My Soulmate
legoest · 44 chapters · 80,840 words
My Soulmate
This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Disclaimer :
I’ve always wanted to write a bl story one day and here it is I’m writing my first story here in wattpad. I am open to your criticism that could help me improve myself more for these.
Thank you so much!
Chapter 1
WILLIAM
Alas syete na ng umaga at naglalakad ako ngayon patungo sa campus ng Ateneo de Manila University. This is my last year in my college as PolSci student. Sa loob ng apat na taon, this has become a big part of my life.
Habang patuloy ako na naglalakad sa maraming estudyante na lahat ay may sariling ginagawa loob ng campus, nakalagay sa magkabila kong tenga ang aking airpods kung saan pinakikinggan ko ang playlist ng mga favorite kong k-pop songs. Masyado kasing maingay ang nga estudyanteng nagsisigawan at nagtatawanan na akala nila’y isa itong palengke.
Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng malakas na sigaw na tumatawag sa pangalan ko.
“Hoy, William! Hintayin mo naman kami!” I stopped walking at humarap sa kung sino man ang tumatawag sa aking bandang likuran. I saw Angela, my best friend na englishera na mayaman, kasama niya ang kanyang boyfriend na si Sage.
Inalis ko mula sa magkabila kong tenga ang nakalagay ritong airpods. Hinintay ko silang lumapit sa’kin at hingal na hingal ang dalawa. “You don’t need to rush. There’s still twenty minutes before our class starts.” Sabi ko habang tinitignan sila. “Ano na naman ba yung ganap at iba ’yong feeling ko sa pagmamadali niyong dalawa?” Masungit kong turan habang tinatanong ko sila.
Nang tuluyan nilang mabawi ang sapat na hangin upang makahinga, ngumiti si Angela sa’kin. “Have you heard the latest issue right now in the campus, Will?” Tanong nito na hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kanyang labi.
I looked at Sage after hearing Angela’s question. Wala itong emosyon na tumingin din sa’kin na para bang alam niya na alam ko kung ano ang tinatanong ni Angela sa’kin.
Nagpanggap nalang akong may interes sa tanong niya. “Mayroon ba? Wala akong nababalitaan, eh.” Sagot ko.
Actually, hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganoong bagay. Ayoko sa chismis pero dahil best friend ko si Angela, siya lang ang may exemption hehe.
Ni-rolyohan ako ng mata ni Angela. “Hindi ka talaga palaging updated!” Kumapit ito sa braso ni Sage. “Tell him the latest issue, babe!” Utos niya sa boyfriend niya.
Tiningnan ko si Sage nang magsimula siyang magsalita. “Bro, si Alexander Lee ng Engineering department may issue na naman.” Nang marinig ko ang pangalan ng tanong iyon ay para bang mas lalong bumaba ang level ng energy ko ngayon. Seryoso ba? Siya na naman ’yong may issue dito sa loob ng campus?
“Oh ano naman ngayon kung may issue siya?” Walang gana kong tugon kay Sage.
Alam naman na nila yung reason kung bakit hindi ko gusto yung tao na ’yon. Sino bang magkakainteres sa taong gano’n ang ugali? Of course mga babae, hindi ko naman nilalahat pero parang gano’n na nga.
Pinagpatuloy naman ni Angela ang chismis, as if naman na gusto kong marining ’yong mga iba pang detalye na sinasabi nila tungkol sa issue ni Alexander na ’yon.
“So, ayun na nga, he got into another fight off campus. What I know is, it started when a student here also abused one of the chicks he liked. The boy he beat up was so pathetic!” Pagpapatuloy niya ng kwento na para bang nando’n talaga siya nang nangyari iyon.
Napailing ako dahil sa narinig ko. “Oh anong bago do’n eh gano’n naman talaga ’yong ugali ni Alexander Lee na ’yon. Kaya wala nang kagulat-gulat do’n.” Sambit ko habang ibinabalik ang earphones sa aking tenga.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naiinis ako sa taong ’yon. Sa ugali niya? Yun ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya and about his shameful actions.
“Over ka naman sa pagka oa do’n sa tao, Will. Malaki ba talaga ang galit mo sa kanya para gano’n nalang ang sasabihin mo tungkol sa kanya? Tandaan mo ah, ka-team mo pa naman ’yon sa basketball team ng campus natin!” Pagpapaalala sa akin ni Angela.
Inalis kong muli ang airpods sa magkabila kong tenga. “Sising-sisi nga ako na nagtry-out pa ako roon kasi naging teammate ko pa siya.” Inis kong sa sagot kay Angela. “Aside from that, I only wanted to be part of the basketball team because of Gavin yk tapos nag left pa siya sa team. Baka nga magtaka sila kung bigla nalang akong mag quit sa team without any particular reason.” Problemado kong dagdag.
They already know kung ano ang sexual orientation ko. Yes, I am homosexual in other words, I’m gay. Matagal na din nilang alam na may feelings ako para kay Gavin. We’ve only been here for our first year and they already know.
Kaya nga nagtry-out ako sa basketball team para mapalapit sa kanya. Ngunit kung kailan naman nando’n na ako, siya naman itong umalis. It’s as if fate is really pushing us apart and I really really hate it.
“Hanggang kailan ka ba aasa na magkakaroon ka ng chance diyan kay Gavin?” Straightforward na tanong sa’kin ni Angela habang patuloy kaming tatlo sa paglalakad. She’s always like this. “Ayaw lang kitang umasa nang sobra at lalong ayoko rin masaktan ka sa huli, Will.” Dagdag pa niya.
Sometimes, I really wonder if Angela is really my best friend.
“Don’t be like that with Will, babe. He’s our friend kaya dapat lagi natin siyang suportahan sa kung sino ’yong gusto niya.” Tiningnan ako ni Sage at ngumiti ito na parang nagpapahiwatig na nakuha ko ang suporta niya. Mabuti pa ’yong boyfriend ng best friend ko, he knows the meaning of the word ‘suporta’.
Ni-rolyohan kaming pareho ni Angela ng mata. “Iyon na nga ’yong point, babe! Will is our friend kaya hangga’t gusto ko siyang suportahan, I also don’t want him to get hurt.” Sabi ni Angela habang nakatingin sa akin. “Mukhang straight nga ’yon si Gavin eh. Yes, I know naman na wala namang imposible sa pag-ibig pero doon tayo sa totoo. Ang ibig sabihin ko lang is, ang cute mo kaya William! I’m sure naman na kung hindi man si Gavin ang para sa’yo, maraming magkaka-interes sa’yo istg!” Itinaas pa nito ang kanyang kanang kamay na tila ba’y nanunumpa.
Napailing nalang ako kay Angela at nagpatuloy na lang kaming tatlo sa paglalakad.
I get Angela’s point and I know, she’s just concerned about me that’s why she often tells me that when it comes to my feelings for Gavin.
Hindi ko lang talaga mapigilan ’tong nararamdaman ko para kay Gavin. Sino bang hindi gugustuhin ang taong ’yon? He is Gavin Mitchell. Ideal ng lahat.
He is 22 years old and I’m 20 years old. He’s a Filipino-Canadian na lumaki dito sa Pilipinas. Our departments are too far apart kaya sobrang happy ko kapag nakakasalubong ko siya rito sa loob ng campus. He is Civil Engineering student and the former team captain of the campus basketball team.
Siya ang pinakaunang lalakeng ginusto ko. Wala nang iba pa, siya lang talaga.
Hindi ko na nga ata siya gusto eh - mahal ko na siya.
Habang patuloy pa rin kaming tatlo sa paglalakad, natigilan ako nang makitang papalapit sa direksyon namin ang taong palaging nagpapasaya at bumubuo ng araw ko.
He was carrying books and as he walked towards us I couldn’t help but get nervous. This is me every time I meet him
Halos lahat nang madaanan niyang estudyante ay kanyang nginingitian at binabati. Karamihan sa mga ito ay mga babae.
Nang sobrang lapit na niya sa amin, tiningnan niya ako. At dahil matangkad siya, hindi ko maiwasang tumingala nang kaunti sa kanya. He has a dark-brown hair na bagay sa maputi niyang balat.
“Hey bro!” ang simpleng pagbati niya nang isang matamis na ngiti.
I smiled back at him but I couldn’t continue my plan to greet him back because he had already passed us by.
“Grabe ang lawak naman ng ngiti mo eh parang binati ka lang naman ng bro eh.” Paninira ni Angela sa pagiging good mood ko na sana.
Pinangliitan ko siya ng mga mata dahil sa inis.
“Bro, alam mo dalhin mo na kaya sa albularyo ’tong girlfriend mo. Hindi na yata kaya ng simpleng gamot ’to eh.” Pang-aasar ko pabalik sakanya para mainis siya.
“Alam mo, bro? Feeling ko kailangan niya na rin eh.” Sage laughed.
“Edi wow!”
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang hindi pa rin kami tumitigil ni Sage tumawa dahil sa pagkainis ni Angela sa pang-aasar namin.
Nang nasa tapat na kami ng building kung saan papasok para sa first subject namin ay may bigla g sumitsit mula sa aming likuran.
Nilingon ko kung sino iyon. Kumunot ang noo ko nang makita ang taong hindi ko kailanman gustong makita dahil mula pa lang sa pagngiti naiinis na ako sa kanya.
Singkit ang kanyang mga mata, medyo magulo ang kanyang buhok gaya ng image niya dito sa campus, magulo rin. He has some scratches on his faces na panigurado nakuha niya sa pagka basagulero niya. Ang Maayos lang sa kanya ay ang kanya uniporme.
Ngumunguya ito ng bubble gum habang may hawak na bola. Ngumiti siya sa akin nang magtama ang mga mata naming dalawa at boom his two dimples became visible.
Hindi ko nalang ito pinansin at pumasok na ako sa loob ng room.
Sometimes, no matter how handsome you are, people still look at you based on your personality, but there are also those who only base their judgment on your looks. And with Alexander, he’s handsome but his personality is a failure.
“Kung ako sainyo h’wag niyo nang pag-usapan ’yon at wala kayong mapapala do’n.”
Pag-upo ko sa aking upuan ay hindi ko magawang alisin ang kanyang ngiti sa akin kanina at do’n ako naiinis.
I really hate him.
Chapter 2
WILLIAM
Natapos na ang
huling
klase namin
ngayong
araw. Wala namang
masyadong
activities na
pinagawa
sa amin.
To be honest, I’m not that good at studying. I’m not into books but I don’t get very high scores on exams, quizzes, and even activities. Just a typical average student
kumbaga
and my only goal is maka-graduate ng college.
4:30 pm pa lang ng
hapon
ay
nauna
nang umalis ng campus sina Angela at Sage.
Since
5pm
pa practice namin sa basketball,
napagpasyahan
kong pumunta muna sa cafe saglit.
Pagpasok
ko sa loob ng cafe ay bumungad sa akin ang mga
magkakaibigan
at
magjo-jowang
masayang
kumakain
in their
own table. Sinong hindi
sasaya
kung matapos ang
maghapong
discussion ay makakasama mong kumain ang taong
mahal
mo o di kaya’y ang mga kaibigan mo?
I continued walking towards the counter. I ordered my favorite things on their menu, fries and milkshake lang nila
sapat
na. And after that, dumiretso na ako sa vacant na table at do’n
naghintay
.
Pagkadating
ng order ko ay dali-dali kong
kinain
ang fries, ngunit
natigilan
akong kumain nang
mapukaw
ng
atensyon
ang taong
kakapasok
lang sa loob ng cafe. Akala ko nga si Gavin pero ang best friend niya pala, si Alexander.
Nang tila naka-order na siya ng
pagkain
ay
naglakad
siya
patungo
sa table ko kung saan ’yon na
lamang
ang
bakanteng
upuan.
Maraming babae ang nakatingin sa kanya.
Kung
ikukumpara
mo si Gavin at Alexander sa
ka-gwapuhan
ay pareho sila pero pag sa ugali, walang wala si Alexander sa ugali ni Gavin. I don’t understand why he became Gavin’s best friend, they have different personalities.
Hindi ko na
naituloy
ang
pagkain
ng fries ko dahil habang tinitignan ko kasi siya ay para akong
nawawalan
ng
ganang
kumain. Hindi ko
maalis
ang inis ko habang patuloy ko pa rin siyang tinitignan habang siya ay busy sa kanyang phone.
Siguro sayang talaga itong si Alexander kung hindi siya yung
tipong
mayabang
pag maraming
nagkakagusto
sa kanya. Mula sa
pagkakatitig
ko sa kan’ya ay hindi ko na
namalayan
na tapos na pala siyang kumain. Ngunit
pinagpatuloy
ko nalang ang
kinakain
ko at baka ma-late ako sa aming practice mamaya.
Pagkatapos kong kumain ay
naglakad
na ako
palabas
ng cafe at
nagtungo
na sa gym.
Nang nasa gym na ako, nagulat ako nang may
maramdaman
akong
biglang
sumundot
na bagay sa akin
puwetan
. At dun ako nainis. Alam kong si Alexander ’yon kaya
gigil
ko siyang
hinarap
. Tumatawa siya na para bang may
nakakataws
sa ginawa niya.
“Ang bastos mo!” Seryoso kong sabi pero parang wala siya g
narinig
sa sinabi ko.
“Masyado ka naman kasing seryoso diyan, pare. May problema ba?” Tanong nito na na
nakatawa
pa rin. “
Kailangan
talaga
gamitan
ka ng
ipinagbabawal
na technique para lang
humarap
ka sa’kin eh.“ Dagdag pa nito.
Sinamaan
ko siya ng tingin. “Technique mo, mukha mo! Ako pa talaga ang
napili
mong
pagtripan
eh ang dami namang iba diyan!“ Inis kong
tugon
sa kanya at
mabilis
na
dumistansya
sa kan’ya.
Ang bastos talaga ng Alexander na ’yon. Kung nasa labas lang kami ng campus ay baka mas malala pa ang gagawin ko sa kan’ya hindi lang puro
salita
. Pero
s’yempre
hindi ko ’yon nagagawa because I’m not a
basagulerong
tulad
niya.
May inis ako sa mukha na
lumapit
sa
pinsan
kong si James na parte rin ng varsity team.
“Mukhang hindi maganda ang araw mo ngayon pre ah! Ano meron?”
Nakangiti
nitong
tanong sa’kin,
“
Heto
, pagod na pagod na pagod ang utak sa
maghapong
klase.“ Tugon ko
rito
habang
inilalabas
ko sa aking bag ang blue na jersey at short. This is the color of our team that represents
ADMU
.
Sinuot
ko kaagad ito matapos
hubarin
ko ang aking
puting
t-shirt na may
kuwelyo
.
“Eh si Gavin Kamusta naman siya?” Tanong pa nito.
“Ayun super busy pa rin siya sa lahat na siguro ng bagay.”
Tumingin
ako sa kanya. “Wala pa ring
nagbabago
sa
pagtingin
ko sa kanya. Kaya minsan
napapaisip
ako kung hanggang tingin nalang ba talaga ako sa kanya,“ dagdag ko
rito
na
sinundan
ko ng isang medyo
mapait
na ngiti.
James already
know
my secret. Katulad nina Angela at Sage, alam niya na kung
gaano
akong patay na patay kay Gavin.
Napailing siya sa akin at
tinapik
ako sa aking
balikat
.
“
Masasabi
mo rin sa kanya yung nararamdaman mo pero sa
tamang
panahon
nga lang.“
Pagpapalakas
niya ng loob ko. “Don’t worry nandito lang ako para sa’yo pinsan, sabihin mo lang kung sinaktan ka niyang Gavin na yan at
gagantihan
ko, ha?“ Dagdag pa nito na
ikinatawa
ko.
Napangiti
ako dahil doon. “Salamat, pinsan pero hindi mo naman na
kailangan
pang
gantihan
’yon eh.“
Ilang saglit lang ay
dumating
na si Alexander na
pa-sipol
sipol
at halatang
kapapalit
lang ng damit panglaro.
Masama ko siyang tiningnan. Nang bigla niya akong balingin ng tingin, kumindat ito sa akin dahilan para mandiri na kinilig ng kaunti na ewan basta hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko para sa kanya. Inisip ko nalang na nakakadiri ito ay nakakarumi nang isipin ’yong pagkindat niya sa akin. Hindi ko na talaga kayang tingnan pa siya.
Nagwa-warm up kaming lahat hanggang sa dumating na ang basketball coach naming si Coach Ryan. We started the basketball practice.
After 1 hour, natapos na rin ang practice namin ngayon araw.
Halos lahat ng mga ka-miyembro ko ay nasa tabi habang may kanya-kanyang girlfriend na nagpupunas ng pawis nila. Oh edi kayo na may girlfriend na taga punas ng pawis niyo tss. Ako naman ay mag-isa lamang na
nagpupunas
ng pawis ko eh sarili ko lang naman ang
aasahan
ko ’diba?
I accidentally looked in the direction where Alex was sitting. Hindi na ako nagulat nang makita kong may dalawang babaeng estudyante na nagpupunas ng pawis niya. Malamang ay mga ‘chicks’ niya ’yon na baliw na baliw sa kanya. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit siya pa ang nagugustuhan nila eh hindi naman kagandahan ang ugali.
But i remembered, wala nga pala akong pakealam lalo na sa mga lalakeng tulad niya.
Alex smirked at me when he saw me looking at him. But before he could do something na hindi ko magugustuhan ay kinuha ko na Ang bag ko’t lumabas na ng gym papunta sa dorm ko.
Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng dorm ko at pumasok sa loob. Inilapag ko ang bag ko sa kama ng kwarto ko at hinubad ang aking damit para makapag shower bago matulog.
And after ko mag shower ay dumeretso ako sa aking cabinet at naghanap ng damit ko ngayong gabi.
Pero bago ako natulog ay
nagluto
muna ako ng pancit canton at kumain. Hinugasan mo na ang aking pinagkainan at dali-daling pumunta sa kwarto at nahiga.
Chapter 3
WILLIAM
It’s Saturday and it’s past nine in the morning.
Hindi naman big deal kung gantong oras ako magising dahil weekend naman kaya okay na okay. Besides, 2 days ko lang ’yon nagagawa dahil ang aga ng klase ko sa umaga. Buti pa nga yung mga estudyante na ang klase nila sa umaga ay alas otso kumpara sa mga estudyante na ang oras ng pasok sa umaga ay alas siete gaya ko.
Wala akong pupuntahan ngayon araw kasi ’di naman ako yung tipo ng estudyante na mahilig gumala kapag weekends ang madalas ko lang gawin tuwing weekends ay magpahinga o di kaya’y bumisita kila Angela at Sage.
At dahil hindi ako lumalabas tuwing Friday night, ginagamit ko nalang ang oras na ’yon na paglalaro ng Call of Duty Mobile sayang naman kasi yung Wi-Fi rito sa loob ng dorm kung hindi ko gagamitin diba?
Bigla akong na-bored sa kakalaro kaya naisip ko na what if stalk ko ulit ’yong account ni Gavin para naman malibang ako. Hindi naman siguro illegal kung gusto kong makita paminsan-minsan ang mga updates tungkol sa kan’ya.
Hindi kami friends sa Facebook kasi wala akong lakas ng loob na gawin iyon. Kaya ayun sa pagstalk ko nalang dinadaan dahil naka public naman lahat ng mga pinopost niya.
Mahilig siya sa mga horror movies. Nakita ko kasi na nagshare siya ng isang link kung saan pwede manuod ng mga iba’t ibang horror movies.
Kaya naman binuksan ko na kaagad ’yong link at nag download ng mga iba’t ibang horror movies kahit hindi naman ako mahilig sa mga gano’ng klase ng pelikula.
I’m more on K-dramas. Aside from that mahilig din ako sa mga survival movies like Squid Game and Alice in Borderland. Pero parang nagugustuhan ko na yung mga horror movies na hilig ni Gavin.
Apart from movies, I already know his favorite color and mga hobbies niya kapag may free time siya. He loves the color yellow and he also loves biking.
Sa Facebook page ng aming campus ay doon ko napanuod ang isang interview niya kung saan sinabi niya ang ilang facts about himself. Hindi naman lingid sa kasalanan ng lahat na isa si Liam sa mga sikat na estudyanteng hinahangaan sa campus.
Kahit alas dies na at katirikan na ng araw sa labas, ’di pa rin ako natigilang magtimpla ng favorite kong kape. I’ve always really loved coffee. It makes my day wonderful.
Umupo ako sa nag-iisang couch ng dorm ko at humigop ng kape habang nag-iisip ng kung ano-ano.
Ang aking dorm ay ang second to the last na room sa building ng boys dormitory. 2nd floor ito at room number 29. Sa isang room, dalawang estudyante ang magkasama. Hindi ko nga alam kung bakit wala pa rin akong kasama sa room ko.
Well, kung ako ang tatanungin ay pabor din naman sa akin na wala akong kasama sa loob ng kwarto. Walang istorbo at higit sa lahat walang pasaway tuwing may ginagawa akong importante.
Actually, madalas ay nakakalungkot rin na sa tuwing pag-uwi ko rito sa dorm ay mag-isa lang ako and I think that’s one of the disadvantages of having your room solo. Niyayaya ko nga ’yong pinsan kong si James na manatili dito dahil wala naman na siyang babayaran pero hindi siya pumayag. Malapit lang kasi ang nire-rentahan niyang apartment mula rito sa campus at malapit rin siya sa bahay ng girlfriend niyang si Alyssa.
Kaya ayun tinanggap ko nalang na solo ko ’tong kwarto ko hanggang sa matapos ang year na ’to. Uuwi din naman ako sa probinsya namin sa Cagayan after kong maka-graduate halos mag-iisang taong na kasi noong huli akong makauwi doon, eh.
Pero bago ako aalis papuntang probinsya at bago ako makapagtapos rito sa campus ay may kailangan akong tuparin na pangako sa sarili ko na magco-confess ako kay Gavin.
And speaking of Gavin, nagdo-dorm rin siya rito pero malayo ang kwarto niya mula sa akin. Nasa 1st floor siya room number 3. Doon ay kasama niya ang kanyang kaibigan na si Kent. Sana ako nalang siya.
Ang kwartong katabi ko room number 30, ay kwarto ng best friend ni Gavin na si Alex. Kasama niya rito ang kaklase niyang si Austin. Halos araw-araw at gabi-gabi kong naririnig ang mga ingay nila sa loob. Ano pa bang pinag-uusapan nila edi puro tungkol sa kalaswaan.
Buhay naman nila ’yon kaya wala na akong pake sa kanila pero sana naman marunong silang mahiya sa mga katabi nilang kwarto. Nagdadala pa nga sila ng mga babae sa kwarto nila na mahigpit na ipinagbabawal sa campus. At dahil nga wala akong pakealam sa kanila, hindi nalang ako nagsayang ng oras para isumbong sila. I don’t wanna involve myself with people like Alex and Austin.
It’s already 11 am kaya sobrang init na rin sa labas. Nakasuot ako ng white na sando at gray na jogger shorts. This is my comfortable go to clothes ko tuwing lalabas ng campus papunta sa malapit na cafe.
Nang nasa 1st floor na ako, dalawang metro mula sa kwarto nina Gavin, ay natigilan ako nang bigla itong bumukas. Mukhang kagigising lang nito na medyo magulo pa ang buhok. Nakasuot siya ng fitted navy blue shirt at white pants.
“Good morning…” bulong ko habang nakatingin pa rin ako sa kanya.
Naglakad na siya palabas ng building habang nakafocus pa rin siya sa kanyang cellphone. Susundan ko sana siya ngunit naantala ito nang maamoy ko ang isang pamilyar na pabango. Nilingon ko ito at nakita ko ang nakakainis na mukha ni Alex.
Our eyes met. He also stopped and smiled while biting his red and wet lips. He was a bit confused and his eyes narrowed even more because of the smile.
Hindi ko alam kung anong trip na naman niya. Hindi ko nalang ito pinansin at tumalikod na ako at naglakad palabas ng dorm.
Naramdaman ko na para bang sumusunod siya sa akin. Binilisan ko nalang ang paglakad ngunit binilisan niya rin ang kanyang paglakad. He’s annoying me right now.
Mabuti na lang rin at nakarating agad ako sa cafe. Ngunit nakita kong medyo may kahabaan ang pila sa counter.
Sa aking paghihintay, napansin ko ang isang lalakeng nakatalikod, isang tao lang ang pagitan mula sa akin. Fitted navy blue shirt at ang familiar na amoy, it’s Gavin.
Mukhang nabagot na ’yong nasa harapan ko at umalis na ito. At ngayon nasa harap ko nalang si Gavin.
Ang bango niya talaga.
Umusad na ’yong pila. Hindi ko namalayan na may tao na pala sa likuran ko. Hindi ko na kailangan lumingon para lamang lumingon kung sino ’yon.
Si Gavin ay kasalukuyang um-order. Nakita ko ang pagkaing in-order niya kaya ’yon nalang rin ang ordering ko.
O-order na sana ako ngunit biglang sumingit sa harap ko si Alex. Hindi ko mapigilang mainis dahil sa ginagawa nitong walang modo.
“Anong order mo, pogi?” Rinig kong pagtatanong ng tindera at do’n ako lalong nanggigil.
“Isang order ng-”
“Excuse me, ako ang dapat na o-order dahil mas nauna ako sa’yo. Sumingit ka lang, eh. Nakita niyo naman po siguro ate, ’diba? Tiningnan ko ang tindera na ngayo’y nakangiti lang sa aming dalawa.
“Gano’n ba ’yon, pare? Pasensya na pero nandito na kasi ako, eh.” Tugon niya at ngumiti ang mokong. Mas lalong umakyat ’yong dugo sa ulo ko dahil sa gigil.
“Sino ba talagang nauna sa inyong dalawa mga iho?”
“Ako!” Sabay naming tugon sa tindera.
“Ako po talaga ang mas nauna rito sa pila, Manang.” Sabi ko sa tindera
“Ako kaya,” chill nitong sabi
“Ako ’yong nasa unahan kanina sumingit ka lang!” Medyo gigil ko nang sabi kay Alex.
“Pero ako na ’yong nasa unahan.” Sambit niya dahilan para mapagtanto kong ’di pa rin talaga siya umaalis doon sa unahan.
“Sige na, mauna ka na,” sabi ko rito at nginitian lang ako bago tuluyang um-order ng pagkain niya.
Kinindatan pa ako niyo bago siya tuluyang umalis doon sa counter.
Nang matapos akong mag-order ng pagkain, naghahanap ako ng bakanteng upuan ngunit okupado na lahat ng upuan.
Sa aking paghahanap ng mauupuan ay nakita ko si Gavin na mag-iisang kumakain sa table niya. Hindi ko alam kung bakit hindi niya kasama si Alex eh magbest friend naman sila.
Naglakad na ako papunta sa table ni Gavin ngunit nang malapit na ako ay humingo ako at nagbago ng isip. Pinapangunahan na naman kasi ako ng kaba at hiya kaya agad akong umatras para sana naghanap na lang ng ibang pwestong makakainan.
Ngunit huli na ang lahat dahil napansin niya na ako.
“Bro, sandali…” agad akong lumingon sa kanya. “Wala na kasing bakanteng table. You can sit here and join me.” Nakangiti nitong pa-anyaya na ikinagulat ko.
“T-thank you…” nahihiya man ako ay ngumiti nalang ako sa kanya.
Inilapag ko na sa table niya ang tray ng pagkaing in-order ko at umupo kaharao siya.
Panaginip ba ’to? Totoo bang kaharap ko ngayon ang ultimate crush ko?
Chapter 4
WILLIAM
Mabilis at malakas ang pagtibok ng puso ko nang magtagpo ang aming mga mata. Parang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa. Sa wakas, hindi na lang siya tanaw mula sa malayo-nasa harapan ko na ngayon ang lalaking matagal ko nang lihim na hinahangaan. Parang panaginip lang ito na ngayon ay nagiging totoo.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig, kahit pa pilit kong pinipigil ang nararamdaman kong tuwa. Ang hirap itago ng saya dahil kusa itong lumilitaw sa aking mukha-lalo na’t halos gusto nang kumawala ng isang ngiti sa aking labi. Pero pinipigilan ko; ayokong halatang-halata sa kanya ang nararamdaman ko.
Tanong ko sa sarili ko, ito na kaya ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay? Ang moment na puwedeng maging simula ng mas malapit naming koneksyon? Nakakakaba, pero nakakatuwang isipin.
Habang kumakain siya, ako naman ay natigilan. Nakatitig lang ako sa kanya, nakalimutang simulan ang pagkain ko na unti-unti nang lumalamig. Pakiramdam ko’y busog na ako kahit wala pa akong naisasalang sa bibig ko. Sapat na ang presensya niya para mapuno ang sikmura ko ng saya. Grabe talaga ang epekto niya sa akin-para siyang eksenang ayaw kong matapos.
Tuwing nagkakatinginan kami, kunwari’y abala ako sa pagkain, kahit ang totoo, ni hindi ko pa man lang nagagalaw ang laman ng aking pinggan mula nang maupo ako rito. Gusto ko talagang makipag-usap sa kanya-gustong-gusto ko-pero para bang laging nauudlot ang tapang ko. Andami kong gustong itanong, pero kahit isang simpleng pambungad, wala akong maisip.
Nangingibabaw ang hiya ko sa tuwing nasa paligid siya. Parang lagi akong nauubusan ng lakas ng loob kapag siya na ang kaharap ko.
Hindi naman ito ang unang pagkakataong makita at makasama ko siya nang malapitan. May mga pagkakataon na rin noon-mga school meetings, events, at mga academic organizations-na sinasadya kong salihan, hindi dahil interesado ako, kundi dahil alam kong nandoon din siya. Sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam sa mga adhikain ng mga ’yon. Sumali lang ako para may rason akong mapalapit sa kanya. Oo, ganun kalala.
Pero masisisi mo ba ako? Siya ang dahilan kung bakit ganado akong pumasok araw-araw. Sa tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko buo na agad ang araw ko. Siya ang tahimik kong source of joy-ang hindi niya alam, siya ang dahilan ng bawat ngiti ko. Inspirasyon ko siya sa paraang hindi niya kailanman malalaman… o baka, balang araw, malaman din niya.
Habang abala ako sa palihim na pagmamasid sa kanya habang kumakain siya, hindi ko namalayang napatingin na pala siya sa akin. Nagulat ako nang magtagpo muli ang aming mga mata-at parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang hiya.
“Di mo pa yata ginagalaw ’yung pagkain mo, bro,” puna niya, sabay tingin sa pinggang halos hindi man lang nabawasan. Kita sa mukha niya ang pagtataka-malamang ay napansin niyang kanina pa ako nakatitig sa kanya.
Ang galing mo talaga, William. Napahiya ka na naman.
Dali-dali kong kinuha ang kutsara’t tinidor, pilit nag-ayos ng sarili. “Mainit pa kasi kanina, kaya hinayaan ko munang lumamig,” sabay bitaw ng ngiting pilit, umaasang believable ang palusot ko kahit alam kong ang babaw nun.
Tumango lang siya, at saka muling ibinalik ang atensyon sa kanyang pagkain. Ako naman, kahit anong pilit kong kumalma, hindi pa rin mapakali.
Habang kumakain kaming dalawa, napansin kong may ilang babaeng mula sa kabilang mesa ang panay ang sulyap sa amin. Sanay na ako sa ganito, pero ngayon ay parang mas ramdam ko ang bigat ng mga tingin nila. Siguro dahil hindi lang ako basta mag-isa ngayon-kasama ko si Gavin Mitchell. Oo, the Gavin Mitchell.
Hindi ako magtataka kung pareho kami ng nararamdaman ng mga babaeng iyon-lahat kami humahanga sa iisang tao. Sino ba namang hindi? Bukod sa taglay niyang itsura at talino, may aura siyang mahirap ipaliwanag. May presence siya, ’yung tipo ng tao na kahit tahimik lang, ramdam mong nandoon. At higit sa lahat, may respeto siya sa kapwa-isa siyang tunay na gentleman.
“Bro, may gusto lang sana akong itanong…”
Napatigil ako sa pagnguya at agad na napalingon kay Gavin nang marinig ko ang boses niyang punong-puno ng seryosong tono.
“A-ah, ano ’yon?” sagot kong medyo nagulat, kasabay ng pagtaas ng kaba sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan sa tanong na iyon. May napansin ba siya? Naalangan ako bigla-baka kasi natuklasan niya ang mga palihim kong sulyap sa kanya kanina. Diyos ko, ’wag naman sana. Paano ko ipapaliwanag ’yon kung sakali?
Pero agad din akong nakahinga nang maluwag nang marinig ko ang totoo niyang tanong.
“Hindi ka ba naiilang kapag napapansin mong tinititigan ka ng mga tao rito sa campus?”
Medyo napangiti ako habang palihim na naglabas ng buntong-hininga ng ginhawa. Salamat, hindi tungkol sa kanina ’yon.
“To be honest, medyo naiilang din. Lalo na kapag sabay-sabay ang mga tingin-parang ang hirap gumalaw nang normal. May pressure, kasi isang pagkakamali mo lang, parang may nakaabang agad na huhusga sa’yo.” Tapat kong sagot habang pinipilit maging kalmado.
“Bakit mo natanong?” dagdag ko habang pinagmamasdan siyang bahagyang ngumiti.
Ngumiti siya, ’yong tipong ngiti na may halong pag-aalala at pag-unawa. “Aware ka naman siguro na isa ka sa mga estudyanteng tinitingala dito, ’di ba?” tanong niya, may bahid ng sinseridad sa tono.
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inakala na manggagaling mismo sa kanya ang ganoong klaseng komento.
“Grabe ka naman. Hindi naman siguro gano’n. Kung tutuusin nga, ikaw ang tunay na hinahangaan dito. Ikaw ’yong benchmark-ikaw ’yong standard na gustong marating ng karamihan. Looks, talent, intelligence-you’ve got it all,” sagot ko nang diretsahan, walang halong biro.
Hindi ko napigilang mapaisip: paano kung alam niya ang totoo? Na hindi lang paghanga ang nararamdaman ko, kundi may kung anong mas malalim pa roon na hindi ko pa kayang aminin-lalo na sa kanya.
Napangiti siya matapos marinig ang sinabi ko. At sa simpleng ngiting ’yon, hindi ko mapigilang mapangiti rin. Ang sarap sa pakiramdam na sa simpleng salita ko lang, napasaya ko siya kahit kaunti.
“Alam mo, bro…” sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin, “naiilang rin talaga ako. Hindi ko ginusto na pagtuunan ako ng gano’n karaming pansin. Parang ikaw rin-may takot akong magkamali, ’yung tipong isang pagkakamali lang ay baka ikadismaya ng mga tao sa paligid ko. Apat na taon na ako rito sa campus pero sa totoo lang, hindi ko pa rin lubos na nasasanay sa ganito.”
Ramdam ko sa boses niya ang bigat na hindi niya laging ipinapakita. Isa siyang taong iniidolo ng marami, pero ngayon ko lang nakita ang takot at pag-aalinlangan sa likod ng confident niyang anyo.
“Kahit sinong nasa sitwasyon mo, siguradong makakaramdam ng ganyan. Hindi madali ’yung pakiramdam na laging may mata sa bawat kilos mo. Naiintindihan kita,” sagot ko habang tinitingnan siya. Paglingon ko, nagtagpo muli ang aming mga mata.
“Pero bro, ikaw ’yan, eh. You’re just being yourself, and I don’t think you need to carry the pressure too heavily. Let them look. Kasi sa tingin ko, ikaw ’yong klase ng taong hindi marunong mang-disappoint.” Seryoso kong sambit, buo ang loob na ipadama sa kanya na may mga taong naniniwala sa kanya hindi lang dahil sa image kundi sa kabuuan niyang pagkatao.
Ngunit sa halip na ngumiti ulit, umiling siya ng marahan. May lungkot sa kanyang mata na hindi ko agad naunawaan.
“Kung alam mo lang, bro…” bulong niya, halos hindi ko marinig.
“Ha? Ano ’yun?” tanong ko, pilit na sinusundan ang kanyang sinasabi.
Ngumiti lang siya, mahina at may halong pag-iwas. “Wala. Kalimutan mo na,” sabi niya sabay balik sa pagkain, na parang may isinara siyang pintuan sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko na rin pinilit. Sa halip, ngumiti na lang ako pabalik at ibinalik ang atensyon sa pagkain ko-kahit paminsan-minsan, hindi ko maiwasang sulyapan siya.
Hindi ko pa rin lubos maisip na heto kami ngayon, nagkakausap ng ganito kahaba. Sa mga nagdaang taon, puro simpleng “hi” o kaswal na bati lang ang namamagitan sa amin. Wala pang seryosong pag-uusap, hanggang ngayon.
Hindi man kami pormal na magkaibigan, kilala namin ang isa’t isa sa ilang simpleng paraan. Pero sa puso ko, higit pa sa pagkakaibigan ang turing ko sa kanya. At habang magkasama kami ngayon, mas lalo kong nararamdaman na ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi basta paghanga lang-may halong pag-asa, at konting takot, na baka ito na ang simula ng kung anuman ang matagal ko nang tahimik na hiniling.
Paubos na ang pagkain niya, at habang lumiliit ang pagkakataon, pakiramdam ko’y nauubusan na rin ako ng oras para makabawi at makapagsimula pa ng isa pang usapan. Kaya kahit nanginginig na ang kaba ko, pinilit kong isantabi ang hiya. Hindi naman araw-araw nangyayaring makasama ko siya nang ganito, kaya gusto kong sulitin ang bawat saglit.
“Uh… B-bakit ka nga pala biglang umalis sa basketball team?” tanong ko sa wakas, halos ma-utal sa kaba.
Napahinto siya sa pagkain at agad akong tiningnan. “Ah, tungkol doon… Sobrang naging demanding na kasi ’yung schedule ko sa academics at sa mga campus events. Kaya napagpasyahan kong mag-step back muna sa basketball,” mahinahong paliwanag niya, bago muling sumubo ng pagkain. “As much as I love the game, mas mahalaga rin sa akin ang studies. Priorities, diba?” dagdag niya sabay ngiti.
Tumango ako at mahina lang na nasambit ang, “I see.” Wala akong ibang nasabi, pero sa loob ko, parang bigla akong nanghinayang.
Bigla siyang ngumiti muli at tinanong, “Ikaw naman, kumusta ka sa team? Hindi ko alam na nagba-basketball ka pala.”
Napangiti rin ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, nakakatawa kung iisipin-kasi siya lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako sumali sa team.
“May konti na akong background sa basketball simula pa noong high school, pero ngayon lang talaga ako naglakas-loob na sumali sa varsity team,” sagot ko, sinubukang gawing kaswal ang tono. “Honestly, ni hindi ko in-expect na matatanggap ako.”
Tumango-tango si Gavin habang ngumunguya. “Ganun ba? So, bakit ngayon mo lang naisipang magtry out? Anong nagtulak sa’yo?” seryoso niyang tanong, sabay tingin sa akin, na parang gusto niya talagang malaman.
Halos mabilaukan ako sa kinain ko sa sobrang gulat. Hindi ko akalaing itatanong pa niya ’yon. Bakit ngayon pa? Paano ko sasagutin ’to nang hindi halatang siya ’yong dahilan?
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang totoo-that I joined the basketball team just to be closer to him. Pero anong sasabihin ko kung ituloy niya ang tanong? Na hindi ko na siya naabutan sa team? Na it felt like I failed a mission I created just for him?
Ngumiti na lang ako ng pilit at nagbakasakaling makaisip ng safe na sagot bago pa siya magtanong pa ulit.
Uminom muna ako ng tubig para matulungan ang kanin na parang naipit sa lalamunan ko. Pakiramdam ko’y literal akong nabilaukan sa tanong niya.
“Final year ko na rin kasi sa college, kaya naisip kong subukan na. Sayang din ang opportunity. At least may iba rin akong pinagkakaabalahan bukod sa academics, ’di ba?” sagot ko sa kanya, sinabayan ng isang mahinahong ngiti. Buti na lang at nakaisip ako ng matinong dahilan.
Nice save, William. Good job.
“Sounds great,” sagot niya sabay sulyap sa cellphone niyang biglang nag-vibrate. Binuksan niya ito at saglit na tumitig sa screen, waring may binasang mensahe. Pagkatapos, tumingin siya ulit sa akin.
“I have to go, bro. Nag-text si Kent-nasa room na raw ’yong ibang class officers. Nakalimutan ko halos ’yong meeting namin,” paalam niya habang tumatayo na.
“Okay lang. Salamat ulit sa pagpapatabi mo sa akin,” sabi ko, sinserong nagpapasalamat.
Nakangiti siyang umiling na parang sinasabing walang anuman.
“No worries,” tugon niya sabay tapik sa balikat ko. “See you around the campus, bro.”
Tinanguan ko siya habang nakangiti, pinipigilang ipakitang ayaw ko pa sanang matapos ang sandaling iyon.
Tahimik ko siyang pinanood habang palayo na siya, lumalakad patungo sa pintuan ng cafeteria.
Inakala kong mas hahaba pa ang usapan namin, pero kahit ilang minuto lang ang naging kwentuhan namin, sobra na rin ’yon para sa akin. Para sa matagal ko nang paghanga sa kanya, sapat na ’yong makausap siya ng ganito-totoong usapan, hindi lang casual na “hi” sa corridor.
Hindi talaga siya nauubusan ng ginagawa. Laging may pupuntahan, may aasikasuhin. Isa siguro ’yan sa mga dahilan kung bakit sobra ang paghanga ko sa kanya.
Habang karamihan sa atin ay nagpupuyat para makabawi ng tulog sa weekend, siya naman ay pinipili pa ring maging produktibo. Hindi niya sinasayang ang oras niya. At ’yon ang isa sa mga bagay na talagang humanga ako sa kanya-ang kanyang dedikasyon, disiplina, at ang tahimik na inspirasyong dala niya sa mga taong tulad ko.
Pagkatapos kong kumain, nagdesisyon na rin akong lumabas ng cafeteria at bumalik na sa dorm. Gusto ko na ring makapagpahinga kahit papaano.
Pagkalabas ko ng building, agad kong napansin si Alex sa may bandang gilid-pinalilibutan na naman ng apat na babae. Hindi ko mapigilang mapakunot ang noo. Lalo pang uminit ang pakiramdam ko nang maalala ko ’yong ginawa niyang pagsingit sa pila kanina. Ang kapal lang talaga ng mukha.
Tanghaling-tapat na nga, pero heto siya ngayon-parang artista sa gitna ng fans, abala sa pakikipaglandian. Napahinto ako saglit at tinapunan sila ng tingin. ’Yong dalawang babae, halatang kinikilig habang kinukuha yata ang number niya gamit ang kanilang mga cellphone. Samantalang ’yong dalawa pa, parang dikit na dikit sa kanya-nakapulupot sa mga braso niya na parang wala nang bukas. At si Alex? Halatang enjoy na enjoy sa atensyon, parang wala nang mas mahalaga pa sa mga sandaling ’yon kundi siya.
Napansin niya ako. Nang magtagpo ang paningin namin, kinindatan niya ako, tapos bigla pa niyang inakbayan ’yong dalawang babaeng halos nakadikit na sa kanya.
“Girls, mamaya niyo na ako ulitin. Huwag dito sa labas. Doon tayo sa lugar na pwede niyo akong solo-solohin at lamutakin,” rinig kong sabi niya-at halatang sinadya talaga niyang iparinig ’yon sa akin, na parang gusto niya akong asarin o pagselosan siya. As if.
Bago siya tuluyang hilahin palayo ng kanyang “fangirls,” sinulyapan pa niya ako, na para bang nagwawagi sa isang laban na ako lang naman ang hindi sumali.
Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglakad pabalik sa dormitoryo. Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung bakit pa ako napatigil at tiningnan siya. Bakit ko pa ba binigyan ng kahit ilang segundo ang taong ’yon?
Para saan pa? Kung pagmumukha ang basehan, fine-he’s attractive, kahit pa medyo mayabang ang aura. Pero kung pag-uugali ang pag-uusapan, sinong matinong babae ang mahuhulog sa isang lalaking bastos, maangas, at mukhang walang respeto sa kahit na sino?
Habang umaakyat ako sa dorm, napailing ako sa sarili ko. Ilang segundo na naman ng oras ko ang nasayang sa isang taong hindi karapat-dapat pansinin. Seriously, what a complete waste of time.
Chapter 5
WILLIAM
After a short-lived weekend, Monday has rolled around once again-and that means it’s back to school for me.
To be honest, nothing particularly exciting happened yesterday. If there was anything worth remembering, it definitely happened last Saturday-when I had the chance to talk and share a meal with Gavin at the café. Oh, and I should add that I actually managed to get a decent amount of sleep that night. Maybe that’s one of the few perks of spending time alone: you get to control your own time without worrying about anyone else’s schedule.
Yesterday, I tried reaching out to Angela and Sage. I was hoping we could go to the mall together-maybe watch a movie or just eat out and unwind a little. But surprise, surprise… those two had already gone off on another spontaneous trip to some far-off place. So, in the end, I just stayed in the dorm all day. I didn’t feel like going out by myself. The thought of roaming around alone? No thanks.
Like I said, being alone has its pros, but it definitely has its downsides too.
When you’re single-or just used to doing things solo-you start to feel a bit out of place, especially around friends who are in relationships. While they head off for cute after-school dates, you’re just heading straight home. It hits different sometimes. I mean, imagine having no love life and no night life. That’s the reality, right?
Don’t get me wrong-I know there are people who are single and still genuinely happy on their own. So I guess it really just depends on the person.
As for me, maybe I’m just someone who tends to stick with what’s familiar. I don’t always venture into new things if I’m not sure what to expect.
Anyway, our morning classes went by quickly-we only had two, and both ended earlier than usual. It was around lunchtime when I thought about inviting Angela and Sage to eat together, but just as I was about to message them, Coach Ryan texted me and asked me to head over to the gym right away.
He said there was something important he needed to discuss with the team. I don’t have the full details yet, but I’m guessing it’s about the upcoming basketball tournament next month.
I rushed over and got there in no time.
James-my cousin-was already there, along with a few of our other teammates. Coach Ryan hadn’t arrived yet. And of course, Alex wasn’t there either. Typical. That guy always makes it a point to arrive late just to make an entrance. He really lives for the attention. Honestly, it’s annoying.
“Ano kaya ang sasabihin sa’tin ni Coach?” tanong ko kay James habang pansamantala siyang huminto sa pagse-cellphone.
“Wala rin akong idea, eh,” sagot niya sabay pakita ng screen ng phone niya. “Ka-text ko nga siya ngayon. Sabi niya, papunta na raw siya.”
Tumango lang ako habang pinapakinggan siya.
Sa paligid namin, maingay pa rin ang buong team-may nagsisigawan, may nagbibiruan, at ’yung iba halos magbatuhan na ng bola sa kakulitan. Parang normal na araw lang sa gym. Pero agad natigil ang lahat nang dumating na si Coach Ryan. Kasabay naman ng pagpasok niya, dumating rin ang pinaka-“special” sa lahat-si Alex. O mas tamang sabihing, pa-special guest.
At syempre, sa dinami-rami ng pwesto, doon pa talaga siya umupo sa tabi ko. Parang sadya, ’no?
Inilapag niya ang itim niyang backpack sa gilid at tumingin sa akin habang ngumunguya ng bubble gum. Ang kapal ng mukha-relaxed na relaxed habang ako’y pilit iniiwasan ang amoy ng pabango niyang agad sumingit sa ilong ko. Aminin ko man o hindi, mabango naman talaga. Pero dahil siya ang may suot, para bang gusto ko na lang pigilan ang paghinga ko.
Ngumiti siya sa akin habang naniningkit ang mga mata, gaya ng lagi niyang ginagawa. Binato ko lang siya ng isang walang-emosyong tingin. Seriously, bakit laging ganito ang timing niya?
Gwapo nga siya, oo. Hindi ko ’yon maitatanggi. Pero para bang wala siyang pakialam sa itsura niya. Magulo ang buhok, parang bagong gising. At tulad ng dati, bukas na naman ang polo niya hanggang dibdib. Parang allergic sa button. Idagdag mo pa ’yung mga galos niya sa mukha-tila ba nakikipag-away siya sa kalye araw-araw. Mukha siyang hindi takot mabugbog.
Napailing na lang ako at iniwas ang tingin. Pinilit kong ibalik ang focus ko sa harapan kung saan naroon si Coach Ryan. Napansin kong may hawak siyang maliit na kahon-parang kasing-laki ng box ng relo. Paulit-ulit niya itong kinakalog habang may misteryosong ngiti sa labi.
Ano kayang
laman
niyan? Award ba ’yan? O baka punishment?
May kutob akong malalaman na namin ang sagot sa ilang saglit.
Base sa pakiramdam ko, mukhang isa-isa kaming bubunot mula sa laman ng kahon na hawak ni Coach. Pero ang hindi ko alam ay kung anong klaseng twist ang susunod pagkatapos no’n.
“Pinatawag ko kayo ngayon nang biglaan dahil may mahalagang anunsyo akong ibabahagi,” panimula ni Coach Ryan habang hawak pa rin ang maliit na kahon. “Bukod diyan, may assignment din akong ipapagawa sa bawat isa sa inyo.”
Nagkatinginan at nagbulungan agad ang ibang mga ka-team namin, halatang curious at sabik. Ako naman, nanahimik lang habang pinipilit intindihin ang direksyon ng meeting. Samantala, ’yung katabi ko-si Alex-ay tila wala pa ring pakialam. Parang hindi naririnig ang kahit ano, busy sa pagnguya ng bubble gum.
“Next month na ang basketball tournament,” dugtong ni Coach, “at dito mismo sa campus natin ito gaganapin.”
Napataas ng kilay si Elias, na kilala sa pagiging mayabang. “Coach, nasabi niyo na ’yan dati, ’di ba?”
Hindi nagustuhan ni Coach ang pagsabat niya.
“Pwede bang tapusin mo muna ako, Elias? Hindi pa nga ako nakakaabot sa punto, nakapag-comment ka na agad,” seryosong sagot ni Coach sabay tingin sa kanya.
Natawa ang buong team-lahat natahimik pero halatang aliw. Except sa katabi kong si Alex na biglang nagbitaw ng, “Bobo kasi…”
Napalingon ako agad sa kaniya. Wow. Talino mo ha. Palakpakan naman para sa taong ang specialty ay basagan ng mukha at hindi ang paggamit ng utak. Napailing na lang ako-kay Elias na rin, sa totoo lang.
Matapos ang saglit na tawanan, bumalik na ang focus ng lahat kay Coach. Tahimik na kaming lahat habang hinihintay ang kasunod na sasabihin.
“Hindi na Far Eastern University ang makakalaban ninyo sa tournament,” anunsyo ni Coach, na agad naming ikinagulat.
Nagkatinginan kami. Ha? Eh sila dapat ’yung naka-line up na kalaban namin, ’di ba?
“Pinagdesisyunan ng tournament organizers na palitan ang team na makakatapat niyo. Alam daw nila na mataas ang level ninyo, kaya gusto nilang subukan kung hanggang saan ang kaya ninyo. That’s why, this time, kayo ay lalaban sa Adamson University.”
Bigla akong napatigil sa paghinga. Adamson? Hindi ba sila ’yung undefeated team?
Reputasyon na ng Adamson University ang pagiging kampeon sa halos lahat ng collegiate basketball tournaments sa bansa. Walang team ang nakakalusot sa kanila. Kaya hindi na rin nakapagtatakang isa-isa nang nag-react ang mga kasama ko.
“Coach, AdU po ’yon! Anong laban natin sa kanila?” reklamo ng isa naming kakampi na tila nawalan ng pag-asa.
Sunod-sunod na rin ang mga hinaing ng ilan pa naming teammates. Halata ang kaba sa kanilang mga boses. May iba pang napasandal na lang at napa-headscratch sa pressure.
Ako? Tahimik pa rin. Hindi dahil walang pakialam-pero dahil sa isip ko, kaya kaya namin ’to?
Pero isa lang ang sigurado ko: Coach wouldn’t tell us this kung wala siyang plano.
Pinatahimik agad ni Coach Ryan ang lahat nang magsimula na namang mag-ingay ang iba. “Kung sa umpisa pa lang ay sumusuko na kayo, baka mas mabuti pang huwag na kayong sumali sa tournament,” seryosong sambit niya, may bahid ng inis sa boses niya.
“Hindi na natin mababago ang desisyon ng mga organizers, pero may kontrol tayo sa kung paano tayo maghahanda. At gusto kong malaman niyong buo ang tiwala ko sa inyong lahat,” dagdag niya, ngayon ay tila pakiusap na ang tono. “Huwag niyo naman sanang sayangin ang tiwalang ’yon.”
Dahil sa narinig, naramdaman kong kailangan kong magsalita. Kaya kahit medyo kabado, naglakas-loob ako.
“Coach is right. Kahit gaano kahirap ang kalaban, kailangan pa rin nating subukan. Hindi natin malalaman kung may chance tayo kung susuko agad tayo,” sabi ko, medyo lakas-loob pero may conviction.
Nagulat ako nang marinig ko si Alex na sumabat. Akala ko ay hindi siya interesado pero heto siya, seryoso ang tono.
“Grabe naman kayo, para kayong takot agad,” panimula niya, sabay tingin sa mga ka-teammate naming kanina lang ay puro reklamo. “Dinudungisan niyo ’yong pangalan ng varsity team. Para namang hindi niyo kilala ang sarili niyo. Sa totoo lang, wala akong pake kung sino pa ’yang Adamson na ’yan. Basta ako, lalaban.”
Napatingin ako sa kanya. Wow, may sense rin pala siya minsan, nasabi ko sa sarili ko habang marahan akong tumango.
“Tama sila Parker at Lee!” sigaw bigla ni Coach Ryan, sabay sabing, “Lalaban tayo, kahit sino pa ang kalaban!”
At doon nag-iba ang atmosphere sa buong gym. Parang biglang may spark na bumalik sa mga kasama namin. Kahit papaano, napalitan ng determinasyon ang takot at panghihina.
Hindi ko man alam kung ’yong sinabi ko ang nag-trigger no’n, pero isa lang ang sigurado ko-yung kay Alex, nakatulong nang malaki.
Pagkatapos mapawi ang tensyon at medyo gumaan ang loob ng lahat, muling nagsalita si Coach.
“Dahil malakas ang kalaban natin, hindi pwedeng basta-basta lang ang practice natin. Kailangan doblehin natin ang effort. Kaya magpapartner kayo-dalawahan ang training, bukod pa sa regular team practices natin.”
Itinaas niya ang maliit na kahon at marahang kinalog ito. Parang kahon ng relo ’to ah, naisip ko.
“May labingdalawang miyembro sa team. Anim sa inyo ang bubunot ng pangalan ng partner niyo mula sa kahon na ’to. Araw-araw kayong magsasanay nang mas focused, mas intense, kasama ang magiging ka-partner niyo,” paliwanag niya, na tinanguan naman naming lahat bilang pagsang-ayon.
Isa-isa niyang nilapitan ang teammates namin para magbunot. Hanggang sa ako na lang ang natira. Tumapat siya sa akin at inabot ang kahon kung saan isang papel na lang ang laman.
Tahimik ko iyong kinuha at ibinalik sa kanya ang lalagyan.
Wala naman akong expectations kung sino ang mabubunot ko. Para sa ikagaganda ng laro namin ito, kaya kahit sino ay okay lang sa akin.
Binuklat ko ang maliit na papel-at nang mabasa ko kung sino ang nakalagay doon… Well, hindi ko inaasahan ’to.
Lee
Ilang segundo rin akong nakatitig sa maliit na papel bago tuluyang pumasok sa utak ko ang nakasulat doon. Lee. Apelyido ni Alex. Nakalimutan kong iyon nga pala ang full name niya.
Napabuntong-hininga ako at napatingin sa kanya-doon pa rin siya, nakaupo at parang wala siyang pakialam sa nangyayari sa paligid. Wala siyang kaalam-alam na siya ang nabunot ko bilang kapareha sa araw-araw na practice. Wala rin siyang ideya kung gaano ko gustong ulitin ang bunutan, kahit pa sabihin nilang unfair ’yon.
Isa-isa nang tinanong ni Coach Ryan ang mga nakabunot kanina kung sino ang kanilang mga nakuhang ka-partner. Halatang excited ang iba, may halong swerte at saya ang mga mukha nila. Pero ako? Walang kahit anong enthusiasm. Kung puwede lang hindi na sabihin kung sino ang nakuha ko, ginawa ko na.
“Parker, ikaw? Sinong partner mo?” tanong ni Coach.
Medyo napangiwi ako. Partner talaga? Bakit kailangan ganun ang term?
Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago sumagot. “Si L-Lee po, Coach.”
Napalingon si Alex pagkakarinig ng pangalan niya. As usual, may ngisi sa labi niya na parang aliw na aliw sa sitwasyon. Ako naman, hindi ko na pinilit itago ang pagkainis ko habang tinititigan ko siya. Kung siya ay mukhang excited, ako naman ay parang gusto na lang lumubog sa sahig.
“Simula bukas, mag-umpisa na kayong mag-ensayo bilang pares. Gusto kong magtulungan kayo para mas mapabuti ang laro niyo. Tandaan, kailangan nating buuin ang chemistry kahit sa dalawahan man lang,” bilin ni Coach Ryan.
Sabay-sabay kaming sumagot, “Opo, Coach!”
“Good! Wala tayong team practice mamaya. You can use that time to start your one-on-one training if gusto niyo,” dagdag pa niya bago tuluyang umalis.
I know, sinabi ko kanina na wala namang kaso kahit sino pa ang makapareha ko. Pero ngayon? Gusto ko na yatang bawiin lahat ng sinabi kong ’yon. Sure, ako ang bumunot, pero hindi ba’t pwedeng kasalanan ng kahon din?
Wala namang masama kung si Alex ang ka-practice ko… pero kasi, siya ’yon. Siya. Hindi ako sanay makasama siya nang matagal, lalo pa sa araw-araw. May feeling akong imbes na gumaling kami, baka magkapikunan lang kami sa araw-araw na pagti-training.
Napailing na lang ako at isinabit ang bag sa balikat. Gusto ko nang umalis agad.
Nagpaalam na si James, ang pinsan ko, at sumabay sa ibang teammates palabas ng gym. Naiwan na lang kami ni Alex. At bago pa man siya makapagsalita, nauna na akong maglakad. Ayoko na namang matalo sa mga tingin niyang parang may binabalak.
Pero syempre, hindi ako pinatahimik ng tadhana.
“Partner!” sigaw niya na parang sobrang proud pa talaga. Napahinto ako sa paglalakad. Talagang ginusto pa niyang lakasan? At parang sobrang saya niya pang gamitin ang salitang ’yon.
Lumingon ako sa kanya. Ayun siya-nakangiti, kita ang dimples, at parang walang care sa inis ko.
“Ano?” iritadong tanong ko.
“Partner na kita, ha?” Seryoso pero may ngisi pa rin. Parang proud na proud siya sa label.
Napailing na lang ako at hindi na sumagot. Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng gym.
Seriously? Partner? That’s the best he could say?
Chapter 6
WILLIAM
Maaga ang klase ko ngayon, kaya kahit antok pa ako, nagising na ako ng 6 AM.
First thing I did? Nag-timpla agad ako ng mainit na kape. Usually, iced coffee ang go-to ko, pero ewan ko ba-may something talaga sa hot coffee tuwing umaga. Parang comfort sa antok at stress.
Hindi na rin ako nag-breakfast. Imbes na kumain, ginamit ko na lang ’yong oras para mag-ayos ng gamit at ng sarili. Ayoko namang magmadali later, lalo pa’t ayoko sa feeling ng parang may nakalimutan akong dalhin. After final checking, isinukbit ko ang bag ko at lumabas na ng dorm.
Habang naglalakad ako sa pathway papunta sa building ng unang klase ko, hindi ko maiwasang mapaisip-paano ko nga ba haharapin ’yong daily practice namin ni Alex? Hindi pa kami nag-uusap since the announcement kahapon. Wala pa kaming napag-usapan na oras o kahit anong plano. As in zero communication.
Wala rin akong ideya kung paano ko siya hahanapin o kakausapin. Hindi rin siya ’yong tipo ng taong palaging makikita lang basta sa campus. At kung minsan naman na makikita ko siya, palaging may mga babaeng nakapalibot sa kanya-parang hari. Nakakailang kaya! Parang ang awkward lumapit sa ganung eksena. Pero kahit ganun, I still want to take this practice thing seriously. Gusto ko ng maayos na teamwork, kahit pa si Alex pa ang ka-partner ko.
Habang lumalakad pa rin, may nakasalubong ako-si Austin, roommate ni Alex. Maputi, medyo matangkad, at to be fair, gwapo rin. Isa rin siya sa mga kinikiligang mukha dito sa campus. Sabi-sabi ng iba, bi daw siya-at least ayon sa mga chismis na narinig ko kay Angela. Pero sa totoo lang, wala naman akong nakikitang ebidensya so parang tsismis lang talaga. Besides, close siya kay Alex, so automatically suspicious na rin in my books. Halos gabi-gabi nga raw ay puro kabastusan ang pinaguusapan nilang dalawa sa dorm.
“Uy,” bati niya sa akin habang nakangiti.
Bahagya akong tumango’t ngumiti rin pabalik. “Morning,” maikli kong sagot bago kami tuluyang nagkahiwalay ng daan.
Part of me wanted to ask kung nasaan si Alex, pero pinigilan ko na lang sarili ko. Nakakahiya rin kasi, baka kung ano pa isipin. So I just continued walking, silently hoping na sana makita ko na lang siya sa campus today. Ironically, ilang araw lang ang nakalipas ay ayaw na ayaw ko siyang makita. Pero ngayon? Eto ako, halos hanapin na siya. All because of that stupid pairing system. Kung hindi dahil doon, I wouldn’t even bother to talk to him.
Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa dadaanan ko. Lost in thought, hindi ko namalayan na may taong nakaharang pala sa daan. Bigla akong napatigil at napaangat ng tingin.
Pagtingala ko, sumalubong agad sa ilong ko ang pamilyar niyang pabango. Matangkad siya-mas matangkad sa karamihan-kaya’t parang natatakpan niya ang sikat ng araw. At dahil sa liwanag sa likod niya, para siyang… well, hindi ko alam kung anghel o abala sa buhay ko. Basta ang alam ko, siya ’yon.
Si Alex.
Nang tuluyan ko nang makita ang mukha niya, without the glare of the sun blinding my eyes, confirmed na-si Alex nga.
“Yo, partner!” bungad niya, sabay akbay na parang close talaga kami. Ang bigat ng braso niya, parang sinakluban ako ng langit at lupa. “Papasok ka na? Tara, sabay tayo!” dagdag niya habang lalong humigpit ang pagkakaakbay niya sa’kin. Grabe. Halos mawalan ako ng hininga.
Mabilis kong tinanggal ang braso niya gamit ang puwersa ko. “Gusto mo ba talaga akong patayin?” reklamo ko habang hawak ang leeg ko, trying to catch my breath. Ang laki kasi ng braso niya-’yung tipong isang akbay lang, deads na ako. “At isa pa, bakit ka ba bigla-bigla nalang sumusulpot kahit saan?” tanong ko, sabay irap.
Napakamot siya sa ulo at ngumiti pa. “Sorry na. Chill lang, partner.”
Kanina lang, gusto ko pa siyang makita. Pero ngayon? Regret unlocked.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Kung sasabay man siya, bahala na. Malapit na rin naman kaming maghiwalay ng daan kasi magkaiba ang department namin. Kaya titiisin ko na lang muna ang presence niya-for now.
Tahimik lang kaming naglalakad side by side. Ako, focused sa dadaanan ko. Siya naman? Busy sa pagtingin at pagkaway sa mga babaeng nadadaanan namin. Classic Alex Lee move.
Honestly, ayoko talaga makipag-usap sa kanya. Hindi sa suplada ako, pero ang yabang niya kasi minsan-at ’di naman kami gano’n ka-close para mag small talk. Like, anong sasabihin ko? “Kamusta naman ang mga babae mo this week?” Eh baka murahin lang ako ng konsensya ko.
Pero he broke the silence.
“Paano nga pala ’yung practice natin mamaya, pare?” casual niyang tanong habang busy pa rin sa pakikipaglandian through waves and smirks. “Anong oras mo trip?”
At least naalala niya. “Kahit anong oras,” sagot ko, ’di man lang siya tiningnan. “Basta matapos agad.”
“Okay, alas dos,” sagot niya. Confident pa, parang sure na sure siyang free ako no’n.
I was about to let that pass, pero napaisip ako bigla. Saan nga ba kami magpa-practice mamaya? Gamit ngayon ’yung gym para sa event ng ibang orgs, so off-limits kami doon.
Napabuntong-hininga ako habang iniisip kung saan namin isasagawa ang supposed “daily practice” namin.
Kung kami lang talaga ang magka-partner, sana may option akong palitan siya-pero wala, eh. Kaya sige, practice kung practice.
“Saan?” tanong ko nang walang ka-emosyon-emosyon.
Habang nakangiti pa siya sa isang babaeng dumaan at bumati sa kanya, bigla niya akong tiningnan. “Bigay mo nga cellphone mo,” utos niya casually-pero seryoso ang mukha niya.
Napakunot ang noo ko. Wait, what? Seryoso ba siya? Mukhang oo… pero bakit naman niya hihingin ang cellphone ko? May balak ba ’to? Holdaper vibes?
“Bakit mo naman kailangan? Makiki-text ka ba? Wala akong load, ’wag kang umasa,” mabilis kong sagot habang inunahan na siya. Pero napailing lang siya, still smiling like he’s not taking me seriously.
“Bigay mo na kasi. Ang dami mo pang paligoy-ligoy,” sagot niya na may kasamang ngisi pa rin. Aba’t confident.
Ewan ko rin kung anong sumapi sa’kin at nagpa-obey ako. Hinugot ko ang phone ko mula sa bulsa at iniabot sa kanya-like, seriously, bakit ako sumusunod?
“Kung makiki-text ka, SIM one lang ha,” bulong ko pa, admitting na may load nga pala ako, kahit sinabi ko kanina na wala.
Natawa siya. Ako naman, umiwas ng tingin. Ayoko siyang makita na natatawa dahil baka mapikon lang ako lalo.
“Thanks,” sabi niya habang may tinitipa sa phone ko. Maya-maya lang, inabot na niya ulit sa akin.
Tumingin agad ako sa screen, instinct na rin ’yon. Baka may kung anong kalokohan na nilagay. And then… ayun na nga. May bagong contact name na naka-save: “Alex Gwapo.”
Literal na kinilabutan ako. “Ano ’to?”
Napatingin siya sa akin habang chill lang na nagsisipol. “Number ko,” sagot niya sabay kindat pa. Ew.
“Alam ko namang number mo ’yan, pero never naman akong nanghingi,” sagot ko na may halong inis. Deep inside, gusto ko siyang sigawan dahil sa kapal ng mukha niya pati sa name na nilagay niya. Alex Gwapo? Really?
“Eh ’di para hindi ka na mahirapan magtanong in the future, ako na nagbigay. Shortcut na ’yan, ’di ba?” proud na proud pa siya. Hinabol pa niya na hawakan ang pisngi ko, pero mabilis akong umiwas.
Natawa pa talaga siya. Bastos ’to, confirmed.
“Kailangan mo ’yan para sa practice, ’di ba? At huwag mong papalitan ’yung name ko d’yan, okay?” dagdag niya, mayabang ang tono. Parang inaangkin na niya phone ko. Napairap na lang ako.
“Aliw na aliw ka talaga sa sarili mo, ano?” sabi ko sabay bigay ng sarcastic smile.
“Ano raw?” tanong niya, ngumiti pa lalo. Clueless, pero feeling cute.
“Ayan nga,” sabay turo ko sa phone ko. “Yung pagiging GGSS mo.”
Napangisi siya nang marinig ’yon. Naglakad siya ng konti, tapos lumingon ulit sa akin. “Gwapong-gwapo Sila Sa’kin ba ’yan?” tanong niya na mukhang hindi pa rin alam ang tunay na meaning ng GGSS. Tumawa siya. Ako naman, napatitig lang sa kanya. Grabe, ang bobo minsan.
“Alam mo kasi, pare,” simula niya habang inaayos ang kwelyo ng uniporme niya, “kapag ipinanganak kang gwapo, may karapatan kang maging confident.”
Sinabi niya ’yon na parang proud na proud siya sa sarili. Napangisi na lang ako. Iba ka, Alex Lee. Ibang level ng yabang ’to.
Gwapo naman talaga siya-fine, I’ll admit that. Pero do you really have to advertise it every five minutes?
Minsan, ang sobrang confidence, nakaka-turn off na rin.
Nakakainis na talaga. Sobrang angas kasi ng vibes niya-parang buong mundo, siya lang ang pogi. Akala ko dati, gulong lang ang pinapa-vulcanize. Apparently, pati tao, pwede rin pala. Kasi si Alex? Ang yabang, inflated na inflated ang ego.
Hindi ko na lang siya pinatulan. Imbes na makipagsabayan pa sa kayabangan niya, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa building namin. Buti na lang, ilang hakbang na lang at makakarating na ako. Si Alex naman, tuloy pa rin sa walang kwentang kwento na para bang interesado akong marinig ’yon.
Kung anu-anong pinagmamalaki niya-puro tungkol sa mga babaeng “nagsi-send ng friend request” daw sa kanya, at mga DM na halos sumabog na raw inbox niya. Na parang, wow, sobrang sought-after niya sa social media. Okay, flex mo pa.
Ako naman, kunwari lang na nakikinig, pero in reality, my brain was already somewhere else. I was thinking about Gavin-kung makikita ko ulit siya today, o baka masalubong ko siya dito sa campus. That thought alone, it made me smile a bit. What a breath of fresh air kumpara kay Alex.
Buti na lang talaga, nasa harap na ako ng building namin. Si Alex naman, pa-turn na papunta sa department nila. Finally, freedom!
“Text mo na lang ako mamayang two,” bilin niya sa’kin habang naka-ngisi pa. “See you!” And, of course, for the nth time, kinindatan na naman niya ako bago siya tumakbong paalis.
Ano bang problema ng lalaking ’yon? Bakit ba parang required sa kanya na kumindat sa bawat pag-uusap namin? Hindi naman ako isa sa mga fangirls niya. At seriously, obvious ba talaga sa aura ko na hindi ako straight kaya feeling niya may effect sa’kin ang mga kindat-kindat niyang ’yan?
Well, yes, I’m not straight-but kahit kailan, never ko naging type ang mga gaya niyang mayabang at pa-cute.
Pinili ko na lang na i-set aside muna ang inis ko kay Alex at tumuloy na sa unang klase ko for today.
“You may go now.”
Pagkasabi ng prof namin sa PolSci, halos lahat ng classmates ko agad nagsitayuan. Yung iba, parang hinahabol pa ng ulam sa canteen-nag-uunahan palabas ng classroom.
Alas dos y kinse na. Sabi namin ni Alex, magkikita kami para mag-practice ng basketball-sa labas ng campus kasi occupied ang gym. Tinext ko na siya earlier, sabi ko magkita na lang kami sa gate para wala nang hanapan pa.
Tumayo na rin ako’t isa-isang iniligpit ang gamit ko. Kailangan ko nang umalis. Ayoko namang biglang magyabang si Alex na mas punctual pa siya sa’kin, ’di ba? Kahit na, technically, 15 minutes late na nga ako sa usapan namin.
“Uy, Will? Ang bilis mo namang kumilos. Gutom ka na ba? Nasa banyo pa si Sage,” tanong ni Angela na halatang curious. Di ko pala nasabi sa kanya yung tungkol sa pair-up namin ni Alex. I only told Sage kasi alam kong kapag nalaman ni Angela, for sure, hindi niya ’ko tatantanan sa pang-aasar.
“Basketball practice,” sagot ko casually habang tinatapos ayusin ang gamit ko. “Kita na lang tayo mamaya, ha? Kasama si Sage.”
Nagbitbit na ako ng bag ko. Si Angela, kita ko sa mukha niya na parang may gusto pa sanang itanong-confused pa rin.
Pero bago pa ako makalabas, dumating si Sage.
“Uy, aalis ka na agad, dude? Imi-meet mo na si Alex?” casual niyang sabi.
Pagkarinig ni Angela sa pangalan ni Alex, napalingon siya bigla kay Sage. Ako naman, napatitig kay Sage na may kasamang “seriously?” look.
“Ay…” napatakip si Sage sa bibig niya. Too late.
Napalunok ako, sabay kamot ng ulo. Nagbilin pa naman ako! Sabi ko na nga ba-hindi ko pa dapat pinagsabihan ’to. Alam niyang inis na inis ako kay Alex tapos ngayon malalaman ni Angela na kami pa mismo ang magkapares para sa basketball practice?
Perfect. Bigyan ng award si Sage.
Nagpapalit-palit ng tingin sa amin si Angela-parang nanonood ng tennis match-pero natapos ’yon sa akin at binigyan niya ako ng isang pilyang ngiti. Here we go again.
“Hoy, Will! Ano ’yan ha? Ba’t mo imi-meet si that guy?” tanong niya in her usual teasing tone. “Don’t tell me… na-convert ka na? Isa ka na sa mga fans niya? Teka-pinagpalit mo na ba si Papa Gavin?” sabay kindat at tawa.
Napailing na lang ako sa sobrang absurd ng imagination niya. Pati si Brent, na tahimik lang kanina, natawa rin sa hirit niya.
“Grabe ka. Pwede bang huwag tayong OA?” sagot ko, habang iniwasang mapikon. “Si Sage na lang bahala magpaliwanag sa’yo.” Bago pa siya makapagsalita ulit, sinubukan niya na naman akong kilitiin sa tagiliran kaya napaatras ako.
“Ugh, tama na! Aalis na ako. I’ll just text you after. Mabilis lang naman ’to, promise,” paalam ko habang naglalakad na palabas ng classroom.
“Practice lang ’yan ha, practice lang talaga!” sigaw pa ni Angela from behind, sabay tawa.
Sa labas, rinig ko pa rin ang malakas nilang tawanan. Nakakainis man, pero deadma na muna. I’ve got bigger problems-specifically, one annoying guy named Alex.
Habang naglalakad ako papunta sa gate, kinuha ko agad ang phone ko at nag-text.
T o Alex:
Malapit na ako sa gate. Pag ’di ka dumating in 5 minutes,
aalis
na ako.
I hate waiting. Lalo na kung ang hinihintay ko ay taong kilala sa pagiging laging late, tapos parang feeling MVP pa kahit sa simpleng practice. Knowing Alex, he’s probably chatting someone up or doing something unnecessary. So kung hindi siya aabot, edi bye.
Pagdating ko sa gate, naghanap ako ng shaded spot at nakita ko ’yung puno ng mangga sa gilid. Sakto, may konting hangin at hindi ganun ka-init, pero dahil sa pagmamadali ko kanina, ramdam kong basang-basa na ng pawis ang suot kong white polo. Great. Now I look like I just ran a marathon.
Ilang minuto rin akong nakatayo roon. Five… six… seven minutes na-and still no sign of Alex. Okay, that’s it. I’m leaving.
Pero paalis na sana ako pabalik ng campus nang bigla ko siyang nakita. Of course, dumating siya… late pa rin. Napahinto ako. He was casually chatting with some girl na mukhang kinikilig pa habang kausap siya, tapos maya-maya lang, umalis na rin si ate.
Pagkakita niya sa’kin, lumapit siya na parang wala lang-naka-ngiti pa.
Tiningnan niya muna ’yung relo niya, tapos tumingin sa akin. “Akala ko ba aalis ka kapag lagpas ng five minutes?” sabay taas ng kilay. “Fifteen minutes na ’tong nakalipas, oh.” May halong pang-aasar sa tono niya na parang sinasadyang i-challenge ang pasensya ko.
Napangiwi ako. Wow, proud pa talaga siya na late siya.
“Tsk. Hindi mo rin talaga ako matiis, pare,” dagdag pa niya, sabay tawa.
Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Excuse me? Sino nagsabing gusto ko siyang tiisin in the first place?
“Ayan nga, paalis na sana ako,” sagot ko habang inaayos na ang sling ng bag ko sa balikat. “Let’s just resched the practice. Medyo late na rin kasi, may iba pa akong kailangang gawin,” dagdag ko, sabay talikod para umalis. Pero bago pa ako makalakad nang tuluyan, bigla niya akong hinawakan sa braso.
“Wait lang, pare…” sabay nagkatinginan kami.
“Since nandito na rin naman ako, tuloy na natin,” may kasamang ngiti niyang sabi bago niya marahang binitawan ang braso ko.
Ugh. Napa-roll ako ng mata, ’yung tipong hindi halata pero sapat na para i-express kung gaano ko ka-unamused ang vibes ko. Well, he has a point. Nandito na rin siya, and honestly, baka mas hassle pa kung hindi ko na lang tapusin ’to ngayon.
“Sige na nga, let’s just get this over with,” bulong ko sa sarili sabay lakas ng boses, “Saan ba ’yung court?”
Napatingin ako sa kanya-sakto pa talagang tinatanggal niya ’yung polo niya. Naiwan na lang sa kanya ’yung white sando sa loob. Di ko alam kung trip niya lang magpa-cool o talagang mainit lang talaga.
“May alam akong court nearby. Di naman ganun kalayo,” sagot niya.
Di ko na sinagot. Instead, nakatingin lang ako sa kanya habang pinupunasan niya ’yung pawis niya gamit ’yung polo niyang hinubad. Una sa leeg, pababa sa dibdib, tapos sa braso-’yung braso niyang parang sa gym instructor. Pag-angat niya ng kamay para ayusin ’yung buhok niya, napansin ko ’yung manipis na buhok sa kili-kili niya. Damn. Hindi ko naman sinasadya pero… napalunok ako.
Nag-iwas ako ng tingin agad, hoping hindi niya napansin. Focus, Will. Focus.
“Bilisan mo na d’yan. Tatawid na ako,” tawag ko habang naglakad na papunta sa kabilang side ng kalsada.
Narinig kong sumunod siya sa likod ko, pero I didn’t bother looking back.
Pero habang tumatawid na ako-midway na ako sa kalsada-napalingon ako sa kanan. At doon, nanlaki ang mata ko.
Isang truck. Paparating. Mabilis.
Para akong na-freeze sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Para akong… na-paralyze.
“Pare!” sigaw niya.
And just like that… may humila sa akin, mabilis, marahas, pero sapat para mawala ako sa gitna ng kalsada.
Napaupo ako sa gilid ng bangketa. Hindi ko agad nakuha ang nangyari. Lahat parang slow motion. Ang hingal ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Napatitig ako sa paligid. Lahat ng tao, nakatingin.
Then I looked beside me.
Si Alex.
Nakahinga rin siya nang malalim, pawisan at nakaupo sa tabi ko.
Grabe, kung hindi niya ako hinila… baka ibang klaseng eksena na ’to. Baka wala na ako ngayon.
He… actually saved me.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Gulat. Takot. Hiya. Lahat sabay-sabay.
Pero isang bagay lang ang sigurado ako ngayon: buhay pa ako. Dahil sa kanya.
Chapter 7
WILLIAM
Bumuwelo
muna ako bago
tumayo
, at
pagkapwesto
ko, nagulat ako nang bigla ring
tumayo
si Alex sabay
kapit
sa magkabila kong braso-
mahigpit
. As in, parang ayaw niya akong
paalisin
.
Napatingin
ako sa kanya, at halos hindi ko siya
makilala
. Wala ’yung usual na
nakangiti
niyang mukha. Instead, seryoso siya-galit pa nga. Parang kulang na lang ay
singawan
ako ng
usok
sa
ilong
.
“Alex…”
mahina
kong tawag, pero ’di siya
kumikibo
.
Medyo nag-panic ako internally. Ang daming tao sa
paligid
,
at he
was just holding me like that in the middle of the sidewalk.
Napapalinga
ako kasi I was starting to feel awkward na.
Tinangka
kong
kumawala
. “Ano bang trip mo?
Bitawan
mo nga ako,“ sabi ko,
pilit
na
hinuhugot
ang braso ko sa
pagkakahawak
niya.
Pero bigla siyang
sumigaw
.
“
Nasisiraan
ka na ba?!“
Napaatras
ako nang
konti
, if only he wasn’t still holding me. Nagulat ako-not just because of what he said, pero dahil sa tone ng boses niya. Ang
bigat
ng boses niya, parang puno ng frustration.
“Anong
iniisip
mo at
tumigil
ka sa
gitna
ng
kalsada
?! Gusto mo na bang
mamatay
?!“ tuloy niya. “Kung ’di kita
nahila
, sana
inararo
ka na ng truck kanina!“
’Yung
bawat
salita
niya, parang
suntok
. Hindi ko alam kung ba’t
ganun
siya
kaapektado
. Para akong na-freeze sa
kinatatayuan
ko, pero di ko rin
maiwasang
mapikon
.
“Sorry na, okay?” sagot ko nang
mahinahon
, trying to calm things down kahit ako
mismo
confused pa rin. “Hindi ko naman nakita na may
paparating
na truck. Nagulat rin ako.“
Hindi pa rin niya ako
binitawan
. Actually, lalo pa siyang
humigpit
. Medyo masakit na sa braso, pero
tahimik
lang ako. What the hell is his deal?
“Tapos sasabihin mong okay lang kasi wala namang nangyari?”
balik
niya, halatang mas lalong na-trigger. “
Paano
kung may nangyari nga?
Paano
kung
natuluyan
ka? Wala na bang pake sayo ang buhay mo, ha?! Kung
napahamak
ka… kung
nasagasaan
ka sa
harap
ko… ako ’yung
mako-konsensya
!“
This time,
nainis
na rin talaga ako.
Tinanggal
ko na nang
puwersahan
’yung braso ko mula sa
pagkakahawak
niya.
“Okay, wait lang. Bakit ganyan ka mag-react?” sabi ko, ngayon ay kita na rin sa mukha ko ’yung inis. “Bakit parang ang laki ng issue sa’yo? Concern ka ba talaga o gusto mo lang akong
pagalitan
?“
Tahimik
siya. Hindi
sumagot
. Pero ’yung mga mata niya,
nakatitig
pa rin sa akin-
matindi
. Parang ang daming gusto niyang sabihin pero hindi niya
masabi
.
Napailing
ako. “Look. Kung ganyan ka din lang,
huwag
na muna natin ituloy ’tong practice.
Palamigin
mo muna ’yang ulo mo.“
Wala na akong
hinintay
pa.
Lumakad
na ako
palayo
, leaving him standing there.
Hindi ko na siya
nilingon
.
Naiwan
siyang
nakatayo
ro’n habang ako, tuloy-tuloy lang sa paglalakad
palayo
. Honestly, I don’t even know what’s gonna happen next sa supposed na practice naming dalawa. Pero isang bagay ang
klaro
-ayoko nang ituloy ’yon habang ganyan siya.
Hindi ko siya gano’n
kakilala
. Pero ’yung Alex na nakita ko kanina… ’yung
titig
niya, ’yung galit sa boses niya? That wasn’t the same guy na palaging chill,
palangiti
, at
laging
pa-joke. That was someone else entirely.
Don’t get me wrong-grateful naman ako na
niligtas
niya ako. Kung ’di dahil sa kanya, baka literal na katawan ko na ang
kinukuhanan
ng chalk outline. Pero ’yung way ng pag-react niya after? Hindi ko gets. Parang
sobra
? Or maybe… may
dahilan
?
Baka nga ’yun ang problema. Hindi ko pa talaga siya kilala. Ang alam ko lang ay ’yung Alex na kilala ng lahat sa campus-’yung
siga
, ’yung
babaero
, ’yung troublemaker. I don’t want to admit it, pero ngayon… parang curious tuloy ako kung sino ba talaga siya behind all that noise.
This whole partner thing? It’s making me ask one thing:
Should I even bother to know him more?
Part of me says, no way. Pero may parte rin sa’kin na
nagsasabing
, maybe you should. At least bago ko siya
tuluyang
husgahan
.
Aminin
ko man o hindi, parang
napangunahan
ko na ng judgment ’yung buong
pagkatao
niya. But can you really blame me? I mean, he has a reputation-and it’s not exactly the cleanest.
Pero worth it ba siyang
kilalanin
pa? Or baka sayang lang sa oras?
Anyway, after ko silang i-text,
diretso
ako sa usual
tambayan
namin sa may bench. Doon sa spot na
lagi
naming
inuupuan
’pag vacant kami.
Pag-upo
ko,
bagsak
ang
energy ko. I dropped my bag beside Angela, na
abalang-abala
sa
pagngata
ng potato chips.
“
Uy
, bakit parang
nalugi
ka sa
negosyo
?“ tanong ni Angela habang
ngumunguya
. Katabi niya si Sage na
nakikisawsaw
na rin sa chips.
“Gusto mo?” alok pa ni Angela,
inangat
ang pack, pero
umiling
lang ako at
umupo
nang walang
gana
.
“Akala ko ba may practice kayo ni Alex today?” tanong ni Sage habang chew-chew pa rin.
Napatingin
ako sa kanya at
humugot
muna ng isang
malalim
na
hinga
.
“Meron sana… kaso…”
Napailing
ako habang
hinawi
ang buhok ko
pataas
. “Ewan. Ayoko nang pag-usapan.”
Tinapik
ako ni Angela sa
balikat
, sabay
biro
. “Grabe kayo, ah! First day niyo pa lang as partners tapos may lover’s quarrel na agad? Ganyan ba kayo
kabilis
magka-drama
?“
Sinamaan
ko siya ng tingin. “Angela, can you not?” sabay roll ng eyes. Buti nalang
epektibo
.
Tahimik
siya after no’n.
“Fine, fine. So ano nga? Bakit ’di
natuloy
ang practice niyo?“ she asked again habang
ngumunguya
pa rin.
I paused. I could’ve told them na
muntik
na akong
masagasaan
at si Alex ’yung
sumagip
sa akin. That he got mad because of it. Na na-shock ako sa kung
paano
siya nag-react. Pero no. I don’t want to talk about that right now-not to them, not yet.
“May
lakad
daw siya bigla, kaya hindi na namin
tinuloy
,“
pagsisinungaling
ko. “Baka next time nalang.”
At kahit sinasabi kong “next time,” deep inside, hindi ko alam kung gusto ko pa talagang may next time.
Tumango
naman sina Angela at Sage, sabay
biglang
nagsimulang
magtinginan
.
“Ah, kaya pala ganyan ang aura mo-di
natuloy
ang practice niyo,“ ani Angela habang
nakangiting
mapanukso
.
Napalingon
ako sa kanya, pero bago pa man ako
makareact
, agad siyang
sumabat
.
“Joke lang, grabe ka naman! Masyado kang seryoso!” sabay tawa at
siko
kay Sage, na
natawa
na rin.
Napailing
ako habang pinapanood silang
nagtatawanan
. Typical. Pero kahit
nakakainis
minsan ang
hilig
nilang mang-asar, I appreciated how light they made things feel.
Pero habang
pinagmamasdan
ko sila, something tugged at the back of my mind. Alam ko na si Angela ang go-to
pagdating
sa mga latest chika sa campus-student council issues, breakups, parties, kahit mga lowkey rumors. And as much as
ayokong
umamin
, ngayon… gusto kong
maki-tsismis
. Gusto kong malaman kung may alam siya tungkol kay Alex-the Alex na kasama ko ngayon sa team.
“Angela,”
panimula
ko, medyo may
pagdadalawang-isip
pa, “diba ikaw ’yung
tipo
ng taong maraming alam sa mga estudyante rito? Lalo na ’yung mga sikat o… interesting?“
Napahinto
siya sa tawa, sabay
lingon
sa akin na parang
kinabahan
.
“
Aray
naman, Will! Parang sinabi mo na rin na certified
chismosa
ako, ha!“
kunwari
niyang
reklamo
habang
yumakap
kay Sage na parang
naghahanap
ng
simpatiya
. Pero halata sa mukha niya na enjoy na enjoy siya.
After a beat,
bumaling
ulit siya sa akin, excited. “So… bakit mo
naitanong
? Spill!“
Huminga
ako nang
malalim
at
pinilit
na maging
diretso
.
“May… may alam ka pa bang ibang bagay tungkol kay Alex?” tanong ko, trying to sound as casual as possible.
Pareho silang
napatigil
at parang
natigilan
sa
narinig
.
“Wait, wait, wait-Alex?”
bulalas
ni Angela, wide-eyed. “As in Alexander Lee?
’Yung
Alex na teammate mo sa varsity, at partner mo sa practice ngayon?“
Napapikit
ako at
napailing
. Exactly what I expected from her.
“Sino pa bang Alex, babe?” sabay
salo
ni Sage, medyo amused.
“Excuse me! Marami kaya akong
kilalang
Alex,“ sabay roll ng eyes ni Angela kay Sage bago muling tumingin sa akin. “Pero seriously,
anong
meron? Ba’t
biglang
naging
interesado
ka kay Alex? Eh dati, kung
batikusin
mo siya parang mortal enemy mo.
Biglang
change of heart?“
“Wala lang…”
Hinagilap
ko agad ang
pinaka-neutral
na
dahilan
para hindi ito
lumalim
pa. “Partner ko siya sa practice, teammate ko rin.
Naisip
ko lang, baka mas okay kung may
konti
akong alam about him-para hindi ako maging too
awkward
around him or judge him too quickly, ’di ba?“
I smiled a little, acting like I just wanted to be civil.
Angela squinted at me, as if trying to read my mind. “Hmm… sounds fair, I guess.”
“E ’di
itanong
mo sa kanya directly?“ she added after a moment. “Honestly, wala naman akong alam na
sobrang personal
about that guy. Alam mo naman, hindi ko siya ka-circle, tapos… medyo
tahimik
din siya kapag walang babae sa
paligid
.“
Medyo
natawa
si Sage at
umiling
. “Kung kilala mo lang kung
gaano
karami
ang
nakakagusto
diyan kay Alex, baka
mapa-question
ka sa taste ng mga tao sa campus.“
Tumawa
lang ako, pero sa loob-loob ko, mas lalo akong
naintriga
. Parang mas
dumami
’yung tanong
kaysa
sagot. And now, I’m wondering…
Should I really ask him myself?
Or worse-am I starting to care too much?
“
Ayon
sa mga kwento-kwento noon dito sa campus, naging
pasaway
daw si Alex simula nang
maaksidente
ang Mama niya. Nine years old pa lang siya no’n. Ang sabi-sabi,
nasagasaan
daw ’yung Mom niya sa
harap
niya
mismo
-kasama raw niya ito habang
naglalakad
. Hindi ko alam kung 100% totoo ’yon, pero ’yun ang version ng story na
narinig
ko sa mga
kaklase
niya na friends ko rin. Kasi si Alex, classmate na raw nila since elementary pa lang,“ kwento ni Angela habang nakatingin sa akin. Hindi niya alam, pero
nasagot
na niya ’yung bagay na matagal ko nang
gustong
malaman tungkol sa kanya.
Habang sinasabi niya ’yon, hindi ko
naiwasang
mapaisip
.
“Grabe… kaya pala siya ganon? Dahil lang sa isang
aksidente
na
kinasawi
ng Mom niya?“ ulit ko, halos hindi
makapaniwala
.
Tumango
si Angela. “Yeah. Noon daw, sobrang bait niya.
Tahimik
.
Masipag
mag-aral. Pero everything changed after that accident. Simula raw talaga nang
sisihin
siya ng Dad niya sa nangyari sa Mom niya-doon siya
nagsimulang
mag-rebelde
. Hindi ko sure ang buong details, pero base sa
narinig
ko, parang
sinisi
talaga siya. Kaya siguro hanggang ngayon, may
dalang
bigat
si Alex na ’di mo basta makikita sa
panlabas
niyang ugali.“
Napalunok
ako. That hit hard.
I never knew that about Alex. I had no idea na may ganon pala siyang
pinagdaanan
.
Totoo
man ’yon o hindi, it explains a lot-lalo na ’yung intense reaction niya kanina.
Maybe kaya siya nag-react ng ganon kasi parang na-trigger siya. The accident earlier probably reminded him of what happened to his mom. Kaya ganon ka-bigla ’yung galit niya.
Biglang
bumigat
’yung pakiramdam ko.
All this time, I judged him based on what I heard from others. I didn’t even try to understand him. And now, I can’t help but feel guilty na basta ko siyang
iniwan
sa
gilid
ng
kalsada
kanina, nang hindi man lang
nagpasalamat
or nag-sorry.
Tumayo
ako, parang hindi
mapakali
. “Guys, may pupuntahan lang ako,” sabi ko kina Hannah habang
isinukbit
ko ang bag ko sa
balikat
.
Medyo
nabigla
sila pero hindi na rin nila ako
pinigilan
.
Tahimik
lang silang
tumango
.
Naglakad ako sa
kahabaan
ng pathway,
umaasang
baka
makasalubong
ko siya. Pero wala. I checked some places, tried to look around the area-still no sign of Alex. Why didn’t I just think of texting him earlier?
To Alex:
Nasaan
ka? Can we talk
?
I sent the message, hoping for even a one-word reply. But nothing came. Ang gusto ko lang naman ngayon ay makita siya,
makausap
, at
humingi
ng
tawad
. I didn’t even get to say thank you for saving me kanina. I owe him that much.
Habang
naglalakad-lakad
pa rin ako, napansin kong
nagsisi-uwian
na ’yung ibang athletes from the gym. Mukhang tapos na sila sa training nila today. That gave me an idea.
Baka nando’n siya.
Dumiretso
ako sa gym.
Tahimik
lang ako habang
papasok
. At doon, nakita ko siya.
Nando’n siya sa court, topless, habang
paulit-ulit
na
dini-dribble
ang
bola
. Pawis na pawis siya pero focused pa rin, as if
sinusubukang
ibuhos
lahat ng
emosyon
sa
bawat
pag-dribble.
Tumigil
ako sa may
gilid
. Hindi niya ako napansin agad.
Pinanood
ko lang siya from a distance. He moved with so much force-so much frustration. Then he attempted a shot. Pero hindi pumasok.
Tumalbog
ang
bola
palayo
at
eksaktong
sa
direksyon
ko ’to
napunta
.
Agad ko itong
nasalo
.
Pagkatalikod
niya para
sundan
ang
bola
,
nagtagpo
ang mga mata namin.
Tahimik
lang siyang nakatingin. Wala siyang sinasabi.
Inabot
ko sa kanya ang
bola
.
Chapter 8
WILLIAM
“Can we talk?” tanong ko sa kanya,
tahimik
pero seryoso.
Saglit niya lang akong
tinitigan
, expressionless, bago siya
tumalikod
para kunin ’yung puting
sando
niya na
nakapatong
sa bench nearby.
Isinuot
niya ito nang walang
imik
, tapos
hinarap
ulit ako.
“Akala ko ayaw mong mag-practice ngayon? Anong meron, na-miss mo ’ko agad?” sabay
ngising
pamilyar
-’yung
ngising
trademark na ni Alex. The same smug smile I’ve seen around campus. That’s definitely him.
Lumapit
ako nang
kaunti
.
“Changed my mind,” sagot ko. Though in reality, hindi naman talaga ’yon ang reason why I came here. Ang totoo, I just wanted to clear the air-
humingi
ng sorry, at
magpasalamat
sa ginawa niya kanina.
Tumango
lang siya, sabay
abot
sa akin ng
bola
. “Oh, tara. Game na!”
Pero hindi agad
gumalaw
ang mga
paa
ko. Something felt off. Parang ang
bilis
ng shift niya mula intense kanina to chill ngayon. Parang
napaka-hirap
niyang basahin.
“Wait lang…”
pigil
ko habang
hawak
pa rin ’yung
bola
,
pinipiga
ko ito habang
sinisigurado
kong maayos kong
masasabi
ang gusto kong sabihin. “Gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ko kanina. Bigla akong umalis without even saying anything. And… thank you, Alex. Sa
pagligtas
mo sa’kin. Kung hindi mo ko
hinila
, baka nasa
ospital
na ’ko ngayon-or worse. So, yeah… thanks.“
Sinubukan
kong ngumiti, kahit hindi ako sanay sa
ganitong
klaseng
pasasalamat
.
Napangiti
siya, saka
napailing
. “Yun lang pala? Kahit sino naman, gagawin ’yon. Pero… yeah, I get it.”
Hinawi
niya
pataas
ang buhok niya habang
nagsalita
ulit. “Sorry rin sa naging reaction ko kanina. I was out of line.”
That caught me off guard. Hindi ko in-expect na
maririnig
ko ’yon sa kanya.
Napangiti
ako. “Actually, tama ka naman. Mali rin ako. Dapat hindi ako
huminto
sa
gitna
ng
kalsada
. Medyo panic mode lang talaga. Hindi ko
naisip
.“
To be honest, I never imagined I’d be talking to Alex like this-calm, open, almost friendly. Pero ngayon, hindi ko na
iniisip
’yung mga inis ko sa kanya before. Parang
binura
na ng nangyari kanina lahat ng prejudice ko.
“So… game?” tanong ko, sabay dribble ng
bola
as I raised a brow at him.
Tumingin siya sa akin nang
direkta
, with a small grin. “Game!”
We ended up playing for maybe thirty minutes straight. Wala masyadong usap-just the sound of the ball bouncing, the echo of our sneakers, and both of us catching our breath between plays. It felt good. Light. Parang ang dali lang lahat.
Pagod na pagod kami pareho nang
huminto
at
umupo
sa bleachers. Pawis na pawis kami. I grabbed the small towel I brought and wiped the sweat off my face.
Napatingin
ako sa kanya at nakita kong
inaalis
na niya ’yung
suot
niyang
sando
-sobrang
basa
na kasi.
Ngayon, naka-topless na siya. I looked away instinctively, feeling my face heat up even if I tried to play it cool.
Gamit ang
hinubad
niyang
sando
,
pinunasan
ni Alex ang pawis sa mukha niya,
pababa
sa
leeg
, hanggang sa
dibdib
at
tiyan
. Hindi ko
mapigilang
mapatingin
. Ang toned ng katawan niya, at well… ang lakas lang talaga ng presence niya. His chest was broad, firm, and defined. Kita rin ’yung slight sheen ng pawis sa
balat
niya habang
pinupunasan
niya ang sarili-parang slow-mo sa
paningin
ko.
Tinaas
niya ang braso para
punasan
ang
bandang
kili-kili niya. Ang laki rin ng braso
niya-halatang
batak
sa
ensayo
. At
’yung
abs? Hindi lang basta six-pack, parang gawa sa granite.
Oh my god. Stop staring.
Napa-lunok
na lang ako, sabay
iwas
ng tingin.
Pilit
kong
pinako
ang mata ko sa ibang
direksyon
. Kasi, hello? Ang awkward kaya ng
nakahubad
na Alex sa tabi ko. I needed to breathe.
“Pare, may
tatanungin
lang ako…“
Mula sa
pagkakatitig
ko sa ring ng basketball, tumingin ako sa kanya. “Hmm? Ano ’yon?”
Pinatong
niya ang towel sa lap niya before speaking. “
Napapansin
ko lang these past few days, parang ang awkward mo kapag
nandiyan
ako.“
“Kapag
lumalapit
ako,
umaatras
ka. Parang
iniiwasan
mo ko.“ May
kasamang
ngiti ’yung
tono
niya, pero ramdam ko-gusto niyang malaman talaga.
Napangiti
ako, sabay
iling
. Oh no, napansin niya pala ’yon.
“Did I do something wrong?” tanong pa niya, this time mas seryoso na. Halos automatic akong
umiling
in denial.
Wala naman talaga siyang
ginawang
masama directly sa akin. Pero, kung
tutuusin
, medyo na-turn off lang talaga ako sa ilang bagay na ginagawa niya. Like ’yung isang
beses
na
sinundot
niya ’yung
puwet
ko habang
papasok
kami sa gym-like seriously?! O kaya ’yung habit niyang
kindatan
ako kapag
nagkakausap
kami. I hated those little things. They felt inappropriate and irritating.
Tiningnan ko siya nang
direkta
, this time mas firm ang
tono
ko. “Sure ka ba talagang gusto mong
marinig
’yung sasabihin ko?“
Ngumiti siya at
tumango
, confident pa rin kahit medyo clueless
ang
dating. “Oo naman. Kahit ano pa ’yan.”
Huminga
ako nang
malalim
. Okay, bahala na.
“To be honest, Alex…” saglit akong
tumigil
habang nakatingin siya sa akin, still smiling and clearly waiting for some sort of soft answer. “Hindi ko gusto ’yung ugali mo. I don’t like how you act sometimes. Yung
pagiging
pala-away mo… and the way you flirt around with every girl you see.“
Nag-straightforward ako. No sugarcoating. “For me, wala sa
matinong
tao ’yung
ganung
behavior. Parang wala kang
respeto
-sa sarili mo, sa ibang tao. Kaya siguro
iniwasan
kita.“
Pagkasabi
ko n’un, napansin kong na-freeze siya sa
kinauupuan
niya. Still smiling… pero halatang na-stuck siya sa sinabi ko. Parang hindi
makapaniwala
na sinabi ko ’yon sa kanya nang
harapan
.
And honestly? I couldn’t believe I said it either.
“Straightforward ka pala, William…”
Natawa
siya habang
umiiling
, at first time ko
atang
marinig
siyang
tawagin
ako sa full name ko. Medyo weird, to be honest.
Nasasanay
kasi ako na
tinatawag
niya lang akong pare. Hearing him say “William” felt… different.
Napangiti
na lang ako, trying to play it off. “Sorry kung medyo blunt ako. Na-offend ba kita?” tanong ko habang
sinusubukang
maging sincere. “Alam ko namang parang ang harsh ng dating ko kanina. Especially kasi, to be fair, hindi pa talaga kita ganon
kakilala
…“ dagdag ko pa, sabay
iwas
ng tingin dahil
nahihiya
rin akong
harapin
’yung ngiti niyang ’yon.
And wow, those dimples. Mas lalo lang silang
lumalim
habang
nakangiti
siya.
“No, it’s okay,” sagot niya, sabay
kagat
sa
labi
at tingin sa basketball ring. “I mean, halos lahat naman ng tao rito sa campus, same lang din ng
iniisip
mo tungkol sa’kin. At saka, hindi ko rin naman
maitatanggi
-oo, marami akong naging
gulo
. At oo, totoo rin na may mga babae akong
pinagsabay
.“
Bumaling
siya ulit sa akin, still smiling pero ramdam kong may
bigat
sa mga mata niya. “So now I get it. Bakit parang ang cold mo sa akin dati.”
Napatahimik
ako. Bigla akong na-guilty. Ang dali ko kasing
manghusga
. I didn’t realize na kahit totoo man ’yung mga balita about him, there’s probably more to his story than what people say.
Ang sakit din pala ng pagiging totoo. Lalo na kung ’di mo alam kung
gaano
kalalim
ang tama sa taong
pinagsabihan
mo.
Kanina lang, I thought I saw a side of Alex na hindi ko
inaasahan
. Pero ngayon… parang mas
malalim
pa pala. Iba ’yung
lungkot
sa mga mata niya. Wala ’yung usual na
yabang
, ’yung “cool guy” vibe na
lagi
niyang dala. This time, he just looked… real.
Maybe I was too quick to judge. Maybe I made it too obvious na inis ako sa kanya without even giving him a chance.
Do I owe him that? A chance to prove he’s more than his reputation?
“Sorry talaga. Pero kasi, ikaw rin eh…”
napahinto
ako sa
pagsasalita
, sabay tingin sa kanya. Ang hirap i-explain. Parang
andami
kong
gustong
sabihin pero wala akong
masabi
nang maayos.
Napailing
siya, parang
gustong
tanggalin
’yung tension. “Wala ’yon.
Maliit
na bagay lang ’yon,“ sagot niya casually, pero ramdam kong hindi lang talaga ’yon
simpleng
bagay para sa kanya.
And that made me feel worse.
Sinamaan
ko siya ng tingin, pero
kasunod
no’n ay isang
maliit
na ngiti. “
Aminado
ako, medyo
nadala
ako ng inis ko sa’yo lately. Pero don’t worry, promise, next time hindi na kita
iiwasan
.“
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko nasabi ’yon. Parang
kusang
lumabas na lang sa
bibig
ko habang
tinitingnan
ko siya sa mata. Kasi to be honest, habang kausap ko siya ngayon, mas nararamdaman ko ’yong guilt at
awa
kaysa
sa inis.
“Hindi ko rin naman
maipapangako
na never na akong
maiirita
sa’yo,“ dagdag ko pa sabay ngiti ulit. “Pero come on, wala na rin naman akong choice. Teammates tayo, tapos partner pa kita sa basketball drills. So kung okay lang sa’yo, maybe… we can start over? We can be friends, if you want.”
Grabe, ano ba ’tong sinasabi ko? Parang ako pa talaga ’yong nag-extend ng olive branch sa taong sobrang
kinainisan
ko dati. Pero huli na, nasabi ko na.
“Wait, seryoso ka?” Halatang
gulat
na
gulat
ang mukha niya, parang hindi
makapaniwala
sa
narinig
.
Tumango
ako at
iniabot
ang kamay ko. “To make it official,” sabi ko, half-laughing sa sarili ko. “William. PolSci major.”
Napatawa
siya. “Ang
pormal
mo naman, bro,“ sabi niya sabay shake ng kamay ko. “Alexander Michael Lee. Certified heartthrob ng Computer Engineering department.” At
siyempre
, hindi
nawawala
ang signature wink niya.
Pero for some reason, ’yung
kindat
na ’yon, hindi na
nakakainis
ngayon.
Napatawa
pa nga ako.
Sabay kaming
natawa
, parang
biglang
nabura
lahat ng tension sa
pagitan
namin.
Hindi ko
akalain
na
ganito
magtatapos
ang araw ko. Like seriously, sino’ng mag-aakala na sa araw na ’to-na nagsimula sa inis at confrontation-ako pa mismo ’yong mag-o-offer ng friendship sa taong iniwasan ko for weeks?
Even I didn’t see it coming.
Nang mapansin ko ang oras sa relo ko, napataas ako ng kilay. “Uy, kailangan ko na palang umalis. May last class pa ako ngayon,” paalam ko habang inaabot na ang bag ko.
“Sure. Kita na lang tayo sa next practice,” sagot niya, at this time, ’yong ngiti niya, hindi na nakaka-irita-nakakagaan na lang sa pakiramdam.
Tumango ako, and for once, I walked away na may peace of mind.
Chapter 9
WILLIAM
Nakatambay ako ngayon sa isang café malapit sa campus. Medyo matagal-tagal pa bago magsimula ’yong last class ko for the day, kaya naisip kong dito muna magpalipas ng oras habang umiinom ng kape.
Mga fifteen minutes na rin siguro akong nandito, nakaupo lang at pinagmamasdan ang mga estudyanteng dumadaan sa labas ng glass wall. Lahat sila may kanya-kanyang lakad-samantalang ako, parang wala lang, stuck sa gitna ng boredom.
Honestly, sobrang nakakabagot talaga ang araw na ’to. Wala si Angela, wala rin si Sage. Ewan ko kung saan na naman napadpad ’yong dalawang ’yon-malamang kung saan naglalakwatsa. Tapos wala pa kaming practice today. Two days nang hindi nagpapakita si Coach Ryan. May plano pa kaya siya para sa team o nagbakasyon na rin siya?
Kahapon lang ako nakapaglaro-at kasama ko pa si Alex. Oo, si Alex. Yung pinakainis-inisan kong tao, ka-practice ko na ngayon.
Weird, ’no? Pero totoo, we’re friends now. I mean, at least we’re trying to be. Maybe that’s the least I can do after what he did for me. He literally saved my life. And after hearing a bit about his past, parang may part sa’kin na gusto siyang mas makilala.
So I thought, why not give it a shot? I set aside the judgment and started to observe him from a different angle. Malay mo, hindi naman pala siya ganon ka-jerk tulad ng tingin ng iba-kasama na ako don.
Medyo paubos na ang kape ko, pero ’di pa rin nababawasan ’tong inip ko. Honestly, kung pwede ko lang yayain si Alex magpraktis ngayon, ginawa ko na. Pero kahapon pa lang sinabi niya na may lakad siya today-at kilala ko na kung anong “lakad” ’yon. Alam ko na kung saan siya pupunta… sa mga babae niya.
At ayan na naman ako. Nagju-judge na naman kahit kakasabi ko lang sa sarili kong titigil na ako sa gano’n. Ang hirap din pala magbago, noh?
Pero if I’m being really honest, may isa pang reason kung bakit off ang mood ko today.
I haven’t seen Gavin.
Like, buong araw na ’to, wala akong glimpse man lang sa kanya. Ni anino. I don’t know if he’s absent today or just stuck sa loob ng classroom nila buong araw. Pero kilala ko siya-hindi ’yan basta-basta nag-a-absent.
And I hate this part. ’Yung end of day na parang may kulang. Kulang kasi hindi ko siya nakita.
Sana lang talaga, kahit konti, kahit isang sulyap lang… sana makita ko siya bago matapos ’tong araw na ’to.
While I was staring blankly at the group of students lining up sa counter, something-or rather someone-caught my eye.
Mga tatlong metro ang layo mula sa kinauupuan ko, may isang figure na nakapila. Nakatalikod siya. Pero kahit pa hindi ko makita ang mukha niya, I’m sure it’s him.
Si Gavin ’yon.
Bigla akong nabuhayan ng loob nang ma-confirm ko na si Gavin nga talaga ’yon-walang duda. Grabe, may himala nga! At ang himalang ’yon, walang iba kundi ang presence ni Gavin. Hindi ko napigilang ngumiti ng sobrang lawak habang pinagmamasdan ko siyang nakapila sa counter.
Isang canned soda lang ang binili niya, tapos agad din siyang lumakad palabas ng cafeteria. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa-tumayo na rin ako agad para sundan siya nang palihim.
Naka-earphones siya habang chill lang na umiinom ng soda. Ang relaxed ng lakad niya habang tinatahak ang pathway papunta, sa tantya ko, sa building nila. Ako naman, todo-ingat sa bawat hakbang-para na talaga akong certified stalker. Pero ganito siguro talaga kapag bored ka tapos biglang nagpakita ’yong taong matagal mo nang gustong makita. Wala kang choice kundi sundan kahit parang wala kang dignity.
Buti na lang talaga at hindi pa siya lumilingon. Kung hindi, lagot ako-mahuhuli niya akong sumusunod na parang isang creepy admirer.
Mga dalawang metro lang ang layo ko sa kanya, pero ramdam ko agad ’yong amoy ng pabango niya. It’s already 4 p.m. pero ang fresh pa rin ng scent niya, parang bagong ligo. Damn, Gavin. Bakit ka ganyan? Mas lalo tuloy akong na-attract.
Malapit na siya sa Student Council building, at sa loob-loob ko, umaasang sana bumagal pa siya ng konti. Gusto ko pa sanang patagalin ang moment na ito-’yong simpleng pagkakataon na nakikita ko lang siyang mag-isa, ang lalaking halos perfect na sa paningin ko.
Kaharap ko ngayon ang lalaking ideal para sa kahit sinong babae-or kahit sinong tao. Si Gavin na mabait, matalino, responsible, at may disiplina. I mean, kung siya ang magiging partner mo in life, siguradong panalo ka na. Hindi lang dahil mayaman siya, kundi dahil may utak at ambisyon din. Sa sipag niya mag-aral, hindi imposibleng siya ang mag-top sa buong batch namin.
Nakakalungkot lang isipin na, ayon sa mga usap-usapan, baka bumalik siya sa U.S. pagkatapos ng graduation. Nandoon daw kasi ang family niya, at doon na rin siguro siya magsisimula ng panibagong chapter sa buhay niya.
Pero bago pa mangyari lahat ’yon, kailangan ko munang masabi sa kanya ang matagal ko nang kinikimkim-na mahal ko siya.
Tumigil ako sa paglalakad nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng classroom nila. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Hindi naman ako basta-basta makakapasok doon-exclusive lang ’yon para sa mga student ng course nila. Pero paano kung siya lang naman talaga ang gusto kong makita? Does that count as a valid excuse?
Nang papalayo na sana ako, ready to head back sa café, bigla na lang may bumulaga sa likod ko.
Si Alex.
Nakangiti siya habang nakatitig sa akin. Hindi na naman nakakabutones ’yong polo niya kaya obvious na naman ’yong toned chest niya under his sando. Pawis na pawis siya, pero mukha pa rin siyang chill.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko, sabay ngiti nang bahagya. Kahit pa medyo natataranta ako deep inside.
Ngumuso siya papunta sa building. “Ikaw, anong ginagawa mo rito sa harap ng CS building?” may halong pang-aasar ang tono niya.
“Kanina pa kita hinahabol, eh,” dagdag pa niya habang natatawa. “Tinatawag kita pero parang nabingi ka. Hindi ka lumilingon.”
Bigla akong kinabahan. Shit. Nahuli ba niya ako? Nakita niya kaya na sinusundan ko si Gavin kanina?
“Ah, naglalakad-lakad lang… 5 p.m. pa kasi ang last class ko,” casual kong sagot kahit obvious namang palusot lang ’yon. Sana lang hindi siya nagdududa. Tumango siya, still smiling. Mukhang hindi naman niya napansin.
“Eh ikaw? Bakit mo ako hinahanap?” tanong ko agad, para ilihis ang usapan.
“Sabi ni Coach may practice tayo today. Biglaan. Kaya ikaw agad ’yong una kong hinanap, pare.” Nakangiti siyang sagot, pero ako naman napa-kunot-noo.
“Akala ko ba wala tayong practice ngayon?” sabi ko, sabay iling. “Nakakalito din minsan si Coach Ryan, parang wala sa plano. Saka sana tinext mo na lang ako para ’di ka na tumakbo rito.”
“Wala na kasi akong load,” sagot niya, sabay kamot sa batok. Nakangisi pa rin siya. Yaman-yaman mo, walang pang-load? “Tsaka nakita na rin naman kita rito sa labas, kaya sakto na rin.”
Napailing na lang ako. Wala talaga ’tong si Alex. Pero at least, hindi niya na-pick up ’yong secret mission ko kanina kay Gavin.
“Tara na?” yaya ko kay Alex habang unti-unti na kaming naglalakad palayo. Tumango lang siya bilang sagot. Pero bago ko makalimutan, napatingin ako sa kanya.
“Akala ko may lakad ka dapat today? Hindi natuloy?” tanong ko, curious kung anong nangyari.
Ngumiti siya sa akin. That smile again. Hindi ko talaga maikakaila-’yong singkit niyang mga mata, lalim ng dimples, at puti ng ngipin niya, it’s a deadly combo. Aminin ko man o hindi, may dating talaga siya. Ang kaso lang, kung ayusin niya lang ’yong uniform niya at magsuklay man lang kahit minsan, baka mas maraming babae pa ang magkagusto sa kanya.
“Hindi ko na tinuloy,” casual niyang sagot. “Hayaan mo na ’yon.”
Napakunot-noo ako. “Babae na naman ’yon, no?” pang-aasar ko habang nakangisi.
Napatawa siya. “Aba, ang galing mo talaga manghula!” balik niya sa akin habang natatawa. “May nagyaya nga sana sa akin lumabas. Naka-oo na rin ako kahapon, pero last minute… I decided to cancel. Na-realize ko, ayoko munang makipagkita sa kahit sinong girl ngayon.”
Napatingin ako sa kanya. His eyes-he looked serious.
What the hell, Alex? Totoo ba ’to?
Siya ’yong tipong hindi makatiis pag may maganda at malambing na babae sa paligid, tapos ngayon biglang may ganitong realization?
“Sus, ’di rin,” sabi ko, sabay iwas ng tingin. Pero deep inside, natatawa ako. “So what, detox ka muna sa babae? Good luck. Kapag nasanay ka sa isang bagay, mahirap bitawan ’yon. Sooner or later, hahanap-hanapin mo rin ’yan.”
Paglingon ko, nakita kong unti-unting nawawala ’yong ngiti niya.
“Edi I’ll prove you wrong,” seryoso niyang sabi.
Before I could respond, kinurot niya ako sa pisngi! At bago pa ako makabawi, tumakbo na agad siya papunta sa gym. Ilang metro na lang ’yon mula sa kinaroroonan namin.
Nang makapasok na siya sa loob, siya na lang pala ang hinihintay ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti na may halong pang-aasar.
Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ako magpalit ng pang-practice na damit.
We played for an hour.
After ng game, alam kong late na ako for my last class. Kaya dali-dali akong nagbihis pabalik sa uniform at nilagay ang pawisang jersey sa loob ng bag. Sanay na ako sa ganito-si Coach Ryan kasi, hilig biglaang magpatawag ng practice.
Kakatapos ko lang magpalit when James walked up to me.
“Uy, nagmamadali ka?” pansin niya sa kilos ko. Kasabay nun, ginulo niya ang buhok ko-na usual niyang ginagawa.
Napatingin ako sa kanya. “Late na ako sa Comparative Politics. Kailangan ko nang umalis.” Sagot ko habang isinasabit na ang bag sa balikat ko.
Tumango siya. “Birthday ni Belle today. May pa-konting inuman mamaya sa apartment ko. Pupunta siya, kaya nandun kami. Pumunta ka, ha?”
Halos makalimutan ko na ’yon.
“Right! Birthday nga pala ng girlfriend mo,” sagot ko. “Sige, punta ako mamaya. Uwi lang ako sa dorm saglit tapos derecho na ako sa inyo.”
Ngumiti siya. “Nice. Inimbitahan ko na rin ’yong buong team… pati si Gavin.”
Boom.
Napalingon ako agad sa kanya nang marinig ko ang pangalan ni Gavin. Pakiramdam ko, mas lalo akong na-excite.
“Sagot ko lahat ng iinumin,” dagdag pa ni James.
Well, that’s even better.
“Eh ’di dapat nga pala ay bilisan ko na talaga, insan,” biro ko na sinamahan ng isang kindat.
Tumawa siya. “You should, Will.”
Nginitian ko siya at nagpaalam bago lumabas ng gym.
Pumasok na ako sa huling klase ko for the day, pero para bang napakabagal ng oras. Imbes na makinig sa lecture, utak ko lumilipad na agad sa apartment ni James. Paulit-ulit kong iniisip kung anong mangyayari mamaya. What if makausap ko si Gavin? What if something finally happens between us?
Just thinking about seeing him again makes my heart race.
After an hour and a half of waiting-na parang eternity-natapos na rin finally ang klase.
Chapter 10
WILLIAM
Pagpatak ng alas otso ng gabi, lumabas na ako ng dorm building.
Wala pa sigurong trenta minutos akong nag-ayos, pero feeling ko ang tagal dahil sa pressure. Na-text kasi ako ni James-kompleto na raw sila sa apartment, ako na lang ang hinihintay. Napa-panic ako bigla. Ayoko talaga ’yong ako ’yong huling dumarating. Nakakahiya!
Kasalanan ’to ng prof ko sa last subject kanina-nag-overtime kasi.
Naka-plain black t-shirt lang ako, paired with faded black jeans. Simple lang, pero maayos tignan. Sinigurado ko ring naka-style nang maayos ang buhok ko. Nag-perfume ako, gamit ’yong pabango kong hindi masyadong matapang pero long-lasting. Syempre, nag-toothbrush at nag-mouthwash rin ako. Preparation is key, lalo na kung may chance akong makausap si Gavin mamaya. Dapat presentable. Dapat ready.
Naisip ko sanang yayain sina Angela at Sage para may kasama ako, pero naalala kong may pinuntahan sila today. Bukas ko na lang sila kukulitin. And besides, strict ang parents ni Angela-hindi talaga siya pinapayagan lumabas ng gabi. Buti pa si Sage, sobrang tiwala sa kanya ng family niya.
Medyo madilim na sa paligid pero salamat sa mga streetlights sa campus, safe at well-lit pa rin ’yong daan.
Walking distance lang naman ang apartment ni James, kaya konting lakad lang mula sa main gate ng campus, narating ko na ’yong place. Paglapit ko, rinig na agad ang tawanan at music mula sa loob. Hindi ko na kailangang mag-doorbell pa-nakabukas na rin kasi ang pinto.
Huminga ako nang malalim bago pumasok.
Pagpasok ko sa apartment, agad akong sinalubong ng warm pero maingay na atmosphere. May mga decorations sa paligid ng sala-mga balloons, fairy lights, photos ni Belle at James na naka-frame, at isang malaking tarpaulin na may nakasulat na: “Happy 21st Birthday, Belle!”
Puro porma ang mga bisita. Yung iba, teammates namin sa basketball, at meron ding mga kaklase ni James na halos hindi ko na maalala kung na-meet ko na ba o hindi pa.
Pero lahat ng ’yon, nag-blur bigla sa paningin ko nang mapansin ko siya.
Si Gavin.
Nakaupo siya sa couch, hawak ang isang bote ng beer habang tumatawa at nakikipagkuwentuhan sa ilang kasama namin sa team. Nakasuot siya ng faded blue longsleeves na medyo fit sa katawan, paired with dark denim jeans. Mukha siyang relaxed pero ang effortless niya pa rin.
Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Parang slow-mo lahat ng galaw ng tao. Ang intense ng presence niya.
Hindi ko napigilang mapalunok. Hindi dahil sa kaba-well, maybe konti-pero dahil din sa kung gaano siya ka-guwapo ngayong gabi. Hindi ko alam kung may magic sa ilaw o sa beer na hawak niya, pero iba ang dating niya sa gabing ’to.
“Pare!”
Bigla akong natauhan sa boses na ’yon. Si Alex pala, nakaupo sa tabi ni Gavin. Hindi ko siya agad napansin dahil nakatutok ako kay dream boy. Kumindat pa siya sa akin habang nakangisi. Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero napangiti rin ako kalaunan.
Gaya ni Gavin, may hawak rin si Alex na bote ng beer. Pero unlike the rest, standout ang outfit niya-peach sleeveless shirt at denim shorts, plus tsinelas. Siya lang yata ang naka-shorts dito. Lahat halos naka-jeans o slacks.
Pero si Alex? Kahit casual ang suot, carry niya. Confident pa rin. Nagha-high five siya sa kung sino-sino, panay ang tawanan. At dahil sleeveless siya, panay ang silip ng underarm hair niya-na ikina-kilig naman ng ilang babaeng bisita. May mga lumalapit nga sa kanya at nakikipagkulitan.
As usual, may fans.
Pero kahit daming distractions sa paligid, balik pa rin agad ang paningin ko kay Gavin.
Tonight might be the night. Sana nga.
Napailing na lang ako habang hinahanap sina James at Belle sa loob ng apartment.
Saktong lumabas si Belle mula sa kusina, may dalang plato ng sisig.
Agad ko siyang nilapitan. “Happy birthday, Belle!” bati ko, sabay ngiti.
“Uy, salamat!” sagot niya habang binibeso ako. “Ang tagal mo ah!” puna pa niya, sabay tawa habang bitbit pa rin ’yong sisig.
“Late kasi natapos ’yong last class ko, eh,” sagot ko, sabay kamot sa ulo. “Teka, si James?” tanong ko, hinahanap ko pa rin si pinsan.
Saktong lumabas rin si James mula sa kusina-may dalang bucket ng beer at mukhang pawisan pa. “Oy pinsan, kararating mo lang?” tanong niya sabay ngiti nang mapansin ako.
“Kadarating lang niya,” sabat ni Belle habang iniaabot ang sisig sa mga nag-iinuman sa gilid. Nginitian ko sila habang pinapanood ko si Belle na mabilis na kumilos-naglakad agad papunta sa mesa para kumuha pa ng pagkain para sa akin.
“Sabi ko nga sa kanya, huwag nang magdala ng sangkaterbang pagkain,” natatawang kwento ni James habang nakatingin kay Belle, “pero mapilit talaga.”
“Gano’n talaga ’pag in love,” biro ko, sabay ngiti.
“Kumain ka muna, pinsan. After mo, upuan mo si Gavin doon sa couch,” sabay kindat ni James.
Napakunot ang noo ko. “Upuan? Loko ’to.” Tiningnan ko siya nang seryoso, pero natawa rin ako kalaunan nang ma-realize kong inaasar lang niya ako.
“Joke lang! I mean, umupo ka sa tabi niya. Don’t waste the chance,” sabi pa niya habang tinatapik ako sa balikat.
Tumango ako, medyo nahihiya pero excited. Sinundan ko siya ng tingin habang tumatawa siyang tumuloy sa grupo nila sa may couch-nandoon si Gavin, still chill, still smiling.
Pagbalik ni Belle, may dalang plato na siya para sa akin. “Oh, kain ka muna. Gutom ka na for sure,” sabay abot ng plato.
“Thanks, Belle,” sabi ko habang tinatanggap ito.
Inubos ko agad ’yong pagkain-oo, gutom na ako pero to be honest, gusto ko na ring makisama sa kanila, lalo na kay Gavin. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng ganitong chance, kaya kahit small talk lang, push ko na.
Pagkatapos kong kumain, binigyan ako ni James ng bote ng beer. Hindi naman ako heavy drinker pero occasionally umiinom din ako, lalo na sa mga ganitong gatherings.
After a few sips, naramdaman ko na agad ang epekto. Iba talaga ang tama ng beer sa akin. Siguro mababa lang talaga tolerance ko sa alak-or maybe hindi lang ako sanay. Kapag naka-tatlong bote ako, ramdam na ramdam ko na.
Pero tonight, okay lang. Chill lang. This might be a night worth remembering.
Kinapalan ko na lang talaga ang mukha ko at umupo sa couch kung saan nakaupo sina Gavin at Alex. Actually, si James ’yung originally nasa gitna nila-pero nang makita niya akong papalapit, tumayo agad siya, as if ini-reserve talaga niya ’yung pwesto para sa akin. I couldn’t help but smile a bit. Supportive talaga ’tong pinsan ko.
Sa apartment ni James, dalawa lang ’yung couch at hindi rin naman kalakihan, kaya sakto lang sa tatlong tao per couch. The rest ng mga ka-team namin at ilan sa mga kaklase niya, naka-upo na sa monoblock chairs na nakapalibot sa maliit na lamesa kung saan nakahain ’yung pulutan na inihanda ni Belle.
Ngayon, ako ’yung nasa gitna-katabi ko si Gavin sa kanan, at si Alex naman sa kaliwa. Wala na akong reklamo kahit nasa gitna ako, basta katabi ko si Gavin. Honestly, I wouldn’t ask for a better spot.
Ramdam ko agad ang amoy ng pabango nila. Si Gavin, amoy fresh and cool. Si Alex naman, ’yung pabango niyang dati ko pa hindi gusto-pero tonight, kahit hindi ko pa rin trip, parang okay na rin. Medyo amoy alak na rin siya, halatang naka-ilan na.
Nakikipagkwentuhan si Gavin sa group-kinakamusta kami sa team, sharing updates kung ano nang ganap sa student council. Tinanong pa siya kung may plano pa siyang bumalik sa basketball team, pero sabi niya, “Wala pa sa ngayon, pero we’ll see.”
Nakikinig lang ako, nakangiti habang sinusundan ’yung kwento niya, nang bigla akong sinundot ni Alex sa tagiliran. Napalingon tuloy ako sa kanya, may halong irita sa tingin ko.
“Ano?” tanong ko habang pilit ngumiti.
“Si James, pinsan mo pala?” bulong niya habang nakangisi.
“Ngayon mo lang nalaman?” tinanguan ko siya. Grabe kung makasundot siya sa tagiliran, parang nanggugulat.
“Diyos ko, Alex… huli ka na naman sa balita,” sabi ko habang umiiling, tapos binalik ko na lang ulit ’yung atensyon ko sa usapan nila Gavin.
Pero ayun na naman siya-another sundot sa tagiliran ko. This time, medyo naiirita na talaga ako.
“Anong problema mo?” tanong ko, this time halatang may asar na sa tono ko. Ang kulit eh. Pwede naman siyang kumalabit nang normal.
May braso pa siya sa likod ko, resting sa upper part ng couch-parang naka-akbay, pero not quite. Hindi naman ako umaangal, pero sa tagiliran talaga siya laging tumatama-eh ’dun ako malakas makiliti, kaya hindi biro.
Bigla siyang nagsalita, “Kilala mo na ba ’tong si Gavin? Best buddy ko ’yan since high school.”
Nagulat ako. Ha? Ngayon lang niya naisip na i-introduce kami?
Kinalabit niya bigla si Gavin. “Pre, kilala mo na ba ’tong si William?”
Gavin turned to me and smiled. “Oo naman,” he said calmly. ’Yung ngiti niya, walang effort pero nakakakuryente.
Napailing ako. Late ka na, Alex. Sobrang late.
Seriously, hindi ba niya maalala ’yung araw na akala ko cellphone ni Gavin ’yung naiwan sa cafeteria pero sa kanya pala? Hindi ba niya napansin na gusto kong ako ang magbalik no’n? Did he completely forget how awkward I was that day?
Or worse… Did he never even notice at all?
“Oo naman,” mabilis na sagot ni Gavin sabay ngiti sa akin. “Madalas kaming magkita at magkakasalubong sa campus. At saka, isa siya sa mga kilala at hinahangaan na estudyante sa ADMU.”
Nang marinig ko ’yon, parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Lagi niya na lang sinasabi ’yang part na ’yan, at hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay. Hinahangaan? Ako? Wala naman akong espesyal na ginagawa para sabihing ganun. Ordinaryo lang naman ako. Pero ayun, andyan siya, sinasabi ’yun sa harap ko, parang walang big deal.
“Kamusta, pare?” tanong niya sa akin, casual pero may halong warmth.
Napangiti rin ako, di ko maiwasan. “Okay naman…” ’Yun lang ang nasabi ko. To be honest, kahit ilang beses ko nang pinangakong kakausapin ko siya tonight, parang na-mental block ako. Gusto ko, pero hindi ko alam kung saan magsisimula.
Biglang sumingit si Alex. “Ahh, gets ko na. Mukhang matagal na nga kayong magkakilala,” sabay angat ng hawak niyang beer. “Eh di dahil d’yan… cheers tayo!”
“Cheers!” sabay-sabay naming bati habang nagtama-tamaan ang mga bote ng beer.
Nagkatinginan kami ni Gavin habang nagtataas ng bote. Nginitian niya ako, kaya napangiti rin ako pabalik. Damn, ’yung ngiti niya, ’di ako sanay. Nakakakuryente.
Hindi ko rin mapigilang sumulyap sa kanya paminsan-minsan. Kahit alam kong baka mapansin niya, hindi ko mapigilan. Tapos, every time na bigla siyang lumilingon at nagtama ang mga mata namin, nagkakatinginan kami sandali… pero ako ’yung unang umiwas, syempre. Nahihiya pa rin ako. Pero kapag bumaling naman ako sa kaliwa, mukha ni Alex ang bubungad sa akin-at grabe kung makatitig din, parang nababasa niya iniisip ko.
Lumipas ang isang oras, at unti-unti nang nagsi-uwian ang iba naming ka-team at mga kaklase. Pati ’yung mga babae na kanina pa dikit kay Alex, nagsipag-alisan na rin-siguro narealize nilang wala silang mapapala sa kanya. Mukhang totoo nga ’yung sinabi niya kanina na hindi muna siya tumatanggap ng “entertainment”. Pero hindi ko maiwasang mapaisip-bakit kaya bigla siyang nagbago?
“Para sa pinakamamahal kong babae!” sigaw ni James, lasing na lasing na at nakataas ang bote ng beer. Katabi niya si Belle na natatawa na lang sa kanya.
“Happy birthday, love! I love you!” dagdag pa ni James, sabay cheer ulit ang natitirang mga kasama namin.
Nginitian siya ni Belle at kinurot sa pisngi. “Lasing ka na talaga,” tawa niya habang inaasikaso pa rin kami.
“Happy birthday ulit, Belle!” sigaw ng isa naming teammate na sinabayan ng lahat. Sabay-sabay naming tinaas ang mga hawak naming beer at binati siya.
“Salamat, guys!” sagot ni Belle, halatang touched talaga.
Nagpatuloy pa ang inuman. Paunti-unti, umalis na rin ’yung iba hanggang sa halos kami-kami na lang ’yung natira. Siguro less than ten na lang kami sa loob ng apartment.
Ako naman, hindi ko na rin alam kung pang-ilang beer ko na ’to. Nadala na ako ng saya, kwentuhan, at syempre, ng presensya ni Gavin. Hindi ako madalas uminom, pero kapag ginagawa ko, laging sumusobra. Hindi ko alam kung mahina lang talaga ako sa alak o ganito lang epekto sa akin kapag may nararamdaman ako para sa katabi ko.
At sa bawat lagok ko ng beer, kay Gavin ako nakatingin. Alak ba ’to? O love? Kasi parang mas lalo lang akong nahuhulog. Parang siya lang ’yung nag-iisang malinaw sa paningin ko habang lumalabo na ang lahat sa paligid.
Hindi man kami gano’n katagal nakapag-usap, okay na ako. Masaya na akong katabi ko siya ngayon. Masaya na akong makita siyang nakangiti, kahit hindi niya alam kung anong epekto ng simpleng ngiti niya sa akin.
Mapula na ang mukha niya, halatang tinamaan na ng alak. Lalo pa’t sobrang puti ng balat niya kaya mas kapansin-pansin talaga ’yung pamumula.
Si Alex naman sa kanan ko, tagay pa rin nang tagay-parang wala lang. Hindi mo aakalain na lasing na siya. Pero totoo nga pala, sa inuman, bihira mo siyang makitang tumitigil. Kahit papaano, napapansin ko na rin na medyo namumula na ang mukha niya, pero still, mukhang steady pa rin.
Nung naramdaman kong puno na ang pantog ko, tumayo na ako. “Guys, CR lang ako saglit,” paalam ko habang dahan-dahang iniwasan ang mga nakaharang na paa at bote sa sahig.
Pagdating ko sa banyo, diretso agad ako sa loob. Habang nasa kalagitnaan na ako ng business, biglang bumukas ang pinto-na nakalimutan kong i-lock. Napa-“Ay, sh*t!” ako sa gulat at dali-daling isinara ang zipper ng pantalon ko kahit di pa ako tapos.
Pagharap ko, si Gavin.
“Shocks, sorry bro!” agad niyang sabi, halatang siya rin ay nagulat. Hawak pa niya ’yung doorknob, parang hindi alam kung lalabas ba siya o magso-sorry pa ulit. “Akala ko walang tao, di ko alam na may laman pala,” dagdag pa niya.
“Ah, h-hindi… okay lang. Tapos na rin naman ako,” sabi ko habang lumalabas, kahit obvious na hindi pa talaga.
“Thanks, bro,” nakangiti niyang sagot bago siya tuluyang pumasok at isinara ang pinto.
Nakatayo lang ako sa harap ng pader sa tapat ng banyo. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako agad umalis. Siguro dala na rin ng tama ng alak. Bukas pa ang pinto kaya rinig ko pa rin ang tunog sa loob.
Ewan ko ba. Bigla na lang akong nagsalita kahit hindi ko siya tinitingnan.
“Lasing na rin yata tayo, ano?” casual kong tanong, kahit hindi ako sure kung maririnig niya ’yun.
Narinig pala niya. “Medyo hilo na nga ako, eh,” sagot niya, sabay tawa. Paglabas niya ng banyo, nakatingin siya sa akin gamit ang mga mata niyang medyo mapungay na dahil sa alak. “Ikaw, hindi ka pa tinatamaan?” tanong niya habang lumapit at tumigil sa harap ko.
Amoy na amoy ko ’yung pinaghalong pabango niya at alak. Damn. Ang lapit niya. Hindi ako makagalaw, pero sa loob-loob ko, grabe na ang kabog ng dibdib ko. Ganito ba talaga epekto ng alak… o siya lang talaga ’yung dahilan?
“Medyo hilo na rin,” sagot ko, halos pabulong. Napatingin ako sa pants niya. “Mukhang mas lasing ka nga,” sabay turo ko gamit ang nguso sa bukas niyang zipper.
Napatingin siya, tas natawa habang agad niyang isinara ito. “Ay putek, sorry,” sabi niya sabay kamot sa batok at tawa pa ulit.
Hindi ko napigilang matawa rin. Sobrang cute niya. Like, sobra.
“Okay lang,” sagot ko, trying to sound as chill as possible kahit gusto ko nang himatayin sa kilig.
“Balik na tayo?” aya niya habang ngumiti ulit at tumalikod. Pero bago pa siya makalakad nang maayos, bigla siyang sumuray at muntik mawalan ng balanse.
Nagulat ako nang ma-sandalan niya ako at mapasandal ako sa pader. Sa sobrang lapit namin, halos maramdaman ko na ’yung tibok ng puso niya… o baka sa akin ’yun?
Lasing na lasing na talaga siya. Halata sa kilos, sa mata, at sa amoy ng hininga niya na punong-puno na ng alak.
Sobrang lapit ng mukha niya sa akin-as in, konting galaw na lang at magdidikit na kami. Lalo kong naamoy ’yung pabango niya na may halong alak, and honestly, it was dizzying in the best way possible. Napapikit ako sandali. Hindi dahil sa hilo, pero dahil sa sobrang kilig. Para akong naiipit sa isang slow-motion moment kung saan halos magdikit na ’yung mga labi namin.
Muntik na talaga, pero bago pa may mangyari na hindi ko makakalimutan, marahan ko siyang itinulak palayo. Hindi malakas, gentle lang. Tiningnan ko siya, at inalalayan na rin para makatayo siya nang maayos. Mukhang hindi na talaga niya kaya.
“Pasensya na…” mahina niyang sabi habang medyo seryoso ang mukha.
Ngumiti ako kahit nanginginig pa ang pakiramdam ko. “Okay lang, no worries,” sagot ko. “Kaya mo pa ba? Balik na tayo sa loob,” yaya ko sa kanya.
Tumango lang siya at sabay kaming bumalik sa couch kung saan nandoon pa rin si Alex-relax lang, inom pa rin nang inom, parang walang nangyayari. Halos lahat ng kainuman namin kanina, bagsak na o nakasubsob sa mesa. Pero si Alex, kahit pulang-pula na ang mukha, chill pa rin kunwari. Hindi nagpapahalata pero for sure, tinamaan na rin.
Pagkaupo ko, agad akong binigyan ni James ng isang baso ng beer-punong-puno. “Para makahabol ka, bro,” sabi niya habang natatawa. Hindi ko na tinanggihan. Tinungga ko agad ’yon.
Pagkatapos nun, may isa pa siyang binuhos sa baso ko. Tingin ko, gusto talaga niyang maparami ang inom ko. Diretso ko ulit ’yung ininom. Sa sobrang dami na, naramdaman ko agad ’yung tama. Mas malala pa ’to kesa kanina-umiikot na talaga ang paligid ko.
Ilang minuto pa lang ang lumipas, bigla na lang tumayo si Gavin sa tabi ko. Habang nakapikit ako’t nilalabanan ang hilo, narinig ko ang boses niya.
“Mauuna na ako, mga pare…” ’Yon lang ang malinaw na dumating sa tenga ko. Yung iba, parang background noise na lang sa lakas ng pintig ng ulo ko.
Narinig ko rin si James na pinipigilan siya. “Sandali pa, bro. Dito ka lang muna!” pero mukhang desidido na si Gavin umalis.
Nagpaalam siya kay Alex, at kahit hilo na ako, naramdaman ko ’yung tapik niya sa balikat ko bago siya lumakad palayo. Napatingin ako sa kanya, at kahit hindi na malinaw ang paningin ko, ngumiti na lang ako-bitin na ngiti. Nakaramdam ako ng lungkot habang pinapanood ko siyang lumabas ng pinto.
Lasing na ako, oo. Pero ’yung bigat na naramdaman ko nang umalis siya? Iba. Parang gusto ko pang humabol. Pero ang nagawa ko lang… uminom ulit.
Pinagbigyan ako ni James. Kumuha pa siya ng ilang bote ng beer para ituloy ang inuman naming tatlo-ako, siya, at si Alex.
Patuloy lang kami sa inom, parang walang katapusan. Hanggang sa tuluyan nang lumabo ang paningin ko. Hindi ko na alam kung nasaan ang taas o baba. Hilo, pagod, alak, at emosyon-lahat sabay-sabay nang bumagsak sa akin.
Naririnig ko pa ’yung mga boses nina Belle at James, pero sa sobrang kalasingan ko, parang background noise na lang ang lahat-mga salitang palutang-lutang na hindi ko ma-absorb nang buo.
“Paano uuwi ngayon si Will, love? Baka dapat ihatid mo na siya,” narinig kong sabi ni Belle, medyo nag-aalala ang tono.
“Dito ko na lang muna patutulugin ’yan…”
“Wag na, p’re. Ako nang bahala kay William,” sagot ng isa-familiar ang boses, pero parang hindi ko ma-pinpoint kung sino.
“Sure ka ba? Kaya mo bang alalayan ’yang pinsan ko?”
“Oo naman, p’re. Kayang-kaya.”
“Ingat ha, ’yan pa naman si Will. Sensitive ’yan kapag lasing…”
“Pasensya na kay James, ha. Grabe, sobrang lasing na…”
“Sinong lasing? Hindi ako lasing, ’no!” sabat ni James na halatang lasing rin talaga kahit nagde-deny pa.
“Don’t worry, safe sa’kin ’tong pinsan mo.”
“Ingat kayo, bro. Get him home safe, okay?”
Ang sumunod na naramdaman ko, may braso nang mahigpit na umalalay sa’kin. Hindi ko alam kung sino siya, pero hinayaan ko na lang. Bahala na, wala rin naman akong lakas para kumontra.
Ramdam ko ang pagkakahawak niya sa bewang ko, matatag at maalaga. Nakasandal na pala ’ko sa kanya, ang kanan kong kamay nakapatong sa balikat niya. Hindi ko na rin kayang idilat nang maayos ang mga mata ko. Kusang pumipikit. Sobrang hilo ko na-parang umiikot lahat.
Gusto kong maglakad nang maayos, pero hindi ko na makontrol ang katawan ko. Para na lang akong hinihila ng gravity pababa, para akong gulay na sinasakay sa katawan ng isang mas matibay.
“Umayos ka nga, p’re! Huwag kang malikot!” narinig kong sigaw niya, may halong inis pero concern din. Kilala ko ’yung boses niya-kilala na kilala ko-pero ang utak ko, ayaw pang makisama.
“Kanina, akala mo kaya mo pang makipagsabayan. Diretso inom ng beer… tapos ganito ka pala!” tuloy niya habang tinutulungan akong maglakad. Hindi ko siya pinansin. Wala na akong energy ni para magsalita.
Parang automatic na lang ang bawat hakbang ko, pero alam kong siya talaga ang nagdadala sa bigat ko. Kung wala siya, malamang naka-higa na ako sa gutter.
Wala akong choice kundi sumandal pa lalo sa kanya. Nakakahiya man, pero wala na eh.
“Malapit na tayo sa campus, ayusin mo sarili mo. Baka sitahin tayo ng guard kung makita kang ganyan ka kalasing,” aniya, medyo pabulong pero seryoso ang tono.
Pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit sobrang labo ng paningin ko. Sa gitna ng mga ilaw sa paligid, doon ko siya nakita nang malinaw-ang taong umaakay sa akin.
Si Gavin.
“Gavin…” bulong ko, kahit alam ko sa sarili kong imposible na siya ’yon.
“Hindi ako si Gavin, p’re…” sagot ng boses na agad kong nakilala kahit pa ilang beses na niya akong kinausap ngayong gabi. “Si Alex ’to.”
Napapikit ako saglit, tapos dahan-dahan kong iminulat ulit ang mga mata ko para kumpirmahin-at ayun nga, si Alex nga talaga ’yon. Best friend ni Gavin.
Napatawa ako nang wala sa oras habang nakatitig sa kanya. “Alam mo ba ’yung kaibigan mong ’yon?” Hindi ko mapigilang hampasin siya sa braso.
“Aray ko naman! Bakit mo ako hinampas?!” reklamo niya habang umiling.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko-kailangan ko na ’tong ilabas. “Bigla siyang umalis! Alam mo ba kung gaano ko pa gustong makipag-usap sa kanya?!”
“Hayaan mo na, bro. Gano’n talaga siya… minsan, umaalis na lang bigla.” Parang alam na niya ’yung ugali ng kaibigan niya at hindi na rin nagulat.
Napatawa ulit ako kahit wala naman talagang nakakatawa. Wala akong ibang maramdaman kundi ’yung pangungulila at bigat sa dibdib dahil wala si Gavin sa tabi ko ngayon.
“P-pero alam mo ba?” tanong ko habang pilit pa ring pinapakalma ang sarili.
“Ano ’yon?” tanong niya, medyo nakakunot na ang noo.
Napatawa na naman ako kahit hindi ko alam kung dahil ba sa alak o sa nerbiyos. Pero sinubukan kong ngumiti habang nagsasalita.
“Kahit gano’n ’yung Gavin na ’yan… kahit minsan nakakainis siya… mahal ko pa rin ’yung taong ’yon.”
“Ano?!” Halos pasigaw ang reaksyon ni Alex, at doon ako parang tinamaan ng matinding hangover kahit hindi pa tapos ang gabi.
Parang may humampas sa’kin ng katotohanan. Oh sh*t.
Na-realize ko kung sino ang kausap ko-si Alex nga pala, ang best friend ng taong gusto ko… at ngayon, alam na niya ang sekreto ko. ’Yung secret na ilang taon ko nang tinatago, ako pa mismo ang nagbulgar sa kanya dahil lang sa sobrang kalasingan.
Sa gitna ng hilo at pagkalito, para akong binagsakan ng langit at lupa.
At sa moment na ’yon… alam kong may isa akong bagay na sigurado:
Pagsisihan ko ang gabing ’to.
Chapter 11
WILLIAM
Nagising ako sa loob ng isang
kwartong
hindi ko naman
maalala
na akin.
Pagdilat
ng mga mata ko, ang
unang
bumungad
ay mga
malalaking
posters ng NBA teams na
pamilyar
sa akin-Lakers, Warriors, Bulls. Wait, saan ’to? Definitely not my room. Ibang-iba sa vibe ng kwarto ko. Amoy lalaki. Amoy
pabangong
matapang
. Amoy… Alex?
Nilingon
ko ang buong
paligid
. Basketball-themed pa rin hanggang bedsheet. Okay, definitely not mine. I sat up slowly,
napakabigat
ng ulo ko. Para akong
binugbog
sa hangover.
Pilit
kong
inaalala
ang nangyari kagabi pero sobrang
labo
ng lahat.
Last thing I remember,
umalis si
Gavin.
Naiwan
akong
umiinom
with the others. Then sunod-sunod na lang ang
pagkahilo
… blackout.
Wait. Meron pa pala.
Naalala
ko-si Alex ang kasama ko pauwi mula kina James. So…
ibig
sabihin…?
Inikot
ko pa ulit ang mata ko sa loob ng kwarto at mas
tumatak
pa sa utak ko ang amoy ng
pabango
na parang naka-embed na sa
hangin
. It’s the same scent Alex always wears. So this must be his room… pero bakit ako nandito?
Hindi ba’t
magkatabi
lang naman ang kwarto naming dalawa? Bakit hindi na lang ako sa kwarto ko
dinala
?
Napatingin
ako sa sarili kong
suot
-hindi na
puting
T-shirt na
suot
ko kagabi,
kundi
isang
maluwag
na
itim
na shirt na obvious na hindi akin. It smells like him.
Nasuot
ko pa rin ang pants at sapatos ko, though. So hindi naman ako totally
nabihisan
… right?
Nasaan
na si Alex?
Bago ko pa
maitanong
’yon aloud,
biglang
bumukas
ang pinto sa tapat ng kama. Lumabas mula
roon
si Alex…
nakatapis
lang.
Parang
biglang
huminto
ang
orasan
sa
paligid
.
Basa
pa ang buhok niya,
tumutulo
pa ang
tubig
mula sa katawan niya papunta sa defined abs niya. Tangina, bakit parang slow-mo?
Napalunok
ako nang hindi oras. Hindi ko alam kung dahil sa
gulat
, kaba, o… basta.
Pagtingin
ko sa mukha niya,
diretso
ang tingin ng
singkit
niyang mata sa’kin. Walang
emosyon
.
“
Gising
ka na pala,“ sabi niya habang walang
kaabog-abog
na
nagsusuot
ng brief sa
harap
ko, sabay
tanggal
ng
tuwalya
.
Dedma
. “Kung
nagtataka
ka kung bakit nandito ka at hindi sa kwarto mo, it’s because wala kang
dalang
susi kagabi.
Hinanap
ko na sa
bulsa
mo pero wala talaga.“
He glanced at me seriously habang
nagsusuot
na ng
pantalon
.
Napakamot
na lang ako sa ulo. Damn.
Naiwan
ko nga
yata
’yung susi ko. That explains it.
“Grabe, hassle…”
bulong
ko, sabay
buntong-hininga
.
“
Nasaan
’yung shirt ko kagabi?“ tanong ko nang
maalala
ko na hindi ako naka-white shirt.
Tiningnan niya ako habang
sinisintas
na ang
pantalon
niya. “Ayun, nasa laundry hamper. Doon sa
gilid
.“
Tinuro
niya ’yon. “Masyado kang
naparami
kagabi.
Naluwa
mo ’yung beer mo.
Muntik
mo na nga akong
masukahan
, dude. Kaya
pinalitan
ko ’yang damit mo.
Basang-basa
at amoy
suka
na ’yung isa.“
Naka-pamewang
pa siyang
nagsalita
, parang
nag-aalalang
amused.
Sh*t. Did that really happen?
Napalugmok
na lang ako sa kama. Great. Not only did I get drunk… I embarrassed myself in front of Alex.
And now I’m wearing his shirt… and stuck in his room… habang half-naked pa siya five minutes ago.
What a morning.
Bigla akong nakaramdam ng hiya pagkatapos ng sinabi niya.
“Sorry, ah… and thanks pala for looking out for me kagabi,” sabi ko habang naiilang na tumingin sa kanya. Pero parang wala lang sa kanya-he was now busy tying his shoes, totally ignoring what I said.
“Uh… hindi ba magagalit si Austin na dito mo ako pinatulog?” tanong ko, half-joking, trying to lighten the mood.
He looked at me with a serious face, then stood up. “Walang magagalit kasi kama ko ’yang inuupuan mo,” sagot niya diretso.
Medyo natawa ako, bahagyang ngumiti. “Thanks ulit, Alex. Honestly, kung hindi dahil sa’yo, baka hindi na ako naka-uwi sa campus kagabi.”
He gave me a smug grin. “Next time, wag ka na lang magpakalasing nang ganyan. You almost passed out sa harap nila James, bro,” sabay punas ng towel sa basang buhok niya. “Baka sa susunod… ilaglag mo na naman sarili mo.”
Napakunot noo ako. “Anong ibig mong sabihin?”
Tumingin ako sa kanya, pero hindi niya ako sinagot agad. Instead, tahimik lang siyang nagsuot ng checkered na long sleeves, slow and deliberate. Tapos, bigla siyang humarap na may pilyong ngiti sa labi.
“Wala ka ba talagang maalala sa mga sinabi mo kagabi?”
Napatigil ako. Sh*t. May sinabi ba akong kung ano?
“Uh… what exactly did I say?” tanong ko, trying hard to sound calm kahit medyo nanginginig na ’yung kalmado ko sa loob.
Napailing siya na natatawa. “Nevermind na lang,” aniya, sabay hawi ng buhok niya pataas. “Pakilock na lang ’yung pinto pag-alis mo. May lakad pa ako,” dagdag niya sabay kuha ng phone at wallet, paalis na talaga.
Nalilito man ako, nagtanong pa rin ako. “Wait, paano ’yung practice natin today?”
Lumingon siya. “Wala tayong pasok ngayon, at sabi ni Coach, canceled din ang team practice. ’Yung one-on-one natin? Bukas na lang. I’m busy today.”
Bago pa ako makasagot o makatanong ulit, nakalabas na siya ng pinto.
Naiwan akong nakatulala sa kama niya. What the hell just happened?
Masyado siyang seryoso today. And hindi ko gets kung sinasadya ba niya akong paiikutin o talagang may sinabi nga akong nakakahiya kagabi. At kung meron man, bakit hindi niya na lang diretsahang sinabi?
Nakakainis. Sobrang nakakainis!
Naguluhan na ako, napikon pa. Nasa kama pa rin ako, trying to piece together everything. Did I say something offensive? Binastos ko ba siya? Or… sinabihan ko ba siya ng kung anong matagal ko nang tinatago? Hindi ko talaga maalala. Lalo lang akong nape-pressure.
Pumikit ako saglit at marahang pinalo ang ulo ko. Come on, brain. Help me out here.
Pero wala talaga. Hilong-hilo pa rin ako at para bang lalong umiikot ang mundo ko the more I try to remember. This is so frustrating!
Alam ko na.
I need coffee.
Mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto niya. Ni-lock ko ’yon and dala-dala ko ’yung damit kong suot kagabi. Iniwan ko na rin sa kama niya ’yung black oversized shirt na pinasuot niya sa akin.
Tumungo ako sa admin office ng dorm building para humingi ng extra key. Mabuti na lang at may copy sila kaya nakapasok ako agad sa sariling kwarto ko. Pagkapasok, diretso ako sa banyo. Malamig na tubig ang bumungad sa akin habang naliligo-medyo nakatulong para magising ng bahagya ang utak ko.
After that, nagtimpla agad ako ng isang mainit at matapang na kape. Please, let this fix my brain.
Buti na lang talaga at walang pasok ngayon dahil may seminar daw lahat ng profs sa ADMU. Kasi kung meron man, there’s no way makakapasok ako nang ganito kaaga-8:00 a.m. pa lang pero grabe ang hangover ko. Literal na lutang pa rin ako.
Naka-upo ako ngayon sa couch, staring blankly habang nilalabanan ang hilo. Hindi pa rin ako makapaniwala na napainom ako nang gano’n kagabi. I mean, alam kong mababa lang talaga tolerance ko sa alcohol, pero ako rin ’to eh-walang preno, walang control. So yeah, kasalanan ko rin naman in the end.
Pero ang pinakanakakairita?
Hindi ko pa rin maalala kung ano ’yung eksaktong sinabi ko kay Alex para maging sobrang seryoso siya kanina. I mean, may nasabi ba akong bastos? Offending? Or worse… embarrassing?
Ang huling memory ko lang was him helping me walk kasi sobrang sabog na ako at hindi ko na ma-straight ang lakad ko. Naaalala kong inis na inis na siya habang sinusuportahan ako pauwi.
Kung iisipin ko, parang hindi naman kami masyadong nag-usap kagabi. At least, hindi ko na matandaan na may matino kaming conversation habang pauwi. Lango na ako by then, mentally checked out na, kumbaga.
Pero habang nakapikit ako’t pinipilit kong hukayin ’yung mga nangyari… biglang sumingit si Gavin sa isip ko. And then, sunod-sunod na parang flashback sa pelikula, nagbalik lahat.
Napamulat ako at napatakip agad ng bibig. Oh. My. God.
Napahawak ako sa mukha ko, parang gusto kong hugasan lahat ng kahihiyan ko. Did I seriously say that out loud? Hindi ito puwedeng totoo. Please, sabihin mong panaginip lang ’yon.
Pero hindi-totoo siya. Ramdam ko sa dibdib ko ’yung matinding kaba. Masakit, parang sinapak ako sa gut. I really said that to Alex… Gavin’s best friend pa talaga!
At dahil do’n, hindi na lihim ’yung pinaka-itinatago ko sa lahat. Hindi lang mga pinsan at tropa ko ang may alam ngayon-pati na si Alex. Alam na niya. That I’m secretly in love with Gavin.
Tangina. Gusto ko talagang i-slap sarili ko. Sa dami ng puwedeng masabi habang lasing ako, bakit ’yon pa? Sa dinami-dami ng taong puwedeng makaalam… bakit si Alex pa?!
Hinawakan ko ’yung cellphone ko, bulong sa sarili, “Kailangan ko siyang kausapin…”
I know I don’t really owe him an explanation, pero gusto ko pa rin siyang kausapin. Gusto kong malaman niya na hindi ko sinadyang sabihin ’yon. Hindi ko planong i-broadcast ’yung nararamdaman ko, lalo na sa best friend ng taong involved.
Alam ko, ilang beses ko nang plinano at muntik nang aminin kay Gavin ang feelings ko, pero now I realized-this isn’t the right time. Lalo pa’t kung ang makakarinig nun ay hindi siya… kundi iba. At hindi lang basta “iba”-si Alex pa.
And the truth is, I’m not ready. Hindi pa rin ako handang malaman ng buong mundo ’to. Ayokong maunahan ng ibang tao. Ayokong mawala ’yung kontrol sa sariling kwento ko.
Sinabihan ko si Alex na magkita kami sa Haven Café-’yung coffee shop na malapit lang sa campus. Gusto ko siyang makausap nang maayos tungkol sa nangyari kagabi. I texted him the time and location, pero after an hour, wala pa rin akong natanggap na reply. I was starting to worry, pero umaasa pa rin akong darating siya.
Saktong ala-una ng hapon, nandito na ako sa loob ng Haven Café. Umupo ako sa pinakadulo ng shop, ’yung spot na medyo tago at tahimik. I was nervous-halatang kabado ako kahit na alam kong wala naman akong kasiguraduhan kung sisipot ba siya.
More than thirty minutes na ang lumipas simula nang dumating ako rito… wala pa rin si Alex.
Paubos na rin ’yung iced coffee na in-order ko. Hindi ko na nga alam kung dahil ba sa inip o stress, pero halos maubos ko na kahit hindi ko naman talaga nauubos ’to usually. Darating pa kaya siya?
Habang nakatingin ako sa baso ko, biglang bumukas ang pinto ng café. Napalingon ako. At doon ko siya nakita-si Alex.
Hindi na niya suot ’yung suot niya kaninang umaga. Ngayon, naka-gray henley shirt na siya at simpleng denim jeans. Mukha siyang fresh at composed, pero seryoso rin ang expression niya habang lumilinga-linga, siguro hinahanap ako.
Nang magkatinginan kami, lumapit siya agad at ngumiti. “Anong meron?” tanong niya habang umuupo sa harap ko. “Bakit mo ako pinatawag dito?”
Wala siyang bahid ng gulat o kaba sa boses niya. Chill lang. Pero ako? Hindi ko alam kung paano magsisimula.
Huminga ako nang malalim, pilit kinakalma ang sarili. “Gusto lang kitang kausapin tungkol sa… ’yung bagay na nasabi ko kagabi,” sabi ko, pilit na hindi tumitingin diretso sa kanya.
Nagtagpo ang mga mata namin saglit pero ako na rin agad ang umiwas.
“Naalala mo na pala,” sabi niya, medyo may ngiti pero halatang may bigat pa rin ang tono. “So, anong gusto mong sabihin tungkol do’n?”
Diretsahan na ako. Wala nang paligoy-ligoy.
“Gusto ko sanang… sana walang ibang makaalam no’n,” I said seriously. “Lalo na si Gavin.”
Pagkabanggit ko ng pangalan ni Gavin, tumingin siya sa akin nang diretso. Seryoso rin ang mukha niya ngayon.
Napataas ang kilay niya, then he gave me a small smile. Hindi ko ma-figure out kung genuine ba ’yon or what. “’Yun lang ba? No worries,” sagot niya, mata sa mata. “Walang makakaalam ng sikreto mo. Lalo na si Gavin.”
Nakangiti akong napabuntong-hininga. “Thanks, Alex. Sobrang thank you.”
Napailing siya nang bahagya habang tumatawa. “Honestly, hindi ko lang talaga ma-imagine, pare,” sabay ngiti nang parang natatawa pero may halong disbelief. “Hindi ko akalaing gano’n ka pala.”
Napatungo ako. I didn’t know how to respond to that.
“Ngayon, alam mo na,” sagot ko sa kanya, halos pabulong pero malinaw. Nahihiya akong tumingin sa kanya, pero alam ko namang wala akong dapat ikahiya.
Napangiti siya ulit, pero this time, parang pilit. “Wala ka na bang ibang gustong sabihin?” tanong niya sabay tingin sa relo niya.
Umiling ako. “Wala na. That’s all.”
“Okay. May lakad pa kasi ako,” sabi niya habang tumatayo.
Tumayo na rin ako kasunod niya.
“Thanks sa pagpunta…” sabi ko, tinapunan ko siya ng tapat na tingin. “At salamat… doon sa isang bagay.”
Tumango lang siya. “Mauna na ako,” sagot niya sabay tapik sa balikat ko. Then he walked out of the coffee shop, leaving me standing there.
Tahimik.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. But at least… natapos ko na rin ’to. For now.
Chapter 12
WILLIAM
Past 3 pm na.
Nandito ako ngayon sa bahay nila Angela. Wala kasi ’yung parents niya kaya she invited me and Sage over. Chill lang dapat ’yung hangout na ’to, pero nauwi sa confession session. I ended up telling them what happened last night-especially the part where Alex accidentally found out about my feelings for Gavin.
“What?!” Angela almost shouted, eyes wide in disbelief. Isang oras na akong nandito pero ngayon ko lang binuksan ’yung topic.
“As in… alam na rin ni Alex ’yung feelings mo kay Gavin?” she asked again, agad na tinanggal ang pagkaka-akbay ni Sage sa kanya. Halata-she wasn’t just surprised, she was disappointed too.
“Yeah…” I admitted, sabay bitaw ng isang mahabang buntong-hininga.
Napaikot ang mata niya. “Diyos ko, bakit mo sinabi?”
“Hindi ko naman sinasadya, eh,” sagot ko, feeling defeated. “I was drunk, as in lasing-lasing, and I didn’t even realize kung ano na ’yung mga pinagsasabi ko. Now, I regret everything.”
Sage looked at me, concerned. “So anong balak mo ngayon, dude? You think Alex won’t say anything?”
“We talked earlier,” I told them. “Sinabi ko sa kanya na I want to keep it private. I begged him not to tell anyone, especially Gavin.”
Angela raised an eyebrow. “And you seriously trust him? You barely even know the guy. For all we know, sinabi niya lang na hindi niya ikakalat pero may ibang plano na pala sa utak niya.”
“And since when naging friends kayo?” tanong pa niya, clearly not buying it.
Right, I forgot to mention that part.
“’Yung araw na tinanong ko kayo tungkol sa background niya,” I started explaining. “I realized na I judged him too fast. So I decided to give him a chance. Nung nalaman ko ’yung mga pinagdaanan niya before-’yung mga sinabi mo, Angela-I felt guilty. Kaya ayun, we started getting along.”
Angela rolled her eyes again and wrapped her arm back around Sage’s shoulder.
“And just because naging ‘friends’ kayo, sure ka na sa kanya?” she asked, full of sarcasm.
Napailing ako, then napapikit. “Honestly, I don’t know,” I said softly. “Pero umaasa ako. I’m really hoping na he keeps his word.”
“Eh sana nga,” Sage said with a grin, trying to lighten the mood. “Kasi pag hindi-uupakan ko talaga siya, dude. Baka ’di niya alam, may gang akong naka-back up sa likod ko! Subukan niyang mag-leak ng info!”
“Aray!” napa-irap si Sage nang batukan siya ni Angela.
“Anong gang ka d’yan? Gusto mo gang-gangin ko yang mukha mo?!” Angela snapped, halatang inis pero nakakatawa rin ang pagkaka-deliver niya. Umilag agad si Sage, knowing na serious si Angela kapag ganito na ang tono.
“Hoy, Sage Mercado!” Angela pointed at him. “Kapag nalaman kong may sinalihan kang gang, ’gang dito na lang ang relasyon natin, gets mo?”
“Grabe ka, babe! ’Di na mabiro!” Sage laughed nervously as he hugged her kahit pumapalag pa ito. “Alam mo namang ’gang nandito ka sa tabi ko, ’di ko na kailangan ng ibang tropa. Ikaw lang sapat na.”
That line made Angela blush a bit, kahit pilit pa rin siyang kunwaring galit. Hindi rin napigilang ngumiti.
Napailing na lang ako sa dalawa. Grabe, ’di pa rin sila nauubusan ng corny lines kahit ngayon? Parang everyday Valentine’s Day sa mundo nila.
“Basta ha, Will,” pahabol ni Angela na may halong inis. “Kapag ’di tumupad sa usapan si Alex, lagot siya sa’kin. Ginigigil ako, pramis!”
Tumango lang ako habang pinapanood silang bumalik sa kulitang mode nila-parang wala lang nangyari.
After a few more minutes, nagpaalam na rin ako. Kailangan ko na ring bumalik sa campus.
Habang naglalakad pa-uwi, hindi ko maiwasang kabahan. Kahit na nag-usap na kami ni Alex, and even though he promised to keep quiet, the worry is still there. What if he tells someone? What if he tells… Gavin?
Hindi pa talaga ako ready.
Alam kong eventually malalaman at malalaman din ni Gavin ang totoo-pero hindi pa ngayon. Hindi pa dapat. Masyado pang maaga.
Honestly, kahit ang sarili ko, parang ’di ko pa kayang harapin. Hindi ko pa rin kayang i-own ng buo ’yung identity ko. I still feel scared-kahit alam kong wala namang masama. But I’m only human. I get anxious. I get afraid. I’m still figuring myself out.
For now, I can only trust Alex. Please, sana totoo ’yung sinabi mong walang ibang makakaalam…
Dalawang araw na ang lumipas mula nung nagkita kami ni Alex sa Haven Café. So far, tahimik pa rin ang lahat.
Wala rin kaming team practice these past couple of days. Si Coach? Wala ring paramdam. Mukhang busy sa personal na life niya. And as for me and Alex, ’yung supposed-to-be daily basketball drills naming dalawa-canceled din. I tried to message him, pero walang reply. Mukhang busy siya. Or maybe he’s just avoiding me? I don’t know. Kahapon, hindi ko na rin tinangkang mag-text. I figured, baka ’di rin naman siya sumagot.
I guess… nawala na sa isip niya na magka-partner pa kami sa practice.
Ngayon ay Sabado. Kaka-check ko lang ng phone paglabas ko ng kwarto. Biglang nag-message si Coach Ryan-may team practice daw mamayang 3 p.m. Surprise na naman, gaya ng usual niyang trip. Classic Coach.
Alas nueve pa lang ng umaga, kaya I decided to head to the library. Kailangan ko kasing humiram ng books para sa major subjects ko. Buti na lang bukas ang library from Monday to Saturday-perfect timing.
Habang naglalakad papunta sa library building, napahinto ako bigla.
May lalaking palabas ng entrance habang may bitbit na sandamakmak na books. At nang makita ko ang mukha niya, parang natuyuan ako ng dugo-si Gavin ’yon.
Kinabahan ako bigla. At mas kinabahan ako nang mapansing papalapit siya sa direksyon ko. Oh no. Lord, not now.
I was just a few meters away from the entrance, pero hindi ko magawang tumuloy. Natigilan ako. Parang nanigas ’yung mga paa ko. Si Gavin… papalapit na. At sure ako, nakita na niya ako.
Wala naman akong dapat ikatakot, ’di ba?
Nang nasa harap ko na siya, ngumiti siya. Just like always.
“Kamusta, pare?” bati niya, sabay hinto saglit sa harap ko.
Just like that, bigla ring nawala ’yung kaba ko.
“A-Ayos naman ako,” sagot ko, medyo bitin pa sa confidence. “Ikaw? Galing ka sa library?” Obvious na tanong, pero ’yun lang talaga ang nasabi ko. Ubusan ng lines, ganern.
Tumango siya. “Oo. Kumuha lang ako ng ilang books para sa mga subjects na medyo napabayaan ko lately.”
Tumango lang ako pabalik. “Okay ’yan, ah!”
Seriously? ’Okay ‘yan, ah?’ ’Yun lang talaga kaya ng utak ko? Ewan ko. Hindi ko maipaliwanag, pero mixed emotions pa rin ’pag kaharap ko si Gavin. Kaba, hiya, awkwardness-all rolled into one.
Tinapik niya ang balikat ko. “Sige, mauna na muna ako, pare.” Nakangiti pa rin siya habang nagpapaalam.
Nakangiti rin akong tumango. “Sige, ingat ka.”
Ngumiti siya pabalik bago tuluyang umalis. At finally, nakahinga ako nang maluwag. Okay… he seems normal. Mukhang hindi niya alam. Mukhang tumupad nga si Alex sa usapan namin.
Nagpatuloy ako sa paglakad papasok ng library, medyo kalmado na ang puso ko. At least, for now, tahimik pa rin ang mundo ko.
2:00 PM pa lang pero andito na agad ako sa loob ng gym. Practice starts at 3, pero ako lang ang tao rito ngayon.
Normally, hindi ako ganito kaaga kung may practice. Pero today, iba. May dahilan kung bakit gusto kong mauna-alam ko kasing kapag biglaan ang announcement ng training, usually maaga rin dumarating si Alex. Hindi tulad ng regular days na sakto lang siya.
Gusto ko siyang pasalamatan. Kasi kahit paano, tumupad siya sa usapan namin-he didn’t tell Gavin about what he found out… about me, and how I feel about his best friend.
And tama nga ako. Dumating si Alex, earlier than everyone else.
Suot niya ’yung dilaw na jersey na palagi ko namang nakikita sa kanya, pero iba ngayon. Siguro dahil kami lang ang nasa gym kaya mas na-notice ko ’yung details-how it fits him, how his shoulders and arms flex with every bounce ng bola. Halatang bagong ligo rin siya, basa pa ang buhok. For the first time, napansin kong maayos pala siyang magsuklay. Naka-brushed up ang buhok niya, and it made his face look brighter.
Napatingin siya sa gawi ko-nakaupo ako sa bleachers. Tumingin din ako sa kanya. I smiled, hoping na ngingiti rin siya.
Pero hindi. He just looked away and continued dribbling the ball.
I took a breath and stood up. Lumapit ako sa kanya kahit ramdam ko ’yung tension sa paligid.
“Hey…” ’Yun lang ang nasabi ko. Walang ibang pumapasok sa isip ko. I just wanted to start the conversation.
Tumingin siya sa akin habang tuloy sa pag-dribble. Serious ’yung expression niya, ’yung mata niya parang may gustong basahin sa akin pero walang sinasabi.
“Anong meron?” tanong niya-flat, walang emotion. Then he looked away again.
Straight to the point na ako. “Gusto ko lang magpasalamat. Kasi hindi mo sinabi kay Gavin ’yung tungkol sa nalaman mo.” I smiled, kahit awkward. “Appreciated ko ’yon.”
Ngumisi siya. “Kapag sinabi kong hindi ko sasabihin, hindi ko sasabihin. Simple lang ’yon.” He stopped dribbling. “Hindi ako ’yung klase ng taong iniisip mong basta-basta magtataksil.”
Tumango lang ako. Gusto ko sanang magsalita ulit, pero dumating na ang iba naming teammates.
Nang mabuo na kami, sinimulan na ni Coach Ryan ang team practice. We played hard for the next one and a half hours. Sabado ngayon kaya expected na rin na may kanya-kanyang lakad ang mga tao after. Isa-isa na silang umalis, pati si Coach, pagkatapos ng scrimmage.
Kaming dalawa na lang ni Alex ang natira sa gym. Nakaupo siya sa bench, nag-aayos ng gamit sa bag niya. Naka-topless siya, nagpapalit ng shirt. As usual, tahimik lang siya. Focused. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya or leave him alone. Parang ang hirap kausapin lately.
This isn’t the same Alex I’ve gotten used to. May nagbago. Ever since that day-noong nalaman niya ang tungkol sa akin, and about my feelings for Gavin-he hasn’t acted the same. Hindi na siya ’yung easygoing teammate na nakakatawang kausap. Parang laging may barrier.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang bigla siyang tumingin sa akin. Diretso. Seryoso. Pero walang sinabi. Sinabit niya ang bag sa balikat at tumalikod, diretsong lumabas ng gym.
Iniwan niya akong nakatayo, bitbit ’yung tanong kung ano na nga ba talaga ang tingin niya sa akin ngayon.
I sighed deeply, trying to shake it off. At least, I thought, he kept the secret. That’s all I can ask for, right?
Isinukbit ko ang bag sa balikat ko and finally walked out of the gym.
9:00 PM na pero heto ako, naglalakad pa rin sa labas ng campus.
Aside from my usual morning, lunch, and afternoon coffee, weirdly enough, I also love drinking coffee at night. Ewan ko-may comfort sa amoy at init ng kape habang tahimik ang gabi.
Naubusan na ako ng kape sa dorm, so I decided to head out and grab one at Haven Café-the closest café near campus, and my go-to spot.
Tahimik na ang paligid. The warm glow ng streetlights somehow helped calm me down. Nakakarelax tumingin sa ilaw habang malamig ang hangin. Hindi na rin gano’n karami ang tao sa daan. May ilang students akong nadaanan, may hawak na take-out. Probably from the fast food stalls around.
Buti na lang walang curfew sa dorm namin. I guess they made it that way para sa mga working students-yung iba kasi may night shift jobs, while some come home late from part-time work. Kaya kahit gabi na, normal lang ang makakita ng mga estudyanteng gala pa rin.
And me? I just need a cup of coffee para makalimot-even just for a bit.
Haven Café ang go-to spot namin nina Angela at Sage tuwing kailangan naming mag-review. Parang extension na ng library ’yung place-pero with coffee and aircon. Medyo pricey nga lang ang drinks nila, pero sulit naman kasi aside sa quality ng kape, may fast WiFi at comfortable na ambiance.
Habang tatawid na ako sa kabilang kalsada papunta sa café, napansin ko ang isang lalaking paparating mula sa direksyon ko.
Si Alex.
Naka-black hoodie siya at shorts, at bagal ng lakad niya. Nakayuko siya, parang wala sa sarili. May ilang girls na lumapit sa kanya-baka nag-hi o nagpansin-but he didn’t even acknowledge them.
Nung mas naging klaro ang mukha niya habang papalapit siya, napansin ko ’yung kakaiba sa kilos niya. Oo, nakatutok siya sa daan, pero parang may something off-medyo pa-sway-sway siya maglakad. Para bang lasing.
I stood frozen. Hindi ko namalayang hindi pa rin ako nakakatawid.
Then he looked up and met my eyes. Halata sa expression niya-at sa singkit ng mga mata niya-na lasing talaga siya. Saglit lang ang tinginan namin. After nun, binaling niya ulit ang tingin at tuloy lang siya sa paglakad. Nilagpasan lang niya ako na parang hindi kami magkakilala.
Lumingon ako pabalik sa kanya. “Alex, sandali…” tawag ko. Huminto siya pero nakatalikod pa rin. “Iniiwasan mo ba ako?”
Humarap siya, nakangisi. “Sorry, ’di kita agad namukhaan,” sabi niya. Pero halatang sinungaling siya. Alam kong nakita niya ako.
I stepped closer. “Anong problema, Alex?” tanong ko nang diretso. “Kung ako ’yung dahilan ng biglang pagbabago mo, sabihin mo na lang. Huwag mo na akong paasahin na okay lang lahat.”
Umiling siya, smirking. “Wala akong problema. Saan mo ba hinuhugot ’yan?”
Pero hindi ako naniniwala. Kita ko sa kanya na hindi totoo ’yon. If everything was fine, bakit bigla siyang lumayo? Bakit niya ako iniiwasan mula pa nung araw na ’yon?
“I’m not making this up,” sagot ko, calm but firm. “Napansin ko ’yung pag-iwas mo. ’Yung cold treatment. Hindi mo ’ko ganyan kinakausap dati. I may not know you that well yet, pero kilala ko kung paano ka dati. You’re not this… detached.”
Napangisi siya, this time parang mas may halong sarcasm. “At ’di rin ganyan ’yung William na una kong nakilala.” He paused, and for a second, I felt a shift. “Ayoko lang kasi sa mga taong nagpapanggap. Ganito ako dahil ganyan ka.” Hindi niya direktahang sinabi iyon pero alam ko ang gusto niyang ipakahulugan.
Walang tao halos ang dumadaan sa gilid ng kalsada kung nasaan kami.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng sama ng loob dahil ngayon lang niya lahat sinasabi sa akin ’to. Bakit hindi pa no’ng araw na mag-usap kami?
“Bakit hindi mo ’ko diretsuhin?” Paghahamon ko sa kanya. “Nagbago ka ba dahil nalaman mo na ganito ako? Nandiri ka ba?” Tiningnan ko siya nang mariin.
He stared at me for a second. “Gusto mong diretsuhin kita?” Then, he smirked. “Ayoko sa bakla…” when he dropped that phrase, napalunok ako.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Ang alam ko lang ngayon, kumpirmado ko na kung anong dahilan kung bakit niya ako iniiwasan. At least ngayon, malinaw na ang lahat.
Masama man ang loob dahil sa aking narinig, pinilit kong tugunan siya. “Gano’n ba?” Tiningnan ko ito na ngayo’y tila ay walang pakealam.
“Kung gano’n, wala rin palang saysay na kinaibigan pa kita…” nang sabihin ko ’yon, pilit kong pinigilan ang luhang gustong pumatak mula sa mga mata ko.
Wala siyang naging sagot kung ’di ang isang seryosong tingin at ang pagngisi niya sa akin.
Walang sabi-sabi ko siyang iniwan at piniling magmadaling umalis. Hindi ko na rin itinuloy ang plano kong pagka-kape. Sa mga sinabi sa akin ni Alex ngayong gabi, hindi ko na kailangan ng kape para matauhan na hindi ko na dapat siya kinaibigan pa.
Bumagal ang mabilis kong paglalakad nang sapitin ko ang gate ng campus. Napahinto ako sandali’t pinunasan ang luhang tuluyan nang tumulo mula sa mga mata ko.
Why am I crying?
Si Alex lang naman ’yon, ang taong labis kong kinamumuhian, pero bakit ganito? Bakit ang sakit?
Chapter 13
WILLIAM
Hindi ko rin maintindihan kung bakit gano’n kalakas ang tama sa’kin ng mga salitang binitawan ni Alex. Isang araw na ang lumipas mula nung gabing ’yon, pero hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ’yung sakit. Ang ironic lang-hindi naman kami gano’n katagal magkakilala. Ilang araw lang kami naging magkaibigan, pero bakit parang ang bigat-bigat ng iniwan niyang salita?
Siguro kasi akala ko, kahit sandali lang kaming naging close, totoo na ’yung connection. Pero mukhang ako lang ’yon.
Napapaisip tuloy ako kung dapat ko bang pinagsisihan na naging kaibigan ko pa siya. Kasi ang tunay na kaibigan, tatanggapin ka kung sino ka. Hindi ka huhusgahan. Hindi tatalikuran.
At si Alex? Siya lang naman ’yon. Hindi dapat ganito kabigat ang opinyon niya sa pagkatao ko. Pero bakit ganito? Bakit kahit anong pilit kong iwasan at kalimutan ’yung mga sinabi niya, paulit-ulit pa rin ’yung sakit? Bumabalik-balik, sumasakit ulit, parang sugat na hindi gumagaling.
Aaminin ko na-affected ako. Apektado ako sa kung ano na ang tingin niya sa akin. At ang pinaka-hindi ko matanggap? Na natapos ang maikli naming pagkakaibigan dahil lang sa kung sino ako.
Ano bang nangyayari sa’kin? Bakit sobrang pinapahalagahan ko pa rin ’yung opinion niya? Kung galit siya sa mga kagaya ko, dapat pantay lang kami-dahil ako rin naman, dati pa, hindi ko siya gusto. Kaya siguro dapat ibalik ko na lang ’yung dati kong pananaw tungkol sa kanya. Dapat alalahanin ko ulit kung bakit ko siya hindi nagustuhan in the first place. Kasi doon siya magaling, ’di ba? Sa pagiging unlikeable.
Habang iniisip ko lahat ’yon, lumabas na ako ng dorm. Papunta sa first class ko ngayong araw. 8AM pa naman ang simula pero umalis na ako kahit 30 minutes early pa. Gusto ko lang maglakad-lakad. With my earphones on, walking has always felt therapeutic-lalo na sa umaga.
Tahimik ang paligid habang dahan-dahan akong naglalakad sa pathway. May ilang estudyanteng napapatingin sa’kin, pero sanay na ako sa ganyan. Minsan talaga napapatingin sila, siguro dahil sa itsura ko, or kung anuman. Kaya deadma lang ako. Mas pinili kong lakasan pa ’yung volume ng music ko. Ganito ako palagi-whenever I want to shut the world out, I just let the music drown everything else.
Pero ilang minuto pa lang akong naglalakad, napansin kong may kakaiba. May ilang estudyanteng nakatingin sa akin-hindi na ’yung usual na tingin. This time, may bulungan. May halong tawa. May halong pagtataka.
Napahinto ako. Tinanggal ko ang earphones ko para mas marinig.
At doon ko na malinaw na narinig ang mga sinasabi nila.
“Hindi ba siya ’yon?” “Siya nga, sis! Sayang naman…” “Ang gwapo pa naman…” “Grabe, kaloka!”
Parang bigla akong nanlamig. Alam kong ako ’yung pinag-uusapan. At kahit nalilito ako, deep down, parang may hinala na ako kung saan galing ’to. Pero ayokong paniwalaan. Umaasa pa rin ako na baka maling hinala lang ’to.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, pilit na pinapakalma ang sarili. Nilalagpasan ko ang mga estudyanteng nakatingin-pero iba ’yung mga mata nila ngayon. May panghuhusga, may awa, at ’yung iba… parang dismayado. Lahat ng titig nila parang may sinasabi.
Pinilit kong hindi sila pansinin. Gusto ko lang makarating sa building namin.
Pero bago pa ako makalayo, natanaw ko ang mga papel na naka-paskil sa kanto papuntang PolSci Department. Bond papers. Marami. Pare-pareho.
At kahit hindi pa ako ganon kalapit, kita ko na-may picture ko doon.
Ako si William James Parker. Isa akong bakla. Huwag niyo akong tutularan!
Isang beses ko lang ’yon binasa ngunit may ideya na ako kung sino ang taong nasa likod ng pagpapakalat ng mga papel na ’to. Hindi ako pwedeng magkamali.
Ibinaling ko ang tingin ko sa mga estudyanteng nakatingin sa akin habang hawak ang sari-sarili nilang kopya ng bond paper na hawak ko. Halos lahat ng mapapadaan ay tinitingnan ako. They look at me as if I committed a crime. Kung titigan nila ako ngayon, as if I did something really embarassing. The way they look at me makes me even more angry.
Marahan kong tinanggal ang isang bond paper na naka-paskil sa isang pole. Kasama ng larawan ko ang mga salitang hindi na gumulat sa akin ngunit nagdulot sa akin ng matinding inis.
Nasa gitna ng bawat papel, malinaw at hindi na mabubura. At sa isang iglap, confirmed na ang kutob ko.
Ito na ’yung sagot sa tanong ko kanina. Kung bakit biglang nag-iba ang tingin ng mga tao sa paligid ko.
Someone exposed me. Publicly.
At ngayon, hindi lang basta si Alex ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Mas malalim pa.
Hindi ko na pinansin ’yung mga estudyanteng nakatitig sa akin kahit sobrang uncomfortable na ako deep inside. I just walked away from all of them. Mabilis ang mga hakbang ko-para bang gusto ko na lang tumakbo. May kailangan akong harapin. May taong kailangang makausap. At sigurado ako kung nasaan siya sa ganitong oras.
Tama nga ako.
Pagdating ko sa gym, nakita ko agad si Alex. Mag-isa lang siya, nagdi-dribble ng bola. Parang walang nangyayari. Parang wala siyang kasalanan.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Nilapitan ko siya kaagad. At kahit nakatalikod pa siya, I grabbed his arm.
Nagulat siya. Pagharap niya sa akin, sinuntok ko siya.
Natumba siya sa sahig at gumulong palayo ang bola. Hindi naman ganun kalakas ’yung suntok pero sapat na para maramdaman niya kung gaano ako galit.
Hawak niya ang panga niya habang dahan-dahang tumatayo. Kita ko sa mukha niya ang sakit, pero wala akong pakialam. Tiningnan ko lang siya ng masama habang tumatayo siya.
Nagulat siya, yes. Pero may halong inis na rin sa tingin niya ngayon. Good. He deserves that.
“Ano bang problema mo?!” sigaw niya, hawak pa rin ang mukha niya.
Hindi pa siya tuluyang nakaka-recover nang bigla ko siyang sunggaban. Hinila ko ang kwelyo ng white polo niya, pinagdikit ko ang mukha naming dalawa. He’s now glaring at me, pero wala na akong pakialam.
“You promised!” gigil kong sigaw. “You said you wouldn’t do anything… pero anong ginawa mo?!”
Napakunot ang noo niya, halatang hindi niya agad ma-gets ang sinasabi ko.
“Anong pinagsasasabi mo? Wala akong alam diyan!” depensa niya, halatang nagmamaang-maangan. “I didn’t do anything!”
Napangisi ako-hindi sa tuwa, kundi sa matinding inis. “Really? Then what’s this?!”
Hinugot ko mula sa likod ko ang isa sa mga bond paper na nakita ko sa labas ng gym. Naka-post din kasi doon, eh. Tiningnan ko siya habang hawak-hawak ’yon sa harap ng mukha niya. “Don’t even try to lie. Alam kong ikaw ang may gawa nito. Sino pa ba?”
Nakita ko kung paano siya tumingin sa papel. Umiiling siya, parang hindi makapaniwala. Seryoso ang mukha niya. Hindi ko alam kung guilty look ba ’yon o Oscar-worthy acting.
Binitiwan ko ang pagkakahawak sa polo niya. Tumayo akong diretso sa harap niya.
“I didn’t do that…” mahina niyang sabi habang nakatingin pa rin sa papel.
“Liar!” sigaw ko. “Wag mo akong lokohin, Alex! Alam nating dalawa kung anong alam mo. Alam mo kung sino ako, alam mo ’yung sikreto ko-and you had all the means to do this! Hindi ba’t galit ka sa mga tulad ko?!”
Hindi siya umiwas ng tingin. Lumapit pa siya, may kunot sa noo pero mahinahon ang boses.
“I did say things… pero never ko sinabi na galit ako sa’yo,” sabi niya, seryoso ang tono. “William, I swear, hindi ako ang gumawa nito. I kept my promise. Hindi ko ’yon sinira.”
Tinitigan niya ako ng diretso-’yung tipong tingin na parang sinasabi sa’yo na totoo lahat ng sinabi niya.
Gusto kong maniwala. Gusto kong isipin na baka nga hindi siya ’yung may gawa. Pero hindi ko mabura sa isip ko ’yung galit. Hindi ko rin maalis sa dibdib ko ’yung bigat. At habang nakatitig ako sa kanya, all I could think was: Bakit niya pa kailangang magsinungaling?
“Bakit ako maniniwala sa’yo?” tanong ko sa kanya, malamig pa rin ang boses. “Kung simula pa lang pala, hindi na kita dapat pinagkatiwalaan.”
Pagkasabi ko no’n, itinulak ko siya palayo.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad palabas ng gym, galit na galit pa rin.
“William, wait!”
Tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Ayoko na. I don’t care anymore.
Right now, sa paningin ko, he’s not just a jerk-he’s a liar, too.
Paglabas ko ng gym, sakto namang nakita ko si Bryan, isa sa teammates ko sa basketball. Nakatayo siya sa may pintuan, mukhang papasok sana. Nagkatinginan kami pero wala akong nakita ni katiting na emosyon sa mukha niya. Tahimik lang. Walang reaksyon.
Malamang alam na rin niya ang tungkol sa papel.
Deadma ako. Nilagpasan ko siya at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad, palayo sa gym, palayo kay Alex, palayo sa lahat.
Hindi ko maipinta ang mukha ko ngayon. Galit, sakit, inis-lahat na yata ng emosyon, nararamdaman ko.
Sira na ’yung araw ko.
Sira na ’ko.
Alam kong darating talaga ’yung araw na malalaman ng lahat kung sino ako. Na hindi ako straight. Pero hindi ko in-expect na sa ganitong paraan pa. Na parang binasura ’yung pagkatao ko gamit lang ang ilang piraso ng papel.
Hindi ako galit dahil nalaman nila. I’m mad because of how they found out. It was humiliating. Parang wala akong karapatang magdesisyon kung kailan o paano ko ito sasabihin. At ang mas nakakagalit? ’Yung fact na may effort pa siyang magprint ng papel, magpaskil kung saan-saan, just to out me.
Nakakabastos ’yon. Nakakahiya. That wasn’t just an attack on my identity. It was an attack on my dignity.
Hindi ko alam kung paano pa babangon sa araw na ’to.
At kung sakaling totoo nga na si Alex ang may gawa nito… wala na talaga akong tiwala sa kahit anong sinabi niya.
Worst part?
Hindi ko alam kung sinabi na rin ba niya kay Gavin na gusto ko siya. Just thinking about that makes me feel sick. That would be the ultimate betrayal.
Ayoko na muna mag-isip.
Ayoko munang magtanong.
Maraming taong nakatingin habang dumadaan ako pero hindi ko sila pinapansin. Bahala sila. Magbulungan sila hanggang gusto nila.
Dire-diretso lang ako. Papunta sa building ng unang klase ko ngayon.
Kailangan ko lang makalayo. Kailangan ko lang makalma.
Pero habang iniisip ko ang mga papel… habang iniisip ko si Alex… lalo lang akong napupuno ng galit.
At siguro nga, sapat nang dahilan para gawin niya ’to ay dahil hindi niya kayang tanggapin ang mga tulad ko.
Chapter 14
ALEXANDER
Kakatapos lang ng last class ko.
Masakit pa rin ang panga ko mula sa suntok ni William kanina. Habang naglalakad ako sa loob ng campus, wala akong ginawa kundi tanggalin isa-isa ang mga papel na nakapaskil sa bawat poste. ’Di ko mapigilang magalit sa kung sinumang utak sa kalokohang ’to. Dahil sa kanya, ako ang napagbuntunan ng galit ni William-ako ang nasuntok, ako ang napagbintangan.
Kung malaman ko lang talaga kung sino’ng may pakana nito, ipaparanas ko sa kanya ’yong suntok ni William-mas malala pa.
Ang masama pa, si William pa talaga ang nag-akusa sa akin. As if ako talaga ang gumawa! Eh ni wala naman akong sinabi kahit kanino about his secret. Tang*na lang. Ang bilis niya manghusga. At sa galit niya kanina, mukha siyang convinced na ako talaga ang salarin.
Alam kong hindi naging okay ang naging usapan namin nung isang gabi. Oo, may nasabi akong hindi maganda sa kanya. Pero hindi ko sinira ang usapan namin. Hindi ko siya kinibo after that night, pero hindi ibig sabihin na ipagkakalat ko ’yong sikreto niya. Hindi ako gano’ng klaseng tao. Mukha lang akong gago minsan, pero may konsensya pa rin ako.
Lahat ng mga papel na nakuha ko, tinapon ko sa basurahan. ’Yung iba, pinunit ko sa inis. May mga estudyanteng hawak pa ’yong flyers kaya inagaw ko ’yon sa kanila. Nagtatawanan pa ’yung iba-mga walang kwenta.
“Kapag nakita kong may hawak pa kayong ganito, ipapalaman ko ’to sa mga mukha n’yo!”
Mukhang natakot naman sila kasi bitaw agad ’yung iba, lalo na ’yung mga babae. ’Yung mga lalake lang ang pasaway. ’Yung tipong tinitigan pa ako na para bang pinoprotektahan pa nila ’yung papel. Takte, gusto pang magyabang?
“Anong problema n’yo, mga bro?” Inapproach ko sila habang kinagat ko ang lower lip ko, nagpipigil ng init ng ulo. “Sabihin niyo lang kung gusto niyong magkaharapan tayo ngayon. Ganado ako, eh.” Sabay hubad ng polo ko, ready for war.
Nagkatinginan ’yung apat na lalake na parang mga daga sa harap ng leon.
“W-Wala, boss…” sagot nung isa na mukhang kinabahan. “Tutulungan ka namin magtanggal ng mga papel, promise!”
Masama ang tingin ko habang tumango ng mabilis. “Good. Simulan n’yo na.”
Agad silang gumalaw, itinapon ang hawak nila. Umalis na rin sila agad sa harap ko. Ako naman, sinuot ulit ’yung polo ko. Konting sindak lang pala kailangan. Mga duwag.
Naglakad ulit ako. Pasimpleng pinapatay ng tingin ang bawat taong lumilingon sa akin-babae man o lalake, wala akong pake. Badtrip ako, at ayoko na ng kahit anong ingay mula sa kanila.
Hindi pwedeng tapusin ’to nang ganito lang. I won’t let William believe na ako ang may pakana ng lahat. Gusto ko na sanang i-let go na lang, pero hindi ko kayang hindi linisin ang pangalan ko. Kahit hindi na kami close, kahit technically hindi na kami magkaibigan, may parte pa rin sa akin na nagkakakonsensya.
Kaninang nakita ko siya, ramdam ko agad na something’s wrong. The sadness in his eyes… it hit me. Ayoko siyang makita ng gano’n. And to be honest, I hate that I care.
Diretso ako sa dorm. Wala akong gana dumaan sa gym. Wala na rin akong gana maglaro ng basketball. Ang nasa isip ko lang, sino ba talaga ang may gawa nito kay William?
Hindi ko alam kung may iba pa bang may alam ng sikreto niya. Pero kung meron man, bakit ako agad ang tinuro niya?
Gusto ko sanang puntahan siya sa kabilang kwarto. Kumatok, kausapin siya, explain my side. Pero ’di ko ginawa. Hindi naman siya makikinig sa akin, ’tsaka malinis ang konsensya ko. I’ve done nothing wrong-except maybe that one night.
’Yung gabing lasing ako, I said something I shouldn’t have. I told him na I don’t like gays. Alam kong sobrang insensitive no’n. Lasing ako, oo. Pero mali pa rin ’yon.
And now, I look like the villain in his story. Hindi ko talaga in-expect na hindi pala siya straight. Bakit hindi ko man lang napansin? To be honest, iniwasan ko siya after that-out of fear. Takot ako sa judgment ng ibang tao, sa sasabihin nila kapag nalaman nilang may kaibigan akong… gan’un.
Mababaw, oo. At alam kong mali ako ro’n.
Hinubad ko ang polo’t sando ko, humiga sa kama, at pumikit. Pero kahit ipikit ko pa mga mata ko, hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Tumingin ako sa kisame, nag-iisip kung sino talaga ang salarin sa likod ng kahayupang ’to.
Naalala ko tuloy ’yung gabi na huli kaming nag-usap ni William-sa tapat ng coffee shop na naging paborito naming tambayan noon.
Mag-isa lang ako no’n. Walang Austin, walang ibang kaibigan. Ako lang. Ako lang ang uminom, ako lang ang bumalik ng campus.
At pagkatapos ng pag-uusap namin, basta na lang siyang umalis.
Balak ko na sanang bumalik sa campus no’n, pero last minute, nagbago isip ko. Kasi kung tinuloy ko ’yon, for sure, sabay kaming darating ni William. Ayoko. Hindi pa ako ready. Kaya imbes na bumalik, nag-decide akong maglakad-lakad muna kahit walang direksyon.
Pero halos isang metro pa lang ang nalalakad ko, napansin ko si Bryan-isa sa mga teammate ko-nakatayo sa may poste ng kuryente. Medyo tago ’yung pwesto niya, parang may tinatago o iniiwasang makita.
Takte. Pwedeng siya nga.
Naalala ko agad ’yung gabi ng pag-uusap namin ni William. What if narinig ni Bryan lahat? What if… siya ang may pakana ng lahat ng to?
Mas lumakas ’yung hinala ko nang maalala kong sumagot siya ng parang ewan nung tinanong ko siya dati kung anong ginagawa niya sa may poste. Ang tagal bago siya sumagot-pa-cool pero halatang guilty. Putek. Tiyak, siya ’yon!
Dali-dali kong sinuot uli ’yung sando ko. Kailangan kong ayusin ’to. This is my chance para malinis ang pangalan ko kay William. At higit sa lahat, panahon na para ipatikim sa Bryan ’yung suntok na matagal ko nang iniipon para sa kanya.
Paglabas ko ng dorm, diretso ako sa usual tambayan ni Bryan-doon sa likod ng school kung saan madalas siyang makitang nagyoyosi kasama ang mga babaeng ipinagmamalaki niya.
Alas singko na no’n, at true enough, nando’n siya. Yosi sa isang kamay, babae sa kabilang braso, at parang wala siyang kasalanan sa mundo.
“Bryan!” sigaw ko.
Lumingon siya, pati ’yung babae niya. Agad kong nilapitan.
“Masarap ba?” Bitbit ang inis, gigil kong tanong habang palapit ako.
“Ha? Ang alin?” takang-taka pa siya, parang walang idea.
“Ito!” Sinapol ko agad ang panga niya ng suntok mula sa kanang kamao ko. Bagsak siya agad sa damuhan. Tumakbo palayo ’yung babae. Good. Wala akong pake kung makakita pa siya ng gulo.
“Para saan ’yon, pare?!” sigaw niya habang hawak-hawak ang panga niya.
“Anong problema mo?!” dagdag pa niya.
At doon talaga ako nag-init. Galit na nga ako, sisigawan pa ako?
Hinawakan ko siya sa kuwelyo, mariin. “Ikaw ’yung nagkalat ng mga papel, hindi ba?!” Kahit convinced na ako, gusto ko pa ring marinig mula sa kanya mismo.
“Aminin mo o gusto mo pang masaktan?!” pananakot ko, habang dinidiin ang hawak ko sa kanya.
“Wala akong alam diyan, pare-aray!”
Ayun. Sinikmuraan ko agad siya. ’Wag na ’wag ako sisinungalingan, lalo na sa ganitong sitwasyon.
Lalo kong hinigpitan ang pagkakakapit sa suot niya.
“Oo na! Oo na! Ako! Ako ang may gawa! Ako ang nagpakalat ng mga papel na ’yon!”
Putek. Tumama sa pader ’yung likod niya nang ibinangga ko siya. Tuluyan siyang napaupo sa lupa habang daing sa sakit.
“Gago ka pala talaga, no?!” Akmang sasapakin ko ulit pero pinrotektahan niya agad sarili niya gamit ang mga kamay.
“Alam mo bang dahil sa kagaguhan mo, ako ang pinagbibintangan ni William?! Ako ang sinuntok niya!”
Pero hindi ko in-expect ang isasagot ng gago.
“Eh ’di ba, ayaw mo rin naman sa kanya? Dahil bakla siya? Eh ’di tama lang ’yung nangyari sa kanya! Walang lugar ang mga tulad niya sa team natin. Dapat matanggal na siya!”
Tang*na. Lalo akong pinainit ng sinabi niya. Nakakabuwisit.
“Tumayo ka.” Pigil na pigil ang boses ko pero ramdam ang apoy. Hindi siya gumalaw. Tinadyakan ko.
“Tayo!”
Napasigaw siya sa sakit pero agad na napilitang bumangon.
“Ano pa ba gusto mo? Nakaganti ka na, ’di ba? Tama na…” Ang laki ng binagsak niya. Kanina ang yabang, ngayon mukhang basang sisiw.
“Nagsisisi na ako, okay?” Umangat ang mga kamay niya, parang sumusuko.
Tiningnan ko siya nang masama, saka ko kinuha ang isang papel na siya mismo ang nagkalat. Iniharap ko sa kanya at walang awa kong isinampal sa mukha niya.
“Kita mo ’to?” ulit-ulit kong isinampal habang hawak ko siya. “Ikaw ang gumawa nito. Kaya ikaw rin ang maglilinis. Tatanggalin mo lahat ng ’to sa campus. At kung makakita pa ako kahit isa, ipapakain ko ’to sa’yo sa harap ni William mismo. Gets mo?!”
Isang huling sampal gamit ang papel, at nang tumango siya, saka ko lang siya binitawan.
Iniwan ko siyang durog sa lupa at tumalikod na pabalik sa dorm.
Gusto ko talagang sabihin kay William kung sino talaga ang may sala. Gusto kong malaman niya na hindi ako ang gumawa. Pero sa galit niya ngayon, hindi ko alam kung paano uumpisahan.
Still, kailangan niyang malaman ang totoo.
At higit sa lahat, gusto ko na ring matapos ’to.
Chapter 15
WILLIAM
9 PM na and honestly, I lost track kung gaano na ako katagal na nakahiga rito sa couch. Kahit anong pilit, wala talaga akong ganang kumain. Right after my last class kaninang 3 PM, dumiretso na agad ako sa dorm. Ang goal ko sana, makatulog at kahit papano, makalimutan ang mga nangyari ngayong araw sa campus. Kaso kahit sariling isip ko, ayaw akong patahimikin.
I’m sure hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ’yung issue-’yung mga papel na nagkalat kanina. Ayoko talaga ng chismis, pero sa pagkakataong ’to, ramdam kong ako ’yung main topic. People are probably judging me, not even knowing the full story.
Alam kong hindi ko dapat ikahiya kung sino talaga ako. Matagal ko nang tinanggap na bakla ako. Pero ang nakakahiya kasi, it’s not the fact that people found out-it’s how they found out. Ang sakit. Sino bang hindi mapapahiya kung sa kalagitnaan ng umaga habang papasok ka sa unang klase mo, makita mong ikinalat ang mga papel with your face and personal truth on them? Nakapaskil pa sa halos bawat poste sa campus. Seriously, what kind of person would even do that? Masaya ba siya ngayon?
I’d be lying kung sasabihin kong hindi ako galit kay Alex. Actually, sobrang galit ako sa kanya. Siya lang naman ’yung may access sa ganong impormasyon, at siya rin lang ang may motibo. Kahit pa nag-deny siya kanina, hindi ko na binili ’yon. I should’ve known better than to trust him in the first place.
Pero to be fair, partly kasalanan ko rin. Una, I let myself get too drunk that night. I was reckless enough to tell him I love Gavin. Pangalawa, I let myself trust someone like him. Pangatlo, I actually thought we could be real friends. Looking back, that was my mistake too.
Honestly, wala na ring point ang magalit pa kay Alex. Alam ko naman mula’t simula na hindi siya trustworthy. He’s always been a jerk. Ewan ko ba kung bakit inisip kong baka may chance na mabago ko ’yung tingin ko sa kanya. That was foolish of me.
Napapikit ako habang hinihilamos ang mga palad ko sa mukha ko.
Iniisip ko na lang, maybe things will eventually be okay. Hindi ko hahayaang lamunin ako ng sitwasyon na ’to. Besides, kahit totoo ’yung nakasulat sa papel-except for that part na parang pinapalabas akong masamang impluwensiya-it’s still my truth.
I need to stay positive. Gaya ng mga chismis dati, lilipas din ’to. Papagod din ang mga tao kakasabi ng pangalan ko.
Pero isang bagay ang sigurado-hindi na ako magpapa-apekto. Hindi na ngayon.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga, nag-inat, at pilit na ngumiti. Kailangan ko ng pampagaan ng loob. Hindi alak-iced coffee lang. Alam naman nating lahat, kape is life. Especially iced coffee. It always helps me feel better-next to Gavin, of course.
Speaking of Gavin, I’m pretty sure by now alam na rin niya ’yung tungkol sa akin. Pero sana lang, sana hindi pa nasabi ni Alex ’yung feelings ko para sa kanya. At least ’yon man lang, sana hindi pa.
Lumabas ako ng dorm, almost 10 PM na. Binati ko si manong guard sa labas ng building at ’yung isa pa sa may gate. They smiled back. Sila lang yata ang mga taong hindi apektado sa mga issue sa campus. Nakakagaan ng pakiramdam.
Suot ko lang ay oversized na blue shirt at denim shorts. Tamang chill lang. Medyo malamig sa labas, pero dahil loose and comfy ’yung damit ko, okay lang din.
Naglakad ako papunta sa Haven Café. Hindi natuloy ’yung last visit ko doon, kaya ngayon, finally makakabalik na rin ako. Medyo madilim ngayon compared sa dati. Makapal kasi ang ulap kaya tinakpan ’yung buwan. Streetlights lang talaga ang nagsisilbing ilaw sa daan. Walang stars sa langit pero I know they’re just hiding behind the clouds.
Uulan kaya mamaya? Sana umulan. I love the rain. The mood, the vibe-sobrang calming. Pero sana huwag muna, not until makabalik ako ng dorm. Wala akong dalang payong, eh.
Pagdating ko sa Haven Café, agad akong pumasok. The aircon hit me and I shivered a bit-mas malamig pala sa loob. Konti lang ang customers. Mga lima lang siguro, each busy doing their own thing. May ilan nag-aaral, may nagti-TikTok, may iba nagchi-chill lang at nagsa-selfie.
Lumapit ako sa counter. Ngumiti ’yung cashier na babae.
“Good evening, Sir!” bati niya habang hawak na ’yung monitor.
“Isang large iced coffee lang, Miss,” sabi ko habang inabot ’yung isang daan.
“Exact amount received, Sir. Can I get your name?”
“William,” sagot ko. Tumango siya at isinulat sa cup.
Pumwesto ako sa pinakadulo ng café. Tahimik doon kaya perfect for thinking. Ilang minuto lang, tinawag na ang pangalan ko. Nang makita nila kung saan ako nakaupo, inihatid nila ang order ko.
“Thank you,” sabi ko at ngumiti.
I took a sip habang pinagmamasdan ang paligid. Tahimik. Peaceful. Kung pwede lang ganito palagi, why not?
Habang nakatingin ako sa isang couple na bagong pasok, bigla kong naalala sina Angela at Sage. Hindi nila alam ang nangyari kanina. Absent sila pareho kasi nagkasakit, kakagala kasi. Angela even asked me to take notes. Kapag nabuksan na nila ’yung phones nila, malalaman din nila eventually. For sure, magagalit ’yung isa hindi lang kay Alex, kundi pati sa akin. Alam kong sermon agad ang aabutin ko.
Habang pinagmamasdan ko ’yung couple, napaisip tuloy ako.
Kailan kaya ako magkaka-love life? Alam kong hindi tamang timing na isipin ’to ngayon, pero ewan, gusto ko lang din maranasan ’yung may hawak-kamay habang nagka-kape sa ganitong lugar. Kailan kaya ’yon darating?
Patuloy akong uminom, staring blankly and letting my thoughts flow. I just wanted peace tonight. Kahit ngayong gabi lang.
But then, habang nakatingin ako sa glass door ng café, biglang bumukas ito.
And just like that, my heart skipped a beat. Si Gavin ’yon.
Napalunok ako ng ilang beses. Nakasuot siya ng blue sweater at gray shorts. Tinanggal niya ang black cap niya paglapit sa counter. Um-order siya then tumingin-tingin sa paligid, naghahanap ng puwesto.
Kinabahan ako lalo nang magtama ang mga mata namin.
He smiled.
P*tangina. Parang tambol ang tibok ng puso ko. Kanina relaxed ako, ngayon para akong kinukuryente sa kaba. Hindi lang dahil sa possibility na alam na niya ang tungkol sa pagkatao ko-pero baka… baka pati na rin ’yung nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi ko na napigilan nang lumapit siya sa mesa ko.
“Can I join you here?” tanong niya, nakangiti. Tumango lang ako habang pinipilit ngumiti rin kahit para akong sinisilaban sa loob.
Umupo siya sa tapat ko.
“Pumupunta ka rin pala rito ng ganitong oras?” casual niyang tanong habang nakatingin sa’kin, still smiling.
Sumipsip muna ako sa hawak kong iced coffee bago siya sinagot. “First time ko lang tonight. Nagpapatagal lang ng oras bago matulog,” sagot ko, trying to act normal kahit medyo awkward. “Ikaw? Madalas ka bang tumambay dito ng ganitong oras?” tanong ko sa kanya habang hindi ko siya matingnan ng direkta.
Tumingin siya saglit sa iniinom kong coffee. “Every time I feel like I need a breather,” sagot niya sabay tingin sa akin. “Para makapag-isip, para huminto sa overthinking… and just breathe.” Ngumiti siya, at nagulat ako-dahil iyon din mismo ang dahilan kung bakit ako nandito.
Just then, dumating ang café server at inilapag sa harap niya ang mainit na kape.
“Ano’ng order mo?” tanong ko, medyo random pero gusto ko lang may masabi. “Mahilig ka rin pala sa kape?” sabay ngiti ko.
“Cappuccino,” sagot niya habang dahan-dahang umiinom. “Coffee makes me feel better, especially on heavy days,” dagdag niya. At nang marinig ko ’yon, parang lumundag ang puso ko.
Pareho kami ng dahilan? Well, maybe coffee helps a lot of people. Pero this is Gavin we’re talking about. Just knowing we share the same small comfort makes me feel… connected. I know it sounds assuming, pero hindi ko mapigilang isipin na baka may something talaga sa pagitan namin. Kahit sa simpleng bagay, we match.
Napangiti ako habang umiinom ulit ng iced coffee ko-kalahati na lang ang natitira.
Tinitingnan ko siya ngayon, at alam kong alam na niya kung sino talaga ako. Pero he didn’t even bring it up. He’s really that kind of person-considerate. Hindi ko alam kung nalaman na rin niya ’yong feelings ko para sa kanya, pero sa mga kilos niya ngayon, parang wala pa siyang idea. Medyo nakahinga ako ng maluwag.
Gusto kong simulan ’yong conversation. I want to take this chance to talk to him, makasama siya kahit saglit. Pero hindi ko alam kung paano magsisimula.
Sakto namang nagsalita siya bigla.
“Kamusta ka?” Nagulat ako sa tanong niya. Nakatingin siya sa akin, may ngiti sa labi. Bago pa ako makasagot, nagsalita ulit siya. “Alam kong hindi ko dapat itatanong kasi obviously, hindi ka okay. Pero gusto ko lang malaman mo na… I’m here. I won’t judge you. I’m ready to listen.”
Napalunok ako. Alam kong alam niya kung saan patungo ’yong usapan-and somehow, ang gaan sa pakiramdam marinig ’yon galing sa kanya.
Uminom muna ako ng konti, bago siya tiningnan at nagsalita. “To be honest? When I saw those papers with my face on them kanina, feeling ko buong mundo naging kalaban ko. ’Yong mga tingin nila, punong-puno ng panghuhusga. I tried not to judge them, pero ganon ’yong naramdaman ko.” Huminga ako ng malalim. “Bago ako umalis ng dorm kanina, I told myself na hindi na ako magpapa-apekto. Kahit pa nalaman na nila kung sino ako. Yes, Gavin. I’m gay. And what was written on those papers… it’s true.”
Halos hindi ko mahinga ’yong huling part. Never in my life did I imagine I’d say this to him directly.
Tinitigan niya ako sandali bago ngumiti. Isang genuine, angelic smile. “It’s really brave of you to say that, William,” sabi niya. “You should be proud. Kahit hindi mo ginustong gano’n mo siya maipaalam sa iba, you’re now owning it. And honestly? I’m impressed. Not everyone in your situation could have handled it the way you did. Most people would shut down or hide.”
Hindi ko mapigilang mapangiti. Na-overwhelm ako sa mga sinabi niya. Kahit alam kong alam na niya ’yong totoo kanina pa, ibang bagay pa rin ’yong marinig sa sarili ko mismo ’yong pag-amin. Gusto ko lang din tanggapin ’yong buong nangyari kahit may part pa rin sa akin na galit. Hindi talaga madaling tanggapin, pero at least I’m starting.
“Thank you, Gavin.”
Ngumiti siya habang umiinom ulit ng kape niya bago nagtanong. “Pero may hinala ka ba kung sino’ng pwedeng gumawa no’n? That was a messed-up thing to do. Serious offense ’yon.” May diin sa boses niya habang nag-aalala. “If you know someone na posibleng gumawa nun, pwede natin siyang i-report. Whether totoo man ’yong nakalagay sa papel or not, ang ginawa niya ay pambabastos.”
Napaisip ako bigla. Si Alex lang ang naiisip kong pwedeng gumawa no’n.
Pero kung siya talaga, bakit hindi niya sinabi kay Gavin ’yong feelings ko para sa kanya? Kung goal niya talaga akong ipahiya, ’yon na sana ang perfect chance. And if it was him, alam niyang siya lang ang mapaghihinalaan ko. So bakit pa niya tatanggi?
Ngayon, parang may duda na ako. What if… what if hindi talaga siya? What if I was wrong?
“Hindi ko talaga alam kung sino,” sagot ko kahit may pag-aalinlangan. “May ilang tao lang na may alam kung ano ako-dalawa kong kaibigan at pinsan ko. Pero imposible na sila ’yon. I trust them.”
Tumango si Gavin. “So we only have one way to find out-campus CCTV. Baka may makitang lead from the footages.” Tumango ako agad sa suggestion niya. “First thing tomorrow, ako na ang bahala. I’ll ask for the CCTV review from yesterday up to this morning.”
Ngumiti ako sa kanya. “That means a lot to me. Thank you talaga, Gavin.”
“Of course,” sagot niya sabay tapik sa kamay kong nakapatong sa table. Tumingin siya sa relo niya. “Grabe, it’s already 11 PM. Sabay ka na sa’kin pabalik ng dorm?” alok niya sabay tayo. Ngumiti ako. I’m not letting this moment end just yet.
Tumango ako at tumayo rin. “Tara.”
Lumabas kaming dalawa sa Haven Café, at tulad ng hinala ko kanina-biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pareho kaming walang payong, kaya pareho rin kaming nabasa. Pero imbes na mainis, we laughed. Just pure, warm laughter despite the cold rain.
Hanggang sa makarating kami sa dorm building, parehong basang-basa, parehong masaya. Nagpaalam kami sa isa’t isa.
This night-this moment-will stay with me forever. Kahit gaano pa kagulo ang araw ko, tonight reminded me that I’m not alone.
And maybe, just maybe… I have a chance.
Chapter 16
WILLIAM
Maaga akong nagising today para mag-prepare sa 8AM class ko. Surprisingly, I felt recharged-parang na-reset ulit ’yong sistema ko after everything that happened yesterday.
Simula nung nag-usap kami ni Gavin kagabi, I felt stronger. Parang naging armor ’yong mga sinabi niya, and it helped me stand firmer today.
Last night was unforgettable. Good kind of memory. Alam mo ’yon? ’Yong tipo ng moment na kahit ang gulo ng paligid mo, may peace kang nahanap? That’s what I felt with him.
I guess hindi na ganon kalupit ang tadhana sa’min. Dati parang lagi kaming tinutulak palayo sa isa’t isa-ngayon naman, I can feel something pulling us closer. After all the drama yesterday, ang ending pa rin ng gabi ko ay masaya dahil kasama ko siya.
Wala na rin naman akong magagawa kung patuloy akong i-judge ng mga tao dahil sa nalaman nilang totoo tungkol sa’kin. It’s already out there. Sabi nga nila, what’s done is done. So rather than dwell on it, I’ve decided to own it. Kung hindi nila ako matanggap, at least ako, tanggap ko na kung sino talaga ako.
Magaan ang pakiramdam ko habang naglalakad papuntang library. Isasauli ko na ’yong mga hiniram kong libro. Naka-earphones ako, as usual. Pinapatugtog ko ’yong K-pop playlist ko na comfort zone ko ever since. May ilang estudyante ang napapatingin sa’kin habang dumadaan ako, at may ilan pa ngang nagbubulungan, pero wala na akong pakialam.
Paglapit ko sa library building, natigilan ako. May biglang sumulpot sa harap ko-someone I wasn’t sure I was ready to face just yet. Suot niya ang uniporme niya pero hindi naka-button up, may backpack siya sa balikat, at diretsong nakatitig sa akin.
I ignored him.
Nilagpasan ko siya at paakyat na sana sa building pero napatigil ako nang marinig ko siyang sumigaw.
“William! Pwede ba tayong mag-usap?!” Malinaw kahit naka-earphones pa ako. “Saglit lang ’to,” dagdag pa niya.
Humarap ako sa kanya at tinanggal ang earphones ko. “Kung tungkol ’yan sa nangyari kahapon, please lang. Gusto ko na lang kalimutan ’yon,” I said, eyes avoiding his. I couldn’t even look at him.
“Si Bryan…” rinig kong sabi niya. “Siya ’yong nagkalat ng mga papel kahapon sa campus.” Napatingin ako sa kanya-seryo ang mukha niya, parang nangungusap.
Pero paano ako maniniwala agad?
“Bakit ko naman dapat paniwalaan ka?” tanong ko, brows furrowed.
He sighed before answering. “Pinagtapat ko siya. Noong gabi na nag-away tayo sa labas ng campus, nakita ko siya, nandun lang sa tabi. Narinig niya lahat ng usapan natin. Kinausap ko siya… hanggang sa umamin din siya,” paliwanag niya.
Napailing ako. “Umamin kasi pinilit mo? What, sinaktan mo para lang akuin niya ’yong kasalanan mo?” Hindi ko talaga magets kung totoo ba siya or what.
“Nagsasabi ako ng totoo, William,” he replied, obvious na may inis na sa boses niya.
Tumango-tango ako, almost mockingly. “Ikaw man o hindi, tapos na ’yon. At kung tutuusin, okay na rin na nangyari ’yon. At least ngayon, makikita ko na kung sino talaga ’yong mga totoong tanggap ako.” Tinignan ko siya with a sarcastic smile. Napailing siya’t umiwas ng tingin. “Sige na, may kailangan pa akong gawin.” At hindi ko na siya hinintay sumagot.
Iniwan ko siya sa harap ng library at isinoli ang mga libro.
Pagkalabas ko, tumunog ang phone ko. Text mula kay Coach Ryan. As expected, pinapatawag na naman niya kami sa gym nang ganito kaaga. Kelangan daw namin hintayin ang buong team doon. Good thing, may 40 minutes pa bago magsimula ang first class ko.
Agad akong naglakad papuntang gym.
Pagdating ko sa loob, in-expect kong unang makikita si Alex, pero wala pa siya. Si Bryan lang ang nandoon.
Pagpasok ko pa lang, nakatitig na siya sa akin. At dahil sa sinabi ni Alex kanina, naalala ko agad ’tong lalakeng ’to. He smiled at me, but it wasn’t friendly. May something off sa tingin niya. Nakakailang.
“Tingnan mo nga naman…” ngumisi siya habang nagsalita. “Ang aga mo ah. Sakto lang pala dating ko.”
Naglalakad-lakad siya paikot sa akin, pabalik-balik na parang may ibang agenda.
Sinakyan ko lang. “Syempre, ayoko namang mahuli. Nakakahiya kay Coach,” ngiti ko sa kanya.
“Di ka ba nahihilo kaka-ikot sa harap at likod ko?” dagdag kong biro, sarcastic pa rin ang tono. Medyo nagbago ang mukha niya-halatang na-offend.
At doon ko na naramdaman-posible ngang totoo ang sinabi ni Alex.
“Kaka-ikot?” Tumawa siya nang malakas. Nanatili akong kalmado. “To be honest, pare, kami na yata ang nahilo sa pagpapaikot mo sa buong team. Akala ng lahat, straight lahat sa team, pero hindi nila alam may isang… baliko.”
Bigla niyang tiningnan ako, tapos ngumisi ng masama.
Right then and there, I knew. It was him. Alex was right all along.
“Ha? Baliko?” kunwari’y clueless kong tanong. Gusto kong masungkit lahat ng maari niyang sabihin. “Ikaw?” sabay ngiti ko.
Nagulat siya.
“Eh gago ka pala, eh!” akto niyang aambahan ako ng suntok pero mabilis akong nakaiwas.
Tiningnan niya ako nang masama.
Ngumiti ako. “So, it was you,” kalmado kong sagot. “Tama pala si Alex. Ikaw nga ’yong may pakana ng mga papel kahapon. At totoo rin pala ’yong chismis ng mga teammate natin-na ikaw, bida-bida.”
Tumama ang banat ko. Doon siya tuluyang nagwala.
“Anong sinabi mo?!” sigaw niya, ready na akong suntukin.
Nakaiwas ako at tinulak siya paatras.
Akto ko na siyang lalapitan para gantihan, nang bigla siyang magsalita.
“Oh ano? Susuntukin mo ’ko?”
Tumawa siya. “Kaya mo ba ’ko ha? Eh bakla ka naman! Bakla!” sigaw niya habang tumatawa.
I stepped closer. Nakangisi pa rin siya habang nangaalipusta. Pero ako? Hindi ko siya hahayaang i-down ako dahil lang sa pagkatao ko.
“Oo, bakla ako. Hindi ako straight,” kalmado pero madiin kong sabi. “Pero may nakalimutan ka yata…” ngumiti ako. “Lalake pa rin ako. At may kamao.”
Right after I said that, binitawan ko ang isang malakas na suntok. Tumama sa mukha niya. Napaupo siya sa impact.
Pero hindi pa tapos.
Tumayo siya at bumwelo. Mabilis siyang umatake-pero bago pa man ako makaiwas, may ibang sumalo ng suntok niya.
Nagulat ako.
Pagtingin ko… si Alex.
Chapter 17
WILLIAM
Nandito ako ngayon sa campus clinic, nakaupo sa tabi ni Alex habang pinupunasan ko ng bulak na may alcohol ang gilid ng kanyang labi.
“Araaay, dahan-dahan naman!” reklamo niya nang medyo madiinan ko ’yung sugat niya. “Kung napipilitan ka lang, ako na lang.” Kukunin na sana niya ang bulak sa kamay ko pero nilayo ko agad. Binagsakan ko siya ng masamang tingin.
Mga sampung minuto na kaming nandito. Walang nurse sa duty pa, kaya ako na mismo ang nag-aalaga sa kanya. Nakatanggap kasi siya ng suntok mula kay Bryan kanina-na technically, para sa akin talaga. Eight pa raw ang pasok ng nurse, pero bukas na ’tong clinic mula seven. Buti na lang may first aid kit kaya ayun, ako na ang tumayong mini-nurse.
“Kaya nga ako na ang gumagawa kasi ako ang may better view ng sugat mo. Pwede ba, huwag ka nang maarte?” inis kong sabi habang patuloy sa pagdampi ng bulak sa mukha niya.
Napapaling ng konti ang ulo niya sa bawat hapdi ng alcohol. “Tiisin mo na lang. Sandali na lang ’to,” sabi ko na hindi man lang tumitingin sa kanya habang inaasikaso ang sugat.
“Bilisan mo naman…” reklamo pa rin niya pero dineadma ko na lang.
Malakas ang suntok ni Bryan-pumutok talaga ang labi ni Alex. Kanina pa ’to duguan kung hindi ko lang nilinis agad. Sa totoo lang, kung hindi lang ako nakaramdam ng guilt dahil sa akin talaga dapat ang suntok na ’yon, hindi ko siya dadalhin dito.
Ang kulit lang kasi ng taong ’to. Kung hindi ba naman siya saksakan ng tapang-or kabaliwan-na humarang sa suntok ni Bryan, hindi sana siya nasaktan. Hindi ko rin sana kailangang alagaan siya ngayon.
Kaya ko namang iwasan ’yon, eh. Ang hindi ko kaya ay ’yung magkautang na loob sa kanya.
“Okay, hindi ako nurse pero kailangan nating takpan ’yan,” sabi ko habang binubuksan ang band-aid. “Wag kang gagalaw.” Dahan-dahan ko ’yong inilagay sa sugat niya.
Nang matapos ako, binalik ko na ang bulak, alcohol at first aid kit sa lalagyan. Pagharap ko sa kanya, seryoso na ang tingin niya sa akin. May band-aid sa mukha, magulo ang buhok, at naka-sando lang. Hinubad niya ’yung polo niya pagkarating namin dito.
“Hindi mo naman kailangang gawin ’to,” sabi niya, diretso ang tingin.
“Ah gano’n? E ’yung ginawa mo kanina, kailangan ba ’yon?” balik ko agad, referring to what happened at the gym. “That was reckless, Alex. Kahit hindi ka dumating, kaya ko ’yon si Bryan. Ang ending tuloy, ikaw ang nasaktan.”
Nakita kong uminit ang ulo niya. “Wow, ganyan ka ba mag-thank you sa taong sumalo ng suntok para sa’yo? You’re welcome, ha?” may halong sarcasm pa siya. “Ginawa ko ’yon kasi akala ko, wala kang balak lumaban. Akala ko papasuntok ka na lang.”
Hindi ko alam kung concerned ba talaga siya o napaka-epal lang. Pero medyo napatigil ako.
“Stop acting like you care. Hirap paniwalaan,” sabay iwas ko ng tingin. “Late na ’ko, may klase pa ako.” Tumayo na ako mula sa monoblock chair.
Pagkatapos naming iwan si Bryan na tumakbo palayo after nung suntukan, dumiretso kami rito. Hindi na namin hinintay si Coach Ryan. Kaya pati klase ko nadamay.
Paglabas ko ng clinic, nagulat ako nang sumunod siya at nagsalita.
“Now that you know na hindi ako ang nagkalat ng mga papel kahapon, okay na ba tayo?” tanong niya.
Napalingon ako. Hawak-hawak pa niya ang band-aid sa mukha.
“You cleared your name, yes. But that doesn’t mean okay na tayo,” sagot ko. Biglang nag-iba ang expression niya. “Ang kaya ko lang ibigay ngayon is my apology. Sorry for jumping to conclusions and accusing you. Mali ’yon.”
Tinitigan niya ako, then ngumiti. “Okay lang. Naiintindihan ko. Actually, ako rin dapat ang mag-sorry sa ’yo sa mga nasabi ko nung gabing ’yon.”
Bago pa siya tuluyang mag-drama, pinutol ko na. “No need. Let’s just forget that night happened. You don’t have to pretend to be nice to me. We’re not even friends, remember?”
“Halika,” sabi ko sabay lakad papunta sa cafeteria. Ilang hakbang lang naman mula sa clinic. Sumunod siya.
Pagdating doon, bumili ako ng yelo. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa, binalot ang yelo, then inabot sa kanya.
Tiningnan lang niya ’yon. “Anong gagawin ko dito?”
Napailing ako. “Ipukpok mo sa ulo mo,” sagot ko, deadpan. Napangisi siya’t umiling. “Syempre, idampi mo sa sugat mo para mabawasan ’yung sakit.”
Kinuha na rin niya, finally. “Hindi naman na kailangan, pero thanks.” Dahan-dahan niyang itinapat sa sugat. “Mas malala pa nga ’yung mga natiis ko kaysa rito, eh. Small time ’to.”
“Eh ’di wow,” bulong ko.
“Ha?”
“Hatdog.” Sabay lakad palayo. “May klase pa ’ko. Bye!”
Pero bago ako tuluyang makaalis, hinawakan niya braso ko.
“Wag ka na pumasok. Late ka na rin naman,” sabi niya. “Samahan mo na lang ako. May pupuntahan tayo.”
“Hoy! Teka lang!” Hindi ako nagpahila. “Anong trip mo? Hindi ako sasama!”
“Consider this as your payment,” nakangiti siya na parang may topak.
“Payment saan? Wala akong utang sa’yo!” Kunot-noo kong tanong. “At bakit naman ako sasama sa’yo? May klase pa ako!”
Tatalikod na sana ako pero bigla siyang lumapit at hinawakan ulit ang kamay ko.
“Kita mo ’to?” sabay turo sa mukha niya. “Dahil ’to sa’yo. So quits tayo kapag sumama ka sa akin.”
Umirap ako. “Desisyon mong humarang. Hindi ko ’yan kasalanan. At FYI, ginamot na kita sa clinic, binilhan pa kita ng yelo. Quits na tayo!”
Napailing siya pero ngumiti. “Basta, sumama ka na lang.” At bago pa ako maka-react, hinila na naman niya ako.
“Grabe ka! Saan mo ba ako dadalhin?” reklamo ko habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko.
“Secret. Huwag kang alala, hindi kita ibebenta,” biro niya.
“Pwede ba, sabihin mo na lang kung saan tayo pupunta? At pwede bang bitawan mo na kamay ko?” huminto siya at tiningnan ako.
“Don’t ask na. Trust me, okay?” ngumiti siya nang nakakaloko at sinenyasan akong sumunod.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sumama ako. Hindi naman kami magkaibigan pero parang ang feeling niya, close kami. To be honest, galit pa rin ako sa kanya kahit na-clear niya na ang pangalan niya. Pero heto ako-sumusunod sa kanya kahit hindi ko maintindihan kung bakit.
Chapter 18
WILLIAM
Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makalabas kami ng gate. Tahimik lang akong naglalakad sa likod niya, naguguluhan sa mga nangyayari.
Hindi na nga kami naka-attend sa practice ni Coach Ryan kaninang umaga, hindi pa ako nakapasok sa first class ko. Kung hindi lang talaga siya mapilit-at kung hindi lang alas-tres pa ang susunod kong subject-malamang iniwan ko na siya. Pero bakit nga ba ako sumama? Anong ginagawa ko ngayon sa sitwasyong ’to? Bakit ako nagpapadala?
Paglabas namin ng campus, tumawid siya papunta sa kabilang kalsada at pumasok sa isang eskinita. Tahimik pa rin akong sumunod. Maaga pa pero ang dilim sa lugar-parang hindi siya tinatamaan ng araw. Ang daming punong tumatakip sa itaas, kaya kahit tumingala ka, hindi mo makikita ang langit.
Pagpasok namin sa looban, may mga bahay sa paligid pero karamihan mukhang wala nang nakatira. Parang mga bahay na naiwan na lang ng panahon-luma, tahimik, at may amoy ng nakaraan. Parang nasa 90s pa ’yong design ng mga ’to. May mga damo na sa paligid, parang hindi na rin napapansin ng tao. Pero may isang bahay na mukhang mas maayos pa-’yon ’yong tinitingnan ngayon ni Alex.
Mukhang luma rin ’yong bahay, pero may elegance sa pagkakagawa. Parang kahit tumagal na, hindi nawalan ng dignidad. Two-storey, base sa itsura mula sa labas. Pero teka… bakit nga ba kami nandito? Ano bang dahilan niya sa pagdala sa akin dito?
“Bakit parang napako ka d’yan?” tanong ni Alex sabay ngiti. Seryoso ’yong tingin niya pero may halong biro ang tono. “Relax ka lang, hindi ’yan haunted house,” sabi niya habang umiiling.
Napakunot-noo ako. “Nag-assume ba ako na haunted ’yan? Saka hindi naman siya scary, okay?” Sagot ko sabay tingin muli sa bahay. “Pero seryoso, ano bang ginagawa natin dito? Now that we’re here, what’s next?”
“Just follow me,” utos niya at pumasok sa loob ng gate.
Napatili ako. “Hoy, trespassing ’yan ah!” Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Tiningnan lang niya ako saglit bago tinuloy ang pagbukas ng kalawangin na gate. “Don’t tell me kaya mo ako dinala rito para magnakaw ng mga lumang gamit sa loob? Alex, seryoso ka ba? Ayokong makulong, no!”
Bumalik siya sa harap ko, tawang-tawa. Para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
“Seriously?” hingal niya sa gitna ng tawa. Tiningnan ko siya nang masama. “You really think dinala kita rito para magnakaw? That’s hilarious!”
“Eh kung hindi pala, ano? Bakit mo ako sinama rito? At bakit parang bigla-bigla ka na lang pumasok? Paano kung may dumating na may-ari?” reklamo ko.
Napailing siya at tumingin sa akin nang seryoso. “Para matapos na ’tong drama mo, sasabihin ko na ang totoo.” Tumingin siya sa bahay. “This was my mom’s house. Hindi ko na masyado nabibisita kaya naisip kong pumunta ngayon. Gusto kong ipakita sa’yo.”
Naalala ko bigla ’yong kwento ni Angela. Tungkol sa mom niya. ’Yong aksidente.
“So, sayo talaga ’to?” Halos hindi ako makapaniwala. “Pero bakit parang abandonado na?”
Tiningnan niya ako. “She died,” mahina niyang sagot. “That was years ago. Pero bago siya nawala, sinabi niya sa’kin na kahit papaano, balikan ko ’tong bahay na ’to minsan.” Pagkasabi niya no’n, ngumiti siya nang malungkot.
Tumango ako ng marahan. “Bakit hindi ka na lang tumira dito?” Lumapit ako sa gate. “Mukhang maayos pa naman sa loob. Sa labas lang parang napabayaan.”
Sumunod siya sa akin at pumasok na rin. “Wala na kasing ibang gusto tumira rito. This was my mom’s childhood home. Nasa China na ’yong grandparents ko. Kaya ako na lang ang bumabalik paminsan-minsan.”
Pagdating niya sa pinto, binuksan niya ito. “Halika na,” aya niya.
Pumasok ako. Tinanggal niya agad ang suot niyang polo. Sobrang init sa loob kahit mag-aalas nuebe pa lang. Inilibot ko ang tingin ko-ang daming luma pero eleganteng gamit. Parang bahay ng mga maykaya noon-flower vases, paintings, mga muwebles na mukhang imported.
Tumigil ako sa isang larawan na naka-frame sa dingding. Isang babae na may karga-kargang batang lalaki. Kilala ko ’yong mukha ng bata. Parang si Alex. Bata pa siya sa larawan pero halatang siya ’yon.
“That’s my mom,” sabi ni Alex sa likod ko. Nasa likod ko na pala siya, wala nang suot na polo. Pawisan. “Sobrang init, sorry,” ngumiti siya.
Hindi ko siya pinansin. “She looks pretty,” sabi ko habang nakatitig pa rin sa larawan.
Nagulat ako nang maramdaman ko siyang dumikit sa likod ko. Ramdam ko ang katawan niya, pati ’yong amoy niya. Parang hindi ako makahinga.
“That was our last photo together. Before the accident.” May lungkot sa boses niya. “I missed her so much.” Humarap ako sa kanya.
“I’m sorry to hear that.” Hindi ko na rin naitanong pa. Naalala ko ’yong sinabi ni Angela-totoo nga ang nangyari sa kanya.
“Don’t be,” sagot niya at naupo sa isang lumang couch. “Kung hindi siya nawala, baka mas okay pa lahat ngayon. Maybe I should’ve been the one to go, not her.”
Ang bigat ng sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko alam kung dapat ba. “Alam mo, lahat ng nangyayari may dahilan. I’m sure gusto niyang maging masaya ka ngayon. Hindi lang para sa kanya, kundi para sa sarili mo rin. Besides, God never allows pain without purpose, right?”
Ngumiti siya. “You think?” Tumango ako. “Yeah.”
“Maiba ako, bakit mo ba talaga ako dinala rito? ’Yong totoong dahilan?” tanong ko sa mahinahong boses.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Hubad pa rin ang pang-itaas niya.
Nailang ako.
“Remember kanina? Nag-apologize ako pero hindi mo tinanggap. Kaya dinala kita rito-para humingi ulit ng tawad. Dito kasi, tayo lang. Tahimik. Walang istorbo. Pwede kitang kausapin nang maayos.”
Napailing ako. “Sinabi ko na sa’yo, hindi mo na kailangang humingi ng sorry.” Inis ko pang dagdag. “Besides, you don’t even like gays like me, right?” paalala ko. Yumuko siya.
Pero lumapit pa siya. Umatras ako hanggang sa mapadikit ako sa pader.
Nagulat ako nang isinandal niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Nakulong ako sa pagitan ng mga braso niya. Hindi ako makagalaw.
He leaned in. “I was wrong, okay? Lasing ako noon. I wasn’t thinking straight. Hindi ko dapat sinabi ’yon. I’m really sorry.” Halos magdikit na ang mukha namin. Mabilis ang tibok ng puso ko.
Tumango ako. “I accept your apology. At sorry rin ako. I judged you too quickly. Mali rin ’yon.”
Tinanggal niya ang mga braso niya. Sa wakas, nakahinga rin ako.
“I know I hurt you,” sabi niya. “But can we start again as friends?”
Natigilan ako. Hindi ko in-expect ’yon.
“Siguro hindi muna, Alex.” Tumingin ako sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang gulat at lungkot. “Alam na ng lahat kung sino ako-na bakla ako. At kapag naging magkaibigan tayo, baka sa huli, magbago na naman ang tingin mo. Ayokong masaktan ulit. I’m sorry…”
Tumango siya. “Hindi ko rin masisisi, eh,” mahina niyang sabi. Tumalikod siya at isinuot muli ang polo niya. “Balik na tayo sa campus. Ako na bahala kay Coach.”
Natigilan ako habang sinusundan siya palabas. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit parang mali ang pagtanggi ko? Bakit ganito ’yong nararamdaman ko?
Parang hinusgahan ko na naman siya-at hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong gawin ’yon.
Chapter 19
WILLIAM
Dalawang araw na ang lumipas simula noong nalaman ko kung sino talaga ang nasa likod ng pagkakalat ng mga papel sa campus-’yung mga papel na may laman na paninira sa akin. Ginawa ’yon para lang mapahiya ako sa harap ng lahat.
Kinausap na rin ako ni Gavin tungkol sa issue. Sabi niya, siya mismo ang tumingin sa CCTV footage ng campus, na pinahintulutan naman ng admin. Doon niya nakita si Bryan. Yes, si Bryan mismo-madaling araw pa lang, nililibot na ang buong campus para idikit ang mga papel sa bawat poste.
Hindi na ako masyadong nagulat, to be honest. Nauna nang sabihin sa akin ni Alex ang totoo. Pero ang nakakabigla ay kung gaano ka-dedicated si Bryan sa pambabastos sa akin. Like, seriously? Gumising nang madaling-araw just to ruin my name? Ang sipag ah. Hindi ko tuloy maiwasang ma-impress sa effort niya. Grabe ’yung commitment-wala akong masabi!
I asked Gavin kung may magagawa ba siya about it. Sabi niya, iaakyat niya raw ang report sa pinakamataas na office ng college para maparusahan si Bryan. Medyo gumaan ang loob ko nang marinig ko ’yon.
By the way, dalawang araw na rin simula noong huli kong makita si Alex-’yung araw na nagkausap kami sa lumang bahay ng mom niya, kung saan niya ako dinala para lang mag-usap. After that day, nawala na siya.
Wala siya sa campus, hindi rin nagpakita sa practice-dalawang araw na siyang absent. Wala akong idea kung anong nangyari sa kanya. I tried texting him about practice, pero hindi siya nagrereply. I can’t help but wonder, is he avoiding me?
Ayokong mag-assume agad, pero naisip ko, baka may kinalaman ’to sa sinabi ko sa kanya nung huli kaming nag-usap-na hindi ako sure kung magiging okay kung magkaibigan kami ulit. Alam kong harsh ’yung pagkakasabi ko. At siguro nga, mali ako.
Mali akong sabihing hindi puwedeng maging friends kami. Maybe I shouldn’t have shut that door. Alam kong nasaktan ko siya, at sa totoo lang, alam kong nagsisisi ako sa sinabi ko.
Pero can you blame me? Natakot lang talaga ako. Takot akong baka pagsisihan na naman niya na naging close siya sa tulad ko-isang bakla. Takot rin ako sa magiging tingin ng iba sa amin, lalo na kung makitang magkasama kami lagi. Baka isipin ng iba na may “something” kami. Ayoko lang ng gulo.
I overthought things na naman. Nag-panic ako sa mga senaryong ako lang ang gumawa sa utak ko. Mga ‘what ifs’ na hindi pa naman nangyayari.
Pero ang pinakamasaklap sa lahat? Nahusgahan ko na naman siya. Ginawa ko na naman ’yon-nag-assume ako ng masama, kahit wala siyang ginagawa. Pinilit niyang maging kaibigan ko despite knowing everything about me. Pero anong ginawa ko? I pushed him away.
Para makaiwas sa overthinking, lumabas muna ako ng dorm at nagpasyang pumunta ng mall. Kailangan ko na ring bumili ng mga stocks para sa kwarto.
Wala kaming pasok ngayon since dalawang araw from now ay gaganapin na ’yung Art Exhibit sa campus. Lahat ng departments, abalang-abala sa paghahanda ng mga artworks nila para i-display. Marami ring bisita ang darating mula sa ibang colleges-dala-dala ang mga ipinagmamalaki nilang paintings. At the same time, busy rin ’yung mga nakatoka sa design ng buong event area.
Kung tatanungin mo kung bakit hindi ako tumutulong, well… optional naman ’yun. And honestly, wala akong talent sa arts. Mas okay na ibigay na lang ’yung task sa mga mas may passion sa ganung bagay.
Pagdating ko sa mall, dumiretso ako sa grocery. Kumuha ako ng basket at nagsimulang mag-ikot. Kumuha lang ako ng essentials-konting canned goods, coffee, snacks, at toiletries. Hindi kasi ako mahilig mag-stock ng marami.
Habang nakapila ako sa counter, bigla namang tumunog ang phone ko. Si Angela ang tumatawag. Alam ko na agad kung para saan ’to-siguradong niyayaya na naman niya ako sa gimmick nila mamaya ni Sage.
“Ano na naman, Angela?” sabi ko agad habang hawak ang phone sa tenga. “Nakapila ako sa counter. Ako na ’yung susunod.”
“Wala akong pake! Sagutin mo lang ’tong tanong ko-sasama ka ba samin ni Sage mamaya o hindi? Come on, it’ll be fun, swear!”
Kahit hindi naka-loudspeaker, ramdam mo ’yung lakas ng boses niya. May natural volume talaga ang babaeng ’to.
Napailing ako. “Alam mo naman kung saan ako napunta dahil sa inuman na ’yan, ’diba? Kaya sorry, pass muna ako.”
“Ay kill joy! Minsan na nga lang akong makalabas ng gabi tapos ayaw mo pa. Bahala ka. Mainggit ka na lang samin!” sagot niya na parang batang nagtampo.
Napangiti ako sa kakulitan niya pero buo na ’yung desisyon ko. Ayoko munang sumama sa kanila. Yung nangyari sa birthday ni Belle? Lesson learned na ’yon. Saka na ako magpapakalasing kapag kaya ko nang kontrolin ang sarili ko.
“I’ll end the call now. Ako na ’yung next. Bye!” sabay end ng call bago pa siya makapagsalita ulit.
Angela talaga-napaka-bunganga. At speaking of bunganga, two days ago nung finally nakapasok na siya at si Sage sa campus, binulabog niya rin ako. Galit na galit siya nang malaman ’yung tungkol sa pagkalat ng sikreto ko. Sabi niya, hindi raw ako nag-iingat.
At nang malaman nilang si Bryan ang may kagagawan, gustong sugurin ni Angela ’yung tao. Kung hindi namin siya pinigilan ni Sage, baka literal na sinugod na niya.
Napatawa ako habang iniisip ’yon. Pero naputol ’yung iniisip ko nang mapansin kong tapos na pala ang lalake sa unahan ko.
Pagtingin ko, nagulat ako-si Austin pala ’yon. Roommate ni Alex.
Nagkatinginan kami. Medyo nagulat din siya pero ngumiti naman sa akin.
Like I said before, tisoy ’tong si Austin. Maganda rin ang pangangatawan, at obvious na may dating. Para rin siyang model, actually.
“Kamusta?” bati niya habang hawak ang paper bag ng mga pinamili niya. “What a coincidence. William, right?” tanong niya habang nakangiti.
Tumango ako. Not that close kami, pero kilala ko siya. Lalo na dahil lagi siyang kasama ni Alex simula pa first year.
“Ayos lang,” sagot ko habang inaabot sa cashier ang bayad ko. “Namili ka rin pala?” Tanong ko kahit obvious naman, dahil wala akong maisip na masabi.
Tumango siya. “Naubusan na kami ng stocks ni Alex sa dorm. You know him, right? Teammates kayo sa basketball, so I’m sure you do.”
Natawa ako habang kinukuha ang sukli at ang paper bag ko. “Oo, matagal ko na siyang kilala. Sino bang hindi nakakakilala sa kanya?”
Naglakad kaming sabay palabas ng supermarket. Napapangiti ako habang kausap siya.
“Ay oo nga pala. Sikat nga ’yung loko sa campus,” biro niya.
Gusto ko sana siyang tanungin kung nasaan si Alex. Kung okay ba siya. Dalawang araw na siyang parang nawawala. Pero hindi ko maisingit. Ang daldal din pala nitong si Austin. Hindi halatang first time naming magkausap ng ganito kasi parang ang gaan agad ng kwentuhan namin. Para bang matagal na kaming magkakilala.
Pagkalabas namin ng supermarket, doon ko lang talaga naramdaman ang gutom. Hindi pa kasi ako kumakain simula kanina pa ng umaga, at ngayon ay pasado alas-dose na ng tanghali. Kung pipilitin ko pang tiisin ’to hanggang makarating ng dorm, baka himatayin na ako sa daan.
“Pauwi ka na rin ba sa dorm?” tanong ni Austin habang pareho kaming naglalakad. “Kung hindi ka pa uuwi, tara kain muna tayo. May alam akong masarap na kainan malapit lang dito. G?” ngumiti siya habang tinatanong ako.
Medyo nabigla ako. First time pa lang naming nag-usap ng ganito, tapos ngayon niyayaya na agad akong kumain? Pero dahil gutom na gutom na rin talaga ako, wala na akong energy para tumanggi.
“Timing ka, actually. Gutom na rin ako sobra,” amin ko sa kanya, medyo nahihiya pa. “Saan banda ’yang sinasabi mong kainan?”
Ngumiti lang siya at sabay turo palabas ng mall. “D’yan lang sa labas, malapit lang. Tara na,” yaya niya habang nauuna nang maglakad, kaya sumunod na lang ako.
Pagkalabas namin ng mall dala-dala ang pinamili, wala pang limang minutong lakad, narating na namin ang restaurant. At sa totoo lang, lalo lang lumakas ’yung sikmura kong kanina pa nagrereklamo.
Pagpasok namin, dumiretso agad kami sa isang bakanteng table at umupo. Classic Savory ang pangalan ng restaurant. Madaming choices sa menu, karamihan ay Filipino comfort food. Pero aminado ako-medyo pricey din.
“Tayo na ako, o-order na ako,” sabi ko habang medyo tumutayo na, pero pinigilan niya ako.
“Ako na bahala, William. Umupo ka na lang at mag-relax. Treat ko ’to,” nakangiti niyang sabi. Gusto ko sanang tumanggi, pero hindi ko na rin napigilan. Tumayo na agad siya papuntang counter.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya. Ang bait niya sobra, samantalang halos hindi pa nga kami close.
Makalipas lang ng wala pang 20 minutes, dumating na ’yung mga in-order niya. Halos mapataas ang kilay ko sa dami: may menudo, pork adobo, at bangus. Pang-barkadahan ’yung dami.
“Grabe, bakit parang pang-lima ’tong dami ng pagkain?” tanong ko habang nakatingin kay Austin na busy sa pagte-text. “Hati tayo sa bayad, ha. Nakakahiya naman kung ikaw lahat ang sagot nito.”
Tinignan niya ako at ngumiti. “No worries. Ako talaga ang sagot niyan.”
Hindi ko na pinilit pa. Ayoko na ring magmukhang KJ. Pero napansin ko, tatlo ’yung plato’t set ng utensils na dinala ng waiter.
“Teka… ba’t may tatlong plato?” tanong ko nang umalis na ’yung waiter. “Sumobra yata ng isa?”
Umiling siya agad. “Hindi sobra. Talagang tatlo ang pinahanda ko. May isa pa tayong kasamang kakain.”
Nagulat ako. “Ha? Sino pa?”
“’Ayun na siya,” sabay tingin niya sa likuran ko. At sa amoy pa lang ng pabango, alam ko na agad kung sino ang paparating.
Si Alex.
“Pare,” bati niya kay Austin, sabay lingon sa akin. “Uy,” sabi niya sa’kin na halos walang emosyon. Pilit ko siyang nginitian kahit sobrang awkward ng lahat.
“Maupo ka na, pare,” yaya ni Austin. “Si William nga pala-kilala mo naman, ’di ba? Nagkita lang kami kanina sa mall, tapos niyaya ko na rin siyang kumain. Buti na lang, malapit ka lang kaya umabot ka agad.”
Umupo si Alex sa kanan ko. Si Austin naman ay nasa tapat namin. Mas lalo akong nailang nang mapansin kong sobrang lapit namin sa isa’t isa.
Naka-itim lang siyang t-shirt at simpleng denim jeans. Simple, pero ang lakas pa rin ng dating. Tahimik lang siya, pero kita sa mukha niya na parang wala rin siya sa comfort zone niya. Parang pareho lang kami ng nararamdaman.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Masaya ba ako na nakita ko siya ulit? Siguro. Dalawang araw ko rin siyang hindi nakita. Hindi naman dahil namiss ko siya-pero somehow, parang gumaan ang loob ko knowing na okay siya.
Gusto kong mag-sorry sa kanya. Gusto kong bawiin lahat ng nasabi ko noong huli naming pag-uusap. Gusto kong sabihin na hindi ko siya tinulak palayo dahil ayokong maging kaibigan niya, kundi dahil natakot lang talaga ako.
Nagbukas ng usapan si Alex, pero hindi sa akin. “Ah, kaya pala. Kaya pala magkasama kayo,” sabi niya kay Austin habang nakatingin din sa akin. “Mukhang nag-enjoy kayo ah?” Binigyan niya kami ng ngiti, pero hindi nakakatawa ’yung tono. May laman.
“Haha, saktong tagpo lang talaga, bro,” sagot ni Austin habang naghahanda na kumuha ng ulam. “Alam mo ba, first time pa lang naming magkausap pero parang ang gaan agad. Para kaming matagal nang magkakilala.”
Napansin ko ang ngiti ni Alex na parang hindi totoo, tapos nilingon niya ako. I turned away. Ayoko siyang tingnan.
“Maybe you can be friends now, pare,” sabi niya, pero ’yung tono niya? Hindi ko alam kung sarcasm ba ’yon o joke. Pero ramdam ko-may tinatamaan.
Nagkatinginan kami. Seryoso ang mga mata. Walang nagsalita. Pareho kaming umiwas ng tingin. Pareho kaming na-awkward.
I don’t want to overthink, pero parang may pinaparinggan siya. Parang sinadyang sabihin ’yung word na “friends” kasi alam niyang sensitive ’yon sa aming dalawa.
“I would love to be friends with William, siyempre!” sagot ni Austin, todo smile. “Pero bago ang drama, kain muna tayo! Gutom na ’ko, eh,” natatawa niyang sabi.
Tumango lang ako. Kukunin ko na sana ’yung kutsara sa gitna ng table nang sabay kami ni Alex na abutin ito. Nagkadikit ang mga kamay namin.
Isa lang ang natirang kutsara.
Yung kamay niya, nasa ibabaw ng kamay ko. Mainit. Nakuryente ako, literal. Agad kong inatras ang kamay ko.
“Sa’yo na ’yan,” sabi niya habang iniiwas ang tingin.
Umiling ako. “Hindi. Sa’yo na.”
Napakunot-noo siya. “Akin na nga, ayaw mo pa. Sa’yo na nga sabi, ’di ba?”
Naiinis na rin ako. “Sabi ko na nga ba, sa’yo na! Bakit ba ang kulit mo?”
“Binibigay ko na nga, ayaw mo pa rin kunin?” iritadong tanong niya.
“E ayaw ko nga, okay?! Sa’yo na!” sabay roll ng eyes ko.
“Sa’yo na nga sabi!” halos pasigaw na siya. “Ang arte mo, grabe!”
Ayun. Nainis na talaga ako. “Excuse me?! Mas maarte ka kaya!”
Bago pa lumala ang bangayan namin, bigla kaming sinermunan ni Austin na kanina pa pala tahimik na nanonood sa eksena.
“Guys! Kayo na ba? Para kayong mga bata. Nag-aaway dahil lang sa kutsara!” napatawa siyang umiiling. “Walang gagamit n’yan. Kukuha ako ng bago, tig-isa pa kayo.”
Tumayo siya at dumiretso sa counter para kumuha ng utensils.
Pagkaalis niya, nagkatinginan kami ulit ni Alex. Pareho kaming tahimik, pero parehong hindi makatingin ng diretso.
Nauna akong sumimangot.
Sinimangutan din niya ako.
Classic.
Chapter 20
WILLIAM
Pagkatapos ng lunch kasama sina Austin at Alex, nagpasya akong mauna na pabalik sa dorm.
Si Austin, sinubukan pa akong pigilan. “Stay ka muna,” sabi niya. Pero umiling lang ako at nagdahilan na may kikitain daw akong mga kaibigan. Ang totoo? Gusto ko lang makaiwas. Ayokong makasama si Alex. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang tension sa pagitan namin.
Simula pa nung bangayan namin tungkol lang sa isang kutsara, halos hindi na kami nag-usap. Sobrang awkward. Kanina nga, gusto ko sanang kausapin siya-yung tungkol sa sinabi ko nung nasa lumang bahay kami-pero ramdam kong hindi iyon ang tamang panahon.
Siguro sa ibang araw na lang.
Pagkarating ko sa dorm, inilapag ko lang ’yung paper bag sa mesa at dumiretso agad sa kama. Bagsak ako. Sobrang pagod ko. Pumikit lang ako saglit pero pagdilat ko, alas-singko na pala.
Halos apat na oras akong nakatulog.
Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko habang bumabangon. Hindi ko pa nga pala napapalitan ’yung damit ko mula kanina. Hinubad ko ang suot kong t-shirt at kinuha ’yung sachet ng kape mula sa dala kong bag.
Napahikab ako habang binubuksan ’yon. I poured it sa mug. Hindi pa rin ako gutom pero gusto ko lang uminom ng kape-siguro para matauhan kahit kaunti.
Habang ibubuhos ko na sana ang mainit na tubig mula sa kettle, biglang nag-ring ang cellphone ko na nasa bulsa pa.
Binitiwan ko ang kettle at agad na kinuha ang phone. Pagtingin ko sa screen, medyo nagtaka ako.
Tumatawag si James-pinsan ko.
Pero pagbukas ko ng call, boses ni Belle agad ang narinig ko. Halatang umiiyak siya, paos at nanginginig ang boses.
“Will… pwede ka bang pumunta rito sa apartment ni James?”
“Ha? Bakit, anong nangyari?” Tanong ko agad, medyo kabado.
“May nanakit sa kanya… Binugbog siya, Will. Ang dami niyang pasa at sugat. Please, come now…”
Napatayo ako sa gulat. Parang hindi ko ma-process agad ’yung narinig ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Pupunta ako ngayon!” sagot ko agad, sabay end ng call.
Kinalimutan ko na ’yung kape. Mabilis akong nagsuot ng damit at lumabas ng dorm. Tumakbo ako palabas ng campus. Mabuti na lang at walking distance lang ang apartment nila James kaya agad akong nakarating.
Pagdating ko, bumungad agad sa akin ang eksena-si James, nakaupo sa couch, at si Belle na pinupunasan ng bulak ang sugatang mukha niya.
Putek. Grabe ’yung itsura niya. Namamaga ang pisngi, may mga galos sa braso’t balikat. Halatang pinagtripan. Galit agad ang umakyat sa dibdib ko.
Pagkakita nila sa akin, napatingin si James. Mukha siyang sobrang nanghihina. Si Belle naman, pulang-pula ang mga mata sa kakaiyak.
Agad akong lumapit.
“Ano’ng nangyari, James?! Sinong gumawa nito sa’yo?” Tanong ko, ramdam ko ang galit sa boses ko.
Pagkatapos ay nagsalita si Belle. “Pagdating ko rito, ganyan na siya. May tatlong lalaki raw na sumugod sa kanya. Will, tinawagan kita kasi baka sa’yo siya makinig… Ayaw niya talagang magpa-ospital.”
Napailing ako. Tiningnan ko si James na tila pilit kinakaya ang sakit.
“H-Hindi na kailangan… Wala ’to,” sabi pa niya, pilit ngumiti. “Malayo sa bituka,” dagdag pa niya, sabay irap sa sarili.
“Sinong gumawa sa’yo nito?” Muli kong tanong, this time mas madiin ang tono ko.
Umayos siya ng upo. “Love, paabot ng tubig muna,” sabi niya kay Belle. Tumayo agad ito at kinuha ang baso.
Pagkakuha ng tubig, tumingin si James sa akin. “Nagkasagutan kami ni Bryan sa gym. Narinig ko kasi na pinag-uusapan nila kung paano ka tatanggalin sa team. Tapos… binastos ka. Hindi ko napigilan sarili ko. Nagtalo kami, pero napigilan ng teammates natin. Akala ko tapos na. Pero pag-uwi ko, hinarang ako kasama ng dalawang kaibigan niya. Pinagtulungan nila ako, Will…”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at pinakuluan ulit.
Hindi ako makapaniwala. Hindi pa ba sapat ang pambabastos niya sa akin sa harap ng buong campus? Ngayon pati si James dinadamay na?
Putek na Bryan ’yan. Hindi talaga titigil.
“Kung hindi raw dumating si Alex, baka mas grabe pa ang nangyari,” dagdag ni Belle habang inaabot ang tubig kay James. “Buti na lang talaga…”
Napalingon ako sa pinsan ko.
“James, hindi ko palalampasin ’to,” mariin kong sabi. “Ayaw mong magpa-ospital? Sige. Pero clinic man lang. Para ma-check ’yang mga sugat mo.”
Tumango siya ng marahan. Pero ramdam ko pa rin ang init ng ulo ko. Hindi ko na kayang manahimik.
Napansin ni James na mahigpit na ’yung pagkakakuyom ng kamao ko.
“Will… kung ano man ’yang iniisip mong gawin, huwag na. Ayoko madamay ka,” sabi niya, halatang nag-aalala.
Umiling ako. “Hindi pwede. You stood up for me. Hindi ko palalagpasin ’to. Kailangang managot si Bryan sa ginawa niya.”
Tumayo ako’t tumingin kay Belle. “Ikaw na muna bahala rito. Ako na ang bahala sa kanya.”
Tinangka pa akong pigilan ni James, pero umalis na ako. Alam kong mali ang gumanti, pero minsan… hindi mo talaga kayang tiisin lalo na kung pamilya mo na ang tinira.
Pagbalik ko sa campus, madilim na. Alas-sais na pasado pero hindi ako dumiretso sa dorm. Dumiretso ako sa gym. Alam kong doon siya.
At hindi ako nagkamali.
Nakita ko si Bryan, kasama ’yung dalawang lalaki. Nagtatawanan pa silang nagba-basketball.
Lalong uminit ang ulo ko. Tumigil ako sa gilid sandali. Huminga ng malalim. Tapos, nilapitan ko siya at BOG!-isang malakas na suntok sa pisngi.
Napatumba siya, hawak ang pisngi. Gulat na gulat pero… ngumisi pa rin. Tumayo at humarap sa akin na para bang wala lang.
“Ano? Masarap ba ’yung suntok ko, ha?!” galit kong sigaw. “Alam ko ang ginawa niyo sa pinsan ko! Hindi ko ’yon palalampasin!”
Tumawa lang si Bryan. “Relax. Ganyan talaga ang mga bakla-mahaba ang litanya.” Pati ’yung dalawang kasama niya, natawa.
Nag-init lalo ang dugo ko.
“Ano’ng sinabi mo?!” Susugurin ko na sana ulit siya pero bigla na lang akong hinawakan ng dalawang lalake sa magkabilang braso. Nagpupumiglas ako.
“Bitawan niyo ’ko! Put- pagbubuhulin ko kayong tatlo! Mga hayop!” sigaw ko habang nagpupumiglas.
Nilapitan ako ni Bryan, ngumisi pa. “Kalma lang, Will. Sayang pogi ka pa naman… kaso ang ingay mo.”
Lalo akong naasar. Habang malapit ang mukha niya sa akin, dinuraan ko siya. Minsan. Pangalawa. Pangatlo.
“Anong pakiramdam ng laway ko sa mukha mo, ha?!” asar kong tanong. Nakangisi ako habang siya nama’y napapakunot-noo, pinupunasan ang mukha gamit ang panyo.
Napahigpit lalo ang hawak sa’kin ng dalawang lalaki. “BITAWAN NIYO KO! Putek, maghanda kayong tatlo!”
Bryan humarap ulit. Kita sa mukha niyang galit na siya. Tinitigan ko siya pabalik. Hindi ako uurong.
“Pagsisisihan mong pumunta ka rito sa gym mag-isa, Parker!” sigaw niya. “Gusto mong magaya sa pinsan mo? Sige, pagbibigyan kita!”
Aambahan na niya ako ng suntok pero… napahinto siya. May sumigaw.
Sabay-sabay kaming napalingon. May paparating.
At nang makita ko kung sino iyon-ang mukha na hindi ko inakala pero laging dumadating sa pinaka-kritikal na sandali…
Si Gavin. Dumating siya. Para iligtas ako.
Chapter 21
WILLIAM
Paglapit ni Gavin sa amin, halatang nataranta agad si Bryan pati na ’yong dalawang lalakeng mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa magkabila kong braso.
“Bitawan niyo siya,” ani Gavin-mahina lang pero punong-puno ng awtoridad ang boses niya. Walang inaksayang segundo ang dalawa. Agad nila akong binitiwan at sinamaan ko pa sila ng tingin habang minamasahe ang braso kong parang nangawit sa pagkakahawak nila.
Gavin continued, his tone dangerously calm. “Alam niyo bang isang tawag lang sa admin office, tanggal na kayo sa eskwelahan? O baka nakalimutan niyong nasa loob pa rin kayo ng campus? Sa ginagawa niyong ’to, hindi lang si William ang pwedeng magsampa ng reklamo.”
Tumawa si Bryan, pero ramdam mong pilit at puno ng kaba.
“Pare, Gavin naman… Wala namang ganyanan,” aniya, pilit ngumingiti. “Parang ’di mo na ko kilala. May pinagsamahan naman tayo, ’di ba?”
Kung hindi lang talaga naroon si Gavin, baka nasapak ko na naman si Bryan. O baka nasabunutan ko pa para wala na siyang kinakamot sa ulo ngayon.
Pero tahimik lang akong nakatingin habang si Gavin ang humakbang palapit sa kanya, halatang mas matangkad at mas composed kaysa sa kanya. Napaatras nang bahagya si Bryan.
“Oo, naging teammate kita,” seryosong wika ni Gavin, “pero never kong inisip na ganito ka pala ka-baba.” Iyon lang at napatungo si Bryan, halatang nahiya.
Napangisi ako sa gilid.
“Alam ko ang ginawa mong pagpapakalat ng posters laban kay William. May mga ebidensya kaming nakuha at naisumite na ’yon sa school admin. Antayin mo na lang ang disciplinary action. And trust me, this time, hindi ka na makakalusot.” Matigas at diretsong pahayag ni Gavin.
Kita sa mga mukha ng tatlo ang pagkagulat at takot.
“Pero, Gavin-” tangka pa ni Bryan.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Tantiyado mo na nga ang school, tinangkang sirain ang pangalan ko, tapos ’eto pa, binugbog niyo pa si James? Malas mo talaga at nalaman ko lahat ’yon.”
Tiningnan niya ako, halatang hindi makaimik. “Ano? Wala kang masasabi ngayon?”
Tahimik lang siya. Alam niyang walang silbi ang anumang palusot sa harap ng president ng Computer Science org. Wala siyang laban ngayon.
“Aalis na kayo,” utos ni Gavin. “At kung matututo kayo, sana ’yon na ang huli. Kung uulit kayo, hindi lang si William ang makakaharap niyo. Ako na mismo.”
Parang mga batang nasermonan ng principal, tumiklop silang tatlo.
“Sige na, Gavin… Sorry, bro,” pa-humble ni Bryan habang palayo na sila.
Nang dumaan sila sa harap ko, pasimple akong kumadyot ng suntok sa ere. “Ang bait mo talaga, no?” sarkastiko kong sigaw. Hindi na sila lumingon. Diretso na lang silang lumabas ng gym.
Pagkakatahimik sa loob ng gym, kaming dalawa na lang ni Gavin ang naiwan. Ako, halos nanginginig pa sa adrenaline at inis. Siya, kalmado lang pero ramdam mong alerto pa rin.
“Okay ka lang ba? May ginawa ba sila sa’yo?” tanong niya, may pag-aalala sa tono.
Umiling ako. “Hindi naman… Buti na lang dumating ka.”
Tiningnan niya ako nang diretso. “Anong nangyari? Bakit kayo nagka-engkwentro rito?”
Huminga ako nang malalim. “Binugbog nila si James kasi pinagtanggol niya ako. Narinig daw nila ’yong panlalait sa’kin at ’di siya nakatiis. Kaya hinanap ko si Bryan… para iganti siya.”
Tumango si Gavin. “Kung gano’n, lalong dapat itong masama sa report. Hindi na lang ito bullying-physical assault na ’to.”
Parang gumaan ang loob ko sa sinabi niya. May tumutulong sa laban ko. Hindi na ako nag-iisa.
“Thank you talaga, Gavin,” taos-puso kong sabi habang tinititigan siya. Nakangiti siya sa’kin, ’yong tipong ngiti na parang sinasabi mong, “I’m here, don’t worry.”
“Want to take a walk muna? Baka makatulong para makalma ka,” alok niya, simple lang, pero may dating.
Napalunok ako. “S-Sige ba…” I couldn’t believe it-he was actually asking me to take a walk with him. Para akong kinurot ng swerte bigla.
Ngumiti siya’t nauna nang maglakad palabas ng gym. Sumunod naman ako agad.
Mga kinse minutos din kaming tahimik na naglalakad sa campus. Walang masyadong usap, pero hindi nakakailang. Parang sapat na na magkasama lang kami. Hanggang sa bigla niyang yayaing dumaan sa Haven Café.
Hindi ko akalaing mauuwi kami rito. That Gavin would show up like a scene from a movie and I’d get to walk with him, talk to him, and just… feel seen.
Pagkapasok namin sa loob ng café, natigilan ako. Parang biglang bumigat ang hangin. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o nahihiya. Hindi ko alam kung paano uumpisahan o anong dapat kong sabihin.
Napansin yata niya ang bigla kong pag-iwas ng tingin.
“Hey… are you okay?” tanong niya habang tinititigan ako, concern written all over his face.
Bigla siyang huminto sa paglalakad papunta sa counter at bumalik sa kinatatayuan ko.
Wala na akong ibang choice kundi maging honest. “Wala akong dalang wallet…” sabi ko sa kanya, halatang nahihiya ako. Napailing siya habang napapangiti.
“It’s fine. Sa’kin na ’to,” casual niyang sagot sabay kindat at senyas na sumunod ako sa kanya. Tumango lang ako at agad na siyang tinungo ang kahera.
“Ano gusto mo?” tanong niya habang nakaharap sa menu board, pero ako, parang ayokong pumili.
“Uhm… kahit ano na lang,” mahina kong sagot, may kaunting ngiti pero halata pa rin ang hiya ko. Siya naman, hindi na kumontra at tumango lang ulit.
“One large iced coffee and one hot cappuccino,” sabi niya sa cashier.
Napangiti ako nang marinig ko ’yon. So iced coffee para sa akin?
Habang nagbabayad siya, tumabi lang ako at naghintay. Pagkatapos naming mag-order, agad kaming humanap ng puwesto.
Buti na lang hindi masyadong matao sa coffee shop ngayon. Nakahanap kami agad ng table sa isang tahimik na sulok. Gano’n pa rin ’yung relaxed vibe ng lugar-tamang lamig ng aircon, low volume ng background music, at ambient lighting na sobrang chill.
May mga couples sa paligid, may ilang solo na busy sa laptops nila, at may isang lalakeng mukhang may binabasang thesis. Classic Haven Café setting. Hindi ko alam kung date ba ’to o hindi, pero kahit sa isip lang-okay na ko na tawagin itong “mini-date.” Wala namang masama kung kiligin ako kahit konti, ’di ba?
Mga ilang minuto pa, dumating na ’yung in-order namin. The server placed the iced coffee in front of me, and the cappuccino kay Gavin.
“Alam kong ’yan talaga gusto mo,” sabi niya habang nakangiti.
Napangiti rin ako. “Thanks for this,” sabi ko habang kinuha ang cup at dahan-dahang sumipsip.
Ngumiti lang siya habang iniinom ang cappuccino niya. Dito ko lang talaga napansin-pareho pala kaming naka-puting T-shirt. Hindi sinasadya, pero ang cute lang na parang matchy kami. ’Yung simple lang pero ang sarap sa pakiramdam.
At habang tinitingnan ko siya, hindi ko maiwasang humanga. His striking blue eyes, perfect white teeth, prominent nose, semi-blonde hair na medyo messy pero bagay, makakapal at defined na kilay, and those faint rosy cheeks-lahat ’yon, napapatingin talaga ko. Ang gwapo niya, lalo pa ngayon.
Hindi ko rin ma-ignore ’yung mga braso niyang toned at halatang fit sa plain shirt niya. Tuwing mapapatingin ako ro’n, parang automatic akong napapasipsip ulit ng iced coffee ko.
Then out of nowhere, nagsalita siya. “By the way, saan ka nga pala originally from?” casual niyang tanong, sabay tingin sa akin.
Natigilan ako saglit bago sumagot. “Taga-Cagayan kami. Doon ako lumaki at doon na rin ako nagkaisip.”
Tumango siya. “Ah, Cagayan… medyo malayo-layo rin pala. Never pa ako nakapunta ro’n pero I’ve heard maganda daw talaga ’yung lugar n’yo. Parang hidden gem.”
“Oo, actually. Maraming tourists din na pumupunta lalo na kapag summer. Pero dahil nga malayo, bihira ako makauwi. Usually kapag bakasyon lang talaga.”
He nodded again. “I’m sure namimiss mo na rin family mo.”
“Grabe, sobra.” Natawa ako sabay inom ulit. “Ikaw? I heard na nasa abroad ’yung family mo. Ang galing mo, parang kayang-kaya mo na mag-isa rito.”
Ngumiti siya, parang may kaunting lungkot pero tanggap na. “Matagal-tagal na rin ako rito. I had to learn how to be independent. Mahirap din minsan, lalo na ’pag holidays, pero thankful ako kasi I found real friends here. I built a life on my own.”
Nag-iba ’yung vibe niya sandali-mas seryoso, mas totoo.
“Especially Alex…” pagbanggit niya ng pangalan ni Alex, parang biglang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Naputol ’yung ngiti ko.
Hindi ko napigilan. “Paano nga pala kayong dalawa nagkakilala at naging best friends?”
Nag-iba ang expression niya, parang naging nostalgic. “We’ve known each other since we were kids. Dati sa States pa sila nakatira, pero lumipat sila rito nung high school. Nagkita kami ulit, and from there, naging close na kami. Hindi kami agad best friends, pero through the years, nagka-connect kami nang solid.”
He paused, then looked down sa kape niya. “Alam ko maraming may maling impression sa kanya. They think he’s arrogant or too rebellious. Pero naging ganyan lang siya nung namatay ’yung Mom niya. I know him better than anyone. He’s a good person underneath all that toughness.”
Ramdam ko ’yung sincerity sa boses niya. Parang mahal na mahal niya si Alex-bilang kaibigan, bilang tao. And that made me feel… a little envious.
Matagal na silang magkakilala. Sila ni Gavin, may pinagsamahan na hindi ko kayang tumbasan agad. Ang saya nila sa memories nila… habang ako, ang dami ko pang hindi alam tungkol sa kanila.
Pero sa totoo lang, mas nakaramdam ako ng guilt kaysa selos. Dahil habang sinasabi ni Gavin lahat ng ’yon, bigla kong naalala kung paanong tinanggihan ko si Alex nung gusto niyang makipag-ayos, makipagkaibigan.
Still, kahit medyo masakit marinig, at least ngayon malinaw na sa akin kung bakit ganoon ka-close si Gavin at Alex. Malalim ang pinagsamahan nila.
Pagkaubos ng drinks namin sa Haven Café, nagpasya na rin kaming umalis. Tahimik kaming naglakad pabalik ng campus, sabay na dumiretso papunta sa dormitory building. Pagdating namin sa tapat ng room number four-’yong kwarto niya-doon kami parehong huminto.
“So… hanggang dito na lang muna,” sabi ni Gavin habang nakangiti. “Room ko na ’to.”
Nginitian ko rin siya. “Thank you nga pala kanina, ha. Sa pag-depensa sa’kin sa harap ni Bryan… at sa iced coffee.” Medyo nahihiya akong sabihin pero sincere ako. “Next time, ako naman ang taya. Promise.”
“Nice! I’ll hold you to that, pare,” natatawang sagot niya sabay tapik sa balikat ko. Tapos ngumiti siya nang mas malalim. “Salamat din sa time mo.”
Tumango lang ako at bahagyang ngumiti, kahit deep inside, punong-puno na ’ko ng kilig. “Wala ’yon. Sige, una na rin ako,” paalam ko bago siya talikuran.
Pumasok na siya sa kwarto niya habang ako nama’y naglakad paakyat sa second floor. Pagdating ko sa tapat ng Room 30, napahinto ako. Tahimik sa loob ng kwarto nila Alex. Mukhang wala sila.
Balak ko nang dumiretso sa room ko pero biglang bumukas ang pinto ng Room 30-kung saan ako nakatayo mismo sa harap. Nagulat ako. Mas nagulat ako nang si Alex pala ang lumabas.
Naka-black sando lang siya at denim shorts. Tila galing sa pahinga o workout. Pareho kaming nabigla. Tinitigan niya ako-walang ngiti, pero hindi rin hostile. Parang curious lang.
“May kailangan ka ba?” tanong niya, diretso at walang halong emosyon sa tono.
Hindi ko alam kung paano sasagot. Hindi ko naman intensyong kausapin siya. Napahinto lang talaga ako rito, wala ring idea na may tao sa loob.
“Ah, wala naman,” sagot kong seryoso rin, pero biglang naalala ko ’yong sinabi ni Belle kanina. Kaya kahit awkward, tinuloy ko na lang. “Narinig ko kay Belle na tinulungan mo si James… kay Bryan. Gusto ko lang magpasalamat. Kung hindi ka nando’n, baka kung ano pa ’yong nangyari sa pinsan ko.”
Tahimik siya saglit, parang iniisip kung sasagutin ba ako. Pero pagkatapos, bahagya siyang ngumiti.
“Wala ’yon,” sagot niya, kalmado at seryoso. “Anyone na makakita na may inaapi, dapat lang na makialam. Isa pa, teammate ko kayo. If it were you in James’s place… I’d do the same thing. Maybe even more.”
Nagkatinginan kami saglit. Medyo naguluhan ako sa huli niyang sinabi. “Maybe even more?” Anong ibig niyang sabihin do’n? Pero pinili ko na lang huwag na mag-react.
“Still, thank you,” sabi ko sabay ngiti. “Sige, papasok na ako.”
Tumango lang siya at muling ngumiti ng bahagya habang binubuksan ko na ’yong pinto ng kwarto ko.
Pagkapasok ko, agad akong dumapa sa kama. Maaga pa-mga alas otso lang-but I felt exhausted. Ang daming nangyari ngayong hapon, kahit kanina pa ako nakatulog, parang gusto ko ulit magpahinga.
Pumikit ako nang may ngiti sa labi habang iniisip ko ’yung mukha ni Gavin sa café kanina. Ang mga ngiti niya, ’yung kabaitan, ’yung pagiging thoughtful… para siyang something sweet and safe sa chaotic kong mundo. At sa bawat oras na kasama ko siya, parang unti-unti ko nang naaabot ’yung gusto ko-na mapalapit sa kanya.
At habang iniisip ko rin ’yung sinabi niya tungkol kay Alex, may part sa’kin na nagsasabing maybe… maybe it’s time to give him a chance. A chance na maging magkaibigan kami. Kasi kung gano’n kataas ang tingin ni Gavin sa kanya, siguro nga… worth it siyang makilala ulit.
Chapter 22
WILLIAM
After two days, finally-Art Festival na sa campus.
Maaga pa lang, gising na agad ako. Kahit optional naman ’tong event, I still chose to go. Wala rin naman kasi akong ibang gagawin today. Sina Angela at Sage? Wala rin sila. Nag-out of town daw, gumagala kung saan-saan habang break. Kaya ako, solo mode today. I’ll just try to enjoy this day kahit mag-isa.
Actually, the past two days, I’ve just been sleeping non-stop. As in tulog lang buong maghapon. Ayoko na namang ma-stuck sa kama all day, so kahit mag-isa, go na lang ako sa event.
Dalawang araw rin nag-prepare ang buong campus para sa festival na ’to. I’m sure ang dami na namang students-and even outsiders-ang pupunta. Parang mini-fiesta ng buong university.
Paglabas ko ng dorm, agad akong sinalubong ng festive vibes. Ang daming dekorasyon-banderitas everywhere, colorful banners, art-themed designs all around. May mga stalls na naka-line up along the pathways, each one showcasing different art forms from every department. Merong mga food booths, makeup corners, DIY craft stalls, and even fake tattoo spots. Lahat na may kinalaman sa sining, andun.
Though some booths were still closed, halata namang later pa sila mag-oopen. ’Yung performing arts booths for sure mamaya pa talaga ’yan mag-start. Just like the previous years, expect na may mga song numbers, dance performances, and spoken word pieces from students-some even composed their own.
Sa dami ng tao, I decided to sit somewhere quiet. Nakakita ako ng maliit na booth sa gilid, parang waiting shed ang itsura. May simpleng wooden bench lang sa loob at hindi masyadong pinapansin ng mga tao, so I went there to chill.
Mag-oopen pa lang ang main program around 9 AM. Habang nag-aabang, napansin kong karamihan sa paligid ay may mga kasama-barkada, ka-date, or jowa. Ako lang yata ’yong solo dito. For a second, medyo tinamaan ako ng lungkot.
Pero imbes na malunod sa pagiging sentimental, I grabbed my phone from my pocket. Hindi naman ako selfie type pero sayang naman ang ayos ko today kung walang picture. So I took one.
Suot ko ngayon ’yong denim pants paired with white rubber shoes. Sa taas, simple pero maayos-black long-sleeve shirt. Sakto lang. Pagkatapos ng photo, pinost ko agad sa Facebook. Caption: “It’s art o’clock.”
Habang naghihintay, pinagmamasdan ko ’yong mga covered paintings na dini-display na sa grounds. May telang nakatakip pa sa karamihan pero ramdam mo na agad na high-quality ’yung gawa. Galing sa iba’t ibang department, pati na rin sa ibang colleges. Kita mo pa lang sa frame, panalo na. May premyo rin kasi-ten thousand pesos for the best artwork. Kung marunong lang sana akong magpinta, baka sumali na rin ako. Kaso hindi talaga ’yan para sa’kin.
Habang nagre-reply ako sa mga comments sa FB post ko, hindi ko napansin na may umupo na pala sa tabi ko. Deadma lang ako kasi focused ako sa phone. Pero naisip ko, seriously? Ang liit ng bench tapos dito pa talaga siya umupo?
Then suddenly, a familiar voice spoke beside me.
“Nasaan na ’yong mga kasama mo? Mag-isa ka na naman?”
I froze for a bit, tapos agad akong napalingon. Si Alex. Hindi ko agad na-recognize kahit pamilyar na pamilyar ’yong pabango niya. He was smiling. Suot niya’y plain black shirt na hapit sa katawan niya, black pants, at white sneakers. And damn, brushed up pa buhok niya ngayon. Ang linis. Ang ayos. Honestly? He looks… good.
Tumingin ako sa mga mata niyang singkit at saka ako sumagot, casual lang. “Mag-isa lang ako. Wala sina Angela and Sage,” I shrugged. “Ikaw? What are you doing here? Hindi ka naman usually nagpupunta sa mga ganitong events.”
“Trip ko lang,” sagot niya habang nakatingin sa paligid. “Gusto ko lang tumingin ng paintings. Naalala ko kasi si Mom. She loves paintings. Every time I see one, naiisip ko siya.”
Napangiti ako. “Aww. Kaya pala.”
“Ikaw? Into art ka ba?” tanong niya, tumingin pabalik sa akin.
“Hmm… not really,” natatawa kong sagot. “I mean, I like looking at art, pero ’di yata ako gusto ng art pabalik. I can’t even draw a decent stick figure.”
Tumawa siya. “At least honest ka.”
And just like that, we started laughing about the most random things. I didn’t expect to have this kind of conversation with Alex, lalo na sa ganitong setting. Our arms were almost touching dahil sa sikip ng bench. Honestly, I think this booth was meant for two people lang, but with Alex’s broad frame, feeling ko kalahati lang natira sa space ko.
We talked for a good ten minutes. And during that whole time, I didn’t feel any irritation or awkwardness toward him. I wasn’t reminded of the past versions of him I didn’t like. He seemed… different. And I hate to say this, but I like this version of Alex better. Mas grounded, mas calm. Mas… sincere.
Then out of nowhere, he asked me something.
“Gusto mo bang matuto?”
Napakunot-noo ako sabay ngiti. “Matuto ng ano?” tanong ko, suspicious na agad. “Kung kalokohan ’yan, no thanks, Alex.”
Tumawa siya. “Hindi, I mean, matutong mag-paint.”
Napatingin ako sa kanya. Curious. “Paano? Ikaw magtuturo?” I said, half-laughing. “Weh?”
Hindi siya sumagot. Tumayo lang bigla and held my hand. “Tara.”
Nagulat ako. “Uy, saan mo naman ako dadalhin?” Hindi na rin ako nanlaban at sumama na lang sa kanya. “Alex, saan nga?”
Lumingon siya sa akin, may ngiting nakakainis pero charming at the same time. “Basta. Trust me with this one,” sabay kindat.
And for the first time, hindi nakakairita ’yong kindat niya. In fact, parang doon pa ako mas kinabahan. Hindi dahil sa hila niya, pero dahil ang bilis ng tibok ng puso ko nung sandaling ’yon.
What is this feeling?
“Nandito na tayo,” sabi niya, sabay bitaw ng kamay ko. Nasa harap na kami ng isang malaking booth.
“Learn How to Paint!”
’Yun ang pangalan ng booth na ’to. Sa labas pa lang, may malaking signage na inviting talaga, written in colorful, artsy font-“Open for Everyone! Free to Join!” Walang requirements. Kahit sinong dumaan, puwedeng pumasok.
Hindi pa ako nakaka-react ng maayos, bigla na naman akong hinila ni Alex papasok sa booth. Bago pa ako makapagreklamo, and’yan na-nasa loob na kami.
Pagkapasok namin, agad kong napansin ang mga canvas na naka-stand sa bawat sulok. Maliit lang ’yung space, maybe good for 3 to 4 people, pero saktong-sakto lang para sa amin ngayon. Sa paligid, nakalagay ang iba’t ibang painting materials-paint palettes filled with mixed colors, cups of water for cleaning brushes, at iba’t ibang klase ng paintbrush, from the tiniest detailer hanggang sa malalapad na pang-base.
Hinila ako ni Alex papunta sa isang painting stool-’yung medyo mataas na upuan na usually ginagamit ng mga artist. Sa harap ko, may nakasetup na blank canvas. Katabi no’n, may maliit na table kung saan nakaayos ang mga painting tools.
Napatingin ako sa kanya habang siya naman ay naupo na sa canvas setup across mine. Parang chill na chill siya. Ako naman, standing pa rin-litong-lito kung anong gagawin ko.
“Sure ka ba dito?” tanong ko sa kanya, may kaba sa boses ko. Tiningnan niya lang ako at ngumiti. “Hindi talaga ako marunong magpaint, Alex. Sayang lang ’tong canvas. Baka puro kalat lang ’yung magawa ko.”
Tumayo siya at lumapit sa akin habang umiiling, may ngiti pa rin sa mukha. “Kaya nga ’di ba? Kaya susubukan mo. It doesn’t have to be perfect. It’s just for fun,” aniya. “Come on, upo ka na.”
Wala na rin akong nagawa kundi sundin siya. “Fine, fine,” bulong ko habang umuupo.
Pagbalik niya sa puwesto niya, ngumiti siya ulit. Ako naman, nakatingin lang sa harap ko-blank canvas. Tiningnan ko ang mga brush sa gilid, pati na ’yung palette na may mga halo-halong kulay. Para akong batang takot magkamali. Feeling ko, konting galaw ko lang, messy na agad lahat. Grabe, akala ko madali lang ’to.
“Bakit ganyan ka lang d’yan?” tanong bigla ni Alex. “Parang statwa ka, wala ka man lang ginagalaw. What’s the matter?”
Hindi ko na tinago pa. Diretso ko nang sinabi.
“Wala talaga akong idea kung paano magsimula. I mean, kahit anong kulay, kahit anong stroke… wala akong alam. Tapos natatakot pa ako na baka masira ’tong canvas,” I confessed. Ramdam ko ’yong kaba sa tono ko. “Saka wala rin akong maiisip na subject. Blank din ’yung utak ko.”
Tumawa lang siya at umiling, parang tuwang-tuwa sa pagiging honest ko. Pero nagulat ako sa sinabi niya next.
“Nasa harap mo naman ako, ’di ba?” seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin. Hindi pa rin nawawala ’yung ngiti niya. “I can be your subject.”
Wait. What?
“Ha? Seryoso ka ba?” tanong ko sa kanya habang naka-kunot noo. “Baka magmukha kang meme kapag ako ang nagpaint. Sabi ko naman sa’yo, wala talaga akong talent dito. Tapos portrait pa talaga? You’re kidding.”
Natawa siya. “Whatever it looks like, okay lang. Gusto ko lang makita mong subukan. As long as ikaw ’yung gumawa, I’ll take it. Promise.”
Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero may kung anong bigat at sincerity sa tono niya. Then he added-
“To be fair, I’ll paint you too. No pressure, ha? Just look at me.”
Sabay wink.
Damn.
For the first time today, kinabahan ako nang totoo. Hindi dahil sa canvas. Hindi dahil sa brushes. But because of him.
Bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko bigla? And what’s worse? Hindi ko na matanggal ’yung tingin ko sa mukha niya.
And for the first time din, ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ’yung singkit niyang mga mata. I’ve known this guy for quite some time, pero ngayon ko lang siya tinitigan ng ganito. Now I’m supposed to paint that face?
Lord, help me.
Chapter 23
WILLIAM
Habang tinititigan ko ang bawat detalye ng mukha ni Alex, ramdam kong bumibilis lalo ang tibok ng puso ko. Ang weird, kasi ilang beses na kaming magkasama pero ngayon ko lang naramdaman ’to. I don’t get it-hindi ko ma-explain kung anong klaseng feeling ’to.
Pero ang malinaw sa akin ngayon: hindi na galit o inis ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala na ’yong irritation na dati ko siyang tinitingnan. It feels different.
Parang… parang hindi na siya ’yung Alex na kilala ko dati. Pero siya pa rin ’yon, alam ko. Iba lang ’yung vibe. And I hate to admit it, pero masaya akong kasama siya ngayon.
Pinagpatuloy ko lang ang pagpinta ng mukha niya. Pinagmasdan ko nang maigi ang bawat feature niya-’yung makapal niyang kilay, ’yung singkit pero expressive niyang mga mata, at ’yung manipis niyang labi na palaging nakangiti sa akin.
It felt like my hands and the brush had a mind of their own. Hawak ko ’yung palette, pero parang hindi ako ang gumagalaw. My focus was all on him.
Every time nagtama ang tingin namin, pareho kaming ngumiti. Pero deep inside, I felt…awkward. Hindi ko alam kung bakit, pero may something sa mga tinginan naming dalawa.
“Done na ako!” masaya niyang sabi. Napatingin ako sa kanya, bitin sa pagpinta.
“Tingnan mo-ayos ba ang version mo rito?” Proud niyang ipinakita ang painting niya. Pagkakita ko, literal akong napanganga.
“Wow,” halos bulong ko. Hawig na hawig ko. As in. “Di ko akalaing ang galing mo pala magpinta,” honest kong sabi habang nakangiti. “Ang ganda, promise.”
“Ginanahan lang talaga ako,” sagot niya habang nakatitig pa rin sa akin. “Sabi kasi nila, mas gumaganda raw ang painting kapag inspired ka.”
Sabay taas-baba pa ng kilay niya, may kasamang pilyong ngiti.
Napalunok ako, medyo nahiya. Pero nagpanggap akong chill lang.
“Pwede ka na, pintor na pintor ang dating,” biro ko, pero ngumiti lang siya na parang may alam.
“Tapos ka na ba d’yan?” tanong niya bigla, sabay akmang lalapit para silipin ’yung painting ko.
“Wait lang!” Agad ko siyang hinarangan. “Hindi pa tapos-hindi pa… I mean, ’yung painting… Hindi pa tapos… Pero gwapo ka-wait! Hindi! Hindi ko sinabing-” napapraning kong paliwanag habang sabog na ang mga salita ko. Natawa na lang siya nang malakas.
Nakakahiya. Did I just say he’s handsome?
“Kalma ka lang,” sabi niya habang natatawa. “Relax,” sabay hawak sa magkabilang braso ko, na lalo lang nagpakaba sa akin. Ganon kasi siya-laging may ganong epekto.
“Okay na. Ayan na,” mahina kong sabi sabay harap sa kanya ng painting ko. Truth is, kanina pa ’ko tapos pero paulit-ulit ko lang nilalagyan ng kung ano para lang humaba pa oras.
“Hindi siya perfect, pero I did my best,” sabay iwas ng tingin habang pinapanood siyang tingnan ’yung gawa ko.
“You know what? I love it.”
Napatitig ako sa kanya. Ang totoo ba n’yan?
Hindi niya agad inalis ang tingin niya sa painting, tapos lumingon sa akin. Nagtagpo ulit ang mga mata namin.
Is he serious? Hindi ba niya napapansin kung gaano ka-off proportions? Di ko nga nakuha ’yung ilong niya nang tama.
“Kung sinasabi mo lang ’yan para hindi ako ma-offend, please don’t,” diretsahan kong sabi, sabay iling.
“I’m being honest,” sabay lapit pa niya at ginulo ang buhok ko. “Nagustuhan ko talaga,” malambing niyang dagdag.
Hindi ko alam kung saan ako titingin. Parang mas nakakailang pa ’yung gentleness niya kaysa ’yung usual kulit niya. At he’s doing that thing again-’yung titig niya gamit ’yung singkit niyang mga mata.
Napasabi na lang ako, “Thank you,” habang iniiwas ang tingin.
Biglang may pumasok na babae sa booth. Pareho kaming napatigil ni Alex. Awkward timing pa talaga-magkaharap pa kami.
“Excuse me, am I interrupting something?” tanong ng babaeng mukhang nasa early thirties. She was smiling. Mukha siyang teacher pero clearly, hindi sa campus namin.
“Ah, hindi po,” mabilis kong sagot habang bahagyang umatras palayo kay Alex. “Nag-try lang po kami magpaint,” dagdag ko, trying to sound formal.
Lumapit siya at ngumiti. “I’m glad you stopped by. I’m Lisa, Art Facilitator ako from another campus.” So I was right.
“Wow, nice skills!” sabi niya after tingnan ang gawa namin. Napahiya ako, pero nagpasalamat na lang.
“Sabi ko sa’yo eh,” bulalas ni Alex, “pati si Ms. Lisa na-appreciate ’yung painting mo ng gwapo kong mukha.” Siniko ko siya.
“Loko ka,” bulong ko, pero napansin iyon ni Ms. Lisa at ngumiti lang.
“You both did great! Since kayo ang first na nag-try sa booth ko, I’d love to take a photo of you with your paintings. Documentary lang naman,” alok niya sabay kuha ng camera.
Nag-alangan ako pero si Alex, agad na kinuha ang mga painting. Nilagay sa gilid, at inakbayan ako.
“Hoy, anong ginagawa mo?” mahinang bulong ko habang ramdam ko ang init ng katawan niya sa tabi ko.
“Picture daw, ’di ba?” bulong niya sa tenga ko na may ngiting nakakainis.
“Hindi naman sinabi na sabay tayong kukuhanan!” medyo napalakas ko ’to at narinig ni Ms. Lisa.
“No, it’s okay! Mas maganda nga kayong tingnan together,” komento niya habang inaayos ang camera. “One, two, three…smile!”
Wala na akong nagawa. Ngumiti na lang ako habang naka-akbay pa rin si Alex.
After the flash, agad akong nagtanong, “Okay na po?”
“Yup! Nice shot,” sagot ni Ms. Lisa, habang nililipat ang file sa laptop niya.
“Pwede kayong maghintay sandali? I’ll print it now and give you each a copy.”
Nagulat ako. I wasn’t expecting that.
“Sige po, walang problema,” sagot agad ni Alex at tumingin sa akin. He was still smiling. Tinanggal ko na akbay niya.
“Thanks,” ani Ms. Lisa habang nagpi-print. Then she casually asked, “By the way, gaano na kayo katagal?”
Nagkatinginan kami ni Alex.
Wait. Did she just-?
Tumawa si Alex. Ako naman, parang biglang uminit ang pisngi ko.
“Naku, hindi po kami! We’re just friends,” mabilis kong paliwanag. Medyo nagulat din si Ms. Lisa.
Biglang sabat ni Alex, “Magkaibigan tayo? Eh, ’di ba sabi mo-”
“We. Are. Friends.” Sinalubong ko siya ng tingin na may warning. Buti na lang natauhan siya.
“Ah! Opo, tama po. Magkaibigan lang kami,” sabi niya na parang napipilitan.
“I’m sorry! You just looked cute together kaya akala ko-anyway,” sabi ni Ms. Lisa habang iniabot ang printed copies namin. “Take care of those ha?”
“Thank you po,” sabay naming sabi ni Alex.
Pagkakita ko sa picture, napangiti ako.
Our first photo together. Who would’ve thought? Me and Alex… in one frame. And what’s even crazier? Masaya akong meron kaming ganito.
Pagkalabas namin ng booth, hindi ko maiwasang balikan sa isip ’yung sinabi ni Ms. Lisa. I know it’s weird, pero…
Do we really look good together?
I shook the thought off.
From the opening ceremony hanggang sa pag-ikot sa booths, paglalaro, pagtingin ng exhibits, at pagkain sa food stalls-magkasama lang kami ni Alex. Hindi ko namalayan ang oras. Parang bawat booth na puntahan namin, panibagong memory with him.
At aaminin ko-nag-enjoy ako.
This year’s Art Fest feels different.
Ngayon lang ako sumaya nang ganito sa isang campus event. And I never thought na si Alex ang magiging dahilan ng kasiyahan ko. Sobrang saya ko na nakasama ko siya ngayon.
Chapter 24
WILLIAM
When the clock hit 7 PM, the Art Fest officially came to an end.
“Alam mo, feeling ko ito na yata ’yong pinaka-enjoy kong Art Fest ever,” sabi ni Alex habang nakaupo kami sa parehong waiting shed na tinambayan namin kanina. Nakatingin siya sa iilang estudyanteng naglalakad pa sa paligid at sa mga ilaw ng campus na unti-unting nagsisindihan. “Usually kasi, hindi talaga ako mahilig sumama sa mga ganito. Mas madalas, nasa dorm lang ako. Pero ngayon… I’m glad I came. Masaya pala kapag may kasama ka.”
Pagkasabi niya nun, tumingin siya sa akin with that soft, genuine smile-’yong ngiti na bihira ko lang makita sa kanya.
Napangiti rin ako. “Same here,” sagot ko habang tumitingin sa langit. Kahit medyo maliwanag pa, may ilang bituin nang nagsisimulang lumitaw. “Ang dami kong nasubukan na akala ko hindi ko kayang gawin. Ang saya ng araw na ’to.”
Pagbalik ng tingin ko sa kanya, nakangiti pa rin siya sa akin-’yong tipong ngiting nakakahawa. Kaya ngumiti rin ako pabalik.
“Thanks for spending time with me today,” sabi niya. Nahihiya akong napangiti sa sinabi niya.
“Actually, ako dapat ang magpasalamat sa’yo,” sabi ko habang nakatingin sa kanya. “Thanks kasi sinamahan mo ako buong araw kahit na may mga hindi tayo pagkakaintindihan before.”
Napangiti siya. “Okay lang ’yon. Ang saya mo kaya kasama. Kahit buong araw pa, game ako.” Napatawa siya at, again, naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.
Why is he doing this to me? Bakit bawat banat niya, parang gusto kong ngumiti kahit ayoko?
Napatitig ako sa kanya. “Masaya ka rin kasama,” nahihiya kong sabi. “At gusto ko lang sabihin… ’yong sinabi ko kanina sa harap ni Ms. Lisa, I meant it. Gusto kong maging friends tayo ulit. If okay lang sa’yo.”
Mas lalo siyang ngumiti. “Bakit hindi?” sagot niya. “Alam kong nakapag-sorry na ako before, pero gusto kong mag-sorry ulit. I made you feel like being gay is something to be ashamed of, and that was wrong. I shouldn’t have said those things. Pero habang tumatagal, mas nakikilala kita. And the more I do, the more I want to be close to someone like you.”
Hindi ko in-expect marinig ’yon mula sa kanya. It felt like a different side of Alex-pero alam kong siya pa rin ’yon. Siya pa rin ’yong taong kilala ko noon, pero ngayon, iba na ang tingin ko sa kanya. Hindi na siya ’yong Alex na iniiwasan ko. He’s someone I now want to know even better.
“I’m sorry too. I judged you again… and I shouldn’t have.” Tuloy pa rin ang ngiti ko habang tinitingnan siya. “Let’s forget the past. Start fresh as friends.” Inabot ko sa kanya ang kamay ko for a handshake.
Mabilis niya ’yong tinanggap.
“Friends,” sabi niya habang nakangiti.
Alam mo ’yong pakiramdam na parang naiiyak ka sa sobrang saya? Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko inakalang mangyayari ito ngayong gabi. Pero ang sarap sa pakiramdam na finally, okay na kami. Masasabi ko na ulit… we’re friends.
“Ang bilis ng oras, no? Gabi na agad?” Tumayo si Alex at nag-inat. “Uuwi ka na ba sa dorm?”
Tumayo na rin ako. Honestly, ayoko pa. Gusto ko pang mag-stay a bit longer. Nakakahiya mang aminin, pero parang gusto kong humiling na sana ma-extend pa ’tong araw na ’to. With him.
“Maaga pa naman, eh,” sagot ko while looking at him. 7:30 pa lang. “Ikaw ba? Pauwi ka na?”
I hoped he’d say no.
Ngumiti siya. “Actually, hindi pa. Ayoko pang bumalik. Ang boring sa dorm, promise.” Medyo natawa siya, tapos bigla siyang naging seryoso. “G-Gusto mo ba uminom muna? Konti lang. Para ma-extend pa ’tong gabi.”
Medyo napangiti ako agad. “Baka malasing na naman ako tapos kung ano na naman masabi ko,” biro ko. Napatawa siya, at natawa na rin ako.
Napailing ako at ngumiti. “Sige, game ako,” sagot ko sa kanya. Napangiti rin siya, this time, mas malalim ang tingin niya sa akin.
And just like that, we continued our night-hindi na bilang dalawang taong laging nagbabangayan, kundi bilang dalawang taong nagsisimula ulit. As friends. Maybe more, maybe not. But right now? This is enough.
“Yun oh!” sigaw niya, parang nanalo sa raffle. “Tara na?” yaya niya habang naglakad palabas ng waiting shed booth.
Napangiti ako at tumango. “Saan ba tayo iinom?”
Ngumisi siya, then-bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako, pero hindi ko naalis agad. Marahan niya akong hinila papalabas. “Nandun sa labas ng gate ’yong motor ko,” sabi niya habang lumilingon sa akin. “May alam akong spot na chill lang, masarap ang inumin, tahimik pa.”
Sumunod na lang ako, hindi na ako nagreklamo. Parang may magic sa bawat hakbang naming papalabas ng campus.
Paglapit namin sa gate, binitawan niya ang kamay ko at mabilis na tinakbo ang itim niyang motor. Ang laki no’n, tapos ang angas ng dating-parang siya lang din. Confident. Gwapo.
Sumakay siya agad at pinaandar ang makina. Rinig ko agad ang malakas na tunog, tapos bumukas ang ilaw sa harap. Tiningnan niya ako habang papalapit ako.
“Sakay na,” nakangiting utos niya habang inaabot sa akin ang isang itim na helmet.
Tinanggap ko iyon, then napatingin sa kanya. “Bakit dalawa helmet mo? Para sa babae mo ’tong isa, ’no?” pang-aasar ko, half-joking, pero curious din talaga ako.
Tumawa siya. Kita ko ’yong ngiti niya kahit may helmet na siya. “Sira,” natatawang sabi niya. “Hindi ko naman madalas ginagamit ’tong motor. Naka-garahe lang siya sa bahay. Ngayon ko lang ulit nadala. At FYI, ’yang helmet na hawak mo, never pa nasuot ng kahit sino. Ikaw ang una. Ikaw rin ang first na sasakay sa motor na ’to.”
Binaba niya sandali ang shield ng helmet niya para lang makindat.
My heart skipped. Wait, what? Ako lang? First? Nag-blush ata ako pero tinakpan ko ng ngiti. “Baliw ka talaga,” sabi ko at sumakay na sa motor. “Sigurado ka bang safe ka magmaneho? Baka mamaya, kaskasero ka pala.”
“Don’t worry, may lisensya ako,” balik niya habang lumingon ng kaunti. “And kumapit ka lang sa akin, walang mangyayaring masama.”
Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at ipinatong sa tiyan niya. Nagulat ako-unang naramdaman ko? Grabe, may abs si kuya.
Dahil sa sobrang pagkailang, agad kong binawi ang kamay ko. “Kailangan ba talaga dito ako kumapit?” tanong ko, seryoso na may konting defensive tone.
Tumingin siya sa gilid. “You have to,” sagot niya. Ipinatong ulit ang kamay ko sa tiyan niya. “Ayokong mahulog ka.”
Natigilan ako. Hindi ko agad nakuhang magsalita.
Why does he say these things like they mean something more?
“Mahulog? Eh bakit naman ako mahuhulog?” tanong ko, trying to lighten the moment. “Kaskasero ka talaga, no? Kaya iniisip mo na ’yong worst-case scenario?”
Napangiti siya habang tumitingin sa harap. “Hindi sa gano’n… I don’t want you to fall kasi ayokong masaktan ka.” Tumigil siya sandali, tapos dinagdagan pa. “At kung sakaling mahulog ka man… I’ll make sure na sasaluhin kita.”
Napa-lunok ako.
WHAT?! Ilang beses kong tinanong ang sarili kung totoo ba ’yong narinig ko. Bakit parang sobra siyang sweet? Bakit parang may meaning ang mga salitang binibitawan niya?
Hinigpitan ko ang kapit sa tiyan niya, pero iwas tingin. “Stop it, already,” sabi ko, naiilang pero hindi makatanggi. Narinig ko ang tawa niya.
“Paandarin mo na nga ’tong motor mo. Baka magbago pa isip ko,” inis ko na may halong kilig.
“Okay, boss!”
Pinaharurot na niya ang motor. Kumapit ako nang mahigpit, gaya ng bilin niya. Ramdam ko ang katawan niyang nakaharap sa akin, and every time na preno siya nang marahan, sumasabit ng bahagya ang helmet ko sa likod niya. Nakakakiliti.
First time kong maamoy nang maayos ang pabango niya-ambango niya, promise. And the more I inhale it, the more it grows on me.
Hindi traffic. Kakaunti ang mga sasakyan sa daan. Maluwag ang kalsada at relaxed lang ang takbo niya. Sapat para makita ko ang mga streetlights, bukas na convenience stores, at ilang taong pauwi na rin. Parang cinematic ang moment.
Malamig ang hangin, pero hindi ko ’yon gaanong nararamdaman. Dahil nakakapit ako sa kanya. Medyo awkward sa simula, pero habang tumatagal, parang nagiging natural na. Hindi ko na maalis ang mga kamay ko sa tiyan niya. Parang may sariling buhay.
Habang nagmamaneho siya, ako nama’y napapangiti nang hindi ko alam kung bakit. Wala akong iniisip. Wala akong plano. Pero ang malinaw: Ayoko pa sanang matapos ’tong gabi.
Biglang-isang aso ang tumawid sa daan. Muntikan na naming masagasaan kung hindi lang mabilis ang reflexes ni Alex. Napa-preno siya agad, at dahil do’n, muntik na rin akong mapabitaw kung hindi ko lang mahigpit ang kapit.
Tumabi siya agad sa gilid. Tumingin sa akin. Concerned ang mukha niya.
“You okay?” tanong niya, worry all over his tone.
“Okay lang ako,” sagot ko agad, medyo nanginginig pa rin. Tiningnan ko ang asong nakatawid na sa kabilang kalsada. “Buti na lang talaga nakapag-preno ka kaagad.”
Tumango siya. “Buti na lang din… mahigpit ang kapit mo sa’kin,” sabay ngiti. “Sabi ko naman sa’yo, ’di ba? Kumapit ka lang, at hindi ka mahuhulog.”
I was speechless.
Literal man o hindi, tinamaan ako sa sinabi niya. ’Yong puso ko? Parang sasabog. Bakit siya ganito? Anong ginagawa niya sa’kin?
Kumapit naman ako, ’di ba?
I held on tight.
Pero bakit parang kahit anong kapit ko…
…parang nahuhulog pa rin ako?
Sa kanya.
Chapter 25
WILLIAM
Siguro mga isang oras din kaming nagbiyahe bago siya huminto sa isang lugar sa gilid ng kalsada. Wala na kaming masyadong nadaanang buildings, wala na rin ’yong ingay ng lungsod. Tahimik na-puro puno sa paligid, madilim ang daan, at ang vibe? Parang nasa probinsya na kami.
Huminto na ang motor ni Alex, at napalitan ang ingay ng makina ng tunog ng mga kuliglig. Bumaba na ako at tinanggal ko ang helmet. Gano’n din ang ginawa niya, pero ako? Na-stuck ako sa kakatingin sa paligid. Obvious naman-nasa malayo na kami sa campus, at medyo masukal na ang area. Wala akong makitang kahit anong bar o kahit simpleng tindahan man lang.
Bumaling ako sa kanya, sabay taas ng kilay. Nakatuon siya sa pag-aayos ng buhok niya after tanggalin ang helmet. “Akala ko ba inom ang usapan?” Tanong ko, litaw ang pagtataka sa boses ko. “Eh anong ginagawa natin sa gubat?”
Ngumiti lang siya. “Tayo pa rin ang iinom. Dito lang.” Tumingin siya sa akin, with that signature smirk. “Hindi naman tayo nagbiyahe ng ganito kalayo para lang mag-road trip, William.”
Napakunot ang noo ko. Hindi pa rin ako sanay marinig na tinatawag niya ako sa pangalan ko. “Dito talaga?” Napatingin ako sa paligid ulit. “Saka, may dala ka ba?” Sabay iling. “Asan ang inuman dito, sa ilalim ng puno?”
Tumawa siya habang lumalapit. “Hindi naman dito mismo,” sabay turo niya sa isang part ng gilid. “Doon, sa loob n’yan. Doon tayo mag-iinom.”
Sinundan ko ng tingin ang direksyon na tinuro niya, at muntik na akong umatras. May maliit na lagusan-parang tunnel na gawa sa mga dahon at puno-at sa itaas nito, may malaking WARNING: NO ENTRY sign. Napapalibutan pa ng damo’t parang abandoned zone.
“Wait, seryoso ka?” Nanginginig kong tanong. “Alex, may sign na nga o. No entry! Tapos ’yong lagusan? Parang straight out of a horror movie!”
Napailing siya. “Don’t be dramatic. Kasama mo naman ako, ’di ba?” He said with a reassuring smile. “Tiwala lang. Akala ko ba tropa na tayo?” Sabay pout pa, na parang batang hindi pinayagan maglaro.
I rolled my eyes. “Hindi naman sa wala akong tiwala, pero… what’s in there ba talaga? Ba’t doon pa?” Tuloy ko, habang muling sinipat ’yong creepy na passage.
“Secret. Surprise ’to, kaya tigil mo muna ang tanong. Come on, tiwala lang.” Saka niya ako marahang tinulak palapit. “Promise, worth it ’to.”
Hindi ko alam kung dahil ba sa ngiti niya o dahil nabudol na naman ako, pero nawala ’yong kaba ko kahit kaunti. Still, hindi ako papayag na ako ang maunang pumasok.
“Sige, papasok ako… pero ikaw muna!” Ngiti kong hamon sa kanya.
Napailing siya, halatang naiinis pero amused. “Ang arte naman nito, oh.” Sabay yuko at unti-unting pumasok sa maliit na lagusan. Hindi ko akalaing kasya siya doon, pero somehow, nakalusot ang malaking katawan niya.
Nang nawala na siya sa paningin ko, sumunod na rin ako. Napapagan ko muna ’yong pantalon ko dahil sa mga damong kumapit. Paglabas ko sa kabilang dulo, napahinto ako sa gulat.
Literal na napanganga ako.
Ang lugar? Para akong biglang pumasok sa ibang mundo. Isang open field na flat at covered with well-kept bermuda grass. Sa paligid, may mga bulaklak na mukhang pinaghirapan talagang itanim. Parang secret garden na tinago mula sa mundo.
Pero ang pinaka-nakapukaw ng pansin ko? ’Yong view ng dagat. Tanaw na tanaw mula sa kinatatayuan ko kahit malayo ito. Kita ang gentle waves, at sa ilalim ng night sky na punong-puno ng stars, may buwan pa na bilog na bilog-parang spotlight sa buong lugar.
It was breathtaking.
Dahil sa pagkabighani ko, nakalimutan ko si Alex. Napalinga-linga ako.
“Alex?” Tawag ko. Walang sumagot.
Napaisip ako-wait, is he messing with me?
“Alex! Nasa’n ka?” Medyo mataas na ang boses ko. I tried to stay calm pero dahan-dahang kinain ako ng kaba. Did he seriously leave me here alone?
Naglakad ako, hoping na nakatago lang siya. Pero habang tumatagal, mas lalo akong natatakot. At lalong tumindi ang kaba ko nang makarinig ako ng kaluskos.
May gumagalaw sa harap ko-mga damo at halaman na parang may nilalang sa ilalim. Napatigil ako. Tumaas lahat ng balahibo ko. Dahan-dahan akong umatras.
And then… may lumabas.
Itim. Malaki. Hindi ko maaninag. Hindi ko na tinignan pa-napapikit na lang ako sa takot habang patuloy ang pag-atras ko.
Hanggang sa… BAM!
Tumama ang likod ko sa kung anong matigas. Muntik na akong mapa-sigaw. I was about to turn around when nawalan ako ng balance-at natumba.
Pero imbes na lupa ang bumungad sa akin, katawan ni Alex ang nabagsakan ko.
Napapikit ako saglit, tapos dahan-dahang dumilat. Nasa ibabaw ako niya. Pareho kaming gulat. Hawak niya sa magkabilang kamay ang dalawang bote ng beer.
Ramdam ko ang tibay ng dibdib niya. Ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Para akong hihimatayin sa awkwardness.
“Ahm… ang bigat mo,” bulong niya, pero may ngiti sa labi. “Naiipit masyado si Junior.”
Napamulat ako at biglang umahon mula sa pagkakapwesto naming dalawa. Oh my god.
Chapter 26
WILLIAM
Pagkatayo ko, agad ko siyang tiningnan. Nakaupo na siya ngayon sa damuhan, tumatawa pa rin na parang aliw na aliw sa nangyari.
“Ano bang kinatakot mo at parang ang bilis mong umatras kanina?” tanong niya habang hawak pa rin ang dalawang bote ng beer. “Para kang nakakita ng multo, bro. Seryoso, halos mahulog ka pa sa takot,” dagdag pa niya habang natatawa.
Napalingon ako sa direksyon ng mga damo-doon mismo sa parteng may kumakaluskos kanina. “Eh kasi naman, may gumalaw talaga do’n!” depensa ko. “Bigla na lang may kung anong lumitaw kaya napa-atras ako, halos mapasigaw sa gulat. Parang may lumabas na itim na… hindi ko nga alam kung hayop ba ’yon o kung ano.”
“Itim na bagay?” inulit niya, pilit pinipigilan ang tawa. “Baka naman pusa lang ’yon? Ang OA mo, bro.”
Ibababa na sana niya ’yong mga beer sa damuhan habang tumatayo. Napakunot noo ako.
“Wait, anong ginagawa mo?” tanong ko habang sinusundan siya ng tingin. Tumungo siya papunta roon sa mismong madamong bahagi kung saan ako kanina halos mamatay sa takot. Is he seriously going there? “Hoy, Alex! Baka ahas ’yan! O multo nga talaga! Don’t just walk in there!” sigaw ko, pero binalewala lang niya ako.
Lumuhod siya sandali at tila may pinulot mula sa may lilim. Maya-maya lang, tumayo siya at naglakad pabalik sa akin-may buhat-buhat siya.
“O, ito ba ’yung sinasabi mong black creature na nakakatakot?” tanong niya, halos matawa habang inaabot ang isang malaking itim na pusa. “Meet Luna. Chill lang siya. Hindi siya aswang, promise.”
Napatingin ako sa pusa. Maamo ito, pero damn-ang laki at ang itim. Maliwanag ang dilaw na mga mata na parang glowing pa sa ilalim ng buwan. Creepy… pero cute.
“L-Luna?” tanong ko, naguguluhan pa rin. “Bakit alam mo pangalan ng pusa? Sa ’yo ba ’yan?”
Ngumiti si Alex habang nilalaro-laro ang balahibo ni Luna. “Alaga siya ng mga katiwala namin dito. Familiar na siya sa akin. Actually, lalaki ’yan kahit Luna pangalan. Medyo confusing, I know. Madalas gumala ’yan tuwing gabi, alam mo na… naghahanap ng jowa,” sabay tawa.
Napaisip ako. Katiwala?
Napalipat ang tingin ko sa paligid. Parang may nag-click sa isip ko.
“Wait… so sa inyo pala talaga ’tong lugar?” tanong ko, punong-puno ng realization sa boses ko. Kaya pala kahit may ‘No Entry’ sign sa labas, ang kapal ng mukha niya-may karapatan pala talaga siya!
“Yup,” sagot niya, proud na proud. “One of my dad’s properties ’to. Binili niya ilang taon na rin ang nakakalipas. Isa ’to sa mga hideaway spots namin.”
Napanganga ako sandali. Tinapunan ko ng tingin ang buong paligid-ang garden, ang tanawin ng dagat, ang katahimikan ng gabi.
“Sobrang ganda naman kasi rito…” bulong ko na parang para sa sarili. “Ang swerte n’yo na may ganitong lugar. Parang private paradise.”
Ngumiti lang si Alex at sinenyasan akong maupo sa tabi niya sa malinis na damuhan. Sumunod naman ako, at naupo sa kanan niya. Kinuha niya ulit ang dalawang bote ng beer na kanina pa nakapatong sa damo, saka binuksan gamit ang dala niyang bottle opener.
“Here,” sabay abot niya ng isa sa akin. “Sa wakas, makakainom na rin tayo.”
Ngumiti ako at tinanggap ang bote. Sa wakas, tahimik na gabi, magandang view, at… well, si Alex. Di ko alam kung anong klaseng gabi ’to, pero mukhang magiging unforgettable.
Nakaharap kami ngayon sa breathtaking na view ng dagat. Kahit medyo malayo kami, kita pa rin ang bawat hampas ng alon-parang may rhythm ’yong galaw nila, calm pero powerful.
“Alam mo ba, madalas kaming pumunta rito ng Mom ko noong bata pa ako,” bigla niyang sabi, sabay lingon sa akin. “Usually sa gabi kami tumatambay dito. Ang peaceful kasi, tapos ang ganda ng stars sa langit. You can see the whole sea stretching far away-parang walang katapusan. Pero nung namatay siya… bihira na lang ako bumalik. Kasi every time I do, mas lalo ko siyang nami-miss.”
Inabot niya sa akin ’yong isang bote ng beer na hawak niya. Tinanggap ko, pero hindi ko agad tinikman. Nanatili lang ang tingin ko sa kanya. May bigat sa mga mata niya, kahit nakangiti siya.
Dahan-dahan kong tinapik ang balikat niya. “Kung nasaan man siya ngayon, I’m sure masaya siya na nandito ka ulit. And I’m also sure ayaw niyang nakikita kang malungkot,” sabi ko, trying to comfort him. “And besides, andito naman ako. We’re here, drinking under the stars. No room for sadness, okay? Kaya smile na d’yan, singkit,” biro ko pa, calling him singkit for the first time.
Napangiti siya. Genuine. Parang gumaan ’yong vibe.
“Thanks,” sagot niya habang inilapag ang bote ng beer sa harap namin. “I-inom na lang natin ’tong gabing ’to,” dagdag niya. Tumango lang ako at tinungga ’yong beer ko.
Nasa ilalim kami ng bilog na buwan, surrounded by stars na parang ang lapit-lapit sa amin. Tahimik ang paligid-walang ibang tao, walang ingay, just the sound of the waves and the soft breeze. Magkatabi kami ni Alex, halos magdikit ang mga braso namin habang umiinom at nakatingin sa dagat. Sobrang surreal. Parang kami lang ang tao sa mundo.
Parang nasa ibang dimension ako. Kasama ’yong lalakeng dati ay ayoko pang makasalubong kahit sa corridor. Pero ngayon? Ang gaan sa pakiramdam na katabi ko siya. Never in a million years did I imagine na mangyayari ’to. Na may gabi palang ganito para sa aming dalawa-walang away, walang sarcasm. Just peace… and beer.
Sumulyap ako kay Alex na tahimik na pinagmamasdan ang dagat. Sa loob ng halos apat na taon, ngayon ko lang talaga siya tiningnan ng ganito. Noon, puro inis at doubts lang ang nakikita ko sa mukha niya. Pero ngayon… parang ibang tao siya. Maamo. Totoo.
Napansin niya ang tingin ko kaya bumaling siya sa akin. “Bakit ganyan ka makatingin?” tanong niya, nakangiti pero may halong curiosity.
“Wala lang,” sagot ko, sabay ngiti rin. Uminom ako ng kaunti. “It’s just… hindi ko akalaing darating ’yung araw na magiging ganito tayo. Na magiging magkaibigan tayo.”
Napatingin siya sa akin, and this time, iba ’yong ngiti niya-parang may meaning.
“I always wanted to be your friend,” sagot niya softly. And just like that, parang may kung anong bumilis sa loob ng dibdib ko. “Thank you for letting me in. For letting me be part of your world.”
Hindi ako agad nakasagot. Napalunok lang ako. My heart was racing in ways I couldn’t explain.
Ang totoo… napangiti niya ako. Pero hindi lang basta smile-’yong tipong smile na may kasamang kaba. Na parang may gustong kumawala sa dibdib ko pero pinipigilan ko.
I’ve never felt this way before. Ever. And honestly? Nakakatakot.
Bakit ganito? Bakit ngayon lang? At… bakit sa kanya?
Chapter 27
WILLIAM
“I just wanna ask something…” basag ni Alex sa katahimikan after a few quiet minutes. Pareho kaming nakatingin sa dagat, pero napalingon ako sa kanya nang marinig ko ’yon. He was smiling, but there was something serious in his eyes.
“Tungkol kay Gavin… anong nagustuhan mo sa kanya?”
Nagulat ako. I wasn’t expecting that question from him. Not tonight.
For a moment, I didn’t know what to say. I felt awkward-hindi lang dahil best friend niya si Gavin, pero parang hindi ko rin kayang ikuwento ’yon nang buong-buo sa kanya.
“Need mo pa ba talagang malaman?” I laughed a little, trying to keep it light. “Alam mo na ’yon. He’s everyone’s ideal guy sa campus. I liked him for who he is. Simple lang.”
Ngumiti si Alex, pero halata sa kanya na hindi siya satisfied sa sagot ko. “Come on, Will. Alam kong may mas malalim pa diyan. Just tell me the real reason. Hindi kita huhusgahan.”
Napatingin ako sa kanya, nag-aalangan pa rin. But something in his voice made me feel like he really wanted to know. And for some reason, I wanted to be honest.
“Fine,” I said, huminga muna ako nang malalim before smiling a little. “Since mapilit ka, eto na. Nagsimula ’yon way back noong first year pa lang tayo. The first time I saw him… ewan ko, may something lang. Hindi lang mata ko ’yong nakuha niya-pati puso ko. From then on, I admired him. At kahit ilang taon na ang lumipas, ’di pa rin ’yon nagbabago.”
Habang sinasabi ko ’yon, tumingin ako muli sa dagat. Just thinking about Gavin makes my chest feel light. Parang kilig.
Pero habang katabi ko si Alex… I felt something completely different. Something I couldn’t name.
Tahimik lang siya. I could feel his gaze on me, pero nang lingunin ko siya, bigla siyang umiwas. He looked away and suddenly let out a quiet laugh.
“Bakit ka natatawa?” tanong ko, medyo naiirita. “Ang seryoso ng usapan tapos bigla kang tatawa diyan? Baliw ka ba?”
“Wala…” mahinang sagot niya, and the smile on his lips slowly faded. He kept staring at the sea. “Sa tagal naming magkaibigan ni Gavin… ngayon lang ako nainggit sa kanya. Lahat kasi gusto siya. Everyone chooses him. Ako? Parang palaging extra lang.”
Napatingin ako sa kanya. There it was again-that sadness. The same kind of sadness I saw the first time we talked at the gym. The kind that made me wonder what he was hiding behind all that smugness.
“Anong pinagsasasabi mo diyan? Tigilan mo nga ’yan,” sabi ko, trying to brush it off, sabay tawa nang kaunti. “Look, nag-iinuman tayo, ’di ba? Chill lang.”
Ngunit napatingin siya sa akin, this time with eyes full of something I couldn’t quite place.
“You wouldn’t understand…” he whispered, then drank from his bottle.
Napakunot ang noo ko. “Huwag ka ngang ganyan. Hindi bagay sa’yo ’yong nagda-drama,” sabay tapik ko sa braso niya, trying to joke. I kept tapping him playfully, hoping he’d snap out of it.
Pero bigla siyang naging seryoso. He looked at me straight in the eye.
“Tell me… do you still see me as the guy you used to hate?”
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko agad nasagot.
“Lahat ng tao, may ayaw sa’kin,” patuloy niya. “Lagi nilang iniisip na wala na akong ibang alam gawin kundi ang manggulo, makipag-inuman, makipaglandian sa kung sino-sino. And maybe… they’re right. Kasi ’yon ang pinakita ko sa kanila mula pa noon. Pero alam mo, nakakapagod rin pala.”
Pagkasabi niya no’n, tumingala siya. Parang pinipigilan ang sarili niyang umiyak.
Ramdam ko ang sakit sa mga salita niya.
“No…” I answered quickly, and looked at him seriously. “Mali ako noon. I judged you too soon. Pero ngayon? Alex, kaibigan na kita. At masaya ako na naging kaibigan kita. I know you’re a good person. Hindi dahil sa sinabi ng iba, kundi dahil sa nakita ko mismo.”
He turned to me, parang hindi makapaniwala. “You think so?” tanong niya, sabay ngiti.
“Thank you. At least… I have you.”
And that made my heart skip a beat.
“H-Hindi lang naman ako ang meron ka,” sagot ko, looking away to hide my reaction. “Gavin believes in you, too. Pareho kaming naniniwala sa’yo. And we’re both lucky to have you as our friend.”
Napangiti siya. And for the first time that night, it looked genuine again.
I don’t know why, pero seeing him sad made me feel heavy. And now that he’s smiling? Ang gaan sa puso.
Pero bigla siyang tumahimik muli. “Alam mo… simula nang mamatay si Mom, pakiramdam ko, hindi na ako nabuo ulit. Parang may part sa akin na nawala at hindi na bumalik. Simula rin noon, lagi kaming nag-aaway ni Dad. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin na sinisisi niya ako sa pagkamatay ni Mom.”
When I heard that, narealize kong totoo nga ang sinabi noon ni Angela. His dad really blames him. And I didn’t know what to say.
I wasn’t in the right place to talk about his family. I just knew one thing-he was hurting. And that alone hurt me, too.
Tahimik kaming nakatingin sa dagat. Nang biglang matakpan ng ulap ang buwan, unti-unting dumilim ang paligid. I turned to him-and I saw it.
He was crying.
That moment… parang may tumusok sa puso ko. It hurt. Seeing him like that hurt more than I expected.
Wala na akong nagawa kundi ang ilapit pa ang sarili ko sa kanya. Hanggang magdikit ang mga braso namin. I placed my hand gently sa likod niya, hinaplos iyon paulit-ulit.
I could feel him trembling. I could hear his soft sobs.
“I know it’s hard… and painful,” I whispered, not even thinking. The words just came out. “But I’m here. I’m with you now. And I’ll stay, Alex.”
I didn’t know why I said that.
Pero hindi ko rin naman pinagsisihan.
Because I meant it.
Napatingin siya sa akin.
Tumigil siya sa pag-iyak habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. His narrow eyes were locked on mine, and for some reason, I couldn’t look away. Parang hindi ako makakilos, ni hindi ako makakukurap. Everything suddenly felt like it was moving in slow motion as he slowly leaned closer to me.
Our faces were inches apart. I could smell his scent, halo ng natural niyang amoy at ’yong beer na iniinom namin. Parang hindi ako makahinga. My heart was pounding so fast, sobrang bilis na parang lalabas na sa dibdib ko.
I knew what he was about to do… and yet, I couldn’t move.
Nagtatalo ang utak at puso ko. Should I turn away? Or let it happen? Should I let him kiss me?
But just when his lips were about to touch mine…
Bigla kong inilihis ang mukha ko.
My heart was racing habang pilit kong iniiwas ang tingin sa kanya. I couldn’t face him. And I could feel na gano’n din siya. The air between us turned heavy. Tahimik lang kaming dalawa. Neither of us wanted to speak first.
I was just about to break the awkward silence when he spoke.
“I’m sorry…” he said softly. Tumingin ako sa kanya. Hindi siya makatingin pabalik.
Pinilit kong maging kalmado kahit halatang naiilang ako. “A-Ayos lang…” I replied, trying to sound chill. “Siguro lasing lang tayo.” I let out a fake laugh, kahit alam naming pareho na isang bote lang naman ’yong ininom namin. Walang lasing sa isang beer.
Napangiti siya, pilit. Nginitian ko rin siya, kahit awkward.
What the hell just happened?
Tahimik na naman kami for a while, then we decided to leave the place. Inubos na lang namin ’yong natirang beer. Nagmotor na kami pabalik ng campus-parehong tahimik, parehong naiilang dahil sa muntikan na naming halikan.
Ayoko nang palakihin pa ’yon. Kaya I didn’t bring it up. I didn’t want him to feel even more awkward. But I also couldn’t understand myself.
Bakit kanina, habang dahan-dahan siyang lumalapit… bakit hindi ako umiwas agad?
Does that mean… I was going to kiss him too?
Hindi ko alam. Nalilito ako. And I know I shouldn’t be. I mean, friends na kami ulit, and that’s something I’m happy about. Pero bakit iba na ’yong pakiramdam? It’s not like I like him or anything, right?
…Or maybe I do?
Fine. I won’t deny it anymore. Since this morning, ever since I saw him again-there’s something different. I like him now. And I know it’s wrong.
Mali kasi si Gavin ang gusto ko. Si Gavin ang mahal ko. He should be the only one.
Habang nasa biyahe kami pabalik ng campus, hindi na ako kumapit sa baywang niya gaya ng dati. I just held on to the metal bar sa likod ng motor. Sobrang awkward, and I could feel na gano’n din siya.
Buti na lang, walang traffic. We got back to campus quickly.
“Hindi ka ba sasabay paakyat sa dorm?” tanong ko habang inaabot sa kanya ang helmet.
“Mauna ka na. Ipa-park ko pa ’to,” he replied, still wearing his helmet kaya hindi ko makita ang mukha niya. Tumango na lang ako.
“Salamat nga pala sa pag-stay with me today. And sa pagyaya mo kanina… I really had fun,” I said, trying to sound less awkward.
“Wala ’yon. Nag-enjoy rin naman ako kasama ka,” sagot niya. I was about to say something pero nauna siyang nagsalita, “Sige na, pumasok ka na. See you tomorrow sa practice.”
Tumango na lang ako bago siya nagpaandar ng motor paalis.
Naglakad ako papasok sa dorm building. I don’t know why, pero nakangiti ako habang dumadaan sa hallway. Next thing I knew, nasa tapat na ako ng kwarto ko.
But what surprised me was… hindi ko man lang namalayang nadaanan ko na ’yong room ni Gavin.
Usually, I’d pause and glance at his door. Minsan nga, tumititig pa ako. Pero ngayon? Wala. Diretso lang ako.
Maybe I’m just tired.
Pagpasok ko ng kwarto, hindi na ako nagbihis. I didn’t even take off my shoes. I just let myself fall onto the bed.
I closed my eyes-and everything went dark.
Until I felt nothing at all.
Chapter 28
WILLIAM
Nagising ako bandang alas siete na ng umaga.
Bumangon ako nang tamad, diretsong pumunta sa mini kitchen para gumawa ng kape. Pagkatapos ay umupo ako sa harap ng laptop ko at chineck lahat ng notifications na natanggap ko kagabi. Napansin kong September na pala.
Ang bilis ng panahon. Ilang araw na lang, basketball tournament na.
Sa Facebook page ng ADMU, may isang poll na naka-pin sa taas:
“Sino sa tingin niyo ang mananalo sa darating na basketball tournament ngayong taon?”
Ateneo de Manila University - 80%
Adamson University - 20%
Napairap ako habang binabasa ’yon. Syempre, Ateneo page ’yon kaya bias ang result. Pero kahit gano’n, nakakatuwang makita na maraming sumusuporta sa team namin. Kahit alam ng lahat na hindi madaling kalaban ang AdU.
Habang umiinom pa rin ng kape sa couch, napatingin ako sa mesa. May nakapatong na picture doon. Kinuha ko ito. Photo namin ni Alex kahapon sa isang booth, kasama ’yong mga mukha naming pinintahan ng isa’t isa. Napangiti ako habang naaalala ’yong moment.
But as I stared at Alex’s smiling face in the photo, bigla kong naalala ang nangyari kagabi.
We almost kissed.
Napailing ako. I tried to shake that thought away and forced myself to get up. Kailangan ko nang mag-prepare para sa practice namin today.
After about an hour of fixing myself, I finally stepped out of the dorm suot ang dilaw naming jersey. Since malapit na ang tournament, excused na kami sa classes hanggang matapos ang competition. Perks ng pagiging varsity.
Malapit na ako sa gym nang makita ko si James, ang pinsan ko. Mukhang okay na siya. Though may mga natitirang sugat pa sa mukha niya, halatang mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon.
“Kaya mo na bang maglaro?” tanong ko habang sabay kaming papasok ng gym. “Kakagaling mo lang, dapat nagpapahinga ka pa,” I said with concern.
Napangiti siya at ginulo ang buhok ko. “Appreciated, cuz. Pero ayos na ’ko. Besides, I don’t wanna miss kung anong sasabihin ni Coach mamaya.”
Napatingin ako sa kanya, curious. “Wait, may announcement si Coach?” tanong ko agad. “Don’t tell me… na-move ang tournament?”
Ngumisi lang siya. “You’ll find out later, Will,” sagot niya sabay tapik sa balikat ko.
Pagdating namin sa loob ng gym, kompleto na ang buong team. Umupo ako sa usual spot ko at napansin kong katabi ko si Alex. He smiled at me. I smiled back, kahit medyo naiilang pa rin ako dahil sa nangyari kagabi.
Pero sinubukan kong huwag na lang isipin ’yon. Focus muna ako sa practice.
At nandoon rin ’yong walanghiyang si Bryan.
Seriously? May mukha pa talaga siyang ipakita rito after what he did to James?
Tumingin siya sa akin at nginisian ako na parang demonyo. I ignored him. Pero ang tanong, bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya natatanggal sa team? Parang wala lang ’yong ginawa niya?
Napatingin ako kay Alex. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang saya niya ngayon. Gusto ko sanang tanungin kung okay siya, pero naisip kong baka enough na na nakikita ko siyang nakangiti. Ayokong balikan ’yong bigat ng kagabi.
Tumahimik ang lahat nang dumating si Coach Ryan. Seryoso ang expression niya habang humaharap sa amin. Mukha siyang bad trip, or maybe he just had a rough morning.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” panimula niya, diretso agad. Lahat kami, tumigil at nakatutok sa kanya. “May nakaabot sa akin na report. Isa sa inyo, may ginawang hindi kaaya-aya sa kapwa niyo teammate. The campus administration directed me to remove that player from the basketball team.”
Tumigil siya sandali. Then he looked straight at one person.
“At ikaw ’yon, Bryan.”
Nagulat ang lahat. Si Bryan mismo, parang hindi makapaniwala.
Ako? Hindi na ako nagulat. Bigla kong naalala ’yong sinabi ni James kanina. Now it makes sense.
Tumingin ako sa kanya-nakangiti siya. At nang tumingin ako kay Alex, nakangiti rin siya pabalik. So… sila ba ang nagsabi kay Coach?
Bryan stood up. “Ako?! Coach, come on! Bakit ako?! Hindi ba dapat si Parker ang tanggalin kasi bakla siya?!”
Tumuro siya sa akin. “Hindi ako papayag na ako lang ang aalis. Dapat tanggalin din ’yang baklang ’yan!”
Before I could even react, naramdaman ko ang kamay ni Alex sa likod ko. Nang tingnan ko siya, seryoso ang mukha niya. Parang sinasabi niyang don’t react, I got you. Kaya pinili kong manahimik.
“Shut up, Bryan!” sigaw ni Coach Ryan, punong-puno ng inis. “Wala kang karapatang sabihin ’yan. May dalawang taong nagreport ng ginawa mo kay James. At may isa pang nakakita sa’yo nang muntik mo nang saktan si Parker dito mismo sa gym!”
Tumigil siya, mas lalong naging intense ang boses niya. “Walang rule ang school na nagbabawal sa kahit sinong athlete dahil sa sexuality nila. So unless gusto mong tuluyan kang mapatalsik sa university, you better walk out right now.”
Tahimik si Bryan. Hindi na siya makapagsalita. Umiling si Coach at senyasan siyang umalis.
Kinuha ni Bryan ang bag niya, isinukbit sa balikat at lumabas na nakayuko. Bago siya tuluyang makalabas ng gym, tumingin siya sa akin. Galit. I just smirked.
Sorry, Bryan. But you had that coming.
Masaya ako. Sobrang saya. Finally, napatalsik na ang taong nanakit sa pinsan ko at nilait ako publicly. Kung tutuusin, team lang ang nawala sa kanya. Swerteng hindi pa siya na-expel.
Pagkaalis niya, may nagtanong kay Coach:
“Coach, paano ’yan? Kulang na tayo. Sinong papalit kay Bryan?”
Ngumiti si Coach. “Don’t worry, may naisip na ako.”
Naglakad siya palapit sa harap namin. Halata sa mukha niya na excited siya.
“Napagdesisyunan kong ibalik ang isang dating miyembro ng basketball team. At sa pagbabalik niya, mas tataas ang chance nating manalo sa upcoming tournament.”
Bigla akong kinabahan. Isa lang ang pumasok sa isip ko.
At bago pa man niya banggitin ang pangalan…
Pumasok si Gavin sa gym.
He’s back.
Chapter 29
WILLIAM
“Magkita na lang tayo mamayang 4PM para sa practice natin.”
’Yun lang ang sabi ni Coach Ryan bago siya tuluyang lumakad palayo.
Nag-alisan na rin ang mga teammates namin pagkatapos no’n. Medyo disappointing-naka-full gear na kami, handang-handa pa naman for morning practice. Pero wala pala. Then again, I can’t complain. Wala na si Bryan sa team, and more than that… Gavin is finally back.
Napansin kong nakikipagkulitan si Gavin sa iba naming ka-team. Ang gaan agad ng presence niya-parang never siyang nawala. Tapos ayun, naka-akbay pa si Alex sa kanya habang tumatawa. Mukhang masaya rin siya na bumalik ang best friend niya. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa.
Pero nang mapansin kong papalayo na si Coach Ryan, something inside me stirred. Naalala ko bigla ’yong sinabi niya kanina-dalawang tao raw ang nagreport kay Bryan. I’m sure na si Gavin ang isa… pero sino ’yong isa pa?
Agad akong lumapit at tinawag si Coach bago pa siya makalabas ng gym.
“Coach!”
Napahinto siya at lumingon sa akin. “Oh, Parker. Anong meron?”
Diretso na agad ako sa point.
“Tungkol po doon sa dalawang taong nagreport ng ginawa ni Bryan…” I paused for a second, trying to find the right words. “Sino po sila? Gusto ko lang sanang pasalamatan sila personally.”
Tumango si Coach at bahagyang ngumiti.
“Buti na lang at tinanong mo, Parker.” Mahinahon niyang sagot. “Si Gavin, siya ’yung lumapit sa akin para mag-report. Kaya rin mabilis naming napag-usapan ’yung pagbabalik niya sa team. Pero ’yung unang-unang lumapit sa akin? Si Alex. Siya ang unang nagsumbong, at siya rin ang dumiretso sa campus administration.”
Napamaang ako. Coach kept talking, but everything else seemed to blur for a second.
“Hindi na ako nagdalawang-isip tanggalin si Bryan,” dagdag niya. “Matagal ko na ring napapansin ang ugali niyang hindi maganda. ’Yung report ni Alex ang nagbukas ng lahat.”
Now it made sense.
“S-Sige po, Coach. Thank you.” ’Yun lang ang nasabi ko bago ako tinanguan at iniwan ni Coach.
Tahimik akong bumalik sa gawi ng team. Rinig ko pa rin ang tawanan at kuwentuhan nila kasama si Gavin. Ang saya-saya ng atmosphere. Pero ako? Hindi ko pa rin ma-process ’yung nalaman ko.
All this time, I thought it was Gavin who started it all. Akala ko siya ’yung naglakas-loob na magsumbong. Pero si Alex pala.
Hindi niya man lang sinabi sa akin.
And for some reason… that made my chest feel heavier than I expected.
Pumasok lang ako saglit sa banyo sa loob ng gym, at pagbalik ko, halos wala na ’yung ibang teammates namin. Even Alex was gone. Ilang ka-team na lang ang naiwan kasama si Gavin, pero hindi rin nagtagal-umalis din sila.
In a few minutes, kami na lang ni Gavin ang natira sa gym. I took the chance to thank him for what he did… and to officially welcome him back.
He smiled when our eyes met.
Compared to me, casual lang ang suot niya-navy blue na shirt at jogger shorts. Ang relaxed ng vibe niya.
“Welcome back to the team!” masaya kong bati sa kanya.
“Thanks, William,” sagot niya habang tinapik ang balikat ko.
Umiling ako at ngumiti. “Dapat ako ang mag-thank you sa’yo. For reporting Bryan kay Coach at sa campus admin. I really appreciate it, Gavin. Sobrang laki ng bagay no’n para sa’kin.”
Napangiti siya at napailing din. “I just kept my promise, ’di ba? Sinabi ko sa’yo noon, I got your back.” Sagot niya. “Besides, kailangan talagang mapanagot si Bryan. What he did wasn’t right. He got what he deserved.”
“Basta… thank you, ulit.”
Nagkatinginan kami na parehong nakangiti, and then he said something that caught me off guard.
“If you’re really thankful, why not treat me to coffee?” biro niya, pero may halong lambing ang tono. “Okay lang ba sa’yo?”
Nag-blink pa ako saglit sa shock. Did he just… ask me out? “O-Oo naman! I’d love that!” mabilis kong sagot. “Anong oras mo gusto?”
Parang bigla akong kinilig. Hindi ko alam kung bakit.
“Is 6PM okay with you? Sa Haven Café tayo,” sabi niya, looking straight into my eyes.
Napatingin din ako sa kanya. His gaze felt warm. “Ayos lang sa’kin! That’s perfect,” sagot ko, hindi na maalis ang ngiti sa labi ko.
Tumango siya, tapik ulit sa balikat. “Cool. See you later.” Saka siya ngumiti at tumalikod paalis ng gym.
Pagkaalis niya, parang may adrenaline pa rin akong nararamdaman. I rushed back to the dorm. Then I got a text from Alex: “Kita tayo ng 1PM sa gym, para sa practice natin.”
Matagal na rin kaming ’di nakakapag-practice ng solo dahil sa lahat ng kaguluhan lately. Pero kahit excited akong makita si Alex, hindi ko rin mapigilang isipin ang coffee date namin ni Gavin mamaya. My heart was racing for some reason.
Hindi ako mapakali. I cleaned the entire room para lang may magawa. Ayoko kasi ng walang ginagawa lalo na kung excited ako. Gusto ko nang mag-6PM agad.
Dahil sa sobrang paglilinis, napaupo ako sa couch… at nakatulog.
Pagkagising ko, nagulat ako-past 1PM na! I jumped up and rushed to the bathroom para maligo at magbihis. For sure, kanina pa naghihintay si Alex.
I left the dorm right away and headed to the gym. Pagdating ko roon, nakita ko si Alex, nakatayo’t nagdi-dribble ng bola, paulit-ulit.
Nilapitan ko siya agad. “I’m so sorry! I know, I’m late. Sobrang hindi ko namalayan ’yong oras! My bad, Alex,” exaggerated kong sabi habang hinihingal pa.
Napangiti siya, umiling. “Okay lang, William. Hindi naman ako galit.” Saka niya agad ipinasok sa akin ’yong bola. “Let’s go?” ngumiti siya.
Tumango lang ako, and we started playing.
We played for about an hour. Sobrang saya. It felt so natural. While resting, we sat on the bleachers, both of us pagod at pawisan. I never thought I’d enjoy practicing with Alex this much. Mula nang naging magkaibigan kami, everything about him changed in my eyes. I used to hate him, but now? I actually like being around him.
Nasa tabi ko siya habang umiinom. I stared at him-his neck, arms, and the sweat dripping down his skin. Bigla akong nauhaw. At ’di ko napigilan ang sarili kong maalala ’yong nangyari sa amin nung isang gabi… that almost happened. Napailing ako. Uhaw lang talaga ako. Siguro.
“Okay ka lang?” tanong niya, napahinto sa pag-inom at tumingin sa akin. “You look pale.”
Agad akong umiling. “Ha? Ako? Hindi ah. Okay lang ako.”
Pero sa totoo lang, uhaw na uhaw na talaga ako. Bakit nga ba hindi ako nagdala ng tubig?
“Wala kang dalang tubig, no?” Seryoso niyang tanong, then he touched my cheek. Nagulat ako. Pero hindi ako kumibo. “Uminom ka muna,” sabi niya habang inaabot sa akin ang bote niya, na kalahati pa ang laman.
Umiling ako, nahihiya. “H-hindi na, baka kulang pa ’yan sa’yo.”
“Come on. Malinis ’yan. Malinis din ang laway ko, promise,” sabay tawa niya. Biro pero may halong pilit.
Napatawa rin ako pero umiling pa rin. “Hindi na talaga…”
Pero kinunot niya ang noo niya. “Take it or magtatampo ako. Pili ka.”
Wala na akong nagawa. Kinuha ko ’yong bote at uminom. Habang ginagawa ko ’yon, naiisip ko… indirect kiss ba ’to?
“Tanggapin din pala, eh.” tawa niya habang umiling.
Pinunasan ko ’yong labi ko. “Thanks…” sabay abot ko pabalik ng bote. Then I looked at him seriously.
“Not just for the water. Gusto ko rin mag-thank you sa pag-report mo kay Bryan. Kinausap ko si Coach-he told me ikaw ’yung unang nagsumbong. Now I understand kung bakit kayo best friend ni Gavin. Pareho kayong mapagmalasakit.”
Napangiti siya, tahimik na nakatingin sa’kin.
“Hindi ko talaga gusto si Bryan, ever since. Suwerte lang siya’t hindi ako nakakita ng dahilan noon pa. Pero nung naging saksi ako sa mga ginawa niya sa’yo-nope. I had to do something,” sagot niya. “I just did what felt right.”
At ngumiti siya.
And that smile? It felt… genuine.
Napangiti ako sa sinabi niya. “Thanks again, Alex…”
Ngumiti lang siya pabalik at tumango. Saglit kaming natahimik, parang parehong nag-iipon ng lakas ng loob, until he suddenly spoke again.
“William,” tawag niya sa pangalan ko.
Napalingon agad ako sa kanya. “Hmm?”
“May gagawin ka ba mamaya?” tanong niya, medyo mahina at may konting pag-aalinlangan sa tono niya. Pero kahit may halong hiya, he managed a small smile.
Napakunot ang noo ko. “Anong oras ba?” curious kong tanong. May practice kami mamayang 4PM, and after that, I promised Gavin na iti-treat ko siya ng coffee around 6PM sa Haven Café.
“Mga around 6PM sana…” medyo mahina niyang sagot. “Naisip ko lang, baka gusto mong uminom ulit after ng team practice. Just us-chill lang.”
Bigla akong napatigil. Sa loob-loob ko, damn. Bakit ngayon pa? Ayokong i-disappoint si Alex, but I also can’t just ditch Gavin.
I took a deep breath. “M-May lakad na kasi ako mamayang 6, Alex…” I answered, almost whispering. Nahihiya ako, I can’t even look him straight in the eye. “Sorry…”
Pagtingin ko sa kanya, nakita ko kung paanong dahan-dahang nawala ’yung ngiti niya.
“No, it’s fine. You don’t have to be sorry,” sabi niya habang pilit pa rin siyang ngumiti. Pero alam kong iba ang sinasabi ng mga mata niya-he was disappointed. “Maybe next time,” dagdag pa niya.
Tahimik akong tumango. Next time… pero bakit parang ang bigat sa dibdib?
Nagpaalam na rin kami agad sa isa’t isa. Short lang ang pahinga namin, and while I walked away, I couldn’t stop thinking about that look on his face.
Bakit ba kailangan magkasabay ang lakad nila?
I feel guilty. As in sobra. Parang ang lungkot ng energy bigla. I know I didn’t do anything wrong… pero bakit parang nasaktan ko si Alex? And even worse, bakit ako parang… mas gusto kong uminom with him tonight?
Why does this feel like the worst timing ever?
Chapter 30
WILLIAM
Pagkatapos ng basketball practice namin bandang alas-singko, dumiretso na agad ako sa dorm para maghanda sa meet-up namin ni Gavin. Naligo ulit ako, inayos ang sarili-sinigurong mukhang presentable. I don’t know, maybe I wanted to impress him a little.
Suot ko ang isang black na pantalon at gray na hooded jacket nang lumabas ako. Chill lang. Simple. Pero sakto.
Hindi na ito ang first time namin sa Haven Café, pero kahit gano’n, may excitement pa rin akong nararamdaman. Maybe because it’s Gavin. Just the idea of seeing him again and having time alone with him-makes me feel genuinely happy.
I waited at the gate for almost 20 minutes. Sabi niya kasi nagkaroon ng biglaang meeting para sa mga building presidents, kaya kailangan niyang dumaan muna ro’n. Nang dumating siya, all that waiting felt worth it. He looked effortlessly fresh in a blue sleeveless shirt at maong shorts. Too hot to handle talaga. His arms, shoulders, and that broad chest… grabe, hindi mo puwedeng hindi mapansin.
“Sorry for making you wait,” bungad niya, ngumiti pa siya habang nakatingin sa akin. “Had to fix something sa office.”
Tumango lang ako. “It’s okay…” sagot ko, kahit na medyo awkward dahil hindi ko maiiwasang mapatingin sa katawan niya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Focus, William. “So… tara na?” aya ko.
Agad siyang pumayag. We walked side by side palabas ng campus, papunta sana sa Haven Café.
Pero pagdating namin doon at pagtawid, sabay kaming napatigil. Sarado ang café. May nakapaskil sa pinto-temporarily closed due to unforeseen circumstances.
Nagkatinginan kami. Ako, halatang disappointed. “Paano ’yan? Sarado sila,” sabi ko.
Ngumiti lang siya at tinapik ako sa balikat. “Okay lang, marami namang coffee shops around. Hanap na lang tayo ng iba,” sagot niya calmly. Buti na lang kalmado siya, unlike me na parang nawalan na agad ng gana. “Walk tayo?” aya niya, and I nodded right away.
Naglakad kami palayo sa café na ’di namin mapupuntahan.
While walking, I couldn’t help but feel a little frustrated. Of all days to close, bakit ngayon pa?
Haven Café is different, eh. It’s not just about the coffee. It was our first ever coffee hangout together. May sentimental value, kumbaga. Kaya parang ang hassle lang na kailangan pa naming humanap ng iba.
Habang lumalakad, may napansin akong bagong shop across the street. Mukhang bago lang, kasi ngayon ko lang siya nakita. Ang pangalan? Catpuccino Café. Weird name, pero interesting. Baka dahil sa theme or maybe it’s a coffee shop rin?
“Try kaya natin doon?” I pointed at the shop. Tinignan agad ni Gavin. “Mukhang okay naman, oh.”
He nodded, smiling. “Let’s go?”
Tumawid kami pareho papunta ro’n.
Pagpasok namin, sinalubong agad kami ng isang staff. “Welcome to Catpuccino Café, mga Sir!” bati niya.
Ngumiti ako’t bumati rin. Gavin did the same. Wala masyadong tao, so we easily found a seat sa bandang gitna ng café-doon ko kasi pinaka-feel na comfortable. I asked Gavin if he’s good with it, and he agreed.
“Anong gusto mong inumin?” tanong ko sa kanya.
“Cappuccino,” sagot niya agad, with that signature smile of his.
Tumango ako at pumunta sa counter. In-order ko ang cappuccino para sa kanya, then got myself an iced coffee. Surprisingly, hindi mahal ang prices nila. Sakto lang, tapos maayos pa ang service. They even gave me a first-timer discount. Not bad!
Pagbalik ko, dala ko na ang mga drinks. I handed Gavin his cappuccino and sat across from him.
“Thanks for this,” sabi niya sabay lagok sa inumin niya. Ngumiti ako.
Umiling ako. “Ikaw nga nagbayad last time. Don’t mention it.”
Tahimik kaming pareho habang pinagmamasdan ang paligid. Cozy ang vibes. Actually, okay na rin na sarado ang Haven Café. At least, we discovered something new tonight.
Ilang minuto kaming nagkwentuhan tungkol sa Art Fest. Sabi niya sobrang busy siya coordinating the program kaya hindi na siya nakaikot sa booths. Of course, I didn’t tell him I was with Alex that day. I don’t think he’d want to hear about that… especially not what almost happened after.
Besides, I just want to focus on us tonight-sa kanya, sa mga kwento niya, sa mga detalyeng binabahagi niya sa akin. I feel like I’m getting glimpses of the parts of his life na hindi ko madalas makita.
Habang nagkukwentuhan kami, I started to feel this strong urge to ask more about him. Parang gusto kong malaman lahat. But I didn’t know how to start.
So I shifted the topic.
“Masaya ang buong team na bumalik ka,” sabi ko. Napangiti siya.
“Buti na lang talaga napa-oo ka ni Coach Ryan. We need you sa tournament.”
“Namiss ko rin ’yung maglaro with the team,” sagot niya. “Kaya no second thoughts nang pinakiusapan ako ni Coach to replace Bryan.”
Tumango ako. “You’re seriously the most multi-talented person I know,” bulalas ko.
Natigil siya, parang di makapaniwala. “Wow, grabe ka naman,” natatawa niyang sagot.
“Pero totoo! You’re a building president and one of our best players. Parang hindi ka na nauubusan ng energy,” sabi ko, impressed talaga.
“Thanks, pero sobra ka naman mag-compliment,” natatawa pa rin siya. “Siguro kasi, mahalaga sa’kin lahat ng ginagawa ko. That’s how I stay committed.”
Tumango ako. That’s Gavin. Consistent. Focused. Genuine.
For the next hour, we talked about random stuff. Some topics we even repeated ’cause I didn’t know what else to ask. But he didn’t seem to mind. He just kept laughing at my silliness. God, why am I always shy around him?
“Ask me anything,” I suddenly said. “Anything you want to know, I’ll try to answer.”
Napangiti siya, then he paused-thinking.
“How about…” sabay bitin. “Do you have a girlfriend now?”
What?
Natawa ako sa loob-loob ko. Alam naman niyang bakla ako, so bakit niya tinanong ’yon?
Umiling ako. “Wala. I mean, I’m not totally closing my doors, pero honestly, I’m not into girls right now. Kaya siguro, hindi rin talaga magwo-work ’yon sa’kin.”
Tumango siya slowly. “Okay, okay. Got it.”
Then, with a sheepish smile, he asked again. “So… how about having a boyfriend?”
Medyo nag-alangan siya sa tanong, pero ngumiti lang ako. He knows my sexuality, so I didn’t feel offended.
Pero ang awkward lang, kasi kung may sagot man sa tanong niya… it’s him.
“I’m open to having one… someday,” sagot ko habang nakatingin sa kanya, seriously. But I quickly looked away. Ayoko siyang mailang.
“Good for you,” tanging sabi niya, sabay ngiti.
Talking about relationships like this… it made me curious, too.
So I asked, “Would you mind if I ask… do you have a girlfriend right now?”
Bigla siyang natahimik. From smiling, his face turned serious.
Chapter 31
WILLIAM’S POV
It’s already 9:35 PM.
Mga thirty-five minutes na rin kaming naglalakad ni Gavin pabalik ng campus. We just got out of Catpuccino Café-our newly discovered spot. We stayed there for around an hour and a half. Masaya naman ako sa naging usapan namin. I just hope Gavin feels the same way.
Kasi kanina pa siya unusually tahimik. He smiles at my stories, pero ramdam ko-parang wala siya talaga sa mood makinig. To be fair, maayos naman ’yong simula ng usapan namin kanina. We were both comfortable. Pero ewan, biglang nag-iba ’yong vibe niya. May kung anong shift na hindi ko maipaliwanag.
I started wondering-baka may nasabi akong mali? Masyado yata akong nadala sa kwentuhan. Did I annoy him? O baka dahil doon sa isang tanong ko…
I asked him if he currently has a girlfriend.
At first, natawa lang siya. Akala ko nga ibabato niya lang pabalik ’yong tanong, but a few seconds later, he actually answered-na wala siyang girlfriend. At never pa raw siyang nagkaroon.
I was shocked. I mean, knowing how responsible Gavin is, it’s just hard to believe na wala pa talaga? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or should I feel guilty kasi baka I crossed a line. Baka nasaktan ko siya without even knowing.
Hindi pa kami gaanong nakakalayo mula sa café nang hindi ko na natiis. I stopped walking and called him.
“Okay ka lang ba?” I asked softly.
Napahinto siya at lumingon pabalik sa’kin.
“Napansin ko lang… you’ve been kinda quiet. Did I say something wrong?” tanong ko habang lumalapit sa kanya.
He smiled, pero pilit. “N-No, you didn’t… okay lang ako. Ganito lang talaga ako minsan. Sorry, William,” he chuckled, pero halatang may tinatago.
I stared at him, unsure if I should believe him. “You sure? You don’t look fine, Gavin. I feel like I said something… or maybe I asked something I shouldn’t have. Sorry kung naging over ako.”
He laughed a little and shook his head. “Silly ka talaga,” sabay tapik sa balikat ko. “You were fun to be with back there. I promise, walang mali sa’yo.”
I nodded, kahit hindi pa rin ako convinced.
“Okay…” I replied, forcing a smile.
He gave me a small gesture. “Tara?” he said, and started walking again.
Tahimik pa rin habang naglalakad kami pabalik. I couldn’t shake off the feeling that the turning point was when I started asking about girlfriends. Maybe I pushed too far. Maybe I made him feel uncomfortable. Bakit ba kasi kailangan ko pang itanong ’yon?
At sa totoo lang, I wanted to ask him something else-kung open ba siyang magmahal ng lalaki. But I held back. That would’ve been too much. Insensitive. Especially sa isang tulad ni Gavin na halatang straight. Or at least… I think he is.
But the truth?
Even if it feels hopeless, a part of me is still hoping. Umaasa pa rin. Have you ever liked someone straight and still thought you had a chance? Gano’n ’yong pakiramdam ko kay Gavin. Every time I’m with him, I feel like maybe-just maybe-hindi imposible.
Pagdating namin sa harap ng campus gate, I suddenly stopped walking again.
“Gavin… can we talk here?” I said, serious this time.
Nagulat siya pero humarap agad sa’kin, then smiled gently. “Why? Anong meron?” tanong niya habang lumalapit.
I sat down sa waiting shed nearby, at umupo rin siya sa tabi ko.
Huminga ako nang malalim. “I just want to say sorry… for being so insensitive kanina. And for asking those stupid questions about girls and girlfriends.”
Tahimik siya. Serious ang tingin niya sa akin.
“I shouldn’t have asked those things,” I added, barely meeting his eyes.
“It’s okay…” he finally said, looking away. He sighed. “It’s just… things like that, they’re complicated for me. But don’t worry-I’m not mad. I swear.”
I looked at him, confused and concerned. “You know you can tell me anything, right? You don’t have to carry it alone. If it helps to talk, I’ll listen. Always.”
He looked at me seriously. “It’s about… it’s about myself.” He hesitated. I saw it. He wanted to say something but was clearly struggling.
“You asked me why I don’t have a girlfriend…” he paused. “It’s because of one thing…”
Napakunot noo ako. “Because you’re afraid to love? Or get hurt?” I guessed.
He shook his head slowly. “No. It’s not that.”
“Then what is it?” I asked, more curious than ever. Maybe I shouldn’t be pressing this hard. But I really wanted to know. I needed to.
He looked like he was about to say something-finally-when suddenly, a familiar voice interrupted us from across the street.
“Anong ginagawa niyo rito?”
It was Alex.
He was wearing a black T-shirt and ripped gray jeans. He looked at us, confused and serious, slowly walking closer.
Gavin and I stood up from the bench as he approached.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Alex sa aming dalawa. But eventually, his eyes locked on mine. The look in his eyes was demanding-like he wanted an answer directly from me.
I opened my mouth to speak, but Gavin beat me to it.
“We went to a newly opened café nearby, pare,” Gavin said casually. “Nanlibre si William ng kape.”
Napangiti na lang ako sa pagkakasabi niya.
Alex nodded slowly, his face still unreadable. “Gano’n ba?” he said. “Masarap ba ’yong kape?”
But his gaze was still on me.
“It was great!” Gavin said enthusiastically. “We should go there next time, pare.”
Alex just nodded, trying to smile.
“Ikaw? San ang punta mo?” I couldn’t help but ask. “Mukhang may lakad ka ah.”
He smirked, but it didn’t reach his eyes.
“Supposedly. Pero hindi natuloy. May lakad daw kasi siya…” he said, clearly throwing shade.
I was caught off guard. Was he talking about me? Dahil ba hindi ko siya sinamahan kanina?
I couldn’t say a word.
“Too bad,” Gavin said, trying to lighten the mood. “San ka pupunta ngayon, pare?”
Alex shifted his eyes away from me. “Bibili lang ako ng yosi,” he replied flatly. I don’t often see him smoke, but I remembered-isa rin pala ’yon sa mga bisyo niya.
“Pabalik na rin kami ni William,” Gavin said. “Ingat ka, pare.”
Alex smiled faintly. “Mas dapat silang mag-ingat sa’kin,” he said before turning away.
As Gavin and I started crossing the street back into campus, I turned around-and saw Alex still watching us.
No. Not us. Me.
His eyes were serious. Intense.
And I couldn’t help but ask myself… what the hell is going on with him?
ALEX’S POV
“Lalabas ako mamaya, pare. Baka trip mong sumama?”
Narinig ko si Austin, roommate ko, habang nagbibihis siya. Pero hindi ko siya pinansin. Nasa kama lang ako, nakahiga, magkapatong ang braso sa ilalim ng ulo, at nakatitig lang sa kisame na parang may sariling mundo. Sobrang dami kong iniisip kaya wala ako sa mood para gumala o makipagsaya.
“Ikaw na lang muna, bro,” sagot ko sa kanya, hindi man lang lumingon. “Wala ako sa mood para lumabas ngayon.”
“Uy, himala ’to ah!” Tumawa si Austin habang lumapit sa kama ko. “Dati ikaw ’yung laging nagyayaya sa akin na uminom, gumimik, tumambay. Anong meron? Good boy ka na ngayon?” pang-aasar pa niya.
Binalingan ko siya ng seryosong tingin. “Ulol.” Umupo ako sa gilid ng kama. “Wala lang talaga sa mood, ’tol.”
“Sigurado ka bang okay ka? Kaninang umaga ka pa d’yan naka-flat mode, hindi ka pa ata naliligo.” puna niya. Nginitian ko lang siya. “Babae ba ’yan? Ubos na ba ang mga chicks mo, bro?” dagdag niyang biro, kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Buti naman at nakuha niyang gusto ko ng space. Nang matapos siyang magbihis, kusa na siyang lumabas at iniwan akong mag-isa. Pagkaalis niya, bumalik ako sa pagkakahiga at tuloy lang sa pag-iisip.
To be honest, wala naman sa mga sinabi ni Austin ang totoong dahilan kung bakit ganito ako buong araw. Wala akong sakit, at lalong hindi dahil sa babae. Matagal ko nang tinapos ’yung phase na ’yon. One day, I just woke up and realized, ayoko na. Ayoko na sa fake connections, ayoko na sa landian na walang patutunguhan.
Lately, tahimik lang din ako. Hindi na ako nasasangkot sa gulo, hindi na ako ’yung pasimuno ng kalokohan. Parang gusto ko na talagang magbago, maging mas maayos. Weird, ’di ba? Coming from a guy like me.
Pero siguro… lahat ’to nagsimula when I met William.
Tatlong araw na mula noong nakita ko silang dalawa ni Gavin - sa tapat ng campus, magkatabi sa waiting shed, seryosong nag-uusap. Simula no’n, hindi ko na magawang kausapin si William. Lagi akong pinanghihinaan ng loob. Parang… ang hirap niya ngayong lapitan.
Every time may practice kami, lagi niyang kasama si Gavin. And I know… I know he likes him. Mahal niya si Gavin. Kitang-kita naman sa paraan ng tingin niya, ng pakikitungo niya.
Pero tuwing nakikita ko silang magkasama, I can’t help it. Naiinis ako. Nagseselos ako.
And the painful part? Ako ’yung nauna kay William. Ako ’yung unang pumasok sa buhay niya. Pero ngayon? Parang unti-unti na siyang napupunta sa iba.
Hindi ko na yata kayang itanggi pa. I’m not even trying anymore. Lalo na nang mas makilala ko siya - kung sino talaga siya, kung gaano siya katapang, kahit sa mga taong ayaw tanggapin kung ano siya. The more I tried to stay away, the more na nahulog ako sa kanya.
Alam kong ang jologs pakinggan, pero…
I think I’ve fallen in love with him.
I tried my best to stop it. After knowing he’s gay, I distanced myself. Natakot ako. Hindi sa kanya, kundi sa sarili ko. Kasi kahit noon pa, kahit wala pa akong alam, he already had this weird effect on me.
Kaya siguro palagi ko siyang inaasar noon. Kinukulit. Binubwisit. Maybe it was my way of getting close to him without admitting the truth.
Nakakatawa, ’no? Seeing him annoyed made me happy. Pero deep down, ang gusto ko lang talaga ay mapansin niya ako.
But I couldn’t even face the truth. Hindi ko kayang ipakita kung ano talaga ako. Dahil natatakot akong mahusgahan. Natatakot akong mawala ang respeto ng mga tao sa paligid ko.
Lagi nila akong tinitingnan bilang matigas, alpha, palaban. Pero ang totoo? Isa akong malaking duwag. Hindi ko man lang maipaglaban ang nararamdaman ko.
Pero binago ako ni William.
Nang makita ko siyang mag-isa noong Art Festival, alam kong pagkakataon ko na ’yon. Lumapit ako. Umupo sa tabi niya. I just wanted to make up for everything. For every rude thing I said. For every moment I pushed him away.
And that day, I realized something deeper.
He’s not just my strength. He’s not just my source of joy. He’s the person I love.
Pero ang sakit isipin, kasi kahit anong pilit ko, siya pa rin ang mahal ni William-si Gavin.
And no matter how much I want to believe I have a chance…
Right now? Parang wala na talaga akong pag-asa.
Nagdesisyon akong lumabas ng kwarto nang maramdaman kong kumakalam na ’yung tiyan ko. Alas siete na ng gabi at hindi pa ako kumakain mula tanghali. Gutom na ’ko, I really need to grab something to eat.
Paglabas ko ng kwarto, napatigil ako sandali sa harap ng pinto ni William. Napangiti ako nang hindi ko namamalayan. I just stared at his door for a few seconds, before finally pulling myself together and heading down the building.
Pagdaan ko sa tapat ng kwarto ni Gavin, nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto.
Nagkatinginan kami. I was caught off guard.
“A-Alex, pare…” bungad niya. Tinanguan ko siya, trying to act normal kahit ang awkward ng moment. I could feel his eyes on me, like he wanted to say something serious.
“I was about to check on you sa room mo. Pero since andito ka na, I guess now’s the right time. Okay lang ba if we talk? Just for a minute.” His tone was unusually serious.
Wala na akong choice. “What is it?” tanong ko, avoiding his eyes.
“Are you avoiding me?” Hindi man ako tumingin sa kanya nang diretso, ramdam ko ’yung bigat ng tanong niya. Hindi ko ma-explain pero parang iba na si Gavin ngayon. Hindi siya ’yung usual chill na kaibigan ko.
“Dahil ba sa sinabi ko sa’yo that night?” dagdag pa niya.
Napilitan akong lumingon at seryosong tiningnan siya. “Gavin, bro…” malalim ang buntong-hininga ko. “Ayoko nang balikan ’yon. Can we just move past that night? Please?” I pleaded.
Para siyang malapit nang umiyak habang nakatingin sa akin. “P-Pero… lahat ng sinabi ko sa’yo totoo.”
Napailing ako. Hinila ko siya papunta sa madilim at tagong bahagi ng hallway para makausap nang maayos-malayo sa ibang makakarinig.
“Tayo, magkaibigan tayo. Matagal na. Ayokong masira ’yon dahil sa feelings.” Inilabas ko na. “Mahal kita…pero hindi ’yong klase ng pagmamahal na iniisip mo.”
I saw the tears forming in his eyes.
“W-Wala na bang chance? Hindi ba talaga pwede?” Halata ang lungkot sa boses at mukha niya. Umiwas ako ng tingin. Ayoko siyang makita nang ganito.
FLASHBACK
Noong gabing nakita ko sila ni William, I left for a smoke. Pagbalik ko, nagulat akong nandoon pa rin si Gavin sa gate, nakatayo.
“Oh? Akala ko umuwi ka na kasama si William?” tanong ko habang hinihithit ang yosi.
He looked uneasy. “Hinintay talaga kitang bumalik.”
“Ako? Bakit?” Nagkunwari akong chill, pero inside, I felt something weird was about to happen. “Anong meron? May problema ba?”
He swallowed hard before speaking. “May dapat kang malaman, pare…” he said. I stopped puffing. “Dapat noon ko pa ’to sinabi, pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob.”
“Gawin ang ano?” tanong ko, nakatitig nang seryoso.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, then softly said, “Alex… mahal kita.”
For a moment, naparalyze ako. I didn’t know what to say. I never thought he’d confess. It felt unreal.
“P-Pare…” I tried to find words. “Mahal rin kita… bilang kaibigan. ’Yun ang ibig mong sabihin, ’di ba?” Desperado akong i-reframe ang sinabi niya.
Pero umiiyak siyang umiling. “No, Alex. Mahal kita. As in, higit pa sa pagiging magkaibigan. Since we were kids pa, I’ve always felt this way. Ikaw ’yong unang taong nagparamdam sa’kin na special ako.”
I didn’t know how to respond. I was shocked. This wasn’t the Gavin I thought I knew. Mabait siya, oo, loyal na kaibigan. Pero hindi ko akalaing ganito pala ang laman ng puso niya.
“Gavin… sorry. Hindi ko kayang mahalin ka sa paraang gusto mo. Lahat ng taon na ’to, kaibigan ang turing natin sa isa’t isa. Ayokong masira ’yon.” Halos hindi ko siya matingnan habang sinasabi ko ’yon.
Umiiyak siyang nakayuko. “Pero mahal kita…”
“Mahal din kita… as my best friend,” sagot ko, barely above a whisper.
END OF FLASHBACK
Since that night, everything’s been a mess inside my head.
Bumalik ako sa kasalukuyan. Nakatingin pa rin sa akin si Gavin, seryoso at punong-puno ng emosyon.
“Pare, hindi pwede. We can’t be together.” Napakagat ako sa labi ko, then I added, “Hindi mo ko pwedeng mahalin nang higit pa sa pagiging kaibigan. And I can’t love you like that either.”
“Bakit? Dahil straight ka?” he shot back, pain in his voice.
Wala na akong choice kundi ilabas ang totoo.
“Dahil kay William.”
Napakunot ang noo niya. “What do you mean dahil sa kanya?”
Huminga ako nang malalim. Tapos tumingin sa kanya, diretso.
“William loves you…” I said. “Pero siya ’yong mahal ko, Gav.”
Nagulat siya. Hindi siya agad nakapagsalita.
I’m really sorry, William… pero ito lang ’yung tingin kong paraan para maayos ang gulo. Para matapos na ’tong nakakasakal na setup. Kahit masaktan ako, kahit masaktan si Gavin-at kahit masira lahat… kailangan kong sabihin ang totoo.
Chapter 32
WILLIAM
Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang bagong set ng blue jersey shorts at sando na suot ko dapat ngayon. Today’s the day-ang pinaka-inaabangang annual basketball tournament kung saan makakalaban ng campus namin ang team ng Adamson University.
Habang hawak ko ’yung jersey, napangiti ako. Number twelve. Naka-imprinta sa taas ng number ang pangalan ng school-Ateneo De Manila University.
Pagharap ko sa likod, nakasulat doon ang last name ko: Parker. I couldn’t help but smile. Ilang taon ko ring pinangarap maging part ng team. Noon, I was just watching from the bleachers-dahil kay Gavin. Pero ngayon, I’ll finally get to play with him sa isang official tournament.
Isinuot ko ang jersey, inayos ang sarili, then huminga nang malalim. Hindi ko idi-deny, kabado ako. Kalaban lang naman namin ang pinaka-dominant team this season-undefeated pa. Pero win or lose, I’ll give it my all. I know my teammates feel the same.
Paglabas ko ng dorm building, I was greeted by a sea of students wearing blue shirts-our school color. Lahat sila hype na hype, cheering and waving flags. Yung iba pa nga, binati ako when I passed by.
Seeing them this early, full of energy and support, made me feel a bit calmer. Parang no matter what happens, someone’s rooting for us.
Gaganapin ang tournament sa gym kung saan kami palaging nagpa-practice. That’s a big plus-home court advantage ’to.
Pagpasok ko sa gym, I was stunned. Punong-puno ng tao. May mga hawak na banners, posters, at balloons na asul at puti-mga kulay ng magkabilang campus. Maingay. Makulay. Ang intense ng energy.
Sa gilid, may crew na nagse-set up ng mga tripod at camera. Sabi nga ni Coach Ryan kahapon, i-a-air daw sa TV ang buong game. No pressure, right?
Naglakad ako papunta sa side namin kung nasaan ang mga teammates kong naka-blue din. I gave them fist bumps one by one. Si James, niyakap pa ako out of excitement.
Napatingin ako kay Alex. He gave me a small smile, pero obvious na pilit. Ilang araw na siyang ganyan-tahimik, seryoso. I’m trying not to overthink it. Baka kinakabahan lang din siya, just like the rest of us.
Pero si Gavin… parang nadadamay. He looks drained too. Kahit kahapon sa last practice, iba na rin ’yung vibe niya. Nginitian ko siya and he smiled back, pero awkward. What’s going on with them? Is it just the nerves, or something else?
Habang busy kami sa warm-up, biglang nag-ingay ang crowd. Dumating na ’yung Adamson team. Tindig pa lang, mayabang na. They’re wearing clean white jerseys. Matatangkad, mukhang cocky, confident to the point na parang entitled. Siguro kasi undefeated sila.
Lalo pang lumakas ang hiyawan sa loob ng gym. Naghalo na ang mga pangalan ng dalawang university, parang labanan ng cheering squads.
Pero kahit gano’n kaingay, I could still clearly hear a familiar voice sa taas ng bleachers.
“Go, William! Go ADMU!” Sigaw ni Angela, waving a blue cartolina. Katabi niya si Sage, naka-smile lang at parang chill na chill. Pareho silang super supportive.
Napatingin ako sa kanila, at nang magtama ang mga mata namin, mas lalo pa silang nag-ingay. Napailing ako habang nakangiti. Angela never fails to bring the energy.
Sa kabilang bleachers, may sumigaw din ng malakas. It was Bryan-cheering for Adamson. Figures.
Tinawag na kami ng referee. Pati ang kabilang team. Kasama si Coach, mabilis niyang binalikan ang important rules. Two minutes lang ’yon. After that, nagtipon na kami as a team. Gano’n din ang Adamson.
Nagdasal kami at nag-cheer.
“ADMU FOR THE WIN!!!”
Bigla akong napalingon nang may tumapik sa balikat ko. It was Alex.
“Good luck,” he said.
Nginitian ko siya. “Good luck sa’tin,” sagot ko, and he nodded in return.
Hinagilap agad ng mga mata ko si Gavin, and when I finally saw him, sinenyasan ko siya ng “good luck” sabay ngiti. Pero tumango lang siya pabalik-walang kahit anong emosyon sa mukha. Hindi ko na lang pinansin ’yon at pinilit ko nang i-focus ang sarili ko sa game. It was about to officially begin.
Pagbato ng bola ng referee sa gitna ng court, the game was on. Agad na umalingawngaw sa buong gym ang sigawan at cheer mula sa magkabilang panig-supporters ng ADMU at Adamson.
That kind of energy? Nakakabingi… pero nakaka-hype. Nakadagdag sa tension, pero at the same time, it fired us up.
First and second quarter? Grabe. Hindi naging madali para sa amin. Adamson’s team was fast, aggressive, and well-coordinated. Kitang-kita na sanay na sanay sila. Para bang kabisado na nila kung paano kami gagalaw bago pa man kami makagalaw.
We still scored decently, pero mas marami silang naipasok na puntos. Halos every possession nila, may conversion.
Every few minutes, maririnig mo ’yung announcer sa mic, updating the crowd. “The game’s in favor of Adamson University,” sabi niya. At tuwing maririnig ’yon, automatic na ang hiyawan ng supporters nila-parang nanalo na agad. Pero 13 points lang naman ang lamang nila. Kayang-kaya pa ’yon. Laban kung laban.
Nagkaroon kami ng quick break. Gamit ang oras na ’yon, nag-usap-usap kami ng team. We adjusted our strategy, binago ang rotations. Si Coach Ryan, todo cheer sa amin. Encouraging and steady, and somehow, nakatulong ’yon para makabawi.
Pagpasok ng third quarter, we fought harder. At unti-unti, nabura namin ang lamang nila. From 13 points, nabawasan ’yon to 9… hanggang sa naging 4. It was working. The team synergy was finally syncing in. Every pass, every play, every rebound-naka-connect kami.
Maingay na talaga sa gym by this point. Hindi lang dahil sa cheering, pero dahil sa intensity ng laban. Everyone could feel it. Huling quarter na kasi after the break, and everything’s on the line.
Habang nagkukumpulan kami bago magsimula ang last quarter, kitang-kita ko sa mga mukha ng teammates ko ang pagod. Pawisan. Hingal. At kabado-lahat. Kasama na ako ro’n. As in literal na nanginginig ang mga kamay ko. But I knew one thing for sure-I wanted to give my all.
Biglang nagsalita si Alex.
“We practiced for weeks and months. Ipakita natin sa lahat na kahit undefeated sila, we can beat them. Are you with me, guys?!”
Napatingin ako sa kanya. Ramdam ko sa boses niya ’yung conviction. Determinado siya. Gusto niya talagang manalo-at hindi lang dahil competitive siya, kundi dahil mahal niya ’yung game.
“Count me in!” sagot ni Gavin.
I looked at him. He was staring seriously at Alex, pero nang lumipat ’yung tingin niya sa akin, he smiled. And that small smile? It gave me the push I needed. Na-motivate akong ibuhos pa lahat.
Tumango si Alex sa akin. I smiled back.
Lahat ng teammates namin agreed. Walang nag-doubt. We wanted to win this together. Sabay-sabay kaming sumigaw para magpalakas ng loob.
And then… the fourth and final quarter began.
In the first few minutes, nakahabol kami at nakalamang pa-10 points ahead. The crowd went wild. Pero hindi pa tapos ang laban. In just three minutes, Adamson caught up and erased our lead.
Tied again. And then, out of nowhere, they surged ahead. Limang puntos ang lamang nila. At two minutes na lang natitira sa game clock.
With a minute left, we scored a three-pointer. The gym shook from the scream of the crowd. Pero lamang pa rin sila-by two points. And we only had 55 seconds left.
Adamson started playing it safe. Paikot-ikot lang ang bola. Hawak-hawak nila ang oras. They were guarding like crazy, blocking every move.
I glanced at Alex. Then Gavin. Then the rest of the team. I could feel it-we were all thinking the same thing.
We want this win. We need this win.
Biglang nag-init ang dibdib ko. Tumutok ang mga mata ko sa bola habang pinagpapasahan nila ito. And then-timing!
I rushed in, intercepted the ball. My heart was pounding like mad. 15 seconds left.
Tumakbo ako sa kabilang court, bola sa kamay. I had a clear shot, pero may mga defenders na naghihintay sa ilalim ng ring. Alam kong handa silang i-block ako anytime.
Biglang sumenyas si Alex mula sa gilid. “Kaya mo ’yan!”
That was all I needed.
I focused on the basket. Tuned out the crowd. Tuned out the pressure. Bumwelo ako at tumalon. I released the ball.
Then everything slowed down. Parang nag-slow mo ang mundo. Napapikit ako.
Pagdilat ko…
BOOM.
Nagsisigawan ang lahat. The crowd exploded. I looked up-the scoreboard flashed 99-98.
Tumingin ako sa timer: 4 seconds left. Sa tabi noon, nakalagay ang huling three points… and it was mine.
“The shot was good! That was a very gratifying shot from Parker of ADMU!” sigaw ng announcer. “The game is over! Ateneo De Manila University takes the win!”
Nag-echo sa buong gym ’yung announcement. Tumakbo ang mga ka-team ko papunta sa akin, tumatalon, sumisigaw, binuhat pa nila ako sa gitna ng court.
It was unreal. I couldn’t even hear my own thoughts. Lahat sila masaya. Lahat kami.
We did it. We won. And I’ve never felt this alive.
Who would’ve thought na matatalo namin ang undefeated basketball team? Honestly? Not me. Ang tanging alam ko lang noon ay kahit walang kasiguraduhan, gusto ko lang ibuhos lahat-heart, time, effort-just to win. And guess what? We did it. Lahat ng pagod namin, all the practice, and late-night drills-everything paid off!
As planned, mamayang 5PM ay magkakaroon ng simple victory party sa bahay mismo ni Coach Ryan. Nothing grand-konting dinner, soft drinks, maybe some beer. Pero sapat na ’yon. Everyone’s still high on happiness, and I believe deserve naming lahat to celebrate.
Pagkatapos ng awarding at photo ops, unti-unti nang nagsi-alisan ang teammates namin. Pati ’yong mga nanood, nagsilabas na rin para bumalik sa mga lakad nila. Today was really all about the tournament, so matapos ang dalawang oras na intense na laro, halos lahat ay umuwi na rin.
I was on my way out of the gym, ready na sanang bumalik sa dorm, nang mapansin kong mag-isa si Gavin sa bleachers. Tahimik lang siya, nakaupo at tila malalim ang iniisip. Wala na masyadong tao sa gym maliban sa mga janitors na naglilinis ng kalat. I decided to approach him.
“Okay ka lang?” tanong ko sa kanya with a soft smile, sabay upo sa tabi niya.
He looked at me and gave a small smile. “I’m good,” sagot niya. Pero ramdam ko agad na something’s off. “Ang galing mo kanina. You really made our team proud. Congrats sa’tin,” sabi niya habang nakatingin sa akin.
Napahiya naman ako kaya napangiti lang ako at umiwas ng tingin. “We all made it happen, Gavin. Hindi lang ako. Team effort ’yon,” sagot ko. Napatawa siya nang marinig ’yon.
“See you later sa victory party, ha? Don’t be late,” sabi ko with a playful nudge.
Pero bigla siyang natigilan. “About that…” tumingin siya sa akin na may halong pag-aalangan. “H-Hindi ako makakapunta,” he said quietly. And just like that, my smile faded.
“Ha? Bakit?” tanong ko agad, disappointed. “Come on, once lang ’to. It’s not a real team celebration kung wala ka.”
“Pagod lang siguro ako, William. I just need some rest tonight,” sagot niya habang pinipilit ngumiti. “Bawi ako next time, promise.”
And right then, I knew this was the moment. I promised myself last night-kapag nanalo kami, I’d finally confess to Gavin. Win or lose, I had to let him know.
I never really expected na mananalo kami.
Pero maybe… maybe it was fate.
Kami na lang dalawa ang natira sa gym. Even the cleaners had left. Tahimik na. Walang ibang ingay kundi ang sarili kong kaba. It was the perfect chance.
For three long years, I kept this inside. Ngayon, ito na siguro ang tamang oras para sabihin.
Huminga ako nang malalim. Tiningnan ko siya sa mata.
“Gavin…” I said his name softly. He turned to look at me. “I have something to tell you.”
He just stared. Calm, unreadable.
Hindi na ako nagpaikot-ikot pa.
“Gavin, I like you.” My voice trembled a little. Hindi ko siya matingnan agad, but when I did, he didn’t look surprised. “Gusto kita simula pa lang ng first year natin. You’re the reason I joined the basketball team… even the orgs. Lahat ng ginagawa ko, kahit hindi mo alam, I did it hoping you’d notice. And now, after all this time… I realized it’s more than a crush. I’m in love with you, Gavin.”
I paused. My heart pounding.
“I love you.”
He looked straight into my eyes. “I know.”
Nagulat ako. Napakurap.
“I was waiting for you to say it,” dagdag niya. “But… I also have to tell you something, William.”
Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi.
“Hindi ako straight. I’ve been pretending all this time. That’s the answer to your question that night sa coffee shop. Kung bakit wala akong girlfriend ever. I’m gay, William.”
Parang may bumagsak sa puso ko.
“A-Ano?” That’s all I could say.
He gave me a small, sad smile. “You’re such a good person. Sobrang bait mo. I’m really happy na nag-open up ka sa’kin. And I appreciate that so much.”
Then he looked at me deeper. “But I can’t accept your love… kasi may iba na’ng nagmamay-ari ng puso ko.”
And that broke me.
It wasn’t the confession that hurt.
It was the realization na huli na ako.
“That guy… whoever he is… lucky bastard,” I said, forcing a smile kahit may luha na sa gilid ng mata ko.
But just when I thought it couldn’t hurt more, he dropped the final blow.
“Si Alex ’yon, William…”
Parang may bumagsak sa dibdib ko.
Si Alex? Alex?
“He’s the one I’ve liked for a long time now,” he added, barely above a whisper.
My whole world shattered. Lahat ng akala ko-lahat ng pinanghawakan ko-wala na palang saysay. For years, I thought I knew Gavin. I thought I understood him. Pero ngayon ko lang siya tunay na nakilala. And I didn’t like what I found.
He likes Alex. Not me.
“I’m really sorry, William…” sabi niya habang umiiyak na rin.
I was crying too. He held my hand gently.
But I shook my head. “You don’t have to be sorry…” I whispered, still trying to make sense of everything. “M-Mauna na ako…”
Hinugot ko ang kamay ko at tumayo.
Dahan-dahan akong naglakad palabas ng gym. Lutang. Umiiyak.
I left Gavin sitting there alone. My heart was crushed. I couldn’t believe it. I didn’t want to.
But it was true.
My tears streamed down my face.
Masakit nang mabasted, pero mas masakit pala ’yong malaman mong may iba na siyang gusto-at ’yong taong ’yon pa mismo ay someone so close to you.
Why Alex?
Bakit hindi na lang ako?
Chapter 33
WILLIAM
Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal dito sa loob ng banyo.
Tuluy-tuloy lang ang buhos ng tubig mula sa shower, dumadaloy pababa sa katawan ko na parang sinasabay ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi na ako umiiyak ngayon - hindi katulad kanina. Pero habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ’yong mga sinabi ni Gavin, parang binubugbog pa rin ako ng sakit sa dibdib.
Hindi naman issue sa akin kung straight siya o hindi. Wala akong pakialam doon. Tanggap ko siya kung ano man siya. Ang masakit lang, ’yong malaman mong kahit kailan, wala ka na talagang chance… kasi may ibang tao na pala ang may hawak ng puso niya. At mas masakit pa roon? Malaman kung sino ’yon.
Kaya pala iba kung makatingin siya kay Alex noon pa man. Akala ko simpleng pagkakaibigan lang ’yon. Akala ko ’yong mga kwento niya tungkol kay Alex ay dahil sa tagal na nilang magkaibigan. I was so naive. Hindi ko man lang napansin. O baka pinili kong wag pansinin.
Pero bakit siya pa?
Pagkalabas ko ng banyo, parang wala pa rin ako sa sarili ko. Pero kailangan ko nang kumilos, magbihis. Dapat nga masaya ako ngayon. Nanalo kami sa basketball tournament, at hindi lang basta-basta panalo - undefeated team ang tinalo namin. I should be proud. I should be celebrating. Pero bakit parang mas mabigat pa sa pagkatalo ’yong nararamdaman ko ngayon?
Ito ba ’yong kapalit ng panalo? Yung pagkatalo ng puso ko?
Hindi ko na sana balak pumunta sa bahay ni Coach Ryan, pero alam kong hinahanap na nila ako. At kung hindi ako pupunta, mas mapapansin pa ako. Hindi ko alam kung kaya kong harapin si Alex nang walang halong sakit o inggit sa puso.
Pero siguro, kailangan ko pa ring pumunta. Baka makatulong ’yong alak para kahit papaano, makalimot. Kahit sandali lang.
Mga kinse minutos ang biyahe sakay ng taxi. Pagdating ko sa bahay ni Coach Ryan, bumungad agad sa akin ang ilang motor na naka-park sa labas. Kilala ko agad ’yong isa - motor ’yon ni Alex.
At hindi nga ako nagkamali. Nakasandal siya sa may gate, at nginitian pa ako nang makita ako. Pero hindi ko siya nagawang ngitian pabalik. Pakiramdam ko kasi, niloloko ko lang ang sarili ko kapag ngumiti pa ako sa kanya ngayon. Kaya dumiretso na lang ako papasok.
“Uy, William!” sigaw niya, pero hindi ko siya nilingon. “Hinintay pa kita. Sana pala nagsabay na lang tayo.”
Narinig ko siya, pero nagpatay-malisya na lang ako. Diretso lang ako sa loob.
“Nandito na pala ’yong star MVP ng taon!” kantyaw agad ng isa naming teammate pagkapasok ko sa sala. Nagsisimula na silang mag-inuman.
Napilitan akong ngumiti. Umupo ako sa tabi ng pinsan kong si James na mukhang kanina pa naroon.
“Uy, late ka ah,” bati niya sabay tapik sa balikat ko.
“Pati si Lee late rin!” puna ng isa naming ka-team habang papasok si Alex. Kasabay ko lang halos. Nag-apiran siya sa iba naming kasama. Naupo siya sa harap ko, facing me. Nagtama ang mga mata namin pero ako agad ang umiwas.
“Ikaw talaga, parang hindi kayo sanay sa akin!” biro niya habang tumatawa.
“Parker, anong excuse mo?” tanong ni Coach Ryan sabay tawa.
Napangiti ako nang pilit. “Naidlip lang po, Coach. Pagod sa game.”
Syempre, hindi ko sasabihing halos isang oras akong nagbabad sa banyo, umiiyak.
Nagtawanan ang lahat. Inabot kami ni Coach ng tig-isang bote ng beer mula sa dalawang bucket sa gitna ng mesa. Agad akong uminom, hoping na kahit papano’y mapalitan ng init ng alak ang lamig na nararamdaman ko ngayon.
“Since kompleto na tayo,” anunsyo ni Coach habang nakatayo at may hawak na beer, “gusto ko lang sabihin na sobrang proud ako sa inyo. Lahat ng pagod, practice, at sakripisyo niyo - nagbunga! Salamat sa pagbibigay ng karangalan sa team at sa buong ADMU!”
Tinaas niya ang bote niya para mag-toast. Kami rin, isa-isa naming tinaas ang hawak naming bote at nag-cheers.
“Mabuhay ang ADMU basketball team!” sigaw ng isa naming teammate.
“Mabuhay!” sabay-sabay naming sigaw.
Nagsimula na ang inuman.
Kompleto ang team. Except kay Gavin na, gaya ng sinabi niya, hindi talaga dumating. At sa totoo lang, baka mabuti na rin. Kasi kung nandito siya at kaharap ko si Alex, baka mas lalo lang akong hindi makakilos ng maayos.
“Sinong mag-aakala na ’yong huling tira pala ni Parker ang magdadala ng panalo sa atin, ’di ba?!” exaggerated na sabi ni Coach. Lasenggo na. “Ngayong taon lang siya nag-try out pero grabe naman ang impact! Solid ka, Parker!”
Nag-apir pa siya sa akin sabay tawa ng malakas.
Naghiyawan ang mga teammates ko. Si James, pati na rin ’yong iba, tinatapik ako sa likod at pinupuri. Napangiti ako pero sa loob-loob ko, parang wala akong maramdaman. Kinuha ko ang pangalawang bote ng beer at inubos agad.
Magsasalita na sana ako para batiin din ang team… pero biglang nagsalita si Alex.
“Grabe talaga si William, Coach.” Nakangiti si Alex habang nakatitig sa akin habang sinasabi ’yon. Napailing ako at umiwas ng tingin. Kinuha ko ang isa pang bote ng beer.
“Sobrang suwerte ko nga kasi naging practice partner ko siya. ’Pag siya na ang may hawak ng bola, ibang klase!” dagdag pa niya, halatang exaggerated. Nagtawanan at naghiyawan tuloy ang mga ka-team namin.
Si James na katabi ko, siniko ako at binigyan ako ng tingin na parang may alam. Tiningnan ko lang siya nang seryoso, sabay lagok sa hawak kong beer bago nagsalita.
“Actually, lahat naman tayo ginawa ang best natin, hindi lang ako. Team effort ’to. Tayong lahat ang nagpanalo sa tournament this year. Kaya sobrang proud ako sa ating lahat, pati sa buong ADMU.” Para akong nagbigay ng mini-speech, kaya napalakpakan ako ng mga kasama naming halatang lasing na. Napailing na lang ako.
“Naku, Parker! Tiyak ’yan-sa Lunes, andaming babaeng magpa-picture sa’yo!” kantyaw ng isa kong teammate. Napatawa ako.
“Dadami chicks mo, Parker! Humanda ka!” sabat pa ni Coach habang humahalakhak. Umiling na lang ako.
“Kahit huwag na!” sagot ko habang aksidenteng napatingin kay Alex. Nakangisi siya, nakatitig pa rin. Umiling ako ulit, sabay inom sa bote. “Hindi ko kailangan ng chicks,” seryoso kong dagdag. Tawanan pa rin sila.
“Edi sa amin na lang ’yung mga ayaw mo, ’di ba?!” hirit ng isa, sabay sabay na nagtawanan ang grupo.
Paulit-ulit lang ang mga pang-aasar nila, pero pinipili ko na lang tumawa. I let it slide.
Nagpatuloy ang inuman. Dalawang oras na rin siguro akong kasama nila, mostly talking kay James. Naka-limang bote na ako at ramdam ko na ’yong epekto. I’m getting tipsy. Or maybe drunk.
Pero alam mo ’yong irony? Hindi naman alak ang gusto kong alisin. It’s the pain. Ito naman ’yong goal mo ’di ba, William? Malasing para makalimot?
Yung iba naming ka-team, pati si Coach, bagsak na-tulog sa sofa, sa sahig, kung saan na lang. Ang iba, wala na sa wisyo, kumakanta ng mali-maling lyrics na sobrang lakas ng boses.
Paminsan-minsan, nagkakatitigan kami ni Alex. Pero ako ’yung laging umiwas. Hindi ko kaya ’yong mga tingin niya, lalo na kapag ngumingiti siya. He tried to talk to me a few times, pero hindi ko kinaya.
Siniko-siko ko si James, pero hindi na siya sumasagot. Nakatulog na pala ang hayop. Akala ko may kausap pa ako, wala na pala talaga.
Maya-maya, umalis si Alex. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, maybe banyo or something, pero honestly? I don’t care.
Tumayo ako. Bitbit ang pang-anim kong bote na halos hindi ko pa nauubos. Nahihilo na ako, pero ’yong sakit sa puso ko? Nandiyan pa rin. Parang walang epekto ang alak sa parteng ’yon.
Wala na rin akong makausap. Ang ingay sa loob, pero pakiramdam ko, sobrang tahimik ng paligid ko. Kaya lumabas ako ng bahay.
Tahimik sa labas. Sumandal ako sa pader, hawak pa rin ’yong beer. Pumikit ako at pinakiramdaman ang malamig na hangin. Ang daming gumugulo sa isip ko. Ang daming sakit.
Binuksan ko ang mata ko at dinukot ang kaha ng sigarilyo mula sa bulsa. Hiram lang ’yon mula sa isa kong teammate. Never ko pa ’tong ginawa before, pero ngayon, parang gusto ko.
Kumuha ako ng isang stick. Ilang ulit kong sinindihan ang lighter hanggang sa tuluyang magliyab. Tinapat ko sa sigarilyo, at nang may sindi na, sinubukan ko agad humithit.
Maling-mali. Nasamid ako. Naubo ako nang malala.
“Halatang first time mo, ah?” isang pamilyar na boses mula sa likod ko. Napatigil ako sa pag-ubo. “Since when ka natutong manigarilyo?”
Di ko siya sinagot. Tumingin lang ako saglit, sabay itinapon ang sigarilyo. “Sinubukan ko lang. Ang pangit pala ng lasa. Paano natitiis ng ibang tao ’yon?”
“Depende sa tao,” sagot niya. Napansin kong lumalapit siya. Please lang, wag na.
“Kanina pa kita napapansin. Iwas ka nang iwas sa akin, William. May problema ba?”
Tumingin ako sa kanya. “Wala,” sagot ko nang diretso, flat, walang emotion.
Tinitigan niya ako. Hindi ko siya kayang tingnan kaya nakatitig na lang ako sa kulay asul niyang polo.
“Wala ba talaga?” tanong niyang muli.
And I just snapped.
“Tangina, sinabi ko na ngang wala, ’di ba?! Anong sagot pa ba ang gusto mong marinig?!” Pasigaw kong sabi sa kanya. Kita ko ang gulat sa mukha niya.
“Relax, okay?” natatawa pa siya pero halata rin ang pagkalito. “Ano bang problema? Galit ka ba sa akin? May nagawa ba ako sa’yo?”
Hindi ko na napigilan ang lahat.
“That’s the point! Wala kang ginawa! Wala kang ginawa pero ikaw ’yong gusto niya!” sigaw ko habang kusang tumulo ang luha ko.
Nag-iba ang expression niya. Parang gusto niyang maintindihan lahat pero hindi niya alam kung saan magsisimula.
“William… hindi kita gets. Anong nangyari?”
Pilit kong pinigilan ’yong luha. Pero lumuluha pa rin ako habang nagsalita.
“S-Si Gavin…” nauutal ako. “Nag-confess ako sa kanya. Sinabi ko ’yong totoo-na gusto ko siya. Pero hindi ako nasaktan kasi hindi niya ako mahal. Ang mas masakit… may mahal na pala siyang iba.”
Tumingin ako diretso sa mga mata niya.
“At ikaw ’yon, Alex. Ikaw ’yong gusto niya! Ikaw ’yong mahal niya!”
Ramdam ko ang punit sa puso ko habang sinasabi ’yon. Hinampas-hampas ko siya sa dibdib. Hindi siya gumanti.
At to be honest, hindi ko na alam kung ano bang mas nakakasakit-yong rejection ni Gavin, o ’yong fact na si Alex pala ang laman ng puso niya. Yung taong palagi kong kasama. Yung akala ko, kaibigan lang.
Pero ngayon habang tinitingnan ko siya… bakit parang may iba?
Si Alex na… kahit ayaw ko man aminin, unti-unti ko na ring nagugustuhan.
Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ang paghampas. “William, wait!”
“Tama na!” sagot ko, umiiyak pa rin. “Hindi mo kasalanan na gusto ka niya. Hindi mo kasalanan ’yon.”
“Oo, sinabi ni Gavin na gusto niya ako. Inamin niya noong gabing nakita ko kayong magkasama. Pero William…” huminga siya nang malalim. “Hindi ko siya gusto.”
Tumingin ako sa kanya, nagtatanong.
“Ikaw ’yong gusto ko.”
At doon ako napatigil. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.
Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Parang may mali. Parang imposible. Parang hindi iyon ’yong inaasahan ko.
“Wait, anong sabi mo?” sabay tawa ko na halatang pilit, habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko. Binitawan na niya ang mga kamay ko. “Ginagawa mo ba akong biro ngayon? Trip-trip lang ba ’to, Alex?” I looked at him like I was expecting him to say “just kidding.”
Pero hindi siya natawa. Hindi siya nagbiro. ’Yong mga mata niya, seryoso, at this time, parang iba. Parang totoo.
“William, I’m not joking. Gusto kita, and I’m telling you the truth,” sabi niya, matatag ang boses habang tinitigan ako nang diretso. “I know maybe this isn’t the best time or place, pero… mahal kita.”
Parang may pumiga sa dibdib ko. Naramdaman ko agad ang kaba. Hindi ako makahinga.
Sa isip ko, gusto kong isipin na binibiro lang niya ako. Gusto kong isipin na part lang ito ng lasing na usapan.
Pero habang nakatitig ako sa mga mata niyang punong-puno ng sincerity… nagdududa na ako.
Ayoko sanang maniwala. Pero itong puso ko, parang iba ang sinasabi. Bumibilis ang tibok nito, parang gusto akong i-push palapit sa kanya. Nalilito ako sa sarili ko.
Napatawa ako ng pilit. “Kung punchline lang ’to sa isang joke, Alex, hindi ako natatawa. Tigilan mo nga ’ko.” Diretso kong sabi habang tinitigan ko rin siya pabalik.
“Hindi ako nagbibiro, William. Hindi ko na kayang itago pa ’to. Lahat ng sinabi ko, totoo. Wala akong niloloko.” Tumalim pa lalo ang mga titig niya. “Mahal kita, William.”
The second time he said those words, my chest tightened. Ramdam ko. Ramdam na ramdam. Pero ayokong paniwalaan.
“Uminom ka lang kasi kaya ka ganyan,” sagot ko sabay iling, hindi makatingin nang diretso. “Please, Alex… tigilan mo ’ko.” I tried to sound firm, pero nanginginig na ang boses ko.
But then, he did something I didn’t expect.
Hinawakan niya ulit ang dalawang kamay ko at marahan akong itinulak palapit sa pader. Napasandal ako. Ramdam ko ang lamig ng semento sa balat ko at ang biglang lakas ng tibok ng puso ko.
Hindi ako nakagalaw nang lumapit ang mukha niya sa akin. Napatitig ako sa seryoso niyang mukha-halong pabango at beer ang naamoy ko, nakakalito.
“Kapag sinabi kong totoo ’to, totoo talaga…” bulong niya sa sobrang lapit, ramdam ko ang hininga niya. “William, gusto kita.”
“Tigilan mo ’ko, Alex. Hindi ako tanga,” seryoso kong tugon, kahit pa kinakabahan na ako.
“Talaga?” Parang may galit sa tingin niya. Mas lalo pa siyang lumapit.
Sinubukan kong umiwas. “Bakit? Anong balak mo? Wag mo akong-”
Pero bago ko pa matapos ang sinasabi ko, hinalikan niya ako.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko in-expect ’yon. Ilang segundo akong natulala habang ramdam ko ang labi niya sa labi ko-mainit, malambot, totoo.
And before I knew it… hinalikan ko siya pabalik.
Bitawan niya ang mga kamay ko at ang kamay ko naman, kusa nang napunta sa magkabila niyang pisngi. I kissed him back-wild, raw, desperate. Wala akong pakialam kung sino kami o anong mangyayari bukas. Wala akong pakialam kung tama ba ’to o mali.
I just wanted to feel him. I wanted to feel something.
Pero bigla, parang may bumalik sa katinuan ko. Parang may sumigaw sa loob ko.
Napabitaw ako agad. Tinulak ko siya palayo. Humihingal akong nakatitig sa kanya. Gulat ang mukha niya. Basa ang labi niya. Pareho kaming gulo.
Umiling ako, mahina. “Mali…” bulong ko, habang pinupunasan ang labi ko. “Mali ’to, Alex. Mali ’tong ginagawa natin.” Lumunok ako. Hindi ko na siya kayang tingnan nang diretso. I needed to leave. Now.
“William-!”
Hindi ko siya pinansin. Lumabas ako ng gate, mabilis. Hindi na ako lumingon. Pumara ako agad ng taxi, sumakay, at sa buong biyahe, nakatakip lang ang kamay ko sa labi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat-na hinalikan niya ako, o na hinalikan ko siya pabalik.
Para akong biglang natauhan sa lahat. Parang nawala ang lahat ng tama sa mundo ko.
I shouldn’t have done that. Hindi ko dapat hinayaan ’yon. Hindi ko dapat siya hinalikan. Hindi ko dapat naramdaman ang lahat ng ’to.
Chapter 34
WILLIAM
Dalawang araw na ang lumipas simula nung gabing ’yon. Two days have passed, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari. That kiss… I still can’t stop thinking about it. Alex and I kissed that night-sa victory party sa bahay ni Coach Ryan-and God, I wish it never happened.
For two days din, kinukulit na ako nina Angela at Sage na lumabas ng dorm at sumama sa kanila, pero wala talaga akong gana. I just can’t bring myself to pretend like everything’s okay. My mind keeps going back to that kiss, replaying it like a loop. I keep asking myself: Why the hell did I kiss him back? Dahil ba sa alak? Dahil lasing ako? Or… did I actually want that kiss?
What I do know is this: that kiss shouldn’t have happened. I shouldn’t have let him kiss me. I was drunk, vulnerable, weak. At higit sa lahat, hindi ko dapat nararamdaman ang mga nararamdaman ko ngayon para sa kanya.
I just got rejected by Gavin. Kakabasted lang sa akin. And now this? I can’t let myself fall for Alex. Hindi pa ngayon. Especially not now. Gavin loves him. And I-God-I still love Gavin.
Hindi ko nga alam kung kailan nagsimula ’to. Kung kailan nagbago ang tingin ko kay Alex. He used to be just some guy. A stranger. Hindi ko inakalang darating ako sa puntong ito.
Was it the day he saved me? Or when we hung out at his mom’s old house? Maybe during the Art Festival? Or that night he brought me to that secret paradise-like place, where we almost kissed?
I don’t know. Pero kung may isang bagay akong gustong i-assure sa sarili ko: hindi na dapat lumalim pa ’to. I can’t fall for him even more. I can’t ruin our friendship… not for me, and definitely not for Gavin. I don’t want to hurt him. Kahit pa alam kong wala naman talaga akong pag-asa sa kanya.
Alex confessed to me that night. He said he liked me. Mahal daw niya ako. Ang weird, ’no? Kahit gusto ko siyang paniwalaan, deep down, alam kong hindi dapat. He shouldn’t have fallen for me. I shouldn’t even be part of this equation.
And the worst part? I’m still thinking about Gavin. Mahal ko siya. At alam kong si Alex ang mahal niya. Kaya ano’ng karapatan ko para hayaang lumalim pa ang nararamdaman ko para kay Alex?
“Mabuti naman at lumabas ka na rin sa kweba mo!” Angela playfully tapped my shoulder as I sat beside her. “Akala namin, mag-i-emote ka na lang forever! Spill-anong nangyari sa’yo? May hindi ba kami alam?”
Napatingin ako sa kanya at kay Sage, na nakangiti lang habang nag-aabot ng menu. And for a second, I almost broke. Gusto ko nang sabihin lahat. But I held it in.
Right now, we’re chilling sa Haven Café-Lunes, around 10 a.m. Since 11 pa ang first class ko, nag-decide kaming tumambay muna dito. Rare ’to, ’yung di ko kailangang magising nang maaga.
Mini treat ko na rin ’to sa kanila. We haven’t hung out since the tournament. After congratulating me, bigla silang nawala. Typical.
But I haven’t told them anything. About the kiss. About Alex’s confession. Even about Gavin turning me down. I wanted to. Pero laging may something-either wala sila, or ako ’yung nawawalan ng lakas ng loob.
“Napagod lang siguro ako. Back-to-back practices before the tournament, tapos biglang nagka-party pa. I just needed to rest,” I said, trying to sound casual. Half-truth. I did rest-pero mostly from thinking too much.
“But I missed you guys,” dagdag ko, trying to lighten the mood. “Palagi kayong nawawala lately. Nagtatampo na ako!”
Angela rolled her eyes and pinched my arm. “We missed you too, dummy! And babawi kami, promise. Kahit madalas, ikaw naman ’yung laging ghosting samin. Pero seryoso, Will… kung may pinagdadaanan ka, just tell us. We’ll drop everything for you.”
She reached in and hugged me. I let her.
Sage smiled and tapped my back. “She’s right. Kahit palaging busy, we got you. Always.”
Napangiti ako. Minsan, hindi mo kailangang sabihin lahat ng nangyayari sa’yo. Minsan sapat na ’yong malaman mong may mga taong willing makinig kung handa ka na.
“Thanks, guys,” I said softly, sabay tapik sa mga balikat nila.
While we were still inside the café, a group of girls suddenly came up to me. “Hi, can we take a picture with you?”
Napatingin ako sa kanila, confused but smiling. “Sure…?” I said, standing up for the photo.
Then another group followed. Same request. This time, nagpakilala pa sila. Apparently, fans daw sila since the team won the championship. Fans? Me?
At ang pinaka-nakakatawa? May Facebook fan page daw ako. Williamnatics. I almost choked on my drink.
Naalala ko tuloy ’yong sinasabi ni Coach at ng teammates ko-na once we win, people will start noticing. That I’ll be in the spotlight. And while it’s flattering… it feels weird. I’ve been in the center of attention before, pero back then, it didn’t exactly end well.
Angela and Sage couldn’t stop teasing me about it. “Williamnatics?! Are you kidding me?” Angela burst out laughing.
In the middle of our laughter, my phone vibrated.
One message.
Galing kay Alex.
Magkita
tayo sa labas ng campus mamayang alas singko. I need to talk to you.
I stared at the message for a while.
Hindi ko alam kung anong gusto niyang pag-usapan. Hindi ko alam kung may kasunod pa ang nangyari sa amin. But maybe… maybe it’s time. Maybe I need to see him.
Because there are things I also need to say.
And he deserves to hear them, too.
Madilim na nang matapos ang last class namin. Angela and Sage invited me to have dinner with them sa isang resto nearby, pero tumanggi ako. I had other plans. Or at least, may isang bagay akong kailangang harapin-si Alex.
Hindi ko pa rin nare-replyan ’yong text niya kaninang umaga, pero desidido na ’ko. Pupunta ako.
It’s already 5:45 PM. More than thirty minutes late na ako sa sinabi niyang oras. Siguro wala na siya ro’n. Baka nagsawa na sa kakahintay at umalis na. Pero kahit gano’n, I still chose to go.
To be honest, kung ako lang masusunod, ayoko pa siyang makita. Hindi ko pa kayang humarap sa kanya after everything that happened sa bahay ni Coach Ryan. I still don’t know how to process it. Pero kailangan na. I need clarity. Para sa akin. Para sa kanya. And especially, para kay Gavin.
Paglabas ko ng campus gate, I didn’t see anyone waiting. I just stood there, not sure kung aalis na lang ba ako. I thought I was too late, na wala na akong dapat pang harapin. Pero biglang may naamoy akong pamilyar-’yong scent ng pabango niya.
I slowly turned around. And there he was-Alex, standing just a few steps away. Nakasuot pa rin ng school uniform, at may hawak na sigarilyo. His eyes were locked on me, serious and unreadable. Then he started walking toward me.
“Akala ko, hindi ka na darating…” he said, taking a drag from his cigarette. Pagkatapos, bumuga siya ng usok at tumingin sa akin.
I couldn’t hold his gaze, so I looked away. “Akala ko rin, umalis ka na…”
Honestly, I kinda hoped na wala na siya when I got there. Para sana maiwasan ko ’tong awkward moment.
“Hindi ako umalis… kasi alam kong pupunta ka,” he said.
Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya ’yon.
“At hindi nga ako nagkamali,” he added, trying to smile a little, pero hindi ko sinuklian.
Napangisi ako, sarcastic. “Wala naman akong sinabi na darating ako, ’di ba? Besides, muntik na rin akong hindi tumuloy.”
“But you still came,” he replied simply. “And I guess, that’s what matters.” He smirked again before taking another puff.
I rolled my eyes. “Kung ano man ’yang gusto mong sabihin, bilisan mo na. Hindi ako magtatagal dito sa gilid ng kalsada.”
“William, I just want to make things clear. Lahat ng sinabi ko sa’yo that night… it was all real. Mahal kita.”
“Alex, please…” I cut him off before he could say more. “Can we just forget about it?”
He looked stunned. “But we kissed…” he reminded me.
“And we were drunk that night,” sagot ko agad. “We were both drinking. Ako nga, ilang bote rin ang naubos ko. So please, let’s just move past that-”
“And what? Act like it never happened?” he interrupted, voice rising. “Ganun na lang, William?”
I nodded slowly, locking eyes with him this time. “Oo. If that’s what it takes para matapos na ’to. Then yes. Let’s pretend it never happened.”
Tahimik siya sandali. Then he dropped the cigarette and stepped on it. Tiningnan niya ulit ako, this time with more intensity.
“You think that’s what is best? I confessed to you dahil gusto kong malaman mo how I feel. At kahit hindi mo sabihin, I know may naramdaman ka rin. You kissed me back, Will. Hindi mo ako itutulak palayo kung wala kang naramdaman.”
I wanted to argue. Gusto kong sabihing ang yabang niya. Pero totoo kasi. Deep inside, alam kong may naramdaman ako. And I hated that I did.
I scoffed. “Seriously? ’Yong halik na ’yon ang basehan mo? We were drunk, Alex. Don’t be too full of yourself. Ang babaw naman.”
His expression didn’t change. “You can deny it all you want, pero ako, hinalikan kita because I wanted to. Hindi dahil lasing ako. I meant that kiss. And I know you did too.”
I clenched my fists. Damn it. He’s right. I liked that kiss. I liked it too much.
“Forget about that stupid kiss,” I said sharply. “Let’s just erase everything.”
He looked hurt. His brows furrowed, and I saw him shaking his head in disbelief. “How can you say that? Bakit ang dali para sa’yo sabihing kalimutan lahat? Mahal kita, William. At alam kong may nararamdaman ka rin. Sabihin mo. Tell me the truth-na may lugar din ako sa puso mo.”
“Oo!” I blurted out, unable to stop myself. He froze. “Oo, gusto rin kita. I don’t know how or when it happened, pero you got to me, Alex. Hindi ko sinasadya pero napalapit na ako sa’yo.”
My voice cracked, and I felt my eyes burning. “But I can’t. Hindi ko kayang ituloy ’to. Kahit gaano ko pa gusto, hindi pwede.”
He looked shocked-then broken. His eyes were watery, and for the first time, I saw him truly cry. “P-pero bakit?” he whispered. “Kung pareho tayo ng nararamdaman, bakit hindi natin subukang ipaglaban? Bakit mo ako tinutulak?”
I avoided his gaze, but eventually, I looked him in the eyes. Pareho na kaming umiiyak. “Because someone will get hurt. And I can’t let that happen.”
“Mahal ko pa rin si Gavin, kahit alam kong ikaw ang mahal niya. Tanga na kung tanga, pero hindi ko kayang saktan siya. Kahit pa ako ang masaktan.”
The tears finally fell. And so did his.
“Mas pipiliin mong ikaw ’yong masaktan… para sa taong hindi ka naman pinili?” he asked softly. “Masakit nang mahalin mo si Gavin. Pero mas masakit pa palang kahit nasaktan ka na niya, siya pa rin ang pipiliin mo. Kahit na ako ’yong nandito. Kahit sinabi ko na lahat. Hindi pa rin ako sapat.”
His words pierced through me like knives. I couldn’t say anything. I just stood there, crying.
“Alex…”
He looked away. “If that’s what you want…” he smiled sadly. “Let’s forget everything.”
Then he turned around and walked away.
He left me standing there, crying. Watching him fade into the distance. I wanted this, right? I was the one who pushed him away.
But why does it hurt this much?
Why does it feel like I just lost something I never even had a chance to hold?
Chapter 35
WILLIAM
“May layout ka na ba para sa presentation natin bukas?”
Nasa loob kami ng classroom ni Angela. First class namin for today at, as usual, late na naman si prof sa Tourism. Kaya ayan, lumipat muna si Angela sa tabi ko. Wala rin naman akong seatmate dito, so perfect opportunity ulit para sa kwentuhan.
Pero parang ako, wala talaga sa sarili. Dalawang linggo na mula nung huling beses kaming nag-usap ni Alex. Akala ko, after ng gabing ’yon, everything would go back to normal. But no-life moved forward, but I didn’t. I’m still stuck. Hindi ko naman siya maalis sa isip ko kahit pilitin ko.
At simula no’ng gabing ’yon, hindi ko na rin siya nakikita sa campus. Parang bigla siyang naglahong parang bula. Walang text, walang chat, walang trace.
Nakakapanibago, pero ito ang gusto ko noon, ’di ba? I was the one who pushed him away. Kahit umamin siya. Kahit umamin din ako. Sinaktan ko siya… at sinaktan ko rin ang sarili ko. At hanggang ngayon, bitbit ko pa rin ’yong sakit.
I chose to walk away from someone who actually had feelings for me-dahil lang sa isang taong hanggang ngayon, hindi naman ako kayang mahalin. Seriously, William? How dumb can you get?
Bigla akong napabalikwas nang kurutin ako ni Angela sa braso. “Aray!” reklamo ko.
Nakasimangot siyang nakatingin sa akin, halatang inis.
“Kanina pa ako tanong nang tanong kung may layout ka na ba for our Front Office presentation tomorrow, pero parang nasa outer space ka na naman!” sabay hampas pa niya ng notebook niya sa braso ko. “Naku, William! This is getting worse. May bumabagabag ba sa’yo? Lalo kang naging lutang lately.” Kita sa mukha niya ang concern.
Hindi ko pa naikukwento sa kanya o kay Sage ang totoong nangyari. They don’t know anything. May mga pagkakataong puwede ko naman sabihin, pero I always choose not to.
“Sorry,” pilit kong ngiti. “Siguro kulang lang ako sa tulog. Ang dami kasi nating take-home tasks these past few days,” palusot ko.
Partly true, pero alam kong hindi ’yon ang main reason.
“Asus!” Angela rolled her eyes. “Mas mukha ka pa ngang brokenhearted, eh!” sabay taas ng kilay niya.
Hindi ko alam kung fair ba ’yong judgment niya base lang sa pagiging matamlay ko lately, pero if I look at myself from the outside, baka nga mukha akong gano’n.
I can’t even tell if this is heartbreak. Pero kung gaano kasakit ’to, maybe it is?
“I’m perfectly fine, Angela. Don’t worry about me,” simpleng sagot ko.
Tumango lang siya pero halatang hindi kumbinsido. Nagpatuloy siya sa daldal habang ako, madalas ay nakikinig lang. Wala si Sage ngayon-masakit daw ang ngipin, kaya absent at pumunta raw sa dentist. Napa-smile ako nang maisip ko kung gaano kasi siya ka-sweet, kaya siguro nasira ngipin niya.
Ilang minuto pa, dumating na ang prof namin-more than 20 minutes late, which is not new. But this time, may bago. May kasamang lalaki si Sir Gervacio-first time ko siyang makita.
Matangkad, neat ang hairstyle, braces, singkit, at may charming na ngiti. Nag-umpisa na ang bulungan sa classroom, especially sa mga girls sa unahan.
Umubo si Sir Gervacio bago nagsalita. “Quiet, class,” mahinahon niyang utos. “I’m sure you’re all curious about the new face. Let me have him introduce himself. Go ahead, hijo.”
Tumango ’yong guy at ngumiti.
“I’m Zhai Chi Escarra,” panimula niya. At as expected, narinig ko ang mga babaeng kinikilig sa harap namin. “I’m from the Civil Engineering Department. Medyo nakakahiya man pero I have to retake this subject because I failed it last year. I actually attended a few sessions sa ibang section bago ako nilipat dito.”
He smiled. Charming talaga. At parang lahat ng tao around me ay napangiti rin.
“At least, honest siya,” bulong ni Angela sa akin. Then she realized hindi pa siya bumalik sa seat niya. “Ay, Will! Balik muna ako. Baboosh!” Tumawa lang ako habang bumalik siya sa likod.
Pagkatapos magpakilala si Zhai, muling nagsalita si Sir Gervacio. “Mr. Escarra, you can sit beside Mr. Parker so we can begin,” sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Tumango si Zhai, lumapit, at ngumiti. “Hi,” bati niya.
“Hey,” I replied, just to be nice. Maya-maya, nagsimula na si Sir mag-discuss.
After one and a half hours ng lecture, diretso kami ni Angela sa cafeteria. Maaga pa, around 10 a.m., pero parang ang tagal na ng araw. So I grabbed coffee while she bought a sandwich.
“Grabe, gutom na gutom na ako kanina pa!” sabay kagat niya sa sandwich. “Ang dami namang sinabi ni Sir. Tapos sobrang bagal pa niya magpaliwanag. Nakakahilo!” reklamo niya habang ngumunguya.
“Hayaan mo na. At least ngayon, nag-effort siyang magturo,” sagot ko. Inirapan lang niya ako.
“Ewan ko sa’yo!” Tumawa siya pagkatapos lunukin ang huling kagat. “Pero wait, topic change-ang cute ni Zhai, no? Swerte mo, katabi mo siya! Hot ng braces boy, grabe!”
Napailing ako. “Ikaw talaga. Kalokohan ka pa rin kahit wala si Sage. Isusumbong kita, eh.”
“Naku, joke lang ’yon!” natawa siya. “Pero seryoso, hindi ka ba na-cute-an man lang?”
Napangisi ako. “He is cute,” sagot ko. “Pero kung balak mo na naman akong i-ship sa kung sino-sino na lang na crush mo para sa’kin-please, huwag mo nang simulan.”
Napasimangot siya, then biglang tumawa. “Palibhasa kasi, may Gavin ka na, eh!” pang-aasar niya.
Napailing ako. If she only knew…
And as if on cue, napalingon ako sa pinto ng cafeteria-sakto namang dumating si Gavin… kasama si Alex. Nakaakbay si Alex kay Gavin. Napatigil ako. Parang na-freeze sa kinauupuan ko.
I didn’t expect to see them together. I didn’t even expect to see Alex at all, after two weeks. Pero heto siya ngayon, smiling-looking okay.
Nakatingin ako sa kanila. Tila napansin ni Alex. Nagtagpo ang paningin namin. Tumagal ng ilang segundo, pero ni hindi ko siya nagawang ngitian. I wanted to… pero something told me not to.
He looked away first. Kasunod noon, dumiretso sila sa counter para um-order. Tinanggal ko na lang ang tingin ko sa kanila.
Ano bang ine-expect ko? Natural lang naman na hindi niya ako pansinin after what I did. But still… bakit mas masakit makita siyang hindi ako pinansin? Bakit mas mahapdi na makita silang magkasama?
At bakit parang mas masakit makita siyang masaya… pero hindi ako ang dahilan?
Ang dapat sana’y 9 AM na klase ko ngayong araw, naging 6 AM. As in, alas sais ng umaga.
Kaya kahit 5 pa lang, gising na gising na ’ko kahit gustung-gusto ko pang matulog. I mean, sino bang di mapapamura sa biglaang pagbabago ng schedule? Itong si Sir Gervacio kasi, kung mag-announce ng time adjustment, parang wala lang. Imagine, 11 PM kagabi siya nag-text sa GC na 6 AM daw ang pasok ngayon. Three hours earlier than usual. What a gift.
Wala na rin akong choice kundi mag-ayos na lang at pumasok. May “important announcement” daw siya. Classic Gervacio move-kapag alam niyang may vacant slot kami, automatic, ililipat niya dun ’yong klase. Lagi rin siyang busy kung saan, kaya lagi ring nagmamadali.
Pagdating ko sa classroom, laspag at half-asleep akong dumiretso sa upuan ko. Hinihikab-hikab pa habang binabati ako ni Zhaichi, seatmate ko. I gave him a small smile back. Angela waved at me mula sa unahan, tapos nakita ko rin si Sage sa likod na ngumiti rin. Tinanguan ko silang pareho.
“Good morning, class!”
Tahimik agad ang buong classroom pagpasok ni Sir Gervacio. Medyo mukhang hindi pa siya naliligo-hawak ang libro sa isang kamay at kape sa kabilang kamay.
“Sorry for the short notice,” panimula niya. “I know ayaw niyong gumising ng ganito kaaga but I have to settle something with you today. Hindi ko na ito magagawa mamaya. May lakad ako.”
Told you.
Nag-umpisa nang magbulungan ang mga kaklase kong babae. Mukhang excited na naman sa kung anong chismis o announcement ito. Ako naman, parang kangkong na nilanta ng araw. Kulang sa tulog, wala sa mood, at honestly gusto ko na lang matulog sa armchair ko. 1 AM na ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip.
“Like last year,” panimula ni Sir, “magkakaroon tayo ulit ng academic-related fieldtrip. Gagamitin niyo ’yong trip as a basis for your output this month.”
Nang marinig ng mga kaklase ko ang salitang fieldtrip, halos magpalakpakan na sila.
“Your output will be a video presentation showcasing the beauty of the place we’ll visit,” dagdag niya. “And para mas manageable, this will be a paired project. Your seatmate will be your partner.”
Sabay tingin ko kay Zhaichi. Siya rin, nakatingin na sa akin-nakangiti, kita pa ’yong dimples niya. Mukhang excited.
Zhaichi na lang itatawag ko sa kanya. ‘Zhai’ sounds too… intimate.
“Partner raw tayo,” sabi niya habang tinapik ang balikat ko. “Okay lang ba sa’yo?” tanong pa niya, sabay ngiti ulit.
I nodded back with a small smile. “S-sure, no problem.”
And just like that, parang nag-flashback ako sa gym-nung pinartner kami ni Coach Ryan, tapos si Alex ’yong nabunot ko. Ganito rin ’yong reaction niya noon. Funny how similar things can feel so different now.
“The fieldtrip will be tomorrow.”
Boom.
Lahat kami napatingin sa kanya. Bukas agad? That’s barely 24 hours of prep.
“Yes, you heard it right,” pagpapatuloy ni Sir. “And take note, kasama niyo rito ang mga Computer Engineering students. Isang araw at isang gabi lang ’yan, so make sure you take enough photos and footage for your presentation. Maliwanag ba?”
Sabay-sabay kaming nagsabi ng “Yes, Sir,” pero halos lahat parang sabog pa rin sa bilis ng announcement.
Honestly, sanay na ako sa ganitong paandar ni Sir Gervacio. He always drops bombshells last minute. What caught me off guard wasn’t the fieldtrip itself, but the part na kasama ang mga Computer Engineering students.
Computer Engineering.
That’s Alex’s department.
Bigla akong kinabahan. There’s a real chance I might run into him there. Hindi ko alam kung ready akong harapin siya after everything.
Binigay na rin ni Sir ang full details. 5 AM tomorrow, we should be at the campus gate dahil doon ang bus pickup. Overnight trip, may camping involved, so we were told to pack appropriately-extra clothes, toiletries, kahit sleeping mat daw kung meron.
Pagkatapos ng class, I felt dehydrated from all the info dump kaya nag-decide akong pumunta sa cafeteria. Sina Angela at Sage ay busy pa sa pag-uusap about what to bring, kaya hindi ko na sila niyaya.
Pagka-approach ko pa lang sa entrance ng cafeteria, may biglang umakbay sa’kin. Napalingon ako-Zhaichi.
“Pwede ba akong sumabay, partner?” Sabi niya, again with that smile. I still found it weird na tinatawag niya akong partner, but I didn’t say anything.
“Gutom na rin kasi ako. Di pa ako nakakapag-breakfast. Ang aga kasi ng klase ni Sir, diba?”
I tried to be polite kahit na medyo naiilang pa rin ako. We barely know each other, literally met him yesterday.
“Ah gano’n ba? Sige, order na tayo.” I replied, trying to keep it cool kahit awkward.
Habang papalapit kami sa counter, still with his arm casually draped on my shoulder, something caught my eye.
Or rather, someone.
Si Alex.
Naglalakad papunta rin sa counter. Solo siya, may bag na nakasukbit, at seryoso ang expression. He looked straight at me-or maybe at us.
Napatigil ako sa paglalakad.
Nagtama ang mga mata namin.
My chest felt heavy. I didn’t know what to do. Gusto ko siyang ngitian, to let him know I’m okay-or maybe that I miss him-but I didn’t. I couldn’t.
I just stood there, frozen.
Then he looked away. Tumalikod siya agad at dumiretso sa kabilang side ng cafeteria.
Same treatment like yesterday. Tuloy ang iwas. Tuloy ang pagiging stranger.
And maybe… tama na rin ’to. Maybe I deserve this kind of distance after what I did.
Still, it stings.
Why does it hurt even more now that I can actually see him-yet I feel more invisible than ever?
And maybe the most painful part is realizing… na baka kailangan ko na lang talagang tanggapin na minsan, naging magkaibigan kami. At ngayon, hindi na.
Chapter 36
WILLIAM
Bago pa mag-alas kwatro ng madaling araw, gising na ako. Hindi dahil excited ako sa academic-related fieldtrip today, kundi dahil kay Angela. Hindi raw siya makatulog, kaya bandang 3:30 AM, tinawagan niya ako. Napaisip tuloy ako kung bakit ba hindi ko na lang sinilent ang phone ko bago matulog kagabi.
Unlike me, super excited si Angela sa fieldtrip. Inaasar daw siya ni Sage kaya ako ang ginambala niya. Eh ako? Ako ’tong nabawasan ng tulog. More than an hour din akong hindi nakatulog dahil sa kakakwento niya ng kung anu-ano. Kaya nang tuluyang mawala ang antok ko, I decided to just get ready early and pack everything I need for the trip.
Pagkatapos kong mag-ayos, sinukbit ko na sa likod ang isang malaking backpack, pang-travel talaga. I only brought the essentials-good for one day and overnight. Hindi na ako nagdala ng tent since si Zhaichi na ang nag-volunteer na siya na ang bahala ro’n.
Paglabas ko ng dorm building at campus gate, medyo madilim pa pero ang dami nang estudyanteng nakaabang. Sa gilid, naka-park na ang dalawang malalaking bus na siyang maghahatid sa amin sa fieldtrip location.
Kanya-kanyang bitbitan ng gamit ang mga estudyante from our class. I also saw the Computer Engineering group sa hindi kalayuan. Unconsciously, I scanned their group-hinahanap agad ng mga mata ko si Alex.
Sobrang lamig. Alas singko pa lang kasi ng umaga. Nakalimutan kong magdala ng jacket kaya ang suot ko lang ay black oversized shirt. Not ideal for this kind of weather.
Pagkakita sa akin ni Angela, dali-dali siyang lumapit. Naka-hila siya ng dalawang malalaking traveling bags-halos ready na siyang mag-abroad. At ang outfit? Naka-sweater at may suot pang knitted na bonnet.
“Mamimiss ka namin, Angela…” biro ko sa kanya, sabay ngiti.
Napakunot siya ng noo. “Hoy! Hindi ako aalis ng bansa, okay?” sabay hampas sa braso ko. Napatawa ako. Mabilis din niya nakuha ’yung joke ko.
“Ay, sorry!” sagot ko, tawa rin ako. Real talk, mukha talaga siyang mag-a-abroad.
Nag-roll eyes siya. “Ewan ko sa’yo, William!” sabay sungit, pero halatang aliw naman siya. “Wait lang ha, pupuntahan ko lang si Sage.” Napatingin siya sa kabilang grupo at nilapitan ang boyfriend niyang si Sage na may kausap na partner.
Naiwan akong nakatayo sa gilid ng bus, waiting for the headcount para makapasok na kami. Konting tiis pa sa lamig.
“Good morning, partner!” Sa likuran ko ’yon nanggaling. Paglingon ko, si Zhaichi. Katulad ko, naka-backpack din. “Naipakiusap ko na ’yung tent natin. May mga staff na mag-aasikaso kung saan ilalagay sa bus.” Sabi pa niya, kahit hindi ko naman tinanong.
Napangiti ako at tumango. Suot lang niya ay puting T-shirt at itim na pants. Kita agad ang muscles niya, lalo na sa arms. Obvious na gym boy. Pero ang pinaka-eye-catching sa kanya ay ’yung smile niya-may braces pa, at ’yung dimples niya sa magkabilang pisngi? Palaging present.
“May dala ka bang camera?” tanong ko. “I brought mine, pero mas okay kung dalawa para mas madaming shots tayo.”
Tumango siya agad, all smiles.
“Don’t worry, partner. Dinala ko rin ’yung sa akin.” sagot niya.
Tumango ulit ako. Nakayakap pa rin ako sa sarili ko sa sobrang lamig, kaya siguro napansin niya.
“Ang lamig, ano?” sabi niya.
Tinanggal ko ang pagkakayakap sa sarili ko at pilit ngumiti. “Oo. Pero sanay na rin ako sa panlalamig niya.” Napalabas ko ’yon nang hindi ko sinasadya. Mahina lang, pero sana hindi niya narinig.
“Ha? Ano ’yon?”
Umiling ako agad. “Wala. Sabi ko lang, malamig talaga sa ganitong oras.”
Unti-unting lumiwanag habang dumarami ang mga estudyanteng dumadating. Kasabay ng liwanag, napalingon ako sa kabilang bus-andun sina Alex at Gavin.
Hindi ko alam kung gaano na sila katagal na andun, pero ngayon ko lang sila napansin. Nag-uusap sila, at ilang segundo lang, nagyakapan sila. Di naman matagal pero sapat na para maramdaman kong may tumusok sa puso ko.
Bakit ganito? Bakit ang sakit?
Pagkaalis ni Gavin, tinapik niya si Alex sa balikat habang nakangiti pa. Si Alex, ngumiti rin pabalik. And that scene made something inside me twist painfully. I don’t even know kung kay Alex ba ako nagseselos… o kay Gavin. Or maybe both.
Sa pagtitig ko kay Alex, hindi ko namalayang napalingon na pala siya sa direksyon ko. Our eyes met. Wala siyang reaction. Walang emosyon. Nang makita niya akong nakatingin, inunahan ko na siyang umiwas ng tingin.
Few minutes later, pinapasok na kami sa bus. Since magka-partner kami, tabi kami ni Zhaichi. I specifically requested na ako sa window seat.
Few minutes into the trip, the bus finally started to move.
Destination: Sylvaine Forest. Narinig ko na ang pangalan noon pero never pa akong nakapunta. Sikat daw ’yung lugar for camping, lalo na sa mga foreign tourists.
“Mukhang mahaba-habang biyahe ’to, partner…” bungad ni Zhaichi. “Apat na oras bago makarating, pero promise-sulit lahat pag nando’n na tayo.” nakangiti siyang nagsalita kaya napa-tili ako ng konti.
“Nakapunta ka na ro’n?”
Tumango siya. “Once pa lang. Kasama ’yung girlfriend ko.” sabay pakita ng phone niya. Lock screen niya ay photo ng isang Korean-looking girl. “Si Kim.”
Hindi ko alam kung bakit pero may kurot akong naramdaman. Or maybe I was just being overly emotional sa lahat ng nararamdaman ko lately.
Napangiti ako nang makita ang lockscreen ni Zhaichi.
So may jowa pala siya. “She’s really pretty,” sabi ko habang nakatingin sa phone niya. “Nasaan siya ngayon?” tanong ko pa.
Ngumiti siya. “Nasa Caloocan. Inaalagaan ’yung lola niyang may sakit,” sagot niya. “Once a month lang kami magkita, pero every time na nangyayari ’yon, sobrang saya namin. As in parang laging first time ulit.”
Makikita sa mukha niya kung gaano siya kasaya habang kinukuwento ’yon. Genuine.
“Ang galing n’yo,” sabi ko. “Saludo ako sa mga long-distance relationship na gaya ng sa inyo. Hindi madali ’yon, pero kung talagang mahal n’yo ang isa’t isa, nothing is impossible.” Napangiti siya at napangiti rin ako.
“Ilang taon na kayo together?” tanong ko pa.
“Two years na kaming dalawa, partner,” sagot niya. “Siguro kasi, ganun talaga kapag mahal mo ’yung tao. Kahit malayo kayo, parang lalong tumitibay ’yung relasyon. Hindi siya nawawasak-lalo lang lumalalim.”
Napangiti ako sa sinabi niya. Kung lahat ng lalake sa LDR katulad ni Zhaichi, siguro mas kaunti ang heartache sa mundo. And his girlfriend must be amazing, too. They really seem like a good match.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako after our conversation. Nagising na lang ako nang bahagya niya akong yugin sa balikat.
“Nandito na tayo, partner.”
Dahan-dahan akong bumalik sa ulirat. I smiled at him bago kami sabay na tumayo at kinuha ang mga backpack namin. Halos lahat ng kaklase namin ay nakababa na ng bus.
Napansin ko ring nagsibaba na rin ang mga estudyante mula sa kabilang bus-ang grupo nila Alex.
At nang bumaba si Alex, automatic na nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagtagpo saglit ang mga mata namin pero, as usual, siya ’yung unang umiwas ng tingin. Naunahan niya na naman ako.
“Welcome to Sylvaine Forest!”
’Yon ang nakasulat sa malaking wooden sign sa taas ng entrance ng gubat.
Tumingin ako sa paligid.
Maraming puno ng oak, at may sari-saring halaman na tila curated pa rin kahit forest ito. Malinis, maaliwalas, at ang mga huni ng ibon ay parang background music sa isang calming movie scene. Maaliwalas sa mata’t sa pakiramdam.
’Yung iba, busy nang kumukuha ng pictures. ’Yung iba naman, katulad ko, nag-a-appreciate lang ng view. Kung ganito na kaganda sa entrance pa lang, paano pa sa loob?
“Just a reminder, guys!” tawag ni Sir Gervacio, kaya napatingin kami lahat. “We came here clean, we’ll leave this place clean. Got it?”
Sabay-sabay kaming sumagot ng “Yes, Sir,” bago kami nagsimulang pumasok sa loob.
Pagdating namin sa mas malalim na part ng gubat, napanganga kami sa ganda. Mataas ang mga puno pero hindi makalat ang ilalim. Tila pinaghandaan talaga ang lugar na ’to for campers like us.
“Maganda ba?” tanong ni Zhaichi habang abala sa pag-set up ng tent namin. Ako kasi, panay lang ang tingin sa paligid, para bang ina-absorb ko lahat ng vibes.
“Sobra,” sagot ko. Hindi ko maalis ang ngiti sa mukha ko.
“Told you, partner. Sulit ang apat na oras sa biyahe, ’di ba?” sabay tapik niya sa balikat ko. Nakatingin siya sa paligid habang ngumingiwi ng ngiti. Tumango lang ako sa kanya.
Habang nagmamasid ako, napansin ko si Alex. Nakatitig siya sa direksyon namin. May kunot ang noo bago siya nagbaling ng tingin palayo at nagsimulang i-set up ang tent nila-sa tapat mismo ng tent namin ni Zhaichi. Ang awkward. Hindi ko na lang siya pinansin. Gaya ng ginagawa niya sa akin.
Dumating ang lunch time. Pareho kaming gutom ni Zhaichi, kaya’t sinimulan naming halungkatin ang mga baon. Ang problema? Puro pang-luto ang dala namin-wala man lang ready-to-eat. Pareho pa kaming walang lunch.
“Ito na lang, partner,” sabay taas niya ng isang lata ng corned beef. “Lutoin na lang natin para mas masarap,” sabi niya. Sumang-ayon ako.
“Sige, ako na bahala sa apoy,” sabi ko habang kumukuha ng mga tuyong sanga sa paligid. “May lighter ka ba o posporo?”
Napakamot siya ng ulo. “Partner, nakalimutan kong magdala ng pangsindi…”
Napatingin ako sa kanya, nanlaki mata ko. “What?! Eh paano tayo magluluto?”
Ngumuso siya. “Oh, ’yung lalaki sa kabila, naninigarilyo. Baka may lighter siya. Pahiram ka na lang.”
Paglingon ko sa tinutukoy niya, ayun-si Alex.
Napalunok ako. Ako? Manghihiram ng lighter kay Alex? No way. Mismong ako, ayoko siyang lapitan. Hindi ko kaya. Iniiwasan na nga namin ang isa’t isa, tapos lalapitan ko siya para lang sa lighter?
“Parang nakisindi lang ’yan,” palusot ko. “Tapos tingnan mo nga siya, parang hindi approachable. Mukha pang suplado. Baka hindi rin tayo pahiramin.”
“Partner, sure ako na may lighter ’yung guy na ’yon,” sagot ni Zhaichi habang nakatingin sa tent sa tapat namin. “Sige na, hiram ka na.”
Tumingin ako kay Alex. Nakatayo siya ngayon, nakasandal sa puno, hawak ang sigarilyo habang malalim ang iniisip. Ang intense ng aura niya. Hindi ko kayang lapitan siya.
“Ahm… ikaw na lang?” mahina kong sabi kay Zhaichi, halatang nahihiya.
Ngumisi siya. “Let me guess… nahihiya ka sa kanya?”
Hindi ko siya sinagot agad. Totoo naman, ’di ba? Hindi lang hiya-ilang. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin ngayon. After everything.
“Hindi naman sa gano’n… pero-”
“Okay, okay!” sagot niya, nakangiti. “No need to explain. Ako na bahala.” At agad siyang tumayo at lumapit kay Alex.
Nakaramdam ako ng hiya. Sa totoo lang, nakakahiya kay Zhaichi. Ang bait niya, tapos ako, ang dami kong arte.
Nakita ko kung paano niya nilapitan si Alex, ngumiti pa siya. Pero gaya ng expected-walang ngiti si Alex pabalik. Tinuro ni Zhaichi ang tent namin, at si Alex, tumingin. Hindi sa tent. Sa akin.
Napaiwas ako agad ng tingin. Pero nung sigurado akong hindi na siya nakatingin, bumalik din ang mata ko sa kanila. Tahimik na inabot ni Alex ang lighter kay Zhaichi habang patuloy pa rin sa pagyoyosi.
Pagbalik ni Zhaichi, iniabot niya sa akin ang lighter. Ako na ang nag-setup ng apoy habang siya naman ay naghahanda ng lutuing corned beef.
Habang abala ako sa pagsindi ng apoy, hindi ko sinasadyang mapatingin sa tent nila Alex.
Doon siya. Nakaupo. Pero ’yung mga mata niya-nakatuon sa amin. Hindi ko alam kung ako lang ang iniisip niyang titigan, o kami ni Zhaichi. Pero seryoso ang tingin niya. Intense.
Nakatingin din ako sa kanya. Ilang segundo kaming nagkatitigan. Hindi ko alam kung galit ba siya o masama lang ang araw niya. Pero ramdam kong hindi lang basta titig ’yon.
At kung galit nga siya-siguro, deserve ko naman. Deserve kong masaktan. Deserve kong dedmahin niya. Dahil ako ’yong unang nanakit.
I turned away and focused on the fire. Ayoko nang isipin pa. Not right now.
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian, niyaya ako ni Zhaichi na mag-ikot-ikot sa gubat para kumuha ng mga litrato gamit ang mga dala naming camera. Parang gano’n din kasi ang ginagawa ng karamihan sa mga estudyante, kaya naisip namin na sayang kung palalampasin pa ang pagkakataon.
Hindi rin naman mainit sa lugar. Sobrang refreshing nga, actually, dahil napapalibutan kami ng mga matataas na puno na nagbibigay ng natural na lilim. Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin habang naglalakad kami.
Habang naglalakad, sabay rin kaming kumukuha ng mga pictures. Napansin ko sina Angela at Sage-magkasama sila kahit hindi naman sila partner sa activity. Natawa ako nang makita kong puro selfies ang kinukuha ni Angela gamit ang cellphone niya, imbes na ang paligid ang i-capture.
We took shots of the towering oak trees, the blue sky peeking through the canopy, at pati na rin ’yung ibang students na busy rin sa pagkuha ng mga litrato. Nagselfie rin ako ng dalawang beses-pang-alaala lang ng lugar na ’to.
Maya-maya, habang napapaligiran kami ng mga estudyante, bigla akong tinanong ni Zhaichi kung puwede raw kaming magpa-picture na magkasama. Pumayag naman ako. After nun, kumuha rin ako ng isang shot naming dalawa gamit ang sarili kong camera.
Habang tumatawa kami ni Zhaichi dahil sa mga candid at blurry shots na nakuha namin, napalingon ako at naabutan kong dumadaan si Alex kasama ang ka-partner niyang lalaki. Kung seryoso siya kanina, mas seryoso ang aura niya ngayon. ’Yung mga mata niya, nakatingin diretso sa akin na para bang may kasalanan ako sa kanya. Parang gusto niyang sabihin something without saying anything at all.
Hindi namin namalayan ang oras dahil sobrang saya at aliw naming mag-picture taking. Nang tingnan ko ang relo, mag-a-alas sais na pala. Dumidilim na rin, kaya’t unti-unti nang nagsi-uwian ang mga estudyante sa kani-kanilang mga tent. Kasi in an hour, may nakatakdang campfire activity.
Nag-dinner muna kami ni Zhaichi, tapos nagpasya akong lumabas ulit para maglakad-lakad sa paligid. Hindi na siya sumama kasi napagod daw siya sa kakakuha ng pictures. Kaya ako na lang mag-isa ang naglibot. Medyo madilim na pero dahil maliwanag ang buwan, kitang-kita ko pa rin ang daan. Besides, dala ko naman ’yung lighter na may maliit na flashlight-’yung hiniram ni Zhaichi kay Alex.
Hinahayaan ko lang ang sarili kong maglakad nang mabagal. Nilalasap ko ’yung malamig na simoy ng hangin. Wala kasi akong dalang jacket or hoodie kaya tiis lang talaga. Pero kahit malamig, nakakagaan ng loob ang katahimikan ng paligid. Sa layong nilalakad ko, ang naririnig ko na lang ay ’yung mga tunog mula sa campsite at ang huni ng kuliglig.
This moment felt surreal. Parang ang magical ng gabi-tahimik, malamig, at puno ng damdamin na hindi ko maipaliwanag. Parang gusto kong manatili sa pakiramdam na ’to.
Bigla akong napatigil sa paglalakad nang makarinig ako ng mga yabag. Tumigil rin ito nang tumigil ako, kaya nagpatuloy na lang ako-siguro hayop lang ’yon o kapwa estudyante. Hindi naman ako easily natatakot sa dilim. And besides, this isn’t the kind of forest na pang-horror movie vibes.
Pero nang makarinig ako ng pag-ubo sa likuran ko, bigla na lang akong napalingon at itinutok agad ang maliit na flashlight sa pinanggalingan ng tunog.
“Pwede bang huwag mong itutok sa akin ’yan? Ang sakit sa mata, eh,” sabi ng isang pamilyar na boses.
Agad kong ibinaba ang ilaw nang marinig ko ’yon. It was Alex.
Isang metro lang ang layo niya sa akin. Nakasuot siya ng leather jacket, at ’yung titig niya-sobrang intense. Napalunok ako. We were finally face to face again.
“P-Pasensya na. Nagulat lang ako,” sabi ko habang hindi ko siya matingnan nang diretso. “Ba’t ka nandito? Akala ko may multo nang sumusunod sa akin,” biro ko pa.
Napangisi siya. “Do I look like one?” Tumawa siya konti at lumapit ng bahagya. “Saka, ikaw lang ba ang may karapatang mag-unwind sa gabi?”
Napanganga ako pero napatango na lang. “O-Okay,” nauutal kong sagot habang hinahaplos ang mga braso ko dahil sa lamig.
Kinuha niya ang sigarilyo mula sa bulsa at tumingin sa akin. “Pahiram nga pala ng lighter ko?”
Napatingin ako sa hawak ko. Nakalimutan ko na may dala pala akong gamit niya. Iniabot ko iyon sa kanya.
“Thanks nga pala sa pagpapahiram niyan,” casual kong sabi. Pero hindi siya sumagot.
Narinig ko na lang ’yung tunog ng sindi ng sigarilyo niya. Maya-maya, may usok nang pumaligid sa amin. Tahimik lang kami pareho. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ako umaalis. Kaya ko namang bumalik sa tent, pero heto ako-nakatayo sa gitna ng gubat… kasama siya.
Then out of nowhere, nagsalita siya.
“Yung kasama mo kanina…” humithit siya ng sigarilyo bago nagpatuloy, “…boyfriend mo ba ’yon?”
Nagulat ako. Pero hindi ko pinahalata.
“Hindi,” mabilis at kalmadong sagot ko. “Partner ko lang siya sa project namin kay Sir Gervacio. Bagong student lang din siya sa klase namin,” paliwanag ko kahit wala naman siyang karapatang tanungin.
Tumango siya pero parang hindi kumbinsido. “Partner, ha? Ang sweet niyo nga kanina, eh.” Humithit siya ulit. “Alam mo bang ako dapat ’yung original mong partner? Ngayon siya na? Sarap bigwasan, eh.”
Napatingin ako sa kanya nang seryoso. “Hindi ko siya boyfriend. Classmate ko lang. May girlfriend nga ’yung tao, so huwag ka ngang ma-issue!”
Napangisi siya. “Eh bakit kung maka-akbay ’yong lalaki sa’yo, parang kayo na? Gano’n na ba ang project partners ngayon?”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Ang dumi talaga ng isip mo. Sinasabi ko na nga sa’yo-may girlfriend ’yong tao. And you’re acting like you’re jealous.”
Tumingin siya sa akin, kalmado pero seryoso. “Paano kung sabihin kong oo, nagseselos ako. Anong gagawin mo?”
Napatingin ako sa kanya. Napalunok ako. T*ngina.
“Wala,” sagot ko sa kanya nang diretso. “Saka bakit ka naman magseselos, ’di ba may Gavin ka na?”
Bigla siyang tumawa. “Now you’re acting like you’re jealous too.”
Damn it. Do I really sound like that?
“Sino’ng nagseselos? I pushed you away, remember? Ginawa ko ’yon for Gavin’s sake. Kaya wala akong karapatang magselos. In fact, I’m happy for both of you. Ang saya niyo nga tignan.”
Tumahimik siya sandali bago nagsalita ulit. “Tama ka. You were the one who pushed me away. Pero gusto ko lang itama ang maling akala mo-wala kami ni Gavin. Magkaibigan lang kami. And if you’re wondering where I stand…”
Napalunok ako. Nakatingin siya diretso sa akin.
“…sa’yo pa rin ako.”
Parang huminto ang mundo ko sa sinabi niya. Literal. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang sasabog.
Is this… really happening?
Chapter 37
WILLIAM
“Tigeran mo nga ako sa mga banat mong ganyan!”
Napairap ako habang tinitigan siya, halatang inis sa mga sinabi niya. Pero kahit na gano’n, seryoso ang mga mata niya habang nakatitig sa akin-parang may gustong patunayan. Nalilito ako kung anong dapat kong maramdaman. Parang sumabog ’yung puso ko sa narinig ko pero at the same time, ayokong magpa-apekto.
“Hindi ako basta bumabanat lang, William. Lahat ng sinabi ko, totoo,” aniya habang nakangiti ng marahan. Hindi ko siya matingnan nang diretso. Nahihiya ako. Naiilang.
“I still feel the same. Gusto pa rin kita. Mahal pa rin kita kahit ilang beses mo na akong itaboy.” Dagdag niya pa na lalong nagpahigpit ng buhol sa dibdib ko.
Gusto kong tumingin sa kanya, pero natatakot akong bumigay. Ang totoo, gusto kong paniwalaan siya. Na ako pa rin. Na ako pa rin ’yung pinipili niya. Ang gaan sa pakiramdam na marinig ’yung mga salitang ’yon mula sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ’yung kilig at tuwang naramdaman ko, pero pinili kong itago ’yon. Ayokong magpakita ng kahit anong emosyon.
Ako rin naman eh. Hindi ko na kayang itanggi pa sa sarili ko. Iba talaga ang dating niya sa akin. Simula pa noong naging close kami, noong Art Festival, hanggang sa mas makilala ko siya-unti-unti, nahulog na ako. And now, I can’t even deny it anymore.
Pero kahit gustuhin kong sumaya sa sinabi niya, may pumipigil pa rin. Si Gavin. Alam kong mahal na mahal siya nito. Hindi ko alam kung ano na ba ang naging usapan nila-kung okay na ba sila, kung friends pa rin ba sila-but regardless, I don’t want to hurt Gavin.
Huminga ako nang malalim, saka ko siya tiningnan sa mata. “Alex, please…” mahinahon kong simula. “Hindi ’to ’yung tamang lugar o tamang oras para pag-usapan natin ’yung nararamdaman natin para sa isa’t isa. Pwede ba… huwag muna ngayon?”
Napansin kong napalalim siya ng buntong-hininga bago tumango. “Okay, fine,” sagot niya. Pero ngumiti pa rin siya. “Pero tandaan mo, mahal pa rin kita. At alam kong mahal mo rin ako. Hindi ako titigil hangga’t ’di mo ’yan inaamin.”
At doon ako nadali. Sa simpleng pahayag niyang ’yon, parang gusto ko nang aminin ang lahat. Pero hindi… hindi pa ngayon.
“Okay,” tugon ko sa kanya, sinabayan ko ng ngiti bago ako tumalikod. Pero habang naglalakad palayo, hindi ko mapigilang mapangiti pa rin. Ibang klase talaga si Alex. ’Yung tipong kahit inis ka na, mapapangiti ka pa rin.
Habang palayo ako sa campsite, ramdam ko na ’yung malamig na simoy ng hangin. Mas lumamig pa ngayon kaysa kanina. Eh bakit ba kasi hindi ako nagdala ng jacket?
Napilitan akong yakapin ang sarili ko para lang kahit papaano ay mabawasan ang ginaw.
Maya-maya pa, napansin ko ’yung ilaw na bumungad mula sa likuran ko. Lumingon ako-at ayun, diretso sa mukha ko ’yung ilaw ng flashlight.
“Grabe ka naman! Pwede ba, huwag mo akong tutukan? Nakakasilaw!” reklamo ko habang sinundan ng tingin si Alex na papalapit na.
Binaba niya agad ’yung flashlight at natawa. “Eh tinutukan mo rin ako kanina, quits lang tayo,” biro niya habang nakasiksik ang mga kamay sa bulsa ng itim niyang leather jacket.
“Anong ginagawa mo rito? Ba’t di ka pa bumabalik sa campsite?” tanong ko habang yakap pa rin ang sarili ko. “Sinusundan mo ba ako?” dagdag ko pa.
“Natural! Iwan ba naman kita rito mag-isa sa gitna ng gubat? Baka lamunin ka pa ng mabangis na hayop,” sagot niya, sabay kindat. “I’ll protect you from harm, love.”
Napalunok ako. Classic Alex move.
Napailing ako habang nakangiti. “Kaya ko ang sarili ko, Alex. Hindi mo na kailangang bantayan ako. At isa pa, hindi mo naman ako responsibilidad.”
Sinubukan ko siyang itaboy, pero matigas siya.
“Ayoko nga. Bakit mo ako pinapaalis?” aniya habang mas lumalapit pa. “Dito lang ako. Hindi kita iiwan.”
“Bahala ka diyan!” inis kong sabi sabay tuloy sa paglalakad.
Habang sinusundan niya ako, bigla niyang hinubad ’yung jacket niya at inabot sa akin.
“Oh,” gulat kong sabi. “Anong gagawin ko d’yan?”
“Siyempre, isusuot mo. Kanina ka pa nanginginig d’yan,” sagot niya na may halong ngisi.
“Hindi na. Okay lang ako,” mabilis kong tanggi kahit alam kong hindi.
Tumingin siya sa akin, halatang disappointed. “Ang arte mo naman. Malinis ’yan, mabango pa. Suotin mo na, please?” sabay abot ulit ng jacket.
Tiningnan ko siya at umiling. “Saka tingnan mo nga sarili mo? Naka-sando ka lang. Ikaw ’yung lalamigin, hindi ako.”
“Wala ’to. Di ako nilalamig. Pero ikaw, mukhang konting lamig na lang, matutumba ka na.” pang-aasar niya.
Patuloy niya pa rin akong kinukulit kaya hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.
“Hindi na nga,” inis kong ulit.
Ngumisi siya. “Sure ka? Ayaw mo talaga?”
“Hindi nga.”
“Okay, last chance. Kapag hindi mo pa tinanggap ’tong jacket, maghuhubad na ako. Ikaw ang may kasalanan kung lalamigin ako.”
Napanganga ako. “Gawin mo, kung gusto mo. Wala akong pakialam.”
And then boom. Hinubad nga niya ang sando niya! Literal. Walang kaabog-abog. Nilaglag pa sa lupa.
Agad kong nakita ’yung abs niya, ’yung defined chest niya, at ’yung kaunting silip ng boxers niya sa bandang pusod. Napalunok ako. Tangina, bakit ngayon pa?
“Ano ka ba?! Seryoso ka?! Ang lamig-lamig, magdamit ka nga!” sigaw ko habang pilit na iwasang titigan siya.
“Eh sabi mo, ako naman ang lalamigin, ’di ba?” parang bata na may pa-cute pang effect.
“Magdamit ka nga!”
“Ayoko.”
“Isa!”
“Dalawa.” Pang-aasar niya sabay tawa.
“Alex, seryoso ako. Isuot mo na ’yan, baka magkasakit ka.”
“Hindi ako magbibihis hangga’t hindi mo sinusuot ’tong jacket,” sagot niyang parang deal o no deal.
Wala na. Sumuko na ako.
“Oo na! Heto na!” Kinuha ko ’yung jacket sa lupa at agad itong sinuot. “Masaya ka na?!”
“Super!” sagot niya sabay kindat. “Sabi ko sa’yo, hindi mo ako kayang tiisin.”
“Ewan ko sa’yo. Baliw!” sigaw ko sabay turo sa sando niya. “Isuot mo na ’yan!”
Tumawa siya at saka isinuot ang sando niya. Nakakainis pero ang cute niya pa rin. Hindi ko alam kung maiinis ako o mahuhulog pa lalo.
Naglakad kami pabalik sa campsite, at kahit nilalamig na siya, hindi niya kinuha ’yung jacket. I tried to give it back pero ang sabi niya, sa akin na muna.
Pagpasok ko sa tent namin ni Zhaichi, hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko.
“Uy, bakit parang ang saya mo? Nakakita ka ba ng clown sa gubat?” tukso ni Zhaichi habang nakatitig sa akin.
“Baliw. Maganda lang ’yung ambiance sa labas. Ang peaceful,” palusot ko.
Napansin niya ’yung jacket. “Teka… kanino ’yang jacket mo? Hindi ko ’yan nakita kanina.”
“Busy ka kasi sa gamit kaya hindi mo napansin,” mabilis kong sagot sabay ngiti.
“Hmm, siguro nga.”
Tinawag na kami para sa campfire at habang lahat ay nakikinig kay Sir Gervacio tungkol sa Sylvaine Forest, ang atensyon ko, kay Alex pa rin. Nakatingin kami sa isa’t isa, parang may sariling mundo.
At sa mga ngiti naming ’yon, alam kong pareho naming na-miss ’yung isa’t isa-at somehow, unti-unti, bumabalik na ’yung dati.
Kinabukasan, abala kaming lahat sa pagkuha ng mga litrato-para sa alaala, para sulitin ang huling pagkakataon namin sa Sylvaine Forest. We took countless pictures. Kahit pagod, kahit antok, ginawa naming sulit ’yung mga natitirang sandali bago kami magligpit ng gamit at tuluyang lisanin ang lugar.
Another four hours na naman ang biyahe pabalik sa campus. Nauna ng konti ang bus nila Alex kaya pagdating ng bus namin, pababa na ’yung mga kasamahan niya. Kami naman, bitbit ang kanya-kanyang bagahe, isa-isang bumaba mula sa bus.
Ramdam ko agad ang sakit ng ulo ko. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi, tapos hindi rin ako nakatulog sa buong biyahe. And honestly, si Alex ang dahilan. Hindi ko kasi makalimutan ’yung ngiti niya kagabi. Ang kulit, no? Hanggang alas tres ng madaling araw akong nakangiti, yakap-yakap ang leather jacket niya.
Pagkababa namin, nilapitan ako ni Zhaichi.
“Kailan mo gustong simulan ’yung pag-e-edit ng video presentation natin, partner?” casual niyang tanong habang naglalakad kami palayo sa bus.
Habang iniinda ko ’yung pagod at antok, sagot ko, “Bukas na lang siguro, Zhaichi. I think we both need rest today.”
Tumango siya. “Sige, partner. Ime-message na lang kita. Nasa akin na ’yung number mo, ’di ba?”
Binigay ko na kasi ’yon kagabi bago kami matulog. “Magpahinga kang mabuti, partner.”
Ngumiti ako. “Ikaw rin, Zhaichi.”
“Mauna na ako ha.” Paalam niya habang nakangiti, saka siya tumalikod at naglakad palayo.
Hindi kasi siya naka-dorm. Sabi niya, malapit lang bahay nila kaya hindi na practical mag-stay pa sa dorm.
Pagkaalis niya, hindi ko na hinintay sina Angela at Sage. Sa mall raw ang diretso nila ngayon-date daw, dala pa ang mga bagahe. Kaya ako na lang mag-isa ang naglakad papasok ng campus, backpack lang ang bitbit ko.
Same goes for other students na naka-dorm-pagod at hirap din silang magbuhat ng gamit. Lalo na’t galing pa sa overnight fieldtrip.
Malapit na ako sa entrance ng dormitory building nang may nakita akong hindi ko in-expect-si Gavin. Nakatayo siya sa tapat ng building, seryoso ang tingin sa akin.
Napalunok ako. Napatigil. Hindi ko alam kung lalapitan ko siya, ngingitian lang, o babatiin gaya ng dati. Honestly, ang awkward ng moment.
Pero pinili kong tumingin sa kanya… at ngumiti.
Pagkatapos noon, naglakad ako papasok. Lalagpasan ko na sana siya nang bigla niya akong tawagin.
“Will, wait…” Tawag niya. “Pwede ba tayong mag-usap?”
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Pilit akong ngumiti kahit ang totoo, ang bigat ng pakiramdam ko. Naiilang ako.
“Oo naman…” iyon lang ang nasabi ko. Wala akong idea kung saan mauuwi ’to o anong pag-uusapan namin.
Lumapit siya. “Gusto ko sanang doon tayo sa kwarto namin ni Kent mag-usap. Okay lang ba?”
Napakagat-labi ako. Bakit sa kwarto pa talaga?
“Don’t worry, wala si Kent. Just the two of us lang,” dagdag pa niya na tila gustong alisin ang kaba ko.
Tumango na lang ako sa kanya. Wala akong masabi. Tinugunan niya ng mahinang ngiti at sabay kaming naglakad papunta sa kwarto nila.
Pagpasok namin, pinaupo niya ako sa couch. Naiilang ako, pero wala akong choice kundi sumunod. Nagpaalam siyang magtitimpla muna ng kape kahit sinabi ko nang okay lang kahit wala.
First time kong makapasok sa kwarto nila. Malinis, maayos, maaliwalas. Bagay na bagay sa personality ni Gavin.
Pagbalik niya, may dalang dalawang mug ng mainit na kape. Inilapag niya ang isa sa harap ko habang ’yung kanya naman ay hawak-hawak pa rin niya. Uminom siya ng kaunti bago iyon inilapag sa mesa.
Ako? Hindi ko ginalaw ang kape. Nakatingin lang ako sa kanya, tahimik. Kabado.
“A-Ano bang gusto mong pag-usapan natin?” Nauutal kong tanong.
Tiningnan niya ako nang seryoso. “Tungkol kay Alex.”
Hindi na ako nagulat. Kahit wala akong ideya kanina, alam kong lalabas ang pangalan ni Alex sa usapan.
Ngumiti ako. “Gavin, malinaw na sa’kin ang lahat. Alam ko na, kaya hindi mo na kailangang ipaliwanag.”
Napakunot ang noo niya. “Alam mo na ang ano?” Parang naguguluhan siya.
“That you love Alex… and I respect that.” Diretsahan kong sabi. “Wala rin naman akong magagawa, kaya tinanggap ko na.”
Bigla siyang natawa. As in, halakhak.
“We seem to have a misunderstanding here, Will.”
Umiling ako. “Gets ko naman, Gavin. Mahal mo siya. At kung siya ang makakapagpasaya sa’yo, handa akong magparaya.”
Tumawa ulit siya, pero this time, mas banayad. “You got the wrong idea. Hindi ko sinadya na magkagan’to ang isip mo. Kaibigan ko si Alex. Bestfriend. At hanggang ngayon, gano’n pa rin.”
Napakunot ang noo ko. “Kung gano’n, bakit mo ko gustong kausapin?”
Nilingon niya ako, seryoso na ulit ang tingin. “It’s still about him… pero this time, it’s not about me. It’s about you, Will. You and him.”
Napatigil ako. “Ha? What do you mean?”
Ngumiti siya. “Will, Alex loves you.”
Bigla akong natahimik. Narinig ko na ’yon mula kay Alex mismo, pero ibang klase pala ’pag galing sa iba.
“Pero… mahal mo siya, ’di ba?” ’Yon lang ang nasambit ko.
Ngumiti siya, malungkot pero buo.
“Yes. Mahal ko siya. Kaya nga gusto ko siyang maging masaya. And you, Will-you make him happy.”
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang ang bigat pero ang gaan din sa loob.
“Sinabi niya sa’kin ang lahat. Kahit ’yung gabi na itinaboy mo siya para lang hindi ako masaktan. And I appreciated that, sobra. Pero nag-usap na kami, ayokong maging selfish. Hindi lang para sa kanya, kundi para rin sa’yo.”
Hindi ko napigilan ang maiyak. He was giving up the one he loved-for me?
“Gavin, I just can’t…” mahina kong sabi, hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin.
“Don’t be selfish with yourself, Will. Alam kong mahal mo siya, higit pa sa pagmamahal mo sa’kin noon.”
“Kung mahal mo talaga ’ko, gawin mo ’to for me-love the person who truly loves you back.”
Basa na ang mga mata ko. Kahit pilit kong pigilan, hindi ko na kaya.
“But…”
“Mahal mo ba siya?” diretsong tanong ni Gavin.
“Gavin…”
“Just answer me.”
Hindi ko alam kung makakasagot ako. Hindi ko maintindihan kung bakit natatakot ako.
“Do I really need to?”
Bumuntong-hininga siya. “Give it to me straight, William. Do you love him?”
Tahimik. Ang tagal bago ako nakasagot. Pero sa wakas…
“I do…” halos pabulong kong sabi.
“Ha? Hindi ko narinig. Ulitim mo”
“Mahal ko siya…” I tried again, pero parang nawawala pa rin ang boses ko.
“Ang hina! Ganyan ba magmahal? Dapat buong puso!”
At doon, parang may bumangon sa loob ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa.
“Oo! I love him! Mahal ko si Alex!” sigaw ko, sabay buhos ng lahat ng emosyong kanina ko pa kinikimkim.
Chapter 38
WILLIAM
After that long and heartfelt talk with Gavin kahapon, I finally made up my mind-magtatapat na ako kay Alex. Alam kong may idea na siya sa nararamdaman ko, pero iba pa rin ’yung ako mismo ang magsasabi. Gusto ko ng linawin ang lahat. Walang paligoy-ligoy. Just the truth straight from me.
Yung conversation naming ’yon ni Gavin… it pushed me to finally face my own feelings. I’ve loved Gavin for almost four years. Akala ko siya na talaga. I never expected na maguguluhan pa ako sa nararamdaman ko. And yet, here I am-falling for his best friend. Si Alex. Mahal ko pa rin si Gavin, in a way. Pero kung may isang bagay akong narealize kahapon, it’s how much I’ve grown to appreciate Alex. He didn’t just change how I see him-he changed how my heart beats.
Kagabi, halos hindi ako nakatulog. My mind kept playing scenarios-how I would say it, how he might react, and what could happen after. Kinakabahan ako pero excited din. It’s weird… pero parang nasa edge ako ng cliff, willing to jump, not knowing if I’ll fly or fall.
Tinawagan ko pa sina Angela at Sage. Sa group video chat naming tatlo, I finally spilled everything. Lahat ng hindi ko nasabi noon, sinabi ko na. Pati ’yung mga maliliit na detalye ng nararamdaman ko. I told them when it all started, paano ko naramdaman ’to kay Alex, and kung paano namin ni Gavin naayos ’yung mga bagay-bagay. I said it out loud: “I love Alex.” At first, akala nila joke lang. But I convinced them. They believed me in the end.
Pumasok naman ako sa lahat ng klase ko today, pero to be honest, wala ako sa sarili. Para akong zombie na hindi mapakali. Lalo na ngayong last subject na-it’s the final stretch bago ako tumuloy sa gym para magtapat kay Alex. My emotions were all over the place. Halong kaba at thrill, pero higit sa lahat, takot.
“Hoy, William!” Napabalik ako sa ulirat nang biglang tapikin ako ni Angela. Wala kasing prof at free time kami, kaya chill lahat ng tao sa room. “Kanina ka pa parang tulala d’yan. What’s going on in that pretty little head of yours?”
Ngumiti ako nang pilit at humawak sa ballpen ko. “Kinakabahan lang ako. Hindi kasi ako sanay sa mga ganitong moment… and I have no idea kung anong magiging ending nito.”
Bigla namang sumabat si Sage mula sa likod. “Bro, kaya mo ’yan! Just follow your heart, kung ano man ’yon. Andito lang kami ni Angela.” Ngumiti ako sa cheer nila.
Muling tinapik ni Angela ang balikat ko, this time with a smirk. “Basta ayusin lang ni Alex ’yan. Hindi ko pa rin ma-process na magtatapat ka sa kanya, pero kung paiyakin ka niyan? Diyos ko, ako mismo ang lalapit at magwawala!”
Napailing ako. “Thanks, guys. Seriously.”
“Hindi ka namin pababayaan,” sabi pa ni Angela, this time softer. “I’m sorry kung ang dami naming na-miss sa’yo lately… pero andito na kami ulit.”
Pagka-dismiss ng klase, sumabay sila saglit tapos binigyan ako ng good luck hugs. I took a deep breath and started walking toward the gym. It was 4 PM.
Sigurado akong nandoon na si Alex. Sanay akong doon siya tumambay pagkatapos ng klase, either naglalaro ng basketball or nagpapahinga lang. Habang papalapit ako, my heartbeat was getting louder than my footsteps. Isang bahagi ng isip ko sinisigaw na, “This is it.”
Pero habang palapit ako sa entrance ng gym, napansin kong unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ko.
I saw him. Sitting on the bleachers. But he wasn’t alone.
May kasama siyang babae. Di ko siya kilala. Nakasuot lang ng plain white sando si Alex-pawis pa, mukhang kakalaro lang ng basketball. At ’yung girl? She was wiping the sweat off his forehead. Ang lapit nila sa isa’t isa. Masyado.
Parang may tumusok sa dibdib ko.
I froze. Who is she? At bakit parang okay lang kay Alex na hawakan siya no’n girl? Di man lang siya umiwas. Ang dami kong gustong tanungin. Gusto kong maniwalang hindi ’yon ang iniisip ko. Na baka kaibigan lang. Pero bakit ganon ka-intimate?
Umurong ang mga paa ko. I stepped back before I could even enter fully. Parang biglang gumuho lahat ng pinlano ko. Lahat ng sinanay kong lines sa salamin kagabi, parang walang saysay.
I walked away, confused and crushed.
Pabalik na ako sa dorm nang makita ko si Gavin malapit sa room four. Agad niya akong hinila papasok sa kwarto niya. Di ko na siya naawat. Wala rin naman akong energy.
“Bakit mo ’ko dinala rito?” Tanong ko habang sinusubukang itago ang bigat sa boses ko. “Anong problema?”
Tiningnan niya ako-seryoso. “William, may kailangan kang malaman. Tungkol kay Alex.”
Agad akong napatigil. Gusto ko sanang ikuwento ’yung nakita ko sa gym, pero naunahan ako ng kaba.
“What about him?”
“His ex-girlfriend… she’s back.”
Biglang sumulpot sa isip ko ’yung babae sa gym. Siya kaya ’yon?
“Ex-girlfriend?” pilit kong tanong na kalmado. “Sino siya? And bakit mahalaga ’yon? Ex na nga, di ba?”
Napailing si Gavin. “Her name is Bianca. They were together before she moved to LA-mga four years na siyang wala. She was his first love. At ngayon, she’s here again. At ang mas masaklap… gusto nitong makipagbalikan.”
Parang may bumagsak na yelo sa dibdib ko. Kahit anong pilit kong kontrolin, ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko.
I tried to act unaffected. “Who told you all this?”
“Bianca was a close friend of mine back then,” sabi ni Gavin. “She reached out to me. She said she wants to fix things with Alex. Gusto niyang bumalik sa dati. But I didn’t help her. I told her to talk to Alex directly. Kasi… iniisip kita.”
Napakagat ako sa labi. Sh*t.
“Bakit ngayon mo lang sinabi ’to?” I asked, barely containing my frustration.
“Because I didn’t think it mattered anymore,” sagot niya. “Matagal na silang wala. Akala ko wala nang balikan. At ni hindi ko rin alam na bigla siyang darating ngayon.”
Hindi ako makapaniwala. First love? Bianca? Ganoon ba kalalim ’yung past nila?
Kung ganon… saan ako lulugar?
“She was the greatest love of his life,” Gavin admitted quietly. “Pero hindi ko alam kung nararamdaman pa rin ’yon ni Alex. Hindi ko rin alam kung anong gagawin niya ngayon.”
Hinawakan niya ang balikat ko. “I’m with you, William. Gusto ko ikaw ang piliin niya. Pero gaya mo, natatakot din ako. Kasi kung susunod lang siya sa bugso ng damdamin… baka magdesisyon siya na hindi niya pinag-isipan.”
Tumango lang ako.
Nagpanggap akong okay, pero sa totoo lang? Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Ang gulo. Ang bigat.
And yet, kahit na ang dami ko nang narinig, kahit ang dami nang tumatakbo sa isip ko…
…hindi ko pa rin siya kayang i-let go.
Alas-diyes na ng gabi at pakiramdam ko mababaliw na talaga ako kakaisip habang nasa loob ng dorm. Sobrang bigat sa dibdib kaya napagdesisyunan kong lumabas at maglakad-lakad-baka sakaling gumaan man lang kahit konti.
Pero hindi rin nagtagal ’yung lakad ko. After almost an hour na pag-iikot sa campus at pagbuga ng malalim na buntong-hininga, nagpasya rin akong bumalik. Pakiramdam ko wala rin naman akong mapapala sa paglalakad kung isip ko pa rin ’yung kalaban ko.
Halos mabaliw na ako sa dami ng ‘what if’ na hindi ko mapigilan. What if… makipagbalikan si Alex sa ex niya? What if, as we speak, sila na ulit? What if tama si Gavin-that she was really Alex’s greatest love?
At kung totoo nga ’yon… saan ako lulugar? What if mas matimbang talaga ’yung pagmamahal niya sa ex niya kaysa sa nararamdaman niya para sa’kin?
Paglapit ko sa gate ng campus, napansin ko agad na may nakatayo sa gilid. Kahit madilim, kilala ko agad siya. Si Alex. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko-parang automatic.
Mabilis akong naglakad papunta sa kanya. Napansin niya ako pero ang tanging sinukli niya sa akin ay malamig at seryosong tingin. Hindi ko na lang ’yon pinansin. Instead, pinilit kong ngumiti at batiin siya.
“Anong ginagawa mo rito sa labas?” tanong ko, trying to sound cheerful kahit may kaba na akong nararamdaman. Pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Hindi siya ganito noong huli kaming nagkausap.
Huminga siya nang malalim bago sumagot. “Kumakatok ako sa kwarto mo… wala ka ro’n. Kaya naisip kong hintayin ka rito,” sabi niya, hindi makatingin nang diretso.
Nagulat ako. Bakit niya ako hinahanap?
“Gusto kitang makausap. I need to tell you something…”
Doon na unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Biglang bumigat ang hangin sa paligid namin. May kutob na akong hindi maganda.
Pero bago pa man niya maituloy, nauna na ako.
“Narinig ko… dumating daw ex mo from L.A.?” pilit kong nginitian siya kahit halatang halata sa tono ko ’yung tension. Tumango siya nang marahan.
“Si Bianca…” sabi niya. “Two months ago pa niya sinabi na pupunta siya rito. I didn’t really believe her. Akala ko biro lang ’yon, pero… she showed up.” Hindi pa rin niya ako matingnan nang diretso.
Hindi ko alam kung bakit pero ang lumabas lang sa bibig ko ay, “S-She’s beautiful…” at sinundan ko pa ng pilit na ngiti, just to mask the sting I was already feeling.
Tumitig siya sa akin saglit, then umiwas ulit.
“She wants us back together. After almost four years since we broke up.” Kita ko sa mukha niya na hindi siya comfortable habang sinasabi ’yon. Then came the words I feared the most. “And now… we’re in a relationship again.”
Parang gumuho ang mundo ko. Hindi siya makatingin. Ako naman, napayuko. Naiwan akong nakatayo na parang pinagsakluban ng langit at lupa.
Sobrang bigat sa dibdib. Alam mo ’yung tipong gusto mong umupo kasi parang bibigay na ’yung mga tuhod mo sa sakit? Ganun. They’re back together. ’Yung kinakatakutan ko kanina… nangyari na. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko, pero ang hirap.
Huminga ako nang malalim. Then I looked at him-straight in the eyes kahit masakit.
“G-Good for the both of you,” sabi ko habang nangingilid na ’yung luha ko. Pero ngumiti pa rin ako. Fake, pero pilit.
“Actually, ngayong araw… I planned to tell you how I really feel. Pero mukhang huli na ako. Nandiyan na siya.”
That was the last time I smiled at him. Pagkatapos noon, tumalikod na ako.
I walked away. Naiwan siya ro’n. Hindi ko na napigilan. Umiyak na ako habang naglalakad palayo. Ang hirap. Parang déjà vu. Ganito rin noon-may sasabihin siyang makakasakit tapos ako ’yung aalis. Pero mas masakit ngayon. Mas totoo. Mas ramdam.
Sana… sana habulin niya ako. Sana pigilan niya ako. Sana lang. Pero walang nangyari. Wala. He stayed there, just standing-cold, serious, distant.
Paano niya nasabing mahal niya ako kung kaya niya rin pala akong bitawan ng ganon kadali? Kung kailan ako handa na… kung kailan naniwala na ako sa kanya. How could he?
Chapter 39
WILLIAM’S POV
“Isa pa nga!”
Hindi ko na mabilang kung gaano na ako katagal na nakaupo dito sa table na ’to. Sa harap ko, nakahilera ang anim na bote ng beer-lahat ubos. Pero kahit nilaklak ko na lahat, pakiramdam ko, kulang pa rin. Ang bigat pa rin ng nararamdaman ko. Medyo hilo na ako, ramdam ko na ’yong unti-unting pamamanhid ng katawan ko sa alak… pero wala akong pake. Ang gusto ko lang ngayon ay malasing. Malunod. Makalimot.
Makalimot sa sakit na iniwan sa akin ni Alex.
Handa na akong mahalin siya. Handang-handa na akong sabihin sa kanya na mahal ko rin siya. Na handa akong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano siya kahalaga sa’kin. Pero bakit kailangang ganito ang ending? Bakit kailangang bumalik ang ex niyang halos apat na taon nang wala sa buhay niya? At mas masakit-bakit niya pa piniling balikan ’yon? Bakit hindi ako?
At bakit sa harapan ko pa niya sinabi? Wala man lang pasintabi. Wala man lang kahit konting pag-iingat sa damdamin ko. Paano niya nagawang saktan ako nang gano’n kadirekta?
“Sir, pasensya na po pero mukhang marami na po kayong nainom. Pa-close na rin po kami,” wika ng lalaking server habang dahan-dahan akong nilapitan. “Alas tres na po ng madaling araw. Kung gusto n’yo po, tatawag na lang ako ng taxi pauwi.”
Mukha siyang concerned, pero ako? Napatawa lang ako. Kalokohan.
“Isa pa nga. Promise, last na ’to.” Wala sa sarili kong sagot habang pilit kong pinipilit maging matino ang tono ng boses ko. “Kaya ko pa naman, oh. Kaya sige na, bigyan mo pa ako.”
Tumango lang siya, pero nang lingunin ko ulit, wala na siya sa harap ko. Hindi ko alam kung sinunod ba niya ako o nagsumbong sa manager nila. Tuluyan nang naglalaban ang mga talukap ko, parang gusto na nilang magsara.
Dumating din ’yong hinihintay ko. Dinala niya ang beer at agad ko itong ininom, halos wala nang paghinga. Isa, dalawang lagok. Wala na agad.
Napansin ko, konti na lang ang mga taong natitira sa loob ng bar. Ang iba, nagsisipag-uwian na. ’Yong staff, abala sa pagligpit. Ako lang yata ang ayaw pang tumigil. Gusto ko pa. Gusto ko pang magpakalunod. Gusto kong ubusin ’tong gabi sa alak-baka sakaling mawala kahit konti ’yong sakit.
Pero ang totoo? Hindi ko nga rin alam kung may pambayad pa ako.
Nagulat ako nang biglang umupo ’yong server sa tapat ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ngumiti lang ako. Tinaas ko ’yong bote ng beer sa kanya-parang cheers-tapos nilaklak ko ulit hanggang dulo. Ang pait, ang tapang, pero hinayaan ko lang sumunog sa lalamunan ko.
“Alam mo ba kung bakit ako nandito?” tanong ko sa kanya, kahit alam kong hindi niya naman talaga kailangan malaman. Tahimik lang siya, nakatingin sa akin. Kaya tinuloy ko na lang. “Nandito ako kasi ’yong taong mahal ko, mas pinili ’yong ex niya. Ang sakit, ’di ba?”
Ubos na naman ’yong bote.
“Naku Sir, alam kong hindi madali ’yan,” sagot niya, mahinahon at may pag-unawa. “Pero hindi po sagot ang malasing nang ganyan. Hindi nawawala ang sakit sa dulo ng bote.”
Napangisi ako. Hindi niya alam. Hindi niya ako.
“Try mo kaya umupo sa pwesto ko,” sabi ko habang papikit-pikit na. “Then you’ll understand…”
At doon, tuluyan na akong napa-subsob sa mesa. Wala na. Hindi ko na kaya. Ni hindi ko na alam kung paano pa ako makakaalis sa bar na ’to. Pero ang mas mahirap… paano ako makakatakas sa sakit na iniwan sa’kin?
“Magkano lahat ng nainom niya?”
A familiar voice broke through the fog. Pilit kong inangat ang ulo ko pero ang bigat-bigat. “He’s my friend. Ako na bahala sa kanya,” narinig kong dagdag pa niya. No doubt-si Gavin ’yon.
Pilit akong tumingin pataas. “Gavin!” sigaw ko, kahit lasing na lasing na. Nakasuot siya ng simpleng black shirt at maong na short pero para sa’kin, parang artista siya.
“Gwapo mo naman! Halika nga rito, inom tayo!” hinila ko ang kamay niya kahit wala na akong balanse.
Pero ’di siya nagpahila. “Hindi na, Will. Uuwi na tayo.” Kalmado pero may diin ang tono ng boses niya. Ako naman, ayaw pa.
“Bakit ba?! Umiinom pa ako!” reklamo ko habang hinihila niya ako palabas. “Ayoko pang umuwi, Gav!”
“Tigil na, William!” mahina pero madiin niyang sigaw. “Kung hindi pa ako kinausap ni Angela sa Facebook, hindi ko pa malalaman na nandito ka!” Galit siya. Ramdam ko. “You’re so reckless! Lasing ka nang ganyan dahil lang kay Alex?!”
Natawa ako. Napakatanga ko talaga.
Pero sa gitna ng tawa, unti-unting bumigat ’yong dibdib ko. At bago ko pa mapigilan, naluha na ako.
“That jerk…” hikbi ko habang unti-unting bumuhos ang luha ko. “I was ready to tell him everything. Lahat. Pero inunahan ako-sinabi niyang nagkabalikan na sila ni Bianca. Ang sakit, Gav. Hindi mo alam…”
Hinampas ko siya sa dibdib pero hindi siya umiwas. Inalalayan niya pa rin ako. Wala siyang imik hanggang sa tuluyan kaming makalabas at pumara siya ng taxi. Umupo ako, tuloy pa rin ang iyak ko habang yakap niya ako. Tulad ng dati.
“Gusto kong bago tayo pumasok sa campus, kahit papano okay ka na,” sabi niya habang bumababa kami ng taxi. ’Di ko namalayan, nasa harap na pala kami ng isang maliit na coffee shop malapit sa campus. “We’ll get you some coffee.”
Tahimik lang ako. Wala na akong energy tumanggi. Inalalayan niya ako papasok at pinaupo. Maya-maya, bumalik siya may dalang dalawang baso ng mainit na kape. Inabot niya sa akin ’yong isa.
“Wala akong gana… nahihilo pa ako,” reklamo ko.
“Exactly. Kaya mo iinumin ’yan. Makakatulong ’yan kahit papaano.” Sagot niya na parang hindi papayag ng ‘no’. “Sige na. While it’s hot.”
Kahit ayaw ko, humigop ako. At tangina, ang init!
“Aray! Ang init!” reklamo ko habang tinapik ang lalamunan ko.
Tiningnan lang niya ako nang seryoso. Kaya’t wala akong choice kundi ituloy ’yong pag-inom hanggang kalahati. Unti-unti, parang bumabalik na ’yong wisyo ko.
“How do you feel now?” tanong ni Gavin.
Napangiti ako ng kaunti. “Kung kaya lang ng kape na tanggalin ’yong sakit, baka isang drum ang inumin ko…” natawa ako pero napalitan din agad ng lungkot. “Masakit pa rin eh. Akala ko, ako ang pipiliin niya. Pero hindi pa pala sapat ’yong nararamdaman ko.”
At naalala ko lahat-’yong mga sinabi niya sa akin. Sa victory party. Sa Sylvaine Forest. ’Yong halik. Lahat ’yon… naniwala ako.
“I know Alex. At kilala ko rin siya. Mahal ka niya, Will. Sinabi niya sa’kin,” sagot ni Gavin. “I can’t explain why he did that, pero sigurado akong may dahilan siya.”
“Anong dahilan?” galit na tanong ko. “Bakit kailangan niyang saktan ako? Dahil lang ba hindi ko agad sinabi ’yong nararamdaman ko? Ganun ba kadali akong palitan? Dahil bumalik si Bianca?”
“Naiintindihan ko, Will…” hinawakan niya ang kamay ko, marahang pinisil. “Let me talk to him. Hayaan mong ako muna. Sa ngayon, please rest.”
Tumango lang ako. Wala na rin akong lakas magsalita.
Pagkatapos namin uminom ng kape, umalis na kami sa coffee shop at bumalik sa dorm. Medyo okay na ang katawan ko. Hindi na ako hilo. Pero ’yong puso ko?
Wrecked pa rin.
At hindi ko alam kung kailan pa ’to huhupa.
ALEX’S POV
“Tara, bar tayo?” Bigla akong bumangon mula sa kama. Sawa na rin kasi akong magmukmok at titigan ’yung kisame sa kwarto ni Austin. Halos buong araw na akong ganun. Kaya nagulat siya nang bigla ko siyang ayaing lumabas.
Napaupo agad siya mula sa pagkakahiga sa couch. “Ha? Seryoso ka ba? Ngayon mo naisipang mag-bar? May lagnat ka ba o ano?” kunot-noo niyang tanong, halatang hindi makapaniwala.
Habang nagsusuot ako ng T-shirt, sinamaan ko siya ng tingin. “Grabe ka magtanong, parang hindi ka sanay! Kung ayaw mo, edi ako na lang. Iinom ako kahit mag-isa.” Hinablot ko ’yung phone ko sa desk at nilagay sa bulsa ng jeans ko.
Agad siyang kumilos. “Uy, ’wag naman ganun! Gusto ko rin ’yan! Basta sagot mo, ha?” sabay tapik pa sa balikat ko habang mabilis na nagsusuot ng polo.
“Eh ’di ako na naman. Alangan namang ikaw, eh alam kong kuripot ka pa sa langgam,” biro ko habang palabas na ng kwarto. Tumawa lang siya.
Paglabas ko ng pinto, tumingin muna ako saglit sa pinto ni William. Madilim sa loob. Tahimik. Hindi ko alam kung nando’n siya o wala, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. I know, sobrang sama ng sinabi ko sa kanya. Pero wala na akong choice nun, ’di ba? Gago man pakinggan, pero sana… sana okay lang siya kahit papano.
Nang nakalabas na kami ng dorm, dumiretso kami sa parking area kung saan naka-park ang motor ko. Dinala ko ’to ilang araw na ang nakalipas para lang makalayo at mag-isip. Pero kahit ilang kilometro na ang tinakbo ko, kahit ilang oras pa akong nag-drive mag-isa, wala pa ring nagbago. Nandito pa rin ’yung bigat.
“Saan tayo pupunta? Anong bar?” tanong ni Austin habang inaabot ko sa kanya ang helmet.
“Doon pa rin sa dati-Josh’s Dive,” sagot ko habang binubuhay ang makina ng motor.
Limang minuto lang ang tinagal ng biyahe. Pagdating namin sa bar, ramdam na agad ang ingay at siksikan ng mga tao. Sabado nga naman. Maraming lasing, maraming kwento.
Umupo kami sa counter at umorder ng isang bucket. Pagka-serve sa amin, kinuha ko agad ’yung isang bote. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy. Agad kong tinungga. Diretso. One down agad.
“Tangina, bro. Kalma lang. Para kang nauuhaw sa gulo,” natatawang sabi ni Austin habang binubuksan niya ang sariling bote.
“Uminom ka na lang, pre,” sagot ko, sabay bukas ng panibagong beer.
Kailangan ko ’to. Kailangan kong malasing kahit sandali. Para kahit papano, mabawasan ’yung sakit sa dibdib ko. Pero kahit anong inom ko, kahit ilang beer pa, bumabalik pa rin ’yung alaala ng gabing sinabi kong nakipagbalikan ako kay Bianca.
Three nights ago ’yon. Harap-harapan kong sinabi kay William na kami na ulit ni Bianca-ex ko na biglang bumalik mula LA after four years. Sinabi ko ’yun nang diretso, kahit alam kong masasaktan siya. At nakita ko. Nakita ko ’yung sakit sa mga mata niya. Hindi man niya sinabi na mahal niya ako, pero ramdam ko. And the worst part? Ramdam ko rin. Nasaktan ako habang sinasaktan ko siya.
Gusto ko siyang yakapin nung gabing ’yon. Gusto kong punasan ’yung luha sa mga mata niya bago pa ’yun tuluyang bumagsak. Pero hindi ko ginawa. Pinili kong wag gawin.
Sabi nga nila, you can lie through words, pero hindi mo matatakasan ang paningin ng taong nasaktan mo. At noong gabing ’yon, I saw everything in his eyes. The love. The pain. The betrayal.
Last night, kinausap ako ni Gavin. Sinabi niyang naglasing daw si William nung gabing ’yon. Dahil sa akin. Kung andun lang sana ako, baka hindi niya nagawang ubusin ’yung bote-bote ng alak. Kasalanan ko. At ang mas masakit, wala ako ro’n para alalayan siya.
Dapat noon ko pa sinabi sa kanya na mahal ko siya. Dapat hindi ko hinayaan ang takot ko sa Dad ko. Pinagbantaan niya ako. Kapag hindi ko raw sinunod ang gusto niya-ang balikan si Bianca-ipapadala niya ako sa China. He made it clear: business first, love never.
Yung pamilya ni Bianca, malaki ang negosyo sa LA. At kung gusto ng Dad ko ng business partnership, kailangan kong magsakripisyo. Kahit alam kong hindi ko na siya mahal. Kahit ang puso ko, nasa iba na.
“Boss, isang bucket pa nga!” tawag ko sa waiter habang si Austin ay busy na sa pakikipagkwentuhan sa isang random guy na nakilala lang niya rito.
Ako? Patuloy lang sa pag-inom. Wala na akong pake kung pang-ilang bote na ’to. Basta laklak lang.
Kahit mataas ang tolerance ko sa alak, aminado akong tinatamaan na ako. Pero kahit anong inom ko, mas malakas pa rin ’yung tama ng guilt na nararamdaman ko.
Si William, tatlong bote pa lang, lasing na kaagad. Hindi siya sanay sa inuman. Kaya nung nalaman kong nagpakalasing siya nang wala akong kasama… sobrang sama ng loob ko. Saan ako noon? Bakit hindi ko siya sinamahan? Anong klaseng tao ako?
Nang mapansin kong wala na sa tabi ko si Austin, hindi ko na siya hinanap pa. Alam ko nang sumama siya sa lalaking kausap niya. Typical Austin. I focused on my drink again.
Hanggang sa may narinig akong gulo sa kabilang side ng bar. Sigawan. Tulakan. Hindi ko na sana papansinin pero nang lumakas pa ’yung ingay, tumayo ako at nakisiksik.
At ’yun nga-hindi ako nagkamali.
Si William.
Nakaupo sa sahig. May dugo sa labi. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Napakuyom ang kamao ko.
“William!” Agad akong lumapit. Kita ko sa mukha niya ang gulat. Pero mas nangingibabaw ang sakit.
Paglingon ko, naroon ang lalaking mukhang nanakit sa kanya. Hindi ko na pinag-isipan. “Gago ka!” Sabay bigay ng isang solidong suntok.
Natumba siya. Pero bumangon at nagbanta pa. “Makialam ka pa, yari ka rin!”
“Subukan mo!” At bago pa siya makabuwelo, inunahan ko na. Pangalawang suntok. Sapul. Bumagsak ulit.
Sinamantala ko na. Agad kong hinila si William. “Tara na. Labas tayo rito.”
Hindi siya pumalag. Hinayaan lang niya akong hilahin siya palabas ng bar.
Pagkalabas, parehong hingal na hingal kami. Nagsandal kami sa pader. Nagkatitigan.
“Tangina, William, anong ginagawa mo ro’n sa loob? Nakikipagsapakan ka? At umiinom ka pa nang mag-isa?!” sigaw ko, hindi ko na napigilan ang inis.
Napatawa siya-’yung tawang lasing. Masakit sa tenga. “Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang uminom at makipagbasag-ulo?” sarkastikong sagot niya. “Wala ka bang idea kung bakit ako nagkakaganito? Dahil sa’yo, Alex! Dahil sa’yo!”
He shouted. Sobrang tapang ng boses niya pero ramdam ko ’yung sakit.
“Alex… Mahal kita. Kaya ganito ako nasasaktan. Pinili mo siya kahit sinabi mong mahal mo ako. Tapos ngayon sasabihin mong ayaw mong nakikitang nasasaktan ako? Paano ko pa paniniwalaan lahat ng sinabi mo kung sarili mong damdamin, hindi mo kayang ipaglaban?”
Bawat salitang binitawan niya, parang suntok sa dibdib ko. Mas masakit pa sa kahit anong suntok na natanggap ko sa buong buhay ko.
“William…” bulong ko, nanginginig na ang boses.
Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan. Gusto kong sabihin na totoo ang lahat ng sinabi ko noon-na mahal ko siya. Na siya lang ang gusto ko.
Pero wala akong nagawa.
Bago pa ako makapagsalita, umalis na siya. Hindi ko na siya hinabol. Hindi dahil ayaw ko, kundi dahil hindi ko na kayang pigilan siya.
Hindi na ako bumalik sa campus. Dumiretso ako sa bahay. Kailangan ko nang tapusin ’to. Kailangan kong harapin si Dad. Kailangan kong sabihin sa kanya na tapos na kami ni Bianca.
Pagpasok ko sa bahay, nandun siya sa sala. Umiinom ng wine, parang wala lang. Hindi siya nagulat kahit na alas tres na ng madaling araw.
“Mabuti naman at naisipan mong umuwi. Next time, ’di ka na papapasukin kapag ganitong oras ka dumarating,” malamig niyang bati.
“Ayoko na, Dad.”
Tumigil siya. Tumayo mula sa sofa. “Ano raw?”
“Ayoko nang ituloy ang relasyon ko kay Bianca. Hindi ko na siya mahal.”
Nagalit siya. “You can’t just back out! Wala akong pakialam kung mahal mo pa siya o hindi. Gawin mo ang sinabi ko!”
Huminga ako nang malalim. Tumitig ako sa kanya. “Ikaw, Dad. Naririnig mo ba sarili mo? Simula nang mawala si Mom, lagi mo akong sinisisi. Parang nakakalimutan mong nawalan din ako. Anak mo pa ba talaga ako o isa lang akong pawn sa mga negosyo mo?”
Wala siyang masabi. Nanahimik siya. Pero bago pa ako maiyak, tumalikod na ako.
“Saan ka pupunta?”
Hindi ako sumagot.
“Kapag umalis ka sa pintong ’yan, kalimutan mong may ama ka sa bahay na ’to.”
Hindi ko na pinigilan ang luha ko. Masakit marinig. Pero mas masakit kung patuloy kong itatanggi ang nararamdaman ko.
At kung may tama man akong ginawa ngayong gabi… ’yon ay ang piliin si William.
Chapter 40
WILLIAM’S POV
“Sure ka na ba talaga dito?”
Nasa bus terminal na kami. Sina Angela at Sage ang naghatid sa’kin. Habang nakatingin ako sa kanila, para silang mga batang iiwan ng tatay nilang aalis para magtrabaho abroad-halata mong pigil nila ’yung emosyon. Honestly, gusto ko rin naman sanang manatili, pero mas nangingibabaw ’yung pangangailangan kong huminga muna. I need a break from this city. And maybe… from everything that happened recently.
“Dude, pwede ka pang umatras. Hindi pa umaalis ’yung bus mo papuntang Cagayan Valley, oh? Please, huwag ka nang umalis…” sabi ni Sage, at tulad ng girlfriend niya, kita rin sa mukha niya ’yung lungkot.
Napangiti ako nang pilit at napailing. “Ang OA niyo naman! Para namang hindi ako babalik,” biro ko habang tinatawanan sila, kahit medyo nanginginig ’yung boses ko. “Two weeks lang ’to, okay? Sem break lang naman ’yan. After nun, balik din ako rito. Chill, guys.” Sinubukan kong gawing magaan ’yung atmosphere, pero halatang hindi pa rin sila kumbinsido. Pareho pa rin silang may lungkot sa mata.
Tatlong araw pa lang ang lumipas mula nang huli kaming mag-usap ni Alex, pero pakiramdam ko ang bigat-bigat na sa dibdib ko. Kaya eto ako ngayon, papauwi sa probinsya. Sakto rin kasi ang timing ng semester break-perfect excuse para pansamantalang makalayo. I just need space. Time to process everything. And maybe heal a little.
“Just take care, okay?” sabi ni Angela, sabay hawak sa braso ko. “Alam kong hindi ka pa totally okay ngayon, pero sana makatulong kahit papaano ’tong pag-alis mo. Para makapag-isip ka, makapagpahinga. Sana pagbalik mo, everything feels lighter.”
Tumango lang ako at niyakap siya ng mahigpit. “Salamat talaga.” Mahina kong sagot, pilit pa ring pinipigilan ’yung luha.
Pag-anunsyo ng konduktor na aalis na ang bus, mabilis akong nagpaalam. Hinagkan ko si Angela sa pisngi, tapik sa likod kay Sage, at dali-daling sumakay. Pagkaupo ko sa loob, agad kong sinilip sa bintana kung nasaan sila. Nakita ko silang kumakaway habang dahan-dahang umaandar ang bus. Kumaway din ako pabalik, sinubukang ngumiti kahit may kurot sa dibdib.
Habang tinatahak ng bus ang mahaba at mataong lansangan ng siyudad, unti-unti kong naramdaman ’yung lungkot. Ang ngiti kanina, napalitan ng katahimikan. I’m gonna miss this place-kahit sandali lang akong mawawala. Lalo na ’yung dalawang kaibigan ko.
Sa totoo lang, ayoko naman talagang umalis. Pero pakiramdam ko, ito ’yung kailangan ko ngayon. Kasi kung hindi ako lalayo kahit sandali lang, araw-araw ko siyang makikita sa hallway ng dorm. Araw-araw kong mararamdaman ’yung awkwardness. Araw-araw ko siyang mami-miss, kahit pa pilit kong hindi aminin.
Kaya eto ako ngayon. Pansamantalang lalayo. Hindi para tumakbo-pero para alagaan naman ’yung sarili ko.
At bonus na rin, makikita ko sina Mama, Papa, at ’yung mga kapatid ko. Hindi lang ito escape, kundi chance rin para bumalik sa roots ko. Muling kumonekta sa tahanan.
Sana, pagbalik ko, mas maayos na lahat. Sana… ako rin.
ALEX’S POV
“I’m sorry, Bianca… pero hindi ko na talaga kayang ituloy pa ’tong relasyon natin.”
Simula noong gabing nakausap ko si Dad at nasabi ko na sa kanya ang lahat, sinubukan kong buuin ang sarili ko ulit. Gusto ko sanang mauna kay William-sabihin sa kanya ang totoo, pero alam kong hindi pa ako ready. Kailangan ko munang ayusin ang takbo ng isip ko. I gave myself a day to breathe, to plan everything.
The next day, I asked Bianca to meet me at a coffee shop. Tahimik siya nung una, pero alam kong ramdam niya na ang dahilan ng pagpupulong namin. Pagkaupo pa lang namin, diretso ko na siyang tiningnan sa mata.
“Bianca,” I began. “Ayoko na. Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko… o ikaw. ’Yung relasyon natin, produkto lang ’yon ng kasunduan ng mga magulang natin. And I just can’t keep doing this anymore.”
Nagulat ako nang ngumiti siya. Hinawakan niya ang kamay ko, and in the calmest voice, she said, “It’s okay, Alex.”
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko in-expect ’yung sagot niya.
“Nung nagkita ulit tayo, alam ko nang hindi na ikaw ’yung Alex na minahal ko four years ago,” she continued. “At alam ko ring may iba nang laman ’yang puso mo ngayon. And honestly, gusto ko lang malaman mong okay lang. Hindi mo na kailangang mag-alala sa business deal ng Dad mo sa parents ko. Kinausap ko na sila. Tuloy pa rin ’yung partnership kahit hindi tayo magkatuluyan. Business is business. But love… is love.”
She smiled the whole time habang sinasabi ’yon, and it just made me feel even more guilty somehow.
“R-Really?” I asked, still trying to process everything. “Wala ka bang galit sa’kin? Wala ka man lang sama ng loob?”
She just shook her head and chuckled a little.
“Alex, bakit ako magagalit? Kung tutuusin, ikaw ’yung mas may karapatang magalit. Alam kong hindi mo naman pinili ’to. You were just trying to please everyone around you. But you deserve more than that. You deserve freedom. You deserve to choose who you love.”
At that moment, hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Naluha ako habang hinahawakan pa rin ang kamay niya.
“Salamat, Bianca… sobra. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ’tong kabutihan mo.”
Pagkatapos ng usapan naming ’yon, wala na akong sinayang na oras. Dumiretso agad ako sa campus at tinungo ang dorm. Hindi ako naglakad-tumakbo ako. Sa utak ko, isa lang ang iniisip ko: kailangan kong makita si William. Kailangan kong humingi ng tawad. Kailangan kong sabihin sa kanya ang lahat.
Pagdating ko sa second floor ng dorm building, agad kong kinatok ang pinto ng kwarto ni William.
“William?” tawag ko, habang patuloy sa pagkatok. Pero walang sumasagot. Ilang ulit ko pa siyang tinawag-wala pa rin.
Kakatok na sana ako ulit nang biglang may lumapit sa’kin mula sa gilid. Si Gavin. May hawak siyang iced coffee at relaxed lang ang lakad niya, pero kita sa mukha niya na may gusto siyang sabihin.
“Hinahanap mo si William, ’di ba, bro?” tanong niya habang sumandal sa pader. “Wala na siya riyan…”
Napakunot agad ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin ‘wala na siya riyan’?”
Tumitig siya sa’kin, seryoso ang mukha. “Umalis siya kaninang umaga. Papuntang Cagayan Valley. Doon daw muna siya hanggang matapos ang sem break. Or maybe… baka hindi na siya bumalik.”
Parang biglang nag-freeze ang paligid. Naramdaman ko ’yung panlalamig ng kamay ko at paninikip ng dibdib.
“H-Hindi… Hindi siya pwedeng umalis nang ganun lang!” halos pasigaw kong sabi. “May kailangan pa akong sabihin sa kanya…”
“Kung talagang importante sa’yo, then go after him,” sagot ni Gavin. “Puntahan mo siya sa Cagayan Valley.”
“P-Pero… hindi ko naman alam kung saan siya nakatira do’n, e.” Halos pabulong ko nang nasabi ’yon. Hopeless. Defeated.
Gavin smirked and pulled out a folded paper from his pocket. “Ito oh,” sabi niya, iniabot ang papel. “Address ’yan ni William. Hiningi ko na talaga ’yan para sa’yo. I had a feeling you’d chase after him once you knew. Sinabi ko na lang sa dorm admin na gusto ko rin siyang bisitahin para makuha ko ’yan.”
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko napigilan at niyakap ko siya nang mahigpit.
“P’re, salamat! Ang solid mo!” bulalas ko habang kinuha ang papel. Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi, wala na akong pake kung nakakatawa ’yong itsura namin. “Aalis na ako! Kailangan kong habulin ’yong last trip!”
“Good luck, lover boy!” sigaw pa ni Gavin habang tumatakbo na ako palabas ng dorm.
Pagdating sa labas ng campus, agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na bus terminal. Ang daming tao kahit late na. Nakipagsiksikan ako kahit ayaw ng mga tao sa ganun.
May mga nagrereklamo dahil sumingit ako pero wala akong pake. This is not just about love-this is about doing the right thing.
Agad kong sinabi sa ticketing booth kung saan ako pupunta, pero…
“Ay, pasensya na, pogi. Wala nang biyahe pa-Cagayan Valley ngayong gabi. Pero kung gusto mo, puwede kitang i-book sa unang trip bukas ng umaga.”
Frustrated man ako, wala na akong magawa kundi tanggapin. “Sige po, Miss. First trip tomorrow na lang.”
Nag-fill-up ako ng form, binayaran ang ticket, at nang maayos na lahat, umupo ako sa waiting area. Napa-sabunot ako sa buhok habang iniisip, “Kung sana nalaman ko lang ’to mas maaga…”
Wala na akong balak bumalik sa dorm. Maghihintay na lang ako rito hanggang madaling araw. Ang ticket ko ay para sa 5:00 AM na byahe. I tried to get some sleep kahit hindi komportable.
“Boss, boss!” Gising ako agad nang maramdaman kong may yumanig sa balikat ko. “Ayan na ’yung bus mo pa-Cagayan Valley,” sabi ng konduktor.
Agad akong tumayo at sumakay. Tinungo ko ang seat number na nakalagay sa ticket. Nang tingnan ko ang relo, pasado alas singko na.
Habang umaandar na ang bus, kinuha ko ang papel mula sa bulsa ko. Tinitigan ko ang address na nakasulat ro’n.
This is it.
Napangiti ako habang tinitingnan ang pangalan ni William sa papel. I’m coming for you.
WILLIAM’S POV
Matapos ang halos pitong oras na byahe ng bus mula sa syudad, sa wakas ay nakarating na ako sa Cagayan Valley. Napalunok ako nang makababa ng bus, it feels good to be back here again after a year.
Masyado akong excited kaya’t pumara agad ako ng jeep at bumyahe ulit patungo sa bahay namin. Hindi na ako makapaghintay na makita ang pamilya ko. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang nakatingin sa bintana ng jeep. Hindi pa rin nagbabago ang ganda ng Cagayan at ang mga lugar rito. Parang kahapon lang noong huli ko itong makita.
Wala pang kinseng minuto ay huminto na ang jeep sa tapat ng isang kulay pula na gate, sa loob no’n ay ang bahay namin. Nagbayad na ako’t dala ang mga gamit ko’y bumaba na ako mula roon.
Bumuntong-hininga muna ako bago ko tuluyang buksan ang gate na hindi naka-lock. Ma-swerte ako’t alas tres ng hapon ako dumating rito. May pagkakataon pa akong ma-surpresa sila sa pagdating ko.
Nang sapitin ang tapat ng pintuan namin, agad kong nakitang nakatayo roon si Lylia, ang bunso kong kapatid. Bakas sa mukha nito ang pagtataka’t pagkagulat nang makita ako.
“Kuya William?” Hindi ito makapaniwala habang nangingiti. “Ma, Pa! Si Kuya William, nandito!” Agad niyang sigaw habang tinatawag sina mama at papa sa loob ng bahay.
Sumilip naman agad ang nakatatanda kong kapatid na si Ate Mika nang marinig ang pagsigaw ni Lylia. Nagulat rin ito nang makita ako. “Si William nga!” Nakangiti nitong usal nang makalapit ako sa kanila. “Ma, Pa! Bilis, lumabas kayo rito!” Pagtawag nito kila Mama at Papa.
Nang makalabas mula sa loob ng bahay, natutuwang-gulat sina Mama at Papa nang makita ako. “I’m back!” Masiglang sabi ko’t agad silang niyakap. Pati ang dalawa kong kapatid. “Namiss ko kayo, sobra!” I told them.
Nang kumalas mula sa pagkakayakap, nagtaka si Mama dahil sa biglaan kong pag-uwi. “Hindi ka man lang nagpasabi anak na uuwi ka pala rito sa atin. Sana man lang ay nakapagluto ako nang masarap para sa’yo,” ang sabi niya. “Tingnan mo nga’t namayat ka. Hindi ka yata kumakain doon, eh.” Ang tipikal na nanay-line ni Mama.
“Biglaan po kasi ’yong plano kong pag-uwi kaya hindi ko na nasabi sa inyo,” sagot ko’t ngumiti. “At para surprise na rin,” dagdag ko pa.
“Naku, papasukin muna natin ’yang si William, Ma, Pa!” Ang suhestyon ni Ate Mika. “Doon na tayo sa loob magkuwentuhan,” sabi pa nito.
Sumang-ayon naman si Papa. “Sigurado akong gutom ka na anak,” inakbayan ako nito. “Marami-rami ka ring iku-kwento sa amin ng Mama at mga kapatid mo. Gagawin natin ’yan habang kumakain,” dagdag pa ng nakangiting si Papa.
“Naku, mukhang kailangan kong magluto nang masarap-sarap ngayong hapunan!” Ani Mama. “Halika’t pumasok na tayo sa loob,” masayang anyaya nito sa amin at aktong papasok na kami sa loob nang maantala ito ng isang sigaw.
“William?! Ikaw ba ’yan?!” Nang lingunin ko ito’y nakita ko ang babaeng nakasuot ng malaking T-shirt at panlalakeng short. Mahaba ang buhok nito’t may sombrerong pabaliktad ang pagkakasuot. “Dumating ka na pala! Hindi mo man lang ako sinabihan!” Dagdag pa nito habang palapit sa amin. Napangiti ako dahil hindi pa rin siya nagbabago.
“Pareng Alexa! Namiss kita, ah?” Nakatawa kong sabi sa kanya.
Halatang nainis ito dahil sa pagtawag ko sa kanya. “Hoy, William abnoy! Huwag mo nga akong tawagin sa pangalang ’yon, pwede? Ang lakas maka-babae!” Nanghihilakbot nitong sabi. “Axel nalang!” Dagdag niya’t nagpogi sign sa harap ko. Lahat kami’y natawa sa kanya.
She gave me a bro hug. Matapos ’yon ay pumasok na rin siya sa loob kasama namin. Halos walang katapusang kwentuhan ’yong naganap sa loob kahit hindi pa hapunan. Hindi lang ako ’yong nagkwento ng kung anu-ano, pati ang pamilya ko at si Axel.
Siguro ay alas otso pa lang ay knock-out na ako sa kama. Hindi ko na rin kinaya ang antok dahil sa pitong oras na byahe sa bus at sa matagal na kamustahan namin ng pamilya ko. Bago ako pumikit, isang tao lang ang nasa isip ko. Hanggang dito sa Cagayan, hindi ko pa rin makalimut-limutan si Alex.
Sa unang umaga ko rito sa Cagayan, hindi pa man ako nakakapagkape ay hinila na agad ako ni Axel palabas ng bahay namin. Ganitong-ganito siya kapag may isang bagay siyang gustong ipakita sa akin. Kahit minsan, wala na siya sa oras.
“Halika rito, bilis!” Hinila ako ni Axel nang makarating kami sa isang garden. Kanina pa kaming tumatakbo dahil masyado itong atat. Hindi ito kalayuan sa bahay namin. “May ipapakilala ako sa’yo, Willie!” Here she goes again at sa pagtawag niya sa akin sa wirdong nickname ko na iyon.
Mukha kaming ewan na nagtatago rito sa halamanan. Sa harap nito’y may isang lumang bahay, nakatingin doon si Axel. Napuntahan ko na ang lugar na ’to dati pero hindi ko alam kung anong mayroon ngayon at dinala niya ako rito.
“Sino bang ipapakilala mo, ha? At bakit nagtatago tayo dito sa halamanan?” Ang nagtataka kong tanong kay Axel na naka-focus roon sa bahay na mga pitong metro ang layo mula sa puwesto namin. “Don’t tell me, may boyfriend ka na? Matutuwa na ba ako, Alexa?” Matawa-tawa kong sabi sa kanya kaya agad itong napabaling ng tingin sa alkin.
“Abnoy!” Isang hampas gamit ang kanyang sobrero ang tumama sa ulo ko. Malakas iyon kaya napa-daing ako. “Nakakadiri ’yong boyfriend, ha? Pero mas nakakadiri ’yong Alexa! Ulitin mo pa, sige!” Pagbabanta nito sa akin habang hawak ko ang parte ng ulo kong hinampas niya.
“Eh, sino ba kasing ipapakilala mo? Kung may ire-reto ka sa’kin, utang na loob Alexa, hindi ko ’yon kailangan!” Pagbibiro ko pa’t natawa lang ito.
“Loko, wala ano! Wala akong ire-reto sa’yo,” sagot niya at tumingin ulit doon sa bahay na nasa harap namin. Nagtaka ako. “Sa akin lang ’to,” seryosong sabi niya at ngumiti habang nakatitig doon.
Napakamot ako sa ulo at tiningnan ang bahay na ’yon. Ano bang mayroon do’n?
“Ano bang inaabangan natin dito? Saka, bakit wagas kung makatitig ka d’yan sa bahay na ’yan? Watcher ka, girl?” Tatawa-tawa kong biro sa kanya. Ni-rolyohan ako nito ng mata.
“Manahimik ka nalang d’yan, pwede?” Utos nito sa akin at bumaling na ulit ng tingin doon sa bahay. Na-wi-weirduhan na talaga ako sa babaeng ’to. “Hintayin mo ’yong lalabas sa bahay na ’yan…” seryoso ang tono ng boses niya.
Kinabahan ako bigla. “Hoy, Alexa! Kung may balak kang mangholdap ng lalabas sa bahay na ’yan, mag-isa ka! Huwag mo ’kong idamay!” Pagbibiro ko sa kanya.
Isang hampas na naman sa ulo gamit ang sombrero niya ang natanggap ko. Mas masakit ’yon, this time. Pasalamat talaga siya dahil wala akong dalang helmet!
“Siraulo ka talaga, ano? Ano ako, kriminal?” Inis na tugon nito sa aki at ibinaling na naman ang tingin sa lumang bahay. “Tuwing alas nuebe ng umaga, may lumalabas d’yang babae…” dagdag niya dahilan para makaramdam ako ng takot.
“Hoy, Axel! Huwag mo nga akong takutin!” Ang sigaw ko sa kanya.
Inis itong napatingin sa akin. “Ikaw, abnoy ka talaga kahit kailan ’no?” Ni-rolyohan ulit ako nito ng mata. “Umagang-umaga tapos tatakutin kita?” Humarap na lang siya ulit doon.
Kahit litong-lito at hindi ko alam kung anong trip ng kaibigan kong ’to, tiningnan ko na rin lang ’yong bahay sa tapat namin. Ilang saglit pa, bumukas ang pinto nito. From here, nakita ko ang paglabas ng isang nakaputing babae. Kahit malayo ito, kitang-kita ang kagandahan niya.
Napatingin ako kay Axel na ngayo’y nakangiti habang titig na titig sa babaeng kalalabas lang. Ang babaeng ’yon ay kasalukuyang naglalakad sa garden na nasa harapan nito. Ngunit bakit hindi niya kami nakikita? Lumingon na ito sa direksyon namin pero hindi kami nito pinansin.
“Sino siya?” Hindi ko na napigilang magtanong kay Axel.
“Siya si Alejandra,” agad niyang sagot sa tanong ko at hindi inalis ang mga mata sa babae. “Ang ganda niya, ano?” Ang sabi nito. Sa itsura niya’y mukhang gusto niya ang babaeng iyon.
“Oo, maganda siya.” Sagot ko sa kanya. “Pero teka, bakit nakatayo lang siya roon?” Pagtataka ko, matagal-tagal din kasi itong hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya.
Humarap sa akin si Rovy nang nakangiti. “Bulag siya…” tugon nito sa akin na ikinagulat ko. Wait, what? Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Tiningnan kong muli ang babaeng nakatayo sa tapat ng lumang bahay. Bigla namang may lumabas na batang babae mula roon at nilapitan siya. Hinawakan nito ang kamay ng babae at marahang inalalayan sa paglalakad. Bulag nga ang babaeng iyon.
“Bakit mo siya kilala?” Nagtatakang tanong ko kay Axel. “Don’t tell me…”
Nakangiti ako nitong sinagot. “Oo, William. Girlfriend ko si Alejandra. Pasensya ka na at hindi ko nasabi sa’yo pero limang buwan na kami.” Marahan akong tumango rito habang patuloy siya sa pagku-kwento. “Pareho kaming volunteer sa isang out-reach program na ginanap rito last year. Namangha ako dahil kahit gano’n ang kalagayan niya, nagagawa niyang makatulong nang malaki sa ibang tao. Nahulog ang loob ko sa kanya dahil mabuti siyang tao,” napangiti ako dahil sa kwento na iyon ni Axel.
“I’m so happy for you, Axel!” Tinapik ko ito sa kanyang balikat. “Proud ako sa’yo,” nakangiti kong sabi pa rito. Isang ngiti ang itinugon nito sa akin bago tingnang muli ang kanyang nobya.
Totoo ngang ‘love is blind’ dahil hindi ito tumitingin sa estado ng isang tao, sa itsura at sa sekswalidad. Kapag nakita mo na ’yong taong ’yon by fate, mararamdaman mo na lang na siya na iyon at wala nang iba pa. Walang pinipili ang pag-ibig.
Axel formally introduced me to her girlfriend. Mabait nga ito base sa kung paano siya i-describe ng kaibigan ko. Bagay silang dalawa at pareho silang swerte sa isa’t isa.
Matapos iyon, iniwan ko muna sila to have their time alone. Bumalik ako sa bahay nang masaya dahil may isa akong kaibigan na masaya sa buhay pag-ibig niya.
“Anak, wala ka bang sasabihin sa amin tungkol sa love life mo?” Ang nakangiting tanong sa akin ni Mama habang kumakain kami ng tanghalian. Na-ikwento ko kasi sa kanila ang nangyari kanina nang ipakilala ni Axel sa akin si Alejandra.
Hindi agad ako nakapagsalita pero sila, mukhang abang na abang sa isasagot ko. “Ano namang iku-kwento ko sa inyo, Ma? Eh, wala naman akong love life.” Tugon ko at nagpatuloy sa pagnguya ng pagkain ko.
“Sa edad mong ’yan, anak? Wala ka pang boyfriend?” Nagulat ako dahil sa pagtatanong naman sa akin ni Papa, nakatawa ito.
I’ll spill it. Hindi lingid sa kaalaman nina Mama at Papa, pati ng mga kapatid ko na hindi ako straight. Sila ang unang nakaalam ng tunay kong sekswalidad bago pa man ako magkolehiyo. That I am gay. They never judged me. Tinanggap nila ako nang buong-buo at walang halong drama.
Wala naman talaga akong boyfriend, eh. Bukod kay Gavin na hinangaan at minahal ko pero binusted ako, wala na. Kailangan ko pa bang sabihin sa kanila na may isang lalakeng nagtapat sa akin na mahal ako nito at mahal ko rin pero hindi ako ’yong pinili niya? Ayoko namang i-kwento pa ’yon sa kanila.
“Wala po akong boyfriend, Pa.” Ang tugon ko rito na tila tumango na lang pero hindi naman kumbinsido. “Kung mayroon man po, sasabihin ko po ’yon agad sa inyo ni Mama. Promise!” Nakangiti kong pangangako sa kanila.
Bigla namang sumingit ang kapatid kong si Lylia at iniharap sa akin ang cellphone kong pinahiram ko sa kanya kani-kanina lang. “Eh, sino naman ’to, Kuya William?”
Napalunok ako nang maraming beses nang makita ang screen ng cellphone ko. Nasa gallery iyon at picture ni Alex na palihim kong kinuha noong nagpa-praktis kami ng basketball, ang ipinakita niya. Na-intriga tuloy ang lahat sa hapag-kainan.
“Ang sabi mo maglalaro ka lang ng games, ’diba?” Umiling ako’t marahang kinuha ang cellphone mula kay Lylia. Agad ko iyong itinabi sa bulsa ko. “Ang kulit mo talagang bata ka,” ang sabi sa kanya na tatawa-tawa ngayon.
“Sino ’yong singkit na lalake sa picture, William?” Napatingin ako kay Ate Mika. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh.
“Oo nga, anak. Ang pogi, ha?” Ang sabi ni Mama.
Pati si Papa ay tinapik ako sa balikat. “Boyfriend mo ’yon, ano?” Alam kong iyon ang iisipin nila kaya’t umiling agad ako.
“Hindi, ’no!” Agad kong pagtanggi. “Hindi ko ’yon boyfriend,” sabi ko’t nagfocus sa pagkain ko.
“Weh?” Hindi pa rin ako tinigilan ni Ate Mika. “Boyfriend mo ’yon, eh.” Pang-aasar pa nitong nakatawa.
Napailing ako. “Ma, Pa at Ate, kaklase ko lang ’yon, okay?” Paglilinaw ko sa kanila. Hindi ko naman talaga boyfriend si Alex, eh. “Hindi ko siya boyfriend,” paniniguro ko sa kanila.
Mukhang na-kumbinsi naman sila Ate at sina Mama at Papa kaya tumigil na ang mga ito sa pang-aasar sa akin sa litrato ni Alex sa cellphone ko.
“Kahit sino pa ’yan, anak. Basta mahal mo at mahal ka rin, okay siya sa amin.” Tinapik-tapik ni Papa ang balikat ko. Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
“Kung saan ka masaya, anak. Doon kami ng Papa at mga kapatid mo,” pagsegunda ni Mama kay Papa kaya lalo akong napangiti.
Ano bang ginawa kong mabuti para i-deserve ang ganitong kababait at mapagmahal na mga magulang? Tell me, Lord! Ang swerte-swerte ko sa pamilya kong ’to.
Tapos na kaming mananghalian nang biglang may kumatok sa pinto. Agad akong tumayo at nagpresintang buksan iyon. Patuloy ito sa pagkatok at nang buksan ko ang pinto, si Axel iyon.
Naka-porma itong panlalake pero parang sumobra naman yata ngayon. “Anong ginagawa mo rito? Saka, bakit ganyan ang suot mo?” Pagtataka ko. Naka-long T-shirt ito’t ripped jeans na may kalakihan sa katawan niya. Naka-suot siya ng sombrero, as usual. Habang ang mahabang buhok nito’y naka-side.
“Oh, manghang-mangha ka na naman d’yan? Ito ang fashion, tol!” Pagmamalaki niya sa akin habang pumo-pose ng kung anu-ano. “Bagay ba?” Nagawa pa akong tanungin nito.
“Oo, bagay.” Nagpipigil akong matawa. “Para kang endorser ng shampoo at model ng motor at the same time!” Na-insulto yata ito sa pagtawa ko kaya’t hinampas ako nito ng kanyang sombrero. Aray!
“Manahimik ka! Hindi mo lang matanggap na mas pogi ako kaysa sa’yo,” ni-rolyohan ako nito ng mata bago tuluyang pumasok sa bahay namin. “Magbihis ka at may lakad tayo ngayong hapon!” Kung makautos ito ay wagas.
Sumalampak ito ng upo sa sofa namin. Tiningnan ko ito nang kunot-noo. “At saan naman tayo pupunta? Baka mamaya, kung saan-saan mo na naman ako dalhin.” Ang tanong ko rito na may kasamang pagdududa.
Tiningnan ako nito nang masama. “Huwag ka ngang overacting d’yan, pwede?” Ibinato nito sa akin ang sombrero niya, mabuti’t nasalo ko agad ito. “Mamayang alas sais, may concert ’yong bandang Lola Amour doon sa plaza. Remember them? Once in a lifetime lang ’to kaya sasama ka sa amin ni Alejandra mamaya!” Ang sabi nito sa akin na animo’y wala na akong choice.
I remember that band. Iyon lang naman ang paboritong local banda ni Axel mula high school pa lang kami. Magaling ang banda na ’yon. Mukhang hindi man magaling sa fashion itong si Axel ay marunong naman pumili ng magandang mga kanta.
“Kayo na lang siguro,” pagtanggi ko rito. “Moment niyo ’yon ni Alejandra, e-epal pa ba ako? Saka, tinatamad akong pumunta roon.” Nakangiti kong pag-amin sa kanya. Napa-simangot ito dahil sa narinig.
“Ang kj mo talaga kahit kailan!” Tumayo ito’t kinuha sa akin ang sombrero niya. Aktong hahampasin ako nito pero nakaiwas agad ako. “Minsan lang ’yon at minsan ka lang rin na umuwi rito. Sige na, please?” Pakikiusap nito.
Ang totoo n’yan, hindi naman talaga ako fan ng banda na ’yon. Isa pa, puro love songs lang ang kakantahin nila at siguradong hindi ako makaka-relate. At oo, bitter ako.
“Sumama ka na kay Axel, anak. Para naman malibang ka,” biglang pagsingit ni Mama mula sa likuran ko. “Pagbigyan mo na ’yang kaibigan mo.” Pahabol pa nito at nang tingnan ko si Axel, naka-puppy eyes ito. Ano pa bang magagawa ko?
Bumuntong-hininga ako bago sumagot sa pa-anyaya ni Axel. “Oo na!” Ang sagot ko na ikinatuwa niya. “Sasama na ako pero magpalit ka, ha? Ang baduy mo!” Pagbibiro ko pa rito habang tumatawa.
“Fashion kaya ’to!” Pagdepensa niya sa sarili kaya’t natawa ako lalo.
Ilang oras tumambay si Axel sa bahay habang naghihintay kami ng tamang oras para umalis. Ginamit niya nang ginamit ang phone ko to take pictures of her. Nakapagbihis na rin ako ng simpleng black shirt at itim na jeans. Hindi na talaga nagpalit si Axel kaya hinayaan ko na lang siya sa ‘fashion’ na sinasabi nito.
At dahil masyadong excited ang kaibigan kong fashionista, nasa plaza na kami kahit alas singko pa lang. Libre ang concert na ’to at ang sabi ni Axel, nagpa-reserve raw talaga siya ng tatlog monoblock para sa aming tatlo ni Alejandra sa unahan.
And speaking of her, sinundo na siya ni Axel sa bahay nito mula nang makarating kami rito.
Maliit lang ang plaza na ito. Sa tantya ko ay mga dalawang daan na tao lang ang makakaupo sa mga naka-hilerang upuan. Nasa pinakaunahan kami at sa harap nito ay isang entablado kung saan magpe-perform ang Lola Amour.
Nagsimula na ring dumami ang mga tao pagpatak ng alas sais ng hapon ngunit ang bandang magtatanghal ay wala pa.
Kanina pang vibrate nang vibrate ang cellphone mula sa bulsa ko kaya kinuha ko na ito para tingnan.
Nang makita ang mga text ni Gavin ay nagtaka ako. Kinamusta niya kasi ako kaninang tanghali noong dumating si Axel sa bahay namin. He even asked me kung may pupuntahan daw ba ako ngayong hapon. Na-weirduhan man, sinabi ko na lang kung saan ako pupunta.
Hindi ko alam na tambak na pala ang mga text messages niya sa akin.
Nakaalis
ka na ba?
Is the concert starting? Saan ka
naka-puwesto
?
Can you reply, William?
Ilan ’yon sa mga tanong ni Gavin sa akin. Kahit nagtataka dahil this is very unusual of him, minabuti kong sagutin na lang ang mga tinatanong niya sa akin. After typing my last message for him, biglang namatay ang cellphone ko.
Nang dahil yata sa sobrang pagse-selfie ni Axel at dahil hindi ko nai-charge mula kanina, hindi na nito kinaya at tuluyan nang nawalan ng baterya. Itinabi ko na lang iyon at nagfocus na lang sa harap ng entablado nang magsigawan ang mga tao sa likuran namin.
Namalayan ko na lang na dumating na pala ang bandang hinihintay ng lahat.
ALEX’S POV
“Dito na lang po, boss.”
Pagkababa ko ng taxi, agad akong tumapat sa pulang gate na eksaktong nasa address na binigay ni Gavin sa akin kahapon.
Dapat sana pitong oras lang ang biyahe mula Maynila, pero dahil sa hindi inaasahang aksidente sa highway, naging sampung oras ang byahe ko papunta ng Cagayan. Kung hindi lang talaga bobo ’yung ibang driver at marunong silang sumunod sa traffic rules, hindi sana ako na-late nang ganito. Idagdag mo pa ang halos isang oras na traffic papunta sa bahay nila William-grabe, sobrang hassle.
Past 5 PM na. Hapon na hapon. Pero kahit pagod ako sa byahe, worth it lahat. Kasi nandito na ako, sa harap ng bahay ng taong matagal ko nang gustong makita. Wala akong nararamdamang gutom kahit halos buong araw akong walang kinakain-siya lang ang laman ng isip ko buong biyahe.
Kumatok na sana ako sa gate nang biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Si Gavin ang tumatawag. Agad ko ’tong sinagot.
“Uy, pare, napatawag ka?” tanong ko agad, bitin sa pagkatok. “Nasa tapat na ako ng bahay nila William. Bakit?”
“Wala na siya d’yan, bro!”
Napakunot noo ako, gulat na gulat. “Ha?! Anong wala?”
“Umalis siya kasama ’yung tropa niya. Papunta raw sila sa plaza-may concert daw. Hindi na siya nag-reply sa huling text ko kaya hindi ko sure kung saang plaza mismo ’yon.”
Napamura ako nang malutong. “Tangina naman…”
“Paano ko siya makikita kung ni hindi ko alam kung saang plaza ’yon? Ang dami-daming tao ngayon, ’di ko siya mahahanap sa ganitong setting.”
“Try mong magtanong-tanong, pare. Baka central plaza ’yon. Pag nakarating ka na ro’n, tingin-tingin ka lang sa harapan. Nandoon daw siya, sabi ng kaibigan niya.”
“Sige, salamat, bro!” Binaba ko agad ang tawag.
Desperado na talaga ako, kaya nang may paparating na motor, pinara ko agad ’yon. Huminto naman ’yung rider. Nang tanggalin niya ’yung helmet niya, nakita kong babae pala siya.
Kahit nahihiya ako, lumapit agad ako at nagtanong. “Miss, may idea ka ba kung saan ’yung plaza na may concert ngayon?”
“Baka sa central park ang tinutukoy mo, pogi,” sagot niya sabay ngiti. “Doon nga ako papunta. Concert ng Lola Amour. Sasabay ka ba?”
Wala na akong inaksayang oras.
“Please, oo! Sobrang thank you!”
“Angkas na!”
Pagkasabi niya nun, umangkas agad ako sa motor niya. Inistart na niya ’yung makina, at buma-byahe na kami papunta ro’n.
Mga five minutes lang, at tumigil na kami sa harap ng plaza na punung-puno ng tao. Ang ingay. Lahat nagsisigawan, sabay pa sa malakas na tunog ng sound system. Bumaba ako at agad nagpasalamat sa kanya.
Tiningnan ko ang paligid. Ito na nga ’yon. Ang daming tao. Ang daming ilaw. Sa taas ng stage, kita ko agad ang nakapaskil: LOLA AMOUR.
Nagsisimula nang dumilim. Ang dami-daming tao sa harap ko at pilit kong sinisilip kung nandoon nga ba si William. Pero wala pa rin. Hindi ko siya makita.
Biglang nagsigawan ang mga tao nang magsalita ang vocalist sa mic.
“WHAT IS UP, CAGAYAN VALLEY?!”
Tumayo ako sa tiptoes, sinusubukan kong silipin ’yung mga tao sa harapan. Wala. Hindi ko pa rin siya mahanap.
Nasaan ka, William?
WILLIAM’S POV
Pagkapatugtog ng Lola Amour, biglang nag-ingay ang buong plaza. Parang sabay-sabay silang napasigaw-nakakabingi, lalo na’t nasa pinakaunahan kami at literal na katabi ng malalaking speakers. Pero mas nakakabingi yata ’tong si Axel sa tabi ko.
“Idol! Idol, notice me! Pansinin mo ’ko!” sigaw niya habang nagta-tumbling sa tuwa. Idol na idol niya ang vocalist ng bandang ’to. Kung hindi ko lang alam na proud siyang tomboy, baka isipin kong may pagnanasa siya.
“Asa ka pa, girl. Mas lalaki pa porma mo sa kanila, ’no!” sigaw ko pabalik. Halos sumigaw na talaga ako para lang marinig niya ako sa lakas ng tugtog. Tinapunan lang niya ako ng masungit na irap.
“Gwapo ba sila, Axel?” tanong naman ni Alejandra, na tahimik lang pero halatang enjoy sa musika habang nakangiti sa tabi ng nobya niya.
“Gwapo sila, bhie!” bulong ni Axel kay Alejandra. “Pero mas gwapo pa rin ang Axel mo!” Natawa ako sa banat niya habang si Alejandra naman ay kinilig at ngumiti. Nailing na lang ako sa sobrang ka-cute-an ng dalawa.
Biglang natahimik ang buong crowd. Tinigil ng banda ang tugtog at nagsalita na ang vocalist. Pati si Axel, biglang naupo at natahimik. Halatang hinihintay talaga ’tong moment na ’to.
“Ang kantang ’to,” simula ng vocalist habang hawak ang mic at nakangiti sa audience, “ay para sa mga taong may minamahal-yung espesyal, yung hindi mo basta lang makakalimutan.”
Napuno ng tilian ang plaza. Napailing ako. Here we go again. Love song na naman.
“Para sa inyo ’to-lahat ng in love at kahit ’yung mga nasasaktan pa rin,” dagdag pa ng vocalist.
Nag-umpisa na ang kanta. Hindi ko alam ang title, pero ramdam ko agad na love song nga talaga. Mabagal ang tempo, malambing ang boses ng vocalist, at literal na kinikilig ang crowd. Sina Axel at Alejandra, nakaakbay at magkahawak kamay habang parang dinadama ang bawat lyrics. Lumingon ako sa paligid-halos lahat ng mag-jowa naglalambingan. Ewan ko ba, pero ang bigat-bigat sa dibdib. Ako lang yata ang walang kasama. Ako lang yata ang hindi masaya rito.
Maya-maya, naramdaman kong naiihi ako. Tumayo ako agad.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Axel habang dumaraan ako sa harap nila.
“CR lang. Hanap ako ng pwedeng jingle-an. Babalik din ako,” sagot ko, pilit na ngumiti.
“Bilisan mo, ha?” tumango siya. Umalis na ako agad.
Sa bandang likod ng plaza may parang madamong bahagi, kaya doon na lang ako. Habang nagbabawas ng tubig sa katawan, naririnig ko pa rin ang tugtog ng banda. Ewan ko, pero ang love song talaga, kapag broken ka? Nakakainis. Hindi mo maramdaman yung sinasabi ng kanta. Ang tamis ng lyrics, pero ang nararamdaman mo, puro pait.
Tinataas ko na sana ang zipper ng pantalon ko nang bigla kong maramdaman na may nasa likod ko. Bago pa man ako makalingon, may kamay na biglang tumakip sa bibig ko at hinila ako palayo!
Nag-panic ako. Hindi ako makasigaw. Tinatakpan niya ang bibig ko at walang makakarinig dahil medyo madilim at liblib na ang parte ng plaza na ’to. Kinakabahan ako. My whole body froze in fear. Iniisip ko kung aabot pa ba ako ng buhay sa mga susunod na minuto.
Nagpupumiglas ako pero hila pa rin niya ako palayo. Nang medyo malayo na kami, bigla niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko.
“Please… huwag mo akong saktan. Hindi ako lalaban. Huwag mo lang akong patayin…” halos maiyak akong pakiusap habang nanginginig pa rin sa takot.
“Ha? Hindi kita papatayin…”
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang kaharap ko.
“A-Alex?”
Nanlambot ako. Hindi ko alam kung maiiyak ako sa relief o masusuka sa gulat.
Nakatayo siya sa harap ko, nakasuot ng itim na henley shirt at pantalon. Gulat na gulat ako.
“Anong ginagawa mo rito? B-Bakit nandito ka sa Cagayan?” tanong ko, habang ang dami-dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko maayos.
Lumapit siya. “Pasensya na kung natakot kita. Wala na kasi akong ibang paraan para makausap ka nang tayong dalawa lang. Alam kong iiwasan mo lang ako kung basta na lang akong lalapit.”
“Bumyahe ka talaga?” halos hindi ako makapaniwala. “P-Pero bakit?”
“Sinabi ni Gavin na umalis ka. Binigay niya sa akin ang address ninyo. Nang malaman kong nandito ka, bumiyahe agad ako. Gusto kitang makausap, William. Gusto kong pag-usapan ’yong tungkol sa ating dalawa.”
Napailing ako. “Alex, tapos na ’yon. You ended things before it even began. Hindi mo ba masaya na bumalik na ’yong ex mo? Bakit ka pa nag-abala? Wala ka nang mapapala sa akin.”
“I’m not in love with her anymore…”
Parang kinuryente ang buong katawan ko sa sinabi niya.
“Sorry, William. Sorry sa lahat ng nasabi ko. Sorry kasi pinili kong saktan ka sa halip na aminin na mahal din kita. Ang tanga ko. I let you go even when all I ever wanted… was to stay.”
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bigat. Hindi ko alam kung galit pa ba ako o umiibig pa rin.
“Stop it, Alex. Tumigil ka na. Niloko mo na ako minsan. I was starting to move on. Don’t pull me back kung wala rin pala itong pupuntahan.”
“Let me explain. Please…”
Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko siya tinabig.
“Binigyan ako ng ultimatum ni Dad. Kailangan kong makipagbalikan kay Bianca para sa partnership ng company namin. Kapag hindi, ipapadala raw niya ako sa China. Takot na takot akong mawala ka. Pero mali pa rin ang naging desisyon ko. Kasi kahit kailan, hindi kita nakalimutan. Ikaw pa rin.”
Lumuluha na siya.
Hindi ko alam kung maniniwala pa ako. “You made me feel like a fool, Alex. You said you loved me… then you left. Paano mo ako inaasahang maniwala ngayon?”
Tumingin siya sa akin, deretso sa mga mata ko.
“Mahal kita, William. At kung papayagan mo ’kong patunayan sa’yo ’yon araw-araw, gagawin ko. You brought out the best in me. Minahal mo ako sa paraang hindi ko akalaing deserve ko. Please… let’s start again.”
Tears began falling from my eyes. I held his hand tighter.
“Kung totoo lahat ’yan… paano kung hindi tayo ang para sa isa’t isa? Paano kung masaktan lang tayong dalawa ulit?”
“Paano kung tayo nga ang para sa isa’t isa? Paano kung this time, piliin nating maging masaya?”
Huminga ako nang malalim.
“William, mahal mo ba ako?”
Napangiti ako kahit punong-puno ng luha ang mga mata ko. “Honestly? Dati, inis na inis ako sa’yo. You were far from my type. Ang totoo niyan, si Gavin ang una kong minahal. Pero dumating ka… and you reminded me that love doesn’t follow rules.”
Tinitigan ko siya.
“Hindi ko na namalayang unti-unti na pala kitang minamahal. At kahit sinaktan mo ako… ikaw pa rin. Mahal pa rin kita, Alex.”
At sa wakas, hinayaan ko nang bumagsak ang luha na matagal ko nang pinipigilan.
Sandaling tumitig lang si Alex sa akin-parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Ilang segundo siyang tahimik, tapos unti-unting tumulo ang luha niya habang nakangiti. Akala ko yayakapin niya ako, pero hindi. Lumapit siya at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin… at hinalikan niya ako. Hindi lang basta halik-mariin, matagal, at ramdam na ramdam ko ang damdamin niya. It wasn’t just a kiss. It was love-real, deep love.
Pagkatapos naming kumalas, tinitigan niya ako na para bang ako na ang mundo niya.
“Mahal na mahal kita, William,” sabi niya, halos pabulong pero punong-puno ng damdamin. “At gusto kong patunayan ’yon araw-araw kung papayagan mo lang ako.”
Nakahawak siya sa magkabilang pisngi ko habang sinasabi niya ’yon-seryoso ang mga mata, parang walang ibang tao sa paligid kundi kami lang.
“Gusto kong maging tayo na…” dagdag pa niya.
Napangiti ako. Tumango lang ako bilang sagot, at sa mismong sandaling ’yon, ngumiti siya pabalik-masayang-masaya. Tapos, bigla niya akong hinalikan ulit. Mas maalab na ngayon, mas totoo.
Wala akong ibang nararamdaman kundi purong saya. Habang yakap-yakap ko si Alex, para pa rin akong nananaginip. I still can’t believe this is happening. He’s here. He chose me. At ngayon? Kaming dalawa na talaga.
Pagkauwi ko, alam ko na agad ang gusto kong gawin. I decided to introduce Alex to my parents-bilang boyfriend ko. Ilang beses na nila akong tinukso noon, pero heto na, finally, nagkatotoo rin. Ipinakilala ko rin siya sa mga kapatid kong babae, at syempre, kina Axel at Alejandra. Halos hindi sila makapaniwala. Pero kita sa mga mata nila ang tuwa para sa akin.
Gusto na sana akong isama ni Alex pabalik sa Maynila, pero tinanggihan ko muna.
“Umalis ka na muna. Ako na lang ang susunod after two weeks,” sabi ko sa kanya.
He understood. Alam niyang kailangan ko muna ng panahon para sa pamilya ko-lalo na’t matagal na rin akong hindi umuuwi ng ganito katagal.
At siya? I told him one thing: Ayusin mo muna lahat sa Dad mo. Sabi ko, “Talk to him. Gusto kong kapag bumalik na ako sa Maynila, wala nang hadlang. Ayusin mo lahat, Alex-not just for us, but for you, too.”
For now, this is enough. Masaya ako. Buo na ako. At sa wakas… kami na nga.
ALEX’S POV
It’s been a week since that night-yung gabing naging official kami ni William. Nakabalik na ako dito sa syudad, pero parang ang bagal ng araw. I’ve been counting down the days, kasi hindi ko na talaga siya ma-miss pa nang ganito. I already miss him so much, sobra.
Mag-isa lang ako ngayon sa dorm. Si Austin? Wala. Umalis daw siya at mukhang hindi na babalik agad. At alam mo bang sila na pala nung guy na nakilala niya sa bar? Grabe. Wala man lang pasabi. Hindi pa niya naikukuwento kung bakit siya biglang nawala nung gabing ’yon, pero honestly? I don’t need to ask. I know him too well. Gets ko na agad kung anong nangyari. That guy’s mind? Predictable na sa’kin.
Nakahiga lang ako sa kama, nakatitig sa kisame, when I suddenly heard someone knocking. Napabangon ako bigla. Sure ako-hindi si Austin ’yon. Hindi naman ’yon kumakatok kapag siya, derecho pasok lang lagi. So medyo nagtataka ako habang lumalapit sa pinto.
Pagbukas ko, parang nanigas ako. Napalunok ako sa kaba.
Halos mapa-shit ako sa isip ko nang makita kung sino ang nasa harap ko. Si Dad.
Naka-business suit siya, mukhang galing trabaho. He looked so serious, and I had no idea kung bakit siya nandito.
“D-Dad?” was all I managed to say, staring at him in disbelief. Tahimik siyang nakatitig sa akin, and I could feel my heart racing.
“Anong ginagawa niyo rito?” I asked as calmly as I could, kahit nanginginig na ’ko sa loob. I wasn’t ready for this. William told me to talk to him, na harapin ko na ’to, pero ever since I got back here in the city, I kept avoiding it. Gusto ko talaga siyang kausapin… pero natatakot ako. Ayoko pang masaktan ulit.
Pero ngayon, he’s right in front of me.
“Anak…” he whispered-at bago pa ako makareact, bigla niya akong niyakap.
Nagulat ako. Like, literal. I froze.
“I’m sorry sa lahat ng nasabi ko. Sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama. I was wrong. Patawad, anak… patawad…” He held me tight, his voice shaking. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya.
At ramdam ko rin ang luha niyang tumutulo sa balikat ko.
Hindi ko na napigilang maiyak. I hugged him back, tighter this time. I wanted to tell him how sorry I was too-for the words I said, for turning away. Pero ang totoo, matagal ko na siyang napatawad. Nung ipina-realize ni William sa akin na I should face this and not let my pride get in the way, nawala ’yung galit.
Naghiwalay kami mula sa yakap.
“I’m sorry din, Dad,” I finally said. “Sorry if I haven’t been the best son to you.”
This was it-my chance. Kailangan ko na siyang kausapin. Ang tagal kong tiniis ’to. I took a deep breath and gathered every bit of courage I had.
“I have to tell you something… something about me,” I said, heart pounding. “Kung sino talaga ako.”
Pero bago ko pa man matapos, sumagot na siya.
“Alam ko na, anak,” he said, soft but steady. “Hindi mo na kailangang sabihin pa. Bianca told me everything.” Then he looked at me with so much warmth, so much acceptance. “Tanggap kita. Kahit sino ka pa.”
And just like that-parang may tinanggal na mabigat sa dibdib ko. My tears fell instantly. Hindi ko mapigilan.
Niyakap niya ulit ako.
God knows how happy and relieved I am right now. After everything, he’s still my Dad. And I’m still his son.
And that’s more than enough.
WILLIAM’S POV
Mabilis lumipas ang dalawang linggo ko sa Cagayan-parang isang panaginip lang. And now, I’m finally back in the city.
Pero kahit tapos na ’yon, I’ll never forget everything that happened. Sa lugar na ’yon, naging kami ni Alex. Officially.
Until now, parang hindi pa rin ako makapaniwala… pero totoo ’yon.
We’re really in a relationship. As in, boyfriend ko na ’yung singkit na ’yon. Grabe.
Pagdating ko sa city, gabi na. At ang una kong pinuntahan? Yung lumang bahay ng Mama ni Alex. Siya mismo ang nagsabi. Gusto raw niyang kami lang ang magkasama that night. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin exactly, pero pumayag na lang ako.
8 PM na nang kumatok ako sa lumang bahay. Bukas ang gate kaya dumiretso na ako sa loob. Pero ang tagal buksan ng pinto. Medyo kinabahan ako kasi medyo creepy din yung lugar.
I was about to knock again nang biglang bumukas ang pinto. My eyes widened.
Si Alex-walang suot na pang-itaas, at naka-tapis lang ng puting tuwalya. Literal na napalunok ako.
Hindi ko mapigilang mapatitig. His smile, his chest, those arms… damn. His abs were just-hello?! Tapos naamoy ko pa ’yung pabango niya. Sobrang masculine ng scent. Nakakabaliw.
He flashed a playful smile. Then he winked at me.
“Ready ka na ba gumawa ng project with me?” he asked with a grin.
Kanina pa niya binabanggit ’yan sa text habang nasa biyahe ako. Na may “project” daw kaming gagawin pagdating ko. Wala akong ideya kung ano ba talaga ’yon-pero sige, game lang.
“Kanina mo pa sinasabi ’yan sa text, ha!” sabi ko sabay hampas sa braso niya. “Ano bang klaseng project ’yan?”
Napakunot ako ng noo pero hindi ko naitago ang ngiti ko.
He took my hand and pulled me inside. Naiwan ang mga gamit ko sa labas-wala akong nagawa.
“You’ll find out… sa taas,” he whispered, sabay hila sa’kin paakyat ng hagdan. I just followed him. Wala na kong tanong.
Pagdating namin sa second floor, pumasok kami sa isang kwarto. Then out of nowhere-he pushed me gently onto the bed.
Nagulat ako. Napalunok ako ulit nang makita kong tinanggal niya ang tuwalya.
Wala siyang suot underneath.
Mas nagulat ako sa lahat ng nakita ko. Hindi lang si Alex ang nakatayo sa harap ko… kundi pati ’yun.
“Anong binabalak mo?” I asked with a nervous smile, habang lumalapit siya sa kama with that mischievous grin on his face.
“Namiss kita…” he whispered habang umaakyat na siya sa kama. “After tonight, I swear gugustuhin mong gumawa ng projects with me every time.”
Each word he whispered gave me chills. Hindi na ako nakapagsalita.
Tinitigan ko lang siya. Then he kissed me-deep, passionate. Hindi ko na napigilan sarili ko. I kissed him back.
We kissed… and before we knew it, magkatabi na kaming nakahiga.
It was my first time. And I was happy that I gave it to someone I truly love-kay Alex.
The next morning, nagising kaming magkatabi.
Pareho kaming balot ng kumot sa ibabang bahagi ng katawan. The night was… unforgettable. Sobrang saya. We almost forgot may klase pa pala kami pareho ngayon.
Today’s special. First time naming papasok na officially together. Magkasabay. As in, couple sa campus. Alam kong magiging memorable ’tong araw na ’to.
We left the old house together. Pinahiram niya ako ng extra uniform niya. Obvious naman-maluwag sa akin. Pero okay na rin. We walked side by side papunta sa campus.
Pero bago kami pumasok sa gate, he stopped walking.
“Handa ka na ba?” tanong niya habang nakangiting nakatingin sa akin-singkit pa rin.
Nginitian ko siya, sabay tango. “Basta kasama kita… hindi ako matatakot.”
Bigla niya akong hinalikan.
Sa harap ng maraming estudyante. Sa tapat mismo ng gate.
It was quick, pero ramdam ko ang pagmamahal. Grabe. After the kiss, he smiled at me. I gave him my sweetest smile in return.
Naglakad kami papasok, magkahawak ang kamay.
Ramdam namin ang mga tingin-iba-iba. May mga curious. May mga gulat na gulat. May mga ayaw sa nakikita nila. Judgmental eyes everywhere.
Pero kami wala kaming pake?
Nakangiti lang habang naglalakad.
Wala kaming pake sa iniisip ng iba. Ang mahalaga, mahal namin ang isa’t isa.
And that’s all that matters.
THE END.
Author’s Note
Hi everyone! I just want to say thank you so much to all of you who read my story “My Soulmate”. It really means a lot to me. It makes me so happy and inspired to keep writing. I’m truly grateful for each and every one of you. Thank you for being part of this journey with me!
Short Announcement
Hi everyone! I’m excited to share that I’m writing a new BL story called “My Ex-Boyfriend’s Brother.” I hope you can also support this new story like you did with “My Soulmate.” Thank you so much, and I really hope you’ll enjoy this one too!
Reminder
You can support me or my story by voting “My Soulmate” it would be nice and I will appreciate it
Thank you guysss
Season 2 coming soon?
Who knows?

