loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
My Move On Buddy

My Move On Buddy

AlbertLang · 17 chapters · 37,611 words

First Kiss

PARANG isang masamang bagay ang lips-to-lips. Noong una kasi akong makapanood nito, agad tinakpan ni Mommy ang mga mata ni Kuya. Ganun din ang ginawa ni Daddy sa bunso naming si Annabeth. Sa mga mata ko, wala, kaya’t dilat na dilat akong nakita ang halikan sa TV.

Dapat ay tinakpan nila ang mga mata ko noon, dahil pagtungtong ko ng Elementary, isa na iyon sa mga una kong inaral. Kung ang mga babae ay nagbabahay-bahayan, ang mga lalaki ay nagbabaril-barilan, ako ang pasimuno ng kasal-kasalan. Ilang mga babae rin ang nahalikan ko, pero walang tumulad sa napanood ko. Sabi ni Diane, isa samga kaklase kong matalino para tumanggi, “dapat kasi, love mo yung taong kakiss mo para may feelings.”

Galit. Galit ang feelings na sumalubong sa akin pagdating ni Mommy sa guidance office, na nadagdagan pa pag-uwi ni Daddy. Masama nga yata talaga ang lips-to-lips.

“Ambata-bata mo pa, puro kababuyan na ang alam mo, Andrei” sabi ni Mommy. “Sa Linggo, mangungumpisal ka kay Father.”

“Pag natanggal ka diyan eskwelahan mo, nako, titigil ka talaga pag-aaral,” sabi ni Daddy bago nagtanong kay Kuya. “Sino bang hinalikan ng kapatid mo, Arthur?”

“Madami po, kalahati raw ng mga babae sa class nila,” sabi ni Kuya.

“Buti naman at mga babae,” sabi ni Daddy.

“Walang mabuti-mabuti,” sabi ni Mommy. “Grade three lang yang anak mo.”

“Eh kung lalaki ang hinalikan nyan, eh hindi ko nay an tatawaging anak,” sabi ni Daddy.

Nag-antanda si Mommy. “Diyos ko naman, Jim, ano naman yang mga iniisip mo?”

Bakit nga naman kasi naisip ni Daddy na lalaki rin ang hahalikan ko? Wala pa naman ako talagang gustong halikan. Gusto ko lang maranasan yung nakita ko. Hanggang sa mag-highschool ako at nanatiling kaklase ko si Diane. Naging mabuti sa amin ang puberty, siya ang laging muse, at ako ang laging escort, at mula sa mga holding hands tuwing parade sa Linggo ng Wika, nakaramdam ako nang kakaiba kay Diane. Siya ang gusto kong halikan.

Graduation day nang magtapat ako sa kanya sa baba ng stage matapos ng mga picture taking. “Diane, I love you.”

Ngumiti lang si Diane at dinikit ang mga labi niya sa akin. Nagulat ako. Nanlaki ang mga mata ko at nakita ang kanyang pagkakapikit habang magkalapat ang aming mga labi. Hanggang sa dumilat siya at ako naman ang pumikit.

“Sorry, Andrei,” sabi niya pagkabawi ng labi. “Sa Australia na ako magco-college. Wala nang point kahit I love you too. Soryy.”

At tumakbo si Diane palayo.

Yun na yun? Tanong ko sa sarili ko,

“Iyn na ba ang first kiss ko?” tanong ko kay Rhonie. Isa sa mga barkada kong nanonood pala sa amin ni Diane.

“You call that a kiss?” sabi ni Rhonie na isa sa mga barkada kong babae, anim kami, tatlong lalaki, tatlong babae. “First of all, ang first kiss dapat tatagal ng five seconds. And secondly, dapat you love each other.”

“Mahal ko naman si Diane,” sabi ko.

“Anong alam mo sa mahal,” sabi ni Emilio isa ko pang barkada. “Eh hindi ka pa nga college.”

Totoo naman. Ano ba ang alam ko sa mahal, maliban sa definition ni Daddy sa tuition sa pangarap kong school?

Doon sa school na iyon nag-aaral si Kuya Arthur. Ako pagtungtong sa college, sa school malapit doon. Hindi naman ibig sabihin na mas mahal si Kuya nina Mommy at Daddy. Nauna lang talaga siya, at hindi na kaya ang pangalawang pag-aralin sa ganoong kamahal na University.

PURO aral ako para patunayan kina Mommy at Daddy na hindi lahat ng middle child ay rebelde. Sa unang taon pa lang, College Scholar agad ang standing ko. Tatlong Uno, dalawang one point two five. Isang one point five. Dalawang dos.

“Usapan natin di’ba, pang-University scholar dapat?” sabi ni Mommy na alumna ng University ko. “Pararatingin ko pa ba ito sa Daddy mo? Kaya mo na bang magworking student?”

Ayoko na palakihin ang issue, pero alam ko, dalawang subjects ni Kuya ang inulit niya ngayong taon. Hindi naman nila yun ginawang issue. Hindi ko na rin ginawang issue.

“Wala namang point kung magreklamo ako, sila na ang pamilyang in-assign sa akin ng universe, buti nga binuhay pa nila ako eh” sabi ko kay Rhonie habang naglalakad kami sa lobby nang biglang may pumunta sa gitna at nagperform. May dalawang lalaking nagbabasa ng tula, na nagpapalit-palit ng mga boses, at may dalawa pang inaarte ang sinasabi ng mga nagbabasa. Ang galing. Napahanga ako sa dalwan gnagbabasa. Ang galing nila. Kya ko rin yun eh.

Matapos ang performance, nag-abot sila ng flyers. “Join Repertory Club!”

“Well, maybe this is the universe telling you that we are college now,” sabi ni Rhonie. “And it is time to have a family that we choose.”

“Rhonie,” tutol ko. “Last year nga na wala akong org, hindi ako naging University Scholar, tapos kukuha pa ako ng extra curricular activity?”

“I’m joining,” sabi ni Rhonie at pinakita sa akin ang flyer.

Pinagbigyan ko si Rhonie at sinamahan siya sa lugar na sinasabi ng flyer. Isang stage sa gitna ng isang playing field ang venue. Maraming tao, at sa isang sulok, nandoon ang mga members ng Rep Club.

“Welcome to the Repertory Club,” bungad ng isang lalaki college pa lang kami, pero bakit ganun ang boses niya? Buung-buo, parang tapos nang magbinata. Napatitig pa ako. Siya yung nagbabasa kanina. Hindi ko napigilang hindi mapabilib.

“Yes sir,” sabi ni Rhonie sabay kusa ng ballpen at sign up sheet.

“Eh siya?” ngiti sa akin ng lalaki.

“Just me,” sabi ni Rhonie na sumulat sa sign-up sheet na tiningnan ng lalaki. “Ayaw niya. Sagabal daw ang org sa acads, lie he’s so GC.”

“Oh, but, we’re not just an Org,” sabi ng lalaki. “We are a family. Anong course mo, we are a group of students from different colleges…”

Hindi ko na narinig ang mga sumunod niyang sinabi. Nandoon lang ako sa ‘We are a family.’ Ang tagal ko yatang kinimkim ito sa sarili ko. Alam kong may pamilya na ako, pero iba pala kapag binanggit ng bibig na bahagi ka ng isang pamilya.

“Okay,” sabi ko at kinuha pen at sumulat na rin.

“I’m J,” pakilala ng lalaki. “Membership Manager ninyo.”

“Andrei,” sagot ko at inabot ang kamay niya nakikipag-handshake. Kaya lang, nabitawan ko ang ballpen. Sabay kaming napayuko para pulutin, at sa hindi sinasadya, nag-untog kami.

“Sorry,” sabi ni J na napangiti.

“Okay lang,” napangiti rin ako.

Hinawakan ni J ang bahagi ng ulo kong tinamaan niya.

May kung anong init sa kamay niya. Ngayon lang ako nahawakan ng ganito. May kung ano ngang nakakawala ng sakit kapag may humawak na parang nag-aalala.

Nasa ganoon pa akong pagtatanong sa sarili nang unti-unti, isa-isa, bumukas lahat ng lamp post sa academic oval, sa ilalim nang langit na pinuno ng kulay nang papaupos na liwanag ng araw.

Magkatitig, nakahawak ang kamay ni J sa ulo, sabay kaming napatingin sa sa ganda ng paligid sina. At bumalik kami sa mga mata ng isa’t-isa at pinagsaluhan ang pagkamangha. Hindi ko alam, pero napangiti namin ang isa’t-isa.

Kinuha ni J ang form ko at binasa. “Welcome to the Family, Andrei Garcia.”

NAGMUMURAHAN ang mga driver ng bus, jeep, kotse at kung ano pang mga sasakyang papunta sa Cavite dahil sa traffic, pero wala akong pakialam. Pinagmamasdan ko lang ang mga pula’t dilaw na ilaw sa labas ng bintana. Dahil tulad ng bus, stuck din ang isip ko. I can choose a family now. Pero baka pagalitan ako sa bahay. Pag bumagsak ako dahil dito, hindi na ako pag-aaralin.

Pre Orientation lang naman yun. Hindi ko naman kailangang magpakita ulit. Lord, hindi ko alam. Pwede bang humingi ng sign. Parang nagreply si Lord nang magring ang phone ko.

“Hello?” sagot ko.

“Andrei Garcia?” tanong na lalaki.

“Yes po,” sagot ko. “Sino ito?”

“J,” sagot ng lalaki. “J Jordan. Membeship Committee Manager. Rep Club.”

Napatigil ako nang paghinga, na sinundan ng kaba.

“Mr. Garcia,” sabi ni J. “Nandyan ka pa?”

“Ah, eh, oo, sorry,” sagot ko. “Bakit?”

“Wala naman, Mr. Garcia…” pero hindi na natapos si J dahil natawa ako. “What’s funny?”

“Wala pong funny,” sabi ko. “Hindi lang ako sanay na tinatawag na Mister. Ang pormal lang.”

“Garcia na lang,” sabi ni J. “Okay lang ba ’yun?”

“Sige po,” sabi ko. Iba rin kasi ang timbre ng pagkakabigkas ni J ng pangalan ko.

“Well, I just called to tell you about the meeting tomorrow,” sabi ni J. “Wag ka mawawala, bukas ang totoong orientation at ang unang challenge ninyo bilang applicants pumunta na naka-costume. Disney Characters.”

Papauwi na ako sa Cavite. Kukulangin ang oras ko pabalik sa Campus. Maghahanap pa ng costume? Hindi kaya. Ang sabi ng sign: No! Wag na akong tumuloy. “Naku, hindi naman po talaga ako sasali, yung kaibigan ko na lang.”

“Samahan mo na ang kaibigan mo,” sabi ni J. “Mas masaya ang pag-a-apply pag may kasama. atsaka promise, masaya bukas.”

“Kaso, J, wala ako,” sabi ko. “Nasa Cavite na ako. Atsaka wala akong costume dito.”

“Ako nang bahala sa costume mo, sige,” sabi ni J. “I’ll help you. That’s what families do, diba? Asahan kita bukas ha.”

TULOG na lahat ng tao sa bahay at pagdating ko, pumikit na rin ako. Wala pang araw ay nagbiyahe na ako pabalik ng QC. Pinuntahan ko si Rhonie sa boarding house niya.

“Sabi ng sign, tumuloy daw ako eh,” sabi ko kay Rhonie na yumakap pagkabukas ng pinto.

“Talaga?” sabi ni Rhonie. “Sabi ni Emilio. Wag daw tayo tumuloy. Abot pala sa Los Banos na notorious ang application ng Rep Club. And maybe this costume party is the start? Anong sa’yo?”

“Hindi ko pa alam ang dadalhin ni J,” sabi ko. “isa yun sa mga signs ko, eh.”

“Hala, hiniram ko ito sa blockmate ko,” sabi ni Rhonie. “Sabi niya sa tawag sa akin kagabi, kanya-kanya eh. Well that’s a big sign. Pero nagpaalam ka na ba kina Tita?”

“Is pang sign yun, syempre, magpapaalam ako,” sabi ko. “Pero tulog sila. Silence means yes di’ba?”

“Magrerebelde ka na ba talaga,” tanong ni Rhonie.

“Hindi naman,” sabi ko. “Kaya ko naman siguro pagsabayin ito at ang acads. Sana. Rhonie, gusto ko lang naman sumaya. College na tayo. Gusto ko subukang magka-control naman sa buhay ko.”

“Or you wanna know how it feels na wala ang control nila?” sabi ni Rhonie.

Yumakap na lang ulit ako.

NAG-DRIVE kami ni Rhonie papunta sa venue. Four floors ang building at sa pinakataas kami magkikita-kita. Pinauna na ako ni Rhonie. Nakasalubong so si J sa second floor, nakaabang. Kitang-kita ko ang pag-aalala niya. Hinila ng pag-aalalang iyon ang excitement na nararamdaman ko pababa.

“Tagal mo, kanina pa ako sa taas?” dama ko ang pag-aalala sa mga mata ni J. “Akala ko, i-indian-in mo ako.”

“Huy, wala akong costume, ha,” sabi ko. “Umaasa ako sa’yo.”

“Asa ka lang sa akin,” sabi ni J. “Sagot kita. Mukhang magkasukat naman tayo?”

Nagkatinginan kaming dalawa. Nagtantyahan ng katawan. Hindi ko napansing napangiti ako nang nasa bandang bewang na ni J ako nakatingin.

“Yeah, Let’s go Andrei,” sabi ni J. “And Rhonie, bihis ka na rin. Parating na ang mga members.”

NANATILING nakatitig sa katawan ko si J. Kaya gumanti ako. Tama naman siya. magkasukat nga kami. Hindi kami mga payat. May mga natitira pang fats mula sa pagka baby, pero tamang dami lang para bumagsak ng tama ang damit. Bilugan ang mga braso namin na kapag nagbuhat, magkakaroon ng kaaya-ayang hugis. Magka-height din kami, pwedeng pang-flight attendant. Kung nakatalikod nga ay mapagkakamali kami.

Nagulat ako nang iaabot sa ni J ang costume ni Alladin.

“Lalabas naman ang tiyan ko dito,” sabi ko.

“Observant ka,” sabi ni J. “Labas din ang part ng dibdib mo. Mula leeg hanggang pusod.”

Natawa si J at pinapanood ang paghuhubad ko. Shirt muna. Tumagilid ako nang kaunti. Marunong naman akong mahiya.

Lumapit si J at isinuot ang vest ni Alladin sa akin. Lumapit ang mukha niya sa katawan ko. Naramdaman ko ang paghinga niya. Naamoy. Mabango.

“O bagay,” sabi ni J sabay hawak sa tiyan ko. “Sit ups ka muna para lumitaw ang abs.”

Tumalikod ako at tumingin sa salamin. Maganda nga. Flat naman ang tiyan ko, at maumbok ang dibdib. Hindi masagwa. Biglang lumusot sa likod ako ang kamay ni J patungo sa tiyan. Tinapik-tapik ni J. “Para magalit.”

“Nakakakiliti,” pinigil ko ang kamay niya. Hinawakan ko. Natitigan ko ang mga mata niya.

Kabilang kamay naman ang ipinasok ni J para mangulit. Hinawakan ko rin iyon.

“Kulit mo,” sabi kong nakangiti lang din, hanggang sa mapansin kong nakayakap na siya mula sa likod ko. Napansin din yata niya. Muli na lang niyang pinagtatapik ang tiyan ko.

“Okay na, hindi na mangungulit,” sabi niya sabay bawi ng mga kamay at inabot sa akin ang pants mula sa bag niya.

“Pants na to,” sabi ko habang sinimulang buksan ang pants ko. “Manonood ka pa rin ba?”

“Tinitingnan ko lang ko lang ang fit,” sabi ni J.

“Sige na,” sabi ni Andrei. “Nahihiya ako.”

Tumalikod na lang si J, nakangiti pa rin. Kita ko dahil habang tinatanggal ko ang pants, nakasilip siya sa salamin kahit nakatalikod. Nakakadalawa na ito, ah. Nakayakap na, nakasilip pa.

“Andaya mo,” sabi ko. “Nakatingin ka pa rin.”

“Meron din naman ako nyan,” tumawa si J na nakatingin puti kong brief. “Huwag ka nang mahiya. Mukhang may ipagmamalaki ka rin naman.”

“Ah, ‘rin naman?’” pansin ko. “Ibig sabihin, sa iyo rin?”

“Atsaka mo na’to isipin,” sabay tingin ni J sa harapan niya. “Magpalit ka na at baka ma-late tayo.”

Talaga ba? Sa tingin talaga niya ay iniisip ko yun, at na may plano akong isipin iyon sa hinaharap? Dahil medyo matagal na siyang nage-enjoy sa brief ko, sinuot ko na ang pants ni Alladin. Para mas matuwa siya, binigyan ko ng kakaibang tingin na may tango at kagat sa labi.

“Para saan ang tingin na yan?” tanong ni J.

“Para sa’yo,” sagot kong napakagat labi. Marunong din akong makipaglaro.

“Talaga?” sabi ni J na lumapit. “Halikan kita dyan e.”

Nagulat ako. Biglang nagbalik sa akin yung napanood kong halikan sa TV. At ang sinabi ni Daddy. Babae dapat ang hahalikan ko.

“Bawal,” sabi ko.

“O ito ang sapatos,” natawa si J at inabot sa akin ang sapatos. “Kakagat-kagat labi ka pa kasi eh. Naghahamon ka yata.”

“Pati ba shoes?” tanong ko na inayos ang mga labi ko.

“Dapat lahat,” sabi ni J. “Kapag nagco-costume dapat walang mali. Walang mapupuna para feel na feel mo ang character. Mula ngayon, lahat nang gagawin natin dito sa application ninyo, mayroon kang matututunan. Lahat may ibig sabihin.”

Kinuha ko ang sapatos. Buti, nakasandals lang ako, pero nang isusuot ko na ang sapatos, na-out of balance ako at nadulas pasubsob kay J.

Sinalo ako ni J, pero hindi yata siya handa na salauhin ang bigat ko. Natumba siya pahiga at ang pagkakapit niya sa likod ko ang humila sa akin padagan sa kanya. Agad kong nailagay ang kamay ko sa likod ng ulo niya at naagapan ko ang pagkabagok. Ngunit masyadong malakas ang kanya namang hila sa akin kaya’t tuloy-tuloy ang pagkakapatong ko sa kanya, mula katawan hanggang ulo.

Para itong pelikula, pero utak ko na ang nagdesisyong hindi makita ang susunod na mangyayari. Duguan ba kami, may nabalian ng buti? Ayokong malaman, kaya siguro, hindi ko man sinasadya, pabagsak pa lang kami ay napapikit na ako.

At hindi ko rin sinadya ang naramdaman ko. May kung anong init ang namuo sa mukha kong nakapatong sa mukha ni J. Alam ko, kahit hindi ko nakikita, nakapatong ang mga labi ko sa labi niya, habang sapu-sapo ko ang ulo niya, at ang bigat ng kamay niya ay nasa likod, magkahalik ang aming mga labi.

Napadilat muna ako bago ko tanggalin ang aking sarili sa pagkakahalik. Naiwan ko ang mukha ni J na tulad ko kanina, nakapikit ngunit ngayon, bahagyang nakabuka ang mga labi mula sa aming di inaasahang halik.

Bawal ito.

Best Bud

AGAD akong tumayo at pinunasan ng kamay ko ang mga labi ko. Sa sobrang kaba, nawala sa isip ko na sa sahig pala ng CR ako napahawak para makatayo. Pumunta ako sa lavatory at dumura, hingasan ang bibig hanggang sa bumalik sa dating ayos ang paghinga.

“Diring-diri naman,” tumayo si J at nag-abot sa akin ng panyo.

“Nagkiss kasi tayo,” sabi ko at pinunas sa bibig ko ang panyo.

“Kiss na ba yun?” sabi ni J. “Hintayin mong maging member ka, malalaman mo kung ano ang kiss.”

“Hala?” gulat ko. Hindi ko alam kung bakit kumabog nang malakas ang dibdib ko sa huli niyang sentence.

“Huwag mo munang isippin, pa-member ka muna,” sabi ni J.

“Gago, ang hahalikan ko lang, yung mahal ko,” sakay ko sa sinasabi niyang parang walang naganap.

“Ingat ka,” sabi ni J. “Kamahal-mahal ako.”

“Hoy, kadiri kayo, andumi-dumi ng CR, halikan ang pinag-uusapan ninyo,” sabi ng isang lalaking biglang pumasok at dumeretso sa ihian.

Sa gulat, napaalis ako sa pagkakapatong kay J. Iniabot ni J ang kamay sakin para tulungan siyang tumayo.

“Nadulas ako,” sabi ni J, kilala niya ang dumating. “Tinulungan ako ni Andrei. Andrei si Geof.”

“App?” tanong ni Geof.

“Yup?” sabi ni J. “Huwag mo halimawin. Bata ko yan.”

Pagkalabas, nandoon si Rhonie, nakataas ang kilay. Hindi ko na pinansin ang mapanghusga niyang mukha. Nandoon ako sa sinabi ni J. Halimawin? Bata niya ako? Family niya na ako?

“Nag-orientation na ba kayo sa loob?” pang-aasar ni Rhonie.

“Isapa ba itong aplikante,” tumatawang sabi ni Geof. “Ayos ang suot ah. Mukhang tanga lang ah.”

DUMERETSO kami sa orientation. Nakaisang taon na kami ni Rhonie sa campus pero hindi nila alam na theater pala ang itaas ng gusaling iyon. Madilim. Isang spotlight lang sa stage ang liwanag. Sapat naman ang liwanag na iyon para makita nila ang upuan. Matapos naming maupo, nagpaalam si J at si Geof.

Nagbubulungan pa ang humigit kumulang dalawampung aplikante nang mamatay ang natitirang ilaw. Nagsigawan ang iba, napaka-OA. Pero nang umilaw, nagkagulatan na.

Si J, nakasando sa stage. May maluwag na pantalong may suspender. May kaunting dumi sa mukha at sa brasong namimintog. Hindi naman yun ganun kalaki kanina.

“Ampogi naman nila,” Napatili si ni Rhonie nang may pumasok na kanta at sumayaw ang mga lalaking member. Kasama doon si J at si Geof.

Hindi naman lahat pogi, pero isa si J sa oo. At hahalikan niya ako kapag naging member ako?

“Tulala much?” sabi ni Rhonie.

“Mga lalaki lang yata ang pinunta mo rito eh?” nagpanggap akong walang iniisip na iba, at nawala rin ang tingin ko sa mukha ni J. Napatitig sa partikular na bahagi ni J na grabe ang galaw sa sayaw. “Wala ba siyang brief?”

“Wala nga yata,” tuloy ni Rhonie na lalong kinilig.

Lalaban nga sa’kin, sabi ko sa sarili.

“Welcome apps sa Orientation ng the Repertory Club,” paunang salita ni J. “Ito ang the Rooftop, ang official theater ng Rep Club. Dito kayo tatambay bilang mga apps, at pag naging members kayo, inyo na ring tahanan kasama ang inyong magiging kapamilya. Again, kami, ang the Repertory Club!”

Lumiwanag ang buong stage at isa-isang pumasok ang ilan pang members mula sa backstage. Naka-costume din. Mga tao sa early 19th century ang outfit. Sabay-sabay silang kumanta.

“Do you hear the people sing…”

Narinig ko na ang kantang ito. Pero ang iba, parang kabisado nila. Nakikikanta na.

“Pabida,” bulong ko kay Rhonie.

“Ang judgmental mo,” sabi ni Rhonie. “Les Mis kasi yang kanta. Musical. Hindi lang lalaki ang pinunta ko rito, but it helps na gwapo sila.”

Totoo naman. Nandito lang naman ako para sa bagong mga makakasama. Pero totoo rin ang sabi ni J. Enjoy nga ang orientation. Kahit pinag-costume kaming mga aplikante, nag-costume din sila. Napapalakpak kami sa galing ng mga members matapos nilang kumanta. Naiwan ang isang babae sa stage.

“Good morning applicants,” tomboy yata siya. “Or dahil sa Rep Club kayo sasali, Replicants. Or apps. Or alipin. Or Mabababang uri.

Kinabahan na ako sa itsura ng tomboy, pero yung nagsabi pa siya nun, dumoble pa.

“Or… Joke lang,” bawi ng tomboy. “My name is Marian. I’m the chairperson kaya sabi ni J, ako daw ang magpakilala sa inyo ng Rep Club…”

Ipinakilala ng tomboy ang Rep Club bilang isang university performing group na bawat semester ay gumagawa ng isang stage play ka kailangang salihan ng mga aplikante. Dahil wala pa kaming alam bilang baguhan, magiging sunud-sunuran sila sa mga members.

“At hindi mababait ang mga members,” sabi ni Marian.

Nagtawanan kaming mga apps.

“Hindi joke iyon,” sabi ni Marian na nagpatigil sa tawanan. “Ang mga mahihirapan, pwedeng mag-defer! Tama na! Give up na! Stop na! Let’s just be friends, pero hindi na kayo magiging members!”

Ang mga members naman ang tumawa. Nakakatakot. Kita sa mga mata nila ang gutom sa pang-aapi sa aming mga bago. Totoo yata ang sabi ng barkada ko. Notorious ang org.

Kumalma lang ako nang may makatitigan ako sa gilid. Nakatingin na yata sa akin si J bago ko pa masilayan. Nang magtagpo ang mga mata namin, bumuka ang bibig nya.

“Don’t worry,” bulong ni J, nakangiti at umiiling na parang sinasabing wala yon.

Tinawag ni Marian si J.

“Ngayon, alam na ninyo na hindi madali ang org,” sabi ni J pag-akyat. “But i promise, it will all be worth it. Once na magkakila-kilala tayo, malalaman ninyo na parang mga nakatatandang kapatid lang ninyo kaming mga members. Because Rep is not just a club, it is also a company but more than that, we are a family.”

Hindi ko napigilang lumaki ang mga ngiti ko.

“At para magkakila-kilala tayo,” tuloy ni Marian. “Introduce muna natin ang isa’t-isa. Syempre una na kayo mga mabababang uri.”

“Andrei Garcia,” pakilala ko. “Second year. BS Biology. From Cavite.”

“Veronica Lizardo,” sunod naman ni Rhonie. “Second year. BS Math. From Cavite, but I’m staying in Bliss.”

May mga dalawampu pang sumunod kina Andrei at Rhonie at ang huli ay si Harry.

“Harry Reynes po, mga ate, mga kuya,” pakilala nito. Mas matangkad siya sa akin, pwedeng pumasang basketball player. May kalakihan ang katawan at bagay sa kanya ang costume ni Gaston. “HRIM. First year. Binangonan.”

Matapos ang huling nagpakilala, umakyat sa stage si J kasama si GEof at isa pang lalaki. Wala na ang mga suot nilang sando kanina. Maputi at maganda rin ang pangangatawan.

“Good morning kids, I’m Albert,” pakilala niya. “Finance Manager. Finance, dahil may usapin na tayo ng pera. Kailangan na ninyong mag bid para magkaroon kayo ng buddy. J, ano ba ang buddy?”

“Ang buddy ang makakasama ninyo at tutulong sa inyo buong semester para maging member,” paliwanag ni J.

“Pero hanggang buddy lang muna ang closest na relationship that you can have with us, the members,” paliwanag ni Albert. “Dahil isa sa mga rules na makikita rin naman ninyo sa constitution ng company, bawal ang girlfriend-boyfriend relationship between members and apps. Kasama na doon ang mga activities na ginagawa ng said relationship.”

“Kasama ba doon ang kiss?” tanong ni Harry.

“Oo,” sabi ni Geof. “Ang pwede lang ay ang holding hands na hindi magkakasalabit ang mga daliri. Pagnagkasala-salabit na, bawal na yon.”

“At dahil umeeksena na si Geof, sina na ang una sa biding,” sabi ni J. “Sa halagang piso, Geofrey Cojuangco!”

“Piso lang ako?” tanong ni Geof sabay flex ng kanyang arms. “Itong si batch, ambaba talaga ng tingin sa’kin eh.”

Ang laki ng ngiti ni Rhonie. Naniniwala talaga akong itong mga lalaking ito ang pinunta niya rito.

“May extra ka ba dyan?” tanong ni Rhonie. “Pautang kapag kulang pera ko.”

“Grabe ka,” sabi ko. “Akala ko, may Christopher ka na sa block ninyo. Ano pa ito?”

“Eh ampopogi rin eh,” sabi ni Rhonie.

“Fifty pesos,” sabi ko para asarin si Rhonie.

“One hundred pesos,” sabi ni Rhonie na tinaasan ako ng kilay.

“Two hundred pesos,” laban ko.

“Five hundred,” sigaw ni Rhonie bago bumulong sa akin. “Tumigil ka ha.”

“Ang mahal mo naman,” comment ni J na parang sumimangot s akin.

“Mukha bang mamiso ang mga muscles na ito?” at tinapik ni Geof ang kanyang abs para mas tumaas pa ang bid sa kanya.

“Rhonie sa’yo na,” tumatawang sabi ko nang mapansin parang hindi natutuwa si J sa pagbibid ko. “Wala naman talaga akong pera.”

Napangiti na lang din si J. “Going? Going?” tuloy niya, pero bago maibigay kay Rhonie, may nagbid na isa pa.

“One thousand,” sigaw ni Harry.

“Ayan, ganyan nga,” sabi ni Geof.

“Going? Going?” tuloy ni J. “Gone! Geof, ikaw na ang buddy ni…?”

“Harry,” sabi ng matangkad kong co-app.

Sa halagang two fifty nagkaroon ng buddy si Rhonie. Tinilian din niya ang lalaking nabili niya.

Ako, hindi ako nagbid. Hinihintay ko si J syempre. Sabi niya, sya bahala sa akin. Kahit na may pagbabanta pa siyang hahalikan niya ako, wala akong planong gumastos sa org na ito.

“Si Angeline na lang ang natitirang member na available,” sabi ni J. “At dahil isang app na lang ang walang buddy, automatic na siya ay para na sa iyo, Andrei.”

“Pero?” napatingin na lang ako kay J. Wala pang buddy si J at ang mga kasamahan niya sa membership committee.

“Ang buong membership committee ay buddy ng lahat. Kaya hindi kami kasali.” paliwanag ni J.

Isa sa mga graduating members ng Rep Club si Angeline. Pinagsama-sama ang mga magkaka-buddy. Iniwan na ako ni J at pinalapit ako sa buddy ko. Iyon, konting kwentuhan at palitan ng number. Maraming sinasabi si Angeli na mukhang nakalagay sa script pero hindi ko na napansin.

Bakit hindi si J? May kung ano sa loob ko, si J ang gusto ko.

NATUTULOG ako nang sumigaw si Mommy. Pagod kaya ako pagkauwi sa Cavite. Nagpahinga. Naligo at dumeretso na sa kama. Kaya pala kahit nagri-ring ang phone ko, hindi ko napansin. Si Mommy lang ang nakakagising talaga sa akin.

“Dreiko! Telepono! Jerdan daw!” sigaw ni Mommy.

“Sino si Jerdan?”

Nagtapis lang ako at bumaba na ng bahay para sagutin ang tawag.

“Dreiko?” tawa ng lalaki sa kabilang linya.

“Sir J?” tanong ko na nakapagpagising sa akin. “Jordan pa kasi pakilala mo.”

“Oo, at wag mo na ako sini-sir” sagot ni J.

“Okay lang ba yun? sabi nung orientation, dapat igalang daw kayo.”

“May moment para tawaging ninyo kaming sir at ma’am, pero pag ganito lang, okay na wala. Anyway, hindi ka sumasagot sa phone mo. Kaya tiningnan ko ang app form mo para sa landline mo.”

“Sorry hindi ko nasagot,” sabi ko. “Importante ba?”

“Hindi naman. Gusto ko lang sabihin na akong bahala sa’yo. Hinuli ko talaga si Angeline para maging buddy mo. Laging wala yun. Dumarating lang yun pag artista siya. “

Tuluy-tuloy pa si J sa pagpapaliwanag, pero natigil na ako sa linyang ‘ako na ang bahala sa iyo.’ Hanggang sa napatingin ako kay Mommy Magda. Nabawasan ang ngiti ko.

“J, wait,” sabi ko. “Tawagan kita sa phone. Akyat lang ako.”

“Alam mo ba number ko?”

“Nasa missed call na yun.”

30 missed calls? Grabe naman ang importansya ko sa lalaking ito. Oo, gusto ko siyang halikan. Pero hanggang doon lang.

“J, teka lang,” sabi ko. “Bakit?”

“Huh?” gulat niya sa bigla kong pagpigil sa kwento niya. “Bakit bakit?”

“Dahil ba memcom ka, kaya ikaw ang bahala sa akin?”

“Oo,” sagot ni J. “Pero kung hindi ako memcom, I would bid for myself for you para maging buddy mo ako. Para maging buddy kita.”

“Am I that special?” nag fish pa ako.

“Don’t you think you are?” ibinalik ni J ang tanong na sinagot ko ng katahimian. “You are. You are special. Don’t let anyone make you feel otherwise.”

Difficult Parts

GINAWA ko lahat ng paraan para makaiwas kay Geof pero may mga pagkakataon talaga na kailangan kaming magtapat. Lalo pa at may signature sheets kaming kailangang papirmahan sa mga members.

Sig Sheet. Ito ang notebook ng mga aplikante ng Rep Club. Unang page, ang welcome note at ang picture ng mga members na parang tuwang-tuwa sila sa presence ng mga applicants. Sumunod ang mala slumbook page ng profile naming mga apps. Next ay ang buddy page, profile naman ng buddy namin ang message niya sa amin. Tapos ay mga trivia na kailangan naming alamin. Ano ba ang Rep Club at ano ang pinaninindigan nito? Ano na ang mga sikat nitong productions, sino ang mga sikat na alumni? Nandoon din ang organizational structure. At ang mga codenames ng lahat ng mga members na kailangan namin lagyan ng real name nila. Hindi pa yon, may mga questions pa na page na kailangan alamin namin kung sino ang nagtanong at kung ano ang sagot. Andami nilang paandar para mas makilala namin ang mga members. Atsaka lang iyon masusundan ng mga pages ng attendance namin sa mga workshops, mga meetings, tambay hours at pages para sa mga notes talaga.

Tuwing nakatambay kami sa the Rooftop, laging nakahanda ang mga sigsheet namin dahil hindi namin alam kung sino ang darating. At kung wala naman, ang mga members na bored ang nagtatanong. Nasa twenty rin kaming mga apps na nakatambay nang dumating sina Geof at ilan pang mga member.

“Tapos na bang maglinis ang mga apps?” tanong ni Marian.

“Okay na po,” sabi ko at nauna na ako sa mga co-apps ko na mag-abot ng sigsheet para pirmahan niya ang work ko. Pero binuksan niya ang pages ng sigsheet ko.

“Bakti MemCom pa lang ang napapapirma mo?” puna ni Marian sa sigseet ko. “ Sila lang ba ang mga members? Malapit na ang interview, at dapat at least half ng members napapirma mo na. Batch head ka pa naman.“

Kaya naman naglakas na ako ng loob. Tininingnan ko ang mga members na nasa the Rooftop. Kung nandito sana si J, mas magiging matapang ako, pero kailangan kong kayanin mag-isa. Inuna ko na ang pinaka sa tingin ko ay mahihirapan ako. Si Geof.

“Ako talaga uunahin mo?” sabi ni Geof na hindi mangiti.

Napahinga ako nang malalim at sinubukang magmukhang mabait.

“Tatlong hula,” sabi ni Geof sa akin ang maglakas ako ng loob magpapirma sa kanya. “At sa bawat maling hula, may parusa. Ano gusto mong parusa?”

“Kayo na pong bahala,” sabi ko habang hawak ang sigsheet na bukas ang page labinlimang codenames na iba-iba pa ang font.

“Magkamali ka muna bago ko sabihin ang parusa mo,” Sabi ni Geof.

Pinag-isipan kong mabuti ang isasagot ko.

“Super hunk sir Geof,” sabi ko.

“Okay,” ngumiti si Sir Geof.

Hindi ako makapaniwalang napaka-give away at napaka narcissistic ng codename niya at nahulaan ko kaagad.

“Isigaw mo ang pangalan ng crush at sabihin mong crush mo siya,” utos ni Geof. “Sabihin mo, I crush you.”

Mali ako. Sino namang pangalan ang isisigaw ko. Hindi ko alam, perokinabahan ako nang pumasok si J. Ngumiti pa sa akin.

“K’tin!” sigaw ko. “I crush you!”

Kumunot ang noo ni J.

“Napaka-predictable mo naman,” sabi ni Geof. “Sige, next time na yung iba. Nandyan na ang tagapagtanggol mo.”

“Thank you po,” sabi ko.

“Humanda ka na lang sa akin sa Interview.”

“NAPAKAPREDICTABLE naman ng K’tin,” sabi ni J.

Napagod na yata siyang nakatayo habang kaming mga apps ay nakapaikot sa speaker na nagdi-discuss ng pagsulat ng dula. Medyo nakakaantok magdiscuss, at ang pagtabi ni J, nakapagpagising sa akin. Buti at may kumausap sa akin. Pinaalala pa ang failed kong attempt na pagpapapirma kay Geof.

“Wala naman kasi akong maisip,” sabi ko. “Ang weird naman kung si Rhonie ang sinabi ko.”

“Eh bakit hindi na lang ako,” sabi ni J.

Napatingin lang ako kay J.

“Pwede yun,” sabi ni J. “Crush lang naman. Pwede yun between members and applicants.”

“Andrei,” sabi ng nagtuturo. “Lalabas ito sa interview ninyo. Makinig.”

“Sorry po,” sabi ko at nakita ko si Aura na tumaas ang kilay nang makitang nakangiti si J sa tabi ko.

NAGMAMANEHO si Rhonie, nasa shotgun ako nakatingin lang sa phone ko.

“Ngiting-ngiti. Si J ba yan?” puna ni Rhonie.

“Oo,” depensa ko.

“Sige tingnan ninyo,” sabi ni Rhonie sa mga nakasakay sa likod. Sina K’tin at Brent na nagsasalansan ng thirty plus paged constitution ng Rep Club. Kakabisaduhin namin para pumasa sa interview.

Kinuha ni Brent ang phone ko.

“Haba ng message,” sabi ni Brent na nagulat. “J Jordan Salvador, 13-B. Albert Geofrey Cojuangco 13-B. Marky Lim 13-B. List to ng mga members?”

“Nangiti ka rin,” sabi ko. “ Bigay ni J. Kailangan ding kabisaduhin ang mga yan.“

“At nakalagay sa Consti, bawal ang relasyon ng member at aplikante,” sabi ni Rhonie.

“Wala naman kaming relasyon,” sabi ko. “Alam mo namang babae ang gusto ko.”

“Akala ko, hindi ko na talaga kayang makilala ang bading sa straight,” tumatawang sabi ni Ktin. “Kasi alam ko lalaki talaga kayo ni J.”

Matapos kopyahin ang mga names ng member, ibinalik ni Brent ang phone ko.

Saktong may bagong message.

Galingan mo bukas. Galing kay J.

Oo. Para sa iyo. Sagot ko.

Para sa atin. Reply ni J.

PAGDATING sa building, nagpalit ako ng semi-formal attire. Dapat daw naka-longsleeves at necktie sa interview, kasi nga formal interview ito. Kabisado ko na ang lahat. Confident naman ako at na-take note ko lahat ng bilin ni J.

Tumunog ang cellphone ko. may message si J.

Pag kinabahan ka, tingin ka lang sa akin.

Napangiti ako sa message niya.

May isang long-table sa gitna ng the Rooftop. Naiilawan ito ng spotlight. Si Geof agad ang un akong nakita sa gitna ng table, hawak ang interview sheet.

“So we have the Batch Head,” sabi ni Geof. “Mabuti naman at umabot siya sa interview.”

Hindi ko inaasahang kakabahan ako nang ganito kaaga sa interview. Hindi pa nga ako nakakaupo. Umikot ang mata ko sa buong silid. May mga members pa siyang katabi, si Albert, nandoon din. Sa likod ng mga members na nasa panel, ay mga mga members pang nakatayo at nakatingin din sa akin. Naka semi-formal attire din sila. At tulad sa text ni J, hinanap ko siya. baka mabawasan ang bilis ng tibok ng puso ko.

“This is a formal interview,” sabi ni J na lumabas sa dilim at naglakad-lakad sa likod nina Geof.

“Okay, Mr. Memcom,” sabi ni Geof. “Mr. Andrei Garcia, Batch Head, are you ready for your interview? Pease take a seat.”

“Yes Sir,” sabi ko. “Thank you po.”

“Rules,” sabi ni Geof. “First, address all members with sir or ma’am. You have to remember that, because you have to greet all the members in the room with their full name and their batch. If you don’t know, you say sorry and ask them. We only have one and a half hours for your interview. Kapag nag-overtime ka, you’ll be eating up the time of your co-apps. At dahil nag-overtime si Brent, nabawasan na ng thirty minutes ang last interviewee, I think that’s Brent. But you can sacrifice your time and say enough, batch head ka naman di’ba?”

“Let’s start,” sabi ni J. Napansin yata niya na inuubos lalo ni Geof ang oras ko.

“Okay, Good morning, Mr. Garcia,” sabi ni Geof.

“Good Morning Sir Geofrey Cojuangco…” ano nga ulit ang batch nito. Naalala ko na magkabatch sila ni J. naihabol ko. Isa-isa ko ring binate ang lahat ng member sa lugar. Wala akong kulang.

“State the preamble,” sabi ni Geof.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Ito yung umpisa ng pinakabisado sa constitution. Biglang nawala ang lahat ng kinabisado ko. Tumingin akong muli kay J. Nag-mouth siya, hindi ko maintindihan. Hanggang sa nagmuwestra siya na huminga ako nang malalim. Ginawa ko naman. At parang kasama ng hangin, dumating ang mga pinag-aralan ko.

“We, students of the…”

“We talaga?” sabi ni Geof. “Member ka na ba? Nakiki-Preamble ka lang.”

“Sorry Sir,” sabi ko. “I quote, we, students…” at tinuluy-tuloy ko na ang preamble hanggang sa end quote.“

Buong one centimeter thick na document ang kinabisado ko at sa tulong ng mga tanong ni Geof, nasabi ko ang lahat ng salita na nasa constitution. Walang one hour. Nasagip ko ang thirty minutes na nawala kay Brent.

“Now is the time for some open forum,” sabi ni Geof. “We will not take anything you say here against you.”

“Ano pong sasabihin ko?” nagtaka ako.

“May problem ka ba sa application?”

“Wala naman po,” sabi ko.

“Sa mga co-apps mo?”

Napaisip ako. Wala naman akong gusting sabihin.

“As a batch head? Sino sa tingin mo ang problematic mong co-app?”

“Sa tingin ko po,” sabi ko. “Si Harry. Parang silang dalawa lang Sir Geof ang close.”

“Okay,” sabi ni Geof. “That’s a fair observation.”

“Pero hindi ba, ganun din naman kayo ni J,” sabi ni Aura na biglang lumabas sa dilim.

“Good Morning Sir Aura…” nauntag ang bati ko.

“Tapos na interview mo, rules don’t apply anymore,” sabi ni Aura. “Anyway, bago mo silipin si Harry, make sure that you are on a better track.”

“I think wala nang sasabihin si Andrei,” sabi ni J. “He just saved time for his co-app. Huwag na nating kunin.”

“Okay,” sabi ni Geof bago humarap sa akin. “Thank you Andrei. Papasukin mo na yung next applicant.”

MULA sa twenty three applicants, naging labindalawa na lang kami after ng first interview. At sa mga sumunod na araw, hindi lang buong pangalan at batch ng mga members ang nakabisado namin, pati ang mga ugali nila at mga trip nila at kung paano nila kami pag-trip-an.

Kung nung una, Disney characters ang kailangang costume, dumating ang tinatawag na challenge week. At ang challenge, kailangan naming magcostume ulit, pero this time, bilang inanimate objects. Anim sa amin, products ng Jollibee, ang anim, products ng McDonalds.

Si Rhonie, Peach Mango Pie. Ako, Twister Fries. Pero para sa mga members, kami ay basically pangit.

Nakahilera kami sa stage ng the Rooftop Theater. Nakaupo ang mga member para panoorin ang aming mga skits, mga jokes at mga improv skills. Matapos ang mga iyon, inisa-isa kami ng mga members.

“Do you really think that, that ugly costume deserves to be on this stage?!” sigaw ng member na si Albert.

“Ampapangit ninyo, mas maganda pa sa inyo ang basurahan sa bahay namin,” Sabi ni Geof. “At may baby sa bahay namin. Na nakakasampung diaper sa isang araw. Na punung puno ng tae. Na minsan, kinakain pa ng aso ng kapitbahay namin. At mas maganda pa iyun panoorin kesa sa inyo! Ampapangit ninyo?!”

Nagsimula nang umiyak ang mga co-apps ko. Sa lahat ng ito, nakatingin lang ako kay J. Poker face si J. Napaiyak ako. Akala ko, hindi niya ako pababayaan.

“Ano kayo mga bata?” sabi ni Marian. “Iiyak kapag hindi na kaya?”

“O Harry, bakit ka umiiyak? Mayaman ka di’ba. Maganda ang costume mo, perfect, anung problema?” tanong ni Albert.

“Kasi po…” patuloy sa paghikbi ang Large Coke na may pintura sa mukha. “Kasi po, napabayaan ko po ang co-apps ko.”

“Eh ikaw Rhonie? Anung drama yan?” tanong ng member.

“Kasi po, ampangit ko po,” sagot ni Rhonie.

“Ikaw?” nasa harap ko si Marian. “Bakit ka umiiyak?”

“Kasi po, umiiyak ang mga co-apps ko.”

Isang malakas na “PANGIT!” ang isinigaw ni Marian sa mukha ko. Natuliling ang tenga ko. “Makikisama ka pa sa kanila sa pag-iyak.”

“Kasi po, kasama ko naman talaga sila, at hindi po pangit ang pinaghirapan namin,” sabi ko. “Hindi po ba ninyo pupurihin yung effort namin?”

Si Geof ang lumapit sa akin. “Pati effort mo pangit!”

“Hindi po, masaya po kaming…” hindi ko na natuloy ang sinasabi ko.

“Anguynguynguynguynguy,” sabad ni Geof. “Lalabas kami ha, tapos ituloy mo yang paliwanag mo, gusto ko, pagpasok namin, nagpapaliwanag ka pa rin. wag kang titigil.”

“Maririnig nyo po…” hindi ko na naman natapos.

“Anguynguynguynguynguy,” sabi ni Geof. “Gusto mo pang magdahilan di’ba. Magdahilan ka, at pag pumasok ako na hindi ka nagsasalita. Deffered ka na!”

“I like that, di ka nauubusan nang pangungupal,” sabi ni Albert kay Geof. “Guys let’s go.”

Napakasama nitong Geof na’to. Siya ang nauna sa paglabas ng mga members. Sinunod ko naman siya. Sumigaw ako ng mga dahilan. “Sama-sama po namin itong ginawa. at hindi ito pangit dahil pinaghirapan namin ito. Ilang araw na kaming pagod sa paggawa ng costume ninyo, tapos mage-expect kayo ng perfect…”

“Ano yun?” Sumisigaw pa rin ako nang sumilip si Geof.

“Syempre, di mo maririnig, nasa labas ka.” Napabuntong hininga ako at napabulong.

“Ano yun, lakasan mo! Kahit bulong, dapat stage whisper,” tawang-tawa si Geof sa sinabi niya na hindi ko naintindihan. Natawa rin ang iba pang mga members.

Nilakasan ko na lang. “Hindi nyo po maririnig ang paliwanag ko kasi nasa labas kayo.”

“Exactly,” sigaw na naman ni Geof sa mukha ko. “Pagkalabas ng audience ninyo, hindi na kayo makakapagpaliwanag. Kahit ipatawag ninyo sila sa Barangay, hindi nila didinggin yang eksplanasyon ninyo.”

Nakatingin lang ako kay J. Nakangiti ito na lalo kong ikinainis. Iyon na ang huli kong tingin sa kanya at naglabasan ulit sila.

NAKADAMIT na kami ng totoong tao nang pumasok muli si J kasama ang isa pang member. Hindi ko siya pinapansin. Masama pa rin ang loob ko. Hindi rin niya ako pinapansin. Isa lang ako sa mga co-apps ko kung kausapin niya.

“Apps, syempre hindi kayo okay,” sabi ni J. “Pero to be fair sa mga members, pangit talaga kayo. Sana lang nakuha ninyo ang point ng activity. Na kung pangit ang pinakita ninyo, pangit din ang magiging reaksyon ng tao. Theater ang pinapasok ninyo, mabilis ang feedback ng nanonood, at kung iiyak kayo dahil hindi ninyo kayang panindigan ang pinapalabas ninyo, masisira ang show at madadamay ang org.”

Mahaba pa ang lecture ni J. Matapos nun, pinauwi na niya kami.

SA Cavite ako umuwi. Tulad nang nakasanayan, hindi ako nakatulog hangga’t hindi nagri-ring ang phone. Nagtataka na si Mommy Magda dahil taas-baba ako sa bahay. Baka kasi sa landline tumawag si J. Pero wala rin. Hanggang sa dumating ang call.

“Tagal mo tumawag,” sabi ko.

“Sorry, kinausap ko pa si Brent, gusto na daw mag-defer,” sagot ni J.

“Hala, kumusta?” pag-aalala ko.

“Tutuloy naman,” sabi ni J. “Ikaw ba?”

“Tutuloy,” sabi ko. “Alam ko naman test lang yun. At ginagawa mo lang ang trabaho mo.”

“Eh bakit ka umiyak?” tanong ni J.

“Kasi parang kailangan. Umiiyak na sina Rhonie,” sagot ni Andrei.

“Wow, artista na,” sagot ni J. “Paano mo yun ginawa?”

“Inisip ko na wala namang may pakialam sa akin, na pangit talaga ako,” sabi ko.

“Well, good job,” sabi ni J. “But i hope, internalisation mo lang yun.”

Hindi ako sumagot.

“Huy,” sabi ni J. “Huwag mong iisiping pangit ka. Lalong hindi ka nag-iisa.”

“Thanks,” sabi ko na lang. “Alam ko namang nandyan ka para sa akin. Nagtaka lang ako at hindi ka sumabay sa akin… sa amin pauwi.”

“Sorry,” sabi ni J. “Bawal kami magpakalma sa inyo kung wala naman kayong hinihingi. Hell Week eh. Memcom pa ako. Pero gustung-gusto ko talaga ikaw puntahan. At kumustahin.”

Natahimik ako. Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko.

“Andrei?” sita ni J nang napansin niyang hindi ako nagsasalita na lalong pang nag-alala nang mapasinghot ako. “Wait, umiiyak ka ba ulit? Naalala mo naman ba ang mga co-apps mo?”

Natawa muna ako nang kaunti.

“Hindi,” sabi ko. “Hindi lang ako sanay na kinakamusta ako. Lalo pa ngayon. J ang hirap ng application.”

Natawa ulit ako habang umiiyak, parang baliw na nare-realize ang ginusto niya.

“Mahirap talaga yan,” sabi ni J. “Pero magiging worth it. Isipin mo na lang ang naghihintay sa iyo pag naging member ka na.”

“Oo nga,” sabi ko. “May family na ako sa campus.”

“Yes, magiging family tayo,” sabi ni J. “But have you forgotten, there are other better things waiting for us.”

“Thanks Kuya J, ha,” sabi ko na hindi na kinuwestyon kung ano ang na-forgotten kong sinasabi niya. “Sana nakasama kita kanina. Miss na kita makatabi eh.”

“Nako, kung magkatabi tayo, siguro nayakap pa kita, at nahalikan pa.”

Naalala ko na. May hamon pala siya noong nasa CR kami noong orientation.

Playing It Safe

PAANO ba magsimula ang isang halikan? Pinagpapaalam pa ba? Kasi wala namang salita pero parang may utos ang mga mata ni J sa pagkakatitig ng mga iyon sa akin. Bahagyang nakabuka ang kanyang mga labi nang lapitan ko sa pag-aakalang para doon ang imbitasyon.

Hindi gumalaw si J. Umatras. Kinabahan ako sa pagbawi ng aking mukha malapit sa kanya.

Umiling siya at hinawakan ang aking mukha. Tapos ay naramdaman ko ang mga labi niya sa aking labi. Malambot, matamis ngunit nakakapag-init. Tapos, hindi na lang mga labi. naramdaman ko ang dila niya sa akin. Hindi ko alam ang susunod na gagawin kaya’t ginaya ko na lang. Ito yata ang pakiramdam ng nasa pelikula.

Nag-iba lang ang pakiramdam ko nang mawala ang salansan ng mga daliri ni J sa mga daliri ko. bumitaw ang kamay niya sa akin at naramdaman ko iyon sa aking tiyan, pumapasok sa aking damit pataas na may pagtatangka na itong hubarin.

Pinigilan ko si J. Hindi yun ang pinunta ko sa kung nasaang lugar man ako ngayon. Nalito na ako. Katulad nang pagkalito sa mga mata niya. Natakot akong nagalit sya o naisip na galit ako, dahil hindi. Hindi ko lang gusto ang kamay niya sa katawan ko at kung saan pa iyon mapupunta. Nabasa niya iyon sa aking mga mata at siya naman ang aking naimbita. Siya naman ang muling lumapit sa aking mga labi. Ito ang gusto ko.

Atsaka ako nagising. Walang habas na pagdila ng isang lasa apso sa aking mukha.

Bakit ako nananginip nang ganito? Pangatlong beses na yata ito mula nang Hell Week. Bago naman si J, Si Diane ang huli kong napanaginipang nahahalikan. At hindi ko naramdaman na parang nasa pelikula ang mga sandaling iyon. Bakit si J na ngayon? At bakit ako inihian ng aso ni Rhonie?

“Rhonie,” sigaw ni Andrei. “Pinakawalan mo ba si Tootsie. Inihian ako.”

“Alam mo namang trained si Tootsie umihi sa CR,” sabi ni Rhonie na kinuha ang lasa apso niya.

May boarding house si Rhonie sa Bliss, isang lumang housing project, malapit sa University. Isang linggo na akong border dito habang ina-attend-an ang intensive workshop ng Rep Club. Lahat tungkol sa theater. Mula prod works, acting techniques, technical and artistic aspects at nitong huli, ang advanced playwrighting. Matapos nito, kailangan naming i-mount ang play na sinulat. Bago iyun, kailangan muna naming tapusin ang script. Ito mostly ang pinagpupuyatan namin ni Rhonie. Pero mostly, ako, dahil nagsulat na ako, napagod, nakatulog, hindi umuwi si Rhonie.

“Hindi ako ang nagpakawala,” sabi ni Rhonie pagkabalik kay Tootsie sa kulungan at tumuloy sa banyo.

Tumayo ako sa kinatulugan kong sofa. Nandoon pa rin ang laptop, bukas at parang may bumasa na. Matapos tingnan kung na-save, kumuha ako ng pamalit sa duffle bag at sumund na rin sa CR.

“Ang galing naman ni Tootsie, nakakalabas sa kulungang mag-isa?” sabi ko.

May pumasok na lalaking walang katok-katok. May takeout ito na breakfast mula sa McDonalds.

“Sorry, akong nagpakawala,” Ibinaba ng lalaki ang mga dala, lumapit kay saking, inabot ang kamay. “Topher, Pare.”

Sino to?

“Maganda ang sulat mo,” tuloy ni Topher na kung kausapin ako eh parang a year ago na naganap ang pagka-intorduce sa amin.

“Can’t believe na kagabi mo lang yan sinimulan,” tuloy pa ni Topher. “Kailan ninyo yan ipe-play?”

“Bukas,” bukas, reluctant kong sagot.

“Wow,” react ni Topher na parang walang planong i-expound ang pagpapakilala. “Tapos ngayon lang kayo magre-rehearse.”

“Yup, we are being trained to perform under time pressure,” sabi ni Rhonie pagkalabas ng CR na deretso beso sa lalaki. “Si Christopher pala. Blockmate ko. I’ve mentioned him before. Siya yun sinabi kong may plans na tumakbo sa council. Tara, kain tayo, treat niya breakfast natin.”

“Wow, thanks, kilala kitang Christopher noon,” sabi ni Andrei. “Pero ngayon, ikaw na ang dahilan kung bakit naihian ako ni Tootsie.”

“Excuse me,” sabi ni Rhonie. “Hindi sa aso ko yan. Sarili mong gawa yan. At malamang dahil sa kung anu-ano ang sinusulat mo kaya yan ang napapanaginipan mo.”

“Nabasa mo na rin?” tanong ko habang nasa banyo, hinugasan ang sarili.

“Yup,” sagot ni Rhonie. “Other than questionable sa akin na may dalawang naghahalikan sa umpisa, I think it is good.”

“Kailangan yun,” sabi ni Andrei. “Shock factor. Sex sells.”

“Sure,” sabi ni Rhonie. “Pero, kilala kita, sinusulat mo ang mga fantasy mo. Bakit hindi na Diane ang naiisip mo? Sino yang lalaking yan.”

“Play lang to,” sabi ko. Deny ko.

“NAPANAGINIPAN ko kasi, nakikipaghalikan ako,” sabi ko kay Rhonie. Matapos ang klase, deretso kami ni Rhonie sa stage ng Rooftop Theater. “Tapos hindi naman first time yun kanina. Paulit-ulit na.”

“Sino ba naman ang kahalikan mo?”

Napatigila ko. Aaminin ko bang si J? Sasabihin ko bang si Diane?

“Alam mo, ganyan din ako,” sabi ni Rhonie. “Tapos walang mukha. Pero kilala mo, pero hindi mo sure. Weird talaga minsan ang mga dreams.”

“Oo nga,” sumanag-ayon na lang ako.

“Pero feeling ko, fantasy mo yan,” sabi ni Rhonie. Kung paulit-ulit yan, kailangan mo nang totohanin. You have to find that person in your dream, tapos halikan mo na. Malay mo tumigil ang pananginip mo nang kalaswaan. Kaya I think, right direction yung pagsulat mo ng play.“

“Si J,” sabi ko. Kailangan ko nang aminin dahil malalaman din naman ito ni Rhonie. “Rhonie, sabi niya kasi, gusto niya akong halikan. Nung nadapa kasi ako sa kanya sa CR, nagdikit ang lips namin. Tapos sabi ko, halik ’yon. Sabi niya, hindi raw. At malalaman ko raw ang totoong halik kapag naging member ako.”

Nakatulala lang si Rhonie.

“Rhonie, pwede ba yun?” tanong ko. “Na nae-excite ako sa sinabi niyang iyon?”

“Wait,” sabi ni Rhonie. “Does this mean, he likes you, like you?”

“Ganun na ba agad yun?” tanong ko.

NASA the Rooftop na sina Brent, Harry at Ktin pagdating namin ni Rhonie. May apat pa kaming kasama; sina Jessica, Gigo, Rachelle at Petra. kami na lang ang natira sa applicants ng Rep Club.

Iba na ang set up. Lahat ng mga monoblocks ay naka stack sa isang tabi, at isang malaking espasyo na lang ang buong floor. Wala na rin ang stage. Ang platform na dating tinungtungan noong orientation ay nakalagay na sa isang tabi. Isang malaking itim na silid na lamang ang Rooftop theater.

Nandoon na rin si J. Naalala ko ang panaginip ko. Paano ba ang halik na tinutukoy niya?

“Alam ko maganda ako, pero too much naman ang pagkatulala mo, Andrei,” sita ni Aura sa akin.

“Sorry po,” sabi ko.

“Nabasa ko na ang script ninyo,” sabi ni Aura. “Harry and Andrei, I suggest kayo na ang gumanap ng role nina Dan at Joey.”

“Hindi!” matinding tutol ni J.

Nagulat si Aura sa firmness nang narinig na pagtutol, na kailangan ni J ipaliwanag ang kanyang sarili.

“Mag Michael Joe ka na lang Andrei,” sabi ni J. “Nabasa ko rin ang play, mas bagay ang physique ni Andrei, malaki, commanding. Hindi patpatin, hindi soft, hindi parang bakla.”

Tinaasan lang ni Aura ng kilay si J na parang alam niya kung bakit tumututol ang kapwa member. Pero naramdaman ko rin, ayaw ba ni J na may makahalikan akong iba? Baka nga may gusto sa akin itong member na ito.

“Ang stereotype mo, J, ha,” sabi ni Aura. “Iba-iba na ang mukha ng mga bakla. Hindi mo sila kilalang lahat.”

“Why do I feel like being judged?” sabi ni J. “Alam kong marami pa akong dapat malaman, pero sapat naman ang alam ko para …”

“Alam mo?” sabi ni Aura. “Alam mo ba ang sarili mo?”

“Tsk, this is going nowhere,” sabi ni J. “Andrei, ikaw? Anong role ba ang komportable ka?”

“Pag-aawayin mo pa yata ang mga members,” bulong ni Harry sa akin.

Nalito ako. Natakot. Membership Committee Vice Chair ito. Baka pag-initan ako. Pero si J. Para naman sa akin lagi ang mga suggestions niya. Malamang iniisip pa rin niya ang mas okay sa akin. bahala na kung magalit si Sir Aura.

“Hoy batch head,” sigaw ni Aura. “Tinatanong ka ng member!”

Hindi ko pa nabibigay ang sagot ko, may consequences na. Sino ba, si Sir Aura ba o si J?

KADILIMAN, mga walang maunawaang bulung-bulungan lang ang maririnig. Hanggang sa mapatungan ito ng musika ng Titanic. At sa marahang pagbukas ng ilaw, makikita sa kama si Harry. Nakatayo siya sa dulo ng kama. Mula sa likod niya ay may kamay na yumakap at marahang itinaas ang kamay kinakapa ang katawan ng nasa harapan.

“Ang saya-saya naman, Dan,” sabi ni Harry. “Ating-atin ang barko.”

“Oo nga, Joey,” sabi ng boses na unti-unting nagkaroon ng mukha. Si Brent. “Tayong dalawa lang, walang istorbo.”

“Pwede nating gawin lahat,” sabi ni Harry na malambot ang kilos bilang ito ang role ni Joey.

Tumalikod si Harry kay Brent at sinimulang halikan ang co-actor. Matinding halikan. Mas malupit kina John Lloyd at Bea.

Natigil ang halikan sa pagpasok nina Ktin at Rhonie. Tapos ay pumasok na rin ako at tumuluy-tuloy na ang dula. Kwento ng mga kabataang member ng theater org na magkakaroon ng play sa Ilo-ilo ngunit nagkaproblema nang ma-announce na lulubog ang barko. Masaya ang mga members, maraming tawa, pero may mga bulung-bulungan pang muli. Hindi man Pulido, maayos ang pagkakaganap ng naming mga replicants.

Natapos ang palabas. Nagpalakpakan ang mga members. Namatay ang ilaw. Matapos nun, kailangan na nilang ma-critic.

“The script is good,” sabi ni Marian. “We just need to tweak it a little, gawing consistent ang characterization and I think this will be a good production next sem.”

“I think, okay ang characterization,” sabi ni Aura. “Magaling si Harry bilang Joey. You can take the role next sem. I don’t mind directing. Ikaw Brent, if you want Dan’s character… hay, NO!”

“Yup, I agree,” sabi ni Albert. “Yung gumanap na Michael Joe would be better.”

Ako yun. Tama si Aura. Mali si J. Pero bakit naman ayaw ni J ibigay sa akin ang role?

“Sinabi ko na’yan,” sabi ni Aura. “Kaya lang, may isang lalaki ditong ayaw magpatalo.”

“The script is good,” sabi ni J. “Kung kailangang ayusin nung artista ang pag-arte niya, yung artista ang sabihan ninyo. Andrei did a great job as Michael Joe.”

“I wouldn’t mind auditioning for Dan!” sabi ni Geof. “At tama si J. The actors should have given life to their characters. The script is good.”

“Magkampihan pa kayo,” sabi ni Aura. “Palibahasa, parehong peppered steak.”

“Anung peppered steak?” tanong ni J.

“Wala!” sabi ni Aura.

“Mga karneng paminta,” sabi ni Albert na napatawa nang malakas.

“At akala ko Albert, straight ka talaga,” sabi ni Marian. “Sumbong kita kay Summer.”

Nagtalo pa sila, na hindi ko alam kung ikatutuwa ko. Ang malinaw, kinabahan ako. Nakapako na kasi sa aking ang tingin ni Aura.

Matapos ang mga critic at notes sa amin, nagbilin na ang membership committee ng mga next steps sa application process. Tapos ng workshops, dalawang steps na lang at magiging official members na rin ang mga aplikante. Kailangan na lang naming tumulong sa pagtatayo ng play this Sem. Tapos, ang huli, ang induction. Hindi pa nila dinetalye ang nabanggit pero puro parinig na nakakatakot ito. Focus daw muna kami sa prod.

Umalis na ang mga members pero naiwan sina J at Aura. Naiwan ang dalawa sa audience area habang naglilinis pa kaming mga apps ng stage.

“Stay here,” sabi ni Aura kay J. “Kakausapin ko lang si Andrei at ipapaalala ko sa kanya ang lugar niya bilang aplikante.

“Anung ipapaalala mo…” hindi na natapos ni J ang tanong niya.

“Na hindi iyun sa tabi mo,” sabi ni Aura.

“That’s not fair,” sabi ni J.

“No, what you’re doing to him is not fair,” sabi ni Aura.

“Patas ang tingin ko sa kanilang lahat ng aplikante,” sabi ni J.

“Alam ko,” sabi ni Aura. “It’s not fair for Andrei. Gusto ko siya. Magaling siya, may talent. Nakikita ko siyang member ng Rep Club. Pero what if masilip siya ng ibang members for being too close to you? Kakayanin mo bang hindi siya mainduct dahil sa relasyon ninyo?”

“Wala kaming relasyon,” sabi ni J. “Kung gaano ako ka-close sa kanya, ganun din ako ka-close sa mga kasama niya. Walang espesyal sa pagitan namin.”

Hindi napigilang mabagsak ang dala kong props. Sana naman kasi tumitingin sila sa paligid para malaman kung may audience din sila. Napalingon na lang sila sa akin nang marinig ang pagbagsak.

“Wala pa po kaming relasyon,” sabi ko. “Kung meron man po, hindi naman po iyon espesyal. Member siya, applicant po ako. Iyun na po iyun. Mabait lang po talaga si Sir J… at maalaga… at thoughtful, hindi nakakalimot. Pero sa aming lahat po iyun.”

“Well,” sabi ni J. “There he is. Mukhang alam na niya ang lugar niya org na ito. Aplikante. Kaibigan. Wala ng iba.”

“Well, well,” sabi ni Aura. “Dahil mukhang may dramatic drop ka pa after marinig ang mga salitang ‘walang espesyal’ in that very order, alam mo na ang dapat mong ikilos, maramdaman at asahan.”

“Opo, Sir Aura,” sabi ko.

“Good,” Then and there, tumayo si Aura at umalis.

Tumayo na rin si J. “Sorry about that,” sabi ni J sa akin. May kung ano sa mga mata niya ang may sinasabi.

“Hala ka,” sabi kong nakangiti. “Sorry saan? Wala yun.”

Lumapit lang si J at kinuha ang mga pinulot kong props at ipinatong sa upuan. Nanatili akong nakatayo, Pinapanood lang siya. tapos muli siyang lumapit, hindi ko alam kung ano ang kukunin dahil mas lumapit ang mga kamay niya, lumampas sa katawan ko at niyakap ako nang mahigpit.

“Masakit yung mga salitang ‘walang espesyal’ Andrei, and i had to use them to describe us,” sabi ni J.

Nanigas ako. Hindi ko pala kayang maging artista. Mabuti at magkadikit ang mga mukha namin. hindi niya makikita ang nawala kong ngiti. Wala naman kasi sa sistema ko ang tanong kung espesyal kami o hindi. Hindi ko iyon iniisip. At ayokong isipin. Kaya ko siguro nabagsak ang mga props, kasi may nakakapansin sa mga bagay na ayaw kong pansinin. Pero may kung ano sa yakap ni J ang napansin ko. Ang init, ang higpit. Bakit ganito na ang kanyang yakap?

Sinubukang kong alisin ang pagkakayakap ni J. Gusto ko, pero may kung ano sa akin na nagtatanong. Hindi dapat ako komportable, di’ba?

Pero hindi pumayag si J. Hindi niya ako pinakawalan.

“Dapat akong mag-sorry because of that,” tumuloy ng pagsasalita si J. “And it is okay if you’re not okay. Magalit ka sa’kin. I’d get it.

“Hindi ako magagalit,” sabi ko.

“Hay,” malalim na hinga ni J. “Good, hindi ko kasi alam kung paano kita paaamuin pag nagalit ka. Alam mo naman ang totoo. Di’ba?”

“Hindi ko alam,” sabi ko. Hindi ko naman kasi talaga alam. O katulad ng pagiging espesyal namin, ayokong alamin.

May nagbago rin sa kilos ni J na naging dahilan ng pagluwag nang pagkakayakap sa akin. Mula sa likod ko, napunta ang mga kamay ni J sa aking mga braso. Umatras sia pero iniwan ang mga matang nakatitig sa akin.

“Alam mo,” pilit ni J.

Ang mga mata nya, nangungusap ng katotohanan, at ang ngiti niya, ang tamis. Ang mga iyon, sapat na para makalimutan ko ang mga iniisip.

Hanggang sa mapatingin ako sa mga labing iyon. Naalala ko ang panginip ko. Gusto kong maramdaman ang pelikula sa mga sandaling ito.

Questions

GRABE ang kabog ng dibdib ko. Ito yung napapanaginipan kong titigan. Yung mga mata ang nag-uutos sa mga labi na huwag nang magsalita at damhin ang labi ng kaharap. Madilim ang buong paligid sa theater, at tanging ilaw lang sa gitna nito ang bukas, nasa gilid kami ni J na parang kaming dalawa lang. Nakahinto ang buong paligid. Mga mata lang namin ang may galaw, at sumunod ang mga katawan, papalapit sa isa’t-isa. Hindi na yata hihintayin ni J na maging member ako atipaparamdam na niya sa akin ang pinangakong halik.

“Kung maghahalikan kayo, maghalikan na kayo,” sabi ni Aura na hindi namin napansing dumaan. “Anumpetsa na?! Mapapanisan kayo ng chance.”

Iyun na nga ang nangyari. Ang mga pinipigilang naming paghinga ay bumalik sa dati nitong bilis, kasabay ng paligid na nagbalik na rin ang totoong galaw. Salamat Sir Aura.

Ang mapang-akit na mukha ni J, ang bahagyang nakabukang maninipis na labi ay nagkaroon na ng ngiti. Ako, pinilit ngumiti. Pinilit itago ang pagkapahiya.

Buti na lang at walang naganap. Wala ring nakapagsalita sa amin na parang guilty sa naganap kahit wala namang nangyayari.

“Nalaglag yata ang wallet ko, nakita nyo ba?” sabi ni Aura na naghalughog sa mga monoblocks na naupuan niya. “There you go? Found it. Go, kiss na ulit. Wala palang espesyal.”

Tumayo si Aura lumakad at nilampasan kami. Wala siyang narinig sa amin. Kaya siya naang nagtuloy.

“Hindi na ninyo matutuloy yan, hindi naman kayo magjowa,” sabi ni Aura. “Tapos na ang spur of the moment, mga bakla kayo.”

“Mga bakla daw tayo,” gulat ko sa mga sinabi ni Aura. Ang totoo, tinitimpla ko ang reaksyon ni J. Pareho ba kaming ng naramdaman. Alam ko kasi lalaki ako at lalaki rin siya, pero bakit gusto naming maghalikan?

“Huwag mong pansinin si Aura,” sabi ni J. “Siya ang bakla. Hindi tayo.”

Lumuwag ang dibdib ko. Hindi ko kayang maging bakla. At kung espesyal man kami ni J. Anong masama sa pagiging espesyal ng dalawang lalaki sa isa’t-isa?

NAHULI kami ni J sa pagbaba, at sa paglabas ng building. Hinintay ako ng mga co-apps ko. Ang mga members, nauna nang umalis. Si J na lang talaga ang naiwan para siguraduhing maayos ang mga aplikante hanggang sa paglabas ng theater. Membership Manager pa rin naman siya.

“Bye Sir J,” paalam nina K’tin at ng iba pang mga apps.

“Una na ako, Drei, nasa’yo na ang susi, wag kang gumawa ng kababalaghan sa unit ko,” sabi ni Rhonie na tumakbo na papunta sa kotseng huminto. Si Topher ang nagmamaneho.

“Di pa tayo sinabay,” sabi ni Brent, isa sa mga co-aps ko. “Ikot ka ba? Sabay na tayo.”

“Lakad lang ako, sabi ko,” sabi ko. Taga KNL siya. Hinahatid namin siya ni Rhonie dati kapag uwian nang ganitong oras.

“Lakad na lang tayo,” sabi ni J. “Kayo, K’tin?”

“Okay na po, mag-aabang na lang kami sasakyan,” sabi ng co-app ko.

“Sakay muna natin sila, tapos lakad na tayo?” sabi ni J.

Gusto ko nang umuwi, pero syempre, kailanganko ring makisama sa mga co-apps ko. Matagal maghintay ng sasakyan dahil gabi na. Iilan na lang ang pumapasok sa campus.

“Selos ka ba kay Topher,” tanong ni K’tin sa’kin.

“Huh?” gulat ko.

“Eh kasi, mag-bestfriend kayo ni Rhonie, tapos ngayon, wala na siya sa iyo. Never ka ba nagkagusto sa kanya?”

“Hindi ko best friend si Rhonie. Well good friends, pero hindi kami bestfriends. Magkakabarkada kami since highschool.” Natawa ako.

“Pero maganda si Rhonie, hindi mo ba siya niligawan?” tanong ni K’tin. Nakikinig lang ang mga co-apps natin sa discussion naming dalawa.

“May mas maganda sa kanya,” nangiti ako. “Yun ang bestfriend ko.”

“Bestfriend lang?” tanong ni J na parang walang ganap kung makaintriga, palibhasa, nakwento ko na rin sa mga gabi naming pag-uusap sa phone ang tungkol kay Diane.

“Hindi naman naging kami ni Diane,” sabi ko. “Nasa Australia na siya ngayon. Sabi niya, bata pa kami at maglolokohan lang kami kung seseryosohin namin ang LDR. Maraming possibilities daw ang magbubukas sa amin kapag college na kami.”

“Dude, this seems to be the first time you tell us about your other friends,” sabi ng isa ko pang co-apps. “Mas kilala na kita kesa kay Harry.”

“Nasaan nga ba si Harry?” tanong ni J.

“Sumabay na kay Sir Geof,” sabi ni Brent.

“So single ka and you’re into girls?” tanong ni K’tin.

“Oo naman,” sabi ko.

“Well, at least nasagot na ang tanong natin,” sabi ng isa kong babaeng co-app. “Medyo malambot ka kasi.”

“I told you, boys can be soft,” sabi ni K’tin. “And cute nga eh.”

“Maniwala kayo dyan,” sabi ni J. “Anthropology Major yan.”

Napangiti ako. Nakangiti sa akin si J nang mapatingin ako sa kanya. Babae pa rin naman ang gusto ko, kahit ang mga labing nakangiti sa akin ang nahahalikan ko sa mga panaginip ko. Siya rin kaya? Nawala ang ngiti ko. may kung anong kalituhan ang bumalot sa akin.

BOARDING house ang pinaghatiran namin ni J kay Brent. Tapos tumuloy na kami ni J sa paglalakad.

“Paano yan? Mag-isa ka sa bahay ni Rhonie,” sabi ni J. “Gusto mo, samahan kita hanggang sa bumalik siya?”

“Huy ’wag na, okay lang ako,” sabi ni Andrei.

“I have everything in my bag,” sabi ni J. “Pwede naman ako doon mag-aral, habang ikaw, aral din?”

“Wag na,” sabi ko.

“Bakit? Anong problema?”

Hindi ko alam kung anong isasagot. Nanatiling nakatingin sa akin si J. Ngumiti na naman. napasagot ako. Kung ano ang bumabagabag sa akin, dineretso ko na sa bibig ko.

“Alam kong, hindi tayo hindi special,” sabi ko. “Pag pinayagan kitang samahan ako buong gabi, baka hindi lang tayo hindi special. Baka maging special tayo sa isa’t-isa.”

Natawa si J.

“Sige na nga,” sabi ni J habang naglalakad kami sa makikipot na kalsada. “Pero bili muna tayo coke, uhaw na ako. Hindi naman nakaka-special yun, di’ba?”

“Hindi,” sabi ko at huminto kami sa may blihan ng siomai at siopao. “Pwede pa yun.”

Hindi ko na kasi alam kung ano ang nangyayari sa akin. May kung anong nababago sa akin na hindi ko nagugustuhan. Hindi ko na alam kung kailan nagsimula, pero totoong bumagsak ako nang marinig si J na nagsabing hindi kami espesyal, kasabay ng mga buhat ko. Gusto kong espeyal kami, pero ayoko dapat. Sa maraming dahilan. Ayoko dapat.

Matapos magcoke at mag siopao na special, naglakad na kami ulit. Nakarating na kami sa pinto ng unit ni Rhonie. Nasa akin ang susi ni Rhonie dahil may meeting kami kinabukasan kahit Sabado. At kahit nasa bahay niya ako, wala siya para pagsabihan nitong mga iniisip ko.

“Sure you’re okay?” tanong ni J. “Parang andami mong iniisip na iba sa pinagkukuwentuhan natin.”

“Oo naman,” sagot ni Andrei.

Sinusian ko ang pinto at nang bumukas, tumingin ako kay J.

“Salamat sa paghatid,” sabi ko. “Paano ka uuwi?”

“Mag-book na lang ako ng Motor,” sabi ni J.

“Ingat ka sa pag-angkas ha,” sabi ko.

“Magbu-book pa ako,” sabi ni J.

“E di pasok ka muna?” sabi ko.

“Pag pumasok ako dyan, baka mahirapan tayong lumabas,” sabi ni J.

Natawa ako.

“Atsaka kay Rhonie yang bahay,” sabi ni J. “Nakakahiya. Hindi ako nagpaalam.”

“Sige, dito na lang tayo,” at umupo kami sa harap ng pinto.

ilang sandali pa, dumating ang motor ni J. Tumayo kami. Nagyakap. Nagpalitan ng ngiti. hanggang sa hatid ko siya ng tingin pababa ng building. Sinilip ko pa siya sa baba. Tumingin siya, alam niya sigurong susundan ko pa rin siya. Tumango at kumaway.

Pumasok ako sa bahay. Naupo sa sofa. Naramdaman ko ang pangungulila kay Rhonie. Kailangan ko nang mapagkukwentuhan, mapagtatanungan, mapagsasabihan ng kanyang nararamdaman. Pero wala.

Hindi kami hindi special, naisip ko. Pero, paano kung oo?

NAGKITA-KITA kaming mga co-apps sa the Rooftop. Magmamasid lang kami kung paano ginagawa ng mga members ang Story Conference. Ang mga members na may suggestion, ipi-pitch ang kwento ng dula. Matapos noon, pipili sila ng lima. Ang limang napili, babasahin. Isa sa mga napili ang suggestion ito ni J. Pero nawawala ako sa pag-oobserba tuwing magkakatitigan kami ni J na may inilalabang dula.

Esprit de Corps. One Act play na naka-set sa Military Training. Dalawang lalaki ang bida at ang highlight nito, ang halikan ng dalawa. Iyun ang tumatak sa akin sa mga napag-usapan. Siguro, dahil sa pinili iyon ni J para sa amin.

“Bakit naman iyun ang napili mo?” tanong ko kay J. Tinigilan ko na muna ang pag-iisip kung ano ba ang meron kung special kami. Kasi kung nagsulat ako para sa amin, baka pumipili rin siya ng play para sa amin.

Matapos ang storycon, ito kaming dalawa kumakain ng isaw.

“Well, una, kaunti ang cast, dalawa lang,” sabi ni J. “Madaling i-mount. Pangalawa maganda yung paghalughog ng play sa lalim ng desire na nagpapatakbo sa mga tao. At of course, bilang Rep Play, socially relevant.”

“Pero syempre nung binabasa mo yan, inisip mong ikaw ang isa sa mga gaganap,” ang tanong na ito, medyo leading.

“Oo,” sagot ni J. “Iyon eh kung magugustuhan ako ni Gabriel?”

“Akala ko busy si Sir Gabriel?” tanong ni Andrei.

“Well, naka-leave lang siya as a member dahil sa research niya. Pero kapag may directing na nagaganap, he’s ready to drop everything. Balita ko nga, malungkot daw yan ngayon. Kaya, galingan mo, mas masungit yung ngayon.”

Sumawsaw si J ng isaw sa cup ng suka. Sumubo, ngumuya, lumunok. Lahat ’yon napagmasadan ko. Napansin yata ni J, kaya naisip kong kailngan ko pang magsalita. Pero hindi na. Pinutol nang ngiti ni J ang kung ano mang tanong na naisip niya.

“Oo, galingan mo,” sabi ni J. “Kapag nagustuhan ako, sana magustuhan ka rin, para tayong dalawa na ang actor sa play?”

Nanlaki ang mga mata ko. Parang robot kong naisawsaw ang isaw sa cup ng suka. Kumagat na hindi ko namalayang wala ng laman ang stick. Hala. Itinapon ko na agad sa basurahan ang stick. Natawa lang si J na pinapanood din naman ako.

“Eh, gusto mo ba ’yun?” bawi ko na lang sa pagkapahiya.

“Alin part ang gusto ko ba?” tanong ni J. “Yung maghahalikan tayo?”

“Hindi pala, gusto, pwede? Pwede ba akong aarte?” sabi ko. “Aplikante lang ako. Story con nga, hindi kami pwede mag-suggest.”

“Ayaw kasi naming may desisyon ang Rep Club na galing sa App, baka lumaki ulo ninyo,” sabi ni J. “Pero kung aarte, babayaran naman kayo. Sa Acting, pantay-pantay members, apps at pati mga mag-a-audition mula sa labas.”

“Okay,” sabi ko. Nakalusot.

“Pero kailangan mo pa ring mag work sa backstage as app,” sabi ni J. “Kaya galingan mo. I-claim na natin itong play. Gusto mo ba ito?”

“Oo,” sagot ko.

PINAKIKINGGAN ko ang sound track ng buhay ko. sweet love songs, habang nag-aabang ng bus pabalik sa Cavite. Si J naman, naisakay ko na. Kaya ko na lang ulit sa mundo ko, na tanging mga kanta sa headphone ang naririnig.

Hanggang sa tapikin akong isang lalaki.

“Bakla ka,” si Aura.

“HIndi po ako bakla,” sabi ko kaagad.

“O huwag mo ng damdamin, expression lang,” sabi ni Aura. “Kanina pa kita tinatawag, naka earphones ka pala.”

“Ay, sorry po,” sabi ko.

Iyun na ang umpisa ng ilang kwentuhan namin. Kinamusta ni Aura ang application namin. Inisa-isa niya ang mga co-apps ko. Hanggang sa magkapalagayan na kami at mag-open si Aura.

“Sorry kung masungit ako sa iyo,” sabi ni Aura. “Ang Membership Committee, dapat mother hen sa inyo, kasi mga inakay namin kayo. Ang success ninyo, success namin. Pero sa iyo, I have to be tough.”

“Kasi po batch head ako?” tanong ko. Masungit naman talaga particularly si Aura particularly sa akin.

“You’re too close to J,” sabi ni Aura. “Mag-ingat ka. Masakit umasa.”

“Wala naman po akong inaasahan,” sabi ko.

“Okay, kung yan ang sinasabi mo sa sarili mo,” sabi ni Aura. “Pero again. Masakit umasa. Mas mabuti, linawin mo na ang mga kayang linawin. Know your cards. Kung susugal ka, kahit hindi mo alam ang baraha ng kalaban, alam mo dapat kung paano ilalaban ang hawak mo.”

Ngumiti na lang ako. Umaasa na yata kasi ako.

Reasonable Doubts

UNLICALL moment na dapat to, pero mula nang magkahiwalay kami ni Aura, hindi pa rin sinasagot ni Rhonie ang telepono niya. Nakatulog na ako sa bus, na sa bawat gising, wala pa ring reply si Rhonie. Nakapasok na ako sa gate namin. Wala pa rin. Gusto ko lang sabihin kay Rhonie na may nararamdaman akong hindi gusto kay J. Hanggang sa makapasok na ako sa bahay.

Dahil Saturday night, nasa harap ng TV ang buong pamilya habang nanonood ng movie. Katabi ni Mommy Magda si Kuya Arthur niya, at kay Daddy Jim, nakahiga si Annabeth.

“Thur,” sabi ni Daddy kay Kuya Arthur. “Pakikuha ang popcorn, luto na yata.”

“Ikaw na lang Drei,” ipinasa ni Mommy Magda sa akin ang utos.

Hindi ko pa nabababa ang bag ko, hindi pa ako nakakapagbihis, utos na agad ang salubong. Hindi na ako nagreklamo. Nakakahiya nga namang magulo pa ang blocking nila. Isinalin ko na rin ang popcorn sa bowl at inihain. Sanay na ako rito.

“Upo ka na rin,” utos ni Daddy. “At tigil-tigilan mo yang sinasalihan mo ha, unahin mo ang pag-aaral mo. Tingnan mo itong si Annabeth, tataas ng grades. Pag nakapasok ito sa school mo, baka gayahin ka at maging pabaya rin.”

Maang-maangan na lang ako.

“Tumawag na naman yung Jerdan mo kanina,” sabi ni Mommy.

“Hindi ko pa siya Jurdan, Ma,” pabulong na sagot ni Andrei. “Atsaka Jordan kasi. J na lang.”

Parang hindi napansin ni Mommy ang comment ko.

“Daddy mo nakasagot,” tuloy ni Mommy Magda.

Kinabahan ako. Anong sinabi ni J? Hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa Rep Club. Puro review ang paalam ko at maaga ang exam next day. Tiwala naman sila kay Rhonie.

“Dad, kaya ko ito,” sabi ko na may pagpapaumanhin. “Okay naman grades ko last year.”

“Okay lang ang grades mo last year, hindi pa mataas tapos babawas pa sa oras mo sa pag-aaral yan teatro-teatro na yan,” sabi ni Daddy. “Paano kung mawala scholarship mo, pahihirapan mo pa kami ng Mommy mo?”

“Jim, mahirap mag-isa sa kolehiyo,” sabi ni Mommy Magda. “Mabuti na yan at hindi girlfriend ang inaatupag.”

“Mg-grilfriend ka na lang,” sabi ni Daddy. “Baka kung ano pang masagap mo diyan sa sinasalihan mo.”

Naintindihan ko ang tinutukoy ni Daddy. Kinabahan ako.

“Magbihis ka na, Drei,” sabi ni Mommy.

NAG-RING ang phone ko pag-akyat ko sa kwarto.

“Bakit ka tumatawag?” sabi ni Rhonie. “Kasama ko si Topher kanina. Sorry, hindi ko nasagot.”

“Wala naman,” sabi ko.

“Wala naman pala,” sabi ni Rhonie. “Okay, babay.”

“Teka,” habol ko.

“Bilis,” sabi ni Rhonie. “Kasama ko si Topher.”

“Ay, okay, sorry,” sabi ko. “Hahaha, wala naman talaga. Sa Monday na lang.”

Agad ibinaba ni Rhonie ang phone.

Hindi na ako nakakapagbihis, humiga na lang ako sa kama.

‘Nakauwi na ako. Sorry, nakatulog ako sa bus, hindi ko nasagot mga messages at calls mo.’ Pinupuno ko pa ang sasabihin kay J. Hindi ko sure kung ise-send o hindi. Tama si Aura, nalilito ako. At si J, hindi nakakatulong ang ginagawa. Bakit may espesyal-espesyal pang nangyayari. Masyado na akong dumidikit sa kanya na nabibigyan ko na yata ng ibang kahulugan at hindi ako dictionary para gawin iyun.

Hindi na ako nagtext. Ibinaba ko na ang phone at tumitig na lang sa kisame.

Ilang sandali, nagring ang phone. Si Rhonie sana, nakonsensya sana siya at ipinagpalit ako kay Tophet.

Sinagot ko. HIndi si Rhonie. Maling desisyon. Si J ang tumatawag. Bumilis ang tibok ng puso ko.

“Garcia,” bati ni J. “Okay ka lang? I’ve been calling you.”

“Oo nga, di ko nasasagot. Okay lang ako.”

“Bakit ngayon ka lang sumagot, kanina pa ako tumatawag.”

“Nagtext ako sa’yo.”

Agad kong hinanapa ang mga na-type ko nang message, tapos, pindot ang send. Buti na lang at pwedeng mag multi-task ang telepono.

Tut-tut.

“Baka ito,” sabi ni J. “Kapapasok lang.”

Sandali kaming natahimik.

“Andrei,” basag ni J sa katahimikan. “Sabihin mo na. Bakit mo ako iniiwasan?”

“Hindi kita iniiwasan,” sagot ko.

“I was calling you. Your phone was busy. You cannot be sleeping.”

“Kasi,” hindi ko maituloy ang sasabihin dahil wala akong masabi.

Natahimik ako. Ano naman kasi ang sasabihin ko? Na nalilito ako, lumayo ka muna. hahanapin ko lang ang center ko? Eh paano kung wala ka na pagbalik ko?

“Ano, Andrei Garcia?” tanong ulit ni J.

“Wala nga,” pilit ko kahit kung anu anong mga salita ang nagpupumilit sa utak ko.

“May problema ka,” mas pilit ni J. “Lagi tayong magkausap. Tumataas ang boses mo kapag may tinatago ka. Sige na. Ano na yang problema mo?”

May kung ano na namang umikot sa tiyan ko. Talaga ba? Napapansin niya ang mga maliliit na bagay tungkol sa’kin.

“Sige na,” sabi ko dahil parang hindi titigil si J. “Si Rhonie. Iniiwan na ako.”

Tahimik ulit. Hindi ko alam kung naniniwala si J o nag-iisip pa lang ito ng sasabihin. Tumuloy ako, at kailangan kong papaniwalain si J na iba ang gumugulo sa akin.

“Alam mo namang si Rhonie ang best friend ko, di’ba. Siya na ang pamilya ko. Siya ang takbuhan ko bilang wala akong matakbuhan dito sa bahay. Pero ngayon, ito, hindi ko na siya makausap. May Topher na siya.”

“What do you mean, walang matakbuhan?” sabi ni J. “Parang ambait-bait naman ng Mommy mo. Yung Daddy mo, nakausap ko kanina, ang concern kaya niya sa iyo. At may dalawa ka pang kapatid. Kung tutuusin, masaya ang family mo, kasi buo kayo. Not everone is that blessed. Sabi ko nga sa’yo dati di’ba, naiinggit ako sa iyo.”

“Sorry,” sabi ko na hindi ko alam kung bakit parang mali ako. “Huwag mo sanang isipin na hindi ko naa-appreciate ang meron ako. Mahal ko sila. Pero mas mahal nila ang isa’t-isa. Nawawala ako minsan. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.”

Masyadong totoo ang pagsisinungaling kong ito. Hindi man ito ang dahilan kung nang pag-iwas ko kay J, isa itong problemang dadaan pa lang sa isip ko, sinusubukan ko nang iwasan. Narinig ko kasi minsan si Tita na hindi sigurado si Daddy Jim kung anak niya ako o hindi.

Doon ko nakaramdam ng kakaibang sakit. Bakit ba kasi ito pa ang napili niyang maging go-to-lie? Magpapalusot na nga lang, yung nakakasakit pa sa sarili ko.

“E di ako naman ang para sa’yo,” sabi ni J. “I’m your Kuya J.”

“Shut up,” sabi ko na hindi napigilang umiyak.

“Sh-in-ut up mo ba ako?” gulat ni J bago mapansin ang paghinga ko. “Wait. Andrei, are you crying? Are you okay?”

Nahikbi ako. Kung bakit nailigaw ko na nga ang usapan hanggang sa hindi ko na sinadyang maglabas nang itinatago kong kalungkutan, tapos ito pa rin, naibabalik pa rin ni J ang usapan tungkol sa aming dalawa.

Pwede naman akong pumili. Pwede ko nang hindi na pansinin si J, ituloy na lang ang buhos tungkol sa angst niya sa pamilya ko. Pwede rin akong gumawa ng ibang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan para less painful.

Pero hindi ang mga iyon. Deretsuhin na natin to. Ang kasinungalingan ay nakakasakit. Ang katotohanan basically, masakit din pero nakakapagpalaya. Yun na lang.

“Kuya J huwag ka na kasing ganyan, nililito mo ako,” sabi ko.

“What?” gulat ni J na nagpapa-cute lang naman. Hindi siya handa sa mga nararamdaman ko.

“Yung sinabi mong alam ko naman kung ano ang totoo, ang dami kong totoong naisip, pero hindi ko alam kung anong pipiliin, kasi hindi ko alam,” tuluy-tuloy na sabi ko. “Ang dami mo nang binigay sa akin, ipinaramdam sa akin, tapos dadagdagan mo pa niyang ‘ikaw para sa akin na yan,’ J…”

“Mahalaga ka sa akin, Andrei,” sabi ni J na walang pag-iisip. Binitawan niya ang mga salita na parang wala nang ibang katotohanan sa mundo.

Hindi ko na natapos ang sasabihin. May gusto pa kong idagdag pero wag na. Natahimik kaming dalawa, na mas gusto ko sa pagkakataong ito. Katahimikan. At alam kong nasa kabila lang siya.

“Ayaw mo ba?” malungkot na pagtuloy ni J sa kawalan ko ng reaksyon. “Hindi ba parehas ang nararamdaman mo for me like i feel for you?”

“Kuya J…” hanggang pagbanggit lang ng pangalan niya ang kaya ko. Hindi ko alam ang isasagot. Pero dahil kailangan ko pang magsalita. Sige.

“Hindi ko alam,” sinabi ko na lang ang nararamdaman ko. “Nakakalito pa rin kasi yang mahalaga-mahalaga na ’yan. parang espesyal-espesyal.”

“Malinaw sa akin na mahalaga ka sa akin,” sabi ni J na nag-iiba na nang tuluyan ang tono. “Hindi ko naiintindihan kung ano ang nakakalito doon. Maliban na lang kung… oo nga siguro… Hindi ako mahalaga sa iyo. I’m sorry for assuming.”

“No, J. Mahalaga ka pero hindi ko alam kung pwede yun,” sabi ko at sana, hindi ko siya nasaktan. “Kasi sabi mo, hindi tayo katulad ni Aura.”

“Kailangan pa ba tayong maging katulad ni Aura para maging mahalaga sa isa’t-isa?” sabi ni J.

Hindi na naman ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung rhetorical question ito. Kung hindi naman, ano ang isasagot ko?

“Sorry, Andrei,” sabi ni J. “Baka nililito kita lalo. Itulog na muna natin ito. See you sa Monday. Goodnight.”

Ibinaba ni J ang telepono.

Ipinatong ko ang telepono ko sa dibdib na naninikip, nananakit. What just happened?

Kasalanan ko ba? Bakit may ganito? Si J dahil ang gulo niya. Si Aura, dahil ginugulo ako.

Pero syempre, wala namang patutunguhan ang pagsisi ko sa kanila. Ang tanga-tanga ko.

Sana hindi ako nakatulog sa bus. Para kahit dahil sa pagod, makatulog ako. Pero walang hapo yata ang makakapagpatulog sa pagpagod sa akin ni J. At mukhang umpisa pa lang ito.

Nanatili na lang ang mga titig ko sa kisame.

Auditions

NAKATITIG lang ako sa phone ko. Ang dating picture naming magkakabarkada, napalitan na ng picture namin ng mga co-apps ko kasama sina J at Aura. Nakaakbay sa akin si J. Doon ako nakatitig hanggang sa maging itim na ang screen. Wala pa rin.

Tumagilid na ako sa kama at nilagay sa sa isang sulok ang telepono. Bakit ba hinihintay kong magparamdam ang isang taong nagpaalam sa aking matutulog na? Siguro dahil nararamdaman kong tulad ko, nag-iisip din siya kung saan nagsimulang maging mali ang aming usapan. Ako ba? sinira ko ba kung ano mang maganda ang meron sa amin?

Pero hindi pwedeng magkaroon ng maganda sa pagitan namin. At habang iniisip ko ito, may pumasok na ala-ala, ang pagkakadapa ko sa ibabaw niya at pagtama ng labi ko sa labi niya, kasunod nang pangakong hindi pa iyon ang halik, at ipararamdam niya sa akin iyon pag naging member ako. Kailangan ko ngang itulog ito.

Dumating ang araw nang Lunes na wala akong pakialam sa lahat ng post ng mga pina-follow ko sa IG, wala na akong inaabangang comment sa na-comment-an ko sa Twitter at FB. Ang hinahanap ko ay ang kawawala lang. Ang mga tawag ni J na hanggang alas tres. Mga message niyang tulog na tayo goodnight, at umaga na, bangon na. Wala naman akong paki sa mga ito. Pero ngayong nawala, hinahanap ko na.

Tahimik rin ang biyahe ko sa bus. Kahit anong titig ko sa telepono, walang nagdaragdag sa convo namin. Kung pwede lang sanang mabasa niya ang isip ni J, at utusan itong tawagan ako, gagawin ko. Pero hindi ko kaya iyon.

Pero bakit siya ba ang inaasahan ko? kaya ko rin namang gawin yun.

Binuksan ko ang profile ni J. Ano bang pumipigil sa akin para tumawag? Hiya? Kanino naman ako mahihiya? Hindi pa naman ako pinahiya ni J. Tuwing lalapit ako, gumagawa ng paraan si J na ibigay ang gusto ko. Lahat naman ng sorry ko, tinanggap ni J. Anung kailangan kong ikahiya?

Pinindot ko ang call button. Nagsimulang mag-ring ang telepono ni J.

Nakakakaba pala maghintay ng sagot. Pag ako kasi ang tinatawagan, kaya kong titigan lang nag number, pero pag ako ang tumatawag, iba. Lumuluwag lang ang paghinga ko tuwing maririnig ang boses ng babaeng nagsasabing, ‘the person you are calling is busy at the moment.’ Tapos, dial ulit siya, kakabahan sa pag-ring, tapos hihinga nang maluwag pag walang sumagot.

Alas singko pa lang naman kasi nang umaga to be fair. Baka tulog pa si J.

Deretso ako sa Bliss, sa bahay ni Rhonie. Alas syete na rin kaya’t may bumeso na sa akin pagpasok.

“Ang aga mo,” bati ni Rhonie.

“Eh wala namang magawa sa bahay,” sabi ko. “Patulog na lang muna.”

“Okay,” sabi ni Rhonie.

Pagkaupo ko sa sofa, may lalaking lumabas sa CR. Towel lang ang saplot nito at dumeretso sa kwarto ni Rhonie. Sa ilang sandali, naintindihan ko siya. Kung may lalaki nga namang ganito ang katawan na tatabi sa kanya, hindi na niya ito lalayuan. Rhonie deserves to be happy.

Nakaramdam ako ng selos. Hindi ko alam kung kanino at bakit, pero nakaramdam ako ng bigat ng loob. Deserve ko namang maging happy rin.

SOBRANG bago ng pakiramdam na ito. Hindi ko maintindihan, kaya hindi ko magawan ng paraan. Pinilit kong mag-focus sa mga klase, sa mga readings, sa mga exams. Kaya ko naman yun. Ang hindi ko kaya eh yung mga break. Yung mga tambay hours na kailangan kong bunuin sa the Rooftop. Hindi na tambay hours ang pinunta ko. Sobra-sobra na yata ako. Kahit na masusungit ang mga members, at naitumba na nila halos kalahati ng batch namin, umaasa akong tatambay rin doon si J at mawawala ang pangamba ko. Pero wala.

“Are these the fresh bloods?” tanong ng isang lalaking di ko matingnan. Ngayon ko lang nakita ito, intimidating. May itsura rin naman. Pero parang anlaki-laki niya. Ang lakas ng dating. Hindi ko inaasahan na sa pagtambay nila sa lobby sa labas ng the Rofftop Theater, may mas nakakatakot pa sa existing list ng mga members.

“Apps, labas na ninyo ang mga sigsheets,” sabi ni Aura. “Minsan lang dumaan yang si Gabriel.”

Nilabas namin ang mga sigsheets at binuksan namin sa page na nakalagay ang mga codenames Si J, Gambit. Favorite daw niya yun sa X-Men. Iyon ang una kong pirma.

Kinuha ni Gabriel ang sigsheet ko.

“Magpo-prod na ah, hindi mo pa rin puno ang mga ito?” nagtatakang tanong ni Gabriel.

“I told him that,” sabi ni Aura. “Lumayu-layo siya kay J. Hindi lang si J ang member at hindi lang si J ang magpapasa sa kanya. Magpapaasa, pwede pa.”

“Nakapagpapirma na rin naman po ako sa iba,” pagtatanggol ko sa sarili.

“Sumasagot?” taas ang kilay ni Gabriel.

“Batchhead,” paliwanag ni Aura.

“Oh, goodluck sa induction,” sabi ni Gabriel.

“Thanks po,” sabi ko. “Nasasanay na akong umasa.”

Tumingin sa akin si Aura. Nawala ang ngiti niya. Hindi galit ang pumalit. Parang awa. Parang naintindihan niya ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.

“Andrei?” sabi ni Gabriel. “Ganito. Pass the audition. Get the role of Sarmiento. I’ll sign your sigsheet. Get your copy of the script and memorize the ‘what is a kiss part.’”

“Kunsintidor ka rin e, ano?” sabi ni Aura kay Gabriel.

“WHEN all is said, what is a kiss? An oath of allegiance taken at close proximity… A seal upon a confession…a rose red dot upon the letter “i” in loving… an instance of eternity murmuring like a bee… A balmy communion with the flavor of flowers…a fashion of inhaling each other’s heart and … Of tasting the brink of each other’s lips…and each other’s souls. This, sir, is a kiss, sir.“*

Parang private property ang utak ko na may nakalagay na No Trespassing. Kahit anong kabisa, hindi niya matandaan. Mas iniisip ko ang sinabi ni Aura. Anung kinukunsinti ni Gabriel nang sabihan akong kunin ang role na Sarmiento?

“Bakit hindi ka sumama sa videochat kagabi?” tanong ni Rhonie habang binabasa rin ang script na hawak niya. Twin Bill ang play at mga babae naman ang kailangan sa isa. “Online na nga lang nabubuo ang berks, hindi ka a sumama.”

“Busy lang,” sabi ko. Nakaupo kami rin sa mga steps kasama mga co-apps at ilang mga members, sina Albert at Aura.

“Busy o may hinihintay kang tawag? Okay lang naman. Musta na ba kayo ni J.”

“Hindi niya ako pinapansin e,” sumbong ko.

“Napansin ko nga. Dumaan lang dito si J kanina. Walang regular akbay and tapik sa shoulder mo.”

“Pagdiinan mo pa?”

“Miss mo?” Sabi ni Rhonie.

“Siguro,” sabi ko pero parang ayokong iyon lang ang sabihin ko. “Ang dami ko nang namimiss, pakiramdam ko, wala akong kasama.”

“Pati ba ako?” sabi ni Rhonie na parang na-guilty. “Miss na rin naman kita. Sorry busy lately…”

May mga sinasabi pa si Rhonie pero nawala na ang pansin ko sa kanya. Lumabas si J sa theater. Sinalubong siya ng kapwa member niya na si Albert.

“So kumusta si Gabriel, bro?” tanong ni Albert.

“Mukhang in the mood naman,” sabi ni J at tumingin sa mga apps. “Sige, una na ako. Apps, galingan ninyo.”

Sinuyod kami tingin ni J. Napadaan sa mga mata ko. Pero iyun nadaan lang. Matapos noon ay naglakad na siya pababa. Ako naman ang sumunod ng tingin sa kanya. Pagbaba, papunta sa pagliko at patuloy na paglakad pababa ng hagdan.

“Sundan mo na,” sabi ni Rhonie.

“Sige na,” sabi ni Aura. “Hindi ka makaka-focus hangga’t may iniisip kang iba.”

Napatingin ako sa kanilang dalawa tapos, tumayo. Medyo mabilis si J kaya’t nasa ground floor na siya nang abutan ko. Hindi ko agad siya natawag. Kailangan pang mag-ipon ng lakas ng loob.

Nakalayo pa lalo si J nang mapuno ko na ang tapang.

“J, wait!” sigaw ko.

Napahinto si J at lumingon. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at tinakbo ko si J. “Miss na kita.” Deretsahan. Walang preno.

“Bakit?” tanong ni J.

“Jordan naman,” sabi ko. “Tine-text kita, hindi ka nagre-reply. Tinatawagan kita, hindi ka sumasagot. Ilang araw na. Syempre, mamimiss kita.”

“Sorry,” sabi ni J. “May mahahalaga akong tinapos.”

“May mahahalaga kang tinapos, tapos ako, iniwan mo,” sabi ko. “Ganun na lang ba ’yun?”

“Okay, I left,” sabi ni J. “Matalino ka naman. Gets mo naman siguro kung bakit.”

“Oo,” sabi ko. “Pero dahil lang dun? Hindi mo nga tinapos ang pag-uusap natin. Hindi mo hinintay ang eksplanasyon ko. Binaba mo na ang telepono.”

“Ano pa bang dapat hintayin?” sabi ni J. “Nasabi mo na. You’ve so many on your checklist na kailangang punuan para maging mahalaga ako sa iyo. Sinabi ko na nga di’ba, mahalaga ka sa akin. Akala ko, ganun din ako kahalaga sa iyo. Hindi pala. Sino ngayon sa atin ang naiwan? Ikaw pa ba?”

“Hindi mo rin naman ako nainform na fast talk ang nagaganap,” sabi ko. “Dapat sagot agad. At pag mali ang sagot, ayawan na. Oo, nakita ko kung saan ako nagkamali. Ikaw ba, nakita mo kung saan ka nagkulang?”

Nanlaki ang mata ni J. Natigilan at nagulat yata kung paano ko siya sagutin.

“Kung magsalita ka, parang hindi ako member,” sabi ni J. “Siguro nga, masyado na akong nagiging close sa iyo at nawawala na ang respeto mo. Aplikante ka pa rin.”

“I defer. I quit. Hindi na ako aplikante,” sabi ko. Napabuntong hininga ako dahil sa pagsasabi noon, parang may mga bagay akong tinalikuran. Mahal ko na rin ang Rep Club, ang mga co-apps ko, sina Aura. Pero si J ito at inaalisan niya ako ng karapatang maging kapantay niya. “Pwede na ba akong maging close sa iyo. Yung masyado. Yung pwede na kitang sagutin at sabihan nang nararamdaman ko?”

“Hindi,” sabi ni J. “Mga taong nagpapahalaga lang sa akin ang may karapatan.”

May nasabi pa rin siya? Nagdefer na nga ako sa harap niya.

“Alam mo J,” sabi ko. “Hindi ko na-imagine na may kakayanan kang maging ganyang kaarte.”

“Eh kasi nga, hindi naman ako ganun kahalaga sa iyo para makita mo ang mga kakayanan ko,” sabi ni J. “Umakyat ka na sa taas. May audition ka pa.”

Tumalikod si J at naglakad papunta sa sakayan. Hindi na ako sumunod. Nasabi ko na ang gusto kong masabi. Hindi ko lang narinig ang gusto kong marinig. Dahil ba mali ang mga sinabi ko. tuloy pa rin ako sa paggawa ng mga dapat na sinabi ko at mga sasabihin ko sa mga isasagot niyang ako lang din ang nagbigay ng linya. Pwede nga akong magsulat ng play, naisip ko sa huli. Pero wala na. Nagdefer na ako sa Memmership Manager.

Nakaupo pa rin si Rhonie nang abutan ko sa fourth floor.

“Si Harry ang nasa loob,” bati ni Rhonie na hindi ko masyado napansin. Kinuha ko lang ang bag ko at bumaba. “O saan ka pupunta?” tuloy niya.

“Nag-defer na ako,” sabi ko.

“Anung defer?” tanong ni Aura na narinig ang conversation sabay hila sa akin pababa sa third floor. “Bakit defer? Nagkasagutan ba kayo ni J? Hindi mo na ba siya gusto kaya hindi mo na rin gusto ang Rep? Sya lang ba ang dahilan nang pagsali mo rito?”

Hindi ako makasagot dahil totoo naman. The club has given him so much. Marami na akong natutunan. Andami ko na ngang bagong naranasan. Nagkataon lang na si J ang pinaka. Kaya ang pagtalikod ni J, parang sapat para talikuran ko ang buong Rep Club.

“Ano bang sinabi ni J?” tanong ni Aura. “Pinayagan ka ba niya?”

Hindi ako nakasagot. Hindi nga niya ako pinayagan.

“Ito ha, maarte yang si J,” sabi ni Aura. “Kaya kayo nagkakasundo, kase pareho kayo, it’s a tie. Gamitin mo na yang arte mong ’yan sa taas. Mag-audition ka na.”

“Yan,” alala ko. “Yan din ang sinabi niya. Mag-audition na raw ako. Siguro nga, ayaw niya akong magdefer. Pero nakakainis siya.”

Napangiti si Aura. “Wala pa kayo sa stage, ang arte-arte nyo na! Sige na. Pinag-audition ka ni J, sundin mo siya.”

“Sinabi niya yun bilang member,” sabi ko. “Ayoko na nang inuutusan niya. Na wala akong karapatan na magalit sa kanya. Dahil lang sa member siya at aplikante ako.”

“Potraguests, napakaarte mo,” sabi ni Aura.

Ngumiti lang ako. Tumalikod at humakbang. Napatigil lang ako nang magsalita pa si Sir Aura.

“Or sinabi niya iyun, kasi ikaw ang gusto niyang gumanap na Sarmiento kasi siya ang gaganap na Favila sa play.”

Nag-iba ang mukha ko. Ako ang gusto niyang maging partner sa play?

“Oo,” sige na.

Tuluyan nang naging ngiti ang mga nasa labi ko. Tumalikod ako muli at mabilis na umakyat.

SOLO ko ang entablado.

Nakaupo naman na nanonood sa akin sina Gabriel, ang direktor, si Marian, ang chairperson at si Vina, ang Stage Manager.

Matapos ang sample ko ng kanta at sayaw, pinagmonolog na nila ako. Pinabasa rin sa akin ang linya sa dula bilang si Sarmiento. Yung isa naman, bilang si Favila. Ang stage manager ang kabatuhan ko ng linya.

Syempre, ginalingan ko. Kahit anong iwas ni J, kapag nagkasama kami sa play, wala na siyang magagawa. Akin ang role na ito Kaming dalawa ni J ang gaganap na Sarmiento at Favila.

Matapos ang nakakaubos laway na palitan ng mga dialogs, nanatiling akong sa stage, pinanood ang pagbuulungan ng mga tao sa harap ko.

“Andrei, right?” tanong ni Gabriel. “Please stay.”

Makalipas ang ilang sandali, pumasok si Harry at itinabi sa akin.

“Wala pa ba si Geof?” tanong ni Marian kay Vina.

“Paakyat na daw po,” sagot sa chairperson. “Si J po, nakasakay na, pabalik na rin.”

Babalik siya? May importante lang ba talaga siyang ginawa? Hindi ko napansin na kinakausap pala ako ni Harry.

“Ay busy ang utak?” sabi ni Harry.

“Ano yun?” Sagot ko. Sa mga co-apps ko kasi, siya ang pinaka hindi ko ka-close. siya na lang ang wala sa co-apps message sa page ko ng sigsheet.

“Anong in-audition mo?” ulit ni Harry.

“Parehas, pinabasa sa akin,” sabi ko. “Pero kinabisado ko yung what is a kiss.”

“Yun din ang kinabisado ko,” sabi ni Harry. “Sabi ni Buddy, baka siya daw ang gumanap sa Favila. Sana para mas madaling humalik kahit parehas ko lalaki.”

“Kailangan bang totohanin yung halikan?” tanong ko na may paghiling na sana, kami rin ni J.

“Hindi ko alam,” sabi ni Harry.

Dumating si Geof at humanay sa dalawa sa stage. Nakipag-apir siya kay Andrei at pagdating kay Harry, yumakap.

“Buddy, atin na ito!” nanggigil at tuwang-tawang sabi ni Geof. “No offense meant Drei, ha.”

Ngumiti lang ako. E di kayo na. Basta hindi si Harry at si J.

“Geof, tumabi ka nga kay Andrei,” sabi ni Marian.

Sumunod si Geof. Matapos noon, nagbulungan sina Marian at Gabriel.

“Please take your shirts off,” sabi ni Gabriel.

Sumunod naman agad si Geof. May tikas din ang katawan ni Geof. Matangkad ito at may matipunong dibdib. May pintog na rin ang braso kahit teenager pa lang.

Nakatingin sa akin ang mga nagpapa-audition. para ako rin yata ay pinaghuhubad. Sumunod ako.

“Please do some push ups,” utos ni Gabriel.

Akala ko play ito, ROTC pala. Pero sumunod na rin ako. Napansin kong nakatingin sa akin si Harry. May lungkot na hinaluan ng galit sa tingin niya. Gustong magpaliwanag na hindi ko rin gustong makapareha si Geof.

Makintab ang katawan namin ni Frey dahil sa pawis na tinatamaan ng ilaw. Lalong gumanda ang definition ng katawan namin. Namimilog ang mga dibdib, at ang mga guhit sa arms, batak na batak.

Lumapit sa amin ang stage manager nag-abot ng script. Nagpalitan kami ng linya ni Geof. Magaling si Geof. Sinubukan kong tumapat.

“I know this is your first time,” sabi ni Gabriel. “But Andrei, please, try to act like you’re not acting. Normal lang. Try it like you really like it. Kasi you seemed good kanina nung ikaw lang.”

Lumabas yata na ayaw ko sa ginagawa ko. Hindi naman sa ayaw dahil hindi ko gustong umarte. Hindi lang talaga si Geof ang naisip kong makakabatuhan.

“Dito na ako,” sabi ni J.

Agad pumunta si J sa stage at nagtanggal ng t-shirt. Pawisan na rin dahil sa pag-akyat sa building.

“Is Geof just standing in for me?” tanong ni J kina Marian at Gabriel.

“Hindi mo kailangang mag-ingles dahil nandito si Gabriel,” sabi ni Marian. “Huwag kang pasikat, sinusubok muna namin sila.”

“Push ups ka muna ’tol,” sabi ni Geof.

Sumunod si J. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Bakit nagmamadali itong si J? Hindi inabot ng isang minute ang trentang push ups.

“Okay na ako, ako na lang” sabi ni J at kinuha ang script kay Geof.

“We’re still trying Frey and Andrei…” hindi natapos ni Gabriel ang sinasabi niya.

“It’s okay, Gab,” sabi ni Geof tapos tumakbo kay Harry.

“Okay,” sabi ni Gabriel.

Binasa ko ang part ni Sarmiento. Binasa ni J ang part ni Favila.

FAVILA Show me what’s a kiss!

SARMIENTO Sir, ahh, gaya nung sa Daddy ko, sir?

FAVILA Ewan ko sa iyo! Basta show me what’s a kiss !

SARMIENTO Sir, okey, you ordered me, sir. (hahalikan ni Sarmiento si Favila sa pisngi)

FAVILA You call that a kiss ?! I’ll show you what’s a kiss!!! (Hahalikan) That’s a kiss !

SARMIENTO (Gulat) Sir, ang galling nyo palang humalik. No wonder ang dami nyong syota, sir.

“Stop,” sabi ni Marian. “Gab, do you want it to be realistic, or is it okay to fake the kiss.”

Napatitig ako kay Marian. Napangiti siya pagbalik ng tingin sa ako. Itong tomboy na ito, mukhang malakas ang pang-amoy sa kaba. Alam niya kung paano pa pumatay sa heart attack.

“This is theater,” sabi ni Gabriel. “This stage is very intimate. Faking it will be very obvious.”

“Kaya nyo bang maghalikan?” tanong ni Marian sa amin.

Hindi ako nakasagot.

“Oo naman,” sabi ni J.

Doon ako napakagat ng labi.

*Ilang bahagi nito ay mula sa dulang Esprit de Corps ni Aureus Solito.

Role Playing

AUDITION piece pala ang makakapagbati sa amin ni J. Pero bakit namin kailangang maghalikan. Alam kong iniisip ko pa rin ang sinabi ni J na ipapaalam niya sa akin kung ano ang halik kapag na-induct ako, pero hindi naman ibig sabihin nun na tatanggapin koi yon kapag ginawa niya. Wala sa plano kong makipaghalikan kay J.

“You sure you can kiss?” tanong ni Gabriel.

“Yes,” sagot ni J.

“Ikaw Replicant?” tanong ni Marian sa akin.

Nanigas ako sa tanong.

“Is that a no?” sabi ni Gabriel.

Tumingin ako kay J. Anong isasagot ko J? tulungan mo ako. pero walang lumabas sa bibig ko.

“That’s a yes,” sabi ni J na hindi inaalis ang tingin sa akin.

“App?” sabi ni Marian.

Napahinga ako nang malalim. Hindi naman malalaman nina Mommy at Daddy. Atsaka dito lang naman. Madadaya naman siguro namin ito kapag gagawin na namin sa stage.

“Andrei, ano?” tanong ni Gabriel. “We have actors waiting outside. Naghihintay.”

Napatingin sa akin si J. Nagbalik sa akin ang utos niya na mag-audition ako. Gusto niya to para sa aming dalawa. Hindi naman niya ako ipapahamak.

“Opo,” sabi ko at humarap kina Marian at Gabriel.

“Opo,” sabi ko na napahiya. May sungit din itong Gabriel na ito, mukhang may pinagdaraanan.

“Good,” sabi ni Gabriel. “Show me.”

Napakilos na lang ako nang naramdaman kong gumalaw si J at humarap sa akin. Napaharap na rin ako sa kanya. Hahalikan ba niya ako? Bumilis ang tibok ng puso ko. Napapikit ako’t hinintay na lang ang ibibigay ng kanyang mga labi.

Bigla akong nakaramdam ng init. Hindi naman ako. Parang kay J nanggagaling, sa katawan niya. Marahan, naramdaman ko rin sa kanyang paghinga.

Ang tagal nang bawat sandali ng paghihintay na iyon na namalayan kong ako na ang lumalapit sa mga labi ni J.

“Okay na!” sigaw ni Marian. “Kaya ninyo, that’s good. Thank you guys.”

“Drei, wala na si J,” sabi ni Harry na nagpadilat sa akin.

Binawi na pala ni J ang mukha niya at tuluyan nang tumalikod. Naglalakad na siya palayo pagkadilat ko.

“That’s a wrap,” sabi ni Gabriel. “Just wait outside for the results.”

NIYAYA ko na si Rhonie pababa sa canteen. Pag ganitong may mga event sa Rep Club na lang kami nagkikita. Hindi na rin sabay ang tulog at gising namin kapag nasa Bliss kami. Kaya lang iyon, pagdating sa canteen, nandoon na rin si Topher. Yung dalawang goto na inorder ko, ako na parehas ang uubos.

“Later na lang sa house,” sabi ni Rhonie.

Naiwan akong mag-isa. Hindi ako sanay. Alam kong nawala na si Rhonie sa akin noong nakasama niya si Topher. Pero iniwan kasi niya ako kay J noon. Ngayon, wala na rin si J. Mabuti na lang, nandito si Aura.

“Bakit hindi mo kasama ang mga co-apps mo?” tanong ni Aura na tumabi sa akin.

“Kasama ko po si Rhonie kanina,” sagot ko.

“Hindi lang si Rhonie ang co-app mo,” sabi ni Aura. “Ito, payo lang bilang MemCom Vice Chair. Batchhead ka, oo, pero hindi ibig sabihin noon e pamumunuan mo lang sila. Pwede mo silang kaibiganin. Ganun din sa ibang mga members. Hindi lang sana kay J iikot ang Rep Club life mo.”

“Opo,” sabi ko.

“Opo lang?” sabi ni Aura. “Hindi ako tumataba sa mga salita, sige lang, bigyan mo pa ako ng marami pa.”

Natawa naman ako. Nang mag-fade out natahimik kami.

“Yun na yun?” tanong ni Aura. “Sige, chika ko na sa’yo ha. Hindi kita kilala. Hindi namin to sinasabi sa mga apps, pero habang nire-require namin kayong kilalanin kami, kinikilala rin namin kayo. Magiging part kayo namin. Hindi ba nga, hindi lang tayo club, hindi lang tayo org, we are also a family.”

Siguro dahil na rin sa pagi-insist niya. O dahil na rin sa kalungkutan ko, nagsalita ako.

“Sir Aura,” sabi ko. “Binalaan ninyo po ba ako kay J?”

“So yan ang introduction mo?” asar ni Aura. “I am Andrei and I’ve fallen for J.”

“Hindi naman po ako nahuhulog sa kanya.”

“Mag-ingat ka lang,” sabi ni Aura. “Bumabagsak ang mga nahuhulog dyan.”

Napatingin ako kay Aura. nakatitig sa akin, nakataas ang kilay.

“Sige na,” tuloy ni Sir Aura. “Una, sige, masarap ang magmahal, at given rin na masasaktan ka pag hindi yan nag work. Pero ang sinasabi ko ay si J, babae ang mamahalin niyan. Kaya yung masarap na part ng pagmamahal, baka hindi mo rin maranasan sa kanya.”

“Hindi ko naman po iniisip na mamahalin ako ni J,” sabi ko kay Aura. “Hindi ko naman po siya minamahal.”

“Sure ka?” Balik ni Aura.

“Mahalaga po siya sa akin,” sagot ko agad.

“Hindi ba dyan yun nagsisimula, kapag nagiging mahalaga na ang isang tao sa isang tao?”

“Sabi nya rin naman, mahala ako sa kanya,” sabi ko. “At nauna siyang magsabi sa akin.”

“So hanggang mahalaga lang talaga?”

“Kuya ko po siya,” sabi ko. “Mas kuya pa siya kesa sa totoo kong kuya. Kaya kop o nararamdamang pamilya ang Rep Club dahil kay J. At ngayong iniiwasan niya ako, ang laki ng nararamdaman kong kulang sa akin. Sir Aura, hindi naman ako nakakaramdam ng ganito dati.”

“Sure kang family lang ha,” sabi ni Aura. “huwag mo siyang mahalin na higit pa. Kasi hindi ka niya mamahalin pabalik.”

Napabuntong-hininga si Sir Aura. Napatitig ako sa kanya.

“Minahal mo ba siya?” tanong ko.

“At iniyakan,” sagot ni Aura. “Kaya makinig ka sa akin ha. Bilang Fairy Gay Mudrakelles, ayaw kitang masaktan. FGM na lang sige kung naa-awkward ka.”

“Hindi ko naman siya mahal pa, pero nasasaktan ako,” sabi ko. “Kanina, Iniwan niya ako sa taas, tapos binalikan para makasama sa auditions, tapos iniwan na lang niya ako bigla sa stage. Nalilito rin naman ako. Hindi ko alam ang ginagawa niya.”

Hinawakan ni Aura ang kamay ko.

“Gago ’yan,” sabi ni Aura. “Magaling yang magpakilig. Alam kung paano ipaparamdam na mahal ka niya. Pero kapag nahulog ka na, hindi ka niyan sasaluhin. Kasi mahina siya. Hindi nga niyakayang pangatawanan ang sarili niya.”

“Di naman po ako kinilig,” sabi ko. Pero naalala ko ang paglapit ng mukha ko na nag-aabang ng halik. Sa halik na gamit ang kanyang mga titig ay inutos niya sa aking gustuhin ko, kayanin ko. “Pero paano po pag siya ang nag-aya? Paano po pag kinaya niyang pangatawanan kaming dalawa?”

“E di good for you,” sabi ni Aura. “Push!”

“Wow, blessing na ba yan?” Tanong ko.

“Oy hindi pa,” sabi ni Aura. “Aplikante ka pa rin. At member na si J. But as your FGM, you have my blessing.”

HAPON na nang ilabas sa gate ng Rooftop theater ang listahan ng mga pumasa sa audition. Nandoon ang mga co-apps ko maliban kay Rhonie. Baka kasama pa si Topher. May ibang mga tao rin na hindi member or app. Mga nag-auditions lang. ang dami ko palang kumpetisyon.

“Excuse me,” sabi ni Aura kaya’t naging express ang pagpunta ko sa harapan.

Punta agad kami sa listahan ng Esprit de Dorps na play.

Favila. Geofrey Cojuangco. Alternate: J Jordan Salvador.

Sarmiento. Harry Reynes. Understudy: Andrei Garcia.

“Bes! Alternate, ibig sabihin may mga shows na si Geof ang gaganap, may mga shows na si J,” paliwanag ni Aura nang makitang hindi ko naiintindihan ang assignment. “Understudy, Andrei, ikaw yun, gaganap ka lang kung magkakasakit si Harry at hindi niya kayang gampanan ang roles niya. Gets mo Bes?”

Lalo akong natulala. Pero dahil naintinihan ko na.

“Di mo keri na tinatawag kang Bes? dami na nating napag-usapan, promoted ka na sa social ladder ko,” sabi ni Aura.

“Okay lang bang humingi na lang ng show din?” tanong ko. “Magre-rehearse din naman ako di’ba, para naman hindi sayang ang pagkakabisado ko.”

“Pwede naman natin ’yang ipakiusap,” sabi ni Aura. “For humanitarian reason na lang, ano?”

Okay na yun.

“Pero ang sad lang, mauunahan ka pa ni Harry sa mga labi ni J,” biglang tumawa si Aura.

“Hindi naman issue yun,” sabi ko. “Wala naman kay Harry iyun.”

ILANG araw ang nagdaan at walang balita tungkol sa magaganap na play. Inaayos daw ng production staff ang mga rehearsal sched. Kinakausap na rin ng director ang mga technical staff niya, ang sounds, lights, costume and make up at ang props people. Focus na raw muna kami sa midterms. Dahil pag-nag-rehearse na, aagaw ng oras sa pag-aaral. Yun na lang din ang ginawa ko para mawala ang pag-iisip ko kay J. HIndi naman niya ako iniisip, hindi ko na lang din siya iisipin. Mahirap, pero kinakaya.

Matapos ang isang linggo, na tanging tambay lang at General Meeting, nagkaroon na ng rehearsal schedule. Pag-akyat ko sa taas, nandoon na si Gabriel, bilang director, ang kanyang stage manager at sina Geof at Harry. Nakaupo sila at nakapalibot sa isang table sa stage. Reading sila ngayon.

“Is J not with you?” tanong ni Gabriel pagpasok ko.

Umiling lang ako.

“Obviously,” sabi ni Gabriel. “Sige, just take a seat here”

“Paakyat na raw siya,” sabi ni Vina, ang stage manager pagkaabot ng script ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Una dahil sa script, pero higit pa doon, makikita ko na si J.

“Let’s start,” sabi ni Gabriel. “We do a cold reading. You don’t have to put any emotions yet, since this is the first time we’ll be reading it together. Para lang malaman natin ang mga boses natin at ma-appreciate ang script. Then we discuss my vision and how I see your characters, pero syempre, free rin kayo to suggest how you want your characters to grow.”

Um-agree lahat at naki-agree na lang din ako.

Binasa nina Geof at Harry ang mga parts nila, nakita ko ang sarili ko kay Harry, at inisip ko na lang, si Geof si J. Hanggang sa natawa na sina Harry at Geof. Maghahalikan sila talaga. Gagawin na nila nang bumukas ang pinto.

“Sorry,” sabi ni J pagpasok sa pinto.

“Take a seat,” sabi ni Gabriel.

Umupo agad si J at inabutan ni Vina ng script.

Binasa ni J ang script. SIguro naman, sa pagpalit ng page, may time sya na tingnan ako. Pero wala. Naubos ang mga pages. Wala man lang tingin si J.

“Now let’s try J and Harry,” sabi ni Gabriel.

“Can I try it with Andrei?” request ni J.

Parang tumigil panandalian ang puso ko.

“Why?” sabi ni Gabriel.

“Bibigyan naman natin siya ng araw to perform on stage di’ba?” sagot ni J.

Parang nag-mulfunction ang mga internal organs ko. Kanina puso, ngayon pati lungs ko, ayaw nang huminga.

“Harry will decide?” sabi ni Gabriel. “Will you die?”

Nagkatitigan kami ni Harry. Nakiusap ang mga mata ko. Binigyan niya ako ng kakaibang ngiti.

“Pag time na lang na ikaw ang a-act,” si Geof ang sumagot nang makita ang reaction ni Harry. “Basta hindi opening at closing. Yun ang deal.”

Tumango na si Harry.

“Walang problema,” sabi ni J.

Kinuha namin ang pwesto namin sa stage. Binasa namin ang script. Favilla si J. Sarmiento, ako. si Vina ang narration. Pero ang lamig ng basa ni J. Dahil lang sana sa cold reading ito. Hindi sana ako ang dahilan.

Natapos ang reading. nagbigay nang kaunting notes ang direktor. Di-ni-scuss ang schedule ng mga susunod na rehearsals. tapos pinauwi na ang mga actors. Umalis si J. Nagmamadali. Naiwan ako. Naiwan ang mga apps. Si Geof lang ang naiwan sa mga actors. Nakita kong magkausap pa sila ni Harry sa sulok. Nakaramdam ako ng inggit.

KINABUKASAN, rehearsals ulit. Pagdating ko sa taas, si Aura pa lang ang nandoon. Beso-Beso muna. Friends na nga kami.

“Salamat FGM ha,” sabi ko. “Sabi ni Sir Gabriel, bibigyan daw ako ng isang araw to perform. at kung magaling ako, madaragdagan.”

“Kinalaman ko dyan?” gulat ni Aura.

Nagulat din ako na hindi niya ala. Kung hindi siya ang kumausap kay Gabriel, sino? Napangiti ako.

“Hay, sabi sa’yo paasa yang si J,” sabi ni Aura. “Kilala ko yang si Gabriel. Mabait yan, pero mahirap pakiusapan. Pag sinabing understudy, understudy lang talaga.”

Naabutan ko si J na nagbabasa ng script. Nakangiti ako. Nakita ko ang bahagya niyang paglingon at pagbawi ng tingin pabalik sa script. Kunwari pa. Namimiss din naman pala niya ako. Tumabi ako sa kanya at inilabas ang aking script.

“Thank you,” bulong ko.

Lumingon si J at nakita ang ngiti ko. Alam kong gusto rin niyang ngumiti, hindi lang niya ginawa. Bumalik ang mga mata niya sa binabasa.

“We start the blockings,” sabi ni Gabriel pagkarating na pagkarating kaya’t napakilos na rin ang iba pang nasa the Rooftop, sina Harry, Geof at Vina. “Let’s stand and have some warm up exercises, okay.”

Matapos kumilos, mag-praktis ng boses, sumalang sa entablado sina Harry at Geof. Naiwan kamini J sa audience area, pinapanood ang direction ni Gabriel, dahil ito rin ang aming susundin. Magkatabi kami sa front seat. Di ko maiwasang hindi sumulyap sa kanya.

“Makinig ka kay Gabriel,” mahinang sabi ni J na napansin na nakatingin ako sa kanya. “Huwag kang ngumiti diyan.”

Humarap ako sa script ko at sinulat ang mga sinasabi ng director pero lalong lumaki ang ngiti ko. Inaaway mo ako, eh ayaw mo naman kong mawala. Natapos ang blocking nina Harry at Frey. Tapos, tinawag lahat ng staff at nagsabi si Gabriel ng final notes.

“Tomorrow, J, kayo naman ni Harry,” sabi ni Gabriel.

Nawala ang ngiti ko. Hindi ako? Si Harry?

Tumingin sa akin si J bago tumingin muli kay Gabriel.

“No, no, not Andrei,” sabi ni Gabriel. “I know you and Geof. Kaya ninyo, pero si Harry, he has to catch up. As for you Andrei. You have to rehearse on your own. I don’t wanna start from scratch when you step on stage. Pag umakyat ka sa rehearsals with me, i expect na kabisado mo na. If not, you wouldn’t have a day on stage.”

“Opo,” kinabahan ako. Inilaban na ako ni J. Kailangan ko rin palang ilaban ang sarili ko. Napatingin ako kay J. Tumango lang siya. may kung ano sa galaw na yun ang nakapagpakalma sa akin.

Not Counted

NAIWAN muli ang mga aplikante para maglinis. Si Aura lang ang member na naiwan.

“Sir Aura,” sabi ko nang makalabas na lahat ng co-apps ko. “Okay lang ba magpaiwan, subukan ko lang sa stage yung mga notes ni Sir Gabriel.”

“Wow, may gusto patunayan,” sabi ni Aura. “Sige, hatid ko lang sila sa baba, tapos akyat ulit ako. Alam mo namang bawal iwan ang mga apps hanggang makalabas ng building.”

“Okay lang po?”

“Paraa saan pa at ako ang Fairy God Mudrakels mo?”

Ilaw lang sa stage ang bukas, kaya’t stage lang ang nakikita ko. Walang liwanag sa audience area. Alam ko lang na nakabalik na si Aura nang tumunog ang pinto, at narinig kong may upuang nagalaw. Tinuloy ko ang pagtingin sa script at mahinang pagbasa nito habang nilalakad ang stage kung san dapatibato ang mga linya. Nang matapos ako, narinig ko si Aura na pumalakpak.

“Thank you FGM,” sabi ko at nag bow ako sa kanya.

Hindi nagsalita si Aura. Pagod na siguro. Narinig ko na lang syang tumayo at naglakad palabas. Sumunod na ako. Pero pumunta muna ako sa switch ng ilaw. Ako ang magsasara ng teatro. Pero bago pa man mamatay lahat ng liwanag, may isang kamay na pumigil sa kamay ko. At ang kamay ay humawak sa kamay ko. Naglakad pabalik sa stage, inunahan ako at hinila.

“Saan si Sir Aura?” tanong ko habang naglalakad kami.

“Pinauwi ko na,” sabi ni J. “Tuturuan kita kung paano maging artista. Hindi ako ang pinakamagaling, pero gagawin ko ang lahat para makakuha ka ng araw sa play. You want this, let’s make this work.”

Nagpahila lang ako. hanggang sa makarating kami sa stage.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ni J.

Hindi ko napansin na napaluha ako. Pinunasan niya iyon nang mabilis. “Wala namang crying scene sa play ah?”

“Hindi ako umiiyak,” sabi ko.

“Okay,” sabi ni J. “Start na tayo.”

“Teka, ayusin muna natin tayo. Aawayin mo ako, tapos sasabihin mo, we will make this work, kasi I want this. Bakit?”

Hindi pa rin binitawan ni J ang kamay ko. At kinuha pa ng isa niyang kamay ang isa ko pang kamay.

“Dahil mahalaga ka sa akin,” sabi ni J. “Sana maging mahalaga na rin ako sa iyo.”

“Gaano ba kahalaga ang gusto mo?” tanong ko.

“Yung wala nang tanung-tanong,” sabi ni J. “Yung wala nang arte. Yung tayong dalawa lang, at alam na natin kung ano ang meron sa ating dalawa.”

“Kuya kita di’ba?” paalala ko.

“I just said no more questions,” sabi ni J.

“Isa na lang,” kulit ko.

Tumingin lang si J. Hindi pa rin ngumingiti.

“Maghahalikan ba tayo talaga?” tanong ko.

“HINDI kami naghalikan,” sabi ko kay Aura na kumakain sa canteen. Siya lang, ako, tubig muna. “Hindi na nga rin kami nagrehearse kasi gabi na rin at pareho na kaming pagod. Naglakad na lang kami pabalik sa Bliss.”

“Hinatid ka na naman?” tanong ni Aura. “Bakit hindi kami umabot sa ganyan?”

“Ano bang kwento ninyo, Sir Au?” tanong ko.

“Well, last sem kasi, sila ang mga aplikante, sila ni Geof,” kwento ni Aura. “Eh naaamoy ko nga, So nilandi ko.”

“Hala siya, anong nangyari sa bawal ang member at app na relasyon?”

“Nilandi ko lang naman,” depensa ni Aura. “Hindi naman bibigay yan agad. Natantya ko na. Sakto yan mahihinog pag member na siya.”

“Ay diskarte,” sabi ko.

“Asa ka,” sabi ni Aura na biglang humawak sa mga kamay ko. “Tingin mo ganun din ginagawa niya sa’yo?”

“Ay walang ganun Sir Au,” sabi ko.

“Eniweis, Iyon,” tuloy ni Aura. “Sweet naman kasi talaga. Maalalahanin. Mabait. May mga babaeng nga ring co-app yan na lumalandi. Pinagdefer ko. So iyon. Nahahawakan ko na ang kamay niya, hindi naman pumapalag. Naaakbayan ko na. Okay lang din. Nililibre ko, nililibre niya ako, para raw fair. Naglalakad kami hanggang sa sakayan niya pauwi. Tapos chat-chat. Iyon. Siguro, mula challenge week yun, hanggang play nila, close kami. hanggang induction.”

“Oh anong nangyari?” binawi ko ang kamay ko nang dahan-dahan.

“Arte mo, hindi kita bet,” sabi ni Aura.

Ako naman ang humawak sa kamay ni Aura.

“Going back,” sabi ni Aura. “Nung naging member siya, bigla na lang siyang lumayo. Sabi ko, bakit? May problema ba? Sabi niya, masyado na raw ako close, baka ma-in love ako sa kanya. Hindi siya pumapatol. Aba ang putraguest, hindi pa pala siya pumapatol sa lagay na iyon. Eh ano yung ginawa niya sa akin?”

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Aura.

“Feeling mo ba, nagamit ka?” tanong ko.

“HIndi naman,” sabi ni Aura. “Hindi naman niya kailangan. Magaling naman siya. Wala naman akong ginawa para makapasok siya sa Rep Club. It was all his own. Feeling ko, nag-aksaya ako ng oras at emosyon sa kanya. Paasa amputraguest.”

Huminga nang malalim si Aura. ibig sabihin, tapos na ang moment niya.

“Eh ikaw,” sabi ni Aura. “Anong deal mo? Anong expectations mo sa inyong dalawa?”

“Wala,” sabi ko. “Kuya ko siya di’ba?”

“Napakalandi mo!” sabi ni Aura. “Kuya-kuya? Kalokohan.”

Natahimik kami. Inisip ko kun gikukuwento ko ba ang nangyari sa CR noong orientation.

“Ikwento mo na,” sabi ni Aura.

“Ang alin?” nabasa yata ang iniisip ko.

“Yang iniisip mo,” nabasa nga niya. Napakwento ako.

“Sige na nga,” sabi ko . “Sir Aura, huwag kang magagalit, hindi naman namin ito sinasadya.”

Nanlaki ang mga mata ni Aura.

“Juicy?” sabi ni Aura. “Sige. Off the record ito.”

“Nung orientation, naaksidente kami, natumba kami, at bumagsak ako sa mga labi niya. nagdikit ang mga lips namin.”

“Tapos?”

“Tapos na.”

“Yun lang?”

“Oo,” sabi ko. “Tapos yun, sabi niya, hindi daw iyon kiss. Ipaparamdam niya sa akin ang toong kiss kapag naging member ako. Pero iyon lang iyon. Nae-excite ako, Napapanaginipan ko. Okay lang ba yun?”

“Ano bang naramdaman mo nung nagpatong kayo at naghalikan?” tanong ni Sir Aura. “Tinigasan ka ba?”

“FGM?!” gulat ko. “Wala na doon ang usapan. Wala… hindi… hindi ko alam. Masyadong mabilis.”

“Eh siya?”

“Mas hindi ko alam.”

“Okay,” sabi ni Aura at inilabas ang telepono. “TIngnan mo ang gagawin ko.”

Pinanood ko ang pagpindot niya sa mga numbers sa phone.

“Parang ikaw di’ba?” hindi ko naintindihan hanggang sa ipaliwanag niya. “Meron ako, d-in-ial.”

“Hala si FGM,” sabi ko. “Hindi ako in denial. Walang dapat i-deny.”

“O sige na,” sabi ni Aura. “Sumubo ka na at kanina mo pa gustung-gusto itong kinakain ko.”

“Thanks FGM,” pagtanggi ko. “Tapos na class ni J. On the way na siguro yun. Sabay kami.”

Dumating si J at lumapit sa amin. Bumeso kay Aura, tapos lumapit sakin. Tumayo ako, yumakap, at nakipagtapikan ng likod. Tumaas ang kilay ni Aura habang ngumunguya.

“Ginutom mo yan,” sabi ni Aura kay J.

Sinundan niya kami ng tingin hanggang sa makaorder kami ni J at makabalik sa upuan.

“Okay guys, una na me,” sabi ni Aura. “May class pa ako. Kayo ba wala?”

“Rehearse kami sa Rooftop,” sabi ni J.

KAGABI, sinamahan lang niya akong lumakad sa stage habang bino-block namin ang mga linya. Lakad-lakad lang. Ngayon, gagawin na namin ang mga kasabay pang movements. Kasama doon ang halikan. Iyon ang laman ng isip ko hanggang makatungutong sa stage. Hindi tuloy ako maka focus at mukhang naiirita na si J. Dama kong pinapalampas lang niya e.

Sa stage, may isang mesa, sa isang side at malawak na space na walang laman. Wala pa silang sets and props, ang mesa pa lang ang nagagamit nila para sa blocking.

“Okay, I’ll test you, because as S3, you should master all the Poop Sheets. What’s Military Discipline?” tanong ni J bilang si Maj Favila na umiikot sa akin na parang sundalo na ang tikas.

“Sir, Military Discipline is the mental state of training that renders proper conduct on all conditions,” sabi ko bilang Pvt Sarmiento.

Lumakad si J papunta sa Mesa at naupo. Wala pa ito sa nare-rehearse ng totoong director baka improvisation muna. Hanggang sa parang matagal nang hindi nagsasalita si J.

Binitawan ni ko ang character ko. Nag-loosen up at humarap kay J.

“Lines ba?” tanong ko. “Kunin ko lang script ko.”

“Kabisado ko,” sabi ni J. “Ikaw din naman diba, nag throw lines nga tayo sa phone bago matulog?”

Hindi ako nakasagot.

“Bakit mali-mali ka pa rin?” sabi ni J. “Mapapalampas ko for now yung iba. Pero yan kasing definitions, nasa book yan. As characters, dapat as is yan, bawal palitan. And you’ve memorized that. Bakit nagkakamali-mali ka ngayon?”

“Sorry, J,” sabi kong dama ang frustrations niya.

“Anong problema?” tanong ni J.

“Wala naman,” sagot ko.

“O bakit ayaw umayos ng linya mo?” sabi ni J. Bumaba si J sa mesa lumapit. Hinawakan niya ako sa balikat. “May iniisip ka ba other than this play? Kalimutan mo muna. Kaya tayo nasa stage para maging ibang tao, kakalimutan muna natin kung ano tayo.”

“Alam ko,” sabi ko. “Yun din ang iniisip ko. As ibang tao, maghahalikan na kasi tayo.”

“Ayaw mo ba?”

“Gusto, syempre.”

“Dapat lang.”

Ito ba yung kilig. Gusto kong mangiti, pero pinigilan ko. Ang kaprangkahan ko, tinapatan ni J.

“Ginusto natin ito, gagawin natin,” sabi ni J.

“Hindi ba natin dadayain lang?” tanong ko.

Mula sa pagkakahawak sa balikat, bahagya niya akong nilapit sa kanya hanggang sa nasa pagitan na ako ng kanyang mga hita. Humawak siya sa bewang ko at lalo pa niya akong nilapit sa katawan niya. Hindi ko ito inaasahan, pero alam ko, ito na yun. Maghahalikan kami. Hindi koi to gusto, pero hindi ako pumapalag. Pwede pala yun?

Hanggang sa ang mga salita sa isip ko ay binura ng titig ni J. Nakikipag-usap ang kanyang mga mata. Sa hindi ko maintindihang paraan, napatahimik nun ang mga sinasabi ng isip ko at sumunod na lang ako sa walang katagang mga pag-uutos.

Lumapit ang mukha ni J. May kasama iyung init na bumalot sakin. Parang isang sumpang pinatigil ang pagkilos ng lahat.

Naramdaman ko na lang na nakabuka pala ang bibig ko nang maramdaman ko ang labi ni J sa pagitan ng mga labi ko. Doon sumara ang mga mata si J, na sinabayan ko na rin ng pagpikit. Sa pagkakadikit, naramdaman ko ang marahang pagsipsip na ginawa ko rin sa kanyang mga labi.

Parang ang tagal nang sandaling iyon. Bumitaw sa halik si J at naiwan akong nakangiti. Naisip ko ang banta ni Daddy, pero parang wala akong pakialam. Hindi naman niya ito malalaman.

“Naghalikan tayo,” sabi kong tuwang-tuwa. Sobrang tuwa, natawa ako.

“Oo, naghalikan na tayo,” sabi ni J. “Siguro naman, makakafocus ka na. Inunahan na natin ang eksena.”

Napatango na lang ako pero hindi mawala ang ngiti ko.

“Tawang-tawa ka,” sabi ni J.

Hndi ko mapigilan ang tawa ko. “Sorry.”

Bumaba si J sa mesa at lumakad palayo. Nainis yata. Syempre, hinabol ko. Hinawakan ko ang kamay.

“Sorry,” sabi ko. “First kiss ko kasi.”

“Sorry,” natawa na rin si J. “Akala ko may girlfriend ka dati? Yung nasa Australia? Si Diane.”

“Iba ng kasi yun,” sabi ko.

“First kiss mo sa lalaki,” sabi ni J na natawa na rin talaga. “Na-virgin ko ba lips mo? Don’t worry. first time ko rin.”

Nagtawanan kami.

“Masarap ba?” tanong ni J.

Hindi ko alam ang isasagot ko.

“Para sa play lang ito, wag ka masyado magexpect” sabi ni J. “This doesn’t count. Kaya magpa-member ka ha.”

Staging

“FROM the top!” sigaw ni Gabriel na mukhang mainit na ang ulo. “J naman. Hindi naman yan ang blocking natin.”

Napatigil sina J at Harry sa stage. Kita sa mukha ni J ang frustrations. Kita naman ang hiya kay Harry.

“Sorry, direk,” sabi ni J. “Mas komportable lang kasi ako dito.”

“Alam ko, pero hindi makasunod si Harry,” sabi ni Gabriel. “App lang yan, first time nya to, hindi tulad mo na mas sanay na. Just follow the directions first.”

“Okay lang po, direk, kaya ko po mag-adjust” sabi ni Harry. “Kuya J, sorry d ako magaling.”

“Sorry din,” sabi ni J.

Pareho naman ang direction sa aming lahat. Pero naging mas madali ang galaw namin ni J sa blocking na ginagawa niya. Blocking namin yun. hindi pa nga lang nakikita ni Gabriel. Pero papayagan naman daw yun, sabi ni J. Kung magagawa naming madulas, hindi na yun mapapansin.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Si Aura lang.

“Hindi pa babalik si Geof,” sabi ni Aura.

“Nasaan ba siya?”

“Ay ang app, kinuwestuyon ang whereabouts ng member?” sabi ni Aura.

“Bloodbath kasi ngayon,” sabi ko. “Dapat siya ang nakasalang kasi siya ang magfi-first show.”

“May exam siya. Rule natin dito yun. Acads before anyhting else. Nandito tayo sa Rep Club kasi students tayo. Kapag bumagsak tayo, hindi tayo magiging student, hindi na tayo pwedeng maging Rep Members.”

Natahimik kami.

“Ano totoo mong issue?” tanong ni Aura.

Tahimik pa rin ako.

“Ayaw mo silang magkiss no?” asar ni Aura. “Mauunahan ka.”

“Hindi naman counted yung sa play,” sabi ko.

“Ay nagbago ihip ng hangin.”

“Si J na ang nagsabi.”

Napatitig lang sa akin si Aura.

“Ginawa nyo na?” tanong niya na tuwang-tuwa.

“Opo,” sabi ko na walang emosyon. Pero hindi magawa ng mga labi kong hindi mangiti. Kahit anong pigil.

“Grabe ka, share mo na yan,” sabi ni Aura. “Rehearsals pa lang yun ah.”

“Well, noong una, bago kami magrehearse, yun na muna ang pinraktis namin,” sabi ko.

“Inunahan niyo pa ang script?” Nagulat si Aura.

Nagpalitan na ng linya sina J at Harry. Kahit nag-uusap kami ni Aura, inaabangan ko ang papalapit na moment ng halikan.

“Hindi naman sa ganon.” sabi ko kay Aura. “Ginagawa pa rin naman namin sa rehearsals.”

“Ay hindi nagsawa? Na-enjoy?” sabi ni Aura.

J: Show me what’s a kiss.

“Sina Harry at Geof din naman ah,” paliwanag ko ko. “Ang todo nga ng halik nila, kami, hindi ganun.”

Harry: Sir?

J: Show me what’s a kiss!

“So, bakit tayo nandito at nanood?” tanong ni Aura.

Hindi ko nasagot. Hindi ko alam.

Harry: Sir, ahh, gaya nung sa Daddy ko, sir?

J: Ewan ko sa iyo! Basta show me what’s a kiss!

“At hindi ka rin mapakali dahil hinihintay mo rin si Frey na magpakita.”

“Siguro,” sabi kong walang kasiguruhan. “Gusto kong mapanood kung anong kaibahan ng halik ni J sa akin at sa halik niya kay Harry. Pero gusto ko ring hindi sila maghalikan.”

“Dahil sa’yo lang dapat ang mga halik na yon?” dugtong ni Aura.

Harry: Sir, okey, you ordered me, sir.

Napatingin ako pinto na biglang bumukas. Sana si Geof. Sana ipatigil niya ang eksena at pumunta na siya sa stage. Si Rhonie lang.

Pagharap ko sa stage, tapos na ang unang halikan

J: You call that a kiss ?! I’ll show you what’s a kiss!!!

Muling bumukas ang pinto. Napatingin ako. Si Geof na nga. Pipigilin niya ito. Nakatingin si Geof sa stage, pero naglakad siya patungo sa upuan ko at tumabi sa akin. Doon ako sumunod sa tinitingnan ni Geof.

Nakita ko na nasa gilid ng labi ni Harry ang labi ni J. Hindi niya hinalikan sa lips si Harry. Ginalaw niya ang mga labi niyang parang may pananabik, ngunit nanatili iyon sa may pisngi ni Harry.

May kung ano akong tuwang naramdaman.

J: That’s a kiss!

Harry: Sir, ang galing nyo palang humalik. No wonder ang dami nyong syota, sir.

“Ano yang ngiting yan?” tanong ni Rhonie na kanina pa pala ako kinakausap.

“Happy lang siya ng fake ang kiss,” sabi ni Aura. “Unlike theirs.”

“Anong unlike theirs?” tanong ni Rhonie.

“Bestfriends pa ba talaga kayo?” react ni Aura. “Daya yang ginawa nila sa stage, pero yung sa rehersals nito at ni J, totoo. Laplap to the bones.”

“Sir Aura, hindi ganun,” sabi ko na hindi maalis ang ngiti pero hindi naman kasi talaga ganun.

“WE are ready,” sabi ni Gabriel. Tapos na ang play nina Rhonie. Pati curtain call na-rehearse na rin. Company call na. Lahat ng taong involved sa play, tinawag na ni Vina.

Ang mga members at alumni na na-involved nagbigay ng comments at notes nila sa play. Pwede na raw mag-open sina Harry at J.

“No,” sabi ni Geof. “We will open.”

“E hindi naman kayo nag-rehearse,” sabi ni Marian.

“We will rehearse,” sabi ni Geof.

“Yup, tapos panorin mo rin kami ni Andrei,” sabi ni J. “Hindi mo pa kami napapanood mag-rehearse. Paano mo kami mabibigyan ng show?”

May ibang mga members na nag-react. Dagdag na dalawang oras na trabaho iyon sa mga manonood.

“Alis na lang yung mga gustong umalis,” sabi ni Marian. “Panoorin na rin natin ang mga alternates. At check na rin natin ang mga understudy.”

Sumalang sina Geof at Harry sa stage.

“Garcia, galingan mo ha,” sabi ni J. “Dapat mas magaling ka kay Harry. Para mabigyan tayo ng araw natin.”

“Nag-rehearse naman tayo,” sabi ko. “Gagawin ko lang naman yung mga yun.”

“Basta kunin mo lang ang mga ibibigay ko,” sabi ni J.

“Yes sir,” sabi ko.

Hanggang sa dumating ang eksenang maghahalikan na ang dalawa sa entablado. Nakahinto si Harry nang biglang sumugod ang mukha ni Geof. Nakapikit silang dalawa. Lumalim ang bibig ni Geof sa bibig ni Harry. Hindi nagpatalo si Harry. Panandaliang umatras si Harry, pero hindi siya bumitaw. Bumwelo lang at nakita ko ang dila ni Harry na bumalik sa bibig ni J. Muling nag-lock ang kanilang mga bibig.

Nakita ko si J na nakatitig sa halikan. Hindi ito ang nirehearse nila, walang daya. Na-define sa harap ko ang salitang torrid.

“Gusto mo ganunin din natin?” tanong ni J.

“Gusto mo?” tanong ko.

“Hala.”

BACKSTAGE. Madilim. Hinihintay namin ni J na isalang kami sa entablado. Ito ang third show. Pumasa ako kay Gabriel. At sa request ni Jay, yung show na ibibigay sa amin, eh yung show bago sila sumalang ni Harry. Si Geof at Harry na ang nag-open at second show dahil isang Sabado iyon. Nitong Linggo, dahil kaunti ang audience, pinagbigyan ako.

Ibe-best ko to. Tapos na ang mga rehearsals. First time kong magpe-perform na may audience. Ito na nga lang din ang huling pagkakataon na maghahalikan kami ni J. Yun lang. Hindi pala ganoong kadali ang sumalang sa stage. Nawala lahat ng iniisip ko, at ang natira ay kaba. Hindi ko maalala ang una kong linya pagkasalang.

“Five minutes to open house,” sabi ni Vina, ang SM na pinaalala na malapit nang pumasok ang mga tao sa Rooftop Theater.

Humarap si J sa akin at itinaas ang mga kamay ko kapantay ng aming mga dibdib.

“Lagay mo dito ang kamay mo,” sabi ni J. Sumunod ako. “Tulak mo.”

Tinulak niya ako, tinulak ko rin sya. Malakas si J pero hindi ako nagpatalo. Unti-unti, ang tulakan ng lakas ay naglabas sa amin ng kakaibang ungol sa backstage.

“Sarap naman dyan,” sabi ni Aura na pumasok na sa backstage.

“Marami bang tao?” tanong ni J.

“Naman!” sabi ni Aura. “Full house. Break a leg mga bakla.”

Lalo akong kinabahan.

“Italian run tayo?” sabi ni J.

“Hindi ko maalala ang lines ko,” sabi ko.

Binasa ni Vina ang unang lines. Natandaan ko. Mabilis naming binanggit ang mga linya namin. halos. Murmur na lang.

Nabawasan ang kaba ko.

“Wag mong ubusin yang kaba mo,” sabi ni J. “Dyan mo kunin ang energy. Kaya natin ito.”

Matapos ang pambansang awit, mahinang nagsalita si Vina. “Actors preset.”

Pumunta si J sa stage. Nakatalikod, nakaharap sa kanyang mesa. HIndi na siya si J. napansin ko iyon. Siya na si Cadet Major Favilla.

Ilang hakbang sa likod niya, tumayo ako at sumaludo nakasaludo. Ako na si Cadet Pvt Sarmiento.

Suot na namin ang aming mga military costumes. Ang set na pininturahan ko, nakatayo na at naging backdrop. Ang mesa mayroon ng mga papel sa ibabaw. Nadagdagan na ng mga upuan, mga riffles, at flag ang stage.

Mula sa kadiliman, lumiwanag ang ilaw.

PVT SARMIENTO: Sir, Cadet Private Fourth Class Enrico Abelardo Edward Martin Rodriguez Sarmiento, reporting for duty, sir.

Hindi ako pinansin ni J na nakatalikod sa akin.

PVT SARMIENTO: Sir, Cadet Private Fourth Class Enrico Abelardo Edward Martin Rodriguez Sarmiento, reporting for duty, sir.

MAJ FAVILA: Louder!

PVT SARMIENTO: Sir, Cadet Private Fourth Class Enrico Abelardo Edward Martin Rodriguez Sarmiento, reporting for duty, sir.

MAJ FAVILA: Louder not faster!

PVT SARMIENTO: Sir, Cadet Private Fourth Class Enrico Abelardo Edward Martin Rodriguez Sarmiento, reporting for duty, sir.

Mula sa mga linyang ito, naintindihan ko ang sinabi ni J namagiging energy ang kaba. Ang lakas ng boses ko. Nagpatuloy ako sa mga linya. Hanggang sa dumating ang moment ng aming halik.

MAJ FAVILA: Show me what’s a kiss.

Nagtawanan ang mga audience.

PVT SARMIENTO: Sir?

MAJ FAVILA: Show me what’s a kiss!

PVT SARMIENTO: Sir, ahh, gaya nung sa Daddy ko, sir?

MAJ FAVILA: Ewan ko sa iyo! Basta show me what’s a kiss!

PVT SARMIENTO: Sir, okey, you ordered me, sir.

Marahang kong hinalikan si J. Smack lang. Iyon ang nasa script. Dinig ko ang pagsinghap nang mga manonood na mabilis na naging tawa.

MAJ FAVILA: You call that a kiss ?! I’ll show you what’s a kiss!!!

Si J naman ang lumapit sa mukha ko. Napalunok ako, alam kong mabilis na kilos iyon, pero bumagal na naman ang lahat, nakita ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. Hanggang sa naramdaman ko ang mga labi ko sa kanyang mga labi.

Mas matagal ang pagsinghap ngayon na nasabayan ng ilang bulung-bulungan.

Napapikit ako at kasabay ng pagdilim ng paligid, nabura lahat ng ingay na akong naririnig. Gumalaw ang aming labi na parang may sinasabayang musikang kaming dalawa lang ang nakakarinig. Labi sa labi.

Ilang sandali pa kaming tumuloy-tuloy hanggang napansin kong wala nang ingay sa buong lugar. Bumalik na ako sa aking sarili. nasa gitna kami ng maraming taong nanonood.

Umatras si J at naiwan akong nakatulala.

“That’s a kiss!”

Yun na lang ang narinig ko. Hindi ko alam ang linyang ibabato ko. Parng kanina lang sa backstage. Blangko. Buti na lang at may bumubulong sa gilid. Si Vina. “Sir ang galing nyo palang humalik…”

Lumakas ang bulong na nakatanggal sa sumpa ng aking pagkatulala “Sir ang galing nyo palang humalik…”

Tinuloy ko linya

Sir, ang galing nyo palang humalik. No wonder ang dami nyong syota, sir.

Pumalakpak ang mga tao. Napakatotoo yata ng halik na nangyari at ang reaksyon ko matapos iyon. Nakita nila. Naramdaman nila. Nag-pay off ang gabi-gabi naming pagre-rehearse ni J. Natapos ang dula. Mahusay kami. Ang sarap ng pakiramdam. Ang sarap ng tama ng ilaw sa akin habang hindi ko lang naririnig ang mga palakpak, nararamdaman ko ang pagpuri nila sa isang bagay na pinaghirapan ko.

Pagkapatay ng ilaw, pagkalabas ng mga manonood sa tanghalan, muling tinawag lahat ng nagsipagganap sa stage. Company call. Syempre, hindi na umalis ako umalis sa tabi ni J.

“You were actually good for a first timer,” sabi ni Gabriel.

Nag-init ang mga pisngi ko. Malamang, para na akong makopa sa pula. Lalo pa at naramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko. Si J.

NAGMAMANEHO si Rhonie at ako ang nasa passenger seat nang may magring na telepono. Phone ko. Lalaki ang nagsalita.

“Sabi ko na nga ba, may kalokohan ka dyan sa org nay an e,” si Kuya Arthur.

“Nanood ka, Kuya?” tanong ko na puno nang kaba.

“Ni-require kami ng prof namin na manood,” sabi ni Kuya. “Kaya pala hindi ka na umuuwi sa Cavite, may kahalikan ka na sa campus mo.”

“Kuya play lang yun,” sabi ko.

“TIgilan mo yan,” sabi ni Kuya. “Kung hindi, makakarating ito kina Mommy at Daddy.”

Binaba ni Kuya ang telepno.

Nanatili akong tahimik.

Hinawakan ni Rhonie ang kamay ko at doon nagsimulang bumagsak ang luha ko. Ngayon lang ako naging ganito kasaya sa buhay ko, tapos, kailangan na palang matapos.

Muling nagring ang telepono.

Nakita ko, si J. Agad kong sinagot.

“Andrei,” sabi ni J. “Natawagan ka na ba ni Gabriel?”

“Hindi pa,” pumutok ang boses ko.

“What’s with that voice?” tanong ni J na may pag-aalala. “Umiiyak ka na naman ba?”

Nagsimula akong humikbi.

“Nasaan ka?” tanong ni J.

Kinuha ni Rhonie ang telepono ko.

“Meet us na lang Sir J sa Mcdo?” sabi ni J.

Curtain Call

WALANG twenty minutes ang pag-aantay namin n Rhonie sa Mco, dumating si J at agad umupo sa tabi ko. Nasa mesa ang siko ko, at ang kamay ko ay nakasalo sa mukha kong hindi ko maiharap sa mundo dahil sa patuloy kong pag-iyak at paghikbi.

Umakbay si J sa akin. Napahinga ako nang malalim at ang pagkakataong iyon, kahit papaano, nakapagpagaan ng dinadala ko.

“Nakanood ng play si Kuya Arthur nya,” sabi ni Rhonie. “And told him that that should be his last and he better quit the application.”

“Hindi ka pwedeng mag-defer,” sabi ni J. Dama ko ang pag-aalala niya.

“Isusumbong niya ako kina Mommy,” napatigil ako dahil may mas nakakatakot. “Kay Daddy. Nakipaghalikan ako sa lalaki.”

“Play lang naman yun,” sabi ni J. “And that’s what the play is actually all about, for things like this. There are oppression some guys experience because of people who has problems with boys kissing boys.”

“Kahit yata gustuhin ko,” naalala ko ang sumpa. “Walang batch head na nai-induct.”

“Maiinduct ka, hindi ka susuko,” sabi ni J.

“Atsaka last na naman yung play mo,” sabi ni Rhonie. “Hindi na ulit kayo maghahalikan ni J.”

May kung anong sakit ang katotohanang sinabi ni Rhonie. Lalo na yung hindi na ulit kami magkakahalikan ni J. Nagustuhan ko rin kasi. At hindi na naman mauulit, ano ba namang aminin ko na sa sarili ko. Atsaka halik lang naman iyon. Masarap pala ang halik, kahit sa dula lang, kahit sa kapwa ko lalaki.

“About that, Rhonie, we might have a problem,” sabi ni J. “We still need to kiss at least two more times.”

Napatingin kami ni Rhonie kay J.

“Gusto ko rin naman,” sabi ni J. “But it’s more of we’re having two more runs on stage. Nagustuhan ni Gabriel yung performance natin. And Harry and Geoff were kind enough to give us more play dates. Ayaw yata niyang i-share sa akin si Harry.”

Natawa si J. Natawa rin ako at si Rhonie. Hanggang sa mawala ang tawa ko at bumalik ang problema.

“Pero si Kuya?”

“Hindi naman niya kailangang malaman,” sabi ni Rhonie.

“Pagsisisihan mo ang isang bagay na tinalikuran mo kahit alam mong ito ang magpapasaya sayo,” sabi ni J. “And the stage made you feel something. I see that when you took your bow. Ayaw mon a bang maulit yun?”

“Hindi ko alam,” sabi ko. “Totoo kasing napakasaya nung feeling. Pero pwede naman kasing okay na iyon at naramdaman ko.”

“Pero paano naman ako?” tanong ni J. “Masaya ako na ikaw ang kasama ko sa stage. But maybe that is life, some happiness is not for us, forever.”

“J naman,” sabi ko. “Para mo naman akong pinapapili.”

“Sorry if it sounded like that,” sabi ni J. “I’ve no intentions. Piliin mong mag-stay sa Rep Club. Piliin mong umakyat ulit sa entablado dahil iyon ang magpapasaya sa iyo. Iyon ang magpaparamdam sa iyo ng buhay. And I will be happy for whatever decision you’ll have.”

“Salamat,” sabi ko at inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

INIWAN ako ni Rhonie sa sofa kung saan ako natutulog lagi sa kanyang unit sa Bliss. Hawak ko ang telepono ko sa dibdib. tapos na ang usapan namin ni J. Sandali lang. Hindi na niya in-open ang tungkol kay Kuya. Mas kung ano ang naramdaman ko sa stage at kung paano natuwa sa amin ang crown, yung mga moments na nagpa-picture sa amin ang ibang nanood. Para kaming totoong artista. Kahit papaano, natawa naman ako.

Pero naubos na iyon. naramdaman ni J na kailangan kong mag-isip. Binigay niya sa akin ang oras para sa sarili ko. at iyon nga ang ginawa ko, tumitig sa kisame.

Gusto ko lahat ng meron sa Rep Club. Pero mahal ko ang pamilya ko. Alam ko naman, mahal din nila ako. Hindi naman lahat ng pamilya, nagsasabihan ng I love you, pero alam ng isa’t-isa na nagmamahalan sila. Ganoon kami sa pamilya.

Hanggang sa tumunog ang telepono ko.

Mahal kita Andrei. - J Jordan Salvador.

Hindi ako nakahinga agad. Pero mabilis akong nakapagreply.

Mahal din kita J.

At sa pagkakataong iyon. Alam ko na ang gagawin ko. Itutuloy ko ang play. Itutuloy ko ang application. Mahal ako ni J, o. pamilya ko siya. Hindi ko rin siya pababayaan.

Nagcompose ako ng message.

Kuya J, Salamat. Tuloy natin ang play. Tutuloy din ako sa Rep Club, magiging member ako.

Pipindutin ko na ang send nang makita ko ang message kong huling na-send. Mahal din kita J. At ang message niya. Mahal kita Andrei.

Anong nangyari? Nagmamahalan na kami.

Kailangan niyang magpaliwanag. Bakit siya nagme-message ng mahal kita nang basta-basta.

Naghintay ako ng reply kay J bago ko i-send ang message ko.

Hintay.

Hintay.

Walang dumating na reply.

Kinabahan ako.

Binura ko ang message kong ise-send kay J. Gumawa ng bagong message.

Mahal kita.

Send.

Tapos, inilagay ko na ang telepno ko sa ilalim ng unan at dumapa na ako sa sofa para matulog.

“Anung bullshit ito?” tanong ni Rhonie na nakamalaking t-shirt at mukhang panty na nasa ilalim.

Napatayo ako sa entrance ni Rhonie.

Isa-isa, sunud-sunod tumunog ang telepono ko.

I Love you, too, Andrei. – Ma’am Galingan

Anak, mahal ka rin namin ng Daddy mo. – Mommy Magda

Drei, lalaki rin ako. – Emilio

Maraming nagmamahal sayo tol, huwag ka pakamatay. Saan ka? – Bro. Louie L.

Sabi ko na nga ba eh. – Arvie

“Bakit?” tanong ni Rhonie. “Bakit ka nag-a-I Love You?”

“Kasi love kita,” paliwanag ko.

“I know,” sabi ni Rhonie. “And I love you too. Pero hindi tayo I love you friends. Ano ito? Nag- I Love you ka ba kay J tapos hindi siya nagreply?”

“Actually, nag I love you too ako,” sabi ko.

“Tapos hindi na siya nagreply?”

“Tapos hindi na siya nagreply,”

“So to make it fair to all your friends,” sabi ni Rhonie. “Lahat na lang kami sinabihan mo ng I love you.”

“Mukhang na-figure out mo na naman lahat,” sabi ko.

Lumapit si Rhonie at yumakap.

“Mahal mo siya?” tanong ni Rhonie.

“Mahal niya ako,” sabi ko.

“Mahal mo siya.”

“Siguro,” sabi ko. Hindi ko tinutulan ang sagot ni Rhonie sa tanong niya. “Sa tingin ko.”

“Bakit?” tingin ni Rhonie na may pag-aalala.

“May sagot ba talaga sa tanong na bakit mo mahal ang isang tao?” Hindi ako makatingin kay Rhonie. Bakit nakakahiya tong nararamdaman ko. Hindi ko naman kasi ito ginusto. Pero nararamdaman ko.

Matagal kaming natahimik.

“Siguro dahil siya ang unang taong nagparamdam sa akin na espesyal ako,” sabi ko. “Siya ang unang naghanap sa akin kapag nawawala ako, kapag kahit ako, hindi ko mahanap ang sarili ko. Sa kanya ko unang naramdaman na mahalaga ako.”

“Sorry,” sabi ni Rhonie. “I should be doing that. Barkada mo ako, kung wala nga kayong label ni Diane, ako na dapat ang bestfriend mo, eh.”

“Bestfriend kita,” sabi ko. “Hindi na mababago yun. At sure ako na special ako para sa’yo. Pero hindi yun ang hinahanap ko.”

“Kulang ba ang nabibigay ko?” tanong ni Rhonie.

“Rhonie, hindi ito tungkol sa’yo. Special ka pero hindi sobra,” natawa ako nang kaunti. “Hindi naman kita mahahalikan.”

“So it’s just a kiss, sex?” sabi ni Rhonie.

“Hindi naman ito libog lang,” sabi ni Andrei. “Gusto ko ang naramdaman ko nung nabasa kong muli ang reply at nabasa ko ang text niya na ni-reply-an ko. Mahal niya ako, kate-text lang niya.”

“Has he replied?”

Kinuha ko ang telepono. Isa-isang binasa ang mga mensaheng nag-a-I love you back. Hanggang sa makarating sa dulo.

Tumingin ako kay Rhonie.

Walang reply si J.

“If that I love you means anything to him, he would have replied,” sabi ni Rhonie. “Baka naman wrong send?”

“Rhonie, Andrei o, pangalan ko yan,” At pinakita ko sa kanya ulit ang text ni J.“

“Okay,” sabi ni Rhonie. “Congratulations, sinagot mo na siya. You now have a jowa.”

“Ito na ba yun?” tanong ko. May kung anong kabog sa dibdib ko. Pero hindi ito kaba ng takot dahil kahit itago ko, hindi mawala ang ngiti ko.

Action Reaction

“PASUBO ka pa lang palunok na ako,” sabi ni Aura. Matapos niyang kuwestyunin nang harapan kung para saan ang I love you message ko kagabi.

“Ang bastos,” gulat ko lalo pa’t nasa the Rooftop ako para makita si J, para matanong sa kanya kung para saan ang text niya kagabi na kahit nag-umaga na ay hindi pa niya na-reply-an nang maayos. May meeting kasi ang mga Apps bago mag-genmeet. Nasa loob na ng the Rooftop ang mga natitira kong co-apps, sina Rhonie, Harry, Brent, Jessica at K’tin. Kami, nasa labas pa.

“Well, mundo ko naman yun,” sabi ni Aura. “Kung hindi yun ang mundo, im just saying, alam ko na yang mga galawang ganyan. So nagreply ba siya sayo o hindi?”

“Siya nga ang naunang nagtext,” sabi ko na pasilip-silip sa hagdan.

“Kahit na,” sabi ni Aura. “Nasa mas nagmamahal ang huling message sa mga ganyang conversation. Kumbaga sa ligawan, natuwa ba siya na sinagot mo siya?”

“Hindi naman niya ako nililigawan,” sabi ko.

“Eh di hindi. So sa processing mo, sa pagpapaliwanag mo sa sarili mo ng mga bagay-bagay? Para saan ang I Love You niya sa iyo?”

“Siguro,” sabi ko at inalala ko kung paano ko kinumbinse ang sarili ko na matulog na. “Siguro ganun siya mag-thank you. Kasi magaling daw ako sa run namin kahapon.

“Okay,” sabi ni Aura. Hindi na niya tinuloy dahil tulad ko, napansin na yata niya na may papaakyat na. Si J.

Tumalikod si Aura at naglakad na papunta sa loob. Hinabol ko siya. may kailangan akong i-confirm.

“Kami na ba?” tanong ko kay Aura.

“Kung nagreply ba ako sa’yong I love you too kagabi, tayo na?”

“Hindi,” sabi ko.

Umakbay na lang sa akin si J at hindi napansing nakaakyat na pala siya. Malaki ang ngiti niya nang magharap ang aming mga mukha. Pinilit kong hindi ngumiti, pero wala, nasabayan ko ang ngiti niya. Tapos ang akbay ay naging yakap. Yumakap din ako.

“Hindi pa ba start, Au?” tanong ni J kay Aura.

“Kayo?” ibinalik ni Aura ang tanong. “Start na ba kayo?”

“What?” hindi siguro nakuha ni J ang tanong kaya iniba na lang ang usapan. “Ano nga pala ang agenda natin?”

“Pasok ka na Andrei,” sabi ni Aura sa akin. Sumunod naman ako.

“Seryoso ka ba kay Andrei?” sabi ni Aura na narinig ko pa habang papalayo. “I can turn a blind eye with this org, pero nagiging kaibigan ko na rin si Andrei. Ayoko siyang masaktan.”

“Au,” nasilip kong kumunot ang noo ni J. “Walang ganun Au.”

MAGKAKASAMA sa isang hilera ang mga apps habang ang mga members ay nakaupo, palibot sa isang long table. May black board din para sulatan ng mga notes. Sa likod kami nina Aura at J bilang sila ang mga nag-aalaga sa amin. Tapos na ang meeting ng mga apps, at nagkukuwentuhan na ang mga members tungkol sa araw nila. hindi pa kumpleto ang mga members kaya’t hindi makapagsimula ng meeting.

Isa sa mga huling dumating si Geof. Nakasanayan ko nang makitang nagbe-beso-beso ang mga members pagdating nila. Yung iba, bumabati sa mga buddies, yung iba, higit sa mga buddies nila, kinikilala na rina ng mga apps, yung iba walang pakialam. Kaya naman espesyal para sa akin ang yakap ni J. Pero iba ang depinisyon ni Frey ng espesyal. Matapos magdikitan ng pisngi ang lahat ng member, lumapit siya kay Harry at yumakap nang mahigpit. Nakatingin kaming lahat kung paanong proud na proud siya sa kanyang buddy.

“Tinanong mo rin ba si Geof just like you asked me?” tanong ni J kay Aura.

“Another issue that I am turning a blind eye to,” sabi ni Aura.

“Guys, may problema ako,” sabi ni Harry sa lahat. Napatigil ang mga member sa usapan. Sina Marian Albert at iba pa nagbigay ng atensyon. “Maliit lang naman kaya pwede nang hindi isama sa agenda. May exam ako sa last show.”

“Hala, Buddy,” sabi ni Harry na nauna pang magsalita sa mga members.

“I know, di’ba?” sabi ni Geof. “Pero bibilisan ko na lang ang exam ko para makahabol.”

Nakita kong nakataas ang kilay ni Marian.

“Hihingi lang ako ng favor, Batch,” sabi ni Geof kay J. “Mag-make up ka na, para may safety tayo. Pag hindi ako umabot, sumalang na kayo. Pero hahabol talaga ako.”

“Kung isasalang mo si J,” sabi ni Marian. “Si Andrei na lang din ang ipartner natin sa kanya Maganda naman ang chemistry nila. Dagdag rehearsals pa sina Harry at J. Hindi rin naman papalag yang aplikante, di’ba?”

“Marian,” sabi ni J. “Hindi naman siya naisalang bilang aplikante. Let’s be professional here. Aktor natin siya pagdating sa produksyon.”

“Geof,” sabi ni Albert. “Alam ko, buddy ka niya. Pero siya na lang ang tanungin natin. Hindi naman pwedeng ikaw ang magtatanggol sa kanya.”

Iba rin pala talaga itong si Harry. Nagdala ng komosyon sa meeting. Ayaw na lang ibigay sa akin. Dagdag na araw din yun sa mga labi ni J. Natawa ako sa sarili ko lang.

“Excuse me,” sabi ni J. “Pero tama naman si Batch. Mas actor si Harry. Maybe he is just standing for him as a friend.”

“Thanks Batch,” sabi ni Geof kay J.

“Harry,” sabi ni J. “Okay lang ba sa iyo, na hindi umarte sa last show? Para ma-schedule na.”

“Bilang aplikante,” sabi ni Harry. “Okay lang naman po. Kung ano po ang desisyon ng mga members, yun ang makakabuti sa amin.”

“Showbiz ,” bulong ni Aura. “I like.”

“Eh bilang actor naman?” tanong ulit ni J.

“Nasabihan ko na po kasi ang mga parents ko na ako ang magko-close, kaya doon sa araw na iyon sila manonood,” sabi ni Harry.

“Pati Mama mo?” tanong ni J. “Di’ba, nasa states siya?”

“Iyun din po,” sabi ni Harry. “Nag-schedule siya ng flight pauwi para mapanood ako.”

Papatapos na ang sem, papatapos na ang application period, pero ngayon ko lang nalaman na nasa abroad pala ang mama ni Harry. Memcom lang siguro ang mga may alam.

“Medyo inhumane lang kung umuwi ang nanay niya para iba ang mapanood,” sabi ni J. “That’s more than the app member relationship, more than the production concern, more than anything else.”

“So anong desisyon?” tanong ni Albert. “Hihintayin pa ba natin si Gab? Darating ba siya ngayon?”

“Batch, sige, magprepare ako,” sabi ni J tapos ay tumingin kina Marian. “Magre-rehearse na rin kami just in case. Master na naman namin ni Andrei ang isa’t-isa. Pero pag dumating nang maaga si Geof, he can have the stage.”

“Thanks Batch,” sabi ni Geof na yumakap naman kay J.

“Ang aarte ninyo,” sabi ni Marian. “Maghihiraman lang kayo ng jowa, gusto niyo pa ng paalaman.”

Natawa ang ilang mga members.

NAGIGING close na ang mga member sa mga apps. Niyaya na rin kami kapag may mga events. Matapos ang meeting, naglakad kami papunta sa labas ng campus kung saan may masarap na kainan. Turu-turo pero eat all you kanin.

Habang naglalakad, tuloy ang kwentuhan. Ang iingay nila. Ginagawang tanghalan ang kalsada. Masaya naman. Noong una, medyo nahihiya ako, pero masaya. SIguro ganito rin kaming mga apps kapag naging members na.

Lampas twenty rin siguro kaming naglalakad kaya hindi maiwasan na may paksyon-paksyon din na nag-uusap. Isa sa mga pakson kami ni J.

“Magki-kiss pa rin ba kayo sa rehearsals ninyo?” tanong ko kay J.

Ngumiti si J. Hinintay ko siya sumagot. Alam kong narinig niya. Pinaparamdam niya sa aking narinig niya. Nakailang hakbang pa kami. Tapos ay umakbay siya sa akin at bumulong.

“Jealous much?” sabi niya sa tenga ko. “Gusto mo, sa’yo lang ang mga labi ko no?”

“Nagtatanong lang,” nakakakiliti ang hininga nya, kaya’t napaatras ako. Gusto ko ring umtras sa katotohanan na iyon.

“Kung ayaw mo, hindi,” sabi ni J. “Na-rehearse na rin naman namin dati yun. Kaya na namin. No need to prove pa.”

“Oo nga,” sabi ni Brent na nasa kabilang side ko pala. “Atsaka ano ba namang yung simpleng smack na ganun. Hindi naman ninyo gagawin yung laplapan nina Frey at Harry.”

“Huy marinig ka,” sabi ni J kay Brent. “Si Harry lang ang ka-close niyan sa batch ninyo.”

“Buti pa ikaw,” sabi ni Brent. “Close sa aming lahat.”

Gusto kong mali ang sinabing iyon ni Brent. Pero tama siya e. Membership Committee Manager si J. Required siyang maging close sa aming lahat. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko. inisip ko na lang, hindi naman kayo nabubullungan ni J nang kasing close nang ginawa niya sa akin kanina lang.

“Okay lang, kung kailangan ninyong maghalikan, gawin ninyo,” sabi ko. “Hindi naman counted yun eh.”

Napapabilis na pala ang lakad nina Frey at Harry. Magkaakbay din sila.

“Basta Buddy, huwag mong sarapan ang halik ha,” sabi ni Geof kay Harry. “Baka hanap-hanapin ka nitong Batch ko.”

Tinapik ni Frey si J nang madaanan kami.

Hindi lang halik ang mukhang masarap sa dalawa. Kumakain na kami, hindi ko pa rin maiwasang tumingin sa kanila. Nilagyan ni Harry ng pagkain ang pinggan ni Frey.

“Thanks, buddy,” sabi ni Harry.

“Special?” sabi ni Aura.

“Ito naman,” sabi ni Harry na kumuha ng isang leg ng friend chicken. “Para kay Kuya J.”

“Thanks,” sabi ni J.

Napatingin sa akin si Rhonie. Napatingin din si Aura. Sa akin nakatingin ang dalawa habang ang iba, nakatingin kay Harry. Naibaba ko tuloy ang kilay kong di ko napigilang tumaas. Kuya J? tinawag ba niyang kuya si J ko?

“Oy, kung hindi mo bibigyan ang lahat, maglagay ka lang sa sarili mo,” sabi ni Marian. “Aura, baka masyado nang nagiging close yang mga yan.”

“Ibubukelya mo talaga akez dritrakelles, wit mo keri mag waitchikelles i-discus throw sa nextchina EB Meet? Eh na discus throw na namanchi natinechi be four be four?” Wala akong naintindihan sa mga codes na ito ni Sir Aura. Ang alam ko lang yung EB Meet Executive Board meet. Ang meeting na mga Vice Chairperson at Chairperson lang ang kasama.

“Just checking,” sabi ni Marian. “Anyway, nagtext si Gabriel. Free daw siya sa makalawa. Pick up rehearsals ninyo.

“HARRY seems to be a very sweet kid,” sabi ni J habang naglalakad kami papunta sa Bliss. Napansin siguro niyang hindi ako nagsasalita masyaado. Hindi naman ako galit. Ngayon ko lang kasi nasolo si J para matann gkung ano ang nangyari kagabi

“Parang tuwang-tuwa ka na pinagilbihan ka ni Harry ah,” sabi ko. “Hayaan mo, next time. Uunahan ko siya.”

“O siya ang uunahan ko,” sabi ni J. “Ako na ang maglalagay sa pinggan mo.”

“Hala siya,” nag-init ang mukha ko.

“Ayaw mo?” sabi ni J.

“Hindi ba bawal pa?” tanong ko.

“Bakit bawal?” Tanong ni J.

“Kasi member ako, at app ka pa lang?” tanong ni J.

“Oo.”

“May ibig sabihin na ba kapag nilagyan ko ng pagkain ang pinggan mo?”

“Hindi naman kasi yun ginagawa ng isang tao sa isang tao kung…” hindi ko natuloy ang sasabihin ko.

“Espesyal ka sa akin, Andrei.”

Natigilan kaming dalawa. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin. Nandito na naman kami sa espesyal na ito. Mapapalitan na ba ang term na ito ngayong gabi?

“Kaya lang, parang hindi talaga ako magiging espesyal sa’yo,” ngumiti muna si J bago tuluyang maglakad ulit.

“Nagreply ako, J. Sabi ko, mahal din kita J,” humabol ako dahil alam kong pinaguusapan na namin ang palitan namin ng mahal kita kagabi. Tama naman si Rhonie at si Aura,hindi naman kami pwedeng maging kami sa text lang. Ito, magkaharap na kami. Pag-uusapan na ba namin kung paano namin ililihim ito.

Magulo ito, alam ko, at naguguluhan ako. Pero kapag sinabi niyang kami na, atsaka na namin iisipin ang mga susunod na gagawin. Kung paano koi to ililihim sa Rep, kung paano koi to ililihim sa bahay. Masaya ako sa idea na ito. Gusto ko munang subukan. Hindi ako makapaniwalang ang una kon grelasyon ay sa kapwa ko lalaki, pero heto na eh, at parang tama sa pakiramdam, ayokong tutulan.

“Espesyal ka sa akin, J,” sabi ko. “Sa paraang gusto mo. Kung gaano ka-espesyal, sabihin mo lang.”

Nagpatuloy lang sa paglakad si J. nakangiti lang. pero ang ngiti niya ay hindi ngiti na parang natuwa sa sinabi ko.

“Ayaw mo ba?” tanong ko na parang gusto kong kainin ako ng lupa, deretso sa kumukulong bahagi nito, yung may lava, para malusaw na ako nang tuluyan.

Ang ngiti ni J ay naging bahagyang tawa. Sobrang hiya na ang naramdaman ko para sa sarili ko. ang lahat ng iniisip ko, para pala akong tanga.

“Kaya ba hindi ka nagreply sa text ko,” sabi ko. “At pagkagising natin, ang message mo lang, good morning, see you later sa App Meet?”

“Alam mo ba kung paano ako nagmukhang tanga kagabi?” Tumigil si J sa paglakad at humarap sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ako ang mukhang tanga ngayon, bakit niya ako inaagawan ng moment?

“Sobrang kaba ko noong nagsend ako ng message sa’yo,” sabi ni J. “Hindi ko yon laging ginagawa. But I gathered all the courage I had just to send you that message.”

“O nagreply naman ako,” sabi ko. “Hindi ka naman napahiya sa akin. Ikaw ang hindi nagreply sa akin.”

“I looked so stupid reading your reply, kung nakita mo lang ako,” sabi ni J. “Sobrang saya ko, nagsisisipa ako sa hangin habang nakahiga sa kama. Gusto na kitang tawagan.”

“O masaya ka pala,” sabi ko. “Anong problema.”

“Sobrang saya ko, nalaglag ang telepono ko, namatay. Hindi ako nakareply kaagad. Tapos pag bukas ko nag-update.”

“Hinihintay kaya kita mag-reply,” bumalik na ang saya ko. Hindi na naisip na magiging ganito ang takbo ng gabi ko. Litong-lito na ako kung paano magre-react kay J. Mabuti naman at masaya siya sa usapan namin kagabi. “Tayo na ba?”

“Bakit?”

“Hala ka,” sabi ko. “J ang gulo naman. Sinabi mo, mahal mo ako. Sinabi ko mahal kita. Mula kagabi hanggang ngayon, walang nababago doon. Bakit parang may nagbago naman bigla sa’yo?”

“Sorry,” sabi ni J. “I tried to make it through the day na parang walang nangyari kagabi. Dalawang palitan lang naman yun ng messages. Marami tayong messages na mas masaya. I want to keep what we have and stayed like that na lang, akala ko kaya kong magpanggap na hindi nasaktan.”

“Mahal kita J,” sabi ko. “Hindi ko rin yun laging ginagawa Kagabi lang. At alam mo kung ano ang takot, hindi lang bilang aplikante, pero alam mong hindi ito papayagan sa bahay. Pero sinabi ko ang nararamdaman ko. Sinabi ko Mahal kita J.”

“At sinabi mo rin iyon sa lahat ng tao sa phone book mo,” sabi ni J.

Notes On Kissing

MAGKATABI kami ni Geof sa audience area, ilang upuan ang layo kay Gabriel na nasa harapan. Nasa stage naman, kasama ang buong set-up ng play, sina Harry at J. Hindi lang apat o limang sigaw ang inabot ng dalawa.

Kahit may isang araw pa kami ni J para umarte, at isang araw para kina Geof at Harry, ilang araw na lang at sina J at Harry naman ang sasalang para mag-close. Yun ay kung hindi aabot si Geof sa call time. Pero kung ano pa man, nagsimula na nang maagang rehearsal si Gabriel para mapulido ni Harry at J ang kanilang closing. Sabi kasi nila, you are just as good as your last performance. Ito ang last performance na tatatak kay Gabriel sa ngayon.

“Gusto ba ninyong umuwi?” galit na tanong ni Gabriel. “Ayusin naman ninyo. J, sumunod ka sa blocking. Alam kong sanay ka kay Andrei, pero iba na ito. At Harry, manonood mama mo, gusto mo bang mapahiya? Matuto kang sumalo at magbigay. Hindi lang Geof ang makakaeksena mo sa buong buhay mo!”

“Sorry, direk,” sabi ni J. Hindi nagsalita si Harry.

Napalakas naman ang hinga ni Geof sa likod. Napatingin tuloy sa amin si Gabriel.

“Out,” sabi ni Gabriel. “Baka nako-conscious sila sa inyo.”

Hala, hindi pa sila umaabot sa halikan. Gusto kong makita kung ano ang desisyon ni J.

“Dapat masanay sila na may audience,” sabi ni Geof. Mabuti na lang at kakampi ko siya.

“No,” sabi ni Gabriel. “You are not audiences this time. You are their competition. Hindi maka-at-ease tong dalawa. Sige na.”

“Gab, wag ka namang unfair,” sabi ni Geof.

“No,” sabi ni Gabriel ulit. “You be fair. Vina, get them out of my theater!”

Napatingin ako kay J. Tumango lang si J. Ngumiti ako. Pero kung may anong takot akong naramdaman.

NILIBRE ako ng fishballs ni Geof sa baba. Paglabas kasi ng building, malapit sa kalsada, may dalawang tindahan. Doon kami nagtusuk-tusok habang kumakain din ng pancit canton.

“Bakit ayaw pa ninyo itodo ang halikan ninyo ni J,” tanong ni Frey sa akin. Nagulat ako. Hindi naman kami close nito.

Tumawa na lang ako.

“Hindi nga,” tuloy ni Geof. “Parang close din naman kayo parang kami ni Buddy.”

“Hindi naman po kasi ganun ang nirehearse namin,” sagot ko.

“Huwag mo na nga akong pinopo,” sabi ni Geof. “Magkabatch naman tayo sa campus. Nauna lang ako sa Rep Club. Pero technically, magkakaedad tayo. Si Budy ko lang ang first year ngayon.”

“Okay po,” sabi ko.

“Ang cliché mo,” sabi ni Geof. “Gulatin mo si J sa last show ninyo. Pwede namang maggulatan sa last show tingnan mo kung ano ang magiging reaction niya.”

“Ano pong gulatin?”

“Pag halik mo, ipasok mo dila mo,” sabi ni Geof na nanlaki pa ang mga mata sa excitement sa naisip niya.

“Hindi po ako marunong nun,” sabi ko. Pero naglaro sa isip ko ang idea. Ganoon kasi sila maghalikan ni Harry sa stage. “Hindi ko kaya yun.”

“Ito naman,” sabi ni Geof. “Hahalik lang eh Kailangan pa ba kitang turuan.”

“Naku wag po?!” sabi ko.

“Loko,” sabi ni Geof. “Syempre hindi dito.”

“Kahit po hindi dito,” sabi ko. “Hindi po pwede.”

“Magagalit si J?”

“Hala, Sir,” hindi ko alam kung bakit kinabahan ako. “Walang ganun, sir.”

“Sir ka dyan,” sabi ni Geof. “Sa second interview mo na akong tawaging sir. Pero ngayon, tropa lang tayo.”

Hindi na ako nagsalita. Ayoko na ng usapan. Nandito na lang ako kasi member siya at nakakahiya namang iwan ko. Hindi naman ako makakabalik sa taas, kasi bawal nga kami manood. At doon ko naisip, naghahalikan na kaya sila?

“Mahal mo si J?” hindi tulad ko, gusto pa yata si Geof ng usapan.

Hindi ulit ako sumagot.

“Alam ko, ako, hindi mo mahal,” sabi ni Geof. “Hindi kasi ako nakatanggap ng message mo. SInendan mo yata lahat pwera sa akin. Okay lang naman, hindi naman magseselos si Harry.”

Natawa si Geof sa kwento niya.

“Wala po iyon,” sabi ko. “Lasing po kami nun ni Rhonie.”

“Wag ka na magsinungaling,” sabi ni Geof. “Ako kasi, mahal ko si Harry. Hinihintay ko lang na maging member kayo, tapos liligawan ko na talaga siya.”

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako.

“Ikaw ba, mahal mo si J?” tanong niya sa akin.

“Opo.”

“Mahal ka rin naman ni Batch,” sabi ni Geof. “Hindi ko akala na lalaki rin ang gusto niya, pero masaya naman ako na pinili na niyang maging masaya.”

Ngumiti lang ako.

“Anong ngiti yan,” puna ni Geof. “Kausapin mo na si J. Planuhin na rin ninyo. Parang kami ni Harry. At least legal tayo pare-pareho. Hindi pa naman kayo nag-a-ano, ano?”

“Anong ano po?” nakaramdam na naman ako ng init sa mukha ko.

“Huwag ka ngang painosente. College na tayo.”

“Hala siya,” sabi ko. “Wala pong ganun. Kiss lang po.”

“Kami rin ni Harry,” sabi ni Geof. “Kaya nga pinilit namin maging kami ang actors sa play. Para makapaghalikan kami.”

“Kaya rin po ba ninyo tinotodo,” nangiti ako.

“Oo,” sabi ni Geof. “Sarap kaya makipaghalikan. Kaya kung ako sa inyo, itodo nyo na rin.”

Hindi ko alam kung ano ang nagpagaan ng loob ko kay Geof. Hindi naman pala siya nakakatakot talga. Mukhang trabaho nga lang nya ang magsungit. Ganoon naman yata talaga ang mga members sa mga apps.

“Kaya lang po,” sabi ko.

Napatingin sa akin si Geof.

“Nagkaproblema po kami kagabi,” sabi ko.

“Anubayan?” napakamot si Geof. “Hindi pa nga kayo, may problema na. Ano yan?”

“Issue nya po na nagtext ako ng I love you sa mga tao sa phone book ko.”

“Bakit mo nga ba gianwa yun?” tanon gni Geof. “Nadiagnose ka ba ng cancer?”

“Hala siya, hindi,” sabi ko na natawa na rin. “Nagmessage kasi si Sir J ng Mahal kita. Tapos nagreply ako na, mahal din kita. Tapos hindi siya nagreply. Ayoko lang magmukhang tanga.”

“Tanga nito,” sabi ni Geof. “Nakakatanga talaga kapag nagmahal. Bweno, ano na kayo ngayon?”

“Sabi niya, Let’s not go there for now. Step back daw muna kami,” paliwanag ko. “Balik na lang daw muna kami na espesyal kami sa isa’t-isa. Hanggang sa maging sgurado na ako.”

“Maganda naman ang deal na iyon,” sabi ni Geof.

Doon na ako tumigil sa pagku-kwento.

NAKAUPO kami ni Geof sa hagdan sa labas ng the Rooftop. Madaldal pala talaga si Geof. Andami niyang nakwento matapos namin mag-usap tungkol sa love life. Nalaman ko ang pagiging babaero ng Tatay niya at kung paano iyon tanggap ng nanay niya, basta ang mahalaga, sa kanila umuuwi at hindi siya nagkakaroon ng kapatid sa labas. Napakwento rin ako na kami rin sa bahay, ayos na buo ang pamilya, ilan kami sa mapapalad. Pero tulad ko, mukhang may dinaramdam din siya sa bahay. Hindi naman dahil kumpleto, eh masaya na.

Nakwento rin niya ang tungkol sa iba pa niyang orgs at niyaya akong sumali na may pangakong hindi niya ako hahalimawin. Inamin nga niya ang hinala ko na kultura lang talaga sa Rep Club na pahirapan ang mga apps. Dahil ang totoo, mas mahirap ang maging member. Mas matindi ang resposibilidad.

Nakwento rin niya ang mga co-apps nila ni J. Tatlo lang sila sa batch na na-induct, pero nasa 35 sila na nag-apply. Nagbanggit siya ng homecoming noong nakaraang taon kung saan may mga dumalong alumni na napapanood na ngayon sa TV. Gusto niya rin daw maging raket yun, pero hindi full time. Gusto pa rin niyang magpractice ng pagiging Engineer.

Naka-isa’t-kalahating oras din kaming nagkwentuhan hanggang sa lumabas si Gabriel. Unang napatayo si Geof. Kaunting tanong sa director, tapos pumasok na sa theater. Sumunod ako.

Magkayakap na sila ni Harry pagpasok ko sa stage. Ambilis niya. Halatang sabik kay Harry.

Umakbay naman sa akin si J.

“Sweet mo naman,” sabi ni J. “Kumain na kayo?”

“Konti lang,” sabi ko.

“Nilibre ko na yang alaga mo,” sabi ni Geof.

“Thanks,” sabi ni J. “Pero hindi ko kayo ililibre ha. Walang budget.”

“Okay lang,” sabi ni Frey. “Saan ba tayo?”

“McDO na lang,” sabi ni J.

“Wala akong budget,” bulong ko kay J.

“Sagot na kita,” sabi ni J. “Hinintay mo ako eh.”

BURGER, fries at float ang parehas namin order ni J. Nakasunod sa pila namin si Harry. Si Geof naman ang nagbabantay sa mga gamit sa table namin.

“Anong parts ng chicken ninyo?” tanong ni Harry at saka lang umorder ng sinabi ang parts. “Sige, two piece, thigh at leg part. Doon naman sa spaghetti, thigh part. Thank you po.”

Nanonood lang kami ni J sa communication skills ni Harry. Pati sa pagkuha niya sa fries namin nang naunang dumating ang order namin.

“Penge ha,” paalam niya.

Natawa lang kami ni J.

“Una na kami,” sabi ni J.

Paglakad, nakasalubong namin si Geof.

“Buddy,” sabi ni Geof. “Leg at…”

“Yes buddy,” sagot ni Harry kahit hindi pa natatapos ni Geof ang instructions.

“Alam na alam ni Harry ang gusto mo, ah,” sabi ni J at naupo na kami, magkatabi.

“Lagi ba naman kaming magkasama,” sabi ni Geof habang pabalik sa upuan niya.

Pagdating ni Harry sa table, agad niyang inilagay ang two piece chicken sa harap ni Geof. Inilatag ang mga kubyertos pati ang gravy na binuhos na niya sa kanin.

“Thank you,” sabi ni Geof. “Kain na tayo.”

Nakangiti lang kami ni J sa pag-aasikaso ni Harry sa buddy niya.

“Sweet niya, no?” sabi ni Frey.

“Nahiya tong coke float ko,” sabi ni J sabay sipsip niya. Sinabayan ko rin si J sa pag-inom.

“INGGIT ka no?” tanong ni J sa akin.

“Hindi ano?” sabi ko.

Pagkatapos kumain, sumabay kami ni J sa kotse ni Harry. Nandoon din si Geof, sa unahan siya nakupo dahil siya ang huling ibababa ni Harry. At syempre sila ang magka-close. Pagkababa namin, atsaka lang kami nakapag-usap ni J, habang nagbu-book siya ng motor.

“Bakit naman ako maiinggit, sweet ka rin naman sa akin?” sabi ko. “Ayaw mo na nga lang.”

“Di ba, step back muna, hindi na muna pag-uusapan,” sabi ni J. “Pero pwede ka pa rin naman maging sweet sa akin. Kung gusto mo lang naman.”

“Gaano ba ka-sweet ang gusto mo?”

“Bigay mo lang,” sabi ni J. “Padaragdagan ko na lang pag gusto ko pa.”

Inilagay ko ang kamay ko sa likod ni J at hinawakan ang gilid niya para mas lumapit siya sa akin. Muli naman siyang umakbay sa akin.

“Sweet na ba to?” tanong ko.

“Siguro kung may kasamang kiss,” sabi ni J habang paakyat kami sa third floor, ang floor ng unit ni Rhonie.

Doon ko lang napansin ang ilang kapitbahay ni Rhonie na nagkukwentuhan sa labas ng bahay. May ilang babaeng mukhang highschool students na nakangiti sa amin. Nahiya ako.

“Bukas na lang,” napansin yata ni J ang pagkahiya ko. “Last show natin.”

Pinagbuksan kami ni Rhonie pagkatok.

“Sir J,” sabi ni Rhonie. “Thank you sa paghatid sa alaga ko.”

“Hinatid nya lang ako, pero ako ang naghintay sa kanya ng ilang oras,” sabi ko.

“Para namang hindi mo gusto yun,” sabi ni Rhonie.

“Hindi mo ba gusto?” tanong ni J.

“Syempre gusto,” sabi ko.

“Dapat lang,” sabi ni J sabay yakap sa akin nang mahigpit. “Nandyan na yata ang angkas ko. Bye guys. Andrei.”

Pumasok ako sa bahay at naupo sa couch kung saan ako matutulog. Tumabi sa akin si Rhonie

“Masaya ka,” pansin niya.

“Oo,” sabi ko.

“Kayo na ba ni J?” tanong niya.

“Hindi,” sabi ko. “Pero parang special na ulit kami sa isa’t-isa.”

“Is that good enough?”

“Dumating ito na hindi ko ine-expect. Wala akong ine-expect. Lahat ito bago sa akin, at nagugustuhan ko naman. Kung may darating, sige pa. Kung wala naman, okay na ako.”

“You talk too much,” sabi ni Rhonie. “What are you convincing yourself of?”

Napangiti ako. Barkada ko nga pala si Rhonie. Hindi lang kami madalas magkasama nitong huli, pero kilalang-kilala pa rin niya ako.

Hindi muna ako nakapagsalita. Nagpanggap na wala akong tinatanggi sa sarili ko.

“Sabihin mo na,” pilit ni Rhonie. “Take it off of your system.”

“Gusto ko na ulit magtext sa kanya, ako na ang mauuna na mahal ko siya. Sasabihin kong J, ibalik natin yung gabing nagtext ako sa lahat. At hindi ko na iyon gagawin. Kasi gusto ko na, Rhonie. Gusto ko nang magmahalan kami. Kahit patago.”

DUMATING nga doon ang pagkakataon.

Ito na ang huling araw na magtatanghal kami ni J sa stage. Ito na ang huling pagkakataon na mahahalikan ko siya. O mahahalikan niya ako. Basta maghahalikan kami.

“Ready for our last kiss?” tanong ni J.

Nasa backstage na muli kami ni J. Naghihintay na tawaging ni Vina na umakyat sa stage. Madilim, maginaw, tahimik. Pero mainit ang kamay ni J na nakakapit sa mga kamay ko. Maingay ang kabog ng dibdib ko, at maliwanag ang mukha ni J sa harap ko. Napatitig akong muli sa mga labi niya.

“Saang part ng sentence mo ako gustong magfocus?” tanong ko. “Sa our? Sa last? Or kiss?”

“Wow, you remembered your workshop on emphasis,” sabi ni J.

Natawa lang ako pero gusto kong sagutin. Gusto ko nang maging handa sa our. Lagi akong nananabik sa kiss. At sasagutin ko ng hindi ang sa last.

Ilang sandal pa, narinig na namin ang bell. Ibig sabihin, pinapaupo na ang mga audience. Nagsalita na rin si Marian sa Techbooth. Pinaalala na ang mga pinagbabawal sa loob ng tanghalan.

“…Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain, pag-inom, pagbi-video, pagkuha ng larawan at pakikipagtalik sa loob ng tanghalan. Maraming salamat po,” sabi ni Marian.

Nagtawan ang audience.

Hanggang ang kaunting liwanag sa pumapasok sa siwang tungo sa backstage ay nawala na rin.

“Actors preset,” bulong ni Vina at pumasok na nga si J.

Nagbatuhan kami ni J ng linya. Kabisado na namin ang mga galaw at parang hinihingi na lang namin ang aming mga kilos. Ang totoo, hindi ko na nararamdaman ang pagkaako ko, at hindi na rin si J ang nakikita ko na kinakausap ko. Ito pala ang isa sa mga ganda pag-arte sa teatro. Ang pagkawala sa sarili at pagkabuo bilang ibang nilalang, na may sariling buhay, may sariling nakaraan at may ibang kinabukasan. 

Hanggang sa umabot kami sa karanasan ng dalawang tauhan na kailangan na nilang maghalikan.

HInalikan ko si J. Mabilis, tulad nang nasa script. Hindi pa ito yung todo. Dahil si J ang gagawa sa akin nang todo. Hinihintay ko na iyon, gugulatin ba niya ako, ipaparamdam ba niya sa akin, sa huling pagkakataon namin sa stage kung ano ang nararamdaman niya sa akin.

Ngunit sa pagbawi ko sa mukha ko sa mabilis na halik, may narinig akong napasinghap sa audience. Iba ito, malakas. Napatingin ako dahil kilala ko iyon, ata alam kong nasundan iyon ng pag-aantanda.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng pagsinghap. Si Mommy Magda. Sino pa kaya ang kasama niya.

“You call that a kiss? I’ll show you what’s a kiss”

Binitawan na ni J ang linya. At napatingin ako sa kanya.

Nagulat pa rin ako sa paglapit na bibig niya sa bibig ko kahit ilang beses na namin itong ginagawa. Lalo pa’t nanonood si Mommy. Hindi ko mapigilang hindi bumitaw sa character ko at matakot, pero huli na ito, at nakita na ni Mommy Wala na itong atrasan. Kung mapapagalitan, pagalitan na lang ako pagkatapos nito. Dinama ko ang halik ni J bilang siya at hindi bilang gawa-gawang tauhan.

Ngunit mas may kinagulat pa ako. Ang matagal na pagkakadampi namin ng labi ay naiba mula sa aming ni-rehearse at ginawa sa mga nakaraang shows. Marahan kong naramdaman ang dila niya na pumasok sa aking bibig.

May narinig akong tumayo mula sa upuan. Malamang si Mommy.

Napadilat ako at napatingin ako sa kanya. Nakapikit si J. Hindi ako nakakilos. Hanggang napadilat si J at nakita ko si J sa kanyang mga mata. Binawi niya ang kanyang halik at nanatiling nakatingin sa akin.

Nagkatitigan kami.

Nakatitig din sa amin ang mga nanonood.

Hanggang sa marinig ko si Vina sa backstage na bumubulong.

“That’s a kiss,” malakas ang bulong para makabalik kami sa linyahan namin sa dula.

Hindi pa rin makapagsalita si J.

Inalala ko ang linya ko. Hindi ko na hinintay ang mga linya ni J.

“Sir ang galing nyo palang humalik…”

At naalala na ni J ang kanyang susunod na sasabihin. Tumuloy na ang dula. Natapos. Pumalakpak ang mga tao.

Muli, isa-isa kaming tinawag na mga nagtanghal pabalik sa entablado. Sa dula namin, una akong tinawag. Pumunta ako sa harap at yumuko, pulakpak pabalik sa mga nanood. Sumunod naman si J na ganoon din ang ginawa. Tapos ay naghawak kaming kamay at sabay na nag-bow. Muli, pumalakpak sa mga manonood.

Nagulat ako sa paglapit ni VIna sa akin.

“Congratulations,” sabay abot ni Vina ng isang boquet na bulaklak.

Quick Feedback

“CONGRATULATIONS Andrei,” sabi ni Gabriel. “Great run.”

Nagpalakpakan ang lahat para sa akin. Panandaliang nawala ako sa aking pag-iisip sa pagwo-walk-out ni Mommy. Napatingin ako sa ngiti ng mga co-apps ko at mga members. Napangiti ako. Ngayon ko napagkaiba ang pagtanggap sa pagkilala. Pagtanggap yung pinapasok nila ako sa hanay nila, nandoon lang ako. Pagkilala yung ginawa nila akong kabahagi nila na may kasamang pagpapahalaga.

“Thank you po,” sabi ko.

Company Call ito kaya’t lahat ng taong may kinalaman sa produsyon, nakapalibot para pakinggan ang mga notes sa naganap na dula, para sa mga artista at tao ng produksyon. Dahil last show ko, pinasalamatan na ako sa pagiging bahagi ng play.

Tumingin ako kay J na katabi ko. Bahagya siyang ngumiti at pinisil nang mas mahigpit ang kamay kong nasa ilalaim ng kamay niya. “Congrats.”

“Thank you,” sabi ko kay J.

“Para saan?” bulong niya.

Tuloy pa rin ang pagsasabi ni Gabriel sa mga comments niya sa mga artista. Yung mga mali sa ilaw, namaling lagay na props, nahuling pasok ng music. Minimal lang naman, nalampasan. Hindi naman napansin ng audience kaya napatawad naman.

Parang itong si J, pinapa-specify pa kung para saan ako thankful.

“Para dito sa lahat,” sabi ko. “Ito na yata ang pinakamasaya kong moment.”

“Sinamahan lang naman kita,” sabi ni J.

“Una, pinilit mo akong mag-apply,” sabi ko. “Sinamahan ko lang naman si Rhonie. Pero pinagdala mo pa ako ng costume sa orientation. Nandoon ka nung Interview ko. tapos, ipinaglaban mo ako para magkaroon ng araw dito sa stage. May pabulaklak ka pa.”

“Hindi sa akin galing yang bulaklak,” sabi ni J.

“Ha?” gulat ko.

“Yeah, other than that, it was all me,” tawa ni J. “Pero hindi pa yan ang pinakamasaya. Kapag naging member ka.”

“Bakit? Kasi ipaparamdam mo sa akin kung ano ba talaga ang halik?” biro ko. Ito ang gusto ko kapag kasama ko si J, nakakalimutan ko na may problema sa bahay. Kahit papaano, nakakangiti ako. nakakaramdam ako ng mga bagay na hindi ko pa nararamdaman dati. At gusto ko ang pakiramdam.

“You still think of that?” tanong ni J. “Andami na nga nating halik na nagawa.”

“Scripted naman kasi yun,” sabi ko.

“Well, the last one, hindi naman ganun ang ni-rehearse natin.”

“Napansin ko nga,” sabi ko.

“Kaya ba napadilat ka at bumawi agad?” tanong ni J. Nawala ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko.

Napatingin ako kay J. Hindi ako nakapagsalita.

“Okay lang naman,” sabi ni J. “Lagi na lang akong napapahiya sa’yo.”

“Hala, J, walang ganon,” sabi ko.

“Anong wala?” tanong ni Gabriel. “You wanna share anything?”

“NANOOD si Mommy,” sabi ko kay J habang nakatalikod siya at naghuhugas na kamay sa CR. Katatapos lang yata niyang umihi Hindi na kasi namin natuloy ang pag-uusap dahil pinaglayo kami ng upo. Kainan na ulit nang malapitan ko siya. Pero lumayo siya. Sinundan ko na lang siya sa CR at ito nga, mula sa salamin, tiningnan niya ako.“Sinabi ko na naman di’ba? binalaan na ako ni Kuya. Sinunod kita, tapusin ko ang show kasi dito ako masaya. Pero nakita na ni Mommy ang ginagawa ko. at hindi nang nagpe-play. Nakikipaghalikan pa sa lalaki. Kapag nakarating ito kay Daddy. Baka kaya nga siya nag-walk-out para madali siyang makauwi at makapag…”

“Shhh,” sabi ni J at humarap sa akin Yumakap. Bumulong. “Later mo na problemahin yan. “Sorry for acting that way kanina. I was selfish. Hindi ko alam yan.”

Yumakap din ako.

“And I am still holding to that kiss kapag naging member ka,” sabi ni J.

“Kailangan ko pa bang maging member?” tumingin ako sa mga mata ni J pagkabitaw ng yakap namin.

Umiling si J.

“Kiss lang naman,” sabi ni J. “And as far as we’re concerned, we steeped back naman, di’ba? hindi pa tayo nagsasabihan ng I Love you?”

Natawa ako. Binawi nga pala namin ang gabing iyon.

Pero nawala ang tawa ko nang napatingin ako kay J na natanggal na rin ang ngiti. Nakatingin na lang siya sa akin. Napaatras ako at napasandal. Lumapit si J at ang mukha niyang hindi nakangiti, ngunit alam kong masaya sa nangyayari. Masaya sa pagtanggap ko sa gagawin niya.

Naramdaman ko ang paghinga niya malapit sa akin habang nakapikit ako na alam na nakapikit din siya. Dama ko ang pagnamnam niya sa mga sandali dahil matagal na nadampi ang matangos niyang ilong sa aking ilong. Sinayad niya iyon kasabay ng isang mabilis na halik sa aking mga labi.

“Huwag po kuya,” sabi kong nakangiti kahit nakapikit pa rin.

“Huwag ba,” balik niya ng tanong ko may pang-aakit bago ko maramdaman ang kanyang muling paglapit at isa pa muling mabilis na halik.

Nangiti ako at napadilat sa pangungulit niya. Nakadilat na rin siya at nakakagalt sa labi niya. Muli siyang humalik nang mabilis. Panti-tease.

“Huwag ba talaga?” tanong ni J.

Ako naman ang gumanti. Ako ang lumapit at mabilis ring humalik sa kanya. Umatras siya, tapos siya naman ang sumugod.

“Huwag po kuya?” tanong ko. “Huwag po kayong tumigil.”

Ngumiti si J at tumango ang mga kilay. Muli niya akong tinulak sa aking pagkakasandal at lumapit.

Bumukas ang pinto ng CR. Pumasok si Geof.

“Sorry,” sabi ni Geof at muling lumabas.

Nagtawanan kami ni J.

“Hindi siguro muna ngayon,” sabi ko.

“Tsk,” sabi ni J na nakangiti. “Lagi na lang akong bitin sa’yo.”

Tumatawa kaming lumabas ng CR

Nakaabang si Mommy sa harap ng CR kasama si Annabeth, bunso namin. Hindi siya nakangiti.

“NAKIPAGHALIKAN po ako sa kapwa ko lalaki,” sabi ko sa tabi ng solihiya kung saan nakikinig sa kabilang bahagi ang kaibigan ng nanay ko. Ang pari ng aming parokya.

Sinagot ko na lang ang mga tanong niya. Wala naman akong kailangang itagong detalye. Hindi naman ako naniniwalang kasalanan ang aking ginawa pero para mapakalma si Mommy, sumunod na lang ako. Sumunod na lang din ako sa kun gilang dasal ang sinabi sa akin ni Father.

Sumunod na lang din ako pauwi kay Mommy. Sa bahay, nagku-kwentuhan pa sina Daddy at Kuya.

“Saan kayo galing?” tanong ni Daddy.

Hindi ako sumagot. Hindi ko nga tiningnan si Kuya na sa palagay ko ay nakangisi. Wala na akong pakialam sa kanya, basta wag na niya akong pakikialaman.

“Sa simabahan,” sabi ni Mommy. “Itong si Andrei eh napapadalas ang hindi pag-uwi, hindi na nakakapagkumpisal.”

“At ano naman ang ikukumpisal niyan?” tanong ni Daddy.

“Hindi ko naman tinanong kay father,” sabi ni Mommy. “Bawal naman nilang sabihin.”

“Baka kasi hindi na sa simbahan lumuluhod si Andrei,” sabi ni Kuya na tumawa pa nang malakas.

“Tumigil ka, Arthur,” sabi ni Daddy. “Hindi magandang biro yan.”

“Akyat na po ako,” sabi ko, sapat na ang nainig ko.

Sumunod sa akin si Mommy kaya hindi ko sinara ang pinto ng kwarto. Siya ang nagsara pagkapasok niya.

“Itigil mo na yang teatro-teatro na’yan,” sabi ni Mommy. “Noong una, okay lang. Maganda yang mayroon kang mga kaibigan lalo’t malayo ka sa amin. Pero hindi maganda yang mga kaibigan mong iyan. Kung anu-ano ang ginagawa.”

“Play lang naman po’yun, Mommy,” sabi ko.

“Play o hindi, lalaki ang kahalikan mo,” sabi ni Mommy. “Anong matinong mga tao ang gagawa niyan, sa harap pa nang maraming tao.”

Hindi na ako nagsalita. Katulad ng dati, wala rin namang patutunguhan.

“Hulin a ito, Andrei ha. Binalaan ka na raw ng kuya mo. Babalaan na rin kita. Hindi mo naman gustong Daddy mo pa ang makahuli sa’yo.”

“SINABI mo na ba kay J?” tanong ni Rhonie habang nakahiga ako sa sofa ng unit nya.

“Nagiging okay na kami, Rhonie,” sabi ko. “Kaaayos lang ng gulo namin. Ayoko namang guluhin ulit kami.”

“Saang part papasok yung magiging magulo kayo ni J kapag nagsabi ka sa kanya na magde-defer ka?”

“Hindi naman kasi ito yung una na nagsabi ako,” sabi ko. “Nung unang manood si Kuya, nagsabi na ako. Tapos napili tna niya ako. Ang kulit ko na lang di’ba?”

“Baka naman kasi siya lang ang dahilan mo kaya ka naga-apply?” tanong ni Aura tapos ay kumatok.

“Sir Aura, come in,” sabi ni Rhonie. Pinapunta pala ni Rhonie si Aura sa unit. Napaupo ako biglang pagsalubong.

“Nagmamadali ka na ba?” tanong sa akin ni Aura na tumabi sa akin. “Niyaya ka na rin ba ni J na maging kayo?”

“Hala,” tanong ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling si Aura.

“Nakausap ko na si, Geof,” sabi ni Aura. “Pagkatapos ng play, cast party, tapos aayusin na ang induction. Kaya nililinis ko na kayong mga apps at ang mga issues ninyo kung bakit ko ipagtatanggol ang inyon gpagka induct as new members ng Rep Club.”

“Thank you naman Sir Aura,” sabi ni Rhonie “Mai-induct po ba ako?”

“Okay lahat ng standing ninyo,” sabi ni Aura. “Si Harry at itong batch had lang ang issue for being too close to some members.”

“Kay Geof at J po ba?” tanong ko.

“Oo,” sabi ni Aura. “To be fair kay Geof, inamin niyang wala pa silang relasyon at nakaplano pa lang silang maging sila kapag naging members na sila.”

“Sinabi rin po niya sa akin,” sabi ko.

“At sinabi rin niya na sinabi niya sa iyo ang plano nila,” sabi ni Aura. “Kaya I got to thinking na baka may ganun din kayong plano ni J, kaya lang hindi mo na kanya, minamadali mo na.”

“Wala pong ganun,” sabi ko.

“I know,” sabi ko. “Yan ang sinasabi ninyo, pero hindi yan ang ginagawa ninyo. Kung maglalandian kayo sa CR, make sure na walang tumatae.”

“Nasa loob po ba kayo ng banyo nun?” tanong ko at naalala ang mga halik namin ni J.

“Pag tumatae ako agad?” tanong ni Aura. “Pero hindi na mahalaga yun. So tama ba ako? Gusto mon ang mapadali ang relasyon ninyo ni J.”

“Hindi po namin pinag-uusapan ni J ang relasyon,” sabi ko.

“Pinagde-defer siya ng nanay siya, Sir Aura,” sabi ni Rhonie.

“Matanda na tayo,” sabi ni Aura. “College na tayo. We have the discretion kung ano ang susundin at hindi mula sa ating mga magulang.”

“Bad influence daw ang grupong sinasalihan ko,” sabi ko na parang na-validate lang.

“We all do little lies,” sabi ni Aura. “But that doesn’t make us bad people. Hindi lang naman tayo nagsasaya sa Rep Club. Pinapabuti rin natin ang mga sarili natin bilang mga tao. And you can’t deny how different you are from when you were starting. And more than that, we do things for the people. Ibinabalik natin sa masang nagpapaaral sa atin ang ating talento. Ang mga plays natin ay para sa kanila di’ba?”

Natahimik lang kami ni Rhonie.

“Anyway,” sabi ni Aura. “Bakit ka ba talaga pinagde-defer ng magulang mo? Baka pwedeng sabihin mon a lang na hindi ka na ulit makikipaghalikan sa kapwa mo lalaki, then okay na.”

“HAHALIKAN mo pa rin ba ako tulad ng pangako mo kung hindi ako magiging member?” tanon gko kay J habang nakaupo kami sa audience area. Nakaayos na ang lahat para sa play ngayong araw. Hindi pa ako officialy deferred. Sabi ko kay Aura pag-iisipan ko pa rin. Kaya naman nandito pa rin ako.

“Kailangang maging member ka,” sabi ni J.

“May naghihintay ba sa atin kapag naging member na ako?” tanong ko.

“Like kung magiging tayo ba?” tanong ni J.

Hindi ako sumagot.

“Liligawan mo ba ako?” tanong ni J matapos ang sandaling katahimikan.

“Hala,” natawa ako. “Bakit naman kita liligawan?”

“Kasi mahal mo ako,” sagot ni J.

“Bakit ikaw?” balik ko ng tanong. “Hindi mo ba ako mahal?”

“Magpa-induct ka,” sabi ni J. “Konti na lang naman.”

“Hindi ako papayagan ni Mommy,” sabi ko.

“College ka na,” sabi ni J. “Mas madalas ka na matulog sa bahay ni Rhonie kesa sa bahay ninyo sa Cavite. You know what you are doing.”

“Malaking bagay ito, Kuya J,” sabi ko. “Hindi lang ito isang araw. Kapag naging member ako, magiging commited ako Rep Club.”

“At malay mo sa akin na din,” sabi ni J.

“Ayan ka eh,” sabi ko.

Tahimik kaming dalawa hanggang sa mawala ang mga ngiti namin.

“Hindi ba pwedeng sa’yo lang,” sabi ko. “Package ba talaga ikaw at ang org?”

“Andrei,” sabi ni J. Mukhang magiging seryoso na siya. “Hindi kami package. Noong tumatawag ako sa inyo, alam na ng mga magulang mo na naga-apply ka sa Rep. Tumuloy ka. Pinigilan ka lang ngayong nakita kang nakikipaghalikan sa akin. Hindi ka nila pinatitigil sa Rep. Pinatitigil ka nila sa pakikipaghalikan. Higit pa roon ang gagawin natin if ever. Kaya kung dito pa lang sa pagsali sa Rep e hindi mon a sila masuway, paano pa yung para sa atin?”

“Company call!” Sigaw ni Vina. Magsisimula na ang palabas.

“Anyway, kung magdefer ka man,” sabi ni J. “Siguraduhin mong manonood ka ng last show. Suporta mo na sa akin.”

Undecided

“ANDREI!” sigaw ni Kuya Arthur na agad namang nagpalingon sa akin. Mabuti na lang at mabilis ako, nasalo ko ang inihagis niyang bola. Muli kong pinasa sa kanya ang bola at bumalik sa tina-type ko sa laptop.

Nasabakuran kami ng bahay, ako nasa may mesa doon, nagsusulat ng report, siya naman, naglalaro ng bastketball mag-isa. Wala naman siya kanina. Payapa ang buhay ko, tapos ngayon, ginugulo na naman ako.

“Marunong ka pa rin pala humawak ng bola, ’lika, papawis muna tayo,” yaya ni Kuya Arthur.

Hindi ko siya pinansin. Nagulat na lang ako nang ilapag niya ang bola sa mesa at umupo sa harap ko.

“Mabuti naman at tinigil mon a yung kalokahan mo sa university mo,” sabi ni Kuya. “Bakit kasi hindi mo pinilit kay Daddy na sa school ko ikaw pumasok.”

Tumingin lang ako kay Kuya.

“Okay,” sabi ni Kuya. “Sorry. Pero ginawa ko lang naman yun para sa’yo. Hindi maganda ang org na yun. Mga aktibista yung mga yon. At kahit walang rally, ng iingay, ang ra-roudy. Ang gugulo. At kita mo ang ginawa sa iyo, pinaghalikan ka sa kapwa mo lalaki.”

“Anong masama doon?” tanong ko.

“Nag-enjoy ka ba?” nagtatakang tanong ni Kuya.

“Gusto ko yung ginawa ko sa play Kuya,” sabi ko. “Sa mahabang panahon, noon lang ako nakaranas na masaya ako, na may nakaka-appreciate sa akin. Na kahit sandali, sa akin nakatingin ang lahat. Tapos anong ginawa mo, inalis mo sa akin. Hinid mo man lang ako binigyan ng pagkakataong ipaliwanag sa iyo kung bakit koi yon ginawa, pinapanood mo si Mommy at ano ngayon? Wala na. Kayo na naman ni Annabeth ang masaya. Kayo na lang lagi.”

“Saan naman nanggaling yan?” tanong ni Kuya nan ang-aasar pa, kunwari hindi niya naiintindihan, pero sa kaunting ngisi niya, alam kong alam niya.

Hanggang sa mawala ang ngisi niyang hindi ko binigyan ng atensyon.

“Grlfriend ang kailangan mo,” sabi ni Kuya. “Girlfriend ang magbibigay sa iyo ng atensyon na hinahanap mo. At alay mo, matuwa rin sa iyo si Daddy, ibigay sa iyo ang gusto mo, ipatransfer ka sa school ko.”

“Hindi na,” sabi ko. “Masaya na ako. Kaya nga lang siguro gusto ko sa school mo dati e dahil lahat ng meron ako, pinasa lang galing sa’yo. Pero sa mga bagay lang, sa mga damit, sapatos, laruan. Bakit hindi ba napasa yung pagmamahal nina Mommy at Daddy?”

“Huwag ka ngang mag-self-pity,” sabi ni Kuya.

“Inalis mo sa akin ang tanging bagay na nagpapasaya sa’kin tapos sasabihin mo wag akng mag-self-pity? Kaparty-party ba yung ginawa mo?”

NAKA-HEADPHONE na ako at nakatutuok sa laptop. Sa kwarto ko na itinuloy ang sinusulat ko. Siguro dahil Sabado pa lang at sa Lunes pa ang pasahan kaya’t walang magandang pinatutunguhan ang sinusulat ko. Mas nararamdaman ko tuloy ang mga salita sa tenga kong direkta sa utak ko ang lakas.

Bat di pa sabihin ang di mo maamin…

Alam ko na ang susunod dito.

“KUYA HOY MAY BISITA KA!”

Agad kong tinanggal ang headphone ko nang marinig ang sigaw. Tumayo ako at pinagbuksan si Annabeth.

“Ano yun?” tanong ko.

“May bisita ka, yung kahalikan mo, bilis, pinapakumpisal na ni Mommy,” hinila ako ni Annabeth pababa.

“HUWAG mo akong ma-tita-tita,” sabi ni Mommy.

“Sorry po,” sabi ni J. “Ano pong gusto ninyong itawag ko sa inyo?”

“Mommy!” sigaw ko.

“Mommy,” sabi ni J. “Sorry po Mommy.”

“MOMMY?” napaantanda si Mommy Magda sa sinabi ni J. “Por diyos por santo, halika nga dito Andrei at nang makausap ko kayo. Dyuskong mahabagin, mabuti’t nagsasabong ang Daddy mo at hindi kayo nakita. Mapapagalitan kayo nun.”

“Mommy,” sabi ko. “Play lang po iyon.”

“Huwag kang magsisinungaling sa akin, Andrei at ibabalik kita kay father, at sasabhin kong magdamag kang magdasal para diyan sa mga pinaggagawa ninyo.”

“Mommy naman,” sabi ni J. “Wala naman po kaming pinaggagagawa.”

Nanlaki na naman ang mga mata ni Mommy.

“Magkaibigan lang kami ni Kuya J, Mommy,” sabi ko. “Kuya-kuyahan ko siya sa org namin.”

Nanliit naman ang mga ni J na napatingin sa akin. Sinagot ko rin ng tingin ang mga mata niya kaya’t bumalik ang tingin niya kay Mommy.

“Iniisip po ba ninyo, Mommy na boyfriends kami?” natatawang sabi ni J. Ambilis nang pagbabago sa mood niya. Napansin ko.

“Wag mo ngang sinasabi iyan. hijo,” napaantanda na naman si Mommy.

“Girlfriend po ang hanap nitong si Andrei,” sabi ni J. “At alam ko po iyon, kasi lagi niyang kinukwento sa akin si Diane. Di po ba, lagi akong tumatawag dito sa inyo at kausap si Andrei. Si Diane po ang pinag-uusapan namin.”

“Kilala mo si Diane?” napangiti si Mommy. Kitang-kita ang pag-aliwalas ng mukha niya.

“Nasa Australia po nag-aaral, eh,” sabi ni J. “Kaya ako po ang bantay nitong si Andrei para hindi makahanap ng iba. Dapat faithful, di’bd, Mommy?”

At natigil na ang pag-aantanda ni Mommy tuwing tatawagin siyang Mommy ni J.

“MOMMY talaga ang tawag mo sa nanay ko,” sabi ko kay J habang nagku-kwentuhan sa kwarto ko. Magkatabi kaming nakaupo sa kama ko.

“Ayaw mo ba?” biro ni J. “Masanay ka na.”

“Hala,” sabi ko. “Bakit ka nga pala nandito? Last show mamayang 6pm.”

“Hindi ka kasi nagpakita kagabi, akala ko defer ka na,” sabi ni J. “Kaya sinundo na kita para siguadong mapapanood mo ako sa last show.”

“Parang sigurado ka nang hindi darating si Geof ah,” sabi ko.

“Deferred ka na ba talaga?” tanong ni J.

“May kaialngan ba akong pirmahan?” tanong ko. “Yung mga co-apps ko naman, bigla na lang hindi nagpakita di’ba?”

Natahimik si J. Natahimik din ako.

“Hindi ko kasi alam ang sasabihin kay Aura,” sabi na lang ni J. “Alam mo naman, umaasa yun, pati mga ka-batch mo.”

“Sila lang ba ang umaasa?” tanong ko.

“Ako, umaasa,” sabi ni J.

“Umaasa rin naman ako sa’yo,” mabilis kong nasabi na parang gusto kong bawiin.

Natahimik na naman kami. Pero ako naman ang bumasag.

“Kuya J, may aasahan ba ako sa’yo?”

“Anong aasahan?”

“Yung asa na may kasamang I love you,” sabi ko na hindi makatingin kay J.

“Will it be fine if I gave you an answer kapag na-induct ka na?”

“Pero nagsabihan na tayo,” giit kong ayaw mapahiya sa sinimulan kong diskusyon. “Nagbawian nga lang, pero di’ba? nagsabihan na tayo? Kahit naman magpanggap tayong hindi natin sinabi yun, sarili lang natin ang niloloko natin…”

“Sorry, binawi ko,” untag ni J. “Nalilito talaga ako. Hindi ko naman kasi inakalang maga-I love you ako sa kapwa ko lalaki. I was just so happy that night with us, about us, everything that’s between us. We made it. Yung pinaghirapan natin, nabigyan ng chance na maipalabas pa ulit-ulit.”

“Yun lang ba yun?” tanong ko. “Masaya ka lang?”

“And because it was true,” sabi ni J.

“Tapos?” sabi ko matapos ang mahabang tigil ni J na akala ko ay may kasunod pa.

“Tapos ano?” napakunot si J sa pagtingin sa akin.

“Kuya J, kung hindi ba nabagsak ang telepono mo at natawagan mo ako, ano dapat ang sasabihin mo sa akin?”

Naalala ko ang sabi niya eh, kaya hindi siya naka-reply nung nag I love you back ako e dahil nabagsak ang phone niya at nagreset.

“Hindi ko alam,” sabi ni J. “Siguro that I am happy that you feel the same way.”

“Bakit?”

“Bakit?” lalong nangunot si J. “Kasi mahal kita. Hindi ba nakakasaya na mahal ka rin ng taong sinabihan mo ng I love you.”

Hindi na ako nagsalita. Baka kasi sumosobra na ako. Pero hindi ko pa nakukuha ang gusto kong sagot. Hindi ko pa naririnig ang gusto kong marinig. At napansin ni J yun.

“Ano pa?” sabi na ni J. “Shoot.”

“Kuya J,” may pag-aalinlangan sa boses ko. “Kung hindi ba nabagsak ang telepono mo at nakausap mo ako, magiging tayo na ba?”

“Nope,” mabilis na sabi ni J.

Nanlaki ang mga mata ko. Iyon naman talaga ang gusto kong masagot.

“Bakit, dahil bawal?” tinangka kong paliwanagan ang sarili ko.

Hindi nakasagot si J kaya muling tumahimik,

“Deffered ka na ba talaga?” tanong niya. “Sasabihan ko na ba si Aura na wag ka nang hintayin sa mga meetings?”

“Magiging tayo ba kapag nagdefer ako?”

“Hindi.”

“Eh kung magtutuloy ako?”

“Magkatuloy ka para malaman mo,” ngumiti si J at hinawakan ang kamay ko.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak niya. Napatingin si J sa akin at nagtitig ang aming mga mata. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at inabangan ko ang gagawin niya. Nanabik ako sa gagawin niya. Nakapikit si J habang lumalapit ang mga labi sa akin.

Hanggang sa makarinig ako ng pag-akyat sa hagdan.

“Kuya J, may tao, sorry,” sabi ko at napadilat si J.

“Bakit naka-lock ang pinto? Di’ba sabi ko, sa gabi lang dapat kinakandado ang mga pinto ninyo,” sabi ni Mommy at dinig ko ang pagpihit niya sa doorknob.

“I don’t care,” bulong ni J at inilapit pa rin sa akin ang mga labi niya.

Tinanggap ko ang mabilis na halik ni J, bago ko siya itulak. Napangiti siya, pero nakita ko ang kanyang pagkapahiya.

“Sorry mommy, naka-lock ba,” sabi ko sabay tayo papunta sa pinto.

Pumasok si Mommy na nakapamewang.

“Mommy sorry,” sabi ni J. “Sanay lang po ako sa amin nan aka-lock lagi ang pinto.”

“Iba sa bahay ninyo, iba sa bahay namin,” sabi ni Mommy.

“Sorry po, naka-boarding house po kasi ako,” napatingin ako kay J. Nagsisinungaling siya. nangiti na lang ako.

“Ah ganun ba,” sabi ni Mommy.

“Atsaka mommy,” sabi ni J. “Isasabay ko na po si Andrei pabalik sa campus.”

“Hindi,” sabi ni Mommy. “Dumating kang mag-isa. aalis kang mag-isa. Sa Lunes pa ang klase ni Andrei. Kinabisado ko na ang schedule niya. Hindi na siya sasali diyan sa theater org ninyo. Kilala ko yan. Hindi maganda yan.”

“BOYFRIEND mo yun, ano?” tanong ni Annabeth na pumasok sa kwarto kong hindi naka-lock ang pinto.

Napatingin lang ako sa bunso kong kapatid na naupo sa kama ko habang ako, nakaupo sa tapat ng laptop ko sa study table.

“Sana naman pinakilala mo ako?” sabi ni Annabeth.

“Uhm,” pagtataka ko. “May kailangan ka ba? Or, kahit kasi may kailangan ka, hindi ka naman lumalapit sa akin. Anong meron sa umagang ito at bigla ninyo akong kinakausap ni Kuya?”

“Anong sabi ni Kuya?”

“Mag-girlfriend na daw ako?”

“Tanga talaga yung si Kuya,” sabi ni Annabeth na kinagulat ko lalo. “Noon siguro, isa-suggest ko na mag-girlfriend ka. Pero hindi na pwede. In love ka na dun sa pinaalis mo. So unless hindi mo na mahal yung guy na iyon, hindi ka pa pwedeng mag-girlfriend or boyfriend another. In love ka pa, at lolokohin mo lang ang ibang ma-attach sa’yo.”

“Bilog ba ang buwan kagabi at nababaliw na ang mga tao?”

“Diko Drei, I see you now,” sabi ni Annabeth. “At parehas tayo, my god. Finally I got someone in this house na makakausap ko without saying amen.”

“Babae rin gusto mo?” gulat ko.

“No, hindi ako bisexual,” sabi ni Annabeth. “Diko, may jowa na ako. hindi alam ni Mommy at ni Daddy. Parehas na tayong may sikreto sa pamilyang ito. Kaya wala ka nang magagawa kundi i-close ang little sister mo.”

“Sixteen ka na, hindi ka na little,” sabi ko.

“See,” sabi ni Annabeth na yumakap sa akin. “Matanda na ang tingin mo sa akin. Hay, love na kita Diko. At least you approve of my boyfriend.”

“Wala akong sinasabi,” sabi ko at inalis ang pagkakayakap niya.

“Well sinabi mo, hindi na ako little. So that’s an approval.”

“Bahala ka,” sabi ko.

“Thank you,” sabi ni Annabeth. “Don’t worry. Alam ko naman ang ginagawa ko. look oh.”

Inilabas ni Annabeth ang condom sa wallet niya.

“Hala! Nakikipagsex ka na?” gulat ko.

“Hindi no,” sabi ni Annabeth. “Masikip pa ang pekpek ko, and I wanna keep it that way.”

“Yang bunganga mo,” sabi ko. “E bakit ka may condom.”

“Diko, ang temptations, mahirap iwasan,” sabi ni Annabeth. “And Jeric is so tempting. You want pictures?”

“Oo,” sabi ko bilang responsableng kapatid.

Pinakita niya sa akin ang mga social media feeds ni Jeric. Gwapo naman. Maganda rin ang katawan.

“Basta mga J gwapo,” sabi ko.

“J din ba boyfriend mo?” tanong ni Annabeth. “J as in ano?”

“J lang,” sabi ko. “First name niya J, second name niya Jordan.”

“So boyfriend na nga kayo?” sabi ni Annabeth. “Para kang isda, nahuhuli sa bunganga.”

“Hindi kasi,” sabi ko. “Sinasagot ko lang yung J niya bilang pangalan.”

“So bakit hindi pa kayo?”

“Eh gusto niya ma-induct muna ako sa org niya,” sabi ko. “Eh nagdefer na ako.”

“Nagdefer ka? Saan dun sa org na kasama mong nag-play? Bakit? You were so happy there?! Huy, wag kang magdefer.”

“Bawal, sabi nina Mommy at Daddy,” sabi ko. “Atsaka feeling ko naman, kahit hindi ako magtuloy, magiging kami pa rin naman ni J.”

“Paano mo nasabi?”

“Pinuntahan niya ako dito para sabihin sa aking wag magdefer at magpakita pa rin sa kanya mamaya para manood ng play. Siya kasi ang last show.”

“Manonood ka?”

“Hindi na nga diba? Nag-defer na nga ako. Kaya nga hindi na ako sumama kahit sinundo pa niya ako dito sa Cavite.”

“Anong oras ang show?” tanong ni Annabeth.

“6pm pa naman,” sagot ko.

“Pumunta ka, manood ka, huwag kang magdefer,” sabi ni Annabeth. “Mahal ka ni J. Sinundo ka niya because he wants you to be part of his life and obviously his life is that theater group. He doesn’t want to be torn between you and the org someday.”

“Well, kailangan niyang ma-torn, ganun naman sa love di’ba? kailangan laging pumili?”

“Oo,” sabi ni Annabeth. “But that’s how much he’s into you. Alam niyang masaya ka sa org at alam niyang hindi mo rin gustong mawala sa org na iyon, just because Mommy and Daddy think that’s bad for you.”

“Gusto mo lang ng ka-partner sa kasuwailan mo,” sabi ko. “Idadamay mo pa ako.”

“O my god,” sabi ni Annabeth. “You’re 18 Diko, ako nga sixteen lang, but I know what’s good for me, what makes me happy, as long as I know what my limitations are. Hindi na tayo elementary. Alam na natin ang foundation ng good and bad. Ikaw nga college na.”

“Hindi kita kinukunsinte dyan sa pagbo-boyfriend mo ha, at siguraduhin mong hindi mo gagamitin ang condom na yan.”

“Ayaw mo akong mag-condom?” sabi ni Annabeth. “Hays, mukha ngang kailangan mo pang sumunod kina Mommy at Daddy. Akala ko mas okay ang school mo kay Kuya, pero ang backward…”

Hindi ko na pinatapos si Annabeth.

“Ang sinasabi ko wag kang makipagsex,” sabi ni ko.

“Hindi nga ako makikipagsex,” sabi ni Annabeth. “But it’s better that I have this, in case. Wag mo na nga akong intindihin.”

“Ano na naman ang pinagsisigawan ninyo dyan,” pumasok si Mommy at nakita ang condom. “Andrei Garcia?! Anong tinuturo mo sa kapatid mo? Bakit may condom dyan?”

Kinuha ni Mommy ang condom at pumunta sa table ko. kumuha ng gunting at ginupit-gupit ang condom.

Napasigaw si Annabeth.

“Andrei, ikumpisal mo ito,” sabi ni Mommy. “Ganyan na ba ang mga tinuturo sa university mo? Paggamit nito, ambabata niyo pa. Dinadamay mo pa ang kapatid mo.”

“Sorry mommy,” sabi ko. “Give away lang yan sa school. Natawa lang si Annabeth at kinuha. Hindi ko naman siya tinuturuan.”

“Oo nga mommy,” sabi ni Annabeth. “Akala ko kasi lobo.”

“Condom to!” sigaw ni Mommy na pabulong bago mag-antanda. “Bata pa kayo para humawak nito. At kahit matatanda, hindi ito dapat ginagamit.”

“Sorry po, mommy,” sabi ko.

Lumabas si Mommy matapos sabihin ang petsa ng pangungumpisal ko.

“Thanks Diko,” sabi ni Annabeth. “I know we love Mommy and Daddy, but do you think, they still know what’s good for us?”

“Siguro,” sabi ko. “Mas matanda pa rin sila sa atin. May mga katotohanan pa rin naman sa mga kinatatakutan nila.”

“Yeah,” sabi ni Annabeth. “Pero kailangan na rin nilang makasabay sa atin. At duty natin na isabay sila sa pagbabago ng mundo.”

Hindi ako nakapagsalita. Mukhang mas maaga nga mag-mature ang mga babae sa mga lalaki.

“At Diko,” sabi ni Annabeth. “Pumunta ka na sa campus mo, panoorin mo ang play ni J. Galit yun sa’yo.”

“Galit siya? bakit?”

NAKAILANG tawag at text at kay J. Wala siyang paramdam. Sana nga ay galit lang siya at hindi napahamak. Kahit kasi I’m home, hindi niya nasabi sa akin. Pero bakit siya magagalit?

Last Show

TRICYCLE. Jeep. Bus. Jeep. Nasakyan ko na lahat pero wala pa ring reply si J. Malamang nag-aayos na yun, pero pwede naman kasing matapos ni Geof ang exam niya tulad ng pangako niya. At hindi na sasalang si J.

Sabado naman kaya hindi masyadong traffic. Nakarating ako sa Campus hanggang sa building. At sa gusali pa ako naabala. Maraming tao sa corridor ng third floor. Kailangan silang singitan. Pagdating naman sa fourth floor, nakapila na ang mga tao. Open house na. papasok na ang mga audience.

Naka-black shirt si Brent bilang isa sa mga house usher at halatang busy siya sa paghahatid sa uupuan na nakaayon sa tiket ng manonood.

“Dumating na ba si Geof?” tanong ko.

“Late din ako, hindi ako nakasilip sa backstage,” sabi ni Brent.

“Salamat,” sabi ko, at dinaanan ko na siya para makarating sa backstage.

“Wait,” sabi ni Brent. “Punta ka sa tech booth, naghahanap ng app si Sir Gabriel.”

“Teka lang,” sabi ko. “Kailangan ko muna makita si Kuya J.”

“Ay, diva?” sabi ni Aura. “Deferred ka na ba? May mas uunahin ka pa sa director?”

“Sorry po,” sabi ko. “Sir Aura, nandyan na po ba si Sir Geof?”

“Sige na, sa tech booth na,” utos ni Aura. “Wag kang close close sa akin. Galit ako sa’yo.”

“Sorry po,” sabi ko.

“Sa twitter ka na mag-explain,” at iniwan ako ni Aura.

Wala akong nagawa. Pumunta ako sa techbooth, isang elevated area sa likod ng audience, kadikit ng wall.

“Kailangan daw po ninyo ng app?” sabi ko kay Gabriel na nakatingin sa laptop kung saan nakaset ang pagbabago ng ilaw at sounds para sa play. Hindi niya ako tiningnan.

“Excuse me, direk,” singit ko. “Sino po ang sasalang? Si Sir Geof na po ba?”

“Bakit? You don’t wanna witness another moment of J and Harry kissing?” tanong ni Gabriel.

“Direk, wala nang tao sa labas,” narinig ko mula sa speaker sa tenga ni Gabriel.

“Sige, start na tayo in five,” sabi ni Gabriel sa tao sa front ng house.

“Direk, may uutos daw po kayo sa app?” sabi ko ulit na medyo malakas.

“Quiet on the set,” sabi ni Vina na katabi ni Gabriel.

“Sige na Vina, punta ka na sa backstage,” sabi ni Gabriel.

“Direk,” sabi ko ulit. “Si sir Geof po ba ang aarte?

“Wala pa si Geof,” sabi ni Vina habang nagaayos pababa.

“Pwede na rin po ba ako sa backstage?” kailangan kong masabihan si J ng break a leg. At para alam niyang tinupad ko ang sabi niya, mapapanood ko siya sa last show.

“Text mo lang si J,” sabi ni Gabriel.

“Hindi po siya nagre-reply,” paliwanag ko. “Kanina pa nga po…”

“Dito ka,” untag ni Gabriel. “Marcell will be late. You’ll handle the sounds. And enough of your nguynguy.”

“Hala,” sabi ko. “Hindi po ako…”

“Hindi ka marunong?” tanong ni Gabriel. “You’ve had your sounds and lights workshop, di’ba?”

“Opo,” sabi ko.

“Pero hindi pa po ako nakakahawak nito sa totoong show,” sabi ko. Atsaka si J lang naman ang pinunta ko dito. Hndi pa nga ako sure kung tutuloy pa ako sa org na ito.

“Gyera na,” sabi ni Gabriel. “Just follow the cue on the script. Huwag ka kabahan.”

Hindi ako kinakabahan madali lang naman ito. Mas kinakabahan ako na hindi malaman ni J na nanonood ako. Baka hindi niya maibigay ang best niya.

Matapos ang ilang tunog ng bell, matapos ang paalala sa panonoog, tumugtog ang Lupang Hinirang. Dumating si Geof.

“Direk, okay na ako,” sabi ni Geof. Maayos na ang make up niya, suot na niya ang costume niya.

Bumukas ang ilaw, nasa stage na si J.

“AKALA ko deferred ka na,” sabi ni Geof habang pinakikinggan ko ang mga linyang binabato nina J at Harry sa stage. Inaabangan kung tutugma na iyon sa script kung saan magpapasok ang ng sound.

Hindi ko pinansin si Geof. Malapit na kasi ang susunod na cue.

“Hinanap kita kagabi, eh,” sabi ni Geof bago bumulong. “Sayang hindi mo nakita, tinido na namin ni Harry yung halikan. Baka kasi last na namin. At eto nga. Last na nga namin yun.“natawa nang kaunti si Geof.

“Geof, quiet,” sabi ni Gabriel.

“Sorry direk,” sabi ni Geof.

Hanggang sa dumating si Marcelle.

“Layas aplikante,” sabi ni Marcelle. “Akin na ang trono ko.”

Sumunod naman ako. Tumayo ako at sumandal sa wall. Lumapit sa akin si Geof at tumabi.

“Sorry po, hindi ako makasalita kanina,” sabi ko. “Pero hindi pa po ako deferred.”

“Pinuntahan ka ba ni J sa inyo?” tanong ni Geof. “Kinumbinsi ka?”

“Paano po ninyo alam?”

“Magkakasama kami kagabi, siya ako, si Harry. Ikaw lang ang kulang. Sabi niya, hindi ka na raw pinayagan magtuloy ng parents mo. Sayang naman. Pero mabuti at napabalik ka niya.”

“Hindi pa nga po ako sure,” sabi ko.

“Sure mo na yan,” sabi ni Geof. “Sure na siya sa’yo eh.”

“Sure na naman ako sa kanya,” sabi ko.

“Talaga ba?” tanong ni Geof. “Parang hindi eh. Sa pagkakakwento niya parang urong-sulong ka sa kanya.”

“Hindi ba ganun naman talaga dapat?” tanong ko. “Hindi ba pwedeng malito?”

“Pwede naman. First time mo ba?”

“Opo.”

“First time din naman ni Batch. Pero sigurado na siya. Magkakaiba naman ang mga tao. Kaya nga may kailangang mag-adjust. May nagsa-sacrifice. At iyan, ngayong nandito ka, magandang sacrifice yan.”

“Mahal ko po si J,” sabi ko.

Umakbay sa akin si Geof at inilapit ako sa katawan niya.

“Double wedding tayo pagkatapos ng induction,” biro ni Geof.

Mahina kaming nagtawanan ni Geof.

“Sure kayo ha,” sabi ni Gabriel na sumandal na rin sa amin. Ito na pala ang moment ng kiss. Hindi ko na naman ito inaabangan dahil napanood ko na ang rehearsals kung paano dinaya nila ang halik. Iba naman kasi ang halik namin ni J. iba ang halik nina Geof at Harry. “I don’t think dinadaya nila yan.”

Natanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Geof. Nanlaki ang mga mata namin.

“Kiss namin yan,” sabi ni Geof.

“Okay now that clocks longer than your kiss, Geof,” ngisi ni Gabriel. “That’s more than your kiss.”

“Puntangina,” pabulong pero dama ko ang disappointment ni Geof.

Gusto ko ring magsabi nang masasamang salita. Ambilis nang tibok ng puso ko. Bumilis din ang paghinga ko. Gust ong mag-walk out. Gumawa ng eksena. Pero hindi ako member tulad ni Geof. Hindi ko teritoryo ito. At walang kakalma sa akin. Ako ang nagpakalma sa sarili ko. Hindi iyon madaling gawin.

“SABI ko na nga ba, hindi para sa akin yung pinabili mong flowers eh,” sabi ni Rhonie habang nasa gate kami ng theater at nagpapasalamat sa mga nanood. “Grabe yung kiss nila no?”

Hindi ako nakapagsalita kaagad. Hindi ko pa alam kung paano ipo-proseso ang nangyari eh.

“Okay lang,” sabi ni Rhonie. “You looked cool when you gave J the bouquet. And that’s the right reaction. Play lang ito. Last show pa. It’s their thing daw di’ba, doing unexpected stuuf on the last show?”

“Sorry hindi kita nabigyan ng flower,” sabi ko matapos kong ngitian ang mga sinabi ni Rhonie. “Nakakahiya naman kay J, binigyan niya ako ng flowers nung last show ko.”

“No problem, gets ko naman,” sabi ni Rhonie. “Anyway, he’s coming.”

Lumapit si J at yumakap sa akin. Iniba ko ang ngiti ko sa pagsalubong sa kanya. Bawal masaktan.

“Sa’yo galing?” ipinakita ang flowers na bigay ko. “Thank you.”

“Kuya J,” sigaw ni Harry. “papicture daw sina Mama at Papa.”

“Wait lang,” sabi sa akin ni J at pumunta sa area ng poster.

Pinanood ko si J. Masaya siya. Umakbay sa kanya si Harry. Bakit ang close nitong si Harry ngayon kay J. Matapos ang parents ni Harry, may mga audience pang nagpa-picture sa kanila. Natuwa ako. sa susunod, ako naman ang ganoon. Pero naubos ang tuwa ko at pananabik sa moment ko nang mapansing kong magkahawak ang kamay nina Harry at J.

Dumating si Geof sa area nina Harry at J.

“Congrats buddy!” sigaw ni Geof.

Kita ko ang mga tanong ni Geof kahit nakatago ito. Lalo pa nang mabilis na kinuha ni Harry ang kamay niya sa pagkakahawak ni J para mayakap si Geof.

Umalis si J at iniwan ang mag-buddy. Muling lumapit sa akin si J.

“Kain na tayo,” sabi ni J.

“THANK YOU,” sabi ni J. “Akala ko, matitiis mong hindi ako mapanood eh.”

“Hindi naman kasi ako sure na ikaw ang sasalang,” sabi ko.

Parehas kaming may hawak ng pinggan ng spaghetti at shanghai. Sa tabi namin ang mga baso ng juice. Nasa loob kami ng theater at pwedeng kumain ang lahat sa loob dahil tapos na ang show.

“So that means magpapa-induct ka na?” tanong ni J.

“Sa tingin ko,” sabi ko. “Sorry hindi pa ako sumabay sa iyo sa pagpunta. Alam kong effort mo yung pagsundo. Pero nandito na naman ako. Congrats sa show. Ang galing ninyo ni Harry. Iba rin pala kapag pinapanood kita at hindi ako ang co-actor mo.”

“O hindi ikaw ang kahalikan ko,” deretso niya.

Bumubwelo pa lang ako, siya na ang nagsabi. Hndi tuloy ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung paano durugtungan. Kasi kung napamura si Geof doon. Yung sakit na naramdaman ko, hindi ko nailabas.

“Malay mo pagkatapos ng induction, ganon na rin ang halik natin,” balik ni J. “Pero huwag kang magpa-induct nang dahil lang sa akin, ha?”

“Hindi pa ba sapat na dahilan na maging member ako dahil sa’yo?”

“Pwede namang maraming dahilan,” sabi ni J. “Pwedeng mahal mo rin ang org.”

“Mahal ko na naman ang Rep,” sabi ko.

“Good,” sabi ni J.

“Mahal din kita,” tuloy ko. “Pwede ba, tulad nina Harry at Geof, after induction, maging tayo na rin?”

“Magpamember ka nga muna,” tumawa si J.

Ngumiti ako kahit mabigat sa loob. Ayoko nang nakita ko kanina. Nasaktan ako. At alam ko na. Kung mag-iinarte pa ako, pwedeng mawala si J sa akin.

“Kuya J, alam mo,napamura si Geof nung nakita yung halikan ninyo,” paalala ko. ito na ang pagkakataon kong ibalik ang usapan ng halik at kung paano ako nasaktan. “Halik daw nila iyon eh.”

Napahinga nang malalim si J.

“Ikaw ba, anong naramdaman mo?” balik niya sa akin ng tanong.

“Hindi ko alam,” pero alam ko. “Wala naman tayong halik eh.”

“Gusto mo ba magkaroon?” parang biro na naman kay J ang usapan. “Magpa-induct ka.”

“Ayan ka na naman, halik lang eh,” kailangan pa ba nun ng induction? Gusto ko lang makasiguro na wala lang iyong halik nila ni Harry.

“Nainggit ka ba kanina?”

“Oo,” sagot ko.

“Dapat lang,” sabi ni J na nawala ang ngiti. “Galit pa ako sa’yo.”

“Hala?!” gulat ko.

“Pinauwi mo akong mag-isa kanina,” sabi ni J.

“Galit ka talaga?” tanong ko ulit.

“Oo.”

“Hahatid mo pa rin ba ako?” tanong ko.

Tumingin lang si J.

“Hindi sa Cavite, kina Rhonie lang naman,” sabi ko.

Ngumiti na ulit si J.

“Oo naman.”

Umakbay sa akin si J. Napangiti na ako. siguro nga, wala lang ang halik nila ni Harry.

Hanggangsa makita ko si Harry na nakatingin sa amin. Nginitian ko. Hindi ngumitipabalik si Harry.

Cast Party

“LAST TIME I checked, mga plays ang gusto mong isulat, and not dictionaries,” sabi ni Rhonie. “So don’t start giving meanings to things. Just accept them as they are. Tumingin ka, ngumiti ka, hindi siya ngumiti.”

“Hindi lang kasi siya hindi nakangiti,” sabi ko, habang nagkakape kami ni Rhonie sa unit niya. Ako nagkakape, siya nagbabasa. “Malalim ang tingin niya. Parang inaaral niya kami.”

“Ako ang nag-aaral,” sabi ni Rhonie. “And you better do too. Tapos na ba lahat ng finals mo?”

“Meron pa hanggang sa Wednesday,” sabi ko. “Kaya nga paalam ko sa bahay dito na muna ako, para yung oras sa biyahe, oras ko na lang sa review.”

“Then magreview ka,” sabi ni Rhonie.

NAGRE-REVIEW rin ang mga tao sa the Rooftop. May mga nakarating na reviewers sa amng mga apps galing sa mga members na nakakuha na ng subject na tine-take namin. Usually, nagpapa-photocopy kami nitong makakapal na readings at reviewers at sample exams, pero meron palang available dito sa mini-library ng theater.

“Wala ba si Harry?” nagulat ako nang lumapit sa akin si Geoff.

“Hindi ko pa napapansin,” sabi ko.

“Marami ka pa bang aaralin?” tanong ni Geoff.

“Tambay lang po,” sabi ko. “Nag text ang prof ko, exempted ako sa finals.”

“Kain tayo,” yaya ni Geoff.

Bumaba kami sa canteen. Pumila sa pagkain at nagbayad. Doon lang nagsalita si Geoff mula nang umoo ako sa kanya sa pagkain. Tapos ay naghanap kami ng mesa at umupo.

“Kumusta kayo ni Batch?” tanong ni Geoff.

“Okay naman kami ni Kuya J,” sagot ko.

“Wala bang nagbago pagkatapos ng play?”

“Wala naman?” pagtataka ko.

“Hindi ba nabawasan ang mga text niya? Hindi ba siyanaging cold? Wala ba siyang ibang kwento…” napatigil si Geoff. “Hindi ba niya nababanggit si Harry?”

Napaisip tuloy ako kung meron nga.

“Nagbago kasi si Buddy,” sabi ni Geoff nang hindi ako sumabad. “Nararamdaman ko, merong nagbago.”

“Gusto mo, kausapin ko si Harry?” tanong ko.

“Huwag na,” sabi ni Geoff. “Kung wala ka namang nararamdamang iba kay J, baka kami lang ni Harry ang may problema.”

“Okay ka lang ba, Geoff?” tanong ko.

“Napaparanoid na ayata ako after nung halikan nila,” sabi n Geoff. “Ikaw ba?”

“Kinausap ko si Kuya J tungkol sa halik, after nung show,” sabi ko. “Ang totoo, si Kuya J nga nag-open up kasi hindi ko alam kung paano sisimulan.”

“Anong sabi niya?” tanong ni Geoff.

“Tinanong lang kung nagselos ako,” sabi ko.

“Sianabi ba niyang hindi ka dapat magselos?”

“Wala naman akong karapatang magselos, hindi naman kami.”

“Sinasabi mo bang huwag na rin akong magselos kasi hindi pa rin naman kami ni Harry?”

“Wala akong sinasabi,” depensa ko. “Kasi ako nagselos. Hindi ko nga lang ginawang issue, pero nagselos ako.”

Natahimik kaming dalawa. Mukhang napaisip ko siya.

“Sinasabi mo ba na huwg ko na lang ding palakihin?” tanong ni Geoff.

“May nabago na ba sa plano ninyong magiging kayo pagkatapos ng induction?” tanong din ang sagot ko.

“Wala pa naman,” sabi ni Geoff.

“Nasa mas okay ka palang situation,” sabi ko. “Si Kuya J, ayaw pang magbigay ng final answer kung kami na after induction.”

“Iyon na rin yun,” sabi ni Geoff. “Mahal ka ni J. Nakikita ko naman. Ikaw na lang naman ang hinihintay niya.”

“So si Harry lang ang issue mo?” tanong ko. “Hindi mo iniisip na merong kung ano sa pagitan nila ni Kuya J.”

Hindi sumagot si Geoff. At napansin ko na lang nagbago ang mukha niya. Ang kaninang naibabalik ko nang ngiti, nawala.

“Buddy!” kilala ko ang boses na nanggaling sa likuran ko, ang tinitingnan ni Geoff.

Mabilis nag-iba ang mukha ni Geoff at naglagay ng ngiti. Tumayo, lumakad papunta kay Harry. Nagyakap.

Lumingon ako. Nawala rin ang ngiti ko. Bakit kasabay ni Harry si J sa pagpasok dito sa canteen?

“May exam ka di’ba?” tanong ni J.

“Ay hindi ko pala nasabi,” sabi ko. “Katatanggap ko lang ng message, exempted daw ako, eh niyaya ako kumain ni Sir Geoff.”

Naupo si J sa tabi ko. SI Harry naman tumabi kay Geoff.

“Bakit hindi ako ang sinabayan mo kumain?” pabulong na tanong ni J. Nagseselos ba’to?

“Niyaya ko siya, Batch” sabi ni Geoff. “Wag ka na magselos, hindi naman kita tataluhin.”

Natawa si J. Natawa rin si Geoff.

“May gusto ka ba, Kuya J?” tanong ni Harry. “Order na ako.”

Nawala ang ngiti ni Geoff.

“Alam ko na kasi gusto ni Buddy,” sabi ni Harry nang mapansin ang pagbabago kay Geoff.

“Sige, okay na ako,” sabi ni J. “Hindi naman na ako sasabayan nitong si Andrei.”

“Tara na,” sabi ko. “Kaya ko pa kumain, masabayan ka lang.”

Sinamahan ni Geoff si harry na umorder at pagbalik nila, kami naman ni J ang umorder. May kung ano nga sa hangin nang kumakain kami. May iba kay Geoff, dama ko ang paghihinala niya kina Harry at J. Si J naman, mas malambing sa akin, na kung tatanungin koi to kung kami na ba, mukhang bibigay na siya.

Hanggang sa maubos ang pagkain pati ang mga kwento tungkol sa exam.

“O basta, sa Sabado, sa cast party, sa kotse ko na lang tayo,” yaya ni Harry.

“Sige ba,” sabi ni J.

NATAPOS ang araw ng mga exams, dumating ang Sabado. Sa parking area na kami ng building naghintayan bago pumunta sa Laguna. Swimming party pala ang cast party.

“Sure kang hindi ka sa akin sasabay?” tanong ni Rhonie. “Ipagpapalit mo na talaga ako?”

“Ikaw ang unang nang-iwan,” si J ang sumagot para sa akin at tumawa.

“Hala siya,” sabi ko. “Walang ganon Rhon. Naplano lang namin na kay Harry kami.”

“Close na kayo ni Harry ha?” sabi ni K’tin.

“Close naman talaga kami,” sabi ni Harry at niyaya ako sa kotse niya. “Lika na Kuya Andrei. Kuya Brent.”

Sina Jennifer, Ktin at Aura ang sumakay sa kotse ni Rhonie. Kami naman, tulad ng plano, ako, si Harry at sina J at Geoff ang magkakasama sa kotse. Sa amin din sumakay si Brent. Para all boys ang sa amin, ang kay RHonie, all girls. Bago mag alas tres, nakaalis na kami sa campus.

Pagdating sa Laguna, hindi na kami huminto sa mga lalaking nakahubad at nag-aalok ng resort May na-book na si Aura kaya sasakyan nila ang sinundan namin kasama ang lima pang sasakyan. May kotse rin si Albert at si Gabriel, at may mga alumni din na nakasunod. Isang makitid at baku-bakong kalye ang aming dinaadan kung saan magkakatabi na pala doon ang mga swimming pools.

Pagkababa ng sasakyan, dumeretso ang lahat sa tabi ng pool. Tinipon ni Aura ang lahat ng members, applicants at mga alumni na bisita.

Ako pa rin ang katabi ni J. Tiniyak ko na iyon. Si Geoff naman, nakaakbay kay Harry. Napatingin si Harry sa akin nang mapansin ko sila. Ngumiti na siya sa pagkakataong ito. Baka nga walang ibig sabihin yung titig niya sa amin nung last show.

“Guys, paunang welcome sa ating cast party,” at nagpalakpakan ang lahat sa opening ni Aura. “Pauna pa lang ito, mamaya pa ang program. Paalala lang, apps, hindi kayo apps ngayon kundi mga friends, friends tayo lahat dito, pantay-pantay. Sa induction na lang kami babawi sa inyo dahil medyo kumakapal naang mga mukha ninyo.”

Nagtawanan ang mga members.

“Char lang,” sabi ni Aura. “Pantay-pantay muna tayo ngayon, wala munang bullyhan nang walang consent, okay. It’s almost 6pm, mag-ayos na tayong lahat muna, at padating ng 7pm, start na tayo ng program, okay?”

“Okay?!” sabay sabay sumagot ang marami at nagsimula nang pumasok sa building sa tabi ng pool.

May apat na kwarto ang resort na may mga kamang double deck. Ang dulong kwarto malapit sa CR ang kinuha ng mga boys. Sa katapat namin sina Rhonie, at ang dalawang rooms, para na sa mga natitirang members at alumni. Maliban sa pag-iiwanan ng mga gamit, wala naman daw talagang gagamit noon dahil pa-morningan daw ang inuman.

Matapos mag-ayos ng mga gamit, mayilang toka sa pagkain ang nagpunta sa kusina para magluto. May ilan namang nag-ayos na para sa program. Ang ilan naman, dumeretso na sa pool para lumangoy. Ang mga alumni, kumuha na ng beer at nagset-up na ng inuman.

Hindi kami nag-usap-usap pero shorts at sando na talaga ang suot namin nina J, Harry at Geoff.

“Pinaghandaan mo yata itong swimming ah,” biro ni Geoff sabay suntok sa braso ko. “Putok na putok ka eh.”

“Nagpush-ups lang kami kanina, pag labas ninyo ni Harry,” sabi ni J at pinaalala ang ginawa namin sa kwarto.

“Sa bahay pa ako nagsit-ups eh,” sabi ni Geoff at iniangat ang sando para ipakita ang abs.

“Puro kayo paganda ng katawan, e hindi naman ninyo yan nagagamit,” sigaw ni Albert.

“Yabang mo,” sigaw ni Geoff pabalik. “Palibhasa may girlfriend ka.”

Dumating si Summer na naka-two piece at binatukan si Albert.

“At kanino mo ginagamit yan?” sabi ni Summer.

“Wala ka rin palang ganap eh,” sabi ni J at nagtawanan ang mga members at apps na nasa pool.

“Talon na tayo,” sabi ni J at hinila ako papunta sa gilid ng pool. Sumunod na nga ako at sabay kami tumalon.

Dahil parehong puti ang suot naming sando, bakat ang katawan namin sa damit.

“Ganda ba?” tanong ni J na pinapakita ang katawan niyang bukol bukol na rin ang mga abs paglangoy namin papunta sa three feet. Palalim kasi ang pool, mula three feet hanggang sa sa kabilang dulo na mga 8 feet.

“Hahawakan ko pa ba?” tanong ko.

“Ganda rin sa’yo,” sabi ni J at hinawakan ang katawan ko at marahang dinaanan ng daliri ang dibdib ko.

Doon dumating si Harry at nilublob ako pailalim sa pool. Nagbadali akong umahon at nakita kong nakaakbay si Geoff kay J. At natuloy na kami sa basaan.

Hanggang sa dumating si Aura.

“Seven PM na, ahon na,” sabi ni Aura. “Magstart na ang program.”

BASA pa kami ni J kaya nakatayo lang kami sa patio sa pagitan ng pool at ng bahay. May videoke na tumutugtog kahit walang kumakanta. Kasama namin sina Geoff na nag-abot kay Harry ng towel. Wala na kaming mga sanding apat dahil mas maginaw kung suot pa namin ang mga basing damit.

Ang ilang mga members ay nakahanap ng mga monoblocks na mauupuan, ang iba naman ay nasa long table kung saan nadaragdagan pa ang alak at ang mga pagkaing kaluluto lang.

Natapos ang kantang tumutugtog at sumunod na ang nakapilang kanta. Matapos ang intro ng music, pumasok si Aura, nakagown at kinanta ang tinutugtog ng videoke. Nagpalakpakan kami.

“Ladies, Gentlemen and everyone in between,” sabi ni Aura matapos kumanta. “Welcome to our annual cheka awards kung saan paparangalan natin ang best of the best moments ng ating nakaraang prod.”

Nagpalakpakan ang lahat ng members. Parang inaabangan talaga nila ang event nito.

“Our first award,” nagpadrumroll si Aura. “Best Actor in an actress role. And the nominees are…”

Isa-isang tinawag ang pangalan namin nina Geoff, Harry at J. pero hindi kami pinapunta sa stage, dahil may mga members na tinatawag at ginaya ang mga nominees, kasama ang costume at props at ang exaggerated version ng pag-arte namin.

“And the winner is,” sabi ni Aura matapos ipakita lahat ng nominees. “Ako! Sino ba ang actress in an actors role dito sa org na ito. Ako pa lang. pero kung may susunod, I’ll be glad to pasa the korona!”

Nagtawanan ulit kami.

May ilan pang mga awards na nabanggit. Masaya nga ang event na ito. Buti sumama ako sa cast party. Eto siguro ang dahilan kung bakit sinasabi ng mga alumni na nagpamemorable ng kanilang college life.

“Ngayon naman, punta na tayo sa isa sa pinaka-controversial na award ngayong gabi,” sabi ni Aura. “Kontrobersyal dahil ang magre-re-enact ay walang iba kundi ang mga gumanap sa stage. Kaya naman eto na. Our nominees for this years Best Kiss are…”

Kinabahanako. bakit ba surprise ang event na ito.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.