My Super Hot Straight Fake Boyfriend
absurd018 · 74 chapters · 173,309 words
PANIMULA
“Tell me about yourself”
Shet. Eto na nga. Nagsisimula na ang bagong yugto sa buhay ko. Goodbye school, Hello real world na talaga.
“I’m Ethan James Aguilar, 20 years old from Makati” pakilala ko.
Nakasalamin na babaeng matanda yung nag iinterview sa akin. Mukha siyang mataray pero okay naman din, hindi naman ako kinakabahan kasi may piso ako sa loob ng sapatos ko.
“I already know all of that. It’s written here in your resume. Tell me something that I don’t know”
Shet. English, buti na lang at napaghandaan namen ’to ng bestfriend ko.
Pero bago ako magpakilala sa kanya, biglang may kumatok sa pinto.
“Ma’am? 20minutes….”
“I know, I’m busy here, can’t you see?” mataray nga siya.
Wala naman nasabi yung lalaki at umalis na siya kaagad.
“I’m sorry about that….” hindi ako nagsalita habang binabasa niya yung resumè ko. “…Well, you have an outstanding vitae…”
“Thank you Ma’am”
Bigla niyang nilapag yung papel ko at tumingin siya sa akin ng masinsinan.
“So, How much salary are you expecting?”
+++
“Ganun ganun lang? Walang ibang tanong?!” tanong saken ng bestfriend kong si Jaycee. Siya ang pinaka nakakatawang bakla sa lahat. Minsan pilosopo, minsan bastos, pero madalas masaya at sanay na sanay na ako sakanya.
“Oo, ganun lang. Simpleng tanong lang tapos ayun! Hired kaagad. Final interview then pipirma na raw ng kontrata” paliwanag ko.
“Sabi ko sa’yo e! Mahiwaga ang piso sa sapatos!”
Ang pormal pa ng suot ko pero etong si Jaycee, naka Tshirt at short lang sa ibaba ng company.
“Haha salamat bes!”
“Walang anuman bes. Halika na sa bahay niyo para makakain na tayo. Siguradong tuwa tuwa na yang muji mo pag uwi mo!” si Jaycee yung baklang mukhang lalaki. Kaya kapag nagapalaki siya ng boses, natatawa ako ng sobra.
“Ayaw mo sainyo?” tanong ko.
“Bes ano na. Edi pilit na pilit na naman galaw ko. Alam mo naman si Father superior, sundalo, kapag sa bahay, pak, lalaking lalaki. Oh, hirap magpanggap!”
“Haha sorry sige tara na samen!”
“Wala kang choice bes, ’dun talaga tayo sainyo!”
Si Jaycee na pinang drive ko dahil excited na excited na akong ibalita kina mama na may trabaho na ako.
“Bes, tapos na yung ginagawang bahay sa tabi namen!” sabi ko habang nag ddrive siya.
“Salamat naman! Infairnes sa nagpatayo sa tabi niyo ah, ayaw magpatalo. Gusto malaki rin ang bahay!”
“Hindi naman ganun kalaki bahay namen”
“Tigilan mo ko Ethan James Aguilar baka sampalin kita ng titing galit ah! Kung tutuusin hindi mo na kailangan mag trabaho eh, pak na pak naman kayo sa pera eh!”
“Hindi naman kasi forever na manghihingi ako ng pera di’ba?”
“Patunayan mo yung forever diyan bes!”
“Leche haha. Magtatrabaho ka ba? Ano na? Tengga ka lang talaga?”
“Next time bes. Ayokong masayang beauty ko sa stress life ng pagtatrabaho no’!”
“Sabi ko na sasabihin mo ’yan eh haha”
From BGC to Pasig, mabilis naman byahe dahil na rin sa barubal na pagdadrive ni Jaycee.
Tinanggal ni Jaycee yung seatbelt ko tsaka niya ako hinarap sa kanya. Pumikit siya bigla at tinapat yung dalawang kamay niya sa mukha ko at nagsimula na naman sa ritual niya.
“Spiritu ng kabaklaan, lumabas ka muna sa katawan ng taong itoooooooo!”
“Bes, tigilan mo nga ako!!” inis kong sabi sakanya.
“Nako bes, sigurado naman kasi akong tanggap ka ng…..”
“Sabi ko ’wag mo kong parangalan tungkol diyan diba? Ikaw nga eh ’di mo masabi sa magulang mo!”
“Pinagkaiba nateng dalawa bes, hindi sundalo tatay mo at hindi ka only boy sa pamilya! Haha stress na ako! Gusto na raw ni daddy magka apo!” paliwanag ni Jaycee.
“Mamaya na natin problemahin ’yan, sa ngayon, pasok muna tayo sa bahay namen tapos magpakasaya, hano po?”
“Okay bes. Iwan mo muna sa kotse mo si Nahte.”
“Sino si Nahte?”
“Yung espiritu ng kabaklaan mo!”
“Tigilan mo nga ako riyan sa kabaklaan kabaklaan na ’yan!”
“Sige na, ikaw na paminta. ’Di ko pa rin maisip kung paano ka nagka girlfriend tapos pak, may pag fuck pang naganap. Yuk!!!”
Natatawa ako kay Jaycee. Goodvibes talaga kausap ’tong bestfriend ko.
“Again, I don’t want stress” sabi niya. “… Let’s go inside na!” sabi pa niya.
Lumabas na kami ng kotse at nakita ko na nga yung natapos na bahay ng kapitbahay namen
“Bes, ang ganda talaga!” sabi ni Jaycee.
“Nako, tara na!”
Mukhang wala pa rin yung mga tao roon kaya ’di na nakiusyoso si Jaycee at pumasok na kami sa loob.
+++
Bumalik na ako sa BGC para pumirma ng kontrata. Sa sobrang kaba ko pumorma pa ako ng maayos pero hindi naman daw kailangan.
“So, Mr. Aguilar, see you on Monday?” nakipagkamay na yung HR saken at ngumiti ako.
Pagkalabas namen ng kwarto, may lalaking mataba na nagpagilid saken. Maliit lang naman yung hallway kaya wala akong nagawa.
“Kuya, anong meron?” tanong ko.
“Shhh”
“Nagtatanong lang?”
“Shhh.”
Di naman ako sumagot.
“Joke lang, parating kasi yung boss.” sabi ni Kuya, at sa pagkasabi niya ’non, may dumaan na lalaki na mukhang yayamanin at sobrang kinis.
“Ayan?! Boss natin ’yan?!” sabi ko kay Kuya.
“Wag ka ngang maingay. Mamaya marinig ka niyan eh!”
Pero huli na ang lahat. Mukhang narinig niya yung pagkakasabi ko ’nun. Yung ngiti niya, nawala nung lumapit sa akin.
“Problem?” fvck. Ano bang boses ’yan?! Ang sarap sa tenga!
“Ah…. No sir…”
Tumingin siya sa may katabi kong kwarto kung saan ako pumirma.
“You’re new. Just do your job.” putek, ang sarap pakinggan ng boses niya!
“Sorry sir. Ofcourse.”
“Good”
Naglakad na uli siya palayo at naiwan naman yung matabang lalaki sa tabi ko.
“Ayan, ang ingay mo, sabi sa’yo narinig ka niya eh!”
“Boss natin ’yon? Halos kaedad ko lang yun ah!!” sabi ko.
“Siya ang anak ng boss! Hindi naman siya yung may ari, anak lang. Masyado ka namang OA kasi mag react”
“Nagulat lang ako!”
“Gwapings din no?”
Aba si Kuya! Iba rin ang pagka chismoso.
“Hindi lang ’yon! Matinik din sa chicks yan! Kung alam mo lang.”
“Chismoso ka rin kuya no?”
“Hehe. Sige pre, alis na ako! Sundan ko pa si Sir eh baka kailanganin ako!” sabi niya.
Nakakatuwa rin yung Kuya na ’yon kaso sayang hindi ko nakuha yung pangalan niya! Pati na rin yung boss namen edi sana tuwang tuwa si Jaycee ngayon.
Kaso hindi ko sasabihin sakanya yung tungkol sa gwapong anak ng boss at baka mag apply pa siya rito dahil dun.
Habang pasakay ako ng elevator para bumaba, biglang nagtext si Jaycee saken at kinakamusta lakad ko. Pero dahil nakatingin ako sa phone ko, hindi ko napansin na may tumatakbong lalaki papunta saken at nagkabungguan kaming dalawa.
Parang hindi pa ako nakakamove on sa anak ng boss tapos eto pa, may isa pang pogi!
“Sorry po!” sabi ko.
“Fvck! Hindi ka ba marunong tumingin sa daanan?” shet. Galit siya.
“Sorry po talaga”
“Asshole” bigla siyang nagmadali ulit sa pagtakbo. Buti na lang at di siya sumakay sa elevator kundi siguradong awkward.
Pagsakay ko ng elevator, tuloy tuloy na ako hanggang sa pagpunta ko sa pinark kong sasakyan at umalis na para makipagkita kay Jaycee.
++++++
TULOY TULOY NA ’TO GUYS. PANGAKO haha kaso baka wala uli kapag weekends ah? Hehe.
Sobrang awkward na para sa akin gumawa ng SPG kaya no SPG ’to ah? Huhu pasensiya na!
VOTE AND COMMENTS GUYS#!!!!! hehe
Hi. So eto, tinry ko yung
TAP WATTPA
D na pinopromote sa home page? Lol yung parang chat stories. Haha
Anyway, gumawa ako ng acc. at story don. Sana mabasa niyo lol.
absurd018 pa rin ang username ko don tapos ‘Falling with David Licauco’ title hahahaha! Enjoy 😊
https://taptap.app.link/dr4VifAJsD <–– ayan yunf link kung macclick siya. Haha
Part 2: The Boss
Welcome sa panibagong story. Sana magustuhan niyo ito!
NOTE: Please, kung ayaw niyo ng hindi SPG na story, that’s okay with me pero sana alis na lang kasi ayoko na talaga gumawa MUNA ng spg story eh. Ayun lang.
VOTE AND COMMENTS ULI GUYS!
+++++
“So, Kumusta ang contract signing bes?” tanong ni Jaycee sa akin.
Gwapo talaga si Jaycee at malaki pa yung katawan. Kung hindi ko lang talaga alam na bakla ’to eh hindi mo masasabi na bakla siya.
“Pumirma lang ako tapos umalis na rin”
“Tutal contract signing nga di ba? Hindi naman contract staying. Pipirma ka lang!”
“Pilosopo ka na naman”
Natahimik ako kasi naalala ko na naman yung anak ng boss at yung supladong lalaki na nakabunggo ko sa may elevator kanina.
“OH MY GOSH BES!” biglang sumigaw si Jaycee na parang gulat na gulat.
“Oh?! Bakit?!”
“Ang tahimik mo at malalim ang iniisip! Ibig sabihin nakakita ka ng gwapo! O kaya naman maganda! Either way sana gwapo mo nakita mo!”
Ako ang mas nagulat kay Jaycee! Alam na alam niya kaagad yung iniisip ko.
“Details bes! Dalian mo!” sabi niya.
Mukha naman wala akong kawala at nagkwento na ako. Buti na lang wala masyadong tao sa coffee shop at pwede kaming magtagal.
Dinescribe ko sakanya yung anak ng boss, syempre detail by detail, walang palya. Naaalala ko pa nga yung itsura niya eh.
Pati na rin si suplado. At habang nagkekwento ako, inggit na inggit saken si Jaycee.
“Pinagpala ka bes!! Magtatrabaho na ako! Mag aapply na ako diyan!”
“Dahil lang sa mga gwapo?”
“Ano pa bang magiging dahilan ko?”
“Seryoso ka ba diyan?”
Pero hindi siya makasagot at mukhang may tinitignan sa likod. Lumingon din naman ako at isa rin ako sa natulala sa nakita ko.
Si suplado!
Kinapa ko yung kamay ni Jaycee ng hindi inaalis yung tingin kay suplado.
“Bes, siya yung supladong sinasabi ko sa’yo!” bulong ko.
Hindi pa rin makapagsalita si Jaycee.
“Bes? Ano na?” sabi ko sakanya.
“Ayan bes, naka order na. Mag isa lang siya at mukhang wala pang kasama. Teka,” bigla siyang tumayo hawak yung cellphone niya.
“Anong gagawin mo bes?!”
“Stolen shot lang! Sandali!” hindi ko na napigilan si Jaycee.
Tinignan ko naman si suplado at mukhang may malalim siyang iniisip. Nakatingin kasi siya sa labas at mukhang seryoso.
Mas ngayon ko napansin yung itsura niya at oo, ang gwapo niya nga talaga. At ang hot pa! Bakat kasi yung malaki niyang katawan sa hapit niyang damit. Ang gwapo. Sobrang gwapo.
Maya maya, bumalik na si Jaycee at nakangiti! Napansin ko kasing napicturan niya si suplado kanina.
“Ang ganda ng kuha ko bes, tignan mo!”
“Jusko bes!! Ang ganda nga!!” sabi ko.
“Mukhang problemado si pogi ah?” nakatingin pa rin si Jaycee pero ako tumalikod na, baka kasi makilala niya pa ako.
“Oo nga eh. Baka girlfriend.” sabi ko.
“Ofcourse, girlfriend ang dahilan! Yang mga ganyang mukha at kargada dapat talaga ginagamit yan!”
“Grabe naman. Malay mo naman hindi ganun yung babae!”
“Kung ganyan jowa mo sa tingin mo magpapa bebe ka pa? Di’ba hindi na? Ikwarto mo na kaagad!”
“Hinaan mo naman boses mo bes, mamaya marinig ka!”
“Hindi ’yan. Mukhang may kausap sa phone eh”
Pasimple akong lumingon, nagulat ako ng napatingin din siya sa pwesto namen kaya tumalikod ako kaagad.
“Hala bes! Nakita niya ako!” medyo kinabahan ako.
“Oo nga, nakita ka niya. Paalis na siya eh! Ang panget mo daw”
Lumingon uli ako at nakita ko na siya na palabas ng pinto dala dala yung inorder niyang pagkain.
“Sundan ba natin?” sabi ni Jaycee.
“Wag na!”
“Sus. Tara na!!” hinila ako ni Jaycee at wala na akong nagawa. Sinundan nga namen si suplado hanggang sa makarating siya sa sasakyan niya. Hindi na nakapagtataka na yayamanin siya.
Pero bago siya sumakay, may mga batang kalsada na naglalaro sa kalsada saka niya binigay yung pagkain at inumin niya.
“Bes, nakakainlove!” sabi ni Jaycee.
Totoo. Masyadong malayo sa pagkakakilala ko. Pero isang beses lang kami nagkita akala ko masamang tao na, pero hindi pala.
Sumakay na siya sa sasakyan niya at umalis na.
“Bes, alamin natin yung pangalan! Hindi ako makaka tulog hangga’t hindi ko alam pangalan niya!” pangungulit saken ni Jaycee.
Gusto ko rin malaman kung sino ’tong si suplado kaya pumayag ako. Siya na uli pinagdrive ko at umuwi na muna kaming dalawa.
+++
“Okay na ba anak?” tanong ni mama habang busy sa pag fefacebook. Nagluluto naman si manang ng meryenda sa kusina at si Butchok, ang aking bunsong kapatid, busy sa paglalaro sa sala.
“Okay na po Ma”
“Unang sweldo mo sa akin ha? Pang ayos ng buhok ko haha”
“Haha sige po Ma”
“Joke lang anak, loveyou”
“Loveyou too Ma”
Ganun lang kwentuhan namen ni Mama palagi.
Umakyat na kaming dalawa ni Jaycee sa kwarto ko. Agad niyang binuksan yung aircon at kinuha agad yung laptop ko sa may study table ko saka dumapa sa kama ko.
“Minsan nagtataka rin ako kung sino ba talaga naka tira sa bahay na ’to eh. Mas feel at home ka kasi eh!”
“Shhhh shhhh! Halika na rito bes!”
“Ano bang plano mo?”
“Mag iistalk tayo! Tuturuan kita ng stalking skills ko, halika!” sabi niya pa.
Lumapit ako at dumapa rin sa kama at humarap sa laptop.
“Okay, so sino una nating hahanapin? Si Suplado o si anak ng boss?” tanong niya.
“Yung anak ng boss, mas mukhang madali ’yon eh” sabi ko.
“Okay so ang keyword natin sa paghahanap sa kanya eh yung pangalan mismo ng boss niyo. Sino ba nagpapalakad ng company niyo, kilala mo ba?”
“Hindi, hindi naman ako nag background check”
“So ang gagawin natin, hahanapin na lang natin yung company mo sa google, titignan yung nagmamayari at kukunin natin yung last name saka natin hahanapin sa facebook”
“Wow. Ibang level na yan bes!”
“Natutunan ko lang ’to nung college haha.” so tinype na niya yung company sa google at walang kagatol gatol, lumabas kaagad yung picture niya.
“Bes….. Siya ba yan?”
Nung makita ko yung mga pics parang naglaway din ako. Grabe! Ang hot din pala niya! Ang laki ng katawan at ang gwapo ng smile!
“Jack Zachary Salvatierra…. Bes, pangalan pa lang ang sarap na!”
“Totoo”
“22 years old. Business Ad graduate from DLSU, single at mag tatake over ng huge family business nila sa Pilipinas. Pak, masarap na yayamanin pa!”
Hindi ako makapagsalita. May nag eexist palang ganito, parang too good to be true.
“Bunso sa apat na magkakapatid pa bes, ano na! Ibig sabihin may mga kapatid pa siya sigurado masasarap din yung mga ’yon!”
“Bes, hindi ko pa rin maimagine na magtatrabaho ako para sakanya”
“Para sa kumpanya niya, hindi mismo para sakanya. Illusyunada. Haha yung si suplado naman!” sabi niya.
“Wala tayong alam, ang alam ko lang nagtatrabaho siya dun sa company ni Jack tapos ayun lang, wala ng iba. Siguradong mahihirapan tayo!”
“Uh ahh.. May nakalimutan kang detalye!”
“Ano naman?”
“Nasa starbucks siya kanina bes! Ayun keyword natin. Mamaya nagpost siya sa ig na nasa SB siya or what, then makikita na natin siya!”
Hindi na niya ako pinasagot at nagsimula na siyang mag type sa ig ng ‘starbucks BGC’. Scroll kami ng scroll hanggang sa makita ko yung picture niya kaso group picture eh at hindi siya nag upload.
“Wag tayo mawalan ng pag asa, baka naka tag siya!” sabi ni Jaycee pero wala, picture lang nakaupload.
“Sa mga likes bes!! Siguradong ni like niya yang post na yan!!” sabi pa ni Jaycee.
300+ ang nakalike pero tinyaga namen yun isa isa hanggang sa wala kaming makita na nilike niya yug post.
“Suko na bes” sabi ko.
“Hindi! May lead na tayo! Yung nag post ng pic na ’to, siguradong friend niya sa facebook yan o finafollow sa twitter!”
Binuksan pa ni Jaycee yung fb account niya, sinearch niya yung lalaki na nagpost sa ig nung picture at nakita naman namen kaagad.
“Oh di’ba!! Sigurado na akong naka tag siya rito!” hinanap pa ni Jaycee yung naka tag pero wala talaga siya.
“Sa friend list!!” sabi ko.
“Naka hide friend list niya eh”
“Wala, suko na tayo! Wala ng pag asa”
“Tama. Siguro abangan mo na lang siya uli sa opisina niyo baka magkatrabaho pa kayong dalawa!” sabi niya.
“Oo nga, ganun na lang”
++
First day ko sa work at syempre naka long sleeve ako at slacks, gusto ko kasi na ganito yung suot kapag papasok, feeling ko talaga professional ako eh.
Hinatid muna kaming mga bagong empleyado sa isang kwarto, mukhang mga fresh grad din ’tong mga ’to at mga excited.
Maya maya, may pumasok na babae, siya yung HR, at inassign kami sa iba’t ibang department. Inassign ako syempre dun sa inapplayan kong trabaho.
“Parehas tayo?” sabi nung babae sa tabi ko. Maganda, sexy at mukhang mabait ’to.
“Siguro nga hehe”
“I’m Laura, BTW.”
“Ethan” nagkamayan kami habang hinahatid kami sa pupuntahan namen. Medyo kinakabahan na ako, nakalimutan ko kasi maglagay ng piso sa sapatos ko.
Maya maya, pumasok kami sa isang napakalawak na kwarto na maraming computers, at table. Ganitong ganitong naman yung naiimagine kong itsura ng pagtatrabauhan ko.
Sa dulo yung opisina ng boss namen at parehas kaming excited na kinakabahan ni Laura.
“Benjamin Llander Fortalejo” nakalagay na pangalan sa labas ng opisina niya. Wow, pangalan pa lang mukhang sosyalin na.
Kumatok yung naghatid samen doon at pumasok na kami ni Laura. Nakatalikod naman yung boss namen at may kausap sa phone.
Matangkad siya at kahit nakatalikod, alam mong gwapo siya.
“Okay, thank you. Bye!” nung humarap siya, nagulat ako. Siya nga ’to!!
Si suplado!
“Sila ba mga bago kong tauhan, Maam?” ang formal niyang tignan at pakinggan.
“Yes sir”
“Thank you”
May inabot lang yung babaeng naghatid samen sakanya ng sulat at lumabas na siya ng opisina.
“Nagkita na ba tayong dalawa?” tanong kaagad saken ng boss ko. Tatlo lang kaming nandun sa loob ng kwarto niya.
“I don’t think so, sir” sabi ko.
“Oh, okay. Well, first of all, Welcome! Nandito kayo saken kasi una, maganda ang grades niyo nung college. I maybe biased but kinukuha ko lang na tao ay mga academically inclined.” ang hot din pala niya magsalita.
“I’m Benjamin Llander, sa office I want you to call me, Sir Benj or Boss Benj, not Llander or Fortalejo. Pero kapag nasa labas, just Benj. Okay?”
“Okay sir.” sabay nameng sagot ni Laura.
“Good….” bigla niyang pinindot yung telepono niya “…. Allen, punta ka sa office ko right now”
Mabilis naman na may pumasok sa office niya.
“Yes Sir?” siguro siya na si Allen.
“Escort Mr and Ms….?”
“Uhm, Ethan Sir” pakilala ko.
“Laura, Sir.”
“Escort them in their respective tables, alam mo na rin, turuan mo sila okay?”
“No prob, sir Benj”
Tumayo na kaming dalawa at lumabas, pero sumulyap muna ako ng tingin kay sir Benj at nakita ko naman na nakangiti siya. Hindi ko alam kung sa akin ba, pero nakangiti siya nung nakita ko siya.
++++
Yung mga picture, kinuha ko lang sa google,so credits to google! Haha
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 3
+++
Ang saya naman pala mag trabaho lalo na kapag gusto mo yung ginagawa mo.
Nakaupo lang ako sa sarili kong table, nakaharap sa computer at type lang ng type. Nagkekwentuhan naman kami ni Laura kasi nga, magkatabi lang kaming dalawa.
Maya maya, biglang may nag pop up sa computer ko.
“LUNCH TIME!!!!”
Mukhang lahat ata na sendan ng message kasi sabay sabay sila nag tayuan.
“Sabay tayo, Ethan!” yaya ni Laura pero biglang lumabas ng opisina niya si Sir Benj.
“Treat ko lunch today para sa bagong employee natin.” ang gwapo niya talaga lalo na sa suot niya.
Natuwa naman lahat at sabay sabay kaming pumunta sa meeting room.
++
Pizza, chicken at pasta yung nakahain dun. Mukhang sanay na sanay na ang lahat sa ganito kasi hindi na sila nahiya.
Binilang ko kung ilan kami, 18 kami lahat, kasama na ako. 10 ang lalaki at walo naman ang babae.
“Sir, ang ritual!” sabi ni Allen, yung naghatid at nagturo samen ni Laura kanina.
“Okay okay…” sabi ni Sir Benj. “… Ethan!”
“Yes, Sir…. Sir, Benj” nataranta ako bigla. Nakatingin naman silang lahat saken.
“Are you gay or straight or bi?”
Whatda?! Seryoso?! Medyo natameme ako bigla at mukhang naghihintay sila ng sagot. Yung tinginan nila na nakangiti habang nag aabang ng sagot ko.
“Both?” imbis na magsinungaling ako, nasabi ko na yung totoo. Nagpalakpakan naman silang lahat, may mga nag abutan ng pera at pinagpupustuhan na pala nila ako.
“Nice! Ang pangalawang bi ng team natin!” sigaw pa ni Sir Benj.
Imbis na mapahiya ako, parang natuwa pa ako kasi wala lang sakanila yung tungkol dun. At napaisip din ako kung sino yung isa.
“Laura! Same question!” sabi naman ni Sir Benj.
“Straight sir”
Nagpalakpakan naman yung mga boys samen. Maganda naman kasi talaga si Laura at sexy pa!
“Nice, let’s have dinner later!” sabi ni sir Benj.
“Sir!!!” sabay sabay na sigaw ng mga lalaki.
“Just kidding… Just kidding hehe, enjoy guys! May tatapusin lang ako sa office!” umalis na kaagad si Sir Benj at nagpatuloy kami sa pagkain.
“Seryoso, Ethan? Bakit lahat ng gwapo, bisexual o kaya gay. Hmp!” sabi ni Laura saken.
Natawa na lang ako sa sinabi niya.
Mas nagustuhan ko pa lalo ’tong office na ’to dahil ’di ko na kailangang magtago.
++
Ang bilis lang ng oras kapag nag eenjoy ka sa ginagawa mo. Tapos na kaagad yung work at pababa na ako sa parking lot. Sakto naman na magkatabi yung sasakyan nameng dalawa ni Sir Benj.
“Oh, nice ride!” sabi niya.
“Ah, thank you, Sir.”
Shet, bakit kahit maghapon na ang fresh niya pa rin tignan. Ang gwapo gwapo, ang kinis, mestiso….. Ang sarap.
“Nasa labas na tayo, you can call me Benj na!”
“Medyo awkward pa Sir, siguro next time na hehe”
“Okay. Drive safe.” pumasok na siya sa sasakyan. Medyo suplado na hindi talaga ’tong si Sir kaya hindi ko na lang pinansin.
Pagkauwing pagkauwi ko, sinearch ko kaagad siya sa facebook at nakita ko naman yung profile niya.
Benjamin Llander Fortalejo. 22 lang siya pero ang taas kaagad ng ranggo niya. Nag stalk pa ako ng pictures niya, grabe, kahit saang anggulo talaga ang gwapo!
Sa di namang inaasahang pagkakataon, napindot ko yung add as a friend! Wala akong balak na iadd siya pero napindot ko! Sa sobrang taranta ko, na close ko pa yung window.
Pakshet talaga!
Nagbukas kaagad ako ng bago sabay log in pero nagulat ako ng may notif ako at inaccept na kaagad niya yung request ko.
Wow, ang bilis. Kakaadd ko pa lang.
Mas nakita ko pa yung ibang posts niya, may girlfriend din pala siya at sobrang ganda! Sabagay, sobrang gwapo rin naman niya at mukhang bagay na bagay silang dalawa.
Tinantanan ko na yung facebook niya at pinatay ko na rin yung laptop ko.
+++
Tatlong araw na rin yung lumipas at medyo gamay ko na yung trabaho ko, akala ko okay lahat ng ginagawa ko pero ng lumabas si Sir Benj sa opisina niya, galit na galit niyang tinawag yung pangalan ko.
“IN. MY. OFFICE. NOW!”
Sa sobrang gulat ko sa pagsigaw niya saken, natakot ako. Kinakabahan ako kung ano yung nagawa ko.
Pagpasok ko sa opisina niya, ramdam ko pa rin yung galit niya. Galit na galit talaga.
“Anong ginagawa mo?!” sigaw niya. Aba Kahit galit eh gwapo pa rin pero nakakatakot siya.
“Po?”
“Mag paprocess ka lang ng documents, hindi mo pa sinave. Isasave mo lang! You have one job, Ethan!”
“Sir, sinave ko po….”
“Well, apparently, not! Dahil sa kapalpakan mo, malaki ang nawala saten!”
Natahimik ako, tungkol sa pera kasi yung pinapatrabaho saken ni Sir Benj at alam kong konting pagkakamali lang, mali na lahat. Kaya ingat na ingat ako at ginagawa kong mabuti ang lahat.
“Tignan mo! Tignan mong mabuti yung nawala saten!!” hinarap niya yung laptop saken. Sinilip ko naman kung magkano.
Shit! $200,000!!!!!
“See? Paano natin mahahabol ngayon yan! May mag checheck sakeng mga business partner at kapag ’yan nakita nila siguradong hindi ko na makukuha yung promotion ko!”
Hindi ako makasagot at halata talaga na galit na galit siya.
“Aayusin ko po….”
“Aayusin?! Paano?! Magtatanghali na! Paano mo pa maaayos ’yan?!”
“Mamadaliin ko po.”
“Umalis ka na sa harapan ko, naaalibadbaran ako sa’yo!”
Natameme lang ako nung mga oras na ’yon.
“Alis na!!” sigaw niya pa uli.
Bumalik na ako sa table ko. Wala namang sinabi yung lahat at nagmadali na akong magtrabaho uli, medyo napapaluha ako pero pinipigilan ko at this time, inalalayan ako ni Laura.
++
Alasingko na at nagsisipaglabasan na silang lahat pero kalahati pa lang din nagagawa ko. Minamadali ko na.
Alasais na at ako na lang yung tao, medyo madilim na rin sa labas. Iniisip ko pa lang kung matutuloy yung meeting ni Sir Benj eh bigla na silang pumasok.
Akala ko sa ibang kwarto sila mag memeeting pero dun pala sila sa meeting room namen. Hindi ako pinansin ni Sir Benj kahit nakita niya ako na mag isa don.
Maya maya, lumabas si Sir Benj at nag abot saken ng credit card.
“This is the worst day of my life, please, buy some food for my guests. Wala na akong mautusan!”
Okay, biglang nagbago yung mood niya at naaawa na ako sa kanya kaya pumayag ako. Bayad ko na rin sa nagawa kong kasalanan.
“Good, kahit yellowcab or any food na makita mo sa labas okay? I don’t care kung mahal, basta I want it ASAP!”
“Yes Sir Benj” kaya nagmadali ako para bumaba. Sakto pasara na yung elevator, sinigawan ko yung nasa loob ng sandali! At bumukas naman uli ’yon.
“Salamat po” sabi ko habang hingal na hingal.
“Bakit parang nagmamadali ka?” sht. Ang hot ng boses at medyo familiar, tinignan ko kung sino yun at shet! Yung anak ng boss! Si Sir Jack!
“Ay, sir! Ahm. Sorry po….”
“No no no, you don’t have to hehe.”
Fvck, yung smile niya nakakainlove! Tagos puso at kaluluwa pati brief!
“Nagmamadali lang po, I need to buy food for our guests”
“Mag aalasyete na ha? May nag memeeting pa rin?”
“Yes po, kay Sir Benj.”
“Oh, si Benjamin boss mo hehe. That’s good”
“Magkakilala po kayo?” ay shet, ang chismoso ko sa part na ’yon. Buti na lang bumukas na yung elevator at nasa ground floor na, nagmadali na akong lumabas at bumili ng pagkain.
Pagka akyat ko uli sa meeting room, narinig kong sinisigawan si Sir Benj at para siyang kawawang tuta na walang magawa.
Papasok sana ako pero natatakot din ako. Bigla ko naman narinig yung sinabi niya.
“I take full responsibility for the mistake that my employee has made.” fvck, siguro yung nagawa ko yung tinutukoy niya.
Dalawang matandang lalaki yung ka meeting ni Sir Benj ngayon. Mga nasa early 40’s.
“You should be!! I’m very disappointed, Benjamin. I expect more from you!”
Kasalanan ko ’to kung bakit napapagalitan si Sir Benj. Ewan ko ba, bigla akong naglakas ng loob na pumasok sa loob.
“Sir, actually, it’s my fault” shet, ano yang ginagawa mo Ethan, umalis ka na, sabi ko sa sarili ko pero may something saken na gusto ko iligtas kahit papano si Sir Benj.
“Ethan…. Labas na…” bulong ni Sir.
“I’m new here at pagkakamali ko po lahat. Wala pong kinalaman si Sir Benj.” sabi ko pa.
“Benjamin, ano ’to? Paawa mo para patawarin ka namen?” sabi nung isa.
Bago pa makasagot si Sir Benj, eh may tumawag sa isang lalaki at sinagot niya muna ’yon.
Save by the bell.
“What the hell are you doing, Ethan?!” pabulong na sigaw ni Sir Benj.
“Sorry, naguguilty lang ako sir”
“Pwes, ’di ko kailangan ng guilty mo. Leave this room now!”
“Sir, no. Eexplain ko lang sakanila yung nangyari, then aalis na ako.”
“Don’t you know how important this project to me?! Kung talagang gusto mong makatulong, leave!now!”
Medyo tagaktagak pa rin yung pawis ko dahil sa pagmamadali.
“Okay sir.” sabi ko.
“And for christ sake, mag punas ka ng pawis mo, nakakadiri mukha kang dugyot!” nagulat naman ako ng bigla niya akong punasan gamit ang mabango niyang panyo!
Oh sht. Anong nangyayari, pwede naman ako na lang.
“Sige na, labas ka na. Kaya ko na ’to!” sabi pa niya saken.
From supladong boss, to galit na galit na boss, to nagpapaawang boss at ngayon naman, sweet na boss.
Palabas na sana ako ng pinto ng napansin namen na nakangiti yung dalawang ka meeting ni Sir Benj sameng dalawa.
“Naalala ko tuloy nung college days natin, ganyan na ganyan ka saken!” sabi nung isang lalaki sa kasama niya.
“Hehe, tigilan mo ko babe.”
BABE?!!! WTF! Bakla yung mga ka meeting ni Sir Benj?!
Mukhang nagulat din si Sir Benj sa nakita niya.
“Uhm…. Mr. Herrera????” tanong ni Sir Benj.
“Yes? Sorry if nawala pagka professional namen it’s just that, nakakatuwa lang talaga makakita ng same sex couple sa work!” sabi ni Mr. Herrera.
Medyo speechless ako sa mga nakikita at naririnig ko. Kahit na si Sir Benj, walang masabi.
“Gaano na kayo katagal na dalawa? I’m assuming you two are a couple right?” tanong pa samen.
“Uhm, Mr. Herrera….” sabi ko.
“Nonsense, just call me Miggy.”
Okay, awkward.
“Uhm… Sir Miggy…. Herrera…” nauutal ako, hindi ko alam isasagot.
“Bago lang po kami hehe, kaka celebrate lang namen ng 6th month namen yesterday” si Sir Benj nagsalita.
WTF!!! Ano ’tong sinasabi ni Sir Benjamin.
“Sweet sweet!! So kaya nagkamali mali ka ng gawa dahil nag celebrate pa kayong dalawa?!” tanong saken nung isa.
“Ahhh… Hindi naman po Mr. Herrera…”
“Stop with the Mr. Herrera, call us Miggy and Cielo!”
Speechless talaga ako.
“Please, hindi naman kami nagmamadaling dalawa. Pwede nameng iextend yung deadline mo, Benjamin”
“Really sir?”
“Yes, just make sure na kasama mo si Ethan…. Ethan right?…. Kasama mo si Ethan sa presentation mo and I want it 100% ready okay?”
Umakbay naman saken si Sir Benj.
“Narinig mo honey?” sabi niya saken. Shet! Ang hot ng pagkakasabi niya ng honey!
Kinurot niya ako sa pwetan ko na kinagulat ko. Nagtawanan naman si Sir Miggy at Cielo sameng dalawa.
“Ohhhh…. I guess, we’re done now!” sabi nila sabay tayo.
“I’m really sorry for the inconvenience sir! Hindi na po mauulit” paliwanag ni Sir Benjamin.
“Don’t worry about it. Just please, promise me, sa next na pagkikita natin okay na ang lahat” sabi ni Sir Miggy.
“Yes sir, I’m sorry again”
“And stay happy and inlove, both of you okay?”
“We will sir, hehe” sabay kurot ni Sir Benj sa pisngi ko.
Hinatid na namen silang dalawa sa baba hanggang sa makasakay.
+++
“Sir!!!! Anong nangyari?!” tanong ko sakanya pagbalik namen sa taas.
“Shhhh…. It’s your fault!”
“What?! Ako pa sir?!”
“Ang sabi ko umalis ka na diba pero may pa drama drama ka pang magpapaliwanag ka blah blah blah!”
“Well, sino ba nagpunas ng pawis ko?!pwede mo naman akong abutan ng panyo at ako na lang gumawa?!”
“Kadiri kasi itsura mo, di ko na kinaya!”
Hindi ako makapaniwala sa nangyari!
“Please Ethan….” nagbago siya kaagad. Biglang bait. Agad agad!
“Ano po bang ginagawa niyo Sir Benj?”
“I don’t know. All I know is that I need you to pretend to be my boyfriend!”
Boyfriend? Si Sir Benj?! Oo okay na okay! Pero yung pretend? Mukhang mahirap!
“Wala kang gagawin, kapag nandito lang sila Mr. Herrera eh saka lang tayo magpapanggap!”
Hindi pa rin ako nagsasalita.
“Don’t worry, I’m straight. Hindi kita gagalawin or what, we’ll just pretend! Okay?”
“Pero….”
“Please Ethan, kasalanan mo naman in the first place kaya please pumayag ka na. At isa pa, wala tayong pagsasabihan, sateng dalawa lang ’to!”
Nagmamakaawa yung mga mata niya at naaawa naman ako. Hello, ang gwapo. Tinitignan ako sa mata, tagos sa puso at kaluluwa.
“Hays…. Sige po sir” sagot ko sakanya.
++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!
Part 4
“Bes, anong inaarte arte mo diyan?! Pucha kung ako pa nasa kalagayan mo hindi na ako mag iinarte!”
Nag iinuman kaming dalawa ni Jaycee sa Morato. Mahilig kasi kami mag inom sa mga ’di pa namen napupuntahan.
“Syempre boss ko ’yon!” sabi ko.
“Ang arte mo! Magpapanggap lang naman kayo eh!”
“Eh paano kung may mainlove?”
“Gaga! Straight ’yon! Straight! May girlfriend nga sabi mo di’ba? Ikaw lang may possibility na mainlove!”
“Ayun nga eh! Paano kung ako mainlove?!”
“Hindi ’yan! Ako ang guide mo!”
“Bakit ba gustong gusto mong ituloy ko ’to?”
“Makinig ka bes, bibigyan kita ng mga dahilan. Una, kasi yummy siya. Yung mga ganyang pagkakataon, hindi na hinihindian ’yan!
Pangalawa, magkakaroon tayo ng access sa mga friends niya! Hello, kung ganyan itsura mo edi di malayong ganyan din itsura ng mga kinakaibigan niya.
Pangatlo, wala kang magagawa, boss mo siya!“
Sa tatlong sinabi niya, yung pangatlo ang totoo. Wala akong magagawa talaga kasi boss ko siya.
“Hay nako bes, pwede ka naman mag resign kaso hello, 1 week ka pa lang? Ang pangit sa record nun!” paalala pa ni Jaycee.
“Wala akong balak mag resign!”
“Edi ituloy mo na! Shet, nakaka excite!”
“Parang may binabalak ka talaga bes!!” sabi ko.
“Gaga, gusto ko lang makalimutan mo na si Bill!”
“Bill pa rin?! Naka move on na ako bes! Tantanan mo na ako diyan sa Bill na ’yan!”
Hala siya, biglang pumasok sa isip ko lahat ng memories ko with Bill. 3 years din kaming dalawa kaso in the end narealize niya kasi na babae ang gusto niya. Hinanda ko naman sarili ko sa mga ganung pangyayari kaso syempre nalungkot din ako ng sobra.
“Oh di’ba, apektado ka pa! Tigilan mo ko bes! It’s about time para maghanap ka na ng iba! Go have fun! Hindi yung palagi na lang ako yung dine date mo!”
“Ayaw mo ba?!”
“Syempre gusto! Libre mo palagi eh!”
“Haha leche!”
Habang nagtatawanan kaming dalawa ni Jaycee, may lumapit na waiter samen at naglapag ng sisig sa lamesa namen.
“Uhm… Hindi po kami nag order?” sabi ko.
“Pinapabigay po sir nung mga nasa table na ’yon!” sabay turo nung waiter sa lalaking dalawa na nakasuot ng white tshirt. Kilala ko ’to eh!
Sila Sir Miggy at Cielo.
Umalis na yung waiter.
“Bes, sila ’yon! Yung kailangan ni Sir Benj para mapromote! Sila ’yon!” sabi ko kay Jaycee.
“O.M.G, paano ’to? Baka isipin niya na may something sateng dalawa!”
“Teka, lalapitan ko sila! Mamaya mapahamak pa si Sir Benj!”
Tumayo ako at nag hi sakanila.
“Bakit ikaw lang mag isa?” tanong ni sir Miggy.
Ngayon ko lang napansin na bagay na bagay silang dalawa. Talagang relationship goals sila at mukhang matagal na silang nagsasama!
“Hala, myloves, ’wag mo ng tanungin mamaya magkaaway lang sila!” sabi ni sir Cielo.
Ang cute naman ng tawagan nila, myloves!!!
“Sorry, Ethan. Dito na kayo ng kaibigan mo. Samahan niyo kami!”
“Ahhh. Hindi na po, nakakahiya.”
“Sige sige, enjoy kayong dalawa ng kaibigan mo” sabi niya pa.
Bumalik na ako kay Jaycee.
“Anong sabi bes?”
“Pinapaupo tayo dun kaso sabi ko ’wag na.”
“Aba dapat lang, dapat umalis na tayo rito at mamaya isipin pa nun mag jowa tayo! Nakakadiri!”
“Tama! Pero maya maya konti, baka isipin nila aalis tayo kasi nalaman natin na nandito sila!”
“Ay tama ka diyan bes, mga 5 minutes tapos kunwari may tatawag saken tapos lalabas ako tapos babalik ako tapos yayayain kitang umuwi tapos kakaway ka sakanila na pauwi ka na! Ganun ha?” sabi pa ni Jaycee.
“Mukhang sanay na sanay ka sa mga ganitong scenario ah?!”
“Oo, kapag may blind dates ako eh ganun ginagawa ko haha!”
Kaya ganun na nga yung plano. Kinain na muna namen yung sisig na binigay samen. Pero may tumatawag saken bigla.
Si Sir Benj.
“Never akong tinawagan neto!” sabi ko.
“Pwes, tinawagan ka na niya. Sagutin mo, mamaya importante!”
Tumayo muna ako at lumabas para tahimik lang.
“Magkasama kayo nila Mr. Herrera sa isang bar?!” ayan ang bungad ni Sir Benj saken.
“Paano mo nalaman?”
“Magkausap kami ngayon ngayon lang. Ang sabi may kasama ka raw lalaki! Jusko naman nakalimutan mo bang nagpapanggap tayong dalawa?”
“Aba sir, pasensiya na….”
“Where are you?”
Sht.
“Po?”
“Nasaang bar kayo, pupuntahan ko kayo!”
“Paalis na rin kami sir.”
“Nonsense, pupuntahan kita. Mamaya isipin pa nun pinapabayaan kita!”
What? Sinabi niya talaga ’yon?
“Ethan James Aguilar nasaan ka?!”
“Ahhh… Nasa morato po”
“Malaki ang morato!”
Ano ba ’tong boss ko. Nakakagulat! Sinabi ko kung saan ako eksakto.
“Stay there. I’m on my way naman na, I’ll be there in…. 15minutes, ’Wag kang aalis hanggat di ako nakakarating!”
“Pero sir…” busy na. Pinutol na niya yung tawag!
Pumasok ako sa loob at nakita ko sila Sir Miggy at Cielo na naglalandian. May binubulong si Sir Cielo tapos tumatawa naman si Sir Miggy, tapos nakita ko pang hinalikan ni Sir Cielo si Miggy sa pisngi.
Yung kaba ko, napalitan ng ngiti.
May forever at patunay sila Sir Miggy at Cielo dun.
“Bes, focus! Pupunta boss mo dito? Si suplado?!” tanong ni Jaycee.
“Oo, 15minutes daw nandito na siya!”
“Ay shet!” bigla siyang tumayo bitbit gamit niya.
“Bes, ’Wag mo kong iwan!”
“Gaga bes, mag reretouch lang ako!”
“Ay.”
“Darating si suplado dapat fresh. Diyan ka na muna!” biglang nag CR si Jaycee at naiwan ako dun.
Sumilip ako sakanilang dalawa sa likod, mukhang wala pa rin silang balak na umalis. At 5mins na nung makalipas nung tumawag si Sir Benj.
Sa sobrang kaba ko, napainom ako ng beer. Hindi pa naman ako pala inom pero naiistress ako!
++
Nakaayos na si Jaycee, nagpalit pa ng damit ang loko!
Tapos maya maya, may humawak sa braso ko at pagtingala ko, si Sir Benj na!
“Don’t act surprise. Halikan mo ko sa cheeks ko ngayon na!” sabi niya.
“Po?”
Ang ingay sa bar pero narinig ko siya.
“Tumayo ka. Yakapin mo ko tapos halikan mo ko sa pisngi ko.”
“Sir…”
“Please, Ethan!”
Yung expression ni Jaycee mukhang naiinggit na natatawa samen.
Tumayo na nga ako at niyakap ko siya. Nakita ko naman na nakangiti sila Sir Miggy at Cielo samen tapos hinalikan ko siya sa pisngi.
Nagkaharap yung mukha nameng dalawa sabay ngumiti siya saken at nagpasalamat.
“Umorder na ba kayong dalawa?” tanong ni Sir Benj.
“Yes Sir Benjamin, umiinom ka ba?” fvck, si Jaycee pa sumagot.
“Is he your real partner?” tanong ni Sir Benj saken.
“Ay no sir. No, a big NO. N.O NO! we’re just buddies, you know, bff.” sagot ni Jaycee.
“Well, sana ganyan pa rin tingin nila Sir Miggy at Cielo!”
Hindi talaga ako pinagsasalita ni Jaycee.
“Don’t worry sir, I’m like a fake phone!”
“Fake phone?”
“Yeah, dual sim sa fake phone, dual identity naman saken. I can be straight if you want or gay ocassionally pero your pick, ano pong gusto niyo?” tanong niya.
Fvxk, ano ba ’tong pinagsasasabi ni Jaycee kay Sir Benj?!
“I want you to act normal!”
“But I’m abnormal sir!”
“What?!”
“Uhm, sir…. I don’t wanna interrupt our beautiful discussion pero tumayo po yung boss niyo at mukhang palapit dito saten!” sabi ni Jaycee. Siya kasi nakakakita ng pwesto nilang dalawa samantalang kami eh nakatalikod.
“Okay, you!….” sabay turo kay Jaycee. “…act straight! And you, Ethan, act as my honey!” bigla niya akong inakbayan at nagsimulang tumawa pero alam kong peke lang ’yon.
Bigla naman akong hinawakan sa buhok ni Sir Benj at sinimulan niyang masaihin ’yon.
“Hey hey hey!!” biglang sabi nila Sir Miggy at Cielo sa likuran.
“Hey, Sir!” tumayo naman si Sir Benj at nakipagkamay sakanila. Tumayo rin ako at nagulat ako ng hawakan ni Sir Benj kamay ko.
Fvck, ang lambot!
“Akala tuloy namen magkaaway kayong dalawa!” sabi ni Sir Miggy.
Fvck, chismoso rin pala ’tong dalawang ’to.
“Konting tampuhan lang po, pero hindi ko matitiis ’tong honey ko!” sabay kurot sa pwetan ko ni Sir Benj.
Nagtawanan naman silang tatlo.
“Sana kanina ka pa dumating, Benjamin para nakapag inom pa tayo!” magkaakbay si Sir Cielo at Miggy habang kinakausap kami.
Bigla naman akong hinawakan ni Sir Benj sa bewang ko at dinikit niya sakanya. Fvck, ano ba ’to sir Benj! Stop please! Sobrang nadadala ako!
“Oh, tara sir! Shot muna tayo!” sabi ni Sir Benj.
“No, uuwi na kami at medyo tinamaan na kaming dalawa hehe.”
“Sayang naman sir,”
“Well, if you want, i-arrange natin yung proper dinner at pwede mo na rin isama yung proposal mo sa work, if you want!”
Napahigpit yung hawak ni Sir Benj saken.
“Ofcourse, sir! Gusto namen ’yan!”
“Good! Uhm…. Friday night, nextweek?”
“Friday night sounds good”
“Okay. So mauna na kami, enjoy your night both of you!”
“We will sir, eto pang honey kong ’to. Every moment with him is really worth it” tumingin siya saken ng nakangiti at talagang nakangiti. Alam ko kasi yung pekeng ngiti sa hindi.
Masaya talaga siya ngayon.
“Haha, mas masaya rin kung sa private!” sabi ni sir Cielo.
“Oh yes, Sir! Sobrang saya talaga!” sabay palo sa pwetan ko.
“Haha, okay. Aalis na talaga kami! Bye!” paalam nilang dalawa at naiwan naman kaming tatlo ’don. Hinintay lang namen na makaalis yung sasakyan nila hanggang sa bitawan na ako ni Sir Benj.
“Pwede ka naman ng friday night di’ba?”
From ‘super sweet fake boyfriend’ to ‘suplado’ real quick.
“I don’t know sir….”
“Good, then friday night ako na ka date mo! That’s a week from now, buy new clothes okay? Color black or blue, kahit ano sa dalawa. Inform mo ko kasi balak ko parehas tayo ng kulay!”
“Sir Benj?”
“Please, Ethan. Just call me Benjamin pag sa labas ng office.”
“Uhm, Benj?”
“If this is about our setup, please just go with it, ayokong sabihin na ‘babayaran kita sa gagawin natin’ kasi mamaya ma offend ka, pero if kailangan, gagawin ko pumayag ka lang!”
Hindi ko talaga mawari ugali ng lalaking ’to.
At for a moment, habang magkatinginan kaming dalawa, parang nakita ko na kailangang kailangan niya ako. Yung tipong kapag humindi ako sa gusto niya, madidisappoint siya.
“Sige sir, in one condition” sabi ko.
“Anything”
“Kayo magbayad ng bibilhin kong damit.” sabi ko.
Ngumiti naman siya at pumayag.
“Good.” sabi ko.
“So, I’m your Super hot fake boyfriend?” tanong niya sabay ngiti, natawa rin siya sa sinabi niya eh.
“Fake boyfriend lang”
“Don’t you think I’m hot?” lumapit siya ng tingin saken na parang inaakit ako.
From ‘suplado’ to ‘seductive’ real quick!
“Uhm…. ’Wag niyo po sanang abusuhin yung pagkakaroon ko ng attraction sa mga lalaki” sabi ko.
“Ahahaha I’m sorry.” tumawa lang siya at uminom ng beer. Yung hindi pa namen naiinuman ni Jaycee.
“Kailangan ko ng assurance. Ano, Ethan?”
“Pwede po bang mag ask kayo ng formal?” tanong ko.
“Are you serious?”
“Joke lang sir!”
Pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Dalawang kamay. Tinignan niya ako sa mata.
“Can I be your fake boyfriend, Ethan?” sabi niya.
Bakit kasi fake lang?!
“Yes, Sir Benj.”
“Don’t call me Sir Benj, I’m your honey now!”
Hindi na lang ako sumagot dun at umoo na lang ako. Maya maya, umalis na si Sir Benj at naiwan na lang kaming dalawa ni Jaycee ’don.
“Ang ganda mo bes!” sabi niya saken.
“Ewan ko sa’yo!
“Goodluck lang. Sana hindi ka mainlove, mukhang magaling manloko yung mga ganung tipo eh!” sabi ni Jaycee.
Totoo, mukhang ganun yung tipo ni Sir Benj eh.,
“Don’t worry bes, Hindi ako maiinlove” sabi ko pa sabay inom ng alak.
+++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
Part 5
VOTE AND COMMENTS GUYS! :)
Read my story: Greg’s Diary! :)
++++
Lasing na lasing ako na umuwi sa bahay. Asusual, hindi naman nagtaka si mama pero yung kapatid kong si Butchok ang umalalay saken.
“Si Kuya lasing na naman!”
“Maka ‘nanaman’ ka naman diyan akala mo palagi akong umiinom!”
“Joke lang kuya, kailan mo ba ako ililibre?”
“Kapag sumahod na ako, wala pa diba, kakasimula ko pa lang magtrabaho”
12 years old na kasi tong si Butchok. Nathaniel true name niya pero ganun lang palayaw niya. At isa pa, mahal na mahal ko ’tong kapatid kong ’to.
“Sine kuya ha?!”
“Oo! Hehe!”
“Yay! Gagawan kita ng mainit na tsokolate bago ka matulog!” sabi niya pa.
Pwede ko namang utusan si manang kaso nag insist na rin siya.
Yung kotse ko, graduation gift saken ni mama. Actually, sakanya ’yon. Ayun na lang binigay niya saken, kaya naman maayos yung buhay namen at may pera kami dahil na rin sa business ni mama.
Si papa, hindi ko na inalam kung anong nangyari sakanya. Lumaki naman akong nakakasama ko si papa kaso nung nagkamuwang na ako, parang mali na magkahiwalay sila ni mama.
Hindi ko naman alam yung storya at wala na rin akong balak alamin, ewan ko ba, nasanay na ako at paano na lang kung hindi niya ako tanggap edi mas malaking problema.
Okay na ako sa set up ng buhay ko ngayon.
++
Walang pasok naman sa weekend kaya nanuod lang ako ng Big Bang Theory magdamag sa kwarto ko. May date naman si Jaycee at nagsabi ako kina mama na ’Wag kumatok sa kwarto dahil busy ako.
Ang sarap lang ng panunuod ko ng tumawag si Sir Benj saken.
Shet. Ano naman kayang kailangan neto.
“Hello, Sir.”
“Are you busy?”
“Uhm, nanunuod lang po ng Big Bang Theory”
“Screw that, meet me here sa Starbucks sa BGC in an hour. We’ll talk about my proposal to them”
Fvck, bakit damay naman ako?!
“Sir, off natin ngayon at saka tinatamad po ako eh”
“You’ll get paid. OT Pay pa ’to kasi weekend at treat ko don’t worry. Hindi rin tayo magtatagal dalawa”
Hindi ako sumagot, gusto ko ng ibaba yung tawag at manuod na lang kaso….
“Honeyyyy…. Samahan mo ko rito” naging mapang akit naman yung boses niya at alam kong nanttrip na naman ’to.
“Sir, hindi mo na kailangang mag ganyan!”
“Hehe, just kidding. So, see you?”
“Yes sir. Benj,”
“Uh uh, I’m your honey right?”
“Okay, bye.” binaba ko na yung tawag.
Pucha, bawal kang kiligin Ethan. Hindi ka kinikilig, ang tawag diyan…. Kunwaring kilig. Tama! Kunwaring kilig lang.
Since fake boyfriend mo siya ibig sabihin, fake kilig lang ’yan. Tama tama.
Nag asikaso na kaagad ako at pumunta sa meeting place namen. Nakita ko siya sa loob nakaharap sa laptop niya at mukhang busy.
Nung makita ko siya, naalala ko yung hinalikan ko siya sa pisngi at siya pa nag utos. Pwede ko naman gawin ngayon kaso walang dahilan, wala naman yung pinag tataguan namen.
“Thanks!” sabi niya.
“Basta bayad ’tong araw na ’to, wala tayong problemang dalawa!”
“Haha don’t worry.”
“Ano ba ipapakita mo saken?”
“Well, as you can see, maliit lang yung department natin at sila Sir Miggy at Cielo, hmmm let’s say na big time sila. Marami silang properties at shares sa iba’t ibang company at kapag nakuha natin yung pirma nila na mag invest saten, malaking bagay ’yon para saken at lalo na saken.”
“Hmm, okay. Pero paano naman ako? I mean, I’m part of the plan naman di’ba? Dapat may extra pay ako” sabi ko. Pero hindi ko alam kung bakit ko nasabi ’yon!
“Hmmm I see. How about, kapag nakuha natin sila Mr. Herrera, bibigyan kita ng P100,000?”
What the fuck! 100,000?!
“Seryoso?”
“Yes. I mean, for helping me do my job.”
“Wow, ’di ko ineexpect ’yun”
“Expect the unexpected nga diba? So is it a deal?”
“Ofcourse it’s a deal!” sabi ko pa.
Naglabas naman siya ng papel at inabot saken.
“Ano ’to?”
“Contract! Na I will give you 100,000 kapag nagawa mo yung trabaho mo”
“Naka ready na kaagad?”
“Ofcourse, ganyan ako ka handa!”
Hindi ko na binasa at pinirmahan ko na kaagad.
“Well, let’s start! Tell me about yourself” sabi niya.
“Po?”
“I mean, if we wanna be “in a relationship”, atleast tell me something about you.“
Shet, serious mode na naman siya at mukhang papakinggan niya talaga lahat ng sasabihin ko.
“Are you a virgin?” tanong niya.
“Seriously sir?”
“Yes”
Syempre in reality, hindi na pero parang ang awkward sabihin.
“Pwede bang sabihin ko na lang favorites ko bago tayo dumating sa sex topic?” tanong ko.
Ngumiti siya ng kaunti at umoo.
“Una, hindi ako umiinom ng kape kaya lugi ako dito sa starbucks.” sabi ko.
“Why didn’t you say so? Let’s order desserts?”
“Yes! Gusto ko ng desserts”
“Good. How about movies?”
“Any movies, ’wag lang horror!”
“Ahh, weak!”
“Napapanaginipan ko kasi Benj!” wow, nakayanan kong tawagin siyang Benj lang! Mukhang wala lang din sakanya.
“Okay I understand, how about past relationship…s?”
“Ang daya, dapat ikaw muna!” sabi ko.
“I’m your boss, and I demand you to tell me first!”
“Well, I’m your fake boyfriend and without me, hindi matutuloy ang proposal mo sa friday!” sabi ko.
“Touchè”
Nice, nanalo ako sa labanan namen.
“First, I like coffee…. No, I love coffee. Coffee is life, I like desserts also, sino ba naman kasing hindi diba?”
“Tama na yung tungkol diyan, yung tungkol naman sa relationship mo hehe”
Natawa rin siya sa sinabi ko.
“Una, never pa akong nainlove sa same sex or never pa akong nagka partner ng same sex.”
Straight na straight. Mukhang lugi talaga ako dito kasi mukhang ako lang ang maiinlove.
“I like sex.” aniya.
Kahit wala akong kinakain eh bigla akong naubo.
“What? Don’t act virgin, Ethan.”
“I’m not acting one, nagulat lang ako.”
“What? Do I look like a virgin saint to you? Well, hindi naman maitatanggi sa angelic face ko right?”
Fvck, mahangin. Mahangin alert pero fvck uli, bagay na bagay naman sa kanya!
“So, do you like sex?” tanong niya saken.
Sakto naman nun kumain ako ng cake at nung naubo ako, may kaunting tumalsik sa table.
“Ew” sabi niya.
“Sorry.”
“Answer my question, do you like sex?” shet naman akala ko yung pag ubo ko ng cake eh titigil na siya sa tanong na ’to.
“Ofcourse sir, pero mas prefer ko sa taong mahal ko”
“Wow. That’s…. Odd.”
“Odd?”
“Well, don’t get me wrong, marami kasi akong kilala na gay na, you know… Maraming booking.”
“Hey!!!”
“Sorry… Akala ko ganon na hehe, you’re the living proof.”
Bakit ganon, ang inosente ng mukha niya ngayong kausap ko siya. At kahit ang bilis mag bago ng moods niya, hindi nawawala yung isang bagay sa mukha niya, ang kagwapuhan niya.
“Sir, I have a question”
“Shoot.”
“Nung inaccept niyo yung FR ko, nakita kong in a relationship ka….”
“Don’t worry, I’m single now.”
“What?!”
“I broke up with her.”
“Dahil sa akin?”
Fvck, bakit ganon naman yung pagkakasabi ko, feeling ko tuloy ang ganda ganda ko.
“Well, technically, yes. But I told, I needed this deal so bad!”
“To the point na makikipaghiwalay ka sa girlfriend mo?”
“Okay, Ethan. That’s too personal”
Wow! Kung maka tanong sa sex life ko gora siya pero kapag sa lovelife niya, ‘too personal’ na?!
“Sorry sir” sabi ko.
“Well, let’s do this some other time”
Mukhang nawalan sa mood si sir at tumutok na uli siya sa laptop niya.
Ang hirap naman sabayan ng mood netong taong ’to.
’Di ko tuloy alam kung aalis na ako or what.
“Do you need anything else?” sabi niya.
Fvck, seryoso siya?!
“No, sir” sabi ko sabay tayo.
“Oh, Ethan”
“Oh?” nawala bigla yung pag po sa kanya, sobrang nakakainis kasi.
“Umakyat ka sa office, mag time in ka para maprocess ko OT Pay mo ngayon”
“Okay”
“Thank you”
ARGH! Ano bang ugali meron ka, Benjamin?!
Sa sobrang inis ko, umakyat ako sa office ng kinakausap ko sarili ko. Sayang din naman yung OT Pay, pang gas ko rin ’yon.
“Akala mo naman gwapo. Ay oo, gwapo pala. Hot pa, ang sarap pa. Pero hindi ’yon ang point! Ang moody niya, pero anong magagawa ko? Boss ko siya!”
“Well, sana hindi ako ang tinutukoy mong boss” biglang may nagsalita sa likod ko at pag lingon ko nakita ko si….
“Sir Jack”
Pasakay ako ’non sa elevator at sakto pagbukas, walang tao. Wala rin kaming kasabay.
“I remember you!” bigla niyang sabi pagpasok namen sa elevator.
“Po?”
“Ikaw yung nasa department ni Benjamin, right?”
Naalala niya ako! Shet! Okay pa ’to si Sir Jack eh, dreamy boy din ang peg. Naiimagine ko tuloy yung na google namen ni Jaycee na picture niya na nakahubad siya.
Yung mala pandesal na abs tapos naka posing sa stage. Shet. Grabe sir Jack!
“Uhm, anong floor ka?” sabi niya bigla. Hindi ko napansin masyado kaming malapit sa isa’t isa.
“Ahh…. Sorry. 12 sir”
Shet, siya pa yung pumindot! Nakakahiya.
“Alam ko, walang pasok yung department ni Benjamin ng saturday eh.”
“Pinapasok niya po ako”
“Ikaw lang? Well, dapat ma count yan as OT pay!”
“Kaya nga po ako pupunta ng office para na rin ’don”
“Hehe good”
Shet, yung smile niya na parang mabubuntis ka na! Pucha ang gwapo! Ang ganda ng ngiti, ang laki ng smile at sobrang… Argh!!!!
“Well, this is my floor now, see you around….. Ano nga ulit name mo?”
“Ethan po”
“Ethanpo? Well, see you around Ethanpo”
“No no, just….” pero nakababa na siya at mukhang nagmamadali. Nakakainis naman, pero shet. Tinanong niya pangalan ko!
12th floor. Pagbaba ko ng elevator at papunta na ako ng office, bigla namang may sumigaw saken.
“Sir, naiwan niyo po sa elevator!” sabi nung janitor saken sabay abot ng bag.
“Ahh, hindi saken ’to kuya”
“Eh kayo lang naman po sakay nung elevator”
Hindi akin ’to, baka kay Sir Jack.
“Ahh sige, salamat!” sabi ko na lang kay Kuya.
Inuna ko muna yung pag asikaso sa pag time in ko saka ako bumaba sa 8th floor para ihatid ’to kay Sir Jack.
Hinanap ko sa iba’t ibang kwarto si Sir Jack kaso hindi ko siya makita. May mga saradong kwarto naman pero baka may meeting kaya hindi na ako kumatok.
Isosoli ko na lang sana sa ibaba ’tong gamit ni Sir. Pero pag bukas ng elevator, nandun si Sir Jack at mukhang hinihingal.
Napatingin siya sa hawak kong bag at dali dali niya itong tinignan.
“Sainyo po ata ’yan, naiwan niyo sa elevator kanina” sabi ko.
“I’m so stupid! Thank you Ethanpo, I’m sorry, I’m in a hurry.” di ko na naman naexplain yung pangalan ko sakanya at umalis na siya kaagad.
+++
Pagkauwi ko naman ng bahay, dumiretso kaagad ako sa kwarto ko at nagkulong. Kahit sandali lang ako sa office, parang ang dami na kaagad na nangyari.
Nag check ako ng facebook ko at may FR! Pagkatingin ko kung sino, shet!!!!
Jack Zachary Salvatierra.
Si Sir Jack!!!!
Walang pag aalinlangan. Confirm kaagad!! Shet, ano ba ’to! Bakit niya ako inadd?! Tumatayo tuloy lahat ng balahibo ko!
Shet. Shet. Shet.
Oras na para mang stalk!
Pero bago ko mabuksan photos niya, may nag pop up na message saken.
“Hi, Ethan! Ang stupid ko sa ‘Ethanpo’ kanina hehe. I would like to thank you sa pagkuha ng bag ko kanina! Sobrang kabado ako nung naiwan ko ’yon. I got your number kay Benj, hope you don’t mind. And also, I would like to treat you for dinner, pasasalamat if that’s okay with you. Thanks also for accepting my FR, - Jack.”
DOUBLE SHET!!! TRIPLE QUADRUPLE!!! TINEXT AKO NI SIR JACK!!!!!
rereplayan ko sana siya ng “Sir, patikim po!” pero hello, syempre ’di ko ginawa.
“Oh, no prob sir. Dinner? Sure! 😊”
Putek, sinend ko kaagad! Ang landi ng emoji ko!!
Kaso hindi siya nagreply. Parang 1min na nakalipas, hindi pa rin siya nagrereply. Ni hindi siya nagtatype.
Fvck, nakakahiya yung emoji. Yung emoji talaga yung may kasalanan eh!
Pero, biglang may nagmessage.
“Nice. See you. 😊”
NAG EMOJI RIN SIYA!!!!! shet. Bakit ako kinikilig! No, no no. Tignan mo yung picture, lalaking lalaki. Abs kung abs. Hindi ’yan bi. Pero bakit ako tinetext? Inadd pa ako sa FB, may ganun bang straight?
Rereplayan ko sana kaso parang not replayable yung message niya.
Nag type ako ng “I love you!”, gusto ko lang iscreen shot para painggitin kay Jaycee kaso mali ako ng napindot.
Tapos napindot ko pa yung send.
Okay.
I’m dead now.
+++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!
😊
Part 6
Read my story: Greg’s Diary! :)
+++++
Halos mamatay ako, hindi naman siguro literal pero kabadong kabado ako.
Ay shet, nagtatype siya.
Shet. Baka ang sabihin niya. “You’re fired” o kaya, “seriously?” fvck.
Kasalanan ’to ng kalandian ko eh!
Typing….
Typing….
Jusko, ang tagal naman mag type netong lalaking ’to!
“😊 Goodnight”
….
….
Ayun na ’yon? Goodnight with emoji? Ano ba ’yon?! Bakit nawala yung kaba ko at napalitan ng kilig?! Shet.
Ang sarap sa feeling ng ma goodnightzoned ka!
Tinantanan ko na lang yung phone ko mamaya kung ano pa yung masabi ko kay Sir Jack pero shet, bakit hindi man lang siya nagalit?
Pinagpaliban ko na lang muna lahat ng naiisip ko at saka nagpahinga.
+++
Hindi ko alam kung paano ako papasok ngayon. Pangalawang linggo ko pa lang sa trabaho pero may dalawang lalaki na kaagad na nalilink saken.
Ewan ko, siguro eto ang epekto ng taong iniwan at nasaktan. May darating sa’yo na mas yummy at dalawa pa!
Pagka dating ko sa parking lot, sumilip muna ako baka mamaya makita ko si Sir Benj o kaya si Sir Jack. Mukhang wala naman sila kaya nagmadali akong pumasok at nag elevator.
Shhhh… Buti na lang maraming tao at kung magkakasabay man kami, siguradong hindi ako maiilang.
Pagkaakyat ko ng office, may nakita akong note sa computer ko.
“In my office @ 10AM. - Sir Benj”
Hindi ko alam kung may nakakita na ng note na ’yon pero bakit hindi na lang kaya niya ako tinext? Pwede naman ’yon?
So nagsimula na uli ako sa work. Process ng papers, ng due dates at konting browse ng articles and news.
Biglang may nag pop up na message sa computer ko.
“Chismis guys!!!!”
“Ano ’yon?”
Parang groupchat na nakalink sameng lahat. Sunod sunod yung messages ng ’ano ‘yon?’
“Single na uli si Sir. Benj!”
“Ano namang bago ’don?”
“Pang 7 na niya yan ngayong taon pa lang at nasa kalahati pa lang tayo ng taon”
“Ganun talaga, mayaman at gwapo. Pero mabait naman ’yan si Sir Benj, galante pa.”
“May bago naman ba?”
“Apparently, nahuli daw siya sa Starbucks nung sabado eh. Ano naman ginagawa niya ng weekends, right?”
“Ibig sabihin nasa office rin or nearby lang?”
“I thought hindi siya nakikipag date sa katrabaho niya?”
“Well, nagbago na siya”
Parang mas masaya pa basahin yung chismis ng mga ’to. Pero kung sisilipin mo silang lahat, para silang busy sa pagtatrabaho.
Sumenyas naman si Laura saken.
“Nababasa mo?” sabi niya.
“Oo, issue hehe”
Akala ko naman nawala na yung chismisan sa school, na eextend din pala ’yon kapag nagtatrabaho ka na.
10AM, unang break. Pumunta ako kaagad sa office ni Sir Benj at asusual, ang gwapo gwapo niya sa suot niyang long sleeve at neck tie. Samahan mo pa ng hapit na pantalon niya na lumalabas yung korte ng pwet niya.
“Ethan!”
“Sir!”
“Bakit ka nandito?”
Hala siya.
“Naglagay po kayo ng note, sabi niyo pumunta ako sainyo ng 10AM”
“Sinabi ko ba ’yon? Ay oo! About pala kay Jack. Apparently, magkakilala kayong dalawa.”
“Hindi naman, dito lang din po kami nagkakilala”
“I see… Binigay ko pala number mo sakanya if you don’t mind”
Shet, nauna yung favor bago mag mind.
“Not at all sir”
“I see, I think you like him”
“What?!”
“Masyadong defensive. Nagbibiro lang naman ako”
“Ayun lang po ba ang pakay niyo? Kakain po kasi ako”sabi ko na lang. Medyo nakakainis din mag biro ’tong lalaking ’to eh.
“Ohh…” inabutan niya ako ng pagkain na nakalagay sa styro, tocino at kanin yung nakalagay ’don.
“Para sa akin po ba yan?”
“That’s the stupidiest question I’ve ever heard. Ofcourse sa’yo yan!”
Calculating the ugali of Mr. Sir Suplado….. Error not found.
“Hurry, matatapos na yung 15min break mo”
’Di ko alam kung kukunin ko pa yung pagkain pero wala naman akong nagawa. Libre na rin ’to.
Bago pa ako makalabas, tinawag niya ako uli.
“Pumunta ka uli rito ng lunch break mo. May pag uusapan tayo” aniya, at bago ako makasagot, sinagot niya yung cellphone niya sabay talikod saken.
Hindi ko talaga mawari pag iisip ng taong ’to pero at the same time, natutuwa ako kasi binigyan niya ako ng pagkain.
++
Ayoko na sanang maalala yung nakaraan kaso binigyan ako ni Laura ng mainit na chocolate na may stick O. Palagi kasing binibigay saken ni Bill ’to noon.
“Ayaw mo, Ethan?” tanong ni Laura.
“Ahh… Hindi… May naalala lang ako”
“Oh. Boyfriend? Hehe”
“Nope, ex.”
“Ahh. Sorry Ethan. Akina, kunin ko na”
“Hindi, ayos lang talaga hehe.”
“Sure ka? Pero teka, bakit ka pala binigyan ni Sir Benj ng pagkain? Ang daya.”
“Hehe utang lang niya. May pinagawa kasi siya saken”
Ang hirap naman itago yung relasyon namen ni Sir Benj. Ay, yung pekeng relasyon pala.
Maya maya, biglang may pumasok sa department namen at sa tindig at lakad at korte pa lang, alam ko na kung sino siya.
Si Sir Jack.
Wala siyang sabi sabi, pinagtinginan lang siya nung mga babae sa department pati na rin si Laura pero dumiretso siya sa office ni Sir Benj.
May nag pop up na naman na message sa group chat.
“Mukhang lagot si Sir Benj ha!”
“Haha bihira ko lang makita si Sir Jack sa department.”
“Well, baka naman sumisipsip haha alam mo na, tropa tropa haha”
“Hindi naman sila tropa! Remember yung issue nila ng agawan sa isang babae?”
“Shet, issue lang yun be, malay mo naman hindi totoo! At kung sino man yung babaeng ’yon, ang ganda nun. Sir Benjamin na, Sir Jack pa.”
Iba rin yung chismisan nilang lahat eh, naintriga rin tuloy ako sa nabasa ko tungkol doon. Totoo kayang naging magkaribal si Sir Jack at Sir Benj sa isang babae?
Matagal si Sir Jack sa loob ng office ni Sir Benj hanggang sa inabot sila ng lunch break.
Paalis na sana ako ng tawagin ako ni Sir Benj sa opisina niya.
“Lagot ka na naman, Ethan!” asar saken ng mga katrabaho ko. Pero hindi ko pinansin at dumiretso ako doon.
Nakita ko si Sir Jack na nakaupo habang nakatingin sa may bintana samantalang si Sir Benj naman eh nakatayo habang nakatingin din sa bintana.
“Uy, textmate!” bati ni Sir Jack nung nakita niya ako.
Shet, textmate talaga?
Naalala ko na naman tuloy yung I love you na na wrong send ko. Nakakainis.
“Let’s go, Ethan. Aalis tayo” sabi naman ni Sir Benj.
“Hala, saan tayo pupunta sir?”
“Bibili ng damit mo. Tara na, isang oras lang breaktime. Don’t worry, my treat!”
“Sa tagal nating magkaibigan, never mo pa akong tinreat” singit naman ni Sir Jack. Fvck, dalawang gwapo at yummy na boss ko, nag uusap! Iba tuloy tumatakbo sa imahinasyon ko.
Nakahubad sila pareho tapos inaakit ako.
Pero dali dali kong inalis sa isipan ko ’yon.
“You literally have a company, Zachary, and also, I work for you!”
“That’s not an excuse. I’m still your friend”
“Yeah. Pero mas ma pera ka!”
Parang kahit walang kwenta pag usapan nilang dalawa, okay lang kasi dalang dala sila ng kagwapuhan nila. Yung boses nila na pumapasok sa tenga ko at tagos sa buong pagkatao ko!
“Ethan! Let’s go!” sabi pa ni Sir Benj. Nagpaalam na ako kay Sir Jack pero bago ako makalabas, kinindatan niya ako sabay talikod.
At katulad kagabi, I think I’m gonna die.
+++
White, pink, lavander, blue longsleeves binili namen pati na rin slacks at shoes. Lahat bago at lahat branded.
“Kailangan ba talaga may tatak?”
“Company naman may sagot niya so okay lang”
Kumakain kami ngayon ni Sir Benj sa Mozu, malapit lang sa office ’yon.
“Sir Benj, matagal na kayo magkakilala ni Sir Jack?”
“Hmm.. Una, chismoso ka. Pangalawa, oo yung sagot sa tanong mo”
Natahimik ako sa sinabi niya. Nakakainis, ang lakas mambara ng taong ’to.
“Magkatext kayo kagabi?” bigla namang tanong ni Sir Benj.
“Hmmm.. Una, chismoso ka. Pangalawa, oo ang sagot ko sa tanong mo” sagot ko naman. Gumanti lang ako sa sinabi niya.
“Well, sa tingin ko close na tayo kasi nagaganyan mo na ako”
“Hindi pa ba? Diba I’m your fake boyfriend?” sabi ko sabay pa beautiful eyes sakanya. Akala ko maiinis siya pero nagulat ako ng ngumiti siya saken.
“You have a beautiful eyes though,”
Fvck. Nagbibiro lang naman ako sakanya pero pinapakilig na niya ako.
“Hmm… Anong pinag usapan niyo ni Zachary sa text? And don’t answer me with the same answer you’ve just said!”
Bakit naman biglang naging interesado sa pagiging textmate ko kay Sir Jack ’tong isang ’to.
“Wala lang… Nagpasalamat lang siya saken”
“Wala ng iba? Patingin ng cellphone mo”
“Cellphone? That’s private!”
“Boyfriend mo ko diba?”
Kumalma ka Ethan. Hindi totoo ’yan. Peke lang at mukhang sinasadya niya na mainlove ako para mas effective yung pagpapanggap namen.
“Honey, give me your phone!” sabi pa niya.
Honey pa! Feeling ko nag init ako at namumula ngayon.
“Nasa office yung phone ko!”
“Okay, patingin na lang ako mamaya”
“Ayoko”
“Wala kang magagawa”
“Akala mo lang”
“Akala mo lang din na akala mo na may magagawa ka”
Bakit ang cute niya makipagtalo ngayon? Bakit? Parang ang sarap sunggaban ng halik ’tong si Sir Jack.
“Bilisan mo na lang kumain at aakyat na tayo. Late na tayo ng 30 mins so bilisan mo”
Pagcheck ko ng oras, oo nga. Lagpas alauna na!
Ang bilis talaga ng oras kapag nageenjoy ka.
Kahit naman suplado ’tong isang ’to eh, sobra akong nag enjoy sa ginawa namen.
++
Parang ang dami kong gustong ikwento kay Jaycee kaya nagtext ako sakanya na magkita kami after ng shift ko.
Katabi ko lang yung phone ko sa table ko ng biglang may nagtext, akala ko tuloy si Jaycee pero nagulat ako ng makita ko yung pangalan ni Sir Jack!
“Hi textmate 😊”
Okay! May emoji na naman yung text niya.
Sumilip muna ako sa paligid bago ako nagreply. Hindi ko naman namalayan na nakangiti ako.
“Hi 😊”
“Kumusta yung lakad niyo ni Llander?”
Ang kulit lang ng tawag nila sa isa’t isa, yung second names nila.
“Okay naman, nakabili na kami ng damit”
“Magpasalamat ka saken!😀”
“Hala! Ikaw ba bumili? 😱”
“Technically, pera ng company so, ako nga nagpabili haha!”
“Hehe loko.”
“Loko loko nga ako eh, kaya siguro ako iniiwan 😢😢😢😢😢😢😢😢”
HUMUGOT SIYA!!!!AT TAKE NOTE, SI SIR JACK ’TONG KATEXT KO!!
“Hala, humuhugot😂”
“Hehe joke lang!”
Okay, nawalan ako ng irereply, ano bang maganda? Kumain ka na? Ano fave music mo? Jusko! Gusto ko pa siya katext pero hindi ko mareplyan yung text niya!
“Anong ginagawa mo?” agad naman siyang nagreply.
Pigil na pigil yung ngiti ko sa office dahil kay Sir Jack!
“Nagtatrabaho. Ikaw?”
“Nagtatrabaho ka habang nagtetext? Gusto mo ng memo?’😋”
“Except ata kapag boss yung katext mo”
“Haha. Sabagay, well, I hope you’re busog na”
Kinukumusta pa niya ako!!! Nakakainis talaga sa kilig!!
Pero bigla namang nagtext si Sir Benj saken.
“Ethan”
“Po?”
“I can see you through my window na nagtetext ka lang! Baka gusto mo ng memo? Magtrabaho ka diyan. ’Wag kang lumandi at taken ka pansamantala!”
Tumingin ako sa office ni sir Benj at nakasilip nga siya pero nawala na rin siya nung tumingin ako doon.
Nagpaalam muna ako kay Sir Jack at bumalik na ako sa trabaho ko.
+++++++
Light muna yung story ha? Baka ’di niyo kayanin kapag nasa drama na hahahhajoke!
VOTE AND COMMENTS ANG INSPIRASYON NG AUTHORS SA PAGSUSULAT, ’WAG NIYO NA IPAGKAIT SAMEN. HAHA TADTARIN NIYO KAMI NG VOTES!! LOL
Part 7
Read my story: Greg’s Diary! :)
+++
Pumunta si Jaycee sa Mozu, malapit sa office at dun kami nag inuman. Chill chill lang kasi sa lugar na ’yon.
“Kanina pala bes, may katagpo ako.” bungad ni Jaycee.
“Oh, anong nangyari?”
“Bortang borta sa picture tapos mas malambot pa saken sa personal. Mapanlinlang na talaga mga bakla ngayon!”
“Haha paano mo naman nalaman? Kilos barbie ba?”
“Ken sa picture. Barbie sa personal. May pilantik.”
“Grabe ka naman bes, ikaw din naman may pilantik ah?”
“Pero ’di ako mapagpanggap. Inaamin ko sa kausap ko pero siya, top daw tapos ang kapal ng foundation. Jusko.”
Tawang tawa talaga ako sa pakikipag usap ko kay Jaycee. Feeling ko ang tagal nameng di nakapag usap dahil sa ilang araw din akong “busy”.
“Anong balita sa pagpapanggap niyo bes?” tanong bigla ni Jaycee.
“Okay naman kami ni honey”
“Honey?! Hahaha ang landi ng honey!”
“Well, ganun daw itawag ko sakanya kapag magpapanggap kaming dalawa eh”
“Inlove ka na ba?”
“Gaga, inlove kaagad?”
“Jusko, sa ganung itsura bes, posibleng mainlove ka!”
“Infatuation lang siguro sa ngayon kasi ang hot hot kaya ni Sir Benj, tapos ang dreamy. Super duper hot talaga! Parang ’di ko kakayaning makita siyang shirtless, baka mahimatay ako!”
“Haha, oh di’ba, goodluck sa’yo!”
“Sana lang talaga hindi ako mainlove sa kanya.”
“Pero kidding aside bes, ready ka na ba sa bagong relasyon? I mean, seriously, lagpas isang taon na nung maghiwalay kayo ni Bill at kahit isang lalaki o babae wala kang pinansin”
Natahimik ako. Ayoko na kasing maalala yung nakaraan ko kay Bill.
Parang pinagtagpo lang kami pero hindi kami yung para sa isa’t isa.
Yung nararamdaman mong siya na pero hindi pa pala.
Yung akala mo makakasama mo habang buhay pero hindi pala.
“Siguro nag fflashback ka ng memories niyo ngayong dalawa kaya ka natahimik”
“Bes, tigilan mo na mo na yang kay Bill!”
“Joke lang bes, okay, back to our hotties, so paano si Sir Jak? May pag text pa kayong dalawa right?”
Nabanggit ko rin kasi sa kanya yung tungkol doon.
“Basta sa ngayon, ang gusto ko lang, magtrabaho, tapos magkapera! Ayun lang, ginagawa ko lang din yung deal namen ni Sir Benj dahil sa 100,000. Tapos, si Sir Jak naman, siguradong wala lang ’yon sakanya, yung pagtext namen. Natuwa lang ’yon dahil na wrong send ako ng I love you sakanya”
“Bes, hindi wrong send ’yon!”
“Either way, natutuwa lang saken ’yon. Kaya ’wag mo kong bigyan ng pag asa kasi aasa talaga ako!”
“Haha, oo nga bes, ayokong umaasa ka eh haha”
“Good!”
+++
Kinaumagahan sa office, napansin kong wala sa mood si Sir Benj dahil na rin sa hindi niya kami pinansing lahat. Dire diretso lang siya sa opisina niya.
At nagsimula na naman ang chismisan sa chatbox.
“Badtrip ang boss natin!”
“Oo nga anong meron?”
“Hello, anong date ngayon?”
“July 8 mga be”
“Ohhh…. I see..”
Nacurious naman ako kung anong meron sa july 8 kaya nagtype ako sa chatbox kung anong meron ngayong araw, nakkatuwa lang sa chat na ’to eh hindi mo alam kung sino yung nagchachat.
Pero bago ko mabasa yung sagot eh lumabas si Sir Benj sa opisina niya at sinigaw pangalan ko.
“Ethan!”
Napatayo kaagad ako at kinakabahan.
“Sumunod ka!” sabi niya pa.
Wala naman akong kamalay malay sa gagawin namen pero sumunod ako sa kanya palabas ng department at papuntang elevator.
Kami lang ni Sir Benj sa loob.
May hiwaga din ’tong elevator na ’to eh. Palagi na lang sa tuwing kasabay ko si Sir Benj o Sir Jak eh solo namen yung elevator.
“Sir….” sabi ko.
“Hindi ka magsasalita hanggang sa sinabi ko”
Okay, back to supladong boss si Sir Benj ngayon.
Bumaba kami ng 6th floor at pumunta sa meeting room.
Medyo kinakabahan na ako kung bakit ako sinama rito ni Sir Benj pero mas nagulat naman ako na hawakan niya yung kamay ko.
Oo!! Holding hands talaga!!
Sa sandaling ’yon, bumilis tibok ng puso ko. Medyo natuwa naman ako sa ginawa niya.
Dahan dahan niyang nilapit mukha niya saken. Akala ko hahalikan na niya ako pero bumulong siya sa tenga ko.
“Nasa loob sila Sir Miggy at Cielo, okay? Alam mo na”
Yung boses niya, parang nang hihipnotismo! Napa oo niya kasi ako kaagad ng walang kalaban laban.
Binuksan niya yung pinto at hindi lang sila Sir Miggy at Cielo yung tao, may kasama silang dalawang babae na matanda na, at mukhang foreigner.
“Sila yung sinasabi namen mom” sabi ni Cielo.
Tumayo naman yung babae at nakipagkamay samen.
“Hi, I’m Samantha, and this is my girlfriend, Nicole”
Wow! Lesbian parents niya!! Tapos nasa gay relationship sila. Wow, nakakatuwa!
“Please, sit” sabi naman ni Mam Samantha.
Magkatabi kami ni Sir Benj, pero hindi niya pa rin tinatanggal yung pagkakahawak sa kamay ko.
“Good Day Maam, I’m Benjamin” pakilala ni Sir Benj. Mukhang kinakabahan naman siya dahil nanginginig yung hawak niya saken.
“I heard so much about you, well at first I really don’t like the idea of merging our family business to others but when Cielo here says that you were gay. Well, as you can see, we… I’m biased when our partner in the company comes from LGBT people.”
English. English, buti na lang prepared ako.
“Well, I’m sure proud of my honey here” sbi naman ni Sir Benj saken sabay tingin sa mga mata ko.
Ang ganda ganda ng mata niya sa malapitan! Sa sandaling ’yon parang naapektuhan ako sa tingin niya.
“Okay, so, you want us to invest in your company, right?”
“Yes maam.”
“Okay, I just want a proper presentation on friday!”
“Mom no.” si Sir Cielo yung sumagot “… I’ve scheduled a dinner with them on friday”
“Oh, how about let’s all have dinner? Elmer and Patrick would love that!”
“Daddy and Papa are on their vacation in Hawaii,”
“Tell them”
“Well, okay. Okay, okay lang ba sainyong dalawa?” tanong ni Sir Cielo.
“Ofcourse Sir” sagot ni Sir Benj.
Pero naguluhan ako sa sinabi niya. Daddy at papa, kaya tinanong ko siya tungkol ’don tapos pinisil ni Sir Benj yung kamay ko na parang sinasabi na ’bakit ka nagsalita? Sabi ko ‘wag kang magsasalita diba?’
“Haha, you’ll see. So, friday?” sabi ni Sir Cielo.
“Yes, Sir”
Si Mam Nicole naman nagsalita.
“We’ve had that business ever since then, and with this partnership, we’re expecting more from you okay”
“You’ll never regret this one, Maam”
“That’s good.”
Bigla naman silang tumayo at nakipagkamay.
Lumabas na silang apat at may inabot na folder si Sir Benj sakanila.
Hinatid namen sila sa elevator at pagsara ng pinto, bigla akong pinagalitan ni Sir Benj.
“What was that? Sabi ko ’wag kang magsasalita diba?”
Hala, galit talaga siya.
“Nacurious lang ako….”
“Well stop being so curious, curiousity kills!”
“Sorry sir.”
“Gosh, magpapanggap na lang hindi pa marunong sa instructions!”
“Sorry talaga sir….”
“Well, wala na. Iisipin na nila pakielamero tayo sa buhay nila!”
Galit talaga siya, dahil ’don sa ginawa ko.
“Binabayaran kita para sumunod sa sinasabi ko kaya sumunod ka!”
“K”
Naiinis na rin ako sakanya. Parang ang OA masyado ng reaksyon niya.
“What?!”
“Sabi ko, okay po”
“Sarcastic?!”
“Oo sarcastic, ang OA mo kasi!”
Shet, bakit ko sinigawan boss ko.
“OA? Ang sabi ko ’wag kang magsasalita diba? Simple lang naman yung instruction ko, are you really that stupid?!”
“Easy lang sir, una binabayaran niyo ako pero hindi naman kasama sa job description na inapllayan ko ang maging fake boyfriend niyo po, favor niyo na ’to saken at pumayag ako kasi nakiusap kayo. At kung dahil lang sa simpleng pagsalita ko kanina eh magiging ganyan na kayo, mabuti pang itigil na natin ’to!”
Hindi ko naman na hinintay yung sasabihin niya saken at naglakad na ko papuntang hagdan paakyat at bumalik sa office.
Umupo ako sa desk ko at napansin ko ring pumasok na si Sir Benj pero wala siyang imik at dumiretso lang sa office niya.
Pagkacheck ko sa computer ko, may mga chats pa rin pero konti lang kaya nag back read ako. Nakita ko yung tanong ko.
“Anong meron sa July 8?”
At dun ko nalaman yung dahilan
“Anniversarry dapat ni Sir Benj at nung ex fiancè niyang si Sophie”
+++++
Nag undertime si Sir Benj at umuwi na. Samantalang ako naman eh nag overtime. Ewan ko, feel ko kasi mag trabaho ngayon eh.
9PM na ako nagpasyang umuwi at sakto paglabas ko ng office, biglang tumawag si Sir Benj saken.
Ayoko pa sanang sagutin nung unang tawag pero tumawag uli eh.
“Bakit?” sagot ko.
“Hi, Good Evening po, pwede po bang pasundo netong lalaking ’to? Nanggugulo po kasi sa bar eh” mukhang hindi si Sir Benj yung kausap ko.
“Ahhh.. Sige po, saang bar po ba?”
Pagkasabi ’non eh nagmadali akong pumunta doon. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag eh pero papunta na ako.
Pagkarating ko doon, nakita ko si Sir Benj na nakaupo sa gilid ng kalsada. naka white long sleeves at slacks. Nakatungo at mukhang problemado.
Lumapit ako.
“Sir Benj?” sabi ko.
Tinignan niya ako at ngumiti.
“Honey!!!” lasing nga talaga siya.
“Sir, tara na po, ihahatid ko na kayo pauwi”
“No!! Samahan mo ko rito honey mag iinom pa tayong dalawa!”
Yumakap siya sken at pilit na tumatayo pero lasing na lasing talaga siya.
“Ethan! Tara samahan mo ko!!” sigaw nya pa.
Pero inaalalayan ko siya papunta sa kotse ko.
“Ano ba!! Ayoko pa sabing umuwi!” sigaw niya saken.
“Sir, lasing na kayo…”
“Ano ba! Magsasaya pa ako!! Anniversarry namen ng fiancè ko!”
Sa mga oras na ’yon, tumatawa na si Sir Benj pero alam kong naiiyak siya.
Medyo nanghina na rin siya at napaupo sa gilid ng kotse ko.
“Magcecelebrate ako Ethan, samahan mo ko” kalmado na boses niya at mukhag pagod na siya.
Medyo naaawa naman ako kay Sir Benj dahil dito. Parang wala siyang kalaban laban.
“Baka nagcecelebrate din siya kahit iniwan niya ako. Baka naaalala niya ako.”
Wala akong alam sa relasyon niya kaya hindi ako makasagot.
“Ethan, ikakasal na kaming dalawa eh. Alam mo ba ’yon?”
Hindi pa rin ako sumagot.
“Pero mas pinili niya yung career kesa saken. Ang sakit lang, Ethan”
Yumakap naman siya saken bigla at umiiyak.
“Sir, okay lang yan…”
“Hindi okay Ethan, ang sakit! Akala ko siya na! Handa na akong bumuo ng pamilya sa kanya pero hindi pa pala siya!”
Ganyan din sinabi ko kay Bill noon, pero iniwan niya rin ako.
“Naiintindihan ko kayo, Sir”
“Hindi mo ko maiintindihan kasi hindi ikaw ang iniwan!”
Hindi na ako nakipaglaban sakanya at umoo na lang ako.
Maya maya, tinayo ko na siya at pinapasok sa kotse ko. Mukhang gusto niya lang maglabas ng sama ng loob at feeling ko naman, gumaan ng kahit papano yung loob niya.
“Saan kayo nakatira Sir?”
“Hatid mo ko sa condo ko. Eto i waze mo na lang” inabot niya yung phone niya at dun ko nakita yung Sophie, sobrang ganda nga! Bagay na bagay silang dalawa.
Pero binuksan ko na yung Waze at tinuro na yung papunta sa condo ni Sir Benj.
Lasing na lasing ko siyang pinasok sa kwarto niya. Sobrang linis ng condo niya at simple lang, wala masyadong gamit.
Dumiretso ako sa kama at hiniga ko siya.
Lasing na lasing talaga siya.
“Ethann…” bulong niya.
“Po?”
“Salamat sa paghatid” sabi niya pero nakapikit pa rin siya.
Natuwa naman ako kasi ang bait niya pala kapag lasing.
“Okay lang Sir,” sabi ko.
“Yung phone ko?”
Inabot ko sakanya at mukhang may tinatawagan siya. Halata naman na pinipilit niya lang ibuka mata niya sa kalasingan.
Sinilip ko kung sino tatawagan niya at si Sophie yung dinadial niya!
Dali dali kong kinuha phone niya.
“Bakit?! Akinaaaaa phone ko!!!”
“Hindi, masasaktan ka lang!”
“Ano bang paki mo, Ethan?!”
“Fake boyfriend mo ko kaya ginagawa ko ’to!”
Hindi naman siya nakapagsalita. At mukhang nakatulog na siya.
Pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila niya ako sakanya. Napapatong tuloy ako sakanya.
“Sir!!!”
Wala ako sa pwesto kaya yung pagkakayakap niya saken, mahigpit at wala akong kalaban laban.
“Pwede ka bang maging si Sophie ngayong gabi?” sabi niya pa.
Shet! Ang bango ng hininga niya kahit lasing!
“Sir….”
Pero hindi ko natuloy sinasabi ko ng halikan niya ako sa labi ko.
Oo!!! Hinalikan niya ako. At hindi lang halik, torrid talaga!!
“Sir!!” sa gulat ko nasampal ko siya ng malakas.
“…. Araaaay.” hinawakan niya lang yung pisngi niya pero ako lumabas na ako ng condo niya at nagdrive pauwi.
++++++
PASENSIYA SA WRONG GRAMMAR HAHHAA
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!! HIHI
Part 8
Read my story: Greg’s Diary! :)
++++
Naiinis ako sa ginawa ni Sir Benj! Oo, yummy siya, hot siya pero ayoko lang talaga ng ganun. Hindi purkit ganito ako eh sa tingin niya kaya na niya akong makuha ng ganun ganun na lang.
Pero hindi ko rin naman matatanggi yung malambot niyang labi na dumikit sa mga labi ko.
Namiss ko bigla yung may kahalikan.
Pero mali pa rin! Mali talaga. Sobrang mali!
Nagmamadali akong umuwi non’ para makatulog na. Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip yung nangyari.
Aware naman si Sir na nandun ako pero hinalikan niya pa rin ako.
Argh! Ang dami tuloy tumatakbo sa isip ko ngayon.
++
Ang hirap harapin ng boss ko ngayon. Literal na nagtatago ako sa office dahil sa nangyari kagabi.
“Dito ka lang ba sa pantry maghapon, Ethan?” tanong ni Laura.
“Ah, hindi, nagtatago ako kay Sir Benj eh”
“Nako, lumabas ka na, hindi raw siya papasok”
“Oh? Bakit daw?”
“Hindi ko rin alam, sabi nila after daw ng July 8 eh hindi raw talaga siya pumapasok.”
“Ahhhh….”
Iba rin pala yung tama ni Sir Benj sa babaeng ’yon kaya naman lumabas na ako ng pantry at pumunta sa table ko,
Pero bwisit. Bwisit! Bwisit talaga! Nandun pala si Sir Benj!!
“Sorry, akala ko hindi siya papasok”sabi ni Laura saken.
Napansin naman ako ni Sir Benj pero dinaanan niya lang ako.
Matapos mo kong halikan kagabi, dadaan daanan mo lang ako! Purkit hindi lang ako lumaban ehh, ganyan ka na. Sabi ko na lang sa isip ko.
Pero again, bwisit! Mukhang narinig niya yung nasa isip ko
“Ethan, office, now!” sigaw niya galing sa opisina niya.
Patay na naman ako neto.
Pag dating ko sa office niya, hindi ko mawari kung anong ibig sabihin ng reaksyon niya.
“Kumain ka na?” tanong niya.
What? Bakit ako kinilig sa tanong niya? Shet. Epekto ba ’to ng halik niya kagabi at feeling ko yung pagka concern niya saken eh dahil may feelings na siya saken?
“Po?”
“Uulitin ko talaga? Kumain ka na ba?”
“Ahh… Opo, sa bahay”
“Ayaw mong umupo?”
Umupo ako pagkasabi niya non’. Hindi ko talaga mawari ugali neto pero ngayon, ang bait bait niya.
Inabot niya saken bigla yung wallet ko.
“Naiwan mo sa condo kagabi”
Hindi ko namalayan na wala na pala yung wallet ko kakaisip sa nangyari kagabi.
“Ah, salamat sir, akala ko nawala na” pagsinungaling ko na lang.
“No prob…” maya maya, may pumasok sa loob na nagdeliver ng pagkain. Umalis din kaagad yung lalaki.
“Halika, kain na tayo rito” yaya niya.
Shet. Ang bait niya talaga.
“Busog na po ako” pero hindi pa talaga. Isang alok pa, sasabayan na kita.
“Please, I insist”
“Okay sir” naupo ako at magkaharap kaming dalawa na kumakain.
Tahimik.
Nagpapakiramdaman.
Naririnig ko yung pagnguya ko.
Naririnig ko yung tunog ng orasan.
Ang awkward. Sobrang awkward.
“Ethan” bigla siyang nagsalita.
“Po?”
“Salamat pala kagabi”
“Ah, wala ’yon sir.”
“Pasensiya ka na, wala naman akong matawagan para sumundo saken eh.”
“Okay lang po Sir, mahina pala kayo uminom hehe”
“Loko, ayokong may makaalam ng tungkol sa kagabi ah?”
“Noted sir”
“Good.”
Nakangiti na kami pareho pero hindi pa rin niya inaacknowledge yung halik kagabi.
“Ang dugyot mo naman kumain!” okay, from concern boss to suplado boss real quick.
Pero kumuha siya ng tissue at pinunas sa labi ko.
Nakita ko na naman tuloy siya ng malapitan. Pucha, sobrang gwapo talaga ng boss ko! Nakakainis.
“Oh? Bakit ganyan ka na naman makatingin?”
“Ahh, wala po”
“Inaalala mo yung halik?”
Shet! Eto na!!
“Hindi po”
“Okay, sorry din about doon”
“Okay lang po”
“Mag sorry ka rin saken”
“Hala, bakit naman po? Ikaw kaya humalik!”
“Oo, ako nga, pero mag sorry ka kasi ang panget mo humalik! ’Di ka marunong!”
Aba aba ’tong lalaking ’to!
“Lasing po kayo, hindi ko po kayo itatake advantage”
“Reasonssssssss. You’re not a good kisser,”
Aba, sinusubukan ata ako neto.
“Baka kapag nasubukan niyo kung paano ako humalik eh hanap hanapin niyo”
“Really?” Bigla siyang nagbasa ng labi niya na parang hahalikan ako. “Try me then, now that I’m sober” pahabol niya pa.
Pero badtrip, biglang pumasok si Allen sa kwarto at nag abot ng folder. Lumabas din kaagad siya.
“If you’re done, go back to work” nawala na naman yung mapang akit kong boss at naging boss na lang siya.
Tumayo ako kaagad at lumabas pero may pahabol pa siyang sinabi saken.
“Let’s practice that kiss soon, okay?”
Hindi ko alam kung seryoso siya kasi nakangisi siya at mukhang nagbibiro.
+++
Sinalubong ako ni Butchok pag uwi ko. Ang paborito kong kapatid, well nag iisa lang naman siya kaya wala akong choice.
“Kuya, Kuya!” niyakap niya ako ng mahigpit.
“Oh, bakit parang ang sweet sweet mo ata ngayon?”
“Eh kasi Kuya may bago akong friend”
“Friend?!” hindi naman sa ayaw ko siyang magkaroon ng kaibigan, pero bawal kasi ’to lumabas ng bahay.
“Manang!!” sigaw ko. Alam kong tulog na si mama ngayon.
Dali dali namang lumapit si Manang.
“Bakit pinapalabas mo si Butchok? Diba sabi ko dito lang siya sa bahay?!”
Bago pa makasagot si Manang, sumingit na yung kapatid ko.
“Kuya, hindi naman ako naglaro sa labas. Nandiyan lang ako sa tapat ng bahay tapos nakipagkaibigan saken si Krisha, yung bata sa tabing bahay natin”
“Opo Kuya Ethan, hindi ko po pinalabas ng bahay kasi alam kong magagalit kayo kaya pinapunta ko na lang dito yung bata” sabi naman ni Manang.
Naguilty tuloy ako sa pag sigaw ko kay Manang kaya pinabalik ko na siya sa ginagawa niya.
“Kuya, ang saya pala ng may kalaro no’?”
“Bakit naghahanap ka pa ng iba? Eh nakikipaglaro naman ako sa’yo ah?”
“Eh kuya, busy ka na kasi sa work. Nabobored na ako eh, bawal naman ako magpapawis diba?”
“Bawal na bawal! Hindi pwede. Ayoko ng maospital ka!”
“Opo Kuya.”
Niyakap ko siya ng mahigpit at pinapunta ko siya sa kwarto ko saka kami naglaro ng PSP.
May sakit kasi sa puso si Butchok, bawal mapagod, bawal pag pawisan, bawal lahat. Nakakaawa lang din kasi bata pa lang siya tapos naeexperience na niya yung mga ganitong bagay.
Dito ko na rin siya pinatulog sa kwarto ko.
Mahal na Mahal ko ’tong kapatid kong ’to.
Patulog na sana ako ng biglang mag text si Sir Jack! Hindi ko alam kung bakit pero, oo!! Nagtext siya!
“Hi, textmate 😊”
Bakkt kinikilig talaga ako sakanya ng todo? Naiimagine ko pa lang yung itsura niya eh kinikilig na ako.
“Hello 😴😴”
Ang landi ng emoji ko.
“Ay, natutulog ka na ba?”
“Patulog pa lang po, Sir Jack”
“Oh, sige, well, goodnight 😊”
Bobo mo Ethan, bakit ganun sinabi mo!
“Sige po, 😊”
“Sige na, matulog ka na 😊”
“Opo, Sir 😊”
“Masyado ka namang formal, you can call me Jack or Zachary, or JZ hahaha 😂”
Hindi ko alam kung ano yung nakakatawa pero nakangiti lang ako sa text niya.
“Jack?”
“Yes! Ganyan nga. 😊”
“Okay, Jack 😊”
“Akala ko ba matutulog ka na?”
“Oo nga po, eto na”
“Goodnight uli, hehe paulit ulit na lang tayo 😊”
“Opo, sige, Goodnight na talaga Jack 😊”
“😜”
Shet, bakit ganyan naman mga emoji niya! Naglalabas ng dila! Gusto siguro ako neto ka torrid.
“😙😙😙😙” pero hindi ko siya sinend, iniisip ko kasi kung ano yung sasabihin ko.
“ Typing…. Ang haba naman ng sinusulat mo“ sabi niya
“Ay hindi po, hehe hindi ko po kasi alam sasabihin eh hehe”
“Kailan pala tayo magdidinner? 🍝🍗🍟🍔🍕🍖🍛”
“Ang daming pagkain naman niyan, Jack”
“Hehe, bubusugin kasi kita 😉”
Shet!!! May kindat yung emoji niya!!! Bakit naman ganito!!!
“Ehhh nakakahiya naman Sir,”
“Hala, ’wag ka ng mahiya saken. Di’ba, textmate nga? 😉”
No, ang sakit na ng panga ko sa sobrang kilig.
“Hehe, osige po. Kailan po ba?”
“Friday? Okay lang?”
“Oh, may lakad po kami ni Sir Benj”
“Si Benjamin o Ako? 😳😳”
Hala! Ang clingy niya masyado!!!!
“Importante kasi ’yon eh, business meeting”
“Oh, business meeting? Bakit parang hindi ko alam ’yon?”
Ay shet. Mukhang hindi siya aware sa ginagawa ni Sir Benj. Mukhang lagot na naman ako neto.
“Well, kung hindi ka pwede, Saturday night?”
“Saturday? Sige po 😊”
“Nice, so it’s a date?”
“Date kaagad?”
Nabigla ako sa sinend ko! Bakit ganun yung sinabi ko!!
“Oh, edi businesa meeting na lang. If you know what I mean 😉😉”
Ayoko na! Parang hindi ko na kaya na ganito.
“Sir, matutulog na po talaga ako hehe. Goodnight”
Hindi ko na binasa yung message niya kasi baka matemp pa akong imessage siya. Ayoko na, hindi ko naman alam motibo ni Sir Jack, hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang naging sweet ’yon.
Pero kahit ano pa ’yon, naaapektuhan ako sa ginagawa niya saken.
+++
Bago ako makapasok, nagulat ako ng makita kong gising na si Butchok at mukhang may inaabangan sa labas.
“Anong ginagawa mo diyan?”
“Inaabangan po si Krisha!”
“Nako ha, mamaya maging girlfriend mo na siya ha? Ka bata bata mo pa”
“Hala si Kuya, masyado pa akong bata diyan”
“Hehe, sinasabi ko lang. Oh, aalis na ako.”
“Sige Kuya, mag ingat ka!” sabi pa ni Butchok.
Pagkaalis ko may napansin akong bata na lumabas sa kabilang bahay at dumiretso sa bahay namen, mukhang siya nga si Krisha.
Pag dating ko sa office, sinalubong ako ng mga ka officemate ko at mukhang kinakabahan sila.
“Nako, lagot ka Ethan. Hinahanap ka ni Sir Benj!” bungad saken ni Kristine, isa kong kaofficemate.
“Bakit? Hindi naman ako late ah?”
“Magkausap sila ni Sir Jack sa office. Sumigaw siya kanina kung nandito ka na eh, sabi namen wala pa”
Shit, mukhang eto nga yung tungkol sa friday! Nakakainis.
“Pwede bang mag resign na ako?” biro ko.
“Haha, ano ba kasing ginawa mo?”
“Hindi ko rin alam ehh”
“Nako, puntahan mo na. Baka mas magalit pa ’yon kapag mamaya kapa magpakita”
Kumatok ako kaagad sa opisina niya at pagpasok ko, nakita ko rin si Sir Jack sa loob,
“Oh, nandito na pala siya!” sabi ni Sir Jack.
“Ethan, bakit mo sinabi yung tungkol sa dinner natin sa friday?”
“Well, technically, ikaw ang nagsabi Benjamin” sagot ni Sir Jack.
“Paano mo nalaman, diba sinabi ni Ethan sa’yo?”
“Tinanong kita kanina kung anong gagawin mo sa friday, tapos bigla kang nag react at nagalit kay Ethan. Tapos ngayon sinabi mo na may dinner kayo sa friday, kaya na confirm ko talaga. Hay nako Benjamin, ’wag masyadong magpakain sa stress” sagot ni Sir Jack.
Mukhang nainis si Sir Benj sa ginawa niya.
“Well, kung magkakaroon ka ng secret meeting ng hindi ko alam, go ahead. Basta makakabuti sa company, why not right?”
Hindi naman nakasagot si Sir Benj.
“Aalis na ako Benjamin. Ethan.” ang classy ni Sir Jack at ang yummy! Nginitian niya pa ako bago makalabas.
Hinahanda ko na yung tenga ko sa sermon ni Sir Benj pero wala siyang sinabing masama.
“Prepare on friday okay? Tuloy tayo.” mabait yung tono ng boses niya.
“Okay po Sir.”
“Nag breakfast ka na?”
Pangalawang araw na niyang tinanong ’to.
“Yes po”
“Okay, go back to work”
Hindi na ako sumagot at lumabas na ako.
Paglabas ko, nakatutok silang lahat. Lumapit naman si Allen saken at nakichismis.
“Totoo bang nagkabalikan si Sir Benj at Sophie?” tanong niya saken.
“Huh? Bakit ako naman tinatanong niyo?”
“Palagi kaya kayong magkasama ni Sir Benj!”
Shet, alam na nila na palagi kaming magkasama, siguradong napagchismisan na rin nila ’yon.
“Hindi ko alam, wala naman siyang nabanggit”
“Hmmm, eh bakit nandun si Sir Jack? Alam ko pinag agawan nila dati yan si Sophie eh. Napakaganda naman kasi talaga”
“Hindi ko alam, haha. Chismoso!”
“Haha, sige na akala ko may masasagap kaming chismis sa’yo!”
Natawa naman ako sa sinabi niya kaya bumalik na ako sa computer ko.
Chineck ko naman yung phone ko at may message si Sir Jack kagabi na hindi ko nabasa.
“Mamaya ka na matulog 😳😳”
“Well I guess you’re asleep now, Goodnight Ethan 😙”
YUNG EMOJI TALAGA NIYA YUNG NAGPAPANGITI SAKEN!
“Hey, hindi ko sinabi kay Benjamin na may sinabi ka saken, sana hindi mo sabihin 😊” text niya pa.
“Opo,😊”
“Oh, bakit ka nagtetext, magtrabaho ka diyan 😊😊😊😊” sabi niya pa.
“Eto na po hehe”
“Akyat ka later pag break mo, dito ka na mag lunch.”
Niyayaya niya ako maglunch kasama siya!
“Not so sure, Sir Jack”
“Oh, sad. Well, okay then”
Nakakainis nagpabebe pa kasi ako eh, ’yan tuloy.
Hindi na ako nagreply sakanya at nagtrabaho na ako.
++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!
Part 9
Read my story: Greg’s Diary! :)
++++
Medyo kinakabahan ako kasi bukas na yung dinner ko kay Sir Benj kasama sila Sir Miggy at Cielo. Pero mas kinakabahan ako sa bestfriend kong si Jaycee kasi mag aapply daw siya malapit sa company na pinapasukan ko.
“Hiring bes, kaya ako mag aapply kasi hiring sila” aniya saken. Sinasamahan ko pa kasi siya mamili ng damit sa SM Aura.
“Alam kong hiring, pero ready ka na ba?”
“If not now, when? If not tomorrow, when again?”
“Ano naman ’yan? Sino nagsabi n’yan?”
“Ako lang, pero bes, ’wag kang mag alala. Hindi ko habol mga cutie bosses mo! Maghahanap ako ng sarili kong boss!”
“Eh paano kapag walang cute ’don?”
“Edi resign! Jusko, ganun ganun kaagad!”
Hindi ko rin alam kung seryoso minsan ’tong bestfriend ko pero natatawa naman kasi ako sakanya eh, kaya umoo na lang ako.
“Oh, bes look. Bagay sa’yo ’to! Gwapo mo, very borta” inabot niya saken yung itim na long sleeves na fit saken.
“Marami akong ganyan, ikaw na lang bumili”
“Yayamanin ehhh, sige bes, wait, try ko lang ’tong mga ’to ah?” sabi niya sabay pasok sa fitting room.
Nagmuni muni muna ako doon at nagtingin tingin ng kung ano ano pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakakita ako ng kulay pink na TShirt, bigla ko na namang naalala si Bill.
Binilhan niya kasi ako ng pink na Tshirt, pero tinapon ko na ’yon nung naghiwalay kami, ayoko kasing magkaroon ng bagay na naaalala ko siya.
“Hay nako bes, hindi mo tuloy ako maaappreciate” sabi bigla ni Jaycee sa likod. Nakita niya siguro na nakatingin ako sa damit na ’yon.
“Pasensiya na bes, ang gwapo mo!” sabi ko habang suot yung damit.
“Tse, maganda ako!”
“Gwapo”
“Maganda, tigilan mo ko baka masampal kita ng hindi oras bes”
Tumawa ako sa kanya pero naalala ko na naman si Bill. Leche naman kasi yang Bill na ’yan eh!
Sana pwedeng idelete yung memories kasama yung taong gusto mong makalimutan, pero kailangan mong tanggapin ang lahat para na rin sa sarili mong kapakanan.
“Ang korny mo kasama mo today, bes!” sabi niya uli.
“Sorry na. Okay, I’m gonna clear my mind na muna” pinikit ko muna yung mata ko at nag isip ng magagandang bagay.
Si Butchok, naglalaro kaming dalawa. Magkatabi kaming matutulog. Okay, medyo gumagaan pakiramdam ko.
Biglang pumasok sa isip ko si Sir Benjamin, nakahubad siya sa isip ko. Naghuhubad sa harapan ko, yes Sir Benj, work it! Maghubad ka lang!
Pero biglang sumingit si Sir Jack sa isip ko at nagsimula rin siyang mag hubad. Sige, tignan natin kung kanino ako bibigay, sige lang Sir Benj at Sir Jack.
“Bes…” kalabit saken ni Jaycee.
“Wait, bes! Nagdedaydream pa ako!” sabi ko. Nakapikit pa rin ako at nag iimagine sakanilang dalawa.
“Bes!” medyo tinulak niya pa ako kaya nasubsob ako ng kaunti.
“Ano ba bes, naghuhubad na nga si Sir Jack sa isip ko eh! Masyado kang panira ng moment!”
Pero hindi sumagot si Jaycee, mukhang may tinitignan siya sa likuran ko.
Pag lingon ko naman, halos mapahiya ako ng sobra! Parang gusto ko na lang mawala sa mundo!
Nandun si Sir Jack!
Nakangiti siya saken at alam kong narinig niya yung sinabi ko.
“So? Nakahubad na ako sa isip mo?” tanong niya saken. Shet naman, bakit nakangiti ka Sir Jack? Bakit ka ganyan?!
“Ahh… Hindi po…..”
“Aw, sayang naman, willing naman ako eh”
Pvtakfoqofmclsp!!!! Sir Jack, ’Wag mo kong ngitian! Mamamatay na ako sa kilig at kahihiyan.
“Just kidding, I think you’re busy” sabi niya pa.
Ang hot din neto ni Sir Jack! Bakat na bakat yung abs at muscles sa fit na polo shirt niya! Tapos yung smile!! Yung smile talaga yung nagpapalakas ng appeal niya!
“Sinasamahan ko lang po….” bago matapos sinasabi ko, may lumapit naman kay Sir Benj na babae, super duper sexy at super duper ganda rin.
“Babe, may nakita akong damit there,” ang arte naman magsalita, pero bagay naman eh maganda kasi siya.
“Okay babe”
“Sino sila babe?”
“Oh, this is Ethan and his friend,” pakilala niya.
“Hi, I’m Laine” nakipagkamay siya samen ni Jaycee.
“Hi,” sagot ko.
Despite the fact na maarte siya magsalita, hindi naman siya yung tipo ng babae na nangmamata. Mukha naman siyang mabait kaso clingy lang, kung katulad ba naman kasi ni Sir Jack ang jowa mo eh baka hindi mo rin papakawalan ng tingin eh!
“Hey, Ethan. We’ll go ahead okay, I’ll text you later okay?” sabi niya.
Akala ko naman may chance na bi siya, pero hello, yung ganung lalaki imposible.
“Yes Sir” sabi ko.
Tinitigan niya lang ako ng seryoso.
“Yes, Jack” sabi ko.
“Good. Okay, see you then” paalam ni Sir Jack. Magkaholding hands pa sila ni Laine habang palayo.
Bumulong naman si Jaycee saken.
“Mukhang hindi seryoso si Sir Jack mo doon! Mukhang pang kama lang si girl”
“Ay grabe ka! Mukhang mabait naman!”
“Mukhang mabait ikama, mga ganung level”
“Tumigil ka bes,”
“Tumigil tumigil, pero deep inside hoping ka sa kanya di’ba? Magkatext tapos yun pala, straight huhu”
“Haha mapang asar ka rin eh ’no?”
“Hehe, hayaan mo na si Sir Jack, may Sir Benj pa oh! Dalawa naman ’yan eh.”
“Haha gaga!”
“Haha so okay ka na ah? Tara shopping galore pa tayo there” ginaya niya yung tono ni Laine nung sinabi niya ’yon. Natawa na lang ako at sumama sa kanya.
++++
Pagkauwi ko ng bahay, sinalubong ako ng kapatid kong si Butchok at agad akong hinilot pag upo ko sa sofa.
“Anong meron?” tanong ko.
“Wala naman kuya,”
“Sus, sige, aalis tayo sa sabado at sweldo naman na ’yon”
“Eeeeeh kuya, hindi ’yon”
“So ano nga? Sabi na kapag may ginagawa kang maganda eh may kapalit eh”
“Ehhh pwede po ba akong makitulog kina Krisha sa susunod na linggo?”
“Hala, bakit? Wala ka bang bahay?”
“Si kuya naman ehhhh…. Kasi po birthday niya at nagyayaya siya. Marami naman pong invited na friends dito sa subdivision ehh, sige na po please?”
“Diba bawal ka nga…”
“Hindi po ako magpapapagod promise, tapos po tatawag ako every 30mins para updated po kayo”
Ayoko talagang nawawala sa paningin si Butchok pero ayoko naman sa kanya ipagkait yung pagiging bata.
“Nagpaalam ka na ba kay mama?”
“Wala naman po si mama eh”
Nagsisimula na naman si mama sa hindi pag uwi, minsan hindi ko alam kung may ibang pamilya na siya eh pero tinatanggal ko sa isip ko yung mga ganung scenario.
“Okay pumapayag ako”
“Yehey!!!!”
“Oppss oppps, pero marami akong condition ah, gusto ko susunod ka sa lahat!”
“Opo kuya! Yehey!!” niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ginawa ko sa kanya. Gusto ko lang din naman maging masaya ’tong kapatid kong ’to.
Tumigil na si Butchok sa pag masahe saken at umakyat na ako sa kwarto ko. Pagka check ko ng phone ko, bumungad kaagad yung text saken ni Sir Jack.
“Hi, textmate 😊”
Parang nawala yung kilig ko sa kanya dahil nalaman kong may girlfriend pala siya. Hindi ko na lang siya nireplayan at binuksan ko rin yung message ni Sir Benj!
“Hoy, magbihis ka ng maayos. Bukas, boyfriend mo ko! May unlimited access ka saken, kiss hug kahit ano!”
Jusko naman ’tong boss kong ’to! Napaka moody talaga! Hindi ko mawari kung ano yung tunay niyang ugali!
“Yes, boss”
“Good! Magpabango ka rin!”
“Opo!”
“Okay, matulog ka na para fresh ka bukas”
“Opo”
“Ayan lang ba kaya mong ireply?”
“Hindi po, sige Sir, matutulog na ako” sabi ko.
“Aba, mamaya na, kausapin mo muna ako!”
Ano na namang problema netong lalaking ’to?!
“😴😴😴😴😴😴😴😴”
“😡😡😡😡😡😡”
“😋”
“Padila dila ka pa, hindi ka nga marunong humalik!”
Inopen na naman niya yung halik na ’yon! Bakit ba parang wala lang sa kanya ’yon? Nakakainis, pero sa’kin hiyang hiya akong pagusapan namen ’yon.
“😒😒😒”
“😂😂😂😂”
Walang katuturan yung pinaguusapan namen, pero napapangiti naman ako.
Nag paalam na talaga ako kay Sir Benj na matutulog na ako. Naririnig ko pang nagmemessage sa sa’kin pero hindi na ako nagrereply.
Pero nagulat ako ng bigla siyang tumawag sa’kin!
Sasagutin? Or what?
Hinayaan ko lang na maputol yung tawag pero tumatawag na naman siya! Jusko naman. Ano ba ’to!
“Hello” yung boses ko mukhang antok na antok.
“Hoy, bakit hindi ka na nagreply!”
Seryoso talaga siya na tumawag siya para tanungin ’yan?
“Matutulog na po ako,”
“Mamaya na!”
“Goodnight”
“Kumusta lakad niyo ng bestfriend mo kanina?”
“Okay naman po” tamad na tamad talaga ako makipag usap pero siya bigay todo.
“Alam mo ba kanina, nanunuod ako ng 50 First Dates sa office!”
“Ahhh talaga po?”
“Oo, sobrang ganda talaga nung palabas na ’yon no?”
Ano ba talaga problema neto?
“Opo”
“Hehe, tapos naalala ko si Sophie bigla, paborito niya kasi ’yon eh”
Sa moment na ’yon, nagbago bigla yung tono ng boses niya. May lungkot akong naramdaman nung sinabi niya ’yon.
Hindi ako nakapagsalita.
“Favorite part niya doon yung convo ni Adam Sandler at Drew Barrymore sa waffle house. Palagi siyang natatawa doon”
“Sir…”
“Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong iwan eh” naririnig ko ng umiiyak siya. Napabangon ako bigla.
“Umiiyak po kayo, Sir?”
“No, I’m okay, parang mababaliw lang ako kasi wala akong makausap.”
“Sige sir, sabihin niyo sa’kin lahat”
“Sus, gusto mo na ngang matulog eh!”
“Hehe, syempre akala ko nambibwisit ka lang eh”
“Pasensiya na kung ganon ako,”
Hindi naman ako nakasagot. At ganun din siya, parang hindi ko na alam sasabihin ko bigla.
“Bakit ganun no? Mas pinili niya yung career niya kaysa saken?” nagsisimula na naman siyang magdrama.
“Eh baka gusto niyang magkapantay kayong dalawa”
“Hindi naman dahilan ’yon, Ethan. Nag propose ako sa kanya, pumayag siya. Pero all of a sudden, nakakuha siya ng offer sa ibang bansa tapos iniwan niya ako”
“Atleast ikaw sir pinagpalit ka sa career, ako nga pinagpalit sa babae eh!”
“Oh?”
“Opo, ang hirap din kasi minsan kapag nasa same sex relationship ka, baka bigla na lang gustong magka pamilya yung partner mo tapos iiwan ka na lang din bigla.”
“Sorry, hindi ko alam Ethan. Eto siguro yung sinasabi mo sa’kin nung lasing ako na naiintindihan mo yung pinagdadaanan ko”
“Opo, bakit pa kasi nauso yung nangiiwan eh!”
“Haha tama ka Ethan, pero umaasa ka pa rin ba na magkakabalikan kayo ng boyfriend mo?”
Napaisip ako, umaasa ba ako? Siguro hindi, siguro rin oo.
“Oh, bakit nag isip ka ata bigla?” sabi niya pa
“Mahirap kasing magsalita ng tapos,”
“Hehe, tama ka uli! Alam mo may sensa ka rin palang kausap no?”
“Ikaw lang naman yung palaging moody sir,”
“Haha pasensiya na uli, malay mo pala tayong dalawa pala para sa huli di’ba?”
Shet!!!! Sinabi niya ba talaga ’yon?!
“Malay mo, destiny ’tong nagsasabi na magsimula tayo bilang mag fake partner tapos sa dulo maiinlove ka sa’kin, maiinlove ako sa’yo, oh di’ba?”
Hindi ako makapagsalita. Talagang sinasabi niya yung mga ganun!
“Haha joke lang Ethan, alam ko sa sarili ko na babae ang gusto ko pero gusto ko rin magpasalamat sa’yo, kasi pumayag ka sa gusto kong mangyari”
“Ano pong tinutukoy niyo?”
“Yung pumayag ka na magpanggap tayo”
“Oo nga sir, bakit po ba parang nakasalalay sa buhay niyo yung pag oo nila Sir Miggy at Cielo?”
“May company sila US, sobrang laki non, at kapag makuha natin yung market nila, mas lalaki yung sakop natin. Alam ko naman na same sex partner din yung anak ng may ari non, sakto naman na nandun ka sa office nun kaya ikaw yung napagdiskitahan ko!”
“Alam ko na ’yan sir, I mean, syempre may personal na dahilan ’yan. Kahit kay Sir Jack nga tinago mo ’yan eh, ibig sabihin may personal kang dahilan”
“Hehe, sige, tutal naman eh honey kita!” sabi niya pa.
“Haha sige po!”
“Si Zachary, si Sir Jack mo at ako eh bestfriends nung college. Parehas kami ng course and all, may friendly competition din sa amin pag dating sa grades pero hindi naman namen pinepersonal. Pero nung 3rdyear namen, parehas kaming may nililigawan. Hindi ko kilala yung nililigawan niya, surprise na lang daw kapag sila na.”
“So….”
“So, ayun, pinakilala niya sa’kin yung nililigawan niya at siya yung babaeng nambasted sa’kin! Hehe, dahil sa babae, kaya nagkaroon ng lamat sa amin ni Zachary”
“Ibig sabihin kaya niyo ’to ginagawa dahil gusto niyo…. Gumanti?”
“No no no, don’t take it that way. Parents ni Zachary may ari ng company natin pero syempre tumatak na sa isip ko na kailangan kong maging mas successful para makuha ko mga gusto ko. Kasi mas pinili nung babae sa Zachary dahil mas mayaman siya sa’kin”
“Gold digger!”
“Haha oo, naghiwalay din silang dalawa pero may something na eh… Parang may nawala.. Ganun yung naramdaman namen sa isa’t isa”
“Naiintindihan ko po”
“So ayun, ginagawa ko ’to para sa company, ginawa kasi kaagad akong manager ng parents ni Zachary eh, pang surprise lang sana ’to sakanila. At the same time, pang boost up sa sarili ko”
Mas naiintindihan ko na ngayon si Sir Benj. May ibang hugot din pala ’to. Gusto ko rin sana malaman about sa family niya kaso masyado na atang personal kaya hindi ko na tinanong.
Nagpatuloy lang yung kwentuhan nameng dalawa hanggang sa makatulog kaming dalawa.
Parang mas gumaan na yung pakiramdam ko kay Sir Benj matapos ng kwentuhan nameng dalawa.
++++++
Paalala lang, after ko mag update ng lima eh may pahingang dalawang araw haha parang teleserye, 5x a week lang haha!
VOTE AND COMMENTS!!!!!!!
Part 10
Read my story: Greg’s Diary! :)
+++++++
Matapos ng usapan namen ni Sir Benj, may kakaiba akong naramdaman na hindi ko mapaliwanag. Pero ang alam ko lang, gumaan lalo yung loob ko sa kanya.
Nag asikaso na akong mag ayos para pumasok at para na rin sa dinner namen.
Pagbaba ko sa sala ay nakita kong may kalarong babae si Butchok, napakagandang batang babae at mukha rin namang mabait.
“Kuya, kuya, si Krisha po!” pakilala ni Butchok saken.
Lumapit naman si Krisha at nagpakilala na para siyang isang prinsesa.
“Magandang Umaga po!”
“Wow, sobrang cute mo naman!” puri ko sakanya. Ang gandang bata kasi talaga.
“Maraming Salamat po!”
“Osige, dito lang kayo ah? ’Wag kayo masyadong magpapawis.”
“Opo, alam ko na po ’yon!” ang tatas din sumagot ni Krisha, nakakatuwang bata.
Binilinan ko na rin si manag na bantayan si Butchok. Hindi ko naman makita si mama kaya hindi ko na rin siya hinanap. At saka ako umalis papuntang opisina.
+++
Pagbabang pagbaba ko pa lang ng sasakyan, saktong pababa rin ng sasakyan niya si Sir Jack!
Magtatago sana ako pero nakita na niya ako! Kaso mukhang wala rin siya sa mood kaya dinaanan niya rin ako.
Shet, dahil ba hindi ako nakapagreply sa kanya? Parang imposible, hindi naman siguro ganon kalakas ang impact ko sa kanya.
Imbis na problemahin ko ’yon, pinroblema ko na lang sarili kong problema, at yun ay ang dinner namen mamaya.
Pag akyat ko sa office, nakasalubong ko na naman si Sir Jack na palabas ng kwarto namen. Ngayon, nakangiti na siya at parang maganda yung mood.
“Uy, bakit hindi ka nagtext kagabi?” tanong niya sa akin.
Ang gwapo talaga ni Sir Jack, may killer smile talaga na sobrang nakakainlove!
“Sorry, sir. Nakatulog ako.”
“Nakatulog? Eh na seen mo pa nga yung message ko”
Shet, wala naman akong kawala rito.
Buti na lang biglang dumating si Sir Benj at kinausap ako.
“Ready ka na later?” Wow! Yung aura ni Sir Benj ngayon parang nagbago na rin! Ang gwapo gwapo niya rin today at mukhang maganda ang gising niya.
“Ohhh, mamaya na pala yung ‘secret’ dinner niyo, di’ba?” singit ni Sir Jack.
“Nako Zachary, alam ko naman na hindi ka rin mawawalan ng date mamaya!” sagot ni Sir Benj.
Ang hot nilang dalawa. Ang hot pa ng boses nila. Yung tipong boses pa lang eh lalabasan ka na, mga ganun!
“Haha, you really know me that much. But yeah, I’m just enjoying my single life!” sagot ni Sir Jack.
Single? Eh may babe ka nga di’ba?!
“Okay, if you say so.”
“Good, so, aalis na ako. And Ethan…”
“Yes, Sir Jack?”
“Magtext ka. Okay?”
“Ah, sige po sir” sagot ko sabay tapik saken sa balikat ko ni Sir Jack.
Paglabas niya, pinapunta muna ako ni Sir Benj sa opisina niya.
“Nagkakatext pa rin kayong dalawa?” tanong niya.
“Ah, opo.”
“Don’t text him anymore” medyo serious na uli siya, pero di siya nakatingin saken.
“Po? Bakit Sir Benj?”
“Gusto ko ako lang katext mo”
..
…
….
“Ethan?”
Talagang sinabi niya ’yon? Oh namali lang ako ng pandinig.
“Ethan!”
“Ay Sir Jack! Este Sir Benj!”
“See? That’s what I’m talking about, siya na naiisip mo! Ako ’tong fake boyfriend mo eh!”
Ang clingy, moody, hot, jusko, ’di ko talaga alam takbo ng utak ng taong ’to.
“I mean, baka mapansin ni Sir Miggy at Cielo ’yan! Gusto ko hindi masira image natin sakanila” pahabol pa niya.
Buti na lang pinaliwanag niya, kung hindi, aasa na naman ako.
“Hey”
“Yes Sir?”
Napatingin lang siya sa akin saglit at ngumiti. Hindi ko alam ibig sabihin ng ngiting ’yon.
“Thank you, Ethan. You can go now,” sabi niya pa.
Ang weird talaga ng boss kong ’to pero sumusunod naman ako sa mga gusto niya.
Paglabas na paglabas ko ng pinto ng office ni Sir Benj, biglang umakbay sa akin si Allen.
“Ethan, saan lakad niyo ni Sir Benj mamaya?” bulong niya.
Siya talaga ang number one chismoso dito sa office.
“Wala naman, meeting lang” sabi ko.
“Walang special girl?”
“Wala, Allen haha. Chismoso talaga neto!”
“Haha, pasensiya na Ethan! Naninigurado lang!”
“Pasaway!”
Bumalik na ako sa desk ko at sa tabi ko, si Laura, napansin ko naman na may bouquet ng bulaklak siyang hawak at chocolates.
“Wow! Secret admirer?” tanong ko sa kanya.
“Hindi, kilala ko naman kung sino siya eh” kilig na kilig niyang sabi.
“Ohh? Taga office?”
Bumulong sa akin si Laura.
“Kilala mo si Jack Zachary? Yung anak ng may ari? Siya.”
Kilig na kilig talaga si Laura pero hindi ko alam isasagot ko. Napaka babaero naman pala ni Sir Jack! Nakakainis!
“Ang sabi niya pa, ilalabas niya raw ako mamaya!”
“Ahhh….” ayun na lang nasabi ko.
“Tapos alam mo, ang hot niya pa! Single pa siya ngayon! Anong gagawin ko Ethan? Sa tingin mo ba okay lang na sumama ako sa kanya?”
“Bakit naman hindi?”
“Wala lang, first time ko kasing makikipag date”
“What?! Seryoso?”
“Shhhh… ’Wag ka naman maingay, sikreto ko nga ’yon eh!”
Shet, kung first time neto, siguradong masasaktan ’to kapag malaman niyang babaero ’yon!
“Gusto mo ba?” tanong ko.
“Hindi ko sure eh, pero parang may mali kasi eh. Kaya siguro hindi na lang, magtitiwala na lang ako sa nararamdaman ko”
Medyo gumaan yung pakiramdam ko sa sagot niya, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya yung tungkol kay Sir Jack eh.
At speaking of Sir Jack, nagtext na naman siya sa akin.
“Busy?”
“Bakit naman si Laura pa” hindi ko alam kung bakit yan yung nireply ko sa kanya, pero concern din ako ng kaunti kay Laura! Siya kasi ang una kong nakasama rito sa office!
“Gusto mo bang ikaw na lang? 😉”
Okay kalma, Ethan. Yung mga ganyang lalaki yung papakiligin ka lang tapos kapag inlove ka na saka ka iiwan na parang walang nangyari. Mga fuckboy ika nga.
“😒😒😒😒😒” ang taray ng reply ko.
“Okay, I can explain”
“Okay, go”
“Kaya kita gustong maka text para makahingi ng info tungkol kay Laura. Napansin ko na kasi siya nung pumunta ako diyan sa office niyo”
“Eh paano yung girlfriend mo?”
“I don’t have one”
“Oh? Multo ba yung pinakilala mo sa akin?”
“Haha no, she’s just a friend”
“Friend? Babe? Ganun?”
“Haha you know, I can imagine you right now saying that in front of my face. Too cute 😍😍”
Okay confirmed. Fuckboy nga si Sir Jack.
“Well, sana mabuti intensyon mo kay Laura kasi kaibigan ko siya at ayaw ko siyang masaktan”
“Noted boss Ethan 😊”
Bakit kinikilig ako sa kanya? Dapat bang kiligin ako?
“Boss Ethan?” reply pa niya.
Hindi na ako nag reply sa kanya, feeling ko kasi alam niya yung tungkol sa akin kaya inaatake niya yung kahinaan ko. Pwes, hindi ako magpapa apekto.
Binaba ko na yung phone ko, at nagsimulang magtrabaho.
++++
6PM, naka ayos na ako ng susuotin ko, long sleeves na white, slacks at shoes. Wala na rin tao sa office kaya okay lang na maglakad lakad ako rito ng ganito suot ko.
Medyo nakakakaba lang talaga ’tong pagpapanggap nameng dalawa kaharap ang bigating mga tao!
“Ethan!” sigaw ni Sir Benj at hudyat na ’yon para pumasok sa opisina niya.
Natulala lang ako sa itsura ni Sir Benj! Sobrang gwapo niya kasi at mas lalo pa siyang gumwapo dahil sa suot niya.
“How do I look?” sabi niya.
Ang sarap, hot. Sarap mong sunggaban! Payakap! Super gwapo mo!!
“You look good, Sir” sabi ko. At nung sinabi ko ’yon, napangiti lang siya ng todo.
“Shall we?” biglang abot niya sa mga kamay ko.
“Sir, wala namang tao, hindi natin kailangan mag panggap” sabi ko sa kanya.
“I know, gusto ko lang” hawak hawak niya kamay ko habang pababa kami ng elevator, papuntang parking lot. Medyo nahihiya ako pero ang maganda talaga, walang nakakita sa amin.
Pingbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. “After you, honey” ngumiti siya saken ng malaki habang ginawa ’yon.
Ang swerte swerte ng nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya sa akin.
Pagpasok niya ng sasakyan, nag drive na kaagad siya paalis.
“Pacheck naman ng messages sa phone ko. Nasa bag ko” sabi ni Sir Benj. Kinuha ko yung bag niya sa likod at kinuha ko yung phone.
“5 messages sir”
“Pakibasa, ayoko kasing tumitingin sa phone habang nag ddrive”
Binuksan ko yung message at yung tatlo doon galing kay Sir Miggy.
“ Good Morning, Benjamin. I’m sorry we have to cancel our dinner later. I have to go to Tokyo tonight, emergency meeting. I’ll update you as soon as possible!“
“Seryoso?!” medyo nainis na sabi ni Sir Benj.
“Opo Sir”
“Fvck! Yung ibang message?”
“From Sophie po” bigla naman siyang nag preno ng sasakyan. Nasa gitna pa kami ng kalsada ’non!
“Sir, gilid mo po muna” sabi ko. Sumunod naman siya kaagad at kinuha niya yung phone niya.
Binasa niya yung text at kita ko sa reaksyon niya na natutuwa siya na naiiyak.
Bigla siyang tumingin saken na parang naiiyak nga.
“Gusto mo mag inom?” tanong niya.
Tutal wala naman na kaming pupuntahan kasi hindi na tuloy, at yung mindset ko eh aalis ako. Kaya naman pumayag na rin ako sa gusto niya.
+++
Akala ko party party pupuntahan nameng dalawa, dinala niya ako sa tahimik na bar, senti lang tugtugan, may mga nagiinuman din pero hindi talaga maingay. Yung ambiance niya, dark but sweet.
Umorder kaagad siya ng isang bote ng whiskey at tumagay kaagad ng tatlong shot
“Sir, hinay hinay lang po”
“Hehe, pasensiya na. Oh, shot ka!” sabay abot saken ng shot glass.
Mukhang broken na naman ’to si Sir kaya sasabayan ko na lang siya.
“Hoy, bakit ganyan mo ko tignan, para kang naaawa sa’kin!” bigla niyang sabi sa’kin.
“Hala hindi po!”
“Pwede bang maging kaibigan kita ngayon? At tanggalin mo muna yung pag lagay mo ng po sa’kin?”
“Sige Si….. Benjamin”
“Good. Oh, shot lang tayo!” hindi naman malakas boses niya pero shot lang siya ng shot.
Isang oras pa lang nakakalipas pero nakalahati na niya halos yung iniinom nameng alak.
“Ano ba yung nabasa mong text ng ex mo?” tanong ko. Inabot naman niya yung phone niya at binasa ko.
“Hi Benjamin! Hope you’re doing okay. I’m currently here in Bataan for business purposes. Hope we can see each other, catch up? Hehe. I miss you!”
Bago ako makapagsalita, siya na yung may sinabi.
“Makikipaghiwalay tapos sasabihan ka ng I miss you, nakakaloko talaga ’yang mga babaeng eh no?”
“Ehh baka naman may feelings pa rin. Alam mo na, inuna niya lang yung sarili niya”
“Di’ba dapat kapag nagmamahal, iisipin mo rin yung mararamdaman ng partner mo? Siya kasi wala, siguro papayag naman ako kung sasabihin niya sa’kin, pero bigla na lang siyang nakipaghiwalay.”
Tinitigan ko siya at ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Hindi niya siguro deserve yung ganitong scenario kaya hinawakan ko kamay niya at hinila ko siya palabas.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya.
“Basta!”
Hindi na siya nakasagot at pagsakay namen sa sasakyan, ako na nag drive papuntang BGC.
“Anong gagawin natin sa office?”
“Hindi tayo pupuntang office, ano ba!”
Nabalitaan ko kasi yung mga stalls ng streetfoods dito sa BGC tuwing gabi, na pwede ring mag inuman.
“Aba, hindi ko alam na may ganito ah?” sabi niya.
“Well, alam mo na ngayon!”
“Kaso, hindi ako kumakain ng ganyan eh”
Ineexpect ko na rin ng konti ’yon.
“Nako sir, ’wag kang maarte, masarap ’yan!” inabutan ko siya ng isaw na bulate. Tinignan niya lang yun na parang nandidiri siya.
“Isawsaw mo kasi sa Suka tapos kainin mo!” utos ko.
“Hindi ba ako mamamatay dito?”
“Huwag kang OA Benjamin! Haha kainin mo na ’yan!” sabi ko pa. Ganun naman ginawa niya tapos nung kinain niya, nandidiri pa siya nung una pero habang tumatagal, mukhang nag eenjoy na siya.
“Aba! Ang sarap!” kumuha pa siya ng dalawa at kumain.
“Oh, at saka limang piso lang ’yan!”
“Haha, talaga? Akalain mo ’yon! Eh eto, ano ’to?”
“Tokneneng ’yan!”
“Ano naman ’yan?”
“Itlog na nakabalot sa arina tapos pinrito”
Kumuha rin siya at tumikim, aba tuwang tuwa at sarap na sarap sa kinakain niya. Kumakain na rin ako ng tenga at balat non.
“Hala, Ethan ang sarap talaga!!” nakangiti na ngayon si Sir Benj habang tuwang tuwa sa pagkain.
Bigla naman siyang tumingin saken.
“Bakit?” tanong ko.
“Ang dumi mo talagang kumain!” sabi niya sabay hawak sa may labi ko, at mukhang may tinanggal!
Shet! Ang daming tao nun eh! Tapos ganun yung ginawa niya!
“Oh, etong bilog bilog ano ’to?” parang wala lang talaga yung ginawa niya pero para saken……
“Ahhh, tikman mo na lang!” sabi ko pa.
Ang saya saya talaga pagmasdan ni Sir Benj ngayon. Malayong malayo sa itsura niya kanina!
++
Naglakad lakad kami ni Sir Benj sa damuhan, at napagpasyahan nameng maupo sa harap ng parang magic na bato na ’to. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung tubig.
“Grabe, busog!! Puspusang work out na naman ako neto bukas haha!”
Nakasandal siya sa mga kamay niya sa likuran habang pinagmamasdan yung malaking bato sa harapan namen.
Niyakap ko naman sarili ko kasi medyo giniginaw ako.
Maya maya, inabot ni Sir Benj yung coat niya at nilagay sa likuran ko.
“Hala, hindi na kailangan Si…. Benj”
“Sus, giniginaw ka na eh. Hayaan mo na”
Ang bango bango pa ng coat niya.
“Salamat Ethan, napasaya mo ko ngayong gabi. Kahit hindi tuloy yung dinner kay Sir Miggy at Cielo tapos dahil sa text ni Sophie, pero dahil sa’yo naging okay naman lahat”
“Hehe, walang anuman”
“Siguro tanga tanga yung ex boyfriend mo no? Iniwan ka niya eh.”
“Bakit naman biglang napasok si Bill?”
“Hehe pasensiya na, naisip ko lang, kasi ang bait bait mo tapos maaalalahanin ka pa, mukha ka pang mapagmahal at isa pa, cute ka rin. Parang epitome of bisexual ka eh!”
Medyo namula ako sa sinabi niya non.
“Hindi nga Ethan, siguro kung bisexual din ako tapos nakilala kita, siguradong liligawan kita.”
Hindi pa rin ako makasagot, nahihiya ako sa compliments ni Sir Benj.
“Ang sarap pa kaya ng labi mo, ang lambot lambot!”
“Kung hindi ka lang nag dadrama about sa girlfriend mo, iisipin kong may gusto ka na sa’kin!” ayun na lang sinabi ko.
“Haha, malay mo may gusto na nga ako sa’yo di’ba?” tumingin ako sa kanya at akala ko nakatingin siya sa bato, nakatingin pala siya saken.
“Medyo salitaan ng mga paasa yang mga ganyang linya”
“Haha, pasensiya na Ethan, pero sa halos dalawang linggo na magkasama tayo, masasabi ko naman na hindi ka mahirap mahalin. Malay mo, sa huli tayo pala talaga di’ba?”
Bakit ba ganito tong boss kong ’to?
“Ganito na lang, kapag 24 ko at single pa ako, liligawan kita.”
Hindi ko alam kung seryoso siya sa sinabi niya, hindi ko naman kasi siya tinignan eh.
Pero maya maya, bigla siyang umakbay saken at pinapasandal niya ako sa balikat niya.
Wala siyang sinabi.
Wala rin akong sinabi.
Inenjoy ko na lang yung moment nameng dalawa.
++++++
EVERY MONDAY TO FRIDAY NIGHT ANG UPDATES!
😊😊
VOTE AND COMMENTS!!!!!!
Part 11
Read my story: Greg’s Diary! :)
+++
“Liligawan ka niya pag dating niya ng 24? Ganon na ganon talaga sinabi niya?”
“Oo bes! Malinaw, ewan ko ba. Napaka paasa ng mga salita niya eh”
“Pero deep inside bet na bet mo naman ’di ba?”
Nakatambay kaming dalawa ni Jaycee sa kwarto ko at nagkekwentuhan sa nangyari sa amin ni Sir Benj kagabi.
Nilabas niya laptop ko at mukhang may sinesearch.
“Okay, so technically may 1 year and 6 months ka, February 14 Birthday niya, at 22 years old pa lang siya ngayon.”
“Ang bilis mo naman makita!”
“Stalker ako bes, so ayun, kung totoo man yung sinabi niya, may 1 year and 6 months ka pa nga!”
“Straight ’yon bes, straight. Ibig sabihin, hindi siya papatol sa lalaki”
“Eh malay mo naman kasi natamaan na ng kamandag mo! Pak, aarte ka pa ba?”
“Eeeeeehhhh bes….”
“Huwag ka ngang pa virgin, alam ko naman pinagnanasaan mo ’yan si Benjamin!”
“Hindi naman ’yon yung iniisip ko eh”
“Eh ano ba kasi iniisip mo?”
“Eh….” hind ako makapagsalita, hindi ko rin kasi alam naiisip ko, ang baliw ko.
“Oh My Gulay!! Don’t tell me inlove ka na kay Sir Benj mo?!”
“Ha? No! Hindi….”
“Hay nako!! Ayan na nga ba sinasabi ko! Nadadala ka lang sa sweet words niyan. Hindi ’yan totoo!”
“Teka bes, ano ba talaga? Bakit kanina gusto mo maging kami tapos ngayon ayaw mo na?”
“Akala ko kasi wala ka pang feelings, eh mukhang meron na! Jusko!”
“Mahirap kaya pigilan bes!”
“Alam ko mahirap, pero nag aalala lang ako sa’yo, baka masaktan ka lang sa huli”
Siguro hindi ko pa naman mahal si Sir Benj, kumbaga, mga 40% pa lang, tapos yung 60% ko, nasa denial stage pa.
“Bes, tigil na nga muna saken, kumusta yung pag aapply mo?” tanong ko kay Jaycee na busy na sa paglalaptop.
“Okay na, contract signing na”
“Agad agad?! Ilang araw lang?”
“Eh isang araw lang naman hiring nila, pumasa ako kaagad, alam mo na, maganda kasi. Inaabangan ko lang yung boss ko kung gwapo eh”
“Leche, haha.”
“Basta bes, paalala lang ha? Kapag straight, ang hanap ng mga ’yan, kepyas, may hiwa, yung nadidilaan hindi yung nasusubo!”
“Ano ba ’yang sinasabi mo!”
“Just sayin’, habang maaga pa, pigilan mo na ano?”
Kailangan ko talagang pigilan sarili ko na mainlove sa taong imposible namang mainlove sa akin.
Nung natahimik kami pareho, narinig kong tumutunog yung cellphone ko at tumatawag si Sir Jack.
“Tignan mo ’yang isang ’yan! Paasa rin ’yan eh! Tatawag tawag pa! ’Yang Sir Jack mo ang totoong fuckboi! ’Wag mong sagutin ’yan!”
Pero huli na, nasagot ko na yung tawag bago niya masabi ’yon.
“Hello, Sir Jack?”
“Hey Ethan, are you ready?”
“Ready po saan?”
“To our date! Remember? Saturday? ’Di ka kasi pwede ng Friday night so saturday kita niyaya, and you said yes. Remember?”
Fvck!!! Nawala sa isip ko ’to! Pero totoo nga, nagsabi akong aalis kaming dalawa.
“Uhm, about that sir, I’m not feeling well kasi eh” sabi ko na lang.
“Oh, you want me to come over?”
Sht!
“Ah, hindi na po hehe. Magpapahinga lang ako”
“No, dalhan kita ng pagkain, gusto mo?”
Tinakpan ko yung mic ng phone at kinausap ko si Jaycee.
“Anong gagawin ko? Pupunta raw siya!”
Hindi na siya sumagot at hinablot niya kaagad yung phone ko at kinausap si Sir Jack.
“Stop calling my boyfriend! We’re having sex right now!” malaki yung boses ni Jaycee nung sinabi niya ’yon. At pagkatapos nung ginawa niya, binaba niya agad yung tawag.
“Shet bes!!!! Bakit naman ganon yung sinabi mo!!!”
“Nag panic ako! Tignan mo, hindi na ’yan tatawag!”
Mukhang effective nga yung sinabi ni Jaycee at hindi na tumawag si Sir Jack. Pero nahihiya pa rin ako!
“Bakit kasi sex kaagad sinabi mo? Pwede mo naman sabihin binabantayan mo ko!”
“Nagpanic nga!”
Maya maya, nagtext naman kaagad si Sir Jack.
“Hey, I’m sorry, I didn’t know. Hope your okay, eat plenty of fruits para na rin mas gumaling ka. Sorry again”
“Oh tignan mo!” sabi ni Jaycee “mga salitaan ng fuckboi ’yan! Fuckboi starter pack ’yang boss mo!”
“Ewan ko….”
“Sus, alam mo! Nako, gwapo nga, fuckboi naman.”
“Galit na galit ka ata bes haha”
“Nanggagalaiti talaga ako ng galit sa mga ’yan! Oo yummy siya pero dapat hindi mo ginagamit sa masama ’yon!”
“Easy lang bes, wala siya rito. Kalma. Kalma!” sabi ko, natawa na lang siya at nagpatuloy sa paglalaptop.
+++
Hindi ko alam kung bakit excited na ako mag monday, parang gusto ko na kasi makita si Sir Benj kaagad. Parang nakaka excite lang.
Naiisip ko rin minsan kung paano pa kami magpapanggap na dalawa, gusto ko kasi yung idea na boyfriend ko siya kahit fake lang.
Tinignan ko yung cellphone ko, 5PM na! Tutal, linggo naman ngayon, malapit ko ng makita si Sir Benj! Konting oras na lang.
Pero habang nagmumuni muni ako sa kwarto ko, bigla namang pumasok si Butchok.
“Kuya, nasa baba po si papa”
Parang naglaho yung ngiti sa akin nung marinig ko ’yon.
Anong ginagawa ng tatay ko rito?
Naalala ko na naman nung bata pa ako, sa tuwing pupunta siya sa amin, palaging saglit lang at yung tipong isang beses sa isang buwan lang. Yung mas mahal niya yung isa niyang pamilya kaysa sa amin.
Pero ngayon, anong ginagawa niya rito?!
“May dala siyang pagkain kuya, tara na!” natutuwa naman si Butchok sa presensiya ni papa, syempre, bata pa siya kahit papano at hindi pa niya nauunawaan ang lahat.
Hindi ko naman alam kung paano ko haharapin si papa, alam ko kasi sa sarili ko na galit ako sa kanya at ayaw na ayaw ko siyang makita!
“Anak…” sabi ni papa nung nakita niya ako, hindi pa rin nagbabago itsura niya pero parang mas pumayat lang siya ngayon ng kaunti at parang may problema siya.
“Bakit kayo nandito?”
“Dumadalaw lang ako anak” parang casual lang sa kanya ang lahat. Parang hindi pa rin ako makapag adjust. Hindi rin naman siya aware na galit ako sa kanya, pero siguro naman ramdam niya ’yon.
“Wala si mama, ’di ko alam kung saan nagpunta” sabi ko.
“Hindi naman si mama ang hanap ko eh, kayo”
“Bakit nga?”
“Gusto ko lang kayo makita.”
Bakit nagiging emosyonal ako ngayon? Parang kanina lang ang saya saya ko, pero ngayon…. Ewan ko, hindi ko mapaliwanag nararamdaman ko.
“Ethan….”
“Pa, aalis pala ako. Sige na, kayo na muna bahala rito kung hindi pa kayo aalis” hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko.
Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta.
++
Napadpad ako sa BGC, sa may office. Sa dinami rami naman ng pwede kong puntahan, dito pa, pero dito ako dinala ng isip ko eh.
Siguro dahil deep inside, gusto ko rin magkaroon ng ama, yung lalaki akong may tatay. Kaya nung nakita ko siya kanina, hindi ko alam kung galit o lungkot yung nararamdaman ko.
Naupo ako dun sa pwesto namen ni Sir Benj nung isang gabi pero this time mag isa na lang ako.
Itetext ko sana si Jaycee kaso nakita kong may text sa akin si Sir Benj.
“Wru?”
Ewan ko, pero sa simpleng text niya na ’yon napangiti ako kahit papano.
“Sa pwesto natin nung isang gabi”
“Bakit ka nasa office?”
“Hindi… Wala lang…”
“May problema ka ba?”
“Wala po”
“I can feel na may problema ka. You wang me to come over?”
Oo Sir Benj! Oo! Pero hindi ito oras ng paglandi, mas gusto ko lang talagang mapag isa ngayon at mag muni muni
Pumayag naman si Sir Benj at hindi na rin siya nagreply kasi ’yon ang sabi ko.
Sana mawala na ’tong nararamdaman kong lungkot kay papa. Sana.
++++
Mukhang nadala ko kinabukasan sa office yung lungkot ko tungkol kay papa at talagang hindi ako makangiti.
Pag dating ko naman sa table ko, nakakita ako ng prutas na nakalagay sa basket at may note
“Hope you’re okay! Kainin mo lahat ’yan ah? -Jack”
Galing kay Sir Jack!!
Mukhang napansin naman ni Laura ’yon at kinantyawan niya ako.
“Uyyy, may manliligaw siya! Kanino ’yan galing?” tanong niya.
Inosente si Laura at hindi niya alam na galing ’to sa dine date niya ngayon!
“Ahh, walang nakalagay eh” sabi ko na lang.
“Hehe, sana bigyan din ako ni Jack ng ganyan hihi”
“Ay, kumusta pala? Umalis ba kayo nung weekend?” tanong ko.
“Dapat nextweek pa kami aalis eh, kaso nag cancel daw yung dapat niyang kasama nung sabado kaya kami na lang umalis”
Sht. Mukhang prepared na prepared siya sa lakad nameng dalawa at si Laura na lang yung sinama niya.
“Ethan, nag kiss na kami ni Jack” kilig na kilig na sabi ni Laura.
Pero totoo ngang fuckboy si Sir Jack. Nakakainis lang, tapos si Laura pa ang biktima niya.
“Agad agad?”
“Eh hindi ako nakatimpi, ang cute ng smile niya tapos nagkatitigan kami, tapos ayun, kiniss niya ako. Ang lambot ng labi niya, Ethan!” may pagpisil pa sa braso ko si Laura sa sobrang kilig.
Gusto ko sana sabihin sa kanya yung tungkol kay Sir Jack kaso baka masaktan lang siya. Mukhang malakas na yung tama niya eh. Kailangan ko lang makagawa ng paraan para malaman ni Laura ang lahat.
Maya maya, pinatawag ako ni Sir Benj sa office niya, at pag pasok ko, nasa serious mode siya.
“Yung papers na ginagawa mo, malapit na bang matapos?” tanong niya, maayos naman at hindi galit, pero seryoso.
“Konti na lang Sir Benj”
“Ok good, I need that before lunch kaya tapusin mo na ah?”
“Yes sir”
Hindi na siya sumagot at lumabas na ako para tapusin yung pinapagawa niya.
Sakto naman 11:45 ko natapos ’yon at inabot ko sa kanya sa office.
“Good, now, sit down and tell me what’s your problem” sabi niya.
“Sir?”
“I’m your fake boyfriend now, umupo ka Ethan, pag usapan natin ’yan” sabi pa niya.
Wala siyang ibang ginagawa kundi ang titigan ako! Oo, naapektuhan ako sa titig niya kaya naging sunud sunuran ako sa mga sinasabi niya.
Nilapit niya yung upuan niya at tumabi siya sa akin, ngayon, harap harapan na talaga kaming dalawa.
“The way you texted me yesterday really bothered me. Parang something is wrong”
“Too personal Sir”
“Hindi ka ba komportable sa akin? I thought okay na tayo. I mean, I ate streetfoods with you, hindi ba counted ’yon para maging close friend mo?”
Natawa naman ako sa sinabi niya at nung tumawa siya, mas naapektuhan ako ng todo. Ang ganda ng ngiti niya, parehas sila ni Sir Jack pero yung kanya, may kasamang tingin na parang tumatagos sa buong kaluluwa ko.
“And nag kiss na tayo di’ba? Hindi ka pa rin komportable?”
Natawa ako at nahiya at the same time.
“Okay sorry, but really, what is it?”
Napilit naman niya akong ikwento yung problema ko kay papa. Nakinig naman siya sa akin.
“I have daddy issues too you know hehe so I feel you”
“Anong nangyari Sir?”
“Oops, too personal”
“Ang daya, ako nagkwento eh!”
“I’m your boss, right?”
“Akala ko boyfriend kita ngayon?”
“I am your boyfriend. But I’m still the boss” ngumiti uli siya pero mas nakangiti ako dahil sa sinabi niyang ‘I’m your boyfriend!’ jusko.
Natahimik kaming dalawa sandali at bigla siyang nagsalita.
“Let’s drink later, ’wag kana mag overtime okay? Akong bahala!”
Hindi ko alam isasagot ko pero gusto ko rin.
“Kasama nga lang friends ko, don’t worry hindi kita iOOP doon”
“Ay hindi na Sir, nakakahiya”
“Ano ba, kilala ka naman nila eh. Nakekwento kita sa kanila”
“Akala ko ba wala kang close friends?”
“Hmmm… Close kami, kaso kasi team Sophie sila eh kaya ayun. Hehe, ano?”
“Next time na lang siguro”
“Please? Siguradong gigisahin na naman nila ako mamaya kay Sophie lalo na’t nandito siya sa Manila”
“Ehhh gagawin mo lang akong shield doon eh”
“Dali naaaa. Akala ko ba boyfriend mo ko? Di’ba kapag boyfriend pinagbibigyan dapat yung gusto?”
Pucha!!!! Ang cute niya grabe!!! Yung nakanguso pa siya na nagmamakaawa!! Grabe talaga!!!
“Honey, dali na. At saka hindi kita iiwan doon promise. Sasamahan kita, hindi ako aalis sa tabi mo” pakiusap niya pa.
Hinawakan niya ako sa kamay ko at nagmamakaawa. Shet, ang cute talaga grabe.
“Osige na nga” sabi ko pa na medyo pabebe pero deep iniside kinikilig ako.
“Yes!!!! Okay, so mamay ha?” sabi niya
Nako, pasalamat ka talaga at cute ka!
“Opo” sagot ko na lang.
+++
Pumunta kami sa bar, maingay yung tugtog, maraming nagsasayawan sa gitna at kahit ganon, ramdam mo yung saya sa bar na ’to. Kahit ako napapasayaw eh.
Nakaakbay siya sa’kin habang naglalakad at lumapit kami sa dalawang nakaupo sa table. Isang lalaki at isang babae. Nung pagkakita ko sakanila, shet. Napakaganda at napakagwapo.
Yung babae, inosente yung itsura pero maganda! Ang ganda pa pumorma, at yung kutis, pang mayaman.
Yung lalaki naman, chinito at mestiso. Ang tangkad at ang laki ng katawan, kita mo kasi naka sando lang siya pero kahit ganon, mukhang mayaman pa rin dating niya.
“There’s our workaholic friend!!” sabi nung lalaki kay Sir Benj at nagyakapan sila. Nakipag beso naman siya sa babae.
“Sorry, traffic. Guys, this is Ethan, my boyfriend”
“Ohhh, so you’re the fake boyfriend? Hi! I’m Kaye!” nakipagkamay ako sa kanya, ang aliwalas din ng dating niya at mukhang mabait.
“Hey dude, I’m Stephen!” nakipagkamay naman saken yung chinito sabay ngiti sa akin.
Medyo kinakabahan ako pero nung umakbay sakin si Sir Benj, nawala lahat.
“Order ka lang ng kahit ano, akong bahala” bulong niya sa tenga ko.
Hindi inalis ni Sir Benj pagkaka akbay saken nung gabing ’yon.
++++++
Kaye :)
Stephen :)
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
Part 12
Read my story: Greg’s Diary! :)
++++
“Okay ka lang, hindi ka naman nabobored?” tanong ni Sir Benj sa akin. Nakailang shot pa lang naman ako at nag eenjoy din ako sa usapan nilang tatlo, mukhang close na close talaga sila.
“Okay lang, dami ko ngang nalalaman tungkol sa’yo eh haha” biro ko pa.
“Sus, biro biro lang ’yon lahat. Walang totoo dun!”
“Wala?!” singit ni Stephen “…may mga pictures akong patunay, Ethan! Gusto mong makita?”
“Tigilan mo pre! Haha diyan ka lang, off limits ka sa boyfriend ko!” sabi niya pa sa akin sabay akbay.
Sobrang dalang dala na talaga ako dito sa set up nameng dalawa. Minsan naiisip ko na baka seryoso na siya sa ginagawa namen pero kapag maiisip kong straight siya, nawawala agad yung naiisip kong ’yon!
“Ethan, mag CR lang ako, dito ka lang ha? ’Wag kang maniniwala sa kahit anong sasabihin ng dalawang ’yan!” sabi ni Sir Benj sabay tayo at alis.
Dali dali namang lumapit sa akin si Stephen at Kaye, pinagitnaan nila akong dalawa.
Bigla silang nagsalitang dalawa ng palitan. Nauna si Kaye tapos si Stephen, silang dalawa lang nag uusap at nasa gitna nila ako.
“Bakit nagpapanggap kayong dalawa? Para ba pagselosin si Sophie?”
“Baliw ka ba Kaye, hindi ’yan! Lalaki ’to paano magseselos ’yon?”
“Eh bakit sila nagpapanggap?”
“Eh baka naging bakla na si Benjamin simulan ung naghiwalay sila”
“Imposible, naalala mo ba yung baklang dumikit dikit sa kanya noon, sinapak niya ng malakas. Ayun na ospital”
“Ay gagi oo nga pala haha pero bakit nga ba Ethan?”
Akala ko pa naman alam nila kung bakit namen ginagawa ’to. Bakit kaya hindi sinabi ni Sir Benj? Eh hindi naman ’yon katago tago.
Bago pa ako makasagot, dumating na si Sir Benj at pinaalis yung dalawa sa tabi ko.
“Aba, aba. Saglit lang akong nawala, tinorture niyo na yung honey ko!”
“Tangna pre, bakit ba kasi kayo nagpapanggap? Sa trabaho ba talaga ’yan? Eh bakit parang totoo na kayong dalawa?”
“Oo nga Benj! Tanggap ka naman namen kahit maging ganyan ka eh”sabi naman ni Kaye.
“Haha bahala kayo sa gusto niyong isipin, basta kung anong meron sa amin ni Ethan, sa aming dalawa na lang ’yon”
Shet talaga. Bakit ba ganito magsalita si Sir Benj!! Mas lalo tuloy akong naaapektuhan sa mga sinasabi niya!
Habang nasa kalagitnaan kami ng pag inom, biglang may tumawag kay Kaye kaya siya napatayo at umalis.
Tumabi naman si Stephen sa tabi ko, kaya pinapagitnaan nila ako ni Sir Benj.
“Ethan, bakit ayaw mong uminom ng hard?” tanong niya. Inabutan niya ako ng shotglass na may laman na hard na inumin.
“Hindi siya pwede niyan!” sabi ni Sir Benj sa gilid ko.
“Ang korny mo naman Benjamin!”
“Eh, may problema nga ’to eh kaya ko siya sinama rito tapos lalasingin mo?”
“May problema pala eh, bakit hindi mo paglabasin ng sama ng loob?”
“Honey, ano? Magkekwento ka ba sa kanila?” tanong sa akin ni Sir Benj. Nakakainis talaga na nakakakilig yung pag honey niya sa akin.
“Ahhh…. Hindi pa, mamaya na” sabi ko.
“Oh, dali na Ethan! Come on! Magaling akong makinig promise” aakbayan sana ako ni Stephen kaso biglang tinanggal ni Sir Benj yung kamay niya.
“Hey, he’s mine, ako lang aakbay kay Ethan!”
Bakit ramdam na ramdam ko yung pagkakasabi niya non? Bakit parang sobrang affected ako? Bakit parang natuwa yung puso ko.
“Geez, sorry! Okay, bakod na bakod ah?”
“No, pwede naman. Basta ’wag lang kahit kailan!”
“Pwede pero ’Wag lang kahit kailan? Yung totoo Benj?”
Natawa rin ako sa sinabi ni Sir Benj pero parang wala lang din sakanya yung ginagawa niyang pagpapakilig sa akin, umiinom lang siya ng beer.
Maya maya, dumating na si Kaye at malaki yung ngiti niya.
“Guess who’s coming?”
“Who? Don’t tell me si Sophie?” sabi ni Stephen.
“I’m not that stupid. Of course not!”
Hindi ko na nakita reaksyon ni Sir Benj, basta naghihintay lang din siya ng sagot.
“So sino nga, Kaye?”
“Si Zachary!”
Zachary? Si Sir Jack?!
“Oh, nice! Libre na talaga tayo today! Sagot na sigurado ni Zach ’to!”
“Okay lang ba Benj?”
“Oo naman! Si Jack lang naman eh”
“Good!”
Hindi ko alam kung totoong okay lang kay Sir Benj pero mukhang hindi naman issue.
+++
Maya maya, dumating na rin si Sir Jack at kasama niya rin si Laura. Magkahawak kamay pa silang dalawa.
“Akalain mo nga naman, si Laura pala” sabi ni Sir Benj sa gilid ko.
“Nakarami na ba kayo?” tanong ni Sir Jack at nakipagkamay siya kina Sir Benj at Stephen tapos nagbeso siya kay Kaye. Ganun din ginawa ni Laura sa kanila pero saken, niyakap niya ako
“Nandito ka rin!” sabi ni Laura.
“Oo, kasama ko si Sir Benj”
“Yung totoo? May something?”
“Haha, wala nga eh. Hahaha joke” sabi ko pa. Hindi naman narinig ni Sir Benj ’yon kasi nakatayo pa siya at nakikipagkwentuhan kay Sir Jack.
“Well, kanina pa kayo?” tanong niya.
“Medyo, medyo…”
Maya maya, sumigaw si Sir Benj at tinawag ako.
“Honey ko, halika rito!”
Akala ko hindi siya magiging ganito kasi nandito si Laura pero mali ako, ganun pa rin siya ka clingy.
Nagulat naman si Laura pero wala na rin siyang nasabi. Lumapit na uli ako kay Sir Benj at naupo na kaming lahat at nagsimula ng mag inuman.
Medyo awkward lang ng kaunti kasi si Sir Jack, tumitingin tingin sa akin tapos biglang ngingiti. Hindi ko alam kung nang aasar o ano eh.
“Zachary, bago na naman ah?“sabi ni Stephen.
“Haha loko ka! Mamaya maniwala si Laura ah!”
“Ay hindi naman ako nagbibiro haha!”
“Loko, lasing ka na penpen!”
Tumingin uli si Sir Jack sa akin at ngumiti. Punyeta naman, ultimate fuckboy ng taon ’tong lalaking ’to eh.
Uminom naman ako ng beer, naka straight na tungga ako sa bote.
“Oh, mamaya lasing kang umuwi. May pasok pa bukas ha” bulong naman ni Sir Benj.
“Okay lang po hehe, gusto ko rin kasi talagang uminom” sabi ko pa.
“Talaga? Sabihin mo lang kung gusto mo ng umuwi ah?”
“Opo, pero maya maya hehe konti pa lang naiinom natin eh”
“Haha, sige Ethan!”
Pagkatapos namen mag usap, napansin kong nakatingin silang lahat sa aming dalawa ni Sir Benj.
“Mamaya nakikita na lang namen na naghahalikan kayong dalawa diyan ah?” sabi ni Kaye!
“Loko! Hindi nga magaling humalik ’tong si Ethan eh!” sabi ni Sir Benj, sa sobrang hiya ko, nahampas ko siya sa braso. Bakit niya pa kailangang sabihin ’yon?!
Nagulat silang lahat sa sinabi ni Sir Benj!
“So…. Nag kiss na kayo?!” sabi bigla ni Stephen.
Sa sobrang hiya ko talaga, nagpaalam muna ako na mag CCR. Dumiretso kaagad ako sa CR at nung makita ko yung itsura ko, pulang pula sa kahihiyan.
Nakakainis, bakit ba ganun si Sir Benj ngayon?! Hindi ko kinakaya yung sweetness niya at yung inaakto niya ngayon. Parang gusto ko na tuloy umuwi, kasi parang konti pa, bibigay na talaga ako kay Sir Benj.
Naghilamos lang ako saglit at maya maya, biglang may pumasok.
Si Sir Jack.
“Uy, nandito ka rin!” sabi niya.
Kahit sinabi kong pupunta akong CR?
“Opo, hehe medyo nahihilo na po ako eh”pagsisinungaling ko na lang, pero medyo ramdam ko na rin yung alak sa katawan ko.
“So, totoo? Nag kiss kayo ni Benjamin?” diretso niyang tanong.
Shet, tinakbuhan ko nga yung topic pero sinundan naman ako ni Sir Jack!
“Aksidente lang po”
“Aksidenteng lumapat labi niya sa labi mo, ganon?”
Aba, bakit parang galit si Sir Jack?
“Hindi po…”
“Well, okay. Sino ba naman ako di’ba?”
Isa ka pa Sir Jack!!! Bakit ganyan ka!!
“Ahhh, sige Sir… Una na po ako” paalam ko pa.
Pero pinigilan niya ako, hinawakan niya ako sa braso at nagkatitigan kami sandali.
Kaming dalawa lang yung tao doon! At hindi ko alam kung anong susunod na gagawin ni Sir Jack!
Pero biglang pumasok si Sir Benj sa CR at nakita niyang nakahawak sa akin si Sir Jack.
“Anong meron, Jack?” tanong ni Sir Benj sabay hawak sa akin ni Sir Benj para kunin ko kay Sir Jack.
“We’re just talking about that kiss”
“Yeah, it happened”
“I see.”
“May problema ba?”
Nag aaway ba sila dahil sa akin? Teka, ang ganda ko ata.
“Wala naman. I just thought na you’re faking this whole scene right here, bakit parang seryoso na?” medyo maangas dating ni Sir Jack.
“I don’t know, maybe nagugustuhan ko na rin ’to”
Hindi ako makapagsalita. Napapagitnaan ako ng dalawang gwapo at yummy na mga boss ko.
“I just don’t like the idea na masasaktan si Ethan sa huli. Nag aalala lang ako” sabi pa ni Sir Jack.
“Well, nasa labas si Laura, siya problemahin mo, I heard kasi na gusto na niya umuwi”
“Okay, let me talk to Ethan first.“sabay hawak ni Sir Jack sa kamay ko.
“No” sabay hila naman ni Sir Benj.
“He’s not yours”
“He’s also not yours!”
“May label kami”
“Yeah, and it’s fake!”
Literal na pinag aagawan nila ako! Hilahan talaga sila at hindi na ako natutuwa!
“Pwede ba?! Parehas lang naman kayong dalawa eh! Hindi ko alam kung anong ginagawa niyo pero sana sa huli, hindi niyo sinasamantala yung sekswalidad ko!”
Hindi ko alam bakit ko nasabi ’yon! Pero umalis ako sa CR at lumabas na muna ng bar.
Nakalimutan ko pala yung sasakyan ko sa office, nakakainis. Magpapara na sana ako ng taxi pero nakita kong sumunod palabas si Stephen!
“Hey Ethan! Wait!” tawag niya.
“Hi, sorry. Uuwi na ako”
“I know, sorry, chismoso ko, narinig ko kasi yung pinag uusapan niyo sa CR hehe”
“Ahh ganun ba” ayun na lang nasagot ko.
“Hey, gusto mo ako na lang maghatid sa’yo? Okay lang naman.”
“No, sorry, okay lang ako. Mag cab na lang ako”
“Naka motor naman ako eh, and isa pa, gusto rin kita makausap eh. Yung seryoso” sabi niya pa.
May something sa chinito niyang mata na nakapagpapayag sa akin. Napansin ko rin na lumabas si Sir Benj at Sir Jack para habulin ako pero nagmadali na akong sumakay kay Stephen sa motor niya at umalis na kaming dalawa.
++++
Nasa loob kaming dalawa ni Stephen sa sasakyan ko.
“Salamat sa pag hatid” sabi ko.
“Walang anuman hehe”
“Ano pala yung gusto mong pag usapan natin?”
“Ahhh, wala naman. Gusto ko lang kasi sabihin sa’yo na ngayon ko lang uli nakitang ngumiti si Benj ng ganon. Yung masaya talaga. At dahil ’yon sa’yo!”
Hindi ko alam isasagot ko sa sinabi niya.
“Ever since naghiwalay sila ni Sophie, parang nasira na yung mundo niya. Engaged na kasi sila eh pero Sophie chose her career over him”
“Ahh nakwento na niya ’yon sa akin”
“I know, pero hindi naman talaga yun ang dahilan kung bakit siya umalis”
Nung sinabi ’yon ni Stephen, naisip ko baka may iba or what. Naghihintay naman ko ng sasabihin niya pero hindi na niya tinuloy.
“Sa amin na lang ni Sophie ’yon. Pero it’s good to know na ngumingiti na uli si Benjamin”
Gusto kong malaman yung dahilan!!!
“Straight si Sir Benj, wala kaming chance” sabi ko.
“Wala naman akong nabalitaan noon na pumatol si Benjamin sa lalaki pero ang alam ko, first time niyang maging close sa isang lalaki katulad ng pagiging close niya sa’yo.”
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
“At alam mo kung ano yung weird?” sabi pa niya.
“Ano?”
“Kung paano niya tignan si Sophie, kung paano siya maging ka protective si Sophie noon, ganun na ganun siya sa’yo ngayon! Promise, ganun na ganun!”
Sa kinekwento ni Stephen, mas tumataas yung tingin ko sa sarili ko, hindi lang ’yon, tumataas din yung chance ko na umasa.
“Well, I wanna hear your problem pa sana kaso I wanna hear it when we’re sober hehe. Medyo hilo na rin ako eh” sabi niya pa.
“Sure, sure. Salamat ah?“sabi ko.
“No worries,” kinuha niya yung phone ko at sinave yung number niya. Ganun din ginawa ko sa phone niya.
“I’ll keep in touch. Let’s hang out soon again okay?” sabi pa niya.
“Sige, Salamat uli!”
“Okay, don’t be surprise na maraming nagkakagusto sa’yo. You’re cute, Ethan!” ngumiti pa si Stephen bago siya lumabas ng sasakyan ko.
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 13
Read my story: Greg’s Diary! :)
++++
Pagkababa ko ng bahay para pumasok, naaamoy ko na kaagad yung luto ni manang. Excited na ako kumain kaso nakita kong si papa pala yung nagluluto.
“Oh, gising ka na pala anak. Wow, ang gwapo mo naman pala! Palagi ka bang naka formal attire kapag pumapasok?”
Ano naman ginagawa niya rito? Bakit siya yung nagluluto.
“Manang!!!!” sigaw ko sa bahay.
“Wala si Manang mo, namalengke siya. Pinabili ko ng lulutuin ko para mamaya”
“Bakit? Anong meron?” malamig kong sagot.
“Wala lang, gusto ko lang kayong paglutuan ni Butchok, pati na rin ng mama mo”
Si mama. Parang ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ganun na ba talaga ako kamanhid na pati mga magulang ko hindi ako aware sa nangyayari sa buhay nila?
“Oh, kumain ka na muna anak bago ka pumasok” may nakahain na kanin, hotdog at itlog. Gutom na sana ako eh, nakakagutom kasi kapag galing kang inuman kagabi tapos pag gising mo parang tatlong araw kang hindi kumain.
“Ah, late na ako eh, sa office na lang ako kakain” sabi ko.
“Ah ganun ba? Sige, pagbabaunan na lang kita…”
“Hindi na pa, late na ako”
“Matatapos kong pagbaunan ka bago mo pa malabas yang sasakyan mo” nagmadali siyang maghugas ng baunan at ako naman nagmadali ng makalabas.
Pero bago ako makaalis, inabot ni papa yung pagkain ko.
“Oh, kumain ka ng marami ha? Parang pumapayat ka kasi eh”
Bwisit naman. Bakit ako naiiyak sa ganito?
“Salamat po” ayun na lang sabi ko.
“I love you anak”
Parang hindi ko na kinaya, ang tagal kong hindi narinig yung salitang ’yon galing sa kanya at ngayon, parang tumagos sa puso ko.
Hindi na ako nagsalita at pinaandar ko na yung sasakyan ko papuntang office.
+++
Kinalma ko muna yung sarili ko bago ako umakyat. Kinalma ko dahil sa tatay ko, at kinalma ko dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir Benj ngayon eh.
Pagpasok ko ng office, unang bumungad si Laura sa akin na mukhang masayang masaya. Syempre, sinama siya ni Sir Jack sa mga friends niya.
“Bakit bigla ka namang umalis kagabi?” tanong niya.
“Wala, nahilo na kasi ako eh”
“Nako, alam mo bang umiyak si Sir Benj kagabi? Sobrang lasing eh. Nabanggit ni Kaye at Stephen si Sophie eh, ayun nagdrama”
“Bumalik pa ba si Stephen?”
“Oo, inutusan kasi ni Sir Benj si Stephen na ihatid ka kasi nga raw nagmamadali ka”
So si Sir Benj pala nagsabi.
“Eh kayo? Kumusta kayo ni Sir Jack?” tanong ko.
“Okay naman. Nakakakilig siya kausap, promise. Ang cute niya ngumiti. Tapos ang funny pa.”
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ganyan din siya sa akin pero baka assuming lang ako at iba yung pakikitungo ni Sir Jack sa kanya.
“Mukha naman eh” sabi ko na lang.
“Niyayaya nga niya ako sa condo niya eh. Natatakot ako baka mamaya may mangyari na kaagad sa amin”
Ang nakakatuwa lang kay Laura, wala talaga siyang kaalam alam sa mga ganitong bagay. Sigurado naman akong virgin pa ’tong babaeng ’to.
“Edi ’wag ka munang pumayag.”
“Oo, hindi ako papayag na may mangyari samin ng ganun ganun na lang no’!”
“I mean, na sumama sa condo niya”
“Ahhh… Hehe, okay…. Uyym salamat pala ah? May nakekwentuhan ako ng kilig ko. Parang nakakahiya kasing ikwento sa iba na dine date ko yung may ari ng company eh”
“Hehe sure, kasabayan mo naman ako so tayo talagang dalawa yung magkakasundo rito”
Hindi pa siya nakakasagot, biglang pumasok si Sir Benj sa office, asusual looking good, hot and yummy siya.
Iiwas na sana ako ng tingin pero nagkatinginan na kaming dalawa, lumapit naman na kaagad siya sa akin.
“Office, now.” sabi niya at dumiretso na siya sa opisina niya.
Nakakakaba talaga, na nakakahiya.
Pag pasok ko ng office niya, nakaupo siya sa upuan niya at pinagmasdan niya akong pumasok.
“Bakit, Sir?” tanong ko.
“Upo ka Ethan” malambing yung boses niya ngayon.
Siya lang talaga yung kilala kong magaling magbago bago ng pananalita.
“Ano pong meron?” sabi ko.
“About kagabi. May problema ba tayo?”
Tayo? Ano ba talaga!!!!!
“Wala naman po”
“I mean, bakit sa tingin mo pinagsasamantalahan ko yung kahinaan mo? Ganon ba nararamdaman mo?”
Ano ba Sir Benj?! Bakit ang malumanay ng boses mo? Nakakainis. Ang inosente mo pakinggan!
“Lasing lang po ata ako hehe” sabi ko pa.
“Hindi nga? Ganon ba nararamdaman mo? Ayaw mo ba na sweet ako sa’yo?”
“Hindi ko po alam kung ayaw ko o gusto ko eh pero kasi ayoko pong lumalim yung feelings ko. Nadadala na kasi ako minsan eh, lalo na kagabi, sobrang sweet niyo po eh wala naman tayong dahilan para maging sweet sa isa’t isa.”
“Baka lang kasi may makakita saten na kakilala ni Sir Miggy at Cielo, syempre, kailangan stick tayo sa pagiging mag boyfriend”
Ahhh… So ayun pala ’yon! Mabuti na lang pinaliwanag niya ng maayos. Hindi pala talaga totoo lahat ng ’yon.
“Mabuti na lang po at sinabi niyo. Atleast alam ko na.”
“Hey, bakit ganyan ka magsalita? Are you mad?”
“Sa totoo lang po, medyo. Kasi syempre, deep inside po nag eenjoy ako sa ginagawa natin. Alam mo naman na may problema ako sa ex ko, tapos sa tatay ko, tapos pinapasaya mo ko. Ayoko lang sa huli na pag nakuha mo na yung gusto mong mangyari eh magbago ka. Tapos ako naman, nasanay sa pinapakita mong sweetness. Ayoko lang po masaktan sa huli” paliwanag ko pa.
Hindi naman siya nagsalita at parang nag isip saglit.
“Well, okay. Thanks for letting me know” sabi niya.
Moment of silence.
Nakatingin ako sa gilid, pero siya naman nakatingin sa akin.
“So you want to end our aggreement?”
“I know how much you want this, Sir. Pero sana bawas bawasan mo yung sweetness kapag hindi naman dapat. Kaya ko naman magpanggap eh, pamukha mo lang saken na nagpapanggap lang talaga tayo para hindi ako umaasa”
Hindi uli siya nagsalita at nag isip muna.
“Okay, sorry kung ganun yung nararamdaman mo. Don’t worry, wala lang lahat ng ’yon.”
Nung sinabi niya ’yon, malumanay pa rin boses niya tapos ako naman, nasaktan. Parang ang sakit din pala nung sinabi niya ’yon.
“Ayun lang po ba?” tanong ko.
“Oo, you can go back to work na”
Hindi na ako sumagot at lumabas na ako ng kwarto niya.
+++
Napansin kong hindi na ako pinatawag ni Sir Benj maghapon at nung umuwi siya, dumaan lang siya sa harapan ko, ni hindi man lang niya ako tinignan.
Mas okay na rin ’to para hindi ako umaasa.
Pagka time out ko, naghintay muna ako sa Mozu para makipagkita kay Jaycee.
Pero hindi siya yung nakita ko, kundi si Stephen, oo si Stephen!!
Naka sando lang siya, shorts at running shoes, mukhang pawis na pawis din siya. Ang hot din pala niya, malaki kasi yung biceps niya at fit din katawan niya. Hindi ko lang siya masyadong napansin sa bar kagabi dahil kay Sir Benj.
“Ethan!” napansin niya na ako.
“Uy!”
“Out na?”
“Oo, may hinihintay lang hehe. Nag jogging ka?”
“Oo, dami kong nainom kagabi eh, tapos dami pang nakain hehe”
Body concious pala siya.
“Si Benjamin ba hinihintay mo?” tanong niya.
Pero bago ako makasagot, bigla ng sumulpot si Jaycee sa likuran ko.
“Bes gutom na ako!” bungad niya. Hindi niya napansin si Stephen na kausap ko.
“Bes, si Stephen”pakilala ko. At sa inaasahan ko, nagulat si Jaycee. At ramdam ko rin na nagwapuhan siya kay Stephen.
“Hi” bati niya sabay nakipagkamay.
“Hello” pabebeng sagot ni Jaycee.
“Hehe, sige na Ethan. I’ll go ahead. Tatakbo pa ako uli hehe. Ingat kayong dalawa” sabi niya at ngumiti na lang ako.
Halos mapiga naman ako sa pisil ni Jaycee sa braso ko!
“Bes, masakit!”
“Pak bes, sino naman ’yon?! Bakit ang sarap?!!”
“Ahh, si Stephen, tropa ni Sir Benj ’yon”
“Pucha, sabi ko sa’yo bes yung mga tropa nun siguradong masasarap din eh!”
“Tigilan mo, mabait ’yon bes”
“Willing akong maging santo kung ganun ang kalakaran ngayon!”
“Haha, eh straight ’yon ehh”
“Hay nako, check natin. Facebook? Alam mo?”
“Hindi ehh.”
“Pero pangalan niya Stephen, siguradong mutual friend niya si Sir Benj mo!”
Pumasok kaagad kami sa Mozu at umorder ng pagkain. Saka nagcheck ng facebook.
“Eto siya!!!” halos sumigaw na si Jaycee non.
“Stephen Troy Lacson….”
“Oh bes, panalo!!! Chinito, yummy!! Photos!!”
“Ang HOT talaga bes!!!!!” halos panggigilan ako ni Jaycee nung makita niya yung pictures ni Stephen.
“Bes, feeling ko buntis na ako sa titig niya”
“Tigilan mo nga ako bes!”
“Please, kung may lakad kayong dalawa, isama mo ako!! Please bes? Please?!”
“Bakit naman kaming lalabas na dalawa? ’Di naman kami ganun ka close?”
Kakasabi ko pa lang non bigla naman may tumawag saken na unknown number. Sinagot ko kaagad.
“Hello?”
“Ethan?”
“Yes? Sino sila?”
“Uy, si Stephen ’to”
Anong meron? Pinag uusapan pa lang namen si Stephen tapos biglang tumawag na siya.
“Kinuha ko kay Benjamin yung number mo kung okay lang, hehe pa save na lang ah?” sabi niya.
“Ahh… Sure, sure…”
“Okay, Salamat!” binaba na niya kaagad yung tawag.
“Oh, sino ’yon bes?” tanong ni Jaycee habang busy pa rin sa pagbrowse ng pictures ni Stephen.
“Si Stephen”
“Si Stephen?!!!! Pucha bes ano? Bakit ’di mo sinabi?!!! Anong sabi sa’yo?”
“Pwede ba kumalma ka, wala. Save ko raw number niya.”
“Bes masasampal na kita. Ang ganda mo rin eh no? Ano bang meron sa’yo? Anong shampoo mo ng magamit ko rin”
“Palmolive pink”
“Sige, simula bukas ayan na gagamitin ko”
“Haha bwisit ka! Wala lang ’tong mga ’to. Straight, at pahapyaw lang sila sa buhay ko.”
“Ang dami mong alam, leche ka! Kumain na nga tayo ng mabilaukan ka naman. Ang ganda mo eh!”
“Haha ewan ko sa’yo bes!”
Hindi ko pinansin mga sinabi ni Jaycee saken. Ayoko talagang isipin na may gusto silang lahat saken, ayoko lang umasa.
+++
Kinabukasan, hindi pa rin ako pinapansin ni Sir Benj. Parang hindi niya ako kilala, parang nagbago talaga siya. Alam ko naman ganito hiningi ko, pero nakakapanibago rin pala.
Hanggang sa mag uwian, hindi ako pinansin ni Sir Benj. Wala, kahit isang hi, isang tingin. Wala talaga.
Hanggang sa makasalubong ko siya sa parking, hindi pa rin niya ako pinapansin. Grabe, suplado na uli siya at parang hindi niya ako kilala.
Bigla naman tumawag si Stephen sa akin na hindi ko naman inaasahan.
“Uy, out ka na?” sabi niya.
“Ahh, oo palabas na ako ng parking lot”
“Oh, mamaya na. Hehe, punta ka rito sa Mozu, dinner tayo”
“Ha?”
Naguguluhan ako, anong meron.
“May favor kasi sana ako, please please please?” bakit ang cute niya rin magsalita. Bakit bakit bakit.
“Sige, nandiyan ka na ba?”
“Yeap, kakatapos ko lang mag jog! Hehe pawis na pawis pa ako, hehe. Hurry”
Lumabas na muna ako ng sasakyan para puntahan si Stephen. Hindi ko naman alam kung bakit biglaan, pero baka dahil kay Sir Benj ’to. Baka kinausap na naman niya para kausapin ako.
Pag dating ko naman sa Mozu, nakita ko siyang nakaupo doon, suot ang kulay green na sando at short. Shet, ang hot nga talaga ni Stephen!!!!
“Uy, Ethan!” sinalubong na niya ako.
“Oh? Bakit bigla kang napatawag?”
“Ehh kasi si Benjamin wala sa mood, kahapon pa, hindi ko makausap ng maayos. Si Jack naman hindi ko rin makausap, kaya ikaw na lang!”
“Ay, option ako” biro ko.
“Haha humugot ka pa ah! Hehe, ehhh kasi….. About sa babae problema ko”
Confirmed, straight nga talaga.
“Bakit hindi ka kay Kaye humingi ng tulong?”
“Eh walang sasabihing matino yung babaeng ’yon haha. Ano?game ka ba?” tanong niya.
“Paano ba ako makakatulong?”
“Nice!!! Flowers and chocolates lang, ikaw sana magbigay hehe. Tapos sabihin mo pinapabigay ko tapos bigla akong susulpot. Ayun lang!”
“Jusko, ang dali lang naman pala”
“Oh talaga? Edi papayag ka?”
“Oo, basta ganun lang”
“Nice! Sabihin ko sa’yo details ha?”
“Sure.”
Ngumiti lang siya saken ng malaki. Ang cute niya, nawawala mata niya kapag ngumingiti. Ang cute ng pagka chinito niya.
“Akala ko naman kaya mo ko tinatawagan dahil kay Sir Benj” sabi ko pa
“Ah? Hindi ah. Hindi ko talaga makausap ’yon! Mukhang may problema ata, may alam ka ba?”
“Wala eh. Bigla na lang din akong hindi pinapansin”
“Ah baka tungkol kay Sophie. Nako talaga yung tropa kong ’yon oh!”
“Hehe yaan mo na siya, magiging okay din siya”
“Sana hehe. Maraming salamat Ethan, halika, libre na kita ng dinner!” sabi niya pa.
“Hindi, uuwi na lang ako. Okay na ako”
“Sure ka?”
“Yeap.”
“Sige, pasensiya na sa abala ha? Salamat din!” sabi niya at saka nag jogging na uli siya palayo, ako naman bumalik ng parking lot at umuwi na.
+++++
Kinabukasan sa opisina, sinalubong kaagad ako ni Laura na parang takot na takot.
“Ethan, kanina ka pa hinahanap ni Sir Benj, galit na galit! Pumunta ka na kaagad!”
“Bakit naman?”
“Ewan ko, nakakatakot siya kanina. Sige na, dalian mo na!” medyo natakot ako, ganito rin kasi yung nangyari nung isang linggo, galit din siya na pinatawag ako sa office niya.
Pagpasok ko ng office, may nakatambak na papel sa desk niya, at nung makita ko siya, nakasimangot siya at talagang alam mong wala siya sa mood.
“Ethan, tapusin mo ’to hanggang bukas! Pag na process mo na lahat, meron pa rito! Kailangan kong matapos ’yan ng sabado!”
Medyo pasigaw yung pagkakasabi niya non.
“Hala sir… Ang dami po niyan, hindi ko po matatapos ’yan!”
“Edi mag over time ka. Iuwi mo! Bahala ka, basta tapusin mo!”
Hindi ko talaga maintindihan ’tong lalaking ’to! Sobrang nakakainis siya.
“K” sabi ko na lang
“Aba, ayaw mo ba?!”
“Hindi po”
“Good. Akala ko magrereklamo ka pa eh,”
Nagmimic ako ng boses niya sa sobrang inis. Pero narinig niya pala.
“Ano ’yon? May sinasabi ka diyan?”
“Wala po Sir” binuhat ko na yung papel, sobrang dami talaga. Hindi ko alam kung paano ko matatapos ’to.
“Tapusin mo ’yan! ’Wag kang maglakwatsa at makipagkita kay Stephen!”
Natahimik ako, paano niya nalaman ’yon? Sinabi kaya ni Stephen?
“Oh, nagulat ka di’ba? Nakita ko kayo kagabi! Magkasama kayo!”
So kaya siya galit sa akin dahil don?
“Kaya pala ayaw mo ng sweet ako sa’yo, kasi gusto mo si Stephen na gumagawa non sa’yo? Sabagay, gwapo naman talaga tropa ko! Sige hayaan mo, ilalakad pa kita!”
“Teka, sir ano bang….”
“Hindi ko sinabing sumagot ka, tapusin mo ’yang pinapagawa ko sa’yo, hindi ka rin makikipagkita kay Stephen!”
Wait, sa tono ng boses niya, sa inaasal niya at sa mga sinasabi niya….
Nagseselos ba si Sir Benj?
“Bakit nandito ka pa? Tapusin mo na sabi ’yan!” tumayo siya at lumabas ng opisina niya. Narinig ko siyang sumigaw sa lahat ng tao don na magtrabaho!
Galit nga talaga siya, pero parang nagseselos siya.
Nagseselos siya kay Stephen? Bakit naman siya magseselos?
++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!
Part 14
Read my story: Greg’s Diary! :)
+++
Excited na ako mag time out kaso wala pa sa kalahati natatapos ko. Nakakainis talaga ’tong si Sir Benj! Pero wala naman akong magawa, inutos niya ’to sa akin eh.
Maya maya, nagpaalam na silang lahat sa akin para umuwi at ako na lang natira doon.
Imagine, ang dami nameng empleyado pero ako lang pinapagawa neto ni Sir Benj!
Pumunta muna ako ng pantry para kumain ng kung anong pwedeng kainin.
Bigla namang tumawag sa akin si Stephen.
“Ethan Ethan Ethan, out mo na? Nasaan ka? Dali, tulungan mo ko!” wala man lang hello o hi, ayan kaagad yung sinabi niya sa akin.
“Ay sorry, ang daming pinagawa sa’kin ni Sir Benj eh, babawasan ko lang ’to para hindi na ako matambakan nextweek”
“Ahh ganon ba? Sayang naman. O sige, salamat na lang. Goodluck din haha, alam mo na ba kung anong problema ni Benjamin?” tanong niya pa.
Bago ako makasagot, bigla namang pumasok si Sir Benj sa pantry.
“Sinong kausap mo?” tanong niya.
Ha? Masyadong personal! Bakit kailangan niyang tanungin ’yon?
“Pati ba ’yon, dapat mong malaman?”
“Si Stephen ba ’yan?!”
Pinakinggan ko si Stephen.
“Si Benjamin ba ’yan, Ethan?” tanong niya.
“Sige na bye na. Bukas na lang” sabi ko pa at binaba ko na yung tawag.
“Hoy, sino yung kausap mo?!” sabi pa ni Sir Benj. Hindi ko alam kung seryoso siya oh ewan, hindi ko kasi maexplain expression niya. Parang natatawa na ewan.
“Aba, ’di ko sasabihin!”
“Sabihin mo!”
“Ayoko nga” dinilaan ko siya sabay labas ng pantry. Ang isip bata ko sa part na ’yon.
“Hoy, nilalabas mo pa yang dila mo, hindi mo nga nagamit sa’kin ’yan!”
Pag upo ko sa upuan ko, nainis ako sa sinabi niya. Pero mukhang natuwa siya sa ginawa niyang pang aasar sa’kin.
“Sir, bumalik na kayo sa trabaho niyo. Baka marami pa kayong gagawin!” sabi ko pa.
“Wala naman akong ginagawa eh, pinagawa ko na sa’yo lahat!”
“Aba!”
“Umaangal ka?”
“Hindi. Edi umuwi na kayo, Sir. Kaya ko naman mag isa rito”
“Eh ayoko, titignan ko kung ginagawa mo talaga yung trabaho mo!” kinuha niya yung upuan ni Laura at naupo sa tabi ko habang pinagmamasdan ako.
Ang awkward. Sobrang awkward, nakakainis kasi yung tingin niya. Ang gwapo kasi tapos nakafocus sa’yo!
“Hindi ako makapagtrabaho” medyo mataray kong sabi.
“Aba, may pag taas ka na ng kilay mo ah?”
“Sir Benj, ano bang problema mo?!” halos masigawan ko na siya non. Buti na lang talaga kaming dalawa lang yung tao doon.
“Sino nga kausap mo kanina sa phone?”
“Bakit ba gusto mong malaman ha?!”
“Eh bakit ayaw mong sabihin? May tinatago ka ba sa’kin?!”
“Kung meron man, eh ano naman sa’yo? Boss kita, empleyado mo ko, hindi mo kailangan malaman kung sino kinakausap ko sa phone!”
Natahimik naman siya pero nakatingin pa rin siya sa’kin.
“Tama ka nga. Okay. Good. Just good. Okay.”
Tinignan ko lang siya na parang naguguluhan pero tumingin din siya na parang naguguluhan.
Tanginaaa, ang gwapo talaga!! Gwapo gwapo gwapo!!
“Sige na, umuwi ka na. Bukas mo na gawin ’yan!”
Ayan, bigla na naman siyang bumait. Jusko naman, ano bang utak meron ’tong taong ’to!
“Sige na, mag linis ka na diyan. Then, sabay na tayong bumaba” tumayo na siya at dumiretso sa opisina niya. Ako naman nagligpit na rin ng gamit. Sabay na kaming bumaba pero hindi pa rin kami nag uusap.
+++
Sinalubong ako ni Butchok pagkauwi ko at pinaalala yung Birthday ng kaibigan niyang si Krisha para sa sabado.
“Oo, pero ihahatid kita sa sabado para bilinan ko parents ni Krisha na hindi ka pwedeng magpapawis!” sabi ko pa.
“Hehe, okay Kuya! Pero kuya, bakit napapansin kong hindi mo kinakausap si papa?”
“Oh, bakit naman ganyan yung natanong mo?”
“Wala lang po, magkausap kasi kami ni Papa kanina tapos sinabi niya sa’kin na namimiss ka niya. Hindi mo raw kasi siya kinakausap eh”
Ginamit pa yung bata para palabasin na masama akong tao! Nakakainis!
“Hayaan mo, kakausapin ko siya bukas” sabi ko pa. Ayoko namang sirain yung imahe ni papa sa kapatid ko, wala naman siyang kamuwang muwang eh.
Nung makatulog na si Butchok sa kwarto ko, bumaba ako para tignan kung gising pa si papa, nakita ko naman siyang umiinom ng kape.
“Nagugutom ka anak?” tanong ni papa.
Sa tuwing nakikita ko talaga siya, nagagalit ako. Parang lahat ng sama ng loob ko sa kanya, lumalabas ngayon at parang gustong sumabog.
“Bakit nakakaya mo akong kausapin ng ganyan?” panimula ko sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin, anak?”
“Nakakainis yang pagtawag mo sa’kin ng anak! Pwede ba, tigilan mo?!”
“Bakit ka ba nagagalit sa’kin anak?”
“Sinong hindi magagalit sa’yo? Ehh iniwan mo kami para sa ibang pamilya mo!!”
Hindi siya nakapagsalita. Siguro guilty, pero natahimik siya.
“Tapos sasabihan mo kapatid ko na parang ako yung masama sa’ting dalawa?!”
“Hindi ganon ’yon anak,”
“Ganon ’yon! Ni hindi ko nga alam kung bakit ka nandito eh! Kung bakit ang tagal mo na rito! Di’ba aalis ka na? Bakit hindi ka pa umalis ngayon?!”
“Kung galit ka, sige ilabas mo sa’kin, tatanggapin ko anak”
Pucha, bakit hindi siya nagagalit?! Nagmamakaawa pa siya, pero ako naman naaawa.
Ayoko siyang makita, ayoko ng ganitong scenario.
Tumakbo ako palabas at sumakay sa sasakyan ko, ni hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang gusto ko lang, makaalis sa bahay na ’yon!
+++
Nagising ako sa loob ng kotse ko, suot pa rin yung pangtulog ko. Tinignan ko kung nasaan ako…. Nasa parking lot ako ng office.
Hindi ko rin kasi alam kung bakit dito ako pumunta, feeling ko kasi mas gagaan pakiramdam ko rito.
Nung tinignan ko yung oras, punyemas, mag aalas otso na! Ang sarap pala ng tulog ko rito at magsisimula na yung trabaho ko, siguradong late na ako neto, buti na lang may damit ako sa table ko.
Nakakahiya man, pero pumasok ako ng building na nakapambahay, sumakaya kaagad ako ng elevator na hindi pinapansin yung mga nakatingin sa’kin.
Pag pasok ko ng office, nandun na yung ibang tao at nagtawanan sila nung makita nila ako. Dali dali ko naman kinuha yung damit ko at nagbihis ako.
Nakita ko kaagad si Sir Benj pero sinupladuhan na naman niya ako. Edi ganon din ginawa ko, kasi wala ako sa mood makipag laro sa kanya.
Nakatutok lang ako sa trabaho ko ng biglang magtext sa’kin si Sir Benj.
“Kumain ka na?”
Hindi ko pinansin ’yon.
“Okay, walang pagreply”
Hindi ko pa rin pinansin.
“Aba, nakita kong tinignan mo yung phone mo! Bakit ayaw mo magreply?”
Hindi ko pa rin pinansin.
Buti naman at tumigil na siya sa pagtext pero laking gulat ko na nasa tabi ko na pala siya.
“Ay puki mo!!”
“Oh, akala ko ba hindi ’yon ang hanap mo?” sabi niya.
“Ano ba, bakit ba ang kulit mo?”
“Lunch break na kaya, hindi mo ba alam? Ikaw na lang tao rito oh!”
Nung tinignan ko nga, oo nga. Ako na nga lang yung tao!
“Eh, marami kang pinagawa eh,” sabi ko.
“Oo, kailangan ko na ’yan kaya bilisan mo!”
Alam kong nakikipaglaro na naman siya pero wala ako sa mood. Nagkasagutan kami ng tatay ko, nakatulog ako sa kotse ko at hindi pa ako naliligo.
“Ethan, bilisan mo diyan, may ipapagawa pa ako, nasa opisina ko.”
Punyemas talaga, sinusubukan ako ng taong ’to ah!
“Hoy Ethan, ang sabi ko may papagawa ako sa’yo!”
“Eh bwisit!!! Kung ganyan lang din gagawin mo sa’kin mabuti pang hindi na ako magtrabaho para sa’yo! Leche nakakabwisit!”
Ayun, nilayasan ko siya at lumabas! Bumaba at dumiretso sa Mozu para mag inom! Sobrang nakakainis talaga!! As in!
“Oh, bakit sira ata mood mo?” familiar yung boses na ’yon at alam ko kung sino siya!
“Sir Jack”
“Kumusta? Ilang araw din tayong hindi nagkausap na dalawa ah”
Naalala ko na naman yung scenario sa bar!
“Hey, look. I’m sorry kung….” pinutol ko yung sinasabi niya.
“Sir please, I’m not really in the mood. Gusto ko lang sana mapag isa” sabi ko.
“Ohh…. I see, uhm….” mukhang naoffend ko ata.
“No, sir. Don’t get me wrong, hindi pa kasi ako naliligo”
Natawa siya sa sinabi ko.
“What? Haha” sabi niya.
“I mean, hindi ko naman sinasadya, nakatulog ako sa sasakyan ko tapos nagising ako sa office, tapos hindi ako naligo”
Hindi ko naintindihan sinabi ko pero siya tumatawa pa rin.
“Haha, straight to the point ka talaga magsalita haha”
Nahiya naman ako, bakit ko pa kasi sinabi na hindi pa ako naliligo.
“You really wanna be alone? Or gusto mong samahan kita. I can listen to your problem”
“Nasaan po pala si Laura?”
“I don’t know. So yeah, what’s your problem?”
“Anong nangyari sa inyo ni Laura, sir? Break na ba kayo?
“What? We’re not even committed”
“Akala ko exclusively dating kayo?”
“Seriously, what?! Saan mo nakukuha ’yan. Ofcourse not!”
Aba, mukhang ayaw na ayaw niya talaga.
“Fuckboy ka ba, Sir Jack?”
Bago ko mapigilan bunganga ko, nasabi ko na ’yon sakanya! Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa sinabi ko, pero natawa lang din siya.
“Wanna try?”
Shet! Bakit naman ganyan sagot mo?!
“Just kidding, no, I’m not into labels, Ethan” paliwanag pa niya.
“Edi fuckboy nga”
“Hahahha no! I’m not, marunong din akong mainlove ha!”
“We?”
“Yeah, actually, I’m inlove right now” naging seryoso siya bigla, pero kahit ano namang gawin niya, gwapo pa rin siya!
“Oh, eh bakit pinaasa mo si Laura?!” sabi ko.
“Hindi ka man lang ba curious kung kanino ako inlove?”
“No! Mas curious ako sa ginawa mo kay Laura! Pasabi sabi ka pa na ilakad kita sa kanya tapos iiwasan mo rin pala”
“Hindi ko siya iniiwasan! Lumalabas pa rin kami, nagkataon lang na wala siya rito ngayon and busy siya. Nagtataka nga ako kung bakit ka nandito eh, alam ko marami kang ginagawa eh”
“Nako, isa pa yung kupaal ba Benjamin na ’yon nakakabwisit!”
“Hahaha, lumipat ka na lang sa’kin, gusto mo?”
“Anong trabaho sa deparrment mo?”
“Wala, babantayan mo lang.”
Hindi ko alam kung nilalandi ako ni Sir Jack pero kung ganon nga, sana hindi na! Pero baka assuming lang uli ako.
“Bakit bigla bigla kang tumatahimik kapag nag uusap tayo, Ethan? Gusto ko mabasa iniisip mo!”
Well, wala naman talaga Sir Jack pero kasi feeling ko nilalandi niyo ako at ’yon ang iniisip ko ngayon.
“Wala sir, cute niyo kasi!” biro ko na lang.
“I’m even cuter when I’m naked you know, wanna see me naked?”
Ayan, natahimik na naman ako! Napalunok ng laway at tumingin sa katawan niya na kahit nakasuot siya eh bakat na bakat yung muscles niya!
“Ahh ehhh… Akyat na po ako, Sir! Hehe, baka magalit pa si Sir Benj eh” sabi ko at tumakbo na ako kaagad paakyat sa office.
Galawang Sir Jack, Galawang fuckboy.
Hindi na naman ako kinausap ni Sir Benj hanggang matapos yung trabaho, buti na lang talaga at weekend na, dalawang araw ko siyang hindi makikita.
Pero pinatawag niya ako sa office niya kaya nagmadali akong pumunta roon.
“Ako na gagawa nung mga papel, akina!” sabi niya sa’kin.
“Po?”
“Fvck, Ethan. Are you deaf?! Akina yung mga papel! Ako na gagawa!!” sigaw niya sa’kin.
Naghalo yung takot at inis ko sa kanya kaya kinuha ko yung mga papel sa table ko at binagsak ko sa table niya.
“Good, libre ka na makipagkita kay Jack!”
So, tungkol naman ’to kay Sir Jack?!
“Lahat na lang ba, Sir Benj?!”
“Ang sabi mo ayaw mo maging sweet ako pero in reality, gusto mo ibang lalaki gumagawa sa’yo niyan! Akala ko ibang klase ka ng bakla pero hindi pala! Gusto mo maraming lalaki! Sige na, bahala ka na sa buhay mo!”
Naapektuhan ako sa sinabi ni Sir Benj, at parang naiyak ako bigla. Medyo below the belt na kasi talaga yung sinabi niya sa’kin eh.
Tinignan ko lang siya ng masama at walang sinabi. Saka ako lumabas ng opisina niya at dumiretso na pauwi.
++++
Kinalimutan ko muna sandali yung nangyari sa office! Parang ang dami daming nangyari ngayong araw! Parang pagod na pagod ako!
Pero eto ako ngayon, hinahatid si Butchok sa kapitbahay namen para sa sleepover party ng kaibigan niyang si Krisha.
Pagpasok ko sa bahay, napansin kong maganda ’yon! Maganda kasi talaga sa labas, aba dapat pati yung loob.
May mga batang nagkalat at naglalaro sa sala, bigla namang tumakbo si Butchok para makipaglaro. Gusto ko sana pigilan kaso hawak ko yung unan niya at regalo para kay Krisha.
“Hehe, hayaan mo na. Mga bata ehh!” sabi nung babae sa’kin, mukhang siya yung nanay ni Krisha. Medyo matanda na rin, mga 50’s pero mukha siyang mayaman.
“Bawal po kasi pagpawisan ehh”
“Ah oo, nabanggit nga ni Krisha ’yon”
“Ako po pala si Ethan” pakilala ko.
“Lani na lang, mommy ni Krisha”
“Kuya po ako ni Butchok hehe, uhm, ang ganda po ng bahay niyo”
“Salamat. Well, salamat sa Kuya ni Krisha! Siya kasi nagpagawa neto eh”
“Mommy, pupunta na ba si Kuya?” sabi ni Krisha habang kasama si Butchok na lumapit sa’min.
“Hi Krisha, Happy Birthday!” inabot ko yung regalo namen ni Butchok sa kanya.
“Maraming Salamat po!”
“Walang anuman, para sa’yo talaga ’yan”
“Hindi po, salamat po dahil po pinayagan niyo si Butchok dito”
“Ahh, mapilit eh hehe. Pakibantayan siya Krisha ah??”
“Opo, bawal mapawisan at mapagod hehe!”
Mabait na bata si Krisha, mararamdaman mo naman.
Pinagmasdan ko muna si Butchok, mukhang masaya naman siya kaya pinagbilinan ko siya ng mga dapat gawin saka ko siya iniwan.
Palabas na ako ng pinto ng may makabunggo akong lalaki!
Si Sir Benj!
“Anong ginagawa mo rito?!” sigaw ko sa kanya.
Pabuka na yung bibig niya para sumagot pero bigla siyang ngumiti. Akala ko sa’kin, ’yon pala para kay Krisha!
Tumakbo si Krisha sa kanya at niyakap niya ’to ng mahigpit.
“Akala ko hindi ka na pupunta, Kuya!” sabi ni Krisha.
Sht.
“Sorry, marami pang ginawa si Kuya sa trabaho, may mga empleyado kasi akong pasaway at hindi sumusunod eh”
Alam ko pinapatamaan niya ako pero nagulat ako.
Technically, pamilya ni Sir Benj yung kapitbahay namen so…
Kapitbahay ko si Sir Benj.
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
MONDAY NIGHT ULI UPDATE!!!:)
Part 15
Nakakatuwa na kahit BxB story eto eh may mga babaeng nagbabasa! Hi sa mga girls!
Hi din sa mga boys!! Haha.
At hi din ATE
xakni_allyM
😊😊
++++++
Habang buhat buhat ni Sir Benj si Krisha, nagmamadali na akong lumabas ng bahay nila.
Ano ba ’to? Bakit kasi hindi ako naging curious kung sino yung kapitbahay namen? Jusko! Sila Sir Benj pala.
“Ethan!”
Fvck! Boses ni Sir Benj ’yon! Kunwari hindi ko na lang narinig at nagmadali na ako papunta sa bahay.
“So, diyan ka pala nakatira!” sigaw niya uli.
Hindi ko na lang pinansin at pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Sumilip ako sa bintana para makita ko yung kabilang bahay pero nakita ko si Sir Benj na nakatayo sa tapat ng bahay namen!
Napatingin siya sa kwarto ko at dali dali kong sinara yung bintana.
Ano ba naman ’to? Bakit ganito! Bakit si Sir Benj pa? Pwede namang ibang tao na lang!
Pagkasilip ko uli sa bintana, nandun pa rin siya at napansin kong may tinatawagan siya. Bigla namang nag ring yung phone ko at si Sir Benj yung tumatawag.
“Hoy! Nasaan ka?” sabi niya pag sagot ko.
“Aba, matutulog na ako”
“Hindi ka pa matutulog! Nakita kong bukas pa ilaw ng kwarto mo oh!” nakita ko ngang nakatingin siya sa may kwarto ko.
Kahit sa malayo, kitang kita mo kagwapuhan at kakisigan ni Sir Benj na parang dreamboy na naghihintay para sa’kin na bumaba at kausapin siya.
Pero, galit ako sa kanya! Oo galit ako sa kanya at kailangang imaintain ko ’tong galit ko.
“Matutulog na po ako, Sir Benjamin Llander Fortalejo. Goodnight!” binabaan ko siya ng tawag at pinatay ko na yung ilaw ng kwarto ko.
Naupo ako sa kama ko saglit at nag isip. Ano ba ’to? Tadhana ba naglalapit sa aming dalawa o naiisip ko lang ’to kasi assumero ako? Either way, kapitbahay ko pa rin si Sir Benj at sa dinami rami ng pwede kong maging kapitbahay, siya pa!
Sumilip ako sa labas at napansin kong wala na siya roon. Hays, buti naman.
Nagmadali ako para kausapin ko si Jaycee, tinawagan ko kaagad siya pero hindi niya sinasagot. Nakakainis, kung kailan naman gusto kong magkwento sa kanya, wala siya.
“Ethan, anak??” boses ni papa ’yon!
Bakit naman kumakatok sa pinto si papa! Bigla tuloy nawala yung mood ko!
“Bakit?” sabi ko pagbukas ko ng pinto.
“May naghahanap sa’yo sa baba. Benjamin daw,”
“Hala! Sabihin mo pa, tulog na ako! O kaya naliligo o busy! Paalisin mo siya!!”
“Ay, bakit hindi mo naman sinabi, pinapasok ko na siya. Nasa baba na siya”
Bwisit!!! Ano ba ’to! Bakit naman ganyan?
“Gusto mo bang paalisin ko na anak?”
“Hindi, sige na, bababa na ako” sagot ko na lang. Dahan dahan akong bumaba at sinisilip ko siya. Para siyang inosenteng tao na nagmumuni muni sa sala, tinitignan niya yung bahay namen at napatingin siya bigla sa may pwesto ko.
Sht.
“Ano bang problema mo, Sir Benj?” tanong ko sa kanya paglapit ko sa kanya.
“Wala naman! Gusto ko lang makita ’tong bahay mo.”
“Pwes, nakita mo na. Pwede ka ng umalis”
“Aba, ang taray! Sige,” tumayo siya at nag ayos ng damit. Yung tingin niya rin sa’kin parang supladong lalaki na nagtataray. Kahit ganon siya, ang cute niya pa rin!
“Bye” sabi ko pa.
“Bye.” lumabas na siya kaagad ng bahay. Lumingon naman siya sandali para tignan ko pero wala siyang sinabi at tuluyan ng bumalik sa bahay nila.
+++
Hindi ako mapakali sa kama ko, iniisip ko pa rin si Sir Benj.
Para rin akong tanga eh no, pagtatabuyan ko siya tapos iniisip ko siya ngayon.
Buti na lang talaga tumawag sa’kin si Jaycee.
“Ano ba bes! Kanina pa kita tinatawagan!” sabi ko sa kanya pagsagot na pag sagot ko ng tawag niya.
“Ahm… Si Jack ’to, Ethan”
Natahimik ako at tinignan ko kaagad kung sino kausap ko, oo nga, si Sir Jack nga! Namalikmata lang ako na si Jaycee yung tumatawag.
“So, hindi ako yung ineexpect mong tatawag kaya hindi ka na magsasalita, ganon ba ’yon?” sabi niya.
“Ahhh hindi po Sir, may iniisip lang ako”
“Sige, pag usapan natin ’yan, ano ba yang naiisip mo?”
Shet. Isa pa ’tong lalaking ’to eh! Bakit kasi ang bait bait niya sa’kin na parang inaalagaan niya ako.
“Ah, wala naman Sir, tungkol lang dito sa bahay” sabi ko na lang.
“Oh, ano ngang meron?
Makulit ka ah.
“Wala lang sir, wala lang talaga” sabi ko uli.
“Wala lang o ayaw mo talagang sabihin?”
“Uhm, parang ganon na nga Sir” umamin na ako sa kanya.
“I see, natutulog ka na ba?”
“Matutulog na po sana”
“Can I talk to you for a minute?”
Ngayon ko lang narealize na iba yung tono ng boses niya. Malayo sa masayang Sir Jack na kilala ko kapag kausap ko siya, ngayon naman, parang may mabigat siyang problema.
“Sige po,”
“Well, Sorry na lang pala sa istorbo, itutulog ko na lang ’to. Salamat na lang sa pag sagot, Ethan!”
“Teka….” binaba na niya kaagad yung tawag. Gusto ko sana siyang tawagan kaso baka gusto na rin niyang magpahinga kaya hinayaan ko na lang.
Sa pag tawag ni Sir Jack, nawala yung pag iisip ko tungkol kay Sir Benj at nakatulog na ako ng mahimbing.
++
Pagkagising ko kinaumagahan, naligo kaagad ako at nag ayos para puntahan si Butchok sa kabilang bahay, pinagbuksan naman ako ng isang lalaki, siguro ay tatay niya.
“Ahh, gising na po ba yung mga bata?” tanong ko.
“Ahh oo, sige, halika, pasok ka” pagpasok ko sa loob, nakita ko yung mga bata na naglalaro. 9 pa lang ng umaga pero gising na sila kaagad at naglalaro. Nakita naman ako ni Butchok at nagmadaling lumapit sa’kin.
“Kuya ang saya kagabi!! Sana hindi ka na lang muna umuwi!” yakap niya sa’kin.
“Eh, gusto ko kasi mag enjoy ka, ano bang ginawa mo rito magdamag?”
“Naglaro lang kami ng PS4 ni Kuya Pogi, kasi sabi ko sa kanya bawal ako pagpawisan. Kasama ko rin pong naglaro si Krisha!”
“Oh, may iba ka pa bang Kuya na Pogi maliban sa’kin?”
“Eh ayun daw po kasi itawag ko sa kanya eh, Kuya Pogi”
“Sino ba si Kuya Pogi?”
Bago ako makasagot, lumabas si Sir Benj na nakasuot lang ng boxer short at sando na maluwag. Pucha! Ano ba ’to!
ANG SARAP NI SIR BENJ!
Ang kinis ng kutis niya, walang bahid ng pagkakamali. Tapos yung braso niya, shet! Ang laki pala talaga. Napatingin din ako sa ibaba, grabe din! Ang laki! Oo malaki kasi bakat na bakat!
“Ohhh… Gising na pala si Butchok eh!” nakipag apir si Butchok kay Sir Benj!
“Opo! Kuya Pogi, eto pala si Kuya Ethan ko!” pakilala ni Butchok sa’kin.
“Ahhh so siya pala yung Kuya Ethan mo” mapagkunwari rin ’tong lalaking ’to eh!
“Boss ko siya, Butchok” sabi ko.
“Ah talaga po? Di’ba sabi niyo po sa’kin nung nakaraan nabibwisit kayo sa boss niyo?”
Napatingin ng masama sa’kin si Sir Benj.
“Biro lang ’yon Butchok, hehe. Ikaw talaga”
“Nabibwisit pala ah”
Hindi na lang ako sumagot.
“Oh ano? Uwi na tayo?” sabi ko.
“Bakit kayo uuwi? Nagluluto si mama ng pagkain nila” sabi ni Sir Benj.
“Oo nga Kuya, pwede po bang dito na rin kumain si Kuya ko?” tanong ni Butchok.
“Oo naman! Pwedeng pwede!”
“Yehey!! Kuya maglalaro muna ako kasama ni Krisha ah?” nagmadali na siyang umalis at naiwan na kami ni Sir Benj doon.
“Nakakabwisit pala ah” sabi niya uli.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa baba niya. Nakakadistract talaga! Bakat na bakat eh.
“Bakit ka nakipaglaro sa kapatid ko?”
“Hoy,” ang cute ng Hoy niya! “….nung una, hindi ko alam na kapatid mo siya, sabi niya lang kasi na hindi siya pwedeng magpapawis kaya niyaya ko siyang maglaro ng PS4. Saka ko nalaman na kapatid mo pala siya”
“Okay”
“Edi okay din”
“Okay. Uuwi na ako, dito na muna kapatid ko.”
“Teka teka teka…” hinawakan niya kamay ko para pigilan ako.
“Bakit ba?”
“Dito ka raw kakain sabi ng kapatid mo! Bakit ka aalis ha?”
“Ayoko kasi nandito ka eh!”
“Aba, ikaw pa ’tong may ganang magalit ah?”
“Bakit hindi ako magagalit? Ang dami ng pinapagawa mo sa’kin?!”
“Ehhh paanong hindi ako maiinis sa’yo, eh kung kani kanino kang lalaki nakikipagkita!”
“Eh ano naman sa’yo?”
“Nakakairita lang tignan na sa iba’t ibang lalaki ka sumasama. Alam ng lahat ng bisex…..” tinakpan ko kaagad yung bibig niya bago pa niya masabi yung sasabihin niya.
“Hindi alam sa bahay! Kaya ’wag kang maingay!”
“Oh, hindi pala alam eh, tapos sa iba iba ka pa sumasama!”
“Eh ano naman nga?! Bakit may masama ba don?”
“Ehh paano kung mapano ka?”
“Mapano? Eh si Sir Jack at Stephen lang naman kasama ko ah? Kilala mo naman sila di’ba?”
“Oo nga pero….”
“Pero ano? Bakit ka ba nagagalit sa’kin ng ganyan ha?”
“Gusto ko ako lang kasama mo!”
Parang tumahimik yung lugar at napansin kong wala palang tao sa sala, nagsipaglabasan siguro yung mga bata. Tapos kami lang ni Sir Benj nandoon. Nakatingin lang siya sa’kin ng seryoso, hindi ko alam gagawin ko.
“Ang ibig kong sabihin…. Ayoko lang talaga na may makakita sa’yo na may kasama kang iba. I need you to be my fake boyfriend and for that to happen, gusto ko ako lang kasama mo”
5 seconds ago, medyo umasa ako na gusto niya akong makasama pero dahil sa paliwanag niya, parang nawala at bumabagsak talaga yung lahat sa pagiging ‘fake boyfriend’ namen sa isa’t isa.
Hindi pa rin ako nagsalita at tinalikuran ko na siya saka lumabas ako ng bahay nila. Nakita ko si Butchok na nakaupo sa gilid habang pinagmamasdan yung mga bata na naglalaro.
“Kuya, saan ka pupunta?” tanong niya.
“Ahh… Inaantok pa kasi ako Butchok, sige, diyan ka na muna. Mag enjoy ka. Makipaglaro ka rin sa kanila pero ’wag ka masyadong magpapagod ha?”
“Talaga? Pwede po?”
“Oo, papabantayan kita kay Manang ah. ’Wag ka magpapawis!”
“Opo, salamat Kuya!!”
Nakita ko namang palabas na si Sir Benj ng bahay nila kaya nagmadali na akong pumasok sa bahay at iniwan sila doon. Hindi ko talaga alam kung ano ’tong nararamdaman ko.
Feeling ko naiinlove na ako kay Sir Benj.
+++
Hindi ako lumabas ng bahay, nakahilata lang ako sa kama hanggang alasais ng gabi. Sabi naman ni manang okay lang si Butchok kaya kampante ako.
Bumaba na rin ako para kumain pero walang tao. Lumabas ako at nakita ko si Sir Benj na may kausap sa phone sa labas ng bahay nila.
Si Sir Benj lang ba tao sa Pilipinas at siya lang palagi kong nakikita?
“Ethan, wait!” sigaw niya.
“Bakit?!” sabi ko paglapit niya.
“Pwede bang ’wag na muna tayong mag away, at mag usap naman tayo ng matino?”
“Matino ako”
“Edi mag usap tayo. Halika!” inakbayan niya ako papunta sakanila.
“Teka lang!”
“Sumama ka na. Nasa loob kapatid mo at mukhang inaantok na. Mukhang dito na naman siya matutulog”
“Hala, hindi! Uuwi na kami mamaya”
“Oh, sunduin mo na siya” sabi niya.
Pagpasok namen, napansin kong may videoke at may nag iihaw sa labas. Nasa labas din yung nanay at tatay niya at mukhang nag iinuman sila.
“Yehey! Halika rito, Ethan! Maki shot ka!” yaya ng nanay niya.
Ngumiti lang si Sir Benj at mukhang eto nga yung plano niya, ang papuntahin ako para makipag inuman.
“Halika na, ’wag ka na mahiya! Dali!” medyo nahiya ako kung tatanggi ako kaya naupo na ako at nakipag inuman sakanila.
Tumabi naman sa’kin si Sir Benj at umakbay sa may upuan ko. Naka Tshirt lang siya at short pero hindi siya nahihiya na ganun siya sa’kin. Medyo maingay sa videoke kaya siguradong hindi kami naririnig ng parents niya na nag uusap.
“Galit ka pa rin ba sa’kin?” tanong niya.
Akala ko ba siya yung galit? Ay oo, moody nga pala.
“Eh kasi masyado ka….”
“Pasensiya na talaga Ethan, hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito eh. Natatakot lang talaga ako na mawala yung deal sa’kin”
Yung tinutukoy niya yung kay Sir Miggy at Cielo.
“Naiintindihan ko, pero sana nagsasabi ka”
“Alam ko Ethan, siguro dahil lumayo na rin sa’kin si Sophie kasi nasasakal siya sa’kin. Ganito kasi akong klaseng boyfriend, yung ‘gusto ko ako lang’ type.”
“Ang cute kaya ng ganon” sabi ko sabay ngiti.
Ngumiti rin siya sa’kin.
“Ayan, nag ngitian na tayong dalawa. Ibig sabihin ba neto, bati na tayo?” tanong niya.
“Basta babawasan mo na yung pinapagawa mo sa’king trabaho”
“Hehe sige! At papangako mo na sasabihin mo sa’kin tuwing makikipagkita ka sa iba ha?”
“Seryoso ka ba don?”
“Oo nga Ethan, nagseselos kasi ako”
NAGSESELOS?!
“I mean..,, alam mo na ibig kong sabihin, hindi yung selos as selos.”
Pinilit ko na lang intindihin kahit hindi ko maintindihan.
“Opo, Sir Benj” sabi ko na lang.
“Salamat! So let’s cheers to that!” inabutan niya ako ng bote ng alak at nag cheer kaming dalawa.
“Bakit hindi mo kamukha tatay mo?“tanong ko sakanya.
“Ahhh hindi ko tatay ’yan, tito ko ’yan. Tapos si mama katabi niya, tapos yung dalawa, tita ko rin! Yung nag iihaw, si Lolo naman”
“Ahhh…. Eh nasaan tatay mo?”
“Remember? Sabi ko may daddy issues din ako hehe ayoko lang pag usapan for now, gusto ko lang enjoyin kasama ka kasi bati na tayo”
Eto na naman! Kinikilig na naman ako kay Sir Benj!!!
“Na miss mo ba ako? Parang hindi mo naman ata ako na miss eh!” pahabol pa niya.
“Ha? Ayan ka na naman sa mga paasa mong salita!” babala ko sa kanya.
“Huh? Paasa ba? Sorry….. Pero na miss mo nga ako?”
“Hindi ah!”
“We? Halos isang linggo rin tayong mag kaaway, hindi mo talaga ako namiss?”
Sa totoo lang hindi talaga kasi gusto ko yun na hindi kami nagpansinan, masyado na kasi akong malapit sa kanya eh.
“Hindi nga kasi!” pilit ko pa.
“Oh? Ako kasi na miss kita ng sobra eh”
Napatigil ako sa pag inom at tumingin sa kanya. Sobrang seryoso ng itsura niya at mukhang totoo ngang na miss niya ako.
Grabe yung kislap ng mata ni Sir Benj sa’kin. Parang tintignan niya buong pagkatao ko.
Nasira lang tinginan nameng dalawa ng biglang lumakas yung tunog ng Videoke at nagpalakpakan sila! Napansin ko naman si Sir Benj na natawa bigla dahil sa tunog. Tinignan ko yung kanta.
Can’t take my eyes of you by Walk of the Earth
Familiar yung kanta sa’kin dahil sa beat at sa lyrics.
“Kanta ni Benjamin ’yan! Ibigay niyo yung mic sa kanya. Woooo!!” sigaw ng Lolo niya sa likod na hindi naman mukhang matanda.
Natatawa naman si Sir Benj pero inabot niya yung mic at tumayo siya. Mukhang kakanta nga siya.
“You’re just too good to be true. Can’t take my eyes of you…. You feel like heaven to touch… Oh I wanna hold you so tight”
PAKINGSHET!!! Kumakanta si Sir Benj!!!! Ang ganda ng boses niya!! Ang dreamy, ang laki, grabe!!! May kasama pa siyang pagsayaw ng konti habang kumakanta.
Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakanta at mukhang masaya siya sa kantang ’to! Iba yung ngiti niya ehhh.
Nung bandang chorus, alam ko na ’to. Kaya nakikanta ako sa kanya, pero nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa may pwesto ko na parang inaakit ako.
“I love you baby! And if it’s quiet alright, I need you baby, to warm my lonely nights, I love you baby! Trust in me when I say….”
Shet!!! Kinakantahan niya talaga ako,
“ Oh let me love you honey, let me love youuuuuuuu!“
Binago niya yung lyrics from ‘baby’ to ‘honey’!! Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Tinignan ko yung mga kamag anak niya at nakikitawa lang sa ginagawa ni Sir Benj.
Pero ako, sobrang kinikilig na talaga!!
Natapos siyang kumanta na titingin sa videoke pero pag dating sa chorus, sa’kin siya nakatingin!
“Aba aba, wala talagang aagaw sa kantang ’yan sa’yo anak! Haha” sabi ng mama niya.
“Haha, akin lang ’yan!” sagot niya.
Na curious ako kung bakit ayun yung favorite niyang kanta.
“Ang ganda kaya ng lyrics! Bagay sa partner mo!” sabi niya sa’kin.
“Ahh theme song niyo siguro ni Sophie ’yan no? Hehe buti hindi ka nalulungkot?”
“Ha? Hindi namen kanta ’yan. Hindi ko pa siya kinakantahan niyan”
“Ah ganun ba?”
“Oo, plano ko kasing kantahin sa kanya ’yan sa kasal namen kaso….”
“Uyy… Sorry, pinaalala ko pa! Wala akong intensyon”
“Ahh, ’wag kang mag alala. For the first time, nababanggit ko na pangalan niya ng hindi ako nalulungkot.”
Medyo gumaan loob ko dahil sa sinabi niyang ’yon.
“Hehe, buti naman” sagot ko na lang.
“Siguro nga dahil sa’yo yun eh!” pahabol pa niya.
“Ha?”
“Ewan ko ba, kinantahan kita ng favorite song ko na kahit kay Sophie hindi ko nagawa haha. Siguro special ka na talaga sa’kin!”
Eto na naman yung puso ko, bumibilis sa pag tibok! Pinapakilig talaga ako ni Sir Benj at sobra talaga akong kinikilig!
“Kanta na nating dalawa ’yon ah!” pahabol niya pa.
“Po?”
“Themesong na natin! Kaya sa tuwing maririnig mo ’yon, dapat ako maaalala mo!”
Hindi ko talaga alam kung anong gustong mangyari ni Sir Benj, pero sa tingin ko hindi talaga siya aware na sobra na akong kinikilig sa mga sinasabi niya.
“Ahhh… Saan yung CR? Naiihi na kasi ako”sabi ko.
“Ah, pasok ka lang tapos sa dulo, makikita mo na kaagad” sabi niya pa.
Nagmadali akong pumunta ng CR para makalayo sa kanya saglit at para kumalma.
+++++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!! 😊😊😊
Part 16
“Nasaan na si Butchok?” tanong ko kay Sir Benj habang nasa kalagitnaan kami ng inuman ni Sir Benj.
“Nako, baka nasa kwarto ko ’yon at naglalaro pa ng PS4!”
“Anong oras na, uuwi na kami”
“Sige, halika!”
Sinamahan niya ako paakyat ng kwarto niya.
Nagulat akong malinis yung kwarto niya, nakaayos lahat at may mga gamit doon, parang maliit na bahay, kumbaga.
“Hala, ang sarap na ng tulog!” nakahiga na kasi si Butchok sa kama, nakayakap sa controller ng PS4, katabi si Krisha na natutulog din.
“Tsk, ’wag mo ng gisingin, dito mo na patulugin”
“Sa kabilang bahay lang kami nakatira oh”
“Eh malay mo magalit kapag ginising mo pa! Hayaan mo na siya diyan sa kwarto ko”
“Nakakahiya, Sir”
“Sus, hindi naman ako dito umuuwi eh. Hayaan mo na, halika na, balik na tayo sa inuman!” halata kong lasing na si Sir Benj kaya sumunod na lang ako sa kanya.
Habang nasa kalagitnaan kami ng inuman at kantahan, biglang bumulong sa’kin si Sir Benj.
“Samahan mo naman ako sa labas” seryoso yung pagkakasabi niya at parang may gusto siyang sabihin sa’kin.
“Sige” inakbayan niya ako palabas at naglakad lakad kami sa subdivision.
Mapayapa sa lugar namen kaya napili namen rito na manirahan. Tahimik, at kahit madilim, hindi nakakatakot. Wala ng tao sa paligid at tanging poste na lang ng Meralco yung ilaw nameng dalawa.
Pumunta kami sa may court, hindi kalayuan sa bahay nameng dalawa. Naupo ako sa bench pero humiga siya habang nasa likod ng ulo niya yung kamay niya.
“Bakit hindi kita nakita nung pumunta ako kina mama nung natapos yung bahay?” tanong niya sa’kin.
“Baka ayun yung panahong pabalik balik ako sa opisina kasi natanggap ako sa trabaho”
“Oh, I see. Buti sa’kin ka napunta no?”
“Medyo nakakasisi nga eh, sana sa ibang department na lang” biro ko.
“We? Ayaw mo ba sa’kin?”
“Hehe, hindi naman Sir.”
“I mean, ayaw mo ba sa’kin? Yung boyfriend type. Ayaw mo?”
Alam ko kaming dalawa lang ni Sir Benj yung nandoon at sigurado akong ako yung tinatanong niya.
“Huh?” ayun na lang nasabi ko. Baka kasi nabigla lang siya.
“Hindi ba ako kamahal mahal para hindi mo magustuhan?”
ETO NA NAMAN SIYA! Eto na naman! Akala ko tumigil na siya kanina pero inextend niya pala yung pagpapaasa sa’kin dito sa park.
“Sir Benj, malinaw yung usapan natin di’ba? Walang sweet talks kasi baka ma fall ako” diniretso ko na siya.
“I know. Pero tinatanong ko lang naman. Wala akong ibang intensyon.”
“Naaapektuhan kasi ako, Sir” sabi ko pa.
“Oh. So, kagusto gusto rin pala ako kahit papano” paliwanag niya pa.
Hindi na ako sumagot at baka saan pa mapunta yung usapan namen.
“Ethan….” sabay hawak niya sa bewang ko.
“Sir! Mahilig ba kayo sa aso?” tanong ko bigla para mawala yung pagiging clingy niya.
“Huh? Aso? Sakto lang, bakit mo natanong?”
“Wala lang, gusto ko lang magkaroon ng aso”
“Ehh bakit hindi ka bumili?”
“Eh kasi mahal! Syempre gusto ko may lahi!”
“Ahh, sige bibilhan kita. Ano bang gusto mo?”
“Seryoso ka?”
“Oo! Ano bang gusto mo?”
“Iba pa yan sa bibigay mo sa’kin na 100,000 kapag nakuha mo yung deal ah?”
“Haha! Ofcourse! Nextweek, bibilhan kita ng aso.”
Nakakatuwa rin pala kapag lasing tong si Sir Benj eh.
“Ethan, nilalamig ako”
“Tara na Sir, balik na tayo”
Patayo na sana ako ng hawakan niya yung kamay ko at hinila pahiga sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit non habang naririnig ko pag hinga niya sa tenga ko.
“Mamaya na, gusto ko ng body contact” bulong niya sa’kin. Medyo seductive at sexy yun pero kumakawala ako.
“Sir Benj….”
“Ethan.. Mamaya na.”
Gusto kong umiyak kasi sobra akong kinikilig. Sobra akong natutuwa at sobra kong nagugustuhan yung nangyayari ngayon.
“Ang bango mo” bulong niya pa uli.
Eh kanina pa ako pinagpapawisan sa init ng alak at lalo na sa init ng pwesto namen.
“Sir Benj, balik na tayo” bulong ko rin sa tenga niya.
“Ayaw mo ba ng ganito?”
“Gusto”
Puro bulungan lang sa isa’t isa yung ginagawa namen. Nakapatong kasi ako sa kanya habang nakatutok yung bibig nameng dalawa sa tenga ng isa’t isa.
“Gusto ko rin ng ganito tayo” bulong niya pa.
Gusto ko na talagang umiyak. Sa sobrang saya at lungkot, kasi alam kong hindi totoo ’to at lasing lang siya kaya niya nasasabi ’to.
Hinihimas himas niya yung likod ko at nararamdaman kong hinahalikan niya ako sa leeg ko.
Doon na ako nanlaban at tumayo kaagad.
Pero nakapikit lang si Sir Benj, at alam kong lasing na lasing na siya. Pinagmasdan ko lang siya saglit, ang inosente niya ’pag tulog.
Pilit ko siyang binubuhat para alalayan pabalik. Mukhang kinakaya naman niya kaya naglakad na kami pabalik.
SARADO NA YUNG BAHAY NILA PAG DATING NAMEN!
Sarado pinto at ilaw! Hindi nila siguro alam na nasa labas kaming dalawa. Nagdodoorbell ako pero walang sumasagot.
Ang kulit na rin ni Sir Benj at mukhang gusto na niyang humiga.
No choice na ako kundi patulugin siya sa kwarto ko.
Inalalayan ko siya paakyat doon at hiniga ko na lang sa kama ko. Pinalitan ko rin yung suot niyang damit ng damit ko. Pinunasan ko rin siya para hindi madumihan yung higaan ko.
Nung hinahawakan ko na kamay niya, hinawakan niya yung akin ng mahigpit at hinila niya uli ako palapit sa kanya, this time, nagsakto yung labi nameng dalawa.
Hinalikan niya ako.
Gusto kong umalis pero gusto ko, gustong ko talaga yung pagkakahalik niya. Madiin, masarap, at parang may pinapatunayan. Hindi ko maexplain basta gustong gusto ko.
“I….” sabi niya.
“Hmm?”
“I love you…”
Nakatulog na uli siya pagkatapos niya akong halikan. Pero yung iniwan niyang impact sa salitang ’yon, tumagos sa’kin. Natahimik ako sandali kasi may sinasabi pa siya.
“Sophie…. I love you, So…phie”
….
….
….
Tinapos ko na lang yung pag punas sa kanya at sa sahig na lang ako natulog.
Natulog akong umiiyak.
++++++
Nagising ako na nakahiga na ako sa kama ko, medyo masakit yung ulo ko pero tandang tanda ko yung mga nangyari kagabi.
Bigla namang pumasok si Sir Benj sa kwarto ko, suot yung dami ko.
“Ako ng bahala sa absent mo ngayon sa office, hehe ’wag na tayong pumasok” masayang bati niya tapos lumapit siya sa’kin.
“Maaga pa naman, makakahabol pa tayo”
“Eh, nakakatamad at saka masakit ulo ko. Dito na lang muna ako sa higaan mo”
Basta alam ko na ngayon na lahat ng ’to, 100%, Sure na sure ako, na hindi totoo at lahat ng pinapakita niya ay hindi totoo.
Baka sinasadya niya lang talaga na ma fall ako sa kanya para maging mas makatotohanan yung pagpapanggap nameng dalawa.
“Oh, gusto mo bang pumasok?” tanong niya.
“Opo Sir Benj, kasi po mag iisang buwan pa lang ako tapos panget na agad record ko.” sabi ko sa kanya sabay tayo.
“Wait wait wait, okay ka lang?” nakahawak siya sa kamay ko at mukhang nag aalala.
“Okay lang po, Sir Benj” talagang pinapamukha ko sa kanya na boss ko siya at empleyado niya lang ako.
“Really? Parang ’di ka okay, may problema ba tayo?”
Ayan na naman siya sa tayo niya! Okay, isipin mo na lang yung ‘I love you Sophie’ na sinabi niya kagabi.
“Ofcourse, Sir. If you don’t mind mag aasikaso na ako” sabi ko. Hinayaan ko na lang siya at iniwanan sa kwarto ko.
++++++
Naramdaman kong naging malamig na pakikitungo ko kay Sir Benj sa mga nagdaang araw pero siya, pilit akong sinusuyo. Hindi ko talaga maintindihan ’tong lalaking ’to eh.
Pagkatapos ng shift namen, agad siyang lumapit sa’kin.
“May gagawin ka, Ethan? Inom tayo. ’Wag kang mag alala. Tayong dalawa lang” ang saya saya niya pa nung lumapit siya pero ni hindi ko siya binigyan ng ngiti.
“Sorry Sir Benj, may gagawin pa ako sa bahay eh”
“Oh? Gusto mo tulungan kita? Tsaka wala naman akong binigay sa’yo na maraming trabaho ah?”
Wala naman akong kawala sa lalaking ’to.
Sakto naman dumating si Sir Jack sa kwarto namen.
“Aalis po kasi kami ni Sir Jack eh” sabi ko na lang. Pinarinig ko ng malakas kay Sir Jack at sinenyasan ko siya na sumakay lang siya at mukhang naintindihan naman niya.
“Yes, Benjamin! Pahiram muna kay Ethan, may… Pupuntahan lang kami” sabi ni Sir Jack.
Mukhang disappointed naman si Sir Benj.
“Ganon ba? Hmmm. Sige, balitaan mo na lang ako Ethan” ngumiti lang siya non at bumalik sa office niya.
Nagmadali naman kaming lumabas ni Sir Jack at nagpasalamat ako sa kanya.
“Para saan ’yon?” tanong niya sa’kin.
“Wala lang po hehe. Sige po, salamat uli!” naglakad na ako papuntang elevator pero tinawag niya pa ako.
“Saan ka pupunta?” tanong niya.
“Uhm. Uuwi na po”
“Akala ko ba aalis tayong dalawa?” medyo nakangising sabi niya.
“Sir, joke lang ’yon!”
“Well, sa’kin hindi joke ’yon.” medyo seryosong hindi yung expression niya.
“Hala, Sir…”
“Kaya ako pumunta sa office ni Benjamin para magpatulong sa kanya, ang dami ko kasing gagawin…. Since, nandito ka na, ikaw na lang tumulong!”
“Seryoso ka ba Sir?”
“Oo naman. Mukha ba akong manloloko?”
Sasabihin ko sanang oo pero pinigilan ko sarili ko.
“Halika na, kundi ilalaglag kita kay Benjamin!” panakot pa niya.
Mas gusto ko namang sumama kay Sir Jack kaysa sumama kay Sir Benj kaya mas pinili ko na lang si Sir Jack. Sumakay na kaming elevator at umakyat ako sa office niya.
+++
“So, para saan yung pagtatago mo kanina kay Benjamin? Akala ko ba…. Close kayo?” tanong ni Sir Jack habang nagpipirma pirma siya ng papel habang ako naman may tinatype lang sa computer niya.
Ang laki ng opisina niya, anak nga siya ng may ari ng kumpanya.
“Ah, wala ’yon Sir.”
“Ayaw mo talaga mag open sa’kin no? Sabi ko naman sa’yo, magaling ako makinig eh” sabi niya pa.
“Hindi na talaga Sir”
Nagulat ako! As in literal na nagulat ng bigla siyang humawak sa likuran ko na parang hinihilot niya ako. Parang kanina lang nasa table siya, tapos nasa likuran ko na siya.
Medyo nag eenjoy ako sa hilot niya sa’kin to the point na napatingala ako sa sarap.
Doon ko narealize na boss ko pala humihilot sa’kin!
“Sorry Sir Jack!” napatayo ako bigla.
“Okay lang hehe. So, ano na problema mo?” pinaupo na niya ako uli at kumuha siya ng upuan saka umupo sa harap ko.
Hindi naman ako makapagsalita.
“So?….” pangungulit niya pa
“Ehh kasi…”
“You’re falling for Benjamin, right?”
“Po?”
“Sabi na eh, tama ako! I can see it in your eyes, Ethan. Iba na yung tingin mo sa kanya”
Guilty ako kaya hindi ako makasagot.
“Hays. Alam na ba niya ’yan?” tanong niya pa.
Umiling lang ako.
“To be honest, may something kay Benjamin lately. Hindi na siya yung suplado at maangas. Nakikita ko na uli siyang tumawa ngayon.”
Naalala kong sinabi ni Stephen sa’kin ’yon! Siguro dahil na rin talaga sa’kin!
“Are you alright?” tanong niya pa uli.
“Oo naman po”
Tinignan niya ako sa mata na parang pinag aaralan niya yung sinabi ko.
“Nope, you’re not okay! I can see it. May hesistant at may sadness”
“Hehe, si Sir Jack, ma chismis”
“Hehe sorry. Pero kanina, parang nag selos si Benjamin sa’kin nung makita niyang magkasama tayo”
“Sus, hindi ’yon. Paasa lang talaga siya”
“Haha, really? Well, sa tingin ko nga. In fact he’s straight and I really don’t remember anything about him na may…. Ka fling siyang lalaki”
Hindi ko talaga alam kung saan pupunta ’tong usapan namen. Pero ang cute lang pagmasdan ni Sir Jack habang nagsasalita, may ngiti kasi siya na parang kulam! Ang gwapo kasi. Yung nakikita mo yung ngipin niya sa mga ngiti niya.
“You want us to test if nagseselos nga siya?” alok pa ni Sir Jack.
“Huh? Paano po?”
“Well, we can be ‘sweet’ infront of him. Doing touchy things, and we’ll see how he will react!”
“So technically magpapanggap na naman? Kakabreak lang namen ni Sir Benjamin diyan tapos magpapanggap na naman ako sa iba? Kailan ba ako magkakaroon ng totoo naman? Haha” biro ko pa.
“Oh, gusto mo totohanin natin”
Nawala yung ngiti ko sa biro ko dahil sa sinabi ni Sir Jack. Ewan ko kung seryoso siya. Naghintay ako ng sasabihin niya at dinugtungan niya nga.
“Ano? You want us to be together?”
Isa pa ’to eh! Mag tropa talaga sila ni Sir Benj! Mga paasa. Mga fuckboy.
“Sir…. Ang awkward po” sa dinami rami ng pwede kong sabihin bakit ayun pa.
“Haha, no I’m serious. Gusto mo ba?”
Punyemas na lalaki ’to!! Akala ko nagbibiro siya.
“Sir, sorry….”
“I get it. Hehe, well, atleast sinabi mo”
Fuck, straight ba ’tong lalaking ’to.
“Hey, baka kung anong isipin mo. I’ve never been with a man before, never. Okay? And I really don’t know bakit kita tinanong ng ganon haha, sorry”
Fuckboy talaga.
“Tama na ’tong trabaho. Ihahatid na kita sainyo.” tumayo na siya at nag ayos ng gamit niya.
Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Sir Jack! Siguro nga lapitin lang ako ng mga katulad niyang paasa. Buti na lang at napipigilan ko pa sarili ko.
“Hey, we’re friends right?” sabi pa ni Sir Jack.
Naghuhubad siya ng longsleeves niya at Tshirt sa office niya. Fvck, ang abs! Parang walang bahid ng taba! Pero bagay na bagay sa kanya, sobrang sarap. Pang Cosmo yung datingan!
Nagsuot uli siya ng panibagong Tshirt.
“Ethan…” ginising niya yung diwa kong nasa loob ng pantasya ko sa kanya.
“Po?”
“I see you as a friend. And I want to help you, ayokong nasasaktan yung mga kaibigan ko so as soon as possible, tutulungan kita tungkol kay Benj. Pwede nating malaman kung fake lang ba talaga lahat, or totoo na. Either way, matutulungan pa rin kita.”
“Ano po bang gagawin natin?”
“I can be your fake boyfriend for your ‘fake boyfriend’, itetest lang natin siya, lugi ka kasi na fall ka na eh.”
Bad but good idea, wala naman sigurong mawawala kung ganon yung gagawin ko.
“Think about that, but for now, let’s go home hehe. Gutom na kasi ako eh” sabi pa ni Sir Jack sabay akbay sa’kin palabas ng opisina niya.
+++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 17
Pagkauwi ko ng bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at nadatnan ko roon si Butchok na nakahiga at naglalaro ng PSP.
“Oh, bakit nandito ka?” tanong ko. Tumabi ako sa kanya at niyakap ko siya.
“Hinihintay lang kita Kuya, nag overtime ka?”
“Oo. Dami pinagawa eh”
“Si Kuya Pogi ba?”
Kilala na nga pala niya si Sir Benj.
“Hindi, yung isa kong boss” sabi ko.
“Ahhh…” ramdam ko sa boses niya na may problema pero mukhang nahihiya siyang sabihin kung ano ’yon.
“Bakit iba yung dating mo ngayon, Butchok?”
“Kasi Kuya….”
“Ano? May problema ka ba?”
“Gusto ko na kasi mag aral uli. Naiinggit kasi ako sa ibang bata rito eh, nung nandon po ako kina Krisha, nagkekwentuhan sila tungkol sa school tapos ako wala naman akong makwento”
Nararamdaman ko yung lungkot ni Butchok, pero ayoko naman mag take ng risk.
“Alam mo naman yung kalagayan mo…”
“Alam ko naman po. Sinabi ko lang naman Kuya, pero naiintindihan ko po”
Sobrang naaawa talaga ako pero kailangan kong pigilan yung awa ko para na rin sa ikabubuti niya.
“Kumain ka na ba?” iniba ko na kaagad yung topic.
“Opo, kayo Kuya?”
“Oo, gusto ko na ngang magpahinga eh”
“Tara matulog na tayo!” nakakatuwa talaga ’tong batang ’to. Ang sweet sweet. Sa totoo lang, kahit wala naman sila mama at papa, okay lang sa’kin, mas okay lang na nandito si Butchok.
++++
“Bes! Start na ng trabaho ko! Pak pak pak!” ang aga ni Jaycee na pumunta sa bahay, para raw makisabay sa’kin.
“Bakit, hindi mo dadalhin kokotse mo?”
“Ano ba, sayang gas. Tsaka nandiyan ka naman. Magkalapit lang naman tayo kaya keri na!”
“Hays, sagot mo gas ko ngayon ah!”
“Okie bessy. Let’s go!” habang nasa sasakyan kami ni Jaycee, nakwento ko sa kanya yung napag usapan namen ni Sir Jack kagabi.
“Pak! Malandi! Akala ko ba dinedate niya yung ka officemate mong maganda? Laura?” tanong niya.
“Ehhh hindi naman daw siya open sa ganon”
“Ultimate fuckboy ng taon ’yang Sir Jack mo ah!”
Nangiti ako tapos kinwento ko rin yung nangyari kay Sir Benj.
“Naglaplapan na naman kayong dalawa pero akala niya ikaw si Sophie? Hay nako, napaka manggagamit ng lalaking ’yan! Ultimate user ng taon!”
“Grabe ka naman, parang hindi naman…”
“Ano ka ba, ganyan yung gusto niyang isipin mo sa kanya. Habang pinapaikot ka niya sa panggagamit niya sa’yo, tuwang tuwa siya dahil napapaikot ka niya. Ano ka ba, kasama ’yon sa mga plano niya!”
Ayokong paniwalaan yung sinasabi niyang ganon pero mukhang totoo. Siguro ganon nga yung plano ni Sir Benj.
“Ayokong isipin na ganon siya”sabi ko pa.
“Ayan din iniisip niya ngayon, iisipin niya na hindi naman siya ganon pero ang totoo, ganon siya. Naiintindihan mo ba?”
Wagas maka realtalk ’tong bestfriend ko pero totoo nga. Totoo sinasabi niya. Baka tinatago lang talaga ni Sir Benj yung totoong ugali niya.
“Bes, wish me luck. Sana yung boss ko kasing yummy ng boss mo! Minus the user and fuckboy part, yung mabait at yummy lang pwede na sa’kin”
Tinawanan ko na lang si Jaycee pagdating namen ng BGC. Ako naman umakyat na sa office.
Hindi ko matignan sa Laura pero binati niya ako, siguro wala siyang kaalam alam.
“Hi, Ethan!”
“Uy, hello” mukhang okay naman siya at hindi broken.
“Sama ka mamaya samen ni Sir Jack?”
Ay, okay na ba sila uli?
“Sige, kayo na lang. Hehe”
“May lakad lang kayo ni Sir Benj eh hehe”
“Hala, wala kaya hehe”
“Samahan mo na ako, pwede naman daw akong mag invite eh.”
“Saan daw ba?”
“Condo niya, ayoko kasing mag isa eh. Mamaya…. Alam mo na.”
“Haha loko. Tignan ko”
“Ehhhh, sumama ka na!” pangungulit pa niya.
Napansin kong lumabas si Sir Benj sa opisina niya at papunta siya sa may pwesto namen ni Laura. Mukhang good mood at masaya yung gising niya ngayon.
“Ethan, magluluto raw si mama sa bahay mamaya, gusto mong pumunta?” tanong niya.
Iniinvite na naman niya ako sa bahay nila, technically sa kapitbahay lang naman namen pero ang point ko eh, ayoko siyang makasama.
“Ahh, sorry Sir, kakainvite lang sa’kin ni Laura eh. Aalis kami mamaya” sabi ko.
Humawak ako ng mahigpit sa binti ni Laura para umoo siya at ganon naman yung ginawa niya.
“Ahhh…. I see, well, okay sige. I understand” nakangiti pa rin siya pero mukhang pilit na lang. Umalis na siya uli at bumalik sa opisina niya.
“Hello, para saan naman ’yon?” tanong ni Laura.
“Eh, sige na sasama na ako. Gusto ko lang muna lumayo kay Sir Benj”
“Magkaaway ba kayo? Mukhang hindi naman ahh”
“Nako, ’wag ng maraming tanong. Basta!” tumawa na lang siya at humarap na ako uli sa computer.
Ang maganda sa office namen, hindi naka block ang facebook. Kaya nakapag check muna ako ng account ko.
Ang bumungad lang sa newsfeed ko,
“Bill is now enganged to Josan”
Punyemas! Sa dinami rami ng pwedeng bunungad sa’kin ayan pa! Bakit ba kami friends? Akala ko binlock ko na siya, hindi pa pala! Nakakasira ng araw!
Pero may kurot din ng konti sa puso ko, kasi yung taong akala ko talaga noon na makakatuluyan ko na, pinagpalit din ako sa tunay na babae.
Mukhang nasira yung focus ko dahil sa nabasa ko pero pinilit ko yung sarili kong maging okay.
+++
Sobrang wala ako sa mood maghapon. Ni hindi ko talaga kinakausap yung mga kumakausap sa’kin. Hanggang sa mag out ako. Pero hinarangan ako ni Laura bago pa ako makalabas.
“Akala ko sasama ka?” sabi niya. Napansin ko rin na magkasama na sila ni Sir Jack, inakbayan pa niya si Laura na parang okay na okay sila.
“Tara na Ethan, ’di kita papabayaan doon” sabay kindat sa’kin ni Sir Jack. Syempre, hindi nakita ni Laura ’yon kasi nakaakbay siya.
Napansin ko naman na palabas na rin si Sir Benj noon, kaya sumama na ako kaagad sakanila. Mas gusto kong kasama si Sir Jack ngayon kesa kay Sir Benj. At lalong gusto kong mawala sa isip ko si Bill ngayon kaya ako sasama sa kanila.
Hindi naman siguro ako napansin ni Sir Benj kaya pagbaba namen, dumiretso na kami sa condo ni Sir Jack.
Sa pinakatuktok yung condo niya at malaki ’yon! Nagulat din ako na napakaraming tao na kaagad yung nandoon. Parang si Sir Jack na lang hinihintay. Maraming nakipag apiran sa kanya at bumeso na mga babae, pero hindi niya inaalis pagkakahawak niya sa kamay ni Laura.
Ramdam ko yung kilig ni Laura pero ako, una kong nakita yung table na puro alak! Kaya pumunta ako kaagad doon at nag shot ng tatlong baso! Ang sarap! Sobrang tamis pero eto yung mga tipo ng alak na magpapalasing sa’yo kaagad.
“Woah, woah, woah! Tatlo kaagad, Ethan?” si Sir Jack ’yon at pinipigilan niya ako sa pang apat na shot.
“Sorry Sir, problemado lang” sabi ko.
“Ano na naman nangyari?”
Maingay sa condo niya, malakas yung tugtog at magulo rin yung ilaw, kaya medyo nagsisigawan kaming dalawa.
“Wala, gusto ko lang magpakasaya!” tinagay ko pa yung pang apat.
“Ano ba Ethan, sobrang lakas ng tama ng alak na ’yan! Tama na! Hindi mo maeenjoy yung gabi! Baka makatulog ka lang!”
Siguro lasing na ako. Kaagad. Pero siguro, iniisip ko lang na lasing ako para magpakasaya kahit kunwari lang.
’Di ko pinansin si Sir Jack at lumabas ako saka ko nakita yung napakagandang view mula sa itaas ng condo niya. May pool din siya sa labas at marami ring tao doon.
“Ethan, okay ka lang ba talaga?” hila sa’kin ni Sir Jack.
“Oo nga, Sir. Okay lang. Samahan niyo na po si Laura, mas gusto ko po mapag isa ngayon” sabi ko pa.
Tumingin lang siya sa’kin na parang nag aalala pero binalikan na niya si Laura. Ako naman, lumayo ng kaunti para sumilip sa ibaba. Grabe! Ang ganda! Ang taas taas ko ngayon at kitang kita ko yung view ng city!
Malakas yung hangin pero dahil sa alak, hindi ako masyadong nilalamig, parang umeepekto na yung init sa loob ng katawan ko eh.
“Uy, you’re too close. Baka ma fall ka, walang sasalo sa’yo diyan” sabi nung lalaki na lumapit sa’kin, namukaan ko kung sino siya.
“Stephen”
“Hi Ethan, bakit nandito ka? Ay oo nga, friends din pala kayo ni Zachary!”
“Ahhh ehhh oo…”
“You look drunk! Nakailang shot ka na ba?” tanong niya pero inalok niya pa ako ng isa pang tagay. Hindi naman ako tumanggi at nag cheers pa kami.
“Ang sarap talaga!!” sigaw ko.
“Woah, easy haha. Tara, let’s cool you down”
Bigla siyang naghubad ng Tshirt sa harapan ko! Punyemas, Stephen! Nakita kitang nakahubad sa pictures mo sa FB, nakita ko pa ng harapan!
Napakagat ako ng labi, iba yung dating ni Stephen eh, iba kasi kapag chinito tapos malaki pa yung katawan. Pinkish pa nipples niya, dafuq, bakit ang perfect ni Stephen?
Naghubad din siya ng pantalon sa harapan ko at nakashort na lang siya. Ang yummy! Sobrang yummy niya talaga!
“Ano? Hindi ka ba maghuhubad?”
“Ha? Ehh…. Anong gagawin natin?”
“Magsswimming. Haha, may iba ka pa bang gustong gawin ng nakahubad tayo?” ngumiti siya at lumiit na naman mga mata niya. Dafuq, ano ba ’tong magttropang ’to.
“Ahhh, hindi kasi ako marunong lumangoy eh”
“Ethan, hindi ka malulunod diyan, at saka mababaw lang ’yan. Tara, oh kung gusto mo, yakap ka na lang sa’kin”
Hindi ako nakasagot, pero bigla siyang lumapit at hinuhubad yung damit ko.
“Bilis, nilalamig na ako! Haha” sabi niya pa. Napilit niya na rin akong maghubad ng damit.
Nakaka intimidate yung katawan ni Stephen. Tinignan niya rin yung suot ko, buti na lang naka short ako ngayon.
“Sexy!” sabi niya.
“Loko!”
“Tara naaaaa!!!” hinila na niya ako at sabay na kaming tumalon sa pool. Akala ko giginawin ako, pero hindi! Ang init ng tubig.
“Puro ihi na ata ’to eh! Ang init!”
“Haha, baliw ka talaga”
Mababaw lang yung tubig pero lumangoy si Stephen papunta sa dulo at bumalik sa pwesto namen. Nginitian niya ako habang inaangat niya yung buhok niya.
“So…. Wala kang ka date? Wala si Benjamin eh” sumandal kaming dalawa sa dulo ng pool.
“Ahh… Wala.”
“Bakit hindi ka sumama sa kanya? Di’ba Birthday ng mama niya?”
Ahh! Kaya pala niyayaya niya ako kanina kasi Birthday ng mama niya!
“Hala ka, magtatampo ’yon sa’yo kapag nalaman niyang nandito ka sa party ni Zachary!”
“Eh bakit kasi nagpaparty si Sir Jack sa araw ng Birthday ng mama ni Sir Benj? Eh ikaw, bakit nandito ka?”
“Susunod ako don mamaya! Inuna ko lang dito kasi magtatampo rin yan si Zachary. Mga tropa ko talaga eh, mga pabebe pero malalambot din ’yan pagdating sa mga ibang tropa”
Hindi ako makasagot, medyo nahihilo na kasi ako. Mas nakakahilo pala kapag nasa pool ka. Medyo umiikot na kasi paningin ko at mukhang napansin naman ni Stephen ’yon.
“Nakailan ka na ba? Mukhang babagsak ka na anytime ah?” inakbayan niya ako at napahawak ako sa dibdib niya.
“Ohhh… Lasing ka na talaga. Ang bilis naman, di pa ako nag eenjoy dito ehh” hinila niya ako papunta sa kabilang dulo ng pool at umupo kami roon.
“Salamat, ayokong nakatayo ehh, parang lumulutang din yung mga alak sa loob ng tyan ko” sabi ko pa.
“Hehe, ganon talaga ’yon. Akala ko kasi kaya mo pa kaya dun kita pinunta, medyo okay ka na ba?”
“Nahihilo pa rin ako eh”
Inakbayan niya ako uli at pinasandal sa balikat niya. Fvck, hindi ko inaasahan yung ginawa niya, may mga naliligo rin kasi sa pool at siguradong nakikita nila kami.
“Uy, nakakahiya…” sabi ko.
“Hala, tropa tropa lang Ethan, masyado ka naman haha”
Ako yung nahiya sa sinabi niya.
“Naturally sweet lang talaga ako, at saka hindi naman ako naaawkwardan eh. Unless, ikaw….”
“Medyo awkward lang kasi maraming nakakakita”
“Ohh…. Okay, sorry.” tinanggal na niya yung pagkakaakbay ay naupo na uli kaming dalawa.
Natahimik kaming dalawa at umingay lang ng may babaeng lumapit samen ni Stephen. Si Kaye! Pinalapit niya kami ni Stephen para makipagpicture sa kanya.
“Woah! Selfie!!!” sigaw niya sabay alis din kaagad.
Naiwan uli kami ni Stephen doon.
“Lasing na rin yung isang ’yon sigurado! Haha” sabi pa ni Stephen. Nangiti na lang din ako pero alam ko nahihilo na rin ko.
Maya maya tumayo siya at pumasok sa loob, paglapit niya uli sa’kin, may bitbit siyang dalawng shot glass.
“May balak ka bang masama sa’kin para lasingin mo ko ng todo?” tanong ko sakanya.
“Gusto mo bang gawan kita ng masama?” binigay niya yung baso sa’kin pero bago ko pa mainom, biglang may humablot sa baso ko.
Si Sir Jack.
Bigla niyang tinagay yung shot at inabot niya yung kamay niya sa’kin para umahon sa pool.
“Lasing na ’to, penpen. ’Wag mo ng patagayin” sabi ni Sir Jack.
“Eh kaya pa naman niya eh. At saka isa pa sinunod….”
“Stop. Lasing na siya. Halika na Ethan” nung nakatayo na ako, medyo nahilo na naman ako at parang umeepekto na yung alak.
Dinala niya ako sa kwarto niya at doon, tahimik at walang katao tao. Simple lang yung kwarto niya at malamig.
“Bakit ba ang dami dami mong ininom? Ayan, ang aga aga pa, lasing ka na kaagad!”
“Hehe, sorry!”
“Tignan mo yang itsura mo, lasing na lasing ka talaga. Tsk! Nakakainis ha!” medyo malakas yung boses niya, ewan ko, lasing kasi talaga ako. Parang nakatulala lang ako, may naririnig pero lumalabas lang din kaagad sa kabilang tenga.
“Ethan, ano ba? Alas otso pa lang lasing kana!”
“Bakit ba ha?”
“Anong bakit ba? Paano kung may mangyari sa’yo sa labas?”
“Eh ano bang mangyayari?” tanong ko.
“Kahit ano pwedeng mangyari!”
“Eh ano bang gusto mong mangyari ha?”
“Ethan, lasing ka na. Magpahinga ka na muna”
“Hindi, ano muna yung mangyayari?”
“Matulog ka na”
“Ano muna mangyayari?”
“Ang kulit mo naman Ethan eh.”
“Ano nga mangyayari?”
“Wala. Magpahinga ka na!”
“Hindi, may mangyayari eh. Ano ba kasi mangyayari?” natatawa ako sa sarili ko kasi para akong tanga pero ang sarap lang sa pakiramdam.
“Gusto mo may mangyari?” medyo maangas yung tanong niya.
“Ayaw.”
“Ang gulo mo Ethan!”
“Ano muna mangyayari?”
“Argh!!!!”
“Haha, ayaw!”
“Tumahimik ka na Ethan! Matulog ka na diyan at lalabas na ako, kukuhanan lang kita ng malinis na damit.”
“Ano muna mangyayari?”
“Gusto mo talagang may mangyari? Sige eto!”
Sinunggaban niya kaagad ako ng halik sa mga labi ko! Madiin! Hiniga niya ako sa kama at pumatong siya. Wala kong kalaban laban pero ang galing humalik ni Sir Jack. Intimate french kiss pero may something na hindi ko maintindihan.
Panandalian kong minulat mata ko para tignan si Sir Jack pero nakapikit siya habang hinahalikan ako. Hawak niya pa yung mga kamay ko kaya wala talaga akong laban.
“Oh…. Ayan, may nangyari na!” sabi niya. Ganon pa rin yung pwesto namen pero nakangiti na siya.
Para naman akong nabuhusan ng tubig sa ginawa namen kaya natulak ko siya bigla at napahiga siya sa tabi ko.
“Sorry, busy pala kayo rito” hindi si Sir Jack nagsabi non. Tumingin ako at bukas na yung pinto.
Nakatayo si Sir Benj doon at kitang kita niya yung ginawa namen ni Sir Jack.
++++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!
Part 18
Mukhang ako lang yung nagulat sa pagdating ni Sir Benj kasi si Sir Jack biglang yumakap sa’kin na parang hindi niya nakita si Sir Benj.
“Dapat marunong tayong kumatok, Benjamin. Buti na lang may damit pa kaming dalawa” sabi ni Sir Jack.
Poker face lang si Sir Benj.
“Okay. Hindi ka na ba pupunta sa bahay?” tanong ni Sir Benj.
“Susunod ako pre, pupunta na ba sila Kaye at Stephen?” nakayakap pa rin sa’kin si Sir Jack nung mga oras na ’yon.
“Hindi pa ata. Sige, bukas na lang kayo pumunta.”
“Sure ka?”
“Oo. Eh, mukhang….. Busy pa kayong dalawa eh”
“Okay, see you tomorrow pre” sabi na lang ni Sir Jack. Napatingin lang sa’kin si Sir Benj at hindi ko maexplain yung tingin na ’yon.
Pag labas niya ng pinto, tinulak ko uli si Sir Jack.
“Para saan naman ’yon?!” medyo nawala yung hilo ko dahil sa ginawa niya.
“Akala ko ba magpapanggap tayo. Well, I can see in his eyes na parang wala lang sa kanya. I don’t know, ano ba nakita mo?”
“Hindi ko alam! Hindi ako makapag isip! Ang bilis ng pangyayari”
“Well, one thing’s for sure, nakakausap na kita ng matino hindi tulad kanina”
Tumayo siya at nag ayos.
“Bakit mo ko hinalikan?” tanong ko
“Hindi mo ba nagustuhan?”
Oo? Hindi?
“Well, I can kiss you again if you want.“pahabol niya pa.
“What?! No!”
“Oh. Okay. Well, nag enjoy ako sa kiss na ’yon. Baka ikaw na isipin ko everytime na you know… Mag aano ako” sabay kindat sa’kin.
Nagtakip lang ako ng unan sa sobrang hiya at narinig kong bumukas yung pinto. Baka lumabas na siya at naiwan na akong mag isa sa kwarto niya.
++
Mukhang napahaba ata yung tulog ko sa higaan ni Sir Jack at pag tingin ko sa relo ko, alas onse na. Hindi ko alam kung umaga o gabi, pero pag bukas ko ng pinto madilim pa naman. Kaya nasa party pa rin ako.
Napansin kong iba na rin yung suot kong damit, malaking damit ’yon pero komportable.
“Hey! Gising ka na! Tara tagay!” sabi ni Stephen at inabutan na naman ako ng shot glass.
“Sorry, mamaya na lang siguro” sabi ko.
“Ethan!” boses naman ni Sir Jack ’yon. Lumapit siya at inayos niya yung buhok ko. Kahit maraming nakakakita, wala siyang paki.
“Okay ka na? Gusto mo chocolate or something na mainit? Soup? Ano?” tanong niya.
“Ahhh… Wala, okay lang ako” sabi ko.
“Kapag si Ethan inaalok mo ng ganyan, pero akong tropa mo, hindi?!” singit ni Stephen.
“Haha pwede ka naman magluto pre, hindi ka na others dito”
“Naiihi ako eh” singit ko naman sakanila.
“Ohh nandon lang yung CR” turo ni Sir Jack.
Parang nawala bigla yung mga tao, may nakikita ako sa labas na iilan pero sa loob, wala na talaga maliban kay Stephen.
Bago ko mahawakan yung doorknob ng CR, bumukas ’to at nandon pa si Sir Benj.
“Sir Benj!” sabi ko.
“Okay ka na?” medyo nag aalala naman yung tono ng boses niya.
“Ahh… Opo”sagot ko.
“Good.” hindi na niya ako hinintay sumagot at umalis na siya. Hindi ko tuloy alam kung galit ba o hindi.
Pagka CR ko, nakita ko na si Stephen, Kaye, Sir Benj, Sir Jack at dalawa pang babae na nasa table. Mukhang sila na lang yung tao. Wala na akong nakitang tao sa labas.
“Ethan, halika!” si Sir Jack ’yon at pinapatabi niya ako sa kanya. Bilong yung lamesa at pito kaming nakapalibot. Katabi ko si Sir Jack sa kaliwa at si Stephen sa kanan. Si Kaye naman katabi ni Stephen tapos yung babae tapos si Sir Benj tapos yung isang babae.
“Lasing na ba kayo?” tanong ni Sir Jack. Sumigaw silang lahat ng hindi pa. Si Sir Benj naman umiinom lang ng beer.
Bumulong ako kay Sir Jack kung nasaan na si Laura.
Nilapit niya rin ng todo yung bibig niya sa tenga ko at bumulong “umuwi na kanina pa”
“Hinatid mo ba?”
“Oo naman. Tulog ka kasi eh”
“Okay okay”
Nakita ko naman na nakatingin si Sir Benj sa bulungan namen ni Sir Jack. Mukhang sinadya ni Sir Jack na mas malapit yung bibig niya sa tenga ko para mainis si Sir Benj pero mukhang wala lang din sa kanya.
“Spin the bottle! Matapatan, iinom ng alak, kapag ayaw, dare!” biglang sigaw ni Stephen. Pumayag naman silang lahat pati ako.
Nagpaikot ng bote si Stephen at buena manong tumapat sa’kin.
“Shot na lang” sabi ko.
“KJ!” pero walang nagawa si Stephen at tumagay ako. Umakbay naman sa’kin si Sir Jack at napatingin uli si Sir Benj.
Pinaikot ko yung bote at tumapat sa babaeng isa. Maganda silang dalawa actually, parang walang tropa si Sir Jack na hindi maganda o gwapo.
“Dare” sabi nung babae.
“Wooooah! Gusto ko ’yan! Hmmmm….. Show us your boobs!” sabi ni Stephen.
“No!” sigaw ni Kaye.
“Ang KJ talaga neto o sige, kiss mo na lang yung pinaka attractive para sa’yo. Sa lips!” utos niya.
Bigla naman siyang tumayo at pumunta kay Stephen at hinalikan niya sa labi. Wow, ang hot pala makakita ng naghahalikan.
“Woah, okay okay.” sabi ni Stephen, pinaikot niya uli yung bote at tumapat sa’kin, tumagay uli ako kasi ayoko ng dare. Pagkaikot uli ng bote, tumapat naman kay Sir Benj.
“Oh Benjamin! Alam mo na! French kiss, german kiss, lahat ng klaseng kiss! Para sa pinaka gusto mong halikan dito” utos ni Stephen.
Hindi na tumayo si Sir Benj at humarap na lang siya sa babae sa tabi niya at hinalikan niya ’yon ng matagal. Hindi lang ’yon! Pagkatapos niyang halikan yung babae ’yon, pinuntahan naman niya yung isang babae para halikan din.
Naghiyawan sila pero ako pinanuod ko lang siya. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko pero parang apektado ako sa napanuod ko.
Tumapat naman uli sa’kin at tumagay ako uli pero this time, apat na sunod sunod na shot!
“Ethan!” sabing sabay ni Sir Benj at Sir Jack.
Hindi ko sila pinansin at pinaikot ko yung bote at saka tumapat kay Stephen! Parehas lang ng utos na halikan yung pinaka interesadong tao pero nagulat ako, pati si sila Sir ng halikan niya si Kaye. Nakita ko rin na nagulat si Kaye sa ginawa ni Stephen.
Ako lang ata yung nag cheer at humiyaw non, siguro epekto ng alak.
Lasing na lasing na kaming lahat pero tuloy lang kami sa paglalaro.
Nung natapat sa’kin yung bote, si Sir Benj yung nag utos.
“Sabihin mo sa’kin kung bakit ka naglalasing ngayon!” hindi siya natutuwa sa inaasal ko at kahit nakikisaya siya, pag dating sa’kin nagagalit siya.
Tulog na yung dalawang babae sa lasing pati si Stephen at Kaye. So, kaming tatlo na lang yung nakaupo ng maayos.
“Wala… Gusto ko lang” sabi ko.
“Ethan, seryoso ako. Anong problema mo?” tanong niya pa. Mukhang interesado na rin si Sir Jack.
“Gusto ko nga lang mag inom!”
“Dahil ba sa ex mo?” sabi ni Sir Benj.
“Paano mo nalaman?”
“Hindi ko alam, ikaw nagsabi. So, anong meron sa ex mo?” tanong pa ni Sir Benj.
Natawa lang ako pero naging seryoso kaagad.
“Ikakasal na eh”
Tahimik lang silang dalawa sa sinabi ko.
“Dumagdag pa yung tatay ko na sa bahay na tumitira, ayoko siyang nakikita eh! Yung mama ko, hindi na naman umuuwi, hindi ko alam kung anong ginagawa. Yung kapatid ko, gustong mag aral pero hindi pwede kasi hindi safe. Tapos ayun, dumagdag pa si Bill. Hindi ko alam, pero parang ang bigat lang sa pakiramdam.”
Hindi pa rin sila nagsalita.
Pero si Sir Jack, hinawakan yung kamay ko.
“Bakit kasi hindi mo sinabi sa’kin? Sabi ko naman sa’yo makikinig ako eh”
“Sa’kin din Ethan. Bakit hindi mo sinabi?” singit ni Sir Benj.
“Hindi ko po alam kung paano sasabihin.”
“Atleast nasabi mo na” bigla akong niyakap ni Sir Jack at sa mga oras na ’yon, parang ayun lang kailangan ko.
Tumayo naman si Sir Benj at lumabas muna.
“Kasama po ba ’yon sa arte nating dalawa?” tanong ko kay Sir Jack.
“No, nag aalala talaga ako sa’yo Ethan. Totoo ’yon, kung pwede lang kita yakapin ng yakapin, gagawin ko.”
“Salamat, Sir Jack”
“Dito ka na lang matulog, tatabihan kita.”
“Hala, hindi na po. Nahihilo lang ako ngayon pero kaya ko pa naman umuwi” sabi ko.
“Okay….”
“Paano ’tong mga ’to?” turo ko sa mga natutulog sa sobrang lasing.
“Hayaan mo, diyan lang sila. Gigising din mamaya ’yan hehe. Gagawan lang kita ng pagkain ah?” tumayo siya at mukhang magluluto. Ako naman, nilabas ko si Sir Benj na nakatayo at nakatingin sa napakagandang view.
“Oh… Bakit mo iniwan si Zachary doon?” tanong ni Sir Benj.
“Nagluluto po eh”
“Ahhh… So, siya pala yung gusto mo? Bakit naman hindi mo sinabi sa’kin edi sana nilakad pa kita”
“Po?”
“Hindi ko sinasadyang makita kayo na naghahalikan sa kwarto niya, tapos yung bulungan niyo pa kanina, bagay kaya kayo!”
Nag assume lang pala ako na nagseselos siya.
“Kayo nga Sir yung dalawang babae kanina eh….”
“Hehe, namimiss ko lang ng may ka kiss”
“Ahhhh”
“Kaso pala kung ilalakad kita kay Zachary, dapat sa labas ng office, kasi kapag sa loob, fake boyfriend mo ko di’ba hehe”
Seryoso ba talaga siya? O nang aasar na ewan?
“Wala lang akong alam na history ni Zachary na…. Alam mo na, sa lalaki”
“Ehhh hindi ko naman….”
“No, Ethan. You deserve to be happy. At nakikita ko na masaya ka sakanya. Ang bait mo kaya tapos masunurin, hindi ka aware sa mga bagay na ganon kaya mas lalo kang nakaka turn on. Hindi naman forever na magpapanggap tayong dalawa, if you want to be with Zachary, that’s okay with me.”
Hindi pa rin ako sumasagot. Ibig sabihin lang ng sinasabi niya, wala talaga siyang gusto sa’kin at peke lang talaga lahat ng pinapakita niya.
“I miss Sophie so much na hindi na ako nakakapag isip ng maayos.”
Nung marinig ko yung Sophie, naalala ko na naman yung sinabi niya. Parang nag eecho sa isip ko ngayon yung ‘I love you Sophie’
“Kaya alam ko pinagdadaanan mo ngayon, just let it out. I think okay ka naman na with your ex, kailangan mo lang ng closure. Kasi masaya ka na with your Sir Jack. And ayun lang naman importante sa’kin, yung masaya ka”
“Uhm…. Paano yung mama mo? Di’ba birthday niya?” iniba ko na yung topic, kasi kahit na pinupush niya ako kay Sir Jack, mas umaasa ako sa kanya.
“Bukas na lang siguro. Si Kaye kasi eh, nag send ng picture sa groupchat namen tapos nakita kita, lasing na lasing ka na. Katabi mo pa si Stephen eh mamaya kung anong gawin sa’yo non!”
“Hehe, grabe ka”
“Ethan…” hinawakan niya yung kamay ko.
Tinignan ko lang siya.
Tumingin lang din siya, mukhang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi kaya huminga na lang siya ng malalim.
“Tara sa loob, baka luto na yung famous soup ni Zachary hehe masarap ’yon promise!”
Akala ko talaga may mahalaga siyang sasabihin pero pumasok na kaming dalawa sa loob habang hawak niya yung kamay ko.
++++
Si Sir Jack naghatid sa’kin kagabi, nagulat din siya nung nalaman niyang magkapitbahay kami ni Sir Benj.
Hindi productive yung pagpasok ko kinabukasan, buti na lang hindi ako pinagalitan ni Sir Benj. Nararamdaman ko na naman na nanlalamig yung pakikitungo niya sa’kin.
Ngayon din dapat yung pagpunt nilang magtotropa sa bahay nila Sir Benj para sa Birthday ng mama niya pero hindi na tinuloy ni Sir Benj.
Lumipas na naman yung mga araw na hindi ako kinakausap ni Sir Benj, yung tipong ngingiti lang siya sa’kin tapos ayun lang. Wala man lang hi, o hello.
Panibagong linggo uli at ganon pa rin yung nangyayari. Medyo nasanay na rin ako na ganon siya sa’kin, so far, wala namang reason para magpanggap kaming dalawa na mag jowa kasi hindi pa pumupunta sila Sir Miggy at Cielo.
Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ng marinig ko yung boses ni Sir Benj na tinawag yung pangalan ko. Almost 2 weeks din ’yon! Medyo naexcite ako sa pagtawag niya sa’kin kaya nagmadali ako pumunta sa opisina niya.
“Yes, Sir Benj?” nakangiti pa ako non sa kanya.
“Pinapatawag ka ni Zach, akyat ka na lang sa office, alam mo naman right?” pero siya, suplado yung dating niya.
“Ahhh… Okay po…”
“Ireport mo kaagad sa’kin kung may ipapagawa siya sa’yo ah? Kasi may papagawa ako sa’yo” again, suplado, ni hindi niya ako matignan sa mga mata.
“Okay Sir” umalis ako sa opisina niya at umaasang tatawagin niya uli pangalan ko, pero hinayaan niya lang ako at mukhang hindi niya talaga ako papansinin.
Umakyat ako kaagad kay Sir Jack at nakita ko siyang may kausap sa phone. Nagpaalam kaagad siya sa kausap niya at pinaupo niya ako.
“Ethan! Ano ng balita?” tanong niya.
“Ano pong balita?”
“Sa’yo? Hindi ka pa rin pinapansin ni Benjamin?”
“Ahh. Ayon po ba? Hindi pa rin po”
“Ohh, napakahirap talagang intindihin ng taong ’yon, no?”
So pinapunta niya ako para maki chismis.
Pero may kumatok sa pinto ni Sir Jack, at si Sir Benj ’yon!
“Ethan, I told you to report to me immediately di’ba?”
Halos wala pang 5mins simula ng umalis ako sa office niya, ang bilis naman niya makasunod. Ibig sabihin, sumunod na siya sa’kin dito kaagad?
“Ahh. Wala, may sinabi lang akong important” sabi ni Sir Jack.
“Okay. Ethan, tara. May papagawa ako sa’yo” sumenyas si Sir Jack na sumama na ako kaya tumayo ako at bumaba na kasama siya.
“Ano pong papagawa niyo?” tanong ko, nasa loob na kami ng opisina niya.
“Wala. Bumalik ka na sa trabaho mo”
“Sir?”
“Ayokong naalis ka sa paningin ko, sige na. Gawin mo na trabaho mo. Yung presentation natin kay Sir Miggy at Cielo okay naman na di’ba? Gumawa ka pa ng isa para may plan B tayo”
“Ehhh sa computer niyo lang po ako makaka access ng information eh”
“Ohh… Sige, diyan ka na gumawa” tumayo siya at pinapaupo ako sa harap ng computer niya.
“Talaga po ba, Sir? Okay naman na po yung gawa natin nung una”
“Gusto ko pa ng isa. Kaya umupo ka na at gawin mo!” medyo matigas niyang sabi kaya sumunod naman ako kaagad.
Imbis na umupo siya ng nakatalikod sa’kin, talagang pumwesto siya sa kabila para nakikita niya ako. Ako naman nakatagilid kaya mahihirapan akong tignan kung nakatingin siya sa pwesto ko.
Marami siyang binabasa at pinipirmahan kaya gumawa na ako ng presentation.
Bigla namang nagtext si Sir Jack.
“Ethan, I miss you 😞”
Hala! Bakit ganyan yung text ni Sir Jack?!
“Labas naman tayo mamaya” text niya pa uli.
Napatingin ako kay Sir Benj at kitang kita ko na ang sama ng tingin niya sa’kin.
“No cellphones! Nagtatrabaho ka. Dapat sinusurrender mo ’to sa labas ah?” inabot ko sa kanya yung phone ko at nakalimutan kong wala palang lock code ’yon!
Napansin kong parang may tinitignan siya.
“Sir. Wait, lock ko lang” sabi ko.
“Hindi na kailangan, nabasa ko na. Kayo na ba ni Zachary? Akala ko sila ni Laura? Medyo magulo rin kayong dalawa no?”
Pinapagalitan niya ako this time.
“Hindi po Sir.”
“Eh bakit may I miss you? Hindi ba kayo nagkikita? Eh palagi na nga kayong magkasama nung mga nakaraang araw, tapos may pa I miss you I miss you pa siya?”
Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa sa kanya. Nagagalit siya dahil dun? Parang nagseselos lang.
“Oh bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?” seryoso, ang gwapo niya kapag nagagalit. Siguro sobrang namiss ko yung hindi niya pagkausap sa’kin ng ilang araw kaya ganito.
“Wala po.” sabi ko na lang.
“Magkatext din kayo ni Stephen?”
“Sir, ’wag na kayong magbasa ng inbox ko!”
“Salamat Ethan. Tapos may heart na emoji! Bakit may heart na emoji yung text ni Stephen?!”
Parang gusto ko tuloy siyang asarin.
“Secret” sagot ko.
“Aba! Secret pala ah!” natatawa ako sa pwesto ko ng marinig ko siyang magsalita.
“Stephen bakit tinetext mo si Ethan ng may heart na emoji?!” tinawagan niya pala si Stephen!
“Hindi! ’Wag ka magtext ng ganon sa kanya!”
“Tigilan mo ako ha. ’Wag si Ethan”
“Haha mabuti ng nagkakalinawagan tayo. Akin ’to”
“Sige pre!”
Pagkababa niya ng tawag, tumingin uli siya sa’kin.
“Oh. Hindi ka na niya tetextan ng heart. Pinagsabihan ko na”
Hindi ako sumagot.
“Bakit hindi ka sumagot? Gusto mo rin na nagtetext si Stephen sa’yo? Chinito na gusto mo?”
“Alam niyo Sir Benj kung may problema kayo, ’wag niyo sa’kin ibuhos. Nagtatrabaho ako rito oh!”
“Eh ikaw nga problema ko! Ilang araw mo kong di papansinin tapos malalaman kong kasama mo lang si Jack. Tapos ngayon nagkikita rin pala kayo ni Stephen, tapos kahit hi lang sa’kin, wala?!”
“Hala, eh ikaw nga ’di namamansin eh!”
“Nginingitian nga kita eh. Tapos hindi ka nag ha hi! Gusto ko kasi mag hi ka”
Ang sakit sa ulo!
“Eh ano naman kasi kung kasama ko sila? Nagseselos ka ba?” tanong ko.
“Oo”
Mukhang nabigla siya sa sagot niya, kahit ako nabigla eh. Natahimik lang kaming dalawa at tumayo siya sa pwesto niya.
“Tapusin mo ’yan, may gagawin lang ako” utos niya at lumabas na siya ng opisina niya.
++++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
Part 19
Read my story: Greg’s Diary! :)
++++++
Hindi ko talaga maintindihan ugali ni Sir Benj. Ilang buwan na rin kaming magkasama pero hindi ko talaga mahanap yung tyempo kung kailan siya galit, mabait, masaya, suplado o naiinis.
Ngayon, iniwan niya ako sa opisina niya, at umamin siyang nagseselos siya sa ginagawa ko. Ano ba talaga siya?
Kapag pumatol siya sa lalaki, ibig sabihin hindi siya straight. Pero straight siya eh, ramdam ko naman ’yon. Minsan napapakilig niya ako, hindi lang minsan, madalas pero iba eh. Alam ko kasing straight siya.
Kaso may straight ba na nagseselos sa isang katulad kong bisexual na sumasama sa ibang lalaki? Parang wala naman. Siguro si Sir Benj ’yon, pero ayoko talagang umasa. Sa tingin ko kasi ginagawa niya lang lahat ng ’to para talaga ma fall ako sa kanya at mas maging makatotohanan yung pagpapanggap namen.
Natapos ko yung ginagawa ko ng hindi bumabalik si Sir Benj sa opisina niya. Hanggang sa mag out ako, hindi ko siya nakita. Hindi ko na rin siya hinanap kasi hindi ko pa siya kayang harapin.
“Alam mo, tantanan mo na yang boss mo, promise! Try mong makipag date kay Sir Jack mo, kasi mas may chance ka sa kanya!”
“Ayoko bes, si Laura, paano? At saka nagpapanggap lang din kami”
Nasa Mozu na naman kami ni Jaycee, kailangan ko na siyang makausap about dito kasi medyo nagiging seryoso na yung lahat.
“Kaya mo pa bang magpanggap? Kasi bes tingin ko hindi mo na kaya eh! Fall na Fall ka na.”
“Hindi naman! Grabe ka!”
“Let’s see kung anong level na yung pagka fall mo kay Sir Benj. Kapag naka isang YES ka sa limang itatanong ko, ibig sabihin hindi ka pa fall. Kapag 2, keri lang. Kapag 3, iwas iwas na ’pag may time. Kapag 4, bes, falling in love ka na. Kapag 5, wala ng chance! Masasaktan ka na!”
“Ano na naman ’yan bes….”
“Shhh shh shhh…. Ako magtatanong. Unang Tanong!!”
Nagulat ako sa biglang pag sigaw niya.
“Hinahanap hanap mo ba siya sa tuwing papasok ka?” tanong niya.
“Syempre hindi!”
“Umiiwas ka?”
“Oo! Ayoko kasi siya makita”
“Pak! Unang yes!” sabi niya.
’Di ako nakasagot kasi guilty talaga ako sa part na ’yon.
“Pangalawa, naaawkwardan ka ba everytime na magkasama kayo?”
“Hmm… Medyo”
“Pak! That means, yes! Pangalawang yes! Gusto mo pa bang ituloy ko?”
“Bes gets ko na, oo na! Na fall na ako kay Sir Benj! Okay? Masaya ka na?”
“Gaga, hindi ako masaya. Sabi mo hindi ka ma fafall di’ba? Malinaw usapan natin! Hindi ka ma fafall! Natandaan mo ba ’yon?!”
Sinabi ko nga ’yon pero wala na. Huli na talaga ang lahat. Mahirap talaga magsalita ng tapos.
“Hay nako, stress! Hindi ko tuloy makwento yung nangyari sa first 2 weeks ko!” sabi pa ni Jaycee.
“Ay sige bes! Ano ba nangyari? May cute boss ka rin ba?”
“Well, sadly, babae boss ko pero maganda at sexy. Hindi ako naaattract ha? Nabbwisit ako kasi ang ganda ganda niya! Ayoko sa babaeng mas maganda kesa sa’kin!”
“Haha, oh? Bakit parang hindi ka naman malungkot na babae boss mo?”
“Hindi talaga kasi yung officemates ko! Pak! Ang ggwapo! Required ata gwapo’t maganda sa team namen eh!”
“Oh talaga? Edi may bet ka?”
“Medyo, oo. Kaso hindi ko alam, parang tinamad na akong lumandi simula nung nagkatrabaho ako, feeling ko oras na para magseryoso. At saka nag eenjoy ako sa ginagawa ko kaya hindi ko talaga napapansin yung mga boys!”
“Bes, kung hindi kita kilala, iisipin kong hindi ikaw ang kausap ko. Iba ka na magsalita. 2 weeks ka pa lang nasa trabaho pero tignan mo, parang nagbago ka na talaga”
“Haha, may pasulyap sulyap naman pero pinipigilan ko talaga”
Medyo kakaiba talaga sinasabi ni Jaycee ngayon, hindi ko alam kung nagbago na siya o may problema lang siya na ayaw niyang sabihin. Ayaw niyang tinatanong ko siya tungkol doon kasi kusa naman siyang nagkekwento.
“Oh, balik sa’yo. Kung ako sa’yo bes, layo layo ka na ng kaunti ha? Para rin naman sa’yo yan eh.” pahabol pa ni Jaycee.
Nakakatuwang kausap yung ganitong Jaycee, may sense at seryoso. Kaya napagdesisyunan ko na rin talaga na lalayo ako at ituturing na lang si Sir Benj na boss ko.
++++
May meeting kami ngayon at ako uli yung sinama ni Sir Benj para maglist ng notes. Simula talaga nung pumasok ako sa kanya, ako na yung parang naging secretary niya. Kaya kahit may naiwan kaming issue, ako pa rin yung pinapunta niya.
Naririnig ko rin na nagpaplano si Sir Benj ng Team Building para sa’min. At mukhang sa Mindoro gaganapin.
Pagkatapos ng meeting namen, kinakausap ako ni Sir Benj na parang walang nangyari.
“Nag lunch ka na Ethan?” tanong niya.
Lumayo, Ethan. Lumayo.
“May gagawin pa po ako Sir” sabi ko.
“Wait”
“Sorry Sir” binitawan ko siya at bumalik na kaagad sa office. Ayoko talaga makipag usap sa kanya. Gusto ko mawala muna yung feelings ko sa kanya bago ko siya kausapin uli.
Hanggang sa matapos yung araw, pilit niya akong kinakausap pero hindi ako sumasagot. Nagkabit din ako earphones para mas lalo niya akong hindi kausapin.
Mag oout na sana ako ng makita kong nag out na si Sir Benj.
“Uwi ka na, Ethan? Halika sabay na tayo pababa”
“Ahh… Hindi sir, OT.”
“Hindi naman ako nag approve ng OT mo ah?”
“Ahh… Pa approve na lang po hehe.”
Tinignan niya lang ako at umoo. Sana makaramdam naman siya na lumalayo ako sa kanya para tigilan na rin niya ako.
Napansin ko rin na ako lang pala yung naiwan doon kaya pinangatawan ko na lang din yung pag OOT.
“Oh, bakit nandito ka pa?” halos magulat ako ng may magsalita! Eh ako lang naman nandoon!
“Sir Jack!! Grabe ka naman nanggugulat ka!”
“Haha sorry, wala akong intensiyon. Ohh bakit ka pa nandito?”
“Ahh. OT”
“Ikaw lang?”
“Opo.”
“Ahh so kung may gagawin tayo rito wala palang makakakita ’no?”
Napatingin ako sa kanya ng masama at tumawa lang siya.
“Biro lang Ethan haha. Ano ba yang ginagawa mo? Baka matulungan kita” pumunta siya sa likuran ko at naririnig ko yung pag hinga niya.
“Ahm… Kaya ko na po Sir”
“Eh gusto kitang tulungan eh.”
“Ang awkward lang ng pwesto niyo sir”
“Nag kiss na tayo right? Mahihiya ka pa?”
Napatayo ako at umiwas kasi medyo naiinitan ako sa nangyayari. Naupo naman siya sa upuan ko at pinagmasdan ako.
“Labas tayo Ethan, tama na ’to! Kayang kaya mo naman ’to bukas eh! Kaya mo mga ’to ng nakapikit eh!”
“Eh pinalipas ko lang naman po yung oras kasi iniiwasan ko si Sir Benj!”
“Oh? May ginawa ba siya?”
“Ehh nagalit kasi siya nung nabasa niya text mo sa’kin”
“Haha, eh namimiss naman talaga kita ah? Bakit ba niya pinapakialamanan phone mo? Halika na, labas na tayo!”
“Tapusin ko lang…”
Nakita kong shinut down na niya yung PC ko at tinutulak na niya ako palabas.
“Wala ka ng magagawa, halika na!” yaya niya pa. Medyo gusto ko rin kasing umalis kaya pumayag na ako sa gusto niyang mangyari.
“Oh, so nainlove ka na pala talaga?” medyo seryoso na yung boses ni Sir Jack. Nasa Mozu kami ngayon at nag iinom ng margarita.
“Kaya pa naman sigurong maiwasan”
“Hmmm… Mahirap umiwas lalo na kung palagi kayong nagkikita. Gusto mo bang sa’kin na lang magtrabaho, sa office ko. Wala naman akong katulong doon”
“Hala hindi po, hindi ko iiwan si Sir Benj”
“‘Hindi ko iiwan si Sir Benj’ tapos gusto mo siyang kalimutan? Haha well goodluck”
“Eh ano po ba dapat kong gawin?”
“Hmmm… Let’s hook you up with someone tonight, you want?”
“Hala, ayoko Sir!”
“Okay, ako na lang. Hehe,”
Magkaibang magkaiba talaga ugali ni Sir Benj at Sir Jack. Si Sir Jack kasi palagi niya akong napapangiti sa mga sinasabi niya. At iba rin yung ngiti niya, sobrang pamatay! Aaminin ko medyo pang fuckboy nga datingan pero hindi mo maaalis na sobrang gwapo niya!
“Pero kidding aside Ethan, if you really want to ‘forget’ him, kailangan mong lumabas sa iba. Bakit ba takot na takot kang magmahal? Napapansin ko kasi sa’yo ’yon eh, ayaw mo ng commitment. Dahil ba sa ex mong ikakasal na?”
“Woah, easy lang Sir haha. Ayoko lang kasi na maulit yung nakaraan na iiwan lang din ako”
“Hindi ka naman nag iisa. Takot din ako maiwan, Ethan”
Naging seryoso si Sir Jack at tumagay ng straight na shot.
“Iniwan ka rin Sir Jack?”
“Pwede mong sabihin na ganon hehe.”
“Pero… Si Sir Jack ka po! May mangiiwan pa pala sa katulad mo?”
“Haha bakit Ethan? Ano bang meron sa’kin?”
“Ang gwapo niyo po, ang yaman, ang yummy, bata, fresh! Yummy. Ang laki ng katawan. Ang yummy. Ang gwapo. Sir, ang perfect po ng datingan niyo!”
“You said yummy thrice,”
Nabigla ako sa sinabi ko at alam kong dahil epekto ng alak ’yon!
“You think I’m yummy? Wanna try?” medyo inakit niya ako ng kaunti ’non.
“Sir… Hindi ako bibigay sa’yo haha”
“Haha, sayang. I wanna try pa naman.” sabay inom uli ng alak pero this time, nakatingin siya sa’kin habang ginagawa ’yon.
“Good thing, ayoko” sabi ko, pero hello gusto ko!
“Eh paano kung ako pala yung susi para makalimutan mo si Sir Benj? Hey, I think I’m good at being rebound”
“What? Hahaha iba rin epekto ng alak sa’yo Sir Jack eh no?”
“Haha what if I’m not drunk at all at totoo lahat ng sinasabi ko?”
“Well hindi pa rin ako naniniwala kasi nag de date kayo ni Laura at ayoko pa rin maniwala. ’Wag ka ng dumagdag sa sakit ng ulo ko Sir Jack haha” biro ko pa.
“Eh paano kung hindi kita lolokohin? Kung seryoso ako sa’yo pero iniisip mo lang niloloko kita kasi deep inside, gusto mo rin pero ayaw mo lang kasi naiisip mo rin si Benjamin?”
Fvck! Ang gulo pero may sense. Ganon kaya talaga nararamdaman ko? Tumingin ako sa kanya pero malalim yung tingin niya sa mga mata ko na may konting ngiti sa labi.
“Sir, please.”
“Haha, I’m playing with you Ethan pero you know kung ano problema mo?”
“Ano Sir?”
“Hashtag ganda problems”
Hindi ko inaakalang kayang sabihin ni Sir Jack ’yon at sobrang cute niya nung sinabi niya ’yon!
“Hahahahaahahaha loko ka Sir Jack!”
“Imagine, dalawang boss mo naghahabol sa’yo oh!”
“Anong dalawa, wala kaya!”
“Haha ako at si Benjamin”
Talagang sinama niya yung sarili niya. Isa pa ’tong magulong kausap eh.
“Pero Ethan, I’m always here for you okay. Kung kailangan mo ng ibang tao para iwasan si Benjamin, I’m only one text away”
“Hehe thank you Sir Jack.”
“I’m serious, text mo lang ako at bababa kaagad ako for you”
“Thank you uli.”
“Wala ba akong kiss diyan?”
“Ha?!”
“Tanungin mo uli kung may mangyayari para may mangyari talaga”
“Haha ewan ko sa’yo Sir Jack”
Wala kaming ginawa kundi magtawanan hanggang sa maubos namen yung iniinom nameng alak.
+++++
Ginigising ako ni Butchok at sa sobrang sakit ng ulo ko, napakamot ako ng ulo ko. Pag bangon ko, mas lalo kong naramdaman yung alak na ininom ko kagabi. Grabe, lasing na lasing pala ako.
“Kuya Kuya… Gising na! Dali!!”
“Ano ba Butchok, ang aga aga pa. Wala naman akong pasok!”
“Ehhh alam ko naman Kuya. Aalis daw tayo dali na, gising ka na please?!”
Nakabangon naman na ako pero nakapikit pa rin ako at kinukurot na ni Butchok yung pisngi ko.
“Kuya! Dali na, ililibre daw tayo!”
“Si Papa? Ayoko! Kayo na lang umalis! Matutulog na ako!”
“Hindi si Papa, may Kuya sa baba. Hinahanap ka kaya pinapasok ko tapos niyaya niya ako na umalis tayo, kahit saan daw basta kasama ka!”
Nagising ako bigla!
“Sino raw? Bakit ka nagpapapasok ng hindi mo kakilala?!”
“Ehhh boss niyo raw po siya eh!”
“Si Sir Benj?!”
“Di’ba si Kuya Pogi ’yon? Hindi po si Kuya Pogi yung nasa baba, iba pa po”
Nagmadali tuloy akong bumaba para tignan kung sino ’yon at nakita ko si Sir Jack na nakaupo sa sofa at nakikipagkwentuhan kay manang.
“Ang gwapo gwapo niyo naman po, Sir!” naririnig kong sabi ni Manang. Nakikita ko si Sir Jack na natatawa lang habang pinipisil pisil ni manang yung braso niya.
“Nasaan na ho si Ethan?” tanong ni Sir Jack.
“Nako, ayaw pong nagpapagising ’non.”
“Ahh sige, pwede bang ako na lang umakyat?”
“Sige po Sir, akyatin niyo na po hihi”
Pucha ang landi ni manang! Nakita ko na si Sir Jack na tumayo at papunta sa hagdan. Nagmadali naman akong bumalik sa kwarto ko at ni lock ’yon.
“Kuya! Maligo ka na!” sabi pa ni Butchok.
“Paakyat na si Sir Jack, sabihin mo hindi ako umuwi kagabi kaya hindi mo alam kung nasaan ako!” sabi ko.
“Ay si Kuya, ang OA. Hindi naman po mukhang masamang tao si Sir Jack”
Narinig ko ng kumakatok si Sir Jack sa pinto at bago ko pa masabihan si Butchok na ’wag buksan, pinagbuksan na niya kaagad at pinapasok si Sir Jack sa kwarto ko.
“Good Morning.” bati niya.
Nakakalusaw talaga ngiti ni Sir Jack pero kailangan kong kumalma.
“Oh, bakit hindi ka pa nakakabihis, mag bihis ka na Butchok! Aalis tayo”
“Ayaw pa po kasing kumilos ni Kuya ehh, baka po di siya sumama”
“Akong bahala, sasama ’yan sigurado. Sige na maligo ka na” tuwang tuwa naman si Butchok na lumabas ng kwarto ko at ni lock na ni Sir Jack yung pinto.
“Ohh, bakit parang takot na takot ka sa’kin?” tanong ni Sir Jack.
“Ehh paano niyo po nalaman yung bahay namen? Insitalk niyo po ba profile ko? O naglagay kayo ng GPS sa phone ko? O ’di kaya sinundan niyo ako pauwi kagabi?!”
Natawa si Sir Jack sa mga sinabi ko at lumapit siya sa’kin. Nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko.
“Hindi mo ba naalala nangyari kagabi? You kissed me and then we make out”
Fvck! Fvck! Fvck!
Umupo siya sa kama ko at humiga.
“Seryoso ’yon sir?!”
“Haha, ikaw naman nag first move so sino pa ako para magpakipot.”
“Sir naman! Seryoso ba?!”
“Nagbibiro ba ako? Doon nga tayo sa kotse ko, lasing na lasing ka tapos bigla mo kong hinubaran. Wala akong kalaban laban. Humihingi ako ng tulong pero walang nakakarinig sa’kin. Masyado kang aggressive!”
Hiyang hiya ako. Pero bakit wala akong maalala?
“Sabi ko nga doon tayo sa condo ko pero sabi mo mas exciting kapag sa kotse!”
“Sir Jack! ’Wala akong matandaan kaya hindi totoo ’yan!”
“Haha well, that’s okay. Sanay naman akong kinakalimutan lahat ng efforts ko”
“Hala”
“Just kidding, magbihis ka na. Aalis tayo”
“Just kidding? Ibig sabihin hindi totoo lahat ng sinasabi niyo?”
“Haha maligo ka na sabi, excited na excited kapatid mo oh. Aalis tayo, nangako ako sa kanya. Ayokong binebreak yung promise ko.”
Hindi pa rin ako mapakali sa kwento ni Sir Jack.
“I’m doing this for your brother, Ethan. ’Wag mong isipin na nilalandi kita. Well, siguro slight pero this is for your brother. Wala akong little bro eh kaya please?”
“Sir… Yung kagabi…”
“Haha, halika. Tabihan mo ko rito” utos niya. Then tumabi nga ako, naupo siya sa kama at umakbay sa’kin.
“Totoo talaga ’yon sir?” tanong ko.
“I’m just kidding, hindi totoo ’yon. Gusto ko ’pag may mangyayari sa’tin, aware ka.”
“Sir naman eh!”
“Haha, maligo ka na kasi. Ang baho mo na eh,”
Mas lalo akong nahiya kaya napatayo ako.
“Pero paano niyo nalaman bahay namen?”
“Ako kaya naghatid sa’yo. Remember? Lasing na lasing ka talaga?”
Oh sht. Hindi ko talaga maalala ’yon.
“But really, I almost kissed you. Masyado kang seductive kapag lasing at na tetemp ako sa’yo”
Mukhang seryoso si Sir Jack sa sinasabi niya.
“But you mentioned Benjamin…. So…”
Nakakainis, kahit lasing ako si Sir Benj pa rin hinahanap ko?!
Natahimik lang kami sandali at bigla siyang ngumiti. “Hurry up! Aalis tayo! Kilos na! Bayad mo sa paghatid ko sa’yo kagabi! Not another word, just go get yourself a nice bathe and I’m still here waiting. Okay?”
Nahiga na uli siya sa kama at mukhang iidlip sandali. Pumayag na rin ako na sumama sa kanya para na rin kay Butchok.
++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
😊
Part 20
Siguro okay na rin na kasama ko si Sir Jack ngayon, para malayo ako ng bahagya kay Sir Benj. Kapag siya kasi palagi kong kasama, sigurado akong mas maiinlove ako lalo.
Nasa kalagitnaan pa rin ako ng paliligo pero iniisip ko yung mga nangyari kagabi, wala talaga akong idea na ganon ako ka lasing. Parang ayoko talaga maniwala na ganon ako.
Pagkatapos ko maligo, bumalik ako sa kwarto at nakita ko na si Sir Jack na nakahubad sa kama ko at natutulog! Bakit naman ganito siya sa’kin? Inaakit niya ba talaga ako oh sadyang kaakit akit lang siya.
Bakit siya nakahubad? Buti na lang suot pa rin niya yung short niya pero bakat eh. Nakakainis, hindi ko na siya ginising at nagbihis na ako. Tumalikod lang ako sa kanya sandali at nung naka underwear na ako, tinanggal ko na yung tuwalya ko.
“Don’t seduce me Ethan, I’m seducable” narinig kong boses niya at mukhang gising na siya.
“Sir Jack!!” nagtakip kaagad ako ng tuwalya.
“Haha, nahihiya ka pa eh nakita ko na, at saka parehas naman tayong lalaki eh. Okay lang ’yan” bumangon siya at naupo sa kama. Kahit nakaupo siya, kitang kita pa rin yung abs niya. Parang walang wala naman siyang taba!
“Saan niyo bang gustong pumunta?” kinuha niya uli yung damit niya at sinuot na niya uli ’yon.
“Ahh…. Ehhh… Kayo po bahala. Sagot niyo naman eh”biro ko saka ako nagbihis.
Kukunin ko sana yung green na damit kaso si Sir Jack na yung namili ng susuotin ko. Kulay blue ng polo shirt ko yung kinuha niya sa damitan ko.
“Ayan na lang suotin mo para parehas tayo ng kulay” abot niya sa’kin.
Okay lang din naman ’yon kaya ayon na rin sinuot ko. Naka t shirt siya ng blue, at ganon din yung sa’kin. Bigla namang pumasok si Butchok at kulay blue rin na damit yung suot niya.
“Wow, para tayong isang masayang pamilya!” biglang sabi ni Sir Jack.
“Ready na po ako Kuya Boss!” sabi ni Butchok.
“Ohh… Saan mo ba gustong pumunta?”
“Hmmm…. Pwede po ba sa park?”
“Park? Sa iba naman. Sa malayo, kahit saang lugar, sabihin mo lang.”
“Hmmm…. Pwede po bang sa Star City?”
“Nice! Okay lang ba sa Kuya mong mapang akit?” tanong niya sa’kin.
“Mapang akit po?”
“Huwag mo ngang lasunin yung isip ng kapatid ko!” sabi ko kay Sir Jack.
“Haha, okay lang ba Kuya?” si Sir Jack ’yon.
Tumingin lang ako kay Butchok at mukhang gustong gusto niya pumunta doon. Nabanggit na niya sa’kin na gusto niyang pumunta roon kaso nga busy ako kaya hindi ko siya masamahan doon.
“Sige. Pero alam mo naman…”
“Opo Kuya!”
“Good. Sir Jack, tara na?“sabi ko. Nagmadaling bumaba si Butchok at lumabas ng bahay. Pababa naman kami ni Sir Jack.
“Stop calling me Sir Jack, nasa labas naman tayo ng office eh”
“Eh. Hayaan mo na po.”
“You can call me Jack or Zachary or babe, baby, honey, anything you want. Pero mas prefer ko yung babe, I’m your babe!”
Pinipilit ko naman na ’wag damdamin yung sinasabi niyang kakiligan sa’kin at piniling hindi sumagot sa sinabi niya.
+++
Nakarating na kami ng Star City at kitang kita ko yung excitement sa mukha ni Butchok. Hindi siya mapakali na nakahawak sa kamay ko.
12years old na ’tong kapatid ko pero hindi ko naman masisisi na maexcite siya ng ganito.
“Tara Kuya Boss! Extreme rides kaagad tayo!” sabi ni Butchok, nakakatuwang makita si Sir Jack na parang close na close na sila ng kapatid ko. Nakaakbay pa si Sir Jack sa kanya.
“Butchok, easy lang ah?”
“Oo naman Kuya!” nagmadali silang maglakad papunta sa mga rides samantalang ako naman tumingin tingin muna sa mga stuffed toy na binebenta. Nakakatuwa kasi halos kasing laki ko na yung iba roon.
Nalingap lang ako sandali pero wala na sa paningin ko yung dalawa kaya nagmadali na akong maglakad. Napansin ko rin na parang tumutunog yung phone ko at tumawag si Sir Benj.
18 missed calls! Lahat galing kay Sir Benj! May mga text messages din siya.
“Good Morning. 😊” “Bakit hindi mo sinasagot?” “Lumalayo ka ba?” “Ethan…” “Honey.” “Pst”
Okay na ’to, kailangan ko ng time sa ibang tao para kalimutan ko yung taong hindi ko dapat pinag iinvestan ng oras ko.
Sinakyan namen lahat, pinasok namen lahat at syempre, si Butchok talaga ang pinaka nag enjoy. Nakakatuwa rin talaga na tinupad ni Sir Jack yung sinabi niya na para kay Butchok ’tong araw na ’to.
Hindi niya ako hinaharot, parang chaperone nga nila akong dalawa. Halos lahat pa naman ng rides doon eh pang dalawahan, ako talaga yung walang kasama. Yung walang katabi.
Makikita kong tumitingin tingin si Sir Jack sa’kin pero iiwas din ako kaagad ng tingin.
Napagpasyahan nameng kumain na muna sa may foodcourt doon at hindi ko mapinta yung saya sa mukha ng kapatid ko.
“Masaya ba si Butchok?!” tanong ni Sir Jack.
“Opo Kuya Boss! Ang saya! Maraming Salamat po! Pagkatapos po natin dito, sasakay pa tayo ah?”
“Oo naman!”
“Grabe po! Ang saya saya talaga!”
“Nakakatuwa ka Butchok, sobrang saya mo. Gusto ko tuloy magka baby bro”
Silang dalawa lang nag uusap, pinagmamasdan ko lang kasi si Sir Jack habang kakwentuhan si Butchok. Sobrang nakakagaan kasi tignan. Parang ganito yung gusto kong partner, yung kaya rin mapasaya yung kapatid ko. Si Bill kasi hindi masyadong close kay Butchok pero sinusubukan naman niya.
“Sana po palagi kayong dumalaw sa bahay para palagi po tayong lalabas!”
“Ha? Hindi ka ba pinapalabas ng Kuya mo?”
“Hehe, hindi po kasi pwede eh”
“Ha? Eh paano yung school mo?”
“Hindi po ako nag aaral. Home schooling lang pero sobrang nakakatamad po”
Napatingin sa’kin si Sir Jack at mukhang naaawa kay Butchok. Napansin ko rin nalungkot bigla yung kapatid ko. Sa tuwing nababanggit niya talaga yung school, nalulungkot siya.
“Kuya Boss, saan po yung CR?”
“Ayun lang oh. Halika, samahan kita”
“Hindi na po, malaki na po ako kaya ko na po!” nagmadaling nag CR si Butchok at doon naman ako kinausap ni Sir Jack.
“Bakit hindi nag aaral kapatid mo?!” hindi ko alam kung galit siya or what.
“May sakit kasi siya at hindi siya pwedeng mapagod, mapawisan, maexcite, mga ganung bagay kaya hindi ko siya pinapalabas masyado.”
Natahimik naman siya.
“Kaya nga sana hindi na kayo sumakay sa extreme rides kasi mamaya baka ’di niya kayanin” sabi ko pa.
“Mukha naman siyang okay ha? Mukhang malusog”
“Ganon daw talaga. Traydor yung sakit niya, akala mo okay lang pero hindi talaga. Baka raw anytime biglang atakihin”
“Inatake na ba siya?”
“One time, habang naglalaro sa labas. Bigla na lang siyang bumagsak at hindi makahinga. Sinugod namen sa ospital, at doon namen nalaman yung sakit niya. Ayoko na siyang makita na ganon. Sobrang nakakaawa”
“Grabe pala yung kalagayan mo. Hindi ko naman inaakala na may ganyan ka palang pinagdadaanan”
“Okay lang hehe. Kaso nga lang nalulungkot ako kasi nababanggit na niya na gusto niyang pumasok. Eh hindi ko naman alam kung pwede na, ayoko rin mag take ng risk.”
“Naiintindihan ko Ethan, pero naaawa lang ako kay Butchok, ang bait na bata tapos ganyan, may ganyan pala siyang sakit.”
“Kaya nga eh….”
Nakita ko ng pabalik yung kapatid ko at sinenyasan ko si Sir Jack para mag change topic na kami kaagad.
“Butchok…. May sasabihin sana ako sa’yo eh” biglang sabi ni Sir Jack.
“Ano ’yon, Kuya Boss?”
“Takot kasi ako sa heights, nahihiya lang akong aminin kanina pero natatakot talaga ako sa extreme rides eh hehe. Pwede bang sa loob na lang tayo uli?”
“Ay ganon po ba? Sige po okay lang. Try po natin yung pwede tayong manalo ng stuffed toys! Nakita ko po kanina eh!”
“Ayan, sige sige! Pagkatapos natin kumain ha?” hindi naman nawala yung ngiti ni Butchok at alam kong ginawa ni Sir Jack ’yon dahil alam na niya yung kalagayn na kapatid ko.
+++
Hindi lang namen sinakyan yung rides sa labas pero sa loob, lahat pinasok namen kahit yung may mga additional charges. Gabing gabi na ’yon at napagpasyahan ni Sir Jack na mag dinner kami sa Tagaytay.
“Ang layo naman ng kakainan natin” sabi ko pa.
“Hehe para perfect lahat. Kesa naman diyan lang tayo sa tabi tabi di’ba. Ayos ba Butchok?” hindi sumagot kapatid ko at napansin kong nakatulog na siya sa likod.
“Ano? Tuloy pa tayong tagaytay?” tanong ni Sir Jack.
“Huwag na po Sir Jack, sa MOA na lang, sea side”
“Okay. And I told you not to call me Sir Jack, call me babe”
“Sir, baka marinig kayo ni Butchok.”
“Haha, I think he’s aware”
“But still, ayokong nakikipaglandian sa harap ng kapatid ko”
“Ohhh so we’re flirting? Are we flirting now? Okay,”
“No no no…. Nasabi mo na, we’re flirting! It’s official okay? Uhm…. August 5 is our day.”
“Hala Sir Jack!”
“Haha nakakatuwa ka talaga Ethan. Sa’yo lang ako nakakatawa ng ganito”
“We? Kay Laura hindi?” tanong ko.
“Oh…. Hmm, well she’s beautiful, sexy, attractive, seductive… But something’s missing. And I really don’t know kung ano ’yon.”
“Baka hindi ka kasi nag ttry Sir Jack. Subukan mo siyang kilalanin pa.”
“Trust me Ethan, ginagawa ko. Pero ayun kasi yung napansin kong mali eh”
“Ano po yung mali?”
“I’m trying my best to like her pero dapat di’ba, hindi ka nag ttry? I mean, if you like her, parang effortless lahat. Pero sa kanya, I always try and try. Ayun siguro yung kulang.”
“Ahh… Siguro ganon ka dun sa ex mo na nang iwan sa’yo no?”
“Haha you’ve mentioned her. Well, yes. Actually meron pang iba” sabi niya.
“Oh? Bakit hindi siya yung nilalabas mo? Eh effortless naman pala?”
“Haha trust me, ginagawa ko ’yon!”
“Aw! Dapat isa isa lang dine date mo! Sumbong kita kay Laura!”
“Haha but that person is you, Ethan. Ikaw ’yung tinutukoy ko. Ang effortless para sa’yo na patawanin mo ko, at ganon din ako sa’yo. Kaya nga na weweirduhan ako sa sarili ko. I like teasing you though pero sobrang nageenjoy talaga ako. Lalo na kapag kasama ka. I don’t know haha. Am I weird?”
Napaisip na naman ako, parang sumasama pa siya sa iniisip ko ngayon!
“Hey, alam kong tinutulungan lang kita makalimutan si Sir Benj mo kaya ’wag kang mag isip tungkol sa’kin okay?”
Mukhang nabasa niya yung nasa isip ko at buti na lang sinabi niya ’yon. Saktong nabanggit niya si Sir Benj at bigla siyang tumawag sa’kin.
“Aba, ngayon lang siya tumawag?” tanong ni Sir Jack.
“Kanina pa nga po eh”
“Aba, hindi mo sinasagot?”
“Hindi po eh hehe. Kailangan kong i maintain yung boss to employee relationship namen.”
“Paano kung kailangan niyo na uling mag panggap?”
“Edi magpapanggap kami. Nangako ako sa kanya eh”
“Hehe, good! Good!”
Ineenjoy ko na lang muna na hindi ko na nakakasama si Sir Benj at mabuti na rin na nandito si Sir Jack!
+++
Sa kwarto ko na pinatulog si Butchok at nagpasalamat ako kay Sir Jack sa paglabas sameng dalawang magkapatid.
“Okay lang ’yon Ethan hehe. Para kay Butchok!”
“Hehe, maraming salamat talaga”
“Wala bang kiss diyan?”
“Haha, loko ka talaga Sir Jack” buti na lang talaga sinabi niyang tinetease niya lang ako sa tuwing ginaganyan niya ako.
“So… I’ll go ahead. Sleep well. Sobrang nag enjoy din ako.” siya na yung humalik sa’kin sa pisngi at sabay kindat. Natawa na lang ako at lumabas na siya ng bahay namen.
Maya maya, nagtext kaagad siya sa’kin.
“Sobrang enjoy talaga kapag kasama ka. Thank you, Ethan ❤”
“Thank you rin, Sir Jack. 😊”
“I told you not to call me Sir Jack!😒”
“Haha, thank you babe 😍❤” biro ko sa kanya.
Napansin kong medyo matagal pag reply niya at mukhang naasar siya sa sinabi ko.
“Joke lang po Sir Jack!” pahabol ko.
“NPAKAPAASA MO ETHAN, ’wag mo kong paasahin 😢” reply niya.
“Hala si Sir,”
“Huwag mo na akong itext ng babe, ayokong umasa sa wala 😃”
Tinetease ka lang niya Ethan, ganon lang ’yon.
“Goodnight Sir Jack 😊”
“Okay Goodnight, malapit na rin ako sa bahay, sleep well. Sleep tight. Miss you already 😙”
Hindi ko na siya nireplayan at kasi iba na naman nararamdaman ko tungkol kay Sir Jack.
++++
Pagdating ng lunes, naka abang kaagad si Sir Benj sa upuan ko at nung makita niya ako, kaagad niya akong hinatak papunta sa opisina niya.
“Ano ba? Bakit hindi ka marunong magtext?! Text ako ng text ah?!” oo, galit siya.
“Umalis po ako.”
“Alam ko, galing ko ng bahay niyo kahapon eh! Kung wala lang akong meeting nung sabado hinintay na sana kita!!”
Hindi naman ako makasagot kasi hindi ko alam kung saan nanggagaling yung galit niya.
“Galit ka ba sa’kin? Or nagtatampo? Ano, Ethan?” bigla siyang bumait!
“Wala Sir. Gusto ko lang po ng konting space hangga’t hindi pa natin kailangang magpanggap”
“Eh….”
“Ano po?”
“Bakit ayaw mo na akong kausapin?” tanong niya.
“May dinedate na po kasi ako. Syempre hindi naman siya aware na may set up tayong fake boyfriend kaya lumalayo po muna ako” pagsisinungalin ko na lang.
“Ah… Okay. Good.” tumalikod siya at naupo na uli sa upuan niya.
“Sir, meron pa po ba kayong kailangan?” tanong ko.
“Good to know that you’re happy now. Sige, ayun lang you can go back to work now”
Hindi ko alam kung nalungkot siya sa sinabi ko pero hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip ni Sir Benj kaya umalis na ako kaagad.
Lunch break ng tumawag sa’kin si Sir Jack.
“Ethan, where are you?” sabi niya.
“Sa office Sir. Mag lulunch”
“Oh good, nandito kami ni Butchok sa St. Lukes, puntahan mo siya rito nasa 7th floor kami”
“St. Lukes?!!!! Bakit?! Sige papunta na ako diyan!” bigla akong kinilabutan at naiyak,bakit nasa ospital si Butchok?! Buti na lang halos sa kabilang kanto lang yung St. Lukes!
Pagakyat ko ng St. Lukes, nakita ko si Sir Jack sa may labas ng pinto na may kausap sa phone at nagmadali akong lapitan siya.
“Nasaan si Butchok? Anong nangyari?!”
“Wait lang Ethan. Easy”
“Easy?! Bakit nandito kapatid ko?” hindi ako mapakali kaya binuksan ko yung pinto at nakita ko si Butchok doon na nakaupo at nakikipagtawanan sa isang babaeng doctor.
Niyakap ko kaagad si Butchok ng mahigpit
“Anong nangyari? Nahihirapan ka bang huminga? Ano?” halos nagpapanic na talaga ako.
“Hala Kuya, hindi po.”
“Okay ka lang? Promise? Jusko kinabahan ako. Eh bakit ka ba nandito?”
“Dinala po ako ni Kuya Boss dito!” lumingon ko at nakita ko si Sir Jack sa likuran ko na nakangiti.
“Ano ’to, Sir Jack?” tanong ko.
“Uhm, excuse me, Sir?” sabi nung babaeng doctor.
“Yes?”
“Hi, I’m Dr. Rica, I’m a good friend of Zachary.” mukhang bata pa si Doktora at kaedaran lang ni Sir Jack.
“Hi, I’m Ethan. Ako po yung kapatid ni Butchok. Ano pong nangyari sa kapatid ko?”
“You can calm down now, Mr. Ethan, there’s nothing wrong with your brother.”
Naguguluhan ako, bakit nandito si Butchok.
“We’ve scanned your brother and upon checking the results, he’s in good condition. Good enough to go to school.”
Hindi ako makapagsalita. Pero mahigpit hawak sa’kin ni Butchok at mukhang masaya siya sa narinig niya.
Bigla naman sumingit si Sir Jack.
“Nabobothered ka kasi kung anong mangyayari sa kapatid mo kaya pina check ko siya kay Rica. Good news, right? Makakapag aral si Butchok!”
Kinikilabutan ako sa ginawa ni Sir Jack pero namumutawi yung saya. Masaya talaga ako.
“But still, hindi siya pwedeng mapagod. Hindi pwedeng ma stress, hindi pwedeng pagpawisan.” sabi pa ni Dr. Rica.
Hinawakan naman ako ni Sir Jack at inescort palabas.
“Kailangan lang siguro ni Butchok mag aral sa magandang school, sa private school para mabantayan siya. Ipasok mo siya sa foundation ng company, ako ng bahala sa papers para makatipid ka.”
Hindi ako makapagsalita sa ginagawa ni Sir Jack, sobrang…… Sweet.
“Don’t deprive him to be happy. Gusto niyang mag aral, then ayan na. Okay na, may go signal na ng doctor”
Wala akong magawa kundi yakapin na lang si Sir Jack at maiyak sa sobrang tuwa.
“Maraming Salamat Sir Jack, hindi ko alam kung paano ko ’to mababayaran….”
“No, hindi kita pagbabayarin! And this is all for your brother, okay”
“Salamat, salamat…. Salamat po talaga!”
“You know, I have one condition though”
“Ano po ’yon?” pinunasan niya yung luha ko at tinignan ako sa mga mata.
“From now on, call me Jack.”
++++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!
Part 21
Read my story: Greg’s Diary! :)
++++
Palagi ko talagang naaalala si Bill sa Stick o at chocolate drink, palagi niya kasi ako dinadalhan noon at hindi niya hinahayaang hindi ako makakain non tuwing lunch o dinner.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung saan ako nagkulang kay Bill. Okay naman kaming dalawa pero nagbago lang nung umalis siya para magbakasyon tapos pag balik niya, naging cold na siya uli.
Siguro narealize niya na hindi talaga lalaki ang gusto niyang makasama kaya siya nakipaghiwalay. Pero ang masakit kasi, yung nangako na kayo sa isa’t isa. Yung may plano na kayo sa future tapos sisirain niya lang lahat.
Nang dahil sa kanya, natatakot na akong magmahal. Mas gusto ko na lang yung crush, yung tingin, pero nagbabago talaga lahat ng ’to dahil kay Sir Benj. ’Di ko rin ma explain pero may something talaga sa kanya na hindi ko maexplain. May something na maiinlove ka at hindi mo naman alam yung dahilan.
“Kuya! Hindi mo ata narinig yung sinabi ko eh” tinulak na ako ni Butchok sa kama. Kanina pa kasi ako nag iisip ng kung ano ano. Matutulog na kami’t lahat lahat pero ang dami pang tumatakbo sa isip ko.
“Ha? Ano uli ’yon?”
“Ang sabi ko po, excited na akong pumasok! Saan niyo po ako papapasukin?” tanong niya.
“Ahh… Titignan natin ha?”
“Nako, ano kaya magiging section ko Kuya, tapos ilan kaya magiging classmate ko?”
“Oh. Easy lang, masyado kang na eexcite, bawal sa’yo yan di’ba?”
“Ayy oo nga pala, pero ang bait bait ni Kuya Boss ’no?”
“Paano ba kayo pumunta ng Ospital? Bakit sumasama ka sa ibang tao ha? Ikaw! Buti na lang kilala ko si Sir Jack!”
“Eh hindi naman po ako sasama sa iba eh. At saka ang sabi niya pupuntahan ka raw namen sa office. Eh nagpakwento siya tungkol sa sakit ko tapos ayon, dumiretso kami sa ospital”
“Sa susunod magtetext ka ah?”
“Opo opo! Pero gusto ko po uling makita si Kuya Boss! Sabi niya sa’kin pupunta raw siya uli bukas ehh”
“Bakit na naman daw?”
“Wala, maglalaro raw po kami. Eh sabi naman niya wala naman daw siyang gagawin bukas”
“Ehh bakit hindi mo sinabi?”
“Eh ’wag ko daw pong sabihin eh. Baka raw ’di kayo pumayag”
Nako, nag uusap na silang dalawa ng hindi ko alam. Agad ko naman siyang tinext.
“Saan mo dadalhin kapatid ko bukas? Bakit hindi mo sinasabi sa’kin?!” text ko kay Sir Jack.
“Easy babe, alam ko na drill, bawal pawisan, bawal mapagod, ako ng bahala. 😊😊”
“Hay nako… 😒”
“Haha namimiss na kita babe. Sana sumama ka na lang sa’min bukas”
“Babe mo mukha mo!”
“Haha, too cute. You’re so cute. Anyways, thanks for the advice pala babe! 😉”
“Advice?”
“About kay Laura. And I think we’re doing good now. Nakakatawa na rin ako ’pag kasama ko siya”
“Oh good. So, ready ka na magseryoso? 😊” biro ko.
“Haha seryoso naman ako, ikaw lang naman gusto kong seryosohin eh kaso may Sir Benjamin ka na 😢”
Hindi ko talaga alam kung kikiligin ako o matatawa sa text ni Sir Jack pero one thing’s for sure, hindi na ako masyadong naaapektuhan sa ganitong pagpapakilig niya.
“We? Haha. Well, good to know talaga about you and Laura.”
“I know! I know. How’s Butchok?”
“Okay! Excited makapasok!”
“Yeah, nag inquire na ako sa La Salle at willing pa naman daw silang tumanggap ng students. At saka syempre ako humingi ng favor kaya dapat lang na pumayag sila”
Napaka talaga ng lalaking ’to kaya nung tinext niya ako ’non, dinial ko kaagad siya at tinawagan.
“You missed my voice already, babe” naiimagine ko itsura niya habang sinasabi niya ’yon.
“Ano ba ’yan, ang mahal masyado doon! Hindi ko kaya”
“Hmmm. Edi ako na lang magbabayad,”
“What no! Ako bahala roon, ’wag mong pakialamanan ’yon!”
“Woah, easy babe. Masyado kang High Blood”
Sumingit naman si Butchok sa usapan namen.
“Si Kuya Boss ba ’yan?” sabi niya.
“Bigay mo nga kay Butchok yung phone, kakausapin ko lang”
Inabot ko naman kaagad yung phone at nagusap sila. Medyo matagal, tumatawa lang si Butchok tapos puro opo yung sagot. Maya maya, inabot na uli sa’kin ni Butchok yung phone ko pero nakababa na yung tawag.
“Anong sabi ni Kuya Boss mo?” tanong ko.
“Wala po, nagkwentuhan lang kaming dalawa hehe. Matulog na raw po tayo sabi ni Kuya Boss!”
“Eh bakit mas nakikinig ka na sa kanya kesa sa’kin?”
“Hala, hindi po hehe. Goodnight Kuya!” ngumingiti ngiti siya habang patulog na samantalang ako, nacucurious pa rin sa pinag usapan nilang dalawa ni Sir Jack.
++++
Magkasama kaming nag lunch ni Jaycee at hindi ko talaga alam kung bakit parang ang tahimik niya lately. Simula talaga nung nagkawork siya, parang may iba na hindi niya masabi sa’kin.
Pinilit ko pa nga siyang mag lunch eh buti na lang pumayag. Nakwento ko na rin sa kanya yung nangyari sa’min ni Sir Jack kasama ni Butchok.
“Wala ka na bang ibang alam na ikwento sa’kin maliban sa mga lalaki mo?!” medyo mataas yung boses niya nung mga oras na ’yon.
“Bes, anong meron?”
“Nako, Ethan. ’Wag mo nga akong bine bes bes. Kaibigan mo lang ata ako kasi gusto mong maghanap ng tao na malalabasan niyang kalandian mo!”
Mukhang galit siya at hindi ko talaga alam yung dahilan.
“Uy, bes, anong nangyayari sa’yo?”
“Wala! Ewan ko sa’yo. Sige na, mauuna na ako!” tumayo na siya at lumabas ng pinto at walang sinabi. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung galit niya. Sinubukan ko naman siyang tawagan pero hindi niya sinasagot.
Pinabayaan ko na lang at tinapos ko yung pagkain ko saka ako umakyat.
Sinalubong naman ako ni Laura ni medyo masaya yung reaksyon niya.
“Uy Ethan, alam mo ba, nasa desk mo si Sir Benj kanina, mukhang may hinahanap!” sabi niya.
“Ha? Eh ano naman?”
“Ewan ko, pero mukhang may hinahanap eh. Pero maiba tayo, alam mo ba, may nakita ko sa phone ni Jack kagabi? Magkasama kasi kami tapos may katext siya..,,”
Hindi ko siya masyadong napansin kasi naghahanap ako sa desk ko kung ano nga yung kinuha ni Sir Benj.
“Tinatawag niyang babe eh. Parang may iba si Jack huhu”
Natigilan ako sa ginagawa ko. Babe kasi tawag ni Sir sa’kin sa text.
“Ahhh… Ehh… Ano bang sabi sa text?” tanong ko
“Burado yung ibang messages eh. Pero pangalan Babe, kukunin ko sana number kasi nakita niya na hawak ko phone niya eh kaya binigay ko na rin, baka isipin niya paranoid ako.”
Shet. Baka nga ako ’yon.
“Mukha namang walang something kasi nabanggit niya pangalan ko, parang tinutulungan pa nga ako nung babe niya eh. Pero ewan, ’di ko maexplain talaga!”
Shet, ako nga ’yon. So babe pala pangalan ko sa phone ni Sir Jack?
Bago pa makapagsalita si Laura, narinig ko si Sir Benj na nagpapatawag ng meeting sa conference room at agad naman kaming pumuntang lahat.
“Well, as you all know, na approved na yung nirequest ko para sa Team Building natin” panimula niya.
Mukhang naexcite naman yung iba kong ka officemates.
“This time, sa Mindoro naman tayo!”
“Ayon! Ayos!” sigaw ni Allan.
“Okay, settle down. Next week na ’to ha? Paalala lang. 3 days tayo don, don’t worry bayad yung pasok niyo ng monday!” sabi pa ni Sir Benj.
“Okay! Ayos talaga kayo Sir Benj!”
Ngumiti lang siya.
“So, ayun lang guys! You can go back to work na, but please stay Mr. Aguilar” sabi niya.
Nagsitayuan na silang lahat at naiwan na lang kami ni Sir Benj sa loob. Tahimik lang kaming dalawa at hinihintay ko siyang magsalita.
“Hmmm, Ethan…” panimula niya.
“Yes, Sir?”
“Nakikipagkita na uli sila Sir Miggy at Cielo sa’tin. Pero after ng team building natin ’yon.”
“Oh… Okay po….”
“So… Okay ba uli na maging ‘tayo’?” tanong niya.
Mabait na Sir Benj yung kaharap ko ngayon na nangangailangan ng tulong ko.
“Ofcourse Sir. May usapan tayo di’ba?” sabi ko at mukhang nagustuhan naman niya sagot ko.
“Nice! Sabihin mo na rin sa ka date mo para walang issue,”
“Okay po”
“Hmm., hindi mo ba akong kekwentuhan?”
“Hindi na po Sir hehe. Kung wala na po kayong kailangan, babalik na po ako” okay, tama ’yan Ethan. Iwan mo si Sir Benj at ’wag mong hayaan na kayong dalawa lang ang magkasama.
“Hmmm… Okay sige ayon lang.” nawala yung pagiging mabait sa boses niya at naging matigas uli.
“Okay po Sir” sagot ko at lumabas na ako ng conference room.
Nagulat ako ng makipagkita sa’kin si Stephen. Bigla lang siyang napatawag at sinabi niya na puntahan ko raw siya sa Mozu at ’yon naman ginawa ko.
Masaya niya akong binati nung nakita niya ako, nagulat pa ako ng halikan niya ako sa pisngi nung nakita niya ako.
“Haha, sorry, na carried away lang!” sabi niya.
“Hehe okay lang… So bakit mo ba ako pinapunta rito?” tanong ko.
“Easy, order muna tayo!” mukhang kakagaling ni Stephen sa pag eexercise kasi naka short lang siya at Tshirt.
Pagka order namen, nagsimula na siyang magkwento.
“Anong problema niyo ni Benjamin?” sabi niya.
“Ha? Problema? Wala”
“Sus, eh bakit tumawag sa’kin at parang umiiyak? Sabi niya hindi mo raw siya kinakausap?”
Shet. Si Sir Benj, umiiyak? Bakit naman siya iiyak sa ’di ko pagpansin sa kanya?
“Nako, Ethan. Ang weirdo na talaga ng tropa ko lately. Palagi na lang ikaw bukambibig!”
’Di ako makasagot.
“Tapos si Zachary din, balita ko nilabas ka raw niya kasama kapatid mo ahh?”
“Bakit parang ang dami mong alam?!”
“Haha tropa ko kasi nalilink sa’yo eh, kaya talagang malalaman ko ’yon!”
“Ano naman mga kinwento nila?”
“Hmmm let’s see. Si Benjamin, ang sabi niya hindi mo raw siya kinakausap. Almost 3 weeks na raw, parang ayaw mo raw na magkasama kayong dalawa. And it’s different with Zachary, sabi naman niya, palagi kayong magkasama at nag eenjoy siya sa company mo!”
Speechless talaga ako.
“Anong ginawa mo sa kanila? Ginawa mo silang…. Bi.” sabi niya pa
“Hahaha wala akong ginagawa ah!”
“Haha nako! Apparently, may impact sa kanila ginagawa mo”
“Basta ako, wala akong ginagawa”
“Nako, bibigyan kita ng background sa dalawang tropa kong ’yan hano?”
Uminom siya ng alak at saka nagsimulang magkwento.
“Parehas fvckboy yang dalawang ’yan!”
“Wow! Siniraan mo naman sila!”
“Haha, ganon talaga yung dalawang ’yan. Pero minus that being fvckboy attitude, mabuting tao yang dalawang ’yan. Kaso parang palaging nasa competition.”
“Competition?”
“Yeap, the way I see it, nasa competition silang dalawa at ikaw ang price”
“Huh?!”
“Well, I’m not saying this the bad way huh, but I think kaya sila ganyan sa’yo para malaman kung sino mananalo sa kanilang dalawa. May history ’yang dalawang ’yan eh, I don’t know if nakwento ko na noon pero may pinag agawan silang babae pero si Zachary nanalo.”
Napapaisip tuloy ako sa sinasabi ni Stephen.
“Ganon siguro yung nangyayari ngayon, parang hindi sila aware na nagkokompetensiya silang dalawa sa’yo. Kaya ganyan na lang sila kalapit sa’yo. Parang ayaw ni Benjamin na malamangan siya ni Zachary, same goes with Zachary”
“So parang pustahan? Pero hindi sila aware na pustahan?”
“Exactly! I really don’t know, that reason or maybe they’re gay for you!”
Napaisip talaga ako, ganon talaga siguro yung dahilan kung bakit mabait si Sir Jack sa’kin. Nung una kasi hindi naman ganon kabait si Sir Jack, simula lang nung nalaman niya na nagpapanggap kami ni Sir Benj saka niya lang ako tinetext. Tapos nung nalaman ni Sir Benj na magkausap kami ni Sir Jack, parang naging clingy siya.
“Hey, I’m not trying to offend you or what, yeah you’re cute Ethan, maybe if I’m bisexual or gay, baka nag da moves na rin ako sa’yo pero I know them, they’re straight”
“Okay lang, I’m not offended. Napaisip lang ako” sabi ko.
“Sakit sa ulo ng dalawang ’yan. Sinabihan ko naman sila na ’wag kang pagtripan or what pero ang sabi nila seryoso raw sila sa ginagawa nila. Kahit ako Ethan, naguguluhan promise pero nasa’yo naman ’yan. Ikaw naman pinag aagawan kaya dapat ikaw na lang mamroblema haha” biro niya pa.
“Loko”
“Hey, nawala ka sa mood. I hate myself, sana hindi ko na lang sinabi ’yon!”
“No, I’m okay!” sabi ko pa.
“Good, smile. Ang cute mo kaya ’pag naka smile. Ayan siguro panlaban mo ’no? Ethan’s killer smile! Haha”
“Haha ewan ko sa’yo, Stephen!”
“Haha, I think I know kung bakit nababaliw sa’yo mga tropa ko. Hindi ka kasi aware na nag bbloom ka. May something sa’yo….” napatingin lang siya sa’kin sabay ngiti.
Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain.
++
Alasdyis na ako nakauwi, pinagbuksan ako ni manang.
“Si Butchok? Nandito na ba?” tanong ko.
“Hindi naman po siya umalis,”
“Ahh ganon? Nasan siya?”
“Sa kwarto niyo po” nagmadali akong umakyat baka sakaling gising pa siya pero nagulat ako ng makita ko si Sir Jack na natutulog sa kama ko at katabi si Butchok! Bukas pa yung PS4 at mukhang nakatulugan nilang dalawa.
Paglapit ko, nakakatuwa silang pagmasdan. Nakanganga kasi silang dalawa. Si Sir Jack naman sobrang cute pa rin kahit ganon.
Pinatay ko yung TV at biglang nagising si Sir Jack.
“Ohh… Kanina ka pa hinihintay ni Butchok ah?” bumangon siya ng dahan dahan para hindi magising kapatid ko.
“Saan ba kayo nanggaling? Bakit hindi ka nagtetext?”
“Yieh, miss mo naman kaagad ako?”
“Ehhhh Sir Jack, saan nga kayo galing?”
“Hindi naman kami umalis. Nandito lang kami sa kwarto mo, tapos nag paorder lang ako ng pizza, nanuod lang ng movie.”
Ewan ko pero sobrang nakakatuwa yung ginagawa ni Sir Jack kay Butchok. Sobrang sweet kasi at talagang mapapangiti ka na lang.
“Salamat sa pagsama sa kanya, Si… Jack” sabi ko.
“Wow, music to my ears hehe. Don’t worry, anything for you”
“Hehe, salamat again!”
“Okay…” bigla uli siyang humiga at mukhang matutulog.
“Hala, hindi pa kayo uuwi?” tanong ko.
“Hindi, gabi na at saka wala akong dalang kotse, dito na ako matutulog!”
Sht. Nakakainis, mukhang wala nga siyang balak umuwi.
“Tabi ka na lang sa’kin ha? Goodnight!” pinikit niya mata niya pero alam kong joke joke lang ’yon.
Nakatayo pa rin ako at hindi ko alam gagawin ko, nakakahiya naman kung tatabi ako sa kanya.
“Ethan, patayin mo ilaw ha. ’Di ako makakatulog eh” pahabol pa niya. Wala na akong nagawa kundi magbihis at patayin yung ilaw saka tumabi sa kanya.
“Pst, alam kong gising ka pa” biglang nagsalita si Sir Jack. Nakatalikod ako sa kanya at medyo madilim kaya hindi ko siya nakikita.
’Di ako sumagot para kunwari tulog na ako.
“Hindi pilit yung paghinga kapag natutulog. Alam kong gising ka pa!” bulong niya uli.
“Shhh… Matulog ka na”
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin sa likod at niyakap niya yung katawan niya sa’kin. Pinangyakap niya hita niya sa likuran ko at meron akong nararamdamang kakaiba, alam kong junjun ni Sir Jack ’yon.
“Jack, ano ba!”
“Cuddle lang eh, ang damot mo naman!” bulong niya uli.
“May tumutusok kasi!”
“Haha talagang tutusok ’yan, malaki ’yan eh!”
“Hala Sir naman!” limitado lang galawa ko para hindi magising si Butchok.
“Uy, balita ko nagkausap kayo ni Stephen kanina ah?” bulong niya uli. This time ’di na ako nagpupumiglas. Hinayaan ko na lang siya na nakayakap sa’kin.
“Kung iniisip mo na nakikipagkompetensiya ako kay Benjamin nagkakamali ka. Hindi ’to laro, hindi kita pinaglalaruan. Alam mo naman motives ko di’ba?” bulong niya uli. Ang hot ng boses niya, ang husky at parang nakakakilabot.
“Alam ko naman po Sir, buti nga sinasabi niyong wala lang ’to eh pero napaisip talaga ako roon, parang ganon kasi yung nangyayari sainyo”
“Nako, magkaibigan tayo pero sweet ako sa’yo kasi ayun nararamdaman ko sa’yo eh. Gusto kong maging sweet sa’yo, nakakatuwa kasi at saka…. Nakakakilig”
Tumahimik lang ako.
“At isa pang totoo? Gusto ko ’tong nakayakap ako sa’yo ngayon tapos nag uusap tayo. Gustong gusto ko.”
Hindi totoo Ethan, Hindi totoo.
“Matulog na po tayo”sabi ko na lang.
“Okay, sige. Goodnight Ethan”
“Goodnight”
Hinigpitan niya yung yakap sa’kin at nakatulog na ako sa ganung pwesto. Nagustuhan ko rin yung yakap sa’kin ni Sir Jack.
+++++++
VOTE AND COMMENTS!!!
Part 22
#2 sa humor category yung MSHSFB
😊😊😊😊
Maraming Salamat sa suporta guys!!!!!
Read my story: Greg’s Diary! :)
++++++
Nagising ako sa ingay ng laro na nanggagaling sa PS4. Pag mulat ko ng mata, nakita ko si Butchok at Sir Jack na naglalaro. Nakatalikod silang pareho sa’kin pero mas napansin ko si Sir Jack kasi nakahubad siya.
Ano ba ’to! Bakit ang hot niya kahit nakatalikod? Batak na batak sa gym yung katawan niya.
“Gising na Kuya mo oh!” biglang sabi ni Sir Jack. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya.
“Kuya! Tara, alis daw tayo sabi ni Kuya Boss!” sabi ni Butchok.
“May pasok ako eh. Sa sabado na lang”
“Papasok ka pa eh alas dyis na?” sabi ni Sir Jack. Nagpanic ako at nagmadaling tignan yung oras at tama nga si Sir Jack, lagpas pa nga ng alas dyis.
“Bakit hindi mo ko ginising?!”
“Eh ang cute mo kaya matulog. Haha di’ba Butchok?”
“Haha, opo, tinititigan ka ni Kuya Boss kanina habang natutulog. Ang dami mo nga pong picture sa phone niya eh.”
’Di ko pinansin yung sinasabi nila kasi nagbabasa ako ng texts ni Sir Benjamin sa’kin.
“Late ka?” “Hindi ka papasok?” “Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?” “Ethan!” “Uy”
“Sino ’yan? Si Benjamin?” tanong ni Sir Jack.
“Opo, hinahanap ako.”
“Hala, hayaan mo na ’yan. Memo lang naman ’yan eh haha akong bahala sa’yo!” tumayo siya at lumapit sa’kin.
“Bakit ka kasi hindi gumising, nasarapan ka siguro kasi katabi mo ko ’no?” bulong niya sa’kin.
“Kapag narinig ka ni Butchok, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa’yo!” bulong ko rin sa kanya.
“Haha, ang sarap mo pala katabi ’no? Hindi ka magulo. Siguro mas masarap kang maka….”
“Kuya! Papasok ka pa?” bago matapos ni Sir Jack sinasabi niya, sumingit si Butchok.
“Ano ka ba Ethan, dadaan sa’kin ’yang pag absent mo! Ako ng bahala sa’yo, ’wag mo ng alalahanin ’yon. Umalis na kayo ng kapatid mo,” sabi pa ni Sir Jack, this time naririnig na ni Butchok ’yon.
“Oo nga Kuya! Turuan mo ko mag bike Kuya!” sabi pa ni Butchok.
“Ha? Eh wala ka namang bike ah?”
“Edi bibilhan natin siya ngayon ngayon na! Magbihis ka na kaagad, bibili na tayo!” tumayo si Sir Jack at nagbihis.
“Seryoso ka ba?”
“Mukha ba akong manloloko? Niloloko ba kita? Dali na, Butchok, mag ready ka na rin!” natuwa si Butchok at nagmadaling tumakbo sa kwarto niya.
Ni lock naman ni Sir Jack yung pinto at naghubad uli ng damit sa harapan ko.
“Bakit ka pa naghubad?” tanong ko.
“Wala, inaakit kita. Ayoko kasi sa harapan ni Butchok eh” lumapit siya sa’kin at inakbayan ako.
“Well, hindi ako naaakit, magbibihis na ako at tatawag muna ako kay Sir Benjamin”
“Haha, akala ko may effect ako sa’yo well, I’ll try harder soon.”
Pero deep inside, iba yung dating ni Sir Jack, nakakaakit talaga siya lalo na yung amoy niya na bagong gising. Lalaking lalaki. Ang sarap.
Lumabas muna ako para tumawag kay Sir Benj at sinagot naman niya kaagad ’yon.
“Ethan! Anong nangyari, nasaan ka?” bungad niya.
“Sorry Sir, tinanghali kasi ako ng gising. Nasa bahay ako ngayon.”
“Akala ko kung ano na nangyari sa’yo, may sakit ka ba?”
“Ahh wala po. Talagang tinanghali lang talaga”
“Tsk. Okay sige, gawan na lang kita ng leave report. Ako ng bahala doon.”
“Talaga Sir, Salamat po!” sagot ko.
“No problem.”
Ibababa ko na sana yung tawag kaso bigla siyang nagsalita.
“Uhm…. Pwede ka ba bukas? Labas naman tayo.”
Shet, eto na naman si Sir Benj. Okay Ethan, humindi ka.
“May lakad po kasi ako Sir”
“Ahh. Kasama naman natin si Sir Miggy at Cielo, gusto raw tayo makita”
“Ahhh ganon ba? So… Magpapanggap tayo?”
“Hmm… Oo sana? Kung okay lang sa’yo?”
Naiimagine ko yung itsura ni Sir Benj na nakangiti na naghihintay ng oo ko, pero parang ang assuming ko sa part na ’yon.
“Sige sir. Nangako ako hanggang sa makuha mo yung deal di’ba? Sige po”
“Yes!!” sigaw niya “I mean… Okay, good. So tomorrow then, after shift okay?”
“Yes Sir”
“Okay, have a nice day” sabi niya pa at saka ko binaba yung tawag.
“Aba aba aba, ano yung narinig ko na magpapanggap na naman?“biglang sabi ni Sir Jack sa likod.
“Ayy, bakit ka nakikinig?”
“Narinig ko lang! So…. Back to Benjamin ka na ba?” tanong niya.
“No, committed lang ako. At isa pa, nakakalimutan ko na ng konti si Sir Benj. Thanks to you!” sabi ko pa.
“Ohh… I’m a big help pala. Well, that’s me, taga tulong lang makalimot sa iba pero ako eto, sawi pa rin”
“Haha ang drama mo naman!” pero bago siya makasagot, dumating na si Butchok at nakabihis. Seryoso nga si Sir Jack na bibilhan niya ng bike si Butchok. Ginamit namen yung sasakyan ko at si Sir Jack na yung nag drive.
++
Hindi ako naiinlove kay Sir Jack, siguro natutuwa lang na ganito siya ka sweet sa kapatid ko at syempre naaapektuhan ako. Malinaw kasi sa’kin na wala lang ’to at kahit “nilalandi” niya ako, tinatawanan ko na lang siya.
Maghapon lang namen tinuruan si Butchok mag bike at mabuti naman kasi natuto siya. Hindi niya lang kaya ng mabilis.
Medyo madilim na kaya napagpasyahan na nameng pumasok sa bahay, nagluto naman si Manang ng makakain namen tapos si Butchok pinaglinis ko na ng katawan.
“Pwede bang magtanong, Ethan?” tanong ni Sir Jack.
“Ano ’yon?”
“Nasaan yung parents mo? Parang hindi ko nakikita eh”
“Oh….” hindi naman ako nakasagot.
“Sorry kung too personal, hehe. ’Wag mo na lang sagutin. Teka lang mag CR lang ako ha?” sabi niya at hindi na niya ako hinintay makasagot saka siya nag CR.
Naghain na rin ako para kumain pero may kumakatok sa bahay at nagmadali naman ako para buksan.
Nagulat ako ng makita ko si Sir Benj na may dalang pizza! Mukhang dito siya dumiretso galing office.
“Ethan! Hello.” ang casual ng bati niya. Nakangiti siya at mukhang good mood.
“Ohhh… Hi, Sir…” nagulat pa rin ako.
“Dadaan kasi ako kay mama, pero naisip kong dumaan muna rito. Nandiyan ba si Butchok?” pagkasabi niya non, biglang lumabas si Butchok at natuwa rin nung nakita si Sir Benj.
“Uy Kuya Pogi!!” bati ni Butchok.
“Uy! Kumain ka na ba? Ohh, nagdala ako ng pizza!”
“Wow, salamat Kuya Pogi, pasok ka po dali!” hinila niya papasok si Sir Benj.
Sakto naman, lumabas din si Sir Jack sa banyo pero nagulat na naman ako, bakit nakahubad lang si Sir Jack?
Nagkatinginan yung dalawa.
“Benjamin?”
“Oh, andito ka pala Zachary…” medyo awkward yung tono ng boses niya.
“Oh.. Bakit ka nandito?”
“Uhm… Nagdala ako ng pizza ka Butchok… Eh ikaw?”
“Tinuruan ko siya mag bike maghapon”
“So kanina ka pa nandito?”
“Hindi po Kuya Pogi” sumingit si Butchok “kahapon pa po siya nandito. Dito na po siya natulog!”
Natahimik naman si Sir Benj. Nagdadamit na rin si Sir Jack nung mga oras na ’yon.
Humarap naman si Sir Benj sa’kin at hinila niya ako palabas ng bahay.
“Kayo ba ni Zachary?” medyo seryoso na yung tono niya.
“Ha… Hindi…”
“Magkasama kayo magdamag, maghapon, hindi kayo? Palagi kayong magkasama nung mga nakaraang linggo, hindi kayo? Nilalayuan mo ko para sa kanya. So siya dine date mo?”
“Hindi nga. At bakit ka ba nagagalit? Ano bang problema mo?”
“Ano ba Ethan! Nakakainis ka naman eh. Sagutin mo naman ng totoo! Kung kayo ba talaga?!” medyo pasigaw na siya ngayon.
“Ano ba, hindi ko dapat sinasabi sa’yo ang lahat!”
“Sabihin mo na kung kayo, Ethan!!”
“Oo nag de date kaming dalawa!” si Sir Jack yung sumagot at palapit siya sa’ming dalawa.
Umakbay si Sir Jack sa’kin na parang pinoprotektahan niya ako.
“Anong ibig sabihin neto, Zachary? Bakit mo ko tinatalo?!” tanong ni Sir Benj.
“Dude, wala akong tinatalo! He was never yours from the start!”
“Oh yeah, but I told you di’ba?!”
“No you didn’t! At isa pa, you’re trying to reach Sophie for the past few days kaso iniisnob ka niya kaya si Ethan nilalapitan mo. Hindi Option si Ethan na kapag hindi mo nakuha si Sophie, lalapit sa kanya!”
“What the fuck are you talking about? Yeah, I’m trying to reach Sophie pero that does not mean na ginagawa kong option si Ethan!”
“He’s a good man, he’s a good brother. Kung anong binabalak mo, sana ’wag mo ng ituloy”
“Masasapak na naman kitang bwisit ka eh! Ano bang sinasabi mo?! Fine! Then so be it! Kayo na, magsama kayo!”
Tinignan lang ako ng masama ni Sir Benj saka siya sumakay sa sasakyan niya at umalis.
“Bakit niyo naman kailangan mag away?” sabi ko kay Sir Jack.
“Doon din pupunta ’yon, inunahan ko lang.”
Hindi ko alam magiging reaksyon ko sa ginawa ni Sir Jack. Pinakalma ko muna sarili ko bago ako pumasok sa loob.
++
Hinanda ko na sarili ko kung magagalit sa’kin si Sir Benj ngayong pagpasok ko sa office, pero imbis na pagalitan niya ako, silent treatment na naman yung nangyari at maghapon niya akong hindi pinansin.
Mag oout na sana ako ng kausapin niya ako.
“Are we still good? Tuloy pa ba lakad natin?” tanong niya.
Hay nako, ang bait na naman niya at parang walang nangyari kagabi.
“Hmm.. Kayo, Sir.”
“Ofcourse, ready naman na lahat eh ikaw lang hinihintay ko”
Nakangiti siya na parang walang nangyari talaga kagabi kaya pumayag ako sa kanya. Buti na lang may damit ako sa office at ayon ang sinuot ko.
Narinig ko naman na pumasok si Sir Benj sa kwarto.
“Hey, are we okay?” bigla niyang tanong.
“Opo, sasama na nga ako di’ba?”
“No, I mean what happened yesterday. Masyado akong…. Nagulat sa nalaman ko.”
Pinili ko na lang na hindi sumagot.
“I know napaka moody ko lately pag dating sa’yo pero sana ’wag mong isipin na may ginagawa akong masamang plano sa’yo. Wala Ethan.”
Natahimik lang uli ako at nung nakabihis na ako, humarap ako sa kanya ng nakangiti at sinabing “tara na, Sir!” ngumiti rin siya sa’kin at bumaba na kaming dalawa.
Dinala niya ako sa isang napakagandang restaurant. Hindi ko alam kung saan ’to pero ang ganda ng datingan. Sobrang classy at may background music na nakakarelax.
“Nandito na raw ba sila Sir Miggy?” tanong ko.
“Wala pa hehe. Halika.” pinaupo niya ako at magkaharap kaming dalawa. This time, nakangiti siya sa’kin. Ewan ko kung nagpapacute o ano pero talagang nakatingin siya sa’kin.
“Bakit po?” tanong ko.
“Wala lang. Namiss kasi kita eh”
Ayoko ng ganitong feeling eh. Ayun lang sinabi niya pero kinilig ako kaagad.
“Uhm.. Order na tayo.” sabi ko na lang.
Inusog niya yung upuan niya at nakitabi sa’kin.
“Bakit po kayo tumabi?”
“Titignan ko rin yung Menu”
“Pero meron naman kayo Sir…”
“Ayoko don, gusto ko share tayo”
Bakit ba ang clingy netong tao na ’to?
Nagkadikit yung braso namen at parang nakuryente ako sa nangyari! Parang…. May spark.
Bigla naman niyang kinuha yung phone niya at tumayo saglit para sagutin ’yon.
Argh! Wala pang nangyayari pero kinakabahan na ako. Parang mababaliw na kaagad ako, ilang linggo ko siyang iniwasan tapos ngayon eto, magkasama kaming dalawa.
Bumalik siya na malungkot yung expression.
“Hindi na raw makakapunta sina Sir Miggy at Cielo…” sabi niya.
“Ay, ganon ba…”
“So, gusto mo pa bang ituloy ’to?” tanong niya.
Oo, gusto ko. Pero di’ba iniiwasan ko siya? Kaya humindi ako sa kanya.
“Ah, I see. Halika na, hahatid na kita sainyo” sabi niya uli. Tumayo na kami at lumabas, parang sira lang kami na pumasok at lumabas sa restaurant na ’yon.
Tahimik lang siya habang nagddrive ng bigla siyang huminto na kinagulat ko.
“Ethan, tignan mo!” turo niya sa labas. mga streetfoods at ihawan yung tinuro niya.
“Anong meron, Sir?”
“Nagugutom kasi ako eh. Kain muna tayo?hehe”
“Hala, natuwa ka sa streetfoods noon?”
“Haha oo eh. Halika na, ’wag ka na maarte!” lumabas siya sa sasakyan at pinagbuksan niya ako sa labas. Hinawakan niya yung kamay ko at nagmadali siyang pumunta sa mga pagkain.
Para siyang bata, napaka simpleng Sir Benjamin naman nakikita ko ngayon. Tuwang tuwa talaga siya habang kumakain kaya nadadamay ako sa ngiti niya.
Panandalian kong nakalimutan na kinakalimutan ko siya at ineenjoy ko muna yung napakagandang ngiti niya.
Umupo kami sa gilid habang kumakain, konti lang naman yung tao at ang tahi tahimik sa lugar na ’yon, medyo malamig pa kaya naman pinahiram niya uli sa’kin yung suot niyang coat.
Naalala ko naman yung ganitong moment namen sa BGC.
“Salamat po” sabi ko.
“Alam mo ba?” ayan ang sinabi niya.
“Ano po?”
“Totoo na tinatawagan ko si Sophie nung mga nakaraang araw kaso hindi niya sinasagot”
Mukhang gusto niya ng seryosong usapan.
“Eh bakit kasi tinatawagan mo siya?” tanong ko.
“Ewan ko rin eh. Alam ko naman na hindi niya sasagutin pero umaasa ako”
Totoo ngang mahal niya pa si Sophie.
“Pero seryoso Ethan, bakit ka lumayo sa’kin nung mga nakaraang araw? Dahil ba kay Zachary?”
Gusto ko sanang magsinungaling kaso mukhang seryoso talaga siya ngayon.
“Yung totoo po, kasi galit ako sainyo” sabi ko.
“Hala bakit?!”
“Hehe, wala naman po. Hinalikan niyo kasi ako.”
“Huh? Ang tagal na non ah?! Ayun pa rin issue mo?”
“Hindi po, nung lately lang. Okay nga po nung una eh”
“Wait, kailan ’yon? At nag enjoy ka?” medyo nakangiti siya nung tinanong niya ’yon.
“Nung lasing ka po tapos binibihisan ko kayo, hinalikan niyo ako noon tapos bigla niyong binanggit si Sophie”
Natahimik siya pero mukhang nagtataka pa rin siya na naghalikan kaming dalawa.
“Seryoso? Hinalikan kita?”
“Opo, tapos simula non…. Ewan, lumayo ako.”
“Nagselos ka ba or what?”
“Hindi ko po alam. Sabi ko po kasi noon hindi ako maiinlove sa’yo kasi alam kong wala tayong chance, pero ewan…. Mahina pala ako pag dating dito.”
Hindi siya uli sumagot. Hindi ko rin alam kung bakit umaamin ako sa kanya ngayon.,
“May sasabihin pala ako sa’yo” ayun yung sinagot niya.
“Ano ’yon Sir?”
“Hindi naman talaga nakikipagmeet si Sir Cielo at Miggy. Ako lang may gustong makasama ka ngayong gabi”
Napatingin ako sa kanya tapos nakangiti lang siya.
“To be honest, hindi ko alam kung nagseselos ako kay Zachary. At alam kong nagkita kayo ni Stephen at nakwento niya yung pagdadrama ko sa kanya. Oo, umiiyak ako sa’yo Ethan and I really don’t know why!”
“….”
“Nung 3 weeks na halos ’di mo ko pinansin, halos magdamag akong nagisip kung anong nagawa ko sa’yo para magbago ka sa’kin pero I really had no idea. Pero ngayong sinabi mo na, atleast makakatulog na ako na maayos”
“Hehe tapos ikaw naalala mo pa yung inuman sa condo ni Sir Jack? Hinalikan mo yung dalawang babae!”
“Haha, inaasar lang kita non, nakakainis nga eh hindi ka naasar. Gusto kasi kitang halikan non.”
Eto na naman siya.
“Sir Benj….”
“I’m serious Ethan. I wanna kiss you so hard that night, even now, wala akong paki kung sino makakakita sa’tin, ang gusto ko lang mahalikan ka ngayon!”
Mukhang ’di ko na kakayanin pa kapag nagpatuloy yung usapan namen kaya tumayo ako pero pinigilan niya ako.
“Sinasabi ko nararamdaman ko ngayon Ethan, please listen” pakiusap niya. Pinipilot kong kalmahin sarili ko para sa mga mangyayari.
“Ako yung tipo ng boyfriend na sobrang attached. Once I’m committed kasi, sobrang seryoso ko na. One woman man kasi ako and I really take relationship seriously”
“Sino namang hindi di’ba?” sagot ko.
“I know. And isa pa, sa tuwing naaalala ko yung nagpapanggap tayo non kina Sir Miggy at Cielo, sobrang napapangiti ako. Sa tuwing naiisip kita, napapangiti ako”
Tinitigan niya ako sa mga mata at nakita kong binasa niya yung labi niya gamit dila niya.
“I really don’t know what’s going on with me, all I know is that I want to see you everyday. I wanna be with you and I really really wanna kiss you”
Straight forward, heartfelt, every words. Ramdam na ramdam ko. Seryoso siya at hindi siya nagloloko.
“Nung inakbayan ka ni Zachary kahapon, hindi ko maexplain yung sakit. Ang sakit pala na makita ka sa iba”
“Sir Benj…. Please stop. Sabi ko di’ba noon na ’wag kang magsalita ng ganyan? Ng mga bagay na sweet na nagpapaasa sa’kin?”
“Please, hindi kita pinapaasa. Sinasabi ko totoong nararamdaman ko, and… I think….”
Sasabihin niya kaya? Kinakabahan ako.
Naramdaman kong hinahawakan niya yung kamay ko at wala akong kalaban laban na humawak sa kamay niya. Dahan dahan niyang nilapit mukha niya sa’kin at hinalikan ako sa labi.
Hindi ko inaasahan ’yon! Pero isang madiin na halik lang ’yon at tinanggal niya rin kaagad.
“I like you Ethan, Ako na lang please?”
++++++
VOTE AND COMMENTS!
Part 23
Ang awkward lang nung hinatid ako ni Sir Benj hanggang sa bahay, wala naman akong choice kasi wala akong dalang sasakyan. Hindi pa rin ako nagsalita hanggang sa paglabas ko ng kotse niya. Pero bumaba rin siya at pinigilan muna ako sa pag pasok.
“Sana nag enjoy ka,” sabi niya pa.
Tahimik lang uli ako at ngumiti.
“I’ll take that smile as a yes.”
Ngumiti lang uli ako.
“Please stop smiling like that, baka sunggaban uli kita ng halik”
“Ahhh ehh… Sige po papasok na ako, salamat po uli” ayun na lang sinabi ko at nagmadali na akong pumasok at umakyat sa kwarto ko.
Sumilip pa ako sa baba kung nandun pa buti na lang wala na siya.
Humiga ako sa higaan ko at nag isip. Anong nangyari? Bakit biglang ganon? Totoo ba talaga yung sinabi niya? Ang sabi niya totoo pero…. Straight siya. Ibig sabihin ba hindi siya straight? Hinalikan niya ako, gusto ko pa ng isa pero straight siya.
Ano ba talaga Ethan? Ano ba ’tong pinasok mo?
Maya maya, pumasok si Butchok sa kwarto ko at mukhang bumangon lang siya para mag CR, tumabi siya sa’kin at yumakap.
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi niya na ‘siya’ na lang.
Sobra akong naguguluhan.
Kailangan kong makausap si Jaycee, siguradong siya lang makakaintindi sa’kin pero mukhang galit siya sa’kin, ilang araw na rin kaming hindi nag uusap na dalawa.
Sinubukan ko muna siyang tawagan pero hindi niya sinasagot.
Argh, gusto ko ng kausap! Para na akong mababaliw. Halos isang oras na rin ako nakahiga at nag iisip. Bumangon muna ako para magpahangin sa labas.
Bigla namang tumawag si Sir Benj sa’kin. Hindi ko alam kung sasagutin ko o hindi, pero mas namutawi yung kalandian ko kaya ko sinagot yung tawag.
“Nasa condo na po ako” sabi niya. Shet, yung ‘po’ niya yung nagdala.
“Oh, bakit inaupdate mo pa ako?”
“Wala lang, gusto ko lang….”
Tahimik….
Tahimik….
“Miss na po kita kaagad” sabi niya pa.
“Sir Benj… Hindi pa po nagsisink in sa’kin yung nangyari. Pwede po bang… Hinay hinay muna?”
“Hehe, sige po.”
“At ikaw ang boss ko, kaya dapat ako yung nag po po.”
“I always treat my partner as my boss. Maybe I’m your boss sa office but in real life, ikaw ang boss.”
Tanginaaaa. Ayoko na. Nasayang yung pag iwas ko sa kanya ng ilang linggo kasi bumalik lahat, hindi lang bumalik, nadagdagan pa. Umaasa na naman ako. Sino ba naman kasing hindi aasa sa ganitong boss?
“Uhm. Sir, matutulog na ako”
“Okay, sige sige po. Ako rin, sabay na tayo?”
Ganyan na ganyan si Bill sa’kin noon. At ganyan ang trato ng isang tao sa taong mahal niya. Nakakainis naman kasi si Sir Benj eh!
“Goodnight”
“Goodnight, honey” sagot niya.
Napangiti niya ako sa huling pagkakataon at umakyat na ako sa kwarto ko uli. Siguro, kailangan ko lang enjoyin lahat ng ’to.
Nung nakahiga na ako uli, nagtext pa siya sa’kin ng napakahabang text.
“I know it’s so sudden but what I told you today, all of it, it comes from my heart. Totoo ’yon at walang ibang dahilan. I don’t wanna sound malandi or what, pero sana hindi pa kayo ni Zachary para may chance pa ako sa’yo. Again, Goodnight honey. I miss your lips, hope to taste it again tomorrow. 😙😙”
Sa sinabi niyang ’yon, parang willing na akong magpakatanga. Willing na ako mag risk. Willing ako para sa kanya. Para kay Sir Benj.
+++
“Gising ka na?” ayan ang unang text na nabasa ko pag gising ko galing kay Sir Benj.
“Kakagising lang.” sagot ko.
“GoodMorning honey 😙”
Fvck, ang gwapo niya sa sinend niyang picture!! Bagong gising pero ang gwapo gwapo!
“Hala bakit may picture? 😊” tanong ko.
“Haha, pag tingin ko kasi sa salamin kanina parang iba yung aura ko, naalala ko pala na hinalikan kita kagabi tapos ayun, kaya siguro maganda gising ko 😊”
“Hehe, ewan ko sa’yo 😊” feeling ko ang pabebe ko sa part na ’yon.
“Sige na, mag aasikaso na ako. See you today boss 😉” reply niya pa.
Nalunod na ako sa katangahan ko at pagpapakilig niya at wala akong paki roon. Hindi ko na siya nireplayan noon at nag asikaso na rin ako.
++
’Pag pasok ko ng office, pasimple akong sumilip sa opisina ni Sir Benj kung nandon na siya pero ang sabi ni Laura, lumabas daw siya.
“Ikaw ha! Hinahanap hanap mo na si Sir Benj!” bulong ni Laura sa’kin. Sasabihin ko ba yung totoo? Siguro mas okay na na kay Jaycee ko unang sabihin.
“May ibibigay lang ako sa kanya hehe. Eh ikaw? Kumusta kayo ni Sir Jack?” iniba ko kaagad yung topic.
Napatingin siya sa paligid namen at may binulong siya sa’kin.
“Wala akong balak pagsabihan neto, Ethan pero ikaw lang pinaka pinagkakatiwalaan ko sa lahat” mukhang excited na siyang sabihin sa’kin.
“Sige, ano ba ’yon?”
“May nangyari na sa’min kagabi!”
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Grabe, ang bilis talaga ni Sir Jack! At doon ko rin napatunayan na talagang straight siya at biro biro lang yung sa’ming dalawa.
“Nice.” ayun na lang nasabi ko.
“Nakaka excite nga na nakakatakot eh” aba mukhang balak pa idiscuss kung paano nila ginawa.
“Masakit di’ba? Haha” ewan ko bakit gusto ko rin makipagkwentuhan ng ganito kay Laura.
“Nung una oo, eh ang laki kasi Ethan. First time ko makakita ng ganon! Nung una maliit lang pero grabe lumaki!”
Nakakatuwa yung pagka inosente ni Laura at kung paano niya sabihin sa’kin ’yon.
“Haha, talaga?”
“Oo Ethan. At grabe… Nag enjoy talaga ako haha. Shhhh ka lang ha? Wala akong sinabihan kahit kanino, sa’yo pa lang.”
“Hehe sure. ’Wag kang mag alala” sabi ko pa. Pagkatapos ng kwentuhan namen, natrabaho na uli kaming dalawa.
Lunch na pero hindi pa rin bumabalik si Sir Benj! Tinawaga naman ako ni Stephen at sinabi niyang mag lunch daw kaming dalawa. Pumayag namn ako kasi gusto ko rin makipagkwentuhan tungkol kay Sir Benj.
Asusual, sa Mozu kami kumain, simple lang suot niya, white shirt at maiksing short.
“Sorry, kakatapos ko lang mag gym!” sabi niya.
“Ayos lang. Oh bakit mo pala ako tinawagan? Pwede naman si Sir Jack”
“Eeehhhhh puro babae lang naman pag uusapan nameng dalawa. Ikaw na lang, feeling ko kasi may mapipiga ako sa’yo eh haha”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Sus Ethan, alam mo!” ngumiti siya na parang may alam. Siguro nakwento na kaagad ni Sir Benjamin yung ginawa niya.
“Alam mo na? Hala. Medyo nakakahiya nga eh. Hindi ko naman alam na magtatapat siya ng ganon”
“Oh sht. So, sinabi niyang may gusto siya sa’yo?!”
“Akala ko ba alam mo na?”
“No haha! Sabi ko na nga ba may masasagap akong chismis sa’yo eh haha”
Sht. Nakakahiya. Nahuli na naman ako dahil sa bungangang ’to.
“Details, please?” sabi niya pa.
“Napaka chismoso mo pala ’no?”
“Haha, not really. I’m really interested with your story kasi. And I know, sasabihin na sa’kin ni Benjamin ’yan mamaya so might as well, ikaw na magkwento”
“Ayoko, ikaw na lang magtanong!”
“Okay, sasabihin ko sa kanyang sinabi mo sa’kin. You keep bragging and bragging haha”
“What? No! ’Wag!”
“Either ikaw magsasalita o ako magsasalita. Haha, Ethan, hindi ka mananalo sa’kin! So ikaw na magkwento!”
Nakakainis din ’tong si Stephen eh pero wala akong nagawa at kinwento ko sa kanya yung nangyari kagabi.
“Holymaderpak! Haha, that’s cheesy tho!”
“Huwag mo naman sabihin please?”
“Ofcourse I won’t, but tell me, nag enjoy ka ba? I mean…. You really like him?”
’Di ako nakasagot kasi guilty ako. At napangiti na lang ako.
“Look at you. Sobrang kinikilig ka haha. Sayang, type pa naman kita ng konti pero sige, okay din naman si Benjamin”
Dafaq, totoo ba yung narinig ko?
“Where’s Benj pala? Hindi ko siya macontact eh” sabi pa ni Stephen.
“Lumabas daw. Hindi pa nga bumabalik eh”
“So… Hindi pa kayo nagkikita today?”
“Hindi pa,”
“Good. ’Wag mong sabihin na nakipagkita ako sa’yo ah?”
“Bakit naman?”
“Basta hehe.”
Fvckboy din datingan netong si Stephen eh. Mana kay Sir Jack, pero si Sir Benj siguro medyo lang.
Wala pa rin talaga si Sir Benj, malapit na akong mag out pero hindi pa rin siya bumabalik. Ni hindi nga nagtetext eh. Nakkainis, bakit ako umaasa sa text niya? Pero bakit nga ba kahit isang text hindi niya nagawa.
Naiinis ako na nalulungkot pero hello, hindi naman kami. Pero nakkagalit. Ewan ko.
Parang pinapaasa niya ako.
Pero baka busy lang kaya ganon.
Pero isang text lang? Bakit hindi magawa?
Iniisip ko pa rin siya paglabas ko ng office at nakita ko si Sir Jack at Laura na magkasama. Nakaakbay si Sir Jack habang nakayakap si Laura. Nung makita ako ni Sir Jack, kinindatan niya lang ako. Isa pa talaga ’to, leader ng fvckboys.
Hanggang sa pag punta ko ng parking lot, wala pa ring text o paramdam. Hindi ko na napigilan sarili ko at tinext ko na siya.
“Bakit ba hindi ka nagtetext? Kanina ka pa wala ah?” sabay send.
Bigla akong nabwisit sa sarili ko bakit ganon yung text ko?! Parang jowa na yung dating ko.
Hinagis ko na yung phone ko sa likod ng sasakyan at nag drive pauwi.
Paglabas ko lang ng parking lot, nakita ko si Jaycee at mukhang nag aabang ng sasakyan, nagmadali akong magpark sa harap niya.
“Bes!” sabi ko. Napangiti lang siya pero hindi siya sumakay sa sasakyan ko.
“Umuwi ka na bes, may pupuntahan pa ako” sabi niya.
“May problema ka ba? Baka gusto mong ishare sa’kin?”
“Nope, I’m good.” alam ko may mali at talagang ayaw niya lang magkwento.
“Bes…..”
“Oops, sorry bes, nandito na sundo ko” may pumaradang sasakyan sa tabi ko at lumapit si Jaycee roon at sumakay. Napansin ko rin na parang hirap siyang maglakad.
Ano kayang nangyayari sa kanya? Gusto ko sana sundan yung sasakyan pero ang bilis magpatakbo eh kaya nauna na lang akong umuwi sa bahay.
Alasais ako nakauwi ng bahay at dumiretso kaagad ako sa kwarto, naglaptop at napagpasyahan kong manuod ng movie. Kaso naiwan kong nakabukas yung fb ko at nung tumawag si Sir Jack sa’kin sa fb via video call, sinagot ko naman kaagad.
“Hi babe” sabi niya.
Fvck, nakahubad lang si Sir Jack at naka boxer shorts! Hindi ko alam kung may underwear siya pero bakit wala siyang damit!!
“Babe ka diyan!”
“Haha umaayaw ka pa rin ah. Kailan ba magiging totoo na babe kita?”
Hindi ako sumagot at tumawa lang.
“Haha, so here’s the thing. Gusto ko na makipaghiwalay kay Laura” sabi niya.
“What? Agad agad? Matapos mong makuha yung gusto mo sa kanya hihiwalayan mo na?!”
“Oh. So alam mo pala?”
“Nakwento niya….”
“Haha no, I’m not that bad. Ayoko na kasi. After that sex sobrang clingy niya, to the point na…. Argh, I don’t know, something’s wrong and I really don’t know what that is”
Gwapo nga, yummy nga, pero sex lang naman habol, wala rin.
“Masaya lang yung babae kaya ganon.”
“I know naman, kahit naman siguro sinong makatikim sa’kin, magiging masaya di’ba?”
“Woah, ang hangin!”
“Haha, kidding aside, nabanggit niya kasi yung word na “kasal”, at napaisip ako, I’m not yet ready at walang walang walang wala pa sa vocabulary ko ’yon.“
“Baka naman nagbibiro lang?”
“Biro or not, hindi ko nagustuhan ’yon. Casual lang naman kami at wala akong balak makipag relasyon!”
“Hindi ba kayo?”
“Well as far as I know hindi haha. Pero siya lang naman dine date ko kaya gusto ko ng tapusin ’yon!”
“Please, ’wag? I mean, may chance naman eh. Nabotherd ka lang sa sinabi niya kaya mo nararamdaman ’yan. Pero kung sasabihin mo sa kanya na ayaw mo ng ganong biro, mas magiging okay kayo.”
“Alam mo Ethan, siguro kung naging babae ka, matagal na kitang pinakasalan haha.”
“Focus. ’Wag kang ganon, Jack. Hindi sa lahat ng oras kukuha ka ng bulaklak tapos itatapon mo lang kapag bulok na sa paningin mo”
“Whatdafaq Ethan haha. That’s deep but I understand. Napapaisip tuloy ako haha, thanks!” sabi niya.
“No problem” sabi ko sabay ngiti.
“Ang tagal mo naman maghubad. Maghubad ka na rin, ready na ako oh” bigla siyang nag flex sa cam at aaminin ko, na arouse ako ng slight. Sobrang hot naman kasi talaga ni Sir Jack
“Ewan ko sa’yo haha”
“Haha, ako ang boss mo kaya sumunod ka haha”
Boss. Naalala ko si Sir Benj! Hinanap ko kaagad phone ko at naalala ko nasa sasakyan pa pala. Nagmadali na akong nagpaalam kay Sir Jack at bumaba para kunin yung phone ko.
Pero nagulat ako ng may makita akong tuta na nilalaro ni Butchok! Sobrang cute at pati ako natuwa! Sobra talaga akong napangiti.
“Butchok! Ano ’yan? Saan mo nakuha ’yan?” medyo nagalala ako.
“Kay Kuya Pogi po!”
Kuya Pogi? Si Sir benj?
Biglang pumasok si Sir Benj at may kulungan at tali.
“Ethan!” sabi ni Sir Benj. Naka office attire pa rin siya ngayon.
“Sir Benj, anong ginagawa niyo….”
“I’m calling you pero hindi ka sumasagot.”
Naexcite si Butchok sa aso. Kinuha niya yug kulungan at tinabi.
“Ayoko po na ikulong, dito na lang po siya sa loob ng bahay palagi!” sabi pa ni Butchok.
“Osige, ikaw bahala!” sagot naman ni Sir Benj. Napatingin siya sa’kin at sumenyas na kausapin niya ako sa labas. Sumama naman ako.
“Galit ka ba?” tanong niya.
“Ha? Hindi ah”
“Eh bakit hindi mo sinasagot tawag ko?”
“Ehhh naiwan ko kasi sa sasakyan phone ko.”
“Ahh.. Sorry din kasi meeting ’yon eh. Ako pinapunta ni Zachary kasi may gagawin daw siya.”
“Ahhh….” medyo awkward yung silence pagkatapos.
“Ayon na yung dog mo. Nagustuhan mo ba?”
“Sobra! Corgi ’yon di’ba? Sobrang cute!!” sabi ko.
“Sino mas cute sa’min?”
“Syempre si Corgi!”
“Ahhh so Corgi ipapangalan mo?”
“Hindi. May naisip ako na maganda!” sabi ko.
“Osige, ano ’yon?”
“Benjie!”
“Bakit pangalan ko pa?”
“Eh kasi ikaw nagbigay eh!”
“Ay edi sa tuwing hahalikan mo si Benjie, ako na rin hinahalikan mo? Haha ikaw honey ah, willing naman ako na gamitin mo labi ko 24/7 ehhh ginamit mo pa yung aso para magparamdam. Tsk.”
“Hoy hindi ah!!”
“Haha ’wag ka na magpaliwanag haha alam ko naman ehh”
’Di ako nakasagot kasi kinikilig ako sa kanya at feeling ko kitang kita niya na namumula ako.
“Gusto kong pangalan niya hmmm… B.E”
“B.E?”
“Baby natin ’yan eh, short for Benjamin Ethan. B.E”
Fvck naman!
“Pero sorry talaga. Ni hindi ako nagtext sa’yo, feeling ko tuloy galit ka. Nabasa ko pa yung text mo na parang galit.”
“Hala. Hindi talaga…. Okay lang.”
“Sayang, mas gusto ko ngang galit ka para susuyuin kita eh”
“Sir Benj naman….”
“Why? Hindi ka pa rin ba sanay?”
Umoo ako.
“I understand, gagawa ako ng paraan para mawala yang awkwardness mo”
Hindi uli ako nakasagot.
“Kanina sa meeting naiisip kita, kung anong ginagawa mo, kung ano suot mo, kung kumain ka na ba. Nakakainis, akala ko kasi sandali lang, naiwan ko pa yung phone ko”
“Okay nga lang.”
“Okay po…. Alagaan mo baby natin ah?” naramdaman kong humihimas kamay niya sa braso ko pababa sa kamay ko at hinawakan niya ’yon.
Dapat tatanggalin ko ’yon pero gusto ko, gustong gusto.
“Pwede ba kitang halikan?” bulong niya.
“Hala, baka may makakita.”
“Okay lang naman sa’kin” bulong niya uli.
“Sa susunod na lang po, Sir”
“Sa susunod dapat marami at matagal na.”
“Bahala po kayo” ay grabe! Parang ang pamigay ko sa part na ’yon!
“Haha kawawa ka sa’kin sa susunod!” at bago ako makasagot, lumabas si Butchok kasama yung puppy. Binitawan ko kaagad si Sir Benj.
“Kuya, maglalakad lakad lang kami ha? Ano po bang pangalan niya?” tanong niya. Napatingin si Sir Benj sa’kin at hinihintay yung sagot ko.
“B.E” sabi ko. Ngumiti naman si Sir Benj.
“B.E? Ang cool po hehe. Sige po lalabas po muna kami ni B.E!” sabi niya.
“Butchok, puntahan mo si Krisha, nandon yung kapatid ni B.E!” sabi ni Sir Benj.
“Talaga po? Okay lang ba Kuya?”
“Sige! Pupuntahan kita doon mamaya ah?!”
“Sige Kuya!” nagmadali si Butchok habang buhat buhat si B.E
“So….. Akala ko ba Benjie pangalan niya?” tanong niya.
“B.E sounds good.” sabi ko.
“Yeap. And being with you tonight, sounds even better”
Naupo kami at hinawakan niya uli kamay ko. Hndi naman kami nakikita ng tao sa labas kaya okay lang.
“Sobra kitang na miss ngayon kaya babawi ako ngayong gabi” bulong niya sa’kin at ninakawan niya ako ng halik sa pisngi ko ng mabilis.
Hindi ko alam kung eto ang dapat kong gawin pero ang alam ko, eto ang gusto ko at magpapasaya sa’kin.
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 24
Read my story: Greg’s Diary! :)
++
Dumating ako sa punto na ayoko na magmahal. ’Yung iiyak ako sa gabi sa sobrang sakit. ’Yung habang inaalala mo yung masasayang alaala niyo, naiiyak ka na lang kasi parang binalewala niya lahat.
Ganon kami ni Bill, siguro kung gaano ’yung pinapakita ni Sir Benj sa’kin ngayon, doble pa ’yung pinakita niya. Sobrang sweet, close sa kapatid ko, close kay mama kahit na hindi ko masyadong close mama ko. Hatid sundo pa’ko ’non sa school.
Tuwing monthsarry namen, hindi pwedeng hindi niya ako ilalabas. Kailangan may pupuntahan talaga kami, akala ko palaging mamahalin o sa malalayo pero ang totoo sa gilid gilid lang, kakain, magtatawanan.
Pinakita niya talaga at pinaramdam kung gaano maging masaya ang katulad kong umiibig sa kapwa lalaki pero sa sobrang taas ng pagmamahal ko sa kanya, ang sakit ng bagsak ko nung iniwan niya ako sa ere.
Ilang buwan ko rin sinabi sa sarili ko na ayoko ng mainlove. Ayoko na kasi sa tingin ko hindi naman tumatagal ang mga same sex relationships. Na ang buhay ay para sa lalaki at babae lamang.
Pero mukhang nasisira at kinakain ko na lahat ng sinasabi ko dahil kay Sir Benjamin. Ang taong hindi ko maintindihan kung bakit ko kinikilig ng bigla bigla. Yung taong hindi siya aware na nakakakilig siya or dahil naturan na ’yon sa kanya.
Hinihintay ko lang sabihin niya sa’kin yung tamang salita. Pero sa ngayon, uunti untiin ko muna yung pag pasok niya sa buhay ko. Ayoko kasing ma-Bill zoned. So far kasi, medyo lumulutang na ako sa pinapakita ni Sir Benj at feeling ko kung palagi siyang ganon, baka lumipad na naman ako ng mataas. At kung sakaling iiwan niya ako, baka mas lalo ko ng hindi kayanin.
Pumunta kaming dalawa ni Butchok sa mall para mamili ng pagkain ni B.E, yung binigay na aso ni Sir Benj.
Sa totoo lang, sobra talaga akong natutuwa sa aso, lalo na sa binigay ni Sir Benj, may breed kasi at sobrang cute.
“Dalian na natin Kuya. Natutulog si B.E ng mag isa sa bahay!” paalala ni Butchok.
“Oo na po” nakita ko naman na hawak niya yung cellphone ko.
“Kuya, anong di’ba nasa Robinson Galleria tayo?” tanong niya.
“Oo oo… Ano bang gusto mong dinner? Gusto mo ba bumili tayo ng ice cream?” tanong ko pero hindi niya ako sinasagot. Mukhang busy siya sa paglalaro sa phone ko kaya ako na yung namili ng groceries namen.
Maya maya, may kumalabit sa likod ko at pag lingon ko, nakita ko si Sir Benj!
“Ang bilis mo naman po Kuya Pogi!” naring kong sabi ni Butchok. Binuhat ni Sir Benj si Butchok.
“Nasa kabilang mall kasi ako kaya pumunta na ako rito” sabi naman niya. Tumingin siya sa’kin at parang nagpapa cute.
“Ehhh paano mo nalaman na nandito kami?”
“Magkatext kami ni Butchok kanina pa. Ayaw mo naman kasi akong itext!” medyo padramang sabi ni Sir Benj.
Binaba niya si Butchok at may binulong, saka naman umalis si Butchok at wala akong idea kung saan siya pupunta.
“Huy, saan pupunta ’yon?” tanong ko.
“Sabi ko kumuha siya ng kahit anong gusto niya eh, ako ng bahala” kinuha niya yung cart na dala namen at siya na yung nagtulak.
Hinawakan niya yung kamay ko at nilagay niya rin sa hawakan ng cart at sabay kaming naglakad ng mabagal.
“Bakit hindi mo naman ako sinama rito? Sabado naman ah? Wala rin akong pasok” sabi niya. Medyo nagddrama talaga ’yung boses niya.
“Kailangan pa ba ’yon? Kaya naman namen ni Butchok.”
“Eh baby nating dalawa ’yon di’ba? Baka magalit si B.E sa daddy niya kapag nalaman niyang hindi ko sinamahan mommy niya”
Fvck! Sobrang cute ng sinabi niya to the point na napaiwas ako ng tingin at ngumiti ng sobra! Mommy? Ako? Tapos siya ’yung daddy?
“Nag search ako sa internet, milk lang pala pwedeng inumin ng mga puppies. Dalhin natin siya sa center bukas ha?” paalala niya pa.
“Sige po, Sir Benj.”
“Ako pa rin si Sir Benj? Call me daddy or honey. Bawal ’yung iba!”
“Ano ba, marinig ka ni Butchok!”
“Haha pasensiya na. Pero ano ba gusto mong endearment?”
“Bakit kailangan pa ’non? Ikaw si Sir Benj ko tapos ako si Ethan mo”
“So technically, you’re mine now?”
“No! Hindi ako easy to get” medyo natawa ako sa sinabi ko pero nahalikan na niya ako pero hindi pa kami. Ayun pala ’yung hindi easy to get.
Buti na lang dumating na si Butchok at mukhang maraming dalang junk foods. Hindi ko naman siya pinagbabawalan doon.
“Bakit ang dami naman ata niyan?” tanong ko.
“Ehh babaunin ko po sa school, para bibigyan ko new friends ko”
Muntik ko ng makalimutan yung school niya. Nagpaparamdam talaga si Butchok, at kahit may go signal na galing doctor, parang natatakot pa rin ako.
“Ohh? Papasok ka na Butchok?” tanong ni Sir Benj.
“Opo. Tinulungan po kami ni Kuya Boss. Dinala niya ako sa hospital at pina check up tapos po ang sabi okay daw po na pumasok ako!”
“Kuya Boss??”
“Ah. Si Sir Jack” sabi ko.
“I know.” medyo malamig na naman si Sir Benj ngayon. Akala ko tapos na siya sa ganyang attitude, hindi pa pala. Hindi na siya nagtanong kay Butchok at naglakad na kami papuntang cashier.
Tahimik lang uli si Sir Benj at mukhang ’di nagustuhan ’yung narinig niya about kay Sir Jack. Hanggang sa makauwi kami ng bahay, hindi ako tinext ni Sir Benj.
Moody pa rin pala siya. Kailangan ko na talagang masanay lalo na sa sitwasyon namen ngayon.
Kinausap ko muna si B.E, kahit alam kong hindi siya sasagot, binebaby talk ko siya.
“Napaka moody ng daddy mo!” “Oo, B.E. moody! ’Pag laki mo, ’wag kang gagaya sa kanya ah?” “Behave lang palagi!”
Medyo natatawa ako sa ginagawa ko pero at the same time, natutuwa. Sa tuwing makikita ko kasi si B.E, si Sir Benj naaalala ko eh.
Tinignan ko phone ko, pero wala pa ring text. Kaya hinayaan ko na muna siya.
Bigla naman akong tinawag ni Butchok at sinabing may naghahanap sa’kin sa labas. Akala ko naman si Sir Benj na ’yung nandoon pero hindi pala. Si Jaycee.
Sobrang gulat ko ng makita kong napakaraming pasa ng mukha niya at mukhang hindi rin siya makatayo ng maayos. May sugat din siya sa may labi niya at yung suot niya, mukhang nung isang araw pa.
“Bes!!!” napasigaw ako at niyakap ko siya. Naalala ko nung isang araw na nakita ko siya, nahihirapan siya maglakad at lalo na ngayon.
Hindi siya nagsalita hanggang sa makaupo siya.
“Bes, anong nangyari?!” tanong ko pero hindi siya sumagot at umiyak lang sa’kin sabay yakap.
Ilang linggo ko siyang hindi nakita at nakasap ng matino, tapos may ganito pala siyang issue.
“Bes…. Ano na?” pangungulit ko pa.
Hinintay ko muna siya maging okay. At maya maya, nagkwento na siya.
“Nalaman na ni Papa na bakla ako. Nagulat ako ng hampasin niya ako ng upuan sa mukha. Kaya may pasa ako. Hindi pa siya nakuntento, yung sinturon niyang bakal, pinaghahampas niya sa likuran ko. Bes… Ang sakit na…”
Nakakagigil!! Sobra akong naaawa kay Jaycee at the same time naiiyak din ako sa kwento niya. Nararamdaman ko kasi yung sakit niya.
“Halika sa kwarto dali….” binuhat ko siya at sumama sa’kin paakyat. Maya maya, dala na ni Butchok yung hiningi kong tubig at panggamot.
Hindi pa rin tumitigil sa pag iyak si Jaycee hanggang sa makahiga sa kama ko.
Nung hinubad ko yung damit niya mas lalo akong naawa sa kanya, halos manlumo pa ako. Ang daming bakas ng hampas. Mas lamang yung kulay pula at kulay violet sa katawan niya dahil sa mga hampas.
Pinilit kong maging matapang para kay Jaycee at dahan dahan kong pinunasan ’yon. Sobra naman siyang naiyak. Naiiyak din ako! Sobra. Never kong naisip na may ganito siyang problema.
Nung hinubad ko yung short niya, napansin ko rin na parang nalapnos yung balat niya at mukhang nabuhusan ng mainit na tubig or something.
“Bes, hindi ko kaya. Dalhin na kita sa ospital!“sabi ko pa.
“Kahit saan bes basta malayo sa tatay ko.” tanginaa, nakakaiyak talaga ng sobra. Nagpatawag kaagad ako ng ambulansiya at pumunta kami sa ospital.
Ilang oras na ring tulog si Jaycee at halos nakatulog na rin ako. Kinalabit niya lang ako para malaman kong gising na siya.
Sobrang nakaaawa pero this time, nakangiti na siya kahit papano.
“Bes…. Sorry… Hindi ko alam..” panimula ko.
“Gaga ka, ano ba, ako ’yung nagmaganda kaya kasalanan ko ’to. Sana sinabi ko na lang sa’yo imbis na tarayan ka nung nakaraan”
“Nung niyaya kita ng lunch? Matagal na ’yon ah! Simula ’non, binubugbog ka na?!”
Hindi siya nakasagot at mukhang naiiyak na naman siya. Ayoko na siyang tanungin tungkol dito kaya niyakap ko na lang siya.
“Leche ka bes, ’wag mo kong daganan!” sabi niya sa’kin. Natawa na lang ako kahit papano.
Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng lakas makapunta sa bahay, sobrang nakakaawa talaga itsura niya ngayon eh. Kaya sinubuan ko na lang siya sa dala kong pagkain.
“Hindi ko akalain na ikaw ’yung nandito sa’kin matapos kitang awayin.” sabi niya.
“Loko, hindi ko naman kasi alam kung bakit ka galit. Pero ngayong alam ko na, naiintindihan kita. Hindi kita iiwan dito” sabi ko pa.
“Salamat bes… Pero..”
“Pero ano?”
“Wala ba si Stephen or si Sir Jack? Pampa goodvibes lang oh”
“Haha loko ka talaga!”
“Slight serious ako bes. Dali na. Baka sakaling gumaling ako kaagad.”
Inabot niya sa’kin yung phone ko at talagang pinapatext niya sa’kin si Sir Jack at Stephen kaya ayon naman yung ginawa ko.
Napansin ko ring may text si Sir Benj sa’kin.
“Ethan, I’m sorry about kaninang umaga. Kailangan ko ng magbago ng ugali kong ganito. I’m really sorry, can we talk? Call me asap.”
Gusto ko sanang tawagan si Sir Benj kaso siguro makakapaghintay naman siya. Mas gusto ko kasi na mag focus muna kay Jaycee, palagi kasing si Sir Benj kinekwento ko sa kanya, at isa ’to sa dahilan kung bakit hindi nakapag open up sa’kin si Jaycee kaya pinili kong makipagkwentuhan tungkol sa ibang bagay about kay Jaycee.
++
Naramdaman kong parang may gumigising sa’kin at sa ’di inaasahan, si Sir Jack ’yon!
“Nandito na ako.” mahina niyang sabi. Napansin kong tulog pa si Jaycee.
“Hala, bakit ka nandito?” bulong ko.
“Akala ko ba pumunta ako? Eto na ako oh.”
“I mean, joke lang naman ’yon! Hindi ko naman inaasahan na pupunta ka?”
“Haha sabi ko naman sa’yo seryoso ako pagdating sa’yo eh!” sabi niya pa sabay kindat. Maya maya, bumukas uli yung pinto at may nagsisisigaw.
Si Stephen!
Nakita kong nagising si Jaycee at nagulat ng makita si Sir Jack at si Stephen. May dalang lobo at pagkain si Stephen nung mga oras na ’yon.
“Patay na ba ako?” tanong ni Jaycee.
“Haha, ayan oh. Nandito na sila. Malay ko bang tototohanin nila na pupunta sila” sabi ko.
“Bes please. Moment ko ’to, lumabas ka muna!” pinipilit niya akong palabasin at sumunod na lang ako para na rin sa kanya.
’Pag labas ko, tinawagan ko kaagad si Manang at sinabing bantayan si Butchok. ’Pag tapos ’non, tinawagan ko naman si Sir Benj.
“Hay…. Akala ko hindi mo na ako tatawagan” bungad ng tawag niya.
“Sorry… Nasa ospital kasi ako ngayon.”
“Ha?! Anong nangyari sa’yo?! Nasaan ka, pupuntahan kita!”
“Adik, hindi ako. Si Jaycee… Ayun lang, bugbog sarado kasi ng tatay eh.”
“Ahhh… Okay naman siya? Gusto mong puntahan kita?”
Ayoko naman kasing maging tungkol na naman sa’kin ’to, baka kasi nauumay na si Jaycee sa kwento ko kay Sir Benj kaya hindi ko na siya pinapunta.
“Ganon ba? Sige, diyan ka na muna sa bestfriend mo.”
“Okay.”
“So… Bati na po ba tayo?” tanong niya.
“Ehh… Hindi naman ako galit sa’yo eh”
“Sorry talaga sa ugali ko. Kahit ako, hindi ko maintindihan eh”
“Hehe, sasanayin ko na lang siguro sarili ko”
“Haha, nasayang yung oras na dapat masaya tayo kahapon. Sorry talaga. Kumain ka na diyan ha,”
“Yes boss.”
“No, you’re my boss.”
“Hehe, okay na. Sige na.”
“Yung baby natin iniwan mo.”
“Kasama ni Butchok!”
“Ayokong lumalaking walang kasamang magulang yung baby natin kaya pupuntahan ko na lang siya sainyo!”
“Hala Sir, ’wag na!”
“Oops, too late. Bumangon na ako at pababa. At isa pa, tinawag mo na naman kong Sir, so pupunta na ako!”
“Sir…”
“Dalhan ko na lang ng food si Butchok hehe. Ingat diyan, honey. Bye!” binaba na niya ’yung tawag at mukhang wala na siyang balak sagutin yung tawag ko.
Hinayaan ko na rin para may kasamang iba si Butchok sa bahay.
Matagal din na naiwan si Sir Jack at Stephen sa loob, ng biglang lumabas si Sir Jack na nakatawa.
“Ang funny ng bestfriend mo ’no? Haha kanina pa kami tawa ng tawa sa loob!”
“Ganon talaga ’yon, ewan ko ba. Kaya nga ako naiiyak kanina sa napaka masayahin niyang tao na ’yan eh tapos ganyan lang mangyayari sa kanya.”
Naupo kami sa may upuan sa labas ng kwarto ni Jaycee.
“Sa totoo lang, naiintindihan ko naman siya” sabi pa ni Sir Jack.
“Oh… Ganyan din yung nangyari sa’yo?”
“Syempre nung bata ako. Haha malaki na ako ngayon eh.”
“Pero… Binubugbog ka rin?”
“Yeah, sometimes. And also they’re controlling my life. I force to take business management para maghandle ng company namen. Palagi rin akong napagsasabihan sa mga palpak na ginagawa ko. Hehe, ewan ko ba, mas okay na siguro yung physical pain kaysa sa emotional pain na binibigay sa’kin ng parents ko”
Other side of Sir Jack na hindi ko alam.
“Kaya ganito ako eh, gusto ko nakukuha ko lahat ng gusto ko, competitive, kasi I never had the chance to do what I really love”
“If given a chance, ano bang gusto mo?” tanong ko.
“Gusto ko maging pulis”
“Really? Parang ang layo….”
“I know, ang layo sa personality di’ba? Haha pero ayun talaga gusto ko. Maybe I’ll be more than happy if nangyari ’yon.”
Napaka seryoso ni Sir Jack at sa tingin ko kailangan niya lang ng yakap kaya niyakap ko siya. Gumanti rin siya ng mahigpit na yakap sa’kin.
“Wala akong pinagsabihan neto maliban sa’yo.” sabi niya pa.
“Well, thank you for telling me.” sabi ko pa. Maya maya, sumilip si Stephen sa’min at pinapapasok si Sir Jack sa loob, mukhang mag aasaran pa sila kaya pumasok na uli si Sir Jack.
“Kaya pala ayaw mo kong pumunta rito kasi nandito na si Zachary?” kilala ko yung boses na ’yon at pag lingon ko, nakita ko si Sir Benj na may dalang pagkain.
“Uy… Bakit ka nandito?”
“Tinanong ko kay Butchok kung saang ospital kayo, kaya pala ayaw mong sabihin kasi may kasama ka ng iba.”
“Ano ba, hindi ’yon….”
“Hindi Ethan, ayun ’yon! Mas gusto mong kasama si Zachary kesa sa’kin. Mas gusto mong kasama siya sa mga ganitong panahon sa buhay mo.”
“Ang kulit mo naman eh, hindi nga ganon ’yon!”
“Sana hindi ko na lang sinabi sa’yo yung nararamdaman ko, hindi naman pala mutual yung feelings natin!”
Napaka immature ng lalaking ’to at hindi ko malaman kung bakit, pero ngayon, naiinis ako sa pinapakita niyang ugali.
“Gusto ko lang naman na makasama ka kasi nag aalala rin ko sa’yo!” pahabol pa niya. Nung lumapit ako sa kanya, umatras siya ng kaunti.
“Bahala ka na ngayon, Ethan.” hindi na niya ako pinasagot at umalis na siya kaagad.
+++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
ANNOUNCEMENT
Ihihinto ko muna yung story kasi sobrang busy ng schedule ko sa school, sana maintindihan niyo.
Ahha syempre joke ’yon! Tuloy tuloy yung story up to 50 chapters!
And sa bagong pag uupdate ko, due to midterm na at ramdam ko na yung pressure, mag uudpdate ako palagi ng dalawang magkasunod na araw then pahinga, then dalawa uli, then pahinga then if matapat ng SUNDAY, automatic na wala kasi busy ako pag SUNDAY.
Nasanay kasi kayo sa palagiang updates kaya kapag nawawala ako ng isang araw inaaway niyo ko :( hahahhaha pero joke.
Maraming Salamat sa pag suporta ng story ko! More kilig at magkakaroon na ng twists sa buhay ni Ethan. At magkakaroon pa ng maraming casts at syempre Wala pa rin tayong BS! Haha.
Hope na iflood votes niyo yung story ko, sa mga hindi pa nakaka votes, flood votes na para ganahan ako magsulat lalo. At para maging number 1 na yung story hahhahaha lakas mangarap eh no!
And also, nababasa ko comments niyo at super nagpapasalamat ako, ayoko lang magreply kasi ayokong dumami yung comments ng story dahil sa mga comments ko, kaya kayo na lang.
Again, every 2 days then pahinga. Then pag natapat ng sunday, wala. Okay? Okay!
PS: Naka private na yung story and exclusive na siya sa followers ko. So in order to read the story, you must follow me first then add the story to your reading list hehe!
Promise, hindi kayo magsisisi hehe. Light story lang siya! Goodvibes hehe :)
Part 25
Hindi ko na nahabol si Sir Benj, kaya bumalik na lang ako sa kwarto ni Jaycee at nung pag pasok ko, napansin kong natutulog na siya habang si Stephen at Sir Jack naman, nagkekwentuhan sa gilid.
“Ang funny ng bestfriend mo, Ethan. Pero kailangan ko ng umalis, dumaan lang talaga ako kasi sabi mo dumalaw ako” sabi bigla ni Stephen.
“Hindi ko nga ineexpect na pupunta kayo eh, biro lang naman ’yon!”
“Haha sabi sa’yo malakas ka sa’kin eh! Haha. Sige, Ethan! Pre, una na ako” paalam niya rin kay Sir Jack. Nung ’pag labas niya, saka naman ako pinatabi ni Sir Jack.
“Palagi ba kayong nagkikita ni Stephen?” tanong niya sa’kin.
“Paminsan minsan lang naman.”
“Oh. Dati rati nagkekwento sa’kin si Stephen, pero ngayon nililihim niya na nagkikita kayo”
“Akala ko alam mo?”
“No, I have no idea. Puro Ethan ng Ethan na nga kwento niya ngayon eh. Siguro type ka na rin ’non!”
Dafaq naman, bakit sila pang magtotropa?
“Nako, ma fvckboy pa naman ’yon si Ethan, baliw baliw din ’yon eh! Mag ingat ka,”
Aba, sa kanya pa talaga nanggaling ’yon ah? Eh mukhang siya nga pinaka leader ng fvckboys sa Pilipinas eh.
“Teka, bakit pala ang tagal mo sa labas? Sinong kasama mo?” tanong niya pa. Hindi niya kasi nakita si Sir Benj.
“Ah, wala naman. Nakatambay lang ako sa labas”
“Tinitignan ko na naman ’tong bestfriend mo, nakakaawa talaga Ethan. Wala naman tayong magagawa, tatay niya may gawa at sundalo pa pala. Hindi ko alam kung pwedeng sampahan ng kaso kapag ganon eh”
“Hayaan mo, sa bahay muna siya. Kung gusto niya. Magpalakas muna siya rito tapos sa’min ko na siya papauwiin” sabi ko pa.
“Sige, ako naman kasi may date pa kami ni Laura mamaya kaya kailangan ko na rin umalis. But if you like, dito na lang ako, sasamahan kita.”
“Ano ba, umalis ka na. Haha okay lang ako rito”
“Ayokong nag iisa ka rito, at saka, dagdag pogi points ’to oh, sasamahan kita sa ospital. Di’ba? Malay mo ma fall ka na sa’kin haha”
Ang lakas ng loob sabihin na fvckboy si Stephen eh finafvckboy nga niya ako ngayon.
“No, I’m okay. Moment nameng dalawa ’to, miss ko na rin ’tong bestfriend ko eh” sabi ko pa.
“Hehe, well, I understand so, ngayon pa lang aalis na rin ako babe. Text mo lang ako if kailangan mo ko ha?” tumayo na siya at nag ayos saka lumabas.
Pinagmasdan ko naman uli si Jaycee habang nakahiga. Atleast kahit papano okay na siya ngayon at ligtas, si Sir Benj na lang talaga iniisip ko ngayon.
Medyo ika ika pa rin si Jaycee nung nakauwi na kami sa bahay, tinapon na rin niya cellphone niya para hindi na siya macontact ng papa niyang sundalo.
Nung nasa kwarto na kami ni Jaycee, biglang pumasok si Butchok dala yung baby namen ni Sir Benj.
“Bessss! Ang cute, kailan ka pa nagkaroon ng dog?!”
“Hindi mo ba napansin ’yan nung isang araw?”
“Hello, hirap na hirap ako sa sakit ng katawan ko, syempre hindi!”
“Ahhh… Sorry, siya pala si B.E,”
“Ang cute naman ng namen. B.E!”
“Ohh pinakain mo na ba si B.E?” tanong ko kay Butchok.
“Opo, tapos sinamahan pa po kami ni Kuya Pogi kagabi!”
“Kuya Pogi? Nandito siya kagabi?” tanong ko.
“Opo, dito nga po siya natulog kaso umuwi rin po nung umaga. Hindi niya po ako iniwan kasi nga hindi ka pa raw po uuwi!”
Kahit galit siya sa’kin, hindi niya iniwan si Butchok dito mag isa sa bahay. Kahit hindi niya ako tinext o tinawagan.
“Sige na, sa baba na kayo ni B.E,” sabi ko kay Butchok. Paglabas naman niya ng kwarto ko eh nakatingin sa’kin ng masama si Jaycee.
“Oh, bakit ka ganyan?” sabi ko.
“Kuya Pogi? Binigyan ng aso? Binantayan si Butchok? Yung totoo, anong meron sainyo ng Sir Benjamin mo?!”
Natawa ako sa pangungulit ni Jaycee kaya kinwento ko sa kanya lahat. From aminan namen, up to kahapon sa ospital.
“Bes! How to be you?! Baby niyo si B.E?!!” sigaw niya.
“Oo, short for Benjamin Ethan daw”
“Masasampal na kita! Ang swerte mo! Parang nung unang beses pa lang na nakita natin ’yang boss mo, kilig kilig lang. Pero ngayon, pak, nakikipaghalikan ka na!”
“Huy! ’Wag ka ngang ganyan! Marinig ka ni Butchok eh!”
“Haha. Pasensiya na bes.”
“Pero, anong plano mo? Hindi ka ba uuwi…?”
“Matapos akong torjakin ng tatay ko, uuwi pa ako? No! May trabaho naman na ako, kaya ko ng buhayin sarili ko! Ang problema ko lang, baka puntahan ako sa opisina tapos sunduin na naman.”
“Basta, tawagan mo lang ako kapag office hours at feeling mo nandon yung tatay mo para mapuntahan kita”
“Siguro maghahanap na rin ako ng condo malapit sa office. Para hindi kita magambala sa moment niyo ng Kuya Pogi mo!”
“Kaya mo na talaga?”
“Kakayanin ko bes. Pero pwede ba, dito muna ako hanggang sa makahanap ako?”
“Oo naman! Ikaw pa ba?”
“Maraming Salamat talaga bes.” nagyakapan kaming dalawa at napagaan non yung loob nameng dalawa.
Ayoko sanang pansinin si Sir Benj ngayon kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, buti na lang hindi niya rin ako pinapansin ngayon.
Kinabukasan, hindi pa rin niya ako pinapansin.
Hanggang sa tatlong araw na lumipas, hindi pa rin niya akong magawang kausapin o kahit itext man lang kaya ako na yung lumapit sa kanya.
“Uy” medyo casual kong bati.
Napatingin lang siya at nagpatuloy uli sa ginagawa niya.
“Uhm… So, kailangan ng dalhin si B.E sa center, kailan ka ba pwede?” tanong ko pa.
“Sige, mag set ka na ng date, sabihan mo na lang ako” medyo malamig yung pagkakasabi niya.
“Uhm…. Sige. Okay” ayun na lang din sinagot ko.
“Okay, kung ayun lang, you may go”
Fvck, masasapak ko na ’to eh! Ilang araw na pero galit pa rin?
“Okay” lumabas na rin ako sa office niya at medyo binagsak ko yung pinto para maramdaman niya yung inis ko sa kanya.
Pagdating ng lunch, nilapitan ako ni Sir Benj na may dalang pagkain at tumabi sa’kin sa table ko, normally kasi lumalabas silang lahat at kumakain at ako lang talaga naiiwan sa pwesto ko.
“Ano ’yan?” medyo mataray kong sabi.
“Pagkain.”
“Oh? Tapos?” ayan, galit galitan ako ngayon at nagpapatuloy pa rin ako sa ginagawa ko.
“Lunch na. Kumain ka na muna”
“Okay sige. Kung ayun lang, you may go” sabi ko pa.
Natahimik siya at mukhang nainis sa sinabi ko kaya medyo nagdabog din siya pabalik ng office niya.
Natuwa naman ako kasi nainis din siya sa ginawa ko at napapansin kong sumisilip siya sa bintana niya mula sa office niya.
Ewan ko ba, biglang tumawag si Sir Jack, sumasabay talaga yung panahon sa pang aasar ko kay Sir Benj.
“Where are you? You busy?“bungad niya pag sagot ko sa tawag niya.
Huling huli ko naman na nakatingin si Sir Benj sa’kin mula sa opisina niya at mas lalo ko siyang inasar, sumandal ako sa upuan ko at tumawa ng malakas kahit wala namang nakakatawa.
“Nasa office lang po” sabi ko.
“Oh, bakit ka tumatawa? May kasama ka ba?”
“Wala po, ako lang. Hehe, basta po”
“It has something to do with Benjamin no? Haha you want me to come down?”
Nung sumilip ako sa office ni Sir Benj, wala na siya.
“I’m good. Hehe” sagot ko.
“I have korean food here, galing sa meeting. Talagang nanghingi ako ng dalawa for you, pababa na ako ng elevator at nandiyan na ako sa office niyo in…… 3 secs”
Bago pa ako makasalita, bumukas na yung pinto at nakita ko nga si Sir Jack na may dalang pagkain!
Iba eh. Iba talaga si Sir Jack, may something talaga sa ngiti niya na talagang mapapangiti ka, yun bang mahahawa ka sa sobrang wide ng ngiti niya at the same time, hindi nawawala yung masculinity niya.
“Hope you’re hungry!” sabi niya pa. Lumapit siya sa’kin at nakita niya yung pagkain na binigay ni Sir Benj.
“Oh, may pagkain ka na pala diyan” sabi niya pa
“Ahh, bigay lang ni Sir Benj pero mas feel ko korean food ngayon!” sabi ko pa
“Good. Tara sa pantry?”
“Hmmm…” tumingin ako at nakasilip na naman si Sir Benj, siguradong nakita niya si Sir Jack. “…tara po!” sabi ko.
Nung nasa pantry na kami, nagkwento na naman siya about kay Laura.
“Hey, Okay na kami uli ni Laura. Happy happy na uli!” ang cute niya kumain, hindi siya maarte.
“Oh? Edi good ’yan!”
“Haha, well I’m really trying pa rin.”
“Bakit hindi si Laura ’yung kasama mo?” tanong ko.
“Oo nga, bakit hindi siya yung kasama mo?” biglang singit ni Sir Benj na hindi ko napansin na nasa loob na pala ng pantry.
“Oh… Kain Benjamin!” yaya ni Sir Jack, pero hindi niya pinansin si Sir Jack at lumapit sa’kin.
“Bakit hindi mo kinain ’yung binigay ko sa’yo?!” tanong niya na medyo pasigaw.
“Gusto ko kasi korean food, eh inalok ako ng korean food ni Sir Jack….”
“Tinignan mo na ba ’yung binigay ko? Korean food din kaya ’yon!” medyo inis niyang sabi, hindi ko naman kasi binuksan ’yung pagkain na inabot niya.
“Tignan mo! Galing pa ’yan ng meeting! ’Yung akin, pina deliver ko pa!” inis na inis niyang sabi at sa sobrang inis niya, nag walk out na siya at naiwan kami ni Sir Jack. Tawa naman ng tawa si Sir Jack sa inasal ni Sir Benj.
“Seriously, anong meron? Dahil sa korean food?!hahaha”
“Hayaan mo na muna siya,”
“Hahahaha nakakatawa Ethan. Well, hindi pa rin naman natin alam kung seryoso ’yan o hindi!” hindi ko pa kasi nakwento sa kanya ’yung tungkol sa pag amin sa’kin ni Sir Benj, ayoko naman din kasing i-brag sa iba.
Naririnig kong sumisigaw si Sir Benj sa loob ng opisina niya pero tawa pa rin ng tawa si Sir Jack.
“Aakyat na ako Ethan, nakaka goodvibes si Benjamin, dahil sa korean food na ’yan! Haha” lumabas na siya ng opisina at ako naman bumalik na sa desk ko. Hanggang sa matapos yung araw, hindi ako pinansin ni Sir Benj.
++
Nag grocery muna ako bago umuwi at napansin kong nasa labas ng bahay namen yung kotse ni Sir Benj, pagpasok ko sa loob, nakita kong nakikipaglaro siya kay B.E
Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kwarto ko, naabutan ko naman si Jaycee na tulog, ayoko naman siyang gisingin kasi alam kong magagalit siya kaya bumaba na ako uli.
“Oh. Bakit ka nandito” sabi ko.
“Hindi ikaw pinunta ko, yung baby natin.” bigla niyang binaby talk si B.E “Nako, ’wag mong gagayahin ’yan! Hindi nagsasabi. Kaya ikaw B.E, paglaki mo dapat sa’kin ka ha?”
Lakas magparinig ng lalaking ’to, kaya agad kong kinuha si B.E sa kanya at ako naman yung nagparinig!
“Nako B.E, sa susunod makikinig ka ha? Kapag magpapaliwanag dapat marunong makinig! Hindi ’yung mag wawalk out na lang bigla! ’Wag mong gayahin ’yung daddy mong moody na, nagagalit pa ng dahil sa korean food!”
Mukhang nainis si Sir Benj at kinuha uli si B.E
“Huwag mo ngang lasunin yung isip ng baby ko!” sabi niya.
“Oy, baby ko rin ’yan!”
“Edi sige baby natin pero kasalanan mo pa rin lahat!” medyo inis niyang sabi.
“Oh talaga? Nakinig ka na ba?”
“Hindi ko kailangang makinig, kitang kita ko!”
“Kitang kita mo ’yung ano?”
Narinig nameng tumahol bigla si B.E at nung binaba siya ni Sir Benj, tumakbo siya palayo sa’min at nagtago sa ilalim ng upuan.
“Oh, tignan mo, nagalit tuloy!” sabi ko pa, at nung kinukuha ko si B.E sa ilalim ng upuan, bigla naman akong hinila ni Sir Benj papunta sa labas.
Ineexpect ko na na magagalit siya o sisigawan niya ako pero ’pag labas namen, tahimik lang siya at walang sinabi. Nakatayo lang kami pareha.
Maya maya, sinimulan na niyang magsalita.
“Alam mo naman na gusto ko lang makasama ka di’ba?” sabi niya.
“Alam ko….”
“Eh bakit hindi mo ko pinapunta doon? Bakit mas gusto mo pang kasama si Zachary? Alam mo naman na nagseselos ako doon!”
Nagseselos. Oo, ayun yung ginamit niyang term.
“Eh kasi nga may dahilan ako kung bakit”
“Ano? Iniisip ko kasi pero wala akong maisip!”
“Hays. Hindi ko kasi alam na binubugbog na pala siya ng tatay niya kasi nalaman na bakla siya. Nung araw na parang gusto niyang ikwento sa’kin ’yon, kwento ako ng kwento tungkol sa’yo. Kaya ngayon, feeling ko, oras nameng dalawa muna at kung nandon ka, baka magalit na naman siya. Kaya ayun….”
’Di siya nakasagot at natahimik.
“Eh bakit nandon si Zachary?”
“Crush kasi ni Jaycee ’yon! Hindi mo kasi nakita, dalawa sila ni Stephen yung nandon. Si Jaycee nagrequest non kaya sila pumunta”
“Ganon pala….”
Tumahimik lang uli kaming dalawa at bigla na lang niya akong hinawakan.
“Sorry na, hindi ko…. Hindi ko kasi alam.”
“Okay lang. Siguro, kailangan ko ng masanay kung talagang seryoso ka, kailangan kong masanay na ganyan talaga ugali mo” sabi ko.
“No no no no… I’ll change, I promise. Just give me time. Masyado pang bago para sa’kin yung lahat. I mean….. You understand me right?”
Pinipilit ko naman siyang intindihin kasi alam ko ’yung pinasok ko.
“I understand” sabi ko na lang. He just smiled at inakbayan niya ako.
“Thank you.” naupo uli kami sa gilid at pagkaupo namen, biglang lumabas si Butchok sa bahay dala dala si B.E
“Kuya Pogi!! Dalawin naman po natin si Ginger!” sabi ni Butchok sa’min,
“Sino si Ginger?” tanong ko.
“Yung kapatid po ni B.E!” sagot ni Butchok, ayun yung aso nila Sir Benj sa kabilang bahay.
“Osige, halika!” sabi naman ni Sir Benj. Nagmadali naman si Butchok lumabas ng bahay at tumakbo papunta sa bahay ng mama ni Sir Benj.
“Wait,” pigil niya sa’kin paglabas.
“Bakit?”
Hinila niya ako hanggang sa magdikit yung katawan namen, saka niya ako hinalikan sa pisngi ko at sa noo ko.
“Bati na ba tayo?” tanong niya.
“Ano ba, may makakita sa’tin!”
“Bati na nga tayo?!”
“Oo na, bati na tayo, baka makita pa tayo ni manang o Butchok!” natawa naman siya at inalis yung pagkakayakap sa’kin.
At bago pa kami makalabas ng gate, nakita kong may nakatambay na delivery guy sa labas ng bahay namen at palapit kay Sir Benj.
“Uhm, delivery po for Sir Benjamin?” sabi nung lalaki.
“Oh, ako ’yon” inabutan siya ng pagkain nung nagdeliver. Pagkaalis ng nagdeliver, inabot sa’kin ni Sir Benj yung pagkain.
“Ano ’to?” tanong ko.
“Korean food! Kainin mo na ’yan ngayon ha? Sabi mo kasi bati na tayo eh! Nakakainis ka talaga kanina, kinain mo pa ’yung bigay ni Zachary!”
Pagkabukas ko, korean food nga! Natatawa naman ako kay Sir Benj ngayon.
“Hoy ano ba, ’wag ka ngang tumawa!” sabi niya.
“Ehh kasi nagalit ka dahil dito eh hahahhaa!”
“Aba, isa pang tawa mo hahalikan kita ng todo hanggang sa hindi ka makahinga!” ramdam ko naman na tototohanin niya ’yung sinabi niya kaya pinigil ko yung tawa ko.
Nawala yung saya ko ng makita ko ’yung expression ng mukha ni Sir Benj na parang nagulat o parang takot. Nung tinignan ko kung saan siya nakatingin, nakita ko ngang nagkakagulo doon sa tapat ng bahay nila.
At nung lumapit ko, nakita kong pinagkakaguluhan nila…. Si Butchok!!
Nakahiga siya sa sahig at parang naghahabol ng paghinga!! Nagmadali ako para lumapit sa kanya, hirap na hirap siyang huminga! Hindi ko alam kung anong gagawin ko, sobra akong natatakot kasi ganitong ganito ’yung nangyari sa kanya noon.
Mabuti na lang, binuhat siya kaagad ni Sir Benj at sinakay sa sasakyan. Nagmadali akong sumakay din. Masyadong mabilis yung pangyayari.
“Ku…kuya” ayokong nakikita na ganito ’yung kapatid ko! Mahigpit naman hawak ko sa kamay niya habang nagdadrive si Sir Benj.
“Sige na, malapit na tayo sa ospital. Sandali na lang!!” sabi ko sakanya. Naiiyak na ako ng sobra, at feeling ko ang bagal ng takbo.
“Wala na bang mas bibilis diyan?!” sigaw ko.
“Mabilis na tayo Ethan. ’Wag kang mag alala. Magiging okay si Butchok!” sabi pa niya. Pero nung ’pag tingin ko kay Butchok, nakapikit na siya at parang walang malay.
Wala na akong magawa kundi magdasal. Ayokong mawala ’yung kapatid ko.
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 26
Lumaki akong nakikita ’yung tatay ko na hindi umuuwi sa bahay namen. Akala ko nung una may trabaho lang siya or what, pero ’yun pala, hiwalay na sila ni mama at sumasama na siya sa ibang pamilya.
Habang tumatanda ako, mas naiintindihan kong hindi pala pwede ’yon! Hindi pala pwede na dalawa ang pamilya ng tatay mo. At simula non, nagalit ko kay papa pati na rin kay mama kaya simula rin non, umalis na si papa sa bahay.
Simula ng umalis si papa, mas naging close na kami ng kapatid kong si Butchok. Kahit uhaw siya sa piling ng isang ama, ako na nagpuno ng pagkukulang na ’yon.
Natakot naman ako nung inatake noon si Butchok, at doon namen nalaman na may sakit pala siya sa puso na kapag naeexcite, naapagod eh inaatake siya. Kaya simula noon, mas naging mahigpit na ako sa kanya, hindi ko na rin siya pinapasok sa school, hindi pwedeng lumabas, oo mahigpit pero para sa kapatid ko.
Pero habang pinapasok si Butchok sa Emergency Room, hindi ko mapigilan na umiyak. Parang mas malala kasi ’yung atake niya ngayon kesa nung bata siya.
Hindi naman umalis sa tabi ko si Sir Benj habang naghihintay. Kanina pa niya ako kinakausap pero ang naiisip ko lang ’yung kapatid ko.
Halos isang oras na ’yung lumipas pero wala pa rin. Ano bang nangyayari? Bakit ang tagal?! Ang dami tuloy pumapasok sa isip ko.
Maya maya, may lumabas ng babaeng doktor at nagmadali kaming lumapit.
“Kapatid po ako… Ano pong nangyari?!” medyo taranta kong sabi.
“Your brother’s condition is extremely rare. We found out na may nakabara sa puso niya that cause of this attack. Ano bang ginawa niya before siya atakihin?”
Napaisip ako pero biglaan talaga ’yung nangyari.
“Good thing natakbo niyo kaagad siya rito or it might be too late.”
“Doc, magiging okay na po ba siya?”
“I can say yes for now, pero sobrang umpredictable ng sakit niya. Anytime, pwede siyang atakihin. Masyadong mahina ’yung puso niya para makapag pump ng blood.”
“Maingat naman po siya. Sinabihan ko siya na ’wag masyadong magpapagod at magpapawis.”
“Well, that’s the thing. Kahit pawisan siya or mapagod, kung gusto ng sakit niya na atakihin, aatakihin siya. At his stage, masyadong critical na yung condition niya.”
Hindi ko kinakaya yung sinasabi ng doctora. Hindi ko maimagine na ganon na kalala ’yung sakit niya.
Maya maya, may lumabas na nurse at may binulong sa doctora. Sumenyas naman sila sa’min na pwede na kaming pumasok. Nagmadali kaming magsuot ng malinis na damit at nakita namen si Butchok na nakahiga, maraming nakatusok sa katawan at mukhang nakakahinga na ng maluwag.
Tulog siya ngayon pero mas nakikita ko ’yung sakit niya at ako rin, sobrang nasasaktan. Ang higpit na ng hawak ko kay Sir Benj habang pinagmamasdan si Butchok.
“Okay na siya, Ethan. ’Wag ka ng mag alala” sabi pa ni Sir Benj.
“Sa ngayon…. Paano bukas? Sa susunod na araw?”
“Shh… Ano ba, hindi ka pwedeng makita ng kapatid mo na ganyan. Dapat mas malakas ka sa kanya.”
Tama naman si Sir Benj, ayoko talagang magmukhang mahina sa harap ni Butchok. Pero hindi ko mapigilan. Niyakap lang ako ni Sir Benj habang nakahawak ako kay Butchok.
Maya maya, may pumasok na nurse kaya tinanggal ni Sir Benj ’yung pagkakayakap sa’kin.
“Ichecheck ko lang po ’yung BP niya, Sir.” sabi sa’min. Hindi pa rin ako mapakali hanggang sa makalabas ’yung nurse.
++
“Ethan…” ’di ko namalayan na nakatulog pala ako at ginigising ako ni Sir Benj ngayon.
Bumangon ako.
“Hey, uuwi na muna ako, kukuha lang ako ng damit for you but I need to go to work today.”
“Hmm. Okay lang, sige kaya ko naman mag isa rito” sabi ko pa.
“Sure? Mag half day na lang ako today para makasama kita rito”
“Bahala ka po” parang wala pa rin akong lakas ngayon. Tinignan ko ’yung oras, alas kwatro na pala ng umaga.
Bigla niya akong niyakap ng bigla bigla at hindi siya umalis sa ganung pwesto.
“Nandito lang ako, Ethan. Hindi kita iiwan. Kaya dapat magpalakas ka para kay Butchok ha? Dapat strong.” bulong niya sa’kin.
“Ang hirap lang….”
“Sige okay lang ’yan, pero dapat paggising niya kailangan naka smile ka na ha? ’Di ka pa naman cute kapag hindi ka naka smile!” asar niya pa sa’kin.
“Akala mo naman ikaw cute kapag hindi naka smile!”
“Oh tignan mo ko ngayon..” magkaharap kami ngayon at nakatitig lang siya sa’kin, hindi nga siya nakasmile, pero ang cute pa rin niya! Sobrang cute. Walang emotion. Pero ang cute.
“Nakakainlove no?” bigla niya pang sabi.
Hindi ako sumagot at niyakap ko siya uli, nararamdaman ko kasi na kailangan ko lang ng katabi ngayon.
Nanatili kaming magkayakap non at di rin nagtagal, umalis na siya para kumuha ng damit. Naiwan naman ako sa loob kasama si Butchok.
Hinawakan ko ’yung kamay niya at sa gulat ko, nagising siya. Dali dali kong pinunasan ’yung luha ko.
“Kuya…” medyo mahina siya, ramdam ko kaya lumapit ako sa kanya.
“Nandito lang ako…”
“Kuya… Ang sakit nung nasa kamay ko” bulong niya. Tinutukoy niya ’yung nakatusok sa braso niya, wala naman akong magawa kasi kailangan ’yon. Pinipigilan kong maiyak sa sinasabi niya.
“Kailangan ’yan para lumakas ka uli” sabi ko na lang.
“Masakit talaga Kuya eh.”
“Hindi mo ba matiis? Para mas mabilis kang gumaling”
“Sige po titiisin ko na lang.”
Kailangan malakas. ’Wag mong pakita na nahihirapan ka rin.
“Nasaan na po si Kuya Pogi?” tanong niya.
“Kumuha lang siya ng damit para sa’kin”
“Ahhhh…” wala na siyang masabi at parang ayoko na rin siyang kausapin kasi mukhang nahihirapan siya.
“Kuya…”
“Po?”
“Galit ka ba sa’kin?”
“Ha? Saan nanggaling ’yan? Syempre hindi. Bakit naman ako magagalit sa’yo?!”
“Kasi po naexcite po ako masyado kaya po ako inatake.”
“Ano ba, hindi ako galit. ’Wag mo isipin ’yan. Wala kang kasalanan”
“Sorry po Kuya.”
“Huwag kang mag sorry. Okay lang. ’Wag mo ng isipin ’yung nangyari, okay na. Okay ka na.”
Parang gusto ko ng ifast forward sa oras na magaling na si Butchok at nasa bahay na kaming dalawa at naglalaro ng PS4.
“Hindi na ba ako makakapag aral, Kuya?” bigla niya pang sabi.
Baka damdamin niya pa lalo kung sasabihin kong hindi ko siya papayagan kaya nagsinungaling na lang ako.
“Kapag gumaling ka na, papasok ka na ng school kaya dapat magpagaling ka na ha? Magpagaling ka na ngayon na mismo” sabi ko pa.
“Strong na ko, Kuya. Strong!” nakita ko siyang ngumiti at parang ayun lang ’yug kailangan kong makita sa ngayon.
++
Alasdyis ng umaga ng may marinig akong pumasok sa kwarto at nakita ko naman si Sir Jack na may dala dalang napakaramin lobo at mga prutas. Sakto gising naman si Butchok kaya natuwa siya ng makita si Sir Jack
“Kuya Boss!” sabi ni Butchok.
Niyakap niya si Butchok.
“Anong nangyari kay Butchok? Bakit biglang tinakbo sa ospital?” tanong niya sa’kin. Bago pa ako makasagot, si Butchok na ’yung sumagot.
“Naexcite po kasi akong makita sila Krisha kagabi!” paliwanag niya.
“Ayun ba dahilan?” tanong ko.
“Hindi ko po alam, habang tumatakbo po ako papunta sa bahay nila, bigla na lang pong sumakit ’yung dibdib ko.”
“Hayyy siguro crush mo ’yung Krisha no? Kaya ka kinabahan. Ayieeee. Nagbibinata na si Butchok” pang aasar ni Sir Jack.
“Hala hindi po”
“Huwag mo ngang biruin ng ganyan” sabi ko kay Sir Jack. Natawa lang siya at inabutan niya ng prutas si Butchok.
“Paano mo pala nalaman na nandito kami?” tanong ko, habang nagbabalat si Sir Jack ng ponkan.
“Eh may dala kasi akong pasalubong kay Butchok. Dapat tatambay lang ako sainyo eh kaso yung bestfriend mo nagsabi na sinugod nga raw sa ospital ’tong batang ’to.”
“Si Kuya Boss naman eh!”
“Haha. Dinala ko rin ’yung PSP para hindi ka mainip dito!” sabi ni Sir Jack at nakita kong natuwa naman si Butchok. Naupo kami ni Sir Jack sa gilid.
“Sorry kung masyado akong masaya ha? Ayoko kasi ng malungkot kapag nasa hospital” sabi niya, mahina lang boses niya at hindi siya naririnig ni Butchok na busy sa paglalaro.
“Okay lang.”
“I really hate hospitals. Nung nasa St. Lukes nga kami ni Butchok noon, naiinis ako pero para sa kapatid mo. And by the way, kakausapin ko pala ’yung friend ko about sa case ni Butchok. Akala ko okay na pero hindi pala siya okay”
Mukhang dinadivert niya ’yung usapan, medyo curious din ako kung bakit ayaw niya sa ospital.
“May allergy ka sa hospital? Takot ka siguro rito nung bata ka no?” sabi ko.
“Haha, ayoko lang ng ambiance. Parang…. Ang creepy”
“Creepy?”
“Eh kasi maraming namamatay dito di’ba? I just hate the idea of someone dying”
Mukhang may hugot at mukhang hindi siya interesado sa pinag uusapan namen kaya hindi ko na siya sinagot.
“Makakayanan ni Butchok ’yan, ’wag kang mag alala.” ayun na lang sinabi ni Sir Jack at hindi ko na uli inopen ’yung topic tungkol sa ospital.
++
“Kumain ka na?” sagot ko sa tawag ni Sir Benj sa’kin. Mga alas dos na ng hapon ’yon.
“Oo, nandito kasi si Sir Jack, bumili siya ng pagkain”
Natahimik na naman siya.
“Ohh.. Magagalit ka na naman?nandito siya kasi nag aalala siya kay Butchok” paalala ko pa.
“Alam ko naman… Kanina pa ba siya nandiyan?”
“Kaninang umaga, mga 10”
“Ang tagal niyo na rin palang magkasama”
“Ano ba….”
“Hindi ako galit, papunta na rin ako diyan, may dala akong korean food.”
“Korean food again?”
“Kapag hindi mo kinain ’to, magtatampo ako kaya dapat kahit busog ka, kakain ka!”
“Ay grabe!”
“Kapag hind ka kumain ibig sabihin, hindi mo ko gusto”
Nagsisimula na naman siyang maging isip bata.
“Susubuan kita mamaya kapag ayaw mo kumain bahala ka.” panakot niya pa.
“Bilisan mo na lang nako!”
“Why? Miss me? Ehh saglit lang naman ako nawala.”
“Ano ba, Sir Benj”
“Haha, see you later honey. Mwa” binaba na niya ’yung tawag at kahit sandali, napangiti naman ako ni Sir Benj.
Napansin ko naman na nag aayos na si Sir Jack at mukhang paalis na siya.
“Tumawag sa’kin si dad, kailangan ko raw umattend ng meeting. I’m sorry, Ethan.”
“Okay lang po” okay talaga kasi papunta na si Sir Benj at ayoko naman na magtagpo silang dalawa rito.
“Try kong dumaan mamayang gabi ha?”
“Bahala po kayo”
“Okay. Pakisabi na lang kay Butchok pag gising niya ah?”
“Okay po”
“Goodbye kiss?”
“No! Haha bye”
“Hehe, bye Ethan.” niyakap niya na lang ako at saka lumabas.
Habang hinihintay ko naman si Sir Benj, inaayos ko ’yung kalat sa kama ni Butchok. Maya maya, bumukas na ’yung pinto at akala ko si Sir Benj na pero sila mama at papa pala ’yon.
“Inatake na naman siya?” alalang alala si mama na lumapit kay Butchok.
Ayokong magsalita kasi feeling ko masasagot ko siya ng todo!
“Anong nangyari ba?” tanong naman ni papa.
Hindi pa rin ako sumagot.
“Ethan, ano ba, bakit ayaw mo kaming kausapin?” kalmado pa rin si mama non at pinipilit kong maging kalmado rin.
“Naexcite kasi, tapos nagulat na lang ako ng bigla siyang bumagsak.”
“Ehh bakit kasi hindi mo binantayan?” nanggaling pa kay papa ’yung salitang ’yon!
“Wow ha!” medyo napalakas ’yung boses ko non. Mukhang pumunta talaga sila rito para gumawa ng ingay.
“Ang ibig kong sabihin, bakit siya naexcite para atakihin ng ganito?” malumanay pa rin siya pero sa presensiya pa lang nila nanggigigil na ako.
“Eh bakit kayo? Nasaan kayo araw araw para sabihin mo ’yan sa’kin!??”
Natahimik siya pero nanggigigil pa rin ako.
“Anak, hindi kami pumunta rito para makipagtalo” sabi naman ni mama.
“Hindi nga, eh bakit pa kayo pumunta rito?!”
“Anak ko ’to! Anak namen ‘to kaya kami nandito!’” mukhang galit na rin si mama ngayon.
“Okay.” ayun na lang sinabi ko.
“Bakit ba ganyan ka? Bakit nagkakaganyan ka? Ano bang nagawa namen sa’yo para pagtabuyan mo kami ng ganito?” tanong ni papa.
“Alam mo ’yung sagot ko diyan, kung hindi ka nanloko at sumasama sa iba, hindi ako magagalit ng ganito!”
“Pero pinagtatabuyan mo pa rin ako, sinusuyo kita nung mga nakaraang araw pero hindi mo ko pinapansin.”
“Hindi ganon kadaling magpatawad.”
“Alam ko, pero sana bigyan mo naman ako ng chance. Nahihirapan din ako anak”
Hindi ko alam kung masamang anak ba ako o masama silang magulang pero either way, sobra akong nagagalit sa kanila ngayon at parang gusto kong manapak na ewan.
“Mas nahihirapan ako! Wala ka! Si mama nandiyan nga pero wala naman! Kami lang ni Butchok ’yung palaging magkasama!”
Lumapit si mama sa’kin na parang naiiyak. Mukhang sumosobra na ’yung sinasabi ko at medyo naguilty ako.
“Wala kang alam, anak kaya ’wag mong sasabihin ’yan!” kalmado, pero ramdam mo ’yung emosyon kaya natakot ako ng bahagya.
Natahimik ako at napatungo.
“Malalaman at malalaman niya rin ’to kaya dapat sabihin mo na” biglang sabi ni mama, nakita kong si papa ’yung sinabihan niya non.
Hindi nakapagsalita si papa.
“Ano po ’yon?” tanong ko.
“May ibang pamilya na tatay mo” sabi ni mama.
“Alam ko na ’yon! Kaya nga tayo iniwan di’ba?!”
“Bago pa tayo… May iba na siyang pamilya na hindi ko alam!” naiyak na lalo si mama habang sinasabi ’yon, mas lalo namang nabuo ’yung galit ko kay papa dahil doon.
“Tayo ’yung pangalawang pamilya niya!”
Magsasalita sana si papa kaso hindi niya tinuloy.
“Bakit bumalik pa kayo?” ayun na lang tinanong ko sa kanya.
“Mas mahal ko kayo.”
“Sinungaling ka!” sigaw naman ni mama “tinanggap ko ng may pamilya kang nauna pero tinago mo pa sa’kin na may anak ka sa babaeng ’yon!!”
Nagugulat ako sa sinasabi ni mama, sinilip ko si Butchok buti na lang tulog pa rin siya.
“May anak ka sa iba, Pa?” tanong ko.
“Hindi ko alam…. Hindi ko alam, kailan ko lang din nalaman. Tinago lang sa’kin ni Remy.”
Ayon siguro pangalan ng una ni papa.
May ganito pala silang issue na hindi ko alam.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, may anak si papa sa iba ibig sabihin, may Kuya ako? O ate? Ang dami ko pang gustong itanong pero hindi ko matanong.
Sakto naman biglang pumasok si Sir Benj sa kwarto at napatayo lang doon. Tumakbo naman ako palapit sakanya at hinila siya palabas.
Ayoko munang makita sila mama at papa ngayon.
++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!
Part 27
Dinala ako ni Sir Benj sa Jollibee para mag ice cream. Tahimik pa rin ako at walang sinasabi, pero si Sir Benj nakatingin lang siya sa’kin at pinagmamasdan.
“Sure ka bang iiwan mo muna si Butchok doon sa taas?” tanong niya.
“Ayoko sana pero ayokong makita sila mama at papa eh”
“Hmmm… Sige, kainin mo na lang ’yang ice cream mo.” utos niya.
“Wala akong gana eh.”
“Walang gana? Sige, susubuan kita.” tumabi naman siya sa’kin at sinusubuan nga ako. Ayoko pa sana kaso pinipilit niya ako, napapangiti naman ako sa ginagawa niya kaya sumunod na lang ako.
“Oh di’ba? Kailangan mo lang ng matamis sa loob ng katawan mo tapos ako naman mag pprovide ng sweetness sa labas ng katawan mo” ngumiti siya at patuloy siya sa ginagawa niya. Mabuti na lang talaga at nandito si Sir Benj.
Maya maya, may tumawag naman kay Sir Benj at napansin kong nagbago ’yung reaction niya.
“Uhm, wait lang ah? Sagutin ko lang ’to” tumayo siya at lumabas. Normally naman, hindi siya aalis sa tabi ko pero mukhang importante ’yun kaya umalis siya.
Iniisip ko pa rin ’yung kapatid ko, sobra talaga akong naiistress. Mamaya pa lalabas ’yung final results niya at saka ko pa malalaman kung anong mangyayari. Kung ooperahan siya, siguradong malaking pera ’yung kailangan para mabayaran.
Iniisip ko pa lang, nalulula na ako. Alam kong tutulungan ako ni Sir Benj at ni Sir Jack sa gastusin pero hangga’t maari, ayoko sanang mainvolve ang pera sa pagitan namen.
“Hey, anong iniisip mo diyan?” sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala uli si Sir Benj.
“Ahh… Wala….” pero nagsisinungaling ako. Naiisip ko rin ’yung kapatid ko sa labas, hindi lang siguro isa ’yon baka marami pa. Sobrang nakakainis talaga! Sobra akong naiinis sa mga magulang ko!
“Oh, ice cream uli!” sinubuan na lang uli ako ni Sir Benj.
“Salamat at nandito ka…” bulong ko.
“Ano ba, hindi kita iiwan sa mga ganitong pagkakataon. Dito lang ako, pangako” sabi niya pa.
Tumingin muna ako sa paligid at nung napansin kong walang nakatingin, hinalikan ko siya sa pisngi.
Dahan dahan siyang tumingin sa’kin na nakangiti.
“Magnanakaw ka ng halik ah!” iba ’yung ngiti niya. ’Yung ngiti ng kilig na kilig.
“Salamat nga kasi.” sagot ko.
“Aba, gusto ko sa lips din”
“Tama na. Isa lang” sagot ko.
“Ang daya ehh… Isa pa…”
“Sino muna kausap mo kanina?” tanong ko na lang.
“Ahhh… Wala ’yon, sa office lang.” sagot niya. Mukhang hindi totoo sinasabi niya o baka ayaw niya lang talaga pag usapan ’yung tungkol doon kaya hinayaan ko na lang.
“May tanong pala ako sa’yo” bigla kong sabi.
“Yes?”
“Hmmm… What if nalaman mong may kapatid ka sa labas? Anong gagawin mo?”
“Edi papapasukin ko mamaya magkasakit siya sa labas eh”
“Ehhhhhh!!! Hindi ’yon! Seryoso ako!”
“Hehe, ang seryoso kasi masyado eh… Hmmm, wala, tatanggapin ko na lang siguro nandiyan na eh.”
“Ganon ganon lang?”
“Bakit ba? Ayun ba ’yung sagutan niyo kanina sa taas?”
“Uhm… Oo.”
“Well kung totoo ngang may kapatid ka sa labas, hayaan mo na lang. Nandiyan na eh, mag focus ka na lang kay Butchok katulad ng ginawa mo di’ba?”
Mukhang tama naman si Sir Benj, may kapatid man ako sa labas o wala, galit pa rin ako sa mga magulang ko kaya wala ring mangyayari kung iisipin ko ’yon.
“Kung okay ka na sabihin mo lang, aakyat na tayo baka dumating na ’yung doctor. Di’ba ngayon sasabihin ’yung gagawin kay Butchok?”
“Ayun nga iniisip ko ngayon ehh.”
“Magiging okay din ang lahat, kaya ’wag ka ng mag isip ng kung ano ano, ha?” umakbay na lang siya sa’kin at hinayaan kong ganon ’yung pwesto nameng dalawa.
+++
Pag akyat namen, wala na si papa, tanging si mama na lang at nakikipagkwentuhan siya kay Butchok.
“Kuya, saan kayo galing?” tanong ni Butchok sa’kin, napatingin lang si Mama sa’kin pero hindi ko siya pinansin.
“Bumili lang kami ng ice cream. Eto binilhan ka rin namen” abot ni Sir Benj sa kanya. Lumapit naman si mama sa’kin at parang gusto niya akong makausap kaso iniwasan ko siya, pero napatingin sa’kin si Sir Benj at nag usap kami sa gilid.
“Kausapin mo na mama mo. Darating din ’yung oras na kailangan niyo mag usap at sa tingin ko ngayon na ’yung oras. Hindi healthy kay Butchok na nakikita niyang magkaaway kayo ng mama mo”
Tama naman si Sir Benj kaya nakipaglaro muna siya kay Butchok at nag usap naman kami ni mama sa labas.
“Hindi ako magsasalita, ikaw na magkwento ng lahat!” sabi ko sa kanya. Feeling ko ang sama sama kong anak pero galit talaga ako ngayon sa kanila eh.
“Nalaman ko lang na may pamilya ’yung tatay mo pagkapanganak ko kay Butchok. Nahuli ko siyang may kasamang babae na buntis din! kitang kita ko kung paano sila maglandiang dalawa to think na kakapanganak ko lang sa anak namen.”
May galit din pala na nangagagaling kay mama at nararamdaman ko ’yon.
“Tinanong ko naman siya pero hindi siya umamin. Nung nahuli ko uli, umamin na siya na matagal na nga sila at nauna pa ’yung babaeng ’yon kesa sa’kin, kesa sa’tin.”
Hindi pa rin ako nagsalita.
“Ako nagpapalayas sa kanya dati kaya hindi siya umuuwi. Ako nagsabi na kaya ko na kayong palakihing dalawa!
Sumunod naman siya at umalis kaya hindi na siya nagpapakita sa’tin. Iniwan niya nga lang sa’tin yung sasakyan at bahay.“
Gusto kong sumabat pero ayoko talaga siyang kausapin.
“Mahal ko ’yung tatay mo kahit niloko niya ako, kaya nung sinabi niyang gusto na niyang maging ama sa inyo, pumayag ako.”
“Pero huli na! At saka nawawala ka na rin! Literal na nawawala, palagi kang wala sa bahay, wala na akong kasama, mabuti pa si manang nandoon at kasa kasama ni Butchok!” sumagot na ako sa kanya
“Pagod na ako anak, hindi ko na kaya. Kung kaya ko lang sinasamahan na kita.”
“Pagod? Paano pa ako Ma. Nagtatrabaho na ako!”
“Hindi mo kasi naiintindihan…”
“Ano ba kasi ’yung hindi ko maintindihan?!”
“May sakit ako anak! Cancer, stage 2 na at unti unti na ko nanghihina!”
Natahimik ako at nagulat! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, bigla akong naawa kay mama! Kung titignan nga siya para siyang pumayat, parang may malaking nagbago sa katawan niya.
“Nagpapagamot ako kaya hindi ako umuuwi. Alam kong galit ka sa’kin pero ayoko ng dagdagan pa ’yung pagod mo. Ayokong maging pabigat sa’yo.”
Umiiyak siya sa harapan ko at parang nawala bigla ’yung galit ko at napalitan ng awa. Yung nanay ko, may sakit at wala akong alam.
“Patawad kung iniisip mo na wala akong kwentang nanay pero sana isipin mo na ayoko lang na maging pabigat sa’yo kaya ko ginawa ’yon.”
Yung instinct ko bilang anak, niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam pero may something sa pagyakapan namen na parang namiss ko, siguro eto ’yung yakap ng nanay.
“Para ka namang sira mama eh! Hindi naman kasi tinatago ’yung ganyan!” medyo painis kong sabi.
“Alam ko….”
“Eh ano ng balita? Okay ka naman ba? Nanghihina ka ba?”
“Okay na ako anak, lalo na ngayong kinakausap mo na ako uli”
Na touch ako kaya niyakap ko siya uli.
++++
Ang dami pa nameng pinag usapan ni mama, at pagkalabas ni Butchok dito, sasamahan ko naman siyang magpacheck up.
Umuwi naman na muna si Mama at naiwan kami ni Sir Benj doon. Since tulog naman si Butchok, nakahiga ako sa kanya habang pinaglalaruan niya ’yung buhok ko.
“Ang dami palang nangyayari tapos wala akong alam. Ang lakas pa ng loob ko magalit sa kanila.” sabi ko.
“Wala ka namang kasalanan, sigurado naman kung alam mong may ganon hindi ka magagalit sa kanila ng ganyan di’ba?”
“Siguro… Pero ang daming nasayang na oras”
“Edi heto na ’yung oras para bumawi. Hindi biro ang cancer, Ethan. Kailangan ka ng mama mo ngayon.”
“Alam ko, kaya nga hindi ko muna sila iiwan.”
“Naiintindihan ko, basta ako, nandito lang ako sa tabi mo palagi ha?” bigla niya akong niyakap sa likod at hinalikan sa pisngi ko.
“Salamat talaga at nandito ka” sabi ko pa.
“Don’t worry, hindi ako aalis” bulong niya pa.
Sa ganitong panahon at si Sir Benj lang nasa tabi ko, mas lumalalim pa ’yung mas malalim kong pagtingin sa kanya. Kahit malabo pa kung anong meron sa’kin, parang wala na lang sa’kin ’yon.
Katulad ng sinabi ko, willing ako mag risk sa kung anong kahahantungan ng pinapakita ni Sir Benj ngayon.
Pero ngayon, gusto ko munang mag focus sa kapatid ko at sa mama ko. Wala na rin muna akong paki sa pamilya ni papa sa labas. Mas importante ’yung nangyayari kay mama at Butchok.
Nakaidlip ako sa lap ni Sir Benj at ginigising niya ako kasi pumasok na si Doctora at eto na ’yung hinihintay nameng balita.
“Ano pong mangyayari, Doc?” tanong ko.
“Kailangan natin siyang operahan. Ayon sa nakita namen, masyado ng malaki ’yung nakabara at lumalaki pa. Kapag hindi natanggal, baka mas lalong mahirapan ’yung kapatid mo.”
Napahawak ako ng mahigpit kay Sir Benj, hindi makapagsalita at mabuti na lang siya na ’yung nagtanong ng gusto kong itanong.
“Gaano naman po kalaki ’yung chance na magiging successful ’yung operation?”
“To be honest, malaki naman ’yung percentage na magiging successful, 60-40. But we cannot disregard that 40%. Kailangan din na maki cooperate ’yung kapatid niyo para maging okay ang lahat”
Hindi pa rin ako makapagsalita.
“So we have to stay in here hanggang maoperahan si Butchok?” tanong ni Sir Benj.
“Not necessarily, we can discharge you tomorrow. Kailangan muna uminom ni Butchok ng medicine para mapaghandaan ’yung operation.”
“Paano po ’yung gastos, Doc?” bigla kong natanong.
Bago pa makasagot si Doctora, sumingit naman si Sir Benj.
“Don’t worry about the bills.”
“Pero I wanna know, magkano ba Doctora?” tanong ko.
“Up to 500,000”
Nakakapanlumo naman ’yung 200,000! Malaki masyado ’yon para sa operation tapos sasagutin lang ni Sir Benj.
Lumabas na si Doctora at naiwan na uli kami sa loob. Tulog pa rin si Butchok.
Naisip kong cover naman pala ng healthcard ni Butchok, 100,000 din ’yon, ’yung kalahati na lang poproblemahin ko. Kahit naman sasagutin ni Sir Benj ’to, hindi pa rin ako papayag.
Kinagabihan, umuwi na rin kami kaagad sa bahay para doon na lang makapagpahinga si Butchok, inadvice lang sa’min na ’wag ng magpapagod, uminom ng binigay na gamot at syempre, bawal ma stress.
“Ohh… Dapat ’wag ka na masyadong magpapagod Butchok ah? Para hindi ka na bumalik sa hospital.” paalala ni Sir Benj sa kanya pagpunta namen sa kwarto niya.
“Hindi na po Kuya Pogi,”
Lumapit din ako kay Butchok at niyakap siya.
“Kapag may masakit, sabihin mo na kaagad sa’kin ha?”
“Masakit lang naman po ’yung nakatusok sa’kin pero wala naman na kaya wala na pong masakit”
Maya maya, pumasok naman si mama sa kwarto at dala dala na ’yung gamot ni Butchok.
“Sige na, magpahinga ka na rin, Ethan. Ako na muna bahala sa kapatid mo.” sabi ni mama.
Humalik na ako kay Butchok at hinatid ko na muna si Sir Benj sa labas ng bahay pero nabigla kami sa biglang lakas ng ulan.
“Nakakatamad ng umuwi at baka ma traffic pa ako, dito na lang muna ako matutulog” biglang sabi ni Sir Benj.
“Hala, andiyan lang sa tabi ’yung bahay ng mama mo, diyan ka na lang matulog!” sabi ko pa.
“Alam ko, walang tao diyan ngayon kasi umalis sila eh.”
“Ayaw mo lang eh!”
“Sige, silipin mo!” utos niya, nung pag tingin ko nga, patay ’yung ilaw at wala ’yung sasakyan nila.
“See? Dito na lang ako matutulog para naman hindi na ako mapagod sa byahe. Papasok pa ako bukas oh..”
“Oo na!”
“Nice! Halika na dali,!” hinatak niya kaagad ako paakyat.
“Bakit ba excited ka?”
“Excited na akong makatabi ka eh”
Natuwa naman ako don kaya umakyat na kami kaagad. Naglinis lang kami sandali at nahiga na kami sa kama. Bigla naman siyang naghubad ng damit at tumabi sa’kin.
“Bakit naman nag hubad ka?!”
“Ehh, sanay akong nakahubad eh. At saka, okay lang ’yan! Since palagi naman na tayong ganito, sanayin mo na rin sarili mo!” bigla niya akong niyakap.
“Hala Sir Benj!”
“Nakahubad ako sa kama mo at nakayakap sa’yo tapos Sir Benj pa rin? Akala ko ba Benjamin na lang ako o honey? Pwede naman honey di’ba?”
“Eeeeehhh…. Kasi….”
“Oh, matulog ka na lang diyan honey kasi inaantok na rin ako” so ganon nga pwesto namen, nakahiga at nakayakap buong katawan niya sa’kin, naramdaman ko rin ’yung tumutusok sa gilid ko, naalala ko tuloy si Sir Jack nung nakitulog din dito sa kwarto ko.
“Ethan, ’wag ka ng mag isip ng kung ano ano. Magiging okay din Mama mo at si Butchok, magdasal ka lang at magtiwala ha?” bulong niya sa’kin.
“Ayun nga iniisip ko, magiging okay din sila.”
“Huwag mo masyadong damdamin. Kasi hindi ka magiging okay hangga’t iniisip mo ’yan.”
“Alam ko naman…”
“Andito lang ako, pwede mong ishare sa’kin ’yung sakit na nararamdaman mo”
Nasa kalagitnaan kami ng moment ng biglang may tumawag sa kanya at kaagad naman niyang sinagot. Sinabi niya lang, oo at oo at bye.
“Bakit sinagot mo ’yung tawag na ’yon sa harap ko?” tanong ko.
“Bakit? Wala naman akong tinatago ah?”
“Eh bakit nung nasa Jollibee tayo kanina, lumabas ka pa para sagutin?”
“Hala, nagseselos ka ba? Wala lang ’yon honey.” napahigpit uli siya ng yakap sa’kin.
“Hindi ako nagseselos no!”
“Gusto kong magselos ka para naman sinusuyo kita. Ako lang nagseselos sa’tin eh”
“Bakit? Ano bang meron sa’tin?” nabigla ako sa tanong ko, hindi ko rin napreno bibig ko.
Bigla siyang natahimik at tanging paghinga niya lang naririnig ko.
“Sa tingin mo, ano ba tayo?” bulong niya, pero this time, hinawakan niya mukha ko at hinarap sa kanya. Tumagilid din ako para magkaharap na kaming dalawa.
“Ewan ko. Ano ba tayo?” tanong ko.
“M.U?”
“Bakit? Mutual ba feelings natin sa isa’t isa?”
“Bakit hindi ba?”
“Ano ba nararamdaman mo sa’kin?” tanong ko pa.
“Something special. Nasabi ko naman na sa’yo lahat eh, ayon pa rin sasabihin ko. I think I like you and I wanna see you everyday. Nagseselos pa ako kay Zachary. Gusto ko akin ka lang. The thought of you with somebody else kills me inside.”
Ang genuine talaga ni Sir Benj lalo na kapag ganito ’yung topic nameng dalawa.
“Ganyan din ba nararamdaman mo sa’kin?” pahabol pa niya.
Umoo lang ako.
“So… M.U?” tanong niya sabay ngiti.
“Bago ko sagutin, kailangan ko muna malaman…. Paano ’yan? Hindi ka na straight once na pumatol ka na sa lalaki?” medyo ang awkward ng tanong ko pero natawa lang siya.
“I think I’m still straight. I’m just “not straight” when it comes to you“ paliwanag niya.
Magulo pero umoo na lang din ako sa kanya.
“M.U na nga?” pangungulit niya.
“Sige…”
“Mag. Un?”
“Haha! Loko”
“We’re exclusively dating, dapat bawal ka na makipagkita sa iba ng hindi ko alam. Kailangan alam ko na lahat ng gagawin mo.”
“Parang tayo? Pero hindi? Ganon ba?”
“I just don’t want to rush things. I like you, you like me, there’s the connection and I want to seal it with you know…. This M.U thing”
Inaakit ako ni Sir Benj at sobra akong naakit sa kanya. Gusto ko ’to. Nung una, fake boyfriend lang, pero naglevel na kami sa M.U!
“Okay” sabi ko.
“Okay.”
“Okay uli”
“Edi mas okay” niyakap niya ako uli at dapat hahalikan pero pinigilan ko siya.
“Bawal muna ’yan!” sabi ko.
“Eh, MU naman na tayo!”
“Nayayakap mo na nga ako tapos gusto mo pa ng halik? Sa susunod na ’yan”
“Haha maglalasing lasingan na lang pala ako uli para mahalikan kita” sabi niya pa at niyakap na lang niya ako uli hanggang sa makatulog kaming dalawa.
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!
Hindi ako maalam sa medical terms kaya sorry sa part na ’yon haha.
Tweet kayo #HiEthan
sa twitter para makita ko ’yung readers ko na may twitter haha usap tayo don!
Part 28
Sabay na kami ni Sir Benj na pumasok. Iniwan na muna namen si Butchok kay mama at gusto raw niyang maalagaan muna.
Kinamusta naman ako ng mga kaofficemates ko at mukhang alam nila lahat ng nangyari pero mas concern talaga si Laura sa’kin.
“Sana pala dumalaw man lang ako sa’yo sa ospital, sabi ni Jack pinuntahan ka raw niya doon ah?”
“Oo, hehe.”
“Hindi na nga raw siya nakabalik kasi ang dami pa raw niyang gagawin. Pero okay na kapatid mo?”
“Okay naman na. Hehe salamat sa pag alala”
“Ano ba, naguguilty nga ako kasi wala ako sa ospital eh, sana dinalaw kita.”
Kung nandon ka, ang awkward ng lahat.
“Okay lang talaga” ayon na lang sinabi ko.
Ang bait ni Laura at feeling ko may mali akong ginagawa sa kanya. Kahit wala naman para sa’kin yung ginagawa ni Sir Jack, feeling ko may mali pa rin eh.
Nagpatuloy lang ako sa trabaho at parang kada oras, tumatawag ako kung okay lang si Butchok, mabuti naman at okay lang siya.
Pag dating ng lunch time, pumunta muna ako sa office ni Sir Benj. Siguro dahil may label na ’yung relasyon namen kahit papano, hindi na ako kumatok pero dahan dahan lang akong sumilip.
May kausap naman siya sa phone at narinig kong sinabi niya na “Hindi ko alam! ’Wag mo na akong kulitin!”. Pero nung nakita niya ako, bigla na lang niyang binaba ’yung tawag at sumenyas na pumasok ako.
“Sino ’yon?” tanong ko pagkasara ng pinto.
“Client, namimilit lang hehe. Kakain na ba tayong dalawa?” tanong niya.
Feeling ko may tinatago siya sa’kin sa tumatawag sa kanya eh, hindi naman ako sure kung kasama sa pagiging MU ’yung pakialamanan ’yung phone ng ka MU mo.
Sakto naman, bago ako makasagot, biglang tumawag si Sir Jack sa’kin. Hindi nakita ni Sir Benj kung sino ’yon kaya sinagot ko kaagad.
“Lunch??” bungad niya.
“Uhm… Kasama ko si Sir Benj eh.”
“Ohh… Dinner?”
“Dinner? Hmm.. Hindi ko alam…” nagulat ako ng biglang hablutin ni Sir Benj ’yung phone ko at binabaan si Sir Jack.
“Ano ’yun? Sino ’yon? Bakit mo ko niloloko ng harap harapan? Akala ko ba MU na tayong dalawa?” sabi niya sa’kin at mukhang inis na inis siya pero ewan ko natatawa ako sa inasal niya.
Hindi ako sinagot at siya na mismo ’yung tumingin sa phone ko.
“Si Zachary?!!” sigaw niya.
“Ehh tumawag lang naman siya…”
“Tumawag tumawag ka diyan! Alam mong nagseselos ako doon tapos sinasagot mo pa ’yung tawag, anong sabi niya? Dinner? Dinner mamaya? Kayong dalawa? Anong sinabi mo?
“Hinablot mo ’yung phone ko di’ba? Ano pa masasabi ko sa kanya?”
“So may balak ka talagang makipag dinner?!”
“Syempre wala! Sasabihin ko naman na hindi eh, bigla mo lang hinablot phone ko!” nawala ’yung inis sa mukha niya at parang natuwa siya. Kitang kita ko sa expression ng mukha niya ’yon.
“Promise?” tanong niya.
“Oo! Eh di’ba nag usap na tayong dalawa na…. Mag ano na tayo..”
“Mag ano?”
“Alam mo na ’yon.”
“Hindi ko pa alam. Ano nga?”
“Mag MU!” sabi ko sa kanya na nahihiya pero siya naman nakangiti lang na parang ewan.
“Good. Akala ko makikipagkita ka sa kanya eh!” inabot niya sa’kin ’yung phone ko.
Natahimik kaming dalawa sa discussion namen. Para kaming mga bata sa inaasal namen pero natutuwa ako, deep inside.
“May balak ka bang pakainin ako?” tanong ko sa kanya.
“Ayy oo nga pala. Halika na, sa labas tayo. Kain tayo korean food!” medyo excited pa niyang sabi.
“Korean food uli?”
“Kinain mo ’yung korean food ni Zachary na galing meeting kesa sa korean food na pinadeliver ko sa’yo, kaya hangga’t hindi tayo nakakakain ng korean food sa korean restaurant, hindi ako titigil!”
Tawang tawa talaga ako sa kanya, iba iba kasi ’yung mood niya at ’yung mood niya ngayon, parang bata na dapat makukuha lahat ng gusto niya!
So pumunta kami sa korean restaurant malapit sa office kaso puno na, pero napansin namen na nandoon si Sir Miggy at Cielo sa loob, napansin din kaming dalawa kaya pinapasok niya kami.
Mabilis naman na hinawakan ni Sir Benj ’yung kamay ko habang palapit sa kanila.
“Hi hi hi, I think wala ng space pero you two can join us. Magoorder pa lang din naman kami” sabi ni Sir Miggy.
“Uhm, kung okay lang sa honey ko” biglang sabi ni Sir Benj.
Kahit MU na kami, kahit may label na, iba pa rin ’yung trato niya sa’kin ngayon, parang kami na talaga at parang wala siyang paki sa sasabihin ng iba.
“So… Ethan? Gusto mo ba dito na lang mag lunch?” si Sir Cielo naman ’yon.
Hindi ko alam ’yung sinesenyas ni Sir Benj kaya umoo na lang ako, mukhang ganon nga ’yung gustong mangyari ni Sir Benj. Kaya tumabi na kaming dalawa sa kanila at umorder.
Kapag nakikita ko sina Sir Miggy at Cielo, feeling ko talaga may forever para sa mga third sex. Sobrang sweet kasi nilang dalawa. Parang too good to be true. Si Sir Cielo sobrang maalaga kay Sir Miggy, tapos si Sir Miggy naman sobrang touchy na sa tingin ko, gustong gusto ni Sir Cielo.
“Let’s drop the formality for a while and let’s eat together like we’re friends, okay lang ba?” sabi ni Sir Cielo.
“Ofcourse.” sagot ni Sir Benj.
“You know, I’m really curious…. Paano kayo nagkakilalang dalawa?” tanong ni Sir Miggy sa’min. Hindi ko naman alam isasagot ko kaya si Sir Benj ’yung nagsalita.
“Dahil sa korean food!”
Natawa naman silang dalawa at nagpatuloy siya sa pagkwento.
“Sa office ’yon, binilhan ko siya ng korean food kaso inayawan niya at kinain niya ’yung pagkain ng iba! Simula non, nainis na ako sa kanya!” kwento ni Sir Benj.
“Aba, eh bakit ko naman kasi kakainin ’yon? Matapos mo kong awayin?”
“Peace offering ko kaya ’yon!”
“Peace offering eh nakalagay lang sa styro tapos disposable pa ’yung spoon and fork!”
Natatawa naman yung dalawa sa’min at narealize namen ni Sir Benj na totohanan na pala ’yung ginagawa namen.
“Uhm….” hinawakan uli ako sa kamay ni Sir Benj. “….after ng incident na ’yon sa korean food, nalaman ko na patay na patay pala si Ethan sa’kin at naghihintay lang na umamin ako!”
Magsasalita sana ako kaso pinigilan ako ni Sir Benj.
“Haha, alam niyo, ang cute niyo talagang dalawa. Naaalala ko tuloy ’yung nagsisimula pa lang kami ni Cielo….” sabi naman ni Sir Miggy.
“Oh, we’ve been thru up and downs, pero good thing, nandito pa rin kaming dalawa. Destiny ba. And I can see na ganon din ’yung mangyayari sainyong dalawa” sabi pa ni Sir Cielo.
Napatingin naman si Sir Benj at totoong tingin niya ’yon.
“Sana nga po” sabi niya sa’kin.
Siguro kung wala kami sa korean restaurant, sa harap ng ibang tao, baka hinalikan na ako ni Sir Benj sa mga tingin niya.
“Easy. Malulusaw na si Ethan.” bigla namang tinanggal ni Sir Benj ’yung pagkakatitig niya sa’kin at bumalik sa lamesa.
Sakto, dumating na ’yung pinaorder namen at sabay sabay na kaming kumain.
+++
Dahil sa lunch na ’yon, naka schedule na kami next next week para sa papakita nameng presentation at this time, totoo na raw na matutuloy ’yon.
At pagbalik namen sa office, back to work na uli. Feeling ko ang bilis bilis na ng oras sa office, siguro dahil na rin sa harutan namen ni Sir Benj thru text at email na talaga namang nakakagoodvibes.
Hindi ko namalayan na 5 na pala at nag out na ako para makauwi, hindi na sumama si Sir Benj kasi may tatapusin pa raw siya.
Pagkauwi ko, kinwento ko lahat kay Jaycee na nasa kwarto ko na naman at naglalaptop. Sa guestroom kasi siya natulog kagabi.
“Nag sex ba kayo ni Sir Benjamin?” bigla niya kaagad tanong.
“Hoy! Ano ba! Hindi no!”
“Dalawa lang kayo tapos malamig, wala talagang nangyari? Akala ko ba MU na kayo?”
“Kapag MU kailangan may sex na kaagad?#”
“Ano ba, mutual feeling din ’yon, dapat ginawa niyo na rin!”
“Tigilan mo ko bes! Maghanap ka na lang ng matutuluyan. Ano bang gusto mo? Dorm? O condo?” tanong ko.
“I don’t know, makakalakad naman na ako kahit papaano bukas, samahan mo naman ako, okay lang?”
“Oo naman!” sagot ko, okay lang sa’kin kung si Jaycee manghihingi ng favor kasi sigurado akong hindi rin ako tatanggihan neto.
“Yey! Pero may tanong ako sa’yo bes, sobrang importante neto kaya kailangan ko ng matinong sagot!” sabi ni Jaycee at pinapatabi niya ako sa kanya.
“Ano ’yon?”
“Sinabi mo na ba ’yung magic word na ‘I love you’ sa kanya?” tanong niya.
Napaisip ako, hindi pa naman namen nasasabi sa isa’t isa ’yon at parang hindi pa dapat sabihin.
“Hindi ba masyado pang maaga?” tanong ko.
“Gaga, MU na kayo, hindi niyo ba mahal isa’t isa?”
“Syempre ako… Oo”
“Ehh bakit hindi mo pa sinasabi?”
“Baka kasi mabigla siya.”
“Well sabagay tama ka. Pero ayan ang turning point niyo. Kung mag I love you ka sakanya at nag I love you too back siya sa’yo, ibig sabihin totoo na ’yang nararamdaman niya sa’yo.”
“Bakit? May chance ba na hindi siya mag ‘I love you too’ sa’kin?” tanong ko.
“Ang sabi niya sa’yo, “I think I like you”, like lang ’yung ginamit niyang word nilagyan pa ng think. That means, hindi pa siya sigurado. MU kayo kasi sa tingin niya, ‘I think I like you’ rin yung nararamdaman mo sa kanya!“
Pinrocess ko muna sa isip ko ’yung sinabi ni Jaycee at nung naisip ko na medyo tama siya, napaisip pa ako ng todo.
“Bes, hindi ako natutuwa sa MU. Magulong Usapan ’yan, ang arte arte kasi ng MU, bakit hindi na lang maging kayo? Kayo talaga!”
Hindi ko rin siya nasagot. Iniisip ko kasi kung ano kaya magiging reaksyon niya if ever na sabihin ko na ’yung ‘I love you’? Eh ayon naman talaga nararamdaman ko sa kanya, mahal ko siya.
“Nako bes, nung una binalaan kita, sabi ko ’wag ka maiinlove pero ano ngayon? Nabusog ka ba? Kinain mo lahat ng sinabi mo.”
“Bakit ka ba kasi nagagalit?”
“Concern kasi ako sa’yo. Tignan mo, ikaw lang nalapitan ko sa sobrang kagipitan ko, syempre ayoko lang na masaktan ka.”
“Alam ko bes, pero…. Kaya ko na sarili ko” ayon na lang sinabi ko.
“Alam ko malaki ka na…. Pero nag aalala pa rin ako sa’yo” medyo seryoso na siya at kapag ganito si Jaycee, talagang dinadamdam niya lahat ng sinasabi niya.
“Opo, bes!” sagot ko na lang.
“Boto ako kay Sir Benj pero dapat, doon ka sa sigurado ka. Doon sa may laban ka, hindi ’yung sa bandang huli, ikaw ’yung talo”
Words of wisdom na nanggaling sa bestfriend kong loko loko pero ngayon ang seryoso.
+++++
Natulog na si Jaycee sa kwarto niya at naiwan akong mag isa sa kwarto ko, tulog na rin si Butchok at so far, okay naman pakiramdam niya.
Bigla naman tumawag si Sir Jack sa’kin, hindi ko sana sasagutin kaso nagtext siya na importante raw kaya sagutin ko.
“Hello?” sagot ko
“Hey, bakit mo ko binabaan ng tawag kanina. And I’m trying to call you pa kaso hindi kita macontact”
“Ahh… Si… Ano kasi..”
“Sino?”
“Si..,. Sir Benj.”
“Si Benjamin? Anong meron sa kanya?”
“Ehhh… Kasi po… Medyo…”
“Ano Ethan? Anong meron?”
“Uhm… Napagdesisyonan po kasi namen na maging… Mag MU kami…”
Natahimik siya saglit.
“Sir Jack?” sabi ko. Pero bigla na niyang binaba ’yung tawag. Hindi ko na siya tinext pa uli at sabi ko na lang sa sarili ko, sasabihin ko kay Sir Benj kinabukasan para hindi siya magalit.
Pagdating ko sa office, una kong napansin si Laura na sobrang namamaga ’yung mata at parang umiyak ng umiyak kagabi. Sobra naman akong naawa at tinanong ko kung anong nangyari.
“Huy… Bakit?” kinocomfort ko siya pero parang mas pinaiyak ko siya lalo.
“Hey, may problema ka ba?” tanong ko pa uli.
Niyakap lang ako ni Laura at umiiyak pa rin. May ilan na nakakita pero hindi na nagtangkang makichismis, baka mamaya pag uusapan na lang nila sa group chat ’to.
“Hindi ko alam kung anong ginawa ko eh..” bigla niyang sabi.
“Bakit? Anong nangyari ba?”
“Si Jack kasi”
“Anong meron kay Sir Jack?”
“Ehh… Kasi.. Nakipaghiwalay na siya. ’Wag na raw ako magpakita, magtext, tumawag, pumunta sa condo niya. Kunwari raw hindi ko siya nakilala.”
Fvck, ang bilis naman ng pangyayari!
“Kailan niya sinabi ’yan?”
“Kagabi, nasa condo niya ako kagabi eh tapos after ng ginawa namen, bigla na lang niyang sinabi ’yon!”
Fvck, bigla akong nainis kay Sir Jack. Nakipaghiwalay siya matapos may mangyari sa kanila.
“Kausapin natin siya, gusto mo?” tanong ko.
“Hindi raw siya papasok ngayon eh. Please, Ethan, tulungan mo ko” pakiusap niya.
Alam kong okay naman si Sir Jack kay Laura kaya sabi ko sa kanyang sasamahan ko siya pagkatapos ng trabaho.
Dumiretso kami ni Laura sa condo ni Sir Jack pagka out namen. Hindi ’to alam ni Sir Benj kasi siguradong magagalit ’yon kaya hindi ko muna pinaalam.
Pagdating namen sa condo ni Sir Jack, nagpaiwan sa labas si Laura at ako lang muna pinapasok niya.
Pagbukas ko ng pinto, hindi ko siya makita kaya lumabas ako sa may pool area at nakita ko siya doon, nakahubad at tanging white na brief lang ’yung suot habang umiinom ng alak.
“Sir Jack.” sabi ko.
Napatingin siya sa’kin at ngumiti.
“Ethan! Nandito ka! Halika, samahan mo ko magswimming!” mukhang lasing na siya sa inaasal niya. Pero diniretso ko na siya kung bakit ako nandito.
“Nasa labas po si Laura, umiiyak. Bakit naman bigla kang nakipaghiwalay?!” tanong ko sakanya.
“Ahhh ’yon ba? Wala ’yon, okay lang ’yon sa kanya maniwala ka!”
“Anong okay? Iyak nga ng iyak!”
“Ano naman? Makakamove on din ’yon!”
“Ano bang nangyayari sainyo, Sir Jack?”
Dahan dahan siyang lumapit sa’kin at hinawakan ako sa kamay pero inalis ko kaagad ’yon.
“Grabe kayo, ang sama niyo!” hindi na ako naghintay ng sagot sa kanya at umalis na ako pero bigla niya akong niyakap sa likod at pinigilan.
Binuhat niya ako at pinasok sa loob at hiniga sa sofa. Pumatong siya sa’kin habang hawak ’yung kamay ko, nakadagan din yung binti niya sa’kin kaya nahirapan talaga akong makagalaw.
“Sir Jack! Nasasaktan ako!”
Pero wala siyang naririnig, at hinalikan niya ako sa labi ko ng madiin! Lasang lasa ko ’yung alak sa mga labi niya! Pero hindi talaga ako makalaban, wala akong magawa. Iniiwas ko ’yung mukha ko pero kontrolado niya lahat.
“Bakit si Benjamin pa?!” sigaw niya sa’kin.
Nagulat ako sa sinabi niya.
“Ako ’yung nandito para sa’yo Ethan!!”
Nararamdaman kong lumuluwag pagkakahawak niya sa’kin kaya natulak ko na siya at nagmadali akong bumangon. Pero ang bilis niya, nahawakan niya pa rin kamay ko.
“Ethan, ako ’yung totoong nagmamahal sa’yo. Bakit si Benjamin pa pinili mo?” parang hinang hina na siya at pagod na pagod habang nagsasalita pero mahigpit pa rin hawak niya sa’kin.
“Sir Jack, bitawan niyo na po ako!”
“Mahal Kita Ethan. Mahal kita.”
Nagulat ako sa kanya at parang nanghina rin. Tinignan ko siya sa mga mata kung totoo at ramdam kong totoo ’yung sinasabi niya.
Dahan dahan na niya akong pinakawalan pero nakatitig pa rin ako sa kanya. Bigla naman siyang umiyak at nagtakip ng ulo sa mga tuhod niya.
Totoo ba ’yon? Talagang sinabi niya ’yon?!
Hindi ko na siya pinansin at lumabas ako, nakita ko naman si Laura na naghihintay pa rin pero hinatak ko na rin siya pababa at hindi na ako nakapagsalita.
+++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 29
Ang daming tumatakbo sa isip ko. Anong nangyari sa loob? All this time akala ko fake lang ’yung pinapakita ni Sir Jack sa’kin. Ibig sabihin, lahat pala ng ’yon, totoo? Paano ko rin ’to sasabihin kay Sir Benj? Siguradong magagalit siya at yung kiss? Kailangan kong sabihin ’yon.
At lalo na, kay Laura. Paano ko sasabihin na ako yung dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya si Sir Jack.
“Ethan, ano bang nangyari doon? Bakit tayo nagmamadali?” tanong ni Laura sa’kin habang pababa kami ng elevator.
Sasabihin ko na dapat kaso iniba ko na lang yung topic. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
“Hahatid na lang kita sainyo, masyado siyang lasing at hindi makausap ng matino. Bukas na lang siguro sa office” sabi ko.
Pumayag naman siya at hindi na nagtanong uli.
Pagka uwi ko naman ng bahay, naiiyak pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak! Siguro dahil nakakatakot si Sir Jack kanina, o ’di kaya sinabi niya sa’kin na mahal niya ako na hindi ko pa naririnig kay Sir Benj.
Hindi ako naguguluhan sa nararamdaman ko, malinaw sa puso ko na si Sir Benj talaga yung gusto ko pero….may something talaga sa pagkakasabi ni Sir Jack na mahal niya ako, totoong totoo at nararamdaman ko.
Sinalubong ako ni B.E na tuwang tuwa, kasama niya si Butchok at niyakap ko siya. Mukhang napansin ni Butchok na umiyak ako kaya umiwas kaagad ako at dumiretso kay Jaycee.
Kinwento ko sa kanya yung lahat at napailing lang siya.
“Well, nakakagulat talaga bes. Pero… Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” tanong niya.
“Hindi, okay lang ako”
“Kung ako sa’yo, sasabihin ko na kaagad kay Sir Benj ’yan, alam mo naman ’yon, mainitin ulo kaya kapag nalaman niya sa iba baka magalit na naman!”
Ayun din yung isang iniisip ko. Siguro, bukas ko na lang sasabihin kay Sir Benj at ihahanda ko na lang sarili ko sa mangyayari. Sana man lang eh hindi siya magalit.
“Bes, aalis na pala ako bukas” biglang sabi ni Jaycee.
“Kaya mo na ba?”
“Oo naman. At saka kailangan ko na rin umalis, nandito na mother superior mo eh. One last favor, tutulungan mo naman ako makahanap ng condo di’ba?” tanong niya.
“Sure ka na ba talaga? Kung hindi, pwede ka pa naman mag stay dito”
“Ano ba, haha. Kailangan ko ng mag solo ngayon at sisimulan ko ’yon sa pag alis dito. Saka, sobrang laki na ng tulong mo bes, sobra na. Kaya aalis na ako.”
Mukhang hindi ko naman na siya mapipigilan kaya pumayag ako.
“Sabihin mo na lahat kay Sir Benj mo ah? Kapag hindi naging okay, sabihan mo lang din ako.” paalala niya pa.
Sinabihan na rin ako ni Jaycee na itulog ko na lang lahat ng ’to para maging okay na ako. Ganon naman ’yung ginawa ko at pinilit kong hindi isipin ’yung nangyari.
++
Pagdating ko sa office, napansin kong wala si Laura. Hindi naman nale-late o umaabsent ’yon, sobrang laki pala ng epekto sa kanya ng hiwalayan nila ni Sir Jack.
Ako naman dumiretso sa office ni Sir Benj, nakita ko na naman siyang may kausap sa phone, pinapasok naman niya ako at hindi rin nagtagal, binaba niya yung tawag at lumapit sa’kin.
“Ang ganda naman ng pasok ng umaga sa’kin” sabi niya sabay yakap sa’kin.
Ang ganda ng mood niya ngayon at kung sasabihin ko sa kanya ’yung nangyari kagabi baka masira na naman.
“Kumain ka na ba?” tanong niya uli.
“Ahh.. Oo, sa bahay. Mamaya pala, sasamahan ko si Jaycee maghanap ng matutuluyan.”
“Okay sige, pero saan ka galing kagabi? Bakit hindi mo na ako nahintay?”
“Ahh….” napahinto ako, ayoko na mag inarte at alam ko na kung saan hahantong kapag pinatagal ko pa ’to.
“May problema ba?” tanong niya.
At doon ko na sinabi lahat ng nangyari kina Sir Jack. Inaasahan ko naman na magagalit siya pero mali ako, pinilit niyang ngumiti at yumakap sa’kin.
“Hindi ka ba galit?” sabi ko.
“Ano ka ba, galit na galit kaya ako ngayon. Baka sasabog na nga ako sa loob eh!”
“Huh?” napatingin ako sa kanya.
“Hindi ako galit sa’yo, galit ako kay Zachary pero hindi ko ibabaling ’yung galit sa’yo. Kaya, hayaan mo na. Okay lang ’yon!”
Nakakagulat yung pinakita niya. Hinanda ko pa naman sarili ko na magagalit siya.
“Bakit gusto mo bang magalit ako?” tanong niya.
“Hindi, nasanay lang kasi ako sa’yo….”
“Hindi, nagbabago na ako, nagbabago na ako for you kasi baka nasasaktan kita sa ganong ugali ko”
“Talaga?”
“Oh, bakit? Kinikilig ka ba?”
“Hoy hindi! Masyado kang ano!”
“Haha ang hirap mo namang pakiligin”
Pero bago ako sumagot, may kumatok sa kwarto at biglang pumasok, buti na lang hindi na kami magkayakap nung mga oras na ’yon.
“Sir, urgent meeting, now.” si Allan pala ’yon.
“Ang aga naman?”
“Yeah, urgent daw po eh.” bigla niyang sabi.
Lumabas na ako ng opisina niya at nag usap pa silang dalawa.
Bothered pa rin ako na wala si Laura ngayon pero nagpatuloy na lang ako sa trabaho.
“Ang daming pinapagawa ni Zachary sa’kin, akala niya siguro hindi ko alam na personalan na ’yung away namen!” kwento ni Sir Benj habang naglulunch kami sa Mozu.
“Okay ka naman ba?” bigla siyang ngumiti sa tanong ko na parang ewan.
“Bakit ka ngumiti ng ganyan?” tanong ko.
“Wala, palagi na lang kasi ako nag eeffort pakiligin ka eh pero ngayon, pinakilig mo ko”
“Ha? Tinanong lang naman kita kung okay ka ah?”
“Kaya nga, inaalala mo ko ngayon. Kakilig kaya!”
Ako rin kinilig sa sinabi niya at ngumiti rin ako pero napayuko ako.
“Bakit ka kaya yumuyuko kapag ngumingiti ka? Ayaw mo pakita ’yung ngiti mo!”
“Haha, bakit ka nagagalit?”
“Hindi ah. Sayang kasi ’yung moment na makikita kitang masaya tapos ako pa yung dahilan. Kaya sana, ’wag mo ipagkait sa’kin ang ngiti mo”
Nagkatinginan lang kaming dalawa habang ako napakagat ng labi, pinipigilan ko kasing ngumiti pero hindi ko magawa.
Nasira lang yung moment namen ng biglang dumating ’yung dessert namen.
“So baka palagi na muna ako mag OT.” sabi niya uli.
“Okay lang, babantayan ko rin kasi si Butchok di’ba?”
“Oo nga. Don’t worry, dadalaw ako doon, namimiss ko na baby nating dalawa eh”
“Baby lang natin?” tanong ko sa kanya.
“Aba, syempre, si Butchok din”
“Si Butchok lang din?”
“Gusto mo bang sabihin kong namimiss kita? Eh pagkukurap pa lang mata ko namimiss na kita kaagad eh. Kung pwede lang hindi kumurap para palagi kitang nakikita eh”
“Promise?”
“Opo. Kaya dapat, hindi ka na makikipagkita kay Zachary ng hindi ko alam!”
“Bakit biglang nagbago ’yung topic?”
“Nakakainis kasi na hinalikan ka niya! Eh simula nung umamin ako sa’yo, ayon pa ’yung last kiss nating dalawa. Nakakamiss.”
“Ehh hindi ko naman ginusto ’yung kiss na ’yon!”
“Kaya nga pero nakakiss pa rin siya, madaya!”
Parang isip bata si Sir Benj. Ganitong Sir Benj talaga ’yung gusto ko, isip bata na sweet.
“Next time.” sabi ko.
“Sige na nga. Promise mo sa’kin ha? ’Di ka na makikipagkita. Tapos sasabihin mo kung sino mga kinakausap mo?”
Aba, boyfriend na ang dating niya.
“Opo, dapat ikaw din!” sabi ko at bago siya sumagot may tumawag na naman sa kanya at lumabas siya para sagutin. Pagbalik niya, nagpatuloy siya sa pagkain.
“Sino na naman ’yung tumawag?” tanong ko.
“Wala, pinapagawa lang ni Zachary”
“Bakit kailangan mo pang umalis?”
“Sorry, sige sa susunod hindi na ako aalis.”
Hindi ko na lang inalam pa kung sino ’yon at papaniwalaan ko na lang ’yung sasabihin niya.
Nagkita na kami ni Jaycee ’pag out ko at naglakad lakad kami para maghanap ng condo.
“Malapit na pala Birthday mo bes!” bigla kong naalala.
“Nako, baka hindi ako magpainom non, binudget ko na pera ko eh at saka hindi ko muna priority ’yon!”
“Ang drama bes!”
“Haha ganon talaga ’pag maganda!”
Pumunta kami sa condo na malapit sa office niya, at bago kami makapasok, nakita namen si Stephen sa lobby at nakaupo na parang feel at home na feel at home.
Napangiti siya nung nakita kami at lumapit sa’min.
“Aba aba, ano ginagawa ng duo dito?!” tanong niya, kita ko naman ’yung kilig ni Jaycee sa mukha niya at ramdam na ramdam ko rin dahil sa higpit ng hawak niya.
“Dito ka rin ba nakatira?” tanong ko.
“Ahh… Yeap. Why?”
“Ahh si Jaycee kasi naghahanap ng condo, tatanong sana namen dito”
“Woah? Really? Him?” tanong ni Stephen.
Parang bato lang na nanahimik si Jaycee at hindi makapagsalita.
“Bakit ganyan tanong mo?” sabi ko.
“No, actually, I’m looking for a partner sa condo. Well, approved naman yung ibang friends ko pero loko loko eh, baka mamaya hindi sila tumuloy. Kung gusto mo, share na lang kami?”
Mas humigpit ’yung hawak ni Jaycee sa’kin. Alam kong gusto niya ’to kaya umoo ako. Umakyat naman kami kaagad sa condo niya at pag pasok namen, malaki ’yon at malinis.
“Wait, kuha lang ako makakain niyo” bigla niyang sabi. Naghubad kaagad siya ng damit at ngayon, nakashort lang siya.
Attractive si Stephen, pero hindi na ako masyadong naaapektuhan. Pero si Jaycee, nakatulala pa rin at mabuti naman nagsalita na siya.
“Bes, totoo ba ’to?” tanong niya.
“Oo! Kaya umayos ka, pero kung ayaw mo….”
“Gaga, push ako dito!” bulong niya uli at lumapit na si Stephen na may dalang pizza at juice.
“Sorry, nagpadeliver lang ako.” sabi niya, kumain naman ako pati si Jaycee.
“So…. Magkano dito?” tanong ko.
“Well, 20,000 a month. Ang laki masyado eh so naghahanap ako ng kahati” sagot ni Stephen.
“So, tag 10K?”
“Obviously, 10K. Haha”
Napatingin ako kay Jaycee at mukhang hindi okay. Narinig ko kasing 7K lang budget niya. Ewan ko pero kumportable naman ako kay Stephen kaya sinabi ko sa kanya ’yon.
“7K? Sure, sige that’ll work!”
Aba, nabuhayan si Jaycee at napangiti.
“Baka naman maraming tao rito palagi?” tanong ko pa.
“No, I don’t do parties here. To be honest, tahimik akong tao at gusto ko lang ng tahimik, sana hindi ka maingay” tanong niya kay Jaycee.
“Ahh… Oo naman” aba, nauutal si Jaycee.
“Well, so is that a deal? Ang lungkot lang din dito palagi eh, wala akong kasama”
“Hmm oo naman.” hindi na ako nagsasalita at hinayaan ko na silang makapag usap.
Mukhang nagkakapalagayan na sila ng loob.
“Uhm, mauuna na akong umuwi” sabi ko, ready naman na si Jaycee lumipat. Wala naman siyang maraming gamit eh.
“Osige, iwan mo na rito bestfriend mo, ako ng bahala sa kanya” sabi ni Stephen.
Mukhang natutuwa talaga si Jaycee ngayon kaya hinatid lang nila ako palabas at umalis na ako.
Agad kong tinawagan si Sir Benj kung nasa office pa siya at sabi niyang oo.
“May sasabihin ako hehe nakakatuwa. Pauwi ka na ba?” sabi ko.
“Hindi pa eh, about saan ba?”
“Oh… Gusto mo umakyat na lang ako?” tanong ko.
“Talaga? Sige gusto ko ’yan! Naiistress na ako dito eh”
“Sige, pabalik na po”
Pagbalik ko ng office, umakyat ako at dumiretso sa office niya.
“Ang sakit ng ulo ko dito” bungad niya sa’kin.
“Ano ba ’yan?”
“Trabaho ni Zachary, sa’kin pinapagawa! Halika nga rito, tabihan mo ko” hindi naman ako nagdalawang isip at tumabi ako sa kanya.
“Ayoko sanang maglihim sa’yo kaya sasabihin ko na” bigla niyang sabi. Nagulat ako kasi naging seryoso kaagad yung mood niya.
“Ano ’yon?”
“Uhm. Tumawag kasi si Sophie sa’kin”
Parang nararamdaman ko na rin na si Sophie ’yung tumatawag sa kanya na hindi niya sinasabi.
“Ah talaga? Anong pinagusapan niyo?” tanong ko.
“Hindi ko sinagot. Tumawag lang siya.”
“Ehh bakit hindi mo sinagot?”
“Baka kasi magalit ka eh. At saka ayoko muna,”
“Dapat sinagot mo”
“Bakit gusto mong kausapin ko siya?”
“Syempre, para…. Ewan… Para magkaayos na kayo. Parang hindi pa kasi kayo okay eh”
“Kailangan pa ba non?” napatingin siya sa’kin. “I mean, nandiyan ka naman, ikaw naman na nagpapasaya sa’kin. Bakit kailangan ko pa siya kausapin?”
“Closure.”
“Sinabi ko lang naman sa’yo kasi ayokong magsinungaling sa’yo. Ayun lang ’yon” sabi niya pa at bumalik na siya uli sa trabaho.
“Akala ko siya yung nakakausap mo tuwing aalis ka para sagutin ’yung tawag”
“What? No! I told you, sa trabaho lang ’yon, wala akong ginagawang masama!”
“Uyy, hindi naman ako nagsasabi na may ginagawa kang masama….”
“Parang pinapalabas mo kasi na meron!” mukhang nainis siya sa sinabi ko at nagkaroon kami ng panandaliang katahimikan.
“Sorry… Hindi ko sinasadyang sigawan ka” bigla niyang sabi.
“Sorry din kung naoffend ka”
“No.. Basta sabi ko sa’yo, lahat ng pinapakita ko sa’yo totoo at lahat ng nakaraan, nakaraan na ’yon, sa’kin ka lang maniwala ha?” kita kong seryoso siya at hindi nagsisinungaling.
Ayoko siyang pag isipan ng masama kasi mukha naman talagang wala siyang ginagawang masama.
Kinwento ko na lang ’yung nangyari kanina sa condo ni Stephen at bumalik ’yung ngiti niya at gumanda na uli ’yung mood namen pareho.
Hinintay ko siya matapos at pasakay na kami ng elevator na makita namen si Sir Jack na nakasakay doon. Nagtatawanan pa naman kami ni Sir Benj at panandaliang nasira ’yung kasiyahan namen.
“Hindi ba kayo sasakay?” tanong ni Sir Jack.
Biglang hinawakan ni Sir Benj ’yung kamay ko.
“Hindi na, mamaya na.” sagot niya.
“Intimidated?” pang asar na tanong ni Sir Jack.
“Not really, more like pissed” sagot naman ni Sir Benj.
“Yeah? Don’t worry the feeling is mutual”
Nang aasaran lang silang dalawa at wala akong masabi.
“Well, just like our relationship status, mutual feelings” pang asar ni Sir Benj at mukhang naapektuhan si Sir Jack at sumimangot.
Pasara na ’yung elevator ng pigilan ni Sir Jack.
“Well, I just hope na it ends well between the both of you.” sabi ni Sir Jack.
“Don’t worry, it will”
“Really? I don’t think so. As long as I’m here….”
“As long as I’m here, hindi mo maaagaw si Ethan!” napahigpit tuloy hawak ni Sir Benj sa kamay ko.
“We’ll see about that. Goodnight Ethan” ngumiti lang si Sir Jack at sumara na ’yung pinto ng elevator.
+++++++
VOTE AND COMMENTS!!!
Part 30
“Bakit nakasimangot ka?” tanong ko kay Sir Benj habang pasakay kami ng sasakyan niya.
“Nakakabwisit lang si Zachary, nakakagigil talaga!”
“Hayaan mo na siya, ako naman kasama mo ngayon eh”
“Eh… Kahit na. Basta. Nakakainis talaga!”
Kahit naiinis si Sir Benj, natutuwa naman ako kasi kahit ganon na ’yung sitwasyon, naparamdam niya pa rin sa’kin yung nararamdaman niya. At dahil doon, plus pogi points ’yon.
Hinatid ako ni Sir Benj hanggang bahay at sumalubong sa’min si B.E na tahol ng tahol, ang cute talaga ng mga aso, tapos ’yung buntot niya na kumakaway kaway. Binuhat naman ni Sir Benj si BE.
“Kumusta ang baby ko!” binebaby talk niya yung aso.
“Hi Kuya Pogi!” bati ni Butchok.
“Ohh syempre kumusta naman ang pinakastrong na si Butchok?”
“Okay naman po Kuya Pogi, malakas pa rin po!”
“Umiimom ka ba ng gamot?”
“Opo naman.”
“Good. Kumain na ba kayo ni BE?”
“Kumain na po, nagluto si mama ng ulam eh” sakto pagsabi ni Butchok non, lumabas si mama galing banyo at nagmano ako. Niyaya niya kaming kumain pero humindi na si Sir Benj kasi gabi na masyado kaya hinatid ko na siya uli sa labas.
“Ang laki laki na kaagad ni BE!” sabi niya.
“Oo, ang lakas kumain! Daming iniinom na gatas.”
“Ohh… May gatas din ako mommy, you want?” pilyo niyang sabi.
Hinampas ko lang siya sa braso niya at nagtawanan kami.
“See you tomorrow mommy” pucha, ang awkward naman ng tawag niyang mommy sa’kin.
“Ingat sa pagmamaneho” Nagflying kiss siya sa’kin bago siya umalis. Pagpasok ko naman sa loob, lumapit sa’kin si mama at nagkwentuhan kami sa sala.
“Boss mo raw ’yun ha? Kwento sa’kin ni Butchok” mukhang alam ko na kung saan pupunta ’tong usapan na ’to ah.
“Ahhh opo, hehe”
“Buti ang bait bait niya kay Butchok no? Parang kapatid na rin turing niya”
“Opo ma.”
“Sa kanya rin daw galing ’yung aso ah?”
“Opo, sabi ko po kasi gusto ko ng aso. Ayon, binigyan naman niya ako”
“Ahhh… Ang sweet naman pala ng boss mo” may laman ’yung pagkakasabi ni mama non na parang nang aasar. Kailangan kong ilihis ’yung topic sa iba para naman hindi na ako ang pagusapan.
“Nakapunta ka na ba ng ospital, Ma?” bigla kong tanong.
“Nako anak, ang bilis mo naman ibahin ng usapan! Nag eenjoy pa ako sa topic natin sa boss mo eh” shet, nakangiti si mama na parang hinihintay niyang umamin ako.
“Ah, wala naman kasing something doon ma”
“Bakit sinabi ko bang meron? Nako anak, nahuhuli ka talaga”
Buti na lang to the save si Butchok, hawak hawak niya si BE at lumapit sa’min ni mama.
“Kuya kanina pa sinok ng sinok si BE!” sabi niya. Yes, nakahanap ako ng tyempo kaya binuhat ko si BE at medyo lumayo kay mama. Bigla naman siyang nag laro sa phone niya at yun na ang hudyat para umakyat ako.
Ang awkward ni mama, ayoko ng ganong topic kapag siya ’yung kausap ko.
Akala ko si mama na ’yung biglang kumatok sa kwarto ko pero si Butchok pala ’yon at kinuha na niya si BE.
“Kuya…” alam ko ’tong tono na ’to ni Butchok, mukhang may kailangan ’to.
“Anong gusto ng bunso ko?” niyakap ko siya.
“Kailan po ba tayo pupuntang school?”
Sht, nakalimutan ko ’yung tungkol doon. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya na ayoko muna siya papasukin sa school.
“Alam mo naman na kailangan mong operahan di’ba? Kailangan mo lang matapos sa iniinom mo, pagkatapos non..,.”
“Hindi na po ba matutuloy?” ramdam ko naman ’yung lungkot sa tono ng boses niya. Alam ko kung gaano niya kagusto na makapasok pero ayokong mag risk sa kalusugan niya.
“Pagkatapos mong maoperahan siguradong matatagalan ka sa ospital kasi kailangan mong magpalakas.”
“Pagkatapos non Kuya, pwede na ba akong pumasok?”
Ayoko talaga pero baka masaktan siya.
“Sige, pagkatapos mong operahan at lumakas ka kaagad, pupunta kaagad tayo sa school. Ayos ba?”
“Sige Kuya! Alam ko po nextyear pa ’yan! Sige po!! Excited na ako!”
“Ohh… Kalma lang….” paalala ko sa kanya kaya nginitian na lang niya ako ng malaki. Ang cute talaga ng kapatid kong ’to.
Hindi ko namalayan na dito na rin siya nakatulog at katabi pa namen si BE.
++
Hindi pa rin pumapasok si Laura at feeling ko, sobra siyang naapektuhan. Si Sir Jack naman kasi ang first niya, first niya sa lahat. First date, first love at first sex kaso iniwan lang din siya. Kung tutuusin, galit din ako kay Sir Jack dahil sa ginawa niya kaya maliban sa ginawa niya sa’kin, isa ’yon sa dahilan kung bakit ayoko siya makita.
Since busy si Sir Benj sa office niya, ako ang pina attend niya sa meeting na dapat siya ang aattend. Tungkol lang sa sales at mga dapat gawin pa ng bawat department ’yung pinag usapan. Pagkatapos naman ng meeting, nagsilabasan na lahat, ako naman naiwan saglit dahil inaayos ko pa ’yung gamit ko.
Bigla naman bumukas ’yung pinto sa meeting room at nakita ko si Sir Jack, hindi ko mabasa ’yung reaksyon niya.
“Teka!” sabi ko habang palapit siya.
“Hindi ako lasing, nandito lang ako para makipag usap. Alam kong hindi na ako mabibigyan ng chance para makausap ka uli” kalmado naman siya at mukhang gusto niya lang ako makausap.
Hinintay ko siya magsalita pero tinitigan niya lang ako.
“Akala ko ba gusto mo makipag usap?” tanong ko.
“Ethan…. Sorry sa ginawa ko sa’yo nung nasa condo tayo”
“Okay. Ayon lang ba?”
“Ethan… Sorry. Pero lahat ng sinabi ko sa’yo, totoo. Gusto talaga kita, noon pa.”
“Gusto? Eh akala ko ba gusto mo si Laura?”
“Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa’yo noon, at feeling ko kasi hindi tama na magkaroon ako ng feelings sa isang lalaki. Akala ko talaga nung una, asar asar lang. Pero hindi, totoo na talaga nararamdaman ko. Nagsimula ’to nung natulog ako sainyo….”
Hindi ko alam kung bakit siya naiiyak habang nagkekwento siya, pinunasan niya kasi ’yung luha ng tumulo sa mata niya.
“Ayoko pa talagang magmahal, I mean ’di pa ako ready. I still love my ex to be honest, every girl na dumaan sa’kin after her were really just a fling. Even Laura.”
“Tignan mo! Manloloko ka kasi kaya ganyan nangyayari sa’yo!”
“I know Ethan. I tried so hard para mainlove ako kay Laura pero wala talaga, there comes a point na akala ko okay na ako sa kanya pero everytime I see her, everytime na nagkakatitigan kami, everytime na hinahalikan ko siya or we’re making love, ikaw talaga nakikita ko. I don’t know why.”
Lalapit sana siya kaso sabi ko ’wag! Kaya huminto siya uli pero umiiyak pa rin siya.
“I thought hindi na ako magmamahal Ethan, akala ko sa pag iwan sa’kin ng ex ko hindi na ako makakahanap ng katulad niya pero hindi, ikaw ang best version ng taong minahal ko noon. Ikaw ang talagang hinahanap ko.”
Parang kinakausap niya buong pagkatao ko, sobra rin akong naaapektuhan sa sinasabi niya ngayon.
“Hinayaan ko na lang nararamdaman ko, Ethan kasi ayoko aminin sa sarili ko na naiinlove ako sa kapwa ko lalaki, pero nung malaman ko ’yung status niyo ni Benjamin, ang sakit pala. Dapat noon pa, sinabi ko na sa’yo lahat!”
“Sorry Sir Jack pero….”
“Mahal ko rin kapatid mo Ethan, para ko na siyang kapatid. Sa’yo ko lang ’to naramdaman. Hindi na ako naguguluhan, totoo na ’tong nararamdaman ko.”
Pinunasan niya uli yung luha niya.
“Mahal kita, Ethan.”
Ayoko na muna makita si Sir Jack, hindi ko alam gagawin ko sa sinasabi niya, pero naiiyak din ako. Parang nasasaktan ako kasi nasasaktan siya. Parang pinapasa niya sa’kin yung sakit sa mga sinasabi niya.
Sa gitna ng iyak ni Sir Jack at pamuntikan kong iyak, biglang may pumasok sa meeting room at si Sir Benj ’yon na parang hingal na hingal.
“Pre, ano bang problema mo? Bakit ba ayaw mong tantanan si Ethan?!” galit na sabi ni Sir Benj.
“Wala akong ginagawa, nag uusap lang kaming dalawa”
“Hindi eh, hindi ka naman kasali sa meeting tapos pinuntahan mo pa talaga siya rito!”
“Pre, ’wag kang magmalinis.”
Natahimik lang si Sir Benj at si Sir Jack naman kalmadong kalmado pa rin.
“I think I deserve Ethan way more than you do. Pero wala akong magagawa kasi alam ko naman sa simula pa lang na ikaw ang gusto niya” sabi ni Sir Jack.
“Alam mo naman pala, kaya sana layuan mo na siya”
“Natatakot ka ba? Shh. Okay, pero hindi ko siya lalayuan. Kasi alam ko yung totoo kong nararamdaman para sa kanya. Mahal ko siya, Benjamin. Mahal na Mahal” bigla na siyang lumabas ng kwarto at naiwan naman kami sa loob ng meeting room.
Niyakap naman ako kaagad ni Sir Benj na parang may nangyaring masama sa’kin.
Hindi kami nagsalita pareho, lalo na ako kasi parang nag eecho pa rin sa isip ko lahat ng sinabi ni Sir Jack.
+++
Tahimik lang ako maghapon. Ang dami kong iniisip. Parang may laman ’yung sinabi ni Sir Jack at parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Pero kung paano niya sabihin na mahal niya ako, ewan ko ba, sobra kong naappreciate.
Ang sarap kasi sa feeling na masabihan ng mahal ka ng isang tao. Bagay na hindi ko naman naririnig kay Sir Benj, pero hindi naman ako galit or what. Na touch lang ako sa ginawa ni Sir Jack.
Hanggang sa pag uwi ko sa bahay, tahimik lang ako kaya napagpasyahan kong maglakad lakad muna sa subdivision, mas nakakagaan kasi ng loob kapag naglalakad lakad ako.
May napansin naman akong babae na mukhang may hinahanap sa may damuhan. Palubog pa lang naman ’yung araw kaya nakikita ko pa siya, maganda, mukhang simple lang kasi naka tshirt at short lang siya, ngayon ko lang siya nakita sa subdivision kaya nung lumapit ako sa kanya agad naman siyang ngumiti.
“Anong hinahanap mo miss?” tanong ko.
“Hikaw ko. Ang tanga tanga ko, nahulog kasi!” sabi niya.
“Oh, sige tulungan na kita maghanap!” ayun naman ginawa ko at maya maya, bigla akong nasilaw at nung tinignan ko ’yon, may nakita akong hikaw at kinuha ko kaagad
“OMG! Thankyou!! Sorry sa istorbo!” sabi niya.
“Oh, okay lang. Hehe, bago lang kayo rito? Ngayon lang kasi kita nakita”
“No, pumunta lang ako sa tita ko. Hehe, well baka dito na rin ako tumira soon pero matagal tagal pa”
“Oh, akala ko taga rito ka rin”
“Hehe, oh Sorry, I’m White pala. Yeah, white as in kulay puti hehe.” pakilala niya.
“Ethan” nakipagkamay ako.
“Oh, ang cute ng name mo hehe”
“Ikaw din”
“Well lahat kami ng kapatid ko, kulay ’yung name. Blue, pink and ako, white.”
“Well, ang cute” hindi ako marunong makipagusap sa mga babae, parang ang awkward kasi eh. Akala ko naman titigil na siya sa pakikipag usap pero nag open siya ng panibagong topic.
“Ilang taon ka na?” tanong niya.
Habanh pinagmamasdan ko siya, nakita ko ng maigi mukha niya, ang payat niya pero ang chubby ng cheeks niya at mapula. Ang kissable din ng lips niya at talagang maganda siya.
“20 po” sabi ko.
“Ano ba ’yan, ate pala ako sa’yo. I’m 23 na”
“Hindi naman po mukhang 23 hehe”
“Bolero hehe.”
Kahit salita siya ng salita, hindi ako nahihiya at hindi siya nakakairita. Ang cute nga eh, kakakilala lang namen ang dami na nameng napagkwentuhan.
“Nag wowork na rin ako, pero ayoko sa work ko. I want to travel muna kasi. May pera naman ako pero ayaw akong payagan ng parents ko haha. Feeling bata pa eh no?” kwento niya.
“Hehe. Ako naman first work ko ’to kaya pinag iigihan ko”
Magsasalita sana siya kaso may lumapit sa kanyang lalaki na mukhang ka edaran ko, medyo matangkad sa’kin ng kaunti at may itsura. Kamukhang kamukha naman siya ni White, baka siya ’yung kapatid niya na si Blue.
“Tawag ka na ate!” sabi nung Blue. Napatingin lang sa’kin si Blue at mukhang suplado kasi nakasimangot.
“Ano ba ’yan, sige sige Ethan, nice talking to you!” sabi niya at kinamayan niya lang ako at umalis na kasama ng kapatid niya.
Medyo gumaan naman ’yung loob ko dahil kahit papaano, iba naman yung taong nakausap ko. Nag kwentuhan lang kaming dalawa ng kung ano ano at parang ayun lang pala ’yung kailangan ko.
++
Pagkauwi ko ng bahay, nagulat naman ako ng makita ko si Sir Benj at nakikipaglaro kay BE! Lumapit siya sa’kin at niyakap niya ako ng mahigpit. Nakita naman ni mama ’yung ginawa niya at ngumiti lang siya. Lumabas kami ni Sir Benj para mag usap.
“Saan ka naman galing? Kanina pa ako rito oh tapos iniwan mo pa phone mo” sabi niya.
“Ahh naglakad lakad lang at saka may nakakwentuhan ako. Kakakilala ko lang sa kanya”
“Oh? Lalaki?” mukhang nagseselos na naman siya.
“Hindi, babae.”
“Ahh good good. Okay lang babae naman pala eh hehe. Nag iisip ka ba ng malalim kaya naglakad lakad ka? Napansin ko kasi na ganun ginagawa mo kapag malalim iniisip mo eh” tanong niya.
“Hindi naman….” bigla niyang hinawakan uli kamay ko at magkaharap kaming dalawa na nag uusap.
“Alam ko marami pa akong pagkukulang sa’yo Ethan. Pero gusto ko lang kasi talaga ’yung feeling na kasama ka. Yung ganito lang tayo, masaya. Lahat naman ng pinapakita ko sa’yo totoo”
“Alam ko naman pero kasi….”
“Ano ba ’yon? Ano pang gusto mong gawin ko para mapasaya ka?”
Parang hindi naman sinasabi ’yung mga ganitong bagay. Parang mas okay kung siya makakatuklas ng gusto ko. Gusto ko lang sabihin niya sa’kin na mahal niya ako at magiging okay na uli ang lahat para sa’kin.
“I’m good. We’re good. Sobra lang akong affected sa sinabi ni Sir Jack” sabi ko na lang.
“Nagdadalawang isip ka ba?”
“No.., hindi, parang may guilt na ewan kasi nakakasakit ako ng hindi naman ako aware. Ayun lang”
Ngumiti lang siya at niyakap niya ako ng mahigpit. Yung yakap na sinasabi niya na ’okay lang ‘yan, nandito lang ako para sa’yo’. Yung ganung yakap.
Nanatili kami sa ganong pwesto hanggang sa tawagin na kami ni mama para kumain.
++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
Last 20 chapters!
😊😊
Part 31
Napagpasyhan namen ni Butchok na ilabas si BE at ilakad lakad. Ganon na rin yung plano ko kay Butchok, palagi kasi siyang nasa bahay baka hindi na rin healthy ’yon para sa kanya.
“Sayang po Kuya, sana kasama natin si Krisha” sabi ni Butchok habang naglalakad kami sa subdivision.
“Oh? Bakit hindi mo kasi tinawag?”
“Eh nasa school pa po siya eh.” ayan na naman siya sa school. Nararamdaman ko na naman ’yung lungkot niya.
“Oh? Di’ba sabi ko papasok tayo sa school kapag super magaling ka na! Para hindi ako matatakot na iwan ka sa school mag isa. Di’ba?”
“Opo Kuya. Kaya magpapalakas na talaga ako simula ngayon!” buti naman nawala kaagad ’yung lungkot niya. Nakakaawa na rin kasi talaga eh, gusto ko palagi lang siyang masaya kaso may mga bagay talaga na kailangan mong ipagkait sa iba para na rin sa ikabubuti nila.
Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Butchok at tumakbo palayo. Napatingin ako kung saan siya papunta, tumatakbo rin si BE non.
Napansin kong lumapit sila sa isang napakagandang aso sa may puno.
“Butchok ’wag ka masyadong lumapit!” sigaw ko at tumakbo na rin ako palapit sa kanila. Naattract din ako sa aso, sobrang ganda kasi talaga.
Nag amuyan pa ’yung aso pati si BE na tuta pa lang. Tuwang tuwa naman si Butchok sa paghawak sa aso, maamo at hindi siya tinatahulan.
Bigla namang may lumapit sa’min na lalaki at medyo familiar siya. At nung naalala ko, siya pala si Blue! ’Yung kapatid ni White na nakilala ko nung isang araw.
“Hey, Fifi!” sigaw ni Blue at parang naintindihan ng aso kaya lumapit siya kay Blue.
“Hey…” bati ko.
“Uy, di’ba ikaw si Ethan?” sabi niya. Moreno si Blue, at mukhang 20yrs old lang din siya kaso mukhang nag gygym siya dahil medyo bumabakat yung katawan niya sa damit niya.
“Oo. Blue di’ba?” sabi ko.
“Yeah. May aso ka rin pala. Anong name niya? Ang cute!” nakakatuwa si Blue, lumuhod siya para laruin si BE, tuwang tuwa naman si BE sakanya.
“BE.” sabi ko.
“Oh, siya naman si Fifi, ang prinsesa ng buhay ko” hinarot harot niya si Fifi.
“Ang ganda po ng aso niyo!” sabi naman ni Butchok.
“Mas maganda aso niyo, ang cute! Lalo na paglaki niyan!”
“Maganda po si Fifi!”
“Well, bagay silang dalawa. Ilang taon na ba si BE?”
“Wala pa po…”
“Mga 2 weeks pa lang ’yan” sagot ko naman.
“Oh? Haha maghihintay pa pala si Fifi. Birthday ni Fifi ngayon eh hehe. Nilabas ko lang. Gusto mo pumunta sa bahay? May handaan doon hehe.”
“Talaga po?” si Butchok naman sumagot.
“Oo. Birthday ni Fifi so maraming aso don, hehe.”
“No, we’re okay. Naglalakad lakad lang naman kami” ako na sumagot. Pero napansin ko si White na palapit sa’min. Sobra din siyang nacute-an kay BE.
“Hey, may dog party sa bahay. Birthday kasi ni Fifi, punta ka Ethan!” yaya naman ni White sa’kin.
Dog party naman eh so sumama na rin ako. Mukhang gusto rin ni Butchok eh.
“Dog lover ka rin pala no?” sabi ni White sa’kin habang naglalakad kami papunta sa bahay nila.
“Oo! Hehe”
“Mukhang baby pa siya. Sige, may baby dog foods naman kami sa bahay ayun na lang ipapakain namen sa kanya hehe”
Pagkadating namen sa kanila, totoo ngang dog party to! Ang daming aso! May nakita akong dalawang husky, may isang pug, may isang retriever, may bulldog ay may jackrussel.
Pagpasok ni BE sa loob, pinagkaguluhan din siya nung mga may ari ng mga aso kasi sobrang cute daw! Si Butchok naman sobra ding natuwa sa mga aso kaya hinayaan ko siyang makipaglaro.
“Oh. Para sa mga tao ’to!” biglang abot sa’kin ni Blue ng alak.
“Oh. Sorry…”
“Ahh, loyal sa girlfriend, mukhang may magagalit haha” sabi niya.
“Under pala!” sigaw naman nung isa niyang kasama.
“Isa lang Ethan, party naman ’to eh hehe” alok pa niya. Ewan ko ba kung bakit kinuha ko rin, nakakahiya naman kasi eh.
“Isa lang ah” sabi ko.
“Oo naman hehe. Gaano na kayo katagal ng girlfriend mo?” tanong niya.
Eto na ata ang pinaka awkward na tanong na tinanong sa’kin.
“Ahh… Wala akong girlfriend hehe. MU lang” sagot ko.
“Oh. MU? Another term for landian lang tayo tapos walang label. Haha” nagtawanan din yung mga lalaki doon. Dalawang lalaki, si Blue tapos ako. May dalawang babae din tapos si White sa kabila at iba naman pinag uusapan nila.
“Mukhang may hugot ah?” sabi ko.
“Aba, hugot king ’yan si pareng Blue! Sa sobrang hugot, ayun, muntik ng makabuntis hahahha” buti na lang na gets ko ’yung joke na ’yon kaya nakitawa na rin ako.
“Gago! Haha” mukhang masayang kasama ’tong mga ’to, hindi ko namalayan na nakikipagkwentuhan na rin ako pero hindi ko binabanggit yung tungkol sa lovelife.
+++
Naglalakad na kami pauwi ni Butchok at mukhang nagenjoy din siya sa mga aso. Sinamahan naman kami ni Blue sa paglalakad at kasama si Fifi.
“Naka apat ka rin ah! Haha” sabi ni Blue.
“Oo nga, alas kwatro na pala ng hapon!” sabi ko.
“Ang bilis ng oras!”
“Oo nga eh!” pinagmasdan ko siya habang nakangiti siya sa paglalakad. Lalaking lalaki din dating neto ni Blue eh. Pero may soft spot pag dating sa aso.
“Grabe yung celebration niyo sa Birthday ni Fifi ah, I mean, para sa aso” sabi ko.
“Well, I don’t treat Fifi as my pet, ang cliché pero I treat her as my family. Sobrang mahal ko si Fifi kasi simula nung napunta siya sa’min, parang gumaan na ’yung loob ko. Masama kasi loob ko sa mga tao sa bahay, broken family kasi kami at wala pa si papa palagi so Fifi is really the one who lighten up my world”
Ang cute naman non, dahil sa aso naging okay na siya.
“Kaya ganon na lang yung pag celebrate ko sa Birthday niya. Yung mga tao kanina, mga tropa ko rin ’yon sa’min. Pinapunta ko lang dito kasi walang tao diyan ngayon hehe.”
“Nakakatuwa lang ’yung dog party hehe. Salamat sa pag invite” sagot ko. Malapit na kami sa bahay at napansin ko yung sasakyan ni Sir Benj sa labas.
“Oh, taga riyan lang pala kayo.” sabi ni Blue.
“Kuya Blue, salamat po! Dalaw po kayo ni Fifi dito minsan!” sabi ni Butchok.
“Sige, sure! Kapag bored hehe.”
Narinig ko naman na bumukas yung gate at lumabas si Sir Benj. Nag iba na naman yung tingin niya kay Blue nung mga oras na ’yon.
“So… Papasok na kami. Salamat uli” sabi ko.
“Sure, maglalakad lakad pa uli kami ni Fifi hehe! Bye Butchok, bye BE!” sabi niya at naglakad na sila palayo. Nakita kong papasok na si BE at si Butchok sa bahay at naiwan na lang kami ni Sir Benj sa labas.
“Oh. Bakit ka nandito? Hindi ka nagtext?” sabi ko.
“Sino ’yon? Bakit hinatid ka dito pauwi? Bakit nakangiti siya sa’yo?”
Aba. Parang nasa police station kami ngayon.
“Si Blue. Naglakad lang siya at sumabay sa’min. At ewan ko kung bakit siya nakangiti, baka masaya siya.”
“Eh bakit hindi mo ko tinetext? Amoy alak ka pa!”
“Naiwan ko phone ko kasi maglalakad lakad lang sana kami nila BE kaso birthday ng aso niya kaya ininvite niya kami!”
“Close ba kayo? Kahapon lang kayo nagkakilala ah?”
“Galit ka ba?” tanong ko na lang.
“Hindi ako galit.” pero para siyang bata na pumasok sa loob ng bahay na walang paalam at naiwan akong natatawa sa kanya.
Hindi niya ako pinapansin sa loob kasi nakikipagharutan siya kay BE pati kay Butchok kaya dumiretso ako sa kwarto ko.
Maya maya, sumunod naman siya kasama si BE at humiga din sila sa kama ko.
“Tignan mo ’yang mommy mo, BE! Siya na nga may kasalanan, siya pa hindi namamansin! Nako talaga!” alam kong pinaparinggan ako ni Sir Benj gamit si BE.
“Nako BE, huwag kang maniwala sa tatay mo!”
“Anong huwag? Sabi ni BE sa’kin uminom ka raw ng alak! Tapos tawa ka ng tawa doon sa party!”
“Si BE talaga nagsabi?”
“Oo! Nagkwentuhan kami ni BE!”
“Sabi niya talaga ’yon?”
“Hindi, sabi niya arf arf arf, aw aw aw. Pero feeling ko ayun yung sinasabi niya”
Tawang tawa ako kay Sir Benj ngayon at kahit siya natatawa sa sinasabi niya. Kaya tumabi ako sakanilang dalawa ni BE.
“Sorry talaga, dapat sinabi ko sa’yo” sabi ko sa kanya.
“Okay lang. Wala ka namang ginawang masama na ikagagalit ko di’ba?” sabi niya.
“Wala. Tanong mo pa si BE” sabi ko.
“Promise?”
“Promise”
“Kiss mo na muna ako, hindi mo pa ako hinahalikan eh” bulong niya.
“Ano ba!! Naririnig ka ng anak mo!”
“Ano ba, hindi tayo papanuorin ni BE, sige na. Kiss mo na ako, sa lips”
“Si BE…”
“Tatakpan ko mata niya, dali eto na” ngumunguso na siya sa’kin at paramg ready na humalik. Kaso bago ko siya mahalikan, biglang pumasok si Butchok sa kwarto at talagang nasira yung momentum.
“Kuya Pogi! Laro tayo sa baba!” sabi ni Butchok. Napatawa na lang siya at bumangon sa kama.
“Sure sure, tara!” hindi na siya nagdalawang isip at bumaba na rin siya kasama ni Butchok.
++
Kinabukasan, pumunta ako sa condo nila Jaycee at Stephen. Kaso si Jaycee lang yung nandoon.
“Ano ba! Bakit hindi ka marunong sumagot ng tawag!” medyo inis kong sabi.
“Sorry, bes. Busy lang.”
“Busy saan? Kailan ka pa naging workaholic?” sabi ko.
“Ehhhh hindi kasi sa work” sabi niya at mukhang kinikilig siya habang sinasabi ’yon.
“Eh saan?!”
Napahampas siya sa braso ko ng malakas. Jusko, ang laki ng katawan ng bestfriend kong ’to eh kung makahampas akala mo hindi masakit.
“Ano ba? Alam kong kinikilig ka kasi kasama mo si Stephen!” sabi ko.
“Ehhh hindi ’yon…” mukhang may sasabihin siya kaso di niya masabi. Mukhang may idea na ako kung ano pero imposible, 4 days pa lang nakalipas. Imposibleng may nangyari na kaagad sakanila.
“Don’t tell me nag anuhan na kayo?” diretso kong tanong.
Hindi siya sumagot at mukhang tama nga ako.
“Fvck!!! Bes ano na!!! Ilang araw pa lang bumigay ka na kaagad!!” sigaw ko sa kanya.
“Shhhh wag ka naman maingay bes! Mamaya biglang pumasok si Stephen tapos marinig niyang kinekwento ko sa iba!”
“Ano naman!!! Jusko bes, ilang araw pa lang!! Kailan niyo ginawa?!”
“Naalala mo nung gabi na kinuha ko ’to? Ayun, nung gabi na ’yon.”
“ANO BA! Pagka alis ko non, nagpatudsadahan na kayong dalawa kaagad?!!”
Umoo naman siya.
“Jusko bes!!! Ano na! Ang bilis!!” sabi ko.
“I don’t know. He’s sweet kaya. At saka kakaiba siya, iba yung hagod. Iba yung passion niya habang ginagawa namen. Sobrang maaalalahanin pa. Nagkekwentuhan pa kami habang ginagawa ’yon,”
Iba rin awra ni Jaycee ngayon at mukhang masaya na siya uli. Mukhang nakalimutan naman niya yung ginawa sa kanya ng tatay niya.
“Bes….”
“Bes… Don’t worry. I know how to handle this, walang commitment, just s3x. Nag aggree naman kaming dalawa at hello, aayaw pa ba ako, american size! Ang kinis at pinkish!!”
“Bes! Hindi ko gusto malaman!”
“Ehhh kakaiba talaga bes. Sobrang…. Argh. Dabest talaga. At hello, isang kwarto lang kami. Anytime pwede namen gawin at isa pa, we’re friends! Talagang nagkekwentuhan at tawanan kami. Minsan nga lang kapag nagkadikit katawan namen, ayun na.”
“Bes… Paalala…”
“Bes please lang, walang bearing yung pagpapaalala mo kung hindi mo kayang ihandle sarili mo!” sabi niya pa sa’kin.
“Ay grabe naman! Realtalk ’yan!” sabi ko,
“Hehe, labyu. Pero trust me, I’m okay. I’m happy. Alam mo naman parang hindi ako yung tipong nakikipagrelasyon. At feeling ko ganon din siya. Kaya hayaan mo na, okay lang ako. Kapag hindi naman ako okay, sasabihin ko sa’yo di’ba?”
Okay si Jaycee ngayon kumpara nung nasa bahay siya, mukhang iniisip pa rin niya yung sa tatay niya. Pero ngayon, iba talaga. Masayang masaya siya at kitang kita talaga sa mga mata.
At bago pa ako makasagot, bigla na ngang dumating si Stephen at may dalang pagkain.
“Hey! Ethan! Nandito ka!” bati niya.
“Hi” sagot ko.
“So okay lang sa’yo na we’re hooking up?”
Dafuq! Ang casual naman sakanya ng lahat.
“Alam ko naman na sinabi na sa’yo ni bebe Jaycee eh. So…. Okay lang? Hindi ka naman kontra?” tanong niya.
Bebe. May pag bebe na siya kay Jaycee.
“I don’t know….” sabi ko.
“Woah, wala ka naman magagawa eh. Haha” si Stephen naman iba na rin yung awra. Pero kasi mas fvckboy na fvckboy datingan niya ngayon. Yung confident na lalaki na nakukuha niya yung mga gusto niya, ganon yung awra niya.
“Well, just be safe!” sabi ko.
“Don’t worry. We’re always safe haha.” si Jaycee naman kilig na kilig na sa tabi ko. Okay na rin ’to, atleast masaya naman siya at yun naman mahalaga.
Nag eeye to eye contact yung dalawa na parang sabik na sabik na sa isa’t isa kaya ako na yung nag adjust at nagpaalam na ako. Hindi naman kumontra si Jaycee at agad akong pinaalis. Hinayaan ko na lang kung anong mangyayari sa kanila.
++
Pagkauwi ko naman ng bahay, nakita ko si papa na nilalaro si BE. Kung hindi niya lang katabi si Butchok baka kung ano na naman nasabi ko.
“Anak!” sabi ni papa.
Hindi ko siya pinansin at umakyat kaagad ako ng kwarto ko. Pero sumunod siya.
“Bakit ka nandito?!” sigaw ko sa kanya.
“May sasabihin lang ako sa’yo.”
“Hindi ako interesado!”
“Anak naman.”
“Doon ka na sa kabilang pamilya mo!”
“Anak. Sandali lang. May sasabihin lang ako.”
“Hindi nga ako interesado!!”
“Importante lang ’to, please”
Bakit kasi ang bait ko at ang dali kong maawa. Naaawa ako sa kanya.
“Sige!” sabi ko.
“Gusto raw kayo makilala ng mga kapatid mo. Yung…. Mga anak ko sa kabilang pamilya…”
Wrong decision na pinagsalita ko siya.
“Hindi ako interesado at wala akong paki. Kaya pakisara na yung pinto at matutulog na ako!!”
“Anak…”
“Just stop! Konting konting respeto na lang natitira ko sainyo kaya please, ’wag ng humantong na mawala lahat ng ’yon. Lumabas na po kayo at isara niyo yung pinto!” matigas kong sabi.
Nakakainis lang. Hindi nga ako interesado sa kanya at gusto pa niyang ipakilala yung pamilya niya sa’kin!! Sobrang nakakainis!
Tumalikod na lang si papa at lumabas na ng kwarto ko.
+++++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS#!!!!!
Part 32
Sa tuwing nakikita ko si papa, puro sama ng loob na lang talaga nararamdaman ko. Alam kong mali, alam kong ang sama pero hindi ko maiwasan. Sino ba naman matutuwa na iniwan ka ng tatay mo sa ibang pamilya at ngayon, sasabihin niyang halos kasing edad ko o baka mas matanda pa sa’kin yung anak niya doon.
Itinulog ko na lang talaga lahat hanggang sa makalimutan ko ’yon.
Buti na lang pag gising ko, wala na si papa at maaga raw umalis. Hindi ko na tinanong kung saan pumunta at kumain na ako saka pumasok sa office.
Nandoon na si Laura sa desk niya at mukhang okay naman siya ngayon kasi nakangiti siya nung binati niya ako.
“Ang tagal mong nawala ah?” sabi ko.
“Nagmuni muni lang ako. Pumunta akong Baguio haha.”
“Nag move on ka sa Baguio?”
“Haha parang ganon na nga.” nakakatawa na talaga siya ngayon.
“Oh. Nakapag usap na ba kayo uli?”
“What? Ofcourse not! Ano gusto mo, magdrama na naman ako? Haha. Okay na yung hindi ko siya makikita or makakausap kasi baka kapag nakita ko pa siya bumalik lahat!”
“Well, namiss kita. Hehe” niyakap ko siya at yumakap din siya sa’kin.
Maya maya, lumapit sa’min si Sir Benj na may dalang pagkain para sa’kin lang. Nilapag niya kaagad sa desk ko at umalis. May naiwan naman na note doon.
“Good Morning honey. Work hard today and I’ll do the rest after. ❤”
Mukhang nabasa ni Laura ’yon at biglang napahampas sa braso ko.
“Kayo na ba? Ano ba, ganon ba ako katagal nawala para hindi ko malaman?” tanong niya.
“Ahhh… It’s complicated kasi eh”
“Duh, kapag nag I love you na siya, wala ng complicated complicated, kayo na kaagad!”
“Eh ayon nga ang problema eh, hindi pa nga nag a-I love you sa’kin”
“Ahhh… Ayun lang. Hehe. Well, goodluck. Ayoko muna problemahin yung mga ganyan ngayon haha basta kapag may problema kayo, sabihan mo lang ako ah? Hehe”
Umoo na lang ako sa kanya at binuksan ko na ’yung pagkain na binigay ni Sir Benj. Syempre, korean food pa rin pero hindi ako nagsasawa, kahit ganito na lang kainin ko basta galing sa kanya, okay na okay lang.
Nakipagkita naman sa’kin si Jaycee pagka out ko, since busy pa si Sir Benj, pumayag siya at baka raw sumunod siya kapag natapos na sa ginagawa niya.
Aba, si Jaycee, sobrang saya. Sobrang gnda ng awra niya. Never ko pa talaga siya nakasama ng ganito.
Ang dami nameng nakakasalubong na pogi pero kahit isang beses, hindi siya na react. Kakaibang kakaiba talaga. Busy lang siya sa pakikipagtext at alam ko na kung sino ’yon.
“Ano? Mag uusap ba tayo o aalis na lang ako?” sabi ko sakanya.
“Haha, ano ba! Minsan lang akong kiligin ng ganito eh! ’Wag ka nga diyan bes!”
“Bakit ba kasi ako kasama mo at hindi siya?”
“Ehh kasi…. Ayoko… Haha, bibili kasi ako ng damit. Eh aalis daw siya kaya hindi nia ako masasamahan”
“Hala, sige ka. Paano kung may kasama na ’yung iba!” biro ko.
“Well, okay lang naman sa’kin. Sa’kin pa rin naman siya tuwing gabi. Ako pa rin uuwian niya”
Tawang tawa ako sa pagkakasabi niya, fierce na fierce.
“Nako, kapag ikaw nainlove….”
“Bes, seriously. Hindi ako shunga sa pag ibig katulad mo no. I know we’re just roommates with benefits. That’s all. Nothing more, nothing less”
“Sige… Sabi mo eh.”
“Yeah, at hindi ko kakainin sinasabi ko, hindi katulad mo no!”
Hindi ko na lang pinansin sinabi niya at nagpatuloy kami sa paghahanap ng damit.
At sa malayo, may napansin akong familiar na lalaki at ngumiti rin siya kaagad nung nakita niya ako.
“Hey!” si Blue ’yon. Napatingin lang s Jaycee at tumingin si Jaycee sa’kin ng masama.
“Uy, Blue, si Jaycee pala bestfriend ko. Bes, si Blue.”
“Hi, sorry may boyfriend na bestfriend ko so sana ’wag mo na siyang pormahan!” mataray na sabi ni Jaycee na may pagngiti ng kaplastikan.
Natawa si Blue ng malakas “hahahhaa we? You’re gay?”
Fvck, napakaingay talaga ng besfriend kong ’to! Sa sobrang hiya, gusto ko ng magpalamon sa lupa!
“Yes, he is gay and he’s proud of it. Right bes?!” sabi pa ni Jaycee.
“Well, that’s a shock. Don’t worry, it’s okay. We’re just friends. Right Ethan?” sabi naman ni Blue.
Sobrang nahihiya talaga ako at hindi ako nakapagsalita at hinatak ko na lang si Jaycee palayo.
“Bakit mo naman sinabi ’yon bes?!”
“Haha, ano ba, okay lang ’yon! Atleast hindi mo na kailangan magpanggap sa kanya di’ba? At saka nagtext sa’kin Sir Benj mo!”
“Si Sir Benj?”
“Oo! Pakiusap niya sa’kin kapag may lalapit sa’yo na lalaki at kasama mo ko, sabihin ko lang daw na may boyfriend ka!”
“Mas kampi ka kay Sir Benj?!!”
“Well, pinaloadan niya ko eh… So, sakanya muna ako kampi hahaha at saka bes, mukhang seryoso na sa’yo si Sir Benj, kasi lumalapit na rin siya sa’kin eh. Nakikisuyo. Di’ba?”
“Nakakahiya lang kasi! Taga subdivision din kasi ’yon!”
“Ayy… Sorry… Pero atleast nga di’ba alam na niya! Haha” hindi ako galit kay Jaycee, sobrang nahihiya lang talaga ako kay Blue.
Kinalimutan ko na lang lahat ng ’yon at bumili na kami ni Jaycee ng mga damit niya. Sinabi naman niya kaagad na papunta si Stephen dito kaso kasama raw si Sir Jack.
“Nako, alam mo naman magagalit si Sir Benj!”
“Alam na raw ni Sir Benj mo!”
Tinignan ko phone ko at may text nga si Sir Benj.
“Update me kung nasaan ka, papunta na ako diyan” agad naman akong nagreply kung nasaan ako at maya maya lang, nakita ko na si Stephen na kasama si Sir Jack.
Umakbay lang si Stephen kay Jaycee at binuhat yung mga pinamili niya. Hindi naman ako pinansin ni Sir Jack at mukhang busy sa pagtetext.
“Oh Ethan, papunta na rin daw si Benjamin. Kanina pa kami magkasama ni Zachary kaya siya nandito!” paliwanag ni Stephen.
“Oh,… Okay okay”
“Suplado mo naman!”
“Hindi ah. Hinihintay ko lang si Sir Benj” sabi ko pa.
“Oh, I see. Ang dami ng nakwento sa’kin ni Benjamin kaso hindi ko na sasabihin kasi nandito si Zachary. Iba rin kasi yung kamandag ng Ethan eh, dalawang tropa ko pa nag aagawan!”
“Huy ano ba!” saway ko.
“Pahumble pa!”
Sumingin naman si Jaycee. “Ehh kaso hindi pa sinasabi ang magic word na I love you. Hindi talaga seryoso yan si Sir Benj!”
Parang kanina lang boto siya kay Sir Benj tapos bumabaliktad siya ngayon.
“Well, si Benj kasi more on action.” paliwanag ni Stephen.
Bigla ko naman napansin na tumingin si Sir Jack sa’kin pero agad din umiwas nung nakita niyang nakatingin ako. Bigla siyang tumingin sa phone niya at mukhang nagtext. Maya maya, may nareceive akong text galing sa kanya.
“Masaya ka ba talaga?” text niya sa’kin. Mukhang naghihintay siya ng reply pero hindi ko ginawa. Bigla uli siyang nagtext sa’kin.
“I’m here Ethan. Still waiting…”
Hindi ko uli siya nireplayan at biglang tumawag si Sir Benj sa’kin.
“Nasaan ka? Nasa mall na ako” bungad niya.
“3rdfloor”
“Okay, nakita na kita” hinanap ko kung nasaan siya at nakita ko na siyang tumatakbo palapit sa’kin. Nagtinginan lang sila ni Sir Jack pero nagbatian sila ni Stephen.
“Awkward alert…..” sabi ni Stephen at nagtawanan lang sila ni Jaycee.
“No, that’s okay, aalis na lang kami ni Ethan. May pupuntahan pa kasi kaming dalawa eh” sabi ni Sir Benj.
“Saan naman?” si Sir Jack ’yon.
“None of your business.”
“Dude, I’m just asking”
“Well, really, it’s none of your business so, guess aalis na kami. Okay?” hindi na niya hinintay yung sagot nung iba at umalis na kaming dalawa.
“Teka, saan ba kasi tayo pupunta?” sabi ko habang nagmamadali kami.
“Wala, uuwi na kita”
“Eh bakit nagmamadali tayo?”
“Wala, gusto ko lang pauwiin ka na.”
Hindi ko naman alam kung bakit ganito na naman si Sir Benj, parang may problema siya na hindi niya masabi.
Hanggang sa makauwi, hindi pa rin siya umiimik.
“Sige, see you bukas.” ayun na lang sabi niya.
“May problema ka ba?”
“Wala, I’m okay. Hehe, pagod lang siguro”
“Ohh… Sige.”
“Hey, I’m just not really in a good mood. It’s about my dad, and I’m not comfortable na pag usapan yun ngayon. Hope you understand” mukhang malaki nga problema niya kaya hindi ko na siya kinulit. Hinalikan ko na lang siya sa pisngi bago ako bumaba ng sasakyan.
Gusto kong malaman about sa dad niya kaso mukhang hindi pa siya ready. Gusto kong siya yung unang mag open up kaya pinabayaan ko muna siya.
Patulog na sana ako ng biglang magtext sa’kin si Blue. Nagbigayan kasi kami ng number nung Birthday ni Fifi.
“Ethan, this is Blue 😊” text niya.
Ayoko pa sana replayan kasi nahihiya ako dahil kanina.
“Oops. Na seen na yung text ko pero hindi pa rin nagrereply” text niya uli. Minsan nakakainis din kapag sobrang high tech na eh.
“Sorry, matutulog na kasi ako 😊” reply ko.
“I see. Well, nice seeing you sa mall kanina. Iba pala dating mo kapag naka formal ka ng suot!”
“Ahh, required kasi sa office na ganon yung suot”
“I see, hmm… About kanina, totoo ba ’yon? Na you’re gay?”
Jusko naman! Bakit kailangan pang tanungin sa’kin mismo?! Nakakahiya talaga.
“Baliw lang yung kaibigan kong ’yon haha sige goodnight na!” reply ko at hindi ko na binasa yung text niya at pinilit ko ng matulog.
Medyo okay na si Sir Benj ngayon at kahit papano, nakangiti na siya. Niyaya niya akong mag dinner sa condo niya ngayong gabi at magluluto daw siya para sa’kin.
Medyo kinakabahan ako pero pumayag na rin ako. Wala naman siguro siyang gagawing masama sa’kin.
Pagkarating nga namen, naghahanda siya ng lulutuin.
“Pesto carbonara, honey. Kakain mo ’to ah, kundi magtatampo!” sabi niya sa’kin. Umoo ako at pinagmasdan ko siyang nagluluto. Naka boxershort lang siya at apron habang nag gigisa. Ang gwapo niya tignan, lalo na kapag nagluluto siya, nakaka turn on.
Nahiga muna ako sa sofa at hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Gingising na lang ako ni Sir Benj.
“Doon ka na sa kama ko matulog” sabi niya.
“Kakain pa tayo di’ba?” sabi ko at medyo napasarap nga ata yung tulog ko.
“Kanina pa kaya luto pero ang sarap pa rin ng tulog mo”
“Aw, sorry po….”
“That’s okay, tara na, doon ka na sa kama”
“Medyo nagugutom kasi ako eh. Kain muna tayo” sabi ko sa kanya at this time ngumiti na siya.
“Okay, wait lang maghahain lang ako” tumakbo siya sa kusina para maghain.
Naghain siya ng carbonara sa lamesa, may garlic bread pa at may kandila sa gitna.
“Akala ko ba, dinner lang ’to?” sabi ko.
“Oo nga, dinner lang.”
“Special dinner pala”
“Well, special person deserves a special dinner so, eat well” sinubuan niya ako ng carbonara na gawa niya at nakakagulat yung sarap, sobrang sarap!
“Wow! Ang sarap!”
“Promise?”
“Opo! Baka pinadeliver mo lang ’to ah!”
“Ay grabe haha. Niluto ko yan specially for you.”
“Pang ilan mo na akong nilutuan? Baka madami na kami ah” sabi ko pa.
“To be honest, pangalawa. Kilala mo naman kung sino yun diba?” si Sophie. Hindi niya rin mabanggit pangalan at hindi ko na uli inopen.
Nagpatuloy kami sa pagkain.
“Hey, I talked to stephen kanina” bigla niyang sabi.
“Oh? Ano meron?”
“Haha ang weird nga raw kasi nageenjoy daw siya with Jaycee. Haha ilang araw na raw na silang dalawa lang magkasama”
“Natatakot nga ako diyan eh, baka lokohin lang siya.”
“Matanda na sila at tsaka, bakit natin poproblemahin yung problema nila? May sarili tayong problema di’ba?”
“Huh? Meron ba?”
“Yeah. May issue ka pala sa’kin, bakit hindi mo sinasabi?”
Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya pero mukhang may gusto siyang pag usapan.
“I don’t want to rush things.” sa pagkakasabi niya non, alam ko na tinutukoy niya, yung pagsabi ng I love you.
“Hey, wag mo ng isipin yon, okay lang. I understand”
“No no no, that’s the thing. Ayun kasi ako eh, pero kailangan ko rin iconsider yung feelings mo, sanay ka na masabihan ng ganon.”
“Okay lang talaga, hindi kita pinepressure….”
“I love you, Ethan”
Natahimik ako at hindi ko natuloy sinasabi ko, nakatingin lang siya sa’kin at hindi ko alam isasagot ko.
“I love you.”
Inulit niya uli!! At this time, magka eye to eye kami. Nakangiti siya ng bahagya habang hawak hawak kamay ko. Parang huminto yung oras at parang ayoko ng matapos yon.
“I love you, Ethan. Mahal kita.”
Pangatlong beses at dahan dahan siyang lumalapit sa’kin ngayon.
“I’m not just saying this kasi gusto mo, pero sinasabi ko ’to kasi yun talaga nararamdaman ko. I really like you to the point na gusto kitang makasama palagi.”
Hindi ako makapagsalita, pero nilalapit niya yung mukha niya sa’kin. Napakagat ako ng labi, at bigla naman siyang ngumiti.
“You’re so sexy when you’re biting your lips” at sa pagsabi niya non, hinalikan na niya ako sa labi. Gumapang yung kamay niya sa braso ko habang mainit yung halikan nameng dalawa.
Nalalasahan ko yung pagkain sa kanya pero mas masarap dahil may halo ng lasa niya.
Ayoko ng matapos yung halikan nameng dalawa at napayakap ako sa kanya. Patuloy pa rin kami at naramdaman ko na lang na buhat buhat niya ako. Nakayakap ako sa kanya at bigla na lang niya akong hiniga sa kama. Nasa loob na pala kami ng kwarto niya.
Hinuhubad na niya yung damit ko at ganon na rin ginagawa ko sa kanya.
“Hey,” tumigil siya at sabay namen hinabol yung paghinga nameng dalawa.
“Hey” ngumiti ako.
Ngumiti din siya.
“I love you”
Hinalikan ko siya uli. “I love you too” sagot ko.
“No, I love you so much” wala na akong nasabi dahil madiin na yung halik niya sa’kin at nagpaubaya na lang ako sa gusto niyang mangyari.
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!!
Part 33
Isang taon na nakalipas simula nung dinraft ko yung Part 1 ng My Marine Lover. And now, pang apat ko ng story ’to. Haha. Maraming Salamat po sa suporta!
😊
+++++
Nakahiga pa rin ako sa kama niya, nakatitig sa kisame at hinahabol ang paghinga. Kakatapos lang ng pangatlong round pero iba ’yung nararamdaman kong feeling, nagtatawanan kasi kami habang ginagawa ’yon, nagbibiruan din kaming dalawa at nagkekwentuhan.
Bigla siyang tumagilid sa’kin at hinalikan ako sa pisngi. Humarap din ako sa kanya at pinagmasdan ko yung napaka gwapo niyang mukha. Sino ba naman mag aakala, na nagsimula lang ako bilang empleyado niya. Nagpanggap na kaming dalawa at ngayon, kami ng dalawa.
Pawis na pawis pa siya, at ganon din ako pero hindi nakakabawas ng pagkagwapo, ang gulo gulo pa ng buhok niya. Halos panggigilan kasi namen ang isa’t isa. Napansin ko ring mapula yung katawan niya, siguro dahil sa kalmot ko. Nararamdaman ko rin na parang namumula katawan ko, dahil na rin sa panggigigil niya sa’kin.
“Anong iniisip mo ngayon?” tanong niya.
“Wala naman….”
“Talaga?”
“Bakit ikaw? Ano iniisip mo?”
“Iniisip ko kung kailan mauulit ’to!” sabay halik sa ilong ko.
“Ayoko na, ang sakit eh”
“Sabi mo kanina masarap, bakit masakit na ngayon?”
“Masakit talaga. Pero kanina masarap”
“Makakatayo ka pa ba?” tanong niya sabay pisil sa pisngi ng pwetaan ko.
“Oo naman!” sabay alis ko sa kamay niya.
“Good. Pero kung hindi mo naman kayang tumayo, bubuhatin kita”
Sa pinapakita niya sa’kin, parang willing na akong ibigay talaga ang lahat. Although, nabigay ko na yung katawan ko, ibibigay ko pa lahat ng kaya kong ibigay sa kanya.
“Hindi pa natin nauubos yung pagkain” sabi ko.
“Eh nakakain ka naman ng sauce ko ah?” pilyo niyang sabi.
“Ano ba!” medyo nahihiya kasi ako.
“Susundan na ba natin kaagad si BE?”
“Baka may mabuo!”
“Malay mo naman haha”
“Loko!” nahihiya ako kaya tumalikod ako sa kanya para matulog.
“Dito ka humarap, gusto kong nakikita ka!” pangungulit niya pero ayokong humarap sa kanya.
Kaya yumakap na lang siya sa’kin sa likod at pilit na pinapadama yung alaga niya sa likod ko. Napaharap tuloy ako sa kanya bigla.
“Oh di’ba haharap ka rin. Goodnight honey” niyakap niya ako ng mahigpit, at iba yung hatid na dala ng mainit niyang katawan na nakadikit sa’kin.
“Goodnight din” sabi ko.
“I love you” bulong niya sa tenga ko.
“I love you too” bulong ko naman sa kanya. Naririnig ko yung paghinga niya sa tenga ko na siyang nagpagaan ng nararamdaman ko kaya nakatulog na rin ako.
++++
Sabay kaming pumasok ni Sir Benj at kitang kita ko yung saya niya pagpasok, na kahit mga kaofficemates ko eh napansin.
“Good mood ang boss niyo!” may nag pop up na message sa computer ko, eto na naman yung chismis group chat ng team namen.
“Narinig ko, may dine date na raw siya ngayon!”
“Mukha naman eh, hello. Baka nakatikim na naman kagabi kaya masaya!”
Natatawa na lang ako sa groupchat nila at nagpatuloy na ako sa pagtapos ng trabaho ko.
Maya maya, lumabas uli si Sir Benj sa office at tinawag ako.
“Ethan, office! Now!” sigaw niya.
Bago ako makatayo, nagmemessage na naman sila sa group chat.
“Badtrip pala kaaagad!”
“Yari na naman si Ethan niyan haha”
Ang dami pang message pero hindi ko na binasa. Pumunta na kaagad ako sa office niya, bakit ang bilis naman niya magalit? Medyo kinakabahan tuloy ako.
“Bakit, Sir?” sagot ko.
Sumenyas siya na lumapit ako sa kanya kaya ganon ginawa ko. Pagkasara ko ng pinto lumapit ako sa kanya at nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi, ayaw pa niyang tanggalin at sobrang nag eenjoy siya!
“Sir Benj!”
“Oh? Anong problema?” yung itsura niya yung akala mo wala siyang ginawang kasalanan.
“Nasa office tayo!”
“Ano naman. Namimiss ko lang naman yung mahal ko ah”
Umagang umaga naman ’to si Sir Benj! Pero kinilig naman ako sa sinabi niya.
“Baka kasi may makakita” sabi ko.
“Kakatok naman sila eh, hehe hayaan mo na okay na ako. Mamayang break time, balik ka rito halikan kita uli”
“May oras???”
“Oo, pag lunch break matagal tagal dapat kasi matagal yung break natin eh”
“Mapudpod naman labi ko niyan haha” biro ko sa kanya.
“Ako lang pupudpod diyan!”
“Ewan ko sa’yo, magtrabaho ka na nga diyan!” sabi ko na lang at lumabas ako ng office niya pero bago ako makalabas, tinawag niya pa ako.
“Po?” sagot ko.
“I love you” sabay kindat sa’kin. Tumingin muna ako kung may papasok pa at nung napansin kong wala…
“I love you more” sagot ko sa kanya.
Kilig na kilig akong lumabas sa office niya at bumalik akong nakangiti sa table ko.
+++
“Official? Kayo ng dalawa?!!” sigaw ni Jaycee sa’kin nung nagkita kaming dalawa. May pinuntahan kasi si Sir Benj at hindi na ako sumama kaya napagpasyahan namen ni Jaycee kumain.
“Sshhh… Ano ba, nagtinginan tuloy lahat dito!”
“Sorry bes! Pero seryoso?”
“Wala naman kaming sinabi na kami na pero nag I love you na siya, tapos ayon nga may nangyari na tapos ewan…. Feeling ko oo!”
“Nako bes, ’wag puro feeling. Dapat may assurance. Pero bet, nadiligan ka na uli after how many years!”
“Hahaha baliw ka talaga!”
“Well? Details! I want details of your bed scene!”
“Ayoko nga! Sa’kin na lang ’yon!”
“Gaano na lang kalaki? Kay Stephen mga 7.5 or 8, ganern!”
“Ayoko pa rin!”
“Wooo baka maliit kaya ayaw mong sabihin!”
“Hindi!! Parang ganon lang din kay Stephen!”
“Ay gifted din! Haha!”
“Loko ka talaga! Pero wala bang improvement yung relationship niyo? I mean… Hanggang fubu lang?”
“I told you bes, masaya kami sa kung anong status namen. Nagwowork ako, siya naman hindi ko alam ginagawa pero umaalis siya palagi baka may work din, not so sure. Kakain kaming dalawa ng sabay, nagkekwentuhan din kami. Mahilig din siya sa movies at cartoons kaya nagkakasundo talaga kami sa bahay. Kaya walang problema. Open naman siya kapag may babae siyang kinikita, magtatawanan lang kami tapos may mangyayari uli, ganon lang. Kuntento ako bes.”
I wish ganyan din ako kay Jaycee. Masyado siyang matured and liberated at the same time, loyal sa isa. Kahit attracted siya sa iba, isa lang talaga yung binibigyan niya ng atensyon.
Habang nagkekwentuhan naman kami, may kumalabit sa’kin at paglingon ko, nandoon si Blue.
“Uy” sabi ko.
“Hey,”
“Sino kasama mo?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ako sinipot ng kasama ko eh hehe. Pauwi na rin ako, kakain lang din ako gutom na ako eh” sabi niya.
“Ahhh… Sige sige” sagot ko. Sa fast food lang naman kami at mukhang walang pwesto, napansin kong nakabili na si Blue pero wala talaga siyang mapwestuhan kaya sumenyas na kami ni Jaycee na pumwesto na lang sa’min.
“Sorry ah hehe” magkatabi kami ni Blue ngayon.
“Familiar ka sa’kin!” biglang sabi ni Jaycee. Napatingin lang si Blue at parang sumang ayon siya sa sinabi neto.
“Oo nga, familiar ka rin!”
“Nagkita na kayo noon, di’ba? Nilaglag mo pa ako sa kanya!” sabi ko kay Jaycee.
“Hindi bes, hindi. Iba pa promise. Nung una hindi ko siya napansin masyado eh…” mukhang nag iisip din si Blue kung saan niya nakita si Jaycee. Ako naman na OOP sa dalawa.
“TAMA! Sa concert!” sabay nilang sigaw na dalawa.
“Concert?” tanong ko.
“Naalala mo nung college? Sabi ko sa’yo non, umattend ako ng concert kasi wala kang pera. Then nagkita rin kami netong si Blue kasi wala siyang kasama.”
“Oo! Tapos nilibre kita ng tubig non kasi sabi mo nawawala pera mo!”
“Joke lang yon! Gusto ko lang talaga makalibre! Haha”
“Ahhh ganon? Haha”
“Pero naaalala ko pangalan na binigay mo, hindi Blue eh.”
“James. Blue James kasi pangalan ko, ang korny di’ba? Kaya Blue na lang ginagamit ko. Ang sagwa naman kung BJ, parang ano lang haha”
Hindi ako nagsasalita sa kwentuhan nilang dalawa. Parang long lost friend sila na nagtagpo uli.
“Haha, wow. What a world!” sabi pa ni Blue.
“Ang laki ng pinagbago ng katawan mo no?” sabi ni Jaycee.
“Oh, naging concious na kasi ako at simula nung nakakakita ako ng improvement, naadik ako so eto, medyo nagpapalaki ng katawan hehe”
Again,tahimik pa rin ako sa dalawa at sila lang magkwentuhan. Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy sa pagkain ko. Nagtatawanan silang dalawa at hindi ko talaga masingit sarili ko sa kanila.
Hanggang sa pagtapos, nagkekwentuhan lang silang dalawa.
“Oh? Saan way mo?” tanong uli ni Blue kay Jaycee.
“Ahh, diyan lang ako, walking distance”
“Oh, okay. Maglalakad lang din ako eh, sabay na ako sa’yo??” yaya niya. Umokay naman ako at hinayaan ko na silang dalawa. Since wala akong dalang sasakyan, nag commute na lang ako.
Pero biglang buhos ng malakas na ulan, kaya naman nagpatila muna ako sa lobby ng office. Sakto naman, biglang dumaan si Sir Jack at napansin ako.
“Di ka pa uuwi?” tanong niya.
“Malakas pa po ulan, Sir.” sagot ko. Kahit medyo awkward na kausap ko siya, kinakausap ko na lang siya as boss ko.
“Tara, hatid na kita.” yaya niya.
“Ahh… Hinihintay ko pa po si Sir Benj”
“I thought nasa Pampanga siya today?” sabi niya.
Pampanga? Bakit hindi ko alam ’yon.
“Ahhh… Oo nga pala. Hihintayin ko na lang tumila yung ulan” sabi ko.
Bigla siyang may chineck sa phone niya at maya maya, tumabi na siya sa’kin sa kinauupuan ko.
“Expect moderate to heavy rainfall up to 10PM. according to PAG ASA. So kung gusto mo mag stay dito, okay lang. Not unless, ihahatid na kita.”
Hindi na nga ako umuwi kagabi, pero ayoko naman magalit si Sir Benj.
“Sorry po Sir Jack….”
“I’m doing this as a friend, not because I like you. At isa pa, namimiss ko rin si Butchok, gusto ko lang dumalaw” sabi pa niya.
“Saglit lang Sir.” tumayo ako at tumatawag kay Sir Benj. Pero hindi niya sinasagot, kaya nagtext na lang ako na sasabay ako kay Sir Jack pag uwi. Umupo ako uli at naghintay ng ilang minuto pero hindi pa rin siya nagtetext. Kaya pumayag na akong kasama si Sir Jack.
++
“Parang pumapayat ka ata?” biglang sabi ni Sir Jack habang nagmamaneho siya. Medyo traffic pero tolerable pa naman.
“Talaga? Parang hindi naman”
“Hehe, kumusta na si Butchok?”
“Malapit na po matapos yung iniinom niya, babalik na kami sa ospital by nextweek”
“Oh, I see. Well, gusto ko lang malaman mo na pupunta akong USA sa December” bigla niyang sabi.
“Bakasyon? Wow.”
“No…. I mean, mageexpand na business namen at kailangan may mag handle ng branch natin doon so…. Ako yung pupunta” sabi niya.
“Oh? Akala ko ba gusto mong mag Pulis? Hindi mo na itutuloy?”
“Haha, wala na yon. Sira na yung pangarap kong ’yon.”
“Sayang naman.”
“Well, kailangan kong mag move on sa’yo kaya kailangan kong umalis. Ang hirap naman na nakikita ko kayong ni Benjamin na magkasama”
Ang awkward naman ng sinabi niya. Bakit ba ganito si Sir Jack sa’kin? Akala ko naman biro lang lahat ng pinapakita niya noon.
“Sorry, ang awkward ba? Hehe change topic na” bigla niyang sabi. Hindi na ako nakapagsalita at hinayaan ko na lang siya.
Tahimik kaming dalawa na nakarating sa bahay, medyo malakas pa rin yung ulan kaya pinapasok ko na lang si Sir Jack sa loob. Binati naman kaagad siya ni Butchok at nagyakapan sila ng mahigpit. Buti maganda pa rin trato niya kay Butchok.
“Kuya Boss! Ang tagal niyo pong hindi dumalaw ah?” sabi ni Butchok.
“Oo, marami lang ginagawa”
“Gusto niyo po maglaro muna tayo ng PS4 sa taas? Tara po. Tara po!” hinila niya si Sir Jack at hindi ko na siya napigilan. Sumama na rin si Sir Jack doon.
Tinignan ko naman phone ko at sakto, may text galing kay Sir Benj.
“Nakauwi ka na ba?” text niya.
“Kakarating ko lang. Nandito pa si Sir Jack kasi nakipaglaro si Butchok”
Pagkareply ko non, tumawag na siya sa’kin.
“Malakas din ba ulan diyan?” sabi niya.
“Medyo medyo na lang. Bakit nga pala nasa Pampanga ka?”
“Oh paano mo nalaman?”
“Sinabi ni Sir Jack”
“Ahh oo, biglaan lang. Kina tito hehe, kumain ka na?”
“Oo, di’ba magkasama kami ni Jaycee kanina?”
“Oo nga pala. Anong ginagawa mo ngayon? Iniisip mo ba ako?” tanong niya.
“Magkasama lang tayo kanina ah?”
“Bakit? Bawal ba ’yon?”
“Hindi naman hehe. Pauwi ka na ba?” tanong ko.
“Oo, saglit lang din ’to eh. Maya maya pauwi na ako.”
“Sige, mag ingat ka!”
“Okay po. Paalisin mo na kaagad si Zachary diyan ng makatulog na ako ng mahimbing mamaya hehe”
“Sige po. Pagkatapos nila ni Butchok maglaro.”
“Sige…” natahimik kami ng saglit.
“Magbihis ka na at magpahinga. Paalis na kami” biglang sabi ni Sir Benj.
“Oh sige sige, bye!”
“Bye, matulog ka na ahh?”
“Opo opo.”
“Okay, bye. Mwa” sabi niya at binaba na niya yung tawag. Maya maya nagtext din kaaagad siya.
“I love you. Sorry nandito kasi si tito eh hehe”
Akala ko naman nakalimutan niya.
“I love you too. Goodnight 😘” reply ko.
“I love you more. 😘”
Pumasok na ako sa loob at nagbihis. Bumaba na muna uli ako sa sala at doon ko na lang hinintay na makauwi si Sir Jack.
“Ethan…. Ethan” gising sa’kin ni Sir Jack, nakaidlip na pala ako sa sofa.
“Po?”
“Uuwi na ako. Tulog na rin si Butchok sa taas hehe.”
“Ah sige po” tumayo ako at hinatid ko siya palabas.
“Maraming Salamat po uli sa paghatid” sabi ko.
“Sure sure. One more thing” may kinuha siya sa sasakyan niya at inabot sa’kin, envelope ’yon na kulay brown,
“Ano po ’to?” tanong ko.
“Buksan mo” pagkabukas ko nakita ko yung mga documents, akala ko galing sa work pero may kakaiba, parang important documents at lahat nakapangalan sa’kin.
“Ready na lahat lahat sa’yo, working visa, passport. May bahay ka ng tutuluyan doon, libre food at may gagamitin kang sasakyan. In 2 years, pwede mo na rin isunod mga relatives mo.”
Nung una, hindi ko maintindihan yung sinasabi niya pero nung makita ko yung passport at visa, parang alam ko na.
“Kung gusto mo sumama sa’kin sa states, ready na lahat. Pirmahan mo lang yung kontrata sa loob. Katulad ng sabi ko okay na lahat. Sahod? 10x ng sinasahod mo dito.” pahabol pa niya.
“Sir Jack….”
“Hey, I’m not forcing you. If ayaw mo talaga, ibalik mo na lang sa’kin but please consider. Sayang yung mga ganyang opportunity” sabi pa niya.
“Maraming dahilan kung bakit hindi ko ’to kukunin, Sir Jack.”
“I understand. But, sa’yo muna ’yan hanggang December. September pa lang naman, marami pang mangyayari. Just in case okay?”
“But the answer is still no.” sabi ko pa.
“Hmmm… Okay okay.” kinuha niya uli yung envelope at ngumiti sa’kin na parang pilit. “….ayoko sanang maging issue sainyo ’to ni Benjamin so sana hindi mo na lang sabihin sa kanya. Tinanggihan mo naman eh” sabi niya pa.
“Good Idea, Sir.” sagot ko.
“Okay, then, Goodnight”
“Goodnight Sir Jack” sumakay na siya ng sasakyan niya at umalis.
+++++
VOTE AND COMMENTS!!#
Part 34
“Nasaan ka na?” tanong ko kay Sir Benj nung tumawag ako sa kanya.
“Bakit hindi ka pa tulog? Nasa byahe na po”
“Ahhh. Eh, hintayin na lang kita makauwi”
“Sige po. Maya maya naman nasa condo na ako. Nakahiga ka na ba?” naririnig kong bumubulong siya at mukhang nahihiya siya sa tito niya.
“Opo, tumabi uli si Butchok sa’kin”
“Ahh.. Sana ako na lang katabi mo”
“Hehe, wala ka naman eh.”
“Gusto mo bang diyan ako dumiretso? Diyan na lang ako matulog ngayon”
“Hindi hindi okay lang. Baka makatulog na rin ako.”
“Gusto mo lang ata marinig boses ko eh hehe”
“Hehe parang ganon na nga.”
Natahimik siya at naririnig ko nga yung sasakyan nila na mukhang bumabyahe pauwi. Mukhang pagod na rin si Sir Benj kaya nagpaalam na rin ako.
“Sorry talaga, babawi ako sa’yo bukas ha?” bigla na lang niyang sinabi.
“Sige po, matutulog na rin ako.”
“Okay okay. Goodnight. I love you.” bulong niya uli. Ang cute niya pa rin kahit hindi ko siya nakikita, naiimagine ko kasi itsura niya.
“Goodnight, I love you too”
Narinig ko yung maliit niyang pagtawa sa telepono bago ibaba yung tawag. Nakangiti na naman akong matutulog ngayong gabi dahil dito.
+++
“Bes, nasaan ka?” tanong ni Jaycee sa’kin. Kakaout ko lang sa work at pauwi na ako.
“Sakto, pababa na ako. Why?”
“Dali, may sasabihin kasi ako sa’yo” sabi niya. Hindi na ako nagsayang ng oras at nagmadaling bumaba. Nakita ko naman kaagad siya sa tapat ng office at mukhang may sasabihin na importante.
“Ano ba ’yon, bes?” tanong ko.
“I don’t know pero mukhang nilalandi ako ni Blue!”
“Ha? Paano?!”
“Ewan. Hinatid niya ako sa condo tapos nag exchange kami ng number, tapos kanina pa kami magkatext. Walang pahinga.”
“Ehh bakit mo din kasi tinetext?”
“Okay naman kasi siya. I mean, maraming bagay na common sa’min. Likes and dislikes kaya hindi kami nauubusan ng kwentuhan”
“Hmmm… Okay… So anong patutunguhan ng usapang ’to?” tanong ko sa kanya.
“Hay nako! Paano si Stephen?”
“Anong paano siya? Akala ko ba fubu lang kayo. Nothing more, nothing less,”
“I know! Pero sa tingin mo…. Magagalit ba siya?”
“I think hindi. Bakit? Ano bang plano mo kay Blue? Magpapaligaw ka ba? Ang ganda mo rin eh no!” sabi ko pa
“I know, maganda talaga. Pero…. Ewan… May feeling akong ewan ehh….”
“Bes, hindi kita maintindihan” sabi ko sa kanya, pero bago pa ako makasalita, napansin ko si Stephen na palapit sa’min at mukhang kakatapos lang magjogging, pawisan yung damit niya at medyo hinihingal pero nakangiti siyang lumapit sa’min.
“Uy, may extrang damit ka naman sa bag mo di’ba?” tanong ni Stephen, hindi na niya hinintay makasagot ’yon at binuksan niya yung bag ni Jaycee at kinuha yung damit doon.
“Ehhh… Di ko pa nagagamit yan, bagong bili yan!” sabi ni Jaycee.
“Haha, sige na. Palitan ko na lang, bilhan kita ng bago bukas” sabi ni Stephen. Naghubad lang si Stephen ng damit sa harapan namen ni Jaycee at automatic na kinuha ni Jaycee yung damit at pinunasan yung likod ni Stephen.
May connection na kaagad silang dalawa na parang automatic na kapag magkasama silang dalawa.
“Anong gusto mong pagkain?” tanong ni Stephen.
“Magluluto ka uli?”
“Gusto mo ba?”
“Sige sige!”
“Favorite mo?”
“Sige!”
Aba, OP na naman ako sa dalawang ’to. Feeling ko may ibang mundo sila kapag magkasama silang dalawa.
“Ethan!” sigaw naman ng familiar na boses at paglingon ko, si Blue! Mukhang galing din siyang trabaho at nagmamadaling lumapit sa’min.
“Uy!” sabi ko naman. Pero hindi niya ako pinansin at kay Jaycee siya tumingin. Nginitian siya ni Jaycee at parang may nakita akong kuryente sa pag tingin ni Stephen kay Blue.
“Sino siya?” tanong ni Stephen na nkahubad pa rin.
“Ahh.. Blue, pre” pakilala niya.
“Stephen” nagkamayan naman silang dalawa, ang aliwalas ng itsura ni Blue ngayon pero si Stephen, parang nagbago.
“Cee, papunas pa ng likod ko.” biglang sabi ni Stephen.
“Tapos na kaya!”
“Kulang pa. Dali na” pakiusap ni Stephen na parang bata. Sinunod naman ni Jaycee yon at ngumiti si Stephen na parang nanalo sa competition.
“Hey, gusto mo magdinner?” tanong ni Blue kay Jaycee.
“Ohh…. Sorry pre…” singit ni Stephen “,..magluluto kasi ako ng favorite niyang pagkain eh”
“Really? Kaya mo magluto ng tofu na ala Max?”
“Aba, oo! At natikman niya na yon at sarap na sarap siya!” parang bata talaga si Stephen. Natapos na siyang punasan ni Jaycee at nagbihis na siya ng damit.
“Sorry hehe” sabi na lang ni Jaycee.
“Sure, next time na lang. Paglulutuan din kita” sabi ni Blue.
“Teka, teka! Sino ka ba pre at bakit parang close na close kayo ni Jaycee? Sino siya, Cee? Bakit hindi mo ata nakwento sa’kin?”
So kinwento ni Jaycee yung concert at magkatext sila maghapon at ayon, mukhang nag init na naman ulo ni Stephen.
“Eh ikaw pre? Sino ka ba? Bakit parang jowa ka kung umasta? Bakla ka ba?” tanong naman ni Blue. Nakangiti pa rin siya at mukhang nang aasar. Mukha namang nagtagumpay siya at inis na inis na si Stephen.
“Kaibigan.” sagot na lang niya.
“Oh, I see. Kaibigan lang pala. Well, that’s good. So, see you tomorrow, Jaycee?” sabi ni Blue.
Umoo na lang si Jaycee at mukhang naaawkwardan sa mga nangyayari. Ngumiti lang sa’kin si Blue at umalis na,
“Sino naman ’yon? Bakit ganon umasta sa’yo?!” galit na tanong ni Stephen.
“Uhm… Katext lang naman!”
“Eh ayoko sa kanya. Wag mo na siya itetext!”
“Ay, bakit kaya biglang naging ganyan mood niya”
“Alam ko na pakay niya, baka gusto niya lang makatikim. Ganon lang habol niya sa’yo!”
“Wow! Coming from you ah eh ganon din lang naman habol mo sa’kin!”
Gusto ko na sanang umalis kaso nag eenjoy ako sa sagutan nilang dalawa. Ang cute na ewan.
“Ehh atleast sa’yo ko lang ginagawa ’yon!”
“Ehhh hindi naman ako nagagalit kapag may kasama kang babae ah?!”
“Anong kasamang babae! Kapatid ko ’yon di’ba? Trese anyos na kapatid kong babae! Ayoko lang sabihin sa’yo kasi titignan ko kung anong magigin reaksyon mo! Oh ano? Hindi ako lumalandi sa iba!”
“Ehhh kahit na hindi ka lumandi, alam mo naman kung hanggang saan lang tayo, at saka hindi ka naman dapat magalit kasi hindi naman tayo!”
Natahimik na lang si Stephen sa sinabi niya at napakamot sa ulo.
“Oo na! Sige na! Halika na! Samahan mo na akong bumili ng lulutuin ko!” sabi niya at umakbay siya kay Jaycee.
“Bes, sasama ka ba?”
“Hindi na bes. Ayoko ng marinig yung away niyong dalawa haha!” biro ko pa.
“Nako, ganito talaga kami haha sige. Bye, ingat pauwi!” sabi niya at umalis na sila. Naririnig ko pa silang nagtatalo habang naglalakad at ako naman umuwi na ng bahay.
++
Nabasa ko naman yung memo na iuurong na yung team building namen at gagawin na lang company outing. Okay na rin yun kasi malapit ko ng dalhin si Butchok sa ospital para maoperahan.
“Excited pa naman ako!!” sabi ni Laura sa’kin.
“Hehe, mukhang okay ka na ah?” bigla kong inopen yung ganong topic.
“Well, totoo nga sabi nila na kapag may aalis, may darating na mas okay. Hindi ko alam kung mabilis ba pero may nanliligaw sa’kin ngayon na bago!” sabi niya pa.
“Wow! Okay yan! Pwede ko ba makita?”
“Next time na lang, baka maudlot eh haha. Okay siya, may resemblance ng kaunti kay Sir Jack, pero to be honest, mas cute si Sir Jack pero iba yung humor netong bago eh. Talagang effortless yung pagpapatawa niya kaya I find him cute!”
Ang sarap talaga makinig sa kwento ng isang taong inlove.
“Soon, kapag official na papakilala ko siya sa’yo! At syempre, ikaw ang unang makakaalam hehe”
“Sure! Asahan ko ’yan ah” sabi ko na lang.
Maya maya, habang nasa kalagitnaan kami ng trabaho, nag pop up na naman yung group chat na puro chismisan. Asusual, taga tingin lang din ako ng mga message.
“Guys! Inlove ata si Sir Benjamin niyo! Pak ganern!”
“I know! Spotted kaya siya sa Pampanga last night with a girl!”
“OMG! Spluk mo na!”
Naintriga naman ako sa pinaguusapan nila at nagbasa basa muna ako. Anonymous naman kasi yung mga nagsesend kaya hindi ko alam kung sino yung nagchichismis.
“I heard… Pumunta siya ng Pampanga to have a meeting. But may insider ako, spotted daw siya with another girl!!”
“Beauty ba? Wala na atang mas gaganda pa kay Sophie!”
“Ayyy guys! Ano ba! Mali kayo ng details! Si Sophie yung kasama ni Sir Benj!”
“OMG! Iknew it! Check niyo IG ni Sir Benj, may nilike siyang pic ni Mam Sophie!”
“Legit guys! Legit! Nag like nga si Sir Benj!”
“Pak, nasira na naman pantasya ko kay Sir Benj!”
“Benjamin and Sophie again!”
Hindi ko na tinuloy yung pagbabasa chats nila. Hindi ako naniniwala doon! Hindi naman magsisinungaling sa’kin si Sir Benj! Parang naiiyak ako bigla pero pinigilan ko. Masyadong mababaw para umiyak ako sa maliit na bagay!
Pero hindi maliit na bagay ko, malaking bagay na yon para sa’kin. Bakit hindi niya sinabi? Dalawang araw na nakalipas, okay naman kaming dalawa at kahit masingit man lang, hindi niya nagawa.
Chismis lang to at gusto ko sa kanya manggaling kung totoo o hindi.
++
Hinatid niya ako pauwi at doon, hindi ako makapagsalita. Iniisip ko tuloy kung ano pinag usapan nilang dalawa, ang daming tumatakbo sa isip ko na hindi ko naman dapat iniisip.
“Kanina ka pa tahimik? Okay ka lang ba?” sabi niya.
“Uhmm.. Oo”
“Really? Walang masakit?”
Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
“Wala”
Ngumiti rin siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Akala ko didiretso kami sa bahay pero pumunta kaming dalawa sa condo niya.
“Bakit tayo nandito?” tanong ko.
“Wala, may bibigay lang ako sa’yo” sabi niya. Umakyat kami sa condo niya at pagpasok namen, may hinanda ulit siyang special dinner para sa’ming dalawa.
“Anong meron?” tanong ko.
“Happy 1st monthsarry!” sabi niya.
“Ha?”
“1 month ago, naging “boyfriend” mo ko, remember? So, gusto ko lang icelebrate natin“
Kung normal day to at hindi ko nabasa yung mga chats, siguradong matutuwa ako pero pinilit ko na lang ngumiti para sa kanya.
“Paano ka pa naghanda ng ganito?” tanong ko.
“Ako yung nagluto, inutusan ko lang yung mga staff para ayusin yung kwarto hehe. Nagustuhan mo ba?”
Candle light dinner, may regalo din sa lamesa na maliit at hindi ko pa alam kung anong laman. Naka dim yung ilaw at naka focus lang sa lamesa.
“Nagustuhan ko” sabi ko nalang.
“Hehe good….. So here’s the thing…” bigla niyang sabi, hinintay ko kung anong sasabihin niya.
“Nagkita kami ni Sophie sa Pampanga” bigla niyang sinabi.
At totoo nga!! Sa kanya na nanggaling! Parang iniisip ko lang kanina, ngayon, sinabi na niya!
“Bakit ka nagsinungaling?” tanong ko.
“No no no. Please, let me explain”
Paiyak na sana ako pero pinigilan ko talaga sarili ko sa pag iyak.
“I was really with my tito last night, gusto niya kasi magtayo ng business and kailangan niya ako para makipag usap. And, I really don’t know na nandoon si Sophie. Conincidence lang talaga lahat”
“…..”
“Nagkatitigan lang kami then she smiled, ako naman ngumiti din tapos ayon na. Ayun lang yon.”
Hindi ko naman alam kung maniniwala ako sa kanya.
“Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ko.
“Well, at first akala ko okay lang. Kasi wala naman na sa’kin eh, but there’s a weird feeling na parang kailangan kong sabihin sa’yo lahat. Narinig ko kasi yung name ni Sophie kanina sa office so baka nachismis na kaagad lahat.”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.
“At isa pa, kaya ako sumama para ibigay sayo ’to!” inabot niya yung regalo sa’kin at nung binuksan ko, gold na bracelet ’yon na may initials na B❤E.
“Pinagawa ko pa ’yan sa Pampanga at sakto lang na tapos na nung kukunin ko. Blessing in disguise din pagsama ko kay Tito sa Pampanga”
Tumayo siya para isuot sa’kin yung bracelet at nawala lahat ng worry na iniisip ko about kay Sir Benj.
“Siguro kaya ka tahimik ngayon dahil nalaman mo yung about kay Sophie but trust me, hindi kami nag usap. Hindi ko siya nilapitan at lalong walang balikang mangyayari sa’ming dalawa. Ikaw na nagpapasaya sa’kin ngayon” sabi niya pa
“Totoo…. Nalaman ko magkasama kayo ni Sophie kaya ako natahimik….”
“Sa susunod, sabihin mo sa’kin yung mga problema mo about sa’kin kasi sasabihin ko lahat, ipapakita ko lahat at ipaparamdam ko lahat, mawala lang yung doubt mo sa’kin.”
Nakakainis lang na hindi ko napigilan pagtulo ng luha ko pero dali dali naman niyang pinunasan.
“Huwag ka ng umiyak. Totoo lahat ng ’to, totoo nararamdaman ko sa’yo.”
“Kasi… Mahal na kita, Sir Benj. At feeling ko, mauulit lahat ng sakit na naramdaman ko kapag….”
“Hindi kita niloloko.” bigla niya akong hinalikan sa labi ko ng madiin, yumakap pa siya sa’kin ng mahigpit habang ginagawa ’yon. Hindi rin mapakali yung kamay niya na humahaplos sa’kin.
“Mahal din kita Ethan,” hinalikan niya ako uli.
“Mahal” halik uli. “Na” halik uli. “Mahal” sabay halik ng madiin.
Nawawala talaga yung pag alala ko dahil sa pinapakita niya sa’kin.
Binura ko na uli lahat ng pagaalinlangan ko at nagbalik na uli yung buo kong pagmamahal kay Sir Benj.
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!
!
#WATTYS2016
NOT AN UPDATE PERO MAY SASABIHIN AKO HAHAHAH.
(Bukas yung update!)
Sinali ko tong story ko sa WATTYS2016 haha! Lakas ng loob eh no! Tapos ayun, nagmessage si pareng Jollibee sa’kin! Ang sabi, pwede daw iboto yung story, so…. Pakiusap. Haha, as in pakiusap! Please vote for my story.
Just type.
KJOLLIBEE J224 and send to 3456
All networks po yan! Haha.
After niyan, may matatanggap kayong text na : “Yay! Thank you for your vote! For more #KwentongJollibee stories, please visit: http://bit.ly/kwentongjollibee
Noted: Only 1 unique vote a day.
Voting ends on Aug. 31, 2016. P2.50/text“
Hindi ko naman inaasahan manalo, pero sana kahit yung candidate lang okay na ako! Haha please. Nagmamakaawa ’to! Haha pero okay lang kung hindi.
2.50 per text
lang naman! Kahit isang beses lang! Haha please?
Nakailang please na ako? Haha so ayun, please talaga! Haha!
Salamat!
And again, please? Vote for my story! Thank you thank you!!!! 😊😊
PS:
May special scene kapag bumoto kayo wahahaha. Panuhol lang! Pero please, vote. Thank you!!!! 😊
Part 35
Magkakalovelife ng katulad kay Anjo ang mag vovote!!!!! Just text:
KJOLLIBEE J224 and send to 3456, Ignore at goodbye mala Anjo na lovelife hahahhahahahaha!
(One vote per day lang po! Pwede umulit haha)
+++++
Napagpasyahan ko uli na umalis kami nila Butchok at BE ngayong sabado, hindi na sumama si mama kasi magpapahinga raw siya.
Bago pa kami makalayo, nakita kong palapit na si Blue sa’min habang nasa tabi niya si Fifi, yung magandang aso niya.
“Ethan!” nagmamadali siyang lumapit sa’kin.
“Hello Kuya Blue!” bati ni Butchok.
“Hi!” ngumiti siya kay Butchok at ako kaagad yung kinausap niya. “Ethan, may itatanong ako sa’yo.”
“Ano ’yon?”
“Kailan pupunta si Jaycee diyan sainyo? Sabi niya sa’kin palagi raw kayong magkasama tapos palagi siyang nakatambay”
“Huh???”
“Ohh… Sorry…. Gusto ko siyang ligawan!”
“HA?!!” ang bilis naman ng pangyayari. Kakakita ko lang sa kanya tapos manliligaw kaagad!
“Sabi ko manliligaw ako kay Jaycee, di’ba….. Gay siya?” tanong niya.
“Teka, bakla ka rin ba?”
“Hahaha not really, nagkagirlfriend na rin ako haha”
“Teka, pinagttripan mo ba ako?”
“What? Hindi haha. Grabe ka naman sa’ken!”
“Eh bakit mo liligawan?”
“Uhm. Kasi I find him funny? At isa pa, I really got a thing sa mga bottom. Haha, ang cute kaya nila!”
“Wait, ang bilis ng pangyayari. Pakiulit nga lahat! In slow mo.”
Napangiti lang siya sa’kin.
“Kilala ko na siya noon pa, and nagkakausap na kami lately at isa pa, single naman siya di’ba? Tropa niya lang naman yung kasama niya sa condo di’ba?”
Hindi ko alam kung nanloloko o nang eewan ’to pero hindi ko naman alam kung anong isasagot niya.
“Uy, Ethan. I’m serious. Will you help me?” pakiusap pa niya.
Napansin ko naman na wala na si Butchok sa tabi ko at nakikipaglaro kasama si Fifi at BE.
“Sige, subukan ko.”
“Kausapin mo ha? Hehe. Looking forward ako!” sabi niya pa, maya maya kinuha na niya si Fifi at umalis na.
Maya maya, umuwi na rin kami ni Butchok at napansin kong nandoon yung sasakyan ni Sir Benj sa labas. Naexcite tuloy akong umuwi para makita siya.
Pag pasok namen, sinalubong kaagad siya ni BE. Ang cute ng mga aso kapag nakikita nila yung amo nila, sobrang excited. Parang ako, excited akong makita si Sir Benj. Tumingin lang siya sa’kin at ngumiti, inuna pa rin niya si Butchok at BE kaysa sa’kin pero okay lang, mas gusto ko nga ’yon.
Pero may napansin ako kay Sir Benj, parang ang lungkot ng dating niya. Kaya sumenyas ako sa kanya na sumunod sa’kin sa taas, sa kwarto ko.
Humiga siya sa kama at huminga ng malalim. Pinatabi niya ako sa kanya at yumakap naman ako.
“May problema ka ba?” tanong ko sa kanya.
Wala siyang sinabi, basta niyakap niya lang ako ng mahigpit sa kama ko. Nararamdaman kong inaamoy niya ako, medyo nahiya ako kasi hindi pa ako naliligo.
“Huwag mong amuyin! Ang baho ko pa!” pilit ako kumakawala pero mas humihigpit yung yakap niya.
“Ang bango bango nga eh, Palmolive pink! Ikaw na ikaw”
“Ehhhh….”
“Huwag ka ng maarte diyan. Dito ka lang” niyakap pa niya ako ng mahigpit na mahigpit. Pinalupot niya yung binti niya sa’kin!
“Ni lock mo ba yung pinto?” tanong ko.
Pero bago pa siya makasagot, biglang pumasok si Butchok sa kwarto habang hawak si BE! Medyo nagulat siya sa pwesto namen ni Sir Benj.
“Ano pong ginagawa niyo?” tanong niya.
“Ahhh… Nagpapractice lang kaming dalawa!” sagot ni Sir Benj.
“Practice ng ano po?”
“Kung paano susundan si BE” bulong niya sa’kin. Tumayo ako kaagad at pinalapit ko siya sa’min.
“Ayaw po kasi kumain ni BE, baka may sakit siya”
“Ahhh… Painumin mo lang muna ng gatas” sabi ni Sir Benj.
“Sige po, mukhang ayaw niyo rin po na nandito ako sa kwarto”
Bigla naman siyang hinila ni Sir Benj at nakipagharutan, kasama rin si BE. Sumali na rin ako sa harutan nila.
+++
Lumabas na si Butchok at naiwan na lang uli kami ni Sir Benj sa kwarto, nakayakap na uli ako sa kanya inaamoy amoy na niya ako uli.
“Ano nangang problema? Nararamdaman ko kasi eh” sabi ko.
“Nakakainis kasi si papa, ewan ko ba, pinipilit akong mapalapit sa kanya!”
“Oh? Ano naman masama don?” ayun sana sasabihin ko sa kanya pero sarili ko ngang tatay, hindi ko hinahayaan na mapalapit sa’kin, kaya hindi na lang ako sumagot.
“Sila mama naman, gusto rin ako makipagusap pero, may masama akong feeling eh. Hindi ko mapaliwanag kaya ayoko talaga.”
Asusual, hindi na naman ako makasagot.
“Naiistress na ako sa kanila, kaya gusto ko na lang dito sa tabi mo!” hinalikan niya ako sa ulo ko.
“Ganyan din ako kay papa eh, lumalapit pero lumalayo ako” sabi ko.
“Narinig ko naman lahat ng sinabi niya nung nasa ospital tayo kaya hindi rin kita masisisi”
“Pero naiisip ko rin minsan, kailangan kong harapin yun kasi darating yung panahon na magiging okay ang lahat….”
“Yeah, me too. Kaso next time na muna. Ayoko muna problemahin yon.” sabi niya na lang. At hinayaan ko na lang yung tahimik sa’ming dalawa. Mas okay kasi na nararamdaman ko siya sa tabi ko ngayon.
“Ay, nga pala! Naalala mo si Blue?” tanong ko sakanya.
“Yung may birthday party na aso? Anong meron doon?!” medyo naginh suplado yung boses niya.
“Haha, ayon, ehhh nakita ko siya kanina tapos sabi niya, gusto raw niyang ligawan si Jaycee!”
“Ha? Akala ko ba sila na ni Stephen?”
“Stephen?! Eh di’ba, wala naman namamagitan sakanila?”
“Siguro nga wala pero lately palagi na lang si Jaycee kinekwento niya, akala ko nga kung ano na status nila eh.”
“Wala naman sinasabi si Jaycee.”
“Ehhh hayaan mo sila. Problemahin nila yon, pero basta ako, masaya ako na nagagawa ko sa’yo to ngayon!” niyakap niya ako uli ng mahigpit.
“Masaya ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Ha? Oo naman! Bakit naman ganyan tanong mo?”
“Wala lang. Naisip ko lang, nasira yung friendship niyo ni Sir Jack…”
“Hehe, magiging okay din kami niyan, huwag lang ngayon at saka marerealizen niya na tayo talaga sa isa’t isa”
“Paano si Sophie?”
Natahimik siya bigla.
Hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung nagalit ba siya sa tanong ko.
“Bakit mo naman nasabi ’yan?” tanong niya.
“Wala, ewan ko…. Uhm… Change topic na hehe”
“No, bothered ka pa ba kay Sophie?” tanong niya.
“Ha? Hindi….. Medyo…”
“Ano bang gusto mong gawin ko para mawala yung pag alala mo?”
“Wala. Wala. Okay lang ako, natanong ko lang talaga”
“Sinasabi ko naman sa’yo lahat ah?”
“Uyyy… Wag ka naman magalit….”
“Hindi ako nagagalit, sana magkaroon ka naman ng tiwala kasi ginagawa ko naman lahat mapasaya ka lang.”
Tinanggal niya yung pagkakayakap sa’kin at naupo siya sa kama.
“Sorry…. Hindi ko sinasadya. Wala akong intensyon na maging ganyan ka” inaamo ko siya pero parang disppointed talaga siya sa tanong kong ’yon.
“That’s okay. Maybe I’ll try harder na lang para mapasaya ka”
“Ano ba, napapasaya mo ako! Sorry na talaga”
“That’s okay” ngumiti lang siya ng pilit at alam kong nagtatampo siya sa’kin ngayon. Bakit ko pa kasi natanong ’yon eh!
++
Pagkatapos ng shift ko sa office, pinuntahan ko muna si Jaycee sa condo niya. Dumiretso ako sa kwarto nila at pinagbuksan naman ako ni Stephen. Umiinom siya ng beer habang nakaubad, nakasuot lang siya ng boxer short.
“Uy, nasaan si Jaycee?” tanong ko.
“Wala. Umalis.” ang cold din ng pagsagot niya.
“Ahh… Akala ko nandito… Sige, una na ako”
“Ethan, wait!” hinawakan niya kamay ko at pinigilan sa pag alis.
“Ohh bakit?”
“Pwede ka bang pumasok sa loob? May sasabihin lang ako” sabi niya. Pumayag naman ako at inabutan niya ako ng beer pagkaupo ko.
“No, baka magalit si Sir Benj” sabi ko.
“Hehe, oo nga pala!” kinuha niya yung beer at siya na yung uminom.
“Oh may sasabihin ka ba?”
“Si Jaycee ba?…..”
“Anong meron kay Jaycee?”
“Uhm…. Ano nasasabi niya tungkol sa’kin?”
“Anong ibig mong sabihin?” mukhang alam ko na kung saan papunta tong kwentuhang to.
“I mean… Cute ba ako sa paningin niya? Nag eenjoy ba siya? Nakwento ba niya yung ginawa kong dinner sa kanya kahapon?”
“Hehe, easy lang. Wala pa siyang nakekwento sa’kin”
“Talaga? Wala? Kahit ano?”
“Wala, maliban lang sa…. Alam mo na,,,, ginagawa niyo.”
“Sex lang? Walang iba?”
“Bakit ba? May gusto ka na ba sakanya?!”
“Huy ano ba, wala ah! Tinatanong ko lang naman!”
“Oh? Alam mo ba kung bakit ako nandito?”
“Hindi. Bakit ba?”
Bago ako makasagot, biglang nagtext sa’kin si Jaycee na kasama raw niya si Blue at mamaya pa raw siya uuwi at nagdidinner daw sila sa Mozu.
“Lumapit sa’kin si Blue, manliligaw daw siya kay Jaycee”
“HA?! Sinong may sabing pwede siyang ligawan?!” natawa ako sa reaksyon niya, para siyang mananapak.
“Nasa Mozu nga sila ngayon, nagdidinner” sabi ko pa.
“ANO?!” natatawa talaga ako sa kanya pero nagulat ako ng bigla siyang lumabas ng condo niya at dumiretso sa elevator, nagmadali naman akong sumunod kasi naka boxer lang siya at mukhang wala siyang suot na underwear!
Hindi ko siya mapigilan hanggang sa pagbaba hanggang sa tumakbo siya papuntang Mozu! Hindi ko siya maabutan kasi nakayapak siya, ako naman naka black shoes kaya sigaw lang ako ng sigaw.
Pinagtitinginan naman siya ng mga tao, yung iba natutuwa yung iba natatakot pero ako sumusunod pa rin ako sa kanya.
Pagkarating namen sa Mozu, nakita kong nasa labas na si Blue at Jaycee at mukhang tapos na magdinner.
“Hoy!!” sigaw ni Stephen kay Jaycee. Nagulat naman sila sa itsura ni Stephen.
“Uy, ano ba yan bakit ganyan lang suot mo!” sagot ni Jaycee.
Hinatak niya lang si Jaycee pauwi pero pinigilan siya ni Blue.
“Nasasaktan si Jaycee, pre!”
“Oh? Ano naman sa’yo? Uuwi na siya! Sa’min siya nakatira!”
“Ano ba Stephen!” sigaw ni Jaycee.
“Bakit ka ba nakikipag date sa kanya?!”
“Dinner lang, nakipag date kaagad?!”
“Nagluto ako sa bahay! Hinihintay lang kita!”
“Dahil lang diyan kaya ka sumugod?!”
Natahimik naman si Stephen at binitawan na niya si Jaycee.
“May sasabihin ka ba?” tanong ni Jaycee. Mukhang may gusto lang siyang marinig kay Stephen pero hindi niya sinabi yung akala kong sasabihin niya.
“Huwag ka lang mag pagabi. Hindi ko na lang ilolock yung kwarto” sabi ni Stephen at umalis na siya na parang nalulumo. Nararamdaman ko naman na parang may gusto na siya kay Jaycee pero may pumipigil sa kanya. Hahabulin ko sana si Stephen kaso pinigilan ako ni Jaycee.
“Hayaan mo na siya bes, kagabi pa yan ganyan eh!”
“Wait,” singit ni Blue. “Di’ba, friend mo ’yon, Ethan?” bigla niyang sabi.
Yung tinuturo pala niya eh si Sir Benj! Naglalakad siya sa may tapat ng office pero tumatawa siya, bigla na lang may sumulpot na babae na katawanan niya.
Hindi nakatingin si Sir Benj dito kaya sigurado akong hindi niya ako nakikita pero ako, kitang kita ko sila. Nagtatawanan at ang saya saya. Ang ganda ng babae, sobrang ganda ng babae! As in!
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pero may kurot sa puso ko na hindi ko maintindihan.
Paano kung siya si Sophie?
Kakatapos ko lang mapanuod yung drama nila Stephen at Jaycee, at eto naman sa panibago na naman.
“Bes, kalma.” sabi ni Jaycee.
“Hindi. Nag usap na kami nung isang araw, sasabihin niya rin sa’kin yan”
“Hindi mo ba lalapitan?”
“Hindi na. Baka kabusiness meeting lang.”
“Uhm… Bes, alasyete na. Nagtatawanan, ang ganda nung babae….”
“Bes, may tiwala ako. Sabi niya magtiwala ako kaya magtitiwala ako” sabi ko pa.
Parang ayaw maniwala ni Jaycee pero hindi na lang siya nagsalita. Hinintay ko na lang na tumawag sa’kin si Sir Benj at sabihin yung tungkol doon.
Pagkauwi ko, hindi pa rin ako mapakali. Kanina ko pa iniisip yung nakita ko. Gusto kong alisin sa isip ko pero hindi ko magawa. Hindi ako mapakali. Kanina pa ako palakad lakad.
Sakto naman, biglang nag ring phone ko at kaagad kong sinagot.
“Hello!” sabi ko kaagad.
“Uhm, hello, Ethan?” hindi to boses ni Sir Benj, kay Sir Jack ’to!
“Ay, Sir Jack”
“Oh you’re expecting Benjamin,I guess hehe.”
“Ahm, medyo po”
“I just want you to know na nagkita kami ni Sophie kanina, nagkwentuhan and she’s also interested sa US plan ko hehe”
“Ahhh… Nagkita po kayo so nasa office siya kanina?”
“Yeah, sa office ko. Well, ang sabi niya naman hindi raw siya makikipagkita kay Benjamin kaya huwag kang mag alala”
“Ahhh…. Ano bang itsura ni Sophie?” tanong ko.
“Ohh sudden interest huh? Haha, well sobrang ganda niya. That’s all I can say”
Fvck, parehas pa kami ng description! Mas lalo kong nagdadalawang isip.
“Uhm, sige po salamat Sir Jack!”
“Hey, ayaw mo na ba akong kausap?”
“Ahhh… Si Sir Benj po kasi”
“Magagalit? Sige, I see. I understand. I’m still hoping for you, just so you know. Goodnight” binaba na niya kaagad yung tawag. At ako naman, mamamatay na kakaisip kung sino yung kasama niya.
+++
“Pinapatawag mo raw ako?” tanong ko kay Sir Benj, malapit na mag lunch break pero pinatawag na niya ako kaagad.
“Oo, kain na tayo, halika” may nakahain na nga sa lamesa niya.
“Ahhh. Mamaya na…”
“Ang taray mo naman! Meron ka ba ngayon? Halika nga rito,” parang ang ganda ganda ng mood niya ngayon!
“Mamaya na po, Sir Benj”
“Honey ko, halika na. Huwag ka ng pabebe diyan” tumayo na siya at hinila ako palapit sakanya.
“Ohh tikman mo ’to” sinubuan niya ako at medyo natuwa na ako, ang bilis ko lang naman mapangiti eh.
“Masarap?” tanong niya.
“Uhm… Oo!”
“Anong masarap, ayan o ako?”
“Eto!”
“We? Tikman mo nga ako uli haha” nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi.
“Ano? Sino mas masarap?” tanong niya uli.
“Hala Sir Benj!!”
“Haha sino masarap? Baka gusto mo halikan kita uli?”
“Sige po ikaw na masarap!” sabi ko.
Bigla niya ulit akong hinalikan sa labi.
“Napilitan ka lang eh. Sino uli masarap?” grabe si Sir Benj, ang cute cute niya ngayon.
“Ang. Sarap. Mo. Po.” sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
“Ayan, good good!” nagtawanan na lang kaming dalawa at nagpatuloy sa pagkain, tinanong ko naman yung kagabi ko pang pinag iisipan.
“Anong oras ka pala umuwi kagabi?” tanong ko sa kanya.
“Ohh… Hindi ba kita natext kagabi? Mga 10 po. Sorry, hindi ba kita natext?”
“Ahhh hindi ehhh..”
“Ohh… Sorry, wala po akong ginawang kagabi kundi ang magtrabaho ng magtrabaho! Sorry, nakalimutan ko”
Hindi ko alam mararamdaman ko, nagsisinungaling siya ngayon sa’kin.
“Bakit? Nasa office lang po ako magdamag” sabi niya pa.
Pinilit ko na lang ngumiti.
“Okay, hehe.”
“Okay ka lang?” tanong niya.
“Ahh… Opo”
“Love mo ko?”
Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya.
“Love po” sagot ko.
Sinunggaban niya ako uli ng halik sa labi.
“I love you too” sabi niya at nagpatuloy na kami sa pagkain.
++++++
KJOLLIBEE J224 send to 3456!
VOTE PLEASE? HAHA SALAMAT!!!!
😊😊
Part 36
Sorry kung paulit ulit. Another day, another vote! Haha
KJOLLIBEE J224 send to 3456! Thank you sa support!
++++++
“Nagsisinungaling si Sir Benj! Magising ka nga bes!” sigaw sa’kin ni Jaycee, magkasama kami sa Mozu ngayon.
“Ayoko naman isipin…,”
“Alam mo bes, ayan ang mahirap sa’yo eh. Tanga ka masyado sa pag ibig. Masyado kang nagpapakain sa sistema ng pagmamahal. Hindi one sided ang love, bes. Kailangan dalawa kayong loyal at hindi lang ikaw!”
“Malay mo naman kasi may dahilan siya….”
“Ang bullshht naman kasi ng dahilan kung ano pa ’yon! At isa pa, kitang kita mo, nagtatawanan. Malayo sila, kitang kita mo na si Sir Benj ’yon at hindi ibang tao! Huwag ka ngang tanga bes!”
“Naka dalawang tanga ka na ha!”
“Eh kasi totoo naman. Nung kay Bill pa lang, alam mo na sa sarili mong niloloko ka pero sige ka pa rin. Oh, anong nangyari? Niloloko ka nga di’ba?!”
“Bes, ang sakit na ah”
Tumawa lang siya at inirapan ako ng bahagya.
“Nako, ang akin lang bes, masasaktan ka lang. Ako kasi magsusuffer eh, siguradong magkukulong ka lang sa kwarto tapos syempre bilang bestfriend, icocomfort kita. Mahihirapan ako kapag nahihirapan ka. Either way, iniisip ko kalagayan nating dalawa!”
“Ehhh….”
“Natatakot kang mawala? Natatakot kang iwan ka? Pero okay lang sa’yo na niloloko ka? Bes, may Sir Jack ka pa, pwede naman siya na lang.”
“Bes! Hindi naman kasi na kapag hindi okay sa isa eh doon ako sa isa. Hindi ganon ’yon!”
“Okay, Sorry…. Pero, mahal mo talaga?” tanong niya.
Napangiti lang ako at naimagine ko yung itsura ko na sobrang saya ko sa tanong niya, oo mahal ko si Sir Benj at kaya kong tanggapin ang pagsisinungaling niya. I’ll give him another chance.
“Hays, iba talaga nagagawa ng pagmamahal” sabi na lang ni Jaycee
“Support ka pa rin sa’kin?” tanong ko.
“Wala naman akong magagawa. Well kung sasaktan ka naman ni Sir Benj, sasapakin ko siya ng isang beses! Magpapakalalaki ako sa’yo ng ilang segundo!”
“Haha taray naman ng bestfriend ko, pero maiba tayo… Anong balita sainyo ni Stephen?” tanong ko, napakunot lang siya ng ulo at parang wala sa mood sa ganong topic pero sinagot naman niya.
“Ayon, hindi namamansin. Ewan ko ba doon, normally kapag 12AM oras namen para… You know…. Pero tulog na siya! At saka nakakumot siya, hindi naman siya nagkukumot eh. Gusto daw niya ako yung kumot niya, kaya alam kong galit talaga siya”
“Bes! Ano ba?! Bulag ka ba oh ano?! May gusto na sa’yo si Stephen!”
“Gaga, alam ko naman ’yon. Ang ganda ganda ko kaya imposibleng hindi siya magkagusto sa’kin!”
Minsan, masasampal ko na ’to eh.
“I mean bes…” pahabol pa niya “… He’s cute. Alam mo naman yung first impression ko sa kanya, sobrang kilig na kilig ako right? Pero kasi sa ilang linggo na kasama ko siya, nakikilala ko na siya. He’s not a boyfriend type of guy. Kaya nga nagkasundo kami na ganito lang status namen eh.”
“Ayaw mo ba mabigyan ng chance?” tanong ko.
“Well, unlike you bes, hindi ako nagpapakain sa sistema. Ako lang kakain at hindi ako kakainin.”
Double meaning talaga yung ibang pinagsasasabi neto.
“Kidding aside” sabi niya “…. I’m not a risk taker. Ayokong mag risk sa bagay na walang kasiguraduhan. Gusto ko win win situation palagi. Ayoko na maaagrabyado ako sa huli.”
I wish ganyan din ako magisip katulad ni Jaycee. Ang matured niya mag isip kahit na ang childish niya kumilos. Ako kasi I’ll do anything for love.
“Realtalk bes, wala kang feelings for Stephen? I mean more than just a fubu?”
“Ofcourse meron! Hello, ang sarap, ang cute, malaki pa ano, ang perfect ng physical appearance niya tapos ang bait pa, gentleman, ang sarap magluto, tamad nga lang sa gawaing bahay pero equal naman kapag magkasama kami. Balance. Ofcourse, maiinlove ako pero I can control myself. Utak pa rin ginagamit ko at hindi ako nagpapadalos sa puso ko”
May words of wisdom din ’to si Jaycee kausap ehhh.
“Kaya ikaw bes, grow up. I know you love him pero that’s not enough para maging tanga ka okay? Susuportahan ko pa rin yang kahibangan mo pero kung sumusobra na, ako mismo maghihiwalay sainyo.”
“Grabe siya!”
“I’m serious bes. Nasa edad na tayo na dapat sure na tayo kung sino ang gusto natin makasama at wala ng oras sa fling fling”
Alam ko naman na si Sir Benj na gusto ko makasama ehh. Si Sir Benj lang at wala ng iba.
+++++
Simula ng tinanong ko si Sir Benj about nung isang gabi at hindi siya nakapagtext, every hour, nagtetext na siya! Maliligo, kakain, magsesend ng emails, kapag may nagtext sakanya ifoforward niya sa’kin. Lahat! Detalyado lahat! Tinetext niya sa’kin.
Kahit nasa office kami, kahit yung pagtingin niya sa bintana, sasabihin niya. Naguguluhan na tuloy ako, totoo kaya yung nakita ko? Baka namalikmata lang ako. Pero okay sana kung ako lang eh, kaso nakita rin nila Jaycee yon.
Pero nakikipagtawanan lang naman siya sa isang babae. Baka naman bumili lang siya ng pagkain, nakasabay niya papunta sa bilihan ng pagkain yung babae na kakilala niya at nakipagkwentuhan siya kaya siya natatawa. Oo ganon na lang iisipin ko.
Okay na okay si Sir Benj ngayon! Talagang text siya ng text. Ilang araw na rin siyang ganito, magsasama kaming dalawa, tapos kapag maghihiwalay, maguupdate siya kada oras. Ang sweet nga eh, hindi ako naiinis.
Mukhang bumabawi pero hindi pa rin niya sinasabi sa’kin eh. Siguro kakalimutan ko na lang muna iyon.
Pinatawag naman niya ako sa office niya at kailangan ko raw umattend sa meeting, ang dami pa niyang ginagawa kaya ako pinaattend niya.
Pag punta ko naman sa meeting room, nakita ko na si Sir Jack! Hindi ko siya pinansin at nag take ako ng notes para masabi kay Sir Benj, pagtapos naman ng meeting bigla niya akong tinawag.
“Nag lunch ka na? Gusto mo ba sumabay sa’min?” tanong niya.
“Ahh… Hindi na po Sir Jack, sasabay na lang ako sa officemates ko” sagot ko. Pero biglang sumingit yung isang boss doon at pinilit akong sumama.
“Halika na! Sumabay ka na sa’min!” yaya niya, matanda na ’yon at sobrang nakakahiyang tumanggi kaya wala na akong nagawa at sumama na ako.
Anim kaming lahat, tatlo yung medyo matanda na, yung isa naman mas matanda lang ng kaunti kay Sir Jack. Sa labas na kami nag lunch, hindi ko na rin natext si Sir Benj kasi hindi ko nadala cellphone ko.
“Oh Jack, kailan ka ba magpapakilala sa’min ng babae? Ang tagal na rin nung last na pinakilala mo ha?” asar nung isang matanda. Natawa lang si Sir Jack at hindi sumagot.
“Ang tagal na non pre ah? Hindi ka pa rin nakakamove on? Well mahirap naman talaga mag move on in your case kasi sobrang mahal mo eh!” sabi naman nung kaedaran ni Sir Jack.
“Woah, bakit ba ako yung topic niyo?” sabi ni Sir Jack. “At isa pa, I think I’m okay now, I’m ready to fall inlove. Well, actually, I’m inlove right now”
“Oh? Who’s the lucky girl?”
Dafuq, biglang tumingin si Sir Jack sa’kin pero iniwas niya rin kaagad.
“Too bad, inlove siya sa iba” pahabol pa niya.
“Come on, you’re Zachary! One of the hottest bachelor in the country!”
“Well, let’s just say that I really like that person kasi hindi niya nakikita yung part ng buhay kong yon kundi yung kung sino talaga ako” ngumiti siya at tumingin uli sa’kin sabay ngiti.
“I hope to meet her soon! How about you iho?” sa’kin naman natapat yung tanong.
“Po?”
“Are you married?” fvck, kailangan ba talagang ganito yung topic masyadong personal.
“Ahh.. No sir.”
“Oh? That’s good. Masyado ka pa atang bata huwag kang magmadali, sakit sa ulo ang pag aasawa. Sa una masaya pero pag tumagal nako!”
Nagtawanan lang kaming lahat pero si Sir Jack kumakain lang. Napansin ko na nagbago yung mood niya ng pagusapan yung ex niya, iba rin pala magmahal ’to si Sir Jack.
Mabuti at hindi na sila nag open ng topic na medyo awkward pag usapan at bumalik na ako kaagad sa office.
“Saan ka galing? Bakit ang tagal?” tanong ni Sir Benj.
“Niyaya pa nila ako mag lunch eh”
“Tsk. Sayang naman, nag paorder pa naman ako ng korean food nating dalawa”
“Hehe, hindi rin ako kumain ng marami eh. Gusto mo sabayan na kita?”
“Ayun!! Hehe mahal mo talaga ako no? Gusto mo ko kasabay kumain!”
Grabe naman, minsan lang niya sabihin yung salitang yon pero napapangiti ako.
“Oo naman! Halika na!” sabi niya, at tumabi ako sa kanya at kumain uli.
+++++
Kinabukasan, masaya na naman na nakipagkwentuhan sa’kin si Laura.
“Ethaaaaaan!! Gosh!! Ang yummy!!”
“Sinong yummy?!”
“Yung manliligaw ko nga, hay nako! Nakaka stress, mukhang magiging tanga na naman ako at bibigay kaagad. Ang sweet sweet kasi!!”
“Haha sino ba kasi? Patingin na!”
“Ehhhh…. Ayoko muna ipagsabi. Gusto ko kapag official na at kapag kami na! Haha.”
“Nako, mamaya ayaw mo lang ipagsabi!”
“Tse, ikaw pa ba Ethan? Eh updated ka nga sa’kin kay Sir Jack! Ikaw pagsasabihan ko, pero this time, no touch muna kaming dalawa. Kahit akbay, bawal. Pa Maria Clara datingan ko!”
“Haha dapat naman ganyan!”
“Nako, basta ang saya. Ehhh kayo naman ni Sir Benj? Kumusta kayo?”
Napangiti ako sa tanong pero hindi ko nasagot kasi napansin kong may pumasok sa office namen na familiar ang itsura!
Si Sir Miggy at Cielo!
Tumayo ako at sinalubong ko sila. Bumukas din yung opisina ni Sir Benj at sinalubong sila. Dumiretso kaming apat sa conference room.
“Hi, biglaan po ata pag punta niyo?” tanong ni Sir Benj.
“Well, we’re really sorry kung hindi kami professional nung mga nakaraang linggo. Personal problem lang” sabi ni Sir Miggy.
“Okay lang po Sir. We can wait.”
“Oh, well the wait is over. We’re inviting you to attend a wedding. And there, we’ll talk about that business proposal” sabi pa nila. Napangiti naman si Sir Benj at mukhang naexcite.
“Sure! Kaninong wedding naman po?”
“Friends. So, that settles. See you on saturday, okay?” sabi nila.
“Yes Sir.”
“Okay, then we’ll go ahead.”
“Sana tinext niyo na lang po, nag abala pa po kayong pumunta rito”
“Hehe, well, makikipagkita rin kasi ako sa boss niyo eh. Didiretso na kami sa taas”
“Ahhh okay po Sir. See you on saturday!” sabi na lang ni Sir Benj. Hinatid naman sila palabas at niyakap ako ng mahigpit ni Sir Benj!
“Sana makuha na natin yung deal no?” sabi niya.
“Sana. Alam ko kung gaano mo kagustong makuha yon!”
“Well, salamat sa’yo kasi dahil sa’yo, makukuha na natin ’yon!” niyakap niya ako uli at maya maya, bumalik na kami sa trabaho namen.
+++
Umattend na kaming dalawa ni Sir Benj, parehas kaming naka formal attire kasi kasalan nga yung aattendan namen. Hindi karamihan yung bisita pero ang grande ng kasalanan. Pumwesto kami sa tabi nila Sir Miggy at Cielo. Nakaakbay lang sa’kin si Sir Benj habang naghihintay na magsimula yung kasalanan.
Dumating na yung lalaki, wow, ang gwapo! Mestisuhin at artistahin. Kitang kita yung saya sa mukha niya habang hinihintay niya yung bride niya.
Pero sa gulat ko….
Lalaki din yung naglalakad.
Napatingin ako kay Sir Benj na nagulat din.
Bigla namang bumulong sa’kin si Sir Miggy kasi siya yung katabi ko.
“Yung guy sa may altar, siya yung ex boyfriend ng anak ni Cielo, si Teejay. Yung lalaki naman, si Anjo ’yon, napakabait na bata!”
Ang cute din ni Anjo, habang naglalakad siya, nakatingin lang siya kay Teejay. Ang cute nilang dalawa, bagay na bagay! Parang kaedaran lang namen silang dalawa. Pero may isa pa palang ikakasal, dalawang lalaki din! Double wedding pala ’to!
“That’s David, bestfriend ni Teejay at yung guy, si Marco, bestfriend ni Anjo.” bulong pa.
Wow! Ikakasal din sila at parehas bestfriend! Parang parehas na parehas sa’min ni Jaycee! Kaso assuming ko, kasalanan agad!
Tinignan ko naman si Sir Benj na tahimik lang at walang reaksyon, nakatingin lang siya habang nagsisimula na yung seremonya.
Sobra pa akong kinilig sa sinabi ni Teejay kay Anjo.
“Hindi ako nangngako kasi gagawin ko talaga lahat mapasaya ka lang. Wala na akong mamahalin pang iba maliban sayo. Simula ngayon, lahat ng ako, lahat ng nakikita mo saken, iyong iyo lahat yan. Binibigay ko na sarili ko sayo ng buong buo. Sayong sayo lang ako Anjo. Mahal na Mahal kita ng sobra!”
Tapos yung halik nila, damang dama mo! Sobra akong natutuwa na nageexist pala yung mga ganitong love story!
Napatayo lahat, pati kami ni Sir Benj dahil doon, nagpalakpakan kami at patuloy pa rin sila sa paghaharutan sa gitna.
Tumingin sa’kin bigla si Sir Benj at hinalikan niya ako sa noo.
“Soon, Ethan. Let’s just wait for the right moment” bigla niyang sinabi. Akala ko wala siyang paki sa wedding pero dahil sa sinabi niya, natuwa ako!
“Promise?” tanong ko.
“Promise.”
Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Sobrang saya ko ng mga oras na yon, yung masaksihan ko at ganong klase ng kasal at yung sabihin sa’kin ni Sir Benj yon!
“Naiinggit kayo no?!” sabi ni Sir Miggy.
“Haha, loverboy talaga yang si Teejay! Pero syempre mas maganda vows namen ni Miggy noon, di’ba???” singit ni Sir Cielo.
Isa pa tong dalawang ’to, sobrang sweet pa rin kahit na may edad na sila.
“Kakasabi ko pa lang po, kami naman soon” sabi ni Sir Benj.
“Nako, dapat lang! At dapat invited kami doon ah!”
“Oo naman po!” biglang bumulong si Sir Benj. “Dahil sainyo kaya ako napamahal kay Ethan”.
Nagulat ako ng nilapit niya katawan namen sa isa’t isa at hinalikan niya ako sa labi, sa harap ng maraming tao. Wala na rin akong nagawa at inenjoy ko na lang yung moment namen na ’yon.
++++++
CAMEO LANG PO AHHH? HAHA.
VOTE KAYO ULI! KJOLLIBEE J224 AND SEND TO 3456!! HANGGANG AUGUST 31 LANG EHHH. HEHE SALAMAT!!
LAST 16 CHAPTERS AND I ASSURE YOU, SOBRANG DAMI PANG MANGYAYARI AS IN SOBRA!!! Kaya kapit lang hanggang dulo hhe.
VOTE AND COMMENTS!!
Part 37
Your daily reminder. VOTE my story please? :)
KJOLLIBEE J224 send to 3456! Thank you
😊
+++++++
Ang ganda ng reception, ang daming bulaklak. Ang daming tao na sa tingin ko sobrang malapit sa dalawa. Ang daming pagkain. At hindi pa rin nawawala yung spark sa mata ng mga kinasal. Grabe, ang saya saya siguro nilang apat dahil sa kasalan na ’to.
“Ethan, you coming?” tanong ni Sir Benj. Masyado pa akong namangha sa nakikita ko pero sumama na ako sa kanya. Inabot niya kamay niya at maghawaka kamay kaming naglakad papunta sa table namen.
Nasa isang table kaming apat, ako, si Sir Benj, Sir Miggy at Cielo. Nag uusap na sila sa mga business habang ko naman, nakikinig lang.
“I’m planning to buy him a condo na malapit lang sa’kin” sabay tingin sa’kin ni Sir Benj, hindi ko nakahabol sa usapan nila kasi natutulala ako sa nangyayari.
“Bakit hindi na lang kayo magsamang dalawa? Hindi ba kayo nainggit sa mga ’yan kanina?”
“Nakakatuwa nga po eh.” sagot ko.
“Ohh nagpaparamdam na siya, Benjamin! Haha” biro ni Sir Miggy.
“Soon po. Pinagpaplanuhan po kasi ’yan, ayoko ng biglaan. I want to give him the best wedding ever. He really deserves it” inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi.
“Well, you two really deserve it.”
“Si Ethan po kasi yung tipong hindi ka aware na naiinlove ka na pala sa kanya. Akala mo wala lang, pero…. One thing you know, ayaw mo na siyang nakikita na may kasamang iba” sobra nakakakilig si Sir Benj ngayon.
“I felt the same way with Miggy here, all I know, from the start, na siya na gusto kong makasama habang buhay” isa pa ’tong sila Sir Miggy at Cielo, nakakakilig din yung storya nilang dalawa.
“Let’s cheers to that!” sabi ni Sir Benj at nagtaas kami ng baso at sabay sabay na uminom.
“Excuse me po, mag CCR lang po ako” sabi ko naman at tumayo ako. Pagkatapos kong umihi, dumaan muna ako sa mga pagkain at kumuha ng cake. Medyo gutom na kasi ako, pero may kumausap sa’kin habang kumukuha ng pagkain.
“Hi? I saw you with Tito Cielo and Miggy” nung tinignan ko kung sino, si Anjo pala!
“Oh, Congrats po!” sabi ko.
“Hehe, thank you. Don’t tell me, business deal ’yan?”
“Ahhh ehhh….hehe”
“Sabi na eh. Nako, napaka workaholic talaga ng dalawang ’yan. Well, are you having fun?”
Grabe, ang cute pala sa malapitan netong si Anjo, ang ganda ng smile at talagang blooming na blooming.
“Hmmm…. Kakakasal lang natin cutie, nakikipagusap ka na kaagad sa iba?” may lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi, si Teejay ’to!
“Ayy sorry hindi po…..”
“Hahaha I’m kidding.” sabi na lang ni Teejay. Nakakatuwa talaga silang pagmasdan. Sila ang ultimate relationship goals ng mga katulad kong lalaki ang hanap.
“Friend nila Tito Miggy, pogi” sabi ni Anjo.
“Ohh! Boyfriend mo yung kasama nila doon no? I saw you kissing him. Medyo agaw eksena pero okay na rin haha” sabi pa ni Teejay.
Hindi ako nakapagsalita at medyo nahiya.
“Nako, ayan nahiya tuloy loves!”
“Haha ganyan ka rin naman sa’kin. Di’ba cutie?”
Kahit pagmasdan ko sila magdamag, talagang matutuwa ka sa kilig! Ang cute pa ng endearment nila, cutie at pogi!
“Alam mo, pinagmamasdan ko kayo kanina ng boyfriend mo at medyo nakikita ko kayong dalawa na magiging matatag. May iba sa tinginan niyong dalawa eh, malagkit” paliwanag ni Teejay.
“True, I can see it.” pahabol pa ni Anjo.
Napansin naman ni Sir Benj na kausap ko yung dalawa at tumayo siya para lumapit sa’min.
“Congrats, Congrats!!” bati ni Sir Benj.
“Salamat! At mukhang namiss mo kaagad ah? Saglit lang nawala sa tabi mo, lumapit ka na kaagad haha” bati ni Teejay.
“Hehe, ayoko lang siyang nawawala sa paningin ko.” sagot ni Sir Benj.
“Ohhh, alam ko yang pakiramdam na yan! I heard business meeting yang pinaguusapan niyo nila Tito Miggy, come on, pahinga muna tayo! Mag inom tayo! Tara!” hinatak ni Teejay si Sir Benj at mukhang nagkasundo sila kaagad.
“Nako, ang lakas magyaya maginom, akala mo naman malakas haha” sabi ni Anjo.
“Hehe, ang saya niyong pagmasdang dalawa. Nakakainggit”
“Why?? Hindi ba kayo ganyan nung boyfriend mo?”
“Hmmm…. Masyado lang kayong sweet at mukhang napakarami niyo ng pinagdaanan kaya yung samahan niyong dalawa, parang tight na tight na”
“You really have no idea pero in the end, ang mahalaga eh nagkakaunawaan kaming dalawa at eto, kaming dalawa magkasama hanggang dulo”
“May tip ba kayo? Hehe”
“Well, as for Teejay kasi, masyado siyang…. Attached. Well, ganon din ako sa kanya, sobra. Sobrang seloso niya kaya iniiwasan kong magselos siya. He likes to cuddle, so palagi dapat kaming nagcucuddle. Mataas din pride niya kaya minsan, nag aadjust ako. Ang tip ko lang, always make your man happy. Kasi kapag nagawa mo ’yon, ang ganda na ng samahan niyo.”
Hindi ko pa masyado kilala si Sir Benj pero nasa getting to know each other stage naman kaming dalawa kaya aalamin ko na lang lahat.
Maya maya, sumunod na rin kaming dalawa at nakipagsayahan sa ibang tao.
++++
Naiwan na lang kami ni Sir Benj sa may videokehan, kasama si Sir Miggy at Cielo at yung mga ibang bisita. Nakainom na kaming lahat at medyo pawisan na. Nakatshirt na lang kami ni Sir Benj pero patuloy sa paginom.
“Alam mo ba kung gaano na ako kaexcited na ikama ka” biglang bulong sa’kin ni Sir Benj.
Natawa ako at uminom ako ng alak.
“Salamat uli, salamat talaga. Salamat ng marami!” sabi niya pa.
“Okay na nga, makuha mo lang yung deal mo….”
“No, hindi yon, hindi yun ang tinutukoy ko”
Seryoso pala siya kaya napatingin din ako sa kanya. Umakbay siya sa’kin at magkalapit na mukha nameng dalawa.
“Salamat kasi dumating ka sa buhay ko”
Parang natahimik na naman yung mundo ko dahil sa sinabi niya. Napansin kong kinagat niya yung lower lip niya at akmang hahalikan ako pero bigla kaming natawang dalawa ng marinig naman yung susunod na kanta sa videoke.
Eto yung kinanta sa’kin ni Sir Benj.
Tumayo siya kaagad at kinuha yung mic. Nagpalakpakan naman si Sir Miggy at Cielo.
“This song is for my one and only love, honey.” sabay turo sa’kin.
“ You’re just too good to be true
Can’t take my eyes off of you“
Hindi niya nga inalis yung tingin niya sa’kin. May pasayaw sayaw pa siya.
“You’d be like heaven to touch
I want to hold you so much
At long last love has arrived
And I thank God I’m alive“
Bigla siyang lumapit sa’kin at hinawakan yung kamay ko. Tinayo niya ako at sinasayawan niya ako.
“You’re just too good to be true
Can’t take my eyes off of you.“
Yung instrumental parts na, talagang sumasayaw na siya. Ako naman, kilig na kilig. Ang hot hot kasi niya. Niyakap pa niya ako at inamoy amoy sa leeg. Ang bango bango rin niya kahit pawisan pa siya. Pinapasok niya yung kamay niya sa damit ko, nakikiliti ako sa ginagawa niya kaya gumantin rin ako.
“ I love you baby and if it’s quite alright
I need you baby to warm the lonely nights
I love you baby trust in me when I say“
Harapan harapan niya kinanta sa’kin yan. Hindi niya tinanggal ang tingin at bahagya kong pinunasan yung pawis nameng dalawa.
“Oh Ethan honey don’t let me down I pray
Oh Ethan honey now that i found you stay
And let me love you Ethan, let me love you“
Natapos yung chorus na nagngitian kaming dalawa. Binaba niya yung mic.
“I love you, Ethan” bigla niyang sabi, hindi na siya naghintay ng sagot at hinalikan na niya ako sa labi ng madiin. Tumutugtog pa rin yung kanta nameng dalawa habang hinahalikan niya ako. Parang wala kaming paki sa ibang tao doon.
“Wait….” sabi ko pero hindi niya ako tinitigilan, halos manggigil na siya sa halik sa’kin.
“Uhm…. Wait lang talaga….” pero ayaw niya patapusin sinasabi ko. Feeling ko kasi marami ng nakatingin sa’min eh kaya kinurot ko yung nipples niya at natawa siya sa sakit.
“Feeling ko marami ng nakatingin” bulong ko sa kanya. Tumingin ako sa paligid at totoo nga, nakangiti silang lahat habang pinagmamasdan kami. Nagpalakpakan naman sila nung natapos na kami maghalikan. Natawa kami ni Sir Benj at naupo na uli kaming dalawa.
++++
Pauwi na kami ni Sir Benj at alam kong nakainom siya kaya dahan dahan lang siya magmaneho. Pero napansin kong papunta kami ng SLEx.
“Ang layo naman ng daan natin! Lasing ka ba?” tanong ko.
“Ehhh. Wait lang. Basta.” sabi niya. Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko siya. Pero sa hilo ko, nakaidlip ako at maya maya, ginigising na lang niya ako.
“Nasaan na tayo?” tanong ko. Sumilip ako at nakakita ako ng hotel sa tapat.
“Basta.“bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Hinawakan niya yung kamay ko at pumasok kami sa loob. Nakangiti lang yung babae sa’min nung nagcheck in kami pero imbis na umakyat kaming dalawa, lumabas kami at nagulat akong nasa beach na kami!!
“Nasa Batangas tayo ngayon” sabi niya.
Tinignan ko yung relo ko at alas dose na pala ng madaling araw. Tahimik lang sa lugar at syempre, mahangin. May mga table kaso walang mga tao. Parang kami lang talagang dalawa. Maya maya, may lumapit sa’min na lalaki at nag abot ng kumot.
“Ano ’to?” tanong ko.
“Susulitin na kita ngayong gabi” sabi niya.
Nilatag niya yung kumot at humiga siya. Pinapatabi niya ako sa kanya at ganon naman ginawa ko.
“Bakit ba tayo nandito?” tanong ko.
“Wala…. Ayaw mo ba?”
“Ahh… Hindi naman…”
“Gusto talaga kitang dalhin dito. Ngayon talaga yung pinareserve kong surprise dito para sa’yo kaso nag invite sila Sir Miggy eh, hindi ko matanggihan”
“Ah ganon ba… Okay lang naman yun. Nag enjoy ako kanina.” sagot ko sa kanya.
“To be honest, nagulat ako sa inattendan natin. Hindi ko akalain na may ganon pala. Though sure naman akong ceremony lang yun at walang bearing kasi hindi naman pwede sa Pilipinas yon, ang sweet pa rin”
“Talaga? Kinilig ka?” tanong ko.
“Oo. Nakita ko kasi yung sarili nating dalawang sakanila. Nakakwentuhan ko si Teejay at ang sabi niya, huwag na huwag daw kita bibitawan.”
Natahimik ako sandali sa kwentuhan namen. Ang perfect ng moment nameng dalawa kasi ang presko ng hangin, tapos nakahiga pa ako sa braso niya. Kahit hindi ko siya nakikita, naiimagine ko siya na nakatingin sa langit.
“Mahal mo ba talaga ako?” bigla kong tanong sa kanya.
“Oo naman!” hindi siya nagdalawang isip sa pag sagot.
“Edi hindi ka na straight niyan?” biro ko.
“Okay ng hindi maging straight basta ikaw naman ang kayakap ng mahigpit”
“Aba! Nag rhyme ahh!”
“Haha, ikaw kasi nagpatunay na wala talaga sa gender ang love. It’s really about two hearts, loving as one”
Pinaglalaruan na naman niya yung buhok ko.
“Ethan, papakasalan mo ba ako kung yayayain kita?”
Fvck! Ang sudden ng tanong niya pero napangiti ako! As in napangiti talaga ako!
“Bakit mo naman natanong yan?”
“Wala lang. Papakasalan mo rin ba ako?”
“Oo naman.”
“Talaga?”
“Oo. Gusto ko yung idea ng kasal.”
Tinanggal niya yung pagkakaakbay sa’kin at gumilid siya ng higa para tignan ako.
“Someday. I promise.” hinalikan niya ako sa pisngi pag kasabi non. Napapikit na lang ako at niyakap ko siya ng mahigpit.
++++
Nagising ako sa amoy ng itlog na piniprito. Ang liwanag na kaya kitang kita ko si Sir Benj na naka boxer lang at walang kadamit damit, sexy back talaga siya! Sobrang hot kahit nakatalikod. Napansin ko ring nakahubad ako. At saka ko naaalang may nangyari pala.
Gutom na gutom ako na naupo sa kama. Napansin naman ako ni Sir Benj at lumapit siya sa’kin at hinalikan ako.
“Good Morning” bati niya.
“Good Morning. Pwede ka bang magluto rito?”
“Haha oo naman! Bahay style kasi resorts dito eh kaya pwede. Tignan mo yung view” sabi niya. Agad akong nagsuot ng short ko at tumayo. Sumilip ako sa bintana at nakita ko nga yung napakagandang view ng dagat! Ang ganda at ang hangin pa, hindi masyadong mainit at preskong presko yung lugar.
Bigla naman siyang yumakap sa’kin sa likod.
“Gusto mo bang tumira sa ganitong lugar?” bulong niya.
“Oo… Ang ganda kaya ng ganitong view,”
“Bibili tayo ng lupa rito tapos magpapatayo tayo ng bahay?” bulong niya.
Nakakagulat talaga yung mga sinasabi ni Sir Benj pero natutuwa ako.
“Ikaw bahala” medyo pabebe pa sagot ko.
“Okay. Noted yan” sabi niya sabay kurot sa pwetan ko at balik sa niluluto niya.
Pagkatapos niya magluto, kumain na kaming dalawa at parehas pa rin kaming nakahubad.
Ang ganda talaga ng katawan ni Sir Benj, ang mestiso tapos yung abs niya, kitang kita ko. At pansin kong wala siyang underwear kaya bumabakat din yung kanyang alaga. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya at napangiti siya.
“Well, madali lang naman akong kausap kung gusto mo pa ng isa pang round ehh” bigla niyang sabi.
“Ha? Ehhh hindi ah!” medyo nahiya pa ako.
“Haha, don’t worry, wala ka namang kaagaw rito ehh”
Natawa na lang ako at kumain na kaming dalawa.
“Kumusta yung deal?” tanong ko.
“I don’t know. Bukas siguro baka pumunta sila sa office hehe. Huwag kang mawawala ah?”
“Oo naman hehe. Sana makuha mo!”
“Oo nga eh. Basta nga huwag kang mawawala, ikaw lucky charm ko eh”
Minsan iniisip ko na baka nakalimutan lang sabihin sa’kin ni Sir Benj yung kasama niyang babae nung nakaraang gabi at wala lang talaga yun para sa kanya kaya hindi na niya binanggit.
Hinatid ako ni Sir Benj sa bahay at nag uwi pa ng pasalubong kina Butchok, mama at syempre kay BE.
Nung pauwi na si Sir Benj, umakyat ako sa kwarto ko kasama si BE, asusual kinakausap ko na naman yung baby namen.
“Ang sweet ng daddy mo no?”
Tumitingin lang si BE sa’kin.
“Nako, kapag palagi kaming magkasama baka masundan ka na kaagad. Nako!”
Ang cute lang ni BE habang nakatitig sa’kin.
“Nako, BE! Nakakagigil ka!” niyakap ko siya ng mahigpit at humalik halik sa’kin. Maya maya, tumawag naman si Sir Benj sa’kin at agad kong sinagot.
“Nasa condo na po ako” eto, ang bilis na talaga niyang mag update.
“Eto, katabi ko naman si BE.” sabi ko.
“Miss ko na baby natin. Sa susunod, sa’kin naman siya.”
“Oo naman. Baby mo rin naman ’to”
“Oo at baka masundan na siya. Alam mo na, palagi kang nagayaya….”
“Hoy hindi kaya ako nagyayaya”
“Kagabi kaya ikaw!”
“Ay hindi ko matandaan!” pero natatandaan ko, ako nga talaga.
“Haha gusto mo bang parinig ko sa’yo sinabi mo?”
“Hala hahaha huwag na po. Sige na, ako na”
“Grabe ka Ethan, purkit mapusok ako, sinasamantala mo na yung kahinaan ko”
“Haha, edi sige hindi na”
“Joke lang. I love youuuuu…. Love you…..”
Halos mabaliw na ako na nakangiti sa kama ko habang kausap ko siya.
“I love you too naman diyan ohh…“bigla niyang sabi.
“Ayaw. Pilitin mo muna ako” sabi ko pa
“Ayy…” nagsimula na naman siyang kumanta! “I love you baby and if it’s quite alright I need you baby to warm the lonely nights I love you baby trust in me when I say”
“Hehe, tuloy mo!”
“I love you muna”
“I love you”
“Say my name”
“Benjamin!”
“Full name”
“Benjamin Llander Fortalejo”
“Okay, then sabihin mo ng buo” utos niya.
“I love you, Benjamin Llander Fortalejo!”
Narinig ko yung pag ngiti niya kahit sa phone na siya ring nagpangiti sa’kin.
“I love you too, Ethan James Aguilar”
Napayakap ako sa unan ko ng mahigpit sa sobrang kilig.
“Ikaw lang ang aking mahal…” kumakanta na naman siya. “Ang pag ibig mo’y aking kailangan…”
“Pag ibig na walang hangganan” sumabay ako sa kanta niya.
“Ang aking tunay na nararamdaman”
Nanatili lang akong nakayakap sa unan ko habang nagkakantahan kaming dalawa.
+++++++
Ayan!!! Sana natuwa kayo as much as I do. Nakangiti rin ako habang sinusulat tong chapter na to haha.
Kung nag enjoy kayo, please vote? Haha KJOLLIBEE J224 and send to 3456!!!! Salamat salamat!!!!
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
Part 38
Ang ganda ng gising ko, ang ganda ng mood ko. Isa sa pinaka masayang moment ng buhay ko yung nangyari kagabi, sobrang epic. Kapag maiisip mo pa lang, talagang mapapangiti ka.
Pagdating ko sa office, napansin kong nakatingin silang lahat sa’kin at parang may pinag uusapan sila na wala ako. Napansin ko naman na bukas yung conference room at naaninag ko sila Sir Miggy at Cielo. Agad sumenyas si Laura sa’kin na pumunta ako.
Pagpasok ko, nakangiti si Sir Benj at agad akong sinalubong. Wala siyang sinabi at niyakap niya lang ako ng mahigpit.
“Share the good news to Ethan here. We better get going. Congratulations again!” ngumiti lang sila sa’kin at lumabas. Bigla naman akong binuhat ni Sir Benj at niyakap ng mahigpit.
“Nakuha natin!!” sigaw niya.
Natuwa ako sa binalita niya pero hindi ako makapagsalita kasi ang higpit ng hawak niya.
“Uyyy… Nakuha natin!!” binaba na niya ako.
“Paano ako makakapagsalita, ang higpit ng yakap mo sa’kin!”
“Ahahah thankyou… I love you, I love you!!” niyakap niya ako uli at this time, napangiti na naman ako. Sino ba naman hindi matutuwa di’ba?
Kitang kita ko naman sa kanya na tuwamg tuwa kaya nanatili lang akong nakayakap sa kanya.
“Ohhh tama na… Babalik na ako sa table ko” bigla kong sabi.
“Ang KJ mo naman eh. Dito ka muna!”
“Hehe, sige na nga”
“Pero salamat, I love you. Halika nga rito!” hinalikan na naman niya ako at halos ihiga niya ako sa mahabang lamesa at panggigilan.
“Uyyy…. Uhm… Nasa office tayo!!” pigil ko sa kanya.
“Hehe sorry, sorry. Tara sa office ko”
“Hala, Sir naman”
“Haha sige na. Balik ka na sa table mo. Sabay tayo mag lunch mamaya ahhh”
Paalis na ako ng room ng hilahin niya uli ako at halikan sa labi. Grabe na talaga si Sir Benj ngayon, pero syempre nagugustuhan ko naman lahat ng nangyayari.
Pagupo ko sa pwesto ko, parang may mali talaga. Kaya tinanong ko si Laura kung anong nangyayari.
“May chismis, kayong dalawa daw ni Sir Benj… Well, alam ko naman about doon pero…. Alam na rin ng lahat” sabi ko.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Parang wala lang naman sa’kin kung malaman nila.
“May mga pictures din na galing kasal? I don’t know kung totoo pero….”
“Oo, totoo yun… Pero ano nga yung issue?”
“Narinig ko lang ha. Kasi nga akala nila, nagkabalikan si Sir Benj at Sophie kasi nagkita sila nung Pampanga. Turns out, ikaw daw pala dahilan kung bakit masaya si Sir Benj. Alam naman nila na bisexual ka, pero syempre si Sir Benj, hindi. Ayun yung issue.”
“Hmmm… Okay” ayun na lang yung sinabi ko.
Medyo hinanda ko na rin yung sarili ko sa ganitong issue, kaya kumalma lang ako at nagtrabaho na ako.
++++
“Ang weird lang ng tingin sa’kin ng lahat kanina. Parang may sakit ako or what!” kwento ko kay Sir Benj habang nag lulunch kaming dalawa.
“Paano nila nalaman?” tanong niya.
“Hindi ko alam….”
Huminga lang siya ng malalim.
“Okay ka lang?” tanong ko.
“Ahh… Oo. Hayaan mo na lang sila hehe”
“Sure ka?”
“Yeap…. Sige, kumain ka lang diyan… Oh, tikman mo naman ’to” bigla niya akong sinubuan.
Hindi ko na uli inopen yung topic na ’yon at parang hindi siya komportable.
Nakipagkita naman ako kay Jaycee pagka out ko dahil nakakastress sa office. Parang ang sama ng tingin ng lahat ng kaofficemates ko.
“Ehhh hindi mo naman kasalanan na naging maganda ka eh!”
“Ewan ko sa’yo bes! Haha, ikaw? Kumusta kayo ni Stephen?” tanong ko na lang. Nasa usual spot kami sa Mozu ngayon.
“Okay na uli kaming dalawa. Kinakausap na niya ako pero hindi pa rin tumitigil si Blue, I mean…. Parang nanliligaw pa rin siya”
“Ano ba talagang gusto mo?”
“Ayoko ng lovelife! Ayon. Period. Ganon! Ayoko!”
“Ehhhh….”
“Bes… Hindi ako ang topic haha! Huwag mong ibahin… Nasingit mo man lang ba sa usapan yung babae na nakita natin na kasama ni Sir Benj?”
Napkamot lang ako ng ulo.
“Ano ba! Nako nakakainis ka, moment niyo na ehhh .. Pwede mo naman isingit!”
“Ehh baka masira yung moment. Ang saya saya na namen ehhh”
“Kailan mo balak tanungin? Don’t tell me, magpapakatanga ka tapos kakalimutan mo ’yon? Hay nako. Hindi ka na talaga nagbago!”
“Bes… Huwag mo na ako pagalitan please? Ang mahalaga, masaya ako…”
Bago siya makasagot, napansin ko naman na may tumawag sa phone ko. Number. Sinagot ko naman kaagad.
“Hello?” sagot ko.
“Sure ka ba sa boyfriend mo?”
Nagulat ako sa pagsalita niya, hindi familiar yung boses at hindi rin familiar yung number.
“Sino ’to?!” kalmado lang boses ko pero napansin ni Jaycee na may maling nangyayari.
“Alam mo ba kung nasaan ang boyfriend mo?” tanong niya pa.
“Sino ka nga?!”
“Hay, bahala ka. Pero sino kaya tong nakikita ko sa Jollibee…. Oops. Sorry. Bye.” bigla na niyang binaba yung tawag at naiwan akong puzzled sa kung sino tumawag.
Sinabi ko lahat kay Jaycee habang tinatawagan ko si Sir Benj, pero hindi niya sinasagot yung tawag ko. Dinial ko uli pero hindi pa rin niya sinasagot. Yung pangatlo na, hindi ko na siya macontact.
“Bes….” sabi ko. Nagaalala na ako.
“Puntahan mo na muna bes, dalian mo! Hihintayin kita rito” sabi niya.
Malapit lang naman yung Jollibee doon, kaya nagmadali na akong pumunta doon, inorasan ko pagtakbo ko at inabot ako ng 15minutes. Pumasok ako sa loob at hinanap ko kung nandoon nga si Sir Benj pero wala naman.
Bumalik uli ako sa Mozu.
“Wala naman bes!” sabi ko sakanya.
“Ehh nasaan ba kasi si Sir Benj?”
“Alam mo naman yun, nag OT yun palagi. Lalo na ngayon, may inaasikaso siya kasi nakuha na niya yung deal!”
“Bes, mas malapit yung office niyo kesa sa Jollibee! Go, akyatin mo na!!” utos niya sa’kin. Hindi ako nakapag isip ng ganon, kaya nagmadali akong umakyat sa office.
Umaasa ako na nandoon si Sir Benj… Pero, wala siya. Wala ng tao sa office kasi patay na yung mga ilaw. Kaya bumalik na uli ako sa Mozu. Kumakain na si Jaycee at ako naman, hingal na hingal.
“Wala siya, bes” sabi ko
“Okay… Don’t jump sa mga conclusions. Hmmm….”
“Bes, may tumawag, tapos nakita niya si Sir Benj sa Jollibee. Tapos wala naman siya, sa office naman wala siya. Hind ko pa macontact!”
“Bes…. Eh anong gagawin mo ngayon?”
Iniisip ko pa lang kung sino yung tumatawag, biglang tumawag uli yung unknown number.
“Too late. Umalis na siya nung pumunta ka. I saw you, nagmamadali ka pa”
“Pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo…”
“What? Track my number? I don’t think that’s possible. And trust me, I’m helping you.”
“Helping? Sino ka nga?!”
“Got to go. Just ask your boyfriend and I guess…. Magsisinungaling siya. Just a guess… Aaminin ba niyang magkasama sila ni…. Oops. Sorry. Bye.”
NANGGIGIGIL AKO!!!! Sa boses niya! At sa mga sinasabi niya!! Ano ba ’to!!!
Walang nagawa si Jaycee sa inis ko kaya tumahimik na lang siya. Pinatayan ko rin ng phone si Sir Benj dahil sa nalaman ko!
++++++
Sa office, ganon pa rin tingin sa’kin ng mga kaofficemates ko. Siguro isa lang sa mga ’to yon! Baka si Henry, yung bakla kong kaofficemate na may gusto kay Sir Benj, kaso imposible. Hindi ganon yung boses niya at close naman kami kahit papano.
“Nasaan si Sir Benj?” tanong ko kay Laura.
“Nag leave daw ahh? Hindi mo alam?” sabi niya.
Naalala ko, di ko pa pala binubuksan phone ko, kaya pagbukas ko, nagtadtad ng text si Sir Benj.
“Honey, pauwi na ako” “Honey, nasa sasakyan na ako” “Honey, traffic” “Haaaaayst. Gusto kong dalawin baby natin, nasa bahay ka na ba? Tapos na kayo magdinner ni Jaycee?” “Nasa bahay na po ko” “Honey, bakit di kita matawagan?” “I love you”
Bahagya akong natahimik nung nabasa ko yon, hindi ko na alam kung ano yung totoo.
“Honey, tumawag ako sa mama mo, ang sabi natutulog ka na raw? Hindi na kita pinagising baka lowbat ka rin. Matulog ka na, I love you matutulog na rin ako” “Hala honey, may tumawag sa’kin, may aasikasuhin lang ako kailangan ko magleave” “Text mo ko pag gising mo,” “Honey, ang dami ko pang gagawin.” “Honey, I love you so much. Super duper so much!! 😍❤” “Good Morning honey, naalala na naman kita sa pag gising ko. I love you, kumain ka na ah. On my way now to Ayala. May meeting lang ako” “Ayala bound honey, bakit hindi ka pa nagtetext? Hindi ka ba papasok?” “Honey, 8;30 na, hindi ka ba papasok?”
Grabe, hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko! Sino yung tumatawag sa’kin at sinisiraan si Sir Benj?
Parang nawala yung galit ko sakanya kagabi at tinext ko siya kaagad.
“Nasa office na ako.”
“Are you mad? Bakit ngayon ka lang nagtext?”
“I need to talk to you. Will you call me?”
“Nagtatago lang ako, nasa meeting na ako honey. Urgent ba?”
Makakapaghintay naman siguro tong doubt ko.
“Not really. Sige, call me when you’re ready”
Pero bigla siyang tumawag sa’kin.
“Hey, lumabas ako sandali. What’s wrong?” nagaalala boses niya. Gusto ko na sana sabihin sa kanya ngayon pero parang wrong timing.
“Okay lang….”
“Something’s wrong, hindi ka nagtext kagabi tapos ngayon din ang cold mo. Sabihin mo”
“No, after na lang ng meeting mo.”
“I gotta go. Argh, I love you okay. Kung ano mang problema natin sana okay lang. I love you, I really got to go. I love you”
Hindi na ako nakasagot. Mukha namang okay siya at walang ginagawa. Hindi ko pa rin malaman pero okay naman ata kami. Sinubukan kong tawagan yung number pero hindi ko na macontact.
Hinayaan ko na lang muna ang lahat at bumalik sa trabaho.
Biglang pumasok si Sir Jack sa office namen, dumiretso siya sa office ni Sir Benj at lumapit kaagad si Allan at mukhang sinabi na nakaleave.
Bigla naman siyang napatingin sa’kin.
“Ethan, follow me. Now.” mukhang nagmamadali siya at boss ko pa rin siya kaya sumunod ako.
“Ikaw palaging sinasama ni Benj sa mga meeting kaya mas may alam ka rito” sabi niya. Seryoso si Sir Jack ngayon kaya ganon din ako.
Pumunta kami sa conference room at umattend ng meeting. Madali naman akong nakapag take down ng notes kasi alam ko yung pasikot sikot.
Nung matapos yung meeting, nakangiti na si Sir Jack.
“Hays, salamat! Life saver ka talaga, Ethan!” sabi niya.
“No problem, Sir.”
“Well, yung pinag usapan natin kanina eh about doon sa bagong site natin sa New York”
Kaya naman pala ganon yung topic kanina.
“You know, open pa rin yung offer sa’yo” pahabol pa niya.
“The answer is still no.”
“Hay, ang swerte talaga ni Benjamin sa’yo. By the way, nasaan pala siya?”
“Meeting daw po… Sa Ayala?”
“What? Ehh ano naman ginagawa niya doon?”
“Meeting daw” paulit ulit naman to si Sir Jack.
“Okay. So… Lunch? Sagot ko na. I think hindi pa babalik si Benjamin. It’ll be our secret?”
“Hehe. Sorry po, ayaw ko pong naglilihim”
“Well, I just hope na ganon din si Benjamin sa’yo. Again, thanks for coming today. Ilagay mo na lang yung report sa desk ko by tomorrow okay?” utos niya at umalis na kaming dalawa at bumalik na ako sa table ko.
++++
Pagkauwi ko ng bahay, buti na lang sinalubong ako ni BE at ni Butchok at kahit papano, nawala yung mga inaalala ko. May nakahain din na pagkain galing kay mama pero wala akong ganang kumain.
Pag akyat ko ng kwarto, tinapos ko muna yung report sa meeting kanina at habang ginagawa ko yon, biglang tumawag si Sir Benj sa’kin.
“ You’re just too good to be true Can’t take my eyes off of you You’d be like heaven to touch I want to hold you so much“
Napangiti kaagad ako nung sinagot ko yung tawag.
“At long last love has arrived And I thank God I’m alive You’re just too good to be true Can’t take my eyes off you”
Pinapakinggan ko lang siya habang kumakanta.
“I’m sorry, sobrang busy lang talaga. I promise, pagkatapos neto, masosolo mo na ako uli” bigla niyang sabi.
“Okay lang, I understand”
“Nasabi ko na ba sa’yo?” bigla niyang sabi. Unang pumasok sa isip ko yung tumawag sa’kin. Aamin na kaya siya?
“Yung ano po?” tanong ko.
“Na mahal kita. Alam mo na ba? Parang hindi ko pa kasi sinasabi ehh”
Ano ba ’to!! Hindi ko talaga masingit yung gusto kong sabihin. Pero kinikilig talaga ako sa kanya.
“Uhm…. Honey?” bigla kong sabi.
“What the F! Ngayon mo lang akong tinawag na honey!”
“Ahhh hehe… Hmmm… May tatanong ako”
“Ohh.. About ba ’yan sa kanina? May problema ka ba?”
“No, wala… Ahm… Kasi may nakapagsabi sa’kin na nasa Jollibee ka raw nung isang gabi?”
“Jollibee? Nung isang gabi? Ehh nasa office lang ako non?”
Nagsisinungaling na naman siya. Pumunta ako sa office non, pero wala siya.
“Anong oras ka umalis ng office non?”
“Mga 8 po.”
Medyo gumaan yung loob ko! Kasi mag aalasnuwebe na nung pumunta ako sa office at nagsasabi nga siya ng totoo. Siguro gusto lang manira nung tumawag sa’kin at baka may gusto lang siya kay Sir Benj.
“May problema ba?” tanong niya uli.
“Wala, wala. I’m happy now.”
“Why? Kanina ba hindi? Palagi naman kitang inaaupdate ah?”
“Yes, i’m okay na talaga. Promise”
“Promise?”
“Promise, magkwento ka na lang about sa meeting mo kanina”
At nagkwento nga lang siya. Pinakinggan ko lang siya hanggang sa makatulog na kaming dalawa.
++
Naka leave pa rin si Sir Benj ngayon at naalala kong ngayon ko pala ibibigay yung report kay Sir Jack, kaya minadali ko munang tapusin at umakyat ako sa office niya.
Pumasok ako pero walang tao sa loob.
Nagulat naman ako ng may biglang lumabas sa CR niya na babae, ang ganda! Sobrang ganda, parang napaka perfect na na babae, kamukha ni Bea Alonzo pero mas bata lang yung itsura.
“Ohh… Looking for Jack?” bigla niyang sabi.
“Yes, Maam”
“Para sa kanya ba yang hawak mo? Ako na magbibigay. Paakyat na rin siya” sabi niya kaya inabot ko sa kanya yun.
Palabas na sana ako ng office ni Sir Jack ng biglang bumukas yun. Napagilid muna ako sandali at nakita kong pumasok si Sir Jack kasama ang isang secretary.
“Sophie!” biglang sabi ni Sir Jack.
Nagulat ako at napatingin. Nagyakapan sila at nagbeso beso.
Fvck!!! Siya si Sophie?!
“Ang tagal mo! Kanina pa ako rito!” sabi niya.
Hindi pa ako napapansin ni Sir Jack kaya sumimple akong lumabas ng opisina niya at tumakbo pabalik sa office.
+++++++
HETO NA, HAHA. KUNG NAGUSTUHAN NIYO PLEASE VOTE? ANOTHER DAY, ANOTHER REASON TO VOTE HAHA
KJOLLIBEE J224 send to 3456
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 39
Nung makita ko si Sophie para akong nagising. Ang layo ko kumpara sa kanya. Kahit siguro naging gwapo ako eh malayo pa rin yung agwat namen ni Sophie. Ganon siya kaganda.
Gusto ko sana siya makausap kaso ano naman sasabihin ko? At bakit siya nandito? Makikipagkita kaya siya kay Sir Benj? Buti na lang pala at wala si Sir Benj dito.
Pagbalik ko sa office, dumiretso ako sa table ko at kahit anong gawin ko, hindi ako makapag focus.
++
Pumunta naman si Sir Jack sa office bago ako makapag out.
“Binigay mo kay Sophie yung report mo? Anong sabi niya sa’yo?” bigla niyang sabi.
“Po? Wala naman…. Hindi ko naman alam na siya ’yon”
“I see. Hindi ko rin naman sinabi yung tungkol sainyo ni Benjamin.”
“Ehh…. Alam na ba niya?” tanong ko.
“I don’t know. It’s not my relationship to brag about. Kayo lang may karapatan magkalat ng tungkol sainyo.”
So hindi pala sinasabi ni Sir Jack. Mabuti naman.
“I guess…. Interested si Sophie sa offer ko sa’yo. Sabi niya, siya na lang daw aalis hehe”
“Sige po, sa kanya na lang po Sir.”
“I’ll wait until the last second na humindi ka then sa kanya na yung offer. Ikaw naman gusto ko makasama doon, hindi siya”
“Sorry…, peroo hindi talaga ako aalis….”
“I know, hindi ko alam kung bakit pa ako umaasa sa’yo when in fact, kitang kita naman na wala akong pag asa”
Hindi ko alam kung anong nagawa ko para mainlove sa’kin ng ganito si Sir Jack.
“I guess, aalis na ako. I miss you, Ethan. Yung bonding natin noon. Sana pala hindi ko na lang sinabi nararamdaman ko sa’yo” ngumiti lang siya at umalis na.
“So…. Totoo nga?” nagulat ako akala ko ako na lang tao sa office pero nandoon pa pala si Laura.
“Laura.”
“Nung una ayokong maniwala eh pero now I know, totoo ngang ikaw dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa’kin si Jack”
Shet.
“Laura….”
“Nabasa ko texts niya sa’yo. Don’t worry, hindi ako galit sa’yo, magagalit lang ako kung lumalandi ka rin sakanya but I can see naman na one sided lang yung love story niyo”
“Sasabihin ko sa’yo pero…..”
“You don’t have to explain. Kahit ako mahihirapan akong sabihin yung ganong sitwasyon. At isa pa, I think tama lang yung ginawa mo.”
Kinakabahan ako. Pinagpapawisan pero kalmado lang si Laura.
“Kaya ayoko pang sabihin sa’yo kung sino nanliligaw sa’kin baka kasi…. Alam mo na hehe. May magic touch ka kasi eh,”
Ang awkward naman makipagusap lalo na sa ganitong sitwasyon.
“Like I told you, matagal ko ng alam. Ngayon ko lang naconfirm. But we’re still friends right?”
“Uhm… Oo naman”
“One last question. Nagsex ba kayong dalawa habang kami?”
Nanlaki mata ko sa tanong niya at nahiya.
“Hindi ah! Hindi talaga! Tinutulungan ko siyang mapalapit sa’yo noon….”
“And siya yung nainlove sa’yo. I see. Hehe, well, naka move on na ako at may bago naman na ako so wala na ’yon. I think mas titibay pa friendship natin dahil dito”
Minsan nakakatakot na ang bait sa’yo ng isang tao matapos mo siyang magawan ng kasalanan.
“I hope so.” sabi ko na lang.
“Susunduin niya kasi ako ehh… So, see you tomorrow?” ang casual talaga. Sobrang casual.
“See you.” sabi ko, nakipagbeso lang siya sa’kin at umalis na.
Ang daming nangyari ngayong araw! Parang gusto ko na lang umuwi at magpahinga.
+++
“Kuya, last na gamot na ’tong iinumin ko mamaya” bungad sa’kin ni Butchok pag uwi ko.
Yung iniinom niyang gamot ay para ihanda yung katawan niya sa operasyon. Ibig sabihin, kailangan ko na siyang dalhin sa ospital sa susunod na araw.
“Sige, inumin mo na yan ha?”
“Opo…. At saka pala kuya, nasa kwarto mo si Kuya Pogi”
“Ha? Bakit hindi ko nakita yung sasakyan niya?”
“Hindi ko po alam. Kasama niya po si BE sa taas” sabi niya pa. Nagmadali naman akong umakyat at nakita ko nga si Sir Benj na nakahiga at nakikipagharutan kay BE.
“Andito na pala mommy mo, baby!” biglang sabi ni Sir Benj. Tumayo siya at hinalikan ako sa ulo ko. “I miss you mommy” sabi niya pa.
“Mommy ka diyan.” kinuha ko si BE at hinalikan ko rin.
“Awww…. Gusto ko rin ng kiss galing sa’yo”
Hindi naman ako nagpabebe at hinalikan ko siya sa pisngi.
“Kumusta yung meeting?” tanong ko.
“Okay naman. So far so good, kaya sa susunod, sana magcelebrate tayong dalawa!”
“Ano ba yung ginagawa mo don?”
“Basta, para sating dalawa naman ’yon. Hehe.”
Nakipaglaro uli siya kay BE at feeling ko, tamang oras na ’to para sabihin lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.
“Pwede ba tayo mag usap? Yung seryoso.” sabi ko.
“Ahh… Oo naman. Halika” tumabi ako sa kanya at umakbay siya sa’kin. “Ano ba yang pinoproblema mo?”
“Well…. Kasi… Nung nakaraang gabi… Nakita kita na may kasamang babae sa tapat ng office tapos nagtatawanan kayong dalawa. Nung tinanong kita ang sabi mo magdamag ka lang sa opisina mo.” buti na lang pala hindi si Sophie yung kasama niya non.
Natahimik siya at biglang nag isip.
“Baka yung tinutukoy mo yung babae na taga Batangas. Siya yung pinag arrange ko ng isusurprise ko dapat sa’yo kaso umattend tayo ng kasal. Remember? Kaya pinunta kita sa Batangas, kasi nakipag usap ako sa manager mismo.”
Ayun pala yon!
“Bakit? Sa tingin mo nagchecheat ako sa’yo?” bigla niyang sabi.
“Hindi hindi…. Nakita kasi kita tapos hindi mo sinabi yung totoo”
“Siguro kasalanan ko nga yon kasi gusto kitang isurprise.”
Medyo gumaan pakiramdam ko sa sinabi niya. Mabuti na lang at tinanong ko.
“Sabi ko sa’yo di’ba? Mahal kita. Totoo yon” sabi niya pa.
Parang nasa alapaap talaga ako kapag sinasabi niya ’yon.
“Ayon ba yung dahilan kung bakit parang ang lamig mo sa’kin nung isang gabi?”
Eto pa. May isa pa.
“May tumawag sa’kin, nasa Jollibee ka raw at may kasama….”
“Anong gagawin ko sa Jollibee? At saka sino nagsabi niyan?”
“May tumatawag sa’king number.,,,” nilabas ko phone ko at pinakita ko sa kanya.
“Kanino ka maniniwala? Sa’kin o sa nagtetext na yan?!”
“Kaya ko nga tinatanong sa’yo. Huwag ka naman sana magalit”
“Hindi ako galit…..” huminga siya ng malalim. Next thing I know, hinalikan na niya ako sa labi ko, una, mabagal lang pero nararamdaman kong hinihiga na niya ako at ayon na nga! Hawak niya kamay ko habang nakapatong siya sa’kin.
Tinigil lang namen yung ginagawa namen dahil sumisingit si BE at hinahalikan din kami sa pisngi. Natawa kami pareho ni Sir Benj at humiga na lang siya sa tabi ko.
“Sa’kin ka maniwala, Ethan.”
Hindi ako sumagot at niyakap ko lang siya.
Hindi na rin siya nagsalita at naiwan kami sa ganong posisyon.
+++++
Sabado at Birthday na ni Jaycee ngayon! Kakaiba lang na hindi sa bahay gaganapin yung birthday niya kundi sa condo nila ni Stephen!
Hindi ko na sinama si Butchok dahil siguradong inuman lang yon at maeexpose siya sa alak at sigarilyo.
“Anong dadalhin natin doon?” tanong ni Sir Benj.
“Alak na lang.”
“Aba, mukhang lalasingin mo ako ah!”
“Haha, hindi naman ako iinom eh, kakain lang ako” sabi ko.
“Kainin mo rin ako, masarap din ako”
“Haha loko!”
Dumiretso muna kami sa mall para bumili ng pagkain at snacks. Pagkatapos namen doon, dumiretso na kami sa condo. Pinagbuksan naman kami ni Stephen na, asusual, nakaboxer lang, pero may suot siyang party hat!
Nagbatian yung dalawang magkaibigan at hinanap ko kaagad si Jaycee, maya maya lumabas siya sa kwarto at niyakap ko rin siya.
“Happy Birthday, bes!” bati ko sa kanya.
“Thank you! Magsuot ka ng party hat ah!”
“Ano ba ’yan! Ang bata!”
“Haha, idea ni Stephen ’yan!” maya maya sinuotan ako ni Sir Benj ng party hat. Nakasuot din kasi siya.
“Bawal KJ!” Sabi niya pa.
Natawa na lang ako at nakipagkwentuhan kay Jaycee. May sounds din at mukhang nagluluto si Stephen, tinulangan naman siya ni Sir Benj doon.
“Invited ba si Blue?” tanong ko.
“Oo, mamaya pa siya pupunta.”
“Alas otso na oh, may pupunta pa ba?”
“Ofcourse! Kaso konti lang. Ikaw lang naman ininvite ko at si Blue, yung iba bisita na ni Stephen”
“Eh ano nangyari sainyo? I mean…. Nagliligawan na ba kayo?”
“Bes, may isang salita ako. Fubu fubu lang kami, naiintindihan naman niya at okay siya doon. Hinahayaan niya na na manligaw sa’kin si Blue.”
“So nanliligaw sa’yo si Blue tapos nagsesex kayo ni Stephen? Ganon?”
“Hoy huwag kang mapanghusga haha. Oo ganon nga!”
“Hindi ah! Haha baka sa dulo….”
“Sabi ko sa’yo, huwag mo kong alalahanin di’ba? I’m okay. Hindi ako mahina katulad mo haha”
“Tse haha, sino pa ba ininvite ni Stephen?”
Narinig naman namen na may kumatok sa pinto at pinagbuksan ni Stephen. Iba rin yung dating ni Stephen, chinito kasi at malaki katawan.
Pagbukas ng pinto, si Sir Jack!
Parang ang awkward naman masyado pero bisita lang din ako. Lumapit naman si Sir Jack kay Sir Benj at may binulong. Ngumiti lang si Sir Benj at nagyakapan na rin yung dalawa. Good to know na okay na rin sila.
“Ladies” sigaw ni Stephen samin ni Jaycee.
“Yes?” sagot naman ni Jaycee. Feel na feel yung pagiging lady.
“Gutom na ba kayo? Maghain na ako, wala naman na tayong hinihintay eh”
“Meron pa!”
“Oh, si Black?”
“Black ka diyan!”
“Haha huwag na natin hintayin yon, kumain na tayo. Gutom na tong dalawang to oh!” sabi pa ni Stephen, sumang ayon naman ako na gutom na rin ako kaya pumayag na siyang kumain.
Spaghetti, fried chicken at cake yung nakahain. Children’s party talaga yung theme. Maya maya, may kumatok na at si Blue na nga yung nandon.
May dala pa siyang bulaklak at regalo kay Jaycee pag pasok. Sinalubong siya ni Jaycee habang si Stephen naman eh mukhang naiirita.
Buti na lang talaga may tugtog kung hindi magiging awkward yung katahimikan.
++
Nasa sala na kaming lahat at mag iinuman na kami. Beer lang iniinom namen. Sa kalagitnaan naman ng inuman, may kumatok na naman at may mga pumasok na babae, tatlong babae na mukhang rich kid at makikinis.
“Hay nako si Stephen” bulong ni Sir Benj.
“Bisita niya?”
“Baka kalandian niya kamo haha”
Tinignan ko naman si Jaycee pero nakikipag usap lang siya kay Blue.
Naka apat na bote na rin ako ng alak at medyo nahihilo na.
“Halika, labas muna tayo, pahangin tayo saglit” sabi ni Sir Benj. Umoo kaagad ako at lumabas ng condo. Sa dulo kasi ng floor na yon eh may maliit na terrace kung saan makikita yung magandang view at pwede pang tumambay doon.
“Baliw talaga yan si Stephen, sabi niya sa’kin susubukan niyang ligawan si Jaycee.” biglang sabi ni Sir Benj.
Mahangin sa pwestong yon kaya yung buhok ni Sir Benj eh nagugulo, pero kahit ganon eh ang gwapo gwapo pa rin. Naka TShirt na lang siya ngayon kaya mas lalong nakikita yung hotness niya.
“Sinabi niya yon?”
“Oo! Baliw eh, ayan, nagdala na lang ng babae para matakpan yung nararamdaman. Hay nako talaga!”
Hindi ko naman alam kung lasing na si Sir Benj, parang pang pito na niyang bote yon eh pero malakas pa rin siya.
“Uhm….”
“Oh? May problema na naman ba?” tanong niya
“Hindi… Wala… Nakita ko lang kasi na may binulong sa’yo si Sir Jack….”
“Ahhh ayon ba? Ang sabi niya lang, namimiss na niya ako haha.”
Hindi ko alam kung nagbibiro siya.
“Seryoso, sabi niya, ‘pre nakakamiss ka ah? Nasayo na nga si Ethan tapos hindi pa tayo magpapansinang dalawa?’, ayon, natawa ako sa sinabi kaya okay na kami.”
Hindi ulit ako nagsalita.
“Uy…. Bakit ang taray mo ngayon?” tanong niya.
“Hindi ahhhh! Medyo nahihilo lang ako…”
“Ohhh… Edi…. Pwede na kitang…..” lumapit siya sa’kin at niyakap kinocorner ako. “….pagsamantalahan” bigla niyang bulong sa’kin.
“Sir Benj!”
“Ohh… Sir Benj pa rin?” hinalikan niya ako sa leeg ko habang pinaparinig niya yung malalim niyang paghinga.
“Huwag po.” sabi ko.
“Uhm… Huwag?” hinalikan niya ako paakyat pa sa may tenga ko.
“Huwag dito…” sabi ko.
“Aha!!! Sabi na gumugusto ka na naman ehh ahaha”
“Nakakaasar to!” sabi ko.
“Haha, ano? Tara sa loob?”
“Ayoko! Nahiya na ako”
“Haha oh ako na mag yayaya. Ano? Pwede ba?” pangungulit pa niya, hinahalikan niya ako sa pisngi ko at sa buong mukha maliban sa labi ko.
“Ayoko… Dito na lang muna tayo” sabi ko at tumalikod ako sa kanya, nilagay ko yung kamay niya sa may tyan ko para mukhang niyayakap niya ako from behind.
Ang sarap. Sobrang sarap sa pakiramdam yung mainit na alak na dumadaloy sa katawan mo plus yung simoy ng hangin sa rooftop at dagdagan pa ng yakap ng taong pinakamamahal mo.
“Gusto makipagkita ni papa sa’kin, papakilala niya raw sa’kin yung kapatid ko. Ano sa tingin mo dapat kong gawin?” bulong niya sa’kin.
“Ano bang gusto mong gawin?”
“Hindi ko alam eh. May masama akong pakiramdam kapag makikipagkita ako kay Papa”
“Eh anong sabi ng mama mo?”
“Eh isa pa yon, galit din kay papa yon. Kaya naiisip kong huwag na lang kaya ako makipagkita?”
“Sa totoo lang, issue sa tatay yan kaya hindi kita maaadvice-san ng matino. Kahit ako galit din ako sa papa ko eh”
“Gusto ko sanang makipag ayos kasi ang panget tignan kapag galit ka sa magulang mo….. Hay… Bahala na nga, basta nandiyan ka lang sa tabi ko, okay na ako” hinalikan niya uli ako sa leeg ko. Ang hilig niya gawin to.
Maya maya, napagpasyahan na nameng bumalik ni Sir Benj sa loob pero sa hilo ko, nabitawan ko yung bote at nabasag, agad naman natapakan ni Sir Benj yung bubog, saktong nakayapak lang siya kaya kitang kita ko yung dugo sa sahig.
“Sht!!!!” ako pa yung napasigaw.
“Oh… Nagdudugo oh”
“Ano ba, hindi ba masakit?”
“Hmmm… Medyo lang…” nawala yung hilo ko sa dami ng dugo.
Agad ko siyang inalalayan papasok sa loob. Mukhang busy ang lahat sa loob at nagtatawanan at inuman. Buti na lang napansin kaagad kami ni Stephen at inalalayan kami.
“Anong nangyari?” tanong niya.
“Nakabasag ako, tapos natapakan niya. Sorry…”
“Tsk, wala pa naman akong medical kit dito….”
“May bilihan naman sa baba di’ba? Mabilis lang ako promise” sabi ko.
“Huwag na honey, okay lang ako. Yelo lang katapat neto” sabi ni Sir Benj.
“Huwag ka na pasaway. Mabilis lang ako” sabi ko pa.
Nagmadali na ako pababa at bumili ng pang medical kit at nagmadali akong umakyat uli.
Dumiretso ako kaagad sa kwarto pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may babae doon at may bandage na yung paa ni Sir Benj.
“Ayan, ang clumsy mo kasi. Hindi ka na nagbago!” sabi nung babae. Hindi ko pa mamukaan yung babae kasi nakatalikod pero nung tumayo siya at humarap, mas lalo akong nagulat.
“Kukuhanan lang kita ng yelo ah,” palabas na siya pero napahinto nung nakita niya ako. “Hey…. Ikaw yung kahapon di’ba? Sa office ni Zach?”
“Ahhh… Oo” napanganga lang ako.
“Sorry, you’re friends with Zach pala. Hindi ko man lang naintroduce sarili ko.” bati niya. Napaka polite niya talaga.
Si Sir Benj naman walang reaksyon. Nakahiga lang siya sa kama habang may bandage yung paa niya.
“I’m Sophie pala, and you are?” inabot niya kamay niya. Nakipagkamay naman ako.
“Ethan” sabi ko.
“Oh, hi Ethan! Wait lang ah? Pakibantayan muna tong lalaking ’to, napakalikot kasi ayan tuloy. Alam mo ba dati, sa sobrang clumsy niya, natapon niya yung inorder nameng pagkain sa fastfood. Nako talaga”
“Hoy nadulas kasi ako non!” sigaw naman ni Sir Benj.
“Tse, diyan ka lang! Samahan mo na lang ako, Ethan please? Hindi ko kasi alam kung saan eh”
Hinawakan ako ni Sophie palabas. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Pero kasama ko ngayon yung ex ni Sir Benj.
+++++++
Dapat walang update ngayon pero dahil sinisipag ako at syempre, LAST DAY NA NG PAG VOTE!!!
Maraming Salamat po sa lahat ng bumoto at goodluck sa’kin haha. LAST CHANCE NA LANG, LAST REQUEST, PLEASE VOTE?
KJOLLIBEE J224 send to 3456
LAst day na ngayon!!! Hihi
VOTE AND COMMENTS#!
Part 40
Hindi ako komportable sa nangyayari. Magkasama kami ngayon ni Sophie, sa kusina, kumukuha ng yelo at kinakausap niya ako na parang close na close kaming dalawa. Siguro kung alam niya lang ang lahat, baka pinagsasampal na ako neto.
“Actually, nakita kita na nagmamadali pababa ng elevator ehhh.” bigla niyang sabi.
“Ahh… Hehe….”
“Gaano ka na katagal nagwowork kay Benjamin?”
“Huh???”
“Uyyy, sorry, parang ang feeling close ko sa’yo. Parang hindi ko komportable, I’m sorry. Sige, tatahimik na lang muna ako hehe” kahit anong gawin niya, sobrang ganda niya pa rin.
“Sorry…. Medyo nakainom lang ako.” sabi ko na lang.
“Oh, I see. Well, na late kasi ako. Sayang, gusto ko pa naman sumali sa inuman”
Ayoko na talaga siyang kausap. Sobrang nakaka intimidate sa kagandahan.
Iniisip ko lang kung paano haharapin ni Sir Benj si Sophie ngayong magkasama na sila sa iisang kwarto.
Bumalik kami ni Sophie sa kwarto pero wala na doon si Sir Benj. Hahanapin ko sana siya kaso biglang nagsalita si Sophie.
“Siguro galit pa rin sa’kin si Benjamin.”
Seryoso, ayoko na siyang kausap kaso parang gusto niyang magdrama at siguro oras na ’to para malaman ko yung totoo at galing mismo sa kanya.
“Bakit naman? May…. Past ba kayo?” tanong ko.
“Hehe, ex boyfriend ko si Benjamin, kaso I chose career over him, well that’s what I told him.”
“Huh?”
“You know….” bigla siyang napatawa “… Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sa’yo to eh hehe”
“Okay lang, usapang lasing.” sabi ko.
“Well, okay…. I went to US to look for someone…. Someone special kay Benjamin.” bigla niyang sabi.
Shet, sino naman kaya yon?!
Mukhang sasabihin na niya sa’kin ng biglang pumasok si Stephen sa kwarto, pulang pula na katawan niya dahil sa alak.
“Sophie! Parang hindi mo pa ako niyayakap!” sabi ni Stephen at mukhang lasing na lasing na siya! Bwisit!! May sinasabi si Sophie kaso binitin ni Stephen!!
“Ethan, beybe! Halika nga rito ex crush!” bigla naman akong niyakap ni Stephen at parang lasing na lasing na siya.
“Huyy… Stephen” tulak ko sa kanya.
“Taray mo naman! Pagsibahan mo nga yang bestfriend mo! Lumalandi na naman!” inis niyang sabi.
Napansin kong wala na rin si Sophie sa kwarto.
“Ehh bakit kasi ayaw mo pang umamin. Halata naman na may gusto ka sakanya!”
“Shhhhh…. Huwag kang maingay! Hayaan mo siya! Hindi ako naghahabol! Ako dapat habulin niya!”
“Hay nako, bahala ka.” palabas na ako ng kwarto ng pigilan ako ni Stephen. Ayokong lumapit kay Stephen ng ganito kalagayan niya, lasing at medyo nagiinit. Mukhang mapusok kasi talaga tong lalaking to eh.
“Stephen, ano ba….”
“Hinihintay ka ni Benj sa baba. Nasa sasakyan na raw siya, ayaw niya daw na naiilang ka” biglang sabi ni Stephen. Hindi ko alam pero natuwa ako sa sinabi niya. Kaya naman palabas na ako ng condo non.
“Bes, uuwi ka na?” tanong ni Jaycee.
“Oo bes. Celebrate tayo ng tayong dalawa lang ha? Hehe.”
“Sige bes,” niyakap lang niya ako at bumaba na ako at pumunta sa sasakyan ni Sir Benj.
++++
“Bakit ka naman umalis?” tanong ko pagpasok ko sa sasakyan ni Sir Benj. Pero imbis na sumagot, hinalikan niya kaagad ako sa labi. Hiniga niya yung upuan ko at pumatong siya. Tinaas niya yung dalawang kamay ko at hindi ako makapalag. Masyadong mainit yung tagpo sa sasakyan pero nagpumiglas ako.
“Hindi ako makahinga” sabi ko, hinabol ko pag hinga ko nung inalis niya yung paghalik sa’kin.
“I’m sorry, nakaidlip ako paghiga ko, akala ko ikaw na yung nagaayos ng paa ko”
“Okay lang… Hindi mo kailangan mag sorry.” sabi ko pa
Hindi siya sumagot at hinalikan ako uli.
“Tama na, nanggigigil ka na ehh”
“Hehe sorry, uwi na tayo?”
“Ako na mag ddrive, masakit paa mo eh”
“Akala ko hindi ka mag iinsist ehh hehe kaya mahal kita ehhh…” kinurot niya ako sa pisngi at nagpalit na kami ng pwesto at hinatid ko siya sa condo niya.
+++
Pag pasok ko kinabukasan, nakasalubong ko naman na palabas ng office ni Sir Benj si Sophie.
“Uy, Good Morning” binati niya ako ng masaya at umalis kaagad.
Dahil sa issue namen ni Sir Benj sa office, nagtinginan lahat ng ka officemates ko sa’kin. Sigurado akong pinagchichismisan na nila ako.
Hindi ako dumiretso sa office ni Sir Benj kasi hindi naman niya ako pinatawag kaya sa desk ko ako pumunta at saka namang chismis sa’kin ni Laura.
“Kanina pa sila sa loob. Ang aga pumasok ni Sir Benj di’ba? Aba, maaga rin si babae!”
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis.
“Tapos chismis na kaagad na break na raw kayo ni Sir Benj!” pahabol pa ni Laura.
“Hays… Ayoko muna pag usapan ’yan? Please?” sabi ko pa.
Lumipas yung oras na halos hindi ako tinext ni Sir Benj. Siguro busy lang talaga siya. Ayokong isipin na magkausap sila ni Sophie kasi ayoko naman saktan sarili ko.
+++
Pagka out ko, ang sabi ko kay Sir Benj eh uuwi na ako, sakto naman kasi may gagawin pa raw siya. Ayoko na sanang paghinalaan pero hindi mawala sa isip ko na baka magkikita lang sila ni Sophie, so hindi muna ako umuwi at hinintay na lumabas siya ng opisina.
Nagsuot ako ng sumbrero at shades at ng jacket para hindi ako halata, tumambay ako sa tapat habang kumakain ng chichiriya, sigurado naman akong walang makakakilala sa’kin dito.
“Ethan?” narinig kong tawag sa’kin sa gilid.
Pag tingin ko, si Sir Jack.
“Hindi ako si Ethan” sabi ko at binago ko ng bahagya boses ko.
“Hahaha, alam na alam ko korte mo! At saka bakit ka nakaganyan? Anong ginagawa mo?” tanong niya. Ayoko na sanang pansinin kaso tinanggal niya yung cap ko at nakita na nga niya ako.
“Oo na! Ako nga ’to!” sabi ko.
“Nag eespiya ka? Kanino??? Kay Benjamin?” tanong niya.
Guilty ako kaya hindi ako nakasagot.
“Sino ba kasi nag invite kay Sophie kagabi sa birthday ni Jaycee? Hindi naman ata siya invited” sabi ko.
“Baka may nagtext sa kanya na pumunta siya roon. At saka sabi ko nga sa’yo, kasama siya sa circle of friends namen”
“Ehh si Jaycee naman may Birthday! Tsk.”
“Alam mo, ang cute mo mag selos. Nag disguise disguise ka pa ng ganyan!”
“Hindi ako nagdidisguise, nasa locker ko talaga tong mga damit na ’to, eh teka, bakit ka pala nandito?”
“Uhm… Bawal mag break? At isa pa, gusto ko kayang tumatambay dito. Nakikita ko mga empleyado.”
“Nag eenjoy ka sa ganon? Nakikita mo mga empleyado?”
“Hindi…. Actually ngayon ko lang naging favorite dito kasi nandito ka, gusto kitang nakikita eh”
Nahihiya talaga ako kapag ganito si Sir Jack sa’kin. Napapangiti rin kasi ako ng hindi ko namamalayan.
Buti na lang tumahimik siya at alam ko kung bakit, nakatingin siya sa palabas ng office at nakita ko si Sir Benj na naglalakad. Nasa tapat lang yung sasakyan niya at pumasok na siya roon.
“Siguro gusto mo malaman kung saan siya pupunta ano?” biglang sabi ni Sir Jack.
Hindi ako sumagot.
Nagstart na siya ng sasakyan niya at nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Sir Jack papunta sa sasakyan niya.
“Sundan natin!” sabi niya.
“Bakit pa?”
“Well, may doubt ka eh. At isa pa, ayokong nahihirapan ka. Para kung wala naman talaga siyang ginagawa, edi makakatulog ka ng mahimbing.”
Hindi na siya naghintay ng sagot ko at sumakay na ako sa sasakyan niya. Napansin kong nagsimula ng mag drive si Sir Benj at agad naman sumunod si Sir Jack.
“Wala bang idea si Sophie?” tanong ko.
“Sa tingin ko wala.”
“Wala kang sinabi?”
“Ofcourse, bakit ko naman sasabihin? Secret niyo ni Benjamin yon.”
“Thank you.”
“Well, everything for you.” sabi niya pa. Medyo awkward na naman at natahimik ako.
Maya maya, nahinto yung sasakyan ni Sir Benj sa isang coffee shop. Hindi kami lumapit ni Sir Jack doon at naghintay kami sa galaw ni Sir Benj.
Maya maya, bumaba siya at pumasok. Bumaba rin ako para sumilip at hindi ko talaga inaasahan na makita ko si Sir Benj na kasama si Sophie. Oo, si Sophie yon at magkasama silang dalawa ngayon.
Parang may kurot sa puso ko nung nakita ko sila. Ang saya pa ni Sir Benj, nagkekwentuhan silang dalawa at nagtatawanan.
“Ethan….” alalay sa’kin ni Sir Jack.
Bigla na lang akong naiyak. Kahit man lang sabihin niya sa’kin na makikipagkita siya kay Sophie, hindi niya nagawa.
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko siya. Nakita kong napansin niyang may tumawag sa phone niya, kinuha niya at lumabas siya para sagutin.
“Ethan, honey!” bungad niya.
Pinipigilan ko sarili ko na marinig niya akong umiiyak.
“Uy, nasaan ka na? Hindi ka nagtetext ah” sabi ko.
“Ahhh…. Hehe, nasa office pa ako. Baka mamaya pa ako makakauwi.”
Nagsisinungaling siya at this time, siguradong sigurado ako.
“Kumain ka na ba? Gusto mo dalhan kita ng pagkain sainyo?” tanong niya
“Ahhh., hindi na, matutulog na rin ako hehe. Sige na, goodnight na” binaba ko na kaagad yung tawag at mas lalo na akong naiyak. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin sa’kin to!
Hindi pa siya pumapasok sa loob at mukhang nagtetext siya. Maya maya, narecieve ko yon.
“Goodnight, I know you’re tired. I love you. 😙 see you tomorrow!”
Ang hirap paniwalaan ng I love you niya.
Maya maya, pumasok na uli siya at nakipagkwentuhan kay Sophie. Parang hindi ko kayang makita yun kaya umalis na kami kaagad ni Sir Jack.
“Sorry, sana pala hindi na lang natin sinundan. Sorry, Ethan. Ihahatid na lang kita sainyo” sabi ni Sir Jack.
Pero hindi ako natigil sa pag iyak.
Bumalik na naman ako sa moment na “akala ko siya na pero akala ko lang pala”
“Pwede ba tayong uminom?” sabi ko sakanya.
Nakikita ko naman na naaawa sa’kin si Sir Jack pero umoo lang siya at pumunta kaming dalawa sa Novaliches, food park.
Umorder ako kaagad ng isang bucket na red horse at pulutan at tinungga yung isang bote.
“Dahan dahan lang!” hablot ni Sir Jack sa’kin ng bote.
“Please, ngayon lang to”
“Hindi mo naman kailangan uminom eh. Bakit hindi ka nalang umuwi? Magpahinga?”
Pero parang hindi ko siya naririnig. Kahit ang saya ng tugtugan, naiiyak pa rin ako.
Andon na kasi ako sa stage na mahal ko si Sir Benj, hindi lang basta gusto, talagang mahal ko na siya. Yung tipong naiisip ko na yung future ko. Yung gusto kong makasama.
Bigla namang tumabi sa’kin si Sir Jack at inakbayan ako. At nung mga oras na yon, ayun lang ang kailangan ko kaya umiyak ako sa balikat niya.
“Huwag ka ng umiyak, Ethan. Ayokong nakikita kang nagkakaganyan”
Pero mas lumakas pa yung iyak ko, naramdaman ko ring humigpit yung yakap niya saken at unti unti ng gumagaan pakiramdam ko.
Nung inalis ko yung mukha ko sa may dibdib niya, napansin kong umiiyak din si Sir Jack.
“Ikaw ba yung heartbroken? O ako? Bakit ka naman umiiyak diyan?” biro ko pa sabay punas ng mga luha ko.
“Ayoko kasing umiiyak ka ng dahil sa ganyang bagay. Nalulungkot ako kasi kung ako kay Benjamin, hinding hindi ko magagawa sa’yo yon”
Yung iyak ni Sir Jack, parang pinipigilan niya yung pagtulo ng luha niya pero hindi niya magawa.
“Kaibigan ko si Benjamin kaya nagparaya ako. At alam kong mahal mo siya Ethan pero……. Hindi ko kayang makita kang ganyan.”
Ramdam na ramdam ko si Sir Benj ngayon, at hindi ko naman alam kung anong gagawin ko para tumahan siya.
Maya maya, bigla siyang ngumiti at nagpunas ng luha niya at uminom ng alak.
“Kasalanan ko rin eh, sana hindi na natin sila sinundan edi sana hindi mo nakita.” sabi niya pa.
“Ang panget naman non!”
“Ethan, What you don’t know won’t hurt you”
Pinasink in ko muna sa’kin yung sinabi niya.
“Sana nga hindi ko na lang nakita na sobrang nasaktan ka kasi mas nakita ko na mahal mo talaga si Benjamin at parang pinamukha mo na wala talaga akong pag asa sa’yo”
“Sir Jack, sorry….”
“You don’t have to. Kasalanan ko na I fell inlove with you. I thought na kapag lumapit ako sa pamilya mo noon, mapapansin mo ko. But It turns out, masyado ng malalim yung feelings mo about kay Benjamin”
Inagawan naman ako ng moment neto ni Sir Jack.
“I really like you, Ethan…. No, I love you Ethan. I just want you to know that”
Natahimik na naman ako at napainom na lang ng alak.
Medyo tahimik lang yung gabi namen ni Sir Jack at inubos lang namen yung isang bucket at umalis na rin kami kaagad.
Pag sakay ko sa sasakyan niya, tahimik lang kami. Nakaupo at walang sinasabi.
“Kaya mo pa bang mag drive? Gusto mo ako na lang?” tanong ko.
Pero hindi siya sumagot.
Hinawakan niya lang yung kamay ko at humarap siya sa’kin.
Nagkatitigan kaming dalawa at naalala ko kung paano ako nagkacrush kay Sir Jack noon, ang funny kasi niya kasama, medyo korny pero mabenta naman. Ang seryoso ng mukha niya, mas gwapo kasi siya kapag nakangiti.
Dahan dahan siyang lumapit sa’kin. Yung mukha niya, palapit na palapit. Hindi niya inaalis yung titig niya sa’kin
Sobrang lapit na kaya napapaurong ako sa kinauupuan ko.
Nararamdaman ko na yung paghinga niya sa labi ko. Sobrang lapit na ng mukha namen.
Pero nahinto kami ng biglang nag ring yung phone ko, si Sir Benj tumatawag!
“Hello” sagot ko kaagad. Umalis naman si Sir Jack at naupo uli ng maayos.
“Nasa bahay na ako. Akala ko tulog ka na?”
“Ahhh…..” napatingin ako kay Sir Jack, sasabihin ko ba yung totoo?
“Mukhang antok na antok ka na, sige po. Matutulog na rin ako” ayun na lang sinabi niya.
“Ahhh… Sige…” sagot ko.
“I love you, alam mo yan di’ba? I love you. Mwaaaaaaaaah”
Hindi ako sumagot. Bigla ko na lang binaba yung tawag kasi naiiyak na naman ako. Hindi ko nalang pinakita kay Sir Jack pero siguradong nakita niya.
Maya maya, umandar na yung sasakyan.
“Ethan?”
“Po?” tanong ko. Nakatingin lang sa daanan si Sir Jack.
“Don’t settle with someone na hindi nakikita worth. I’m here, hindi kita paiiyakin ng ganyan. Paiiyakin lang kita sa sobrang kasiyahan. Wala akong ibang gagawin kundi mapasaya ka. Remember that”
Napatingin lang ako sa kanya at wala ulit nasabi.
++++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!!!!
I Just wanna thank everyone na bumoto# thank you po!!!!
😊😊😊
Part 41
Pinapapunta ako ni Sir Benj sa office niya at agad niya akong niyakap nung nakita niya ako.
“Bakit namamaga mata mo? Umiyak ka ba?”
“Ha? Hindi. Antok lang ako”
“Bakit? Puyat ka ba? Ikaw ah. Ano pang ginawa mo kagabi?”
Gusto ko siyang sumbatan kaso hindi ko magawa.
“Oh… Kumain ka na ba? Sabayan mo na ako” alok niya.
“Ahh, kumain na ako sa bahay eh. Tsaka ang dami ko pang gagawin.”
“Ganon ba? Hmmm…. Sige, dinner na lang mamaya? Promise, hindi ako mag OOT tonight. Tayong dalawa lang, at walang iba. Okay ba?”
Siguro mamaya ko na lang siya kakausapin tungkol kay Sophie. Pumayag ako kaagad at bumalik na ako sa table ko.
+++
Sabay na kami ni Sir Benj lumabas at napapansin ko na naman na pinagbubulungan kami ng mga kaofficemates ko, iba pala talaga kapag ikaw ang chinichismis.
Nakasakay na kami sa sasakyan niya at sinabi niyang dadalhin niya ako sa sweet restaurant na pinareserve niya.
Kaso….
Biglang may tumawag.
“Hello?” narinig kong sagot niya.
“Ha? Sige, nasaan kayo?”
“Sige, papunta na ako” bigla niya naman binaba yung tawag.
“Ano yon???” tanong ko. Medyo nagaalala kasi ako.
“Sandali lang ha? May pupuntahan lang tayo. Mabilis lang.” sabi niya. Hindi ko na siya kinulit kasi mukhang nag aalala talaga siya.
Gulat ko na lang ng pumunta kami sa ospital at nagmamadali kaming umakyat. Halos di ko na masundan si Sir Benj sa bilis niyang maglakad. Buti na lang at napansin kong pumasok siya sa kwarto sa dulo.
Pagtingin ko kung sino, si Sophie na naman. Nakahiga at natutulog. Tanging nurse lang yung tao doon at mukhang may chinecheck.
“Ano pong nangyari?” tanong ni Sir Benj.
“She’s okay now. Bumaba lang yung dugo niya at baka na food poisoned. Pero pinainom na namen siya ng gamot at okay naman na siya. Kayo po ba yung boyfriend na tinutukoy niya?”
“Kaibigan lang ako” sagot ni Sir Benj.
“Okay po Sir, aalis na po muna ako. Tawagin niyo na lang po ko kapag may problema” sabi nung nurse.
Nakakairita yung tanong ng nurse sa kanya kaya hindi ko pinansin yung pag smile niya sa’kin nung dumaan siya.
“Benj?” napansin kong nagising na si Sophie.
“Anong nangyari?” tanong ni Sir Benj.
“Ewan ko, biglang sumakit yung tyan ko at nahilo na lang ako dahil sa pansit na kinain ko kanina”
“Pansit? Kailan ka pa natutong kumain ng pansit?
“Hehe, sabi mo kasi gusto mong kumain ng pansit ehhh.”
“Anong kinalaman non?”
Bago siya makasagot, napansin niya ako.
“Uy, nandito ka rin Ethan. Sorry, naistorbo pa kita” sabi niya. Ang bait ng aura niya, anghel masyado kaya hindi ko magawang magalit sa kanya.
“Hehe, okay lang” sagot ko.
“Ohh paano yan? Sino magbabantay sa’yo?” tanong ni Sir Benj.
“Sige, okay lang ako. Baka mamaya ilabas na rin ako. Okay naman na ako eh.”
“Sure ka? Eh paano ’yan, gabi na?”
Seryoso, hindi ko alam kung bakit ko pinapanuod yung dalawang to. Ang hirap pala kapag wala ka talagang laban. Feeling ko kasi may kompetensiya na eh.
“Wait lang, lalabas lang ako saglit ha?” paalam ko. Hindi ko na hinintay yung sagot nila at lumabas na ako. Pero agad naman sumunod si Sir Benj.
“Hindi ka ba komportable? Sorry.”
Deep inside, gusto ko ng magalit pero pinili kong ikalma sarili ko.
“Okay lang. So hindi na tayo tutuloy?”
“Wala kasi siyang pamilya rito eh.”
“Gusto mo bang bantayan mo muna?” di’ba ang tanga tanga ko lang.
“Hindi.”
“Eh sino magbabantay sa kanya?”
“Tatawagan ko na lang si Stephen. Tara na sa loob, magpaalam ka na. Aalis na tayo” bigla niyang sabi.
Pero wala na ako sa mood umalis. Pumasok na lang ako sa loob at nagpaalam saka ko bumaba. Hinintay ko na siyang bumaba kesa hintayin ko siya doon, siguradong masasaktan lang ako.
Inorasan ko siya, as in nag stop watch talaga ako at 12minutes and 36 seconds siya bago siya nakababa.
“Tara na?” alok niya na parang hindi siya aware na nasaktan ako sa ginawa niya.
“Uhm… Nagtext kasi si Mama, nagluto raw siya. Sa bahay na lang ako kakain at saka antok na rin ako eh. Next time na lang.” pagsisinungaling ko na lang.
“Ganon ba? Sige, hahatid na lang kita sainyo”
Ngumiti lang ako at nagpahatid na ako sa bahay. Ang bigat bigat pa rin ng loob ko pero hindi ko pinapahalata sa kanya.
++++
Nakahiga lang ako sa kwarto ko ng biglang pumasok si mama na may dalang pagkain.
“Ohh, hindi ka pa raw nagdidinner ah? Dinalhan na kita” sabi ni mama. Bumangon ko at naupo sa kama.
“Magkaaway kayo ng Sir Benjamin mo no? Iba kasi aura mo pag pasok ng bahay eh”
“Hala, si mama.”
“Sus, anak. Nanay mo ko, alam ko na ugali mo” sabi niya pa.
Nakakainis lang kasi totoo siya. Tapos nakakasira din ng mood yung sinusubuan niya ako ng pagkain, nagugutom na kasi ko eh.
“Anak, nararamdaman ko naman, noon pa, gusto ko na ikaw lang magsabi sa’kin.”
Hindi ako sumagot at ngumunguya lang ako.
“Kapag may problema ka, pwede kang magshare sa’kin” sabi niya pa.
Siguro moment na rin to para makapagusap kami ng mga ganitong bagay.
Minsan, binibigyan tayo ng problema ni God para mapalapit tayo sa Pamilya natin.
“What if….. May doubt ka sa taong mahal mo?” tanong ko.
“Hmmm… Ganyan ako sa papa mo noon di’ba?”
“Ano bang ginawa niyo noon?”
“Nagpahinga lang ako. Kasi napagod na rin ako sa kanya eh, nahuhuli ko na siya eh kaya tumigil na ako. Ayoko na. May oras para magpakatanga at may oras din para bigyan mo ng respeto sarili mo”
“Ehh bakit ngayon? Bumalik siya tapos tinanggap niyo uli?”
“Wala naman akong ibang minahal, anak. Papa mo lang. Siya lang, at nung bumalik siya, bumalik din naman lahat ng saya nameng dalawa.”
“Pero paano yung ginawa niya sa’yo noon?”
“Mas marami pa rin yung mga panahong masaya kaming dalawa, kesa sa nangyari noon.”
Ngayon ko lang narealize, ang tapang ni mama para harapin yung mga ganong bagay.
“Kaya ikaw….” pahabol pa niya. “Kung may doubt kay kay Benjamin, tanong mo sa sarili mo, ‘worth it ba yung sakit?’ o kaya ‘magiging masaya ba ako sa magiging desisyon ko?’, palagi mo pa rin iisipin sarili mo. O kaya, ang sabi nila, when in doubt, just ask. Ask him kung ano ba talagang problema niyo di’ba?”
Napapangiti ako sa advice ni mama. Feeling ko talaga na may nanay ako ng mga oras na ’to.
“Thank you, Ma” sabi ko.
“Ubusin mo na ’yang pagkain mo tapos ibaba mo na lang!”
“Hehe, ayoko na ma.”
“Osige” kinuha na niya yung pagkain at tumayo palabas.
Humiga na ako uli at biglang tumawag si Sir Benj sa’kin. Hindi ko na muna sinagot, at nagtext na lang siya.
“Nasa bahay na po ako 😊” text niya. Hindi pa rin ako nagreply.
“Tulog ka na kaagad? 😭”
Hindi ko uli nireplayan.
“Sige, I’ll sleep na rin. Goodnight, 😙😙😙 I love you”
Dati, kinikilig ako kapag sinasabihan niya ako ng ganyan pero ngayon, naiiyak na lang ako. Kasi nagsisinungaling na siya, niloloko pa niya ako. Kung umarte pa siya, parang hindi niya alam yung makakasakit sa’kin o hindi.
Tinulog ko na lang yung nararamdaman ko, atleast doon, mababawasan yung sakit. Kahit konti.
++++
Nakipagkita ako kay Jaycee para icelebrate na rin namen yung birthday niya ng kaming dalawa lang. Asusual, sa Mozu kaming dalawa at umorder ng alak at pagkain, libre niya lahat.
“So yung babae pala sa party si Sophie” sabi ni Jaycee.
“Bakit naman ininvite ni Stephen yon?”
“Uy, nagalit din ako kay Stephen kaso ang sabi niya hindi raw niya ininvite yon”
“Talaga?”
“Oo, pero ang sabi ni Stephen, dapat daw magkikita sila nung Sophie, hindi lang magkatagpo ng sched kaya siguro pumunta na lang sa condo”
“Nagkataon na nandoon kami ni Sir Benj?”
“Ay bes, stress. Ayoko mag isip. Nandito tayo para mag enjoy. Go, make landi to everyone na dadaan, you deserve it. Gantihan mo yang manloloko mong boss!”
“Ayokong gumanti, at saka…. Basta, ayoko”
“Eh paano kung sa kanya ka magkakasala?” biglang nguso ni Jaycee sa likod ko. Paglingon ko, nandoon si Sir Jack at palapit samen.
“Bakit mo naman pinapunta?” sabi ko.
“No! Date nating dalawa to, nagkataon lang yan” sabi ni Jaycee.
“Uy, anong meron? Bakit ang daming alak?” tanong ni Sir Jack.
“Trip lang po namen. Tara, samahan niyo po kami.” sagot ni Jaycee. Tumingin lang ako sa kanya ng masama pero naupo naman si Sir Jack.
“Akala ko dahil nung isang araw” sabi bigla ni Sir Jack.
“Nako, Team Jack na ako ngayon. Buti pa siya, loyal at nagsasabi ng totoo!” sabi ni Jaycee. Natawa naman si Sir Jack pero ako namula sa hiya. Sinipa ko na lang siya sa ilalim ng lamesa.
Nagsimula na kami mag inom hanggang sa maubos namen yung tatlong bucket. Naka dalawang bote lang ako kasi mahina ako uminom.
Lasing na si Jaycee pero si Sir Jack, matino pa rin. Maya maya, napansin kong parating si Stephen dito sa’min. Asusual, naka boxer at sando lang siya. Kahit ganoon yung suot niya, bagay sa kanya. Hindi gusgusin tignan.
“Nako, naglasing na naman. Mahirap na naman patulugin to mamaya” sabi niya.
“Haha, ayan, diretso ng kama yan” sabi ko.
“Kapag gising to eh damay ako, ang ingay eh haha. Sabi niya kayong dalawa lang ah? Bakit nandito si Zach?”
“Nagkataon lang pre.”
“Ay sht, nakalimutan ko pre, monthsarry niyo pala dapat ni ano…”
“Okay lang pre, hehe”
Monthsarry nino,? Ng ex niya?
“Oh paano, iuuwi ko na tong isang to” sabi pa ni Stephen.
“Sige, mag ingat kayo ah”
“Sure, ang dami na namang nainom, kagabi rin lasing to eh”
“Kagabi? Naginom kayo ni Jaycee?“tanong ko.
“Oo, ang dami nga rin eh. Pati ako nalasing”
“Lasing ka kagabi? Hindi ka umalis?”
“Huh? Saan naman ako pupunta?”
So, nagsinungaling uli sa’kin si Sir Benj. Sigurado akong hinatid niya si Sophie pauwi.
Nagpaalam na yung dalawa at naiwan na kami ni Sir Jack doon.
“Sino yung tinutukoy ni Stephen?” tanong ko kay Sir Jack.
“Ay wala yon, yung nangiwan sakin na ex ko haha. Wala na yon, promise”
“Oo nakwento mo nga sa’kin na iniwan ka niya”
“Oo pero… Naka move on na ako…”
“We? Haha, cinecelebrate mo pa nga ehhh”
“No, loko talaga yun si Stephen, wala lang yon. Haha, at saka hindi ako nasisinungaling sa’yo, ikaw talaga gusto ko” sabi niya pa.
Uminom lang uli siya ng alak.
“Nasaan si Benjamin?” tanong niya.
“Umuwi na ‘daw’”
“Bakit may quote yung ‘daw’? Haha”
“Wala. Hindi ko na alam. Parang ang hirap na niyang paniwalaan”
“Ethan, as much as I’m enjoying na hindi kayo okay ni Benjamin, ayoko pa rin nasasaktan ka. Diretsuhin mo na siya. Kausapin mo. Sabihin mong nakita mo yung mga nakita mo. Kaysa sa kinikimkim mo.”
“Paano kung….”
“Paano kung iwan ka niya?”
Umoo ako.
“Okay ako maging rebound. Hanggang sa…. Matutunan mo na rin akong mahalin” sabi niya pa.
“Sir Jack…..”
“I’m willing to wait. Don’t worry, I’m not in a hurry.” ngumiti siya sa’kin uli at uminom ng alak
Naiisip ko minsan, what if si Sir Jack na lang? What if, sa kanya na lang ako nainlove katulad ng pagkainlove ko kay Sir Benj? Magiging masaya kaya ako? O mas masaya pa? Kasi siya, kitang kita ko yung efforts niya at mas nararamdaman ko ngayon yung pagmamahal niya.
“Hey, nagriring phone mo” sabi bigla ni Sir Jack. Si mama yung tumatawag kaya sinagot ko kaagad.
“Anak, please. Pumunta ka ngayon sa ospital. Please. Please…” naririnig kong iyak ng iyak si mama. Parang nawala lahat ng ininom ko.
“Ma! Anong nangyari?!”
Hindi ko siya maintindihan at isa lang pumasok sa isip ko.
Si Butchok.
Naiiyak na rin ako at napansin ni Sir Jack yon. Sinabi ko sa kanya agad at agad kaming tumakbo papunta sa sasakyan niya.
++
Pag punta namen ng ospital, umakyat kaagad ako sa tinext na kwarto ni mama at Thank God, naka upo sa Butchok sa gilid at naglalaro lang. Si mama naman umiiyak pa rin at yung naospital pala eh si papa.
Agad akong niyakap ni mama.
“Anong nangyari?” tanong ko.
“Si Ethan na ba yan?” narinig kong nagsalita si papa.
Lumapit ako at pinagmasdan ko siya.
Naawa ako sa kanya. Parang hinang hina na siya at parang pinipilit na lang niya magsalita para makausap ako.
“Halika anak.” inabot niya kamay niya at hinawakan ko naman. Hindi naman ako naiiyak, pero naaawa ako.
“Galit ka pa rin ba sa papa mo?” tanong niya sa’kin.
Ayokong sumagot pero humigpit yung hawak niya sa’kin.
“Patawarin mo na ako, anak” hinang hina na siya at umiiyak na rin. This time, namumuo na yung luha sa mga mata ko.
“Huwag na po kayo magsalita….”
“Ethan…” bumubulong na siya kaya bahagya kong nilapit sa kanya yung tenga ko.
Pero bigla niyang tinaas yung dalawang kamay niya at niyakap ako.
“Sorry talaga anak. Kahit ngayon lang, kahit hindi mo talaga gusto, sabihin mo lang sa’kin na pinapatawad mo na ako” bulong niya.
Hirap na hirap na siya at naiiyak na ako.
“Opo…. Okay na po, pa” sabi ko naman.
“Anak, tandaan mo. Huwag kang magtanim ng galit sa ibang tao kasi ang galit, lumilipas yan. Pero kung paano mo tratuhin yung isang tao nung panahong galit ka, hinding hindi lilipas sa isip nila yon” bulong niya uli.
Tinignan ko siya at ngumiti siya sa’kin na parang gumaan yung loob niya.
“Sinabi sa’kin ng mama mo yung problema mo, sayang lang anak….. Gusto ko sana marinig ng galing sayo lahat ng yon”
Hinang hina talaga siya at halos bumubulong na lang siya.
“Tandaan mo, mahal kita anak kahit ano ka pa. Mahal ka ng papa mo.”
May ibang kurot sa puso ko nung sinabi niya yon. Hindi pa rin niya binibitawan kamay ko.
“Bantayan mo sila, Ethan…. Hindi ko na kaya. Salamat at pinatawad mo na ako”
“Pa, ano ba yang sinasabi mo!!”
“Hindi ko na talaga kaya. Sumusuko na katawan ko sa’kin, hinintay lang kita dahil ayokong umalis na galit ka sa’kin”
Umiiyak si papa. Pero nakangiti siya.
Maya maya, napapikit na lang siya at hindi na humihinga.
+++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!
Part 42
Sa sobrang dami ng nangyayari sa’kin, ang isa pa sa pinakamasakit na nangyari eh, wala sa tabi ko si Sir Benj. Yung kaisa isang tao na inaasahan kong nandito sa tabi ko.
Simula nung nawala si papa, hindi pa niya ako dinadalaw. Nandito na si papa sa bahay namen, pero wala pa rin siya. Ilang araw na lang, ililibing na namen si papa pero hindi pa rin siya nagpapakita.
Pinipilit ko na lang maging malakas kasi naaapektuhan na si Butchok sa nangyayari. Mabuti na lang, nandito si BE at si Sir Jack, sila nagpapagaan ng loob ng kapatid ko.
“Wala pa rin bang balita?” tanong ni Sir Jack. Tinutukoy niya si Sir Benj.
“Wala pa ring text eh.” sagot ko. Naiiyak na naman ako.
“Halika muna.” sabi ni Sir Jack, sabay abot ng kamay niya sa’kin. Umakyat kaming dalawa sa kwarto ko. Ni lock niya yung pinto at biglang nagpatugtog.
“Anong gagawin natin?” sabi ko.
“Shhhh….”
Familiar yung tugtog, at nakakagaan ng pakiramdam yon.
“I used to think that I was fine.
Oh, that I was doing ok.
I didn’t know that I was blind.
I just went on along my way.
I didn’t know what I was missing
’Til I felt you tender lips
Kissing my fears away.
I’m so glad you’re here today.“
Bigla niyang kinuha yung kamay ko at pinatong sa mga balikat niya. Nilagay naman niya yung mga kamay niya sa may taas ng pwetan ko at nilapit niya yung katawan nameng dalawa habang tumutugtog yung kanta.
Nagsimula kaming sumayaw. Basta, ginagalaw lang namen yung katawan namen at dahil doon, napansin ko na lang na napangiti ako.
Nagsimula naman na siyang kumanta.
“ I never had somebody I could lean on.
I never had a shoulder I could cry on
’Til I found you“
“Sir Jack….”
“ I never had somebody I would think about.
I Never had someone I coudln’t do without
’Til I found you
’Til I found you.“
Yumakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at dahil sa yakap na ’yon, pansamantalang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.
“Huwag kang mag alala, Ethan. Hindi ako aalis sa tabi mo kahit na anong mangyari” sabi pa ni Sir Jack.
Hinaplos niya yung likod ko dahil naiiyak na naman ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Sir Benj, kung bakit bigla na lang siyang nagbago pero sa tingin ko, malaking bagay yung pagbabalik ni Sophie.
Natapos yung kanta na nakayakap pa rin sa’kin si Sir Jack at kahit tumahimik na sa loob, hindi niya inaalis yung pagkakayakap niya sa’kin.
“Gusto mo na ba matulog? Ilang araw ka na ring walang pahinga eh” naupo kaming dalawa sa kama ko.
“Iidlip lang ako saglit.” sabi ko na lang.
Bahagya siyang nahiga sa kama ko at umakbay siya sa’kin para matulog ako sa katawan niya.
Pinikit ko muna yung mga mata ko dahil sa sobrang pagod ko, pero si Sir Jack, pinaglalaruan lang yung buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam.
“Bukas….” bigla siyang nagsalita. Siguro akala niya tulog na ako.
“Bukas… Nandito pa rin ako. Sa susunod na araw, nandito pa rin ako. Hangga’t kailangan mo ko, hindi ako aalis sa tabi mo.”
Inayos niya yung pagkakahiga ko sa kanya at nagpatuloy sa sinasabi niya.
“Andito lang ako, kahit hindi ako pinili mo. Nandito lang ako.”
Hindi pa rin ako nagsasalita.
Bigla na rin siyang tumahimik.
Ilang araw na rin si Sir Jack dito kaya siguradong pagod na rin siya. Narinig ko na lang na parang tulog na siya at hindi na rin nagtagal, nakatulog na rin ako.
+++++
Pag gising ko, napansin kong nakaupo sa kama si Sir Benj at walang damit. Napansin naman niyang gising na ako at napangiti siya.
“Ayan, nakapagpahinga ka na rin. Maligo ka na rin tapos baba ka na. May mga bisita ka eh” sabi ni Sir Jack. Nagbihis siya at hinalikan ako sa noo.
Bumangon naman na ako at naligo saka ako bumaba.
Una kong napansin kaagad sa sala, yung babae na nagtetext. Hindi pa ako sure kung sino siya, pero nung nagkatitigan kami, sure na ako. Si Sophie.
Agad siyang tumayo at niyakap ako.
“Condolence, Ethan” ang sincere talaga ng pagkakasabi niya. At kung nandito siya, siguradong nandito rin si Sir Benj.
Ngumiti lang ako.
“Sorry, umalis kasi kami ni Benjamin. Hindi ko alam na may ganito ng nagyayari, sorry.”
“Nasaan siya?” tanong ko.
Pagkatanong ko, bigla siyang sumulpot sa gilid at hawak hawak niya si BE. Binitawan niya kaagad si BE at tumakbo palapit sa’kin at niyakap ako ng mahigpit.
“Sorry Ethan…. Sorry talaga….” umiiyak siya nung mga oras na yon. At habang nakayakap siya, nakita ko si Sir Jack sa may pinto at palabas na. Sumenyas siya sa’kin na aalis na muna siya at hindi ko na siya napigilan dahil nakayap pa rin sa’kin si Sir Benj.
Hinila niya ako paakyat sa kwarto ko at niyakap niya ako uli. Hindi ko maintindihan, feeling ko may hindi magandang mangyayari ngayon.
“Saan ka galing?” ayan kaagad una kong tanong.
“Meeting….”
“Please, please naman. Kahit ngayon lang. Huwag ka ng magsinungaling sa’kin!” pinipigilan kong umiyak. Ayokong umiyak. Kailangan kong maging matapang sa harap niya.
“Totoo yon, nasa meeting ako ng ilang araw…. Kasama si Sophie.”
Natahimik siya.
Natahimik din ako.
“Kailan mo ba balak sabihin sa’kin?” tanong ko.
“Anong tinutukoy mo?”
“Alam ko lahat. Alam kong nagkikita kayo tapos hindi mo sinasabi. Kinikimkim ko na lang lahat, hindi ko alam kung bakit ko sinasaktan sarili ko pero willing ako masaktan para sa’yo. Willing ako magpakatanga!”
“Ethan….”
“Ano na? Sabihin mo na sakin lahat!!”
“Gusto ko lang ng closure. Kaya ako nakipagkita kay Sophie. Closure lang”
“Nakuha mo ba yung closure na gusto mo? O nag open-sure uli yung feelings mo?”
Hindi siya nakasagot at alam ko na yung ibig sabihin non.
Hindi ko na kinaya at napaiyak na ako. Niyakap naman niya ako pero pinagtulakan ko siya. Naupo ako sa kama ko habang takip yung mukha ko.
“Ayoko munang sabihin sa’yo dahil sa nangyari sa papa mo….”
“So alam mo na talaga? Ilang araw kitang hinintay. Kailangan kita sa tabi ko pero wala ka!”
“Sorry…. Naisip ko lang na…. Ayoko ng mainvolve pa sa buhay mo. At kung pupunta pa ako, baka mas mahirapan akong sabihin sa’yo yung totoo”
Ang sakit sakit sa dibdib. Sobrang sakit.
“Sinungaling ka! Akala ko okay tayo! Pinamukha mo sakeng okay tayong dalawa tapos bigla mo kong iiwan!”
“Ethan, maniwala ka…. Minahal kita…”
“Tangina, Benj! Hindi mo ko minahal! Kasi kung minahal mo talaga ako, hindi mo ko sasaktan ng ganito”
“Ethan…. Totoo yun, minahal kita. Ang weird sa feeling, pero minahal talaga kita. Sabi ko naman sa’yo ayoko muna ng committment di’ba? Pero mahal talaga kita….”
“So… Hindi mo pala tinuturing na tayong dalawa?”
“Wala naman tayong pinag usapang ganyan di’ba?”
Tangina. Ang sakit sakit talaga, nag assume lang pala ako na kami.
“Ano yon? Ano yung lahat ng ginawa namen? Wala lang lahat ng yon?!” sigaw ko pa sa kanya. Parang kailangan kong isigaw lahat ng nararamdaman ko ngayon.,
“Ethan…. Please, kumalma ka lang…”
“Hindi ko alam kung ano yung feeling ng namatay pero sobrang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, parang pinapatay mo ko”
Hinawakan niya kamay ko at pinagdikit yung mga noo namen.
“Sorry, Ethan… Sorry… Sorry!”
“Hindi, ipapamukha mo sa’kin kung gaano ako ka swerte sa piling mo tapos ganito lang gagawin mo? Wala kang kwenta. Isa ka sa pinakawalang kwentang tao na nakilala ko!!”
“Sorry, Ethan….”
“Sabihin mo saken kung saan ako nagkulang. Please, parang lahat naman ginawa ko. Sabihin mo saken, para alam ko! Para hindi mo ko iwan” nagmamakaawa na ako sa kanya. Ayoko siyang mawala.
“Wala kang kasalanan… Ako lahat ’to…”
“Please, sabihin mo… O pwede ring kakalimutan ko lahat ng to, please. Kakalimutan ko lahat. Iisipin kong walang nangyari. Please, huwag mo lang ako iwan…”
“Ethan, no…”
“Please, don’t say no…. Kahit ano. Promise.” nawala agad yung galit ko sakanya nung malaman ko na iiwan na niya ako. Lumuhod pa ako sa kanya pero tinatayo niya ako.
“Ethan, don’t do this to yourself please…”
“Please…. Okay na ako. Hindi na ako iiyak. Please. We’re okay. We’re good.” pinunasan ko pa luha ko pero kitang kita ko sa mga mata niya na ayaw na niya.
“I love Sophie, Ethan. I talked to her about closure pero hindi ko maopen yung topic na yon sa kanya. And then she smiled at me, and I remembered, that’s one of the million reasons why I’ve fallen inlove with her. Nag usap kami and napagalamanan ko na kaya siya umalis para tulungan ako sa family issues ko…..”
“So…ayaw mo na talaga?”
“You helped me with the deal I’ve always dreaming about. You know why? Pangarap namen ni Sophie yung deal na yon. Goal oriented kami at isa yun sa goal nameng dalawa.”
Naiyak na naman ako. Hinahabol ko yung hininga dahil sumasakit yung dibdib ko.
“Ang sama kong tao Ethan, ginamit kita para sa pangarap namen ni Sophie. But, nainlove talaga ako sa’yo. It’s just that, I love Sophie even more. I’m really sorry.”
Mas masakit pala kapag pinapamukha na niya sa’kin lahat.
“Nakilala na kita, Ethan. And really, you’re a great person. You deserve someone else, I’m really sorry….” iniwan niya ako sa loob ng kwarto ko. Napaluhod ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil sa mga sinabi niya.
Hindi ko alam kung susundan ko siya pero hindi na kaya ng katawan ko. Ng puso ko. Ng pakiramdam ko. Ang sakit sakit na lahat.
Ilang minuto na rin nakalipas, pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak. Maya maya, biglang pumasok si mama sa kwarto ko at mukhang hingal na hingal.
“Anak….”
Bumangon ako para yakapin siya at yumakap naman siya ng mahigpit sa’kin.
“Anak…. Si Butchok.” bigla niyang sabi.
“Anong meron Ma?”
“Bilisan mo! Hindi siya makahinga.” kaya pala nagmamadali si mama na pumunta sa kwarto ko dahil kay Butchok. Kaya naman tumakbo kami pababa at nakaupo nga si Butchok sa may sala at hinahabol yung paghinga.
Binuhat ko kaagad siya at sinakay sa sasakyan.
+++
Nakahiga si Butchok ngayon habang hinihila yung higaan niya papunta sa Emergency Room.
“Kuya…. Ang sakit ng dibdib ko….” ramdam ko yung sakit niya sa pagkakasabi niya noon. Ang higpit ng hawak niya sa mga kamay ko.
“Kayanin mo please, kaya mo yan!” sobrang bigat na ng pakiramdam ko. Hindi ko na kaya. Pero para sa kapatid ko kakayanin ko
“Kuya…. Ayoko pang mamatay”
Napaluha si Butchok nung sinabi niya yon at alam ko kung gaano siya nahihirapan ngayon.
“Kuya, ang sakit talaga….” lumalakas na yung pag iyak niya. Buti na lang nasa loob ng kami ng kwarto.
“Sir, pasensiya na pero hindi kayo pwede rito” sabi nung doctor sa’kin. Pero ayaw akong bitawan ni Butchok.
“Kuya, huwag mo kong iwan. Ayokong mamatay, kuya… Ang sakit po talaga… Kuyaaa!!” umiiyak na siya at nagwawala sa sakit. Wala akong magawa kung hindi bitawan siya. Nasasaktan din ako para sa kapatid ko pero kailangan, malakas ako.
“Kaya mo yan, walang mangyayaring masama sa’yo…. Kaya mo yan ha?” sabi ko na lang sa kanya. Napansin kong may tinurok kay Butchok at unti unti na siyang nanghihina.
“Please, huwag niyo pong hayaan na may mangyari sakanya”pakiusap ko pa.
“Kami na pong bahala. Maghintay na lang po kayo sa labas” pakiusap pa ng nurse.
Naiwan ako sa labas at wala akong magawa kundi ang maghintay sa mangyayari.
++
“Ethan?” narinig ko na lang na ginigising ako. Umaasa akong si Sir Benj iyon pero hindi…. Si Sir Jack pala.
Tumabi siya at niyakap ako ng mahigpit. Bigla na namang tumulo yung luha ko.
“Huwag ka ng umiyak. Okay lang yan. Sorry kung umalis ako kanina…”
Hinayaan niya lang na umiyak ako sa kanya. Kahit na napapawisan, nalalawayan yung damit niya, hinahayaan niya lang ako.
“Sige lang….” hinahaplos niya yung likod ko at pinapatahan.
“Ang sakit na…. Sobra….”
“Kayanin mo, Ethan. Makakaya mo yan. Kailangan mong maging malakas ngayon para kay Butchok…”
“Ang hirap…. Ang sakit sakit talaga…”
“Hayyy Ethan… Please. Kung pwede lang na akuin lahat sakit mo, ginawa ko na. Kaya mo yan, kaya natin to. Hindi na ako aalis uli.”
Wala na akong masabi. Kinakain ako ng lungkot at pighati ko. Ang hina ko na nga, sobrang pinahina pa ako ng mga nangyari sa buhay ko.
Maya maya, nung kumalma ako. Tinayo ako ni Sir Jack.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko.
“Kailangan mo to.” hinawakan niya kamay ko, at hindi niya pinansin yung mga taong nakatingin sa’men at maya maya, nasa may tapat na kami ng simbahan.
“Kailangan mo Siya ngayon Ethan. Kausapin mo na muna Siya” sabi ni Sir Jack. Pumasok kami sa loob at nagsimula akong magdasal.
Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko at nung matapos kong sabihin sa Kanya, humingi ako ng tulong at lakas ng loob kasi sobrang napanghihinaan na ako ng loob.
Tapos na ako magdasal pero nakaluhod pa rin si Sir Jack, kaya hinintay ko muna siya. Parang magic na biglang nabawasan yung bigat ng nararamdaman ko.
Maya maya, naupo na uli sa tabi ko si Sir Jack.
“Kaya mo na?” tanong niya.
“Medyo.”
“Kaya yan. Kaya mo yan. Magiging okay din si Butchok”
“Paano mo pala nalaman?”
“Hindi ko kasi kaya nung nakita ko kayo ni Benjamin kaya umalis muna ako. Pero naisip ko, dapat hindi ako aalis sa tabi mo kahit na anong mangyari kaya bumalik ako. Pero nandoon lang yung mama mo, mag isa lang at sinabi nga yung nangyari kaya nagmadali ako rito”
Grabe yung effort ni Sir Jack sa’kin. Nakakatuwa, sa dami ng nangyari sa’kin, hindi siya umaalis sa tabi ko.
“Kung okay ka na, balik na tayo doon baka may balita na kay Butchok.” yaya pa ni Sir Jack kaya bumalik na kami sa ospital at nakita ko naman si Jaycee at Stephen sa labas ng kwarto ni Butchok na may dalang maraming lobo.
“Sorry, bes kung ngayon lang ako…” niyakap ako ng mahigpit ni Jaycee at ganon din ginawa ko.
“Okay lang bes…”
Hinila ko muna si Jaycee palayo para ikwento lahat ng nangyari kanina.
“Sinasabi ko na nga ba, masasapak ko talaga yang boss mo kapag nakita ko yan eh!!” kita kong galit na galit si Jaycee.
“Masakit pa rin bes…”
“Sorry talaga bes. Gusto sana kita pagalitan ngayon kasi sinabi ko na sa’yo yan, matagal na pero next time na lang. Hehe” niyakap niya ako uli.
Maya maya, may lumabas na doctor sa kwarto at agad ko siyang nilapitan.
“Doc, ano pong balita?” tanong ko.
“Well, to be honest, okay naman yung operation…. Pero, sumusuko yung katawan ng kapatid mo… Kailangan niyang lumaban…”
“Doc, huwag niyo ho siyang hayaang mawala. Please. Ang dami na pong nawala saken, huwag niyo na po isama kapatid ko.”
“I understand but really, nasa kapatid mo yon kung lalaban siya or hindi. Let’s just hope na maging okay ang lahat. And I promise you, gagawin namen lahat, okay?” pinilit kong ngumiti kahit mahirap. Umalis naman yung doctor at napaupo uli ako sa tabi ni Sir Jack.
+++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
Abangan ang malaking pagbabago sa buhay ni Ethan, NEXT part na yon
😊😊😊😊
Part 43
TBH, iyak din ako ng iyak sa last part haha. Yung hihinto ko yung pagsulat kasi humahagulgol na ako. Haha medyo true to life kasi yung iba. Haha
.
Handa na ba kayo sa new chapter ng buhay ni Ethan? Hihi.
++++++
Ilang oras na kami sa labas ng kwarto ni Butchok pero wala pa ring balita sa kung anong nangyayari sa kanya.
Maya maya, lumabas yung doctor. Nagtanggal siya ng mask pero hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin niya.
“Your brother is safe now.”
Sa lahat ng nangyari sa’kin, eto talaga ang nagpagaan ng loob ko. Parang lumipad ako sa saya. Ayun lang naman gusto kong mangyari. Mawala na lahat ng tao sa mundo ko, huwag lang yung kapatid ko.
“Pwede ng pumasok kaso family lang muna bago namen ayusin yung kwarto niya. Okay?” hindi ko napigilang yakapin yung doctor at si Sir Jack sa tabi ko. Nagmadali naman akong pumasok para makita siya.
Ang himbing ng tulog niya pero maayos yung paghinga. Sobrang sarap niya pagmasdan at dahil sa operasyon na ’to, sigurado akong magiging okay na siya.
+++
Nailipat na si Butchok sa kwarto, si Sir Jack naman eh natutulog sa may sofa, habang ako hinihintay kong magising si Butchok. Naramdaman ko naman na gumalaw yung kamay ni Butchok at unti unting bumubukas yung mata niya.
Gusto ko siya yakapin ng mahigpit kaso pigilan ko raw sarili ko dahil baka masaktan siya.
“Okay ka na ba? Nagugutom ka ba? Nauuhaw??” tanong ko.
“Na….uuhaw po” nagmadali akong kumuha ng tubig at pinainom siya.
“Okay ka na? Masakit pa ba?”
“Medyo masakit po parang may sugat.”
“Okay lang yan. Sugat na lang yan tapos magiging okay ka na uli.”
“So makakabalik na ba ako ng school, Kuya?”
“Di’ba promise ko sa’yo, kapag naging okay yung operasyon mo, tuloy na tayo? So, oo. Pero…. Next schoolyear na ha?”
“Opo!!! Opo!!!”
“Kailangan mo pang magpalakas, magpagaling. Kailangan mo uminom ng gamot. Kailanga….”
“Opo, Kuya!”
Napansin ko naman na bumangon si Sir Jack at masayang lumapit samen.
“Ang lakas talaga ng bunso namen oh!!” nagfist bump lang silang dalawa ni Butchok.
“Salamat po Kuya Boss…. Pero nasan po si Kuya Pogi?”
No, Ethan. Hindi ka iiyak. Hindi mo papakita sa kapatid mo na may mali.
“Ahhh… Busy lang yon hehe. Gutom ka na ba? Bibilhan kita ng pagkain!”
Ngumiti ako kay Sir Jack at nagpatuloy yung kwentuhan namen. Iniiwas namen yung topic kay Sir Benj para na rin hindi siya magtanong.
+++++
Isang linggo na nakalipas at parang humupa na yung bagyo sa buhay ko, although may pinsala pa rin yung mga nagdaang bagyo eh, buhay pa naman ako.
Ididischarge na si Butchok sa Ospital, nag aayos na lang kami ng gamit. Papunta na raw si Jaycee kaya kami lang ni Sir Jack yung nandoon. Si mama naman yung taga bantay sa bahay.
Bigla namang may tumawag kay Sir Jack at since busy siya, sagutin ko raw at iloudspeaker na lang.
“What the hell, Zachary!!! Where are you!! Ilang araw kang nag file ng leave, for what?!” boses ng lalaki yon at halatang galit na galit. Nagmadali naman si Sir Jack para kunin yung phone at lumabas muna.
Maya maya, bumalik siya na palang nagwoworry.
“Dad mo?” tanong ko.
“Oo. Hehe, beastmode na eh! Kasi aalis na ako next month.”
“Nextmonth? Saan ka pupunta?”
“Sa US. Pinaaga ni dad.”
“Ehhh bakit hindi mo sinabi sa’kin?”
“No, kailangan mo ko rito at isa pa, okay lang yon. Kaya ko naman tapusin yung trabaho. Pagka labas natin kay Butchok, babalik na ako sa trabaho.”
“Sir Jack, hindi mo naman kailangang gawin yon.”
“I know. Gusto ko lang. I told you, hindi ako aalis sa tabi mo di’ba?”
Ngumiti lang ako. Alam ko naman na hindi kami naririnig ni Butchok kasi naka earphones siya at naglalaro.
“Thankyou, talaga” sagot ko.
Pero may tumawag na naman sa kanya at nag excuse. Sakto dumating na si Jaycee at ako naman pumunta muna sa labas para sa babayaran ko kay Butchok. Pero laking gulat ko nung makita ko yung bill.
Zero.
As in, wala. Fully paid na lahat yung halos 280,000 na bill.
Unang pumasok sa isip ko si Sir Jack. Sigurado akong siya yung nagbayad. Hinahanap ko siya pero bigla siyang nagtext sa’kin.
“Nakita ko si Jaycee na paakyat. I’m really Sorry, galit na galit na si dad. I’m on my way sa office. Daan na lang ako sainyo mamayang dinner. Take care. 😙” text niya.
Mamaya ko na lang siya kakausapin about doon. Kaya lumabas na kami nila Butchok at Jaycee at saka umuwi.
Paguwi naman namen, sinalubong kaagad kami ni Mama at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.
“Okay ka lang Ma?” tanong ko.
“Magiging okay rin tayo.” sagot niya.
“Oo naman!”
“Pero… May bisita ka pala sa loob.”
“Huh? Sino?” unang pumasok sa isip ko si Sir Benj.
“Basta.”
“Kung si Sir Benj…..”
“Hindi siya.”
Nagtaka ako kung sino at bago ako pumasok, nakita kong palabas si Jaycee at mukhang gulat na gulat. Tinignan ko naman kung sino yon at nagulat din ako. Hindi ako makapaniwala na nandito siya.
Tumayo siya agad nung makita niya ako at lumapit dito.
Si Bill.
+++++
Parang tumaba lang siya ng kaunti pero ganon pa rin itsura niya. Nakakainlove pa rin yung smile niya. Yung mata niya. Lahat sa kanya.
“Kumusta ka na?” nasa sala kaming dalawa, mukhang nasa taas silang lahat kasi kaming dalawa lang ni Bill nandon.
Wala naman akong nararamdamang galit sa kanya. Basta, nagulat lang ako na nandoon siya.
“Parang tumataba ka ata ah. Mukhang may nagpapataba na sa’yo ah?” pahabol pa niya.
“Bakit ka pala nandito?” tanong ko.
“Sorry, nabalitaan ko kasi nangyari sa papa mo. Condolence.”
“Okay na. Hehe”
“Ayun lang talaga pinunta ko rito. Pero gusto ko rin sabihin sa’yo na ikakasal na ako. Hehe,”
“Oo, nakita ko nga sa status mo”
“Akala ko binlock mo na ako eh hehe”
“Hindi naman, okay naman ako eh. I mean, noon. Pero ngayon….”
“Hay, Isa rin kung bakit ako nandito Ethan, kasi gusto kong magsorry sa’yo. I mean, ayoko naman na ikasal ako na hindi ko naaayos yung past ko.”
“Ang tagal na. Ngayon ka lang lumapit” biro ko. Sa totoo lang, wala na talaga akong nararamdaman. Parang casual lang yung usapan namen.
“Sorry. Nung una kasi hindi pa ako sure sa gusto ko eh. Pero narealize ko….”
“Please. Kakabreak lang sa’kin nung ‘boyfriend’ ko nung isang linggo, nagmomove on pa ako. Huwag mo na muna ipaalala kung bakit mo ko hiniwalayan”
“Hahaha. Sorry. Sorry… Pero, I stalked you… Bakit kayo nagbreak?”
“Same reason. Na bill-zoned ako.”
“Hala, nagbigay ka pa ng hugot sa pangalan ko!”
“Haha, eh totoo naman. Iniwan niya rin ako sa babae.”
“Well, I’m sorry…. Pero siguro nandito ako ngayon para sabihin sa’yo na hindi mo talaga deserve yung mga katulad namen.”
“Grabe ka naman magdegrade sa sarili mo”
“Haha, no, Ethan. I mean, come on. Tanggalin natin ang sexual preference, let’s just look at you as a person. You’re a good brother, person and a friend. May saltik ka nga lang pagdating sa parents pero understandable. You’re kind, generous at sweet. Siguro kung naging babae ka lang, nabuntis na kita para hindi mo ko iwan ehh”
“Haha, kaso hindi ako babae ehhh” pahabol ko pa.
“Ayan ka na naman ehhh… Pero, really. Don’t feel bad. Maybe, it’s not the right time. Kasi ako, I can sense na eto na yung right time ko ehhh.”
“Sobrang saya mo talaga no?” tanong ko.
“Oh, sobra Ethan! I really am. And I’m hoping for you to be happy, also. Kasi, you really deserve to be the happiest person. You just have to find the right person.”
Bago ako makasagot, biglang bumukas yung pinto at pumasok si Sir Jack.
“Tumakas uli ako Ethan haha. Kumusta na si Butchok….” nagulat siya nung nakitang may kausap ako.
Napangiti si Bill sa’kin at tumayo at nakipagkamay kay Sir Jack. Nakipagkilala na rin siya.
“Oh… Ikaw pala ’yon!” sabi ni Sir Jack.
“Hehe, don’t worry bro. Nakipag usap lang ako sa kanya”
“Okay okay. Okay ka lang, Ethan?” tanong niya.
“Yeap”
“Well, ayoko na rin sana magtagal. So, aalis na ako.” sabi ni Bill.
Hinatid ko naman siya palabas.
“Thanks for everything, Ethan. You’re one of the best person I know. And you deserve better, so look for the best.” ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi.
Again, wala na sa’kin yung issue ko kay Bill at nang dahil sa ginawa niya, mas gumaan yung loob ko. Salamat sa mga salitang binitawan niya.
Pagpasok ko naman sa loob, may dalang pagkain si Sir Jack at naghahain na siya.
“Kain?” yaya niya. Tinawag niya ang lahat at sabay sabay kaming kumain.
Naisip ko, kaya ko ’to. Magiging okay din ang lahat.
+++++
BACK TO WORK!
Hindi muna ako pumunta ng office dahil baka makita ko si Sir Benj, buti na lang at pinatawag ako ni Sir Jack sa office niya.
“Ohh? Bakit parang namumutla ka?” tanong ni Sir Jack pagpasok ko ng opisina niya.
“Kinakabahan ako ehhh. Paano kung makita ko si Sir Benj?”
“Halika. May papakita ako” sabi niya. Lumapit naman ako at may inabot siya sa’king sulat.
“Ano to?”
“Resignation letter ni Benjamin.”
“So…. Wala na siya?”
“Papunta na sila ng Europe ni Sophie.”
Natahimik ako. Akala ko okay na ako. Pero nalulungkot na naman ako. Naalala ko na naman lahat ng mga sinabi niya sa’kin.
“Hey…. Are you okay?” hinawakan ni Sir Jack yung kamay ko.
“Po? Opo”
“Hmmm…. Meron pa sana akong ibibigay sa’yo.” inabot niya sa’kin yung envelope at nung binuksan ko, eto rin yung documents ko papuntang US.
“Inayos ko na uli. Next week, aalis na tayo. Okay na lahat. Wala ka ng poproblemahin” sabi niya.
“After what happened, nag isip isip ako. Ang perfect ng moment para umalis. Magbago ng buhay. Hanapin yung sarili….”
“So, is that a yes?”
“No, Sir Jack. It’s still a No. Inaalala ko lang kapatid ko at si Mama. Yung pagkawala ng papa ko biglaan, ni wala man lang kaming magandang memories together. Ang daming nasayang na moments na sana masaya kami.”
“But mabilis lang yung process, I guess 1-2 years, makukuha na rin natin family mo.”
“But that’s the thing, di’ba? 1-2 years. Ang dali lang isipin, pero ang tagal tagal non. Ang daming pwedeng mangyari at ayokong mamiss lahat ng iyon.”
Mukhang suko na si Sir Jack at napatungo na lang siya.
“After what you’ve done to me, with my family, I really owe you bigtime, Sir Jack. But, hindi ko sila kayang iwanan.”
“I understand. I really do…. But one last favor?”
“Anything po.”
“Pwede bang ikaw maghatid sa’kin sa airport?” tanong niya.
“Ofcourse. Pwedeng pwede po.” sagot ko.
“And, hug me?”
“Huh?”
“Isang yakap lang. Hehe. Now.”
“Seryoso?”
“Oo nga.” tumayo siya at humarap sa’kin. Tumayo din ako pero natatawa. Niyakap ko naman siya at yumakap din siya ng mahigpit.
“Mamimiss kita” bulong niya.
“Ako rin po” sagot ko.
Nanatili lang kaming magkayakapan hanggang sa kumawala na siya at hinalikan ako sa pisngi.
“I’ll still wait for you, remember that” pahabol pa niya
Hindi ako sumagot at ngumiti lang.
+++++
Sinama ko si Butchok sa paghatid kay Sir Jack. Sinundo ko siya sa condo niya, mukhang naka ready na lahat ng gamit niya at tinulungan ko siyang ibaba lahat ng yon.
“Ang dami naman neto. Sana bumili ka na lang ng bago doon!” biro ko.
“Haha, ehhh…. Gusto ko dalhin yang mga yan ehhh.”
“Oh dalian mo na, baka ma late pa tayo!” sabi ko.
“Ako na mag dadrive ah?” sabi ni Sir Jack. Aangal sana ako kaso pumasok na siya ng sasakyan at hinihintay na lang ako.
Nagkekwentuhan naman sila ni Butchok habang nakatingin lang ako sa bintana. Pero, nung mapansin ko, hindi naman dito yung daan papuntang airport.
“Ang layo naman ng iikutan mo!” sabi ko. Pero hindi siya sumagot.
Napansin ko naman na eto yung way papunta sa bahay namen.
“Uy, Sir Jack, baka ma late ka sa flight mo!”
Pero hindi niya ako pinansin.
Hanggang sa makarating kami sa subdivision namen.
“Sir…. Ano to?” tanong ko.
Huminto siya sa tapat ng bahay namen.
Pero, inurong niya ng kaunti yung sasakyan at tumapat sa may kapit bahay namen.
“Butchok, pasok ka muna sa loob,” sabi ni Sir Jack. Sumunod naman si Butchok at naiwan kaming dalawa sa sasakyan.
“Ano to???” tanong ko.
“Nag isip ako tungkol sa sinabi mo ehhh.”
“Ano yun?”
“Ang daming mangyayari sa ilang taon. Ang daming mangyayari sa buhay mo na hindi ko makikita. Gusto ko kasama rin ako sa magiging buhay mo. Ayokong mamiss lahat ng yon. Ang daming dapat na moments na masaya tayo.”
“Ano yung sinasabi mo?”
“Hindi na ako tutuloy sa US.”
“Huh? Paano yung trabaho mo doon? Paano yung papa mo?”
“Hay nako Ethan. Hindi na ako tutuloy. Period. Sinabi ko na sakanila, to be honest hindi okay sakanila pero wala naman silang magagawa!”
“Ehhhh etong mga gamit mo? Edi babalik na naman natin sa condo mo?”
“No. I bought…. That house” turo niya doon sa may kapitbahay namen.
“Huh??? Eh may nakatira diyan ah?”
“Wala na. For sale na yan last month so binili ko kaagad.”
Naguguluhan ako.
“Ethan, hindi ako aalis. Nangako akong hindi kita iiwan…. So, I’m here. Kapitbahay mo lang” sabi niya pa.
Ewan ko ba, parang baliw si Sir Jack. Kaya natawa na lang ako. Natatawa rin si Sir Jack at nagtawanan kami sa loob ng sasakyan.
“I know you’re still not ready pero…. I wanna court you. I want you to feel special. I want to give you what you deserve. I want to give you more. I want you, Ethan. I love you. I’m doing this all…. For you.”
“Sobrang nagpapasalamat ako, Sir …… Zach, hehe. Pero…. I’m not yet ready. To be honest, parang mas gusto ko na lang na maging manhid muna. Na, sarili ko naman muna. Hindi pa kasi totally healed yung sugat.”
“I understand…. Pero, okay lang naman siguro sa’yo na maging magkapitbahay tayo… Right?”
“Oo naman. Gusto ko. And after ng lahat ng ginawa mo, sino bang hindi maiinlove di’ba?”
Ngumiti siya na parang kinikilig.
“Pero, you deserve better also. At ayoko naman pilitin na maging okay ako tapos hindi naman pala. Gusto ko, okay na okay ako kapag magmamahal ako uli.”
Hinawakan niya uli yung kamay ko at nagtitigan kami.
“I told you, I can wait.”
Dahan dahan siyang lumapit sa’kin para halikan ako pero biglang kumatok sa bintana si Butchok.
“Kuya…. Tawag po kayo ni mama sa loob!” sabi niya.
Natawa kami pareho ni Sir Jack at binaba na namen yung gamit niya sa sasakyan.
+++++++
++++++++
++++++++
++++++++
++++++++
After 8 months…..
“Ready ka na bang pumasok, Butchok?” bihis na bihis kapatid ko at sobrang excited na pumasok.
“Ready na Kuya!” sagot naman niya.
“Bilisan niyo, nako, male late na rin tayo Ethan!” sagot naman ni Sir Jack na nag aabang na sa labas.
“Ma! Ikaw na muna bahala kay BE ahh!!” sigaw ni Butchok kay mama.
“Oo anak.” sagot ni mama.
Sumakay na ako sa sasakyan at kinuha lang ni Butchok yung baon niya.
“Good Morning” kiss sa’kin ni Sir Jack sa pisngi pagpasok ng sasakyan.
“Good Morning. Tara na, excite na tong pumasok!” sabi ko.
Sabay pasok ni Butchok sa sasakyan at mukhang excited.
“Okay na? Walang nakalimutan? Then let’s go!” nagsimula ng paandarin ni Sir Jack yung sasakyan.
++++++++
VOTE AND COMMENTS.
Part 44
Ang dami ng nangyari sa nakalipas na walong buwan. Nagpalakas si Butchok dumaan sa napakaraming gamutan para tuluyan na talaga siyang gumaling.
Wala akong balita kay Sir Benj at wala akong balak alamin kung ano ng nangyayari sa buhay niya.
Umattend kami ng kasal ni Bill at Fiancè niya, syempre ang kasama ko, si Sir Jack.
Si Jaycee naman, ganon pa rin yung status niya kay Stephen. Wala na rin akong balita kay Blue, siguro binasted siya ni Jaycee. Basta ang alam ko, patuloy lang si Jaycee at Stephen sa ginagawa nila.
Si mama naman, cancer free na! Nakakatuwa dahil daw hindi na siya stress kaya mas madaling umeepekto yung treatment niya.
Ako naman, eto, hindi pa rin ako ready mainlove. Pero si Sir Jack, iba. Palagi niyang pinapakita sa’kin na karapat dapat akong mahalin. Talagang tinatanggal niya sa isip ko yung mga nangyari.
Since, kapitbahay ko na lang si Sir Jack, palagi na siyang nasa bahay. Pero hindi siya natutulog doon, talagang bibisita lang siya. Ang sabi niya kasi, gusto niya, kung matutulog lang siya samen eh dapat kami na.
Aaminin ko, mahal ko na rin si Sir Jack, sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa kanya? Ang gwapo at sobrang hot. Aside from that, sobrang sweet at talagang mahal na mahal niya pamilya ko. Gusto ko lang ng right moment at right timing kapag sasagutin ko na siya. Segurista na rin kasi ako. Nakekwento niya pa kasi minsan yung ex niya kaya medyo may doubt, though 98% sure na ako, may hindrance pa rin na 2%. Gusto ko 100% sure ako.
Bakante lang yung posisyon ni Sir Benj at nagtatrabaho akong mabuti para makuha ko yon. Ako at si Laura lang kasi qualified. Hindi naman gusto ni Laura yung posisyon kaya ako na lang yung nageeffort ng todo.
Nung lunch time na, pumunta si Sir Jack sa office at may dalang pagkain. Sa conference room kami kumaing dalawa.
“Kumusta kaya si Butchok? Kinakabahan ako sa kanya.”
“Ano ba, huwag kang kabahan. Okay lang yon. Excited na excited pumasok yon eh.”
“Hay. Salamat talaga Jack ah?” sabi ko. Medyo awkward pa rin sa’kin na tawagin siyang Jack pero ayon kasi yung gusto niya.
“Okay lang. Araw araw na ganon routine natin.”
“I mean, sa lahat….”
“Sus, ayan ka na naman. Okay nga lang. At saka kung gusto mo talagang makabawi, sagutin mo na ako para naaakbayan na kita, nahahawakan…”
“Hinahalikan mo na nga ako ehh”
“Sa cheeks lang. Gusto ko sa lips tapos nasa kama tayo. Hehe”
“Ewan ko sa’yo! Hehe”
“Hindi naman ako nagmamadali. Hindi ko rin binibilang na sakto 8 months na ngayong araw simula nung sabihin kong liligawan kita. Okay lang. Hindi ko talaga binibilang.”
“Hahaha, sorry….”
“Hehe. Kahit gaano pa katagal yan. Pero wag naman sana taon haha. May ilang months ka na lang para sagutin ako, no pressure”
“Haha loko ka talaga.”
“Wala eh, mahal kita eh. Ganon talaga”
Iba yung nararamdaman kong kilig kay Sir Jack. Compare kay Sir Benj, si Sir Jack yung tipo na ipapakita niya sakin lahat at ipaparamdam. Parang simula nung 8 months na yon, panglima pa lang niya na sinabi na mahal niya ako.
“Oh, kumain ka na. Ang dami mo pang reports na gagawin di’ba? Malapit ka na ievaluate. Hindi ako sumama sa evaluation kasi kung ako lang masusunod, binigay ko na sa’yo tong kumpanya namen haha” biro niya pa.
“Haha, medyo kinakabahan nga ako eh.”
“Huwag kang kabahan. Kayang kaya mo ’yan! Ireready ko na lahat ng papers para dire diretso ka na. Okay?”
Ganito si Sir Jack. Talagang tinutulungan niya ako at hindi pinapabayaan.
“Thank you,” sabi ko.
“You’re welcome my babe” sabay kindat.
+++++
Alas tres na at inaabangan ko yung text saken ni Butchok dahil labasan na nila. Hindi naman ako nabigo at tumawag na si mama at kasama na niya si Butchok, pauwi na rin silang dalawa. Back to work na uli ako.
Sa kakatrabaho ko, hindi ko namalayan na alas otso na pala ng gabi. Kung hindi pa ako pinuntahan ni Sir Jack, hindi ko pa malalaman.
“Kanina ka pa? Hindi ka pa rin kumakain? Tama na yan. Bukas naman. Kumain ka muna” sabi ni Sir Jack.
“Malapit na rin ’to….”
“Tama na ’yan. Siguradong maraming kwento si Butchok sa’yo. Uwi na tayo, tara na” binanggit na niya kapatid ko kaya wala na akong nagawa. Tumayo na ako at sabay na kaming umuwi.
++++
Nakahiga na ako sa kama at magkatext kami ni Sir Jack. Routine na rin namen to every night, bago matulog eh nagkakatext pa kami.
“Kumusta first day ni Butchok?” text niya.
“Okay naman daw. Aba, excited ng pumasok para bukas. Ang dami daw niyang bagong nakilalang kaibigan.”
“Good. Buti naman. Eh tayo? Kumusta na??”
“Hehe, malapit na. Soon. 😉”
“Hayyy… Excited na ako. Naiisip na naman kita ngayon. Yung unan ko, niyayakap ko ng mahigpit tapos iniisip ko na ikaw ’to. 😢”
“Gusto rin kita mayakap. 😳”
“Ehhh bakit hindi mo sinasabi? Gusto mo puntahan kita diyan? Yakapin lang kita. 😊😊”
“Hehe. Baliw. Ayaw mo pa matulog?”
“Maya maya…. May sasabihin din sana ako….”
“Oh? Importante ba?”
Pero bigla siyang tumawag sa’kin. Agad ko namang sinagot.
“Bakit hindi mo pa sinabi kanina?” tanong ko.
“Nahihiya kasi ako. At saka…. About kina Papa. Pinapasunod na niya ako sa US. Mahirap daw kasi kapag hindi family ang nag hahandle. Tho, bayaw ko naman yon, pero mas gusto ni papa na ako.”
“Ganon ba?”
“Ayaw mo pa rin ba sumama sa’kin?”
“Hindi pwedeng sarili ko lang. Yung kapatid ko, si Mama. Sila na lang meron ako di’ba?”
“Gusto ko lang malaman kung gusto mo bang sumama sa’kin? Tanggalin mo muna yung ibang tao. Kung ikaw lang masusunod, gusto mo ba?”
“Oo naman syempre. Gusto rin kitang makasama.” ayon talaga gusto ko. Para new adventure at new life. Sa dinami ng pinagdaanan namen ni Sir Jack, gusto ko na lang din na makasama siya sa isang bahay.
“Okay na ako doon. Hehe, sabihin ko na lang uli kay Papa.”
“Sorry talaga….”
“Okay lang. Sige na, matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas.”
“Siguradong si Butchok na naman alarm clock ko, hehe. Sige, Goodnight”
“Goodnight, my babe.” sobrang pagod ko na rin kaya nakatulog na ako kaagad.
++++
Nag undertime ako dahil may pupuntahan si mama. Ako muna sumundo kay Butchok, at syempre, sobrang excited din ako kaya nagmadali akong pumunta sa school niya, bumili muna ako ng meryenda nameng dalawa sa may 7/11 at nung napansin kong naglalabasan na mga estudyante, tumawid na uli ako na may hawak na pagkain.
Pero may bumangga saken na lalaki, sa sobrang lakas ng pagkakabangga niya tumapon sameng dalawa yung juice at pagkain. Sobrang nakakainis talaga!!
“Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!!” sigaw niya pa saken, tumayo agad siya at tumakbo uli ng matulin.
Nakakainis, sobrang lagkit ko!! Natapon lahat sa’kin!!
Sakto naman nakita ako ni Butchok na ganon yung itsura ko.
“Hala Kuya, anong nangyari sa’yo?” tanong niya. Kasama niya mga kaklase niya noon.
“May bumangga sa’kin! Nakakabwisit!”
“Hala, hindi ka kasi nag iingat Kuya eh.”
“Ay, sorry po Sir.”
“Hehe joke lang po” pinakilala saken ni Butchok mga kaklase niya, mukhang mababait naman lahat. Nagpaalam na silang lahat at pumunta na kami ni Butchok sa sasakyan ko. Buti na lang may dala akong damit doon kaya nagpalit muna ako.
“Tara na?“sabi ko.
“Tara po!” sagot niya.
Bago kami makaandar, nakita ko na naman yung lalaki na nakabangga sa’kin! Mukhang malungkot siya ngayon pero nakakabwisit pa rin siya!
Hindi ko makakalimutan yung itsura niya! At bakas pa rin sa damit niya yung natapon na juice!
Sakto huminto siya sa gilid at doon sa pwesto niya may tubig na madumi. Kaya nagmadali akong humarurot para daanan yung maduming tubig at matalsikan siya.
Hindi naman ako nabigo! Kita ko sa side mirror yung reaksyon niya na inis na inis.
Pero ang bilis ng karma! Biglang na flat yung sasakyan ko! Jusko!
Hinabol tuloy kami nung lalaki at kinakatok yung bintana. Sinabihan ko si Butchok na huwag bumaba.
Lumabas ako at namukaan niya rin ako.
“Hoy, anong problema mo!! Bakit doon ka pa talaga dumaan ha!” sabi niya sa’kin
Halos magkasing edad lang kami. Naka puting TShirt siya na may mantsa ng juice at naka pantalon. Mestisuhin din siya, well may itsura naman pero nakakainis pa rin siya.
“Ohh bakit huminto rin kayo? Na flat? Oh!! Ang bilis ng karma di’ba?!” pahabol niya pa.
“Hoy, matapos mo kong banggain ikaw pa may ganang magalit!”
“Paanong hindi ako magagalit eh may hinahabol akong snatcher! Nakatakas tuloy!!”
“Snatcher? Eh baka ikaw pa yung snatcher eh!”
“Hoy, sa gwapo kong to, pagkakamalan mo kong snatcher? Tignan mo nga yang itsura mo…. Para kang ano…”
“Ano?!”
“Basta, something na masama. Wala akong mahalintulad eh. Basta, masama! Masama kang tao!”
“Mas masama ka, hindi ka marunong mag sorry!!” sigaw ko pa.
“Aba, hindi ako magsosorry. Hindi ko nahuli yung snatcher!”
“Edi pwes, diyan ka na!!” bumalik na ako sa sasakyan at nagstart ng sasakyan. Naalala ko palang na flat yung gulong ko. Kaya lumabas ako ng sasakyan. Nandoon pa rin yung lalaki at nakangisi.
“Anong tinitingin tingin mo diyan?” sabi ko pa.
“Wala. Nag eenjoy lang ako sa karma mo haha!”
Hindi ko siya pinansin at kinuha ko yung gulong sa likod. Kaso bwisit, hindi ako marunong.
“Hahahahaha. Sabi ko na nga ba hindi ka marunong eh haha!” asar niya pa.
“Ano bang problema mo? Umalis ka na nga!” lumingon lingon ako at naghanap ng paayusan.
“Wala kang makikitang talyer dito haha. Well, ako marunong ako mag ayos ng gulong.”
“Tse!” naghanap pa rin ako pero wala talaga. Tapos tuwang tuwa siya sa nangyayari sa’kin ngayon.
Tinawagan ko si Sir Jack pero hindi sumasagot, alam ko kasi nasa meeting yon. Kung magtutulak naman ako, hindi kaya ni Butchok magmanibela. Mas lalong hindi ko naman pagtutulakin kapatid ko.
“Need my help, now?”
“Huwag kang mag english. Ang panget ng accent mo!” sabi ko pa.
“Aba, bahala ka! Mga nanay lang yung nandito, siguradong hindi sila marunong. Pero ako nandito, ang bayad mo lang eh mag sosorry ka. Tapos, okay na. Ako na magkakabit!”
“No! A big no!”
“Wow, ang ganda ng accent, yayamanin”
“Magcocommute na lang kami!”
“Psh… Akin na nga!” lumapit siya at kinuha yung gulong. Pinapaalis ko siya pero ayaw niyang umalis. Nagpapatuloy siya sa ginagawa niya.
Hindi rin nagtagal, nakabit niya yung gulong.
“Oh ayan na! Kahit wag ng sorry, mag bayad ka na lang ng pera!” sabi niya.
“Well, hindi ko naman sinabi na tulungan mo ko eh!”
“Hoy ikaw! May kasalanan man ako sa’yo, may kasalanan ka rin sa’kin kaya kwits lang tayo! Pero ngayon, may ginawa akong maganda sa’yo kaya magbayad ka. Bayaran mo na lang. Pambili lang ng damit na dinumihan mo!”
Reasonable naman kaya nilabas ko wallet ko at binigyan ko siya ng 200
“Happy? Bye! Sana hindi na tayo magkita uli!”
“Kuripot, 200 lang!”
“Kapag pinaayos ko ’to, baka 100 lang ibabayad ko. Tama na yan!”
“400 kaya yung damit sa Bench!”
Nakakagigil talaga tong lalaking ’to. Parang siyang “bwisit” na naging tao. Bwisit man!
“Hoy ikaw, bwisit man! Umalis ka na sa harapan ko, nakakagigil ka na!”
“Hala, bwisit man pa ako? Tse. Sa department store na lang ako bibili ng damit. Tse!” tinapakan niya yung sapatos ko at tumakbo palayo lumingon pa siya ng nakatawa sa’kin pero kinarma din ang loko, nabunggo sa poste.
Tumawa na lang ako at sumakay sa sasakyan at umuwi.
“Para kayong mga bata, Kuya.” sabi ni Butchok.
“Nako nakakagigil talaga.”
Hindi na lang sumagot si Butchok dahil naglalaro na siya sa table.
++++
“Ehhh sana tinawagan mo na lang ako” sabi ni Sir Jack. Kinwento ko kasi yung nangyari kanina tungkol kay Bwisit man. Nasa bahay si Sir Jack at kakatapos lang namen mag dinner.
“May meeting ka kasi at saka gusto ko ng umuwi non, kasi ang lagkit lagkit ko.”
“Sayang. Sana pala dinilaan ko yung juice sa katawan mo no?”
“Hala hahaha.”
“Joke lang. Pero hindi ka naman sinaktan non?”
“Hindi naman.” sabi ko.
“Okay, good. Ayon naman mahalaga ehh. Hmmm….. May sasabihin pala ako sa’yo”
“Narinig ko na yan kagabi ah? Hehe”
“Hindi, iba ’to…. About kay Ate”
“Anong meron?”
“Nagkita kasi kami kamakailan, alam mo naman na tinuturing ko na siyang kapatid di’ba?”
“Ay wait, si Ate Taray ba yan?” naalala ko nung nagkita kami noon, ang taray niya. Though, hindi naman ako yung tinatarayan niya, ibang tao, pero nakakatakot talaga.
“Oo hehe… Nakita niya kasi picture natin sa phone ko… And…. Gusto ka raw niya makilala, personally.”
“Nakita na niya ako ah?”
“Pero hindi pa nakakausap… Uhm, please?”
“Nakakatakot eh…”
“Don’t worry, hindi kita pababayaan at saka sa iba lang mataray yon, siguradong magiging mabait sa’yo yon.”
“Ehh….”
“Please??? Pleasee???” alam ni Sir Jack na hindi ko siya matitiis kapag nagmamakaawa siya ng ganito. Kaya pumayag na lang ako.
“Yes!!! At saka meron pa akong sasabihin.”
“Ano yon?”
“Tungkol kay Benjamin.”
Natahimik ako at napatingin sa kanya.
“Alam mong hindi ako interesado” sabi ko.
“I know. I know… Ang sabi lang naman sa’kin eh nandito raw siya ngayon sa Pilipinas. Hindi ko na alam yung ibang details.”
“Oh… I told you, hindi na ako interesado.”
“Okay. Sinabi ko lang naman. Baka kasi magkita kayo.”
“Wala akong balak.”
“Hmmm… Okay.”
Simula nung araw na yon, wala na akong paki sa kanya. At binaon ko na siya sa limot. Hindi niya deserve ang kahit anong part sa isip ko.
Kung may time machine lang sana, babalik ako sa past at iuundo ko lahat para hindi niya ako nasaktan ng todo. Ayoko siyang makita at siguradong masasaktan ko lang siya, physically.
++++++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 45
Naiiyak ako dahil sa bagong kanta ni Lady Gaga. Sobrang ganda. Hayst. :((((((
+++++
Kinakabahan na ako. Naghihintay na raw yung ate ni Sir Jack sa Mozu. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.
Naglalakad na kami ni Sir Jack papasok habang nakaakbay siya sa’kin. Napansin ko yung ate niya na nakatingin sa’min habang palapit kami. Nakasalamin siya, ang taray ng tingin. Naka blazer at palda. Maganda siya, imposible namang maging panget to kasi si Sir Jack napakagwapo.
Nagbeso beso silang dalawa habang ako naman ngumiti sa kanya. Ngumiti naman sya pero parang pilit. Kinabahan tuloy ako lalo.
“Order na tayo, ate?” tanong ni Sir Jack.
“No, leave us.” sagot ng ate niya.
“Ate?”
“Iwanan mo muna kami. Hmmm… Buy mo ko ng chocolate, go, now na!”
Shet, sobrang natatakot ako. Hinawakan lang ni Sir Jack yung kamay ko at umalis. Masunurin kasi siya sa ate niya at sguradong gusto lang ako neto makausap.
“Ikaw pala yon.” bigla niyang sabi sa’kin nung umalis na si Sir Jack. Parang kung pwede niya akong kainin ng buhay, ginawa na niya. Nakakatakot talaga.
Napalunok lang ako ng laway.
“Well, I heard so much about you.” ang taray talaga.
“Uhm…. Hehe, kayo rin po” sagot ko.
“Really? Like what?”
“Uhm…. Basta marami po hehe”
“Example nga?”
“Sabi niya po close kayo”
“Exactly!! Close kami. Super close to the point na hindi ko kayang masaktan kapatid ko. Iniwan na siya noon, although masakit talaga pero ayoko na maulit yon!” nagulat ako ng biglang nagtaas boses niya.
“Ahh… Hindi pa nman po kami…”
“Isa pa yan!!! Bakit hindi pa kayo? Bakit hindi mo pa siya sinasagot?!”
Nawala yung takot ko sa tanong niya. At nung makita ko siya, nakangiti na siya sa’kin.
“Char char lang yung kanina ano ba! Ahaha natakot ka ba?” bigla niyang tanong. Gumaan bigla yung loob ko dahil s nangyari.
“I’m sorry… Mataray lang ako sa loob ng office pero kapag nasa labas na eh I’m okay. I’m so mabait” kwento niya pa.
Natatawa ako na ewan.
“Loosen up Ethan! I wanna talk to you about Jack” sabi niya uli.
“Ano pong meron?”
“Well, to be honest, wala akong paki kung anong gustong gawin ni Jack sa buhay niya. Malaki na siya pero ng problema is my dad…. He really wants my brother to go to US to handle our company there.”
“Uhm… Hindi ko naman po siya pinipigilan.”
“Don’t get me wrong ha? I know na hindi. Pero you’re the reason why he chose to stay. That’s why I wanna meet personally. You’re changing his life. Fvckboy kaya yan jusko. Araw araw iba iba inuuwing babae sa condo, alam ko, palaging sinasabi ng guard.”
Hindi ko naman alam isasagot ko kaya nanatili akong tahimik.
“Then you came and ikaw na ang palaging bukam bibig. I thought mali lang ako ng dinig na ‘Ethan’, kasi alam kong that’s a boy name. Pero I don’t judge naman kasi, who am I to judge right? May girlfriend din ako haha.”
“Talaga po?”
“Yeah… Well, I don’t wanna talk about my personal information… But, I really wanna know. Bakit hindi mo pa siya sinasagot?” tanong niya.
Mukhang hindi niya pa alam yung tungkol kay Sir Benj kaya hindi ko muna siya binanggit.
“Dali na Ethan.. Go, sabihin mo sa’kin. I’m your sister. Go go!” pangngulit pa niya.
“Ehhh… Gusto ko lang po ng tamang moment. Ayun lang. Siguro anytime, pero yung right timing.” sagot ko.
“Pak. Mas babae ka pa sa’kin diyan haha” biro niya. Natawa na lang ako sa kanya at napansin kong palapit naman na si Sir Jack samen.
“Bakit kayo nakangiti? Anong pinag usapan niyo???” tanong niya. Tumawa lang kami ni Ate at hindi sumagot. Naupo na uli siya at umorder na kami.
Okay na ako sa Ate ni Sir Jack. One step closer na to sa pagiging okay nameng dalawa.
+++++
Tumakas muna ako sa office para puntahan si Butchok. May pinuntahan pa kasi si Mama, ulit, kaya ako muna sumundo. Gustong gusto ko naman tong sinusundo ko siya.
Kaso, sa sobrang traffic, halos ma late ako sa pag sundo sa kanya. Marami ng tao sa labas ng school at pinipilit ko siyang hanapin. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko si Bwisit man!
Jusko nasira na naman araw ko dahil sa kanya! May hawak hawak pa siyang inumin na dalawa, nakasumbrerong puti at white tshirt at pants. Tsk, nakakabwisit talaga.
Mabuti ng alisin ko yung paningin ko sa kanya para hindi na mabwisit pero bigla kong nakita si Butchok sa may bandang gilid. Palapit na sana ako ng biglang lumapit sa kanya si BwisitMan at inabot yung juice.
“Hoy!!!!” sigaw ko. Narinig nilang dalawa yun pati ng mga tao sa paligid.
“Ayan na pala Kuya mo eh!” sabi ni bwisit man.
“Sorry, traffic ehh” sabi ko kay Butchok.
“Okay lang Kuya.”
“Sus….” singit ni bwisitman “ traffic traffic ka diyan! Iniiwan mo kapatid mo rito!“
“Hoy ikaw bwisit man, huwag kang umepal ha!” sabi ko.
“Bwisit man? Hoy ang ganda ganda ng pangalan ko tapos bwisit man tawag mo sa’kin?!”
Hindi ko na siya pinansin at kinausap ko si Butchok.
“Uwi na tayo??”
“Nagpaluto pa si Kuya Tom ng barbeque Kuya, kain muna tayo nagugutom na ako ehh”
“Binigyan kita ng pera ah? Bakit hindi ka bumili kanina.”
“Hay nako” singit ulit ni bwisit man. “Kanina pa sila nag uwian dahil may meeting mga teachers. Maaga silang pinauwi kaya kanina pa siya walang klase. Nako, ewan ko ba.”
“Teka, ano bang problema mo sa’kin?”
“Wala naman. Naiins pa rin ako sa ginawa mo. Naiirita ako sa itsura mo.” sabi niya pa. Sobrang nkakagigil talaga tong taong to.
“Hoy…”
“Hoy ka rin! Tara na nga Butchok, kain na tayo” abot ni bwisitman ng kamay.
“Kami na kakain sa labas. Kaya ko na to. Halika na Butchok.” sabi ko pero mas gusto niya yung tuhog tuhog kaya hindi ko na pinigilan at sumama na akong kumain sa kanila.
“Ohh, Ethan. Kumain ka rin!” sabi niya bigla.
“Paano mo nalaman pangalan ko?”
“Tinanong ko sa kapatid mo”
“Arg!! Mamaya ginagamit mo lang kapatid ko para makakuha ng personal information ko! Guard guard!!!” sigaw ko. Medyo nakagawa ako ng eksena doon at may lumapit naman na guard samen.
“May problema ba sir?”
“Stalker tong lalaking to!!” turo ko kay bwisit man.
“Ay si Tom? Hindi po sir, mabait po yan. Kilala ko po yan”
“Mabait? Ehh mukhang stalker!!”
“Stalker ka diyan, akala mo naman chicks ka! Pwe!” sabi ni bwisit man saken.
“Sir, promise, mabait po yan. Tiwala po ko diyan.” sabi pa nung guard. Tumingin lang si bwisit man saken at parang nang aasar pero hindi ko na siya pinansin at kumain na lang ako.
Pagkatapos na pagkatapos naman eh umalis na kami ni Butchok. At syempre, nagpaalam saken si bwisit man aka Tom na pang asar. Ngumiti saken na nakakabwisit. Ewan ko, inis na inis ako sa kanya.
Sumakay na ako kaagad sa sasakyan at kumaway pa siya samin bago kami umalis. Kinalma ko sarili ko para hindi matuluyang mainis.
++++
“Nagkausap kami ni Ate, okay ka daw” nasa bahay ako ni Sir Jack ngayon.
“Nung una nga kinakabahan ako pero nung tumagal, parang okay na rin”
“Hayst. Atleast okay na. Okay na lahat. Parang oo mo na lang kailangan ko” bigla niyang sabi.
Napatingin siya sa’kin at nakangiti, ang cute cute ni Sir Jack. Tapos magbebeautiful eyes pa siya sa’kin. Argh!!
“Right timing….” sabi ko na lang.
“Kailan ba yung right timing kasi???? Para naman mapaghandaan ko”
“Haha, ehhhh basta…, alamin mo”
“Hmmmm…. Pero alam mo ba?”
“Yung ano? Yung right timing?”
“Hindi. Na gustong gusto talaga kita….”
“Huh???”
“Ethan… Sobrang nakakabaliw ka. Hindi mo lang alam kung paano ako natutuwa kapag kasama kita. Gusto na kitang mahawakan. Yung tipong saken ka lang. Yung maipagmamalaki kong akin ka.”
Sobrang nakakainlove si Sir Jack ngayon. Iba yung aura niya, parang may something.
“My sister liked you and it really matters. Her opinion matters, she approved and I hope…. Ikaw naman.”
“You deserve better, promise. Wala akong iba, gusto ko lang ng right timing…. I hope you understand.”
“I know, alam ko kung anong pinaghuhugutan niyan pero can I have a request?” tanong niya.
“Sure…. Ano yon?”
“Can I kiss you?” tanong niya.
Feeling ko namula ako sa tanong niya. Ewan ko, nahiya ako.
“Uhm… Sige…. Ikaw bahala”
Imagine, pabebeng pabebe ako sa pagkakasabi noon. Pero natawa lang siya saglit at hinintay ko kung anong gagawin niya.
“I wanna say this in front of you, eye to eye….” hinawakan niya yung mga pisngi ko at tinitigan ko sa mga mata. “I love you Ethan… As of the moment, ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Ayokong mawala ka pa sa’kin kaya gagawin ko lahat, huwag ka lang mawala. I will make you the happiest person ever, I promise you that”
Naiiyak ako sa kada salitang binibitawan niya. Tumatagos kasi sa puso ko at parang pati puso’t kaluluwa ko eh nadadamay.
“I love you so much.” sabi pa niya at dahan dahan na siyang lumalapit sa’kin. Pero hindi niya ako hinalikan sa labi, hinalikan niya ako sa ilong ko at noo ko at pisngi ko.
“Thanks for letting me kiss you. Gusto ko kapag hahalikan kita sa labi eh yung araw na sinagot mo ako. I don’t wanna spoil everything.” pahabol pa siya.
Grabe. Ang sakit sa puso in a way na ang sarap.
Niyakap niya ako ng mahigpit at hiniga. Hinahalik halikan niya ako sa mukha ko maliban sa labi ko.
“Malapit na ba yung right timing?” tanong niya uli.
“Soon. Very soon.” sagot ko.
Nanatili kami sa ganong pwesto at hindi ko inalis yung yakap niya saken.
++++
Hinatid ko naman si Butchok sa school. Maaga kasing umalis si Sir Jack dahil may gagawin daw siya. Since maaga pa naman kaming dalawa, kumain muna kami sa Jollibee. Tulog pa kasi si mama kaya hindi siya nakapag prepare.
“Huwag ka ng makikipag usap sa ibang tao ha? At saka huwag kang magbibigay ng information sa ibang tao.” sabi ko kay Butchok habang kumakain kami.
“Sorry Kuya…”
“Hindi ako galit… Pero next time ha??”
“Opo…. Nakita ko po kasi nung nakaraang araw na magkausap kayo. Siya pa nag ayos ng car mo kaya akala ko po okay lang”
“Okay na, andiyan na ehhh… Huwag ng mauulit ahh??”
“Opo Kuya”
Mukhang wala namang gagawing masama si bwisit man pero mabuti ng maingat.
Pagkatapos nameng kumain, hinatid ko siya sa tapat ng school at nung makita ko ng kasama na niya mga classmates niya, umalis na ako.
Nakasakay na ako ng sasakyan ng makita ko na naman si bwisit man!! Hay nako, umagang umaga nakakabwisit.
Nagyoyosi pa sa may poste, akala naman kinagwapo niya! Mukha namang may gagawing masama.
Ayoko ng stressin sarili ko dahil sa kanya kaya pinili ko ng umalis. Hindi pa ako nakakalayo ehhhh may napansin akong familiar na itsura. Hindi pa malinaw sa’kin yung lahat pero bumaba ako ng sasakyan at sinundan ko siya.
Nasa likuran niya ako, naglalakad siya at sinusundan ko.
Napansin kong papunta siya sa school ni Butchok.
At nung paliko siya, nakita ko yung side view ng face niya at hindi ako pwedeng magkamali.
Si Sir Benj yon.
Yung tangkad, yung katawan, siyang siya iyon!
Hindi ko alam kung bakit ko pa siya sinusundan pero nandoon na ako kaya tinuloy tuloy ko na.
Nakita ko na naman si bwisit man! Nandoon pa rin siya sa pwesto niya kanina at nagyoyosi pa rin!
Nagulat ako ng biglang lumapit si Sir Benk kay bwisit man!!!! Nagyakapan pa sila na parang super close nilang dalawa.
Bigla naman silang naglakad papunta sa may pwesto ko kaya nagmadali akong magtago sa may puno at pinagmasdan sila.
Grabe, sobrang close nilang tignan at parang matagal ng magkaibigan.
Hindi ko alam kung saan ako magugulat, sa part na magkakilala sila ni bwisit man. O na nakita ko si Sir Benj? O dahil parang simpleng tao na lang si Sir Benj? Akala ko dahil sa deal eh yumaman siya?
Ayoko na lang isipin, dahil nakikita ko si bwisit man at yung pinakabwisit na tao sa buhay ko.
+++++
VOTE AND COMMENTS!!!!!
(It’s my sister’s 18th birthday, nasa party ako ng weekends baka walang update ah??? :))
Part 46
Guys, stream, buy Lady Gaga’s newest single ‘Perfect Illusion’. WAG NIYONG IPIRATA!!! haha. Mahal na mahal ko si Lady Gaga kaya malaking bagay yung pag kinig sa youtube, spotify, apple music. Hihi. Salamat!!!
😊😊😊
+++++
“Bes, minumulto ka na ng nakaraan mo!” sabi ni Jaycee. Kumakain kami ngayon sa Mozu at umiinom ng kaunti. Hindi ko muna sinama si Sir Jack dahil moment namen ni Jaycee ngayon.
“Bakit naman ako mumultuhin aber? Ako ba may ginawang kasalanan?”
“Alam kong wala kang kasalanan pero closure? Wala kayo non.”
“Hindi na kailangan ng closure kung niloko ka. Jusko, hahayaan ko pa sarili ko na saktan niya ng harapan? No way!”
“Ehhh bakit parang affected ka pa rin ha?”
“I’m not affected. In fact, wala akong paki sa kanya nung nakita ko siya. I mean, nagyoyosi na siya? So what. I don’t care. Ang goal ko lang ngayon ay ang mapromote dahil malapit na yung promotion ko, at syempre si Butchok na nag aaral na ngayon. Lovelife? Si Sir Jack oh. Hello.”
“I know you love him, bes. Kita ko sa mata mo at everytime na kasama mo si Sir Jack, iba yung aura mo.”
“Ohhh… Alam mo naman pala!”
“Pero hindi pa rin kayo nag uusap ni Sir Benj. I mean, tignan mo, galit na galit ka pa. Siguro wala ka ng nararamdaman sa kanya pero mas magaan sa pakiramdam kung magkakaayos kayong dalawa.”
May point naman si Jaycee pero ayoko munang problemahin si Sir Benj ngayon. Ayoko nga siyang isipin eh.
“Eh kayo ni Stephen? Ano ng meron?” iniba ko na lang yung topic.
“Ayon ganon pa rin. Everyday sex tapos casual lang.”
“Grabe, everyday talaga?”
“Yup, minsan nga 3x a day pa. Depende sa mood niya o mood ko. Ganon.”
“Hindi ka ba nagsasawa?”
“Hindi naman bes…. I mean, nag eenjoy naman ako sa ginagawa ko, namen.”
“Ni minsan ba, hindi mo naisip na… Alam mo na… Ilevel up?”
“Hmmm…. Napag usapan namen yang dalawa. Simula nung issue kay Blue? Nagbago siya non, kaya nagbago na rin yung agreement namen.”
“Paano?” tanong ko.
“Hmmm… Dati kasi pwede kami lumabas sa iba pero ngayon hindi na. Kailangan, kaming dalawa lang. Okay naman saken kasi ang sweet naman niya eh. Tapos palagi pa akong pinagluluto.”
“Pero hindi kayo?”
“Hindi. Pero parang kami eh. Okay na ako sa ganon. Ayoko na ng hassle.”
“Wow bes, hindi ko alam kung matutuwa ako sa way ng pag iisip mo o maiingit o maiinis. Haha.”
“Haha mind over matter lang, bes.”
“Pero mahal mo na ba si Stephen?” tanong ko. Natahamik siya at napangiti.
“Oo naman. Mahal ko na siya no. Matagal na.”
“What if ganon din siya sa’yo? Papayag ka na bang makipag relasyon sa kanya?”
“Bes…. Hindi nagbabago desisyon ko. I’m happy sa kung anong status namen, he’s happy. Okay kami. Ayon lang ang mahalaga. Ayoko ng gawing complicated ang lahat!”
“Well, ayokong umiyak ka kapag lumalim na yung feelings mo sa kanya ah?”
“Ano ba bes, hindi naman ako shunga sa love pag dating mo no. Oo naman!” binatukan ko lang siya ng kaunti at kumain na kaming dalawa.
+++
Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nakita ko kaya ako uli nagsundo kay Butchok sa school at umaasa na makita si Bwisit man. Pero kung kailan naman na inaasahan ko siyang makita eh wala siya.
Hanggang sa makita ko si Butchok na palabas na ng school, walang sign ni bwisit man o kahit man lang si Sir Benj.
Pagkauwi naman namen, may napansin ako na may lalaki sa tapat ng bahay namen at parang nagmamasid pero nung magpapark na ako, tumabi lang siya at hindi ko inaasahang si bwisit man yon!
Pinapasok ko naman kaagad si Butchok sa bahay at hinarap ko si bwisit man.
“Hoy ikaw bwisit man, bakit ka nandito? Stalker ka nga!! Sinasabi ko na nga ba eh!” sabi ko.
“Hindi kita aawayin dito dahil balwarte mo ’to! Hindi kita iniistalk ano? Huwag ka ngang assuming diyan. Feeling chicks ka na naman at saka may pangalan ako. Tom Gian! Ang ganda ganda ng pangalan ko, gamitin mo naman!”
“Aba wala akong paki kung anong pangalan mo, umalis ka na kundi tatawag ako ng pulis!”
“Nakakatawa ka. So tatawag ka ng pulis kasi tinitignan ko tong bahay niyo?”
“Hindi kasi stalker ka!”
“Hoy ikaw lalaki ka sumusobra ka na. Wala akong ginagawang masama.”
“Eh bakit ka nga nandito? Anong ginagawa mo? Nagkataon lang lahat ganon?”
“Hindi. Wala. Sige na. Aalis na ako.” sabi niya pa. Pero eto na yung panahon para tanungin kung ano sila ni Sir Benj. Medyo nakakahiya man pero tinawag ko siya uli.
“Huy….. Tom” sigaw ko.
Lumingon siya ng napangiti, ngiting pang asar na nakakabwisit.
“Yes??? Tinawag mo ko sa pangalan ko?” sabi niya habang suot niya yung ngiting pang asar habang lumalapit sa’kin.
“Nako…. Ewan ko sa’yo…. Kasi ano… Nung isang araw? Napansin kita na may kasama… I mean, sa may school. Umaga yon.” sabi ko.
“Uhm….. Sino? Girlfriend ko? Kursunada mo girlfriend ko?!”
“Leche, hindi!”
“Ay grabe siya makaleche oh. Tinatanong lang naman”
“Eeeeehhhh. Seryoso kasi. Uhm. Yung lalaki na medyo mestiso tapos bigotilyo, yung gwapo.” ayun na lang sinabi ko.
“Ahhhh… Kilala ko na…. Sabi ko na nga ba eh, nung una ayoko pa maniwala pero tama ako! Pwede kang iadobo!”
Nairita ako sa term niya pero hindi ko na lang pinansin.
“Sino nga?” tanong ko.
“Si Benj yon! Kapatid ko.”
WTF!!!!!!
Kapatid? Nahanap na niya kapatid niya?
So…. Matagal na niyang kilala?
8 months kaming hindi nagkita. Sabagay, sobrang daming mangyayari non. Pero anong nangyari sa kanya sa ibang bansa?
“Uhm…. Nagdedaydream ka ba about sa kapatid ko? Sorry, huwag siya may girlfriend din yon!” sabi pa ni bwisit man.
“Hay nako! Wala akong paki!!”
“Wala raw pero interesado sa kapatid ko. Wooooh. Don’t me, Ethan. Don’t me”
Ang dami ko pang gustong itanong pero biglang may tumawag sa kanya.
“Sorry, Ethan. Duty calls. Sabihin ko na lang sa kapatid ko may stalker siya haha!” bigla siyang tumakbo palayo at hindi ko na natawag. Hinayaan ko na lang siya pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko.
Magkapatid si bwisit man at si Sir Benj.
+++++
Tinanggal ko lahat ng tumatakbo sa isip ko at nagfocus ako sa trabaho ko. Inisip ko yung goal ko na makuha yung promotion. Ilang araw ako nag OT at nagpatulong din ako kay Laura. Sobrang saya lang kasi mukhanh naging worth it lahat.
Habang nakaupo ako at nakaharap sa computer ko, biglang may pumasok sa email ko. Hindi ko munan pinansin yun at nung sinipag ako, doon ko nakita.
PROMOTED na ako!!!!
Napasigaw pa ako sa office non at napantingin sa’kin lahat pero nung sinabi ko, natuwa naman silang lahat. Nakakatuwa lang na ng dahil nalaman nila yung tungkol samen ni Sir Benj dati eh hindi nila ako hinusgahan. Mas naging close pa nga kaming lahat.
“May bago na tayong boss!” sigaw uli ng isa. Nakakaoverwhelmed lang yung pag congratulate nila sa’kin.
Agad kong tinext si Sir Jack at nagreply naman siya.
“Congratulations!!! I know you can do it! I’m so proud of you. I wish we can celebrate it later, but hindi ako uuwi mamaya. Tomorrow?”
“Sure. Gusto kong ikaw una kong sabihan eh.” reply ko naman.
“Sweet. Love mo talaga ako 😍😍”
“Hehe, oo naman.”
“Sasagutin mo na ba ako? 😍😍❤”
“Right timing. 😊”
“Hehe, okay po, enjoy your promotion! We’ll celebrate tomorrow, okay? I gotta go.”
“Sige. Text mo ko ha?”
“Ofcourse. 😙😙”
Hindi na ako nakareply uli dahil halos pagkumpulan ako ng mga kaofficemates ko dahil sa nalaman nila. Inenjoy ko na lang din yung moment.
++++
Syempre, ang pangalawa kong sinabihan ay si Butchok. Kaagad ko siyang sinundo sa school para naman mailibre ko siya sa labas.
Hinintay ko siyang makalabas at asusual, nakita ko na naman si bwisit man na nagsisigarilyo sa tapat ng school.
Ayoko na muna siyang kausapin, bakit ko naman kasi siya kakausapin di’ba? Hinintay ko lang kapatid ko makalabas. Pero napansin ako ni bwisit man at lumapit siya sa’kin.
“Sinabi ko na sa kapatid ko na may crush ka sa kanya!” sabi ni Bwisit man.
“Ano ba yan! Ano bang problema mo?”
“Wala. Gusto lang kitang asarin!”
“Pwes, sa presensiya mo pa lang naaasar na ako so congrats!”
“Ay grabe talaga! Siguro wala kang lovelife kaya ganyan ka mag react sa mga bagay bagay, ano?”
“Hoy baka sabihin ko sa’yo, meron ako no!”
“We? Patingin nga ng picture?”
“Ayoko nga bakit ko naman gagawin yon?!”
Buti na lang nakita ko na si Butchok at lumapit na siya sa’kin.
“Ohh, hello Butchok. Gusto mo ng BBQ?” yaya ni Bwisit man.
“Aalis kaming dalawa. Sakay na sa sasakyan,“sabi ko.
“Taray talaga ng Kuya mo! Sige na,” ngumiti lang si bwisit man at kahit isang ngiti lang, nabwisit na kaagad ako.
Pagsakay ni Butchok ng sasakyan, kinwento ko sa kanya yung nangyari sa office.
“Wow Kuya, ang galing mo po! Nakita ko po kung paano kayo nagpuyat dahil diyan kaya Congrats po!”
“Salamat!! Kaya dahil diyan, kakain tayo sa labas!”
“Talaga? Yehey!”
“Saan mo gustong kumain?”
“Kahit saan po basta may BBQ!”
“Ayan ha, naaadik ka na sa BBQ dahil doon sa bwisit man na yon!” sabi ko.
“Ahh si Kuya Tom po ba? Mabait po kasi siya. Nanlilibre pa.”
“Sabi ko di’ba? Huwag ka makikipag usap sa mga hindi mo kakilala?”
“Ehhh Kuya, ang sabi po saken ng mga guards ng school, ehh kasama po siya sa security ng school sa labas. Kaya po siya nandoon palagi sa labas. Hindi lang naman po ako ang nililibre niya pati mga classmates ko”
Oh…. So nung araw na nagkabungguan kami, siguro may hinahabol siya. Kaya naman pala galit na galit siya sa’kin non dahil ganon yung trabaho niya. Well, kwits lang din naman kami. Galit din ako.
“Kuya” biglang sabi ni Butchok habang nasa byahe kami.
“Yes?”
“Parang nakita ko po si Kuya Pogi kanina.”
Natahimik ako.
“Kanina po nakita ko siya sa loob ng school. Hindi ko po kasi sure kung siya kasi ang layo po pero parang siya po kasi.”
“Ah hayaan mo na”
“Kuya, magkaaway ba kayo ni Kuya Pogi? Sabi niyo po nasa bakasyon lang siya? Bakit ang tagal na po niyang hindi bumibisita? Galit po ba siya sa’kin?”
“Uyy ang dami mong naiisip. Hindi siya galit sa’yo. At saka busy lang yon.”
“Namimiss ko na po kasi siya eh”
Hindi ko alam kung paano ko mapapaliwanag sa kanya.
“Andiyan naman si Kuya Boss mo ah?”
Buti na lang ngumiti siya.
“Opo!!” sabi niya na lang.
Buti na lang at naglaro na siya uli sa tab at hindi na siya nagtanong.
+++
Nakarating na kami sa mall, naglaro muna kami sa timezone at naglakad lakad saka kami kumain sa may BBQ, ayun kasi yung request ni Butchok.
Maya maya, biglang tumawag si mama sa’kin.
“Po?” sagot ko.
“Anak hindi kita marinig, ang ingay.” sabi ni mama. Kaya tumayo ako at lumabas muna.
“Ma” sabi ko.
“Ohh… Okay na… May sasabihin ako sa’yo anak. Pauwi ka na ba?” sabi niya.
“Maya maya Ma. Magkasama kami ni Butchok, kumakain kami sa mall.”
“Talaga? Nasa mall din ako anak. Nasaan kayo?”
“3rdfloor lang Ma. Patapos na rin kami kumain. Puntahan na lang kita, gusto mo?”
“Sige. Pero may kasama ako anak.”
“Sino po?”
“Basta…. Papakilala ko sa’yo mamaya.” sabi niya.
“Ahhh sige po sige po” sagot ko. Binaba ko na yung tawag at pumasok na uli ako sa loob pero nagulat ako ng wala na si Butchok! Pero nandoon pa yung gamit niya.
Tinanong ko yung mga nasa tabing table namen at sinabing lumabas daw siya.
Lumabas naman ako pero wala siya.
Kinakabahan na ako. Wala pa naman cellphone yon. Kaya pumasok uli ako. Pero nakita ko na siya na pabalik.
“Saan ka ba galing?!” medyo kabado kong sabi.
“Nag cr lang po Kuya. Walang CR diyan eh”
“Nako. Magdala ka na nga ng cellphone sa susunod. Kinakabahan ako sa’yo eh!”
“Si Kuya, para namang bata pa ako. At saka nakita ko po si Kuya Tom”
“Si bwisit man? Anong ginagawa niya rito?”
“Hindi ko po alam.”
Speaking of the devil, nakita ko nga si bwisit man sa may tapat ng kinakain namen. Ang kaibahan lang ngayon, nakasuot siya ng pang Pulis na uniform!
Yung kulay blue na polo shirt at fitted na pants. Tumayo naman kami ni Butchok at lumabas. Pupuntahan pa namen kasi si mama pero nakita naman kami ni bwisit man.
“Hay nako, stalker ka talaga!” sabi ni bwisit man.
“Tigilan mo ko, nagpapanggap ka pang pulis! Pwede kitang isumbong!”
“SPO1 Tom Gian Aguilar po, Sir!” pakilala niya.
Natahimik ako. Hindi ko alam na pulis pala siya. Kung kausapin ko pa naman siya parang ewan lang.
“Aba, masungit ka lang pala sa’kin kapag nakacivilian ako. Para malaman mo, hindi ako masamang tao.”
“Okay. Aalis na kami” sabi ko na lang.
“Okay!” sagot niya lang at bago pa kami makalayo, napansin ko na si mama na palapit samen. Agad akong nagmano nung nakita ko siya.
“Oh…. Nasaan yung kasama mo, Ma? Kumain ka na ba?” tanong ko.
“Oo anak…. Ayun na siya” turo niya.
Napansin kong palapit na naman si bwisit man samen. Jusko, ang liit ng mundo para sameng dalawa.
Pero laking gulat ko ng biglang nagmano si Bwisit man kay mama.
“Ano na naman at nandito ka pa?” sabi ni bwisit man sa’kin.
“Magkakilala na kayo?“tanong ni mama.
“Opo tita. Isa po sa nakakaasar na taong nakilala ko” sabi niya.
“Tita?! Sino siya Ma?” tanong ko.
“Mama? Anak niyo po siya tita?” tanong naman ni bwisit man.
Yung reaksyon ni mama eh parang natutuwa na ewan. Natutuwa na parang hindi makapaniwala, parang ganon yung reaksyon niya.
“Wait po…. So kung anak niyo po si Ethan…. Ibig sabihin… Kapatid ko po siya?” tanong ni bwisit man.
“Anong sinasabi mo diyan?” tinaasan ko pa siya ng kilay.
“Anak. Ilang buwan ko ring hinanap yung Pamilya na naiwan ng Papa mo. At eto na siya.” turo ni mama kay bwisit man.
Sht!!!! PO1 Tom Gian Aguilar? Aguilar?!! Bakit hindi ko napansin.
Kahit siya nagulat at hindi makapaniwala.
Magkapatid kami ni bwisit man.
+++++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!!
Part 47
Parang ayoko pang maniwala sa nalaman ko pero nanggaling na kay mama ang lahat. Magkapatid nga kami ni bwisit man.
“Paanong nangyari yon, Ma?” tanong ko.
Hindi naman sumagot si bwisit man at hinayaan niyang mag explain si mama.
“Sorry pero matagal ko na silang hinahanap. Huling hiling kasi ng papa mo saken na magkakilala kayo.” paliwanag ni mama.
Pero….. Wala talaga akong masabi. Parang ang bilis ng mga nangyayari.
“Ohhh??? Ano na? Bakit hindi kayo nag uusap?” tanong ni mama. Si Butchok naman kasi walang paki sa nangyayari, baka nga hindi niya narinig yung pinag usapan namen dito dahil busy siya sa tab.
“Wala po akong masabi, tita. Magkakilala na kasi kami neto.” sabi ni bwisit man.
“Well, bakit hindi kayo mag usap ng masinsinan? Mukhang hindi okay pagkakakilala niyo eh.” sabi ni mama.
“Mas gusto ko pa pong kausap si Butchok” sabi ni bwisit man.
“Pwes, ako ayaw naman kitang kausap”
“The feeling is mutual!”
“Aba. The feeling is mutual too!”
“Sige na anak. Do this for me, please? Papaliwanag ko na lang muna sa kapatid mo paguwi natin ha?” sabi naman ni mama.
Sa totoo lang, marami rin akong gustong itanong kay bwisit man kaya pumayag na rin ako. Pinagamit ko na kay mama yung sasakyan ko at umuwi na silang dalawa ni Butchok.
+++++
Bumili lang kami ng cake sa starbucks at doon namen napagpasyahang magkwentuhan.
“Bigtime ka pala, utol ano?” sabi ni bwisit man.
“Don’t call me, utol!”
“Ano ba? Pwede bang mag usap tayo ng matino? Kunwari hindi mo ko tinapunan ng juice nung una tayong nagkita at kunwari walang nangyari, please. Nakikipag usap ako sa’yo ng maayos. O kaya kausapin mo na lang ako bilang tao.”
Aw. Medyo nakonsensiya ako sa last part.
“Joke lang yung last part ha pero usap lang. Lalaki sa…. Lalaki. Hehe”
“Fine.” sagot ko na lang.
“Mabuti naman!”
Medyo may awkward silence lang pero bigla siyang nagsalita.
“Ako na ang unang mag sosorry sa nangyari nung unang beses tayong nagkita. Sorry doon,”
“Hayaan mo na lang.”
“Pero…. Gusto kong malaman kung anong naiisip mo ngayon?” tanong niya.
“Syempre nagulat ako. Akala ko wala na kayong paki kay papa noon kaya hindi man lang kayo pumunta nung nawala siya.”
“Hindi naman kasi namen alam. Kasi mas pinili niya kayo kesa samen.”
Parang may konting hugot nung pagkakasabi niya non.
“Pero okay lang. Ganon talaga. Atleast nakapagtapos na ako. Hindi ko na problema yung pera”
“Bakit parang…. Okay lang sa’yo lahat? I mean… Ngayon… Parang okay lang sa’yo.?”
“Na ano? Na magkapatid tayo sa ama? Oo.okay na. Natanggap ko na kagabi. Di’ba pumunta ako sa bahay niyo noon? Alam ko na kasi na doon nakatira yung pamilya ni papa at nung nakita kita, parang nagulat lang ako.”
“Alam mo na pala non pero bakit hindi ka nagsalita?”
“Anong gusto mong sabihin ko? ‘Uy, dito pala nakatira yung pamilya ni papa. Kapatid mo ko’, ganon?”
“Sabagay, may point ka.”
“Ikaw ang gusto kong tanungin… Mukhang sensitive kang tao. Mukhang mahilig manuod ng drama. Mga ganon.”
“Hoy grabe ka bwisit man….”
“Nakaka lungkot naman, kapatid mo na ko’t lahat lahat. Nakasuot pa ako ng police uniform, tapos alam mo na pangalan ko pero bwisit man pa rin tawag mo sa’kin.”
Natawa ako ng slight sa sinabi niya. Natawa rin naman siya at parang nakakagaan ng loob bigla. Ewan ko ba, hindi ko mapaliwanag.
“Oh sige, Tom.”
“Ayown! Good job. Pwede na! Happy na kuya mo!” sabi bigla ni Bwisit man.
“Well…. As I was saying….”
“Teka teka, tol. Bago mo ituloy yan” pagpigil niya. “…. Englishero ka ba talaga? Pwede ba tagalog na lang?” sabi niya pa.
“Sorry, hindi ko namamalayan”
“Okie lang. Sige na tuloy mo na sasabihin mo”
Bigla kong nakalimutan sasabihin ko. Nakakainis. Pilit kong iniisip pero hindi ko na maisip.
“Wait lang ha?” sabi niya. “…edi pwede ko ng bantayan si Butchok sa school kapag wala ka pa?” bigla niyang sabi.
“Okay lang naman sa’kin.” at bigla ko namang naalala si Sir Benj!
“Teka, teka! Kamusta si Benj ba yon? Yung isa mong kapatid?” tanong ko.
“Ahhh… Oo, kapatid ko.”
“I mean, biological? Buo? Walang kulang?”
“Haha, hindi. Kasama ko lang yon sa bahay…. Pero sobrang close namen kaya magkapatid yung turingan nameng dalawa.”
Wait. Kung ganon yung trato nilang dalawa sa isa’t isa, dapat matagal na silang magkakilala. Eh 8 months lang kami hindi nagkita ni Sir Benj at imposibleg maging ganon sila ka close na dalawa.
“Teka, interesado ka talaga sa kapatid ko ah? Sorry tol, may girlfriend na yon eh. At saka walang history sa lalaki yon kaya wag na lang siya”
What the fvck! Anong ibig sabihin non? Siguro hindi ako nakwento ni Sir Benj sa kanya pero parang may mali eh.
“Alam mo, dumalaw ka na lang sa bahay. Gusto mo? Kaso hindi kasing ganda ng bahay niyo yung bahay namen. Kaya sana hindi mo husgahan.”
“Ahhh? Sige sige” sagot ko na lang. Pero hindi ako masyadong makafocus sa kanya. Mas iniisip ko pa yung sinabi niya kanina.
“Uy tol, pasensiya na. Anong oras na rin. Uuwi na muna ako. Kung nabitin ka sa long lost brother bonding nating dalawa, sabihan mo lang ko. Text mo ko oh.” inabot niya yung number niya sa’kin.
Pero hindi pa rin ako makasagot.
“Tol, promise. Sobrang nag enjoy ako sa usapan nating ’to.”
“Wait, may tanong lang ako.”
“Sige, tol”
“Kung pulis ka at alam mo naman na may pamilya si papa, bakit hindi mo kami…. Hinanap?” tanong ko.
“Hmmm… Medyo bitter lang siguro ako pero okay naman na ako. Hehe.”
Kahit iniba ko na yung topic ayon pa rin naiisip ko. Parang gusto ko na lang puntahan sina bwisit man sa bahay nila para malaman ko yung sagot.
“Pasensiya na tol, wala akong sasakyan eh. Hindi kita mahahatid.” sabi niya pa.
“That’s okay. Mag UBER na lang ako.”
“Sige tol kunwari naintindihan ko yung sinabi mo hehe. Ingat ka ah?” tumayo na kaming dalawa at sumabay na lumabas.
+++++
Pagkauwi ko at diretso sa kwarto ko, nagulat ako ng biglang may sumabog na confetti at punong puno ng balloons yung sahig ng kwarto ko. Nandoon naman si Sir Jack at nakasuot pa ng Tshirt na may nakalagay na. “Congrats, Ethan!”
“Talagang nagpagawa ka ng TShirt ah?” sabi ko.
“Ofcourse, dapat nga may picture mo pa eh kaso….” bigla siyang tumalikod. “Chanaaaaan!! Nasa likod yung mukha mo hehe.”
Tawang tawa naman ako sa ginawa niya.
Lumapit siya sa’kin at niyakap niya ako ng mahigpit.
“Alam kong kaya mo yan. Congrats!” bulong niya sabay halik sa pisngi ko.
“Thank you, Thank you”
Nakaayos din yung higaan at may isang box ng pizza doon at bote ng white wine.
Umupo kami. Kumuha siya ng pizza at sinubuan ako. Kahit kaya ko namang gawin, tinuloy niya pa rin.
“Uhm…. How was your meeting with your brother?” tanong niya bigla.
“Paano mo nalaman?”
“Naki chismis ako sa mama mo hehe. So how was it?” tanong niya.
“Well, it turns out na si bwisit man yon! Grabe! Ang liit ng mundo!”
“As in yung nakaaway mo sa may school ni Butchok?”
“Oo. Nagulat din ako nung una eh pero nung nagkausap kaming dalawa… Okay naman”
Hindi ko naman ma open sakanya yung about kay Sir Benj na kasama ni bwisit man.
“Well, good to know. Ipapaalala ko lang sana yung pag alis ko papuntang New York.”
“Hala, kailan na?”
“Next week na”
“Bakit ang bilis naman ata?”
“Ehhhh…. Don’t worry….” niyakap niya ako sa likod. Sumandal siya sa may kama habang hawak ko yung baso na may wine. “…. 1 week lang yon. 1 week, request lang ni dad. Nasabi ko naman sa’yo yung about doon di’ba?”
“Alam ko…. Pero ang tagal ng 1 week…”
Pero mas niyakap pa niya ako ng mahigpit nung mga oras na yon at hinalikan ko sa leeg ko.
“Saglit lang yon, at saka. May video call naman. Everyday, promise. Hindi mawawala yon.”
“Promise?”
“Yeap…. Nakakatuwa naman, parang ayaw mo akong umalis”
“Oo naman!! Ayoko talaga”
“Awww… Please don’t be like that. You know, kaya kong suwayin tatay ko for you.”
“Hmmmm…. Don’t leave?” medyo pacute kong sabi.
Pero hiniga niya ako sa kama at pumatong siya sa’kin. Nakangiti kaming pareho habang pinagmamasdan namen yung mga mukha nameng dalawa.
Bakit kasi hindi pa si Sir Jack nung simula pa lang? Grabe, ang gwapo. May pagka innocent look pero bad boy yung dating. At yung killer smile niya na talaga nakakamatay kapag nakikita mo.
“You still don’t want me to leave?” tanong niya ng seryoso.
“Yes.”
Bigla niya akong hinalikan sa noo.
“Now?” tanong niya.
“Same answer”
At hinalikan niya ako sa may ilong ko.
“How about now?”
“Ayoko talaga….”
Napakagat siya ng labi at parang gusto niya akong halikan sa labi, pero natawa siya at pinigilan niya sarili niya.
“I’m doing this for us. Alam ko na may ipon na ako for us pero kung pwede ko pang dagdagan, gagawin ko. And after this, hindi na ko kukulitin ni papa na umalis. After a year or two, pwede na tayong mag travel together. Kahit saang destination pa.”
“Paano sila….”
“Don’t worry, kasama si Butchok at mama mo. Hindi ko sila inaalis sa plano natin. Alam ko na hindi sila nawawala sa plans mo so, ganon din ako.”
“Talaga?”
“Yeap…. I love you, Ethan. I told you before, gagawin ko lahat for you.”
Nagulat ako sa sarili ko ng bigla ko siyang halikan sa labi.
“Ano yon??????” natatawa niyang sabi.
“Oh sht. Sorry sorry…. Nabigla lang ako….” pero tinigilan niya yung pagsasalita ko ng halikan niya rin ako. Medyo nalalasahan ko yung wine sa mga labi niya pero patuloy lang kami.
“I’m sorry….” putol niya habang hinahalikan ako. “….please….. Tell …… Me…… Kung….. Titigil ….. Na…,, ako”
“Huwag.” sabay halik ko uli.
Tinanggal niya uli yung pagkakahalik “Huwag?” sabay halik uli saken.
“Sige…. Lang….”
Ang intimate na ng nangyayari. Hinawi namen yung pizza at yung bote ng wine sa sahig. Alam kong nagkalat yon pero hindi na namen pinansin.
Iba sa pakiramdam na ginagawa namen ni Sir Jack ’to. Ang saya saya ko. Iba talaga. Puno ng pagmamahal.
Hinuhubaran na ako ni Sir Jack ng biglang pumasok si mama sa kwarto.
“Ano yung nabasag…..” nahinto siya sa sinasabi niya ng makita kami ni Sir Jack at kahit kami ni Sir Jack nahinto. Napaupo kami pareho sa kama at si mama, bigla na lang lumabas.
Napansin kong nagulo yung buhok ni Sir Jack dahil sa sabunot ko sa kanya.
Nagtawanan lang kami ni Sir Jack.
“I love you so much.” bulong niya uli sa’kin at halik sa pisngi.
Halik lang naman sinagot ko sa kanya pero this time, niyakap niya na lang ako ng mahigpit.
+++++
Halo halo yung nararamdaman ko ngayon. Dahil nakaupo ako ngayon kung saan nakaupo si Sir Benj noon. Eto yung kwarto na nakakita sa kalandian namen ni Sir Benj pero, hindi ko na dapat inaalala yon. Masaya lang ako dahil sa promotion, tumaas din yung sweldo ko at Sir Ethan na tawag nila sa’kin.
Whatever happens kay Sir Benj, I really don’t care. Dahil may Zachary na ako sa buhay ko ngayon.
“How’s your new office?” text sa’kin ni Sir Jack.
“Okay. Good.”
“I know magkaka throwback ka ng feelings diyan pero remember me okay? Past is past. 😊😊”
“Hala, ofcourse. Ikaw lang naiisip ko. 😊😊”
“Ohmygod, Ethan. Stop. 😊😊😊😊😙😙😙😙😙😙😙”
“Hehe, anong ginagawa mo?“text ko.
“Iniisip ko yung naudlot na…. You know…. Kagabi”
“Haha, sorry about don. Ang awkward tuloy harapin ni mama kaninang umaga”
“Haha, you want me to go down there to ‘finish’ it? 😊😀😀😀”
“Naughty boy. 😊”
“Oh, yes, I am. Hahaha, just kidding. I love you. Go to work na, let’s have lunch na lang later ha?”
“Yes po. Okay. 😙😙😙”
Nagtext pa siya pero hindi ko na nireplyan at nagsimula na akong magtrabaho.
++++
After shift, napagpasyahan ko na doon na magdinner kina bwisit man, pumayag naman si Sir Jack dahil bonding daw nameng magkapatid yon.
Sinundo naman ako ni bwisit man sa may office na nakasakay sa motor at nakasuot pa rin ng police uniform.
“Bakit naka uniform ka na naman?“tanong ko.
“Eh pulis ako eh.”
“Kapag nasa school ka naman hindi ka nman ganyan!”
“Syempre duty ko yun as a civilian officer. O di’ba english, sumakay ka na lang.” inabutan niya ako ng helmet at pumunta na kami sa kanila.
Sobrang nagulat ako sa bahay nila. Ang liit lang kasi, or dahil mababa lang yung ceiling. Hindi ka pwedeng tumalon dahil mauuntog ka talaga. Tapos pag pasok mo, kita mo na lahat. Kusina, sala, kainan, kama.
“Pasensiya na sa bahay namen ah? Sabi sa’yo ehh magulo at maliit.” sabi niya.
“Ayy okay lang ano ba… Huwag kang mahiya. Basta pakainin mo lang ako kasi gutom na ako”
“Haha grabe. Sige, maupo ka lang” sabi niya.
Ganon naman ginawa ko at dumiretso si Bwisit man sa kusina. Maya maya, may pumasok naman sa bahay at wala ng iba kundi si Sir Benj.
Naka sando lang siya at boxer, medyo tumaba lang siya ng kaunti pero mukhang nag gygym naman siya. May something sa itsura niya na nagbago, hindi ko mapansin. Dahil siguro sa bigote niya at medyo mahabang buhok. Plus parang naging dark yung skin niya.
Hindi naman ako nakatingin sa kanya pero inabot niya yung kamay niya at parang makikipagkamay.
Nagulat ako ng hindi niya ako nakilala. Ngumiti naman siya sa’kin na parang wala talagang nangyari.
“Hi, ikaw pala yung kapatid ni Tom?” sabi niya. Whatdafaq Sir Benj!!
“Ohhh, wait lang Benj, bantayan mo muna niluluto ko may bibilhin lang ako sa labas” sabi ni Bwisit man at lumabas na siya ng bahay, naiwan na kami ni Sir Benj sa loob ng bahay.
“Stop that crap, Sir Benj!” sabi ko sa kanya.
“Ha?”
“Anong ha? So ganito? 8 months then kunwari hindi mo ko kilala? Hindi mo alam na nageexist ako? Ano tong planong to? Wala naman si Tom eh! Tigilan mo na yung pagpapanggap!!” sigaw ko sa kanya.
“Bakit ka bumalik? Maayos na buhay ko, salamat sa panloloko mo at nagpursigi ako!! Ikaw? Anong nangyari sa’yo? Ano ’to? Panibagong kasinungalingan na naman? Tapos ginagamit…..”
“TEKA!!” Sigaw niya sa’kin at takip sa bibig ko.
“Anong pinagsasasabi mo?” bigla niyang sabi.
“Oh stop that shit.”
“Ano? Nag eenglish ka pa! Magtagalog ka!”
“Talagang paninidigan mo yang hindi mo ko kilala?”
“Kilala kita. Ikaw yung kapatid ni Tom”
“So dinedeny mo na naging ex mo ko?!”
“Ano? Pre, hindi ako bakla. At hindi pa kita nakikita sa tanan ng buhay ko!”
Natulala ako.
Mukhang galit na rin siya sa mga sinabi ko.
“May sayad ka atang bata ka eh!” sabi niya uli at dumiretso siya sa kusina.
Pagkatalikod niya, napansin kong may tattoo siya sa may batok niya.
Wala namang tattoo si Sir Benj eh.
“Wait…. Sino ka???” tanong ko sakanya.
“Baliw ka.”
“No no no, really, sino ka?” tanong ko.
“Ako si Benjamin.” sabi niya.
“Full name?”
“Ako si Benjamin Adrian Fortalejo. Pre, nakashabu ka ba? Ipapahuli kita kay Tom!”
Hindi siya si Sir Benj!!! Pero same last name, Benjamin Llander lang yung full name ni Sir Benj. Shet.
Kakambal ni Sir Benj ’to.
++++++++
VOTE AND COMMENTS!#!
Part 48
“Oh…. Anong nangyari? Bakit nakatulala ’to?” biglang sabi ni bwisit man pagpasok niya. Kanina pa ako nakatulala sa may sala habang busy naman si Benj sa kusina. Hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit nangyayari ’to?
“Ewan ko diyan, sinigaw sigawan ako paglabas mo. Ineenglish pa ako, tapos kung ano ano sinasabi. Nakaka inis”
“Uyy, Ethan… Ayos ka lang ba? Bakit mo siya sinigawan?”
“Ahhh… Hindi. Akala ko kasi…”
“Tol, pasensiya. Nakakainis talaga haha, aalis na muna ako. Ikaw na muna bahala rito” sabi naman ni Benj. Lumabas siya ng bahay at kita ko ngang inis na inis siya.
“Bakit mo naman ginawa yon tol? May nagawa bang masama sa’yo si Benjie?”
Hindi pa rin ako makasagot sa tanong niya.
“Pasensiya na, kailangan ko na umalis. Next time na lang natin gawin ’to, okay ba?” sabi ko naman.
“Uy, may problema ba? Pwede mong sabihin sa’kin” pigil saken ni Bwisit man. Kita ko yung pagaalala sa mga mata niya at parang ‘brother’s instinct’ pero mas pinili ko na lang umalis. Nagpaalam naman ako ng maayos at hinatid niya pa ako paglabas non.
+++
Hindi pa ako umuwi. Dumiretso pa ako sa condo ni Jaycee para sabihin yung natuklasan ko.
Kakatok pa lang sana ako pero bumukas na kaagad yung pinto at biglang lumabas si Stephen na mukhang galit. Nagulat naman siya nung nakita niya ako.
“Kausapin mo yang kaibigan mo!” bigla niyang sabi. Naka boxer lang si Stephen at walang suot na damit pero umalis ng condo ng ganon lang yung suot. Si Jaycee naman eh parang badtrip din kaya nilapitan ko siya na nakaupo sa sofa.
“Anong problema?” tanong ko.
“Wala bes. Hayaan mo siyang umalis.”
“Ay taray may ganyang moment. Ano nga bes?”
“Hindi…. Nakakainis lang…. Gusto niya ako ipakilala sa parents niya sabi ko huwag muna ngayon. Ayon, nagalit.”
“Ehhh bakit ba kasi ayaw mo?”
Bigla naman siyang natahimik at parang naiyak.
“Huy bes, anong drama yan?!” niyakap ko siya at nagpatuloy niya yung pagiyak niya.
“Ehhh alam ko na kasing gusto niyang mangyari. Sabi ko nga sa’yo, ayoko ng relasyon…”
“Bes, hindi ba parang OA ka lang?”
“Huwag mo kong simulan bes!!!” medyo pasigaw niyang sabi.
“Uy, sorry…”
“Ayoko bes. Ayoko. At kung ayaw niya, aalis na lang ako rito. Sinabi ko kasi sa kanya yan kaya siya nag walk out, buti na lang dumating ka.”
Grabe, hindi biro yung pagdadrama ni Jaycee ngayon. Hindi ko tuloy masingit yung chismis ko pero dinamayan ko lang siya.
“Bes, mahal ko na kasi si Stephen” bigla nyang sabi.
“Punyemas, anong inaarte arte mo diyan?!”
“Ehhhh ayoko pa nga! Ayoko lang matulad sa’yo. I mean, alam ko kung gaano ka nasaktan non, gusto ko lang matuto sa pagkakamali mo.”
“Hindi naman siya katulad ng bwisit na… kilala mo na yon, iba si Stephen.”
“Taray, parang Voldemort lang, ayaw banggitin pangalan” nakakainis, kahit umiiyak na siya nagagawa niya pa ring magpatawa.
“Hay, ewan ko sa’yo bes.” niyakap ko lang uli siya.
“Dito ka na muna. Baka mamaya pa umuwi yon si Stephen, mag iinom pa yon.”
“Nang ganon lang yung suot?”
“Oo, loko loko yon eh. Pero hintayin mo muna siyang makauwi ah bago ka umalis”
“Sure sige.”
“Pero teka, bakit ka pala nandito bes? May sasabihin ka ba?”
Gusto ko na sana sabihin sa kanya pero ayoko muna siyang madamay sa nalaman ko.
“Dadalaw lang. Miss na kita eh” sabi ko uli.
“Tse, haha I mss you too” at hinayaan ko na lang muna na tahimik kaming dalawa.
++++
Araw araw kaming magkasama ni Sir Jack, parang pag breaktime at pagka out na pagka out, kaming dalawa lang magkasama.
Okay na rin sa’kin yon, kasi aalis na siya bukas. At isang linggo na naman kami bago magkitang dalawa.
Pero para sa kanya, gumawa ako ng surprise bago siya umalis.
Nagluto ako sa bahay niya at nagprepare. Kinuntsaba ko si mama at si Butchok para tumulong sa’kin. At nung tapos na ako mag decorate, pinapunta ko na si Sir Jack sa bahay niya. Natuwa naman siya sa ginawa ko pero mas nagulat ako sa surprise niya.
Nilapag niya yung mga unan sa sahig at pinaupo ako doon habang nakaharap sa dingding, pero napansin ko na may nakadikit sa pader, parang white screen yon at nung binaba niya yon, biglang may lumabas na mga pictures nameng dalawa. Isang malaking projection at parang nanunuod kaming dalawa ng sine sa sobrang laki ng white screen.
“Nakakainis ka! Ako nga magsusurprise eh!” sabi ko sa kanya. Tumabi naman siya sa’kin at niyakap niya ako.
“Ano ba, hindi ako papayag na ikaw ang nagsusurprise hehe. Mas masaya na ako na nakikita kong napapasaya kita!”
“Ehhhh…. Nakakainis, paano yung niluluto ko?”
“Edi kainin natin ngayon” kinuha niya yung niluto kong mashed potato at pork steak.
Maya maya, nag play yung movie at ang palabas eh “The Proposal”.
“Bakit ayan gusto mo?” tanong ko.
“Ayaw mo ba? Palitan natin.”
“Tinatanong ko lang. Akala ko kasi horror pipiliin mo para nakayakap lang ako sa’yo eh.”
“Ay sus, hindi ko kailangan non, yayakapin mo naman ako kahit hindi horror ’to diba?” sabay tingin sa’kin. Siya na kumuha ng kamay ko para iyakap sa kanya.
“Oh di’ba? Hindi na kailangan” sabi niya pa.
Nakakatuwa lang na natutuwa siya sa pinapanuod namen.
“Ang cute ng aso.” bigla niyang sabi nung pinakita yung cute na maliit na aso sa movie.
“Nandiyan naman si BE ah?”
“Eehhhh ayoko. Nakapangalan sainyo ni Benjamin yon eh. Gusto ko may JE rin tayo.”
“Para Jack Ethan?”
“Oo. Para baby nating dalawa di’ba? Gusto mo gawin na natin ngayon?” sabi niya.
“Loko ka haha”
“Try lang natin. Baka may mabuo”
Ang cute talaga ni Sir Jack lalo na kapag malapitan. Ang gwapo gwapo. Ang ganda ng smile.
“Gusto mo ba talaga?” tanong ko sa kanya.
“Oo!! Oo, gusto ko!” nagmadali naman siyang patayin yung projector at naging madilim na yung sala niya. Kitang kita ko pa naman siya dahil sa ilaw sa kusina.
Bigla siyang naghubad ng suot niyang damit at tumambad yung napakalaki niyang katawan. Napalunok naman ako ng laway sa nakita ko.
“Hubarin mo na rin damit mo” siya na yung naghuhubad ng damit ko pero hndi ko tinanggal.
“Gusto mo ba talaga?” seryoso kong tanong.
Nawala yung excitement niya sa tanong ko at bahagya siyang kumalma.
“Kung gusto mo lang naman pero kung ayaw mo…. Huwag na lang” hindi ko alam kung nangongonsensya siya kasi napayuko pa siya pero hinawakan ko ng dalawang kamay ko yung pisngi niya at hinalikan ko siya sa labi.
Dinamdam ko yung malambot niyang labi.
At nung tinanggal ko, nakita ko yung reaksyon niya na nagulat siya.
“Ano??? Ayaw mo ba?” tanong ko.
“Ahhh…. Hmmm…. Gusto po.” sabi niya.
“Ohh, bakit ayaw mo pa akong halikan?”
“Ahhh… Oo, eto na po” nawala siya sa ulirat pero hinalikan niya na rin ako, this time, siya na may control. Niyakap niya ko at naramdaman ko yung init ng katawan niya, ramdam ko rin yung matigas niyang katawan. Ang sarap. Sobrang sarap.
Nung niyakap niya ako ng mahigpit, tumayo siya at binuhat niya ako.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko.
“Sa taas”
Pagpasok namen sa kwarto niya, nilapag niya ako sa kama at parang bata na naeexcite.
“Last question, gusto mo ba talaga?” tanong niya pa sa’kin.
“Mahal mo ba ako?” tanong ko.
Hindi siya sumagot. Pero ngumiti siya, yung ngiti na tuwang tuwa. Iba yung ngiting yon, parang ang daming sinasabi.
“Mahal na Mahal. You really have no idea, how much I love you. And not just because na nasa ganitong moment tayo, pero kahit anong moment yan, mahal kita, Ethan. Mahal na Mahal”
“Ako rin.”
“Alam ko po.”
“Mahal na Mahal din kita”
Nagulat uli siya. Ngayon ko lang kasi sinabi sa kanya yon.
“Ulit? Hindi ko narinig?” sabi niya.
“Ehhhhh….”
“Dali na….. Please?????”
“Ehhh…. Pilitin mo muna ako” sabi ko naman sabay talikod ng bahagya.
“Please…..” pagmamakaawa niya.
Humarap uli ako sa kanya at hinalikan ko siya ng smack sa labi.
“Mahal kita” sabi ko.
“Promise??? So ibig sabihin???????”
“Oo! Oo na, sinasagot na kita.”
Aba, nagtatatalon siya sa tuwa at niyakap niya pa ako ng mahigpit. Binuhat niya ako at niyakap.
“Seryoso ba to?!!”
“Oo nga! Ayaw mo ba?”
“Akala ko hindi mo na ako sasagutin ehh!!” nilapag niya ko sa kama at hinalikan uli ako. This time, mas madiin, mas masarap, mas nagiinit na kaming dalawa. Hinahawakan ko yung katawan niya habang ginagawa yon, pero bigla siyang tumigil at tinignan ako.
“Hindi natin to gagawin dahil gusto lang natin, gagawin natin to dahil mahal na mahal natin ang isa’t isa. Mahal na mahal kita. Gusto kitang maramdaman, mas maramdaman” niyakap niya ako uli at ayon na ang pinakamasayang gabi nameng dalawa.
+++++
“Promise pagkalapag ko ng New York, sasabihin ko kaagad sa’yo.” nasa airport na kami ni Sir Jack.
“Okay, maghihintay ako” sagot ko.
“Sobrang enjoy kagabi. Salamat, salamat talaga”
“Huwag ka na lang kayang umalis?” sabi ko sabay yakap sa kanya.
“Kung makakaalis ako kaagad, promise, babalik na ako kaagad. May dahilan na ako lalo para bumalik.”
“Huwag kang tumingin sa iba doon ah! Dudukutin ko yang ano mo!” sabi ko pa.
“Dinukot mo na nga kagabi di’ba?”
“Tse, huwag kang humarot doon ah. Video call mo ko palagi. Kapag hindi ka busy, tawagan mo ko.”
“Ang sweet naman ng baby Ethan ko. Opo. Opo. Promise. Promise.” niyakap niya ako uli. Wala kaming paki sa mga tao basta feeling ko kaming dalawa lang ang tao
“I love you, so much.” sabi niya sabay halik sa noo ko
“I love you too. So much.”
“I love you more” hinalikan niya ako uli sa labi ng matagal na matagal at hindi rin nagtagal, umalis na rin siya. Hindi ko naman mapigilan ang maiyak dahil isang linggo rin siyang mawawala.
+++
Diretso meeting ako pagkahatid ko kay Sir Jack at dahil mas mataas na position ko, mas mabibigat na yung trabaho ko.
After ng meeting, sinabihan nila ako na ako ang umattend sa meeting na gaganapin sa iba’t ibang branches. Sa Makati, Pampanga at Cebu. Medyo exciting at the same time, mukhang nakakapagod.
Pero sinantabi ko muna lahat para sunduin ko si Butchok sa school, at nagkita uli kami ni bwisit man doon. Nagbatian naman kaming dalawa pero hindi ko alam na kasama yung kakambal ni Sir Benj.
“Uy, tol” biglang sabi ni bwisit man.
“Oh?”
“Baka pwede mo naman tulungan si Benjie, naghahanap kasi ng trabaho eh.”
“Ehh anong problema sa trabaho niya?”
“Natanggalan kasi ng lisensiya eh. Isang buwan pa bago mabalik.”
“Oh? Anong ginawa niya?”
“Nanapak ng pulis haha loko loko eh. Boss niya yung sinapak niya”
“Pulis din pala siya?”
“Oo, magkasama kaming dalawa eh hehe. Ano? Matutulungan mo ba siya?” hindi naman ako pinapansin ni Benjie, mukhang galit pa siya sa’kin dahil sa nangyari.
“Hindi ko alam ehhh, hindi naman kasi hiring samen eh. At saka, hindi naman pwede na ipasok ko siya sa office tapos magreresign siya kapag nabalik na yung lisensiya niya di’ba?”
“Sabagay. Haha, sige, hayaan mo na to malaki naman na to eh haha”
Tumawa na lang ako sa sinabi niya at nung lumabas na si Butchok, umuwi na kaming dalawa kaagad.
++++
“I’m here na. Ang init dito, summer pala kapag ganitong panahon!” message sa’kin ni Sir Jack.
“Kahit mainit eh magjacket ka, ayokong nakikita nila katawan mo diyan!”
Bigla naman siyang nagsend ng picture sa’kin at mukhang nakasakay ng kotse. Ang gwapo talaga ng smile!! Nakakainlove.
“😍😍😍😍😍😍😍😍❤❤❤❤❤❤” reply ko.
“Sa’yo lang ako. Sa’yo lang yan 😊”
“Bakit ka nasa sasakyan?”
“Aalis kaagad ako. Ang sakit ng ulo ko pero punta kaagad akong office. Tatawag ako mamaya ha?”
“Sige po gwapo. 😊”
“Yie, Miss na kita kaagad :(”
“Me too :(”
“Sana ka cuddle kita today just like last night :(”
“Oo nga ehh :(, countdown starts now, 7 days bago ka umuwi.”
“Oo nga :(, but I gotta go. Uhm, take care. I love you 😊”
“I love you too” reply ko na lang. Nalulungkot kasi talaga ako dahil sa pag alis niya pero katulad ng sabi niya, para sameng dalawa yon at kailangan ko na lang magtiis.
+++++
Kinabukasan, pagkaout ko, tinawagan ko si Jaycee para masabi ko na sakanya yung tungkol sa kakambal ni Sir Benj. At habang nakatambay ako sa labas ng Mozu, bigla kong napansin si Sir Benj na naglalakad pero yung kakambal pala yon. Medyo magkamukha kasi talaga silang dalawa eh.
Napansin niya ako kahit bahagya akong nagtago kaya lumapit siya saken.
“Uy dito ka pala nagtatrabaho no?” sabi niya.
“Ahh… Oo hehe”
“Nako naghahanap nga ako ng trabaho eh”
“Seryoso pala ano? Akala ko biro lang ehh”
“Seryoso nga yon hehe. Mukhang may hinihitay ka ahh?” sabi niya at bago ako makasagot, nagulat ako ng biglang may sumampal kay Benjie.
At isa pang nakakagulat, si Jaycee yon!
“ANG kapal ng mukha mo!! Matapos mong saktan bestfriend ko, magpapakita ka pa sa kanya!!” napatayo ako para tulungan si Benjie sa pagtayo. Sinapak naman niya si Jaycee na kinagulat ko, medyo may eskandalo na na nangyayari pero natigil naman kaagad.
Sinipa niya pa si Jaycee na nakahiga sa sahig.
Hindi naman nagsalita si Benjie at umalis siya ng ganon ganon lang.
“Bwsit bes, akala ko di papalag ehh!” sabi ni Jaycee at naupo na siya ng maayos.
“Bakit naman kasi bigla kang nananampal?!”
“Huwag mong sabihin bumabalik yung feelings? Baka gusto mo masampal din kita?”
“Gaga, hindi.”
“Ehh ano yon? Bakit may pagtulong ka pa sa pagtayo niya?”
Lumapit lang ako para ibulong sa kanya.
“Kakambal ni Sir Benj yon”
Hindi siya nakaimik.
“Ang korny bes!”
“Hindi bes, promise. Akala ko hindi totoo pero parehas sila ng pangalan, Benjamin Adrian lang siya pero parehas apelyido. May tattoo siya eh wala naman si Sir Benj na tattoo”
“Ay true? Wait, baka naman nagpapanggap lang siya.”
“Hindi bes, imposible. Si Bwisit man? Siya yung patunay. Matagal na silang magkasama.”
“Ayy we? Bes, rebelasyon yan!”
“Kaya nga eh. Ewan ko kung bakit ko siya nakilala”
“Ehhh sa tingin mo, totoo ba?”
“Alam ko kasi na may issue si Sir Benj sa tatay niya. Baka eto yon, hindi sinabi na may kakambal siya.”
“Ang korny ng ganyang twist bes, parang teleserye.”
“Ehhh ayon ang sa tingin ko yung nangyari..”
“Sige, sabihin natin na ganon. E bakit siya nandito? Wag mong sabihin na dito rin siya nagtatrabaho?”
“Hindi, naghahanap siya ng trabaho”
Natahimik si Jaycee at mukhang pinoprocess lahat ng sinabi ko.
“AY BES!!!!” bigla niyang sigaw na may kasamang hampas sa lamesa.
“Ohh!! Ano ba, bakit sumisigaw ka?!”
“Wait, so walang nakakaalam neto?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“I mean, na may kakambal si Sir Benj?”
“Hmmm… Oo, siguro wala pa.”
“Shet, eto na ang oras ng paghihiganti sa kabalastugan na ginawa ni Sir Benj sayo!!”
“Ha?”
“Hindi mo ba nakikita? Pinagtagpo kayo para maghiganti. Pagkakataon mo na to, mataas na ranggo mo, habang yung kakambal niya, naghahanap ng trabaho. Hindi mo ba gets? Yung kakambal niya yung karma niya!”
“HA?!!!! Anong klaseng pag iisip yan?”
“Come on. Alam ko deep inside gusto mong makaganti. Eto na yung chance. Ikaw may hawak ng laro, bes.”
Napaisip ako. Ang sama naman kung gagawin ko yung sinasabi ni Jaycee pero napaisip uli ako, alam kong may kakambal si Sir Benj pero siya hindi niya alam. At alam kong, nasa Pilipinas siya, hindi ko alam kung bakit pero ako, kilala ko yung kambal niya.
Pwede ko ngang gamitin yung kambal niya para maghiganti.
“Bes? Ano???? Game ka ba?!” sabi pa ni Jaycee
Hindi ako sumagot at nag isip ako ng gagawin kong plano para sa gagawin kong to.
++++++++
VOTE AND COMMENTS!!#!!
Part 49
To everyone who voted for my story, Thank you
so much!!!!
😊😊😊
+++++
“Hello?”
“Oh, tol! Napatawag ka?” sagot ni Bwisit man sa tawag ko.
“Wala…. Uhm, naghahanap pa ba ng trabaho si… Yung kasama mo”
“Si Benjie? Oo! Matutulungan mo ba siya???”
“Pwede rin kaso hindi matagal. Part time lang kumbaga.”
“Sige, kausapin mo siya!” narinig kong tinatawag niya yung kakambal ni Sir Benj.
“Hello?” boses na nga niya yon.
“Uy, interesado ka pa sa trabaho?” tanong ko.
“Kung masasampal na naman ako, huwag na lang!”
“Hindi hindi. Hindi talaga niya sinasadya yon” sabi ko.
“Hmmm… Sige sige, anong trabaho ba?” tanong niya.
“P.A”
“Ano yon?”
“ Personal Alalay“ sabi ko sa isip ko.
“Ahhh, personal assistant. Ikaw yung isasama ko sa mga meetings ko. Kailangan ko kasi ng driver, sobrang dami ko kasing gagawin, halos pati sa byahe gumagawa ako ng reports, ikaw lang yung mag aasikaso sa lahat ng kailangan ko. Ayos ba?”
“Parang bodyguard na rin pala. Pwede rin, pwede rin”
“Good. Makipagkita ka sa’kin bukas. Ha? Tawagan mo lang ako. Kunin mo yung contact ko kay bwisit…. Tom. Okay?”
“Okay. Salamat ha?” sabi niya. Hindi na ako sumagot at binaba ko na yung tawag.
+++
Kinabukasan, agad naman akong tinawagan ni Adrian at sinabi kong magkita na lang kami sa may tapat ng office.
Pumunta na lang kami sa coffee shop para doon mag usap. Nakakainis lang kasi ang laki talaga ng pagkakahawig nilang dalawa. Pero ngayon ko lang napansin na parang mas seryoso siya kesa kay Sir Benj.
Tho, suplado si Sir Benj nung una kaming nagkita, si Adrian naman parang suplado na ewan.
At iba rin siya ng porma, etong kakambal ni Sir Benj eh naka T Shirt at short lang at naka sandals.
“Pasensiya pre, hindi kasi ako nagigising ng maaga eh!” bati ni Adrian pagkakita namen.
“Okay lang. Sit.” sabi ko. Sumunod naman siya.
“Ano bang ibibigay mong trabaho saken pre?” sabi niya.
“Sinabi ko na di’ba?”
“Ay, ang taray mo naman” nagulat ako sa sinabi niya. Naalala ko si Sir Benj nung una kaming nagkakasama sa office, ang suplado pero gumamit din siya ng kakaibang words saken.
“No, I mean… Hindi kasi kita ipapasok sa office.”
“Oh? Saan mo ko ipapasok? Pre, huwag mo sabihing bugaw ka? Pre ayoko pre. Alam kong lapitin ako pero hindi ako ganon.”
“Hoy anong sinasabi mo? Diba sinabi ko magiging katulong kita?”
“Katulong sa pag bugaw! Ayoko na!” tumayo siya at bahagyang aalis.
“Hoy anong sinasabi mo?! Kailangan ko ng driver at taga bitbit ng gamit. Taga sundo sa bahay kasi nga palagi akong naka out of town.”
“Ahhhh…. Okay.” bigla uli siyang umupo na parang walang nangyari.
And then he smiled at me.
Nagulat ako dahil parehas sila ng smile ni Sir Benj.
“Ethan? Hello?” sabi niya. Nahuli ko sarili ko na nakatingin sa kanya ng matagal
“Ahhh… Sorry…”
“Magkano ba swelduhan ko diyan?”
“May allowance naman ako sa kada alis ko so… Ayon na yung sahod mo”
“Allowance? Ano ba yan edi sana binugaw mo na lang ako!”
“Akala ko ba hindi ka ganon?”
“Ehhh allowance lang ehh!”
“I think 10K din yon, or 11. I dunno, doon nag rarange at huwag ka ngang maarte, saglit lang yon. Parang 2 weeks lang!”
“Oh jackpot pala!!! Sige deal na!!” inabot niya yung kamay niya at tinitigan ko yon, hindi, malayong malayo kay Sir Benj.
Ngumiti lang ako at hindi ako nakikamay.
“Okay ayon lang. I’ll contact you as soon as possible.”
“Walang shake hands, walang deal. Kaya makipag shake hands ka saken”
“I’d rather not.”
“Bakla ka nga”
“What?!!”
“Sabi ni Tom ehh. Nako, mababait naman ako sa mga tulad mo”
“WTF!”
“Joke lang haha” tumawa lang siya at umalis na kaagad. Lumingon pa siya noon at tumatawa. Naiwan akong naiinis sa kanya.
+++
“Kumusta naman ang pinaka nakakamiss kong mahal na mahal ko????” magka video call kami ngayon ni Sir Jack.
Halatang naka hubad siya at ang dilim sa kwarto niya. Harap na harap yung mukha niya sa screen na kinatuwa ko naman.
“Eto nag tatrabahong mabuti rito, ikaw?”
“Eto, matutulog na. Ang hirap pala ng ganito. Pero 6 days na lang naman ehh.”
“Kaya natin to.” sabi ko.
“Miss mo na ba ako?” sabi niya sabay ngiti. Grabe, miss na miss ko na yung ngiting yon kahit halos dalawang araw pa lang kaming magkalayo.
“Sobra. Uuwi ka na ba?”
“Gusto ko na nga ehh” bigla siyang ngumuso at parang nagpapacute, sobrang effective nung pagpapacute niya.
“Uwi ka na, dali. Miss na kita,” nagtanggal lang ako ng butones na suot ko pero bigla siyang ngumiti ng pilyo at napakagat ng labi.
“Are you teasing me???” tanong niya sabay pilyong ngiti uli.
“Hindi, ang sikip kasi ng long sleeves ko”
“Hubarin mo na kasi”
“Naka sando lang ako ehh”
“Shet, ang sarap.”
“Huy, tumigal ka diyan!” sabi ko.
Maya maya, bigla siyang tumayo sa may harap ng cam, tanging ilaw lang talaga ng laptop yung bukas doon pero kitang kita ko yung paghubad niya ng shorts at tanging underwear na white na lang suot niya.
“I’m ready na po.” bigla niyang sabi.
“Stop, nasa office ako!”
“Lock mo lang yung pinto, dali na” mukhang gustong gusto ni Sir Jack kaya tumayo naman ako para ilock yung pinto, pero biglang pumasok yung secretary, buti na lang nakatalikod yung pc.
“Sir, meeting niyo na po in 10mins. Kailangan pong nandoon na kayo in 10mins.”
“Ahh ganon ba, sige. Ayusin ko lang gamit ko.“sabi ko, ni lock ko pa rin yung pinto at bumalik ako.
“Ohh dali dali, you want me to tease?” biglang sabi niya na may pang aakit.
“I’m sorry. May meeting pala ako in 10mins.”
“Edi sige, bilisan lang natin. Quikie”
“Haha, loko ka. Mamaya na lang. Sa bahay para tuloy tuloy” sabi ko.
“Awww, sad. Pero I understand. Kumain ka naman na di’ba?”
“Yeap, how about you?”
“Well, I’d rather see you eatiing me”
“Aw. Naughty!”
“Haha, I really Miss you. Hayst. I love you, you know that right?”
“Hehe, I love you too.”
“I know. Well, bukas magkikita kami ni papa. Wish me luck” sabi niya.
“Goodluck. At matulog ka na.”
“Kiss me, please?” ngumunguso si Sir Jack sa may cam at kiniss ko rin siya sa may cam.
“Good Morning there!” sabi niya.
“Good Night”
Pinanuod niya ako kung paano mag ayos ng gamit at maya maya, nakatulog na siya. Pinatay ko na yung PC at saka ako umakyat sa meeting.
++
“I need you tomorrow morning!” bigla kong tawag kay Adrian.
Bukas na pala yung una kong meeting sa Makati at biglaan lahat. Pati yung reports, kailangan ko ng gawin. Siguradong hindi na naman ako makakatulog neto.
“Mga anong oras?”
“Mga 6 dapat nandito ka na sa bahay!”
“Teka, hindi ko pa alam kung saan kayo nakatira?”
“Alamin mo. Okay! 6AM, huwag kang papalya!” sabi ko pa.
“Hays, okay boss.”
Binabaan ko na siya ng tawag at nagsimula na akong gumawa ng reports.
3AM na at gumagawa pa rin ako, tho 90% na nagagawa ko, hindi ko na kinakaya yung antok ko kaya pinagpasyahan ko na muna na ipikit mata kong saglit.
“Ethan….” bigla kong narinig.
Ang dilim dilim sa paligid, pero napansin kong nakapikit pala ako. Pag mulat ko ng mata, bumungad saken yung mukha ni Sir Benj! Ginigising ako!
“Late ka na. Gising na” sabi niya pa.
Ang sweet ng boses niya, parang hindi niya ako niloko noon.
“HOY SINABI NG GISING EH!” nagulat ako ng bigla niya akong sampalin, pero hindi naman malakas. Enough lang para mainis ako at bumangon.
“Bakit mo ko sinampal ha!!” sigaw ko rin.
“Late ka na kasi boss.” naging mabait na naman yung boses niya at doon ko naalala, kakambal pala to ni Sir Benj.
Shet. 5:30 na!!!! Nagmadali na akong kumilos at pinababa ko na si Adrian sa kwarto ko. Bakit pala siya nandito?
Pero nagmadali pa rin ako sa pagkilos ko. Tamang buhos lang pero todo sipilyo. Buti naka ready na gamit ko kaya napadali. 20Minutes lang, tapos na ako kaagad at bumaba na ako.
Tumingin si mama saken na parang may something. Siguro, yung about kay Adrian. Hindi na muna ako sumagot dahil nagmamadali na ako. Sumakay na ako kaagad sa sasakyan habang ginagawa ko yung naiwanh reports.
“Bakit ka nasa kwarto ko?!” sabi ko habang nagtatype.
“Ahhh, tinuro kasi ni Tom bahay niyo tapos nung kumatok ako nagulat mama mo. Ano ba? May kamukha ba ako sa buhay niyo at sa lahat ng kakilala mo eh parang nagugulat na makita ako?” sabi niya saken.
“Answer my question, bakit ka nasa kwarto ko?”
“Pinaakyat nga ako ng mama mo. May aso pala kayo, tinahulan ako at galit na galit saken.”
“Well, you deserved that”
“Ano po?”
“Wala. Nakita ka ni Butchok?”
“Ayy hindi nga eh. Tulog daw. Baka sa school na lang niya, hindi ko pa nakikilala yon eh.”
“Don’t.”
“Ano po?”
“Don’t. Huwag ka muna makipagkita kay Butchok.”
“Okay.” sa tono ng boses niya parang tinamad na siyang makipag usap saken at ako naman patapos na sa ginagawa ko. Sakto, paghinto ng sasakyan sa tapat ng malaking building sa makati, eh natapos ko na yung ginagawa ko.
“Stay inside the car, okay? Kahit anong mangyari hindi ka lalabas. Walang dapat makakita sayo!”
“Teka, may problema ka ba saken? Hindi naman ako panget ah? Bakit ayaw mo ko makita ng mga tao?”
“Basta! Stay here, or better yet umalis ka na muna. Sa malayo, tetext kita kapag bumalik ka na!”
“Okay.”
Lumabas na ako ng sasakyan pero hindi pa rin siya umaalis.
“Ano pang hinihintay mo?”
“Wala akong pera. Anong gagawin ko kung aalis ako? Edi dito na lang ako!”
Nakaka high blood tong lalaking to!
Ang plano ko kung bakit ko siya sinama rito eh para pahirapan, para gumanti sa kapatid niyang pinakanakakabwisit! Wala sa intensyon ko ang tulungan siya, tho tinutulungan ko nga siya pero may hidden motives! Pero ang nangyayari, ako ata pinapahirapan.
Binigyan ko siya ng isang daan.
“Jusko, kulang pa pang McDo to eh!” bigla niyang sabi.
“Ano ba!”
“Dagdagan mo naman, paano kung hanggang lunch ka pa di’ba? Edi nagutom ako, natuyuan ng laway, edi di ako nakaporma!”
“Hay nako!” naglabas pa ako ng 200. “Bawas sahod yan kaya tipirin mo!” umalis na ako kaagad, sumigaw pa siya pero hindi ko na siya pinansin. Umakyat na ako kaagad sa meeting room.
+++
Tama nga si Adrian, ang tagal nga ng meeting na to. Tapos na ako magpresent pero ang dami nilang satsat. Nakakaburyo na, kaya patago kong chineck yung phone ko.
Wallpaper ko kasi yung picture namen ni Sir Jack. Nakakiss siya sa pisngi ko habang ako naman kilig na kilig. Eto yung gabi na kakatapos lang namen magharutan. Nakakainlove talaga si Sir Jack, ang dreamy. Ang hot. Tapos ang bait. Sobrang perfect. Perfect na perfect.
Pero may asungot na biglang nagtext.
“Matagal pa ba yan boss?” si Adrian yon.
Hindi ko siya nireplyan pero biglang nagtadtad siya ng text.
“Jwjfprp” “Hwkroqo” “Kakwpri” “Hwiwoqp”
Puro ganyan, send ng send. Ehhh may message tone pa naman ako kaya naririnig nila na may nagtetext. Kaya pinatay ko muna yung phone ko dahil napatingin silang lahat saken.
Lunch na, at may provided naman na pagkain pero pinili kong bumaba at puntahan si Adrian, wala na raw kasi siyang pera.
“Grabe!! Anong ginawa mo sa 300?!”
“Starbucks”
“Ehh bakit doon ka pa bumili?!”
“Ehh kasi may chicks. Sinundan ko lang at pinagmasdan. O, edi successful ako, may bago ng akong textmate!”
“Hay nako. Oh, saan mo gusto kumain?”
“Jollibee na! Gutom na gutom na ako eh.”
“Hay, bilisan mo magdrive, babalik pa ako doon”
“Nako naman, naghihintay na nga ako sa pag ibig, maghihintay pa ako sa’yo? Nako naman”
“Huwag ka ng humugot, bilisan mo na lang.”
“Hindi ako humuhugot. Sa loob ko nilalabas.”
“Bastos!”
“Akala mo naman virgin si boss”
“Tatahimik ka ba o ano? Bilisan mo!” sabi ko na lang. Tumahimik naman siya pero tumatawa.
Ang dami niyang order. Jolly hotdog, spaghetti, kanin at chicken. Pang apat na tao yung kinain niya.
Ako naman hindi makakain ng maayos dahil iniisip ko pa yung report.
“Boss, dapat hindi ka nagsasayang ng pagkain. Akin na yan, kakainin ko” kinuha niya yung plato ko na may spaghetti.
“Grabe naman! Ang lakas kumain”
“Ehh… Bihira lang naman kasi ako makakain sa ganito. Libre mo pa. Swerte diba?”
Hindi ko alam pero medyo nalungkot ako sa sinabi niya. Mahirap siguro yung naging buhay niya kaya ganyan siya. Pero ang nakakatuwa sa kanya, parang close na close na kami. Hindi siya nahihiya.
“Alam mo boss, kung wala kang boyfriend, iisipin ko may crush ka saken. Palagi kang natutulala sa kagwapuhan ko eh” bigla niyang sabi. Nakakainis, nakatulala na naman ako sakanya!
“Ang tagal mo kasing kumain!”
“Ohh… Tapos na ako, tara na!” tumayo kaagad siya kahit ngumunguya pa. At ganon na rin ginawa ko, sumakay na kami ng sasakyan at bumalik sa Makati.
Kanina ang daming tao pero ngayon, 5 na lang kami. Mukhang busy sila kaya ako naman, chineck ko muna phone ko at may message si Sir Jack.
“Na late ako ng gising. How was your meeting? Doing good? Update me okay, I know you can do it. Tinignan ko pics natin together pagkagising ko and nangingiti ako kasi tayo na! Sobrang saya ko talaga. Mahal na Mahal po kita, mwa mwa kiss kiss, I miss you”
Sino ba naman hindi matutuwa sa ganong message. Nakakainlove at mapapangiti ka sa saya.
I texted him at hinintay yung next na mangyayari sa meeting.
Maya maya, nakumpleto na uli lahat ng tao at nagsimula na yung nakaka antok na salitaan nila.
“Well, better late than never. May bumibisita saten from New York. He owns one of the biggest shares in our company.”
Wala pa rin akong paki.
Pero biglang tumawag si Sir Jack. Nag excuse muna ako at lumabas sandali.
“Bakit po?” Bulong ko.
“Ehh, namimiss ko lang boses mo. Say my name nga.”
“Jack.”
“Ohhhh…. Okay na ako hehe.”
“Loko ka, tumawag ka for that?”
“Yeah, why not? Haha. Ang sexy ng boses mo kapag bumubulong ka.”
“Stop! Nasa meeting pa ako.”
“I know I know. Balik ka na. Nagdadrive ako ngayon eh.”
“Hehe, okay bye.”
“Bye. Mwa….” binaba ko na yung tawag at pumasok na ako uli sa loob.
Pero this time, may nagsasalita sa harapan. Sa mga oras na yon, parang gusto ko ng umalis. Hindi naman niya ako napansin nung pag upo ko at patuloy lang siya sa pananalita.
“It’s good to be back. And I’m gonna finish what I’ve started here. Thank you”
Si Sir Benj iyon.
Ngumiti siya sa lahat at nung dumaan yung tingin niya saken, nawala yung ngiti niya. Hindi ko siya tinignan at kunwari busy lang ako sa ginagawa ko.
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 50
Good News!!!! Nanalo ako sa WATTYS2016 sponsored awards!!!!!
Bad News: Binawi rin nila after 6 hours.
😭😭😭😭😭
Pati sa wattpad, paasa. I’m not really sure kung bakit nila binawi. Nagmessage ako pero wala pa ring explanation. Hays. Well, sorry kung hindi tayo nanalo guys haha. Bawi na lang sa susunod
😊😊
Mas pagbubutihin ko pa, haha!
+++++++
I tried to compose myself. Alam kong nakatingin pa rin siya saken ng mga oras na yon pero hindi ako tumitingin sa pwesto niya.
Nung naupo na siya, sumakto pang magkaharap kaming dalawa kaya naiintimidate ako.
Tinignan ko siya sandali, nakatingin pa rin siya saken pero tinaasan ko lang siya ng kilay at tumingin uli ako sa laptop ko.
Mahilig kasi akong mag type ng mga sinasabi ng nagrereport, ganon ako kahit nung sa college.
After non, hindi ko na uli tinignan si Sir Benj.
Almost 2PM na ng natapos yung meeting at tumayo kaagad ako dala dala yung gamit ko at nagmadaling lumabas. Kinakalma ko sarili ko pero parang nanginginig ako. At sa nakakabwisit pang pangyayari, nahulog ko yung dala dala kong papel. Buti hindi nadamay yung laptop ko.
May tumulong naman sa pagpulot ng mga papel ko.
Si Sir Benj.
“Stop, I can do it on my own” sabi ko sa kanya.
“I’m just trying to help”
“I don’t need you.”
Pero nagpumilit pa rin siya sa pagtulong ko kaya hinablot ko na sa kanya lahat ng gamit ko. Tumayo kaming dalawa, pero ako naglakad na palayo. Hinawakan naman niya yung braso ko para pigilan ako.
“Ethan…”
“Sir?” tumingin ako sa kanya, yung tingin na “tanginaa ka bakit ka pa bumalik sa buhay ko” na tingin.
“How are you?”
“I’m doing good, Sir. Happy. Very happy.” sabi ko.
“That’s good to know…. Are you busy tonight?”
“Yes.”
“Gusto ko lang mag catch up.”
“Wala tayong icacatch up Sir,”
“Galit ka pa…..”
“Be professional, Sir. Nasa office pa rin tayo. And if you’re asking about the thing you’re thinking just now, don’t worry about that. I already deleted everything about you okay?”
Hindi naman siya nakasagot. Nakatingin lang siya saken na parang nalulungkot. Hindi ko maexplain pero may lungkot sa mata niya habang nakatitig siya saken.
“Well…. Ingat ka pauwi.” ayun na lang sinabi niya.
“Okay.” tumalikod na uli ako at naglakad. Narinig ko pang tinawag niya pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin.
Galit pa rin ako sa kanya, naiinis ako. Ayoko siyang makita. Ano pa ba dahilan bakit siya bumalik. Akala ko doon na siya forever!
Tinawagan ko kaagad si Adrian at sinabi kong pababa na ako. Sakto nasa tapat na yung sasakyan at sumakay na ako kaagad.
“Go, bilisan mo!” sabi ko.
“Grabe naman makapag utos.”
“Bilis! Wala ako sa mood!!” hindi na lang nagsalita si Adrian at hinatid na niya ako pauwi.
++++
Kanina pa ako nakahiga sa kama ko. Nakatitig lang sa kisame. Parang ayoko ng pumasok. Pero naisip ko, hindi naman siya nag tatrabaho sa office kaya okay lang. Pero nung nagkita kami, parang malungkot talaga siya.
Alasais na, simula ng umuwi ako kanina, ganito lang ginawa ko.
Buti na lang tumawag na si Sir Jack saken.
“Nakakainis!” bigla niya kaagad sabi.
“Huh? Bakit?”
“Pinipilit pa rin ako ni papa rito. Nagkita kami kanina eh.”
“Hala. Please. Huwag. Bumalik ka na rito please?”
“Uyy…. Sa tono ng boses mo parang may nangyari. Anong nangyari?” tanong niya.
Shet naman.
Hindi tuloy ako nakasagot.
Nagulat naman ako ng babaan ako ng tawag ni Sir Jack. Hindi ko alam kung nagalit ba, pero bigla uli siyang tumawag at ngayon naman via video call.
“Anong nangyari? Bakit ganyan tono ng boses mo?” napansin kong nasa sasakyan siya ngayon.
“Nagdadrive ka ba?”
“Hindi. Gumilid muna ako. Ano nga?”
Nag aalala siya. Kita ko sa itsura niya.
“Hindi, wala po. Nagkita lang kami ni Sir Benj kanina. Nasa meeting din siya.” sabi ko.
“Oh…”
“Pero huwag kang mag alala, wala ka naman dapat ikabahala. Ayoko lang talaga siyang makita!”
“Hehe. Okay po.”
“Oh, bakit ikaw naman ata yung nagbago ng mood diyan?”
“Wala. Ang lapit lapit niyo kasing dalawa tapos ako eto, napakalayo. Andiyan ka nga sa harap ko ngayon pero ang layo layo mo naman”
“Huwag ka ng sad. Uuwi ka naman di’ba? Pagbalik mo, babawi tayo sa isa’t isa,”
“Nalulungkot lang talaga ako kasi iniistress ako ni papa. Ang dami niya pang pinapagawa saken. Tapos ngayon, nagkita pa kayo ni Benjamin….”
“Hindi naman kami nagkita, nagkataon lang. At saka, wala kang dapat ikalungkot. Ikaw naman love ko eh.”
Bigla siyang ngumiti. Kahit ako napangiti sa smile niya. Iba yung dating kapag mapapangiti ka dahil sa ngiti ng ibang tao at palaging ganon yung nangyayari kay Sir Jack kapag nakikita ko siya.
“Pagod na Pagod lang ako ngayon, pero buti na lang sinabi mo yan. Para ginanahan ulit ako.”
“Nagtatampo nga ako sayo eh.” bigla kong sabi.
“Hala, bakit naman?”
“Sabi ko love kita tapos hindi mo sinabi na love mo ko.”
“Haha, grabe naman po siya. Love na love kasi kita, hindi lang basta love.”
“Promise?”
“Yeap yeap. Hubad ka na diyan dali, tuloy natin yung naudlot natin kagabi!”
Nakasuot kasi siya ng longsleeve ngayon at dahil sa laki ng katawan niya, mapapansin mo yung muscles niya. Batak talaga.
“Nasa sasakyan ka! Ano ba!”
“Naka hinto naman ako eh. Dali na. Excited na ako hindi na ako makapag hintay!” naghuhubad na nga siya ng long sleeve niya. Naka TShirt na lang siya na white.
Inayos ko naman yung phone ko at hinubad yung suot kong damit.
Napakagat labi siya na parang sabik na sabik. Napapansin kong hinuhubad na rin niya yung pantalon niya.
“Excited na ako!” sabi niya pa.
Pero nagbago yung expression niya at sumenyas siya na wait lang daw.
“Hala, may pulis haha. Wait lang ha?” bigla niyang sabi. Iniswitch niya sa call yung tawag namen at naririnig ko yung usapan nila.
“Sorry Sir, emergency. I had to take this call.” boses ni Sir Jack.
“I appreciate that Sir. I just thought that there’s a problem”
“No, officer, everything’s okay here.”
“Okay. Take care.”
“Have a nice day, officer”
Iniswitch niya uli yung tawag sa video call. Nakadamit na uli ako at natatawa.
“Sa bahay na lang, babe” sabi niya.
Babe yung tawag niya saken before pa. At ngayon niya na lang uli akong tinawag ng ganito.
“Kasi ikaw ehh… Ang naughty.”
“I’m always naughty when I see you.”
“Baka bigla kang matakam sa mga foreigner diyan ah!”
“Susme, wala silang dating saken. Ikaw lang at katawan mo hinahanap ko.” sabi niya pa sabay kindat.
Napansin kong nagdadrive na siya uli.
“Mamaya ka na tumawag kapag nasa bahay ka na.” sabi ko.
“Okay, I love you. Mwaaaaaa.”
“I love you too…. Mwaaaa”
Nag smile lang siya at alam kong wala siyang balak ibaba yung tawag kaya ako na nagbaba.
+++
“Hays. Very wrong bes, ang bilis ng pangyayari. Ano ng plano mo niyan?!” sabi ni Jaycee saken. Kinwento ko kasi sa kanya lahat thru phone.
“Well, hindi ko alam. Ewan. Sana lang hindi na kami magkita!”
“Dapat lang, anong sabi ng boyfriend mo?”
“Nalungkot syempre, pero naging okay din naman kami. Ikaw!! BFF si Stephen at si Sir Bwisit, wala ka man lang bang ishashare saken?!”
“Jusko, hindi kami nag uusap nung lalaking yon. Pero palagi siyang umaalis eh. Baka nagkikita sila. One time nakita kong nagtext si Sir Bwisit sa kanya, hindi ko lang binasa”
“Ano ba, basahin mo naman! Tapos sabihan mo ko”
“Ayoko nga. Hindi ko siya kakausapin!”
“Talaga?edi hindi na kayo nagseseex niyan?”
“Duh, tuloy pa rin ang seex, wala nga lang usap. Ganon lang. Pagtapos eh parang walang nangyari.”
Kakaiba talaga tong lalaking to.
“Please, help me na lang bes? Baka kasi may pinaplano siya ehhh… Nararamdaman ko kasi eh” sabi ko na lang.
“Hays, sige, kakausapin ko na lang siya. Okay na?” sabi niya.
“Okay bes!!”
Pagkatapos namen mag usap ni Jaycee eh natulog na ako.
Kinabukasan, pag pasok ko sa office ko eh may nakita akong pagkain na nakalagay sa styro.
Korean food at may note.
“Remember this? Sana makapag usap tayo. I miss you. -Benj.”
Sa sobrang inis ko lumabas ako ng office.
“Sinong may sabi na pumasok kayo sa opisina ko?!” sigaw ko. Nagmadali naman lumapit yung secretary.
“Sorry, Sir. May nagpadala lang po ng pagkain. Ang sabi eh friend niyo raw po”
“Last mo ng gagawin to ha! Ayoko ng kumukuha kayo ng kahit anong regalo galing sa kanya!”
“Okay po sir, sorry po”
Pumasok na uli ako sa office, itatapon ko na sana yung pagkain kaso sayang kaya lumabas uli ako at binigay ko sa secretary.
“Sorry nasigawan kita, uhm. Sayo na lang yan. Kung ayaw mo itapon mo na lang.” ngumiti lang ako at bumalik sa office.
Maya maya, may kumatok naman at pumasok sa office ko si Laura.
“Mainit ang ulo ah? Nakita mo siguro yung multo ng nakaraan mo? Haha” sabi niya.
“Alam mo?”
“Chismis ng office kahapon. May picture kasi si Sir Benj kung saan nandoon ka kahapon kaya syempre, alam mo naman, ng bilis ng chismis.”
“Hay nakoo… Nakakaasar.”
“Don’t. The fact na naaasar ka eh baka deep inside, may tinatago ka pang feelings. Kaya don’t. Stay casual and composed.”
“I know. Pero, naiinis tlaga ako kapag nakikita ko siya”
“Well, kahit naman siguro ako ganyan. Good thing may closure kami ni Jack noon kaya hindi ganyan pakiramdam ko sa kanya ngayon haha”
“Haha, eh kumusta na ba kayo ng bago mo?”
“Happy naman…. Well, papakilala ko na siya sayo soon hehe. Dapat kapag hindi ka bad mood!”
“Haha, ngayon lang ako bad mood”
“Well, okay. Babalik na ako, chineck ko lang kung okay ka talaga hehe.”
“Thanks, Lau!” sabi ko.
“Sure thing, boss.” ngumiti lang siya saka siya umalis.
++++
Panibagong meeting na naman, sa Makati pa rin. Nakakainis, alas dos na ng hapon. Bakit kasi late na masyado.
“Sir, huwag niyo na akong bigyan ng pera. Nagbaon na ako ng pagkain!” sabi ni Adrian
“Wala akong balak bigyan ka.”
“Grabe ka naman.”
“Again, huwag kang lalabas ng sasakyan. Ayokong may makakakita sayo okay?”
“Copy, sir.”
“Good.” so umakyat na ako uli at this time, nandoon na sa kwarto si Sir Benj. Mukhang ako na lang yung hinihintay nila.
“Sorry Sir, I’m not usually like this.” sabi ko
“It’s okay, proceed now.” sabi nung matanda.
12 kami sa loob ng kwarto. Anim sa hilera namen, 5 sa harap ko tapos si Sir Benk yung magsasalita. Sa dulo ako kaya pwede akong magtago sa katabi ko para hindi ko makita si Sir Benj.
“As you know, we are all here para sa merging ng companies natin. Pabor na pabor ako doon, lalaki yung market, lalaki yung kita. Everybody happy diba?” nagtawanan naman silang lahat pero ako minimimic ko lang yung ginagawa niya.
Nahuli pa ako ng katabi ko na matanda na sa ginagawa ko. Ngumiti lang ako at nag peace.
“I assure you, after this, we’re all be satisfied with the results” sabi niya pa.
Sige, kunwari nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya.
“I promise you all that.” ending ng speech niya.
Hindi ko alam kung bakit napasigaw ako ng “sus!” na malakas. Nagtinginan tuloy lahat saken. As in, lahat sila nakatingin saken.
“Problem, Mr. Aguilar?” tanong ni Sir Benj.
“Uhm… No….”
“Well, if you have something to share with group, don’t be shy”
“No, really. Proceed.” sabi ko.
“You’re not being professional.” bigla niyang sabi.
Ay! Bakit parang nagsuplado siya saken.
“Wait” sabi ko bago siya mag simulang magsalita uli.
“So, ano na yon?” sabi ni Sir Benj.
“Gaano ka kasigurado na magiging masaya lahat ng company after ng meeting na to…. Sir?” tanong ko.
“Well, I’ve already planned all the necessary aggreement. It’s a win win, you should see it.”
“I’d rather not.”
“Excuse me?”
“Well, you used the word ‘promise’, don’t you think it’s a bit…. Absurd? To think na you can break your promises?”
“No, I don’t break promises.”
“Really? Since when? Since 8 months ago?”
Ngumiti lang siya. At nahuli ko na naman ang lahat na nakatingin saken! Nakakainis, ano ba tong sinasabi ko.
“Well, sometimes Mr. Aguilar, you sacrifice something to break your promises for a bigger reason. And I appreciate what you’ve said. Thank you”
Hiyang hiya talaga ako nung mga oras na yon. Kaya naupo na uli ako.
Nung natapos na si Sir Benj, hindi siya umupo sa kabilang hilera. Doon siya mismo umupo sa tabi ko.
Umurong ako pero umuurong din siya. Hindi naman kami napapansin ng iba dahil nasa dulo kami.
Maya maya, may inabot siyang sticky note saken.
“Hi” sabi niya.
Hindi ko pinansin. Maya maya, nag bigay uli siya.
“Humuhugot ka kanina ah :)”
Hindi ko pinansin. Pero bakit ko ba kasi binabasa. Nagbigay na naman siya ng panibago.
“Pansinin mo naman ako. :(”
Ang hirap iwasan ni Sir Benj! Dahil na rin sa boss siya at hindi ko pa siya masigawan.
Nag abot uli siya.
“Miss na kita.”
Napatitig ako sa huling binigay niya pero kinuha ko yon, kasama ng mga ibang notes at nilukot.
Hindi siya natinag, nag bigay uli siya ng note.
“Kumusta na baby natin?”
“Kumusta si Butchok?”
“Kumusta mama mo?”
“Kumusta ka?”
Tuloy tuloy. Pero hindi ko talaga siya pinapansin. Mukhang napagod na siya sa pagsusulat kaya tumigil siya. Hanggang sa matapos, hindi siya nagbigay ng notes.
Paalis na ako non at inaasahan ko ng haharangan niya ako para kausapin.
“Let’s talk. Now.” sabi niya.
“Boss lang kita sa loob ng kwartong yan. Pero sa labas, wala ka ng papel sa buhay ko.”
“Please?”
“No.”
“I’ll do anything.”
“Anything? Hmmm… Let me see, can you disappear in my life?”
“Ethan, please.”
“Hindi tayo close, huwag mo kong tawagin sa pangalan ko”
“Luluhod ako.”
“Go.”
Nag step back ako para pagmasdan kung gagawin nga niya. Naglalabasan pa yung mga tao sa loob ng room pero nagulat ako ng dahan dahan nga siyang lumuhod sa harap ko.
Ang formal ng damit niya at boss ko siya pero lumuhod siya sa harapan ko.
“Please, talk to me” pakiusap niya.
Naaawa ako sa kanya ngayon. Parang desperado siyang makausap ako. Pero sa mga ganitong pagkakataon, hindi ako dapat mag paapekto. Inaalala ko yung araw na nakipahiwalay siya. Yung panahong ginamit niya lang ako para sa pansarili niyang interes.
“Nice try, but still a no” ngumiti lang ako at naglakad na palayo.
++++++
VOTE AND COMMENTS!!
Part 51
I felt good. Sobra. Pero may guilt ng kaunti. Hindi naman kasi ako ganon. Hindi ako ganon kasama. Pero siguro dahil sa ginawa niya saken kaya naging ganun ako.
Nagpahatid na ako kay Adrian at napansin kong parang good mood siya.
“Ang saya natin ah?” sabi ko.
“Wala naman. Bawal ba sir? Haha.” mukhang may katext pa siya ng mga oras na yon.
“Stop texting. Mahuli tayo”
“Sorry, chicks kasi Sir eh. Haha”
Busy pa rin ako sa sasakyan sa pag gawa ng report pero naalala ko yung sabi ni bwisit man saken na may girlfriend tong si Adrian.
“Teka, di’ba may girlfriend ka?” sabi ko.
“Hala, chismoso ka sir ah haha.”
“Hay nako, manloloko talaga. Parehas ng kapatid” medyo binulong ko yung ‘kapatid’ na part.
“Hay nako Sir, rumaraket lang naman ako”
“Rumaraket? So nanggagamit ka ng ibang tao? Hay nako, mana mana talaga” binulong ko uli yung last part.
“Nako hindi niyo ko maiintindihan haha”
“Don’t worry, wala akong balak alamin. Huwag ka lang mag text habang nag dadrive okay?“sabi ko na lang. Sinunod naman niya ako hanggang sa ihatid niya ako sa bahay.
Pagkarating ko naman sa bahay, nakahanda silang lahat na parang may birthday. Spaghetti, cake, pizza.
“Anong meron Ma?” tanong ko.
“Wala lang. Kakain lang tayo ng masarap ngayong gabi. Bawal ba yon?” sabi niya. Maya maya lumabas si Tom sa CR at nginitian niya lang ako.
“Nasaan na si Benjie?” sabi ni Tom saken.
“Ahh. Pinauwi ko na….” pero bigla siyang pumasok sa bahay, dala dala yung ibang papel na naiwan ko sa sasakyan.
“Nakalimutan mo, mamaya kailangan mo” sabi niya.
Ayokong nandito si Adrian sa bahay kasi ayoko siyang makita ni Butchok! Papalabasin ko na sana siya kaso huli na.
“Kuya Pogi!!” sigaw ni Butchok at niyakap niya yon ng mahigpit.
Nagulat si Adrian, pati na rin si Tom.
“Long time no see po ah!” sabi ni Butchok. Hindi naman makasagot si Adrian. Kahit si Tom nagulat. Kaya hinila ko muna si Butchok at kinausap sa tabi.
“Hindi yan si Kuya Pogi mo, kamukha niya lang yan” sabi ko.
Napatingin lang si Butchok ng mabuti.
“Hindi, siya yan Kuya!”
“Hindi nga. Akala ko rin nung una siya yan eh pero hindi. Naiilang si Kuya Adrian mo kapag niyakap mo siya uli ng ganon.”
“Pero….”
“Hindi siya yan. Tigna mo si BE, kanina pa tahol ng tahol sa kanya. Ibig sabihin, hindi yan si Kuya Pogi mo. Wala na siya. Hindi na ata siya babalik”
Nalungkot siya pero kailangan na niyang tanggapin na hindi na talaga babalik si Sir Benj sa buhay namen.
“Ahh… Sige po, alis na ko”
“Dito ka na mag dinner. Sabay na kayo umuwi ni Tom umuwi. Magdala na rin kayo ng pagkain.” sabi ni mama.
Parang naiilang ako sa dinner na to kaya umakyat na lang muna ako sa kwarto ko. Siguradong tulog pa si Sir Jack kaya hindi pa siya nagtetext.
Hindi ko napansin na nakaidlip na pala ako at nagising na lang ako na may tumatawag sa phone ko.
“Hello? Gising ka na?” sabi ko, akala ko kasi si Sir Jack na pero hindi pa pala.
“Hi” alam ko yung boses na yon. Tinignan ko phone ko, number lang.
“Sino ’to?”
“Si Benj.”
Pagkasabi niya ng pangalan, binabaan ko kaagad siya ng tawag. Ayoko ng stress, ang sarap pa ng tulog ko. Pero nagtext siya.
“Gagawin ko lahat makausap ka lang.”
Hindi ko uli pinansin.
“Alam kong binabasa mo message ko. Let’s talk. Maghihintay ako sa coffee shop sa tapat ng pinagmeetingan natin sa Makati. Please, I need to see you.”
Argh. Nakakainis. Sana hindi ko na lang nabasa yung message na yon. Bnlock ko siya sa message list ko at mabuti naman hindi na siya nagtext uli.
Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako at nakita ko pa silang lahat doon, kumakain pa rin at nag iinuman.
“Tol, halika!” yaya ni Tom saken.
“Ahh… Ayokong uminom eh hehe. Kakain lang ako” sabi ko pa.
Busy si Butchok sa paglalaro at umalis naman si mama nung dumating ako kaya naiwan kaming tatlo sa lamesa.
“Okay bang driver tong si Benjie?” sabi ni Tom. Pero nung nakita ko si Adrian, nainis ako. Nakikita ko kasi si Sir Benj eh. Kahit alam ko naman na hindi siya, naiinis ako. Sana pala hindi ko siya kinuha bilang tagatulong ko.
“Nako, mukhang badtrip ka pa rin ah? Hehe.” sabi na lang ni Tom.
“Ahh sorry, may tumawag lang kasi saken na bwisit hehe.” sagot ko.
“Uy, tol. Salamat pala ah? Ang bait bait ng mama mo samen kahit hindi naman talaga niya kami kapamilya” sabi ni Tom.
“Okay lang. Basta si Butchok ah? Sa school, bantayan mo. Busy na kasi ako eh. Hindi ko na siya masundo”
“Oo naman!” tumingin saken si Adrian at ngumiti. Pero hindi ko siya nginitian. Parang ang bait bait na rin ng trato ko sa totoong Sir Benj kapag ganito ako kay Adrian.
Mukhang napansin ni Adrian na naiirita ako sa kanya kaya hindi na niya ako tinignan uli. Maya maya, napagpasyahan na nilang umuwi at ako naman, unakyat na uli sa kwarto ko.
May texts na si Sir Jack ngayon at agad ko siyang tinawagan.
“Good Morning” sabi ko.
“Good Evening diyan! Nakahiga pa rin ako, tinatamad akong bumangon.”
“Bangon na. Ano pang hinihintay mo diyan?”
“Ikaw. Namimiss na kita ng sobra.”
“Eehhhhh…. Ayan ka na naman ehhh… Namimiss na tuloy kita lalo”
“Konti na lang hehe. Makikita na kita uli. Mahahalikan. Mayayakap. Masosolo.”
“Nako, bumangon ka na diyan mamaya kung ano pang gawin mo”
“Nakayakap nga ako sa unan ko oh. Simula nung umalis ako diyan hindi pa ako nag aano. Hehe gusto ko kasama kita eh”
Ang naughty na naman ni Sir Jack.
“Ayoko. Pagod na ako eh.”
“Sayang naman. Sige cuddle na lang kita. Tapos kikiss kita sa likod ng tenga mo. Uhmm… Gusto mo yon diba?” bumubulong siya kaya ang hot ng boses niya sa phone.
“Hehe, tapos?”
“Tapos yayakapin kita sa may tyan. Paglalaruan ko yon habang hinahanap yung kamay mo, sabay hahawakan ko ng mahigpit.”
“Naiimagine ko tuloy”
“Tapos ihaharap kita saken. Tititigan kita sa mata. Pagmamasdan ko yong mata mo.”
“Ako naman yung smile mo”
“And then hahalikan kita. Hindi kita papakawalan. Mahigpit. Madiin. Yung akin ka lang”
“Uyyy…. Behave na. Baka saan pa mapunta yan hehe”
“I know, Sorry…. I love you.”
Nakakabigla talaga kapag sinasabi niya yon at never pang pumalya na hindi ako ngumiti nung sinabi niya yon.
“I love you too…”
“I know, babe. Nagkita ba uli kayo ni Benjamin?”
“Opo” ayokong magsinungaling sa kanya ngayon
“Tell me what happened.”
So sinabi ko sa kanya. Simula sa sticky notes at sa pagluhod niya.
“Seriously? Lumuhod siya?”
“Opo.”
“And still, you did nothing?”
“Iniisip lang kita. Ayoko lang na mag isip ka ng kung ano ano.”
“I really appreciate that. Pero if you think na kailangan mo siyang kausapin, kausapin mo. I don’t mind. Gusto ko lang sabihin mo saken at wala kang icucut o dadagdagan.”
“No, hindi talaga. Wala akong balak. At isa pa, bakit pa diba? Ikaw naman na yung nagpapasaya saken. Ikaw lang naman kailangan ko.”
“You know, kinikilig ako ngayon sa higaan ko. And I’m getting turned on haha. Stop it. I love you so much, when I get home, I’m gonna make love with you all day long. Walang pahinga. Walang hugutan”
“Hahahahahahaha loko! I can’t wait.”
“Haha. Me too.”
“Please, bangon na. Mag asikaso na. Kapag madaling natapos, mas madaling makakauwi. Go go go!”
“My kiss?”
“Mwaaa mwaaa mwaaaa”
“Got it. Sleep well babe. I love you!”
Hinintay ko na lang na patayin niya yung tawag bago ako natulog.
+++++
Feel na feel ko na may driver ako, feeling ko ang yaman yaman ko. Pero aside from that, feeling ko napaparusahan ko na rin si Sir Benj dahil kay Adrian.
“Daan ka munang Ayala.” sabi ko.
“Ang layo ng ikot Sir. May meeting ba kayo”
“Gusto ko lang. Go, dalian mo!” utos ko.
Wala naman siyang nagawa at pumunta kami ng Ayala. Pinahinto ko siya sa may tapat ng coffee shop na sinasabi ni Sir Benj at nandoon nga siya! Umagang umaga nandoon na siya. Hindi naman napansin ni Adrian kung sino tinitignan ko.
“Sige na, punta na tayong office.” sabi ko.
Hindi na lang sumagot si Adrian hanggang sa makarating ako ng office.
Pagpasok ko, napansin kong kumakain silang lahat at parang iisang order lang. Lumapit ako kay Laura kung meron bang para saken at inabutan naman niya ako ng pagkain. Korean food.
“Galing kay Sir Benj. Libre niya buong team natin!” sabi niya.
“Busog ako. No thanks.”
“Kanina nanghihingi ka ng pagkain tapos nalaman mo lang na kay Sir Benj galing, umayaw ka na.”
“Basta. Ayoko na.” sabi ko at pumasok ako sa office ko. Nagulat na naman ako ng makakita akong sticky notes sa table ko.
“Let’s talk. You know where to go - Benj”
Siguro nasa 100 na sticky notes nandoon. Ang kalat! Nakakairita. Sinigawan ko yung secretary at agad naman siyang lumapit.
“Ang sabi ko huwag kayong…..”
“Sir, hindi po kami may gawa niyan!” agad na sabi niya.
“Huh? Edi sino?”
“Hindi ko po alam, natuto na po ako. Hindi po ako yan o kahit sino samen” sagot niya. So si Sir Benj pala may gawa neto! Hindi ko siya makontrol nakakainis.
Tinanggal ko lang lahat at tinapon ko sa basurahan. Ang lakas talaga mambwisit ng lalaking yon. Pinilit kong huwag pansinin at magsimula na uli sa mga gagawin ko.
Lunch time at nakatanggap ko ng text.
“I’m here. Still waiting.” kahit walang pangalan, alam kong si Sir Benj yon. Bahala siya sa buhay niya kung gaano siya katagal maghintay.
Pero kada oras. Nagtetext siya at sinasabi niyang nandoon siya. Hanggang sa mag out ako, napagpasyahan kong pumunta uli doon at oo nga! Simula kaninang umaga hanggang ngayon na mag aalasais na, nandoon pa rin siya. Hindi umaalis ng pwesto.
Naaawa ako pero sa tuwing mararamdaman ko yon sa kanya, inaalala ko lahat ng ginawa niya para manumbalik yung galit ko.
“Tara na. Uwi na tayo” sabi ko.
“Ah Sir, pwede po bang magpaalam. May importante kasi akong lakad eh.”
“Ngayon na?”
“Opo sana.”
“Sige, bahala ka.” sagot ko. Hindi na naman siya sumagot at parang naiinis na siya saken. Wala naman akong paki kaya hinayaan ko na lang siya.
++++
Last meeting namen sa Makati ngayon at sa susunod naman ay sa Pampanga. Syempre, nandoon si Sir Benj sa room at katabi ko.
Nakatitig lang siya saken, alam ko. Mapapansin mo naman sa gilid ng mata mo kung may nakatitig sayo eh.
Pero kapag titingin ako sa kanya, bigla siyang lilihis ng tingin papunta sa nagsasalita sa harap at biglang sasabihin saken.
“Huwag mo kong tignan.” na akala mo naman eh ako talaga tumitingin. Isa talagang ugaling ng taong to eh yung napakalakas mang asar.
Maya maya, bigla niya akong kinalabit.
“Ano?” sabi ko.
“Bakit? Hindi naman kita tinatawag ah?” sabi niya sabay ngiti ng pang asar.
Sobrang nakakainis!
Tapos bigla biglang tatawag sa phone ko, eh nakalimutan kong isilent.
“Hay nako, be professional naman at sana naka silent yung phone” sabi niya ng malakas. Nahiya naman ako sa ibang tao pero siya tuwang tuwa sa pang aasar saken.
Bigla naman niyang sisipain yung paa ko. Lalayo ako pero lalapit siya at sisipain niya uli.
Ang hirap kumalma. Ang hirap hindi maasar.
Hinarap ko siya at galit na galit na ako nung sinabi kong “nakakainis ka na! Isa pang sipa saken malilintikan ka na!”
Pero sinipa niya yung paa ko pagkasabi ko non. Huminga ako ng malalim at nag excuse muna para lumabas.
Sumunod naman siya.
“Ano bang problema mo?!!” medyo malakas yung boses ko pero hindi pasigaw.
“12Hours akong naghintay sayo kahapon pero hindi ka dumating”
“Sinabi ko bang maghintay ka?”
“Kahit na. Sana man lang nagsabi ka na ayaw mo”
“So kasalanan ko?”
“Hindi…. Kasalanan ko. Sana hinintay ko sagot mo”
Hindi ko siya sinagot non at pumunta naman ako ng CR. Pero ni lock ko yon para hindi siya makapasok.
Kumakatok siya pero hindi ko pinapansin.
“Ethan, naiihi na ako!” sigaw niya. Pero hindi ko pa rin binubuksan.
Bigla siyang natahimik. Pinakinggan ko sa labas kung anong meron.
“Ethan, may ibang tao!” sabi ni Sir Benj. Agad ko naman binuksan pero bumungad saken yung mukha ni Sir Benj na nakangiti at nagpupumilit pumasok pero tinodo ko yung lakas ko para masara yung pinto.
“Haha, akala mo ah!” sabi ko.
Pero kumakatok siya ng malakas at sumisigaw siya ng malakas. Shet, naipit ko ata yung kamay niya. Kaya nung binuksan ko yung pinto, nakaupo siya sa sahig at parang namimilipit sa sakit.
“Uyy…. Sorry… Hindi ko sinasadya!” sabi ko.
“Ang sakit……” halos maiyak na siya sa sakit
“Tumayo ka na, ang arte arte mo pa diyan!”
“Masakit nga! Ikaw kaya maipitan ng daliri!” paiyak niyang sabi.
“Buti nga sa’yo” bulong ko.
“Gusto mo talaga akong nasasaktan no?”
“Oo” sabi ko.
Pero nagulat ako ng bigla siyang dumagan saken. Hinawakan niya yung kamay ko at nilapat sa sahig. Nakahiga ako ngayon at nakapatong siya.
“Ganito lang pala yung paraan para makausap ka eh!” sabi niya.
“Hindi ka naman pala naipit ehhh!!!”
“Hindi nga. Ayon lang dahilan ko para makausap ka”
“Tssss. Manloloko ka pa rin hanggang ngayon!”
“Uy, Seryoso ako Ethan. Mag usap naman tayo.”
“Seryoso din ako, Benjamin. Ayokong makipag usap sayo.”
“Sige. Kapag hindi mo ko kinausap, hahalikan kita ngayon!” panakot niya.
Nagpupumilit akong umalis pero hindi ko magawa.
Ang sakit na ng hawak niya saken at yung pressure na ginagawa niya para makausap ako, hindi ko na napigilan yung luha ko.
Biglang lumambot yung hawak niya saken at humihingi siya ng tawad. Pero hindi ko siya pinansin at tinulak ko lang siya saka ako bumalik sa meeting room. Kinalma ko muna sarili ko bago ako pumasok. Tumabi uli si Sir Benj saken.
At eto na naman sa sticky notes.
“Please. Hindi ko sinasadya.” sabi niya. Pero iba yung inis ko ngayon, yung tahimik na inis. Mas malala to kesa sa isang klase ng inis.
“I’m so desperate to talk to you. Please”
“Please, Ethan.”
“Lahat gagawin ko, makausap ka lang.”
Hindi ko pa rin pinapansin mga notes niya.
“I miss you. :(”
“I really miss you”
Pinaglulukot ko lahat ng yon at tinapon sa gilid.
Pero may huling note siya na binigay at napatitig ako doon.
“I still love you, please. Let’s talk”
++++++++
VOTE AND COMMENTS.
LAST 10 CHAPTERS.
Part 52
Hindi ko pa rin siya pinansin. Bakit naaapektuhan ako sa nabasa ko? Pero pinilit kong maging kalmado. Mabuti na lang at tumigil siya sa pangungulit. Hanggang sa matapos yung meeting.
“Ethan, please. Isa lang. Ngayon lang.” pakiusap niya bago ako lumabas.
Pero pagod na akong makipagtalo sa kanya, pagod na akong makita siya kaya kalmadong kalmado ko siyang sinagot.
“Hindi OA. Hindi ako nag iinarte. Ayoko talaga Benjamin. Ayoko. Kaya excuse me. I need to go home.”
Ngumiti lang ako pero kaplastikan lang yung ngiting yon. Mukhang effective yung ganong style ko kaya hindi na siya nangulit, bumaba na ako ng office at nagpahatid kay Adrian.
“Saan tayo?” tanong niya.
“Bahay”
Hindi na uli nagsalita si Adrian at nagdrive na siya pauwi. Buti at hindi nasiya nangungulit pero kakaiba na yung kinikilos ni Adrian, parang naiirita na rin siya saken. Ayoko na lang muna isipin yon dahil naiistress pa ako sa kapatid niya.
“Ay, kina Jaycee na lang pala!” bigla kong sabi.
“Okay.”
Aba, umaattitude talaga. Sige, hayaan ko na lang talaga.
Maya maya, nasa condo na ako nila Jaycee. Pero pag punta ko, iba yung aura doon. Parehas silang nagtatawanan. Malayong malayo sa huli kong punta doon.
“Bes! Bakit ka nandito? Walang pagtext?” sabi niya.
“Ahhh… Hindi may sasabihin lang sana ako.”
“Halika pasok ka!”
Pero mukhang private time nila ngayon.
“Ahh hindi na bes, bukas na lang. Pagod na rin ako eh” sabi ko naman.
“Ay, akala ko naman may sasabihin ka?”
“Hindi. Bukas na lang bes. Sige na, bye!” nagmadali na ako para hindi niya ako mapilit.
Pagbaba ko naman, wala si Adrian sa tapat ng condo. Jusko. Tinawagan ko naman kaagad siya.
“Nasaan ka? Bakit ba wala ka rito sa baba?” medyo galit kong sabi.
“Ayy sorry, akala ko matatagalan ka pa.”
“Hay jusko!” binaba ko na yung tawag at naglakad ako para maghanap ng taxi pero bigla namang sumulpot si Adrian sa harap ko.
“Sorry, umiinom lang ako. Halika na, Sir. Uwi na tayo” sabi niya.
“Hindi huwag na” jusko, bakit parang nireregla ako kay Adrian.
“Sir, tara na. Sorry na po.”
“Uminom ka lang”
Mukhang nainis na si Adrian, kahit di ko siya tinitignan eh napapansin kong nagmimimic siya ng boses ko.
“Sir.” sabi niya pa.
Pero hindi ko siya pinansin hanggang sa makakita ako ng taxi. Pinara ko yon at sasakay na sana ako pero bigla niya akong binuhat sa balikat niya habang hawak paa ko.
“Hoy ano ba! Ibaba mo ko!!”
“Hoy ikaw naiirita na ako sa kaartehan mo ha! Uuwi na tayo!” sigaw niya.
Sumisigaw ako ng tulong pero wala namang lumalapit.
Saglit lang siya naglakad at binaba na niya ako.
“Nandito lang ako oh! Konting lakad lang!” sabi niya. Oo nga, nandoon lang yung kotse, hindi lang siya nagpark sa may condo.
Hindi ako sumagot at inaayos ko sarili ko. Feeling ko lahat ng dugo napunta sa ulo ko eh.
“Sasakay ka o bubuhatin uli kita?” sabi niya. Ibang iba talaga siya sa kapatid niya. Medyo barumbado kasi tong isang to.
Sumunod naman ako at pumasok sa loob.
“Tignan mo! Kailangan pa palang sigawan para sumunod!” sabi niya pa.
“Oh, tama na yan! Sumusobra ka na”
“Nako, ikaw! Ano bang problema mo saken? Bakit ba iritang irita ka saken ha? Nung una naman okay ka tapos parang bigla kang nainis saken ng hindi ko alam dahilan!”
“Huh? Anong sinasabi mo diyan?”
Nasa likod ako ng sasakyan ngayon at nasa harap naman siya. Pero pumunta siya sa likuran, lalabas sana ako ng sasakyan pero sinara niya yung pinto.
“Alam mo ikaw hindi kita maintindihan eh! Akala ko nung una crush mo ko kaya mo ko tinutulungan!”
“ANO?!! Hoy, ang kapal ng mukha mo!!”
“Feeling ko pa nagseselos ka sa mga babae na kinukuhanan ko ng number!”
“Tumigil ka na! Anong pinagsasasabi mo! Nakakadiri ka!”
“Eh ano ngang problema mo saken? Bakit iritang irita ka?”
“Trip ko lang. At saka ang bagal mo kasi kumilos! Susme.”
“Ayon lang talaga?”
“Oo!”
Parehas kaming kumalma. Siya lang pala, ako kasi nanggigigil pa ako sa kanya.
“Sige. Good. Akala ko kasi crush mo ko eh” pahabol pa niya.
“Ano ba, tigilan mo na nga yang salitang yan. Nakakairita!”
“Mabuti ng nagkakalinawan tayo. Sa susunod huwag ka na lang magsalita, itext mo na lang saken yung plano para hindi mo ko kinakausap!” sabi niya pa.
“Oo na. Siya siya, umuwi na tayo.”
“Akala ko pa naman crush mo ko.”
“Tumigil na sabi ehhh!!”
Natawa na lang siya at pumunta na uli sa harapan para ihatid ako pauwi.
++++
Kinwento ko kay Sir Jack lahat nung tumawag siya saken. Magka video call kami ngayon at halatang bagong gising pa siya habang kausap ako. Nung una inaantok siya, pero nung kinwento ko na sa kanya, nabuhayan siya bigla.
“He really said that?” tanong niya.
“Well, sinulat niya.”
“I know…. Hay…. What are you feeling now?”
“Ako? Wala. I mean, wala naman na akong paki.”
“Ehh bakit parang galit ka pa?”
“Mali ba na magalit ako?”
“The mere fact na galit ka ibig sabihin may feelings pa.”
“Hala, hindi…. No no no…”
“I don’t wanna argue about this. Pero ayoko lang ng feeling ko eh may kaagaw pa rin ako.”
“Huwag mong isipin yan. Wala kang kaagaw.”
“You know how much I love you right? I’vw waited for you long enough to prove to you how much I love you. But please, if you’re not ready, sabihin mo. I can still wait…”
“Stop. Huwag kang ganyan mag isip. I love you too…”
“I know you love me…. But your emotional attachment with Benjamin… Nandoon pa rin. Nagagalit ka pa ibig sabihin may paki ka pa. May paki ka ibig sabihin may natatago ka pang feelings for him.”
“Wala nga!”
“See? Kahit saken nagagalit ka ngayon.”
“Jack naman….”
“I still got a lot of work to do. I gotta go. I love you so much. Take a sleep now.”
Hindi pa ako nakakasagot, binabaan na niya ako ng tawag. First time to kay Sir Jack. At nakakabigat ng loob. Tinatawagan ko siya pero hindi na niya sinasagot.
++
Pag gising ko kinabukasan, wala pa ring text si Sir Jack o kahit isang missed call. Sobrang layo sa araw araw na pag gising ko. Never niyang nakalimutan na magtext.
I texted him kung kumusta na siya at tawagan niya ako. Naghintay ako pero wala. Kasalanan ko naman siguro to kaya kailangan ako ang umayos.
Nag asikaso na lang ako para pumasok sa office.
Naghintay ako sa text ni Sir Jack pero wala talaga. Tawag. Wala. Text, chat, wala. Kanina pa ako nagpaparamdam pero wala talaga.
May nagtext naman saken kaso number, at alam kong si Sir Benj to
“Still a no?” sabi niya.
Hindi ko pa rin siya nireplayan, wala naman na talaga akong nararamdaman kay Sir Benj maliban sa galit. Sobrang naiinis lang ako sa kanya.
Buti na lang nagtext si Jaycee saken at nagyayayang uminom. Pagkaout ko naman, pumunta kaming dalawa sa Mozu.
“Pahamak talagang yang ex boyfriend mo na yan no? Nakakagigil!” sabi niya.
“Kaya nga ehhh…”
“Alam mo kung pwede lang putulin etits niyan, ginawa ko na. Ayaw mapirmi. Ano? Anong nangyari sakanila nung babae? Nganga lang sila? Jusko. Kairita!”
“Ano bang alam mo bes?diba sabi ko tignan mo sa phone ni Stephen?”
“Ayy hindi ko tinignan. May kinwento lang siya saken”
“Okay na kayo?”
“Oo, alam mo naman sexx lang katapat haha”
“Loko. Haha anong sabi?”
“Nagkikita pala silang dalawa. Palagi silang nag iinuman.”
“May nasabi ba siya?”
“Ang sabi lang. Bumalik nga raw siya rito para daw sa business meeting. Siguro ayan nga yung tinutukoy niya. Ang sabi niya pa, hindi daw talaga niya alam na magkikita kayo. Akala niya kasi nag resign ka”
“Oh?”
“Oo. Tapos nagulat daw talaga si Sir Benj. As in, nagkalaman ka raw ng konti tapos nagmature ka. O diba, 8 months lang, nagmature na yung itsura!”
“Ayun lang?”
“Hmmm… Oo bes eh. Kung loyal ako sayo, loyal din si Stephen sa tropa niya kaya wala na akong napiga.”
“Well, wala naman na akong paki sakanya….”
“Bes, slight irritating yung linya mong yan na ‘wala na akong paki sakanya’ yet binibigyan mo siya ng paki as of now.”
“Wala kaya! Wala akong paki!”
“Ayan, by saying na ‘wala akong paki’ means may paki ka. Kasi kung wala ka talagang paki, quiet ka lang. Ganon.”
“Pati ba naman ikaw???”
“Just saying. At saka whatever happens bes, huwag kang maiinlove uli sa ex boyfriend mo!”
“Bakit mo naman nasabi yan?!”
“Well, pinagtagpo na naman kayong dalawa. Sakto sa panahong wala si Sir Jack. Parang may something eh.”
“Una hindi ako maiinlove uli sa kanya kasi hindi ko siya kakausapin!”
“Remember nung nagpapanggap kayong dalawa? Ganyan din sinabi mo saken non pero anong nangyari? Laglag panty ka tapos iyak iyak nung iniwan!”
“Kaibigan mo ba talaga ako o ano? Bakit ganyan ka saken?!”
“True friend, hello!”
Loko loko talaga pero ang alam ko sa sarili ko, hinding hindi ko na hahayaang makapasok sa buhay ko si Sir Benjamin.
+++
Gumising ako at wala pa ring paramdam si Sir Jack. Lagpas 24 hours na. Sobra sobra siguro yung tampo niya. Hindi ko naman alam kung paano siya susuyuin. Text ako ng text pero wala. Tawag ng tawag pero wala. Hindi ko na talaga alam gagawin ko.
Nag asikaso na ako para pumasok at paglabas ko ng banyo, bigla kong naamoy yung pabango ni Sir Jack.
At nung makita ko yung kama ko, nandoon si Sir Jack! Nakaupo at mukhang hinihintay ako.
Hindi ako makapagsalita. Nakatapis pa ako ng tuwalya habang pumapatak yung tubig sa buhok ko.
“Uyy…” sabi ko.
Napatingin siya saken. Umiiyak siya. Hindi hagulgol, pero eto yung iyak na alam mong parang nasasaktan talaga siya.
Wala siyang sinabi at tumayo lang siya at lumapit saken para sunggaban ng halik.
Ay grabe! Miss na miss ko to! Sabik na sabik ako sa ginagawa niya ngayon. Para kaming isang taong hindi nagkita at nung hinalikan niya ako, doon namen nilalabas yung pagkamiss namen.
Hindi mapakali yung labi nameng dalawa. Yung kamay ko naman pumunta sa katawan niya. Naka Tshirt lang kasi siya at pants.
Ang init ng mga tagpo. Nagpadala ako sa init na ginagawa namen. Tinanggal niya kaagad yung tapis ng tuwalya ko.
Ramdam na ramdam ko yung buong buong pagkalalaki niya nung mga oras na yon.
++++
Nakahiga kaming dalawa sa kama ko. Nakasandal ako sa braso niya habang nagmumuni muni siya.
“Wala ka pang sinasabi simula kanina” sabi ko.
Umayos siya ng higa para magkaharap kaming dalawa.
“Mahal na Mahal Kita, Ethan.” sabay halik sa mga labi ko.
Nangiti lang ako at hinalikan ko rin siya.
“Huwag mong isipin na…..” pinutol niya yung sinasabi ko.
“Alam ko. I trust you. I just missed you so much, hindi ko na kaya na wala ka sa tabi ko”
“Hindi ka na babalik sa New York?”
“Sorry pero hindi alam ni papa to na nandito ako. I was about to go to work that morning nung nag away tayo. Then I realized, sobrang miss na kita. Sobrang mahal na mahal. Gusto kitang makita kahit sandaling oras lang.” sabi niya pa.
“Galit ka ba???” tanong ko.
“No…. Hindi…. Ayokong isipin mo na galit ako sayo pero there’s this weird feeling na nararamdaman ko na ayoko sanang maramdaman. Lalo na nung galit na galit ka pa kay Benjamin, ayoko lang ng ganon. Masaya ka naman saken di’ba?”
“Oo… Sobrang saya talaga”
“If that so, sana tanggalin mo na rin lahat ng sakit na nagawa sayo ng mga taong nakaraan mo kasi eto ako oh, ako na yung present mo.”
Hindi ako nakasagot.
“I know how much he hurt you. I feel you, andoon ako nung mga panahong hinang hina ka eh kaya ramdam ko yon. I just don’t want you to hold grudge to others. Time will come na dapat mag usap kayo, why not now di’ba? At kung talagang wala na, bakit ka natatakot?”
“Hindi ako natatakot. Ayoko pa lang talaga”
Hindi naman siya nakasagot. Pinisil pisil ko braso niya at ngumiti naman siya.
“You’re so cute, you know?” sabi niya.
“Ikaw din”
“So you’ll talk to him?” tanong niya.
Ako personally, ayoko talaga. Hindi dahil natatakot ako, dahil ayoko lang talaga. Ang saken, bakit kailangan mo pang kausapin yung taong iniwan ka ng ganon ganon lang?
Second chance? Hindi lahat deserve ang second chance.
All that matters is my relationship with Sir Jack. Ayon lang. Pero sa tingin ko, magiging okay lang si Sir Jack kapag ginawa ko yon.
“I think mag eextend pa ako sa New York” bigla niyang sabi.
“Huh????? Bakit?!”
“I feel so… Sa mga trabahong pinapagawa saken ni papa. Baka maextend uli”
“Gano katagal naman?”
“Another week?”
Nalungkot ako. Nakakalungkot na isang linggo na naman uli bago ko siya makita.
“I can visit again like this.”
“Mapapagod ka. Ilang oras yung byahe mo oh.”
“So what? For you naman lahat eh.”
“Hindi ba pwedeng dito mo na lang gawin?”
“I promise you. Hindi ako mag sstay doon. Dito lang ako. Work ko lang nandoon. Okay?”
Niyakap ko lang siya ng mahigpit.
“So you’ll talk to Benjamin?”
“Ayan lang ba magpapakampante sayo?”
“Yes.”
“Love mo ko?”
“I super duper love you. Papakasalan pa kita.”
Nangiti ako ng sobra sa sinabi niya.
“Promise yan?”
“Promise. And I will never ever break that promise!”
“Okay then…. I’ll talk to him.” sabi ko and he just smiled at me.
++++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!!
😊😊😊😊😊
Part 53
Hindi na ako pumasok, magkasama lang kami ni Sir Jack sa kwarto ko pero ngayon, natutulog siya. Sobrang himbing ng tulog niya. Parehas pa rin kaming nakahubad.
Babangon sana ako para magbihis pero niyakap niya ako ng mahigpit.
“Dito ka lang….” nakapikit pa rin siya habang sinasabi yon.
“Magbibihis lang ako.”
“Mamaya na. Dito ka lang.” hinalikan niya ako sa tenga na siyang nagpakiliti saken.
“Dito ka na lang din. Huwag ka ng umalis.” sabi ko naman
“Kung pwede lang eh. Kaso hindi talaga pwede.” gising na siya ngayon.
“Kain na muna tayo. Tanghali na rin oh”
“Oo nga. Ang bilis talaga ng oras kapag nageenjoy ka.”
“Kaya nga eh. Tara, baba na tayo”
Patayo na sana ako pero dahil nakahubad pa ako, nakita na naman niya yung katawan ko at hiniga niya ako uli sa kama.
“Pwede isa pa?” tanong niya sabay ngiti.
Hindi na ako nagpakipot, hinalikan ko na kaagad siya bilang sagot.
+++++
Eto na naman kaming dalawa sa airport. Nag iiyakan. Talagang pumunta lang siya rito para makita ako.
“Yung promise mo ah?” paalala niya.
“Opo. Yung promise mo rin” sabi ko naman.
“Oo naman. Naiisip ko na nga na araw araw tayong magkasama sa isang bahay eh.”
“Tama na nga yang ganyan. Naiiyak na naman ako ehhh.”
“Hehe, sorry….” binuhat niya ako. Kayang kaya niya talaga akong buhatin,sa laki ba naman ng katawan niya eh para lang akong babae sa kanya.
“Mahal na Mahal na Mahal na Mahal na Mahal Kita. Malayo lang ako pero sa’yong sa’yo pa rin ako, ha? Palagi mong tandaan yan” sabi niya uli sabay halik saken sa labi.
Hinding hindi ako magsasawa sa halik na yon. Ayoko na sana siyang pakawalan, hindi ko inaalis labi ko sa kanya. Ang tagal ng magkadikit ng mga labi namen at natatawa na siya.
“Uhm…. Babe” sabi niya pero ayoko pa rin tanggalin.
“Uyyy… Aalis…. Na…. Ako…”
Ayoko pa rin talaga tanggalin.
Pero kinagat niya yung labi ko, hindi naman masakit pero alam niya na ayaw ko ng kinakagat labi ko.
“Sorry…. Babalikan kita, pangako!” sabi niya at baba saken.
One last kiss sa noo ko bago siya tumalikod at pumasok.
++++++
Iyak ako ng iyak kay Mama. Para na akong tanga. Halos tumatawa na lang si mama saken.
“Ano ba yan Ma, nanay ba talaga kita? Tawa ka lang ng tawa eh!” sabi ko.
“Ang panget mo kasing umiyak, anak!”
“Eeeeeeehhhhh…. Wala na naman si Sir Jack!!!” umiyak na naman ako.
“Okay lang yan anak. Alam mo ba nagulat ako nung makita ko siya sa sala kaninang umaga.”
“Huh? Bakit naman?”
“Sinong hindi magugulat? Alam kong nasa New York siya? Akala ko nga kakambal din ni Sir Jack mo yon eh!”
“Ay grabe haha.”
“Oh, stop crying na. Ang panget mo anak eh!”
“Supportive mama eh no?”
“Pero ano na?”
“Anong ano na?”
“Hindi mo pa kinekwento yung tungkol sa kamukha ni Sir Benj mo!”
“Ahhh ayon? Ehh…. Kakambal niya yon”
“ANO?!!!” gulat na gulat talaga si Mama. As in, halos mahampas niya ako sa gulat.
“Maka react ka naman akala mo….”
“Hoy ikaw, anong binabalak mo?”
“Ay grabe si mama oh. Tinutulungan ko lang”
“Ehh bakit hindi mo sabihin sa totoong pamilya niya?”
“Ehhh….”
“Nako sinasabi ko sayong bata ka. Kung ano man binabalak mo, huwag mo ng gawin! Masamang maghiganti.”
Natahimik ako. Wala naman akong balak maghiganti, totoo. Wala talaga. Nung una oo pero parang nawala ako sa mood kasi hindi naman ako ganon kasama.
“Alam mo anak, kahit wala kang kinekwento saken, ramdam ko. Kasi kung si Sir Jack kasama mo ngayon, ibig sabihin naghiwalay na kayo ni Sir Benj mo. Nako, nakikiramdam lang ako at naghihintay ng kwento mo!”
“Si mama naman…. Okay lang lahat. Okay na lahat. Promise. Walang paghihiganting magaganap. Ang korny naman ng naiisip neto”
“Korny korny ka diyan. Nako, sinasabi ko sa’yo ah!”
“Wala po!”
“Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo o sige umiyak ka na uli”
“Bakit naman ako iiyak?”
“Kasi umalis na uli si Sir Jack mo”
Naalala ko na naman tuloy si Sir Jack kaya naiyak na naman ako kay mama. Nang aasar lang siya pero natatawa saken. Napakabaliw talaga ng mama ko.
+++
Kinabukasan, wala pa ring text si Sir Jack. Sabagay, baka wala pa siya sa New York kaya nag iwan na lang muna ako ng message sa kanya at nagasikaso papasok.
Pagpunta ko sa office, saktong nagtext saken si Sir Benj. Kahit hindi naka save number niya, alam kong siya yon.
“Ethan???” text niya.
Huminga muna ako ng malalim bago siya replayan. Para kay Sir Jack to. Para saming dalawa to.
“O?” reply ko.
“Hdjdoqpwpfklclwpqowkxkxlsppqwko!!!!!”
“Ha?”
“Nagreply ka!!!!! ❤❤❤❤”
“Bakit nga?”
“Usap tayo?”
“Sige. Kailan?”
“Ethan, umayos ka!!!! Totoo nga? Sige, ngayon na. Pupunta ako diyan sa office mo ngayon”
“No, huwag dito. Sa cafe sa may Ayala na lang.”
“Doon sa tapat ng pinagmeetingan natin? Sure. Sige. What time?”
“Lunch.”
“Okay. See you!!!! ❤❤❤❤”
Hindi na ako nagreply. Reply pa rin siya ng reply pero hindi ko na lang pinapansin. Ready na ako kausapin siya para sa mahal ko.
Hindi ko na tinawagan si Adrian, ako na lang nag drive papunta don. Bubuksan ko na sana yung pinto ng sasakyan kaso biglang may nagbukas para saken.
Si Sir Benj.
“Nakita ko na kasi sasakyan mo. Hehe” sabi niya. Ngumiti lang ako ng isang pilit na ngiti at hindi sumagot. Dire diretso ako sa cafe pero pinagbuksan niya uli ako ng pinto.
“After you, my cutieness” ngumiti siya saken ng malaki.
Irita. Irita talaga naramdaman ko nung ginawa niya yon, kaya dumiretso ako sa bakanteng upuan. Inurong niya pa yung upuan para makaupo ako ng maayos.
“So? I know you like chocolate and cake…. So mag oorder na muna ako” tumayo siya, pipigilan ko sana kaso hindi ko na nagawa. Pagbalik niya, hindi pa rin siya mapakali.
Nakasuot ako ng shades ngayon, maaraw kasi at feel ko mag shade. Siya naman, same outfit niya palagi, yung long sleeve na pink at fitted na slacks.
“Grabe, ang yayamanin na ng itsura mo ngayon. Well, dati pa naman. Mas bagay lang sa’yo. I heard ikaw na raw yung naghandle sa pwesto ko ah? Nice. Nice.” ang ingay niya, nagkunwari akong interesado sa kanya.
“So bakit mo pala ako gustong makausap?” tanong ko.
Nakapatong kamay ko sa lamesa at hahawakan niya sana kaso nilayo ko kamay ko.
“No physical contact.” sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya na parang pilit. Pero I still don’t care.
“Hey, so I really wanna fix things up with you” sabi niya pa.
“Like, what?”
“Uhm, Like…. Us?”
“Oh you can stop right there. I thought ‘wala naman tayo?’ remember? Sabi mo wala tayong commitment noon? And lahat lang ng ginawa nating dalawa eh para lang makuha yung ambisyon mo sa lecheng deal na yon? Well, I remember everything. EVERYTHING, Benjamin.”
Natahimik siya. Hindi ko napigilan yung damdamin ko, siguro kailangan ko lang ilabas sa kanya. Ang hina hina ko kasi nung nagkausap kami noon, at walang kalaban laban.
“I see, I like to see that you’re still mad at me. That’s a good sign, I guess.” sabi niya.
“And how’s that good?”
“Well, I think maybe you’re still inlove with me? We’re so perfect together, remember?”
“Yuh, and that was all Perfect Illusion”
“Really? Eh bakit galit ka pa saken ngayon? And how come you’re still single?”
“What? Single? Sino nagsabi sa’yo?”
“So you’re taken?”
Hindi pa ako nakakasagot, sakto naman biglang tumawag si Sir Jack saken. Sinagot ko sa harapan niya yon.
“Hi,” sagot ko.
“Hey, babe. I’m sorry. Delayed yung flight then nagkaproblem pa. Kaya kakalapag lang ng eroplano.”
“That’s okay. Maybe you’re tired”
“Super tired. Pano ba naman nakarami tayo diyan”
“Hehe. Namimiss ko na nga ehhh”
“Nako, baka balikan na naman kita diyan”
Napansin ko naman si Sir Benj na nakatingin saken.
“Oh, wait. May gustong kumausap sa’yo” sabi ko kay Sir Jack. Inabot ko naman yung phone kay Sir Benj.
“Oh, wanna talk to my boyfriend?” sabi ko.
“Fake boyfriend?”
“Nah.“niloudspeaker ko yung phone. “Say hi, babe” sabi ko.
“Hi, hehe why? Sino ba yan?”
“Si Zachary?!” sabi ni Sir Benj.
“Oh. You’re with Benjamin, I see” sagot ni Sir Jack. Tinanggal ko yung loudspeak at kinausap uli siya.
“Opo.”
“Okay, uhm. Sige, I’ll give you time. Just please, call me back as soon na matapos usapan niyo. I’ll wait okay? Huwag mo kong pag overthinkin dito. Hehe.”
“Ofcourse, hindi. Hehe”
“I love you so much”
“I love you too. I’ll call kaagad.” and then we hung up.
“Oh? Ayaw mo pa rin maniwala?” tanong ko.
“What? You texted him to call you right now at magpapanggap kayong, kayo? Ganon ba?” sabi niya.
“Oh no, hindi marunong magpanggap si Sir Jack. Galing no? Hindi kasi siya mapagpanggap. I don’t know kung sino ba rito yung ganon.”
“Wait, really. Kayo? I told you before kahit sino huwag lang siya di’ba?!”
“And you think your opinion….. Matters? I don’t think so. So please, stop acting na ‘tayo’ kasi it’ll never gonna happen. Okay?”
Natahimik siya pero yung reaksyon niya parang hindi pa rin makapaniwala. Parang ayaw niya maniwala.
“So para saan pa tong pag uusap na ’to?” sabi niya.
“Well, to be honest. Ayaw kitang makita. Like hello, why would I want to see YOU. No! Kung hindi lang pakiusap ni Jack ’to, hindi ko gagawin”
“Pero ako ang mahal mo, Ethan!”
“NOON! Oo, ikaw. At isa yun sa pinaka pinag sisisihan ko. Kung kaya ko lang ibalik yung oras, hinding hindi kita mamahalin!”
“Please….”
“Wow, ikaw nagmamakaawa ngayon? Remember when I was in your position? Tapos umalis ka rin? Ha! Now you know kung ano naramdaman ko”
“Gumaganti ka ba?”
“Why would I do that? Come on. Okay na si Butchok, si mama palaging umaattend sa theraphy niya. And I have My Super Hot and NOT fake boyfriend na super maalaga at super love ako. Why would I hold grudge on you?”
Napapansin kong namumuo yung luha niya sa mata pero yung nararamdaman ko ngayon, ang gaan gaan! Sobrang gaan sa pakiramdam. As in, hindi ko maexplain. Siguro masaya akong nakikita siyang ganito, pero kailangan ko lang ilabas to sa kanya.
Wala kasing kwenta kapag sa ibang tao ko nilabas yung galit ko kung hindi naman nararamdaman ng totoong nanakit saken yung feeling ko.
“I told you before, papakasalan kita.”
“Sorry, that position is already taken. And it’s with Jack.”
“Ethan….”
“Oh, may I ask one thing?” sabi ko.
“Anything.”
“What happened between you and that girl….. Uhm… Sophie, right? Yeah. Anong nangyari?”
“Please. Ikaw mahal ko.”
“Oh. So niloko mo rin siya. Grabe ka, manloloko ka pala kahit na kanino.”
“I leave because that’s my promise to Sophie. Pangarap namen yon and I have to do it kasi I don’t break my promise”
So ayon yung dahilan? Kung bakit niya ako iniwan? Dahil sa lecheng promise na yon?
“You know what? Sorry for the word pero tangina mo”
Hindi siya nakasalita.
“I really love you, Ethan. Please. Huwag ka ng magalit saken. Ayusin natin to”
“Please, una sa lahat. Wala na tayong aayusin kasi wala naman tayo noon. Pangalawa, I don’t care if you still love me. All I care is that I don’t love you anymore. And lastly, mahal ko si Jack. Mahal na Mahal. Sobrang Mahal. At pinakamamahal. So please, give yourself some respect kasi you’ll need that. You taught me that.”
Umiiyak na siya ngayon. Ayoko na siyang makita kaya tumayo na ako.
Ineexpect ko naman na susunod siya saken. Niyakap pa niya ako sa likuran ko.
“Please, ikaw talaga mahal ko. Narealize ko lang na ikaw mahal ko at hindi si Sophie.”
“Let go of me!”
“No!”
“Ano ba Benjamin!! Tama na! Please!!”
Ginamit ko lahat ng lakas ko para mabitawan niya ako. Nagawa ko naman at nagmadali akong sumakay ng sasakyan.
Nakita ko siyang nakaupo sa tapat ng sasakyan ko at umiiyak. Naaawa ako sa kanya, oo. Pero I think kung magsosorry man ako sa mga sinabi ko, hindi muna ngayon.
Kinalma ko sarili ko. Kalma. Hinga ng malalim. Tingin sa salamin. And smile.
Pinaandar ko na yung sasakyan at tumawag kay Sir Jack.
“22 minutes.” sabi niya.
“Po?”
“22 minutes kayong nag usap hehe. Inorasan ko lang.” sabi niya.
“Hehe, pabalik na ako ng office.”
“Kasama mo pa siya?”
“Nope. Ako lang.”
“Okay na?”
“Ofcourse, kinausap ko lang naman.”
“You still love me?” tanong niya.
“What? Ofcourse. I love you so much”
“Hayyy Thank God. I love you too”
“Hehe, sleep tight okay? Alam kong pagod ka.”
“Yes babe, I will. I love you too”
Binaba na uli namen yung tawag at dumiretso na ako sa office.
+++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
JOKE LANG YUNG LAST 10 CHAPS AHAHAH EXTENDED PO HIHI. MWA. WALA KAYO MAGAGAWA AKO AUTHOR HAHA.
Part 54
Shoutout sa mga little monsters diyan!! Haha alam niyo na kung gaano ko kamahal si Lady Gaga? Okay lang na single basta nandiyan si #JOANNE
😊😊
Pakinggan niyo sa YOUTUBE, SPOTIFY, TAPOS VOTE NIYO SA MYX PARA MAG NUMBER 1 YUNG “PERFECT ILLUSION” super ganda. Para sa mga iniwan yan! Pakinggan niyo na dali haha.
++++++
Ang weird ng pakiramdam ko ngayon. Kanina lang ang gaan gaan ng loob ko matapos ng usapan namen ni Sir Benj pero parang sumobra ata ako.
Pero okay na rin siguro na ganon. Hahayaan ko na lang, siguradong lilipas yung usapan namen. At saka sa meeting lang naman kami nagkikita palagi kaya hindi ko na siya kailangan pang kausapin.
Pag uwi ko naman sa bahay, nakita ko si Tom na nagiinom mag isa sa sala. Tinignan ko yung oras, alas otso pa lang.
“Uy, bakit parang ikaw lang tao?” sabi ko.
“Nasa taas na sila eh hehe.” sagot niya.
“Aba, mukhang problemado ka at nag iinom ka magisa ah?”
“Hindi…. Makikitulog sana ako dito kung ayos lang?” tanong niya.
“Aba oo naman!”
“Hehe salamat, tara, shot tayo” yaya niya.
Medyo awkward pa saken pero mukhang kailangan niya ng kausap kaya dinamayan ko na siya.
“Aakyat na rin ako maya maya ahhh?” sabi ko
“Sure, 12 hours yung pagitan ng oras dito sa New York diba?”
“Huh?”
“Hehe, yung boyfriend mo. Diba nasa New York?”
“Hay nako bwisit man! Chismoso ka talaga haha!”
“Namiss ko yang pagtawag mo saken ng bwisit man ah! Haha”
“Napakachimoso mo paano mo nalaman!”
“Pulis ako diba? Mahilig akong mang imbestiga haha. At saka okay lang naman yon, may mga kakilala naman ako na ganyan kaya huwag kang mahiya.”
“Hindi kaya ako nahihiya!”
“Halata naman eh. Proud na proud ka pa haha”
“Hello, nakita mo naman na siya diba? Hindi ka ba mayuyummyhan doon?”
“Tahong type ko, tol. Ayoko ng sausage haha”
“Excuse me, jumbo hotdog yon, hindi lang basta sausage.”
Natawa siya ng malakas at kahit ako hindi ko alam kung bakit ayon yung sinabi ko. Medyo nahiya ako kaya napainom na lang ako.
“Mukhang may problema ka ah? Baka gusto mo naman ishare?” bigla ko na lang binago yung topic.
“Ahhh… Hindi, wala. Nagpapaantok lang talaga ako”
“Sus, ikaw pa. Ang lakas mong mang asar, hindi naman ganyan kababa energy mo nung nagkakausap tayo noon eh!”
“Haha, hindi… Syempre, nag aadjust pa rin ako.”
“Sabagay. Ang hirap pa rin paniwalaan eh. Hindi naman tayo magkamukha.” sabi ko.
“Loko, nagmana ako sa nanay ko eh haha. Nako, ayoko munang pag usapan yung mga yon. Eh wala rin naman kasi akong ikekwento. At saka medyo nakakailang.”
May point siya. Ayoko rin pag usapan yung tungkol doon.
“Pero ano bang problema mo? Pwede mo naman kasi ishare saken eh.” sabi ko.
“Medyo…. Nakakahiya kasi.”
“Ano nga?”
“Hindi. Huwag na.”
“Hala, ang arte. Pulis ka ba talaga? Ano nga kasi!” pangungulit ko.
“Ikaw.”
“Ako?”
“Oo. Ikaw.”
“Anong meron saken?”
“Ang ibig kong sabihin. Kayo. Kayo na lang kasi yung totoo kong pamilya, andiyan nga si Benjie kaso pa minsan minsan lang. Sa tuwing kasama ko si Butchok, palagi akong natutuwa kasi Kuya yung trato niya saken. Sa tuwing sinusundo ko siya, ayon, nakakatuwa….. Ewan ko, parang gusto ko…..”
“Gusto mong?….”
“Parang gusto ko kasi kayong kasama. Gusto ko kayo maka close. Wala naman na akong ibang mapupuntahan eh. Pero nahihiya lang ako.”
Naka uniform pa siya ng pang Pulis tapos nagdadrama siya ng ganito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero deep inside natutuwa ako. Gusto ko rin naman makilala si Tom, kasi kahit papano Kuya ko siya.
“Edi dito ka na lang tumira.” sabi ko.
Natuwa siya. Pero nalungkot uli.
“Nahihiya nga ako.”
“Haha, ang arte mo! Dito ka na nga lang. Para may pulis naman kami rito di’ba? Haha”
“Hindi ko alam….”
“Ano ka ba, gusto rin kita makilala. Nahihiya lang din ako. Nagkakahiyaan lang tayo. Edi kung ganon, walang mangyayari saten niyan. Kaya dito ka na lang tumira.”
Hindi siya sumagot at alam kong deep inside, gusto niya.
Bago pa ako makapagsalita uli, napansin kong tumatawag si Sir Jack saken via video call.
Tumayo muna ako saglit at pumunta sa may kainan.
“Good Morning” bati ko sa kanya. Halatang bagong gising siya dahil sa itsura niya. Gulo gulong buhok, yung matang singkit dahil sa kakagising lang pero kahit ganon e sobrang gwapo pa rin.
“Good Evening diyan. Oh bakit parang namumula ka? Umiinom ka ba?”
“Magsasabi pa lang sana ako eh. Hehe, opo. Nagiinom po”
“Hehe, okay lang. Si Jaycee kasama mo?”
“Hindi po. Si Tom.”
“Tom? …. Yung step brother mo?”
“Opo. At saka sinabi ko pala sa kanya na dito na lang siya tumira. Okay lang ba?”
“Nge eh bakit nagpapaalam ka pa saken? Okay lang naman eh, dapat nga matagal niyo ng pinatuloy yan sainyo para nakilala niyo pa”
“Buti naman pumayag ka hehe.”
“Bakit naman ako hindi papayag? Eh dapat kinoclose ko na rin yan. Kasi sa future magiging bayaw ko yan diba?” sabi niya.
Hindi ko alam kung naririnig ni Tom yung pinag uusapan namen, naka loudspeaker kasi siya.
Syempre ako, ngumiti at kinilig ng todo.
“Nga pala babe. Uhm, napaka OA ng schedule ko ngayon halos walang time kahit kumain. Kapag hindi ako nakatext ibig sabihin busy ako ah. Babawi ako pag uwi ko ha?” sabi niya.
“Okay lang. Naiintindihan ko.”
“Pero for now, I have 20 minutes to talk to my super pogi na future mapapangasawa ko.” ngumiti siya. Yung ngiti na sobrang nakakakilig.
“Wait lang, aakyat lang po ako.” nagpaalam muna ako kay Tom at umoo naman siya. Pero gusto kong mafeel ni Tom na welcome talaga siya rito kaya pinakilala ko sa kanya si Sir Jack.
“Oh… Babe, si Tom, ang Kuya kong pulis. Oh, si Jack…. Boyfriend ko.” pakilala ko.
“Oy bayaw!” sabi ni Sir Jack.
“Haha, bayaw!” sagot naman niya.
“Pahiram muna sa mahal ko ah? Hehe may pasok na kasi ako maya maya eh” sabi ni Sir Jack.
“Sure bayaw!”
Natatawa lang ako sa kanila at umakyat na nga ako sa kwarto para kay Sir Jack.
+++++
Alam kong ngayon na kami pupuntang Pampanga para sa meeting. Kaya umaga palang, nasa office na ako para gumawa ng reports.
Habang gumagawa naman ako, napansin kong may nagtext na saken. Baka nakauwi na si Sir Jack. Nung tinignan ko, si Sir Benj yung nagtext pero hindi siya nangungulit ngayon, business talk lang.
“Sana ready ka na sa report mo later.” sabi niya.
“Yes, sir.” reply ko na lang.
“Good. See you later.”
Hindi na ako nagreply. Baka ano pang isipin niya.
Pagkatapos ko naman, bumaba na ako kaagad at nagpahatid kay Adrian. Kailangan ko pa kasing aralin para siguradong hindi ako papalya mamaya.
“Balita ko doon na titira sainyo si Tom ah?“biglang sabi ni Adrian habang nasa gitna ng byahe.
“Ahhh oo…”
“Iiwan na niya ako, wala na akong kasama!” medyo madrama niyang sabi pero hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa report.
“Nako, ang seryoso ng boss ko. Ayaw mamansin”bigla niyang sabi.
“Tumahimik ka diyan.”
“Ay grabe talaga”
Hindi ko na lang pinansin. Manang mana sa kakambal, napakalakas mangbwisit.
Nakaidlip pala ako sa byahe namen at ginising lang ako ni Adrian dahil nandoon na raw kami. Nag asikaso naman ako para umakyat at medyo maaga pa nga ako kasi tatlo pa lang tao doon, kasama si Sir Benj.
Lumapit siya saken. Casual lang. Parang walang nangyari.
“Okay na ba lahat?” tanong niya.
Pansin ko naman yung namamaga niyang mata. Ayokong maapektuhan pero iba talaga yung aura niya.
“Opo, Sir.”
“Set up na natin para dire diretso na tayo mamaya” sabi niya
“Ako na po” sabi ko. Pumayag naman siya at ako na yung nag set up mag isa.
Tinignan ko yung oras, 8 na. Pero hindi pa rin nadadagdagan yung tao.
Medyo nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo muna ako at tumingin sa may pantry kaso wala naman pagkain.
Pagbalik ko, may styro na ng pagkain sa may pwesto ko at tubig.
“Gutom ka ata? Ayan. Korean food.” biglang sabi ni Sir Benj.
“Okay lang. Busog pa ako” pagsisinungaling ko. Pero kumukulo na talaga yung tyan ko.
“Talaga? Sige na. Huwag ka ng mahiya. Alam kong gutom ka. I know that face, ganyan ka kapag gutom.”
“Thank you sir. Tubig na lang siguro” sabi ko naman.
“Okay. Uhm, sige lalabas na muna ako.” paalam niya.
Nung lumabas siya ng kwarto, parang kinakausap ako ng korean food na naka styro sa harapan ko.
“Kainin mo na ako!” parang sinasabi saken ng pagkain.
“Ayoko!” sagot ko sa isip ko, hindi ko sure kung sa isip ko sinagot o talagang nagsalita ako.
“Gutom ka na. Pagkain lang ako. Ayon purpose ko. Kainin mo na ako.”
“Tumahimik ka!”
“Masarap ako. Sobrang sarap. Diba eto paborito mo. Korean food na spicy. Yummy… Eat me, Ethan. Eat me. Eat me. Eat me.”
Napepressure ako, ang dami ng tumatakbo sa isip ko sa gutom.
“Eto na!!” napasigaw ako.
Tumingin tuloy saken yung dalawang tao sa kwarto.
“Eto na……. Eto na……. Waaaa…. Dobidoo dobiii dooo bidoo bidoo hehehe sorry po kumakanta lang po. Dobidoo po by Kamikazee hehe” sabi ko sa dalawa.
Hindi naman nila ako pinansin at nagtuloy sa kwentuhan. Binuksan ko yung pagkain at shet, sobrang sarap sa paningin.
Tinignan ko muna baka papasok si Sir Benj, mukhang hindi naman kaya nagsimula na akong kumain. Shet, para akong patay gutom. Gutom na gutom pala ako, hindi ako aware. Ang sarap ng kinakain ko, sobra.
“Oh, tubig. Baka mabulunan ka diyan” biglang sabi ni Sir Benj sa gilid ko. Hindi ko namalayan na pumasok na pala siya.
Hiyang hiya ako nung inabutan niya ako ng tubig.
“Tinitikman ko lang kung masarap” sabi ko
“Ahhh…. Okay, sabi mo eh. Masarap naman ba?” tanong niya. Mukhang nang aasar siya sa tingin niya.
“Sakto lang. Pwede na” sabi ko.
“Ohh… I see. Okay sige, lalabas na ako uli. May tatawagan lang ako hehe”
Paglabas naman niya, inubos ko na ng mabilis yung pagkain. Simot na simot, tinapon ko na sa basurahan yon at bumalik sa pwesto ko. Pumasok na uli si Sir Benj at tumabi 2 seats apart from me.
“Busog?” sabi niya.
Nag thumbs up lang ako.
“Naubos mo ba?” tanong niya uli.
“Hindi po. Natapon po eh. Sayang nga” sabi ko na lang.
“Ahh… Natapon…. Okay.” ngumiti siya na sobrang lakas mang asar.
Hindi ko na lang siya pinansin at maya maya, nagsisidatingan na yung mga tao. 9 pala yung meeting. Sobrang aga ko lang talaga kumilos.
Huminga na ako at tumayo nung nakarating na lahat ng inaasahan. Pumunta ako sa harap at nagsimula na yung presentation ko.
+++++
Naitawid kong mabuti yung report ko at natuwa naman silang lahat. Kailangan ko talaga mag bida bida dito, sayang kasi opportunity.
Pagkaupo ko, katabi ko na pala si Sir Benj.
“Nice. Ready na ready ah?” sabi niya.
Umoo lang ako.
“Uhm. Kanina pa pala may tumatawag sayo” bigla niya pang sabi. Nung tignan ko, si Sir Jack yon! Kaya kinuha ko yung phone ko at lumabas.
“Hello, sorry. Nasa meeting ako. Nasa bahay ka na?” sagot ko.
“Yeah. Ngayon lang. I’m tired babe. Wish you were here”
“Hala huwag ngayon. Mamaya magdrama din ako nasa meeting pa naman ako.”
“I’m sorry babe. Miss na miss lang talaga kita. You know, pwede kang pumunta rito. Dalaw ka, sama mo sila mama at Butchok.”
“Hala, mahal at saka ang dami ko pang gagawin hays. 1 week lang naman extension mo diyan diba?”
“Yes. Tapos ko na yung kalahati ng gagawin ko para bukas. Talagang minamadali ko para makauwi na ako!”
“Hehe good.”
“But really punta ka rito. I want a date with you right here. Kahit summer eh ang romantic ng place. Ikaw lang naaalala ko kapag nakakakita ako ng couples dito.”
“Mamaya tumitingin ka na sa iba diyan ah?”
“Sus. Bakit ako titingin sa iba eh nahanap ko na yung one and only ko?”
“We????promise?”
“You are my only one.” bigla niyang kanta.
“Sus….”
“Haha. I love you so much,”
“I love you too.”
“Uhm, I love you so much pala uli. Hindi ko kasi nasabi kaninang umaga eh. Tapos I love you so much uli kasi hindi ko nasabi nung tanghali. Tapos I love you so much uli cause I love you every single second of my life”
Ang cheesy talaga ni Sir Jack pero sobrang nakakakilig.
“May banat pala ako before you go back to your meeting” sabi niya.
“Sige, ano?”
“Melon ka ba?” sabi niya.
“Hindi. Bakit?”
“Cause you’re one in a melon”
“Ahhh ganon?!”
“Hindi ka ba natuwa?”
“One in a million? Ibig sabihin may 7000 pa na katulad ko?”
“Ohhh… Hindi po…. Eto na lang. Kapag magkasama na tayong dalawa, magsasawa ka sa kama!”
“Hmp. Siguraduhin mong maganda yan ah! Bakit?”
“Magsasawa ka sa KAMAmahal ko sa’yo”
Napangiti ako ng slight pero slight lang.
“One in a million pa rin naaalala ko” sabi ko.
“O sige, last na. Knock knock”
“Who’s there?”
“Kita”
“Kita…. Who?”
“Mahal na Mahal Kita.”
Natahimik ako at ayaw kong iparinig sa kanya yung kilig ko nung mga oras na yon.
“Babe, andiyan ka pa?” sabi niya.
“Ahhh… Opo. Andito pa”
“Hehe, okay na ba?”
“Okay na nga sige na.” pabebe ko pang sabi.,
“Yes! Sige na, balik ka na. Galingan mo ah? Nakahiga na ako then matutulog na. Sobrang pagod eh.”
“Sure, Goodnight”
“Goodluck diyan. I love you” binaba na namen yung tawag at bumalik na ako sa loob.
Pagkatapos ng meeting, hinarangan uli ako ni Sir Benj. Hindi naman ako umiwas, hinayaan ko siya sa sasabihin niya.
“I’m sorry sa kahapon. Hindi ko inaasahan yung ganung usapan natin” panimula niya.
“Ahh hayaan mo na lang hehe”
“Oh hindi…. Uhm, to be honest gusto ko humingi ng sorry….”
“You don’t have to…”
“Pero kailangan. Look, hindi kita guguluhin. I just wanna say I’m sorry.”
Simple yet effective. Damang dama mo yung sincerity sa pagsabi niya non.
Ngumiti lang ako.
“I know that it’s weird. But can we be friends? For all time sake” sabi niya.
Hindi ako sumagot pero sa isip ko, kailangan ko ng peace of mind. Dahil sa nangyari kahapon, nalabas ko lahat ng sama ng loob at sa tingin ko, wala na yung galit ko towards him.
“Sige, sure” inabot niya yung kamay niya at nakipakamay naman ako.
“Friends?” tanong niya uli.
“Friends.”
+++++
VOTE AND COMMENTS!!!!!
Part 55
++++
Balikan lang kami from Pampanga to Manila. Hindi naman kami nagsabay ni Sir Benj pababa at nauna ako. Andun naman si Adrian kaya bumyahe kami kaagad pauwi.
Walang text si Sir Jack saken kaya ako na muna yung text ng text sa kanya. Alam ko kasing busy siya eh.
Pagdating sa bahay, dumiretso kaagad ako sa kwarto at humiga. Sobrang pagod ko physically and mentally kaya nagpahinga na muna ako.
Medyo napasarap na yung tulog ko at nagising na lang ako dahil kay Butchok at sa pagdila sa mukha ko ni BE.
“Sorry Kuya, si BE kasi eh ang ingay” sabi ni Butchok. Bumangon naman ako kaagad.
“Ohh…. Kumain ka na ba?” tanong ko.
“Oo Kuya. 9 na kaya”
“Talaga? Hay. Sorry, pagod lang ako. Hindi na ako nakakapaglaro sa’yo”
“Okay nga lang Kuya. Ang kulit hehe at saka kasama ko naman si Kuya Tom palagi ehh”
“Oh? Kumusta pala si Kuya Tom mo? Okay ba kasama?”
“Opo. Palagi pang nanglilibre pag nasa school, siya na rin tumutulong saken sa assignments.”
“Nako, mukhang mas love mo na siya kesa saken ahhh?”
“Hala ang drama ni Kuya! Syempre ikaw pa rin!”
“Sus, promise yan ah?”
“Oo naman Kuya!”
“Oh, gusto mo alis tayo this weekend?”
“Sige kuya pero nasan na ba si Kuya Boss? Kailan ba siya uuwi?”
“Malapit na. Nextweek sigurado nandito na yon hehe”
“Talaga? Sana kasama natin siya! Miss ko na rin siya eh.”
“Ako rin Miss na miss na” sabi ko.
Bigla namang nagpapansin si BE samen at sumingit sa kwentuhan. Nagpapacute pa kaya pinansin ko muna siya.
Kahit bakas siya ni Sir Benj, mahal na mahal ko tong si BE. Kasama rin siya sa pagmomove on ko non kay Sir Benj.
“Kuya, may tanong pala ako sa’yo” biglang sabi ni Butchok.
“Ohh. Ano naman yon?”
“Boyfriend niyo po ba si Kuya Boss?”
Nagulat ako sa tanong niya! As in. Napatingin ako kay Butchok at ang seryoso ng tingin niya.
“Nako, saan ba nanggaling yan?”
“Narinig ko lang po sa usapan niyo ni Kuya Tom kagabi”
“Nako kang bata ka. Napaka chismoso mo”
“Kuya, malapit na ako mag 14. Alam ko na yung mga ganyan. Pero okay lang naman saken yon, mahal na mahal pa rin naman kita.”
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at ngumiti na lang ako.
“Binata ka na talaga!”
“Natatakot ka ba na maging ganyan din ako, Kuya?” tanong niya pa.
“Hala, bakit ganito pinag uusapan natin? Baby pa rin kita kaya huwag mo ng isipin yung mga ganyang bagay”
“Kasi sabi saken ni Kuya Tom, kaya daw baka hindi mo sinasabi saken yung tungkol sa ganyan eh dahil baka matulad ako sayo”
“Sinabi niya yon?”
“Opo, pero ang sabi ko naman wala naman masama sa pagiging ganyan. Diba? Hindi niyo naman po kasalanan na nainlove din kayo sa lalaki”
Nagugulat ako sa sinasabi ng kapatid ko. Masyadong pang mature.
“Alam mo kasi, komplikado pa para ipaliwanag ko sayo yung lahat. Kaya kung ano na lang nakikita mo, ayon na lang paniwalaan mo. Diba, okay naman sa’yo si Kuya Boss mo?”
“Okay na okay po. Hehe, okay kuya naiintindihan ko po.”
“Good. At saka dapat ikaw bibigyan mo ko ng maraming pamangkin!”
“Haha, si Kuya. Paano kung lalaki din gusto ko?”
“Bakit? Ayun ba gusto mo?” tanong ko.
“Hindi po Kuya. Sa ngayon po gusto ko babae, pero malay niyo po mag iba. Hindi ko naman po pwede sabihin kaagad na babae makakatuluyan ko. Paano kung mas sasaya din pala ako katulad mo diba? Sa huli, kung saan ka naman masaya, ayon dapat yung sundin mo”
I’m speechless. As in. Ayoko pa kasing tanggapin sa sarili ko na malaki na si Butchok kaya baby ang turing ko sa kanya. Pero dahil sa usapan namen, parang kailangan ko ng ilet go ang pang bababy sa kanya.
Niyakap ko siya ng mahigpit at ganon din ginawa niya.
“Ikaw. Mag aral kang mabuti at kung ano ka pa. Tatanggpin kita. Ha? Kaya huwag kang matatakot na magkwento saken” sabi ko naman.
“Opo Kuya!”
“Good. Bumalik ka na sa kwarto mo, matulog na!”
“Hehe opo. Goodnight Kuya.”
“Goodnight. Goodnight din BE!” lumabas na silang dalawa ng kwarto ko at nahiga na uli ako. Sakto naman, biglang tumawag si Sir Jack saken.
“Good Morning.” bati ko.
“Tinanghali ako ng gising. Sorry po, sobrang pagod ko kasi.”
“Okay lang hehe. Anong agenda for today?” tanong ko.
“Meeting. Meeting. Meeting. At syempre ang mahalin ka.” sabi niya sabay kindat.
“We? Hehe”
“Gusto mo ba ng panibagong banat?” tanong niya.
“Sige, dapat maganda yan ah?”
“Sige. Si Ethan ka ba?”
“Oo. Ako si Ethan”
“Ay,walang participation.”
“Hehe, sige. Bakit?????” tanong ko.
“Gusto kasi kitang ETHAN-nan”
Pinigilan kong ngumiti pero hindi. Talagang kinilig ako.
“You like that?” sabi niya.
“Hmmm… Pwede na, bakit itatanan mo pa ako, pwede mo naman akong ipagpaalam dito samen”
“Woooo…. Sige meron pa.”
“Sige, ano?”
“Si Ethan ka ba?”
“Bakit?”
“Ikaw kasi ang ETHANitibok ng puso’t isip ko.”
“Nako……. Kota na po” sabi ko.
“Ayieeeee…. Pero nakasmile siya. Why are you smiling like that?”
“Ehhh pinapakilig mo ko ehh!”
“Wooo, baka may iba ka ng pinagiinETHAN diyan ah?!”
“Hahaha nasingit mo pa yon?”
“Hehe. Kakaisip ko lang non. Inspired kasi ako sa kaharap ko eh. Feeling ko magiging masaya araw ko today!”
“Nako dapat lang!”
“Mas sasaya kapag ikikiss ako ni Ethan. Wala pa kasi siyang goodmorning kiss ehh” tinutok niya yung cam sa may pisngi niya at nagpapakiss.
Kiniss ko naman siya pero bigla siyang humarap sa cam.
“Nako, nagnanakaw ng halik!” bigla niyang sabi.
“Ayaw mo ba?”
“Ayoko oh. Babalik ko dali. Akina yung labi mo!”
Natatawa ako kasi ang hyper niya ngayon. Sabagay, kakagising lang.
Bigla naman akong nalungkot. At ganon din siya.
“Sobrang miss na kita” sabi ko.
“Ako rin. Hays. Kakantahan nalang kita, gusto mo?”
“Sige sige….”
Nag isip siya ng kanta at nung may naisip siya, bigla siyang nagsimulang kumanta.
“ Right here today, I’m ready to love with all my heart With you today, I’m willing to take a chance and start“
Hindi ako familiar sa kanta pero ang ganda ganda ng kinakanta niya.
“I will hold on to a promise I will never ever go”
“Anong kanta yan,“tanong ko. Pero hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa kanta.
“ A love to last that I’ve been waiting for The one I hoped fin’lly knocked on my door“
Grabe, naiiyak ako sa kinakanta niya. Damang dama ko kasi bawat lyrics sa kanta.
“I was so lost, I don’t know what to do Somehow I found you”
Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakanta. Ang gwapo pa rin, plus kinakantahan pa ako
“The missing piece, what I need in my life A love so true, words just cannot describe A perfect vision of you and I”
Ngumiti siya pagtapos niyang kumanta. Ako naman, inalala ko kung gaano ako kasaya na kasama siya.
“I love you.” bigla niyang sabi.
“I love you too. Gusto kong pumunta diyan.” sabi ko.
“Talaga?!!!” halos sigawan niya ako.
“Opo. Hindi ko na kaya, miss na miss na talaga kita.”
“Talaga ba??? Shit. Sige!!”
“Hehe, magfifile muna ako ng leave kapag approved, diyan ako. Okay?”
“Syempre ipapaapproved ko kaagad yon! Naeexcite ako, babe!!” kitang kita naman sa itsura niya. Napatayo pa siya sa kama niya.
“Kalma po. Hehe,”
“Hehe. What is kalma kung pupunta yung mahal ko rito diba? Naiimagine ko pa lang na nandito ka, parang hindi ko na kaya! Naeexcite talaga ako”
“Hala, baka hindi matuloy. Huwag ka na muna maexcite.”
“Hehe, sorry” bigla niya akong tinadtad ng halik grabe, naiiyak talaga ako kasi sobrang miss na miss ko na siya.
Wala akong magawa kundi yakapin lang yung unan.
“Sabi na nga ba magiging maganda tong araw na to e hehe. Halaaaa babe, late na pala ako!! Mag aasikaso na ako!”
“Sige sige, inaantok na rin ako ehh.” sabi ko.
“Sige, huwag mo na lang patayin yung cam, pagmamasdan kita habang natutulog.”
“Hehe, sige sige.” sagot ko. Nahiga na ko ng maayos at inayos ko yung phone ko para makita niya ako. Naiiyak pa rin ako pero di ko na pinahalata sa kanya. Maya maya, nakatulog na rin ako.
++++
Nag file kaagad ako ng leave, 5 days, kinabukasan pagkapasok ko sa office.
Hindi rin nagtagal, pumunta na uli kami ng Pampanga. Nagpahatid uli ako kay Adrian habang gumagawa ako ng reports.
“Uy, boss taray!” biglang sabi ni Adrian.
“Ano?”
“Gusto mo magbakasyon?”
“Busy ako”
“Taray naman neto, hindi naman ngayon. Kasi uuwi akong Isabela, baka gusto mo sumama?”
“Isabela? Akala ko ba wala ka ng Pamilya?”
“Ay sinong kausap mo non? Wala naman akong sinasabi ah? Haha.”
“Ay, okay.”
“Ano nga? Sama ka?”
“Nope.”
“Sus, bahala ka. Sayang. Maganda doon samen, hindi ganito itsura. Probinsiyang probinsiya!”
“Ahh” maikli kong sagot. Salita pa siya ng salita pero hindi ko siya pinapansin. Naramdaman naman niya yon kaya tumahimik din siya kaagad.
+++
“Uy, kinakamusta tayo ni Sir Miggy at Cielo” sabi ni Sir Benj pagtapos ng meeting namen.
“Oh bakit daw? Hindi ba nila alam yung panlolokong ginawa mo?”
“Ay grabe. Akala ko ba friends na tayo?”
“Bakit? Wala naman akong sinasabing masama ah. Hindi ko sinabi yon as galit, sinabi ko lang siya. Ayon lang.”
“Ahh,., hehe, syempre hindi ko sinabi”
“So alam niya tayo pa rin?”
“Siguro. Ewan, diba, matagal na kayo ni Zachary? Baka naman hindi na”
Yung usapan nameng dalawa, casual lang. As in.
Ako naman, parang wala lang. Parang nakikipag usap lang ako sa boss ko na nakalandian ko. Ganon lang.
“Nagugutom ako, kain tayo? Korean food?” yaya niya.
“Ahh hindi na, kainin ko na lang yung pagkain na binigay dito sa meeting”
“Nako, kanin at BBQ lang yon, hindi masarap. Mas masarap korean food.”
“Nope. Okay na ako”
“Woo… Naiilang ka lang saken eh. I understand.”
“Excuse me?”
“Wala hehe. Sige, dito na lang din ako kakain” sabi niya.
“Okay.” sagot ko naman.
May mga kasabayan naman kaming kumain pero saken pa tumabi si Sir Benj. Nakikipag usap siya sa may katabi niya pa at ako naman tumitingin sa phone ko baka magtext si Sir Jack.
“Ayy grabe, kung ako yung boyfriend siguradong itetext kita palagi. Kahit malayo ako” sabi niya.
“Different time zone, remember? Tulog siya don ngayon”
“Ohhh… I see, uhm. So, saan kayo pumunta ni Jaycee?” tanong niya.
“Jaycee? Hindi kami nagkita”
“Ay talaga? Aware ka naman na sila na ni Stephen diba?”
“ANO?!”
“AY di mo ba alam. Hehe, shhhhh kuwari di ko sinabi sayo!”
“Seryoso ka?!!”
“Oo, sila na. Magkausap kami ni Stephen kagabi eh.”
“Tsk!”
“Oh bakit ka nagagalit? Ayaw mo ba kay Stephen para sa bestfriend mo? Hay nako fuckboi man si Stephen sa paningin mo, nagbago siya para sa bestfriend mo”
“Duh, wala naman akong problema sakanila. At saka buti pa tropa mo no? Nagbago.” sabi ko
“Aww… Throwing shade I see,”
“Haha no I wasn’t.”
“We? Okay lang naman. We’re friends naman diba?”
Hindi ko siya pinansin kasi tinatawagan ko si Jaycee.
“Nako, huwag mo ng kontakin yan. Baka nag aanuhan lang yon sa condo nila”
Hindi nga niya sinasagot. Medyo nakakalungkot kasi hindi sinabi ni Jaycee saken, nalaman ko pa kay Sir Benj.
Naiwan pa si Sir Benj sa kwarto at ako naman bumaba na at nagpahatid uli kay Adrian pabalik ng office
+++
Papasok na ko sa lobby ng office ng makita ko si Tom na nakaupo at mukhang may hinihintay. Nakasuot pa siya ng uniform niya.
“Uy” bati ko.
“Uy”
“May problema ba? Bakit ka nandito?”
“Ahh… Wala, hinihintay ko lang girlfriend ko.”
Sakto pagkasabi niya biglang lumapit sa kanya si Laura at niyakap niya yon ng mahigpit.
“Wait, magkakilala kayo?” biglang sabi ni Laura nung nakita niya kaming magkausap.
Natawa kami ni Tom. Grabe lang yung mundo, ang liit liit.
“Please, don’t tell me hindi naging kayong dalawa. Kasi ayoko ng kaagaw si Ethan” sabi ni Laura.
“Haha, ikaw na magpaliwanag sa kanya ha? Aakyat na ako. At no ang sagot sa tanong mo” sabi ko kay Laura bago ako umakyat sa office ko.
Pero pag tingin ko, bukas yung pinto ng opisina ko at pag tingin ko, may lalaking nakatayo sa may tapat ng bintana at tinitgnan yung view sa labas.
“Uhm, excuse me?” sabi ko.
Lumingon siya at nagulat ako kung sino yon.
Yung may ari ng company!!
Yung papa ni Sir Jack.
“Sir!” sabi ko.
Hindi siya sumagot at tinignan niya lang ako ng seryoso.
Medyo nakakatakot lang kasi mukhang strikto talaga siya. Nakuha ni Sir Jack yung tangkad pero yung itsura, hindi masyado. Pero makikita mo naman yung resemblance.
“Sir, akala ko po nasa New York kayo?” tanong ko.
“Well I have to leave for an important meeting” sabi niya.
Nakakatakot din yung boses, ang laki.
“Tinignan ko yung resume mo, that’s really an impressive one. You’re only 19 when you graduated. Good grades, outstanding records.”
Bigla naman nagbago yung topic niya.
“You see, I heard na umuwi si Jack ng Pilipinas the other day? Uhm, I don’t know why. Akala niya siguro otso pesos lang yung pamasahe” sabi niya.
Hindi ako makasalita. Parang may nararamdaman kasi akong iba.
“Akala ko naman importanteng importante yung pagbalik niya. To think na, ikaw pala yung dahilan ng yon” diretso niya akong tinignan sa mga mata. Kinilbutan talaga ako.
“Ahhh hindi ko….” hindi niya pinatapos sinasabi ko.
“Umalis na siya ng condo niya at lumipat ng bahay. I didn’t know that. Tinanggihan niya yung trabaho sa New York. First time niya akong sinuway.”
Naglalakad lakad lang siya sa office ko at nakita ko yung picture frame sa may table ko kung saan nandoon yung picture namen ni Sir Jack.,
“Never niya akong sinuway. So I guess, naka move on na siya kay Hannah at may bago na siyang girlfriend”
Gusto ko magsalita pero hindi ko magawa.,
“But I was wrong again. Kasi meron siyang boyfriend!! Nakakadiri kayo!” sigaw niya saken.
Gustong lumaban ng katawan ko pero hindi ako makapag isip.
“Hindi ko pinalaki yung anak ko para maging bakla lang! At hindi ko siya pinalaki para lang makatuluyan mo! Kung ano man meron sainyo, oh God forbid sana wala, tapusin mo na!”
“Sir….”
“Oh now you’re crying? Fvck that sht! I practically own you kaya kung hindi mo gagawin, well.. Alam mo na mangyayari” sabi niya pa.
Nagagalit ako sa kanya at the same time nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ako makalaban.
“I know Hannah personally, and trust me. Sobrang layo niyo sa isa’t isa. Kaya please, son. Do yourself a favor and leave my son. Mahilig sa adventure yung anak kong yon kaya baka nadadamay ka lang”
“Hindi po ganon si Jack” sabi ko. Buti na lang nasabi ko sa kanya.
“But son, you have no choice. Hindi na babalik si Jack dito sa Pilipinas. He’ll stay in New York for good.”
“No! Babalik siya!”
“Well I doubt that if I have his passport an Visa.”
Naiiyak na talaga ako pero pinipigilan ko.
“You can keep this precious job, and good records. I can promote you and transfer to Europe if you want. Just, leave my son.”
+++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 56
Natakot ako sa papa ni Sir Jack pero mas natatakot ako kung mawawala si Sir Jack saken.
Naiisip ko pa lang na maghihiwalay, parang hindi ko kaya. Masyado ko ng mahal si Sir Jack, pero mahirap kalaban ang magulang. Sobrang hirap.
Hindi muna ako umuwi, tumambay muna ako sa Mozu, nag inom mag isa. Tinatawagan ko at tinetext si Jaycee pero hindi pa rin siya sumasagot.
Naka 5 bote na ako. Hindi naman ako sanay uminom kaya medyo nahihilo na ako. Gusto ko na rin umuwi para makapagpahinga kaya tinawagan ko si Adrian para magpasundo.
Hindi rin naman nagtagal eh dumating na siya rito.
“Aba, mag isang nag iinom. Siguradong problemado ka!” bigla niyang sabi. Sabay inom sa isang bote pa sa lamesa.
“Hatid mo na ako sa bahay” sabi ko.
“Oh, wait lang. Alam kong problemado ka, kaya maganda kung pag uusapan nating dalawa ’to!”
“Wala ako sa mood.”
“Nako, please, Adrian? Wala akong gana.”
“Sus. KJ mo naman. Halika na nga!” sabi niya. Hindi naman ako pagewang gewang maglakad pero feeling ko babagsak ako kapag mag isa ko lang.
Sinakay niya ako sa kotse at umalis na. Ginigising na lang niya ako pero pagtingin ko sa labas, wala kami sa bahay. Nasa sea side kami sa Roxas Boulevard.
“Bakit tayo nandito?!” medyo inis kong sabi.
“Ano ba. Kailangan mo muna ilabas yung problema mo bago ka umuwi. Alam kong mabigat yan! Halika na. Bumili akong pagkain, para matanggal din yung lasing mo”
Wala na akong lakas para makipagtalo sa kanya kaya sumunod na lang ako. Ang presko naman dito kaya nag enjoy na rin ako kahit papano.
“Ohh….” inabutan niya ako ng cup noodles.
“Seryoso, saan ka nakakuha neto?”
“Ayan o, 7/11 sa tapat. Jusko naman!” magkatabi kaming dalawa habang nakaupo at nakatingin sa dagat. Tho, wala akong makita, yung tunog lang ng dagat eh nakakakalma na.
“Oh, ilabas mo na yan. Ano bang problema mo?” tanong niya.
Pero hindi ko sinabi sa kanya. Nako, bakit ko naman sasabihin sa kanya diba?
“Sus. Ayaw pa mag share saken. Ilabas na yan….. Dali na….” pangungulit niya pa.
“Lasing ako, baka mabuhos ko sayo tong kinakain ko!” sabi ko sa kanya.
“Ay naniniwala ako sa sinasabi mo kaya tatahimik na lang ako”
Ganon nga ginawa niya, inenjoy ko muna yung mainit na sabaw na hinihigop ko ng bigla siyang nag salita.
“Pwede ba akong magkwento sa’yo?“bigla niyang sabi.
“Okay” ayun lang sagot ko.
“Uhm, alam mo ba ang laking pasalamat ko sa’yo dahil sa trabaho kong ’to?”
“Nasabi mo na yan ehh”
“Hehe, gusto ko lang magpasalamat. Ang dali lang, at saka ligtas, at saka nagkakaroon pa ako ng oras para sa anak ko.”
Natigilan ako sa kinakain ko.
“Anak mo?” tanong ko.
“Ay oo. Hindi ko ba nasabi sa’yo? Hehe. May anak na ako. Isang napakagandang babae.”
Wow, hindi ko ineexpect.
“Suspended ako dahil nanapak ako ng officer ko diba? Nakita ko kasi kung paano niya tratuhin yung pulubing babae sa may eskwelahan. Naawa lang naman ako sa bata tapos pinagsabihan na ako ng kung ano ano. Ayon nasapak ko.”
Hindi ko alam na may ganito pala siyang side.
“Problemado pa ako sa pera kasi malapit na siya mag 3, eh gusto niyang lumabas kaming dalawa. Nagsasalita na nga eh, ang ingay ingay hehe”
Iba yung ngiti sa mukha ni Adrian kapag kinekwento niya yung tungkol sa anak niya. Nakita ko tuloy sa kanya si Sir Benj.
“Ehhh yung asawa mo???” tanong ko.
“Aba, akala ko hindi ka nakikinig”
“Sabi mo kasi may sasabihin ka?”
“Akala ko nga hindi ka makikinig. Gusto ko lang din kasing ilabas tong problema kong to.”
“Naiintindihan ko. So yung asawa mo nga?“tanong ko uli.
“Girlfriend ko lang siya hindi ko pa pinapakasalan.”
“May balak ka naman di’ba?”
“Oo naman! Gusto ko! Nung nalaman ko ngamg buntis siya noon nagpropose na ako sa kanya kahit pagraduate pa lang ako non”
“Oh, bakit hindi natuloy?”
“Ayaw kasi ng Pamilya niya saken eh”
Grabe, parehas kami ng storya. Pero mas malalim lang yung sa kanya.
“Eh anong ginawa mo?”
“Mayaman kasi yung Pamilya niya. Tapos ako, wala naman akong maayos na Pamilya, ako lang nagpaaral sa sarili ko, kasama ko yan si Tom, kaming dalawa kaya magkapatid na turingan nameng dalawa.”
“Talaga?” nakakamangha pala yung storya niya.
“Oo, mahal na mahal ko girlfriend ko kaya kahit anong mangyari, hindi ako susuko”
“Paano kayo nagkikita ng anak mo? At ng girlfriend mo?”
“Close kami ng anak ko, hindi siya pinagkakait saken ng girlfriend ko. Ang kaso, hindi ako pumupunta sa kanila. Nasamen sila palagi, sa bahay namen ni Tom.”
So kaya pala nung sinabi ni Tom na okay lang na umalis siya doon eh okay lang kay Adrian. Kasi pamilyado na pala siya.
“Grabe, alam mo ba yung feeling na kapag kasama ko anak ko at yung girlfriend ko, napakasaya ko. Parang kumpleto araw ko. Kaya nagsisikap ako, gusto ko tumaas ranggo ko sa Pulisya para maging proud saken yung pamilya niya.”
“Hanggang ngayon ba, hindi ka tanggap?”
“Hindi pa rin nila ako pinapapunta sa kanila eh, ayaw pa raw kasi ng papa niya. Pero okay naman sa Mama niya. Ang problema lang kasi eh wala daw akong Pamilyang matino.”
“What do you mean?”
“Jusko inenglish mo na naman ako! Ehhh…. Kasi, may issue ako sa tatay ko”
Eto na naman sa issue sa tatay. Magkapatid nga sila ni Sir Benj!
“Anong meron?” tanong ko.
“Yung tatay ko kasi malandi. May ibang babae!”
“Grabe ka naman sa tatay mo”
“Totoo naman kasi! Nakakairita din kasi. Pero ayon, wala nga akong nakagisnan na tatay, yung mama ko naman mahirap lang. Mahirap lang kami. Sa probinsiya siya, ayaw niya kasi rito eh mas may opportunity dito kaya dito ako sa Manila nag aral”
Hindi ko talaga maexplain yung nararamdaman ko habang kausap ko siya, ang bait bait. Nakakatuwa, nakakainspire lalo na sa nangyayari saken ngayon.
“Oh tama na sa buhay ko! Ang dami ko ng na share! Ikaw naman mag share kasi alam kong problemado ka. Mukhang hindi ka naman palainom tapos mag isa ka pang iinom.”
“Hehe, wala. After mo magkwento, parang gumaan loob ko. Medyo parehas kasi tayo.”
“We? Pinapagaan mo lang loob ko eh”
“Hindi ah, bakit ko naman gagawin yon haha. At saka parehas talaga, kanina kinausap ako ng tatay ni Sir Jack… Ayon, same issue ayaw saken”
“Ahh, mahirap talaga kasi kapag boyfriend. Haha”
“Bakit ka natatawa?”
“Wala naman. Parang nakakatuwa lang na hindi ka pala perpekto”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ang taas kasi ng tingin ko sa’yo eh. Ang bait bait mo kasi, kahit nung parang pinapahirapan mo ko, hindi nagbago tingin ko sa’yo. Parang ang perpekto ng buhay mo.”
“Wala kang idea sa kung ano ang pinagdaanan ko”
“Alam ko naman hehe. Kaya nga salamat sa pag share. Ang masasabi ko lang sa problema mo, huwag kang sumuko. Fight for it!”
“Dapat ko bang sabihin sa kanya na kinausap ako ng tatay niya?”
“Tanga ka kung hindi mo gagawin!”
“Maka tanga ka naman!”
“Eh kasi bakit hindi mo sasabihin? Dapat nga una mong gawin eh sabihin sa kanya eh! Dali tawagan mo na ngayon!!” kinukuha niya yung phone ko sa bulsa ko.
“Ano ba, nasa sasakyan phone ko! At saka sa bahay, mas mabilis wifi!”
“Oh ano pang hinihintay mo? Halika na!” halos hilahin niya ako pasakay ng sasakyan.
“Nako, dapat hindi ka naglilihim ng ganyan!” sabi niya pa habang nagdadrive na siya pauwi.
Natuwa ako sa kwentuhan nameng dalawa ni Adrian. At medyo gumaan loob ko sa kanya.
“Hoy”bigla kong sabi.
“Ano?”
“Kailan mo ako isasama sa Isabela?” tanong ko.
“Oh talaga?sasama ka na? Sige!! Baja next month, Birthday kasi ni mama eh”
“Hmm, kapag okay sa sched, sige. Sama ako” sabi ko.
“Nice!!”
Nagmaneho na siya pauwi ng bahay para raw makausap ko na si Sir Jack.
“Oy” sabi naman niya.
“Ano?”
“Friends na tayo ah?”
Naalala ko bigla si Sir Benj.
“Oo, friends na” sabi ko.
++++
Tulog pa siguro si Sir Jack, alam ko kasi alas kwatro na siya natulog dahil sa dami ng ginagawa. Hindi kami nakapag usap masyado, at dahil sa nakainom ako at nakahiga, nakaramdam ako ng antok kaya nakatulog na ako.
Pag gising ko naman, bumaba ako para kumain. Wala pa ring paramdam si Sir Jack, natatakot na ako baka sinabihan na rin siya ng tatay niya kaya siya lumayo.
Pagbaba ko, narinig kong may kumakatok sa pinto. At nung binuksan ko, nandoon na si Adrian, ang ayos ng suot niya. As in formal.
Nagulat naman ako ng bigla siyang lapitan ni BE, ang likot ng buntot at parang miss na miss niya ’to.
Lumuhod naman si Adrian para buhatin si BE, hinahalik halikan siya neto at nung tumalikod si Adrian, nawala yung tattoo niya sa may batok!!
Si Sir Benj ’to!
“Sir Benj?!” sabi ko.
“Bakit ngayon ka lang nag react?”
“Ahhh…. Anong ginagawa mo rito?”
“Ah, naiwan mo kasi sa Pampanga ’to kahapon. Ibabalik ko lang” inabot niya saken yung folder na naiwan ko doon.
Bigla namang nagtext saken si Adrian.
“Boss, papunta na ako diyan sainyo!”
Sht. Baka magkita silang dalawa.
“Ahh sige salamat, umuwi ka na!” sabi ko.
“Hindi mo ba ako papakainin?”
“Walang pagkain, tulog pa si mama”
Pero biglang sumigaw si mama at sinabing luto na yung pagkain.
“Tsk tsk tsk” sabi niya na lang.
“Basta, umalis ka na. Hindi pa ako nakaayos. Nandiyan lang yung mama mo sa kabilang bahay oh!”
“Ehhh mas gusto ko kumain dito!”
“Nako, hindi pwede, galit sayo si mama kaya umalis ka na!”
“Talaga?”
“Oo!” mukhang natakot siya sa banta ko kaya napaurong siya bigla.
“Ganon ba?hmmm… Kausapin ko kaya?”
“Huwag na. Sa susunod na, sige na!” pinagtutulakan ko na siya palabas hanggang sa umalis na nga siya at sumakay ng sasakyan niya. Pinagmasdan ko siyang umalis at magdrive palabas ng subdivision namen.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
Pagpasok ko sa loob, tinanong ako ni Mama kung sino yon, ang sabi ko na lang nagbigay lang ng sulat.
++
Pag akyat ko ng kwarto ko, tumatawag na si Sir Jack saken via video call.
Pagkasagot na pagkasagot ko, kitang kita ko na antok na antok na siya at mukhang pagod na pagod.
Pero napangiti siya nung nakita niya ako.
“Itanong mo sa akin, kung sino aking mahal” bigla siyang napakanta.
Humiga naman ako sa kama para mas maramdaman ko yung moment nameng dalawa.
“Itanong mo sa akin, sagot ko’y di magtatagal” pagpapatuloy niya pa.
“Sino ba?”
“Ikaw lang ang aking mahal. Ang pag ibig mo’y aking kailangan. Pag ibig na walang hangganan, ang aking tunay na nararamdaman.”
“Nako, ang sweet naman ng boyfriend ko”
“E syempre, para sa pinaka mamahal ko. Hehe, pagod na pagod na ako babe. Pasayahin mo nga ako ngayon” sabi niya.
Napansin kong humiga uli siya sa kama at parang antok na antok na talaga.
Siguro hindi pa to ang tamang oras para sabihin sa kanya yung pinag usapan namen ng papa niya. Ayoko pa siyang ma stress at sasabihin ko na lang sa kanya bukas, kapag okay na siya.
“Ano bang gusto mo?” tanong ko.
“Ikaw.”
“Ehhh, I mean anong gusto mong gawin ko para sumaya ka?”
“Puntahan mo ko rito.”
“Nag file na ako ng leave.”
“Hehe, ipapaayos ko na yan. Hmmm, sabihin mo na lang na love mo ko”
“Hehe, kiss mo muna ako?”
“Hindi, ako muna kiss mo”
“Nako, nagpapa baby na naman siya.”
“Hehe, uhm babe. Nga pala, gusto ko ng sabihin natin kina papa at mama yung tungkol saten. Siguro pagbalik ko diyan, ayos lang ba sa’yo?”
Ngumiti ako na pilit. Mukhang napansin niya yon.
“May problema ba?”
“Ah wala….”
“Ayaw mo ba?”
“Hindi hindi…. Gusto ko, promise.”
“Eh bakit parang ayaw mo?”
Huminga ako ng malalim. At saka ko sinabi yung nangyari. Habang nagkekwento ako, parang nagising siya. Wrong move, alam kong pagod siya tapos sinabihan ko pa siya ng ganito.
“Talagang sinabi niya yon?!!”
“Uy easy ka lang.”
“Lahat ginawa ko para sa kanya tapos ganon!!”
“Babe….”
“Please, huwag mo siyang pakinggan. Please, Ethan?”
“Oo naman syempre. Please, stay calm!”
“Ethan….” umiiyak na siya. Sht.
“Uy, huwag ka ng umiyak! Please, I’m okay. We’re both okay. I promise you that.”
Hindi siya nagsasalita pero umiiyak siya.
“Please stop crying. Ipaglalaban naman kita. Don’t worry, hindi ako bibitaw sa’yo kahit na anong mangyari” sabi ko.
Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.
“Ako dapat nagsasabi sa’yo niyan eh” sabi ko.
“Hay nako. I love you so much, huwag kang mag alala.”
“Hindi ka lalayo ah?”
“Pangako. Hindi.”
“Okay, I’m good….” pinilit niya na hindi maiyak at huminga ng malalim.
“Ayoko sanang sabihin sa’yo kasi pagod na pagod ka na”
“No, that’s okay. Kailangan ko ng makabalik ng Pilipinas.”
“Please, do that. I miss you so much.”
“I will do everything, I promise.”
“Thank you.”
Pagod na pagod na siya at siguradong nastress pa siya sa sinabi ko.
“Sleep ka na. Please, I’m okay huwag mo kong alalahanin.”
“I will. Kapag may something na nangyari, sabihin mo kaagad saken ah?”
“Opo”
“Okay. You still love me despite that incident?”
“Oo naman. I think it’s time for me to fight for you. Palagi kasing ikaw nag eeffort eh. Ako naman ngayon”
“Hehe, that’s my babe. I love you so much!”
“I love you too. Leave your cam, I wanna watch you sleep”
“Okay okay. Ingat pag pasok”
+++
Pagdiretso ko sa office, bukas na naman yung opisona ko. At pagbukas ko, nandoon uli yung papa ni Sir Jack, this time, kasama naman yung ate niya na nameet ko na.
Nagrereunion yung pamilya ni Sir Jack sa opisina ko.
“Oh, nandito na siya” sabi ng papa ni Sir Jack. Napatingin sila saken na parang kakainin nila ako ng buhay.
“You’re right dad. Disgusting” biglang sabi ng ate niya.
Hala, akala ko okay kaming dalawa pero kakampi niya yung papa niya.
“See? Well, ikaw ng bahala sa kanya. I gotta leave.” biglang sabi ng papa niya.
Naiwan kaming dalawa ng ate niya sa loob at bumalik na naman yung takot ko sa kanya. Hindi pala kami okay na dalawa.
“Ate?” sabi ko.
“Don’t you call me Ate, hindi tayo close!” halos sigaw niya saken. Natakot talaga ako at napaurong bigla.
“Ate….”
Palapit siya sa pwesto ko, hindi ko alam kung anong gagawin niya saken pero bigla siyang sumilip sa pinto at bigla niyang ni lock.
“Sorry, baka kasi marinig kasi tayo ni papa”bigla niyang sabi.
“Po?”
“Jack called me awhile ago and told me what happened. Hay nako, nakaka stress talaga yang tatay ko!”
“Ibig sabihin hindi ka po galit saken?”
“Duh, I told you I love you diba? I will help you no! I know you have a meeting in Cebu in 3 days. Am I right?”
“Opo.”
“Well ang byahe papuntang New York is 12 hours. Pwede na kayo magsama ni Zach ng isang araw para makapag usap”
Natutuwa ako sa ate niya. Bigla niya akong niyakap.
“Are you okay? Oh gosh. Naiistress ako kay dad.”
“Okay na po dahil hindi ka po pala kaaway”
“Ofcourse not. Oh!” bigla niyang inabot saken yung envelope.
“Ano po to?”
“Plane ticket to New York, bukas na yan. Mag usap kayo ni Zach, kailangan niyo yon!”
Nabibigla ako sa bilis ng mga pangyayari.
“Pupunta ako nf New York bukas?”
“Ready na lahat. Wala ka ng poproblemahin. Ang problem lang pala eh kung saan natin makukuha yung passport at visa ni Zach!”
“Hindi ko naman siya makakasama pag uwi ko.”
“Shhhh… I think I know kung nasaan niya itatago yon. I can help you get that.”
“Seryoso po?”
“Ofcourse, team Jack Ethan ako!”
Nayakap ko siya bigla ng mahigpit.
“Okay, so pag naconfirm ko kung nasaan yung passport at visa ni Zach, kukunin mo yon. Then mag ayos ka ng gamit mo kasi pupunta ka ng New York bukas. Okay ba?” sabi niya.,
“Okay po!”
+++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 57
Jaycee and Stephen BS? Visit my profile and read ‘Bed Scenes’ ahaha story ni Jaycee at Stephen nandoon.
PS: wholesome si Ethan kaya wag niyo na hanapin yung sa kanya hahhaha
+++++++
Pinilit kong kalmahin sarili ko pero kinakabahan ako sa mangyayari. Pero kahit na ganon, gusto ko rin tong gawin para kay Sir Jack.
Hindi ako makaconcentrate sa work ko hanggang sa pumasok si Ate sa office ko.
“Ready ka na? Tara!!” yaya ng ate ni Sir Jack.
“Sure ka po ba rito?”
“Nako, pwede ka rin naman umalis bukas ng wala yung passport niya pero sa tingin mo makakabalik pa siya? Syempre hindi. Ano?”
Nakakakaba talaga.
“Sige po. Nasaan po ba?”
“Nasa office niya. Tara na dali. Pababa na yon baka umakyat kaagad” sabi ng ate niya.
Para sa pag ibig!!
“Tara po!”
+++
Paakyat kami sa office ng papa niya. Tanging yon lang yung kwarto sa floor na yon.
Pagbaba pa lang ng elevator, bubungad yung napakalawak na floor na tanging halaman lang sa gilid yung makikita mo. Sobrang puti din sa tiles at ilaw.
Sa dulo yung pinto sa office ng papa nila kaya kung sakaling mahuli kami, huling huli talaga. Walang kawala. May isang pinto sa gilid na pang emergency exit.
“Ate, bakit hindi po kayo kumuha?“bigla kong natanong habang nasa elevator kami.
“Alam ni papa kung gaano ako kainis pumunta sa office niya. Ayoko kasi ng aura doon, pang matanda, nakakastress kaya kapag nahuli niya ako eh siguradong alam niya pakay ko.”
“Eh nasaan po kayo habang nasa loob ako?”
“Don’t worry, nasa labas lang ako. Kapag nahuli, edi sasabihin ko na lang na gusto ko siya puntahan”
“CCTV po?”
“Dad hates that outside his office. Kaya walang CCTV doon, ayaw niyang pinapanuod siya”
So far so good, pero nakakakaba talaga. Napansin ata ni Ate yon kaya hinawakan niya yung kamay ko.
“Don’t worry, you can do this.” sabi niya at ngumiti siya saken. Medyo lumakas yung loob ko dahil sa sinabi niya.
Naiwan na sa labas ng office si Ate at pumasok na ako sa loob, baka raw nasa bag ng papa niya o nasa drawer kaya nagmadali akong pumunta sa table.
Malaki at napakaraming papel, organized naman ang lahat pero nakakatakot yung aura.
Binuksan ko yung mga drawers para hanapin pero wala akong makita. Bigla naman bumukas yung pinto!! At sa sobrang takot, nagtago ako sa ilalim ng lamesa.
“Dad!” narinig ko yung boses ng ate ni Sir Jack.
“What are you doing here?” mukhang hindi naman siya naghihinala sa nangyayari.
“I…. Uhm… I wanted to see you, that’s why”
“Oh? Napaalis mo na ba yung….. Nakakadiring sabihin…”
“Oh? Ethan? Well, napagsabihan ko na siya kanina. He looks scared. Well, dapat lang sa kanya yon”
“Good. Akala ko kakampihan mo si Jack this time”
“Ofcourse not!”
Nagdadasal na ako sa pwesto ko na sana hindi mahuli.
Bigla ko naman nakita yung bag sa ilalim ng lamesa, binuksan ko yon at hinalungkat at nakita ko yung passport ni Sir Jack! Grabe! Thank God talaga!!
Nagmadali akong kunin lahat at tinago ko ng mabuti. Ang kailangan ko lang makalabas ng ligtas dito.
“Oh, umalis ka na. Kailangan ko ng magtrabaho!” narinig kong sabi ng papa niya.
“Uhm, pa. Wait. Samahan mo muna ako sa baba.”
“Bakit naman?”
“Uhm basta po”
“Wait. Kunin ko lang yung wallet ko”
Fvck!!!! Siguradong mahuhuli niya ako kapag kinuha niya tong bag na to.
“Uhm, no dad, my treat!” biglang sabi niya.
“Oh? That’s new. Well…. Okay”
Fvck, sobrang kabado ako nung mga oras na yon. Hanggang sa marinig kong bumukas yung pinto at sumara uli.
Sumilip muna ako para masiguradong walang tao bago ako lumabas. Sumilip uli ako at wala ng tao kaya lumabas na ako sa emergency exit at bumalik sa office ko.
+++++
“Saan ka pupunta, anak?” tanong ni mama pag uwi ko nung makita niya akong nag iimpake.
“Sa New York po”
“New York? Sa Pampanga?”
“New York ma, sa USA”
“Jusko! Ano to? Kapag trip mong pumunta ng New York pupunta ka, ganon? Pupuntahan mo ba si Jack?”
Mukhang maraming itatanong si mama kaya nagsinungaling na lang ako.
“Work to Ma, urgent. Alam mo naman promoted na ako kaya ang dami ko ng trabaho”
“Sus, gagayahin mo lang boyfriend mo eh”
“Nako, ma. Ano ba”
“Haha sige na tatahimik na ako. Pasalubong na lang ah?”
“Okay, Ma!” buti na lang at lumabas na siya. Saktong tumawag si Sir Jack saken, gising time na niya kasi.
“Kumusta ang mahal na mahal ko?” bungad ng tawag niya saken.
“Hala hehe, okay naman. Eto, kakauwi ko lang po. Nagpapahinga na” gusto ko kasi siya isurprise bukas.
“Oh, good. Kumain ka na ba?”
“Yep, hinihintay ko na lang yung tawag mo eh”
“I’m here na hehe and I love you!”
“I love you tooooo*!!”
“I talked to dad yesterday, ang sabi niya saken hindi ka raw niya kinausap.”
“Ha?”
“Ofcourse, hindi ako naniniwala. Kasi sinabihan ko si ate, kinonfirm niya yung ginawa niya.”
“Huwag na, hayaan mo na papa mo. Okay lang ako.”
“Alam ko po hehe, sana makita na kita. Nakakainis, gumagawa na ng paraan si ate para makuha yung visa at passport ko para makauwi na ako”
“Hehe, sana nga po” sagot ko na lang.
“Oh siya, kikilos na ako. You wanna see me naked?” bigla niyang ngiti ng pilyo.
“Haha! Masira pa phone mo haha! Next time na!”
“Hehe, okay, I miss you so much, alam mo ba yon?”
“I miss you too! I wanna see you soon. Just be patient okay?”
“Okay, I will. Anything for you. I love you so much, Ethan.”
“I love you too so much, Jack”
Sandali kaming nagtitigan sa camera hanggang sa binaba na namen yung tawag. Nagpatuloy na ako sa pag impake ko nung mga oras na yon at nung natapos na ko, natulog na ako kaagad.
+++
Nakaayos na ako kinabukasan ng dumating na si Adrian. Kanina ko pa siya hinihintay dahil sa ayokong ma late sa flight ko.
Pag bukas ko ng pinto pinabuhat ko na kaagad sa kanya yung gamit ko at pumasok na ako ng sasakyan.
Habang nasa biyahe naman ako, biglang tumawag si Sir Benj saken.
“Oh?” sagot ko. Alasyete na yon ng umaga.
“Papunta ka na ba? Kailangan ka rito ha”
“Naka leave ako, importante.”
“What?! Are you serious?”
“Oo! Pinapunta ko na diyan si Laura. Siya na raw aattend saken”
“But…. I want you here.” sabi niya pa.
“Sorry, this is really important.”
“Saan ka ba pupunta?”
“New York”
“What?! As in USA?”
“Yeah.”
“For Jack? Really?”
“Yes for him! Kung wala ka ng tatanungin, ibababa ko na yung tawag.”
Natahimik siya. Pero nagsalita din kaagad.
“Marerealize mo lang talaga yung importance ng isang bagay kapag nawala na yon sa’yo” bigla niyang sabi.
Wala akong oras sa drama niya.
“Okay. Bye.”
“Wait!” bigla niyang sabi.
“Ano?”
“Ingat ka sa byahe mo” bigla niyang binaba yung tawag.
I really don’t know what to feel everytime na ganyan si Sir Benj kaya hinayaan ko na lang siya hangaang sa makarating kami sa aiport.
“Nako, mag ingat ka doon ah. Pasalubong na rin kung pwede!” biglang sabi ni Adrian.
“Haha, loko. Salamat!”
Pumasok na ako at hinintay na makasakay ng eroplano.
++++
Ang init naman pala! Naalala ko, summer pala dito sa US kaya ganito. Tolerable naman yung init kaya okay lang.
Nakakapanibago, ibang iba yung America sa Pilipinas. Mapapansin mo talaga yung pinagkaiba lalo na sa airport palang, napakaganda kasi ng airport dito.
Pumara kaagad ako ng taxi sa labas at ibinigay yung address na binigay saken ng ate niya.
Nakarating ako ng US ng 3PM kaya sigurado akong nasa office pa yon.
Binaba niya ako sa tapat ng apartment, at nakaramdam ako ng gutom kaya kumain ako sa may restaurant hindi kalayuan, kita ko pa rin naman kung darating si Sir Jack kaya kumain muna ako.
Habang kumakain, sakto naman na dumating na siya at naglalakad papasok ng apartment, grabe! Ang hot niya talaga kahit ang init init eh naka long sleeve siya.
Pero may mali, may kasama siyang babae at mukhang Pinay, maganda siya. Sobrang ganda.
Ayoko muna mag issue at mag isip ng kung ano kaya pinagmasdan ko muna sila. Gusto ko na siyang lapitan at yakapin kaso gusto ko malaman kung ano yung babae na yon sa kanya.
Nagbeso beso naman sila bago umalis yung babae at mag isang pumasok si Sir Jack sa apartment niya.
Inubos ko muna yung pagkain ko pero hindi ko alam kung paano ako magpapkita sakanya, buti na lang tumawag siya saken sa messenger.
“Bakit hindi ka nagpaparamdam kagabi nakakalungkot” bungad niya saken.
“Sino yung babae mo?”
“Ha?”
“May nakita akong kasama mong babae papasok ng apartment”
“Ha? Paano mo nalaman?”
“Sino nga yon?”
“Wait, galit ka ba talaga?”
Bigla naman lumapit saken yung waiter ng restaurant para iligpit yung kinainan ko.
“Sht, si Ivan yan ah!!!” halos sigaw ni Sir Jack habang namukaan yung waiter. Napansin kong tumatakbo na siya dahil sa excitement at sakto, nakita ko siyang lumabas ng apartment, naka boxer lang at walang suot. Tumingin siya sa restaurant sa tapat at nung makita niya ako, nagmadali siyang tumakbo palapit saken.
“Ethan!!” sigaw niya sa loob ng restaurant! Niyakap niya ako ng mahigpit pagpasok niya.
“Sino yung babae?” tanong ko uli.
“Seryoso? Nagseselos ka don? Wala yon.”
“Eh bakit ayaw mo sabihin kung sino?”
“Si Hannah yon, wala lang yon.”
“Hannah, ex mo?”
“What? No! Hindi siya.”
“Kaano ano mo siya? Saan kayo nagkakilala? Katrabaho mo? Pinay?”
Bigla siyang natawa sa mga pinagsasasabi ko pero bigla siyang sumigaw sa loob ng restaurant.
“Hey everybody!!” fvck biglang nagtinginan lahat samen.
“Bro, why are you half naked? Haha” sabi nga ni Ivan the waiter.
“I’m sorry bro. This will only take a minute”
“Anong ginagawa mo?” sabi ko pa.
“Hey everybody, I just want you all to know that this is Ethan. Ethan is my partner. He’s the love of my life. The reason why I’m smiling. The reason why I’m happy. He’s the one and only person that I wanna spend the rest of my life with. All that I am, belongs only to him. I love him so much, so so so so much!!”
Sobrang nakakahiya pero biglang nagpalakpakan yung mga tao sa loob. Ma foreigner na babae at lalaki. Hashtag lovewins nga pala rito sa US.
“Ano ba kasi yon….” hindi niya pinatapos sinasabi ko ng bigla niya akong halikan sa labi ko. Yung halik na madiin. Pero ako nagulat. Narinig kong nagpalakpakan pa yung mga tao ng malakas.
“Someday, I’m gonna ask him to marry me.” pahabol pa niya. Bigla niya akong binuhat na parang asawa niya.,
“Uy nakakahiya na!” sabi ko.
“Ano ba, nagseselos ka sa babaeng yon eh kaya gusto ko lang ipakita sayo na ikaw lang talaga mahal na mahal ko!” sabi niya pa at lumabas na kami ng restaurant papunta sa apartment niya.
++
Kanina pa niya ako hinahalikan at niyayakap. Simula ng pumasok kami sa kwarto niya, hindi naghiwalay yung balat nameng dalawa.
“Bakit hindi mo naman sinabi na pupunta ka!” sabi niya.
“Isusurprise nga kita eh… Pero ako pala masusurprise”
“Nagseselos ka pa din don? Katrabaho ko lang yon. Wala lang naman saken yon kaya hindi ko siya nakekwento”
Niyakap niya ako uli at nagpapalambing.
“Talaga?”
“Talagang talagang talaga po! Kaya huwag ka ng magtampo diyan, okay?”
“Nagulat lang ako… Tapos, Hannah pa yung pangalan. Diba yun pangalan ng ex mo”
“Wala na yon. Nako, hindi ko naman sasabihin sayo na mahal kita tapos may feelings pa ako sa ex ko diba?”
“Naniniwala na ako hehe”
“Miss na miss kita!!” hiniga niya ako uli at hinahalikhalikan. Alam ko na yung susunod na mangyayari kaya pinigilan ko siya.
“Jetlag.” sabi ko.
“I understand. Hmmm… Magpahinga ka na muna?”
“Before that, I wanna know kung anong plano natin?”
“What do you mean?”
Inabot ko sa kanya yung passport at visa niya.
“Anong plano mo?” tanong ko.
“Uuwi na ako. Tatapusin ko lang yung trabaho ko then sabay na tayong uuwi”
“Paano parents mo?”
“Si papa lang naman kakausapin natin”
“Si mama mo?”
“She’s sick. He loves me so much, I love her, she’ll understand”
“What if ayaw ng papa mo?”
“As long as it’s okay with my mom, it’s okay with me”
“What if ayaw ng mama mo?”
“Then I will resign. Tapos sasama na ako sa’yo”
“Seryoso ka?”
“You’re my happiness now. Sa’yo lang ako sasama. Kung ayaw nila saten then ako na mag aadjust para sakanila.”
Grabe, sobrang nakakadagdag ng pogi points si Sir Jack ngayon.
“Let’s try pa rin na maconvince sila. Ayoko yung may galit ka sa parents mo. Alam mo naman nangyari kay papa diba? Nawala siya ng wala man lang kaming good memories together”
“I understand…. Pero in the end, happiness ko pa rin susundin ko. Okay, and it’s with you. Ipaglalaban kita sa kanila hanggang sa dulo.”
Hindi ko na napigilan sarili ko, bigla ko siyang hinalikan. Sobra siyang nakakainlove at parang ang swerte swerte ko sa kanya. Nakakatuwa lang despite sa mga nangyari saken, binigyan ako ni God ng katulad ni Sir Jack.
“Wait… Wait….” bigla niyang hinto.
“Why?”
“I love you”
He smiled then kiss me again.
“Wait….” sabi ko naman.
“Bakit?”
“I love you too”
Next thing I know, nakahiga na kaming dalawa sa kama at nagshashare ng moments together.
+++++
Actually, parang season 2 na to simula nung ‘After 8 months’ na incident with Benjamin. Parang book 2 na, ganon hehe.
Tutok lang, ang dami pang mangyayari hehe.
And because finals na uli. Baka 3-4x a week na lang yung update ah? Huhu sorry.
VOTE AND COMMENTS NA!!!!
Part 58
Ang haba ng tulog ko, sabi ko iidlip lang ako pero pag gising ko, gabing gabi na. Nagising lang ako dahil sa amoy ng bacon. Nakita ko si Sir Jack na nagluluto.
Isang malaking kwarto lang kasi yung tinitirahan niya. Kaya makikita mo kaagad yung buong bahay.
“Pst. Pogi” sabi ko habang nakaupo sa kama.
Tumalikod siya at ngumiti saken. Lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi.
“Pagod ka pa?” tanong niya.
“Hindi! Bakit hindi mo ko ginising? Sayang yung oras na sana lumabas man lang tayo!”
“Nako, edi lalabas tayo pagkatapos natin kumain. Isa pa, nag eenjoy akong pagmasdan ka habang tulog eh”
“Nakakahiya!”
“Ano ka ba, ang cute mo nga eh”
Hinawakan niya kamay ko at pumunta kami sa may kainan. Naghain siya ng bacon, tinapay, hotdog, itlog.
“Sorry, walang bigas eh. Hindi ko kasi alam na pupunta ka!”
“Okay lang hehe”
“Don’t worry, kakain tayo sa labas mamaya”
“Anong oras na ba?”
“10 na”
“10 na? Eh saan pa tayo makakapunta niyan?”
“Ano ka ba babe, mas maraming mapupuntahan dito kapag gabi. At saka, nasa New York tayo, the city that never sleeps. Hehe kaya bilisan mo na. Maligo ka na pagkatapos, tapos alis na tayo”
Kitang kita ko sa mukha niya yung excitement. Nakakatuwa talaga si Sir Jack, nakakakilig.
Nagmadali na akong kumain at naligo, medyo malamig na rin dito kapag gabi compare kanina na mainit.
Pagkatapos ko, nagbihis na ako at nakita kong nakabihis na rin siya.
“Ang pogi mo” bigla kong sabi. Hello, sino ba naman hindi mapopogian sa boyfriend kong to. Ang hot hot.
Hinawakan na niya kamay ko at lumabas na kami ng apartment niya.
+++
Pumunta kami sa City mismo. Grabe, ang liwanag pa rin ng mga building, akala mo nagsisimula pa lang silang magtrabaho. Ang dami pa ring tao sa lansangan, hindi kasing rami kanina pero marami pa rin.
Organize dito, sumusunod talaga sa traffic lights.
Isa pa, kahit na magkahawak kami ng kamay ni Sir Jack, hindi masyadong big deal sa kanila, may napapansin pa nga akong katulad namen na magkahawak kamay din. Nakakatuwa lang.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko.
“Basta. Surprise hehe.”
Maya maya, tumapat kami sa isang napakalaking building.
“Empire State Building!” sabi niya.
“Wow. Ang ganda. Anong gagawin natin sa loob?”
“Hehe, you’ll see.”
Pagpasok namen sa loob, diretso elevator. Parang never ending elevator hanggang sa makarating kami sa tuktok.
Ang lamig, sobrang mahangin doon! May parang restaurant doon pero ang pinaka main attraction eh yung view, kitang kita mo yung buong City dito. Buhay na buhay.
Lumapit pa kami para makita lalo yung view. Tumingin ako sa ibaba, halos malula ako sa taas pero grabe! No words can explain! Sobrang ganda talaga!
“Good, right?” biglang sabi ni Sir Jack.
“Super!”
Hinahangin yung buhok niya sa pwesto namen pero kahit ganon, kahit gumugulo, ang gwapo gwapo pa rin.
“Nilalamig ka?” tanong niya saken. Naka Tshirt lang kasi ako at pants. Hindi ko dinala jacket ko.
“Medyo”
Kaya pumunta siya sa likuran ko at niyakap ako. Hinawakan niya rin yung mga kamay ko at niyakap niya sa katawan ko.
“Okay na?” bulong niya.
“Okay na okay” sabi ko.
Nanatili kami sa ganong posisyon. Napakaganda ng gabi para sameng dalawa.
“Alis na tayo bukas.” bulong niya uli.
“Bukas na kaagad? Akala ko may trabaho ka pa rito?”
“Hindi na, aalis rin naman ako eh at hindi ko pa matatapos yon, masasayang lang yung oras natin dito”
“Sigurado ka ba?”
“Oo. Ikaw? Sigurado ka na ba saken?” bigla niya ulit bulong.
Humarap ako sa kanya. Magkadikit pa rin katawan nameng dalawa at mas nakita ko siya ng harapan, parang naiiyak na naman siya.
“Bakit ka na naman naiiyak?” sabi ko sabay punas sa mata niya.
“Wala lang. Sobrang mahal na mahal kasi kita, Ethan. Hindi mo alam kung paano mo talaga ako napapasaya. Alam kong nasabi ko na ng paulit ulit yon pero ganon talaga….”
“Ehh bakit ka naiiyak?”
“Ayoko kasi ng may bumabalakid saten eh. Naiisip ko pa lang si Mama parang nalulungkot na ako. Natatakot din ako na baka di niya tayo matanggap”
“Susubukan naman natin diba?”
“Alam ko….” bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
“Huwag mo akong iiwan ha? Kahit na anong mangyari” bulong niya uli saken.
“Hinding hindi….” bulong ko rin sa kanya.
“Promise?”
“Promise”
I want to kiss him. At mukhang nabasa niya nasa isip ko dahil dahan dahan niya akong hinalikan sa pwesto namen habang hawak hawak namen yung kamay ng isa’t isa.
++++
“Natutulog ka na ba?” tanong niya saken habang magkatabi kami sa kama. Pinaglalaruan niya yung buhok ko habang ako naman nakayakap lang sa kanya.
“Hindi…. Nakapikit lang.”
“Uhm…. Kumusta pala ka trabaho si Benjamin?” bigla niyang sabi.
“Huh? Okay naman…. Nangungulit pa rin minsan pero tumitigil din naman”
“Hehe, sila mama mo? Butchok?”
“Okay din naman….. Hmmmmm, matutulog ka na ba?”
“Hindi ako makatulog eh. Sobrang saya ko pa rin na nandito ka”
“Ako rin hehe. Hmmm, pa kiss” bigla kong sabi.
“Alam mong hindi ko matatanggihan yan!” humarap ako sa kanya at hinalikan niya ako sa labi. Slowly pero passionate.
“This will be our first making love outside the country!” bigla niyang sabi.
“Hehe, sana hindi last”
“Ofcourse. Sa lahat ng bansa, gagawin natin to!”
Next thing I know, ginawa na uli namen yung kinasasabikan namen sa isa’t isa.
++++++++
Back to the Philippines na kami at dumiretso na muna kami sa bahay para magpahinga dahil kinabukasan, haharapin na namen yung papa ni Sir Jack.
Kahit na sinabi kong sa bahay na siya matulog, doon pa rin siya nagpahinga sa kwarto niya.
Kinabukasan sa office, sabay kaming pumasok habang ako dumiretso sa office ko. Si Sir Jack naman sa office ng papa niya.
Sobrang kinakabahan ako pero nilalakasan ko lang loob ko para sameng dalawa.
Bigla naman pumasok yung secretary ko at pinapaakyat ako.
Fvck, eto na talaga!
Kaya umakyat ako sa office ni Sir Jack pero pagbukas ko, bumungad saken si Sir Benj.
“Ethan!” bigla niyang sabi.
“Bakit ka nandito? Nasaan si Jack?”
“Nasa office ng papa niya. May meeting kasi mamaya, remember?”
“Hindi ko alam”
“Oh well, now you know. Uhm, magkausap kami ni Zachary kanina ah? May pinagdadanaan daw kayo”
“None of your business”
“He’s my friend and you’re my friend so I guess, it’s my business.”
“My personal life is none of your business. And excuse me, pupuntahan ko pa si Jack”
“Trust me, huwag mong gawin”
“At bakit?”
“Well, for starter, anong sasabihin mo? Hindi mo naman alam kung anong pag uusapan nila. Malay mo trabaho lang then bigla kang sumulpot out of nowhere, diba?”
Medyo may point siya.
“Just wait, okay” pahabol pa niya.
Kaya naupo muna ako sa gilid at sobrang kinakabahan.
“Grabe, mahal na mahal mo talaga no?” tanong niya.
“Sobra.”
“Wow. Hehe, lucky for him…”
Ayoko siyang kausapin baka mamaya san pa mapunta yung usapan.
“Oh nga pala, nag out of town sina Stephen at Jaycee, wala atang signal, kahit si Stephen hindi ko macontact eh”
“Kaya naman pala!”
“Ethan, I love you”
Hindi ko alam kung mali lang ako ng narinig pero napatingin ako sa kanya, nakatingin pa rin siya saken at parang hindi ako namali ng dinig.
“I tried so hard…. Pero hindi ko talaga kaya. And now, I’m looking at you, kitang kita ko na mahal na mahal mo na nga si Zachary. At sobrang sakit. Sobrang sakit.”
“Please stop…”
“Hindi ako manggugulo. I just wanna let you know what I’m feeling.”
Hindi ako sumagot. Gusto ko na sana umalis kaso siguradong pipigilan ako neto.
“Karma’s a bitch. Parang nakakamatay naman yung karma ko sa’yo”
Hindi pa rin ako sumagot at tumayo na ako para lumabas pero biglang bumukas yung pinto at pumasok si Sir Jack, kasama ang papa niya.
“Kaya mo na akong sagutin dahil sa baklang yon?!!” sigaw ng papa niya. Nung makita ako ng papa niya, tumingin siya ng masama saken.
“Dad, mahal ko siya!” nung nakita ako ni sir Jack, lumapit siya saken at inakbayan ako.
“You’re not inlove. Libog lang yan! Pampalipas oras lang yan. Alam kong mahal mo pa si Hannah, siya na lang anak…”
“Pa!! Ano ba, tumigil ka na! Maging masaya ka na lang samen!”
“Hinding hindi ako magiging masaya sainyo!! Tandaan mo yan!!”
“I don’t need your permisson. I just want yo inform you na siya lang gusto ko makasama!”
“No!! I’ll kill myself kapag ginawa mo yan!”
“Dad!”
“Trust me, Jack! Gagawin ko yon, kung yon lang dahilan para maghiwalay kayo!”
Hindi nakasalita si Sir Jack at naiiyak na siya. Ang higpit ng kapit niya sa braso ko at parang gigil na gigil siya.
“Tito, tama na” sabi ni Sir Benj sa papa niya.
“I talked to your mother, Jack. Hindi siya okay sa ginagawa mo. You know she’s sick! Kahit sa kanya na lang!”
“Pa, kakausapin ko si Mama. Siguradong maiintindihan niya ako.”
“Anak anong gusto mong gawin ko? Gagawin ko! Sundin mo lang ako!”
“Wala kang dapat gawin Pa, tanggapin mo kami. Ayon lang yung dapat mong gawin!”
Humarap saken si Sir Jack.
“Tara na” sabi niya.
Naglakad kami palabas pero sinigawan uli kami ng papa niya.
“Magnanakaw ka! Ikaw kumuha ng passport at visa niya sa bag ko!” sabi ng papa niya saken.
“No dad, it was me!” narinig ko naman yung boses ng ate niya na pumasok sa loob ng kwarto.
“Why?!!!” sigaw ng malakas ng papa niya.
“Dad, tama na. Pabayaan mo na si Zach. Dito siya masaya, tanggapin niyo na siya!”
Doon ka nakitang ngumiti si Sir Jack dahil sa sinabi ng ate niya.
“Wala kang makukuhang pera! Isasara ko lahat ng account mo kapag umalis ka ng opisinang to!!”
“Wala na akong paki sa pera, Pa. Mahalaga saken ngayon, si Ethan”
Hinila ako bigla ni Sir Jack palabas ng opisina niya. Narinig ko pang sumigaw papa niya pero hindi na kami lumingon.
++++
Nasa office ko naman kaming dalawa at nabigla pa rin sa pangyayari.
“Okay ka lang?” tanong niya saken.
“Okay lang ako. Ikaw ang hindi okay.”
“Okay lang ako. Huwag kang magalala.”
Niyakap ko lang siya. Hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa namen pero hindi ko makapag isip ng matino ngayon.
Bigla naman pumasok si Sir Benj sa office namen ngayon at parang hingal na hingal.
“Inatake papa mo! Papunta na yung ambulansiya!” sabi niya.
Pinilit ko naman na papuntahin si Sir Jack para sa papa niya. Pumayag naman siya saka kami nagmadaling umakyat uli. May mga medic na na ibinababa siya papuntang elevator.
Grabe, ang bilis ng mga pangyayari.
++++
“Tama ba ginawa natin?” tanong bigla saken ni Sir Jack habang nasa ospital kami.
“Mali tayo. Sobrang mali. Ngayon ko lang narealize, mali tayo”
“Ayoko naman mawala ka.”
“I know. And I love you for that. Really, I love you so much. Pero ayoko ng ganitong feeling. Alam mong mahina ako pagdating sa mga tatay kaya hindi ko rin alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga nangyayari”
“You want us to stop?”
“No, ofcourse not. Maybe mali lang na nagsigawan kayo kanina. That’s all. Ayoko rin na mawala ka saken, pero syempre dapat wala tayong nasasaktang iba. Diba?”
“I understand where you’re coming from.”
“Hehe, magiging okay din lahat promise. Don’t overthink”
“Opo hehe.”
“Smile na. Para pogi pogi na uli”
Bigla naman siyang ngumiti saken.
Maya maya, biglang lumapit samen si Sir Benj.
“Salamat sa tulong, pre” sabi ni Sir Jack.
“Walang anuman, para sa’yo alam mo naman kahit anong mangyari, magkaibigan tayo eh”
“Hehe, salamat uli!”
“As for Ethan, grabe. You stood up for him, I never had the guts to that sa kanya. I know na hindi mo siya sasaktan.”
“I will never”
“I know. Please take care of him. I still love him pero I can see na masaya na kayong dalawa. I’m happy for the both of you.”
Kita ko kay Sir Benj na naiiyak siya pero pinipigilan niya.
“I love him so much, pre. I will do anything for him.”
“I can see that. Well, I know my opinion won’t matter but please be happy. For the both of you. You deserve that” niyakap niya ng mahigpit si Sir Jack.
Tapos lumapit saken si Sir Benj.
“I’m really sorry for everything. You may not see it, pero sobrang pinagbabayaran ko na yung ginawa ko sa’yo. Sobrang sakit na.”
Niyakap niya lang din ako at nung tinaggal niya yon, umiiyak siya. Ngumiti lang siya saken at umalis na sa harapan namen.
+++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 59
Nabasa niyo na ba super duper hot intimate scene ni Jaycee at Stephen? Haha sa susunod na updates non may mga marereveal sa story ni Ethan hihi.
PS: huwag na maghanap kay Ethan.
😊😊😊
+++++++
Hindi ako umalis sa tabi ni Sir Jack habang hinihintay namen yung nangyari sa tatay niya. Hindi naman din masyadong nagtagal, tinawag na kami ng nurse at sinabing okay na ang lahat at pwede na namen makausap yung papa niya.
Medyo kinakabahan na naman ako pero hinanda ko na sarili ko sa mangyayari.
Pagpasok namen ng kwarto, kami lang yung bisita.
“Balak niyo ba talaga akong patayin?!” biglang sabi ng papa niya.
“Pa…. Hindi po.”
“Oh, edi umalis na kayo. Bahala ka na sa buhay mo Zacharhy. Ayoko ng problemahin pa yang katarantaduhan mo”
“Pa. Alam kong galit kayo pero kahit ganon, mahal na mahal ko pa rin kayo. Sana maging masaya na lang kayo sa gagawin ko kasi kung nararamdaman niyo nararamdaman ko, sobrang saya ko kay Ethan. Sana ayon na lang makita niyo”
“Umalis na kayo.” sinabi niya lang, walang galit, walang kahit ano.
Lumapit lang si Sir Jack at hinalikan niya papa niya sa noo saka naman kami lumabas ng ospital.
+++++
Sa tingin ko naging okay naman ang lahat. Tolerable naman yung mga pinagsasasabi saken dahil sanay na rin ako doon kaya nung umuwi kami ng bahay, niyakap kaagad ako ni Sir Jack.
“Everything will be okay. I promise” bulong niya pa saken.
“Sana nga.”
“It will, don’t worry.”
Naupo muna kaming dalawa.
“Are you okay?“tanong niya.
“Yeah. Ofcourse.”
“I mean, with Benjamin.”
“Huh? What’s with him?”
“Wala naman, forever rival tingin ko sa kanya pagdating sa’yo. Natatakot lang ako one day, magising ka at marealize mo siya yung mahal mo”
“What? After what happened, ngayon ka pa nag ganyan? Haha.”
“Haha, parang baliw lang eh no? Sabagay Baliw naman kasi talaga ako sa’yo.”
“Hehe ayan ka na naman”
“Hehe. I feel so tired…. Can I sleep here tonight?” tanong niya.
“Oo naman! Pwedeng pwede”
“Tabi tayo?”
“Hehe, gusto mo?”
“Oo. Cuddle?”
“Sige sige”
“Tara na!” niyaya niya na ako paakyat at ganon nga ginawa namen pag akyat sa kwarto.
+++++
After ilang araw ng hindi pagpapaalam, biglang nagparamdam si Jaycee saken at gusto niyang makipag kita sa condo niya kaya pumunta ako sa kanila nung bandang hapon.
Niyakap niya ako ng mahigpit nung makapasok na ako sa loob.
“Super miss kita bes!!!” sabi niya.
“Miss eh wala ka ngang paramdam!”
“Sorry na, out of town with my boyfriend, you know…”
“Tignan mo!! Sa iba ko pa nalaman na may boyfriend ka!”
“Ehhh huwag ka ng magalit. Dapat magkikita tayo non diba kaso nag inarte ka kaya di natuloy. Ayon dapat sasabihin ko eh”
Mukhang masaya si Jaycee, kitang kita naman eh.
“Ang daming nangyari bes ah? Kwento ni Stephen saken.”
“Updated ka rin?”
“Oo! Eh palaging magkausap yan si Stephen at Sir Jack mo! Minsan mapagkakamalan ko ng mag jowa yan eh!”
“Hehe…. Eh bakit ka ba nakipagkita?”
“Wala naman, kakamustahin lang kita. Parang kailangan mo kasi ng friend tapos wala ako sa side mo”
“Ano ka ba, happy ka naman ehhh”
“Super happy bes.”
“Oh diba, kinain mo lahat ng sinabi mo non haha” sabi ko.
“Oo, busog na busog nga ako eh. Inside and out, if you know what I mean”
“Jusko ayoko na malaman! Teka, nasaan ba jowa mo?” tanong ko.
“Pabalik na yon, bibili lang daw pagkain.”
“Oh, okay….” sakto naman pumasok na nga si Stephen at may dalang pagkain. Pizza at softdrinks.
“Baby, sa kwarto lang ako ah. Bahala ka na rito.,… Hi Ethan.” sabi ni Stephen na mukhang masayang masaya rin.
“Ok po” sagot lang ni Jaycee.
Nung makapasok na si Stephen sa kwarto biglang lumapit saken si Jaycee.
“Oh, ano? Nasabi mo na ba yung tungkol sa kakambal ni Sir Benj?” bigla niyang sabi.
“Huh? Ahhh…”
“Bakit mo ba siya tinatago kay Benjamin o kay Sir Jack mo? Ano bang plano mo?”
“Plano? Wala ah!”
“Hello, eh bakit ayaw mong sabihin? Pinagkakait mo sa kanya yung nalalaman mo. Bad yan bes”
“Grabe, nagkalovelife lang bumait na. Naalala mo sabi mo saken gamitin natin siya para makapaghiganti kay Sir Benj tapos ngayon gusto mo ng sabihin ko”
“Haha, sabihin mo na kasi bes. Feeling ko kasi magkakagulo kapag nagkabukingan na.”
“Gusto ko lang naman talagang tulungan si Adrian. Naaawa kasi ako sa storya niya saken nung isang araw”
“Bes, sagip kapamilya, ganon? May kapamilya siyang tunay at sigurado doon na tutulungan niya yan!”
“Alam ko…. Pero iba na yung sitwasyon ngayon.”
“Sabihin mo lang bes, sabihin mo na. Hindi nakakaganda ang pagsisikreto.”
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko sinasabi kay Sir Benj yung tungkol sa kakambal niya, kahit kay Sir Jack pa, hindi ko alam.
“May chika din ako sa’yo about sa Sir Jack mo!” bigla niyang sabi.
“Ano naman?”
“Nako, may mala ‘Sophie’ din pala yan sa buhay niya. Mamaya ma SophieZoned, BillZoned ka na naman!”
“Huh?”
“Hannah yung name eh. Nadulas kasi one time si Stephen about doon kaya nalaman ko”
“Bakit hindi ka nagtanong kay Stephen?! Tanungin mo!”
“Kada tanong doon eh may bayad, 20 na sex. Jusko, keri naman pero every other day lang, mahihintay mo ba after 40 days?”
Ang weirdo talaga ng magjowang to pero naintriga ako sa sinabi ni Jaycee.
“Ikwento mo saken, ano sinabi ni Stephen”
“About nga sa Hannah na yon!”
“Ano ngang meron??”
“Basta, mala SophiexBenjamin level naman daw pala yung feelings ng Sir Jack mo doon!”
Natahimik naman ako, hindi naman kasi nakekwento saken ni Sir Jack yung ex niya kaya wala rin akong idea.
“Pero huwag kang mag isip ng kung ano ano! Kasi mas mataas daw yung level ng love niya sa’yo kesa doon sa Hannah na yon!” pahabol pa ni Jaycee.
“Hehe, alam ko naman. At saka wala na rin akong paki, ang mahalaga naman yung ngayon eh”
“True! Kaya dapat inaaraw araw niyo rin ni Sir Jack yung pagaanuhan!”
“Haha loko ka! Palibhasa ka kasi araw araw eh!”
“No, I told you every other day kaming dalawa. May interval para daw makapagpahinga ako!”
“Haha baka mamaya pwede na akong tumira diyan sa ano mo sa sobrang luwang ah!”
“Haha okay lang, at least proud akong isang lalaki lang yung may gawa non!”
Ayun naman talaga nakakaproud kay Jaycee kaya kahit asarin ko siya eh hindi siya maaasar.
Namiss ko makipagkwentuhan sa bestfriend ko kasi kapag siya kausap ko, nasasabi ko talaga ang lahat.
+++++
Magkasama kami ni Sir Jack na pumunta sa bahay nila, sa bahay ng parents niya.
Hindi na nakakagulat yung magandang bahay nila, sobrang ganda talaga.
“Ready?” sabi niya.
“Medyo nakakakaba.”
“Okay lang yan.”
“Paano kung katulad ng papa mo?”
“Ewan ko lang, pero nanay ko yon, siguradong matatanggap niya ako…. Tayo. Kaya huwag kang matakot”
“May sakit siya, paano kung atakihin din siya?”
“Let’s be calm okay? Baka ikaw yung atakihin eh”
“Haha, Sorry po.”
Nasa sasakyan pa rin kami ngayon. Tinanggal niya yung seatbelt at hinalikan niya ako sa labi ko ng matagal.
“I love you so much. Malalampasan din natin ’to, okay?” sabi niya.
Nung moment na yon, feeling ko at ease na ang lahat kaya biglang lumakas yung loob ko nung bumaba na kami sa sasakyan.
Iniimagine kong nakahiga sa kama yung mama niya at sobrang hina pero pagpasok namen, gulat na gulat ako sa nakita ko.
Nagzuzumba yung mama niya sa harap ng TV! Nakasuot ng pink na sando at leggings. Ang cute cute niya habang sumasayaw, tuwang tuwa kasi siya.
“Ma!” napasigaw tuloy si Sir Jack, nagulat din pala siya.
“Ohhh…. Baby ko!” nagmadaling lumapit sa kanya yung mama niya at niyakap siya.
“Ma! Anong ginagawa niyo?”
“Duh, Zumba syempre! Bulag ka ba?”
“I mean…. Bakit hindi ka nagpapahinga?”
“Hay nako! Para sa mahina lang yon!”
“Ma!!”
“Jack!!”
“Ma, ano ba?!”
“Jack, ano ba?!”
Ginagaya niya lang lahat ng sinasabi ni Sir Jack at natataw siya. Bigla siyang napatingin saken.
“Uy, hindi kita kilala. Sino ka?” bigla niyang tanong.
“Ahh…. Ethan po” pakilala ko.
“Ahhh, ang lambot mo ah. Are you gay?”
Nagulat ako sa tanong niya. Pero bigla siyang tumawa ng malakas.
“Ano ba, loosen up! Tara, let’s Zumba for long life!” hinila niya kami ni Sir Jack sa may gitna.
“Ma….”
“Jack….”
“Ma naman eh, huwag mo akong gayahin”
“Ehh alam kong may kailangan ka kaya ka pumunta rito, kaya para pagbigyan kita sa gusto mo, samahan mo ko mag Zumba!”
Bigay todo talaga yung mama niya sa pagZumba, nakakatuwa. Parang wala siyang sakit. Wala naman kaming nagawa ni Sir Jack at sumunod na lang kami.
Maya maya, nakaramdam ng pagod yung mama niya at naupo. Pinatay na namen yung TV at kumuha si Sir Jack ng maiinom.
“Nasaan ba kasi yung katulong, Ma?”
“Huwag na! Hindi na natin kailangan non!”
“Ehhh paano kung may mangyari sa’yo rito?” bumalik na siyang may dalang tubig.
“Walang mangyayari, not unless gusto mong may mangyaring masama saken.”
“No, ofcourse wala!” mabilis niyang sabi.,
“Ohhh…. Good, so anong sasabihin mo saken?” tanong ng mama niya.
“Paano mo nalaman Ma?”
“Kausap ko tatay mo. Alam kong nasa Ospital siya pero andito ako Nagzuzumba, ang galing ko rin eh no?”
“So alam mo na po?”
“Na boyfriend mo ’to? Alam ko na”
Natahimik si Sir Jack. Hindi ko alam na magiging ganito yung usapan namen.
“Ang shunga ko namang nanay kung hindi ko mahahalata diba? Magkaholding hands kayo nung pumasok, tinaggal niyo lang nung lumapit ako.”
Hindi pa rin kami makasagot.
“Oh diba natahimik kayo? Nakita ko pa kayo sa sasakyan na naghalikan bago kayo bumaba!”
“Hala, Ma! Pati yon nakita niyo?” medyo nahiya pa ako ng konti.,
“Hindi, Joke lang! Pero sa reaksyon mo ibig sabihin may nangyari nga haha”
Grabe, hindi ko ineexpect na magiging ganito yung mama niya. Napaka kalog.
“Look anak….” biglang seryoso ng mama niya. “…. You’re my son at kahit anong mangyari tanggap kita. Di’ba sabi nga ni Lady Gaga, no matter gay straight or bi, lesbian transgender life, you’re on the right track baby you were born to survive?”
“Aw, little monster?!” bigla kong sabi.
“Ohhh tignan mo, parehas pa kaming dalawa!” biglang sabi ng mama niya.
Nakakatuwa talaga yung Mama niya. Nawala lahat ng kaba at takot ko.
“Anak, successful ka na, nakapagtapos ka na ng pag aaral. Tapos na yung responsibilidad namen sa’yo, kung ano man gagawin mo sa buhay mo simula ngayon, susuportahan ko na lang kasi malaki ka na. Alam mo na kung ano yung tama at mali. Kung ayan talaga gusto mo, sige, okay lang. Buti nga nagpaalam ka kaagad eh, nalaman ko kahapon nung inatake papa mo.”
“Eh bakit ikaw? Tanggap mo ko, si papa hindi. At saka bakit hindi kayo pumunta sa Ospital?”
“Nag iinarte lang yung tatay mo para sundin mo siya. Hayaan mo siya!”
Natawa ako pero ang awkward ng tawa ko kaya tumahimik kaagad ako.
“At sa isa mong tanong, tanggap kita anak kasi mahal na mahal kita. Ayon lang yon, okay?”
Nakita kong napangiti si Sir Jack at niyakap niya yung mama niya ng mahigpit.
“Oh, sumama ka na rito, Ethan! Kasama ka na sa family!” sabi pa ng mama niya. Yumakap din ako sa kanila ng mahigpit non.
Ang gaan na ng pakiramdam ko ngayon. Sobra.
“May isang favor lang ako” biglang sabi ng mama niya.
“Ano po?” sabay nameng sagot.
“Ang dami mong iniwan na trabaho sa New York anak, ikaw na nakipag usap sa mga tao kaya they’re expecting you. I just want you to finish your job there.”
Nawala yung ngiti sa mukha ni Sir Jack.
“If you’re worried about your boyfriend, akong bahala sa kanya. I assure you, walang gagawing masama yung papa mo sa kanya”
“Hindi kasi yon, Ma. Ang layo kasi eh.”
“I think kaya mo naman tapusin yon ng 2 weeks? Right? Look…. Yung New York branch na yon, sobrang big deal samen ng papa mo. Kung kaya ko lang, ako na lang sana yung pupunta don eh kaso hindi na ako fit to travel”
Tinitignan ko pa rin yung reaksyon ni Sir Jack.
“Bakit hindi ka na lang sumama sa kanya, Ethan? You can work together. Pwede na rin na mag migrate kayo don, diba? Tapos kasal! Pwedeng magpakasal don!”
Nangiti si Sir Jack at napantingin saken. Ayaw kong tanggihan yung offer ng mama niya kasi nakakahiya pero hindi ko talaga kayang umalis ng bansa at iwan sila mama at Butchok.
“Ma, Ethan is really a family oriented man. Kaya mahal na mahal ko siya kasi mahal na mahal niya pamilya niya. Ayaw niyang umalis ng matagal.”
“I see. I see. That’s good. Ibig sabihin, magiging okay din pamilya niyong dalawa.”
“Ofcourse, Ma” bigla niya akong hinalikan sa pisngi ko sa harap ng mama niya.
Natuwa yung mama niya sa ginawa ni Sir Jack, kahit ako napangiti.,
“Sige, I’ll do it Ma.” sabi ni Sir Jack.,
“Thank you… Thank you anak..” niyakap niya ng mahigpit si Sir Jack.,
“Bibilisan ko na lang para matapos kaagad”
“Yes, do that. At isa pa, kuhang kuha niyo yung basbas ko sainyong dalawa, kaya you don’t have to worry sa papa mo. I’ll talk to him, okay?” sabi pa ng mama niya.
“Thank you so much po” ako naman sumagot.
“Huwag ka ng formal, you can call me Mama na lang.” sabi niya saken.
“Hehe, nakakahiya po”
“Good, nahiya ka. Turn on yan! Plus points ka saken!”
Natawa naman kaming dalawa ni Sir Jack.
“Magluluto ako, dito na kayo mag hapunan ah?” sabi pa ng mama niya.
Pumayag naman kaming dalawa ni Sir Jack at sa mga oras na yon, nawala lahat ng sakit ko sa dibdib!
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!
Part 60
Wala ng mas sasaya sameng dalawa ni Sir Jack ng mga oras na yon pero tapos na kami magcelebrate at babalik na naman kami sa lungkot dahil ihahatid ko na naman siya sa airport.
“Eto na naman” sabi niya habang naglalakad papasok ng airport.
“Tapos na tayong magiyakan kagabi, huwag ka ng umiyak ngayon ah?”
“Hehe. Opo, asusual alam na ah. Palagi kang tatawag saken, ganon din ako sa’yo, basta palagi mo kong iuupdate…..”
Paulit ulit na niya yan sinabi kagabi nung nasa bahay pa kami. Kaya ang ginawa ko, hinalikan ko siya sa labi para matahimik siya.
Niyakap naman niya ako at binuhat niya ako, ang lakas lakas talaga ni Sir Jack. Wala talaga kaming paki sa mga tao doon.
“Mamimiss kita….” sabi niya uli.
Paulit ulit talaga pero nararamdaman ko na naman yung lungkot dahil sa pagpapaalam namen.
“Mahal na Mahal Kita, tandaan mo yan ah.” sabi niya uli.
“Mahal na Mahal din kita….”
Niyakap ko lang siya noon. Magkayakapan ng matagal, wala kaming sinasabi basta magkayakap lang kami.
Nung oras na niya para pumasok, pinabayaan ko na siya. Hindi ko inalis tingin ko sa kanya, pero maya maya bigla siyang tumakbo uli palapit saken.
Hinalikan niya ako uli ng madiin sa mga labi ko.
“Pagbalik ko papakasalan na kita. Okay lang ba sa’yo?” tanong niya.
“Oo naman!” hindi ako nagdalawang isip sa pag sagot.
Niyakap ko siya ng mahigpit. At bumulong uli siya saken ng ‘I love you’.
Hinding hindi talaga ako magsasawa sa pagmamahal niya. Pinagmasdan ko na siyang umalis hanggang sa hindi ko na siya makita. Maya maya, umuwi na rin ako para magpahinga.
++++
Back to work na, nabalitaan kong nakalabas na ng ospital yung papa ni Sir Jack kaya medyo gumaan na lalo yung loob ko.
“Sir? Meeting sa 3rd floor in an hour” sabi ng secretary.
“Okay, sure” sagot ko.
Back to work na nga talaga kaya inasikaso ko na mga dapat kong gawin para na rin ready.
Pagkapasok ko sa meeting room, nagulat ako dahil nandoon si Sir Benj. Palagi na siyang nandito sa office. At first, nag smile siya saken tapos pinagpatuloy na niya yung ginagawa niya.
Hanggang sa matapos yung meeting, hindi na niya ako pinansin. Naaala ko, parang nagpaalam na pala siya non. Siguro okay na rin tong nangyayari samen, ayoko na rin kasi na maugnay pa kami sa isa’t isa.
Pagbalik ko sa office non, nakabukas na naman yung pinto at parang alam ko na kung sino yung nasa loob
Yung papa nga ni Sir Jack.
Akala ko naman nagpapahinga siya ngayon dahil kakalabas lang ng ospital.
“Sir….” sabi ko.
“Sit down”
Medyo kinakabahan na naman ako. Pero sumunod ako sa gusto niya.
“Bakit po, Sir?” tanong ko.
“I heard nakipag usap ka raw sa misis ko”
“Sir, sorry po….”
“Shhh shhh….”
Natahimik ako.
“I still don’t like you. I don’t like the idea of that kind of relationship.”
Hindi naman ako nakasagot uli.
“Pero my wife convinced me. She said that you’re a good person. I can see that dahil after what happened, hindi mo ko sinagot ng pabalang. Actually ayun lang naman hinihintay ko eh para may masabi akong masama sa’yo pero your patience is really something.”
Medyo natutuwa ako sa sinasabi niya.
“So here’s the deal. I want you to prove yourself to me” bigla niyang sabi.
“Huh?…. Paano po?”
“Well, may parating na investor sa company ko pero 50/50 pa sila saten, so I want you to convince them to say Yes! That will be a great in our company”
Natutuwa ako sa papa niya. Parang nabibigyan ako ng pag asa ngayon.
“Sige po gagawin ko po lahat! Maging okay lang po tayo.”
“Shhhh…. Not so fast, hindi purkit magagawa mo to eh boboto na ako sa’yo, okay?”
“I understand po.”
“I want you to do this because you’re an employee and this will help the company”
“I understand sir.”
“Okay… So…. Nasa New York na na si Jack?” tanong niya bigla.
Medyo awkward pala yung ganitong topic pero sinagot ko naman.
“Ahhh opo. Nagpapahinga na po siya kasi madaling araw po doon ngayon”
“I see…. Okay,” tumalikod na kaagad siya at lumabas ng opisina ko. Sobra talaga akong natuwa sa binalita niya, naexcite akong makipagkwentuhan kay Sir Jack dahil doon.
++++
Pagkauwi ko naman ng bahay eh nandoon si Tom, mukhang kakatapos lang ng duty niya kasi naka uniform pa siya.
“Uy” bati ko.
“Uy hehe”
“Kumain na kayo? Tara kain tayo!” sabi ko.
“Mamaya…. May aasikasuhin pa kasi ako hehe. Okay lang ba dito ako magtrabaho?”
“Huh? Anong gagawin mo?”
“May iniimbestigahan kasi akong kaso ngayon”
“Oh, ayan pala ginagawa mo? Akala ko rumoronda ka lang.”
“Syempre kailangan namen ng secret na identity hehe”
“Sige okay lang. Ano ba yan?” tanong ko.
Naglabas siya ng mga pictures at mukang mag ebidensiya nga. Mukhang seryoso siya kaya iniwan ko muna siya saglit pero nagbiro muna ako sa kanya.
“Kaya mo bang maghanap ng ibang tao? I mean kunwari yung ex ng boyfriend mo! Haha”
“Haha, seryoso ka ba?” tanong niya.
“Uy, hindi, joke lang haha wala naman kwenta hinihiling ko haha”
“Ano ba, sa tulong niyo saken at ayaw niyo naman tanggapin binabayad ko sa inyo, tutulungan na lang kita diyan sa gusto mo.”
“De, okay lang talaga.”
“Hindi mo naman ioopen yan diba kung hindi mo naiisip. Ibig sabihin hindi ka mapakali, so sige tutulungan na kita. Eto lang matutulong ko sayo” sabi niya.
Tempting pero parang mali na ipaimbestiga ko yung ex ni Sir Jack pero gusto ko rin malaman. Parang ayaw niya kasi pag usapan yung tungkol doon kaya sige.
“Sure ka? Okay lang?” tanong ko.
“Oo. Picture or pangalan lang.”
“Uhm , Hanna name niya” sabi ko.
“Oh, apelyido?”
“Hindi ko alam.”
“Oh, picture?”
“Uhm, wala rin eh”
“Ehhh paano natin mahahanap yan? Ex ni Jack? Bakit hindi mo hanapin sa FB?”
“Tinry ko na pero walang picture ehhh”
“Eh bakit hindi mo na lang tanungin si Jack?”
“Nako, sana di ka na lang nag insist na tulungan ako diba hahaha”
“Haha sorry. Sige, I’ll do my best diyan, pero unahin ko muna tong nasa work ko ah then babalitaan na lang kita about sa Hannah na yan hehe”
“Sige hehe salamat!”
“Sige tol!” iniwan ko na muna siya para maapagtrabaho ng maayos at pumunta naman ako ng kwarto ko ngayon.
Maya maya, tumawag na si Sir Jack saken at mukhang gising na siya. Pero pag sagot ko ng tawag eh wala siya, napansin kong mukhang nagmamadali siya.
“Babe, late na ako nagising, sorry! I need to go to my meeting now” sabi niya.
“Ahhh sige sige, I have something to tell you tomorrow ha? Super important.”
“What? Really?ano yon? I can wait” bigla siyang umupo at parang makikinig.
“Medyo mahaba. Mamay na lang.”
“No ngayon na, kailangan ko ng goodnews. Please goodnews sana yan”
“Yes ofcourse, medyo goodnews”
“Okay babe, tell me”
Minadali ko nga yung kwento about sa nangyaring usapan namen ng papa niya at kita ko yung saya sa mukha niya habang kinekwento ko.
“That’s good, babe! Yes, I’m so excited. I hope na magawa mo yung pinapagawa niya”
“Kaya nga eh. Magdodoble effort ako ngayon pangako”
“Yehey! But babe, I really have to go. I promise I’ll call you as soon as I have time okay? I love you so much, bye bye. Mwa mwa mwa mwa” sumagot lang ako ng mabilis at maya maya binaba na niya kaagad yung tawag.
+++++
Pagdating ko sa office ng umaga, pinabook ko sa secretary yung meeting ko don nga sa investor na sinasabi ng papa niya.
“Sir, mamaya raw pong lunch.” sabi nung secretary.,
“Free sched ba ako non?”
“Yes, Sir.”
“Okay sige.”
“Sir sa korean restaurant daw po near sa office”
“Ah sige sige” sagot ko naman.
Okay na naka book na ang lunch ko sa investors na to at gagawin ko to para samen ni Sir Jack at para matanggap ako ng tatay niya.
Pagdating ng lunch, pumunta na ako sa meeting place na yon at inaasist ako ng crew sa table ko. Ako pa lang yung nandoon kaya naupo muna ako at naghintay.
Maya maya, napansin ko naman na pumasok si Sir Benj sa restaurant.
Oh sht!!!
Sana hindi si Sir Benj ang kameeting ko ngayon. Please please please….
Pero naglakad siya papunta saken.
Shet. Please, sana sa likod ko.
Pero huminto siya sa may gilid ko. Umalis na yung crew at naiwan na siyang nakatayo sa gilid ko.
“Ah…. Uhm, ikaw ba yung…. Kameeting ko?” tanong ko.,
“I doubt, I think parehas lang tayo ng imemeet” sabi niya pa, umupo siya sa harap ko at may awkward silence sameng dalawa.
Nakatingin lang siya sa bulaklak na kalagay sa gitna ng table namen. Ako naman kunwaring nagtetext para na rin kunwari may ginagawa.
“Uhm, oorder na po ba kayo Sir?” tanong nung crew.
“Not yet” sabay nameng sabi ni Sir Benj. “Maybe later” sabay ulit nameng sabi.
Awkward. Ang awkward talaga. Siguro dahil hindi niya ako pinapasin tapos ganito pa.
Maya maya, biglang nahulog yung kutsara sa table dahil saken, sabay pa nameng pinulot yon, nahawakan ko tuloy kamay niya. Tapos napatitig siya saken bigla. Pero bumitaw din siya at ako na yung pumulot.
“Sorry, clumsy ko” sabi ko.
“Okay lang hehe”
Tahimik uli.
“How’s Zachary?” tanong niya.
“Good… Good… Nasa New York siya.”
“So I heard…. Well, you two look so happy together. I’m happy for you” sabi niya
“Thank you. Kumusta na pala kayo ni Sophie?”
“Oh, break na kami”
“Ha?!”
“Huh? Break na kami… Matagal na. Hehe” hindi ko alam na hiwalay na pala sila.
“Pagbalik ko ng Pinas, wala na kaming dalawa eh” pahabol pa niya.
Medyo nakakagulat lang kasi pero siguro ayoko na rin malaman yung dahilan. Balak pa ata niya magkwento ng biglang napansin kong may pumasok sa restaurant at nakita ko sila Sir Miggy at Cielo.
Napalingon din si Sir Benj.
“Andito na sila” sabi niya.
“What? Sila Sir Miggy at Cielo yung investor sa company?!”
“Uhm yes, gusto na nila sa company mismo natin. Remember yung deal dati? That’s for me and Sophie, ngayon naman eh yung deal sa company niyo”
“Pero…. Hindi ka na nagtatrabaho sa company nila Jack…”
“I know, I want them to sign for me. Again.” sabi naman ni Sir Benj.
Sht. So sila Sir Miggy at Cielo na naman pala kailangan niya. At feeling ko, kaya siya nakikipag ayos saken para magamit niya ako sa deal na ’to.
Kung ganito kadesperate yung papa ni Sir Jack sa deal na to, ibig sabihin importante talaga to. At hindi rin naman siguro magiging interesado si Sir Benj kung hindi importante to
“Ohh look! I was hoping na kayo talaga yung kameeting namen today!” biglang sai ni Sir Miggy paglapit samen.
“Wow, it’s been a year right? So kumusta naman ang anniversarry niyo?” tanong ni Sir Cielo.
Sasagot sana si Sir Benj pero inunahan ko na
“We’re happy. Puro work lang kaya hindi pa namen nacecelebrate hehe” sabi ko naman.
Napatingin lang si Sir Benj saken pero hindi ko siya pinansin.
“Ohh bakit magkaharap kayong dalawa?” tanong uli nila.
“I wanna see him kasi hehe. Halika na rito sa tabi ko, honey” sabi ko kay Sir Benj.
Mukhang nakukuha niya yung ginagawa ko kaya sumunod naman siya. Tumabi siya at nasa harap naman namen silang dalawa.
“Well, I know magkaibang company ang mineet namen ngayon, nasan na yung isa?” tanong nila.
“Uhm, well,magkaibang company na po kami ni Benjamin, we really want to do this kaya nagresign siya at naghanap ng ibang work” pagsisinungaling ko uli.
Tahimik pa rin si Sir Benj sa nangyayari. Okay na na siya ang gamitin ko, kaysa sa ako naman yung gamitin niya.
“Well, mukhang nagpapayaman kayong dalawa ng todo ah haha. Okay, since we love you both, pag iisipan nameng mabuti kung kanino kami magsisign ng contract okay?” sabi ni Sir Miggy.
“Hehe that’s okay po”
“Good. So for now, let’s catch up…, oh by the way, pupunta pala kami ng Ilocos on weekends. You two should come,”
“Ahhh…. Marami pong work ehh.” sabi ko.
“Well, I am part of your work, so I think pwede mo kong masingit, right? It’ll be fun! At the same time, celebration niyo na ring dalawa.”
Fvck, ayoko sana. Ayoko talaga pero biglang sumagot si Sir Benj.
“Gustong gusto po namen yan!”
Fvck! Tumingin ako ng masama kay Sir Benj pero hindi niya ako pinansin.
“Yey, good. So see you on weekends. Promise, mag eenjoy tayo!” sabi pa ni Sir Miggy.
++++
Tapos na yung lunch namen with Sir Miggy at Cielo at nung nasa labas na kami ng restaurant, nagkasagutan pa kami ni Sir Benj.
“Ano yon? Bakit ka pumayag?!” tanong ko sa kanya.
“Sino ba nagsimula?”
“What? Come on. Don’t tell me, diba nakikipagayos ka saken dahil sa reason na to? Para magamit ako? Well, inunahan lang kita”
“Huh!?! Seriously, after ng ginawa ko sayo, sising sisi ako non kaya wala akong balak ulitin yon!”
“Come on, I know you. Ganon kang klase ng tao, ginamit mo na ako noon, gagamitin mo lang din ako!”
“Fine!!” bigla niyang sigaw. “Ganon nga yung plano ko, so what? Big deal. Nangyari na noon, kaya kong ulitin uli!”
“Oh talaga? Sa tingin mo magpapagamit ako uli?”
“Well, you’re using me now so…. I guess, you’re just the same as I was.”
“No, I’m doing this for Jack. Sameng dalawa, I need this deal for us. Kaya ko to ginagawa dahil mahal na mahal ko siya. Bagay na hindi mo maiintindihan kasi…. Well, I don’t know, you’re not the serious type”
Natahimik siya.
“Okay” sabi niya na lang.
Hindi rin ako nakasagot, nakatitig lang ako ng masama sa kanya, nakataas kilay pero siya, nakayuko.
“One more thing.” sabi niya.
“Oh?”
“I also need this. Well, you can use me if you want. I will also use you to get this deal”
“Hindi ako papayag!”
“Well, wala ka naman magagawa. You have to pretend na tayo uli para makuha tong deal at ang masasab ko na lang, may the best pretender win”
“To be honest, ikaw na mananalo kasi ikaw ang pinaka super best pretender na taong nakilala ko. So I suggest, may the best people win na lang” sabi ko naman.
“Fine.”
“Fine.”
++++++++
OKAY LAST 10 CHAPTERS NA TALAGA!!!! HANGGANG 70 LANG
😊😊😊😊
VOTE AND COMMENTS!!!
Part 61
“Ang tanga mo rin bes eh, diyan ka nga nagsimulang mainlove sa kanya tapos uulitin mo lang uli?”
“Grabe ka naman saken bes. Iba na ngayon, may history na, may galit na”
“Oh ,akala ko ba wala ka ng galit? Bati na nga kayo nung nakaraan diba?”
Nasa condo ako ngayon ni Jaycee. Nasa kwarto pa rin si Stephen at mukhang natutulog.
“Nakakainis lang kasi bes, ang sabi niya kaya raw siya nakikipag ayos saken, dahil gagamitin niya ako uli!”
“Oh My shet! Seryoso?! Sinabi niya yon?”
“Oo nga! Tapos sabi niya pa hiwalay na sila ni Sophie, di’ba, napakalanding nilalang talaga!”
“Ay true? Grabe! Bakit naman ganyan si Sir Benj, nung una ang bait bait niya pa ah”
“Ganon talaga ang kulay, lumalabas kapag tumatagal. Tignan mo si Sir Jack, habang tumatagal, mas lalong sumasarap”
“Hahahaha ang landi mo diyan bes!”
“Haha, habang tumatagal, mas lumalalim kasi yung feelings. Mas lalo ko siyang minamahal. Ewan ko ba bes….” sabi ko pa.
“Good for you. Alam mo naman na Team Jack ako di’ba?”
“Hehe, salamat bes. Pero teka, bakit sa tuwing nandito ako eh nasa kwarto lang si Stephen? Ayaw ba niya akong kausap?”
“Hindi. Baka raw kasi magtanong ka sa kanya tungkol kay Hannah. Eh, loyal nga sa tropa niya yan kaya magtatago na lang daw siya sa kwarto”
“Wala ka bang picture diyan, bes? Wala kang nakita sa phone niya?”
“Wala! Puro pictures lang namen together, pati nga videos namen nandoon eh”
“Yak ano ba yan!”
“Haha. Bes, kapag may balita ako, sasabihan kita.”
“Sige, salamat.”
“Pero paalala lang, huwag ka ng mainlove ha? Kasi ako unang sasapak sa’yo, maniwala ka saken” sabi niya.
“Oo naman no!”
“Teka, anong balita kay Kambal? Masasabi mo na ba kay Benjamin?”
“Ha? Hindi pa! At isa pa, I need this deal for me and Jack, kaya may plano sana ako that will involve Adrian”
“Hmmm…. Feeling ko masamang balak yan ah pero kung against Benjamin, go ako!” sabi niya.
“Hehe, hindi naman masama. Basta. Ako ng bahala”
++++
“Adrian?” tawag ko sa kanya habang nagdadrive siya at hinahatid ako sa bahay.
“Yes, boss”
“Uhm, pwede ba tayong pumunta sainyo?”
“Samen? Bakit? Hala andoon anak ko at yung girlfriend ko… Medyo maingay pa naman yung baby ko kapag ganitong oras”
“Talaga? Okay lang…. Tara, ayoko muna kasing umuwi” sabi ko pa.
“Uhm… Sige, ikaw bahala”
Kakausapin ko lang siya tungkol sa plano ko. Desperado na ako para makuha yung deal, siguradong gagawin ni Sir Benj lahat makuha lang yon kaya ako, gagawin ko rin lahat.
Pagdating sa bahay niya, nandoon nga yung baby at girlfriend niya. Infairness, maganda yung girlfriend at mukhang yayamanin nga. Yung baby girl naman nila, super cute din.
“Hello,” bati ko sakanila.
Ngumiti naman yung girlfriend niya saken. Ang awkward lang kasi nagpapadede siya ng bata kaya hindi ko siya matignan ng diretso.
“Sorry boss…. Bakit mo ba kasing gusto pumunta dito samen?” tanong niya.
“Gusto ko kasi makita baby mo”
“Sus. Nakakahiya, wala pang pagkain dito”
“Oh tara samahan mo ko, bili muna tayo” sabi ko naman. Lumabas kaming dalawa at naglakad para bumili na lang ng Andoks.
“Sorry ha, kasi naubos na yung binigay mo saken ehh. Nagtitipid kami ngayon sa bahay” panimula niya.
“Okay lang ano ba, bigay ko na yung sweldo mo next week, gusto mo?”
“Hindi na po. Okay lang, kaya pa naman.”
“Mukhang may kaya naman yung girlfriend mo ah? Bakit hindi muna kayo doon sa Pamilya niya?”
“Nakwento ko na sa’yo di’ba, hindi kami okay. At syempre, Pride ko ’yun. Dapat ako bumubuhay sa kanila. Responsibilidad ko ’to, dapat hindi ko pinapasa sa iba”
Nakakatuwang isipin na hindi siya katulad ng kapatid niya.
“Pero parang kailangan mo ng tulong ko ah? Ano ba gusto mong sabihin saken?” tanong niya.
“Ahhh… Hmmm…. Kanina ang lakas pa ng loob ko pero sa mga sinabi mo, nahihiya na ako bigla.”
“Nako, ikaw pa ba. Tignan mo si pareng Tom, ang saya saya kasi may pamilya ng totoo. Tapos ikaw, tinutulungan mo pa ako, next week naman na babalik na ako sa serbisyo ko kaya hanggang ngayon, personal alalay mo ako hehe so anong plano mo?” tanong niya.
Huminga lang ako ng malalim.
“Kasi may deal na dapat akong makuha tapos yung tatay ni Sir Jack pinepressure ako tapos kailangan ko makuha yon dahil sa stress tapos si ex kailangan niya rin makuha yung deal eh naglalaban kami so kailangan ko ng tulong mo”
Nakatulala siya. Parang wala siyang naintindihan sa sinabi ko, kahit ako wala akong naintindihan eh.
“Ha? Paikliin mo nga lang. Yung importante lang!” sabi niya.
“Pwede ka bang maging fake jowa?” sabi ko sabay napapikit ako. Ayoko makita reaksyon niya pero sooner or later, kailangan kong malaman.
Binuka ko mga mata ko at nakita ko siyang nakangiti saken.
“Seryoso ka ba? G naman ako.” sabi niya.
“Seryoso? Okay lang sa’yo?”
“Oo naman! Diyan kami nagsimula ng girlfriend ko, as fake jowa pero tignan mo, may anak na kaming dalawa di’ba?”
“Talaga?”
“Oo! Kaya kung ayan lang gusto mo edi sige, basta fake lang ah. Alam ko masarap ako at yummy, at gwapo pero huwag kang maiinlove saken ah?”
“Hoy, ang kapal ng mukha mo. Hindi!”
“Pinapaalalahanan lang kita. Sige, deal ako diyan. Sabihin mo lang kung anong gagawin ko ha?”
“Sige sige!! Salamat talaga!”
“Akala ko naman kasi kung ano yung sasabihin mo, ayan lang pala. Hehe. Pero secret lang natin, huwag mo sabihin sa girlfriend ko para walang gulo hehe”
“Sure. Deal!” sabi ko at nakipagkamay ako sa kanya non.
++++
Tama ba tong ginagawa ko? Parang ang sama sama ko ng tao, pero siguro ganon talaga, gagawin mo lahat para sa mahal mo. Ginagawa ko naman ’to para kay Sir Jack. At tinutulungan ko naman si Adrian, ang sabi ko naman reasonable yung ibabayad ko sa kanya.
Pero parang nakokonsensiya ako. Si Sir Benj naman kasi ang masisira. Pero deserve niya ba yon? Karma niya siguro yon sa ginawa niya at balak niyang gawin saken pero ano yung karma ko sa gagawin ko?
Parang ayoko na sanang ituloy pero naalala ko na naman yung sinabi ni Sir Benj na kaya siya nakikipag ayos saken para sa dahilan na ’to. Bumalik uli yung galit ko para gawin ’to sa kanya.
Hinanda ko na lang sarili ko sa mga mangyayari.
Kinabukasan, tinext ko sila Sir Miggy at Cielo na makikipagkita ako sakanila. Tinext ko rin si Adrian na pumunta sa bahay.
“So anong plano natin?” tanong niya.
“Una, magbihis ka ng maayos. Bakit nag TShirt ka lang. Tsk, halika nga!” sinama ko siya sa kwarto ko at pinapili sa mga damit ko. Buti na lang may mga kasya pa sa kanya.
Naghubad siya sa harapan ko at hindi ko inaasahan yon. Malaki yung braso niya mukhang nagbubuhat pero wala siyang abs katulad ng kay Sir Benj, pero ang nagpapa attract sa kanya yung tattoo niya sa batok na hanggang sa likod pala. Parang dragon ’yon, hindi ko kasi tinitigan kasi nailang ako.
“Eto, okay na ba?” tanong niya. Suot niya yung blue kong long sleeves at hindi ko na pinapalitan yung pants niya. Bagay naman sa porma niya yung rubber shoes na white kaya okay na rin.
“Tara!” sabi ko. Bumaba kami at siya na yung nag drive.
“Nagyoyosi ka, right?” tanong ko.
“Oo. Lilibre mo ba ako?”
Shet, masyado naman ata kung papakita ko kina Sir Miggy na nagsisigarilyo si “Sir Benj’’
“No, don’t smoke okay!” sabi ko.
“Tsk, ano ba yan. Sige sige.”
“Ganito ang plano. Papasok ako sa restaurant na pupuntahan natin tapos huwag kang sumunod, diyan ka lang sa sasakyan. Pero lumabas ka, marami akong bitbit pero huwag mo kong tutulungan. Hayaan mo lang akong mag isa. Basta yung tipong wala kang paki saken, ganon. Okay?”
“Nako, hindi kita maintindihan pero sige na nga lang.”
Okay. Let’s do this.
Nakita ko sa may loob ng restaurant sina Sir Miggy at Cielo. Sa Ortigas kasi ako nakipagmeet at sabi ko kasama ko si Sir Benj.
“Seryoso ka ba? Eto na yung ‘fake jowa’ plano mo? Ano ba talaga plano mo?” tanong saken ni Adrian.
“Basta. Huwag ng matanong. Basta kapag kinausap ka, huwag mo silang kakausapin ha?” sabi ko pa.
Hindi na lang siya sumagot at pumayag na lang siya.
Pagkalabas ko ng sasakyan, lumabas na rin siya pero sumandal lang siya sa sasakyan habang dala dala ko yung laptop at mga papel papasok.
Dumiretso ako sa table nila Sir Miggy at Cielo.
“Oh, what happened? Bakit ayaw kang tulungan ni Benjamin diyan?” sabi ni Sir Miggy.
“Sorry po, may tampuhan lang kami.”
“Well, dapat hindi ka niya pinapabayaan ng ganyan.”
“Sige, okay lang po. Iintindihin ko na lang po siya” pagdadrama ko. Awang awa naman sila saken. Kitang kita kasi si Adrian sa bintana na nakasandal lang sa sasakyan.
“Never kong ginagawa sa’yo yan”biglang sabi ni Sir Cielo kay Sir Miggy.
“Kaya nga. Nakakadisappoint.”
“Oh. Hayaan niyo na po, magiging okay rin po samen lahat, huwag po kayong magalit kay Benjamin” sabi ko na lang.
“Hays buti na lang at mapagunawa ka.”
“Opo, ganon po talaga ako sa relasyon nameng dalawa” sabi ko naman.
Maya maya tinext ko si Sir Benj, yung tunay, na pumunta rito at makipag meeting samen. Pumayag naman kaagad siya.
Tinext ko naman si Adrian na umalis na muna doon at umalis nga siya kaagad.
“Saan naman siya pupunta?” tanong nila.
“Hindi ko po alam. Hehe, let’s continue na lang po yung usapin natin about the deal?” sabi ko. Pumayag naman sila at mukhang effective tong plano kong ’to.
++
“Thank you, Sir. For listening” sabi ko pagkatapos ko mag explain, ang ganda ng pagkakadeliver ko at sandali lang yung usapan.
“We’ll think about it okay? Nothing personal but mas gusto namen yung pinapahalagahan yung relasyon ng isa’t isa and I see that in you, Ethan” sabi ni Sir Miggy.
“Oh please, don’t be like that with Benjamin. Magiging okay din po kami, promise” pagdadrama ko uli.
“He’s lucky with you, you know”
Ngumiti lang ako at maya maya, tumayo na kami para umalis. Hinatid ko na sila sa may parking lot at sakto naman, dumating si Sir Benj sakay ng sasakyan niya.
“Tapos na yung meeting?” tanong niya.
Hindi naman sumagot yung dalawa at sumakay lang ng sasakyan.
“Anong problema nila?” tanong ni Sir Benj saken.
“Late ka raw kasi”
“Late? Eh nagmamadali nga akong pumunta rito eh!”
“Easy. Huwag kang magalit saken, wala rin naman kaming napag usapan dahil nga late ka”
“You texted me 30mins ago….”
“Shhhh…” bumulong ako sa kanya “Huwag kang highblood, hindi nakakagwapo” sabi ko sabay ngiti sa kanya at alis sa pwestong yon. Alam kong inis na inis siya noon at buti na lang hindi niya ako hinabol.
++
“Nasaan ka na?” tanong ko kay Adrian.
“Nasa Megamall lang. Tara, nakita ko dito yung mga kameeting mo”
“Andiyan sila? Sige!” nagmadali akong pumunta doon. At nung nagkita na kami, nandoon nga sila Sir Miggy at Cielo sa Starbucks.
“Kanina pa sila?” sabi ko.
“Medyo. Ano ba kasing ginagawa mo?”
“Hmmm… Basta.. Panggap uli tayo?”
“Hindi ko nga maintindihan ginagawa mo eh”
“Basta please. You’re helping alot. As in, a lot. Just please, sumunod ka lang?” pagmamakaawa ko.
“Hay nako. Okay, basta babayaran mo naman ako, G na ako doon haha”
“Yehey. So ganito, papasok tayo doon tapos magiging ‘walang paki’ boyfriend ka. Yung wala kang paki saken. Ganon”
“Teka…..”
“Please, wag ng maraming tanong.”
“Hay nako. Sige na nga”
“Yes!”
Pumasok kami at naupo sa may gilid. Hindi kalayuan kina Sir Miggy at Cielo, mukhang napansin nila kami noon kaya eto na yung plano ko.
Ako na yung bumili para sameng dalawa. Pagbalik ko, nilalambing ko si Adrian pero wala siyang paki saken. Sumisilip ako kina Sir Miggy at Cielo at napapailing lang sila.
Sinusubuan ko pa ng cake si Adrian pero tinatanggihan niya.
“Ano ba talagang gusto mong mangyari?“biglang sabi ni Adrian.
Bigla akong nagpanggap na umiiyak. As in umiiyak. Nagtakip ako ng mukha ko.
“Uy, bakit ka umiiyak?“biglang sabi ni Adrian.
“Shhh. Huwag mo kong pansinin, mag walk out ka dali!” sabi ko sabay takip uli sa mukha ko.
“Ha?”
“Basta. Huwag ka na munang bumalik ha. Tatawagan kita uli” sabi ko.
“Hay nako, baliw ka na ata” pero sinunod naman niya ako at lumabas. Naiwan ako doon na nagpapanggap na umiiyak. Maya maya, napansin kong dumating si Sir Miggy at lumapit saken.
“Anong problema?” tanong ni Sir Miggy.
“Wala…. Kinakausap ko lang siya tapos ayaw niya ako kausapin eh” sabi ko.
“Halika muna sa table namen. Tsk, ano ba kasing pinag aawayan niyo”
Okay. So success talaga yung ginagawa kong plano. Pumunta ako sa table nila at nagiiyak iyakan pa rin ako.
“Hay nako, malala na siguro yung away niyong dalawa” sabi ni Sir Miggy.
“Ay hindi po. Okay lang po. Magsosorry na lang po ako sa kanya mamaya”
“Tsk. Nakakaawa ka naman, Ethan….”
“Hindi, kaya ko po ’to. Sanay na po ako”sabi ko.
Dinamayan nila akong dalawa. Pero habang nagdadrama ako, may narinig akong sinabi ni Sir Cielo.
“Alam mo na kung kanino tayo pipirma”
SHET!! YESS!! Success.
Pinigilan ko yung excitement ko mamaya mapasigaw ako at mabuking ako.
“Benjamin, ano ba to, bakit to umiiyak?” narinig kong sabi ni Sir Cielo. Pag tingin ko kung sino, fvck, sht, kainin mo na ako lupa!
Si Sir Benj nga ’to!!!!!
“Wait, what’s happening here?” tanong niya.
Fvck! Sobrang kinakabahan ako. Paano niya ako naabutan dito? Paano niya nalaman na nandito kami? Shet. Mukha pa siyang inis na inis! Pakshet talaga!
Hindi ako makasagot at nakatingin lang si Sir Benj saken.
Bigla pang may nagtext saken at pagtingin ko.
Si Adrian.
“Boss, naiwan ko yung bag ko diyan, babalik lang ako” text niya. Sinilip ko yung pwesto namen kanina at nandoon nga yung bag niya.
Sht talaga!!
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 62
“Ano ’to, Ethan?” tanong ni Sir Benj.
Nagmadali akong tumayo at hinila si Sir Benj palabas. Kailangan kong makaalis sa sitwasyon na ’to. Hinawakan ko yung kamay niya at nagpakalayo layo. Umakyat kami para hindi namen makasalubong si Adrian.
“Ethan, ano ba?! Ano bang ginagawa mo?!” bigla kaming huminto. Buti na lang nasa taas na kami.
“Wala ’yun.”
“Ano ba? Ganyan ka na ba ka desperado para makuha yung deal? Hindi ka naman ganyan ah?”
“Well, baka ganito talaga ako. Hindi mo lang ako kilala.”
“Ano? Babagsak na naman tayo sa past natin?”
“Ew. Hindi no.”
Natahimik siya.
“Masyadong personal ’yun kaya ako umiiyak.”
“Dahil ba saken?”
“Again. Ew. No. Hindi.”
“Well, about saan?”
“None of your business okay?”
“Kung wala yon, bakit mo ko hinila dito pataas na parang may tinatago ka?”
“Kasi nga. Too personal.”
“Oh. Well, ako na lang magtatanong sakanila, gusto mo?” sabi niya. Tinatakot niya ako na babalik siya pero pinigilan ko siya.
“Stop, okay, sasabihin ko na.”
Napahinto siya. Sht. Perfect timing ba ’to para sabihin yung tungkol kay Adrian? Pero hindi, kailangan ko muna makuha yung deal.
“Miss ko na kasi si Jack.” ayon lang sinabi ko.
Hindi naman siya nakasagot.
“Miss na miss ko na siya. Pero hindi ko naman sinabi sa kanila yung tungkol kay Jack, ayon lang kaya naiyak ako.”
Hindi uli siya nakasagot.
“Okay na?” tanong ko.
“I’m not convince.” mukhang pupuntahan niya pa sila Sir Miggy sa baba kaya pinigilan ko siya uli.
“Can you take me out? Like for a lunch? Medyo gutom na kasi ako” sabi ko.
“Really?” mukhang natuwa siya sa sinabi ko.
“Oo. Uhm, okay lang ba?” tanong ko uli.
“Yes, ofcourse. Tara, saan mo gusto?”
“Hmm… Not here, ayoko lang sa mall….”
“Oh, I know a place. Tara!” sumama na ako sa kanya. Kailangan kong makaalis sa lugar na ’to.
++++
Ang layo ng pinuntahan namen, napunta kami sa Quezon City para lang kumain sa isang restobar. Pero okay na rin ’to dahil malayo na kami at kung babalik siya doon, siguradong wala na sila.
“Okay lang ba kayo ni Jack? Bakit sumama ka saken?” tanong niya.
Sus, kung alam mo lang kung bakit ko ’to ginagawa.
“Yeah, we’re super okay”
“Oh… Good.”
Chineck ko yung phone ko para magpa book ng grab. Gusto ko ng umalis dito.
“Sige, order ka lang kahit ano. Sagot ko ’to” sabi niya.
Ngayon ko lang napansin na parang anh payat payat na ni Sir Benj. I mean, hot siya kung titignan, pero compare noon, parang nagbago talaga siya.
“Oh… Korean food, gusto mo? Hehe” bigla niyang sabi.
And may something sa smile niya. Parang ang awkward na. Hindi ko talaga magets.
“Alam mo hinahanap ka nila mama. Sabi ko kasi nagkita na tayo uli eh” sabi niya pa.
Chineck ko yung phone ko at may palapit na na taxi in 17minutes.
“Ha? Sorry ano yon?” sabi ko.
“Dalaw ka naman kina mama hehe. Hinahanap ka kasi nila.”
“Busy eh hehe. Next time na lang.”
“Malapit na birthday niya. Hehe, remember last year? Umattend ka non?”
Sht. 1year na pala yon? Ang bilis. Naalala ko lang bigla yung kinantahan niya ako, kilig na kilig pa ako noon. Tapos naglakad lakad kami sa subdivision, pagbalik namen, sarado na bahay nila kaya sa kwarto ko siya natulog.
“Hehe, nakakamiss din kwarto mo eh no? Uhm, sabagay. Si Zachary na natutulog doon palagi”
Hindi ko alam kung nagpapaawa ba siya oh ano pero naaawa talaga ako. Ayoko ng ganitong feeling.
10mins, bago dumating yung taxi ko.
“Uy, kumusta na si baby natin….. Uhm, si BE pala? BE pa rin ba pangalan niya oh pinalitan mo na?”
“Diba nagkita kayo nung nakaraan?”
“Hehe oo nga pala. Uhm….. Eh si mama mo?”
Ang awkward talaga ng usapan namen. Kanina lang kasi nag aaway kami tapos ngayon, eto, nagpapaawa effect siya.
“Wait. Mag CCR lang ako.” sabi ko. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.
“Alam kong aalis ka na Ethan, kanina ka pa tingin ng tingin sa phone mo eh. Baka nagbook ka na ng grab o uber….” shet, guilty ako.
“Pero I want you to know na I’m still waiting. Waiting for you. I’m doing this deal not only for myself, but also for us. I promise you last time na I will give you a great life after na pakasalan kita. So I’m doing this for you. Everything, actually, are all for you. Because I still love you. Walang moment na hindi kita minahal, Ethan. Wala.”
Paiyak na siya. Hindi ko alam kung bakit ko pinakinggan yung sinabi niya pero naapektuhan ako in a way na naaawa ako sa kanya.
“I’m sorry….” sabi ko.
“Hindi ako manggugulo. I promise you that”
Parang napako ako sa kinauupuan ko ngayon. Gusto kong umalis pero may nagsasabi saken na gusto ko pa siya pakinggan.
“Go, leave me. Nandiyan na yung cab mo sa labas” sabi niya. Pagkacheck ko sa phone ko na nasa lamesa, nasa labas na nga yung taxi. Hindi na ako nagsalita at nagmadali na akong sumakay non at nagpahatid sa bahay.
++++
Pinilit kong tanggalin sa isip ko yung mga sinabi ni Sir Benj. Ayoko talaga ng ganon, ang sama sama ko sa mga ginagawa ko.
Tinignan ko sarili ko sa salamin na nasa kwarto ko, tinanong ko yung sarili ko kung ako pa ba ’to? Parang ibang tao na kasi ako.
Oo, sobrang saya ko kay Sir Jack. Pero nung dumating si Sir Benj parang naging masamang tao ako. Pero ang sakit kasi talaga ng ginawa niya.
Namatay si papa. Inatake kapatid ko. Tapos doon pa niya naisip na sabihin na makikipaghiwalay siya. Walang wala ako non eh. Siya lang malalapitan ko pero wala. Sa tuwing naiisip ko yon, nagagalit ako at sa tuwing nagagalit ako, nagagawa ko yung mga ganitong bagay.
Naiiyak na lang ako.
Sakto naman, gising time na ni Sir Jack ngayon at tumawag na siya saken.
“Good Evening diyan mahal na mahal kong Ethan” bungad niya.
Naglighten up kaagad yung mood ko dahil sa sinabi niya. Talagang nasa Just Woke Up stage pa rin siya dahil sa buhok niyang gulo gulo.
“Good Morning diyan”
“Nakatulog na ako kagabi kaya hindi ako nakatawag sa’yo, sorry ah?”
“Hehe. Okay lang. I know you’re busy rin”
“So.. How was the deal? Nakuha mo na ba?” tanong niya.
“Ahhh… Hindi pa. Hehe”
“Hehe sige okay lang. Alam ko naman kaya mo yan eh. I just hope na maging okay kayo ni papa after that kaya sana do this for us ah? Hehe. Kaya rin ako nandito para sateng dalawa” sabi niya.
Paano ka naman kasi hindi maiinlove sa taong ’to? Ang perfect. Physically and emotionally and mentally. Grabe.
“I love you” bigla kong sabi.
Para siyang nagulat pero ngumiti naman siya.
“Aba, nauna ka atang magsabi?” sabi niya.
“Huh? Ikaw ba palaging nagsasabi?”
“Oo pero hindi naman mahalaga ’yun. Pinakilig mo lang ako hehe”
“Sige, I love you!”
“Ethan, stop”
“I love you”
“Nako mamaya lumipad ako papunta diyan para mahalikan lang kita”
“Haha. Wala bang sagot?”
“Syempre meron…. Pero mamaya na para surprise hehe”
“Ang daya! Ohhh kumusta work?” tanong ko.
“Stress. Pero buti na lang nakikita kita hehe. Uhm, may pupuntahan pala ako mamaya, I think may inuman doon. Okay lang ba?” tanong niya.
“Oo okay lang. Kailangan mo rin mag enjoy paminsan minsan. Basta huwag lang masyadong enjoy ha?”
“Hehe. Okay, yung enjoy naman na gusto ko eh yung kasama ka. Hehe”
“Talaga? Walang mga babae diyan ah?”
“Wala. Ikaw lang babae ng buhay ko.” sabay kindat niya.
Pucha. Ano ba ’to, sobrang kinilig ako sa sinabi niya!
“I love you so much.” bigla niyang sabi. Ang saya talaga kapag hindi mo ineexpect na sasabihin sa’yo ng isang tao na mahal ka niya.
“I miss you so much.” sabi ko.
“I miss you too… I think 10 days na lang or 9 hehe. Well, matatapos ko na rin mga gagawin dito so, alam mo na pagbalik ko ha?” sabi niya uli.
“Naghihintay lang po ko hehe”
“Ethan, mag aasikaso na ako. Naiiyak na naman ako eh hehe. Miss na miss na kita. Mahal n mahal kita. Sige na, bye na” sabi niya habang nagpupunas ng luha. Hindi nman niya pinatay pero alam kong naliligo na siya ngayon.
Miss na miss ko na si Sir Jack.
++++
Habang papunta ako ng Mozu para mag lunch, nakita ko si Stephen na nagjojogging. Napahinto siya nung makita niya ako.
“Uy Ethan, si Jaycee nasa work niya” sabi niya.
“Alam ko at saka hindi ko naman tinatanong”
“Ay grabe siya oh haha sige.” nagsuot na uli siya ng earphones pero pinigilan ko siya.
“Wait…. Sino ba si Hannah?” tanong ko.
“Ohhh…. Ahhh….. You know…, eh, basta kay Jack mo na lang tanungin”
“Hoy, jowa mo bestfriend ko dapat open ka sakanya!”
“Haha, pero hindi ko sasabihin storya ni Jack sakanya. Secret namen ni Jack yon eh”
“Alam ko naman na ex niya ’yun eh”
“Eh ayon naman pala eh. Alam mo naman pala eh ano pa gusto mo malaman?”
“Kung bakit sila nagbreak, ganon”
“Oppssss…. Too personal…”
“Dali na Stephen, please?”
“Hay nako kahit anong gawin mo hindi ko sasabihin. Si Jaycee nga pinaghihirapan niya yung mga sagot ko eh”
“Ay grabe ka naman, alam ko yon, nagaanuhan kayo bago mo sabihin sa kanya yung mga sagot sa tanong!”
“Uyyy excuse mo, before yon nung hindi ko pa siya mahal. Eh mahal ko na si loko kaya madali na lang. Eto, masyado ka saken. Kahit fvckboy, nagbabago ano!”
Natawa naman ako sa sinabi niya. Nakakatuwa din yung storya nila Stephen at Jaycee eh.
“Sige na, umalis ka na nga wala akong mapiga sa’yo eh” sabi ko.
“Ehh paano pinipiga na ni Jaycee hahaha sige bye!” sabi niya at umalis na kaagad.
Jusko, ang init init nagjojogging.
++
Nakipagkita saken si Adrian pagkaout ko sa shift.,
“Boss, pasensiya na kung hindi na kita masasamahan sa mga susunod na araw, kailangan ko kasing umuwi eh. Si papa raw kasi….. May emergency” sabi niya.
Naisip ko rin bigla si Sir Benj.
“Oh… Okay lang, sige.”
“De, nakipagkita talaga ako para magpasalamat sa’yo. Back to service na rin naman ako nextweek at magbabakasyon muna kami ng pamilya ko. Salamat din sa malaking sweldo galing sa’yo kaya may pamasahe na kami hehe”
“Ano ka ba, salamat din sa tulong.”
“Ano? Doon sa fake jowa na di ko naman naintindihan? Haha sige, walang anuman na lang hehe”
“So, saan ka ba pupunta?”
“Pupunta na akong Isabela bukas, open pa naman yung imbitasyon ko sa’yo boss. Kung gusto mo, sumunod ka na lang doon”
“Hehe, next time na lang. Kapag hindi na ako busy”
“Naintindihan ko boss, salamat talaga” sabi niya.
Aleast, kahit papano, masaya si Adrian sa ginawa ko kahit wala siyang idea kung para saan ’yun.
Pagkauwi ko ng bahay, nakita kong kumakain sila mama, Butchok at Tom kaya sumabay na ako sakanila.
Nagkwento si Butchok sa school niya at mukhang okay na okay na talaga siya, parang hindi siya naoperahan. Ang daming kwento halos lahat kami nakikinig na lang sakanya, pinagbigyan na namen kasi ngayon lang nakaexperience ng ganito eh.
Si Tom naman medyo tahimik at parang hindi umiimik.
Pagkatapos kumain, lumapit saken si Tom.
“Uhm, tol, pwede ba kita makausap?” sabi niya.
“Oh, tungkol saan?”
“Private ehhh… Doon tayo sa kwarto mo?” yaya niya.
“Mukhang seryoso nga ah. Hehe sige tara” pagkaakyat namen sa kwarto may inabot siya sakeng envelope na brown
“Hannah Jane Rivera full name niya. Maganda at sexy!” sabi ni Tom
Mga pictures yung nasa loob doon, picture ng babae na napakaganda, maikli ang buhok, sexy, matangos ilong, mala Georgina Wilson yung datingan pero maliit lang ng kaunti.
“Siya ’to?” tanong ko.
“90% sure, na siya ’yan kasi marami silang picture kasama ng boyfriend mo eh”
“Ay grabe naman pala ang ganda ganda niya!”
Seryoso, ang ganda talaga. Nakatulala lang ako sa pics niya sa sobrang ganda.
“Akala ko marami kang ginagawa? Bakit mo naman siningit ’to?”
“Ayaw mo ba tol?”
“Hindi, okay nga ehh.”
“Ang balita ko nasa America din daw siya.”
“Talaga?”
“New York din”
“Talaga?!”
“Yeap. International studies ba ’yon? Nag aaral siya doon”
Grabe, ang galing ng source ni Tom pero nakakabothered lang na nasa New York din si Hannah. Yung nakita ko sa may apartment niya, hindi siya ’to kaya nagsasabi ng totoo si Sir Jack.
“Uy… Salamat dito ah? Pero bakit kailangan dito pa sa kwarto ko?” tanong ko.,
“May nalaman pa kasi akong iba. Akala ko nung una kamukha lang pero….”
Inabot niya yung picture ni Sir Benj at Sir Jack na magkasama.
Fvck! Huli!
“Akala ko nung una kamukha lang eh. Pero nung tinignan kong mabuti, akala ko talaga si Benjie, ang pinagkaiba lang eh yung sa tattoo. Walang tattoo yung lalaking ’yan. At isa pa, hindi siya umiinom sa mamahaling lugar kasi pamilyado na siyang tao.”
Grabe, kinikilabutan ako. Hindi ko matignan sa mga mata si Tom. Nahuli niya ako, alam na niya yung tungkol kay Sir Benj.,
“Sino ka talaga? Anong binabalak mo kay Benjie? Ha?”
++++++
Last 8 chapters!!!!!
TADTARIN NA NG VOTES AT COMMENTS!!!!!
Part 63
Next story will be Greg’s Diary, after ng story na ’to, sisimulan ko na ’yun at magsisimula sa November. Check niyo profile ko for details. Hehe
😊
may update na yon ng 18 chapters, hehe.
+++++
“Ano, Ethan? Anong balak mo? Bakit mo pinaglalaruan si Benjie ha?!” parang galit na si Tom sa tono ng boses niya.
“Uy, hindi ko siya pinaglalaruan.”
“Sige, paliwanag mo saken”
Hindi ko naman alam kung anong ipapaliwanag ko. Kaya natahimik din ako.
“Hindi ako magagalit sa’yo Ethan pero kasi alam mong kapatid tingin ko kay Benjie, tapos may ganito palang issue. Kaya pala nung unang magkita kayo eh tanong ka ng tanong, hindi ko naman pinansin kasi akala ko type mo lang siya pero…..”
“Wait lang. Please. Makinig ka muna.”
“Naghihintay ako” sabi niya sabay upo niya sa kama ko.
“Okay… So ganito….” una kong kinwento sa kanya yung samen ni Sir Benj hanggang sa maghiwalay kami.
“Saan papasok si Benjie diyan?“tanong niya.
“After 8 months nga, napagdesisyunan namen na ipasok sa school si Butchok. Nung nakita kita, coincidence lang lahat. Hindi ko alam na kapatid pala kita. Nung makita ko si Adrian non, nagulat ako ayaw ko pang maniwala baka kako kamukhang kamukha lang pero nung sinabi niya pangalan niya, parehas ng apelyido ni Sir Benj, kaya doon ko nalaman na kapatid niya ’yun.”
“Alam mo bang ako lang kinikilala niyang pamilya? Alam mo naman pala na may totoo siyang pamilya na malalapitan pero tinago mo pa, pinaglaruan mo pa!”
“Hindi ko sinasadya….”
“Ethan, kapatid kita. Tuwang tuwa rin ako na nakilala kita, pero hindi ko kukunsintihin ’tong ginagawa mo.”
“Alam ko. Sasabihin ko naman talaga….”
“Pero nga hindi mo sinabi. May ginawa ka pa sigurong masama. Baka ginamit mo si Adrian sa iba, pinalabas mo na siya yung ex mo tapos pinapanget mo yung image para masiraan mo yung ex mo.!”
Sht. Tama siya, ganon nga ginawa ko pero hindi ako aware na ganon pala kasama yung dating.
“Pucha, so ganon nga ginawa mo?!” sabi niya.
Again, guilty ako kaya hindi ako nakapagsalita.
“Hindi na kami masyado nakakapagusap ni Benjie pero ayokong ako magsabi neto, Ethan. Sabihin mo na ngayon! Lalo na sa ex mo! Karapatan nila ’yun! Tinatanggalan mo sila ng karapatan!”
Halos maiyak ako. Ang sama sama ko pala talaga. Hindi ko talaga akalain na ganito pala kasama yung dating ng ginagawa ko. Ang gusto ko lang naman makuha yung deal pero umabot pa sa ganito.
Bigla naman lumapit si Tom saken, hindi ko alam kung sasaktan niya ako pero niyakap niya lang ako. Nagulat ako sa pagyakap niya pero at the same nakakagaan ng loob.
“Yung Ethan na isip bata na nakilala ko sa tapat ng school, kinalimutan ko na ’yun. Ang tingin ko na sa’yo ay si Ethan na kapatid ko sa tatay ko. Bilang nakakatanda sa’yo ng ilang buwan at isang pulis, ayokong gumagawa ka ng mga ganyang bagay”
Biglang naging malumanay yung boses niya. Mas naiiyak ako sa ginagawa niya.
“Pero ang sakit nga nung pinagdaanan mo, Ethan. Baka kung may baril ka lang nung mga oras na ’yun binaril mo na yung hayop mong ex eh!”
“Hehe hindi….”
“Alam kong masakit ’yun, hindi ko man alam pinagdaanan mo pero sa kwento mo, masakit ’yun. Sobra. Kaya may part din na naiintindihan ko kung bakit mo ’to ginagawa.”
“Sa totoo lang, wala akong intensyon na maging ganito yung kalalabasan ng ginagawa ko….”
“Ayan nga. Nabubulag ka sa galit mo kaya hindi mo na naiisip yung masamang ginagawa mo sa ibang tao. Tandaan mo, kapag gumawa ka ng masama, para sa mabuti man o masama, babalik at babalik sa’yo yung karma”
Dinidibdib ko mga sinasabi niya. Hindi ko akalain na may ganitong side si Tom.
“Oh, papatagalin mo pa ba o sasabihin mo na sakanila?” sabi niya pa.
“Sasabihin ko na.”
“May magagalit. Kasi mali yang ginawa mo pero tanggapin mo kasi kasalanan mo ’yun. Okay?”
“Hehe. Okay.”
“Kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako ah?” paalala niya pa.
At mas gumaan na yung loob ko kay Tom after nameng mag usap ng masinsinan. Kailangan ko lang ipaliwanag kay Sir Benj, Adrian at lalong lalo na kay Sir Jack ng maayos.
+++
Kinabukasan, Una kong tinawagan si Adrian, siya kasi yung ginamit ko kaya dapat siya yung unang makaalam. Sinagot naman niya yung tawag ko.
“Uy boss, good morning! Napatawag ka?“bati niya.
Ang tahimik doon, mukhang wala siyang kasama.
Pero ano bang sasabihin ko sa kanya? Hindi ko pa macompose sa isip ko.
“Boss?” sabi niya pa.
“Ahh hello…. Nasa Isabela ka na?”
“Oo, kagabi pa hehe. Bakit kayo napatawag?”
Ano ba, ang tanga mo Ethan. Sabihin mo na.
“Ahhh, siguro boss gusto mo pumunta rito, nahihiya ka lang. Tara, sunod ka. Tapos na yung kwarto dito na inaayos. May tutulugan kang maayos.”
Siguro mas maeexplain ko sa kanya kapag kaharap ko siya. Ang hirap kapag sa phone eh.
“Ahh oo sige. Okay lang ba?” sabi ko.
“Talaga? Sige boss tara halika rito!”
“Sige… Uhm… Bukas? Okay lang pero saglit lang ako. Magbabakasyon lang ako sandali at saka may sasabihin kasi ako.”
“Sus, sabihin mo na ngayon!”
“Ahhh hindi diyan na lang hehe.”
“Sige boss. Hintayin kita. Text ko sa’yo kung saan kami rito ha? Sasabihin ko na rito para makapagkatay na kami ng manok para sa’yo”
Hindi pa rin ako makasagot. Mas okay na ’to, kesa sa phone ko pa sabihin, ang sama ko na lalo.
Napagkasunduan namen na pupunta ako bukas ng Isabela. Ako ng bahala magpaalam sa office basta gusto ko lang maayos yung gusot na ginawa ko.
Tinawagan ko si Sir Benj pero hindi niya sinasagot. Pangalawang tawag ko eh binabaan niya ako. Bigla siyang nagtext pagkatapos non.
“Sinusubukan kong mag moveon Ethan. Tulungan mo rin ako, huwag ka na muna magparamdam” sabi niya.
Gusto ko sana replayan pero anong naman sasabihin ko sa text na ganon?
Maya maya nagtext uli siya.
“Ano ba kasi ’yun, Ethan?”
Natawa ako sa text niya.
“Busy ka ba? Gusto sana kita makausap eh” reply ko.
“Huwag na muna Ethan. Bahala ka na muna kung anong gusto mong gawin tungkol sa deal. Ayoko na muna makita ka.”
Natulala ako sa text niya. Ang hirap naman pala sabihin.
“Ah sige. Text mo na lang ako kapag okay na” sabi ko.
“Magiging okay lang ako kung makikipagbalikan ka.”
Ayoko ng magreply. Mamaya kung saan na naman mapupunta yung usapan nameng dalawa.
Buti na lang tumawag na saken si Sir Jack. Oras na kasi nameng dalawa ngayon. Pagkasagot ko naman ng video call namen eh mukhang kakauwi niya lang.
“Oh. Mukhang pagod na pagod ka ah? Magpahinga ka na kaagad ah?” sabi ko. Ngumiti lang siya ng pilit na parang pagod na pagod nga siya.
“Hehe. Kumusta tayo?” bigla niyang tanong.
“Huh?”
“Tayo pa ba?”
“Ha? Anong sinasabi mo diyan???” naguguluhan ako sa mga tanong niya.
“Mahal mo pa ba ako?”
“Uy…. Ano ’yan??”
“Nagsasawa ka na ba?”
“Jack, ano ba?!”
“Ethan, wala akong ginawa rito kundi magtrabaho. Alam mo naman na ginagawa ko ’to para saten di’ba?”
Napapansin kong umiiyak na siya. Ayoko talaga ng umiiyak siya. Lalo na ngayon na wala akong magawa para macomfort siya.
“Uy…. Bakit ka nagkakaganyan???” tanong ko pa.
“Ayoko kasing maniwala ehh… Pero… Bakit palagi kayong nagkikita ni Benjamin ng hindi ko alam? Akala ko ba sinasabi mo saken lahat?”
“Sinasabi ko naman sa’yo lahat…”
“May mga pictures, babe. Nung una, ayoko maniwala, mamaya sinisiraan ka lang saken. Palagi kong hinihintay na ikaw magsabi saken pero sa iba ko pa nalalaman eh!”
“Sino ba ’yan? Wala akong ginagawang masama rito.”
“Magkasama kayo sa restaurant, sa starbucks, palagi ka pa niyang hinahatid pauwi. Ethan, hindi ako tanga!!”
Natahimik ako sa pagsigaw niya.
“Magpapaliwanag ako….”
“Sige, dali! Magpaliwanag ka!”
Huminga ako ng malalim.
“Kakambal niya ’yon”
Hindi siya nakasagot. At biglang tumawa at umiyak.
“Ganyan na ba kalala yung pasisinungaling mo para sabihin na may kakambal siya? Ethan ano ba?! Purkit alam mong sunud sunuran ako sa’yo, niloloko mo na ako?!”
“Hindi kita niloloko. Maniwala ka, nung una, ayokong maniwala pero kahit ako nagulat!”
“Ethan….. Huwag mo ng ipilit, please lang..”
“Maniwala ka! Hindi kita niloloko!”
“Hindi ba? Sinong maniniwala na may kakambal siya? Close ako sa pamilya ni Benjamin at alam kong wala siyang long lost brother!!”
Galit na siya. Ngayon ko lang nakita si Sir Jack ng ganito.
“Please, maniwala ka. Hindi kita niloloko. Totoo sinasabi ko.”
“Ang hirap mo na paniwalaan. Ilang araw ko ng natanggap yung pictures. Naginom ako kasi mababaliw ako kakaisip, ngayon ko lang nailabas sa’yo. Ethan, ang sakit”
“Jack, please. Mahal kita, hindi kita niloloko”
“Sabihin na natin na kakambal nga ni Benjamin ’yan, bakit ka sumasama sa kanya? Bakit sa dinami raming mukha na pwede mong maging driver, yung mukha pa mismo ng ex mo na sobrang minahal mo? Bakit? Kasi mahal mo pa?!!”
Naiiyak na ako. Eto ba yung bayad sa mga nagawa kong kasalanan? Bakit sobra sobra naman ata.
“Iniisip ko kung worth it pa ba yung atin pinaglaban kita sa mga magulang ko, nakita mo naman di’ba? Sige, di’ba kinukuha mo yung loob nila, sa tingin mo kapag nalaman nila ’to makukuha mo loob nila?”
Hindi na ako makapagsalita. Guilty ako, ang sama ko. Lahat na, ako!
“Are we worth it? Sa huli ba parehas tayong masaya? O ginamit mo lang ako para makalimutan si Benjamin?”
“Huwag mong isipin ’yan, please. Hindi ganyan….”
“I told you, ang hirap mong paniwalaan. Baka naawa ka lang saken kaya mo ko sinagot. O baka naghahanap ka ng magmamahal sa’yo kaya nung nakita mong mahal kita, sinagot mo ko.”
“Jack….”
Bigla na lang naputol yung tawag nameng dalawa. Sinubukan ko siyang tawagan pero wala, hindi niya sinasagot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Iyak na ako ng iyak, kahit anong gawin ko wala talaga.
Ang sakit ng karma saken. Kung anong nakuha kong sakit na binigay ko sa iba eh bumalik saken ng doble, triple, sobra sobra pa.
+++++
3 days. Wala talagang paramdam si Sir Jack, texts o call wala. Gusto ko siyang makita pero isang linggo pa bago siya umuwi. Hindi ko rin alam kung uuwi pa ba siya dahil sa nangyari.
Lahat ng ’to dahil sa pagtatago ko tungkol kay Sir Benj. Lahat na lang, konektado kay Sir Benj! Nagagalit na ako sa sarili ko dahil yung isang pagkakataon na sumaya ako, sinira ko pa dahil sa kagustuhan kong masaktan yung taong nanakit saken.
Gusto ko ng matapos lahat ng ’to kaya napagdesisyunan kong punthan si Adrian para sabihin na sa kanya.
Matagal yung byahe papunta sa kanila. Kada oras ng byahe ko,tinatawagan ko si Sir Jack, baka sakaling sumagot pero wala talaga.
Kailangan ko lang tanggapin lahat ng nangyayari saken.
After almost 11 hours, nkarating na ako ng Isabela mag isa. Medyo maputik yung daan at lubak lubak. Looban pa yung bahay nila at medyo madilim na. Ang maganda lang eh ramdam na ramdam mo yung probinsiya vibes.
Sa dulo naman ng dinadaanan kong madilim na daanan eh may bahay doon na gawa sa kawayan. Napansin ko si Adrian na lumapit sa sasakyan ko at sinalubong ako. Bumaba kaagad ako ng sasakyan.
“Boss!! Pasensiya na ha hindi kita nasunod sa bayan, may handaan kasi rito ehhh. Halika!” sabi niya pa.
Pinilit kong maging masaya kahit papano. Kailangan ko rin siguro ng pahinga dahil masyado na akong kinakain ng sistema ng pagibig.
“Oh? Hehe edi maraming pagkain?”
“Oo boss haha, halika, pasok ka!” sabi niya.
Probinsiyang probinsiya yung bahay. Lupa yung dinadaanan ko tapos yung bahay lang nila yung sementado yung lupa. Maliwanag din bahay nila at medyo marami ngang tao.
“Anong meron?” tanong ko kay Adrian.
“Mga kamag anak daw namen hehe. Hindi ko rin sila mga kilala eh”
Nakakatuwa talaga kapag handaan sa probinsiya. Ang dami ehh.
Pero pumunta kami sa may likod ng bahay niya at may mga nagiinuman.
“Ohh, umiinom ka naman di’ba boss?” tanong niya.
“Pakainin mo naman muna ako, nakakapagod kaya yung byahe.”
“Ay sorry. Tara, kain ka muna. Kuha ka na, samahan kita” sabi niya.
Tumayo naman kami at kumuha ng pagkain.
“Nasaan pamilya mo?” tanong ko.
“Nasa kwarto, nagpapahinga na hehe.”
“Nako baka istorbo lang ako sa kwarto nila.”
“Ano ka ba, may sarili kang kwarto boss.. Hehe at saka may surprise ako sa’yo”
“Surprise saken? Ano naman?”
“Surprise nga di’ba? Edi hindi na siya surprise kapag nalaman mo” sabi niya pa.
“Hehe sige.”
“Ayy, may sasabihin ka pala saken no? Ano ’yun boss?”
“Ahh… Siguro mamaya na lang. Hindi tamang oras ’to eh hehe”
“Haha sige, bilisan mo at sumama ka makipaginuman sa labas hehe.”
Lumabas siya at ako naman kumain sa lamesa. Tumingin tingin ako sa paligid at napansin ko yung familiar na mukha.
Yung mama ni Sir Benj.
Totoo ngang may kakambal si Sir Benj. Mukhang hindi naman niya ako napapansin kaya ako na lumapit sa kanya. Pero bago ako makalapit, hinila ako ni Adrian at pinapunta sa inuman.
Wala na akong nagawa kaya napainom na rin ako. Ang weird lang kasi lambanog yung iniinom nila, hindi pa ko nakakatikim eto eh.
Masarap siya nung tumagay ako pero pucha, humahagod sa lalamunan ko. Ang bilis ng tama saken at nakaramdam agad ako ng hilo sa limang shot pa lang.
“Nasaan yung CR?” tanong ko kay Adrian.
“Ahh iihi ka ba? Diyan ka na lang sa puno. Magtabi tabi ka lang hehe”
“Ikaw haaaa baka manuno ako diyannnn!” nakakainis, parang lasing na talaga ako magsalita.
“Haha, sige pasok ka na lang sa loob. Sa dulo ng kusina, nandoon yung cr.” sabi niya.
Tumayo naman ako at pinilit kong maglakad ng diretso pero hindi ko talaga kaya. Nakarating ako ng cr ng pagewang gewang, mismong pag ihi ko hindi ko nashoot sa inidoro
Lalo na paglabas ko ng CR, mas ramdam ko na yung hilo ko.
Muntik na akong bumagsak pero buti na lang sinalo ako ni Adrian.
“Lasing na lasing ka na” sabi niya. Kaya binuhat niya ako papunta sa kwarto.
“Uyyy Adrian…. Mamaya kung anong isipin nila saten. Put me down. Now na. Put me down, yessss! Put me down!” halos nagsisisigaw na ako. Pinapatahimik naman niya ako kaya tinakpan niya bibig ko.
Hiniga niya ako sa kama pero naglalaban ako. Gusto ko pa kasi uminom, gusto ko maglasing eh!
“Ano ba, maginuman naman tayo! Huwag kang KJ, sabi mo huwag akong KJ!” sigaw ko sa kanya.
“Magpahinga ka na, Ethan. Lasing na lasing ka na”
“Aba tinawag mo kong Ethan ah??? Haha okay. Shiguro lasing ka na rin anoo? Ano? Lasing ka no? Ano? Ano? Sagot?”
“Tsk. Matulog ka na nga lang diyan!”
“Ano ba Benjamin Adrian Fortalejo ah! Bakit mo ko pinapatulog ha, diyos ka ba ha?”
“Tsk. Lasing na lasing ka na. Nakakahiya na!”
“Mas nakakahiya yung suot mo, bakit ka naka pink na TShirt? Kanina kulay white yan ah? Bakit nag change outfit ka?”
“Ang kulit mo…..”
“Nako, magkamukhang magkamukha talaga kayong dalawa ng kakambal mo. Alam mo ba ’yun? May kakambal ka? Ha? Alam mo? Ha?” kinurot kinurot ko pisngi niya. Nahihilo na talaga ako pero buti na lang hindi siya naiinis.
“Dahil sa’yo magkaaway kami ng boyfriend ko haha. Dahil saken pala pero dahil sa’yo rin kasi hindi ko sinabi sa kanya”
“Ethan. Magpahinga ka na. Lasing ka na, bukas na ako magpapaliwanag”
“Alam mo kung anong wala ka? ABS! Oo, abs, kasi si Sir Benjamin Llander, kahit manloloko ’yun may abs ’yun! Ano bang gusto mo? Manlolokong may abs? O loyal na walang abs?”
“I’m really sorry…”
“Haluhhhh parang tanga, nagsosorry. Patingin nga ng taba mo!” kinapa ko yung tyan niya pero infairness, may abs pala siya.
“Oh, kitam mo nga naman. Namamalikmata lang pala ako na wala kang abs. Ohh pak pak, meron kang abs! Pero mas masarap boyfriend ko, oo, mas maraming abs ’yun. Kaso nga lang, wala siyang tattoo sa likod katulad mo.”
Tinignan ko yung tattoo niya sa likod pero nawala.
“Ay, bakit nawala tattoo mo?” tanong ko sa kanya.
Maya maya, may pumasok sa kwarto.
Si Adrian.
“Nandito lang pala kayo, boss magpahinga ka na ah? Tol, pagtapos mo diyan labas ka uli, shot ka pa haha bawal tumanggi sa tagay!” sigaw niya at sinara na niya yung pinto.
Nawala lasing ko! Tumayo lahat ng balahibo ko sa nakita ko.
Si Sir Benj ’tong kaharap ko ngayon!
++++++
Guys visit niyo si
akosibabyboy
may new story siya!!! :)))
VOTE AND COMMENTS NA!!!! LAST 7 CHAPTERS
Part 64
Sad kasi sira phone ko, finals pa so baka delay na delay na yung updates huhu! then finalsweek pa hays! sorry. (laptop lang to haha ang hirap pala)
++++
Ang sakit ng ulo ko. As in, iba pala tama ng lambanog saken. Pag gising ko nakahubad pa ako, i mean, shirtless. naka boxer shorts lang ako ngayon. Naalala ko pa yung nangyari kagabi, akala ko totoo, panaginip lang pala yung tungkol kay Sir Benj.
Parang ang saklap lang kung sakaling alam na ni Sir Benj na may kakambal siya. Yung tipong akala ko pinaglalaruan ko sila tapos biglang ako pala yung pinaglalaruan nila.
“Ethan, gising na, may pagkain na sa labas” biglang pasok ni Adrian sa kwarto.
“Huwag mo nga akong tawagin na Ethan, may naaalala kasi ako eh!”
“Bakit? Sino naman?”
“Wala.”
“Ethan naman pangalan mo ah? Wait, nasobrahan ka ba sa lambanog kagabi?”
“diba boss tawag mo saken?”
“Ahh boss tawag sa’yo ni Adrian? haha si Benjamin ’to. Lasing ka ba?”
Ay pucha talaga. Akala ko nananaginip lang ako. Nasigawan ko tuloy siya ng hindi oras!
“Hoy akala ko ba alam mo na? Sinabi ko na kagabi ah?” bigla niyang sabi. Pero hindi ko siya pinapalapit saken kasi nakahubad ako.
“Umalis ka sa kwarto ko!!”
“Baka nakakalimutan mo, nasa bahay ka ng kapatid ko hahaha bakit ako aalis? Ako pa mag aadjust?”
“Teka, bakit ako nakahubad. Anong ginawa mo saken?”
“Hoy huwag ka ngang assuming diyan. Kahit masarap ka, wala akong ginawang masama sa’yo no!” paalala niya pa. Bigla siyang umiwas ng tingin nung mga oras na ’yun.
“Oh, teka! Paano? Wala akong maalala?”
“Hay nako, paano mo maaalala eh bigla kang bumagsak kagabi nung nagpapaliwanag ako!”
“Teka, Kailan mo pa ba alam? ha?!” tanong ko. Pero bago bumukas yung pinto eh biglang pumasok si Adrian, sure na akong siya ’yun.
“Boss, ano na? tara na. kain na tayo. sabay sabay kasi kaming kumakain eh” sabi niya.
Ay jusko. Sobrang weird talaga ng mga nakikita ko ngayon. lalo na sa dalawang kambal na ’to. Nakatingin silang pareho saken, lookalike na lookalike. Medyo pang cosmo bachelor lang si Sir Benj ng kaunti.
“Eto na…” sabi ko, lumabas na si Adrian at chineck ko na muna phone ko. Pero walang signal!
“Nagulat din ako pero totoo, walang signal dito!” biglang sabi ni Sir Benj.
“Seryoso? Eh paano ko matatawagan si Jack neto?!”
“Aba, malay ko. Kaya kung ako sa’yo, bumangon ka na at kumain na tayo kasi ikaw na lang talaga hinihintay!” sabi niya pa at umalis na siya ng kwarto ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala pero sinubukan kong saktan sarili ko at naramdaman ko yung sakit. Hindi nga ako nananaginip.
++++
Ang weird pa rin talaga, tatlo lang kaming sabay sabay na kumain. Akala ko ba sabay sabay sila kumain, pero bakit ganito.
“Alam mo na pala, Adrian!” bigla kong sabi.
“Haha quiet lang ako boss. Si utol na magsasabi sa’yo!”
“Kailan mo pa alam, ha?!”
“Secret haha.”
natawa naman si Sir Benj. Mukhang magkasabwat talaga silang dalawa.
“Uuwi na ako mamaya. Eto lang naman gusto kong sabihin sa’yo eh” sabi ko.
“Oh, hindi ka makakauwi ngayon. Kasi ginagawa yung kalsada at baka hindi makadaan yung sasakyan mo.”
“Ha? Bakit kagabi hindi naman ganon?”
“Eh kagabi ’yun. Ngayon lang sinimulan na bakbakin yung lupa” sabi pa ni Adrian.
Natatawa naman si Sir Benj sa gilid na mukhang pinipilit niyang hindi matawa. Ako naman, inis na inis sa mga nangyayari.
“Fine, titignan ko!!” sabi ko at tumayo ako at lumabas at naglakad kung saan ako dumaan kagabi.
Hindi nga siya nagbibiro, bitak bitak na yung daanan at siguradong hindi makakadaan yung mga sasakyan! Tinanong ko naman yung mga trabahador kung gaano katagal yung gagawin nila at baka daw umabot ng isang buwan pero in 3 days baka naman pwede ng makadaan yung mga sasakyan.
“3 days? hmm… Destiny or coincidence? I think destiny” biglang sabi ni Sir Benj sa likod ko. Hindi ko namalayan na sumunod pala siya.
“Plano mo lahat ’to no?!” sigaw ko sa kanya.
“oops… Bakit ako sinisisi mo? Sino bang nauna?!”
“Hoy….” okay, ako pala nauna so hindi ako nakasagot.
“See. ikaw nauna, hays. Karma is real. la la la la la la” nang aasar pa siya habang pabalik kami sa bahay nila Adrian. Nako talaga!
“Ethan, may tanong ako sa’yo?” sabi niya.
“Ano?”
“Sinong nakarma? hahahahhaa”
sa sorbang inis ko, tinulak ko siya sa may taniman ng palay. Bumagsak siya sa maputik na lupa, as in lumubog siya ng bahagya. Sobrang putik tuloy niya.
“Ooopps, sorry” sabi ko.
Pero akala ko nakakatuwa yung ginawa ko, ako lang pala natuwa. Kasi nasira ko yung taniman. Tinignan lang ako ni Sir Benj non.
“Tsk tsk tsk. Ang sama talaga. tsk tsk tsk” sabi niya saken.
“Hindi ko naman sinasadya na masira yung tanim!”
“Aba, doon ka pa nagworry kesa saken ha?!”
“Yung tanim kasi, mababalik mo sa dati, pero ikaw hindi na.”
“aba, may hugot. Pero sige, ako na lang aayos ng ginawa mo, ganon naman kasi talaga ako eh, taga ayos lang ng mga problemang ginawa mo” bigla niyang sabi.
Nagsimula na nga niyang ayusin yung tanim at ako naman bumalik na sa bahay nila Adrian. Ayoko na talaga, kailangan ko ng makauwi kaagad.
“Oh boss, yung tubig pala rito samen iniigib, naubos na yung tubig sa banyo eh kaya mag iigib na muna ako para makaligo ka”
“hala, ako na. Kaya ko naman eh”
“talaga? hehe sige, doon lang sa dulo boss”
“ano ba yan, nag jojoke lang ako umoo ka naman.”
“Ayy, sige boss ako na!”
“hhaha joke lang din ’yun. Saan uli?” tanong ko.
tinuro niya at pinuntahan ko naman.
Tubig sa poso ’yun. Nakakatuwa lang yung aura dito sa probinsiya dahil ang linis at kakaibang kakaiba sa mga ginagawa ko araw araw.
Yung poso eh nasa loob ng kubo.
Pag pasok ko eh nagulat ako ng makita ko si Sir Benj na nakahubad! As in hubad na hubad! Kitang kita ko tuloy lahat! As in lahat!
Napasigaw kaming dalawa at nabato ko pa siya ng tabo saka ako lumabas.
Jusko, bakit naman kasi hindi siya marunong mag lock ng pinto!
Sobrang nahihiya ako. As in.
Nakatambay lang ako sa labas at bigla siyang lumabas ng kubo.
“Hindi ka ba marunong kumatok? ha?!” sigaw niya saken
“Bakit ba hindi ka marunong mag lock?! Jusko naman!”
“CR kasi ’yun! Kung gusto mo mag igib, doon ka sa labas. Nasa likod yung poso!”
“Akala ko nasa loob?”
“Akala Akala, oh nakita mo ba yung poso sa akala mo? Diba nakita mo buong pagkatao ko!”
“Hoy grabe ka naman. Hindi ko naman nakita!”
“Hindi. nag mamaang maangan ka pa diyan. Ganyan ka! Matapos mo ’tong gamitin, kunwari wala kang alam!”
“Nakakadiri ka! Eh sa susunod mag lock ka!”
“Sa susunod kumatok ka! Hindi yung papasok ka na lang kaagad. Nako, if I know, namimiss mo lang ’tong katawan ko.”
“Makapal din naman pala talaga mukha mo no!”
“we? Eh di’ba kagabi hinahawakan mo abs ko? palatandaan mo nga saken yung abs ko di’ba? hahaha”
Sht. oo naalala ko ’yun!
“Tse, diyan ka na nga!” nagtangka akong umalis pero tinawag niya pa ako.
“hoy mag sorry ka muna!” sigaw niya.
“at bakit naman?”
“binato mo ko ng tabo! Anong klase ka!”
“bahala ka!” Hindi ko na pinansin yung tawag niya at bumalik na ako sa kwarto ko. Wala pang dalawang oras na magkasama kami ngayong umaga pero parang ang dami ng nangyari!
+++
“Ethan?” boses ni Sir Benj ’yun na kumakatok sa kwarto. Nagpaiwan lang kasi ako sa loob dahil naiinis ako. Nagsisisi ako na pumunta pa ako rito, sana pala hindi na lang. Edi sana, hindi ako nastranded dito ng tatlong araw.
“Umalis ka!”
pero bigla siyang pumasok sa loob ng kwarto ko.
“Ang sabi ko umalis ka!” sigaw ko.
“Oh, alam mo na yung feeling ng ginawa mo kanina?!”
Parang napuno na ako sa kanya. Wala na akong lakas ng loob para makipag asaran sa kanya. Kaya kalmado akong sumagot sa kanya.
“Please. Just leave me alone” sabi ko.
“Hmm… Sige, pinag igib na kita ng tubig para makaligo ka na. Nasa CR na. limang balde pa ’yun ah! Gamitin mo na rin yung sabon at shampoo ko. Binilhan na rin kita ng toothbrush. May tuwalya na doon tapos naka ready na yung damit mo kung wala kang dalang damit” sabi niya saken. For a moment, nawala yung inis ko sa kanya. At hindi ko alam kung bakit ako napangiti.
“Thank you” sabi ko.
Ngumiti rin siya,
“Sana pala palagi kang naliligo no?” sabi niya
“Bakit naman?”
“Para palagi kitang pagsisilbihan tapos mag ssmile ka. tapos mag thathankyou ka” sabi niya.
ngumiti lang ako uli.
Natanggal yung ngiti ko noon. Mali ’tp, dapat galit pa rin ako sa kanya.
Kaya nagmadali akong tumayo at dumiretso sa CR para maligo. Naka ready na nga lahat ng gamit doon. Nakita ko pa yung Palmolive Pink, naalala niya pa rin yung ginagamit kong shampoo.
No, Ethan! No! Stop! Huwag kang matuwa. Magaling si Sir Benj sa ganyan, magpaikot. Kaya huwag kang maniniwala.
+++
Kinagabihan, nagyaya naman maginuman si Adrian.
“Ayoko, matutulog na lang ako” sabi ko.
“Maghapon ka ng tulog, matutulog ka na naman?”
“Nako, mamaya plano mo na naman ’to! plano niyo na naman!”
“Haha, grabe ka naman. Hindi boss. tayong dalawa lang dito ngayon.” sabi niya
“Nasaan sila?”
“Nasa kabilang bahay. Ayaw mo kasing magising kanina eh. Kaya di na lang ako sumama” sabi niya
“Talikod ka muna!” utos ko. Sinilip ko nga kung si Adrian ’to at nung nakita ko yung tattoo, siya nga!
“Good, ikaw nga si Adrian” sabi ko.
“ahhaha ewan ko sa’yo boss”
kailangan ko rin uminom, maghapon nga naman akong tulog kaya kailangan ko ng pampatulog at magaling na pampatulog ’tong lambanog.
+++
Limang shot palang at nahihilo na ako, ang lakas talaga ng tama saken. Pero kasi ang sarap eh, sobrang sarap. Natural na natural yung lasa!
“Hoy sagutin mo na yung tanong ko!” Sabi ko kay Adrian.
“Haha. Sabi kasi ni utol siya na magsasabi sa’yo eh!:”
“Ikaw na!”
“Haha. Sige na nga.”
Medyo naexcite ako kaya nagfocus muna ako sa kanya.
“Kailan lang din namen nalaman. Parang nung nakaraang araw lang din”
“So yung nagpapanggap tayo, wala ka pang alam non?”
“Ay, wala pa akong alam non. Wala talaga, after non, saka ko nalaman. Bigla siyang lumapit saken. Pucha, akala ko salamin eh pero ibang tao pala. Kamukhang kamukha ko. Edi nagulat ako.”
“tapos?”
“Ayon, tinanong niya kung parehas ba kami ng tatay. sinabi ko pangalan niya tapos ayon, parehas nga kami.”
“Anong reaksyon mo nung nalaman mong kakambal mo siya?”
“Huh? Hindi kami magkakambal” sabi niya
Napatingin ako sa kanya. Eh ano lang? Mgakapatid? Imposible naman kasi magkamukha silang dalawa at parehas ng edad.
Pero bago pa siya makapagsalita, biglang pumasok si Sir Benj sa bahay.
“Nako, tol! Ikaw na rito, Nagtatanong na siya eh haha!” sabi ni Adrian sabay labas ng pinto. Nagkatinginan lang kami ni Sir Benj pero umiwas kaagad ako para pumasok ako ng kwarto pero sumunod siya saken. Nakakainis naman, hindi uso lock dito kaya nakapasok siya sa loob!
“Ethan, wait. please.”
“Huwag na muna ngayon. Lasing ako.”
Natahimik siya at lumabas siya para kunin yung lambanog at tumagay siya ng isang baso.
“Ethan, makinig ka muna!” sabi niya,
Okay, hindi ko alam kung para saan yung ginawa niyang ’yun.
“Kailan mo pa alam?” tanong ko.
“Alam ko na Ethan, matagal na. Ayoko lang siya puntahan dahil nga hindi ko siya tanggap” panimula niya,
“Kailan pa?!”
“Basta, pagkabalik ko lang ng Pilipinas, alam ko na.”
“Paano?”
“Nakita ko kayo one time. Palagi kasi kitang sinusundan noon. Palagi akong nasa tapat ng bahay niyo, tapos nakikita ko siya”
“Hindi ka man lang nagulat na may kamukha na pumupunta sa bahay namen?!”
“Actually hindi, natuwa nga ako eh. The fact na mukha ko pa rin yung gusto mong makita eh nakakaoverwhelmed. Baka kako may feelings ka pa”
“Hindi ko pa rin maintindihan eh. Alam mo na pala, bakit hindi ka man lang nagsabi?!”
“Ayokong sabihin. Nararamdaman ko kasi na gagamitin mo siya eh. Totoo nga, ginamit mo nga siya laban saken kay Sir Miggy at Cielo. Oo alam ko rin ’yun”
Natahimik ako. Nakakagulat yung mga sinasabi niya.
“Bakit…..”
“Kasi alam kong galit ka pa rin saken. Galit ka sa ginawa ko sa’yo. Ramdam ko nung magkausap tayo noon, hindi nga ako nakapagsalita non eh. Karma ko naman ’yun sa ginawa ko sa’yo kaya tanggap ko.”
Hindi pa rin ako makapagsalita.
“Walang kinalaman si Adrian dito, kamakailan ko lang siya kinausap. Ako lang may alam ng lahat”
Hindi pa rin ako nagsasalita.
“Sumagot ka naman. Ano? Ethan?”
“Ayoko na. Sige na, okay na. uhm, labas ka na. Matutulog na ako, medyo may tama na kasi ako eh”
“Mahal kita, Ethan.”
Nagpretend ako na hindi ko narinig ’yun pero inulit niya uli.
“Mahal pa rin kita” sabi niya pa uli,
“Huwag na, Sir Benj. Kasi nangyari na eh, iniwan mo na ako noon at may mahal na ako ngayon.”
“Iniwan kita hindi dahil kay Sophie. Iniwan kita dahil nagmakaawa saken si Sophie na sumama ako sa kanya sa ibang bansa.”
Natahimik ako. Hindi niya sinabi ’to.
“Umalis si Sophie para ayusin yung tungkol sa pamilya ko. Yes, naayos niya. Siya yung nagsabi saken about kay Adrian. Iniwan niya ako noon sa career at the same time yung ayusin yung pamilya ko. Kaya nung bumalik siya, nagkausap kami. Kinwento niya lahat saken yung nangyari sa kanya sa New York at kung paano niya nalaman yung sa family ko.”
“Ano bang meron sa family mo?”
“Hindi ko kakambal si Adrian. Si mama ang may kakambal at yun ang hindi ko alam. Si papa, parehas niyang nabuntis si mama at yung kakambal niya at kami yung bunga. Nagkagalit si mama at yung kakambal niya kaya hindi kami nagkakilala. Nagpakalayo yung parents ni Adrian at napunta sila rito. Nalaman ’yun ni Sophie nung nagkausap silang dalawa ni papa sa New York” sabi niya
Kaya pala hindi ako nakilala kagabi ng mama ni Sir Benj dahil hindi siya ’yun! Yung kakambal ng mama niya!
“Pero hindi na noon mababalik yung nakaraan” sabi ko sakanya.
“Nagbanta saken si Sophie na magpapakamatay siya kapag hindi ako sumama sa kanya. Ayoko pa rin, pero one day, may tumawag saken at pinapapunta ako sa kanila. Nakita ko nga doon na nag attemp ng suicide si Sophie”
Hindi pa rin ako sumasagot.
“I try to tell her na ikaw na mahal ko. Pero nagalit siya, at sa harap ko mismo sinasaktan niya sarili niya.”
“So… kaya ka sumama sa kanya at iniwan mo ko?”
“Sumama ako sa kanya para sa kaligtasan niya. Hindi ko alam na kaya niyang gawin ’yun eh.”
“Hindi pa rin okay ang lahat, hindi ko alam kung bakit mo sinasabi ’yan eh wala naman mababago kapag sinabi mo ’yan”
“The deal of Sir Miggy and Cielo? sabi ko para kay Sophie? No, sinabi ko lang ’yun para magalit ka saken. Kasi alam kong masakit ’yung gagawin ko sa’yo pero believe it or not, para sateng dalawa ’yun. Yung properties ko sa New York, nakapangalan sateng dalawa. Kahit tignan mo pa, sa’yo nakapangalan pati na rin sa mama mo at kay Butchok”
“Ha?!”
“Sinabi ko sa’yo na mahal ko pa si Sophie pero walang katotohanan ’yon. Hindi ko na siya mahal, ikaw lang mahal ko non. Simula nung sinabi ko sa’yo na mahal kita, hindi na ako tumingin sa iba!”
“Hindi mo na mababalik, Sir Benj!”
“I asked Zachary na bantayan ka. I asked him na sabihin sa’yo lahat. Kasi wala na akong ibang mapagkakatiwalaan eh. Pero niligawan ka pala niya, ang sabi niya saken hindi niya gagawin ’yun hanggang sa makapag paliwanag ako sa’yo. Kaya nagulat ako nung malaman ko na kayo na eh!”
“So….alam ni Jack ’to?”
“Oo. Alam niya. Ang sabi niya ipapaliwanag niya sa’yo na sa huli worth it yung gagawin ko.”
Again, hindi ako nakasagot.
“I also paid the bill of Butchok.”
“Ikaw?!!!”
“Yeap. Di’ba we had a deal about the fake boyfriend thingy? And may money ka kapag nakuha ko yung deal? Ayon na ’yun!”
speechless talaga.
“I told you the other day ginagamit lang kita para sa panibagong deal na ’to, pero no, hindi totoo ’yun. Gusto ko makuha ’tong deal na ’to dahil alam ko kapag nakuha mo ’to, magiging okay kayo lalo ni Zachary pero ayon naman ang ayokong mangyari. Gusto ko ng makuha ka uli.”
“Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo”
“Naalala mo ba? Nangako ako sa’yo na papakasalan kita. Gagawin ko ’yun, Ethan. Tapos sabi ko pa kapag 24 ako at single, liligawan kita?”
Naalala ko ’yun at tama siya, 23 lang si Sir Benj ngayon.
“Ethan, baliw na baliw ako sa’yo. Mahal na Mahal kita. Hindi ko mahal si Sophie. Hindi siya yung gusto kong makasama.”
“So iniwan mo si Sophie?”
“Hindi ko siya iniwan dahil doon. Iniwan ko siya dahil nalaman kong sinisiraan niya ako sa’yo. Naalala mo yung tumatawag sa’yo tungkol saken? Siya ’yun, nalaman ko lang dahil sa nakita kong spare phone niya na puro texts ay galing sa number mo. Yung sa Jollibee? Yung sa office? Ethan, hindi ako nagsinungaling sa’yo.”
Ayoko ng sumagot. Sa bawat paliwanag niya iba yung nararamdaman ko.
“Ethan….” lumapit siya saken at niyakap niya ako.
“Sir Benj… please…”
“Ethan… Alam ko…. deep inside… May natatago ka pang feelings saken. Please, magsimula tayo uli.” bulong niya saken
Gusto ko siyang ipagtabuyan pero hindi ko magawa, siguro dahil sa alak pero hindi ko alam.
“Kung hindi mo ko mahal, ipagtulakan mo ako” humarap siya saken at inayos niya yung buhok ko. Napansin kong binasa niya yung labi niya at dahan dahan siyang lumapit saken.
Ethan, please. ipagtulakan mo siya!! Pero bakit hindi ko magawa. Bakit hinihintay ko na halikan niya ako?
“Nako! Nandito lang pala kay…..” biglang pasok ni Adrian sa loob ng kwarto. Natigilan kami ni Sir Benj sa ginagawa namen.
“Oooops,, Sorry hehe” sabi niya sabay labas ng kwarto.
Tumingin lang saken si Sir Benj, walang sinasabi. Pero kailangan kong makaalis ng dito.
“Excuse me” sabi ko kay Sir Benj at lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta naglakad lakad lang ako sa labas.
+++
VOTE AND COMMENTS
Part 65
LAST 5 CHAPTERS!
++++
Tinignan ko kung pwede ng makadaan yung sasakyan sa ginagawang daan pero mas lumala talaga ngayon, jusko, bakit ganitong araw pa natapat yung pag aayos at talagang sa araw mismo na pumunta ako rito.
Buti na lang maganda yung araw pag gising ko, kahit lasing ako kagabi sa inuman eh umaayon yung magandang panahon dito.
Hindi ko rin makakalimutan yung usapan namen ni Sir Benj kagabi, more like yung side of the story niya. I don’t know pero I have this weird feeling na dapat hindi ko siya kausapin kasi baka madala pa ako sa mga sasabihin niya.
Pagbalik ko sa bahay nila Adrian, wala na namang tao. Ang sabi kasi ni Adrian palagi silang nasa kabilang bahay. Tapos ngayon, kaming tatlo na naman yung naiwan.
“Kain na Ethan, nagluto ako.” sabi ni Sir Benj.
Tinignan ko kung ano yung niluto niya, nakita ko na korean food ’yun. Napatingin ako sa kanya pero hindi siya tumitingin saken, pero kita ko na parang nakangiti siya na ewan. Napangiti rin ako at naupo na para kumain.
Kada subo ko naaalala ko tuloy yung nag away kami dahil hindi ko kinain yung korean food na binigay niya saken. Natatawa pa ako habang kumakain, Nagkatinginan kaming dalawa ni Sir Benj at ngumiti din siya, siguro parehas kami ng iniisip.
“Teka. nag uusap ba kayo sa isip niyo? Bakit kayo nagngingitiang dalawa?” sabi bigla ni Adrian.
“Haha, wala tol. Favorite lang namen ni Ethan ’to noon”
“Anong favorite, eh ikaw lang naman may gusto niyan. Ayoko nga niyan eh pinipilit mo lang ako”
“haha pero kinain mo naman di’ba? haha”
“Pero hindi ko nga favorite”
“Pwes, ako na lang mag aadjust sa kalandian niyong dalawa hano? doon na ako kakain sa kwarto!” biglang sabi ni Adrian at tumayo siya papunta sa kwarto. Natawa na lang din kami ni Sir Benj at nagpatuloy sa pagkain.
Nakaramdam ako na parang nakakailang. Ang tahimik kasi tapos hindi mapakali si Sir Benj ng tingin. Titingin siya saken, kapag mahuhuli ko siya, iiwas siya, tapos kapag nahuli ko uli siyan bigla siyang ngingiti. Nakakainis lang kasi bakit ang cute cute niya sa paningin ko ngayon. Ayoko ng ganito, kahit ano pa yung nalaman ko kagabi, kami pa rin ni Sir Jack at mahal ko pa rin siya.
Umiwas na ako ng tingin at inayos ko na yung kinain ko saka pumunta sa lababo.
“Ako na diyan,” alok niya.
“Hindi, kaya ko na”
“Alam ko naman na kaya mo, gusto ko lang na ako gumawa”
sht. Ayoko ng makipagtalo kaya umalis na ako at dumiretso na uli sa kwarto.
Chineck ko kaagad phone ko, nakakainis lang talaga yung signal, pawala wala tapos wala ring data. Nakakalungkot, baka kasi marami ng chat si Sir Jack saken.
“Ethan?” biglang katok ni Sir Benj sa pinto.
“Bakit?”
“Pwede ba pumasok?” aba biglang naging mabait si loko.
“Sige”
Pagpasok niya, nakahubad siya at naka short lang. Pucha, stop Sir Benj!
“Bakit ka nakahubad?!!” halos sigawan ko siya.
“Ayy sorry. Maliligo na kasi ako. Pagkatapos ko, maligo ka na rin, alis naman tayo. Enjoyin mo na lang yung nandito bago ka bumalik sa office. Alam ko naman na stressed out ka na.” Ang bait niya. sobrang bait. as in!!
“Ahhh… Dito na lang ako.” sagot ko naman
“Ay, dali na. May ilog dito! Napuntahan ko na hehe, tara na. Kasama naman natin sila Adrian eh. Baka kasi nahihiya ka saken”
“Hindi ako nahihiya no!”
“Defensive naman hehe sige hindi na”
“Hindi ako defensive!”
“Oo na! Hindi na hehe, edi sasama ka na?”
“Sige! Pero gusto ko kasama sila Adrian kasi sila naman talaga pinuntahan ko rito!” sabi ko.
“Okay okay, sige!”
“Teka, ako muna maliligo!” sabi ko naman.
“Ganon ba? Sige, ayusin ko lang yung pagliliguan mo!” bigla siyang tumakbo palabas, bumalik na lang siya na hingal na hingal at sinabing okay na ang lahat! Nag approve sign siya saken na okay lang siya.
“Bakit ba kasi ganyan ka ngayon?”
“Wala lang hehe. Sige na, maligo ka na! Pagkatapos mo na lang ako na susunod” sabi niya.
Nginitian ko lang siya at naligo na ako.
+++
Tatlo lang kami ni Adrian at Sir Benj yung pumunta sa ilog. Mababaw lang pala yun pero ang linaw ng tubig, may mga puno sa gilid kaya hindi masyadong maaraw sa pwesto namen. Namangha ako ng tuluyan sa nakita ko.
“Nako! May ganito pala rito!” sabi ko pa. Wala na akong sinayang na oras at lumangoy na ako, hindi ko na pinansin yung araw at lumangoy ako sa kabilang side. Kinawayan ko naman silang dalawa at kumaway rin sila.
Pero nacurious ako sa parang gubat na part dito sa kabilang side ng ilog kaya naglakad ako. Narinig kong sumigaw si Sir Benj pero hindi ko siya pinansin at naglakad lang ako papasok.
“Ethan, saan ka pupunta?’ tanong ni Sir Benj.
“Naglalakad lakad lang. Nacurious ako eh.”
“Nako, sabi ni Adrian marami raw palaka rito”
“Ano naman kung maraming palaka?”
Maya maya, nagsisisigaw na si Sir Benj at talon ng talon. Turo siya ng turo sa palaka na nakita niya. Halos matawa ako kasi ang cute niya, ang laki ng katawan na lalaki pero takot sa palaka.
“Seryoso ka?!! Takot ka diyan?! hahahhaa” asar ko.
“Hoy wag mo kong tawanan. Baka magkaroon ka ng kulugo dahil diyan!!”
“Kulugo? e diba nga kinakain yan dito sa probinsiya?”
“Yak eew… paalisin mo siya Ethan!!” sigaw niya.
Lalaking lalaki pa rin siya kahit takot siya na siyang kina cute niya. Pinagtatawanan ko lang siya. Pwede naman sana siya tumakbo kaso nga may palaka rin sa likuran niya. Halos batuhin niya na lang para umalis.
“Hindi nakakatawa ah!” bigla niyang sabi.
“Haha, edi sige, huwag ka ng sumama. Ako na lang maglalakad” sabi ko.
“Teka, sandali! Balik na tayo!”
“Ayaw!!” nagpatuloy lang ako sa paglalakad non.
“Ethan!! May palaka pa rin!!” sigaw niya. tawa lang ako ng tawa pero natigilan ako sa paglalakad ko ng hindi ko na marinig yung boses niya. Medyo kinabahan ako kaya binalikan ko siya at nakita ko siyang nakahiga at walang malay!
Jusko! Anong nangyari rito!
“Sir Benj!!” gising ko sa kanya pero ayaw niya gumising.
“Sir Benj!!” sigaw ko uli. Hiniga ko muna siya pero hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko nung patayo na ako.
“Uy, okay ka lang?!”
“Hehe, ikaw kasi ehhh, Takot nga ako sa palaka, nauntog tuloy ako!” sabi niya. mukhang okay na siya pero ramdam ko yung hilo niya sa pananalita niya.
“Ewan ko sa’yo! tumayo ka na!”
“wait lang. Pwede ba dito muna tayo?”
“Sir Benj…”
“Hindi mo na ba ako mahal?” bigla niyang tanong. Ang higpit pa rin ng hawak niya sa kamay ko. Gusto ko na sana umalis pero parang gusto ko rin na nandito lang ako.
“Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para bumalik tayo sa dati. Huli na ang lahat, oo. Pero may pag asa pa ba ako? Mahal mo pa ba ako?”
Hindi naman ako makasagot.
“Nako, silence means yes daw” bigla niyang sabi.
“Ahh… Tara na, kasi baka hinahanap na tayo ni Adrian”
Ngumiti lang uli siya at tinayo ko na siya. Mukhang okay na siya uli at good thing, wala ng palaka sa paligid.
“Atleast, hindi mo ko pinagtabuyan ngayon hehe, that’s good to know. Tara na!” sabi niya. Hindi niya pa rin binibitawan yung kamay ko, pero parang ako pala yung nakahawak kaya dali dali ko siyang binitawan.
“Akala ko wala ka ng balak bitawan ako eh. Don’t worry, nakakapit pa rin naman ako sa’yo” bigla niyang sabi habang naglalakad kami. Bigla na lang siyang tumalon sa ilog at pumunta sa kabilang side kung saan naghihintay si Adrian.
Ethan, umayos ka please.
+++
Nagkulong lang ako sa kwarto at naglaro sa phone ko, nung napansin kong medyo madilim na, napagpasyahan kong kausapin si Sir Benj. Hindi ko alam, gusto ko lang siyang kausapin.
“Salamat, lumabas na rin siya!” biglang sabi ni Sir Benj, Ang dami palang tao sa labas, yung mga kamag anak na naman nila.
“Ohh… Siya ba yun?” sabi ng mama ni Sir Jack na kakambal ng mama niya.
“Opo tita,” sagot ni Sir Benj.
Nakipagkamay siya saken na parang firstime lang namen magkita.
“Hello! Ikaw pala kinekwento ng pamangkin ko hehe, Bakit kayo naghiwalay?” bigla niyang tanong. Nagulat naman ako sa tanong niya.
“Ahh ehhh”
“Joke lang eto naman hehe. Nako, dito samen tanggap na tanggap namen yan. Lalo na kung si Benjamin pa nako, oo kaagad kami!”
Ang awkward. Super awkward.
“Tita, baka mailang naman si Ethan niyan hehe, Huwag niyo na pong kulitin” sabi ni Sir Benj.
“Haha, okay. Sabihin niyo lang kung kailan ang kasal, ako ng bahalang mag organize basta dito gaganapin ang reception haha!”
“Nako tita, tama na ’yan! hehe, tara muna sa labas Ethan, mamaya kung ano pang sabihin ni tita sa’yo” lumabas kami ni Sir Benj non at naglakad lakad sa bukid. Grabe, ang sarap talaga promise. Ang presko at ang aliwalas.
“Sorry ha! Kinwento ko lang kasi yung dati pero hindi ko naman sinabi lahat. Yung importante lang” bigla niyang sabi.
“Buti ka pa tanggap no?”
“Nako, ganon lang ’yun, halos kakakilala lang nameng dalawa eh syempre kailangan niyang maging mabait saken hehe”
“Bakit, yung mama mo ayaw ba niya?”
“Nako, hindi. boto nga sa’yo ’yun eh.”
“Alam ba niya?”
“Hindi naman pero ramdam ko alam niya, Nanay ko ’yun eh. Siguradong alam niya lahat hehe. Bakit kayo ni Zachary? hindi ba alam sakanila?”
“Nako, kunwari hindi alam.”
“Ay oo nga pala. You’re doing the deal pala to get his dad’s approval”
“oh di’ba, alam mo naman”
“Hehe, sorry. ….”
Natahimik kaming dalawa.
“I want to talk to you about last night….”
“Sure! SIge, ano ‘yun?’’ mabilis niyang sabi.
“Uhm… Please… I know what you’re trying to do and I’m sorry but it’s not going to happen.”
“Ano bang ginagawa ko?”
“Ayan. Ang bait bait mo. Though nagconfess ka about sa nangyari, it will not change the fact na iniwan mo pa rin ako.”
“Ethan….”
“Sobrang babaw ng reason mo, as in! I don’t know kung bakit ngayon ko lang sinasabi ’to pero sobrang babaw talaga. Bakit hindi mo na lang sinabi saken nung umuwi ka na ganon pala nangyari? Bakit hinintay mo pa sa moment na ’to, right?”
“I saw that you’re still mad…”
“Okay, sabihin na natin na ganyan pero come on, you could’ve atleast told me that when you’re in New York? Bakit kailangan mong iasa kay Jack? Maybe you’re using him now just like on how you used me then. Pinapasama mo lang siya saken para ma gain uli yung trust ko”
“No, totoo lahat ng ’yun!”
“Okay, and if it’s true? I still love Jack no matter what”
Natahimik siya at tumalikod. Humarap uli siya saken ng nakangiti.
“To be honest, nag iisip ako kagabi pa kung anong nangyari sa sinabi mo. Naapektuhan ako oo pero again, I still love Jack.”
“And me? Hindi mo na ba ako mahal?”
“You’ve become part of my life and I love you in a way that I can’t explain. But one thing’s for sure, it’s not as intimate as my love for Jack”
“Alam mo Ethan, I don’t believe you. I really don’t”
“Bakit naman?!”
Wala siyang pasabi at bigla niya akong hinalikan sa labi ko! Ang higpit ng hawak niya sa mukha ko! Gusto kong kumawala pero bakit ayoko! Hindi naman ako gumagalaw, kahit siya, nanatili lang kami sa ganong pwesto.
At pumasok sa isip ko yung mukha ni Sir Jack.
Natulak ko si Sir Benj ng malakas.
“see? You’re lying!”
Hindi ako makasagot. Tumakbo ako papunta sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Nabigla ako sa mga nangyari. Hindi naman ako pinuntahan ni Sir Benj sa kwarto pero naiisip ko pa rin yung ginawa niyang paghalik saken.
+++
Nung pwede ng makadaan yung sasakyan ko, pinilit ko ng makauwi kaagad. Nagpasalamat naman ako kay Adrian sa lahat ng ginawa niya para saken, at dumiretso kaagad ako sa bahay. Habang nasa byahe pa lang eh binuksan ko na yung data ko pero ang hina talaga ng signal kaya sa bahay na pumasok lahat ng chats.
Pero wala pa ring chats mula kay Sir Jack. Tinatawagan ko siya pero hindi niya pa rin ako kinakausap. Maya maya, bigla naman siyang tumawag saken. Dali dali kong sinagot.
“Uyy!!!! Buti naman tumawag kana!!” bungad ko.
“Sorry…”
“Sorry saan? Ako dapat mag sorry…”
“Sorry sa inasal ko nung mga nakaraang araw. Nag isip isip lang ako pero mas naisip ko na hindi ko kayang mawala ka. Sorry, Sorry… hindi na mauulit. Sorry talaga….”
Nagiiyakan na naman kaming dalawa.
“Umuwi ka na please? Kailan ka ba uuwi??” tanong ko.
“Sa isang araw, uuwi na ako promise. Malapit na ’to matapos at uuwi na ako, gusto na kita makasama”
“Ako rin, gusto ko na! Umuwi ka na please. I love you”
“I love you too…. Sorry talaga….”
“Okay na. Okay na. promise.”
“Kumusta ka nung mga nakaraang araw?”
Sht. Sana hindi na lang niya tinanong, parang ang hirap ipaliwanag sa kanya.
“Ohhhh. sorry babe, kailangan ko ng bumalik sa work. Uhm, kwentuhan mo na lang ako later? I’m sorry uli. I love you so much! please, keep that in mind. I love you, I miss you!” sabi niya at hinalik halikan niya yung screen ng phone niya. Madaling araw na kasi rito kaya siguradong hapon pa lang doon.
Hindi na ako nakasagot dahil nadisconnect na yung tawag at sa sobrang pagod ko naman, nakatulog na ako.
++
Pagdating ko sa office, halos ilang oras lang tulog ko, tumambad yung napakaraming trabaho na naiwan ko dahil sa pagpunta ko ng Isabela.
“Bakasyon galore?” biglang pasok sa office ko ng familiar na mukha na babae.
Si Sophie.
“Pinupuntahan kita rito nung mga nakaraang araw pero naka leave ka raw sabi ng secretary mo” bigla niyang sabi.
Ang bait bait ng aura niya. parang anghel dahil sa boses niya at sa ganda niya,
“Ahh oo hehe. Hindi pa ata tayo nagmemeet?” sabi ko.
“Oh, don’t worry wala akong balak hehe”
“Excuse me?”
“Alam ko magkasama kayo ni Benjamin sa Isabela, I’m not stupid you know”
Nawala yung pagka angel niya sa mga sinasabi niya. Tinatarayan na niya ako ngayon.
“I heard that you and Jack, right? hehe. close kami ni Jack.” sabi niya hindi naman ako makasagot kasi hindi ko alam kung saan pupunta tong usapan.
“Well, I’m pretty sure na hindi niya alam na magkasama kayo. Right again?”
Sht.
“Oh don’t worry, it’ll be out little secret. But don’t worry hindi ko sasabihin… basta.. LAYUAN MO SI BENJAMIN! Huwag kang maharot, may lalaki ka na gusto mo dalawa pa? Ano ’to kapag nasa US ang isa kailangan meron ka rito sa Pilipinas?!”
“Aba teka lang, Anong sinasabi mo? Eh si Benjamin ang lumalapit saken hindi naman ako.”
“Really? I thought pinagsawaan ka lang niya?”
“Akala mo naman affected ako sa sinasabi mo”
“Well, okay. Fine. Gusto kita maging friend eh, alam mo ba ’yun. Seriously. Pero you’re irritating pala no? I mean, look at you, nothing special. Just a simple gay na uhaw sa katawan ng lalaki”
Kinalma ko sarili ko, ayokong pagsisihan kung ano man yung gagawin ko.
Maayos akong naglakad palabas at tinawag ko yung guard.
“Please escort, Miss….. Sophie out now.” sabi ko.
“Oh, don’t bother. I know my way out. Sana alam mo rin kung saan ka lulugar no?”
“Yeah. I know, sana alam mo rin yung daan palabas sa ilusyon mo. Take care on your way home Sophie, paki regards na lang kay Benjamin kasi iniwan ko siya sa Isabela eh, you know, hinahabol kasi ako” Nginitian ko lang siya at hindi ko na inintidi yung sagot niya.
+++
VOTE AND COMMENTS!!! matatapos na talaga siya!!! OMG!
Part 66
Nakakagigil si Sophie, pero mas nakakagigil yung mga pinagsasasabi niya. Parang sa inasal niya, parang ang dami niyang pwedeng gawin na masama. Alam kong kailangan kong lumaban kung sakaling tatarayan niya ako, kailangan eh hindi ako magpatalo.
Kinwento ko kay Tom lahat ng nangyari sakin sa Isabela, natuwa siya at the same time nainis saken.
“Gusto ko rin makilala yung kapatid ni Benjie!” sabi niya.
“Huwag na, nako, malayong malayo ugali nilang dalawa”
“Ex mo lang kaya ayaw mong makilala ko eh haha”
“Haha! Hindi, bahala ka! Kung gusto mo…. so? bati na ba tayo? Hindi ka na galit?”
“Luh, bakit naman ako maggalit? Eh, ayaw ko lang naman mapahamak ka sa mga ginagawa mo. Nasabi mo na ba sa boyfriend mo ’yan?”
Natahimik ako.
“Jusko naman Ethan, ano bang mahirap sa pagsabi? Di’ba wala ka namang ginawang masama doon? Ayaw pa rin ba niyang maniwala tungkol sa kapatid ng ex mo?”
“Okay na kasi kami ngayon. Sasabihin ko na lang pagkauwi niya kasi uuwi na ’yun sa susunod na araw!”
“Ahh. Sige, pwede rin naman!”
Simula talaga nung nalaman niya yung tungkol sa kapatid ni Adrian eh naging close na kami ni Tom, Ganon talaga no? Kailangan may mangyaring hindi maganda bago kayo magkalagayan ng loob ng isang tao.
“Tuloy pa ba Ilocos niyo sa kinukuha mong deal?” tanong niya.
“Ay sht. oo nga pala, bukas na ’yun! Nawala sa isip ko nung nasa Isabela ako”
“Tsk. So pupunta ka?”
“Siguro…. Kailangan ko ng makuha yung deal na ’yun. ASAP. Marami na akong nasayang na oras”
Kailangang kailangan ko ’yun para samen ni Sir Jack.
+++
Kinabukasan, dumiretso na ako sa meeting place namen nila Sir Miggy at Cielo, syempre nandoon na rin si Sir Benj! Umuwi na rin pala siya, akala ko nagpaiwan siya doon.
“Sorry I’m late….” sabi ko,
“No no, maaga lang talaga kami. Let’s eat first!” sabi nila.
“Uhm, wala po ba tayong service?”
“Well, tayong apat lang at yung driver na hinire namen hehe. Anong akala mo? marami tayo?”
“Uhm… opo”
“Haha. Ipapakita ko lang yung bagong site na gusto nameng pagtayuan ng new business namen. Well, kailangan niyo rin kasing makita ’yun if you want that deal… right?”
Si Sir Benj naman sumagot.
“Nako, iniwan ko kasi sa bahay ’yan, tulog na tulog pa. Nag inom kasi kagabi, hindi naman nagpaalam!” bigla niyang sabi.
“Oh…. Why???”
“I don’t know, hindi na rin niya ako sinasama lately sa mga lakad niya eh”
fvck, so gumaganti pala siya ngayon.
“Sorry honey… ’Di ko nasabi, I was with your family.. Yeah, birthday kasi ng Tito niya, ako lang umattend. May importante pa raw kasi siyang lakad. I mean, come on, what’s more important than your own family right? So naglasing na lang ako kasama parents niya” bigla kong sabi.
Tumingin lang siya saken ng masama, pero ako nakangiti.
“Hay nako, kung anong pinagdadaanan niyong dalawa, sana mapagusapan niyo na ’yan. Huwag niyo ng palalain” sabi pa ni Sir Miggy.
“Oh, take out na lang natin. Sa daan na lang tayo kumain para makabyahe na!” sabi ni Sir Cielo.
Umoo naman kami at lumabas kami saka sumakay sa sasakyan. Sa gitna nakapwesto ng sila Sir Miggy at Cielo at kami naman sa likuran nakaupo, magisa lang yung driver sa harap.
Bigla naman akong inakbayan ni Sir Benj ang inamoy amoy.
“Ang bango bango talaga!” sabi niya ng malakas.
“Anong ginagawa mo!” medyo pabulong kong sabi.
“Nagdududa na sila saten, kailangan pa natin galingan magpanggap!” bulong niya naman
“mahuli na kung mahuli pero ayoko na!”
“bahala ka! Kapag nalaman nila na nagloloko lang tayo sa tingin mo matutuwa sila? Masyado silang seryoso sa ganitong klaseng relasyon at masisira lang pinaplano mo, at pinaplano ko! kaya sumabay ka na lang!” bulong niya uli.
“Aba! edi sasabihin ko yung totoo, na iniwan mo ko! Ako pa tinakot mo!”
“Well, sa tingin mo maniniwala sila? Pwede kong sabihin na nakipaghiwalay ka, at nagpapanggap lang tayo haha! Goodbye deal na, Goodbye approval of Zachary’s father!”
Nakakainis talaga ’tong lalaking ’to eh!
“Nung isang araw lang ang bait bait mo saken! Ngayon, ganyan ka na naman!” sabi ko
“Nung isang araw ’yun. I’m not the same person as I was!”
“Tse! Akala mo naman gwapo!”
“Aba? hindi ba? Eh di’ba napapa ’OMG SI SIR BENJ” ka pa everytime na makikita ako. Don’t me Ethan, Don’t me“ bulong niya uli.
Nakakainis, ang lakas niya mang asar ngayon. Napaghandaan niya kung paano ako aasarin.
“Everything okay back there?” tanong bigla ni Sir Miggy.
“Ahh opo hehe” sagot ko.
“Hehe, ganon lang po kami. Magbabati din kaagad. Hindi ko kasi matiis ’to eh! Mahal na Mahal ko ’to eh!” sabi bigla ni Sir Benj.
“Hehe, I can see naman. Matutulog lang kami rito ha?” sabi nila.
“Sure hehe. Baka po maglandian lang kaming dalawa dito sa likod hehe” sabi bigla ni Sir Benj, natawa na lang sila at napansin na namen na nakatulog sila. Tinanggal ko na yung pagkakaakbay niya saken non.
“Sus, kunwari ka pa, alam ko naman na gusto mo!” sabi niya, mahina lang boses namen ngayon, naka earphones naman silang dalawa sa harap kaya siguradong hindi kami naririnig.
“Huwag kang feeling ah! At saka pagsabihan mo ’yang girlfriend mo na umalis sa buhay ko! Alam mo bang sinugod ako non sa opisina ko?!”
“Nakwento niya nga”
“Oh? wala ka bang gagawin?
“Wala akong gagawin! Hindi naman na kaming dalawa, bahala na siya sa buhay niya!”
“Aba, akala ko ba mahilig mantrip na magpapakamatay ’yun?”
“Edi sige, hayaan mo na siya para hindi na gumulo buhay ko!”
“Grabe ka naman, parang hindi mo naman minahal ’yon! Patay na patay ka pa doon dati tapos ngayon ganyan na sinasabi mo!”
“Hindi naman kasi nakakatuwa yung ginagawa niya, at saka sinabi ko na sa’yo….” natigilan siya. Hinintay ko yung sasabihin niya pero hindi na niya tinuloy.
“Ethan…. about pala doon sa mga sinabi ko sa Isabela…”
“Please, huwag na. Tama na. Alam mo na yung sasagot ko diyan!”
“Alam ko… pero… despite na nalaman mo yung ginawa ni Jack, siya pa rin?”
Nag isip ako. Natahimik. Totoo naman na mahal ko talaga si Sir Jack, mahal na mahal. Ang babaw lang nung rason niya.
“Hindi niya sinabi saken na iniwan mo ko para sateng dalawa pero sa tingin ko, tama naman ’yung ginawa niya. Kasi, kahit anong rason mo, hinding hindi mo ko dapat iwan lalo na sa mga panahong kailangang kailangan kita. Namatay tatay ko, siButchok inatake, tapos doon mo pa napiling iwan ako? Walang wala pa rin yung ginawa mo kesa sa ginawa ni Jack”
Huminga lang siya ng malalim.
Hindi na siya nagsalita.
Tinignan ko siya, nakapikit na siya at mukhang natutulog.
+++
Pagdating namen ng Ilocos, dumiretso muna kami sa hotel kung saan kami magsstay ni Sir Benj. Since alam nila na kaming dalawa, isa lang yung kwarto namen, pati kama, isa lang.
“Sige, sa sahig na lang ako matutulog mamaya.” biglang sabi ni Sir Benj pagkakita sa kwarto. Hindi naman ako sumagot pero dumiretso siya sa kama.
“Akala ko ba sa sahig ka?”
“Mamayang gabi pa naman eh, Ngayon, dito muna ako sa kama hehe”
“Hays, sige, lalabas na muna ako!” sabi ko.
Bumaba muna ako para makapag wifi, maganda naman yung hotel, parang nasa siyudad ka rin pero may touch of probinsiya pa rin kahit papano.
Sinubukan kong tawagan si Sir Jack pero alas tres na ng hapon kaya sigurado akong tulog na siya.
“Anything you want, Sir?” biglang sabi saken ng crew.
“No thanks, I’m good.”
Umalis naman siya kaagad at sinagot ko na yung mga emails habang wala pang ganap dito. Maya maya, bumalik naman yung crew na may dalang ice cream.
“Oh, sabi ko okay lang”
“Pinapabigay po nung lalaki doon sa dulo” sabay turo kay Sir Benj na umiinom siguro ng beer. Nakatingin siya saken na parang nang aakit na ewan.
“Thank you” sabi ko na lang sa crew, maya maya, lumapit naman si Sir Benj saken.
“Hangang dito, busy ka pa rin?” tanong niya,
“Work is life. Kaya if you don’t mind, you’re bothering me.”
“Haha. Okay, Just so you know, pinapapunta tayo nila Sir Miggy at Cielo sa conference room”
“Ay talaga? meron non dito?”
“Haha ofcourse, so ako na lang pupunta?”
“Eh bakit umiinom ka ng beer?”
“Sasabihin ko magkaaway tayo tapos naglalasing lang ako. Para masira image mo haha”
“Tse! Tara na nga!” bigla kong tayo dala dala gamit ko at pumunta na kami sa conference room.
Pagdating namen doon, may ibang tao at mukhang party ’to! May videoke, may pagkain at lahat nagsasaya. Mukhang mga business people din tong mga to.
“Eto na ang ating couples!!” Sigaw naman ni Sir Miggy. Jusko, nagkatinginan tuloy lahat samen. Bigla naman akong inakbayan ni Sir Benj at hinalikan sa pisngi. Sht! Ang bilis ng pangyayari.
Lumapit kami sakanila.
“Ang tagal niyo naman bumaba. Sabi ko kay Benjamin, pagkaakyat niyo eh bumaba kaagad kayo”
“Sorry… Alam niyo na… moment po nameng dalawa hehe” sabay kurot sa pwet ko ni Sir Benj. Sumusobra na tong lalaking to ah!
“Haha Sabi ko naman sa’yo eh! Sige, kumain na kayo! Magsaya kayo ngayon!” sabi ni Sir Cielo.
“uhm, paano po yung…. uhm… deal?” sabi ko.
“Deal? haha Nasa party tayo, Ethan! Magsaya ka haha!” inabutan niya ako ng alak, wala akong nagawa kundi uminom! Ang hirap ng ganito, wala akong laban. dahil lang sa gusto kong makuha tong deal na ’to para samen ni Sir Jack eh hindi ko na nakikilala sarili ko.
Nakisama na lang ako at uminom. Hapon na hapon eh nagiinuman kami. Hindi ako lumayo sa tabi ni Sir Benj pero hindi ko naman siya kinakausap.
Lumipas yung oras, buryong buryo na ako. Nagkekwentuhan lang silang lahat. Bigla namang bumukas yung malaking TV doon at nagkaroon ng malakas na tugtog, binuksan pala yung videoke at ang unang tugtog eh…
Can’t take my eyes off you.
Nagkatinginan kami ni Sir Benj at sabay natawa. Bigla namang inabot ni Sir Miggy yung mic kay Sir Benj at pinapakanta siya. Sumunod naman siya sabay hawak niya sa kamay ko at sabay kaming pumunta sa gitna.
“You’re just too good to be true
can’t keep my eyes off you
you’d feel like heaven to touch
I wanna hold you so much“
Nakatingin lang siya saken habang kumakanta. Hindi rin naman naaalis yung tingin ko sakanya non.
“I love you baby, and if it’s quite alright
I need you baby to warm the lonely nights
I love you baby, trust in me when I say“
Gusto ko sanang umalis pero ang higpit ng hawak niya at saka nakikita ko yung mga tao na natutuwa sila sameng dalawa.
Hinayaan ko na lang muna siya at inisip ko na lang na si Sir Jack yung nasa harapan ko pero….. hindi. Si Sir Benj talaga nakikita ko. Siya lang.
Nung matapos siyang kumanta, biglang nag request yung mga tao ng kiss. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero bigla niya akong hinila at niyakap at hinalikan sa labi ko. Nagulat ako! Nakita ko siyang nakapikit habang magkadikit yung labi namen.
Pagkatanggal niya ng halik, naghiyawan lahat ng tao. Tinignan niya ako sa mga mata, pero hindi ko na napigilan yung sarili ko at tumakbo ako palabas papunta sa kwarto ko.
Tama na! Sobra na tong ginagawa ko kay Sir Jack, masyado ko na siyang niloloko!
Sumunod pala si Sir Benj saken sa kwarto.
“Ethan, sorry….”
“Bakit mo ginawa yon? ha?!”
“Sorry… Nadala lang ako…”
“Ayoko na. Sa’yo na tong deal na ’to. ayoko na!”
“Ethan, please, wag si Zachary, Huwag siya please, ako na lang Ethan.”
“Ano ba?! Akala ko ba malinaw na sa’yo? Paulit ulit na lang lahat eh!”
“Please, Ethan. Huwag na. Pinaglaruan ka lang niya!”
“Pinaglaruan?! Dahil lang hindi niya sinabi saken yung tungkol sa ginawa mo? Paglalaro na yung tawag mo doon?!!”
“Hindi ’yun, Ethan.”
“Huwag mo ng siraan si Jack saken kasi kahit anong sabihin mo, hindi siya masisira saken! Mahal ko siya!”
Napansin ko naman may tumatawag sa phone ko at pagkakita ko, si Laura. Lumabas na muna ako para kausapin siya. Huminga ng malalim para maging maayos ako.
“Uy, Ethan nasaan ka ba? Bakit hindi ka pumasok?” sabi niya.
“Nasa Ilocos ako, may meeting. Bakit?”
“Nako, si Sir Jack, ikakasal na!”
“Ha?!!!”
“Oo! Kalat na kalat na sa office, Hindi ko sure kung anong name eh. Hindi ko alam, kulang pa nasagap kong chismis pero totoo. Papa niya raw nagsabi!”
“Papa niya?”
Hindi ako makahinga, Ginagawa ko ’to para makuha yung approval niya pero ganito pala ginagawa niya.
“Ethan, sorry. Makikibalita muna ako. Tawagan mo si Sir Jack! Baka hindi niya alam tong mga ’to!” sabi niya. Kaya nagmadali akong pumunta sa kwarto para kunin yung phone ko. Tinatry kong tawagan si Sir Jack pero hindi niya sinasagot.
“Ethan, sorry…” sabi na nama ni Sir Benj.
“Tigilan mo muna ako sa kakasorry mo! May importante akong inaasikaso ngayon!”
“Huwag mo ng tawagan si Zachary kasi wala ring mangyayari”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sorry Ethan, sana malaman mo na kaya ko ’to ginagawa kasi mahal na mahal kita.”
“Anong ginawa mo?!!!” sigaw ko sa kanya.
“Nakipag usap ako sa tatay ni Zachary, sinabi ko yung nakaraan natin, sinabi niya lang na gusto niyang makuha mo yung deal para sa approval niya pero ang totoo, set up ’to para masira ka kay Zachary”
“Anong sinasabi mo?!”
Bago siya makasagot, nakita kong nag chat si Sir Jack saken ng picture. Picture yung halik ni Sir Benj saken kani kanina lang sa baba. Pati yung magkaholding hands kami, magkaakbay siya saken, hinalikan niya ako sa pisngi. Kitang kita lahat!
“Lahat ginagawa ko para saten tapos ganito lang malalaman ko :(” chat ni Sir Jack saken.
Namumuo na yung luha sa mga mata ko pero mas tumataas yung galit ko kay Sir Benj.
“Pucha!! Ano bang gusto mo ha?!!!!!!!!” Sigaw ko sakanya, halos sapakin ko na siya sa galit ko!
“Ayoko lang mapunta ka sa kanya!”
“Ano bang problema mo saken?!!!! Ha?!!”
“Ayoko lang na mapunta ka sakanya, ayon lang yun Ethan.”
“Bakit na naman ba?!!!”
“You deserve better!”
“So you’re the better one, ganon ba ’yon?!”
“Yes! I am. Simula pa lang mahal na kita!”
“No, simula pa lang niloloko mo na ako!”
“Hindi kita niloloko, Si Zachary ang nanloloko sa’yo!”
“Hindi niya ako niloloko, simula pa lang mabait na siya saken at nag aalala!”
“Of course, it was part of the deal!”
“Deal? Anong sinasabi mo?!”
Hindi siya nakasagot na parang may kahulugan yung sinabi niya. Maya maya hinawakan niya ako sa braso ko.
“I was never part of that deal Ethan, it’s just Stephen and Zachary”
“Ano ngang sinasabi mo?!” sigaw ko uli sa kanya.
“I love you Ethan.”
“Fvck you! Ano ngang sasabihin mo?!!”
“Pinagpustahan ka lang ni Zachary at Stephen. Yung pustahan eh kung sino unang makagalaw sa’yo, will win 50K. Natalo si Stephen non kaya tinanggap ni Zachary yung 50K”
Wala akong nasabi. Nahuli ko na lang sarili ko na naiiyak.
++++
LAST 4 CHAPTERS!!
Part 67
Woah. Sobrang affected kayo, I understand haha! May 4 pa naman ehhhh so let’s see. Kapit lang kayo haha :)
Read my story: Greg’s Diary! :)
++++
Hindi ko siya kinausap. Kahit anong gawin ni Sir Benj, hindi ako umiimik. Nagpaalam na lang ako kay Sir Miggy at Cielo na may emergency sa bahay at kailangan ko ng umuwi. Pumayag naman sila, hindi na ako nagkwento pa ng kung ano ano basta dumiretso na ako ng uwi.
Pagkauwi ko, una kong nilapitan si mama, parang mas gagaan lang yung loob ko sa kanya. Napansin niya na umiiyak ako kaya niyakap niya kaagad ako ng mahigpit. Ang sarap ng yakap ng nanay, iba yung init, damang dama mo yung pagmamahal kaya mas lalo akong naiiyak.
“Ma…. Bakit ganito….”
“Anong nangyari, anak?”
“Ma…. Pinaglalaruan lang nila ako. Bakit ganito? Eto ba dapat kahinatnan ng mga katulad ko? Hindi ba ako pwedeng sumaya?”
“Anak…. Huwag mong isipin yan” pinunasan niya yung luha ko. “Anak, kung may tao akong kilala na worth mahalin ng sobra, ikaw ’yun! At hindi ko sinasabi ’to dahil anak kita, sinasabi ko ’to kasi ’yun ang totoo!”
“Ang sakit lang, Ma…..”
“Kaya mo ’yan anak. Kakayanin mo ’yan kasi kung hindi mo kinaya ’yan, talo ka. Dapat hindi ka nagpapatalo sa nararamdaman mo.”
“Ang sakit lang isipin na pinaglalaruan ka ng mga taong akala mo hindi ka kayang saktan”
“Oh anak….. tahan na! Hindi mo man alam kung bakit binigay sa’yo yang pagsubok na ’yan pero sooner or later, malalaman mo rin. For now, kailangan mong maging matatag.”
Hindi ako sumagot, umiyak lang ako sa kanya. Hinayaan niya lang ako hanggang sa mapagod ako sa pag iyak.
“Anak, bata ka pa. Hindi ka mauubusan ng lalaki diyan at sigurado akong mas marami pang darating sa’yo na mas gwapo at mas deserving para sa’yo!”
Natawa ako ng kaunti sa sinabi niya.
“I’m disappointed, really. I thought na hindi ganong klase si Jack, pero nakausap mo na ba siya tungkol diyan? You need to clarify things.”
“Ayoko muna, Ma.”
“Bakit? Magsasarili ka? huwag ganon anak. Hindi dapat ganon, malay mo hindi nagsasabi ng totoo si Benjamin. At baka sinisiraan niya lang si Jack di’ba? Kausapin mo muna anak. Kapag nalaman mo yung totoo, saka ka magdesisyon.”
“Galit pa siya saken Ma, nalaman niya na nagkikita kami ni Sir Benj ng hindi niya alam.”
“Hay nako. Kung hindi mo lang ako nanay, pinagalitan na kita pero wala naman akong magagawa, dapat susuportahan kita. Maling mali kasi yung ginagawa mo anak. Pinaglalaruan ko rin kasi yung damdamin ng ibang tao,”
Narealtalk ako ni mama, pero tama naman siya. In the first place, kasalanan ko naman talaga. I just need to face the consequences.
“You’re young, but that’s not an excuse to explore things that will hurt somebody, okay? Curiosity is okay as long as the consequences is okay for everybody okay?”
Hindi ko alam kung saan nanggaling yung pananalita ni Mama ng ganon pero naramdaman ko ’yun sa puso ko. Niyakap ko lang siya ng mahigpit at maya maya umakyat na ako sa kwarto ko. Sinubukan kong tawagan si Sir jack pero, walang sagot. Hinayaan ko na lang muna yung mga nangyari at kahit umaga pa rito, natulog muna ako at nagpahinga.
+++
2 days pero wala talagang paramdam si Sir Jack, dapat umuwi na siya kahapon eh pero wala pa rin siya. Nakwento ko rin kay Jaycee lahat at hindi rin siya makapaniwala.
“Bes, I’m sorry….. Hindi ko alam sasabihin ko.” sabi niya habang kumakain kaming dalawa sa Mozu.
“Sinabi ko lang bes, ayoko na kasing magsinungaling. So, anong nararamdaman mo kay Stephen ngayon?”
“Bes, seryoso, sa’yo lang ako naaawa. Hindi ako galit kay Stephen kasi wala naman siyang ibang ginawa kundi pasayahin ako eh.”
“Naiintidihan ko,”
“Pero syempre hindi ko palalampasin ’to, kailangan kong malaman kung totoo yung sinasabi niya.”
“Nako baka mag away pa kayo”
“Edi mag away, Ayoko lang talaga ng pinaglalaruan ka bes. Tama na sa panggap panggap. Tama na ’yan. sobra na kasi talaga bes, kinain ka na talaga ng sistema ng pag ibig. Easy lang, darating din sa’yo yung dapat na sa’yo ha?”
“Aba, matured ka na mag isip ngayon ah”
“Epekto ng puro anuhan at pagmamahal ni Stephen. Pero seryoso bes, ibang iba si Stephen sa sinasabi mo. Though gusto kong suporthan ka at magalit sa jowa ko, hindi ko magawa kasi ang nakikita ko naman yung magandang ginawa niya saken, sana ayun din makita mo kay Sir Jack.”
Napaisip ako. Gusto ko lang talaga makausap ng masinsinan si Sir Jack. Pero instead na makausap ko siya, Si Sir Benj yung pumunta sa office ko pagkatapos nameng maglunch ni Jaycee.
“Bakit ka nandito?” tanong ko.
“Okay ka na ba?”
“Okay? Seryoso ka ba sa tanong mo?!”
“Hindi ako pumunta rito para makipag away.”
Ang bait bait ng itsura ni Sir Benj ngayon, naalala ko tuloy yung dati na bigla bigla siyang tatahimik at magbabait baitan dahil mali siya sa ginawa niya.
“Bakit ka nga nandito?” tanong ko uli na medyo malumanay na.
“Nagkita na kayo ni Zach?”
“Huh? hindi pa kami nakakapag usap.”
“Umuwi na siya ah? Bibisitahin niya raw si Hannah.”
“Hannah?”
“Uhm, sorry, Akala ko alam mo na na nandito siya.”
“Please, wala ako sa mood. Ang dami ko pang gagawin….”
“Hindi pa rin ako susuko. Hihintayin kita pag uwi ha?” sabi niya sabay labas. Sisigawan ko sana siya na huwag na pero nakaalis na siya kaagad.
Lumipas ang ilang oras, nag OT lang ako ng ilang oras saka ako nag out, sinubukan ko munang tawagan si Sir Jack pero nagriring lang yung phone niya, ibig sabihin nasa Pilipinas na nga siya. Hindi man lang niya sinabi saken.
Hinayaan ko na lang muna ’yun at napagpasyahan kong umuwi pero pagdating ko sa baba, nakita ko nga si Sir Benj na mukhang kanina pa naghihintay. Agad naman siyang lumapit saken.
“OT?” tanong niya,
“Anong ginagawa mo? sabi ko huwag ka ng maghintay!”
“Andito na ako. Tara, may street foods uli sa BGC, kain tayo?”
“No, ayoko.”
“Uhm, please? well, time na rin para ipaliwanag ko sa’yo lahat. Everything you need to know. “
sounds inviting, kaya sumama ako sa kanya sa BGC at kumain nga kami gn street foods,
“Nako, simula nung kumain tayo noon dito, naadik ako hehe ang sarap pala!” sabi ni Sir Benj.
“Magkwento ka na.”
“Ang bilis naman. Grabe naman, sandali lang.”
“Dalian mo, uwuwi na rin ako.”
“Napaka naman neto, pero may trivia muna ako sa’yo”
“Ano?”
“Alam mo ba, exactly one year ago, kumain tayo ng street food dito sa BGC, same time, same place.”
Napaisip ako, oo nga, exactly a year ago na ’yon.
“Remember? Nakahiga ka saken non habang kumakain tayo, nilalamig ka pa nga noon di’ba?” paulit pa niya.
“Hehe oo nga, nilalamig nga ako ngayon eh”
Bigla niya ring hinubad yung suot niyang jacket ngayon at inabot saken. Replay ba ’to ng nakaraan?
“Tapos sabi ko sa’yo kapag 24 ako at single ako, liligawan kita hehe. Naalala mo ba?”
“Oo. Pero ayoko ng alalahanin.”
“Alam ko, mahal mo pa rin ba si Zach kahit na ganon yung nangyari?”
“Oo.”
“Talaga? Bibigyan mo siya ng second chance?”
“Oo” sagot ko uli.
“Eh bakit ako? Ang hirap sa’yo na bigyan ako ng second chance? Nagpakumbaba naman ako, lahat ng pwede kong gawin eh ginawa ko. Bakit ang hirap sa’yo na tanggapin ko uli? Akala ko ba mahal mo ko? Bakit ang bilis mo naman maka move on?”
“Huwag mo kong simulan…”
“Alam ko babalik na naman tayo sa nakaraan pero hindi ko lang maintindihan. Kung unang naging kayo ni Zach tapos iniwan ka niya, tapos ako yung nasa tabi mo, magiging ganito rin kaya yung desisyon mo? Ang gulo lang kasi Ethan….”
“Kung pinunta mo ko rito para sabihin uli ’yang mga ganyang bagay, uuwi na lang ako. Wala naman akong mapapala sa’yo eh.”
“Eh bakit ung hinalikan kita, naramdaman kong mahal mo pa rin ako?”
“This is the last time na makikipagkita ako sa’yo. Don’t ever talk to me again. Okay?”
Nag walk out ako pero hinabol niya ako. Maya maya, nawala yung pagsigaw niya sa likod ko at nung lumingon ako, nakita ko siya na nakaluhod at parang hinihingal. Ayoko na sanang lapitan pero parang may problema siya.
“Uy, okay ka lang?” tanong ko.
“Oo hehe. Hinihingal lang.”
Tinayo ko siya at pinaakbay saken para makalakad siya.
“Okay ka lang ba talaga?” tanong ko uli.
“Oo hehe sige na. Sorry, wala naman talaga akong sasabihin eh, Gusto ko lang icelebrate yung anniversary nung tuhog natin together” mukhang hinihingal pa rin siya
“Ihahatid na kita sainyo. Mamaya kung ano pa ’yan eh”
“Nako, ’wag na Ethan…”
“Arte mo, Last na talaga ’to!” sabi ko pa. Wala naman akong sinabi althroughout the byahe, hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Binaba ko lang siya at hiniga.
“Thankyou” sabi niya,
“Magpahinga ka na lang.” ayun lang sinabi ko at umalis na ako. Napansin kong tumatawag pa siya saken pero hindi ko na sinagot. Hanggang sa makarating ako sa bahay, at sa gulat ko, nandoon si Sir Jack! Nakaupo at nakikipagkwentuhan kay Butchok
Halos gusto ko na siyang sunggaban ng yakap pero hindi ko magawa dahil nga alam kong galit siya saken.
Nung makita niya ako, tumayo lang siya at lumapit saken saka ako niyakap ng mabilis. Mabilis na yakap lang, parang tropa tropa lang.
“Pwede ba tayong mag usap?” sabi niya.
“Oo naman, tara, sa kwarto ko.” sabi ko, sumama naman siya saken at pagpunta namen sa kwarto, niyakap ko kaagad siya ng mahigpit.
“Miss na miss kita” sabi ko sa kanya.
Akala ko hindi siya gaganti ng yakap pero niyakap niya pa ako ng mahigpit na mahigpit.
“Miss na miss na rin kita.” sagot niya
“Talaga? bakit hindi mo sinabi na umuwi ka na?!”
“Sorry, pinuntahan ko lang si Hannah.”
Natahimik ako. Totoo nga yung sinabi ni Sir Benj.
“Bakit naman?” tanong ko.
“Binisita ko lang siya, atleast ako sinabi ko sa’yo”
“Pero bakit siya una mong pinuntahan?”
“Ethan, sorry pero pumunta ako rito para makipaghiwalay sa’yo”
Halos bumigat yung damdamin ko sa sinabi niya. Ang bilis namuo ng luha sa mga mata ko.
“Don’t think about sa kasal na inannounce ni papa, I’m not that stupid para pumayag ako doon. Ikaw pakakasalan ko Ethan, pero kailangan muna natin gawin ’to”
“Ha? Bakit? Uy huwag naman please” sabi ko,
“Huwag kang magmakaawa please? Ayokong maulit yung ginawa mo kay Benjamin. I’m doing this for us. Masyado kang maraming nilihim saken, and I think you need time for yourself. Masyado kang natataranta sa mga desisyon mo kaya hindi mo ko naiisip”
“Ginawa ko lang naman ’yun dahil mahal kita”
“Ethan, alam kong nagpapanggap kayo ni Benjamin at kung ako nasa kalagayan mo, never kong gagawin ’yan dahil mahal kita at kapag mahal mo isang tao, hindi ka gagawa ng bagay na ikasasakit niya.”
“Jack….”
“Ethan, mahal na mahal kita, maniwala ka saken. At dahil sa mga nalaman ko….” nahinto siya at parang naiiyak pero pinigilan niya ’yun para matapos yung sinasabi niya. “Dahil sa nalaman ko, hindi ko alam kung tama ba yung ginawa kong ipaglaban ka sa pamilya ko.”
“Jack… Please huwag….”
“I’ve been through worst, Ethan. I know ikaw din, but let’s just take a cool off. To really find yourself, I want you all, all of you, yung ako lang yung hahanapin mo, yung ako lang, sapat na sa’yo. Hindi yung mag ccling ka pa sa past mo for the sake of something else. Gusto ko ako lang. And I think mangyayari lang ’yun kapag gagawin natin ’to”
“Ayoko! Alam ko na kung saan ’to hahantong!!”
“Don’t make this hard for me please? Mahal kita, tandaan mo ’yan. Nakikipaghiwalay ako sa Ethan ngayon, para mahalin ko yung tamang Ethan na alam kong mamahalin din ako ng totoo.”
“Wala ka ba talagang tinatago saken?” sabi ko.
“Wala. Loyal ako simula nung sinagot mo ako, wala akong iba, Ethan.”
“Eh bakit nakikipagkita ka sa ex mo? Bakit hindi mo sinabi yung tungkol kay Benjamin na umalis siya para samen??”
Natawa lang siya. Mali siguro yung timing ng mga tanong ko.
“See? That’s the reason why we really need to do this. Hindi ka pa nakakamove on. Ginawa mo lang akong rebound.”
“No, sorry, Hindi na… Huwag kang umalis….”
“I love you, Ethan. But we really need this. Really really need this. You know where to find me kung ready mo na akong mahalin uli.”
He kissed me on my cheeks and forehead and lips. Ngumiti lang siya at lumabas na ng kwarto ko. Hindi ko na siyang nagawang habulin dahil sa halik niya, naramdaman ko na gusto na niya talagang magpahinga muna.
+++
Affected ako sa trabaho ko kinabukasan, nakatulala lang ako at iniisip ko na naman lahat ng ginawa ko. Nawala lang ako sa pagdedaydream dahil tumawag saken ni Jaycee at nakikipagkita, ASAP daw kaya bumaba kaagad ako at pumunta sa Mozu.
Nakita ko sila ni Stephen doon na magkatabi habang nag uusap. Nung makita ako ni Jaycee, bigla niyang piningot sa tenga si Stephen,
“Oh? Anong sasabihin mo sa bestfriend ko?!” sabi ni Jaycee
“Aray baby! Oo na sasabihin ko na!” sabi ni Stephen.
“Good. Go!”
Naupo ako sa harapan nila habang si Stephen naghahanda sa sasabihin niya.
“Hindi naman ’yon totally na pustahan, parang katuwaan lang.” panimula niya
“Tse, sige kapag nagpaligoy ligoy ka, aalis na ako sa condo!” sabi bigla ni Jaycee
“What baby? No!! Okay okay sasabihin ko na talaga!”
Naghintay lang ako,
“Yung pustahan was all about you Ethan, first one to have sex with you, will win 50K. That’s all!”
“So nanalo si Sir Jack? Kaya tumanggap siya ng 50K?” sabi ko,
“Huh? No, hindi kasali sa pustahan si Jack. Ayaw niya sa idea na ’yun kaya hindi siya sumali”
“Ha???????”
“It was me and Benjamin. Nanalo si Benjamin so I gave him 50K, pero binalik niya rin saken yung pera kaagad dahil nga na fall na siya sa’yo.”
“So… Si Sir Benj talaga may pakana?”
“Hmm… Parang ganon na nga. Nagpustahan kaming tatlo, umayaw si Jack then tuloy pa rin samen ni Benjamin. Hindi ko naman na kasi tinuloy ’yun kasi I’m already falling inlove with your bestfriend”
Hindi na naman ako nakasagot.
“It was Benjamin, Ethan. Jack really loves you from the start.”
+++++
Last 3 chapters guys!!
VOTE AND COMMENTS!!!!
Part 68
Eto talaga yung part ng story na maraming nagagalit saken haha! To be honest, ang hirap gawin nung ending, as in. Kasi nasira phone ko at nandoon lahat ng kodigo ko para sa finale, wala akong back up kaya medyo vague yung details.
Matatapos naman na ’to eh haha at as I promise,
IBANG IBA TO SA MGA NAGING ENDING KO! ayun lang :)
++++
BENJAMIN’S POV
“Magpapainom ka pa ba Benjamin? Haha umay na umay na kami sa pagdadrama mo!” sabi ni Stephen saken. Napaka supportive talaga ng mga kaibigan kong ’to pagdating sa inuman.
“Benjamin, may mga bagong kang tao bukas ha? Alam mo na kapag may chicks ah!” sabi naman ni Zachary.
“Sus, dakilang fvckboy haha”
“Haha. G ha? Sabihan mo ko kaagad” sabi ni Zachary.
Palagi naman kaming ganito nila Stephen. Inuman lang, kwentuhan tapos uwian na rin.
Kinabukasan sa trabaho, may bago nga akong tauhan. Ethan at Laura ang pangalan. Well, maganda si Laura kaso hindi ko type, baka magustuhan ’to ni Zachary so sa kanya na lang.
Medyo kakaiba lang yung aura netong lalaki, parang bakla eh pero baka mahinhin lang talaga. Kaso naalala ko, kamukha niya yung nakabangga ko kahapon. Tsk, napakaliit naman ng mundo kung siya ’yon!
Nanlibre pa ako ng lunch para sa mga bagong tauhan ko, ginagawa ko naman palagi ’to at doon ko nalaman na bakla nga ’tong Ethan. Pa bisexual bisexual pang nalalaman eh bakla rin naman, okay lang basta hindi niya ako gagalawin.
Nabibwisit ako sa Ethan na ’to, isasave lang yung gawa niya eh hindi pa magawa! Jusko. May pangalan na siya saken, at hindi magandang pangalan ’yon! Kailangan ko pang makipagmeeting kay Sir Miggy at Cielo, hayst.
“I’m sorry sir, I take full responsibility sa pagkakamali ng empleyado ko” sabi ko sakanila, pero pucha naman, bakit nandito pa si Ethan?
“Sir, kasalanan ko po lahat. Wala pong kasalanan si Sir Benj” sabi pa ng Ethan na ’to.
Sht ka! Nakakainis ka!!
Paglabas ng office, halos hindi ko na alam kung anong gusto kong gawin sa lalaking ’to.
“What the fvck are you doing?!!” sigaw ko sa kanya.
“Sir, Sorry… Gusto ko lang makatulong”
“Fvck, makatulong? Well, hindi ka nakatulong and look at you, ang dugyot mo! Magpunas ka nga ng pawis mo!” inabot ko na yung panyo ko kasi nakakadiri talaga yung itsura niya.
Pero ano ’to? Bakit pinagkamalan kami ni Sir Miggy at Cielo na kami? So bakla rin pala tong dalawang ’to? What the fvck.
I need them. I need them so much. Kailangan ko ’to at mukhang magandang pagkakataon ’to para gamitin ’tong Ethan na ’to. Well, siya naman may kasalanan so sigurado akong ooo ’to sa mga gusto ko, isa pa, ramdam kong may gusto saken ’to.
Mukhang nauto ko naman si Sir Miggy at Cielo sa ginawa kong pagakbay kay Ethan.
Pagkaalis nila, kinumpronta ako ni Ethan.
“Well, kasalanan mo ’to Ethan! At saka isa pa, tayo lang naman makakaalam. I’m straight, don’t worry hindi ko maiinlove sa’yo” paalala ko pa sa kanya, Come on, hindi ako maiinlove sa kanya, ang layo niya sa gusto ko at isa pa, I’m not gay.
“Hays, sige sir” sagot niya,
“Good, call me honey or whatver you want, basta sweet okay?”
“Yes Sir” sagot niya,
Buti naman at marunong sumunod ’tong isang ’to.
++
“Dude, may maganda kang tauhan ah?” sabi ni Zachary, nasa condo kami ni Stephen ngayon para mag inom.
“Laura? Yeah, I bet she’s your type. Gusto mo ng personal data? Kunin mo na lang sa office tomorrow!”
“Haha nice, thanks!”
“But hey dude. Dalawa sila right? Yung isa ba chicks?” tanong naman ni Stephen.
“No dude, but he’s gay. Not too gay though” sabi ko naman.
“Oh yeah, nagpapanggap pala kayong dalawa no? haha, well, may nangyari na ba sainyo?
“Come on Stephen, I’m not like you na mapalalaki mapababae eh nakikipag anuhan ka!”
“Haha try it sometimes, parehas lang naman.”
“Ang alamat ng fvckboy” sabi ni Zachary
“Haha, tama ka diyan!” sagot ko naman.
“Haha ehhh paano ka naman Jack? I thought okay lang sa’yo?” sabi ni Stephen.
“Come on, I’m joking haha”
“Wanna bet?” sabi ni Stephen.
“anong bet?”
“Well, that gay guy. First one to have a first move to… you know….. have sex with him, will win 50K, cash!” sabi ni Stephen.
“Wait, sa tingin mo ba hindi ka lugi diyan?” sabi ko
“And why is that?”
“We’re pretending to be together. At may advantage ako.”
“Haha well, you have that advantage but sana huwag mong kalimutan na ako si Stephen haha and I get what I want”
“Woooo haha, Zachary? you good?” tanong ko.
“Are you talking about the Ethan guy?” tanong niya.
“Yeah”
“Oh Did you know na chinat niya ako at sinabihan ako ng I love you? haha I don’t know, out of nowhere bigla siyang nag chat ng ganon.”
“What? So ikaw pala ang type niya!” sabi ni Stephen
“Haha I don’t know. Pero Ayoko niyang bet bet na yan haha he seem nice naman.”
“Pussyy! Benj? Ano? G?” sabi ni Stephen saken.
“Haha, Okay., 50K cash ha?”
“Haha deal!”
“Ikaw ang saksi Jack ha?”
“Haha bahala kayo. Basta ako, okay maging kaibigan si Ethan so don’t do it!”
“KJ! eh ginagawa niyo naman dati ni Benjamin ’yan? Palagi nga lang nananalo si Benjamin ahha sa tingin ko takot ka lang eh haha”
“Haha bahala ka sa gusto mo basta still a No”
“Haha tayo na lang Benjamin ha?” sabi ni Stephen saken.
“Haha G!”
++++
Palagi kaming magkasama ni Ethan nung mga nakaraang araw, Sa meetings, sa labas ng office, pati na rin sa texts siya lang katext ko. Wala naman na akong ibang makakausap kundi siya lang, medyo magaan din siyang kasama. Nagiiba na tingin ko sa kanya, to the point na gusto ko na siyang nakikita palagi. Hindi ko maexplain yung feeling eh.
Pero nakakainis lang kapag naaalala ko yung pustahan kay Stephen, parang hindi lang worth it kasi mabait na tao talaga si Ethan.
“Pre, magkasama kami ni Ethan” text ni Zachary saken.
Ano? Bakit sila magkasamang dalawa?! Akala ko ba si Laura gusto niya? Eh akala ko ako gusto ni Ethan?!
Kaya kinabukasan sa office, pinatawag ko si Ethan.
“Bakit ka sumasama kay Zachary ha?!” inis kong sabi sa kanya.
Tinignan niya lang ako na parang ewan. Nakakainis, bakit ganyan yung itsura niya? Hindi ko maexplain, ang cute, nakakagigil. Bigla pa siyang ngumiti.
“Wala lang po ’yun!” nakatawa pa rin siya. Isa pang ngiti, baka mamaya kung ano ng magawa ko sa’yo!
Shet, baka iniisip niya nagseselos ako.
“Mamaya, kung anong isipin nila Sir Miggy at Cielo, baka isipin nila nagpapanggap lang tayo!”
“Bakit, hindi po ba ’yun yung totoo?”
“Tigilan mo ko, boyfriend mo ko kapag nasa office! Kaya saken ka lang dapat!”
Natahimik siya sa sinabi ko, Ayan tama ’yan! Sakin ka lang Ethan, ayokong napupunta ka sa iba lalo na kay Zachary! Mamaya sabihin niya pa yung tungkol sa pustahan eh.
“Ah… Okay po” Nginitian niya uli ako.
What the fvck with that smile. I know he’s cute pero bakit may kakaiba akong nararamdaman.
Sht. Am I having a boner now? Come on, with a guy?! No way!
“Good. You can leave now” sabi ko.
Pagkatalikod niya, sht, bakit ako nakatingin sa likuran niya, Benjamin! Stop, you’re not gay and you’re not falling for him. Tandaan mo ’yan!
But I’m not sure with my feelings, I think I like him already! Pero I don’t want him to end up with Zachary, tho kaibigan ko siya, kaibigan to the point na mapagsasabihan ko siya ng lahat lahat, ayoko pa rin.
Meron kasi kaming rivalry ni Zachary, and I think it will be forever in our heart. Alam kong hindi prize si Ethan pero for me, ang swerte ko kung magiging kaming dalawa. I know that he likes me too kaya sasabihin ko na sa kanya yung nararamdaman ko.
++++
“You won, padala ko na lang yung 50K haha” sabi ni Stephen saken.
“No, huwag na.”
“Sus, huwag ako Benjamin. Haha, sige na! Pinadala ko na, wala ka ng magagawa.”
“No huwag na talaga!”
“Alam ko, you’re falling for him.”
“Hindi, kami na talagang dalawa”
“What?!! Haha sabi ko na nga ba eh. May something diyan sa lalaking ’yan eh haha di gumana powers ko sa kanya but atleast sa’yo okay”
“Kaya ayoko na ng pustahan”
“I understand pero napadala ko na talaga haha bahala ka na lang” sabi niya pa. Ibabalik ko na lang sakanya kapag may oras ako.
Ang saya ko kay Ethan. For the past months, may nakakafling akong mga babae pero iba eh, iba talaga compare kay Ethan. Everytime we kiss, we hug, we hold hands, may spark talaga.
Mahal na Mahal ko talaga si Ethan.
Pero biglang dumating si Sophie, akala ko okay na ako pero hindi pa pala.
Nakikipagkita ako sa kanya ng hindi alam ni Ethan, alam kong mali ’yon pero kailangan kong gawin, Gusto ko lang malaman kung talagang mahal ko pa si Sophie.
Nasa coffee shop kami ngayon ni Sophie, ang sabi ko kay Ethan nasa bahay na ako. Last na talaga ’to.
“Ang gwapo mo pa rin talaga” sabi ni Sophie saken.
“Haha ewan ko sa’yo Ethan”
“Nakakainis ka na, nakailang Ethan ka na!”
And then I remember, si Sophie pala kaharap ko. I’m having this daydream na si Ethan kaharap ko ngayon at kausap. Pero, kahit pala si Sophie nasa harapan ko, yung babaeng kaisa isang minahal ko ng todo, nakalimutan ko dahil kay Ethan
Natawa lang ako,
“Why are you laughing?” tanong niya
“No, hehe. I’m sorry, I have to go”
Pupuntahan ko na sana si Ethan para umamin sa kanya pero sinundan pala ako ni Sophie.
“Benjamin, stop!! I know what you’re doing! Bumalik ako para ayusin yung saten!” sabi ni Sophie saken. Nasa loob kami ng sasakyan ko ngayon.
“Sorry…”
“What!!??? I did this for you tapos ganito lang?!!”
“What do you mean?”’
“I know about your family. Pumunta ako ng US and I saw them!”
“Really?”
“Yes! All these times Benjamin, ikaw lang hinahanap hanap ko, nagpakalayo ako para matulungan kang mabuo tapos kung kailan natagpuan ko na yung magpapabuo sa’yo, may kukuha na ng iba sa’yo?! No!!!”
Kilala ko ’to, kaya never kaming nag aaway dahil alam kong iba siya magalit. May mga bagay siyang nagagawa na aakalain mong hindi niya gagawin.
“I’ll kill myself Benjamin!! I know you know I can do that!!” banta niya saken.
“Stop, ano ba yang sinasabi mo!”
“I love you Benjamin! Please, don’t leave me!”
“Sophie please…”
“I thought ginagawa mo ’to para saten? Diba dream natin together sa New York? Ano? Sa iba na yung dream na ’yon? No, Benjamin, please no!!”
“Sophie….”
“I’ll tell you!! I’ll kill myself now!”
What the fvck, saan nanggaling yung hawak niyang kutsilyo, bigla niyang sinaksak yung braso niya at napansin ko na lang yung mabilis na pagtulo ng dugo sa kanya
Pinagsasaksak niya ng paulit ulit hanggang sa makuha ko yung patalim at niyakap ko siya.
“Please, don’t leave me” bulong niya pa habang umiiyalk.
Tinakbo ko siya sa ospital. And I saw her suffer. Palagi niyang sinasaktan sarili niya. I don’t want her to suffer like this. When I saw her like this, narealize kong ayoko rin siyang mawala saken.
I may not be thinking straight, but I chose her over Ethan.
+++
Breaking up with Ethan was one of the most difficult decision that I have to do. So I ask Zachary a favor.
“Pakisabi sa kanya na I’m doing this for us. “ sabi ko sakanya habang nasa airport ako para sumama kay Sophie.
“What the fvck is your problem! Bakit kailangan mong saktan si Ethan ng ganon!!”
“I know, I’m sorry. Pakisabi sa kanya lahat, I love him, I’m doing this for Sophie for now pero siya mahal ko.”
“Grabe! Ang swerte mo ikaw mahal ng mahal ko Benjamin. Tapos ginago mo lang”
“Sorry pare. Please tell him. I love him so much! Magtatayo ako ng bahay nameng dalawa sa New York”
“Bakit hindi ikaw mag sabi sakanya?!”
“He’s mad at me at kailangan ko ’to para mapaniwala si Sophie. Mamaya kung malaman ni Ethan yung totoo at malaman din ni Sophie, ewan ko na lang. Ayokong may mawala sa kanilang dalawa”
“So isasacrifice mo si Ethan for her?”
“I’m sorry pare. Pakisabi sa kanya mahal na mahal ko siya! Babalikan ko siya!” sabi ko pa. Iniwan ko na si Zachary doon hoping na magkaayos kami ni Ethan pagbalik ko.
+++
Almost 8 months na pero niloloko lang ako ni Sophie. Nalaman kong tinatawagan niya pala si Ethan noon at sinisiraan ko. Alam na pala niya matagal pa na kami na ni Ethan.
“Benjamin ano ba! Bakla ’yon! Ipagpapalit mo ko sa bakla ganon?!” inis na sabi ni Sophie saken ni Sophie nung malaman ko yung tungkol sa ginawa niya.
“Mabait si Ethan!”
“Wala akong paki kung mabait siya! Ang akin lang bakla siya! Wala kang future doon! May mabubuo pa kapag nag sex kayo? Wala diba?!”
“Wala. Walang mabubuo pero siya ang mahal ko!”
“Fvck you!! You’re gay?!!”
“Call me whatever you want! Babalikan ko na siya!”
“NO!!” sigaw niya uli at nagmamakaawa siya saken.
“Tama na yung lokohang to Sophie. Niloko mo rin ako tungkol sa pamilya ko! Matagal na silang nasa Pilipinas at alam mo ’yon! Alam ko na rin yung tungkol doon pero hindi ko na sinabi sa’yo kasi mamaya takutin mo na naman ako na magpapakamatay ka kapag umalis ako!”
“Gagawin ko talaga Benjamin! Huwag mo kong iiwan!!”
“Edi magpakamatay ka na! Gawin mo na! Para wala na akong problema!!”
“NO please Benjamin!!”
Tinayo ko siya at pumunta ako sa kwarto para ayusin yung gamit ko!
“I’m pregnant, Benjamin!”
“What the fvck, Wala akong natandaan na pinutok ko ’yan sa loob!”
“Well maybe you did!”
“Maybe not! You’re just saying that para huwag akong umalis!”
“Please don’t leave me! Make me pregnant now! Please, just don’t leave me!”
“Ang dami ko ng nasayang na oras, Sophie! Ayoko na! Tama na. Hindi na kita mahal, Ano pang gusto mong sabihin ko para tigilan mo ako?!”
“I’ll do anything you want!!!!”
Naalala ko na naman yung sinabi ni Ethan ’yan nung nagmamakaawa siya na huwag ko siyang iwan. Pero iniwan ko pa rin siya.
“Sinabi saken ’yan ni Ethan… Pero ako naman magsasabi sa kanya niyan para bumalik siya saken”
“Benjamin!!” sigaw niya saken
Hinabol niya pa ako palabas pero nagmadali na ako. Wala na akong paki sa mga ibang gamit ko, gusto ko lang makabalik ng Pilipinas para kay Ethan.
But it’s too late.
He’s already with my friend.
++++
LAST 2 CHAPTERS!!!!
KEEP SAFE EVERYONE SA MGA MADADAANAN NG BAGYO!!!!!
Part 69
Thank you for supporting my story up to now, alam ko magiging hati ang opinion ng lahat sa huli pero ganon talaga hehe.
SANA SUPORTAHAN NIYO RIN YUNG BAGONG ALBUM NG PINAKAMAMAHAL KO, QUEEN, INSPIRASYON, LADY GAGA!! #JOANNE NAPAKINGGAN KO NA YUNG ALBUM AT HINDING HINDI KAYO MAGSISISI. STREAM ON SPOTIFY HA?!!
THANK YOU :)
Read my story: Greg’s Diary! :)
++++
JACK’S POV
Sasabihin ko ba kay Ethan? Eto siya sa harap ko ngayon, umiiyak, wala akong magawa. Wala lang naman ako para sa kanya eh, kahit anong gawin ko, si Benjamin talaga mahal niya, kaya iniwan pa siya neto.
Wala akong magawa, at kung may magagawa man ako siguradong hindi sapat ’yon.
Sasabihin ko ba yung sinabi ni Benjamin? Bakit? May mangyayari ba kung sasabihin ko? babalik ba siya rito para kay Ethan? Kaya niyang gawin kay Ethan ’to, baka hindi niya talaga mahal si Ethan katulad ng pagmamahal ko. Nakakalungkot lang pero ayoko ng dagdagan pa yung iniisip ni Ethan, kailangan nandito lang ako sa tabi niya kahit na anong mangyari.
+++
First month was the worst, halos hindi ko siya makausap ng matino, nahuhuli ko pa siyang nakatulala na parang ang lalim ng iniisip, Kapag lalapitan ko naman siya ngingiti lang siya na parang pilit. Alam kong nasasaktan pa rin siya pero kailangan kong maging matapang for him.
2 months at parang nagbago lang ng kaunti, kaunting kaunti lang talaga.
3 months, nakakatawa na siya. Gusto ko siyang pinapatawa, gusto ko palagi siyang masaya. Magaling na magaling na kasi si Butchok pati yung mama niya. Nakakatuwa lang dahil sabay silang gumaling, at ayun ang pinapaalala ko kay Ethan.
4 months, productive na yung trabaho niya, nakikita ko ’yun sa performance niya. Hindi ko siya pinipilit about samen, basta ang gusto ko lang, mapasaya siya sa bawat oras na pwede ko siyang mapasaya.
“Ethan?” bigla kong sabi sa kanya habang nasa sasakyan kami, hinahatid ko siya pauwi sa kanila.
“Hmm?”
“Bibilhin ko yung bahay sa tabi niyo”
“Ha? Bakit? Anong problema sa condo mo?”
“Wala naman. Uhm, gusto ko lang mapalapit sa’yo”
Natahimik siya, tinignan ko siya sandali at nakatingin siya saken na parang natuwa sa sinabi ko.
“Talaga?” tanong niya.
“Oo. Hehe, pero alam ko naman na hindi ako pwedeng tumira sainyo kaya bibilhin ko na lang ’yun hehe”
“Eh paano yung papa mo?”
“Hindi naman niya malalaman eh hehe. Ano?”
“Mahal ’yun!”
“Nabili ko na. Sinabi ko lang sa’yo haha”
“Haha loko ka talaga!!”
“So magkatabi na tayo ng bahay hehe. Uhmmm… Baka pwede naman na…”
“Alam mo na hindi pa ako ready di’ba?” bigla niyang sabi. Nararamdaman niya talaga kapag isisingit ko yung tungkol sameng dalawa,
“I understand hehe.”
Patuloy lang sa pagbabalik ng buhay niyang masaya.
6 months was really really okay. Minsan, nakakapuntos na ako ng akbay sa kanya. Hindi niya tatanggalin, minsan hahawakan ko kamay niya ng pahapyaw pero pag naramdaman niyang hahawakan ko na yung buong kamay niya, aalisin na niya, okay lang naman sabay aakbayan ko siya uli,
One time, umalis kaming tatlo nila Butchok. Para kaming one big happy family sa gala namen, hawak kasi namen ng magkabila yung kamay ni Butchok.
7 months, alam kong okay na siya. Okay na okay dahil hindi ko na siya nakikitang nakatulala, palagi na siyang busy in a good way at nagpapasalamat ako dahil doon.
“Saan tayo pupunta?” bigla niyang tanong habang pinagdadrive ko siya after ng shift niya.
“Basta.”
Gusto ko na magtapat sa kanya ng formal. Alam kong alam na niya pero gusto ko ipakita sa kanya na mahal na mahal ko talaga siya at hindi ko siya kayang lokohin.
Dinala ko siya sa pinakataas ng building ng condo ko. Alam kong nilalamig siya dahil sa hangin kaya niyakap ko siya sa likuran. Akala ko aayaw siya pero siya pa naghigpit sa kamay ko para mayakap siya.
“Mahal kita” bulong ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot. Hindi ko rin makita kung anong reaksyon niya pero hinayaan niya lang yung pwesto nameng ganon.
“Seen lang?” sabi ko
“Hehe. Hindi….. I need time, I mean, gusto kong sure na sure na talaga ako di’ba?”
“I understand. Hindi naman kita pinipilit pero gusto ko lang gawing official yung panliligaw ko sa’yo”
“Hala, hindi ka pa ba nanliligaw?”
“Uhm. Medyo pero gusto ko lang sabihin hehe,”
Hinarap ko siya saken. Kahit mahangin, nakangiti kami sa isa’t isa.
“Can I court you, Ethan?” sabi ko sa kanya mata sa mata.
Una umayaw siya pero parang nagpapacute siya na ewan hehe, grabe, bakit ganito ako kay Ethan. Hindi ko mapaliwanag. Mahal na mahal ko talaga siya.
Nagtyaga ako para sa matamis niyang oo at hindi naman ako nabigo sa kanya nung sinagot niya ako.
+++
Isa lang sa pinakamasakit na nangyari ay yung kailangan kong pumunta ng New York para sa kagustuhan ng papa ko. Mahal ko si Ethan at dapat mahal ko rin pamilya ko.
Kaya nung nasa US ako, ginawa ko lahat ng dapat kong gawin para mapabilis yung trabaho ko at makauwi kaagad.
Kaso nakatanggap ako ng mga pictures, pictures na magkasama si Benjamin at Ethan ng hindi ko alam, hindi sinasabi ni Ethan. Una, akala ko paninira lang pero may picture sila na magkahalikan. Tanginaa, ang sakit. Anong ginawa ko para gawin niya saken ’to?
Tumatawag siya pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, galit ako at the same time nalulungkot.
Mahal na Mahal ko siya pero kaya niyang gawin saken ’to!
Hinayaan ko na lang muna siya at tinapos ko lahat ng trabaho ko rito, mas gusto ko siya makausap ng harapan. Gusto kong marinig mismo sa kanya yung paliwanag niya.
Habang naglalakad ako pauwi galing office…
“Sabi na nga ba eh, you’re here” sabi ng familiar na boses.
Si Heidi.
Si Heidi ang kapatid ni Hannah.
“Oh, hello!” bati ko. Niyakap ko siya, kahit naman papano eh naging close kaming dalawa.
“How did you know?” tanong ko,
“Well, sinabi ng papa mo hehe”
“Hehe…”
“Ikakasal ka na raw ah?”
“What? Pakulo lang ni papa ’yon haha I’m not that stupid”
“I know I know hehe so, you’re seeing someone?”
“Hmm.. yes” sagot ko. Kahit medyo awkward.
“Oh good for you! hehe Nakausap mo na ba si Hannah?”
“Haha, well… Siguro pag uwi ko. Pinupuntahan ko pa rin naman siya minsan”
“Well, good good to know… uhm, well, you look good as always. Gwapo gwapo. hehe stay inlove okay? I got to go hehe”
“Sure Heidi.” niyakap ko uli siya bago ako nagpaalam.
++
Hinahanda ko na sarili ko pag uwi pero nung naalala ko si Heidi, naisipan kong bisitahin si Hannah. Alam ko naman na hindi niya ako makakausap eh kaya ginawan ko na lang siya ng sulat bago ako pumunta sa condo.
Nakipaghiwalay ako kay Ethan. Pero hindi dahil hindi ko na siya mahal, gusto ko lang na makapag isip isip muna siya bago namen itulog ’to. Mahal na mahal ko siya at ayokong mawala siya saken pero unfair naman kung hindi ko aalamin yung totoo niyang nararamdaman kaya hinayaan ko na lang muna siya.
1 day…
2 days…
3 days…
Wala akong ginawa. Hinayaan ko si Ethan. Gusto ko siya yung lumapit saken dahil ako, hinihintay ko lang naman siya.
4 days na pero hindi na siya tumatawag saken. 5 days… wala na rin.
Ayoko ng ganito
Ako naman may gusto neto pero hindi ko maisip na mawawala siya saken.
Mahal ko ba? Oo. Handa ba akong magpakatanga uli? Oo. Handa ba ako sa magiging future namen? Oong oo.
Ayoko! Gusto ko na siya makita! Kaya nagmadali akong pumunta sa bahay nila,
Pagbaba ko pa lang sa tapat ng bahay nila, nakita ko na siya. Sa may labas ng pinto, nakangiti at mukhang masaya,
Pinagmasdan ko lang muna siya, parang nag slowmo yung mundo dahil sa ginagawa niya. Wala siyang ginagawang kakaiba, nakangiti lang talaga siya at parang may hinihintay sa loob,
Lumabas na ako ng sasakyan ko para tawagin siya pero biglang may lumabas sa pinto ng bahay nila, kasunod lang niya.
Si Benjamin.
Parang hindi ko kaya na makita silang ganon. Ang sakit ng dibdib ko sa nangayayari.
Hindi ko mapigilan yung luha ko sa nakita ko.
Napansin ko na lang na nagkatitigan kami ni Ethan. Nung nakita kong palapit na siya saken, nagmadali na akong sumakay ng sasakyan ko. Pero ang bilis niya, nakapasok na siya sa loob.
“Bakit ka nandito????” tanong niya,
Sht. Akala ko sasabihin niya, wala lang yung nakita ko, pero hindi, parang panggulo pa ako sa buhay niya.
“Pauwi na rin ako, dumaan lang ako” sabi ko. Punyemas, ang hirap pigilan ng luha ko! Talagang tutulo at tutulo siya!
“Bakit ka galit???”
“Hindi ako galit!”
“Galit ka eh. Mag usap naman tayo ng maayos,”
“Wala tayong dapat pag usapan. Aalis na ako”
“Ano ba bakit ba ganyan ka Jack?!! Mag usap naman tayo ng matino!”
“Matino? Sige, sabihin mo saken kung bakit kayo magkasama ni Benjamin ha?!!”
“Ayan ba yung kinagagalit mo? Wala lang yan! Alam mo naman na ikaw mahal ko di’ba?!”
“Eh bakit hindi mo na ako tinatawagan?!”
“Akala ko kasi kailangan mo ng space”
“No Ethan, ikaw ang may kailangan ng space. Hinihintay lang kita na bumalik saken pero mukhang wala kang balak!”
“Uy….”
“Lumabas ka na ng sasakyan!”
“Ikaw may gusto neto diba?!” tinataasan niya na rin ako ng boses.
“Akala ko magiging okay saten ’to! Pero…..”
“Oh ano? makikipagkita ka na naman kay Hannah?!”
“Huwag mo siyang idamay rito!”
“Wow. Okay!!”
Galit na rin siya, bakit siya nagagalit saken? Wala naman akong ginagawang masama ah!
“Gusto mo siya makausap? Halika! Kausapin mo siya!!” sabi ko sakanya. Humarurot ako ng paandar sa sasakyan papunta kay Hannah.
++++
ETHAN’S POV
“Saan ba tayo pupunta Jack?!“medyo kinakabahan na ako sa nangyayari. Ang bilis masyado ng takbo niya pero hindi niya ako sinasagot,
Naiiyak siya, nakikita ko. Pinupunasan niya lang yung luha niya. Medyo naaawa na ako, bakit ko kasi siya nasigawan. Wala naman akong ginagawang masama.
Pero pinunta niya ako sa isang sementeryo. Bumaba kami ng sasakyan, hawak hawak niya kamay ko habang nagmamadali kaming maglakad,
Maya maya tumayo kami sa isang puntod na may nakasinding kandila at may magandang bulaklak sa gilid.
“Oh! Kausapin mo siya!” sabi ni Sir Jack.
Nakita ko yung lapida.
Hannah yung pangalan.
Patay na pala si Hannah.
Paglingon ko, wala na si Sir Jack at pabalik na ng sasakyan niya.
Sobra akong naguilty. Sobra sobra.
Pero napansin ko yung sulat na nakalagay sa may tabi ng bulaklak. Binuksan ko ’yun at alam kong sulat ’to ni Sir Jack.
“Hannah.
I’m sorry kung hindi na ako nakakadalaw sa’yo. I’m sorry kung hindi na ako nakakakwento. Kakauwi ko lang from New York, alam mo naman si Papa, gusto niya talaga na doon ako magtrabaho pero hindi ko ginawa eh. Napaglaban ko yung gusto ko dahil sa isang tao.
Naaalala mo yung kinekwento ko sa’yo? Si Ethan? Ayun, kami na pala. Malapit na rin mag isang buwan pero medyo may tampuhan lang kami ngayon.
Sorry kung ngayon ko lang nasabi, nangako ako sa’yo na ikekwento ko lahat sa’yo, hayaan mo kapag okay na kaming dalawa, ipapakilala ko siya sa’yo ng maayos.
Mahal na Mahal ko ’yun! Sobrang mahal na mahal ko. Akala ko hindi na ako magmamahal simula nung iniwan mo ako, pero mali ako. Iba siya, sana matanggap mo siya kahit na magkaibang magkaiba kayo.
Miss na kita. Oo, miss na miss.
Hindi ko alam kung nasabi ko na sa’yo pero salamat ha? Salamat dahil tinuruan mo ko kung paano magmahal, ayon, naaapply ko naman ngayon kay Ethan lahat. Hehe,
Hope magkakilala na kayo soon.“
Feel ko, ako ang pinakamasamang tao sa lahat. I accused him of something na wala naman ng dapat iakusa.
Tinatawagan ko siya pero hindi ko siya macontact. Dinala ko yung sulat niya para humingi ng tawad sa kanya. Pero pag uwi ko wala siya sa bahay niya. Sa condo niya, wala rin.
Tinawagan ko si Stephen pero wala rin siyang idea.
Medyo kinakabahan na ako, ayoko sanang isipin na baka may masamang nangyari sa kanya.
Naghintay ako ng tawag at text pero wala.
Alas dose na ng gabi ng makarecieve ako ng tawag galing sakanya.
“Nasaan ka na ba? Anong oras na!!!” sagot ko.
“Do you know who’s the owner of this phone?” babae yung nagsalita.
“Ahh….opo opo.”
“Oh, I’m sorry but he had an accident. Nasa St. Lukes po siya ngayon, this is the only contact na nakasave sa phone niya.”
Suddenly, parang huminto yung mundo ko.
Wala akong magawa, parang nanigas buong katawan ko. Pero nung nabuhayan ako, agad agad akong nagmadali para pumunta ng Ospital.
+++
Ang lala, sobrang lala ng kalagayan niya. Ang dami raw dugong nasayang, kitang kita ko naman dahil sa bandages sa ulo niya sa katawan niya sa paa niya. Lasing na lasing daw at ang bilis magdrive, bumangga sa poste kaya ganito yung tinamo niya.
Hindi ko napigilan pgiyak ko nung nakita ko siya. Pwede kong sisihin sarili ko dahil sa nangyari.
Dumating na yung pamilya niya kaya lumabas muna ako,
Sinalubong naman ako ng ate niya.
Nagkatitigan kami at niyakap niya ako,
“Sorry po ate” sabi ko habang umiiyak sa kanya. Tinatahan naman niya ako.
“Wala kang kasalanan. Aksidente lahat. Wala kang alam. Okay lang yan” sabi niya,
“Ano raw po sabi ng doctor??”
“Sabi baka medyo matagalan pa bago siya magising”
“Ganon po ba? Sige, hindi na lang po ako aalis. Dito na muna ako”
“Salamat Ethan…” niyakap niya ako uli, at bahagyang gumaan yung pakiramdam ko.
Hindi ako umalis sa tabi niya.
Nung natutulog ako, bigla akong ginising ng mama niya.
“Ethan anak.. Umuwi ka na muna. tatlong araw ka ng nandito, magpalit ka muna ng damit, baka pagkagising ni Jack eh hindi ka niya mahalikan kasi mabaho ka” sabi niya saken
“Hehe… uhm.. paano po kapag gumising siya ng wala ako?”
“Tatawagan kita kaagad pangako. Sige na, baka hinahanap ka na rin ng mama mo”
Ang baho ko na nga at saka hindi pa ako umuuwi. Hindi pa kasi ako nagpaalam kina mama kung nasaan ako at siguradong mag aalala yun lalo kapag nalaman yung nangyari kay Jack,
++
Nung sinabi ko kay mama, nagulat siya at naiyak at sinabing dadalaw rin siya mamayang gabi pagbalik ko. Magpapahinga muna sana ako saglit sa bahay para makabawi ng tulog ng biglang tumawag yung mama niya saken at sinabing gising na si Sir Jack!
Nagmadali kaming pumunta ni Mama at Butchok sa ospital.
Pagpasok pa lang namen, nakita ko na yung mama, papa at ate niya na nakatayo sa gilid at nakikipagtawanan, Nandoon din si Stephen sa tabi.
Lumapit ako sa kanya at nakikita ko na yung mukha niya! Nakatanggal na kasi yung bandages sa ulo niya. Ang dami pa ring sugat sa mukha pero gwapo pa rin naman
“Hello!” bati ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at ngumiti.
“Hello” bati niya.
Medyo awkward lang kasi nandito pamilya niya pero bigla naman silang lumabas muna nung palapit na ako,
“Okay ka na?” tanong ko.
“Medyo masakit pa rin yung sugat pero okay naman hehe”
“Talaga? Hmm… Gutom ka na ba?”
“Medyo hehe”
Pero hindi ko na napigilan sarili ko, niyakap ko na siya ng mahigpit. Sumigaw siya ng ARAY! kaya umalis din ako kaagad.
“Sorry Sorry… Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may mangyaring masama sa’yo!” sabi ko sa kanya.
“Uhm… Hehe salamat….”
Hinawakan ko yung kamay niya pero iniwas niya, wala naman siyang sugat kaya nagtaka ako. Baka galit pa rin siya saken.
“Galit ka pa rin ba?” tanong ko,
“Uhm.. I don’t know… Kilala ba kita?”
Tinignan ko lang siya. Nakatitig siya saken na parang hindi niya nga ako kilala.
“Huh? Nagbibiro ka lang diba????”
“No, really. You’re weird. Nasaan sila mama? MA!” Sigaw niya
“Hindi mo ko nakikilala????”
“Uhm… Hindi talaga eh…”
Naiiyak na ako. Tinitignan lang niya ako habang umiiyak, mukhang naiilang siya sa presensiya ko kaya nagsisisigaw na siya at tinatawag niya mama niya
“Please tell me you’re joking! Please?????’ sabi ko pa.
“Please, you’re freaking me out. Hindi kita kilala. Ma, ano ba ’to? Sino ba ’to?” I look into his eyes and I know and I feel na hindi niya talaga ako kilala.
++++
LAST CHAPTER GUYS!
finale
HELLO, Joke lang yan haha! WILL POST THE FINALE ON
SUNDAY NIGHT!!!
Thank you for supporting the story. Started last July 8, 2016 up to now.
I know medyo vague yung details dahil nasira phone ko pero I assure you na yung ending neto ay yun talaga yung dapat na ending haha.
I must say na kakaiba siya. Promise.
And also I was thinking if sisimulan ko na ba yung Book 2 ng Julian’s gift? Plano ko kasi na ipasok na lang yung story ng Extraordinary World sa Book 2 ng JG para isahan na lang eh. what do you guys think?
Well, sorry kung paasa ako sa update na ’to but on SUNDAY
Finale on SUNDAY! 11:00PM, facebook and wattpad :)
FINALE
ETO NA!!! #EthanFinale
Read my story: Greg’s Diary! :)
+++++++
ETHAN
Hindi ko mapilit si Sir Jack na makipagbalikan saken, kahit anong tawag ko o texts, hindi siya sumasagot saken. Gusto kong sisihin sarili ko sa lahat ng nangyari.
Bigla namang tumawag si Sir Benjamin saken at gusto niyang makipagkita, kailangan ko na talagang tapusin lahat ng kung anong meron samen. Kaya pinapunta ko siya sa bahay para don na kami makapag usap.
Hindi naman nagtagal eh dumating na siya.
Asusual, ang gwapo niya. Kung titignan mo siya physically, hinding hindi ka magsasawa sa mukha niya. Isa sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan eh dahil sa itsura niya, hindi ko alam kung bakit ganito tingin ko sa kanya ngayon pero nararamdaman ko maganda kakalabasan ng usapan nameng ’to.
Kami lang tao sa bahay kaya dalawa lang kaming nag uusap sa sala.
Sa una, hindi kami nagsasalita pareho. Siya yung unang nagsalita.
“Alam mo naman siguro sasabihin ko di’ba?” panimula niya. Normally, maiinis ako at sisigawan ko siya pero parang napuno na ako sa kanya to the point na pagod na ako magpaliwanag.
“Alam mo na rin siguro isasagot ko, right?”
“Naghiwalay na kayo di’ba?”
“Alam ko, pero ayoko pang makipaghiwalay.”
“Aasa ka? Ganon naman si Zachary eh. Gagamitin lang niya yung ibang tao para maka move on kay Hannah pero ang totoo, hindi pa siya nakaka move on!”
“Alam mo naman na kaibigan mo ’yung tinutukoy mo di’ba?”
“Oo pero mahal ko yung pinag aagawan nameng dalawa”
“Tama na Sir Benjamin. Please.”
“Sabihin mo yung totoo, alam ko hindi ganon kadali na kalimutan ako. ilang buwan lang Ethan, ilang buwan lang ’yon! Alam ko deep inside mahal mo pa ako.”
I look at him. Really really look at him. I saw the Benjamin that I loved, to be honest, totoo yung sinabi niya, hindi naman talaga ganon kadali na kalimutan siya.
“I love you, Benjamin. Hindi ko matatanggi ’yun” sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya. At lumapit saken para yakapin ako pero hindi ako gumanti ng yakap.
“Really? Binibigyan mo ba ako ng chance?!” sabi niya.
“No…. I love you, but I love Jack even more. Mahal kita kasi naging parte ka ng buhay ko. Ang dami mong tinuro saken, and It will be forever in my heart, I loved you with all my heart, ikaw lang talaga mahal ko noon, hindi mo alam kung gaano kita kamahal noon, pero lahat ng ’yun, noon na. Ayoko ng ibalik pero sinaktan mo ko ng sobra…”
Ayoko sanang umiyak pero pakiramdam ko huling beses ko ng gagawin ’to eh. Parang mas nalalabas ko yung emosyon ko sa kanya ngayon.
“Ang sakit, sobra. Andoon na ako sa punto na gusto ko na lang mamatay para mawala yung sakit, pero si Jack yung nandoon para saken eh.”
“Kaya ko rin na huwag umalis sa tabi mo, Ethan. Hindi ko na uulitin yung ginawa ko”
“Alam kong hindi mo na uulitin pero nagawa mo na eh, ikaw naman dahilan kung bakit napunta sa buhay ko si Jack. Hindi mo ba nakikita? Baka eto talaga yung nakatadhana satin”
“Please….”
“Wala na kasing magagawa yung pagmamakaawa mo, Sir Benj. Totoo. Wala na. Buo na desisyon ko.”
Hindi siya nagsalita. Umiiyak lang siya sa tabi ko pero sa tingin ko ngayon, mas naiintindihan niya sinasabi ko.
“I love you, Ethan.” bigla niyang sabi habang umiiyak. Pero pinunasan ko lang yung luha niya at sabay tingin sa mga mata niya.
“Thank you but someone deserves that love from you” I dunno why I kissed him in his cheeks pero feeling ko, isa yun sa pagsabi ko ng ‘goodbye’ sa kanya.
++++
Hinatid ko palabas si Sir Benj, I don’t know why I’m smiling pero mas magaan yung loob ko dahil sa usapan namen ngayon. I’m just happy kasi akala ko mas pipiliin ko si Sir Benj ngayon pero hindi, mahal ko talaga si Sir Jack at siya lang yung gusto kong makasama.
“Sana may isang tao na kaya akong pabalikin ng oras no? Babalik ako sa oras na mahal na mahal natin yung isa’t isa at hindi ko sisirain yung pagmamahal na ’yun. Kung meron lang ganong tao, hahanapin ko talaga siya at kahit magkano pa ibayad ko, babayaran ko siya.”
Hindi ko alam kung saan galing yung sinabi niyang ’yun pero nakita ko siyang ngumiti. Natuwa ako sa ngiti niya pero nawala ’yun nung makita ko si Jack sa labas ng bahay namen. Tinignan niya kami ni Sir Benj na parang may ginawa kaming masama kaya nagmadali siyang sumakay ng sasakyan niya, buti na lang nakasakay ako bago siya humarurot ng takbo.
++++
BENJAMIN
I can’t believe na may amnesia si Zach. Or atleast kay Ethan lang, naaalala naman niya ako at parang wala siyang nakalimutan sameng dalawa.
“Akalain mo ’yun?” bigla niyang sabi.
“Ano ’yun?”
“Mas pogi pa rin ako sa’yo kahit na naaksidente ako haha”
“Pagbibigyan na nga kita tutal eh nakahandusay ka pa rin haha”
“Haha. Totoo naman ehhh”
“Tanungin natin si Ethan tungkol diyan” sabi ko.
“Sino ba yung Ethan na ’yon? At bakit parang close na close kaming dalawa? Bakit hindi ko siya matandaan?” pagkasabi niya non, biglang sumakit yung ulo niya at halos mapasigaw siya sa sakit.
Ganon yung epekto sa kanya kapag nababanggit si Ethan kaya minabuti ko na lang na hindi siya banggitin uli.
“Easy ka lang pre, hehe. Okay lang yan, huwag kang ma pressure” paalala ko sa kanya.
“Hehe, biglang sumasakit ehhh… Oh? Nasaan na si Stephen? Bakit hindi pa ako dinadalaw??”
Pagkasabi niya non, biglang pumasok sa kwarto si Ethan na may dalang pagkain. Binalaan ko muna siya na huwag lumapit pero nagpumilit siya.
“Ikaw na naman?” sabi ni Zach.
“Sorry para dun sa nakaraang linggo hehe, may na miss lang ako. Tapos ikaw pa napagdiskitahan ko hehe” naaawa ako kay Ethan, parang nagmamakaawa siya na mapansin ni Zachary pero yung Zachary na kaharap ko ngayon, eto yung walang paki sa ibang tao na Zachary.
Bigla na namang sumakit yung ulo ni Zachary nung makita si Ethan, pilit siyang kinocomfort ni Ethan pero hinila ko siya palabas ng kwarto. Alam ko kasing siya yung dahilan kung bakit siya nagkakaganon.
“Hindi niya ako maalala. Bakit?!!” Ang hirap tignan ni Ethan ng ganito, magang maga na yung mata niya kakaiyak dahil kay Zachary tapos umiiyak pa siya ngayon.
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
“Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapagaan loob mo.” bulong ko sa kanya.
“Gusto ko lang maalala niya ako.”
“Tama na Ethan…”
“Sa tuwing lalapit pa ako sa kanya, pinagtatabuyan niya ako.”
“Kakausapin ko na lang siya for you, gusto mo ba?” sabi ko. Alam ko eto ang pinakamasakit na gagawin ko sa buhay ko pero it’s for Ethan, as much as I don’t want him to be with somebody else, wala na akong magagawa, tapos na ang laban.
Pumasok ako uli sa loob para kausapin si Zachary pero all of a sudden, bigla akong nahilo. Lately, palagi akong nahihilo tapos bigla na lang akong babagsak. Ngayon, nangyayari na naman.
The last thing I know, lumalapit si Ethan saken at binubuhat ako bago ako mawalan ng malay.
+++
Pagkagising ko, nasa Ospital pa rin ako pero ako na yung nakahiga. Nakita ko si Stephen, Jaycee at Ethan sa gilid ko. Si Stephen yung lumapit saken at kinamusta ako.
“Pucha pre, ano na? Kailan mo sasabihin samen yung tungkol sa sakit mo?” sabi niya.
Wala akong idea sa sinasabi niya.
“Bakit? Ano raw sabi??” tanong ko.
“Dude, may complication ka raw sa puso, WTF. Anong nangyayari sa’yo? Hindi ka man lang ba aware??”
“What? Wait… Ano?” parang ang hirap ipasok sa isip ko lahat ng sinasabi ni Stephen.
“Anong nararamdaman mo ngayon? Masakit ba puso mo??” tanong ni Stephen. And biglang lapit ni Ethan saken na mukhang nag aalala rin.
“Masakit. Masakit pa rin” sagot ko sa tanong ni Stephen.
“Baby dali, tawagin mo uli yung doctor!” sigaw ni Stephen, biglang takbo naman ni Jaycee palabas.
Sa totoo lang hindi naman talaga masakit physically, pero emotionally, oo.
Nagkatitigan kami ni Ethan sandali bago ako gulatin ni Stephen.
“Hoy pre! Ayokong tumatahimik ka! Magsalita ka mamaya kung ano ng nangyayari sa’yo! Hindi ka pa marunong magsabi ng nararamdaman!” Nawala tuloy yung moment nung tinginan nameng dalawa.
“Okay lang ako, pre. At saka bakit ka nandito? Bakit wala ka sa kwarto ni Zach?”
“Sus matampuhin ka na naman. Nakalabas na siya kanina lang, pinauwi lang siya ng doctor dahil kailangan niya makapagpahinga na mabuti.”
Maya maya, dumating na yung doctor at saka niya pinaliwanag yung nangyayari saken.
“Your family was here awhile ago, nasaan sila?” tanong ng Doctor.
“Ah kumain lang po” si Stephen sumasagot.
“Oh I see, well about your condition, hindi ka ba aware na may sakit ka sa puso? Napaka rare ng ganyang condition. Yung bigla ka na lang manghihina tapos mawawalan ng malay. May bumabara sa puso mo pero hindi siya literally painful kaya masasabi nating traydor yang sakit na yan.”
Naisip ko kaagad si Butchol, bago pa ako makapagsalita eh nagsalita si Ethan,
“I think parehas sila ng case ng kapatid ko? Kakaopera lang niya almost a year ago”
Pero imbis na makinig ako sa kanya, naiyak ako. Wala lang, hindi ko maexplain. Ang lungkot lungkot talaga ng pakiramdam ko ngayon na parang sasabog yung puso ko. Wala akong dahilan para sumaya.
“Hoy Benjamin!” sigaw ni Stephen saken.
Parang nagising ako bigla.
“Oh??”
“Tinatanong ka ng Doctor” sabi niya.
“Well, isa pa. Isa sa mga reasons kung bakit ka nahihilo eh dahil sa emotional problems. Do you have emotional problems?” tanong ng doctor.
Uli, napatingin ako kay Ethan.
“Yes po” sagot ko.
“Well, As doctors says, laughter is the best medicine. A happy heart means a happy life.”
Nakatingin lang uli ko kay Ethan, bigla lang siyang ngumiti saken. Hindi ko alam kung para saan yung ngiting ’yun pero parang biglang gumaan yung loob ko.
+++
JACK
“Bakit ang dumi ng kwarto ko?! Dafuq!” sigaw ko kina mama at papa pag uwi ko ng bahay nila. For some reasons, binenta ko raw yung condo ko at seriously, wala akong idea kung bakit!
“Eh sorry anak.”
“What’s happening! How can I sell my condo unit?!!”
“I told you before anak…”
“Stop with that Ethan bullshit, Pa! I don’t even know him!”
Sht! Sumasakit na naman ulo ko! Argh!! Bakit kailangang sumakit ng ganito ’to sa tuwing iisipin ko yung lalaking ’yun!
“I’m going out!” paalam ko kina Mama.
“Ha? Kailangan mo raw magpahinga muna anak.”
“Bullsht, sigurado pagtatrabauhin na ako ni Papa bukas, might as well enjoy my night, right?!”
Hindi na ako nakasagot sa isasagot nila at lumabas na ako ng bahay. Una kong tinawagan si Stephen, sigurado naman akong siya lang sasagot sa tawag ko.
“Pre, saan ka? Tara Valk!” sabi ko.
“Nasa ospital pa ako, nandito pa si Benjamin. Hindi mo ba dadalawin?”
“Ay shoot. Oo nga pala, sige, diyan na lang muna ako. On the way na” sagot ko at don na nga ako dumiretso.
Pero pag pasok ko, nakita ko si Ethan. Hindi ko talaga alam mararamdaman ko everytime na makikita ko siya pero si Benjamin naman pinunta ko rito kaya pumasok pa rin ako.
“Dude, tara tayo na diyan!!” sabi ko kay Benjamin sabay yakap sa kanya!
“Thanks pero dito na muna ako.”
“Haha! Pwede ba mag inom dito?”
“Loko!”
Maya maya, bigla akong tinawag ni Ethan.
“Kumain ka na ba, Jack?” tanong niya.
Ang bilis kong nairita dahil sa kanya.
“Yes. And anong ginagawa mo rito? Close din ba kayo ni Benjamin ha?”
“Dude, don’t talk to him like that!” biglang sabi ni Benjamin.
“Seriously? Ipagtatanggol mo ’yan?”
“You really have no idea? Shh… Sana ako na lang nagkaroon ng amnesia” sabi ni Benjamin.
“What? You expect me to believe na nainlove ako sa lalaki, Benjamin? Really?”
“Tama na pre. Hindi mo alam kung gaano mo nasasaktan si Ethan ngayon” sabi naman ni Stephen.
“What?! Pati ba naman ikaw pre?! Okay, I’m outta here!” Ayoko na muna silang makita kaya lumabas na ako pero pinigilan na naman ako ni Ethan.
“Wait lang!” sabi niya
“Ano na naman?!”
Tumayo lang siya sa harapan ko na parang naiiyak. Hindi ko mapaliwanag pero parang may something….. pero tinignan ko lang siya na iritang irita.
“Ano?” sabi ko.
“Wala ka ba talagang sasabihin?”
“Uhm… Will you please stay away from me? Ever? Yes? Okay bye!” tumalikod na ako uli at dumiretso ng bar mag isa.
+++
ETHAN
Exactly a week ago, sinabihan ako ni Sir Jack na layuan ko na siya at walang araw na hindi ako umiyak ng dahil sa kanya. Napansin ni Tom na magang maga yung mata ko at palagi akong nakakulong sa kwarto kaya kinausap niya ako.
“Alam mo kung anong kailangan mo, tol? Bagong trabaho. Masyado ka ng maraming napagdaan diyan sa kumpanyang ’yan. Parang sign na ’to para umalis” sabi niya,
Ngumiti lang ako. Hindi ako makapagsalita, hinang hina talaga ako,
“Tsk, alam mo tol, dapat hindi ka ganyan eh. Ano ba, ikaw si Ethan! Dapat malakas ka, Hindi ikaw ang nawalan, siya! Kaya huwag ka ng umiyak diyan!”
“Mahirap…”
“Mahirap pero dapat! At saka isa pa, masyado ka ng maraming ginagawa para sa ibang tao, gumawa ka naman ng bagay na para sa sarili mo. Magbakasyon ka mag isa. Hanggang sa makalimutan mo yung nangyari kahit papano.”
Bago ako makasagot, bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
“Napakabait mong tao, Ethan. You deserve to be happy. Kaya ayokong nakikita kang nagkakaganyan eh. Sige, halika, sumama ka saken, may pupuntahan tayo bukas!” sabi niya,
“Saan naman?”
“Basta! Mag impake ka ng damit ah??”
“Saan nga?”
“Basta!” Siya na yung nagimapake ng damit ko at hinayaan niya na uli ako sa kwarto ko.
“Anong ginagawa natin sa Zambales?!” tanong ko sa kanya.
“Perfect place to para makalimot. Walang signal. Walang tao. Ikaw lang at ang nature!” sabi niya.
“Ha? Anong sinasabi mo?”
“Basta, sumakay ka na sa bangka!” sabi ni Tom. Ginawa ko naman, pumwesto ako sa dulo para pagmasdan yung dagat sa harapan ko, grabe ang aliwalas sa pakiramdam. Nakakagaan ng pakiramdam yung panahon.
Nagsimula ng umandar yung bangka at nagulat ako na ako lang at yung mga bangkero yung nakasakay. Pinagmasdan ako ni Tom na palayo. Tinignan ko yung phone ko at may text siya,
“Kaya mo ’yan. Naka ready na lahat sa pupuntahan mo, wala ka ng poproblemahin. Mag enjoy ka ha?”
Nakangiti lang siya saken hanggang sa hindi ko na siya matanaw.
Almost 1 hr yung byahe ng bangka papunta sa Anawangen Cove, ang tahimik ng lugar at sobrang nakakarelax. Mukhang ako lang talaga yung tao dito. Hinatid ako ng mga bangkero sa isang tent na nakaayos. Ang sabi saken pinlano ni Tom lahat at para raw saken ’to. May mga pagkain na rin at maayos na higaan.
I need this. I need time for myself.
Pero habang naka upo ako at pinagmamasdan yung magandang view ng dagat eh biglang may tumawag saken sa likuran ko.
“Ethan?”
What the fvck. Hanggang dito?
Paglingon ko.
Si Sir Miggy at Cielo.
“Hala, hello po Sir!” sabi ko,
“What are the odds! Grabe, anong ginagawa mo rito?”
“Uhm… time for myself? hehe”
“Oh I see. I heard what happened to Zachary” sabi nila.
“Po? Ahh opo opo hehe” akala ko hindi nila alam.
“What? you think na hindi namen alam na nagpapanggap kayo ni Benjamin?” sabi ni Sir Cielo. Nagulat ako at the same time nahiya.
“Haha, come on Ethan. Hindi kami pinanganak kahapon, pero I must admit, may chemistry between you and Benjamin. I know Benjamin, alam ko may girlfriend siya pero I also know na he needs us kaya niya ginawa ’yun!”
“So hinayaan niyo lang po siya? Kasalanan niyo po pala kung bakit nangyari lahat ’to saken haaha” biro ko.
“What? What happened?”
Kinwento ko sakanila lahat. Simula nung nagpapanggap kami ni Sir Benj, hanggang sa iwan niya ako, Hanggang sa dumating si Sir Jack sa buhay ko. Hanggang sa maging kami ng totoo hanggang sa pagbalik ni Sir Benj. Lahat.
Napanganga lang sila at natawa.
“Wow. Just Wow hehe. You really need this.” sabi ni Sir Miggy. Umalis si Sir Cielo kaya kaming dalawa lang yung natira doon.
“Yes. My stepbrother arranged this for me.”
“Oh I see… Uhm, you wanna meet Cielo’s parents? Baka may masabi sila tungkol sa sitwasyon mo.”
Hindi ko napansin na may mga tao pala sa bandang dulo at pamilya nga ni Sir Miggy yung nandoon.
Naalala ko rin na dalawang lalaki yung parents nila kaya naexcite ako na makilala sila.
“Dad, tay, si Ethan, Yung kinekwento namen sa’yo ni Cielo?”
Tinignan ko silang dalawa at sobrang natuwa ako. Siguro mga nasa 50 plus na sila, may puting buhok na, pero hindi naman sila mukhang matanda, physically fit pa rin. Magkahawak kamay silang dalawa habang nag iihaw at kitang kita ko sa mga mata nila na mahal na mahal nila yung isa’t isa.
Kinekwento na ni Sir Miggy yung nangyari sakin sa loob lang ng 2 minutes at napa Wow din silang dalawa.
“Hello Ethan? I’m Patrick, siya naman si Elmer.” pakilala nila.
Nakipagkamay lang ako sakanilang dalawa.
“We’re celebrating our 30th wedding anniversary.”
WOW!! 30th!!
“Mahal naman, bakit kailangan pang sabihin sa ibang tao?” sabi nung Patrick,
“Sorry pala sa mahal ko, medyo mahiyain ehh” sabi nung Elmer at hinalikan niya lang ’to sa pisngi.
Hindi ako makapagsalita, ang sarap lang nilang pagmasdan na dalawa. Punong puno ng pagmamahal.
Kaming tatlo lang yung nandoon sa ihawan at dun nila ako kinausap.
“Alam mo, isa sa hindi nameng makakalimutan na nangyari samen ay yung nag away kami ng todo at hindi nagpansinan ng ilang araw pero nagkita kami mismo sa lugar na ’to” panimula ni Sir Patrick.
“Marine ako at Engineer naman si Patrick. College pa kami nun pero wala talagang tumalo sa tampuhan namen non”
“Gusto kong mapag isa non at dito ako napunta, nagulat ako na nandito rin si Elmer non, parang simula non, getaway na nameng dalawa ’to. Taon taon kami nandito, walang anniversary na hindi kami pumunta rito, dahil kasi sa lugar na ’to, kaya hanggang nagyon eh matibay kami.”
“Mahal na Mahal ko si Patrick, nung una hindi ko naman alam na maiinlove ako sa lalaki. Wala eh, iba talaga tama ko rito”
Titigan mo lang sila at makinig sa kwento nila, buo na raw mo.
“Mahal, may problema yung tao! Bigyan daw natin ng advice sabi ng anak mo” \
“Uhm, may tanong lang po ako” sabi ko.
“Ano ’yun?”
“Tanggap niyo po yung anak niyo na… alam niyo na..”
“Si Cielo? Oo naman! Ako nga ganito, tapos hindi ko pa siya tatanggapin? At isa pa, isa si Miggy sa pinakamabait na tao na nakilala ko, nakikita ko si Patrick sa kanya nung panahon namen kaya mahal na mahal namen yan.”
“Oo, bakit ikaw? Hindi ba tanggap sainyo?”
“Ahm, hindi naman po. Yung sa lalaki lang po” sagot ko.
“Oh, may mga ganyang tao talaga. Well, kung gusto mo talaga mahanap yung tao na para sa’yo, tignan mo kung sino yung “pinaglaban” ka. Kasi kung nagawa niya ’yun, ibig sabihin, mahal ka talaga niya.“
Unang pumasok sa isip ko si Sir Jack.
“At isa pa palagi mong tatandaan na kapag nagmahal ka, dapat tatanggapin mo lahat ng consequence kasi nagmahal ka eh. Kasama talaga ’yun. Kailangan mo lang makahanap ng tao na sa tingin mo eh worth the consequences”
“Pero iba yung case niya mahal”
“Ay oo, may amnesia pala di’ba?
“haha kung ano ano na sinasabi mo eh.”
“ikaw din naman mahal”
Promise, nakakagaan ng loob na makita sila. Sobrang goodvibes!
“In your case, Ethan, magpahinga ka muna. Pagod ka in terms of love, parang feeling mo kasi mawawala sa’yo lahat eh. No, it’s a big no. Kasi if it’s meant for you, it will happen. Okay? Good decision na pumunta ka muna rito para sa sarili mo.”
“At isa pa, mag resign ka na! Samin ka na lang magtrabaho, gusto mo?”
“Haha, uhm… balak ko po magresign. Masyado ng maraming nangyari saken doon eh”
“Really? Good. Just give us a call, or tatawagan ka na lang ni Cielo. Hehe”
Natawa na lang ako sa nangyari pero in the end niyakap nila ako na siya namang kinagulat ko.
At naisip ko lang na forever do exist sa mga same sex relationship, and I should know, may living proof sa harap ko ngayon.
++++++
Pagkabalik ko ng Manila, dumiretso kaagad ako ng office para mag submit ng resignation form. No choice ako kung hindi pumunta kay Jack para ibigay ’yun.
Nung una nainis pa siya nung nakita niya ako pero nung inabot ko yung letter, nagbago yung mood niya.
“Dito ka pala nagtatrabaho?” sabi niya.
“Yes, Sir” sagot ko na lang. I have to act professional.
“I see, so magreresign ka na?”
“Yes, Sir.”
“Uhm. Okay”
Wala siyang ibang sinabi pero kahit anong gawin ko, naiiyak ako. Hindi ko na lang pinakita sa kanya ’yun hanggang sa makalabas ako ng opisina niya.
Bigla kong nakasalubong yung Papa ni Sir Jack at sa gulat ko, bigla niya akong niyakap.
“Kung alam ko lang kung paano mo binago yung buhay ng anak ko, hindi ko na sana siya pinagkait sa’yo. He’s so different now, bumalik siya sa dati niyang ugali. Nung panahong namatay si Hannah sa aksidente, hindi mo siya makakausap dahil palagi siyang galit.”
Wrong timing kasi naiiyak ako dahil kay Jack tapos naiiyak pa ako dahil sa sinabi ng tatay niya,
“I asked Benjamin to do the thing he did. Don’t blame him. Sabi ko kasi tatanggalin ko siya sa trabaho niya if hindi niya ginawa yung gusto ko. I’m sorry”
Gusto ko siyang sigawan. Murahin. Sapakin. Lahat! Ayoko naman siyang sisihin sa lahat pero argh!!! iba talaga yung galit ko sa kanya pero pinili ko lang ngumiti.
“Nagresign na po ako. I need this, sana po kalimutan na lang natin yung mga nangyari” sabi ko pa.
Bigla niya uli akong niyakap.
“I just wish na magkabalikan kayong dalawa pero hindi ka talaga niya maalala. I’m really sorry, if one day you two find each other at nagkabalikan kayo, I will be your number 1 supporter.” sabi niya pa.
Again, gusto ko siyang sigawan pero ngumiti lang uli ako.
“Thank you po!” sagot ko na lang sa kanya. Hinatid niya pa ako hanggang sa makababa ako ng opisina.
+++
Nagulat ako pagkauwi ko, nandoon si Sir Benj sa bahay namen, kalaro si BE at si Butchok.
“Ayan na si Kuya!” sigaw ni Butchok at napatingin si Sir Benj saken.
Bigla silang umalis lahat sa sala at naiwan kaming dalawa ni Sir Benj. Tumabi lang ako sa kanya.
“Balita ko nagresign ka na raw?” sabi niya,
“Kakauwi ko lang galing office, nalaman mo na kaagad?”
“Hehe, sorry. Chismoso lang… uhm Gusto ko lang malaman mo na babalik ako ng New York, doon na ako magpapagamot” sabi niya.
“Oh bakit hindi na lang dito?”
“Uhm…. Gusto ko na rin kasi manirahan doon. Alam mo na… para makalimot hehe”
Hindi ako sumagot at napatungo lang.
“Pero hindi ko naman kailangang makalimot.” inabutan niya ako ng envelope, sa loob non, flight ticket na nakapangalan saken.
“You can come with me. Everything I own there, sating dalawa nakapangalan.”
Tinignan ko siya, hoping na papayag ako.
Pero niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa cheeks ng matagal.
“I’ll be fine. You’ll be fine. I wish you the best in life, Benjamin. You don’t know how much you mean to me but for now, I want to be alone, I’m still waiting for Jack and I want you to find someone else. I loved you before, and I’m thankful for that. But for now, I’ll love myself first.”
Naiyak siya pero bigla rin siyang ngumiti at hinalikan ako sa noo.
“I wish I could turn back time. Back to the times when we really love each other. I guess, second chance don’t exist in real world. But I understand. I’m still waiting for you though, if your’e still single and I’m single, I’m gonna marry you.”
Natawa ako at umoo.
“It’s a deal” sagot ko sa kanya.
Nagyakapan lang uli kami at this time, it’s a hug goodbye.
++++
I’m happy with my new life now. Ang ganda ng trabaho ko sa company nila Sir Patrick at Elmer, ang taas kaagad ng posisyon ko and I think hindi man kasing laki ng sweldo ko katulad kina Sir Jack, mas masaya naman rito.
Si Laura daw ang pumalit sa pwesto ko and I heard she’s doing a great job.
Sa bahay na talaga nakatira si Tom, and I’m happy for that. Mas naging close na rin kaming dalawa dahil sa mga nangyari samen. May plano na rin siyang pakasalan si Laura at yun ang isa sa pinakaaabangan ko.
Sinama ni Sir Benj si Adrian sa New York, kasama yung pamilya niya. Updated si Tom sa nangyayari kay Adrian sa New York pero hindi ko na inalaman pa dahil siguradong malalaman ko yung tungkol kay Sir Benj.
Jaycee and Stephen are still together. I’ve never been happier dahil hindi man maganda yung nangyari sa lovelife ko, atleast, sa bestfriend ko oo.
Nasanay na ako sa buhay ko. I guess, natutunan ko rin na mahalin yung sarili ko. Maybe late na pero I still did.
After Christmas break at back to work, may malaking favor saken sila Sir Miggy at Cielo.
“Will you please attend this meeting, Ethan? Mamaya na kasi ’to ehh and it’s important. Hindi lang kami pwede ni Miggy”
“Sure po! Saan po ba?”
“Sa conference room lang sa taas.”
“Sa taas lang naman pala, sige po.”
“But…” sabi ni Sir Miggy
“Thanks Ethan….” sabi ni Sir Cielo at umalis na silang dalawa na parang may pinag uusapan pa.
Ako naman, umakyat na. Syempre dapat looking good, at formal ka sa mga mangyayari. Pagpasok ko ng conference room wala pang tao, masyado pa kasi akong maaga kaya naupo na muna ako.
May CR kasi sa loob ng room at nagulat ako ng biglang bumukas ’yun at nakita ko si Sir Jack!
Nung una hindi niya ako tinignan pero nagkatinginan rin kaming dalawa. Grabe, bigotilyo na siya, asusual malaki pa rin katawan, parang okay na okay siya ngayon. Pero isa pa sa napansin ko, sobrang gwapo niya pa rin. Mas gumwapo siya ngayon.
“Hey… I know you… Uhm….” sabi niya, pilit niyang inaalala kung sino ako kaya ako na nagpaalala,
“Ethan.”
“Yes! Ethan! hehe. How are you?” tanong niya.
“I’m okay. really…. you?”
“I’m okay. May broken pieces pa rin sa utak ko haha, hey you look good.” sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya kaya napangiti na lang ako,
“Thank you, ikaw rin hehe”
“Really? Hindi na ba halata yung mga pasa sa mukha ko?”
“Parang hindi naman nangyari yung aksidente, gwapo pa rin” sabi ko,
Ngumiti siya. Eto yung ngiti na nagpainlove saken noon. Sobrang wide na nakakainlove. Ang gwapo gwapo niya talaga.
“Well, thank you. Uhm…. Did you know na nagsuicide daw ako kaya ako naaksidente? Weird right, kailan lang sinabi saken nila mama.”
Alam ko ’yun….
“Talaga? hehe. So how was your head? May naaalala ka na ba?”
“Wala naman. I’m starting to doubt my brain, actually. Binenta ko yung condo ko, I went to New York for almost a month na hindi ko maintidihan kung bakit at yung issue sa’yo haha pero ayoko na lang isipin kasi sumasakit yung ulo ko”
“Ahhh..”
“Are we really together?”
“Huh?”
“I’m kidding haha. I don’t know what’s happening haha, I’m nervous. Kaharap pa kita ngayon” sabi niya
“Bakit naman?”
“Wala lang haha. The other night, Napanaginipan kita. We’re….. uhm… Making love, I don’t know haha and actually I kinda like it.”
Ngumiti lang siya uli saken. At napapansin kong lumalapit yung upuan niya saken.
“I also saw pictures of ours together. Tinago nila mama yung phone ko kasi everytime na may nakikita akong pictures na hindi ko matandaan, sumasakit ulo ko. Kaya sinama nila yung phone ko, then last week binigay nila saken yun, nakita ko pictures natin. We’re kissing…. yeah. may video tayo together doing that.”
Hindi ako sumasagot. Medyo naiiyak ako.
“Nagising ako one night, naiiyak. And unang pumasok sa isip ko, ikaw. Nakipaghiwalay ka raw saken. Iyak ako ng iyak, I don’t know why.”
“Tama na…. okay na” sabi ko.
“I saw my letter to Hannah. I told her I LOVE YOU, Umiyak uli ako. Ethan, I don’t know why…. But….. Ang sabi ng utak ko, hindi kita kilala. Pero ang sinasabi ng puso ko, Mahal kita.”
Fvck. Naiiyak ako. Ayokong pakita sa kanya. Pero hindi ko mapigilan.
Bigla siyang may sinagot na tawag, hindi naman siya tumayo kaya naririnig ko yung sinasabi niya.
“I’m on a meeting”
“Haha, I’m with Ethan”
“Yeah? haha”
“Oh, Hi raw Ethan, sabi ni Benjamin” sabi ni Sir Jack. So si Sir Benj yung kausap niya. Ngumiti lang ako,
“Wala raw bang hello?”
“Ah hehe hello” sabi ko,
“Oh hello raw haha”
Maya maya inabot niya saken yung tawag.
“Kausapin ka raw niya” sabi ni Sir Jack,
Hindi ako prepared pero mapilit si Sir Jack kaya kinuha ko na.
“Hi Ethan! Kumusta ka na ? I tried calling you pero hindi kita macontact. Nagbago ka rin ng facebook? Ayaw ibigay ni Tom number mo eh. Ngayon, dito pa kita nakausap. Wow. Kumusta ka na?”
huminga muna ako ng malalim.
“Ahm okay naman ako hehe”
“I just want you to know na…. uhm….. I have a girlfriend here. And we’re happy. Not that happy compared to you before but I’m happy. Thank you. Now I know that everything happens for a reason.”
Natuwa ako sa kanya pero napansin ko naman si Sir Jack na nakatingin lang saken.
“Also, Zachary’s keep mentioning you these past few days! And I think….. he remembers you. Not really by mind but I think by heart. You deserve each other, Ethan. I know you love him so kung sa kanya ka mapupunta in the end, I will be happier than I am now.”
Bigla niyang binaba yung tawag at hindi ako nakasagot, Saka ko naman inabot kay Sir Jack yung phone niya.
“Well? Anong sabi niya?” sabi ni Sir Jack.
“Uhm… Wala naman..” biglang pumasok si Sir Miggy sa kwarto at inabutan ako ng folder na naglalaman tungkol sa magiging meeting namen. Ngumiti lang siya saken na parang alam niya yung tungkol dito.
Lumabas din siya na walang sinasabi.
“Wow! Boss mo si Sir Miggy????” tanong niya.
“Uhm oo.” bigla siyang lumapit saken at tumabi.
“Alam mo bang may hinahabol akong deal sa kanya? Oh… please help me” sabi niya. Hinawakan niya ako na parang bata na nagmamakaawa.
“Ahhh….”
“Dali na please???? Uhm…. so ganito, I’ll treat you for the rest of your life if nakuha ko yung deal na ’yun, ano?”
“The rest of my life?”
“Oo. Ayaw mo ba?”
“Ano bang sinasabi mo??”
Nakatitig kasi siya saken na parang ewan. Hindi ko alam kung anong gagawin niya.
Bigla akong tumayo pero naipit ko yung kamay niya sa pagtayo ko kaya siya napasigaw.
“Aray ko!! Aso ka ba?!” sabi niya na parang galit.
“ASO? paano ako naging aso?!”
“Kasi sinaktan mo ko eh!”
“Anong aso doon?
“Aw.”
Hindi ko alam pero natawa ako ng todo sa sinabi niya. Natawa rin siya sa sarili niyang korny na joke.
“Pwede bang humingi ng favor?” sabi ni Sir Jack.
“Ano na naman?” Bakit ba kasi wala pa yung mga tao! Ang tagal tagal nila!
“Pwede bang maging fake boyfriend mo? Para makuha yung deal” sabi ni Sir Jack.
Seryoso, natulala ako sa sinabi niya. Nagulat talaga ako sa sinabi niya.
“Ano uli?” tanong ko,
“Fake Boyfriend. I’m sorry…. ano ba tong sinasabi ko haha hayaan mo na!”
“Hindi…. gusto mo talaga?” tanong ko.
Naupo uli ako sa tabi niya at tinignan niya ako.
“Why are you looking at me like that?” sabi niya.
Natutuwa ako. I don’t know, sa request niyang ’to parang natutuwa talaga ako. I want him, I really really want him. I love him so much. Up to now, at feeling ko eto na yung start sameng dalawa.
Bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hawak hawak yung kamay ko.
“Please? Be my fake boyfriend?” tanong niya.
I really can’t explain why pero I think naaalala niya ako. He smiled at me, yung ngiti kung paano niya ako ngitian noon.
“Fake lang?” biro ko.
Bigla siyang tumayo at sinunggaban ako ng halik. Halik sa labi.
Hindi ako nananaginip, hinalikan niya talaga ako sa labi! Namiss ko ’to! Sobrang namiss ko ’to! Napayakap ako sa kanya, yumakap din siya at binuhat niya ako sa table.
Nagpatuloy yung halikan nameng dalawa. Hanggang sa kumawala siya.
“Bakit mo ko hinalikan?” tanong ko.
Ngumiti uli siya sabay halik sa labi ko.
“How can I forget the only person that taught me how to love?” sabi niya.
Nagulat ako,
“So alam mo???….”
“Why would I forget?” ngumiti lang kami parehas at niyakap ko siya ng mahigpit.
++++++
Hi. So eto, tinry ko yung
TAP WATTPA
D na pinopromote sa home page? Lol yung parang chat stories. Haha
Anyway, gumawa ako ng acc. at story don. Sana mabasa niyo lol.
absurd018 pa rin ang username ko don tapos ‘Falling with David Licauco’ title hahahaha! Enjoy
😊
https://taptap.app.link/dr4VifAJsD <–– ayan yunf link kung macclick siya. Haha
DIFFERENT FINALE
ZACHARY
“Jack!” tawag saken ni Ate.
“Yes? Late na ako ate!”
“Huwag mo kong ginaganyan, tayo may ari ng kumpanya, bakit ka male late? haha” biro niya.
“Haha, oh bakti ba kasi?”
“Eh kasi ayoko na manahimik.”
“Please, kung tungkol ’to kay Ethan…”
“It’s all about Ethan. Your accident, yung pagbenta mo sa condo mo, yung New York, it’s all because of him. Please, hindi ka ganyan. I mean, you’re the sweetest person ever simula nung naging kayo ni Ethan and I kinda miss that.”
“Ate….”
“Maniwala ka saken. Hindi ka ba nagtataka sa pictures sa phone mo?”
Hindi pa rin ako sumasagot. Nakangiti lang ako.
“Please, Jack! I know na paulit ulit ako, at kilala mo ko! Hindi ako ganito pero I’m telling you, you love Ethan so much. To the point na halos magpakamatay ka na, literally. Kayo dapat magkatuluyan!” sigaw niya pa sabay yakap saken. First time ko lang makita si Ate na ganito, I understand. Sinadya ko lang lahat.
“Please calm down, ate. I know….”
“Hindi, hindi mo alam! Si Ethan mahal mo! Dapat kayo magkatuluyan!!”
“Ate, calm…”
“Hindi ako kakalma hangga’t hindi mo sinasabi na mahal mo si Ethan!”
“Ate…”
“Sinasabi ko sa’yo Zachary!! Kapag hindi mo siya niligawan uli puputulin ko….”
“ATE!!” ayaw niya kasi akong pagsalitain.
Natahimik siya at kumawala sa yakap.
“Mahal ko si Ethan, Ate!” sabi ko sa kanya.
How can I forget Ethan?
Tinignan lang niya ako na parang gulat na gulat.
“I love him, Ate. I love him so much!”
Nagulat ako ng bigla niya akong sapakin sa braso ko! Kahit babae ’to, napakalakas niya manapak.
“Bakit ka nagpapanggap? Pinatagal mo pa ng taon yung pagpapanggap mo?!!”
“No, hindi ako nagpapanggap ate. I just woke up one day and I remember him. I remember it like it was yesterday.”
“Bakit natatahimik ka lang diyan?!”
“No, I already talked to Sir Miggy. Makikipagkita ako sa kanya on friday!”
“WHAT?! Bakit hindi pa ngayon?!”
“Ayoko siyang biglain, at isa pa, ngayon lang pumapasok lahat ng memories ko sa kanya. Mas lalo akong naiinlove sa kanya.”
Yinakap uli ako ni ate ng mahigpit!
“YES!! Go get your love of your life dali!!!!”
“Haha, I will ate. I will.” sabi ko naman.
+++++
“Why would I forget?” sabi ko kay Ethan.
Good thing at walang tao sa loob ng conference room kaya tinayo ko si Ethan, inayos ko yung nagulong buhok niya at hinalikan uli sa labi.
“I want to spend the rest of my life with you, Ethan. Naalala ko, nangako ako sa’yo na papakasalan kita pag uwi ko from New York”
I saw him cry. Pero I think tears of joy to!
“Everything happens for a reason. I think we need this long break from each other to realize how much we love each other. I realized how much I loved you. I love you so much, you don’t know how much I’m feeling right now. Gigil na gigil ako sa’yo, I wanna kiss you, hug you, I wanna do everything to you. But most importantly, I wanna see you, with me, in the future, holding hands, while watching our children to grow.”
Iba yung ngiti niya and I know, tuwang tuwa siya. I can feel it. I know it. He loves me.
“Ethan James Aguilar…” lumuhod ako sa harapan niya, nilabas ko yung singsing sa bulsa ko. Singsing na magiging tanda ng pagmamahalan namen.
“Will you marry me?”
BENJAMIN
Yung moment na tumapak ako ng New York, I know, it’s time for me na kalimutan na si Ethan. I want to spend the rest of my life with him pero hindi na pwede dahil alam kong mahal niya si Zachary.
Time passed at walang oras na hindi sumagi sa isip ko si Ethan.
Gusto ko rin ayusin sarili kong buhay kaya instead na problemahin ko si Ethan, kinausap ko si Adrian, na dito na manirahan. I can see in his face na sobrang tuwang tuwa siya, together with his wife and daughter. It’s the least I can do, I guess.
“Salamat, tol! Hindi mo alam kung gaano mo kami natulungan dahil dito, tatanawin kong malaking utang na loob ’to, dalawa na kayo ni Ethan!” sabi ni Adrian. Sa tingin ko nabigla rin siya nung nabanggit niya si Ethan kaya humingi kaagad siya ng tawad.
“Alam mo tol, simula pa lang, Team Benjamin na ako eh!” bigla niyang bawi.
“Loko! Haha”
“Haha totoo ’yun! Eh si Tom lang naman yung Team Jack sameng dalawa eh. At saka, hindi naman kita masisisi kung bakit ka nainlove kay Ethan. Napakabait na tao”
“Alam ko hehe.”
“Ilang buwan na rin simula ng maging successful operasyon mo ah? Ayaw mo ba gamitin yang new and improved puso mo? Tara! Hanapan kita rito, iba ang gandang amerikana! Mamaya pang foreigner ka pala”
“Loko, ayoko! Gusto ko lang magpahinga muna!”
“Uhm… Ayoko sana sabihin pero may bago ng trabaho si Ethan, at balita pa saken ni Tom, nagfofocus lang siya sa trabaho. Gusto raw niya muna mapag isa.”
“I know. Kaya gusto ko rin muna mapag isa”
“Haha sorry tol, sige iwan na muna kita diyan!” paalam niya.
++
I don’t know why pero everytime na mag isa ako, naiiyak na lang ako.
“Benjamin?” katok bigla ni Sophie sa kwarto ko.
Oh yes, sumunod siya rito saken pero malinaw sa kanya na hindi na ako makikipagbalikan sa kanya.
“Crying again, I see.” sabi niya,
“Hehe, sorry. Bakit ka pala nandito?”
“Uhm, okay na yung pagpapalit ng names from Ethan, kina Adrian na yung mga properties mo” sabi niya.
“Talaga? Ang bilis pala no? hehe salamat”
“One more thing, eto pala.” inabutan niya ako ng flight ticket.
“Oh, babalik ka na?”
“No, ikaw ang babalik. Balikan mo na si Ethan, Hindi pwede yung ganyan ka.”
“What?”
“Don’t act stupid Benjamin, okay? Kasalanan ko from the start, masyado akong inlove sa’yo na halos siraan kita sa kanya. I want you to be happy in the end, please. Give it a try. At saka isa pa, may taon na rin ang nakalipas. Surprise him!”
“What if hindi niya ako makilala?”
“Nakakainis yan! haha Imposibleng makalimutan ka non! Haha dalian mo na, bukas na yang flight na yan. Kung hindi, atleast you’ve tried. Pero what if, oo? Di’ba? good thing you’ve tried.”
Wala naman sigurong mawawala, pero natatakot ako, Pero anong magagawa ng takot ko diba? Napayakap na lang ako ng mahigpit kay Sophie.
Nagpaalam ako sakanila na babalik muna ako ng Manila para makipagkita kay Ethan.
+++
I talked to Sir Miggy and Cielo, sakanila na kasi nagtatrabaho si Ethan. Umamin na ako sakanila,lahat ng kalokohan na ginawa ko. Pero imbis na magalit sila, natawa lang sila saken.
“Alam na namen Benjamin” sabi nila.
“Ha? Paano po?”
“Matagal na! haha kaya hayaan mo na ’yun!”
“Pero nasaan po si Ethan?”
“Why? He’s happy and single pa rin haha”
“Hala, sir naman! hehe”
“Why? You want to meet him?”
“Opo…”
“Hmmm… Well, gusto ko rin makapag usap kayong dalawa. Hindi pa raw kayo nagkakausap simula nung umalis ka eh and I think that was a year ago!”
“Yes. And ever since hindi po siya nawala sa isip ko!”
“How sweet.. okay, I’ll set you up a meeting with him and bahala ka na okay?”
“Yes, thank you po!!!”
Sinabihan ako na sa conference room kami magkikita kaya inayos ko na lahat doon. Naglagay ako ng balloons, music, korean food. Gusto ko prepared lahat sa pagkikita namen.
Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero bahala na. Sasabihin ko lahat sa kanya.
Maya maya, pumasok na siya sa loob ng conference room. I know siya yon, favorite niya kasi yung kulay violet na long sleeve at fit na slacks, Wow. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. May something sa kanya na hindi ko maexplain, ang ganda ng aura niya.
Mahal na Mahal ko pa rin talaga si Ethan.
He saw me standing, sinira niya lang yung pinto at walang sinasabi.
Pinatugtog ko kaagad yung kanta nameng dalawa at sinimulan ko siyang kantahan.
“You’re just too good to be true… can’t take my eyes off you…”
Hindi siya sumasagot, pero unti unti ko siyang nilalapitan. Hinawakan ko yung kamay niya at pumunta kami sa may table.
“I love you honey… and if it’s quiet alright, I need you honey, to warm my lonely nights, I love you baby…. trust in me when I say..”
“Ano ’to?” ayun lang yung sinabi niya. Pero enough na ’yun para mapangiti ako.
“Hindi ko na kaya Ethan. Sinubukan kong kalimutan ka! Pero hindi ko talaga magawa. Ikaw lang talaga mahal ko. Ikaw lang kaya kong mahalin at ikaw lang mamahalin ko habang nabubuhay ako”
Naiiyak na siya. Hindi ko alam kung dahil masaya ba siya o ano pero pinunasan ko ’yun.
“Saktan mo ko, sige! Sigawan mo ko! Sige! Lahat gawin mo sake, titiisin ko lahat hanggang sa mawala yung galit mo saken. Lahat gagawin ko para sa’yo! Ayokong mawala ka sa buhay ko!”
“Sir Benj…”
“Nangako ako sa’yo, bago ako mag 24, liligawan kita. Nangako rin ako sa’yo na papakasalan kita, Gagawin ko na lahat ng ’yun!”
Hindi siya sumagot, pero ngumiti lang siya. I know that smile, ayun yung ngiti na binibigay niya saken everytime na masaya siya na kasama ko.
“Wala akong kilalang tao na gusto kong makasama habang buhay kundi ikaw. I told you before, and I’ll tell you now, you taught me how to love. You’re the love of my life. I will always be your fake boyriend, real boyfriend and hoping someday your loving husband.”
Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan ko ’yun.
“Your smile, Your kiss, Your everything, that’s what I want to see in the future. All I want is you. I know in my heart that you love me, I can feel it.”
Ngumiti lang talaga siya at naramdaman ko yung paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
Unti unti kong nilapit yung mukha ko at dahan dahan ko siyang hinalikan sa mga labi niya.
Akala ko pagtatabuyan niya ako pero hindi niya ginawa, niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahalikan siya. Ang sarap, ang basa, ang lambot, eto ang hinahanap hanap kong labi! Wala na akong ibang hahanapin pa.
Hinalikan ko uli siya ng paulit ulit sa labi hanggang sa matawa na lang kaming dalawa.
“One more thing, Ethan…” sabi ko,
“Ano ’yun?”
“Will you marry me?”
++++++++
ETHAN
“KUYA ANG GULO PO! Bakit dalawa silang nagpropose sa’yo?!” sabi saken nung sinasabihan ko ng story.
Nagkekwento ako ngayon sa mga grupo ng lgbt teens na nacurious sa lovestory ko, sabi nila para sa thesis pero hindi ko sure, pero okay lang na ishare ko yung story ko sa kanila.
“SINO PO BA PINILI NIYO??” tanong nila saken.
Natawa ako.
“Sino ba sa tingin niyo?” tanong ko.
“Syempre po si Sir Jack! Dapat siya kasi simula pa lang hindi ka na niya sinaktan, simula pa lang siya na yung nagmamahal at hanggang sa huli, ikaw pa rin yung gusto niya!” sabi nung isa.
“No, sigurado akong si Sir Benj! Mas may struggles silang dalawa kaysa kay Sir Jack! Mas masarap yung ganon na marami kayong pinagdaanan pero in the end kayo pa rin nagmahalan!” sabi nung isa.
“Pero bakit dalawang ending po yung binigay niyo samen? Ano pong ilalagay namen dito?” sabi nung isa
“Bahala kayo. I just want you to know that life is a matter of choice. What if pinili ko yung isa, edi ganito nangyari sa isa. What if yung isa naman pinili ko, edi ganito nangyari sa isa. Think before you choose.”
Hinanap nila yung pictures ni Sir Jack at Sir Benj at pinakita ko naman sakanila.
“Uhm… Dapat po dalawa na lang silang pinili niyo, sa umaga si Sir Benj, sa gabi si Sir Jack tapos salitan every other day!”
“Haha loko kang bata ka!” sabi ko pa
“Biro lang po! Pero curious po ako kung sino pinili niyo?” tanong nila.
“Hmm…. Let’s see. Pauwi na rin siya at nagtext na malapit na siya” sabi ko
“Ohhhh. Sige po! Pero bakit po dalawang storya yung ending niyo? I mean, alam ko po na life is a matter of choice pero parang totoong nangyari yung dalawang ending”
“He died and that was his last request. Gawan ko raw siya ng magandang ending between sameng dalawa”
Natahimik sila.
Yung isa, nilamig na parang kinilabutan.
Pero ako, napapikit lang. Ayoko na sanang sabihin yung tungkol don pero wala na, nangyari na eh.
I miss him. I really do.
Biglang bumukas yung pinto at dumating na siya, napatingin silang lahat sa kanya at yung isa napasigaw pa
“Ikaw po pala yung pinili ni Sir Ethan!” sabi nung isa.
Natawa siya at lumapit siya saken sabay halik sa labi ko,
“Kinwento mo uli?” tanong niya,
“Hehe, thesis daw eh!”
Pero nakatingin lang yung mga bata samen.
Biglang nagsalita yung isa.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na nawala yung isa.”
Humigpit yung hawak saken. Alam ko nalulungkot din siya.
“I miss him” sabi ko.
“I miss my bestfriend too.”
++++
This is what really happened. I told you kakaiba ’to sa ibang ending.
It’s up to you kung sino yung nakatuluyan niya. :)
THANKS FOR SUPPORTING MY STORY. :))))

