loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
My Untold Stories(Completed)

My Untold Stories(Completed)

ThePageWriter · 21 chapters · 25,781 words

Untold-Prologue

Untold- Prologue

          '

P

agbukas ko pa lamang ng pinto ay tumambad na sa’kin ang isang patay na pusa.Masuka-suka ako dahil hati ang tiyan nito,nagkalat ang mga laman loob sa sahig.

  Wala na'kong ginawa kundi ang sumuka nalang ng sumuka pagdating ko palang galing sa trabaho.Isinantabi ko muna ang pagkadiri ko,bakit may mangyayari ba kapag nag-artehan ako ngayon dito?.Wala.

Matapos kong malinis lahat ng nakakaduwal na parte ng pira-pirasong laman at balat ng pusa ay pumasok sa ako sa kwarto ko.“ Fuck!“. Yun nalamang ang na-ibulalas ko matapos makita ang pader na sinadyang punuin ng sulat.Binasa ko pa ang katagang “Tell us your story”

Untold#1-Maling Akala

Maling

Akala

                     “Ang buong paligid ay nabubudburan ng liwanag na nagmumula sa bilog na bilog na buwan. Malamig ang simoy ng hangin at nakakakilabot ang katahimikan. Iyan ay ilan lamang sa salitang naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa kwento.” 

Mga friend, malapit na ang semestral break ah!!! Saan ba tayo magbabakasyon.“patanong wika ng isa sa aking mga kabarkada.” Ah gusto niyo ba ang magbakasyo “ natutuwang sagot ng isa sa mga kamag-aral ni Aritha.“Oo naman ah!!! 

                                           Napakasaya kaya ng ganuon sapagkat malaya tayo at wala sa pangbabawal ng ating mga magulang. Nakababagot naman kasi ang mamalagi sa bahay ng napaka habang panahon at naghihitay lamang sa paglubong ni pebong araw “. Pagpapahayag ni Luisa.” Oh sige duon nalang tayo sa probinsya ng aking lola, tahimik duon at napakaganda ng tanawin“. Panghihikayat ni Marita sa kaniyang mga kaibigan.      

                                          Ang akala ni Elea ay iyon ang magiging napakasayang karanasan na kanyang mararanasan sa kanyang buhay. subalit isa palang malaking kamalian ang kaniyang inakala.Ikaapat ng Oktubre ay nagpasya na pumunta sina Aritha, Angel, Elea at iba pang kabarda ni Marita sa probinsya ng kaniyang lola. 

                                                          ’Sabik na sabik ang lahat ngunit tanging si Aritha at Elea lamang ang nakapunta sa probinsya nila Marita sapagkat ang ilan ay hindi pinayagan sa kabila ng kanilanh pagnanais.Hindi sukat akalain ni Aritha at Elea na ganoon na lamang kalayo ang lugar na kanilang pupuntahan. Halos walang magkagusto na ihatid sila sa lugar na dapat ay kanilang pupuntahan na tila ba may isang misteryosong bagay na naroroon sa lugar na kanilang pupuntahan.Kahit gaano kalaki ang bayad na sabihin nina Aritha, Elea at Marita sa Driver ng sasakyan ay hindi nila gusto na ihatid sila mismo sa lugar na sinasabi ni Marita. Kaya’t ganuon na lamang ang pagtataka ni Aritha at Elea kaya naman ang kanilang naramdaman ay mayroon ng kahalong takot at kilabot. Ngunit sa kabila ng kanilang nararamdaman ay wala na silang ibang magagawa kundi ang tumuloy sapagkat isang sakayan na lamang ay naruon na sila sa banyan ng kanilang lola.Nadagdagan pa ang takot na nadama nina Aritha at Elea nang sila bumaba na sa sasakyan at sinabi ng driver sa kanila na mag-ingat kayo at sana ay makaalis kayo sa lugar na pupuntahan niyo nang buhay. Nais nang hindi tumuloy nina Aritha at Elea ngunit tila ba mayroong hangin na siyang humahalina sa kanilang dalawa.Pagkatapos ng tatlong oras na paglalakad mula saa lugar na pinagbabaan nila nang sila ay inihatid ng driver ay nagula’t na lamabng sila at ang lahat ay napakasaya at natatayo ng mga poste, naglalagay nang banderitas at marami pang bagay na mayroong kinalaman sa pista. Ngunit ang nakapagtataka sa mga taong naroon ay sa kabila ng kanilang mga nguti na sumalubong sa kanila ay ganuon na lamang ang titig ng lahat kina Aritha at Elea habang naglalakad sa kanilang kalagitnaan.Sa isang bahay na may bubung na kugon tumuloy sina Aritha, Elea at Marita. Ganuon nalamang ang gulat ng dalawang bisita sapagkat maroon nang nakahandang higaan para sa kanilang tatlo. Sa isang sulok ay mayroong matandang tila isang dekada nang hindi nasikatan ng araw sa sobrang puti at isang dekada na rin na hindi nagpagupit. Ganuon na lamang ang takot na nadama ni Aritha at Elea sa kanilang isip ay bakit pa ba sila tumuloy at pumunta sa lugar na iyon. Hindi pa sila nagtatagal sa lugar na iyon ay ninanais na nilang bumalik ulit sa Manila at magkulong na lamang sa kanilang mga bahay. Subalit ang lahat ay naroon na at wala na silang magagawa kundi ang palipasin ang mga araw at hintaying sila ay makauwi na nang Maynila.Lumipas ang mga araw at gabi. Isang hapon habang si Aritha at Elea ay nasa loob ng kubo ay nagpaalam itong si Marita na mayroon lamang siyang pupuntahan at babalik din daw siya kaagad. Sa may durungawan na bintana ay makikitang ang mga tao ay naghihihintay sa pagpanaog ni Marita. Napakasama ng tingin ng mga tao kina Arita at Elea na tila ba gusto silang kainin ng mga ito. Subalit nagbago ang mga iyon ay nawala ng pumanaog na si Marita at may salitang binanggit. Ngunit ang salitang iyon ay hindi naunawaan ni Aritha at Elea sapagkat ito marahil ay nakabilang sa grupo lamang nina Marita.Nakatulog na ang dalawa sa kahihintay kay Marita. Nagising na lamang si Aritha dahil sa mayroon siyang narinig na nag-uusap sa may bandang pinto ng kubo na kanilang kinalalagyan. At nagulat nalamang si Aritha sa huling salita na kaniyang narinig.

                                   “ Bukas ng gabi ay mangyayari na ang lahat, ibibigay dito ang inumin ninyo upang makatulog silang dalawa at mailuto sa kawa. Ang baso sa gitna ang dapat mong inumin upang hindi ka makatulog“.Ang salitang iyon ang tumatak sa isipan ni Aritha. Pinagpawisan siya ng malapot dahil sa kanyang narinig at natuklasan. Hindi na sukat akalain na sila pala ni Elea ang magiging handa para sa pista ng Banya nila Marita. Ngunit hindi pa huli ang lahat kaya’t may panahon pa para sila ay makatakas.Paggising pa lamang sa umaga ay humahanap na nang pagkakataon si Aritha upang masabi ang kanyang natuklasan kagabi.

 Ngunit hindi sila iniiwan ni Marita at talagang bantay sarado sila habang ang mga tao sa labas ay nagkakagulo at abala sa paghahanda ng lahat.Kumagat na ang dilim ngunit hindi parin nasasabi ni Aritha ang mangyayari sakanila ni Elea.

 Ang inumin na magpapatulog sa kanila ay nakahanda na rin at nasa isang sulok. Buti na lamang at nagkunwaring masakit ang ulo ni Aritha at pinakuha niya ng gamut si Marita kaya’t nakausap ni Aritha si Elea ng palihim.

Hindi makapaniwala si Elea na ganuon ang balak ni Marita sa kanila kaya’t ang ginawa nila ay pinalo nila ang ulo ni Marita upang ito ay makatulog at ipinahiga nila si Marita sa kanila higaan upang siya ang makuha at mailuto ng mga kapwa niya halimaw.

Ang akala nila ay ganuon na lamang kadali ang pagtakas pero nagkamali sila sapagkat ang mga taong kanilang nakita nuon ay nagging ibang anyo at nagging kawangis ng mga aso. At ang mga asong ito ay sabik na makakain ng sariwang dugo at laman ng isang tunay na tao. Sapagkat sa loob ng isang taon ay minsan lang silang nag-iibang anyo at kinakailangan nilang makainum at makakain ng laman ng mortal na tao. Kung hindi ito mangyayari ay mamamatay silang lahat. Nakalabas na sina Aritha at Elea sa loob ng kubo.

 Malayo na ang kanilang narating ng sila ay makarinig ng isang malakas na alulong ng aso na tila magkahalong puot at pagluluksa ang ipinahihiwatig. Marahil ay nalaman na nila ang kanilang pagkain ay ang kanilang kapamil na hindi nila dapat kainin.Tumakbo ng mabilis ang dalawa na hindi malaman kung saan sila patungo. 

Sa di kalayuan ay mayroon na silang nakita na sumusunod sa kanilang isang naglalaway at galit na galit ng halimaw. Nadapa si Aritha at sinunggaban siya nang halimaw at nang aktong kakagatin na siya nito ay bigla nalang itong tumumba at humandusay sa kanilang harapan.     

                                          ’At di nagtagal ay ngumiti na si Pedong araw kina Aritha at Elea na nagpapahiwatig na ang panganib ay wala na sa kanilang paligid.Sa kabila ng takot na kanilang nadama ay nakauwi parin ang dalawa ng buhay. Ngunit sinabi nila sa kanilang sarili na sa susunod na Semestral Break ay gugugulin na lamang nila sa kanilang bahay ang kanilang mga bakasyon.-

Moral: H’wag masyadong layas hahaha..

  WAKAS,…

credited to : 

darhyl johncacananta

Untold#2-“Kwento ng Barkada”

“ Kwento ng Barkada“

“Sa kabila ng moderno at makabagong teknolohiya ng ating panahon, may ilang bagay parin sa mundo na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Bagamat sabi ng iba ito ay hamak na kathang isip lamang ng tao ngunit marami na sa atin ang nakapagbigay ng patunay ayon sa kanilang mga karanasan.                                                 Ang aking iki-kwento sainyo ngayon ay tungkol sa aking karanasan noon ako’y 12 anyos pa lamang. Noon pa ma’y mahilig na talaga ako sa mga kwentong katatakutan. Ewan ko ba kung ba’t yan ang nakahiligan ko. Siguro ay dahil nagbibigay ito sa akin ng “thrill” alam nyo yun yung naeexcite ka na may halong curiousity sa iyong utak. 

’Yun na nga, nasa ika-anim na baitang na ako ng elementary at kaming magbabarkada ay nakakahiligan na naming magkwentuhan sa loob ng klase ng mga kwentong katatakutan kapag hindi pa dumarating ang guro. 

                                         Si John at si Rey sila ang aking matalik na kaibigan at talagang malalim na ang aming samahan. Sa katunayan parang magkakapatid na ang aming turingan. Alas 3:00 ng hapon noon ika-22 ng Oktubre, bagamat hindi pa dumarating ang guro namin sa math ay naisipan naming magbahagi ng aming mga nakakatakot na kuwento total malapit na rin naman ang araw ng mga patay. Una si John, ikinwento niya sa amin ang tungkol sa animo’y aswang sa kanilang baryo. Usap-usapan sa kanilang baryo ang tungkol sa isang aswang na kanyang pinangalanang “Jessa”. 

Marami raw sa kanilang lugar ang nakasaksi sa pagbabagong anyo nitong si Jessa sa tuwing kumakagat ang dilim. Anim na tao na raw ang nabiktima nito kabilang na ang dalawang sanggol. Ang mga bangkay ng mga nabiktima ay nakakagimbal sapagkat masasabing hindi tao ang may gawa. Ito’y natatagpuang gutay-gutay ang mga katawan at ang iba naman ay nawawala ang puso. Isang araw may mag-asawa sa kanilang lugar na nakatira sa pinakaliblib na bahagi ng kanilang baryo. Habang tahimik na nakaupo ang mag-asawa sa kanilang balkunahe, may napansin ang asawang lalake, isang hagushos na para bang nanggagaling sa bubong ng kanilang bahay. 

Agad itong tiningnan ng lalake at laking gulat niya ng nakita niya ang isang nilalang at na may malalapad na pakpak at wala itong paa! Ahhh! Sigaw ng lalake habang dali-daling pumasok sa kanilang bahay. Pinatago nito sa ilalim ng kama ang asawa nitong buntis at tinungo ng lalake ang kanilang kusina. Kinuha nito ang lalagyan ng asin at lakas loob nitong isinaboy sa aswang.

 Swerte nila at takot pala ang aswang sa asin. Iiiiiaaaak! Agad itong lumipad papalayo sa kanilang kinaruruonan. Simula noon ay lumipat na ang magasawa ng tirahan at siniguro nilang sila’y magiging handa sa pagbabalik nitong aswang. Matapos magkuwento ni John ay nakuha kung magbiro dahil nahalata ko ang katabi kong si Rey na masyadong seryoso ang mukha. 

“Sexy ba yung aswang”? patanong kung sabi.“loko-loko”! wala ngang katawan diba? Halakhak ni John. Sumunod namang nagkuwento ay itong si Rey. Humanda raw kami dahil talagang nakakatakot ang kanyang kwento. Nangyari daw ang nakakatakot na pangyayari sa kanyang buhay noong 8 taong gulang pa lamang siya. Noong bata pa raw siya ay hindi raw likas sa kanya ang pagiging matatakutin. Isang gabi habang abala si Rey at ang kanyang mga pinsan sa panood ng t.v. inutusan siya ng kanyang nanay na bumili ng chicheria sa tindaha upang may makain raw sila ng kanyang mga pinsan habang nanonood ng t.v..

                                                       Pasado alas 10:00 pm ng gabi na noon kaya medyo madilim na ang paligid sa labas ngunit dahil nga hindi naman siya matatakutin at malapit lang naman ang tindahan ay pumayag siya. Di kalaunay lumabas na siya ng bahay at habang naglalakad siya papunta sa tindahan ay napansin niyang tahimik ang paligid. Pagkatapos niyang makabili ng pagkain ay naglakad na siya pauwi ng bahay. Nang siya’y malapit nang makauwi ay napansin niya ang isang sulok na kanilang bahay kung saan naroon ang kanilang bakuran. 

                                                                     Madilim doon at puno ito ng pananim. Laking gulat niya nang tumingala siya sa isang puno ng saging. Nakita niya ang isang bata at itoy nakangiti sa kanya. Hindi niya masyadong maaninag ang buong itsura nito dahil nga sa madilim roon. Nagtataka siya kung pano napunta roon ang isang bata kung gayong hindi basta-basta kaya akyatin ng tao ang puno ng saging. Nangilabot siya at para bang nabalutan ng yelo ang kanyang katawan. Hindi nya maipaliwanag kung bat hindi siya makagalaw na kahit anong pilit nyang igalaw ang mga paa ay hindi nya magawa. Hindi rin sya makasigaw kaya ang tanging ginawa nya na lamang ay pumikit at mag-dasal.

 Maya-maya ay dumilat siya at nawala na ang batang kani-kanina lang ay nakangiti sa kanya. Kumaripas sya ng takbo papasok sa kanilang bahay. Gulat na gulat ang kanyang ina at mga pinsan sa naging katayuan niya. Yinakap niya ang kanyang ina at ikinuwento ang kanyang naging karanasan. “Nakakatakot naman yan Rey” takot na sabi ni John. Matapos ay ako na ang sumunod na nagkuwento. Ang aking kwento ay nangyari noong 10 anyos pa lamang ako. Noong maga panahong iyon ay kasa-kasama ko pa sa bahay ang aking dalawang pinsan dahil sa magkakalapit pa noon ang aming mga bahay.  

                                                      Ang saya-saya naming palagi sa aming bahay dahil lage kaming magkakasama amglaro, kumain at kung anu-ano pa. Isang gabi pasado alas 10:00 pm, tulog na ang aking parents at kami nalang ng magpipinsa ko ang gising. Dito sila minsan natutulog at pinapayagan naman sila ng kailang magulang. Nagpagpasyahan naming manood muna ng t.v. bago matulog. Kumuha kami ng mga pagkain at maiiinum para may pagkakaabalahan kami habang nanonood. Sumunod ay binuksa ko ang t.v. at dvd at isinalang ko ang paborito kung pelikula ang “Sherlock Holmes”, bago itong movie noon kaya exciting. 

                                                Habang nanonood ay bigla akong nakaramdam ng pagkaihi kaya nagpaalam muna ako sa mga pinsan ko na iihi lang saglit. Lumabas ako ng bahay at pumunta ako sa aming bakuran. Doon ako pumwesto sa pinakudulo ng bakuran. Mula roon makikita mo ang nakakatakot na narrow figure ng kalsada. Tahimik roon at wala ng taong umaaligid. Maya-maya pagkatapos ko ay naglakad na ako pabalik ng bahay. Sa aking paglalakad may naririnig akong para bang hagikhik ng isang babae na umiiyak. Lumingon-lingon ako sa paligid. 

Sinundan ko kung saan nagmumula ang iyak na iyon. Sa di kalayuan nakita ko ang isang babaeng nakayakap-tuhod sa isang malaking puno ng acacia. Medyo hindi ko naaaninag ang kanyang mukha sapagkat medyo madilim ang kanyang pwesto at natatabunan ng acacia ang liwanag ng street light. Nakasuot ito ng itim na bistida at wala itong suot na pang paa. 

Hindi mo masasabing isang pulubi dahil malinis siya tingnan. Agad-agad ay lakas loob akong lumapit sa babae. “Miss bakit po kayo umiiyak” tanong ko. Tuloy parin sa pag iyak ang babae. “Miss!?? Ok ka lang ba? Pag aalala ko kuno. Unti-unti ay umaangat ang ulo ng babae at sa aking di inaasahan na pangyayari ay nanlilisik ang mga mata nito sa akin! Hindi ko malama kung sisigaw ba ako o tatakbo. Hindi ko mabuka ang bibig ko at para bang nakadikit ag maga paa kosa lupa. Ang mga mata nya ay halos kulay puti at ang ang kanyang luha ay dugo!! Bigla itong nagsalita “Ba’t muko pinabayaan?? Bakit? Bakit? Hinawakan ako nito sa paa. Nanlamig ang aking buong katawan at sobrang takot at pangingilabot ang aking nadarama sa mga sandaling iyon. Ang tanging ginawa ko na lamang ay ang ipikit ang aking mga mata at nagdasal sa Diyos. 

“Ama ko, tulungan niyo ko”. Ilang sandali pa naramdaman ko na wala nang nakahawak sa aking mga paa at pagmulat ko wala na ang babae. Kumaripas ako ng takbo pauwi sa aming bahay at pagdating ko gulat na gulat ang mga pinsan ko. 

’Bat raw ako humihingal? Di ko na sinabi sa kanila ang nangyari dahil di rin nama sila maniniwala. Pagkatapos ng insidenteng yun ay mas lumakas pa ang pananalig ko sa Diyos na alam kong siya lamang nag maaaring magligtas sa ating lahat. 

Maraming pong salamat sa pagbasa!

credited to: Romeo Talde :)

Please leave comments or votes anytime :)

Untold#3-Mensahe

“Mensahe”

                                                            “Sa isang lugar, may dalawang batang lalaki, sina Isko at Biboy, matatalik silang magkaibigan, palagi silang magkasama sa mga adventures nila. Ngayong hapon na ito gustong pumunta ni Biboy sa sementeryo para mamulot ng mga kandila at magpapasama siya kay Isko.                                                       

Pero tinakot ni Isko si Biboy na may may multo sa sementeryo. “Alam mo Isko nagsasawa na ako sa mga pananakot mo, bakit ba parati mo nalang akong tinatakot? Alam mo namang hindi ako naniniwala sa multo.”, sabi ni Biboy.. “Bakit naman? Eh halos lahat naniniwala dun eh, andyan nga oh sa likod mo,“sabay turo sa nguso nito.

  “Ano ka ba Isko!, walang multo, hindi nga natin nakikita eh, kaya bakit ako maniniwala?..”, sabi naman ni Biboy.. “Sige, ganito nalang magpustahan tayo para mapatunayan ko na totoo nga sila at nagpaparamdam, kung sino ang unang mamatay sa atin ay magtext agad”, sabi ni Isko. “Ay naku! Tigilan mo nga ako! Paano magtext eh patay na nga diba?”,sagot naman ni Biboy.. “Kaya nga eh, magmumulto ang isa sa atin kung sino man ang unang mamatay sa pamamagitan ng text”, paliwanag ni Isko. “Sige ba sino tinakot mo, tingnan natin”, sang-ayon naman ni Biboy..

        Lumipas ang panahon, nagkahiwalay na ng landas sina Biboy at Isko.Nakapag-asawa na si Biboy at meron na rin itong mga anak. May sariling vulcanizing shop at ang  misis naman nito ay may sari-sari store katabi lang ng vulcanizing shop. Binayayaan ng anak sina Biboy at ang asawa nito, isang babae at isang lalaki. Pero nitong mga lumilipas lang ng buwan parating nagkakasakit si Isko at natuklasan nitong may prostate cancer siya, stage 3 na at kumalat na ito sa ibang organs.                                           

                                                            Samantala, si Isko naman ay nanatiling single sa edad na 35, workaholic kasi ito at walang time para sa social life nito. Nagtatrabaho ito bilang isang call center agent. Ngayong gabi na ito ay sumakay siya ng bus patungo sa trabaho niya, medyo malayo kasi ang inuupahan niyang apartment sa tinatrabahuan niya kaya kaylangan talaga sumakay ng bus. Sa daanan, nang biglang sumabog ang bus na sinakyan niya, may nakatanim palang bomba doon. Lahat ng nakasakay ng bus ay namatay maliban kay Isko na himalang nakaligtas, ni walang tinamong galos man lang sa katawan. Pero sa lakas ng pagsabog ng bus, naisip ni Isko na patay na nga siya kaya agad niyang naalala ang pustahan nila ng kaibigang si Biboy noon at agad siyang nag text dito. “P’re, patay na ako, sumabog ang bus na sinakyan ko, pa’nu b ’yan panalo na ako sa pustahan natin?”, anito sa text. Nagreply si Biboy, 

“Hindi, mali ka pare mas nauna akong namatay sayo, burol ko na now, dmalaw ka naman, namatay ako 2 days ago,tinamaan ako ng cancer pre.” Hindi naniwala si Isko sa text na iyon ni Biboy, at dahil nako curious siya, dumalaw siya sa bahay ng kaibigan. Pagdating niya doon, maraming tao at nakita niyang umiiyak ang asawa ng kaibigan niya at mga anak nito habang nakaharap sa isang ataul.. Biglang tumunog ang cellphone niya sa bulsa, nang binuksan ang message:

From: Parekoi Biboy

 +639067854898

“Tnx s pagdalaw pre,..”

Nanginig siya sa takot at biglang nabitawan ang cellphone..

Wakas.. credited to: Cherrie Hibaya

Author’s Note: Nagustuhan niyo ba?  Comment lang po:)

Untold#4-Video Chat

Video Chat

Isang maiksing kuwento ng kaganapan mula sa trabaho

Ako po ay nagtatrabaho sa clinic Emirates Airlines sa Dubai, ibat ibang lahi at may kanya kanyang shift. Karamihan ng admin personnel ay hanggang 4:30 pm lamang at panay medical staff, pharmacy at laboratory staff ang naiiiwan.

Isang araw ako ay pumunta sa filing section upang hanapin ang file ng aking pasyente. Madalas may filers sa loob na puwede mo mapag tanungan at matulungan ka mag hanap ng file. Itong araw na ito ay walang tao doon ni isa, kahit hindi marunong ay napilitan akong hanapin ang file sa mga rolling or sliding file cabinets. Dumating ang isang secretary at natuwa dahil naroon ako at may kasama siya. Sabi niya “I dont like being here alone, i can’t stand it. Aren’t you afraid?” nagtaka ako at sinagot “not really, why?”, sabi niya naman “I’m afraid ill be crushed by those cabinets”. Ako naman tumawa lang, pero nagtanong siya ulit “havent you hear about what happened to Mitch?”, sabi ko “no, tell me.” Dito na iikot ang maikling kwento.

Si Mitch (di tunay na pangalan) ay nagtatrabaho sa occupational health, siya ay nag aasikaso ng monitoring, referral at coordination ng appointments ng mga engineer, drivers at iba pang airport employees lalo na ang mayroong mga industrial injuries. Si Mitch ay madalas nakikita nakaupo sa waiting area tuwing paglipas ng oras ng kanyang trabaho na may kausap sa kanyang smartphone or may ka chat.

Isang hapon ay naisipan niyang magpaiwan sa loob ng opisina dahil mayroon pa siyang dapat asikasuhin. Lahat ng ka-opisina niya ay nagsiuwian na, ang buong clinic ay malapit narin magsara kaya naisipan niyang umuwi narin. Matapos niyang maligpit ang kaniyang desk at maitago ang mga papeles ay naisipan niyang tawagan ang kanyang asawa. Ang takbo ng usapan nila ay ang tipong maaasahan mo sa mag asawa meron konting hagikgik at minsan nama’y asaran. Bago pa matapos ang usapan nila ay may napansin si Mitch, parang may gumagalaw sa likod nito, akala niya ay guni guni lamang at hindi niya ito pinansin. Maya maya ay may nahagip ang kanyang mata na anino, nilingon nito pero wala paring nakita. Nagpatuloy ang kanilang usapan ng karaniwan ngunit di ito nag tagal. Naramdaman niyang may presensya sa kanyang likuran. Ramdam niya ang balahibo na tumatayo mula sa kanyang batok, Itoy parang nakatayo lamang sa likod nya, hindi niya mapaliwanag and nararamdaman. Marahil sa hindi na niya itong magawang lingunin ay nakaisip siya ng paraan, naisipan niyang buksan ang video chat. Pinikit niya ang kanyang mga mata, at dahan dahan itong inimulat. Napabuntung hininga siya noong nakita nya lamang ang sarili niya at walang ibang tao sa likod. Mukhang wala namang nahahalata ang kanyang asawa sa kabila linya. Halos nalimutan na ni Mitch ang pakiramdam na iyon, nagpatuloy ang video chat ng normal sa loob ng ilang minuto ngunit pagkalipas ng ilang saglit ay nabigla siya sa kanyang nakita sa kanyang screen, ang kanyang kinakatakot ay nagkakatotoo, siya ay napasigaw at umiiyak na tumakbo palabas ng kwarto. Rinig sa buong clinic ang hagulgol niya at kung tatanungin ang nakakakita ay malamang sasabihin nilang siya ay Hysterical at mukhang nasisiraan ng bait. Tumawag ng tumawag ang kanyang asawa pero hindi na niya ito masagot. 

  Ginawa ng staff ang lahat para ito ay mapatahan, hindi niya parin masabi kung anong nangyari. Makalipas ang ilang minuto ay napatahan narin siya. Nanumbalik siya sa kanyang pagkatino, at ikinuwento ang nangyari sa mga kasamahan. Matapos non ay umuwi na ito, pilit niyang kinakalimutan ang pangyayari. Saka na lamang nito napansin ang missed calls ng kanyang asawa nong pagbaba niya galing sa station ng tren. Agad niya itong tinawagan, humingi ng pasensya mula sa kanyang asawa habang namumuo muli ang luha sa kanyang mga mata. Ang unang sambit ng kanyang asawa ay “Anong nangyari? bakit naputol ang tawag? at bakit ka umiiyak?”. Sagot naman ni Mitch “Eh kasi….punas ng luha.. may nakita ako habang naka on yung camera”. “Anong bang nakita mo?” tanong ng asawa, “nong nag uusap tayo, may lalaking naglakad sa likod ko!” sabay iyak muli ni Mitch. Walang ibang maririnig sa linya ng halos kalahating minuto maliban sa mahinang iyak ni Mitch. Nagpaalam na si Mitch dahil malapit na ito sa bahay nila. Noong pag uwi ay pinag usapan nila ang nangyari at nung huli may sinabi ang kanyang asawa na nagdulot ng matinding kabog ng dibdib ni Mitch. “Ma, kanina habang kausap kita….. na..nakita ko rin yung lalaki dumaan sa likod mo”. Nanlaki ang mata ni Mitch. 

WAKAS..

Author’s Note: Medyo bitin ano? Haha..Gusto ko bigyan ’to ng part two para masaya ano game kayo?

Untold#5 Nurse

Nurse

in

60s“

Nagtatrabaho si Abby Reyes bilang isang nurse sa isang lumang pampublikong hospital ng Davao City. Sa medical ward siya naka toka. Mag dadalawang buwan palang siya dito, maswerte na nga siya dahil binigyan siya ng job order ng kanilang mayor sa probinsiya nila para makapagtrabaho sa hospital na iyon. Ang ibang kaibigan niya kung hindi tambay, ay may ibang trabaho na hindi

naman related sa natapos nilang kurso. Bukod sa marami siyang trabaho ay maliit pa ang sahod niya dito, ganun talaga ’pag hindi regular.

Ganunpaman, mahal niya ang trabaho at masaya siya dito. Kaya nga kinulit nya ang ama niya na bigyan siya ng trabaho as job order nurse, ito ang kumausap ng mayor nila sa lugar nila na sana bigyan ng trabaho ang anak nito kahit panandalian lang. Personal body guard kasi ng ama ni Abby ang mayor nila. Agad namang pumayag ang butihing alkalde at doon siya nilagay sa isang pampublikong hospital ng Davao City.

Simula ng nagtrabaho siya sa hospital na iyon ay usap-usapan na sa mga trabahador doon na maraming nagmumulto at nagpaparamdam daw doon. Walang daw’ng pinipili ang pinagparamdaman ng hospital na iyon, mapa doctor, nurse, orderly, janitors at kahit paman mga pasyente. Naroon daw’ng isang gabi, on duty ang kasamahan nilang nurse na si Janice, nang mag prepare ito ng gamot, dalawang vials daw ang binuksan niya nang nalingat lang daw siya sandali nawala na ang isang vial.

Wala naman daw siyang kasama ng nangyari iyon, nag-iisa lang daw siya sa nurse station. Kwento rin ng isang nursing aide, nang minsan nag C.R. lang daw siya at pagkatapos hindi na niya mabuksan ang pinto para lumabas, kaya pawis na pawis ito sa kakasigaw sa loob ng C.R. buti nalang nadaanan daw ito ng janitor at binuksan ang pintoan ng C.R. nang narinig na may sumisigaw.

Nanginginig pa ito sa takot paglabas nito. Kaulaunan, ay parang normal na lang daw sa kanila ang mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa hospital na ’yon. Hindi importante sa kanila ’yon, ang importante makapagtrabaho sila at matutustusan ang kani-kanilang pamilya.

Simula ng pumasok si Abby sa hospital na iyon ay wala naman siyang nararamdamang kakaiba, kahit minsan nag-iisa siyang naka night shift. Para sa kanya mga kathang-isip lang ang mga kwento doon tungkol sa mga multo, baka sa sobrang busy lang ni Janice ay isa lang pala ang nabuksang vial nito .

At ang nursing aide nila baka sadyang sira lang talaga ang pintoan ng C.R. na iyon. Hindi naniniwala si Abby sa mga ganun, kasi for her to see is to believe.

Isa sa mga inaalagaan ni Abby ay si Aleng Nena na nasa room 301, kakadala lang nito sa hospital kahapon, watcher nito ang nakababatang anak. Maputla at matamlay si Aleng Nena, dahil na rin siguro sa dinaramdam nito. Simula kahapon nang dumating si Aleng Nena ay hindi pa ito binisita ng doctor, mamayang gabi pa daw bibisita ang doctor. ’Nung gabing iyon ay si Abby ang naka duty, mapupuyat na naman siya nito sa kakabantay ng mga pasyente pero buti nalang may kasama nya si Andrew, dalawa silang naka night shift ng gabing iyon. Alas onse ng gabi, eksaktong katatapos lang ng endorsement nila ay dumating ang doctor at simula na itong gumawa ng order para kay Aleng Nena.

Binasa ni Abby ang order ng doctor para kay Aleng Nena at nag carried out siya. “For CBC (Complete Blood Count) as requested”, order iyon ng doctor para kay Aleng Nena at sinulat ni Abby sa isang papel, kasama pa ang ibang impormasyon ni Aleng Nena at agad dinala sa laboratoryo para makunan na agad ng dugo ang pasyente. Nagising si Aleng Nena nang may yumuyogyog sa kanya, babaeng nakaputi, mahaba ang damit hanggang paanan ito at mahaba ang manggas ng damit, maayos ang buhok nito at nakasuot ng nursing cap..

May dala itong syringe, for 5ml syringe. Parang wirdo ang ayos ng nurse, na mukhang sinaunang nurse, parang nag tatrabaho ito nung ’60s pa, pero hindi nalang ito pinansin ni Aleng Nina. “Ano po pangalan niyo?”, tanong ng werdong nurse, sa malamig na boses sabay sa paghampas ng malamig na hangin sa mga bintana doon, tulog na ang lahat pati na rin ang anak ni Aleng Nena na siyang watcher nito. Kinalibutan si Aleng Nena, pilit nilalabanan ang takot ng mga oras na ’yon sabay sagot, “Nena Cruz ma’am”.

Nang ma confirm ang pangalan ay wala itong sabi-sabing pumuwesto sa harapan ni Aleng Nena at hinawakan ang braso nito sa may bandang antecubetal part ng kamay at simulang tinusok ang needle ng syringe sa ugat ni Aleng Nena. Napapapikit na lamang si Aleng Nena ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung saan siya natakot, sa nurse na wirdo o sa karayom na tinusok nito sa kanya. Pag dilat ng mata niya, wala na ang nurse pero ang iniwan nitong dulot ng pagkatusok ng karayom ng syringe ay nandun pa rin, mahapdi at nakakangalay sa pakiramdam at may natira pang konting dugo.

Samantala, sa Nurse station nina Abby, pumunta ang Medtech na si Ashley ito ang kukuha ng dugo ni Aleng Nena for CBC. Nagpapasama ito kay Abby dahil hindi pa nito kabisado ang pasyente.. Mas mainam ng magpasama para si Abby na ang mag confirm na ito nga si Aleng Nena.

Habang naglalakad sila sa hallway, nasalubong nila ang isang babae, nakaputi at halatang sinaunang nurse dahil na rin sa suot nito. At may bitbit itong syringe na may lamang dugo. Parang kinalibotan si Abby sa nakita. Pero sa pagtataka niya parang walang reaksiyon ang kasama niyang si Ashley, patuloy lang ito sa paglalakad habang ito ay pakanta-kanta pa. “Wait!”, sabi ni Abby sabay tapik sa balikat nito. “Huh?”, napamaang ito na humarap sa kanya. “Nakita mo ba ’yong nurse na nakasalubong natin? Parang kakaiba kasi siya eh, kilala mo ba ’yon?, tanong ni Abby. “Sinong nurse? Wla naman tayong nakasalubong ah, tayo lang ang naglalakad dito”, kunot-noong sagot ni Ashley.

Nagpatuloy na lang si Abby sa paglalakad nya, hindi na nito pinilit si Ashley na may nakita talaga siyang nurse, na nasalubong nila, baka sabihin nito praning siya. Pero talagang hindi siya nanaginip eh, pilit man niyang iwaksi sa isipan niya ’yon, talagang nakasalubong nila ang nurse na nakasinaunang outfit ng uniporme ng isang nurse.

Sino ba namanng nurse ang magsusuot ng ganun sa mga panahong ito? Moderno na ngayon ang mga nurse, ni hindi na nga nag ka cap ang mga ito. Natakot at nanindig ang balahibo niya pero pilit niya itong nilabanan. Nang nakaharap na nila si Aleng Nena, aktong kukunan na sana ni Ashley ng dugo si Aleng Nena, pero agad sinabi nito na katatapos lang nitong kunan ng dugo ng isang nurse na tila sinaunang nurse ang outfit . Nang tingnan ng dalawa ang braso ni Aling Nena, sa may antecubetal part banda, nagitla ang dalawa dahil may bahid nga ng tusok ng needle sa bandang iyon.

Nagulat rin si Ashley kasi walang ibang pwedeng gagawa ng procedure na iyon kundi siya lamang, isang Medtech. Napamaang si Abby sa mga pangyayaring iyon at agad niyang tinanong si Aling Nena kong ano ang eksaktong diskripsyon ng naturang nurse na gumawa ng procedure.

“Nakasuot po siya ng puting damit, mahaba ito hanggang paanan, mataas ang manggas,nakaayos ang buhok nito at naka nursing cap”, anito sa nangiginig na boses. Doon napagtanto ni Abby na ’yong nurse na nakasalubong nila ngayon at ’yong nurse na kumuha ng dugo kay Aleng Nena ay iisa lang..

Kinalibutan si Abby sa kanyang naisip. Siguro nga ’yong nurse na iyon ay dito rin nag tatrabaho noong kapanahunan pa nito. Ngayon, naniniwala na siya, ngayong siya na mismo ang nakakita sa naturang sinaunang nurse na nagmumulto rin sa room 301. Samantala, kinunan ulit si Aleng Nena ng dugo sa kabilang braso kasi wala talagang makitang resulta sa labs nito.

WAKAS…

Author’ Note: Continue Reading Guys :) Sa mgas susunod na istorya magugustuhan niyo ’rin tiyak ’yun..Haha ..Vote and Comment Anytime..

Untold #6-Poste

Poste

Lines man si Noel sa isang electrical company ng kanilang lugar.

Hindi kalakihan ang sahod niya dito ngunit mabuti na rin iyon, iisa pa lang naman ang anak nilang mag-asawa. Nakakaraos naman sila kahit papaano.

Sa hirap ng buhay ngayon maswerte na rin si Noel na nakapasok sa kumpanyang iyon. Minsan, nakatoka siyang magtrabaho ng pang gabi. Grave yard shift kumbaga, 11pm-7am. Napaka-smooth ng trabaho ng gabing iyon, wala siyang ginagawa. Walang tumatawag para mag complain at wala rin namang sira-sirang kuryente ng oras na iyon. Kaya napagdesisyunan niyang pumunta na lamang sa lamay ng kasamahan niya sa trabaho.

Namatay si Eric dahil na kuryente ito nang nakaraang gabing inayos nito ang poste ng kuryente sa national highway ng lugar nila. Nandoon si Noel nang mangyari ang kagimbal gimbal na insedinteng iyon. Wala din naman siyang nagawa para sa kaibigan dahil sobrang bilis ng pangyayari. Segundo lang at agad nasunog ito habang nakabitin ang sunog nitong katawan sa safety belt nito. Kaya ngayon ay pupunta siya sa lamay ni Eric.

While on his way, he smelled something na parang nasusunog na barbekyu. Hindi iyon nawawala. Kinalibutan si Noel habang nag mamaneho siya sa kanyang line truck. Tinatahak niya ang daan na kung saan madadaanan niya ang mismong poste ng kuryente kung saan naaksidente ang kaibigan niya. Biglang tumirik ang line truck ni Noel sa mismong tapat ng poste ng kuryente na iyon. Waring sinadya talaga ng pagkakataon at doon pa mismo namatayan ng makina. Parang may humawak sa sasakyan niya na hindi niya mawari. Nakaramdam siya ng takot kaya pinaandar niya ang line truck. Ngunit hindi umandar ang makina kahit ilang beses na niyang sinubukan ito. Kaya nag pasya na lang si Noel na bumaba para suriin ang makina ng sasakyan.

Kumabog ng malakas ang dibdib niya lalo nang nakalanghap ng parang nasusunog na tao o hayop. Ngayon, lalong tumindi ang amoy nito na parang nasa malapit lang. Wala sa isip niya, nang tumingala siya sa poste. Laking gulat niya sa nakita! Si Eric nasa poste. Nakabitin ang sunog na katawan nito sa safety belt. Ka awa-awa ang kalunos-lunos na kondisyon nito. Nanghihingi pa ito ng saklolo sa kanya. Nakadilat ang mapupulang mata nito.

Gustong tumakbo ni Noel ng mga oras na iyon pero pilit niyang linabanan ang takot at kinausap niya ang kaibigan.“Partner, huwag ka namang ganyan, wala namang takotan. Pasensiya na dahil wala akong naitulong sa iyo. Sobrang bilis kasi ng pangyayari, sana matahimik kana partner, wala namang may gusto ’nun, aksidente lang. Pupunta naman ako sa burol mo eh. Ipagdarasal kita partner”, sabi ni Noel habang napaluha sa mga sinasabi.. Nang tumingin ulit si Noel sa poste ay wala na doon ang kaluluwa ni Eric. Ngayon lang napansin ni Noel ang safety belt ni Eric. Naroroon pa din iyon naka hang sa poste. Naiwan pala ng mga kumuha sa bangkay nito.

Kinuha ni Noel ang safety belt ni Eric at pinasok niya ito sa loob ng line truck. Sinuri niyang mabuti ang safety belt at nakita niya ang isang papel na nakaipit sa coil swivel, nakayupi ito kasama ang P8,000 na pera. Nakalista sa papel ang mga ito:

Matrikula- 2,000 Pagkain- 3,000 Tubig at kuryente- 1,000 Allowance- 2,000 Tinago agad iyon ni Noel at linisan ang lugar na iyon patungo sa burol ng kaibigan. Binigay niya ang pera at budget list sa asawa ni Eric. Kinuwento na rin niya ang nangyari. Humagulhol ang asawa nito at mga anak sa nalaman. Napagtanto ni Noel kung gaano kamahal ni Eric ang pamilya nito. Hindi pala siya tinakot ni Noel. Nagpapakita lang sa kanya ito para matulungan siya na ibigay ang pera nito sa pamilya na naiwan sa safety belt nito. Isang huwarang ama at asawa si Eric dahil kahit nasa kabilang buhay na ito ay pamilya pa rin nito ang iniisip.

Wakas

Author’Note

: Continue reading guys :)

Untold#7-Ang Kakaibang Katangian ng Tiyanak

Tiyanak

Ang tiyanak (binabaybay ding tianak o tianac ) ay isang nilalang na, sa , gumagaya sa anyo ng isang bata. Karaniwang nitong hinuhubog ang sarili bilang isang bagong silang na sanggol at umiiyak katulad nito upang mahikayat ang mga walang kamalay-malay na mga manlalakbay. Kapag dinampot ng isang biktima, nagbabalik ito sa tunay na kaanyuhan at aatakihin ang biktima. Bukod sa paglaslas sa mga biktima, natutuwa rin ang tiyanak sa pagliligaw ng landas ng mga naglalakbay, o pagdukot sa mga bata.

Ang Kakaibang Katangian ng Tiyanak

Nawala ang ina na kasisilang pa lamang ng sanggol. Nagulo ang maternity ward ng ospital. Ang mga narses at helpers ay naging balisang-balisa sa paghahanap sa pasyenteng hindi pa man nakapagpapahinga nang sapat ay lumabas na nang walang paalam. Naulinigan ng ibang ina sa ward ang nangyari at sila ay nagkaroon ng ligamgam.

Umiiyak ang sanggol na iniwan ng ina; nilapitan siya ng isang nars upang payapain. Binuhat ang sanggol mula sa kuna at kanyang niyakap ang bagong silang at isinayaw-sayaw pa. Nagimbal ang nars nang maramdaman na ang sanggol na salo sa kanyang bisig at nakadantay sa kanyang dibdib ay biglang lumaki at bumigat. Itinulak niya ang sanggol papalayo sa kanyang katawan at ibig na ihagis o ihulog iyon nguni’t ang mga kamay nito ay nakasakal na sa kanyang leeg. Nakita niya ang sanggol na nag-iba ang anyo, nagkaroon ng balahibo ang mukha at mga bisig, nanlilisik ang mga mata, at naging matutulis ang mga kuko. Hindi man lamang nakasigaw ang nars; nang matagpuan siya ay nakahandusay na sa sahig, dilat ang mga mata, duguan, at wala nang buhay. Ang mukha at dibdib ng nars ay tila karne sa tadtaran na hiniwa-hiwa ng kutsilyong matalim.

Hindi kaagad maipaliwanag ng mga pulis kung ano ang totoong naganap. Nawala ang nagsilang na ina at nawala rin ang isinilang na sanggol na, ayon sa sabi-sabi, ay siyang pumatay sa nars.

Samantala, sa nayon ng Lagrimas ay kadarating pa lamang, sakay ng isang tricycle , ang isang babaeng nakalugay ang buhok at tila pagod sa paglalakbay. Habang bumababa ang babae mula sa tricycle ay pasakay naman sa sasakyan ding tinuran si Father Robert. May ilang taga-nayon ang nakapaligid kay Fr. Robert. Nagbibigay sila sa pari ng pasasalamat at magandang hangarin na siya sana ay magkaroon ng mahinahong paglalakbay at magandang kapalaran sa susunod na tungkulin. Nagpasiya ang puno ng simbahan sa probinsyang kinabibilangan ng Lagrimas na isara na ang maliit na kapilya sa nasabing nayon. Kakaunti ang tao sa Lagrimas at lalong kakaunti ang tumatangkilik sa kapilya.

Sa malayo ay nakatanaw mula sa bintana ng kanyang kubo ang arbolaryo ng nayon, si Tata Pepe.

“Gunding, paalis na ang pari,” sabi sa asawa. “Natuloy ang pagsasara sa kapilya. Natitiyak kong malaya nang makapaglalaro ang mga masasamang espirito.”

“Mahabaging Birhen ng Lagrimas! Huwag naman sanang mangyari, Pepe. . .” sagot ni Gunding.

Nang gabing iyon ay malakas ang hihip ng hangin. Tila may namumuong sama ng panahon; marahil ay padating ang isang bagyo. Naririnig ng mag-asawang Pepe at Gunding ang pinto ng kapilya na humahampas sa dingding gawa ng malakas na hangin; naiwan ni Father Robert ang pinto na hindi mahigpit ang pagkakasara.

“Pepe, halika’t ikandado natin ang pinto ng kapilya,” paanyaya ni Gunding sa asawa.

Agad na tinahak ng mag-asawa ang landas patungo sa kapilya. Inabutan nila ang pinto na hindi mapatigil sa bukas at sara dahil sa malakas na hihip ng hangin. Maingay ang salpok nito sa pader at nakagagambala ang langitngit ng mga kalawanging bisagra nito. Madilim sa kapilya nguni’t naaninag ng mag-asawa ang estatwa ng birhen sa may dako ng altar. Malamang na ang estatwa ay mahuhulog sa lupa at mabibiyak kung magpapatuloy ang pag-uga dito ng malakas na hangin.

“Pepe, iuwi muna natin ang birhen habang sarado ang kapilya at habang walang pari na nag-aalaga.”

“Ikaw ang bahala, Gunding.”

At makikita sa kadiliman ang mag-asawa na buhat-buhat ang imahen ng birhen habang sila’y maingat na naglalakad pabalik sa kanilang bahay; makikitang pinapagpag ng hangin ang kanilang kasuotan at balabal. Mula sa malayo ang nakatatakot na atungal ng aso ay maririnig.

Sa isang bahay-kubo ay magkasalo sa hapunan ang isang mag-ina: sina Ka Dolor at Veronica. Dumating galing sa Maynila ang huli, anak na babae ni Ka Dolor, nang hapong iyon. Nagpasa-Maynila si Veronica upang doon mag-aral sa kolehiyo. Ang kanyang pagdating sa nayon ng Lagrimas na walang pangunang balita ay ikinagulat ni Ka Dolor.

Maganda si Veronica. May kaitiman ang kulay ng balat at napakaamo ang mukha. Humigit-kumulang ay dalawampu’t limang taong gulang siya. Balingkinitan ang kanyang katawan at katamtaman ang taas. Ang palatandaan sa kanya ay ang maliit na nunal sa mukha na nasa may ilalim ng kanyang kaliwang mata. Ayon sa kanyang ina, siya’y ipinaglihi sa Birhen ng Lagrimas, imahen ng Ina ni Kristo na may patak ng luha sa kaliwang mata – ang patron ng nayong Lagrimas, ang imaheng inilikas ng mag-asawang Pepe at Gunding mula sa isinarang kapilya patungo sa kanilang bahay.

Nararamdaman ni Ka Dolor na may problema ang anak na babae. Tila siya pagod at balisa.

“Babalik ako sa eskwela, Inang, makalipas lamang nang ilang araw. Sinamantala ko na mabisita kayo habang nakabakasyon ang mga estudyante,” pahayag ni Veronica sa ina.

“Salamat naman, anak, at nakaalala ka. Bukas ay makapapasyal tayo sa parang. May mapipitas pang mangga . . . Sana nga lamang ay hindi sasama ang panahon,” sabi ni Ka Dolor.

Malamang na hindi matutuloy ang binabalak ni Ka Dolor na pamamasyal sa bukid. Nang gabi pa lamang na iyon ay malakas na ang hangin at may maririnig na kulog sa kalayuan, kapuwa pagbabadya na may unos na dumarating.

Nguni’t higit na balakid kaysa panahon ang naganap nang gabing iyon. Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising si Ka Dolor sapagka’t narinig niyang umuungol si Veronica. Pinuntahan niya sa silid ang anak at sinabihan ng: “Veronica, Veronica, gising!”

“Lumayo ka sa akin,” sabi ni Veronica sa boses na malaki at nakapagpapatayo ng balahibo.

Tila wala sa sarili si Veronica. Nakangiwi ang kanyang bibig, dilat nguni’t nakatirik ang mga mata. Hindi maintindihan kung siya ay tulog o gising. Namimilipit siya sa higaan.

“Huwag kang makialam!” salitang lumabas sa bibig ni Veronica na ang tinutukoy ay ang ina. “Huwag kang lalapit!”

Nahintakutan si Ka Dolor sa nakita at narinig nguni’t pinilit pa rin niya na mayakap ang anak. Nadama niya na mainit ang katawan ni Veronica. Nagpumiglas si Veronica sa pagkakayakap at itinulak ang ina. Pambihira ang lakas ng pagkakatulak, humagis ang ina at bumangga sa dingding ang kanyang likod.

Litong-lito si Ka Dolor sa nangyayari. Ang naisipan niyang gawin ay puntahan kaagad si Tata Pepe upang humingi ng tulong.

Nang makita ni Tata Pepe ang kalagayan ni Veronica ay alam na niya kung ano ang nagaganap. Agad siyang nagdasal nang malakas at inilantad sa harap ni Veronica ang isang kurus. Matapos ang ilang sandali ay namayapa si Veronica at nakatulog muli.

“Sinapian siya ng masamang espirito, Ka Dolor. Hayaan n’yo siyang makapagpahinga at sa umaga ay babalik ako at mag-uusap kami ni Veronica nang masinsinan,” pasubali ni Tata Pepe.

May isa pang tao, isang dayo, na kadarating din sa nayon ng Lagrimas. Siya si Balthazar, isang sekreta o tiktik ( detective/investigator ) mula sa Manila Police. Siya ang naatasang magbigay linaw at kalutasan sa kalagim-lagim na pagkakapatay sa nars sa ospital. Hinuha ni Balthazar na may kinalaman sa krimen ang babaeng nagsilang ng sanggol bago biglang nawala. Napag-alaman niya na ang babaeng nagsilang ng sanggol at nawala ay taga-Lagrimas. Iyon ang dahilan kung bakit siya ay nasa nayon na iyon.

Hiniling ni Tata Pepe kay Ka Dolor na lumisan panandalian upang sila ni Veronica ay magkaroon ng malayang pag-uusap. Ipinagtapat ni Veronica kay Tata Pepe ang buong katotohanan:

Minsang siya ay nag-iisa sa kanyang silid sa dormitoryo ay may nakapasok na lalaki na hindi niya alam kung saan nagdaan, sapagka’t hindi naman bumukas ang pinto. Inakit siya sa pamamagitan ng magagandang salita at kung anong uri ng panggagayuma na nagpawala sa kanya ng lakas na lumaban. Ni hindi siya nakasigaw sapagka’t siya’y nasa pagitan ng isang panaginip at pagiging gising.

“Tata Pepe, nailugso ang aking puri ng lalaking di ko kilala at sa aking panghihina ay hindi ko naipagtanggol ang aking sarili,” salaysay ni Veronica na may mga luhang nagpupumiglas sa kanyang mga mata. . . “At paglipas ng sapat na panahon ay nagsilang ako ng isang sanggol. Hindi ko matanggap na angkinin ang bata. Kung kaya’t iniwan ko sa ospital. May ilang gabi bago nangyari ang pagpasok ng lalaki sa aking silid, ako’y nagkakaroon ng masasamang panaginip. Ibig kong gumising at sumigaw nguni’t di ko magawa. Init na init ang pakiramdam ko at tila may yumuyugyog sa aking katawan. . .”

Pinayuhan ni Tata Pepe si Veronica na isuot sa kanyang leeg ang isang rosaryo na sa may dulo nito ay may nakasabit na kurus. “At sa tuwing may mararamdaman ka na ligamgam na magpapatayo sa iyong balahibo ay dasalin mo ang orasyon na ibinigay ko sa iyo.”

“Sana po Tata Pepe ay di malaman ng Inang . . .”

Pagdating ni Tata Pepe sa kanyang kubo ay naroo’t naghihintay ang isang mataas na lalaki na maputi at makinis ang balat – mapagkikilatis na ang lalaki ay taga-siyudad. Matipuno ang pangangatawan at may bigote. “Ako po si Tenyente Balthazar, tiktik mula sa Manila Police Department,” pagpapakilala kay Tata Pepe ng di inaasahang panauhin.

Dagdag pa niya, “May sinisiyasat po akong kaso at sa pagtatanong ko sa mga taga-rito ay napag-alaman kong kayo pala ang sanggunian ng mga taga-rito. Hinahanap ko po ang isang babaeng nagngangalang, Veronica dela Paz.” At isinalaysay ng tiktik ang krimen na naganap sa Calalang General Hospital sa Maynila.

“Sa akin pong palagay ay si Veronica dela Paz ang salarin. Paano pong ang isang kasisilang na sanggol ay maaaring pumatay sa isang nars?” tuwirang ipinagtapat ng tiktik.

“Hindi mo nalalaman kung ano ang Tiyanak. Ipaliliwanag ko sa iyo: Nasa ating paligid ang iba’t ibang uri ng espirito. Magkaminsan ay naghahangad ang mga espirito na maranasan ang pagkakaroon ng katawang-tao. Ang sinasabi mong Veronica ay hinalay ng isang makapangyarihang espirito at nagpunla ng sanggol sa sinapupunan ng nasabing kaawa-awang birhen. Tiyanak ang tawag doon sa mga ipinanganganak ng nilalang na babae na ang pinagmulan o ang “ama” ay masamang espirito. Anyong sanggol sila at nagagaya ang iyak ng sanggol kung kaya’t nakaaakit ng tao at pagkatapos ay nag-iiba ang anyo – lumalaki ang katawan, humahaba ang mga kuko, nagkakabuhok na tila buhok ng baboy, kumukulubot ang balat, nagkakapangil at nagkakaroon ng pambihirang lakas. Nakalalakad sila nguni’t maikli ang isang paa at kung mamalasin ay katulad sila ng matandang lalaking iika-ika kung lumakad. Maaari din namang ang Tiyanak ay nasa sinapupunan ng isang ina na namatay bago siya magsilang. Pagkalibing sa inang namatay ay nakalalabas sa pagkakabaon sa lupa ang ibig magka-katawang tao na espirito na kung tawagin ay Tiyanak nga.“

Tila namangha si Balthazar sa isinalaysay ng kausap na arbolaryo. Iniisip niya kung ang kausap ay totoong may nalalaman sa mga sinasabing kababalaghan sa mundo o malikot lamang ang kanyang pag-iisip at ang mga bagay na kanyang kapapaliwanag ay kathang-isip lamang.

“Bale wala ang baril mo, kaibigan, sa Tiyanak o sa makapangyarihang espirito. Kung ibig mong ipagpatuloy ang iyong pagtigil dito sa nayon at sa iyong pagsisiyasat ay makabubuting humanap ka ng bala ng baril na yari sa pilak. Narito ang isang supot na bawang – takot ang Tiyanak sa bawang – at, tandaan mo, sila’y mapapatay mo lamang sa pamamagitan ng punglo na pilak,” payo ni Tata Pepe.

Nagpaalam bigla ang tiktik at mahahalatang ito ay pinapawisan at nagmamadali sa paglisan. Sa di kalayuan ay itinapon niya ang supot ng bawang na ibinigay sa kanya ni Tata Pepe.

Babalik na sa Maynila si Veronica nang kinabukasan kung kaya’t nang gabing iyon ay naisipan niyang sumaglit sa kapilya upang magbigay-galang sa Birhen ng Lagrimas. Malaking sorpresa sa kanya na ang kapilyang nadatnan ay bukas ang pinto, madilim, at nagkalat sa sahig nito ang mga nilipad na dahon mula sa labas. Nguni’t pumasok pa rin siya, lumuhod sa may altar, at nagdasal.

Sa di kaginsa-ginsa ay may humablot sa kanyang mga kamay at hinatak siya patungo sa isang poste ng kapilya. Ipinaikot ang kanyang mga braso sa poste bago kinabitan ng posas ang kanyang mga kamay.

“Ngayon ay hindi ka na makatatakas pang muli, Veronica,” sabi ng lalaking di pa naaaninag ng bihag kung sino dahil sa madilim ang paligid.

“Heto sa iyong harapan ang kaawa-awang sanggol na tinalikuran mo; masdan mo siyang mapoot sa iyo,” banta ng mahiwagang lalaki.

“Mahabaging Birhen ng Lagrimas, tulungan mo po ako!” nasambit ni Veronica.

“Wala nang maykapangyarihan sa kapilya na ito, sa nayon na ito, kundi ako ang Prinsipe ng Kadiliman. Wala nang pari, wala nang Birhen, wala nang sagradong kurus.” Hiyaw ng lalaki na pagalit ang himig.

Samantala ay umiyak na bahagya ang sanggol, bago ang boses sanggol ay nagbago - naging magaralgal na boses ng isang halimaw na nagagalit din. Lumaki ang sanggol at naging Tiyanak. Papalapit siya kay Veronica upang sakmalin ang kanyang leeg.

Nagtitili si Veronica at ang kanyang tili ay pumunit sa katahimikan ng gabi.

Pagkatapos ay may narinig na apat na putok mula sa isang riple. Nakita ni Veronica na tumumba ang lalaking naglagay ng posas sa kanyang mga kamay at pati na ang Tiyanak na nakaakmang pumatay sa kanya.

Lumapit sa kanya si Tata Pepe na may hawak na riple at ang dulo ng riple ay umuusok pa. Naroon din si Gunding na may hawak na sulo.

Inilawan ni Gunding ang dalawang katawan na nakasubsob sa sahig. Nakita nila na ang isa ay si Balthazar, ang nagpanggap kay Tata Pepe na siya ay isang tiktik ng Manila Police; at ang isa ay isang matandang lalaki na kulubot ang mukha.

Itinapat ni Tata Pepe ang imahen ng Birhen ng Lagrimas sa dalawang nagkatawang-tao na nasa sahig at di na gumagalaw. Alam niyang sila ay masasamang espirito – kampon ng “mabait” – at sa ilang saglit ay tila nadarang sila sa apoy, umusok, at bigla na lamang nawala.

                                    

Natuloy kinabukasan ang pagluwas ni Veronica sa Maynila. Nang sumunod na Linggo ay dumating sa kapilya ang mga taga-nayon upang buksan muli ang mga pinto nito at ilagak muli ang Birhen ng Lagrimas sa kanyang hantungan. Nilinis nila ang kapilya, ibinalik ang mga ilaw, at tiniyak nila na di na muling makababalik ang mga “mababait”; na magpapatuloy ang pagtatangkilk ng birhen sa mga taga-nayon at nang sila ay magkaroon ng kaligtasan at kapayapaan. At kung wala mang pari na maninirahan sa kanilang nayon ay may paring darating tuwing Linggo upang ipagdiwang ang misa

Wakas..

Lesson: H’wag tayong makalimot sa may kapal.H’wag nating kalimutang magsimba at magkaroon ng matinding pananalig sa nasa-itaas at kaibigan diringgin ka niya higit pa sa inaasam mo.

credit to: Percival Campoamor Cruz 

Continue Reading and Voting guys :)

Untold#9-Selfie

Selfie tayo!

Lumingon si Anabel sa kanyang kaliwa ngunit ang tanging nakita niya lamang ay ang kanyang mga kaklaseng abalang-abala sa pagkopya ng lecture na isinusulat ni Ms. Alejandro sa white board. Iginala niya ang kanyang mga matang namumugto at namumula.

“Please, tama na,” naibulong niya sa sarili.

Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa harapan ng silid-aralan. Sa kanyang kanang kamay ay mahigpit niyang hawak-hawak ang isang itim na ballpen ngunit wala naman siyang isinusulat. Sinubukan niyang basahin ang nakasulat sa white board ngunit hindi niya magawa. Para bang nanlalabo ang kanyang mga mata. Para bang nakalimutan niya kung paano ang magbasa.

Selfie tayo!

“Tama na!” Napatayo si Anabel. Nakapikit ang kanyang mga mata at nakasabunot sa kanyang mahabang buhok ang kanyang dalawang kamay. Ang hawak niyang ballpen ay tumilamsik sa bandang likuran ng klase.

“Anabel? May problema ba?”

Dahan-dahang idinilat ng babae ang kanyang mga mata at nakita si Ms. Alejandro. Nakakunot ang noo nito, halos salubong na ang kilay. Bata pa naman ang kanilang guro at dalaga pa, ngunit kung titingnan ay para bang may anim na anak na ito.

“W-Wala po, ma’am.” Mabilis na umupo si Anabel. Lahat ng kanyang mga kaklase ay iisa lamang ang tinitingnan. Ang iba naman ay mahinang tumatawa. Muling humarap ang guro sa white board.

“Oy, Anabel. Ano bang nangyayari sa’yo?” bulong ng kanyang kaklase na nakaupo sa kanyang likuran sabay abot ng ballpen nitong tumilapon kanina.

“W-Wala, June,” mahinang niyang sagot. “Ayos lang ako.”

“Bakit ba parang puyat na puyat ka? Huwag mong sabihing nag-FB ka naman magdamag at nagselfie-selfie?

Biglang nanlaki ang mga mata ni Anabel sa sinabi ng kaklase. Ang kanyang buong katawan ay nagsimulang manginig.

Selfie tayo! Ngayon na!

Muling lumingon si Anabel sa kanyang kaliwa. Isang mahinang sigaw ang kumawala mula sa kanyang mga labi. Sa labas ng kanilang silid-aralan, isang babae ang nakasilip sa salaming bintana. Magulo ang buhok ng babae, na tumatakip sa mukha nito. Tanging ang maputla ngunit nakangiting mga labi ang nakikita ni Anabel. Gusut-gusot din at marungis ang suot na uniporme ng babae ngunit hindi naman nakikilala ni Anabel kung ano bang eskuwelahan iyon. Kumakaway sa kanya ang babae. Tinatawag siya.

“Tama na!” sigaw ni Anabel at biglang napaiyak. Hinablot niya ang kanyang pink na bag na nasa lapag at binuksan ang zipper ng bulsa sa harapan. Mabilis niyang inilabas ang kanyang iPhone 4S at pinindot ang camera icon.

“Ito na! Masaya ka na ba?” Itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak na cellphone at itinutok ito sa kanya. Sa LCD screen ay makikita ang kanyang mukhang para bang papel na nilukumos.

“Ito na! Tigilan mo na a—”

Biglang may humablot sa hawak na cellphone ni Anabel.

“Anabel? Anong nangyayari sa’yo? Nasisiraan ka na ba?” tanong ng kanilang guro.

“M-Ma’am Alejandro. A-Akin na po yung cellphone ko. Kailangang-kailangan ko po ’yan.” Pilit inaabot ni Anabel ang kanyang cellphone na itinatago naman ng kanilang guro sa kanyang likuran.

“At bakit? Para mag-picture?” Nanlalaki ang mga mata ng guro. Pati ang butas ng ilong nito ay lumalaki-lumiliit. “Para mag- selfie ?”

“Ma’am. Hindi niyo po naiintindihan,” halos hindi na maintindihan ang sinasabi ng dalaga dahil sa paghagulgol nito. “Kailangan ko po ’yan. Kailangan ko pong mag-selfie ngayon.”

Hindi maipinta ang mukha ni Ms. Alejandro. Para bang nakakita siya ng isang asong ulol na kinakain ang sarili nitong suka.

“Kayong mga kabataan talaga!” Mabilis na tumalikod ang guro at tinungo ang kanyang lamesa sa harapan ng silid. “Ms. Cruz. Nakalimutan mo na bang nasa school ka? Bawal ang cellphone during classes. I’m sorry but I’m confiscating this. Kuhanin mo na lang mamaya sa Principal’s Office kasama ng parents mo.”

Nagsimulang magsermon si Ms. Alejandro ngunit hindi na siya narinig ni Anabel. Nakapako ang mga mata ng dalaga sa likuran ng classroom. Doon, sa likod ng kanyang mga kaklaseng hindi niya matandaan ang mga pangalan (parati kasi silang nakaupo sa likuran, hindi nakikihalubilo, at para bang may sariling mundo), ay nakatayo ang marungis na babaeng nakasilip sa bintana kani-kanina lamang. Nakangiti pa rin ito ngunit sa pagkakataong ito, nakataas ang dalawang kamay nito na para bang nais siya nitong yakapin.

Kumaripas ng takbo si Anabel.

“M-Ms. Cruz? Saan ka pupunta?”

Hindi na siya narinig pa ng dalaga. Nakalabas na ito ng silid-aralan at tumakbo sa mahabang pasilyo ng kanilang building. Oras ng klase kaya’t walang estudyanteng nasa labas.

“Cellphone. Kailangan kong makahanap ng cellphone,” sabi ni Anabel sa sarili.

Sa tapat ng kanilang building ay mayroong isang malaking quadrangle kung saan isinasagawa ang flag ceremony tuwing umaga araw-araw. May ilang mga estudyanteng naglalakad-lakad, marahil ay bakante sila sa oras na iyon.

“E-Excuse me. Pwede bang makahiram ng cellphone?” tanong ni Anabel sa isang batang estudyante. Ngunit kumaripas lamang ng takbo ang lalaki matapos makita ang kabaliwan sa mata ng dalaga.

“Please, parang awa niyo na. Kailangan ko lang magselfie.”

Pinagtitinginan lamang siya ng mga tao, nagtatataka kung bakit nagsisigaw ang babae.

Selfie tayo!

Sa gilid ng Main Building ng kanilang school ay may ilang estudyanteng nakatambay at nagtetext. Nang makita ito, mabilis na tumakbo si Anabel patungo sa mga estudyante. Simbilis ng kidlat ay hinablot niya ang hawak na cellphone ng isa.

“H-Hoy! Cellphone ko!”

Hindi na lumingon pa si Anabel. Tumakbo na lamang siya ng tumakbo, nais na makalayo sa mga tao upang makapag-selfie. Hindi niya napansin na nakalabas na pala siya ng gate ng kanilang eskuwelahan.

Hingal na tumigil ang dalaga. Gulu-gulo na ang kanyang buhok at marungis na ang kanyang magandang mukha dahil sa luha at sipon. Agad niyang tiningnan ang kinuhang cellphone. Lumang modelo na ito ngunit may camera naman. Pinindot niya ang camera icon ng camera.

“Maawa ka, tigilan mo na ako.”

Pinindot niya ang buton para kumuha ng litrato.

Walang nangyari.

Muli niya itong pinindot.

Ngunit wala pa ring nangyari.

Nanginginig ang mga kamay na nilapit niya ang cellphone sa kanyang mukha.

Low power. Shutting down…

“H-Hindi. Hindi!”

Sabi ng selfie tayo, eh!

Isang malamig na braso ang yumakap sa leeg niya mula sa likuran. Nangingitim na ito, nabubulok na.

Hindi makakilos si Anabel. Para bang nawalan ng lakas ang kanyang buong katawan.

Isang kamay ang lumabas mula sa kanyang likuran. May hawak-hawak itong cellphone. Isang cellphone sira-sira at may mga crack na. Itinutok ng kamay ang cellphone sa kanyang mukha. Sa LCD screen ng cellphone ay nakita ni Anabel ang kanyang walang kulay na mukha. Nakita rin niya ang mukha ng babaeng nasa likod niya, ang babaeng nakayakap sa kanya. Nakangiti ito sa kanya, ang mga ngipin ay nangingitim at nabubulok na.

Selfie tayo!

Click!

Ito ang huling narinig ni Anabel bago siya binawian ng buhay. Hindi niya napansin na tumigil pala siya sa gitna ng isang malawak at abalang highway. Hindi niya narinig ang mga busina ng mga sasakyang dumadaan. Hindi niya nakita ang sigaw ng mga taong tumatawag sa kanya.

At hindi niya naramdaman ang pagtama ng isang pampasaherong bus sa kanyang maliit na katawan.

#########################

“At sa susunod na balita, isang high school student na nagselfie sa gitna ng highway, patay matapos mabangga ng rumaragasang bus. Pakinggan natin ang report ni Mitch Flores. Mitch?”

“Hoy, Angela. Halika, panoorin mo ito. Bilis.

“Grabe. Nakuhanan pa ng CCTV, oh. Hoy, Angela. Nakikinig ka ba?

“Tama na nga ’yang kaka-cellphone mo. Hindi mo ba nakita yung nangyari dun sa bata? Ka-edad mo pa naman.

“Anong hindi ka naman katulad niya? Eh, hindi ka nga makakilos ng wala yang cellphone mo.

“Piktyur dito, piktyur doon. Pati ba kung ano ang kinakain mo, kailangan mo pa piktyuran?

“Kulang na lang pati pagtae mo piktyuran mo!

“Anong ‘Nanay naman’? Hindi ba’t tama naman ang sinasabi ko!

“Hay naku, Angela. Ilang beses ko na bang sinabi sa’yo na bawas-bawasan mo yang kaka-selpy mo.

“Makakasama sa iyo ’yan.”

Wakas…. 

credit to: MartinTristan M. Carneo

Untold#10-Radio Station

Radio Station

                        “Good morning! Ako nga pala si Mary Rose Madasig at isang malaking karangalan sa akin ang mapabilalang sa mga writer ng DZMT radio station,makakaasa po kayo na ibibigay ko ang aking buong panahon at talento para mas mapaunlad pa ang estasyon na ito.”

“Maraming salamat Mary Rose, at umaasa kaming maging maganda ang pagsasama natin ditto! Guys, since na baguhan itong si Mary Rose pakialalayan lang siya, you may now go to your assigned seat!” ani ng manager ng estasyon na si Ms.Gallardo sa kanyang mga emplyado.

Pagkatapos ng meeting ay bumaba na sa ground floor ang mga emplyado ng istasyon, maliban kay Mary Rose na nanatili sa 2nd floor habang tinitingnang mabuti ang bawat sulok ng istasyon.

Unang araw niya kasi ito sa trabaho matapos niyang maipasa ang exams at interview.

Malawak ang DZMT, mayroon itong dalawang palapag ang 2nd floor kung saan naroon ang managers office, ang kanilang conference room, gayundin ang drama room. Isa kasing AM station ang DZMT kung saan ang kanilang mga programa ay nahahati sa drama at public affairs, habang nasa ground floor naman ng istasyon ang kanilang technical department, kasama ang anchors’ booth, kung saan nagsasalita ang mga anchors o announcers, at ang technical booth kung saan naroon ang mga technician habang minomonitor ang mga equipments ng station.

Bukod sa mga ito nasa groundfloor din ang newsroom ng istasyon .

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Mary Rose sa araw na iyon, matapos ifamiliarize ang kabuuan ng estasyon ay tinungo niya na ang newsroom kung saan siya magsusulat ng mga balita bilang isang news writer.

“Mary Rose, halika, tignan mo itong ginagawa ko,” ani ni Orkids isa sa mga news writer na makakasama niya sa istasyon.

Agad naman siyang lumapit sa tabi ni Orkids at tinitignan ang ginagawa nito sa computer.

“Naku mukhang kaya ko naman!” ani Mary Rose.

“Mabuti naman kung ganoon, mas maganda kung madali kang matuto, kasi dito sa estasyon tig-iisang news writer lang ang nakaduty.”

“Anong ibig mong sabihin,?” tila naguguluhang tanong ni Mary Rose

“Ganito kasi iyon, dito sa Dzmt kahit naka off air na tayo ay nakaduty pa rin ang newswritter,meaning tayo lang ang matitira ditto sa estayon.”

“Ano daw?, hindi ko pa rin naiintindihan!”

“Ganito yon Mary Rose, halimbawa ako ang duty ko, 8:00am -500 pm, pagdating ng 5pm uuwi na ako iisa naman ang papalapit sa akin .duty niya 5:00 pm hanggang 11pm, hahalili na naman sa kanya ang isa pang newswritter ng 11pm-hanggang 6:00am.“mahabang paliwanag ni Orkids

“Naku!,ibig sabihin kahit hatinggabi na tanging newswriter lang ang nandito?”

“Tumpak Mary Rose!”

Malapit ng mag-out si Orkids, mag aalas singko na kasi ng hapon, marami-rami na rin siyang natutunan sa trabaho ng isang newswritter at dahil isang masscomm student si Mary Rose, sisiw sa kanya ang paggawa ng mga balita.

“Hmm,….mukhang nararamdaman kong ito na ang magiging first and last station kong mapapasukan”,bulong ni Mary Rose sa sarili dahil sa labis niyang nagustuhan ang estasyon at ang kanyang trabaho. “Naku Mary Rose, mukhang mapapasubo ka yata ngayon”, ani Orkids

“Anong ibig mong sabihin ?”

“Ano kasi Mary Rose eh , Si Jun, yung hahalili sa akin, nagtext, hindi daw muna siya makakapasok ngayon, hahabol na lang daw siya mamayang 11pm” paliwanag ni orkids

Tila naiintindihan naman ni Mary Rose ang nais na ipahiwatig ng kasamahan kaya nagmagandang loob na lang siya at nag-alok na siya na muna ang magduduty.

“Naku fren, maraming salamat talaga ha,you know what, I’m sure matutuwa ang manager natin sa kasipagan mo.”

Tumawa nalang si Mary Rose sa tinuran ng kasamahan.

Matapos turuan ni Mary Rose si Orkids ng mga dapat gawin ay umalis na rin ito.

Mag-isa na ngayon si Mary Rose sa loob ng newsroom habang nasa harapan ng computer at gumagawa ng balita.

Mag-aalas siyete na ng gabi nang makaramdaman siya ng gutom, kaya saglit muna niyang inihinto ang kanyang trabaho at lumabas ng estasyon.

Nasa Centro ng Cebu City ang kanilang estasyon kaya maraming mga kainan ang nakapaligid dito. Natanaw niya ang karenderia,sa tapat ng estasyon at doon siya nagtungo.

Umorder siya ng isang kanin at isang paksiw sa tindera.

“Bago ka ba diyan?”, tanong ng tinderang nagserved ng kanyang order.

“Oo”, ang matipid na sagot ni Mary Rose

“Ano ang trabaho mo diyan?”

“News writer”, muling sagot ni mary Rose

“Ah,“patango-tangong wika ng tindera.

Tila nahihiwagaan si Mary Rose sa reaksyon ng tinderang kausap niya, ngunit binaliwala niya lang ito. Pagkatapos kumain ay muli siyang bumalik sa newsroom, upang ipagpatuloy ang trabaho..

Hanggang 10:30 pm lang ang DZMT at mag-sisign off na ito at pagkatapos noon mag-uuwian na ang mga anchors maging ang technician, at maiiwan na siyang mag-isa.

Soundproof ang isang radio station kaya anumang ingay sa labas ay hindi ito naririnig sa loob, kaya noong magpaalam ang mga bagong kasamahan ni Mary Rose na umuwi ay wala ng ibang naririnig sa estasyon kundi ang tunog ng keyboard sa computer na ginagamit niya.

Maya maya pa, naiihi siya kaya tinungo niya ang CR na sa dulong bahagi pa katabi ng technical department. Habang nilalakad ang aisle ay tila unti-unti naming lumamig ang hangin , sa wari niya ay may mga matang nagmamasid sa kanyang mga hakbang.

Binilisan niya ang paglalakad upang maabot ang Cr.

“Ano ba naman itong ilaw sa CR na ito, patay sindi.!Di bali na, “bulong ni Mary Rose sa sarili.

Pagkatapos ay mabilis niyang tinungo ang newsroom, ngunit bago paman niya ito narating ay nakarinig siya ng ingay mula sa 2nd floor ng estasyon kaya mabilis siyang umakyat sa hagdanan upang tignan kung saan nagmumula ang ingay na kanyang naririnig.

“Hay naku, baka guni-guni ko lang iyon, wala namang tao”, usal niya sa sarili.

Akmang bababa na siya sa hagdan ng makarinig siya ng isang napakalakas na tawa.

“wahahhaha…hhahahha”

Palinga-linga siya sa paligid ngunit wala siyang makitang tao, palakas na palakas ang halakhak. “wahahhahahah…hhahahahahha….”

Napasigaw siya sa takot habang kumaripas ng takbo papuntang first floor.

Nasa first floor siya ngunit biglang nagdilim ang buong kapaligiran,

“Tulong-tulongan niyo ako,,…!”

Mabilis niyang tinungo ang pintuan palabas ng estasyon at dahil bukas ang karenderyang pinagkainan niya kanina ay doon siya tumakbo.

“Tubig-tubig,pahingi pong tubig!” ang wika niya habang naghahabol ng hininga. Agad naman siyang binigyan ng tubig ng tinderang kausap niya kanina.

Ng mahimasmasan ay ikinuwento niya sa tindera ang kanyang naranasan sa loob ng estasyon, ngunit tila hindi na ito nagtataka.

“Naku miss, hindi ikaw ang kauna-unahang emplyado ng estasyon na iyan ang may ganyang kwento.!” “Anong ibig mong sabihin?“takang tanong ni Mary Rose.

Sa pakikipagkwentuhan niya sa tindera, napag-alamn niyang mayroon palang isang newswriter sa estasyong iyon ang nagpakamatay matapos mapatalsik sa estasyon matapos mahuling nakipagtalik sa loob ng radio station.

At hindi matahimik ang kaluluwa niya.

Kinabukasan agad na ipinasa ni Mary Rose ang kanyang resignation letter kay Ms.Gallardo.

Bagay na hindi na rin ipinagtaka ng manager ng estasyon  …

Wakas…

Credit to: Meriam Gumanid

Untold#11-I Was Posses

I Was Posses

              B ata palang ako alam ko ng hindi ako ordinaryo. May mga bagay akong nakikita at nararamdaman na hindi na-e-experience ng isang normal na tao. Nakatira pa kaming noon ng family ko sa bahay ng lola ko. Nagsimula ito ng minsang magising ako sa kalaliman ng gabi ,hindi ko alam kung bakit basta nagising na lang ako kasabay ng pag-gising ko nakaramdam ako ng kilabot at hindi ko ma-explain kung anung dahilan ng kilabot na yun… Pagkatapos ng gabing yun nagsimula na akong makakita ng mga nakakakilabot na bagay.. Una kong na-encounter iyong white lady.

        Galing ako noon sa banyo, kakatapos ko lang maglinis ng katawan saktong palabas na ko ng pinto biglang naging malamig ang paligid ko …Bukas pa ang mga ilaw noon sa kusina pagtingin ko sa may pintuan sa kusina nakita ng dalawang mata ko na may dumaang babae sa may pinto .

Itim na itim ang buhok niya at ang haba ng damit nito at puting-puti pa ’yun..Ng mga oras na yun  nakaramdam na ko ng takot,takot dahil alam ko wala kaming kasama sa bahay na ganoon ang itsura..Imposible na ang lola ko yun!.. Pumikit ako tapos tumakbo na ko noon kay nanay ko na nasa kwarto.

Kinuwento ko sa kanya yung nakita ko pero parang di sya naniniwala sakin.. Naulit pa ang mga ganoong pangyayari,hanggang ngayong college na ako, naka-encounter na rin ako ng tikbalang pero madalas puro mga kaluluwang ligaw ang nagpaparamdam sakin.. 

             Pero nasanay na ko sa mga ganitong senaryo sa buhay ko.. Halos araw-araw ko ba namang maramdaman ’di pa ba ko masasanay.. Pero may isang pangyayari sa buhay ko na talaga namang ’di ko kailanman makakalimutan.. Last year lang nangyari sakin ito. (2008)Piyesta noon sa lugar ng barkada nami,  nagkayayaan ang buong barkada na pumunta at magpalipas ng gabi sa bahay ng barkada namin at siyempre pa,nagkayayaan na ding mag inuman..Since hindi kami mai-a-accommodate lahat sa talagang bahay ng barkada namin nagpasya na lang si Lea (yung barkada namin) na doon na niyakami patutuluyin sa bahay ng lola niya, since wala namang tao doon at wala ng nakatira..Okay naman yung bahay may pagka-spooky yung itsura pero ayos lang madami naman kami..

Pinayagan naman kami ni Lea na maglibot sa bahay since kami lang naman yung nag-o-occupy noon..Ako at yung iba pa ay nag kanya-Kanya na sa pagsilip sa buong bahay, yung iba asa kuwarto,yung iba naman nasa my terrace.. 

Ako kasama pa yung tatlo sa mga barkada ko ay nangahas na buksan yung pinto sa may basement.Pagbukas palang ng pinto ng basement nakaramdam na ko ng kakaiba.. Alam ko na na merong mangyayaring hindi maganda.. Sobrang dilim sa loob .. Nananakot na yung isa sa kasama namin kaya sinarado na ulit namin yung door.. pumunta na kami sa kwarto, nagpalit na ng damit tapos dumiretso na kami sa may kusina..ang daming pagkain na nakahanda sa may mesa.. 14 kaming lahat at karamihan ay babae 3 lang yung kasama naming mga lalaki..Pagkatapos kumain,nagpahinga sandali tapos nagkayayaan ng uminom.. Noong una a-anim lang kaming umiinom.. Hard kasi ’yung tinitira namin ayaw nung iba.. Naka-dalawang shot lang ako wala kasi ako sa kondisyon t’saka inaalala ko kasi ’yung kakaibang feeling ko sa bahay..Habang nag-iinuman may dumating pang bisita si Lea ,tatlong lalaki pa, bale naging 17 na kami sa bahay.. 

Umakyat muna ko sandali sa may kuwarto kung saan ko  iniwan yung gamit ko, i-chineck ko kong may message ni nanay sakin..Wala naman kaya bumalik na ulit ako sa lamesa, nanghingi ako ng yosi sa barkada ko,si Egan.. 

Pumunta ko sa may terrace at dun ako nagsindi,sinamahan ako ng best friend ko tsaka nag-yosi nadin siya.. Ilang sandali lang nag-pabili na ng itong case ng beer si ate Kath.Simula na ng umaatikabong inuman sa isip-isip ko .. 

Shumat lang ulit ako ng nga itong baso tapos umakyat na ko sa may kwarto para manuod ng t.v kaya naiwan sa inuman yung best friend ko..Ang tagal ko na ding nanonood ng biglang makarinig ako ng sigawan sa baba.. 

Sumilip ako sa may pinto.. i was terrified ng makita ko yung isang barkada ko si Ate Rona na nagwawala sa baba ,nagkakagulo na sila si Ate Rona nagwawala sobrang lakas niya,itong barkada na naming lalaki yung pumipigil sa kanya pero wa epek pa din.Sige lang siya sa pag-wa-wala niya..

                       Pumasok agad ako sa kowarto hinanap ko yung rosary na lagi kong baon sa bag then bumaba na din ako , nakita ko yung best friend ko umiiyak na s’ya.Tinanoong ko sya kung anong nangyayari bakit nagwawala si Ate Rona.. Sabi niya bigla nalang daw nagwala si Ate  .. Tinanoong ko sIya kUng madami  na silang nainom,baka kasi epekto lang ng alak ’yun pero hindi daw konti palang ’daw naiinum nila kasi kwento ng kowento si Ate tsaka si Jason ’’yung barkada naming bakla .. Nagpapatawa “daw” ’yung dalawa tapos ang ingay-ingay… 

Nagsasalita na ng waraysi Ate habang nagwawala inihiga na siya sa sahig ng mga umaawat sa kanya. tapos sinampal siya ng sinampal para mahimasmasan pero wala pading epekto, sige padin s’ya sa pagwawala..Tumigil lang s’ya ng kausapIn namIn s’ya tungkol sa anak niya,kitang kita ko na tumulo yung luha niya pagkatapos binigyan siya ng malalakas na sampal ng barkada namin .. 

                 Nawalan na sya ng malay itomigil na din yung pagwawala niya.. Nag-gather kami lahat tapos sabi ko sa kanila dasalan nila si Ate Rona .. Lumingon ako sa paligid, hindi ko mahanap si Jason lumabas ako ng bahay nakita ko siya na nangingisay sa taBe ng isang halaman habang kinakapos ng hininga.. Sinubukan kong syang hilahin pero ’di ko kinaya ang bigat niya .. Nilapitan ko siya paglapit ko sa kanya sa tabe ng halaman naramdaman kong umikot yung paningin ko tapos naramdaman kong kinakapos ako ng hininga .. Parang may sumasakal sakin,pinilit kong habulin yun paghinga ko tumakbo na ako sa loob at humingi ng tulong sa mga kasama ko.Sabi ko sa kanila alisin nila si Jason sa tabi ng puno.. Binuhat agad nila Jason.. Noong nasa may pinto na s’ya papasok nadilim ang paningin ko at nawalan na ko ng malay.. Nararamdaman ko padin yung kumosyon sa paligid ko ,naririrnig ko na halos umiiyak na lahat yung mga barkada kong babae.. sa sobrang takot daw ni Lea pinatawag niya na yung tito niya na may pagka-espiritista.. Naririnig kong kinakausap ako ng kong sinu.. sabi niya sakin lumaban daw ako .. H’wag ko daw hayaan yung nangyayari sakin, … 

               Nang humupa na ang lahat ng nangyari at bumalik na sa normal kinuwento nila sakin na sinapian daw kaming tatlo nila Jason.. Nagwawala na daw tapos sinisigawan ko na daw sila.. Pero wala naman akong maalala, basta ang nararamdaman ko hinang hina yung katawan ko.. 

     Kinaumagahan bago kami umuwI dinasalan kaming lahat lalong lalo na kaming tatlo nila Ate Rona.. Lunes nagkita kita ulit kaming magbabarkada sa school.. Nagkakwentuhan sa nangyari.. 

Umaga noon magsisimula palang yung klas, habang nag-di-discuss yung prof namin sa harap biglang nawalan ng kuryente ,tapos bumalik ’din ulit ,kinabahan ako dahil paglingon ko sa likod ko nakakita ako ng anino,pagkatapos noon wala na kong naalala.Hinimatay daw ako at kinailangan pa ng dalawang lalaki para madala ko sa hotel lab dahil sa sobrang bigat ng katawan ko.. 

Inihiga nila ko sa may higaan hinawakan nila yung mga kamay at paa ko dahil nagsimula na daw akong magwala.. Sinaniban ’daw ulit ako ,sinundan ’daw kaming tatlo noong ghost.. Nagkagulo daw yung klase kaya  nagpatawag ng pari ’yung school director namin para lang matignan ako .Dinsalan ako noong pari at gumawa daw ako ng malaking komusyon sa school.. 

Natakot yung mga iba pang estudyante at nagkagulo yung ibang klase at kanya kanyang usyoso ang mga ito ..Pinaalis noong pare yung spirit sa katawan ko pagkatapos ng insidenteng yun , nahiya na ulit ako pumasok sa school..Nagstop ako ng sumunod na sem para kalimutan ang lahat ng masasamang nagyari, at  tsaka nahiya na din ako sa  ibang mga school mates  ko,pero ngayon balik schoolna ulit ako di ko man nakalimutan ang mga nangyari, pero magsisilbing paalala ito sakin.. 

Alam ko marami pading hindi naniniwala sa nangyari sakin pero alam ko sa loob ko na totoo ’yun at  may mga kaibigan akong makakapag-patunay na totoo ang mga nangyari..  

Wakas..

Author’s NOTE: “May mga bagay at pangyayari talaga na ang hirap paniwalaan.Sabi nga nila to see is too believe”,hindi ba pedeng experience is the best foundation..Nakita mo nga hindi mo naman naramdaman,wala ring silbi.Gaya ng nasabi sa maikling paglalahad na nabasa niyo sa taas mauy mga bagay na hindi talaga maipapaliwanag kaya ang mabuti nating gawin ay ang manalig tayo sa panginoon dahil kapag nasa puso natin siya ang mga bagay na kinatatakutan na natin ang mismong lalayo sa atin <3

.

Nabaliw ako sa pag-e-edit ng story an ito dahil jejemon po ang pagkakatype ng totoong may akda nito..Ito ang pangalawa sa pinakanakakapagod i-edit guys,kaya sa mga readers ko  please do vote and leave comments/feedback..Salamat !

Untold#12-Bahay na Pula

Bahay na Pula [Edited Version]

                                 NAKABIBIGHANI kung matamang pagmamasdan ang Bahay na Pula na niluma ng panahon sa samu’t-sari nitong karanasan sa kababaglahan at misteryo na pilit na inaarok ng ating mga isipang may hangganan…

Malalim ang pangakong magiging panimula ng kwento ng Bahay na Pula ......ilang dekada na rin ang lumipas ngunit patuloy na inaalam ng mga mahihilig sa hiwaga, ang tunay na nasa likod ng kontrobersyal na bahay.    Kulay PULA umano ang paboritong kulay ng may-ari ng naturang bahay na nasasakop ng bayang San Ildefonso, Bulacan.  Madugo at punong-puno ng mga matatapang pakikibaka ang simbolismo sa iba ng kulay pula, subalit ito naman ay kasayahan at kulay ng pag-ibig sa paniwala ng ilan.       Nakamatayan ng may-ari ng bahay na si G. Ramon Ilusorio ang istorya ng katatakutan na nagpasalin-salin sa iba't-ibang panahon hanggang sa mabalitaan na lang natin ang tungkol dito at ang aming mapangahas na paglalakbay ang nagtulak sa amin upang tuklasin ang hindi pa natitiyak...    Tanyag ang mapusturang bahay sa pagiging antigo nito na sinasalimbayan ng mga haplos ng hangin na nakatitindig ng balahibo, aywan raw ang isasagot sa pagiging awtentikado ng ganoong mga kwentuhan.          

                Buhat sa trabaho ay hindi sinasadyang nadaanan namin ang Bahay na Pula na noon lang nasilayan ng aking mga mata, walang pagtindig ng balahibo ang dumapo sa akin, marahil ay dahil na rin sa hindi bagong bagay sa akin ang mga kuwento tungkol sa isang haunted house.

               Nagpasintabi kami bago namin tuluyang pinasok ang bungad ng harapang pinto ng bahay, sumalubong sa amin ang nakaupo sa marungis na upuan na ubaning matandang babae na siyang nagmana ng Bahay na Pula mula sa nagmamay-ari nito. Nagsimula kaming magsiyasat hinggil sa antigong bahay…alumpihit sa pagsagot ang matanda, pigil at maiksi ang kanyang mga tugon, madalas ay paiwas ang kanyang mga titig at pagbitiw ng mga kataga… Sa sunod-sunod naming pagtatanong, lumantad ang katotohanang marami na ang nagparoo’t-parito upang gawan ng istorya ang Bahay na Pula at isang bagay ang kanilang pagkakatulad…lahat sila’y nagbigay ng salapi katumbas ng mga nalalamang kababalaghan ng matanda.

                              Bumulaga sa amin ang hindi inaasahang misteryo ng lumang bahay na inagiw at kinupasan ng pintura…matagal nang hindi nababayaran ang amilyar sa munisipyo ng Bahay na Pula at ang hiwaga nito na lamang ang bumubuhay sa mga naninirahan dito…

             “Gusto n’yo ng kwento? Bayaran n’yo muna ko, lahat ng nagpapakwento sa akin, binabayaran ako…” ang pasungit na sabi ng matanda. “Lola, pare-pareho ho tayong dukha, public service lang ang maibibigay namin sa inyo…” ang nakangiti ngunit medyo inis kong sagot.

Maya-maya pa’y umalingasaw ang napakasang-sang na amo’y mulas sa isang silid,kasabay nito ang pagkawala ng matanda sa kanilang harapan..

Nagkalat ang pulang pintura na naglalakbay patungo sa aming kinaroroonan.Nagulantang kami ng unti-unting naglalakbay ang pinturang tila dugo dahil sa pagka-pula nito.Napasigaw nalang ang kasama ko at nagtatakbo palabas ng mansyon.Kasabay ng kanilang pagtakbo ang pagbuhos ng napakalakas na ulan na sinamahan pa ng napakalakas na kulog at kidlat..Ganun na lamang ’din ang aking pagkagulat ng magsara ang mga bintana at ang lumang pinto..

Kasabay din nito ang pagdanak ng dugo na nanggagaling mula sa duguang katawan ni Bea ang aking kasama.Ako namay tila napipi sa aking mga nasaksihan..“Sanay hindi na lamang namin inalam ang misteryo ng bahay na pulang ito.” Sabi ko sa aking isip..

Dumilim ang paligid at isnag napakalakas na sigaw ang kumawala at siyang nagbigay sa akin ng napakatinding kaba at takot..

“Ang sino mang taong nagpupunta rito ng walang dalang salapi ay tiyak na mamatay…AT KAMATAYAN ANG NABABAGAY SA MGA KATULAD NIYO!!

Nangilabot ang aking katawan at unti-unting nawala ang aking ulirat at tila wala ng hangin ang gusto pa ang dumaloy sa aking katawan..

                       Naglaho ang lahat ng panaghoy ng mga hindi matahimik na kaluluwa at ang lamig ng haplos ng hangin na nagbabadya ng pagkasindak ay napalitan ng pagkaunsyami at pagkaunawa sa misteryo ng kupas na pintura ng bahay na pula…

Kasabay ng paglangib ng pulang pintura ng lumang bahay na yaon, sa pagdaan ng panahon, lumipas na rin ang kasiglahang angkin nito na nagkakasya na lamang sa pagbabalik tanaw sa alaala ng kabutihang loob... na niluma ng paghahangad sa salapi.   

Wakas….

Untold#13-Elevator

Elevator[Un-edited]

                        Mabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad ako papuntang elevator ng ospital na ’to. Hindi ko alam kung dahil sa yosi na katatapos ko lang ubusin o dahil sa kaba kaya parang sumisikip ang didib ko at hinabahabol ko ang aking paghinga.

        Maraming kwento ng kababalaghan akong naririnig tungkol sa ospital na ito. Tungkol sa mga pasyenteng walang mukha na gumagala sa pasilyo ng ospital tuwing disoras ng gabi hanggang sa mga doktor na walang ulo.

Ang gabing ito ay walang pinagkaiba sa ilang gabi naming pamamalagi sa ospital na ito.

Hating gabi na ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil na rin siguro sa maghapon kong pagtulog sa tabi ng pasyente na binabantayan ko.

Naisipan ko munang lumabas saglit upang sumagap ng presko hangin mula sa highway na katabi ng ospital na sinabayan ko pa ng paghithit buga sa yosing hawak ko.

Wala naman akong naramdamang kakaiba nang sumakay ako sa elevator papababa sa unang palapag mula sa ika-apat na palapag. Dahil na rin siguro may nakasabay akong mga emplyedo ng ospital na abala sa pagpapalitan nila nang kanilang mga talambuhay.

Matapos maubos ang isang stick ng yosi, pamasok na ulit ako.Nang malapit na ako sa elevator, bigla ko namang naalala ang mga kwento ng kababalaghan sa naturang ospital.

Anak ng pusang puyat!

Bakit naman kasi sa daming ng pwedeng kong maisip eh ’yun pa?!

Masyado akong tamad para maghagdan at parang gusto ko ding mapatunayan sa sarili ko kung totoo nga ang tungkol sa mga kwentong naririnig ko.

Nasa harapan na ako ngayon ng elevator.

Walang ibang gumagamit.

Pinindot ko ang buton.

Bumukas ang malaking pinto.

Nakahanda na akong makita ang mga ka-tropa ng babae sa Balete Drive.

Wala naman akong nakita kundi ang repleksyon ko sa stainless na dingding ng elevator at ang malaking logo ng ospital sa sahig.

Sumakay ako.

Pindot ang buton ng ika-apat na palapag.

Ang walang limang segundong pag-akyat ng elevator ay parang naging limang minuto bago dumating ng ikalawang palapag.

Bumukas ang pinto ng elevator pagdating sa ikalawang palapag.

May pumasok na isang lalaking nakaputi.

Naramdaman kong nagtayuan ang mga buhok ko sa ilong sa takot.

Hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

Anak ng pusang puyat!

Totoo nga ata ang kwento!

Ang kaninang parang limang minuto ay parang naging limang araw.

Pagdating sa ika-apat na palapapag, bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin na parang biglang lumampas sa akin at nakita ko na lang ang kasabay ko na nakalabas na pala sya ng elevator.

Nilakihan ko na ang hakbang ko.

Hindi ko na napansin ang mga nars na nakatambay sa kanilang istasyon.

Nakita ang nakasabay ko sa elevator na pumasok sa kwarto namin.

Anak ng pusa!

Parang ayaw nya akong papasukin sa kwarto ah?!

Sab nga nila, wag kang matakot sa patay, matakot ka sa buhay.

Nagipon ako ng maraming lakas ng loob bago pumasok sa kwarto.

Nang pihitin ko ang doorknob, may narinig akong mga tinig mula sa loob.

Anak talaga ng pusang puyat!

Mukang nayaya pa ng tropa ang nakasabay ko sa elevator at naisipan pang sa kwarto namin mag-reunion.

Pagpasok ko sa loob, marami na silang nakapaligid sa kama ng pasyente na maghapon kong katabi!

Nilakasan ko ang loob kong lumapit sa paanan ng kama.

Tinapik nang isang nakaputi sa balikat ang aking asawa.

“Ma’am, I’m sorry. Wala na sya.”

Lalo akong kinabahan nang makita ko na ako pala ang pasyenteng nakahiga sa kama.

Wakas..

Untold#14-BALETE DRIVE

BALETE DRIVE[Edited]

       Si Susan ay isang maganda,matalino, at matagumpay na Account Executive sa isang malaking advertising company saOrtigas.

 Bandang alas-nuwebe ng gabi, lulan ng kanyang magarang sasakyan, nagmamaneho si Susan sa kahabaan ng Gilmore Avenue. Katatapos pa lang niyang maisara ang isang mahalaga at malaking business deal.

        Patungo si Susan sa kanilang tanggapan sa may Ortigas Avenue. Gabi na, subali’t kinakailangan niyang bumalik sa opisina. Sa kalayuan, namataan niya ang mabigat na traffic sa intersection. Umiwas ang dalaga at kinabig ang manibela patungong Balete Drive. 

         Madilim ang kalsada at ang tanging liwanag ay nagmumula lamang sakanyang sasakyan. Ipinasya ni Susan na magmadali. Tinawagan niya sa cellphone angkanyang boss, “Sir, I’ll be a bit late… Yeah, heavy traffic e… Yup, I got the contract… I’ll be there in…”

Huli na nang mapansin ni Susan ang pagtawid ng isang batang babae’ng may dalang bilao sa harap ng kanyang sasakyan.Nabundol niya ito at tumilapon.Huminto si Susan at lumabas ng sasakyan upang siyasatin ang bata. Hindi na kumikilos ang kawawang paslit. Nalito si Susan, lalo pa nang makita niyang duguan ang ulo ng batang ngayo’y nakahandusay sa gilid ng daan.

Luminga-linga siya sa paligid. Napuna niyang walang tao. Samakatuwid, walang nakakita sa mga pangyayari.Nagmadaling bumalik sa kanyang sasakyan si Susan at mabilis siyang tumakas.

Sa kanyang pag-uwi ay balisang- balisa si Susan. Kaya minabuti niyang balikan ang Balete Drive. Maghahatinggabi na nang siya’y huminto sa pinangyarihan ng sakuna. Lumabas siya ng sasakyan at nilapitan ang lugar na alam niyang kinalalagyan ng batang nabundol niya kanina. Nagtaka siya dahil malinis ang kalsada na parang walang naganap na aksidente.

Sa pagtalikod ni Susan upang bumalik sa kanyang sasakyan ay biglang bumulaga sa kanyang harapan ang isang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok nito at tila maputla ang kutis ng mukha. Napasigaw si Susan athalos natabig ang bilaong dala-dala ng kaharap.

Nagsalita ang babeng nakaputi.Mababa at malamig ang boses nito at marahan ang pananalita. “Ale, puto po. Pakyawin niyo na,” wika ng kaharap, “Kanina pa pong umaga kami naglalako ng anak ko.” Kahit nagtataka si Susan sa biglaang paglitaw ng babae ay minabuti niyang kumilos nang di- kahina-hinala. “A, e… s-s-sige. Papakyawin ko na. Oo, bibilhin ko lahat.” nalilito niyang sagot. Nakangiting tumitig kay Susan ang babaeng nakaputi,

   “Maraming salamat po, ale.” “S-S-S-Sabi mo… kasama mo anganak mo? N-N-N-Nasaan siya?” kabadong tanong ni Susan. “Bigla na lang pong nawala. Dito po siya nagawi kaninang alas- nuwebe.” malungkot na ungol ng babae.

              Kinilabutan ang dalaga at pinagpawisan sa gitna ng kalamigan! Kailangang makaalis na siya.

“Ah… ano… sige! Ibalot mo nang lahat yung tinda mo,” balisang sinabi ni Susan habang nagmamadaling dumukot ng pera sa kanyang bag. “Etong 500 pesos,” abot niya sa kaharap,“Keep the change.” Nang maibulsa ng babaeng nakaputi  ang salapi ay dahan-dahan nitong binuksan ang takip ng dalang bilao.Sa liwanag ng kanyang sasakyan

sa gitna ng Balete Drive ay lumantad kay Susan ang kahindik- hindik na katotohanan! At ang nakabibinging karimlan ay binasag ng isang malagim na pagtili ng dalaga! Hindi puto… Hindi puto ang laman ng bilao kundi…lamang loob.. 

Wakas..

Author’s Note: Natatawa ako noong ine-edit ko’to kasi ‘yung ending talaga ang binago ko kasi hindi talaga “lamang loob “yun’ kundi bibingka.Haha peace tayo guys :)

Untold#15-“Ang Kapre Na Kapitbahay ni Andre”

“Ang Kapre Na Kapitbahay ni Andre”

KRIKKK! KRIKKK! TA-DAG! TA-DAG! TA-DAG! Isang higanteng hakbang… nakakatakot… nakakapangilabot at nakakatindig balahibo! At sinasabayan ng alulong ng aso na nakaharap sa bilog na buwan! AWOOOOO! AWOOOOO! AWOOOOO! Isang malakas na sigaw sa takot ang pumaibabaw na nagpapagimbal ng mga tao sa loob ng mala-palasyong tahanan ni Andre pitong taong gulang at isang anak-mayaman.

“Huwaaaggg! Maawa po kayo sa amin! Huwaaaggg!!!” ang sigaw ng natatakot na batang si Andre.

Tok tok tok! Isang napakalakas na katok ang ginawa ni Yaya Mila para magising ang alagang si Andre. Pero hindi pa rin magising ang bata, maya-maya ay dumating si Sophia ang mommy ni Andre na galing pa sa third floor, dahil nasa second floor ang kuwarto ni Andre at kasama niya ang medyo may dinaramdam na si Alfie ang bunsong kapatid na babae ni Andre. Dala ni Sofia ang susi sa kuwarto ng anak kaya malaya itong nakapasok sa loob. Tumambad sa kanilang harapan ang patuloy pa rin sa pagsigaw na animo’y nakakita ng masamang espiritu si Andre.

“Andre! Andre! Andre! Gising! Gising! Gising Andre! Nanaginip ka na naman!” Pero ayaw pa itong magising kung kaya sinampal ito ng malakas na malakas ng mommy Sofia niya. Nagising si Andre at di maiiwasan nito ng mapahagulgol dahil sa mga napanaginipan niya.

“Hu hu hu! Mommy I’m scared! I’m scared mom! Uwi na po tayo sa Manila! Please mommy! Hu hu hu!” walang patid ang pag-iyak ni Andre.

“Ssshh! Tahan na…Tahan na, okay? Sige, para mawala yung takot mo ay doon ka na lang matulog sa kwarto namin ng daddy mo, okay?” Ayaw pa rin ni Andre kaya gumawa ng paraan ang ina. “Okey, okey…let’s talk about this with your Dad tomorrow, okay? Andre, promise mo kay mommy na huwag mo ng iisipin yung mga napapanaginipan mo, pwede?” mahinahong sabi ng ina pero parang walang narinig ang bata at bigla na lang hinarap ang ina.

“He want to kill us mom!? We all die here!?” ani Andre na nagpapangilabot din ng kaisa-isa nilang katiwala na si Yaya Mila.

“Diyos ko! Andre, totoo ba yang mga pinagsasabi mo? Ma’am Sofie, baka totoo naman ang sinasabi ng bata? Andre ano bang nakita mo, anong hitsura?” alalang tanong ni Aling Mila.

“ Very scary face po Yaya! Sa takot ko po napapikit na lang po ako at sumigaw. Dito siya nakatira sa house natin. Papatayin niya tayong lahat! Papatayin tayong lahat!“ ani Andre na parang nagpapanic. Dahil sa inis ni Sofia ay nasigawan ang anak.

“Shut up! Shut up Andre! Walang katuturan yang mga sinasabi mo! Sa panahon ngayon, wala ng monster o mga aswang kaya pwede ba, inaantok na ako, tara na sa kwarto ng makatulog na tayo dahil maysakit pa itong kapatid mo!” ani Sofia na medyo napataas ang boses na siyang ’di pag-imik ni Andre at napatingin na lang ito sa ina na mukhang galit na galit na.

Nasa kwarto na ng mommy niya si Andre pero ’di pa rin ito dalawin ng antok. Hindi pa rin makalimutan ang nakita niya kani-kanina lang. Napatingin na lang siya sa kisame habang minumuni-muni ang lahat.

“I’m not stupid nor an idiot! Pero alam kong totoo yung mga nakikita ko kanina? Hindi ako nanaginip? Haayyy!” sambit ni Andre sa sarili nang ’di niya maiwasang maalala ang naganap kanina lang habang nasa kwarto siya.

Kumukurap-kurap si Andre at inaaninag ang napakalaking anino sa tapat ng bintana niya malapit sa napakalaking puno ng balete na halos nakadikit na sa mansion nila. Dahan-dahang binuksan ni Andre ang medyo may kaliitan na bintana nang bigla na lang salubungin siya ng tila napakalaking dambuhalang akala niya’y isang monster at nakahanda na upang siya’y lapain! Sa takot ni Andre ay agad niyang isinara ang bintana at sigaw na lang ng sigaw.

Napailing na lang si Andre pero alam niya totoo ang mga nakikita niya, ang hindi niya lang alam kung ito ba ay isang kaibigan o isang halimaw at handa silang patayin. Dahil sa pagkakataong yon, nangingibabaw ang takot ni Andre kaya hindi siya nagkaroon ng panahon upang ito’y kausapin.

“Huh! Sana kinakausap ko na lang siya, sana hindi na lang ako nagpadala sa aking takot.” Tanging sambit ni Andre sa sarili at di niya namalayan na napaidlip na pala siya at tuluyan ng natulog paslit.

Kinaumagahan ay maagang naghanda ng hapagkainan si Yaya Mila. Maya-maya ay bumaba na rin si Sofia at laking gulat na lang ni Yaya Mila na may dala itong maleta. Nasa mukha ni Sofia ang kalungkutan kaya nag-alala si Yaya Mila na tanungin. Gayunpaman ay naglakas loob pa rin si Yaya Mila na tanungin at usisahin ang amo.

“G-Good Morning Mam Sofie? Uhmm… A-e… Mam Sofia, aalis po kayo Mam?” alanganing tanong ni Yaya Mila. May problema po ba Mam?“ Nag-alalang tanong ng kasambahay.

“Uhm.. Yaya Mila, ikaw na ang bahala muna dito sa mansion, luluwas muna ako Maynila at medyo lumala na ang lagnat ni Alfie. Kailangan kong mapatingnan siya sa espeyalistang doktor.” Wika ni Sofia.

“P-Pero Mam, di ko pa gaanong kabisado dito at saka si Andre tulog pa ang bata, isasama n’yo ho ba?”

“Hindi na siguro Yaya Mila hayaan mo ng masanay dito sa bahay ang bata na yon basta ibigay mo na lang ang lahat ng gusto niya.” Ani Sofia.

“M-Mam Sofie…kasi…yung ano?..” si Yaya Mila na gustong magpaliwanag kay Sofie lalo na sa panaginip ni Andre.

“Alam ko na ang ibig mong sabihin Yaya Mila… pati ba ikaw ay napaniwala ni Andre? Alam mo naman ang bata na yun mahilig magbasa ng horror komiks at horror movies kaya kung anu-ano na ang napapanaginipan!” Paliwanag ni Sofia.

“P-Pero Mam… baka hanapin kayo ni Andre pagkagising ng bata? Anong sasabihin ko?” alalang tanong ni Yaya Mila.

“Ikaw na ang bahala Yaya Mila bahala ka ng magpaliwanag sa anak ko at isa pa may darating na hardinero ngayon, si Mang Ambo, ikaw na ang bahalang magturo sa kanya. Siya rin ang makakasama n’yo dito habang wala ako. Sana nagkaintindihan tayo Yaya Mila.”

“O-Opo Mam! M-Mam… sigurado ba kayong ligtas kami sa bahay na ’to?”

“Ewan ko sayo Yaya Mila! Sige aalis na kami ni Alfie.” Ani Sofia na hindi man lang pinansin si Yaya Mila, tuloy-tuloy na itong sumakay sa kotse niya kasama si Alfie.

Kakaalis lang ni Sofia nang biglang may nag doorbell at ewan ba ni Yaya Mila dahil sa pagkakataong yun ay medyo kinikilabutan siya. Subalit binuksan pa rin niya ang gate. Dahan-dahang binuksan ni Yaya Mila ang isang maliit na pintuan ng gate na kasya lang ang isang tao nang biglang napasigaw siya sa kanyang nakita at halos himatayin ito sa takot.

“Huwaaaahhh!!! S-Sino ka! Anong kailangang mo?! A-AHHHH!!!” tuluyang nawalan ng malay si Yaya Mila.

Nang magkamalay si Mila ay muli nasilayan niya ang taong kanina lang ay naging panauhin niya. Aktong sisigaw ulit si Yaya Mila nang mabilis naman itong pinigilan ni Mang Ambo, ang hardinero na mukhang ermitantyo dahil sa haba ng puting buhok nito na medyo kulot. May mahabang balbas na halos kamukha ni Barabas. Nagpaliwanag naman itong si Mang Ambo.

“Aba’y pasensya ka na Mila, ako nga pala si Ambo ang bagong hardinero, galing pa ako sa kagubatan ng Maribojoc medyo malayo-layo din ang nilakbay ko para marating ang mansion ni Mam Sofia.” Wika ni Mang Ambo. “At saka pagpasensyahan mo na ang hitsura ko, pa’no kasi, walang barbero sa kagubatan ng Maribojoc at isa pa ’di uso ang pagpapagupit sa lugar namin. Nasaan nga pala ang mag-asawa? Mukhang wala ’ata sila ngayon?” dugtong pa ni Ambo sabay harap kay Mila na medyo tensiyonado pa rin.

“A-e… W-Wala sila ngayon, maysakit ang bunso at kailangang magpatingnan ng espiyalista at si Sir naman ay may tinatapos pa na project sa kumpanya nila. Siguro sa makalawa pa sila makakauwi.” Mahabang sagot ni Mila.

“Ibig sabihin mag-isa ka lang ngayon dito? Wala ka bang kasama?” tanong ni Ambo.

“Si Andre? Ang panganay nila Mam at Sir?” sagot ni Mila.

“Sa laki ng bahay na ’to dalawa lang kayong nandidito? Ahh!” saglit na nag-isip si Ambo. “Kaya pala takot na takot ka kanina ano? Lalo na nang pagbuksan mo ako.” Dugtong pa ni Ambo.

“Hindi naman sa ganon, pag naalala ko lang kasi ang panaginip ni Andre parang kinikilabutan ako…p-parang totoo talaga yung mga sinasabi ng bata!?” ani Mila na parang takot pa rin.

“Alam mo Mila, hindi imposible yung mga sinasabi ninyo kasi sa unang pagkakita ko pa sa bahay ni Mam ay naramdaman ko ng may iba pang nakatira dito bukod sa inyo?” seryosong sabi ni Ambo na lalong ikinatakot ni Mila.

“Huwag kang magbiro ng ganyan Ambo, kita mo umagang-umaga pero kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo!” ani Mila na medyo may pagkainis.

“Hindi ako nagbibiro Mila, halika samahan mo akong maglibot sa buong mansion.” Ani Ambo sabay nilibot nila ang kabuuan ng mansion.

Hindi makapaniwala si Mila sa mga nadiskubre ni Ambo. May iba pang nakatira sa mansion bukod sa kanila at meron din silang isang kapitbahay. Si Mang Ambo ay may kakayahang makakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng isang normal na tao. Sa madaling salita, buhay ang third eye ni Mang Ambo at ngayon ipinapaliwanag niya kay Mila ang lahat at ang tungkol sa panaginip ni Andre.

“Totoo ang panaginip ni Andre, possible nga na may nagpakita sa kanya, bakit naman kasi lumagpas yung sukat ni Mam Sofia sa bahay nila. Alam mo ba Mila na sinakop na niya ang lugar na ’di dapat sa kanila?” ani Ambo sabay tingin sa balete na medyo nakadikit ng kaunti sa bakod ng mansion.

“Anong ibig mong sabihin? manghang tanong ni Mila.

“May nakatira sa balete na yan? Isang Kapre, pero ang di ko alam kung may mabait ba na Kapre. At yung bahay ng aso ay bahay din iyan? Dios Mio! Dapat bago sila nagtayo ng bahay ay pinasuri muna nila ito ng albularyo para malaman kung may nakatira pa sa lugar na titirikan mo ng bahay.” Alalang sabi ni Mang Ambo.

“E, sino naman ang nakatira d’yan?” tanong ni Yaya Mila.

“Isang Nuno, Nuno ng punso pero di mo na makita ang dahil napalitan na ito ng semento. Mabait ang mga Nuno pero masama silang kaaway lalo kung inaapakan mo na ang kapakanan nila. Kadalasan, buhay ang kapalit sa tuwing nagkakasala ang mga mortal na nilalang sa kanila.” Mahabang paliwanag ni Mang Ambo.

“Kung ganun? S-Si Andre di kaya!.. Ambo puntahan na natin si Andre baka napano na ang bata!” ani Yaya Mila habang inaalala ang alagang si Andre.

Nagmamadaling umakyat sa second floor sina Mang Ambo at Yaya Mila kung saan nandoon ang kuwarto ni Andre. Naabutan nilang mahimbing naman sa pagtulog ang bata kaya hindi na nila ito ginising. Dahil nakahanda na ng pang-almusal si Yaya Mila kung kaya niyaya na lang niya si Mang Ambo na kumain ng agahan, gayunpaman ay hindi pa rin maiiwasan ni Yaya Mila ang matakot sa mga nadiskubreng kakaiba ni Mang Ambo sa loob ng mansion. Pagkatapos nilang kumain ay nag-uumpisa na sila sa kani-kaniyang gawain. Si Mang Ambo ay sa hardin sa likuran ng mansion kung saan malapit ito sa punong balete at si Yaya Mila naman ay inumpisahan na niya ang gawaing bahay. Pasado Alas Dose na nang makapaghinga ang dalawang kasambahay kaya minabuti na lang nila ang magtulungan sa pagluto ng kanilang pagkain sa tanghalian. Ginising na rin nila si Andre para kumain, nasa mukha ng bata ang pagkahapo, animo’y wala itong pahinga sa buong magdamag kung tutuusin ay tanghali na itong gumising.

Kinagabihan, maagang pinaakyat ni Yaya Mila si Andre para magpahinga, kampante naman si Yaya Mila dahil parang hindi yata namimiss ni Andre ang kanyang mga magulang at kapatid. Hinayaan na lang ni Yaya Mila ang bata baka mas lalong mamomroblema ito kung sakaling malaman ng bata na lumuwas pala ng Maynila ang Mommy Sofia niya. Maaga na rin na namahinga ang dalawang katiwala at habang sa mga oras na iyon, sa loob ng kwarto ni Andre, abalang-abala sa paglalaro ito ng computer games ng Naruto Shippuuden Battle, tuwang-tuwa pa ang bata nang may biglang nakatawag-pansin sa kanya. Napatigil si Andre dahil lumakas ang amoy ng usok ng tabako. Tumingala si Andre sa kisame at nagbabakasakali na may butas sa kisame at doon ito nanggagaling. Nang mga oras na iyon ay nakadama ng pagkatakot ang bata pero di niya ito pinansin. Minabuti na lang ni Andre na sundan ang amoy at kung saan ito nanggagaling. Habang papalapit si Andre sa maliit na bintana sa kwarto niya ay napapansin niyang doon nagmumula ang amoy ng usok. Dahan-dahang binuksan ni Andre ang maliit na bintana pero bago pa man ay humugot muna ng malalim na hininga ang bata at hinanda ang sarili niya sa anumang makikita nito dahil ipinangako na niya sa sarili niya na di siya magpapadala ng kanyang takot.

Pagkabukas ni Andre sa bintana ay natulala ang bata sa nakita! Matagal bago makapagsalita si Andre. Halos mag-abot ang hininga ni Andre nang magsalita pa ito na halos hinugot galing sa pinakailalim ng lupa ang boses nito!

“Kumusta ka na Andre?!” wika ng isang napalaking tinig na parang pati lupa ay yayanigin nito sa tuwing ito’y nagsasalita. Nakaupo siya sa sanga ng napakalaking puno ng balete na halos nakadikit na sa mansion at nakabungad pa ang sanga nito malapit sa bintana ng kwarto ni Andre habang hitit ang napakalaking tabako. “Mabuti naman at pinagbuksan mo ako, sa tagal ko ng naninirahan dito, ni isa ay wala akong nakakausap.” Ang sabi pa ng higanteng anyong tao at mahaba ang balbas na kong tawagin ay Kapre.

“A-e…K-Kayo po ba ang nakatira d’yan?” kabadong tanong ni Andre medyo nangangatog pa ang labi nito. “I-ibig sabihin, magkapit-bahay po tayo.” Tanong ni Andre na may paggalang sa nilalang na hindi niya masabi kung ano ito at pilit pa ring pinakalma ang sarili sa naramdamang takot. Humugot ulit ng malalim na hininga si Andre at pinilit niyang kausapin ng mabuti ang kapit-bahay niya. “Mawalang galang na po! Pero pwede ko bang malaman kung bakit dito po ang pinili n’yong lugar? At kung bakit alam n’yo na po ang pangalan ko.” mahinahong tanong ng bata.

“Ah! Yun ba ang ipinagtaka mo? Hindi mo ba naalala noong nakaraang gabi na dumaan ako sa bahay ninyo? Buti naman at di ka na natatakot pa sa akin ngayon. Kung tungkol sa pangalan mo, narinig ko lang iyon ng banggitin ng iyong ina. Matalas ang pandinig naming kung kaya minsan galit kami sa mga tulad nyo pag narinig namin ang inyong pag-iingay kaibigang Andre.” Wika ng butihing Kapre na ikinabigla ni Andre ang pagkasabi nito ng kaibigan. Lalong naging kampante si Andre sa pakikipag-usap nito at nagkasundo ang dalawa na kaibigan na lang ang tawagan nila.

“Salamat kaibigang Andre, gusto mo bang mamasyal sa kaharian namin? Seryosong tanong ng Kapre.

“K-Kaharian?..Akala ko po kaibigan ito na ang bahay mo?” tanong ng puno ng pagtatakang si Andre.

“Ha ha ha! Akala mo lang yon? Halika pumasok ka na?” ang sabi ng Kapre.

“H-Ha? P-Pero saan po ako dadaan kaibigan?” ani Andre na naguguluhan pa rin.

“Ha ha ha!” Isang maigting tawa na naman ang pinakawalan ng Kapre. “Dito ka dumaan sa braso ko para makatawid papunta dito sa kaharian ko.” Dugtong pa ng natutuwang Kapre sa pagiging inosente ni Andre.

“K-Kaharian ba ang tawag sa puno na yan?”

“Ha ha ha! Natutuwa ako sayo Andre, ang sarap mong kausap! Ha ha ha!” wika ng napahalakhak sa tuwa pa rin na Kapre. “Alam mo Andre, ang punong balete na ito ay isang pintuan lamang papunta sa aking kaharian, sige humawak ka sa kamay ko at papasok na tayo sa loob.

Sa mga oras na yon ay puno na ng pagtataka si Andre, hindi niya sukat akalain na nakayanan niyang makipag-usap sa nilalang na alam niyang hindi niya ito kauri. Kahit sa murang isipan ni Andre ay hindi niya maipagkaila na Kapre ang kaharap niya ngayon, ang minsan naging bahagi ng kanyang pag-aaral sa elementarya. Hindi niya makalimutan noon kung paano inilalarawan ng kanyang titser ang hitsura ng isang Kapre. Kung titingnan niya ang kaibigan niya ngayon ay isa lang ang pumasok sa isipan niya. Ito ay isang Kapre. Gusto man ng bata na tanungin ang itinuring na kaibigan sa katauhan nito ay minabuti na lang niya ang tumahimik at magmasid na lang sa susunod na magaganap.

Hindi makapaniwala si Andre sa ganda ng kaharian ng kaibigan, ito ay halintulad sa paraiso nina Eva at Adan na puno ng pantasya. Ipinasyal si Andre sa buong kaharian ng Kapre doon napansin ni Andre kung gaano kasaya sa daigdig nila. Puno ng paghanga sa mga kakaibang bagay na nakikita ni Andre sa loob ng kaharian ng kaibigan, masarap na ngiti ang pinakawalan ni Andre sa bawat kakaibang nilalang na nakilala niya sa kaharian. Sa isip-isip ni Andre ito ang buhay na gusto niya, puno ng pantasya at kakaiba hindi tulad sa mundo niya na puno ng gulo. Habang naglalakad sina Andre at kaibigan niyang Kapre ay nakatawag pansin kay Andre ang mga magaganda at mahalimuyak na mga bulaklak. Aktong pipitasin na ni Andre ang napakaganda at malaking bulaklak ng gumamela ay mabilis itong pinigilan ng kaibigan.

“Bakit?! Bawal po ba ang mamitas ng bulaklak dito sa kaharian ninyo?” nagtatakang tanong ni Andre.

“Hindi naman sa ganun, dito sa mundo namin ay may kanya-kanyang halaga ang lahat ng bagay. Tulad ng mga bulaklak na ito, alaga ito ng mga dambana dahil ang katas nito ang siyang ginagawang pagkain nila.

“Ganun po ba? Sana ganito rin kasaya ang pamilya namin, sana laging kasama namin ang daddy at ang mommy para lagi din kaming masaya. Sana kaibigan, dito na lang kami titira para maging masaya din kami. Minsan lagi ko na lang nakikita na nag-aaway sina mommy at daddy ko po kasi. Siguro pag dito kami titira, masaya din po siguro kami tulad ninyo.” Wika ni Andre na hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. Napansin iyon ng kaibigang Kapre at lubos itong nahahabag sa hitsura ni Andre. Minabuti na lang nito ang lambingin si Andre.

“Bakit po ang bait-bait n’yo po sa akin? Bakit sina daddy at mommy ay lagi na lang po akong pinapagalitan? Pwede po ba kaibigan dito na lang po ako titira sa kaharian mo? Mas masaya dito, marami akong makikilalang bagong kaibigan at kalaro, sa amin lagi na lang akong nag-iisa.” Ani Andre na bakas ang kalungkutan sa mukha.

Hindi pumayag ang Kapre sa halip pinapauwi na niya si Andre na may ilang oras na rin ang pamamalagi sa mundo nila. Nag-alala ang Kapre baka ano ang mangyayari sa kaibigang mortal.

“Kailangan mo ng umuwi Andre, sigurado akong nag-alala na ang mga magulang mo sayo. May ilang oras na ang nakalipas mula nang tayo’y pumarito sa kaharian ko, baka may masamang mangyayari sayo!” nag-alalang sabi ng Kapre.

“Bakit po? May mga masasama din po ba dito sa inyo kaibigan?” tanong ng inosente.

“Hindi yan ang ibig kong sabihin kaibigan, nang pumarito ka sa kaharian ko ay iniwanan mo sa daigdig mo ang iyong normal na katawan?” paliwanag ng butihing Kapre na hindi naman naiintindihan ng bata.

“Hindi ko po kayo naiintidihan kaibigan, pwede po bang ipaliwanag n’yo sa akin para maintindihan ko?”

Ipinaliwanag ng Kapre kay Andre na kaluluwa na niya ang nasa kaharian nila at ang tunay niyang katawan ay nasa daigdig ng mga mortal. Sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan kung kaya nagawa niyang isama sa mundo nila ang kaluluwa lang ni Andre. Anim na oras ang pananatili ni Andre sa kaharian ng kaibigan niya at bawat oras ay katumbas ng isang araw sa daigdig ng mga immortal. Nang maintindihan ni Andre ang gustong ipahiwatig ng kaibigang Kapre ay agad na itong nagpaalam sa kaibigan.

“Kung ganun kaibigan, kailangan ko ng umalis?! P-Pero paano na tayo? Lagi mo ba akong dadalawin sa mansion?” tanong ni Andre na bakas ang kalungkutan sa mukha nito.

“Magkapit-bahay tayo di ba? Kaya lagi mo akong makikita sa tuwing ako’y humihimlay sa labas ng kaharian.” Sagot ng Kapre na nagpapawi sa lungkot ng mukha ni Andre. Ihatid na sana ng Kapre ang kaibigan nang may paparating na tatlong magagandang dambana na galing pa sa labas ng kaharian at dala ang balita na masama ang panahon sa labas at may malakas na bagyo ang paparating. Natigilan ang butihing Kapre, alam niyang matanda na ang punong balete at kahit anong oras ay pwede itong masira. Hindi na nag-aksaya ng panahon ang Kapre at nagmamadali silang nagtungo sa lagusan papalabas ng kaharian habang di pa dumating ang bagyo.

Samantala, sa daigdig ng mga tao, sa mansion, tensyonado ang dalawang katiwala sa mansion dahil hindi pa rin gumising si Andre. Kahit anong gising nila ay di ito nagigising. Kahit si Mang Ambo ay di niya kayang ipaliwanag ang nangyari kay Andre, sa tagal ng panahon ng pagsisilbi sa kanilang bayan bilang isang hilot ay hindi rin niya matukoy ang kalagayan ni Andre kaya nakapagdesisyon na lang ang dalawa na dalhin ito sa espesyalistang doctor sa Manila. Pero bago pa sila lumuwas ng Maynila ay ipinagbigay-alam muna nila sa kanilang amo ang mga pangyayari.

Sa ospital ng Maynila, ideniretso sa emergency room si Andre na hindi pa rin nagigising. Nang malaman ng mag-asawa ang nangyari sa anak ay nagmamadali itong nagtungo sa ospital kung saan naka-confined ang anak nilang si Andre. Pagkarating nila sa ospital ay kaagad nilang kinakausap ang doctor in-charge ng kanilang anak.

“D-Dok! K-Kumusta na ang kalagayan ng aming anak doctor!?” tanong ng luhaang ina ni Andre na si Sofia.

“Sa ngayon misis ay inobserbahan muna namin ang kalagayan ng anak n’yo. Pero batay sa unang pagsusuri namin sa kalagayan niya, wala naman kaming nakitang deprensiya sa kaniya, in fact, normal ang tibok ng puso niya. Ni walang palatandaan na maysakit ang inyong anak, healthy ang pangangatawan ng inyong anak at medyo kaunting depresiyon sa sarili lang ang nakikita namin.” Paliwanag ng doctor sa mag-asawa.

“P-Pero dok, limang araw na siyang walang kain at hindi pa gumigising! Normal pa ba ang ganun!? Dok nagmamakaawa ako, pagalingin n’yo si Andre! Kahit magkano dok! Kahit maubos pa ang pera namin gagaling lang ang anak ko!” ani ng luhaan at nagmamakaawang si Sofia. Inalalayan na lang at pinakalma ni Alfonse ang asawa niya na laging nasa tabi umpisa nang may mangyari kay Andre.

“Ssshhh!…Tahan na Sofie, may-awa ang Diyos at di Niya pababayaan ang anak natin. Siguro marahil ay malaki ang pagkukulang natin sa mga anak natin, puro trabaho na lang ang ating inaatupag at wala na tayong panahon para sa kanila. Kapag gumaling na si Andre ay mag-uumpisa tayo sa simula Sofia…” ani Alfonse ang ama ni Andre habang yakap ang asawa. Bago tuluyang umalis ang doctor ay nag-iwan pa ito ng mensahe sa mag-asawa.

“Sa ngayon, inobserbahan muna namin ang kalagayan ng inyong anak at habang di pa siya gumigising, patuloy po nating susuplayan ng tubig ang kanyang katawan at kinakailangan bago sumapit ang ika-sampung araw ay magigising na siya dahil malalagay sa panganib ang katawan at buhay ng inyong anak.” Wika ng doctor na lalong pinanlulumo ng mag-asawa.

Samantala, bumalik na sa mansion ang sina Yaya Mila at Mang Ambo upang kumuha ng iilang gamit ni Andre. Habang nasa daan sila ay inabot na sila ng malakas na ulan kaya binibilisan ni Mang Ambo ang pagpapatakbo ng sasakyan. May ilang metro na lang ang layo mula sa mansion nang magsimulang kumulog at kumidlat ng malakas na malakas at sinabayan pa ito ng malakas na hangin. Ligtas naman na nakarating sa mansion ang mga katiwala. Sa kinaroroonan nina Andre at kaibigang Kapre ay papalapit na sila sa lagusan papalabas sa kaharian. Kabadong-kabado ang butihing Kapre at alalang-alala sa kaibigang mortal. Pagdating nila sa bungad ng lagusan kung saan ito ang matandang punong balete at may mahigpit na ibinilin si Kaibigang Kapre kay Andre.

“Makinig kang mabuti Andre, mahalaga ang bawat pagdaan ng minuto, pagkalabas mo dito ay huwag ka ng magsayang ng panahon, bumalik ka kaagad sa katawan mo, huwag paabutin ng ikasampung araw dahil tuluyan ka ng hindi makakapasok ulit sa iyong katawan. Alam ko naguguluhan ka kaibigan pero kailangang sundin mo ang mga sinasabi ko sayo bilang isang kaibigan dahil para ito sa ikabubuti mo. Pagkalabas mo dito ay malalaman mo rin kung bakit.” Mahabang paliwanag ng butihing Kapre.

“Pero kaibigan, magkikita pa ba tayo ulit?” medyo nalungkot na tanong ni Andre.

“Huwag mo na akong isipin pa kaibigan, ang mahalaga ay ang kaligtasan mo, kung ano man ang mangyayari pagkalabas mo dito, isipin mo na lang na panaginip ang lahat. Isipin mo na lang na nandito lang ako palagi sa tabi mo, sana maintindihan mo magkaiba tayo ng daigdig at hindi tayo magkauri kaya may hangganan ang pagkakaibigan natin dahil di tayo pweding magsama sa iisang daigdig. SA ikli ng panahon ng pinagsamahan natin ay napamahal ka na sa akin bilang isang tunay na kaibigan. Ikaw lang ang unang mortal na nakikila ko simula’t-simula nung ako’y humimlay sa daigdig ng mga tao, ikaw lang ang may lakas ng loob na tumuring sa akin na isang kaibigan… Hindi kita malilimutan Andre, bahagi ka na sa puso ko, sa buhay ko…” wika ng butihing Kapre habang hawak ang magkabilang balikat ni Andre at di na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha niya.

“Huwag kang umiyak kaibigan, tulad mo, mananatili din kayo dito sa puso ko, di ko kayo malilimutan saan man ako naroon.” Inaapuhap na lang ni Andre ang malungkot at luhaang mukha ng kaibigan.

“Sige na Andre, kailangan mo ng umalis, kung sakaling maabutan ka ng masamang panahon, siguraduhin mong mailigtas mo ang iyong sarili at hanapin mo ang iyong katawan.” Huling paalala ng butihing Kapre sabay sa isang iglap ay nasa labas ng balete sa likod ng mansion si Andre. Medyo naninibago si Andre, kanina ay natunghayan niya ang malapantasyang kaharian ng kaibigan niya ngayon ay nandito na siya sa sariling tahanan. Nagmamadaling pumasok sa loob ng mansion si Andre at sa kabutihang palad ay naabutan niya ang Yaya Mila niya at di pa gaanong kilalang si Mang Ambo dahil minsan na rin niya itong nakausap. Pababa sa kuwarter ang kanyang Yaya Mila kaya nagmamadali siyang salubungin ito upang ipaalam na bumalik na siya. Pero malaki ang panlulumo ni Andre.

“Yaya Mila! Yaya Mila! Yaya Mila narinig mo ba ako! Bumalik na ako Yaya!” pahiyaw na sambit ni Andre sa Yaya niya pero tila wala itong nararamdaman. Maya-maya ay sumunod kay Yaya Mila si Mang Ambo at doon nag-uusap ang dalawa. Hindi napigilan ni Yaya Mila ang mapaiyak sa nangyari kay Andre, siya ang nag-alaga nito mula ng ito’y isilang kay napamahal na ito sa kanya bilang isang tunay na anak. Naguguluhan si Andre dahil tila walang nakikitang ibang tao sa loob si Yaya Mila niya at si Mang Ambo, kaya minabuti na lang niyang makinig sa usapan ng dalawa.

“Kung alam mo lang Ambo kung gaano ko kamahal ang alaga ko. Di na siya iba para sa akin, dahil sa nangyari sa kanya ngayon, parang tinusok ang puso ko. Ako na lang sana ang pinarusahan ng Diyos ’wag lang si Andre.” Naluluhang sabi ni Yaya Mila.

“O ayan ka na naman, ilang araw ka ng umiiyak, tingnan mo Mila ang mukha mo sa salamin at mugtong mugto ka na. Ipagdasal na lang natin na walang masamang mangyayari kay Andre, okey? Sige, dalian natin at para makabalik tayo sa Maynila bago sumapit ang gabi.” ANi Mang Ambo habang bitbit ang iilan sa mga gamit ni Andre.

Sa pagkakataong yon ay lalong naguguluhan si Andre kaya minabuti niyang lapitan at yakapin ang Yaya Mila niya.

“Yaya Mila! Yaya Mila pansinin mo naman ako! Bakit kailangang hanapin n’yo pa ako! ANdito na ako Yaya at wala akong sakit!” Pabulyaw na sabi ni Andre habang yakap ang Yaya niya pero tila walang narinig ang Yaya niya at ramdam ni Andre na hindi rin siya nararamdaman ng Yaya niya.

“Diyos ko! Bakit ganun?! Totoo kaya ang sinasabi ng kaibigan ko na isa na akong kaluluwa! Hindeee!!! Yaya! Yaya! Yaya Mila buhay pa ako Yaya!” sinusuntok-suntok ni Andre ang dibdib ng Yaya niya pero tila wala itong nararamdaman at hindi siya nakikita. Isa lang ang narinig niya mula sa labi ng Yaya niya.

“Hooo! Ang lamig ng panahon Ambo, tara bilisan natin!” ani Yaya Mila na lalong ipinanlulumo ni Andre, sa mga oras na iyon ay napatunayan niyang kaluluwa na pala siya. Minabuti na lang ni Andre na sumama sa biyahe nila Yaya Mila at Mang Ambo para mahanap niya ang kanyang katawan. Hindi sukat at akalain ni Andre na totoo pala ang sinasabi ng kaibigan niyang Kapre. Sa haba ng biyahe papuntang Maynila ay di maiwasan ni Andre ang dalawin antok makatulog. Nagising na lang si Andre ng magbobosena si Mang Ambo sa guard ng ospital para e-parking ang sasakyan nila.

Pagkababa nina Yaya Mila at Mang Ambo ay sa kuwarto ni Andre ng ospital sila tumuloy. Minabuti na lang ni Andre na sundan ang dalawa para malalaman kung saan ang punta nito. Sa may di kalayuan ay natanaw na ni Andre ang tila espesyal na kuwarto para sa isang pasyente. Doon nagtungo at pumasok ang mga katiwala sa loob ng kuwarto. Sumunod na rin si Andre, nang makapasok siya sa loob ay hindi niya mapagsino ang nakahiga sa iisang kama sa kuwarto na iyon at sa tabi naman nito ang babaeng di gaanong katandaan at panay ang iyak. Sa kaliwang bahagi naman sa loob ng kuwarto ay nakita niya ang isang lalake na nagtitimpla ng gatas. Sinisino ni Andre ang mga yon, hindi siya nagkamali! Ang mommy’t daddy niya kasama ang kanyang bunsong kapatid na si Alfie na nakabantay sa kanyang katawan. Napaluha si Andre sa kanyang nasaksihan, parang kinurot ang kanyang puso. Habag na habag siya sa hitsura g mommy niya tila hindi na yata ito tumitigil sa pag-iyak. Hindi na rin napigil ni Andre ang sarili at napayakap na ito sa ina. Pero laking panghihinayang ni Andre na hindi na pala siya nararamdaman ng kanyang ina. Tuloy ang pagluha ni Andre sa paghihinayang kung kailan niya makasama ang mga magulang niya ng buo ay hindi na pala niya maiparamdam sa mga ito ang pagmamahal niya.

“Mommy! Mommy! Mommy! Hu hu hu! Mommy bakit?! Bakit?” nasa ganung sitwasyon si Andre nang biglang may humawak sa balikat niya at nararamdaman niya iyo. Nang humarap si Andre…

“S-Sino ka? Bakit nakikita mo ako? Tulad ko ba ay isang kaluluwa ka na rin?” manghang tanong ni Andre sa babaeng mahaba ang buhok ang nakakulay puti na damit. Pero isa lang ang sagot nit okay Andre.

“Namimiss mo na ba sila Andre? Matagal ka na nilang hinahanap lalo na ang pagbabalik mo. Gusto mo bang mayakap sila ulit at maramdaman ang buong pagmamahal nila sayo? Ako nga pala ang anghel na nagbabantay sayo, hindi pa tapos ang misyon mo sa lupa kaya kaiangan mo ng bumalik sa iyong katawan.” Ang wika ng nagpakilalang anghel ni Andre.

“Kayo po ang Angel ko?” tanong ni Andre na panay agos ang luha sa pisngi niya.

“Ayaw mo bang maniwala? Sige bumalik ka na sa katawan mo at hinihintay ka na ng mga magulang mo at kapatid.” ’anang ng anghel ni Andre sabay tuluyang naglaho ang nagpakilalang anghel niya. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Andre at bumalik na ito sa sariling katawan.

Sa mga oras na iyon ay unti-unting gumalaw ang katawan ni Andre at napansin iyon ng mommy niya.

“Andre! Andre! Andre anak ko! Andre hu hu hu! Andre I’m so sorry anak! Patawarin mo kami ng daddy mo?! Patawarin mo kami Andre at napabayaan ka namin ng daddy mo! I’m so sorry! Huhuhu!” walang patid ang pag-iyak ni Sofia nang makitang dumilat ang luhaang mata ni Andre.

“M-Mom?! Mom! Dad! Alfie! Mahal ko kayo!” tanging banggit ni Andre at tuluyan itong nawalan ng malay dahil halos magsampung araw ng tubig lang ang supply sa katawan niya. Dali-daling tinawag ng mag-asawa ang doctor ni Andre. Nilapatan kaagad ng gamot ang bata, maya-maya ay lumabas na ang doctor at nasa mukha nito ang saya.

“ Congratulations Mr. & Mrs. Avila , ligtas na ang inyong anak sa kapamakan, you both did it well… Pinakikinggan ng Diyos ang hiling ninyo. Andre has another chance to live . Yun lang at tumalikod na ang doctor. Hindi masukat ang kaligayahan ng mag-asawa. Ang mag-asawa na rin ang personal na nag-alaga kay Andre kasama si Alfie at hinintay ang paggaling nito. Ilang araw lang ang itinigal nila mula nang magising si Andre dahil mabilis ang recovery nito dahil na rin sa pag-aalaga ng buong pamilya kasama na ang butihing Yaya Mila at si Mang Ambo ang kanilang hardinero.

Araw na ng paglabas nila ay sa simbahan sila tumuloy at doon buong pusong nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa isa pang pagkakataon para sa kanilang pamilya. Sa huling dasal ni Andre, isa lang ang nasambit niya…

“Kung hindi dahil sa kaibigan kong Kapre ay di ko siguro makamit ang ganitong uri ng kaligayahan. Salamat sa kapit-bahay kong Kapre…” tanging sambit ni Andre na bakas ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Wakas!

Credit to: Fhearl

Untold#16-Babae sa Corridor

Babae sa Corridor

Nangyari tong kwentong to nung isang weekend last year sa may isang Condominium sa Ortigas Extension. Hindi mataas ang building ng condo dahil 6 floors lang bawat building. Binilhan ako ni Mama ng unit sa condo dahil safe naman ang lugar, malayo sa baha at higit sa lahat malapit sa trabaho ko.

Personally, hindi ako naniniwala sa mga maligno o multo. Kapag namatay ka, that’s it. Wala na. Kumbaga, the end. Pero after nangyari sa akin nung weekend na yun, natatakot na akong mapag-isa sa mga madidilim na lugar.

Monthsary namin ng girlfriend ko ng Sabadong yun. Mahilig siya sa pagkain. Dahil eksakto namang kabubukas lang ng Vikings sa Megamall, doon kami kumain. At dahil weekend, marami ang nakapila. Matiyaga naman kaming naghintay kaya nakakuha din kami ng table.

Mga 10pm na kami nagpasyang umuwi. Inihatid ko muna sya sa bahay ng Tita nya sa may Cubao dahil may pupuntahan sila kinaumagahan. Pagkahatid ay nagtaxi na ulit ako pauwi sa Condo sa may Ortigas Extension.

Normal naman ang lahat. Pagpasok ko sa main gate, nagtanong si Kuya Guard kung anong unit, then sinabi ko and diretso na sa building ng unit ko.

Dahil magha-hating gabi na at walang buwan, sobrang madilim ang paligid pagbaba ko ng taxi. Walang tao sa buong paligid. Kaya pag alis ni Kuyang driver ng taxi, nangilabot ako sa lamig ng hangin, nakakapanindig-balahibo. Kahit may mga yellow dim lights sa mga lamp post, medyo nakakatakot pa din. Parang iisipin mong may white lady na bigla nalang susulpot galing sa kung saan.

Sa isiping yun, naalala ko ang kwento ng matandang may-ari ng katabing unit namin na nakasabay ko sa elevator minsan. May third eye daw sya kaya nakakakita sya ng mga multo. Kwento nya, may nagpapakitang babaeng multo daw sa building namin. Naka-uniform na pang-estudyante at duguan ang muka na natatabunan ng mahaba at maitim na buhok.

Nanindig lalo ang balahibo ko kaya dire-diretso ako sa elevator. Natatakot akong tumingin sa kaliwang corridor at sa kanan na medyo may kadiliman, na halos di mo na maaninag ang dulo. Wala pa man akong nakikitang multo, pero naninindig na ang balahibo ko. Mabuti nalang at bumukas na ang elevator.

Nasa sixth floor ako kaya medyo may konting tagal bago makarating sa unit. Pagkasara ng elevator, kinuha ko ang iPhone ko para kunwari malibang. Nasa isip kong kapag tiningnan ko ang mga photos, malipat sa iba ang naiisip ko. Pero pagdating ng second floor, bumukas ang pinto ng elevator at ang nakakatakot, walang taong nakaabang. Ayoko rin namang lumabas pa at tingnan ang corridor kung may taong naglalakad, na baka nainip lang kaya umalis. Mamaya makakita pa ako ng multo.

Nagsimula nang kumabog ang dibdib ko sa kaba kaya nagmamadali kong pinindot ang close button. Grabe ang kaba ko ng mga oras na iyon. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko. Na baka bumukas ulit sa third floor at nandoon na ang multo, tapos papasukin ako sa loob elevator, tapos sasakay sa likod ko at kung ano ano pa. Ngunit awa ng Diyos, di na bumukas sa third floor.

Kabado padin ako dahil may tatlong floors pa. Puro mura ang nasa isip ko. Lalong lumikot ang aking imahinasyon. Na baka pagdating ng fourth floor, bumukas na at nandoon na ang multo nakaabang. Shit.

Pagdating ng fourth floor, eto na ang bangungot sa buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan kailan man.

Pagbukas ng elevator, kasabay ng pagpatay-sindi ng ilaw, nandoon ang babaeng multo sa labas, nakakatakot at nakatitig sa akin. Madungis ang lumang school uniform nito at puro maitim na dugo ang nasa mukha. Nanindig lahat ng aking balahibo at halos himatayin na ako sa takot. Pawis na pawis at kabang kaba. Nasa isip ko din na baka ito na ang last day ko sa mundo. Naluha na ako ng nakita kong gumalaw sya. At dala siguro ng adrenalin rush, nanginginig kong pinindot ang close button habang nakabantay sa kanya kung ano ang susunod na gagawin nya.

Awa ng Diyos, nagsara ang pinto ng elevator ng hindi sya pumasok. Hindi ko na nakayanan ang panghihina. Kaya napaupo ako sa sahig. Sinabi ko nalang sa isip ko na bahala na kung anong mangyari. Kung bumukas ulit at papasok sya, ipipikit ko nalang ang mga mata ko at gagawin ako ang lahat para mahimatay para di ko sya maramdaman.

At di nga ako nagkamali. Pagbukas ng pinto ng elevator sa fifth floor, nandoon ulit ang babaeng multo. Habang ako ay mahinang mahina na nakaupo sa sahig, nakita ko ang dahan dahan nyang pagpasok sa loob ng elevator. At bago pa ako nawalan ng malay, naramdaman ko pang umupo sya sa tabi ko.

At doon na ako unti-unting nawalan ng malay-tao.

Untold#17-Lalaking Buntis

Lalaking Buntis

MASYADONG maalinsangan ang panahon pero tila may bagyong sumasalakay at inaanod ng baha ang puso ng isang ina habang yakap nito ang katawan ng anak.

“Magbabayad siya! Ipaghihiganti ko ang ginawa niya sa’yo. Magbabayad siya,” wika nito saka ubod ng pait na muli itong humagulgol. Mayamaya ay may hinugot itong isang larawan mula sa bulsa ng anak. “Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan ay magbabayad ka,” dugtong nito saka umusal ng isang lumang wika. Pagkatapos ay dinuraan nito ang imahe sa larawan. Bawat daanan ng laway ay nalulusaw ito hanggang sa mawala na ang imahe. Lumipad ang paningin niya sa salaming nakasabit sa dingding ng kuwarto. Nanlilisik ang mga mata niyang titig na titig roon. Ilang saglit pa ay nabasag ang salamin at umagos ang sariwang dugo. Kasabay ng halakhak nito ang pagyakap niyang muli sa wala ng buhay na anak.

“ MAHAL na mahal kita,“

wika niya sa binata habang hinila siya palapit sa dibdib nito. Napasinghap siya nang maramdaman ang init ng dibdib nito. At naramdaman niya ang unti-unting pagdaloy ng init sa kanyang katawan.

Pakiramdam niya ay sinisilaban sa init ang kanyang mga pisngi. Gusto niyang itulak palayo sa kanya ang lalaki subalit walang lakas ang mga braso niya para pigilin ito. Napapikit siya at naramdaman ang mainit na halik nito. Ang malakas na tibok ng kanyang puso ay lalong nadagdagan nang mapansing unti-unting tinatanggal nito ang butones ng kanyang damit.

Natigilan siya sa pakiramdam na may mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang katawan at kung hindi siya nagkakamali ay nag-iinit ang kanyang katawan. Namulatan niya ang nakapikit na lalaki habang bihag nito ang kanyang labi, at hindi nito pansin ang pagpatak ng kanyang mga luha. Ibibigay ko sa’yo ang lahat. Huwag ka lang mawala. Sa kanyang naibulong sa sarili ay nakagat niya ang labi ng binata na siyang ikinasaya nito. Doon lamang niya namalayan na isinuko na niya ang kanyang pagka-berhen

Basa ang kanyang mukha ng mga luhang naibuhos niya. Kanina lamang ay kayakap niya ang lalaking iniibig. Ngayon, magisa na lamang siyang nababalutan ng puting kumot na nabahiran ng pulang mantsa.

“Bakit mo ako biglang iniwan?”

GUWAPO, matalino, at matangkad. Ang mga iyon ang katangian ni Jon. Matinik siya sa mga babae. At ilan sa mga iyon ay lumuha ng dahil sa kanya.

Lumaki siya sa Maynila. At dahil nasa wastong edad na siya ay malaya niyang inililibang ang kanyang sarili sa mga babaeng kanyang napupusuan. Ang babae sa kanya ay parang isang manika. Kapag pinagsawaan ay wala ng halaga. Lalo na kung nakuha na niya ang pagka-berhen nito.

Naglalakad siya sa kalsada nang maramdaman niyang may tila tumatawag sa kanya. Pansamantala siyang tumigil sa paglalakad. Nakiramdam at nang makasigurong walang ibang tumatawag sa kanya ay muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad bitbit ang kanyang maleta. Patungo siya sa bahay-bakasyunan nila sa isang liblib na lugar sa Iloilo. Pansamantala niyang iiwan ang buhay sa Maynila. Ang totoo ayaw niyang magawi sa kanayuan dahil malayo ito sa mga lugar na hilig niyang puntahan.

“Di bale marami namang magagandang babae rito,” piping usal niya. Tama nga ang kanyang hinala, maraming magagandang dalaga siyang nakakasalubong sa daan. Mga dalagang malayo sa asal ng mga babaeng lumaki sa syudad.

Mula sa di-kalayuan ay natanaw niya ang isang bahay-kubo. Mayamaya pa ay may lumabas na isang matandang lalaki. At natitiyak niyang ito ang kanilang katiwala. At sa pakiramdam niya ay wala itong pinagkaiba isang taon na ang nakakalipas. Malakas pa rin ito at malinaw ang mga mata kahit edad singkwenta na.

“Mabuti at napadalaw ka. Eh, baka naman may tinatakasan kang babae,” pabirong wika nito sa kanya. Isang buntung-hininga na lamang ang kanyang itinugon.

MASUNGIT ang panahon sa gabing iyon. Hindi siya makatulog kaya minabuti niyang dumungaw sa bintana. Mayamaya ay tila galit ang hangin na hinampas ang kanyang mukha. Ipiniid niya ang bintana ng bahay-kubo at naupo siya sa kawayang upuan. Natanaw niyang mahimbing na natutulog ang kanilang katiwala sa papag na kawayan. Naalala niya ang sinambit nito sa kanya kanina. Baka raw may tinatakasan siyang babae kaya siya napapadpad sa kanayuan. Muling nag-flashback sa kanyang utak ang mga huling tagpo nila ni Dolores.

“Buntis ako, at ikaw ang ama.” Tila tinambol ang kanyang dibdib sa narinig. Buntis ang kanyang nobtya. At alam niyang hindi niya kayang panagutan iyon. Iniwan niya itong luhaan sa plaza. Alam niyang masama ang kanyang ginawa pero ito lamang ang paraan para makaiwas siya sa responsibilidad. Itinanggi niyang siya ang ama ng dinadala nito kahit pa alam niyang siya ang nakakuha ng pagka-berhen nito.

Ngayon, nandito siya sa kanayunan para tumakas. Ayon sa kanyang mga kaibigan ay hinahanap siya nito ngunit makalipas ng dalawang araw ay hindi na ito nagparamdam.

Natigilan siya nang makaramdam ng pagsusuka. Tumayo siya para buksan ang bintana at doon ilabas ang isusuka niya. Muli siyang naduwal hanggang sa masuka na siya. Habol ang paghinga nang maisuka niya ang lahat ng nakain niya. At sa kanyang pagtingala ay napaigtad siya sa kanyang nakita. Isang babaeng nakaputi ang nakatalikod mula sa di-kalayuan. Nakalutang ito sa hangin. Napaantada siya sa labis na sindak pagkasara niya ng bintana. Humugot siya ng isang malalim na hininga. At sa kabila ng takot ay nanaig ang kuryosidad niyang muling buksan ang bintana. Wala na ang babae. Nakahinga siya ng maluwag, at inisip na namamalikmata lamang siya. Nasaklot niya ang kanyang tiyan. Parang may mabigat na bagay na unti-unting nagpapaduwal sa kanya. Nahihilo siya na nasusuka. Napahiga siya sa papag hanggang sa nakatulog na siya.

“BUNTIS ako….” mahinang daing ni Dolores. Bakas ang pait sa kanyang mukha. Ibinigay niya ang lahat kasama na ang puso niya subalit ano ang napala niya. Iniwan siya ng lalaki, at itinangging ito ang ama ng dinadala niya. Mula sa isang pahina ng libro ay kinuha niya ang isang larawan ng lalaki.

“Jon, mahal na mahal kita,” wika niya habang hinalikan ang lumang larawan. Mayamaya ay kinuha niya ang isang punyal. At agad itong iniamba malapit sa kanyang puso. “Mamatay kami ng anak mo ng dahil sa’yo. Magbabayad ka!”

Kasabay nang pagkalat ng dugo sa sahig ang pagdagundong ng kulog. Tila galit ang langit sa kanyang nasaksihan. Hanggang sa unti-unting bumuhos ang ulan na tila nakikiramay sa mga kaganapan.

MULA sa di-kalayuan ay nakaramdam ng pagkabahala si Aling Petra. Nakita niya ang pagguhit ng kidlat sa kalangitan. Naalala niya ang anak na nagdadalang-tao. At napuno ng pag-aalala ang kanyang puso. Tila nagsusumbong ang langit sa nangyari sa kanyang anak. Mula sa kanyang bulsa ay hinugot niya ang isang maliit na bote na nasisidlan ng lana, at sa loob nito ang isang ulo ng ahas. Tila may ibinulong ito sa kanya. Isang bagay na siya lamang ang nakakaunawa. Bigla siyang napasigaw, at ang sigaw na iyon ay umeko sa buong kapaligiran.

TAKAM na takam si Jon habang namimitas ng mangga. Gamit ang panungkit ay nagtagumpay siyang makuha ang inaasam na bunga. Mas malaki kumpara sa mga naunang nasungkit niya. Nabalot ng asim ang kanyang mukha nang kagatin niya ang mangga. Ang sarap , nasabi niya sa sarili. Talo pa niya ang babaeng naglilihi kung masunggaban niya ang hilaw na mangga. Pagtingala niya ay nabitawan niya ang mangga. Isang babae ang kanyang natanaw mula sa di-kalayuan. Lumulutang sa hangin. Namamalikmata lang ba siya? Napapitlag siya nang humarap ito sa kanya. Titig na titig ang mga mapupulang mata nito. Sa labis na pagkasindak ay napasigaw siya.

“Jon, a-anong nangyayari sa’yo?” pag-aalalang wika sa kanya ni Mang Ambo, ang katiwala nila. Pinainom siya nito ng tubig saka pinaupo sa isang kawayang upuan. “Baka namamaligno ka lamang?” Napatingin siya sa matanda. Ang totoo hindi siya naniniwala sa mga maligno, pero ngayon gusto na niyang maniwala.

Tumayo siya nang biglang umasim ang kanyang sikmura. Tumakbo siya para sa banyo isuka pero hindi na niya nagawa. Nahihilo siya na naduduwal hanggang sa bumigay na siya. Isinuka na niya ang nilalaman ng kanyang tiyan. Mayamaya ay naramdaman niya ang paghimas ng matanda sa kanyang likuran.

“Dadalhin kita kay ka-Selya,” wika nito sa kanya. Tumanggi siya. Ayaw niyang magpatingin sa isang albularyo. Sa isang klinika malapit sa bayan siya nagtungo. Kulang-kulang isang oras ang ginawang pagsusuri sa kanya. Hanggang sa pina-ultrasound siya. At ang resulta ay gumimbal sa buong klinika.

“B-buntis ka,” hindi makapaniwalang wika sa kanya ng doktor.

ISANG linggo na ang nagdaan nang madatnan ni Aling Petra ang kanyang anak na dalaga na nakahandusay sa sahig. May saksak sa dibdib nito at naliligo sa sariling dugo. Umusal ito ng lumang wika saka kinuha ang isang lumang larawan. Mayamaya ay binuhusan niya ito ng lana na gawa sa katas ng ahas. Muling nagsambit ng lumang wika, at sa kanyang pagtingala ay lumabas mula sa kanyang bibig ang malapot na laway. Pumatak iyon sa larawan. Bawat madaanan nito ay nalulusaw ang imahe ng isang lalaki.

“Mamatay ka! Mamatay ka!”

BUTIL-butil ang pawis sa noo ni Jon nang bumangon siya sa kama. Habol ang kanyang paghinga. Nakapa niya ang kanyang tiyan. Lumaki na ito na parang isang babaeng nagdadalang tao. Apat na araw na ang nakakaraan nang suhulan niya ang doktor ng malaking halaga para huwag ikalat ang kababalaghang naganap sa kanya. Nagdadalang-tao siya. Paano nangyari ito? Tatayo na sana siya sa kama nang biglang sumakit ang tiyan niya. Napasandig siya sa kama hanggang sa mapahiga na siya. Nabalot ng sindak ang puso niya nang mapansing tila lobong lumalaki ang kanyang tiyan hanggang sa magsilabasan ang mga ugat nito. Hinde , piping usal niya. Sa kanyang paglingon ay labis ang kanyang pagkabigla nang matanaw niya ang isang babaeng nakalutang sa hangin. Humarap ito sa kanya. At labis ang kanyang pagkamangha nang makilala niya ito.

“D-dolores?” Lumaki ang mga mata nito na tila bolang apoy na nagliliyab.

“Oo, ako nga,” Nakakapanghilabot ang boses nito. “Hindi ako matatahimik hanggang hindi ka nagbabayad sa ginawa mo sa akin.” Iyon lamang ang nawika nito nang tila pulbos na nilipad iyon ng hangin.

Nasaklot niya ang kanyang tiyan ng makaramdam ng isang bagay na gumagalaw mula sa loob nito. Mayamaya ay tila napupunit ang kanyang tiyan hanggang sa magsilusutan ang mga uod, kasunod niyon ang mga bulateng lumalabas sa butas ng kanyang pusod. Nasakmal na ng takot ang kanyang pagkatao. Nagsisigaw siya ngunit tila walang nakakarinig sa kanya.

Muling pumasok sa kanyang isipan ang kanyang kasintahan. Si Dolores, isang babaeng nakilala niya sa tabing dagat, na ngayon ay minumulto siya. Paano namatay ito? Kailan pa? Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay nagawa niyang makabangon sa kama. At sa pagtapak niya sa sahig ay muling tinambol ang kanyang dibdib nang matapakan niya ang mga malalaking uod sa sahig. Gusto niyang masuka nang mabahiran ng kung anong malapot na likido ang kanyang mga paa. At sa kanyang pagtingala ay natanaw niya ang kaluluwa ni Dolores. Titig na titig ito sa kanya. Mayamaya pa ay nasa harapan na niya. Ang matutulis nitong mga kuko ay sumayad sa kanyang malaking tiyan. Tila may plano itong dukutin ang ano mang bagay na nais nitong makuha.

MABILIS ang mga hakbang na ginawa ni Mang Ambo. Alam niyang nasa panganib ang buhay ng kanyang amo. Nakita niya kung paano ginawa ng albularyo ang ritual. Mula sa isang kumukulong tubig sa palayok ay natanaw niya ang isang babaeng nagpatiwakal, at isang matandang babaeng may hawak na lumang larawan. Ayon sa matandang albularyo ay nasa ilalim ng kulam ang binata.

Ngayon, ay patungo siya pabalik sa bahay-kubo para sagipin ang buhay ni Jon. Kasunod niya si Ka-Selya na bitbit ang mga kagamitan sa panggagamot. Pansamantala siyang natigilan nang marinig ang malakas na hiyaw ng binata. Patakbo na nilang tinungo ang bahay-kubo.

Halos masuka siya nang madatnang inu-uod ang tiyan ni Jon. Malaki pa rin ang tiyan nito na sa tingin niya ay lalo pa itong lumobo. Nakita niyang namimilipit sa sakit ang binata. Tila isang babaeng manganganak na.

Nilapitan ito ni Ka-Selya saka umupo sa tabi ng binata. Umusal ito ng isang dasal saka binuhusan ng langis na gawa sa dugo ng kobra ang tiyan ng lalaki. Mayamaya ay tumili ito na siyang pumukaw sa mga ibong namamahinga sa sanga ng kahoy. Ang tili nito ay umeko sa buong kagubatan. Tila nagkahugis ang boses na siyang itinangay ng hangin sa kalawakan.

“HINDEEEEE!” hindi makapaniwalang nawika ni Aling Petra. May kumokontra sa kanyang kapangyarihan. Mas malakas kaysa sa kapangyarihang taglay niya. “Dapat siyang mamatay.” Umeko ang boses nito na tila nagsa-usok hanggang sa liparin ng hangin ang mahiwagang tinig na siyang sumabay sa isa pang tinig. Nagkasalubong ang dalawang tinig hanggang sa balutin ng dilim ang kalangitan. Kasunod niyon ang pagguhit ng kidlat sa kalangitan.

HABOL ang paghinga ni Ka-Selya. Batid niyang mas malakas ang enerhiyang taglay niya kaysa sa kumulam sa binata. Nagtagumpay siyang isalba ang buhay nito subalit isang bagay ang hindi niya kayang kalabanin. Ang paglabas ng sanggol sa sinapupunan nito.

NAPAKAPIT si Jon sa magkabilang gilid ng papag. Pawisan na siya. At sa pakiramdam niya ay hindi niya kayang pigilan ang isang bagay na gustong kumawala sa kanyang tiyan. Hubot-hubad na siya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Manganganak ba siya? Paano?

Muli siyang napatili nang makaramdam ng kirot. Timigas ang kanyang pagkalalaki. Sa kabila ng hirap ay nagawa niyang patigasin ito. Nagkaroon ng pangamba sa kanyang dibdib.

“Sige, i-ere mo,” malakas na sigaw ni Ka-Selya. Sumigaw siya ngunit walang boses na lumabas. Tumulo ang kanyang mga luha. Naaalala niya ang mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay, mga babaeng niloko niya, at ang babaeng nabuntis niya. Dolores, patawarin mo ako, piping usal niya. Kasabay ng malamig na hangin ang muling pag-ire niya. Isa, dalawa, tatlong ire hanggang sa matanaw niya ang kaluluwa ni Dolores. Umiiyak habang nagmamasid sa kanya. “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” Kasabay ng kanyang sigaw ang pagpunit ng kanyang ari hanggang sa lumabas ang isang malusog na sanggol.

NAALIMPUNGATAN si Jon nang makarinig ng iyak ng sanggol. Nababalutan siya ng puting kumot na nabahiran ng pulang mantsa. Nanganak siya, at hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala. Puno ng pagsisisi ang puso niya. At ngayong alam na niya kung gaano kahirap ang manganak, ipinapangako niya sa kanyang sarili na paninindigan na niya ang babaeng mabubuntis niya. Sa kanyang pagtingala ay pansamantala siyang nabigla. Ang takot ay nawala nang makilala ang babaeng nakaputi. Lumapit sa kanya ang kaluluwa ni Dolores.

“Pinapatawad na kita. Alagaan mo ang anak natin. Wala siyang kasalanan.” Iyon lamang ay nawala na sa kanyang paningin ang babaeng ina ng kanyang anak. Tumingala siya sa itaas at taimtim na nagpasalamat. Nagsisi sa kanyang kasalanan, at humingi ng tulong na harapin ang kanyang buhay kapiling ang kanyang anak. Tinanggal niya ang puting kumot na bumabalot sa hubad niyang katawan. Napapitlag siya sa kanyang natuklasan. May bahid ng dugo ang kanyang ari. At putol ang ulo nito.

“Hindeeeeeeeeeeeeeeeeee!”

Minsan ang kababalaghan ay nagaganap na hindi natin inaasahan. At kung minsan kailangan nating harapin ang kabayaran sa ating mga kasalanan. Matakot ka sa karma! Hindi lahat ng mga babae ay kaya mong lokohin…. Mag-ingat, baka ikaw na ang sumunod!

WAKAS

Credit to: Jondsmur

Untold#18-Napagkamalang Kaibigan

Napagkamalang Kaibigan[REAL STORY]

Introduction:

Ang kwentong ito ay nangyari sa isa sa nakasama namin sa retreat nung college kami. Hindi ko mismo nasaksihan ang pangyayari ngunit ang mismong nakaranas ang nagbahagi sakin ng kwentong ito

Pitong taon na ang nakakalipas ng mag-retreat kami sa isang sikat na “retreat house” dito sa Luzon. Kung hindi ako nagkakamali ay tatlong araw ang ginugol namin sa lugar na iyon.

Ang aming unang araw ay puno ng kulitan at asaran, sa madaling salita normal ang mga naging pangyayari. Ngunit nung ikalawang araw na namin sa lugar na iyon ay may biglang kakaibang nangyari. Habang abala kami sa pagpapa-“picture, picture” biglang may narinig kaming sigaw sa loob ng “girls’ dorm”. Medyo nagkaroon ng kaunting pagpapanic ngunit makalipas ang ilang minuto ay napakalma na ang aming kasamahang sumigaw at nagsimula ilahad ang mga naging pangyayari…

Tatlo daw sila bumalik sa dorm upang kumuha ng gamit at magbanyo. Ang unang babae ay pumasok sa banyo, tapos ang dalawang natira ay naiwan sa kwarto. Medyo matagal ang pagbabanyo ng isa nilang kasamahan kaya naisip ng kasamahan namin na humiga muna sa kama at makipagkwentuhan sa kasama niya.

Salita siya ng salita sa katabi niyang kama ngunit napansin niya hindi ito sumasagot. Nang lingunin niya ang kasama niya laking hilakbot ang nadama niya ng makita niya na isang matandang babaeng nakaitim ang nakatitig sa kanya na nakahiga din sa katabi niyang kama, galit na galit ang mga mata nito. Ang inakala niyang kaibigan na kinukwentuhan niya ay isa pa lang kaluluwang gala sa dormitoryo ng mga babae.

“Halos magwala ang kasamahan naming babae sa nakita at meron pa ngang umuwi na agad at meron din dinalas aospital dahil sa sobrang takot.

Realization

1Umamin ang mga tauhan na nasa lugar na maraming kaluluwang ligaw sa “retreat house” na iyon. (halos naman lahat ng “retreat house” may iba’t ibang kwento) 2. Ultimo Prof namin nagkwento na noong pinuntahan niya kami sa banyo upang i-check kung nagyoyosi kami ay nakakita ng umiiyak na bata.Pinagdasal na niya lang daw yun 3. Yung isang babae na inakala ng ating bida na kausap niya ay sumama pla sa unang babae na magbanyo. kaya suma total mag-isa lang pala ang bida naiwan sa kwarto.

Wakas ..

Untold#19-Tikbalang

Tikbalang[True Story]

      Ako si Oen (ohyen), 16 years old, First Year Civil Engineering. I usually sleeps at 12 midnight specially when I need to pass a requirement to a professor. Bata palang ako I feel presence sa house ng tita naming(Dun na kami nakatira ngayon dahil pinapagawa yung dati naming bahay). Nakatira kami sa bahay na bato, since hindi naman kami ganun ka Rural. I lived in Bulacan. I started to see and feel presence kapag gabi lalo na tuwing full moon nung bata ako. 

Bata pa lang ako kila Lola na ako natira. Alaga nya ako since 5 years old. Dati ayaw ko matulog kila Lola natatakot ako sa Dilim.7 years old nun napilitan si Lola na kila Mama muna ako matulog dahil nilalagnat ako.

2 days after ,magaling na ako at ako ang dakilang taster ng Ice Candy ng Mama ko. Pagkatapos ko kumain ng Ice Candy magtatapon na sana ako ng pinagkainan ko nang pinakisuyo ng kuya ko yung pinagkainan nya na itapon na daw. Malapit ako sa pintuan nun kaya napag pasyahan ko na sa harap nalang itapon yung kalat hindi naman madilim at ihahagis ko lang naman ang pinagkainan namin.

“PSSSSSSTTTT…. PSSSTT…” “Sino yun?” “ PSSST… PSSSTTT..“ lumingon ako sa kaliwa, nakalabas ang ulo ko sa pinto pero hindi ang katawan ko, sinilip ko lang yung tumatawag sa akin … Madilim pero bilog ang buwan. May nakita akong naninigarilyo sa bahay ng tita ko pero walang nakatira doon.

Nakatayo yung lalaki, Nakasumbrero sya. Nakalayo ang katawan nya sa dingding ng bahay pero nakalapat ang puwitan nya sa dinding ng bahay. Bali naka side-view sya nung nakita ko.“Kuya Bryan !?” tawag ko .. “Kuya Bryan ’wag ka ngang manakot!” nanginginig na sabi ko.

“Papa, kuya si Kuya Bryan tinatakot ako.” Pumasok ako sa loob para ituro sa Papa ko si Kua Bryan na nagyoyosi dun. Pagsilip ng Papa ko sa labas, wala na yung sinasabi ko. Nagtataka ako kaya sumilip ako ulit Pagsilip ko …

Ala na ngang tao pero nagtataka ako kasi kinikilabutan ako saka walang ibang daan bukod sa sanga sa likod bahay namin na katabi ng school. Dahan dahan kong isinirado ang pinto ng may narinig ako….

“PSSSSTTT! …. Tigidig tigidig tigidig tigidig”tunog ng tumatakbong kabayo..

(kabayo sa gabi?) ang weird!

Kinuwento ko to sa pinsan kong si Ate Myrna ,.. (isang avid fan ng mga kababalaghan, horror stories pero tumitili sa mga horror movies)

Isa lang ang naging reaksyon nya,, “ Nakita ko na rin ’yun.“

Kinabahan ako dahil kinuwento nya sa akin yung lalaking naninigarilyo.

Ginagawa palang daw yung house nun at bata pa sya nun. Sa unang kwarto daw nung bahay kung saan natutulog ang parents ko. May duyan daw dati dun. Mayroon syang nakitang nakasinding sigarilyo (yung para bang may humihithit nun). Tinantawag nya ang Tito ko dahil akala nya andun ito. Madilim daw nun at nangangapa lang sya papunta dun sa sindi ng sigarilyo. Nung nahawakan nya yung duyan biglang nawala yung sindi nung sigarilyo. Wala naman syang nakikitang nahulog na upos.

** Kinakabahan akong umuwi nung gabing yun dahil sa pagkokonfirm ng Ate ko dahil dun na kami nakatira sa tinutukoy naming bahay sa story. Ang bahay na bato. **

This is a real story and mentioned names were all true. Thanks for reading…

Paano kaya ang susunod na ingkwentro ko sa tikbalang na iyon sa bahay na bato namin.

WAKAS…

Author’s Note: Yung ibang story po na naka-published dito ay sarili kong story at halos lahat ng mga nasabing kwento sa previous chapters ay pawang nangari sa totoong buhay.Nga lang mga mga parts na hindi katanggap-tanggap ng ating isip pero sa ibang kritiko at normal.Muli po ay salamat sa inyong pagbabasa hanggang sa huli..Sana ay suportahan niyo rin po ang huling bahagi,,Ang EPILOGUE .

Untold-EPILOGUE

UNTOLD- EPILOGUE

Agad kong dinakot ang mga nagkalat na lamang loob ng pusa sa aking silid at kumuha ng isang timbang tubig para linisin ang kalat sa aking kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay umalingaw-ngaw ang isang nakakatakot na tinig ng isang demonyo na sinabayan ng isang napakalakas na tunog na tila isang nagwawalang kabayo.

Umuusok kahit wala naman naninigarilyo.Isa pa ay ang biglang pag-atungal ng isang sanggol kung saan.Ganun nalang din ang takot ko ng lumakas ang hangin at may dalawang babaeng dumaan sa aking harapan.Isang nakaitim at isang nakaputi ang sabay na tumitig sakin ngunit wala itong mga mata.

Sa kwarto ko naman narinig ko ang ugong ng rocking chair at himig na tila galing pa noong panahon ng kastila.Nabalot ng takot ang aking paligid at ang ikinagulat ko ay ang biglang pagkaluskos ng bubong at sabay paglawit ng napakanipis ngunit napakabang dila na gumuhit sa aking balat.

Ang atungal ng mga aso sa labas.Nang isahod ko ang timba ay umagos ang mga dugo kasabay ng mga bulate,daga at ipis na ikinagimbal ko.

Nagising na lamang ako sa katotohanang nasa kama ako at ang tangi ko lang narinig ay ang boses ni Mama na galit.

Pacoy gumising ka na male-late kana !!May pasok na!!Basa ka nanaman ng basa kaya ka napupuyat diyang bata ka.Bumaba ka na at maligo!

Napatingin ako sa hawak kong mga komiks at natawa nalang ako dahil sa napanaginipan ko lahat ng mga istoryang nabasa ko.Pakiramdam ko tuloy ay nakarating ako sa ibang dimensyon ng buhay.

Wakas…

AUTHOR’S NOTE: Actually dito sa epilogue ako nakaramdam ng takot hindi kagaya ng sa previous chapters..Haha..Masaya ako na natapos ko na itong horror/mystery collection ko..Anung say niyo sa ending?..Kasi nako nanindig ang balahibo ko dahil na-ii-magine ko sila..Sa mga solid readers salamat sa pagbabasa.At sa mga nag-votes salamat lalo na sa mga followers ko..

Sa Next update naman ay ang mga extra thought ko about horror stories..Salamat.. :)Mwuahhh <3 #UntoldFINALE

“KWENTO o KATOTOHANAN”

M

ayaman sa kuwentong kababalaghan ang mga Pinoy. Maraming istorya ang bumabalot sa iba’t ibang uri ng mga nilalang na tunay namang magpapataas ng iyong balahibo.

Kinalakihan ko na ang ganitong mga kuwento kaya naman may namumuong takot sa akin kapag ako ay nag-iisa sa madilim na lugar .

Manananggal

Kapag manananggal na ang pinag-uusapan, agad sumasagi sa isipan ko ang pangatlong istorya sa Shake, Rattle & Roll noong 1984. Pinamagatan itong “Manananggal” na idinerek ni Peque Gallaga . Kuhang-kuha ng pelikulang ito ang mga katangian na nasaliksik ko tungkol sa isang manananggal. Si ay pumapapel bilang isang magandang babae na nakatira sa liblib na parte ng gubat. Di siya mahilig makihalubilo sa ibang tao. Nabighani sa kanya ang isang lalaking taga-barrio.[ Herbert Bautista]

Di naglaon nalaman ng lalaki ang sikreto ng magandang dilag isang gabing kabilugan ng buwan. Nakita niyang lumabas ng bahay ang dilag at may ipinahid na langis sa bandang tiyan. Kitang-kita niyang lumabas ang pakpak sa likod ng babae at unti-unting nahati ang katawan nito sa dalawa. Lumipad ang kalahating katawan sa himpapawid at naiwan sa lupa ang kalahating katawan. Nang nilapitan ng lalaki ito, naamoy niya ang masangsang na bituka na nakalitaw. Binudburan niya ng asin ang bituka at namilipit ang kalahating katawan sa sakit. Hudyat ito ng pagkamatay ng kalahating katawan ng mananaggal. Nagalit ang manananggal ng nalaman niya ang kinahantungan ng kanyang iniwang katawan. Inatake ng manananggal ang lalaki at kanyang pamilya sa kanilang tirahan. Upang protektahan ang kanilang mga sarili, pinaghahampas nila ito ng palaspas na may bendisyon. Nang sumikat ang araw, namatay ang manananggal at natapos ang kanilang kalbaryo.

Ang manananggal daw ay mahilig lumipad sa gabi at dumapo sa bubong ng mga kabahayan upang maghanap ng butas kung saan maaari niyang isilid ang manipis at napakahabang dila sa paghahanap ng mabibiktima. Ang dila ang nagigiging instrumento ng manananggal sa paghigop ng dugo ng tao o di kaya ng sanggol sa sinapupunan ng isang nagdadalang-tao. Ito ay ikinamamatay ng biktima. Ayon naman sa ibang kuwento, maaari ding sundan ng manananggal ang biktima at kapag nahuling nag-iisa ay kanyang kakainin ang puso at iba pang mga laman loob nito.

Meron akong kakilala na pinagsabihan ng isang albularyo na maglagay ng asin, abo, at dinikdik na bawang sa tela at isabit sa bintana ng silid upang itaboy ang manananggal. Kasalukuyang buntis ang kanyang asawa noon. Tutal wala naman daw mawawala sa kanila, ginawa nila ang pinag-bilin ng albularyo.

                                                                   ASWANG

Matagal ng usap-usapan na ang mga aswang ay angmula sa probinsya ng Capiz,Ilo-ilo,at Antique . Ang aswang daw sa umaga ay mukhang ordinaryong tao ngunit pagsapit ng gabi, ito ay nagiging halimaw na kumakain ng lamang-loob ng tao, lalo na ng atay. Tulad ng manananggal, ang aswang ay may mahaba at malasinulid na dila na isinisilid nito sa butas ng bubong upang mahigop ang sanggol sa sinapupunan ng isang buntis.

Paborito daw ng aswang ang mga buntis. Maaring magbalatkayo ang aswang bilang isang hayop tulad ng, ibon ,paniki,pusa,baboy o,aso.

Sabi ng aming kasambahay na taga-Capiz, ang aswang daw ay may alagang ibon. Ang tawag daw dito aytiktik o wakwak. Pag malapit daw ang tunog ng tiktik o wakwak, ibig sabihin malayo ang aswang. Pero mag malayo ang tunog ng mga ito, marahil nasa malapit lang ang aswang. Ito daw ang paraan ng aswang para malito ang mga tao.

Nung ako ay buntis, nakarinig daw ang yaya ko ng tiktik na dumaan sa tapat ng bahay namin pero wala naman akong narinig. Pero natakot ako at di halos nakatulog. Awa naman ng Diyos, wala akong nakita o naramdamang di karaniwan noong gabing yun. Minsan talaga, ang takot ang nagpapalala ng sitwasyon.

Sa Panay ipinanganak at lumaki ang mga magulang ko pero kahit kailan daw di naman sila nakakita o nakaramdam ng aswang. Tinanong ko din ang mga pinsan ko na doon ipinanganak at lumaki na nagsabi na hindi pa din siya nakakita ng aswang. Nung nabubuhay pa ang lola ko, malimit kaming magpipinsan magbakasyon sa probinsya. Sabi ng lola ko meron silang taga-baryo na binansagang aswang. Di daw niya alam kung totoo yun pero yun daw ang sabi sabi sa lugar nila. Ang taong ito daw ay napakabatang tingnan para sa edad niya at itinuturong dahilan ng pagsakit ng tiyan ng ilang mga dayo sa lugar.

Naisip ko tuloy na kawawa naman ang mga taong tulad niya. Hindi biro na pagbintangan kang aswang ng mga tao sa iyong paligid.

Sa Reporter’s Notebook -Halooween Special na ipinalabas noong 2006, ipinakita ang isang babaeng taga-Panay na nagngangalang Annabelle Barrera. Siya ay naghihinagpis dahil siya ay pinagbibintangang aswang ng kanyang mga kapitbahay. Nilalayuan daw siya ng mga tao sa kanila. Di naman daw yun totoo at ang sakit na nararamdaman niya sa pagbibintang ay mas ay higit pa sa pisikal na sakit.

                                                          Kapre

Ang kapre ang tinaguriang BIG FOOT ng Pilipinas. Ito ay isang maitim, mabalahibong higante na mahilig umanong manigarilyo ng tabako . Masangsang daw ang amoy kapag may kapre sa paligid. Mahilig itong manatili sa taas ng malalaking puno tulad ng balete, matandang acacia, o di kaya’y puno ng mangga. Tinatakot ng kapre ang mga batang mahilig maglaro sa gabi. May kasabihan na kung ikaw ay naliligaw at parang paikot-ikot sa iisang lugar, baliktarin lamang ang suot na damit dahil malamang napaglalaruan ka ng kapre.

Ang sabi ng matatanda, ang kapre ay di naman napagpahamak na nilalang. Huwag lamang daw sisirain o puputulin ang kanyang tirahan. Maari daw mag-iwan ng pagkain sa paanan ng puno kung saan nakatira ang kapre, hudyat na ikaw ay kaibigan niya.

                                                             TIKBALANG

Ang tikbalang ay kalahating tao at kalahating kabayo. Taglay nito ang ulo ng kabayo, katawan ng tao at paa ng kabayo.

Kapag lalakbay sa gabi, dapat daw magdala ng kasama at baka iligaw ka lamang ng tikbalang sa daan. Kayang-kaya daw ng tikbalang na gayahin ang anyo ng isang kakilala upang tuluyang iligaw ang isang tao sa kagitnaan ng gubat o bulubundukin. Kung ikaw ay naliligaw at may hinala kang isang tikbalang ang nasa likod nito, maaari daw na hubarin mo ang iyong damit at baliktaring muli.

Sa isang banda, may nagsasabing ang tikbalang ay mahilig gumala sa gabi upang pagsamantalahan ang mga kababaihan na makakasalubong nito. Ang babae na pinagsamantalahan ay mabubuntis at manganganak ng isa ding tikbalang. Ayon sa aking pananaliksik, marahil daw ang kwentong ito ay binuo ng mga conquistador upang takutin ang mga Pilipino sa gabi.

Sabi naman ng matatanda pag umuulan at kasalukuyang sumisikat din ang araw, meron daw kinakasal na tikbalang na hindi ko kayang paniwalaan dahil sa greenhouse effect at sa global warming,isama mo narin ang climate change o ang pabago-bagong pana

TIYANAK(CHA-NAK)

Ang isang sanggol na bata na nakunan sa sinapupunan, ipinalaglag ng kanyang ina, o kaya’y namatay ng hindi binibinyagan ay sinasabing maaring maging isang tiyanak. Ginagamit ng masamang espiritu ang katawan ng sanggol upang umatake ng biktima. Ang tiyanak ay diumanong kumakain ng lamang-loob ng tao at umiinom ng dugo nito.

Sa araw, ang tiyanak ay mistulang isang ordinaryong sanggol. Ngunit sa gabi ito ay nagiging halimaw. Humahaba at nagiging matulis ang ngipin,humahaba ang kuko,umiitim ang balat,at nagiging mabalahibo.

Ginagamit ng tiyanak ang iyak ng isang sanggol na naabandona upang akitin ang kanyang biktima. Ang taong magkamali na siya ay lapitan o damputin ay agad sinusungaban ng tiyanak at pinapatay. May nagsasabi din na mahilig ngunit di niya pinapatay ang mga bata. Ang isang ina na magkamaling na nag-aanyong sanggol ay mamamatay dahil sisipsipin ng halimaw ang lahat ng dugo niya.

May ilang paraan para iwasan ng biktima ang tiyanak. Pag may hinala na inililigaw ng tiyanak, mabutihing baliktarin ang suot ng damit. Minsan daw nagiging katawatawa ito sa tiyanak at hinahayaan na lamang ang biyahero. Takot daw ang tiyanak sa malalakas ng tunog tulad ng mga paputok tuwing bagong taon. Sindak ang tiyanak sa rosaryo at umiiwas sa amoy ng bawang.

Sa pelikula ni Lore Reyes at Peque Gallaga na pinamagatang “Tiyanak” noong 1998, maaari daw patayin ang tiyanak sa pamamagitan ng pagsunog sa orihinal na saplot ng tiyanak na nagbabalat-kayong sanggol. Ang saplot na sanggol ay ang totoong balat ng tiyanak

                                                             DWENDE/NUNO

Sila ay mga maliliit na nilalang na maaaring nakatira sa bahay, puno, ilalim ng lupa o sa punso. Pwede sila magdala ng suwerte sa mga tao ngunit kaya din nila gumawa ng di kanais-nais. May mga mababait na dwende,at mayroon din namang mga pilyong dwende, depende sa pakikitungo sa kanila ng tao. May mga Pilipino na nag-iiwan ng pagkain sa sahig sa paniniwalang may dwendeng nakatira sa kanilang bahay. Ito ay symbolo ng mabuting pagsasamahan.

Sabi ng mga matatanda, bigkasin daw ang “tabi tabi po” pag dumadaan sa gubat o lugar na madaming puno at halaman. Paalala daw ito sa mga nuno sa punso na may dadaang tao para di sila basta-bastang magambala. Pag natapakan daw sila, maaring magkasakit ang isang tao.

Kwento o katotohanan?

Marahil parte na ng kultura ng Pilipino ang paniniwala sa mga nilalang na nababalot ng kababalaghan. Maraming kwentong nakakatakot at nakakakilabot ang naipasapasa sa maraming henerasyon. Madalas ginagamit ng mga matatanda ang mga kwentong ganito upang takutin at sawayin ang mga bata na lumabas pag gabi.

May mga naniniwala sa mga nilalang na nabanggit ko. Meron din namang hindi.

Tandaan lamang na ang takot ay may kakayanang paikutin ang ating imahinasyon. Minsan dahil sa takot, kung anu-ano ang sumasagi sa ating guniguni.

WAKAS NG AKING KABALIWAN..

Ikaw anung iniisip mo? Ibahagi mo lang sa comment section sa baba at ’wag mo narin kalimutang magtanong sa akin o kaya naman ay mag-vote for more stories and updates salamat!!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.