loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
My Possessive Ex-Boyfriend

My Possessive Ex-Boyfriend

lhiamaya · 43 chapters · 65,466 words

A/N

Read at your own risk!

Mature Scene Content !

Coming soon! ;)

Prologue

Warning 🔞

Pinky POV

“UGH shit Cedric! Sige pahh.. ahh!”

Kinagat ko ang ibabang labi habang impit akong umuungol. Nasa ibabaw ko si Cedric na mabilis na umiindayog. Nakayakap ako sa kanyang batok at nakapulupot ang aking mga binti sa kanyang balakang. Damang dama ko ang kanyang kalakihan na mabilis na naglalabas masok sa aking basang lagusan. Masarap din ang bawat hagod nun sa aking laman.

Impit akong napatili kasabay ng pagnginig ng aking katawan ng muli akong labasan. Pero hindi pa tapos si Cedric na patuloy pa rin sa pag ulos. Bumangon sya at lumuhod. Hinawakan ang dalawa kong hita at mas lalo pang binilisan ang pag ulos.

Awang ang labing pinagmamasdan ko sya. Lukot ang gwapo nyang mukha dahil sa sarap. Umiigting pa ang kanyang panga at napapamura pa sya. Nangingintab na rin sa pawis ang kanyang malapad na dibdib. Nangangalit din ang kanyang namumutok na mga muscles sa braso.

Katatapos ko pa lang pero heto na naman ang panibagong kiliti na sumasalakay sa pagkababae ko.

“Feels good babe?” Tanong ni Cedric na nakatingin din sa akin.

Nagtatanong pa sya. Di ba obvious? Heto nga at tumitirik ang mata ko.

“Hindi masarap..”

Ngumisi sya. “Oh really? How about this?”

Umawang ang labi ko ng umulos sya ng malakas at madiin. Tinaas pa nya ang dalawang hita ko. Nakadikit na ang dalawang tuhod ko sa aking dibdib. Mabilis, madiin, at baon na baon ang bawat ulos nya na halos lumubog na aking katawan sa malambot na kama.

“O-Ohh my goshh Cedric!” Naiiyak na ungol ko sa sarap dahil nasasagi ng pagkalalaki nya ang masarap na parte sa loob ko. Tirik na tirik na naman ang aking mata.

“So tell me.. hindi pa ba masarap huh?”

“S-Sobrang sarap Cedric.. u-ughhh yess sige pahh babe!” Ungol ko sa sarap.

Pinatong nya ang dalawa kong binti sa kanya balikat at tinukod ang dalawang kamay sa magkabilaang gilid ko. Mas lalo pang bumilis ang kanyang ulos na madidiin. Baon na baon din ito sa kailaliman ko.

Humawak ako sa batok ni Cedric. Yumuko naman sya at siniil ako ng halik. Akin naman yung tinugon. Matamis ang halik na aming pinagsasaluhan habang wala pa rin syang tigil sa mabibilis na pag ulos hanggang sa sabay na kaming nilabasan..

“Mmm..” Kagat labing ungol ko sabay ikot ng mata.

Nasa pagitan ng mga hita ko si Cedric at nakasubsob sa pagkababae ko habang ang isang kamay ay pinipiga ang isang dibdib ko. Katatapos ko lang labasan at heto sya ayaw pa ring lubayan ang pagkababae ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nilabasan. Pero ang nobyo ko ay tila wala pa ring balak na magpaawat. Damang dama ko ang pananabik nya sa akin. Paano ba naman isang buwan din kaming hindi nagkita. Nakadestino kasi sya ngayon sa isang malayong probinsya at isang beses lang sa isang buwan pwede syang umuwi. Isang pulis si Cedric na may mataas na ranggo. Isa syang hepe ngayon sa malayong probinsya.

Galing sa mayamang pamilya si Cedric. Isang kilalang businessman at philanthropist ang kanyang ama. Ang kanyang ina naman ay anak ng isang dating kilalang senador. Matagal na syang pinagreretiro ng kanyang mga magulang para i-take over nya kanilang kumpanya. Pero wala syang interes dito. Nasa serbisyo ang kanyang interes. May isa syang kapatid na babae pero nag aaral pa ito sa kolehiyo.

Muling nanginig ang katawan ko kasabay ng pagrasa ng katas ko. Umakyat naman ang mainit na labi nya sa aking tiyan at dibdib. Pinagsawa nya ulit ang kanyang bibig doon. Humawak naman ako sa buhok nya. Mainit at nakakaliti ang kanyang mainit na bibig na masarap sa pakiramdam. Ilang segundo lang syang nagpakasasa doon at muli nyang sinakop ang labi ko kasabay nun ang muli nyang pag angkin sa akin.

Susulitin ko na ang mga sandaling ito dahil ito na ang huling gabi na mararanasan ko ito sa piling nya. Dahil makikipag hiwalay na ako sa kanya. Tatapusin ko na ang isa’t kalahating taon naming relasyon..

Sinuklay ko ng daliri ang buhok at sinukbit na ang bag sa balikat. Humugot ako ng malalim na hininga at nilibot ko ang mga mata ng huling beses sa loob ng kwarto ni Cedric. Ito na ang huling beses na makikita ko ito. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

Natigilan ako ako sa paghakbang papasok ng kusina at pinagmasdan si Cedric na nakaharap sa kalan. Mukhang nagsasangag sya ng kanin dahil naaamoy ko ang bawang. Nakatalikod sya sa akin. Nakasuot sya ng sandong itim na hakab ang malapad nyang likuran. Nagfi-flex ang kanyang malalaking muscles sa braso sa tuwing gagalaw sya.

Kumagat labi ako. May kumurot sa puso ko. Ito ang isa sa tanawing mamimiss ko ng sobra.

Humarap si Cedric at natigilan ng makita ako. Kumunot ang kanyang noo at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Bakit nakabihis ka na? Uuwi ka na? May usapan tayo di ba?” Aniya.

Tumikhim ako. “Hindi ako pwedeng um-absent ngayon. Walang boss sa shop. Nag out of town si Ciella at ang asawa nya kasama ang anak nila.”

Bumuntong hininga sya at tumitig sa akin. “Hindi mo ba pwedeng gawan ng paraan? Ibilin mo muna sa ibang tauhan nyo.”

Nag iwas naman ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang tingin. “I’m sorry Cedric, pero hindi pa kasi gamay ng mga tao namin doon ang mga gagawin. Lalo na kapag dagsa na ang customer natataranta na sila.”

Gumuhit ang disappointment sa kanyang mukha. “Pambihira naman o. Isang beses sa isang buwan na nga lang tayong magkita tapos hindi pa tayo pwedeng lumabas at magbonding.” Himutok nya.

“I’m sorry Cedric..” Gusto ko syang lapitan at yakapin pero pinigilan ko ang sarili.

Kumamot sya sa ulo. “Sige na maupo ka na. Kumain ka muna bago ka umuwi.”

Kumagat labi ako at umupo na. Ito ang huling beses na matitikman ko ang luto nya.

Madaldal si Cedric sa gitna ng aming almusal. Kinukwento nya ang mga nangyayari sa probinsyang pinagdedestinuhan nya. Mataman lang akong nakikinig at tumatango. Gusto kong namnamin ang kanyang boses hanggang sa huling sandali.

“Ang tahimik mo naman.” Puna nya.

Ngumiti ako. “Gusto ko lang kasi marinig ang boses mo.”

Ngumisi sya. “Sobra mo ba akong namiss?”

“Oo.. sobra.”

Inabot nya ang kamay ko at pinisil. “Ako din, sobra kitang namiss.”

Tila may bikig na bumara sa lalamunan ko. Parang gusto kong umiyak.

“So kamusta ka naman sa shop?” Tanong nya.

“Ayos lang..”

“Hindi ka pa ba napapagod?”

Nilunok ko ang pagkain. “Nakakapagod, pero nag e-enjoy naman ako.”

Dinampot nya ang tasa at humigop ng kape. “Baka may nanliligaw sayo dun. Sabihin mo sa akin papakainin ko ng bala.”

Napasinghap ako sa sinabi nya. Nginisihan lang nya ako.

Sobrang possessive talaga nya at seloso. Minsan nag aaway kami sa ugali nyang yun. Mula ng maging kami umiwas na sa akin ang mga kaibigan kong lalaki dahil inaaway nya.

Ng matapos na kaming kumain ay hinugasan na nya ang mga kainan namin. Ako naman ay humuhugot ng lakas ng loob na sabihin ang kanina ko pa gustong sabihin. Ayokong makipag break sa kanya. Mahal ko si Cedric.. mahal na mahal. Sya ang first boyfriend ko at gusto ko ring maging last. Pero.. hindi kami ang para sa isa’t isa. Kaya hangga’t kaya ko pang bumitaw. Bibitaw na ako. Para sa kanya din itong gagawin ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at tumikhim.

“Cedric..”

Lumingon sya sa akin at kumunot ang noo. “Uuwi ka na? Ihahatid na kita.” Aniya at nagpunas na ng kamay.

“Hindi na.. Kaya ko ng mag isa.”

Lalong nalukot ang kanyang noo.

Ngumiti ako. “Cedric.. T-Tapos na tayo..”

Nagsalubong na ang kilay nya. “What? What do you mean tapos na tayo?”

Lumunok ako at humugot ng malalim na hininga. Tinaas ko ang noo at tinatagan ang loob.

“Break na tayo. Hindi na kita mahal.”


Chapter 1

Pinky POV

“PRISCILLA! Priscilla!”

Naalimpungatan ako ng marinig ang boses ng aking tiyuhin. Inaantok at pupungas pungas na bumangon ako. Humikab ako at sinuklay ng daliri ang magulong buhok. Tumayo ako sa kama at tinungo ang bintana. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang bintana. Napapikit pa ako at napangiwi ng masilaw ako sa sinag ng araw ng pang umaga. Dinilat ko ang isang mata at tumingin sa ibaba. Naroon ang tiyuhin kong pinsan ni mama. May mga bitbit syang plastik, bilao at karton.

“Tiyong Rusi, dumating na pala kayo ni Tiyang Les.”

“Oo, kagabi pang mga alas dose. Buksan mo na ang pinto at may mga dala ako.”

“Opo, wait lang.”

Umalis na ako sa bintana at dinampot ko ang bra at mabilis na sinuot. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan.

Binuksan ko ang maliit na pinto ng gate at pinapasok na ang tiyuhin.

“Mukhang ang dami po nitong mga dala nyo ah.” Sambit ko at kinuha ang dalawang bilao na hawak nya na may lamang iba’t ibang kakanin.

“Eh padala sayo lahat yan ng Tiyang Helen mo. Miss na miss ka na raw nya eh kelan ka raw ba uuwi sa atin sa Quezon.” Ani Tiyong Rusi habang papasok na kami sa loob ng bahay.

Si Tiyang Helen ay ang panganay na  kapatid ni mama. Close ako sa kanya at para ko na rin syang pangalawang ina. Matandang dalaga ito at ang ikinabubuhay sa aming probinsya ay ang paggawa ng mga kakanin.

“Baka po sa susunod na summer ay umuwi ako sa atin.” Sabi ko.

“Sabihin mo sa kanya kapag nagkatawagan kayo.” Ani Tiyong Rusi at nilapag sa mesa ang mga plastic bag na dala at karton.

Nilapag ko rin sa mesa ang dalawang bilao na puro kakanin. Sobrang dami nito at hindi ko mauubos. Daldalhin ko na lang siguro ang isang bilao sa shop para sa mga empleyado ko at yung iba ay ipamimigay ko sa mga tenant ko.

Binuksan ni Tiyong Rusi ang mga plastic bag na mga daing ang laman, tuyo at meron ding longganisang Lucban at hardinera. Ang karton naman ay mga gulay at prutas ang laman.

Kumamot ako sa ulo. “Sobrang dami naman po pala ng padala ni Tiyang Helen.”

“Eh alam mo naman ang Tiyang Helen mo mahal na mahal ka noon. Ayaw ka nung magutom.” Natatawang sabi ni Tiyong Rusi.

Natawa na lang din ako. Mamaya ay tatawagan ko si Tiyang Helen para pasalamatan. Parang bigla ay gusto ko tuloy umuwi sa Quezon pero sa bakasyon ay uuwi talaga ako.

“O sya, uuwi na ako at wala pa akong masyadong tulog dahil ang iingay ng mga pinsan mo sa bahay. Sabi pala ng Tiyang Les mo, mamayang gabi sa bahay ka kumain dahil magluluto sya ng marami.”

“Sige po tiyong.”

“Mauna na ako.”

“Ingat po.”

Pag alis ni Tiyong Rusi ay inayos ko na ang mga dala nya. Nagtabi ako ng mga pagkain na kaya ko lang kainin at nilagay sa ref. Ang iba naman ay pinagparte parte ko sa mga pagbibigyan ko. Syempre binukuran ko rin si Ciella. Paborito nya ang longganisang Lucban.

Ng mapagparte ko na ang lahat ay ipinamahagi ko na ito sa mga tenant to. Meron akong limang tenant. Limang pinto ang apartment na up and down. Dalawa ang kwarto at isang banyo at tiles ang sahig. May sariling metro ng tubig at kuryente at may malawak na harapan  na pwedeng pagparadahan ng kanilang motor. 10 thousand ang upa sa isang buwan at malapit ito sa lahat. Iniwan ito sa akin ng papa at mama ko bago sila pumanaw.

Si papa ang unang pumanaw dahil sa sakit nya sa puso. Sumunod naman si mama ng isang taon lang dahil sa sobrang kalungkutan. High school pa lang ako noon at yun ang pinakamalungkot na yugto ng buhay ko. Mabuti na lang at nandyan ang mga kamag anak ko na mababait naman at inaalalayan ako. Pumanaw man ang mga magulang ko ay hindi naman nila ako iniwan na walang wala. Bukod sa sariling bahay namin at apartment for rent ay may savings din silang iniwan para sa akin at yun ang ginamit ko para makapag tapos ng pag aaral. Ang natirang savings ay pinampuhunan ko sa sosyo naming negosyo ng best friend kong si Ciella na Haven La Fluer Cafe. Maganda ang takbo ng negosyo namin at nakabili na ako ng sarili kong kotse na hindi hulugan.

“Salamat Pinky. Nawa’y lahat ng landlord ay gaya mo.” Biro ni Aling Dayang na nangungupahan sa huling pinto.

Natawa naman ako. “Walang anuman po.”

Lahat ng tenant na binibigyan ko ay may magagandang ngiti sa labi. Mababait ang mga tenant ko at laging on time nagbabayad ng upa.

“Wow! Longganisang Lucban. Namiss ko ng kumain nito. Bigla tuloy akong naglaway.” Sambit ni Ciella na tatlong buwang buntis. Nasundan na ang panganay nila ni Lex na inaanak ko.

“Masarap na masarap yan bagong gawa ni Tiyang Helen.”

“Thank you Pinky. Mamaya pag uwi ko babanatan ko na to.”

“O hinay hinay lang, marami yan.” Natatawang sabi ko.

“Hindi lang naman ako ang kakain nito. Pati si Lex kakain din dahil favorite din nya ito. Masarap to sa almusal.”

“Ay true.”

Nilingon ko naman ang mga empleyado kong pinagkakaguluhan na ang isang bilaong kakanin na dala ko. Kabubukas pa lang ng shop kaya hinayaan muna namin silang kumain at wala pa namang customer. Ang iba sa kanila ay malamang wala pang almusal. Libre naman ang pagkain nila dito sa shop.

Mayamaya pa ay pumalakpak na si Ciella at sinaway na sa pagkain ang mga crew dahil sunod sunod ng pumasok ang mga customer. Agad naman ang mga itong tumalima at dinala na ang bilao sa kusina. Kami naman ni Ciella ay dinisplay na sa labas ang bucket na may lamang bulalak.

“Thank you sir. Come again.” Magiliw na sabi ko sa customer na lalaki na bumili ng isang bouquet ng red roses para sa girlfriend nya.

“Sure. I’ll come again.. for you.” Anang customer na malapad ang ngiti sa labi at kumindat pa sa akin bago tumalikod at lumabas ng shop.

Ang ngiti ko ay naging ngiwi. Umikot ang mata ko. Ang kapal ng mukha ng lalaking yun. May girlfriend na nakuha pang lumantod. Sarap hampasin sa mukha ng bouquet ng rose na maraming tinik.

“O bakit nakaingos ka dyan at nanlalaki ang butas ng ilong mo?” Nakangising puna ni Ciella na ina-arrange ang mga bulaklak na bili ng customer.

“Yung isang lalaking customer kanina, bumili ng bouquet of roses para sa jowa tapos nakuha pa akong landiin. Ang kapal ng mukha. Sarap hampasin ng rose na puro tinik sa mukha. Sana i-break sya ng jowa nya.”

Tumawa sya. “Marami talagang lalaki ang gaya nya di ka na nasanay.” Binigay na nya sa customer ang bulaklak.

Pinunasan ko naman ang counter at niligpit ang kalat. Hindi masyadong marami ang customer ng flower shop pero ang coffee shop na karugtong lang ng flower shop ay sunod sunod naman ang pasok ng customer. Breaktime na kasi ng mga office workers na nagtatrabaho lang sa malapit. Ang pwesto kasi nitong shop ay napapaligiran ng mga buildings at establishment kaya naman di talaga kami nauubusan ng mga customers na ginagawang tubig ang kape. Bukod sa kape ay meron din kaming pastries na perfect pang partner. Five years na ang Haven La Fleur Cafe at may dalawa ng branch.

“Wow ang galing naman ng baby ni mommy. Patingin nga ng drawing mo..”

Nangingiti ako habang pasulyap sulyap kay Ciella na ka-video call ang anak nyang si Alexandrea. 3 years old na ito at pumapasok na sa nursery school. Matalinong bata, bibo at mahilig mag drawing. Maganda pa kamukha ni Ciella at spoiled sa daddy nya.

“Are you with Ninang Pinky, mommy?”

Dinig kong tanong ni Alexandrea.

“Yes baby, ninang is with me.”

Sumingit naman ako sa screen at binati ang inaanak na makulit. Panay naman ang hagikgik nya ng makita ako.

“When ka po pupunta dito sa house ninang?”

“Kapag namiss mo na ako.”

“I miss you na po..”

“Hmm talaga? You miss ninang na?”

Tumango tango sya at ngumuso.

Ito ang hirap kapag online eh. Di ko sya mapanggigilan.

“Sa sunday pupunta si ninang sa house nyo. Tapos magseselfie tayo ng madami.”

“Yehey!” Tuwang tuwang sabi nya. “Tapos po bili ka donut ah.”

“Yes po.”

Ilang minuto pa kaming nagkulitan ni Alexandrea bago pinatay ni Ciella ang video call dahil may tatlong customer na pumasok at bumibili ng bulaklak. Nakakatuwang bata talaga si Alexandrea. Minsan naiinggit ako kay Ciella.

Siguro kung hindi lang kami ng naghiwalay.. baka may bulinggit na rin akong maglalambing sa akin.

May kumurot sa puso ko ng maalala ang dating nobyo. Kamusta na kaya sya? Siguro may nobya na sya. Posible yun. Gwapo sya eh. Habulin pa ng babae maski binabae.


Chapter 2

Pinky POV

“O KANIN pa Pinky. Marami pang kanin.” Inabot sa akin ni Tiyang Les ang bandehado ng kanin.

Kinuha ko naman yun at sumandok at nilagay sa plato. “Salamat po tiyang.”

“O ulam, try mo naman ang ibang ulam. Itong kinamatisang manok subukan mo. Napanood ko lang ito sa reels sa fb, sinubukan ko pero nilagyan ko ng kaunting twist.” Pinagsandok ako ni Tiyang Les sa mangkok at inabot yun sa akin.

Natatawang kinuha ko rin yun at tinikman. Napatango tango ako. Masarap sya.

Maingay sa mahabang mesa. Magulo ang mga pinsan ko pero masaya. Lima ang anak ni Tiyong Rusi at Tiyang Les.

“O akin na yang pakpak.” Ani Ramil ang panganay na anak nila Tiyong Rusi at Tiyang Les.

“Anong sayo kuya? Nakadalawang pakpak ka na no. Give chance to other naman.” Protesta naman ni Anton na bunso at binabae.

“Nakadalawa ka na rin ah.”

“Anong dalawa? Isa pa lang no. Hita yung kinain ko kanina.”

“Anong hita? Pakpak yun eh. Basta akin na tong pakpak.” Sabay dampot ni Ramil ng pakpak na manok na inihaw.

Pero agad din yung hinablot ni Anton sabay irap pa sa kuya nya. Di rin nagpatalo si Ramil at inagaw din yun kay Anton na hindi naman binitawan. Literal na nag agawan na nga sila. Minsan talaga di sila magkasundo.

“Ano ba yan? Parang mga tanga naman o. Parang pakpak lang pinag aagawan pa.” Sabat ni Betchay ang pangatlo sa anak. Ang that’s my tomboy sa pamilya.

Si Jennifer naman at si Eboy na pangalawa sa panganay at pangalawa sa bunso ay kiber naman na kumakain lang.

“Ano ba yan! Tigilan nyo na nga yang pakpak ng manok. Di na kayo nahiya sa Ate Pinky nyo.” Saway na ni Tiyang Les.

Natawa na lang ako. Sanay na ako sa mga pinsan ko. Ang saya nga nilang tingnan. Naiinggit nga ako sa kanila dahil lima silang magkakapatid samantalang ako ay isa lang. Kung bakit ba naman kasi di ako binigyan ng kapatid ni papa at ni mama noon.

“Para walang away akin na yan.” Kinuha ni Tiyong Rusi ang pakpak ng manok at hinimay himay sa isang platong wala ng laman.

“Pa, bakit nyo naman po hinimay yan? Lasang kamay nyo na yan eh.” Angal ni Ramil.

“Kaya nga.” Segunda pa ni Anton.

“Heh! Tumahimik kayong dalawa. Para kay Boogie to.”

Nag angalan ang dalawa pero wala naman na silang magagawa kaya ibang ulam na lang ang nilantankan nila. Natawa na lang kami. Yan kasi nag agawan pa. Tuloy ay si Boogie ang makikinabang ng pakpak. Si Boogie ay ang alagang aso nila na maingay na ngayon sa labas. Tinatahulan ang bawat dumadaan sa labas ng gate.

“Kamusta naman ang shop nyo ni Ciella, Pinky?” Tanong ni Tiyang Les habang nilalantakan namin ang hinog na mangga.

“Maayos naman po tiyang. Dumaan naman po kasi kayo doon paminsan minsan.”

“Libre ba kape ko?”

“Oo naman. Sama po kayo ni tiyong.” Yaya ko sa kanila.

“Kuh, di ako mahilig sa ganyang kape. Sisikmurain lang ako. Sanay ako sa instant na itim na kape.” Tanggi ni Tiyong Rusi.

“Ang kj mo talaga eh di ako na lang.”

Natatawang tumango na lang ako at pinanood ang tiyuhin at tiyahin sa pagkukulitan. Namiss ko tuloy bigla si papa at si mama. Noong nabubuhay pa sila ganito din sila kakulit.

“Sya nga pala Priscilla, wala ka pa bang nobyo?”

Natigilan ako sa tanong ni Tiyong Rusi. Tumikhim ako at nilunok muna ang nginuyang mangga.

“Wala po tiyong.” Nakangising sabi ko.

“Dalawang taon na kayong hiwalay ni Cedric pero di ka pa rin nagkakanobyo. Siguro di mo pa sya nakakalimutan no?”

Mapait akong ngumiti sa huling sinabi ni Tiyong Rusi pero may kumudlit din na kiliti sa puso ko ng banggitin nya ang pangalan ng dati kong nobyo.

“Busy lang po kasi sa shop tiyong kaya wala pa po akong panahon mag nobyo.”

“Kuh, bakit ba naman kasi naghiwalay pa kayo ni Cedric? Ako ang nanghihinayang na pinakawalan mo sya. Aba’y wala ka ng mahahanap na gaya nya.” Ani Tiyang Les.

Hindi na lang ako umimik na. Dalawang taon na kaming hiwalay ni Cedric. Wala na akong balita sa kanya. Ng maghiwalay kami ay gumawa ako ng bagong fb account at nagpalit na rin ako ng number. Hindi alam ng tiyuhin at tiyahin ko ang totoong dahilan kung bakit kami naghiwalay. Tanging si Ciella lang ang may alam.

“HI!”

Nag angat ako ng tingin mula sa sinusulat. Namilog ang mata ko ng bumungad sa akin ang gwapong mukha ni George.

Ngumiti ako sa kanya. “Oh hi! Long time no see ah.”

Kumamot sya sa ulo at parang nahihiyang ngumiti. “Pasensya na kung ngayon mo lang ako nakita.”

Natawa ako. “Saan ka ba galing? Akala ko nagresign ka na sa kumpanya nyo eh.”

Si George ay dalawang taon ng customer dito sa coffee shop namin. Isa syang Finance Manager at nagtatrabaho sa kabilang building. Dahil masugid namin syang customer ay naging kaibigan din namin sya ni Ciella. Pero nitong mga nakaraang ilang buwan ay hindi namin sya nakikita.

“Na-assigned kasi ako sa Cebu kakabalik ko lang kahapon.”

“Oh I see. Eh di nag enjoy ka sa Cebu?”

Ngumisi sya. “How I wish. Pero mas pagod ako doon kesa dito. Mabuti na nga lang at binalik na ako dito sa Manila dahil namimiss na kita.” Aniya at kuminat kindat pa.

Natawa na lang ako. Nasanay na ako sa mga ganitong hirit nya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na crush nya ako dahil tahasan nya iyong sinabi dati. Noong una asiwang asiwa ako sa kanya kahit gwapo sya. Pero dahil kalog ay natuwa na rin ako sa kanya. Nasanay na ako sa mga hirit nya.

“Miss mo ko pero wala ka namang pasalubong sa akin.” Kunwaring inirapan ko sya.

Kumamot sya ulit sa ulo. “Pasensya na. Wala kasi akong time maggagala doon eh. Alam mo na, trabaho ang pinunta ko doon hindi leisure. But don’t worry, sa darating na long weekend babalik ako ng Cebu mabibilhan na kita ng pasalubong.”

“Sabi mo yan ah.”

“Oo nga! Basta ba pagbalik ko makikipag date ka na sa akin?” Nakangising sabi nya sabay kindat.

“Ayoko nga! Kuyugin pa ako ng mga girlfriends mo sa office nyo eh.”

“Uyy! Girlfriend with ’s. Ang dami ah! Wala akong girlfriend no. Pihikan ako eh. Pero kung liligawan mo ko sasagutin kita agad. Ikaw pa malakas ka sa akin. Di ba nga crush mo ko?”

“Huuyy ang kapal mo!” Inambaan ko sya ng hampas ng bulaklak sa mukha.

Tatawa tawa naman sya. Cute na gwapo ang kumag. Lalo na kapag tumatawa naniningkit ang mga mata. Pero di ko kasi sya type. Friends lang talaga ang tingin ko sa kanya.

“Baka magkadevelopan kayo nyan ah.” Hirit panunukso ni Ciella na nakangisi na sa amin ni George.

Doon ko lang napansin ang ibang customer sa coffee shop na nakatingin na sa amin. Pero natigilan ako ng makita ang mga dating kasamahan ni Cedric sa pulisya. Nakatingin din sila sa akin. Ngumiti sila at tinaas pa ang cup ng kape. Tinanguan ko lang sila at kiming nginitian.

Binalingan ko na si George na tatawa tawa pa rin. “Bumalik ka na nga sa trabaho mo.”

“Oo na. Takot ka lang ma-develop sa akin eh.” Nakangising hirit pa nya.

Pinukpok ko na sya ng craft paper sa ulo.

Tatawa tawang lumayo naman sya. “Oo na, aalis na. Huwag mo kong mamimiss ha.” Hirit pa nya at lumabas na ng shop bibit ang cup nya ng kape.

Naiiling na inikot ko ang mata. “Ang kulit.. sobrang kulit.” Sambit ko.

“Pero mukhang nag enjoy ka naman sa pakikipag kulitan sa kanya.” Ani Ciella.

Nagkibit balikat ako. “Well.. nakakatuwa din naman kasi ang kakulitan nya.”

“Alam mo bagay kayo ni George. Bakit di mo na lang patulan ang mga hirit nya sayo?”

Tumaas ang kilay ko. “Seryoso ka Ciella? Eh nagbibiro lang yung si George.”

“Mukha lang nagbibiro yun pero gusto ka talaga nun. Di ba nga, inamin na nya sayo na crush ka nya tapos panay ang pasaring sayo. Araw araw ka pa nyang pinupuntahan dito para magpa-cute.”

Bumuntong hininga ako. “Pero di ko sya type.” Tinabi ko na ang craft paper na pinampukpok ko kay George kanina.

“Di mo sya type dahil ang type mo ay gaya ni Chief Cedric?”

Natigilan ako. “Bakit napunta kay Cedric?”

Nagkibit balikat sya at ngumisi. “Wala lang. Bigla ko lang syang naalala. 2 years na kayong hiwalay pero di ka pa nagkakaboyfriend ulit. Tapos lahat ng nanliligaw sayo binasted mo.”

“Eh kasi nga wala akong time sa pakikipag relasyon. Di ba nga busy tayo lagi sa shop.”

“Asus! Dinahilan pa ang shop. Choice mo lang talaga maging busy. Eh kasi nga di mo pa sya nakakalimutan. Kunsabagay.. first love and first boyfriend mo sya. First mo sa lahat. Kaya mahirap talaga syang kalimutan.”

May kumurot sa puso ko sa mga sinabi ni Ciella. Lahat yun ay sumapol sa akin. Lahat yun ay totoo.

Umikot ang mata ko. “Oo na, di ko pa sya nakakalimutan. Sya pa din ang type ko. Masaya ka na?” 

“Hindi. Mas masaya ako kung magkakabalikan kayo.” Nakangising sabi pa nya.

“Imposible na yun. Nakipaghiwalay na ako sa kanya di ba?”

“Eh di makipagbalikan ka.”

Humugot ako ng malalim na hininga. “Para namang ganun kadali yun..”

“Madali lang naman talaga kung aalisin mo lang ang takot sa puso mo. Anyway, may good news pala ako sayo.”

Tumaas ang isang kilay ko. “Ano yun?”

“Bumalik na ng Manila si Cedric.”


Chapter 3

Pinky POV

PABILING biling ako sa kama at hindi makatulog. Pabalik balik na gumugulo sa isipan ko ang sinabi ni Ciella kanina na bumalik na raw ng Manila si Cedric. May bago daw itong hawak na kaso kaugnay sa uncle ni Danon na kaibigan ni Lex. Kumabog ng husto ang dibdib ko kanina at hanggang ngayon nga ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na nae-excite. Ngayong nasa Manila na sya ay malaki ang chance na magkita kami.

Dinampot ko ang unan at itinakip sa mukha sabay impit na tumili. Paano kapag nagkita kami? Anong magiging reaksyon ko? Ngingitian ko ba sya? Babatiin o dededmahin? Paano kung kausapin nya ako? Ano naman ang sasabihin ko?

Argh! Di ko alam.

Tinanggal ko ang unan at tumitig sa kisame. Naririnig ko ang mga tahulan ng mga aso sa labas.

Bumuntong hininga ako. Simula ng araw na yun na nakipag break ako sa kanya ay hindi na kami nag usap. Huling nabalitaan ko ay bumalik na sya sa probinsya kung saan sya nadestino. After 2 years bumalik na sya ng Manila.

Pumikit ako. Tila naman nanunuksong lumitaw ang gwapong mukha ni Cedric. Bumilis na naman ang tibok ng puso kong nananabik sa kanya.

“HERE’S your change ma’am. Thank you!” Matamis akong ngumiti sa customer at inabot ang sukli sa kanya.

Ngumiti din sya at tumalikod na. Kinuha ko naman ang order ng susunod na customer at sinuklian din sya. Kulang kami ngayon sa tao dahil biglang um-absent ang isa dahil may emergency kaya tumutulong muna ako. Tutal naman ay paisa isa pa lang naman ang customer sa flower shop na kaya naman ng assistant namin doon.

“Hi Ma’am Pinky.” Bati sa akin ni Romeo ang dating kasamahan ni Cedric sa istasyon. May kasama syang dalawang pulis na mukhang baguhan lang dahil hindi ko kilala. Mga nakangiti din sila sa akin. 

Ngumiti rin ako sa kanila. “Hello sarge! Ano order nila?”

“As usual sa akin black coffee.” Ani Romeo.

Bigla ko namang naalala si Cedric. Mahilig din sya sa black coffe no sugar.

“Ano pa?” Tanong ko sa dalawang kasama ni Romeo na kung makatitig sa akin ay para ba akong hindi totoong tao na nasa harapan nila. Ganda ko kasi. Charezz.

“Ah espresso po sa akin ma’am.” Sabi naman ng isang pulis na mukhang bata pa na clean cut ang gupit ng buhok.

“Sa akin po Americano.” Anang isa pang pulis.

Inabot na nila sa akin ang bayad at pinunch ko na yun. Inabot ko na sa barista ang mga order ng mga magigiting na pulis. Dahil wala pa namang susunod na customer ay hinayaan ko munang makipag kwentuhan sa akin si Romeo at ang dalawang pulis nyang kasama na mga baguhan nga. Sila si Marvin at Norman. Nakakatuwa nga ang dalawa dahil parang mga binatilyong kinikilig. Hay, mga pulis nga naman.

“Ang gaganda pala ng mga crew dito sarge. Bakit ngayon mo lang kami dinala dito.” Ani Norman.

“Oo nga sarge. Lalo na si miss cashier.” Segunda pa ni Marvin na kanina pa nagpapacute sa akin.

“Oy oy bata. Huwag yang si Ma’am Pinky delikado kayo dyan.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Romeo. “Kung magsalita ka naman sarge parang nananakmal ako ah.” Kunwaring nagtatampong sabi ko.

Ngumisi naman si Romeo. “Hindi ikaw ang  ibig kong sabihin Ma’am Pinky. Iba ang mananakmal. Nakakatakot yun.”

Lalo lang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Romeo.

“Sino sarge?” Tanong ni Marvin.

“Halika ka rito bata, sasabihin ko sa inyo.” Inakbayan ni Romeo ang dalawang pulis na kasama nya at hinila palayo sa akin.

Naguluhan naman ako sa kinikilos ni Romeo. May binulong sya sa dalawa at nakita kong namulta si Marvin at napalunok pa na para bang may sinabi sa kanya si Romeo na nakakatakot.

Napailing iling na lang ako at inasikaso ang bagong dating na customer.

“YES pupunta ako. Dumaan lang ako saglit sa mall para bumili ng donut ni kulet. Baka di ako papasukin sa bahay nyo kapag wala akong dalang donut.” Nakangising sabi ko sa kabilang linya habang namimili na ng flavor ng donut na ipapasalubong ko sa makulit kong inaanak.

“Kanina ka pa kasi nya tinatanong sa akin kung papunta ka na. Miss na miss ka na yata.” Natatawang sabi ni Ciella sa kabilang linya.

“Ako ang namimiss nya o yung donut?”

“Teka lang itatanong ko.”

Narinig ko sa kabilang linya na tinatanong ni Ciella si Alexandrea kung ano ang namimiss, ako o yung donut. Ang sabi ng makulit ay both daw. Natawa na lang kami parehas ni Ciella.

“O sige na bebs, ingat sa byahe.” Paalam ni Ciella sa kabilang linya.

Binaba ko naman ang cellphone at pinatay na. Hinarap ko naman ang crew at sinabi ang mga flavor na napili.

Ng makabili na ng donut ay lumabas na ako. May nakita naman akong stall ng milktea. Lumapit ako doon at bumili. Habang naghihintay ay ginala ko ang mata sa paligid ng mall. Linggo ngayon kaya maraming tao sa mall. Tuwing linggo ay hindi ako pumapasok sa shop dahil pahinga ko at gala na rin. May mga manager naman kami sa shop kaya ayos lang magpapetiks petiks minsan. Mas hands on ako kesa kay Ciella dahil may anak na sya na kailangan din nyang arugin at buntis pa sya. Pero minsan tumutulong din si Tita Criselda ang mommy ni Ciella.

“Ma’am heto na po ang milk tea nyo.” Inabot na sa akin ng crew ang dalawang milk tea na binili ko.

Kinuha ko naman yun. “Thank you.” Nakangiting sabi ko.

Naglakad na ako papunta sa escalator. Pero naagaw ang pansin ko ng may nakita akong pamilyar na pigura ng isang matangkad na lalaking nakatalikod. May kasama syang babae na nakahawak sa kanyang braso. Natigilan ako kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Kahit nakatalikod sya ay kilalang kilala ko sya. Ang pigura nya, ang tindig nya, ang bawat parte ng katawan nya.

Lumunok ako at parang may nakabarang bikig sa lalamunan ko kasabay nun ang tila kamaong pumiga sa puso ko. Mukhang ang babaeng kasama nya ang bagong nobya nya.

Kumagat labi ako at tumalikod na. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang escalator at bumaba.

Mabilis kong pinahid ng kamay ang luha kong naglandas sa aking pisngi. Akala ko ay handa akong makita syang may kasamang ibang babae pero hindi pala. Ang sakit.. Pero wala akong karapatang magdrama dahil ginusto ko to.

Kahit wala sa mood ay pinilit kong ngumiti at makipag kulitan sa inaanak ko na si Alexandrea. Pilit kong inaalis sa isip ko ang nakita kanina sa mall. Dinadaan ko na lang sa tawa ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

“Parang ang saya saya mo ngayong araw ah. Wagas kang makatawa. Ayos ka lang?”

Natigilan ako at nilingon si Ciella na matiim ang tingin sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Ngumisi ako. “Ano bang tanong yan? Syempre ayos lang ako no. Nakakatawa kasi itong pinapanood namin ni Alexandrea.” Sabi ko. Totoo namang nakakatawa ang pinapanood naming prank videos pero mukhang ang oa nga ng tawa ko.

“Look mommy o! Watch ka din.” Yaya ni Alexandrea na nakaupo sa pagitan ng mga hita ko at nakasandal sa akin.

“Sige nga, pa-watch nga.” Lumapit na sa amin si Ciella at nakinood na rin. Pati sya ay natatawa na rin.

Kahit papaano nakakalimutan ko saglit ang nakita ko kanina sa mall. Pero agad din yung bumabalik sa isip ko kapag natahimik ang paligid.

Nagtagal ako hanggang gabi sa bahay ni Ciella. Sumabay na rin ako sa kanilang magdinner at nakabiruan ko pa si Lex. Biniro pa nga nya ako tungkol kay Cedric pero ngumingisi lang ako. Siguro kung di ko nakita kanina na may kasamang babae ang dating nobyo ay baka kinilig ako sa biro nya kaso hindi.

Pinatay ko ang makina ng kotse at bumaba na. Tinungo ko ang gate at sinarado. Sya namang pagtunog ng cellphone ko na nasa loob ng bag. Dinukot ko yun at nakita kong si Tiyong Rusi ang tumatawag.

“Hello po tiyong. Napatawag kayo?”

Napakunot noo ako ng makarinig ng mga ingay sa background. Mga nagtatawanan at nagkakantahan.

“Nakauwi ka na ba?”

“Opo tiyong, kakauwi ko lang.”

“Pumarine ka muna sa bahay dahil may bisita tayo.”

“Sino pong bisita – “ Naputol ang pagtatanong ko ng patayan na ako ni Tiyong Rusi ng cellphone.

Napabuntong hininga na lang ako. Sino naman kayang bisita yun? Mukhang importanteng bisita.

Pumasok muna ako sa bahay at nagpalit ng damit bago pumunta sa bahay ni Tiyong Rusi.

Malapit lang ang bahay ni Tiyong Rusi. Isang kanto lang ang layo nun sa bahay ko. Heto nga at di pa ako nakakalapit masyado sa bahay ay dinig na dinig ko na ang boses ni Tiyang Les na bumabanat ng kantang Ibaon Mo. Dahil linggo ngayon ay maraming nag iinuman sa labas ng mga bahay. Lasing na nga ang iba. Mababait naman ang mga ito na binabati pa ako.

Pagdating ko sa tapat ng bahay ni Tiyong Rusi ay napansin ko ang isang itim na itim na raptor. Mukhang bigatin ang bisita ni Tiyong Rusi. Bukas ang maliit na gate at bukod sa boses ni Tiyang Les na umaalingawngaw sa videoke ay dinig ko rin ang tawanan ng mga lalaking kainuman ni Tiyong Rusi. Mga kapitbahay nya ang mga yun.

Pumasok ako sa maliit na gate. Agad naman akong nakita ni Betchay na nakaupo sa monoblock habang may hawak na song book.

“Tay nandito na si Ate Pinky.” Tawag ni Betchay kay Tiyong Rusi.

Tumingin si Tiyong Rusi sa gawi ko at malapad na ngumiti. “O nandito ka na pala Pinky. Halika!”

Lumapit naman ako kay Tiyong Rusi. Ginala ko naman ang tingin sa mga kainuman nya at isa isang nginitian. Pero natigilan ako ng makita kung sino ang katabi ni Tiyong Rusi na naka ballcap.

Si Cedric na matiim ang tingin sa akin.


Chapter 4

Pinky POV

NAKAUPO ako sa isang mesa kasalo ang mga pinsan ko at si Tiyang Les. Nagiinuman din sila pero light beer lang. Bonding na nilang pamilya to tuwing weekend.

Si Anton ngayon ang kumakanta. Parang iniipit ang boses nya pero todo pa rin sya sa pagbirit. Ako naman ay kunwaring busy sa cellphone habang nasa harapan ko ang isang bote ng light beer na binigay ni Tiyang Les.

Kung tutuusin pwede naman akong umuwi. Magpapaalam lang ako kay Tiyong Rusi at sasabihin kong pagod ako. Sigurado namang papayagan nya ako. Pero kasi parang nakadikit na ang puwetan ko sa monoblock na upuan. Panay ang scroll ko sa screen ng cellphone. Lahat na ng social media ko ay binuksan ko. Lahat na ng app sa cellphone ko ay binuksan ko na din. Pero wala doon ang atensyon ko kundi na kay Cedric na ilang dangkal lang ang layo sayo. Bahagya syang nakatagilid kaya nasisiyalan ko ang side profile ng kanyang gwapong mukha. Wala pa rin syang pinagbago. Gwapo pa rin at parang mas lalong lumaki ang katawan. T-shirt na itim ang suot nya na medyo hakab sa kanyang maskuladong katawan at cargo pants na kulay brown. Ang gwapo pa rin ni ex, wala pa ring pinagbago. Parang hindi tumatanda. Thirty six na sya. Ten years ang tanda nya sa akin.

Pero may kumurot sa puso ko ng biglang maalala ang babaeng kasama nya kanina sa mall. Nasaan na kaya ang babaeng kasama nya? Wala silang date ngayong gabi?

Bigla syang lumingon sa akin. Mabilis naman akong nag iwas ng tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko at nataranta ang daliri ko sa pagpipindot sa screen.

Shet! Nakita kaya nyang nakatingin ako sa kanya? Sana naman hindi. Baka isipin nya gwapong gwapo pa rin ako sa kanya.

“Ate Pinky, ikaw naman ang kumanta.”

“Ha?” Nilingon ko si Anton. Binibigay nya sa akin ang mic.

“Favorite song mo yung next.”

Bigla ngang tumugtog ang paborito kong kanta na We Belong. Ang kantang lagi kong kinakanta noon kay Cedric kapag naglalambing sya.

“Hindi na. Ikaw na lang ang kumanta. Medyo paos ako eh.” Tanggi ko. Ang awkward na kantahin ko yun eh nandito si Cedric.

Ngumuso si Anton. “Parang hindi naman. Sige na ate, kantahin mo na.” Pangungulit pa ni Anton.

“Oo nga, kumanta ka na Pinky. Matagal ka na rin naming di naririnig kumanta.” Segunda pa ni Tiyang Les.

Wala na akong nagawa kundi kunin na ang mic. Lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Pati nga ang kamay kong may hawak na mic ay nanginginig na. Lumunok ako at bumuka ang labi ko.

“I’ve tried to tell you.. So many times.. these feelings of mine.. But it’s not that easy.. Letting you know how I love you so..”

Nagsipulan at naghiyawan ang mga pinsan ko ng magsimula na akong kumanta. Si Tiyong Rusi nga ay akala mo nasa isang singing contest ako kung maka-cheer. Pati nga ang mga kainuman nya ay pumapalakpak pa.

Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda ang boses ko. Lagi akong pambato ng section namin sa kantahan noong high school at college.

Pagdating sa chorus ay ginanahan na akong kumanta.

“Don’t you know that we both belong, baby.. Don’t you know that we will last forever.. Don’t you know that we both belong.. I knew it from the start, we belong..”

Wala sa sariling napasulyap ako kay Cedric. Pero agad akong nag iwas ng mata dahil nakatingin pala sya sa akin. Halos dumoble na ang tibok ng puso ko. Tuloy ay nadampot ko ang bote ng light beer at tinungga.

Natapos ko naman ang kanta na hindi ako pumiyok. Grabe kasi ang kaba ko. Daig ko pa ang sumalang sa isang singing contest. Paano ba naman kahit hindi ako lumingon at damang dama ko ang mainit na titig sa akin ni Cedric. Idagdag pa ang mga kantyawan ng mga pinsan ko.

Inubos ko na ang laman ng bote ng light beer at tumayo na. Lumapit ako kay Tiyong Rusi ng hindi tumitingin kay Cedric na nasa tabi nya at nakatingin din sa akin.

“Tiyong, uwi na po ako.” Paalam ko.

“Ang bilis naman. Maaga pa ah.”

“Alas nuebe na po. May pasok pa po ako sa shop bukas.”

“Alas nuebe na ba?” Sinilip ni Tiyong Rusi ang oras sa suot nyang relo. “Alas nuebe na nga. O sige, mag iingat ka sa pag uwi.”

“Opo.” Lumapit naman ako kay Tiyang Les at sa mga pinsan ko at nagpaalam. Tinutukso pa rin nila ako kay Cedric pero di ko na lang pinapansin.

Malalaki ang hakbang ko pauwi sa bahay. Di ko na kasi matagalan ang presensya ni Cedric. Nakakatunaw ang mainit nyang titig. Baka malusaw ako at matagpuan ko na lang ang sarili kong nasa bisig nya dahil miss na miss ko sya.

Ipinilig pilig ko ang ulo. Ano ba tong naiisip ko? Hindi ko na sya dapat iniisip dahil wala na kami. Matagal na.

“Ay!” Napatili ako ng mapatid ang isang paa ko sa hump na di ko nakita. Pero may malalakas na braso ang sumalo sa bewang ko na hindi ko inaasahan.

“Tss! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.”

Napasinghap ako at namilog ang mata ng marinig ang malaki at magaspang na boses ni Cedric. Tumayo ako ng tuwid at humarap sa kanya. Nahigit ko ang hininga at parang tinatambol ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Tinulak ko sya sa dibdib at dumistansya sa kanya. Para kasi akong napapaso sa mainit na singaw ng kanyang katawan.

“S-Sinusundan mo ba ako?” Nauutal pang tanong ko.

“Oo, mabuti na lang sinundan kita. Muntik ka pang humalik sa semento kung di kita na  nasalo. Hindi ka kasi tumitingin sa daan.” Masungit na sabi nya.

Lumunok ako. Parang nasa lalamunan ko na ang puso ko sa lakas ng kabog nito.

“T-Tumitingin ako. Di ko lang napansin yung hump.” Palusot ko pa.

“Tss, palusot ka pa eh. Kanina nga para kang lutang na naglalakad. Nakailang bote ka ba ng light beer?”

“I-Isa lang..”

“Isa lang pala pero para kang lasing.” Aniya na matiim ang tingin sa akin.

Kinagat ko ang ibabang labi. Kinikilig ako dahil kinakausap nya ako na parang gaya lang dati. Masungit pero may lambing. Wala pa ring pinagbago.

Pero agad ko ding sinupil ang kilig na nararadaman ng maalalang wala na pala kami. 2 years ng hiwalay at nakita ko pa syang may kasamang babae sa mall kanina na posibleng bagong girlfriend nya.

Nagtaas noo ako at taas kilay. “Pakelam mo ba kung para akong lasing. Hmp! Dyan ka na nga.” Pagtataray ko at tinalikuran sya sabay martsa.

Bakit ba kasi bigla syang sumulpot dito sa lugar namin at nakipag inuman pa kanila Tiyong Rusi. Hiwalay na nga kami pero feeling close pa sya sa tiyong ko at mga pinsan ko. Hayan tuloy, maligalig na naman ang puso ko at muntik pa akong madapa kanina.

“Boss Dric! Long time no see!”

Kumunot ang noo ko ng biglang bumati ang isang kapitbahay naming mukha ng lasing at sumaludo pa. Lumingon ako sa likuran at namilog ang mata ng makitang nakasunod pa rin sa akin si Cedric na tinanguan pa ang kapitbahay namin.

Huminto ako. “Bakit nakasunod ka pa?”

Kumunot ang noo nya. “Ihahatid kita.”

“Hindi mo na ako kailangan ihatid. Malapit lang ang bahay ko.”

“Kahit na. Baka mamaya mapano ka pa. Maraming mga nagiinuman baka mabastos ka.”

Ngumuso ako at kunwaring inirapan sya pero ang puso ko ay naglulukso na naman sa kilig. “Hindi ako mababastos no. Mababait ang mga kapitbahay namin kahit mga lasing.”

“Hindi ka pa rin makakasigurado. Mga lasing ang mga yan. Lango sa alak at minsan hindi alam ang mga ginagawa. Kaya mas mainam na yung nag iingat.”

Muli ko syang inirapan. “Hmp! Bahala ka nga.” Tinalikuran ko ulit sya at naglakad na. Pero pumantay na sya ng lakad sa akin.

“Bakit ba ang taray mo? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tatarayan mo pa ako.” Masungit ding sabi nya.

Nanghahaba ang ngusong nilingon ko sya. Nakakunot ang kanyang noo at wala syang kangiti ngiti.

“Kelan ka pa bumalik ng Manila?”

“Last week lang.”

Tumango tango ako. Alam ka naman na last week pa sya bumalik. Wala lang gusto ko lang itanong.

“Eh bakit nandun ka kanila tiyong?” Tanong ko pa.

“Bakit? Bawal ba?”

“Hindi naman.. pero hiwalay na tayo di ba.” Mahinang sambit ko.

Namayani ang katahimikan ng hindi sya umimik. Tila naman may naghahabulang daga sa dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Malapit na kami sa bahay ko. Tatlong bahay na lang ang layo.

“Ikaw ang pinuntahan ko dito. Pero wala ka tapos nakita ako ni Tiyong Rusi at inaya sa bahay nila. Ang sabi nya umalis ka daw at pumunta sa bahay ni Ciella.”

Nahigit ko ang hininga ng sabihin nyang ako ang pinuntahan nya. Lumulukso lukso na naman ang puso ko sa tuwa at kilig. Pero di ko yun pinahalata. Wala na dapat akong karapatan kiligin eh. Pero anong gagawin? Kahit hiwalay na kami sya pa rin naman ang laman ng puso ko. Kahit kelan di naman sya nawala.

Huminto ako sa paglalakad ng nasa gate na kami ng bahay ko at hinarap ko sya. “Bakit?”

Muling nangunot ang kanyang noo. “Anong bakit?”

“Bakit mo ko pinuntahan?”

Bumuntong hininga sya at naging mapungay ang mga matang nakatingin sa akin.

“Dahil miss na miss kita.”


Chapter 5

Pinky POV

NAHIGIT ko ang hininga sa sinabi nya. Tila naman trumiple ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin nya. Miss na miss na raw nya ako. Ako rin, miss na miss ko rin sya. Gusto ko rin yung sabihin sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kapag sinabi ko yun baka mag assume sya.

Pero teka nga. Miss nya ako pero may kasama syang babae kanina na nakahawak pa sa braso nya na matamis pa ang ngiti sa labi.

Tinaasan ko sya ng isang kilay at mataray syang tiningnan. “Miss mo ko? Talaga lang ha. Pagkatapos mong makipag date kanina sasabihin mo ngayong miss na miss mo ko. Anong tingin mo sa akin, uto uto?”

Kumunot ang noo nya. “Anong date?”

“Ikaw. Nakipag date ka kanina. Nakita kita sa mall may kasama kang magandang babae na nakahawak sa braso mo.” Sabi ko sabay irap sa kanya.

Umawang ang labi nya. “Nakita mo ko kanina sa mall?”

Ngumisi ako. “Oo.”

Bumuntong hininga sya at umismid. “Nakita mo pala ako di mo man lang ako nilapitan.” Tila nagtatampong sabi nya.

Suminghap ako. “At bakit kita lalapitan? Ayokong makaistorbo sa date nyo no. Magmukha pa akong tanga.” May pait sa tono ng boses ko.

“Anong date? Hindi ako nakikipag date kanina. Sinamahan ko lang si Bridget kanina na bumili ng regalo para sa pamangkin nyang nagbirthday.” Paliwanag nya.

Tumaas ang isang kilay ko at nagdududa syang tiningnan. Mukha naman syang nagsasabi ng totoo. Kunsabagay never naman syang nagsinungaling sa akin. Pero malay ko ba. Baka nag iba na sya ngayon.

“Hmp.. maniwala ako.” Sabi ko sabay irap.

Marahas syang bumuntong hininga at namaywang. “Kelan ba ako nagsinungaling sayo? At teka nga, nagseselos ka ba?”

Malakas akong napasinghap at namilog ang mata. “H-Hindi no! B-Bakit ako magseselos? Hiwalay na tayo.”

Pumalatak sya na parang naiinis. “Pwede ba tigilan mo na yang kakasabi ng hiwalay na tayo, naiinis ako.”

Muli akong suminghap. Nakaguhit na nga sa kanyang mukha ang inis.

“Bakit ka naiinis? Eh totoo naman ang sinasabi ko. Hiwalay na tayo. Di ba nga? Nakipag hiwalay ako sayo 2 years ago?” Pagdidiin ko.

Hindi sya umimik at matiim lang na nakatingin sa akin. Blangko ang kanyang mukha.

Nag iwas naman ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mata nya. Tumalikod ako at binuksan ang maliit na pinto ng gate. Akmang papasok na ako ng hawakan nya ako sa braso. Humarap naman ako sa kanya.

“2 years ago ng makipaghiwalay ka sa akin.. parang huminto ang ikot ng mundo ko. You broke my heart Pinky. Labis akong nasaktan ng sabihin mong hindi mo na ako mahal. Ang dami kong tanong sa sarili ko. Saan ba ako nagkamali? Ano bang nagawa ko?”

Lumunok ako. Damang dama ko ang sakit sa tono ng kanyang boses. Parang hinihiwa ang puso ko. Kung nasasaktan sya, nasasaktan din ako.

“Wala kang nagawang mali Cedric. Naging mabuti ka sa akin. Perfect boyfriend ka nga eh.. kaya lang.. n-nawala na ang pagmamahal ko sayo.” Nag iwas ako ng tingin.

Pagak syang tumawa. “I don’t believe you. Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako mahal. Dahil kung hindi mo na ako mahal, bakit hanggang ngayon single ka pa rin. Binabasted mo ang lahat ng nanliligaw sayo.” Nakangising sabi nya na ikinasinghap ko.

“Paano mo nalaman?”

“Basta alam ko. Kaya hindi ako naniniwala na hindi mo na ako mahal.”

Umismid ako at inikot ang mata. “Eh di huwag kang maniwala.”

“Tss, you’re not good at lying. Ni hindi ka nga makatingin sa akin ng deretso.”

Nanlaki ang butas ng ilong ko. Pulis sya, sanay na sanay syang kumilatis ng tao kung nagsisinungaling o hindi.

“Bahala ka. Matutulog na ako.” Binawi ko ang braso kong hawak nya at pumasok na ako sa loob ng gate.

“Babalik ako bukas.”

Kunot noong humarap ako sa kanya. “Bakit?”

“Manliligaw ulit ako. I’ll make you mine again.” Aniya at tumalikod.

Awang ang labing sinundan ko ng tingin si Cedric na pabalik sa bahay ni Tiyong Rusi. Paulit ulit kong naririnig sa isip ang sinabi nya.

Bumuntong hininga ako at kumagat labi. Sinarado ko na ang maliit na pinto ng gate at sumandal. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.

Ano bang gagawin ko? Manliligaw daw sya ulit. Siguradong gagawin nya yun. Sya pa, kung ano ang sinabi ginagawa.

Pero hindi na pwede maging kami kahit gustong gusto ko.

Muli akong bumuntong hininga at pumasok na sa loob ng bahay.

“TALAGA? Manliligaw daw ulit sayo si Cedric?” Namimilog ang matang tanong ni Ciella ng ikwento ko sa kanya ang nangyari kagabi.

Tumango ako. “Oo.”

Impit syang tumili. Napatingin tuloy sa kanya ang mga crew namin.

“Huuy! Makatili naman.” Saway ko sa kanya.

“Eh kasi kinikilig ako bebs! Sagutin mo na agad sya para kayo na ulit.” Kinikilig na sabi nya.

Ngumuso ako. “Di pa nga nanliligaw sagutin ko na agad. Isa pa, di na pwedeng maging kami.”

Nawala ang ngiti nya at naging ngiwi. “Bakit naman hindi na pwede?”

Bumuntong hininga ako. “Alam mo ang dahilan..”

Bumuntong hininga din sya at nagkibit balikat. “Kung mahal mo si Cedric, di ka magpapadala sa takot.” Aniya at hinarap na ang bagong dating na customer.

Kumagat labi naman ako habang nakatitig sa hawak na pulang rosas na binabawasan ko ng stem. Gumugulo ngayon sa isip ko ang sinabi ni Ciella. Sana nga ganun lang kadali yun.

.

.

Cedric POV

KAKAMOT kamot na lumabas ako ng pinto at tinungo ang gate. Kagigising ko lang at medyo masakit ang ulo ko. Naparami kasi ako ng inom kagabi sa bahay ni Tiyong Rusi.

“Mama, kayo pala. Good morning.” Hinalikan ko sa pisngi si mama. Kasama nya ang bodyguard at driver nya.

“Good morning din iho. Kagigising mo lang at amoy alak ka pa.”

“Yes ma, naparami kasi ang inom ko kagabi.”

Giniya ko na si mama papasok ng bahay. May dala syang brown paper bag at iniabot sa akin.

“Dinalhan kita ng almusal. Tamang tama lang pala ang punta ko.” Nakangiting sabi ni mama.

“Thanks, ma.”

“You’re welcome iho. Wala ka bang duty ngayon?” Umupo na si mama sa sofa.

“Mamayang gabi pa ho, ma.”

Pumasok ako sa kusina at nilapag ang brown paper bag sa mesa. Binuksan ko ang ref at kinuha ang babasaging pitsel. Kumuha na rin ako ng isang baso at binalikan si mama sa sala.

“Kung bakit ba naman kasi tinanggihan mo ang pagiging hepe ulit sa istasyon. Eh di sana madali na lang ang trabaho mo. Nakaupo ka lang at mag uutos.”

Natawa ako sa sinabi ni mama. “Mama, mapahepe man, sarhento o patrolman. Pare-parehas lang ang trabaho namin. Rumeresponde kami kung saan may krimen at kailangan ng tao ang tulong namin.”

Umikot ang mata ni mama. “Oh well, ikaw lang ang kilala kong masipag na hepe, anak. Kaya nga proud na proud kami ng papa mo sayo.”

Ngumiti ako sa ina. “Thanks, ma.”

Alam ko namang proud sila sa akin ni papa. Kahit na ba minsan gusto na nila akong magretiro para hawakan na ang kumpanya. Naiintindihan ko naman sila. Bilang panganay na anak ay sa akin nakasalalay ang future ng kumpanya. Pero wala pa akong ngayong interes na hawakan ang kumpanya at kaya pa naman yun ni papa.

“Anyway, saan ka ba uminom kagabi? Tumawag sa akin si Carlyn pero naka-off daw ang cellphone mo.”

“Sa bahay ng tiyuhin ni Pinky mama. Pinuntahan ko sya.”

Umawang ang labi ni mama. “Pinuntahan mo kagabi si Pinky at doon ka uminom?” Tila di makapaniwalang tanong nya.

“Yes mama.”

“But.. why? Bakit mo pa sya pinuntahan? Hiwalay na kayo di ba? Don’t tell me may balak kang balikan sya.”

Bumuntong hininga ako sabay himas sa noo. Ayoko talagang naririnig ang salitang hiwalay na kami ni Pinky. Naiinis ako.

“Yes mama. I’m planning to court her again.”

“What? Plano mo ulit syang ligawan? Are you insane, anak? Pagkatapos ka nyang hiwalayan, ngayon babalikan mo sya.”

Tumingin ako kay mama. Bakas sa kanyang mukha ang disappointment sa sinabi ko. Noon pa man ay hindi na nya gusto si Pinky dahil si Carlyn ang gusto nya para sa akin. Si Carlyn na anak ng general.

“Mahal ko si Pinky, mama.”

Tumayo si mama. Nakaguhit na ang inis sa kanyang mukha. “Ewan ko sayo Cedric. Hindi kita maintindihan. Ayaw na nga sayo ng tao, sinisiksik mo pa ang sarili mo.”

“Hindi ayaw sa akin ni Pinky, mama. Nararamdaman ko mahal pa rin nya ako.”

“Anak naman, mag move on ka na kay Pinky. Nandyan naman si Carlyn. Kayo ang mas bagay. Maganda ang future nyong dalawa.”

“Ma, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko gusto si Carlyn.” Giit ko.

“Ano ba kasing ayaw mo sa kanya? She is the perfect woman for you, Cedric. Maganda, sopistikada, may degree at anak ng police general.”

Ngumiti ako sa ina. “Nah, she is not the perfect woman for me kahit ano pang pilit nyo mama. And please ma, matanda na ako. Alam ko na ang gusto ko.”

Bumuntong hininga si mama at umiling iling. “Concern lang ako sa future mo, anak. You’re not getting any younger na. Dapat nag aasawa ka na and Carlyn – “

“Ma.” Putol ko sa sasabihin ng ina. Naririndi na akong marinig ang pangalan ni Caryln.

Umikot ang mata ni mama. “Bahala ka na nga sa buhay mo. Sabi mo nga matanda ka na. Alam mo na kung ano ang ginagawa ko.”

Tumalikod na si mama at lumabas ng pinto ng walang paalam sa akin. Alam kong nagtatampo sya sa akin. Pero hindi naman pwedeng sundin ko ang gusto nya na taliwas sa gusto ko. May sarili akong desisyon. Wala akong ibang babaeng gusto kundi ang dating kasintahan. Gagawin ko ang lahat mapasa akin lang sya ulit.


Chapter 6

Pinky POV

ABALA ako sa paglilinis ng counter. Ang assistant naman naming si Yena ay nasa labas at pinapasok na ang mga nakadisplay na bulaklak. Malapit na kaming mag sara kaya inuunti unti na namin ang pagliligpit dito sa flower shop. Si Ciella ay maagang umuwi dahil may sakit si Alexandrea. Si Tita Criselda naman ang tumao sa kabilang branch para tingnan ang ginagawa ng mga staff namin.

Habang ang flower shop ay halos wala ng pumapasok na customer dahil gabi na, ang coffee shop naman ay tuloy tuloy pa rin ang pasok ng mga customer na karamihan ay mga call center agent.

Winalis ko ng tambo ang mga dahon na nakakalat sa lapag at dinakot yun ng dustpan. May pumasok na isang matangkad na lalaki at lumapit sa counter.

“Good evening sir. Anong bulaklak po ang hanap nila?” Tanong ko ng hindi tumitingin. Pero natigilan ako ng maamoy ang pamilyar na pabangong panlalaki.

Nag angat ako ng tingin ng makita ko si Cedric. Umawang ang labi ko at napatayo ako ng tuwid. Sinuyod ko sya ng tingin. Nakasuot sya ng blue polo shirt na uniform nila sa pulisya na pinatungan nya ng itim na jacket. Nakatuck-in yun sa trouser na kulay blue. Namumutok ang mga muscles nya sa braso at humahakab ang malapad nyang dibdib sa suot nyang uniform. Ngayon ko na lang ulit sya nakitang nakasuot ng uniform. Ang lakas talaga ng dating nya. Mas mukha pa nga syang general.

Tumikhim ako. “Anong.. ginagawa mo rito?”

“Manliligaw.” Aniya at nilapag sa counter ang dalawang box ng pizza, ice cream at coke na 1.5 liter. “Hindi na kita dinalhan ng bulaklak dahil alam ko namang ayaw mo ng bulaklak dahil sawa ka na sa mga bulaklak dito sa shop nyo.”

Umawang ang labi ko. Tumingin ako sa paligid. Nakatingin sa amin ang mga staff at mga customer. Nag init ng husto ang pisngi ko.

Bumaling akong muli kay Cedric. “D-Dito ka talaga sa shop manliligaw?” Mahinang tanong ko.

Bumuntong hininga sya at humimas sa batok. “Yes, and I’m sorry babe. Hindi ako makakapunta ngayon sa bahay mo dahil thirty minutes na lang duty ko na. But don’t worry, bukas pagkatapos ng duty ko dadaan ako sa bahay mo. Dadalhan kita ng breakfast.”

Kumagat labi ako at kumamot sa pisngi. May kilig na sumibol sa puso ko at pilit ko yung pinapatay. Pero sa tuwing titingin ako sa gwapong mukha nya ay lalo lang nadadagdagan ang kilig ko.

“Cedric, hindi mo na kailangan manligaw..”

Nagliwanag ang mukha nya. “Why? Sinasagot mo na ako? Tayo na ulit?”

Ngumiwi ako. “Hindi. Hindi kita sasagutin. Hindi na tayo magkakabalikan..”

Nawala ang liwanag sa kanyang mukha at naging matiim ang tingin nya sa akin. “Sinasabi mo lang yan dahil pagod ka. I told you, I’ll make you mine again. And I will do everything to make you mine again. Akin ka lang Priscilla Añonuevo.”

Hindi ako nakaimik sa sinabi nya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, idagdag pa ang malakas na kabog ng dibdib ko. 

Bumuntong hininga sya at tiningnan ang oras sa suot na silver watch. “Hindi na ako magtatagal. Aalis na ako. Mag iingat ka sa pagmamaneho pag uwi. Bukas na lang kita ng umaga pupuntahan sa bahay mo.” Tumalikod na sya at naglakad na palabas ng shop.

Naiwan naman akong sinusundan sya ng tingin hanggang sa makasakay na sya sa raptor nya at umalis na. Bumuntong hininga ako at tiningnan ang mga dala nyang pagkain. Dati ayaw nyang lagi akong kumakain ng mga ganito dahil hindi healthy. Pero kapag naglambing na ako bibilhan nya ako.

“Sino yung pulis na gwapo kanina Ma’am Pinky? Bago nyong manliligaw? Infairness sya ang pinaka gwapo nyong manliligaw. Pero mukhang masungit.” Usisa ni Yena.

Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti. “He’s my ex.”

Namilog ang mata nya. “Ex nyo yun ma’am?” Tila di makapaniwalang tanong mya.

Tumango lang ako at sinilip ang flavor ng ice cream. Rocky road yun na paborito ko.

“Tapos gusto nyang makipagbalikan sa inyo? Sanaol binabalikan.” Hirit pa ni Yena.

Nginisihan ko lang sya at tinabi ang ice cream. Ice cream lang ang kakainin ko. Ang pizza naman na dalawang box ay hindi ko mauubos.

“Pagsaluhan nyo ng mga crew ang pizza at coke. Itong ice cream na lang ang akin.” Sabi ko.

“Ay, thank you ma’am. Uuwi na naman akong busog.” Dinala na ni Yena ang dalawang malaking box ng pizza sa coffee shop pati na ang coke. Bakas naman ang tuwa sa mga mukha ng mga crew.

Dito sa shop ay hindi kami madamot sa pagkain. Ang pagkain ng isa ay pagkain ng lahat. Lalo na kapag nandito si Tita Criselda, laging busog ang lahat ng staff.

Kinabukasan alas syete ng umaga ay dumating nga sa bahay si Cedric at may dalang almusal naming dalawa. Kagigising ko lang at halos hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa kanya. Hindi na naman tuloy magkamayaw ang puso ko sa pagwawala na laging sabik na makita sya.

“Here.” Nilapag ko sa harap nya ang tasa ng umuusok pang itim na kape.

“Thanks babe.” Dinampot nya ang tasa at humigop. Tumango tango sya at tumingin sa akin sabay ngiti. “Kuhang kuha mo pa rin ang timpla ko, babe.”

Bumuntong hininga ako at binuksan na ang brown paper bag.

“Stop calling me babe..” Sambit ko habang nilalabas ang lamang pagkain sa brown paper bag. Sinangag, itlog, longganisa at may sisig pa. Meron ding mushroom soup.

“Why?”

Tumingin ako kay Cedric. Nakakunot na ang kanyang noo.

Nag iwas ako ng tingin at kumuha ng mga plato at kutsara. “Dahil wala na tayo.” Nilapag ko sa mesa ang mga plato.

“And so?”

Tumingin ako sa kanya. Nakangisi na sya.

“Kahit wala na tayo you’re still my babe. At kaya nga kita nililigawan para maging tayo ulit.” Aniya at pilyo pang kumindat.

Napanguso naman ako kasabay ng pag iinit ng mukha ko. Kung wala lang hadlang ngayon mismo sasagutin ko sya.


Short update muna. Bukas na ang continuation. Di ako makapag concentrate sa pagsusulat dahil sa dysmenorrhea 😣

Chapter 7

Pinky POV

PINAGMAMASDAN ko si Cedric habang kumakain kami. Sunod sunod ang subo nya. Mukhang gutom na gutom sya. Mukha din syang pagod.

“May operation kayo kagabi?” Tanong ko sa gitna ng pagnguya.

“Yeah, niraid namin ang hide out ng uncle ni Danon Acosta sa Laguna pero wala kaming nadatnan. Nakatunog sila at mabilis na umalis bago kami dumating.”

Tumango tango ako at bumuntong hininga. Nakaramdam ako ng kaba at takot sa sinabi nya. Kapag sumasabak sya sa operasyon ay di ko talaga maiwasan mapraning, kabahan at matakot dahil kriminal ang hinahabol nila. Sya pa naman laging nauuna sa bakbakan. Parang bidang action star sa pelikula.

Tumingin sya sa akin at natigilan ng makitang nakatingin ako. “Why?”

Nagbawi ako ng tingin at tumuon sa pagkain.

“Wala.” Sumubo ako ng sinangag.

Ngumisi sya. “I don’t believe you. May gusto kang sabihin.”

Ngumuso ako at sumubo ng longganisa. “Wala nga. Curious lang ako kung ano ang mga nangyari sayo sa loob ng dalawang taon sa probinsyang pinagdestinuhan mo.”

“Kung di ka lang nagpalit ng number eh di sana natatawagan kita para alam mo. Hindi ka sana nagtatanong ngayon.” Sarkastiko nyang sabi.

Natigilan naman ako at inikutan sya ng mata. “Eh di huwag mong sagutin ang tanong ko.” Masungit na sabi ko.

Pero nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sinabi nya. Tama nga naman sya. Kung di ako nagpalit ng number para matawagan nya ako eh di sana alam ko. Kung bakit kasi nagtanong pa ako.

Mahina syang tumawa.

Sinamaan ko sya ng tingin. Tumigil naman sya sa pagtawa at ngumisi.

“Well, nagkaroon ako ng limang girlfriend. Yung dalawa sa kanila naanakan ko.”

Umawang ang labi ko at kumunot ang noo.

Muli naman syang tumawa ng malakas na. “I’m just kidding babe.”

Inirapan ko sya. Pero nakaramdam ako ng relief. Medyo kinabahan ako kanina.

“Ewan ko sayo..”

Dinampot nya ang tasa ng kape at humigop. “Kung iniisip mo na nagkaroon ako ng nobya sa probinsya nagkakamali ka. Kahit maraming magaganda doon di ko sila pinapansin. Focus lang ako sa trabaho. Isa pa ikaw lang ang babaeng nasa isip ko. Mahirap kang palitan.”

Nanghaba ang nguso ko at tila nagwala na naman ang puso ko sa kilig.

“Uy kinikilig sya.” Nanunukso pang sabi nya sabay tawa.

Nag init naman ang mukha ko at lalong nanghaba ang nguso ko. “K-Kinikilig ka dyan. Hindi no!” Tanggi ko sabay dampot ng baso ng tubig at inom.

“Hindi raw. Eh bakit namumula ka?” Nakangisi pang saad nya.

Muntik ko ng maibuga ang tubig na iniinom.

Malakas naman syang tumawa. Sinamaan ko sya ng tingin. Pero di naman sya tinatablan at panay pa rin ang tawa. Inirapan ko na lang sya. Pero masarap sa tenga ang tawa nya at mas lalo syang gumugwapo kapag tumatawa. Lumilitaw ang dalawang biloy nya sa magkabilang pisngi.

Tumigil sya sa pagtawa at nangingisi ng nakatingin sa akin. “Naalala mo noong una tayong nagkita? Titig na titig ka sa akin noon. Noon pa lang halata ng may gusto ka sa akin.”

Suminghap ako. “Ang kapal ha. Paano mo naman nasabing noon pa lang gusto na kita?”

“Obvious naman dahil titig na titig ka sa akin tapos tinatanong kita di ka agad sumasagot at nakanganga lang.” Nakangisi pang sabi nya.

Muli na namang nanghaba ang nguso ko at lalong nag init ang pisngi ko. “Dami mong sinasabi. Tapusin mo na nga lang ang pagkain mo tapos umuwi ka na para makapag pahinga ka na.”

“Opo.” Natatawa pang sabi nya na may nanunukso pang tingin sa akin.

Bumuhos sa alaala ko ang unang pagkikita namin apat na taon na ang nakalipas. Sa presinto kami unang nagkita. Nasangkot noon si Tiyong Rusi sa riot at dinampot ng mga pulis at dinala sa presinto. Kami naman ni Tiyang Les ay agad nagpunta at nakaharap nga namin ang pinakagwapong hepe na nakita ko sa buong buhay ko. Yun nga lang masungit at terror pero sobrang crush ko. Kaya nga nagmukha akong tanga noon na nakatitig lang sa kanya at nakanganga habang tinatanong nya ako. Nakakahiya ang tagpong yun. Pero yun pala ang magiging umpisa ng takbo ng love life ko. Ang sarap lang balikan. Yung puro kilig lang at walang alalahanin.

“Mamaya dadaanan ulit kita sa shop bago ako magduty.” Ani Cedric ng ihatid ko sya sa gate.

“Huwag na. Dumiretso ka na lang sa duty mo.”

Kumunot ang noo nya. “Bakit? Ayaw mo na akong makita?”

“Hindi sa ganun. Para hindi ka lang mapagod.”

Ngumisi sya. “Hindi ako mapapagod pagdating sayo. Sige, uwi na ako.”

Napasinghap ako at namilog ang mata sa sumunod nyang ginawa. Mabilis nyang kinintalan ng halik ang labi ko.

“Bye babe.” Nakangising sabi nya at sumakay na sa sasakyan nya.

Natulala naman ako habang namumula ang mukha at halos trumiple ang tibok ng aking puso. Lokong pulis talaga na yun. Masyadong mabilis at matulis.

Wala na akong nagawa kundi sundan na lang ng tingin ang papalayong sasakyan ni Cedric. Napabuntong hininga na lang ako. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.

Mula noon hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa nararamdaman ko sa kanya..

4 years ago..

“ITONG halaman na ito doon mo ilagay sa tabi ng entrance para maganda ganda naman ang ambiance.” Utos ko sa isang staff namin na lalaki.

Agad naman syang tumalima at binuhat na ang malaking paso na may halaman na bagong bili at nilagay nya sa tabi ng entrance.

Magkatuwang kami ni Pinky sa pag-redecorate ng aming coffee and flower shop na mag iisang taon ng bukas. Sosyo namin itong negosyong magkaibigan. At bilang paghahanda sa first anniversary ay nagre-redecorate na kami. Hindi na kami umupa ng magre-redecorate dahil kaya naman naming dalawa.

Tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa  ng apron kong suot. Dinukot ko yun at nakitang si Tiyang Les ang tumatawag. Agad ko yung sinagot dahil mukhang emergency.

“Hello po tiyang.”

“Pinky anak, tulungan mo ako..”

Kumunot ang noo ko ng marinig ang nanginginig na boses ni Tiyang Les. Sumipa din ang kaba sa aking dibdib.

“Bakit po tiyang? Anong problema?”

“Ang tiyong mo. Dinampot ng mga pulis.”

“Po? Bakit daw po?”

“Eh nasangkot sya sa riot sa kabilang baranggay. Hayun, nasama sya sa nadampot. Tulungan mo ko anak.. Nanginginig ako sa nerbyos. Puntahan natin ang tiyong mo sa presinto.”

“Oo sige po tiyang. Pauwi na ako. Hintayin nyo po ako.” Agad ko ng pinatay ang cellphone at hinubad ang apron at pinatong sa counter. Kinuha ko ang bag at sinukbit sa balikat.

“Alis ka?” Tanong ni Ciella.

“Oo bebs! Uwi muna ako. Kailangan ni Tiyang Les ng tulong ko.”

Kumunot ang noo nya. “Ha? Bakit? Anong nangyari kay Tiyang Les?”

“Si Tiyong Rusi kasi, dinampot ng mga pulis dahil nasangkot sa riot sa kabilang baranggay. Kailangan kong samahan si Tiyang Les dahil ninenerbyos.”

“Omg!” Namilog ang mata nya.

“Bebs, mauna muna ako ha. Pasensya na di kita matutulungan ngayon.”

“No problem bebs. Ayos lang. Importante ang tiyong mo. Sige na umuwi ka muna.”

“Salamat bebs.” Bumeso muna ako sa kanya at lumabas ng shop.

Pagdating ko sa bahay nila Tiyong Rusi at Tiyang Les ay agad na kaming pumunta sa presinto. At doon ay nakaharap namin ang pinakagwapo na yatang hepe na nakita ko sa buong buhay ko. Gwapo, matangkad, malaki ang pangangatawan, matiim kung tumitig na para bang binabasa ang nilalaman ng isip ng kaharap. Yun nga lang ay may pagkamasungit at terror.

“Pinky.”

“Ha?” Napapitlag ako ng sikuhin ako ni Tiyang Les. Tila ako nagising sa isang panaginip sa pagtitig sa gwapong mukha ng hepe. Tumingin ako sa tiyahin. “B-Bakit po tiyang?”

“Kanina ka pa tinatanong ni chief. Di ka sumasagot. Ayos ka lang ba?” Tanong ni Tiyang Les.

“Opo tiyang, ayos lang ako.”

Tumingin ako sa hepe. Sumalubong sa akin ang matiim nyang tingin. Umiling iling sya at sumandal sa swivel chair nya.

Kinagat ko naman ang labi kasabay ng pag iinit ng aking mukha. Sobrang nakakahiya! Kanina pa pala nya ako tinatanong pero hindi ako sumasagot at nakatitig lang sa kanya.

“Ang sabi ko kung pwedeng ikaw na lang ang magsulat ng pangalan ng tiyahin mo, adress at cellphone number, miss. Hindi sya makapagsulat dahil nanginginig ang kamay nya.” Anang hepe sa maawtoridad na boses.

“Y-Yes chief.” Nauutal pang sabi ko.

Tumaas naman ang isang kilay ni hepe at hindi rin nakaligtas sa mata ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi.

Tarangtang dinampot ko naman ang ballpen at sinulat na ang pangalan, address, cellphone number ni Tiyang Les sa logbook. Bahagya pang nanginig ang kamay ko.

Makalipas ang ilang minutong pakikipag usap ni Tiyang Les sa masungit na hepe ay agad ng pinalaya si Tiyong Rusi. Hindi kasama sa riot si tiyong. Nadampot lang sya dahil napagkamalang kasali sya.

“Salamat ho chief.” Ani Tiyong Rusi.

“Wala ho yun, sir. At pasensya na rin ho kung nadampot kayo ng mga kasamahan ko.” Wika ng gwapong hepe na sumulyap pa sa akin.

Kimi naman akong ngumiti kasabay ng pagkislot ng puso ko. “T-Thank you po chief.”

“You’re welcome.”

“Sige ho chief, mauna na ho kami. Salamat ho ulit.” Sabi naman ni Tiyang Les at lumabas na kami ng opisina ng hepe. Doon lang tila lumuwag ang paghinga ko. Pero ang puso ko ay di pa rin maawat sa pagkabog.


Pasensya na 2 days walang update. Naging busy lang. Try kong humabol ng isa pa later 😉

Chapter 8

Pinky POV

SIMULA ng makita ko si Chief Cedric Montez ay hindi na sya nawala sa isip ko. Hindi ako madaling magka-crush sa mga gwapong lalaki. Pero kay Chief Cedric mukhang tinamaan na yata ako. Lagi akong natutulala kapag naiisip ang gwapo nyang mukha at ang mga mata nyang malalim at matiim kung tumingin. Bumibilis din ang pintig ng puso ko.

Kelan ko kaya sya ulit makikita?

Ngumiti ako at kinilig ng muli kong sariwain sa isip ang gwapong mukha ng hepe.

Sana makita ko ulit sya.

“Huy!”

Napapitlag ako sa gulat ng tapikin ako ni Ciella. “Ha? Bakit?”

Ngumisi ang kaibigan ko. “Para kang ewan dyan habang nakatulala. Pangiti ngiti at kumikisay pa. Sino iniisip mo ha?”

Ngumuso ako kasabay ng pag iinit ng mukha. Kunwaring pinunasan ko na lang ang counter at inayos ang mga nakadisplay na bulaklak.

“Wala. Naisip ko lang yung pinanood kong kdrama. Nakakakilig. Excited na nga ako sa next episode eh.” Palusot ko.

Pero tinaasan lang ako ng kilay ni Ciella senyales na hindi sya naniniwala. “Mukhang may sini-secret ka na sa akin ah. Ano yun?”

Lalong nanghaba ang nguso ko at hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. “A-Ano na naman ang isi-secret ko sayo?”

“Aba malay ko. Siguro.. may tinatago ka ng boyfriend no?”

Suminghap ako sa sinabi nya. “Uy wala! Grabe sya.”

Ngumisi sya. “Iba kasi ang ngiti mo kanina eh. Ngiting kilig na kilig. Alam ko yung ganyang ngiti dahil ganyan ako kapag kinikilig kay Rence noon.”

Bumuntong hininga ako. Wala talaga akong maitatago sa kaibigan dahil kilalang kilala nya ako. Wala namang masama kung isi-share ko sa kanya. Supportive naman sya.

“May crush kasi ako.” Sabi ko sa mahinang boses na kaming dalawa lang ang makakarinig.

Namilog ang mata nya. “Talaga? May crush ka na? Sino? Isa sa mga customer natin?” Sunod sunod nyang tanong. Di naman halatang excited sya na malaman kung sino ang crush ko.

“Hindi customer natin. Wala akong type sa mga customer natin.”

“Eh sino nga?”

Umusli ang labi ko. “Si chief..”

Kumunot ang noo nya. “Chief? Sinong chief?”

“Yung hepe sa police station.”

Ngumiwi sya. “Eww ka bebs. Di ko akalain na ang mga type mong lalaki ay matandang hepe na malaki ang tiyan na walang ginawa buong maghapon kundi nakaupo lang.”

“Uy hindi ganun si Chief Cedric no. Saka hindi sya matanda at malaki ang tiyan. Bata pa sya, siguro mga nasa thirty plus. Ang gwapo nya bebs! Tapos matangkad at macho. Ihh! Bet na bet ko nga eh. Kaya lang may pagka masungit pero keribels! Ang hot nga nya eh.” Kinikilig na sabi ko.

Tumaas ang kilay nya. “Talaga? Ganun sya kagwapo?”

“Yes! Kapag nakita mo sya siguradong kikiligin ka rin. Gusto ko nga sya uling makita eh. Gumawa kaya ako ng kasalanan para damputin ako ng pulis at dalhin sa presinto para makita ko ulit sya.” Sinapo ko ang pisngi at nangisay sa kilig. Pero impit akong napatili ng kurutin ako sa tagiliran ni Ciella.

“Ang kire kire.”

“Mana lang ako sayo no.” Bira ko at sabay kaming tumawa.

“Mabuti naman at may natipuhan ka ng guy. Sobra mong choosy. Malapit ko ng isipin na babae talaga ang type mo.”

“Iba kasi ang dating ni chief eh. Nakakapanlambot ng tuhod. Sana talaga makita ko sya ulit.” At kapag nakita ko sya ulit pormal akong magpapakilala. Pero kunwari magpapasalamat muna ako sa kanya sa patas nyang pagtrato kay Tiyong Rusi.

Tinawag si Ciella ng isa naming crew. Naiwan naman ako at tinotoo ko na ang pag aayos ng mga nakadisplay na bulaklak. So far, wala nang masyadong customer ang flower shop dahil gabi na pero ang coffee shop ay sunod sunod ang pasok ng customer.

“Good evening sir. Welcome to Haven La Fleur Cafe.” Dinig kong bati ng isa naming staff na nagmo-mop.

Malapit na kaming magsara kaya naman unti unti ng naglilinis ang mga staff namin. Maganda ang sales namin ngayon. Sulit talaga itong pwesto na nakuha namin ni Ciella kahit na mahal ang upa sa isang buwan. Bawing bawi naman sa mga customer.

“Miss, isang bouquet nga ng tulips and lilies.”

Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na malaking boses. Kumislot ang puso ko. Lumingon ako at nahigit ko ang hininga ng makita si Chief Cedric.

Omg! Natupad agad ang wish ko! Nakita ko ulit sya!

Kumunot naman ang noo ng hepe ng makita ang mukha ko. Mukhang namumukhaan nya ako.

Tumikhim ako at ngumiti ng matamis. Lumapit ako sa counter at hinarap sya. Ito na ang pagkakataon ko na makausap sya ng maayos at hindi lutang.

“Chief Cedric, kayo pala. Good evening.” Magiliw na bati ko at lalo pang lumapad ang ngiti ko.

Tumango sya. “Good evening. So you still remember me, huh.”

“Syempre naman chief. Sino ba namang makakalimot sa inyo sa gwapo nyong yan.” Daldal ko.

Tumaas ang isang kilay nya.

Bigla naman akong nahiya. “Err.. I mean..” Tumikhim ako. “Syempre chief, di ko kayo makakalimutan dahil sa kabaitan nyo kay tiyong. Salamat nga pala sa patas mong pagtrato sa kanya.”

Nagkibit balikat sya. “Ginagawa ko lang ng tama ang trabaho ko, miss.”

“Uh, Priscilla Añonuevo po chief. But you can call me Pinky for short.” Pagpapakilala ko sa sarili sabay lahad ng kamay sa kanya.

Tumaas naman ang isang sulok ng kanyang labi at nangislap pa ang kanyang mata. Tiningnan nya saglit ang kamay ko bago yun hinawakan.

“Nice to meet you Pinky.”

Kumagat labi ako ng pisilin nya ang kamay ko. Para bang may kuryenteng dumaloy sa ugat ko patungo sa puso ko at naging eratiko ang tibok nun. Biglang nabuhay ang natutulog kong dugo. Malaki at mainit ang kamay nya na magaspang. Lalaking lalaki.

Binitawan na nya ang kamay ko pero ang mata nya ay nakatutok pa rin sa akin.

Nakaramdam naman ako ng panghihinayang. Parang gusto ko uling kunin ang kamay nya at hawakan.

Tumikhim sya. “Pwede na ba akong bumili ng bulaklak.”

“O-Oo naman chief. Teka, ano nga uling bulaklak ang binibili nyo?” Parang tangang tanong ko.

Yan kasi inuuna ang harot.

“Isang bouquet ng tulips and lilies.”

“Uh okay chief. Anong kulay pala ng tulips at lilies?”

“Purple tulips and pink lilies.”

“Okay! Just wait a minute chief.”

Mabilis ko ng inasikaso ang binibili nyang bulaklak habang tinatanong sya kung tig ilang piraso ang dalawang bulaklak. Pricey ang bulaklak pero obvious naman na keri nyang bayaran kahit sampung dosena pa ng bouquet. Pero para kanino naman kaya nya ito ibibigay? Para sa girlfriend nya?

“Mukhang espesyal ang pagbibigyan nyo nito chief ah. Girlfriend nyo?” Pasimpleng tanong ko.

“No. That’s for my mom.”

Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib na sa nanay nya pala ibibigay ang bulaklak at hindi sa girlfriend nya. Pero di ko pa rin nalaman kung may girlfriend sya o wala.

“Eh yung girlfriend nyo chief. Di nyo po bibilhan ng bulaklak?”

Ngumisi sya. “Wala akong girlfriend.”

Ngumuso ako kasabay ng pagdiwang puso ko sa tuwa. Walang girlfriend si chief at single sya.

“Here’s your flowers chief.” Inabot ko na kay Chief Cedric ang bouquet ng bulaklak.

Kinuha naman nya yun at inabot ang bayad. “Keep the change.”

“Thank you chief. Balik ulit kayo. Try nyo naman po yung kape namin.” Matamis ang ngiting sabi ko sa malambing na boses.

“Sure. Bye Pinky.” Aniya at tumalikod na at lumabas ng shop.

Tahimik naman akong tumili. Kilig na kilig ako dahil nakausap ko na ng matino si Chief Cedric. Mabuti nga ay hindi ako pumalpak sa pag a-arrange kanina ng bulaklak.

“Sino yung gwapong mama na bumili ng bulaklak kanina? Ngiting ngiti ka at parang close kayo ah.” Untag sa akin ni Ciella na pumasok sa counter.

“Sya ang kinukwento ko sayo kanina. Si chief.” Kinikilig pa rin na sabi ko.

Namilog ang mata nya. “Sya yun?”

“Sya nga!”

“Infairness, nakakakilig nga ang kagwapuhan nya.” Aniya at sinundan ng tingin si Chief Cedric na nakasakay na sasakyan.

“I told you. Pero ako lang ang dapat kiligin sa kanya dahil ikaw may boyfriend na.”

Ngumuso sya at kunwaring inirapan ako. “Eh di sayo na sya. Makakahanap din ako ng gwapong kagaya nya.”

“Talaga! Akin na sya.” Hayag ko.

Excited na rin akong bumalik si Chief Cedric dito sa shop. Sana nga bukas bumalik ulit sya para bumili naman ng kape.


Chapter 9

Pinky POV

MAS lalo pang lumakas ang ulan paglabas ko ng convenient store. Kasasara lang namin ng shop at dito ako dumiretso sa convenient store para bumili ng sanitary napkin dahil naubusan na ako. Nauna ng umuwi si Ciella dahil magkaiba kami ng way ng bahay. Sinilip ko ang oras sa suot na relo. Mag a-alas nuebe na ng gabi at mukhang hindi pa titila ang ulan.

Binuksan ko ang payong na dala dala at nagpalinga linga para maghanap ng masasakyan. May mga dumadaang jeep pero puno na. May mga tricycle din na dumadaan pero may mga sakay na rin. Pahirapan makahanap ng masasakyan kapag ganitong umuulan.

May humintong itim na sasakyan sa harapan ko at bumukas ang salaming bintana.

“Pinky.”

Namilog ang mata ko at napasinghap kasabay ng pagkabog ng aking dibdib ng makita si Chief Cedric.

“Chief Cedric.”

“Anong ginagawa mo dyan?” Kunot noong tanong nya.

“Nag aabang ng masasakyan.”

“Sa akin ka na sumabay. Matatagalan ka lang sa paghihintay ng masasakyan dahil umuulan.” Alok nya.

“Sige.” Agad na pagpayag ko at naglakad na paikot sa passenger seat. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok na sa loob sabay tupi ng payong. Sinarado ko na ang pinto at nakangiting humarap sa kanya. “Salamat chief.”

Pero natigilan ako ng mapansing matiim ang tingin nya sa akin at seryoso ang kanyang mukha.

“Bakit chief?”

Bumuntong hininga sya at umiling iling. Naguluhan naman ako.

“Ganyan ka ba talaga? Madaling magtiwala sa kung sino lalo pa at lalaki? Lahat ba ng lalaking nagaalok sayong isakay ka pumapayag ka?” Sunod sunod nyang tanong sa nanenermon na boses.

Umawang ang labi ko at kinurap kurap ang mata. “Ano.. hindi. Sayo lang..”

Ngayon ko lang napagtanto ang ginawa ko. Agad akong pumayag sa alok nyang sakay na walang pag aalinlangan. Hindi ako mabilis magtiwala sa ibang tao. Dudera ako at praning. Pero sa kanya, walang pagdadalawang isip na nagtiwala ako samantalang ilang beses pa lang kaming nagkikita at naguusap.

Tumaas ang kilay nya. “Sa akin lang? Ganun ka katiwala sa akin?”

“Oo.. eh kasi pulis ka. Hepe pa. Hindi ka naman siguro gagawa ng bagay na ikasisira ng reputasyon mo.” Sabi ko.

Ngumisi sya at umiling iling. “Ako na ang nagsasabi sayo, hindi lahat ng pulis matitino. Kaya hindi ka pa rin dapat basta basta nagtitiwala.”

Tumango tango ako. “Pero hindi ka naman kabilang sa mga hindi matitino di ba?”

“Of course not.”

Matamis akong ngumiti. “Eh di safe ako sayo.”

Numisi lang ulit sya at umiling iling. “Sige na, ikabit mo na yang seatbelt mo at ihahatid na kita sa inyo.”

Agad ko namang kinabit ang seatbelt. Ang saya nito. Nakalibre ako ng sakay at si Chief Cedric pa ang driver ko.

Umayos na ako ng upo at sinabi sa kanya ang address ng bahay ko. Pinausad naman nya ang kanyang sasakyan.

Malamig sa loob ng sasakyan nya dahil sa aircon. Mabuti na lang may suot akong cardigan kaya di ako giginawin.

“Wala ka bang sasakyan?”

Lumingon ako sa kanya at umiling. “Wala. Nagco-commute lang ako araw araw.”

“Really? Bakit di ka bumili? Mukhang maganda naman ang kita ng shop nyo ng kaibigan mo. Lagi kayong maraming customer. Wala ka pa bang ipon?”

“Meron naman. Pero nilalaan ko pa yun sa mas importanteng bagay. Balak kasi namin ni Ciella na magtayo pa ng isang branch. Siguro bibili na lang ako ng sasakyan kapag wala na akong inaalala.”

Tumango tango sya. “Maganda nga yang naisip mo. Bumili ka na lang kapag nakaipon ka na ng sapat na pambili ng sasakyan. Pero doble ingat ka pa rin sa pagco-commute at huwag basta basta tatanggap ng alok na sakay.” Paalala pa nya.

“Tatandaan ko yan chief. Maliban na lang kung ikaw ang mag aalok sa akin syempre tatanggapin ko. Salamat nga pala chief sa pag alok ng sakay.”

Ngumisi sya. “You’re welcome. Anyway, just call me Cedric huwag mo na akong tawaging chief.”

Kinilig naman ako dahil gusto nya Cedric na lang ang itawag ko sa kanya. “Ok, Cedric..”

Simula ng ihatid nya ako sa bahay ay naging magkaibigan na kami ni Cedric. Madalas na rin syang pumupunta sa coffee shop para bumili ng kape at makipag usap sa amin ni Ciella. Kilig na kilig naman ako at di ko maiwasang mag assume na kaya sya pumupunta sa coffee shop ay dahil gusto rin nya akong makita. 

Kinalabit ako ni Ciella habang binabalot ko ng craft paper ang mga bulaklak na order ng isa naming customer na babalikan mamaya.

Lumingon ako kay Ciella. “Bakit?”

“Si Fafa Cedric mo, nandyan.” Aniya sabay nguso.

Lumipad naman ang mata ko sa direksyon ng nginunguso nya. At ganun na lang ang paglukso ng puso ko ng makita si Cedric na kabababa lang ng sasakyan nya. Kasunod nya ang dalawang kasamahan nyang pulis. Pare-parehas pa silang mga nakasuot ng uniporme. Ang lakas talaga ng dating nya sa suot nyang uniform. Neat na neat pa ang hitsura nya. Clean cut ang gupit ng kanyang buhok at malinis ang mukha dahil laging naka-shave. Ganunpaman ay bruskong brusko pa rin ang dating nya. Halos pumutok ang sleeves ng uniporme nya dahil sa laki ng biceps nya. Humahakab din ang malapad nyang dibdib sa uniporme.

Siniko ako ni Ciella. “Huy, laway mo tumutulo.”

Awtomatiko ko namang pinunasan ng kamay ang ibaba ng bibig. Tumawa naman si Ciella. Doon ko lang napagtantong pinagtitripan nya lang ako.

Napanguso na lang ako at kunwaring inirapan ang kaibigan.

Pumasok naman si Cedric at ang dalawa nyang kasamang pulis. Tumingin sya sa amin ni Ciella at tinanguan kami. Nginitian ko naman sya. Pumasok sila sa coffee shop at pumila sa counter. Ang puso ko naman ay hindi na naman mapakali. Excited na naman dahil nakita si crush.

Tinapos ko na ang pag a-arrange sa bulaklak at tinabi yun.

“Hi.”

“Hi Cedric. Napadaan kayo?” Nakangiting bati ko.

Matiim syang tumingin sa akin at ngumiti. “May nirespondehan kami sa kabilang baranggay. Dumaan na rin kami dito para makapagkape.”

“Sipag mo naman chief.” Puri ko sa kanya. Aba, hepe na sya pero sumasama pa sya pagresponde.

Ngumisi lang sya at humigop ng kape.

“Mas lalo tayong gumugwapo ngayon chief, ah.” Ani Ciella.

Kinurot ko sya sa tagiliran at pinandilatan ng mata. Pero nginisihan lang nya ako.

Lukaret na to. Balak pa yatang agawin sa akin ang chief ko.

“Thanks Ciella.” Sagot ni Cedric at muling bumaling sa akin. “Anyway Pinky, pupunta ako mamaya sa bahay mo.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit?”

“May sasabihin ako.” Tinaas nya ang cup ng kape at tumalikod na. Kasunod ang dalawa nyang kasamang pulis ay lumabas na sila ng shop.

Naiwan naman akong nakaawang ang labi at naguguluhan sa sinabi ni Cedric.

“Bakit sya pupunta sa bahay? Anong sasabihin nya?” Tumingin ako kay Ciella.

“Aba, ewan ko. Baka manliligaw.” Nakangising sabi nya.

Ngumuso ako. Pero may kumudlit na tuwa at kilig sa puso ko sa isiping manliligaw sa akin si Cedric. Kapag nagkataon talaga. Walang pagdadalawang isip na sasagutin ko sya agad.

Napahinto ako sa pagsubo ng popcorn habang nanonood ng tv ng marinig ang doorbell. Baka si tiyong o tiyang o kaya ang mga pinsan ko. Nilapag ko sa center table ang bowl ng popcorn at tumayo. Lumabas ako ng pinto at binuksan ang maliit na pinto ng gate. Bumungad sa akin si Cedric na mabangong mabango at may hawak na isang bouquet ng red roses at isang box ng chocolate. Nagregodon muli sa pagtibok ang puso ko.

“Cedric..” Mahinang sambit ko sa pangalan nya. Saka ko lang naalala na nagsabi sya kanina na pupunta sya dito sa bahay dahil may sasabihin raw sya.

“Good evening Pinky. Pwede bang pumasok?”

“O-Oo, pasok ka.” Niluwangan ko ang bukas ng maliit na pinto ng gate.

Pumasok naman sya. Nasamyo ko ang pabango nya na lalaking lalaki ang amoy at hindi masakit sa ilong. Amoy mayaman din sya. Nakasibilyan na sya ngayon. V-neck shirt na kulay gray ang suot nya at pantalon na maong.

Sinarado ko na ang maliit na pinto ng gate at giniya na sya papasok sa bahay. Ginala naman nya ang mata sa loob ng bahay. Hininaan ko naman ang volume ng tv.

“Ikaw lang mag isa dito sa bahay mo?”

“Oo.”

Kumunot ang noo nya. “Nasaan ang mga magulang mo? Ang mga kapatid mo?”

“Uh, wala na akong mga magulang. Parehas na silang sumakabilang buhay na. Wala rin akong kapatid. Nag iisang anak lang ako.”

“Oh.. I’m sorry to hear that.”

Ngumiti ako. “Ayos lang.”

Lumapit sya sa akin sabay abot ng bulaklak at box ng chocolate. “For you Pinky.”

Awang ang labing kinuha ko yun. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

“Uh, para saan ang mga ito Cedric? Bakit mo ko binibigyan nito?” Tanong ko. May hinala na ako pero ayoko munang umasa.

Ngumiti sya sa akin. “I like you Pinky. I really like you a lot. Manliligaw ako sayo.”

Lalong umawang ang labi ko at halos lumabas na sa ribcage ko ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Nagdilang anghel si Ciella kanina.

Sobrang saya ko ng gabing yun. Gusto ko na nga syang sagutin agad dahil gusto ko rin naman sya. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Kailangan ko namang magpabebe ng kaunti at kilalanin pa sya ng lubos. Gabi gabi syang pumupunta sa bahay para ligawan ako. Pati si Tiyong Rusi at Tiyang Les ay nililigawan din nya at boto pa sa kanya. Mabait si Cedric kahit may kasungitan. Gentleman din sya at maalalahanin. Yun nga lang may pagka strict at seloso. Sa bawat araw na dumadaan na kasama ko sya at kausap ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

Isang buwan nga lang ang panliligaw nya ay sinagot ko na sya. At doon na nga nagsimula ang masayang relasyon namin ni Cedric.


Chapter 10

Present time. .

Pinky POV

SIMULA ng bumalik si Cedric sa Manila at nagkita kami ulit ay gusto nyang magkabalikan kami kaya nanliligaw sya ulit. Pinupuntahan nya ako sa shop bago sya dumuty at sa umaga naman pagkatapos ng duty ay pupunta sa bahay at may dalang mga pagkain. Hindi pa kami opisyal na nagkakabalikan pero para kaming bumalik sa dati. Parang nadugtungan ang naputol naming masayang relasyon.

“Blooming na blooming ka girl ah. Ano? Kayo na ulit ni Cedric?” Usisa ni Ciella habang pumapapak sya ng fish cracker na sinasawsaw nya sa suka. Naglilihi ang buntis at yun ang pinaglilihian.

Ako naman ay nangangasim sa kinakain nya lalo na kapag naamoy ko ang suka.

“Hindi no. Hindi ko sya sinasagot.” Sabi ko habang nagsusulat sa resibo.

Sa totoo lang gustong gusto ko ng sagutin si Cedric. Gusto ko ng opisyal na maging kami ulit. Pero natatakot naman ako. Kapag kasama ko naman si Cedric ay nawawala ang takot ko na yun at napapalitan ng saya.

Hay.. naguguluhan na ako.

“Ewan ko sayo Pinky. Bahala ka.. ikaw din. Mamaya manawa sya sayo makahanap sya ng iba.”

Tila may kumurot sa puso ko sa sinabi ni Ciella. Kumagat labi ako. Ayokong mapunta sa ibang babae si Cedric. Mahal na mahal ko pa rin sya hanggang ngayon at walang nagbago doon.

“KUH! Muntik pa akong maisahan ng budol na yun. Mabuti na lang at matalino ako. Di nya ako naisahan.” Pagkukwento ni Tiyong Rusi sa nangyari sa kanya sa tindihan nya sa palengke. Muntik na raw kasi syang magdoble ng sukli sa customer na babae.

Mahinang tumawa si Cedric. “Presence of mind ho talaga lagi Tiyong Rusi. Nagkalat na ho ang mga ganyan. Mga scammer at magaling mambudol. Dadaanin kayo sa magagandang salita kaya doble ingat ho.” Payo ni Cedric.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Tiyong Rusi at dito na kami sabay sabay na naghapunan. Nakakatuwang pagmasdan na kahit hiwalay na kami ni Cedric ay close pa rin sya sa tiyuhin, tiyahin at mga pinsan ko.

“Yan ang lagi kong sinasabi kay Rusi, Cedric. Eh ito pa namang tiyong nyo kapag dinaldal na wala na sa focus. Kaya hayan muntik ng mabudol.” Litanya ni Tiyang Les.

Totoo naman yun. Kapag si Tiyong Rusi dinaldal na, nakafocus na lang ang atensyon nya sa kausap. Mas marites pa sya kesa kay Tiyang Les.

“Eh paano ba naman hindi mabubudol si papa, ma. Maganda yung babae kanina. Sexy pa at halos lumuwa na ang papaya.” Sabi ni Betchay.

Nagtawanan naman kami. Si Tiyong Rusi ay napakamot naman sa ulo at pinandilatan ng mata si Betchay na ngingisi ngisi lang.

“Ah kaya pala muntik ka ng mabudol ha Rusi.”

“Nadistract lang kasi ako Les. Sino ba namang hindi madi-distract sa hitsura ng babae kanina – aray!” Daing ni Tiyong Rusi ng pingutin sya sa tenga ni Tiyang Les.

Muli na naman kaming nagtawanan.

“Sawa ka na ba sa papaya ko at nakuha mo pang tumingin sa ibang papaya, huh?” Lalo pang nilakasan ni Tiyang Les ang pagpingot sa tenga ni Tiyong Rusi.

“Aray! Aray ko naman Les. Tama na nga at nakakahiya kay Cedric baka akalain nya under pa ako eh.” Reklamo pa ni Tiyong Rusi.

“Eh under naman po talaga kayo pa, eh.” Sabat pa ni Anton.

Tinigilan na ni Tiyang Les si tiyong. “Kuh, pasalamat ka nandito si Cedric kung wala tigpas sa akin yang tenga mo.”

Hindi na umimik si Tiyong Rusi at ngumuso na lang. Takot kasi sya kay Tiyang Les.

“Sya nga pala, kamusta kayong dalawa? Kayo na ba ulit?” Baling sa amin ni tiyong.

Nagtinginan naman kami ni Cedric. Ako ang unang nagbawi ng tingin at muling sumubo ng pagkain.

“Hindi pa ho tiyong, pero nararamdaman ko malapit na.” Ani Cedric.

Napanguso naman ako. Parang sure na sure sya na magiging kami ulit.

“Aba’y bakit di mo pa sinasagot ulit si Cedric, Pinky. Aysus! Kung ganyang babagal bagal ka baka humanap yan ng iba.” Saad pa ni Tiyong Rusi.

Mahina namang tumawa si Cedric. “Ayos lang ho tiyong, hindi naman ho ako nagmamadali saka hindi ho ako hahanap ng iba. Si Pinky lang ho ang gusto ko.”

Umugong ang panunukso ng mga pinsan ko. Nag init naman ang mukha ko.

Tumingin sa akin si Cedric at naramdaman ko ang kamay nya sa aking hita at pumisil doon. Napapitlag naman ako kasabay ng lalong pag iinit ng aking mukha. Tinabig ko ang kamay nya at sinamaan sya ng tingin. Pero nginisihan lang nya ako.

Pilyo talaga ang mamang pulis. Tuloy ay parang nabuhay muli ang natatagong init sa aking katawan. Bigla tuloy bumuhos sa alaala ko ang mainit na sandaling pinagsasaluhan namin noon.

Ipinilig ko ang ulo at pilit inalis sa isip ang mainit na alaalang yun.

Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko si Cedric na nakatayo sa gitna ng sala. Hawak nya ang isang picture frame na may picture ko. Kuha yun noong kasal ni Ciella at Lex.

“Hindi ka pa uuwi?” Tanong ko.

Lumingon naman sya sa akin at sinuyod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nag init naman ang mukha ko. Iba talaga ang dating sa akin ng mga tingin nya. Nakakatunaw at nakakapang init.

Nilapag nya sa side table ang picture frame at humarap sa akin. Lumapit naman ako sa sala.

Tiningnan nya ang oras sa suot na silver watch. “Maaga pa naman.”

Nanghaba ang nguso ko. “Anong maaga? Alas nuebe na kaya.”

Ngumisi sya. “Maaga pa yun para sa akin. Dati nga inaabot ako ng madaling araw dito sa bahay mo eh. Dito pa ako natutulog.”

Muling nag init ang mukha ko. “Dati yun.”

Umupo ako sa sofa at kinuha ang isang throw pillow.

“Hindi na ba pwede ngayon?” Tanong pa nya at umupo sa tabi ko.

“Hindi na. Kasi hindi na tayo.”

Ngumisi sya at umusod ng upo sa tabi ko. Umusod din ako hanggang sa ma-corner na nya ako sa armrest. Hindi naman magkamayaw sa pagtibok ang puso ko. Lalo na ng akbayan nya ako at kabigin padikit sa kanya.

“Magiging tayo ulit itaga mo yan sa bato dahil hindi ako papayag na hindi. Dalawang taon akong nagtiis.” Aniya sabay halik sa sentido ko.

Halos trumiple na ngayon ang tibok ng puso ko. Tumingala ako sa kanya. “C-Cedric..”

Nilagay nya ang isang daliri sa labi ko. “Shh..”

Napalunok ako habang titig na titig sa gwapo nyang mukha. Sa mapupungay nyang mga mata na malalim kung tumingin. Sa kanyang matangos na ilong, sa mamulamula at manipis nyang labi na napapaligiran ng kanyang kumakapal ng bigote at balbas. Dati laging malinis ang kanyang mukha at clean cut lagi ang gupit ng buhok. Pero ngayon rugged na ang hitsura nya, gwapo pa rin at mas lalong hot tingnan.

Dahan dahang bumaba ang mukha ni Cedric. Alam kong hahalikan nya ako at wala akong balak na pigilan sya. Sobrang namiss ko ang mainit na halik nya.

Ipinikit ko ang mga mata ng dumampi dampi na ang mainit at malambot nyang labi sa labi ko. Humawak ako sa gilid ng kanyang leeg ng bahagya ng dumiin ang kanyang halik. Iniipit ng kanyang labi ang labi ko. Unti unti na rin akong tumutugon.

Kumalas sya sa halik at tumingin sa akin ang mapupungay nyang mga mata.

“I miss you babe..” Anas nya at muling sinakop ang labi ko. Mas mariin at mapusok.

Mainit ang halik na pinagsasaluhan namin ni Cedric. Punong puno rin yun ng pananabik. Nilalabas namin sa halik ang dalawang taon naming pananabik at pangungulila sa isa’t isa.

Napasinghap ako ng haklitin nya ang bewang ko. Nakaupo na ako ngayon sa kandungan nya habang wala pa ring puknat ang halikan namin. Hinawakan pa nya ang aking batok at mas nilaliman pa ang halik. Halos kapusin naman ako ng hininga at hindi na makasunod sa halik nya.

“Hah!” Habol ko ang hininga ng kumalas sya sa halik. Init na init ang aking mukha at mabilis pa rin ang tibok ng puso ko na parang may naghahabulang daga sa loob.

Hinawakan nya ang pisngi ko at hinaplos haplos.

“I love you Pinky.. I still love you..” Bulong nya at muling sinakop ang labi ko.

Tuwang tuwa naman ang puso ko sa narinig. Mahal nya ako. Mahal pa rin nya ako.


Habol ako isa pang update later ;)

Chapter 11

Cedric POV

NAPANGITI ako habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Pinky. Nakapikit sya at malalim ang paghinga. Mahimbing ang kanyang tulog habang nakaunan sya sa braso ko. Walang nangyari sa aming dalawa. Halik lang at yakap ang pinagsaluhan naming dalawa. Sabik na sabik ako sa kanya pero ayoko naman syang biglain. Ayokong isipin nya na kaya gusto ko lang makipagbalikan sa kanya dahil lang dun.

Tinaas ko ang kamay at hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Marahan ko ring hinaplos ang kanyang malambot na pisngi.

Dalawang taon din kaming nagkahiwalay at nawalan ng komunikasypn dahil nag iba sya ng number. Nag iba na rin sya ng facebook account. Pero ganunpaman ay hindi ako nawalan ng balita tungkol sa kanya. Pinapamasid ko sa kanya ang mga kasamahan kong pulis na suki sa coffee shop. Kaya kahit papaano updated ako sa mga nangyayari sa buhay nya habang nasa malayong lugar ako. Nakakarating sa akin na may ibang mga lalaking pumuporma sa kanya na ikinapupuyos ko sa inis. Kung hindi ko lang mahal ang trabaho ko sumugod na ako noon dito sa Manila para balian ng buto isa isa ang mga manliligaw nya. Hindi ako seloso at madamot na tao. Pero pagdating sa kanya madamot ako. Gusto ko akin lang sya.

Mahal na mahal ko si Pinky. Sya lang ang babaeng minahal ko ng matindi at kinabaliwan. Kaya nga di ko maintindihan kung bakit sya nakipag hiwalay sa akin. Hindi ako naniniwala na hindi na nya ako mahal. Alam kong mahal din nya ako. Nararamdaman ko yun sa mga halik nya kanina.

Bumuntong hininga ako at niyakap sya. Dinampi ko ang labi sa kanyang noo. Sobra ko syang namiss. Lagi syang laman ng isip ko habang nasa malayong lugar ako. Ngayong bumalik na ako sa Manila, di ako papayag na hindi kami magkakabalikan.

Bahagya syang gumalaw at sumiksik sa akin. “Hmm Cedric..” Ungol nya sa pangalan ko.

Napangisi naman ako. “I’m here babe..” Bulong ko at niyakap pa sya ng mahigpit.

.

.

Pinky POV

UMAWANG ang labi ko pagpasok ko ng kusina ng maabutan ko si Cedric na nagluluto. So hindi nga ako nananaginip kagabi na dito sa bahay ko natulog at magkatabi kami. Sa sobrang pagkalasing ko sa halikan namin inakala kong panaginip lang ang lahat kagabi.

Lumingon si Cedric at ngumiti ng makita ako. “Good morning babe.” Lumapit sya sa akin sabay kintal ng halik sa labi ko. .

Nag init naman ang pisngi ko. “Akala ko umuwi ka na.”

“Mamaya, pagkatapos nating mag almusal. Umupo ka na ipagtitimpla kita ng kape.”

“Hindi na, ako na.”

“No, ako na. Umupo ka na lang dyan.”

Wala na akong nagawa kundi umupo na lang at panoorin sya sa ginagawa. Alerto ang kilos nya at kabisado nya ang kusina. Alam nya kung saan nakalagay ang kape at asukal. Wala naman kasi akong binagong ayos dito sa kusina. Kung ano ito 2 years ago ay ganun pa rin hanggang ngayon. Minsan lang ako magluto dahil kadalasan bumibili ako ng pagkain sa labas o kaya kanila Tiyong Rusi ako kumakain. Noong kami pa ni Cedric ay sya ang madalas magluto. Mas masarap syang magluto kesa sa akin. Kahit laking mayaman sya marunong sya ng gawaing bahay lalo ng pagluluto. Natutunan nya yun noong nagti-training pa lang sya sa pagpupulis.

“Here’s your coffee.” Nilapag ni Cedric sa harapan ko ang kape na umuusok pa. “Luto na ang kanin. Itong cornbeef na lang ang iluluto ko.”

Tumango ako at dinampot ang mug at humigop ng kape.

Binalik na nya ang atensyon sa kawali at naggisa na ng bawang at sibuyas at nilagay na ang lamang corn beef ng lata. Hinalo halo nya yun at habang hinihintay maluto ay nagtimpla na rin sya ng sarili nyang kape. Isa pa sa nagustuhan ko sa kanya kahit laking mayaman sya ay di sya maarte. Kahit ano kinakain nya, hindi sya mapili.

Ng matapos na sya sa pagluluto ay naghain na sya. Ayaw nya akong patulungin at sya na lang daw. Namiss daw nyang ipagluto ako at ipaghain. O, paano ko ba naman syang hindi mamahalin. Sobrang thoughtful nya. Bihira lang ang lalaking gaya nya at sobrang swerte ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na sya dahil may duty pa sya. Babalik na lang daw sya sa bahay after ng duty nya. At wala pa man ay excited na akong bumalik sya. Miss ko na nga sya agad.

Pumasok ako sa coffee shop na maganda ang mood at magiliw sa mga customer.

“Bakit parang ang saya ng beshy ko?” Untag sa akin ni Ciella.

Nginisihan ko sya. “Wala lang. Bawal bang maging masaya?” Sabi ko habang pinupunasan ang mga bucket.

“Hindi naman. Pero iba ang saya mo ngayon eh. Para kang nadiligan. Nagchukchakchenes kayo ni Cedric no?”

Siniko ko sya at pinandilatan ng mata. “Bibig mo.”

Nginisihan lang nya ako. “So ano nga?”

“Hindi kami nag chukchakan no. Nagkiss lang kami..” Mahinang sabi ko sa huli.

“Ay, ang labing uhaw lang pala ang nadiligan at hindi kasama sa nadiligan ang nanunuyot na pearly shell.” Nakangisi pang sabi ni Ciella.

“Lukaret ka talaga. Bibig mo.” Mahina ko syang kinurot sa tagiliran.

Humagikgik lang sya. “So ano na nga? Kayo na ulit?”

Bumuntong hininga ako at inikot ang mata. “Hindi pa.”

Tumaas ang kilay nya. “Hindi pa kayo pero nagkiss na kayo?”

Ngumuso ako. “Kiss lang naman.”

Napaigtad ako ng kurutin nya ako sa tagiliran. “Pinapaasa mo yung tao. Sagutin mo na.”

Muli akong bumuntong hininga. “Sa totoo lang bebs, gusto ko na syang sagutin. Mahal ko pa rin si Cedric. Walang nagbago doon. Pero nandoon pa rin yung takot ko eh.”

“Kung ako sayo huwag kang magpadala sa takot mo. Dalawang taon na kayong hiwalay ni Cedric at mahal nyo pa rin ang isa’t isa. It means kayo talaga ang para sa isa’t isa. Sundin mo naman ang puso mo.”

Napaisip ako sa sinabi ni Ciella. Siguro nga ay tama sya. Dapat ko namang sundin ang puso ko. Gusto kong sumaya ulit sa piling ni Cedric.

“Mommy!”

Sabay kaming nag angat ng tingin ni Ciella at nakita namin si Alexandrea kasama si Lex na kapapasok lang ng shop. Halatang kagagaling lang sa opisina ni Lex dahil nakalong sleeve polo pa sya na tinupi ang manggas hanggang siko.

“Hi baby!” Bati ni Ciella sa anak at lumabas ng counter para salubungin ang kanyang mag ama.

Binuhat naman ni Lex si Alexandrea at humalik silang mag ama sa pisngi ni Ciella.

“Hi Ninang Pinky.” Bati din sa akin ni Alexandrea na may matamis na ngiti sa labi at kumaway pa.

“Hello baby.” Inabot ko ang matambok na pisngi nya at pinisil.

Humagikgik naman sya. Lumabas ang kanyang maliliit at pantay pantay na ngipin. Ang cute nga naman talaga ng inaanak kong kamukha ng daddy nya.

Binati din ako ni Lex. Tinanguan ko lang sya at nginisihan.

“Tired?” Malambing na tanong ni Lex kay  Ciella.

“No. Nakaupo nga lang ako maghapon at kumakain eh.”

Nangingiti na lang ako habang pinagmamasdan ang kaibigan at ang asawa nya. Hindi rin naging madali sa kanilang dalawa ang takbo ng relasyon nila noong una pero nalampasan naman nila. Natutuwa ako para kay Ciella dahil masaya na sya at kuntento na sya sa buhay nya. May gwapo, mabait at mapagmahal syang asawa at cute na cute na anak at ngayon ay buntis pa. Deserved naman nya ang lahat ng yun.

Bigla ko tuloy naisip si Cedric. Siguro kung hindi ako nakipaghiwalay sa kanya 2 years ago baka may anak na rin kami.

Nauna ng umuwi si Ciella at naiwan na lang kami ni Yena. Alas singko pa lang ng hapon at alas otso ng gabi ang sarado ng flower shop. Pero maaga akong uuwi para makapagluto ako dahil siguradong pupunta sa bahay si Cedric at doon sya maghahapunan.

Ano kayang ulam ang iluluto ko?

Hinipan hipan ko ang sabaw ng sinigang na baboy bago tinikman kung tama na ang asim at lasa. Napatango tango naman ako. Kung meron mang ulam na expert akong lutuin yun ay ang sinigang. Kahit si Cedric ay sarap na sarap din sa sinigang ko.

Pinatay ko na ang kalan para hindi malata ang gulay. Dinampot ko ang cellphone at tiningnan kung may text na si Cedric. Napangiti ako ng makitang meron nga. Male-late daw sya ng punta sa bahay dahil nasa operation pa sila. Kumabog naman ang dibdib ko sa kaba dahil mapapasabak na naman sya sa pakikipagpalitan ng bala. Nagreply naman ako na mag ingat sya.

Dahil mamaya pa pupunta si Cedric ay mauuna na akong kumain. Nagsandok na ako ng kanin at ulam pero natigilan ako ng marinig ang doorbell. Nilapag ko muna ang plato sa mesa at lumabas ng kusina.

Binuksan ko ang maliit na pinto ng gate at natigilan ng makita ang bisita.

“M-Ma’am Adela..”


Chapter 12

Pinky POV

NAPALUNOK ako habang kaharap ang ina ni Cedric. Kasama nya ang dalawa nyang bodyguard. Nakatayo sya sa gitna ng sala at ginagala ang mata sa paligid. Nakaguhit ang pagkadisgusto sa kanyang mukha. Abot abot naman ang kaba sa dibdib ko. After 2 years nagkita ulit kami at ganun pa rin ang mga tingin nya sa akin. Tinging nakakapangliit.

Humugot ako ng malalim na hininga. Kailangan kong tatagan ang sarili ko at hindi ako dapat magpadala sa takot.

“Kelan huling pumunta si Cedric dito sa bahay mo?” Tanong ni Ma’am Adela sa mataray na boses.

Tumikhim ako para alisin ang nakabara sa aking lalamunan. “K-Kagabi po ma’am..” Balak ko sanang magsinungaling pero sigurado namang lalo lang syang magagalit.

Ngumisi ang mama ni Cedric at tumalim ang tingin sa akin. “Talaga bang sinusubukan mo ako Priscilla?”

Lumunok ako. “M-Ma’am Adela..”

“Akala mo siguro hindi ko malalaman na nakikipagkita ka pa rin sa anak ko. Pwes nagkakamali ka. Simula ng bumalik si Cedric dito sa Manila ay may kutob akong magkikita kayo ulit kaya pinapamanmanan ko kayong dalawa.”

Nakaramdam ako ng pangingilabot sa kaalamang minamanmanan nya kami ni Cedric. Kaya pala sumugod na sya dito sa bahay ko.

“Kung ganun po pala eh di alam nyo na si Cedric ang lumalapit sa akin at hindi ako ang lumalapit sa kanya.” Lakas loob na sabi ko sa ginang.

Suminghap sya at nang uuyam na ngumisi. “Huh! At malakas na ang loob mong mangatwiran.”

“Hindi po ako nangangatwiran ma’am. Sinasabi ko lang po ang totoo. Ang anak nyo naman po talaga ang lumalapit sa akin.”

“Hindi sya lalapit sayo kung hindi ka nagpapakita ng motibo.” Sinuyod nya ako ng mapanuring tingin mula ulo hanggang paa. “I know a woman like you. Oportunista.”

Kinuyom ko ang kamao. Masakit ang salitang binibitawan ng ginang sa akin. Kahit hindi naman yun totoo ay nasasaktan pa rin ako. Siguro dahil sya ang ina ng lalaking pinakamamahal ko.

“One last chance Priscilla. Huwag mong sagarin ang pasensya ko. Stay away from my son. Hindi ikaw ang babaeng nararapat para sa kanya.”

Humugot ako ng malalim na hininga at tinapangan ang mukha. “I’m sorry po ma’am, pero mahal ako ni Cedric. Nagmamahalan po kaming dalawa. Pinagbigyan ko na ang gusto nyo noon. Hiniwalayan ko sya pero bumabalik pa rin sya sa akin. Patunay lang na mahal ako ng anak nyo. Please ma’am, hayaan nyo na po kami ni Cedric.” Pakiusap ko sa huli.

Pagak na tumawa ang ginang. “Mahal? No, hindi ka mahal ni Cedric. Nabubulagan lang sya sayo. Kapag nawala ka na sa landas nya mare-realize din nya na hindi ka nya mahal.”

“Ma’am Adela, 2 years po kaming naghiwalay ni Cedric. Wala po kaming contact sa isa’t isa. Pero nakita nyo naman bumabalik pa rin sya sa akin dahil mahal nya ako.”

“You are delusional Priscilla. Binabalikan ka lang ng anak ko dahil hindi pa sya sawa sayo.”

Tumiim bagang ako. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng ina ni Cedric. Hindi yun ang nararamdaman ko sa mga pinapakita sa akin ni Cedric. Purong pagmamahal ang nararamdaman ko. Alam kong sinasabi nya lang ito para saktan ako at layuan na si Cedric.

“Kahit ano pang sabihin nyo ma’am, hindi nyo kami mapipigilan ni Cedric. Pinagbigyan ko na kayo noon, puso ko naman ang susundin ko. Mahal na mahal ko po si Cedric. Hindi ko po sya lalayuan.” Matapang at buo ang loob na hayag ko.

Tumiim bagang ang ginang at para ng nagaapoy ang kanyang matang matalim ang tingin sa akin. “Matapang ka na ngayon babae. Talagang gusto mo akong subukan. Pwes, pagsisisihan mo yang matapang mong desisyon.”

Tumalikod na ang ginang at walang abog abog na lumabas ng bahay kasunod ang dalawang bodyguard.

Humugot ako ng malalim na hininga. Kahit nakaalis na ang ina ni Cedric ay di pa rin nawawala ang kaba at takot sa dibdib ko. Nag aalala ako sa pwedeng gawin nya. Maimpluwensyang tao si Ma’am Adela. Anak sya ng dating senador at ang asawa nya ay isang kilalang businessman.

Pumikit ako ng mariin at pinilig pilig ang ulo. Hindi na dapat ako magpadala sa takot sa ginang. Sinunod ko na ang gusto nya noon. Puso ko naman ang susundin ko ngayon.

.

.

Cedric POV

“THANK you inspector.” 

Tinanggap ko ang mga nakalahad na kamay ni Matias Santiago at Danon Acosta.

“Babalitaan ko na lang kayo kapag meron na kaming bagong impormasyon kung saan ngayon nagkukuta ang uncle nyo. Sa ngayon back to zero muna tayo.” Hayag ko sa dalawa.

Bakas sa kanilang mukha ang disappointment dahil hindi nahuli ang kanilang uncle. Pero ano ang gagawin? Mabilis na nakapulas ang suspek. Nakatunog ito kaya mabilis na nakaalis. May hinala ako na may pumoprotekta ditong maimpuwensyang tao.

“Aasahan namin yan chief inspector.” Ani Matias Santiago.

Tumango naman ako sa kanila.

Nag excuse na sila at sumakay na sa kanilang mga sasakyan at umalis.

Namaywang naman ako at bumuntong hininga. Inumaga na kami sa aming operasyon pero wala rin naman pala kaming napala. Hindi tuloy ako nakapunta kagabi sa bahay ni Pinky. Siguradong nag aalala na sya. Di bale, mamaya ay pupuntahan ko sya.

“Chief inspector, uwi po muna kami para makapag pahinga.” Paalam sa akin ng mga sarhentong kasama ko sa operasyon. Mga nakasibilyan na sila at bakas sa kanilang mukha ang pagod at antok.

“Sige, mag ingat kayo sa pag uwi.”

Sumaludo pa sila sa akin bago sumakay sa kanilang mga motor.

Pumasok naman ako sa opisina ng hepe para magreport bago umuwi..

Hininto ko ang sasakyan ng matanaw ko si Carlyn na nakaabang sa harapan ng gate ng bahay ko. Pinipindot nya ang doorbell. Dahil walang tao sa loob ay walang magbubukas sa kanya. Pumapadyak padyak pa ang paa nya na halatang naiinip na. Ang kasama nyang driver ay sumisilip sa loob ng siwang ng gate.

Bumuntong hininga ako at inatras ang sasakyan para hindi nya makita.

Ano naman kaya ang ginagawa nya sa bahay ko? Siguradong mangungulit lang sya. Wala na akong pasensya na harapin sya. Mabuti ba kung si Pinky sya.

Tumunog ang cellphone ko. Napakamot ako sa noo ng makitang tumatawag si Carlyn. Sinagot ko ang tawag.

“Hello Carlyn.”

“Cedric where are you ba? Nandito ako sa harap ng bahay mo.”

Humimas ako sa batok. Parang sumasakit ang ulo ko.

“Wala ako sa bahay. Nasa operasyon pa ako.” Pagsisinungaling ko.

“Oh.. kelan ka naman uuwi? I miss you na..”

“I don’t know.. pagkatapos ng operasyon.”

“Pero kelan nga yun?”

“Mamayang gabi.” Pagsisinungaling ko pa. Pero mamayang gabi ay nasa bahay ako ni Pinky.

“Ganun ba? Ok.. babalik na lang ako later. I really miss you hun. See yah later – “

Di ko na tinapos ang sasabihin nya at pinatay na ang cellphone. Inaantok na ako at gusto ko ng magpahinga at matulog para mamaya hindi naman ako magmukhang pagod kapag nakita ni Pinky.

Hinintay ko munang umalis si Carlyn at ang driver nya. Hindi naman nagtagal ay sumakay na sya sa kotse nya at umalis na sila. Naghintay muna ako ng ilang sandali saka pinausad na ang sasakyan papunta sa bahay.

.

.

Pinky POV

“I’M sorry babe, hindi ako nakapunta kagabi. Inumaga kami sa operation.” Ani Cedric sa gitna ng pagnguya.

Kararating lang nya at dito na sya sa bahay naghapunan. Hindi nga sya nakapunta kagabi at nakatulugan ko na ang paghihintay sa kanya. Kaninang umaga ko na nabasa ang text nya.

Ngumiti ako. “Ayos lang. Kamusta naman ang operation nyo?”

Nagkibit balikat sya. “Hayun, napagod sa wala.”

Kumunot ang noo ko at pinagsalin sya ng juice sa baso. “Bakit maman?”

Ngumisi sya. “Madulas ang suspek. Nakatunog kaya mabilis na nakaalis bago pa kami nakarating. Kaya back to zero na naman kami sa paghahanap ng bagong kuta nya.”

Tumango tango ako at sumubo ng pagkain.

“Hindi ka ba nakatulog kagabi sa paghihintay sa akin?”

Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumuso. “Medyo..”

Ngumiti sya. “I’m sorry babe.. next time magte-text ako ng mas maaga.”

“Ayos lang naman. Naiintindihan ko ang trabaho mo.”

“Thank you babe..”

Ngumiti ako sa kanya at sumubo ng pagkain.

Pero hindi lang sa pag aalala sa kanya kaya hindi ako agad nakatulog kagabi kundi dahil din sa mama nya. Nag aalala ako sa pwede nitong gawin. Hindi alam ni Cedric ang panghaharass sa akin ng mama nya. 2 years ago tinakot din ako ni Ma’am Adela na kung hindi ko hihiwalayan si Cedric ay sisirain nya ang negosyo namin ni Pinky at ni Tiyong Rusi. Natakot ako at ayokong mangyari yun kaya sinunod ko ang gusto nya. Pero ngayon ayoko ng magpadala sa takot. Mahal ko si Cedric at dapat lang na ipaglaban ko sya.

Nilunok ko muna ang pagkain at tumingin kay Cedric na sunod suno ang subo. Mukhang gutom na gutom sya.

Tumikhim ako. “Cedric..”

Tumingin sya sa akin. “Yes babe?”

Ngumiti ako. “Gusto ko lang sabihin na.. sinasagot – “ Natigilan ako sa sasabihin ng tumunog ang cellphone ko.

Kumunot ang noo ko ng makitang tumatawag ang isang pinsan ko. Dinampot ko ang cellphone at sinagot ang tawag.

“Hello Jennifer.” Tumingin ako kay Cedric na patingin tingin sa akin habang kumakain.

“Ate Pinky, si papa at si mama nasa hospital.”

“Ha? Bakit? Anong nagyari?” Sunod sunod na tanong ko kay Jennifer. Sumipa ang kaba sa dibdib ko.

Kumunot na ang noo ni Cedric at bumagal ang pagnguya nya habang nakatingin sa akin.

“Nasunog yung tindahan sa palengke. Si mama nabagsakan ng haligi.”

“Oh my god.” Bulalas ko.


Chapter 13

Pinky POV

DAHIL sa tawag ng pinsan kong si Jennifer ay agad kaming pumunta ni Cedric sa hospital. Sa emergency room ay naabutan namin si Tiyong Rusi at si Tiyang Les na parehas binibigyan ng paunang lunas. Parehas silang may mga paso sa katawan pero mas malala ang kay Tiyang Les na umabot pa sa second degree burn ang paso sa braso.

“Tiyong, tiyang, ano po ang nangyari? Bakit po biglang nasunog ang tindahan? May iba pa po bang nadamay bukod sa inyo?” Sunod sunod na tanong ko.

“Hindi nga namin maintindihan kung bakit biglang nagkasunog. Nag aayos ako ng mga bote ng soft drinks sa loob tapos ang tiyang mo at ang tindera namin ay pinapasok na ang mga paninda na nasa labas sa loob. Tapos di namin namalayan nagliliyab na pala ang likuran ng tindahan. Sobrang bilis ng pangyayari. Ang bilis kumalat ng apoy. Sinubukan naming isalba ang mga paninda. Pero biglang bumagsak yung haligi at tinamaan ang tiyang mo sa braso. Ako naman mga lapnos to galing sa mga plastik na nasunog. Ganun din yung tindera. Mabuti nga at mabilis na naagapan ang apoy at wala ng ibang nadamay na mga tindihan kung hindi magbabayad talaga kami.” Nanlulumong kwento ni Tiyong Rusi.

Nakaramdam naman ako ng lungkot. Siguradong pinoproblema na nila ngayon ang tindahan.

“Ano ho bang sabi ng mga bumbero?” Tanong ni Cedric.

“Ang sabi ng mga bumberong nag imbestiga kanina kuya, baka daw po may nag hagis ng upos na sigarilyo sa likuran ng tindahan. Puro tambak po kasi ng sako at mga plastic ang likuran ng tindahan.” Ani Jennifer na kadarating lang.

“Wala bang cctv sa likuran ng tindahan?”

“Wala Cedric. Hindi pa namin napapalagyan pero nagbabalak na kami. Hindi ko akalain na mangyayari ito.”

“Sinabi ko naman kasi sayo Rusi na yung mga sako at plastic sa likuran ay idispatsa mo na. Hayan tuloy, nagsanhi pa ng sunog. Mabuti na lang at wala ng ibang nadamay.” Ani Tiyang Les na nangingiwi pa sa kirot.

“Pasensya na Les. May kasalanan ako aaminin ko, hindi ako nakinig sayo.”

“Wala na tayong magagawa nangyari na. Pero yung tindahan natin, siguradong malaki ang gagastusin natin pampaayos nun. Tapos yung mga paninda natin halos natupok lahat.” Namomroblema ng sabi ni Tiyang Les.

“Huwag po kayong mag alala tiyang, tutulong po ako sa inyo ni tiyong.” Sabi ko.

“Hindi na Pinky, may ipon naman kami ng tiyong mo.” Tanggi ni Tiyang Les.

“Oo nga Pinky, huwag mo na kaming alalahanin. Kaya namin to.” Segunda pa ni Tiyong Rusi.

“Alam ko naman po na kaya nyo pero gusto ko pa rin pong tumulong.” Pag i-insist ko pa. Sila na lang ang pamilya ko kaya gusto ko silang tulungan.

“Kung kailangan nyo rin ho ng tulong ko sabihan nyo lang ho ako Tiyong Rusi, Tiyang Les.” Alok din ni Cedric.

“Salamat Cedric. Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam namin ng tiyang nyo dahil nandyan kayong dalawa na handang tumulong.”

“Wala ho yun Tiyong Rusi. Isang pamilya na ho tayo dito.”

Napangiti ako sa sinabi ni Cedric. Talagang tinuturing na nya kaming pamilya. Kunsabagay sobrang close na nga sya sa tiyuhin, tiyahin at mga pinsan ko.

“Sya nga naman po tiyong. Basta po tutulong ako sa inyo.” Giit ko pa.

“O sya, ikaw ang bahala. Basta hindi kita inoobliga.”

Maswerte pa rin talaga ako sa tiyuhin at tiyahin ko kahit ulila na ako. Mababait sila. Laging handang tumulong sa akin at hindi humihingi ng kapalit. Kahit minsan nagigipit sila never silang humingi ng tulong sa akin. Hindi nila ako inoobliga kaya kusa akong nagbibigay ng tulong.

Lumapit na ang doctor at isang nurse na sumuri sa kanila at nagbigay na ng reseta ng mga gamot para sa kanilang mga lapnos. Mas marami nga lang ang gamot ni Tiyang Les dahil mas malala ang paso nya. Sinagot na rin nila ang pagpapagamot sa kanilang tindera na bata pa at binili na rin ang mga gamot na kailangan nito. Bagong tindera lang pala nila ito at ngayon ay namomroblema din kung saan papasok dahil nasunog ang tindahan.

“Huwag kang mag alala Mari, ipapaayos namin agad ang tindahan. Makakabalik ka din.” Ani Tiyang Les sa tindera.

“Saka bibigyan ka pa rin namin ng allowance. Alam naman namin ni Les na ang tindahan lang ang pinagkukunan mo ng ipangbubuhay mo sa sarili mo.” Dagdag pa ni Tiyong Rusi.

Nalaman kong bagong salta lang dito sa Manila si Mari. Umalis sya sa probinsya nila para makipag sapalaran. Nag iipon para makapag aral muli.

“Salamat po Mang Rusi, Aling Les. Sobrang bait nyo po sa akin. Siguro po hahanap po muna ako ng ibang mapapasukan. Eh alam nyo naman po, nakikitira lang po ako sa bahay ng pinsan ng nanay ko. Kapag ok na po ang tindahan saka po ako babalik sa inyo.” Saad ni Mari.

“Naiintindihan namin Mari.” 

Tumikhim ako. “Uhm, kung gusto mo dun ka na lang muna sa shop habang hinihintay na maging maayos ang tindahan.” Alok ko kay Julie.

“Talaga po ma’am?” Namimilog ang matang tanong ni Julie.

“Oo, huwag kang mag alala hindi naman mabigat ang trabaho sa flower shop.”

“O yun naman pala. May trabaho ka na agad. Huwag kang mag alala Julie. Mabait yang pamangkin ko. Sa kanya ka na lang muna mamasukan.” Pag sang ayon ni Tiyong Rusi.

“Sige po ma’am, sa inyo po muna ako mamamasukan. Maraming salamat po.” Ani Julie na bakas sa mukha ang saya.

Dinukot ko ang wallet sa bag at hinugot ang isang calling card at binigay kay Julie. “Magpahinga ka muna ng ilang araw. Kapag ok na ang mga paso mo tawagan mo ko.”

“Salamat po ma’am.”

“Pa, ma!”

Sabay sabay kaming lumingon ng marinig ang boses ni Ramil. Kadarating lang nya sa trabaho. Pero ang mata nya ay tumuon agad kay Mari. Titig na titig sya dito habang papalapit kay Tiyong Rusi at Tiyang Les.

“Anak, nandito kami ng mama mo. Yung mata mo kung saan na naman nakatingin.” Puna ni Tiyong Rusi.

Kumamot naman sa ulo si Ramil at hinarap na ang mga magulang at kinamusta. Binati din nya si Cedric.

Pagdating ni Jennifer galing sa botika ay lumabas na kami ng hospital para umuwi na. Sumakay na lang kami sa sasakyan ni Cedric. Si Julie ay nagcommute na lang dahil iba ang way ng uuwian nya. Nagpresinta pa nga si Ramil na ihatid sya sakay ng motor nya pero nahiya si Julie at tumanggi. Mukhang tinamaan si Ramil sa tindera ng papa at mama nya.

“Babalik na lang ako bukas after ng duty ko o kaya pupuntahan kita sa shop.” Ani Cedric ng ihatid na nya ako sa bahay ko.

Nagtagal pa kami ng dalawang oras sa bahay ni Tiyong Rusi dahil nagkwentuhan pa sila. Alas onse pasado na ng umalis kami. Nakaramdam na rin ako ng antok.

Ngumiti ako sa kanya. “Mag iingat ka sa pag uwi.”

Tumango sya. “Ikaw din, i-tsek mo ang lahat ng lock bago matulog.”

Hinapit nya ako sa bewang at kinintalan ng halik sa noo, ilong at labi. Para namang kiniliti ang puso ko sa kilig.

“Mauna na ako babe. See you tomorrow. Goodnight..” Kumalas na sya ng yakap sa akin.

“Goodnight..”

Hinatid ko muna ng tanaw ng Cedric bago ko sinara ang gate at nilock.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko nasabi kay Cedric ang gusto kong sabihin. Bukas ko na lang sasabihin. Siguradong matutuwa sya at excited na rin ako.

Nangingiting pumasok na ako sa loob ng bahay at nilock na rin ang pinto. Tumunog ang cellphone ko na nasa bag. Dinukot ko yun at napakunot noo ako ng makita ang hindi pamilyar na number na nakarehistro sa screen ng cellphone. Sinagot ko yun.

“Hello. Sino to?”

“Priscilla..”

Nahigit ko ang hininga ng makilala ang boses ni Ma’am Adela. May sumipang kaba sa aking dibdib.

“Ma’am Adela..” Mahinang sambit ko.

“Binalaan na kita Priscilla. Huwag mong sasagarin ang pasensya ko. Siguro naman sa nangyari sa tindahan ng tiyuhin at tiyahin mo ay madadala ka na. Dahil kung hindi pa, ang shop nyo naman ng kaibigan mo ang isusunod ko.”

Natigagal ako sa narinig kasunod ng malakas na kabog ng aking dibdib. Lumuwag ang hawak ko sa cellphone at tuluyan itong bumagsak sa sahig.


Chapter 14

Pinky POV

NANGINGINIG ang kamay na dinampot ko ang cellphone at tinapat sa tenga. Lumunok ako at pumikit ng mariin. Hindi ako makapaniwala na ang ina ni Cedric ang may kagagawan ng sunog sa tindahan ni Tiyong Rusi at Tiyang Les.

“B-Bakit nyo po ginawa yun? Sa ginawa nyo napahamak ang tiyong at tiyang ko pati na rin ang tindera nila.”

“It’s your fault! So blame yourself.. Kung nakinig ka lang sa akin hindi mangyayari ang bagay na yun. Binalaan na kita pero matigas ka.”

Tumiim bagang ako at marahas na pinahid ng kamay ang luhang bumagsak sa aking pisngi.

“Ano kayang mararamdaman ni Cedric kapag nalaman nya na ang ina nya ang may kagagawan ng sunog sa tindahan? Pwede ko po kayong kasuhan ng arson, Ma’am Adela.” Matapang na hayag ko.

Tumawa sya sa kabilang linya. “Don’t you dare na magsumbong kay Cedric, Priscilla. Sige, subukan mo. Bukas na bukas makikita mong natutupok na rin sa apoy ang kabilang branch ng shop nyo.”

Pumikit ako ng mariin at kinuyom ang kamao. “Hindi ko akalain na napakasama nyo pala..”

“Masama ako sa mga taong sumusuway at hindi sumusunod sa akin. Pero mabait naman ako kung sumusunod ka lang sa akin. Now, it’s your choice Priscilla. Nasa kamay mo ang mangyayari sa mga nakapaligid sayo.”

Binaba ko na ang cellphone at pinatay na. Hindi ko na kayang makipag usap sa ina ni Cedric. Hindi ko na masikmura. Naninikip ang dibdib ko. Paano nakakayang gawin ni Ma’am Adela ang bagay na yun. Isang kilalang pulis ang anak nya at philanthropist ang asawa tapos sya..

Ipinilig pilig ko ang ulo at pinahid ng kamay ang mga luhang sunod sunod na bumagsak. Kasalanan pala ni Ma’am Adela ang nangyaring sunog. Pero gusto ko ring sisihin ang sarili ko. Kung hindi rin dahil sa akin hindi mangyayari yun. Kung nakinig lang sana ako.

“Grabe naman pala ang nangyari sa tindahan ni Tiyong Rusi at Tiyang Les. Mabuti at lapnos at paso lang ang napala nila. Pero masakit pa rin yun ha.” Sambit ni Ciella ng ikwento ko sa kanya ang nangyaring sunog kagabi sa tindahin ng tiyuhin ay tiyahin ko.

“Kaya nga eh. Mabuti nga at yun lang. Pero nakakatrauma pa rin.” Sabi ko habang nililinis ang mga kalat sa counter.

Mabigat pa rin ang loob ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa tawag ni Ma’am Adela. Paano ba naman ako makakatulog sa rebelasyon ng ina ni Cedric na sya pala ang may kagagawan ng sunog sa tindahan. Malamang may inutusan sya para gawin yun. Sa yaman at impluwensya nya madali lang sa kanyang umupa ng taong gagawa ng krimen. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na kaya yung gawin ng ina ni Cedric. Nakakapanlumo at nakakalungkot.

“Uy bebs, di mo ba sasagutin yang phone mo? Kanina pa tawag ng tawag yan ah. Sino ba yan?” Sinilip ni Ciella ang cellphone ko. “O si Cedric pala.”

Mabigat akong bumuntong hininga. “Mamaya ko na sasagutin ang tawag nya mangungulit lang yan.” Sabi ko sabay dampot sa nag iingay na cellphone at nilagay yun sa loob ng drawer.

Tumingin ako kay Ciella at ngumiti. Magiliw kong binati ang bagong pasok na customer. Nagkibit balikat naman si Ciella. Ayokong isipin nya na may problema ako. Ayoko na syang idamay. Buntis sya at hindi dapat ma-stress.

Nakapag desisyon na ako na tuluyan ng iwasan si Cedric. Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa’t isa lalo pa at sagad hanggang buto ang pagkadisgusto sa akin ng mama nya. Natatakot ako sa mga pwede pang gawin ng mama nya kapag hindi ako sumunod. Hindi pa ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. Ngayon lang.

“THANKS for coming ma’am. Come again.” Nakangiting bati ko sa customer ng maiabot ang bulaklak na binili nya.

Ngumiti naman sya at tumalikod na.

Hinarap ko naman ang bagong dating na customer at tinanong ang bulaklak na hanap nito.

Nandito ako ngayon sa pangalawang branch, may kalayuan sa main branch. Dito muna ako naglagi para makaiwas kay Cedric. Dalawang araw ko na syang iniiwasan. Hindi ko sinasagot ang mga tawag nya at hindi ko rin sya pinagbubuksan ng pinto sa bahay kahit gustong gusto ko. Ayokong maulit ulit ang nangyari sa tindahan ni Tiyong Rusi at Tiyang Les. Ayokong may iba pang madamay. Hindi ko kayang imagine-in ang kaya pang gawin ng ina nya. Kaya kahit nahihirapan ako titikisin ko ang sarili ko.

Tumunog ang cellphone ko na katabi ng laptop na bukas. Sinilip ko kung sino ang tumawag. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang si Cedric yun. Bumuntong hininga ako at kumagat labi. Dinampot ko ang cellphone at nilagay sa loob ng drawer. Nakita kong tumingin sa akin ang isang florista ko pero di ko sya pinansin at niligpit na lang ang mga ginamit na craft paper.

Nasa duty ngayon si Cedric pero kaninang umaga ay nakailang missed call na sya at text din. Pero di ko yun binubuksan. Kahapon ay dumaan sya sa flower shop at hinanap ako kay Ciella. Nagtatanong dahil hindi ko sinasagot ang tawag at nirereplyan ang text nya. Sinabi naman ni Ciella na nandito ako sa kabilang branch. Alam kong pupuntahan ako dito ni Cedric.

At nangyari nga yun kinatanghalian..

Umawang ang labi ko habang titig na titig ako kay Cedric. Inaasahan ko ng pupuntahan nya ako dito pero nasurpresa pa rin ako. Heto nga at hindi na maawat ang puso ko sa mabilis na pintig nito. May duty sya pero pinuntahan pa nya ako dito sa shop.

“A-Anong ginagawa mo dito Cedric?” Nauutal pang tanong ko.

Bumuntong hininga sya at kumunot ang noo. “Nagtatanong ka pa. Dalawang araw kang hindi sumasagot sa tawag at nagrereply sa mga text ko. Nag aalala ako. May problema ba?”

Humugot ako ng malalim na hininga at nag iwas ng tingin. Kunwaring naging abala sa paggugupit ng craft paper.

“Busy ako nakita mo naman di ba?” Malamig na sabi ko.

“Kahit busy ka lagi mo namang sinasagot ang tawag ko. May problem ba?” Tanong pa ulit nya at sinisilip pa ang mukha ko.

“Walang problema. Busy lang ako. Ikaw hindi ka ba busy? Nasa duty ka di ba?” Hindi tumitingin sa kanya na sabi ko.

Gusto ko na syang umalis ng shop. Siguradong nagmamasid na sa amin ang sinumang tao na inutusan ng mama nya.

“Babe..” Natigilan sya sa gustong sabihin ng tumunog ang cellphone nya. Bumuntong hininga sya at dinukot ang cellphone sa bulsa ng slacks at sinagot.

“Alright.. papunta na ako. I’ll be there in five minutes.” Binaba na nya ang cellphone at pinatay.

Muli syang tumingin sa akin. Naging matiim ang kanyang mata. “Pupunta ako mamaya sa bahay mo, mag usap tayo.”

Hindi ako sumagot at tinuloy na lang ang ginagawa hanggang sa tumalikod na sya at lumabas na ng shop.

Bumuntong hininga ako. Parang may kumukurot sa puso ko kasabay nun ang pagtulo ng luha ko. Mabilis ko yung pinahid ng kamay. Haharapin ko sya mamaya at tatapusin ko na ang anomang meron kami..

Ilang segundong walang puknat ang titigan namin sa isa’t isa ni Cedric. Hindi ako bumibitaw ng tingin para malaman nyang seryoso ako sa mga sinabi ko. Pinilit kong hindi magpakita ng emosyon sa mukha. Pinilit ko ring tatagan ang sarili at hindi maging marupok.

Pagak na tumawa si Cedric. “Tatapusin mo na ang anomang meron tayo? Hindi pa nga tayo naguumpisa ulit eh.”

“Wala na tayong dapat na umpisahan Cedric.”

Matiim syang tumingin sa akin na parang pinag aaralan ang mukha ko. “Ano ba talagang problema, Pinky? Ok tayo nung mga nakaraang araw. Bakit bigla bigla nanlalamig ka na naman. Binabaliw mo na naman ako sa pagiisip.”

Lumunok ako. Nag iisip ng pwede pang idahilan para layuan na nya ako.

“Dahil.. m-may nagugustuhan na akong iba, Cedric. I’m sorry.” Pagsisinungaling ko at pinilit na hindi mag iwas ng tingin.


Short update muna mga bii. Bawi na lang ako bukas.

Chapter 15

Cedric POV

SUNOD sunod ang tungga ko sa baso ng alak. Muli kong sinalinan ng whiskey ang baso at muli yung tinungga. Gumuhit sa lalamunin ko ang pait. Pero walang wala ang pait na yun sa pait na nararamdaman ko ngayon.

Sa pangalawang pagkakataon dinurog na naman ako ni Pinky. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa nya ito sa akin. Hindi raw nya ako mahal at may gusto na raw syang iba. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nyang hindi na nya ako mahal. Ramdam kong mahal pa rin nya ako. At kung sino man yung lalaking sinasabi nya na gusto nya babalian ko ng buto.

Pabagsak na binaba ko ang baso sa glass table at muli yung sinalinan. Napapitlag sa gulat ang mga kasamahan kong pulis at napahinto sa kwentuhan at tawanan. Kagagaling ko lang sa bahay ni Pinky at inaya ko silang uminom dito sa resto bar at sagot ko ang lahat ng alak at pagkain.

Dinampot ko ang baso at muling tinungga. Tiningnan ko ang mga kasamahan. “Bakit kayo tumigil?”

Sabay sabay pa silang umiling.

“Wala chief, nagulat lang kami. Ayos ka lang ba?” Tanong ni Romeo. Ang sarhento na ilang taon ko ng kasama sa serbisyo. Sa kanya ko din pinamamanmanan noon si Pinky.

“Hindi ako ok..” Sabi ko.

Muli na naman silang natigilan.

“Anong problema chief?” Usisa pa ni Romeo.

Tumingin ako sa kanya at mariing pinaglapat ang labi. “Si Pinky..”

“Si Ma’am Pinky? Di ba ok na kayo?”

Marahas akong bumuntong hininga. “Yun ang akala ko. Maayos naman kami nitong mga nakaraang araw tapos bigla bigla kanina ang sabi nya tapusin na raw namin ang anomang meron kami. Putangina! Hindi pa nga kami nakakapagumpisa ulit tatapusin na nya agad.” Himutok ko at muling nagsalin ng alak sa baso at sinimsim na yun.

Kumamot naman sa ulo si Romeo. “Eh bakit daw chief? Anong problema?”

“Hindi ko alam. Pero ang sabi nya may iba na raw syang nagugustuhan. Kung sino man ang putanginang yun, babalian ko sya ng buto.” Tiim bagang na sambit ko sabay tungga ng lamang alak sa baso.

Nilingon ko si Romeo na tumutungga na rin sa bote nya ng beer. “Ikaw? Kilala mo ba ang lalaking yun? Sabi mo maraming lalaki ang lumalapit sa kanya sa shop.”

Binaba ni Romeo ang bote at lumingon sa akin. “Oo nga chief, maraming lalaki ang lumalapit kay Ma’am Pinky pero wala naman syang pinapansin sa mga ito. Kapag binabati sya tatanguan lang nya at tipid na ngingitian.” Natigilan sya. “Pero naalala ko, may isang lalaking customer nila na madalas kong nakikitang kakwentuhan nila ni Ma’am Ciella.”

Kumunot ang noo ko at humigpit ang hawak ko sa baso. “Sino ang lalaking yun?”

“Hindi ko kilala chief. Pero tingin ko nagtatrabaho sya malapit lang sa coffee shop.”

Huminga ako ng malalim at tumiim bagang. “Anong hitsura nya?”

“Medyo bata bata pa chief. Siguro mga kasing edad lang din ni Ma’am Pinky. Gwapings din eh. Chinitong tisoy.”

Lalong dumiin ang hawak ko sa baso at pabagsak itong nilapag sa mesa sabay salin ulit ng alak. Muli ko yung dinampot at inisang lagok.

Ganun na ba ang gustong lalaki ni Pinky? Chinito? Tss! Baka lampa naman yun.

“Boss chief, huwag kayong ma-treathened dun sa chnito. Mas lamang kayo dun.” Sabat ni Norman.

Sinamaan ko naman sya ng tingin. “Hindi ako treathened.”

Siniko ni Romeo si Norman at binulungan. “Huwag ka ng sumabat. Huwag mo ng sabayan ang init ng ulo ni chief. Madedelikads ka.”

“Sorry chief.” Nakangiwing sabi naman ni Norman at pinagtuunan na lang ang bote ng beer.

Bumuntong hininga ako at tumango. Hindi ko dapat pag initan ang kasamahan.

Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang sariling alak. Gustong kong malasing ngayong gabi para makalimot saglit sa sakit.

“Cedric, wake up.”

“Hmm..” Naalimpungatan ako sa mahihinang tapik sa aking pisngi. Naririnig ko ang boses ni mama at papa.

Inaantok na dinilat ko ang mata. Sa nanlalabo kong mata ay naaaninag ko ang pigura ni mama at papa hanggang sa unti unting luminaw ang kanilang imahe.

“Mama, papa..” Bumangon ako at kinusot ang mata. May sumigid na kirot sa ulo ko pero agad din yung nawala.

“Good morning, anak.” Bati sa akin ni papa.

“Morning pa, ma. Ang aga nyo yatang dumaan dito sa bahay.” Sabi ko sabay tayo. Dun ko lang napagtantong dito ako sala nakatulog. Sa sobrang kalasingan ko kagabi ay hindi na ako nakaakyat sa kwarto at dito na naabutan ng antok. Hinatid lang ako nila Romeo dahil nag aalala sila na baka maaksidente ako sa pagmamaneho.

“Hindi na maaga iho. Alas dies na ng umaga. Mukhang nagpakalango ka sa alak kagabi at dito ka na sa sala inabutan ng antok. Hindi pa nakalock ang gate mo at pinto. Mabuti at hindi ka pinasok.” Litanya ni mama.

Kumamot ako sa ulo at sinilip ang oras sa suot na relo. Alas dies na nga ng umaga. Mabuti na lang at mamayang gabi pa ang duty ko.

“Dumaan kami sa restaurant ng papa mo at pinag take out ka na rin namin.” Dagdag pa ni mama at minuwestra ang brown paper bag na nakapatong sa center table.

“Thanks ma.” Pumasok muna ako sa kusina at naghilamos at mumog. Bumalik din ako sa sala para harapin ang mga magulang. Humalik ako sa pisngi ni mama at tinapik sa balikat si papa. Minuwestra ko ang sofa at pinaupo na sila.

“What happened anak? Mukha kang problemado? Sa trabaho ba?” Tanong ni papa.

Tumingin ako sa kanya at kay mama na matamang nakatingin sa akin.

Bumuntong hininga ako. “No, papa. Wala akong problema sa trabaho.”

“Then what happened? Hindi mo pwedeng sabihin sa akin na wala kang problema dahil hindi ka maglalasing ng ganyan kung wala. Noong huli kang naglasing ng ganyan yung nagbreak kayo ni Pinky. Oh wait, don’t tell me si Pinky ulit ang dahilan?”

Tumingin ako kay papa at ngumisi. Kilala talaga ako ni papa. Kahit hindi ako magsalita ay alam nya at nararamdaman nya na may pinagdadaanan ako. Minsan nga mas naiintindihan pa nya ako kesa kay mama.

“Oh tama nga ako.” Natatawang sambit ni papa.

Si mama naman ay umikot ang mata.

“So anong problema mo kay Pinky? Akala ko ba maayos na kayo at nililigawan mo sya?”

Kung si mama ay tutol kay Pinky kabaliktaran naman si papa. Hindi sya kagaya ni mama na si Carlyn lang ang babaeng gusto para sa akin. Laging nakasuporta sa akin si papa.

Humimas ako sa batok at pagak na tumawa. “Binasted nya ako papa. Hindi raw nya ako mahal at may gusto na raw syang iba.”

Pumalatak si mama. “I told you anak, wala kang mapapala sa babaeng yan. See? Dalawang beses ka na nyang sinaktan.”

Mariin kong pinag lapat ang labi. “Mahal ko si Pinky mama. Wala akong pakialam kahit dalawang beses na nya akong sinaktan. Kahit pangatluhin pa nya.”

Suminghap si mama. “Oh my god Cedric! What happened to you? Kelan ka pa naging tanga sa isang babae. Hindi ka mahal ni Priscilla at may iba na syang gusto. Move on anak. Ibaling mo na lang ang atensyon mo sa iba. Huwag mong pagmukhaing kawawa ang sarili mo. Marami pang mga babae dyan.”

“Your mama is right, anak. Sa tingin ko oras na para mag move on ka na. Kung ayaw na talaga sayo Pinky, hayaan mo na sya. Marami pa namang babae ang darating para sayo.” Pang sang ayon ni papa.

“Tama! Like Carlyn. Sya ang babaeng nararapat para sayo anak. Malayong malayo sya kay Priscilla. Ikaw lang ang hinihintay ni Carlyn kung kelan mo sya papansinin.” Segunda pa ni mama.

Pumikit ako ng mariin at hinilot ang sentido. Parang muling sumigid ang kirot sa ulo ng banggitin ni mama si Carlyn. Kahit kelan di ko magugustuhan ang bratinela na yun.

“Kahit hindi man kami sa huli ni Pinky, never ding magiging kami ni Carlyn mama. Kahit kelan di ko sya magugustuhan.” Mariing sabi ko sa ina.

Umawang ang labi ni mama sabay kumpas ng kamay. “Ano bang ayaw mo kay Carlyn, iho? She is better than Priscilla.”

“Nah, Pinky is ten times better than Carlyn mama. Siguro sayo better sya but not for me. Anong ayaw ko kay Carlyn? Marami.” Gusto ko sanang sabihing dahil magkaugali sila pero huwag na lang. Ayokong maging bastos.

“Cedric, I’m your mother. Alam ko kung ano ang mas makakabuti sayo.” Giit pa ni mama.

“Enough Adela.” Saway naman ni papa at bumaling sa kanya si mama.

“Enough what, Edgardo? Pinapaintindi ko lang sa panganay natin kung ano ang makakabuti sa kanya.”

“Pinapaintindi? Minamanipula mo na sya, Adela. At ano bang akala mo kay Cedric, bata? Matanda na sya. Alam na nya kung ano ang gusto nya at makakabuti sa kanya. Labas na tayo doon. Ang role na lang natin bilang magulang ay suportahan sya. Mahirap bang intindihan yun?” Mahinahong sabi ni papa kay mama.

Tipid akong ngumiti. Mabuti pa si mama. Laging nakakaintindi sa akin.

“Kayong mag ama ang hindi nakakaintindi. Mag ama nga kayo dahil parehas matigas ang ulo nyo.” Inis na sambit ni mama.

Umiling iling naman si papa at kinumpas ang isang kamay. Hindi na pinatulan ang patutsada ni mama at bumaling na lang sa akin.

“So what’s your plan, anak?”

“Hindi ko pa rin susukuan si Pinky, papa. Hindi ako naniniwalang hindi nya ako mahal. Iba ang nararamdaman ko. May kakaiba sa kanya. Parang may pumipigil sa kanya at aalamin ko yun.” 

Tumingin ako kay mama na umikot lang ang mata. Hindi ko na lang sya pinansin.

Kilala ko si Pinky. At ramdam ko kagabi na hindi sya nagsasabi sa akin ng totoo. Parang may tinatago sya.


Alam kong gigil kayo kay Adela. Kalma lang mga bii 😆

Chapter 16

Pinky POV

NATATAWA ako habang nag aasaran si Tiyong Rusi at Tiyang Les. Para pa rin silang mga bata. Lambingan na nila ang asarin ang isa’t isa. Sana lahat ng mag asawa ay gaya nila.

Sinawsaw ko ang roller sa pintura at pinahid na yun sa pader ng tindahan. Inumpisahan na namin ayusin ang tindahan. Ayaw mag aksaya ng araw at panahon nila tiyong at tiyang. Kaya kahit nagpapagaling pa sa mga paso at lapnos nila ay nagsimula na sila sa pag aayos ng nasunog na tindahan. Kahapon ay naglinis sila katulong ang mga pinsan ko. Ngayon naman ay nagpipintura na kami at nagkukumpuni. Tamang tama naman na long weekend kaya tulong tulong kami kesa nga naman umupa pa kami ng mga tao. Makakatipid na kami at parang bonding na rin namin.

“Naku, sinasabi ko sayo Rusi. Kapag ikaw talaga nakita kong tumingin pa sexy na dumadaan dudukutin ko talaga yang mata mo.” Banta ni Tiyang Les habang pinupunasan ang mga bakal na estante na hindi natupok sa sunog at pwede pang gamitin.

“Eh di ipipikit ko na lang ang mata ko parang ganito.” Pinikit nga ni Tiyong Rusi ang mata pero ang isa ay nakadilat.

Nagtawanan naman kami ng mga pinsan ko.

Malakas talaga mang asar si Tiyong Rusi. Ganyan ang lambing nya kay Tiyang Les. Eh kasi naman si tiyong Rusi kapag may dumadaang seksi napapatingin. Pero hanggang tingin lang naman sya dahil takot sya kay Tiyang Les. Noong binata pa si Tiyong Rusi ay babaero talaga sya. Ang kwento nga ni mama noon ay napikot lang si Tiyong Rusi ni Tiyang Les dahil nabuntis nya ito. Iniwan ni tiyong ang nobya nya noon at pinanagutan si Tiyang Les. Naalala ko pa nga dati noong baby pa ang pinsan kong si Ramil ay lagi silang nag aaway dalawa dahil selosa si Tiyang Les. Pero never naman nyang sinaktan si tiyang. Natigil lang sila sa pag aaway ng manganak ulit si tiyang kay Jennifer hanggang sa sunod sunod na. Ngayon kapag nagseselos si Tiyang Les. Dinadaan na lang sa lambing at biro ni Tiyong Rusi hanggang sa lumamig na ang ulo ni Tiyang Les.

“Tao po. Magandang araw. Dito po ba ang tindahan ni Rosauro Buenavista?”

Natigilan kami sa pagpipintura at tumingin sa labas ng tindahan. May tatlong lalaki doon at may dala dala silang mga bagong estante.

Tumayo si Tiyong Rusi at lumapit sa tatlong lalaki. “Ako si Rosauro Buenavista. May kailangan ba kayo?”

“Uh, magandang araw po ser. May delivery po kayo.”

Kumunot ang noo ni Tiyong Rusi. “Delivery? Wala naman akong pinapadeliver ah.”

Sinenyasan ng lalaki ang dalawa nyang kasamahan na may mga buhat na estante. “Order po ang mga ito ni Mr. Cedric Montez. Dito po ang address na binigay nya at kayo po ang receiver.”

Napasinghap ako sa sinabi ng lalaki. Galing kay Cedric ang mga estante na bagong bago. Nagsipulan naman si Ramil at Eboy. Si Tiyang Les ay tumayo na rin at umusyoso.

“Kuh, napakabait talaga ni Cedric. Ito pala ang mga sinasabi nya na ibibigay nya.” Ngiting ngiti na sabi ni Tiyong Rusi at sinipat sipat pa ang mga estante.

“Hindi lang po mga estante ang pinadaliver ni Mr. Cedric. Meron pa pong iba, kukunin lang po namin.”

“Ganun ba.”

At hindi nga lang talaga mga estante ang pinadeliver ni Cedric. Meron ding bagong bago na chest freezer na tamang tama dahil nadamay din sa sunog ang chest freezer ng tindahan at bago ding fridge para sa mga beverages. Tuwang tuwa si Tiyong Rusi at Tiyang Les pati na ang mga pinsan ko. Hindi na mababawasan ng malaki ang ipon nila.

“Ser, pa-sign na lang po para patunay na na-receive nyo na po yung mga items.” Inabot ng lalaki ang isang papel at ballpen.

Kinuha naman yun ni Tiyong Rusi at pinirmahan. “Salamat.”

“Walang anuman po. Mauuna na po kami.”

“Salamat sa inyo.” Sambit pa ni Tiyang Les.

Tumango lang ang tatlong lalaki at ngumiti saka umalis.

“Naku, ang gaganda ng mga ito halatang mamahalin.” Tuwang wika pa ni Tiyang Les.

Ang mga pinsan ko ay sinipat sipat naman ang mga bagong dating na gamit ng tindahan na sponsor ni Cedric. Bakas din sa kanilang mukha ang tuwa.

Natutuwa rin naman ako at nag aalala din. Paano kung malaman ito ni Ma’am Adela. Baka isipin nya na hiningi ko ang mga ito kay Cedric.

“Talagang sinurpresa ako ni Cedric. Aba’y sobra sobra na itong binigay nya.” Sambit ni Tiyong Rusi.

“Oo nga pa. Ang mahal kaya ng brand nitong chest freezer. Kunsabagay mayaman naman si Kuya Cedric. Kayang kaya nyang bumili ng ganito kahit ilang piraso pa.” Sabat ni Eboy.

“Teka nga, matawagan sya para makapag pasalamat.” Dinukot ni Tiyong Rusi ang cellphone nya sa bulsa ng maong na short at tinawagan na si Cedric.

Tinuon ko naman ang atensyon ko sa pagpipintura.

Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Cedric. Hindi na sya pumupunta sa shop at hindi na rin pumupunta sa bahay para mangulit. Hindi na rin sya tumatawag at nagti-text. Aaminin ko namimiss ko sya pero nagpapakabusy na lang ako shop o kaya sa ibang bagay para hindi sya laging naiisip. Nasasaktan ako na kailangan ko syang layuan para sa kaligtasan ng mga taong malapit sa akin lalo na ang pamilya ko. Alam kong nasasaktan din sya pero makakahanap din sya ng babaeng para talaga sa kanya. Yung gusto ng mama nya.

“Hindi sumasagot. Mukhang busy.”

Lumingon ako kay Tiyong Rusi. Muli nyang tinatawagan si Cedric.

“Wala pa rin.”

“Mamaya mo na lang tawagan baka nasa duty pa. Mamaya rumeresponde pala makaistorbo pa tayo.” Ani Tiyang Les.

Bumaling sa akin si Tiyong Rusi. “Nakaduty ba ngayon si Cedric, Pinky?”

Nag iwas ako ng tingin sa tiyuhin at tinuon sa pader na pinipinturahan.

“Opo tiyong, kaya di po kayo masasagot nun.” Sagot ko.

“Ganun ba. Mamaya nga tawagan mo tapos yayain mo sa bahay doon na kayong dalawa kumain ng hapunan. Para makapagpasalamat man lang sa kanya.”

“Sige po tiyong.” Sabi ko. Pero wala akong balak yayain si Cedric. Magdadahilan na lang ako mamaya kung bakit hindi sya makakapunta.

.

.

Cedric POV

AGAD kong dinampot ang cellphone sa desk ng makitang tumatawag si Pinky. Kumislot din ang puso ko. Sinwipe ko ang green button at tinapat sa tenga.

“Hello babe..” Malambing na sagot ko sa tawag ng nobya – dating nobya.

Ilang segundong hindi nagsalita si Pinky pero dinig ko ang pagbuntong hininga nya.

“Babe?”

“Tigilan mo na nga ang kakatawag sa akin ng babe..”

Ako naman ang napabuntong hininga. May kurot sa dibdib ko.

“What do you want? Ayaw mo palang tinatawag kitang babe tumatawag ka pa.” Masungit na sabi ko. Ayoko syang sungitan pero naiinis ako.

“Tinatawagan ka ni Tiyong Rusi kanina pero di ka sumasagot kaya ako na lang ang inutusan nyang tawagan ka.”

Nakita ko nga ang tatlong missed call kanina ni Tiyong Rusi. Hindi ko yun nasagot kanina dahil may meeting kami at rumesponde pa kami. Kababalik lang namin sa headquarters.

“Yeah, I’m sorry di ko nasagot kanina nasa gitna ako ng meeting.”

“Ayos lang. Gusto lang magpasalamat sayo ni Tiyong Rusi sa mga gamit na pinadala mo sa tindahan nya.”

Ngumisi ako. Pormal na pormal kasi ang boses nya.

“No problem. Nangako ako sa kanya tinupad ko lang.”

Narinig kong pumalatak sya sa kabilang linya.

“Babayaran ko lahat yun sayo. I-send mo sa akin ang account mo.”

Kumunot ang noo ko. “Anong babayaran mo? Bakit mo yun babayaran eh regalo ko yun kay Tiyong Rusi at Tiyang Les.” Mataas ang boses na sabi ko. Napatingin pa nga sa akin ang mga kasamahan ko na nagmemeryenda.

“Basta! Babayaran ko. At huwag mo nga akong sigawan.” Pagalit na rin ang boses nya sa kabilang linya.

“Hindi kita sinisigawan.”

“Hindi mo ko sinisigawan eh ang taas ng boses mo. Wala kang karapatan na sigawan ako ha.”

Pumikit ako ng mariin at kumamot sa ulo. “Fine.. I’m sorry.” Mababa na ang boses na sabi ko.

Tumingin ako sa mga kasamahan ko. Kakaiba na ang mga tingin nila sa akin at may mga makahulugan ng ngiti sa labi.

Hindi ko na lang sila pinansin.

“Ang sabi ni Tiyong Rusi, imbitahan daw kita para sa bahay nila maghapunan.”

“Sige pupunta ako.”

“Hindi..”

Muling kumunot ang noo ko. “Anong hindi?”

“Hindi ka pupunta.”

“But why?”

Saglit syang hindi umimik at namayani ang katahimikan sa kabilang linya. Kinutuban naman ako ng kakaiba.

“Dahil ayoko..”

Bumuntong hininga ako at sumandal sa backrest ng swivel chair. “What’s wrong with you huh.. why you acting so strange lately..” Mahinang sabi ko.

Ilang segundong namayani muli ang katahimikan. Para bang nag iisip sya ng sasabihin.

“Nagugulumihanan ka lang. Ayoko lang pumunta ka dahil ayoko ng makipaglapit ka sa tiyong at tiyang ko pati sa mga pinsan ko. Huwag ka na ring magbibigay ng kung ano ano.. Babayaran ko ang mga binigay mo kanina. Please.. huwag ka ng pupunta dito sa amin. Ayoko ng may masamang mangyari uli sa mga mahal ko sa buhay..”

Naguluhan ako sa sinabi nya. “What do you mean Pinky?”

Pero wala ng sumagot sa kabilang linya. Pinatay na nya ang tawag.

Binaba ko ang cellphone at tinawagan sya. Nagring ng isang beses bago naputol. Pinatay nya ng tuluyan ang cellphone para di ko na sya matawagan.

“Damn it!” Inis na sambit ko at padabog na nilapag ang cellphone sa desk.

Naiinis ako at gusto kong sugurin si Pinky kung nasaan man sya ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit nya ako tinatrato ng ganito. Pero hindi, ramdam kong may mali. Nasa tono ng boses nya kanina ang tension. May problema sya, ayaw lang nyang sabihin. Yun ang dapat kong alamin.

Lalo pa akong naguluhan sa huling sinabi nya. Huwag na raw akong pupunta sa kanila dahil ayaw nyang may mangyari uling masama sa mga mahal nya sa buhay. Anong ibig nyang sabihin? Ako ang nagpapahamak sa kanila?


Habol ako isa later ;)

Chapter 17

Pinky POV

“HI..”

NAG angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang nagpapacute na mukha ni George. May hawak syang foam cup ng kape habang panay ang kindat sa akin.

Natawa naman ako habang nag babawas ng dahon at tangkay sa bulaklak na yellow chrysanthemum.

“Huwag ka ngang gumanyan para kang may sakit.” Biro ko.

Ngumuso sya. “May sakit naman talaga ako.”

Kumunot ang noo ko. “May sakit ka?”

Tumango sya. “Oo, sa puso.. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko na parang sasabog na.. lalo na kapag nakikita ka.” Aniya sabay pilyong kumindat.

Inikot ko ang mata. Umariba na naman sya. Buti na lang cute.

“Kakakape mo yan George.” Sabi ko.

“Ngayon pa lang ako magkakape no.” Aniya at humigop sa hawak na foam cup.

“Ngayon ka pa lang magkakape pero ang lakas na ng tama mo.” Nakangising pang aasar ko pa.

Nanghaba naman ang nguso nya. “Di ka man lang kinilig. Wala ka talagang puso.”

“Meron akong puso no. Kung wala, eh di patay na ako.” Pilosopo ko pang sagot.

Tila naman nagtampo ang hitsura ni George. “Wala talaga akong pag asa sayo.”

“Wala ka talagang pag asa dyan dahil may iba ng nagpapakilig dyan.” Singit ni Ciella.

Siniko ko sya at pinandilatan ng mata. Pero nginisihan lang ako ng madaldal na buntis.

“May boyfriend ka na?” Tanong ni George. Nasa kanyang mukha na interesado syang malaman.

Bumuka ang labi ko at akmang magsasalita pero inunahan na naman ako ng madaldal kong kaibigan.

“Wala syang boyfriend pero may ex syang naghahabol pa rin sa kanya.” Muli kong siniko si Ciella pero hindi nya ako pinansin.

“Ex na pala eh.” Saad ni George.

“Ex na patay na patay pa rin sa kanya at isang pulis. Chief Inspector lang naman. And speaking of pulis na ex, nandyan pala sya papasok.”

Nahigit ko ang hininga at lumipad ang tingin ko sa entrance ng shop. Papasok nga si Cedric kasunod si Romeo at ang dalawa pa nilang kasamang pulis. Salubong ang kilay ni Cedric at masama ang timplada ng gwapong mukha. Nakatiim bagang sya at matiim ang tingin sa akin at kay George.

Napalunok naman ako at nag iwas ng tingin. May sumipang kaba sa aking dibdib.

“Cedric.” Tawag ni Ciella kay Cedric.

Nag angat naman ako ng tingin at nakita kong tumango lang si Cedric kay Ciella bago sya pumasok sa coffee shop kasunod ang mga kasamahan. Binati naman ako ni Romeo, Marvin at Norman. Tinanguan ko lang din sila at tipid na nginitian.

“Yun ang ex mo?” Untag sa akin ni George.

Tumango lang ako.

“Gwapo no?” Ani Ciella.

Tumango naman si George. “Gwapo nga. Astig. Laking mama. Malaki pa ang katawan. Nakakatakot.” Aniya.

“Nakakatakot talaga yan. Lahat ng lalaking pumuporma kay Pinky binabalian nya ng buto.” Dagdag pa ni Ciella.

Suminghap naman si George.

“Ciella.” Saway ko na sa kaibigan. Halatang tinatakot na nya si George. Pero nginisihan lang nya ako.

“Ano.. mauna na pala ako. Patapos na ang break ko. Balik na lang ako mamaya.” Biglang paalam ni George at tumalikod na.

Tumawa naman si Ciella paglabas ni George. “Natakot si cutiepatootie.”

“Tinakot mo eh. Luka luka ka. Akala ko ba gusto mo sya para sa akin.” Sikmat ko sa kanya. Kung hindi lang sya buntis kinurot ko na sya sa tiyan.

Ngumisi sya. “Bakit gusto mo ba sya?”

Hindi ako sumagot at inikutan sya ng mata.

“Niligtas ko lang sya no.”

Kumunot ang noo ko. “Niligtas saan?”

“Sa ex mong mukhang papatay na sa tingin.” Nakangingising sabi nya.

Bumuntong hininga ako at sinulyapan si Cedric na nakapila sa counter. Walang kangiti ngiti at salubong pa rin ang kilay. Gumagalaw pa ang kanyang panga. Sumulyap sya sa gawi ko, agad naman akong nag iwas ng tingin at niligpit na ang mga kalat.

“Sigurado ako, pagbabantaan nya si George na huwag ng lumapit sayo.”

Mabigat akong bumuntong hininga. Yun din ang inaalala ko.

“Wala na syang karapatan dahil matagal na kaming wala. Subukan nya.”

Tumaas ang kilay ni Ciella. “Hindi mo sya mapipigilan. You know Cedric, patay na patay yan sayo at ayaw nyang may lalaking nakikihati sa atensyon mo.”

Totoo yun. Ganun ka-possessive si Cedric sa akin noon at mukhang hanggang ngayon.

“Kapag pinagbantaan nya si George, mukha syang ewan.”

“Eh di kausapin mo sya. Baka mamaya mabalitaan na lang natin nasa hospital na si George.”

Suminghap ako sa sinabi ni Ciella. “Huwag mo na nga akong takutin.”

“Hindi kita tinatakot bebs. Sinasabi ko lang ang pwedeng mangyari.”

Napabuntong hininga na lang ako. Hangga’t maaari ay ayokong kausapin si Cedric. Pero may history na kasi sya ng pagbabanta sa mga lalaking lumalapit sa akin noon. Hindi pa naman sya nananakit dahil syempre pulis pa rin sya at bawal yun.

Lumabas na ng coffee shop si Cedric hawak ang foam cup, kasunod pa rin ang mga kasamahan nya. Tumingin sya sa akin bago tumalikod at lumabas na ng tuluyan sa shop.

Mabigat ang dibdib ko. Gusto ko syang habulin pero siguradong nakamasid sa amin ang inutusang tao ni Ma’am Adela.

.

.

Cedric POV

MARAHAS akong bumuntong hininga sabay bayo ng kamao sa manibela ng sasakyan. Napaigtad si Romeo sa gulat na nakaupo sa passenger seat. Napaso pa ang labi nya ng mainit na kape.

“Sino yung lalaking kausap kanina ni Pinky?” Tiim bagang na tanong ko kay Romeo.

“Yun yung lalaking sinasabi ko sayo chief. Yung lagi nilang kakwentuhan at katawanan. Nagpapacute yun kay Ma’am Pinky.”

“Halata nga. Ito namang Pinky na to ipagpapalit lang ako sa mukha pang lampa.” Inis na sambit ko.

“Bakit chief? Gusto nyo bang ipagpalit na kayo ni Ma’am Pinky?”

Sinamaan ko ng tingin si Romeo. “Sinabi ko ba? Hangga’t nabubuhay ako walang ibang lalaki sa buhay nya kundi ako lang.”

“Sabi ko nga chief. Ikaw lang ang lalaki sa buhay ni Ma’am Pinky.”

Kumukulo pa rin ang dugo ko sa inis sa tuwing maaalala ang pakikipag ngitian ni Pinky sa lalaki. Naninikip din ang dibdib ko. Alam ko wala na akong karapatang mainis dahil wala na kami. Pero anong gagawin ko? Mahal ko sya at hindi ko sya susukuan. Hindi nga ako sumuko ng dalawang taon ngayon pa kaya na ramdam kong mahal pa rin nya ako. Alam kong may pumipigil lang sa kanya.

Bumuntong hininga ako at dinampot ang foam cup na nakapatong sa dashboard at humigop.

“Kamusta ang pinaiimbestigahan ko sayo? May balita na ba kayo sa sumunog ng tindahan ng mag asawa?”

“Meron kaming nakitang cctv chief sa kalapit na establishment. Humingi kami ng permiso na masilip yun noong araw na nangyari ang sunog. May tatlong lalaki na nahagip ng cctv na galing sa direksyon ng  likod ng tindahan. Sinusubukan ko ng alamin ang pagkakakilanlan nila.” Sagot ni Romeo.

Tumango tango ako. May pakiramdam kasi ako na parang sinadya ang sunod sa tindahan ni Tiyong Rusi at Tiyang Les kaya pinaimbestigahan ko yun kay Romeo. Ang mag asawa ay wala ng interes alamin kung sinadya ba o hindi ang sunog. Kuntento na sila sa sinabi ng mga bumbero na baka may naghagis lang ng upos na sigarilyo. Bilang isang pulis na matagal na sa serbisyo ay iba ang kutob ko. Hindi na iba sa akin si Tiyong Rusi at Tiyang Les. Kapamilya na ang turing ko sa kanila kaya poprotektahan ko sila. Kung wala nga lang akong hawak na malaking kaso ay ako na lang sana ang nagimbestiga.

“Agad mong ipaalam sa akin kapag nalaman mo na pagkakakilanlan ng tatlo.”

“Yes chief. Eh kamusta naman ang pagmamanman nyo kay Ma’am Pinky?”

Bumuntong hininga ako. “Hindi ako ang nagmamanman sa kanya dahil ayaw nga nyang lumapit ako sa kanya. Pinagbabawalan na rin nya akong pumunta sa bahay nya at sa bahay ng tiyuhin nya. Ibang tao and pinamanman ko. Sa ngayon wala pa syang balita sa akin.”

“Sigurado ba kayo chief na may threat sa buhay ni Ma’am Pinky?”

Tumingin ako kay Romeo. “Yes, at hindi pa ako nagkakamali ng hinala alam mo yan.”

Tumango tango si Romeo. “Naniniwala ako sayo chief. 100% accurate lagi ang hinala mo.”

Nginisihan ko lang ang kasamahan at kaibigan.

Tumingin ako sa loob ng shop. Tinitigan ko si Pinky na nakangiting inaasikaso ang matandang babaeng customer na bumibili ng bulaklak. Namimiss ko na ang ngiti nyang yun. Sabik na akong ako naman ang ngitian nya.

Inubos ko na ang kape saka ko kinabit ang seatbelt sa katawan. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at pinasibad na. Bumuntot naman sa amin ni Romeo ang police patrol car na lulan ni Marvin at Norman.


Chapter 18

Pinky POV

“ATE, saan po ito ilalagay? Hindi na po kasya sa labas.”

Nilingon ko si Mari na may hawak na bucket na may lamang bulaklak.

“Dito na yan Mari.”

Inabot nya sa akin ang bucket. Kinuha ko naman yun at nilagay sa estante na nakadikit sa glass wall.

Habang hindi pa natatapos ang tindahan nila tiyong ay dito muna si Mari bilang assistant pansamantala. Masipag naman sya at mabilis kumilos. Nagtatanong kapag hindi alam ang gagawin.

Marami rami kaming customer ngayon sa parehong shop kaya medyo aligaga kami. Ayos nga ito para hindi ko naiisip si Cedric na ilang araw ko na namang hindi nakikita. Mga kasamahan lang nya ang madalas na bumabalik dito sa shop. Bukod kasi sa masarap ang kape namin ay nagpapacute pa sila sa mga crew namin. Hay, mga pulis talaga bolero ang karamihan. Pero si Cedric, hindi sya bolero. Hindi mabulaklak magsalita at walang pasakalye. Straight to the point sya lagi. Kagaya noong nagpunta sya sa bahay ko para sabihing manliligaw sya.

Hays! Ano ba to? Nagpapakabusy nga ako para hindi sya maisip pero heto naman at iniisip ko sya.

“Ma’am, cellphone nyo yata yung tumutunog.” Untag sa akin ni Yena.

“Ha?”

Doon ko lang narinig na nag iingay ang cellphone kong nakapatong sa kabilang estante at nakacharge. Nilapitan ko yun at nakita ang nakarehistrong numero na hindi ko kilala. Pero sumipa ang kaba sa dibdib ko. Dinampot ko ang cellphone at tinanggal sa pagkaka-charge. Saglit kong tinitigan ang screen at lumunok. Sinwipe ko ang green button at tinapat sa tenga ang cellphone.

“Hello..”

“Hello Priscilla..”

Nahigit ko ang hininga ng marinig ang boses ni Ma’am Adela. Hindi nga ako nagkamali na sya ang tumatawag.

“Ma’am Adela, ano pong kailangan nyo?” Tanong ko sa pormal na boses at lumabas ng counter. Sinenyasan ko si Yena. Tumango naman sya.

Lumabas ako ng shop at tumungo sa maliit naming garahe.

“Nothing.. Gusto ko lang sabihin sayo na good job. Marunong ka naman palang sumunod gusto mo tinatakot ka pa..” Bahagya pa syang tumawa sa kabilang linya.

Pumikit ako ng mariin at tumiim bagang.

“Siguro naman po titigilan nyo na ako at ang mga taong nasa paligid ko.”

“Hindi pa.”

Marahas akong bumuga ng hininga. “Ma’am, ano pa bang gusto nyo? Ginawa ko na ang sinabi nyo di ba? Nilalayuan ko na ang anak nyo.”

“Nilalayuan mo nga sya pero lapit naman sya ng lapit sayo dahil nandyan ka lang sa malapit. And I don’t like it. Nagmumukhang tanga ang anak ko sayo.”

“Wala na po tayong magagawa dun. Matigas ang ulo ng anak nyo.”

“May magagawa ka pa Priscilla..”

Kumunot ang noo ko. “Ano po bang gusto nyong gawin ko pa?” May tono na ng inis ang boses ko.

“Magpakalayo ka. Umalis ka ng Manila..”

“Po? Bakit ako aalis?”

“Para tuluyan ka ng layuan ni Cedric. Pumunta ka kung saang malayo o kaya mangibang bansa ka mas better.”

Pagak akong tumawa. “Hindi ko po gagawin yan Ma’am Adela. Parang sobra sobra na yata ang hinihiling nyo sa akin. Hindi ako lalayo. Nandito ang buhay ko sa Manila. Nandito sa Manila ang pamilya at negosyo ko.”

“Priscilla.. I’m warning you. Huwag mo kong pikain.” Banta nya.

Lumunok ako at kumagat labi. Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga.

“Pag iisipin ko po.”

“Anong pag iisipan?” Tumaas ang boses nya sa kabilang linya.

“Ma’am Adela hindi po ganun kadali ang gusto nyo. Hindi naman po pwedeng basta basta ako umalis. Maglahong parang bula.”

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.

“Fine. I’ll give you one week. At huwag na huwag kang magsusumbong sa anak ko. Kapag hindi ka sumunod sa gusto ko alam mo na ang mangyayari.”

Hindi na ako nakasagot dahil pinatay na nya ang linya. Binaba ko na ang cellphone at pinatay na rin.

Bumuhos na ang luha ko. Agad ko naman yung pinahid ng kamay.

Bakit ba ganito kalupit sa akin ang ina ni Cedric. Hindi pa ba sapat na nilalayuan ko na sya kahit naghihirap ang kalooban ko. Bakit kailangan pa nyang idamay ang mga mahal ko sa buhay.

Humugot ako ng malalim na hininga. Lalong naguluhan ang isip at puso ko. Pakiramdam ko ngayon ay nag iisa ako.

Dumilat ako at ginala ang mata sa paligid. Maraming sasakyan ang dumadaan sa malawak na kalsada. Napansin ko ang isang kotse na nakahimpil sa gilid ng kalsada malapit sa garahe. Wala yun kanina. Siguro ay isa sa customer namin.

Muli kong pinahid ng kamay ang luha na naglandas sa aking pisngi. Lumunok ako at humugot ng malalim na hininga. Ayokong makita ako ng mga empleyado na galing sa iyak.

Nang maikalma ko na ang sarili ay lumabas na ako sa garahe. Sakto namang kadarating lang ni Ciella galing sa check up at hinatid sya ni Lex.

Naglalakad lakad ako sa loob ng food park at tumitingin ng mga magugustuhang pagkain. Kasasarado lang ng flower shop at dito ako dumiretso sa food park para kumain.

Huminto ako sa food stall ng takoyaki at bumili.

“Pinky.”

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumisi ako ng makita si George. Naka long sleeve polo pa sya na puti na nakarolyo ang manggas hanggang siko. May sukbit syang itim na bag sa balikat. Mukhang kakalabas nya lang sa trabaho.

“George, mukhang nag overtime ka ah.” Sambit ko ng makalapit na sya.

“Oo eh, daming trabaho sa office. Nagutom na ako kaya dito ako dumiretso bago umuwi. Para pagdating sa bahay tulog agad.” Nakangising sabi nya. “Eh ikaw?”

“Heto, nagutom din. Kakain muna bago umuwi.”

Nang makuha ko na ang binili kong takoyaki ay sinamahan kong mag ikot ikot si George para makapili sya ng pagkaing bibilhin nya. Nakakita ako ng barbecue at natakam ako kaya bumili na rin ako.

“Matagal na kitang niyaya na kumain sa labas pero ayaw mo kong pagbigyan. Akala mo siguro nagbibiro ako. Mabuti na lang nagkita tayo dito.” Ani George.

Natawa na lang ako.

Sa pandalawahang mesa ay magana kaming kumakain ni George. Ito ang unang beses na sabay kaming kumain at dito pa sa labas. Ilang beses na nya akong niyaya noon ng pabiro pero hindi ko sya pinagbibigyan. Ayoko kasing isipin nya na may gusto din ako sa kanya. Pero ngayon komportable ako na kasalo sya sa pagkain. Pang kaibigan lang talaga nag nararamdaman ko sa kanya.

“You know what Pinky, magtatapat na ako sayo. Wala ng halong biro to ah.”

Nag angat ako ng tingin kay George habang ngumunguya. Ngumunguya din sya habang nakatingin sa akin.

Ngumisi ako. “Lasing ka ba?”

“Hindi, gutom lang.”

Sabay kaming tumawa.

“Pero seryoso na.”

Ngumiti ako sa kanya. Alam ko namang magtatapat sya. Pero tatapatin ko rin sya na wala talaga syang pag asa sa akin at hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.

Nilunok muna nya ang kinakain at uminom ng tubig. “Gusto talaga kita. Ginawa ko naman ang lahat para magpapansin sayo kaya lang obvious na di mo talaga ako bet.”

Bahagya akong tumawa. “Totropahin lang kasi ang tingin ko sayo at hindi jojowain.”

Ngumuso sya. “Sabi ko nga. At dahil sinaktan mo ko, libre mo to.”

“Oy, ang kapal mo. Dapat nga ako ang ilibre mo. Pangarap mong makasabay akong kumain di ba?” Nakangising sabi ko.

Lalong nanghaba ang nguso nya. “Sige na nga.”

Nag enjoy pa kami sa food trip namin ni George. Marami pa kaming kinain at syempre libre nya. Nakakatuwa lang dahil hindi sya bitter na nireject ko sya. Tanggap nya agad na friends lang kami. In-add na nga namin ang isa’t isa sa fb.

“Wala kang dalang kotse?” Tanong ni George paglabas namin ng food park.

“Wala eh, nasa bahay. Tinatamad akong magmaneho ngayon kaya magta-taxi na lang ako.”

“Ihatid na kaya kita kesa sumakay ka ng taxi.” Alok nya.

“Hindi na. Magkaiba tayo ng way na uuwian. Mapapahaba lang ang byahe mo.” Tanggi ko.

“Pinky.”

Natigilan ako ng marinig ang malaking boses ni Cedric. Lumingon ako at sumalubong sa akin ang seryosong mukha ng dating nobyo. Matiim ang tingin nya sa akin habang papalapit pero tumiim bagang sya ng tumingin kay George. Tuloy ay napahigop sa straw ng milk tea ang huli.

“Cedric, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko at pinasadahan sya ng tingin.

Nakapolo shirt sya ng itim na may logo sa dibdib ng kanilang ahensya. Nakatuck in yun sa kanyang itim na pantalon. May nakabukol sa kanyang tagiliran na alam kong baril at natatakpan lang ng leather jacket. Mukhang nakaduty sya ngayong gabi.

“Ikaw, anong ginagawa mo dito?” Tanong din nya ng hindi sinasagot ang tanong ko.

“Kumain kami ni George..” Sabi ko sabay taas ng kilay.

“Uh, hello po sir.” Nakangiwing bati ni George at kumaway kay Cedric. Mukha syang kabado.

Pero hindi sya pinansin ni Cedric at nakatuon lang sa akin ang tingin.

Nagbawi naman ako ng tingin at humawak sa braso ni George. “Uh, sige mauuna na kami ni George.”

Tumingin sa akin si George. Pinandilatan ko naman sya ng mata at pinisil ang braso nya.

Ngunit napasinghap ako ng hawakan din ako ni Cedric sa braso at hinila.

“Sa akin ka sasabay. Let’s go.” Hinila na nya ako papunta sa sasakyan nya.

Nagregodon naman ang puso ko sa kaba. “Ha? Teka! Ayokong sumabay sayo.” Protesta ko at pilit binabawi ang braso pero mahigpit ang hawak doon ni Cedric.

Tumingin ako kay George. Pero nakangiwi lang sya at kumakamot sa ulo habang nakasunod lang ang tingin sa amin.


Chapter 19

Pinky POV

PALINGA linga ako sa labas ng kalsada. Mabilis ang patakbo ng sasakyan ni Cedric. Tumawag sa kanya kanina si Romeo. Mukhang may operasyon sila.

Nakita ko na ang kanto pauwi sa bahay ko. “Dyan mo na lang ako sa kanto ibaba Cedric. Magtatrycicle na lang ako.” Untag ko sa kanya.

Pero tila wala syang narinig at tuloy tuloy pa rin ang pagmamaneho nya. Lumampas na kami sa kanto.

Inis na binalingan ko sya. “Cedric ano ba? Lumampas na yung kanto.”

“I know, di ako bulag.” Masungit na sabi nya.

“Yun naman pala, eh bakit hindi mo hininto?” Inis ng sabi ko.

Kunot noong lumingon sya sa akin. “Sinabi ko bang iuuwi kita?”

Suminghap ako. “Kung ganun di mo ko iuuwi, eh saan mo ko dadalhin?”

Ngumisi sya. “Dadalhin kita kung saan ko gusto.”

Bumangon ang protesta sa dibdib ko. “Ano? Hindi pwede! May duty ka ngayon di ba? Hindi mo ko pwedeng isama. Ibaba mo na lang ako dyan sa tabi.”

“No.” Mariing sabi nya at tinulinan pa ang patakbo ng sasakyan.

Napaawang na lang ang labi ko. Mukhang wala nga talaga syang balak na ibaba ako.

Kinuyom ko ang kamao. Gusto ko syang suntukin pero hindi naman ako bayolente.

“Cedric ano ba?” Singhal ko sa kanya.

Sinulyapan lang nya ako sa rear view mirror. “Kahit magsisigaw ka dyan, di kita ibababa. Magkasama tayo buong gabi hanggang sa matapos ang duty ko.”

“Seryoso ka? Nasa duty ka at bawal yun ah. Kapag nalaman to ng hepe nyo siguradong masususpende ka.”

Ngumisi sya. “Yun nga ang plano ko. Ang masuspende para marami akong oras sayo.”

Muling umawang ang labi ako. 

“Nakakainis ka!” Umigkas ang kamay ko at binatukan sya.

Umawang ang labi nya at namimilog ang matang tumingin sa akin. Parang di makapaniwala na binatukan ko sya.

Kumagat labi ako. Ako rin, di makapaniwala na nabatukan ko sya. Para kasing may sariling isip ang kamay ko na biglang gumalaw.

“Binatukan mo ko?”

Kinabahan ako. “S-Sorry.. nadulas yung kamay ko.”

Ngumisi sya at umiling iling. Muling tinuon ang tingin sa kalsada.

Ngumuso ako at tumikhim. Bakit ba ako nagsosorry? Nagawa ko yun kasi nakakainis sya.

“K-Kasalanan mo naman kung bakit kita nabatukan. Nakakainis ka kasi.” Sambit ko.

Sumulyap sya sa akin. “Ako rin, naiinis sayo. Syempre hindi kita babatukan, baka halikan pa kita.”

Nag init ang pisngi ko sa sinabi nya kasabay ng pagbilis ng pintig ng puso ko. Parang bigla tuloy akong nanabik na halikan nya.

Pumikit ako ng mariin at pinilig ang ulo.

Ano ka ba naman Pinky? Hiwalay na kayo at  lumalayo ka na nga sa kanya gusto mo pa ng halik nya.

Bumuntong hininga sya. “Don’t worry, iuuwi na kita sa bahay mo.”

Ako naman ang napabuntong hininga. Mabuti naman kung ganun.

Tumunog ang cellphone ni  Cedric na nakapatong sa dashboard. Dinampot nya yun at sinagot.

“Hello Romeo..  Kumpleto na ba kayo?.. Ok.. On the way na ako..”

Binaba na nya ang cellphone at tumingin sa akin. Pero muling nagring ang cellphone nya at muli nya yung sinagot.

Humalukipkip na lang ako at tumingin sa labas ng kalsada. Mabilis pa rin ang pintig ng puso ko epekto ng munting pagtatalo namin kanina.

Makalipas ang halos isang oras na wala kaming kibuan ay napansin ko na papalabas na kami ng kamaynilaan. May nakabuntot na rin sa aming ilang sasakyan. Mukhang lulan nun ang mga kasamahan nyang pulis.

“Teka, palabas na to ng Manila ah.” Sambit ko.

Hindi sya kumibo at tiningnan lang ako sa rear view mirror.

Sinamaan ko sya ng tingin. “Sabi mo iuuwi mo na ako.”

Hindi pa rin sya kumibo at ngumisi lang.

Pinigilan ko naman ang sariling magmura. Bumabangon na naman ang inis sa dibdib ko. Parang gusto ko na naman syang batukan.

Ilang minuto pang nagpasikot sikot kami ng daan. Parang short cut. Dumaan din kami sa maliblib ng kalsada na halos wala ng ilaw at pailan ilang sasakyan na lang ang dumaan. Hanggang sa namataan ko ang ilang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada at mga kalalakihan na may matataas na pigura at malalaking bulto na tila sila may hinihintay. Kumunot pa ang noo ko ng mamukhaan si Lex at ang mga kaibigan nya. Dumako sa amin ang mga mata nila. Hininto naman ni Cedric ang sasakyan.

“Dito ka lang.” Sambit nya at kinalas ang seatbelt sabay baba at nilapitan ang mga lalaking nakatingin sa kanya. Kinausap nya ang mga ito.

Di naman ako nakatiis sa inis at bumaba na rin dahil ang sabi nya iuuwi na raw nya ako.

“Cedric! Akala ko ba ihahatid mo na ako sa bahay ko? Eh nasa labas na tayo ng Manila ah!”

Napatingin sa akin ang mga kalalakihan na ang iba ay hindi ko kilala. Si Lex nga ay nagulat pa ang mukha ng makita ako. Obvious na hindi nya inaasahan na makitang magkasama kami ni Cedric. Nakaramdam naman ako ng hiya.

Kunot noong lumingon si Cedric sa akin. “Bumalik ka sa loob ng sasakyan Pinky. Mamaya na kita ihahatid.” Mariing sabi nya.

“Kaya naman pala natagalan si inspector dahil nambabae pa.” Pasaring ng isang matangkad na lalaki.  Gwapo sya pero mukhang suplado.

Tila may pumitik na ugat sa ulo ko. “Hoy manong! Di nya ako babae no. Ex ko sya! Ex na pakialamero at feelingero!” Inis na sabi ko.

Nagsipulan ang mga kalalakihan sa sinabi ko. Namula naman ang mukha ko.

Lumapit sa akin si Cedric at hinawakan ako sa braso pero hindi naman yun mahigpit. “Sabi ko sayo sa loob ka lang ng sasakyan di ba?”

Bumuntong hininga ako. “Ang sabi mo iuuwi mo na ako sa bahay ko di ba?”

“Oo nga, pero mamaya. Pagkatapos ng operasyon.”

Kumunot ang noo ko. “May operasyon pala kayo eh tapos sinama mo pa ako. Uuwi na lang ako mag isa.”

“No. Hindi ka uuwing mag isa. Ako ang maghahatid sayo sa bahay mo.”

Umawang ang labi ko. “At ano? Isasama mo ko sa operasyon nyo? Gusto mo ba akong idamay sa barilan?”

Nagsalubong ang kilay nya. “Of course not. Kahit kelan hindi ko gustong mapahamak ka.”

“Eh yun naman pala eh. Hayaan mo na akong umuwi mag isa. Magco-commute na lang ako.”

“I said no. Uuwi kang mag isa? Tapos ano? Magkikita kayo ng lalaking yun? No fucking way!” Mariing sabi nya. Gumuhit ang inis sa kanyang mukha at tila ang apoy ang kislap ng kanyang mata.

“Cedric – “

“Pumasok ka na sa loob ng sasakyan.”

Hindi ako umimik at mariin kong pinaglapat ang labi. Saglit kaming nagtagisan ng titigan.

“Pumasok ka na sa loob Pinky.. o gusto mong buhatin pa kita.” Banta sya sa mababang boses.

Marahas akong bumuga ng hininga at inikot ang mata. “Oo na, papasok na.” Inis na sabi ko at umakyat na ng sasakyan.

“Good girl..” Anas pa nya.

Humalukipkip ako at inirapan sya.

Ngumisi naman sya. “Huwag ka ng bababa. Hintayin mo ko.”

Sinarado na nya ang pinto ng sasakyan at nilapitan na sila Lex.

Bumuntong hininga na lang ako at sinandal ang ulo sa headrest ng upuan. Bumalik sa isipan ko ang usapan namin kanina ni Ma’am Adela. Gusto nyang lumayo ako. Umalis ng Manila at pumunta sa malayong lugar malayo kay Cedric. Nangako naman akong pag iisipan ko. Pero sa totoo lang, ang hirap. Sobrang hirap ng gusto nyang mangyari. Hindi lang ako malalayo kay Cedric kundi malalayo din ako sa pamilya ko at mga kaibigan.

Muli akong humugot ng malalim na hininga at tumingin kay Cedric na mukhang nakikipag meeting na sa sampung matatangkad na lalaki. Kung pagmamasdan sila para silang mga modelo. Sa built ng kanilang mga katawan at sa hitsura. Mga gwapo at walang tulak kabigin. Hindi rin papahuli sa kanila si Cedric. Marami man akong makitang gwapo pero ang mata ko ay babalik at babalik pa rin kay Cedric.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na sa sasakyan si Cedric. Pumasok na rin sa kani-kanilang mga sasakyan ang kalalakihang kausap nya na may mga dala pang bodyguard.

“Saan na tayo pupunta?” Tanong ko kay Cedric ng ikabit na nya ang seatbelt.

“Sa kuta ng tinutugis naming kriminal.”

Suminghap ako at sumipa ang kaba sa aking dibdib. Kinabahan ako, hindi lang para sa sarili ko kundi para sa kanya rin.

Pinaandar na nya ang sasakyan at tumingin sya sa akin. Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Don’t worry babe, hindi kita ipapahamak. Trust me..”

Hindi na ako umimik at kinabit na lang ang seatbelt. Alam ko namang hindi ako mapapahamak basta sya ang kasama ko. Nag aalala lang ako para sa kanya. Maraming pwedeng mangyari sa operasyon nila na nasisiguro kong madugo.

Pinausad na nya ang sasakyan sa kahabaan ng kaldsada. Sumunod naman sa amin ang mga kasamahan nyang mga pulis pati na rin sila Lex. Lalo pang nadagdagan ang kabang nararamdaman ko dahil ito ang unang beses na sasama ako sa operasyon nya.


Chapter 20

Pinky POV

MATAMAN kong pinagmamasdan si Cedric na ini-interview ng mga media tungkol sa nangyaring katatapos lang na operasyon. Matagumpay ang operasyon nila. Napatay ang main suspect at nasagip ang bihag na pinsan ng kaibigan ni Lex. Yun nga lang ay hindi maganda ang lagay nito kaya agad na itong sinugod sa hospital.

Proud na proud ako kay Cedric habang confident syang sumasagot sa mga katanungan ng media. Kanina ay abot abot ang kaba ko ng magputukan na sa abadonadong building na pinagkukutaan ng mga kriminal. Kung tutuusin pwede ko na syang takasan at umuwi na ako. Pero di ko ginawa dahil sa pag aalala sa kanya. Panay ang dasal ko kanina para sa kaligtasan nya at ng mga kasamahan nya. Inabot nga ng ilang oras ang palitan ng putok dahil ayaw sumuko ng main suspect. Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas sya na walang galos.

Matapos ang interview ni Cedric sa mga media ay kinusap naman nya ang mga kasamahan nyang pulis pati na sila Lex. Thirty minutes din akong naghintay sa loob ng sasakyan bago sya bumalik. Nakahinga naman ako ng maluwang.

Tumingin sya sa akin. “Inaantok ka na? Madaling araw na.” Tanong nya habang kinakabit ang seatbelt.

Ngumuso ako. “Sino ang aantukin pagkatapos kong makapanood ng live na barilan.”

Ngumisi sya pero agad na lumambot ang kanyang mukha. “I’m sorry.. hindi kita dapat dinala dito. Alam kong natakot ka.”

Lumunok ako at nag iwas ng tingin. Gusto ko syang yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka tuluyan akong bumigay.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. Binuhay na rin nya ang sasakyan.

Tinuon ko naman ang tingin sa labas. Nag aalisan na ang mga media, mga pulis at sila Lex. Pinausad na rin ni Cedric ang sasakyan.

Ilang minuto kaming walang kibuan habang nasa byahe. Pero lumingon ako sa kanya ng mapansin kong papalayo pa ang punta namin. Akala ko kanina ay magso-short cut lang sya pabalik sa kamaynilaan.

“Saan tayo pupunta? Hindi pa ba tayo uuwi?”

Lumingon sya sa akin. “May pupuntahan tayo.”

Kumunot ang noo ko. “Saan naman tayo pupunta? Madaling araw na.”

“Pupunta tayo sa lugar na matagal ko ng gustong ipakita sayo.”

Natigilan ako sa sinabi nya. Hindi na ako umimik at hinayaan na lang sya. Ayoko na ring makipagpatalo sa kanya. Pagod sya at ako naman ay wala ng lakas makipagtalo. Hahayaan ko na lang sya sa gusto nya. Tutal naman lalayo na ako sa kanya. Nakapagdesisyon na akong lumayo para sa ikabubuti ng mga taong nasa paligid ko. Susulitin ko na lang ang bawat sandaling kasama ko sya bilang baon sa paglayo ko.

Lumipas ang mahigit isang oras ay nakarating kami ng Batangas. Pumasok kami sa isang private property na malapit sa beach. Mukha iyong private resort. Merong rest house sa tabi ng dagat na gawa sa kahoy pero moderno ang pagkakayari. Napawang na lang ang labi ko. Siguradong mas maganda yun pagputok ng liwanag.

Bumaba kami ni Cedric sa sasakyan. Sumalubong sa akin ang malamig na hanging dagat. Parang tila tinangay nun ang mabigat kong dalahin sa aking dibdib. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Madilim pa at tanging bukas na ilaw lang sa poste at mga wall lamp sa resthouse ang nagbibigay liwanag.

Bumaling ako kay Cedric na nasa tabi ko. “Mukhang private property ito.”

“Yes.. and this property is mine. You like it?”

Umawang ang labi ko. Pag aari pala nya ang private property na ito. Hindi na nakakapagtaka na kaya nyang bumili ng ganito. Bukod sa pulis sya at marami na syang ipon mayaman pa sya.

Tumango tango ako. “Maganda sya.”

“Pero mas maganda to kapag lumiwanag. Pasok na tayo sa loob. Mamaya na kita ipapasyal sa labas kapag lumiwanag na. Saka kailangan mo ng matulog.” Nilahad nya ang kamay sa akin.

Saglit ko namang tinitigan ang kamay nya bago ko yun hinawakan. Ngumiti sya at pinisil ang kamay ko.

Giniya na nya ako papasok sa resthouse at nilibot nya ako. Puro yari sa kahoy ang kagamitan sa loob at presko ang ambiance.  Dalawa ang kwarto na parehas ang sukat. May tatlong banyo, sala, komedor at kusina na kumpleto sa gamit. Pero ang pinaka gusto ko ay ang balkonahe na nakatapat sa dagat. Ang sarap tumambay doon habang pinapakinggan ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan. Nakakarelax.

“You wanna eat?” Alok nya sa akin habang nililibot ko ang mata sa loob ng kwartong pinagdalhan nya sa akin.

Umupo ako sa kama at tumingin sa kanya.

“May pagkain dito?” Tanong ko.

“Oo naman. Aalukin ba kita kung wala. Pinalagyan ko ng laman sa caretaker ko ang ref kahapon.” Nakangising sabi nya.

Tumaas ang kilay ko. Mukhang planado na talaga nya na dalhin ako dito sa resthouse nya.

“Mamaya na lang. Di pa ako nagugutom. Marami akong kinain kanina.”

“Tss. Mukha nga. Ang lapad nga ng ngiti mo kanina paglabas mo ng food park habang kasama ang lalaking yun. Mukhang nag enjoy ka.” May inis sa tono ng boses nya bagaman nakangisi sya.

Ngumuso ako. “Masarap kasi ang mga pagkain don sa food park.”

“Masarap ang pagkain o enjoy ka lang kasama ang lalaking yun?” May tono ng pagbabanta ang kanyang boses.

Napalunok ako at may sumipang kaba sa dibdib ko. Pero hindi ako dapat kabahan.

Nagtaas ako ng isang kilay. “Both.” Palabang sabi ko.

Tumiim bagang sya at naggalawan ang kanyang panga. Tumiim din ang tingin nya sa akin.

Lalo naman akong kinabahan ng tanggalin nya ang suot nyang leather jacket at kalasin ang belt. Napalunok ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

“A-Anong ginagawa mo?” Nauutal na tanong ko.

Pero ngumisi lang sya ulit at humakbang palapit sa akin hanggang sa tuluyan na nyang nakalas ang belt. Nag init naman ang mukha ko at bumalik sa alaala ko ang maiinit naming tagpo noon. Parang bigla tuloy nanuyot ang lalamuna ko.

“C-Cedric ano.. parang bigla akong nagutom. K-Kakain muna ako..” Tumayo ako at akmang lalampasan sya pero hinarangan ako ng malaki nyang braso sabay hapit sa bewang ko.

Tila dinilaan ng apoy ang mukha ko ng magdikit ang aming katawan. Tumingin ako sa gwapo nyang mukha at napalunok. Sobrang lapit na ng kanyang mukha sa aking mukha. Naamoy ko ang kanyang mainit na hininga na amoy mint. Mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

Tinaas nya ang isa nyang kamay at hinaplos ang aking pisngi.

“I miss you babe..” Anas nya habang gumagala ang kanyang mata sa aking mukha at nagtagal yun sa aking labi.

Lumunok ako at humawak sa kanyang malapad na dibdib. Bahagya ko syang tinulak pero lalo lang nyang hinigpitan ang brasong nakaikot sa aking bewang. Damang dama ko na nga ang mainit na singaw ng kanyang katawan.

“Cedric..”

“Shh.. please babe.. pagbigyan mo na akong makasama ka ngayong gabi lang. Pangako, pagkatapos ng gabing ito hindi na kita gugulihin.”

Lumunok ako at kumagat labi. May lungkot na lumukob sa dibdib ko dahil mukhang ito na ang huli na magkakasama kami. May kurot din sa puso ko na mukhang sinusukuan na rin nya ako. Pero ito naman ang dapat. Para maging mapayapa na ang mga buhay ng mga taong mahal ko kahit masaktan pa ako. Susulitin ko na lang ang gabing ito na kasama ko sya.

Bumuntong hininga ako at pinulupot ko ang mga kamay sa kanyang batok. Matamis akong ngumiti sa kanya. Ngumiti rin sya sa akin at may kakaibang kislap ang kanyang mga mata. Bumaba ang kanyang mukha at sinakop nya ang aking labi.

Mapusok ang aming halikan ni Cedric. Mainit at naghahanap. Punong puno ng pananabik. Malikot ang galaw ng kanyang labi na halos hindi ko na mahabol. Gumagalugad din ang kanyang dila sa loob ng aking bibig.

Napasinghap ako ng ihiga nya ako sa kama at dumagan sya sa akin habang wala pa ring puknat ang aming mainit na halikan.

Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko at nagiinit na rin ang katawan ko na para akong lalagnatin. Mabigat na rin ang bawat paghinga ko.

Kumalas ng halik si Cedric at bumangon. Hinubad nya ang suot nyang itim na polo shirt at hinagis sa lapag. Tumambad tuloy sa akin ang maskulado nyang katawan na mahigit dalawang taon ko ring hindi nasilayan. Wala pa ring pinagbago. Mas lalo pang lumaki ang kanyang katawan.

Muli syang dumagan sa akin at siniil ako ng halik. Pero ang mga kamay nya ay nagumpisa na ring maging malikot. Hinawakan nya ang dulo ng crop top shirt ko at hinila pataas. Inangat ko naman ang aking likod. Nang mahubad nya yun ay hinagis lang nya basta sa lapag at ang bra ko naman ang kanyang sinunod.

Parang sinisilaban ang mukha ko sa init habang titig na titig sya sa hubad kong dibdib. Nakaguhit ang pagkamangha sa kanyang mga mata.

“Nothing has changed..” Anas nya sabay kubkob ng kamay sa isa kong dibdib at subo naman sa isa.

Kumagat labi ako at napapikit. Humawak ako sa kanyang buhok at dinama ang mainit nyang bibig at kamay sa aking dibdib.


Isang update lang po muna today dahil din na keri ng eyes kong sumasakit 😣

Next update lams nyo na :D

Chapter 21

Warning 🔞

Pinky POV

“OH my ghad Cedric! Uhmm!” Impit akong tumili ng kagatin nya ng marahan ang clit ko at sabay sipsip nya roon.

Tumirik ang mata ko at nanginig ang nga hita ko sa doble dobleng kiliti at sarap na dulot ng kanyang ginawa. Humigpit ang sabunot ko sa kanyang buhok. Lalo naman nyang pinagduldulan ang kanyang bibig sa pagkababae ko at mas binuka pa nya ang mga hita ko. Dinig na dinig ko pa ang ang bawat galaw ng kanyang labi at dila sa aking kabasaan. Nakakadarang at lalong nakakapag init.

“U-Uhnggg Cedric – ahh! M-Malapit na ako..” Nanginginig ang boses na ungol ko.

Pero mas lalo lang nyang binilisan ang galaw ng labi at dila. Mas diniinan pa nya ang pagsipsip hanggang sa muli naman akong napatili kasabay nun ang pagnginig ng aking katawan. Tuluyan ko na ngang naabot ang sukdulan at halos mawalan ako ng ulirat.

Bumangon si Cedric habang dinidilaan ang labi. Hinubad na nya ang kanyang itim na pantalon kasama ang itim na brief. Napalunok ako ng pumilantik ang kanyang pagkalalaking naghuhumindig sa pagkakatayo. May kahabaan ito at medyo mataba. Maugat din at namumula ang ulong nangingintab. Naalala ko noong una kaming nagtalik. Parang hinihiwa ang buong pagkatao ko noong una nya akong pasukin. Halos hindi rin ako makalakad kinabukasan. Bigla tuloy akong kinabahan. Dalawang taon ng walang nangyari sa amin baka masakit ulit. Pero sa kabila nun ay may pananabik din akong naramdaman na muli syang maramdaman sa loob ko.

Muli syang dumapa sa ibabaw ko sabay siil sa akin ng halik na akin namang tinugon. Pumuwesto na rin sya sa pagitan ng mga hita ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa kaba at pananabik.

Hinawakan nya ang dalawa kong hita at mas binuka pa. Nahigit ko ang hininga ng maramdaman ang pagkalalaki nyang dumudunggol na sa bukana ko. Humahagod at tumatapik sa hiwa ng pagkababae ko. Napakagat labi naman ako sa kiliting hatid nun.

“Ready babe?” Pabulong na tanong nya sa tenga ko.

Kagat labing tumango naman ako at humugot ng malalim na hininga. Dinampian naman nya ako ng halik sa ilong at labi. Nagumpisa na rin syang gumalaw. Humawak naman ako sa kanyang balikat.

Malakas akong suminghap ng idiin na nya ang kanyang pagkalalaki sa aking bukana. Umawang ang labi ko dahil ramdam ko ang pagbanat ng entrada ko at ang unti unti nyang pagpasok. May kirot akong nararamdaman pero hindi kasing kirot ng una.

Umulos sya ng mariin na ikinatili ko. Tuluyan na nga syang nasa loob ko. Ramdam na ramdam ko ang kalakihan nya. Banat na banat at punong puno ang loob ko.

“Oh my ghad Cedric..” Mahinang sambit ko.

Umungol naman sya at mariin akong hinalikan sa pisngi. “Fuck.. I really miss this babe.. Ugh! You’re still fucking tight..”

Ilang sandali syang hindi gumalaw sa ibabaw ko na parang nilalasap nya muna ang init ng loob ko. Hinahalik halikan nya ang aking mukha at leeg na para bang tinatakam nya ako. Sabik na sabik na ako sa paggalaw nya.

“Cedric, gumalaw ka na please..” Anas ko.

Dinampian nya ako ng mariing halik sa labi.  “As you wish babe..”

Dahan dahan na nga syang gumalaw. Kumagat labi ako ng hugutin nya ang kanyang pagkalalaki at muli yung binaon. Paulit ulit nya yung ginagawa ng mabagal hanggang sa unti unting bumilis. Umalpas na rin ang mumunting ungol sa aking bibig habang malaya kong tinatanggap ang mga ulos nya 

“Uhmm Cedric.. b-bilisan mo pa ahh!” Ungot ko.

“Ughh yess baby!” Bumangon sya at lumuhod sa pagitan ng mga hita ko habang patuloy na umuulos. Hinawakan nya ang dalawang hita kong nakabuka at mas binilisan na nya ang pag ulos. Mas madiin at mas malalim.

“Ahhh oh my ghad babe! Ahh ahhh ahhmm yess!” Malakas ko ng ungol at mahigpit na ang kapit ko sa kobre kama.

“Uhmmm yess babe.. yess.. ughh shit! You still feels so fucking good Pinky! Ughhh!”

Umiikot ang mata ko sa sarap. Damang dama ko ang kahabaan nya na mabilis na naglalabas masok sa aking bukana. Tumutunog na nga ang bawat salpok ng aming katawan at umuuga na rin ang kahoy na kamang aking kinahihigaan. Ramdam ko ring malapit na naman akong labasan.

“Ughh Cedric babe.. sige pa ahh! H-Hayan na naman ako.. shit!”

“Me too babe.. me too! I’m cumming..”

Mas lalo pang bumilis ang pag ulos nya. Palakas ng palakas naman ang ungol ko hanggang sa napatili na ako kasabay ng muling panginginig ng katawan ko. Rumagasang muli ang katas ko pero kasabay din nun ang sagad na ulos ni Cedric at naramdaman ko ang mainit na bagay na pumupuno ngayon sa loob ko. Nataranta naman ako dahil pinutok nya sa loob ko. Hindi ako safe.

“Ugh shit Cedric! Wala sa usapan – hmp!” Naputol ang pagprotesta ko ng siilin nya ako ng mariing halik. Diniin pa nya lalo sa loob ko ang kanyang pagkalalaking pumipintig pa.

Wala na akong nagawa. Bahala na kung may mabuo man. At least galing sa kanya at may baon ako sa paglayo ko..

Ako naman ngayon ang nasa ibabaw ni Cedric at umiindayog. Pang ilang round na ba namin ito? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong nilabasan. Hindi naman importante yun. Ang importante ay susulitin ko ang natitirang sandaling magkasama kami.

Magkasalikop ang kamay naming dalawa habang gumigiling ako sa ibabaw nya. Paatras, paabante at kung minsan ay paikot ang galaw ng aking balakang. Umaalog din ang dibdib ko na tama lang ang sukat. Ito ang unang beses na umibabaw ako sa kanya. Ang unang beses na ako ang nagkokomando. Tinanggal ko ang lahat ng hiya at inhibisyon ko sa katawan. Gusto kong baliwin sya sa sarap sa huling pagkakataon.

“Ughh yess babe.. more..” Anas nya sabay kagat labi at pikit ng mata. Nakaguhit sa kanyang mukha ang sarap.

Binilisan ko pa ang paggiling sa kanyang kandungan. Napakagat labi at ungol din ako sa sarap ng aking ginagawa. Kiliting kiliti ang loob ko sa bawat hagod ng kanyang pagkalalaki. Ramdam kong malapit na naman ako sa sukdulan kaya mas lalo ko pang binilisan na parang may hinahabol ako.

“Uhmm Cedric.. m-malapit na naman ako.. malapit na malapit na..”

“Sige lang babe.. sige lang..”

“Ughh yesss! Uhhmmmmm..” Mahabang ungol ko habang naninigas at nanginginig ang katawan ko sa ibabaw nya. Muli na namang rumagasa ang katas ko.

Dumapa ako sa ibabaw nya habang habol ko ang hininga. Niyakap naman nya ako at hinalik halikan ang buhok ko. Mayamaya pa ay binaliktad nya ang posisyon namin. Sya naman ulit sa ibabaw ko. Muli syang gumalaw habang nakasubsob ang kanyang mukha sa pisngi ko.

“I love you babe..” Anas nya habang pabilis na ng pabilis ang bawat ulos nya.

Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinakatitigan sya. Mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

“I love you Cedric.. Mahal pa rin kita..”

Ngumiti sya. “I know babe.. I know..”

Siniil nya ako ng halik na tinugon ko naman agad. Yumakap ako sa kanyang batok at inikot ang dalawang binti sa kanyang balakang..

.

.

Cedric POV

“THANKS Raul, ipapadala ko na lang sa account mo ang service fee mo.” Binaba ko na ang cellphone at pinatay matapos kong makausap ang private investigator na inupahan para pasundan si Pinky.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa karagatan. Maliwanag na at kitang kita ang kalmadong alon ng asul na karagatan. Tila pa ito crystal na kumikislap dahil sa tama ng sikat ng araw. Siguradong magugustuhan ni Pinky ang tanawin na ito. Pero hindi ko muna sya gigisingin dahil pagod sya. Alas kwatro na ng umaga kami nakatulog. Nauna lang akong nagising dahil sa tawag ng private investigator.

Muli kong binuksan ang cellphone at tingnan ang mga pictures na pinadala ng private investigator. Mga pictures yun ni Pinky na palihim nyang kinuha kahapon. Nasa garahe ng shop si Pinky at may kausap sa cellphone. Malungkot ang kanyang magandang mukha at para syang namomroblema. Sa ibang picture ay pinupunasan nya ng kamay ang pisngi at gilid ng mata. Halatang umiiyak.

Kumunot ang noo ko. May problema kaya sya? Sa pamilya nya? Hindi naman sya iiyak kung wala. Nag alala ako sa dating nobya.

Tinawagan ko si Tiyong Rusi. Agad naman syang sumagot.

“Hello Cedric. Good morning, aba’y napatawag ka ng maaga.”

Napangisi ako ng matonohan ang masayang boses ni Tiyong Rusi. May naririnig din akong mga ingay sa background nya. Mukhang nasa tindahan sya.

“Good morning din ho Tiyong Rusi. Pasensya na ho kung hindi ako nakakapunta sa inyo. Busy lang ho.”

“Kuh! Wala yun. Naiintindihan ko naman. Ikaw talaga..”

Tumawa pa si Tiyong Rusi sa kabilang linya. Mukhang wala naman silang problema.

“Kamusta ho kayo? Ang tindahan?”

“Maayos na maayos naman. Heto malapit na kaming matapos sa pag aayos. Makakapag tinda na ulit kami. Maraming salamat pala ulit sa mga padala mong gamit. Napakalaking bagay sa amin. Nakatipid kami.”

“Wala ho yun tiyong. Basta ho kapag may iba pa kayong kailangan huwag ho kayong magdadalawang isip na tumawag sa akin.”

Ilang minuto pa kaming nag usap ni Tiyong Rusi sa kabilang linya. Nagkukwento sya ng mga balak pa nilang mag asawa sa tindihan. Nakakatuwa nga sila dahil masikap sila at matiyaga. Hindi sumusuko at patuloy lang sa pag usad.

Binaba ko na ang cellphone at pinatay matapos naming mag usap ni Tiyong Rusi. Pumasok na ako sa loob at bumalik sa kwarto. Napangiti ako ng makita si Pinky na mahimbing pa rin ang tulog habang nakaawang pa ang labi. Natatakpan lang ng kumot ang kanyang hubad na katawan.

Lumapit ako sa kama at pinagmasdan ang babaeng pinakamamahal. Ibang iba sya kagabi. Todo bigay na halos ikabaliw ko. Kagabi lang sya naging ganun ka wild.

Mahina akong napamura ng kumislot ang alaga ko sa loob ng pantalon. Wala talaga itong kasawaan kay Pinky lalo pa at muli ko na naman syang natikman kagabi. Pero hindi yun ang huli.

Bumutong hininga ako at hinaplos ang kanyang buhok. Malinaw pa sa isip ko ang sinabi nyang mahal pa rin nya ako. Kaya paano ko syang titigilan?

Nag angat ako ng tingin at dumako yun sa cellphone ni Pinky na nakapatong sa side table. Dinampot ko yun at binuhay. Walang password kaya malaya ko yung nabuksan. Binuksan ko ang inbox nya. Wala namang kakaiba. Puro lang text ng mga delivery at mga tauhan nya sa shop. Sunod ko namang binuksan ang messenger. Si Ciella ang huli nyang ka-chat. Mga pinsan nya at ilang kaibigan. Sumagi sa isip ko ang mga pictures na pinadala ni Raul. Yung umiiyak sya habang may kausap sa phone.

Sino kaya yung kausap nya na nagpaiyak sa kanya?

Binuksan ko ang calls at tiningnan ang history. Una kong nakita ang pangalan ng delivery man. Sunod ay si Tiyong Rusi, ang pinsan nyang si Jennifer. Pero ang sumunod ay walang pangalan at number lang na pamilyar sa akin.

Kumunot ang noo ko. Number yun ni mama. In-scroll ko pa pababa ang screen. Nakita ko pa ulit ang numero ni mama.

Tinatawagan sya ni mama? Pero bakit? Ayaw sa kanya ni mama kaya bakit sya tatawagan?

Mabigat akong bumuntong hininga. Iba ang kutob ko sa pagtawag sa kanya ni mama.


Late update pasensya na. Medyo hindi pa ok ang mata ko.

Chapter 22

Pinky POV

NAKANGITI ako habang naglalakad sa dalampasigan. Masarap sa paa ang pinong buhangin. Hinahayaan kong hampasain ng maliit na alon ang aking mga paa. Papalubog na ang araw at kay ganda nung pagmasdan. Kanina pa nga ako kumukuha ng mga pictures. Ipo-post ko yun sa social media account ko.

Matagal tagal na rin yung huling punta ko ng beach at sa Quezon Province pa yun. Naging busy na ako sa shop at hindi na ako nakakapaglibang libang.

Humugot ako ng malalim na hininga at pumikit. Sinamyo ko ang malamig na hanging dagat. Hinayaan kong salipadparin ng hangin ang aking mahabang buhok at bestida.

Magtatanghalian na ako nagising kanina. Pinagod talaga ako ni Cedric. Naalala ko kagabi halos wala syang kasawaan sa akin. Nakatulog na nga lang ako sa huling araw. Mabuti na nga lang at may mga damit syang pambabae sa closet na mga bago pa. Matagal na raw nya yung binili para sa akin dahil matagal na pala nya akong gustong ayain dito. Hindi lang natuloy dahil nakipaghiwalay ako sa kanya.

“Babe, it’s dinner time!”

Nilingon ko si Cedric na nasa verandah. Nakasuot lang sya ng sandong puti at cotton shorts.

Ngumiti ako sa kanya at bumalik na sa resthouse.

“Ang agad naman nating kumain.”

Ngumisi sya at hinapit ako sa bewang. “It’s already 6, babe. Para maaga din tayong makatulog. Maaga tayong babalik sa Manila bukas di ba?”

“Oo nga pala.”

“Let’s go inside.” Inakbayan nya ako at giniya na papasok sa loob.

Panay ang tawag nya sa akin ng babe. Hinahayaan ko na lang sya. Bukas ay maghihiwalay na kami ng landas. Nangako syang hindi na nya ako guguluhin.

Tumawag sa akin kanina si Ciella at tinanong kung bakit hindi ako pumasok sa shop. Sinabi ko naman sa kanya na may pinuntahan lang ako. Hindi ko sinabi sa kanya na magkasama kami ni Cedric dahil magtatanong lang sya ng marami.

“Mas maganda sana kung mananatili pa tayo dito ng ilang araw.” Sambit ni Cedric sa gitna ng pagkain namin.

Bumuntong hininga ako at bumagal ang pagnguya ko. “Pero may mga trabaho pa tayo. Lalo ka na.”

“Pwede naman akong magfile ng leave para marami tayong oras na magkasama.” Malambing na saad pa nya.

Kumagat labi ako. Nakakatukso ang sinabi nya at gusto ko yun pero lalo lang akong mahihirapan na lumayo sa kanya kapag nagkasama pa kami ng matagal.

“Ang sabi mo pagkatapos nito titigilan mo na ako.”

Ngumisi sya. “Oo nga, pero di ba pwedeng i-extend?”

Muli akong napabuntong hininga. “Hindi na. Kailangan ko ng pumasok sa shop bukas.”

“Ok..” Napkibit balikat na lang sya at hindi na umimik. Pero bakas naman sa kanyang mukha ang disappointment.

Tahimik na lang kaming kumain at ng matapos ay hindi nya ako hinayaang maghugas ng plato. Pumunta na lang ako sa balcony sa kwarto at nagmuni muni roon. Nanamnamin ko na ang simoy ng hanging dagat at ang ilang oras na kasama ko si Cedric.

Pinunasan ko ng kamay ang luhang naglandas sa aking pisngi. Hindi ako dapat maging malungkot ngayon. Dapat maging masaya ako sa huling sandali namin ni Cedric.

Naramdaman ko ang matitigas nyang braso na pumulupot sa bewang ko. Sumandal ako sa kanyang malapad na dibdib. Napapikit ako ng halik halikan nya ang aking buhok. Pinigilan ko ang luha kong gusto muling umalpas. Ngumiti na lang ako at ninamnam ang mainit nyang yakap.

“Walang problema bebs, kahit matagalan ka pa sa bakasyon mo. Matagal ko na ngang sinasabi sayo na magbakasyon ka naman para hindi ka nabu-burn out. Mabuti at naisip mo yan ngayon.” Ani Ciella.

“Salamat Cie, namimiss ko na rin kasi ang tiyahin ko sa Quezon. Ilang taon na rin akong hindi nakakauwi doon.”

Nagpaalam ako kay Ciella na magbabakasyon muna. Pupunta muna ako ng probinsya namin at doon ay pag iisipan ko kung saan ako sunod na pupunta. Yung mas malayo. Sa ngayon ay hindi ko muna sasabihin kay Ciella ang pinakadahilan kung bakit ako lalayo. Pero alam ko naman na kapag sinabi ko ang dahilan ay maiintindihan nya ako.

Ineempake ko na ang mga damit na dadalhin ko. Maayos ko yung tinupi at nilagay sa maleta. Isang maleta lang naman ang dadalhin ko at isang duffel bag. Pina-full tank ko na rin kanina ang kotse ko at nakapag pa-change oil na rin. Nakapag withdraw na rin ako. Mamaya ay magpapaalam ako kanila Tiyong Rusi at Tiyang Les. Sa kanila ko muna ibibilin itong bahay at ang apartment.

Mabigat akong bumuntong hininga at napatigil sa pagtutupi. Mabigat sa loob ko na aalis ako, lalayo sa mga taong mahal ko. Pero wala naman akong magagawa kundi sumunod kay Ma’am Adela kung ayaw kong may mapahamak pa. Isang linggo lang ang binigay nya sa aking palugit. Alam kong tototohanin nya ang kanyang banta. Sinampolan na nga nya ako di ba?

Sana lang sa paglayo ko, tigilan na nya ako. At sana, makalimutan na rin ako ni Cedric at makahanap sya ng babaeng mamahalin nya na pasado sa standard ng ina nya para matahimik na ito.

May kumurot sa puso ko sa isiping magkakaroon ng ibang babaeng magugustuhan si Cedric. Masakit ang isipin pa lang, paano pa kaya kung totoo na.

Ipinilig pilig ko ang ulo. Hindi ko na dapat isipin yun. Lalo lang akong masasaktan.

Tinuloy ko na ang pag eempake ng mga damit.

Kunot noong tumingin sa akin si Tiyong Rusi habang ngumunguya.

“Parang biglaan naman yata ang bakasyon mo sa Quezon, Pinky. Ang sabi mo next year ka na magbabakasyon sa summer.”

Tumingin din sa akin si Tiyang Les at ang mga pinsan ko na naghihintay ng sagot ko.

Nilunok ko muna ang pagkain at nag iwas ng tingin. “Oo nga po, pero nabu-burn out na po kasi ako. Gusto ko pong mag unwind muna.” Sabi ko at sumubo ng pagkain.

Tumango tango si Tiyong Rusi. “Ganun ba. Eh.. mabuti nga yan magbakasayon ka muna kung ganyang nabubugnot ka sa trabaho. Matagal tagal ka na rin kasing walang bakasyon at puro ka trabaho sa shop.”

“Tama nga yan, anak. Magbakasyon ka naman paminsan minsan. Deserve mo naman ang bakasyon.” Pagsang ayon naman ni Tiyang Les.

Ngumiti ako kay Tiyong Rusi at Tiyang Les. Nakasuporta talaga lagi sila sa akin.

“Ibibilin ko po muna sana sa inyo ang bahay at ang apartment. Ayos lang po ba?”

“Aysus! Walang problema. Kami ng tiyang mo ang bahala. Teka, alam na ba ng Tiyang Helen mo na uuwi ka sa Quezon?”

“Hindi pa po, tiyong. Gusto ko po syang surpresahin.”

“Maganda nga yan. Surpresahin mo sya. Siguradong maiiyak sya sa tuwa. Miss na miss ka na nga nun.”

Na-excite tuloy ako bigla sa sinabi ni Tiyong Rusi. Miss na miss ko na rin kasi si Tiyang Helen.

“Gaano ka pala katagal ate sa bakasyon mo?” Tanong ni Betchay na namumulawan pa ang bibig.

“Mga.. isang buwan.” Sabi ko. Pero mas matagal pa doon ang pag alis ko. Sinabi ko lang na isang buwan para hindi na sila magtanong ng magtanong pa.

“Eh paano pala si Kuya Cedric?” Tanong naman ni Anton.

Pagak akong tumawa. “Anong paano si Cedric?”

Nakatuon sa akin ang tingin nilang lahat.

“Eh di ba, kayo na ulit?” Dugtong pa ni Eboy.

“Anong kami na ulit? Hindi kami mo. M-Magkaibigan na lang kami.” Sabi ko at nilakipan ko pa ng tawa.

Sa pagkabanggit ng pinsan sa pangalan ni Cedric ay naninikip ang dibdib ko. Bigla ko syang namiss.

“Sayang naman.. pero sigurado mamimiss ka nya ate.” Ani Jennifer.

Tinawanan ko na lang ang sinabi ng pinsan at iniba na lang ang topic. Baka maging emosyonal pa ako kapag patuloy naming pinag usapan si Cedric.

Bukas ay aalis na ako ng Manila. Lalayo na ako. Ngayon pa lang miss na miss ko na silang pamilya ko.

.

.

Cedric POV

MATAMAN kong pinagmasdan ang lalaking nakaupo sa bangko. Hindi sya mapakali at bakas sa kanyang mukha ang takot. Sa tatlong lalaki na nahagip sa cctv, sya ang tinuro ng ilang taong napagtanungan sa palengke na nanggaling sa likod ng tindahan nila Tiyong Rusi at Tiyang Les. Noong una ay tinatanggi nya na hindi sya yun. Ngayon ay sinabi nyang aksidente lang syang naghagis ng upos na sigarilto at hindi naman daw nya inaakala na liliyab yun at magdudulot ng sunog. Pero malakas ang pakiramdam kong hindi lang yun aksidente.

“Alam mo bang sa ginawa mo ay pwede kang makulong ng 7 years to 40 years?” Pormal na sabi ko.

Suminghap sya at namilog ang mata. “Teka ser, bakit po ako makukulong? Hindi ko naman po sinasadya yun ah!” Protesta nya.

“Arson ang ikakaso sayo at may nasaktan na tatlong tao. Mag asawang may ari ng tindahan at ang tindera.”

“Hindi ko nga sinasadya yun ser. Sinabi ko naman sa inyo aksidente ko lang natapon doon ang upos ng sigarilyo.” Giit pa nya.

Nagkibit balikat ako. “Ano bang malay namin kung nagsasabi ka ng totoo. But the fact na may nasaktang mga tao sapat na yun para makulong ka.”

Natigagal sya at padarag na tumayo. Pero agad din syang pinigilan sa balikat ni Romeo at Marvin at pinaupo.

“Ang sabi nyo kakausapin nyo lang ako kaya ako sumama. Tapos ngayon ikukulong nyo ako. Mga wala pala kayong isang salita eh!” Galit na sabi nya.

Ngumisi si Romeo at Marvin.

“Pero umamin ka na ikaw ang nagtapon ng upos na sigarilyo kaya makukulong ka.” Tila nang aasar na sabi pa ni Romeo.

Tinapik tapik ko ang daliri sa mesa. “Pero pwede ka namang ma-abswelto kung magsasabi ka pa ng totoo.”

Kumunot ang noo nya. “Anong totoo? Sinabi ko na ang totoo di ba?”

“May kasabwat ka ba?” Diretsahan kong tanong.

Natigilan sya at naging malikot ang mata. Hindi na makatingin sa akin ng diretso.

“A-Anong kasabwat? Wala akong kasabwat. Aksidente nga lang di ba?”

Naningkit ang mga mata ko. Halatang nagsisinugaling sya.

“Sinungaling. Ang mabuti pa magsabi ka na ng katotohanan, dahil hindi ka makakalabas ng silid na ito hangga’t di ka nagsasabi ng totoo. Gusto mo bang makulong ng mahabang panahon? Kawawa naman ang mag iina mo. Maliliit pa ang mga anak mo.”

Tumingin sya sa akin at lumunok. Butil butil na rin ang pawis nya sa noo. Pero bumuka ang kanyang bibig at nagsimula ng magsalita.


Chapter 23

Cedric POV

NAMAYWANG ako at kumunot ang noo ko habang nakatingin sa bahay na nasa aking harapan. Kilala ko ang may ari ng bahay. Ang isa sa tauhan ni mama. Ang pinagkakatiwalaan nyang tauhan.

Bumaling ako sa lalaking nanunog sa tindahan ni Tiyong Rusi. “Sigurado ka ito ang bahay ng nag utos sayo?”

“Opo ser, kilala ko yan si Mang Junior. Suki namin yan sa ice plant at nauutangan ko minsan. Nagtatrabaho yan sa mayamang anak ng dating senador.”

Marahas akong bumuntong hininga. May pumapasok na hinala sa isip ko pero parang di ko kayang isipin at ayokong tanggapin.

Umakyat ako sa maliit na terrace. Narito na ang motor ni Mang Junior malamang ay kakauwi lang nya mula sa mansion ni mama at papa. Kumatok ako ng tatlo sa saradong pinto.

May sumilip na babaeng may edad sa bintana at kumunot ang noo ng makita kami. “Sino po sila?”

Pinakita ko ang id ko. “Chief Inspector Cedric Montez. Nariyan ba si Junior Manalasa?”

Gumuhit ang pag aalala sa mukha ng babae. “Ano pong kailangan nyo sa asawa ko?”

“May ilan lang kaming katanungan sa kanya.”

“Sige po. Tatawagin ko lang po sya.” Umalis na sa bintana ang babae.

Naghintay ako ng ilang sandali sa harap ng saradong pinto. Mayamaya lang ay bumukas ito at bumungad ang mukha ni Mang Junior na nagulat pa ng makita ako pero agad ding syang ngumiti.

“O! Kayo po pala Ser Cedric. Magandang hapon po.” Magiliw nyang bati sa akin at tumingin sa mga kasamahan ko. Ngunit natigilan sya ng makita si Tanoy. May gumuhit na takot sa kanyang mga mata.

“Pasensya na po Mang Junior kung nilaglag ko kayo. Ayoko lang pong makulong. Yung pong perang binigay nyo sa akin ibabalik ko po sa inyo. Yung nga lang kulang na pero huhulog hulugan ko na lang ang kulang. Ayoko po talagang makulong. Kawawa ang mag iina ko.” Ani Tanoy na bakas naman sa mukha ang pangamba.

Mapaklang tumawa si Mang Junior. Pero ang tawa nya ay parang ninenerbyos din at bahagya na rin syang namumutla.

“A-Ano bang sinasabi mong lalaki ka? K-Kilala ba kita? Sino ka ba?”

Nagsalubong ang kilay ko.

Kumamot naman sa ulo si Tanoy. “Pambihira naman kayo Mang Junior. Huwag naman po kayong magpanggap na di nyo ako kilala. Ako po ang naiipit.”

“Eh hindi ko nga alam – “

“Mang Junior.” Putol ko sa sasabihin ng pinagkakatiwalaang tauhan ni mama.

Tumingin sya sa akin. “Ser, hindi ko po kilala ang lalaki yan. Baka nawawala sa sarili yan kaya kung ano ano ang sinasabi.”

Tumaas ang kilay ko at matiim na tiningnan si Mang Junior. “Sigurado kayo Mang Junior na hindi nyo sya kilala? Magtatanong ako sa ibang mga tao kung totoong hindi nyo talaga sya kilala.”

Natigilan si Mang Junior at napalunok. “Ser Cedric, ano po ba ang gusto nyong tumbukin?”

“Bakit mo pinasunog ang tindahan ng tiyuhin ng dating nobya ko?” Diretsahan kong tanong.

Marahan syang umiling. “H-Hindi ko alam ang sinasabi nyo ser.”

Pumikit ako ng mariin at nagtagis ang bagang ko. Halatang nagsisinungaling sya.

“Mang Junior, halatang nagsisinungaling kayo.” Mariin kong sabi.

Lumabas ang asawa nya. Nakaguhit sa mukha nito ang pag aalala. Humawak ito sa braso nya.

“Junior, sabihin mo na sa kanya ang totoo.”

“Marta, wala akong sasabihin dahil wala akong alam.” Giit pa ni Mang Junior.

“Kung ayaw mong sabihin ako ang magsasabi.”

“Marta!”

Tumingin ako sa asawa nya. “Ano hong alam nyo?”

“Marta, huwag kang magsasalita.”

“Hayaan nyong magsalita ang asawa nyo Mang Junior.” Salungat ko sa kanya.

“Pasensya na Junior, pero gabi gabi na akong di makatulog sa pag aalala at pagsundot ng konsensya sa akin.” Bumaling sa akin ang asawa ni Mang Junior. “Ser, wala naman po talagang kasalanan ang asawa ko. Napagutusan lang din po sya.”

Kumunot ang noo ko. “Napag utusan?”

“Tama na Marta!” Singhal ni Mang Junior sa asawa.

“Napag utusan lang po sya ng amo nya, ni Ma’am Adela.”

Nagimbal ako sa sinabi ni Aling Marta. Pakiramdam ko ay may bumagsak na bomba sa aking harapan.

“Si mama ang nag utos?” Tanong ko at tumingin kay Mang Junior. “Totoo ba Mang Junior? Si mama ang nag utos? Totoo ba o nagsisinungaling ka?” Singhal ko sa kanya.

Namutla sya at pinagpawisan. “S-Ser..”

“Sabihin mo ang totoo!” Mabalasik na sikmat ko sa kanya.

Lumunok sya at tumingin sa asawa.

“Sige na Junior, sabihin mo na ang totoo para sa ikakatahimik ng konsensya natin.” Udyok pa ni Aling Marta.

“Sa ginawa nyo, tatlong tao ang nasaktan. Hindi ba kayo nakokonsyensya? Paano kung na-trap sila sa loob? Naiisip nyo ba yun? Ganun na ba kayo kawalang konsensya? Sa ginawa nyo pwedeng pwede kayong makulong ora mismo.”

Umiling iling sya. “Wala akong kasalanan Ser Cedric. S-Si madam ang nag utos. Ayoko naman sana syang sundin eh. K-Kaya lang, malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya kahit ayoko ginawa ko. Sinunod ko sya. Umupa ako ng tao na gagawa nun.” Sumulyap sya kay Tanoy.

Nagdilim ang paningin ko at hinaklit ko ang kwelyo ng damit nya. Halos umangat naman sya sa sahig. Gumuhit naman ang takot sa kanyang mukha.

“Bakit? Bakit!” Galit na sigaw ko sa kanyang mukhang namumutla. Inawat naman ako ni Romeo at Marvin.

Padarag kong binitawan ni Mang Junior na muntik pang mapasalampak sa sahig kung hindi lang sya nakahawak sa hamba ng pinto.

Mabigat ang bawat paghinga ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa galit. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nya na si mama ang mastermind ng pagsunog sa tindahan ni Tiyong Rusi at Tiyang Les.

“Sabihin mo sa akin, bakit yun inutos ni mama?”

“S-Ser, si ma’am na lang po ang tanungin nyo..” Nauutal na sabi nya. Nangingilid na rin ang luha sa kanyang mga mata.

“No.. hindi magsasabi sa akin ng totoo si mama. Ikaw ang tauhang pinagkakatiwalaan nya. Alam mo ang lahat kaya sabihin mo sa akin ang lahat Mang Junior. Bakit yun inutos ni mama?”

Lumunok sya. “D-Dahil po kay Ma’am Pinky, ser.”

Tumiim bagang ako. Inaasahan kong yun ang sasabihin nya. Dahil napagtagni tagni ko na ang lahat. Pero gusto ko pa ring malaman ng malinaw.

“Simula ng bumalik kayo galing sa probinsyang pinagdestinuhan nyo pinasundan na kayo ni madam sa isa sa mga tauhan. Tapos nalaman nya nagkikita kayo ulit ni Ma’am Pinky. Kaya pinagbantaan nya si Ma’am Pinky na layuan kayo kung hindi ay mangyayari na hindi nya magugustuhan. Hindi sumunod si Ma’am Pinky at nakikipagkita pa rin sa inyo. Kaya gumawa si madam ng paraan para matakot si Ma’am Pinky. Inutusan nya ako noong una na ipasunog ang shop, pero nag bago ang isip nya at yung tindahan na lang ng tiyuhin ni Ma’am Pinky ang ipasunog. Sumunod naman ako dahil sa laki ng utang na loob ko sa mama nyo.. S-Sorry po ser..”

Umigting ang panga ko at mariin kong kinuyom ang kamao. Galit na galit ako kay mama. Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat. Si mama ang dahilan kung bakit nakipag break sa akin si Pinky 2 years ago. At nilalayuan nya ako ngayon dahil din kay mama. Tinatakot sya nito.

“Damn it!” Malakas na sinuntok ko ang pader na ikinapitlag nilang lahat.

Gumuhit ang kirot sa kamao ko. Pero walang wala yun sa kirot na nararamdaman ng puso ko. Para akong trinaidor ng sarili kong ina. Paano nya yun nagawa? Alam kong ayaw nya kay Pinky simula’t sapul. Pero hindi ko inisip na gagawa sya ng ganung bagay. Parang hindi ko na nakikilala ang sarili kong ina.

Humugot ako ng malalim na hininga. Pero naroon pa rin ang bigat sa aking dibdib. Galit para sa sarili kong ina at awa para sa babaeng pinakamamahal ko na walang kalaban laban sa walang puso kong ina.

Tiim bagang na tiningnan ko si Mang Junior na nakayuko na. Binalingan ko si Romeo at Marvin.

“Dalhin nyo yan sa presinto.” Utos ko sa dalawa.

“Yes chief.”

Nilapitan ng dalawa si Mang Junior.

Niyakap naman ni Aling Marta ang asawa habang naiiyak. Tumingin pa sya sa akin.

“S-Ser.. hindi naman po makukulong ang asawa ko di ba? Wala naman po syang kasalanan eh.”

Tumiim bagang ako. “May kasalanan rin ho sya dahil sumunod sya kay mama. Sumunod na lang kayo ng maayos Mang Junior at huwag ng manglaban para hindi bumigat pa lalo ang kasalanan nyo.”

Sinulyapan ko si Romeo at Marvin. “Sige na, bitbitin nyo na yan at dalhin sa presinto.”

Tumalikod na ako at bumaba sa terrace. Nakasalubong ko pa ang tatlong kasamahang pulis na nag aabang. Bakas ang pag aalala sa kanilang mukha habang nakatingin sa akin. Pero wala namang naglakas loob na kausapin ako.

Sumakay ako sa sasakyan at minaniobra yun palabas ng kalsada. Mahigpit ang hawak ko sa manibela.

Pupuntahan ko si mama at pagbabayarin sa kasalanan nya. Mahirap at masakit sa loob ko na ang sarili kong ina ang nagpasunog sa tindahan ni Tiyong Rusi at Tiyang Les. Pero kailangan nyang harapin ang kasalanang yun at pagbayaran. Malaki din ang kasalanan nya akin. Nilalayo nya sa akin ang babaeng mahal ko at ang mas masakit ay tinatakot pa nya ito.


Next chapter na lang ang continuation. Ang paghaharap ng mag ina ;)

Chapter 24

Cedric POV

“SER Cedric magandang gabi po. Naku, nakalimutan yata ni madam na sabihin sa amin na uuwi kayo.” Bati sa akin ni Vida. Ang mayordoma ng mansion.

“Nasaan si mama?” Walang kangiti ngiting tanong ko.

“Nasa living area po sa second floor kasama si ser. Naroon di po si Ma’am Carlyn. Kuh! Siguradong matutuwa yun kapag nakita kayo.”

Mariin kong pinaglapat ang labi at tiningnan lang si Vida. Nawala naman ang ngiti nya at  naging ngiwi.

Nilampasan ko na sya at umakyat sa main staircase. Malalaki ang bawat hakbang ko at mabigat. Naririnig ko na nga ang hagikgikan ni mama at ni Carlyn.

“Cedric iho, napauwi ka.” Bati sa akin ni papa na syang unang nakapansin sa akin.

Lumapit ako sa kanya at tinapik sya sa balikat. Tumingin naman sa akin si mama at si Carlyn na namilog pa ang mata.

“Omg Cedric!” Lumapit sa akin si Carlyn sabay yakap. “Gosh! You surprise me hun.. Tita Adela, hindi mo nabanggit sa akin na uuwi pala si Cedric.”

Ngumiti si mama at tumingin sa akin. “Because I want to surprise you, iha. Umuwi talaga si Cedric dahil gusto ka nyang makasalo sa dinner.”

“Really hun? Ah.. you’re so sweet talaga.” Humigpit pa ang yakap sa akin ni Carlyn at sinandig ang pisngi sa aking dibdib.

“No, hindi ako umuwi para makasalo kayo sa dinner.” Salungat ko sabay hawak sa mga braso ni Carlyn at binaklas yun sa pagkakayakap sa akin.

Nawala naman ang ngiti ni mama at tumaas ang kilay. Lumapit naman ako sa kanya at matiim syang tinitigan.

“What’s the problem, iho? Kakaiba ka yata ngayon.” Tanong ni mama.

Nagtagisan ang bagang ko. Kung titingnan sya ay akala mo kung sinong inosente.

Mabait si mama, sa akin at sa kapatid ko. Lagi nyang binibigay ang gusto namin lalo na noong maliliit pa kami. Yun nga lang ay gusto nya sya ang laging nasusunod lalo na ng lumaki kami ng kapatid ko. Gaya ng gusto nya akong pumasok sa pagpupulitika pero di ko sinunod dahil pagpupulis ang gusto ko. Nagalit sa akin noon si mama at sinabing nagrerebelde ako sa kanya dahil hindi ko sya sinunod. Pero malaki na ako at may sariling isip. Alam ko ang gusto ko sa buhay. Pati nga ang love life ko ay gusto din nyang hawakan at sya ang masunod. Doon na kami madalas na nagtatalo. Hanggang sa sya na lang ang sumusuko dahil hindi na nya ako kayang pasunurin sa gusto nya. Kaya ngayon ang kapatid ko na lang na bunso ang minamanduhan nya. Pinag aral nya ito sa ibang bansa at pinakuha ang kursong gusto nya kahit hindi naman yun ang gusto ng kapatid ko.

Pero ito na ang huling pagkakataon na pakikialaman nya ang buhay ko.

“Bakit nyo pinasunog ang tindahan ng tiyuhin ni Pinky, mama?” Tanong ko sa mariin na boses.

Suminghap sya at bahagyang namilog ang mata pero sandali lang yun at nag iwas sya ng tingin at inosenteng tumawa.

“W-What are you talking about, anak?” Tumingin sya kay papa at Carlyn na mga nakakunot naman ang noo.

Marahas akong bumuga ng hininga. Alam ko namang di agad aamin ang ina.

“Huwag na kayong magmaang mangan mama. Kayo ang nagpasunog sa tindahan ng tiyuhin ni Pinky.”

“Cedric! Ano ba yang sinasabi mo sa mama mo?” Sita sa akin ni papa na lumapit na.

“Pinasunog ni mama ang tindahan ng tiyuhin ni Pinky, papa. Tatlong tao ang nasugatan. Ang tiyuhin at tiyahin ni Pinky at ang tindera nila.”

Nanigas ang panga ni papa at tumingin kay mama. “Is that true Adela?”

“W-Wait! I don’t know what you’re talking about, Cedric. Why are you accusing me? Ako na sarili mong ina? O baka naman si Priscilla ang nagsabi sayo nyan. Yang babae talaga na yan, bini-brain wash ka na naman. Kakasuhan ko yan sa pambibintang nya sa akin – “

“Stop it mama!” Di ko na napigilang magtaas ng boses na ikinatigil ni mama.

“Don’t raise your voice to your mother Cedric!” Galit na sigaw naman sa akin ni papa.

Bumaling ako sa ama. “I’m sorry papa, pero sumosobra na si mama.”

Bumuntong hininga si papa at matiim akong tiningnan. “May katotohanan ba yang sinasabi mo, anak? Ang mama mo ang inaakusahan mo. Mahirap at masakit na akusa yan.”

“Yes papa. Pinaimbestigahan ko ang nangyaring sunog sa tindahan ng tiyuhin ni Pinky. Hindi aksidente ang nangyaring sunog kundi sinadya. Nahuli namin ang salarin at umamin sya. Pero inutusan lang sya at ang nag utos ay si Mang Junior.”

Tumingin ako kay mama ng marinig ko syang suminghap. Bahagya na ring namutla ang kanyang mukha.

“Si Junior ang nag utos?” Kunot noong tanong pa ni papa.

“Pinuntahan namin kanina si Mang Junior sa bahay nya at umamin din sya na si mama ang nag utos sa kanya na ipasunog ang tindahan.”

“N-No, that’s not true.. Walang katotohanan yan. Nagsisinungaling si Junior. Wala akong kinalaman dyan. Baka si Junior lang ang gustong sunugin yun.” Tanggi ni mama pero halatadong nagsisinungaling sya base sa body language sya na hindi sya mapakali at namumutla at nauutal pa.

Lalo lang tuloy akong nadidisappoint sa sariling ina.

Mapakla akong tumawa. “At bakit naman yun gagawin ni Mang Junior? Walang atraso si Pinky sa kanya. Kayo mama.. ayaw na ayaw nyo kay Pinky para sa akin. Bakit nyo sya tinatawagan? Tinatakot nyo ba sya? Pinagbabantaan na kapag hindi ako nilayuan ay may mangyayaring masama sa mga mahal nya sa buhay, ganun ba?”

“Oo!” Singhal ni mama at kinumpas kumpas ang kamay sa ere. “Sige! Aaminin ko na! Ako nga ang nag utos kay Junior!”

“Oh my god tita!” Bulalas ni Carlyn at tinuptop ang bibig.

“What the hell Adela? Bakit mo nagawa yun? Sa ginawa mo ay makukulong ka!” Galit na wika ni papa kay mama.

Bumagsak naman ang balikat ko at nanlumo ako sa pag amin ni mama. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Parang sinusuntok ang puso ko sa sakit ng kabog nito.

Lumambot ang mukha ni mama. “G-Ginawa ko lang yun para sayo, Cedric anak. Para tantanan ka na ng babaeng yun.”

“Pero hindi nyo pa rin dapat pinasunog ang tindahan ng tiyuhin nya. Krimen ang ginawa nyo mama at pwedeng pwede kayong makulong.”

Tumaas ang kilay ni mama at naging mataray muli ang bukas ng mukha. “Bakit? Ipakukulong mo ko? Ako na sarili mong ina? Kaya mo?”

Ngumisi ako at umiling iling. Ibang klase din talaga si mama. May ginawa na ngang kasalanan sya pa ang matapang.

“Hindi ako ang magpapakulong sa inyo mama, kundi ang tiyuhin at tiyahin ni Pinky. At hindi ko kayo tutulungan. Bahala kayong harapin ang kasalanan nyo at pagbayaran.”

Natigilan si mama at bumalatay ang sakit sa kanyang mukha. “H-How dare you Cedric? Ina mo ko. Hahayaan mo kong makulong para lang sa pamilya ng babaeng yun?” Sumbat nya.

“How dare you too mama.. Ina ko nga kayo pero di ibig sabihin nun ay maliligtas kayo sa batas. Anak nyo ko, pero mas gusto nyong magdusa ako sa lungkot kesa makitang masaya sa piling ng babaeng mahal ko. Ngayon nga napapatanong ako kung ina ko ba talaga kayo.”

“Cedric!”

“Masakit ba, mama? Ganyan kasakit ang nararamdaman ko ngayong nalaman ko na ang sarili kong ina ang nagpasunog sa tindahan ng tiyuhin ng babaeng mahal ko. Para nyo akong trinaidor, mama. Pero yun na ang huling beses na gagawa kayo ng ganung bagay sa pamilya ni Pinky o kahit sa mga taong malapit sa kanya. Kapag inulit nyo pa yun.. baka makalimutan ko ng ina ko kayo. At huwag nyo na rin kaming pakikialaman ni Pinky kung ayaw nyong tuluyan ko kayong kamuhian.”

Tinalikuran ko si mama at umalis baon ang sama ng loob. Ngayon lang sumama ang loob ko ng ganito sa ina. Hangga’t di nya pinagsisisihan ang ginawa at hindi sya humihingi ng tawad kay Pinky at sa pamilya nito ay hindi maaalis ang sama ng loob ko sa kanya.

“Cedric.”

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si papa na sinundan pala ako. Nakaguhit sa kanyang mukha ang lungkot at disappointment. Hinawakan nya ako sa balikat at pinisil.

“I’m sorry, anak. I’m really sorry..”

Bumuntong hininga ako at tinapik si papa sa braso. “Wala kayong kasalanan, papa. Si mama ang may kasalanan.”

“May kasalanan din ako. Masyado ko syang na-spoiled at naging sunod sunuran din sa mga gusto nya. Hinayaan kong manipulahin nya ang buhay nyo ng kapatid mo. I’m sorry anak, kung sana ay naging matigas pa ako.”

Ngumiti ako sa ama. “It’s ok papa, hindi ko kayo sinisisi. Kahit kelan ay hindi kayo nagkulang sa aming magkapatid. Ganun din naman si mama. Mabuti syang ina. Yun nga lang ay may mga desisyon syang wala na sa katwiran. Kailangan nyang harapin ang ginawa nyang kasalanan. I’m sorry papa, ayokong dayain ang batas. Gusto ko lang maging patas.”

“Naiintindihan ko anak, kahit masakit sa akin. Susuportahan kita. At ang mama mo, hindi ko na sya kukunsintihin pa.”

“Salamat papa.”

Niyakap ako ni papa at tinapik tapik ang likod ko. Kahit papaano ay bahagyang gumaan ang loob ko dahil naiintindihan nya ako at sinusuporahan. Akala ko ay magagalit sya sa akin. Sobra nyang mahal si mama at ayaw nyang mahaharap ito sa kahihiyan.

“So what’s your plan now, son?”

“Sasabihin ko sa pamilya ni Pinky ang totoo. Karapatan nilang malaman. At sila na ang bahala kung kakasuhan nila si mama. Handa rin akong tanggapin ang galit nila.”

“Sasamahan kita anak. Tayong dalawa ang haharap.”

Ngumiti ako at tumango sa ama.

“Hahabulin ko rin ho si Pinky, papa. Hindi ako papayag na makalayo sya sa akin.”


Chapter 25

Pinky POV

PINASOK ko ang kotse sa bakuran ng bahay ni Tiyang Helen. Halos dalawang oras ang byahe ko bago ako nakarating. Maagang maaga ako umalis sa amin para hindi ako abutan ng traffic.

Sinilip ko ang oras sa suot na relo. Eksaktong pumatak na ng alas syete ng umaga. Bumaba ako ng kotse. Ngumiti ako ng sumalubong sa akin ang hanging pang umaga. Malamig ang simoy ng hangin at preskong presko. Malayo sa Manila na maalinsangan ang hangin sa umaga. Dito kasi sa lugar namin ay maraming puno.

Tiningnan ko ang bahay na nasa harapan ko. Dalawang palapag yun. Yari sa bato ang unang palapag at kahoy naman sa itaas. Ang bahay na ito ay pag aari ng lolo at lola ko. Ang magulang ni mama at ni Tiyang Helen. Si Tiyang Helen lang ang nakatira dito pero minsan daw sinasamahan sya ng mga pinsan kong matulog. Kapitbahay lang din namin ang aming kamag anak na tumutulong din sa kanya sa paggawa ng mga kakanin para ibenta.

Lumapit na ako sa bahay at pumasok sa terrace. Bukas ang makapal na pinto. Sumilip ako sa loob. Malinis ang buong bahay pero wala akong nakikitang tao sa loob. Ngunit may naririnig akong mga boses at tawanan na galing sa likuran ng bahay. Mukhang naroon si Tiyang Helen at ang iba pa naming kamag anak.

Lumabas ako ng terrace at umikot sa gilid ng bahay. Excited na akong makita ang tiyahin na ilang taon ko ring hindi nakita at ang iba ko pang mga kamag anak.

Sa likod nga ay nakita ko si Tiyang Helen na sinasalansan ang mga nakuhang dahon ng saging. Naroon ang nga tiyahin at tiyuhin ko na mga kapatid ni Tiyong Rusi kasama ang kanilang mga asawa at anak. Naghahanda na sila sa paggawa ng mga kakanin.

Unang nakapansin sa akin ang panganay sa aming magpipinsan. Namilog ang mata mata nya habang may hawak syang tasa na umuusok pa.

“Pinky? Tiyang si Pinky po!” Untag ni Kuya Doy kay Tiyang Helen.

Tumingin naman sa gawi ko si Tiyang Helen pati ang iba naming kamag anakan.

“Pinky? Pinky anak! Ikaw ba yan?” Bulalas ni Tiyang Helen na basta na lang binitawan ang hawak na dahon ng saging at patakbong lumapit sa akin.

Pagkalapit nya ay hinawakan nya ang aking mukha at pinakatitigan na para bang naniniguro na hindi sya namamalikmata. Nangingilid din ang luha sa kanyang mga mata. Pati ako nahawa na rin.

“Ikaw nga Pinky..” Sambit ni Tiyang Helen at niyakap ako ng mahigpit.

“Tiyang..” Yumakap din ako sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Sobra kong namiss ang tiyahin na nakakatandang kapatid ng aking ina. Kapag yakap ko sya at nakakasama ay para ko ring kasama si mama. Parehas kasi silang mabait. Walang anak si Tiyang Helen. Matandang dalaga sya at ako ang tinuturing nyang anak.

Kumalas na sa pagkakayakap si Tiyang Helen at hinawakan ang mukha ko. May malapad na ngiti sa kanyang labi. Nakaguhit ang tuwa sa kanyang mukha.

“Kuh! Nandito ka nga talaga. Hindi ako nananaginip. Pero ang sabi mo sa susunod na taon ka pa uuwi.”

Kumagat labi ako. Bigla akong nakonsyensya. Kung wala akong pinagdadaanang promblema ngayon hindi ko pa maiisipang puntahan sya dito.

“G-Gusto ko po kasi kayong surpresahin tiyang. Pasensya na po kung ngayon lang ako umuwi dito sa atin. Hayaan nyo po, susubukan ko pong dalas dalasan.”

“Walang problema. At sobrang saya ko na nandito ka na. Aba’y sobra na kitang namimiss. Hindi sapat yung nakikita at nakakausap lang kita sa video.”

Hinawakan ko ang kamay ng butihing tiyahin at pinisil pisil iyon. “Ako rin po tiyang, miss na miss kayo.”

Muli akong niyakap ni Tiyang Helen. Damang dama ko ang kasiyahan nya. Ako rin ay masaya ngayong kasama ko sya.

Binati na rin ako ng iba pa naming kamag anak. Masaya rin sila na makita ako. Nakakatuwa nga na ang ibang mga pinsan kong kaedaran ko lang at mas bata sa akin ay may mga asawa at anak na. Pakiramdam ko tuloy napag iiwanan na ako.

“Mas maganda ka sa personal insan kesa sa mga pictures mo sa facebook.” Anang isa kong pinsan na si Jasper. Ang kababata ko na ubod ng kulit noong mga bata pa kami.

“Huu! Binobola mo lang ako.” Natatawang sabi ko.

“Pumaparaan lang yan para makahingi sayo ng pambili ng alak.” Pambubuko ni Ate Carmen na karga ang isang taong gulang na anak.

“Ate Carmen talaga o, panira ng diskarte.” Kakamot kamot sa ulong sabi ni Jasper.

Nagtawanan naman kaming lahat.

“Oo na, sige na. Magpapainom ako.”

“Yown!” Naghiyawan ang mga pinsan kong lalaki at mga tiyuhin sa tuwa.

“Kuh! Kayo talaga ke aga aga alak na agad ang nasa isip.” Sita ni Tiyang Helen.

“Hayaan nyo na po tiyang. Parang celebration na rin sa pag uwi ko.” Wika ko sa tiyahin.

“Oo nga po tiyang. Dapat magcelebrate tayo dahil umuwi si pinsan. Matagal na natin syang inaabangang umuwi eh.” Hirit pa ni Kuya Doy.

“Kaya nga, dapat magluto tayo ng masarap Helen.” Sang ayon pa ni Tiyong Mario. Ang nakatatandang kapatid ni Tiyong Rusi.

“Yun naman talaga ang gagawin ko. Magluluto ako ng masarap. Syempre yung mga paborito ni Pinky.” Ani Tiyang Helen.

Napangiti naman ako at yumakap sa braso ng tiyahin.

“Yown ang sinasabi namin!” Sabay sabay na sambit pa ng mga pinsan ko.

“At dahil umuwi ang paboritong pamangkin ko, magce-celebrate tayo ngayong araw. Wala munang gawa ng kakanin.” Hayag ni Tiyang Helen.

Tuwang tuwa naman ang mga kamag anakan namin. Para tuloy akong galing abroad na matagal ng di nakauwi. Natutuwa din ako dahil nararamdaman kong espesyal na espesyal ako kay Tiyang Helen.

Naging abala nga ng araw na yun sa bahay namin ni Tiyang Helen. Hindi sa paggawa ng mga kakanin kundin sa paghahanda ng lulutuin para sa akin at para sa lahat. Nagkatay na nga ng baboy at itik si Tiyong Mario katuwang ang mga pinsan kong lalaki. Si Tiyang Helen naman ay inutusan si Ate Carmen na bumili ng iba pang pagkain sa bayan at mga rekado para sa mga lulutuin. Tinanong pa ako ni tiyang kung may iba pa akong gusto. Nag request na lang ako ng paborito kong ice cream.

Nagdatingan pa ang iba naming kamag anak ng malamang umuwi ako. Lalong naging magulo pero masaya ang bahay namin. Nagmistula ngang fiesta sa compound namin dahil bumaha ang mga pagkain at alak na sagot ko.

“Ikaw ba Pinky, wala ka pa bang balak mag asawa? Ang mga pinsan mo may mga asawa at anak na.” Untag sa akin ni Tiyang Dalya na halatang may tama na ng alak. Tirik pa ang araw pero inumpisahan na nila ang pag inom.

“May balak naman Tiyang Dalya. Hinihintay ko na lang ang tamang lalaki para sa akin.” Sabi ko at pilit winaksi sa isip ang gwapong mukha ni Cedric. Ayoko muna syang isipin ngayon.

“Wala ka pa bang boyfriend? Aba’y sa ganda mo na yan napaka imposible naman.” Saad naman ni Tiyang Nita.

Umiling ako at ngumisi. “Wala po Tiyang Nita. Busy po kasi sa negosyo.”

“Asus! Huwag kang masyadong magpaka busy sa negosyo. Mabilis na dumadaan ang mga taon. Baka di mo mamalayan huli ka na sa byahe.”

“Huwag nyo ngang pini-pressure si Pinky. Hayaan nyo muna syang ma-enjoy nya ang buhay dalaga. Dahil kapag nagka asawa na sya at anak ay sa kanila na lang iikot ang buhay nya.” Ani Tiyang Helen at tumingin sa akin. “Pero huwag ka ring masyadong magpapakaburo sa negosyo, anak. Baka tumandang dalaga ka rin gaya ko.”

Natawa ako sa sinambit ng tiyahin. “Wala naman pong masama na maging matandang dalaga. Kayo nga po masaya.”

“Dahil pinipili ko ang laging maging masaya. Sana, ikaw din anak. Piliin mo lagi ang magpapasaya sayo.”

Ngumiti ako at tumango kay Tiyang Helen. Gusto ko ring piliin ang nagpapasaya sa akin. Pero hindi naman ganun kadali.

“Naalala ko nabanggit sa amin noon ni Tiyong Rusi na may boyfriend ka daw na pulis. Mayaman daw at magandang lalaki. Naghiwalay na ba kayo?” Usisa pa ni Ate Carmen.

Lumunok ako at pilit na ngumiti sa pinsan. Nakatingin sa akin ang mga tiyahin ko at iba ko pang mga pinsan na babae. Ang mga tiyuhin ko naman at mga pinsan na lalaki ay nasa kabilang mahabang mesa at doon sila nag iinuman habang may kanya kanyang kwentuhan.

“Oo ate, matagal na kaming hiwalay.” Sabi ko at sumubo ng sisig.

“Sayang naman, hindi namin sya nakita.” Saad ni Ave.

“Bakit kailangan nyo pang makita?” Kunot noong tanong ni Tiyang Dalya.

“Syempre tiyang, gwapo.”

“Ayun.. pagdating talaga sa gwapo ang harot harot mo.”

Natawa na lang kami sa sinabi ni Tiyang Dalya. Nanghaba naman ang nguso ni Ave.

Dahil sa nabanggit ang dati kong nobyo. Sumagi na sa isip ko si Cedric.

Kamusta na kaya sya? Naiisip din kaya nya ako sa oras na ito? Sigurado yun. At ilang araw lang ay malalaman nyang wala na ako sa Manila. Siguradong magtatanong sya kay Ciella o kaya kanila Tiyong Rusi. Pero nangako naman sya na hindi na nya ako guguluhin.


Chapter 26

Pinky POV

“KUH! Sinabi ko naman sayo hayaan mo na ang mga pinsan mo dyan. Magpahinga ka na lang.” Sita sa akin ni Tiyang Helen ng maabutan nya akong tumutulong sa pagbabalat ng kamoteng kahoy na gagawing kakanin.

“Ayos lang po tiyang, wala naman po akong ginagawa at nakapag pahinga na po ako.”

Bumuntong hininga si Tiyang Helen at nilapag sa kawayang mesa ang mga pinamili nyang mga sangkap sa paggawa ng kakanin.

“Sinaway na po namin yan tiyang, pero ayaw talaga magpasaway.” Sumbong ni Ate Carmen na syang malimit na katulong ni Tiyang Helen. Ang kanyang bunsong anak ay nasa crib at dumedede. Ang dalawa pa nyang anak ay naglalaro naman. Walang pasok ang panganay nya at ang pangalawa nya naman ay hindi pa nag aaral.

“Bahala ka na ngang bata ka. Mag ingat ingat ka na lang sa kutsilyo at matalim yan baka mahiwa ka.” Paalala pa ni Tiyang Helen.

Natawa naman ako. “Tiyang, huwag po kayong mag alala sa akin. Sa flower shop sanay na sanay na akong humawak ng matutulis na bagay.”

“Kunsabagay.. Teka nag almusal ka na ba?”

“Nagkape at tinapay lang po. Busog pa po ako sa mga kinain ko kagabi.”

Tumango lang si tiyang at nilabas na ang mga sangkap sa plastic. Hinayaan na lang nya akong tumulong dahil hindi naman talaga ako magpapaawat. Hangga’t maaari ayoko ng walang ginagawa at walang kausap dahil maiisip ko lang si Cedric.

Nagdatingan na rin ang iba kong kamag anak na tutulong sa paggawa ng kakanin.

Noong bata pa ako madalas kaming umuwi dito sa probinsya ni mama at papa. Lalo na noong pumanaw si papa. Kapag nalulungkot si mama ay uuwi kami dito kapag weekend. Dumalang lang ng magkasakit si mama at ng mamatay na rin sya. Nakakauwi na lang ako kapag umuuwi si Tiyong Rusi. Naalala ko pa nga noon na gusto ni Tiyang Helen na dito na lang ako sa kanya para maalagaan nya. Pero may bahay kami sa Manila at doon ako nag aaral. Kasalukuyan na akong nasa high school noon. Kaya ang nangyari si Tiyang Helen ang umuwi sa Manila para samahan ako hanggang sa nakapag tapos ako ng high school. Umuwi lang sya ulit dito noong mamatay ang lolo’t lola ko. Dahil college na ako ay kaya ko naman ang sarili ko at nakaagapay naman lagi sa akin si Tiyong Rusi at Tiyang Les. 

Malaki ang angkan ni mama dito sa Quezon. May malawak kaming lupain na puro mga kamag anak namin ang nakatira. Ang karaniwang hanap buhay ng mga kamag anak ko ay paggawa ng mga kakanin, pagsasaka, pag aalaga ng baboy, manok at itik na binabagsak sa mga palengke. Pero mas kilala ang angkan namin sa paggawa ng mga kakanin. Yung lolo at lola ko ay yun ang hanapbuhay noong nabubuhay pa at si Tiyang Helen ang nagtuloy. Dahil si mama ay mas pinili ang buhay sa Manila. Doon sya nakahanap ng magandang trabaho at nakilala ang papa ko. Ang mga kamag anak naman ni papa ay nasa malayong lugar. Tubong Cebu sya at bilang lang sa daliri na nakauwi kami doon. Maliit lang ang pamilya nya papa. Nag iisa syang anak at parehas na ring patay ang mga magulang. Huli kong nakita ang mga kamag anak ko sa side ni papa noong burol nya.

Nilingon ko ang bunsong anak ni Ate Carmen na umiiyak na sa wooden crib. Mukhang namimiss na ang mama nya. Umalis kasi si Ate Carmen kasama ang panganay para hatiran ng pananghalian ang asawa sa trabaho nito na nasa kabilang baranggay. Mas matipid daw kasi kapag hahatiran ng pagkain kesa bumili sa labas at mas mabubusog pa.

“Wala pa ti mama kaya tahimik ka na.” Saway ng pangalawang anak ni Ate Carmen sa bunso na lalo lang umiyak.

Iniwan ni Ate Carmen ang dalawa nyang anak saglit kay Tiyang Dalya. Pero pumasok sa bahay saglit si tiyang para mag cr. Si Tiyang Helen naman ay nagluluto ng ulam namin.

“Iinis na ako sayo Jimboy. Ingay mo.” Nayayamot ng sabi Lucas at kumamot sa ulo.

Lalo namang umatungal ng iyak si Jimboy at pinukpok pa ng bote ng dede sa ulo si Lucas na pumalahaw na rin ng iyak. Nag iyakan na silang magkapatid.

Binitawan ko ang dahon ng saging at kutsilyo. Nilapitan ko si Jimboy at kinuha ang dedeng hawak nya saka sya binuhat. Tumahan naman sya. Gusto lang yata ng buhat. Nilapitan ko naman si Lucas na umiiyak at pinatahan na rin. Kinapa ko ang ulo nyang pinukpok ng bote ng dede ng kapatid. Wala naman yung bukol pero syempre nasaktan pa rin sya.

“Tutumbong ko yan ti Jimboy kay mama. Pukpok nya ako ng dede.” Sumisibing sabi ni Lucas. Unti unti na syang tumahan pero nanghahaba pa rin ang nguso.

Natawa na lang ako at dinampot ang bimpo saka pinunasan ang kanyang mukha na basa ng luha.

“Tama yan, kapag may ginawa sayo ang kapatid mo isumbong mo sa mama mo at huwag mong sasaktan. Saka baby pa si Jimboy.” Pangaral ko kay Lucas at pinunasan naman ang mukha ni Jimboy. Pinunasan ko na rin ang sipon nyang tumutulo. Hindi na sya umiiyak at ngumingiti na. Buhat lang pala ang gusto. Siguro ay naiinip na sa crib. Pero may kabigatan sya dahil malusog.

“Tata, gugutom na po ako.” Ani Lucas na hinimas pa ang tiyan.

“Hintayin natin si lola mo para makakain na kayo ni Jimboy.” Mag aalas doses na kasi ng tanghali kaya nagugutom na sya.

“Aysus maria! Bakit naman binuhat mo pa si Jimboy. Mabigat yan.” Bulalas ni Tiyang Dalya ng makabalik na sya.

“Umiiyak po kasi sa crib, tiyang. Nag aaway na nga po sila ni Lucas kaya kinuha ko na. Karga lang pala ang gusto.” Natatawang sabi ko.

“Naku, ganyan talaga yang batang yan. Gusto laging buhat.”

“Lola, palo po ako Jimboy sa ulo ng dede nya.” Nakangusong sumbong ni Lucas kay Tiyang Dalya.

“Kawawa naman pala ang apo ko. Kiss na lang ni lola ang yayay.” Hinalikan nga ni Tiyang Dalya ang ulo ni Lucas. “Hayaan mo, paglaki ni Jimboy pagagalitan natin sya.”

Malapad na ang ngiti ni Lucas. Parang nawala na ang sakit sa ulo nya ng halikan sya ni Tiyang Dalya. Napangiti naman ako sa sweet moments nilang maglola. Malambing si tiyang sa mga apo nya.

Lumapit sa akin si Tiyang Dalya para kunin si Jimboy. Pero ayaw nitong sumama sa lola at yumakap pa sa leeg ko. Natawa na lang ako.

“Hayaan nyo na po, tiyang. Ako na lang po muna magkakarga sa kanya.”

“Sigurado ka? Aba’y mabigat yan.”

“Keri lang po, tiyang.” Saka natutuwa ako sa kalambingan ng pamangkin ko.

Kahit nang dumating na si Carmen ay ayaw pa ring bumitaw ni Jimboy sa akin. Umiyak pa nga ng sapilitan ng kunin sa akin para mapakain na sya. Kaya binawi ko na lang ulit at ako na lang ang nagpakain sa kanya. Nakakatuwa pa dahil malakas syang kumain at bungisngisin pa. Minsan nakakatuwa din talaga ang mga bata. Makukulit pero malalambing.

Kinagabihan ay muli na namang nag ipon ipon ang mga tiyuhin at pinsan kong lalaki sa labas ng bahay. Uubusin daw nila ang natitirang alak kahapon. Pinagsabihan naman sila ng mga tiyahin ko na huwag ng magpasobra sa pag inom.

Kami naman ni Tiyang Helen ay narito sa sala at nanonood sya ng paborito nyang teleserye. Ako naman ay abalang ka-chat si Ciella. Nirereport nya sa akin ang benta ng shop namin. Kasama namin ni Tiyang Helen ang mga pinsan ko na dito madalas matulog. Pero gaya ko ay nasa cellphone din ang atensyon nila at wala sa tv.

Napapitlag ako sa malakas na tawanan ng mga tiyuhin at pinsan ko sa labas. Kumamot naman sa ulo si Tiyang Helen at tumayo. Lumapit sya sa pinto.

“Ano ba yan? Ke iingay nyo. Hindi ko na maintindihan ang pinapanood ko.”

“Ito po kasing si Niño, tiyang. Ang lakas umutot.” Dinig kong sabi ni Jasper.

Nagtawanan naman kaming magpipinsan dito sa sala.

“Pagkatapos nyo dyan magsi uwi na kayo ha. Baka bumili pa kayo ng alak.”

“Hindi na Helen. Tatapusin na lang namin tong natitirang dalawang alfonso.” Wika ng isa sa mga tiyuhin ko.

Muling bumalik si Tiyang Helen sa pagkakaupo at nilakasan ang volume ng tv. Naririnig pa namin ang tawanan sa labas pero hindi na sinaway ni tiyang.

Pagkatapos kong makachat si Ciella ay ka-chat ko naman si Jennifer. Sinabi nya na nagpunta daw sa bahay nila kahapon si Cedric kasama ang ama nito. Na-curious ako kaya nagtanong ako kay Jennifer kung ano ang ginawa ng mag ama sa bahay nila. Pero hindi nya alam, basta pag uwi nya galing school ay naabutan na lang daw nya sa bahay nila si Cedric at ang ama nito na panay ang hingi ng sorry kay Tiyong Rusi at Tiyang Les. Nagtanong daw sya sa mga magulang pero hindi naman daw nagsasalita at usapang matatanda lang daw yun.

Tapos na kaming magchat ni Jennifer pero lalo lang akong na-curious kung ano ang pinag usapan nila at bakit nanghihingi ng sorry si Cedric at si Tito Edgardo. Ano kaya ang dahilan?

“Tiyang Helen, may tao po sa labas.”

Sabay sabay kaming lumingon kay Jasper na pumasok sa pinto.

“Sino daw?” Tanong ni Tiyang Helen.

“Hindi po namin kilala. Pero lalaki, malaking mama at gwapings.”

“Malaking mama at gwapings? Wala akong kilalang ganun.” Tanggi ni tiyang.

Kumamot naman sa ulo si Jasper at lumabas.

Binalik ko na lang ulit ang atensyon sa cellphone.

“Tiyang Helen, Cedric Montez daw ang pangalan. Si Pinky pala ang hinahanap nya.”

Nahigit ko ang hininga sa sinabi ni Jasper. Kasabay nun ang pagregodon ng puso ko.


Chapter 27

Cedric POV

BINABA ko ang salaming bintana at tumingin sa paligid. Ito na yata ang tinuro sa akin ng napagtanungan ko kanina sa may kanto. Yung may pinakamalaking puno ng mangga at may gate na gawa sa kahoy. Tumingin ako sa loob ng bakuran. May mga bahay doon pero hindi naman tabi tabi. Naagaw ng pansin ko ang isang bahay na dalawang palapag na yari sa bato at kahoy.  Sa harapan nun ay may mga kalalakihan na umiinom at malalakas ang mga tawa. Heto na yata ang bahay ng tiyahin ni Pinky.

Bumuntong hininga ako at pinatay ang makina. Binuksan ko ang pinto at bumaba ng sasakyan. Sinalubong ako ng mga tahol ng limang aso na galing sa loob ng bakuran. Wari’y pinoprotektahan nila ang kanilang teritoryo.

Kahapon pa sana ako bumiyahe papunta rito pero kanina lang naaprubahan ang leave ko. Nalaman ko kahapon mula kay Tiyong Rusi at Tiyang Les na umalis si Pinky at umuwi dito sa Quezon. Alam ko ang dahilan kung bakit sya umuwi kahit hindi nya sabihin. Yun ay para lumayo sa akin dahil malamang yun ang inutos sa kanya ni mama.

Pumasok na ako sa bukas na gate na kahoy. Sumunod sa akin ang limang aso na tumatahol pa rin. Napalingon na rin sa akin ang mga kalalakihang nag iinuman. Lumapit ako sa kanila. Mukhang magkakamag anak lang sila. Kamag anak kaya sila ni Pinky?

“Magandang gabi ho.” Bati ko sa mga nag iinuman.

“Magandang gabi rin. Aba’y gabi na nadayo pa kayo dito sa amin? Sino ba sila at anong kailangan?” Tanong ng pinaka matandang lalaki. May hawig sya kay Tiyong Rusi.

Nagsi tayuan naman ang ilang mga kalalakihan na mga bata pa at sinusuri ako ng tingin. Alerto sila sa akin.

“Bisita ka ba ni Helen? Jasper, sabihin mo nga sa tiyang mo na may bisita sya.” Utos ng isa pang may edad na lalaki.

“Opo tay.” Tumalima naman ang mas batang lalaki na inutusan at tumungo sa bahay na bukas ang pinto.

Pasimpleng iginala ko naman ang mata sa paligid. May nakita akong pamilyar na kotse. Tiningnan ko ang plaka. Kumislot ang puso ko ng makumpirmang kotse nga yun ni Pinky. Narito sya.

“Ah, mawalang galang na ho. Narito ho ba si Pinky? Priscilla Anoñuevo.”

Kumunot ang noo ng matandang lalaki pati na ang mga kasama nya.

“Ang magandang pamangkin ko yun ah! Anong kailangan mo sa kanya?”

“Tay, hindi daw po kilala ni Tiyang Helen yan.” Saad ng lalaking nagngangalang Jasper ng makabalik.

“Hindi ang tiyang mo ang sadya nya kundi si Pinky.”

“Si Pinky?” Maangas na tumingin sa akin si Jasper at nilapitan ako. Halatang may tama na ng alak. Sinuyod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi man lang sya umabot sa tenga ko. Bigla syang nagilag at umatras. “Ang laki mo..”

“O, huwag mong angasan yan. Malaki yan. Baka tupiin ka nyan sa lima.” Saad ng isa pang lalaki at hinila sa balikat si Jasper.

Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanila. Mga tiyuhin at mga pinsan pala sila ni Pinky.

“Ako ho si Cedric Montez. Boyfriend ho ni Pinky.” Pagpapakilala ko sa sarili.

“Boyfriend?” Sabay sabay na bulalas naman ng mga pinsan ni Pinky.

Tumakbo naman ulit si Jasper pabalik sa bahay.

“Boyfriend ka ni Pinky? Totoo ba yan?” Tanong ng matandang lalaki na tumayo na.

“Oho sir.”

Nagtinginan sila.

“May boyfriend pala si Pinky at ganito pa kagandang lalaki.”

“Aba’y hindi naman imposible yun dahil maganda ang pamangkin natin.”

May lumabas na may edad na babae sa bahay. Kasunod nya si Pinky na nakapantulog ng damit. Natigilan sya ng makita ako.

Bumilis naman ang pintig ng puso ko habang titig na titig ako sa kanya.

“Pinky! Nandito ang nobyo mo. Aba’y may nobyo ka na pala di mo naman sinasabi.” Anang matandang lalaki.

“Nobyo? Sinong nobyo? Aba’y walang nobyo ang pamangkin ko.” Sabi naman ng may edad na babae na kalalabas lang ng bahay.

“Ito o. Kararating lang.” Tinuro ako ng matandang lalaki.

Kumunot naman ang noo ng may edad na babae at tumingin sa akin. Lumapit sya at sinuyod ako ng tingin.

“Totoo bang nobyo ka ni Pinky? Ang sabi nya wala na syang nobyo at hiwalay na sa dating nobyo.”

Bumuntong hininga ako at tumingin kay Pinky na nasa likuran ng ginang. Nag iwas sya ng tingin sa akin.

“Oho ma’am, nobyo ho ako ng pamangkin nyo.”

Bumaling ang ginang kay Pinky. “Pinky anak, halika nga rito.”

Lumapit naman si Pinky sa kanyang tiyahin habang hindi tumitingin sa akin.

“Totoo bang nobyo mo ang lalaking ito?”

Sumulyap sa akin si Pinky. “H-Hiwalay na po kami tiyang..”

“Kuh! Bakit naman hiniwalayan mo Pinky. Aba’y ke gandang lalaki nito at mukhang mayaman pa. Nagsasayang ka ng grasya.” Anang isang tiyuhin ni Pinky.

“Oo nga Pinky. Ang ganda pa ng sasakyan sa labas o. Sayo yun brad?” Tanong ng isang lalaki na pinsan ni Pinky.

Tumango naman ako at ngumisi.

“Magsitigil nga kayo!” Saway ng ginang sa mga kalalakihan at bumaling sa akin. “Eh hiwalay na raw kayo ni Pinky. Bakit sinasabi mo pang nobyo ka nya?”

Tumingin ako kay Pinky na hindi pa rin makatingin sa akin.

“Nakipaghiwalay ho sya sa akin dahil hindi na raw nya ako mahal. Pero hindi ho ako pumayag. Umalis ho sya ng Manila ng walang paalam kaya sinundan ko ho sya rito para suyuin.”

Namimilog ang mata ni Pinky ng sibatin nya ako ng tingin. Akmang magsasalita sya pero inunahan ko sya.

“Cedric Montez ho, ma’am. Kayo ho pala ang pinakamamahal na tiyahin ni Pinky. Ngayon alam ko na kung saan nya nakuha ang ganda nya.”

Namula ang mukha ng ginang at nahihiyang ngumiti. “Kuh.. bolero ka. Teka, pulis ka ba? Ang sabi ng pamangkin ko pulis ka raw.”

“Oho ma’am, isa ho akong pulis.”

Nagsinghapan ang mga tiyuhin at pinsan ni Pinky.

“Ano ba ang ranggo mo?”

“Police Major ho.” Sagot ko.

“Uy police major daw.” Dinig kong bulungan ng mga pinsan ni Pinky.

“Boss, upo kayo. Tagay po.”

“Masarap ang pulutan namain, boss. Sisig.”

Inabutan na ako ng basong may alak at platong may sisig na maraming sili at sibuyas.

“Magsitigil nga kayo. Kararating lang nobyo ng nobyo ng pinsan nyo alak agad ang inalok nyo.” Pinukpok ng ginang ng pamypay ang mga ulo ng pamangkin.

“Tiyang, ganun talaga kaming mga lalaki. Kapag may bagong dayo alak agad ang inaalok.” Hirit pa ng isang pamangkin na may hawak na baso ng alak.

Ngumisi naman ako at kinuha ang baso sabay lagok ng alak. Naghiyawan at nagsipulan naman ang magpipinsan at mga tiyuhin.

“Boss, ako nga pala si Doy. Panganay na pinsan ni Pinky.” Nilahad ni Doy ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman yun.

“Jasper boss. Pinsan din ni Pinky.” Nakipag fist bump naman sa akin si Jasper.

Sunod sunod pang nagpakilala ang apat na magpipinsan. Sumunod naman ang mga tiyuhin ni Pinky na kapatid ni Tiyong Rusi.

“Ako naman si Helen. Ang nag iisang kapatid ng ina ni Pinky.”

“Nice to meet you po, ma’am.” Nilahad ko ang kamay sa ginang. Tinanggap naman nya yun.

“Tiyang na lang din ang itawag mo sa akin. Halika muna sa loob ng bahay.” Yaya sa akin ng ginang at binalingan si Pinky. “Pinky, asikasuhin mo itong nobyo mo.”

Tumingin sa akin si Pinky at sumimangot. “Tiyang, di ko na nga po sya boyfriend.”

“Asus! Huwag ka ng magpabebe. Kung anoman ang issue nyong dalawa. Ayusin nyo. Aba’y nakakahiya dito sa nobyo mo sinundan ka pa hanggang dito. Halika na iho sa loob.”

Nilingon ko muna ang mga tiyuhin at mga pinsan ni Pinky at nag excuse saka ako sumunod kay Tiyang Helen. Nilingon ko si Pinky ng mapansing hindi sya sumunod at nakatingin lang sa akin.

“Let’s go babe.” Untag ko sa kanya.

Pero inirapan lang nya ako at sinimangutan. Nginisihan ko lang sya.

“Pinky anak, anong tinatayo tayo mo dyan? Halika na.”

“Opo tiyang..”

Sumunod na rin sa amin ni Tiyang Helen si Pinky bagaman nakasimangot pa rin.

Pagpasok sa loob ng bahay ay naabutan ko pa doon ang ibang mga pinsan ni Pinky na mga babae at mas bata pa. Binati ko rin sila at isa isa naman silang nagpakilala sa akin na mga kinikilig pa. Tuloy ay pinagkukurot sila ni Tiyang Helen sa tagiliran. Pinapasok na rin sila sa kanilang mga kwarto.

Inalok naman ako ng pagkain ni Tiyang Helen. Hindi na ako tumanggi dahil nagugutom na rin ako. Kaya inaya na rin nya ako sa kanilang komedor. Pinasunod naman nya si Pinky na nanghahaba na ang nguso.

Sayang, narito si Tiyang Helen, hindi ko sya mahalikan. Miss na miss ko pa naman sya.


Chapter 28

Pinky POV

“BUHAY pa ba ang mga magulang mo iho?” Usisa ni Tiyang Helen kay Cedric habang kumakain sya.

“Oho, Tiyang Helen. Parehas pa hong buhay ang papa at mama ko.”

Tumango tango si Tiyang Helen. “Ano naman ang pinagkakaabalahan nila?”

“Ang papa ko ho ay isang negosyante at philanthropist. Ang mama ko naman ho negosyante rin.”

“Hindi pala basta basta ang mga magulang mo. Mabuti at hindi sila tutol sa pamangkin ko para sayo.”

Saglit na natigilan si Cedric at sumulyap sa akin. Nagbaba naman ako ng tingin sabay dampot ng basong may lamang tubig at inom.

“Si papa ho ay botong boto sa kanya, ganun na rin ang kapatid ko. Si mama, medyo tutol ho.. pero wala naman ho syang magagawa. Mahal ko si Pinky.”

Napalunok ako ng banggitin ni Cedric ang kanyang mama. Kapag nalaman ni Ma’am Adela na sinundan ako dito ni Cedric ay siguradong tatawag na naman sya at pagbabantaan ako.

“Ganyan talaga ang mga ina, iho. Lalo pa at lalaki ka. Gusto lang nila na the best ang babaeng makatagpo ng kanilang anak. Pero the best naman itong pamangkin ko. Maganda, mabait at higit sa lahat masipag. Hindi pa lang kasi nakikilala ng lubos ng mama mo ang pamangkin ko. Pero kung makikilala na nya ng lubos, kuh tiyak! Magugustuhan din nya itong pamangkin ko.”

Mapait akong ngumiti sa sinabi ni Tiyang Helen. Kung nalalaman lang nya ang ginawa ng mama ni Cedric, siguradong magagalit sya. Baka nga, di pa nya tanggapin dito sa bahay si Cedric.

“Teka, ilang taon ka na ba, iho?” 

“Treinta sais ho, tiyang.”

“Sampung taon pala ang tanda mo sa pamangkin ko.”

Ngumiti si Cedric at sumulyap sa akin. “Ganun na nga ho.”

“Kuh, mainam nga yan at mas matanda ka sa kanya. Mas matured kang mag isip. Minsan kasi si Pinky may pagka isip bata.” Saad pa ni Tiyang Helen na natatawa pa.

Napanguso naman ako. Hindi naman obvious na pabor ang tiyahin ko kay Cedric.

“Sinabi nyo pa ho. Pero mahal na mahal ko ho yang pamangkin nyo kahit isip bata.” Nakangisi pang dugtong ni Cedric.

Nag init naman ang mukha ko kasabay ng paglukso ng puso ko. Dinampot ko ulit ang sariling baso at sinalinan yun ng tubig at uminom.

“Talaga bang mahal mo ang pamangkin ko Cedric?” Nasa tono na ng boses ni Tiyang Helen ang kaseryosohan.

Muling tumingin sa akin si Cedric habang mabagal ba ngumunguya. Pumungay ang kanyang mga mata.

“Sobra ho tiyang. Ayoko ho syang mawala sa akin kaya sinundan ko ho sya dito.”

Nagbaba muli ako ng tingin at kumagat labi. Wala namang dudang mahal nya ako. Ramdam na ramdam ko yun sa mga titig pa lang nya.

“Nakikita ko nga na mahal mo ang pamangkin ko. At nakikita ko rin na mabuti kang lalaki at seryoso ka sa kanya.”

“Salamat ho Tiyang Helen.”

“Walang anuman. O sya, kain lang ng kain. Pinky ipagsandok mo pa nga ng kanin at ulam itong nobyo mo.” Utos pa sa akin ni Tiyang Helen.

Tumalima naman ako at kinuha ang bandehado at mangkok. Si Tiyang Helen naman ay patuloy pa ring hinuhunta si Cedric. Halatang gusto pa nya itong kilalanin.

Mamaya ay kakausapin ko si Cedric pagkatapos nyang kumain. Hindi pwedeng magtagal sya dito.

Napapabuntong hininga ako habang hinuhugasan ang mga pinagkainan ni Cedric. Katatapos lang nyang kumain at mukhang gutom talaga dahil ang dami nyang kinain. Kelan kaya sya huling kumain at ganun sya kagutom?

Ang plano ko na kausapin sya pagkatapos kumain ay hindi nangyari dahil inaya sya nila tiyong at mga pinsan ko na uminom sa labas. Nagpaunlak naman sya at hayun nakiumpok na sa labas. Nagpabili pa nga ng alak ang mga tiyuhin ko. Akala ko ay sasawayin sila ni Tiyang Helen dahil ang usapan ay uubusin lang ang natirang alak kahapon at magsisiuwian na sila. Pero hindi, hinayaan lang sila ni tiyang at pinaghanda pa ng pulutan. Nakakadalawang oras pa lang dito si Cedric pero asikasong asikaso sya ni Tiyang Helen at palagay na ang loob sa kanya. Pati mga tiyuhin at mga pinsan ko palagay na rin ang loob sa kanya.

Nilagay ko na sa a dish rack ang mga hinugasan para makatulo. Nilinisan ko na rin ang lababo. Si Tiyang Helen ay nagpaalam ng magpapahinga. Ako na daw ang bahala kay Cedric. Huwag ko daw munang pauwiin at patulugin muna sa bakanteng kwarto dahil gabing gabi na at nakainom pa sya. Ang lakas ni Cedric kay tiyang ha. Pero sa loob loob ko natutuwa ako na palagay ang loob ni Tiyang Helen kay Cedric. Sayang nga lang dahil hindi kami magkakatuluyan ni Cedric dahil sagad hanggang buto ang pagtutol sa akin ng ina nya.

Nagpunas ako ng kamay at lumabas na ng kusina. Naabutan ko ang mga pinsan ko na nagkukumpulan sa pinto at naghahagikgikan. Kumunot ang noo ko at nilapitan sila.

“Anong ginagawa nyo dyan?”

“Tinitingnan ang boyfriend mo, ate. Ihh! Ang gwapo talaga nya. Nakakakilig!” Kumikisay pang sabi ni Ave.

Kinurot ko naman sya sa tagiliran na ikinapitlag nya. “Aray te!”

Tumawa naman ang tatlo ko pang mga pinsan na mga teenager.

“Yan kasi, ang harot harot mo Ate Ave.”

“Oo nga! Boyfriend na yan ni Ate Pinky no.”

Ngumuso si Ave. “Alam ko no. Kinikilig lang naman ako.”

“Ang hilig mo talaga sa gwapo Ate Ave. Pero bakit hindi ka nagkakajowa ng gwapo at puro mga panget.” Hirit ni Loleng, na pinakabata sa apat.

Tumawa naman ang dalawa ko pang pinsan. Pabiro namang sinabunutan ni Ave si Loleng na tatawa tawa lang.

“Tama na yan, pumasok na kayo sa kwarto nyo. May mga pasok pa kayo bukas di ba?” Saway ko sa kanila.

“Samahan ka muna namin ate na bantayan si Kuya Pogi.” Hirit pa ni Ave.

“Huu! Haharutin lang nya si Kuya Cedric, Ate Pinky.” Sabat pa ni Loleng.

“Epal ka talaga. Inggit ka lang eh.” Tila napipikon ng sabi ni Ave.

“Bakit ako maiinggit eh mas maganda ako sayo.” Bira pa ni Loleng sabay hawi ng mahabang buhok.

Sinaway ko ulit sila bago pa tuluyang magkapikunan. “O tama na. Baka magkapikunan pa kayo. Pumasok na kayo sa kwarto nyo at matulog na. O baka gusto nyong tawagin ko pa si Tiyang Helen para may kurot kayo sa singit tig iisa.” Banta ko sa kanila.

Tumalima naman sila at nagpaunahan ng pumasok sa kanilang kwarto. Napailing iling na lang ako at tumingin sa mga nag iinuman sa labas partikular kay Cedric. Gwapo naman talaga ang kumag kaya di na nakakapag tangkang kiligin sa kanya ang mga pinsan ko. Ganun na ganun din ako noong una ko syang makita.

Nakikipag tawanan at nakikipag kwentuhan si Cedric sa mga tiyuhin ko at pinsan na mga lasing na. Kahit makukulit ang mga ito ay pasensyoso syang nakikinig sa mga ito at tumatango tango sa mga kwento. Napapansin kong panay ang tagay sa kanya ng mga pinsan ko. Gin pa naman ang iniinom nila. Siguradong mamaya ay plakda sya.

Umiling iling ako at umalis na sa pinto. Tinungo ko ang bakanteng kwarto na tutulugan ni Cedric. Malinis naman yun at mukhang bagong palit ang bed cover at mga punda. May stand fan din sa gilid ng kwarto. Hindi naman mainit dito sa lugar namin dahil maraming puno at mahangin pa. Sinarado ko na ang pinto at bumalik sa sala. Muli kong binuksan ang flat screen tv. Hindi ako makakatulog hanggang hindi pa sila tapos uminom.

Humikab ako at humiga sa sofa habang nakatutok ang mata sa tv. Pero mayamaya lang bumibigat na ang talukap ng aking mga mata..

“Pinky.. Pinky..”

“Hmm..” Naalimpungatan ako sa mahihinang tapik sa braso ko. Dumilat ako at sumalubong sa akin ang lasing ng si Tiyong Mario.

Bumangon ako at kinusot kusot ang mata. Nakatulog pala ako.

“Bakit po tiyong?”

“Tapos na kaming uminom.. Yung nobyo mo lashing na.”

Tumayo ako. Sakto namang pumasok si Kuya Doy akay si Cedric na lasing na katuwang nya si Jasper at si Niño. Mga nakangiwi sila at hirap na hirap. Lumapit naman ako sa kwarto na tutulugan ni Cedric at binuksan ang pinto nun. Pinasok naman ng mga pinsan ko si Cedric at dahan dahang hiniga. Pagkatapos ay sumipol sila at inunat ang mga braso at likod.

“Anak ng tokwa! Ang bigat ng jowa mo Pinky. Para akong nagbuhat ng tatlong sakong bigas.” Nangingiwing sambit ni Kuya Doy.

Ngumiwi naman ako. “Kayo kasi eh, pinainom nyo ng pinainom. Pero salamat.”

“Sige, uuwi na kami. Nalinis na namin yung mga kalat sa labas dahil yari kami kay tiyang kapag naabutan bukas na makalat sa labas.”

“Mabuti naman.”

Hinatid ko muna ang mga pinsan at mga tiyuhin sa labas. Malinis na ang harapan. Nakatabi na ang mga bote. Pero ang mga ginamit nilang plato, baso, pitsel at kutsara ay nasa lababo. Ako na lang ang maghuhugas ng mga yun.

“Uuwi na kami Pinky. I-lock mo ang mga bintana at pinto.” Bilin ni Tiyong Mario na sumusuray suray na sa paglalakad. Inakbayan pa sya ng lasing ding si Ka Erning.

“Opo tiyong, ingat po kayo sa pag uwi.”

Malapit lang naman ang mga bahay nila na dito rin naman sa compound at natatanaw ko. Si Tiyang Nita nga ay nakita kong lumabas ng pinto at hinihintay na si Tiyong Erning at si Jasper.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at sinarado na ang pinto at ni-lock. Sinarado at nilock ko na rin ang bintana. Pinatay ko na rin ang tv na nakatulugan ko lang kanina.

Bumalik ako sa kwarto ni Cedric. Nilapitan ko ang stand fan at binuhay. Tinutok ko yun sa kanya. Nalapitan ko si Cedric. Malalim na ang paghinga nya na bahagya pang may hilik. Lasing na lasing na nga.

Napapailing na lumapit ako sa paanan ni Cedric at hinubad ang safety shoes nya para mas maging komportable sya sa pagtulog. Tinabi ko ang sapatos nya sa ilalim ng kama. Ngunit napapitlag ako ng gumalaw sya at umungol.

“Pinky babe.. I’m shorry..”

Natigilan ako sa sinambit ni Cedric.

Bakit sya nagso-sorry?


Chapter 29

Pinky POV

NAG inat ako at dinilat ko ang inaantok pang mga mata. Naririnig ko na ang mga tilaok ng manok at boses ng mga tiyahin at tiyuhin ko.

Dinampot ko ang cellphone sa side table at binuksan yun. Nandilat ang mata ko ng makitang alas otso na pala ng umaga. Bumangon na ako at tumayo. Tinanghali na ako ng gising. Paano ba naman alas dose na ako nakatulog kagabi.

Natigilan ako ng maalala si Cedric.

Oo nga pala! Bigla syang sumulpot dito kagabi at nakipag inuman pa sa mga tiyuhin at mga pinsan ko. Tapos nalasing sya at inakay ng mga pinsan ko sa ibabang kwarto kung saan sya natulog.

Bumuntong hininga ako at sinuklay ng mga daliri ang buhok.

Gising na kaya sya at nakaalis na? Hindi ko pa sya nakakausap.

Lumapit ako sa saradong bintanang kahoy at binuksan yun. Sumalubong sa akin ang simoy ng hanging pang umaga. Mataas na rin ang araw dahil alas otso na. Naririnig ko ang mga boses ng tiyahin ko at tiyuhin na nasa likod ng bahay. Bumalik ako sa kama at niligpit ang kumot at pinagpagan ang mga unan. Pinatay ko na rin ang stand fan saka ako bumaba at dumiretso ng banyo para maghilamos at mumog.

Walang tao sa loob ng bahay at lahat ay nasa labas na. Ang mga pinsan ko ay mga pumasok na sa eskwela. Si Tiyang Helen naman ay nasa likod bahay dahil naririnig ko ang kanyang boses. Tiningnan ko ang kwartong tinulugan ni Cedric. Sarado pa iyon. Lumapit na ako doon at dahan dahan kong pinihit ang door knob at sumilip. Wala na si Cedric sa loob at maayos na ang kama.

Mabigat akong bumuntong hininga. Mykhang umuwi na sya ng hindi man lang kami nakakapag usap ng maayos. Pero mainam na rin nga yung umuwi na sya bago pa malaman ni Ma’am Adela na nagpunta sya dito.

Pumasok ako sa kusina at lumabas sa pintong nakabukas na diretso sa likuran ng bahay. Naabutan ko na nga ang mga tiyahin ko na abala na sa paghahanda ng paggawa ng mga kakanin. Ang mga tiyuhin ko naman ay nagsisibak na ng mga kahoy.

“O gising ka na pala anak.” Bati sa akin ni Tiyang Helen nagbabalat na ng saging para gawing nilupak.

Nahihiya naman akong ngumiti. “Morning tiyang, pasensya na po tanghali na ako nagising.”

“Ayos lang, late ka na kasing nakatulog kagabi dahil nagiinuman pa ang mga tiyong mo at nobyo mo.”

Sa pagkakabanggit ni Tiyang Helen sa salitang ‘nobyo mo’ ay kumislot ang puso ko.

“Si.. Cedric po tiyang, anong oras po umalis?”

Kumunot ang noo ng aking tiyahin. “Anong umuwi? Hayun sya kasama ni Doy na nangunguha ng mga dahon ng saging.”

Tinuro ni tiyang ang direksyon ng sagingan. Naroon nga si Cedric kasama si Kuya Doy at nangunguha sila ng dahon ng saging. Naka sando syang puti kaya kitang kita ko ang mga naglalakihan nyang mga muscles sa braso kahit nasa malayo sya. Sya ang may hawak ng itak at pinuputol ang dahon ng saging. Tinuturo naman ni Kuya Doy kung anong dahon ang kukunin.

“Kuh, kanina pa namin sinasaway yang nobyo mo na huwag ng tumulong dahil nakakahiya at bisita sya. Pero ayaw magpasaway. Hindi pa nga nag aalmusal yan at nagkape lang dahil ang gusto ay sabay daw kayo.” Ani Tiyang Helen.

Nanunuksong ngumiti naman si Ate Carmen. “Hindi halatang patay na patay sayo yang nobyo mo. Ang swerte mo talaga day! Ang gwapo ng nobyo mo, macho at mabait pa. Kaya huwag mo ng pakawalan.”

“Swerte ka rin naman sa akin ah. Ikaw talaga mahal, nawala lang ako saglit sa paningin mo nakakita ka na ng ibang gwapo.” Singit ni Kuya Junie na bagong dating. Karga nya si Jimboy na may hawak pang dede habang si Lucas ay hawak nya sa isang kamay.

“Syempre naman swerte din ako sayo mahal. Makakita man ako ng ibang gwapo hanggang tingin na lang ako. Syempre ikaw pa rin ang mahal ko, mahal.” Ani Ate Carmen at kinuha si Jimboy at nag smack kiss pa sila ni Kuya Junie.

Nangingiti na lang ako.

“Huu umay! Aga aga.” Pasaring ni Jasper sa mag asawa. Nagtawanan naman sila tiyang at tiyong.

“Inggit ka lang dahil wala kang jowa.” Bwelta naman ni Ate Carmen.

Napasimangot na lang si Jasper habang nagtatadtad ng mga sari saring gulay na ipapakain sa mga baboy.

Nag paalam na si Kuya Junie sa asawa at mga anak nya pati na rin sa amin. Mabait na asawa at ama si Kuya Junie. Isa syang makeniko at namamasukan sa isang builder company sa kabilang baranggay.

“Naku, bakit ikaw pa ang nagbuhat ng mga yan. Nadumihan ka tuloy.” Nag aalalang sambit ni Tiyang Helen ng makabalik na si Cedric at Kuya Doy. Nilapag nila sa mesang kawayan ang mga kinuhang dahon ng saging.

“Ayos lang ho Tiyang Helen.” Nakangising sambit ni Cedric at tumingin pa sa akin.

“Salamat iho. O sya mag almusal na kayo ni Pinky.” Bumaling sa akin si Tiyang Helen. “Pinky, asikasuhin mo tong nobyo mo. Mag almusal na kayo.”

Bmuntong hininga ako. “Opo tiyang.”

Tumalikod na ako at pumasok sa loob ng bahay. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong nakasunod sa akin si Cedric.

“Maupo ka na, maghahain na ako.” Untag ko kay Cedric ng hindi sya nililingon.

Kumuha na ako ng dalawang plato, kutsara at tinidor. Nasa mesa na ang nilutong almusal ni Tiyang Helen at mga nakatakip. Lumapit na ako sa mesa kung saan nakaupo na si Cedric at nakasunod ang tingin sa akin.

“Morning babe..” Bati pa nya ng ilapag ko na ang dalawang plato, kutsara at tinidor.

Ngumuso naman ako at inirapan sya. “Pagkatapos nating kumain mag uusap tayo.” Sambit ko sa malamig na boses.

Pero nginisihan nya ako. “Sure, kumain na tayo. Nagugutom na ako eh.” Aniya at sinandukan na ng sinangag ang isang plato at nilapag sa harap ko.

“Bakit kasi hindi ka pa sumabay kumain kanina kanila tiyang?” Sambit ko habang nagtitimpla ng kape sa dalawang tasa.

“Hindi pa ako gutom kanina. Saka gusto ko sabay tayo.”

Kinagat ko ang loob ng labi at pinigilang mangiti. Hindi ako dapat mangiti. May kasalanan sya sa akin eh.

Wala kaming imikan ni Cedric habang kumakain. O mas tamang sabihing hindi ko sya iniimik. Panay ang sulyap nya sa akin habang sunod sunod ang subo. Daing na bangus, itlog na maalat na may kamatis at kalderetang itik na ulam pa namin kagabi na ininit lang. Hindi naman maarte sa pagkain si Cedric.

“Ang tahimik mo naman. Parang hindi ka masaya na nandito ako.” Untag nya sa akin at dinampot nya ang tasa ng kape at humigop habang nakatingin sa akin.

Bumuntong hininga ako at mabagal na ngumuya. “Hindi sa hindi ako masaya. Naguguluhan lang ako kung ano ang ginagawa mo dito sa Quezon. Bakit mo ko sinundan? Akala ko ba titigilan mo na ako.”

Sya naman ang bumuntong hininga at naging matiim ang tingin sa akin. “Mamaya na natin pag usapan yan. Tapusin muna natin ang almusal.”

Napailing iling na lang ako at binuhos na lang ang atensyon sa pagkain. Mamaya ay pauuwiin ko na sya.

Pagkatapos naming kumain at niyaya ko sya sa labas ng bahay. Doon ko sya dinala sa ilalim ng puno ng mangga na may pahingahan.

Umawang ang labi ko sa sinabi ni Cedric. Higit ko ang hininga at wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na kabog ng puso ko. Nanginginig ang kamay ko at nagbabantang pumatak ang luha ko. Alam na nya ang ginawa ng kanyang ina. Sa pananakot sa akin at sa pag sunog sa tindahan ni Tiyong Rusi at Tiyang Les. Halo halo ang nararamdaman ko. Tuwa dahil nalaman nya ng hindi ko sinasabi at pangamba at takot sa kanyang ina.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin agad Pinky?”

Lumunok ako at sinibat sya ng matalim na tingin. “Paano kong sasabihin? Tinatakot nga ako ng mama mo.. at kapag sinabi ko ba, maniniwala ka?”

“Oo.” Kaagad nyang sagot.

Nag iwas ako ng tingin. Tinuon ko ang mata sa mga asong naghahabulan sa malawak na bakuran pero wala naman doon ang isip ko.

Lumapit naman sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “I’m sorry sa ginawa ni mama babe..”

Dinala ni Cedric ang kamay ko sa kanyang labi at hinalik halikan yun.

Lumunok ako at kumurap, kasabay nun ang pagpatak ng aking luha. “N-Ngayong alam mo na, siguradong lalong magagalit sa akin ang mama mo. Bakit ba kasi nagpunta ka pa rito? Bakit sinundan mo pa ako? Tapos na tayo di ba? Nangako ka na titigilan mo na ako..”

“Bakit kita titigilan? Mahal natin ang isa’t isa.”

Tumingin ako sa kanya. “Pero tapos na nga tayo Cedric..” Hindi porke’t alam na nya ang ginawa ng kanyang mama ay magiging maayos na ang lahat sa aming dalawa.

Tumiim ang tingin nya sa akin. “Nakipag hiwalay ka lang sa akin dahil tinakot ka ni mama.”

“At ngayong alam mo na ang lahat, lalong magagalit sa akin ang mama mo. B-Baka kung ano na naman ang gawin nya sa pamilya ko. Kaya please lang Cedric.. layuan mo na ako.”

Gumuhit ang sakit sa kanyang mukha. “Hindi mo na ba ako mahal?”

“Mahal kita.. mahal na mahal. Pero mahal ko rin ang pamilya ko Cedric. Ayokong maulit ang nangyari kanila Tiyong Rusi at Tiyang Les. Sana maintindihan mo ko..” Muling pumatak ang luha ko.

Tinaas nya ang isang kamay at pinunasa ang luha sa pisngi ko. “Naiintindihan ko babe.. at hindi ko na rin hahayaang maulit pa yun. Hindi na gagalawin ni mama ang pamilya mo at hindi na rin nya tayo pakikialaman.”

“Paano ka nakaksiguro?”

Mapait syang ngumiti. “Dahil sinabihan ko sya.. Kapag ginalaw nya ulit ang pamilya mo at pinakialaman nya ulit tayo, baka kalimutan ko ng ina ko sya. Nagagalit ako sa ginawa nya sayo at kanila Tiyong Rusi at Tiyang Les. Pinag iisipan na ng tiyong at tiyang mo na sampahan ng kaso si mama. Anoman ang maging desisyon nila ay hindi ako mangingialam. Dapat lang din harapan ni mama ang kaparusahan sa ginawa nya. Masakit man sa akin pero yun ang tama. Mahal ko si mama dahil ina ko sya.. pero mahal din kita.. mahal na mahal dahil ikaw lang ang babaeng kailangan ko. Sayo lang ako masaya at ikaw na ang buhay ko..”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya ng mahigpit. Sunod sunod ng tumulo ang luha ko. Yun lang ang gusto kong marinig. Ang masiguro nyang hindi na mapapahamak ang pamilya ko sa mama nya.


Chapter 30

Pinky POV

NATATAWA ako habang pasulyap sulyap kay Cedric. Hindi nya kasi makuha ang tamang pagbabalot ng suman budbod. Halatang nafu-frustrate na rin sya dahil panay ang buntong hininga. Nakapitong balot na ako samantalang sya ay hindi pa matapos tapos sa isa.

Bahala sya dyan! Gusto nyang tumulong eh. Sabi ko kanina huwag na dahil hindi sya marunong. Pero madali lang daw yun. Eh di sige.

Ngunit mayamaya lang matapos ang maraming beses nyang attempt nakuha na rin nya ang tamang pagbabalot. Yun nga lang medyo hindi pantay pantay. May maiksi at may mahaba, may mataba at payat.

“Madali lang pala eh.” Nakangisi nyang sabi at tumingin pa sa akin. Nakalima na sya agad na balot at bumibilis na ang pagbabalot nya.

Tumaas ang kilay ko. “Madali nga, pero hindi naman pantay pantay ang balot mo. May daks at jutay.”

Kumunot ang noo nya. “Anong daks at jutay?”

Ngumisi ako. Hindi pala nya alam yun.

“Malaki at maliit.”

“Ayos lang yan. Pang meryenda na lang natin yan.” Singit ni Tiyang Helen.

Ngumisi naman si Cedric. “Ayos lang daw to sabi ni tiyang.”

Ngumuso ako. Lakas nya talaga kay tiyang.

Napaigtad ako ng sundutin nya ang tagiliran ko. Nilingon ko sya at tinaasan ng isang kilay.

“Bakit?”

“Nguso ka ng nguso, hahalikan na kita dyan eh.” Nakangising sabi nya.

“Yiheeh!” Nanunuksong bulalas naman ng mga tiyuhin, tiyahin at mga pinsan ko na sa amin pala mga nakatingin.

Para namang dinilaan ng apoy ang mukha ko sa pag iinit nito dahil sa hiya. Loko kasing Cedric ang lakas ng boses.

“Isang kiss nga dyan o!” Sulsol pa ni Jasper.

Sinamaan ko ng tingin ang pinsan. Pero nginisihan lang nya ako. Napapitlag na lang ako sa gulat ng bigla akong halikan sa pisngi ni Cedric. Muli na naman umingay ang panunukso nila sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay kasing pula na ng kamatis ang aking mukha.

Pailalim ko na lang na tiningnan si Cedric at inirapan. Proud na proud pa ang hitsura nya. Malakas ang loob dahil alam nyang boto sa kanya ang mga kamag anak ko.

“Mukhang maayos na kayo ni Cedric, anak.”

Nag angat ako ng tingin kay Tiyang Helen habang nagdidikdik sya ng bawang. Ako naman ay hinihiwa ang papayang hilaw na isasahog sa tinola.

Ngumiti ako sa tiyahin. “Opo tiyang.”

“Mabuti naman kung ganun. Masaya ako na makitang maayos na kayo. Nakikita ko namang mahal nyo ang isa’isa at nakikita kong masaya ka sa kanya. Iba ang ngiti mo kapag kausap mo sya. Nangingislap pa ang mga mata mo habang titig na titig ka sa kanya.”

Kumagat labi ako at nangiti. Napapansin din pala yun ni tiyang.

Pangatlong araw na ngayon ni Cedric dito sa amin. Nagleave daw sya ng isang buwan para sa akin. Enjoy naman sya sa simpleng buhay dito at kasundo pa nya ang mga kamag anak ko.

Matapos ang masinsinan naming pag uusap ni Cedric ay naging maayos na kami. Panay nga ang hingi ng sorry nya sa ginawa ng mama nya. Hindi naman ako galit sa kanya at never naman akong nagalit sa kanya. Wala naman syang kasalanan. Sadyang ayaw lang sa akin ng mama nya at dumating pa sa puntong gumawa ito ng bagay na ikinapahamak ng pamilya ko para matakot lang ako. Pero ngayon hindi na ako natatakot dahil nasa tabi ko na si Cedric. Hindi na ako basta matatakot ngayon ni Ma’am Adela. Handa naman akong patawarin si Ma’am Adela kung bukal sa loob nya ang paghingi ng tawad.

“Tata, Lola Len!”

Sabay kaming lumingon ng marinig ang maliit na boses ni Lucas. Kapapasok lang ng pamangkin ko sa kusina at may hawak syang ice cream na sarap na sarap nyang dinidilaan. Kasing tamis nito ang kanyang ngiti. Humahagikgik pa sya sa kilig. Paborito nya kasi ang ice cream na chocolate flavor. Kulay chocolate na nga ang nguso nya.

“O saan galing yang ice cream mo?” Tanong ni Tiyang Helen.

“Kay Tito Tedric po. Bumili po sya daming aysklim. Salap salap nga po eh.” Ani Lucas at dumila ng mahaba sa ice cream.

“Nag thank you ka ba?” Ani tiyang.

Tumango tango naman si Lucas na sunod sunod na ang dila. Bigla rin tuloy akong natakam sa ice cream.

Eksakto namang pasok din ni Cedric sa kusina karga si Jimboy na may pasak ng dede ang bibig. May bitbit din si Cedric na supot na may lamang limang container na ice cream at meron pang mga naka-cone. Binili nya yun sa ice cream shop sa bayan na paborito ko.

Nilapag ni Cedric sa mesa ang plastic. Lumapit naman doon si Lucas at umakyat sa upuan at binuksan ang plastic. Tuwang tuwa sya dahil maraming ice cream. “Dami aysklim!”

“Ang dami naman nyan.” Sambit ko.

“Ayos lang babe. Marami naman tayo. Saka sabi ni Ave at Loleng paborito mo raw yang ice cream na yan.” Nakangising sabi nya.

“Oo, paborito nya yan. Kapag narito sya sa Quezon panay ang bili nya nyan.” Singit ni Tiyang Helen na nagsasangkutsa na.

Sinilip ko rin ang plastic at tiningnan ang flavor na binili ni Cedric. Iba iba ang flavor pero hindi nawala ang dalawang paborito ko. Cheese at rocky road. Gustong gusto ko ang ice cream sa bayan dahil lasang lasa ang flavor at ma-creamy pa.

“Ako din po Tito Tedric. Paborito ko din po ang aysklim!” Pagbibida ni Lucas.

Ngumisi si Cedric at pinisil ang pisngi ng pamangkin kong makulit. “Halata nga. Malapit ng maubos yang hawak mo eh.”

Humagikgik naman si Lucas. “Talap po eh. Penge pa po ako ita ah!”

“Tama na yan Lucas. Baka ubuhin ka na naman.” Saway ni Tiyang Helen.

Ngumuso ang pamangkin ko at kumamot na lang sa ulo. Pag nasobrahan kasi sya sa matamis at malamig ay iniihit sya ng ubo.

Natawa na lang kami ni Cedric sa pamangkin ko na ngayon ay inuunti unti na ang natitirang ice cream na hawak nya. Kailangan na nyang namnamin yun dahil bawal na syang umulit.

“Thank you babe..” Saad ko sa nobyo.

“You’re welcome babe.. kain ka na ng ice cream baka matunaw na yan at ubusin pa ni Lucas.”

“Mamaya na pagkatapos ng kumain.” Dinampot ko ang plastic na may lamang ice cream ay nilagay muna sa freezer para hindi agad matunaw.

Bumalik ako kay Cedric para kunin si Jimboy dahil nakakahiya naman na buhat nya ito. Pero ang pamangkin ko ay ayaw sumama sa akin at yumakap pa sa leeg ng nobyo kong nakangisi na.

Napakunot noo na lang ako. Parang gusto kong magtampo sa pamangkin. Noong mga nakaraang araw lang kapag nakikita nya ako agad syang sumasama sa akin at ayaw bumitaw. Tapos ngayon ayaw nyang sumama sa akin.

“Ganyan talaga yan si Jimboy. Kapag may bagong mukha dun sya sumasama. Naku, madali ngang mananakaw ang batang yan.” Natatawang sabi pa ni Tiyang Helen.

Sumimangot naman ako. Ganun pala yun. Akala ko ako na ang favorite ferson ng pamangkin ko. Pero dumating si Cedric at ito na ang paborito nya.

Sinubukan ko pa uling kunin si Jimboy pero ayaw nya talagang sumama at tinatabig pa ang kamay ko. Nag iyak iyakan pa ako kunwari pero no effect. Tinawanan lang nila ako ni Cedric.

“Huwag mo na kasing pilitin. Ayaw nya talagang sumama sayo.” Nakangising hirit pa ni Cedric.

Sumimangot ako. “Binubulungan mo kasi.”

“Bakit ko naman sya bubulungan? Hindi pa nga sya nakakaintindi. Sadyang ayaw lang nyang sumama sayo dahil ako lang ang gusto nya. Right bigboy? Kiss tito.”

Ngumuso naman ang pamangkin ko at hinalikan sa pisngi si Cedric sabay bungisngis. Ngising ngisi naman ang nobyo ko na parang lalo pang nang aasar.

Napasimangot tuloy ako lalo. Pero sa bandang huli ay napangiti na rin dahil nakakatuwa silang pagmasdan. Lalo pa at ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Cedric na may kargang bata at binibaby talk pa ito. Pakiramdam ko tuloy parang gusto na nyang magkaanak. Parang ready na nga syang maging daddy.

Sa pagsagi sa isip ng bagay na yun ay kumislot ang puso ko. Parang gusto ko na ring magkababy. Nasa tamang edad naman na ako. Naunahan na nga ako ng ibang mas bata sa akin eh.

Tumingin ako kay Cedric na kinikiliti sa tiyan si Jimboy. Panay naman ang hagikgik ng pamangkin ko. Bigla tuloy bumuhos sa alaala ko ang mainit na gabing pinagsaluhan namin ni Cedric isang linggo na ang nakakaraan. Halos buong magdamag naming inangkin ang isa’t isa at walang proteksyon. Posibleng may mabuo sa sinapupunan ko. Malalaman yun paglipas ng isang buwan.

“Babe..” Untag sa akin ni Cedric.

“Ha?”

Ngumisi sya. “Are you okay? Titig na titig ka sa akin.”

Ngumiti ako. “Wala.. naisip ko lang, bagay sayo ang may kargang bata.”

Mahina syang tumawa. “Really?”

Tumango ako.

“Eh di bigyan mo na ako ng baby.”

Nag init ang mukha ko sa kanyang sinabi. Gusto na rin pala nyang magkababy.


Sorry late update. Nakatulog agad kagabi 😅

Chapter 31

Pinky POV

HUMIKAB ako at binaba na ang brush sa  tokador. Tinanggal ko na rin sa saksakan and hair blower at niligpit na yun. Tumayo na ako at lumapit na sa kama para mahiga ngunit natigilan ako ng makarinig ng mahihinang katok. Kumunot ang noo ko at tumingin sa pinto. Lumapit ako doon at binuksan. Nahigit ko ang hininga ng makita si Cedric.

“Cedric.. may kailangan ka?”

Humimas sya sa batok. “May sasabihin ako..” Aniya sa mahinang boses.

Kumunot ang noo ko. “Ano yun?”

Luminga muna sya at hinawakan ang door knob. “Sa loob ko na sasabihin.”

Dahan dahan nyang tinulak ang pinto at pumasok. Umawang na lang ang labi ko at hindi na nakapag protesta. Sinarado pa nya ang pinto at nilock pa. Naamoy ko naman ang sabong ginamit nya pang ligo. Mukhang bagong ligo nga sya dahil amoy fresh at mamasa masa pa ang buhok.

Tumikhim ako. “Ano bang sasabihin mo?” Tanong ko. Pero parang nagdududa na ako.

Lumapit pa sya ng husto sa akin. “Dito ako matutulog.”

Suminghap ako sa sinabi nya at namilog ang mata. “Ano? Hindi pwede!”

Umusli ang labi ni Cedric at hinapit nya ang bewang ko. “Please babe.. miss na miss na kita. Ilang gabi na akong di makatulog ng maayos sa kwarto ko. Gustong gusto na kitang tabihan.”

Lumunok ako. Nasa tono ng kanyang boses na para bang ilang gabi na syang hirap na hirap sa pinagdadaanan.

“P-Pero Cedric.. hindi pwede. Nasa ibabang kwarto lang si tiyang at nasa kabilang kwarto naman ang mga pinsan ko.”

“Promise.. hindi tayo maingay.” Giit pa nya.

“Cedric.”

“Babe, matutulog lang tayo. Wala naman tayong ibang gagawin. Unless.. may iba ka pang gustong gawin natin.” Dugtong pa nya sa nanghihibong boses.

Napasinghap ako at pinalo sya sa dibdib. Mahina naman syang tumawa. Nagiinit ang mukha ko at malakas ang kabog ng dibdib ko.

“Syempre wala akong gustong gawin no. At kung meron man.. hindi pwede dito. Ma e-eskandalo ang mga pinsan ko lalo na si tiyang..” Inirapan ko sya.

Tatawa tawang pinisil nya ang ilong ko. “Ikaw talaga kung ano ang iniisip mo. Matutulog lang tayo babe.”

Tumaas ang kilay ko at ngumuso ako. “Bakit parang kasalanan ko? Ikaw yung may ibang iniisip no. Binaliktad mo pa ako.”

Ngumisi sya. “Tss! Dami pang sabi. Matulog na nga lang tayo.”

Natuptop ko ang bibig ng impit akong mapatili nang bigla nya akong buhatin. Dinala nya ako sa kama ko at hiniga sabay tabi din nya ng higa sa akin. Nilagay pa nya ang isa nyang braso sa ulo sabay yakap sa bewang ko. Lumingon ako sa kanya. Sya namang halik ng mariin sa aking labi.

“Good night babe..” Nakangising saad pa nya.

Lalo namang nag init ang mukha ko. Tumitig ako sa gwapo nyang mukha. Namiss ko rin itong titigan bago matulog.

“Loko ka talaga.. Kapag tayo nakita ni tiyang na magkatabing natutulog, pipikutin ka nun. May pagka conservative pa naman si tiyang.”

Lumapad lalo ang ngisi ni Cedric at kinabig pa ako padikit sa kanya. “Eh di ayos, hindi na ako mahihirapan. Dapat nga siguro ganun ang gawin ko. Magpapahuli ako kay Tiyang Helen na dito ako natulog.”

Natatawang pabiro ko syang pinalo sa braso. “Gusto mo ba talagang mapikot?”

“Basta ikaw ang pipikot, willing na willing ako.” Walang pagdadalawang isip na sagot nya sabay dampi ng mariing halik sa noo ko.

Humagikgik ako at dinampian ko rin sya ng halik sa labi. Alam na alam talaga ng mokong kung paano ako pakiligin.

Ang simpleng padampi dampi lang ng halik sa labi ay naging mariin hanggang sa naging malalim at mapaghanap. Dominante at mapusok ang halik ni Cedric na halos di ko na masundan. Damang dama ko ang pananabik nya sa akin. Halos kapusin na rin ako ng hininga. Nakadagan na sa akin ang kalahati ng kanyang katawan. Ang kanyang mainit at magaspang na kamay ay humahaplos na rin sa aking braso at likuran. Tila sinisilaban  ang balat kong nadadaanan ng kanyang kamay. Hanggang sa dumako ang kanyang kamay sa puwitan ko at pumisil. Kinabig pa nya yun at naramdaman ko ang kanyang kahandaan na bumunggo sa aking puson. Doon na ako parang nagising sa isang masarap na panaginip.

Tinulak ko ang mukha ni Cedric at naghiwalay ang aming labi. Habol ko ang hininga habang sya ay nakaawang lang ang labi at titig na titig sa akin ang mapupungay nyang mata. Akmang hahalikan nya ako ulit pero tinakpan ko na ng kamay ang kanyang labi.

“Tama na, baka makalimot tayo..” Wika ko.

Tinanggal nya ang kamay ko at hinalikan yun sabay ngisi. “That’s what I want babe..”

Sinamaan ko sya ng tingin. “Ang sabi mo matutulog lang tayo.”

Mahina syang tumawa. “Sinusubukan ko lang kung pwede akong makaisa ngayon.”

“Well, sorry ka na lang major. Di ka makakaisa ngayong gabi kaya tulog na tayo. Maaga ka pang gigising bukas para bumalik sa kwarto mo sa ibaba.” Pumihit ako patalikod sa kanya sabay ngiti.

“Oo na po, matutulog na..” Natatawang sabi na lang nya sabay yakap sa bewang ko at kabig sa akin padikit sa kanyang malapad na katawan.

“Goodnight babe.. love you..” Anas nya at hinalikan ang buhok ko.

“Night.. love you too..” Ganting anas ko at pumikit na.

Kailangan ko ng matulog bago pa sakupin ng tukso ang utak ko at magpatangay ako. Lalo pa at nararamdaman ko pa rin ang kahandaan nya na bumubundol sa puwitan ko.

“BABALIK kayo dito ha. Dadalaw dalaw kayo. Mamimiss ko kayo.” Ani Tiyang Helen ng ihatid nila kami ni Cedric sa sasakyan.

Babalik na kami ngayon ni Cedric sa Manila dahil tinawagan sya kagabi ni Tito Edgardo at pinapauwi para pag usapan ang tungkol sa ina nya. Sumama na rin ako para harapin na rin ang kanyang ina.

“Opo naman tiyang, babalik pa rin kami dito ni Cedric. Mamimiss ko rin po kayo ng sobra.” Niyakap ko si Tiyang Helen na nangingilid na ang luha sa mga mata.

“Huwag ho kayong mag alala Tiyang Helen. Isang beses sa isang buwan pupunta kami rito ni Pinky.” Ani Cedric at niyakap rin si tiyang.

“Salamat iho, ingatan mo ang pamangkin ko ha.”

“Oho tiyang, ako hong bahala sa kanya.” Inakbayan ako ni Cedric.

“Hihintayin namin ang pagbabalik mo bayaw. Basta sa pagbalik mo shot puno ulit tayo.” Wika naman ni Kuya Doy na ikinangisi ni Cedric.

Nagpaalam na rin sa amin ang iba ko pang mga pinsan. Kanya kanya ng hayag na mamimiss nila kami. Sigurado namang babalik kami ni Cedric.

“Pakikamusta na lang ako kay Rusi at Les.” Bilin pa ni Tiyong Mario.

“Opo tiyong.” Sabi ko.

“O sige na, lumakad na kayo. Baka mapahaba pa ang byahe nyo dahil sa trapik.”

“Bye po tiyang. Tatawag tawag po ako lagi sa inyo.” Humalik ako sa pisngi ni Tiyang Helen.

“Tumawag ka kapag nasa Manila na kayo.”

“Opo.”

Sumakay na kami ni Cedric sa sasakyan. Binuhay na nya ang makina habang ako naman ay panay ang kaway sa mga kamag anak ko. Ngayon pa lang namimiss ko na sila lalo na si Tiyang Helen.

Tinaas ko na ang salaming bintana ng pausarin na ni Cedric ang sasakyan. Umayos naman ako ng upo at sinandal ang ulo sa headrest sabay buntong hininga.

“Ayos ka lang?”

Nilingon ko si Cedric at ngumiti. “Ayos lang. Medyo nalulungkot lang ako na babalik na tayo ng Manila. Parang miss ko na nga agad sila lalo na si tiyang.”

Inabot ni Cedric ang kamay ko at pinisil. “Don’t worry, babalik pa rin naman tayo dito.”

Tumango tango ako at tinuon na ang tingin sa labas ng sasakyan.

Tumunog ang cellphone ni Cedric na nakapatong sa dashboard. Sinilip nya ang screen at nahagip ng mata ko na ang mama nya ang tumatawag. Pero hindi nya yun sinagot at pinatay. Natigilan naman ako dahil ngayon ko lang nakitag pinatayan nya ng cellphone ang ina. Dati sa tuwing tatawag ang ina nya ay lagi nya yung sinasagot.

“Bakit hindi mo sinagot ang tawag ng mama mo?” Hindi na ako nakatiis na itanong.

Bumuntong hininga sya at sumulyap sa akin. “Ayoko muna syang kausapin sa ngayon.”

Tumaas ang kilay ko. “Bakit?”

Saglit syang hindi nagsalita at mariin lang na nakalapat ang mga labi.

“Hangga’t hindi nya pinagsisisihan ang ginawa nya sayo at sa pamilya mo hindi ko sya kakausapin. Gusto kong malaman nya na seryoso ako sa banta ko sa kanya.” Aniya sa seryosong mukha.

Napaawang na lang ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Alam kong nahihirapan sya sa sitwasyon nila ngayon ng kanyang ina.


Busy po ako tomorrow dahil laba day. But I’ll try na makapag update ;)

Chapter 32

Pinky POV

“NAKAPAGDESISYON na kami ng Tiyang Les mo, Cedric.”

Nagtinginginan kami ni Cedric. Bumuntong hininga ako at pinisil ang kanyang kamay.

“Anoman hong desisyon nyo Tiyong Rusi, tatanggapin ko ho.” Ani Cedric.

Bumuntong hininga si Tiyong Rusi. “Para sayo, dahil hindi ka na iba sa amin at pamilya na ang turing namin sayo, hindi na na namin kakasuhan ang mama mo.”

“Tiyong Rusi..”

“Pero gusto kong humingi ng tawad ang mama mo. Ng sa ganun man lang ay maramdaman man lang namin na pinagsisisihan nya ang kanyang ginawa. Wala sa amin na naperhuwisyo nya ang kabuhayan namin. Pero ang kaligtasan namin ay nagdulot sa amin yun ng takot at trauma lalo na sa Tiyang Les mo na nagtamo ng malalang galos.” Dagdag pa ni Tiyong Rusi.

Tumango si Cedric at nahihiyang ngumiti. “Naiintindihan ko ho Tiyong Rusi. Pero sigurado na ho ba kayo sa desisyon nyo?”

“Sigurado na Cedric.”

“Isa pa gusto rin namin ng tiyong mo ng tahimik na buhay. Siguradong magiging maingay kung sasampahan namin ng kaso ang mama mo. Kung sino sinong mga tao ang sasawsaw. Kung pwede namang daanin sa usapan eh di pag usapan na lang.” Paliwanag pa ni Tiyang Les.

“Napakabuti nyo ho Tiyang Les, Tiyong Rusi. Hayaan ho ninyo kakausapin ko si mama. Kung magmamatigas ho sya, kayo na ho ang bahala.” Wika pa ni Cedric. Buo talaga ang loob nya na mapanagot ang kanyang ina.

Tumango naman si Tiyong Rusi at Tiyang Les. Walang mababakas na pagdadalawang isip sa kanilang mukha.

“Kamusta naman kayong dalawa? Dalawang linggo din kayong nagkasama sa probinsya.” Tanong pa ni tiyong sa amin ni Cedric.

Muli kaming nagtinginan ni Cedric at ngumiti sa isa’t isa.

“Maayos na ho kami ni Pinky, Tiyong Rusi.”

“Nagkabalikan na ba kayong dalawa?” Tiyang Les.

“Opo tiyang.” Sagot ko naman.

“Mabuti naman kung ganun. Masaya ako para sa inyo.”

“Salamat po tiyang.”

“At ikaw naman Pinky, sa susunod huwag ka ng masyadong malihim. May pinagdadaanan ka na pala hindi ka nagsasalita. Aba’y may balak ka pang lumayo. Mabuti na lang at matalino itong nobyo mo at nahalatang may kakaiba sa kilos mo. Pinag alala mo kami ng Tiyang Les mo.” Sermon sa akin ni Tiyong Rusi.

Ngumiwi naman ako. “Pasensya na po tiyong. Ayoko lang po talagang mag alala kayo.”

“Naiintindihan ko. Pero huwag mo ng uulitin. Isang pamilya tayo. Kami na ng Tiyang Les mo ang magulang mo dahil sa amin ka iniwan ng mama mo kaya natural lang na mag alala kami.”

“Opo tiyong. Hindi na po mauulit.” Sabi ko. Mali rin kasi ako sa parteng hindi ako nagsalita at nilihim ko ang problema ko. Mas pinili ko pang magpadala sa takot at lumayo. Pero nagawa ko lang naman yun dahil sa pagmamahal ko sa kanila. Ayoko lang na mapahamak sila.

Inakbayan ako ni Cedric at kinabig sabay halik ng mariin sa sentido ko. “Huwag ka na ring maglilihim sa akin babe..”

Marahan akong tumango sa kanya at sumandig sa kanyang balikat. Ngunit napaupo ako ng tuwid ng tumunog ang cellphone nya. Dinukot naman nya yun sa bulsa ng pantalon at tiningnan kung sino ang tumawag. Ang kanyang lolo. Sinagot nya yun.

“Hello ’lo..”

Nakatingin ako kay Cedric habang kausap nya ang kanyang lolo sa kabilang linya. Kumunot ang noo nya at tumingin sa akin.

“Yes ’lo, pupunta na ako dyan.. Alright..”

Binaba na ni Cedric ang cellphone at pinatay. Tumingin sya sa akin.

“I have to go babe, pinapupunta ako ni lolo sa bahay nya.” Aniya at tumayo na.

Tumango ako at tumayo na rin.

Nagpaalam na si Cedric kay Tiyong Rusi at Tiyang Les. Hinatid ko naman sya sa labas.

.

.

Cedric POV

“ANO ba talaga ang nangyayari Cedric? Ano itong iniiyak sa akin ng mama mo na ayaw mo syang pansinin? Ilang linggo mo na raw syang hindi pinapansin at hindi sinasagot ang mga tawag nya.” Pasitang tanong ni Lolo Manuel.

Mula sa bahay ni Tiyong Rusi at Tiyang Les ay dito ako dumiretso sa Bulacan dahil biglang tumawag si lolo. Yun pala ay nagsumbong na sa kanya si mama na heto at nagmumukmok sa sofa habang sumisinghot. Katabi nya si papa na halatang stress na rin. Gusto kong lapitan si mama at yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Kilala ko si mama, gagamitin nya ang luha para makuha ang gusto.

“Ganyan ka na ba katigas ngayon Cedric at nagagawa mo ng tikisin ang sarili mong ina.” Sermon pa ni Lolo Manuel.

“Hindi na nya ako mahal papa. Mas pinili nya ang babaeng yun kesa sa amin.” Himutok pa ni mama na hindi tumitingin sa akin.

Namaywang si Lolo Manuel. “Tell me iho. Ano bang problema? Nagkakatampuhan kayo ng mama mo minsan pero hindi naman kayo umaabot sa ganito. Dahil ba yan sa babae mo?”

Bumuntong hininga ako. Mukhang wala pang alam si Lolo Manuel. Tumingin sa akin si mama at gumuhit ang pag aalala sa kanyang mukha.

“Hindi ko sya babae ’lo. Nobya ko ho sya at hindi ho sya ang problema kundi si mama.”

“I-I told you anak, ginawa ko lang yun para sayo.” Singit ni mama.

“Enough mama. Kahit ano pa ang katwiran nyo mali pa rin ang ginawa nyo. Labag sa batas.”

“Bakit? Ano bang ginawa ng mama mo?” Kyuryoso ng tanong ni Lolo Manuel. Wala nga syang alam.

Tumayo si mama. “Papa – “

“Pinasunog ho ni mama ang tindahan ng tiyuhin ng nobya ko.” Putol ko sa sasabihin ni mama.

“What?” Bulalas ni Lolo Manuel. Kumunot ang noo nya at nakaguhit sa kanyang mukha ang pagkabigla. “What are you saying Cedric?”

“Ayaw ho ni mama sa nobya ko. Tinatakot nya ang nobya ko at pinagbabantaan para layuan ako. Pinasunog pa nya ang tindahan ng tiyuhin ng nobya ko. Kaya wala ng nagawa ang nobya ko kundi layuan na ako dahil baka kung ano pa ulit ang gawin ni mama sa pamilya nya.”

Suminghap si Lolo Manuel at sinibat ng matalim na tingin si mama. “Adela!”

“P-Papa.. m-magpapaliwanag ako..” Sambit ni mama sa nauutal ng boses.

“Go mama, sabihin nyo kay papa ang ginawa nyo. Kayo ang magpaliwanag sa kanya.” Buyo ko pa.

Lumunok naman si mama at bakas ang takot sa mukha.

Nag iisang anak ni Lolo Manuel si mama. Spoiled si mama sa kanya. Pero hindi ibig sabihin nun ay kunsintidor sya lalo pa at kilalang patas na tao si lolo. Walang kamag anak sa kanya. Basta may ginawa kang kasalanan kailangan mo yung panagutan.

“Totoo ba ang sinabi ng anak mo Adela? Nagpasunog ka ng tindahan?” Mataas na ang boses ni Lolo Manuel.

“P-Papa ginawa ko lang yun para kay Cedric..”

Napailing iling ako sa sinabi ni mama. Pati nga si papa ay napailing na rin.

“Anong para kay Cedric? May atraso ba sa anak mo ang taong yun?”

“W-Wala papa. P-Pero yung pamangkin nya ayaw tantanan si Cedric. N-Nagawa ko lang yun para takutin sya papa – “ Natigilan si mama ng sampalin sya ni Lolo Manuel.

Napasinghap naman kami ni papa na tumayo pa at lumapit kay mama.

“Estupida!” Singhal ni Lolo Manuel kay mama.

“P-Papa..” Naiiyak na sambit ni mama habang sapo ang pisnging sinampal ni lolo.

Kinuyom ko ang kamao at nag iwas ng tingin. Masakit na nakita kong sinaktan ni lolo si mama. Pero gusto kong pagsisihan nya ang kanyang maling ginawa.

“Akala ko nagbago ka na, Adela. Mula noong bata ka pa trouble maker ka na. Hanggang ngayon ba namang matanda ka na. Kaya nga namatay ang mama mo dahil sa sama ng loob sayo. Hindi na rin nakakapagtakang sumama din ang loob sayo ng anak mo.” Umiling iling si lolo at dinuro si mama. Bakas sa kanyang mukha ang disappointment. “Hindi ko akalaing tatanda kang utak kriminal.

Bumaling naman si lolo sa akin. “Nagcomplain na ba ang kamag anak ng nobya mo? Anong sabi? Magsasampa ba sila ng kaso sa mama mo?”

Bumuntong hininga ako. “Galing ho ako sa bahay ng tiyuhin at tiyahin ng nobya ko. Hindi na sila magsasampa ng kaso kung hihingi ng tawad si mama.”

“No way! Hindi ako hihingi ng tawad sa kanila. Lalabanan ko sila sa korte and I’ll make sure na mananalo ako – “

“Then I’ll send you to jail! Ako mismo ang magpapakulong sayo.” Banta ni Lolo Manuel.

“Papa!” Bulalas ni mama.

“I’m serious Adela.”

“Papa naman, hindi nyo ba naisip? Malalagay sa kahihiyan ang pangalan natin.”

“Kasalanan mo kung malalagay ang pangalan natin sa kahihiyan. At mas nakakahiya kung hindi mo haharapin ang kasalanan mo. Ano na lang ang iisipin ng mga tao? Dahil mayaman ka at anak kita, kaya mong bilhin ang batas? No way. Kung ayaw mong makulong, humingi ka ng tawad sa kanila. Kung magmamatigas ka, bahala kang makulong. At huwag kang gagamit ng impluwensya dahil ako mismo ang magpapakulong sayo.”

Bagsak ang balikat ni mama at nanlumo. Kung meron mang taong hindi nya kayang kalabanin yun ay si lolo. “N-No papa.. huwag nyo namang gawin sa akin ito..”

“Ikaw ang gumagawa nito sa sarili mo Adela. Matuto kang magpakumbaba o makukulong ka.” Mariing sabi ni lolo at kinumpas kumpas ang kamay.

Tuluyan namang umiyak si mama at yumakap kay papa. Tumalikod na si lolo at pumasok sa kanyang library office.

“Ano? Masaya ka na ba na nakikitang nahihirapan ako Cedric? Wala ka na talagang pakialam sa akin. Ina mo ako.” Sumbat sa akin ni mama.

“Nahihirapan ka ba talaga mama? Parang hindi naman. Hindi ko nga nakikitang nagsisisi kayo. Huwag nyong ibaling sa akin ang sisi dahil kayo ang may kagagawan nyan sa sarili nyo. Ang mas mabuti pang gawin nyo ay ibaba ang pride nyo. Makipag usap kayo sa tiyuhin at tiyahin ni Pinky at humingi ng tawad kung ayaw nyong makulong at mabilad sa kahihiyan.”

Bumalatay ang sakit sa mukha ni mama. Bago pa sya magsalita ay tinalikuran ko na sya at sinundan si lolo sa library office.


Chapter 33

Pinky POV

“NAKAKALOKA ka naman bebs. May ganun ka na palang problema hindi mo man lang sinasabi sa akin. What friends are for? Parang gusto kong magtampo sayo ha.” Sambit ni Ciella at inirapan ako sabay dampot ng juice nya.

Ngumiwi naman ako. Inasahan ko ng ganito ang magiging reaksyon nya pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat.

“Sorry bebs, ayoko lang kasing madamay kayo sa problema ko. Saka ayoko ring mag alala ka dahil baka ma-stress ka, eh buntis ka pa.”

Bumuntong hininga sya at binaba ang baso ng juice. Tumingin sya sa akin. “Nagi-guilty lang kasi ako bebs, dahil wala man lang akong naitulong sa problema mo. Samantalang noong ako ang may problema lagi kang nasa tabi ko.”

“Sus! Wala yun, huwag ka ng maguilty. Saka ayos naman na kami ni Cedric. Yun nga lang hindi pa kami ayos ng mama nya.”

Umingos si Ciella. “Pero grabe pala ang mama ni Cedric no. Parang yung nanay sa palabas na ayaw sa nobya ng anak nyang mahirap. Hindi ka ba nya inalok ng sampung milyon para layuan si Cedric?”

Natawa ako sa sinabi ng kaibigan. “Hindi no. Puro pananakot ang binigay nya sa akin.”

“Tinatakot ka pa rin ba nya hanggang ngayon?”

“Hindi na. Simula ng malaman ni Cedric ang mga ginawa ng mama nya sa akin at sa pamilya ko tumigil na rin sya sa pagtawag sa akin.”

“Mabuti naman kung ganun. Eh ikaw, hindi ka na natatakot sa mama nya?”

Bumuntong hininga ako. “May takot pa rin akong nararamdaman Cie. Pero kaya ko ng harapin ang takot ko na yun dahil nasa tabi ko si Cedric.”

“Tama yan. Wala kang dapat na ikatakot hangga’t nasa tabi mo si Chief Inspector Cedric na patay na patay sayo.”

Natawa na lang ako sa sinabi nya.

“Mommy! Ninang Pinky!”

Sabay naming nilingon ni Pinky si Alexandrea na tumatakbo palapit sa amin. Cute na cute sya sa suot na ternong pambahay na damit na kulay pink na bulaklakin. Nauuna pa nga ang kanyang busog na tiyan.

“Slow down baby, baka madapa ka.” Paalala naman ni Ciella sa anak.

Nagbagal naman sa pagtakbo si Alexandrea na may matamis na ngiti sa labi. Nang makalapit sya ay agad syang yumakap sa ina at lumapit din sa akin sabay yakap.

“Ninang Pinky ano po gawa nyo dito sa bahay.” Tanong ni Alexandrea na tumabi pa ng upo sa akin.

“Nakikipag marites sa mommy mo.” Nakangising sabi ko at hinaplos ang kanyang buhok.

Kumunot naman ang noo ng inaanak ko. “Ano pong marites?”

Tumawa kami ni Pinky.

“Ayusin mo sagot mo.” Banta sa akin ng kaibigan.

“Marites means kwentuhan. Nagkikipagkwentuhan ako sa mommy mo.” Paliwanag ko.

Pero humagikgik ang pilyang bata. “You’re wrong po ninang. Marites means chismis.”

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Alexandrea. Si Ciella ay napasinghap pa at nabigla sa sinabi ng anak.

“Baby kanino mo natutunan yan?” Tanong ni Ciella.

“Kay mamita po, mommy. Lagi po silang nagmamarites ng mga amiga nya.”

Malakas akong tumawa. Si Ciella naman ay napasapo sa noo.

“Si mommy talaga.. Lagi nyang sinasabi na huwag tuturuan ng kung ano anong kalokohan ang apo nya tapos sya naman pala.”

“Hayaan mo na. Maganda nga yan bata pa sya alam na nya ibig sabihin nun.” Natatawang sabi ko.

“Luka luka.” Aniya.

“Mommy what is luka luka?” Kyuryosong tanong ni Alexandrea.

Napangisi naman ako. “O, ikaw naman ang magpaliwanag sa anak mo. Galingan mo.”

Ngumiwi si Ciella at hindi alam kung ano ang sasabihin sa anak.

“THANK you ma’am. Come again!” Magiliw kong sabi sa may edad na customer na bumili ng isang basket ng chrysanthemum.

“Ay! Nanganak na pala si Tala o. Super cute ng baby. Kamukha ni Gareth.”

Lumingon ako kay Ciella at lumapit. “Patingin.”

Tiningnan ko ang mga pictures ni Tala na katabi ang bagong silang nyang sanggol. Nakahospital gown pa sa picture si Tala at malusog ang katabi nyang sanggol na kamukha nga ni Gareth.

“Ano ang baby nila? Boy o girl?” Tanong ko at binasa ang caption.

“Boy ang baby nila. Ang cute no. Ang lusog lusog. Na-excite tuloy ako bigla na lumabas na ang baby ko. Sana boy din para may junior na si Lex.” Ani Ciella at hinimas himas ang maumbok ng tiyan.

“Hindi pa ba nakikita ang gender ng baby mo?”

“Hindi pa nga eh. Paano ba naman sobrang likot at para syang nakatuwad kaya hindi makita ng doctor.”

Ngumisi ako. “Parang alam ko na kung paano nyo sya ginawa ni Lex.”

Ngumisi rin sya.  “Favorite position ko yun eh.”

“Gaga.” Sambit ko.

May pumasok na customer na babae at lumapit sa counter. Naaamoy ko ang matapang na pabango nya.

Tumingin ako sa babae at ngumiti. “Ano pong hanap nila?”

Pero hindi sumagot ang babae na nililibot ang mata sa paligid. May nakaguhit na pagkadisgusto sa kanyang mukha. Mayamaya ay mataray syang tumingin sa akin. Natigilan naman ako at pasimpleng sinuyod din ng tingin ang babae. Maganda ang babae at sobrang puti na parang kulang na sa dugo. Kulay brown ang kanyang buhok na kasing kulay ng kanyang contact lens. Pulang pula ang kanyang lipstick at may pagka-revealing ang kanyang suot na damit. Crop top na parang bra na lang at maiksing palda.

“You are Priscilla right?”

Kumunot ang noo ko at tumingin kay Ciella na nakakunot din ang noo habang nakatingin sa babae.

“Yes, I’m Priscilla miss. Sino sila?”

Tumaas ang isang kilay ng babae at humalukipkip sya. “I’m Carlyn Navidez. Cedric Montez future wife.”

Napataas na rin ang kilay ko. Hindi ko na nagugustuhan ang presensya ng babaeng nagpapakilalang future wife daw ni Cedric.

“How come na future wife ka ni Cedric miss, eh si Pinky ang girlfriend nya.” Sabat ni Ciella.

Nang uuyam na ngumiti naman ang babae kay Ciella. “It’s because pinagkasundo na kami ng mama ni Cedric.”

Umikot ang mata ko.

“Bakit? Pumayag ba si Cedric?” Tila nangiinis na tanong pa ni Ciella.

“Hindi pa. Pero papayag din sya.” Bumaling sa akin ang babae at ngumisi. “Lalo pa’t ayaw ni Tita Adela sa girlfriend nya.”

Tila may pumipitik na ugat sa sentido ko. Parang gusto kong hampasin ng isang bouquet ng rosas na maraming tinik ang mukha ng hitad. Mukhang hindi naman sya bibili ng bulaklak at nagpunta lang dito para asarin ako.

Lumapit sa akin si Ciella at bumulong. “Bebs, huwag kang magpapatalo dyan.”

Bumuntong hininga ako at bored na tiningnan ang babae. “Eh ano naman kung ayaw sa akin ng mama ni Cedric? Ang importante gusto ako ni Cedric.”

Nawala ang ngisi ng babae at nang uuring tiningnan ako. “Kaya naman pala ayaw sayo ni Tita Adela. Maldita ka.”

Tumawa ako. “Gaga. Ayaw sa akin ng mama ni Cedric dahil hindi ako anak mayaman na gaya mo.”

Muling bumalik ang ngisi ng babae. “Of course, ganun talaga. Ang mayaman ay para lang sa mayaman. Walang lugar sa mundo namin ang mga pobre at cheap na gaya mo.”

“Kaya naman pala ayaw sayo ni Cedric eh.” Nakangisi ring sabi ko.

Nagsalubong ang kilay nya. “What do you mean?”

“I mean, matapobre ka kaya ayaw sayo ni Cedric.”

Tumalim ang tingin nya sa akin. “At sino namang may sabi sayong ayaw sa akin ni Cedric?”

“Hindi ba obvious? Kung ikaw ang gusto nya bakit ako ang girlfriend nya until now.”

“Tama!” Ani Ciella sabay palakpak.

Nagulat ako ng marami pa ang pumalakpak at may sumipol pa. Yun pala ay nakatingin na sa amin ang mga crew at mga loyal customer.

Namula naman ang mukha ng babae sa pagkapahiya at lalong naging masama ang tingin sa akin. Tumalikod na sya at nagmamartsang lumabas ng shop.

Doon naman ako tila nakahinga ng maluwag. Inikot ko ang mata at umiling iling. Ngayon, nasisiguro kong yun ang babaeng gusto ni Ma’am Adela para kay Cedric. May pagkapareho sila ng ugali.

“Luka lukang babaeng yun. Parang may sayad. Talagang pumunta pa rito para komprontahin ka. Eh di sya rin ang napahiya.” Saad ni Ciella.

Bumuntong hininga ako. “Sinabi mo pa. At sana huwag na syang bumalik.”

“Siguradong hindi na yun babalik ma’am. Napahiya eh.” Komento ni Yena.

“Saka mas maganda ka ate, kesa dun sa babaeng maputla na yun.” Dagdag pa ni Mari na last day na ngayon dito sa shop dahil babalik na sya sa tindahan.

Ngumiti na lang ako sa mga kasamahan.

Pero sa totoo lang binabagabag ang dibdib ko dahil sa babae na yun na ang pangalan ay Carlyn. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting selos.


Chapter 34

Warning 🔞

Pinky POV

KUMUNOT ang noo ni Cedric sa sinabi ko.

“Pumunta sa shop si Carlyn?”

Tumango ako at mabagal na ngumuya. “Sya yung magandang babae na maputing maputi na parang wala ng dugo. Mahaba ang kulay brown na buhok na kakulay ng contact lense nya, di ba?”

“Yeah, sya nga. Anong ginawa nya sa shop?”

Tumaas ang isang kilay ko. “Eh di kinompronta ako. Sya daw ang future wife mo dahil pinagkasundo kayong dalawa ng mama mo.” Mapaklang sabi ko.

“Anak si Carlyn ng amiga ni mama at pinagkakasundo nila kami na ipakasal sa isa’t isa. But of course hindi ako pumayag. I don’t like Carlyn. She’s not my type.” Kaswal lang na sabi nya at sumubo ng pagkain.

Umingos ako. “Kung gusto mo sya, papakasalan mo sya?”

Tumingin sya sa akin. “Kung gusto ko sya. Pero hindi ko sya gusto at ikaw ang gusto ko kaya ikaw ang pakakasalan ko.”

Kinagat ko ang labi at pinigilang mangiti sa kilig. Ako daw ang gusto nya at pakakasalan nya.

“Eh paano kung ipagpilitan pa rin ng mama mo na si Carlyn ang pakasalan mo?” Panunubok ko pa sa kanya. Dinampot ko ang baso at uminom ng tubig.

“Wala pa ring magagawa si mama. Kahit patanggalan pa nya ako ng mana at ipatanggal sa serbisyo, hindi pa rin ako susunod sa kanya. Kaya don’t worry babe.”

Napanguso ako. “Hindi naman ako nagwo-worry. Alam ko namang ako lang ang pakakasalan mo..”

Mahina syang tumawa. “I’m glad you know..”

Napangiti na ako at sa tuwa at kilig ko ay sinubuan ko sya ng pagkain gamit ang kutsara ko. Natatawa namang nginuya nya ang pagkaing sinubo ko.

Naglaho ang pag aalala ko kanina tungkol kay Carlyn. Sa mismong bibig na ni Cedric galing na hindi nya pakakasalan ang babaeng yun..

Mainit at mapusok ang halik na pinagsasaluhan namin ni Cedric sa loob ng kwarto ko. Isa isa rin nyang hinuhubad ang mga saplot ko sa katawan. Tinulungan ko rin syang hubarin ang kanyang t-shirt at kalasin ang kanyang sinturon. May pagmamadali sa aming kilos. Init na init at sabik na sabik kami sa isa’t isa.

At ng mahubad na ang kanyang pantalon ay agad kong hinawakan ang kanyang pagkalalaki. Sabay pa kaming napasinghap. Sya ay sa gulat dahil ito ang unang beses na hinawakan ko ang pagkalalaki nya. Ako naman ay sa pagkamangha. First time kong hawakan ang pagkalalaki nya at kakaiba ang texture nito. Matigas na parang kahoy ang pagkalalaki nyang may katabaan. Pero malambot sa kamay ang balat. Pinisil ko ang pagkalalaki nya.

“Shit babe! Huwag mong pisilin..” Daing nya.

Agad ko namang binitiwan ang pagkalalaki nya. “Sorry!”

Mahinang tumawa si Cedric at hinawakan ang mukha ko sabay dampi ng maririing halik sa labi ko. “Gentle lang babe.. huwag mong masyadong panggigilan si junior.”

Nag init ang mukha ko sa kanyang sinabi lalo pa ng ibalik nya ang aking kamay sa kanyang pagkalalaking tila lalo pang tumigas. Nararamdaman ko pa ngang pumipintig ito. Mukhang sabik na sabik na. Parang may sariling isip ang kamay ko na dahan dahan yung hinimas.

Mainit, mahaba at may katabaan ang pagkalalaki ni Cedric. May nakakapa pa akong ugat doon.

Pinaulanan ako ng halik ni Cedric sa buong mukha at leeg. Kagat kagat ko naman ang labi at bahagya ng bumibilis ang hagod ko sa kanyang pagkalalaki.

“Fuck.. hindi ko na kaya babe..” Usal nya at tinanggal ang kamay ko sa kanyang pagkalalaki.

Nabitin naman ako. Pero bago pa ako makapagprotesta ay binuhat nya ako at hiniga sa kama sabay dagan. Muli nya akong siniil ng mariing halik na akin namang tinugon. Ang kanyang kamay ay naging malikot na sa aking hubad na katawan. Humahaplos at pumipisil.

“Hmm shit babe..” Ungol ko sa kiliti na kanyang ginagawa.

Subo subo nya ang isa kong dibdib habang ang isang kamay nya ay nasa aking pagkababae at dinadaliri ang aking lagusan na basang basa na.

Humawak ako sa buhok ni Cedric at kumagat labi habang impit na umuungol. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Init na init din ang pakiramdam ko na para akong nilalagnat. Bumibigat na rin ang puson ko tanda na malapit na akong makarating sa sukdulan.

Ngunit bago ko pa marating ang sukdulan ay hinugot na ni Cedric ang dalawa nyang daliri. Bitin tuloy ang pakiramdam ko.

“You’re soaking wet now babe..” Anas nya.

Sinimangutan ko sya at pinalo sa braso. “Binitin mo ko eh..”

Mahina syang tumawa at dinampian ako ng halik sa labi. “I’m sorry babe.. but this time hindi na kita bibitinin.”

Umayos na sya ng pwesto sa pagitan ng mga hita ko. Nahigit ko ang hininga ng maramdaman ang pagkalalaki nyang dumudunggol sa aking bukana.

“Ready babe?”

Kagat labing tumango ako at humawak sa balikat ni Cedric.

Diniin na ni Cedric ang kanyang pagkalalaki sa bukana ko. Unti unting nabanat ang lagusan ko hanggang sa unti unti na rin syang nakapasok. May kaunting kirot pero nawawala din. Sinagad pa nya ang pagkakabaon ng kanyang pagkalalaki sa aking lagusan. Punong puno na ang pakiramdam ko.

“Ughh shit babe! Ahh!” Daing ni Cedric ng magumpisa na syang umulos.

Yumakap ako sa batok nya at inikot ang dalawang binti sa kanyang balakang. Sinubsob naman nya ang mukha sa aking pisngi.

“U-Uhmmm Cedric..” Ungol ko habang malayang tinatanggap ang kanyang mga ulos.

Nag angat ng mukha si Cedric at tumitig sa akin ang mapupungay nyang mga mata. Hinawakan ko naman ang kanyang magaspang na pisngi at hinaplos haplos yun. Masarap sa palad ang kumikiskis nyang balbas. Kumagat labi ako at napapikit ng dumiin ang kanyang ulos. Masarap ang kiliting hatid nun. Damang dama ko pa ang bawat hagod ng kanyang kahabaan sa aking laman.

Bumaba ang mukha ni Cedric at dinampi dampian ako ng halik sa gilid ng labi habang pabilis ng pabilis ang kanyang ulos. Panay din ang bulong nya sa akin kung gaano ako kasarap kaya naman lalo akong nag iinit.

“Fuck.. ugh!” Paangil na ungol nya sabay ulos ng sagad na nagpaikot sa aking mata dahil sa sarap.

“Gosh babe.. ahh.. l-lalabasan na ako..”

“Sige lang babe..”

Lalo pang bumilis ang kanyang ulos at sunod sunod na sagad. Sobrang kiliti at sarap na ang nararamdaman ko hangang sa tuluyan ko ng naabot ang sukdulan. Sumambulat na rin ang katas ko kasabay nun ang panginginig ng aking katawan.

Huminto naman sa paggalaw si Cedric at mariin akong hinalikan sa labi na akin namang tinugon. At ng matapos ako ay muli syang gumalaw. Mas intense, mas gigil at punong puno ng pananabik.

Siguradong mapupuyat na naman kami ngayong gabi. Pero ayos lang. Masarap naman..

Nakaunan ako sa malapad na dibdib ni Cedric. Naririnig ko ang malakas tibok ng kanyang puso gaya rin ng akin. Nakayakap ako sa kanya habang sya ay himas himas ang braso ko at dinadampi dampian ng halik ang aking buhok. Bahagya ko pang habol ang hininga dahil katatapos lang namin. Nakailang round din kami at inabot na kami ng alas dos ng madaling araw ayon sa oras sa wall clock na nakasabit sa dingding. Pero heto at gising na gising pa rin kami. Himala nga na gising pa rin ako matapos ang ilang round. Dati tatlong round lang ay nakakatulog na agad ako. Pero ngayon nasasabayan ko na sya. May improvement na ako.

“Babe..”

Nag angat ako ng mukha kay Cedric. “Hmm..?”

Ngumiti sya ng matamis. “I love you..”

Napangiti na rin ako. “I love you too..”

Tinaas ko ang kamay at hinaplos ang kanyang pisngi. Hinawakan naman nya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi at hinalik halikan yun. Para namang tinutunaw ang puso ko sa kilos nyang yun. Sobrang lambing din talaga ng nobyo kong minsan ay pinaglihi sa kasungitan.

“Gusto ni lolo na makita ka..”

Natigilan ako sa sinabi nya. “Si Senator Manuel Custodio?”

“Uhumm..”

Napalunok ako kasabay ng pagsipa ng kaba sa dibdib ko. Ama ni Ma’am Adela si Senator Manuel kaya talagang kakabahan ako.

Pinisil ni Cedric ang baba ko. “Huwag kang kabahan babe. Mabait si lolo.” Natatawa pang sabi nya.

Napanguso naman ako. “Pero kilala ring terror na senador ang lolo mo. Baka.. hindi rin nya ako magustuhan gaya ng mama mo.”

“Magkaiba si lolo at si mama babe. Gusto kang makita ni lolo dahil gusto ka nyang makilala. Gusto nyang makilala ang babaeng pakakasalan ko.”

Nahigit ko ang hininga sa huli nyang sinabi kasabay ng muling pagpintig ng mabilis ng aking puso.

“P-Pakakasalan mo ko?”

Kumunot ang noo nya. “Yes babe.. Bakit parang gulat na gulat ka. Sinabi ko na sayo yun kanina di ba?”

“Oo nga.. pero akala ko..”

“Akala mo nagbibiro ako? Kelan ba ako nagbiro sayo sa mga ganung bagay?”

Kumagat labi ako. Halos di na magkamayaw sa pagwawala ang puso ko sa lakas ng kabog nito dahil sa tuwa.

“Sigurado ka pakakasalan mo ko?”

“Yes. Ayaw mo ba?” Gumuhit na ang pag aalala sa kanyang mukha.

Ngumiti na ako hanggang sa mahina akong tumawa. “Syempre gusto ko.. Gustong gusto ko.”

“Good. Magpapakasal tayo..”

Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalik halikan sa buhok. Wala ng paglagyan ang labis na sayang nararamdaman ko ngayon.


Chapter 35

Pinky POV

PINISIL ko ang kamay ni Cedric. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang kaharap namin ang kanyang lolo. Ang dating senador na si Senator Manuel Custodio. Wala syang kangiti ngiti at matiim ang tingin nya sa amin ni Cedric. Sa kabila ng edad nya ay matikas pa rin ang kanyang tindig. Nababakas pa rin ang awtoridad sa kanyang mukha.

“Lo, this is my fiancee Pinky.” Pagpapakilala sa akin ni Cedric sa kanyang lolo.

Akmang babatiin ko ang dating senador pero kumunot ang noo nya.

“Fiancee? Ikakasal na kayo?”

Ngumiti si Cedric. “Yes ’lo. Nagpo-propose na ho ako sa kanya.” Proud pa nyang sabi.

Lalo namang kumumot ang noo ni Senator Manuel.

Humugot ako ng malalim na hininga at ngumiti. “Good evening po Senator Manuel. It’s a pleasure to meet you po.” Magalang kong bati at bahagyang yumukod.

Tumango naman si Senator Manuel. “Good evening din, iha. Just call me lolo na lang. Fiancee ka na pala ng apo ko.”

“Thank you po sena – I-I mean lolo.” Nauutal pang sabi ko.

Sino bang hindi mauutal. Kaharap ko ang kilalang dating terror na senador. Kinatatakutan ng lahat maging ng kapwa senador.

“Maupo na kayo at lalamig na ang pagkain.”

Pinaghila ako ni Cedric ng upuan at inalalayan pang umupo. Umupo naman sya sa tabi ng lolo nya sa kanang bahagi. May mga pagkain ng nakahain sa mahaba at eleganteng mesa na uumuusok pa. Pumasok ang tatlong kasambahay sa komedor at may mga bitbit pang tray ng pagkain.

“Ilang taon ka na iha? Mukhang bata ka pa.” Tanong ni Lolo Manuel habang dinadampian ng napkin ang bibig.

Nilunok ko muna ang pagkain bago sumagot. “26 po.”

“Oh.. 20 years pala ang agwat ng edad nyo ni Cedric.”

“Lo, 10 years lang. I’m only 36 not 46.” Protesta ni Cedric.

Tumawa naman si Lolo Manuel. “36 ka lang ba? Akala ko 46 ka na.”

Kinagat ko ang labi at pinigil na matawa din. May pagka alaskador din pala ang lolo ni Cedric.

“Masyado nyo naman akong pinatanda ’lo. Baka paniwalaan pa kayo nyan ni Pinky.”

“Eh di ipakita mo sa kanya ang birth certificate mo na may pirma pa ng manghihilot na nagpaanak sayo.” Natatawa pang dagdag ni Lolo Manuel. Nawala ang ka-istriktuhan sa kanyang mukha kapag ngumingiti at tumatawa sya. Parang si Cedric.

Tumingin ako kay Cedric na napapailing na lang. Hindi sya makahirit sa lolo nya.

“Ano nga pala ang pinagkakaabalahan ng mga magulang mo, iha?”

“Ang papa ko po ay dating real state agent. Ang mama ko naman po ay isang office worker. Pero parehas na po silang pumanaw na. High school pa lang po ako.”

“I’m sorry to hear that, iha. Malungkot pala ang buhay mo. Hindi biro ang maging ulila.”

Naramdaman ko ang sinserong pakikisimpatya ni Lolo Manuel.

“Hindi naman po malungkot ang buhay ko ngayon. May may mga pamilya naman po akong kasama. Nariyan pa po ang mga tiyuhin, tiyahin at mga pinsan ko na karamay ko sa lahat. At higit po sa lahat ay si Cedric.”

Inabot ni Cedric ang kamay ko at pinisil. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti.

“That’s good. Nakakatuwa namang marinig yan. Nakikita kong positibo kang tao iha. Anyway, mabuti naman at naisipan nyo ng magpakasal.”

“Apat na taon na rin ang relasyon namin ni Pinky ’lo. So I think it’s about time na magpakasal na kami.” Ani Cedric.

Kumagat labi ako. Talagang sinama pa nya sa bilang ng relasyon namin ang dalawang taon na hiwalay kami.

“It’s about time na talaga dahil matanda ka na. Aba’y kelan ka pa mag aasawa.” Saad pa ni Lolo Manuel.

“Heto na nga ho ’lo, mag aasawa na.” Nakangising hirit pa ni Cedric.

“At bigyan nyo ako agad ng apo sa tuhod.” Hirit din ni Lolo Manuel.

“Yes ’lo. Baka nga on the way na.”

Nag init ang mukha ko sa sinabi ni Cedric. Sinipa ko ang binti nya sa ilalim ng mesa at pinandilatan sya ng mata. Pero ang loko nginisihan lang ako na parang enjoy na enjoy pa sya sa nakikitang pamumula ng mukha ko. Tuloy ay inulan kami ng panunukso ng kanyang lolo na sabik ng magkaroon ng apo sa tuhod. Pero naging daan naman yun para mapalagay ang loob kay Lolo Manuel na masarap naman palang kausap.

.

.

Cedric POV

“HINDI na ako nagulat na inalok mo na ng kasal si Pinky, anak.” Ani papa.

“Ayos lang sa inyo, papa?”

“Oo naman. Nakikita ko namang mahal na mahal mo si Pinky. Never mo syang sinukuan. Congratulations anak.”

Ngumiti ako sa ama. Simula’t sapul ay lagi syang nakasuporta sa akin. Silang dalawa ng kapatid  ko. “Thanks papa.”

“You’re welcome iho. Ipaalam mo rin yan sa kapatid mo. Siguradong matutuwa sya dahil sa wakas mag aasawa na ang kuya nya.”

Natawa ako sa sinabi ni papa. “I will, papa. Sasabihin ko kay Letty at kailangan sa araw ng kasal ko ay uuwi sya.”

“Siguradong uuwi yun anak. Magre-request pa yun na maging isa sa abay sa kasal nyo.”

“Ikakasal ka na Cedric?”

Sabay kaming napalingon ni papa kay mama na kapapasok lang sa library office. Kunot noong lumapit sya sa amin.

“Kanino ka ikakasal?” Tanong pa ni mama.

“Of course kay Pinky. Kaninong babae pa ba? Si Pinky lang naman ang babaeng gusto ng anak natin.” Sagot ni papa.

Umiling iling si mama. Gumuhit ang disappointment sa kanyang mukha. “No way..”

Bumuntong hininga ako at tumayo.

“Mauna na ako papa.” Paalam ko kay papa ng hindi tinitingnan si mama.

Napabuntong hininga din ang aking ama. “Sige, mag iingat ka sa pagmamaneho anak.”

Tumango ako at tumalikod na. Lumabas ako ng library ng hindi pa rin nililingon ang ina.

“Cedric! Cedric anak.”

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon si mama na humabol sa akin. “May kailangan kayo mama?” Malamig na tanong ko.

Gumuhit naman ang lungkot sa mukha ni mama. “Hanggang kelan mo ba ako hindi papansinin, anak? Sinasaktan mo na ako sa ginagawa mo..”

Bumuntong hininga ako at nag iwas ng tingin sa ina. “Napagsisihan nyo na ba ang ginawa nyi? Nakipag usap na ba kayo at humingi ng tawad sa tiyuhin at tiyahin ni Pinky?”

“Hindi pa.”

Muli akong tumalikod ako at naglakad palabas ng bahay pero muling humabol si mama at hinawakan ang braso ko.

“Anak naman, huwag mo naman akong pahirapan ng ganito. Ina mo pa rin ako.”

Hinarap ko si mama. “Hindi ako ang nagpapahirap sa inyo mama. Kayo ang nagpapahirap sa sarili nyo dahil ayaw nyong ibaba ang pride nyo. Kayo ang gumawa ng kasalanan tapos kayo pa ang mapagmataas.”

Natigilan si mama at hindi nakaimik.

Tinanggal ko ang kamay nyang nakahawak sa aking braso. “Pakakasalan ko si Pinky, sa ayaw at sa gusto nyo, mama. Wala kayong magagawa.”

Tinalikuran ko na si mama at malalaki ang hakbang na lumabas ng bahay. Nilapitan ko ang sasakyan at sumakay na sabay buhay ng makina. Tiningnan ko si mama. Nasa main door sya at nakatanaw sa akin. Nakaguhit ang lungkot sa kanyang mukha.

Bumuntong hininga ako. Nalulungkot din ako na ganito kami ngayon ni mama. Pero hangga’t hindi nya binababa ang pride mananatili akong malamig sa kanya. Hindi ko na sya hahayaan na manipulahin pa ang buhay ko. Masaya ako ngayon lalo pa at pumayag ng magpakasal sa akin si Pinky.

Minaniobra ko na ang sasakyan palabas ng gate.

.

.

Pinky POV

Ngiting ngiti ako habang tinitingnan ang engagement ring na binigay sa akin kaninang umaga ni Cedric. Simple lang ang disenyo ng singsing pero elegante at may maliliit na batong kumikinang. Hindi ko na inalam ang presyo nun dahil siguradong malulula lang ako. Ang sabi ko nga kay Cedric kahit yung singsing na binebenta lang sa bangketa ayos na sa akin. Pero sinungitan lang nya ako. Hindi daw ganun kamura ang pagmamahal nya sa akin. Eh di wow!

“Kilig na kilig ka naman dyan. Matunaw yang singsing mo.” Untag sa akin ni Ciella sabay sundot sa aking tagiliran na ikinaigtad ko.

“Masaya lang ako dahil ikakasal na kami ni Cedric.” Sabi ko at tinaas ko pa ang kaliwang kamay at tiningnan ang singsing. Bagay na bagay sa daliri ko.

“Congratulations again! Gets ko naman yang nararamdaman mo dahil ganyan din ako noong magpropose sa akin si Lex. Buong araw akong lutang.”

“Oo, naalala ko. Maling bulaklak pa nga ang naibigay mo sa customer. Nasungitan ka tuloy.”

Humagikgik si Ciella. “Yeah I remember that! Anyway, may petsa na ang kasal nyo?”

“Wala pa. Hindi pa namin napag uusapan. Pero sabi ni Cedric, gusto nya sa lalong madaling panahon ikasal na kami.”

“Atat na atat naman si chief. Ayaw ka na talagang pakawalan.”

“Kaya nga eh.”

“O basta, isa ako sa abay ha.”

“Sempre naman, di ka mamawala. Kung single ka nga lang ikaw sana ang maid of honor eh.”

Noong si Ciella ang kinasal ako ang maid of honor nya dahil ako ang best friend nya. Pero ngayong ako naman ang ikakasal ay malabong maging maid of honor ko sya dahil kasal at may anak na sya. Siguro ay pipili na lang ako sa mga pinsan kong mga dalaga o kaya ay ang kapatid na lang ni Cedric kung papayag sya.

“Sinong ikakasal?”

Sabay kaming lumingon ni Ciella ng marinig ang boses ni George. Kapapasok lang nya ng shop.

“Si Pinky, malapit ng ikasal sa boyfriend nya.” Ani Ciella.

Tinaas ko naman ang kaliwang kamay ko at ngumiti kay George na namimilog naman ang mata.

“Woah! Engage na kayo nung jowang mong pulis?”

“Yup!

“Congratulations! Mukhang mamahalin yung singsing ah. Ang kinang ng bato. Baka naman pwet lang ng baso ito.” Ani George at sinipat pa ang singsing sa daliri ko.

Natawa naman kami ni Ciella.

“Sira. Tunay yan no. Mayaman ang jowa nyan.” Saad ni Ciella.

“Eh di sanaol.”

Akmang hahawakan ni George ang kamay ko pero may humablot nun.

Napasinghap ako at namilog ang mata ng makita si Cedric na masama ang tingin kay George.


Ilang chapters na lang 🤗

And happy birthday Luthgarda Nuelan Recto 🥳

From: K-Girls

Chapter 36

Pinky POV

“B-BABE..” Nauutal na sambit ko dahil sa biglang pagsulpot ni Cedric.

“Don’t touch my wife.” Mariing sabi ni Cedric kay George na namumutla na. Matalim ang tingin nya rito at umiigting pa ang kanyang panga. Kinabahan naman ako.

“Hindi mo pa sya asawa bossing.. Ikakasal pa lang kayo di ba?” Sagot ni George kahit halatang ninenerbyos na.

Lalo naman akong kinabahan. Lokong George na to! Sumagot pa.

Lalo namang nangalit si Cedric. Binitiwan nya ang kamay ko at hinaklit sa kwelyo si George.

Napasinghap naman kaming dalawa ni Ciella.

“Inaasar mo ba ako?” Pigil ang galit na boses ni Cedric.

Gumuhit naman ang takot sa namumutlang mukha ni George. Sunod sunod ang kanyang pag iling.

“H-Hindi bossing.. sinasabi ko lang naman ang totoo. Ikakasal pa lang naman kayo ni Pinky kaya hindi mo pa sya asawa.”

Namula naman ang mukha ni Cedric at lalo pang hinigpitan ang hawak sa kwelyo ni George na gusot na. Nakakaagaw na rin sila ng atensyon ng mga customer. Nataranta naman ako.

“Oy oy chief! Maghunusdili ka at ako’y ninenerbyos na sayo. Baka bigla akong mapaanak. Anim na buwan pa lang ang tiyan ko.” Saway ni Ciella.

“Bitiwan mo na si George, Cedric. Nakatingin na sa inyo ang mga customer, baka matakot at magsialisan.” Saway ko na rin sa nobyo.

Tinitigan nya muna saglit si George bago binitawan. Tila naman nakahinga ng maluwag si George.

“Don’t ever touch my woman again. Sa susunod na makita kitang hinawakan mo sya babaliin ko ang leeg mo.” Banta pa ni Cedric na ikinasinghap ko.

Pinalo ko sya sa braso. “Ano ka ba? Huwag mo ngang pagbantaan si George. Kaibigan namin sya ni Ciella.”

Matiim syang tumingin sa akin. “I don’t care. Huwag ka lang nyang hahawakan hindi kami magkakaroon ng problema.”

Tumikhim si George at pangiwing ngumiti. “Don’t worry bossing, hindi kami talo ni Pinky. Type nga ako nyan pero binasted ko sya dahil hindi ko sya type. Friendship lang ang kaya kong ibigay sa kanya.”

Namilog ang mata ko sa sinabi ni George. Pinukpok ko sya ng nakarolyong craft paper. “Hoy ang kapal mo!”

Pinandilatan nya ako ng mata. Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin.

Nilingon ko si Cedric na nakakunot na ang noo. “Huwag mo na lang syang pansinin, babe. Ganyan lang talaga si George, malakas mang asar.”

Bumuntong hininga si Cedric pero masama pa rin ang tingin kay George.

“Halika nga muna George. Doon muna tayo sa coffe shop.” Yaya ni Ciella kay Goerge at hinila ito sa loob ng coffee shop.

Alam kong ginawa yun ni Pinky para ilayo si George kay Cedric.

“Bakit ba laging nandito sa shop ang lalaking yun?” Inis na tanong ni Cedric.

“Loyal customer namin sya at kaibigan namin ni Ciella.”

“Tss! Obvious namang nagpapacute lang sya sayo. Tapos ikaw naman tuwang tuwa pa sa kanya.”

Umawang ang labi ko. Bakit parang kasalanan ko?

“Totoo ba yung sinabi nya na type mo sya?”

“Syempre hindi no! Kung type ko sya eh di sana jinowa ko na sya nung hindi ka pa bumalik.” Sabi ko.

Kumunot ang noo nya. “Totoo?”

Umikot ang mata ko. “Oo nga. Magkaibigan lang kami ni George. Natutuwa ako sa kanya dahil kwela sya kaya huwag mo na syang pagselosan. Para kang ano eh..”

Nagsalubong ang kilay nya. “Parang ano?” May pagbabanta sa tono ng kanyang boses. Yung tipong magkamali ako ng sagot ay may gagawin sya.

Ngumuso ako. “Para kang ewan.. mabuti na lang gwapo ka kaya hindi ka parang engot.”

Ngumisi sya. Naglalaho na ang inis sa kanyang mukha. “Parang parehas lang yung ewan at engot eh.”

Hinawakan ko sya sa braso at hinila palapit sa counter. “Huwag ka na kasing magselos.. Heto nga o, engage na tayo. Ikakasal na tayo.” Malambing na sabi ko at hinaplos ang kanyang leeg at balikat.

Bumuntong hininga si Cedric at lumabot na ang bukas ng mukha. Namungay na rin ang kanyang mga mata.

“I’m sorry babe.. hindi ko lang mapigilan. Hindi naman kasi malabo na magustuhan mo ang mokong na yun. Binabakuran lang kita.”

Tumaas ang kilay ko. “Paano mo naman nasabi na magugustuhan ko si George.”

“May hitsura sya at magka-edad lang kayo. Lagi ka pa nyang napapangiti at napapatawa.”

Natawa ako sa sinabi nya. Nai-insecure din pala ang isang Cedric Montez.

“Eh kasi nga kwela sya kaya napapangiti at napapatawa nya ako. Pero never ko syang magugustuhan bilang lalaki. Magugustuhan ko sya as a friend, yun lang. Dahil nga ikaw lang ang lalaking gusto ko.” Ang pisngi naman nya ang hinaplos ko.

Ngumiti naman sya at hinawakan ang kamay ko. Dinala nya yun sa kanyang labi at hinalik halikan. Mukhang nawala na ang itim na awra na sumanib sa kanya kanina.

“Anyway babe, sinabi mo na ba kanila Tiyong Rusi na engage na tayo?” Pag iiba na nya ng topic. Good mood na sya.

“Hindi pa. Siguro mamaya ko na lang sasabihin.”

“Alright, sabay na tayo.”

Ngumiti ako at pinisil ang kanyang pisngi. “Ok!”

“Totoo? Engage na kayo?” Tila di makapaniwalang tanong ni Tiyong Rusi ng sabihin namin sa kanya ni Cedric na engage na kami.

Si Tiyang Les at ang mga pinsan ko nga ay natahimik at nakatingin sa amin. Hinihintay ang sasabihin pa namin.

Nagtinginan kami ni Cedric at sabay na ngumiti. Muli akong humarap kanila Tiyong Rusi at tinaas ko ang kaliwang kamay na may engagement ring. Namilog ang mga mata ng mga pinsan ko.

“Totoo nga!” Bulalas ni Jennifer.

“Ihh! I’m so kilig naman!” Tili ni Anton at lumapit pa sa akin at tiningnan ang engagement ring. Nagsilapitan na rin ang iba ko pang mga pinsan at pinagkaguluhan na ang kamay ko. Manghang mangha sila sa singsing.

“Totoong bato ang mga ito, ate?” Kyuryosong tanong ni Betchay.

Natawa ako. “Ewan ko. Itanong nyo sa Kuya Cedric nyo.”

“Totoong bato ang mga yan.” Sagot naman agad ni Cedric.

“Woah ang cool!” Bulalas ni Eboy.

“Siguradong mahal to.” Komento ni Ramil.

“Surelaloo yan! Mayaman si Kuya Cedric kaya keri boom nyang bumili ng diamond engagement ring.” Dagdag pa ni Anton.

“Oy oy! Lubayan nyo nga muna ang ate at Kuya Cedric nyo at kami’y nag uusap pa.” Saway ni Tiyang Les sa mga pinsan ko.

Agad naman silang lumayo sa amin ni Cedric at kanya kanya na ng pwesto sa sofa.

“Kung ganun ay totoong engage na kayo. Eh kelan ba ang balak nyong kasal?” Tanong ni Tiyong Rusi.

Muli kaming nagtinginan ni Cedric. Ginagap nya ang kamay ko at pinisil.

“Gusto ko ho sana Tiyong Rusi sa lalong madaling panahon.” Ani Cedric.

“Aba’y bakit? Buntis na ba si Pinky?” Bulalas naman ni Tiyang Les.

Napasinghap naman ang mga pinsan ko.

“Hindi po tiyang.” Natatawa namang sabi ko.

“Pero malapit na ho. Baka on the way na nga.” Sagot naman ni Cedric.

Pinandilatan ko sya ng mata at siniko. Hindi naman obvious na sabik na syang magkababy. Pero nginisihan lang nya ako.

“Aba’y dapat na ngang ikasal na kayo. Mukhang nagbabalak na talaga kayong bumuo ng pamilya. Congratulations. Masaya kami ng Tiyang Les nyo para sa inyo.”

“Oo nga. Masaya kami dahil kayo pa rin ang nagkatuluyan bandang huli.” Ani Tiyang Les.

“Congratulations Ate Pinky, Kuya Cedric.” Bati naman ng mga pinsan ko at nagsipagpalakpakan pa.

Napangiti naman ako lalo sa tuwa. “Thank you po tiyong, tiyang.”

“O basta Cedric, huwag mong pababayaan ang pamangkin ko ha.” Bilin pa ni Tiyong Rusi.

“Oho Tiyong Rusi, hindi ko ho kayo bibiguin.” Inakbayan ako ni Cedric at hinalikan sa sentido.

“O sya, magsikain na tayo at lalamig na ang pagkain. Sa hapag na lang natin ituloy ang celebration.” Hayag ni Tiyang Les at tumayo na. Nauna na syang tumungo sa komedor.

Nagsitayuan na rin ang mga pinsan ko at si Tiyong Rusi. Sumunod naman kami ni Cedric.

“Eboy, tingnan mo nga kung sino ang tao sa labas at maingay na naman si Boogie.” Utos ni Tiyong Rusi kay Eboy na agad namang tumalima.

Nasa komedor na kaming lahat at nakahain na ang lahat ng pagkain. Nakaramdam ako ng gutom ng makita ang lumpiang hubad.

“Pa, may bisitang dumating po sa labas. Hinahanap kayo ni mama.” Ani Eboy ng makabalik.

Natigilan naman si Tiyong Rusi at Tiyang Les.

“Sinong bisita?” Tanong ni Tiyang Les.

“Hindi ko po kilala, ma. Pero babaeng may edad at mukhang mayaman. Ang ganda  ng sasakyan eh. Mamahalin.”

Natigilan rin ako sa sinabi ni Eboy at tumingin kay Cedric. Na-curious ako bigla kung sinong mayamang bisita ang dumating.

Lumabas ng komedor si Tiyong Rusi at Tiyang Les. Sumunod naman ang mga pinsan ko at sumunod na rin kami ni Cedric.

Ganun na lang pagkasurpresa ko ng makitang si Ma’am Adela pala ang mayamang bisita.


Chapter 37

Pinky POV

MAGING si Ma’am Adela ay halatang nasurpresa din ng makita kami ni Cedric.

Nilingon ko si Cedric. Wala syang kangiti ngiti at matiim lang na nakatingin sa kanyang ina. Hindi ko rin tuloy malaman kung lalapitan ko ba ang kanyang ina para batiin. Natatakot ako na baka hindi lang nya ako pansinin.

“Ah, sino ho sila?” Nakangiting tanong ni Tiyong Rusi.

Tumikhim si Cedric. “Sya ho ang mama ko Tiyong Rusi, Tiyang Les.” Pagpapakilala ni Cedric sa kanyang mama.

Nawala naman ang ngiti ni Tiyong Rusi at Tiyang Les at mataman silang tumingin kay Ma’am Adela. 

“Magandang gabi sa inyo. Pasensya na kung ngayon lang ako pumunta para makipag usap sa inyo.” Ani Ma’am Adela. Wala syang kangiti ngiti pero wala ring katarayan sa kanyang mukha na lagi nyang pinapakita sa akin noon.

Lumingon ako kay Cedric. Pinisil naman nya ang kamay ko na parang sinasabi nyang relax lang ako.

“Magandang gabi din ho. Pasok ho kayo.” Ani Tiyong Rusi at pinapasok na si Ma’am Adela sa loob ng bahay.

Sa sala ay muli na naman kaming nag ipon ipon maliban sa mga pinsan ko na pinapunta muna sa kusina nila tiyong at tiyang. Medyo kabado ako dahil ito ang unang beses na nakilala nila tiyong si Ma’am Adela na syang pasimuno sa pagsunog ng tindahan. Sana lang ay hindi magkaroon ng problema sa pag uusap nila.

Muling pinisil ni Cedric ang kamay ko. “Relax babe..” Bulong nya sa akin.

“I’m sorry.. for what I did. Nabulagan lang ako sa pagnanais na lumayo si Pinky sa anak ko kaya ko nagawa ang bagay na yun.” Panimula ni Ma’am Adela na hindi makatingin ng diretso kay Tiyong Rusi at Tiyang Les. Halatang hindi sya komportable na humihingi ng tawad. Mukhang ito pa nga  ang unang beses na humingi sya ng tawad. Pero kahit hindi komportable ay pinipilit naman nya at nag-effort pa sya.

“Naiintindihan ko ho Mrs. Montez. Pero mali pa rin ho ang ginawa nyo. Bukod sa naperhuwisyo ang kabuhayan namin ay nalagay pa sa alanganin ang buhay naming mag asawa at ang tindera namin.” Ani Tiyong Rusi.

Humugot ng malalim na hininga si Ma’am Adela. “Kaya nga.. humihingi ako ng tawad. Inaamin ko ang nagawa kong kasalanan. Sana ay patawarin nyo ako.” Pagpapakumbaba pa ni Ma’am Adela.

“Pinatawad ka na ho namin Mrs. Montez. Hinintay lang naming mag asawa na makipag usap kayo sa amin.” Wika ni Tiyang Les at ngumiti.

Tipid namang ngumiti si Ma’am Adela na tila ba sya naiilang o nahihiya. “Salamat..”

“Tungkol naman ho kay Pinky, Mrs Montez.. mabait ho ang pamangkin ko na yan. Sana ho ay kilalanin nyo pa sya. Sigurado hong magugustuhan nyo sya para sa anak nyo.” Pag iiba na ng topic ni Tiyong Rusi.

“Sya nga naman ho. Lalo at pa malapit ng ikasal ang dalawa. Sana ho ay matanggap nyo na sya para maging mapayapa ang pagsasama nila bilang mag asawa.” Dagdag pa ni Tiyang Les.

Kumagat labi naman ako. Natutuwa ako na dinedepensahan ako nila tiyong at tiyang kay Ma’am Adela. Nilingon ko si Cedric. Ngumiti sya sa akin sabay akbay at kabig sa akin.

Muli namang bumuntong hininga si Ma’am Adela at tumingin sa amin ni Cedric. Gumagalaw ang labi na may gustong sabihin.

Napayuko naman ako. Alam kong tutol pa rin sya sa akin.

“Well.. ano pa bang magagawa ko. Kung sya ang gustong pakasalan ng anak ko eh di.. fine.” Malamig na sabi ni Ma’am Adela ng hindi tumitingin sa amin ni Cedric.

Nagtinginan naman si Tiyong Rusi at Tiyang Les. Hindi na rin sika nagkomento pa..

“Mama, thanks for coming. Akala ko wala ka ng balak makipag usap pa.” Ani Cedric ng ihatid namin sa labas si Ma’am Adela.

Umikot ang mata ng ina ni Cedric. “Dahil hindi mo ko papansinin hangga’t hindi ako nakikipag usap.”

Kumunot ang noo ni Cedric. “Mama, ibig bang sabihin ay hindi ka sincere sa paghingi ng tawad? Ginawa mo lang yun para sa akin?”

“Syempre sincere ako. Pinag isipan ko yan ng maraming beses. Pinag sisihan ko na rin ang ginawa ko. Dahil sa ginawa ko galit sa akin si papa pati na rin ikaw. Tapos ang papa mo nanlalamig din sa akin. Ang kapatid mo disappointed sa akin. At hindi ko na kaya anak, nahihirapan na ako. Pakiramdam ko mag isa na lang ako.” Malungkot na sabi ni Ma’am Adela.

“Hindi kayo mag isa mama. Nandito pa rin naman kami. Gusto lang namin na pagsisihan nyo ang maling ginawa nyo at itama yun. Gusto lang namin na mapabuti kayo dahil mahal namin kayo. Hindi namin gusto na manapak kayo ng ibang tao.” Paliwanag ni Cedric.

Tumango tango si Ma’am Adela at nangilid na ang luha sa mga mata. “I understand anak.. and I’m really sorry kung nabigyan kita ng kahihiyan. Pulis ka pa man din tapos akong ina mo gumawa ng krimen. I’m really really sorry anak.”

Niyakap ni Cedric ang ina at hinalikan sa noo. “You’re forgiven mama. Masaya ako na malamang nagsisisi na kayo.”

Kumalas sa yakap ni Cedric si Ma’am Adela at tumingin sa akin sabay ngiti ng tipid. “I’m really sorry din, iha. I was so mean to you.”

Ngumiti ako sa ina ni Cedric. Hindi ko nararamdaman na pinaplastic nya ako. “Wala na po yun, ma’am. Pinapatawad ko na po kayo.”

“Thank you, iha. But to be honest, I still don’t like you para kay Cedric.”

“Mama.”

“Pero wala na akong magagawa dahil ikaw ang gusto ng anak ko. I’ll just try may best ba magustuhan ka. Mukhang hindi ka naman mahirap magustuhan. Just give me some time.”

Tumango ako at kiming ngumiti. Hindi na ako nasasaktan ng sabihin nyang hindi pa rin nya ako gusto para sa anak nya. Pero at least sa bibig na nya mismo galing na susubukan nyang magustuhan ako para sa anak nya.

“Naiintindihan ko po, ma’am. Gagawin ko rin po ang lahat. Papatunayan ko po ang sarili ko sa inyo.”

“Thank you, iha.”

Nagpaalam na si Ma’am Adela at sumakay na sa sasakyan. Inaya sya kanina ni tiyong at tiyang na dito na kumain pero tumanggi sya dahil kumain na sya.

“Pasensya ka na kay mama, babe.” Ani Cedric. Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako at hinawakan sya sa kamay. “Ano ka ba, ayos lang. Naging honest lang ang mama mo. Pero at least hindi na nya ako sinungitan kanina at susubukan na rin nyang magustuhan ako.”

Niyakap nya ako at hinalikan sa buhok. “Thank you babe.. lalo mo lang pinatunayan na hindi ako nagkamali ng babaeng minahal.”

“You’re welcome babe.. hindi rin ako nagkamali ng lalaking minahal. At salamat dahil hindi mo ko sinukuan.”

“Dahil mahal kita.” Aniya at sa noo naman ako hinalikan.

“Mahal din kita Cedric. Sayo pa rin ako babalik.”

“I know babe..” Niyakap nya ako ng mahigpit na ikinahagikgik ko.

BINIBILANG ko ang petsa noong huli akong nagka-period. Dahil busy lately ay hindi ko na nga namalayan na delayed na naman ako. At pangalawany buwan na ngayon na hindi pa ako nagkakaroon.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa isang hinala. Hindi imposible yun dahil active kami sa sex ni Cedric at wala pa kami parehas na protection.

Malalaman yan kapag nag-pt ako.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto bitbit ang cellphone. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa kusina kung nasaan si Cedric na nagluluto.

“Babe..” Tawag ko sa nobyo.

Lumingon sya sa akin. “Yes babe? Nagugutom ka na? Malapit na to. Papakuluan ko lang ng kaunti.” Aniya habang hinahalo ang niluluto nyang nilagang baka.

Lumapit ako sa kanya at humawak sa kanyang braso. “Babe, I think kailangan mo ng bumili ng pt.”

Kumunot ang noo nya. “Pt? Anong pt?”

Bumuntong hininga ako at lumunok. “Pregancy test.”

Natigilan sya. “Pregnancy test?”

Tumango ako. “Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan. Baka.. buntis na ako.”

Namilog ang mata nya. “B-Buntis ka na?”

“Baka pa lang.. Eh kasi, two months na nga akong hindi nagkakaroon tapos wala pa tayong gamit na protection. So baka.. posible..”

Malutong syang napamura at pinatay ang kalan. Naghugas din sya ng kamay.

“Alright. Bibili ako ng pregnancy test. Anong brand?” Aniya na mababakas sa tono ng boses ang excitement.

“Kahit ano. Dalawa ang bilhin mo.”

“Alright!” Malalaki ang hakbang na lumabas sya ng kusina pero biglang pumihit pabalik sabay siil sa akin ng mariing halik. “Sana nga buntis ka na.”

Naiwan akong nakanganga sa kusina habang sinusundan ng tingin si Cedric na palabas na ng pinto. Kahit nakashorts lang sya at sando ay pupunta sya ng botika para bumili ng pt. Hindi obvious na excited sya.


Chapter 38

Cedric POV

MALAKAS ang pintig ng puso ko habang palakad lakad ako sa harap ng pintuan ng banyo at hinihintay na lumabas si Pinky. Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan at na-excite ng ganito. Sana ay tama ang hinala namin. Matagal na matagal ko na itong hinihintay at laging dinarasal.

Natigilan ako sa paglalakas ng bumukas na ang pinto ng banyo at lumabas si Pinky hawak ang pregnancy test. Agad akong lumapit sa kanya.

“Kamusta babe? Anong resulta?”

Hindi sya sumagot at inabot sa akin ang pregnancy test kit. Kinuha ko naman yun at kunot noong tiningnan. Namilog ang mata ko ng makita ang dalawang guhit.

“Two lines? Positive?” Tumingin ako sa nobya.

Tumango naman sya at kumagat labi.

“Oh god..” Bulalas ko habang titig na titig sa pregnancy test kit. Parang huminto ang inog ng mundo ko at lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko.

“Sigurado kaya ito? I mean accurate ba tong pregnancy test?” Medyo nagdududa pang tanong ko. Ayoko lang kasing mabigo. Gusto ko ay sigurado na.

“Ang sabi accurate naman daw. Pero mas accurate daw kung sa umaga ako mag test. Yung bagong gising ako at unang ihi.” Paliwanag nya.

Tumango tango ako. “I see.. dalawa naman ang binili kong pregnancy test so bukas ng umaga pwede kang magtest ulit.”

Tumango sya.

Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga. Hindi pa rin makalma ang dibdib kong nagwawala dahil sa excitement.

“Wooh! I’m so excited babe. I’m sure buntis ka na talaga.”

Ngumuso si Pinky. “Bakit siguradong sigurado ka?”

Ngumisi ako. “Of course! Pinlano ko na yan eh.”

“Sabi na eh..”

Sa tuwa ko ay hinapit ko sya sa bewang at binuhat sabay ikot sa kanya sa ere. Tumili naman sya at humagikgik.

“Tama na Cedric! Nahihilo na ko!” Tumatawang protesta na nya.

Binaba ko naman sya at hinawakan ang kanyang mukha sabay siil ng halik sa kanyang labi.

“I’m so happy babe.. so fucking happy..” Anas ko at pinupog sya ng maraming halik.

Panay naman ang hagikgik nya. “Oo nga, happy’ng happy ka. Bugbog na ang mukha ko ng halik mo eh.”

Ngumisi ako. “Mamaya, buong katawan mo naman ang bubugbugin ko ng halik.”

Namula ang mukha nya. “Parang alam ko na ang balak mo.”

Tumawa ako. “Maniniguro lang babe. Baka kasi kulang pa ang daliri sa paa ni baby.”

Tumawa rin sya at mahinang pinalo ako sa dibdib. “Sira.. kung sakaling may baby na nga sa tummy ko, dugo pa lang sya at nadedevelop pa lang.”

“I know, gusto ko lang makasiguro. Umpisahan na kaya natin.” Nanghihibong sabi ko.

Pinisil nya ang pisngi ko. “Hindi pa nga tayo kumakain yan na agad ang nasa isip mo. Gutom na po ako.”

Kumamot ako sa batok. Oo nga pala, hindi pa pala kami kumain. Nakalimutan ko na dahil okupado ang isip ko tungkol sa pagbubuntis nya.

“Alright, kumain na tayo.” Hinawakan ko ang kamay nya at giniya papunta sa kusina.

Excited na akong masolo sya sa kwarto. Pero kailangan muna naming kumain para may energy kami mamaya.

.

.

Pinky POV

POSITIVE ngang buntis ako. Nagtake ulit ako ng pt kaninang umaga pagkagising ko at nakaabang ulit si Cedric. Pareho lang ng resulta kagabi. At para naman mas makasiguro pa ay nagpunta na kami sa obgyne clinic at kumpirmado na ngang buntis ko. Walang ibang mas masaya kundi si Cedric. Masaya din naman ako pero may halong kaba at pag alala dahil alam ko naman na hindi biro ang magbuntis lalo na ang manganak.

Una kong sinabihan na buntis ako ay si Ciella. Tuwang tuwa naman sya at binati ako.

“Talagang hindi ka nagpakabog sa akin ha. Humabol ka pa talaga. Dalawa na tayong buntis sa shop.” Ani Ciella.

“Buntis kayo Ma’am Pinky?” Tanong ni Yena na narinig ang usapan namin.

Ngumiti ako assistant. “Yes, mag te-ten weeks na akong buntis.”

“Wow! Dalawa na ang buntis sa shop. Swerte daw ang buntis sa shop. Kaya pala ang dami nating customer lately dahil doble pala ang swerte.” Sambit ni Yena.

Natawa naman kami ni Ciella. Marami nga kaming customer lately. Baka nga kami ni Ciella ang swerte dahil parehas kaming buntis. Kasabihan nga ng matatanda ay swerte ang buntis.

Nalaman din ng mga staff namin na buntis ako. Tuwang tuwa naman sila dahil parehas buntis ang mga amo nila.

Kinagabihan ay sinundo ako ni Cedric at pumunta kami sa bahay ni Tiyong Rusi. Sinabi rin namin sa kanila ang magandang balita. Tuwang tuwa naman si tiyong at tiyang pati na rin ang mga pinsan ko. Vinideo call ko din si Tiyang Helen at sinabi sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Tuwang tuwa din sya at naiyak pa.

“Babe, I think mas mapapaaga ang kasal natin.”

Nag angat ako ng tingin kay Cedric habang nakaunan ako sa dibdib nya.

“Bakit?”

“Syempre buntis ka na. Kailangan maikasal na tayo. How about civil wedding muna. Ok lang ba sayo?”

Inabot ko ang pisngi nya at hinaplos. “Ayos lang sa akin kahit anong kasal pa yan.” Nakangiting sabi ko.

“Promise babe.. pakakasalan din kita sa simbahan. Mauuna lang muna ang civil wedding.”

“No problem babe.”

Hinalikan nya ako sa noo. “Bukas pupunta tayo sa bahay para sabihin kay papa at mama ang good news. Siguradong matutuwa sila dahil magkakaapo na sila.” 

Tumango ako sa sinabi nya at yumakap sa kanyang bewang. Dinikit ko ang ilong sa kanyang dibdib at sininghot singhot ang kanyang amoy. Bagong shower sya kaya amoy sabong panligo. Dito na sya umuuwi sa bahay ko madalas. O kaya naman minsan doon kami uuwi sa bahay nya.

Suminghap si Ma’am Adela at Tito Edgardo sa sinabi ni Cedric. Namimilog pa ang kanilang mga mata.

“Really? Buntis na si Priscilla?” Tila hindi pa makapaniwalang tanong ni Ma’am Adela.

Kimi naman akong ngumiti.

“Yes mama, magte-ten weeks ng buntis si Pinky.” Nakangising sagot ni Cedric.

“Oh wow! Lolo na ako.” Bulalas ni Tito Edgardo na nakaguhit sa mukha ang saya.

“Bakit ang bilis naman? Hindi pa ako ready maging lola.” Himutok naman ni Ma’am Adela.

“Ate kelan ka pa magiging ready honey? Senior ka na.”

Sinamaan ng tingin ni Ma’am Adela si Tito Edgardo. “Anong senior? Ikaw lang ang senior no.”

Tumawa si Tito Edgardo. “3 years na lang senior ka na rin honey.”

“Ugh, stop it Edgardo. Huwag mo ng ipaalala sa akin yan. Gosh! Lumalabas ang mga wrinkles ko sayo.”

“Ayan na nga! Lumalabas na honey sa may bandang mata mo.” Pang aasar pa ni Tito Edgardo.

Inis na pinalo naman ni Ma’am Adela ang asawa.

Kinagat ko ang labi para pigilang matawa sa munting asaran ng mag asawa. Si Cedric ay naiiling na nangingisi na lang.

“Anyway, so anong plano nyo ngayon na magkakababy na kayo? Mapapaaga ba ang kasal?” Tanong ni Tito Edgardo.

Tumingin ako kay Cedric. Pinisil nya naman ang kamay ko.

“Yes papa, mapapaaga ang kasal namin. Plano naming civil wedding muna.” Ani Cedric.

Tumango tango naman si Tito Edgardo. “Pabor ako dyan, anak.”

“Pero mas maganda pa rin kung sa simbahan kayo ikakasal.” Hirit ni Ma’am Adela.

“Magpapakasal din kami ni Pinky sa simbahan, mama. Pero dahil matagal ang preperasyon ng church wedding mauuna ho muna ang civil wedding.”

“Gusto ng mama mo ng church wedding para makapagpaganda sya.” Hirit pa ni Tito Edgardo. Inirapan lang sya ni Ma’am Adela.

Natawa naman si Cedric. Samantalang ako ay nangiti lang. Baka kasi tarayan ako ng mama nya kapag tumawa ako.

“Kelan naman ang civil wedding nyo?” Tanong ni Ma’am Adela.

“Next week ho, mama.”

Napasinghap ako sa sinabi ni Cedric. Hindi yata nya ako nasabihan. “Next week na?”

Ngumisi si Cedric. “Yes babe.”

“Hindi naman halatang kasal na kasal ka na anak.” Buyo pa ni Tito Edgardo.

“Naniniguro lang papa.”

Malakas na tumawa si Tito Edgardo sa sinagot ni Cedric. Nag init naman ang mukha ko.

“Kung civil wedding, kay Judge Marasigan na lang kayo magpakasal. Ang ama nya dati ang nagkasal sa amin noon ng papa mo.” Suhestiyon ni Ma’am Adela.

“Sya nga naman anak.” Sang ayon naman ni Tito Edgardo.

Tumingin sa akin si Cedric. “Ayos lang sayo babe?”

Tumango ako at ngumiti. “Walang problema sa akin, babe. Sasabihan ko na agad mamaya si Tiyang Helen para makapunta sya.”

“Sure babe. Pero mas maganda siguro kung susunduin na lang natin sya.”

Pumayag naman ako sa suhestiyon ni Cedric. Na-excite na rin ako sa kasal namin. Sobrang bilis pero bakit pa papatagalin kung doon din naman kami mapupunta.

Pinag usapan na namin ang tungkol sa civil wedding. Si Cedric ang nagpresintang mag aayos ng lahat ng kailangan para hindi na raw ako mapagod dahil buntis ako.

NATIGILAN ako sa pagkagat ng sinegwelas ng marinig ang tunog ng doorbell. Binitiwan ni Cedric ang hawak nyang kutsilyo.

“Ako na babe.” Sabi ko at binitawan ang sinegwelas. Tumayo ako at lumabas ng kusina.

Binuksan ko ang maliit na pinto ng gate at umawang ang labi ko ng makita kung sino ang bisitang nagdo-doorbell.

Walang iba kundi si Carlyn na nagulat din ng makita ako.


Chapter 39

Pinky POV

“YOU? What are you doing here and why are you wearing Cedric’s shirt?” Mataray na tanong ni Carlyn at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Tiningnan ko rin ang sarili. Suot ko ang puting t-shirt ni Cedric na nagmukhang bestida ko na dahil umabot yun sa kalahati ng hita ko.

Tumingin ako kay Carlyn at tinaasan sya ng kilay. “Because Cedric is my boyfriend – ah mali. Fiance pala. Kaya rin ako nandito dahil dito ako natulog kagabi. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?” Humalukipkip ako.

Umawang ang labi ni Carlyn. “Dito ka natulog kagabi?”

“Oo nga. Hindi mo ba narinig yung sinabi ko.”

Tumalim ang tingin nya sa akin at nangalit ang kanyang panga. “At bakit dito ka natulog? Wala ka bang bahay at nakikitulog ka sa ibang bahay?”

Binigyan ko sya ng nakakalokong ngisi. Namumula na ang mukha nya at inis na inis na.

“May sarili akong bahay. Pero dito ako gustong patulugin ni Cedric. Saka pakialam mo ba? Bahay to ng fiance ko at may karapatan akong matulog dito lalo pa at malapit na kaming ikasal.”

“No fucking way! Hindi kayo magpapakasal ni Cedric dahil kami ang magpapakasal. Tumabi ka nga dyan bitch!” Tungayaw nya sabay tulak sa akin at pasok nya sa loob ng gate.

Napaawang naman ang labi ko sa pagkabigla. Mabuti na na lang at napahawak ako sa haligi ng gate kung hindi ay baka napaupo na ako sa semento.

“Cedric! Cedric hun!”

Pumikit ako ng mariin. Parang may pumitik na ugat sa ulo ko ng marinig ang tawag ni Carlyn kay Cedric. Sinundan ko sya sa loob ng bahay.

“Carlyn what are you doing here?” Kunot noong tanong ni Cedric ng makita si Carlyn.

Lumapit naman ako sa nobyo. Sinibat naman ako ng matalim na tingin ni Carlyn.

“I heard na ikakasal ka na daw at hindi sa akin. Is it true?”

“Yes. Ikakasal ako sa nobya ko.” Hinapit ako sa bewang ni Cedric. Ako naman ay yumakap sa kanyang bewang at matamis na ngumiti kay Carlyn para lalo syang maasar at magising na sya sa ilusyon nyang sila ang ikakasal ni Cedric.

Lalo namang naging masama ang timplada ng mukha ni Carlyn. “No! Hindi ako papayag. Pinagkasundo na tayo ng mga parents natin Cedric. Tayo ang ikakasal at hindi kayo ng babaeng yan!”

Bumuntong hininga si Cedric. “At hindi ako pumayag sa kasunduan na yun. I love my girlfriend and she’s the only woman I’m gonna marry. Wala ng iba.”

Bumalatay ang sakit sa mukha ni Carlyn. “How dare you Cedric! Pinaasa mo ko!”

Tumaas ang kilay ko.

“Never kitang pinaasa Carlyn. Ikaw lang ang umasa. Ilang beses ko ng sinabi sayo na hindi kita gusto at hindi ako magpapakasal sayo.” Mahinahon na sabi ni Cedric.

Galit naman na lumapit si Carlyn at pinaghahampas sa dibdib si Cedric. Pinigilan ni Cedric ang mga kamay nya at nilayo sya sa akin. Humagkis naman sa akin ang galit nyang tingin.

“This is your fault bitch! Kung hindi dahil sayo ako sana ang pakakasalan ni Cedric!” Sikmat ni Carlyn sa akin.

“Hey! Walang kasalanan si Pinky. Nauna syang dumating sa buhay ko at sya lang ang babaeng gusto ko.” Paliwanag pa ni Cedric habang pigil pigil pa rin sa pulso si Carlyn. Bakas ang pagpipigil ng inis sa kanyang mukha.

“Pero naghiwalay na kayo ng bitch na yan Cedric. Kung hindi ka nya nilandi, hindi mo naman sya babalikan – “

“Enough!” Galit ng singhal ni Cedric.

Natigilan naman si Carlyn at bahagyang namutla.

“Stop calling her bitch. Dahil kung meron mang bitch dito, ikaw yun dahil sa inaakto mo. At uulitin ko ulit sayo, si Pinky lang ang babaeng gusto ko at sya lang ang pakakasalan ko. Never kitang magugustuhan Carlyn.” Binitiwan ni Cedric ang mga braso ni Carlyn.

Tumiim bagang si Carlyn at lalong nanalim ang kanyang matang punong puno na ng pait.

“Pagsisisihan mo to Cedric. I will tell dad na tanggalin ka sa serbisyo.” Nakangising banta nya.

Naalarma naman ako. Ang alam ko ay anak ng police general si Carlyn.

Pero nagkibit balikat lang si Cedric. “Go ahead. I don’t care.”

Nawala ang ngisi ni Carlyn at muling nanalim ang mga mata. “I don’t care pala, ha. Puwes, bukas na bukas din wala ka na sa serbisyo.”

Tumalikod na si Carlyn at nagmamartsang lumabas ng bahay.

Nag aalalang hinawakan ko sa braso ang nobyo. “Cedric, baka ipatanggal ka nya sa serbisyo. Police general ang daddy nya di ba?”

“Yeah.. but I don’t care. At hindi rin ganun kababaw si General Navidez para pagbigyan ang kapristo ng spoiled brat nyang anak.”

“Sigurado ka?”

Ngumiti sya at marahang pinisil ang pisngi ko. “Yes babe, don’t worry. Huwag kang ma-stress masama sa inyo yan ni baby hmm?”

Ngumiti na rin ako at tumango. Basta sinabi nya maniniwala ako.

Iniwan nya ako saglit at lumabas ng bahay para isarado ang maliit na pinto ng gate. Pagbalik nya sa loob at hinawakan nya ang kamay ko at giniya ako sa kusina. Tinuloy na nya ang paghihiwa ng mga rekado sa lulutuin nya at ako naman ay nilantakan na ang sinegwelas na pinabili ko sa kanya kanina.

Kinabukasan ay umuwi kami ni Cedric sa Quezon para sunduin si Tiyang Helen. Nabigla ang tiyahin ko ng sabihin naming sa next week na ang kasal namin sa huwes. Natuwa naman sya at ang mga kamag anak ko. Napatunayan sa kanila ni Cedric na seryoso talaga sya sa akin. Nangako rin sa kanila si Cedric na magpapakasal kami sa simbahan at lahat ng kamag anak ko ay imbitado. Syempre tuwang tuwa naman ang mga kamag anak ko at humirit na ng early celebration. Hindi naman tumanggi si Cedric at magpaoainom sa mga tiyuhin at mga pinsan ko. Nagpabili din sya ng maraming pagkain para hindi na magluto ang mga tiyahin ko.

“Kung nasaan man ngayon ang papa at mama mo, siguradong tuwang tuwa sila na nakatagpo ka ng mabuting lalaki na makakasama mo habang bubay.” Saad ni Tiyang Helen at pinisil ang kamay kong hawak nya.

Narito kami sa sala dahil gusto nya akong makausap ng solo. Si Cedric ay umalis kasama ang mga tiyuhin ko at mga pinsan dahil bibili sila ng masarap na pulutan. May binida kasi kanina sila Tiyong Mario na bagong bukas daw na kainan sa bayan na may masarap daw na putahe na swak sa pulutan. Ang ibang mga tiyahin ko naman ay nag aayos na ng mga mesa sa labas para sa kainan mamaya.

Ngumiti ako kay Tiyang Helen at pinisil din ang kanyang kamay. “Sigurado po yan tiyang. Pero narito naman po kayo at gusto ko po masaya rin kayo sa akin.”

“Oo naman anak, masayang masaya ako para sayo. Yun naman ang lagi kong dinarasal na hindi ka matulad sa akin na nag iisa sa buhay. Bagaman kuntento na ako sa buhay ko, syempre iba pa rin ang may kasama. At natutuwa ako na dininig ang dasal ko.”

“Salamat po tiyang. At pangako ko po sa inyo lagi pa rin po akong nasa tabi nyo kahit uugod ugod na kayo.”

Tumawa si Tiyang Helen. “Ikaw talaga, hindi ko na nga iniisip ang bagay na yan pinaalala mo pa.”

Natawa na rin ako. “Gusto ko lang pong malaman nyo tiyang na kahit may asawa na ako ay narito pa rin ako sa tabi nyo.”

“Alam ko naman yun anak.”

Yumakap ako kay Tiyang Helen. Medyo nagiging emosyonal na ako dahil naalala ko ang papa at mama ko. Sayang na maaga silang nawala. Pero masaya pa rin ako dahil narito si Tiyang Helen at ang iba ko pang kamag anak.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay tiyang ng makarinig ng mga ingay sa labas.

“Mukhang dumating na ang mga tomador.” Sambit ni Tiyang Helen at tumayo.

Natatawang tumayo na rin ako at lumabas kami ni tiyang. Dumating na nga si Cedric at ang mga tiyuhin at mga pinsan ko. Isa isa silang bumaba sa sasakyan at may dala dala ng mga bilao pati case ng beer. Mukhang mapapahaba ang inuman session dahil umarkila pa sila ng videoke.


END

Pinky POV

“CONGRATULATIONS bebs!” Kinikilig na binati ako ni Ciella sabay yakap sa akin.

“Thank you beb.” Nakangiting sabi ko at niyakap din ang kaibigan.

Kumalas sa yakap si Ciella at tinitigan ako. “Finally, Mrs. Montez ka na.”

Sabay kaming humagikgik na dalawa.

Katatapos lang ng seremonyas at dito agad kami dumiretso ni Cedric sa hotel kung saan dinaos ang reception. Simple lang ang reception namin at pili lang ang imbitado. Yun ang napagkasunduan namin ni Cedric na pribado muna ang kasal namin ngayon. Sa side ko ay imbitado sila Tiyang Helen, Tiyong Rusi, Tiyang Les at mga pinsan ko. Si Ciella at Lex at ang anak nilang si Alexandrea. Sa side naman ni Cedric ay ang papa at mama nya at si Lolo Manuel. Imbitado din ang hepe nila at ilang kasamahan nya sa ahensya.

“Congratulations chief inspector.” Bati naman ni Lex kay Cedric at nagtapikan sila sa balikat.

“Thank you pare.”

Isa isa na ring lumapit sa amin ang mga pinsan ko at binati kami ni Cedric. Ganun din ang mga kasamahan ni Cedric sa ahensya pati ang hepe nila. Saglit lang sila sa reception dahil may duty pa sila.

“Priscilla iha.” Lumapit sa akin si Ma’am Adela kasunod nya ang tatlo pang ginang na may mga ngiti sa labi. Sa hitsura at mga bihis nila ay halatang mga kabilang sila sa alta sosyedad.

“Ma’am Adela..” Sambit ko.

“Mama iha, tawagin mo na akong mama dahil kasal na kayo ni Cedric. Anyway, ipapakilala kita sa mga amiga ko.” Hinawakan ako ni Ma’am Adela – este mama sa braso. Nagulat ako sa gusto nyang itawag ko sa kanya at sa paghawak nya sa braso ko.

Lumingon ako kay Cedric na kausap ang iba pang bisita. Nginitian lang nya ako at tinanguan.

“She is Priscilla, my daughter in law.” Pagpapakilala na sa akin ni Mama Adela sa mga amiga nya.

Pino kung kumilos ang mga ito at elegante. Mga nakangiti habang nakatingin sa akin. Mukha naman silang mababait.

“Hello po ma’am.” Magalang na bati ko sa mga ginang.

“Hello iha. Congratulations sa kasal nyo ng aking inaanak.” Bati pa sa akin ng isang ginang na maiksi ang buhok na kulay puti.

“Thank you po ma’am.” Kiming ngumiti ako.

“She’s so pretty Adela.” Komento pa ng isang ginang na medyo kulutan ang buhok.

“Of course, magaling pumili ang anak ko. And she is a businesswoman too.” Pagmamalaki pa ni Mama Adela.

“Oh really? Anong business nya?”

“She owns a flower shop and a coffee shop. May dalawang branch na yun at sosyo sila ng kaibigan nya.” Dagdag pa ni Mama Adela.

“Wow! That’s nice.”

Kinagat ko naman ang labi at ngumiti. Ang sarap sa pakiramdam na pinagmamalaki ako ni Mama Adela sa mga amiga nya. Akala ko, mamamaliitin nya ako kaya kabado ako kanina. Nagkamali ako.

Nagtanong pa ang mga amiga ni Mama Adela tungkol sa flower shop at coffee shop. Interesado silang puntahan yun. Binigyan ko naman sila ng business card kung saan nakalagay na doon ang pangalan ng shop, phone number at address. Anytime ay pwede silang pumunta.

Matamis ang ngiti ko sa labi sa mga dumaang oras. Magaan na magaan ang pakiramdam ko at masaya ako. Bukod sa kasal na kami ni Cedric ay ok na kami ni Mama Adela.

“Happy babe?” Untag sa akin ni Cedric.

Lumingon ako sa kanya at tumango. “Sobrang happy babe. Mabait na sa akin ang mama mo. Sabi nya tawagin ko na raw syang mama. Tapos pinagmalaki pa nya ako kanina sa mga amiga nya. Ang sarap sa pakiramdam.”

Ngumiti si Cedric at hinalikan ako sa sentido. “That’s good. I know mama will like you.”

Sumandig ako sa balikat nya at ngumiti. “Thank you hubby.”

Tumaas ang kilay nya at ngumisi. “Hmm hubby.. I like it.”

“And I’m your wifey..” Nanghihibong sabi ko.

“My delicious wifey..” Dugtong pa nya sabay pisil sa aking balakang.

Nag init naman ng husto ang aking mukha. Pati ang katawan ko ay biglang nag init na rin. Parang excited na ako sa honeymoon. Parang gusto ko ng yayaing umuwi si Cedric.

Ipinilig ko ang ulo. May araw pa at narito pa kami sa reception pero ang halay na ng isip ko. Naalala ko ang sinabi ni Ciella. Mabilis daw mag init ang babaeng buntis..

“Hah!” Habol namin ni Cedric ang aming hininga matapos naming maabot ang sukdulan sa ikaapat na pagkakataon.

Nakadapa ako sa kanyang ibabaw at sinandig ko ang pisngi sa kanyang malapad na dibdib. Dinig na dinig ko ang malakas na pintig ng kanyang puso. Mabini nyang hinaplos ang aking likuran habang tinataniman ng halik ang aking buhok.

Kumagat labi ako. Nasa loob ko pa rin ang pagkalalaki ni Cedric at damang dama ko pa yun. Katatapos lang namin pero heto at may umuusbong na namang kiliti sa kaibuturan ko. Gusto ko pa.

Nag angat ako ng mukha at tumingin kay Cedric na nakapikit ang mata. Pero dahan dahan syang dumilat at tumingin sa akin. Pilya naman akong ngumiti at bumangon. Muli akong naupo sa kandungan nya.

“Babe..” Anas nya.

“Gusto ko pa hubby..” Nanghihibong sabi ko.

“Hindi ka pa pagod?”

Ngumuso ako at umiling sabay galaw ng balakang.

Mahina naman syang nagmura at muling nagningas ang apoy sa kanyang mga mata. Humawak sya sa hita ko at humaplos doon.  Nakatitig sa akin ang mapupungay nyang mga mata.

Mabagal ang galaw ng balakang ko. Paatras at paabante. Ninanamnam ko ang kiliting hatid ng bawat hagod ng kanyang kalakihan sa aking loob. Tumitig ako sa gwapong mukha ni Cedric. Nakaawang ang kanyang labi at minsan ay pumipikit. Nalulukot pa ang kanyang mukha na para ba syang nasasaktan.

“Ugh shit.. make it fast babe..” Anas nya sabay pisil sa hita ko.

Humawak ako sa braso ni Cedric at kagat labing bahagya ko nang binilisan ang paggalaw ng balakang. Urong, sulong sabay ikot ng balakang. Napapaikot na rin ang mata ko sa sarap. Ang isang kamay nya ay dumako na sa aking dibdib at pumisil pisil doon.

“Fuck wife.. ang sikip mo ahh..” Daing nya sabay kagat labi.

“Uhmm babe..” Ungol ko naman sa sarap at mas binilisan pa lalo ang paggalaw.

Si Cedric ay hinayaan lang ako na dominahan sya. Panay lang ang haplos at pisil nya sa aking katawan na nakakadagdag lang ng kiliting aking nararamdaman. Paminsan minsan ay napapamura sya kapag hinihigpitan ko ang kapit sa kanya sa loob.

“U-Ughhh babe.. m-malapit na ako.. uhmm!”  Daing ko at mas binilisan pa lalo at ginaslawan ang paggalaw sa kanyang ibabaw.

Humigpit naman ang hawak nya sa aking balakang at sumasabay na rin sya sa pag ulos. Ilang sandali pa nga ay muli na namang nanginig at nanigas ang aking katawan sa kanyang ibabaw. Muling rumagasa ang aking katas.

Bagsak ang aking katawan sa ibabaw ni Cedric at habol ko ang aking hininga. Ngunit napasinghap ako ng baliktarin nya ang aming posisyon. Ako na ulit sa ilalim at sya naman sa ibabaw. Bumangon sya at lumuhod. Hinawakan ang dalawang hita ko at mas binuka pa lalo. Muli syang umulos ng mabilis. Kahit katatapos ko lang ay may panibago muling kiliti ang sumalakay sa aking kaibuturan. Maya maya pa ay napunong muli ng ungol ko ang loob ng kwarto.

Paniguradong puyat na naman kami nito. Pero ayos lang dahil unang gabi ito ng pagiging opisyal naming mag asawa.

“SAAN ba kasi tayo pupunta babe?” Nayayamot na tanong ko habang kumakamot sa ulo. Hindi ko kasi feel na lumabas ngayong araw. Tinatamad ako at parang ang bigat ng pakiramdam ko.

Tumawa si Cedric at inalalayan akong sumakay ng sasakyan. “Basta! May surprise ako sayo.”

Kumunot ang noo ko. “Anong surprise?” Curious na tanong ko habang kinakabit ang seatbelt.

Ngumisi naman ang asawa ko. “Hindi na surprise kapag sinabi ko. Malalaman mo mamaya. Kaya huwag ka ng sumimangot ok.” Sabay kintal nya ng halik sa labi ko.

Napanguso na lang ako at nabawasan naman ang pagkayamot ko.

Maingat na sinarado ni Cedric ang pinto at umikot na sya sa driver seat.

Two months na kaming kasal ni Cedric at four months na ang tummy ko. Lately, nagiging moody ako. Mabilis mainis at mabugnot. Pero ang sabi nga ng doctor ay normal lang daw yun sa buntis. Hindi ako maselan sa pagbubuntis. Never akong nagsuka dahil may kakaibang naaamoy maliban na lang kapag sobrang busog. Sa pagkain naman ay hindi ako mapili. Pero may mga cravings ako at si Cedric ang taga bili ko.

Doon sa bahay ko kaming dalawa naninirahan. Naroon na rin ang iba nyang damit at mga gamit. Minsan naman sa bahay nya kami natutulog kapag weekend or day off nya. Malaki ang bahay nya pero mas gusto namin sa bahay ko dahil malapit lang doon ang bahay nila Tiyong Rusi. May makakasama ako sa gabi kapag panggabi ang duty nya. Ayaw nya kasi akong maiwan sa gabi na mag isa kaya pinapasamahan nya ako sa mga pinsan ko. Sabi ko nga sanay na akong mag isa sa gabi. Ang sabi nya naman ngayong mag asawa na kami ay hindi na nya ako hahayaang mag isa sa gabi. Nagbabalak na nga rin syang kumuha ng kasambahay pero tumanggi lang ako dahil hindi pa naman namin kailangan.

Sa kalagitnaan ng byahe ay hininto ni Cedric ang sasakyan sa gilid ng kalsada at may nilabas na panyo.

“Bakit kailangan pa akong piringan?” Angal ko.

“Para hindi mo agad makita ang surprise. C’mon babe..” Malambing na sabi nya.

“Sige na nga.” Pagpayag ko na. Ang killjoy ko naman kung hindi ako makikisama.

Piniringan na nya ako ng panyo sa mata at nagdilim na ang paningin ko.

“Hindi mo naman siguro ako itatapon sa ilog no.”

Tumawa sya at pinisil ang pisngi ko. “Silly.”

“Saan ba kasi tayo pupunta? Malapit na ba?” Medyo naiinip ng tanong ko.

“Yes, malapit na wife. Just relax ok.”

Wala na akong nagawa kundi tumango na lang at makiramdam.

Muli ng pinausad ni Cedric ang sasakyan. Panay naman ang tanong ko kung malapit na ba kami. Medyo naiinip na kasi ako. Pero tinatawanan lang nya ako. Ganyan naman sya kapag moody ako. Tatawa lang na parang nag e-enjoy pa sya.

“We’re here na.”

Napatuwid ako ng upo ng ihinto na ni Cedric ang sasakyan at patayin ang makina. Akmang tatanggalin ko ang piring pero pinigalan nya ako.

“Oops! Huwag muna babe.”

Napakamot na lang ako sa ilalim ng tenga.

Naramdam kong gumalaw ang sasakyan at narinig kong bumukas ang pinto. Bumaba na ng sasakyan si Cedric. Mayamaya pa ay naramdaman kong bumukas ang pinto sa tabi ko. Kinalas ni Cedric ang seatbelt ko at inalalayan akong bumaba.

“Asan na ba tayo Cedric?” Tanong kong muli habang inalalayan nya akong maglakad. Nakahawak ako sa kanyang malaking braso.

Pero hindi sumagot ang asawa ko at panay tawa lang. May nauulinagan akong mga boses na nagbubulungan. Tumigil kami sa paglalakad.

“Ready babe?” Tanong ni Cedric.

“Oo, kanina pa.”

Mahina syang tumawa at kinalas na ang panyong nakatakip sa aking mata. “Open your eyes wife.”

Dinilat ko nga ang mata.

“Surprise!”

Nahigit ko ang hininga at namilog ang aking mata ng makita ang mga kamag anak ko. Mula kay Tiyang Helen, Tiyong Rusi, Tiyang Les at mga pinsan ko. Narito ang lahat ng kamag anak ko sa Quezon. May mga malalapad na ngiti sa labi nila at nasa kanilang likuran ang malaking bahay na modern style. Nilibot ko ang mata sa paligid. Imposible namang nasa Quezon ako dahil nandito ang lahat ng kamag anak ko at ilang minuto lang ang byahe. Hindi pamilyar sa akin ang lugar pero mukhang nasa isang subdivision kami dahil may iba pa akong malalaking bahay na nakikita.

“Omg.. nasaan tayo babe at bakit nandito sila?” Tanong ko kay Cedric.

Hinapit nya ako sa bewang. “Ito ang surprise ko sayo. Inimbitahan ko ang lahat ng kamag anak mo para sa house blessing.”

Naguluhan ako. “House blessing? Anong ibig mong sabihin babe?”

Ngumiti si Cedric. “Ito ang bagong bahay natin wife.”

Umawang ang labi ko at nilibot ang mata sa malaking bahay. Hindi ko inaasahan na magkakaroon kami ng isa pang bahay dahil dalawa na ang bahay namin. Mas malaki nga lang ito na parang pa-mansion na.

“Congratulations sa bago nyong bahay!” Bati ni Tiyong Rusi sabay palakpak.

Pumalakpak din ang iba kong kamag anak at binati kaming mag asawa.

Lumapit naman kami sa kanila. Niyakap ko si Tiyang Helen dahil namiss ko sya. Ang plano namin ni Cedric ay uuwi kami ng Quezon next week dahil namimiss ko na ang tiyahin at mga kamag anak ko. Pero ngayon nandito na silang lahat. Kahapon pa pala sila narito at pinasundo sila sa Quezon ni Cedric para surpresahin ako. Ang saya saya lang na nagsama sama kaming lahat dito sa Manila.

“Teka, nagumpisa na ba ang house blessing? Nahuli na yata tayo kasi naman ang bagal ni Edgardo.”

“Bakit ako honey? Ikaw nga yung mabagal dahil ayaw mo pang umalis sa harap ng salamin dahil hindi pa pantay ang kilay mo.”

“Anong ako? Ikaw kaya ang mabagal. Ang tagal tagal mo sa cr.”

Natigilan kaming mag anak sa paghuhuntahan ng dumating sila Papa Edgardo at Mama Adela. Kasama pa nila si Lolo Manuel at ang kapatid ni Cedric na si Letty na nakauwi na pala galing sa London.

“Kuh, magsitigil na nga kayong mag asawa. Nagsisihan pa kayo eh parehas naman kayong mabagal. At mahiya nga kayo, maraming mga bisitang nakatingin sa inyo.” Saway ni Lolo Manuel sa mag asawa na tumigil naman sa pagbabangayan.

Lumapit naman kami ni Cedric at nagmano kay Lolo Manuel. Humalik kami sa pisngi ni Papa Edgardo at Mama Adela. Si Letty naman ay niyakap ako ng mahigpit. Tuwang tuwa na muli akong nakita. Ang huli naming pagkikita ay noong bago pa lang ang relasyon namin ni Cedric. Pagkatapos ay lumipad na sya noon pa-London para mag aral.

“Tapos na ba ang house blessing?” Tanong ni Mama Adela.

“Hindi pa ho mama. Parating pa lang si father. Sakto ho ang dating nyo.” Sagot ni Cedric.

Tila naman nakahinga ng maluwang si Mama Adela. “Mabuti naman. Akala ko ay nahuli na kami.”

“Ang oa mo kasi, honey.” Natatawang hirit pa ni Papa Edgardo na ikinatawa namin ni Cedric.

Umirap lang si Mama Adela kay Papa Edgardo.

Pinakilala ni Cedric sa mga kamag anak ko ang mga magulang, lolo at kapatid nya. Ang kamag anak ko naman ay parang nga nakakita ng artista. Mga excited at nahihiya. Pero ang mga tiyuhin ko at tiyahin ay tuwang tuwa na makadaupang palad si Lolo Manuel na idolo nilang senador.

Ilang sandali pa nga ay dumating na ang service nila father. Kasabay nila si Ciella at Lex kasama si Alexandrea. Imbitado rin pala sila ni Cedric. Nilapitan namin si father at ang ilan nyang kasama. Nagmano kami at kinausap sila ni Cedric bago umpisahan ang seremonyas.

Humawak ako sa kamay ni Cedric at pinisil yun. Tumingin sya sa akin.

“Salamat sa supresa, babe. Ito ang pinakamasayang supresang natanggap ko sa buong buhay ko.” Nakangiting sabi ko.

“You’re welcome babe. Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sayo.” Aniya sabay dampi ng halik sa buhok ko.

“O yung mag asawa, tawag na ni father. Aba’y dito na kayo sa harapan. Mamaya na ang lambingan.” Tawag sa amin ni Lolo Manuel.

Nagtawanan naman ang lahat.

Magkahawak kamay kami ni Cedric na lumapit sa pamilya namin at pumwesto sa unahan sa harapan ni father. Nag umpisa na ang seremonya at habang nagdarasal ay umuusal ako ng pasasalamat sa lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko. Mula sa mga kamag anak ko na laging nariyan sa tabi ko, sa asawa ko na katuwang ko na ngayon sa buhay at sa baby namin na syang bubuo sa buhay naming mag asawa. I am deeply thankful and blessed.


Last chapter next! ;)

Special Chapter

Cedric POV

3 years later..

“PAPA bird!” Untag sa akin ng magtatatlong taon gulang kong anak na si Caleb sabay turo sa isang puno.

Tumingin naman ako doon at ngumisi. May ibon nga doon na dumapo sa sanga. Maingay ito at tila nagtatawag ng kasama. Maya maya ay may lumapit pang isang ibon at nagtukaan sila.

Bumungisngis si Caleb at pumalakpak pa habang pinapanood ang dalawang ibon. Mukhang wala na syang topak dahil panay na ang bungisngis at dumadaldal na. Kanina ay tinotopak sya dahil gusto nyang magpakarga sa mama nya. Hindi naman sya makarga ni Pinky dahil nagpapadede sya sa bunso namin na apat na buwang gulang pa lang. Hindi rin sya mapatahan ng yaya nya kaya ako na ang kumarga sa kanya at nilibang sya dito sa labas ng bahay.

“Papa cat!” Tinuro naman ni Caleb ang isang ligaw na pusa na pumasok sa gate. Nagpababa sya kaya binaba ko. Nilapitan nya ang pusa at tinatawag ito. Nakasunod naman ako sa kanya.

Mahilig sa hayop si Caleb dahil naiimpluwensyahan sya sa mga napapanood sa cartoons. Kabisado na nga nya halos lahat ng pangalan ng mga hayop at lahat ng hayop na nakikita nya ay gusto nyang hawakan.

Sabado ngayon at wala akong pasok sa opisina kaya marami akong oras para sa pamilya ko. Dalawang taon na akong umalis sa ahensya ng kapulisan at tumutok na sa kumpanya ng pamilya. Pero bago ako nag-quit ay tumaas pa ang ranggo ko bilang superintendent. Sabi ko noon ay hindi ako aalis sa ahensya at hanggang sa pagtanda ko ay magsisilbi pa rin ako sa bayan. Pero nag iba ang pananaw ko ng magkaanak na kami ni Pinky. Delikado ang trabaho ko sa ahensya. Nasa hukay ang isa kong paa at lagi kaming nahaharap sa mga delikadong sitwasyon. Naisip ko, hindi sigurado ang buhay ko sa trabaho. Ayokong bigla na lang iwan ang asawa ko at ang anak ko. Sa maraming taon ko ng pagsisilbi sa ahensya ay doon ko lang naisip ang kaligtasan ko. Natatakot ako na may mangyari sa akin at maiwan ang mag ina ko. Kaya naman nagdesisyon akong mag quit na. Naghinayang ang mga superior ko at mga kasahamahan sa ahensya pero naintindihan naman nila ako. Natuwa naman ang pamilya ko dahil yun ang matagal na nilang gusto na mag-quit na ako at magfocus na lang sa kumpanya. Masaya din si Pinky dahil hindi na sya laging mag aalala sa akin.

“Mingming!” Tawag ni Caleb sa pusa at inaabot ito. Nakatingin naman ang pusa sa kanya.

Hinawakan ko si Caleb para hindi nya mahawakan ang pusa dahil baka kalmutin sya nito.

“Don’t touch the cat baby.”

Tumingin sya sa akin at ngumuso. “Mingming papa.”

Umiskwat ako sa harapan ng anak. “You want a cat?”

“Oum.” Tumango sya.

“Alright.. we will tell mama.”

“I want this cat papa.” Turo pa rin nya sa ligaw pusa na gusto nyang abutin.

Nilapitan ko naman ang pusa at sinubukang hawakan. Hindi naman ito pumalag at pumikit pa. Mukha naman itong mabait kaya pinasubukan ko ng pahawakan kay Caleb. Tuwang tuwa naman ang anak ko na kinikilig pa at napapalapak. Mayamaya lang ay humalipuypoy na ang pusa sa binti ni Caleb habang ngumingiyaw. Tuwang tuwa naman ang anak ko.

Natigilan ako ng buksan ng isang tauhan ang gate. Pumasok ang kulay puting sasakyan ni mama. Kumunot ang noo ko. Hindi ko inaasahan na pupunta si mama ngayon sa bahay. Usually ang punta nya ay tuwing linggo kasama si papa.

Kinarga ko si Caleb at tumayo. Nayamot pa nga sya dahil ayaw pa nyang tantanan ang pusa.

“Mamala is here, anak.” Sabi ko at tinuro ang sasakyan ni mama.

Muli namang nagliwanag ang mukha ng anak ko ng makita si mama na nakababa na sa sasakyan. May bitbit syang brown paper bag na siguradong pagkain ang laman. Tamang tama dahil hindi pa ako kumakain ng agahan.

Lumapit na kami ng anak ko kay mama.

“Morning ’ma.” Bati ko at humalik sa pisngi ng ina.

Pero hindi man lang ako tinapunan ng pansin ni mama dahil ang atensyon nya ay na kay Caleb na.

“Hello my baby boy. Mamita misses you so much. Do you miss mamita baby?”

“Opo!” Bibong sagot ni Caleb sabay taas ng dalawang braso. Nagpapakarga sya kay mama.

Inabot sa akin ni mama ang hawak nyang brown paper bag at kinuha sa akin si Caleb. Pinanggilan nya ito ng halik sa matabang pisngi. Panay naman ang bungisngis ng anak ko.

Sinilip ko ang laman ng brown paper bag. Dalawang tupperware yun na mainit init pa. Naaamoy ko ang sabaw na nakakatakam higupin.

“Para kay Priscilla yan.” Ani mama.

“Kay Pinky lang? Paano naman ho ako?”

Tumaas ang kilay ni mama. “Bakit? Nagpapagatas ka ba? Kailangan ni Priscilla yang sabaw na may malunggay dahil nagpapagatas sya.”

Umawang ang labi ko at sinundan ng tingin si mama na pumasok na sa loob ng bahay buhat si Caleb na bini-baby talk pa nya. Lumingon sa akin si mama at kumunot ang noo.

“Ano pang ginagawa mo dyan, Cedric? Pumasok ka na at isalin mo na sa mangkok ang sabaw at ibigay kay Priscilla.”

“Yes mama.” Kakamot kamot sa ulong pumasok na ako sa bahay.

Dati ayaw ni mama kay Pinky. Pero simula ng magkaanak kami ay parang mas gusto na nyang maging anak si Pinky kesa sa akin. Dati kapag nagdadala sya ng pagkain ay para sa akin. Ngayon ay para na kay Pinky. Hindi naman sa nagtatampo ako, natutuwa pa nga ako dahil close na sila.

“Sige lang iha, higop ka lang ng higop ng sabaw para sagana sa gatas ang dibdib mo.” Ani mama na buhat naman ngayon ang apat na buwang gulang naming bunso na si Baby Penelope. Gising ito pero tahimik na dahil busog. Pero kami ng mama nya ay gutom.

“Salamat sa pasabaw nyo, ma. Tamang tama po gusto kong humigop ng sabaw. Magpapaluto po sana ako sa kasambahay.” Saad ni Pinky na sunod sunod ang higop ng sabaw.

Alam kong lalo pa syang nagutom dahil nagpadede sya sa bunso namin. Naaawa nga ako sa kanya dahil halos gabi gabi syang puyat. Sa gabi kasi mas gising ang bunso namin at sa araw naman ay madalas ang tulog. Kaya kapag weekend ay bumabawi ako. Ako ang aalaga kay Caleb at Penelope. Hinahayaan ko naman syang matulog at magpahinga buong araw.

“You’re welcome iha. Basta may gusto ka don’t hesitate to call me.” Saad ni mama.

Napangiti na lang ako habang ngumunguya. Tumingin ako kay Pinky na ngayon ay kumakain na ng kanin na may sabaw. Si Caleb ay nasa yaya nya at ginagala sya sa labas. Ayaw nyang pumirmi sa loob at gusto nya lang ay sa labas.

“Bakit hindi nyo pala kasama si papa, mama?” Tanong ko sa ina.

Umingos si mama. “Bukas na lang daw sya pupunta dito dahil may schedule sila ng mga kumpanyero nya sa golf club. Alam mo naman ang papa mo, mukhang golf. Malapit ko na nga syang patirahin doon.”

Natawa kami ni Pinky sa sinabi ni mama.

Madalas magtalo sa maliliit na bagay si mama at papa pero hindi naman yun malala. Naiinis si mama kay papa dahil madalas itong mag-golf. Simula kasi ng ako na ang magtake over sa kumpanya ay nagretiro naman si papa at nahilig sa paglalaro ng golf. Ang sabi ko naman kay mama ay hayaan na lang dahil nag e-enjoy si papa. Minsan naman ay sumasama si mama kapag walang toyo.

Maghapon si mama sa bahay namin at kausap nya lang si Pinky. Madaldal si mama at sinabi na nya lahat ng nangyari sa kanya sa buong linggong nagdaan. Parehas sila ni Pinky na madaldal kaya nagkakasundo rin.

Kinabukasan, araw ng linggo ay nagsimba kaming pamilya. Simula ng maging mag asawa kami ni Pinky, inugali na naming magsimba linggo linggo. Turo kasi sa amin ni Tiyong Rusi at Tiyang Les ay dapat nakasentro ang relasyon naming nag asawa sa Kanya, upang mapagtibay pa ang aming pagsasama. 

Pagkatapos ng misa ay humalik si Caleb sa pisngi namin ni Pinky pati na rin sa buhok ni Baby Penelope. Lumabas na kami ng simbahan. Buhat ko si Caleb at karga naman ni Pinky ang bunso namin. Alalay ko sila para hindi magitgit ng mga kasabayan naming tao na papalabas rin.

“Superintendent Montez.”

Natigilan kami ni Pinky sa paglalakad ng may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ang director general kasama ang kanyang asawa na kaibigan ni mama. Sila ang magulang ni Carlyn. Nasa ibang bansa na ngayon ang babae.

“General Navidez, good morning sir.” Sumaludo ako sa general. Kahit wala na ako sa serbisyo ay hindi pa rin maaalis ang mataas kong respeto sa general.

Binati ko rin ang asawa ni General Navidez. Pati si Pinky ay bumati din sa kanila.

“Good morning din sa inyong mag asawa. What a surprise na dito pa namin kayo nakita.” Nakangiting sabi ni General Navidez.

“Dito ho kami laging nagsisimba ng asawa ko, general.” Saad ko.

“It’s good to see you again Cedric. At dalawa na pala ang anak nyo.” Wika ni Mrs. Navidez.

“Yes ma’am, 2 years old na ho ang panganay namin at 4 months old naman ang bunso. Say hi to them Caleb.” Untag ko sa anak.

Ngumiti naman si Caleb at kumaway sa mag asawa. Natuwa naman ang general at in-extend ang kamay kay Caleb. Hinawakan naman yun ng anak ko at nagmano. Lalo namang natuwa ang mag asawa. Proud na proud naman ako sa anak ko. One year old pa lang sya alam na nya ang pagmamano dahil tinuturuan sya ni Pinky.

Bago umuwi ay pumunta muna kami sa malapit na park para ipasyal si Caleb. Tuwang tuwa naman nagtatakbo sa malawak na damuhan ang anak namin at nakikipaglaro rin sa mga kapwa nya bata. Hinayaan ko naman si Caleb pero di ko sya inaalisan ng tingin at kapag nadadapa ay hinahayaan ko syang tumayong mag isa. Hindi naman sya iyakin dahil mana sya sa akin.

Nilingon ko si Pinky na nakaupo sa bench. May dinudukot sya sa tote bag. Umiingit na rin si Baby Penelope. Mukhang nagugutom na. Tinulungan ko na si Pinky at ako na ang dumukot ng feeding bottle sa tote bag. Inalog ko muna yun bago nilagay sa bibig ni Baby Penelope. Agad naman nyang sinipsip ang tsupon. Pero mayamaya ay niluwa din nya at umiyak na sya. Kinuha ko sya kay Pinky at hiniga sa bisig ko. Muli kong sinubo sa kanya ang feeding bottle.  Sinipsip nya yun at hindi na nya niluwa. Titig na titig pa sya sa mukha ko. Di ko naman mapigilang mapangiti. Masarap sa pakiramdam na tinititigan nya ako ng ganito. Para syang si Pinky. Magkamukha kasi sila.

“Si papa lang pala ang gusto nyang magpadede sa kanya.” Sambit ni Pinky.

Ngumisi naman ako. “Namiss lang nya siguro ang amoy ko, babe.”

“Mukha nga.” Natatawang sabi nya.

Habang karga ko si Baby Penelope at pinapadede ay si Pinky muna ang nagbabantay kay Caleb.

Ganito kami kapag lumalabas. Tulungan kaming dalawa. Hindi kami nagsasama ng kasambahay dahil gusto namin ay kami lang at hands on kami sa dalawa naming anak. Tumingin ako kay Baby Penelope ng hawakan nya ang isa kong daliri. Titig na titig pa rin sya sa akin at ngumingiti pa sa pagitan ng pagsupsop ng tsupon. Dinampian ko ng mabining halik ang kanyang noo. Iba ang sayang hatid sa puso ko kapag karga ko silang magkapatid. Minsan nga sa opisina ay gusto ko ng umuwi agad para makapiling silang mag iina.

Pinapanood ko ang mag ina ko na naghahabulan sa damuhan. Kunwaring hinahabol ni Pinky si Caleb na tumatawa habang tumatakbo. Masarap silang panoorin at masarap din sa tenga ang kanilang mga hagikgik. Hinuli na ni Pinky si Caleb at binuhat. Lalo namang lumakas ang malutong na hagikgik ng anak namin. Napapatingin na nga sa kanya at napapangiti ang ibang taong naroon. Sino ba naman ang hindi mapapangiti sa bibo naming anak.

Lumapit na ang mag ina sa bench. Nanghingi na ng dede si Caleb. Nagutom na sa kakatakbo. Inabutan naman ito ng dede ni Pinky at pinunasan nya ang pawis sa likod at mukha nito. Lumapit si Caleb kay Baby Penelope at kinakausap nya ito. Ako naman ang dinampi dampian ni Pinky ng bimpo sa mukha. Ngumiti ako sa kanya. Dinampian naman nya ako ng halik sa gilid ng labi.

“Ang hot mo kapag may buhat kang baby, babe.” Bulong nya sabay pilyang kumindat.

Ngumisi naman ako.  “Ikaw rin wife, mas hot ka kapag buntis.” Ganting bulong ko.

Namula ang kanyang mukha at pasimple akong kinurot sa tagiliran na aking ikinatawa.

Pinandilatan nya ako ng mata. “Alam ko na yang iniisip mo. Hindi pa pwede. 3 months old pa lang si Baby Penelope.”

“I know wife.. excited lang ako.”

Matagal tagal pa ang pagtitiis ko. Pero di na bale na, mabilis namang dumaan ang araw.

Maingat kong binoblower ang buhok ni Pinky. Bagong shower sya at ako ang nagpresintang i-blower ang buhok nya. Nakikita ko kasing inaantok na sya. Tumingin ako sa salamin at nakita kong nakatingin sya sa akin. Kumunot ang noo ko.

“Do you need anything wife?” Tanong ko.

Ngumiti sya at umiling.

“Are you sure?”

Tumango sya pero hindi pa rin napupuknat ang tingin nya sa akin sa salamin.

Ngumisi naman ako. “Titig na titig ka naman sa akin. Masyado bang gwapo ang asawa mo?”

Umusli ang labi nya. “Hindi lang gwapo, macho pa. Mabait at responsableng asawa’t ama.”

Parang kiniliti ang puso ko sa sinabi nya. “Really?”

Tumango sya. “Sobrang swerte ko nga sayo eh.”

Ngumiti ako at hinalikan sya sa buhok. “Maswerte din ako sayo wife.”

“Paano mo naman nasabi?”

“Dahil ako lang ang lalaking mahal mo at pinakasalan mo. Binigyan mo pa ako ng dalawang cute na supling. Kahit nahihirapan at napupuyat ka sa pag aalaga sa kanila, kahit kelan hindi kita narinig na nagreklamo.”

Ngumiti sya umikot paharap sa akin. Pinatay ko naman ang blower at pinatong  sa vanity table.

“Syempre anak ko sila at mahal na mahal ko sila. Hindi ako magsasawang alagaan sila kahit nahihirapan ako at napupuyat.”

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at dinampian sya ng halik sa noo. “Kaya nga ang swerte ko sayo.”

Yumakap sya sa bewang ko at tumingala sa akin. “Mahal na mahal din kita. Hindi rin ako magsasawa na mahalin ka.”

Napangiti ako sa sinabi nya at niyakap sya. Hinalik halikan ko rin ang kanyang buhok. Alam kong mahal nya ako. Ramdam ko naman yun sa araw araw. At mahal ko rin sya. Mahal na mahal.

“Me too, babe.. I love you so much.. Araw araw kitang mamahalin hanggang sa huling hininga ko.” 

WAKAS


Isa na namang istorya ang nagtapos 🤧 Maraming salamat sa walang sawa nyong suporta. Sana ay nagustuhan nyo ang story ni Cedric at Pinky. Kitakits po tayo ulit sa susunod na story dito sa watty. Abangan! 😉

Sa mga dreame readers ko, kitakits din po tayo doon dahil uumpisahan ko na pong mag update kay Gordon at Nala 🤗


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.