loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
🌈MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS WITHOUT HIM KNOWING [Ongoing]

🌈MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS WITHOUT HIM KNOWING [Ongoing]

cutiecane23 Β· 6 chapters Β· 12,227 words

Front Page

Disclaimer

All characters appearing
in this work are fictitious.
Any resemblance to real
persons, living or
dead, is purely
coincidental.

β€œNo to plagiarism”

Date Started:
Nov. 11.2022

Date Ended:

Status:
Ongoing

Β©2022Cutiecane23

Chapter 1

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER γƒΎ(οΌΎ-οΌΎ)γƒŽ

3RD PERSON’S POV

β€œOKAY! CUT! GOOD JOB EVERYONE!”

Nang marinig ang malakas na sigaw ng direktor ay mabilis ring napatigil si Gabe sa pagtakbo. Ang hudyat na iyon ang nagsasabi na tapos na ang scene na kanilang ginagawa.

Dahil rin sa pagod kaya naitaas niya ang laylayan ng suot na t-shirt para ipahid sa mukha. Ang paglabas naman ng kanyang katawan sa madla ang naging dahilan upang marinig ang matinis at di magkamayaw na sigawan mula sa mga sibilyan na nanunuod sa gilid ng set. Napangisi tuloy siya at nagawa pang kindatan ang mga kababaihang nandito.

β€œAMAZING! Ang galing no’n, Gabe! Malaki talaga ang improvements mo!”
hiyaw muli ng direktor habang naka thumbs up pa sa kanyang dereksyon.

Ngumiti naman siya nang tipid at hindi gaanong ipinahalata ang pagod na nararamdaman habang swabe pa rin na naglakad palapit sa direktor.

β€œSalamat direk,”
yumuko pa siya nang bahagya upang ipakita ang masinsin niyang pasasalamat.

Hindi pa siya ganoong katagalan dito sa industrya ng pag arte, pero dahil sa mga fans na sumusuporta at magagaling na direktor na kumukuha sa kanya bilang actor kaya mabilis siyang sumikat at nakilala.

Ilang teleserye na rin ang kanyang pinagbidahan at ngayon naman ay sa pag gawa ng pelikula siya naka-focus. Katulad ngayon, ang kanyang role ay isang bida sa action-romance movie na tungkol sa lalaking myembro ng isang organized crime group.

Dahil sa tangkad at well built niyang katawan kaya naman sa halip na puro drama at mellow na story ang napapabigay sa kanya, mas kinukuha siya bilang isang action star.

Wala naman siyang reklamo doon sapagkat pangarap niya mula kabataan ang maging isang artista. At ang magkaroon ng ganitong role ang isa sa kanyang mga nais na gawin noon pa man.

Mula sa kanyang peripheral vision pansin pa niya ang masaya at tuwang-tuwang ekspresyon ng ibang taong narito. Crew man o mga normal na bystander.

β€œTunay nga iyong balita, napaka bait at professional pala talaga ni Gabe pagdating sa trabaho, hindi kagaya ng ibang mga artista.”

β€œSinabi mo pa, at saka super duper gwapo pa! Kya!!!”

Mula sa kanyang isipan ay halos masamid na siya dahil sa malakas na pagtawa. Syempre naman, gagawin niya ang lahat wag lang masira ang reputasyon na meron siya. Hindi isang issue tulad nito lamang ang sisira sa kanyang career.

Naririnig niya noon pa man ang usap-usapan tungkol sa kanyang ugali, syempre ngayon dapat ipakita niya na mali ang iniisip ng ibang tao tungkol sa kanya. Kahit sa harap lamang ng publiko at ng camera.

Matapos siyang purihin ng direktor dahil sa bilis niyang mag memorize ng mga lines at magandang performance ay nagpaalam na rin ito.

Si Gabe naman ay bumalik na sa kanyang tent upang magpahinga, habang papasok ay sinalubong pa siya ng kanyang personal assistant na si Jeni.

β€œGabe ito ang towel oh.”

β€œHm, salamat ate,”
tipid niyang sagot at saka pasalyang umupo sa kanyang silya.

Nang masigurong wala nang nakapalibot sa kanyang mga tao. Nagpakita na ang hindi maipintang ekspresyon sa kanyang mukha.

β€œTss, ang tatamad ng mga crew dito at mukha pang engot ang direktor.”
Inis niyang hinubad ang damit at nagpunas ng katawan.

β€œShh, chill ka lang dyan Gabe, baka marinig ka pa ng iba,”
natatawa pang bulong sa kanya ni Jeni. Sanay na ito sa kanyang ugali kaya naman hindi na ito nagugulat kapag ganito ang kanyang pananalita.

β€œPaano ba naman ate, hindi muna inayos ang set bago tayo pinapunta dito kaya naman inabot na ng katanghalian ang shooting. Ang init kaya tapos ang dumi pa sa squatter’s area na iyon.”
Hindi mapaglagyan niyang reklamo habang patuloy sa ginagawa.

β€œOops, nawawala ang goodboy image mo, relax lang. Mukhang tapos na naman ang mga scene mo,”
anito pa sabay abot sa kanya ng malinis na damit bilang pampalit.

β€œDapat lang,”
kunot-noo pa rin niyang tugon dito. Mabuti na rin at tapos na ang kanyang trabaho dito sapagkat marami pa siyang nakalinyang trabaho tulad ng interview at mga talk show na dapat puntahan.

β€œSige, dadalhin ko lang itong ibang gamit mo sa van para makaalis na tayo,”
paalam pa nito sa kanya.

Nang makaalis ito ay tuluyan na siyang napasandal sa kinauupuan, naipikit rin niya ang mga mata dahil sa pagod at antok na nararamdaman.

Hindi nagtagal at nakabalik na rin ang kanyang P.A kaya dumeretso na sila sa kanyang van. Habang nasa byahe ay biglang nagsalita ang kanyang manager/ driver na si kuya Rod.

β€œGabe, hindi ka pa pwedeng pumunta sa sunod mong schedule.”

β€œHa? Bakit?”
seryoso naman niyang ani, mapapansin rin ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay.

β€œBumalik daw muna tayo sa XX company, may pag uusapan daw kayo ni Chairman,”
tugon naman nito.

β€œOkay,”
walang laban niyang pag sang ayon.

β€˜Kung tungkol na naman sa mga endorsement projects ang pag uusapan namin, ilang beses ko ba kailangang tumanggi,’
napapabuntong hiningaΒ  niyang ani habang nakasilay sa labas ng bintana.

Dahil mas gusto niyang mag focus sa pag aartista kaya naman hindi siya tumatanggap ng ibang project bukod doon. Mayaman na siya dahil sa negosyong pagmamay ari kaya naman hindi na niya kailangan pa ng extrang trabaho sapagkat kaya lamang naman siya napunta sa industry ay para umarte dahil iyon ang passion niya noon pa man.

β€˜Pag acting at negosyo, yan lang dapat ang pinagkaka abalahan ko, wala nang iba.’

Makalipas ng ilang sandali ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon. Kahit pagod at antok ay swabe pa rin siyang lumabas sa kanyang sasakyan para fresh pa rin siya kapag nakita ng mga fans at paparazzi.

Alam niyang may nakatago laging paparazzi sa labas ng kanilang station, nagbabantay para kumuha ng litro ng mga artista na dumadating.

Nagmadali na silang pumasok sa building at sumakay ng elevator patungo sa pinakamataas na floor kung nasaan ang opisina ng Chairman ng kumpanya.

Hindi pa siya nakakapasok ay maririnig na ang boses ng mga taong nag uusap sa loob ng silid.

β€œDon’t worry, walang makakaalam ng lahat.”

Kunot-noo at nag tataka siyang napatigil sa labas ng pintuan nang marinig ang pahayag na iyon. Ang nakakagulat pa ay pamilyar ang boses ng taong pinanggalingan ng pahayag na iyon.

β€œIt can’t be,”
bulong niya sa kanyang sarili at mabilis na binuksan ang pintuan ng opisina.

β€œLo, what are you doing here?”
Nabigla siya sa nakita ngunit hindi nagulat sapagkat alam niyang sa kanyang Lolo galing ang boses na narinig kanina.

β€œHm, I’m just paying you a visit, apo. Masama ba iyon?”
malumanay naman nitong sagot matapos harapin siya ng mas maayos.

Magkaibigan ang kanyang Lolo at ang matandang Chairman ng entertainment company na kanyang pinagta trabahuhan.

β€œNope, pero alam kong hindi kayo susugod dito nang walang dahilan,”
seryoso pa niyang ani at nagawa pang pag krusin ang dalawang braso sa kanyang dibdib.

β€œYou’re really sharp. Of course there’s that too,”
napapangiti pa nitong saad habang may inaayos na mga papeles sa mesa.

Ang Chairman naman na si Mr. Himitsu ay patingin-tingin lamang sa kanilang pag uusap. Maya-maya pa nga ay nagpaalam na ito na may gagawin kaya lumipat ito ng kwarto para umattend ng meeting.

β€œBye, ninong,”
magalang na niyang saad matapos mag mano dito. Ngumiti lamang naman ang matanda at tinapik-tapik ang kanyang balikat.

Nang makalabas na ito, muli ay namutawi ang inip na ekspresyon sa kanyang mukha.

β€œSabihin n’yo na dahil busy pa ako.”

Napatango-tango lamang naman ang kanyang Lolo habang abala pa rin sa ginagawa sa table.

β€œRemember when you beg me for you to be an actor?”
anito at hindi man lang siya binigyan ng isang sulyap.

β€œYeah, pero bakit kailangan n’yo pang ipaalala ngayon?”
nagtataka naman niyang ani. Ilang taon na rin nang hilingin niya ang bagay na iyon sa kanyang Lolo.

β€œYou told me that I owe you one favor, right?”

Napapitlag siya at bahagyang nakaramdam ng kaba dahil sa pahayag nito, pero hindi niya iyon ipinahalata at maangas pa ring pinanatili ang matikas na tindig habang nakikipag usap dito.

β€œYes, pero kung tungkol na naman yan sa mga endorsement project at merging ng business sa ibang bansa, alam nyong wala akong interes,”
malamig niyang saad.

Dahil magkaibigan nga ang kanyang Lolo at ang Chairman kaya ilang beses na rin siyang kinulit nito gamit ang kanyang Lolo, ngunit sa huli ay hindi sila nagtatagumpay.

β€œMn, paano kung sabihin ko na wala sa mga sinabi mo ang pabor ko,”
anito na sinamahan pa ng isang misteryosong ngisi.

Nakaharap na rin ito sa kanya habang hawak ang isang envelope na hindi niya alam kung anong laman. Dahil sa pagpapaligoy-ligoy nito at sa kabang nararamdaman kaya siguro mabilis na uminit ang kanyang ulo.

β€œAno ba talaga ang kailangan n’yo,”
nag ngingitngit niyang hasik dito.

β€œIt hurts apo, ganyan ka na ba makipag usap sa lolo mo?”
Umarte pa ito na tila ba ay nasasaktan habang nakalagay ang kamay sa dibdib.

Nang makita ang malungkot na ekspresyon ng kanyang Lolo ay mabilis siyang kumalma. Mula kabataan ay ito lamang ang kanyang kasama hindi dahil nasawi sa isang aksidente ang kanyang mga magulang kung hindi nagbuhay dalaga at binata na ang dalawa matapos makalaya sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.

Naaalala pa lamang niya ang mga litratong ipinapadala ng kanyang Ma at Pa tungkol sa magagandang lugar na pinupuntahan ng mga ito ay isang iling na lamang ang kanyang nagagawa.
β€˜Inabanduna na ako ng mga easy-go-lucky kong mga magulang.’

β€œHays, oo na. Ano ba ang gusto n’yo at pag iisipan ko.”

β€œGood to hear that, but I need your response right here, right now.”

Lalo naman napakunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka sapagkat tila ba ay desperadong-desperado ang kanyang Lolo sa pabor na sinasabi nito.

β€œAno yan?”
tanong pa niya sa brown envelope na iniaabot nito sa kanya.

β€œBasahin mo nang malaman mo?”
Nakangiti nitong ani, ngunit hindi makakalampas sa kanyang pandinig ang pagiging sarkastiko nito.

Inis niyang binuksan ang envelope at kinuha ang mga papel na nasa loob no’n. Unang tiningin pa lamang niya ay matinding pagtataka na ang kanyang nararamdaman lalo na ng mabasa ang mga nilalaman ng bawat pahina.

β€œAre you kidding me, Lo? Hindi pa malabo ang mata ko, pero may mga salita sa papel na ito ang hindi ko naiintindihan,”
eksahirado niyang giit at marahas na ipinakita ang mga papel sa kanyang Lolo.

β€œBakit hindi mo basahin ulit?”
napapakibit-balikat pa nitong ani.

Dahil sa carefree nitong galaw at pagsasalita na para bang hindi mahalaga ang gusto nitong mangyari ang muling pumutol sa kanyang pasensya.

β€œBullshit! Wag n’yo akong gawing tanga. Wala pa akong balak magpakasal nang ganito kaaga, lalo na at ngayon pa lamang dahan-dahan na nakikilala ang pangalan ko.”
Hindi na rin niya nagawang pigilan ang sarili na hindi magtaas ng boses matapos galit na itapon sa sahig ang mga papel na hawak.

β€œBut, favor is a favor, apo. Don’t tell me you broke your words,”
kaswal nitong saad na lalong nakapagpadagdag sa galit na kanyang nararamdaman.

β€œI’m not, may balak akong mag asawa, pero hindi ngayon!”
paliwanag pa niya habang nakayukom ang mga kamao.

β€œPero, hindi ko rin naman hinihingi ang opinion mo.”

β€œAnon----”
nagpupuyos sa galit niyang ani ngunit hindi na niya natuloy ang sasabihin nang marinig ang seryoso at malalim na boses mula sa kanyang Lolo.

β€œGo and pick it up,”
walang halong pagbibiro nitong ani.

β€œYou wish. Old man,”
nakangisi pa niyang ani at binigyan pa ng dirty finger ang matanda bago mayabang na tumalikod para umalis.

Ngunit maagap siyang napatigil sa paglalakad dahil sa sumunod na nangyari.

β€œGo. And. Pick. It. Up. Gabriel.”

Nang marinig ang sinabi nito ay ilang beses rin niyang naalala kung gaano ka-strikto ang kanyang Lolo kapag tunay itong nagagalit. Medyo napapangawi pa siya nang maalala kung gaano kasakit ang palo nito.

Napatingala siya at malalim na huminga bago muling humarap sa kanyang Lolo. Nakayuko pa siyang bumalik at masunuring pinulot ang lahat ng papel at marahang lumapit sa kinalalagyan ng kanyang Lolo.

β€œGood, now sign it,”
saad pa nito na nakapagpatunghay sa kanya.

β€œPero Lo naman, alam n’yong hindi pwedeng lumabas ang balita na kasal na ako,”
pagmamaka awa pa niya. Ayaw pa niyang mapalo ng wala sa oras kaya kailangan niyang maging mabait.

β€œDon’t worry walang makakaalam nito, apo,”
nakangiti pang anito sa kanya.

Biglang nagbalik sa kanyang isipan ang narinig na usapan bago siya pumasok sa kwartong ito. Mukhang pumunta ang kanyang Lolo rito upang kumbinsihin rin ang kaibigan nitong si President Himitsu.

May pagdududa naman siyang tumingin dito sabay turo sa lalaking kanina pa atang nakapanuod sa kanila. Dahil sa inis at galit kanina kaya hindi niya napansin na may ibang tao pa pala sa kwartong ito.

β€œAh, don’t mind him, he’s the attorney for your marriage.”
Balik na muli ang masayahin at kalmadong aura ng kanyang Lolo.

Naiisip pa lamang niya ang salitang kasal ay para bang bumabaligtad na ang kanyang sikmura. Hindi sa tutol siya sa pag aasawa at pagpapakasal, pero hindi ganito kaaga at ang gusto niyang pakasalan ay ang babae na tunay niyang mamahalin. Yung maganda, sexy, magaling magluto at syempre loyal. Hindi ang mga biglaan na katulad nito.

β€œPsh, I don’t even know what that woman looks like,”
bulong pa niya habang naghahanda na sa pagsulat sa marriage contract.

β€œWag kang mag alala, makikilala mo din siya, masyado ka naman atang excited,”
pang aasar pa nito.

β€œLo, this is absurd--- I can’t---”
napapailing pa niyang ani. Hindi talaga niya kaya. Kapag pinermahan niya ito, alam niyang magbabago na ang kanyang buhay.

β€œDo you still want to stay on this industry or not?”

β€œWhat the--- seryoso ba kayo?”

Hindi ito nagsalita o sumagot man lang, pero ang ekspresyon sa mukha nito ang tunay na nagsasabi ng sagot sa kanyang katanungan.

Halos sabunutan na niya ang kanyang buhok dahil sa frustration na nararamdaman. Ayaw niya at talagang labag sa kanyang kalooban ngunit pangarap niya ang nakasalalay dito.

Para kay Gabe ang salita ng kanyang Lolo ay parang isang batas, isang mabisa at marahas na batas. Kung anong sabihin nito ay mangyayari ano man ang mangyari. At alam niyang kapag ito na ang humadlang sa kanyang kagustuhan na maging artista, siguradong sa kangkungan siya pupulutin.

Kahit paano, kahit sa pinakadulo ng kanyang konsensya, may tiwala pa rin siya sa kanyang Lolo na hindi siya nito ipapahamak.

Lakas loob, pero nanlulumo niyang pinermahan ang gusot na marriage contract.

Kahit nakasimangot ay nagawa niyang permahan ito, pero bago maibaba ang ballpen na hawak ay may isang bagay na kanyang napansin.

Ang pangalan ng kanyang mapapangasawa.

β€œDamien Vallejo?”

β€œOh yes, he will be your wife from now on,”
ngiting-ngiti pang ani ng kanyang Lolo at nagawa pang mag thumbs up sa kanya.

β€˜Lalaki—’

β€˜Lalaki…’

β€˜LALAKI!?’

β€œFUCK!!!!!”

Chapter 2

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER γƒΎ(οΌΎ-οΌΎ)γƒŽ

3RD PERSON’S POV

β€œ---r. D’Angelo.”

β€œSir!”

Isang nakakagulat na hampas sa kanyang mesa ang gumising sa pagkatulala ni Gabe.

β€œHm? What’s the matter?” kunot-noo naman niyang tanong sa kanyang secretary. Wala siyang schedule ng shooting ngayon kaya sa opisina ang kanyang bagsak.

β€œYour meeting will be rescheduled at 2 in the afternoon today,” walang emosyon na saad nito sa kanya.

β€œI see,” tipid niyang tugon at saka sinenyasan ang dalaga na pwede na itong lumabas. Muli ay blangko lamang siya nitong tiningnan at yumuko nang bahagya bago umalis.

Habang pinagmamasdan ang paraan ng paglalakad, gano’n din ang magandang kurba ng katawan nito ay hindi niya napigilan na hindi mapasipol ng bahagya.

Ganyang mga babae ang kanyang gusto, kung hindi nga lamang parang robot at isang manikang walang emosyon ang kanyang sekretarya ay matagal na niya itong pinatulan.

Kaya naman hindi talaga niya maintindihan ang balak ng kanyang Lolo. β€˜Tingin ba ni Lolo sa akin ay bading? Bakit niya ako ipinakasal sa Damien na iyonβ€” wait,’ napatigil siya sa pag iisip nang maalala ang isang mahalagang bagay.

β€œApo, pumunta ka sa townhouse mo sa tagaygay, doon ko sayo ipapakilala ang asawa mo.”

Ang masaya at malapad na ngiti ng kanyang Lolo habang sinasabi ang bagay na iyon ang lalong nakapagpasakit ng kanyang ulo.

β€œSeriously? Ngayon nga pala ipapakilala ni Lolo ang lalaking iyon,” parang baliw pa niyang ani habang nakahawak sa kanyang buhok na kanina pa niyang gustong sabunutan dahil sa kakaibang inis na nararamdaman.

Habang naghihintay ng kanyang susunod na conference meeting, napasandal si Gabe sa kanyang swivel chair at napatitig sa kisame. Sinubukan niyang isipin ang itsura ng lalaking mula kahapon ay asawa na niya.

β€˜Wife ang sabi ni Lolo, ibigsabihin baka medyo feminine ang Damien na iyon. Pero kahit mukha man siyang babae o hindi, ayaw ko pa rin, lalaki pa rin siya,’ gigil na saad niya sa kanyang sarili habang marahan na hinihilot ang sintido.

Minsan talaga hindi rin niya mawari kung anong mga bagay ang tumatakbo sa isipan ng kanyang Lolo.

β€˜Baka naman nagkaka Alzheimer’s disease na kaya kung ano-anong naiisip.’ Napailing na lamang siya upang pigilan ang sarili na hindi mapatawa.

β–Όβ–³β–Όβ–³β–Όβ–³β–Όβ–³

DUMAAN nang kay bilis ang buong maghapon ni Gabe, ngayon ay nagmamaneho na siya patungo sa private house niya sa tagaygay. Tago ang lugar na iyon at mahigpit ang security kaya naman walang paparazzi na nakakalusot.

Ang village na kinatatayuan ng kanyang townhouse ay pagmamay ari ng kanyang Lolo kaya lalong mas secure ang kanyang pakiramdam sa pagbisita doon. Ngayon nga habang nasa gitna ng byahe ay nakailang tawag na ang kanyang makulit na Lolo upang ipaalala ang mahalagang diner na magaganap.

β€œYes, I’m on my way, Lo. Wag kayong mag alala, sisipot ho ako,” saad pa niya, at napadasal na sana ay makumbinsi na niya nito.

β€œGood, aasahan namin ang pagdating mo,” tugon pa nito bago maputol ang tawag.

Napabuntong hininga na lamang siya habang nakatutok sa daan ang paningin. Medyo malapit na siya sa kanyang destinasyon kaya naman may kaba na namang nagsisimulang magparamdam sa kanya.

β€œNope! This can’t be.” Napailing pa siya nang ilang beses habang papasok sa village. Hindi dapat siya kabahan, isa siyang artista, gwapo at mayaman, malakas ang karisma at maganda ang katawan. Wala siyang dapat ikatakot.

Sa halip ay napangisi na lamang siya sabay bulong ng.. β€œMy dear wife, ikaw dapat ang kabahan sa presensya ko.”

Ngayong medyo nakabawi na siya at mataas na ulit ang confidence sa sarili kaya naman wala siyang sinayang na oras at mabilis, pero astig na lumabas sa kanyang sports car na sinasakyan.

Matapos makapasok sa malaki at mataas na gate ay binagtas naman niya ang malawak na garden at front yard bago pa makarating sa pinto ng townhouse na pagmamay ari.

Hahawak na sana siya sa doorknob ng pinto nang bigla na lamang itong bumukas. Mukha ng masaya at excited na Lolo niya ang unang bumulaga siya kaya medyo napa atras siya sa gulat.

β€œApo! Mabuti narito ka na. Halika, halika pasok,” maligaya pa nitong ani na halos bitbitin na siya maipasok lang sa loob ng bahay.

β€˜Masyado naman atang excited si Lo,’ isip-isip pa niya habang inaayos ang nagusot na sleeve ng suot na polo.

β€œNga pala, si Damien ang naghanda ng dinner kaya siguradong magugustuhan mo iyon,” ngising-ngisi pa nitong anunsyo.

β€œHow could you possibly so sure about that?” bored pa niyang tugon habang naglalakad sila patungo sa dining area. Mukhang walang sasayanging oras ang kanyang Lolo para maipakilala agad sila sa isa’t isa.

Sa totoo lamang ay wala siyang inaasahan at pakialam kung ano at sino ang lalaking pinakasalan niya sapagkat wala rin naman siyang balak na makasama ito. Kaya lamang siya dumalo sa gabing ito ay dahil sa kakulitan ng kanyang Lolo. Siguradong hindi siya patatahimikin nito kung hindi siya sisipot.

Pero sa halip na sumagot ang matanda sa kanyang pahayag ay lumingon lamang ito sa kanya at ngumisi. Napataas naman ang kanyang kilay dahil sa pagtataka.

Dahil wala naman siyang ideya sa ibigsabihin ng ngisi na iyon kaya napakibit balikat na lamang siya. Hindi na nga nagtagal at nakarating na rin.

Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang maraming pagkain na nakahayin sa malaki at malapad na mesa.

β€œWhat can you say?” mapag asar pang ani ng matanda sabay taas-baba ng dalawang kilay.

Napalunok na lamang siya nang wala sa oras sapagkat tunay na masasarap tingnan lahat ng pagkain na narito, hindi lamang iyon. Lahat ng nakahayin ay paborito niya. Sure siya na sa Lolo niya galing ang impormasyon kaya nailuto ito ng misteryoso niyang asawa.

Habang nakatayo doon ay pasimple siyang napalingon sa paligid, wala kasing ibang tao doon, at nakakapagtaka rin sapagkat napakatahimik ng buong bahay.

β€œMaupo ka na apo, tatawagin ko lamang si Damien,” paalam pa nito sa kanya.

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy na lamang sa pag upo sa harap ng napakaraming pagkain na ito. Habang naghihintay ay medyo napahugot siya ng malalim na hininga.

Matakaw siyang kumain kaya naman gusto niya kung magkakaroon siya ng ka relasyon ay magaling dapat itong magluto, sabi nga nila β€œFood is way to a man’s heart.”

β€˜Tapos ngayon sasabihin n’yo sa akin na ang lalaking iyon ang nagluto ng lahat ng ito?’ saad pa niya sa kanyang isipan habang nakasilay sa mga pagkain na halatang home made at hindi basta inorder kung saang restaurant.

Habang nagco- contemplate pa siya kung anong gagawin at iisipin ay bigla namang may dumating na tao.

Mula sa pagkakahalong-baba ay napalingon siya. Nakatayo lamang ito sa may pinto ng dining area. Hindi pumapasok at gumagalaw.

Sandali lamang niya itong binigyan ng tingin at muling iniwas na rin agad habang napapaisip ng…

β€˜Bago na naman atang bodyguard ni Lolo.’ Matangkad at malaking lalaki ang taong dumating. Maskulado rin ito na tila ba ay regular na bumibisita sa gym. Hindi nakakatakot ang muscle, sakto lang para masabing sexy base na rin sa fit na sweat shirt na humuhubog sa katawan nito. Kung tungkol naman sa mukha, medyo napataas ang kanyang kilay dahil parang hinugot ito sa isang sikat na Hollywood movie.

Iyon bang mga gwapo at intimidating na bodyguard ang dating, ganoon pa niya ilarawan ang nakikita. Ngunit, bukod sa tangkad at malaki nitong katawan may isa pang bagay siya na napansin. Mabilis siyang napaiwas ng tingin dito nang mapansin ang dilaw nitong mga mata na derektang nakatitig sa kanya.

Napabaling tuloy ang atensyon niya sa kanyang katawan at braso. Hindi naman iyon kaliitan sapagkat alaga rin niya ang pagpapaganda ng kanyang katawan para sa mga role na nangangailan ng ganoong visual. Tulala pa siya dahil sa malalim na pagmumuni-muni nang biglang dumating ang kanyang Lolo, ngunit wala itong kasama.

Nagtaka naman siya, pero hindi niya maipaliwanag ang naramdaman nang magliwanag ang mukha ng matanda matapos tumingin sa matangkad na lalaking unang dumating dito sa dining area.

β€˜Wait—’ gulat niyang turan sa sarili habang pinanlalakihan ng mata. Unti-unti na kasi niyang naiintindihan ang lahat.

β€œApo, meet ---”

β€˜No!’ sigaw niya muli sa kanyang isipan.

β€œ----Damien, your wife,” maligayang pakilala ng kanyang Lolo.

β€˜Ugh fuck, for real? Baka nga mabasag ang bungo ko kapag inihampas sa dibdib niyan,’ napapangiwi pa niya saad sa isipan.

β€œWhat?” turan muli ng kanyang Lola dahil sa katahimikang namayani sa buong lugar.

β€œGabe, come on, greet him,” pag uudyok pa ng matanda.

Kahit medyo kinikilabutan dahil sa itsura ng taong nakatalaga bilang kanyang asawa ay pinanatili niya ang sarili na mag mukhang kalmado. Walang emosyon siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at lumapit.

β€œGabriel D’Angelo, nice meeting you pre,” saad pa niya.

Mula sa kanyang gilid, napahampas pa sa mukha ang kanyang Lolo.

β€˜Anong gusto mo, Lo? Honey ang itawag ko sa mukhang gangster at bodyguard na β€˜yan?’ sarkastiko niyang ani sa kanyang isipan.

Hindi naman niya inaasahan ang sumunod na mangyayari nang mahawakan na ng intimidating na lalaki ang kanyang kamay.

Halos mapapikit siya dahil sa nakakasilaw nitong ngiti, kahit ang paligid ay parang mas nagliwanag nang lumabas na ang maganda at malapad nitong ngiti sa labi.

β€œHi, ako si Damien Vallejo, nice meeting you too, Gabriel,” masayang-masaya nitong ani habang mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay.

Dahil sa kakaibang epekto ng personalidad na meron ito na talaga namang napakalayong sa itsura tunay nitong itsura ay para siyang nahipmotismo at ni ang magsalita ay hindi niya nagawa.

Alam niyang ang panlabas na itsura ay hindi basehan kung sino talaga ang isang tao, sapagkat kahit siya. Ang personality na kanyang ipinapakita sa publiko ay kabaligtaran ng tunay niyang ugali, ngunit sa oras na ito lamang talaga niya napatunayan ang sikat na katagang… β€œDon’t judge a book by it’s cover.”

β€œSana magustuhan mo ang lahat ng niluto ko,” ngiting-ngiti pa rin nitong ani at hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak sa kanya.

Mabilis siyang napatighim nang magising sa katotohanan. Marahas niyang binawi ang kamay at walang emosyon na bumalik sa kanyang kinauupuan kanina. Pero sa katotohanan napatawa siya nang palihim sapagkat hindi bagay sa itsura at malalim nitong boses ang personalidad nito.

Pansin naman ang gulat at lungkot sa mukha ni Damien lalo na nang mapasulyap siya sa kanyang harapan kung saan ito nakaupo.

β€˜Wag kang makukunsensya, wala ka naman talagang konsensya, Gabe. Bukod pa ro’n hindi mo kilala ang taong yan, at saka wag mo sabihing nagbabago na rin ang type mo?’

β€˜Of course not, babae ang gusto ko no,’ gigil na usal niya pabalik sa nababaliw na niyang utak.

β€œApo, kain na, nag effort si Damien na iluto ang lahat ng ito.”

β€œMn,” tipid niyang himig bago kumuha ng kaunting portion ng bawat putahe na meron sa mesa.

Kanina pang sarap na sarap ang kanyang Lolo sa pagkain, habang napansin naman niyang nakatitig lamang sa kanya si Damien na parang hinihintay ang magiging reaksyon niya sa mga pagkain.

Kaya naman lalo siyang nakaramdam ng pagkailang, pero para matapos na, mabilis niyang isinubo ang kutsarang kanina pang hawak. At halos maging angel na talaga siya tulad ng kanyang pangalan at makarating sa langit dahil sa sarap ng timpla at tamang pagkakaluto ng garlic butter stake na iyon.

Pero, bago pa lumitaw sa kanyang mukha ang paghanga dahil sa galing nito sa pagluluto ay muli siyang tumighim bago magbigay ng komento. β€œHm, it tastes fine,” tipid niyang pahayag.

Kahit hindi niya sinabi ang tunay niyang nararamdaman at kahit halos wala siyang reaksyon nang matikman iyon ay hindi nakahadlang kay Damien para hindi ito maging masaya at ngumiti ng napakaganda.

Kung gwapo na si Damien kapag seryoso, hindi mapigilan ni Gabe na isiping cute din ito, iyon ang isang opinyon ng kanyang utak na talagang hindi niya nagustuhan. β€˜Stop it, Gabe.’ sermon pa niya sa sarili.

Naging maayos naman ang dinner sapagkat mula sa unang pagtikim niya kanina ay hindi na niya napigilan ang sarili na hindi ganahan sa pagkain sa sarap ng mga iyon. Mula sa kanyang aksyon ay hindi na kailangang iboses pa sapagkat napakalinaw naman na nagustuhan niya ang mga inihanda ng mukhang gangster, pero cute niyang asawa.

HINDI nagtagal at natapos na rin silang kumain. Busog silang lahat at kuntento. May pagkailang pa rin siyang nararamdaman para kay Damien, pero ipinagsa walang bahala na lamang niya iyon sapagkat para sa kanya, baka ito na ang pinaka una at pinaka huli rin nilang pagkikita. Busy rin kasi siya sa kaliwa’t kanang trabaho kaya wala talagang dahilan upang magkasama pa sila.

β€œLo, ako na po ang bahala dito,” alok ni Damien habang unti-unti nang nililinis ang mesa.

β€œSigurado ka hijo?”

Rinig pa niyang pag uusap ng mga kasama, habang wala namang pakialam si Gabe at tumayo lamang siya bago magtungo sa may veranda ng bahay upang magpahangin.

Nasa taas naman ang dining area na ginamit nila kaya, mula sa balkunahe na narito ay makikita ang maganda at mataas na tanawin. Ang malamig na hampas din ng hangin sa kanyang mukha at katawan ang nagpapa balik sa kanya sa katotohanan.

Ano nga ba ang sitwasyon niya? Ano nga ba ang mangyayari ngayon? Sino ba talaga si Damien at ano ang tunay na balak ng kanyang Lolo? Halos sumakit ang kanyang ulo dahil sa dami ng mga katanungan na umiikot sa kanyang utak ngayon.

β€œApo, anong ginagawa mo pa dito, gabi na at baka mahamugan ka pa.”

β€œLo,” pagtawag pa niya rito habang nakasilay pa rin sa madilim na kalangitan.

β€œHm? What is it?”

β€œWhat do you mean with β€œWhat?” Alam n’yo kung anong ibigsabihin ko.”

β€œIkaw naman apo, hayan ka na naman sa pagiging mainitin mo ng ulo,” natatawa pa nitong ani habang marahan na tinatapik ang kanyang balikat.

β€œPaanong hindi, alam ko namang wala kayong balak sabihin sa akin ang tunay n’yong balak,” giit pa niya.

β€œYou sure about that?”

β€œOo namβ€” teka? Ibigsabihin may balak kayong sasabihin akin ang dahilan ng biglaang pagpapakasal ko sa lalaki?”

β€œOf course, alam kong hindi ka matatahimik hangga’t hindi mo nalalaman ang totoong dahilan.”

β€œSyempre naman, sino bang gusto magpakasal sa kagaya niya?” walang habas niyang turan.

Ni hindi man lang na isip ni Gabe na nasa kabila lamang ng glass door ang taong kanyang tinutukoy.

Hindi naman nakapag kumento ang kanyang Lolo tungkol sa kanyang sinabi, bagkus ay napabuntong hininga na lamang ito.

β€œSi Damien ay apo ng matalik kong kaibigan. Malaki ang utang na loob ko sa Lolo niya kaya naman kahit sa ganitong paraan ay matulungan ko ang apo niya sa pinagdadaanan niya ngayon ay sapat na sa akin.”

β€œSino ang Lolo niya? Si Mr. Himitsu? Lopez? Cervantes?”

β€œNope, wala sa mga nabanggit mo,” napapailing pang turan nito.

β€œSino? Wala na akong ibang kilalang kaibigan n’yo, lagi ko lamang silang nakikita kapag nag to-tongits kayo at naglalaro ng chess.” Napakamot pa siya sa ulo.

β€œNasa heaven na ang kaibigan kong iyon. Bakit gusto mo ba siyang makilala?” taas kilay pa nitong alok, hindi man nakangiti pero bakas sa boses nito ang pang aasar.

β€œH-Hindi muna, Lo,” napapangiwing turan ni Gabe.

Matapos ang munting biruan na iyon, napagmasdan ni Gabe ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ng kanyang Lolo. Kung kanina, maaliwalas pa ang ekspresyon nito, ngayon ay puno na ng kalungkutan.

Napasilay pa ito sa madilim na kalangitan bago bumuntong hininga.

β€œApo, alam mo naman siguro kung gaano ka-delikado ang mundong ginagalawan natin, lalo na kapag may pera nang sangkot dito.”

Napayuko naman siya habang napapatango. Naiintindihan niya ang ibigsabihin ng kanyang Lolo. Hindi lang laging saya at sarap ang buhay ng isang mayaman at maipluwensyang tao. Maraming peligro ang nakadikit sa pera at iyon ang totoo.

Kaya nga mula kabataan ay bantay sarado na siya ng mga bodyguard para sa kanyang kaligtasan. Maraming masasamang tao ang nagtatangka sa kanyang buhay, may mga kidnappers na pera lamang ang habol. Pero higit sa lahat, ang pinakamasakit kapag nalaman mong…

β€œHm, mas maimpluwensya ang pamilyang pinanggalingan ni Damien at balita ko mismong kamag anak at myembro pa ng kanyang pamilya ang nagpapa-patay sa kanya para makuha ang lahat ng meron siya.”

β€˜Mabuti na lamang, sapagkat kahit paano ay walang ganyang problema sa aming pamilya. Hindi talaga mawawala ang mga ganid na kamag anak, pero ang mas nakakatakot ay kapag nilamon na ng pagnanasa ang kanilang puso, pati ka pamilya ay handang paslangin para sa pera. Tsk tsk.’

β€œHe’s been attacked by his uncle’s men a year ago, malala ang inabot ni Damien mula doon. Sa totoo niyan ay wala pang ilang buwan mula ng magising siya mula sa pagkaka-coma. Kaya naman kailangan natin siyang itago dito para sa kaligtasan niya.”

β€œYou mean, there’s a dangerous people whose after his life?” gulat niyang ani.

β€œYes, kaya tiyaga at pasensya lang Gabe, ang mahalaga ay ligtas siya dito.”

β€œBut, I’m busy, hindi ako babysitter na pwedeng magbantay sa kanya. Bakit kasi hindi na lamang kayo kumuha ng bodyguard?”

β€œI know apo but he doesn’t remember anything, when he wakes up, he bombarded me with questions, kaya gumawa lamang ako ng kwento para mapaniwala siya na matagal na kayong magkasintahan at naghihintay na lamang na magpakasal, ngunit hindi natuloy dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya.”

β€œWow Lo, pwede na kayong maging writer, galing n’yo gumawa ng kwento.”

β€œTss, this is no laughing matter apo, sana naman ay pakisamahan mo si Damien habang narito siya sa pangangalaga natin,” pakiusap pa nito.

β€œArgg! I don’t know,” napasabunot pa siya sa kanyang buhok dahil sa frustration na nararamdaman.

Ngunit nang mapasilay siya sa kabila ng glass door, nagtama ang kanilang mga mata. Muling sumilay ang masaya at inosenteng ngiti sa labi ng kanyang asawa.

Dahil doon ay napuno ng konsensya ang kanyang kalooban.

β€˜Jusko Gabe, handa ka na bang magka- asawa ng lalaki?’

β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡

Haha so ayun tinanggal ko na yung envision ko para kay Damien para naman may chance tayong lahat na mag imagine ng gusto natin na maging itsura niya😘

Sooo, comment below guys, kung anong na iimagine n’yong itsura ni Damien⬇⬇⬇

Chapter 3

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER γƒΎ(οΌΎ-οΌΎ)γƒŽ

3RD PERSON’S POV

ANG
buhay showbiz ay hindi madali, maraming bagay ang itinatago ng magagandang ngiti at masayang mukha ng mga taong nasa harap ng camera. Mga katotohanan na hindi nakikita ng mga manunuod, mga bahong itinatago sa mata ng publiko.

Hindi dapat paniwalaan ang lahat ng iyong nakikita base lamang sa ipinapalabas sa mga telebisyon o mga balitang lumalabas sa internet.

Maraming issue ang lumulutang at lumalaki kahit wala namang basehan o matibay na ibedensya. Noong nagsisimula pa lamang si Gabe, hindi siya nakaligtas sa mga issue na ito para lang sirain ang kanyang pangalan at hindi na siya magtagumpay sa larangan ng pag arte.

Natatandaan pa niya nang may lumabas na anonymous post sa social media tungkol sa kanyang magaspang at masamang pag uugali. Well, tunay naman, pero lahat naman siguro ng tao ay may kanya-kanyang personalidad na pinangangalagaan.

Hindi siya gano’n ka-baba para patulan pa ang mga issue na iyon, sa halip ay mas pinaganda niya ang kanyang imahe sa publiko upang walang maniwala sa mga paratang ng taong gustong sumira sa kanya.

Ngayon, mas naging matalino na siya pagdating sa kanyang paligid at mga taong nakakasalamuha. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang labi, gano’n din ang magalang niyang pakikitungo sa lahat.

Pero, syempre hindi maiiwasan na maraming naiingit sa biglaan niyang pagsikat at pag angat sa showbiz.

β€œAnong masasabi mo Gabe sa mga taong humahanga sayo?”

β€œSyempre naman Steve, gusto kong magpasalamat sa kanila dahil kung wala sila para suportahan ako, wala rin ako sa kinalalagyan ko ngayon. Sa akingΒ  avid fans at mga tagahanga, thank you so much!”

Maririnig ang malakas at di magkamayaw na sigawan ng mga audience bago niya patayin ang tv. Gabi naganap ang pagbisita niya sa talk show na iyon at ngayon lamang iyon inere sa tv.

β€˜Gwapo mo talaga, Gabe,’
mayabang pa niyang ani sa isipan habang proud na proud sa kanyang sarili.

Narito siya sa resting area ng set kung saan ay may shooting silang ng isang action scene ngayon. Hinihintay pa nila ang ibang artista kaya hindi pa nagsisimula ang lahat.

β€œHindi pa daw ba magsisimula?”

β€œHindi pa ata, wala pa si Jun,”
sagot naman ng kanyang P.A nang makapasok ito sa tent.

β€œSeriously? Mag iisang oras na siyang late ah, iba din. Akala mo VIP tsk,”
inis niyang turan.

Napailing na lamang naman si ate Jenny sapagkat may karapatan namang magalit si Gabe sapagkat pagdating sa trabaho, hindi nito binabasta-basta ang lahat. Maaga itong dumadating at talagang pinagpa-praktisan nito lahat ng scene na nakatalaga sa kanya.

Kahit napapailing ay may ngiti pa ring sumilay sa labi ni Jenny sapagkat kahit napaka reklamador nitong kanyang inaalagaang artista ay napaka diligent naman nito sa trabaho.

Dahil rin sa inip ay napalabas na rin si tent upang pagmasdan na lang ang paligid. Hindi pa nga nagtatagal ay may lumapit na sa kanya.

β€œPre, wala pa ba? Male-late na ako sa sunod kong schedule,”
napapakamot batok ng kanyang co-star na si Mike. Kagaya niya, newbie lamang din ito sa showbiz.

β€œKaya nga, pero hayaan mo na pre, baka may rason naman siya,”
nakangiti pa niyang ani, kahit sa loob-loob niya ay minumura na niya si Jun dahil sa inis.

β€œTunay, sana dumating na siya,”
tugon na lamang rin ni Mike.

MAKALIPAS
ang ilang sandali dumating rin ang hinihintay na co- artist, halata na kahit ang ibang crew na narito ay inip na rin sa paghihintay.

β€˜Sa wakas,’
isip-isip pa niya.

β€œUi pre, musta?”
magiliw pang bati ni Jun sa kanya na akala mo ay di late ng mahigit isang oras.

Gustong-gusto na niyang simangutan ito ngunit nanatili pa rin ang kanyang goodboy image.

β€œOkay lang, ikaw ba?”

β€œHeto, medyo naipit sa traffic,”
carefree na sagot pa nito na lalong nagpa init ng kanyang ulo.

β€˜Hindi talaga responsable ang gagong to, dami na niyang naabala eh parang wala lang sa kanya,’
nagtitimpi niyang reklamo sa isipan.

NGAYON
, bago magsimula ay nagkaroon ng briefing, ipinaliwanag muli ni Direk sa kanilang lahat ang gusto nitong mangyari at flow ng scene maliban sa mga dialogue na magaganap.

β€œOkay ba? Nagkakaintindihan ba tayo guys?”
tanong ni Direk at nagawa pang tapikin ang kanyang balikat.

β€œNoted po, Direk,”
seryoso niyang saad habang napapatango.

Lingid sa kanyang kaalaman ay masama at puno ng inggit ang pagkakatitig ng isa sa kanyang mga ka-trabaho.

Nagsimula ang scene kung saan, naghahabulan sa taas ng building. Si Gabe bilang ang bad guy/ bida na myembro ng isang gang at ang pulis na ginagampanan ni Mike at iba pang extra. Nang makarating sa 2rd floor ng building, dapat ay tatalon sa bintana si Gabe upang matakasan ang pulis.

Maraming nakahandang kutson at safety measures para hindi siya masaktan sa stunt na kanyang gagawin kaya naman palagay ang kanyang kalooban sa mga magaganap.

Matapos ang nakakapagod na habulan ay walang takot na tumalon si Gabe sa bintanang gawa sa bubog. Tuwang-tuwa ang direktor dahil sa ganda ng scene na iyon, pero nagka problema lamang nang biglang kumalas ang harness na nakakabit sa kanyang katawan.

Malakas na singhap ang narinig sa paligid at nasundan pa iyon ng maingay na sigawan na puno ng takot at pag aalala.

β€œAhh!! Gabe jusko!”
sigaw pa ni ate Jenny na P.A niya.

Mabuti na lamang at mabilis ang kanyang naging reflexes at nagawang sumabit sa isang trapal na nakasabit sa gilit ng building, doon siya unang bumagsak kaya naman mas bumagal ang paglaglag niya sa kutson na nasa sahig.

Hindi man gano’n kabilis ang naging pagbulusok niya, pero masama pa rin ang posisyon ng pagbagsak niya.

Napangiwi na lamang si Gabe habang napapahaplos sa masakit niyang balakang at likod at mga braso. Iyon kasi ang tumama. Mula naman sa second floor ng building, may ngisi na namutawi sa labi ng isa sa mga taong naroon, tila pa ay tuwang-tuwa ito sa kanyang sinapit.

β€œGabe! Okay ka lang ba?”
nagmamadali at pagod pang ani Mike sa kanya. Nagmadali kasi itong tumakbo pababa nang makita ang nangyari.

β€œMedic! Bilis!”
sigaw pa ng ibang crew atΒ  direktor.

β€œOkay lang ako, okay lang,”
aniya pa at mabilis na tumayo na para bang walang nangyari.

Napahinga naman ng maluwag ang lahat sapagkat mukhang maayos naman si Gabe, sa halip na sundin pa ang gusto ni Direk na mag break ng ilang sandali ay nagpatuloy ang lahat.

β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡

β€œGabe tapos na ang shooting, papunta kami sa bar para mag celebrate, sasama ka ba?”

β€œNaku, pass muna ako pre, may kailangan akong gawin ngayon,”
sagot naman niya kay Mike.

β€œGano’n ba, sige basta next time ah,”
anito at nakipag fist bump sa kanya.

β€œOo naman, sige una na ako.”
Habang paalis ay pansin pa niya ang pagkaway ng mga katrabaho sa set.

ILANG
araw na ang nakaraan nang maganap ang dinner meeting ni Gabe sa kanyang newly husband na si Damien. Hindi man tumatawag sa kanya si Damien kanya, pero ang kanyang Lolo naman ang makulit at wala nang tigil sa pagpapaalala-ala na umuwi at bisitahin man lang niya ang asawa. At syempre may kasama na namang pagbabanta kaya hindi siya makatanggi sa gusto nito.

Sa totoo lamang, gustong-gusto niyang sumama sa bar para makapag inom naman at makahanap ng fling. Pero, napurnada lahat ng kanyang plano dahil sa kanyang Lolo.

β€œTss, manira talaga ng diskarte yang si Lolo, sa halip na nagpapakasaya na ako sa bar ngayon eh hindi. Mas gusto pa niyang mabulok ako kasama ng lalaking iyon,”
inis niyang bulong sa sarili habang nagmamaneho.

Mabuti at malapit ang setting ng pelikulang ginagawa nila sa tagaytay kaya maikling byahe lamang para makauwi siya sa kanyang townhouse.

Hindi nagtagal at nakarating na rin siya. Katulad noong una niyang pagpunta dito, hanggang ngayon ay may kaba pa rin siyang nararamdaman, pero isinawalang bahala na lamang niya ang lahat at mabilis na pumasok.

Habang naglalakad papasok sa bahay, may ilang bagay siyang napansin. Una, mas buhay ang itsura at pakiramdam sa buong paligid hindi katulad noon. Pangalawa, mas may laman at dekorasyon ang buong bahay at, pangatlo, mula sa kusina rinig niya ang nagmamadaling yabag ng paa palapit sa kanya.

β€œG-Gabe? Ikaw pala! Welcome home!”
masayang bati sa kanya ni Damien kahit halata ang gulat sa mukha nito. Siguradong hindi nito inaasahan ang kanyang pag uwi.

May kung ano sa kanyang dibdib na biglang nabuhayan kaya naman mabilis na kumabog ang kanyang puso.Β  Sa tagal na kanyang pamumuhay na mag isa, ngayon lamang may bumati sa kanya ng ganito. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam, kaya naman napayuko na lamang siya upang itago ang nag iinit at namumulang mukha.

β€œAlam kong pagod ka sa trabaho, halika kumain ka muna at magpahinga,”
magiliw nitong ani habang ginagabayan siya patungo sa kusina.

Mukhang tama lang pala ang dating niya dito sa bahay, sapagkat kaluluto lamang ng hapunan ni Damien, at habang kumakain ng masarap na pagkain ay tila naglaho ang inis na kanyang nararamdaman. Kanina lang inis na inis siya sa kanyang Lolo dahil sa pamimilit nito sa kanya, pero ngayon parang mas tama ata ang naging desisyon niya na umuwi sa asawa, kumain ng masarap at makapagpahinga.

Tuwang-tuwa naman sa kanya si Damien habang pinagmamasdan siya. Pero, napansin ni Gabe na hindi ito kumakain at nakatayo lamang sa gilid ng mesa.

β€œHindi mo ba ako sasabayan?”

β€œA-Ah, baka kasi mailang kang kumain kaya mamaya na lang ako,”
napapayuko pa nitong saad.

β€œAno bang sinasabi mo, halika, maupo ka na. Mas masaya kumain kapag may kasabay,”
pangungumbinsi pa niya lalo na nang maalala niyang kailangan niyang umarte na may relasyon sila.

Gusto mang kilabutan dahil sa mga kalokohan ng kanyang Lolo, naisip na lamang niyang sakyan iyon para matapos na.

β€œT-Talaga, sige!”

Muli namang napalunok ng wala sa oras si Gabe nang makita ang ngiting iyon. Para bang lagi siyang nauubusan ng hininga sa oras na masilayan niya ang inosente at masaya nitong ngiti.

Kahit hindi pamilyar ang pakiramdam na meron si Gabe sa mga oras na ito. Hindi siya nakakadama ng pagkailang o inis habang pasimpleng sinusulyapan ang asawa niyang mas brusko at mas malaki pa sa kanya. Sa halip na mag isip ng kung ano-ano. Napangisi na lang siya nang mapansin ang suot nitong cute na apron.

MATAPOS
kumain, nagpaiwan na si Damien sa kusina upang maglinis, siya naman ay dumeretso sa kanyang kwarto upang maligo bago matulog.

β€˜Mula sa nakakapagod na buong maghapon sa trabaho, ito ata talaga ang kailangan ko,’
isip-isip pa niya habang nakatayo sa ilalim ng shower.

Ang mainit-init na tubig na dumadaloy sa kanyang katawan ang tunay na nakakapagpatanggal sa kanyang pagod. Matapos maligo, habang nagpupunas ng katawan ay napangiwi siya nang bahagya sapagkat nahawakan niya ang masakit na parte ng likod.

Dahil nga isang action film ang kanilang ginagawa, hindi maiiwasan na may mga action scene. Dahil dakilang ma-pride at mayabang si Gabe kaya hindi siya kumukuha ng ka-double o stuntman. Kung kaya niyang gawin ang scene at di naman gano’n kadelikado, siya na mismo ang tumatrabaho kaya naman minsan di maiwasan na nasasaktan pa rin siya. Ngunit, medyo nagtataka pa rin siya dahil sa insidenteng nangyari kanina, tila ba ay parang sinadya ang lahat. Pero kahit gano’n, nang gabing iyon mahimbing at masarap ang naging kanyang tulog.

Kinabukasan, nagising siya na fresh na fresh ang pakiramdam.
β€œWoah, ilang taon na noong huli akong maranasan to,”
manghang bulong pa niya sa sarili habang nag iinat.

Ngunit nang mapasilay siya sa relong nakasabit sa pader ng kwarto, nagmadali siyang tumalon sa banyo at naligo. Mabuti na lamang at may mga damit siya dito. Nagsusuot pa siya ng relo habang pababa sa hagdan nang makasalubong naman niya sa Damien.

β€œGood morning, Gabe.”
Gulat at nagmamadaling bati ni Damien sa kanya. Hindi nito inaasahan ang pagkakasalubong nila.

β€œLate na ako—”
Nilampasan lamang niya ito at di man lang naisipan na batiin rin. Pero, kahit gano’n ang trato niya sa asawa, nagawa pa rin siya nitong alukin.

β€œKumain ka muna, naghanda ako ng agahan,”
nakangiti pa rin naman nitong saad sa kanya.

β€œNo, may shooti--- teka?”
Napatigil siya sa paglalakad at mabilis na hinugot ang cellphone sa bulsa. Tiningnan niya ang kanyang schedule at bakante pala ang araw na ito.

Naihampas na lamang niya ang kamay sa noo.
β€˜Ibigsabihin nagmadali lang ako para sa wala?’

β€œMay problema ba?”

β€œWala,”
napapailing pa niyang tugon.

β€œGano’n ba, halika kumain ka muna,”
masigla na muli nitong ani at hinigit pa ang kanyang kamay patungo sa kusina.

Nagulat siya sa ginawa nito at mukhang kahit ano naman ang gawin niyang palag ay hindi siya bibitawan nito.

Katulad noong dinner nila kagabi, napakasarap din ng inihanda ni Damien sa umagang ito para sa breakfast nila. Enjoy na enjoy na naman niya ang pagkain sapagkat alam niyang mamaya pa ang pasok niya sa opisina. Kapag kasi wala siyang shooting, office work naman ang kanyang pinagkakaabalahan.

Nang oras na para umalis siya, hindi niya pansin na nakasunod pala sa kanya si Damien habang sa may pinto.
β€œAh Gabe?”

β€œHm, ano iyon?”

β€œUuwi ka ba ulit mamayaβ€” ah ibigsabihin ko kapag di ka busy, pwede sabay ulit tayong maghapunan,”

β€œHm, I’ll call you when I decided to go home later,”

β€œT-Talaga! Sige ba. Mag iingat ka sa pagmamaneho!”

β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡

Sa mga sumunod na araw ay naging busy sa trabaho si Gabe, PERO hindi niya nakakalimutan na umuwi kay Damien para pagsaluhan nila ang masarap nitong luto, tila ba ay naakit siya nito gamit ang masarap at lutong-bahay na pagkain.

Makalipas ang halos tatlong araw na walang taping para sa action movie na kanyang ginaganapan, ang schedule niya sa araw na ito ay para sa isang interview ulit. Bilang guess, nasa backstage sila upang magpalit ng damit na susuotin nang bigla siyang mapasinghap dahil sa sakit na naramdam.

β€œOkay ka lang, Gabe?”
tanong pa ng kanyang P.A.

Nagsusuot kasi siya nang sinturon nang biglang matamaan ang ibabang parte ng kanyang likuran.

Kahit napapangiwi sa sakit ay ngumiti pa rin siya.
β€œOo naman ate, I’m fine.”

Napatango na lamang naman ito at saka ipinagpatuloy nila ang pag aayos ng kanyang itsura para sa interview.

Akala ni Gabe ay maayos na ang lahat para sa kanya, ngunit nagkamali siya sapagkat ang simpleng sakit na kanyang iniinda mula sa aksidente sa set noong nakaraang araw ay magiging malala pala. Noong mga nakaraang araw at kahit ngayon, ramdam pa rin niya ang sakit at kirot ng kanyang likod at buong katawan. Para bang tumitibok ito at may bali sa loob. Dahil abala siya sa pang araw-araw na gawain kaya binabale-wala na lamang niya ang nararamdaman.

Ayaw naman niyang sabihin sa kahit sino ang kanyang nararamdaman sapagkat natatakot siyang mag overeact ang mga ito at maapektuhan pa ang pelikula na kanyang pinagbibidahan ngayon.

β€œOnce again, thank you so much, Gabe for coming and be our guest this afternoon!”
energetic na saad ng host at nakipagbeso-beso pa sa kanya bago siya mag exit sa tv show interview na iyon.

β€œGabe, ihahatid ka ba namin sa opisina o sa network?”

β€œNope, may pupuntahan ako,”
pagod na tugon niya. Kahit magaspang ang kanyang ugali sa mga taong ayaw niya at masakit siya magsalita, pero hindi nawawala ang respeto at pag galang niya sa kanyang mga tauhan, kagaya ng kanyang P. A at manager kaya walang masabi ang mga ito sa kanya.

Nang makasakay sa kotse, umatake na naman ang sakit ng kanyang likod, halos pagpawisan siya ng malamig at manlabo ang paningin dahil sa tindi ng kirot. Kahit nang hihina ang katawan ay nagawa pa niyang makainom ng pain killer upang makapag drive pauwi.

Habang tuliro ang kanyang utak, nang pumasok sa kanyang isipan ang salitang
β€œhome”
o bahay kung saan siya uuwi, nagtataka siya nang mapagtanto na si Damien ang unang nagpakita sa kanyang isipan.

Sa mga oras na iyon kahit parang bibigay na ang kanyang katawan sa hapdi at sakit na nararamdaman, may ngiti pa ring namutawi sa kanyang labi habang naiisip ang magandang ngiti at magiliw na pagsalubong sa kanya ng asawa kapag umuuwi siya.

Bago naman siya makatulog dahil sa pagod at sakit na nadarama ay nagawa pa niyang makapag park ng maayos sa harap ng kanilang bahay.

At bago tuluyang sumara ang kanyang mga mata, narinig pa niya ang tunog ng bumubukas na gate.

Chapter 4

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER γƒΎ(οΌΎ-οΌΎ)γƒŽ

3RD PERSON’S POV

HABANG
nagdidilig ng kanyang mga pinakamamahal na halaman sa harap ng bahay ay sandaling napatigil si Damien upang silayan ang oras sa kanyang cellphone.

5’o clock na ng hapon, napabuntong hininga siya nang makita ang oras. Hapon na pero hindi pa rin tumatawag si Gabe ibigsabihin ay hindi ito makakauwi ngayon. Matinding pagkadismaya ang kanyang naramdaman nang mapagtanto ang bagay na iyon. Dapat nagluluto na siya sa oras na ito, pero dahil wala naman ang taong nais niyang makasabay kumain kaya tila nawalan siya ng gana.

Sa mga lumipas na buwan mula nang magising siya, napakaraming bagay at mga katanungan ang gumugulo sa kanyang isipan lalo’t wala siyang na-aalala kahit kaunti sa kanyang pagkatao o tunay nilang relasyon ni Gabe.

Nang magising siya sa isang ospital, nalaman na lamang niya na kasal na siya sa isang lalaki. Noong una, mahirap para sa kanyang tanggapin ang lahat lalo na at magulo, puno ng takot at pangamba ang kanyang utak sapagkat blanko ang kanyang isipan. Ni pangalan, katauhan, pamilya at edad ay niya wala siyang ideya.

Salamat at nandyan si Lolo Julio para ipaliwanag sa kanya lahat, ito rin ang nalalapitan niya kapag mayroon siyang mga katanungan.

β€˜Kahit sabihin ni Lolo na matagal na kaming may relasyon ni Gabe, hindi ko pa rin magawang paniwalaan ang lahat dahil sa malamig niyang pakikitungo sa akin,’ malungkot at naguguluhan pa niyang ani sa sarili habang inaayos ang mga ginamit na pandilig.

Sumagi rin sa kanyang isipan ang ilang bagay na maaring maging dahilan kung bakit gano’n na lamang ang trato sa kanya ng asawa. Ni hindi sila natutulog sa iisang kwarto, iwas din ito lagi at wala ring oras para sa kanya.

β€˜H-Hindi kaya nahuli niya akong may kalaguyo noon? Nag cheat ba ako?’
hindi mapakali niyang tanong sa isipan. Napatigil rin siya sa paglalakad at napayuko na lamang dahil sa kabaliwang pumapasok sa kanyang utak. Kung iyon nga ang dahilan kaya galit at malamig sa kanya ang asawa ay wala nga siyang magagawa kun’di ang humingi ng tawad at suyuin ito.

Kahit nanlulumo habang papasok na muli sa loob ng bahay ay bigla siyang napatigil sa paglalakad sapagkat may narinig siyang tunog sa di kalayuan.
β€œTekaβ€” si Gabe ba iyon?”
bulong pa niya at mabilis na tumakbo palabas ng gate.

Hindi siya nagkamali, kotse nga ni Gabe ang nakaparada sa harap ng bahay. Nagmamadali at masigla siyang lumapit upang salubungin ang asawa, ngunit nagtaka siya sapagkat hindi ito lumalabas ng sasakyan.

β€œGabe?”

β€œGabe!”
Kinatok pa niya ang bintana ng kotse.

Ilang beses na niyang tinawag ang pangalan nito ngunit hindi ito gumagalaw. Napuno ng takot ang kanyang puso sapagkat baka kung ano na ang nangyari dito. Dahil sa pagkataranta kaya naman gamit ang kanyang malaking braso, hindi man lang siya nakaramdam ng sakit nang suntukin niya at basagin ang bintana ng kotse. Mabilis niyang binuksan ang sasakyan mula sa loob at kinuha si Gabe.

Mukhang may mataas itong lagnat base sa nanginginig nitong katawan at pawisan na mukha. Matulin ang naging paglalakad niya patungo sa kwarto ng asawa. Hindi niya ininda ang dumudugong braso dulot ng basag na bintana ng kotse kanina. Maingat niyang inihiga ito at kahit namumula pa ang mukha dahil sa hiya ay wala siyang choice sapagkat kailangan niyang paltan ito ng damit. Makalipas ang ilang segundo matapos niyang matawagan ang Lolo ni Gabe ay dumating ito na may kasamang doktor.

β€œOkay ka lang ba, hijo?”
tanong pa ng matanda sa kanya habang nakaturo sa may benda niyang braso.

β€œOpo Lo, wala ito.”

Napabuntong hininga naman si Lolo Julio at tinapik ang kanyang balikat. Siguro ay pansin nito ang matinding pag aalala sa kanyang mukha.
β€œHuwag ka nang mag alala hijo, okay lang si Gabe.”

β€œOpo Lo, salamat po tulong n’yo,”
tugon niya at tumango pa bilang pagsang ayon.

β€œWalang ano man, Damien, sige na. Ihahatid ko lang si doc sa labas,”
pagpapaalam ng matanda.

Nang makalabas ang dalawa, naiwan siyang nakaupo sa gilid ng kama ni Gabe, sinisilayan niya ang mahimbing nitong pagtulog. Kung sana isang normal na lagnat lamang ang lahat ay mabilis siyang kakalma, pero hindi. Kanina habang binibihisan niya ang asawa, halos panlamigan siya ng pawis nang makita ang malaki at kulay ube nitong pasa sa likod at mga braso.

Mabuti na lamang at base sa doktor, wala naman itong injury na natamo, kailangan lamang magpahinga ng ilang araw at uminom ng pain killer.

β€œGabe, pahinga ka lang,”
mahina niyang bulong habang pinapahid ang pawis sa noo nito dulot ng mataas pa rin
ng lagnat.

MAKALIPAS
ang ilang sandali hindi niya inaasahan na makakatulog habang nagbabantay kay Gabe. Nagising siya dahil sa mahinang tapik sa braso.

β€œHmm?”
himig niya habang kinukusot pa ang mga mata.

Ngunit nang maalala ang lahat ay mabilis siyang napasilay sa kanyang harapan at doon ay napagmasdan niya ang nanghihina at tipid, pero magandang ngiti sa labi ng asawa.

May kung anong kumabog sa kanyang dibdib, napahawak na lamang siya sa tapad ng kanyang puso habang nakatitig sa maamong mukha ni Gabe. Kapag hindi nakakunot ang kilay nito o kaya ay bakas ang inis sa mukha, masasabi niyang bagay na bagay kay Gabe ang mala anghel nitong pangalan.

β€˜Nakakaramdam ba ako ng ganito dahil tunay kitang minamahal noon pa man?’
tanong pa niya sa sarili.

Subalit, bago pa siya malunod sa malalim na pag iisip ay muli siyang napapitlag nang maramdaman muli ang mahina nitong pagtapik sa kanya.
β€œTititigan mo na lang ba ako?”

β€œHa? Hindi, p-pasensya na Gabe! Kamusta na ang pakiramdam mo?”
puno ng hiya niyang tugon habang napapahaplos sa batok. Mukhang masyado siyang na mesmerize sa kagandahaβ€”kagwapuhan ng asawa.

β€œOkay lang naman,”
mahina pa nitong tugon gamit ang paos na boses.

β€œT-Tubig, teka ikukuha lang kita—”
nagmamadali niyang ani at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.

HABANG
abala si Damien, sa kabilang banda naman ay napatitig na lamang sa kisame si Gabe.

Kahit masakit ang buong katawan at ramdam pa rin niya ang kirot sa kanyang ulo dulot ng lagnat, may kakaibang kapanatagan siyang naramdam nang maimulat niya ang kanyang mata kanina at mukha ni Damien ang una niyang nasilayan.

Tila ba ay napahinga siya ng maluwag sapagkat alam niyang ligtas na siya, panatag na ang kanyang kalooban dahil nakauwi na siya. Sa halos dalawangpong taon na pamumuhay niya hindi na rin siya bago sa buhay may karelasyon, pero ngayon lamang siya nakaranas ng ganito at sa isang lalaki pa kaya higit siyang naguguluhan.

β€œHays, pakiramdam ko mas tataas lang ang lagnat ko kapag nag isip pa ako,”
bulong niya sa sarili at napabuntong hininga na lamang.

Hindi rin naman nagtagal at bumalik na si Damien na may dalang tubig, makakain at gamot. Nang hapon na iyon bago siya muling magpahinga ay tumawag pa ang kanyang Lolo.

β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡

DUMAAN
ang mga araw na magkasama sila ni Damien mula umaga hanggang gabi. Noong una ay medyo naninibago siya, pero habang tumatagal ay nasasanay na rin siya sa presensya nito.

May ilang bagay pa siyang napansin tungkol kay Damien. Una, napaka maasikaso nito, masipag at maalaga. Hindi lang pagdating sa kanya kun’di rin sa mga pinakamamahal nitong halaman. Nagulat na nga lamang siya nang mapansin na tila ba ay nagiging gubat na itong kanyang bahay, kahit saan ka sumuling at tumingin ay may makikita lang paso na may lamang halaman, malaki man o maliit.

Noong mga unang araw ay talagang bedridden siya dahil sa lagnat, ngunit ngayon ay medyo nakaka-upo na siya sa tulong ni Damien. Kahit nakakababa ng pride niya bilang lalaki ay wala naman siyang pagpipilian kun’di ang pumayag na magpabuhat dito β€˜bridal style’ kapag dadalhin siya nito sa ground floor ng bahay upang makapagpahangin naman siya.

Habang nakaupo sa patio ng bahay ay tahimik niyang pinagmamasdan ang pawisan, pero masayang si Damien habang nagga- gardening ito. Ang dating malungkot at walang buhay na harap ng bahay ay puno na ng iba’t ibang halaman. Napakamot na lamang siya sa ulo nang mapansin na may mga puno ng kamatis at talong na rin doon.
β€˜Balak ata niya na gawing vegetable plantation ang front yard ko.’

Ngunit sa halip na sawayin ito at kagalitan tulad ng lagi niyang ginagawa, napangiti na lamang siya ng palihim habang pinagmamasdan ang pursigido at abalang ekspresyon sa mukha ng asawa. Natatawa rin siya sapagkat hindi bagay rito ang suot na sumbrerong gawa sa straw at itim na bota.

β€œEhh! Bakit ka tumatawa, Gabe? May dumi ba ako sa mukha?”
natataranta pa nitong tanong kaya lalo siyang napatawa dahil sa cute nitong reaksyon.

β€œWala naman, gutom na ako hindi ka pa tapos diyan?”
taas kilay, pero mahinahon niyang tugon.

Bakas naman ang gulat sa mukha nito at mabilis na lumapit sa kanya, hinubad nito ang sumbrerong suot at maingat na binuhat siya. Napatighim na lamang naman siya habang pasimpleng iniyayakap ang braso sa leeg nito.

Nang makapasok ay iniupo siya nito sa sofa, daig pa naman ni Damien ang isang ninja sa bilis ng kilos nito. Naalis na rin nito ang kanyang tsinelas at nasuotan na rin siya ng medyas upang maging komportable siya, pagsilay rin ni Gabe sa center table ay may nakahanda na rin doong malamig at refreshing na juice.

β€˜Tsk, sarap buhay talaga,’
naka-de kwatro pa niyang ani habang umiinom. Dahil sa ilang beses na pag inom ng gamot ay medyo nawawala na ang kirot at sakit ng kanyang katawan.

Habang nagpapahinga si Gabe kasama ang asawang si Damien, sa kabilang banda naman ay nagsisimula na ring kumilos ang mga taong gugulo sa tahimik nilang buhay.

ISANG
vibration ang kumuha sa atensyon ng lalaking kabababa lamang sa isang private jet. Mabilis nitong dinukot ang cellphone sa bulsa at sinagot iyon.
β€œDon, my tol’ko chto pribyli v Manilu, Filippiny.

[Don, we’re just arrived at Manila, Philippines]”

Tahimik lamang namang nakasunod ang ilang kalalakihan na kasama nito. Napapalingon na lamang ang ilang tao na nakakakita sa mala-KGB’ng grupo na narito sa loob ng airport. Tatlong lalaki ito na mukhang mga delegates ng ibang bansa, nakasuot ng itim na tuxedo at may dalang mga attache case.

β€œYA ponimayu.

[I see]”
saad ng boses mula sa kabilang linya.

β€œMy nachinayem smotret’ ot stolitsy do kazhdogo ostrova, gde on mozhet zatait’sya, Don.

[We start looking from the capital down to every single island where he can holed himself up, Don]”

Sa panlabas na anyo ay tila mga simpleng businessman lamang ang mga ito, ngunit isang sikretong misyon ang nakaatas sa mga ito para tuparin.

β€œVy dolzhny byt’ i ubedites’, chto ustranili yego, prezhde chem on snova vosstanet i razorvet nas na chasti.

[You should be and make sure to eliminate him before he rise again and tear us down apart, Mikhail]

β€œMy ponimayem.

[We understand]”
Walang mababakas na emosyon sa blangko nitong mukha at napatango pa ng isang beses bago ibaba ang tawag.

β€œS chego nam nachat’ yego iskat’?

[Where should we start looking for him?]”
tanong ng kasama nito habang pasakay sila sa isang kotse papunta sa susunod nilang location.

β€œPoka sobiralis’ vysledit’ yego, gde, chert voz’mi, on pryachetsya.

[For now, were going to track him down where the hell hole his hiding at]”
seryosong saad ng lider na si Mikhail sa mga kasama.

Sumilay naman ang malapad at nakakatakot na ngisi sa labi ng mga ito habang binubuksan ang mga attache case na puno ng matataas na kalibre ng baril.

β€œDa nachnetsya okhota.

[Let the hunting begins]”

β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡

Cane’s note:

Ganito po β€˜yong laman ng attache case.

Chapter 5

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER γƒΎ(οΌΎ-οΌΎ)γƒŽ

3RD PERSON’S POV

β€œHuwag mo akong hawakan PRE! Hindi ko na kailangan ang tulong mo, kaya ko nang maglakad mag isa,”
iritableng bulalas ni Gabe at marahas pang tinapik ang kamay ni Damien na handang bumuhat sa kanya.

β€œKahit na, nag aalala lang naman ako Gabe,”
nakanguso namang tugon nito sa kanya.

β€œWala akong pakialam, lubayan mo na ako!”
aniya, bago pa man niya mapigilan ang sarili.

Nanlulumo namang lumabas sa kwarto si Damien dahil sa kanyang pahayag na iyon. Kahit ayaw niyang aminin, pero mabilis siyang nagsisi at nakunsensya dahil sa kanyang inasal ngayon lang. Sa halip na pasalamatan si Damien dahil sa pag aalaga nito sa kanya habang baldado siya nitong mga nakaraang araw ay mas nanaig pa rin ang kasamaan ng kanyang ugali.

Ngayon, puno ng kirot ang kanyang dibdib dahil sa ginawa sa asawa.
β€˜Tsk, bakit ba pagdating sa kanya ang bilis kong makunsensya?’
inis pa niyang turan sa sarili.

Makalipas ang halos ilang linggo na pananatili sa bahay at pagre-recover ng katawan ay medyo magaling na rin sa wakas si Gabe. Halos wala nang bakas ng matinding pasa sa kanyang likod, gano’n rin ay hindi na sobrang sakit ng kanyang pangangatawan ngayon. Nakakatayo na siya mag isa at nakakapaglakad.

Habang napapabuntong hininga ay marahan siyang bumaba sa hagdan upang puntahan si Damien sa kusina. Dalawang lugar lang naman ang karaniwan nitong tinatambayan, una ay sa garden, pangalawa naman ay sa kusina kaya mabilis niyang mahanap ito.

β€œD-Damien,”
nahihiya at mahina pa niyang pagtawag dito.

Hindi naman ito lumingon, halatang masama pa rin ang loob sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo at marahan na nilapitan ito. Kahit kakabog-kabog ang kanyang dibdib at napapalunok pa ng laway dahil sa kaba ay nagawa niyang yakapin ito mula sa likod.

β€˜Nababaliw ka na Gabe! Anong klaseng pansusuyo ito!? Mahiya ka naman sa pride mo!’
Kahit sinisigawan na siya ng kanyang sarilimg utak, hindi niya pinansin iyon at mas hinigpitan pa ang yakap sa asawa.
β€˜Itapon ko muna ang dignidad ko, mas malilintikan ako kapag nagsumbong β€˜to kay Lolo,’
aniya para pakalmahin ang nagwawala niyang ego.

β€œP-Pasensya na tala—”
hindi na niya naituloy ang sasabihin ng maramdaman ang mainit at malaki nitong palad na nakapatong sa kanyang kamay.

Bakas din ang pamumula ng mukha at tenga nito habang pinipigalan ang sarili na lingunin siya. Sa mga oras na iyon, tila ba ay napuno ng kakaibang saya ang kanyang dibdib dahil sa naging reaksyon nito.
β€˜Ibigsabihin ganito katindi ang epekto ko sa kanya.’
Bigla siyang naging proud sa kanyang sarili habang napapangisi pa.

β€œHuwag ka nang magalit, hindi ko naman intensyon na sabihin iyon,”
pagpapa awa pa niya dito. Hindi naman siya naging artista para lang sa wala, di ba?

β€œO-Oo hindi naman ako galit,”
maamo pa nitong ani matapos siyang harapin.

Dahil rin sa biglaan nitong paglingon kaya naman wala na siyang oras pa para makahakbang palayo, ngayon ay ilang pulgada na lamang ang naglalayo sa kanilang mga labi. Ramdam na niya ang mainit at mabango nitong hininga na tumatama sa kanyang mukha.

Sa hindi niya malamang dahilan, sa halip na itulak ito o kaya ay suntukin. Tila ba ay naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan at ang nagawa na lamang ay pumikit at hintayin kung anong sunod na mangyayari.

Ngunit, ilang segundo na ang lumipas pero wala namang lumalapat sa kanyang labi kaya napamulat ang kanyang mga mata. Nag aalala at may halong pagtataka naman siyang tiningnan ni Damien. β€œOkay ka lang ba, Gabe? Bigla ka kasing natigilan, bumalik ba ulit ang lagnat mo?” tanong pa nito habang sinasalat ang kanyang noo.

Halos sumabog naman siya dahil sa hiyang naramdaman. Hindi dahil sa lagnat kung bakit siya namumula, dahil iyon sa matinding hiya dahil sa kung ano-ano niyang iniisip.
β€˜Nababaliw ka na talaga, Gabe! Ano yun ha? Nag iintay ka na halikan niya!?’

β€œH-Hindi, okay lang ako,”
mabilis niyang saad at napaiwas pa ng tingin para isalba ang kaunting pride sa sarili.

β€œMabuti β€˜yan, halika magtanghalian na tayo.”
Alok nito at inalalayan pa siya patungo sa mesa.

Habang naghihintay kay Damien na ihayin ang pagkain ay muli na namang lumutang kung saan ang kanyang isipan. Ngayon hindi na talaga niya alam kung anong nangyayari sa kanya para makaramdam ng dismaya dahil sa hindi paghalik sa kanya ng asawa.

β€˜Nasobrahan ata ako sa gamot kaya nababaliw na ako,’
isip-isip pa niya habang napapailing nang ilang beses.

MAKALIPAS
ang ilang oras, hapon na ngayon at nakakaramdam na rin siya ng antok mula sa malumanay at tahimik na panunuod kay Damien na abala sa pagtatanim nito.

Siguro ay napansin nito ang sunod-sunod niyang paghikab kaya naman nilapitan na siya nito.
β€œGabe, gusto mo bang ihatid na kita sa kwarto mo?”
pagbabaka-sakali pa nito. Ayaw naman ni Damien na magalit ulit siya kapag biglaang binuhat na walang pasabi.

Akala nito ay tututol siya, kaya naman nang marinig nito ang kanyang pagsang ayon ay masayang-masaya siya nitong nginitian.
β€œOo, sige na nga,”
pakipot pa niyang turan.

β€œSige! Halika na,”
masigla nitong ani at mabilis, pero maingat siyang binuhat.

Nang makarating sila sa kanyang kwarto, imbis na paalisin si Damien ay inalok pa niya itong manuod ng pelikula bilang peace offering para makabawi sa ginawa niya kanina.

β€œSigurado ka ba d’yan, Gabe!?”

Napatango na lamang siya habang napapapikit dulot ng matinding liwanag mula sa ngiti nito.

β€œAnong panunuodin natin?”

β€œSyempre iyong mga movie na pinagbidahan ko,”
mayabang pa niyang ani dito, mukhang proud na proud lang naman sa kanya ang asawa at sabik na mapanuod ang kanyang pag arte.

Habang nagpapatuloy ang pelikula sa malaki niyang TV sa kwarto ay nag uumapaw naman ang saya at paghanga sa mukha ni Damien. Halos lumipad naman sa ere ang kanyang balikat dulot ng pagiging proud sa sarili.

β€œAng galing talaga ng asawa ko!”

Napabalik naman si Gabe sa katotohanan nang marinig ang malakas na sigaw ng katabi. Nanlaki pa ang kanyang mata sa gulat matapos lingunin ito.

β€œAnong sabi mo?”

β€œHa? w-wala naman,”
nauutal pang tugon nito.
” β€”ang galing mo kasi doon sa fighting scene, prinaktis mo ba β€˜yo—”

β€œHindi β€˜yan ang narinig kong sinabi mo,”
napapataas kilay pa niyang turan, kaya nagpapa awang napayuko naman si Damien.

β€œS-Sabi ko nga, pwede pa ba nating tingnan iyong iba mong teleserye?”
pagbabago pa nito sa usapan.

Hindi na lamang niya iginiit pa ang lahat at pinaltan na lamang ng drama/ romance ang pinapanuod. Makalipas ng ilang sandali, kung gaano ka sigla at kadaldal ni Damien habang nanunuod, ngayon naman ay tahimik lang ito at nakasimangot habang pinagmamasdan ang kissing scene niya sa screen ng Tv. Sa mga sandaling iyon ay palihim na lamang siyang napatawa dahil reaksyon nito.

Hindi rin nagtagal at muling dinalaw siya ng antok. Napasilay na lamang naman si Damien sa balikat nito nang mapansin ang biglang pagsandal sa kanya ng tulog na si Gabe.

Kahit nawala ang mood niya dahil sa panunuod kanina ay muling sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi habang iniaayos ang posisyon ng asawa pahiga sa kama.

Matapos patayin ang Tv ay lakas loob na rin niyang tinabihan ito. Alam niyang magagalit si Gabe kapag nakita ang posisyon nila, pero handa niyang tanggapin ang galit nito makasama lamang ito ng mas matagal.

Ilang oras makalipas ang munti nilang nap-time, isang galit na boses ang umalingawngaw sa buong bahay.

β€œANG LAKAS DIN NAMAN NG LOOB MO! SINONG MAY SABING TABIHAN MO AKO!?”

β€œAray! Sorry na, Gabe!”
sigaw pa ni Damien habang hinahaplos ang masakit na balakang dahil sa pagsipa ni Gabe sa kanya pababa ng kama.

β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡β—†β—‡

β€œYes direk, I’ll be there.”

β€œAre you sure, Gabe? Magaling ka na ba talaga?”
Rinig pa ang pag aalala sa boses ng direktor mula sa kabilang linya.

β€œOpo, don’t worry about me. Humihingi rin po ako ng tawad dahil sa nangyari ay naapektuhan pa ang shooting,”
mabait at magalang niyang tinig kahit na wala namang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Mabuti na lamang at hindi sila magkaharap ng kausap para makita nito ang tunay niyang ekspresyon.

β€œNako, huwag mong isipin iyon lalo na at mas mahalaga ang kalagayan mo,”
tugon naman nito.

β€œSalamat po ulit,”
aniya bago ibaba ang tawag.

Hindi man nakikita ng direktor ang inip at kunot-noo niyang ekspresyon sa mukha, lahat naman ng iyon ay napagmamasdan ng kanyang asawa na inosente at isa pa ring nag aalala sa kanyang kalagayan.

β€œGabe?”
saad pa ni Damien na kanina pang nakapanuod sa kanya.

β€œHm? Ano yun?”
malamig pa rin niyang tugon dito. Kahit medyo nagkakalapit na sila nitong mga nakaraang araw sa halip na lumambot ang bato at malamig niyang puso para sa asawa ay mas lalo pa ata iyong tumigas… Iyon ang pag aakala niya ngunit…

β€œAhm Gabe, babalik ka na talaga sa trabaho?”

β€œOo naman, naiinip na ako dito, bukod pa roon magaling na naman ako.”

Nagmamadali siyang naglakad pabalik sa kanyang silid upang ayusin ang mga gamit, bukas kasi ay susunduin na siya nina ate Jenny at ng kanyang manager upang makapagsimula na ulit sa shooting.

β€œPero, baka may mangyari ulit sayo,”
makulit na saad naman ni Damien na mabilis ding nakasunod sa kanya.

β€œI can handle it—”
napatigil siya dahil sa hindi naniniwalang ekspresyon sa mukha ng asawa.
”— Tss, so what?”

β€œSasamahan kita sa trabaho mo.”

β€œNO! Bawal ka lumabas!”

β€œHa? Bakit naman?”

β€œB-Basta, delikado sa labas kaya manatili ka na lang dito sa bahay,”
nauutal pa niyang pagrarason sapagkat hindi niya masabi ang totoong dahilan.

Kahit ilang buwan na ang nakakalipas nang magkasama sila at tumira si Damien dito sa kanyang bahay ay hindi pa rin naaalis ang katotohanang nasa panganib ang kalagayan nito dulot ng sarili nitong pamilya.

Matapos ang pag uusap na iyon ay nagmadali na siya patungo sa kanyang kwarto habang naiwan na lamang namang tulala at malungkot si Damien.

NANG
makarating si Gabe sa set kinabukasan ay masigla siyang binati at sinalubong ng lahat. Tapos na ang matagal niyang recovery at nagbabalik na naman siya sa trabaho kaya kailangan na rin niyang ikubli ang kanyang ugali.

Muli ay makikita na naman ang maganda at gwapong ngiti sa kanyang labi habang kinakausap ang mga ka trabaho.
β€œOo, okay na ako.”

β€œOy sure ka ba? Baka naman brad masama pa rin ang lagay mo ha?”
tanong pa ni Mike at Jun sa kanya habang hinahampas ng pabiro ang kanyang pwetan. Walang malisyang gesture lamang iyon, pero para sa sensitive at medyo aloof na kagaya ni Gabe, hindi siya sanay sa ganitong biro. Ang pinaka ayaw niya ay iyong hinahawakan siya ng basta-basta.

β€˜Kung inaalis mo na lang yang kamay mo sa katawan ko ay mas magaling pa, ano ka bakla!? Wag mo akong hawakan!’
inis na sigaw pa niya sa kanyang isipan habang may nakapaskil pa ring pilit na ngiti sa kanya labi. Syempre naman hindi niya pwedeng sabihin ang tunay niyang naiisip.

Patuloy pa rin ang pang aasar sa kanya ng iba at pinagkatuwaan pa ang paghampas sa kanyang pwet. Nakikitawa na lamang siya kahit hindi na komportable ang kanyang pakiramdam. Hindi rin naman siya pwedeng magalit sapagkat baka kung ano-ano na namang issue ang lumabas kaya nagtitiis na lamang siya, pero nagbago ang lahat nang…

β€œBrad, no’ng bumagsak ka bakit di mo ginamit tong malaki mong pwet para di ka nasaktan?”
pang aasar pa ni Jun habang nagtatawanan naman ang iba.

β€œHaha, kung pwede nga lang bakit nga ba hindi,”
pabiro ring tugon niya kahit inis na inis na siya dito, pero wala naman siyang magawa.

Tatampalin na sana nito ulit ang kanyang pwetan nang biglang mapatigil ang kamay nito sa ere. Natulala rin ang lahat dahil sa nangyari at sa pagdating ng isang tao.

β€œTama na,”
seryosong saad nito at mahigpit na hinawakan ang pulsuhan ni Jun.

Nang mapansin ni Gabe na napangiwi na sa sakit ang ka-trabaho, mabilis siyang nagising sa pagkatulala.
β€œDamien!”

β€œPero, Gabe—”

β€œHalika,”
mabilis niyang saad at hinila ito palayo.

Bakit at ano ang ginagawa ng asawa niya dito ay isang tao lamang ang may dahilan. Sa halip na kampihan siya ng kanyang Lolo para di na magpumilit na sumama si Damien sa kanya, pinayagan at binigyan ba naman ng matanda ng permiso si Damien na sumama at bantayan siya. Tuloy ngayon daig pa niya ang may pinapangaralang bata.

Nakayuko lamang ito at nakanguso pa.
” Di ba, sabi mo magbabait ka dito kaya pumayag akong isama ka, tapos wala pang ilang minuto ay nagawa ka na ng problema.”

β€œPero, Gabe hindi ko gusto ang paghawak sayo ng mga lalaking β€˜yon,”
pabulong ring sagot nito. Mahina lamang kasi ang paraan ng pag uusap nila.

β€œA-Alam ko, pero normal na biruan lamang iyon,”
depensa pa niya kahit ni siya naman ay di rin sang ayon sa paraan ng pagbibiro ng mga ito.

Habang nag uusap sila, bigla namang lumapit sa kanila si Jun at Mike.
” Sorry na pre. Kare-recover mo nga lang pala tapos hinahampas ka pa namin sa katawan mo,”
nahihiya pa nilang ani.

β€œWala β€˜yon pre, wag n’yo nang isipin.”

β€œNga pala, sino siya?”
tanong pa ni Mike.

Bigla siyang nanlaki ang mata at tila ba ay na hotseat. Hindi niya alam kung paano ipapakilala si Damien. Habang pinagpapawisan na nang malamig sa kaba ay bigla muli itong nagsalita.

β€œBodyguard mo ba?”

β€œHa? Anong ibigsabihin n’yo?”
naguguluhan niyang saad.

Nagkatinginan naman ang lahat ng nakapaligid sa kanila, tila ba ay may kakaibang kahulugan ang ipinapahiwatig ng mga tingin nila.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
β€”
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.