loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Nights With You (Masked Gentlemen Series 3)

Nights With You (Masked Gentlemen Series 3)

CengCrdva · 8 chapters · 10,025 words

Masked Gentlemen Series 3

This is the third book Masked Gentlemen Series. A collaboration with Miss Belle Feliz of Precious Hearts Romances.

❤️

Nights With You

The full story will only be published on Patreon or VIP group. Click the link on my bio or message CENGCRDVA page on facebook.

NO SOFT COPIES.

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.

This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author’s imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.


It also contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout.

(R-16) Read at your own risk!

Facebook Page:

Ceng Crdva

Facebook Group:

CengCrdva Official Group

Instagram:

Cengseries

Twitter:

CengCrdva


2021

© CengCrdva

All rights reserved

Prologue

Prologue

“Will you marry me?” Gun held my hand, his thumb brushes back and fort my hand.

Tumulo na ang mga luha ko at nasapo ang bibig sa narinig. He’s kneeling in front of me while holding a huge diamond ring on his other hand.

I remember the first time he asked me to marry him. I was six years old and he was nine. Isang gabi ay naglaro kami noon sa bahay or should I say, napilitan siyang makipaglaro sa akin dahil may sakit ang kapatid ko at hindi rin makapunta ang mga kaibigan ko dahil gabi na.

Raegunn, my brother and I spent a lot of time watching movies, mostly Disney films kaya iyon rin ang naging laro namin nang gabing iyon.

I was his princess and he was my prince. We were at the garden, under the moon and the stars playing a life full of happy endings.

The memory I had with him that night when I said yes to his proposal was still vivid. Kahit walang ideya ay lumuhod siya sa harapan ko hawak ang plastic na singsing at ako naman ay buong-pusong sumagot ng matamis na oo. We were giggling after he put the ring on my finger, but I never expected him to kiss me on the lips… just like in the movies.

It was my first kiss at hanggang ngayon ay hinding-hindi ko pa rin iyon nakakalimutan. Twenty years later, it’s happening again. A night under the moon and the stars.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

“Yes, I will marry you…” masaya kong sagot sa kanya sa kasalukuyan.

Nag-unahang tumulo ang kanyang mga luha at masayang isinuot kaagad ang singsing sa aking daliri sabay tayo at buhat sa akin paalis sa lupa upang masayang iikot sa ere.

Parehas kaming hiningal sa ilang segundong pag-ikot niya sa akin at nang muling mapirmi ay mas lalong tumulo ang mga luha ko matapos matitigan ang kanyang nangungusap na mga mata.

“I love you…” he said softly. “I love you so fucking damn much, Thyla…” he said but a loud voice thundered before he could even move closer to kiss my lips.

“Cut!” malakas na sigaw ng direktor kaya nanghihina akong napabitiw sa kanyang katawan kahit pa ang mga kamay niya ay tila ayaw akong pakawalan.

“Raegunn, it’s Samantha! Her name is Samantha!” frustrated nang sigaw nito dahil nakailang take na kami, pero imbes na ang lalaki ang intindihin ay nanatiling nasa akin ang mga mata niya.

I can feel his sadness, but there was nothing I can do. I shouldn’t do anything because I don’t want to feel anything for him anymore. Sinubukan kong lumayo pero agad niyang nahuli ang kamay ko.

“Thyceve, please…” hirap na hirap niyang pakiusap, pero umiling lang ako at agad binalingan ang direktor sa kabilang dako ng set.

“I need a break direk,” pinilit kong bawiin ang kamay at bago pa niya ako muling mahigit ay dumating na si Raffoul para ilayo ako sa kanya.

Kahit na parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko habang inaalalayan ako ng boyfriend ko palayo rito ay nagawa ko pa ring magpatianod.

Raegunn Earnest Grijalva, the man I once loved dearly… the man that I’ve spent most of my time with, but also the man that I’m never going to spend my eternity with… because no matter what I do, no matter how my feelings for him remained, I will always be just that girl who shared amazing nights with him… and nothing else.


This is the third book of Masked Gentlemen Series. A collaboration with Miss Belle Feliz of Precious Hearts Romances. Follow her Wattpad account to read her installment @xoxoxxbelle

Book 1: The Next Night by Ceng Crdva (Completed)

Book 2: The First Night by Belle Feliz (Completed)

Book 3: Nights With You by Ceng Crdva - (On Going)

Book 4: Will be written by Belle Feliz (COMING SOON!)

❤️

CHAPTER 1

Chapter One

Thyceve Laurenstein Luevano

Kuya Raegunn said sex was only designed for married people. He said that I shouldn’t give my purity to anyone but the man that I will marry.

Sabi niya, kapag daw ibinigay mo ang sarili mo sa kung kani-kanino ay parang nagbibigay ka na rin ng parte ng pagkatao mo sa taong iyon. The more you give yourself to other people, the more empty you feel afterwards.

I really wanted to believe what he said, but Raegunn Earnest Grijalva was a whore.

Wala sa sariling natutop ko ang aking bibig para hindi mapasigaw nang makita ko itong nakikipag-sex sa isang babae sa loob mismo ng kwarto ko. They were both drunk, I can tell. Lahat naman ng tao sa party ngayon ng mga kabarkada ni Kuya ay lasing na pero hindi ko inakalang dito pa talaga gagawa ng milagro ang loko-loko!

The girl kept moaning his name like a professional porn star and Kuya Raegunn continued pounding her from behind. Hindi ko na nakayanan nang kunin ng babae ang unan ko at doon sumigaw nang sumigaw!

I felt like my stomach turned upside down at the scene. Humigpit ang kapit ko sa hamba ng aking pintuan at nanghihinang napasandal doon.

Oo nga’t fifteen pa lang ako at may alam naman na rin ako sa sex pero first time kong makanuod ng live porn at sa loob ng kwarto ko pa!

I was torn between shouting and leaving them, pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang bago pa ako makapagdesisyon ay wala sa sariling napalingon na ang lalaki sa akin.

My breath hitched when our eyes met! Pakiramdam ko’y nilubayan ako ng aking kaluluwa!

“Shit!” Kuya Raegunn cursed before pulling and covering his nakedness before I could see the whole thing.

I slammed the door shut. Patakbo kong hinawi ang mga taong nasalubong ko. Wagas ang naging pagkalampag ng aking puso habang lumalayo roon. Mas binilisan ko ang bawat hakbang ng marinig ang pagtawag niya.

“Thyla!”

Nagpatuloy lang ako sa paglayo at hindi siya nilingon hanggang sa mapadpad ako sa basement at makapasok sa wine cellar ni Daddy.

My parents were currently out of the country kaya si Kuya ay naisipang mag-host ng party at imbitahin ang buong eskwelahan sa bahay namin.

He surely paid all our house help again so they wouldn’t tell my parents at tiyak na kapag nakita ako nito mamaya ay magiging kasing bait ng tupa rin ito sa akin huwag lang akong magsumbong!

“Thyceve…”

Shit. I know that tone. Bulong ng utak ko.

Awtomatiko akong napaupo nang wala na akong nagawa dahil talagang hindi na ako tatantanan ngayon ni Kuya Raegunn. Kahit ano ring gawin kong takas, he knew this was my escape room at kapag may problema ako ay wala na akong ibang pinupuntahan kaya madali niya rin akong mahahanap. There was nothing in our house that he didn’t know. Halos dito na rin kasi ito tumira dahil sa kapatid ko.

Kung bakit ba kasi umuwi ako ngayong gabi. I should have stayed with Donna tonight! Kung hindi lang dumating ang boyfriend niya ay hindi talaga ako uuwi! Bebe time raw kasi.

“Can we talk, please?”

Iniwas ko ang mga mata sa kanya. “Wala akong nakita, Kuya Raegunn.” I said lying just to get rid of him.

Hindi siya nakasagot, tila tinatantiya ang sitwasyon habang nananatili sa bukana ng wine cellar. Umangat ulit ang mga mata ko sa kanya.

“I know you saw everything.”

“Hindi ako magsusumbong kay Kuya.”

Naglakad siya’t naupo sa tabi ko. Umurong naman ako dahil para akong nakukuryente sa lapit namin. I still couldn’t get rid of what I saw. It was very clear…

“I’m sorry. Hindi ko alam na uuwi ka. Cash said you’re going to sleep at Gemini’s.”

“I was actually with Donna, but she had an emergency. Bebe time raw.”

Nalukot ang noo niya sa sinabi ko. I pouted.

He heave a sigh. “I’m really sorry you have to see that.”

Hindi ko pa rin siya nagawang titigan ng matagal. Napapikit ako nang maramdaman ang paghawak niya sa aking kamay.

“Hindi naman ako galit.”

“Tell me what you feel.”

“I-I’m just… I’m a bit disappointed,” nilingon ko na siya.

“Because I said that sex is only for married people yet I’m doing it?”

Nalaglag ang mga mata ko sa sahig, still couldn’t look at him without imaging what I saw in my bedroom.

“Yes, and because you did it in my room. Now I can’t close my eyes without seeing your girlfriend moaning against my pillow.”

Napakamot ito sa ulo, muling napabuntonghininga. “I’m really sorry… There’s no vacant room pero mali pa rin ako. Ayaw ko nang i-justify pa ’yon, but she’s not my girlfriend.”

Tumango na lang ako para sana matapos na pero hindi ito natinag sa tabi ko.

“Thyla…”

Mariin akong napapikit sa pagtawag niya sa akin sa masuyong paraan. Raegunn Earnest Grijalva is my brother’s best friend. Simula pa lang pagkabata ay kasama na namin ito sa halos lahat ng ganap sa buhay ng aming pamilya at maging sa kanila kaya hindi na rin siya iba sa akin.

Growing up I considered him as my brother, too. Mas close pa nga kami noon kumpara sa totoo kong kapatid pero dahil naging busy na ito sa pag-aaral ay nagkaroon ng distansiya sa pagitan namin. Mas lalo iyong lumaki nang tumuntong na ito sa kolehiyo at nalipat sa university na malayo rin sa kapatid ko.

Alam ko ang reputasyon ni Kuya Raegunn pagdating sa babae dahil gano’n rin ang kapatid ko pero ito ang unang beses kong nahuli siya sa akto. Kahit kasi alam kong mahilig siya sa babae, ni minsan ay hindi ko naman ito nakita na mayroong kasama kaya ngayong nahuli ko siya ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. I was surprised and a bit disappointed, too, hindi ko mapigilan dahil sa nasaksihan ko.

“I won’t tell Kuya, I promise.”

“Thank you… And I’m really sorry again. I promise it won’t happen, I swear…”

Doon na ako nagkaroon ng tapang na titigan siya. Pinilit kong ngumiti at pagaanin ang tensiyon sa pagitan naming dalawa.

“You need to buy me new pillows and bed sheet Kuya Raegunn or else isusumbong kita kay Tita.”

“Of course, I will personally clean your room too—”

“There’s no need for that. I just don’t want to see you inside my room anymore.”

“I’m sorry…”

“It’s okay. We’re good. Bumalik ka na sa party.”

Imbes na iyon ang gawin ay mas inayos niya lang ang pagkakaharap sa akin. Bahagya akong napapitlag nang hawakan niya ang aking kamay. Ayaw ko sana pero tuluyan ko nang hindi naalis nang marahan niyang pisilin ang aking palad.

“What should I do to make it up to you, huh?”

“Hindi naman kailangan.”

“I’ll buy you dinner this weekend, how about that?”

Pinagdiin ko ang aking mga labi at pilit pa ring tumanggi.

“Come on, Thyla! I should make up to you always, ’di ba? Nangako ako.”

“That was a long time ago.”

He chuckled and then brushes my hair. Napanguso ako dahil nagulo iyon.

“Promise pa rin ’yon at kailangan kong gawin. So what do you say?”

“Hindi na busy ka? You said you have a practice or something.”

Sandali siyang natigilan at napaisip.

“See? Huwag na. It’s okay.”

“I’ll cancel it for you.”

“Para saan ba kasing practice ’yon? The last time we talk parang importante.”

Tipid siyang ngumiti ngunit agad ring nag-iwas ng tingin. It’s be very important, nararamdaman ko. Mukha naman siyang masaya sa college life niya at sa mga bago niyang kaibigan kaya lang minsan ay hindi ko maiwasang magtampo. Siguro kasi nasanay akong kami lang ni Kuya ang pinagtutuonan niya ng pansin unlike ngayon, parang may iba na siyang mundo na hindi ko kailanman mapapasok. It’s sad, but that how life goes.

Lahat talaga sa mundo ay hindi permanente. May mga tao sa buhay natin na darating lang at hindi mananatili habang buhay. Relationships were like seasons. Minsan bigla mo na lang mare-realized na tapos na. You’ll wake up one day knowing that the friendship was fading or already ended, but that was okay.

Change was good and the reason why you parted ways with someone was that, their purpose in your life was finally over. Pero hindi dapat ikalungkot ’yon. Kapag may nawawala, dapat maghanda ka sa mga bagong parating because that will be one of a hella journey. Kapag may nawala, dapat mas maging open ka at excited lang palagi sa mga parating.

Life was too short to hold on to old friendships that don’t give us happiness anymore or now became mentally draining. Life was too short to chase people who always make us feel unworthy and taken for granted. Kapag wala na at hindi na nakabubuti sa ’yo ay huwag kang matakot na bumitiw. Life has so much more to offer so do not ever settle for less.

“You listening?”

Napapitlag ako nang marinig ulit ang boses ni Kuya Raegunn sa aking tainga.

“Are you still mad?”

“No, no. May naisip lang ako.”

Muli siyang napabuntonghininga, nagi-guilty pa rin talaga sa nagawa.

“May I know what is it?”

Pinagdiin ko ang aking mga labi at saka napatitig sa kawalan.

“I think I just missed us…” His adam’s apple danced on his throat when I shifted my eyes back to him. “Nakaka-miss lang ang ganito.”

Halos manubig ang mga mata ko sa pagragasa ng mga emosyon pero bago pa ako tuluyang maiyak sa harapan niya ay nayakap na niya ako.

“I miss you, too, Thyceve…” he whispered slowly. “Sobrang miss rin kita…”


Advanced chapters of this story are already posted on patreon. Link on my bio to subscribe or message me for direct pledge via facebook private group! Thank you!

Don't forget to vote, share and comment your reactions about this chapter! :)

P.S

Don't be shy to interact with your fellow readers, but please do respect each other's opinion. Let's create a healthy space. Happy reading! Love you all!

# CHAPTER 2

Chapter Two

Dinner

"Did you really saw your brother's hot bestfriend fucking a random girl inside your room?!"

Pakiramdam ko'y nalaglag ang puso ko dahil sa lakas ng pagsigaw ni Gemini sa hallway habang pasalubong sa akin!

"Your mouth, Gemini!" Suway ko bago siya hatakin papunta sa isang gilid ng abalang pasilyo!

"Shuta! Totoo nga?!" 

Natataranta kong tinakpan ang bibig niya bago pa kami maeskandalo ng malala! 

Everyone knew who my brother's bestfriend was. Paano ba namang hindi eh Kuya Raegunn came from a family of famous and award-winning artists! 

Ang kanyang mga magulang ay batikan sa pag-a-artista maging ang mga grandparents niya't iba pang pamilya. Ang mga magulang ko rin ay sa limelight nakasentro. My father was a director and producer habang si Mommy naman ang namamahala sa aming talent agency na matagal na ring established.

Minsan ay iyon rin ang dahilan kung bakit madalas akong kinakaibigan ng mga tao dahil alam nila na lahat ng artista ay kilala ko.

Most people ask me for a video greet galing sa mga paborito nilang artista which I rarely do dahil bukod sa nahihiya ako ay talagang weird pa rin para sa akin ang gano'n. Tanging mga close friends ko lang ang nagagawan ko ng pabor gaya na lang ni Gemini na patay na patay sa bunsong kapatid ni Kuya Raegunn na ngayon ay umaarangkada na rin ang career sa pag-a-artista.

"Thyceve!" Nababaliwang inalis ni Gemini ang kamay ko sa kanyang matabil na bibig matapos ang ilang segundong pagpupumiglas! 

Pinanlakihan ko siya ng mga mata para hindi na siya sumigaw.

"So... did you see it?" She whispered excitedly.

"Oo nga. Hindi ako nagsisinungaling. Kitang-kita ko na ginagawa nila 'yon."

"Gaga! What I mean is his... you know! Nakita mo ba his thing? Is it big? Long? Fat? Hairy—"

"Gemini!"

Kinikilig at parang uod na inaasinan niyang nakurot ang braso ko! Halos hambalusin ko siya sa ginawa!

"Ang dumi-dumi talaga ng utak mo!"

"Aba nagtatanong lang! Sino ba namang ayaw malaman kung anong itsura ng manoy ni Kuya Raegunn!"

Natabunan ko na ang mukha dahil sa mga pinagsasasabi niya! Imbes na tumigil ay mas lalo lang siyang humalakhak! 

"Wala akong nakita sa katawan niya. Basta may ka-sex siya sa kwarto ko. Sa kwarto ko, Gemini! In my own innocent pink bedsheet!"

"Alalahanin mo nga! Take me back baka nakita mo..."

Akmang lalayuan ko na siya para matigil sa kahibangan pero hindi ko nagawa sa kanyang paghila sa aking braso!

"Joke lang! Curious lang ako 'to naman!" 

Nginusuan ko siya, hindi pa rin kumbinsido na bibitiwan niya ang nabuksang topic. 

"Syempre kasi kung malaki, eh 'di family sila ng mga daks, mga pinagpala, mga favorite ng may kapal, and that goes with my ultimate crush Renfri! Potaena na-i-imagine ko na, Thyla!"

Tuluyan nang namula sa kahihiyan ang mukha ko! Yes I expected her to make a big deal out of it dahil sobrang big deal nga naman no'n pero hindi ko inakalang buong araw ay iyon ang magiging topic namin hanggang sa maghiwalay na kami.

"So kailan mo sasabihin kay Kuya Cash or kila Tita ang nakita mo?"

Bumagal ang pagnguya ko dahil sa tanong ni Gemini sa kabilang linya. I was at the living room, nakatapat sa TV at ngumunguya ng meryenda.

"I don't know. Ayaw ko na lang pag-usapan 'yon. I don't want my parents to be mad at Kuya Raegunn tsaka hindi alam nila Mommy na nagpa-party si Kuya. Pati 'yon malalagot kapag nagsumbong ako at malalagot rin ako kapag napagalitan siya."

"Kung ako niyan, iba-blackmail ko si Kuya Raegunn! Aba chance mo nang bilhin lahat ng bagong release na albums at photocards!"

"I have my own money for that."

She pouted. "Ay sorry nakalimutan kong mayaman ka nga pala. Oh, eh 'di help a friend na lang! I-blackmail mo si Kuya Raegunn na ibenta si Renfri sa akin o kahit kape lang sa Baguio as a friend. Malay mo mag-click kami eh 'di maaga kang magiging ninang!"

"Siraulo ka talaga, Gemini!"

"Napakadamot mo naman Thyceve! Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?! Bestfriend mo ako, 'di ba?! Kapag hindi ako nakapag-asawa kasalanan mo! Sayang naman 'tong matres ko hindi nagagamit!"

"You're only sixteen, oh my gosh! And no, that's not going to work. Masama ang mang-blackmail. Isa pa, pinalitan naman na ni Kuya Raegunn lahat ng nahawakan nilang gamit ng babaeng kasama niya sa kwarto ko. He also promised that he'll make up to me..." nahinto ako sa pagsasalita nang hindi ko pa natatapos ay marinig ko na ang boses ng lalaking pinag-uusapan namin! 

What the... he's here?

"My brother is here! I'll call you later! Bye!" 

Hindi na nakapagsalita si Gemini sa kabilang linya dahil naibaba ko na iyon saktong nakapasok ang kapatid ko at ang kanyang mga kaibigan sa aking kinaroroonan.

I am used to my kuya's friends. Kilala rin ako ng mga ito at itinuturing na kapatid pero ang hindi ko talaga inasahan ay ang makita na kasama nila si Kuya Raegunn ngayon. Hindi yata siya busy sa buhay lately at maraming time na bumisita?

"Sila Mommy?" Si Kuya Cash matapos tumabi sa akin kasabay nang pag-upo rin ng mga kaibigan niya sa mga katabing couch.

I handed him my popcorn. Nagkumahog naman ang mga kasambahay para bigyan ng pagkain ang apat na lalaki.

"Pauwi pa lang daw."

"Oh, alam mo na, ah? Don't make sumbong about the party, okay?"

Wala sa sariling lumipad ang mga mata ko patungo kay Kuya Raegunn na tahimik lang na nakatitig sa akin, mukhang tinitimbang kung magsusumbong ako sa kapatid ko sa mga nakita o gagawin ang napag-usapan namin kagabi.

Ibinalik ko ang atensiyon kay Kuya. "Hindi ako magsusumbong."

"Good!" Ginulo niya ang aking buhok. Napanguso ako't inis na inayos iyon.

Nakisali ako sa paglalaro nila ng playstation. Hinayaan lang ako ng kapatid ko dahil tapos na rin naman akong gumawa ng mga homework's. 

Kung sa ibang pagkakataon ay hindi ko pakikialaman ang pananahimik ni Kuya Raegunn pero dahil sa nangyari kagabi ay hindi nawala ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Ilang beses kong nahuli ang mga nakaw niyang pagtitig sa akin pero wala namang sinabi. Bukod sa isang tango kanina ay hindi na ako nito kinausap.

I played with them. Kumain rin ng meryendang para sa kanila pero nang hindi ko na mapigilan ang nararamdaman awkwardness ay nagpaalam na ako.

"Are you going to study now, Thyla?" Tanong ni Kuya Laruel na agad kong inilingan.

"I'll be at the pool. Tapos na akong mag-aral kuya," I said and then turned to my brother. "Are you guys going to use it? Maliligo ako."

"Nah. Go use it dito lang kami. We'll wait for mom, may pinabili ako."

Tumango ako. Sa muling paglihis ng mga mata ko patungo kay Kuya Raegunn ay nanatili pa ring tikom ang kanyang bibig kahit na halatang napakaraming gustong sabihin sa akin.

Pagkatapos kong magbihis ng panligo ay dumiretso na ako sa pool. I called Gemini again matapos lumangoy ng ilang minuto.

"So when are you going to invite me to your house again? Sayang andiyan pala ngayon si Kuya Raegunn! Minsan na lang 'yang dumalaw! Ang unfair mo talaga! Sumasama loob ko! Nagdidilim ang paningin ko sa 'yo, Thyla!"

"Hindi ko naman alam na pupunta sila ngayon at kasama siya 'no! You know how busy he was with his own life lately. Malay kong may time siya ngayong samahan ang kapatid ko."

"Baka naman hindi dahil kay Kuya Cash kaya siya andiyan? Baka ikaw talaga ang ipinunta? You know, guilty pa rin? Anyway, pagkakataon mo na talagang i-blackmail! Ito na ang sign!"

Napanguso ako. Humalakhak naman siya. "Pwede pa bang humabol? Baka naman oh! Para sumaya naman ako Thyla banana!"

Wala sa sariling napangiti ako sa narinig. I missed that nickname. Ang totoo ay si Kuya Raegunn talaga ang nagbigay ng palayaw na 'yon sa akin. Bukod kasi sa ka-rhyme ng palayaw ko ang banana ay saktong mahilig rin ako sa saging. Hindi iyon nawawala sa pagkain ko and even the two piece I am wearing right now has a banana print all over it.

"Pwede naman kaso hindi ko alam kung maaabutan mo sila. I don't think they will stay long. Mga ganitong oras ay naliligo na ang mga 'yon o 'di kaya naman ay nagpapahanda ng pang samgyupsal pero wala. I think hinihintay lang talaga nila sila Mommy tapos aalis na rin. My parents are almost home, too."

"Ang dami mo namang sinabi pwede namang sabihing ayaw mo lang talaga akong i-invite!"

I chuckled at that. Inahon ko ang mga paa sa pool at lumipat sa lounger. Pinunasan ko ang basa kong katawan habang patuloy na nakikipagkulitan kay Gemini pero muli iyong natigil nang makita ko ang paglabas ni Kuya Raegunn sa loob ng bahay at palapit patungo sa akin. 

I immediately drop the call bago pa ako maalaska ulit ni Gemini. Inayos ko ang sarili at hinintay siyang makalapit. 

Kuya Raegunn's presence made me swallow hard. Bukod kasi sa talaga namang nuknukan ng gandang lalaki ay hindi pa rin maalis sa utak ko ang nasaksihan kagabi.

"Your parents are home. Aalis na rin kami."

"Ingat." I answered but instead of walking away, naupo lang ito sa katapat kong lounger.

"Thank you for not telling anyone about what you saw..."

"Sinabi ko naman sa 'yong hindi ko sasabihin kahit kanino. Nangako na ako. A promise is a promise, right?"

Pinagdiin niya ang mga labi, but then mas lalo lang kumapal ang tensiyon sa pagitan naming dalawa nang umawang ang mga iyon matapos tila maligaw sa aking mga mata. His dark obs were too intense that it made me bit my lower lip.

"M-may sasabihin ka pa kuya?"

Agad niyang iniwas ang tingin sa akin at saka tumayo. Napatingala ako. I am tall, but my height was nothing compared to his. Magkasing-tangkad sila ni Kuya Cash. 6"3 tall. Never akong naging insecure sa height ko pero kapag ganitong kasama ko sila ay nanliliit talaga ako.

Bahagya akong tumikhim nang hindi siya ulit nakapagsalita pero bago pa ako makapagtanong ay nauna na siya.

"Dinner tomorrow? Free ka ba?"

Nangiti ako at wala nang pag-aalinlangang tumango.

"I'm free naman. Sa favorite restaurant ba tayo ni Kuya? Miss na miss na niyang kumain do'n! Matutuwa 'yon kapag nalaman niyang kakain tayong tatlo ulit!"

Excited akong tumayo lalo pa nang makita na rin ang kapatid kong palapit sa amin pero bago pa ako tuluyang makaalis sa harapan niya ay nahapit ko na ang aking paghinga nang pigilan niya ang aking kamay!

Pakiramdam ko'y bumagal ang pagdaloy ng hangin sa aking baga nang muling bumalik ang kaseryosohan sa kanyang mga mata habang nakatuon na naman sa akin.

"He's not going with us because it's just you and me, Thyla... Tayong dalawa lang sana..." he said almost above a whisper that made my jaw finally drop.

# CHAPTER 3

Chapter Three

Time And Energy

I don't remember when the teasing started. Hindi ko alam kung minsan bang si Kuya Laruel ang nang-asar sa akin kay Kuya Raegunn o si Gemini dahil patay na patay ito sa kapatid na si Renfri pero hindi totoong crush ko si Kuya Raegunn.

Yes, Kuya Raegunn was good looking. Kahit na hindi siya exposed sa limelight ay maraming nagkakagusto sa kanya and I can personally attest to that dahil kapag nakatambay sila sa bahay ay wala naman silang ibang pinag-uusapan kung hindi ang bagay na 'yon pero hindi totoong may gusto ako rito. 

I've never had a crush, too. Naga-gwapuhan naman ako sa mga lalaki pero ni minsan ay wala pa akong naalala na naging crush ko talaga. I don't like the idea. Ang sabi ni Daddy ay bawal daw iyon dahil bata pa ako kaya iniiwasan ko rin.

"Sus, aminin mo na kasing crush mo si Kuya Raegunn!"

"Ew Gemini! Kadiri ka! Hindi ko crush 'yon!"

Humalakhak siya para mas lalo akong asarin.

"Eh bakit namumula ka, ha?!"

"Kapag namumula crush agad?! Hindi ba pwedeng naiinis lang sa 'yo?!"

"Huwag ako, Thyla! Tignan mo nga kanina ka pa conscious sa hitsura mo! Ilang beses ka nang nagsuklay ng buhok wala pa man ang dismissal!"

Inis ko siyang inirapan at nagmamadaling ibinalik ang salaming hawak ko pabalik sa aking bag. Hindi ko na siya pinatulan dahil ayaw kong isipin niyang totoo nga ang mga nabubuong haka-haka sa utak niya pero hindi naman ako nilubayan ng pag-iisip.

It wasn't the first time that Kuya Raegunn and I will dine alone, pero iyon ang una matapos ang huli naming labas kasama si kuya. Sa loob ng isang taon ay bilang na lang rin sa daliri kung gaano kadalas ko siyang nakasama kaya hindi ko maiwasang kabahan.

Imbes tuloy na sa huling subject ako mag-focus ay sa pakikipagkita kay Kuya Raegunn umikot ang utak ko. Kahit na umaasa akong magbabago ang isip niya at i-cancel ang aming dinner ay may parte pa rin sa aking gusto iyong matuloy. I don't know. I guess I just really missed him, too. 

Kahit na nagkaroon ng agwat ang ugnayan namin nitong mga nakaraang taon ay gusto ko pa ring malaman kung ano ang buhay niya. Kung ano ng mga pinagkakaabalahan niya ngayon. 

I was always curios about college, too. Sa buhay ni kuya ngayon ay pakiramdam ko masaya iyon dahil mas malaya siya sa mga ginagawa. My parents also gave him more control of his life now because they wanted him to learn how to be independent. They also bought him a condo near his university kaya tuloy masyadong mataas ang kuryosidad ko. I'm so excited for college at mas lalo sa idea ng pagiging independent.

"Thyla! Ipakilala mo naman kami sa kapatid ni Renfri Grijalva!"

"Oo nga! Omg! Ang gwapo talaga!" 

Napangiwi ako sa boses ng mga kaklase kong hindi na umalis sa aking tabi matapos malamang susunduin ako ni Kuya Raegunn.

Gigil kong sinulyapan si Gemini. It was her fault the whole class knew about this. Paano ba naman ay walang sabing ipinangalandakan sa huling klase namin ang tungkol sa pagsundo nito sa akin kaya tuloy hindi na ako nilubayan ng mga kaklase namin.

"Hoy Krissa! Ayaw ng pangit ni Kuya Raegunn kaya ekis ka na!"

"Hindi ikaw ang kausap ko Gemini ang kapal nito!" nahigit ko ang paghinga nang hilahin ako sa braso ni Krissa. "Thyla, sige na! Kahit isang picture na lang! Gusto ko lang inggitin ang kapatid kong patay na patay kay Renfri! Tsaka ang balita mas gwapo ang kuya niya kaya sige na naman! Huwag kang tumulad kay Gemini na hindi na nga maganda madamot pa!"

"Anong sinabi mo?!" nanggigigil na hiyaw ng kaibigan ko sabay pilit na abot sa babaeng nasa aking kabilang gilid pero natawa lang ito.

Bago pa ako makapagsalita upang awatin ang asaran ng dalawa ay natigil na ang lahat sa pag-ibis ng isang itim na Porsche sa aming harapan! 

Awtomatiko silang napirmi nang maya-maya ay lumabas na doon si Kuya Raegunn. Napailing na lang ako nang marinig ang sabay-sabay na pagsinghap ng mga babaeng katabi ko, mga biglang nanahimik at ang mga mukha ay parang nakakita ng anghel na bumababa sa langit!

"Kuya!" nagmamadali kong tinanggal ang kamay ni Krissa sa pagkakahawak sa akin sabay takbo papunta sa lalaki. 

Napangiti rin ito at nang makalapit ako ay agad niyang kinuha ang mga hawak kong libro.

"You ready?"

I nodded. Iibis na sana ako patungo sa passenger's side para makaalis na kami pero hindi ko nagawa nang makita ang pagtakbuhan ng mga babaeng iniwan papunta kay Kuya Raegunn! 

Nasapo ko ang aking noo lalo na't nangunguna doon si Gemini na pilit itinutulak palayo sa lalaki ang kampon ni Krissa!

"Hey guys, chill!" nakataas ang mga kamay niya sa ere nang tuluyan nang madumog ng mga kaklase ko.

"Ano ba Krissa ang baho ng hininga mo!" pang-aasar ni Gemini sabay hila ulit palayo dahilan para matawa na lang si Kuya Raegunn.

Hindi na ako lumapit dahil akala ko ay magagalit ito sa akin pero imbes na iyon ang mangyari ay pinaunlakan niya pa ng picture ang mga kaklase ko. Some of them had the audacity to ask him call his brother so they could greet him. I thought he would refuse kaya nanlaki ang mga mata ko nang gawin niya. 

Napakamot ako sa ulo nang manguna sa kaguluhan si Gemini. Good thing Kuya Raegunn already knew her kaya hindi naman ito nagalit. Dalawang minuto pa ang lumipas bago kami tuluyang nakaalis. Dahil nakausap ni Gemini si Renfri ay hindi na ako nito naalala. 

We're laughing when we left the university. Iyon rin ang naging topic namin sa unang bahagi ng aming dinner. I thanked him for being nice to my friends. 

"Wala ka ba talagang balak na mag-artista? Sayang naman 'yon, kuya. You're already famous hindi ka pa man artista, paano pa kaya kapag sumunod ka na sa yapak nila Tita?"

He chuckled at that. Umiling rin at inubos ang pagkain sa bibig. "I haven't really thought of it. Nag-e-enjoy pa ako sa pag-aaral."

"Pero paano kung gusto nila Tita na mag-artista ka gaya ni Renfri?"

Nagkibit siya ng balikat. "You had no idea how long they've been pushing me to grab the opportunities. Wala pa talaga sa isip ko ngayon but I am not closing any doors."

"Ano bang nasa isip mo ngayon?" I asked while slowly chewing my food.

"I don't know. Basta sa ngayon priority ko lang ang mag-aral. I made a lot of friends and college is fun."

"I bet," lumawak ang ngiti ko. "I'm excited to go to college, too. Meet new friends... baka magka-crush na rin ako sa college. Pwede na naman, 'di ba?"

Awtomatikong bumagal ang kanyang pagnguya dahil sa aking sinabi. Nawala ang ngisi ko dahil sa agaran niyang pagseseryoso.

"S-sabi ni Daddy bawal ngayon pero kapag college na ako pwede na akong magka-crush."

Iniwas niya ang tingin sa akin. "Just pick good boys to admire. Hindi lang dapat gwapo o malakas ang dating. Choose someone who has good personality, but don't like them too much. Mga tuso ang lalaki lalo na sa kolehiyo."

"Tuso? You mean like you?"

Pinigilan kong mapalunok nang ituon niya ang seryosong mga mata sa akin.

"I am not like that, Thyla."

"Anong tuso? I know you and kuya told me not to have a boyfriend pero wala naman daw masama sa crush. Look at Gemini, crush niya si Renfri kaya ganado siyang mag-aral. Maybe I'll study and achieve more if I have a crush."

"Nah," agad niyang sagot dahilan para mangunot ang noo ko. "Having boys around will only make you focus less in your studies. Isa pa, you don't need boys to be inspired. You're already doing great in your acads so stop thinking about that."

Napanguso ako. I understand where his frustrations are coming from. Simula kasi noong grade four ako ay palagi na akong nakatatanggap ng mga love letters, chocolates, and flowers. Noon namang grade six ay lantaran na ang mga nanliligaw sa akin kaya bakod na bakod ako sa kanilang dalawa ni kuya Cashton. 

Ngayong pareho na silang nasa university ay mas lalong dumami ang mga manliligaw ko dahil wala na akong bantay pero wala naman akong ini-entertain. I never really talk about boys, but now that I'm getting older, naiisip ko na rin ang mga posibilidad lalo na't ilang taon na lang ay mag-ka-college na rin ako. 

I already had a glimpse of what college life is and I am really excited for it. Hindi naman partikular sa pagkakaroon ng crush o boyfriend, but thinking about that was a different feeling. Bago sa akin.

"I am not really thinking about it, but like you, I am not closing any doors."

That made him chuckled. Nababaliwan sa akin sa pangalawang pagkakataon.

"Just focus on your studies, Thyla. Don't give your attention to any boys because you should always prepare yourself for a man. Hindi naman mawawala ang mga lalaki, but let them know your worth. Once you finished your studies, you have more freedom to choose wisely among all successful gentlemen. Having a boyfriend right now will just be such a waste of time and energy."

Sa haba ng sinabi niya ay napainom ako ng orange juice. 

"Have you ever wasted someone's time and energy kuya Raegunn?"

Sandali siyang natigil sa pagsimsim sa hawak na red wine. 

"A few."

"Do you regret it?"

Marahan siyang tumango. "Now I do."

Wala sa sariling inabot ko ang kanyang kamay at saka malawak siyang nginitian.

"Stop wasting anyone's time and energy, Kuya Raegunn. Sabi ni Daddy masama ang magpaasa at manakit ng damdamin ng iba. I also believe in karma so promise me that you'll not do it again."

Mabagal ang naging pagkurap-kurap niya habang ang seryosong titig ay nakatuon pa rin sa akin. Bahagyang sumibol ang kaba sa aking dibdib nang maramdaman ang init ng kanyang palad na humawak sa aking kamay.

"I won't do it again, Thyceve... I promise you." Masuyo niyang sagot habang may buong puso at pag-iingat na hinahaplos ang aking palad.

~~~~~~~~~~

Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to subscribe or message me for details.

# CHAPTER 4

Chapter Four

Inevitable

Walang ginawa si Gemini kung hindi ang kulitin ako sa nangyaring dinner namin ni Kuya Raegunn. She still believed that it wasn't just a normal dinner but a date. 

"Ano nga kasi? Wala talaga? Don't tell me kahit kailan hindi ka na-attract kay Kuya Raegunn?"

"He's just like a brother to me Gem!"

"I know that pero parang may spark talaga, eh! Hindi sa pinag-o-overthink kita pero paano kung kapatid lang ang turing niya sa 'yo dahil gusto ka niyang bantayan pero sasalakayin rin pagdating ng panahon?"

"That's impossible! We're literally just like siblings!"

Napanguso siya nang wala na siyang makuha sa aking sagot. Nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi na siya nakapangulit dahil sa pagdating ng aming adviser.

We became busy for the next hours, but my head was unconsciously thinking about Kuya Raegunn. 

Ano kayang ginagawa niya ngayon? He was not really into sports since he was still with Kuya at kapag nagkikita naman sila ay kung hindi Xbox, road trip, at swimming lang ang pinagkakaabalahan nila. 

They like to go out of town, but now that he has new set of friends, hindi ko na alam kung ano ang trip niya. Nag-ti-text naman kami paminsan pero simpleng kumustahan lang ng araw. Ang nangyari nga kagabing dinner na yata ang pinakamahaba naming oras na magkasama simula nang magkaro'n na sila ng kanya-kanyang buhay ni Kuya.

Hanggang sa matapos ang klase ko ay si Kuya Raegunn ang nasa utak ko kaya naman hindi ako napakali nang sa pag-uwi ay makita ko ang sasakyan nilang nakaparada sa aming garahe. 

Wala sa sariling lumawak kaagad ang aking ngiti nang ang mga mata niya ang una kong masalubong pagpasok ko sa loob ng bahay.

She was with his parents. Apparently, biglaan lang naisip ni Tita Evia na dalawin si Mommy at Daddy kaya narito sila.

"Thyceve, hija!" magiliw akong lumapit dito upang salubungin ang kanyang yakap. "I don't know if I'm just wearing low heels or you've gone taller! Napakagandang bata naman talaga nitong inaanak ko Cindyl!"

"Oh course, Evia! Kanino pa ba magmamana ang anak ko kung hindi sa akin?"

"Wow, my wife really loves taking all the credit!" pagbibiro naman ni Daddy kaya sa kanya ako dumiretso matapos batiin si Tito Ralston.

"My unica hija, my baby..." Daddy said while hugging me tight and kissing my hair.

Napanguso ako sa kanyang ginawa pero nang mapansin kong nakatitig sa akin si Kuya Raegunn ay agad akong kumawala sa kanyang pagkakayakap.

"Daddy, I'm not a baby anymore."

Nalaglag ang kanyang panga pero imbes na pagalitan ako ay muli niya lang akong niyakap, mas mahigpit kumpara sa nauna.

"You're going to be my baby even when you're eighty years old Thyceve!"

The oldies laughed at that. Niyakap at hinalikan ko rin si Mommy sa pisngi nang malapitan.

"You're so lucky to have a daughter. Kung bakit ba kasi hindi ako nabiyayaan!" Pagbibiro ni Tita Evia kaya halos mabulunan si Tito Ralston. 

Tahimik akong naupo sa tabi ni Kuya Raegunn. Kinuhaan niya ako ng juice at patuloy lang na nakinig sa kulitan ng matatanda.

"Evi, huwag mo nang pangarapin at baka maagang pumuti lalo ang buhok ni Ralston! Having daughter is not easy lalo na kung makukuha ang lahi ninyo dahil tiyak na magiging bantay sarado mo at nitong anak mo."

Napatuwid ng upo si Kuya Raegunn nang mapunta sa kanya ang usapan pero nangiti lang ito.

"Hindi na bale at mukhang bibigyan ka naman ng maraming apo ni Raegunn. Hindi ba, hijo?"

Nahihiya siyang napakamot sa kilay. "Wala pa po sa isip ko 'yan, Tito."

"Oh, really? So wala ka pang nagiging girlfriend?"

"Wala po."

Halos maibuga ko ang juice sa bibig dahil sa kanyang sagot. Muli kong naalala ang gabing iyon sa kwarto ko. 

Oo nga't siguro ay totoong wala naman siyang girlfriend pero ang mga bagay na ginagawa ng mag-asawa ay tiyak na nagawa na niyang lahat.

"Hey... careful." kinuha niya sa akin ang baso pero gano'n na lang ang mas lalong pagkalampag ng puso ko nang sunod na maramdaman ang paghaplos ng mainit niyang palad sa aking likod.

My body instantly reacted to the foreign feeling his hand gave me. Para akong napaso.

"I-I'm okay, kuya."

She grab a towel and handed it to me. "You want water?"

"No, it's okay. I'm fine."

Kahit na may pag-aalinlangan ay hinayaan niya ako pero ang kanyang kamay ay hindi na inalis sa aking likuran kaya kahit na wala na sa akin ang atensiyon ng lahat ay nanatili ang kaba sa puso ko. 

Things like this supposed to be normal for me because kuya Raegunn was really caring, but because of what was happening lately, parang nag-iiba ang pakiramdam ko.

We had dinner when Kuya Cashton arrived from school. Naging masaya ang usapan but I was so conscious lalo na sa tuwing dumadapo sa akin ang tingin ni kuya Raegunn. Now I blame Gemini for feeding my head with malicious stuff.

Akala ko ay kusa na lang mawawala ang mga pakiramdam na 'yon pero mas lalo lang sumidhi nang magyaya si Kuya Cashton na manuod ng bagong Spiderman movie matapos kong maligo. Again, ang lahat ng iyon ay normal sa aming tatlo pero para sa akin ay ibang-iba na. 

Gano'n lang siguro talaga kapag nagkaroon na kayo ng space sa isa't isa. Iba na ang mundong ginagalawan niya at ako ay naro'n pa rin sa dati. He had stuff that I am not allowed to talk to anymore because he will probably thinks I am still young and that became a barrier of our relationship. Para sa kanya ay mananatili akong inosente at bata sa ayaw at sa gusto ko.

Kuya Cashton went outside when someone called him in the middle of the movie. Bumagal ang pagnguya ko ng popcorn nang sa paglabas ng kapatid ko ay agad akong binalingan ni Kuya Raegunn. Like he was waiting for the moment since we got inside our movie theater.

"How's school?"

"Good. Tiring, but fun."

"Any boys?"

"Marami namang boys, I already told you that."

"And you still remember what I said?"

"Of course, kuya. Eh ikaw? Totoo ba 'yong sinabi mo kina tita na wala kang girlfriend?"

"You know I don't have one."

"How would I know if you're telling the truth?"

Kumibot ang labi niya at imbes na sumagot ay ginulo lang ang buhok ko. Napanguso ako pero nangiti na lang rin.

"Hindi ka yata busy lately?"

"I'm not."

"Hmm, so my balak ba kayong umalis ni kuya Cash this weekend kaya ka narito or talagang dahil lang kay Tita Evia kaya kayo napadaan?"

"Because of mom."

"What happened between you two?"

"Huh?" he asked, his brows furrowed.

"Ni kuya. I mean gano'n ba talaga sa college? You meet new friends, you lose time with the old ones and then eventually you forgot about the latter."

"I don't forget about your brother, Thyla."

"But you two don't hang out na like you used to anymore. Noon ikaw pa ang nagpupumilit na mag-Batangas kayo or even out of the country pero ngayon minsan na lang kayo kung magkita at mag-bonding. You guys are not that close anymore."

"We are still close. Who told you that we aren't?"

"Nakikita ko."

Matagal na nanatili ang titig niya sa akin habang nag-iisip kung paano iyon ipaliliwanag. Pinihit niya ang sarili para harapin pa ako ng mas maayos dahilan para mapatuwid na rin ako ng upo.

"Not because we don't see each other and hang out like we used to, doesn't mean that we are not close anymore. Change is inevitable, Thyla. There are people that you meet who will only stay in your life for a certain period of time. Even if they're still in your life, some attachments will fade away and that is okay. Hindi ko sinasabing hindi na kayo magkaibigan kapag hindi na kayo nag-uusap madalas o magkasama but as you grow older, nagbabago na rin ang mga prioridad n'yo sa buhay and you have to respect that. Kung noon ay malaya kaming mag-out of town ano mang oras naming gustohin, ngayon ay kailangan na naming mas mag-focus sa pag-aaral because that will determine our future,"

Nanatili akong nakatulala sa kanya, patuloy na iniintindi ang kanyang mga sinabi.

"Ngayon pa lang dapat malaman mo nang walang permanente sa mundo. May mga taong mawawala sa buhay mo pero hindi lahat ng nawawala ay dapat mong ikalungkot. Some losses are a blessing, too. But you're wrong about me and your brother. Cashton and I will always going to be friends for the rest of our lives even if we will have different priorities in the future. Besides, true friends accepts and supports your growth. Whatever it may be. Your brother is always my brother you know that, right?"

Tipid akong tumango pero wala nang naisatinig. Sa lahat ng mga sinabi niya ay isa lang ang nakuha naging malinaw para sa akin, 
change is intimidating and a bit scary. 

Naiisip ko pa lang na isang araw ay hindi na kami mag-uusap ni Gemini ay nalulungkot na ako. She's like a sister to me and it will break my heart to not talk to her everyday. Kahit ang isipin na mayroon na siyang ibang close friend ay parang hindi ko gusto.

Kahit na naipaliwanag na ni Kuya Raegunn ang ilang katanungan sa isip ko ay hindi ko pa rin maiwasang mangamba. 

Sabi niya nagbabago ang mga prioridad niya kaya hindi malabong isang araw ay mawala na rin ako doon. Someday I know he will forget about me and Kuya Cashton, too. Of course I will always support him and his happiness, but I still don't like the idea. Hindi ko alam kung possessive ba ako, maraming emotional attachments o immature lang dahil sa naiisip?

"Hey..."

Ipinilig ko ang ulo at agad na ibinalik sa kanya ang mga mata.

"Naiisip mo bang isang araw pati ikaw ay hindi ko na mabigyan ng oras gaya nito?" 

Nakagat ko ang labi nang tila mabasa niya ang laman ng utak ko. My heart skip a beat when he held my hand and then smiled sweetly at me.

"Kahit saan ako mapunta, hindi man kita makita, makausap o makasama ay palagi kang nandito," aniya sabay angat ng kamay ko patungo sa kanyang kaliwang dibdib. 

"Y-you promise?"

He nodded vehemently. "I promise, Thyceve Laurenstein."

Kahit paano ay naibsan ang bigat sa puso ko. Sa pagbalik ni kuya ay agad kaming umayos ng upo at wala nang ginawa kung hindi ang i-enjoy na lang ang palabas.

I may not know what the future holds, but please God... can you make him stay forever in my life?

# CHAPTER 5

Chapter Five

Our Little Secret

Our interactions saved us form being strangers again. Kuya Raegunn felt that he needed to stay close so that our friendship will not end. Kahit nga abala ito sa pag-aaral ay wala itong palya kung bumisita sa bahay dalawang beses sa isang linggo. I am happy about it. Gano'n rin si Kuya kahit na talagang iba na ang trip nila ngayon sa buhay.

"Are you going out tonight?" I asked when my brother was gone again. Kausap ang mga kaibigan niya sa telepono.

Marahang umiling si Kuya Raegunn. "Your brother is busy and I have to run some errands later kaya maaga rin akong uuwi ngayon."

"Errands again?" I asked. 

Iyon na lang kasi palagi ang dahilan niya at hindi naman naipapaliwanag kung ano. Not that he needed to explain that to me, but it made me curious.

Tumango lang siya.

"You said we're going to Subic this weekend, tuloy ba 'yon?"

I heard him cursed under his breath. Napatuwid siya ng upo, nakuha ko na kaagad na pati iyon ay hindi matutuloy.

"It's okay," I said before he could say no. "Baka maging busy rin kami ni Gemini kaya okay lang kung hindi na matuloy."

"Where are you going?"

Nagkibit ako ng balikat. "I don't know yet. Maybe to a spa or somewhere more exciting than that."

"Somewhere exciting, huh?"

I nodded and smiled at him. "Magpapaalam naman ako tsaka kahit sumama si Kuya Cash pwede naman but I doubt that he'll come with us. Gaya mo, sobrang busy rin 'yon."

"Where are you two going?" pag-uulit niya ulit, tila hindi narinig ang mga sinabi ko.

"Hindi ko pa nga alam kuya–"

"I'll go with you." He cut me off. Muntik ko ng maibuga ang ininom kong juice.

"W-what?"

"You know what? why don't you come with me on Saturday?"

"Where?"

May pag-aalinlangan sa kanyang mga salita pero dahil mukhang tutol siya sa pag-alis ko kasama si Gemini sa lugar na hindi ko pa alam ay mas naging determinado siya sa sasabihin.

"To the place where I do my errands..."

I wanted to ask more about it, but my heart told me to stop. Baka kasi kapag nagtanong pa ako ay agad niyang bawiin.

Iyon ang naging topic namin ni Gemini nang magkita kinabukasan. Wala naman talaga kaming plano sa Sabado at sinabi ko lang 'yon para hindi mapahiya sa muling pag-atras niya sa mga out of town kaya safe pa rin kay Gemini kung sasama nga ako sa kanya.

"Naku, Thyla iba na talaga 'yan!"

"Shut up. Masyado na namang madumi ang utak mo."

"Ako pa ang madumi?! Ikaw ang malinis! You don't see the signs! Iba na ang nakikita kong effort sa 'yo ni Kuya Raegunn! Mukhang hindi na rin para kay Kuya Cashton ang mga pagpunta niya sa inyo kung hindi sa 'yo!"

"Sira! They're best friends. Of course mainly para sa kapatid ko 'yon at hindi lang sa 'kin."

"Then why he didn't invite Kuya Cash on that errand thing? Kung saan man 'yan?"

Pasimple akong napalunok sa naisip. "My brother is busy."

"Sus! Did he even asked Kuya Cash to join you two?"

Natigil ako sa pagtitipa ng kung ano sa aking laptop. I have not realized that until now. Oo busy nga ang kapatid ko pero hindi niya iyon binanggit. As if like the getaway was only for the both of us. 

Ipinilig ko ang aking ulo bago pa pasukan ng kung anong masamang hangin ang aking utak. Nagpatuloy ang mga pangdedemonyo sa akin ni Gemini kaya kahit pag-uwi ay iyon ang nasa isip ko. I didn't really want to make a big deal about it, but I've come to realized that maybe it really was something more especially when he texted me that night.

Kuya Raegunn:

Are you ready tomorrow?

Ako:

Yes. Hindi mo pa rin sasabihin kung saan tayo pupunta bukas Kuya?

Kuya Raegunn:

It's a surprise. Have you told anyone about it?

Ako:

No one.

I lied. And of course, imposible ring hindi ko sasabihin kay Gemini kung ano ang mangyayari sa lakad namin bukas.

Kuya Raegunn:

Ipagpapaalam kita.

Ako:

There's no need for that. Nakapagpaalam na ako kanina.

Kuya Raegunn:

Alam ba ni Cash?

Ako:

Does he need to know?

Kuya Raegunn:

It's up to you, but you can't tell anyone about what will going to happen tomorrow. 

Napalunok ako nang mabasa iyon. My eyes flicked twice when I read another text.

Kuya Raegunn:

It's going to be our little secret. You have to promise me, Thyla.

Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway sa lalamunan dahil sa nabasa. Kahit na kabado sa kung anong mangyayari bukas ay um-oo na lang ako sa mga sinabi niya. 

My conversation with Gemini and Kuya Raegunn didn't made me sleep properly. Maaga akong nagising at hindi napakali kung ano ang susuotin sa aming pag-alis. Mas lalo akong binalot ng kaba nang katukin na ako ng aming kasambahay at sabihing nasa ibaba na si Kuya Raegunn.

"Relax Thyla! It's just Kuya Raegunn! Walang mangyayaring masama sa 'yo..." I said on my reflection while gently slapping my face. 

Shit... why would I even think about that? Kailan ko pa naisipan ng masama ang lalaking 'yon? Why would it even cross my mind?

Inayos ko ang sarili. Kahit na naitago ko naman ang kaba sa aking buong pagkatao ay nagpapasalamat naman akong hindi ako nahimatay nang magkita kami. Wala akong ginawa kung hindi ang kwestiyunin ang sarili ko habang nasa kanyang sasakyan at patungo sa kung saan. I never really felt nervous whenever I am with him pero ngayon ay iba ang kaba ko. 

"How's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?" pormal niyang tanong habang nagmamaneho.

Ngumiti ako at tumango. "Hindi masyado."

"Why is that?" kunot noo niya akong sinulyapan. 

I was out of words for a second. Ano nga bang dapat kong isagot doon?

"S-si Gemini kasi pinuyat ako!"

"Oh... gabi-gabi ka bang puyat? You know you have to sleep at least eight hours a day right?"

"Right. Kagabi lang naman 'yon kuya."

He nodded. "Gaano kaimportante ang mga pinag-uusapan n'yo at napuyat ka?"

"About life?"

Natawa siya sa patanong kong sagot. "That's good. Huwag lang tungkol sa boys."

"Bakit naman kami mag-uusap tungkol sa boys?" kabado pa akong natawa sa tanong na 'yon.

I remember Gemini said something about Kuya Raegunn having feelings for me. Hindi naman daw kasi ito magiging ganito kaprotektado sa akin kung hindi na higit sa kapatid ang turing sa akin. I don't want to believe her. I mean this is Kuya Raegunn. I've basically known him my whole life so it was impossible... pero bakit minsan ay naiisip ko rin 'yon? Paano nga kung totoo ang mga sinasabi at haka-haka ni Gemini? 

The car finally stopped at a big decent house far away from the highway. Mahabang daan ang binaybay namin patungo sa lugar na ito. The landscape was just astonishing and the place was quiet. Parang ibang mundo dahil malayo iyon sa ingay at gulo ng siyudad. Bukod sa natatanaw kong mga bundok sa likuran ng bahay ay hindi ko rin naiwasang mamangha dahil kahit na mukhang luma na ang iyon dahil sa disenyong yari sa mga malalaking lumber logs ay kitang-kitang alaga dahil buhay na buhay ang mga bulaklak sa harapan ng bahay.

"Sa inyo ito?" namamangha kong tanong nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Marahan siyang umiling. "Let's just get inside."

Inilagay ko ang aking kamay sa kanya at nagpagiya na sa loob. 

Kung ano ang pagkamangha ko sa labas ay mas lalo sa loob dahil bukod sa malinis, the ambience was just too welcoming. Walang tanong akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa basement pero bago pa kami makapasok doon ay nagtumalon na ang aking puso nang harapin niya ako.

With those dark eyes looking intently at me, parang ginagalugad ng utak ko ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Gemini! Trumiple ang kalampag ng aking puso nang hawakan ni Kuya Raegunn ang aking kamay.

"Promise me you'll not tell a soul about my playroom, Thyla..."

"Kuya Rae–"

"Just promise me." he cut me off. 

Ang kanyang hinlalaki ay humahaplos na sa likuran ng aking nanlalamig na palad. I didn't know what to do and how to react to that. Para akong mamamatay sa kaba pero hindi ko magawang hindian iyon. There was something in his eyes that wanted me to willingly give everything that he wanted.

"My parents will kill me if they knew about this so please let's keep it a secret. Ipangako mo sa 'kin."

Kahit na para akong naliligo sa invisible pawis lalo na sa binanggit niyang playroom ay nanatili akong kalmado sa panlabas. 

I hate how Gemini feed my mind with such dirty thoughts! I was never into reading sexy romance novels pero ang kaibigan kong iyon ay nabasa na yata lahat ng libro tungkol doon. Her favorite was fifty shades of grey at iyon ang dahilan kung bakit nagwawala ang buo kong pagkatao ngayon!

Yes, I am still a virgin and I had a little knowledge about how sex works but I don't think I am ready for it! Lalo na kung kay Kuya Raegunn! 

Oh my God! 

"Thyla?"

Wala sa sarili akong tumango-tango kaagad sa kabila ng pag-aalburoto ng utak ko! Pinisil niya ang aking kamay at saka ngumiti. 

Sa pagbitiw niya sa akin ay para akong malalaglag sa sahig! Kung hindi pa ako nakakapit sa dingding ay baka talaga nahulog na ako! 

Ang kaba sa aking puso ay unti-unting napawi nang makapasok na sa silid. It was definitely not something I imagined! Thank God!

Napalitan ang pagiging aligaga ko nang pagkalito lalo na nang mahagip ng aking mga mata ang iba't ibang klase ng instrumento sa loob ng basement. 

Inayos niya ang isang upuan para ibigay sa akin. Sa aking pag-upo ay doon ko lang lubos naisip na music room ito at malayong-malayo sa playroom na nasa utak ko.

There were different kinds of guitars and classic albums hanging on the wall. May drum set sa kabilang gilid, may piano, may mga electric guitars and microphones at ang kalahati naman ng silid sa likod ng salaming dingding ay naroon ang mga computer at ilan pang kagamitan. It was a music room and a recording studio.

Napalunok ako nang maupo si Kuya Raegunn sa upuang nakaharap sa aking pwesto. Sa gitna kung saan naroon rin ang mikropono.

I couldn't help myself but to check him out. Nakaangat ang isa niyang paa sa patungan sa ilalim ng upuan. Kahit nakaupo ay halatang matangkad ito. I am also tall pero kapag katabi ko siya ay hanggang balikat lang ako. He was six foot three inches or taller. He has a muscular body, too, palibhasa ay alaga sa exercise. His broad shoulders and hard biceps were visible under his white polo shirt without even flexing it. Kung gugustohin niya nga lang ay magiging sikat siyang model isang project pa lang dahil bukod sa katawan ay talagang pinaglaanan rin ng Diyos ang paghulma sa kanyang mukha.

Umangat ang mga mata ko patungo doon. He has dark eyes like his hair and thick but clean eyebrows. Mahahaba rin ang kanyang pilik, matangos ang ilong, but my favorite part of his face was his lips. He has a very sexy but comforting smile. Katamtaman lang iyon at mapupula rin. I never saw him touched a cigarette kaya siguro hindi iyon maitim gano'n na rin ang perpekto niyang mapuputing mga ngipin. Walang effort ang kanyang pagiging magandang lalaki. Many girls would always look twice, even thrice when they see him on the street. 

Kung sabagay, pinagkakaguluhang mga artista ang kanyang mga magulang at natural ang ganda ng mga ito kaya kanino pa ba siya magmamana?

"What do you think?" marahas akong napabalik sa kasalukuyan sa kanyang pagsasalita.

Wala sa sarili kong pinasadahang muli ang kabuuan ng lugar. "I'm confused."

Natawa siya. "This is where I spent most of my hours, Thyla."

"What do you mean?"

He shook his head. Umalis siya sa pagkakaupo para kunin ang isang electric guitar sa gilid. He set it up and tuned it. Napalunok ako dahil ito ang unang beses kong nakita siyang humawak ng gitara at sa kanyang ginagawang pagtono rito ay mukhang bihasa siya doon. I have no idea that he plays guitar.

My heart skipped a beat when he started flicking his fingers on the the strings after turning the speaker where it was connected, producing a familiar tune of sweet child of mine. It was my family's favorite song! 

Kinilabutan ako lalo nang sulyapan niya ako habang patuloy na kinakalabit ang hawak na gitara! And damn hindi nga ako nagkamali! He knew how to play it and he was so good at it!

My throat went dry when his eyes went back on the electric guitar and bit his lower lip as the first stanza approaches. He was smiling when he glanced back at me. Napangiti na rin ako at sa pagbuka ng kanyang mga labi ay nakangiting sinabayan ko siya sa pagkanta.

"He's got a smile that it seems to me reminds me of childhood memories where everything was as fresh as the bright blue sky."

He smirked and lick his bottom lip to stop himself from smiling from ear to ear, making my cheeks finally blushed. Mas lalong nagwala ang puso ko.

I stopped singing and started questioning myself, "
Tama nga ba si Gemini na gusto ako ni Kuya Raegunn at higit na sa kapatid ang turing sa akin? o ako ang mauunang magkagusto rito?"

~~~~~~~~~~

Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. 

Message our fb page Ceng Crdva to read all other stories and

 for full details.

(Gcash is accepted)

Return to top?

Part of a series

Nights With You Masked Gentlemen

Part 1 of 1
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.