin sila ni Tiyang Claring pero ayaw nilang magpaawat. Hanggang sa bumulagta na lang bigla si tiyang.”
“Ganun pala ang nangyari. Sana nga ay maging maayos ang lagay ni Tiyang Claring at magkaayos na rin ang dalawa.”
“Sana nga..”
Natatakot akong isipin na may masamang mangyari kay Tiyang Claring. Parang hindi ko yata kakayanin. Para ko na rin syang pangalawang ina.
Mayamaya ay lumabas na ang doctor na tumingin kay Tiyang Claring.
“May malay na ang pasyenta at pwede nyo na syang lapitan. Pero kailangan nyang i-admit dahil mataas ang blood pressure nya pati na rin ang sugar. Kailangan nya ring sumailalim sa ilan pang pagsusuri dahil dumadaing sya ng pananakit ng dibdib.”
Halos sabay sabay kaming napabuntong hininga sa sinabi ng doctor. May malay na nga si Tiyang Claring pero hindi pa maganda ang lagay nya.
“Sige po doc, ipapa-admit po namin ang ate ko. Gawin nyo po ang lahat para maging maayos ang lagay nya.” Ani Tiyang Erlinda.
“Sige ho misis. Pumasok na ho kayo sa loob at makipag ugnayan sa nurse nya. Sya na ho ang magsasabi sa inyo ng mga dapat nyong gawin.”
Sunod sunod na nga kaming pumasok sa loob ng emergency room. Humawak ako ng mahigpit sa kamay ni Migz at nilabanan ko ang nerbyos sa nakikita kong dugo sa ibang mga pasyenteng naroon na nilalapatan ng pangunang lunas.
Chapter 39
Racquel POV
“I’M sorry Ate Claring.. Hindi ko kagustuhan na atakehin ka sa puso. Hindi ko alam na may sakit ka na pala sa puso. Pasensya na ate kung pinasama ko ang loob mo..” Naiiyak na sabi ni mama na hawak ang kamay ni Tiyang Claring na walang swero.
Naka admit na si Tiyang Claring at narito na sya sa loob ng kanyang private room. Bukod sa swero ay may oxygen din na nakakabit sa ilong nya dahil medyo nahihirapan syang huminga. Lumabas na rin ang resulta ng pagsusuri sa kanya sa puso. May dalawa syang baradong ugat. Ayon sa doctor ay hindi naman kailangan operahan at madadaan pa raw sa gamot. Ngayon ko lang nalaman na matagal na syang may dinadaing sa puso at ayaw nyang sabihin sa akin para hindi ako mag alala.
“W-Wala kang kasalanan Aliza. Naglabas ka lang ng sama ng loob at naiintindihan kita. Matagal mo nang kinikimkim ang sama ng loob mo sa amin ni Erlinda.”
Suminghot si mama. “P-Pasensya na talaga ate kung matagal kitang hindi pinapansin.. kayo ni Erlinda. Talagang malaki lang ang tampo ko sa inyo. Hanggang ngayon kasi nasasaktan pa rin ako sa ginawa sa akin ni Roland.”
“Naiintindihan ko Aliza at wala akong sama ng loob sayo. Humihingi din ako ng tawad sayo.”
“Salamat ate..”
Yumakap si mama kay Tiyang Claring.
Napangiti naman ako dahil nagkakaayos na sila. Nagtagal rin ng mahigit sampung taon ang tampuhan nila.
“Matagal ng patay si Roland, Aliza. Oras na para makalimot ka na sa mga sakit na binigay nya sayo at maging masaya ka.”
Tumango tango si mama. “Alam ko yun, ate. Kaya susubukan ko ng makawala sa mga sakit ng nakaraan. Gusto ko na rin kasing maging masaya at hindi nakakulong sa nakaraan.”
“Tama yan, Aliza. Karapatan mo ring sumaya. Yun ang lagi kong dasal para sayo.”
“Salamat ate.”
Lumapit naman si Tiyang Erlinda kay mama. “Sorry din, Aliza. Nadala lang ako ng inis ko kanina kaya kung ano ano ang mga nasabi ko. Pasensya ka na talaga..”
Lumingon si mama at ngumiti. “Wala na yun Erlinda. May mali din kasi ako.” Mahinang tumawa si mama. “Para tayong bata kaninang nag aaway. Naalala ko dati noong bagong magkasintahan pa lang kami ni Roland. Ayaw na ayaw mo sa akin noon dahil naartehan ka sa akin. Tapos nag away tayo at nagsabunutan din. Pero pagkatapos nun naging close naman tayo.”
Natawa na rin si Tiyang Erlinda. “Oo nga. Nagkagalit lang ulit tayo ng magloko si Kuya Roland. Sya naman kasi lapitin ng mga babae. Tapos mas kinampihan pa namin sya kesa sayo. Sorry talaga, Aliza. Malaki ang pagkakamali namin ni ate sayo. Sana mapatawad mo kami.”
“Napatawad ko na kayo ni Ate Claring, Erlinda. Patawad din sa naging pakitungo ko sa inyo nitong mga nakalipas na taon.”
Suminghot ako at pinahid ang luhang lumandas sa aking pisngi. Ang saya saya ko dahil bati na ang mga importanteng mga tao sa buhay ko. Kay tagal kong hinintay na mangyari ito. Sa wakas ay nangyari na. Ang tanging hiling ko na lang ay mabilis na maka-recover si Tiyang Claring.
“Bati bati na sila, love.” Bulong sa akin ni Migz.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti. “Oo nga. Sa wakas nagkabati na rin silang tatlo. Ang saya saya ko, love.”
Pinahid nya ng daliri ang luha ko sa pisngi sabay halik sa sentido ko. Yumakap naman ako sa kanyang bewang at sinandig ang pisngi sa malapad nyang dibdib habang nakatingin kay mama at sa dalawa kong tiyahin na masaya nang nag uusap. Ngayong bati bati na sila ay siguradong wantusawang kwentuhan ang gagawin nila.
–
“WOW Congratulations! It’s a baby girl nga talaga. Hayan o. Kitang kita ang hiwa.” Hayag ni doctora.
Sabay naman kaming nangiti ni Migz habang nakatingin sa monitor. Kilig na kilig ako dahil baby girl ang first baby namin. Noong unang gender reveal kasi ay di pa siguradong babae. Ngayon ay siguradong sigurado na. Pero kahit naman boy si baby ay siguradong masayang masaya pa rin kami ni Migz. Importante ay healthy naming ilalabas si baby.
“Ano kaya ang magandang pangalan ni baby? Dapat makapag isip na tayo ng pangalan nya.” Ani Migz na nagmamaneho.
“Ikaw ang bahala dyan, daddy. Ang usapan kapag baby girl ikaw ang mag iisip ng pangalan. At kapag boy ay ako ang mag iisip.” Sabi ko habang lumalantak ng tokneneng na nabili namin sa labas ng clinic kanina.
“Oo nga pala. Sige, ako na ang mag iisip.”
“Basta gandahan mo ha. Baka mamaya makaluma naman yan gaya ng pangalan mo.”
Tumawa sya. “Ayaw mo bang isunod ko sa pangalan ko? Juana Manuela.”
Sinamaan ko sya ng tingin. Lumakas naman ang tawa nya.
“Oo na, mag iisip na ng mas magandang pangalan.”
“Panganay natin sya kaya dapat maganda ang pangalan nya. At huwag masyadong mahaba dahil baka magreklamo sya kapag nag school na sya.”
“Yes mommy.”
Ngumiti ako at kinalabit si Migz. “Sino kaya ang kamukha nya sa ating dalawa?” Excited na tanong ko.
“Siguro ikaw. Ikaw ang mommy eh.”
“Hmm.. let’s see.”
Bago kami umuwi ni Migz ay dumaan muna kami sa garahe para manguha ng manggang hilaw. May puno kasi ng manggang kalabaw doon na hitik sa bunga. Manghihingi na lang ako ng bagoong alamang kanila tiyang. Gumagawa kasi sila nun at binebenta.
“Aba, palaki na nang palaki ang tiyan ng buntis ah.” Sambit ni Mang Manny.
“Oo nga po. Anim na buwan na po kasi ang tiyan ko.” Natatawang sabi ko.
“At babae ang magiging inaanak nyo Mang Manny.” Sambit pa ni Migz.
“Talaga? Aba’y siguradong magandang bata yan paglabas.”
“Sino po sa tingin nyo ang magiging kamukha ni baby, Mang Manny?” Tanong ko.
“Kahit sino sa inyong dalawa ay pwedeng maging kamukha ni baby. Parehas kayong gwapo at maganda kaya di talaga lugi si baby. Pero sa tingin ko si Migz ang magiging kamukha.”
Ngumisi si Migz. “Sa tingin nyo, Mang Manny?”
Napanguso ako. “Bakit si Migz? Dapat ako.”
Tumawa si Mang Manny. “Base lang naman yan sa obserbasyon ko. Kapag panganay na babae ay karaniwang kamukha ang tatay. Kapag panganay na lalaki naman ay ang nanay ang kamukha.”
“Narinig mo yun, love? Posibleng ako ang kamukha ni baby.” Nakangising sabi pa ni Migz.
“Ang daya. Syam na buwan kong dala si baby tapos ikaw ang kamukha. Eh semilya lang ang ambag mo.” Himutok ko.
Dalawa na silang tumawa ni Mang Manny.
“Hmp! Ikuha mo na nga lang ako ng mangga bago pa ako mainis sayo.” Sabi ko.
“Yes, love. Tara na Mang Manny kumuha na tayo ng mangga.”
Inakbayan ni Migz si Mang Manny at lumapit na sila sa malaking puno ng mangga na maraming bunga sa taas.
Napapangusong hinimas himas ko na lang ang tiyan habang sinusundan ng tingin si Migz. Gusto ko kamukha ko si baby kung girl sya. Pero kung magiging kamukha sya ni Migz siguradong maganda din si baby. Kaya sige na nga! Payag na ako kung sakaling maging kamukha ni Migz ang baby girl namin.
Lumapit na ako kay Migz at Mang Manny na ngayon ay gumagawa ng panungkit para sungkitin ang bunga. May kataasan kasi ang mga bunga.
.
.
Migz POV
“LOVE.”
Napahinto ako sa pagbabarena sa pader sa gilid ng bintana at nilingon ang asawa.
“Bakit, love?”
Umusli ang labi nya habang himas himas ang maumbok na tiyan. “Gusto ko ng pancit canton at nilagang itlog. Lutuan mo ko, please.”
“Wait lang, love. Tapusin ko lang to.”
“Ngayon na, love. Nagugutom na ako eh.”
Kumunot ang noo ko. “Kakakain mo lang love. Gutom ka na naman?”
“Eh malamang! Dalawa kami ng anak mong kumakain.”
Ngumisi ako. “Oo nga pala. Sige na, magluluto na ako.”
Binaba ko na ang barena at tinanggal muna sa saksakan. Sumunod na ako kay Racquel papasok ng bahay.
“Pambihira ka naman, anak. May ginagawa ang asawa mo sya pa talaga ang pinagluto mo ng pancit canton mo.”
“Eh tinatamad akong kumilos, ma.”
“Ayos lang ho, ma. Naglalambing lang ho yan si Racquel kaya ako ang gustong magluto.” Nakangising sabi ko habang binabalatan na ang nilagang itlog.
Bukod sa moody ay demanding din minsan si Racquel. Madali syang mainis kapag hindi agad nasusunod ang gusto. Naiintindihan ko naman dahil dala lang yun ng hormones nya. Pinaalalahanan na rin ako ng doctor namin tungkol doon. Kaya naman sinusunod ko na lang kung ano ang gusto nya.
“Noong ako nagbuntis sayo hindi ako ganyan sa papa mo.”
“Talaga ba, ma?”
“Oo. Independent ako, no. Noong manganganak na nga ako mag isa lang akong pumunta sa hospital. Nalaman na lang ng papa mo at mga tiyahin mo nailabas na kita.”
“Eh di kayo na, ma.”
“Ay nako. Dapat gayahin mo ko. Masyado kang pabebe sa asawa mo.”
Lalo lang nanghaba ang nguso ni Racquel nang ilapag ko na sa harap nya ang pancit canton na may nilagang itlog.
“Sige, maiwan ko muna kayo. Pupunta lang ako kanila Ate Claring para ihatid itong mga pasalubong ko.”
Lumabas na si Mama Aliza at naiwan na lang kami ni Racquel.
Pinanood ko si Racquel na sarap na sarap sa pancit canton na niluto ko. Kapag gusto nyang kumain ng pancit canton ay ako talaga ang pinagluluto nya dahil mas masarap daw kapag ako ang nagluluto. Hindi ko alam kung inuuto lang ba nya ako o kung ano. Pero at least masaya sya at satisfied ang craving nya.
“Love, huwag mong gagayahin si mama ha.” Untag ko kay Racquel.
Kunot noong tumingin naman sya sa akin. “Anong huwag gagayahin, love?”
“Yung masyadong independent. Lalo na kapag manganganak ka na. Huwag kang pupunta mag isa sa hospital.”
Tumawa sya. “Hindi ko sya gagayahin, no. Takot nga akong pumunta ng hospital na mag isa lang eh.”
“Good.” Tumabi ako ng upo sa kanya. “Ayos lang naman maging independent ka paminsan minsan. Pero bilang asawa mo mas gusto ko na naka-depende ka sa akin. Kahit habang buhay mo pa akong paglutuin ng pancit canton.”
Ngumisi sya. “Sabi mo yan, ah.”
“Yes mommy.” Natatawang sabi ko na lang at ngumanga ng subuan nya ako ng pancit canton.
Chapter 40
Racquel POV
LUMABAS ako ng bahay at hinimas himas ang malaki kong tiyan. Nagpalinga linga ako para tingnan kung paparating na si Migz. Umalis kasi sya at pumunta sa kabilang baranggay para tingnan ang pinapatayo nyang bahay namin doon. Doon sya nakabili ng lupa at inuumpisahan na ang pagpapagawa noon. Napag usapan namin na hindi namin gagalawin ang bahay nya at bahay ko dahil parehas may sentimental value ang mga ito sa amin. Kaya naman bumili na lang sya ng lupa at patatayuan ng bahay. Gusto ko nga sanang magbigay ng ambag. Pero ayaw naman nya. Sya na daw ang bahala sa lahat.
Kabuwanan ko na at malapit na malapit na talaga akong manganak sa baby girl namin. Jordyn Mahlia ang name ng baby girl namin. Si Migz ang nakaisip nun. Talagang pinag isipan nya. Nagustuhan ko naman dahil maganda at babaeng babae ang pangalan.
“Ang laki na po ng tiyan mo Ate Racquel.” Manghang sambit ni Natnat at lumapit na rin sa akin ang iba pang mga bata na naglalaro kanina.
“Malapit ng lumabas ang bago nyong kalaro.” Nakangiting sabi ko.
“Pwede pong hawakan, ate?” Tanong naman ni Cholo.
“Oo naman.”
Manghang hinawakan ni Cholo ang malaki kong tiyan. Pati ang ibang mga bata ay nakihawak na rin. Tuwang tuwa sila at manghang mangha.
Excited na nga rin akong lumabas si baby at makita syang lumaki gaya ng nga batang ito. Sana lumaki syang mabait at bibong bata.
“Andyan na si Kuya Migz!” Sigaw ni Natnat.
Lumingon naman ako at nakita ko nga ang jeep ni Migz na papasok sa compound. Nagsipagtakbuhan ang mga bata pasalubong sa jeep.
“Huwag kayong mag unahan, madapa kayo!” Natatawang saway ko naman.
Huminto naman si Migz at hinayaan munang makasakay ang lahat ng bata bago nya pinausad ang jeep papalapit sa tapat ko.
“Hi love.” Nakangising bati ni Migz.
“Hi ka dyan.. Bakit ngayon ka lang?” Kunwaring pag susungit ko.
Lalo namang lumapad ang ngisi nya habang pababa ng jeep. “Matrapik sa bypass.”
Lumapit sya sa akin sabay dampi ng halik sa aking labi at tiyan. Napangiti naman ako at kinuha ko ang puti nyang bimpo na nakasampay sa kanyang balikat at pinunasan ang pawis nya sa noo at leeg.
“Namasada ka pa ba?”
“Hindi. Doon lang ako pumunta sa pinapagawa nating bahay. Kinausap ko ang foreman.”
“Eh bakit may dala kang jeep?”
“Galing yan sa talyer. Pina-change oil ko.”
Tumango ako at nilingon ko ang mga batang naghihintay sa kanya.
“O, pondohan mo muna ang mga anak anakan mo.” Nakangising sabi ko.
Natawa naman sya at hinarap na ang mga batang naghihintay. Dumukot sya sa bulsa at nilabas ang mga barya nya. Binigyan na nya ng ayuda isa isa ang mga bata na tuwang tuwa naman. Pagkatapos at pumasok na kami sa loob ng bahay habang alalay nya ako sa bewang.
Umawang ang labi ko habang pinagmamasdan ko si Migz na hinuhubad ang suot na t-shirt na puti. Kulang na lang ay tumulo ang laway ko habang titig na titig sa kanyang maskuladong katawan. Buti pa sya machong macho pa rin at walang nagbago sa katawan. Hindi gaya ko na parang nakalunok ng pakwan. At pasalamat sya buntis ako at hirap ng gumalaw kundi kanina ko pa sya inupuan. Ang sarap sarap pa naman nyang upuan.
Tumingin sa akin si Migz at ngumisi ng mahuling titig na titig ako sa kanya. Sinalubong ko naman ang titig nya at hindi ako nagbawi.
Mahina syang tumawa at lumapit sa akin sabay hawak sa bewang ko. Kumagat labi sya at malagkit akong sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Takam na takam ka na naman sa akin, buntis. Pero hindi muna pwede. Baka mapasama si baby.”
Ngumuso ako. “Sabi ni doctora pwede pa naman yun.”
Tumawa sya at hinalikan ako sa noo. “Pero kahit na.. Para sure na okay na okay si baby paglabas, tiis tiis muna tayo. Hindi lang naman ikaw ang takam na takam. Ako rin naman.”
“Kapag ako talaga nakapanganak na at pwede na, humanda ka talaga sa akin daddy. Mumukbangin kita 24/7.” Pilyang sabi ko.
Lalo naman syang natawa. “Ako pa hinamon mo, mommy. Ang mabuti pa, sabay na lang tayong mag shower.”
“Ay, gusto ko yan daddy. Buhat mo ko.”
Natatawang binuhat naman nya ako at nagtungo kami sa banyo para magpalamig.
–
FOCUS ako sa pagbibilang ng pera na pinagbentahan sa grocery store ko at bigasan. Hinatid ito ng isang empleyado ko kanina. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil tinatamad ako. Ngayong umaga naman ay tinatamad pa rin ako. Idagdag pa na sumusumpong ang kirot sa balakang ko.
Ngumiwi ako sa huling bilang ng pera ng kumirot muli ang balakang ko pero agad din yung nawala. Inayos ko na ang mga perang binilang at tinali ng goma. Sasamahan ako ni Migz na magdeposito sa bangko mamaya.
Kahit sinabi ni Migz na gusto nya nakadepende ako sa kanya, mas gusto ko pa rin na may sarili akong pera na sarili kong kita. Kaya kahit mag asawa na kami, tuloy tuloy pa rin ang negosyong pangkabuhayan ko. Balak ko ngang magpatayo pa ng isang bigasan na malapit naman sa terminal ng jeep. Siguradong magiging mabenta din ang bigas doon dahil hindi na mahihirapan ang mga mamimili sa pagbitbit dahil malapit lang sa terminal. Sinabi ko na yun kay Migz at nakikipag usap na sya sa may ari ng pwesto doon kung pwede kong rentahan.
Napag usapan na namin ni Migz ang magiging set up namin pagkapanganak ko. Kapag nag one year old na si baby ay sya na ang mag ti-take over ng kumpanya ng pamilya nila gaya ng napagkasunduan nila ng daddy nya. Wala namang problema sa akin yun dahil para rin sa future ng mga anak namin yun. Bukod sa may bahay kami dito sa Pampanga ay magkakabahay na rin kami sa Manila dahil titira din kami doon. At tungkol naman sa mga negosyo namin ay ako na ang hahawak. Kailangan naming magtulungan mag asawa para mas umunlad pa ang buhay namin.
“Bihis ka na, love. Siguradong marami na ngayong tao sa bangko.”
Nilingon ko si Migz. Bagong ligo sya at bagong bihis na rin. Ang bango bango na naman nya.
Tumayo na ako at umakyat na ng hagdan alalay ni Migz. Kaya ko namang umakyat ng hagdan mag isa kahit malaki ang tiyan ko. Si oa lang kasi si Migz at takot na takot na baka madulas ako.
Pagkagaling namin ni Migz sa bangko ay hinatid muna nya ako pauwi sa bahay bago sya dumiretso sa bayan para bisitahin ang mga negosyo namin doon. Dahil bibihira na nga lang akong pumunta sa tindahan ko ay sya na lang ang bumibisita doon at binibilinan ang mga tauhan ko..
“Near far.. where-e-ver you are..”
Sabay kaming tumawa ni Abi ng pumiyok si Chariz ng bumirit. Pero ang luka luka naming kaibigan ay tinodo pa ang birit at walang paki kung panay ang piyok.
Binisita nila ako at nagkaayaang uminom. Dahil hindi ako pwede ay silang dalawa na lang. Light lang naman ang iniinom nila. Ito kasing si Chariz ay medyo heartbroken dahil cool off sila ng boyfriend nya. Kaya naman heto dinadaan sa kanta ang kumikirot na puso. Habang kami naman ni Abi ay sumasakit naman ang panga sa kakatawa.
“Oy buntis, tawa ka ng tawa dyan. Baka bigla kang mapaanak ha.” Ani Chariz.
“Kayong dalawang ang bahala sa akin kapag bigla akong napaanak.” Nakangising sabi ko sabay dampot ng kropek at kagat.
Pero mayamaya lang ay nagdrama na si Chariz tungkol sa boyfriend. Mukhang may tama na rin sya ng alak.
“Ang lokong yun.. Hinamon ko lang ng cool off. Pumayag naman..” Sumisinghot na sabi ni Chariz habang tinutungga ang bote ng light beer.
“Eh di dapat binawi mo. Sinabi mo eme lang.” Ani Abi.
“Ayoko nga. Baka isipin nya di ko kayang mabuhay ng wala sya. Bahala sya sa buhay nya. Babalik din naman sya sa akin eh..”
“Eh di good luck na lang sayo. Minsan hindi rin maganda ang masyadong mataas ang pride. Sige ka. Baka manawa sya sayo kung ganyan ka ng ganyan.” Sabi ko naman.
Ma-pride kasi si Chariz at lagi syang naghahamon ng cool off sa boyfriend kapag nag aaway sila. Tapos lagi din naman syang umiiyak. Ang boyfriend naman nya ang laging naghahabol sa kanya.
Ngumuso si Chariz. “Sige, pag iisipan ko..”
Nagtinginan na lang kami ni Abi at umiling iling. Buti pa tong si Abi, mukhang nagkakamabutihan na sila ng pinsan kong si Junie. Nag de-date na rin kasi sila minsan eh. At ang pinsan ko ay nagbabagong buhay na. Hindi na sya ngayon palainom at naninigarilyo. Regular na rin sya nag wo-work out at ngayon ay pumapayat na. Si Abi lang pala ang magpapatino sa katigasan ng ulo nya. Kaya naman ang dalawa kong tiyahin ay botong boto kay Abi.
Napangiwi ako ng sumigid ang kirot sa balakang ko at gumuhit pa sa may puson. Bigla akong parang naiihi.
“Wait lang ha, ihi lang ako.” Paalam ko sa dalawa at tumayo.
Pumasok ako sa banyo at binaba ang panty. Dahan dahan akong umupo sa bowl at umihi.
Simula pa kaninang umaga ay panay na ang ihi ko. Hindi naman ako palainom ng tubig pero maya’t maya ako kung umihi.
Pagkatapos umihi ay bumalik na ako sa sala kung nasaan ang dalawa kong kaibigan na nagkukwentuhan. Nakisali na rin ako. Pero panay panay na ang ngiwi ko dahil panay panay na rin ang pagsigid ng kirot sa aking balakang na gumuguhit pa hanggang puson. Parang kakaiba na itong kirot na nararamdaman ko.
“Ayos ka lang, Racquel?” Tanong ni Abi ng mapansin ang pananahimik ko. Natigil sila sa pagkukwentuhan ni Chariz.
Tumingin ako sa kanilang dalawa. “Ang sakit na ng tiyan ko. Parang.. parang..”
“Parang ano? Manganganak ka na?” Tanong ni Chariz.
Ngumiwi ako. “Oo. Parang ganun na nga – ahh! H-Hayan na naman.. ang sakit!”
Sabay na tumayo ang dalawa at nataranta pa.
“Omg! Dadalhin ka na namin sa hospital.”
“Kaya mo bang tumayo?”
Nakangiwing tumango naman ako sabay abot ng cellphone. Tinawagan ko si Migz. Agad naman syang sumagot.
“Hello love.. Pauwi na ako. Kakausapin ko lang ang manager. May ipapabili ka ba?”
“Wala love. Pero sumasakit na ang tiyan ko. Parang humihilab na rin. M-Manganganak na yata ako..”
“Manganganak ka na?”
“P-Parang.. ang sakit sakit na ng tiyan ko eh. Uwi ka muna please..”
“O-Oo oo! Uuwi na ’ko. Hintayin mo ko love. Mabilis lang ako.”
Hindi ko na hinintay ang iba pang sasabihin ni Migz at binaba ko na ang cellphone. Nangingiwing tumayo ako habang sapo ang tiyan. Tumingin ako sa dalawa kong kaibigan na natulala na habang nakatingin sa akin.
“Abi, Chariz, baka pwedeng pakikuha ng mga gamit namin sa kwarto. Para pagdating ni Migz, diretso na kami agad sa hospital.” Pakisuyo ko sa dalawa.
“Oo, sige. Ibababa na namin.”
Agad naman silang tumalima at umakyat ng hagdan.
Nagpalakad lakad naman ako habang himas himas ang tiyan at hawak hawak ang balakang. Hindi na talaga natigil ang pakirot na may kasama ng hilab. Napatigil pa ako sa paglalakab sabay singhap ng sumigid ang matinding kirot.
“W-Wait lang naman baby.. hintayin muna natin si daddy..”
Pero mukhang excited na nga talaga si baby na lumabas dahil panay na ang hilab ng tiyan ko at naihi pa ako.
END
Racquel POV
“AHH!” Nakangiwing daing ko habang nakahiga ako sa hospital bed na tinutulak ng dalawang hospital staff papuntang delivery room.
Sobrang sakit na ng nararamdaman ko at para akong hinihiwa. Panay ang hugot ko ng malalalim na hininga. Nararamdaman ko ng malapit na malapit nang lumabas si baby.
“Love.. kaya mo yan. Kaunting tiis lang.”
Nilingon ko si Migz na hawak hawak ang kamay kong nanlalamig. Pero hindi ako sure kung kamay ko ba ang malamig o yung kamay nya. Nakaguhit sa kanyang mukha ang matinding pag aalala at parang namumutla pa sya.
“A-Ang sakit sakit na love..”
“I-I know love.. pero nandyan na si doc. Kaya mo yan, love. Para kay baby..”
Kagat labing tumango tango ako. Naiiyak na ako sa sakit pero tinitiis ko at kinakaya para sa baby namin.
“Baks, kayang kaya mo yan.”
“Excited na kaming makita ang inaanak namin.”
Nilingon ko ang dalawa kong kaibigan na nakasunod din. Nakangiwing ngumiti ako sa kanila.
“Y-Yung bilin ko sa inyo, ha. Huwag nyong kakalimutan.”
Pasimpleng tumingin ang dalawa kay Migz at sabay na ngumisi.
“Oo, di namin kakalimutan.” Sabi ni Chariz.
“Anong bilin yun, love?” Kyuryosong tanong naman ni Migz.
“W-Wala yun, love. Usapang babae lang.”
Lumambot ang mukha nya at hinaplos ang buhok ko. “Promise me, love. Kakayanin mo.”
Tumango ako. “Kakayanin ko ang sakit, love. Para kay baby.”
Dinala nya ang kamay ko sa kanyang labi at hinalikan.
“Hanggang dito na lang po kayo. Ipapasok na po si ma’am sa loob.” Anang isang nurse na babae.
Bumitaw na sa kamay ko si Migz. Tinulak na ng dalawang hospital staff ang hospital bed papasok sa loob ng delivery room. Nakasunod pa rin ang tingin ni Migz sa akin at parang gusto pang sumunod sa akin.
Ilang sandali pa ay pumasok na si doctora. Ngumiti sya sa akin.
“How are you, mommy?”
“M-Masakit na masakit na, doc. Nararamdaman kong gusto nang lumabas ni baby.” Nakangiwing sabi ko.
“Manganganak ka na nga at mukhang kakayanin mo naman ang normal. Si daddy mukhang gustong sumama dito sa loob. Pero sa hitsura nya mukhang hindi nya kakayanin ang makikita nya. Kaya sa labas na lang sya.”
Kumagat labi ako at tumango. Pinabukaka na ako ng doctora at pumuwesto na sya sa gitna.
“Are you ready, mommy?”
“Y-Yes doc.”
“Okay, hingang malalim mommy at pagbilang ko ng tatlo sabay ire.”
Tumango tango ako at humugot ng malalim na hininga.
“Isa.. dalawa.. tatlo.”
“Ahh!”
.
.
Migz POV
PALAKAD lakad ako sa harapan ng pinto ng delivery room. Naghihintay na makapanganak si Racquel. Sana nga ay maging maayos ang panganganak nya at lumabas si baby na malusog.
“Migz, relax ka lang. Magiging maayos din si Racquel at ang baby nyo.”
Nilingon ko ang dalawang kaibigan ng asawa. “I’m okay Abi. Don’t worry about me.”
Tumaas ang kilay nya at nagtinginan sila ni Chariz.
“Sigurado ka Migz? Eh namumutla ka, ah.” Ani Chariz.
“O-Oo naman. Ayos lang ako.” Sabi ko sabay iwas ng tingin at muling nagpalakad lakad. Para na akong asong di maihi.
Kahit anong pilit kong pagpapakalma sa sarili ay hindi ako makalma. Malakas ang kabog ng dibdib ko at sa buong buhay ko ay ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Mas kabado pa ako ngayon kesa noong naholdap ako.
‘Fuck! Kumalma ka Migz.’
Pero sa bawat segundo at minutong lumilipas ay tumitindi pa ang kabang nararamdaman ko. Nanlalamig na rin ako.
“Ang mabuti pa bibili muna ako ng tubig.”
“Sige Chariz, ako na lang ang maiiwan dito. Baka biglang – Ayy!”
“Oh my god! Si Migz nahimatay!
“Nurse! Nurse! Help..”
**
makalipas
ang ilang oras..**
NAKASIMANGOT ako habang tawang tawa si Racquel. Akala mo hindi bagong panganak kung makatawa. Pinapanood nya ang video na kuha ni Abi at Chariz kung saan hinimatay ako sa harap ng pinto ng delivery room.
“Hinay hinay naman sa pagtawa Racquel. Bagong panganak ka. Baka masumpit ka ng hangin.” Saway ni Tiyang Erlinda.
Nag menor nga ang asawa ko sa pagtawa pero bumubungisngis naman.
“Pambihira ka, anak. Sayang ang tattoo mo.” Natatawang sabi pa ni daddy.
“Akala ko di ka gagaya sa dalawa mong pinsan na hinimatay. Di ka man lang lumihis ng linya. Nakakahiya, anak. Alam mo bang ninerbyos ako ng makita ka namin ng daddy mo na nakahiga sa hospital bed sa loob ng emergency room? Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Hinimatay ka lang pala. Tinalo mo pa ang nanganak.” Litanya ni mommy.
Napakamot ako sa batok. Maging ako ay hiyang hiya din. Hindi ko naman kagustuhang himatayin eh. Pinilit ko namang ikalma ang sarili. Pero natalo pa rin ako ng kaba.
“Sorry mom, dad. Sobrang kabado ako kanina. Halos hindi na nga ako makahinga.”
“Ay naku, kapag nalaman ito ng dalawang pinsan mo, siguradong aasarin ka at pagtatawanan nila.”
“Huwag nyo hong sabihin, mommy.”
“Alam na namin kahit hindi sabihin ni tita.”
Sabay sabay kaming lumingon sa pinto. Pumasok si Yñigo at Edward na may mga ngisi sa labi. Lumapit sila kay mommy at humalik sa pisngi nito at nagmano naman kay daddy.
Kumunot ang noo ko. “Paano nyo nalaman?”
“Eh di sa asawa mo. Sinend nya ang video sa mga asawa namin at sinend naman nila sa amin ni Yñigo.” Nakangising sabi ni Yñigo.
Tumingin ako kay Racquel na ngingisi ngisi din.
“Love naman..”
“Sorry love. Natuwa lang ako. Ang cute mong himatayin.” Aniya sabay bungisngis.
“Tss! Anong cute? Ang pangit nya kamong himatayin.” Kontra naman ni Edward.
“That’s not true. My husband is cute.” Nakangusong giit pa ni Racquel.
Napangisi na ako. Sige na nga. Hindi na ako magtatampo sa kanya.
Lumapit ako sa asawa at umupo sa gilid nya. Yumuko ako at hinalikan sya noo.
“Ang galing mo, love. Nailabas mo si baby ng maayos.”
Ngumisi sya. “Syempre, ako pa. Ikaw lang naman ang nahimatay eh.”
Muli akong napasimangot. “Kinabahan lang ako.”
“Eh di sa tuwing manganganak pala ako lagi kang hihimatayin?” Pang aasar pa nya sa akin na ikinatawa naman ng mga magulang ko.
“Nandito na si baby.”
Tumayo ako at humarap sa pintong bumukas. Pumasok si Mama Aliza kasunod ang nurse na karga si baby. Sa likuran ay kasunod din si Tiyang Claring, Abi, Chariz at Junie.
Parang may bikig na bumara sa lalamunan ko ng makita ko ang baby girl ko. Hindi ko kasi sya nakita kanina paglabas ng delivery room dahil hinimatay ako. Nagising na lang akong nasa emergency room na.
Binigay ng nurse kay Racquel si baby. Hindi ko naman maalis ang tingin sa kanya. Nag iinit ang dibdib ko. Ang liit liit nya at mamula mula pa. Ang sarap nyang pagmasdan.
‘My baby girl..’
Naluluha si Racquel habang pinagmamasdan ang baby girl namin na nasa bisig na nya. Pati sila mommy at daddy ay lumapit na rin para makisilip. Naiyak pa nga si mommy. Ako rin ay parang gusto na ring maiyak sa sobrang saya. Parang sasabog na nga ang puso ko sa sobrang tuwa.
“Mommy, paki-fill up an na rin po itong form ni baby. Kukunin ko na lang po mamaya pagbalik ko.” Bilin pa ng butihing nurse.
“Sige nurse. Salamat.” Sumisinghot na sabi ni Racquel.
Nag excuse na ang nurse at lumabas na ng kwarto.
Nagkumpulan naman kami para titigan si baby.
“Naku, parang kamukha ni Migz ah.” Sambit ni Mama Aliza.
“Oo nga. Lalo na kapag kumukunot ang noo.” Segunda pa ni mommy.
Para namang lumulundag ang puso ko sa sinasabi nilang kamukha ko si baby. Yumuko ako at hinalikan ang telang nakabalot sa anak.
“Pero baby pa sya. Magbabago pa ang mukha nya. Tingnan natin kung sino talaga ang kamukha.” Wika naman ni Tiyang Erlinda.
“Pero sure na akong si Migz ang kamukha. Hindi ganyan ang mukha ni Racquel noong baby sya eh.” Giit pa ni Mama Aliza.
“Oo nga. Parang si Migz nga talaga.” Pag sang ayon ni Tiyang Claring.
“Kahit sino pa ang kamukha, importante lumaki syang malusog, mabait at magalang.” Saad ni daddy at tinapik tapik ako sa balikat. “Congratulations, anak. Finally, may anak ka na.”
Ngumiti ako. “Thanks, dad..” Pinigil kong tumulo ang luha ko.
“And thank you iha, for bringing us joy and giving us a wonderful blessing.” Baling naman ni daddy kay Racquel. Si mommy ay hinalikan pa ang asawa ko sa noo.
“Congratulations, couz.” Bati rin sa akin ni Yñigo at Edward at tinapik din ako sa balikat.
“Pwede ko ba syang kargahin, love?” Untag ko sa asawa.
“Oo naman, love.” Nilapit nya sa akin si baby.
Hindi naman ako magkandatuto kung paanong hawak ang gagawin ko. Tinuruan pa ako ni Mama Aliza at mommy.
Ng sa wakas ay nasa bisig ko na ang anak ko ay hindi na mapuknat ang tingin ko sa kanya at halos hindi ako makagalaw dahil natatakot akong baka mahulog ko sya. Ang liit liit nya at ang lambot lambot. Halos dumoble din ang bilis ng pintig ng puso ko.
“My baby girl..” Sambit ko sabay alpas ng hikbi sa aking labi. Inulan naman ako ng panunukso pero wala akong pakialam. Basta masaya ako dahil sa wakas nahawakan ko na ang baby girl ko.
“Nakow! Sayang talaga ang tattoo at muscle, brad.” Panunukso ni Junie na ikinatawa nilang lahat. Pati ang asawa ko ay tawang tawa din.
Akmang hahalikan ko sa mukha si baby pero pinigilan ako nila mommy.
“Bawal pang halikan si baby, anak.” Natatawang saway sa akin ni mommy.
“At lagi kang mag aahit couz, kapag pwede ng halikan sa pisngi si baby para hindi magka-rashes.” Payo pa sa akin ni Edward.
Tumango tango naman ako.
“Huwag din masyadong matapang ang pabango para hindi mairita ang pang amoy ni baby.” Dagdag pa ni Yñigo.
Makikinig ako sa kanila dahil nauna na silang naging daddy kesa sa akin. Mas may alam sila.
Suminghot ako at tumingin kay Racquel.
Ngumiti sya sa akin at tinaas ang kamay, pinunasan ang luha sa aking pisngi.
“Naiyak ka na sa sobrang saya, daddy..”
Ngumiti ako. “I’m so happy love.. Thank you..”
“Me too, love.. I’m very much happy.. I love you.”
“I love you too.. So much..”
Dumukwang sya at dinampian ako ng halik sa labi. Pumikit naman ako para lasapin ang matamis nyang halik.
Special Chapter next :)
Special Chapter
Racquel POV
TUMAYO ako habang dinuduyan sa bisig si Baby Jordyn na umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang gusto nya kung bakit sya umiiyak. Busog naman sya at bagong palit ang diaper. Bagong ligo din sya.
“Ano ba ang iniiyak mo baby ko? Inaantok ka na ba?” Kausap ko sa anak.
Pero lalo lang syang naging iritable at pumapasag sa karga ko. Hindi ko na tuloy malaman kung paanong ugoy o step ng paa ang gagawin ko. Nag iimbento na nga rin ako ng sariling kanta.
Anim na buwan na si Baby Jordyn. Malusog at malaking bulas na bata. Kamukhang kamukha din ng ama. Kulay lang ang nakuha sa akin at tuwid na buhok. Alon alon kasi ang buhok ni Migz.
Bumukas ang pinto at pumasok si Migz na bagong dating. Galing sya sa pinapagawa naming bahay.
“Uyy.. bakit umiiyak ang prinsesa ko na yan? Dinig na dinig sa labas ang iyak mo baby.” Aniya at lumapit sa center table. Dinampot ang bote ng sanitizer at nag spray sa kamay bago lumapit sa aming mag ina.
“Kanina pa sya ng iyak ng iyak at iritable, love. Busog naman sya at bagong ligo din. Hindi ko sya mapatahan.” Sabi ko.
Pero ang anak ko ay bigla na lang tumahan ng makita na ang ama sabay taas ng kamay. Nagpapakarga sya sa ama. Kinuha naman sya ni Migz.
Napataas naman ang kilay ko dahil biglang naging good mood sya at ngumingiti pa sa ama. Samantalang sa akin kanina ay lukot na lukot ang mukha. Ang ama lang pala nya ang makakapag patahan sa kanya.
Nakangising lumingon sa akin si Migz. “Tumahan na sya, love.”
Sumimangot ako. “Bias si baby, ha. Hindi halatang ikaw ang favorite nya sa ating dalawa.”
Tumawa sya. “Ganun talaga. Daddy’s girl sya eh.”
Binalingan na nya ang anak at bineybi talk na. Titig na titig naman sa kanya ang anak at bumubungisngis. Daddy’s girl nga talaga sya. Mas gusto nyang laging kumakarga sa kanya ang ama.
Parehas kaming hands on ni Migz sa pag aalaga kay Baby Jordyn. Pero mas hands on sya kesa sa akin lalo na sa gabi na sya ang laging puyat. Kaya siguro mas paborito sya ng anak namin.
Meron na rin kaming kasama sa bahay para may makatulong sa paglilinis. Gusto nga ni Migz ay dalawang kasambahay ang kunin. Pero sabi ko ay isa na lang muna. Saka na kami magdadagdag ng kasambahay kapag nakalipat na kami sa mas malaking bahay.
Habang karga karga ni Migz ang anak ay naligo na ako. Pupunta pa kasi ako sa tindahan para silipin ang mga tauhan doon. Three times a week na nga lang ako nakakasilip doon dahil mas focus ako ngayon kay baby.
Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko ang mag ama sa labas ng bahay. Malutong na malutong ang hagikgik ni Baby Jordyn habang nilalaro sya ng mga bata. Parang hindi nagmaktol kanina. Kumakawag kawag pa ang matatabang mga braso nya at binti na parang gusto na ring makisali sa mga batang naglalaro.
Lumingon sa akin si Migz ng maramdaman nya ang presensya ko. Pilyo syang ngumiti at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Yung tingin nya sa akin ay parang gusto nya akong angkinin. Pero may usapan kami na hindi kami mag se-sex hanggang sa mag one year old si Baby Jordyn. Baka kasi bigla akong mabuntis agad hindi pa naglalakad si baby.
“Tinitingin tingin mo dyan, daddy? Hanggang tingin at hawak ka lang.” Sabi ko at lumapit sa kanilang mag ama.
Kumagat labi sya at bumulong sa akin. “Mamaya pahawak ako, momy..”
Nag init ang mukha ko at kinurot sya sa tagiliran na ikinaigtad nya.
Bumulong din ako sa kanya. “Nagiging manyakis ka na, daddy.”
“Gustong gusto mo naman na minamanyak kita. Minsan nga minamanyak mo rin ako, eh.”
Kumagat labi ako at pilya ring ngumiti. “Ang sarap mong manyakin, eh..”
Tumawa sya sabay hapit sa bewang ko at halik sa sentido at pisngi ko.
“Oy, huwag naman sa harap ng mga bata.”
Sabay kaming napalingon kay Junie na bagong dating. May dala syang tupperware at inabot yun sa akin.
“Ano ’to?” Tanong ko.
“Bulalo. Luto ni Tiyang Claring.”
Ngumiti ako. Makakahigop na naman ako ng sabaw. Mabuti daw ito sa mga nagpapadede ng baby. Breastfeeding kasi si Baby Jordyn pero minsan dumedede sya sa bote.
Hinarot harut muna ni Junie ang anak ko bago sya umalis. Didiretso pa kasi sya sa palengke.
–
“HOW are you my sweet princess? Did you miss dadilo?” Kausap ni Daddy Jacinto kay Baby Jordyn na karga nya.
Umungol naman ang anak ko at hinawakan pa sa mukha ang kanyang lolo.
“Oh.. you miss me. I miss you too princess..”
Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mag lolo. Bukod sa daddy’s girl din sya ay lolo’s girl din. Spoiled na spoiled sya sa dadilo at mamila nya. Heto nga ayt may mga bago na naman syang nga damit na pasalubong nila.
Every weekend pumupunta dito sa Pampanga si Daddy Jacinto at Mommy Cecil para dalawin si Baby Jordyn. Walang palya yun. At kapag nandito sila ay halos ayaw na nilang bitiwan ang apo.
“Tingnan mo itong mga pinamili naming damit ng daddy mo, anak. Puro kulay pink sana ang bibilhin kong kulay pero ang daddy mo namili din ng mga yellow para daw hindi manawa sa kulay pink si Baby Jordyn.” Ani Mommy Cecil at inisa isang nilabas sa paper bag ang mga pinamiling damit para sa apo.
“Ayos lang po yun, mommy. Namimili din ako ng mga kulay yellow na damit para kay Baby Jordyn.” Sabi ko at tiningnan ang mga damit. “Ang gaganda po nito, ’my.”
“Ang daddy mo ang namili nyan.”
Tumango tango ako. Infairness, marunong mamili si Daddy Jacinto. Parang si Migz lang.
Marami ng mga damit si Baby Jordyn na mga bigay ni Mommy Cecil, mama, nila tiyang, Abi at Chariz. Ang iba nga ay hindi pa nasusuot at nakaliitan na.
Niligpit ko na ang mga damit. Lalabhan ko muna ang mga ito bago ipasuot sa anak.
Lumapit si Mommy Cecil sa mag lolo at sya naman ang kumarga kay Baby Jordyn. Nilaro laro nila ito tuwang tuwa naman ang anak ko na tumitili pa sa kakahagikgik.
Mayamaya ay dumating na si mama na galing palengke kasama ang kasambahay namin. Every weekend na rin syang umuuwi dito sa Pampanga at nagpaplano na ngang mag retiro.
“Parang lalo kang sumeseksi, balae.” Puna ni mama kay Mommy Cecil na bumungisngis.
“Sinusunod ko kasi ang binigay mong tips sa akin. Nabawasan nga ako ng 3 kilos eh.”
“Effective talaga yun. Tapos sabayan mo ng work out. Tamang tama. May zumba party sa covered court bukas ng umaga sa likod lang ng munisipyo. Gusto mo bang sumama? May bagong instructor doon. Gwapo at macho.” Aya pa ni mama kay Mommy Cecil.“
“Ay sige, sasama ako, balae.” Tila kinikilig pang sabi ni Mommy Cecil.
Malakas na tumikhim si Daddy Jacinto. Napatingin sa kanya ang dalawa.
“Bakit, darling?”
“Sasama ako.”
“Are you sure, darling? Hindi ka naman mahilig sa zumba. Ayaw na ayaw mo ngang sumama sa mga ganun dahil maingay.”
“Basta sasama ako.”
Kumagat labi ako at pinigilang mangiti. Obviously gustong bantayan ni Daddy Jacinto si Mommy Cecil kaya gustong sumama.
“Bahala ka. Basta huwag kang killjoy kapag nandun na tayo, ha.”
Tumingin sa akin si mommy at ngumiwi. Napangisi naman ako. Muntik pa syang makasira ng relasyon ng iba.
“Oh ito, hawakan mo muna si Baby Jordyn. Tutulong muna ako sa kusina.” Binalik ni Mommy Cecil si Babay Jordyn sa lolo nya at inaya na si mama sa kusina.
Napailing iling naman si Daddy Jacinto at bineybi talk na lang ang apo.
Natatawang tumalikod na lang ako at binitbit sa kwarto ang mga paper bag.
–
“HAY, sa wakas tulog na si baby. Itong baby damulag ko na lang ang patutulugin ko.”
Napahagikgik ako ng hapitin ako ni Migz at sumubsob sya sa leeg ko. Pinatong pa nya ang isang hita nya sa akin at sinimulan na akong papakin ng halik sa leeg. Yumakap naman ako sa kanya. Ganitong oras lang kami nakakapaglambingan kapag tulog na si Baby Jordyn.
Kumagat labi ako ng maramdaman ko ang matigas nyang pagkalalaki na dumudunggol sa aking hita. Naka cotton shorts lang kasi sya kapag natutulog sa gabi at hindi nagsusuot ng brief dahil hindi sya komportable.
Hinawakan ni Migz ang mukha ko at sa pisngi naman ako pinanggigilan ng halik. Sininghot singhot pa nya ako. Adik talaga sya sa amoy ko. Kahit hindi ako bagong ligo ay hilig na nyang singhutin ako.
Humawak ako sa malaking braso nya at pinisil pisil yun. Nangangati ang kamay ko at gusto kong isuot yun sa loob ng shorts nya. Kaya lang delikado. Baka parehas kaming madarang at di na makapag pigil.
Tumigil na si Migz sa kakahalik at singhot sa akin. Umayos na sya ng higa at ako naman ay umunan sa malapad nyang dibdib.
“Ah! This is the life that I really want..” Anas nya at kinuha ang kamay ko at nilagay yun sa malapad nyang dibdib.
Napangiti naman ako. “Talaga?”
Tumingin sya sa akin at ngumisi. “Dati noong binata pa ako, nung hindi pa ako naholdap at hindi pa kita nakilala. Walang wala sa isip ko nun ang mag asawa at magkaroon ng sariling pamilya. Ang buhay ko lang dati ay umiikot lang sa trabaho, babae, alak at sigarilyo. Masaya na ako sa ganung buhay. Not until maholdap ako at nakilala kita. Biglang nagbago ang pananaw ko sa buhay. You’re my life saver, love..” Aniya sabay halik sa buhok ko.
Lalo akong napangiti. “Ano na ang naging pananaw mo sa buhay matapos kang maholdap at makilala mo ko?” Tanong ko pa. Alam ko naman ang sagot pero gusto ko pa ring marinig mula sa labi nya.
“Simula ng makilala kita, nag iba na ang gusto ko sa buhay. Gusto kong maging successful. Gusto kong magkaroon ng sariling pamilya. Naging seryoso na rin ako sa buhay. Tinigilan ko na ang mga bisyo ko. Nag focus na lang ako sa paghahanap sayo. Worth it na worth it naman. Naging asawa ko ang babaeng pangarap ko at may baby na kaming kamukha ko.”
Mahina akong tumawa at yumakap sa kanya. Masarap marinig at masarap sa pakiramdam na maging isang pangarap ng lalaking mahal mo.
“Gusto ko ring magpasalamat sayo love..”
“Para saan?”
Tumingala ako sa kanya. “Na hindi ka nagsawa sa paghahanap at paghihintay sa akin. Timing na timing ang pagdating mo sa buhay ko noong panahong sawi ang puso ko.”
“Isa lang ang ibig sabihin nun, love.. We are really meant for each other.”
“Right.”
Sabay kaming tumawa at naglapat ang aming mga labi sa masuyong halik.
Last chapter next :)
Last Chapter
Migz POV
five years later..
“NANDYAN na si daddy!”
Napangiti ako at hininto ang jeep nang makita ang prinsesa ko kasama ang mga kalaro nya na tumatakbo palapit sa akin. Mabilis syang tumatakbo at nakikipag unahan pa sa mas malalaking mga kalaro.
“Daddy!” Tili ni Jordyn sabay bungisngis at sumampa sa front passenger seat ng jeep. Ang iba nyang batang kalaro ay sa likod naman sumakay.
“Careful anak.” Inalalayan ko sya dahil baka masubsob.
“Daddy namiss kita!” Lumapit sya sa akin sabay sampa sa kandungan ko at yakap sa aking batok. Mariin nya rin akong hinalikan sa pisngi. Ginantihan ko rin sya ng halik sa kanyang pisnging mataba na kanyang ikinabungisngis. Tinaas ko pa ang kanyang braso at sumubsob sa kanyang kilikili.
“Hmp! Ang asim mo baby ko.” Sabi ko at kunwaring ngumiwi.
Lalo naman syang bumungisngis at pilyang pinagduldulan pa sa akin ang kili kili. Natawa na lang ako.
Nuknukan din sya ng kapilyahan. At sabi nga nila mommy at daddy lalo na ni Lolo Arseñio, hindi ko lang sya kamukha kundi nagmana din sa akin ng kapilyahan.
“Di pa po ako ligo daddy. Kaya maasim ako.” Proud pang sabi nya.
“Kaya naman pala amoy paksiw ka.” Nakangising sabi ko at pinunasan ng bimpo ang pawis sa kanyang mukha, leeg, kili kili at likod.
Inayos ko na sya ng upo sa kandungan ko at pinausad ko na ang jeep papasok sa compound. Tuwang tuwa ang pilya kong anak pati na rin ang mga kalaro nya sa likod.
Nag leave ako sa kumpanya ng ten days at umuwi kami dito sa Pampanga. Panay kasi ang ungot ng prinsesa ko na umuwi dahil namimiss na ang mga kalaro at mga lola nya kaya pinagbigyan ko na. Mahihindian ko ba sya.
Pinark ko ang jeep sa harap ng bahay at nag unahan na sa pagbaba ang mga bata. Bumaba na rin si Jordyn at sumunod na ako.
“Daddy!”
Mula sa pinto ng bahay ay lumabas ang bunso ko na dalawang taong gulang na si River. Tumakbo sya palapit sa akin. Agad ko naman syang binuhat at hinalikan sa pisngi. Yumakap sya sa batok ko at humalik din sa aking pisngi. Parehas sila ni Jordyn na malambing.
“Ako den daddy!” Ungot ni Jordyn sabay taas ng dalawang braso.
Binuhat ko din sya ng isang braso. Bahagya pa akong napangiwi dahil parehas silang mabigat.
“Ang bibigat nyo na mga babies ko. Mag diet na kayong dalawa.”
Pero sabay lang silang bumungisngis.
“Talap po tain daddy, eh.” Sabi ni River na walang inuurungang pagkain kaya naman bumibilog. Nagpapalusugan silang dalawang magkapatid.
“Daddy, ulam po natin today ay shinigang na ipon.” Wika naman ni Jordyn.
“Wow. Sarap nga. Siguradong marami na naman ang kain ng mga babies ko.. Hmp!” Pinanggigilan kong hinalik halikan ang matataba nilang pisngi.
“Manong Migz! Huwag nyo po kaming kakalimutan.”
Nilingon ko ang mga bata. Nasa likuran ko sila at mga nakapila na. May mga ngiti sa kanilang mga labi.
“Oo nga pala.”
Natawa na lang ako at binaba ko na ang dalawang anak na nakipila din sa mga bata. Dinukot ko na ang mga barya ko sa bulsa na galing pa sa boundary ng mga driver ko. Hindi ako nawawalan ng barya sa bulsa para may maibigay ako sa mga batang anak ng mga kapitbahay. Isa isa ko ng binigyan ang mga batang nakapila. Tuwang tuwa naman sila. Napangisi pa ako ng sumunod na sa pila ang dalawa kong anak na parehas pang nakalahad ang mga kamay. Binigyan ko din sila at tuwang tuwa din silang nakihalubilo na sa ibang bata.
“Kuya Migz, kami den!”
Tumakbo palapit sa akin si Cholo at Natnat kasama pa ang iba. Malalaki na sila. Mga sampung taong gulang na. Sila ang unang mga batang sumasalubong sa akin noon kapag paparating ako galing sa maghapong pamamasada. Napakabilis talaga lumipas ng mga panahon. Malalaki na sila ngayon at ilang taon pa ay mga binata na sila. Parang bigla akong nalungkot ng maisip na ang dalawa kong anak ay magiging dalaga at binata na rin. Huwag naman sanang masyadong mabilis. Hindi pa ako handa.
“Daddy, bibili kami ni River sa tindahan.” Paalam ni Jordyn na hawak na sa kamay ang kapatid. Naghihintay na sa kanila ang ibang bata.
“Basta huwag tsitsirya ang bibilhin. Biscuit lang, okay?” Bilin ko.
“Yes daddy.” Sabay nilang sabi ni River.
“Kami na ni Cholo ang bahala sa kanila” Kuya Migz.“ Ani Natnat.
Tumango ako at ginulo ang buhok ni Natnat. “Ingatan nyo ang dalawa, ha. Pagkabili iuwi nyo rito sa bahay.”
“Opo Kuya Migz.” Sagot ni Cholo at binuhat si River. Si Natnat naman ay hinawakan sa kamay si Jordyn.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Kahit may bahay na kami sa kabilang baranggay ay bumabalik balik pa rin kami dito sa dating bahay namin. Marami kasi kaming memories dito ni Racquel noong binata at dalaga pa kami. Dito nag umpisa ang love story namin.
“Love, I’m home.” Lumapit ako sa asawa na abala sa kusina kasama ang isa naming kasambahay. Hinawakan ko sya sa bewang at dinampian sya ng halik sa labi.
Humarap sya sa akin at ngumiti sabay haplos sa pisngi ko. Magandang maganda pa rin ang asawa ko at sexy pa rin kahit may dalawa na kaming tsikiting. Nagkalaman lang sya ng kaunti pero curvaceous pa rin. Mas sumarap pa nga sya lalo.
“Nasaan yung dalawang bulinggit?”
“Nasa labas. Bumili sa tindahan. Sinamahan nila Cholo.”
“Naku naman, daddy. Hinayaan mo pang bumili sa tindahan eh kakain na.”
Ngumisi ako. “Hayaan mo na, love. Saka kahit nakakain na sila ng biscuit, kakain pa rin sila ng kanin. Walang inuurungang pagkain ang mga anak natin.”
“Hay naku, ikaw talaga daddy. Masyadong spoiled sayo ang dalawang bata.”
Kumamot ako sa ulo. Guilty ako doon. Spoiled talaga sa akin ang dalawang anak. Hindi ko sila kayang hindian eh.
“Sorry na, love..”
Bumuntong hininga sya at tinapik tapik ang pisngi ko. “Sige na, sunduin mo na sila sa labas at kakain na tayo.”
“Okay. Ano ba ulam? Ang sabi Jordyn shinigang na ipon daw?”
Tumawa sya sa panggagaya ko sa anak.
“Oo, sinigang na hipon at baked liempo.”
“Walang gulay, love?”
“Syempre meron para sa may edad na.” Nakangising sabi nya.
Ngumisi din ako. “May edad pala, ha..”
Hinapit ko sya sa bewang at bumulong sa kanyang tenga. “Yari ka sa akin mamaya, mommy.. Masusundan na talaga si River.”
Napaigtad ako ng kurutin nya ako sa tagiliran. “Akala mo naman uurungan kita. Basta patulugin mo mamaya ng maaga ang dalawa.” Palabang sabi nya at pilyang kumindat sa akin.
Napakagat labi na lang ako kasabay ng pagkislot ng alaga ko sa loob ng aking pantalon. Palaban talaga ang asawa ko at hindi ako inuurungan. Siguradong masusundan talaga ang bunso namin. Yun naman ang napagkasunduan naming dalawa. Ang maraming anak. Lima o anim.
“Sige na daddy, pauwiin mo na yung dalawa at kami’y maghahain na.”
“Yes, love.” Hinalikan ko muna sya sa pisngi bago lumabas ng kusina.
Excited na tuloy akong gumabi na para mapatulog na ang dalawang makulit.
–
DADDY paglati to guto ko den mag dlayb ng jip.“ Nakangusong sabi ni River na nakaupo sa kandungan ko paharap. Ang Ate Jordyn naman nya ay naka sampa sa likuran ko habang nakayakap sa aking leeg.
Ngumisi ako at pinisil ang matabang pisngi ng bunso ko. Kung si Jordyn ay kamukha ko sya naman ay kumukhang kamukha ni Racquel. Carbon copy din silang dalawa. Ang buhok ko lang din ang nakuha nya at kilay.
“Opo. Tuturuan kita mag drive basta laging mabait kay mommy.”
Tumango tango sya at ngumuso. “Baet naman po to eh. Ate lang tulet.”
Sabay na kaming natawa ni Racquel sa bulol na pagsasalita ni River. Hindi talaga namin mapigilan minsan ang matawa kapag nagdadaldal na ang bunso namin.
“Hindi kaya! Baet din ako no. And it’s kulet not tulet.” Sabat ni Jordyn sabay ikot ng mata.
Ginaya naman sya ni River at nag mock face pa sabay tawang mapang asar. Hinayaan lang namin silang magkapatid na mag asaran basta hindi lang magkasakitan. Parehas naman silang malakas mang asar.
May kumatok sa pinto. Lumapit ang isa naming kasambahay at binuksan yun.
“Magandang gabi.”
“Lolo Johny! Junica!” Magkasabay na sambit ni Jordyn at River at nagpaunahang bumaba para lumapit kay Tiyong Jonhny na ama ni Junie. Nagbless sila at niyakap naman ang pinsan nilang si Junica na anak ni Junie at Abi.
Tumayo naman kami ni Racquel at nagmano din.
“Magandang gabi ho, tiyong. Upo ho kayo.” Bati ko at minuwestra ang single sofa.
Nagretiro na bilang ofw si Tiyong Johny dahil may katandaan na. Nagnegosyo na lang sya ng litsunan para may income.
“Gabi na po tiyong, napadalaw pa po kayo? Wala pa po ba sila Junie at Abi?” Tanong ni Racquel at tumingin kay Junica na kalaro na ngayon ni River. Magkasing edad lang sila at mas matanda lang ng dalawang buwan si River.
“Wala pa nga kaya nagmamaktol na yang si Junica. Kaya inutusan ako ng tiyang mo na igala muna rito sa inyo. Ayan, natahimik na.”
“Bakit ang tagal naman po nila?”
“Eh naipit daw sa trapik. Pero malapit na raw sila.”
“Ganun po ba. Mabuti pa nga na dito muna si Junica para malibang.”
“Kumain na ho ba kayo, tiyong?” Tanong ko.
“Oo, katatapos lang namin kumain Migz. Pero may beer ka ba dyan?” Pasimpleng hirit ni Tiyong Johny.
Ngumisi naman ako.
“Naku tiyong, wala po kaming beer. At pagagalitan na naman kayo ni tiyang kapag naamoy nyang amoy beer kayo. Bawal na sa inyong uminom.” Saway ni Racquel.
Napakamot na lang sa ulo si Tiyong Johny na ikinatawa ko.
“Mag wine na lang ho kayo, tiyong. May dala ho ako dyan. Vintage galing Spain.”
“Sige, pwede na yang sosyal na wine.”
Natatawang tumungo ako sa kusina at kinuha ang vintage wine na uwi pa ni daddy at mommy noong bumiyahe sila sa Spain.
“Nandito na ang mamala!”
“Mamala!”
“Aba! Nandito rin pala si Abi liit!”
Lumingon ako sa sala at napangisi ng makitang nagkanya kanya na ng yakap ang dalawa kong anak at si Junica kay Mama Aliza. Kararating lang nya galing sa meet up nila ng mga kumare nya. Retirado na rin si Mama Aliza at dito na nag stay sa Pampanga. Pero paminsan minsan ay lumuluwas ng Manila. Katuwang sya ni Racquel sa pangangisiwa ng mga negosyo namin dito habang ako naman ay abala na sa kumpanya.
Bumalik ako sa sala dala ang vintage wine at apat na kopita. Naabutan ko nang nag uusap si Mama Racquel at Tiyong Johny. Binuksan ko na ang wine at nagsalin sa apat na kopita. Pinagsaluhan namin ang wine habang nagkakamustahan at kwentuhan. Nagustuhan ni Tiyong Johny at Mama Racquel ang wine. Ilang sandali pa ay mas naging maingay ang loob ng bahay nang dumating na ang mag asawang Junie at Abi na sinundan pa ni Chariz at ng asawa nya dala rin ang kanilang anak.
–
Hacienda Alejos..
“HAPPY BIRTHDAY to you..”
Sabay sabay kaming pumalakpak matapos naming kantahan si Lolo Arseño. 83rd birthday nya ngayong araw at nagtipon tipon kaming mga pamilya nya dito sa hacienda para sa munting selebrasyon.
“Happy Birthday, papa.” Unang bati nila mommy, daddy at Tita Noemi sabay yakap kay lolo.
Sunod ay kami naming mga apo ang bumati.
“Happy birthday, ’lo.” Bati ko at yumakap sa abuelo.
“Salamat Juan Miguel. My not so favorite apo.” Nakangising sabi ni Lolo Arseño.
Ngumisi din ako. “May pa ‘not so favorite apo’ pa kayong nalalaman ’lo. Eh alam na alam ng lahat na ako ang pinaka paborito nyong apo.”
Umismid sya. “Tss! Akala lang nila yun.”
Natawa na lang kami.
Asaran ang lambingan namin ni Lolo Arseño. Nakakapag usap lang kami ng seryoso kapag may seryosong pangyayari.
Sumunod namang bumati ang mga asawa namin at inabot na ang mga regalong dala.
“Naku, nag abala pa kayo. Pero salamat. May chicharon ba dito?”
Muli kaming tumawa.
“Bawal po ang chicharon sa inyo, lolo.” Ani Ynna na isa sa kambal ni Yñigo.
Ngumiti si Lolo Arseño at hinaplos ang buhok ng apo sa tuhod. “Ang bait bait naman ng apo ko.”
“May medicine naman si lolo, eh. Kaya pwede syang kumain.” Segunda naman ni Alonzo.
“Kuh! Ito naman ang apo kong kunsintidor.”
“Take care of yourself, lolo. We want you to live longer.” Malambing na sabi naman ni Easton na panganay ni Edward.
“Ang su-sweet naman ng mga apo ko.”
Bumaling naman si Lolo Arseño sa mga anak ko. “And how about you two?”
“Huwag po kayo kakaen ng bawal para di po kayo magkasaket.” Sabi ni Jordyn.
“Wag po itaw tataen titalon pala di po itaw mamatay.” Dugtong naman ni River na ikinatawa naming lahat.
Si Racquel ay napasubsob na lang ng mukha sa braso ko.
“Manang mana talaga sayo ang mga anak mo Juan Miguel.” Ani Lolo Arseño.
“Of course ’lo. I’m their father. Kanino pa ba sila magmamana.” Nakangising sabi ko at hinaplos ang buhok ng dalawa kong anak.
“Malakas pa ang lolo, mga apo. Hindi pa mamamatay.” Natatawang sabi na lang ni lolo at hinaplos ang buhok ni Jordyn at River.
“I wav you yoyo.” Pambawi naman ni River.
“I love you, apo. Mahal na mahal kayo ni lolo.” Madamdaming sabi ni Lolo Arseño at isa isang niyakap ang mga apo sa tuhod.
“O sya, mag si-upo na tayong lahat at lalamig na ang mga pagkain.” Ani Tita Noemi.
Humila ako ng tatlong upuan at inalalayang umupo ang dalawang anak at si Racquel.
“Thank you, daddy.” Bulong ni Racquel.
Ngumiti ako at hinalikan sya sa buhok “You’re welcome, love.”
Masaya kaming nagsalo salo sa mahabang mesa. Bida sa daldalan ang mga apo sa tuhod na maraming baong kwento sa Lolo Arsi nila. Hindi naman nagpatalo sa kwentuhan ang dalawa kong anak lalo na si River na kahit bulol ay sya ang pinaka madaldal kaya naman tuwang tuwa sa kanya si lolo.
“I am so happy na magkakasama tayong lahat ngayong kaarawan ko.” Wika ni Lolo Arseño na may matamis na ngiti sa kanyang mukha habang ginagala nya ang tingin sa aming lahat. Bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha. Tapos na kaming kumain at pinagsasaluhan na lang namin ang wine.
“We are so happy too papa na hanggang ngayon ay nakakapag celebrate pa rin tayo ng birthday mo. Sana ay marami pang birthday mo ang ice-celebrate natin.” Saad ni mommy.
“How I wish Cecil.. Pero matanda na ako at may karamdaman. Hindi natin masasabi kung hanggang kailan na lang ako.”
Natahimik kami sa sinabi ni lolo. Nilukob ng lungkot ang dibdib ko. Simula ng bata pa kami ni Edward, Yñigo, at Elaine ay malapit na malapit kami sa kanya dahil kaming apat lang naman ang mga apo nya. Pantay pantay ang tingin nya sa amin.
Lumingon ako kay Racquel ng pisilin nya ang kamay ko. Ngumiti sya sa akin.
“Pero masaya ako na kasama ko pa rin kayo at nasaksihan ko pa ang paglaki ng pamilya natin. Kontento na ako at wala na akong mahihiling pa.”
“Basta ang hiling lang namin ni Amira ay bigyan pa Nya kayo ng lakas ng pangangatawan para mas makasama pa namin kayo ng matagal, ’lo.” Sambit ni Yñigo at tumingin sa asawang si Amira.
“Just follow your doctor’s advice and avoid things that are not allowed for you, siguradong aabot pa kayo ng 100 years old, ’lo.” Dagdag pa ni Edward.
“Sya nga naman ’lo. Dapat umabot kayo ng 100 years old para maclaim natin ang 100 thousand. Sayang din yun.” Biro ko pa at muling nagtawanan ang lahat.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Lolo Arseño. Kinurot naman ako sa hita ni Racquel.
“Loko ka talaga sa lolo mo.” Bulong nya.
“Pinapasaya ko lang si lolo, love.” Nakangising sabi ko.
“Ewan ko sayo. Hinay hinay lang sa biro baka mapikon mo yan, atakehin yan sa sama ng loob.”
Natawa na lang ako sa sinabi ng asawa.
Never namang napikon sa akin si lolo. Malakas din naman syang mang asar sa akin.
Tumuwid ng upo si Racquel at malakas na tumikhim. Lumingon ako sa kanya. Para syang may gustong sabihin.
“May problema ba, love?” Bulong ko. Nakatingin na rin kasi sa kanya ang mga kasama namin sa mesa.
“Wala, love. Pero may sasabihin ako.”
Tumaas ang kilay ko. “Ano yun?”
Ngumiti sya at kumindat sa akin. “Isang surpresa.”
Tumayo sya at ngumiti sa mga kasama namin sa mesa. “Okay guys, I have an announcement. And I’m sure matutuwa si Lolo Arseño.”
Humawak ako sa bewang ni Racquel. Curious ako kung anong announcement ang sasabihin nya.
“Anong announcement ba yan, iha? Hihiwalayan mo na ba si Miguel?” Birong tanong ni lolo.
“’Lo naman, huwag ganyang biro.” Protesta ko. Sensitive ako kapag binibiro ako na maghihiwalay kami ni Racquel. May takot sa puso ko.
Ngumisi si Lolo Arseño. “Kuh, nakahanap ka nga talaga ng katapat mo. Ano bang announcement yan, iha?”
Binuksan ni Racquel ang sling bag nya at may dinukot. Umawang ang labi ko nang makita kong pt ang hawak nya. Pinakita nya yun kay Lolo Arseño at sa lahat.
“I am pregnant again, lolo. Magkakababy ulit kami ni Migz.” Anusyo nya na ikinasinghap ng lahat.
Umawang naman ang labi ko kasabay ng paglukso ng puso ko.
“Seriously, love?” Tanong ko.
Ngumiti sya sa akin. “Yes, daddy. Buntis ulit ako. Magiging tatlo na ang anak natin.” Binigay nya sa akin ang pt at agad ko naman yung kinuha. Tinitigan ko ang kulay pulang dalawang guhit.
“Ang bilis naman.” Saad ni Mona.
“Naunahan nyo pa kami ni Ate Mona.” Segunda naman ni Amira.
“Ganun talaga. Masipag kami ni Migz eh.” Nakangising sabi pa ni Racquel.
Malakas na tumawa si Lolo Arseño. “Napakaganda ng surpresa mo, iha. Aba’y madadagdagan na naman ako ng makulit na apo sa tuhod. Ngayon pa lang excited na akong lumabas sya.”
Bumalik sa upuan si Racquel. “Gusto po kasi namin ni Migz ng maraming anak, lo. d Dahil parehas po kaming only child.”
Tumango tango si lolo. “Maganda yan. Malaking pamilya, mas masaya.”
“Congratulations mga anak.” Bati ni mommy at daddy sa amin ni Racquel.
“Congratulations couz.” Bati rin sa akin ni Edward na tinapik pa ako sa balikat. Ngunit natigilan sya at tinitigan ako. “Wait, are you crying?”
Nag iwas ako ng tingin at pasimpleng suminghot. “H-Hindi ah!”
“You’re crying Migz.” Buyo pa ni Yñigo.
At inulan na nila ako ng panunukso habang ang asawa ko naman ay tinatawanan lang ako. Kung wala lang mga bata pinagpapakyu ko na ang dalawa kong pinsan na malakas ding mang asar.
“Are you happy, daddy?” Bulong ni Racquel.
Muli akong suminghot. Noong isang araw ay pinag uusapan lang namin na susundan na namin si River. Tapos ngayon ay buntis na sya.
Hinawakan ko ang kamay ni Racquel. “Sobra, love.. Pero kelan mo pa nalaman na buntis ka?”
“Kaninang umaga lang. Hindi ko agad sinabi sayo dahil gusto kitang surpresahin pati na si Lolo Arseño at sila mommy at daddy.”
Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalik halikan sa buhok. Ngayon ay kailangan kong magpursige pa lalo dahil lumalaki na ang pamilya ko.
“Thank you, love..” Anas ko.
“You’re welcome, daddy. Magiging lima na tayo.”
Kumalas na ako ng yakap sa kanya at pasimpleng pinahid ng daliri ang luha sa gilid ng aking mata. Pagdating talaga sa mga anak namin ay hindi ko mapigilang maging emosyonal.
“Daddy, mommy.” Lumapit na sa amin si Jordyn at River.
Kinandong ko si Jordyn at si River naman na may hawak pang tempura ay kinandong ni Racquel. Sabay pa naming hinalikan sa buhok ang dalawa naming anak. Excited na ako dahil magiging tatlo na sila. Mas lalo pang magiging masaya ang pamilya namin ni Racquel..
WAKAS
Isang kwento na naman ang nagtapos. Mixed feelings na naman ako. Masaya na malungkot 🥹 Pero ganun talaga. May magtatapos na kwento at meron ding magsisimula. Kaninong kwento kaya ang susunod? Abangan! 😉
Maraming salamat guys sa wala nyong sawang pag abang lagi ng update kahit minsan late ang update. Kitakits ulit tayo sa susunod na kwento ♥️

