loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]

ice-freeze · 45 chapters · 80,931 words

READER’S GUIDE

Reader’s Guide

FREEZELL SERIES SEQUENCE

(1st Generation

  • FIVE BULLETS)

1 . My Possessive Fake Husband [Completed]

                  a. Partners In Crime (MPFH Side

             Story) [Complete

d]

    

  1. My Naughty Boastful Boss [Completed]

    

  1. My Impulsive Ex Boyfriend [Completed]

    

  1. My Stupid Runaway Groom [Completed]

My Short Tempered Husband

[C

ompleted

]

   

(2nd Generation - EIGHT GRENADES)

  1. The Arrogant Client [Completed]

  2. The Secretive Professor [Completed]

  3. The Distressed Raced [

Completed

]

  1. The Vicious Agent [Completed]

  2. The Indecent Suitor [

Completed]

              a. Instances and Chances

              (Side Story) [Completed]

  1. The Untamed Actor [Completed]

  2. The Nasty Rancher [On-going]

  3. The Fierce Manipulator [Soon]

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Freezell #2: My Naughty Boastful Boss

DO NOT EXPECT ANYTHING FROM THIS STORY. THIS IS THE WORST STORY I HAVE EVER WRITTEN. I WROTE THIS WHEN I WAS 18. I AM 30 NOW, MY VIEWS IN LIFE CHANGED. THANK YOU!

Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #55 - Romance 09/25/20 #7 - General Fiction 09/08/20 #18 - Adventure 12/12/20 Avrein Laiclei Freezell is not your typical woman. She loves wearing manang get ups, big and round eyeglasses, and having no makeup at all. Hindi siya natatanggap sa mga inaapplyan niyang trabaho dahil sa mga katangian niyang iyon. Everytime she tries, she ends up failing, kaya’t ganoon na lamang ang tuwa niya nang matanggap siya bilang sekretarya ng isang kilalang bachelor sa bansa na si Vience Kent Montealegre.

Inakala ni Avrein na magiging smooth sailing na ang pagiging sekretarya niya ngunit nagkamali siya. May katangian ang boss niya na hindi niya inakala. Bastos ito at mayabang! Madalas niya itong nahuhuling gumagawa ng milagro ngunit pinagsasawalang bahala niya dahil bukod sa ayaw niyang mawalan ng trabaho, ay hindi naman daw siya nito gugustuhin.

Ang akala ni Avrein na normal na pag-ikot ng mundo niya ay biglang nagbago! Despite of her appearance, her naughty boss began to show actions that he’s beginning to like her. Hindi niya alam kung anong gagawin at hindi niya alam kung anong iaakto ukol dito. Paano na ang tahimik na mundo ni Avrein? Paano niya haharapin ang mga past relationships ng boss niya na ngayon ay gumugulo sa kanya? At paano niya tatanggapin sa sarili niya na nakararamdam na siya ng kakaiba para sa boss niya?

FREEZELL SERIES #2

PROLOGUE

Freezell Series #2

PROLOGUE

AWTOMATIKO akong napalingon sa boss ko na kadarating lang ngayon ng opisina. Parang hindi pa siya natutulog o umuuwi sa kanila base sa gulo ng buhok niya maging sa gusot ng polo na suot niya.

“I need my schedule for this day right away,” utos niya sa akin sa mababang tono saka na siya tuluyang pumasok ng opisina niya.

Agad kong kinuha ang folder ko na naglalaman ng mga appointment niya para sa araw na ito at pumasok na ng opisina niya . . . pero parang gusto kong magsisi sa ginawa kong pagpasok nang hindi man lamang kumakatok.

Nagpapalit siya ng polo at pantalon! Parang gusto kong kainin na lang ako ng lupa sa mga oras na ito. Hindi ko inaasahan na madadatnan ko siya sa sitwasyon na ito.

Jusko po! Inaamin ko naman na hindi naman ako inosenteng-inosente, pero huwag naman sanang ganito na para akong hinahayaan makanood ng live show.

Agad akong tumalikod dahil sa nakita ko. Nagbibihis lang siya pero tila iba ang dating at epekto nito sa akin kahit na hindi ko gustuhin.

“A–Ahh . . . S–Sir!” halos pasigaw kong kuha ng atensyon niya dala ng kakaibang kaba na bumabalot sa akin ngayon.

“Kanina ka pa riyan?” walang kakaba-kaba niyang tanong habang nakatalikod pa rin ako.

Hindi ko talaga lubos na maisip kung paano siya nakakaakto na parang wala lang na naabutan ko siya sa gan’ong sitwasyon.

“H–Hindi naman po. S–Sir, nakataas na po ba ang pants n’yo? P–Para makaharap na po sana ako.”

Parang gusto kong hatakin ang dila ko sa paraan ng pagsasalita ko. Anong nangyayari sa ’kin? Hindi dapat ako naapektuhan nang ganito.

“Why? Gusto mo ba ikaw na ang magtaas nito? Come here, ayos lang sa ’kin,” pang-aasar niya at narinig ko pa na sinundan niya iyon ng nakakalokong tawa.

Bakit ba ang kakaiba ng epekto sa akin ng boss ko na ito kahit pa hindi ko pa naman siya nililingon? Idagdag pa na ang boses niya… ay tila laging nang-aakit kahit saang anggulo.

“H–Hindi po, Sir!” halatang gulat na sagot ko sa kaniya.

“I’m just kidding, Ms. Freezell. Sige, makakaharap ka na at nang masilayan mo na ang mukha kong pinagpapantasyahan ng maraming kababaihan,” mayabang na wika sa akin nito.

Unti-unti akong humarap at tumambad sa akin ang isang… isang perpektong hubog na katawan na animo magaling na iskultor ang nagpakapagod na maglilok.

Hindi nakabutones ang suot niyang polo at naka-hipster naman ang pantalon na suot niya, na masasabi kong mas nakapagpapalabas pa lalo ng gandang taglay ng katawan niya. Pambihira!

I mentally shook my head at ibinaling ko sa iba ang paningin ko. Ano ba naman ang mga pinag-iiisip ko. Hindi ko puwedeng pagnasaan ang boss ko. Hindi ko maaaring gawin iyon dahil hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. Sa dami nang napag-apply-an ko, dito lang may tumanggap sa akin!

Umayos ka, Avrein! Pambihira ka!

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniy a at parang gusto kong muling magsisi. Ibang-iba talaga ang taglay niyang karisma. Jusko naman!

Hindi ako naaakit. Hindi ako naaakit. Hindi ko naaakit. Hindi ako naaakit—

“Come here, babe let’s go to bed—I mean, let’s do our business. Give me my schedule,” aniya saka naupo sa swivel chair niya habang nakatingin deretso sa mga mata ko.

Sir, bakit mo po ba ’to ginagawa sa akin? Bakit po ba nakakaakit ka? Gusto ko lang naman po sanang magtrabaho nang maayos, pero bakit binibigyan mo po ako ng temptasyon?

I’m Avrein Laiclei Agaña– Freezell and he’s Vience Kent Alisser– Montealegre …

MY NAUGHTY BOASTFUL BOSS!

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

One

AVREIN

“AVREIN, paki-fax na lang din ito, ha? Kailangan na kasi ’yan sa district office,” untag na pakisuyo ni Fria. She’s my best friend—my only friend even here at the office, not because I’m not friendly, but because other people find me creepy. I couldn’t live up to their expectations and standards. People tend to hate someone who’s different from them.

I nodded at Fria and she smiled in return.

Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin saka naglakad na papunta sa elevator. Nasa ground floor ang fax machine samantalang ang office ko at ng boss ko ay nasa 32nd floor kaya’t sa araw-araw ay talaga namang ramdam ko ang pagod ko.

Habang naglalakad ako patungo sa elevator ay iyan na naman ang kuro-kuro ng mga tao sa paligid ko.

“I do really wonder kung bakit siya ang kinuhang secretary ni Mr. Montealegre?”

“I agree! She’s a freak. She doesn’t have the face and the curve.”

“In short, she’s a total pathetic. Well, mas pabor iyang ganiyang itsura. Alam na lang natin na hindi siya papatulan ni Mr. Montealegre.”

Hindi ako kasing babaw ng mga tao sa paligid ko para patulan ang mga sinasabi nila na halata namang ipinaririnig sa akin para lamang manliit ako sa sarili ko. I’m here to work and nothing else.

Naka-akyat na ako ng office ko—yes, my own office at hindi basta cubicle lang na nasa labas ng pintuan ng boss ko bilang sekretarya. Siya ang may gusto nito at hindi ko alam kung bakit.

Bago ka umabot sa office niya ay dadaanan mo muna ang office ko. Sa harap mismo nito ay may isang malaking harang kung saan puro office personnel lang ang makakapasok patungo sa office niya. Kung hindi ka naman office personnel at gusto mong pumasok sa opisina ng boss ko ay hihingi ka muna sa kaniya ng permiso mula sa intercom.

Mahigpit ang boss ko sa security at privacy niya. Siguro iyon ay dahil sa pagiging . . . babaero niya.

“Hello, Miss.” I stared at the woman standing in front of my office. I could see her through the window.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumabas na pinto saka hinarap babae. “Yes Ma’am?” I asked politely.

“Can I see Kent?” tanong nito pabalik sa akin. Mukhang wala siyang balak na sagutin ang katanungan ko.

“Do you have an appointment with him, Ma’am?” magalang na tanong kong muli rito.

“Can you just let me see him and stop asking? You’re just a secretary and you’re freaking annoying!” galit na bulalas nito na ikinabigla ko. Biglaan ang pagtaas ng boses niya na animo ba ay sadyang naghahanap ng gulo.

“Pasensya na po, Ma’am, pero kabilin-bilinan po sa akin ni Mr. Montealegre, kung hindi naman po importante at walang appointment sa kaniya ay hindi po kayo makakaraan,” sagot ko rito na ikinataas ng kilay nito.

“Just tell him that his girlfriend is here! End of this damn conversation!” iritadong angil nito sa akin.

“Okay, Ma’am. I will. Pero sana po alam n’yo na panglimang girlfriend na po niya kayo na nagpunta rito ngayon mula kaninang umaga na nagsimula ang office hours,” paalala ko rito saka pumasok na ng office ko at tinawagan ang boss ko sa intercom.

“Sir, may babae po rito na nagpupumilit na makita kayo. Hindi po gaya ng mga naunang nagpunta rito, mapilit po itong babae.”

“Throw her away or tell the security na paalisin siya. Kapag nagawa mo na ’yan ay pumunta ka rito sa office ko. I have something for you to do,” anito sa kabilang linya saka na nito ibinaba ang kabilang linya.

Ginawa ko ang sinabi niya kahit na noong una ay parang gusto na talaga akong patayin n’ong babae. Mabuti na lamang at alerto ang mga security guard na narito.

Sininop ko lang ang gamit ko at inayos ang malaki kong salamin saka na nagtuloy sa opisina ng boss ko.

Hindi na ako kumatok at nagtuloy nang pumasok. Kabilin-bilinan niya na kapag siya mismo ang nagpapunta sa akin sa opisina niya ay huwag na akong mag-abalang kumatok pa.

“Hmmm . . .!” I immediately turned around nang marinig ko na naman iyong pamilyar na hingal niya. This is not the first time and parang nagsisimula na akong masanay.

“S–Sir, I’m already here,” utal na agaw ko sa atensyon niya. Palagi pa rin akong nauutal kapag naaabutan ko siyang nanonood ng kung ano sa desktop niya.

“Come here.” That’s the sign para humarap ako.

Naabutan ko siyang mataman lang na nakatingin sa gawi ko habang naglalakad ako patungo sa kaniya.

“A–Ano pong iuutos ninyo, Sir?” tanong ko nang makalapit na ako sa table niya.

“About your cousin’s wedding, I’m sorry about the kiss. Dala lang ng sitwasyon kaya ko nagawa iyon,” walang ka abog-abog na paliwanag nito sa akin.

Bigla na naman tila nag-replay sa utak ko nang isama ko siya sa kasal ng pinsan ko.


“So . . . para maiba naman, labo-labo na. I mean, halo-halo na ang babae sa lalake at sabay nang ihahagis ng groom at bride ang bouquet at garter. Ayos ba ’yon?” suhestiyon ni Leickel—isa rin sa mga pinsan ko kay ate Aiyell na siyang ikinasal ngayon.

Pinapunta kaming lahat na mga dalaga at binata sa gitna nang sumang-ayon ang lahat. Kakaba-kaba akong tumayo katabi pa ang ibang bisita . . . maging ang boss ko na kaibigan pala ni kuya Claw.

Pumunta na sa puwesto sina Kuya Claw at Ate Aiyell nang bigyan sila ng go signal ng organizer. Inihagis na nila sa kumpol naming ang hawak nilang bouquet at garter.

Sa pagkagulat ko maging ng lahat ng nandito, ako ang nakakuha ng garter at ang nakakuha ng garter ay si Sir Vience!

“OWWWW!” kantiyaw ng mga tao at dinig ko ang pangingibabaw ng kantiyaw ng mga pinsan ko na sina Ate Aiyell, Leyvance at Leickel. Si Aeickel na kakambal ni Lei ay nakita kong nasa sulok lamang at nakamasid.

“At dahil baliktad ang pagkaka kuha, ang babae ang maglalagay ng garter sa hita ni lalake. WOOOOOOHHHHH!” sigaw ni Leickel na halatang ligayang-ligaya sa mga nangyayari.

Pinagpalit na muna kami ng damit ng organizer. Ako ang naka-tuxedo habang si Sir Vience ang naka-gown. Minasdan ko siya at hindi mo siya kakikitaan ng hiya sa katawan. Mukha rin na nag-e-enjoy siya ngunit . . . hindi ako. Kanina pa ako ginagapangan ng hiya.

Iniupo nina Kuya Claw at Dreik na ex-boyfriend ni Vance si Sir Vience sa isang monoblock chair. Iutusan nila akong lumuhod sa harap niya na para bang inaaya ko siyang magpakasal na agad ko namang sinunod dahil gusto ko na lang matapos ang lahat ng ito.

Unti-unti ko nang isinusuot ang garter sa binti ni Sir Vience. Nasa lagpas sa tuhod na ito nang kantiyawan kaming muli ng mga bisita. “HIGHER! HIGHER!”

Halata nang nasa hita na ang garter na isinusuot ko dahil nakabukol ang mga kamay ko sa gown na suot ni Sir Vience.

“HIGHER PA! HIGHER . . .!” pang-aasar pa ng mga bisita.

Itinaas ko pa ito ngunit alam ko naman na halata na ang pamumula ko dahil sa sobrang kahihiyan.

Nagulat na lamang ako nang bigla akong kabigin ni Sir Vience saka siniil ng halik sa mga labi ko. Hindi ko maproseso! Gulat na gulat ang buo kong sistema sa ginawa niya!

“MONTEALEGRE!” dinig kong sigaw ni Daddy Led kaya’t naitulak ko si Sir Vience nanh marahas.


“I–It’s okay, Sir. It was just a kiss,” sagot ko ngunit bigla akong kinabahan nang pinaningkitan niya ako ng kaniyang mga mata at tumayo siya mula sa pagkakaupo niya saka lumapit sa akin.

“Really? It was just a kiss?” parang nanghahamon na tanong nito saka pa inilapit ang mukha niya sa mukha ko na ikinahakbang ko patalikod.

“Y­–Yes, Sir.”

“So . . .” saka niya kinuha ang ilang hibla ng buhok kong nahulog mula sa pagkakatali at iniipit sa likod ng tainga ko. “. . . you won’t mind if I’ll do it again? Right here? Right now?”

Bigla akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya kaya’t mas nilakihan ko pa ang hakbang palayo. “S–Sir. . . .”

“Damn!” bulalas niya saka siya umalis sa harap ko at bumalik sa upuan niya. Nahilot niya ng dalawang daliri ang magkabila niyang sentido. “Pasensiya na, Ms. Freezell, at pati ikaw ay napapagdiskitahan ko. ’Tangina naman kasi. Ilang araw na akong walang sex dahil sa lintik na trabaho!” dagdag pa nito at ginulo pa ang buhok na mas lalong nakapagpalakas ng appeal— No, Avrein!

“Makakaalis na po ba ako, Sir?” tanong ko rito nang tila kumalma-kalma ang tensyon sa pagitan namin.

“May pupuntahan ka ba mamaya?” tanong nito pabalik na ikinakunot ng noo ko.

“Wala naman p, Sir,” sagot ko rito.

“Then, maybe you can come with me?”

“Saan po?”

“Bar. Hang out?”

“Sir—”

“Don’t worry, I won’t fuck you. Samahan mo lang ako dahil sigurado ako na malalasing ako at baka walang umalalay sa akin pauwi. Sa ’yo lang ako may tiwala. Ikaw lang ang babaeng alam kong walang gusto sa akin at hindi ako pipikutin kung sakali man. Basta mamaya, 10pm sa LY’ARÉ Bar,” mahabang turan nito na ikinatango ko na lamang. “You may go back to work,” utos nito kaya’t tinalikuran ko na siya.

Bumalik ako sa office ko at naupo. This is my life now—a plain office girl. I could no longer go back to the person I once were . . . when I was in California.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Two

AVREIN

ABALA sa pamimili ng damit si Fria habang ako ay nakamasid lang sa mga naggagandahan at nagse-sexy-han na damit na nakikita ko. Dinala niya ako rito matapos ang oras ng trabaho kanina.

Fria was my childhood friend and she knows everything about me. Nang magdesisyon akong mag-apply ng trabaho sa kumpanya ni Sir Vience ay nagpasa agad siya ng resume para hindi raw ako malungkot.

I want this and those but I cannot wear those clothes anymore. Wala namang nagbabawal o kung ano pa man sa akin. Basta simula nang bumalik ako sa pagiging ako ay parang mas naging komportable na ako sa usual na sinusuot ko. Mahabang palda na hanggang sakong o jeans at blouse o long sleeves lang. Mas komportable rin ako na nakaladlad ang natural na wavy na buhok ko na hanggang bewang at nakasalamin ako kaysa suot ko ang mga contact lense ko na may grado.

“Wala kang nagustuhan?” tanong ni Fria sa akin nang makalapit siya dala-dala ang basket na punong-puno ng napili niyang mga damit.

“Marami, pero hindi ko gustong bilhin. Hindi ko rin naman susuotin,” sagot ko sa kaniya.

“Fine. So . . . tara na? Bayaran na natin?” aya nito na tinanguan ko na lamang.

Kasalukuyang nagbabayad si Fria nang makaramdam ako ng pagbaba ng pantog ko kaya’t nagpaalam ako sa kaniya na magbabanyo na muna ako.

Pumasok ako sa loob ng banyo at tahimik naman kaya’t ipinagpalagay ko na walang tao rito kung hindi ako lang. Wala rin kasing pila sa labas.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin nang makarinig ako ng mahihinang tinig ng babae na agad kong ikinakaba. Unang pumasok sa isip ko ay baka may multo ba sa banyo na ito.

“Please, Kent. I want you to take me now. I am more than willing to offer myself to you…” anang tinig na tila napapaos at agad gumapang ang kilabot ko dahil tila nasa katabing cubicle lamang ito.

Natataranta kong sinipa ang pinto ng cubicle at nagulat ako sa nakita ko. “S–SIR!”

May kasama siyang babae sa loob ngunit sila pinipilit siyang akitin nito base sa posisyon nila.

“SHIT!” bulalas nito nang malingunan niya ako at makilala. “Ms. Freezell!”

Tila nawawala sa sariling napalabas ako ng banyo nang mabilis. Pabalik na sana ako sa kinaroonan ni Fria nang may humawak sa pulso ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Sir Vience na seryoso ang mukha.

“Ms. Freezell,” pagtawag niya sa akin sa baritono niyang tinig.

“S–Sir?” kabadong wika ko. Pakiramdam ko ay sinira ko ang eksena nila ng babae.

“About what you saw—just fuck it!” putol niya sa dapat na sasabihin niya at bigla na lang akong hinatak nito paalis.

“S–Sir! Iyong . . . bestfriend ko!” anas ko at tinangka kong hatakin ang kamay ko ngunit hinatak niya lang din ito saka ako sinandal sa pader na malapit sa banyo.

Nakahawak lang ang kamay niya sa pulso ko habang ang isa naman niyang kamay ay nakaharang sa kabilang gilid ko . . . and that caught me off guard.

Napahinto ako sa sasabihin ko pa sana nang akala kong hahalikan niya ako. Inilapit niya lang pala ang mga labi niya sa tainga ko. “Just go with me, Ms. Freezell. Iyong 10pm natin ay naging 8:30pm lang. Wala naman sigurong masama roon, hindi ba?” bulong nito saka pa bahagyang hinipan ang punong tainga ko na siyang nagbigay ng kilabot at tila kuryente sa katawan ko.

“O–Opo,” sagot ko na tila na hipnotismo.

“Good,” aniya na tila nakuntento sa isinagot ko saka ako biglang ginawaran ng halik sa pisngi.

Hinalikan niya ako sa pisngi! Oh my gosh!

Nagpatangay nalang ako sa paghatak niya sa akin hanggang sa makasakay kami ng kotse niya.

Ohhh! Si Fria!

HINDI ko na mabilang kung nakailan na baso na ng alak itong amo ko dahil sobrang langong-lango na siya sa alak.

“Sir, kaya n’yo pa po?” nag-aalalang tanong ko rito saka ko inalalayan ang baso na tinutungga niya.

“Of course! Alam mo ba, Ms. Freezell, minsan naiinis ako sa ’yo,” saad nito sa lasing na tono.

“P–Po? Bakit naman po?” puno ng kyuryosidad na tanong ko sa kaniya.

“Naiinis ako dahil pakiramdam ko, wala man lang akong kadating-dating sa ’yo. Nakakaletse dahil halos lahat ng babae sa kumpanya ay nagkakandarapa na mapalapit sa akin, pero ikaw . . . ikaw . . . you’re fucking with me, Ms. Freezell!”

“Sir, hindi naman po kasi ako basta babae lang. Isa pa, ayaw ko pong mapabilang sa mga babae na matapos n’yo pong gamitin ay itatapon n’yo na lang.”

“I’m not into a serious relationship, Ms. Freezell, I can never give you that,” seryoso pero lasing pa rin na tugon nito sa akin.

“I’m not asking about that, Sir, and besides, hindi po kita gusto,” pagpapakatotoo ko na wika ko sa kaniya. Alam ko naman na may hatak talaga ang kaguwapuhang taglay niya pero hindi sapat para gustohin ko siya.

“Iyan! Iyan talaga ang kinaba-badtrip ko sa ’yo madalas, Ms. Freezell. Tangina, ang mga babae sa kumpanya, kulang na lang ay bumukaka sa harap ko para mapansin ko. Ikaw, tanaw na tanaw mo na ’ko pero wala lang sa ’yo,” aniya at ramdam ko ang kasarkastikuhan sa tinig niya.

“Bakit, Sir? Gusto mo bang magkagusto ako sa ’yo?” tanong ko na parang ikinagising din ng diwa ko.

What am I talking about?

“No, sayang ka. Sasayangin lang kita. Masisira lang kita,” huling sagot nito sa akin saka na bumagsak ang ulo sa lamesa.

Ako na ang nagbayad sa counter at inalalayan ko ang boss ko palabas ng bar. It’s already 12:30am. Isinakay ko siya sa sasakyan niya at kinapa ko na lang sa bulsa niya ang susi para makaalis na kami.

Pinagbuti ko ang pangangapa dahil natatakot din ako na baka kung ano pa ang makapa ko. Lihim akong nagpasalamat nang makuha ko ito nang matiwasay at walang bahid malisya.

“Sir, saan ko po kayo ihahatid?” tanong ko ngunit tanging ungol lang ang isinagot nito sa akin.

Ikuha ko na lang kaya siya ng kuwarto sa hotel? Baka naman kung anong isipin ng mga tao sa hotel. Kababae kong tao, may bitbit ako na lalaking lasing na lasing?

Sa huli ay napagdesisyonan ko na lang na ituloy siya sa condo ko.

Pagkaparada ko sa parking lot ay nagpatulong na lang ako kay Mang Samuel—guard ng building, na maiakyat ang boss ko sa condo ko.

“Ma’am mukhang nalasing po itong boyfriend n’yo, ah?” tumatawang biro ni Mang Samuel.

“Hindi ko po—”

“Hindi niya ’ko boyfriend! Asawa . . . Asawa niya ’ko!” nakapikit at lasing na sabi ni Sir Vience na ikinatawa ni Mang Samuel at ikinapula naman ng mukha ko.

Nakarating kami ng unit ko at nagpasalamat ako kay Mang Samuel.

Isinukbit ko ang isang kamay niya sa balikat ko para maalalayan siyang maipasok at maihiga sa couch ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang . . . hawakan niya ang isang dibdib ko at pinisil-pisil iyon.

“Tangina! Ang lambot nito,” aniya at inulit niya pa ang pagpisil-pisil dito na ikinanganga ko.

Para akong nawala sa sarili sa ginawa niya sa katawan ko. Higit pa sa salitang gulat ang naramdaman ko sa ginawa niya!

Itinulak ko siya pahiga sa couch nang maalog ang utak ko ngunit hindi ko naalala na nakakawit nga pala ang kamay niya sa balikat ko, kaya’t kasama akong nabuwal at ganoon na lamang ang pagragasa ng mga tambol sa dibdib ko nang masubsob ang mukha niya sa gitna ng mga dibdib ko!

“Tangina! Ang lambot talaga!” anito sa tonong tila nahuhumaling habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko.

HINDI AKO MAKAGALAW DAHIL IKINAWIT NIYA ANG BRASO NIYA SA BEWANG KO!

Nagulat ako nang may biglang magbukas ng ilaw sa sala ko.

“Ate Avrein—”

“L–Leickel. V–Vance,” gulat na anas ko nang mabungaran ko ang mga pinsan ko na biglang-bigla sa nakita nila.

“What the hell is this?” galit na bulalas ni Leyvance.

Sasagot at lalayo na sana ako nang mas isinubsob niya pang lalo ang mukha niya sa dibdib ko!

PAMBIHIRA NAMAN, SIR!

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Three

AVREIN

NAGISING ako na talaga namang napakasakit ng ulo ko. Hindi dahil sa alak kung hindi dahil sa kunsumisyon na naganap sa akin kagabi.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng silid ko. I wore my thick and big eyeglasses. Naabutan ko sina Lei at Vance na nagkakape sa kusina ko.

“Hindi pa kayo umuuwi?” tanong ko saka kumuha ng tasa at nagtimpla ng sarili kong kape.

“Dapat ka ba naming iwan sa manyak na ’yan?” taas-kilay na tanong ni Vance habang nakaturo sa boss ko na nakahiga ngayon sa couch.

“Vance—”

“Sanay ka na ba sa ugali niyan, Ate? Base kasi sa mga pinagsasasabi mo kagabi parang sanay na sanay ka na sa istilo at ugali niyang boss mo,” putol ni Lei sa dapat na sasabihin ko.

“Lei—”

“Sa bagay, kung hindi ka nga naman sanay—”

“Can I talk first?” seryosong putol ko sa sinasabi ni Vance. Kulang na lang ay hindi nila ako hayaan na dumepensa sa mga paratang nila.

“Lagot na, Ate Vance. Seryoso na siya,” bulong ni Lei na dinig na dinig ko naman. “Ang lupet kasi niyong ginawa mo kagabi. Just imagine, alam mong pasunurin ang boss mo kahit lasing?” manghang baling sa akin ni Lei.


“WHAT THE HELL IS THIS!?” sigaw ni Vance nang makita nilang nakasubsob sa dibdib ko ang mukha ng boss ko.

“Could you please help me first?” malamig na tugon ko saka ako nagpatulong na alisin ang mga braso ng boss ko sa bewang ko.

“Ohhhh . . .!” hiyaw ng boss ko na talaga namang animo naka-drugs habang nakasubsob pa rin sa dibdib ko.

“Hayst!” daing ni Vance habang patuloy pa rin ang paghila sa akin.

“Grabe to, Ate! Ito ang nanghalik sa ’yo noong kasal ni ate Aiyie, hindi ba?”

Tumango ako at ipinagpatuloy lang nila ang paghatak sa akin. Sa bawat hatak nila paalis ay siyang hatak naman ng boss ko pabalik. Para na akong goma sa estado ko ngayon.

Pinakalma ko ang sarili ko, nagbuntonghininga at nag-isip ng tamang gawin. Ganito ako kaya’t madalas nilang isipin na may mali sa akin.

“Bitawan n’yo ko,” awat na utos ko sa dalawa na mabilis naman nilang sinunod.

Lalo akong hinatak ng boss ko palapit sa katawan niya na mas lalong ikinadikit ng dibdib ko sa mukha niya. Ramdam ko ang sadyang pamumula ng mukha ko dahil sa nangyayari.

“Mmmmm. . . .” ungol pa nito na tila halinang-halina habang inaamoy ang dibdib ko.

Relax lang, Avrein. Everything’s gonna be alright. Sanay ka na sa ginagawa niya , kaya mag-relax ka, pagpapakalma ko sa sarili ko. Iniyuko ko ang ulo ko patungo sa tainga niya na agad namang inalmahan ng dalawa.

“Ate, anong gingawa mo?” nag-aalalang anas ni Leickel.

“What the fuck are you doing, ate Avrein? Makikipag-make out ka ba sa harap namin?” inis na wika naman ni Leyvance sa akin.

Tinapunan ko lang sila nang malamig na tingin at itinuloy ang ginagawa ko. Inilapit ko ang mga labi ko sa tainga niya at bumulong.

“Mr. Montealegre, sa loob ng tatlong segundo at hindi mo pa rin ako binitawan, sisiguraduhin ko pong bukas, matatagpuan mo na lang na putol na ang iyong kinabukasan,” bulong na pananakot ko rito at sa mangha ng mga pinsan ko ay agaran itong kumalas sa akin.


Hindi ko maman talaga siya pinasunod. Siguro alam ko lang talaga kung anong kahinaan niya.

“Bakit hindi ka pa magresign, Ate? Hindi ko gusto ang paran ng trato niya sa ’yo. You deserve a more decent job with a much decent boss,” nakataas ang kilay na anas ni Vance.

“Hindi ko na kailangang sagutin iyan, Vance. Alam mo naman sa sarili mo ang sagot,” walang ganang sagot ko sa kaniya saka ako humigop ng kape ko.

“But, Ate—”

“Hindi ako gaya n’yo, Vance. Oo, sinasabi n’yong matalino ako just like Aeickel, but unlike her, you, Lei and ate Aiyell, hindi ako talented sa ibang bagay. I couldn’t act and be a model like what you could do. I couldn’t be funny like what Leickel could do. I couldn’t be a handsome man and a gorgeous woman both at the same time like what Aeickel could do, and I couldn’t be as strong and as gorgeous like Ate Aiyell. I’m just this plain and simple, and . . . I couldn’t do anything about it.”

“Ate. . . .”

“Alam n’yo naman na pagkatapos kong maka-graduate ng college ay naghirap akong maghanap ng trabaho dahil sa itsura at pananamit ko kahit pa isa akong Freezell. Alam n’yong kung hindi dahil kay Lola ay hindi ako makakapasok sa Montealegre Empire, kaya’t hindi ko bibitiwan nang ganoon lang ang trabaho ko nang dahil lang sa ugali at istilo ang boss ko. In the first place, he’s not doing anything to me, maaaring may hindi maganda sa ugali niya pero maayos naman ang trato at pakikitungo niya sa akin,” sagot ko sa mga ito.

Kung hindi dahil sa tulong ni Lola Cassandra, malamang ay wala pa rin akong trabaho ngayon. Nakita n’yo naman kung paano ako ibully sa office, hindi ba? Ganoon din ang ginawa ng mga empleyado sa mga naunang pinag­-apply-an ko.

“We understand. Basta ’pag may ginawa ’yang boss mo sa ’yo, sabihin mo lang, Ate. Sasabihin ko kay Lila, ipakakatay namin sa tito n’yang matador,” nakangiting anas ni Lei na ikinangiti ko rin.

“Minsan ang hirap n’yong intindihin ni Aeickel dahil madalas kayong magsalita nang matalinhaga, pero ngayon na-gets naman kita. Basta ’wag mo lang pababayaan ang sarili mo, and please never dare fall in love with that kind of man, masasaktan ka lang. Huwag mong hayaan na mapalapit ka sa kaniya nang todo,” mahabang sabi ni Vance na ikinangiti at tango ko sa kaniya.

“I won’t. I don’t wanna be hurt.”

“Alis na kami, Ate. May kaniya-kaniya kaming appointment,” paalam nilang dalawa bago tuluyang lumabas ng unit ko.

Pagkaalis na pagkaalis nila ay hinarap ko ang bahay ko. Alas kuwatro pa lang naman ng umaga at hindi ko kailangang magmadali dahil alas otso pa naman ang pasok ko.

Niligpit ko ang mga dapat iligpit. Pati ang vase na nabasag ng boss ko dahil sa kalasingan niya kagabi ay iniligpit ko na rin.

Mag-aalas singko y media na ako natapos sa pagliligpit at tulog pa rin ang boss ko kaya’t napagdesisyonan ko na maligo na.

Nagtuloy ako sa kuwarto ko kung nasaan ang nag-iisa kong banyo. Inilabas ko na ang mga damit na susuotin ko maging ang mga underwear ko. Hinubad ko na ang damit ko bago pa man ako pumasok ng banyo dahil hindi ko naman ugaling maligo nang may anumang saplot. Hindi na rin ako nagdala ng towel dahil kuwarto ko naman ito.

Pumasok na ako ng banyo at nagsimulang maligo. Puro lagaslas lang ng shower ang naririnig ko nang . . . makarinig ako nang biglang pagbukas at pagsara ng pinto na hindi ko na pinansin.

Guni-guni ko lang iyon . Imposibleng ang boss ko iyon. Tulog na tulog iyon sa couch kanina, pagkumbinsi ko sa sarili ko kaya’t itinuloy ko na ang paliligo.

Biglang kumabog ang dibdib ko nang may pumasok sa banyo at nakita ko na ang boss ko ito habang nakapikit at nagtuloy sa toilet bowl.

Sleep walking?

Napatakip ako ng mga mata ko nang tangka niyang inilabas ang pag-aari niya para umihi. Unti-unti ko ring hinihinaan ang shower dahil baka matalsikan siya ng tubig o marinig niya ang lagaslas at magising siya. Kakatanggal ko pa man din ng shower curtain ko kaya’t kung magising man siya ay expose na expose ang katawan ko.

Bawat galaw ko ay tila binubundol ang dibdib ko ng kaba. I’ve never been in this kind of situation before.

Narinig kong nag-flush ang toilet bowl kaya’t ipinagpalagay ko na tapos na siyang umihi. Narinig ko rin ang pagbukas-sara ng pintuan ng banyo kaya’t alam kong umalis na siya. Inalis ko na ang pagkakatakip ko ng mga mata ko at huminga nang malalim.

Ano ba ’tong pinasok ko?

Natapos akong maligo at lumabas na ako ng banyo. Ramdam ko pa ang pagtulo ng tubig mula sa katawan ko dahil hindi pa ako nakakapagpunas.

Gayon na lang ang gulat ko nang tangkain kong kukuhanin ang towel ko na nakapatong sa kama, ay nakita ko ang boss ko na nakahiga rito. Dinadaganan niya hindi lang ang towel ko kung hindi maging ang mga damit ko. Pambihira! Wala pa man din iyong mga damit ko rito dahil nasa condo ni Ate Aiyell ang mga iyon nang tumira ako roon. Iyong iba naman ay nasa labahan. Bakit ang malas ko?

Lumuhod ako at nagsimulang gumapang sa gilid na kama para kahit magising siya ay hindi niya makikita ang hubad kong katawan.

Dinungaw ko siya at nakita kong maaari kong sungkitin ang panty ko dahil kaunting parte lang naman ng balakang niya ang nakadagan dito.

Sinimulan kong iumang ang kamay ko para maabot ang panty.

Konti pa. . . .

Malapit na. . . .

Nahawakan ko na iyong garter ngunit kabadong-kabado ako. Unti-unti ko na itong hinuhugot nang bigla na lamang siyang tumagilid at nadaganan niya pati ang kamay ko!

“Ohhhh. . . .” ungol nito na kumabog sa buong pagkatao ko! Ayaw gumana ng utak ko ngayon, hindi ako makapag-isip ng dapat gawin at parang gusto ko na lang sumigaw.

Nagbuntonghininga ako bago ko unti-unting hinugot ang kamay ko. Malapit na sana itong mahugot nang bigla niya itong hinawakan at inamoy!

“Fresh from the bath,” anito nang nakapikit.

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil pakiramdam ko, ano mang oras ay magigising na siya at ako ay naka hubo’t hubad pa.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Four

AVREIN

NAGULAT ako nang bigla niya akong hatakin paakyat ng kama at idinapa sa ibabaw niya habang ang dalawang kamay niya ay pumalibot sa bewang ko.

Pambihira!Nakahubad po ako at alam kong ramdam na ramdam niya ngayon ang katawan ko!

“Never been touch,” anito habang nananatiling nakapikit.

“M–Mr. Montealegre?” utal na anas ko saka ko tinapik ang pisngi nito.

“Kanina pa ako gising, Avrein, alam kong nasa banyo ka kanina pero ihing-ihi na ako. Nagpanggap akong natutulog para hindi mo masabi na sinisilipan kita. Masakit ang ulo ko kaya ako humiga sa kama mo. Nagpanggap na naman akong tulog habang nakahiga para hindi mo isipin na may balak akong masama. Hinatak kita hindi para bastusin ka. Hinatak kita dahil alam kong nilalamig ka na. Nakapikit ako ngayon habang kausap ka, dahil ayokong isipin mong binabastos kita,” mahabang turan nito na halos nakapagpatanga sa akin. Seryoso ba talaga siya?

“Mr. Montealegre—”

“Vience. Vience ang itawag mo sa akin kapag wala tayo sa kompanya,” putol nito sa akin. “Isa pa nga pala, salamat sa pagtatanggol mo sakin sa mga pinsan mo kanina at pagsasabi na nirerespeto kita. Bastos lang ako, pero alam ko pa rin naman ang mga babaeng dapat irespeto,” dagdag pa nito saka inalis ang isang kamay na nakapalupot sa bewang ko at hinatak ang towel ko na nadadaganan niya at ipinalupot sa akin.

“Sir Vience—”

“Cut the Sir, just call me Vience.”

“T–Tatayo na po ako.”

“Cut the po.”

“Tatayo na ako.”

Pinakawalan niya ako at tumayo na ako mula sa pagkakadapa sa kaniya saka ko ibinalot ko nang mabuti ang katawan ko ng tuwalya.

Umupo siya sa dulo ng kama habang nakapikit pa rin.

“Sir—I mean Vience, ’wag kang didilat!” banta ko rito.

Sinimulan kong kuhanin mula sa likuran niya ang mga damit ko kahit pa alam kong naaamoy niya ang bagong paligong katawan ko.

“Avrein—”

“Huwag kang magsasalita, please. Naiilang ako,” putol ko rito.

Tinapos ko nang mabilis ang pagbibihis habang binabantayan ko kung lilingunin niya ako. Baka mamaya ay may kung ano pang sumapi sa kaniya. “Maaari ka nang dumilat.”

Sinunod niya naman ako at tila siyas namamangha nang makita niya ang itsura ko. “Messy hair, no thick eyeglasses and . . . you have the curves. Bakit mo itinatago?” tanong nito saka tumayo at naglakad palapit sa akin bago ako pinasadahan ng tingin.

“Hindi ko tinatago. Hindi ko lang gustong ipakita,” seryosong tugon ko sa kaniya.

“Hindi ba’t ganoon din iyon?” anito saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko. As in malapit na malapit.

“No, iba ang tinatago sa ayaw lang ipakita,” sagot ko nang hindi nauutal pero sa totoo lang gusto ko nang himatayin sa kaba. Hindi na ako sanay sa ganito, na . . . may lalaking ganito kalapit sa akin.

“Your eyes, may iba sa kanila,” usisa nito habang nakakunot ang noo.

“Walang iba r’yan. N–Normal na mata lang ’yan,” sagot ko rito habang pinipilit ko na patatagin ang loob ko.

“Hindi, may iba talaga sa kanila pati sa mga labi mo.”

“P–Paano bang iba?” utal kong wika dahil inilapit niya pa nang sobra ang mukha niya na halos nagbabanggaan na ang mga ilong namin.

“You’re stammering,” aniya saka ngumisi. “Iba sila, Avrein. Iba dahil tila hinahalina nila ako na halikan at sambahin kita,” aniya at iniumang na niya ang mga labi niya sa mga labi ko ngunit bigla na lamang niya akong kinabig saka niyakap at hindi hinalikan. “Alam ko sa sarili kong hindi kita gusto dahil kilala ko naman ang sarili ko. Isa pa, ilang buwan pa lamang naman kitang sekretarya, pero nagtataka talaga ako dahil sa dami ng babaeng nakasalamuha at nakakasalamuha ko . . . gusto kitang alagaan at irespeto,” dagdag nito at naramdaman kong bumuga ito ng hangin. “Kaya sana, huwag kang magkakagusto sa akin. Hindi kita gustong saktan, hindi . . . kahit kailan.”

Kumalas siya ng yakap sa akin at nagtuloy-tuloy sa paglabas ng kuwarto ko.

Ilang saglit pa ay bumaba na ako at naabutan ko siyang nakaupo lang sa sala ko at tila may malalim na iniisip kahit na nakasindi naman ang TV.

“Vience?” tawag ko rito ngunit hindi ako nito nilingon.

Lumapit ako rito at bahagya siyang tinapik sa balikat.

“Hmmmm?”

“Ang lalim ng iniisip mo. Gusto mo na bang mag-almusal?” tanong ko rito pero ramdam ko na medyo awkward ang atmospera sa pagitan namin.

“Anong oras na?”

“Alas syete pa lang naman.”

“Anong oras ka ba pumapasok?” tanong niyang muli sa akin.

“7:30.”

“Good. Dadaan muna tayo sa bahay. Doon na tayo kumain para makapagbihis na rin ako’t makaligo.”

“P–Po? Baka kung anong isipin—”

“Crush mo ko, ’no?” nakangising anito na siyang nakapagpagaan ng pakiramdam sa pagitan namin.

“P–Po!?” kunot-noong tanong ko.

“Tara na. Aalis na tayo,” aya nito saka ako nito hinatak pagawi sa pinto ng condo ko.

“Iyong tv po—”

“Television of,” wika niya at agad naman namatay ang tv ko. Paano nangyari yon? “May automatic mode ’yong TV mo. Minsan kasi try mong i-explo,” sagot nito na animo nabasa ang iniisip ko saka ako tuluyang hinila palabas.

Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan niya. Habang daan ay panay ang sulyap ko sa boss ko na parang sira sa kakangisi.

“May nakakatawa po ba, Sir?”

“You’re not wearing your eyeglasses, and . . . that made your more attractive,” seryosong wika nito na ikinalingon ko. “Iyan ’yong kanina ko pa ikinangingisi. Idagdag pa natin na nakalislis ’yang palda mo at kitang-kita ko ang mapuputing hita mo.”

“Bastos!” namumulang inayos ko ang pagkakalislis ng mahaba kong palda dahil sa kasurahan ng ugali niya.

NAKARATING kami sa bahay niya at may sumalubong sa amin na mga kasambahay.

“Magandang umaga po, Sir, Ma’am,” bati niyong may katandaan na kasamabahay.

“Nana Lena, puwede po bang maghanda po kayo ng almusal? Kakain po kami ni Avrein,” utos ni Vience rito. May itinatago palang galang ito?

“Sige po,” sagot naman ng matanda saka ito ngumiti sa akin nang matamis na talaga namang ikinataka ko.

“Let’s go,” aya nito saka na naman ako muling kinaladkad paakyat.

“Sandali po, Sir—”

“Wala akong gagawin sa ’yo,” makahulugang wika nito.

Nagpatianod na lang ako hanggang sa marating namin ang isang kwarto na kasing laki na yata ng condo ko.

“Maupo ka,” utos niya saka pa ako marahang inalalayan sa isang sofa.

Pambihira? Para namang may magagawa pa ako?

Napamulagat na naman ang mga mata ko nang maghubad siya sa harap ko. Itinira lamang niya ang boxer shorts niya!

“V–Vience!”

“I have a good built, right?”

Nasisiraan ka na ba!?

“A–Anong ginagawa mo?”

“Showing my body?”

“H–Hindi ko naman sinabing ipakita—”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinatak mula sa pagkakaupo ko sa sofa at iniupo niya ako sa gilid ng kama at doon ako naupo.

“Hindi mo alam kung ilang milyong babae ang nangangarap na sana ay sila ngayon ang nasa posisyon mo, Avrein,” seryosong wika nito.

“Sir, hindi ko naman po hiniling na mapunta ako sa sitwasyon na ito,” matigas kong turan saka ko siya binigyan ng blangkong tingin.

Nagulat ako nang tumawa ito nang walang humpay dahil sa naging reaksyon ko. “I’m just kidding here, Avrein. Sinabi ko na sa ’yong ginagalang kita at wala akong planong masama sa ’yo. Besides, you are my secretary at ikaw na lang yata ang kaisa-isang babae na pinagkakatiwalaan kong pakitaan ng katawan ko dahil alam kong hindi mo naman ako pipikutin.”

“Wala po akong balak, Sir,” sagot ko gamit ang malamig na tono.

Hindi ko naman talaga maikakaila na sobrag attractive ng boss ko. Simulan mo sa perpekto niyang ilong, bilugan na mga mata ngunit napakapungay, makakapal na kilay at magandang hugis na mga labi kahit na sinong babae ay mahuhumaling sa kaniya, pero . . . hindi nga lang siguro ako.

“Why do I feel that you are becoming more of a challenge to me, Avrein,” aniya mula sa kung saan saka biglang inilapit nang malapit na malapit ang mukha niya sa mukha ko na ikinakabog nang matindi ng dibdib ko.

“I–Inaakit n’yo po ako.” Iyan ang mga salitang kumawala sa mga labi ko na ikinangisi niya at ikinapula ko.

“What if oo? Magpapa-akit ka ba?”

“Sir—”

“DADDY! SI KUYA VIENCE PO KINAKAIN ANG FACE NG VISITOR NIYA!” anang isang tinig at biglang napatayo nang tuwid si Vience dahil sa narinig niya sa likod niya, samantalang ako naman ay hindi makagalaw dahil sa gulat at gulo.

“Vienna Keyla, sinong nagsabing pumasok ka sa kwarto ko?” galit na wika ni Vience sa batang nagngangalang Vienna Keyla, ngunit binelatan lamang siya nito.

“Isusumbong kita sa police, Kuya. Kinakain mo ’yong face ng visitor mong girl!” anang batang babae saka ito tumakbo paalis.

“What the actual fuck was that?” frustrated na anas nito saka pumasok sa isang pinto na sa palagay ko ay ang banyo, samantalang ako naman ay naiwan na tulala at gulantang sa nasaksihan.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Five

AVREIN

 "ATE 

na kinakain ni Kuya ’yong face, baba na po tayo doon sa kitchen. Let’s eat,“ aya sa akin niyong batang babae na kapapasok lamang muli rito sa kuwarto ni Vience.

Buhat nang pumasok siya sa banyo ay hindi pa rin siya lumalabas. Hindi ko alam kung bakit, o . . . baka nahihiya sa nasaksihan ng batang babae.

“Hello. What’s your name?” nakangiti kong sagot na hindi ko man lang inalintana ang sinabi niya.

Naupo ito sa tabi ko saka ako niyakap sa bewang na bahagyang ikinapiksi ko. “I’m Vienna Keyla Alisser­–Montealegre, and you po? What’s your name?” malambing na tugon nito.

“I’m Avrein Laiclei Freezell, you can call me Avrein.”

“Ang ganda naman po ng name n’yo.”

“Maganda rin naman ang name mo. Ilang taon ka na?”

“Ten po.”

“I see,” anas ko saka hinaplos ang mga braso niya na nakapalupot sa akin.

“Alam n’yo po, bagay na bagay po sa inyo iyong surname n’yo po,” mula sa kung saan na wika nito.

“Bakit naman?”

“Kasi po ’yong eyes n’yo, parang freeze lang sa isang emotion and I can’t figure out what kind of emotion po,” anito na bahagya kong ikinagulat. For a ten-year-old girl, she’s a good obsevant.

“Why did you say so?”

“You portray one kind of emotion, Ate Avrein, but it seems that . . . that emotion consists of many more emotions deep within it. Na-gets n’yo po ba ako?”

Ginulo ko an buhok niya na lalong ikinahigpit ng pagkakayakap niya sa akin. “Na-gets naman kita and I salute you kasi ang galing-galing mong magbasa ng mga mata ng mga tao.”

“That’s why I’m going to take BS Psychology when I reach college po,” anito nang nakangiti saka kumalas ng yakap sa akin.

Tumayo ito sa harap ko at hinawakan ang kamay ko para yakagin akong tumayo. “Come on, Ate Avrein, let’s go downstairs.” wika nito.

“Sandali si Kuya mo—”

“How sweet of my secretary,” anang tinig at sabay kamin napalingon ni Vienna roon.

“Sir—”

“So you were thinking that I haven’t had my breakfast,” nakangising wika nito habang palapit na naglakad papunta sa amin.

Nakatapis lang siya ng tuwalya at may bata kaming kasama. Pambihira talaga!

“Vienna?” pukaw ko sa atensyon n’ong bata at hindi ko pinansin ang sinabi ni Vience.

“Po?”

“Labas na muna tayo, ha? Magbibihis si Kuya mo,” nakangiti kong turan dito na ikinatango at ngiti naman nito pabalik sa akin.

“Avrein!” habol ng boss ko nang papalabas na kami ng pinto.

“Po, Sir?”

“Sinong nagsabing lumabas ka? I am your boss and you are supposed to obey my commands,” anito at napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Vienna, bumaba ka na,” baling na utos nito sa kapatid sa seryosong tono.

Agad na sumunod si Vienna at ako naman ang binalingan niya. Hinatak niya ako papalapit sa kaniya na kulang na lamang ay ikasubsob ko sa dibdib niya.

“Sir—”

“Don’t you dare do something against my will, Babe. I’m your boss . . . your only boss,” bulong nito sa punong tainga ko na nagbigay ng kilabot sa buo kong pagkatao.

Nakaramdam ako ng kaba nang maramdaman ko ang unti-unting paglakad niya habang magkalapit pa rin ang katawan namin. Napapahakbang tuloy ako patalikod. Pambihira!

Napaigtad ako nang lumapat ang alak-alakan ko sa paanan ng kama. “A–Ano pong ginagawa n’yo, Sir?”

“Wala naman,” sagot nito saka pa ito ngumisi nang magtama ang mga mata namin.

Napaupo ako ang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko talaga maialis ang paningin ko sa kaniya.

Nabigla ako nang itulak niya ang dalawang balikat ko na siyang ikinahiga ko sa kama niya.

Ano na naman po ito!?

“Sir—”

“You do make me mad, Avrein. Ang sabi ko igagalang kita pero bakit sa tuwing nasa paligid ka na ay parang ang hirap magpigil. Tell me, is this sex deprivation?” wika nito na ikinalaki ng mata ko.

“H–Hindi ko po alam,” utal na tugon ko na tila wala ako sa sarili. Alam ko ang gustong itakbo ng utak ko pero hindi ko makontrol ang lumalabas sa mga labi ko na simula bata pa lang ako ay ugali ko na. Kaya noon pa man ay tahimik na ako at hindi palasalita.

“O sadyang nakaka-attract ka lang kahit na manang ka?”

“A–Attract po?”

“Yeah,” tipid na sagot nito saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko at itinukod ang magkabilang kamay sa gilid ng ulo ko habang nakahiga ako sa kama.

“B–Bakit?”

“I don’t exactly know,” sagot niya at ngumisi na sadya naman talagang nakakapagbigay tindi lalo sa karisma na taglay niya.

Inilalapit niya ng muli ang mukha niya na ikinapikit na ng mga mata ko.

“VIENCE KENT MONTEALEGRE! IN OUR LIBRARY , NOW!”

Sabay kaming napakislot ni Vience nang may magsalita mula sa pintuan ng kuwarto.

“Damn!” bulong nito sabay inilaglag ang towel na nakapalupot sa bewang niya na siyang ikinanganga ko.

NAKA­­-SHORT SIYANG MAONG!

 NARITO

na kami ngayon sa hapag-kainan nila. Ang Daddy niya na sumita sa kaniya kanina, si Vienna, at may isa pang batang lalake na panay ang kindat sa akin at ngayon ay katabi ko sa upuan.

“Viennard Kayl, stop staring at her!” sita ni Vience roon sa batang lalake na ngayon ay naglalagay na ng pagkain sa plato.

“My woman, eat this okay? It’s deliciously made for you—”

“Viennard!” sita ni Mr. Montealegre—Daddy nila. Hindi ko kasi alam ang dapat kong itawag sa kaniya..

“Dad, I only meant that these foods look good like this woman beside me,” depensa nito saka ako binigyan ng nakakaayang ngiti. Bata pa lamang ito ay lutang na ang kaguwapuhang taglay.

“Ms. Freezell, don’t mind that boy,” ani Mr. Montealegre.

“Okay lang po,” nakangiting tipid na sagot ko.

“Really? So you’ll let me court you?” singit na naman ni Viennard.

“Stop it, Viennard! For Pete’s sake you’re only ten!” galit na anas ni Vience na talaga namang ikinataka ko.

“Who cares, Kuya?” masungit na bwelta kay Vience.

Sa palagay ko ay kambal sila ni Vienna base sa nakikita kong similarities nila pati sa age.

“Eat,” istrikto at seryosong wika ni Mr. Montealegre na siyang nakapagpatahimik sa lahat. “If ever you’re wondering, Ms. Freezell, panganay na anak ko si Vience at sumunod naman ang dalawang batang iyan na ipinanganak na kambal. About their mom? She died after giving birth to the twin,” kaswal na sabi nito na animo hindi na iniinda ang sinasabi ngunit kita sa mga mata niya kung gaano kasakit ang mga salitang binitiwan nito.

“Sorry for that, Mr. Montealegre.”

“Don’t be. We’re over it. It’s been ten years,” nakangiting wika nito sa akin.

Kumakain kami nang makaramdam ako na tila may kumikiskis sa binti ko at nang tapunan ko ng tingin si Vience ay kitang-kita ko kung paano ito ngumisi. Naiilang ako sa pang-aasar na ginagawa niya ngunit mas nailang pa ako nang tila may maliliit na paa na kumikiskis din sa binti ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Vience na masamang-masama ang tingin sa batang katabi ko.

Iniurong ko ang mga paa ko ngunit hinabol lamang nila itong pareho para kiskisin. Ramdam ko na rin ang sipaan ng mga paa nila dahil napapagitnaan nito ang mga paa ko.

Nagulat ako nang may humatak sa akin mula sa pagkakaupo ko.

“Daddy! Those two morons were bugging ate Avrein while she’s eating!” bulalas ni Vienna na siya palang humatak sa akin.

“We are your kuya’s!” sabay na sigaw ng dalawa kay Vienna.

“But you two were acting like you’re younger than me!” sigaw niya pabalik sa dalawa.

The whole time ay nakatingin lamang ako kay Mr. Montealegre na sa hindi ko malamang dahilan ay bahagyang nakangiti dahil sa nakikita.

Napahinto ang tatlo nang marinig nilang tumikhim ang Daddy nila.

“Finish your foods,” utos nito na mabilis na ikinatalima ng tatlo.

Natapos kaming kumain at kasalukuyan kong hinihintay si Vience dahil may kinuha ito sa kwarto niya. Wala akong nagawa nang sabihin niyang sasabay ako sa kaniya kahit na sinabi kong magta-taxi na lang ako.

Pinagmamasdan ko ngayon ang mga frame na nakasabit sa dingding nila at doon ko lang napagtanto na wala silang family picture. Iyon nga ay dahil namatay na si Mrs. Montealegre nang isilang ang kambal.

“Hello there, my woman. I’m going to school now, hindi mo man lamang ba ako bibigyan ng goodbye kiss?” Napakislot ako nang makarinig ako ng maliit na boses mula sa likod ko.

“Viennard—”

“Call me your man, my woman,” animo gentleman na wika nito na ikinangiti ko. “Don’t smile. Mas lalo akong nai-in love sa ’yo. Mukha kang anghel,” dagdag pa nito.

“Talagang mukhang siyang anghel, pero magmumukha siyang bruha sa harap mo ’pag natikman mo na ang kamao kong bata ka! Get out and you mght miss the school bus!” Napalingon kami nang marinig namin ang boses ni Vience na galing sa taas.

“Sus! Ikaw nga ang dami mong chicks!” pang-aasar ni Viennard saka kumaripas ng takbo palabas ng mansyon nila.

Pababa si Vience ng hagdanan ngunit masama ang tingin nito sa akin na lubos kong pinagtaka.

Tinitigan ko lamang siya ngunit iginawi niya sa iba ang paningin niya. Nang padaan na siya sa harap ko ay dinaan lamang ako nito at hindi pinansin. Anong ginawa ko?

“Sir, aalis na po ba tayo?” pukaw ko sa atensyon niya.

“Bakit? Ano pa bang gagawin natin dito?” masungit na sagot nito saka nagpatiuna na sa paglabas ng bahay.

Palakad na sana ako palabas nang may kumalabit sa akin. “Alam mo gusto kita, iha.” Nalingunan ko si Nana Lena na maluwang ang ngiti sa akin.

“Po?”

“Gusto kita. Ikaw lang ang katangi-tanging babae na dinala ng alaga ko rito at base sa ayos mo’t pananalita alam kong edukada ka at mapapatino mo siya, iha.”

“Pero hindi ko po siya—”

“MS. FREEZELL!” boses ni Vience mula sa labas na tiyak na pinalalabas na ako.

“Sige po, Nana Lena, mauna na po kami,” paalam ko rito nang hindi ko man lamang natapos ang nais kong sabihin.

“Mag-iingat kayo,” habol na anas nito.

Lumabas na ako at naabutan ko ang boss ko na nasa driver’s seat na kaya’t pumasok na ako sa back seat para makaalis na.

Nagtaka ako nang matagal na kaming nasa loob ng sasakyan ay hindi niya pa rin ito pinaaandar.

“Sir—”

“Hindi mo ’ko driver. Sit here beside me,” malamig na putol nito sa sinasabi ko.

Hindi na ako umimik pa at sinunod ko na lamang ang nais niya at baka mamaya ay sumpungin pa siya. Mahirap na.

Habang daan ay hindi ako umiimik dahil ramdam ko ang awkwardness sa loob ng sasakyan sa hindi ko malamang dahilan.

“He’s just ten years old. Don’t flirt with him,” basag nito sa katahimikan na ikinakunot ko ng noo.

“I’m not flirting with anyone here, Sir.”

“Really?” sarkastikong turan nito.

“Yes, Sir. Not even with you.”

Nakita kong naglapat ang mga labi nito saka pinakabilis ang pagmamaneho na animo’y inis na inis sa manibela.

Maluwalhati kaming nakarating ng opisina kahit pa kulang na lang ay paliparin niya ang sasakyan ngunit hindi pa rin niya ako kinikibo.

Nakarinig na naman ako ng samot-saring komento ukol sa pagbaba ko sa sasakyan ng boss ko.

“Gosh! Bumaba ’yong creepy na manang sa sasakyan ni Sir!”

“What the hell? Anong ginawa nila ng bruhang ’yan!”

“Bitch. Whore. Eww!”

Nasa tapat na ako ng elevator nang may humatak sa akin papasok na ikinasubsob ko sa dibdib nito. “Hindi mo ikasisira ang sasabihin nila at hindi nila ikayayaman iyon. Hindi mo dapat pansinin ang mga sinasabi nila dahil sila ang mga taong walang alam kung hindi manghusga ng taong alam nilang angat sa kanila.”

“V–Vience.”

“Ilang buwan na ba kitang sekretarya? Apat? Lima? Bakit ganoon, Ms. Freezell? Bakit pakiramdam ko parang pinaka-okay ka sa lahat ng babaeng nakilala ko? Kahit na 32b lang ang cap ng bra mo, kahit na small lang ang size ng panty mo, hindi ko alam kung bakit komportable ako sa ’yo.

“Sir—”

“No, let me finish. Alam mo ba, ilang gabi na akong asar na asar sa ’yo? Naiirita ako dahil pakiramdam ko ay napakawala kong ka-appeal-appeal na tao ’pag ikaw ang kaharap ko. Am I not attractive enough?”

“G–Guwapo po kayo, Sir, and that one is too obvious. Hindi lang po siguro kayo ang tipo ko kaya’t hindi n’yo maramdaman na gusto ko kayo,” tapat na sagot ko rito.

Inayos ko ang suot ko na nalukot nang hinatak niya ako.

“I see,” tila dismayadong wika nito at hindi na ako pinansin pa.

NAKAUWI na ako galing opisina at ang gusto ko lang gawin ngayon ay magpahinga. Saktong hinuhubad ko na ang sapatos ko nang mag-vibrate ang telepono ko.

From: Sir Vience

Pumunta ka ngayon dito sa bahay. May ipapagawa ako sa ’yo. No worries, I won’t fuck you.

Agad akong tumalima at sumunod sa utos niya. Sumakay na lamang ako ng taxi pagawi sa kanila.

Nakarating ako nang mansyon nila ngunit tila tahimik ang paligid. Nag-doorbell ako at pinagbuksan naman ako ni Nana Lena na nakangiti na naman nang malapad sa akin.

“Napakaganda mo talaga kahit na ganiyan ang ayos mo, iha,” puri nito. I’m wearing a jeans, long sleeves shirt, my flip flops and of course my eyeglasses. Nakapusod din ang buhok ko.

Nginitian ko na lamang ang matanda at tumuloy na sa loob. Naabutan kong nanood ng tv sa sala si Mr. Montealegre kaya’t nagbigay galang muna ako. “Magandang gabi po.”

“Narito ka pala, iha. May iniutos ba ang anak ko?”

“May iuutos pa lang po, Mr. Montealegre—”

“Sir Vic na lang, iha.”

Ngumiti naman ako rito at tumango. “May iuutos pa lang po siya, Sir Vic.”

Tumayo ito sa kinauupuan at nilapitan ako. “Alam mo, iha, parang gusto ko na tuwing umaga ay narito ka. Atleast nakikita kong nagiging magulo sila na matagal kong hindi nasilayan buhat nang mamatay si Francesca,” mula sa kung saan na wika nito. Sasagot na sana ako nang tumawa ito. “Haaay naku! Huwag mo na ngang pinapansin ang sinasabi ko. Naroon sa pool si Vience. Makitingnan na lamang,” nakangiting sabi nito saka bumalik na sa kinanuupuan kanina.

Mabigat ang dinadala niya. Dama ko iyon.

Lumakad ako at nadaanan ko ang isang glass sliding door na papunta sa pool area. Natanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang bulto ni Vience na nasa gitna ng pool at tila palutang-lutang.

Ini-slide ko ang glass door at pumasok. Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang glass door na tila nag-click dahil nag-lock.

Pinuntahan ko ang kinaroroonan ni Vience at tkinabahan ako nang makita kong tila patay siya na lumulutang sa gitna ng pool. Agad akong naalar!

Mabilis kong hinubad ang flip flops ko at d-um-ive sa pool. Agad kong nilangoy ang pagitan namin at hinatak siya palapit sa gilid ng pool. Hindi ako malakas gaya ng ibang pinsan ko kaya’t nagtataka ako kung bakit ganoon ko siya kadaling naiangat sa tubig patungo sa damuhan. Para bang siya mismo ay tinutulungan akong maiangat ang siya kahit na wala naman siyang malay.

Pinagpa-pump ko ang dibdib niya at nagbabaka sakali ako na mailabas niya ang mga tubig na nainom niya. Nagpa-panic na ako! Walang tigil ako sa pagpa-pump ngunit walang nagbabago kaya’t minabuti ko na lang gawin ang mouth to mouth resuscitation na isa sa mga naaral ko noon..

Walang ka-abog-abog kong inilapat ang labi ko sa mga labi niya at sinimulan ko siyang bigyan ng hangin. Ngunit nagulat ako nang bigla na lamang gumalaw ang mga labi niyang nakalapat sa mga labi ko at tila may kamay na gumapang sa likod ng ulo ko na pumipigil sa pagkalas ko sa mga labi niya.

Nang mas lumalim pa ang halik ay r’on ko napagtanto na hindi siya nalulunod! Hinahalikan niya lamang ako!

“S–Sir! Mmmmp! Bitaw—Mmmmp!” Pinipilit kong ilayo ang mga labi ko sa mga labi niya sa pamamagitan ng pagtulak ko sa dibdib niya gamit ang dalawa kong kamay ngunit sadyang mas malakas siya.

Biglang gumaan ang halik na para bang nakakahalina at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Natutukso na akong tugunin ang halik na ipinalalasap niya sa akin dahil ngayon ko lamang talagang naramdaman ang mga labi niya sa mga labi ko. Hindi gaya noong kasal ni ate Aiyell na inaalintana ko ang tingin at galit ni Daddy.

Pinalalim niya pa ang halik niya hanggang sa maramdaman ko ang pagkatok ng mumunti niyang dila sa mga labi ko. Baliw na nga siguro ako, dahil . . . ang halik na hindi ko gustong tugunin ay tinugon ko. Hinayaan ko pang makapasok ang mumuti niyang dila sa loob ng bibig ko. I’m insane! I’m definitely insane!

Tamang tinutugon ko na ang paraan ng paghalik niya kahit hindi ko naman alam kung tama ang ginagawa ko nang . . . bigla na lamang niya akong ilayo sa kaniya at saka niya ako nginisian.

“S–Sir, mali po iyon. M–Mali ko po—”

Pinutol niya ang sinasabi ko sa pamamagitan ng pagkintal ng halik sa mga labi ko na talaga namang ikinapula ko.

“I thought you don’t like me? You told me, I’m not your type. But . . . why have you responded to my kisses?”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

**

DITO MUNA, NAG-E-EDIT PA PO AKO. 

HAHAHAHAHAHAHA!

Mmmmm. Opo, alam ko agad n’yong naramdaman na binago ko nang bahagya ang takbo po ng utak ni Vience. Muah!

Six

AVREIN

 AWTOMATIKONG 

naitulak ko ang dibdib niya nang magproseso sa utak ko ang sinabi niya.

“U–Uuwi na po ako, Sir,” utal na wika ko rito nang hindi ko man lamang siya tinapunan ng tingin at tumayo mula sa pagkakaluhod ko.

Lumakad ako palapit sa glass door na dinaanan ko kanina. Akmang bubuksan ko na ito nang maramdaman ko ang isang kamay sa braso ko.

Sandaling nagtama ang mga mata namin bago siya nagsalita. “We’ll talk, Ms. Freezell.”

“N–No need, Sir. K–Kailangan ko na pong umuwi,” utal na pagtanggi ko saka ko binawi ang braso ko at humarap sa salamin.

“Fine, I’m sorry. I was too impulsive and full of myself,” anas nito na nakapagpakislot sa akin.

Hindi ko siya nilingon at binuksan ko ang pintuan ngunit sa kasamaang palad ay ayaw nitong bumukas.

“I said I’m sorry, Avrein,” turan na naman nito ngunit nanatili akong nagpupumilit buksan ang pintuan.

Pambihira pinto, bumukas ka!

“I’m sorry. This will be the last time that I will say those words for what I’ve done. Kung hindi mo matatanggap, mapipilitan akong paamuin ka sa paraang kinasanayan ko,” aniya at sa tono niya ay tila nagbabanta kaya’t napilitan akong humarap na siya namang pinagsisihan ko. Sobrang lapit pala ng mukha niya sa mukha ko kaya’t muntik nang magdikit ang mga labi namin.

“O–Okay na po iyon, Sir. U–Uuwi na po ako,” utal na tugon ko dito dahil hindi man lamang niya inilayo ang mukha niya sa mukha ko. Hindi rin naman ako makaurong dahil sliding door na ang nasa likod ko.

“You don’t want to talk to me?” usal nito sa mapang-akit na tono at ang paraan ng pagtitig niya sa mga mata ko ay talaga namang parang nakakalusaw.

“K–Kailangan ko na po kasing umuwi,” paalam ko saka ko inilihis ang mga mata ko sa mga mata niya. Nakakatakot dahil . . . pakiramdam ko ay bibigay ako sa mga matang iyon.

“What if . . . ayaw kitang pauwiin?” anito at itinukod ang magkabilang kamay sa gilid ko.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kung anong dapat maramdaman ko, o . . . kung anong dapat isipin ko.

“W–Why are you doing this, S–Sir?” tanong ko nang hindi man lamang tumitingin sa mga mata niya.

“Hindi ko rin alam, Avrein.”

“Pero—”

“Hindi ko alam bakit naiinis ako sa tuwing mararamdaman ko na wala akong dating sa ’yo. Hindi ko alam kung bakit parang nasisiraan ako sa tuwing may nakikita kang mas dapat bigyan ng atensyon kaysa sa akin. Hindi ko alam, Avrein. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito. Siguro nga, bago sa akin na may isang babae na hindi tinatablan ng karisma ko.”

Pinilit kung gawing blangko ang ekspresyon ko saka ako tumingin sa mga mata niya. “Nasanay po kasi kayong laging nasa inyo ang atensyon ng kahit sinong babae, kaya’t nasasaktan ka o naiirita sa tuwing mararamdaman mo na mayroon isa na hindi ikaw ang tipo.” Nakita kong nagdilim ang anyo niya sa sinabi ko. “Hindi po ako nagpunta rito para gawin n’yo iyon, Sir. Kung may problema po kayo sa akin ay maaari n’yo naman po akong tanggalin sa kumpanya, hindi n’yo na po ako kailangang bastusin o halikan para lang mapatunayan n’yo pong lahat ng babae ay magkakandarapa sa inyo. Sinasabi n’yo pong hindi n’yo ’ko babastusin pero iba pa rin po ang ginagawa n’yo sa sinasabi nyo,” diretso kong anas at nakita ko ang mas lalong naging pagdilim ng mukha niya.

Muli akong humarap sa sliding door at narinig ko ang pagbuntonghininga niya.

“Nana Lena, open the door.” wika nito na hindi ko na ipinagtaka. Alam ko na kanina pa ay may sadyang nag-lock ng pintuan.

Binuksan ito ng matanda at lumabas na ako, ngunit bago ko pa man ito isara ay humarap ako sa kaniya at nakita ko siyang nakayuko. “Hindi n’yo na po kailangang patunayan sa sarili n’yo na guwapo o ma-appeal kayo. Given na nga po iyon, Sir. Ang kailangan n’yo na lang pong patunayan ay kung kaya n’yo po bang rumespeto ng ibang babae bukod sa akin. Kung inirespeto n’yo nga po talaga ako,” muling wika ko at sinadya kong pasarkastikuhin ang tono ko sa mga huling salitang sinabi ko.

Tuluyan na akong lumabas at tumungo sa gate. Akmang bubuksan ko na ang gate nang may humigit muli sa braso ko.

“Sorry,” wika nito ngunit hindi ko siya nilingon.

“Uuwi na po ako,” kaswal na tugon ko rito at hinigit ko pabalik ang braso ko.

“It won’t happen again, but I can’t . . . promise.”

“Sanay na po ako, Sir. Unti-unti na nga po akong nai-immune,” sagot ko at tuluyan na akong lumabas.

Naguguluhan ako sa kaniya.

 KANINA

pa ako palinga-linga at nang tiyak kong walang nakakakilala sa akin ay agad kong inalis ang shoal ko saka tinungo ang dance floor.

Bawat indayog ng katawan ko ay isinasabay ko sa tugtog. Ito lamang ang paraan ko para mawala ang kung ano mang nararamdaman ko—ang maging isang ako. Iyong Avrein na tanging ako lang at si Fria ang nakakakilala. This was the Avrein of California.

Naramdaman ko na lang na may humapit sa bewang ko ngunit hindi ko ito ininda. Sanay ako sa ganito lalo na’t gamit ko ang isang katauhan ko.

“Hello, Baby.” My body stiffened as I heard that voice. “Wanna play some game with me?”

Of all people bakit ikaw pa?

Hindi ako sumagot, sa halip ay itinuloy ko ang pagsayaw para kahit paano ay mawala ang kabang nararamdaman ko.

Biglang naging slowrock ang kanta kaya’t mabilis kong inalis ang pagkakahapit ng pamilyar na tao sa bewang ko. Hindi na kakayanin ng pintig ng puso ko kung bigla niya akong aayain na magsayaw.

Agad akong naglakad patungo sa table ko kanina at mabilis kong tinungga ang order kong margarita.

“Hey!”

Pambihira!

Huwag naman po ngayon. Nagpunta po ako rito para mag-unwind sa nangyari kanina, tapos . . . ikaw rin ang madadatnan ko rito.

Hindi ko malaman kung tatakbo ba ako o haharapin ko siya nang nakangiti dahil imposibleng makilala niya ako sa ayos ko ngayon. I’m wearing a fitted dress—four inches above the knee that reveals the back part of my body and a four inches pair of black wedge.

Sa huli, ang huli ang pinili ko. “Hmmm, yes? Do I know you?” nakangiting wika ko rito, ngunit sa likod ng ngiti ko ay naroon ang kaba . . . kaba na baka bigla niya akong makilala.

“Well, I think I don’t. Ngayon ko lang nakita ang ganiyan kaganda at ka-anghel na mukha sa tanang buhay ko,” anas nito at ginamitan ako ng tila nang-aakit na tingin.

“Oh I see,” maarteng sagot ko saka ako naupo sa upuan ng kinuha kong table.

“Are you with someone?” patuloy na pangungulit nito na mas lalong ikinakakaba ko. Gusto kong umalis na lang siya at iwan ako.

“Ah—”

“It doesn’t matter. Wala naman akong gagawin sa iyo. Ang gusto ko lang naman ay makiupo sa table mo. Can I?”

Pambihira!

“Sure.” Iyon na lang ang sinabi ko dahil ayaw kong isipin niya na itinataboy ko siya kaht na iyon naman ang totoo.

Naupo siya sa isang upuan at bahagya niyang inusog ito palapit sa kinauupuan ko.

“Don’t you think you’re too fast?” tanong ko rito dahil naramdaman ko ang pag-akbay niya at ang mataman na pagtingin niya sa mukha ko.

“You know what? You remind me of someone.” Tila binangga ako ng pison sa narinig kong ibinulong niya sa punong tainga ko. Nakilala ba niya ako? “You’re also conservative like her,” dagdag pa niya na lalong ikinabigat ng paghinga ko.

“I’m not conservative. I just don’t do flirting this fast,” anas ko at pilit kong pinakakaswal ang boses ko where in fact, sobrang kinakabahan na ako lalo na’t dama ko ang palad niya sa balikat ko na naka-expose.

“Really?”

“Don’t believe me. It’s your choice.”

“Oh come on, Baby? Am I not your type? Every girl here drools for me. Look around you, Baby, they envy you. Every girl here wants to rip your head but they won’t do that as long as you’re with me,” malaki ang tiwala sa sarili na sagot nito.

“I’m not one of them, I’m sorry. You may be handsome but sad to say, I will never drool for you . . . not even once,” matigas na saad ko ngunit ang totoo ay bawat salitang binibitiwan ko ay tila may bumabara sa lalamunan ko.

“You do really remind me of her. Halos ganiyan din ang sinabi niya sa akin kanina. Two hits in one row. Sa loob ng isang araw, may dalawang babae ang nagsabi sa akin na hindi nila ako tipo. Funny to think na halos lahat ng kababaihan ay gugustuhin na sila ang kinukulit ko ngayon,” sarkastikong turan nito saka ngumisi. Ramdam ko rin ang pagdidilim ng aura niya.

“Sino ba siya? Maybe we’re on the same boat. Ayaw namin sa mga lalaking mahangin,” kaswal ko na namang turan. Pinipilit kong hindi mautal. Pinipilit kong hindi ako kabakasan ng kahit anong tono ng pagkatao ni Avrein.

“She’s my secretary. Sa totoo nga niyan ay may pagkakahawig kayo base sa itsura n’yo but I doubt kung mapagsusuot siya nang ganito.” Bigla kong naramdaman ang paglandas ng mga kamay niya sa expose na likod ko.

“Why?”

“I told you earlier, she’s too conservative.”

– 

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Seven

AVREIN

IBA ang kaba ko ngayon. Ang hirap naman kasi na ang topic namin ay ang isang ako—na nagsalita ng hindi magaganda kanina sa kaniya.

“It seems that you know her really well the way you introduce her, huh?”

“Not really. Minsan kasi ang dali niyang basahin, minsan naman ay ng hirap.”

“I see,” kunwaring interesadong wika ko saka ako tumango-tango.

Naramdaman ko ang pag-akyat ng kamay niya mula sa likod ko patungo sa batok ko na nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon.

“By the way, I’m Kent Montealegre,” pakilala nito sa akin.

He used his second name. No wonder na kapag hinahap siya sa akin ng mga babae niya sa opisina ay Kent ang pangalan na hinahanap ng mga ito imbes na Vience.

Inilahad niya ang kamay niya na inabot ko naman. “I’m Nierva Clei Agaña.” Inilapit niya ang likod ng palad ko sa mga labi niya saka hinagkan. Muntik na akong mapapiksi ngunit pinigilan ko. I need to act like a flirt who’s used to this kind of treatment.

“Nice name.”

“Thanks,” anas ko saka ko binawi ang mga kamay ko na nakita kong ikinangisi niya.

“How long have you been going here?” usisa niya.

“Recently lang,” tugon ko.

“Oh. Can I ask you for a dance?”

Ngumiti muna ako bago umiling sa kanya. “No, Mr. Kent Montealegre.” Kita ko ang gulat sa mukha niya sa ginawa kong pagtanggi.

“But—I mean why?”

“I need to go,” anas ko saka ako tumayo at iniwan siyang tigalgal.

Lumakad ako palabas ng bar ngunit hinarang ako ng mga bouncer. “Ma’am, hindi pa po kayo maaaring umalis.”

Binigyan ko lang ng blangkong ekspresyon ang matipunong bouncer na nagsalita. “No one has the right to tell me what to do. Back off.”

“Pero, Ma’am, makakagalitan po kami kapag pinaalis namin kayo,” anito at tila naman ako nakaramdam ng awa doon sa isang bouncer na nagsalita kaya’t hindi na lamang ako tuminag sa kinatatayuan ko.

“Ang bilis mong maglakad,” boses mula sa likod ko and I’m very much sure na siya iyon.

“Ano pa bang kailangan mo sa akin, Mr. Montealegre?” taas-kilay na tanong ko.

“Dahil tinanggihan mo ang pag-aya ko sa ’yong sumayaw, kailangan mong pumayag sa date na hihingin ko ngayon. Tomorrow at Ox Grill, 8 pm. Don’t dare not to come,. I’ll search for you no matter what,” anito saka ako biglang kinindatan at tinalikuran.

I forgot. He’s Vience Kent Montealegre. The BOSSY!

MAAGA akong pumasok ngayon. Halos ako pa nga lamang yata ang tao ngayon sa opisina.

Hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa sinabi niya sa akin. Paano kung meron akong kailangan gawin mamaya ng alas otso? Haaay. Ang hirap.

Tumuloy ako ng opisina ko at doon ako tumanga at nagpatay ng oras. Mag-aalas otso na ng umaga nang magka-ingay na sa labas hudyat na dumating na ang ibang employee.

“AVY!” Napalingon ako sa pintuan ko kung saan ko narinig ang sigaw.

“Mouth!” sita ko rito.

“May kasalanan ka sa akin, Avy!” ani Fria saka ito ngumuso at naglakad palapit sa akin.

“Ano?”

Naupo muna ito sa harap ko bago nagsalita. “YOU WENT TO A BAR LAST NIGHT WITHOUT ME!” Fria emphasized every word.

“Fria, your mouth!”

“Who went to a bar last night?” Nanlamig ako nang marinig ko ang boses na iyon.

“Sir!” magkapanabay na wika namin ni Fria.

“I’m asking, who went to a bar last night?” kunot-noong tanong nito.

Tinapunan ko nang matalim na tingin si Fria na parang sinasabi kong magsabi siya ng ibang pangalan.

“Iyong friend ko po, Sir,” nakangiting wika niya kay Sir Vience. She’s really good at lying.

“Okay,” tipid na sagot nito saka tumango ang boss namin at akmang lalabas na ngunit biglang huminto. “Ms. Freezell, pumunta ka nga pala mamayang alas dos ng hapon sa opisina ko,” anito nang hindi man lamang ako nilingon at tuluyan ng lumabas.

“LQ ba kayo ni Sir, Avy?” Napatingin ako kay Fria na ngayon ay may mapanuksong ngiti.

“We’re not lovers.”

“Kapag ba sinabing LQ, lovers quarrel agad? Hindi ba puwedeng Lintik na Quarrel muna?” nang-aasar na wika nito.

“Ewan ko sa ’yo. Bumalik ka na sa cubicle mo!” pambubugaw ko rito.

“Not unless you’ll tell me why did you go to that bar last night without me,” nakataas ang kilay na wika nito.

“Fine!” sagot ko saka ako bumuntonghininga. “Na-stress ako noong hapon kaya’t nag-unwind ako sa bar na iyon nang hindi ako nagsasabi sa iyo.”

“Bakit ka naman na-stress, aber?” nang-uusig na sabi nito.

“Nagtalo kami ni Sir Vience tungkol sa hindi ko pagkakagusto sa kaniya,” diretsong sagot ko rito.

“WHAT—”

“Mouth!”

“I mean, sinasabi mo bang gusto ni Sir na magka usto ka sa kaniya?”

“Hindi ko alam, Fria. Basta ang alam ko lang ay parang hindi siya makapaniwala na hindi ko siya gusto,” sagot ko rito.

“Kasi naman sa yummy ni Sir na ’yon, bakit hindi mo siya type? Ako nga type na type ko, e!” aniya saka pa umirit na animo kinikilig.

“Ewan ko sa ’yo. Alis na.”

Nagpaalam lang si Fria saka na ako nito iniwan mag isa.

SAKTONG alas dos na nang tinungo ko ang opisina ng boss ko.

Gaya ng dati ay hindi ako kumatok at tuloy-tuloy na pumasok. Lubha akong nagtaka sa nadatnan ko dahil hindi gaya ng dati ay nakatingin lang siya ngayon sa kawalan at tila may malalim na iniisip. Ni hindi niya man lang nga yata namalayan ang pag pasok ko.

“Sir,” pukaw ko sa atensyon nito.

“Ms. Freezell, have a sit.” Parang gusto kong magpadasal dahil ngayon lang siya naging ganito ka gentleman sa akin.

Naupo naman ako gaya nang utos niya. “Ano pong kailangan n’yo?”

Sa halip na tingnan ako ay itinuon niya ang kaniyang paningin sa kisame. “I’m really sorry for what I did yesterday. I must really be so bored in my life for doing that to you.”

“Huwag n’yo na pong intindihin iyon,” sagot ko na ikinalingon niya.

“Really?” Tila nagliwanag ang mukha nito kaya’t tumango ako. “Then, can you do something for me now without hesitation?” Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. “Don’t worry, I won’t ask you to strip in front of me so I could fuck you.”

“Sige po.”

“But before that ,gusto kong malaman mo na sincere ako sa paghingi ng sorry. Sorry rin kung nabastos kita. Siguro nang oras na ’yon ay wala lang akong mapagbalingan ng atensyon ko kaya’t ikaw ang napagbalingan ko. I’m really sorry, Avrein. I’m apologizing here as a friend and not your boss.”

“No harm done, Sir. Huwag na lang po sanang mauulit,” nakangiting tugon ko rito na ikinatango nito. “Ano nga po pala ang magagawa ko para sa inyo?”

“Can you prepare a date for me at Ox Grill. I want it to be a smooth and romantic date.” Bigla akong binundol ng kaba sa narinig kong sinabi niya.

“For what, Sir?” pinigilan kong hindi mautal para hindi siya makahalata na sobrang kabang-kaba na ’ko.

“For the woman I met last night. She’s different among other women. She’s totally different.”

“You love her?”

“No, I just like her. I like her because she has something different that I couldn’t figure out and I also like her because she acts like you. Don’t get me wrong, Ms. Freezell, I like you as a friend whom I gave my trust and that lady, I like her as a woman.”

“I get it Sir. Sisimulan ko na po ba ang pagpe-prepare ngayon?” tanong ko na gaya kanina ay nilulunok ko ang bara sa lalamunan ko upang mapigilan ko ang pagkautal.

“One more thing, you know how to play violin, right? Puwede bang tumugtog ka mamaya habang kasama ko siya?” I mentally shook my head for what I heard.

Pambihira! Paano ko namang gagawin iyon?

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Eight

AVREIN

KANINA pa ako hindi mapakali sa kinatatayuan ko rito sa likurang bahagi Ox Grill.

Luminga ako sa paligid at minasdan ko ang mga disenyo na ginawa ko para sa date na ito. My dream date. May malaking chandelier na nakasabit, may mga nakalaglag na mga vein sa paligid, may mga manmade mini waterfall, at may samot-saring tulips sa paligid.

Nakakatawang isipin na ang mismong dream date ko ang inayos ko para sa date nila ng isa ko pang katauhan.

“Miss. . . .”

Dream date ko, pero hindi naman ako ang ide-date.

“Miss Avrein?”

Dream date ko, pero hindi naman para sa akin.

Lihim akong napangiti nang mapait.

“Miss!” Napakislot ako nang biglang may bumulyaw sa tainga ko.

“Mr. Franco?” gulat na tugon ko rito.

Ngumiti naman ito sa akin bago muling nagsalita. “James na lang,” anito nang nakangiti. “Parang ang lalim yata ng iniisip mo?”

Itinuon kong muli ang pansin ko sa mga disenyo saka umiling at bahagyang ngumiti. “Natutuwa lang ako na maganda ang kinalabasan ng mga naisip kong disenyo,” sagot ko sa kaniya.

“Maganda naman talaga,” muli niyang turan.

He’s James Franco-the owner of Ox Grill and he’s my former classmate in college. Siya rin ang kalaban ko sa pagiging Suma Cum Laude dahil hindi rin naman biro ang utak niya. One more thing, he courted me way back then.

“Thanks. I will accept that as a compliment,” sagot ko rito.

Bigla siyang naglakad palapit sa akin saka ginulo nang marahan ang buhok ko. “There!” nakangiting bungad nito nang limingon ako. “Kailangan lang palang guluhin ang buhok mo para tingnan mo ’ko.”

Inayos ko ang salamin ko na nagulo bago ko siya tiningnan muli. “Sige, James, tingnan ko muna ang mga pagkain kung ayos na,” pag-iwas na paalam ko rito na ikinagiti na lamang niya.

Inarkila ni Vience ang buong lugar para lamang sa date na ito.

Naabutan ko ang pamilyar na bulto ng katawan na nakatayo sa tabi ng isa sa mga chef kaya’t hindi ko napigilan ang kabahan.

“Sir?” tawag ko rito na ikinalingon nito.

“Nice job, Ms. Freezell,” nakangiting tugon nito sa akin saka pa ako tipid na nginitian.

“Salamat po,” sagot ko at humakbang ako palapit sa kinaroonan niya.

Ngumiti lamang siya sa akin at sabay naming pinanood ang mga chef na nagluluto. Prente kaming nakatayo sa isang gilid at nagmamasid nang . . . makaramdam ako ng kaba sa nakita ko.

The chef poured a small amount of chilli powder on a certain dish which really creeped the hell in me. Allergic ako roon! Mabilis lamang mamamaga ang mga pisngi ko at mamumula agad ang mga mata ko.

Napa-angat ang katawan ko mula sa pagkakasandal sa pader na ikinatingin ni Vience sa akin. “What’s wrong?” tanong niya at hindi ko alam ang isasagot ko kaya’t umiling na lamang ako. “Don’t fool me, Ms. Freezell, alam kong ilang buwan pa lang kitang sekretarya ngunit masasabi ko na ng alam ko kung kailan may gumugulo sa ’yo dahil visible iyon sa mga mata mo,” dagdag pa nito saka humarap sa akin at hinipo ang noo ko na ikinapiksi ko.

“Sir-”

“Wala ka namang lagnat pero namumutla ka,” mahina niyang bulong.

“O-Okay lang po ako.”

“No, you’re not. Let me take you to the nearest hospital-”

“Hindi na po,” maagap na tutol ko rito.

Hindi ko alam kung anong dahilan, ngunit . . . magaan sa pakiramdam ang dampi ng palad niya sa noo ko na ikinatataka ko dahil hanggang ngayon ay nakalapat iyon.

“Your sweat is cold,” aniya saka bumaba ang dampi ng kamay niya patungo sa pisngi ko kung saan naglalandas ang pawis ko.

“O-Okay lang po talaga ako.”

“Are you sure?” nag-aalalang tanong niya na sadyang ikinataka ko. He’s not the caring type of man. Bastos at makasarili siya-iyan lang talaga ang pagkakakilala ko sa kaniya.

Tumango ako ngunit tila nahilo ako nang mukhang sumama sa hangin ang chilli powder na ibinudbod sa pagkain.

Alam kong ano mang oras ay tutumba na ako ngunit naramdaman ko ang mga kamay na yumapos sa katawan ko. “You’re so freaking hardheaded, woman! Sinabi nang hindi ka okay pinagpipilitan mo pa!”

“Sir. . . .” Kahit na hilo ako ay ramdam ko ang higpit ng pagkakayapos niya sa akin na sadya namang ikinabundol ng kaba sa dibdib ko.

Ano bang dapat kong iakto?

Pawala na ang malay tao ko nang maramdaman ko ang pag-angat ko sa ere. “Bakit ba kasi kayong mga babae ang hilig ninyonh mag-pretend na okay lang kahit hindi naman talaga,” dinig kong bulong niya bago ako tuluyang panawan ng ulirat.

NAGISING ako na may humahaplos sa pisngi ko na hindi pamilyar na palad. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at naupo.

“James?” patanong na tawag ko sa taong humahaplos ng pisngi ko.

“Disappointed?” nakangiting tugon nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.

“Ha?”

“Na hindi si Mr. Montealegre ang narito ngayon,” tila may bahid hinanakit na anas nito ngunit nakangiti pa rin.

“Hindi naman. Nasaan nga pala ako?” tanong ko saka ako bumaba ng kama.

“Dito sa office ko. Dito ka dinala kanina ni Mr. Montealegre,” paliwanag niya sa akin. “Saan ang punta mo?” tanong niya nang hanapin ko ang sapatos ko.

“I need to go. Kailangan kong asikasuhin ang date ni Sir Vience.” Iyan ang kusang lumabas sa mga labi ko kahit hindi naman iyan ang iniisip ko-o baka iyan talaga ang nasa likod ng utak ko.

“Kung ibabase ko sa oras, palagay ko ay wala ka naman nang maitutulong doon.”

Nangunot lalo ang noo ko sa itinugon nito. “What do you mean?” tanong ko.

“Avrein, it’s already 11:30 in the evening. Baka sa mga oras na ito ay tapos na ang date nila Mr. Montealegre.” Ramdam ko ang pagmulagat ng mga mata ko sa narinig ko.

Oh my god!

“I really need to go,” natatarantang turan ko saka ako mabilis na lumabas ng pinto. Dinig ko pa ang pagpigil sa akin ni James pero hindi ko na iyon ininda at tuloy-tuloy nang naglakad palabas.

Naabutan ko si Sir Vience na nakaupo sa table na inayos ko para sa date namin-nila ni Clei, habang tila hindi maganda ang awra niya at may hawak na bote ng tequila.

“Are you okay, Sir?” tanong ko rito nang makalapit ako.

Mataman lamang niya akong tinitigan bago siya nagasalita. “Ikaw? Ayos ka na ba?” balik-tanong nito sa akin saka muling tumungga ng iniinom at tumingin muli nang diretso sa mga mata ko.

“O-Okay na po. S-Salamat po pala,” utal na tugon ko na naman dito.

Hindi ko talaga makayanan ang magsalita nang tuwid kapag naka-focus ang atensyon ko sa klase ng tingin na ibinibigay niya. Mabuti pa na galit o naiinis ako sa kaniya, kahit na gaano pa kahali-halina ang gamitin niyang tingin ay nakakaya kong salubungin.

“Really?”

Was that a sarcastic tone?

“Opo.”

Nagulat ako maging ang mga crew na nasa paligid naming na nag-aalis ng mga disenyo na ikinabit namin kanina nang . . . bigla siyang tumayo at ibinagsak ang silyang kinauupuan niya.

“Ano bang mali sa akin? Sabihin mo nga?” bulalas niya saka inihagis ang bote na hawak niya na naging sanhi ng pagkabasag nito.

“Sir. . . .” tinangka kong hawakan ang braso niya upang pigilan siya sa pagwawala ngunit mabilis lamang niyang naiwasiwas ang kamay ko.

“Iniwan ako’t niloko noon, ngayon naman, miminsan lang akong makakursunada ng babae, tangina ayaw pa sa ’kin!” anito saka sinipa ang mga silya na nakatayo sa paligid.

Lasing na siya. Sa maiksing pagsasama namin, alam ko na kung kailan siya may tama ng alak at kung kailan wala.

“Sir Vience!” Hindi ko napigilan ang pagsigaw ko nang buhatin niya ang isang upuan at akmang ibabato ito roon sa mga pekeng waterfalls na ipinalagay ko.

“What the hell is your problem?” galit na wika niya saka ibinaba ang silya na hawak niya at naglakad palapit sa akin. Ramdam ko ang hindi magandang awra na nakapalibot sa kaniya.

Hindi ko siya masisisi, ikaw ba naman ang hindi siputin sa isang date na lubos mong pinaghandaan.

Imbes na sumagot ako sa kaniya ay ipininid ko ang mga labi ko at tinitigan lamang siya sa mga mata na mukhang lalong ikinapikon niya. “Ang hirap n’yong intindihing mga babae. Tangina!” bulalas niya saka sinipa ang silya sa harap nya.

“Mas mahirap po kayong intindihin na mga lalaki,” bulong ko ngunit tila narinig niya dahil bigla siyang napalingon sa akin.

“Bakit napunta na naman sa amin?” kunot-noong himutok niya na muntik ko nang ikatawa. Ang bilis ng pacing na mood niya.

“Wala po, Sir. Umuwi na po tayo. Magme-message naman po siguro sa inyo ’yong babaeng dapat at ka-date n’yo-” pang-aalo ko sana sa kaniya ngunit hindi ko natuloy dahil bigla na lamang niya akong kinabig at niyakap nang mahigpit.

“Don’t ever fall for me, Avrein. I want us to stay this close. I’m comfortable with you.”

Wala rin po akong plano mahulog sa inyo, Sir. Hindi ako handang masaktan at mapaglaruan.

“ANO!” hindi makapaniwalang sigaw sa ’kin ni Fria. Nasa bar kami ngayon gaya nang napagkasunduan naming noong minsan. I’m not the manang Avrein.

“Paano ko ba namang gagawin na maging dalawang tao sa iisang oras? Kaya’t nagpasalamat na rin ako’t hinimatay ako sa amoy ng chilli powder.”

“Gaga ka! Alam mo namang puwede mong ikamatay ang chilli powder! Mabalik ako, you mean hindi mo sinipot si Sir Vience as Clei kagabi dahil si Avrein ka the whole night?” tanong niya sa akin na ikinatango ko.

“Oo.”

“Ay ewan ko sa ’yo, girl!” singhal niya saka pa ito ngumuso sa akin.

“Bakit?”

“You’re missing an opportunity.”

“What opportunity?” tanong kong muli sa kaniya kasabay ng pangungunot ng noo ko.

“Opportunity na mahalin ng isang Vience Kent Montealegre,” sagot nito.

“Hindi opportunity iyon, Fria, at wala akong balak na mapamahal siya sa akin or vice versa. Mahal ko ang trabaho ko. I don’t want to ruin everything I have. Love ruins everything at ilang beses mo nang napatunayan ’yan. Hindi lang iilang beses kang bumagsak sa kung anu-anong subject dahil lang nagmahal ka,” buwelta ko sa kaniya saka ko inisang lagok ang margarita na nasa harap ko.

“Pero, Avy, you never had any boyfriend before, paano mong nasasabi na love ruins everything? Iyong mga naibagsak kong subject noon, hindi ba’t naipasa ko rin naman kalaunan? Pero ’yong pagiging masaya n’ong mga panahon na ’yon, mababawi ko ba ngayon ’yon kung hindi ko naranasan noon? Hindi. Gaya ng sa iyo, chance mo nang maging masaya noon dahil gusto mo rin naman si James pero pinili mo ang pag-aaral. Hindi man ako masaya ngayon atleast masasabi kong naging masaya ako noon. Ikaw? Hindi ka na nga naging masaya noon, hindi ka pa rin nagiging masaya hanggang ngayon,” mahabang turan nito na talaga namang tumagos sa akin.

She only spoke the whole. Hindi ko napigilan mmapatulala sa mga sinabi niya sa akin.

“Napapaisip ka? Kasi tama ako?” pukaw ni Fria sa diwa ko na nagsisimula nang maglakbay.

“I saw him.” I suddenly said out of the nowhere.

“W-W ho?” Sa pagakautal ni Fria, alam ko nang magugulat siya sa sasabihin ko.

“James . . . James Franco,” sagot ko bago lumagok muli ng margarita.

“WHAT THE HECK!?”

“Siya ang may ari ng Ox Grill.”

“Jusko! Tadhana na ang naglalapit sa inyo!” tila excited na wika niya ka pa niya ipinaypa- paypay ang mga daliri niya sa mukha niya.

“Fria. . . .” seryosong wika ko na ikinatingin niya sa akin.

“I know that look, Avy. Alam na alam ko ’yan,” anito na ikinailing ko.

“I don’t know why, but-”

“Hindi mo na nararamdaman ang naramdaman mo para sa kaniya dati dahil may iba ka nang napagbabalingan. That’s the simpliest explanation for that, Avy. You like someone else.”

“Hindi, Fria. H-Hindi dapat at hindi puwede.”

“Says who?” taas-kilay na wika niya.

Akmang sasagot na sana ako nang makita ko ang panlalaki ng mga mata ni Fria habang nakatingin sa likod ko.

“Why-”

“Hi!”

Vience. . . .

Nagtama ang mga mata naming a hindi ko magawang iiwas ang sa akin.

“Hello, Sir Vience,” bati ni Fria rito na wala man lang kakaba-kaba.

“Hi, Fria, kaibigan mo pala itong si Clei?” tanong niya kay Fria ngunit hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa mga mata ko.

“Opo, Sir. Ang ganda niya, ’no?”

Gusto kong tumakbo paalis dahil sa ginagawa ng kaibigan ko. Halatang gusto niya ’kong pakabahin sa inaasta niya.

“No, she’s not beautiful . . . she’s a goddess or even beyond that,” aniya habang patuloy pa rinn na nakatitig sa akin. “By the way, kung kaibigan mo si Clei, it means . . . kaibigan din siya ni Avrein?” usig nito at tumingin na sa wakas kay Fria.

“Ah hindi po, Sir. Hindi naman po kasi gala iyong si Avrein, hindi rin po iyon friendly unlike Clei,” sagot ni Fria na bumawas sa kabang nararamdaman ko.

“I see,” tanging isinagot nito at naglakad palapit sa gawi ko.

Pumailanlang ang slow rock na tugtugin at bigla siyang humarap sa akin na bahagyang ikinapiksi ko.

“Let’s dance,” aya niy saka ako hinatak nang hindi man lamang ako hinintay na sumagot. Hanggang dito napaka-bossy niya pa rin. Nalingunan ko naman si Fria na maluwag ang pagkakangiti sa akin.

Mabilis niya lang ikinawit ang mga kamay ko sa leeg niya at ipinalupot niya ang mga braso niya sa baywang ko na animo ayaw na akong pakawalan.

“Hindi mo ako sinipot kagabi,” saad nito na ikinataranta ng puso ko. Anong isasagot ko?

“Papunta na dapat ako nang biglang magka-emergency sa bahay naming,” palusot ko.

“Why didn’t you tell me? Naghintay ako, Clei,” aniya at ramdam ko ang hinanakit sa tono niya, ngunit gaya nang kagabi ay tila may iba rito.

“I didn’t tell you to wait for me, Kent. I didn’t give you any assurance na darating ako,” sagot ko sa kaniya na ikinatawa niya nang payak.

“Hindi ka nga pala gaya ng ibang mga babae,” bulong niya na rinig ko dahil malapit na malapit lang ang mga labi niya sa punong tainga ko.

“Kent. . . .”

“You’re shaking,” aniya saka niya ako marahang inilayo sa kaniya.

Tiningnan ko lang siya sa mga mata gaya ng tingin na pinupukol niya sa akin.

“Giniginaw ka ba?” tanong niya na ikinailing ko. “Natatakot ka ba sa ’kin?” Muli ay umiling ako. “Then let me calm you in my own way.”

He cupped my face with his both hands that alarmed me. “Kent. . . .”

Napapikit na lamang ako nang makita ko ang unti-unting pagbaba ng mga labi niya sa mga labi ko. Tuluyan ko nang nakalimutan ang paligid nang tuluyang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko.

Unti-unti ang naging paggalaw ng mga labi niya na gaya ng ikalawang halik na iginawad niya sa akin noon ay ginaya ko ang paggalaw.

Ilang segundo rin namin nilasap ang halik na iyon bago siya na ang unang kumalas at tinitigan ako nang maigi sa mga mata.

Magsasalita na sana ako nang magsalita siya. Mga salitang nagpayanig ng mundo ko.

“Your lips, Clei, your lips taste like her lips . . . my secretary’s lips.”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Nine

AVREIN

“YOUR lips, Clei. Your lips taste like hers . . . my secretary’s lips.”

Walang sabi-sabing itinulak ko siya palayo sa akin at mabilis akong bumalik sa table namin ni Fria.

Narinig ko pang tinatawag niya ako ngunit hindi ko siya nililingon. Natatakot ako na baka makita niya ang reaksyon ko. Alam kong mukha ako ngayong binuhusan ng balde ng malamig na tubig.

“What happened?” maagap na tanong ni Fria sa akin nang kuhanin ko ang bag ko.

“I need to go, Fria,” tanging anas ko, saka mabilis na lumakad palabas ng bar na iyon. Ramdam ko pa ang habol tingin na ginawa ni Fria sa akin.

Pasakay na sana ako ng sasakyan ko nang may humigit sa braso ko. Malaki talaga ang pasalamat ko at hindi ang sasakyan ni Avrein ang dinala ko kung hindi ay baka nakilala na ito ni Vience. Mas nakakatakot dahil mas lalong hindi ko na alam ang idadahilan ko.

“Where are you going?”

“Far away from you,” sagot ko, saka ko tangkang hinigit ang braso ko ngunit nabigo ako. Mahigpit ang hawak niya rito ngunit sa hindi masakit na paraan.

“Ano bang problema?” tanong nito.

“You’re really asking me?” sarkastiko kong saad habang pinipilit kong patigasin ang dating ko. “Ikaw kaya ang ikumpara sa labi ng iba? Paano kung ako ang nagsabi na kalasa ng labi mo ang lasa ng labi ng driver ko, matutuwa ka ba?” kunwaring galit na anas ko, saka ko na tuluyang binawi ang braso ko. Nagpapasalamat ako at naging mabilis ang utak ko sa pag-iisip ng epektibong palusot.

“Sorry.”

“Sorry? Saka mo na sabihin ’yan ’pag sincere ka na talaga.” Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko at akmang sasakay na ako nang ako mismo ang tumigil. “And next time pala, kung hahalikan mo man ako, siguraduhin mong hindi mo ihahambing sa iba ang mga labi ko dahil nag-iisa lang ito. Iyon ay kung may next time pa,” muling turan ko bago tuluyan na akong sumakay ng sasakyan at iniwan siyang lito sa mga sinabi ko.

NARITO na ako ngayon sa opisina at kasalukuyan kon ikino-compile lahat ng files na dapat pirmahan ni Sir Vience. I need to be efficient dahil sa pagliban ko kahapon.

Hindi ko namalayan ang oras at pagtingin ko sa orasan ko sa loob ng opisina ay nakita kong mag-aala una na. Ipinagtaka ko lang na hindi nagkakaingay sa opisina? Iyong tipong walang tao?

Hindi ko na lamang iyon pinansin at nilabas ko na ang baon kong pagkain mula sa bag ko at sinimulan ko na itong kainin.

Natapos akong kumain saktong ala una at wala pa rin akong naririnig na nagkakaingay kaya’t napagdesisyonan ko na lumabas at tingnan ang paligid.

Paglabas ko ay nagtuloy ako sa third floor kung saan marami dapat tao dahil nandoon ang mga field workers.

Napabunot ako sa cellphone ko nang wala man lang akong naabutang tao. Mabilis kong kinontak ang numero ni Fria.

“Hello?”

“Fria, nasaan ka?”

“Sa baha. Bakit?” Nangunot ang noo ko sa tinuran nito.

“H–hindi ka pumasok?” Hindi ko maiwasan ang unti-unting kabahan dahil tila may mali.

“Gaga! Wala kayang pasok dahil may malakas na bagyo ngayon!”

“Pero—”

“Don’t tell me nasa office ka?”

“N–nandito nga ako,” utal na sagot ko sa kaniya.

“May dala ka bang sasakyan—”

“W–wala!”

“Avrein, I knew you. Huwag magpa-panic, okay? Ang alam ko pupunta riyan sina Delia at Nina nang bandang alas tres dahil may kukuhanin sila at dahil kalapit lang naman ng apartment nila ang office. Sumabay ka na lang sa kanila at doon ka na muna.”

“Fria, alam mong galit sa akin ang dalawang—”

“Wala tayong choice, Avy. Pagdating kasi ng alas dos binawalan na ang mga public vehicles sa pagbiyahe dahil baka abutan ng bagyo sa daan. Gusto mo bang sunduin kita—”

“No, Fria! Baka kung mapano ka pa,” anas ko, saka ko mabilis na pinatay ang telepono dahil siguradong mangungulit siya.

Bakit ba kasi hindi ko hilig ang manood ng balita? Pambihira!

Naupo na muna ako sa isa sa mga upuan dito sa floor ng field workers at hinintay sina Delia at Nina dahil sigurado akong dito ang tungo nila since dito sila naka-assign.

Ilang oras din akong naghintay at nagpatay ng oras bago ako makarinig ng mga boses at tawanan na papalapit sa akin.

Nakita ko sina Delia at Nina na palapit. “H–hi,” alanagining bati ko sa mga ito ngunit gaya ng nakasanayan ko ay tinaasan lamang ako ng kilay ng mga ito.

“Bakit nandito ka?” mataray na tanong ni Delia.

“H–hindi ko kasi alam na walang pasok.”

“Kasi pala-absent ka? Pangit ka na nga pala-absent ka pa, hindi ka ba natatakot na mawalan ng trabaho?”

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Nina at sinabi ko na ang sadya ko sa kanila. “Makikisabay lang sana ako sa inyo sa pag-uwi n’yo, wala na kasing dumadaan na taxi.”

“Paano kung ayaw namin?” sagot ni Delia ngunit agad siyang siniko ni Nina.

“Sige,” sagot naman ni Nina na ikinaluwag ng paghinga ko. “Pero bago iyon, ikaw na lang ang maglagay ng mga folder sa basement bilang pambawi sa pagsabay mo,” utos nito at tumango na lamang ako. I’m not naive, alam kong maaaring may balak sila sa akin but I need to trust them. Wala akong ibang maaaring hingan ng tulong sa mga oras na ito.

Kinuha ko na iyong mga folder sa ibabaw na isang table at sumakay ng elevator. “Magkita na lang tayo sa entrance!” sigaw ni Nina.

Mabilis lang akong nakarating sa basement at tinungo ko agad iyong lumang silid kung saan inilalagay ’yong mga ‘wasted file’ kung tawagin namin.

Pagkalapag ko pa lamang ng mga folder sa isang sulok ay nagulat ako nang bigla ang paglagabog at pagsara ng pinto na pinasukan ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko!

Lumapit ako sa pinto at pinagkakabog ito. “Please pakibuksan!” sigaw ko ngunit nakakarinig lang ako ng tawanan mula sa labas.

“Diyan ka bagay. Wasted ka rin naman.” Boses iyon ni Nina, saka pa nasundan ng tawanan.

Kinabahan ako nang makarinig ako ng papalayong mga yabag mula sa kinaroroonan ko.

Naupo ako sa isang sulok at hinintay na balikan nila ako. Gusto lang nila akong asarin —iyan ang sinasabi ko nang paulit-ulit sa isip ko.

Para akong ginagapangan ng antok habang naghihintay sa kanila.

Ilang saglit ang nakalipas ay tumingin ako sa relo ko at nakita kong mag-aalas sais na ng gabi. Naidlip pala ako . Tumayo ako at tiningnan ko kung binuksan na ba nila ang pinto ngunit nabigo ako—hindi pa rin.

Naalarma ako nang maramdaman kong basa ang sapatos ko.

May pumapasok na tubig!

Hindi ko malaman ang gagawin ko kaya’t kinontak ko na lang si Fria. Para akong kinakapos sa paghinga dahil sa kaba.

“Fria, magpadala ka na lang ng kahit na sinong tao basta ’wag ikaw. Nandito ako ngayon sa basement ng opisina, nakulong ako. May pumapasok ng tubig dito Fria, natatakot ako.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot at mabilis ko nang pinatay ang telepono ko.

Bumaling ako sa paligid at nagdesisyon akong itumba ko ang isang shelf para kahit paano ay may tutungtungan akong hindi basa.

Nataranta na akong lalo nang unti-unting tumaas ang tubig.

Gusto kog pumalahaw ng iyak at sumigaw nang sumigaw ngunit tila hindi iyon makakatulong.

Nasa kalagitnaan ako ng paghikbi nang biglang magiba o may gumiba ng pintong kinaroroonan ko. Halos sumikdo ang puso ko sa sobrang gulat.

“Avrein!”

“S–sir Vience?” gulat na bulalas ko nang makita ko na si Sir Vience ang nasa harap ko. Basang-basa ito.

“Halika na bago pa tuluyang tumaas ang tubig!” sigaw nito, saka ako nito kinuha sa tinutungtungan ko at kinarga na animo sako ng bigas.

Marami-rami na ang tubig sa dinadaanan namin kaya’t alam kong mahihirapan na din siyang maglakad. Dagdag pa na hindi rin biro ang timbang ko dahil matangkad akong babae.

“Sir, ibaba n’yo na po ako, kaya ko na pong maglakad—”

“Shut up! Sino bang nagsabi na pumasok ka ngayon, ha!? At bakit nasa basement ka!?” galit na galit na anas nito.

“Hindi ko po kasi alam na walang pasok—”

“Because you were absent yesterday!” putol niya sa akin.

“S–sorry po, pero, Sir, bakit po kayo nandito?” Iyon ang kanina ko pa naman talagang ipinagtataka.

“Ako ang natawagan mo at hindi si Fria,” sagot nito na ikinabigla ko.

Hindi na ako sumagot pa hanggang sa nasa main entrance na kami at ibinaba na niya ako. “May dala ka bang sasakyan?”

“Wala po.”

“Wala din akong dala. Magpalipas na lang tayo sa motel diyan banda sa likod ng opisina,” sagot nito na ikinalaki ng mga mata ko. Napatingin siya sa akin at nakita niya ang reaksyon ko. “Ano bang ikinagulat mo? Iyong wala akong dalang sasakyan dahil naglakad lang ako o ’yong sinabi kong mag-motel na lang tayo?”

“W–wala po,” tipid na sagot ko.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko saka ako hinatak. Tila naglakbay ang bilyon-bilyong boltahe ng kuryente sa katawan ko. Dagdag pa na naglalakad kami ngayon habang malakas na malakas ang ulan.

Narating namin ang sinasabi niyang motel at napakadaming tao na na-stranded din.

Lumapit kami sa receptionist at siya na ang nakipag-usap.

“One bedroom please,” aniya sa receptionist at napamulagat ang mga mata ko.

“Sir—”

“Gusto mo bang kumuha pa tayo ng dalawang kwarto? Paano na lang ang ibang mai-stranded gaya natin kung maubusan sila ng kwarto? Huwag kang mag-alala, I won’t fuck you,” putol na bulong nito sa sinasabi ko na nagpatahimik sa akin.

“Here’s your key, Sir, room 3021 po,” sabi niyong receptionist na halatang kinikilig pa kay Sir Vience.

“Tara na, asawa ko ,” ani Sir, saka pa ako inakbayan at nagulat ako sa itinawag niya sa akin.

“Kainis! May asawa na!” bulong niyong babae ngunit sapat na para marinig ko.

Kinaladkad niya ako hanggang sa sapitin namin ang kuwartong nirentahan niya.

Naupo na muna ako sa sofa na naroon habang siya ay nagkakalkal doon sa cabinet.

“Maghubad ka,” pukaw niya sa atensyon ko na sobrang ikinagulat ko. Awtomatiko akong napatayo sa kinauupuan ko sa nadinig kong sinabi nya.

“S–sir, sabi n’yo po hindi n’yo po ako—”

“Maghubad ka at isiuot mo ’to,” putol niya, saka niya hinagis sa akin ang bathrobe. “Baka sipunin ka.” Tila naman napahiya ako sa ginawi ko. Nakita ko pa siyang ngumisi nang nakakaasar dahil sa naging reaksyon ko. Muli akong umupo sa sofa para pakalmahin ang sarili ko.

Hawak-hawak ko lang ang bathrobe nang bigla na lamang siyang maghubad sa harap ko. Hubad talaga! Pambihira! Itinira niya lamang ay ang boxer niya.

Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang katawan niya. Madalas kasi sa opisina ay hindi ko ’to tinitingnan dahil ilang na ilang ako at madali kong naibabaling sa iba ang atensyon ko.

“Mesmerizing, right?” Tila napahiya ako nang mahuli niya akong nakatingin sa abs niya.

“Ah . . . eh . . . h–hindi po!” Inilihis ko ang tingin ko at yumuko.

Nakita ko ang paghakbang niya papalapit sa akin na ikinakabog ng dibdib ko. Nakita kong huminto siya sa tapat ko at lumuhod. Hinawakan niya ang baba ko at marahang itinaas ang mukha ko kaya’t nagtama ang paningin namin.

“Am I not mesmerizing?” anito sa mapang-akit na tono. Sinasadya ba niya ito?

Hindi ko siya sinagot, sa halip ay ibinaling ko ang tingin ko sa iba ngunit muli niya lamang akong inilingon sa kaniya.

“Maghubad ka na.” Muling napamulagat ang mga mata ko sa sinabi nya. This time para talagang may ibig siyang ipakahulugan. Nakita ko siyang ngumisi at binigyan ako ng mapang-akit na tingin.

“S–sir Vience—”

“Babe, conserve water. Let’s shower together.”

Pambihira! Ano na naman ba ito!?

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Ten

AVREIN

KANINA pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Hindi mawala-wala ang pagkakatitig sa akin ni Sir Vience mula pa kanina na sobra talagang ikinaiilang ko. Dagdag pa na roba lang ang suot ko at wala akong suot na pang ilalim habang i naman ay nakatuwalya lang sa pang-ibabang parte ng katawan niya at expose na expose ang naghuhumiyaw niyang abs.

Kapwa lang kami naghihintay sa kakatok na magdadala sa amin ng pagkain.

“Sir—”

“Wala tayo sa office,” putol nito sa sinasabi ko sa seryosong tono.

“M­–may mali ba sa mukha ko?” utal na tugon ko nang hindi ko man lamang siya nilingon.

“Wala.”

“B–bakit mo ko tinititigan?”

“Paano mo naman nalaman na tinititigan kita? Tinititigan mo rin ba ’ko?”

Dedepensahan ko na sana ang sinabi niya nang bigla na lamang kumidlat nang malakas kaya’t mabilis akong napatakbo patungo sa puwesto niya.

God knows kung gaano kalaki ang takot ko sa kidlat at kulog.

Hindi ko alam kung paano akong mabilis na umabot sa kaniya. Basta nang nakaabot ako sa kaniya ay mabilis kong inihagis ang katawan ko sa kaniya at yumakap sa katawan niya, saka ko ibinaon ang mukha ko sa leeg niya. Nanginginig ako sa takot.

He smells really good… very manly. Ramdam ko rin ang matitipuno niyang dibdib na pinaglalapatan ngayon ng katawan ko.

Narinig ko siyang tumawa na siyang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. “You’re afraid of lightning?”

Wala akong balak na sagutin siya sa sinabi niya dahil may halo itong pang-aasar. Iniangat ko ang ulo ko mula sa leeg niya at nagtama ang mga mata namin. Natagpuan ko siyang nakangisi sa akin. Akmang aalis na ako sa puwesto na nakakandong ako sa kaniya nang higpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

“Palay na ang lumapit, manok lang ako. Mapili ako pero kapili-pili kang palay,” saad niya sa harap ng mukha ko. Magkalapit na magkalapit lang ang mga mukha namin na ano mang oras na magkamali akong gumalaw, tuluyang maglalapat ang mga labi namin.

“N–nagbibiro ka lang po, hindi ba?” utal na tanong ko rito. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa.

“Paano kung hindi? Papatuka ka ba, Palay?” mapang-akit na tonong tanong nito na ikinalaki ng mga mata ko.

“S–sir!”

Tinawanan lamang niya ako kaya’t mas lalong nagkalapit ang mga mukha namin dahil sa paggalaw niya.

Muli akong napatingin sa mga mata niya na sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko maialis ang tingin ko. Tila ba ako nahipnotismo na hindi ko maintindihan.

Alam kong matagal na akong nakatitig sa mga mata niya at ganoon din siya sa akin nang maramdaman kong tila marahang humahaplos sa likod ko ang isang palad niya.

Nagising ako at mabilis na tumalon palayo sa kaniya, pero imbes na makakita ako ng pagkagulat sa kaniya pawang ngisi lamang ang nakaukit sa mga labi niya. Tinitigan ko lamang siya gamit ang blankong ekspresyon.

Tila kinabog naman ang puso ko nang makita ko siyang tumayo at naglakad patungo sa kinaroonan ko.

“A–aano ka?” utal na tanong ko.

“Lalapitan ka. Why?” nakangising tugon nito.

“H–huwag kang lalapit! S–sisigaw ako!” Hindi ako natatakot sa kaniya. Mas natatakot ako sa katotohanan nab aka bumigay ako sa mga pang-aakit niya sa akin.

“Sinabi ko lang na lalapitan kita, Avrein. Wala pa akong sinabi kung anong gagawin ko sa ’yo. Huwag kang advance, babe, darating din tayo roon,” mapang-akit na sabi nito, saka patuloy pa rin na naglakad palapit.

Humakbang ako patalikod hanggang sa lumapat ang likod ko sa pader.

“I guess, na-corner na kita?” nakangising sabi na naman nito.

Tila sumikdo ang puso ko, nang mabilis niya akong hinapit sa baywang at pinagtapat ang mga mukha namin.

“S–sir!”

“Wala pa akong ginagawa.”

Hapit na hapit ang isang kamay niya sa baywang ko habang ang isa naman niyang kamay ay humawak sa likod ng ulo ko.

Unti-unti niyang ibinaba ang mga labi niya patungo sa mga labi ko at hindi ko napigilan ang sarili ko na marahang mapapikit.

Hindi ko alam pero tila gusto ko na talagang magpatangay na hindi ko maintindihan. Sa tinagal-tagal ng pamamalagi ko sa mundo— buhat nang makilala ko ang taong ito , dumalas na ang pagiging hindi ko sigurado sa mga bagay-bagay.

Hinihintay kong lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko nang bigla kaming makarinig ng sunod-sunod na pagkatok.

Mabilis pa sa alas kuwatro na dumilat ako at itinulak ko siya, saka ako tumungo sa pintuan para buksan ito.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang matipunong binata na may dalang dalawang tray ng pagkain.

“Magandang gabi po, Ma’am. Ito po yung in-order n’yo,” sabi nito na nakangiti kaya’t tumango na lamang ako. “Ipapasok ko na po ba?”

“Sige,” tipid na sagot ko rito.

Pumasok ang binata at isa-isang inilapag ang mga pagkain sa lamesitang naroon. Nakita ko rin na nakaupo na si Vience sa sofa at masamang nakatingin sa binata. Kung nakakapatay lang siguro ang tingin, kanina pa ito nangisay sa tingin ni Vience.

“Okay na po, Ma’am,” anang binata.

“Salamat—”

“Makakaalis ka na,” putol ni Vience sa sinabi ko, saka pa tinapunan muli ng nagbabagang tingin ang binata.

“Opo.”

“Bilisan mo. Inaabala mo ang ginagawa namin ng asawa ko.”

“Sir—” tinapunan niya ako ng masamang tingin sa dapat na sasabihin ko. “H–huwag ka naman maging bastos,” patuloy ko at bumaling ako sa binata. “Sige na, Kuya, makakaalis ka na.”

Mabilis naman tumalima ang binata dahil siguro ramdam niya na kapag tumagal pa siya ay maaari na siyang makarne nang buhay.

Isinara ko ang pinto at lumakad na palapit sa lamesita. Habang naglalakad ako ramdam ko ang tingin niya sa akin. Naupo ako sa tabi niya dahil wala namang ibang mauupuan.

Kumuha na ako ng pagkain ko pero siya ay nanatili lang na nakatingin sa akin. Gaya kanina ay nakikita ko iyon sa gilid ng mga mata ko.

“H–hindi ka ba kakain?” utal na tanong ko rito.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay nagalit ito. “Sa susunod ay huwag kang makikipagtitigan sa kahit kaninong lalaki lalo na’t nakaroba ka. Hindi mo alam sa isip nila, hinuhubaran ka na nila!” anito, saka ito padabog na tumayo at nagtuloy sa banyo.

Exception ba siya?

NAGLALAKAD ako ngayon sa pasilyo ng office patungong elevator nang makasalubong ko sila Nina at Delia.

Kapwa ako tinignan ng mga ito mula ulo hanggang paa.

“Buhay ka pa?” taas-kilay na tanong ni Delia.

Hindi ko sila pinansin at nilagpasan ko na lamang sila ngunit nagulat ako nang higitin nilang dalawa ang mga braso ko.

“Aba bastos to, ah?” inis na wika Delia.

“Wala akong oras para makipag-usap sa inyo,” buwelta ko, saka ko sabay na binawi ang mga braso ko.

“Sumasagot ka na ngayon?” Kinaladkad nila ako papunta roon sa fire exit kung saan walang makakita sa amin.

Napakuyom ako sa kamao ko nang bigla na lamang hilahin ni Delia ang buhok ko.

“Feeling kang gaga ka, ’no? Pakiramdam mo special ka kay Sir Vience? Natsa-challenge lang sa ’yo ’yon!” saad ni Nina, saka pa sila sabay tumawa.

“Tigilan n’yo na ’ko,” matigas na saad ko.

“Ang pangit mo na, ang landi mo pa. Bakit hindi ka pa kaya mawala—”

“Let her go o ako ang sasabunot sa inyo, saka ko kayo ihuhulog sa fire exit.” Napamulagat ang dalawa at sabay na napalingon sa likod namin.

“Sir—”

“Let her go,” ani Vience. Mabilis nila akong binitawan at sabay silang pumunta sa harapan ko.

“Sir, nag-uusap lang po kami,” alibi ni Nina.

“Ganoon nga po, Sir,” segunda ni Delia.

Nagulat ako nang maglakad siya palapit sa amin— o sa akin? Hinawi niya ang dalawa, saka ako hinatak at niyakap.

“Sorry late si Superman,” bulong niya sa akin, saka marahang hinaplos ang buhok ko.

“Sir. . . .” gusto ko siyang itulak palayo pero mahigpit ang pagkakayapos niya sa akin.

“You two, you’re both fired. Puwede n’yo nang alisin ang mga gamit n’yo sa mga cubicle n’yo dahil may kapalit na kayo. Hindi ko kailangan sa opisina na ’to ang mga katulad n’yong tao na may ganiyang ugali. Hindi ko rin kailangan dito ng mga taong kakayanin na pumatay ng katrabaho.”

Hindi ko nakikita ang nagaganap pero ramdam ko kung gaano katigas ang bawat salitang binitawan niya sa mga ito.

“Pero, Sir—” boses iyon ni Delia.

“Let them, Delia. Let’s go.” dinig kong anas ni Nina, saka ako nakarinig ng yabag papalayo.

Bahagya akong inilayo ni Sir Vience sa kaniya, saka iniayos ang buhok at salamin ko.

“Huwag kang magpapa-api, Avrein. Ako lang ang may karapatang api-apihin ka.” Hindi niya na ako hinintay na makapagsalita at inakay na niya ako pagawi ng elevator.

Nakarating kami sa floor namin nang hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

Inihatid niya pa ako sa loob ng opisina ko at iniupo sa swivel chair ko. “Diyan ka. ’Wag kang aalis hangga’t wala akong inuutos. Baka abangan ka ng dalawang iyon, mahirap na. Ako ang boss mo, ako lang ang susundin mo,” uto niya, saka niya ako hinalikan sa ulo at tuluyang lumisan.

ANO ’YON!?

Matagal na akong nakatanga sa opisina ko at wala pa rin akong nagagawa sa mga dapat na tatrabahuhin ko.

“…sorry late si Superman…”

Did he just claim that he’s superman?

“And therefore I conclude that you’re Ms. Lois Lane.” Napapiksi ako dahil sa nagsalita. Nalingunan ko si Fria na may pilyong ngisi sa mga labi.

“A–anong Lois Lane?” painosenteng tanong ko.

“Girl, kakasabi mo lang ng did he just claim that he’s superman?”

Did I say that aloud?

“Ewan ko sa ’yo.”

“Asus.”

“Bakit ka nandito?”

“Tinanggal na ba niya ?” napakunot ang noo ko sa tanong niya.

“Huh?”

“I’m asking kung tinanggal na ba ni Sir Vience ang mga bruha na nagkulong sa ’yo sa basement.”

“How did you know—”

“Kinausap ako ni Sir Vience. Pinagtagpi-tagpi lang namin ang mga scenario kaya’t napunta kami sa conclusion na sina Delia at Nina ang nagkulong sa ’yo roon.”

“Tinanggal na niya . . . kanina,” sagot ko rito.

“Mabuti naman. Baka kapag nakita ko pa sila rito, ako na ang sumampal sa kanila.”

War freak din talaga si Fria.

SAYAW lang kami nang sayaw ni Fria. Narito kami sa bar ngayon dahil nag-aya siya. Hindi ako makatanggi dahil nagtatampo na raw siya .

“Akala ko hindi ka sasama, talagang magtatampo na sana ako!” sigaw niya habang walang tigil sa kasasayaw.

“I really love you that much na kahit pagod ako ay nag-ayos ako at sumama sa ’yo dito!” sigaw ko pabalik at bahagya ko pang ipinitik-pitik ang baywang ko.

Natapos ang kanta at naupo na kami nang hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi kahit na bahagya iyong nakapag pagulo ng sistema ko.

“Margarita or vodka?” tanong sa akin ni Fria dahil papunta siya ng bar counter.

“Kahit ano basta hindi tequila.”

Matagal na akong naghihintay sa table nang kapain ko sa bulsa ko ang telepono ko.

Baka naiwan sa kotse.

Mabilis akong lumabas at tinungo ang sasakyan ko at naghalukay ako sa mga gamit ko. Agad ko naman itong natagpuan na nasa passenger seat.

Lumabas na ako ng sasakyan at akmang papasok na nang may tumawag sa akin.

“Clei?”

Agad akong napalingon sa nagsalita.

“K–Kent?”

“Kasama n’yo ba si Avrein?” Biglang kumabog ang dibdib ko sa tanong nito.

“No.” I thank God mentally dahil hindi ako nautal.

“Nakita kasi kitang lumabas sa sasakyan niya.”

Pambihira! Bakit ba ang careless ko at iyong sasakyan ni Avrein ang nadala ko?

“Pasok na tayo?” aya nito na agad kong sinunod. Baka hindi ko na masagot kapag may itinanong pa siya.

Naabutan ko sa table namin si Fria na tila naiinip na.

“Saan ka galing—oopsss! Nandyan po pala kayo, Sir. Hello po.”

“Hi, Fria. Bakit hindi mo kasama si Avrein?” usisa na naman niya kaya’t pinanlakihan ko ng mata si Fria.

“Inaantok na, Sir. Napagod daw po maghapon eh.”

“I see. Order lang ako,” paalam nito, saka tinungo ang bar counter.

Nang umalis si Vience ay tumungo naman sa dance floor si Fria. Ayaw niya raw mang-abala.

“You know what, Clei, kung hindi ko lang kilala si Avrein, aakalain ko na ikaw siya kaninang nakatalikod ka.” Napakislot ako nang magsalita si Vience buhat sa likod ko. Muli ay kinabahan ako sa sinabi nito. “Pero gaya nga ng sabi ko noon, kilala ko siya kaya’t alam kong imposible.”

“I don’t want being compared.”

“Sorry. Sorry even for the last time I compared your lips with her’s.”

“It’s okay, pero gaya nga ng sabi ko ayokong kinukumpara kaya sana huwag nang mauulit.” seryosong tugon ko na hindi kababakasan ng kaba. But deep within me, kabadong-kabado ako.

“Clei . . .” tawag niya sa akin saka lumagok ng alak.

“Hmmmm?”

“. . . can I kiss you?”

He didn’t let me say a word. He instantly pulled me and crashed his lips into mine. Tutugunin ko na sana ang halik niya nang bigla akong makaramdam ng pananakit ng ulo at hirap sa paghinga.

Mabilis niya akong inilayo sa kaniya nang maramdaman niya ang hirap ko sa paghinga.

“Shit. What the hell is happening to you, Clei?” nag-aalalang sabi nito ngunit hindi ko nagawang tugunin.

“SHIT!” Boses iyon ni Fria ngunit hindi ko na nagawang lingunin.

“Anong nangyayari sa kaniya, Fria?”

“Did you made her drink something!?” galit na sabi ng kaibigan ko.

“No!” maagap na sagot ni Vience.

Lalo pang sumikip ang paghinga ko.

“Did you kiss her after you drink tequila?”

“Y–yes.” That was the first time I heard my boss stutter.

“Allergy siya roon!”

“Let’s bring her to the hospital. Wait, I’ll just call Avrein para maabisuhan na ang ospital na pagdadalhan natin sa kaniya.”

How can I do that if I’m here . . . dying?

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Eleven

AVREIN

NAGISING ako na para bang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Nag-aalalang mukha ni Vience at Fria ang bumungad sa akin.

Tinapunan ko ng tingin si Vience at tila naiilang ito na nagbaling ng tingin sa ibang parte ng silid.

“Bibili lang ako ng makakain,” biglang paalam niya, tuluyan ng lumabas ng silid.

“Girl, ano na talagang nararamdaman mo?” tanong ni Fria, saka naupo sa gilid ng kama.

“Okay na talaga ako.”

“Sobra akong nag-alala sa ’yo, lalo na ang isang ’yon. Alam mo bang hindi pa ’yon umuuwi? Dito na ’yon sa ospital kumakain at natutulog.” Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Fria.

“Paano ang opisina?”

“Lahat ng ginagawa niya iniuutos niya kay Avrein.”

“P–paanong—”

“I manage to be your other half habang tulog ka. Ako ang tumatanggap ng mga inuutos niya at sinasabi kong sa bahay ko na lang gagawin tutal wala naman siya sa opisina at baka pag-initan ako ng iba nating katrabaho,” nakangiting sagot niya na ikinabuntong hininga ko.

“Salamat, Fria. Salamat.”

“Anything for you. Alam mong ikaw lang ang mayroon ako,” tugon nito, saka hinawakan ang kamay ko.

High school pa lang ay magkaibigan na kami ni Fria. Ampon siya ni Lola Cassandra dahil noon pa man ay ulila na siya. Her real name is Fria Predaza, gusto syang ipa-Freezell ni Lola pero tinaggihan niya. Siya ang nagging katuwang ko sa halos lahat ng bagay.

“These are the foods.” napahinto ako sa pagsasalita nang biglang pumasok si Vience na may dalang mga pagkain.

Ipinag-asikaso ako ng pagkain ni Vience, saka siya naupo sa may gilid ng hinihigaan ko. “Clei, I knew that I was the reason you ended up here, but can I ask you something?” Bigla akong kinabahan nang magsalita siya, idagdag pa na pasubo na sana ako ng lugaw.

“W–what?”

“Can you be my date in our upcoming event?” Wala sa sariling napatango ako dahil akala ko naman ay kung ano na. “Thanks,” anito, saka pa ako ngitian.

Kumain lang ako habang kapwa sila ni Fria na nanunuod lang sa akin.

“Saan ka nga pala nakatira? Ihahatid na kita. The doctor told me that you’re allowed to go home anytime you wake up.” Bigla akong bumaling kay Fria na parang sinasabi kong tulungan niya ako. Masyado na akong makasalanan sa dami ng kasinungalingan ko .

“Ako nalang po, Sir,” maagap na wika ni Fria.

Nagkibit-balikat na tumango na lamang siya.

Natapos akong kumain at sinimulan nang ayusin ni Fria ang mga gamit ko para sa paglabas ko habang si Vience ay nanatili lang na nakatitig sa akin. Ibang paraan ng pagtitig. Pagtitig na tila may pinipilit alamin.

“Hindi rin naman kita maihahatid , I think mauuna na ko? Uuwi muna ako bago pumasok sa office. Baka nahihirapan na si Avrein sa dami ng pinatatrabaho ko sa kaniya.”

“You do really love your secretary?” tanong ko pero sa tonong nang-aasar. Iniiwasan kong maging awkward ang sinasabi ko lalo na sa pandinig ni Fria.

“Why? Are you jealous?” nakangising tugon ni Vience.

“Why would I? There’s nothing going between us,” nakangiti kong saad.

“Paano kung sasabihin kung gusto kong magkaroon? Papayag ka ba?” anito at hindi man lamang ako hinintay na sumagot. Tuloy-tuloy na siyang lumabas ng silid habang nagwe-wave pa ng kamay sa hangin.

NARITO ako ngayon sa opisina at binabagtas ang daan patungo sa elevator. Pinilit kong pumasok para hindi siya magduda.

Tahimik lang akong nakatingin sa dinadaanan nang may mag-text sa telepono ko.

From: Unknown Number

I know your secret missy. Watch your move. Watch your steps. You might fall.

Hindi ko ito sinagot ngunit napapaisip ako kung sino ba ito. Hindi ako natatakot pero nakararamdam ako ng kaba base sa sinasabi nitong alam nito.

Lumakad na ako papasok. Nariyan na naman ang samot-saring bulungan lalo na’t siguradong ako ang sinisisi nila sa pagkatanggal nila Nina at Delia.

Hindi ko pinansin ang mga ito at nagtuloy na sa elevator, pero ganoon na lang ang inis ko nang makita kong out of order ito.

Tumuloy na lang ako sa gawi ng hagdanan. Kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko kailangan kong umakyat hanggang sa 32nd floor kung saan naroon ang office ko.

Pambihira, Lord. Pambihira po talaga.

Habang umaakyat ay pahinto-hinto ako dahil hindi lang ako miminsang nahilo.

Nasa 23rd floor na ako nang hindi ko namalayan ay dumulas pala ang kamay ko mula sa railings ng hagdan. Mariin akong pumikit para hintayin ang pagbagsak ko ngunit hindi iyon nangyari dahil may mga braso na bigla na lamang pumalupot sa katawan ko.

“Careless,” bulong nito sa punong tenga ko.

Hindi ako nakagalaw dahil tila ako natuod sa tono ng boses nito. Hindi ako nakagalaw dahil iba ang hatid na sensasyon ng boses nito sa katawan ko. Hindi ako nakagalaw dahil . . . si Sir Vience ito.

Halos magtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang muli syang magsalita. “A careless woman needs a strong man to lean on.” And in an instant, pinihit niya ako paharap sa kaniya. Hindi ko alam pero bigla na naman akong napatingin sa mga mata niya. Mga mata niya na tila nanghihipnotismo.

Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko na bahagyang ikinakabog na naman ng dibdib ko. Dumapo ang isang kamay niya sa pisngi ko pagawi sa mga labi ko. “W–what are you doing—”

“Your lips . . .” Huminto siya saglit at ibinaling ang paningin sa mga mata ko. “. . . can I taste it again?” He emphasized the word again that really confused me.

“Nagbibiro lang po kayo, h–hindi ba?”

“I’m not,” he answered in a very serious tone.

Pinilit ko syang itulak palayo ngunit humigpit lamang lalo ang pagkakayapos niya sa baywang ko. “Sir—”

“You can’t walk.” Mabilis pa sa alas kwatro na binuhat niya ako na tila bagong kasal at nagtuloy na sa pag-akyat sa hagdan. “Your knees are weak. Ano bang ginawa mo at tila hinang-hina ka? Are you sick?” tuloy tuloy na sabi nito nang hindi man lamang inalis ang tingin sa akin na ikina-awkward ng sitwasyon namin para sa akin.

“O–opo. Trangkaso.”

“Put your arms around my nape and stop saying anything kung ayaw mong may gawin ako,” banta niya kaya’t mabilis kong ikinawit ang mga braso ko paikot sa batok niya.

Hindi ako kumikibo habang naglalakad siya paakyat. Naiilang din ako sa hindi lang lilimang beses niyang pagtingin-tingin sa akin.

“You do have an angelic face, Ms. Freezell. Why are you hiding it with that thick eye glasses and full bangs of yours?”

“G–gaya po ng sabi ko noon, hindi ko po itinatago.”

“I have an important anouncement later. I hope you’ll cooperate,” saad nito na ikinatango ko. “We’re here,” aniya, saka ako marahang binaba. “Don’t worry, mararanasan din nila ang pag-akyat na ginawa natin.” Ngumisi muna ito bago tuluyang pumasok ng opisina niya.

Huh?

Hinarap ko lang ang computer ko at sinimulan kong i-type ang mga dapat itype. Bahagya pa akong napapakusot sa mata ko dala ng liwanag ng screen.

Nakaramdam ako nang bahagyang katahimikan kaya’t sinubukan kong mag-browse ng kanta sa telepono ko ngunit may message pala ito.

From: Unknown Number

Enjoy your day.

Kung iinitindihin ko ang mensahe ng sender ramdam kong tila pagbabanta ang sinasabi nito. Ngunit gaya ng nangyari kanina ay hindi na naman ako nakaramdam ng takot nang hindi ko talaga alam kung bakit.

Napaangat ang tingin ko sa labas ng office ko nang makarinig ako ng pagkatok. Mabilis akong lumabas ng opisina ko at hinarap ang babae.

“Good morning.” bati nito sa akin.

“Good morning din po, Ma’am. Ano pong kailangan n’yo?”

“I just wanna see Vience kung hindi siya busy.”

Nagulat ako sa itinawag nito sa boss ko. Usually, ang mga babaeng pumupunta rito ay Kent ang tawag sa kaniya. Isa pa, this woman was not the flirty type base sa pananamit niya. Mukha siyang edukada at punong-puno ng delikadesa. Napakaganda at napaka-amo rin ng mukha niya.

“May I know who you are, Ma’am?” nakangiti kong tanong dito.

Ngumiti naman ito pabalik. “Just tell him na may bisita siya.”

“Sige po,” sagot ko bago ako pumasok ng opisina ko.

Pr-in-ess ko ang intercom na konektado sa office niya.

“Sir, may babae po dito sa labas—”

“Paalisin mo tapos pumunta ka rito sa opisina ko.”

“Pero, Sir, iba po ang babae—”

“Paalisin mo,”

pag-uulita niya,

saka na ako nito pinatayan.

Lumabas ako at muli kong hinarap ang babae.

“Ma’am, busy raw po si Sir ngayon. Hindi raw po niya kayo mahaharap.” Ito na yata ang pinakamabait na pakikitungo ko sa lahat ng babae na nagpunta rito.

“Ganoon ba? Sige, pakisabi babalik na lang ako,” anito, saka ito ngumiti at tuluyan nang umalis.

Matapos umalis ng babae ay nagtuloy na ako sa opisina ng boss ko. Nadatnan ko siyang nakaharap sa laptop niya. Nang makita niya akong nasa harap ng pinto ay isinara na niya agad ang laptop niya.

“Come here,” giya niya sa akin patungo doon sa upuan sa harap ng table niya na mabilis ko namang sinunod.

“Ano pong pag-uusapan natin?”

“Nothing.”

“Sir!”

“What?” tanong nito, saka ito ngumisi nang nakakaloko.

“Hindi n’yo naman po ako binabayaran para lang—”

“But I’m your boss. I have the rights to instruct you, right?”

Ano na naman po bang trip niya?

“Ano po bang gagawin ko rito?”

“Kapag ba sinabi kong mag-strip dance ka, mag-i-strip dance ka?”

“H–hindi po!” halos pasigaw na sabi ko.

“Then don’t ask kung anong gagawin mo rito. Basta’t maupo ka lang diyan,” anito at muling binuksan ang laptop niya, saka may kung ano-anong pinindot doon. Hindi na ako muling nagsalita pa at hinintay ko syang matapos sa kung ano man ang ginagawa niya.

Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng pagkatok sa pintuan ng opisina niya. Pr-in-ess niya ang intercom niya na konektado sa speaker na nasa pintuan niya at nagsalita. “Come in.”

Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang mga kasamahan ko sa trabaho. Sa palagay ko ay lahat sila ay narito—of course, except Fria. Ang iba masama ang tingin sa akin, ang iba naman ay parang wala lang. But all of them looked so exhausted. Lahat sila ay pawis na pawis.

Tumayo ako sa upuan ko at pumuwesto sa gilid. Napatingin ako kay Sir Vience nang tumayo rin siya at gumawi sa kinaroroonan ko. Nasa amin ang tingin ng lahat nang ilapit niya ang mga labi niya sa tainga ko. “I told you. Mararanasan din nila ang naranasan natin kanina,” bulongn niya sa akin.

“We will have our company outing in Montealegre Beach Resort in Tagaytay,” saad ni Sir Vience, saka naghiyawan ang mga ka-opisina ko. Kaniya-kaniya sila ng kuro-kuro ukol sa narinig.

“So, Sir, are we going to wear beach wear?” maharot na pahayag ni Aubrey. Siya ang katrabaho ko na lahat na yata ng lalaki dito sa office nakarelasyon niya na.

“Ms. Freezell.” Inangat ko ang ulo ko nang bigla niya akong tawagin at nagtama ang mga mata namin. “Nagsusuot ka ba ng two-piece?”

“P–po?”

“I’m asking if you’re wearing two-piece bikini.”

“H–hindi po.”

Muli siyang bumaling sa mga tao at nagsalita. “Then if that’s the case, siguro hindi na kailangan na magsuot pa ng beach attire—”

“But, Sir!” kontra ng karamihan lalong-lalo na si Aubrey.

“Hindi nagsusuot ng ganoon ang sekretarya ko kaya sa palagay ko hindi na kailangan—”

“I–I w-will, Sir,” utal na putol ko sa sinasabi niya. “M–magsusuot po ako.” Ayaw ko lang talagang mapag-initan na naman.

Nakita ko namang napangisi siya sa isinagot ko.

Talaga bang sinadya niya lang na ipitin ako para mapagsuot ako ng ganoon?

“So everything is settled. Aalis tayo bukas ng alas onse bago makapananghali. I am expecting everyone to be in our main entrance before eleven or else iiwan namin kayo,” seryosong pahayag niya.

“Ano pong sasakyan natin?” tanong naman ni Ryan. Siya ang beki na laging masama ang tingin sa akin.

“The company shuttle buses. Don’t worry about the foods and allocation. Sagot ng kompanya lahat,” aniya at babalik na sana sa upuan niya nang muli siyang bumaling sa lahat. “Oh! I forgot something. Bring your own date and I will bring mine,” turan niya, saka bumaling sa akin. “Especially you, Ms. Freezell. You should bring yours, ayokong makitang nagmumukmok ka doon habang kami ay nagsasaya habang kasama ang mga partner namin.”

“Sino naman pong dadalhin n’yo?” usisa ni Aubrey sa kaniya na gusto ko rin malaman.

“…can you be my date in our upcoming event?…”

Napamulagat ako bigla sa senaryong pumasok sa utak ko.

I did say yes as Clei!

“I will bring Clei—the woman I like.”

Oh my gosh! Malulusutan ko pa kaya ’to?

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Twelve

AVREIN

NAG-AALALANG mukha ni Fria ang nakita ko matapos kong sabihin ang tungkol sa bakaksyon na iyon.

“So anong plano?”

“Hindi ko alam. Bahala na, Fria,” sagot ko, saka ko inilagay ang mga itinupi kong damit sa maleta ko.

“Hindi ka ba natatakot?” Napalingon ako kay Fria dahil napakaseryoso ng tono niya.

“What do you mean?”

“Are you not afraid of getting busted? Are you not afraid of what Sir Vience might think if he caught you red-handed?”

“I’m not doing anything wrong,” sagot ko rito ngunit tiningnan niya lamang ako.

“Are you . . . are you not afraid of losing your job?” My body automatically stiffened for what heard.

“I am,” wala sa sariling tugon ko rito.

“Bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo?” Tila naman nanumbalik ang katauhan ko sa reyalidad sa sinabi niya.

“Sa lahat ng tao, Fria, ikaw ang inaasahan kong makakaintindi na hindi ko puwedeng gawin ’yan.”

“But, Avy. . . .”

Naupo ako sa edge ng kama at tinitigan siya. “Clei is the only reason why I can still escape reality. My other half is the only thing that makes me want to be happy even just for the short period of time. Hindi ko kayang maging masaya kapag si Avrein ako dahil alam kong may mga limitasyon na kailangan kong intindihin. Kung ako lang naman ang masusunod I wanna be the real me, without Clei, without my other personality, but I know I can’t . . . hindi puwede.”

“Puwede naman, Avy, ayaw mo lang. Natatakot ka na baka hindi ka tanggapin ng pamilya mo o ng mga tao kapag pinakita mo ang totoong ikaw, where in fact those are just your own conclusion. Hindi sila ang nanghuhusga sa ’yo Avrei, ikaw mismo ang humuhusga sa sarili mo,” saad niya, saka inialis ang pagkakatingin sa akin at tumanaw sa bintana kung saan tanaw na tanaw ang lungsod.

“I don’t know, Fria.”

I didn’t want to argue with her. Actually this was the first time na nagkasagutan kami nang ganito kaseryoso. Fria never failed to support me for whatever I do.

Natapos kaming mag-ayos ng gamit ay hindi pa rin kami nagkikibuan. Sabay kaming bumaba dala ang kaniya-kaniya naming maleta.

Nag-aabang kami ng taxi nang biglang tumunog ang telepono ko.

From: Unknown Number

Enjoy your vacation missy. Enjoy every inch of your happiness. You’ll never know until when will it last.

She or he kept on texting me puzzled messages. Kung gugustuhin ko ay agad ko namang mate-trace ang may-ari ng number na ’to pero hindi ko ginagawa. Reason? May gusto akong malaman and this sender was the only one who could give me the answer. Alam kong malapit lang siya sa akin. It’s pretty obvious.

Mabilis lang kaming nakarating sa main gate ng opisina. Nadatnan namin na madami-dami na rin ang mga kasamahan namin sa trabaho na narito kasama ang kani-kanilang partners at si Vience na nakaupo sa isang tabi at hawak ang telepono niya.

Pinakikiramdaman ko lang siya sa ikinikilos niya. I was actually thinking kung tatawagan niya ba si Clei or what.

Nakita ko siyang tumayo at lumapit kung saan kami nagkukumpulan. He didn’t even take a glance at me. I didn’t know, but that gesture of him really gave me an uncomfortable feeling.

“So lahat ba nandito na?” tanong niya.

“Opo, Sir. Pero kung may hihintayin pa po tayo, I think that will be your date and, Fria and Avrein’s as well. Kayo lang po ang walang ka-partner sa ngayon,” sagot ni Ryan.

“Wala akong partner. Mas masaya ako sa ganoon,” masungit na tugon ni Fria rito na ikinanganga nito. Medyo takot talaga sila kay Fria.

“Ako rin—”

“I told you na magdala ka ng partner mo, hindi ba?” Bahagyang napapiksi ang puso ko nang putulin niya ang sinasabi ko at matamang tumingin sa akin.

“S–sir , wala po kasi akong—”

“AVREIN!” Napalingon kaming lahat nang may magsalita.

“James?” hindi makapaniwalang anas ko.

“Sorry late ako, ha. Sorry.” Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

“A–anong ginagawa mo rito?” utal na bulong ko.

“Just thank me for saving you,” bulong niya pabalik, saka kumalas ng pagkakayakap sa akin at saka ako inakbayan.

Tumingin ako kay Fria at nakita ko siyang nakangiti sa akin at bahagyang tumango. Tama ang kutob ko, siya ang nagpapunta kay James.

“Mukhang kumpleto na tayo, I think puwede na kayong sumakay sa shuttle buses,” utos niya sa amin na para bang wala siya sa wisyo.

Nauna silang sumakay at ako naman ay tumungo na muna sa likod ng shuttle bus at inilabas ang telepono na ginagamit ko as Clei. Pareho lang ito sa telepono ko, magkaiba lamang ng kulay sa likod. Black itong kay Clei.

Message From: Kent Montealegre

Please be at my company at exactly 10 am.

Clei , where are you?

I’m going to wait for you.

Are you not coming anymore?

We’re going. If ever you’re interested, follow us at Montealegre Beach Resort in Tagaytay.

15 missed calls from Kent Montealegre

Pagkakita ko ng mga ito ay mabilis ko lang din ibinalik ang telepono sa bag ko.

Paakyat na ko sa bus nang makaramdam ako na . . . parang mali na ito? Panloloko na nga ba ’tong ginagawa ko?

Hindi na ako nag-isip pa at muli kong kinuha ang telepono ko sa bag at mabilis na kinontak ang numero niya.

“Hello?”

“Kent?”

“Huh?”

“I’m sorry.”

Iyon ang nasabi ko siguro dahil sa nararamdaman kong guilt na lumalamon sa pagkatao ko.

“For what?” he sounded so confused.

“For not coming. I promise na susunod na lang ako sa resort n’yo. Is that okay with you?” I tried to be flirtier.

“Yes. I’ll hang up.” Siya na ang naunang nagbaba.

Inayos ko lang ang sarili ko at mabilis nang umakyat sa shuttle bus.

   

“BAKIT mo pinapunta si James?” tanong ko kay Fria nang makababa na kami ng sasakyan.

“Hindi ko gustong magmukha kang kawawa sa harap ng iba kung alam ko naman na may magagawa ako para sa ’yo,” seryosong sagot niya saka huminto sa paglalakad at hinarap ako nang nakangiti. “Hindi ba sabi ko sa ’yo ikaw na lang ang mayroon ako? Kaya ’wag ka nang magtaka kung ganito kita pahalagahan. Ikaw na ang nagsilbing nanay, tatay at kapatid ko sa mahabang panahon. I just want to return the favor. Okay?” tumango na lamang ako at ngumiti pabalik.

Naglakad kami at naghanap ng kuwarto na assigned sa amin. Nakita ko na ang kuwarto namin dahil may nakasulat dito na, Avrein and Fria (and partners)

. Nilingon ko ang paligid at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko sa nakita ko.

Private room: Young master Vience and his partner.

“Oh my gosh, friend. May sarili kayong—”

“Mouth, Fria!” putol ko rito.

Pumasok na kami ni Fria. Nagkaniya-kaniya na kami sa pagpili ng kama na hihigaan namin. Kapwa kami nakahiga ni Fria nang pumasok si James.

“Sorry, papa James at iniwan ka namin doon,” ani Fria dahil si James ang nagdala ng ibang mga gamit namin.

“I understand,” nakangiting tugon nito.

“May bagay ba na hindi makakapagpangiti sa ’yo?” Bigla akong napatakip sa bibig ko dahil sa sinabi ko. Dapat sa utak ko lang ’yon. Pambihira!

“Kapag nawala ka ulit sa buhay ko.” Napatahimik kaming tatlo sa isinagot niya.

Bumangon ako at kinuha ko ang maleta ko mula sa kaniya at saka ko ito inilapit sa kamang hihigaan ko.

Nag-aayos lang ako ng higaan ko nang may kumatok. Si Fria na ang tumayo at nagbukas nito.

“Hello po, I’m Lemore. Ako po ang magiging organizer ninyo. Within ten minutes po kailangan ko na po kayo sa conference hall. Salamat po,” nakangiting sabi nito, saka na umalis.

Nag-ayos lang ako at nagpalit ng jogging pants at puting t-shirt.

“Papa James sasama ka?” tanong rito ni Fria.

“Hindi na siguro. Hintayin ko na lang kayong makabalik. May ita-type lang akong mga report tungkol sa Ox ,” nakangiti na namang sabi nito.

“Sorry kung naabala ka pa dahil dito sa—”

“Anything for you, Avrein.”

Lumabas na kami ni Fria at hinanap ang conference hall na sinabi noong lalakeng nagngangalang Lemore.

Nakita naman namin ito at nadatnan namin ang iba pa na narito na, maging si Vience na ngayon ay nakatutok na naman sa telepono niya.

“Good afternoon, everyone. Hindi naman talaga pure vacation ang ipinunta n’yo rito. Actually this is a team building event na ako ang mag-o-organize. Nakapagpakilala naman na ako sa inyo kanina uulitin ko na lang. I’m Lemore Logronio. Just call me Lem. Sa ngayon ay kakain muna kayo then you’ll have an activity which is called itlog mo, hanap ko. “ Nagtawanan ang iilan dahil sa sinabi nito. “Basta pagkatapos n’yong kumain ay ’wag muna kayong aalis dahil sisimulan na natin agad ang activity. Don’t worry , may mga corresponding prize sa mga mananalo.”

Nagsimula na kaming kumain nang maalala ko si James. Nag-text ako rito ngunit sinabi niya sa akin na mayroon siyang dalang baon at doon na lang daw siya sa kuwarto kakain.

Natapos kaming kumain at dinala kami ng organizer sa mismong seaside.

“Divide yourselves into two groups,” ani Lem.

Nagkaniya-kaniyang grupo na kami at buti naman dahil magkasama kami ni Fria at Sir Vience na ngayon ang pansin ay sa telepono niya na para bang may something doon na talagang bumabagabag sa kaniya.

“Well this game will go like this. May tiglilimang itlog bawat grupo. Ang mga itlog na iyan ay itatago n’yo sa east and west forest ng resort. Group One sa east kayo and Group Two sa west kayo. Kapag naitago n’yo na ay magpapalit na kayo ng lugar para maghanap. First group na makakahanap ng limang itlog ang siyang mananalo.”

Nagsimula na kaming magtago ng mga itlog. Si Fria ang napiling mag-leader ng mga ka grupo namin.

Napunta ako sa tagong bahagi ng gubat kaya’t inilabas ko ang telepono ko.

From: Kent Montealegre

Nasaan ka na?

Sabi mo susunod ka?

Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ni Fria. “Fria I need to be Clei,” bulong ko rito. “Ikaw na ang bahalang magpalusot ’pag hinanap nila ako,” ppatuloy ko at agad naman na tumango ito.

Tinakbo ko ang room namin at nagpasalamat ako nang hindi ko madatnan dito si James. Mabilis kong inilabas ang mga damit ni Clei maging ang kaniyang contact lense.

Mabilis akong nagbihis sa banyo. Yellow floral beach attire ang suot ko. Iyong parang duster siya pero backless siya at itinatali lamang ang mga tali ng damit sa leeg? Pinakapusod ko rin ang buhok ko at nag-flip flops.

Dumungaw muna ako sa pinto bago tuluyang lumabas ng banyo dahil baka biglang bumalik si James.

Nang mapagtanto ko na wala ng ibang tao ay mabilis akong lumabas at tinungo ang kinaroroonan ng grupo namin at ni Vience.

Tinignan ko ang relo ko at mag-aalas sais na rin pala ng gabi. Inilabas ko ang telepono ko at tinawagan ko siya.

“Kent?”

“Nasaan ka na, Clei?”

“I’m already here. Narito ako sa medyo tagong parte. Doon sa mga hanay ng palm tree.”

“I know that part. Just wait for me,” sabi nito at ibinaba na ang tawag.

Naglaka- lakad lang ako at tiningnan ko ang paglubog ng araw. This was really a nice view— so calming and mesmerizing.

Pumikit pa ako para damhin ang paglandas ng hangin sa balat ko. “I’m only a man in a silly red sheet. Digging for kryptonite in this one way street,” pagkanta ko habang nakapikit.

“Nice voice.” Napaigtad ako dahil tila napakalapit ng mukha ng nagsalita sa akin. At hindi nga ako nagkamali. Pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata ko at halos kalahating pulgada lamang ang pagitan ng mga mukha namin.

“Kent.”

“Akala ko hindi ka na magpapakita,” anito sa akin. Bahagya akong humakbang patalikod para makalayo nang kaunti. “Halika may ipapakita ako sa ’yo.” Hinawakan niya ang kamay ko at inakay ako. Ito na naman ang hindi pamilyar na pagdaloy ng kaba at kakaibang bilis ng pagdaloy ng kuryente sa kabuuan ko.

Dinala kami ng panghahatak niya sa isang falls. Tagong bahagi na ito ng resort nila. “Ako lang ang may alam nito pati si Mommy,” panimula nito, saka naupo sa isang malaking bato. Naupo rin ako sa tabi niya dahil hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

“Ang ganda.”

“My Mom also loves this view kaya’t naisip kong magugustuhan mo rin dito.”

“Yeah,” iyon lang ang tangi kong naisagot.

“Clei,” tawag niya, saka siya humarap sa akin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Nalilito ako sa klase ng ekspresyon na ipinapakita ng mga mata niya. Nalilito ako sa gusto niyang iparating.

“Hmmm?”

In an instant he pulled my head towards him and my lips crashed on his. I didn’t know what should I do when his lips suddenly moved.

Marahan ang bawat paggalaw nito na tila takot na takot na masaktan ako. Magaan sa pakiramdam ang galaw ng labi niya kaya’t hindi man gusto ng isip ko ay tinugon ito ng mga labi ko.

I think we’ve been kissing for how few seconds when he suddenly pulled away. He stared into my eyes before he spoke.

“I like you. I really do. So please . . . stop pretending as Nierva Clei Agaña, Avrein Laiclei Agaña–Freezell.”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

DITO MUNA. HAHAHA. BUKAS ULIT! HUWAG KAYONG MAGSAWANG MAGHINTAY. LABYUUUUU!

Thirteen

AVREIN

“I like you. I really do. So please . . . stop pretending as Nierva Clei Agaña, Avrein Laiclei Agaña–Freezell,” my body stiffened as I heard what he just said.

“W–what do you m–mean?” utal na wika ko. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito.

“Stop this, Avrein. You’re already busted. Sinakyan na kita sa ilang linggo. Gusto mo pa rin bang ituloy ang pagkukunwari mo? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?”

Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. Kung ano ba talagang emosyon niya. Pawang blangkong emosyon lang ang bawat salitang nanggagaling sa kaniya.

“V–Vience.”

“I thought that the moment that I saw you at the bar, aaminin mo na agad sa akin kung sino ka,” aniya na puno ng kasarkastikuhan.

“U–unang beses mo pa lang akong nakita, a–alam mo nang si A-Avrein ako?” utal-utal kong tanong.

Inialis niya ang tingin niya sa akin at tumingin doon sa falls ngunit hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. “Maaari mong lokohin ang mga tao sa paligid mo, Avrein, pero hindi ako. Magaling ako sa pagkilatis sa mga babae. Alam ko kung kailan nila gusto na makipaglaro lang, alam ko kung kailan sila nagsisinungaling lang, at alam ko kung kailan sila nagpapanggap lang.”

“S–sorry, Vience—”

“Ilang beses kitang hinihintay umamin pero hindi mo ginawa. Ganoon ka ba nag-e-enjoy sa ginagawa mong panloloko at pagpapasakay?” Tila sa bawat salitang sinabi niya ay may hinanakit siya.

“P–paanong ilang beses mo kong hinintay na u–umamin?” Hindi ko maiwasang magtanong dahil nahihiwagaan talaga ako kung paano niyang nalaman na ako ’to.

“Una, imposibleng magkaroon ng dalawang tao na magkamukha at pareho pa silang may nunal sa tuluan ng luha. And your eyes . . . hindi ba noon ko pa sinabi sa iyo na iba ang mga mata mo? Kahit tumingin man ako sa iba, makikilala at makikilala ko ang mga mata mo. Noong gabing nakilala kita, I tried seducing you para umamin ka, but you gave me your fake name instead.”

“Hindi ko naman inakalang aabot ako sa ganito. All I wanna do is have fun being Clei. But it turned out na kailangan kong magpanggap nang tuluyan dahil nakilala kita as Clei.” I stared blankly at the space. I don’t know where I got all the courage to speak without even stammering.

“That day na sinabi kong tumugtog ka ng violin, hinihintay ko na sabihin mo na hindi puwede, na ikaw at ang babaeng dapat na tutugtugan mo ay iisa . . . pero hindi mo ginawa. Pinagmasdan ko lang ang mga galaw mo at napagtanto kong wala ka talagang balak umamin. Doon sa Ox Grill , remember that told you that ’ you made it’, pero ang isinagot mo ay nagkakamali ako. Kung alam mo lang kung gaano kita gustong pigain that time para lang umamin ka.”

Bakit hindi ko man lamang napansin na simula una pa lang pala ay kilala na niya ako? Pambihira! Ano na bang nangyayari sa akin?

Now I know kung bakit isa siya sa magagaling na businessmen sa bansa. He’s really unpredictable.

He paused for a while at nakita ko sa peripheral vision ko na tinitigan niya ako. “Your lips . . . I’ve tasted Avrein’s lips kaya’t imposible na may dalawang tao na magkasing tamis ng mga labi. Since the first time na matikman ko ang mga labi mo sa kasal ng pinsan mo, hindi ko na nakalimutan kung gaano katamis ang mga iyan.”

“V–Vience , I’m really—”

“Noong gabi na na-allergy ka sa tequila, gusto ko lang talagang ma-grab ang opportunity na iyon para umamin na kayo sa akin pero hindi n’yo na naman ginawa. Ang mga files na kunwari ay ipinadadala ko sa ’yo para asikasuhin mo, alam kong si Fria ang tumatanggap ng mga iyon. Hindi ko alam kung anong kalokohan ba si Clei at bakit ayaw n’yong ilabas ang pagkatao niya sa publiko,” pagputol nito sa sinasabi ko nang hindi pa rin talaga niya inaalis ang pagkakatitig sa akin.

“You’ll never understand how much being Clei means to me,” anas ko at sinalubong ko ang tingin niya ngunit siya na mismo ang naunang nag-iwas. I don’t know what’s with him pero hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. “Look, Vience, I’m sorry. Kung iyon ang gusto mong marinig sa akin . . . I’m sorry.”

“Mula kanina busy ako sa cellphone ko. I was really thinking kung dapat ko na ba sa ’yong sabihin na alam ko ang lahat dahil ikaw na mismo ang tuluyang nagbuking sa sarili mo.”

Bigla siyang lumingon sa akin kaya’t nagkasalubong na naman ang mga tingin namin.

“W–what do you mean?”

“Tinawagan mo ’ko bilang Clei kanina . . . pero telepono ni Avrein ang ginamit mong pantawag.”

My eyes totally widened with what he said.

“Naaalala mo na?”

Akmang sasagot na ako nang bigla na lamang niya akong higitin kaya’t napasubsob ako sa dibdib niya. Niyakap niya ako at marahang hinaplos ang buhok ko.

“At first, I didn’t know kung bakit mo kailangang itago si Clei. At first, I really couldn’t understand kung bakit mo kailangan gumawa ng isa mo pang katauhan o kung bakit kailangan mong maging ibang tao para lang malaya mong gawin ang gusto mo. But then, I got to learn your situation,” aniya at naramdaman kong kinintalan niya ng halik ang ulo ko.

“Vience. . . .”

“You’re enjoying your life through Clei’s personality because you have these unseen limits when you are Avrein. You are afraid to be judged. But please, Avrein, take this advice . . . it’s better to be someone who you really want, than being someone you just force yourself to be.”

“Thank you.” I uttered.

“I’m telling you this as a friend and not more than anything else. Yes I do like you, and I know that you like me too. I’m not that numb not to feel it. But just like what I told you before, please don’t fall for me. I ’m still your naughty boss and I want our relationship to stay like that. I once told you that I can never give a serious relationship towards women and that fact will never change, even if I do really like you as a woman.”

“Why are you saying all these?” malamig na tugon ko.

“I just want to clarify things between us. Para walang aasa at walang magpapaasa,” seryosong sabi nito.

“It’s loud and clear, you don’t need to clarify. I knew what I’m into,” sagot ko, saka ko tinabig ang isang kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

“Bakit ang sungit mo?” Biglang nagpalit ang atmosphere sa pagitan namin nang bigla siyang magsalita na animo nang-aasar.

“Don’t tell me that you’re already falling for me kaya ka ganiyan umasta?”

“I’m not,” diretso kong sagot.

“Then maybe, you’ll say yes sa dati kong proposal sa iyo?”

“What proposal?”

“To be my . . . BFP? Bed Friend Partner?”

“Never!” singhal ko, saka ko hinatak ang kamay ko at naglakad. Naramdaman ko naman ang paghabol niya sa akin.

“Avrein, gumagabi na! Hintayin mo ko!” sigaw nito pero nagtuloy lang ako sa paglalakad.

I’m not really this stubborn, pero parang nasagad niya ang pasensiya ko ngayon kaya’t agad akong tumakbo papalayo.

KANINA pa ako naglalakad at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap ang daan palabas.

May nadaanan akong kubo na umagaw sa akin ng pansin. Maliit lang ang kubo na parang tirahan lang ng mga maliliit na bata. Nakakabit ang kubo sa isang puno ng acacia .

Lumakad ako palapit dito at pumasok sa loob. May nakita akong lumang laruang luto-lutuan at iilang mga bead ng bracelet na halatang luma na.

Hindi ko hinawakan ang alin man sa mga iyon at lumabas na ng kubo. Naagaw ang pansin ko ng isang malaking mga letrang nakaukit sa puno ng acacia . Mga letrang V at D na may hugis na puso sa pagitan.

(V ❤ D)

Mukhang matagal na panahon na itong nakaukit dahil natatabunan na ito halos ng panibagong balat ng puno.

Nilisan ko ang lugar na iyon at nagsimula na namang maglakad. Tiningnan ko ang relo ko at mag-aalas syete na ng gabi kaya bahagya akong kinabahan. I need to get out of here dahil sobrang dumidilim na.

“Avrein!”

“Ay butiki!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko si Vience na tumatawang nakatingin sa akin.

“Ang gwapo kong butiki, Avrein.” Naglakad ito palapit sa akin. Hindi ko alam kung malabo lang ba talaga ang mga mata ko o talagang wala siyang pang-itaas na damit at basa ang buhok niya.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay doon ko napagtantong totoo pala ang nakita ko. Talagang wala siyang pang-itaas at basing-basa siya. “B–bakit ka n–nakahubad?”

“Don’t worry, kahit nakahubad pa ’ko o nakahubad ka man sa harap ko, I won’t fuck you . . . not unless you initiate.” Ngumisi pa ito sa akin kaya’t mabilis akong tumalikod at naglakad. “Where the hell are you going again, Avrein? Nahulog na nga ako sa ilog dahil lang sa paghahanap sa ’yo!”

Napangiti ako sa narinig ko mula sa kaniya kaya’t nilingon ko siya. “Ang lampa mo.”

Mabilis siyang lumakad palapit sa akin. Halos iilang pulgada lang ang layo namin. Nagtangka akong humakbang patalikod pero mabilis niyang nahapit ang baywang ko. “Sinong lampa? Inaasar mo ba talaga ako?” kunot-noong tanong niya. Abot-abot naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa pagkakalapit namin.

“H–hindi po,” utal na tugon ko.

Bigla niya akong pinakawalan at tumingin sa paligid. “Nasa pusod na tayo ng gubat. Aabutin tayo ng hatinggabi kung lalabas pa tayo. Dito na lang tayo magpalipas ng magdamag,” anito at saka nagpatiuna na.

Nakita ko siyang namulot ng mga tuyong sanga at tuyong dahon.

“B–baka may tuko rito,” kabadong anas ko.

Ngumisi siya sa akin bago sumagot. “Don’t worry, I won’t let any insect or any animal lay their filthy body on your precious skin . . . only my hands and lips.”

“Sir!” Tinawanan lamang ako nito bilang sagot.

Sinundan ko lang siya hanggang sa mapunta kami doon sa bahagi ng gubat na maraming puno at may papag.

“Bakit may papag dito?”

“My Mom and I used to go here. Dito kami madalas mag-picnic noon kapag busy si Dad sa business,” paliwanag nito, saka sinimulan iayos ang mga pinulot niyang mga tuyong sanga at dahon.

“Aanhin mo yan?”

“Gagawa ng apoy. Siguradong malamig mamayang gabi.”

“Bakit sanay ka sa ganito?”

“Bakit puro ka tanong? Interasado ka na ba talaga sakin?” aniya at sinundan pa nito ng ngisi ang sinabi.

“H–hindi, ah!” Hindi ko na lang siya pinansin at naupo na lang ako doon sa papag.

Pinagmamasdan ko lang siyang gumawa ng apoy. Hindi ko alam pero parang . . . ang hot niya— Pambihira ka, Avrein!

“Hot talaga ako.”

“Huh!?”

“Sabi ko hot talaga ako, pogi pa.” Nakita kong nakagawa na siya ng apoy.

“Sino’ng may sabi?” pang-aasar ko.

“Iyang mga mata mo, Avrein. Sabi nila, ‘ang pogi at hot ni Sir Vience’ .”

“Ewan ko sa ’yo!” Pero sa totoo lang ay nangingiti ako. May ganitong side rin pala siya?

Nang matapos siyang gumawa ng apoy ay umupo siya sa tabi ko.

“Your clothes are too revealing. Hindi ka ba giniginaw?” basag nito sa katahimikan sa pagitan namin.

“Ayos lang po ako,” awkward na tugon ko. I didn’t want the atmosphere. It was really awkward. Halata kasi na gumagawa lang siya ng topic.

“Avrein?”

“Hmmm?”

“Na-in love ka na ba before?” my body automatically stiffened with what I heard.

“N–no.”

“You are lying.” Napalingon ako sa sinabi nito.

“Huh?”

“You’re lying, mukhang na-in love ka na noon,” seryosong pahayag nito.

Tumingin ako sa kawalan at pinagmasdan ang mga dahon na naglalaglagan.

“I don’t know what’s the feeling of being in love kaya hindi ko alam ang isasagot ko. Ang alam ko lang ay may isang tao akong nagustuhan noon, pero hindi ko alam kung pagmamahal na ba ’yon,” sagot ko.

“When that someone kept bugging your mind every night , then you’re in love with that someone.”

“Is there such thing as in like? Baka ganoon lang kasi ang nararamdaman ko,” inosente kong tanong habang nananatili pa rin akong nakatingin sa kawalan.

“Madalas masaktan ang mga tao, dahil madalas nilang maipagkamali ang mahal sa gusto.” Napapiksi ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng palad niya sa kamay ko.

“Sir—”

“I’ve been in love before, I did everything for her pero nasaktan lang ako. Since that day, I lost trust on women.”

Hindi ko inalis ang pagkakadampi ng palad niya sa kamay ko dahil pakiramdam ko iyon lang ang maitutulong ko.

“My Mama once told me . . . before you do something for someone, make sure that the lemon is worth the squeeze. Bago mo ibigay at ibuhos lahat ng mayroon ka, siguraduhin mo na pareho kayo ng nararamdaman—”

“But if you’re really in love with someone, you’ll do everything without any hesitation, kahit pa maubos ka na o ubusin ka niya. At iyon ang mali ko. Gumawa ako ng mga bagay nang hindi ko lubos na pinag-isipan. Nakasakit din ako ng mga tao nang panahon na iyon.” So this was his soft side.

“I could never blame you for doing such things. Sometimes, in able to have something good, you have to do something bad. Kasehodang makasakit ka, kung may mabuti namang maidudulot sa ’yo, iyon ang ginagawa mo. We’re just humans.”

Imbes sumagot ay nag-inat ito at biglang humiga sa papag at inilagay niya ang dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya, saka pumikit. “Why do humans born to complicate things that are not supposed to be complicated?”

Pinagmasdan ko lang siya. Wala pa rin siyang pang-itaas. I couldn’t deny it, he was really handsome. Hindi malalantik ang pilik mata niya pero makakapal naman ang mga ito. His brown and deep eyes was well-suited with his pointed nose, and of course his lips, hindi ito makapal ngunit napakahubog nito at pulang-pula.

“Are you done memorizing my face?” Nabigla ako nang magsalita siya at biglang dumilat. Naaktuhan niya tuloy akong nakamasid sa kaniya. Ramdam ko ang pagragasa ng init sa pisngi ko.

Ibinaling ko sa iba ang paningin ko at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita ko. “T–tuko!”

Napalundag ako papunta kay Vience. Dumapa ako sa katawan niya at isinubsob ko ang ulo ko sa leeg niya. “Vience, m–may tuko!” utal at takot na saad ko rito.

“Shhhhh. Aalis din ’yon.”

“Alisin m–mo.”

“Why would I? I love the feeling of having you on top of me . . . and enjoying your warm body.”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Fourteen

AVREIN

“WHERE have you been, Avrein!” galit na bulalas sa akin ni Fria pagkapasok na pagkapasok ko ng silid namin. Nakita ko naman si James na nakatingin lang sa akin na tila nag-aalala ngunit ayaw magsalita.

“Fria!” Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang gusto kong iparating.

“He already knew about Clei, don’t worry, Avrein. Simula pa lang, alam na niya,” saad ni Fria na ikinabigla ko.

Napasuko na lang ako sa narinig ko mula sa kaniya. Nagbuntonghinginga na muna ako bago ako muling nagsalita.

“Nawala ako sa gubat,” blangkong wika ko sa kanila.

“What do you really mean by that?” tanong ni Fria.

“Nawala ako sa gubat . . .” I paused for a while. “. . . kasama siya.”

Nakita ko kung paano pinanlakihan ng mga mata si Fria but not James. “Y–you spent your night with that asshole?” hindi makapaniwalang sabi nito.

“Fria!”

“Are you out of your mind, Avrein?” She was being hysterical.

“Stop whatever you’re thinking. I know what I’m doing. Wala kaming kahit anong ginawa,” depensa ko, saka ako lumagpas sa kanila at nagtuloy-tuloy sa banyo.

I lied.

Habang sinasabon ko ang katawan ko, hindi ko maiwasang maidampi ang daliri ko sa mga labi ko.


“Why would I? I love the feeling of having you on top of me . . . and enjoying your warm body.”

“Pervert!” saka ko siya itinulak at mabilis na lumayo sa kaniya.

“Why are you mad at me? It was your fault. You jumped at me without my permission.”

“ISA!” banta ko at napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

Bigla akong kinabahan nang tumayo siya mula sa pagkakahiga at dahan-dahan na lumapit sa akin.

“A–anong gagawin mo?”

“Inaakit mo ako.” Ngumisi pa siya na nagbigay ng matinding kaba sa akin.

“H–hindi, ah!” pasigaw at utal na sagot ko.

“Stop stammering, Avrein. Lalo mo lang akong inaakit sa iyo. Pakiramdam ko kasi ay naiintimida ka sa presensiya ko.” At sa isang iglap ay nasa harap na mismo ng mukha ko ang mukha niya. Hindi ko masasabing nakakahinga pa ako dahil ako mismo hindi ko alam kung humihinga pa nga ba ako.

I felt his hand on my shoulder. He gently squeezed it that sent a strong sensation to my spine.

“V–Vience.”

“Stop calling my name. Mas lalo akong naaakit sa iyo,” seryosong saad nito.

“Ano n-na naman ba kasi’ng trip mo?” Hindi ko alam kung naiiyak ba o natatakot ang tono ko.

“Ikaw.”

“Huh!?” bahagya ko siyang itinulak ngunit kinabig niya lamang ako gamit ang isang kamay niya at ang isa pa ay inihawak niya sa likod ng ulo ko.

“You can never get away from me. I want you, Avrein.” Napamulagat ang mga mata ko sa narinig kong tinuran niya. Gusto kong kumalas sa pagkakahapit niya pero hindi ko magawa.

“ Stop this!“ I took all the courage para sigawan siya pero tanging ngisi lang ang iginanti niya sa akin.

“Stop what, Avrein? Wala pa naman akong ginagawa,” aniya at marahan niyang ipinagdampi ang mga tungki ng ilong namin.

“T–this?” patanong na sagot ko.

“You’re not even sure with your answer, babe. What do you want me to stop?”

“A–are you going to—”

I heard him chuckled before he cut me off. “You’re really too naive and innocent. I won’t fuck you . . . but foreplay is an exception.”

And with that, his lips touched mine. I knew I should object, but my body didn’t want to. I knew I should tell him to stop, but my whole soul contradicted my principle.

Slowly, his lips began to move. He sucked my lower lip that gave some ecstatic feeling within my soul. “Hmmmm. . . .” Oh, gosh! I knew I should not moan, but I did. I didn’t know how to control my lips anymore. It seems that someone owns my lips, body and soul aside from me.

I didn’t know what happened to me but I did wrap my arms around his neck, savoring his kisses.

I felt his right hand caressing my lower back that gave me an unfelt sensation. I didn’t know what’s with his kiss. I couldn’t resist it, I liked it. I really did.

I didn’t know if my brain was still functioning as how I wanted it to work . . . but one thing is for sure, this feeling was quite addicting.

He continued kissing me until his lips went to my jaw line . . . slowly giving it a lip massage. “Vience . . . hmmmm!” Please get someone to stop me from moaning.

“I knew you’ll like this, babe,” he whispered.

Nabobobo na yata ako. Pati paghinga, hindi ko na alam kung ano ba ang tamang rhythm.

I automatically groaned as I felt his left hand in my bosom—not squeezing, but gently touching it.

You should stop him now, Avrein!

My mind kept on protesting, but my body kept telling me to do the other way around. I pulled his head closer to me . . . and his lips, closer to my neck.

“Aggressive.” I didn’t know if that was a compliment. Basta’t alam ko ay napangiti ako.

Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin kaya’t mabilis kong ipinalupot ang mga hita ko sa baywang niya sa takot na mahulog. But I think, I did the wrong thing. Mas lalo kong naramdaman ang naghuhumindig na kaanyahan niya.

His kisses became harsh, rough and senseless. Malayo na sa halik kanina na tila ayaw niya akong masaktan. Katangahan nga siguro itong maituturing pero parang mas nagustuhan ko ito.

My whole world protest nang bigla niya akong ibaba buhat sa kaniya at ilayo. “Damn it!“he exclaimed.

“W–why?” I didn’t know how I sounded, but one thing was for sure . . . he looked so frustrated upon hearing my question.

“I can’t fucking ruin your life. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang ’pag itinuloy natin ito. Stay away from me!”

Mabilis siyang humiga sa papag at pumikit. I

One feeling invaded my whole consciousness . . . I felt rejected.

Kinaumagahan ay sabay naming tinahak ang daan palabas nang hindi man lamang nagkikibuan.


“Bakit ba ang tanga mo, Avrein! Bakit ka nagpatangay?” hindi ko napigilang pangangaral sa sarili ko at saka ko pa ginulo ang buhok ko.

“Sabi ko na ba at tama ako. Sabi ko na’t nagsinungaling ka sa amin kanina.” Napakislot ako nang may magsalita at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko si Fria na nasa tapat ng pintuan at may dalang tray.

“Fria—”

“You don’t need to tell me everything, Avy. Sapat nang safe kang nakabalik dito. Eat first,” aniya at saka inabot niya ang tray na may pagkain sa akin.

PAPASOK ako ngayon sa conference hall ng resort. I’m wearing a black elegant slim gown na expose ang malaking parte ng likod ko at tinernohan ko ito ng isang pares ng transparent heels. Laking pasalamat ko at isinama pala ito ni Fria sa maleta ko.

Tinawagan ako ni James kanina at sinabihan niya ako na mag-ready para sa company party na ’to wearing Clei’s personality.

Upon my entrance halos lahat ng mga mata ay nasa akin. Mga tingin na tila gusto akong kainin ng buhay. Mga tingin na tila nai-insecure.

“Who is she?”

“Hindi siya maganda. Maganda lang ang gown niya.”

“Feelingera, ewww!”

Hindi ko mapigilang mapangisi sa mga naririnig kong sinasabi ng mga tao sa paligid, lalong-lalo na ang mga kababaihan at mga beki.

“Please acknowledge the entrance of Ms. Avrein Laiclei Freezell.” I froze for a moment bago nag-sink in sa akin ang sinabi ng MC.

“Let’s go?” naputol ang pag-iisip ko nang makita ko sa harap ko si James at malawak ang pagkakangiti.

Basta ko na lang inangkla ang kamay ko sa braso niya nang hindi ko man lamang tinitingnan ang paligid ko.

“Why did the MC—”

“I told him to do that,” putol nito sa sinasabi ko, saka ako ginawaran ng halik sa noo.

Bigla akong nakaramdam ng pagkailang sa klase ng tingin na ipinupukol sa akin ng mga tao sa paligid ko.

Iginiya ako ni James pagawi sa isang bilog na lamesa kung saan naroon din sina Fria at Audrey. “You look so gorgeous,” bati sa akin ni Fria, saka ngumiti. Halata ang pagtatampo sa kaniya pero alam kong nangingibabaw pa rin ang pagiging magkaibigan namin.

“Thanks.”

“Tss!” I heard Audrey hissed pero hindi ko na lamang siya pinagtuunan ng pansin.

Naupo na lamang ako at pinagmasdan ang paligid. Halata rito na isa itong elegant event. May naglalakihang mga chandelier sa ceiling, iba’t ibang uri ng mga inuming nakalalasing, malamyos na tugtog . . . at siya na nakaupo sa tabi ng stage habang titig na titig sa akin at may hawak na kopita ng alak sa kamay.

Hindi ko alam pero hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa kaniya.

“Avrein.” Nilingon ko nalang kung sino man ang tumawag sa pangalan ko. “Kanina ka pa tinatawag ni Fria pero hindi mo siya pinapansin,” ani James sa akin.

Muli hindi ko pinansin ang sinabi niya at binalik ko ang tingin ko kay Vience pero hindi ko na siya nakitang naroroon.

“Looking for someone?” I stiffened as I heard that voice.

“Sir Vience!” malanding saad ni Audrey. “Upo po kayo rito sa tabi ko.”

Nakita kong nginitian lang siya ni Vience at umupo ito sa tabi ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Basta bigla nal ang akong kinabahan.

Yumuko na lamang ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya sa akin.

“Avrein? Let’s dance?” dinig kong sabi ni James. Hindi na niya ako hinintay sumagot at inakay na niya ako pagawi sa gitna kung saan may mga pares na nagsasayaw.

Lumingon ako sa pinaggalingan ko at ganoon na lamang ang pagtataka ko nang malingunan ko siya na malamig ang tingin na ipinupukol sa akin.

“Don’t mind others,” wika ni James, saka pa hinawakan ang baba ko at nilingon ang mukha ko sa kaniya.

Ikinawit niya ang mga braso ko pagawi sa batok niya at hinawakan niya ako sa baywang at inilapit sa kaniya.

“I want to settle things between the two of us, Avrein.” Napatingin ako ng tuwid sa mga mata ni James sa sinabi niya.

“There’s nothing to settle James. Wal,ang tayo mula pa noon at alam kong alam mo ’yon,” malamig na tugon ko rito, saka o binaling sa ibang direksyon ang mga mata ko. “James, please stop this.”

“Stop what, Avrein?” biglang nagbago ang tono ng boses niya na siyang ikinalingon ko. Kitang-kita ko kung gaano siya nasasaktan.

“Stop loving me.” walang utal na sagot ko, saka ko inalis ang pagkakakawit ng mga braso ko sa batok niya.

“I love you, Avrein. I really love you. Walang nagbago mula noon hanggang ngayon. Mahal na mahal pa rin kita,” he hopelessly said, at nagulat na lang ako nang bigla niyang kabigin ang ulo ko, sa ginawaran ng halik ang mga labi ko. Napapikit ako hindi upang damhin ang halilk, kung hindi para hindi ko na makita kung gaano pa siya nasasaktan.

Hindi pa nagtatagal na nakalapat ang mga labi niya sa mga labi ko ay bigla itong nawala sa harapan ko. Nagulat ako nang makita ko si James na ilang pulgad na ang layo sa akin at hawak ang pang ibabang labi na dumudugo.

“What happened—” and before I could even finish my question, someone dragged me out of the scene.

“Vience. . . .”

“Shut your mouth!” Napatahimik naman ako at hinayaan ko lang siya na hatakin ako papunta sa kung saan.

Dinala kami ng panghahatak niya sa tabi ng dagat. Marahas niyang iwinasiwas ang kamay ko at hinarap ako. “Tang ina, Avrein, ano bang problema mo!?”

Kumunot ang noo ko sa itinanong niya at hindi ako nagpadaig sa kaba na nararamdaman ko. “Ikaw ang bigla na lang na nanghatak sa akin dito tapos itatanong mo kung anong problema ko?”

Nagulat ako nang bigla niyang suntukin ang katawan ng puno ng niyog na nasa tabi niya.

“A–ano bang i–ipinaggaganiyan mo?” utal na tanong ko sa gulat.

“You, and your bullshit actions! You and your innocence! You and your—tang ina talaga!” at muli nitong sinuntok ang puno.

“H–hindi kita maintindihan,” utal na tugon ko rito pero nagulat ako sa sunod na ikinilos niya. Yumuko siya at pinunitan ng tela ang suot kong damit. “A–anong ginagawa mo!?” balisang saad ko.

Sa halip na sagutin ay kinuha niya ang kapirasong tela na pinunit niya at tumayo, saka iyon marahas na ipinahid sa mga labi ko. “I’m your first kiss and no one has the right to kiss you aside from me! Damn it! I’m your first and I’m going to be your last and not that freak!”

“N–nasasaktan ako.” Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko. Umiiyak na pala ako.

“S–shit! Stop crying! I’m sorry . . . sorry.” Nagpa-panic na saad niya, saka niya isa-isang hinalikan ng mga labi niya ang bawat luhang kumakawala mula sa mga mata ko.

“A–ano bang nangyayari sa ’yo?”

“Hindi ko alam, Avrein. Kahit ako hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin! Kahit ako hindi ko alam kung bakit hindi ka mawala sa isip ko! Kahit ako hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa tuwing malalapit ka sa ibang lalake!” bulalas nito saka mabilis na kinabig ang ulo ko at ginawaran ng halik ang mga labi ko.

Sa halip na tugunin ay itinulak ko siya at bahagya akong lumayo sa kaniya, saka tiningnan siya sa mga mata. “Alam mo, Vience, pero gaya ko, natatakot ka. Natatakot ka sa nararamdaman mo . . . sa kung ano man ang nararamdaman mo,” tugon ko at saka ko siya tinalikuran.

Naglakad ako palayo sa kaniya pero naramdaman kong pinigilan niya ang isang kamay ko.

“Avrein. . . .”

Hindi ko siya nilingon at hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.

“Wait for me. Wait until I find what this feeling is. Wait until I can take all the courage to tell you why can’t I enter a relationship and why can’t I trust women. Just wait for me please. Wait for me,” nagsusumamong saad nito. Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binitiwan niya.

Akmang sasagot na sana ako nang . . .

“VIENCE!” sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Siya ang babae noon sa opisina na tumawag ng Vience kay Vience imbes na Kent.

Nilingon ko si Vience at nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Maging ang pagkasabik, pangungulila at . . . pagmamahal.

Hindi ko alam pero parang may kumirot sa dibdib ko nang unti-unti niyang bitiwan ang kamay ko at patakbong tinungo ang babae.

“Denelle!”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Fifteen

AVREIN

MABILIS akong naglakad palayo. Hindi ko alam kung bakit pero nakararamdam ako ng masakit sa bandang dibdib ko.

Hindi ko alam bakit nagawa ko pang lingunin siya na lalong ikinasakit ng dibdib ko. Yakap yakap niya yung si Denelle habang nakangiti naman ang huli.

Ano bang nangyayari sa ’kin?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis akong tumakbo palayo. Walang tamang destinasyon ang utak ko basta tumakbo lang ako. I’d never felt this kind of pain before. I’d never been in this kind of situation before—wherein my eyes and knees were betraying me, wherein I’m losing my control on my own brain. This feeling sucks! This feeling is unidentifiable!

Kung saan man ako dinala ng mga paa ko, hindi ko alam. Basta’t naupo na lang ako sa isang duyan na nakita kong nakatali sa pagitan ng dalawang puno ng mangga.

“People tend to run whenever they get hurt. They usually thought that running keeps them away from feeling a disastrous pain.” Bigla na lamang tila kusang bumalik sa reyalidad ang isip ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses mula sa likuran ko.

“Vance?” pagtawag ko sa pangalan nito nang makita kong ang pinsan kong ito ang nalingunan ko.

Ngumiti lang siya sa akin, saka tumango. Naupo siya sa tabi ko at inihiga ang ulo sa balikat ko. We’re not that close, mas close si Vance kay ate Aiyell at Leickel. Kami naman ni Aeickel ang magkadikit dahil kami raw ang magkautak.

“You’re crying and this is the first time that I saw you cry.” My body froze for a while at doon lang nag-sink in sa akin na basa na nga ang pisngi ko dahil sa mga luha.

Pinilit kong magpanggap na normal kahit hindi naman siya nakatingin. “I’m fine. Bakit ka nga pala nandito?”

She held my hand and played with the tip of my fingers. “May shooting kami rito, tapos nakita kita. At first, I’m not really sure kung ikaw ba ang nakita ko dahil nakabihis ka, pero nang nakita ko ang mga mata mo habang tumatakbo ka palayo, doon ko lang natiyak na ikaw nga ang nakita ko. Siguro may dahilan kung bakit iyan ang suot mo pero hindi iyan ang isinunod ko sa ’yo rito.”

“Naabala pa yata kita,” turan ko.

“I’m the one who brought Denelle here. She’s my co-model. Hindi ko naman alam na ang Vience palang tinutukoy niya ay ang boss mo na humalik sa ’yo noon sa kasal ni ate Aiyell. I sincerely don’t know, Ate. Kung alam ko lang hindi ka sana umiiyak ngayon.”

Dedepensa pa sana ako sa sinabi niya umangat siya mula sa pagkakasandal sa balikat ko, saka ngumiti nang mapait sa akin.

“I told you before not to fall for that type of guy, but you did. Now, face all the consequences of loving that kind of man . . . that kind of man who’s fun of pushing people around him . . . away.” May pagbabanta sa itinuran niya ngunit bago pa niya mabigyang linaw ang sinabi niya ay nawala na siya paningin.

NAGLALAKAD ako ngayon dito sa dalampasigan. Mula kaninag nag-usap kami ni Vance ay hindi pa rin ako bumabalik sa silid ko. I wonder kung hindi pa ako hinahanap ni Fria at James.

I have been assessing myself while I was walking at isa lang ang konklusiyon ko para sa sakit na nararamdaman ko . . . I already fell. Kahit anong tanggi ang gawin ko, I knew to myself that I hardly fell.

“I am really in love with you, but what should I do? Hindi ko naman puwedeng basta na lang sabihin sa ’yo o basta na lamang ako umamin. Natatakot ako—”

“You need to take the risk. Walang mangyayari kung hindi ka aamin. Walang mangyayari kung ibabaon mo lang ang nararamdaman mo.” Mabilis akong napalingon sa nagsalita at halos matuod ako nang malingunan ko si Vience.

“S–Sir Vience.” Ramdam kong tinakasan na ako ng kulay sa mukha. Ramdam ko na tila nagunaw na ang mga nasa paligid ko dahil sa kaba. Narinig niya ba lahat ng sinabi ko?

Naglakad siya patungo sa gawi ko at naupo sa buhanginan. “Kanina ka pa namin hinahanap at dito lang pala kita matatagpuan.”

Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko, dagdag pa na nanlalambot na ang mga tuhod ko kaya’t napaupo na lang ako sa tabi niya.

“S–sorry.”

“Don’t be,” anito habang nakatanaw sa dagat. “I’m sorry, iniwan kita roon nang makita ko si Den. Sorry.”

“W­–wala pong kaso ’yo, Sir.”

“Don’t act like you’re cool, Avrein. I heard what you said a while ago . . . everything.” Para akong binato ng napakaraming hallow blocks sa narinig ko. “You don’t have to explain. It’s your privacy. Hindi maganda na panghimasukan ko pa iyon.” There is something unusual about his aura.

“I–if you don’t mind, who is she?” Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para magtanong sa kaniya.

Bahagya akong kinabahan nang nilingon niya ako at tiningnan nang mataman. Hindi ko naman magawang lingunin siya kaya’t tumingin na lamang ako sa dagat.

“She’s Denelle Ria Kazehaya. She’s half Filipino and half Japanese. She’s twety-five years old and she’s my ex,” walang ka-abog-abog na sabi nito na ikinasikip ng paghinga ko.

“Y–you’re ex?”

“Ang nag iisang babaeng minahal ko.” Pagkarinig ko niyon ay parang gustong mag-unahan ng mga luha ko sa pagpatak pero pinilit kong i-compose ang sarili ko.

“I s–see.”

“But she left me.” Naramdaman ko ang sakit sa tono niya nang magsalita muli siya.

“If you’re not ready to—”

“She left because I’m useless. I’m wasted, I’m a jerk, I’m a fucked up fool . . . and I’m—just a total fuck!” Nagulat ako ng tumayo siya at sumipa sa buhangin saka sumuntok sa puno na malapit sa kaniya. Nararamdaman kong may nais pa sana siyang banggitin ngunit pinili niyang huwag ituloy.

Tumayo ako. Gusto ko siyang awatin pero hindi ko magawa. “S-sorry. Hindi na dapat ako nag-ungkat,” mahinang bulong ko na biglang ikinakalma niya.

Inilang hakbang niya lang ang pagitan naming, saka ako niyakap nang mahigpit. “Sorry for freaking out. Sorry,” ulit-ulit nitong paghingi ng tawad.

“I–it’s okay.”

“Just wait until I’m ready. I promise, sasabihin ko sa ’yo lahat ’pag handa na ko,” aniya saka ko naramdaman ang paglapat ng mga labi niya sa buhok ko na siyang nagbigay ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko.

Pinakawalan niya ako at tiningnan nang mataman sa mga mata. “I don’t know what’s with you, Avrein. How could you make me calm in an instant?”

“If she left you, bakit ngayon bumalik siya?” wala sa sariling saad ko na hindi ko man lamang pinansin ang sinabi niya.

“She wants me back . . .” diretsong tugon nito. “. . . pero tumanggi ako.”

Napamulagat ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. “W–why? I mean, m–mahal mo pa siya, hindi ba?”

“I told you that she’s my ex at ang kaisa-isang babaeng minahal ko pero hindi ko sinabi sa ’yong mahal ko pa siya.”

“S–sorry.” Napayuko na lamang ako. Ano ba’ng pinagsasasabi ko? Daig ko pa ang tanga sa ginagawa at sinasabi ko! Pambihira!

Nagulat ako nang iniangat niya ang mukha ko at mabilis na dinampian ng halik ang mga labi ko. Parang normal lamang ang ginawa niya at walang naging pagtutol mula sa akin.

“Every time I hear you apologizing for no definite reason, I will kiss you. Understand?” aniya at wala sa sariling napatango ako.

I was surprised when he suddenly intertwined our fingers. “Let’s walk,” aya niya na mabilis kong sinunod. Hindi niya lang alam kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko sa ginagawa niya na tipong gusto ng lumabas ng puso ko.

Dapat ba akong magpasalamat na hindi ako pasmado? Pambihira! Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

“Let’s play truth and lying game. Malayo pa naman ang resort dito. Boring kung maglalakad lang tayo at hindi mag-uusap.”

“T–truth and lying game?”

Huminto kami sa paglalakad at hinarap niya ako “Magsasabi ka ng isang bagay o kahit ano man na gusto mo then i-ja-judge ko kung truth ba o lie. Salitan tayo. Gets? Pag mali ang hula mo, hahalikan kita kung saan ko gust, at kapag mali ako, hahalikan mo ’ko kung saan mo gusto. Kapag tama ang hula ko hahalikan kita kung saan ko gusto and vice versa,” nakangiting aniya na sinabayan pa ng pagkindat . Bakit ba ang gwapo—stop, Avrein!

Hindi ba ako dehado roon?

Tumango naman ako bilang tugon.

Muli kaming naglakad nang hindi man lamang niya binitiwan ang kamay ko. “I’m wearing boxer shorts.”

Bastos talaga ’to! Puwede namang iba ang ipahula, pambihira !

“Truth.”

“No, babe, it’s a lie. I’m only wearing briefs,” aniya at saka pa ito sinundan ng tawa. Nagulat ako nang itaas niya ang kamay ko na hawak niya at halikan ang likod nito.

“I–I’m wearing a b–bra.”

Narinig ko siyang tumawa bago nagsalita. “Lie. Naka-razor back ka, halatang wala kang suot na bra, babe,” tumatawang wika nito at mabilis na kinintalan ng halik ang pisngi ko.

Pambihira! Ang tanga ko!

“I only bedded three women.”

Ngumiti muna ako bago sumagot. “Lie.”

“Ganoon ba talaga ako kasamang tingnan?” Hinarap ko siya at mabilis na kinurot ang pisngi niya ng kamay ko na hindi niya hawak. “Sabi ko kiss,” wika nito nang nakanguso.

“Gusto ko kurot, e,” tumatawang sabi ko.

“Sayang,” dinig kong bulong niya na ikinangiti ko.

“I’m alchoholic,” anas ko.

“Lie.”

“That’s a truth, Mr. Montealegre. Allergy lang ako sa tequila pero hindi ako napapataob sa inuman.”

Muli ko na naman siyang kinurot sa pisngi na lalong ikinanguso niya.

Nagtaka ako nang huminto kami sa paglalakad at bigla niya akong hinarap. Tiningnan niya ako gamit ang seryosong mukha. “I love you,” saad niya at bigla akong nakaramdam ng pagkalito.

You’re on a truth and lying game, Avrein.

“Lie.” I answered. I saw him smirked that really confused the hell in me.

Hindi niya ako hinalikan kaya’t sa palagay ko ay tama ang naisagot ko. But deep within me, I’m hoping na sana totoo na lang iyon.

Akmang hahatakin niya ako para magpatuloy sa paglalakad ngunit pinigilan ko kaya’t muli siyang humarap sa akin at tiningnan ako sa mga mata.

Huminga muna ako nang malalim, saka ko sinalubong ang tingin niya. “I’m in love with you.”

I saw how his face darkened. “Don’t. Don’t fall for me. Don’t love me,” malamig na wika niya, saka niya unti-unting binitiwan ang kamay ko at tinalikuran ako, saka nagpatiuna sa paglalakad.

How can I not fall for you when I already did?

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng sobrang sakit sa dibdib ko. Ramdam ko rin na gusto nang kumawala ng mga luha ko sa mga mata ko dahil sa sobrang sakit.

Nakita kong bahagya siyang huminto sa paglalakad ngunit hindi naman niya ako nilingon na siyang ipinagpasalamat ko. Ayokong may makakita na nasasaktan ako. Ayaw ko . . . hindi ko gusto.

“By the way . . . I know it’s a truth, Avrein. Your own eyes speak for you and for what you feel,” wika niya bago ako tuluyang iniwan.

Alam mo . . . pero mas pinili mong talikuran ’tong nararamdaman ko.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Sixteen

AVREIN

MATAPOS ng mga nangyari noong company outing ay nagkausap din kami ni James. Walang naging mahabang pag-uusap sa pagitan namin, dahil agad niyang tinapos iyon sa pagsasabi ng . . . alam niyang may iba akong mahal at tanggap niyang kahit kailan ay hindi na magiging siya iyon. Wala akong masasabing iba para kay James, dahil kahit ako mismo, alam kong wala nang ibang tao pa ang kayang lumugar sa puso ko.

Palabas

na ako ngayon ng opisina. Napagpasyahan kong puntahan na lang din siya tutal naman ay boss ko siya at may sakit siya. Hindi ko na lang muna iisipin ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ayoko rin namang isipin. Si Fria ang nagbanggit sa akin na hindi nakakapasok si Vience dahil may sakit kahit na ako ang sekretarya sa aming dalawa.

After the day I confessed, hindi ko na siya nakita o kahit naramdaman ang presensiya niya. Ramdam ko ang pag iwas niya sa akin.

Mabilis kong tinungo ang parking. Habang nasa daan ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Normal ba ’to kapag papunta ka sa taong tinanggap mo na sa sarili mong mahal mo na? Iyong para kang nababanyo na naiihi na naeewan? Pambihira!

Hindi ko alam pero parang naging napakatagal ng paglalakbay ko patungo sa bahay nila o baka naman dahil nga sa hindi maintindihan na pakiramdam kaya’t hindi ko namamalayan ang takbo ng oras.

Lalong lumala ang kabang nararamdaman ko nang sapitin ko ang pinakaharap mismo ng bahay nila. Bahagyang napakunot ang noo ko nang may makita akong sasakyan na kulay pink sa tapat mismo ng sasakyan ko. Baka naman kay Vienna ’yon?

Bumaba na ako ng sasakyan ko dala ang mga prutas na binili ko sa nadaanan kong nagtitinda sa daan. Nag-doorbell muna ako at mabilis naman akong pinagbuksan ng guwardya.

“Magandang gabi po. Nariyan po ba si Sir Vience?”

“Opo, Ma’am. Tuloy na po kayo. Naibilin niya na po na baka nga raw dumating kayo.”

Nagbilin? Ang alam ko iniiwasan niya ako.

Lumakad na ako papasok. Nasalubong ko pa si Manang Lenna na nakangiting nakatingin sa akin. “Ang ganda-ganda mo talaga. Walang-wala sa ’yo iyong bruha,” wika nito na ikinakunot ng noo ko.

“Po?”

“Wala, iha. Dadalawin mo ba si Sir Vience?” tanong nito.

“Opo.”

“Nasa kuwarto na siya, iha. Kasama iyong bruha. Puntahan mo na lamang,” anito na ikinatango ko.

Umakyat na ako sa kuwarto niya na dati ko nang napuntahan. Akmang kakatok na ako ng pinto nang may magsalita sa tabi ko. “Ang suwerte naman ni kuya. Dalawang chicks ang dumalaw sa kaniya. Kaibahan nga lang anghel ang isa,” bulong nito.

“Hello, Viennard.”

“Hello, my woman,” nakangiting bungad nito sa akin. “Mukha ka talagang anghel sa paningin ko. Bakit ka ba nagtitiyaga sa kuya ko. Mas pogi naman ako r’on.”

“Ikaw talaga!” anas ko, saka ko ginulo ang buho nito. “Pasok na ’ko,” paalam ko rito.

“Sige. Mag-ingat ka sa witch,” nakangiting tugon nito bago tuluyang bumaba ng hagdanan.

Bruha? Witch?

Kumatok muna ako nang tatlong beses bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Ganoon na lang ang panggigilalas ko nang makita ko na may nakapatong na babae kay Vience. Marahan akong nagpasalamat nang mapagtanto kong pawang may mga saplot naman ang mga ito.

Gulat ang bumalandra sa mukha ko pero sakit ang gumuguhit sa dibdib ko . Pambihira, Avrein! Pambihira!

“Avrein!” gulat na bulalas ni Vience sa akin, saka niya marahang itinulak ang babae.

Napalaki ang mata ko nang lumingon sa akin ang babae. “D–Denelle?”

“Who are you?” taas-kilay na tanong nito.

Normal lang na ’tong sakit na nararamdaman ko, ’di ba?

“A–ahh—”

“Umuwi ka na, Den,” putol na ani Vience.

“Don’t want to,” nakangusong tugon nito kay Vience at mabilis na yumapos dito. “Matagal tayong hindi nagkita, mahal. Tapos ipagtatabuyan mo ’ko?”

“Stop, Den. Just leave,” malamig na tugon ni Vience rito, saka niya marahas na itinulak ang babae.

Galit na kinuha nito ang mga gamit niya at lumakad patungo sa gawi ko. Nakatayo pa rin kasi ako sa tapat ng pinto.

“Ikaw iyong secretary niya, right?” bulong nito sa punong-tainga ko nang makalapit sa akin. “Then ikaw din ’yong sa beach? Pero parang ang pangit mo yata ngayon sa attire mo? Well sabagay, kahit naman maganda ang attire mo pangit ka pa rin,” patuloy nito na ikinagulo ko.

Parang may nagbulong sa akin na humakbang patalikod para makita ko ang mukha niya. Halos magkasing tangkad lang kami dahil model siya.

Ngumisi muna ako sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. “A dog that doesn’t bite barks the most.”

Nakita ko kung paano namula ang pisngi niya sa sinabi ko. “You freak! Did you just call me a dog!?”

“I didn’t say that YOU.ARE.A.DOG, missy,” buwelta ko, saka ko na ito nilampasan na tipong nagbanggaan pa ang mga balikat namin.

“Ugh!” dinig kong panggigigil nito bago ako nakarinig ng papasarang pinto. Now I know kung bakit may bruha at witch.

Bumalik ako sa reyalidad at doon ko lang napansin na nakangiting nakatingin sa akin si Vience. “W–what?”

“I never thought that you could do that kind of cat fight.”

“Hindi ako nakipag-away.”

“Yeah not directly.”

Lahat ng kaba na nararamdaman ko kanina ay nawala. Pati iyong awkward moment na dapat ay maramdaman sa pagitan namin ay wala. Parang naging napakagaan ng atmosphere sa pagitan namin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

“Nagkakasakit ka rin pala, ’no?”

“Masamang tao lang ako, Avrein, hindi ako kalabaw,” wika nito, saka parang hirap na hirap na naupo sa kama kaya’t maagap ko siyang tinulungan.

“Ano bang nangyari?”

“Trangkaso. Hindi ba sinabi ni Fria?”

“Sinabi naman kaya lang—”

“Gusto mo lang marinig yung boses ko kaya tanong ka nang tanong. You missed me,” nakangising putol niya sa sinasabi ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinagbalat ko na lang siya ng mansanas na dala ko.

“Oh, kumain ka.”

“Subo mo sa ’kin.”

Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago ako nagsalita. “Pilay?”

“Hindi.”

“Baldado?”

“Hindi.”

“E, napano ka?”

“Kinikilig ako. Pinagbalat mo kasi ako,” aniya at tila naman rumagasa lahat ng dugo na mayroon ako patungo sa mukha ko. “Kidding.”

Hindi ko na lang siya pinansin at mabilis na tumalikod ngunit nagulat ako nang higitin niya ako kaya’t nabuwal ako sa katawan niya.

“Ahhhh!” igik niya dahil hindi rin naman biro ang timbang ko dahil matangkad ako.

“B–bakit ka ba kasi hatak nang hatak!?” utal na tanong ko rito dahil ramdam ko ang matitipuno niyang dibdib kahit na nakasuot siya ng kamiseta.

Sa halip na sagutin ay isinandig niya ang ulo ko sa dibdib niya at marahang hinaplos ang buhok ko. “Na-miss kita. Three days din kitang hindi nakita.”

“Vience.”

“Hindi kita iniiwasan kung iyon ang iniisip mo. Alam ko kung paano ka mag-isip, Avrein. Hindi ako umiiwas sa ’yo, nataon lang talaga na nagkasakit ako.”

“I’m f-fine. Hindi ko ’yon iniisip—”

“Liar.” Marahan nitong pinisil ang balikat ko gamit ang isang kamay. “Hindi dahil alam ko na ang nararamdaman mo para sa akin ay iiwas na ’ko. I won’t do that unless the situation asks me to do that. Hindi ko kailangang umiwas sa ’yo dahil wala ka namang ginagawa sa akin at isa pa alam ko naman na hindi mo ako pipikutin. Hindi ka ganoong klase ng babae,” patuloy niya at muli nitong hinaplos ang buhok ko.

“Stop it, Vience.”

“Ginagalang kita, Avrein, but please let me tell you this. Limitahan mo ang pagmamahal mo sa ’kin, I can never give you any assurance na mamahalin kita pabalik. I can never give you any assurance na maaari pa akong magtino. I can’t. Hindi ko puwedeng sirain ang buhay mo oras na magkamali ako ng desisyon ko.”

I didn’t know but I felt that he was hiding something from me. “The day I indirectly told you that I had fallen for you, I didn’t tell you to love me back. Hindi mo ako kailangang mahalin pabalik dahil lang alam mong mahal na kita.”

“Thank you. Akala ko hindi mo ako naiintindihan—”

“Naiintindihan kita. Minsan na rin may nagmahal sa akin pero hindi binigay ng sitwasyon na mahalin ko rin siya pabalik,” sagot ko, saka ako kusang kumalas sa pagkakayakap niya.

“Love sucks.”

“Siguro,” anas ko, saka ako nagtuloy sa banyo niya para maghugas ng kamay.

Hindi ko alam pero the moment na makapasok ako ng banyo ay nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko.

Ganito rin ba ang naramdaman ni James? Ganito rin ba kasakit?

Inayos ko lang ang sarili ko at mabilis na lumabas ng banyo. Naabutan ko siyang nakatayo at may kinakalkal sa cabinet niya. “Bakit ka tumayo? Kaya mo na ba?”

“I’m looking for something.”

“Tutulungan na kita. Ano bang hinahanap mo?”

“Comforter ni Mommy,” malamig na tugon nito na may bahid lungkot sa boses. Halata sa kaniya kung gaano niya kamahal ang Mommy niya.

Pareho kaming naghahanap nang mapansin kong tumigil siya. “Why?”

“Pinababa ko pala ’yon sa bodega,” iritadong sabi niya.

Mabilis siyang lumabas at sinundan ko siya hanggang sa marating namin ang bodega ng basement na tinutukoy niya. Walang sawa siyang naghanap sa mga nakatambak dito hanggang sa napansin kong tumigil siya. “Nakita ko na,” pagod na sabi niya, saka may dinakot siyang kulay lila na comforter.

Unti-unti siyang lumapit sa akin ngunit kitang-kita ko ang tagaktak ng pawis niya. Hindi ko alam pero mabilis kong hinawakan ang leeg niya nang mapansin ko ang pamumutla ng mga labi niya.

“You are really an angel,” wala sa sariling wika nito, saka hinawakan ang kamay ko na pinanghawak ko sa leeg niya at idinampi ito sa mga labi niya.

“Ang taas ng lagnat mo!” bulalas ko nang maramdaman ko ang init ng hininga niya.

“I don’t care as long as you’re here with me,” tugon niya, saka pa nito idinampi sa pisngi niya ang kamay ko.

“Tara na sa itaas, Vience, nagdedeliryo ka na.”

“No, Avrein, I’m fine.”

Magsasalita na sana ako nang haplusin niya ang mukha ko at mabilis na kinintalan ng halik ang mga labi ko. Humiwalay siya sandali sa akin at tinitigan ako sa mga mata. Hindi ako makakilos o ang mismong katawan ko ang ayaw kumilos.

“My angel . . .” mahinang bulong nito. “. . . I’m falling,” dagdag na bulong niya, saka biglang nabuwal pasandig sa katawan ko.

You’re falling, Vience? What FALL are you pertaining to?

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z

Seventeen

AVREIN

“OKAY na ba ang anak ko?”

Napatingin ako sa pinanggalingan ng tinig na narinig ko. Kasalukuyan kasi akong pababa ng hagdanan mula sa kuwarto ni Sir Vience. Inihatid ko kasi siya roon matapos siyang himatayin sa basement kanina.

“Opo, Mr. Montealegre. Natutulog na po siya,” tipid na ngiting sagot ko.

“Salamat, iha. Salamat at kahit paano ay napagtitiisan mo siya kahit na madalas ay ibang klase ang ugali niya,” anito sa akin.

Hindi na muna ako sumagot at nagtuloy sa pagbaba ng hagdan hanggang sapitin ko mismo ang harap ni Sir Vic.

“Sanay na rin po ako. Mabait naman po si Sir Vience.”

“Hindi ka ba niya binastos, iha? Hindi ka ba niya sinasabihan ng kung ano-ano? Kilala ko kasi ’yang si Vience. Hindi siya nakakatagal na hindi magsasalita ng kung ano-ano lalo’t magandang babae ang kausap niya.”

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ng Daddy ni Vience dahil kahit ako ay nabigla rin sa nangyari sa basement kanina.


“My angel . . . I’m falling.”

Mabilis ko siyang nasalo dahil siya na rin mismo ang bumuwal sa katawan ko.

“Sir—”

“I told you don’t call me Sir kapag tayong dalawa lang ang magkasama.”

“Opo—”

“And the po at opo.” Kahit na tila wala na siyang lakas ay may lakas pa rin talaga siya ng loob na makipagtalo sa akin.

“Kaya mo bang umakyat tayo?” malumanay na tanong ko.

“Bakit? Gusto mo ba ay dito na lamang tayo?” balik na tanong niya na ikinakabog ng dibdib ko.

“H–Hindi naman ’yon ang ibig k–kong sabihin.”

“Okay then stop asking.” Tila ang bilis naman ng pagbabago ng mood niya.

“Inaaalala ko lang po kayo,” tugon ko.

“I don’t want to hurt you,” mula sa kung saan na anas nito.

“H­­–Huh?”

“Stop being nice to me, stop being there for me. Stop being you! I’m useless, Avrein. I can’t love you back because I’m useless.”

“Vience!”

“Why? Hindi ba’t kaya ka lang naman talaga narito ay dahil gusto mong iparamdam sa akin na mahal mo ako? Hindi ba’t iyon naman talaga?” may halong kasarkastikuhang wika nito.

“Hindi ko ’to ginagawa para ipilit ang sarili ko. Ginagawa ko ’to dahil alam kong ito ang tama bilang sekretarya mo.”

Gusto kong pasalamatan ang sarili ko dahil nasabi ko nang maayos ang gusto kong sabihin nang hindi man lamang nauutal.

“Really?” himig kasarkastikuhan pa rin niyang tugon bago niya iniayos ang sarili niya at nagpilit na makatayo nang tuwid.

“Look, Sir, if you think that I’m doing these things because you already knew that I love you, then think twice. I may be in love with you but that doesn’t mean that I’m going to do everything for your attention. I’m not that pathetic, I’m not that desperate!” maluha-luhang saad ko. Sobrang sakit ng bawat binitawan kong salita para sa ’kin.

Alam kong nagsisinungaling ako. OO! Nagsisinungaling ako dahil alam ko sa sarili ko na handa kong gawin lahat mahalin niya lang ako. Bakit, mali ba? Mali bang hingin ko na mahalin niya rin ako? Bawat taong nagmamahal ay gustong mahalin din pabalik, anong pinagkaiba ko? Tao lang din naman ako.

“Don’t talk if there’s no finality in your every word. I knew you, your eyes always speak for you. Oo nga’t sinabi kong hinatayin mo akong malaman kung ano ba talagang nararamdaman ko, pero sana, Avrein, hindi sa ganitong paraan. Pakiramdam ko gumagawa ka ng paraan na mahulog ako sa ’yo. Alam mo ba kung gaano ko gustong pigilan ang sarili ko na mahalin ka? Hindi mo alam. Ayoko lang talaga na masaktan ka, kaya please lang . . . makisama ka.”

“Anong gusto mong gawin—”

“Gawin mo lang kung anong normal na ginagawa ng isang sekretarya. Stop caring. Stop doing things that only girlfriends should do. In that way kahit paano ay maiisip ko na hindi mo nga ipinipilit ang sarili mo sa akin.” Parang ang laking sampal sa akin ng mga binitawan niyang salita.

Ilang minuto ang bait niya, ang ganda ng samahan naming dalawa, then the next moment, ito siya’t kulang na lamang ay patigilin ang pagtibok ng puso ko para sa kaniya. Ang hirap. Pambihira!

“If that’s the case, Sir, your wish is my command. Tara na po’t umakyat na para makaalis na rin po ako.“Iyon lamang ang sinabi ko at tuluyan na kaming umakyat sa silid niya.


“Iha?”

“Ano nga ho ulit ’yon?” Para naman ako tila nagising sa isang bangungot.

“I’m asking you kung mayroon bang ginawa sa ’yo ang anak ko?”

“Wala po. Sir, mauna na rin po ako ha?” paalam ko bago tuluyang nilisan ang lugar na ’yon.

I’m still hurting.

MAAGA akong nagising dahil nandito pa ako sa bahay nila ate Aiyell. Dito kasi ako tumuloy kagabi at dito na rin ako nakitulog dahil hindi niya na ako pinayagang umuwi kagabi.

“Oh, bakit gising ka na? Papasok ka ba?” tanong ni ate Aiyie nang tumungo ako sa kusina niya.

“Hindi, Ate. Nag-email na ako kay Fria na hindi ako makakapasok. Sabi ko i-print niya at ipasa sa boss ko,” sagot ko.

“So balak mo lang din magtagal dito?”

“Kung okay lang sa ’yo. Mamayang hapon uuwi rin ako,” sagot ko.

“Okay lang naman para may makalaro din ang kambal. Hindi rin kasi dumadalaw si Vance at Lei kaya kaming tatlo lang lagi ang magkasama. Busy rin kasi si Claw ngayon dahil may bubuksan na isang branch ng clothing line sa New York,” sagot niya na tinanguan ko lang.

“Masarap bang maging housewife?” curious na tanong ko.

“Depende kung e-enjoy-in mo. Ako kasi kahit walang gawin ay nag-e-enjoy ako. Lalo na at ang kulit ng kambal ko.”

“Ganoon ba? Puntahan ko muna sila,” paalam ko kay ate Aiyie.

Tinungo ko ang kwarto ng kambal at nadatnan kong tulog pa sila kaya’t nahiga na muna ako sa couch doon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at ang sunod-sunod na ring lang telepono ko ang gumising sa akin.

“Hello—”

“Avy! Si Sir galit!”

“Huh?”

“Pumasok ka raw dahil pupunta kayo sa Lipa, Batangas ngayon! May event daw doon at kailangan na kasama ka.”

“Hindi ba’t may excuse letter—”

“Iyon na nga! Hindi tinanggap. Sabi ni Sir, kontakin daw kita at papasukin.”

Halata kay Fria na nagpa-panic na siya.

“Okay, sige. Sandali, sinong Sir ba? May sakit si Sir Vience—”

“Bye, Avy. Hintayin na lang kita. Ingat!”

Mabilis akong bumaba at pinuntahan si ate Aiyie na nadatnan kong sinusubuan ng kanin ang kambal. “Oh gising ka na? Hindi kita ginising dahil parang ang himbing—”

“Aalis na ako, Ate. Hindi raw tinanggap ng boss ko iyon letter,” putol ko sa kaniya.

“Ganoon ba? Sige mag ingat ka. Gago ’yang boss mo, ah.” Hindi na ako sumagot at nagtuloy-tuloy na ko sa paglabas at umalis na sakay ng sasakyan ko.

Dumaan muna ako sa condo ko para maligo at magbihis bago ako tumuloy sa opisina.

NANG makarating ako sa opisina ay agad akong sinalubong ni Fria na parang balisang-balisa.

“Buti’t dumating ka na. Nandoon sa parking lot si Sir. Kanina ka pa hinihintay,” saad nito.

“Sige pupunta na ko—teka? Sino nga palang Sir?” tanong ko.

“Natural iyong boss mo! Para kang sira. Sino ba ang boss—”

“Si Vien—Sir Vience?” gulat na saad ko.

“Pumepers neym beysis ka na! Bakit? May progress na ba?” pang-aasar niya pero parang may halong kasarkastikuhan.

“Ewan ko sa ’yo. Aalis na ’ko.”

“Ingat, Avy. Be safe,” seryosong wika niya bago pumasok na ng opisina at ako naman ay tumuloy sa parking lot.

Nang marating ko na ang parking lot ay agad nagsalubong ang mga mata namin at ang kunot na noo niya.

“Sorry, I’m late.”

“Then you should be! Alam mo ba kung gaano pa kalayo ang Batangas?” magaspang na wika nito sa akin.

Ano na naman bang problema niya?

“S–sorry. Nagpadala naman ako ng excuse letter,” utal na paghingi ko ng paumanhin.

“Did you really think na tatanggapin ko ’yon? Bakit ,Ms. Freezell, naniniwala ka ba sa kasabihan na absence makes the heart grow founder? Stop whatever you are doing. You’re my secretary; you’re supposed to do your job. Act like one.” Para na naman akong tinarak ng libo-libong karayom sa puso sa mga pinagsasabi niya.

He despises me this much?

“I’m not doing these things to catch your attention if that’s what you were trying to say. I’m doing these because I need a break!” matapang na pahayag ko kahit na damang-dama ko ang panghihina ng tuhod ko lalo na’t titig na titig siya sa mga mata ko na tila hinihigop niya ang lakas ko.

“Break? Saan? Sa pagmamahal mo sa ’kin? O sa pagpapapansin? I already told you to stop, so better stop. Para rin sa ’yo iyon!”

Parang nagpanting ang mga tainga ko sa narinig kong iyon. He went overboard!

“Hindi ko alam kung bakit lagi mong sinasabi na laging para akin, puro para sa ’kin kahit hindi naman iyon ang nakikita at nararamdaman ko! Na ayaw mo akong saktan, at ayaw mo akong mahirapan! Hindi na kita maintindihan!”

“I don’t love you, stop asking. Tigilan mo ang mga tanong sa utak mo dahil wala kang makukuhang sagot, dahil una at higit sa lahat, hindi kita mahal.”

There. I felt everything in me, got broken. Please tell me, he’s lying.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Eighteen

AVREIN

GIGIL na ekspresyon mula kay Fria ang napala ko nang ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari sa pagitan namin ni Vience.

“Hindi mo kailangan umamot ng pagmamahal sa taong ni hindi yata alam ang salitang pagmamahal.”

Hindi ko alam kung sasagot ba ako sa sinabi niya o mananatili na lamang akong tahimik at makikinig sa sasabihin niya dahil alam ko naman na may punto siya?

“Kaya ko, Fria. Kaya ko ’to.”

“You’re really good at hiding, Avy and I have no doubt about that, but not to me. You can hide and lie to everyone but not to me,” aniya at doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Fria.

She can read me without me being transparent.

Pinilit kong maging okay the whole time na nasa Lipa kami. Ayokong ipakita sa kaniya na nasasaktan ako sa paraan ng pakikitungo niya.

He flirted with almost all the businesswoman he met during the seminar. Para bang ipinamumukha niya sa akin na hindi siya kailanman magtitino sa isang babae—na bawat babae ay laruan lamang ang turing niya. Tangang-tanga ako sa sarili ko na wala akong ibang magawa kung hindi ang magpanggap na wala akong naririnig o nakikita. I acted like I didn’t care, but believe me . . . the whole Lipa trip was like a torture to me.

“Papasok ka pa ba—or should I say, kaya mo pa ba ang paraan ng pakikitungo niya?” tanong ni Fria na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

“Dapat ba akong sumuko dahil lang sinabi niya na hindi niya ko mahal?”

“Bakit, Avy? Kaya mo pa bang ipilit ang sarili mo sa kaniya? Kaya mo pa bang tiisin na nire-reject ka niya nang paulit-ulit?”

Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi ni Fria dahil tila sampal sa akin iyon. Ang hirap na alam ko ang dapat kong gawin, pero takot naman akong may pagsisihan sa huli.

KANINA pa ako palinga-linga sa paligid habang naglalakad ako patungo sa building ng condo ko. Kanina pa ako nakakaramdam na may nakasunod sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kung saan naroroon ang elevator. Saktong pipindutin ko na sana ang elavator nang bigla na lamang may humatak sa akin saka ako kinabig sa baywang at tinakpan ang bibig ko.

Hindi ko alam kung magpa-panic ba ako o hindi. Pakiramdam ko kasi pamilyar ang presensiya ng taong nakahawak sa akin ngayon. Patuloy lang akong hinatak ng estranghero hanggang sa sapitin namin ang madilim na parte ng building kung saan pababa ito patungo sa basement ng buong building.

“Ssssshhhhh,” bulong nito. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nasa likod ko siya. “Aalisin ko ang pagkakatakip sa bibig mo basta’t huwag kang sisigaw o magsasalita,” muling bulong nito sa tainga ko.

Tumango naman ako bilang tugon. Ewan ko ba, basta’t ramdam ko na hindi dapat ako matakot sa taong ’to.

Tinanggal nito ang pagkakatakip sa bibig ko, saka ako unti-unting hinarap sa kaniya.

“Vience—” hindi makapaniwalang saad ko na mabilis niyang pinutol nang bigla niyang takpan ang mga labi ko gamit ang mga labi niya.

Bigla akong nawala sa sarili nang maramdaman ko na naman ang pagkakadampi ng mga labi namin. Kailan ba ako masasanay? Kailan ba ko magsasawa sa unang labi na paulit-ulit ko nang natikman?

Pambihira ka, Avrein! Iyan pa ang iniisip mo sa ganitong sitwasyon!

“…I don’t love you, stop asking…”

Biglang nag-sink in sa akin ang reyalidad kaya’t mabilis ko siyang itinulak, ngunit ang ipinagtaka ko ay nang muli niya akong kabigin at muling halikan.

Gusto kong tumutol. Gusto ko dahil iyon ang sinasabi ng isip ko. Hindi ko alam kung sino o anong nagtulak sa akin na bigla na lamang igalaw ang mga labi ko.

Naramdaman kong kinuha niya ang dalawang kamay ko at ipinulupot ito paikot sa batok niya. “Kiss me. Just kiss me,” pabulong na utos niya.

Tila naman lalong sinilaban ang apoy sa akin at mabilis kong ginawa ang iniutos niya. Gaga na kung gaga. Martyr na nga siguro ako at tanga, pero masama bang umamot ng pagmamahal sa ganitong sitwasyon?

Ilang minuto na rin ang nakakalipas nang bigla na lamang niya akong ilayo sa kaniya at mabilis lumingon sa likuran niya.

“They’re gone,” baling na wika niya sa akin.

“Huh!?” kunot-noong sabi ko.

“Those two guys na kanina pa sumusunod sa ’yo, wala na. Sakay sila noong itim na kotse na kadadaan lan,.” seryosong turan niya sa akin. “May utang ka ba o kasalanan sa ibang tao? O may nagawa kang mali?”

Mula nang mahalin kita, iyon na yata yung pinakamali kong nagawa sa buhay ko, Vience.

Iyon sana ang gusto kong isagot. “Wala. Hindi ako masamang tao.”

Bigla na namang may dumaan sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag bago niya ako tuluyang tinalikuran. “Hindi dahil iniligtas kita ngayon at hinalikan kita ay ibig sabihin na mahal na kita. I can’t give you what you want. I can’t offer you any serious relationship. I can’t love. I can’t trust women anymore. Sinabi kong hintayin mo ko, Avrein pero minamadali mo ’ko. ’Wag mong itulak ang sarili mo sa ’kin dahil baka mas lalo akong umayaw,” bawat salita na binitiwan niya ay tila kutsilyong tumarak sa dibdib ko. Masakit . . . sobra.

Nakatingin lang ako sa likod niya habang nagsasalita siya. Ramdam ko rin ang pagtulo ng luha ko dahil sa sakit.

“Bakit ka narito? Bakit kailangan iligtas mo ’ko!?” Siguro nga’t may tono na ng galit sa tinig ko. Hindi ko maiwasan dahil sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit.

“Napadaan lang. Maaga kang pumasok bukas. Asikasuhin mo ang meeting namin ni Almeda,” tugon nito bago tuluyang naglakad palayo.

Hindi kita maintindihan, Vience! Hindi kita maintindihan!

MAAGA akong naririto ngayon sa opisina. Wala akong tigil sa kakaakyat-manaog dahil kanina pa ako kinukulit ng mga kasamahan ko sa trabaho. Bumait sila at naging usyusero at usyusera sa buhay ko mula pa noong nakita nila ang pananamit ko sa company outing.

Mabilis ko lang narating ang cubicle ko at nag-ayos. Panandalian din akong naupo sa swivel chair ko dala ng pagod kakaakyat-manaog.

Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok. Agad akong tumayo sa pag-aakala na si Vience na ito.

“Luis—Mr. Almeda?” bungad ko sa taong siya palang kumakatok. Siya iyong kaibigan ni Vience na napakabait ng pakikitungo sa akin.

“Nasa office ka lang naging formal ka na,” nakangiting wika nito.

“Hindi naman po sa ganoon,.” nahihiyang sagot ko rito. “Pasok po muna kayo habang wala pa si Sir Vience.”

Nagpatiuna ako sa paglalakad habang ramdam ko naman na nakasunod siya. Diretso lang ang tingin ko sa table ko nang bigla na lamang akong makatapak ng nakakalat na papel at nadulas.

Mabilis akong pumikit dahil alam kong any moment ay babagsak na ako, ngunit . . . napadilat ako nang ilang segundo na ay hindi pa rin ako lumalagpak sa semento at naramdaman kong may mga braso na nakayakap sa akin.

Iminulat ko ang mga mata ko at nabungaran ko si Luis. “Are you okay?” tanong nito.

“Ah o-oo, salamat,” utal na sagot ko.

Akmang tatayo na sana ako nang maayos nang muli akong madulas sa papel at bigla kong naipalupot ang mga braso ko sa leeg niya.

“The last time I checked, this is a cubicle for my office worker and not a dating nor a flirting place for a lover?” sarkastikong boses mula sa likod namin kaya’t mabilis akong napaayos ng tayo.

“Sir—”

“Let’s go to my office, Mr. Almeda,” kaswal na sabi nito kay Luis na siyang pumutol sa sinasabi ko.

“Bye, Avrein,” paalam sa akin ni Luis, saka pa ginulo ang buhok ko. “Mamaya nalang ulit,” dagdag pa nito at kumindat pa sa akin na alam kong nakita rin ni Vience bago sila tuluyang lumabas ng cubicle ko.

Ilang minuto na yata silang nag-uusap nang tumunog ang intercom ko.

“Pumunta ka rito,” iyon lang ang narinig kong sinabi niya, saka na ako nito pinatayan.

Inayos ko lang ang buhok at salamin ko bago ako nagtuloy sa opisina niya kung saan naroroon sila.

Pagkapasok ko pa lamang ay ramdam ko na ang itim na aura na bumabalot sa opisina maging ang mga tapunan nila ng nagbabagang tingin sa isa’t isa.

“Ano pong iuutos—”

“Samahan mo si Mr. Almeda sa cafeteria. Gusto niyang kumain na muna,” walang emosyon na sabi ni Vience nang hindi man lamang ako tinapunan ng tingin.

“Sige po.” Tumingin naman ako kay Luis at nakangiti siyang tumayo, saka nalakad palapit sa akin.

“Let’s go?” saad nito. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa dahil bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko.

Hindi niya ako kinaladkad na gaya ng madalas na gawin ni Vience sa akin, bagkus ay halos sabay kaming maglakad.

Palabas na sana kami ng pinto nang mapatda ako dahil sa malakas na kalabog. Nilingon ko si Vience ngunit hindi ni Luis. Nakita ko si Vience na nakatingin sa nakataob na office table na siya yatang dahilan ng kalabog.

“Don’t mind him,” bulong sa akin ni Luis, saka na kami tuluyang lumabas ng pinto.

Tahimik lang ako habang nasa cafeteria kami. Si Luis naman ay kasalukuyang namimili ng mga gusto niyang kainin.

T-in-ake out lang namin ang binili niya at mabilis na bumalik sa opisina ni Vience. Naabutan namin na ayos na ang office table niya at kasalukuyan siyang nakatitig laptop niya.

“Kumain muna tayo. Pang tatlong tao na ang binili ko,” pukaw ni Luis sa atensyon niya ngunit hindi man lamang niya ito nilingon.

Isa-isang iniayos ni Luis ang mga pagkain sa lamesa sa loob ng opisina. “Maupo ka na, Avrein,” paanyaya nito na agad kong ikinatalima. Hindi ko alam basta napapasunod na lang ako bigla ni Luis dahil pakiramdam ko alam niya ang ginagawa niya at pakiramdam ko alam niya ang tensyon na nararamdaman ko.

Nagsimula na kaming kumain ni Luis nang makita kong tumayo na siya sa upuan niya at lumipat sa kinauupuan namin. Kumuha siya ng pagkain niya nang tahimik. Talagang ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan naming tatlo na kahit ako ay hindi ko magawang maipaliwanag.

“Paabot naman ng sauce, Avrein,” pakisuyo ni Luis.

Kinuha ko naman ito at inabot sa kaniya ngunit bigla na lamang dumulas ang styro plate sa kamay ko na dahilan ng pagkatapon ng sauce sa damit ni Luis. “S–sorry!”

Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at sinimulang punasan ang damit na suot niya. “I’m okay, Avrein.”

“Sorry. S–sorry talaga.” Ipinagpatuloy ko ang pagpunas ngunit pinigilan ako ni Luis kaya’t hinawakan niya ang mga kamay ko.

Naiangat ko ang tingin ko at nakita kong nakatingin din si Luis sa mukha ko kaya’t nagtama ang mga mata namin.

Nagulat ako sa sumunod na pangyayari.

Nakita ko na lang na nakabulagta sa sofa si Luis habang hawak ang panga niya, at ang mga pagkain ay nagkalat na sa tiles ng opisina niya.

Naramdaman ko na bigla na lamang may humawak ng braso ko at kinaladkad ako palabas.

“N–nasasaktan ako!” Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para magsalita.

Sa halip na luwagan ay lalo lamang hinigpitan ni Vience ang hawak sa akin hanggang sa sapitin namin ang fire exit.

“What the fuck is wrong with you, woman!” Nagulat ako sa klase ng pagsigaw niya sa akin.

“A–anong ginawa ko?”

“Damn it!” Sinuntok niya ang pader na nasa gilid ng mukha ko. Kitang-kita ko ang galit na bumabalatay sa pagkatao niya sa mga oras na ’to. “Ito ba ang naisip mong bagong paraan, ha? Ito ba, Avrein!? Damn it! Ito ba ang bago mong paraan ng pagpipilit ng sarili mo sa ’kin, ha!?”

Gusto kong umiyak sa naririnig ko pero pinananatili ko lang na blangko ang pinakikitang ekspresyon ng mga mata ko.

“Tell me!” Hinawakan niya ako sa magkabilamg balikat. “Pinagseselos mo ba talaga ako para lang makuha mo ang atensyon ko!?”

Nasasaktan ako! Gusto kong isigaw pero hindi ko magawa.

“Bitiwan mo ’ko,” iyan ang lumabas sa mga labi ko.

“Bakit? Para ano? Babalik ka sa lalaki mo? Bullshit! Sinabi mong mahal mo ko pero kung kani-kanino ka nakikipagharutan!?”

“Bitawan mo ’ko, Vience.” Hinawi ko ang mga kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

Ngunit imbes na matinag ay kinabig niya ako, saka sinagibsib ng halik sa mga labi. Hindi ko magawang tugunin ang mapagparusa niyang halik kaya’t pinilit ko siyang itulak.

“Damn it! Ayaw mo nang magpahalik sa akin ngayon? Bakit, Avrein? Dahil natikman mo na ’yung mga labi ni—” Bigla ko na lamang naiangat ang kamay ko at kusang dumapo sa pisngi niya.

“Hindi ako malanding babae, Vience, at alam mo sa sarili mo ’yan. Hindi ako malandi,” mahina ngunit madiin na sabi ko. Alam ko rin na pumapatak na ang mga luha ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya sa nakita niyang sakit na ipinararamdam niya sa akin. Kitang-kita ko ang kalituhan sa kaniya at ang unti-unting paglamlam ng ekspresyon ng mga mata niya. Natatakot ako dahil ayaw kong umasa sa ekspresyon na nakikita ko . . . ayokong mag-assume.

Ako naman ang nagulat nang bigla nia akong kabigin at yakapin nang mahigpit na mahigpit na tila ba hindi na niya ako gustong pakawalan kahit na kailan.

“V–Vience—”

“I’m sorry . . . I’m so damn sorry, Avrein. Damn me for not keeping this feeling! I could no longer hide it. Damn me for loving you!” Gulat ang nangibabaw sa akin sa narinig ko. “Tang ina ang bobo ko! Mahal na pala kita, ang bagal ko pa bago na-analisa at tinanggap sa sarili ko. Bakit ba kasi natutuhan ko na naman na magmahal? Bakit ikaw pa ang minahal ko, samantalang ikaw ang huling taong gusto kong saktan? Tang ina kasi kahit gaano ko gustong ariin ka na sa akin at mahalin ka, alam kong hindi puwede, dahil sa dulo . . . ako lang din ang sisira sa ’yo,” aniya na puno ng pait at doon ko naramdaman ang unti-unting pagkabasa ng balikat ko.

“Vience—”

“I love you, Avrein. Mahal na kita . . . mahal na mahal na pala kita, pero hindi puwede, hindi kita mabibigyan ng relasyon na gusto mo—”

“I’m not asking for any relationship, Vience.”

Martyr ba ’ko? Tanga? O baliw dahil umaasa ako sa isang bagay na walang kasiguraduhan?

“But the BFP contract that I once offered you is still open, Avrein. Will you go or not?” seryosong tanong nito.

Hindi na ako nag-isip pa dahil tuluyan na akong nilamon ng nararamdaman ko para sa kaniya. Alam kong maaari kong pagsisihan ang bagay na ito, pero ano bang magagawa ko . . . nagmamahal lang naman ako.

“I will go.”

I will be his . . . bed friend partner.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Nineteen

AVREIN

“I will go.”

Mabilis niya akong inilayo sa kaniya at tiningnan sa mga mata. Ngayon sigurado na ako sa nakikita ko. Hindi na ito mga mata na puno ng pagkalito, mga mata na ito na puno ng kasiguraduhan.

I may be martyr, but as long as I could still see these eyes, I would stay martyr. I would still risk, and I would still sacrifice even if it would cost my whole life and future.

Siguro sa puntong ’to ng buhay ko, masasabi ko na tama ang sinasabi ng karamihan—na kapag nagmahal ka ay handang mong gawin lahat, handa mong ibigay lahat at handa mong isugal lahat.

“Thank you.” His lips crashed on my forehead. “I will say sorry in advance. Alam kong maaari kitang masaktan sa mga darating na araw.”

“Don’t. That’s my choice. That’s my decision. If ever I get hurt, I will blame myself, for you didn’t force me to make this decision.”

“I don’t know what to say, but please hear this out. I could never promise you anything, I could never compromise with anyone, and I could never give any assurance. We will have sex . . . just plain sex. You’ll pleasure me and I’ll do the same. I love you and you feel the same way but we can never be together. We will only be partners in bed; we will be sex partners and nothing more.”

Naiintindihan ko bawat salitang binitwan niya.

“…we will have sex, just plain sex…”

“It’s loud and clear, Vience. You didn’t have to repeat it. Alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko.”

“Thank you, Avrein. Thank you.” I just smiled at him. I don’t know if my smile was as transparent as my eyes because that smile contains pain.

Am I really responsible enough to face the consequences of my decision?

    

PAPASOK ako ngayon ng opisina pero ramdam ko ang pagkabalisa ko. Balisa dahil magkikita kami? O balisa dahil ano mang oras ay maaari nang magsimula ang kontrata naming dalawa.

Saktong papasara na ang elevator na sinakyan ko nang may humahangos na pumasok dito.

“Good morning,” bati nito sa akin na tila ikinatuod ko. Inaanuran ako ng kaba sa buo kong katawan.

“G–good morning.”

“You don’t have to stutter. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip mo ngayon, Avrein. I told you once that you’re so transparent. Don’t worry for I will not force you. Kung alam kong hindi ka naman handa, hindi kita pipilitin,” anito, saka nito ibinaling ang tingin sa akin kaya’t nagtama ang mga mata namin.

“S–sorry—” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang niya akong hinalikan.

“I told you, I will kiss you kung magso-sorry ka nang wala namang dahilan,” bulong nito matapos akong halikan. Malapit pa rin kasi ang mukha niya sa akin.

“S—” Muli na naman niya akong hinalikan na ikinalaki ng mga mata ko dahil saktong paghalik niya ay bumukas ang elevator.

Mabilis akong napausal ng dalangin na sana ay walang tao. Ganoon na lamang ang pasalamat ko nang makita kong wala.

“Bakit mo ko hinalikan!?” Bahagyang napataas ang boses ko dala ng kaba na baka may nakakita sa amin.

“Magso-sorry ka—”

“S palang ang nasasabi ko. Vience naman! Hindi naman ako magso-sorry!”

“Sarap mo po kasing halikan, Ma’am,” mapanudyong wika niya sa akin.

“Ewan ko sa ’yo,” pikon na anas ko, saka ako lumabas ng elevator.

“Avrein!”

“Naiinis ako sa ’yo!”

“Where do you think you are going? You are heading to the fire exit,” aniya at muli ay ramdam ko ang pang-aasar sa tono niya.

Bigla akong napahinto sa paglalakad at napaisip. Pambihira!

Hindi ko alam kung babalik ba ako o magtutuloy sa paglalakad para hindi mapahiya. Pero kung tutuloy naman ako? Saan ako dadaan?

Sa huli mas pinili ko na lang na maglakad pa sulong at ’wag nang bumalik. Bibihira lang naman akong mag-inarte kaya’t lulubusin ko na. Bahala na mamaya ’pag nakaalis na ang elevator, maghahagdan na lang ako.

Nakakailang hakbang na rin ako nang makarinig ako ng mahinang bulong mula sa likuran.

“Haaaay, ang arte.”

Mabilis akong lumingon at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang tumambad sa harap ko ang guwapo niyang mukha. Pambihira naman, Avrein! Ngumisi siya sa akin, saka hinubad ang amerikanang suot niya bago ito sinampay sa balikat niya.

The whole time ay hindi ako makapagsalita maliban na lang nang bigla niya akong kinabig at binuhat na tila isang sako ng bigas.

“Vience!” impit na tili ko.

“Psh. Kaya naman pala maarte, e,” bulong na naman niya, saka tinungo ang elevator kahit na kawag ako nang kawag para lang ibaba niya.

“Ano ba, Vience! Ibaba mo ko!”

“Nasa office tayo,” tugon nito na parang ikinapahiya ko.

“Ibaba n’yo po ako, Sir. Nasa office po tayo,” balik na sagot ko.

“I’m your boss, ako’ng masusunod.” Bossy ang tono nito na sadyang nakapagpatahimik sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatangay sa kung anong gusto niyang gawin. Alam ko rin naman na wala akong maipapanalo kung manlalaban ako.

Ilang minuto din akong tila bigas sa paraan ng pagbuhat niya nang maramdaman ko ang paghinto ng elevator. Hindi ko nilingon kung nasaan kami dahil alam ko naman na maaaring may makakita at maitsismis pa kami.

Nakapikit lang ako dahil ayokong makita kung ano man ang dadatnan ng mga mata ko. Naramdaman ko siyang humakbang palabas ng elavator at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Napakunot ang noo ko nang tila maramdaman ko na umaakyat siya sa hagdanan.

Ilang segundo lang ay ibinaba na niya ako. “Open your eyes,” wika nito na hindi ko alam basta’t mabilis kong sinunod.

Tumambad sa aking paningin ang malawak na paligid. Tama ako ng hinala, dinala niya ako sa rooftop.

Don’t tell me!?

“A–anong gagawin natin—”

“Don’t worry, I won’t fuck you here,” maagap na putol niya sa sinasabi ko.

“H–hindi iyon ang—”

“Pero iyon ang iniisip mo,” nakangising tugon nito na ikinakagat ko sa pang-ibabang labi ko. “Stop bitting your lips!” bulyaw nito na bahagya kong ikinakislot.

“Hindi naman—”

“Wait for me here. Huwag kang bababa!” banta nito.

“Sige—”

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay mabilis niya akong kinintalan ng halik sa labi, saka patakbong umalis ng rooftop.

Anong trip niya?

Ilang oras na rin siguro akong naghihintay nang makarinig ako ng matunog na mga yabag mula sa hagdanan. Mabilis akong nagtago sa gilid ng poste.

“Natawagan mo na ba?” Hindi ko alam pero pamilyar na parang hindi ang boses ng nagsalita pero nakakasiguro akong lalaki ito.

“Oo. Hindi ko alam kung nai-text na nila ulit ang bruha.”

“Don’t worry, makukuha rin natin ang gusto natin at makukuha rin nila ang gusto nila. Two birds in one stone.”

“Kaya mo pa ba?”

“Kakayanin ko kahit mahirap magpanggap.” Iyon ang narinig kong huling sinabi ng lalaki bago ako nakarinig ng mga yabag na papalayo.

Hindi ko sila nagawang tingnan dahil baka mahuli ako sa nipis ng pinagkukublian ko.

Ano kaya ’yon? Ba’t ang weird?

“Avrein.” Napakislot pa ako nang marinig kong tinawag ni Vience ang pangalan ko. Agad akong lumabas para makita siya. “Ba’t ka nagtatago?”

“Ah . . . wala,” sagot ko, saka pa ako umiling.

“Heto oh.” saka niya iniabot sa akin ang isang paper bag.

“Ano ’to?”

Humakbang siya palapit sa akin na ikinahakbang ko patalikod. Ganoon na lang ang kaba ko nang masandal na ako sa poste na pinagkublian ko kanina.

Inilapit niya ang mga labi niya sa akin kaya’t mariin akong napapikit. “Hindi kita hahalikan,” anito na tila ikinapahiya ko.

“Vience—”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inilapit niya ang mga labi niya sa punong tainga ko at marahang binugahan ito ng hangin. “Hindi ko alam na ganoon na pala ako ka hot kaya’t pinagsusungitan mo ako. Hindi ko rin alam na ganoon na pala ako ka-hot at kailangan mo pang mag-wet ng pulang likido,” bulong nito.

Pulang likido. . . .

“VIENCE!” Mabilis ko siyang naitulak at tumakbo palabas dala ang paper bag.

PAMBIHIRA!

KANINA pa ako naghihintay kay Fria dito sa harap ng building ng condo ko. Napag-usapan kasi namin na gigimik kami ngayon—I mean, mag-a-unwind ako dahil sa mga nangyari sa akin—sa mga desisyon na ginawa ko.

Huminto ang sasakyan ni Fria sa harap ko kaya’t napangiti ako. “Sorry, Avy, I’m late. Hop in.”

Nakarating na kami sa isang bar na dati na naming pinupuntahan ni Fria. Bumungad agad sa amin ang maingay na tugtugin.

Hindi ko alam pero parang may naghahatak sa akin na sumayaw kahit na hindi pa man ako umiinom.

Sa huli ay ginawa ko ang gusto ko at tinahak ko ang dance floor.

“Where are you going?” sigaw sa akin ni Fria dahil malakas ang tugtog.

“Hindi ko alam,” tumatawang sabi ko rito bago ako tuluyang pumunta sa gitna.

Napakislot ako nang bigla na lamang may humapit sa baywang ko. “I didn’t know that you have your wild side.” Pamilyar ang boses kaya’t napalingon ako rito.

“L–Luis?”

“None other than,” nakangiting wika nito, saka sinabayan ang bawat galaw ko sa pagsayaw.

“Nakilala mo—”

“Ganiyan ka rin manamit noon sa conference hall, so nothing’s new,” putol nito.

Akmang sasagot na ako dito nang bigla na lamang may humila sa akin palayo kay Luis. Magre-react sana ako nang bigla na lamang nitong sinagibsib ng halik ang mga labi ko na matapos ang ilang Segundo ay agad niya rin namang pinakawalan.

“Ako lang ang puwedeng gumulo sa lipstick mo . . . ako lang Avrein, ako lang,” matatas na saad nito at bumungad sa akin ang nagbabagang tingin niya.

Napalingon ako kay Luis at nakita ko siyang nakangisi. Napatda ako nang muling ilingon ni Vience ang mukha ko pagawi sa kaniya, saka niya muling hinalikan ang mga labi ko. “Ako lang ang puwede mong tingnan. Ako lang at walang iba, Avrein.”

Gusto ko sanang sumagot pero bigla na lamang may humawak ng isa kong braso. “Hindi mo ba napapansin na hindi siya nagre-react sa mga sinasabi mo, Montealegre?”

Ngunit imbes na mapikon ay nakita kong nginisian lang ito ni Vience.

Napansin kong napatiim-bagang naman si Luis sa iginawi ni Vience kaya’t tinangka ko silang awatin ngunit nagulat ako nang hapitin akong muli ni Vience at siilin ng halik.

“She’s mine, dude. She’s mine. Back off,” anas niya matapos pakawalan ang mga labi ko, saka hapit-hapit ang baywang ko na nilisan namin ang bar na iyon.

Mabilis niya akong isinakay ng sasakyan niya, ngunit ramdam ko pa rin na ingat na ingat siya sa akin.

“Saan tayo—”

“Tapos na sigurado ang red wetness mo sa akin, Avrein. You’ll be mine. I swear you’ll be mine . . . tonight, my angel.”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Twenty

AVREIN

KAYA ko na ba? Kaya ko na bang harapin lahat ng maaaring mangyari oras na maibigay ko na ang sarili ko sa kaniya?

Nagising ako sa marahang pagtapik sa pisngi ko. Pagkamulat ng mga mata ko ay nabungaran ko si Vience na matamang nakatitig sa akin.

He smiled at me as if he had been staring at me for quite a while now.

“We’re here,” malambing niyang wika sa akin na para bang hindi siya nanuntok ng kaibigan niya kanina.

“Nasaan ba tayo?” tanong ko sa kaniya nang bahagya na akong makapag-inat-inat.

“We’re in our resort here in Ilocos Norte,” sagot niya na ikinagulat ko.

“What-” nagulat ako nang pigilin niya ang pagsigaw ko sa pamamagitan ng paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

“No need to get nervous, just be yourself,” aniya sa akin, saka hinaplos ang buhok ko at marahang kinintalan ng halik iyon.

Bumaba na kami ng sasakyan at bawat dadaanan namin ay ngumingiti sa amin at nagbibigay-galang.

“Just smile at them and never let them look at you as if they are degrading you just because you seem to be different. You are more than a priceless craft, Avrein. Be confident enough,” bulong ni Vience sa akin, saka ako hinapit sa baywang.

Paano kong hindi pipiliin na mas mahulog pa sa kaniya kung laging ganito ang ipapakita niya-na para bang ingat na ingat siya na tipong ayaw niya akong basagin? Natatawa ako sa sarili ko dahil alam kong kung may tao man na kayang-kayang bumasag sa akin ngayon, siya na iyon.

Hinayaan ko lang siya na nakahapit sa baywang ko hanggang sa sapitin namin ang isang malaking pintuan na sa palagay ko ay siyang kinalalagyan ng kuwarto niya base na rin sa nakasulat na YOUNG

MASTER VIENCE

sa mismong harapan nito.

Pinihit niya ang seradura ng pinto at mabilis naman itong bumukas. Pumasok kami sa loob ng hindi pa rin niya inaalis ang pagkakahapit sa baywang ko.

Mataman niya akong tinitigan sa mga mata ko bago marahang ginawaran ng halik ang noo ko. “Take a shower and release your worries away. We’ll eat after,” aniya sa akin, saka na niya ako tinalikuran at pumasok sa isang pintuan na sa tingin ko ay banyo rin.

Mabilis akong tumalima at sinunod ang iniutos niya. Ninamnam ko ang bawat paglagaslas ng tubig sa katawan ko.

Kaya ko . . . kaya ko.

Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko ang mga katagang iyon.

Natapos akong maligo at nakakita ako ng mga damit na sadyang iniwan rito para suotin ko. Natagpuan ko ang isang hawaiian off-shoulder duster na nakatupi sa gilid ng labatory at underwear, pero walang bra.

Agad kong isinuot ang mga ito, pero naiilang ako dahil nakalitaw ang balikat at likod ko. Sinadya niya ba ito?

Lumabas na ako ng banyo at nagsuklay. Bahagya akong nagulat nang makita ko siyang nakaupo sa kama habang walang suot na pang-itaas at nakapantalon sa pang-ibaba.

Abs na naghuhumiyaw. Pambihira ka, Avrein!

“Shall we?”

“Saan-”

“Let’s eat,” aya niya, saka nagsuot ng sanding kulay puti na hakab na hakab sa katawan niya.

Nang palabas na kami ay kinuha niya ang kanang kamay ko, saka niya iyon ipinagsalikop sa kaliwang kamay niya.

Naupo kami sa pandalawahang lamesa at nag-serve na ang mga crew. Lahat ng inorder ni Vience ay halatang ilocano cuisine. Hindi ko alam kung anong tawag pero basta lahat ay masasarap.

Nagulat ako nang bigla na lamang siyang tumayo nang makarinig siya ng isang malamyos na tugtog.

“Let’s dance. I want this evening to be memorable for the both of us. I maybe an asshole for dragging you here without your consent, but I want you to feel that I do cherish you-that it is not just all about worldly pleasure . . . that I really mean it when I told you that I love you,” malambing na saad nito saka iniabot ang kamay ko.

Nagtungo kami sa gitna kung saan may iilan na rin na magkakapareha ang sumasayaw. Ipinalupot niya ang mga braso ko paikot sa leeg niya at ang mga braso niya naman ay humapit sa baywang ko, saka mya pinagdikit ang mga noo namin.

“I am really sorry for giving you mix signals, Avrein. I am really sorry for dragging you in a very complicated situation, but . . . I can’t deny the fact that I am loving this moment that you are here in my arms. I want you to be mine, Avrein, but I don’t want to give myself all the rights because I knew that once I had the right, I’ll messed up . . . I’ll fucked up. Ayaw kong ikulong ka sa akin dahil alam ko sa sarili kong wala akong puwedeng ialok sa ’yo,” bulong nito saka hinalikan ang tungki ng ilong ko. “All I want is to give you my heart and soul, ito lang kasi ang kaya kong ibigay sa ’yo. Please be mine . . . tonight.”

“I’m all yours.” I didn’t know where did I get all the courage to tell him that I’m all his . . . I just did.

As the song ended, he cupped my face and claimed my lips.

Naguguluhan ako, natatakot at hindi alam ang kakahinatnan nito . . . pero isusugal ko na lang kung ano’ng mayroon ako.

AS we entered his room ay mabilis niya akong hinalikan. Isang uri ng uhaw na halik. Hindi na gaya ng halik na ibinigay niya sa akin kanina habang sumasayaw kami.

Tinugon ko ang uri ng halik niya sa sarili kong paraan. Kasing sidhi at likot ng mga labi niya ang mga labi ko na tila uhaw sa halik.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko na tila gustong sambahin ang parteng iyon.

Gustong tumutol ng utak ko nang bigla niya akong ipihit patalikod sa kaniya ngunit nang maramdaman ko ang ginagawa niya ay tila nasiyahan ako.

I felt his lips playing with my earlobe while his hands were gently exploring the front part of my body. Walang kahit anong pagtutol akong nadarama sa bawat haplos at halik na ginagawa niya sa katawan ko.

“Hmmmm. . . .”

I’m lost for words when I suddenly felt his lips went down to my neck and gently gave it a tongue tasting adventure while his hands both cupped my breast and gave them a heavenly massage.

“Vience. . . .”

“I know you will like it,” he whispered as he continued doing his tongue adventure on my neck.

Naramdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko. Hindi ko alam kung saan ako kakapit kaya’t minabuti ko na lamang na abutin ang batok niya patalikod at doon kumapit. Hindi ko na inisip ang iisipin niya, all I care for now was the desire who wanted to explode inside my soul.

Hindi ko alam kung saan ibabaling ang ulo ko nang bigla na lamang niya akong dalhin sa gilid ng kama. “Bend over, babe.”

Sinunod ko ang utos niya kaya’t itinukod ko ang dalawang kamay ko sa kama. Nakayakap pa rin siya sa akin at hindi pa rin binibitiwan ang dalawang kaanyahan ko. Patuloy rin ang paghalik niya sa ’kin pero ngayon ay nasa batok ko na ang mga labi niya.

Naramdaman ko ang unti-unting pagbaba ng duster na suot ko hanggang sa gitna ng likod ko dahilan ng pagkaka-expose ng hinaharap ko. Napausal ako ng pasalamat dahil nakatalikod pa rin ako sa kaniya at hindi niya ito nakikita.

Bumaba ang halik niya kasabay ng pagbaba ng duster na suot ko. Nakararamdam ako ng kilabot at hindi maipaliwanag na pakiramdam na tumindi pa nang maramdaman ko ang mga halik niya sa bandang pang-upo ko.

“You’re so damn gorgeous, babe,” dinig kong anito, saka ko narinig ang pagkapunit ng isang bagay.

Iyong panty ko!

Hindi ko alam kung dapat ba akong magprotesta lalo na nang maramdaman ko na binibigyan niya ng maliliit na halik ang parte na iyon ng katawan ko.

“Just enjoy it, babe. Don’t think too much,” bulong niya sa akin at mabilis niya akong ipinihit paharap kasabay ng pagkalaglag ng suot kong damit sa sahig, saka niya ako marahang inihiga sa malambot na kama.

“V-Vience. . . .” tawag ko rito nang mapansin kong nakatitig siya sa katawan ko na nagdulot sa akin ng pagkailang at kakaibang init.

“You’re a goddess,” wala sa sariling anas nito.

Hindi ko alam kung dahil lang ba sa pagkailang na nararamdaman ko kaya’t bigla ko na lamang siyang hinatak palapit sa akin at pinaglapat ko ang mga labi naming o dahil sa init na nangingibabaw sa akin.

Alam kong unt-unti na akong nilalamon ng init ng pakiramdam ko, lalo na nang ako na mismo ang nagtanggal ng sando at pantalon na suot niya habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin.

“So you have this wild side of yours? I like it,” may pang-aakit na anas niya, saka niya ako tinulungan alisin ang mga dami niya at mabilis niyang pinagpalit ang mga pwesto namin na dahilan kaya’t pumaibabaw ako.

“Vience!” protesta ko.

“This is for your own sake, babe,” nakangiting sabi nito, saka marahang iginiya ang nook o palapit sa mga labi niya. “I won’t be too harsh since this is your first time. I want you to put mine inside yours so you can adjust yourself to the pain. I won’t move until you tell me to move,” may lambing na anas niya at ramdam ko ang sinseridad niya na ayaw niya akong masaktan.

Unti-unti kong ginawa ang sinabi niya. I positioned myself on the peak his manhood and I slowly delved in. I slid really slow because of the pain.

“Ahhh . . .!” I exclaimed. I felt the extreme pain in between my legs.

“Move slowly, babe. Don’t mind me, just mind the pleasure building inside you,” muli niyang bulong sa akin kasabay ng marahang paglalakbay ng mga palad niya sa likuran ko.

“V-Vience. . . .” alam kong naiyak na ako dahil sa sakit na naramdaman ko.

“Sssssshhhhhh . . . I love you,” bulong nito bago pinahiran ang mga luha ko. I didn’t know why, but it was like those words were the magic words.

I slowly moved myself with his. No one knows how much pain did his huge manhood gives me but I still continued moving. I wanted to satisfy him. I wanted to give him the pleasure and desire. I didn’t know why my pride kept eating me. I just wanted to be the best for him.

“Hmmmm . . . ohhhh. . . .”

“You’re so tight, babe!” I could hear him breathing heavily.

“C-can you move now?”

I couldn’t compose myself, lalo na nang sabayan na niya ang bawat paggalaw ko.

“I love you . . . damn it!” he said while we were both moving.

“V-Vience . . .!” I didn’t know what was with me. Why did I keep on calling his name!?

He suddenly used his two hands to cup my butt cheeks so he could push and pull me as hard as he could to his manhood.

“F-faster, Vience . . .!” I begged.

Our movements became faster and faster . . . and faster.

“V-Vience . . . I’m cumming!”

“Give it to me, babe . . . ohhhhh . . .!” we both exclaimed.

We went faster until we both exploded.

His juices filled mine.

Ibinaba niya ako mula sa ibabaw niya, saka inalalayan ang ulo ko pahiga sa braso niya habang nakayakap ang mga braso niya sa katawan ko.

“Rest now, babe, I knew that it is such a tiring night for you,” he whispered before he kissed my forehead.

Alam kong nag-aagaw ang antok at pagod sa akin pero naririnig ko pa siyang nagsasalita.

“I love you, Avrein. I love you so much that I could not bear to see you being so disappointed with me. I love you so much that I could never ask you to marry me nor be part of my life, because I knew that I would only end up ruining yours. I love you . . . and I am sorry for being this coward. Hindi ko kayang itali ka sa akin dahil alam kong may buhay na mas nararapat para sa ’yo at hindi iyon sa tabi ko, dahil wala akong karapatan . . .”

Dinatnan na ako ng antok kaya’t hindi ko na narinig ang huling niyang sinabi, ngunit kasabay naman ng pagpikit ko ay naramdaman ko ang pagkabasa ng maliit na pare ng balikat ko.

Luha iyon mula sa kaniya . . .

sigurado ako.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Twenty-one

AVREIN

NAKAMASID lamang ako sa kaniya habang natutulog siya. Para bang napakasaya niya nang nagdaang gabi sa klase ng aura na mayroon ang mukha niya at idagdag pa ang kaaliwalasan ng maliit na ngiti na kasalukuyang nakaukit sa mga labi niya.

“Mahal kita, Vience. Ano man ang bagay na hindi mo masabi sa ’kin, sana alam mong kaya ko iyong tanggapin at dumating sana ang araw na hindi mo na kailangan pang maglihim,” bulong ko habang marahan kong hinahaplos ang buhok niya.

Umalis ako sa kama at nalingunan ko ang suot kong damit kagabi nang dumating kami sa resort na mukhan naipa-dry clean na kaya’t kinuha ko ang mga iyon at isinuot.

Nilingon ko siyang muli at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog niya.

Hindi ko pinagsisisihan na ibinigay ko ang buong ako sa ’yo at hinding-hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Alam kong may mali sa sitwasyon na mayroon tayo, pero kung ito lang ang paraan para manatili ako sa tabi mo, paulit-ulit kong pipiliin ang sitwasyon na ito dahil alam kong naghahanap ka ng taong magmamahal at makakaintindi sa ’yo at sa sitwasyong mayroon ka . . . handa kong isakripisyo ang sarili ko kahit pa ako ang masaktan sa dulo. Sa ngayon, sapat na sa akin ang kaalaman na mahal na mahal mo ’ko at mayroon lang talagang pumipigil sa ’yo kahit masakit para sa akin ’to.

“Magpahinga na muna tayo. Kailangan kong ikalma at ilugar ang pagmamahal ko sa ’yo. Mahal na mahal kita.” Ginawaran ko muna siya nang bining halik sa noo bago ko tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

Saktong papalabas na ako ng gate ng resort nang bigla na lamang may pumalatak sa likuran ko kaya’t napalingon ako.

“L–Luis?” utal na tawag ko rito. Nalingunan ko siya na nakasakay sa isang motor at hawak niya ang kaniyang helmet.

“Alam kong mangyayari ’to,” nakangiting sabi anito sa akin. “Sakay na?”

Tinungo ang kinaroroonan niya at sumakay kahit na ang totoo ay naguguluhan ako at nagtataka kung bakit narito siya. Alam kong wala rin naman akong ibang masasakyan dahil nasa liblib na parte kami ng norte.

“How did you know—”

“This is not the first time.” Parang may tila kumirot sa dibdib ko matapos kong marinig ang sagot niya.

Hindi na ako muling nagsalita at nag-usisa pa. Isinuot niya ang helmet sa akin. “I wonder why is he hiding everything from you, ganoong base sa pagkakakilala ko sa ’yo, hindi naman makitid ang utak mo,” nakangiting sabi nito. Sasagot na sana ako ngunit pumuwesto na siya na tila sisimulan nang paandarin ang motor.

Buong biyahe ay tahimik lang ako. Hindi ko nga alam kung saan ang tungo namin ngayon dahil hindi niya naman ako sinabihan kung saan niya ako dadalhin o ibababa.

“Minsan ang pagpapakatanga inilulugar,” putol niya sa katahimikan na namamayani sa pagitan naming, saka pa pagak na tumawa.

“Meron bang sariling lugar ang katangahan?” ganting pang-asar ko.

“Meron naman, hindi mo pa lang natatagpuan.”

“Gan’on?”

“Akala ko kapag brokenhearted, hindi pikon,” asar niyang muli sa akin.

“Akala mo lang ’yon.”

“Sabagay, maraming nagkakamali sa akala. Minsan akala mo mahal ka, iyon pala ay pinaglalaruan ka. Minsan akala mo pinaglalaruan ka, iyon pala ay totoong mahal ka,” sagot niya sa akin na hindi ko alam kung saaan nagmula, saka pa siya bumuntonghininga na animo pagod na pagod sa sinabi niya.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang unti-unting pagbagal ng takbo namin, saka ang tuluyan naming paghinto. Luming-linga ako sa paligid at doon ko lang napansin na tila nasa isa kaming liblib na lugar gaya ng resort nila Vience, ngunit ang kaibahan nga lang, dito ay mas maaliwalas.

“This is where my favorite rest house is located,” aniya, saka niya ako inalalayang bumaba sa motor at inakay papalakad.

Hindi ako nagsasalita habang naglalakad kami. Nakarating kami sa isang tila bahay kubo ngunit halatang konkreto ang mga materyales na ginamit sa loob. Disenyo lang ang mga kugon at buho na nakapaligid dito.

“Gusto kong dito ka muna mamalagi, Avrein. I need you to think, to unwind and to make him realize your worth.” Bigla akong napatingin sa kaniya, saka ko siya binigyan ng nagtatakang tingin. “Alam ko kung anong nangyari. Just like what I told you, this is not the first time. Alam kong gusto mong mag-isip kaya’t iiwan na muna kita rito. Kung ano man ang kailangan mo, ako na lamang ang kukuha, bibili at magdadala sa ’yo. Hindi mo kailangang umalis dito. Ginagawan lang kita ng pabor, wala akong hinihinging kapalit sa ’yo.”

Hindi na ako nakahuma pa sa mga narinig ko lalo na nang iabot niya sa akin ang susi ng bahay.

“Lahat ng kakailanganin mo, narito na. Hindi na ako nag-hire ng makakasama mo dahil alam kong gusto mong mapag-isa.”

Gulong-gulo ako sa inaasta niya pero ramdam ko ang sinseridad ng pananalita niya. Dama kong nais niya akong protektahan, ngunit saan at kanina? kay Vience?

“Why are you doing this?” kunot-noong tanong ko.

“I told you, this is not the first time. Alam ko ang nangyayari kaya’t nandito ako. Vience and I were the best of friends since elementary, but we parted our ways long ago, but . . . that is not my story to tell. Keep safe here, Avrein.” Napatango na lang ako sa sinabi niya kahit na gulong-gulo ako kaniya. “While you’re here, promise me one thing. You’ll always think of staying beside that asshole whatever happens, okay?”

“I promise.” I didn’t know why I promised him, all I knew was I’m here to think and unwind.

“Iiwan na muna kita dahil marami rin naman akong naiwang trabaho sa Manila. Basta may kailangan ka, tawagan mo lang ako,” wika nito, saka ginulo ang buhok ko. “Sana kayanin mong tanggapin. Sana kaya mo siyang mahalin sa kung ano siya at kung ano lang ang kaya niyang ibigay. Sana kayanin niya nang ipagtapat sa ’yo.”

“Luis—”

“Bye, Avrein!”

Tinanaw ko siya hanggang sa makasakay na siya ng motor.

Pumasok na ako ng resthouse at pinagmasdan ko ang paligid. Maraming iba’t ibang paintings ang nakasabit sa dingding. Halatang alagang-alaga rin naman ang rest house nito base na rin sa taglay nitong kalinisan.

May nakita akong isang silid na malapit sa kusina kaya’t iyon ang una kong binuksan. Bumungad sa akin ang isang malinis na kwarto kaya’t napagdesisyonan ko nang ito na lamang ang gawin kong silid ko habang narito ako.

May isang bagay pumukaw ng atensyon ko sa silid. Isang malaking larawan ng tatlong bata habang magkaka-akbay ang mga ito.

Nilapitan ko ito at tinitigan. May isang batang lalaki na may hawak na bulaklak, sa gitna ay isang batang babae na may hawak na maliit na garapon, at isa pang batang lalaki na may hawak na supot ng lupa. Patuloy ko lang itong pinagmasdan hanggang sa may mapansin ako na tila may nakasulat sa baba larawan.

LuLu – EiEi – Vivi

“Maaring si Luis si Lu, maaring si Vience si Vi, pero sino si Ei?” Para akong sira na kinakausap ko ang sarili ko.

Hindi malinaw sa akin ang rason bakit ginagawa ito ni Luis para sa akin. Hindi ko rin alam bakit matapos kong ibigay ang lahat sa kaniya kagabi, at sabihin sa kaniya na tanggap ko ang sitwasyon naming, ito ako at tila gustong malaman kung hahanapin ba niya ako o hindi.

NAGISING ako sa malakas na kalabog mula sa labas ng rest house na tinutuluyan ko. Pang­-apat linggo ko na rin dito at unti-unti na akong nasasanay sa pamumuhay dito. Hindi ako lumalabas ng bahay.

Oo, hindi niya rin ako hinanap dahil ni minsan ay hindi siya lumitaw sa lugar na ito. Kaya lalo akong nagdesisyon na mamalagi rito dahil tila naramdaman ko na hindi naman ako kawalan sa buhay niya. Masakit pero kailangan kong panindigan ang ginawa kong ito dahil ako mismo ang may gusto nito.

Mabilis akong tumayo at tinungo ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko ay may isang katawan na lamang ang biglang dumamba sa akin.

“You have to go back to the office, Avy, nagiging magulo na roon dahil sa pagkawala mo. Madaming nagre-resign at natatanggal sa trabaho dahil kay Sir Vience. Laging mainit ang ulo niya at lagi ka niyang tinatanong sa akin.”

“H–hinahanap niya ako?” hindi makapaniwalang wika ko. Hindi ko alam pero parang may nabunot na napakaraming tinik sa dibdib ko.

“Girl, sa araw-araw na ginawa ng Maykapal, iba’t ibang imbestigador at pulisya ang nasa opisina. Laging nagwawala kapag ibinabalita sa kaniya na walang lead tungkol sa ’yo. Ito pa, halos lahat ng babae na lalapit sa kaniya, kulang na lang ay itaboy niya dahil ayaw niyang baka bigla kang bumalik at iba ang isipin mo kung may babaeng mapapalapit sa kaniya. Ang weird niya! Hindi ko alam ano’ng pinakain mo sa kaniya at biglang nagbago nang ganoon!”

Hindi ko mapaniwalaan lahat ng naririnig ko kay Fria. Sa isang buwan kong pamamalagi rito, naisip kong tuluyan nang hindi magpakita sa kaniya dahil hindi man lang niya ako nagawang hanapin. Sa tuwing dadalawin ako ni Luis, ako kasi ang nagsasabi sa kaniya na huwag munang magbabanggit ng tungkol kay Vience.

“E, k–kayo? P–paano n’yo nalaman kung nasaan ako?”

“I did,” anang isang tinig at nakita ko ang paglitaw ng pinsan kong si Aeickel. No wonder agad nila akong natagpuan. Aeickel works for a secret agency.

“For now, no more buts, Avy. You have to come with us and that’s an order from your best friend. Hindi ka ba naaawa sa mga nawawalan ng trabaho dahil lang sa LQ n’yo ng lover boy mo?”

Hindi na ako muling nagsalita pa at naupo na lang kaharap sila.

“Bakit ba maraming nasasaktan sa pagmamahal nila sa maling lalaki?” out of nowhere Fria asked.

“Wala namang mali na hindi nakakasakit,” sagot ni Aei sa kaniya. “There are girls who fall in love for the wrong man, simply because the wrong man says the right things.”

“Hmmm?”

“I don’t believe in risking and sacrificing. Love is not a battle so why would you risk for something? Why would you sacrifice when you don’t even know if they will do the same in return? Huwag mong suungan ang isang bagay na wala namang kasiguraduhan dahil sa huli ikaw lang din ang masasaktan,” dagdag pa ni Aei pero salungat iyon sa paniniwala ko.

“But risking and sacrificing are both a part of love, Aei.” Hindi ko napigilang sumagot sa sinabi ni Aei. “If you can’t risk nor sacrifice then you don’t have the courage to love. You’re coward.”

“It’s not being coward. It’s about loving yourself more than anything else. Dahil sa huli, wala ka namang ibang makakasama kung hindi ang sarili mo.”

Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong may punto siya.

SABAY kaming pumasok ngayon sa opisina ni Fria. Ramdam ko ang talim at mapang-usig na tingin ng mga kasamahan ko sa trabaho.

“Ignore them. They’re not worthy of your attention.”

Tinanguan ko lang si Fria sa sinabi niya.

Patuloy lang kaming naglakad nang makarinig ako ng mga bulungan.

“Back to work guys! Nariyan na ang terror boss!”

“Trabaho na.”

“Avy, nandito na siya,” bulong ni Fria sa akin.

“I know.”

Hindi ako tumingin sa likuran ko pero bahagya akong nakaramdam ng kaba nang bigla na lamang sabay-sabay na sumigaw ang mga empleyado.

“SIR!”

Mabilis kaming napalingon ni Fria at doon namin nakita na putlang-putla si Vience habang sumusuka sa isa sa mga welcome plant na naroon. Bumundol ang kaba ko lalo na nang bigla na lamang siyang himatayin.

“Shit! Hindi nag-iinom iyang si Sir Vience magbuhat nang mawala ka dahil imbes na gugulin niya ang oras sa alak, ginugugol niya sa paghahanap sa ’yo, Avy! Ano kayang nangyari sa kaniya!?”

Akmang tatakbo na si Fria palapit sa kaniya nang pigilan ko si Fria sa braso.

“Fria . . .”

“Why!?”

“. . . buntis ako.”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Twenty-two

AVREIN

“FRIA, buntis ako.”

Nakita namin ni Fria na binuhat si Vience ng mga lalaking empleyado para siguro dalhin sa ospital. Hindi ako nag-aalala kay Vience dahil alam kong tama ang kutob ko na ito.

It runs in the family. Sa pamilya ng Freezell, ang mga lalaking nakakabuntis sa babaeng Freezell o asawang babae ng Freezell ang siyang nakakaranas ng sakit ng paglilihi at ang siyang nagkakaroon ng weird cravings. Hindi ko alam kung paano o kailan nagsimula, basta’t ganito na ang tumatakbong sumpa sa pamilya.

“How did you say so? Nahilo, nagsuka at hinimatay lang si Sir Vience and now you’re here telling me that you’re pregnant? Have you already lost your sanity, Avrein? Or you’re giving yourself a false hope na puwede kayong magkaroon ng seryoso at steady na relasyon dahil diyan sa pinagsasasabi mo?” kunot-noong tanong ni Fria sakin. Her words hit me so hard.

“B–but you don’t get it, Fria. G–ganiyan ang sumpa sa pamilya namin,” utal na sagot ko rito dahil tila ako nabuhusan ng yelo sa sinabi niya.

“Every hope you make will always lead you to disappointment. Don’t get me wrong, Avy. I’m not saying these things for my sake. It’s for your own. I don’t want to see you hurting, kasi mas nasasaktan ako.”

“I–I know,” I answered.

Am I really giving myself a false hope?

“Puwede nating alamin ang kung totoong nagdadalang-tao ka mamaya pag-uwi natin sa unit mo. Is that okay with you?” aniyang muli sa akin at tumango naman ako bilang sagot. “Magtuloy na muna tayo sa kaniya-kaniya nating cubicle. Alam kong hindi ka pa rin handa na makita siya kaya’t hintayin na lang natin mamaya ang pagbabalik niya.”

“Are you sure okay lang siya?” kinakabahan kong tanong.

“Yep! Mamaya makikita mo na rin ’yan sa loob ng opisina niya. Nangyari na rin naman ang ganiyan noong mga nakaraang araw kaya nasasanay na ’ko,” sagot ni Fria na nakapagpatahimik sa akin.

“Kasalanan ko ba?” wala sa sariling tanong ko.

“You are partly responsible,” sagot naman ni Fria, saka ako hinatak papasok ng elevator.

Tahimik lang ako hanggang sa una naming marating ang floor ni Fria at lumabas siya. “Puntahan na lang kita mamayang lunch, ha?” nakangiting wika nito na ikinatango ko.

Muling sumara ang elavator at dinala ako nito sa floor ko. Tahimik lang akong lumabas at pinagmasdan ang paligid. Wala namang nagbago sa apat na linggo kong pagkawala maliban lang sa napakaraming tila mga sirang gamit sa harapan ng opisina niya.

Nagtuloy lang ako at napansin kong nakaawang nang bahagya ang pinto. Muntik pa akong mapatalon nang biglang may isang hindi katangkaran at maputing babae ang lumabas dito habang may bitbit na walis at dustpan.

“Ay kinalabawang kamote!” tili nito nang makita ako. “Pambihira naman, Miss!” sabi pa nito na humawak sa dibdib.

“Sino ka?” tanong ko dito.

“I’m Rahfia, ako ang secretary ni Mr. Montealegre. Ikaw? Sino ka?” taas-kilay na tanong nito sa akin.

“I’m her secretary too. I’m Avrein,” sagot ko rito na biglang ikinalaki ng mata nito bago tuluyang lumabas at dumeretso sa cubicle ko.

Sinundan ko siya at nakita kong mabilis niyang nililimas ang mga gamit niya habang maingat naman niyang ibinabalik ang mga gamit ko sa orihinal nitong pwesto.

“Naku po! Naku po! Bumalik na ang original. Dead end na naman. Babalik na naman ako sa pagiging tambay ng kumpanya. Hayahay,” bulong nito na rinig ko naman.

“Ahmmm, excuse me? Ikaw ba ang pansamatalang pumalit sa akin?” curious na tanong ko rito na ikina-angat nito ng tingin sa akin.

“Ang ganda mo pala talaga. Hindi na ako nagtataka kung bakit muntik sirain ni Sir lahat ng meron siya dahil lang hindi ka niya mahagilap,” diretsong pahayag nito.

“H–huh?”

“Literal na muntik niya nang pabayaan ’tong kumpanya dahil araw at gabi ka niyang hinahanap,” tila naman ako natuod sa sinabi niya. May panibago na namang saksi sa ginawa niya bukod kay Fria. Dapat na ba akong maniwala?

“Bakit—”

“Kung iniisip mo na mayaman naman siya ay bakit hindi siya na­g-hire ng mga private investigator ? Para kasing may humaharang sa mga impormasyon na gusto niyang makuha kaya’t hindi na rin siya umasa sa mga ito,” paliwanag nito.

May humaharang ng mga impormasyon?

Hindi ako magtataka kung si Aeickel ang may pakana niyon.

“Bakit ang dami mong alam—”

“I’m Rahfia Montealegre.” Bahagya naman akong napanganga sa sinabi nitong pangalan. “I’m his cousin’s wife,” paliwanag nito nang nakangiti. “Nakiusap lang sakin si Jim—my husband, na ako muna raw ang maging sekretarya ng pinsan niya habang wala ito sa sarili.”

“Ganoon p–pala.”

“Since nandito ka na rin naman, gogora na ako,” paalam nito binang nakangiti habang bitbit ang mga gamit niya.

“Tulungan na kita,” alok ko rito.

“Huwag na, sis. Stay put ka na lang diyan at hintayin mo ang pagdating ng mahal na hari. By the way, kumaunti na rin ang mga drama actress na nagpupunta rito kaya wala ka nang gaanong sakit ng ulo,” masayang wika nito sa akin bago tumuloy sa elevator.

“Salamat po,” paalam ko rito habang kumakaway.

“Just take care of him!”

Bumalik na ako sa cubicle ko. Kasalukuyan kong ipina-plug ang computer ko nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan ko.

“So the prodigal secretary came back?” Napapihit naman ako sa pinanggalingan ng boses. Gulat at takot ang gumuhit sa katauhan ko nang malingunan ko si Vience. Gulat dahil hindi ko inaasahan na agad siyang paparito sa opisina niya matapos ang nangyari kanina, at takot dahil malamig na mga mata ang nakatingin sa akin ngayon—malamig na mga mata na tila walang emosyon.

“Vience—”

“It’s Mr. Montealegre, Ms. Freezell.” malamig na tugon nito bago ako lumabas at tuluyan nang pumasok ng opisina.

Ito na ba ang sasalubong na Vience sa akin?

MAGHAPON akong maraming inasikasong mga papel. Ayos dito, ayos doon. Papirma dito, papirma doon.

Sa totoo lang nasasaktan ako sa inaasta at pakikitungo ni Vience sa akin. Iniisip ko kung asta ba ito ng tao na walang ginawa kundi hanapin ako, at ngayon naman na nasa harap ako ay kulang na lang ay gawin akong hangin. Sa tuwing may papipirmahan ako sa kaniya ay tila lang ako isang hangin na may inilapag na papel sa harapan niya. Is this what I get for what I did?

Ngayon ay nasa cubicle ko ako. Nakatitig lang ako sa computer ko at nakatiklop ang mga labi. Nahihirapan ako sa sitwasyon.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang may kumatok sa cubicle ko kaya’t mabilis akong lumabas.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang bagong dating.

“Hi, Miss. Nariyan ba si Vience?” nakangiting wika nito.

“Opo, sandali at sasabihin ko na narito po kayo,” kaswal na tugon ko kahit na ang totoo ay kakaiba ang kabog ng dibdib ko.

Tinungo ko ang intercom d-in-ial ang opisina niya. “Mr. Montealegre, Ms. Denelle Kazehaya is looking for you,”

labag sa kalooban na turan ko.

“Send her in,” malamig na tugon nito bago pinatay ang intercom.

Mabilis naman akong lumabas at hinarap ang maamong mukha ni Denelle. “Pasok na daw po kayo.”

“Really?” tila naman mangha at nagtatakang tanong nito. “These past few weeks ay ayaw niyang tumanggap ng bisita kahit ako, e. Anyways, thank you!” anitong muli bago tinungo ang opisina ni Vience.

Para namang gusto ko siyang hatakin pabalik nang makita ko na tuluyan na siyang nakapasok. Naiinis ako. Sumasama ang pakiramdam ko at ayoko namang isipin kung ano ang maaari nilang gawin doon sa loob. Ayoko.

Mabilis akong napatago sa gilid ng pinto nang makita ko ang unti-unting pagbukas ng opisina ni Vience. Alam kong para na akong tanga sa ginagawa ko. Noong mga nakaraang linggo ay tinakbuhan ko siya, ngayon naman ay tila ako tangang nakasilip dahil gusto kong malaman ang pinag-usapan nila at ang mga gagawin niya.

“Thank you, Vience!” Bahagya pa akong napamulagat nang biglaang gawaran ni Dennelle ng mabilis na halik si Vience sa pisngi kasabay ng pagyakap niya rito. Kitang-kita ng mga mata ko na tila nagulat din si Vence sa iginawi nito.

Bahagya akong na kinabahan nang inilapit ni Denelle ang labi niya sa tainga ni Vience at tila may ibinulong dito. Napansin ko naman na kumalma na ang mukha ni Vience na tila may narinig itong kaaya-aya sa pandinig.

“I gotta go. See you when I see you, Vience. I love you,” wika nitong muli, saka na ito tumalikod at naglakad sa gawi ko.

Mabilis akong pumunta sa swivel chair ko at nagpanggap na kanina pa ako nakaupo roon.

“Thank you for letting me in. Bye!” nakangiting sabi nito bago tuluyang nawala sa harap ko.

Muli ko lamang tinitigan ang computer ko nang makarinig ako ng marahang pagtikhim na siyang ikinalingon ko.

“S–Sir,” utal na wika ko.

“Umuwi ka na. Maaga akong uuwi ngayon,” pahayag nito sa akin.

Gusto kong magtanong kung bakit. Gustong-gusto ko siyang kamustahin. Gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihin na nakapag-isip na ako at nakapagpakalma ng isip sa mga panahon na wala ako. Gusto kong sabihin na handa kong gawin lahat para lang hindi malayo sa piling niya—na kahit pa maghintay ako hanggang sa kaya niya nang sabihin sa akin lahat—na kahit pa maging martyr ako basta para sa kaniya—na mahal na mahal ko siya. Gusto kong sabihin na alam kong ipinahanap niya ako at sobrang nagagalak ang puso ko sa kaalaman na iyon.

Ngunit . . . ayaw gumalaw ng mga paa at kamay ko. Ayaw rin gumalaw ng mga labi ko. Ayaw sumunod sa gusto ko. Tila ang mga ito natuod sa lamig ng pakikitungo ni Vience sa akin.

Akma na siyang tatalikod nang mabilis na lamang biglang kumilos ang mga paa’t kamay ko na pigilan siya sa braso.

“Vience . . .” Tila naman ito naghihintay sa sasabihin ko ngunit hindi ito lumingon. “. . . s–sorry,” utal na saad ko. I didn’t know what I was sorry for? Kung bakit sa dami ng gusto kong gawin at sabihin sa kaniya, iyon pa ang lumabas sa mga labi ko.

“Stop it, Ms. Freezell. I am begging you, please stop.” Tila kumirot ang malaking parte ng puso ko sa itinuran niya. Masakit dahil hindi ko alam kung saan niya ako pinatitigil.

“V–Vience.”

“Stop fucking saying sorry! Stop saying nonsense things. I no longer care because for me . . . they no longer matter.”

Parang nayanig ang mundo ko sa narinig ko. Ano bang mali? Ano bang nagawa ko? Dahil ba pinili kong sukatin kung hanggang saan niya ako mahal? Dahil pinili kong magpahinga matapos kong ibigay ang lahat sa kaniya? Dahil sandaling panahon kong inuna ang sarili ko at ang nararamdaman ko?

Napayuko ako sa narinig ko at binitiwan ang braso niya. “Nonsense? Stop?” I laughed sarcastically. “And how we are supposed to go on with our BFP contract if I’m going to stop now? C’mon, tell me, Vience. How? Ang laki naman yata ng kasalanan ko na sandaling panahon kong inuna ang sarili ko at ang nararamdaman ko.” Iyon lang ang huling alas ko na maaring magbuklod sa aming dalawa— ang kontrata.

I saw how his body stiffened upon hearing what I just said. But after a while he immediately composed himself. Lumingon siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata. “BFP?” He then smirked. “Didn’t you know that the moment you turned your back on me that morning and left me, was the same day that we were already done with that goddamn contract? You missed the chance. You left when I was so re—damn it!” Hindi niya itinuloy ang huli niyang sinasabi at tinapos na lamang ito sa pagmumura.

“Vience—”

“Let’s just stop, Ms. Freezell. You’re nothing to me now. You are now just a secretary—a plain secretary. Maybe you should at least be thankful dahil kahit papaano ay may binalikan ka pang posisyon.” He even emphasized some words that crashed my world into pieces.

Hindi na ako nagsalita pa dahil tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko habang siya naman ay tuluyan na akong tinalikuran, saka lumisan.

M A Y O R A

I C E _F R E E Z E

Ang laki ng ipinagbago ni Vience sa version na ’to. Kasumpa-sumpa siya sa ine-edit ko kung alam n’yo lang. 🤣 Sana okay lang ang flow sa inyo.

Twenty-three

AVREIN

HALOS ibato ni Fria lahat ng mahahawakan niya dahil sa mga sinabi ko sa kaniya.

“Damn him! Pagkatapos ka niyang ikama ay itatapon ka na lang na parang basura? Sana ikiniskis niya na lang kung saan ang libog niya, hindi pa siya nakasira ng babaeng maaaring pang may magandang kinabukasan—”

“Stop it, Fria,” malamig na utos ko rito.

“Pero, Avy naman! Hindi ka ba naaawa sa sarili—”

“Ginusto ko ’to. Tama lang na panindigan ko ’to.”

“Ikaw lang ba may gusto niyan? Ginusto niyang may mangyari sa inyo tapos gaganiyanin ka niya? Itatapon ka na parang basura? Ibang klase naman pala talaga,” sarkastikong wika nito. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit nang ganito.

“Tama na, Fria. Gawin na lang natin kung ano bang talagang ipinunta nating tatlo rito.” Kasama namin si Aeickel na ngayon ay tahimik lang at nakatitig sa nag-aalburotong si Fria.

“And now you’re really hoping na buntis ka? Puwede ba kitang iuntog nang malakas para naman magising ka na?”

Hindi na ako sumagot, bagkus ay kinuha ko na lang ang test kit na inabot ni Aeickel at pumasok ng banyo ng unit ko at isinagawa ang dapat gawin base sa instruction na nakasulat dito. Ilang minuto lang akong naghintay bago lumabas. Hindi ko na muna tiningnan ang resulta.

“I’m done,” pukaw ko sa atensyon nila, saka ko inilapag sa lamesita ang kit.

Hindi na ako nagulat sa resulta maging si Aeickel ngunit hindi si Fria. “Shit! At ngayon nga ay magkaka-anak ka pa sa demonyo na ’yon?”

Napaigtad ako nang may maramdaman akong kamay sa balikat ko kaya’t napalingon ako. “What now, Aei?”

“You’re not telling him, right? After what happened.”

“No. I’m telling it to him . . . tonight.”

Bigla akong kinabahan sa kaguluhan na gumuhit sa mata ni Aei. “Just be ready for his rejection,” wika nito bago tuluyang tumayo at lumabas ng unit ko. Kapwa naman kami naiwan ni Fria na parehong naguguluhan.

“What does she mean by saying those words?” tanong ni Fria.

“I don’t know either.”

“That was a precautionary message. Don’t you think so?”

“Maybe. She has the connection to all atoms. She knows something I don’t. That’s Aeickel Lavria Freezell we were talking, Fria.”

“So you’ll not go, right? You’ll listen to her—”

“No. I’ll still go. He has the right know,” putol ko sa kaniya, saka marahang hinaplos ang tiyan ko bago ako tuloy-tuloy na tumuloy ng kwarto ko para magbihi. Dala ko ang pregnancy test kit na maagap kong inilagay sa bag ko.

NARITO ako ngayon sa tapat ng bahay nila. Hinihintay ko lang na pagbuksan ako ng guwardya.

“Sorry po, Miss. Hindi ko kaya agad napansin,” hinging paumanhin nito bago ako tuluyang pinapasok.

“Okay lang po, saka gabi na rin naman. Siguro di n’yo lang ine-expect na may bibisita pa nang ganitong oras,” nakangiting wika ko.

Tumuloy na akong pumasok hanggang sa marating ko na ang main entrance. Wala na rin sumalubong sa akin sa main entrance ng bahay. Siguro tulog na ang mga tao. Pasado alas-onse na rin kasi ng gabi.

Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa sapitin ko ang pintuan ng kuwarto niya. Nagbabaka sakali ako na narito siya.

Kakatok na sana ako nang makarinig ako ng nag-uusap.

“So what’s with her? Why did you—”

“I don’t know, Elle. Hindi ko na alam,” anang sobrang pamilyar na boses na animo ay hirap na hirap.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagkarinig na pagkarinig ko ng boses ni Denelle ay agad kong ipinihit ang seradura ng pinto at tuluyang pumasok.

Bakas sa mukha ng dalawa na magkatabing nakaupo sa edge ng kama habang kapwa may hawak-hawak na bote ng alak ang gulat nang makita ako.

“Miss secretary,” bati sa akin ni Denelle ngunit hindi ko ito pinansin. Binalingan ko si Vience, saka ito tinitigan sa mata.

“Can I talk to you, Vience? Alone?”

Nakita kong gulat ang bumalandra sa mukha ni Vience dahil sa inaakto ko.

Kung tatanungin ako ngayon kung saan ko hinuhugot ang tapang ko, marahil ay sa anak ko na nasa sinapupunan ko na umaasang ipaglalaban ko siya sa kahit na kanino.

“Alis muna ako, Vience. I’ll be at the guest room. Puntahan mo na lang ako kapag tapos na kayong mag-usap,” wika naman ni Denelle. “Bye, Avrein,” paalam nito pero parang hindi ko ito narinig dahil hindi ko siya nilingon man lang.

Pagkalabas na pagkalabas ni Denelle ng pinto ay ini-lock ko ito at binalingan si Vience.

“What do you want now, Ms. Freezell? Didn’t I clear everything early this afternoon?”

Tiningnan ko siya bago ko kinalkal ang dapat kong ipakita sa kaniya sa bag ko. Nang makuha ko ito ay mabilis ko itong inabot sa kaniya.

Inaasahan ko na magugulat siya—na magiging masaya siya—na . . . tatanggapin niyang magkaka-anak na kami pero mali ako. Isang galit na galit na Vience ang humarap sa akin. Ibinato niya ang PT sa kung saan sa ako hinawakan nang mahigpit sa magkabilang balikat.

“H–How the fuck could you do this to me? Damn it! Nawala ka nang apat linggo tapos ngayon ay bigla mong isasampal mo sa akin na buntis ka? Who’s the fucking father of that child!? Fucking tell me! Si Almeda ba!?” Hindi ko mapaniwalaan ang reaksyon niya maging ang sakit at galit na bakas sa kaniya ngayon.

“N–nasasaktan ako, Vience!”

“And you really think that you’re not hurting me after what you did? I am in a fucking terrible pain right now, Avrein! How could you do this to me!? How could you . . . damn it! Mas magaling ba siya? Mas—” Hindi ko siya pinatapos. Mabilis na umigkas ang kamay ko patungo sa pisngi niya.

Imbes na matauhan ay bigla na lamang itong tumingin sa akin, saka ngumiti. Isang mapait at mapanganib na ngiti.

“I wanted to give everything to you. I wanted to change, but why did you do this to me, Avrein? Are you my fucking karma? Why did you have to do this to me? Kaya kong ibigay lahat ng gusto mo. Kaya kong isuko lahat makasama ka lang. Lahat ng pagdududa ko sa sarili ko ay handa kong takbuhan at takasan . . . why, Avrein? Why does my karma have to be to you?”

Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong hatakin at niyakap nang mahigpit.

“Vience. . . .” Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko bago ang tuluyang pagdampi ng mga labi niya roon.

Bigla siyang nag-angat ng mukha, saka ako tinitigan sa mga mata.

“Tell the father of your child that I am the best. Tell the father of your child that I am your first. Tell him that I had you first. Nagka-anak ka lang sa kaniya, nagpaggamit ka lang sa kaniya, pero ako pa rin ang mahal mo, hindi ba? Fucking tell me!” Tila nagmamakaawa ang tono niya pero bakas na bakas pa rin doon ang galit at sakit.

Gusto kong umiyak. Nasasaktan ako sa sinasabi niya. Nasasaktan ako sa pagtanggi niya sa anak ko. Para akong sinasaksak ng libo-libong kutsilyo sa dibdib. Pero mas masakit ang katotohanan na pinagdududahan niya ako.

“Hindi mo ’ko kayang paniwalaan—”

“You were gone for a month and you rushed here to tell me that you’re pregnant. How cruel can you be, Avrein? Ito ba ang paraan mo para makaganti sa akin? Ito ba ang paraan mo para mapansin kita ngayon? Where were you when I had to search even the pit of hell just to find you? Where were you when I was like a mad man searching for the woman I love who doesn’t want to show herself? Oh right, you were having sex with the father of your child,” mahaba niyang turan.

“Pakinggan mo ’ko, please naman,” pagmamakaawa ko.

“How can I trust you now? Paano kitang paniniwalaan kung ang gusto mo ay paikutin ako? Paano kong isusuko lahat ng mayroon ako gayong tinarantado mo ’ko? Sabi ko kanina, magpapalamig lang ako ng ulo dahil hindi ko inaasahan ang biglaang pagbabalik mo at pag-asta mo na parang wala lang ang pagkawala mo. Mahal kita at handa akong tanggapin ang rason mo, but why does it have to be like this? Bakit kailangan na saktan mo ako ngayon nang ganito? Hindi pa ba sapat na halos mawala ako sa sarili sa kakahanap sa ’yo sa loob ng isang buwan? Do you have to hurt me more in this way?”

“Hindi ako malanding babae, Vience. Sa ’yo ang dinadala ko! Hindi ako kailan man nagpaggamit sa kahit na kanino—”

Muli siyang ngumiti nang sobrang pait kaya’t napahinto ako sa pagsasalita. “Stop lying. Leave.” Tila natuod ako sa tinuran nito.

“Vience. . . .”

“I said leave.”

Naglandas na ang mga luha sa mga mata ko.

“I will leave not because I gave up, but because you told me to do so. You don’t want to believe me, but let me tell you this for once and for all. I’m pregnant and you are the father, Vience. I never did it with anyone. It was you, and only you whom I gave my body to,” I said as I immediately stormed out of his room.

God, I no longer know what to do . . . help me, I’m begging You.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Twenty-four

AVREIN

“AVREIN! What the hell happened, Avrein? Answer me! Your silence worries me the most!” Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang malakas na boses ni Ate Aiyell. Hindi ko alam bakit dito ako dinala ng mga paa ko sa bahay nila ni Kuya Claw.

Tumingin lang ako sa mga mata niya at hinayaan kong basahin niya ako rito.

“Stop playing puzzle game with me, Avrein. I’m not good at this,” anito sa akin, saka yumuko at kinuha ang telepono sa gilid nito. “I’ll call Aei.”

Narinig kong kinausap nito sa Aei sa kabilang linya, saka ibinaba ang telepono. “Where’s Ayler and Ayce?” tanong ko sa kaniya tungkol sa kambal niyang anak.

“They’re already sleeping. Mas komportableng matulog si Ayler pagkatabi niya ang Daddy niya, while Ayce is more comfortable ’pag mag-isa siya sa kuwarto niya,” paliwanag nito.

Tumango lang ako bilang sagot.

Nakabalot ako ngayon ng malaki at makapal na tuwalya na bigay ni Ate Aiyell. Hindi ko na naalalang dalhin ang kotse ko papunta rito sa bahay ni Ate Aiyell. Basta ang alam ko lang ay mula nang umalis ako sa bahay nila Vience ay naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa abutan ako ng malakas na ulan. Nakakatawa ngang isipin na pati ang langit ay nakikidalamhati sa sakit na nararamdaman ko.

Kapwa lang kami walang kibo ni Ate Aiyell at nagpapakiramdaman nang makarinig kami ng katok na bumasag sa katahimikan.

Tumayo si Ate Aiyell at pinagbuksan ito. Hindi na rin ako nasorpresa nang makita ko si Aeickel ang pumasok.

Tumingin ako sa gawi nila ngunit isang malamig na tingin lang ang ibinati ni Aei sa akin bago naupo sa kaharap na sofa ng inuupuan ko.

“Aei—”

“I already told that he was going to reject you and the baby, but you just never listen,” malamig at walang emosyon na putol nito sa akin.

“What— Baby? Anong baby!?” Ate Aiyell suddenly exaggerated.

Hindi ko pinansin si Ate Aiyell at ibinaling ko ang tingin ko kay Aei. “If only I saw that one coming, minabuti ko na lang na hindi ipaalam—”

“Teka nga! Naguguluhan ako? Ano ’to? Sinong buntis? Anong pinigilan? Ano!?” sabat ni Ate Aiyell kaya sabay kaming napalingon ni Aei sa kaniya.

“Wala—”

“She’s pregnant and that guy named Vience Kent Montealegre is the one responsible for it.”

“Aeickel!” I exclaimed. Ayaw ko na muna sanang ipaalam sa iba hangga’t hindi ko pa naaayos ang sitwasyon ko.

“I just don’t want you to get hurt, Ate Avrein,” she replied in very cold and dangerous tone. Ramdam ko ang galit niya at ang pagnanais na protektahan ako.

“Aei,” tawag naman sa kaniya ni Ate Aiyell.

“You wouldn’t want to hear what’s running on my mind, Ate Avrein,” malamig na pag-ignora nito sa pagtawag ni Ate Aiyell sa kaniya. “I am capable of killing someone that ruins my family. Just surrender chasing him, he’ll eventually realize that the baby was his.”

Lahat ng tao sa paligid ko, sinasabing sumuko na ako. Dapat na nga ba akong sumuko?

NAALIMPUNGATAN ako nang dahil sa walang humpay na pag-doorbell na natanggap ko.

Bumangon ako at tiningnan ang orasan sa side table ko. Ala-una na ako nakauwi ng unit ko mula sa bahay ng mag-asawang Mondragon at ngayon ay alas-tres ’y media pa lamang. Iilang oras ko pa lang naitutulog ang sakit na nararamdaman ko, ngayon at ito na naman at may nanggugulo.

Pumunta ako sa pintuan at walang sabi-sabi itong binuksan. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang mabungaran ko si Vience na madilim ang anyo na nakatingin sa akin at umaalingasaw ang amoy ng alak na nagmumula dito.

“Anong ginagawa—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at mabilis niya akong kinabig at marahas na hinalikan.

Shit. Am I insane for liking this type of kiss? Am I insane for letting him kiss me after what happened? After he pushed me away?

He’s drunk and I’m aware of that. I could taste the bitterness of the liquor that was left in his mouth.

He pushed me to step backward without breaking the kiss. As we entered my pad he immediately locked the door.

I was literally lost for words to say when he laid me in my sofa.

“God . . . I missed you!” he declared that made my eyes widened.

“Vience—” His kisses went to my earlobe as he gently sucked it.

“I missed you so damn much. I missed you, my angel,” he whispered again as his kisses went down to my jaw line . . . down to my neck. “I missed how you can make me insane for wanting to touch you, to hug you, to kiss you, to be inside you.” His whispers were so drowning.

Hindi na ako nagulat ng isa-isa niyang alisin ang butones ng damit kong pantulog.

“Vience, y–you’re just d–drunk.”

“Damn me for loving a pure girl like you, Avrein. Damn me!” I could sense the pain and suffering in his voice. Dama ko rin na tila may nakabara sa lalamunan niya.

My body arched involuntarily as I felt his hand gently squeezing my right chest. I’m not wearing any bra for I’m already sleeping a while ago.

He was kissing and touching every inch of me with gentleness. He was doing every move with care.

“Ohhhh. . . .” I groaned in ecstasy as I felt his hand replaced by his mouth. He’s gently nipping my nipple. He was nipping it and it was so tickling.

I was busy thinking about his mouth on my nipple until his right hind made its way down to my core.

“Vience!” I protested. This wasn’t the first time but it was still so awkward.

“Trust me, babe. Just trust me.” he said as he looked at my eyes while still sucking my nipple.

“Hmmmmm. . . .” I couldn’t help myself from moaning when I felt his fingers gently playing with my clit. This feeling was so good. My mind and body were betraying my heart who was in so much pain.

I wanted to protest when his mouth and hand suddenly left my breast and core.

Tumayo siya at bahagya akong tinitigan nang matiim bago niya tuluyang inalis ang lahat ng saplot na suot ko at ganoon din ang sa kaniya.

I’m not dreaming right?

Dumagan siya sa akin ngunit hindi ko ramdam ang bigat niya. Mas ramdam ko ang bagay na tumutusok sa puson ko.

“Felt that? That is how you could make me go crazy about you.” I blushed from what he said. “Damn! You’re beautiful whenever you blush and it gives me more pleasure knowing that it is because of me.”

He then again kissed me. I knew he wanted more so I opened my mouth. He slid his tongue inside my mouth and started searching for something inside it.

“V–Vience . . .!” His finger was once again pleasuring my core.

“I love you,” he whispered between our kisses.

His kisses went down . . . and down . . . and down.

“V–Vience!” His fingers were replaced by his mouth that took my sanity away. He nipped my womanhood as if savoring its flesh.

Hindi ko alam saan ibabaling ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong puwede kong gawin o saan ako puwedeng kumapit.

“O–oh my gosh, V–Vience. . . .” He was thrusting his tongue inside me!

I’m starting to like this feeling. It was making me go crazy.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na sabayan ang bawat pagpasok ng dila niya sa akin. I just did.

Something came rushing in my abdomen and it suddenly wanted to explode.

“Give it to me, babe,” those words are like magic words because I felt my first release.

“Ready?” he asked after my release and I nodded.

He positioned himself between my legs as he made his entrance. It was full of love and pleasure. It was full of caution not to hurt me in any way.

Our bodies were dancing with each other as if it was perfectly made to be one.

“Hmmm. . . .”

“Avrein . . . I love you!”

“I–I love you too, V–Vience . . .!”

His thrusts went faster and faster. I met his every thrust until I felt his juices suddenly rushed inside me.

We both reached our climax. I felt him filled mine and I am so tired.

He removed his manhood inside me when he already felt the satisfaction.

Tumayo siya at tinitigan ako. Tama ba ang nakikita ko? His eyes were full of regret, love, confusion, and pain.

Binuhat niya ako at dinala sa kwarto ko, saka inihiga. Nahiga rin siya sa tabi ko bago ibinalot ang kumot sa hubad naming mga katawan.

“Sleep now, Avrein.”

“V–Vience.”

“Just sleep. I love you,” wika nito bago hinalikan ang ulo ko.

Just when I decided to give up on you, you suddenly showed yourself and made me feel the love I’ve been asking from you. I wanted to move on from you, pero paano ko namang gagawin iyon? Kung sa bawat tingin ko sa ’yo, nakikita kong totoong mahal mo ’ko ngunit may pumipigil lang sa ’yo?

“I thought you’re drunk?”

“I am, Avrein, and I still hate you and I want you to stay away from me.” I was in so much shock. His voice was cold but it was in so much pain.

“V–Vience, what are you saying?”

“Avrein, I want you to remember this night as a dream and not a nightmare. I want you to forget about what happened as you wake up. We’re not meant for each other. I’ll tell Luis about your baby for him to take his responsibility.”

Nang marinig ko ang tinuran niya ay tumagilid ako paharap sa kaniya, saka ko ipinaikot ang mga braso ko sa katawan niya at tahimik na lumuha.

Kahit ngayong gabi lang na matatawag kong akin ka, Vience, ayos lang. Kahit ngayong gabi lang, okay na. Kahit hindi mo na ako paniwalaan at pagkatiwalaan. Kahit isipin mo na si Luis ang ama ng batang nasa sinapupunan ko at hindi ikaw, okay na ko. Susundin ko ang gusto mo, kakalimutan ko na nangyari ang gabing ’to. Basta . . . ngayong gabi lang hayaan mo akong yakapin ka at maramdaman ko na sa ’kin ka. Pagkatapos nito . . . papakawalan na kita.

Iyan ang gusto kong isatinig pero hindi ko na nagawa.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Twenty-five

AVREIN

NADATNAN ko si Fria na nasa entrada ng kompanya kaya’t mabilis ko siyang dinaluhan.

“Ba’t nandito ka?” maagap kong tanong halata kasing natataranta siya e.

“E, paano ba naman ’yang boss mong may sa lahi yata ni Lucifer, sinesante lahat ng admin assistant. Natira lang ang oldies sa iba’t ibang department gaya ko. Ito pa, pumasok ba naman na parang lasing pa at gulo-gulo ang damit pati buhok. Ano bang nangyari doon? Sinabi mo na ba sa kaniya na buntis ka!?” tuloy-tuloy na saad nito dala sa sobrang pagkataranta na hindi ko nagawang makasingit pa.

Nagising ako na wala nang kahit na anong bakas mula kay Vience. Ang naisip ko ay hindi siya pumasok ngunit narito pala siya.

“Kumalma ka muna, Fria.” Nakita ko naman na bumuntonghininga ito, saka pa ipinaypay sa sarili ang sariling kamay.

Hindi ko pa nga pala nakakausap si Fria buhat nang manggaling ako sa bahay nila Vience noong nakaraang gabi.

“Fine. Explain now, Avrein.”

“Sa palagay ko kaya’t ganon siya nang pumasok siya ay dahil hindi na siya nagkaroon ng chance na ayusin ang sarili niya. Nanggaling kasi siya sa condo ko-”

“What!? Nanggaling siya sa condo mo!?” putol nito.

“Let me finish first.”

“Fine,” aniya at umakto pa na sumusuko dahil itinaas ang dalawang kamay sa ere.

“So ’yun nga nanggaling siya sa condo ko para lang sabihan ako na layuan siya.” I had to cut the part that I gave in. Magagalit nang husto si Fria.

“Aba’t ang talipandas na ’yon!?” galit na bulalas niya sa akin.

“Noong nakaraang gabi rin ay inamin ko na sa kaniya na buntis ako pero gaya nga ng paalala ni Aeickel, he rejected my child. Sinabi niyang si Luis ang ama at hindi siya.”

Nakita ko kung paano biglang nanlaki ang mga mata ni Fria saka bigla akong tinalikuran at akmang papasok sa loob ng kumpanya. “Ano’ng gagawin mo?”

“Susugurin ko ang talipandas na ’yon! Ang lakas ng loob niyang ikama ka pero hindi niya mapanindigan!”

Hinigit ko siya sa braso para hindi siya makaalis. Ginamit ko ang lakas na mayroon ako para lamang mapigilan siya.

“Nagdesisyon na ako. Ipapasa ko lang sa kaniya ’tong resignation letter ko kaya ako narito,” anas ko, saka ko w-in-ave sa kaniya ang sobreng hawak ko.

Halatang nagulat si Fria sa naging desisyon ko dahil nanlaki pa ang mga mata nito.

Ngumiti lang ako sa kaniya, saka nagpaalam na papasok na ako sa loob. Habang nakasakay ako ng elevator ay hindi ko maipaliwanag ang kaba at sakit na nararamdaman ko.

Hawak ko sa isang kamay ang resignation letter ko at sa kabilang kamay naman ay ang sulat na bigay ni Luis. Nadatnan ko kanina ang sulat na ito sa harapan ng pintuan ng unit ko na may nakasulat sa harapan ng sobre na, REMINDER: Don’t open it yet. Alam kong balak mong mag-resign. Buksan mo ito sa oras na napirmahan na ni Montealegre ang resignation letter mo. - Luis. A.

Habang papalapit ako sa opisina niya ay nakakarinig ako ng sigawan pero malabo sa pandinig ko kung ano ang mga ito at kung sino.

Saktong ipipihit ko na sana ang seradura nang bigla itong bumukas at iniluwa nito si Luis na nakangisi. Hindi niya siguro ako napansin kaya’t nabangga ako nito dahilan para mabitiwan ko ang bag ko maging ang mga sobreng dala ko. Pumikit ako dahil ramdam kong maari akong mapasalampak sa sahig.

Anak, kumapit ka lang sa Mommy.

“Are you okay?” Napabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Luis.

“S-salamat.” Umayos ako ng tayo dahil nakayapos pala siya sa akin kaya hindi ako bumagsak.

Dinampot ko ang mga gamit ko at tinulungan niya ako. Pagkadampot ko ng isang sobre ay mabilis akong pumasok at naabutan ko si Vience na nakatingin sa gawi namin at nanlilisik ang mga mata.

“What are you doing here!? You’re late and hindi naman kita pinatatawag dito sa opisina ko kaya bakit narito ka!?”

Sa halip na sagutin siya ay inilapag ko sa harap niya ang sobre na naglalaman ng resignation letter ko. “Pakipirmahan para makaalis na ako agad,” malamig na tugon ko rito.

Nakita kong napakunot ang noo niya sa sulat nang damputin niya ito. Mas nadagdagan pa ang iritasyon niya nang may basahin siya sa harapan nito na sadyang ipinagtaka ko. Wala akong sinulat sa harap- pambihira!

“Reminder: Don’t open it yet. Alam kong balak mong mag-resign. Buksan mo ito sa oras na napirmahan na ni Montealegre ang resignation letter mo. - Luis. A,” pagbabasa nito sa nakasulat na ikinabundol ng dibdib ko.

’Di ko naiwasan mapatingin kay Luis na nasa likod ko. Naabutan ko siyang nakatingin sa amin ni Vience at may maluwang na nakakalokong ngisi sa mga labi.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Vience at nakita kong binuksan na niya ang sobre.

“Hindi iyan ang-” Akmang hihigitin ko ang sulat sa kamay niya nang simulan na niya itong basahin.

“Avrein, alam ko kung anong ginagawang pagtrato at pagtataboy sa ’yo ni Montealegre.” Naramdaman ko ang paghinto niya sa pagbabasa dahil siguro na rin sa mismong nabasa niya. “Kung papayag ka sana ay iaalok ko sa ’yo na magtrabaho ka sa kompanya ko bilang sekretarya ko at ipinapangako ko sa ’yo na aalagaan kita sa paraang hindi niya ginawa.”

Itinigil niya ang pagbabasa at nilukot ang sulat, saka siya tumayo sa upuan niya.

Nagulat ako nang lapitan niya si Luis at biglang kinuwelyuhan. “I told you, pare, ingatan mo ang hawak mo pa dahil kapag itinapon mo na, naka-abang lang ako lagi para pulutin. Handa kong buoin lahat ng bagay na sinira mo,” makahulugang saad nito.

“Fuck you, Almeda! Magpasalamat ka lang talaga at ikaw ang ama ng dinadala niya dahil kung hindi umasa ka na lang na bibitiwan ko siya!” galit na bulalas ni Vience, saka niya isinalya si Luis na kasalukuyang may gulat na ekspresyon sa nalaman niya-pero hindi ko alam kung gulat nga ba o takot ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon.

“B-buntis ka?” baling nito sa akin na ikinatango ko.

“Tang ina naman, Luis, hindi tayo naglalaro dito! Ikaw ang ama niyan, hindi mo man lang naramdaman!?” galit na sabi ni Vience na gusto kong ikatawa nang sarkastiko.

Si Luis nga ba ang naglalaro o ikaw, Vience? Alam kong alam mo sa sarili mo na ikaw ang ama nito pero bakit pinipilit mong ikaila? Gusto ko sanang isatinig ngunit hindi ko magawa.

Nagulat na lang ako nang lapitan ako ni Luis. Hinawakan niya ako sa pulso at hinatak palabas. Ngunit bago pa man kami tuluyang makalabas ay may itinapon patalikod si Luis gamit ang isang kamay niya na hindi nakahawak sa akin. “Pirmahan mo na lang ’yang resignation letter ni Avrein, saka mo ipadala sa akin. I want a legal separation towards Avrien and your company para naman mapagawan ko na siya ng kontrata sa kompanya ko,” wika nito bago kami tuluyang umalis.

Nagtataka ako sa ginawi ni Luis. Hindi siya ganito sa pagkakakilala ko sa kaniya. Hindi siya ang unang tumatalikod sa asaran na labanan lalo na kung si Vience ang kalaban niya, pero bakit ganito ngayon? Tila nag-iba ang aura niya nang malamam niyang nagdadalang-tao ako?

Sumakay kami ng elevator at tahimik lamang ako nang magsalita siya.

“Don’t confuse yourself for how I acted a while ago, Avrein. I just don’t want the history to repeat itself. I don’t want another Eirin to suffer just because of Vience. I won’t let it. This time, I’ll surely make a move to make him realize that the kid in your womb is his. I promise,” saad nito bago ako marahang kinabig at niyakap, saka hinalikan sa ulo.

Lalo lang akong naguluhan sa mga sinabi ni Vience. Eirin? Who’s Eirin? Hindi kaya siya ang batang babae na nasa litrato sa resthouse ni Luis na tinirahan ko?

NARITO ako ngayon sa opisina ni Luis. Naninibago ako rito ngunit hindi gaya sa kompanya ni Vience, dito ay mainit ang pagtanggap sa akin. Ni hindi rin ako nakarinig ng kung ano-ano mula sa ibang empleyado.

Hinihintay ko lang si Luis ngayon dito sa loob ng opisina niya dahil mayroon daw siyang pinuntahan na business meeting. Nagmumuni-muni lang ako nang tumunog ang telepono ko.

From: Unknown Number

How’s your heartache, missy? Masakit bang ipagtabuyan? Masakit ba na hindi niya tinanggap na may anak kayo? Kung nasasaktan ka tigilan mo na siya. Tigilan mo na dahil wala ka rin mapapala sa huli.

Gaya ng dati ay hindi na naman ako kinabahan habang binabasa ko ang mensahe. Ngayon halatang-halata na, na gusto niya lang akong ilayo kay Vience at wala siyang planong saktan ako o bantaan ang buhay ko. Sana . . . makilala ko siya.

Napabalik ako sa reyalidad nang makarinig ako nang pagtikhim sa gilid ko.

“Luis-I mean, Mr. Almeda.”

“Luis na lang, Avrein. You don’t have to be formal. Mas gusto ko ang sekretarya na parang kaibigan lang din ang turing sa akin. Mas madali akong magtiwala sa ganoong tao,” nakangiting tugon nito bago umupo sa swivel chair niya at inilapag ang mga gamit.

“Ano nga palang pag-uusapan natin?”

“Here,” anito, saka nito iniabot sa akin ang isang notebook. “Nandiyan na lahat ng schedules ko. Makibasa naman.”

Kinuha ko ito at nagsimulang basahin ito sa kaniya. “9:30am, business meeting with Ms. Charis-Ann Jaen,” panimula ko. Ito siguro ang pinuntahan niya dahil alas-dyis na ngayon ng umaga. “11:00am, business approval for Ilocos Branch with Ms. Richel Molarion, and Ms. Pea Cylene Jomero. 12:00noon, lunch date with . . . Ms. Freezell? 1:00pm, signing of contract with Ms. Lovelie Joy Saberola. 2:00pm formal separation of Ms. Freezell to Mr. Montealegre as his secretary. 3:00pm formal contract signing of Ms. Freezell with Mr. Montealegre as the formal witness. Ano ito, Luis?” Parang gusto kong mahilo sa schedule na ’to. Bakit kailangan pa namin magkita!?

“Continue, Avrein.”

Tumikhim muna ako at sinubukang iayos ang sarili bago ako muling nagsalita. “4pm, contract signing with Havres’ models named Ms. Nicol Mangondato, Ms. Rendzelle Borja, Ms. Jomaica Atayde, and Ms. Melyvic Ballenas. 5:30pm, early dinner with three executives; Ms. Nalie Jabar, Ms. Charisse Natalicio, and Ms. Raven Jane Bravo. 6pm onwards, will make Ms. Freezell laugh in any way.” Halos naging mabagal na ang pagkakasabi ko sa huling binasa ko.

“Ready yourself, Avrein. Magpe-prepare lang muna ako.” saka ako nito iniwan.

Nakaramdam ako ng pagbaba ng pantog kaya’t sandali akong bumanyo at iniwan na muna ang opisina ni Luis. Masama raw kasi ang magpigil ng ihi sa mga buntis.

Medyo nagtagal ako sa banyo dahil naghilamos na rin ako ng mukha ko kaya’t nagulat ako nang pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko Vience at Luis na nag-uusap.

“Saan ka galing?” tanong ni Luis.

“Sa banyo lang,” matabang kong sagot, saka naupo sa sofa na katapat ng kay Vience. Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong mataman siyang nakamasid sa akin. Hindi ko man makita pero ramdam na ramdam ko.

“Ibinigay na ni Vience ang resignation letter mo na may pirma niya. Ibibigay ko lang sandali kay Laura para ma-process na agad ang kontrata mo,” paalam nito bago tumayo at lumabas.

Gustong-gusto kong pigilan si Luis. Ayokong mapagsolo kasama ni Vience. Natatakot ako na baka isang salita na naman niya, tanga at martyr na ulit ako.

“Avrein-”

“Stop, please!” Nagsisisi akong sinalubong ko ang mga mata niya dahil sa nakita ko. Bakit tila naroon ang kasabikan niya sa akin? Bakit tila kung tingnan niya ako ay may pagmamahal? Please, Vience, huwag mo naman na akong paikutin pa!

Gulat ang bumalandra sa mukha ni Vience sa inakto ko maging ako din naman nagulat.

“I just wan to say-”

“I told you to stop, Vience, so just shut up! I hate hearing your voice, I hate seeing your face, I hate feeling your presence. Naiintindihan mo ba? Nasusuklam ako sa mga bagay na tungkol sa ’yo. Nasusuklam ako dahil kapag naririnig ko ang boses mo, nakikita ko ang mukha mo at nararamdaman ko ang presensya mo, nabubuwag ang depensa ko-depensa na pilit kong binubuo sa bawat pagtataboy mo!” bulalas ko at ramdam kong nailabas ko ang malaking parte ng bigat at sakit sa sistema ko.

Naramdaman kong muli ang paglandas ng masaganang luha sa mga mata ko. Bakit kailangan sa harap mo pa ako maging ganito kahina?

“Avrein.” Akmang lalapitan niya ako ngunit pinigilan ko siya.

“Huwag na huwag kang lalapit sa akin. Tama na, Vience. I’m begging you.”

“Just take care of yourself.” Bumalik sa pagiging malamig ang boses nito at maging ang emosyon.

“Sino si Eirin?” Bigla na lamang itong dumulas sa mga labi ko at nakita ko kung paano nagyelo ang katawan ni Vience sa pangalang binanggit ko.

“S-she’s my ex.”

“No, she’s not just your ex-siya ang nagpakamatay mong ex.” Tinig iyon ni Luis na kapapasok lang.

“Shut the hell up, Almeda!”

“You shut up, Montealegre! Bakit hindi mo hayaang malaman ni Avrein ang totoo?”

“You are the one to blame for what happened to her, Almeda!”

Nalilito ako sa pinag-uusapan nila, pero as nalito ako nang humalakhak si Luis nang nakakaloko. “Ako nga ba? C’mon, Vience. Ako nga ba?”

“Damn you, Almeda! Binuntis mo siya at dahil ako ang mahal niya ay pilit niyang pinaaako sa ’kin ang bata!”

“Pero tinanggihan mo siya, hindi ba!?”

“Paanong hindi ko gagawin iyon? Hindi ako ang ama ng bata, Luis, dahil sigurado akong ikaw ’yon! Matapos ang araw na may nangyari sa amin, nalaman kong ibinahay mo siya gaya ng ginawa mo rin kay Avrein ngayon!”

“I just don’t want the history to repeat itself. I don’t want another Eirin to suffer just because of Vience.”

Ayan ang mga katagang sinabi sa akin ni Luis nang sunduin niya ako sa hotel nila Vience.

“You are an asshole, Montealegre. Napakabobo mo. May isang babae lang na bumilog ng ulo mo, nagpaloko ka naman! Ang dami mong panahon na sinayang para malaman ang katotohanan! May nawala pang buhay dahil sa katangahan mo!”

Naguluhan ako sa itinuran ni Luis. Sinong babae? Anong nagpaloko?

Nilingon ko si Vience at halata rin na naguguluhan siya sa sinasabi ni Luis.

“Anong ibig mong sabihin!?” galit na galit na tugon ni Vience na ikinatindig ng balahibo ko.

Pero mas nagulat ako sa itinuran ni Luis. “It’s for me to know and for you to find out. Search it for yourself, Mr. Sterile. Baog ka nga bang talaga? O takot ka lang sa responsibilidad?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

Kaya ba walang tigil niya akong itinataboy noon pa? Dahil ba iniisip niyang kahit pa mahal niya ako ay hindi niya ako magagawang bigyan ng isang masaya at buong pamilya?

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Halos 2hrs ko kung i-edit kada chapter nito, tapos babanatan n’yo ’ko ng salitang “BITIN”? Ayyyy. Sana hindi masarap ulam mo today. 😁

Twenty-six

AVREIN

GALIT na galit na sinugod ni Vience ng suntok si Luis na ikinakabog nang malala ng dibdib ko. Hindi ko magawang makahuma agad matapos ng lahat ng mga narinig ko.

“GAGO KA TALAGA ALMEDA!”

Pinunasan ni Luis ang dugo sa labi niya bago muling ngumisi kay Vience. “Oo gago ako, at alam mo kung paano ko lalong maipakikita ang pagiging gago ko? Aangkinin ko ang dalawang bagay na itinatapon mo. Tandaan mo ’to, Montealegre, sa oras na malaman mo ang katotohanan, magpapasalamat ka pa sa akin. Pero dahil bobo ka nga pala, malamang na mas pipiliin mo na pasakitan ang sarili mo kaysa bawiin ang bagay na dapat ay sa ’yo!” matatas na wika ni Luis, saka mabilis na tumayo at naglakad palapit sa akin.

Niyakap niya ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. “Trust me with this, okay? I promise na magiging masaya ka. Kung hindi ko ito nagawa noon para kay Eirin, ngayon ko ito gagawin para sa ’yo. Lahat gagawin ko para maging masaya ka pati na rin ang magiging anak mo. Lahat isasakripisyo ko para lang sa kasiyahan ninyong mag ina. Kahit man lang sa ganitong paraan ay makaganti ako sa nangyari kay Eirin. Ang hindi niya nakuha, sa inyo ko ibibigay,” makahulugang wika ni Luis, saka ko hinagkan ang buhok niya.

Nilingon ko si Vience at kitang-kita ko ang panibugho at kaguluhan sa mga mata niya.

Kinuha ni Luis ang kamay ko at kapwa namin nilisan ang kompanya.

Nakasakay lang kami ng sasakyan niya nang magsalita ako habang nakatulala sa bintana. “Kung wala siyang kakayahang magbigay ng anak, paanong nabuntis niya ako?”

“Avrein—”

“Kaya ba noon pa man ay ayaw niya akong mapalapit sa kaniya ay dahil inakala niya na hindi niya ako mabibigyan ng anak?” Malamyos ang tinig ko na tila ano mang oras ay babagsak na ang mga luha ko.

“Sorry—”

“Ang bobo naman ni Vience. Hindi man lang niya ako kinausap ukol doon. Okay lang naman kung wala kaming anak. Okay lang basta masaya kaming dalawa. Hindi naman ako makasarili na iiwan ko siya dahil doon. Hindi naman makitid ang utak ko.” At tuluyan nang bumagsak ang masaganang luha mula sa akin.

“Hush now, Averin!”

“Ang bobo niya, Luis. Puwede naman kaming maging masaya kahit walang anak, e. Mahal naman namin ang isa’t isa pero ano? Itinaboy niya pa rin ako. Tapos ngayong magkaka-anak namin kami, tinataboy niya pa rin ako.”

Wala nang naisagot pa sa akin si Luis hanggang sa mkatulog na ako sa kakaiyak.

NAGISING ako nang makaramdam ako ng pangangalam ng sikmura. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Hindi ko maaalala kung nasaan ako basta ang alam ko ay nakatulog ako sa sasakyan ni Luis gawa ng pag-iyak.

“Breakfast in bed?” nakangiting mukha ni Luis habang may hawak siya na tray ang bumungad sa akin pagkabukas ng pinto.

“Thank you, Luis.”

“You don’t have to thank me Avrein. I’m doing this not only for you, but also for the baby and for Eirin,” tapat na saad nito.

“Why, Luis? Why are you doing this?” tanong ko matapos niyang ibaba ang tray sa harap ko.

“I told you, para sa ’yo ’to. Sa inyo ng magiging anak mo,” aniya at ngumiti lamang ito, saka na ako iniwan.

Wala naman akong duda sa ginagawa ni Luis para sa akin. Ang akin lang gusto ko sana na magkuwento siya pero mukhang iniiwasan niya. Gusto kong magsabi siya ng mga nalalaman niya pero sa palagay ko ay hindi niya talaga gustong magsalita.

Tinapos ko lang ang pagkain ko, saka na ako dumeretso sa banyo at ginawa ang mga dapat gawin. Paglabas ko ay may nadatnan pa akong isang kasambahay na naglalagay ng damit sa kama.

“Ma’am, ibinilin po ni Sir na ito raw po ang suotin niyo para kahit paano ay mapreskuhan kayo. Pagkatapos n’yo raw pong magbihis ay pumunta kayo sa garden dahil may pag-uusapan kayo.” Ngumiti naman ako rito at tumango kaya lumabas na ito.

Nagbihis lang ako, saka na bumaba. Nadatnan ko siya na nakaupo sa isa sa mga bench dito sa garden niya habang umiinom. Masasabi kong mahilig siya sa mga halaman dahil alagang-alaga ang mga ito.

“Nandiyan ka na pala,” pukaw nito sa atensyon ko dahil nakatuon ako sa mga halaman. “Maupo ka,” pagtapik niya sa upuan na tabi niya.

“Luis—”

“Alam ko, Avrein. Alam kong marami kang gustong itanong na ako lang ang makakasagot,” wika nito. “Saan mo ako gustong magsimula?”

Sa una ay hindi ko malaman ang isasagot ko dahil ako mismo, hindi ko alam kung saan ko ba siya gustong magsimula. Pero napagtanto ako na may kauna-unahang bagay akong gustong malaman.

“Paano mo nasabing baog si Vience?”

Halata naman na handa talaga siya sa itatanong ko dahil hindi man lamang siya nagulat. “Iyan ang pinaniwalaan niya sa mahabang panahon kaya’t lahat ng babae na dadaan sa buhay niya na nagiging mahalaga sa kaniya ay itinataboy niya. Gaya na lang ng ginawa niya sa ’yo at kay Eirin,” paliwanag nito, saka lumagok ng inumin.

“Anong ibig mong sabihin na pinaniwala niya sa mahabang panahon?”

“May isang babaeng pinilit sirain ang buhay niya at pinaniwala nito si Vience na wala itong kakayahan na magbigay ng anak.”

Gusto ko sanang itanong kung sino ang babaeng ’yon pero bakas naman kay Luis na hindi niya gustong ibunyag kung sino man iyon.

“Paano mo nalaman lahat na kagagawan nga lamang ito ng babaeng tinutukoy mo?” usisa ko.

“Dahil matapos magpakamatay ni Eirin at biglang mawala ang katawan nito sinimulan kong usisain ang lahat. Nagsimula ako sa kung paano siya itinaboy ni Vience hanggang sa kung paano nito itinanggi ang anak nilang dalawa. Then I found out, that damn woman manipulated everything about Vience incapability of bearing a child. She’s an angel outside but a furious devil inside,” saad nito at muli pang lumagok sa kopitang hawak niya.

“Pero bakit naroroon ka sa tuwing may tatalikuran na babae si Vience?” kusang lumabas ito mga labi ko.

“Dahil ayoko nang maulit ang nangyari kay Eirin. Ayoko na may isa pang Eirin ang mamatay.” Nagulat ako ng makita kong maglandas ang mga luha niya sa kaniyang pisngi. “Mahal na mahal ko siya at alam niya ’yon pero mas pinili niya pang bawiin ang sarili niyang buhay dahil lang itinagging pilit ni Vience ang anak nila.”

Iginiya ko ang ulo niya pahiga sa balikat ko, saka marahang tinapik ang likod niya. “I know, kung nasaan man si Eirin ngayon ay masaya siya. Masaya siyang malaman na mahal na mahal mo talaga siya na ni hindi mo na naisip ang maghiganti dahil mabuti kang tao.”

“Galit ako kay Vience pero nananatili pa rin sa akin ang pagiging magkaibigan naming dalawa. Lagi kong iniisip na biktima kaming tatlo ng babaeng iyon na nagmanipula ng lahat,” aniya sa akin. “Sabay-sabay kaming lumaki nina Eirin at Vience. Bata pa lang kami alam kong gusto na ni Eirin si Vience ngunit hindi naman siya gusto ni Vience. Pero ako, kahit na alam ko ’yon, ginusto ko pa rin si Eirin. Alam kong hindi lingid sa ’yo na magkakaibigan kami dahil siguradong nakita mo ang mga larawan na nasa rest house ko.” Tumango naman ako dito bilang sagot.

“Nakita ko nga iyon.”

“Nang magsilaki kami ay nagkaniya-kaniya na kami ng buhay gawa nang nagsialisan na sa probinsya ang mga pamilya namin. Nagkaroon ako ng sariling negosyo maging si Vience. Sa mga panahon na ’yon ay sabay ko rin na hinahanap si Eirin pero bigo ako. Isang araw nagulat na lang ako na sabay silang dumating sa reunion ng eskwelahan naming. Doon ko napag-alaman na si Eirin pala ang naghanap kay Vience. Mula nang araw na ’yon, lumabas sa media na nagde-date na sila. Sikat sila dahil businessman si Vience at isang sikat na modelo naman pala sa Paris si Eirin. Kahit na nagtataka ako noon kung bakit sikat naman pala siya pero hindi ko siya mahanap ay hinayaan ko na lang. Basta ang mahalaga sa akin mahal ko siya at masaya akong nakikita siyang masaya.”

Natawa ako nang payak sa sinasabi niya. “Ang galing mong pagalitan ako na martyr ako, ganoon ka rin naman pala.”

“Kaya nga alam ko kung anong nararamdaman mo dahil minsan na rin akong napunta sa ganiyang sitwasyon.”

“So tapos?” paghingi ko ng continuation sa kaniya ng kuwento.

“Parang naging stalker nila akong dalawa, hanggang sa iyon nga . . . dinala ni Vience sa resort nila si Eirin at doon inangkin. At dahil nga naging stalker nila ako, alam ko lahat. Lahat ng relasyon ni Vience. Lahat ng kagaguhan niya. Lahat-lahat ng babae niya at kung paano niya itinaboy ang mga ito sa tuwing mapapalapit sa kaniya dahil nga sa paniniwala niya na baog siya. Alam kong mangyayari ’yon kay Eirin kaya’t naka-antabay lang ako sa maaaring mangyari. At tama nga ang hinala ko, itinaboy siya ni Vience.”

“At gaya ng ginawa mo sa akin ay tinago mo rin siya sa resthouse, ganoon ba?”

“Oo. Pero ni minsan hindi ko siya ginalaw dahil nirerespeto ko siya kaya’t nakakasiguro ako na si Vience ang ama ng dinadala ni Eirin noong mga panahong iyon.”

Masakit sa akin ang mga nalalaman ko. Pero ano nga bang magagawa ko? Wala pa ako nang mga panahon na iyon kaya’t hindi ako maaaring magalit sa kaniya at sa mga desisyon niya.

“P-paanong nagpakamatay si Eirin?” usisa kong muli. Alam kong mali na itanong pa ’to dahil tila nasasariwa pa sa kaniya ang alaala nito.

“Nagbaril siya ng sarili niya. Matapos noong gabi na ipilit niya kay Vience na ito ang ama ng dinadala niya.”

“Pero ano ang sinasabi mo na hindi mo natagpuan ang katawan niya?”

“Pagkabasa ko ng suicide note niya ay nakarinig na lamang ako ng putok ng baril sa malapit sa rest house. Pagpunta ko roon ay may natagpuan lang ako na nagkalat na dugo at fetus na nakabalot sa basahan.” Halata ang pait at sakit sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang iyon.

“Pero paano kung—”

“Hindi na ako umaasa na buhay pa siya. Hindi na dahil kahit puso ko tinanggap nang wala na siya,” mapait na wika nito, saka nito inisang lagok ang mataas na tagay ng alak.

Doon ko na siya tuluyang kinabig at niyakap. Alam kong ito ang kailangan naming pareho ngayon—ang makakapitan.

Nagulat ako nang kumalas siya sa akin at tinitigan ako ng maigi sa mga mata. Base sa tingin niya, tila tumatagos ito sa akin—na tila ba hindi ako ang nakikita niya. “E–Ei . . . I’m sorry. Mahal kita, Ei. M–mahal na mahal na mahal kita.” At sa isang iglap lang ay naramdaman ko ang mga labi niya sa mga labi ko.

Banayad lang ang halik ngunit hindi ko magawang tugunin. Alam kong matagal-tagal na rin ang halik ngunit hindi ko siya magawang awatin. Hindi ko alam kung paano. Natatakot ako sa puwede niyang maramdaman kung matatagpuan niya na hindi na man si Eirin ang kaharap niya.

Nakarinig ako ng humintong sasakyan pero hindi ko pa rin magawang itulak si Luis. Ilang saglit pa ay nagulat ako nang may isang tao ang naghiwalay na sa akin mula kay Luis at hinatak ako palayo.

“V–Vience!?”

“Shut the hell up, woman, or I’ll drag you to hell with me!” galit na galit na bulalas nito at wala pa ring pakundangan sa paghatak sa akin.

Nilingon ko si Luis at nakabulagta ito sa bermuda grasa at tila tulog na tulog. “Don’t you dare look at that shit or I’ll kill him!” Nahintakutan naman ako sa narinig ko kaya’t mabilis akong lumingon paharap.

Isinakay niya ako ng sasakyan niya at pinaandar na niya ito paalis ng lugar na iyon.

HINDI ko na alam kung nasaan na kaming lupalop ngayon. Inabot na kami ng gabi. Basta ang alam ko lang ay hindi maganda ang dinadaanan naming lugar dahil puro na ito puno at ni walang poste para magsilbing ilaw. Tanging ang headlight nalang ng kotse ang nagsisilbing liwanag namin sa daan.

The whole time na nakasakay kami sa sasakyan niya ay hindi kami nagkikibuan na dalawa.

Naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya’t tiningnan ko ang paligid. Tila ito hacienda na hindi ko maintindihan.

Akmang baba na sana ako nang pigilan ni Vience ang kamay ko ngunit mabilis ko lamang itong tinapos.

“Don’t touch me. I hate it,” anas ko.

Nakita kong gumuhit ang sakit sa mga mata niya dahil sa ginawi at sinabi ko. Alam kong mahal ko siya, alam kong mahal na mahal ko siya, pero ko hindi naman hahayaan na mabuwag ang depensa ko. Hahayaan ko na muna na maramdaman ko na pipiliin niya nang makasama ako kaysa ang kaduwagan niya para sa huli ay hindi na ako masaktan. I’m playing safe? No. I’m just doing this for my child. Hindi niya kailangan ng mahinang ina lalo na’t may pagkamanhid at gago ang ama niya.

Bumaba na ako ng sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa malaking bahay na narito. Halatang alaga sa linis ang bahay ngunit hindi ang mga materyales nito, may kalumaan na rin kasi ang mansyon. Nakarinig ako ng pag-ingit sa itaas kaya’t napatingala ako. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makakita ako ng pabagsak na malaking kahoy.

Pumikit ako ngunit bigla na lamang may humatak sa akin at napasubsob ako sa dibdib nito. Presensya pa lang ay alam na alam na ng katawan ko na siya ito.

“Mag-iingat ka.” Napabalik ako agad sa reyalidad kaya’t naitulak ko siya.

“Sinabi ko na, huwag mo akong hahawakan!”

“Avrein—”

“Bakit mo ba ako dinala dito!?”

“Sorry—”

“Hindi ko kailangan ng sorry mo, Vience. Ang kailangan ko ay bakit kinuha mo ko sa pangangalaga ni Luis at dinala dito!” galit na bulalas ko. Ayokong makita ang ganitong estado ni Vience na para bang nahihirapan siya sa sitwasyon. Ayoko sa pakiramdam na gusto ko na lamang siyang hatakin, yakapin at halikan, saka sabihin na ayos lang ang lahat dahil mahal na mahal ko siya. Dapat mas maging matatag ako.

“Sorry, Avrein, pero sabihin mo nang hayop ako sa lahat ng hayop at gago sa lahat ng gago pero hindi na kita ibabalik sa kaniya.” Gimbal ang katauhan ko sa narinig ko.

“A–ano?” utal na tugon ko rito.

“You heard it right. Dito ka sa akin. Dito ka lang.”

“Vience, nasisiraan ka na ba ng bait?”

“Oo, Avrein! Oo! Malapit na! I couldn’t bear with the pain. It was eating my whole system. I couldn’t even compose myself. The thought of losing you entirely, shortens my breathing. Nahihirapan ako sa kaalaman na nahihirapan ka. Nasasaktan ako sa kaalaman na nasasaktan ka. But this time, I no longer care about anything. As long as you are here with me, I no longer give a fuck about the world. Naiintindihan mo ba ’ko, Avrein? Akin ka at dito ka.”

Nasasaktan ako na makita siyang ganito pero hindi lang ganito ang sakit na inabot ko sa kaniya noon. Hindi lang ito ang magpapatunay na mas pinipili na niya ako kaysa sa kaduwagan niya.

“We’re over, Vience, at sa’yo mismo nanggaling ’yan. Ikaw mismo ang nagtaboy sa akin.”

“I–I’m sorry—”

“No, don’t be. Walang maidudulot ang sorry—”

Nagulat ako nang makita ko ang pagpatak ng luha niya, maging ang pagluhod niya sa harap ko na naging dahilan upang putulin ko ang sinasabi ko.

“P–please, Avrein, let’s start here. Ikaw, ako at ang magiging anak mo. Wala akong pakialam kung kanino siya, dahil aariin ko siya na sa akin. He’ll be a Montealegre no matter what. He’ll be mine. Tatanggapin ko lahat. I will surrender to you. I will give you and our child everything. I will do everything you ask me to do. Mahal na mahal kita. Mas gugustuhin ko pa na maging makasarili na lang at angkinin ka kahit na hindi kita mabibigyan ng anak kaysa nakikita ka sa piling ng iba. I know I’m a mess, I’m a fucked up man, and I’m a jerk. But please here this jerk out. Avrein . . . give me a chance. I’m begging you. Give me this last chance to be with you and our child.”

Tinalikuran ko siya dahil hindi ko na kayang titigan pa ang pagmamakaawa niya sa akin.

“Ibalik mo ako kay Luis dahil hindi kita kayang makasama at hindi ko kahit kailan ginustong makasama ang isang taong duwag sa katotohanan.”

Gusto kong tanggapin mo ang anak mo hindi sa kung ano pa mang dahilan, kung hindi dahil bunga ito ng pagmamahal ko sa ’yo at dahil dugo at laman mo ito.

Tuluyan na akong lumabas kasabay ng pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Oh, ito na agad. Babanat pa ng bitin, e. 🤣

Twenty-seven

AVREIN

BUBUKSAN  ko na sana ang pintuan ng sasakyan niya nang maramdaman ko ang kamay na marahang humigit sa braso ko.

“Avrein, I’m begging you,” he pleaded and as I turned my gaze on him, he looked so hopeless.

I have to secure my defense dahil this time hindi na lang ako ang masasaktan ’pag tuluyan akong bumigay— may anak na kaming madadamay . Pero paano ko naman lubos na gagawin iyon kung ganito siyang magmakaawa sa akin?

I was about to pull my arm back but he pulled me closer to him, instead, and gave me a tight hug.

“V–Vience, please—”

“I can’t just let you go. I’m sorry for being selfish. I’ve been selfish for too long, pero ikaw lang ang pinakahindi ko kayang ipaubaya sa lahat ng pagiging makasarili ko.”

Unti-unting lumuwag ang pagkakayapos niya sa akin hanggang sa tuluyan niya na akong bitiwan. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat, saka pinagmasdan nang maigi ang aking mga mata.

“I hate staring at your eyes, they look so fragile,” aniya at bumaba ang tingin niya sa pisngi ko. “I hate feeling your cheeks, they look so naive,” aniyang muli, saka ibinaba ang tingin sa mga labi ko. “I hate kissing your lips, they look so innocent.” Nagulat ako ng makita kong unti-unting naglalandas ang masaganang luha sa pisngi niya na nagmumula sa kaniyang mga mata. “I hate everything I did to you. I knew, I ruined everything about you—every part of you, and I’m sorry for that. I’m really sorry for everything I did. I am unforgivable but instead of blaming and hurting me, you loved me with all you have, and it pains me knowing that I am slowly losing you now.”

Kusang umangat ang kamay ko patungo sa pisngi niya upang pahirin ang mga luha niya.

“Avrein.”

Kusang kumikilos ang katawan ko sa paraang hindi ko gusto.

“I hate this feeling, Vience. Gustong-gusto kitang kamuhian at pagmatigasan pero bumibigay ako.” Kusang lumalabas ang mga salitang iyon sa mga labi ko. “Gustong gusto kong danasin mo ang sakit at hirap na maghabol ng taong mahal mo pero hindi ko ’yon magawa sa’yo. Masyado kitang mahal kaya kahit ang depensa ko, kusang bumibigay.”

“I–I’m sorry. I really am,” aniya, saka pa niya ako sunod-sunod na hinalikan sa noo.

Pasensiya ka na, anak, napakatanga ko. Pasensiya na at mahal na mahal ko ang Daddy mo. Hindi ko alam kung tama ito, pero sisiguraduhin kong poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko.

“I’ll give you the chance you want, Vience, but promise me one thing . . .”

“Anything, Avrein. Anything.”

“You’ll take care of me as well as my baby.” He nodded at me and hugged me again.

“I’ll always will. I promise.”

NAKATAYO ako ngayon sa ilalim ng manggahan. Ngayon ko lang napagtanto na isa palang rancho ang pinagdalhan sa akin ni Vience.

Papalapit siya sa akin nang may mga tauhan ng rancho ang dumaan na may dala-dalang kaing kaing ng mangga na ikinaputla niya.

Nakita ko ang pag aalala sa lahat ng tauhan na nakakita nang bigla na lamang sumuka ng sumuka si Vience kahit wala naman itong maisuka.

“Sir Vience!” halos magkakasabay na sigaw ng mga ito at sabay-sabay na dumulog sa kaniya.

Lahat sila’y nag-aalala ngunit hindi ako. Alam ko naman na dahil ’yan sa paglilihi niya. Ayaw niya lang talagang tanggapin o dahil hindi niya pa talaga alam ang katotohanan.

“Iho, ’wag mo sanang mamasamain ang itatanong ko pero ay nabuntis ka ba? Ganiyan na ganiyan kasi ako nang mabuntis ko si Sela sa panganay namin. Ako ang tila naglilihi para sa kaniya.” Kapwa naagaw ni Tata Pilo ang atensyon namin ni Vience sa sinabi niya.

Nakita kong mas nagkulay suka lalo si Vience sa narinig niya kay Tata Pilo kaya’t hindi ko na napigilan ang sarili ko at kusa na akong kumilos para hatakin si Vience.

Ang alam nilang lahat dito ay sekretarya lamang ako ni Vience na isinama niya lamang dito sa bakasyon na ’to dahil ako ang nakakaalam ng ibang papeles na dala ni Vience. Iyan ang ginawa kong kwento.

Sinabi pa nga sa akin ng mga tauhan na ang huling nadalang babae ni Vience dito ay si Den, pero hindi malinaw sa akin kung sino sa kambal na Kazehaya ang tinutukoy nila—kung si Denelle ba o si Denley.

Nalaman ko lang kay Vience ang tungkol sa kambal nang mapagtanto ko ang kaibahan nila. Ang nakita ko pala noon sa opisina na mabait ang approach sa akin ay si Denelle o Elle kung tawagin ni Vience at ang ex-girlfriend niya. Siya ang naroon nang araw na ipagtapat ko kay Vience na buntis ako. Si Denley naman ang hindi gaanong maganda ang tabas ng dila na Den naman kung tawagin ni Vience. Siya iyong na-meet ko sa beach na inakala rin ni Vance na si Denelle, at siya rin iyong bruha na tinutukoy nina Nana Lenna at Viennard sa bahay noon ng mga Montealegre.

Eksaktong nakapasok na kami ng bahay nang bigla siyang tumayo nang diretso at hinarap ako.

“Avrein, tell me the truth. Kanino talaga ang batang iyan?” tanong nito na halos ikapagot ng hininga ko.

“Sinabi ko na sa ’yo, Vience, pero hindi mo ’ko pinaniwalaan,” matabang na sagot ko dito.

“Isang malaking kaimposiblehan na sa akin ’yan, Avrein!” Dama ko ang pagtanggi niya pero bakas na rin na nagdududa siya sa sinsabi niya mismo. “I couldn’t fucking give a child because I’m a useless—” Naputol ang sasabihin nito nang muli na naman itong masuka.

“May sumpa kaming mga Freezell, Vience. Isang beses lang kami maaaring mabuntis at iisang beses lang maaaring makabuntis. Sa oras na makabuntis o mabuntis ang isang Freezell, sa ayaw at sa gusto namin, ang mga lalaki ang maglilihi para sa amin. Sila ang magkakaroon ng morning sickness at paglilihi sa mga imposibleng pagkain.”

Nang tumigil na ang pagsusuka niya ay muli siyang tumingin sa akin. “A–are you telling me na itong nangyayari sa akin ay dahil sa akin ang dinadala mo?” tila kabadong tanong nito sa akin.

Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod. “A–ano bang kabutihan ang nagawa ko at ibinigay Mo sa akin ito?” aniya na animo kausap ang Nasa Itaas habang may mga luha sa mga mata.

Tumayo siya at bigla akong niyapos ng yakap. “I’m sorry for doubting you. I’m sorry for not believing in you. I love you, Avrein. I love you so much.”

“N–naniniwala ka na?”

“I don’t know how, but I trust you more than my medical condition now. After what we’ve been through, ramdam ko ang pagiging totoo mo at ang totoong pagmamahal mo. Because if I were in your shoe, I will never forgive an asshole like me, but you did. You’re just too pure, babe. I love you so damn much, and thank you . . . thank you for bearing my child.”

“ANO

bang ginagawa natin dit?“ tanong ko sa makulit na kasama ko.

“Gusto ko niyong McFlurry nila at extra large fries. Para kasing ang sarap isawsaw ng fries doon sa McFlurry na ’yon.” Napakunot ang noo ko sa isinagot niya na ikinahaba ng nguso niya. “Babe, bakit parang ayaw mo?” mangiyak-ngiyak na wika nito. “Gusto ko lang naman kainin ’yon.”

“V–Vience?”

“Masama na bang kumain ng gustong kainin?”

Umiiyak na siya!

“Hey, Vience?”

“Gusto ko lang naman talaga n’on, e.” Animo talaga bata siya ngayon.

“Oo na, bibili na tayo.”

“YES!” sigaw niya na tila bata, saka pa ako niyakap kaya’t napatingin ang mga tao sa amin.

“Excited lang po ang asawa ko sa baby namin. Pasensiya na po,” palusot ko sa mga tumingin.

“Ano nga’ng sinabi mo ulit, babe?” tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.

“Ha?”

“Repeat it, babe.”

“Alin?”

“Iyong sinabi mo na asawa mo ’ko.” Bahagya akong napangiti sa itinuran niya.

“Sabi ko po, excited po ang asawa ko,” pag-uulit ko, saka ko hinalikan ang tungki ng ilong niya at pumunta na sa counter para mag-order.

Pabalik na sana ako sa upuan namin nang tumunog ang telepono ko.

From: Unknown Number

Hindi ka rin talaga nadala, ano? Layuan mo siya! Layuan mo kung gusto mong matino pa ang buhay mo! Isa siyang malaking tanga! HINDI MO DAPAT SIYA NILALAPITAN!

Tumingin-tingin agad ako sa paligid ko pagkatanggap ko ng mensahe ngunit wala naman akong nakitang kahina-hinalang mga tao maliban lamang sa isang bulto ng babae na nakaupo malapit sa lamesa namin ni Vience. Itim ang suot nito at nakatakip ng scarf ang mukha na mapagkakamalan mo siyang isang muslim.

Hindi ko na lamang ito pinansin at nagtungo na sa mesa namin ni Vience. Kinain naming ang mga in-order ko at nakita kong nasiyahan talaga siya.

Kapwa na kami tapos kumain nang marinig kong magtanong siya.

“Avrein?”

“Hmmmm?”

“K–kailan mo pa nalaman na buntis ka?” may agam na tanong niya.

Ngumiti ako sa kaniya bago ako sumagot. “Noong kababalik ko sa opisina buhat sa tatlong linggo kong pamamalagi sa rest house ni Luis. Nakita kasi kita noon na hinimatay at nagsusuka kaya lumakas ang paniniwala ko na buntis ako.” Nakita kong gumuhit ang pait sa mata niya marahil ay pagsisisi iyon sa pagdududa niya sa akin.

“This is so gay but . . . do you really love me, Avrein?”

Muli ay ngumiti ako. “Hindi ako magpapakatanga nang ganito sa ’yo kung hindi, Vience. I won’t waste my time, and I won’t waste my tears if I don’t truly love you.”

“Mahal din kita, Avrein. Mahal na mahal.”

“Puwede bang ako naman ang magtanong?” wika ko at nakita ko siyang tumango. “Paano mong natanggap na magkaka-anak na tayo? Imposibleng sa isang iglap lang ay ganoon na.”

“The other night na binigyan mo na ako ng chance, kinontak ko si Luis at sinabi kong kahit kailan ay hindi ka na babalik sa kaniya ngunit tinawanan lang ako ng gago. Alam mo kung ano pang sinabi niya? Sinabi niya na mag-isip daw akong mabuti dahil imposibleng galawin ka raw niya dahil alam niyang ako lang ang mahal mo at hinding-hindi mo ibibigay sa kaniya ang sarili mo. Doon na ako napaisip at binilang ko rin ang araw mula nang may nangyari sa atin kaya’t naisip ko na malaki nga ang posibilidad na akin ang batang—kung kaya ko nga talagang magbigay ng anak.”

“You’re still doubting me—”

“Don’t get me wrong, babe. Alam ko sa puso ko na sa akin ang batang iyan kaya’t kahit na na mga doktor na mismo noon ang nagsabi na imposible akong magka-anak. I trust my heart, and of course, I trust you. I may have doubted you before because of my medical condition, but it was no longer the case now. I trust whatever comes out from your beautiful mouth,” puno ng pagmamahal na wika nito.

“Paano kung mali ang doctor?”

“Mga doktor, Avrein—mga doktor. Hindi lang ako nag-second opinion, I also have the third, fourth, fifth and so on pero iisa lang sila ng sinasabi . . . that I have Azoospermia.”

“What if someone manipulated everything?”

“May alam ka ba?

“Wala akong alam dahil kahit ako ay may gustong malaman, Vience. Search for all those doctorsv and ask them the truth. Alamin mo mula sa kanila ang totoong nangyari noon at bakit bigla kang nagka-anak ngayon.”

Nakita kong gulat at kaguluhan ang bumalandra sa mga mata niya. “I don’t think I need to ask those doctors. May isang taong alam kong kayang sagutin lahat. Siya lang at wala ng iba.”

“S–sino?

“I need to ask Denley.”

His eyes were full of confusion .

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Twenty-eight

AVREIN

ILANG oras na akong parang tanga na nakatanaw rito sa bintana ng mansyon sa rancho. Mag-aalas nuebe na naman nang gabi pero hindi pa rin siya dumarating. Ilang araw nang ganito ang laging nangyayari.

Oo nga’t bumabawi siya sa akin sa umaga ngunit pagsapit nanaman ng hapon ay lagi siyang nagpapaalam na aalis. Hindi ako nag-uusisa kung saan siya pumaparoon. Hinahayaan ko siyang kusang magsabi kung gusto niya talaga.

Hindi ko iniisip na nagloloko siya dahil nakikita ko naman sa mga mata niya kung gaano niya talaga ako gustong pahalagahan at ang magiging anak namin kahit na nga hindi ko alam kung paano niya tinanggap sa sarili niya na magkaka-anak na talaga siya.

Saktong babalik na sana ako sa kuwarto ko nang makarinig ako ng paparating na makina ng sasakyan.

Maaga siya sa ngayon. Madalas ay alas onse o alas dose siya dumarating.

Nang makita ko siyang nakapasok na ay mabilis akong pumasok sa kuwarto ko. Gabi-gabi ganito ang gawain ko. Gabi-gabi na darating siya ay nagpapanggap ako na mahimbing na natutulog. Magkahiwalay kami ng kuwarto dahil iyon ang hiniling ko dahil tuwing nalalapit siya sa akin ay gustong bumigay ng katawan ko.

Narinig ko ang pag-ingit ng pintuan ng kuwarto ko tanda na may pumasok dito. “Avrein?” pabulong na tawag niya sa pangalan ko. “Sorry, hindi na naman kayo nasamahan ni Daddy na mag-dinner. Babawi na lang ako bukas paggising n’yo. I love you both,” aniya, saka ko naramdaman ang pag dampi ng malambot niyang labi sa noo ko.

Gabi-gabi niya ring ginagawa ito—ang pupunta siya sa kuwarto ko at magso-sorry na hindi siya nakasabay mag-dinner.

“I love you, Avrein. I love you so much, and I trust you. Kahit ilang beses nilang isampal sa akin na hindi ako maaaring magka-anak, wala akong ibang paniniwalaan kung hindi ikaw lang. Ikaw at ikaw lang. You’re the only reason why I’m still holding on the fact na kahit gaano pa ako kagago at katarantado, may taong darating para baguhin ako—ikaw ’yon at ang magiging anak natin. Kaya sana maintindihan mo ’ko sa mga ginagawa ko sa tuwing umaalis ako, para sa atin ’yon. Mahal na mahal kita.” Pagkasabi nito ay naramdaman ko na ang mabilis na pagkawala ng presensya niya.

Doon na tuluyang naglandas ang mga luha mula sa mga mata ko. Bawat salita niya ay punong-puno ng sinseridad at pagmamahal ngunit punong-puno rin ng sakit na pilit itinatago.

Sino ang mga taong nagsasabi sa kaniya na hindi siya maaaring magka anak? Sino ba kasi ang babaeng tinutukoy ni Luis?

NAGISING ako nang maka-amoy ako ng amoy ng ginigisang bawang na nasusunog. Kaya’t tumayo na ako at mabilis na nagtungo sa kusina.

Natagpuan ko si Vience na duwal nang duwal sa lababo habang ang kawali naman na nakasalang sa kalan ay puwede nang ikumpara sa uling ang laman. Amoy na amoy lang talaga ang bawang.

Mabilis kong pinatay ang kalan at dinaluhan si Vience, saka ko hinagod-hagod ang likuran niya.

Gulat na napalingon naman siya sa akin. Maluha-luhang mga mata ang bumungad sa akin pagkita ko sa mukha niya. Halatang hirap na hirap talaga siya.

“Sino ba kasing nagsabi sa ’yo na magluto ka, ha!?” sermon ko rito.

“Gusto ko lang naman bumawi kaya lang sobrang pangit pala ng amoy ng ginisang bawang. Parang binabaliktad ang sikmura ko sa amoy,” sagot niya nang mahimasmasan na.

“Sino bang nagsabi na magsinangag na kanin ka!?” Naiinis ako sa kaniya. Ayokong nakikita na nagsusuka siya dahil sa paglilihi dahil parang ako ang nahihirapan at natatakot ako na sa akin na mangyayari ’yan matapos lang ang ilang buwan.

Nakita kong malapit nang bumagsak ang mga luha niya dahil sa pagbulyaw ko. Pambihira! Napakalala naman yata ng paglilihi niya.

“Enough, Avrein. Enough!” putol nito sa akin habang nakayuko na tila si Garry Valenciano. Nakatakip ang isang kamay niya sa bibig niya at ang isa naman ay nasa dibdib niya. “Nasaktan na ’ko.”

“Vience?”

“Tama na, Avrein. Nasaktan mo na ko. Ang sakit!” At napasandal pa ito sa pader. “Ang sakit lang na naggisa lang ako ng bawang na nilagyan ko ng longganisa ay inakala mo na agad na nagsisinangag akong kanin,” dagdag nito at unti-unti pang dumadausdos pababa sa sahig. “Ang sakit dahil nagpriprito ako ng longganis pero inakala mo nang nagsisinangag akong kanin? Ba’t ganiyan ka?”

“Mahal kita pero maling-mali talaga ang inakala mo.”

“Vience. . . .”

“Pritong longganisa ’yon, Avrein. Pritong longganisa na may bawang. Hindi singangag na kanin!”

Naupo ako sa harap niya at tinitigan siya pero ini-snob-an lang niya ako.

“Vience . . .!”

“Shattap!”

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya’t mabilis kong sinakop ang mga labi niya. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya habang parang tuod na nakakita ng multo.

Saglit lang ang halik na iginawad ko at agad din akong humiwalay. Napakunot ang noo ko nang makita kong nakangisi siya sa akin.

“Anong nginingisi-ngisi mo riyan?”

“Effective naman pala ang acting ko. Dapat pala noong nakaraan ko pa ginawa ’yon para ikaw mismo ang humalik sa akin noon pa.”

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. “VIENCE!”

Mabilis niya akong kinabig at niyakap, saka ko naramdaman ang baba niya sa balikat ko. “I love you,Avrein, and I love your morning breath.”

Pinakawalan na niya ako at nagtulungan na lamang kami sa pagluluto.

Matapos magluto ay sabay na rin kaming kumain ngunit napapansin kong panay ang tingin niya sa akin. Hinawi ko ang nahuhulog na buhok sa mukha ko dahil nga kumakain kami.

“M–may problema ba?” Titig na titig siya sa akin!

“May ketchup ka rito,” wika nito, saka itinuto ang gilid ng labi ko.

Dinilaan ko na lamang ang ketchup at hindi na pinag-akasayahan ng panahon na punasan ngunit nagulat ako nang bigla na lamang siya tumayo at hinampas ang lamesa.

“Vience!?” gulat na anas ko.

Tumalikod muna siya sa akin bago nagsalita. “Tapusin mo na ’yan. Doon muna ako sa manggahan. Sundan mo na lang ako pagtapos ka na.,” matigas na bilin nito.

Kunot-noong sinundan ko siya ng tingin habang papalayo siya.

“Kulang na kulang na ba talaga ako sa sex!?”

Bulong niya na rinig na rinig ko naman. Gusto ko tuloy matawa.

Matapos kong kumain ay sinundan ko siya sa manggahan gaya ng sabi niya. Nadatnan kong tinutulungan niya sina Tata Pilo sa paglalagay ng mga inaning mangga sa kaing.

“Magandang araw, iha,” bati ni Tata Pilo sa akin at kasunod nito ay ang pagbati na rin ng ibang tauhan samantalang si Vience naman ay hindi natinag sa pagdating ko.

“Magandang araw rin po sa inyong lahat,” nakangiting bati ko pabalik sa mga ito.

“Sir Vience, bakit po hindi niya ligawan itong si Miss Avrein, tutal naman po ay matagal na rin kayong walang nobya ayon na rin sa inyo at wala rin naman pong nobyo itong si Miss Avrein ayon sa kaniya.” Kapwa kami nagulat ni Vience sa itinuran ni Tata Pilo.

“Ah, Tata Pilo, ano po kase—”

“Wala siyang nobyo dahil may asawa na po siya, Tata Pilo,” putol ni Vience sa nais kong sabihin.

“ASAWA!?” halos hindi makapaniwalang sabay-sabay na sabi ng mga ito.

“Sabagay sa sobrang ganda mong iyan, Miss Avrein, talaga naman na hindi na nakakapagtaka kung ninais na agad ng kung sino mang lalaki na iyon na maitali ka na sa kaniya. Ako man ang lalaking ’yon ay gagawin ko rin agad ang pakasalan ka.” Para akong masasamid sa sinabi ni Lucio lalo na’t kitang-kita ko na sobrang sama ng tingin sa kaniya ni Vience.

“Lucio, paki-igiban mo nga ang kinseng balde sa kuwadra ng mga baka nang may magawa ka.” Lahat halos kami ay nagulat sa matigas na tinig ni Vience nang utusan niya si Lucio.

“Pero, Sir Vience, puno naman po lahat—”

“Palitan mo lahat dahil baka pamugaran ng dengue,” matigas na putol nito kay Lucio kaya’t mabilis na tumalima na lamang ang huli.

Lahat kami ay napakunot ang noo habang ang iba naman ay natakot nang ibagsak niya ang kaing na hawak niya na ikinatapon ng mga mangga. Tila ba siya nababalutan ng masamang aura.

“Avrein, let’s get inside. We have some business to talk about,” utos nito at nagpatiuna na sa paglalakad papasok sa bahay.

Bakit parang iba ang dating ng salitang business niya sa akin?

Ngumiti lang ako kay Tata Pilo at sinundan na ang bugnot na si Vience papasok sa bahay.

Naabutan ko siyang nakatayo ng mga limang hakbang ang layo sa pinto na tila talaga hinihintay ako.

“Lock the door and close all the windows. Now!” Bahagya pa akong napakislot sa sigaw niya. Hindi ako natakot pero basta kusa na lang gumalaw ang katawan ko at sinunod siya.

Nang matapos kong gawin ang iniutos niya ay hinarap ko siya. “A–ano bang problema?”

Unti-unting siyang lumapit sa akin at bawat hakbang niya paharap ay siya naman hakbang ko patalikod.

“Alam mo bang mula nang unang may mangyari sa atin ay wala na akong pinakialaman pang ibang babae dahil sabi ko sa sarili ko, gusto ko ikaw na ang huli?” At muli itong humakbang palapit kaya’t humakbang din ako patalikod.

“V–Vience naman!”

“And you know what? I don’t share what’s mine specially ’pag sinabi kong sobrang espesyal ng taong ’yon sa akin.” Huminto ito at mataman akong tiningnan sa mga mata na tila hinihipnotismo. “I easily get jealous when it comes to you, babe. Do you know how much I want to rip Lucio’s head a while ago just because he said those damn words to you?”

Napaigtad ako nang kabigin niya ako dahilan ng pagkakasandal ko sa dibdib niya.

“I love you so much, Avrein. I miss making love with you, my angel.”

And with that he kissed me with full of desire . . . but he then suddenly stopped after a few minutes.

“W–why did you stop?” utal na tanong ko.

“Hindi ko pa kasi natanong ang doktor kung pwede ba nating gawin ’yon habang buntis ka. Kaya magpapa-check up muna tayo bukas para maitanong ko ’yon. Baka kasi masundot ni Jr. ang baby natin at mapango pa siya,” wika nito, saka hinagod-hagod ang buhok ko.

“But you said wala kang sex—”

“I don’t need sex, Avrein. Kaya kong magtiyaga na muna sa pagma-mariang palad para sa ’yo. I love you. Take a rest na. Aalis lang ako,” wika nito, saka hinalikan ang ulo ko.

Saan ka na naman pupunta Vience?

MATAPOS umalis ni Vience ay nagbihis ako dahil naka-receive ako ng text galing kay Luis. May nais daw itong sabihin sa akin. Alam din daw niya kung nasaan ako kaya’t sa malapit lang naman siya nakikipagkita sa akin.

Iniwan na sa ’kin ni Vience ang isa niyang sasakyan dahil baka daw may kailanganin akong bilhin sa malapit para hindi na raw ako mahihirapan.

Sumakay na ako sa kotse ko at mabilis ko lang nahanap ang restaurant na itinext sa akin ni Luis. Alam kong maaaring magalit si Vience ’pag nalaman niya ito ngunit hindi ko na ’yon inisip dahil tila importante ang gustong sabihin ni Luis.

Pagkababa ko ay agad kong natanaw si Luis na nasa loob ng restaurant at paikot-ikot na nilalaro ang telepono.

Pagpasok ko ay agad kong nakita nito at kinawayan. Naupo naman na ako at nginitian siya.

“Alam kong kating-kati kang malaman kung sino ba talaga ang babaeng tinutukoy ko na sumisira sa buhay ni Vience, hindi ba? Maging matalino ka, Avrein. Hindi lahat ng malapit sa ’yo ay kakampi mo.”

Tila ako binundol ng kaba sa narinig kong kadugo. Ito na ba iyon na biglang eentrada si Lola Cassandra at susubukin ang pagmamahalan namin ni Vience?

“Just go straight to the point, Luis.”

“Mag-iingat ka kina Denley at—”

Biglang naputol ang sasabihin ni Luis nang magring ang telepono ko.

Unknown Number Calling…

Unknow number pero hindi ito ang number na madalas mag-text sa akin.

“Hello?”

“Pumunta ka sa hotel na katabi ng restaurant na kinaroroonan mo. Malalaman mo kung anong ginagawa ng lalaking mahal na mahal mo at ama ng magiging anak mo. Room 2023, 3rd floor,” wika nito, saka pinatay ang tawag.

Kusang sumunod ang katawan ko sa sinabi nito at nagmamadali akong lumabas. Naririnig ko pa ang pagtawag sa akin ni Luis ngunit hindi ko na ito pinakinggan.

Dala ang sasakyan ay tinungo ko ang hotel na sinabi ng taong tumawag. Nag-park lang ako sa basement parking at mabilis na tinungo ang sinabi nitong room.

Habang papalapit ako sa silid na iyon ay walang tigil sa pagdagundong ang puso ko. Parang pinipiga ito bawat hakbang na ginagawa ko.

Hawak ko na ngayon ang seradura. Unti-unti ko itong binuksan ngunit parang gusto kong magsisi sa ginawa ko.

Natagpuan kong hubo’t hubad si Vience habang may babaeng nakapatong dito. Lumingon ang babae at biglang nanlaki ang mata ko.

“Denelle?” tila nanghina ang buong katawan ko at nagsimula nang magbagsakan ang mga luha ko. Mas maaatim ko siguro kung si Denley ang narito ngunit hindi. Gusto kong paniwalaan na set up lamang ang lahat pero ayaw tanggapin ng utak ko .

Akala ko ba ako lang? Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba . . . puro pala akala ko lang.

Tila nabigla si Vience nang mapadilat ito at nakita niya ako.

“A–Avrein.”

Pinahiran ko ang luha ko at nakangiting tumingin sa kaniya. Nakita ko naman na itinulak niya si Denelle at mabilis siyang nagsuot ng damit at pantalon.

“L–Let me explain.”

“Okay na ang nakita ko, Sir Vience. Alam ko po kung saan dapat lumugar. Salamat po. Enjoy.”

Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo, saka ko hinayaan na maglandas ang mga luha ko. Kahit sa ganito man lang na paraan ay mabawasan ang sakit.

Saktong patawid na sana ako para mapuntahan ang sasakyan nang may humatak sa braso ko. Pamilyar ang presensiya nito kaya’t mabilis kong binawi ang kamay ko.

“A–Avrein, please don’t do this. H–hear me out.”

Pinahiran kong muli ang mga luha ko bago humarap sa kaniya. Humakbang pa ako ng tatlong hakbang patalikod dahil hindi ko kaya na sobrang lapit lamang ng presensya niya.

“I gave everything I have to a jerk like you. These wounds will heal in due time. But remember that after a wound there’s a scar . . . that after the pain, the scar will remain.” I said as I totally broke down into tears. Napakatanga ko. Napakagaga ko.

“Avrein. . . .” akmang hahawakan niya ako ngunit iniwasan ko ito at humakbang patalikod.

Nagulat na lamang ako nang may mabilis na paparating na kotse mula sa kanan ko. Pumikit na lamang ako dahil huli na hindi na ako makakaiwas pa.

Anak ko. . . .

Naramdaman ko ang masakit na pagtama sa akin ng unahan ng sasakyan na naging dahilan ng pagtilapon ko.

“AVREIN!!!!!!!”

Nakita kong tumakbo palapit sa akin si Vience.

Doon ko na rin naramdaman ang pagdaloy ng mainit na bagay sa hita ko kasabay ng pamamanhid ng ulo ko pababa sa katawan ko.

This time I was sure that I would lost my baby and I couldn’t have my own child anymore. No, not anymore. I’m a Freezell at isang malaking sumpa na iisang beses lang kami maaaring magka-anak.

I love you, anak. Let’s die together.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

PAGODA NA KO MAG-EDIT. HAHAHAHAHHAHAHAHAHA

Twenty-nine

AVREIN

“LUKE , come here, baby,” tawag ko sa kaniya.

Imbes na sumunod ay mataman niya lamang akong tinitigan at pinagmasdan na tila inaaral niya ako.

Siya lang ang madalas kong makasama sa loob ng dalawang taon kong pamamalagi dito sa Isla Cassandra. Tatlong taon na rin naman ang matuling lumipas sa buhay ko.

“Iha, magmeryenda ka na muna. Iginawa ko rin si Luke ng pagkain na madalas mong gawin para sa kaniya.” pukaw sa atensyon ko ni Manang Ising.

“Sige po, Manang. Makibaba na lang po muna riyan sa mesa,” nakangiting tugon ko rito na ikinatango lamang nito bago umalis. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Luke na kasalukuyan nang nilalaro ang maliit na bolang inihagis ko sa kaniya.

Naupo na muna ako at sinimulang kainin ang meryenda na dinala ni Manang Ising.

“TITA AVREIN!” Napatigil ang pagkain ko sa tinapay na kinakain ko nang marinig ko ang tinig na iyon. Agad akong tumayo at tinungo ang glass sliding door na naghahati sa loob ng mansyon at sa hardin kung kami naroon ni Luke.

Patakbong pumunta sa akin si Ayler sabay akong niyakap. “Hi,” bati ko rito.

“Good morning, Tita Avy,” bati sa akin ni Ayce na walang ka emo-emosyon mula sa likod ni Ayler.

“Good morning din, Ayce,” bati ko pabalik dito. Sanay na din naman ako sa batang ’yan na hindi talaga siya magiliw sa mga babae at hindi marunong ngumiti. Hindi na rin ako nalilito kay Ayler at Ayce kahit na wala silang pagkakaiba sa facial features nila.

Magtatanong na sana ako kung sinong kasama nila nang magsalita si Ayler, “We are with Mama and Daddy, Tita Avrein. Pumunta lang po muna sila sa room na gagamitin namin ni Ayce para po ibaba ang mga gamit namin.”

“I see. Magmeryenda na muna tayo. May pagkain doon sa mesa,” paanyaya ko sa mga ito.

“Tita, where’s Luke po?” tanong ni Ayce. May kasupladuhan lang talaga ang batang ito pero halata naman na magiliw siya sa paligid niya.

“He’s in the garden. He’s playing,” sagot ko, saka na tumakbo sina Ayce at Ayler patungo kay Luke.

Akmang susunod na sana ako sa mga ito nang may malilit na kamay na humawak sa hita ko.

“Ma’am Ableyn,” pagtawag nito sa akin.

Awtomatiko akong napalingon at hindi nga ako nagkamali sa inakala ko. “Hello, Cyrill Anne,” nakangiti kong sabi rito.

“Cyan na lang po tatawag n’yo sa ’kin, Ma’am Ableyn,” sagot naman nito.

Anak ng isa naming kasambahay itong si Cyan. She’s cute. Ka-edad siya nina Ayce at Ayler. Mayroon siyang maliit na dimples sa ilalim na parte ng kanang labi niya.

“May sasabihin ka po ba sa akin?”

“Tabi po ni Nanay, papaliduan niya daw po ti Luke. Tunin

ko na daw po tiya,“ mabulol-bulol na sabi nito na siyang lalong ikinangiti ko. Kahit na ka-edad niya lamang sina Ayler at Ayce ay kitang-kita ko na mas matured talaga ang utak ng dalawa kong pamangkin.

“Sige halika, puntahan natin sila,” sagot ko rito, saka ko siya inakay patungo kina Luke, Ayler at Ayce.

Napalingon naman sa amin ang kambal nang maramdaman ang presensya namin ni Cyan.

“A–Ayce Lander?” tipong utal at hindi pa makapaniwalang tawag ng batang akay-akay ko kay Ayce. Ngunit imbes na ngitian ay ini-snob-an lamang siya ni Ayce.

“Cyrill Anne!” sigaw naman ni Ayler at patakbong sinugod si Cyan, saka niyakap kaya’t napabitiw ito sa akin.

“Ayler Liam, natatakal ako!” angal naman ni Cyan sa ginawa ni Ayler. Natutuwa naman ako sa mga batang ’to. May love triangle yatang namumuo, ah?

“Kamusta na bulol? Na-miss mo ’ko? Five months din kaming hindi dumalaw ni Mommy rito,” pangungulit ni Ayler sa kaniya ngunit bineletan lamang siya ni Cyan, saka siya tinulak.

“Hindi naman itaw a ng pinuntahan ko tito!” pagsusungit niya kay Ayler. “Luke, tala na. Liligo ka raw ni Nanay.”

Dinaluhan na ni Cyan si Luke at kinarga ito.

“Sigurado ka at kaya mo si Luke, Cyan?”

“Opo, Ma’am Ableyn,” nakangiting saad nito.

Akmang aalis na sana sila nang dumating si Ate Klein—ang nanay ni Cyan.

Kinuha nito sa anak si Luke at ngumiti sa akin. “Sige po, Ma’am Avrein, paliguan ko lang po muna si Luke ibabalik ko na lang din po agad sa inyo,” anito, saka inakay na rin paalis si Cyan.

Luke was my dog.

“How are you, tita?” nagulat ako nang biglang magsalita si Ayce na siyang pumukaw ng atensyon ko.

“What do you mean little boy?”

“The last time we came here, you were just staring blankly at the space. You just kept on crying and crying.”

Am I really talking to a three-year-old boy?

“I’m fine, Ayce. I’m now perfectly fine.”

“I hardly doubt it,” aniya sa akin.

Nginitian ko lang siya at hindi sinagot dahil kahit ako ay duda kung okay na nga ba talaga ako. Kaya ko na ba ulit makita ang mundo at lumabas sa kuwebang pinagkukublian ko?


…two years ago…

Hirap na hirap kong idinilat ang mga mata ko. Wala na ang sakit ng katawan na naramdaman ko kahapon nang mabangga ako ng kotse na ’yon.

Hindi ko na rin maramdaman ang sari-saring aparato na inilagay nila sa akin noon bago ako tuluyang mawalan ng malay. Wala na ang sakit. Wala na ngunit . . .

“Anak ko!” Napabalikwas ako ng bangon at kitang-kita kong gulat ang bumalandra sa mukha ng lahat ng taong naroroon sa loob ng silid ko. Kumpleto silang lahat. Ang magulang ko, si Lola, ang mga tito at tita ko, maging ang mga pinsan ko. Ngunit wala siya . . . wala si Vience.

“Avrein.” tawag sa akin nina Mommy at Daddy.

“May naaalala ka ba, anak? Naaalala mo ba kami?”

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy. Bakit pa nila itinatanong kung may naaalala ako? Sariwan-sariwa sa alaala ko lahat ng nangyari sa akin kahapon.

Napatingin ako kay Aeickel at nagulat ako sa klase ng tingin na ibinigay niya sa akin. Tingin iyon na tila may nais ipahiwatig—tingin na tila gusto niyang magpanggap ako?

Pero saan ako magpapanggap?

“May naaalala ka hindi ba, Avrein?” may diin na tanong sa akin ni Lola.

Muli akong tumingin kay Aeickel at nakita ko siyang umiling. Nakuha ko na. Gusto niyang magpanggap ako na wala akong alam. Pero bakit? Para saan?

“Opo,” sagot ko, saka ko tiningnan ang reaksyon ni Aeickel at nagulat ako nang maging blangko ito na tila may mali akong sinabi. “Opo. Naaalala ko po na kasal kahapon nila ate Aiyell at kuya Claw.”

Nadinig ko ang sabay-sabay na pagsinghap ng mga tao sa paligid ko ngunit hindi si Aeickel, Lola at Tita Yna. Tila ako iniinspeksyon ni Lola at tita Yna sa klase ng tingin nila sa akin. Samantalang si Aeickel naman ay nakamasid lang sa akin na tila sinasabi niyang tama ang ginawa ko.

“So you have selective amnesia ate?” singit ni Leickel.

“Ha?”

“May naaalala ka ba ukol sa trabaho mo?” tanong ni Daddy.

“Don’t joke around, Daddy. Walang gustong tumanggap sa akin sa trabaho dahil sa pagiging manang ko.”

“Isang taon kang tulog, Avrein.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni tita Yna sa akin. Isang taon?

“Na-comatose ka anak nang madisgrasya ka nang gabing ’yon,” sabat naman ni Mommy.

Tila ayaw magproseso ng mga sinasabi nila sa akin.

“Puwede po bang lumabas muna kayo at iwan niyo kami ni Aeickel?” pakiusap ko sa mga ito na halatang ikinagulat nila.

Isa-isa na silang lumabas.

Nang maiwan kami ni Aeickel ay naupo ako nang maayos at tiningnan siya.

“There are spy cameras here, hack them first,” aniya, saka ako inabutan ng netbook.

Mabilis lang naman ang ginawa kong pagha-hack. “Puwede na tayong mag-usap?” tanong ko na sinagot naman nito ng tango. “What happened to me, Aei?”

“May bumangga sa iyo noong araw na nahuli mo si Vience sa hotel na iyon.”

“M–my child, Aei . . . where’s my child?” kabadong tanong ko rito.

“I don’t know, ate. Ang ibinalita sa amin ni Lola noong araw na iyon ay namatay raw ang anak mo.”

Those words suddenly crashed my world into tiny pieces.

“I–iIbinalita?”

“Five days after the said attempted murder of yours, ay ipinadala kami ni Lola sa London—ako at si Lei. Sina ate Aiyie naman ay pinagbakasyon niya sa Switzerland. Si ate Vance naman ay hindi nakapagbakasyon gawa ng modeling career niya.”

“W–why? B–bakit ginawa ni Lola ’yon?”

“Isa din ’yan sa katanungan ko dahil hindi ako naniniwala na sinisigurado niya lang ang kaligtasan namin.”

Tumawa ako ng punong-puno ng kasarkastikuhan. “Kaligtasan? I lost my child, Aei! I lost him!”

“Ate—”

“Now tell me, bakit mo ako pinagpanggap?”

“I knew, there was something behind our one year vacation outside the country.”

“That has nothing to do about my memory, Aei.”

“It has. Malalaman natin kung bakit noong mga panahon na dapat kailangan mo kami ay pinaalis niya kami at bakit kasabay naming nawala si Vience sa buhay mo. Samantalang isa siya sa mga nagpupuyat na magbantay sa ’yo noon.”

“I–I don’t get it.”

“Mas mahihirapan kasi tayo ’pag nalaman ni Lola na may naaalala ka. Hindi tayo makakakilos namg maaayos dahil baka isipin niya na gusto mo lang hanapin si Vience para alamin ang katotohanan.”

“Iyon naman talaga ang gusto kong gawin sa ngayon, Aei!”

“Para ano? Maging tanga at sunud-sunuran ulit?

“Anong gusto mong gawin ko?”

“Maghintay lang tayo sa ngayon. Kusang darating ang katotohanan. Umaasa rin kasi ako sa isang bagay.”

“A–ano?”

“Na maaari pang buhay ang anak mo. Pero hindi tayo nakakasigurado kaya’t maghintay na muna tayo. Sa ngayon ang dapat mo lang gawin ay magpanggap na wala kang maalala sa mga nangyari. Doon mas magiging magaan ang bawat galaw natin.”


Dalawang taon na rin akong naghihintay. Sa dalawang taon na ’yon ay wala kaming nakuhang lead ni Aeickel. Lahat ng pruweba ay nagtuturo na patay na talaga ang anak ko. Alam kong nahihirapan na din si Aeickel dahil siya lang naman ang kumikilos sa labas dahil mas pinili kong iburo ang sarili ko rito sa Isla Cassandra.

NAKASAKAY ako ngayon sa isang balsa. Balak ko kasing magpunta ngayon sa bayan. Tumawag kanina sa mansyon si Aeickel. Gusto niyang makipagkita sa akin.

Kailangan naming magktia nang patago ni Aeickel dahil pareho kami ng hinala na sinusubok ako ni Lola at kung hanggang saan ang kaya kong gawin para sa pagmamahal.

Nagtatago kami ni Aeickel dahil tuwing may pakiramdam kami na napapalapit na kami sa katotohanan ay tila may humaharang sa amin. Malakas ang pakiramdam namin na si Lola at ang mga galamay niya ang gumawa noon. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kailangan niyang gawin ang mga bagay na ginagawa niya. Ang hirap intindihin.

Nang makarating kami sa daungan ay mabilis akong bumaba at tinungo ang sinasabing mall ni Aeickel. Nasa loob daw siya ng isang bookstore ayon sa text niya sa akin.

Narating ko ang mall at agad kong natagpuan si Aeickel na tumitingin-tingin sa mga libro na naroroon.

“Aei? Why aren’t you in disguise?”

“We don’t need that. Alam kong matagal nang may sumusunod sa atin sa tuwing magkikita tayo, kaya para saan pa?”

“So anong dahilan ng pagkikitang ito?” tanong ko, saka kumuha ng libro at kunwaring nagtitingin din.

“Alam ko na kung nasaan si kuya Vience. He’s just also somewhere here in Batangas. Nalaman kong ang ama niya na si Vic Montealegre ang nagtago sa kaniya ayon na rin daw sa utos ng mataas na tao rito. I doubt it kung hindi si Lola Cassandra ang tinutukoy na mataas na tao ng infrormant ko.”

“Nalaman mo rin ba kung para saan ang pagtatagong iyon?”

“Para daw sa kaligtasan nito. If ever na makikita mo siya, you have to pretend na hindi mo siya kilala. The more na napapalapit siya sa babaeng mahal niya, the more na mas nanganganib ang buhay niya.”

Bakit puro para sa kaligtasan!? Kanino ba kami nanganganib!? O kanino si Vience nanganganib!? At hindi ako mahal ni Vience. Walang mahal na nagagawang paulit-ulit na saktan at lokohin.

“I need to go. Maghahanap ako sa karatig-lugar. Dapat na ako na muna ang kumausap sa kaniya. Magiging kumplikado kung mauuna ka.”

“Why are you so eager to help, Aei?”

“I hate seeing you hurting. Kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako.”

Umalis na siya agad at nawala sa paningin ko.

Thank you, Aei.

Naglalakad na ako ngayon palabas ng mall nang bigla na lamang may madapang batang lalaki sa harapan ko. Agad ko itong dinaluhan at tinulungan.

“Ayos ka lang ba, baby boy?” nag-aalalang tanong ko sa bata habang pinapagpagan ko ang tuhod niya dahil naka-maong na short lamang siya.

“I’m fine, gorgeous. Puwede mo na po akong bitawan. I’m no longer a baby naman po,” bibong sagot nito na ikinangiti ko.

“How old are you? Huwag kang tatakbo at baka madapa ka pa ulit.”

“I’m two years old. I’m going to tell Dad to close this mall, their floor is too slippery.” Ang tatas niyang magsalita na animo pitong taong gulang na.

Para siyang matured na nagta-tantrums, gusto ko tuloy matawa.

“So your Daddy owns this mall?”

“He’s an important person here,” sagot nito, saka tumingin sa mga mata ko.

Biglang sumikdo ang dibdib ko sa pagtingin ko sa mga mata nito.

“By the way, Miss Sexy Gorgeous Lady, I’m Axel Leindeyl.”

“Nice name. It suits you too well,” nakangiting tugon ko rito. “Bakit mag-isa ka?”

“I’m with my Dad and—”

“AXEL!”

Sabay kaming napalingon ni Axel sa narinig naming tumawag sa kaniya at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ng taong tumawag kay Axel nang makita ako ngunit hindi ako. Hindi ko pinakita.

“Denelle,” bulong kong sapat nang ako lang ang makakarinig.

Bigla na lamang niyang hinatak mula sa akin si Axel at kinagalitan. “Napakakulit mo talagang bata ka! Kanina pa kami hanap nang hanap ng Daddy mo sa ’yo!”

“I’m sorry, Mommy. I just got lost.”

“Fine, let’s go,” anito na tila hindi man lamang ako nag-e-exist.

“A–Avrein. . . .”

Tila tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang tinig na ’yon mula sa likuran ko. Lumingon ako ngunit hindi ko pinakitang kinakabahan ako at nabibigla sa nangyayari.

“Daddy, she helped me. I slid on the wet floor and that sexy gorgeous lady helped me up,” sabat naman ni Axel ngunit hindi nito natinag si Vience. Unti-unti itong humakbang palapit sa akin.

Does this mean na anak nila ni Denelle si Axel? Did that sinful night that I almost died led to this child’s birth? Or is there a tiny chance na . . . anak ko si Axel? That’s quite impossible. Imposibleng pumayag si Lola na mapasakamay ni Vience ang anak namin matapos ang mga nangyari. Siguradong kung buhay man ang anak ko ay na kay Lola ito.

“Avrein. . . .” tawag niyang muli sa pangalan ko na punong-puno ng pangungulila. “Avrein?”

“Who are you?”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Thirty

AVREIN

TULALA ako habang nakatitig sa mga tauhan ng isla na namimitas ng niyog. Paulit-ulit kasing bumabalik sa akin ang itsura ni Axel. Ang mga niya, ang mga labi niya, sobrang pamilyar na pamilyar sa akin na animo ba ako . . . nananalamin.

Matapos kong magpanggap na hindi ko kilala si Vience kahapon ay agad akong nagpaalam sa kanila ni Denelle at sinabi kong may kailangan akong kitain na tao. Minabuti kong makaalis kaagad dahil natatakot akong tuluyan nila akong mabuko.

“Avrein?” Napalingon ako nang may tumawag sa akin at natagpuan ko ang mag-asawang Mondragon.

“Ate Aiyie.”

“Hindi ko alam gaano kasakit mawalan ng anak, pero naiintindihan ko ang sakit dahil isa na rin akong ina—”

“I and Aeickel have this feeling that I didn’t really lose my child. We have strong guts that Lola is hiding him or her.”

“Oh my gosh,” gulat na reaksyon niya.

“Look at this,” anas ko, saka ko itinaas ang damit ko at ipinakita sa kaniya ang bandang puson ko. “Hindi mo ito mahahalata kung hindi mo papakatitigan. Makikita mo rito na may tila pinagbakatan ako ng tahi sa puson na pwede kong makuha kung na-ceasarian ako ngunit hindi gaanong halata dahil parang ginamitan na ito ng makabagong teknolohiya. Wala pang dalawang buwan ang tiyan ko nang maaksidente ako. Maaaring nalaglag ang anak ko at niraspa ako pero hindi dadating sa punto na hihiwain pa nila ang tiyan ko maliban na lang talaga . . . kung nanganak ako habang comatose ako,” paliwanag ko sa kaniya na mukha hindi niya inasahan.

Napatahimik si ate Aiyell at mukhang gulantang siya sa mga narinig mula sa akin.

“Sigurado akong wala pang nakakapagsabi sa ’yo nito dahil wala namang kayang kausap sa ’yo mula nang magkulong ka rito sa pero nakakulong na ngayon si Denley Kazehaya dahil siya pala ang taong bumangga sa ’yo, at tumawag na pumunta ka sa lugar na ’yon.” Ako naman ngayon ang gulat sa sinabi ni Kuya Claw.

How come na walang ibinalitang ganoon sa akin si Aeickel?

      

PAPUNTA na naman ako ngayon sa mall kung saan kami nagkita ni Aeickel. I texted her at sinabi kong magkita kaming muli. Kahit hindi pa rin siya nag-response sa mga text at tawag ko ay nag-assume na ako na pupunta siya kaya’t lumakad na ako.

Saktong pumasok ako sa entrance ng bookstore ay naulinagan ko na agad ang presensiya ni Aeickel.

Gaya ng nakagawian ay lumapit ako sa kaniya. “Why weren’t you answering my call?”

“It’s not that I didn’t, it’s just that I have to.”

“What do you mean?” kunot-noong tanong ko.

“I was in a complicated situation a while ago. I’m with Lola Cassandra,” napamulagat naman ang mga mata ko sa narinig ko.

“What—”

“She said she knew whatever we wanted to know and we should better stop digging,” walang ka-emo-emosyon nitong saad sa akin.

“But, Aei—”

“I do respect her, but I just couldn’t bear her idea of this damn love test.”

She’s calm but her words were full of annoyance and frustration.

“By just looking at you, Aeickel Lavria Lou– Freezell, I could tell that it’s not just about Lola Cassy’s test. You’re up to something. Tell me if I’m wrong.”

Tumingin siya sa mga mata ko pero gaya ng dati ay hindi kababakasan ng emosyon ang mga ito. “Hindi lahat ng nangyayari sa ’yo ay kagagawan ni Lola. Hindi lahat ng nangyari sa tatlong taon ay kagagawan ng pagsubok niya sa klase ng pagmamahal na mayroon ka. Something on this messed up situation is missing, but I just can’t figure it out for now.”

What do I expect from her? She was really a keen observer.

“Maybe you were pertaining about my accident? Kasi imposible naman na si Lola ang may pakana n’on. Puwede niyang subukin ang lagay ng puso ko pero hinding-hindi niyaa ilalagay sa alanganin ang buhay ko.”

“That thing somehow rings a bell but I’m really talking about the nice threats that was sent to you three years ago.”

Oo nga. Iyong taong nagpapalayo sa akin kay Vience.

“What about it?” tanong ko.

“I couldn’t track neither identify the sender. She’s good at it. There were no traces of ideas and flaws.”

That was quite impossible. How could she not Aei access the sender?

Oh holy crap! I almost forgotten Denley’s situation . “Aei, you haven’t told me that Denley was in jail?”

“Is it neither necessary nor important?” Muli na naman kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

“Of course, I almost died!”

“She wasn’t the pathetic driver of that goddamn car that almost killed you and I’m sure of that. They just used Denley’s anger towards you para mailihis nila sa kanila ang atensyon ng pulisya.”

Aeickel was getting creepier. Paano niya naman nalaman ’yon?

“How did—”

“Someone was there watching you back then and he told me everything.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Who?”

“It’s not yet the right time to mention his name. And I knew you know why.”

Kasunod ng mga sinabi ni Aei ay nakita kong lumipat ng puwesto ang dalawang lalaking kanina pa umaaligid sa amin dito at kunwaring nagtitingin ng libro.

Lumapit ako kay Aei at bumulong, “Why did you let them hear everything?” tanong ko.

“Para i-report nila kay Lola lahat—and that I am against of her shitty test. Para matulungan tayo ni Lola kung sino ang may pakana ng lahat ng nangyayari.”

“Matulungan? You must be insane, Aei—”

“Aren’t you familiar with the term, unconsciously helping ?” she replied as she smirked.

She was really a genius.

     

MATAPOS namin maghiwalay ni Aei ay tumuloy na muna ako sa isang fast food—McDonalds to be exact.

Upon entering, naalala ko noong minsan na nagpunta kami rito dahil naglilihi siya at buntis pa ako.

Anak, I really hope that you’re still alive, that you’re with your Dad, and . . . you are Axel Leindeyl.

Pinunasan ko na muna ang ilang butil ng mga luha na tumulo mula sa mga mata ko bago tumungo sa counter at nag order.

Matapos kong mag-order ay naupo ako sa bakanteng lamesa at nagsimulang kumain.

Kanina ko pa nararamdaman na tila may nakamasid sa akin. Mula nang magising ako sa pagkaka-comatose ko ay naging mas matalas na ang pakiramdam ko at hindi ko alam kung epekto ba iyon nang matagal kong pagkakatulog.

Hindi ko na lamang ito pinansin at itinuloy na ang pagkain nang bigla na lamang may humawak sa balikat ko—isang pamilyar na presensya—isang pamilyar na awra na tanging nakakapagbuwag ng aking depensa.

Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali ng hinala. Napakatanga ko naman at hindi ko na isip na maaari nga kaming magkitang muli matapos nang nakaraan naming pagkikita.

“V–Vience.”

I saw him smirked before he grabbed me up and held my right hand.

“As I expected. You only pretended that you don’t know me. Nice try, babe.”

I froze.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hatakin paalis ng lugar na ’yon. Kasabay ng pagtakbo namin ay ang sunod-sunod na putok ng baril na maririnig sa buong mall.

Nanginginig ako. Minsan na akong nag-agaw buhay at hindi ko kayang mawala nang hindi ko nasisiguro kung buhay ba ang anak ko.

“S­–saan tayo pupunta?” tanong ko habang wala kaming tigil sa pagtakbo.

“As you can see, we fucking need to escape first!” tarantang sagot niya.

Hindi ko alam pero tila may nag-udyok sa ’kin na huminto at ginawa ko naman. It’s now or never. This is my only chance.

“Sasama ako sa ’yong takasan ang lahat ng ito, Vience, at magtitiwala akong muli sa ’yo pero kailangan mong sabihin sa akin ang totoo.” Nakita kong kulang na lang ay mapugto ang hininga niya sa kaba sa kakasulyap sa mga nakasunod sa amin pero ito lang ang pagkakataon na mayroon ako. “Anak ko ba si Axel?”

Imbes na sagutin ay muli na lamang niya akong hinatak patungong parking lot, saka niya ako sapilitang ipinasok sa isang sasakyan.

“Bakit ba ayaw mo ’kong sagutin!?” pasigaw at lumuluhang wika ko.

Pinaandar niya nang mabilis ang sasakyan ngunit tila may nakakahabol pa rin sa amin. Pasikot-sikot siyang nagmaneho sa maraming kalsada hanggang sa tila nailigaw na niya ang sumusunod sa amin.

Inihinto niya ang sasakyan at nagulat ako sa sumunod na pangyayari. Hinatak niya ako palapit sa kaniya, saka sinakop ng mga labi niya ang mga labi ko.

I almost responded but gladly I didn’t. I pushed him and slapped him real hard. “I missed you. I fucking missed you, babe.”

“Answer me, Vience! Anak ko ba si Axel!?”

“No, Avrein. He’s not your son.” Gulat at sakit ang bumalatay sa mukha ko sa narinig ko. “He’s our child. Anak natin, Avrein. Anak natin si Axel Leindeyl Freezell– Montealegre .”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Thirty-one

AVREIN

“NASAAN tayo?” tanong ko sa lalaking katabi ko ngayon sa kakahintong kotse.

“Sa taguan ko,” sagot nito saka bumaba sa kotse na siyang nakapag pakunot ng noo ko.

Sumunod naman ako sa kaniya at nakita kong sinususi niya ang pintuan ng payak na bahay na nadatnan namin.

“Ako lang mag-isa rito. Hindi ito alam ng kahit sino—even Danelle and Axel.” Bahagyang may kumirot sa akin sa narinig ko. Ang pangalan ng taong nakasakit sa damdamin ko at ang pangalan ng anak ko ay magkasama sa iisang pangungusap, hindi ko iyon gusto.

Pumasok na siya nang mabuksan ang pintuan. Hindi ako sumunod at nanatili lamang akong nakatayo. Hindi ko alam pero hindi ko mawala sa isip ko na may kasamang ibang babae ang anak ko na dapat ay ako.

Axel Leindeyl Freezell–Montealegre. My son, he’s mine.

Nagulat ako nang may humatak bigla sa kamay ko at nakulong ako sa mga braso nito. “V–Vience—”

“All I can say is I’m sorry. I’m sorry for all the pain. Trust me, Avrein.”

Bigla ko siyang naitulak na kahit ako ay nagulat sa ginawa ko. Kusang gumalaw ang mga paa ko at humakbang patalikod upang mapalayo sa kaniya.

“Never ever mention the word trust, Vience. I’m begging you. Never mention it. The last time I gave you my trust, I got lost—I lose not just myself but everything, even the precious time being with my own child.”

“I have nothing to say but sorry.” Akmang hahawakan niya ako pero umiwas ako.

“My wounds healed and I’m much sure about that, Vience. But my scars? No. There’s still the pain behind every scars of every wound you’ve caused. This pain is still as painful as hell and it gives me strong walls not to give my trust again—not again. Not to the man who broke it not just once, and not just twice, but many times.” I said that straight to his eyes and I saw how painful it was for him.

“Please just for now, be with me. I have to tell you something. Ayokong malagay sa panganib ang buhay mo kaya’t pumasok na tayo,” paliwanag niya, saka na naman siya humakbang palapit sa akin at hinawakan ako—pero this time ay hindi na ako umiwas.

NAGISING ako na tila may humahaplos sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at bigla akong napatayo nang ang nakangiting mukha ni Vience ang mabungaran ko.

“W–What are you doing—”

“You over slept. It’s already two in the morning and you haven’t yet eaten your dinner,” maaliwalas ang mukha na sagot nito sa akin.

Kanina kasing pumasok kami sa taguan niya ay naupo muna ako sa mahabang sofa habang nagluluto siya. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako.

“Tara’t kumain ka na,” wika nito at nagpatiuna na patungong kusina.

Nakarating na kami ng kusina at nagsimula na akong kumain pero titig na titig siya sa akin kaya’t naiilang ako.

“Avrein,” pagtawag nito sa pangalan ko kaya’t nahinto ako sa pagkain at tinaas ang ulo ko.

“What do you want?” malamig na wika ko.

“You,” nakangisi nitong sagot na nakapagbigay kaba sa akin kahit na hindi ko gusto.

“S–shut up! Ano bang problema mo?” inis na bulyaw ko rito pero nanatili pa rin siyang nakangisi.

“You told me a while ago that you don’t want to trust me anymore—that you’re scared of trusting me. But, why does your eyes and actions do the exact opposite of your words?”

I was stunned. My eyes just couldn’t lie.

“You’re imaging things,” anas ko at muli kong binalingan ang pagkain ko na hindi ko matapos tapos dahil sa kaniya.

Hindi ko na siya pinansin at tinapos ang pagkain ko. Kailangan kong magpanggap na hindi ko siya nakikita.

Iniligay ko na ang pinagkainan ko sa lababo at ramdam na ramdam ko pa rin ang pagsunod ng mga tingin niya sa akin. Nakakailang nang sobra!

Hinuhugasan kong kasalukuyan ang mga pinggan na ginamit ko nang maramdaman kong tumayo siya, at napapiksi na lamang ako nang may mga braso na pumalibot sa baywang ko.

“Avrien Laiclei Freezell . . .” pagtawag nito sa akin. “. . . Montealegre.”

“Vience anong ginagawa—”

“D–Damn me for hurting you. Damn me for letting you go. Missing you almost got me insane.” aniya, saka ko naramdaman ang marahan na paghawi niya ng nakabagsak kong buhok papunta sa kanan kong balikat.

Gumapang ang kilabot sa buo kong pagkatao nang kintalan niya ng bining halik ang kaliwang bahagi ng batok ko na.

“Vience—”

“I’m sorry for what I did—for what I’ve done. I’m sorry.”

Pumihit ako paharap sa kaniya dahil iyon ang iniuutos ng puso ko na gawin ko.

“D–do you really love me or is this another part of your game?” Basta’t kusa na lamang lumabas ang mga salitang iyan sa mga labi ko.

Ngumiti muna siya, saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

“No.” Parang gusto ko siyang itulak sa narinig ko ngunit bigla na lamang niya akong kinintalan ng halik sa mga labi ko at saka nginitian. “I don’t just love you—that’s an understatement. I’m so much in love with you. I love you the way no one else can do even after all these years, but my way of loving you resulted to our suffering and that’s what I am truly sorry about. Mali ang mga naging desisyon ko, at ang naging paraan ng pagprotekta at pagmamahal ko sa ’yo. We both ended up hurting and suffering.”

Hindi ko alam pero wala akong mahanap na sasabihin kaya’t kinabig ko na lamang siya, saka niyakap.

“Avrein, do you want me to explain everything that happened to you now?” he whispered.

Bahagya akong tumango sa habang nakayakap pa rin sa kaniya.

Maling-mali na magpadala na naman ako sa mga salita niya nang hindi ko pa pinakikinggan ang mga paliwanag niya, pero gusto kong ibigay sa kaniya ang pagkakataon na ito. Ito na lang ang huli kong kayang ibigay sa kaniyang tsansa sa ngalan ng pagmamahal ko sa anak ko, at sa pagpapalaki niyang ginawa kay Axel nang wala ako. Para sa anak ko . . . makikinig at iintindi ako.

Naiintindihan ko na ngayon ang maraming ina na handang tiisin at intindihin lahat para sa anak dahil ganoon ang nararamdaman ko sa mga oras na ’to. Handa kong isugal lahat para sa anak ko.

Kumawala ako sa kaniya at doon ko na sinimulan na iulan sa kaniya ang mga katanungan ko. “Bakit nga ba kailangan mo pang magtago? Bakit kailangan mo pang patagong gawin ang mga bagay? Bakit kailangan mo pang ilayo si Axel sa akin?” seryoso kong tanong sa kaniya.

Mula nang mangyari ang pagpapaulan ng bala ng baril kahapon, tuluyan kong napagtanto na nasa panganib nga ang mga buhay naming at totoong malaya pa ang salarin sa lahat ng kaguluhan na nagaganap—na hindi talaga si Denly ang may sala at pakana.

“I’m not hiding for my own sake—it’s for you and Axel’s safety. I don’t want to risk if it’s for you and Axel.” Bahagya niyang naitikom ang mga kamao niya at yumuko siya.

“Vience—”

“I don’t want to ruin your peaceful life kaya’t kahit may pagkakataon ako na puntahan ka at ipaliwanag sa ’yo ang lahat ng nangyayari ay hindi ko ginawa. Kahit na mabaliw na ako sa sobrang pangungulila, I still didn’t grab the fucking opportunity. I’m fucking scared for what might happen if I show myself in front you. Takot ako, Avrein. Takot ako hindi para sa sarili ko, kundi para sa inyo ng anak natin.” Ramdam na ramdam ko ang hinanakit ng bawat salitang binitiwan niya.

“Wala ka bang tiwala sa ’kin? Hindi mo ba naisip na baka kaya ko namang pangalagaan ang sarili ko?” I asked.

Napapiksi ako nang bigla na lamang niya akong titigan. Isang seryosong tingin na kikilabutan lahat ng makakakita. Hindi ako makagalaw.

Bigla na lamang niya akong hinatak, saka niyakap nang mahigpit. “No, Avrein. I’m afraid of the chance that you might get hurt physically again. I’m fucking scared to death that you might get hurt again just because of me. You just don’t know how this feeling sucks. I feel so damn useless for not being able to protect you.” Doon ko na lamang naramdaman na nababasa na ang manggas ng suot kong damit.

“I didn’t get hurt physically, Vience. But for the past three years of my life, I’m emotionally suffering.”

Mas lalo pang humigpit ag yakap niya ngunit sapat na para makahinga ako. Sa tipo ng yakap niya, pakiramdam ko ay sobrang ligtas na ligtas ako. “Sorry that I chose your safety over you. I didn’t mean it that way. I love you, but your safety is my top priority.”

Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin. Nakayuko pa rin siya kaya’t iniangat ko ang ulo niya upang magtama ang mga mata namin.

“I’m not weak, if that’s what you think. Every time you make a decision, always ask for my consent. Don’t decide for my own good because I’m much capable of deciding for myself. Hindi kita bibigyan ng isa, dalawa, tatlo o apat na pagkakataon na makasama ako kung hindi ko kayang desisyonan ang sarili ko. I’m naïve but I’m not that fragile. I may be innocent but I knew how to deal with my life. It’s my life by the way.”

“Sorry.”

“Sorry will never be enough. Alam kong alam mo ’yan, pero nagpapasalamat ako sa pagmamahal at pag-aaruga mo sa anak ko kaya’t narito ako. Masyado ko siyang mahal para hindi bigyan ng isa pang pagkakataon ang taong naging sandalan niya nang mga panahon na wala ako.”

“Thank you, Avrein. Thank you so much.”

“All I want this time is to savor the moment. I want you to trust me the same way as I do to you. Trust me. Trust my strength, Vience, for Axel is my greatest strength. Mahal na mahal ko ang anak ko at alam kong ganoon ka rin. Aaminin ko rin na hindi nagbago ang pagmamahal ko sa ’yo sa paglipas ng mga taon pero nasasaktan pa rin ako. Sa ngayon pagkatiwalaan mo lang muna ako. Kakayanin ko ang lahat para sa inyo ng anak ko.”

“I will. I promise.”

“Are we—”

“Someone is coming here tomorrow. We will all explain to you what happened after the accident.”

NAGISING ako na parang may mainit na buga ng hangin sa leeg ko. Paglingon ko, nakita ko si Vience na tulog na tulog habang nakadantay sa akin ang binti niya at nakayakap naman ang kamay niya sa baywang ko tapos ang mukha niya ay nakasiksik sa leeg ko.

Ginising ko siya at agad naman siyang tuminag na animo ba ay sanay na siyang ginigising nang biglaan.

“Sa ’yo pala nagmana ang anak natin,” aniya habang nagpupunas ng mukha.

“Ganito ka rin niya kung gisingin—”

“He won’t stop until I cook breakfast for him.” Naninibugho ako na malaman na ganoon ang anak ko sa ama niya na ni minsan ay hindi ko pa naranasan.

“Nasaan siya ngayon, Vience? Ayos lang ba—”

“Don’t think too much. Axel is fine. Kaka-text lang sa akin ng isa sa mga nag-aalalaga sa kaniya.”

“What do you mean?” tanong ko.

“Walang kami ni Denelle, Avrein. Hindi rin kami nagsasama at mas lalong wala kaming relasyon. Nataon lang na nang makita mo kami sa mall ay kasama namin siya ni Axel.”

“Bakit Mommy—”

“Si Denelle ang nag-utos n’on kay Axel. Nagsumbong nga sa ’kin si Axel na binantaan daw siya ni Denelle na kapag hindi niya Raw tinawag na Mommy ni Denelle ay papaluin siya nito.”

“Anong ginawa mo!?” Bahagyang napataas ang boses ko.

“Pinagsabihan ko si Denelle pero ang sabi niya sa akin ay hindi naman daw niya talaga gustong gawin ’yon. Sinabi niya lang daw ’yon para mapasunod niya ang anak natin. I told you, he’s hard-headed.”

“Naniwala ka ba?”

“No. She’s desperate.”

“Ano’ng ibig mong sabihin—”

“Bumaba na tayo,” putol niya sa akin, saka hinapit ang baywang ko at magkapanabay kaming lumabas ng kuwarto.

Saktong pagkalabas ko ay nadatnan ko si Fria na nakaupo sa sofa at hindi siya nag-iisa.

Tila nanlamig ang buong katawan ko nadatnan ko.

“Why?” dinig kong tanong ni Vience sa akin ngunit hindi ko siya nasagot. Sa halip ay binalingan niya ang tinitingnan ko.

“Good morning for the both of you,” bati nito sa malamig at puno ng kasarkatikuhan na tono.

Unang nakabawi si Vience nang pagkabigla. “Lola Cassandra.”

M A Y O R A

I C E  _ F R E E Z E

Comment kayo, para lalabas ko agad ibang chaps. HAHAHAHAHA!

Thirty-two

AVREIN

HINAWAKAN ni Vience ang kanang kamay ko nang sobrang higpit na tila hindi niya ako hahayaan mawala o makuha man lang ng iba mula sa kaniya.

Inakay niya ako hanggang sa makaupo kami sa kaharap na upuan na inuupuan ni Lola Cassy at Fria. Hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko kay Fria. Gulat ang gumuhit sa mukha ko nang makita ko siyang ngumiti nang kakaloko. Anong ibig sabihin nito?

“So anong ginawa ng masunurin kong apo sa taguan ng isang Montealegre?” kaswal na wika nito ngunit kababakasan mo talaga ng tigas ang bawat salita niya.

“L–Lola—”

“Yes, Laiclei? Are you saying something?”

Naiintimida ako sa klase ng tingin na ibinibigay ni Lola. Tila kase hinahalukay niya ang bawat letreng iniisip ko. Kung matalas ang pakiramdam ko o mas matalas ang pakiramdam ni Aeickel, believe me, hindi mo gugustuhing malaman kung gaano katalas ang pakiramdam ni Lola Cassandra.

Yumuko muna ako at pinagmasdan ang mga kamay ni Vience na sinakop ang kanan kong kamay bago nagsalita. “Why are you doing this to me? What for, Lola? I don’t really get your point.”

Imbes na sagot, isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko na tila nakapagpamanhid ng kanang pisngi ko. Naramdaman kong biglang binitiwan ni Vience ang kamay ko at tumayo sa harap ko na tila hinaharangan niya si Lola Cassandra.

“Ginagalang ko po kayo pero hindi tama na saktan n’yo si Avrein!” Ramdam kong pinipigilan niya ang pagtaas ng boses niya dahil si Lola Cassandra ang kaharap niya.

“Who do you think you are for me to listen, Montealegre? Let’s not talk about the pain Laiclei got after I slapped her. Why don’t we talk on how you made her life miserable? Pipigilan mo akong saktan ang sarili kong apo pero ikaw mismo na lalaking mahal niya hindi lang iisang beses siya sadyang sinaktan!? Oh come on, Montealegre. Don’t play with me.” I was shocked. She said that without any hesitation at sinundan niya pa ito ng nakakatakot na tawa niya.

“I’m not playing with you, Madam Cassandra. I knew how I made your granddaughter’s life miserable as hell and I already asked for her forgiveness,” matatag na sagot ni Vience ngunit ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa tinig nito.

“Forgiveness? Do you really think that she can easily forgive you for what you have done? She’s too naive but she can’t easily forget—”

“I can, Lola. I can because I love him and I love our son.” Alam kong mali na pinutol ko ang sinasabi niya, pero hindi ko lang kasi maaatim na iniisip niyang hindi ko kayang magpatawad.

“You love him so much that you even forget how to love yourself first. You’re too impossible, Avrein. I knew that you are innocent, but I never knew that you are this stupid.” Her words were full of sarcasm.

“She’s not stupid, Madam. Nagmamahal lang po ang apo n’yo.” Lahat kami ay nagulat nang biglang magsalita si Fria.

I thought hindi namin siya kakampi? Matapos ang nakita kong kalse ng ngiti niya sa akin kanina.

“Love should not be like this. Love shouldn’t be full of stupidity,” sagot ni Lola sa kaniya.

Hindi ko pa naa-absorb lahat ng narinig ko ngayon ay hinawakan bigla ni Lola ang pupulsuhan ko at iginiya ako patayo. “Lola—”

“You’re coming with me, Laiclei.” Hinatak ako nito palabas. “Tayo na, Fria.”

Saktong palabas na sana kami ng pinto nang magsalita si Vience. “I’m sorry.” Wala sa sariling nilingon ko siya at ganoon na lamang ang gulat ko dahil natagpuan ko siyang nakaluhod. “I’m sorry, Madam. I’m sorry.”

“Vience. . . .” He seemed so hopeless.

“I’m sorry for not taking care of her. I’m sorry for dragging her inside my fucked up life. I’m sorry for letting her go. I’m sorry for not choosing her. I’m sorry for being screwed up. I’m sorry for being too cowardly but . . . I will never be sorry for loving her. I will never be sorry if I got her pregnant. I will never be sorry for having Axel in our life.” He’s crying out loud and it pained me seeing him at this state. “You can take everything away from me. I can stay at this place forever with her and Axel if it’s for their safety. Just please don’t take her away from me . . . not again.”

Naramdaman ko ang pagharap ni Lola sa kaniya. “I gave you the chance, I gave you the choice, but you chose not to take the chance and took the wrong choice, Montealegre.” I saw how Lola’s word affected Vience’s expression. There was this expression that I’d never seen from him even before— too much regret.

“I took that choice not because I wanted to, but because I had to. I didn’t take the chance not because I wanted to, but because I needed to,” sagot niya nang hindi pa rin tumatayo mula sa pagkakaluhod.

Gulantang ang buo kong pagkatao nang humakbang palapit sa kaniya si Lola at huminto sa harap niya. “I’m sorry, Montealegre, but I also chose not to give Laiclei back to you. We’re going.”

Hindi siya umalis sa pagkakaluhod ngunit patuloy kong naririnig ang panaghoy niya. “I won’t let you bring her. I already lost her thrice and I won’t let that happen again. God! I’m begging you, Madam Cassandra. I’m begging you . . . let me love her. I can’t promise that I will never hurt her, but I will try my best not to. Just please don’t take her away from me. I need her . . . our son needs her. I’m begging you.”

Walang tigil sa paglandas ang mga luha ko sa mga narinig ko. The arrogant Vience Kent Montealegre was here, kneeling in front of my grandmother and begging her not to take me away from him.

Akmang pupuntahan ko na si Vience ngunit may pumigil sa braso ko. “F–Fria?” I saw her looking at me and gave me an assuring smile. Her smile was telling me to be more patient—to wait for more.

“Don’t you get it, Madam? I love Avrein. I love her more than myself.”

Literal akong napanganga nang itinayo siya ni Lola. “Stupid,” bulong pa ni Lola sa kaniya nang makatayo na siya.

“Are not taking her—”

Ngunit pinutol ni Lola ang sinasabi niya. “I gave you the chance to fight for her pero mas pinili mo ang kaligtasan niya. Now tell me, are you worthy for her? Do you even deserve my dearest Laiclei?” malumanay na tanong ni Lola. Anong nangyayari!?

Lumapit sa akin si Fria at bumulong. “Hear this, Avy. This is the reason kung bakit nawala bigla sa buhay mo si Sir Vience.”

Muli kong ibinaling ang mga mata ko kay Vience na ngayon ay nakayuko sa harap ng Lola ko.

“I don’t deserve her. I knew that. I don’t deserve even a single strand of her hair or even a single tear from her. I just simply don’t deserve any of her, but not because I don’t deserve her, I don’t have the right to be with her, because she’s my life, Madam. It may be too late to analyze, but she’s my goddamn life! I chose her safety not because I don’t want to be with her. I chose her safety over her simply because . . . she’s my life—my entirety. Mas titiisin ko na hindi ko siya nakikita at nakakasama kaysa kasama ko siya pero nanganganib naman ang buhay niya.”

“Kaya ka nawalang bigla—”

“And you did choose that wrong choice, man. Pinatunayan mo sa akin na mahina ka—na ni katiting ng apo ko ay hindi dapat ibigay sa ’yo. Maling-mali na pinili mo ang kaligtasan niya kaysa sa kaniya. Alam mo kung bakit? Ipinakita mo lang na wala kang tiwala sa kaniya—na wala kang tiwala sa mga bagay na kaya niyang gawin para sa ’yo. Ang dami niyang isinakripisyo, iniwan, at ibinigay para sa ’yo, pero anong sinukli mo? You didn’t trust her. Inisip mo na mas ikabubuti niya ang pag-iwan mo.”

“Lola. . . .” pagtawag ko rito dahil ngayon ko lang narinig na tila nanginginig ang boses ng Lola ko.

“The real thing here is . . . love conquers everything. As long as you’re with someone you really love, you don’t have to be brave nor strong, dahil ang lakas n’yo ay ang bawat isa. Ang kakapitan n’yo ay walang iba kung hindi ang bawat isa. Binigyan kita ng pagsubok kung pipiliin mo pa rin bang makasama ang apo ko kahit na alam mong nanganganib ang buhay niya kasama ka, and I was really disappointed nang sabihin mong isusuko mo na siya. Aren’t you man enough to protect her? Ganoon ka ba kahina?”

“I’m sorry,” dinig kong bulong ni Vience.

“Man, trust her weakness and strength. That way, I will let you be with her.” Tila naman nagliwanag ang mukha ko at ni Vience sa narinig namin.

Tumakbo na ako palapit kay Lola at niyakap siya nang mahigpit. “Lola. . . .”

Naramdaman ko ang paghaplos ng Lola ko sa buhok ko habang nakayakap ako sa kaniya. “Laiclei, don’t you dare think that I did this to hurt you. Three years passed and I was just watching the both of you. You stayed inside your shell because of the pain and he didn’t even think of pulling you out. I didn’t mean to take away the man you love the most and your son while you were in coma, but that was the only way I could ever think to make him realize your worth. It may seem wrong for you, but it was the only way for me to secure a future with no more regrets for you. I just want the best for you kaya ginagawa ko ito. I have to give the test for him to prove that he’s worthy of your love and I knew I did the right thing. So hush now, Laiclei, everything’s gonna be alright. I hope you both learned your lesson here.”

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Lola at hinalikan siya sa noo, saka ako bumaling kay Vience. “Heard that Vience? All you need to do is to trust me. My weakness and my strength—”

And before I could finish what I was about to say ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakakulong sa mga bisig niya. “I will. I promise. God! I love you so much.”

“As for the person who is trying to kill the both of you, I will help Aeickel in helping you.”

MAGKATABI kami ngayon sa sofa dahil katatapos lang namin maghapunan na dalawa.

I wanted to see my son.

“Noong manganak ka, pinapili ako ng Lola mo kung ang kaligtasan mo ba at ang anak natin o ikaw ang pipiliin ko. She left with that two damn choice kaya’t mas pinili ko ang una. Ibinigay niya rin marahil si Axel sa akin dahil alam niyang si Axel na lang ang mayroon ako para makapagpatuloy. Naiintindihan ko na kasi siya ngayon. Gusto niya na laging pinaglalaban ang pagmamahal mo sa isang tao.”

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. I no longer care about anything. I just wanted to see my son.

“Alam mo bang naikuwento sa akin ni Fria na ginawa niya rin pala ito roon sa mag-asawang Mondragon. And look at them now, pareho na silang matatag at may tiwala sa isa’t isa.”

“Sinubok sila ni Lola sa pera, tayo naman ay sinubok niya sa kaligtasan. I’m now wondering kung anong pagsubok ang gagawin niya sa tatlo ko pang pinsan na natitira?” I asked knowing that I’m actually asking it to myself.

“Alam mo naman sa sarili mo na maganda naman ang hangarin ng Lola mo.”

“But will those tests be as painful as mine?”

Hindi na nakasagot si Vience dahil biglang may kumatok at hindi ko alam kung bakit biglang kumabog nang malala ang dibdib ko.

“Sino ’yon?” tanong ko.

“I think they’re here,” aniya at tinungo ang pinto.

“DADDY!”

Tila huminto ang pagtibok ng puso ko at ang pag-ikot ng mundo ko sa tinig na ’yon. Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko hanggang sa tuluyan nang makapasok ang mga panauhin.

“Aeickel, Leyvance, A–Axel.” I whispered.

“Wow! Miss Sexy Gorgeous Lady, you’re here.” At sa gulat ko ay bigla na lamang tumakbo palapit sa akin si Axel, saka kumandong at hinalikan ako sa pisngi. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako agad nakahuma sa nangyari. “Am I really that handsome that made Miss Sexy Gorgeous Lady a living fridge?”

“Axel, get off!” sigaw sa kaniya ni Vience.

“No! I already kissed her, Daddy, so she’s mine now. You told me that whenever I want to own a girl, all I need to do is to kiss her!” ganting sigaw niya.

Biglang nag-sink in sa akin ang sinabi ni Axel kaya’t napatingin tuloy ako kay Vience nang masama. Ginantihan niya naman ako ng awkward na ngiti at pagkakamot sa ulo.

“A–Axel.” Why do I need to stutter?

“Are you nervous, Miss Sexy Gorgeous Lady?” Hinakawan pa ng maliliit niyang kamay ang magkabila kong pisngi. “Don’t be, okay? I will always be here for you.”

“Axel, get off your Mom now!” Bigla namang natigilan si Axel sa paghaplos sa magkabila kong pisngi at lumingon kay Vience.

“Mom?” maluha-luhang tanong niya kay Vience.

“Yeah,” cool na sagot ni Vience.

Bigla na lamang bumaba si Axel mula sa akin at hinarap ang Daddy niya, saka ito pinagsusuntok sa tuhod. “You’re lying! She’s not my Mom! She’s not my Mom!”

Tila naman gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Sa lahat yata ng pinagdaanan ko ay ito na yata ang pinamasakit na nangyari sakin. Ang sakit na hindi ka tanggapin ng sarili mong anak bilang kaniyang ina.

Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Nakakatawang isipin, hanggang kailan ba ’ko iiyak?

Pupunasan ko na dapat ang mga luha ko nang may maliliit na kamay ang nagpunas nito. “Stop crying, Miss Sexy Gorgeous Lady. I might cry too, “ ani Axel na siyang nagpunas ng mga luha ko..

Hindi ko mapigilang magtaka sa inaasta niya kaya’t napatingin ako sa gawi ni Vience na nagpipigil ng tawa.

Anong tinatawa niya? Samantalang itong anak namin ay ayaw akong tanggapin!

“You can’t be my Mom, because you’re my girlfriend. I can never accept that my girlfriend is my own Mom. That’s bad!” ani Axel na may kasamang tantrums

“You see, Avrein? I told you he’s hard-headed. He doesn’t want you to be his mom just because he already kissed you, and you’re already his self proclaimed girlfriend,” natatawang sabi ni Vience.

I don’t get it? Hindi niya ako dine-deny? Ayaw niya lang akong maging ina dahil girlfriend ang turing niya sa akin?

Naupo na sina Leyvance at Aeickel sa sofa na katapat ko. Habang si Axel naman ay walang tigil sa kaka-tantrums.

“I have a very bright idea, Daddy. Momma can be my girlfriend and my Mom at the same time, right?” ani Axel na muling kumandong sa akin. Tumango naman si Vience rito. “So that’s already settled. You’re my Momma slash my Girlfriend. I love you, Momma Girlfriend.” Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko.

First kiss, and first hug from my son. I didn’t know that it would make me feel like this.

Bigla siyang nilayo ni Vience at kinarga. Nagprotesta naman si Axel at parang iyon din ang gusto kong gawin. “She’s your Momma Girlfriend but she’s still mine, buddy. She’s mine and I don’t share.”

“You’re selfish!”

Nagtawanan na lamang kami sa inasta ni Axel, but not Aeickel.

“Daddy, my tita Aei is too creepy but she’s still beautiful, while tita Vance is too gorgeous. Are they really my Momma Girlfriend’s cousins?”

“Yes, anak. Akyat ka muna, ha? May mga toys doon na binili ko para sa ’yo. Mag-uusap lang kami,” pag-aalo ni Vience kay Axel. Kuminang naman agad ang mga mata ni Axel at nagkukumahog na umakyat sa kuwarto.

“Ate Avrein,” pukaw ni Vance sa atensyon ko.

Naupo si Vience sa tabi ko kaya’t katapat na namin ngayon sina Vance at Aei.

“Noon ko pang alam na set up lamang ang nangyari kay Denelle at Vience nang gabing maaksidente ka. I saw how Denelle took Vience in a hotel while he was drugged. He was unconscious. He doesn’t know anything,” may panginginig na turan ni Vance sa akin. “I remained silent because I didn’t know whom to share such information and you were in coma. I should’ve done better, I’m sorry.”

“It’s not your fault, Vance.”

“Tama pala ang alaala ko. Hindi pala ako talaga lasing noon. Nilagyan talaga ni Denelle ng pampatulog ang inumin ko. Kaya pala noong pagbukas ng mata ko ay pakiramdam ko kagigising ko lang at nabungaran ko si Avrein sa may pinto.”

“I got a lead. May suspek na ako kung sinong nagtatangka sa buhay ni kuya Vience at maging sa buhay mo ate Avrein,” agaw ng atensiyon namin ni Aeickel.

“Sino?”

“Eirin Alexa Buenafrancia, and Luis Almeda.”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Thirty-three

AVREIN

NAKABALIK na kami sa lungsod. Narito kami ngayon sa kompanya ni Vience at pagpasok namin ng opisina ay bahagya akong nagulat sa bumungad sa amin.

“Lolo! Auntie Vienna! Uncle Viennard!” excited na sigaw ni Axel nang mabungaran namin ang pamilya ng Daddy niya.

“Apo, ang laki-laki mo na,” bati ni Sir Vic kay Axel.

“Lolo, I’m no longer a little. Look oh, I already have my Momma Girlfriend.” Sabay turo sa akin ng anak ko habang nakangiti at tila proud na proud siya.

“No, bro. That woman is mine,” singit naman ni Viennard at saka pumunta sa gawi ko. Grabe, malaki-laki na rin ang ipinagbago nila ni Vienna.

“You’re a liar, Uncle! She’s my Momma Girlfriend!” Mukhang malapit nang mag-tantrums si Axel.

Nginisian lang siya ni Viennard habang kami naman ay nag-e-enjoy lang sa ginagawa ng mag-tito.

Bigla na lamang akong hinatak ni Viennard dahil halos kasing laki ko na siya at akmang hahalikan sa pisngi nang may humatak sa kaniya palayo.

“You can tease my son but not me. Off limits, dude,” banta ni Vience sa mababang tono.

“Sus! Seloso,” dinig kong tumatawang bulong ni Vienna.

“Nandito lang naman kaming tatlo para salubungin kayo and also to make sure na safe kayong nakarating dito,” panimula ni Sir Vic nang makaupo na kami sa sofa.

“We’re fine, Dad. I told you, I can take care of my family,” kumpiyansang sagot naman ni Vience dito.

“Mawalang galang na po, Sir Vic, my cousin Aeickel has a lead na maaaring sina Eirin at Luis—”

Naputol muli ang sasabihin ko nang makarinig kami ng katok sa pinto. Tumayo naman si Vienna at siya na ang nagbukas nito.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Vienna sa taong nasa likod ng pinto at kung paano ito tila kumorteng puso.

“OH MY GOSH, DADDY! THERE’S A HANDSOME GUY HERE! HE’S SUPER DUPER HANDSOME!” impit na tili at sigaw ni Vienna, saka pa ipinapaypay-paypay pa ang mga kamay sa sarili.

“Vienna Keyla!” sita naman ni Vience rito.

“He’s just so guwapo! Guwapo pa sa ’yo!”

“Sino ba ’yan!?” tila naiirita namang tanong ni Viennard.

“I don’t know, but his eyes were like ate Avrein’s eyes.”

Bigla naman tila gusto kong bumunghalit ng tawa sa narinig kong isinagot ni Vienna. Isa lang naman kasi ang naiisip kong guwapo na kamata ko bukod sa anak ko, kina Ayce at Ayler.

“It’s me. Huwag mo nang pigilan ang tawa mo.” Sakto namang pagpasok ni Aeickel na may blangkong mukha.

“Tita Aei!” sigaw muli ni Axel at tumakbo kay Aeickel.

“TITA!?” halos magkasabay na wika ng kambal.

“What the fuck? Is he gay?”

“This can’t be happening! He’s too masculine to be a gay!”

Natatawa talaga ako sa pagbubulungan ng dalawang ito.

“She’s a she and she’s Aeickel Lavria Freezell, Avrein’s second youngest cousin,” pakilala naman ni Vience rito.

“Nice to meet you all.” Yumuko pa nang bahagya si Aei na tanda ng paggalang. “Kaya lang naman ako narito ay para ibigay sa inyo ’to.” Iniabot niya kay Vience ang isang folder. “At first, I was really thinking kung bakit lahat halos ng lead ko ay itinuturo ako sa pagkakasangkot nina Luis at Eirin, but then this thought came in my mind—bakit kailangan na sa kanila patungkol lahat ng lead?”

“If you’re a true suspect, ilalayo mo ang atensiyon ng tao sa ’yo at hindi ka gagawa ng bagay o pruweba ng magtuturo patungo sa ’yo,” anang ama ni Vience.

“Can you please drop the main idea? I’m not smart enough,” ani Vienna.

“Maaaring frame up lamang ang nangyayari kay Eirin at Luis. Wala nga tayong ebidensya kung buhay pa talaga si Eirin. And as for Luis, ilang araw ko na siyang pinababantayan at wala namang kaduda-duda tungkol sa kaniya,” sagot ni Aeickel.

“So does this mean na may iba pang sangkot at meron pang ibang tao na gusto talagang pumatay sa akin o sa amin—”

“Sa ’yo lang, Vience,” putol ni Aeickel sa sinasabi nito. “We all know that you have all the traits and faults para gustuhing patayin ng tao. Lalo na kung tungkol ito sa isa sa mga naging babae mo.”

Natahimik naman si Vience sa sinabi ni Aei.

“So anong laman ng folder na ’to?” tanong ko.

“Nandiyan lahat ng profile na maaaring siya talagang may kinalaman sa lahat ng nangyayari dito,” sagot niya.

Kung gagawa ka ba ng kasalanan ay gagawa ka ba ng dahilan para mahuli ka?

KANINA pa kami nagdidiskusyunan ni Vience rito tungkol sa mga profile na binigay ni Aeickel. Halos lahat kasi ng laman ng folder ay hindi naman namin kakilala.

“I don’t fucking know even a single person from this goddamn folder!” iritadong wika nito.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harap niya at tumayo sa likod niya, saka hinilot ang sentido niya.

“Daddy is cussing again, Momma Girlfriend. His mouth is dirty,” busangot na sabi ni Axel matapos marinig ang sinabi ng Daddy niya.

“Don’t mind him, son. He’s just too frustrated. Aren’t you hungry?”

“I am, Momma Girlfriend.”

“We have to review all of this. I’ll just call someone to accompany Axel,” seryosong anas Vience sa akin kaya’t hinayaan ko na lamang siya.

May d-in-ial siya sa intercom at ilang minuto lang ang nakalipas ay may narinig na kaming pagkatok sa pinto.

“Come in.”

Iniluwa ng pintuan sina Audrey at Ryan. Sa nagdaang tatlong taon ay ganoon pa rin naman silang dalawa. Kapwa makakapal pa rin naman ang mga make up nila. Baklang-bakla na talaga ang dating ni Ryan.

Ngumiti sila sa akin kaya’t ginantihan ko rin sila ng ngiti.

“I thought si Mia ang aakyat—”

“Inutusan po kasi kami ni Ma’am Mia na kami na lang daw po ang sumama kay Sir Axel,” sagot naman ni Audrey.

“Sige. Bumili lang kayo ng makakain na gusto ng anak ko, then ibalik n’yo rin siya agad dito,” paliwanag ni Vience na ikinatango ng dalawa.

Nang makalabas na ang mga ito ay nagulat na lamang ako nang iikot ni Vience ang upuan niya paharap sa akin, saka niya ako hinatak pakandong sa kaniya.

“Kanina pa kita gustong-gustong masolo. Mabuti na lamang talaga at nagutom si Axel.”

“The day of my accident, why are you with Denelle?” Nakita kong nagulat siya sa itinanong ko sa kaniya na kasabay ng paglalambing niya.

Inilayo niya ako sa kaniya at inalalayan na umupo sa upuan na kanina ay inuupuan niya.

“Remember while we were still at Montralegre’s ranch? Hindi ba’t madalas ay umaalis ako at gabi na kung umuuwi? I’m with Denelle.”

“W–why do you have to be with her?” utal kong tanong dito.

“Because aside from Denley, Denelle knew all the doctors I met for my sperm check up.”

“Go on.”

“I had to be with her. That was what she wanted in exchange of all the information about all the doctors. Pero hindi ko naisip na ginagamit niya lang ’yon para makuha akong muli. Remember the night nang sinabi ko sa ’yo na may isang babaeng sumira ng buhay ko? It was Denelle. The day she left me, isinampal niya sa akin ang katotohanan na hindi ako maaaring magka-anak kaya’t iiwan niya ako.”

I knew at this moment, confusion was written all over my face.

“W–what?”

“Sa gabi-gabing pakikipagkita ko sa kaniya, nalaman ko na pakana lamang niya pala ang lahat—na gawa-gawa lamang nila ang impormasyon na baog ako. Ginawa niya lamang iyon upang makalaya sa ’kin. She had an affair with her co model while she was in a relationship with me. Aksidente niyang nasabi ang mga ’yan nang minsang malasing siya. All those times, I really thought that she was an angel while Denley was a devil. Pero nagkamali ako, labas lang talaga ang ugali ni Denley samantalang ang kay Denelle ay nakatago.”

“Kung nalaman mo na pala na ganoon ang ugali ni Denelle, bakit hinayaan mong makalapit siya sa inyo ni Axel?

“Hinayaan ko lang siyang makalapit sa amin ni Axel dahil ginamit ko ang pagiging desperada niya. Siya ang nagpakulong sa sarili niyang kapatid, Avrein, para lang mapatunayan niya sa akin ang hangarin niyang makipagbalikan. Siya ang mismong nagturo kay Denley bilang suspek, pero alam ko na hindi siya o si Denley ang bumangga sa ’yo. I and Aeickel are still working on that.”

“How could you be so sure?”

“She may have the capability to hurt someone but she’s not capable of killing. That night when you saw me lying on that goddamn bed, she told me everything—that she manipulated everything since the beginning of her comeback. She also told me that she’s a bitch and she’s willing to do some everything just to have me back, and that was where I lost my consciousness.”

Siguro tinutukoy niyang nawalan siya ng malay ay noong nadatnan ko siya na nakapikit habang nakapatong si Denelle sa kaniya.

“S–si Eirin, minahal mo ba siya?” utal na tanong ko.

“Yes I did, but not as much as I love you,” nakangiting tugon nito sa akin. “My love for you exceeded the word love itself.”

Hindi ko namalayan na natamaan ko pala ang folder na binigay ni Aeickel kaya’t sumabog sa sahig ang mga papel na nakalagay rito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang madaanan ko ng tingin ang dalawang papel.

Audrey Rose Ermita and Ryan Llaminero.

“Vience!” pagtawag ko sa kaniya kaya’t nabaling ang atensyon niya sa tinitignan ko.

“Shit!”

Hindi makapal ang make up nila at si Ryan naman ay lalakeng-lalake. “N–naalala mo ba nang dalhin mo ako sa rooftop dahil may period ako? Pinag-stay mo ako roon dahil bumili ka ng pad at isusuot ko.”

“Yeah?”

“May narinig akong nag-uusap noon doon. At ngayon na naaalala ko na, boses nga iyon ni Audrey at lalaking boses naman ni Ryan.”

“I also remembered na noong babalikan na kita sa rooftop ay nakasalubong ko rin sila noon at nag-good morming pa sa akin.”

“Pero—”

“Damn it! Axel is with those two bastards!”

Tila nag-panic ang buo kong pagkatao sa narinig ko. Ang anak ko . . . hindi puwede.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Vience sa pulso ko at namalayan ko na lamang na hinahatak niya ako at may kinokontak siya sa telepono niya.

“Security alert. Wala kayong palalabasin ng building, lalo na sina Ermita at Llaminero—WHAT !?”

Tila kinabahan ako sa reaksyon ni Vience mula sa sinabi ng kausap niya sa telepono. Mas lalo pa akong kinabahan nang huminto kami sa pagtakbo.

“T–they got Axel. Nakaalis na sila.”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Pangit mag-comment ng iba. HAHAHAHA. Puro “bitin”, “baka naman gusto mo na pong ilabas next chap”, “next na agad, ang tagal”. WOW. HAHAHAHAHA. Mute ko gaganito. 😉

Thirty-four

AVREIN

“AVREIN!”

Kasunod ng pagtawag sa pangalan ko ay siya namang pagdapo ng isang malakas na sampal sa pisngi ko. “Come back to your senses! Hindi natin kailangan sa ngayon iyang pag-iyak mo! We need to think kung nasaan nila dinala ang anak mo!” sigaw ni Fria sa akin ngunit nanatili lamang akong tahimik.

Hindi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.

“Hindi n’yo ako naiintindihan,” bulong ko. “HINDI N’YO NAKUKUHA NA NGAYON KO LANG ULIT NAKASAMA AANG ANAK KO PERO BIGLA NA NAMAN SIYANG INAGAW SA AKIN! ANO BANG NAGAWA KONG MALI?”

I never imagined that I could cry like this.

I felt the arms that wrapped around me. “I’ll do everything to save our son, I promise.”

“Hindi ko kayang mawala muli sa akin ang anak ko. Ikakamatay ko.”

“I know. You just have to trust me,.”

Naputol ang eksena namin nang humahangos na pumasok si Kuya Claw. “I’m sorry. Natraffic ako sa paghahatid kina Ayler at Ayce sa Isla Cassandra,” anito at tumabi kay Ate Aiyie.

Narito kami ngayon sa opisina. Ako, si Vience, Aeickel, Fria, Daddy Vic, Lola Cass, Daddy , Mommy, Kuya Claw, Ate Aiyell, Vance, at Luis.

“Pinak mabuti nating gawin ay hintayin ang tawag nila. That way ay mata-track natin kung saan manggagaling ang tawag,” dinig kong wika ni Ate Aiyell.

“That’s right,” ani Luis at masamang tingin ni Vance ang sumalubong sa kaniya. “I wouldn’t be here if I knew to myself that I’m guilty.”

“What if you’re just pretending para malaman mo ang susunod naming hakbang? At sino ba kasi ang nagpatuloy sa ’yo ito, ha!?”

“I did.” Napatingin kaming lahat kay Aeickel nang magsalita siya.

“And to clear myself, I won’t do such kind of thing. I’m not a retard! I knew how to forgive and forget. Revenge isn’t in my vocabulary. Revenge is just for the immature ones! Want to know why am I here? I just want to know if Eirin is still alive! If she still exists because some fucking human involved her innocent name in this goddamn situation!” galit na anas ni Luis, saka pa siya napahilamos sa mukha niya.

“Enough.” isang maotoridad na tinig ang nagpatahimik sa aming lahat. “Now plan.” That was Lola Cassy.

Hindi ko alam pero tila may nagtutulak sa akin na ilayo pansamantala si Aeickel at kausapin ukol sa pagparito ni Luis.

Ginawa ko ang sa palagay ko ay tama. I dragged Aeickel out of the scene. Nakita man nila ay hindi na nila pinansin. Siguro alam din nila na kailangan naming mag-usap na dalawa. Narito kami ngayon sa veranda ng opisina ni Vience.

“Why did you bring him here?”

“Luis isn’t the master mind and he is not even involved here. All he knew was about Denelle’s lies, and Denley’s plans of making you and Vience separated. That’s all he knew. He’s also clueless about Eirin’s existence.”

“You got him investigated, aren’t you?” she nodded.

“Are we done? ’Cause I need to go back in there to check if their plans are according to my own plan.”

“You have your own?”

“Of course.”

Bumalik na kami sa inuupuan namin kanina at nadatnan namin na tila patapos na silang magplano sa magaganap.

Isang tunog ng telepono ang pumukaw ng Atensyon naming lahat—it was my phone.

Unknown Number Calling…

Ito ang number na madalas magtext sa akin.

Agad ko itong sinagot. Sinenyasan naman ako ni Vience na i-loudspeaker ko.

“Hi there!”

“H–hello.” utal na tugon ko.

“Bakit kailangang naka-loud speaker?”

anito, saka pa nito sinundan ng nakakalokong tawa.

Kapwa kami nagulat sinabi nito. “N–nakikita mo kami?” Fria asked.

“May inilagay akong cctv diyan sa opisina ng gagong ’yan kaya’t nakikita ko ang bawat galaw niyo at naririnig ang lahat ng sinabi at napag-usapan niyo.”

“Shit!” I heard Vience cursed.

“Don’t cuss, Montealegre. You might scare your own child.”

“DADDY! MOMMA!”

“Axel!” Hindi ko napigilang matuliro matapos kong marinig ang tinig ng anak ko.

“I’m giving you until eight in the evening para mahanap kung nasaan kami. If you don’t find us, this child will surely die.”

“NO! PLEASE! I’M BEGGING YOU!”

“Na track mo ba, Aei?” tanong ni Vience.

“Yeah I did,” tugon nito pero parang may iba kay Aeickel. Masama ang tingin niya pero hindi ko matukoy kung kanino.

“Saan?”

“Sa lumang lote malapit sa LY’ARÉ

bar.“

Lahat kami ay napatingin kay Vance dahil miski siya ay nagulat sa sinabi ni Aeickel. Pagmamay-ari niya ang bar na iyon. “GOSH! HUWAG NINYO AKONG TIGNAN NG GANIYAN! Hindi ako traydor!”

Tumingin ako kay Aeickel and I saw her smirked. I didn’t know what that was for.

     

NAKASAKAY kami ngayon ng van at patungo na kami sa bakanteng lote na sinabi ni Aeickel. All this time ay si Aei lamang ang katabi ko. Hindi ko alam pero sa kaniya lang talaga ako nagtitiwala nang lubos sa mga oras na ’to. Maybe because it was always Aeickel who I was with and she never betrayed me?

Kapwa walang nagsasalita sa amin. Lahat kami ay tahimik lang sa loob ng van nang huminto ito. Ako, si Viece, Vance, Kuya Claw, Fria, Luis at Aeickel ang magkakasama. Ang mga naiwan ay naka-abang lang sa opisina ni Vience.

Nang makababa kami ay sabay-sabay kaming pumasok sa bakanteng lote. Wala namang kaduda-duda rito not until we passed through the big gate.

Bumungad sa akin ang anak ko na nakatali sa isang silya, may piring at may busal sa bibig gayundin ang katabi niyang isang babae. Ang pinagtatakhan ko lang ay tila may isa pang anino na nakaupo sa likod ni Axel. Sino ’yon?

“Anak. . . .”

“EIRIN!” Buhay siya!

Pagkasabi ni Luis niyon ay tinakbo niya ang pagitan nila ng babaeng nakatali ngunit isang malakas na putok ang pumailanlang kaya’t napahinto si Luis.

“Diyan lang kayo. Wala pa akong sinasabing lumapit kayo,” wika ng isang tinig sa madilim na parte ng lote.

“WHO ARE YOU? SHOW YOURSELF!” sigaw ni Vience.

“DAMN IT! SHOW US YOURSELF!” sigaw naman ni Luis.

At biglang may suminding ilaw sa kaliwang parte kung saan nakatali si Axel at lumabas doon ang hindi ko inaasahang tao.

“N–Nina?” gulat na anas ko.

“A–ate Nina?” ani Luis na hindi rin makapaniwala.

“Silvestre.”

“You know her!?” tanong ni Vance.

“She’s our officemate na sinesante ni Sir Vience dahil sa ginawa nilang pagkulong kay Avrein sa basement noong time na bumabagyo,” sagot ni Fria.

“She is Eirin’s elder sister,” tugon naman ni Luis na ikinabigla naming lahat.

“H–how? Eirin is an only child!” ani Vience.

“Dahil pinaampon nila ako! Dahil anak ako ni Mama sa pagkadalaga! Dahil hindi ko ama ang ama ni Eirin! Nakuha n’yo?” galit at iritadong wika nito.

“P–pero bakit mo ginagawa ’to, Nina?” tanong ko.

Ngumisi siya sa akin na animo nanghahamak. “Ayaw kong maging masaya si Vience samantalang kami ng kapatid ko ay miserable!”

“There’s a deeper shit about it, right?” malamig na saad ni Aeickel na ikinatawa ni Nina.

“I want to kill Vience and his happiness! Ganoon na lang ba ’yon? Pagkatapos niyang pagsawaan ang katawan ko ay itatapon niya na lang ako na parang isang basahan? I don’t forgive nor forget.”

“I never had sex with you!” sigaw ni Vience rito.

“Of course you didn’t have sex with Nina. But you ruined Eiranina Silvestre Buenafrancia’s body. Does the name ring a bell?”

“Eira. . . .” halos bulong lang na ani Vience pero sapat na upang maintindihan ko na may naaalala nga siya.

“I was your bed partner! I was the first but you chose Eirin over me just like what our mother did to me!”

“Ikaw ang lumayo sa akin. You were the one who hid.”

“Sino ba naman ang magpapakita pa pagkatapos ng ginawa mo? I even changed my face to fool you. Pumasok ako sa kompanya mo para patayin ka. Ang dami ko pang kinuntiyaba para lang mapatay ka nang walang makakaalam—si Audrey, Delia at Ryan. Pero sa tuwina na lang na magkaka-chance ako na patayin ka ay susulpot ’yang si Avrein! To the point na napaalis pa ako sa kumpanya dahil sa kaniya!”

“Go straight to the point, what do you want?” I asked.

“I want Vience Kent Montealegre dead!” aniya at itinutok ang baril niya kay Vience.

“Si Kuya Vience lang pala.” Nagulat ako nang magsalita si Aeickel. “So pwede na kaming umalis? Not unless, gusto mo na rin itutok sa amin ang baril na kanina mo pa hawak, Kuya Claw?”

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Aeickel at napatingin kay Kuya Claw. He was now pointing his gun towards us.

“K–Kuya Claw?” utal na saad ko.

Hindi siya sumagot, sa halip ay nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

“At first, nagdududa pa ako kung tama nga ba ang hinala ko, but then napatunayan ko nang marinig ko ang isang tinig over the phone. It was your son—Ayce, right, Kuya Claw? I assumed na kaninang humahangos kang dumating sa opisina ni Vience ay doon nila kinuha si Ayce at b-in-lackmail ka. Sa palagay ko rin, ikaw ang nagsabi sa kanila na sa bakanteng lote na ’to dalhin ang mga bihag nila.”

Nakarinig kami ng palakpak at tawa na nakakaloko. “Grabe ang talino mo naman, Aeickel,” ani Nina.

“And I also knew na nasa likod mo lang si Ayce at nakatali rin pero wala siyang busal sa bibig dahil alam mong hindi niya ipapahamak ang Daddy niya dahil matalino siyang bata. I’m so sorry to say na matalino nga talaga siya, dahil kaninang pinakausap mo si Axel kay Ate Avrein, I overheard his voice. It sounded just an echo but it wasn’t. Imposibleng magkaroon ng echo ang isang open space na lugar. It was his voice telling us to save them.”

“Patayin n’yo silang lahat!” galit na sigaw ni Nina.

Napahawak ako sa braso ni Vience nang may lumitaw na apat na lalaking may dalang baril at maging sina Delia, Ryan at Audrey na may baril din.

“B–bago n’yo kami patayin, s–sino ang totoong bumangga sa akin?”

“I–It was me, Avrein. Someone texted me at that time that I’ll saw Eirin if I engage you in a car accident,” pag-amin ni Luis na ikinabigla ko. “I–I was too hopeless and desperate, I’m sorry.”

“Tama na ang drama!” tila demonyong wika ni Nina. “O baka gusto n’yo munang makakuwentuhan ang kapatid kong gaga bago kayo mamatay?” anito, saka inalis ang pagkakapiring at busal ni Eirin.

“Ei. . . .” bulong na sabi ni Luis. Bakas na bakas sa kaniya ang pangungulila.

Ngumiti muna ito nang matamis sa amin bago nagsalita. “I missed you, Luis and Vience,” nanghihinang wika nito. “H–hi, Avrein, your son is such a bibo kid. He told me a lot of story about you kahit daw recently lang kayo nagkita.”

“Eirin, don’t talk kung hindi mo na kaya.” nanginginig na sabi ko. May kaniya-kaniya kasing baril na nakatutok sa amin. Ang baril ni Kuya Claw ay nasa ulo ni Aeickel.

“Ilang beses kong ipinupuslit ang telepono ni Ate Nina para balaan ka na layuan mo na muna si Vience dahil balak siyang patayin ni Ate but you never got my real message to you hanggang sa nahuli niya ako at kinulong. Everytime I tried making you aware, Ate Nina always interfere—” Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.

“Such a disobedient sister, Eirin.”

“A–Ate Nina, stop this! W–wala kang makukuha rito!”

Habang nag-uusap ang magkapatid ay nagkatinginan kami ni Aeickel dahil sigurado akong hindi lang ako ang nakapansin n’on. Tumango siya sa akin bilang tanda na alam niya ang tinutukoy ko.

In an instant, sabay-sabay nagtumbahan ang apat na lalaking nakaumang ang baril sa amin.

Iyon ang napansin namin ni Aei—there were snipers around us. Sa palagay ko, si Lola Cass ang nagpadala sa kanila since they were wearing a black suit with a logo of Phyrric Organization. Pinapadala lang sila ni Lola kapag alam niyang tagilid ang laban namin. They were rarely seen because Lola don’t usually call for their service.

Natira na lamang sina Audrey, Delia at Ryan na kapwa nanginginig ang kamay dahil sa nakitang pagbagsak ng mga kasama.

“A–ayoko na!” ani Delia, saka itinapon ang baril niya na sinundan na rin nina Ryan at Audrey. Sabay-sabay silang tumakbo palabas ng lote.

“You’re done,” wika ni Fria kay Delia na ngayon ay tila natataranta.

“NO!” aniya at iniumang kay Axel ang baril na hawak niya.

Axel . . .!

“Iputok mo, pasasabugin ko rin ang ulo mo!” sigaw ni Kuya Claw na ngayon ay sa kaniya na nakaumang ang hawak nitong baril.

May hinatak bigla si Nina at nakita namin si Ayce na malamig ang tingin sa amin. “Why don’t you just shot my head to end this drama?” malamig na tugon nito na animo walang baril na nakatutok sa ulo niya.

Nang ipuputok na ni Nina ang baril ay bigla na lamang niyang iniba ang direksyon nito patungo kay Kuya Claw. Ngunit bago pa man tuluyang umabot kay Kuya Claw ng bala ay hinarang ito ni Ayce na ikinagimbal naming lahat.

“AYCE!” sigaw ni Kuya Claw at dinaluhan ang anak na naliligo sa sarili nitong dugo.

Lahat kami ay natuod sa nangyari ngunit si Nina ay muling nagpaputok ng baril sa gawi ni Axel na lalong ikinaguho ng mundo ko.

“AXEL!” Tumakbo na ako ngunit may tumulak sa akin na dahilan ng pagtaob ko sa lupa.

Dalawa ang narinig kong putok na baril at sa dalawang putok na ’yon sabay bumagsak sa lupa sina . . . Nina at Vience.

“NO!”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Thirty-five

AVREIN

“DADDY, wake up!” ani Axel habang walang tigil sa kakahampas ng binti ng Daddy niya.

He had been sleeping for about six months. We had been here in the hospital for almost six months. He was in coma.

“You’re too cruel, Dad! You told me you’ll never hurt Momma Girlfriend again! You told me you’re going to take care of us. You told me we’re gonna play Xbox. But here you are, lying on that aw bed and doing nothing. Yuck, Daddy! You already lost your abs, biceps and triceps! Momma Girlfriend might find another guy to replace you and be my new Dad!”

He was crying. For the past six months, ngayon ko lang pinayagan na dalawin ni Axel ang Daddy niya. I didn’t want him to see his Dad in this situation. He was just so eager this morning to see his Dad that I wasn’t able to stop him from coming with me.

“You told me you’re not going to make Momma Girlfriend cry but, Dad, every night she was crying until she fell asleep, and when she was asleep, she kept on calling your name while she was still crying. I pity her, Daddy, so you need to wake up now!”

“Daddy’s gonna wake up soon, anak.” Pinunasan ko ang luha niya na naglalandas sa pisngi niya.

At least now he was already speaking, hindi gaya noong kagagaling namin sa engkwentro ay tulala lang talaga siya at hindi nagsasalita. Sabi ng psychiatrist na pinuntahan namin, na-trauma raw siya dahil sa kaniya bumagsak ang Daddy niya matapos itong mabaril.


Mabilis ang mga pangyayari. Namalayan ko na lang na nasa ospital na kami at kapwa nasa operating room na sina Ayce at Vience. Kami naman nila Vance, Aei, Luis at Fria ay nakaupo lang at nananlangin sa kaligtasan nila.

“Damn it! Why does it need to be my son? Fuck! I should be the one lying in that goddamn hospital bed!” walang tigil sa pagwawala si Kuya Claw pero hindi ko siya masisi. Anak ko man ang malagay sa sitwasyon ni Ayce ay baka mauna pa akong mamatay.

“Claw!” lahat kami ay napalingon nang may tumawag kay Kuya Claw. Nakita naming humahangos si Ate Aiyie palapit sa asawa saka niyakap ito. Kasama niya sina Lei, Lola Cassy, Daddy Vic at Daddy.

“We just have to trust them and Him. I knew, He won’t let anything bad happen to them. He knew that we still need them,” sabat ko pero nanginginig ako.

Imbes na magsalit ay nakita kong biglang lumuhod si Kuya Claw sa harap ko. Kill me now, Avrein. I brought them in a great danger. I’m the one to blame — “

Before he could finish his sentence, I slapped him. “Wake up, Kuya Claw! I’m not blaming you or anyone! Do not blame yourself for no one here is blaming you! You did the right thing to save your own son. Kahit ako ang nasa kalagayan mo, iyon din naman ang gagawin ko lalo na kung para sa anak ko. Hindi naman mahirap intindihin na ginawa mo ’yon para kay Ayce, Kuya. You never wanted to do it—you needed do it for your son’s safety. I swear to God, naiintindihan kita. Now, wake up! Let us all face this together.”

“Noong papunta na kami ng Isla Cassandra ay may humarang sa amin na pulang sasakyan. Noong una, akala ko ay wala lang ito, hanggang sa kuhanin nila si Ayce nang sapilitan at tutukan ng baril. Malaki na rin ang pinagpapasalamat ko dahil nagpaiwan si Ayler sa bahay ng magulang ko. Wala akong nagawa nang sabihin nila sa akin na humanap daw ako ng lugar na maaari nilang itago ang mga bihag nila,” paliwanag nila at lalong naging kasuklam-suklam sina Nina para sa akin.

“Madam.” Napalingon kaming lahat nang may dumating. Isa ito sa mga lalaking nakaitim na suit na may logo ng Phyrric Organization.

“What brought you here?” tanong ni Lola.

“Eirin is already in our custody and she’s fine, as well as your grandson—Axel. The girls named Audrey and Delia are now in jail, and also the guy named Ryan.”

“And?”

“And the girl named Nina, she’s dead. But, Madam, the bullet found in her skull doesn’t belong to any of our snipers.”

“It’s mine.” nagulat kami ng biglang may sumulpot.

“D–Denelle?” saad ko.

“Of course it’s me. Mawawala ba naman ako sa eksena?”

“What did you just say, Ma’am? The bullet was yours?” asked the man in suit.

“I was there. Actually kinuntsaba rin ako ni Nina since nalaman niya na ako ang ex-girlfriend ni Vience na minahal niya nang sobra but she was wrong, I’m not that evil. Sinabi ko sa kaniya na huwag niyang babanggitin na kakuntsaba niya ako at sumunod naman ang gaga. After she aimed the gun at Axel’s head, doon na ako naalerto. Kahit naman naiinis ako sa kabibohan ng batang ’yon, I don’t want him to die kaya’t ipinutok ko na ang baril kay Nina. Well, I’m not sorry. She deserves it. Denley already suffers a lot in jail kahit wala naman siyang alam. Oo at kagagawan ko rin na pinakulong ko ang kapatid ko since utos ’yon ng gagang si Nina. Of course ginawa ko, para magtiwala siya sa ’kin at malaman ko ang mga plano niya.”

“K–kaya ba ipinipilit mo ang sarili mo kina Vience at Axel?” tanong ko.

“Of course yes! Alam ko lahat ng plano niya kaya dumidikit ako sa mag-ama mo para kahit paano ay maprotektahan ko sila. Kabayaran na rin sa nangyaring aksidente mo dahil alam kong malaki ang kasalanan ko. I only pretended that I wasn’t sorry for Nina not to doubt me.”

She was not really that bad after all, pero iba na ang Denelle na kaharap namin ngayon—she was like a tigress and not the angel type anymore.

“So everything’s clear now, pwede na ba akong magpakulong?” Nagulat kami sa sunod na itinuran ni Denelle dahil kasabay nito ay ang pagsulpot ng tatlong pulis.

“Why?”

“I need to pay the crime of killing that psychotic creature,” saad nito, saka na nagpatiuna sa pag-alis.

Ilang oras na kaming naghihintay nang lumabas ang doctor na nag-oopera kay Ayce.

“Doc, how’s my son?” kalmadong tanong ni Ate Aiyell.

“He’s now fine and away from danger. Any moment by now ay gigising na siya dahil daplis lang naman ang natamo niya,” nakangiting wika ng doktor na tila ikinabunot ng tinik sa dibdib namin.

“Doc, i–iyong isa pong pasyente?” nag-aalinlangan kong tanong.

“I don’t know if he can survive. As what Doctor Medriano told me a while ago, may tinamaan na artery ang pasyente. Malapit kasi sa puso niya ang tama ng bala.”

Tila naman ako nanlumo sa narinig ko.


“Did I just see Daddy moved his fingers?” Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Axel.

“How can Daddy move his fingers when he’s in a deep sleep, baby?”

“Maybe I was just imagining things,” he said, saka itinuloy ang pagkain ng eggnog.

“Baby, do you want to go home na ba?” tanong ko.

“No, Momma Girlfriend. Tita Eirin told me she’s going to visit Daddy today with tito Luis,” sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain.

For the past six months, madalas ay hindi ko nakakasama si Axel dahil sa pagbabantay ko kay Vience. Madalas ay pinakikiusapan ko lang si Luis na siya munang tumingin kay Axel kahit na alam kong busy rin siya sa pag-aalaga kay Eirin dahil sa dami ng dinanas nito kay Nina. Ipinasok pa niya si Eirin sa isang private mental institution dahil madalas ay sumisigaw ito at umiiyak habang tulog.

Sa ngayon ay magaling na si Eirin—dalawang buwan na rin mula nang sabihin ng doctor na ayos na ang kalagayan niya.

Isang bining katok ang pumukaw ng atensyon ko. “Pasok.”

Bumukas ang pinto at iniluwa noon sina Luis at Eirin. “Hi,” bati ni Eirin nang nakangiti.

“Maupo kayo.”

“Tita! Tito!” masayang wika ni Axel at nagmano sa mga ito. “When are you going to marry Tita Eirin, Tito?” Tila naman parang nabilaukan si Luis sa tanong ni Axel kahit wala naman itong iniinom.

“Soon, baby boy.” Nagkulay kamatis naman si Luis nang si Eirin ang sumagot sa tanong ni Axel.

“What’s with

soon

? Why do people around me keep on telling me soon? Tita Eirin told me that they’ll be married soon, and Daddy told me he’ll wake up soon.“ Tila nasa malalim na pag-iisip ang anak ko pero hindi iyon ang bumagabag sa akin.

“Daddy told you that he’ll wake up soon? Did Daddy talk to you?”

“Yes, Momma Girlfriend. He talked to me while you were at the comfort room.”

Mabilis napagawi ang tingin namin kay Vience sa isinagot ni Axel ngunit parang imposible naman. Ito si Vience at tila wala na talagang buhay.

“S–stop it, Axel. Maybe you’re just imagining things again.”

“Okay,” kiming sagot ng anak ko at kumuha pa ng isang pack ng eggnog na baon niya.

“Avrein?” Napukaw ang Atensyon ko nang magsalita si Eirin. “Aren’t you curious how did I survive?” nakangiting tanong nito sa akin.

“I am. I just don’t want to open that certain topic,” nakangiting tugon ko.

“Well at first I never thought that I could still survive. Nagpakamatay nga ako pero hindi naman ako namatay dahil iniligtas ako ni Ate Nina—hindi niya pala ako iniligtas, inilagay niya lang pala ako lalo sa mas mahirap na sitwasyon. I–inilaglag niya ang anak ko. B–binugbog at sinaktan. Lahat ng sama ng loob niya kay Mommy ay sa akin niya ibinunton. Lahat ng hirap na dinanas niya ay pinaranas niya sa akin,” naiiyak na mahabang saad niya.

“Ei, if you can’t go on it’s fine with me—”

“I need you to hear this para hindi ka nag-aagam-agam na baka may balak din akong masama.”

“No need, Ei. I trust you. I know after what you’ve been through, you wouldn’t want anyone to suffer the way you did.”

I saw her nodded. “Matapos niya akong pahirapan ay naging maluwag siya sa akin dahil naging busy siya sa pag-aasikaso na mapatay si Vience. Doon ako nagka-chance na sundan ka at paminsan-minsan ay ipuslit ang telepono niya para mabigyan ka ng ideya sa mga mangyayari. Nang ma-comatose ka ay doon lamang niya akong muling pinagtuunan ng galit at pansin dahil hindi ka niya mahanap o kahit si Vience at ang anak n’yo. Lahat ng galit niya sinalo ko, pero ang hindi ko inaasahan ay nang gumamit na siya ng inosenteng mga tao para maisakatuparan niya ang plano niya. I’m sorry Avrein, she used Claw and Ayce.”

“No need to be sorry, Ei. Everything was settled now. All we need to do for now is to wait until he wakes up,” nakangiting tugon ko.

“He will. I knew he will.”

NAPABALIKWAS ako ng bangon mula sa pagkakasubsob sa hospital bed ni Vience dahil sa panaginip ko. It was Vience. He wanted me to let him go. He wanted me to set him free.

“Momma Girlfriend, you’re crying again!” May maliliit na kamay na nagpunas ng luha ko.

“Sorry I just couldn’t help it, baby.”

“What’s the problem, Momma Girlfriend?”

“Y–Your Dad told me to set him free—that he’s already suffering a lot.”

“Huh?” His eyebrows furrowed.

“W–We need to let him go, Axel. We need to set Daddy free. I–I know he’ll be our guide and our angel.”

“But, Momma—”

“I’d decided, Axel. W–we’ll remove your Dad’s life support so we can start to move on.”

“But, Momma Girlfriend, you’re thinking wrong—”

“What is it, Axel?”

“Momma Girlfriend, Daddy is—”

Ngunit bago pa matapos ni Axel ang sasabihin niya ay nakarinig na ako ng isang tunog na ni minsan ay hindi ko gustong marinig.

I heard a loud beep and as I looked at the apparatus which was responsible for Vience heart and pulse rate . . . I saw a straight green line.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Thirty-six

AVREIN

HINDI ko gusto ang kung ano-anong ginagawa nila sa katawan ni Vience.

“Miss, lumabas na muna po kayo. Kami na pong bahala sa boyfriend n’yo. Salamat,” wika ng isang nurse na lalaki, saka ako inalalayan na makalabas. Pero bago ako tuluyang nakalabas ay tila nakita ko pang nakadilat si Vience at masama ang tingin sa lalaking nurse na may hawak sa akin. Or just like Axel, I was just imagining things?

Matapos kong makalabas ay naupo lang ako sa waiting area. I needed to calm myself. I needed to unwind. I needed to breathe. This feeling was too suffocating for me.

Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan at marahang pumikit. May limang minuto na siguro ako sa ganoong posisyon nang maramdaman kong may tumabi sa akin.

“Calming yourself?” I knew who owns that voice that’s why I didn’t bother opening my closed eyes.

“I am, James. It’s been a while,” I answered.

“Get the away from my property or else you’ll die at this very moment.” I automatically opened my eyes as I heard a very familiar voice—a voice that I would want to hear every day of my life.

I was shocked for who I saw.

“V–Vience.”

“It looks like you’re enjoying the moment with this jerk?”

“Y–you’re wrong—”

“Was I?” He glared at James.

“So you’re alive?” tanong ni James na mukhang hindi rin makapaniwala.

“Were you thinking that I’ll die?” malumanay ngunit mapanganib na saad ni Vience.

Was he really a comatose patient!?

“I didn’t come here to be killed by a ruthless guy like you. I came here to bid my goodbye to Avrein,” ani Jame, saka ako nito tinuunan ng tingin.

“Then you may go now,” sarkastikong wika naman ni Vience.

“James, can you leave now? This man and I have a lot to talk about.”

“Bye, Avy. I wish you nothing but happiness in life,” paalam naman ni James, saka ako biglang hinalikan sa pisngi at nagsimula nang lumakad paalis.

“What the fuck—”

“Stop in there!” Akma niya kasing hahabulin ng suntok si James kaya’t pinigilan ko siya.

“Bakit hinayaan mong halikan—”

“Nakita mong hinayaan ko? Hindi mo ba nakitang nabigla rin ako!?”

Imbes na sumagot ay naglakad siya palapit sa akin, saka hinubad ang hospital gown na suot niya, saka ito ipinunas sa pisngi ko.

“W–what are y–you doing?”

“I’m disinfecting you,” sagot nito, saka ako biglang hinila at hinalikan sa parteng pinunasan niya.

Hindi ko alam pero bigla ko na lamang siyang itunulak palayo.

“Why—”

“So you are really alive, Mr. Montealegre?”

Sa halip na sumagot ay muli niya lang akong hinapit palapit sa kaniya at tinitigan sa mga mata.

“I am, Mrs. Montealegre . . . I am.” He then invaded my lips and everything around us went invisible.

“DADDY!” sinalubong kami ni Axel pagkapasok na pagkapasok namin ng pintuan ng bahay na binili ko.

“You miss Daddy that much, buddy?”

“Of course, Dad, though we talked yesterday,” inosenteng wika naman ng anak ko.

“Nag-usap kayo? Kailan?”

“No more questions, babe. I’ll explain later. For now, I want to catch up with you and Axel.”

“Happy family.” Napatingin kami sa boses na nanggaling sa kusina.

“E–Eirin?” utal na tanong ni Vience nang makita niya si Eirin na naka-apron. Minsan si Eirin ang nagbabantay kay Axel kapag nasa ospital ako.

“I’m so glad na gising ka na, Vience, although alam ko na noong nagpunta kami ni Luis sa hospital ay gising ka na. I don’t know what’s with you at bakit kailangan mo pang ilagay ang sarili mo sa alanganin,” mahabang saad naman ni Eirin na tila gustong mangunot ng noo ko.

“Vience?” may himig pagbabanta kong turan. “Mukhang meron ka ngang dapat ipaliwanag sa akin, babe.” Pinagdiinan ko pa talaga ang salitang babe dahil nanggigigil ako.

Ngiti lamang ang isinagot niya sa akin, saka umakyat sa second floor ng bahay.

“Saan ka pupunta!?” patanong na sigaw ko.

“I love you too!”

Pambihira talaga ’tong lalaking ’to!

Nabaling naman ang tingin ko kina Axel at Eirin na kapwa tumatawa.

“Avrein, can we talk?” pukaw ni Eirin sa atensyon ko.

“Sure,” nakangiting sagot ko.

“If you don’t mind let’s go to the garden,” aniya at na nagpatiuna kaya’t sumunod ako.

Nang makaupo na kami sa upuan ng mini garden ko ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko, saka ako tinitigan sa mga mata. “L–Luis proposed to me last night,” utal ngunit excited na sabi niya.

“Oh my gosh!”

“I said yes. I–I love him so much. He’s been with me through my darkest and accepted me despite unbearable past.”

“I knew he would, Ei, because he is the ever gentleman, one-woman-man, loving and caring Luis. Hindi ako nagtataka na mabilis nabaling ang pagmamahal mo sa kaniya—”

Umiling siya nang sunod-sunod sa akin. “Hindi nabaling. Ever since we were young, I knew I love Luis. Nabaling lang talaga ang atensyon ko kay Vience dahil nag-aral si Luis si America ng isang taon. Hindi ko alam kung alam niya ba ang tungkol dito, but I’m planning to tell him that it was him all along,” nakangiting pagsasalaysay nito. “How about you and Vience? When are you planning to get married?”

Tila naman naumid ang dila ko sa tanong ni Eirin dahil hindi ko alam. Hindi ko alam ang balak ni Vience sa aming dalawa.

“Lumalaki na rin kasi si Axel. Wala pa ba kayong planong sundan siya?”

“Hindi na masusundan si Axel, Eirin. Kung wala siyang kakambal nang ipinanganak, then he will be an only child.”

Nakita kong nangunot naman ang kilay niya sa sinabi ko. “Why? Hindi ka na ba puwedeng manganak?”

“Maybe no, maybe yes?” I chuckled. “I am a Freezell—isang beses lang kami maaaring magka-anak sa buong buhay namin. Lahat kami na pinananalaytayan ng dugong Freezell ay isang beses lang maaaring mabiyayaan ng sanggol kaya’t maswerte na kami kung kambal ito. Sumpa raw ito sa amin. Kaya nga nang akala kong nawala si Axel sa akin ay parang gusto ko na rin mamatay.”

“But you know what, Avy? I envy you kasi nagka-chance si Axel na makita ang mundo. While my child didn’t get t he chance. May chance na sana, kaso inalis siya sa akin.” Mapait siyang ngumiti.

“Every child is a gift, pero minsan nawawala sila hindi para masaktan at magluksa tayo. Nawawala sila para maging guardian angel natin—maging tagapagbantay. Nawala man ang baby mo but you’re still here, alive and kicking after all your pain and suffering. Isipin mo na lang na may magandang plano ang Diyos. Siguro hindi talaga para sa ’yo ang anak n’yo ni Vience. Maybe the child was really meant to become one of the angels of our Creator. Just trust Him,” wika ko. Bigla na lamang niya akong niyakap na agad ko rin namang sinagot.

“Thank you, Avy. Now I know why he chose you. Just like what Luis had told me, you’re really one of a kind.”

I guess I am?

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Thirty-seven

AVREIN

“SAAN mo ba talaga ako dadalhin? Nasaan si Axel?”

Nang magising ako kaninang naidlip ako ng mga alas tres ng hapon ay nakabihis na ako at nakasakay sa sasakyan niya. Hindi ko alam pero para bang may humahabol sa amin na itim na sasakyan.

“Please, baby, I need you to cooperate. Kailangan mo lang bumaba kapag inihinto ko na ang sasakyan. I need you to do everything you can para makasakay ka sa helicopter,” halos nagmamakaawang turan nito kaya’t alam ko na may mali.

“Promise me you’ll be safe,” kinakabahang wika ko.

“I will. I promise.”

Nang inihinto niya sa isang open area ang sasakyan ay mabilis akong bumaba gaya ng bilin niya. Mabilis ko lang naman nahanap ang helicopter na sinasabi niya.

“Take care, Vience, please.”

“Yes, baby. Basta pagpasok mo sa helicopter isuot mo agad ang vest na may parachute, ha? I need you to be safe too.” Tumango ako at mabilis ng tinakbo ang pagitan namin ng helicopter.

I silently thank God dahil naka-auto pilot ito dahil hindi naman ako marunong magpatakbo nito.

Gaya ng bilin ni Vience ay isinuot ko ang vest na nandito sa loob. “Babe, can you hear me?” mula sa speaker ng helicopter ay narinig ko.

“Vience? Oo, naririnig kita!”

“Good to hear that. I love you, baby.”

“I–I love you too,” kinakabahan kong sagot. Kanina kasi ay tila tense siya pero ngayon naman ay parang mas lalo siyang na-tense. “Vience, ano na bang nangyayari diyan!?”

“Dumungaw ka, Avrein, at makikita mo.”

Ginawa ko nga ang iniutos niya at natagpuan ng mga mata ko na napapalibutan ng limang van ang sasakyan niya. Hindi malinaw sa paningin ko ang lahat dahil near sighted ako at hindi nakatulong ang lens na suot ko.

“Umalis ka na riyan, please!” sigaw ko. Natatakot ako na baka ano na naman ang mangyari sa kaniya. “Vience, you need to run! Pambihira ka namang lalaki ka, e! Nasa ganito na tayong sitwasyon—”

Ngunit bago ko pa mayari ang sasabihin ko ay nakarinig ako ng dalawang putok ng baril kasabay nito ay ang pagbagsakan ng dalawang puno.

Pagbagsak ng mga ito ay tila nabigyang daan ang isang malaking tarpaulin na kahit yata near sighted ako ay mababasa ko sa laki ng nakasulat dito.

“I fell for you really hard, baby. I have loved you since God knows when. I easily get bored when you were not around. I easily get irritated whenever I miss your presence.”

“What is this all about, Vience—”

Ngunit gaya kanina, nakarinig na naman ako ng dalawang putok, saka muling may dalawang natumbang puno at may isa na namang malaking tarpaulin.

“I don’t deserve you, or even an inch of you, but God gave me you. The woman I never wanted from the very beginning—the woman I never imagined I will spend the rest of life with.”

Naramdaman ko ang unti-unting pagkabasa ng pisngi ko sa dahil sa mga luha ko. Pambihira ’tong lalaking ’to! Tinakot-takot pa ’ko!

Muli akong nakarinig ng putok ng baril at nagbagsakan na naman ang dalawang malaking puno at lumitaw na naman ang pangatlong tarpaulin.

“You’re not my type, you’re too manang but the hell I care. My mind, heart, body and soul only wants you and no one else but you. So . . .”

Putol talaga ang nakasulat sa tarpaulin.

“Baby, can you please jump? After you jump hatakin mo ang red tie riyan sa vest para bumukas ang parachute,” utos niya na hindi ko sinagot. Doon ko lang din kasi napansin na hindi naman talaga umalis ’tong helicopter. Lumipad lang kami nang bahagyang-bahagya pataas pero hindi palayo.

I took all the courage in me, saka ako tumalon. I enjoyed what I did. I was like a free bird.

Nang makababa na ako ay nadatnan ko siya at sinalubong niya ako ng yakap. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kaya’t nanatili na lamang akong tahimik kahit nang bitiwan niya ako at lumuhod siya sa harap ko.

“Will you be Mrs. Montealegre for real?” aniya sabay lahad niya sa akin ng singsing.

“Hindi,” sagot ko at nakita ko kung paano bumalandra sa mukha niya ang gulat at pagtataka.

“W–why, Avrein—”

“Hindi ako tatanggi!” Hindi ko na pinansin ang singsing at kinuwelyuhan ko siya patayo, saka siniil ng halik sa labi. “I love you,” bulong ko.

“I love you too, Babe—”

“Natapos din! Ang hirap maghanda!” Sa boses na ’yon, alam kong si Leickel ’yon.

“At first I didn’t agreewith her idea kasi parang ang hassle. Puwede naman kasi na normal proposal lang. Kaya lang kinonsensya ako, pagkatapos daw ba ng mga nangyari sa atin, saka pa raw ba ako mag-iinarte. Dagdag pa niya na, isang beses lang daw mararanasan ng babae ang mapag-propose-an kaya dapat daw ay ibuhos lahat,” mahabang paliwanag ni Vience sa akin.

Ilang saglit lang ay naglabasan lahat ng mahal namin sa buhay nang nakangiti but not my Dad—he’s crying!

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. “Why are you crying, Dad?”

“Ba’t pumayag ka naman agad, ’nak?” aniya, saka pa niya pinunasan ang mga luha niya na tila bata. “Aba’t kaunting pakipot naman!”

“Daddy naman. May Axel na nga tapos pakipot pa?” tumatawang wika ko.

“Kahit na ba! Suntukin ko ’yang si Vience o kaya ipadagan ko kay Barney—iyong baklang violet na dinosaur na ’yon mahilig pa naman sa macho!” pagtatantrums niya. I really wonder if he was really my Dad and my Mom’s first love.

“Shut up, Van.” Boses iyon ni Mommy.

“Yes, Geneve?” ani Tito Leriz Van.

“Ano ’yon, Gen?” anas naman ni Tito Loard Van.

“Why are you calling me, Geneve?” sabat din ni Tito Lexir Van.

Napasapo naman agad si Mommy sa noo niya nang sumagot ang tatlo sa quaruplets na Freezell. Van kasi ang second name nilang apat at mukhang nakalimutan ni Mommy ’yon sa pagtawag niya ng Van kay Dad.

“Get back to your businesses,” kiming tugon na lang ni Mommy at bumaling sa akin. “Congratulations, anak. Don’t mind your Dad. It’s just that he still believes in his saying.”

“Saying?” tanong ko.

“He believes that in every love story, Mom always agrees and Dad always disagrees. It’s because Mom knows what love is, and Dad knows what boys are.” Nangiti naman ako sa sinabi ni Mommy.

“Thank you, Mommy. I love you.”

“Excuse me po, can I borrow Avrein for a minute?” agaw ni Vience sa atensyon namin na ikinatango ni Mommy kaya’t inakay niya na ako palayo.

“Where are we going?”

Imbes na sumagot ay kinuha niya lamang ang kamay ko at isinuot ang singsing na hindi ko pinansin kanina.

“It really looks good on you.”

“I know,” nakangiting sagot ko. “By the way, Vience, iyong mga punong sinayang mo—”

“Those were artificial trees, but I sponsored a fifteen thousand tree planting event because I already saw such reaction from you coming,” nakangising wika niya.

“Momma Girlfriend!”

My Axel! I almost forgot about him. OMG!

VIENCE

TUMABI ako sa kaniya nang madatnan ko siyang nakaupo sa sofa at tila nasa malalim na pag-iisip.

I may be a jerk but only God knows how much I loved this lady beside me. I was willing to suffer if it was for her. I was willing to get hurt if it was for her safety. I was always willing to risk everything for her.

I was not a saint, I made endless mistakes—mistakes that was too much for her to handle and brought her too much pain.

I’m one hell of a lucky bastard for having Avrein. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko at ibinigay siya sa akin ng Diyos. Hindi ko alam kung bakit ibinigay Niya sa akin ang isang babaeng hindi marunong sumuko sa akin. Sumuko man, tatayo at susubok pa rin.

Avrein? She wasn’t enough for me, because she was too much. Sobra-sobrang biyaya ang mahalin niya and I really thank God for giving her in my fucked up life.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghilig ng ulo niya sa balikat ko. This was what I love about Avrien—madali siyang basahin. Her eyes always do betray her every words and actions. Kaya’t alam ko kung kailan siya nagsasabi ng totoo at kung kailan hindi.

The night na magkasama kami ni Denelle sa kuwarto at dumating siya para sabihing buntis siya? I wanted to fucking celebrate for that news really rock my world. Naniniwala ako sa kaniya, dahil kitang-kita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng katotohanan. But suddenly a fucking truth hit me, na hindi nga pala ako maaaring magka-anak kaya’t itinaboy ko siya at sinabing hindi sa akin ang bata. Alam na alam ng Diyos kung gaano ko siya gustong sundan at habulin pero hindi ko ginawa. Dahil doon naman ako magaling, ang magtaboy ng taong nagmamahal sa akin at sinisimulan ko nang mahalin.

Noong madaling araw na ’yon ay hindi na ako mapakali kaya’t tinungo ko ang condo niya nang nakainom ako. Hindi ko alam pero gusto kong humingi ng tawad sa kaniya at akuin ang bata pero kabaligtaran na naman ang ginawa ko. I took her that night then told her to stay away from me. Putang ina! Kahit siguro ako, makita kong ginagawa ko ’yon? Baka patayin ko pa ang sarili ko. Napakaputang ina ko dahil dinurog ko ang isang inosente at babasaging babae na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin at intindihin ako.

“Tell me the story, Vience. I want to know about Axel’s arrival,” pukaw niya sa atensyon ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan muna ang buhok niya. “Pwede bang ikuwento mo sa akin ang paglabas niya? Hindi ko kasi ’yon naramdaman. Kaya sana kahit sa kwento mo lang maramdaman ko,” paghingi nito ng pabor na agad ikinatango ko. Sino ba naman ako para tumanggi, hindi ba?“


“Mr. Montealegre, mangangak na po si Ma’am Avrein.” Bigla na lamang ako tila pinasok sa refrigerator sa narinig kong sinabi ng nurse. Nanlamig ang buong katawan ko at tila ako naging tuod.

“Vience, iho!” pagtawag sa pangalan ko kaya’t agad akong palingon.

Natagpuan ng mga mata ko si Tito Leriz (Daddy ni Aiyell), Tito Led (Daddy ni Avrein), Tito Loard (Daddy ni Leyvance) at Tito Lexir (Daddy nina Aeickel at Leickel).

“Tinawagan kami ng doctor. Ngayon na daw naka-schedule na isi-ceasarian si Avrein,” wika ni Tito Loard sa akin. Hindi ako makasagot kaya’t tumango na lamang ako.

“Tayo na,” pag-aaya ni Tito Leriz.

Nadatnan namin sa loob ng DR sina Tita Vhrea, Tita Geneve, Tita Yna at Tita Guia. Nakilala ko silang lahat buhat nang ako lagi ang nagbabantay kay Avrein.

Nasa tamang pag-isip ako ngunit nang makita kong hihiwain na ng kutsilyo ang tiyan ni Avrein ay paran gusto kong himatayin pero kinakaya ko. Kaya ko.

BLAGGGGG!

Tiningnan ko si Tito Lexir na hinimatay.

“One down,” wika ni Tita Guia. “Malas ng mister ko, mahina sa kutsilyo.” Bumingisngis pa ito.

“Sisimulan na po namin ang operasyon,” anang doktor sa akin ng pero ’di ako makasagot. Napasandal ako sa pader sa likod ko. Nanghihina ang mga tuhod ko.

BLAAAAAAGGGG!

“Two down,” wika ni Tita Vhrea dahil si Tito Leriz ang tumumba. Pinipilit kong maging matatag.

“Three down,” malamig na wika ni Tita Yna dahil si Tito Loard ang tumumba.

Lahat kami ay napatingin kay Tito Led dahil nakaluhod siya at naririnig namin siyang bumubulong bulong na tila nag-oorasyon. Lalo yata akong pinanghihinaan ng tuhod.

“Apong Rosario, Apong Concepcion, Apong Maria, Apong Magdalena, Apong Victoria, Nuno ng apo. Parang awa niyo na ’wag n’yo ’kong hahayaan na mahimatay gusto kong makita ang paglabas ng apo—”

Hindi na niya nagawang tapusin ang sinasabi niya dahil sinapak siya ni Tita Geneve. Iyon at bulagta rin.

“Walanghiya kang lalaki ka. Okay na sana na tinawag mo na lahat apo mo, sinama mo pa ang nuno. Jusko! Magka-asawa ka nga naman ng mongoloid.”

Tila nagdilim na naman ang paningin ko nang makita kong ako na lang ang natirang matibay kaya’t tumayo ako at . . . nag-jumping jack habang nagtititili .

“Ang taas ng boses niya, ’no?” naririnig kong tumatawang sabi ni Tita Vhrea.

“Try mo tawagin si Regine?” wika ni Tita Guia.

“Regine!”

Hindi ko alam pero pagkarinig ko niyon ay bigla ko na lamang nasabi ang, “WOOOOOOOHHHHHHHH!”

“Sabi sa ’yo, e,” tumatawang sabi ni Tita Guia. Kinukulam ba nila ako?

“Malapit ko na pong makuha ang bata,” lalong nag-unahan ang mga kabayo sa dibdib ko.

Palapit na sana ako kay Avrein nang hindi ko na rin kinaya.

BLAAAAAAGGGG!

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Thirty-eight

AVREIN

PALAPIT nang palapit ang bridal car na sinasakyan ko sa simbahan kung saan ako ikakasal. Bawat metro yata na napapalapit ako sa simbahan ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko na halos gusto nang kumawala sa pinaglalagyan niya.

“Relax ka lang, ’nak,” pagpapakalma sa ’kin ni Daddy. Silang dalawa ni Mommy ang kasama ko ngayon dito sa sasakyan.

“Hindi ako makapaniwalang ikakasal ka na talaga. anak. Imagine ilang taon ko rin hinintay na may ipakilala kang lalake sa ’kin—iyon nga lang wala kang pinakilalang lalake, anak meron,” tumatawang pang-aasar ni Mommy.

“Mom!”

“I’m just kidding here. You just don’t know how happy I am dahil tatahakin na rin ng sarili kong anak ang daan na tinahak ko noon. I hope na ang daang tatahakin mo ay dadalhin ka rin sa taong gaya ng Daddy mo—ang taong araw-araw kang mamahalin at aalagaan,” nakangiting wika ni Mommy kaya’t napayakap ako sa kaniya.

“Mom, you’re ruining my make up,” humihikbi kong sabi.

“Baby?” I heard Daddy mumbled.

“Yes, Dad?” tanong ko bago kumalas kay Mommy at humarap kay Daddy.

Paglingon ko ay halos hindi ko na makilala ang Daddy ko. Puro luha at uhog siya sa mukha. Agad akong naghingi ng tissue kay Mommy at pinunasan siya. “Gross!”

“Kung patayin ko na lang kaya si Montealegre? Ninakaw niya sa akin ang nag-iisang prinsesa ko.”

“Dad, hindi niya po ako ninakaw. Hiningi niya po ako sa inyo at pumayag naman kayo.”

Nasabi kasi sa akin ni Vience na bago raw niya ako ayaing magpakasal ay hiningi niya muna raw ang permiso ng mga magulang ko at pumayag naman daw ang mga ito.

“Nandito na po tayo,” pukaw sa atensyon namin ng driver. Parang pamilyar ang boses niya. Hindi na rin namin napansin na nandito na pala kami.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ang harap ng simbahan kung saan ako ikakasal. “Anak, baba na muna kami ng Daddy mo,” paalam ni Mommy na ikinatango ko lang.

Mga ilang minuto na rin akong naghihintay nang mapansin ko na tila nagkakagulo sa harapan ng simbahan. Saktong bababa na sana ako nang bigla nalang umandar ang bridal car na kinalululanan ko.

Oh my God!

“Kuya, saan po tayo pupunta!?” kinakabahang tanong ko dahil lumalayo na rin kami sa simbahan.

“Just stay still.” Sa tono talaga ng boses niya ay pamilyar siya. Nahihirapan lang akong kilalanin dahil sinasadya niya itong palakihin.

Hindi kaya binabalikan kami ni Nina—o ng kahit sinong disipulos niya?

“Please, manong, ibalik mo na ’ko roon. Naghihintay po si Vience roon!” halos maiyak-iyak na pakiusap ko.

“I said stay still!” Nangilabot ako sa tono ng boses nito kaya’t pinili ko na lamang ang manahimik. Baka kung ano pa’ng gawin nito sa akin.

Alam kong malayo-layo na ang nalalakbay namin dahil nakararamdam na rin ako ng antok. Naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya’t nagawi ang tingin ko sa pinaghintuan namin.

Ito ang dating reception ng kasal nina Ate Aiyell at Kuya Claw. Ano namang gagawin namin dito?

“Baba,” mariin na wika nito kaya’t mabilis akong umibis pababa mula sa sasakyan.

Wala akong kaide-ideya sa nagaganap at mas lalong wala akong ideya sa maaaring mangyari sa akin.

Habang humahakbang ako papasok ng reception hall ay nakasabay ko sa paglalakad ang driver. Alam kong siya ’to base sa slacks na suot niya. Hindi ko kasi siya matingnan sa itaas na parte dahil pakiramdam ko ay may gagawin siyang hindi maganda.

“Aano po ba—”

“Just walk.”

Gaya ng nangyari kanina ay hindi na ako muling kumibo at ipinagpatuloy na lamang ang paglalakad.

Nang makarating kami sa mismong reception hall ay bigla na lamang pumunta sa harap ko ang driver at hinalikan ako.

OH MY GOD!

Mabilis kong itinulak ito nang malakas nang magproseso sa utak ko ang ginawa nito ngunit kasabay ng pagtulak ko rito ay ang paggawi ng paningin ko sa mukha niya.

“V–Vience!?”

“This was the place where I first kissed you,” wika niya sa natural niyang boses.

“The moment that my lips touched yours was the moment you already invaded my system. I got sleepless nights. Alam mo bang hulog na hulog ako sa ’yo, Avrein? Alam mo bang mahal na mahal na mahal na mahal kita kahit noon pa? Alam ng Diyos kung gaano ko kayang gawin lahat para sa ’yo at dito nagsimula sa lugar na ito mo sinimulang sakupin ang pagkatao ko. I want you to be reminded, dahil sa lugar na ito . . . dito ko naramdaman na may tao na akong handang totoong sugalan ng lahat ng pagdududa ko.”

“Vience. . . .” maluha-luhang tawag ko sa kaniya. Punong-puno ng sinseridad ang bawat salita niya.

Mabilis niya akong hinigit at niyapos nang mahigpit.

“I want one of those marriages where they’ve been married for fifty years but are still crazily in love with each other. I want a successful marriage, Avrein. Ang kasal na hindi ko man masabing perpekto, at least alam kong puno ng pagmamahal at respeto.”

“I want that too—”

“Puwede bang sa simbahan na lang kayo magbigayan ng bow? Nade-delay kasi ang kasal n’yo sa kadramahan n’yo!” Napakalas ako kay Vience ng yakap at nakita ko si Vance na nakahalukipkip at nakataas ang kilay sa amin. “Nahirapan pa kami kakahanap sa inyo, magkasama naman pala kayo,” dagdag pa niya.

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Thirty-nine

AVREIN

HAWAK ko ngayon ang kamay ni Mommy sa isa kong kamay habang ang isa naman ay naka-angkla sa braso ni Daddy.

“This is it, anak,” masayang bulong ni Mommy na ikinatango ko lang dahil sa kaba.

Natatanaw ko siya na nasa harapan ng altar at nakangiti sa akin. Matagal kong pinangarap ’to—ang makasal sa taong mahal ko at alam kong mahal na mahal ako.

Bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa kaniya ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Siya lahat ang nag-asikaso ng kasal namin. He was just really too excited about this.

Mahal na mahal ko ang lalaking sasalubong sa altar sa akin. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, nagpapasalamat lang ako at dito pa rin ang tungo naming dalawa.

“He’s smiling like an idiot,” nakabusangot na sabi ni Dad nang malingunan ko siya. Nakakatawang isipin na hindi pa talaga siya handang pakawalan ang prinsesa niya.

“Mahal na mahal niya lang kasi talaga ang anak mo,” sagot naman ni Mommy.

This guy was the only reason kung bakit ako kumawala sa kuweba na kinasasadlakan ko. He made me see the world. He taught me a lot of things. He made me feel feelings I never had before. He was one of a kind and I was proud that he was my man.

“Take care of my only princess, Montealegre, or else sasapakin talaga kita!” Inambaan niya pa nga ng suntok si Vience na ikinatawa ng mga bisita. Si Daddy talaga!

“Led!” pagbawal ni Mommy rito. “Just take care of her, Vience. That’s all I’m asking for,” malumanay na bilin naman ni Mommy.

“Makakaasa po kayo,” magalang naman na tugon niya.

Iniwan na kami nila Mommy at humarap na kami sa altar ng Diyos kung saan kami pag-iisahin ng pari na nakaharap sa amin.

Ang haba ng mga naunang sinabi ni Father pero the whole time ay alam kong nakatingin lang sa akin si Vience. Ramdam na ramdam ko ’yon.

“Mr. Montealegre, please pay attention,” sita ng pari sa kaniya na ikinangiti ko. “Who support this marriage?” tanong ng pari sa madla.

“We do,” sagot ng mga bisita.

“I don’t.” Napalingon kami sa nagsalita na ’yon at nakita namin si Daddy na nakakunot ang kilay at nakahalukipkip.

“Led Van!” sita ni Lola Cassandra.

My gosh, Dad! Gusto kong matawa sa inaakto niya.

Humarap si Vience sa akin, saka hinawakan ang aking kanang kamay. Nangungusap ang mga mata niya at mababanaag mo rito ang kasiyahan.

“Vience, do you take Avrein to be your wife? Do you promise to be true to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?”

“Opo, Father, with all my heart,” sagot niya na ikinatulo ng luha ko. This time it was for real. Hindi ko na kailangan mangarap.

“Avrein, do you take Vience to be your husband? Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?”

“Yes I do, Father. I really do,” lumuluha kong wika. Luha ng kaligayahan.

“You may now exchange your vows.”

“Manang!” panimula niya na ikinatalim ng tingin ko sa kaniya at ikinatawa ng madla. “Manang, hindi sexy manamit, may suot na malaking salamin, walang style ang mahabang buhok. At first look, you look so boring but I never thought that this boring woman would make me fall in love hard . . . really hard. Wala akong balak na ma-in love sa ’yo, at kahit sa hinagap o panaginip ko hindi ko alam na mahuhulog ako sa babaeng kabaligtaran ng tipo ko. Pero gaya nga ng sabi nila, tanga si kupido kung mamana. Tumatama ang palaso niya sa mga taong hindi inaasahan. Who would have thought that the great Vience Montealegre will fall for you, Avrein? The arrogant, user, and jerk Vience will be at his best when he learned to love Avrein?” Puro siya kalokohan kaya’t hindi ko naiwasan na bahagyang hampasin ang balikat niya. Nakakainis siya! “You’re the only right decision I’ve made in my entire existence. Nang hayaan kong mahulog ako sa ’yo nang tuluyan, doon ko naramdaman na kahit minsan sa buhay ko ay makakaya ko palang magdesisyon nang tama. We’ve been through a lot of challenges and struggles pero ito tayo ngayon, pinagtagpo pa rin ng Diyos sa harap Niya mismo. I can’t promise that I won’t make you cry after this, but I assure you that I will always be here for you. Alam kong hindi ko deserve ang isang gaya mo—ang isang Avrein Laiclei Freezell, pero nagpapasalamat ako sa Diyos at ibinigay ka Niya. God knows that you and Axel is my life.”

I love this man! I really do!

Isinuot niya ang singsing sa akin, at bahagyang pinunasan ang mga luha ko. “I love you,” bulong niya.

“Bastos, mahilig sa babae at mayabang—iyan ang pagkakakilala ko sa ’yo. Lahat ng negative traits na puwedeng hanapin ng isang babae sa lalaki ay nasa iyo na. Madalas nga nagtataka ako kung paano ako na-in love sa ’yo? Puwede pa bang umurong sa kasal na ’to?” Nakita kong nanlaki ang mata niya sa huli kong sinabi. “Kidding. Masyado kitang mahal para iwanan sa harap ng Diyos. Ang dami na nating pinagdaanan. Sobrang bibigat na pagsubok na halos ikabigay na ng relasyon natin. Bilib lang talaga ako sa tibay nating dalawa, alam mo ba ’yon? Nagsimula ’to noong mag-apply ako ng trabaho sa kompanya mo at nakita ko kung gaano kagaspang ang ugali mo, at kung gaano ka kabastos. Alam mo bang gusto ko nang umurong noong time na ’yon? Kaya lang lagi kong naaalala na last choice ko na ang kompanya n’yo dahil walang gustong tumanggap sa akin na kompanya dahil sa old style kong pananamit. Nakilala kita. Nalaman kong hindi ka naman pala ganoon kabastos, slight lang . Do you know what surprised me most? Iyon ay noong habang kinikilatis ko ang ugali mo, hindi ko napapansin nahuhulog na pala ako. You’re my medicine, my sky, and my handkerchief.” Nakita kong nangunot ang noo niya sa sinabi ko. “Ikaw ang gamot sa kamanhidan ko, ikaw ang langit na nagpakita sa akin kung ano ang mundo, at ikaw ang panyo na sumasalo lahat ng hinanakit ko. You may be naughty and boastful but those traits make you unique—those traits make you mine. Kainisan ka man ng iba, lagi mong tandaan na laging my Avrein na iintindi sa ’yo. I may not be the best, but I’ll do everything just to make you feel at ease. Hindi ko kailangan ng iba para sumaya, sapat nang nariyan kayo ni Axel. Mahal na mahal ko kayo.”

I put the ring on his ring finger. “Mahal na mahal na mahal kita, Mr. Montealegre,” I whispered.

“And now, as the power given me by the Catholic Church, I now pronounce you as Mr. and Mrs. Vience Kent Montealegre. Groom, you may now kiss your bride.”

Itinaas niya ang belo ko at marahan niya lang pinagdikit ang mga labi namin at mabilis lang na pinaghiwalay na lubos kong ipinagtaka.

“I’m saving my kisses, babe,” h e whispered at nag-aya na ng picture na ikinangiti ko.

Dumalo na sa amin si Axel na halatang tuwang-tuwa sa naganap at ang mga kamag-anak namin, saka pumwesto na kami pero may dalawang tao na nakakuha ng atensyon ko.

Ang isa ay kaswal lang na damit at may hawak na folder at ang isa naman ay may hawak na camera. How come?

Sila ang nurse at doktor sa ospital nang biglang mag-agaw buhay si Vience?

“I–I’ll explain later, babe.”

“MONTEALEGRE!”

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Forty

AVREIN

“T–TEKA!” Hindi ko alam kung paano ako magre-react! Ikaw ba naman ang bigla na lang pasanin na tila isang kabang palay sa harap ng mga bisita n’yo sa mismong reception ng kasal niyo.

“Why?” painosente niyang tanong na parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya.

“Ibaba mo muna ako, Vience. Tapusin na muna natin ang ceremony. Kilala kita, alam ko ang iniisip mo!” Hirap ako sa pagsasalita dahil nga nakabaliktad ako.

“Fine! Damn these wedding ceremonies! “ narinig ko pa talaga siyang bumulong-bulong bago niya ako tuluyang ibinaba.

Nang maibaba niya ako ay bumalik kami sa orihinal na kinauupuan namin kanina bilang bagong kasal. Goodness! He was really impatient.

“I can’t wait to take you again to heaven, babe,” bulong niya sa punong tainga ko.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya. Sa sobrang kahihiyan ko ay nailihis ko ang paningin ko at tumama ito sa isang tao na mataman ang tingin sa akin. Hindi ko man mabasa ang sinasabi ng mga mata niya, batid ko naman na masaya siya sa nangyayari sa akin ngayon. She was always there for me through ups and downs. She never left my side.

“Aeickel,” I whispered. I saw her nod, saka bumalik na sa pinagseseremonyasan ng kasal namin.

“Gaya ng nakagawian, ihahagis na ng bride ang kaniyang bulaklak at garter naman sa groom,” masayang wika ni Leickel. Pagdating talaga sa kapilyahan siya ang nagte-take charge sa lahat lahat. “Ate Avy, kuya Vience, dito na kayo sa gitna,” pag-aaya niya.

Bumaba na kami ni Vience mula sa kinauupuan namin at tinungo ang gitna kung nasaan si Leickel.

Naramdaman kong hinawakan ni Vience ang kamay ko at marahang pinisil ito kaya’t napatingin ako sa kaniya. Natagpuan ko siyang may nakalokong nakangisi sa akin at may iningunguso. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa itinuturo niya at nakita ko si Leyvance kasama iyong si Dreik na ex-boyfriend niya at halatang naiirita siya. Parang kinukulit kasi siya ni Dreik.

“I think they’re the next,” nakakalokong sabi naman ni Vience na mabilis kong sinang-ayunan.

“Okay game na, ate Avy—”

“Leickel, gusto sana namin ang set up noon nila ate Aiyie? Ang sa lalaki ang bulaklak at sa babae ang garter? I think mas masaya ’yon since doon kami unang nagka-develop-an ni Vience,” putol ko sa sinasabi ni Leickel. Medyo nahihiya pa nga rin ako sa huli kong sinabi. Pansin ko rin na ngumisi ’tong asawa ko sa tabi ko dahil sa sinabi ko.

“Sige!” tila excited naman na sagot nito. “Okay dapat lahat ng mga bachelors at bachelorettes ay sumali. Ang hindi sasali, walang remembrance gift,” banta ni Leickel na ikinatawa ng mga narito.

Nagsipuntahan na ang mga kalalakihan sa likod ko since ako ant unang maghahagis ng bulaklak.

“Hep! Kuya Dreik, hindi puwedeng hindi sasali. Kokotongan kita!” saad naman ni Leickel nang mapansin niya na nakabantay lang si Dreik doon kay Vance.

“Ngayon ko nga lang ulit nakausap ang LA ko, may mga panggulo pa,” narinig kong tila naiiritang wika ni Dreik na ikinangiti ko na lang. Iba talaga ’pag charm ng isang Freezell ang tumama sa isang lalaki.

Sumama na si Dreik sa kumpol ng mga lalaki sa likod ko. Akmang ibabato ko na sana ang bulaklak nang pigilan ako ni Vience.

“Why?” I asked.

“Wait for a while, babe,” sagot naman niya saka tinungo ang kinaroroonan ni Dreik at may ibinulong siya dito.

Matapos ang bulungan na naganap ay tinungo niyang muli ang pwesto namin. “Anong binulong mo?” puno ng kyuryosidad na tanong ko.

“Secret, babe. Sa istorya nila mo na lang malalaman ang lahat,” aniya sa akin.

Hindi ko na lang pinansin ang kalokohan ng asawa ko at inihagis ko na ang bulaklak patalikod. Nakarinig ako ng tilian at tawanan kaya’t mabilis akong humarap sa kanila.

Nakita kong nakangiti si Dreik, actually hindi lang basta ngiti—ngiting tagumpay habang hawak niya ang bulaklak na inihagis ko. Kanina busangot na busangot siya, ngayon naman ay walang mapagsidlan ang kaligayahan niya.

Nag-alala lang ako nang bahagya nang matagpuan ng mga mata ko ang ibang bachelors na napasalamapak sa bermuda grass. Ano kayang pag-agaw ang ginawa ni Dreik sa bulaklak? Kalaki niya pa namang tao kawawa ang mga patpatin na bachelor.

“Okay, kuya Vience, ikaw na,” saad muli ni Lei kaya’t nagpuntahan na ang mga kadalagahan sa gitna. “Ate Vance! ’Pag hindi ka sumali—”

“I’ll throw your minion collections, Leyvance Azarei.” Napatingin kaming lahat sa nagsalita. It wasTtita Yna.

“Mahal, baka naman sumunod na ang anak natin na magpakasal niyan,” kamot-ulong wika naman ni tito Loard kay tita Yna.

“Shut up, Loard, kung ayaw mong isunod ko ang barney boxer collection mo.”

Gusto kong matawa sa itsura ni tito Loard sa sinabi ni tita Yna. Para siyang nababanyo na ewan dahil sa gulat. What a weird family of mine, right?

“Okay fine. Hmp! Vance, princess, punta na sa gitna,” utos ni tito Loard. Busangot na sumunod si Vance sa sinabi ng mga magulang niya.

“Your family is as weird as you, babe.” narinig kong sabi ni Vience.

“I know right.”

Akmang ihahagis na ni Vience ang garter nang magsalita si Leickel. “Lila, besty sumama ka na dali. ’Di ba crush mo si kuya Dreik mula nang makita mo siya sa magazine ng top ten successful bachelors?” pambubuking naman ni Leickel sa best friend niya pero nakakaloko siyang nakatingin kay Vance. Kahit hihiya-hiya si Lila ay tinungo na rin niya ang gitna. Actually magkatabi sila ni Vance.

Inihagis na ni Vience ang garter at nakita kong malakas na tumalon si Lila upang makuha ito ngunit mabilis lang siyang itinulak ni Vance kaya’t nag-iba ang direksyon ng pagtalon niya at si Vance ang nakakuha.

“Tingnan mo ’yang pinsan mo, Avrein. Pakipot, gusto rin pala. Manang-mana sa ’yo,” bulong na naman ni Vience kaya’t nahampas ko siya sa braso.

Gaya ng nakagawian ay nagpalit ng damit sina Vance at Dreik. Lumabas sila mula sa isang kuwarto na naka-gown na si Dreik at naka-slacks at polo naman si Vance. Cute.

“MOMMA Girlfriend?” Napukaw ang atensyon ko nang bigla na lamang magsalita si Axel na nakakandong sa akin ngayon. Naupo na kasi kami ulit ni Vience matapos a

“Yes, baby?”

“I’m tired. I wanna go home,” naghihikab na sabi niya pa.

“But, buddy, you won’t be coming with me and your Momma Girlfriend. You’ll be staying at your Mamita Geneve and Papa Led for a couple of days. I just have to be with your Momma Girlfriend for some time,” paliwanag naman ni Vience kay Axel. Napag-usapan kasi namin na habang nasa honeymoon kami ay ipagkakatiwala na muna namin si Axel kina Mommy at Daddy.

“But, Daddy—”

“No more buts, buddy. You don’t want a baby sister or a baby brother?” tanong muli ni Vience dito.

Umiling si Axel at ngumiti sa amin na ikinataka ko. “I don’t want, Daddy. Not because I’m selfish, but because I wanna be an only child for two reasons.”

“What are those reasons, baby?” tanong ko.

“First, I want to be the only child calling my parents Momma Girlfriend and Daddy. Second, I know Momma Girlfriend won’t be able to bear another child ’cause she’s a Freezell. That’s what Tita Aeickel told me. She said Momma Girlfried was so lucky that I survived inside her tummy when I was still a fetus for if ever I died at that time, Momma Girlfriend won’t be having a child ever again,” malungkot pero nakangiting wika niya.

I’m so proud that at the age of three ay lubos na niyang naiintindihan ang mga bagay-bagay.

“He got your intelligence,” bulong ni Vience sa akin.

“So, pinapayagan mo na ba kami ni Daddy, baby?” tanong ko.

“Yes, Momma Girlfriend. Just be safe,” saad niya saka na kami iniwan at tumakbo na papunta kina Mommy at Daddy.

Itinuon ko na muli ang pansin ko sa nagaganap na kantiyawan sa gitna ngunit naramdaman ko ang kamay ni Vience sa kamay ko. “What?”

“We’ll escape. Hayaan mo nang sila na lang ang magkuwento sa nanyari sa reception ng kasal natin sa istorya nila. It’s their story to tell, babe, not us,” sabi niya, saka na ako hinatak paalis nang wala man lamang nakakapansin dahil nakatuon ang atensyon ng lahat sa gitna. “I’m kinda excited to take you to the seventh heaven.”

Pasakay na sana kami nang sasakyan niya nang may humarang sa amin. “Itatakas mo pa talaga si Ate Avrein, kuya?” nanunuksong sabi ni Viennard sa kuya niya.

“Shut up.”

Nakitawa naman si Vienna at Daddy Vic sa tila aburidong reaksyon ni Vience.

“Okay, okay. Hindi na namin kayo gagambalain. I just want to tell you son, I’m so proud of you,” wika ni Daddy Vic, saka kami parehong niyakap ni Vience.

Nang makasakay na kami sa sasakyan ay nagsalita siya. “Sleep now babe, you have to gain a lot of energy. I swear to God, hindi lang tayo hanggang round three.”

Pambihira!

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

EPILOGUE

AVREIN

NAALIMPUNGATAN ako sa pakiramdam na parang may umaagaw ng hangin na gusto kong sagapin. Saktong iminulat ko ang mga mata ko ay naitulak ko ang taong humahalik sa akin.

“Best way to wake my wife up,” nakangising wika niya.

“Nasaan tayo?” Ang dilim kasi ng kinaroroonan naming at wala akong maaninag na liwanag.

“Cold Breeze Island. Pag-aari ’to ni Mommy na ipinamana niya kay Vienna.”

“So bakit tayo nandito?”

“Silly wife, don’t act innocent. We’re here for our honeymoon.” Para namang namula na naman ako sa narinig ko.

Naunang bumaba si Vience para pagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.

Nang makababa na ako ay bigla na lang tila may nag-on ng mga ilaw na narito at bumungad sa akin ang iba’t ibang kulay ng liwanag. Para akong nasa paraiso. Nasa harap kami ng isang malaking gate, tapos tanaw na tanaw sa loob na ang path walk na napaliligiran ng iba’t ibang kulay ng samot-saring bulaklak. This was heaven!

Pumasok na kami sa loob at naglakad sa mala paraisong daan hanggang sapitin namin ang . . . dagat?

“Dagat?” tanong ko kay Vience na mahigpit ang hawak sa kamay ko.

“Yeah.”

Dagat? Honeymoon?

“Don’t tell me—”

“Yes, babe. We’re going to do it here. Now or never.”

“V–Vience!”

“I’m not kidding here.” Hindi na ako nakapagsalita pang muli dahil iginiya niya ako palapit sa dalampasigan at bumungad sa akin ang may kalakihang bangka. Bangka ito pero mas malaki sa pangkaraniwan.

“Don’t tell me we’re going to ride that—”

“Yeah of course, babe!” aniya at saka ako isinakay rito.

Laking pasalamat ko na lang talaga at kalmado ang alon. Dagdag pa roon ay gabi na din at tila abot kamay ko lang ang mga bituin kaya’t napakaganda ng tanawin.

Nagsagwan na siya ng bangka hanggang sa sapitin namin ang parte ng dagat na hindi naman gaanong nalalayo sa dalampasigan.

“I’m not one hell of a romantic guy but damn, the moment I realized where else do I want to take you to heaven, this place immediately crossed my mind,” wika niya, saka may inihulog sa dagat na tila pabigat para di kami matangay ng maliliit na alon palayo.

I didn’t know why, but I gently caressed his left cheek.

“I want to show the world, the moon and the stars that you’re mine and how will I own you in my own special way.”

“You don’t have to show the world that I’m yours, sapat nang alam mo at alam ko na pag-aari mo ’ko,” nakangiting wika ko.

Maya-maya lamang ay naramdaman ko na lang na nakalapat na ang mga labi niya sa mga labi ko. It was gentle . . . really gentle. He never kissed me as gentle as this even before. This kiss was too pure and contented.

Suddenly, I felt something knocking in between my lips. I knew it was his tongue so I immediately opened my mouth. He entered his tongue and it played with mine.

While he was claiming my lips, I felt his hands gently removed my gown. He unzipped my gown from my back and let it fell.

Nalulunod ako sa sensasyon na dala ng kamay niya sa balat ko. I’m only wearing my underwear at this moment.

Naramdaman kong unti-unting bumababa ang halik niya matapos iwanan ang mga labi ko. His kisses were at my earlobe now—gently nipping and sucking it. It gave shiver down to my spine. He was really irresistible.

Natatangay na ako ng sensasyon nang maramdaman ko ang paglalag bigla ng bra na suot ko. He was just too good at this. Hindi ko man lang namalayan na natanggal niya na pala ito.

O dahil sa tangay na tangay na kasi ako?

Napasinghap ako nang umihip ang malamig na hangin kasabay nito ay ang paglapat ng isa niyang kamay sa isang dibdib ko.

“As the cold breeze blew, your beautiful nipples reacted,” he said as he played with my tiny nipple.

“V­–Vience . . .!” I wanted to shout because of the frustration he was giving my body but something stopped me. I knew it was my own mind, body and soul. Alam kong gusto ko rin naman ang nararamdaman kong sensasyon.

His kisses went down and down until it reached my shoulder. He was leaving tiny wet kisses on it that I knew after this session will mark. Remind me of not wearing an off-shoulder dress.

“V–Vience . . . you’re making me wet down there!” I didn’t know why but those words suddenly came out of my mouth.

Naramdaman ko ang bahagyang pagngisi niya dahil nga naroon ang mga labi niya sa balikat ko.

“Don’t worry, wife, we’re quits. My little buddy wants to come out of my pants for who knows since when,” he whispered.

Muling bumaba ang halik niya at kasabay nito ay iniwanan ng kamay niya ang isang dibdib ko. His hand travelled down to my stomach until it reached my lower underwear.

Nagulat ako nang sumabay sa pagsakop ng mga labi niya sa dibdib ko ang pagpasok ng kamay siya sa loob ng pang-ibaba ko.

While his mouth were gently nipping my nipple his hand were playfully playing with me down there. He was rubbing my core and gave a gentle pinch on my sensitive spot.

Hindi ko alam saan ko ilalagay ang mga kamay ko dahil sa nararamdaman ko kaya’t mas pinili ko na lamang na dalhin iyo sa buhok niya. Kaso lang parang iba ang naging dating sa kaniya.

“You want more, babe?” he asked.

“Oh my . . . Vience . . .!” He bit my nipple for Pete’s sake!

I heard his playful laugh. “You really are so wet, baby. I want to taste it. I want to taste your juices.”

Napakabilis ng mga pangyayari. Basta ang alam ko na lang ay nakahiga na ako sa bangka habang kapwa na kami tila sina Eba’t Adan at siya naman ay nakadapa sa akin—in front of my sensitivity to be exact.

“V–Vience, ohhhhh . . .!” He kissed me! He just kissed me down there! Goodness! We had done this a lot of times before but why do I feel like it was our first?

He was rubbing his tongue on my core!

Hindi ko alam saan ko ibabaling ang ulo ko. Hindi ko alam saan ko ihahawak ang mga kamay ko. Hindi ko na alam kung nakakapag-isip pa ba ako.

I’m near. He penetrated me using his tongue that made me ask for more. “Oh goodness, Vience! Could you please . . . p–put yours inside me now . . .!”

I heard him chuckled for a brief moment as he positioned himself at my entrance.

Basta ang alam ko, bawat ulos niya sa akin ay kasabay ng maliliit na alon sa dagat.

He’s an exhibitionist!

MARAHAN kong kinurot ang pisngi niya dahil ayaw niyang bumangon kanina pa samantalang naririnig ko na ang anak niya na nagrereklamo dahil gutom na.

“Vience, bumangon ka na. Male-late ka rin—” Hindi ko natapos ang sinabi ko dahil bigla na lamang sa isang iglap ay nakakubabaw na siya sa akin.

“Good morning sa napakagandang asawa ko,” bati niya sa akin sa magalasgas na tinig, saka hinalikan ang tungki ng ilong ko.

“Matagal nang tapos ang kasal natin, feeling newlywed,” anas ko, saka ko siya pinaningkitan ng mata dahil mayroon akong naalala. “Hindi mo pa naipapaliwanag sa akin ang pekeng nurse sa ospital at sa kasal natin, Vience Kent!”

Nakita kong napakagat-labi siya siya, saka kumindat sa akin.

“Matagal na akong gising noon, alam ng mga nurse at doctor ’yon. Sinabi ko na huwag sasabihin sa ’yo dahil pinaplano ko ang proposal at kasal. Madalas kapag nagugutom ako noon ay si Axel ang nagpapakain sa akin at minsan naman ang mga nurse—basta tinataon namin na wala ka.”

“Grabe ang pagiging manipulative mo! Sana noon ko pa nakita iyang red flag mo, hindi sana ako nagpakasal—”

“No, babe, you saw but you chose to ignore,” mayabang niyang wika sa akin.

“Wow, the confidence!”

Nakita kong natawa siya sa sinabi ko bago nagpatuloy. “Doon naman sa nag-straight line ang heart rate ko ay pinlano ko rin. Plano kong maipasok ako sa emergency room para makausap ko ang wedding oraganizer at photographer para sa kasal natin na hinahanda ko. Promise, Misis, ayaw ko naman talagang pakabahin ka, kaso iyon lang ang naiisip kong paraan para masurpresa kita—OUCH!” Kinurot ko siya sa magkabila niyang pisngi dahil sa naalala kong hirap ko habang kung ano-anong ginagawa ng mga doctor sa kaniya.

“Tara na at bumangon ka na riyan,” pag-aaya ko kaso lang bigla na lamang niya akong hinatak at napahiga ako sa kama, saka siya muling dumagan sa akin. “V–Vience!”

“One round, babe, please?”

“Male-late ka na sa trabaho pati Axel!” sigaw ko pero imbes na sagutin niya ako ay bigla na lamang niya akong hinalikan.

“Baby, please isang round lang? Pampagana ng umaga ko,” pangungulit niya na amy kasamang paglalambing.

“No.”

“Please, Mrs. Montealegre?”

“No.”

“Fine!” nagdadabog na wika niya, saka na ako tinalikuran. Akmang ibubukas na niya ang pintuan nang magsalita ako.

“Five minutes.”

Napalingon siya sa tinuran ko at ngumisi. “Ten minutes?”

“Six minutes?” nakakalokong sagot ko.

“Eight minutes?” tanong niyang muli habang naglalakad palapit sa akin.

“Deal.” Mabilis niya akong tinungo, saka siniil ng halik.

Nasunod ba ang eight minutes? Nope. Ano pa nga bang aasahan ko? I married him . . .

. . . MY NAUGHTY BOASTFUL BOSS.

THE END

**

SALAMAT SA MATAGAL NA PAGHIHINTAY NINYO NA MATAPOS KO ANG EDITING NG LIBRONG ITO. 😊

Gusto ko pong ipaalam sa inyo na lalabas ang libro na ito under PSICOM Publishing at mayroon pong special chapters doon na POV ni Vience. Salamat sa pagtitiyaga ninyo kahit hindi naman maganda ang istoryang ito. 😄 THANK YOU AND GOD BLESS, EVERYONE.

Mahal ko kayo lagi . . . palagi-lagi. 🥀

MNBB UNDER PSICOM

HELLO PO!

GOOD EVENING!

Bilang nasabi ko na noon na mapu-publish ang book na ito under PSICOM Publishing Inc. ay narito po ang update.

The physical book of this novel will be available on January under PSICOM. The book costs P195. Sowper affordable naman po, hindi ba?

There will be special chapters sa book na never maipo-post po rito sa Wattpad and those special chapters are all Vience’s point of view.

If bet n’yo pa po ng update/s regarding the physical copy, you may comment here, magre-reply po ako agad or you may visit psicom’s facebook page @ PSICOM Publishing Inc. They post updates from time to time and may recent posts po sila about this book. 😊

And btw, HAPPY 5 MILLION READS po sa atin! ❤️ I will not reach this view without your love and support.

Again, thank you for reading this book kahit na alam kong nalito, nahilo, na-bad trip, nanggigil, at gusto ninyong manakal ng male lead. Salamat sa patience, suporta, at pagmamahal.

Mahal ko po kayo lagi . . . palagi-lagi.

  • M A Y O R A / J E L A Y

FreezellPart 1 of 1