loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
My Stepfather, My Lover

My Stepfather, My Lover

Ganymede Md · 3 chapters · 2,133 words

N O T I C E

My Stepfather, My Lover

by frustratedvirus

This story is a boy-to-boy story, yaoi, M2M or whatever you may call it. If you are not a fan of this kind of story, I strongly suggest that you should look for another story to read. You are not obliged to read this story. For open-minded readers only.

The entire story is written in Tagalog-English.

This story contains sexual scenes that are not suitable for readers below 18 years of age. If you are going to read this story and you’re below 18 years old, it’s up to you if you’re going to take the risk. I warned you in the first place.

No part of this story can be reproduced by any means, whether paper or web. Stealing is a crime. Intellectual robbery is worse than a crime. Plagiarism is strictly prohibited.

All the contents of this story are product of my imagination. Any resemblance to people, living or dead is purely coincidental.

©frustratedvirus 2015

Prologue

Narito ako ngayon at nakatayo sa kanyang harapan upang aminin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.

Habang siya’y nakatingin sa akin ng seryoso at hinihintay ang aking sasabihin.

“Mahal kita, Tito George.” mahinang sambit ko pero sapat na upang marinig niya.

Napalitan ng gulat ang kanyang seryosong mukha.

“Ano bang sinasabi mo James?” sagot niya.

Napapikit ako dahil nagsisimula nang manubig ang aking mga mata. Ganito pala kahirap ang umamin ng damdamin sa taong mahal mo. Ang masaklap, stepfather ko pa.

“H-hindi ko rin alam Tito…” naiiyak na sabi ko. “…pinigilan ko naman e…” at tuluyan na akong naiyak.

Nang bumaling ako sa kanya, seryoso pa rin ang ekspresiyon ng mukha nito.

“Alam mo bang bawal iyang nararamdaman mo?” medyo tumaas na ang tono ng boses niya.

Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya.

Oo, alam kong bawal pero sadyang mahal lang talaga kita.

“Huwag kang mag-alala, sinasabi ko ’to sa’yo dahil gusto kong malaman mo ang nararamdaman ko para sa iyo. Hindi ka naman obligadong mahalin rin ako.” diretsong pahayag ko.

Yun lamang at tumalikod na ako upang lisanin ang kanilang kwarto ni Mama.

“James, ’wag mo akong talikuran!” sigaw nito sa akin.

Nagdire-diretso pa rin ako sa paglisan sa silid na iyon. Hindi ko na rin inintindi ang pagsigaw niya sa aking pangalan.

Wala na akong pakialam dahil alam ko na kung ano ang patutunguhan ng usapan na iyon.

Walang iba kundi rejection.

©frustratedvirus 2015

01 - James ❤️

Sa kasalukuyan, 19 years old na ako. Kumukuha ako ng kursong Accountancy at nasa ikatlong taon na sa kolehiyo. Limang taon na ang lumipas simula nang mamatay ang aking Papa sa sakit na cancer. Dahil na rin sa kailangan ni Mama ng katuwang sa buhay, muli niyang binuksan ang kanyang puso para sa ibang lalaki.

Noong una’y tutol ako dahil pakiramdam ko’y papalitan niya na si Papa sa buhay niya.

“Anak mag-asawa man akong muli, hinding-hindi mawawala ang Papa mo sa puso ko. Siya pa rin ang unang lalaking minahal ko.” sabi ni Mama habang mataman akong tinitingnan sa mata ng diretso saka ito ngumiti ng malumanay.

Wala naman akong nagawa kundi pumayag sa kagustuhan ni Mama. Gusto ko rin kasi siyang sumaya at ayaw kong ipagkait iyon sa kanya.

Lumipas ang mga araw, dumating ang panahon na ipakikilala ako ni Mama sa bagong niyang mapapangasawa.

“O, ready ka na ba James anak?” tanong ni Mama sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

Kakatagpuin namin ang aking soon-to-be stepfather sa isang restaurant dito sa Makati. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Paano kung hindi kami magkasundo? Hays.

Napailing naman ako. Bat naman ako ang mag-aadjust? Bahala na nga.

“Relax ka lang anak. Mabait ang Tito George mo.” pagpapakalma sa akin ni Mama.

Tumango na lamang ako.

Ilang saglit pa ay narating din namin ang restaurant. Sinabi rin ni Mama na nagpareserve na si Tito George para sa amin. Pagkababa namin ng taxi, napalibot ako ng tingin sa restaurant at hindi ko maitatanggi na mga maykaya sa buhay ang laman nito. Mukhang napaghandaan ang aming pagkikita ah.

Pumasok na kami at iginiya naman kami ng waiter na table na nakareserve para sa amin.

Nang marating namin ang mesang nakareserve para sa amin, naabutan naming nakaupo rito ang isang lalaking mukhang nasa edad 40. Sa tingin ko siya na ang mapapangasawa ni Mama, ang stepfather ko. Ano ba’to. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

“George.” bati ni Mama.

Napalingon naman ito sa amin. Ngumiti ito ng ubod ng tamis ng makita kami.

“Buti naman at nakarating na kayo Celine.” masayang sabi nito. Napatayo ito mula sa kinauupuan at humalik sa pisngi ng aking ina.

“Kanina ka pa ba?” tanong ni Mama.

“Ah hindi. Kararating ko lang din.” simpleng sabi nito at bumaling sa akin ng tingin.

Eto na naman ang kabog ng puso ko. Ayy nako, ewan ko ba.

“Kamusta ka James?” sabi nito sa akin sa baritonong tinig at ngumiti ng maaliwalas. Shit. Ang gwapo.

Nakatingin lamang ako sa kanya. Wari’y hindi alam ang isasagot sa kanyang simpleng tanong. Kumusta nga ba ako?

“O-okay lang naman po.” nauutal na sabi ko.

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang sagot kong iyon. Basta agad na lamang akong sumagot ng ’di nag-iisip masyado. Punyeta naman oh, ano bang nangyayari sa akin?

Ano ka ba naman James? Wag mong sabihing tinamaan ka sa lalaking ito? Magiging stepdad mo na siya no!

Napatango naman ito sa sagot at ngumiti na lamang. Ramdam siguro nitong ’di ako masyadong komportable.

Napakalakas ng presensya niya. Ayokong magkasala sa mama ko pero iba ang pakiramdam ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Naa-attract ba ako kay Tito George?

Iginiya niya naman kami ni Mama sa mesa upang maupo na. Buti naman. Inalalayan pa nga nito si Mama sa pag-upo.

Aba, gentleman ah? Baka naman nagpapa-impress sa akin? Hmm…

Hinayaan ko na lamang sila.

“Siya nga pala, naka-order na ako ng makakain natin.” sabi nito at ngumiti muli.

“Ganun ba? Mabuti naman.” si Mama na ang sumagot, ramdam niya kasing ’di ako sasagot.

Ilang sandali pa’y ni-serve na ang mga pagkain namin. Pagtingin ko sa mga pagkain, napansin ko mga paborito ko ang mga ito. Napatulala ako sa mga pagkain at nakaramdam ng gutom.

“Kung napansin mo James, ang pagkaing ito ay mga paborito mo.” biglang sabi ni Tito George na siyang kinalingon ko rito.

“Paanong…” takang tanong ko nang bigla nagsalita rin si Mama.

“Nasabi ko sa kanya anak ang mga paborito mo.” sabi naman ni Mama at ngumiti.

Napatango na lamang ako, nakaramdam din kasi ako ng gutom nang sandaling ’yon. Nakakatakam naman. Hehe.

“Alam mo ba lagi kang kinukwento sa akin ng Mama mo.” sambit ni Tito.

Napalingon naman ako kay err, Tito George ko daw.

“Talaga po?” pahayag ko naman at tipid na ngumiti.

Marunong naman akong gumalang dahil pinalaki akong magalang nina Mama at Papa. Ang bastos naman kasi kung ’di ako sasagot.

“Oo naman.” aniya at ngumiti muli. Ngumiti lang din ako pabalik. Lintik na ngiti yan. Nakakadala masyado.

Mukhang kailangan ko na ngang tanggapin na mayroon nang tatayong ama at asawa sa amin ni Mama.

“O siya, kain na tayo.” singit naman ni Mama.

Habang kumakain kami, nakikinig lamang ako kina Mama at Papa-err Tito George. Papa agad? Haha. Sumasali lamang ako sa usapan tuwing may katanungan sila sa akin, lalo na si Tito. Habang nag-uusap sila ni Mama, nakatingin lamang ako kay Tito George.

Ewan ko ba. Iba ang pakiramdam ko sa kanya. Ewan ko lang kung anong pakiramdam iyon pero siguradong hindi iyon maganda.

Napansin naman ni Tito George na nakatingin ako sa kanya, ngumiti lamang ito sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin. Kaya naman nawala ang atensyon ko sa pinag-uusapan nila ni Mama.

Ilang saglit pa’y tumayo si Mama kaya naman napa-angat ako ng tingin.

“Magsi-CR lang ako saglit. Maiwan ko muna kayo.” sabi niya at umalis upang tunguhin ang CR.

Naiwan naman kami ni Tito George na hindi nagkikibuan. Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Pagbaling ko sa kanya ng tingin, nakatingin din pala siya sa akin ng seryoso. Kaya naman alanganin akong ngumiti sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin sa kanya.

“Diba college ka na James?” tanong nito bigla sa akin.

“Ah opo.” sagot ko naman.

“Anong kinuha mong kurso?” follow up niyang tanong.

“Accountancy po Tito.” magalang ko namang sagot.

Napatango naman siya sa akin.

“Aba ang galing ah. Alam ko namang matalino kang bata.” puri niya sa akin.

“Naku, ’di naman po. Sakto lang.” nahihiyang sabi ko sabay kamot sa batok.

Muli na naman kaming binalot ng katahimikan.

“Uh James?” pagpukaw niya muli sa atensyon ko.

Pagbaling ko sa kanya, seryoso ang tingin nito sa akin.

“Bakit po?” curious kong tanong.

“Okay lang ba talaga sayo na mag-asawa muli ang Mama mo?” malumanay nitong tugon ngunit bakas ang kaseryosohan sa boses nito.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Huminga ako ng malalim at napagpasyahang maging totoo sa kanya.

“Sa totoo lang Tito, nung sinabi ni Mama sa akin ang tungkol sa inyong dalawa, nakaramdam ako ng galit. Pero nung nakita kong naging masaya muli si Mama at laging nakangiti, na-guilty ako kasi sariling pakiramdam ko lang yung inintindi ko. Kaya naman hindi na ako tumutol sa kung anuman ang meron kayo. Tinanggap ko na rin ito ng buong-buo.” paliwanag ko.

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

“Salamat James.” masaya nitong sambit.

“Walang anuman Tito.” sagot ko naman.

Napaisip naman ito sandali.

Katahimikan.

“You can call me Papa or Daddy kung gusto mo.” bigla nitong turan.

Para naman akong nabingi.

“Po?” maang kong tanong.

Seryoso ba siya?

“Sabi ko pwede mo kong tawaging Papa or Daddy kung gusto mo tutal magiging isang pamilya naman na tayo.” nakangiting nitong pahayag.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero isang lang ang sigurado ko, masaya ako . Siguro nga, kailangan ko pa rin ang gabay ng isang ama, hindi ko man ito kadugo.

Napangiti naman ako ng maaliwalas at wala sa sariling tumango-tango.

“Oo naman po. Salamat D-daddy.” masaya kong sambit sa kanya.

Ngayon ko lang napagtanto na sobrang na-miss ko na pala ang presensiya ng isang ama. Muling nabuhay sa akin ang uhaw sa kalinga ng isang ama.

“Wala iyon James.” sabi niya naman at ginantihan rin ako ng ngiti.

Nawala naman ang nakakailang na atmosphere na bumabalot samin kanina. Naging magaan at panatag ang loob ko kay Tito err Daddy George. Mukhang kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa pagtawag sa kanya ng Daddy.

Madami din kaming napagkwentuhan ni Daddy George. Nalaman kong binata talaga siya. Ngayon niya lang daw naisipan magsettle kasi naging busy siya sa kanyang kumpanya. Nagmamay-ari si Daddy George ng isang real state company na nangunguna dito sa Pilipinas at nakapag-expand na din ito sa iba’t-ibang bansa. Hindi na nakakapagtaka dahil sa itsura pa lang, masasabi mong isang accomplished na tao si Daddy George. Mula sa aura nito hanggang sa kanyang pagkilos, napaka-maotoridad pero sinisiguro niya na kumportable ang mga tao sa paligid niya. Siya pala ay trenta-otso anyos lamang na inakala kong kwarenta. Mas nakatatanda pala si Mama sa kanya ng dalawang tayo sapagkat si Mama ay kwarenta anyos na. Di bale, wala namang issue sa akin ang edad. Ang issue lang sakin ngayon ay ang kakaibang atraksyon na nararamdaman ko sa aking stepdad.

“Masaya ako at tanggap mo na kami ng Mama mo at higit sa lahat ay pamilya na tayo.” sambit niya na mababanaag ang kasiyahan sa kanyang mukha.

“Ako rin po.” sabi ko at ngumiti sa kanya.

Ilang sandali pa’y bumalik na si Mama mula CR.

“Oh, mukhang nagkakasiyahan kayong dalawa ah?” nakangiting puna ni Mama.

Tumabi naman si Mama muli kay Daddy George habang akbay naman siya nito.

“Paano naman kasi Hon, magkasundo na kami ng unico hijo natin.” si Tito.

“Talaga Hon? Buti naman.” sagot naman ni Mama.

“Daddy na nga tawag sa akin ni James e, diba ’nak?” sabi ni Tito sabay baling sa akin.

Napatingin din si Mama sa akin.

“Totoo ba iyon James?” nakangiting sambit ni Mama.

Nahihiya naman akong tumango sa kanya.

“Ayy sus, nahiya pa ang anak ko!” tukso sakin ni Mama sabay kurot sa pisngi ko.

“Ma naman, nakakahiya oh!” inis kong sabi.

Natawa na lamang silang dalawa sa akin. Nagpatuloy kami sa pagkain pero ngayon, nakikisali na din ako sa kwentuhan nila.

Matapos naming kumain, hiningi na ni Tito ang bill ng kinain namin at binayaran ito.

Nilisan naman namin agad ang restaurant na iyon upang tunguhin ang bahay ni Tito George na siyang magiging bagong tirahan namin ni Mama.

Tahimik lamang ako sa sasakyan habang binabaybay namin ang daan tungo sa subdivision kung saan ang bahay ni Tito George.

Nang marating namin ito, bumaba ako sa sasakyan at napalingon sa paligid.

I guess this is it!

Bagong ama, bagong bahay, bagong buhay.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.