loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
NO STRINGS ATTACHED

NO STRINGS ATTACHED

Cold Deee · 50 chapters · 427,931 words

Author’s Note

Ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo, boyxboy ito o relasyon sa pagitan ng dalawang lalaki. Kung hindi ka open minded, then pwede ka na tumigil sa pagbabasa. May mga parte na maseselan dahil parte ito ng kwento. Mag-focus ka sa istorya at hindi sa kahalayan. Intiendez?!

So ready na ba kayo sa kakaibang love story nina Rigo at Randy? May mga hindi gusto ang personality ni Randy sa TOATL, I know. Pero sa istoryang ’to, I bet mamahalin n’yo s’ya. You will love the evil side of him. Even Rigo, dito n’yo makikita ang oh so hottie guy na ito!

Marami ang makakarelate, I’m sure.

So paano? Simulan na, wala na masyadong dakdak.

Enjoy reading fellaz!

––cold_

deee

chapter 1

A/N

Chichika pa ba ako? ’Wag na mga bes, alam kong walang interesado. Charot!

Enjoy reading chapter 1 guys!

––> si Randy po sa media.

©tto of the photo.


 

RANDY POV

Nasa restroom ako ng isang restaurant at nananalamin. Isa ito sa mga bagay na pinakamatagal kong ginagawa sa sarili ko.

Nang makita ko ang aking repleksyon sa salamin ay napangisi ako. Marahan kong hinaplos ang mukha ko.

’ Gandang mala-Liza Soberano. ’

Dahan-dahan akong umikot habang nasa tapat pa rin ng salamin.

’ May katawang maiko-compare sa Victoria’s Secret Supermodel na si Adriana Lima. ’

Napakagat ako sa aking labi na may halong landi.

’ Hhhmm.. Parang lips ni Angelina Jolie.

Hinawakan ko ang aking dibdib.

’ Kaunti na lang cup D na ang size n’ya. ’

Matapos kong suriin ang aking sarili sa salamin ay huminga ako nang malalim.

“Punyeta.” mahina kong sambit.

Lahat kasi ng mga nabanggit kong magagandang pisikal na katangian ay wala sa akin.

Randy Liam de Torres.

’Yan ang pangalan ko. Pang-lalaki dahil lalaki naman talaga ako.

Isa ako sa mga libo-libong bata noon na naniwalang ’pag lumaki ay makakapagsuot ng long gown.

Na magkakaroon ng seksing katawan na lilingunin ng mga kalalakihan.

Na makakasali sa Miss Universe at magiging grand winner.

Na someday ay may prince charming na magliligtas sa akin dahil ako ang prinsesa na ikinulong sa isang kaharian.

Pero bwisit lang.

Nang tumuntong ako ng Grade Three at naghihintay ako sa paglaki ng dibdib ko, doon ko lang na-realize na hindi pala mangyayari iyon. Dahil doon ko lang din napagtanto na lalaki pala ako.

Pinaasa lang ako ng kapalaran.

Gwapo naman ako, tiwala ako d’yan. Baka nga mas gwapo pa ako sa mga boyfriend n’yo.

’Wag n’yo akong taasan ng kilay dahil baka mas mataas pa ang kilay ko sa inyo.

Maputi, may katamtamang katawan at may pares ng magaganda at nakakaakit na mga mata.

’Yan ang physical features ko. Mapunta naman tayo sa ugali ko.

Mabait.

Inosente.

Maalalahanin sa iba.

Hindi nananamantala.

Laging nakangiti na gustong-gusto ng iba.

At higit sa lahat, napakalambing.

Ang gagandang katangian ’di ba?

“Punyeta.” muli ko nanamang sambit.

Hindi rin ako ’yan.

Dahil ang tunay na ako ay may tinatagong sungay at buntot.

Hindi ako mabait. Dahil ang taong mabait, matagal nang napunta sa langit.

Inosente? ’Yung kaibigan ko na lang na si Tom ang ganyan. Ang baklang ’yon! Na-enjoy na at lahat ng asawa n’ya, medyo mabagal pa rin pagdating sa makamundong bagay.

Hindi ako nagmamalinis. Hindi ako ipokrito na sasabibing pure at malinis ang pagkatao ko. Sino ba d’yan ang hindi nakaisip ng kalaswaan? ’Wag mong itataas ang kamay mo dahil isusubsob talaga kita sa kinatatayuan mo.

Maalalahanin? ’Wag n’yo akong patawanin. Sa mga kaibigan ko lang ako nagpapakita ng concern.

Hindi nananamantala? Hhhmm.. Naalala ko, pinagsamantalahan ko ang mga gwapo at mukhang mababangong schoolmates ko nung college ako.

Matalino ako kaya alam ko kung paano mapapaikot ang mga tao sa paligid ko. ’Yung mga f*ckboys noon sa school, akala nila maiisahan nila ako dahil bakla ako. They even asked me to give them money after kong lumuhod sa kanila. Are they nuts? Ako na nga ang halos mangitim ang tuhod kakaluhod, ako pa ang magbibigay?

Those stupid boys. Minsan ako pa nga ang nakakahingi ng pera sa kanila para may pang-dagdag ako sa allowance ko noon.

At dahil nga matalino ako, simple lang ang ginagawa ko. Hindi ako papatol sa mga students na hindi takot sa eskandalo. Doon ako sa mga madaling ma-blackmail tulad ng may mga kinatatakutang girlfriends, parents and reputations.

Palangiti? Tingnan mo ako sa mata, abangan mo ang makamandag kong irap sa’yo.

Hindi ako approachable. Pero kung kinakailangan, ginagawa ko. Mahal ang ngiti ko, for your info.

Malambing? Sa dalawang tao lang ako naglalambing. Sa Yaya ko na Nanay-nanayan ko na rin, at sa isang tao na nakakatabi ko sa pagtulog sa aking kwarto.

Confident akong tao. Makikita mo iyon dahil taas-noo akong naglalakad. Wala akong pakialam sa paligid. Wala akong pakialam sa iisipin ng iba.

Ang pinakagusto ko sa ugali ko? Dahil sa suplado ako at hindi ako mahilig ngumiti ay walang gustong makalapit sa akin. Kaya wala rin naglalakas-loob na banggain ako.

Kung titingnan ako ay aakalain mong tahimik ako at walang pakialam sa mundo. Pero hindi nila alam, pinagtatawanan ko na ang mga kausap ko sa isip ko. Ang ilan naman ay pinapatay ko na sa isip ko lalo na kung hindi ko gusto ang taong kaharap ko. 

’Yan ang tunay na ako.

Yes. Ako ang totoong version na pinag-aagawan ng ilang kababaihan sa title na Queen B*tch.

Natawa ako sa iniisip ko.

Those girls na pinag-aagawan ang tronong iyon, ang pagiging bitchesa. Habang nag-aagawan sila sa title na ’yon, pinapanood ko lang sila at pinagtatawan.

Bakit?

Dahil hindi nila alam na mga alagad ko lang sila.

Dahil bago pa sila ipanganak, nakuha ko na ang korona.

Walang pwedeng mang-api sa akin. Dahil susubukan pa lang akong apihin, naingudngod ko na sila sa lupa.

Masama ba ang ugali ko? I know. Hindi na kailangan i-remind sa akin ang bagay na ’yan. Dahil habang paulit-ulit na sinasabi sa akin ’yan ng iba, lalo lang akong natutuwang makita ang galit na galit nilang pagmumukha.

Enough of the pakilala. Kailangan ko nang bumalik sa table dito sa restaurant kung saan naghihintay ang isa sa mga naka-meeting ko.

Huminga ako ng malalim nang maalala ko ang babaeng naghihintay sa akin ngayon sa labas. Kailangan kong habaan ang pasensya ko dahil parte ito ng trabaho ko.

Muli kong inayos ang sarili ko. Lumabas ako ng restroom at sinimulan ang paglalakad na akala mo ay macho. Suot ko ang ekspresyon kong misteryoso na kinahuhumalingan ng mga kababaihan.

I’m telling you, kahit bakla ako hindi mo iyon mahahalata. Dahil lalaking-lalaki ako sa panglabas na anyo. Hindi mo iyon mahahalata dahil hindi rin ako mahinhin magsalita tulad ng ibang bakla.

Hindi ako nagsusuot ng pangbabae. Hindi ako against sa mga crossdressers, sadyang nakasanayan ko na lang din ito dahil sa kinailangan ko noon. Isa pa, hindi bagay sa akin dahil sa built ng katawan ko na parang matinee idol na napapanood n’yo sa mga telebisyon.

Sa katunayan ay marami na ang naloko sa physical features ko. May mga hindi pa nga naniniwala hanggang ngayon na bakla ako. Hindi ko na lang pinipilit ang bagay na iyon sa kanila dahil wala naman silbi kung magpapaliwanag pa ako. Baka ’pag pinilit ko pa ay sasabayan ko na ng isang batok at katakot-takot na pagmumura.

“Hey, you took so long.” malambing n’yang pagsasalita nang makaupo ako sa kanyang tabi.

Gusto ko s’yang taasan ng kilay dahil ang landi ng paraan n’ya ng pagsasalita. Gusto ko rin s’yang tanungin kung ano bang pake n’ya?

Pero ginawaran ko s’ya ng isang magandang ngiti. Kailangan ko itong gawin dahil parte ito ng trabaho ko.

“Sorry. Nainip ka ba?” tanong kong nakangiti.

Kinagat n’ya ang kanyang labi bago nagsalita.

“Nah, na-miss lang kasi kita.” paglalandi n’ya pa rin.

Gusto ko na tusukin ang mata n’ya sa totoo lang. Nandidiri ako sa pinapakita n’yang kalandian.

Halata ko naman na may pagnanasa ito sa akin. Pero hello lang, kung naging babae lang talaga ako, higit na mas nakakaakit ako.

Hindi ko tinanggal ang pekeng ngiti ko.

“I think we’re done. Wala na rin ang boss mo. Baka hanapin ka n’ya kung magtatagal pa tayo rito?” tanong kong nakangiti.

Gusto ko nang umalis. Pero ang impaktang ’to, nagpaalam sa boss n’ya kanina na sasabayan na lang ako.

Natawa s’ya sa aking sinabi.

“C’mon Randy… Narinig mo naman na nagpaalam ako sa boss ko kanina ’di ba..? I’m free all day! Pwede mo akong dalhin kahit saan. Pwede mo rin gawin ang kahit anong gusto mo hangga’t kaya ng lakas mo…” makahulugan n’yang pahayag.

Pwede ba kitang sakalin?

’Yan ang gusto kong itanong pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagbigay na lamang ako ng mahinang pagtawa na animo’y kinikilig ako.

“Sana nga pwede. Kaso may naghihintay pa sa akin na isang mahalagang appointment. Sorry, maybe some other time?” maginoo kong tugon.

Akala ko ay makukumbinsi ko s’ya kung sakaling gagamitin ko sa kanya ang ngiti at pagtawa ko na bihira kong ipakita sa iba. Pero mukhang iyon pa ang nagbigay sa kanya ng dahilan para mas lalo pa akong landiin.

Mas inilapit n’ya ang kanyang sarili sa akin. Hindi pa iyon doon natapos, dahil naramdaman ko sa aking binti ang pagkiskis n’ya rito ng kanyang isang paa.

Ang gagang ’to, mamaya may alipunga pa ’to. Ang lakas ng loob na idikit ang balat n’ya sa katawan ko.

Hindi ako gumalaw at nanatili lamang akong kalmado. Kahit diring-diri na ako sa ginagawa n’ya ay nanatili akong nakatingin sa kanyang mga mata.

“Randy naman… Bakit parang wala akong epekto sa’yo? Halos lahat ng lalaki sa office namin nagkakandarapa na makasama lang ako kahit sa pag-inom lang ng coffee sa pantry… Bakit ikaw parang ang ilap mo? Pangit ba ako sa paningin mo..?” nakakaakit n’yang tanong.

Aba, nagtanong pa talaga? Eh kung ibuhos ko kaya sa kanya ang mainit na kapeng sinasabi n’ya?

Pero s’yempre, hindi ko dapat gawin iyon. Nakaisip ako ng paraan para mapalayas ang hampas-lupang ito.

Inilapit ko pang lalo ang sarili ko sa kanya. Ngumisi ako habang tinititigan s’ya at ginamit ko ang nakakaakit kong mga mata sa kanya.

Hinaplos ko ang kanyang braso bago ako nagsalita.

“Paano mo naman nasabi ’yan? Sinong hindi magkakagusto sa isang babae na makinis ang balat kagaya mo?” nakakaakit kong tanong.

Pero punyeta lang, gusto ko na s’ya kurutin habang hinahaplos ang braso n’ya. ’Yung kurot na pinong-pino hanggang sa matanggal ang balat n’ya.

Nakita kong napakagat s’ya ng labi. Kinilig ang gaga.

“Randy, ano ba..? Ang daming nakakakita sa atin oh..?” sagot n’yang malandi habang magkatapat ang aming mukha.

Ay, impakta. Amoy kaldereta pa ang hininga. Amoy ng isa sa ulam namin kanina matapos ang meeting. Hindi man lang nahiya.

Inangat ko ang aking kamay at hinaplos naman ang kanyang mukha.

“At ang kutis mo sa mukha, sino bang hindi mabibighani sa sobrang kinis nito?” tanong kong muli sa kanya.

Muli nanaman s’yang napakagat ng kanyang labi dahil sa sinabi ko. Bahagya pa s’yang namula.

Hinihiling ko ngayon na sana ay mapadiin ang kagat n’ya sa labi hanggang sa dumugo ito.

“Randy, ano ba naman kasi…” tangi n’yang sambit.

Confirm, kaldereta nga. Amoy na amoy ko pa rin sa hininga n’ya. S’ya yata ang umubos kanina ng ulam na ’yon kaya wala nang natira sa akin. Patay-gutom rin pala ito.

Sa halip na ipagpatuloy ko pa ang kasinungalingan ko ay sinimulan ko na ang nabuo kong plano.

“Sabihin mo nga sa akin, sino ang dermatologist mo?” tanong kong bigla sa kanya habang magkalapit pa rin ang aming mukha.

Nangunot ang noo n’ya ngunit ilang segundo lamang nagtagal iyon. Muli s’yang ngumiti sa akin.

Gusto ko pa nga sanang silipin kung may natitira pa s’yang karne ng baka sa ngipin n’ya. Sasabihin kong itira n’ya na lang iyon para may baon s’ya bukas sa opisina nila. Sayang naman, paborito n’ya pa naman ang kalderetang iyon. Pero baka matawa ako ’pag ginawa ko iyon.

“Naku, natural ang skin ko Randy… Mukha ba akong nagpapa-derma?” pagpapa-humble n’ya at sinundan n’ya ng pagtawa.

Ayan nanaman ang hininga n’ya, punyeta.

Eto na, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa.

“Ah, ganon ba? Sayang naman. Gusto ko sanang alamin kung kanino ka nagpapa-derma para doon na lang ako lilipat. Medyo hindi na rin kasi ako satisfied sa clinic na pinupuntahan ko.” nakangiti kong pahayag.

Muli nanaman s’yang natawa dahilan para isipin kong siraulo s’ya. Tawa kasi ng tawa kahit walang nakakatawa.

“’Wag mo nga akong patawanin Randy! Vanidoso ka pala?” natatawa n’yang tanong.

“Hindi.” sagot ko ring nakangiti.

Tumaas ang isa n’yang kilay tanda ng pagtataka.

“Don’t tell me, you’re gay kaya ka ganyan?” tanong n’ya.

Subukan lang nitong tumawa, pakakainin ko na ’to ng table napkin.

“Yes, a proud gay.” tipid kong sagot habang malapad ang pagkakangiti.

Nanlaki ang mga mata n’ya. Kitang-kita ko ang pagkagulat. Pero ilang sandali pa ay napailing s’ya habang nakangiting alanganin.

“You’re joking, right?” tanong n’ya.

Hindi ko s’ya sinagot.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Hinanap ko ang contact number ng taong kanina pa naghihintay sa pagdating ko.

“Hello! Nasaan ka na?!” may halong inis na tanong ng lalaking tinawagan ko.

Sinadya kong ilagay sa loud speaker ang tawag para marinig ng babaeng katabi ko.

“Hi babe! Nandito pa ako eh. Hindi kasi ako makaalis dahil naharang ako ng secretary ng ka-meeting ko.” sagot kong may halong lambing.

Tiningnan ko ang reaksyon ng babae sa tabi ko.

Gahd! Mukha s’yang kwago, ang laki ng mga mata n’ya.

“’Wag mo akong ma-babe-babe! Ang sabi mo, sabay tayong kakain ng lunch! Anong oras na, wala ka pa! Hindi mo rin ako nagawang i-text man lang! Hindi mo iniisip na nag-aalala ako rito!” sermon ng lalaki sa kabilang linya.

“Sorry na babe, papunta na rin ako d’yan.” sagot ko at muli kong binalik ang tingin ko sa babae. “Maliban na lang kung isasama pa akong nitong secretary sa pupuntahan n’ya.” pagpapatuloy ko.

Mula sa pagkagulat ng babaeng kaharap ko ay nanlisik ang mga mata nito. Nagdikit din ang mga ngipin n’ya tanda na inis na inis s’ya sa nangyayari ngayon.

“What the f*ck?! Subukan mong sumama d’yan at nang makita mo ang galit ko! Umalis ka na d’yan at pumunta ka na rito! Sinasabi ko na sa’yo Randy ha?! Hindi pa ako kumakain!” pasigaw nang utos sa akin ng lalaki sa kabilang linya.

Hindi na ako sumagot sa lalaking kausap ko, pinatayan ko na rin ito ng tawag. Binalingan kong muli ang babae sa harap ko at nagkibit-balikat ako.

“Paano ba ’to? Hindi pa raw kumakain ang kausap ko. Gusto na yatang magkainan kami. Este, kumain kami. Tutuloy pa ba tayo sa lakad natin?” painosente kong tanong sa babae.

Nangingilid na ang kanyang mga luha habang galit na galit ang ekspresyon. Mabilis n’yang dinampot ang kanyang bag at tumayo.

“Bakla!!!” galit na galit n’yang sigaw.

Sa halip na ma-offend ay namangha pa ako.

“Woah! Sinabi ko na nga kanina ’di ba? Jusko! Bukod pala sa mabaho ang hininga mo, bingi ka rin pala ’no?” sagot ko at inikutan ko s’ya ng mata.

Nakakaubos ng pasensya talaga.

“You’re unbelievable!! Ang sama mo!!” sigaw n’yang muli sa akin.

“I know, matagal na. Wala na bang bago?” sagot kong kalmado sa kanya.

Hindi s’ya sa akin mananalo. Kahit pa maputol ang litid n’ya sa kakasigaw, hindi ako mauubusan ng sasabihin. Salbahe nga ako ’di ba?

“Lamunin ka sana ng lupa!!!” sigaw n’ya nanaman.

Nakakuha na kami ng atensyon sa iba pang kumakain sa restaurant.

“Yeah, we’ll meet there sa ilalim ng lupa. Kaso baka isuka ka rin. Kahit lupa yata hindi ka maaatim lamunin.” hindi ko pa rin pagpapatalo.

Wala na s’yang mahanap na isasagot. Kaya matapos kong sabihin iyon ay mabilis s’yang tumakbo palabas ng restaurant.

Huminga ako ng malalim hindi dahil nagi-guilty ako sa ginawa ko sa babaeng ’yon. Huminga ako ng malalim dahil nakalimutan n’yang bayaran ang mga kinain namin ngayon. Alam kong sa kanya iniwan ng boss n’ya ang pambayad kaya dapat nagbayad muna s’ya bago nag-walk out.

Itinaas ko ang aking kamay para tawagin ang atensyon ng waiter. Ano pa nga bang magagawa ko kundi bayaran ang mga kinain namin. Nakakapang-hinayang lang talaga dahil hindi ko natikman ang kaldereta.

Matapos kong magbayad ay mabilis din akong lumabas ng restaurant. Kailangan ko nang puntahan ang taong kanina pa naghihintay sa akin.

Gamit ang kotseng niregalo sa akin ng magulang ng bestfriend ko, nagbiyahe ako ng twenty minutes patungo sa isa sa mga pinapasukan ko.

Tama ang nabasa n’yo. Hindi lang isang kompanya ang pinapasukan ko kundi dalawa. At kung minsan ay napapatawag pa ako sa isa pang kompanya na pagma-may-ari ng best friend ko.

Ang dalawang pinapasukan ko ay parehong restaurant na pagma-may-ari ng bestfriend kong si Alexander Alavarez. May isa rin s’yang hotel na ngayon ay isa sa mga kinikilalang hotel dito sa Pilipinas.

Kagaya ko, may karelasyon din s’yang lalaki at ikinasal na sila limang buwan na rin ang nakakalipas.

Bukod sa bestfriend ko si Alexander Alvarez o Xander, s’ya ang kauna-unahan at huling lalaki na minahal ko. Alam n’ya ang bagay na iyon ngunit hindi n’ya kayang suklian ang nararamdaman ko sa kanya noon.

Sobrang sakit ng naramdaman ko noon. Dahilan para tuluyan na akong mawalan ng pag-asa na makahanap ako ng taong magmamahal sa akin ng totoo.

Iilan lang ang nabibigyan ng happy ending. Sad to say, hindi ako kabilang sa kanila. Dahil pinanganak na yata akong kakambal ang kamalasan. Dikit sa kalupitan. At katabi ng karamutan.

Sa ngayon ay masaya na ako para sa bestfriend kong si Xander. Masayang-masaya ako dahil sa wakas ay natagpuan n’ya na ang matagal n’ya nang kailangan at hinihiling na pagmamahal. At iyon ay nakita n’ya kay Tom na napakabuting tao at kaibigan.

Enough of the drama. Kahit naman ganito ang naging kapalaran ko kay Xander, hindi pa rin maikakaila na malaki ang utang na loob ko sa kanya at sa buo n’yang pamilya. Dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi ako magiging matagumpay na tao. Hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral at hindi ko makikita ang pangalawa kong pamilya na natagpuan ko sa kanila.

Kaya bilang kapalit ng mga kabutihang ibinigay nila sa akin, nangako akong magiging tapat sa kanila habang may natitira akong hininga.

Ako rin ang kaisa-isang pinagkakatiwalaan sa negosyo ni Xander sa tuwing wala s’ya. Kaya heto ako ngayon at pumapasyal at nagche-check na lang sa dalawang restaurant at isang hotel n’ya.

Ang tanging gagawin ko lamang ay patakbuhin ito ng maayos at i-report sa kanya ang lahat. Kung minsan ay binabahagi ko ang aking nalalaman at napag-aralan para mas maging matagumpay ang mga ito lalo na sa kanyang hotel na kasisimula pa lamang.

Ilang minuto pa ng pagmamaneho ay narating ko ang isang restaurant na pinapasukan ko dito sa Manila. Nang masigurong nakalock na ang aking kotse ay mabilis din akong pumasok sa loob nito.

“Nasaan s’ya?” tanong ko agad sa manager ng restaurant na si Karen.

Kilala n’ya na ang tinutukoy ko.

“Saan pa nga ba? Ayun, nasa office n’yo nagkukulong.” sagot n’ya.

Hindi na ako nagsalita pa. Kalmado akong naglakad patungo sa opisina namin dito. Nasalubong ko pa ang mga empleyado namin at binati ako. Tanging pagtango lang naman ang naisagot ko na nakasanayan na rin nila.

Ako ang kinatatakutan na boss sa lahat ng pinapasukan ko. Dahil bukod sa prangka ako, sagad sa buto ang mga salitang sinasabi ko. Hindi ako palangiti hindi gaya ng taong ngayon ay pupuntahan ko. Isa rin s’ya sa boss din ng restaurant na ito.

Nang makapasok ako sa loob ng office ay nakita ko ang lalaking kahit nakasimangot ay mabibighani ang kahit na sino. Nakaupo ito sa swivel chair sa harap ng table.

Bakit nga ba hindi mabibighani ang kahit na sino?

Bukod sa isa s’yang magaling na Chef sa restaurant na ito, kinikilala rin s’yang sikat na model na lumalabas na rin ngayon sa telebisyon.

Gwapo at matipuno ang pangangatawan na kahit sino ay lilingunin at paglalawayan.

“Rigo.” pagtawag ko sa kanyang pangalan.

Saglit n’ya lang akong nilingon ngunit hindi s’ya nagbigay ng kahit na anong pagbati pabalik. Seryoso s’yang bumalik sa pagbuklat ng mga files na nasa kanyang harapan.

Humakbang ako papalapit sa kanya upang bigyan s’ya ng halik sa labi bilang pagbati.

Ngunit bago pa tuluyang magdikit ang aming labi ay iniwas n’ya na ito sa akin. Ipinaling n’ya sa iba ang kanyang mukha.

Napangisi ako dahil sa nangyari.

“Kumain ka na?” tanong ko nang makatayo ako ng tuwid.

“Sa tingin mo makakakain ako kung ang inaasahan kong kasama, ngayon lang nagpakita?” malamig n’yang tugon.

Natatawa ako sa kanyang inaasal ngayon. Pero somehow, nagi-guilty ako. Nakapangako kasi ako sa kanyang sasabayan s’ya.

Niyakap ko s’ya sa kanyang leeg habang nasa likod n’ya ako.

“I’m sorry… ’Wag ka nang magalit…” paglalambing ko at hinalikan s’ya sa pisngi.

Ang bango n’ya talaga. Hindi nakakasawang amuyin ng paulit-ulit.

“Ikaw ba, kumain ka na?” seryoso n’yang tanong.

Kahit naman galit ito ay alam kong nag-aalala pa rin ito sa akin.

“Oo. Kumain kami ng mga ka-meeting ko kanina.” pagsasabi ko ng totoo.

Napahinga s’ya ng malalim. Mukhang lalong nadagdagan ang inis n’ya sa nangyari.

Matagal suyuin ito lalo na tuwing nakakapagbitaw ako ng pangako at hindi ko natutupad. Kaya kailangan kong husayan ang paglalambing ngayon.

Hindi n’ya pinansin ang paglalambing ko. Pero hindi naman n’ya tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanyang leeg.

Inabot n’ya ang telepono dito sa office at nag-dial doon.

“Karen, magpadala ka nga ng employees meal dito sa office. Hindi pa ako kumakain! Gutom na ako!” madiin n’yang utos sa aming manager at mabilis din n’yang ibinaba ang tawag.

Ayan na, pahihirapan n’ya nanaman ako ng ilang oras.

“Sorry na nga, Rigo.” hindi pa rin ako sumusuko.

Hindi s’ya sumagot at nanatili lang na nakasimangot. Nakikita kong nilalabanan n’ya ang kanyang sarili. Gusto n’ya nang bumigay sa panunuyo ko pero kailangan n’yang panindigan ang galit n’ya.

Wala akong magagawa kundi ang habaan ang pasensya. Paulit-ulit ko s’yang hinalikan sa pisngi habang yakap pa rin s’ya sa leeg.

Ilang sandali pa ay nakarinig na kami ng pagkatok sa pintuan ng office.

“Nand’yan na ang pagkain ko. Umalis ka na d’yan dahil baka makita nila tayo.” malamig n’yang utos sa akin.

Nang sabihin n’ya iyon ay nakaramdam na ako ng inis. Sino bang matutuwa na pinapalayas ka? Pasalamat s’ya dahil may atraso akong kailangang pagbayaran.

Dahan-dahan akong umalis sa kanyang likuran. Tinungo ko ang sofa na nasa loob ng office at padabog na umupo roon.

Nakakapunyeta lang. Ang hirap n’ya ngayon suyuin.

“Pasok!” sigaw n’ya sa kumakatok sa labas.

“Chef Rigo, ito na po ’yung pagkain n’yo.” wika ng waiter namin habang hawak ang isang tray na may mga pagkain.

“Pakilapag mo na lang d’yan sa table. Salamat.” sagot naman ni Rigo at ngumiti.

Lalo akong nainis dahil kanina ay hindi ko man lang s’ya nakitang ngumiti sa akin kahit isang segundo lang.

Walang ekspresyon ang aking mukha nang tingnan ko ang waiter na ngayon ay nasa harap ko. Nasa harap ko kasi ang maliit na table na tinutukoy ni Rigo.

Naisip kong sa waiter ko na lang ibabato ang inis ko.

“Dito po ba kayo kakain sa loob Chef?” nakangiting tanong ng waiter na nasa harap ko kay Rigo.

Agad akong sumabat kahit hindi ako ang kinakausap.

“Baka sa labas? Kaya nga sa’yo pinadala dito sa loob ’di ba?” nakataas kilay kong pambabara sa kanya.

Pareho silang napatingin sa inasal ko. Wala akong pake. Basta naiinis ako.

“Sige na Jay, iwan mo na lang d’yan. Pwede ka na lumabas.” nakangiting utos ni Rigo sa waiter.

Nagkamot ng ulo ang waiter.

May kuto? Balakubak? Kugang?

“Sige po. May ipapakuha pa po ba kayo?” tanong nanaman ng waiter.

Makulit ka talaga ha? Sige…

“Bakit? Sinisipag ka ba ngayon? Kung sinisipag ka at gusto mo ng may magagawa, pumunta ka sa likod. Alam mo ’yung garden natin doon? May mga bushes tayo doon ’di ba? Dati bilog ang shape no’n, pero humaba na ang mga dahon kaya nawala sa porma. Gusto kong ibalik mo sa dating porma ang mga ’yon. Ngayon na ha? Ngayon na. Bilisan mo bago pa lalong uminit ang ulo ko.” dire-diretso kong utos at pambabara nanaman sa waiter.

Nanlaki ang mga mata ng waiter.

“P-po?” hindi n’ya pa yata narinig.

“Bingi lang? Binge? Gusto mo madagdagan pa? Sige, gawin mo ’yon nang hindi ginagamitan ng cutter. Gamitin mo ’yang mga kamay mo. Isa-isahin mo ang mga dahon. Masipag ka ’di ba? Naghahanap ka ng magagawa ’di ba?” kalmado pero nakataas na kilay kong utos.

Ganito naman ako. Mukhang kalmado kahit high blood na ako.

“A-ah.. S-sige po.” alangan na sagot nito.

Akmang tatalikod na ito sa akin upang lumabas na ng office ay tinawag s’ya ni Rigo.

“Jay, iutos mo na lang iyon sa maintenance. Bumalik ka na sa dining dahil walang kasama si Brenan doon.” nakangiting utos ni Rigo sa kanya.

Punyeta talaga. Ang galante ng ngiti n’ya sa iba.

Palabas na si Jay na aming waiter nang bigla naman pumasok si Karen.

“Sorry Chef Rigo. May nakalimutan kasi akong papirmahan sa’yo kanina. Requirements natin ’to sa pagkuha ng permits natin. Pwede bang paki-sign muna?” pakiusap ni Karen.

Tingnan mo ’tong babaeng to. Nandito ako at mas may karapatan akong pumirma doon pero kay Rigo pa s’ya lumapit. ’Yung mukha n’ya kaya ang pirmahan ko gamit ang permanent marker?

“Sige Karen, akin na.” nakangiting sagot ni Rigo.

Napupunyeta na ako. Para akong wala dito at isa lang akong ligaw na kaluluwa ng isang gwapong bakla.

Bumalik si Rigo sa kanyang inuupuan. Si Karen naman ay nakatayo sa tapat ng table habang hinihintay ang pinapipirmahan kay Rigo. Nakatalikod ang pwesto ni Karen sa akin habang si Rigo naman ay nakaharap sa aking pwesto.

“S’ya nga pala Chef, may napili ka na bang bagong supplier para sa meat natin?” tanong ni Karen sa kanya.

S’ya kaya ang gawin naming karne rito?

“Ah, wala pa. Mamaya ko ulit pag-aaralan ang proposals ng tatlong nagpasa.” sagot ni Rigo habang abala sa pagbasa at pagpirma ng documents.

Inirapan ko na lang sila kahit hindi nila ako nakikita. Napapangitan na ako sa mukha nila, lalo na kay Karen. Wala lang, kahit magaganda silang nilalang napapangitan ako sa kanila ngayon. Ganito ako ’pag nabubwisit, pangit lahat ng nakikita ko.

Nadako ang tingin ko sa pagkain ni Rigo na nasa ibabaw ng mesa ngayon. Nang mapansin ko ang nilalaman ng tray ay gumuhit ang pagngisi sa aking labi.

Mabilis akong tumayo at lumabas ng office.

“Tingnan ko lang Rigo kung magawa mo pang ipagpatuloy ’yang pagga-galit-galitan mo.” bulong ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa kitchen ng restaurant.

Mabilis akong kumilos at nagtungo sa malaking chiller upang kunin ang chocolate syrup. Nagulat pa ang mga kitchen staff dahil abala sila sa pagkekwentuhan. Mukhang wala silang order.

Kung normal na pagkakataon lang ito ay nasigawan ko na siguro sila. Mga tamad eh.

Matapos kong kunin ang chocolate syrup ay bumalik ako sa office kung nasaan sina Rigo at Karen. Naabutan ko silang nag-uusap pa rin hanggang ngayon.

Nagtungo ako sa pwesto na siguradong makikita ako ni Rigo. Prente akong umupo sa sofa at kinuha ang malaking saging na nasa tray ng pagkain ni Rigo. Dessert n’ya siguro dapat ito.

Nakaramdam ako ng excitement sa gagawin ko. Kilala ko na si Rigo kaya alam ko na ang kahinaan nito.

Binalatan ko ang saging in a seductive way. Feel na feel kong ginawa iyon habang sinusulyapan ang pwesto ni Rigo.

“May nagpasa rin na bagong supplier para sa vegetables. Gusto mo ba makita?” tanong ni Karen sa kanya.

“Sige, ibigay mo na lang sa akin mamaya.” sagot ni Rigo habang abala pa rin sa pagbabasa.

Nang mabalatan ko ang saging ay sumandal ako sa sofa. Ipinatong ko rin ang mga paa ko sa mesang nasa harap ko. Ang pagkain naman ni Rigo ay itinabi ko sa dulong bahagi ng mesa para maiwasan ng paa ko.

“Ehem!” pagtikhim ko kunwari para makuha ko ang atensyon nila.

Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sa gilid ng aking mga mata na napatingin sila sa aking gawi. Tanging sa hawak kong saging lang ako nakatingin.

Muling tumalikod sa akin si Karen at hinarap si Rigo. Si Rigo naman ay alam kong nanatiling nakatingin sa akin.

Napangisi ako sa aking isip dahil magsisimula na ang palabas ko.

Para hindi maalis ni Rigo ang tingin n’ya sa akin ay inilabas ko ang dila ko at dinilapan ang saging hawak ko. Banayad ang ginawa kong pagdila at paulit-ulit.

Hindi ko pa rin nililingon si Rigo. Pero ngayon pa lang ay alam kong nanlalaki na ang mga mata nito.

“Chef Rigo!” pagtawag ni Karen sa kanyang atensyon.

“H-ha?” utal na pagsagot ni Rigo.

Sinasabi ko na nga ba, may epekto ito sa kanya.

“Tinatanong kita kung papalitan ba natin ’yung supplier ng vegetables natin?” pag-uulit ni Karen sa tanong n’ya.

“A-ahm… K-kailan?” tanong ni Rigo pabalik.

“Anong kailan? S’yempre kailangan muna ng approval n’yo bago natin palitan. Hindi mo pa nga nakikita ang proposal eh.” ramdam ko na ang inis kay Karen.

Binuksan ko na ang chocolate syrup at dahan-dahan kong pinatulo sa saging.

Muli akong napangisi. Pasimple kong nilingon si Rigo na hindi ko pa naririnig hanggang ngayon na sumagot sa tanong ni Karen.

Tama nga ako. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Naging dahilan tuloy ito ng paglapad ng pagkakangisi ko.

Habang nakatingin kami sa isa’t-isa ni Rigo ay ibinalik ko ang pagdila sa saging na ngayon ay may chocolate syrup na.

Gusto kong matawa dahil nakita ko ang paglunok ni Rigo. Alam kong epektibo ang aking ginagawa dahil kilalang-kilala ko na s’ya. Alam kong maya-maya pa lamang ay babaliktad na ang sitwasyon.

S’ya na ang lalapit sa akin para sabihing pinapatawad n’ya na ako.

Ipinagpatuloy ko ang pagdila sa chocolate syrup habang magkatinginan kami sa mata. Nakikita ko ang panggigigil sa kanya na nagbibigay sa akin ng dahilan para pag-igihan pa ang aking ginagawa.

Ilang saglit pa ay dahan-dahan na tumalikod si Karen para lingunin ako. Agad kong iniwas ang tingin sa kanila at nagpanggap na inosente at walang pakialam sa mundo.

“Sir Randy, ano ba ’yang ginagawa mo? Bakit ka nagpapapak ng chocolate syrup?” tanong ni Karen sa akin.

Pake ba ng babaeng ’to? Pake n’ya kung magka-diabetes ako?

“Gusto mo?” alok ko sa kanya habang nakangiti.

Pero ang totoo n’yan ay alok ko iyon para kay Rigo. Pinapahiwatig ko kung gusto n’ya bang gawin ko ito…

…sa kanya.

“No thanks.” sagot naman ni Karen at umirap pa.

Assuming naman ’to masyado. Madamot ako sa totoong buhay. Hindi ko inaalok sa iba ang pag-aari ko.

Nagkibit-balikat na lamang ako at ibinalik ang aking sarili sa paglalagay ng panibagong chocolate syrup sa saging.

“Ano na Chef Rigo? Papalitan na ba talaga natin ang lumang supplier?” tanong muli ni Karen nang talikuran ako nito.

Bago sumagot si Rigo ay isinubo ko ang saging. Gusto kong marinig ang magiging reaksyon ni Rigo. Alam ko kasing nakatingin pa rin sa akin ito.

Pabalik-balik ang ginawa kong pagsubo sa saging hanggang sa kumalat ang chocolate syrup dito.

Tingnan lang natin ngayon, Rigo.

“’W-wag. M-mamaya na ’yan. N-nasa trabaho pa ako.” wala sa sariling tugon ni Rigo.

At base sa sagot n’ya ay hindi para iyon sa katanungan ni Karen, kundi para sa akin.

’Wag mo akong binabalewala Rigo. Hindi mo alam ang kakayahan ko.

“What?!” naguguluhang tanong ni Karen.

“A-ahm… K-kasi, ahm…” ang hindi malamang paliwanag ni Rigo.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Karen.

“’Di bale na nga. Mamaya na lang natin pag-usapan ’to. Kumain ka muna dahil mukhang gutom ka na talaga.” ramdam ko ang awa ni Karen.

“S-sige.” sagot naman ni Rigo.

Dito na ako tumigil sa ginagawa kong paglalaro. Tuluyan ko nang kinain ang saging na pinaglalaruan ko lamang kanina sa aking bibig.

“Sir Randy, mauuna na ako.” paalam ni Karen sa akin.

Agad akong tumayo matapos kong ubusin ng mabilisan ang saging.

“Ako rin. Uuwi na rin ako.” paalam ko rin sa kanya habang nagpupunas ng tissue sa aking bibig.

Nauna nang lumabas si Karen ng office. Muli kong nilingon si Rigo nang makarating ako sa pinto.

Nakita kong nag-aapoy na ang mga mata nito habang nakatingin sa akin ng diretso.

“Magkita na lang tayo mamaya.” nakangiti kong pagpapaalam sa kanya.

Hindi s’ya tumugon. Nanatili s’yang nasa reaksyong gigil na gigil sa mga oras na ito.

“Mamaya, kakainin kita. Este, ipagluluto kita. Pakakainin kita.” pahabol ko at kinagat ko pa ang ibabang labi ko.

Matapos ko iyon sabihin ay lumabas na rin ako ng opisinang iyon.

Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang mapangiti. Natatawa talaga ako sa naging reaksyon ni Rigo.

Alam ko na ang mangyayari maya-maya lamang sa pag-uwi ko. Kaya naman tulad ng dati, gagawa ako ng plano para magkaayos na kami ni Rigo.

Ilang minuto lamang ay nakarating ako sa aking condo. Malapit lang kasi ito sa pinapasukan namin na restaurant ni Rigo.

“’Nay Elise!” bati ko sa aking yaya pagpasok ko ng unit ko.

S’ya ang Yaya ko na hindi ako kailanman pinabayaan. Ang Yaya ko na itinuturing ko nang tunay kong magulang. Ang Yaya ko na kahit wala ako noon maipasweldo sa kanya ay nanatili sa tabi ko at hindi ako iniwan. Hindi n’ya na nga naisipan pang mag-asawa dahil sa pag-aalaga sa akin.

Kaya mahal na mahal ko ang Yaya kong ito higit pa sa tunay na nagluwal sa akin.

“Liam, ang aga mo yata?” tanong nito sa akin.

S’ya lang ang tinatawag akong Liam. Minsan naman ay si Rigo kapag nilalambing ako.

Hinalikan ko muna ito sa noo at niyakap ito. Malaki na ang pinagbago ng Yaya ko, nadagdagan na ang kulubot nito sa mukha pero nanatili s’yang mahal na mahal ako.

“May meeting lang ako na pinuntahan. After that, wala naman na akong appointment kaya dumiretso na ako pauwi.” sagot ko habang akbay s’ya.

“Ganon ba? Mamimili nanaman ba ako ngayon ng mga stocks natin sa ref kahit marami pa naman d’yan? Sasabihin mo ba sa akin ngayon na lumabas muna ako at mamasyal?” makahulugan n’yang tanong.

Ito ang gusto ko sa Yaya ko, kilang-kilala n’ya na ako. Alam n’ya ang tumatakbo ngayon sa isip ko. Alam n’ya ang dahilan sa tuwing maaga akong umuuwi ng bahay.

“Nanay naman, hindi naman sa ganon.” depensa ko.

Natawa s’ya sa aking inasal. Ibang-iba talaga ako ’pag ang mga espesyal na tao sa akin ang kausap ko. Nagiging totoo ako.

“Liam, bata ka pa lang kilala na kita. May nangyari nanaman ba?” nakangiti n’yang tanong.

Napasimangot ako.

“Nakakainis naman kasi s’ya eh! Sinungitan ako!” naiinis kong tugon.

Mas lalo s’yang natawa.

“Mabait na bata si Rigo. Alam kong may dahilan ’yon. At alam kong ikaw nanaman ang may kasalanan.” pagtatanggol n’ya rito.

Hindi na ako nagsalita. Alam n’ya na ang ibig sabihin nito, guilty ako.

“O s’ya, sige na. Hindi muna ako maggo-grocery dahil marami pa tayong stocks. Papasyal na lamang ako sa kaibigan ko. Babalik na lang ako bago sumapit ang gabi.” natatawa n’yang pagpapaalam.

Napangiti na ako sa pagkakataong ito.

“Salamat ’nay. Mahal mo talaga ako.” nakangiti kong sagot.

Matapos iyon ay nagtungo na s’ya sa kanyang kwarto para magbihis. Ngunit bago n’ya pa maisara ng tuluyan ang kanyang pinto ay saglit na tumigil ito.

“Liam, anak. Malaki na kayo ni Rigo, alam n’yo na ang tama at mali. May tiwala naman ako sa inyo. Pero sana naman ha? Kung kayang kontrolin ang pagsigaw gawin n’yo, lalo na ikaw. Ginagalingan mo rin eh. Hindi ba pwedeng hinaan ang boses? Masyadong kang nag-e-enjoy. Baka marinig ka ng kapit-bahay!” mahaba n’yang paalala sa akin.

Naibuka ko ang aking bibig dahil sa pagkabigla.

“Nanay naman!” alma ko sa kanya.

Alam kong pulang-pula na ako dahil sa hiya.

Tinawanan lamang ako nito at tuluyan nang isinara ang pinto ng kanyang kwarto.

Bago ako pumasok ng aking kwarto ay nag-iwan ako ng pera sa ibabaw ng mesa sa living room. Alam na ni Nanay na para sa kanya iyon dahil madalas naman itong mangyari. Ayokong tinitipid ni Nanay ang kanyang sarili kaya binibigay ko ang mga pangangailangan n’ya. Kahit man lang sa paraang ito ay makabawi rin ako sa kanya.

Mabilis akong nagtungo sa aking banyo upang maligo. Kailangan kong maglinis ng buong katawan dahil alam kong maya-maya lamang ay darating na ang taong inaasahan ko.

Halos magasgas na rin ang aking balat sa paulit-ulit na ginagawa kong paghilod. Naalala ko kasi ang babaeng kasama ko kanina sa reataurant. Pakiramdam ko ay kinapitan ako ng maraming germs dahil sa pagdikit n’ya sa akin.

Tiningnan ko ang aking orasan sa loob ng aking banyo at napangisi ako. Ilang minuto na lang ang hihintayin ko para sa pagpasok ng taong inaasahan kong darating at papasukin ako rito.

Matapos ang mahabang pagligo ay nakaharap ako sa salamin dito pa rin sa loob ng aking banyo. Nakapatong ang dalawa kong palad sa ibabaw ng sink habang nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin.

Napangiti ako dahil tanging pagbibilang na lang ang dapat kong gawin sa mga oras na ito.

“Handa ka na ba Randy?” pagkausap ko sa aking repleksyon habang nakangisi.

Matapos iyon ay sinimulan ko na ang pagbibilang dahil dumating na ang pinakahihintay ko.

“10…

9..

8..

7..

6..

5..

4..

3..

2..

..1.“

Blag!

ang malakas na pagbukas ng pintuan ng aking banyo.

Hindi ko nilingon ang bagong pasok na iyon. Tiningnan ko s’ya sa pamamagitan ng salamin na nasa aking harapan.

Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin sa akin tanda ng pananabik.

“Na-miss mo ba ako?” nakangisi kong tanong sa kanya.

Hindi s’ya sumagot.

“Ha Rigo?” tanong kong muli.

Muli ay hindi s’ya sumagot. Ngunit mabilis n’yang hinubad ang suot n’yang polo shirt at humakbang patungo sa akin.

Walang s’yang binigkas na kahit na ano mang salita. Pumwesto s’ya sa aking likuran at agad na hinalikan ako sa aking leeg.

Madiin ngunit masarap.

Puno ng pananabik na alam kong kanina n’ya pa pinipigilang ilabas.

Napapikit ako sa sensasyong dala ng kanyang paghalik. Dinama ang init ng kanyang bibig.

Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na mailarawan. Basta ang alam ko lang, nagkalat na ngayon ang mga kagamitan sa loob ng banyo, sala, maging sa kusina.

Para na itong dinaanan ng malakas na bagyo dahil inikot naming sabay ito ni Rigo habang ginagawa ang makamundo naming pagnanasa sa isa’t-isa.

“Aahhh… sh*t!” hindi ko mapigilang pag-ungol.

“Tang*na Randz… aaahhh…” sambit n’ya rin sa mahabang tono habang nakapikit.

Patuloy lamang s’yang umiindayog sa aking ibabaw habang iisa ang aming katawan. Naririto na kami sa loob ng aking kwarto at pinagsasawa ang aming mga sarili sa makamundong bagay na matagal na naming ginagawa.

Kitang-kita ko ang perpektong katawan na patuloy sa kanyang marahas na paglabas-pasok sa akin.

Sinong mag-aakala na maaangkin ako ng isa sa mga iniidolo sa mundo ng business at pagmomodelo?

Sinong mag-iisip na nararamdaman ko ng paulit-ulit sa aking loob ang kabuuan ng taong pinapantasya ng karamihan lalo na ng mga kababaihan?

Ako lang ang may hawak sa kanya, at s’ya lang ang may hawak sa akin. Ngunit ang lahat ng ito ay may iisa lamang na dahilan.

Pareho naming ibinibigay ang tawag ng aming mga laman.

“M-malapit na ako…” ungol n’ya.

“A-aaahhh….” naisagot ko naman dahil tuluyan na ring sumabog ang aking katas. Makailang beses na rin itong lumabas simula kanina nang dumating s’ya.

Mas bumilis s’ya sa kanyang pag-indayog senyales na mararating na n’ya ang sukdulan.

“And’yan na ako…. A-aaahhh….” mga pag-ungol n’ya.

Matapos iyon ay naramdaman ko ang kanyang pagsabog sa aking loob.

Mabilis ang aming paghinga habang magkadikit ang aming mga noo.

“Salamat. Okay ka lang ba?” tanong n’ya sa akin. Ramdam ko ang pag-aalala. Ang tindi kasi ng performance nito simula pa kanina.

“Yeah… Thank you too…” sagot ko ring hinihingal.

“Good. Now we’re even. Pinapatawad na kita sa atraso mo.” sagot n’yang nakangiti.

Napangiti rin ako.

“Great. Sabi ko na nga ba, ito lang ang makakapagtanggal ng galit mo.” sagot ko at sabay kaming natawa.

Matapos iyon ay mabilis n’yang hinugot ang kanyang yaman mula sa akin. Bumaba s’ya sa aming kama suot ang nakamamatay n’yang ngiti.

“Maliligo na ulit ako. Gusto mo bang sumabay?” tanong n’ya sa akin.

Tiningnan ko ang kabuuan n’ya, ang hubad na kabuuan n’ya.

Hindi ako makapaniwala na malaya kong nahahawakan at nahahalikan ang lahat ng parte ng kabuuan n’yang iyon.

“Mauna ka na, susunod na lang ako. Baka maisipan mo pang mag-round five eh, abutin pa tayo ng umaga. Ililigpit pa natin ang mga kalat natin sa labas.” natatawa kong tugon.

Wala naman s’yang nagawa kundi ang matawa habang naglalakad patungo sa banyo.

Nakakapagtaka ba? May nakapansin ba ng mali?

Kung sa ibang couple ay magtatapos sila sa pamamagitan ng pagpapalitan ng salitang ‘Mahal kita’ matapos ang kanilang pag-iisa, sa amin ay hindi.

Nagtatapos kami ni Rigo sa mga salitang ‘Salamat’ o kaya naman ay tanong na ‘Nag-enjoy ka ba?’.

Hindi na ito bago sa amin. Gaano na ba kami katagal na ganito? Isang taon? Dalawang taon? Tatlo? Hindi ko na maalala.

Ang alam ko lang, pareho namin nae-enjoy ang isa’t-isa.

Ano nga ba ang tawag sa ugnayang ito?

Fubu?

’Yun nga siguro. Dahil wala kaming pinanghahawakang matibay na koneksyon tulad ng iba.

No commitment.

No label.

No strings attached.


A/N

Kamusta po ang unang chapter? Itutuloy ko pa ba? Nagdalawang-isip kasi ako dito dahil sa personality ni Randy. Pero naisip ko, kahit naman sa totoong buhay ay may mga ganitong tao. Tama ba?

Anyway, kung napasobra, susubukan kong bawasan ang pagiging maldito n’ya. Nasimulan ko na eh. Hahahaha! Paano po? Sa susunod na chapter na lang ha?

Feel free to comment, and salamat sa magbibigay ng votes. Maraming salamat sa mga nagbasa.

––cold_deee

chapter 2

Woooo!! Sorry matagal ang update! Nawala sa kondisyon eh.. Hahahaha! Pero sana sulit itong kasunod.

Para nga pala kay boss

ellesugi

ito. Isa po s’ya sa mga super nice and famous na author dito sa watty. Pa-picture at pa-autograph sa meet up natin ha?! 😊😊 Super proud lang ako! 😆😆

Enjoy reading po sa chapter 2!

––> si Rigo po sa media.


RANDY POV

“Nasaan na ba kasi ’yon?!” inis kong tanong sa aking sarili.

Halos mabaliw na ako sa kahahanap ng necktie ko. Malapit na rin akong malate sa trabaho.

Gusto ko nang bulabugin ang taong maaaring nakakaalam kung nasaan ang paborito kong necktie. Pero alam kong pagod s’ya dahil may photoshoot s’yang pinuntahan kagabi. Dahilan din iyon kaya hindi kami nagkita kahapon.

Hindi ko rin matanong si Nanay Elise dahil maaga s’yang umalis para mamalengke ng mga kakailanganin namin dito sa bahay.

“Bwisit! Bwisit!” inis ko na namang sambit at ibinato sa kama ang necktie na may cartoon character.

Ang bestfriend kong si Xander ang nagbigay ng necktie na iyon. Halos murahin ko rin s’ya nung natanggap ko iyon noong birthday ko.

Ano bang akala n’ya sa akin? Papasok sa kompanya n’ya habang suot ang necktie na may nakanganga at litaw ang ngala-ngala ng isang cartoon character?! Magmumukha akong katawa-tawa!

Akmang ibabato ko naman ang alarm clock na nasa maliit na mesa ko ay natigilan ako. Nag-ring kasi ang cellphone ko at alam ko na kung sino ang tumatawag sa akin. Iba kasi ang ginamit kong call alert tone para sa kanya.

“Hello!” puno ng pagtitimpi kong pagsagot dito.

“Good morning Liam!” malambing n’yang bati sa akin.

“Walang maganda sa morning lalo na kung nawawala ang paboritong necktie ko!” masungit kong sagot sa kanya.

“Wow! Na-miss din kita!” natatawa n’yang tugon.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Baka lalo akong malate kung makikipagsabayan ako ngayon sa kanya.

“Magtigil ka, Rigo. Naitabi mo ba ang necktie ko na ’yon?” tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa sa kabilang linya.

“Nand’yan sa drawer, sa ilalim. Maayos kong naitabi ’yon.” sagot n’ya at alam kong nakangiti s’ya.

Ang impakto, ang agang kinilig. Ano bang nakakakilig sa pagtatanong kung nasaan ang necktie ko? May sayad din ’tong lalaking ’to paminsan-minsan eh.

Mabilis akong kumilos at tinungo ang cabinet na sinasabi ni Rigo.

“Hay salamat.” sambit ko nang makita ko ang hinahanap ko.

Narinig ko ang pagtawa n’ya sa kabilang linya.

Baliw? Natatawa kahit walang nakakatawa?

“Papasok ka na ba?” tanong n’ya sa akin.

Umupo muna ako sa aking kama dahil alam kong may mga katanungan pa ito. Ganito naman s’ya sa tuwing hindi kami magkasama. Sinisiguro n’yang matatawagan n’ya ako.

“Hinde. Hindi ako papasok Rigo. Matutulog ako ngayong umaga kahit kagigising ko lang kanina. Hinanap ko ang necktie ko dahil matutulog akong naka-necktie! Jusko!” sarkastiko kong sagot sa kanya.

Ang tawa n’yang mahina kanina ay naging halakhak na ngayon. Hindi ko naiwasang mapangiti nang marinig ko ang pagtawa n’ya. Sa tuwing maririnig ko ang kanyang boses kahit sa telepono lamang ay napapakalma ako nito.

Pinatapos ko muna s’ya sa kahibangan n’ya. At nang makabawi s’ya ay agad din s’yang nagtanong.

“Anyway, susunduin na lang kita sa restaurant mamaya ha? Hintayin mo na lang ako doon ng lunch.” bilin n’ya at alam kong nakangiti pa rin s’ya.

“Whatever.” tipid kong sagot at inikot ko ang mga mata ko.

Alam n’ya ang schedule ko. Kung saan ako naka-assign, kung anong oras ang labas ko, at kung saan ako nagpupunta kung wala ako sa pinapasukan ko. Alam n’ya lahat dahil kahit hindi ko sabihin ay pilit n’ya itong inaalam.

Ganoon din naman ako sa kanya. Nalalaman ko ang lahat sa kanya dahil s’ya mismo ang nagsasabi sa akin. Pero kung may hindi man ako nalalaman ay hindi na rin ako nangangahas pang magtanong.

Dahil wala akong karapatan na alamin sa kanya ang lahat.

Alam ko kung saan ako lulugar at alam ko kung hanggang saan lang ako.

“Wala akong pasok ngayon ha? Wala rin akong photoshoot. I’m free all day kaya sabay tayong maglunch sa restaurant. Pupunta lang kami sa gym ni Dom ngayong umaga tapos pupuntahan na rin kita.” pagbalita n’ya sa akin.

’Yan ang paraan n’ya kung paano ko nalalaman ang lahat sa kanya. Kung hindi n’ya sa akin sasabihin ng personal, itetext o itatawag n’ya naman ito sa akin kung hindi kami magkikita.

Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng saya dahil magkikita kami ngayong araw. Naikagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti ko.

Punyeta ka Randy. Ikaw ’tong masyadong maaga kung lumandi.

“Okay. Magta-taxi ka lang ba? Bakit hindi mo na lang kasi gamitin ’yang kotseng binigay sa’yo nina Tito at Tita? Si Dom lang tuloy ang nakikinabang.” sermon ko sa kanya. Nagpanggap akong hindi kinilig sa sinabi n’ya.

Tinutukoy ko ang pinsan n’yang sinugapa na yata ang kahambugan. Mabait naman ang pinsan n’yang iyon, sadyang hindi lang mapigilan ang magyabang.

Narinig ko ang pagbuntong hininga n’ya. Bahagya akong natigilan dahil alam ko na ang isasagot n’ya.

“Alam mong hanggat maaari, ayokong dumedepende sa kanila ’di ba? Masyado na silang maraming naitulong sa akin. Masyado na akong naging pabigat sa kanila. Sapat na ang pinalaki nila ako ng maayos dahil wala nang gagawa ng bagay na ’yon para sa akin.” sagot n’ya at dama ko ang lungkot sa kanyang pagsasalita.

Matalino nga ako, pero minsan hindi ako nakakapag-isip ng tama. Hindi ko kayang pigilan ang bibig ko sa kung anong gusto nitong sabihin.

Leche ka Randy. Masyado ka kasing nagpapadala sa kalandian mo.

Dahil sa kanyang sinabi ay hindi ko nagawang sumagot. Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa amin nang muli s’yang magsalita.

“Teka, ayaw mo na ba akong sumasakay d’yan sa kotse mo ngayon? Pinagbabawalan mo na ba ako? Pinagda-drive naman kita ’di ba? Ayaw mo na bang sinusundo kita? Bakit? May iba ka na bang sinasakay d’yan sa kotse mo?” sunod-sunod n’yang tanong.

Naiikot ko na lamang ang aking mata. Alam kong sinusubukan n’yang ilihis ang usapan. Mabuti na rin iyon.

“Tigilan mo ako sa drama mo Rigo. Hindi ka pa artista, modelo ka pa lang.” pambabara ko sa kanya.

Sa wakas ay narinig ko s’yang tumawa. Tumawa na naman s’ya dahil sinungitan ko s’ya.

Bakit ba tuwang-tuwa ang lalaking ’to ’pag sinusungitan ko?

“Bakit? ’Pag naging artista na ba ako, may chance nang maging official tayo?” tanong n’ya sa akin.

Muli na naman akong natigilan.

Si Rigo lang talaga ang bukod tanging tao na kaya akong patigilin sa pagsasalita. S’ya lang ang kaya akong patahimikin dahil naiiwan akong nag-iisip at tulala.

“Ano? ’Pag naging artista ba ako––” pag-uulit n’ya sana ngunit agad ko itong pinutol.

“Tumigil ka. Hanggat hindi ka pa nagiging artista, ’wag ka muna magtanong.” pagputol ko sa kanya.

Narinig kong napasipol s’ya. Mukhang hindi apektado sa sinabi ko.

“Okay, Randy Liam. Sabi mo ’yan eh. Basta tatanungin ulit kita ha? At sasagutin mo dapat ’yan kaya maghanda ka na. Pag-isipan mo na rin mabuti ang isasagot mo.” tuwang-tuwa n’yang pagsasalita.

Bahagya akong nagtaka sa kanyang sinabi. Tila ba makahulugan iyon. Ngunit gaya nga ng sinabi ko, hindi ko ugaling alamin o tanungin ang lahat ng tungkol sa kanya.

Sinubukan ko na lamang ibahin ang usapan.

“Mag-uusap na lang ba tayo buong umaga? Kasi may trabaho pa ako. Baka gusto mo nang ibaba ang telepono?” tanong ko sa kanya.

Muli na naman s’yang natawa.

Ang alam ko masungit ako, pero hindi ako komedyante. Bakit ba ang saya-saya n’ya ’pag sinusungitan ko s’ya?

“Fine. Mag-iingat ka ha? Magkita na lang tayo mamaya.” sagot n’ya.

“Okay, bye––” pagpapaalam ko sana nang putulin n’ya ako.

“Wait!” pagpigil n’ya.

“What?!” irita ko nang tanong.

Male-late na talaga ako!

“Gusto ko lang malaman mo…” una n’yang sambit at saglit na tumigil.

“…kinikilig ako ’pag hinahanap mo ’yang paboritong necktie mo. Kasi pakiramdam ko, naging paborito mo ’yan dahil ako ang nagregalo sa’yo. Okay, bye!” sunod n’yang pagsasalita at agad na ibinaba ang tawag.

Naiwan akong tulala habang nakadikit ang telepono sa aking tenga. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pa ang tuluyang mapangiti.

S’ya lang talaga ang nakakagawa sa akin nito. Ang iiwanan ako ng ngiti sa aking labi. S’ya ang dahilan ng kasiyahan ko.

Pero….

… s’ya rin minsan ang dahilan ng kalungkutan ko.

“Randy, para naman sa kabutihan n’yong dalawa ang ginagawa mo ’di ba? Hindi ka na pwedeng masaktan. Ilang beses ka na bang naiiwang luhaan? Lagi ka naman talo ’di ba? S’ya naman, para hindi masira ang magandang pangarap n’ya. ’Yan na lang ang isipin mo. Makuntento ka na kung ano man ang meron sa inyo.” pagkumbinsi ko sa aking sarili.

Ito ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Hindi na ako papayag na may isang beses pang masasaktan ako. Hinding-hindi na ako papayag na magdurusa pa akong muli sa hindi ko na mabilang na pagkakataon simula nang isilang ako sa mundo.

Pagod na ako. Pagod na akong umiyak ng paulit-ulit. Pagod na akong umasa at pagod na rin akong magmakaawa.

Hindi ko tinanggal ang pagkakangiti ko. Hindi ko hahayaang masira ang magandang simula ng araw ko.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at humarap sa malaking salamin ng aking kwarto. Sinimulan ko nang ayusin ang aking necktie habang suot ang aking ngiti.

“Maganda ang simula ng araw na ’to para sa’yo, Randy. Kaya siguraduhin mong magtatapos din ito sa magandang pangyayari.” nakangiti kong pagkausap sa aking repleksyon.

Matapos kong ayusin ang aking paboritong necktie ay tinitigan kong muli ang aking sarili sa salamin.

“’Wag kang papayag na may sumira sa araw mo ha?” muli kong bigkas.

Kasunod ng sinabi kong iyon ay tinanggal ko ang pagkakangiti ko. Naging matalim ang mga tingin ko. Itinaas ko ang isang isang kilay ko nang muli akong magsalita.

“Dahil ’pag may sumira ng araw mo Randy, siguraduhin mong pagsisisihan n’ya ang ginawa n’ya sa’yo.” madiin kong pagpapatuloy sa sinabi ko.

At muli, ibinalik ko ang aking matamis na ngiti.

“Okay?” nakangiti ko pang pangungumbinsi sa sarili ko.

Sinagot ko rin ito ng isang pagtango.

“Ang ganda mo talaga, Randy. Korona lang siguro ang lamang sa’yo ni Pia Wurtzbach?” hindi pa rin ako natigil.

Alam kong ang magiging tingin ng makakakita sa akin ay parang nababaliw na, pero wala akong pakialam. Ganito na ako simula pa noon.

Matapos ang ilan pang papuri sa aking sarili ay lumabas na ako ng kwarto at naghanda nang pumasok.

Dahil wala si Rigo sa isang branch ng restaurant na pinapatakbo namin ay ako ang dapat na humalili sa kanyang pwesto bilang Chef. Bago ko naman i-handle ang dalawang restaurant at isang hotel ng kaibigan kong si Xander ay isa na akong Chef sa isa nitong branch. Kaya naman madali na lang para sa akin ang pumalit sa pwesto ni Rigo paminsan-minsan.

Ilang minutong pagmamaneho lang ang ginawa ko nang makarating ako sa restaurant.

“Good morning Randy!” bati ni Karen na operation manager namin.

Nginitian ko lang s’ya. Siguro ay mga fifty percent lang ng ngiti ang binigay ko sa kanya.

Ano s’ya sineswerte? Hindi ko ibibigay sa kanya ang one hundred percent na ngiti ko. Naka-reserve ’yon para mamayang lunch.

Papasok na sana ako ng opisina nang makasalubong ko naman ang waitress ng aming restaurant.

“Good morning Sir Randy!” bati nito sa akin.

Mga twenty percent lang ang ibinigay kong ngiti dahil may napansin akong kakaiba sa kanya.

Nalampasan na n’ya ako nang hindi ko napigil ang sarili ko.

“Sandali, Ehdz.” pagtawag ko sa kanya.

Naramdaman kong napahinto s’ya sa paglalakad. Kalmado at dahan-dahan akong umikot para harapin s’ya habang nakalagay pa ang isa kong kamay sa aking bulsa.

“Ako po ba Sir Randy?” pagkumpirma n’ya at itinuro pa ang kanyang sarili.

Tsk! Tsk! Tsk!

Ang aga ko naman makipag-usap sa bobita.

“Meron pa bang ibang Ehdz dito? At meron pa bang ibang tao dito bukod sa ating dalawa? Sabihin mo nga Ehdz, may nakikita ka bang hindi ko nakikita?” nakangiti at kalmado kong pagtatanong sa kanya.

Maganda ang araw ko kaya nasa mood ako ng pagpapasaya sa sarili ko.

Napakamot s’ya sa kanyang ulo habang natatawa.

Napansin ko lang, talamak na ba sa Pilipinas ang kuto?

“Bakit po?” tanong n’yang nahihiya.

Tinanggal ko ang aking kamay sa aking bulsa at itinuro ang kanyang mukha.

“Sino Ehdz? Sino ang naglagay ng eyeshadows mo?” tanong ko sa kanya habang tinuturo ang kanyang mga mata.

“P-po?” naguguluhan n’yang tanong.

Two points for Bobita.

“Gusto mo ulitin ko pa ang tanong ko? Sigurado ka bang gugustuhin mo pang ulitin ko ang tanong ko?” tanong kong nakangiti.

Alam na n’ya ang ibig kong sabihin dahil kilala na nila ako. May halong pagbabanta na iyon. At kung hindi s’ya sasagot agad ay maaga ko s’yang mapupunyeta.

“Ah, hindi na po! Narinig ko naman Sir Randy. S-sorry po.” kinakabahan n’yang sagot.

Ibinalik ko ang kamay ko sa aking bulsa.

“So, sino? Sagot.” mahinahon at nakangiti kong utos.

Ramdam ko ang nerbyos n’ya. At nag-e-enjoy akong tinitingnan s’ya.

Good job Randy! May maagang makakatanggap ng pang-a-award mo!

“A-ako lang po, Sir Randy. B-bakit po?” tanong n’yang nauutal.

Unti-unti akong nagbigay ng fifty-two percent na ngiti. Maswerte s’ya, si Karen nga na manager dito fifty percent lang ’di ba? Lamang pa s’ya ng two percent.

Habang nakangiti ay sinagot ko s’ya.

“’Yung blending ’te, hindi ko gusto. Saan ka nakakita ng eyeshadow na ang combination ay pink and blue? Sa fastfood? Sa department store? Saka ’yang check line mo sa mata, hindi pantay, mas matulis ’yung isa.” unang pagpuna ko.

Kinapa n’ya ang talukap ng mga mata n’ya na akala mo ay na-misplace n’ya ang mga ito.

Akmang magsasalita sana s’ya para sagutin ang mga sinabi ko nang unahan ko s’ya.

“Wait, hindi pa ako tapos.” nakangiti kong pagpigil sa kanya.

Hindi naman s’ya nagsalita. Mabuti naman dahil baka hilain ko ang patilya n’ya.

“Isa pa ’yang blush-on mo, masyadong pink na parang puputok na ’yang mukha mo. Tapos pink din ang lipstick mo. Puro na lang ba pink? ’Yung totoo? Favorite si Hello Kitty?” tanong ko nang nakataas ang isang kilay.

Kinapa n’ya ang kanyang mukha pati na rin ang labi n’ya.

Jusko! Baka mabura ang pinaghirapan n’yang pink painting?!

Habang abala s’ya pagkapa ng mukha n’ya ay itinuloy ko ang pagpuri sa kanya.

“Pumili ka naman ng ibang blending. Try mo ang mga earth colors sa eyeshadow. Mas magandang tingnan kung smoky ang effect. Manood ka sa YouTube kung paano gawin. At payo ko lang sa’yo, ’wag kang pagala-gala na ganyan ang hitsura mo. Para kang ginulpi ng boksingero.” mahaba kong litanya.

Saan ko natutunan ang mga ito? Wala na kayong pakialam.

Maswerte rin ’tong babaeng ’to eh, nakakakuha sa akin ng tip. Ganyan ako ’pag maganda ang mood, nagshe-share ako ng knowledge. Kaya dapat pasalamatan ako ng taong mabibigyan ko ng payo.

“P-pangit po ba?” tanong n’yang nag-aalangan.

Lalong tumaas ang isang kilay ko. Siguro nga ay aabot na sa kisame ito.

Nakaka-three points na rin itong si bobita eh. Pero dahil ubod ako ng saya ngayon, sasagutin ko s’ya in a nice way.

“Nagdududa ka ba sa opinyon ko? Sumagot ka. Pinagdududahan mo ba ako?” tanong ko pabalik.

“Ah, h-hindi po. Sige po, papalitan ko na lang bukas.” sagot n’ya at natawa ng peke.

Ibinalik ko ang ngiti ko.

“Good. Maayos ka naman pala kausap. Simula bukas ha? Ayoko nang makikita ’yang pagmumukha mo.” wika ko sa kanyang nakangiti.

Nanlaki ang mga mata n’ya. Nabigla yata sa sinabi ko.

“P-po??? Sinesesante n’yo na ba ako??” tanong n’ya na ngayong nag-aalala.

Natigilan ako at napag-isip-isip kong mali ang sinabi ko. Masyado kasi akong masaya kaya nadala ako ng tuwa ko.

“No. What I mean is, ayaw ko nang makitang ganyan pa rin ang make up mo bukas. Palitan mo ’yan. Okay?” paglilinaw ko.

Tumango-tango ang bruha.

“Ah… Akala ko naman tatanggalin n’yo na ako. Sige po, babaguhin ko na lang.” wika n’ya at ngumiti.

Nilapitan ko s’ya at tinapik-tapik ang kanyang ulo.

Grabe! For the first time simula nang magkausap kami, ngayon ko lang na-realize na ang cute n’ya pala ’pag tinatapik sa ulo.

Para s’yang…….

…….aso.

Baka ’pag nilawit na n’ya ang dila n’ya, bigla ko na lang s’ya kurutin sa pisngi dahil sa panggigigil! Ang cute talaga ng loka-loka!

“Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Dahil ’pag nakita ko pang ganyan ang hitsura mo, itutuloy ko na ang pagsesesante sa’yo.” nakangiti kong wika habang patuloy na tinatapik s’ya sa ulo.

“Opo.” tipid n’ya namang sagot habang nakangiti.

Sayang naman. Sana inilawit na lang n’ya ang dila n’ya para mas matuwa ako sa kanya.

“Sige na, bumalik ka na sa trabaho.” utos ko at tinanggal ko na ang palad ko sa kanyang ulo.

Napansin ko rin na dry ang buhok n’ya. Next time nga itatanong ko kung anong brand ng conditioner n’ya. Dapat n’ya na ’yon palitan.

Matapos n’yang tumango habang nakangiti ay umalis na rin s’ya sa harap ko. Itinuloy ko na rin ang naantala kong paglalakad papasok sa opisina ko habang nakangiti.

“Magaling Randy! Sa sobrang saya mo, may nabigyan ka agad ng award ngayong araw na ’to. Excited na ako sa mga susunod mong biktima!” tuwang-tuwa kong pagkausap sa aking sarili.

Ang sama talaga ng ugali ko ’no?

Thank you. Matagal na akong informed.

’Pag masaya at masama ang mood ko, iisa lang ang pinapakita ko sa tao. Ang pagiging masama ng ugali ko.

Nagsimula akong magtrabaho na may ngiti sa aking labi. Alam kong nagtataka ang mga empleyado rito dahil bihira nila akong nakikitang nakangiti. Pero wala akong pakialam sa kanila. Ang alam ko lang, medyo gumanda sila sa paningin ko ngayon.

Medyo lang naman at nagyon lang.

At dahil nasimulan ko nang magpasaya sa aking sarili ay tinuloy-tuloy ko na. Naririto ako sa loob ng kitchen nang salubungin ako ng aming cook.

“Chef Randy, absent po si Chris ngayon ha?” pagbabalita sa akin ni Tim na isa ring cook.

“Bakit daw?” tanong kong nakangiti.

Sa sobrang saya ko, wala na akong pakialam kahit kulangin pa kami ngayon sa tao.

“May LBM daw po.” sagot n’ya sa akin.

Gusto kong itaas ang kilay ko. Pero dahil masaya ako ay hindi ko ginawa.

Masyado nang laspag ang LBM na dahilan para um-absent sa trabaho. Hindi ba sila nakakapag-isip ng iba? Sana naman ’yung medyo malala na. Tipong nagsusuka sila dahil nalason o kaya naman ay nagka-tuberculosis sila. Jusko!

“Okay. Ayoko rin naman makita s’ya ngayon. Masyado akong masaya ngayong araw kaya ayaw ko rin s’yang makita. Mukha kasi s’yang pusit.” sagot ko naman sa kanyang nakangiti.

Hindi malaman ng kausap ko ang magiging reaksyon n’ya. Gusto rin yata n’yang matawa.

Jusko! ’Wag n’ya na tangkain dahil isa rin s’yang mukhang pugita.

Isa pa, wala naman kaming magagawa kung um-absent ang isang empleyado ’di ba? Alangan naman hanapin ko pa ang hampas-lupang ’yon na siguradong gumimik na naman kagabi at may hang over ngayon. Aware naman kasi ako na may pagkasugapa ’yon sa alak. Akala mo mauubusan. Ipalaklak ko kaya sa kanya ang lahat ng alak na nasa bar namin?

Kahit na kinulang kami sa empleyado ay naging maayos naman ang takbo ng operasyon. Alam ko na ang mga dapat gawin dahil sanay na ako sa ganitong senaryo. Kaya kahit na dinagsa kami ng customers ay hindi iyon naging problema sa amin. Tumulong na rin ako sa pagluluto dahil matagal-tagal na rin noong huli ko itong ginawa sa restaurant.

Nang sumapit ang lunch ay lumabas na rin ako sa kitchen. Dumating na rin kasi ang ilang kitchen staff na nasa gitnang shift at maaaring makatulong.

Isa pa, kailangan ko nang maghanda dahil parating na ang hinihintay ko. Ang dahilan kung bakit masayang-masaya ako ngayong araw na ito.

Habang nakaupo ako sa swivel chair dito sa aking office ay nagsimula na akong magtext.

‘Nasaan ka na?’

text ko sa kanya habang nakangiti.

Ilang segundo lang ang lumipas nang matanggap ko ang reply n’ya.

‘Sorry, hindi ako matutuloy na kumain d’yan. May mas importante akong plano.’

ang sagot n’ya sa text.

Ang kaninang pagkakangiti ko ay biglang naglaho. Nahigpitan ko rin ang hawak sa aking cellphone dahil unti-unti nang umaakyat ang dugo ko sa ulo.

Ibig ba n’yang sabihin hindi na naman kami magkikita ngayon?!

‘MAS IMPORTANTE?’ tanong ko sa kanya.

Sinadya kong i-capslock lahat ng letra. Para damang-dama n’ya!

‘Oo, mas importante kesa ang maglunch tayo d’yan sa restaurant.’

sagot n’ya makalipas ang ilang segundo.

Dito na tuluyang naubos ang pasensya ko. Alam n’ya na ang susunod kong irereply sa kanya.

‘Punyeta!’

huli kong text sa kanya.

Tuluyan nang sumiklab ang inis at galit sa dibdib ko. Gusto kong magwala ngunit hindi ko magawang sumigaw. Nanghihinayang kasi ako sa magandang boses ko.

Ngayon lang ako nakaranas ng ganito kay Rigo. Noon kasi ay hindi ko na kailangan pa itong i-text o tawagan. Kusa na s’yang sumusulpot kung saan. Pero ngayon? Nasasabi na n’yang mayroon nang mas importante pa sa pagkain namin ng sabay dito?!

Hindi ito maaari!

Ilang sandali pa ay nakaisip ako ng ideya para mailabas ang galit ko.

Ibabato ko na lang ang cellphone ko sa ulo ng taong una kong makakasalubong ’pag lumabas ako ng opisina.

Ngunit makalipas din ang ilang sandali ay napag-isip-isip kong sayang ang cellphone ko. Baka malagyan pa ng dugo.

Habang mahigpit kong hawak ang aking cellphone ay nagdikit ang mga ngipin ko dahil sa inis.

Kailangan kong mailabas ang inis ko. Kailangan may madamay na ibang tao. Hindi pwedeng ako lang ang nabibwisit ngayong araw na ito!

Natigilan ako nang may maalala ako. Sumilay ang ngiti sa aking labi habang nag-aapoy ang aking mata dahil sa labis na inis.

“Alam ko na…” nakangisi kong sambit.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko para lumabas na ng opisinang iyon.

Nakapagdesisyon na ako. Itutuloy ko na lang ang pagtatanggal kay Ehdz na mahilig sa pink at Hello Kitty. Tatawagan ko na rin si Chris na um-absent ngayong araw na ito para sabihing ’wag na s’yang magpapakita pa rito.

Isesesante ko na lang sila!

Bakit ba? Nawala ako sa mood eh. Pakiramdam ko sila ang sumira sa araw ko.

Nang makarating ako sa pinto ng aking opisina ay padabog kong binuksan iyon.

Salubong ang aking kilay at masama ang mga tingin ko. Ngunit akmang hahakbang na ako para lumabas ng opisina ay natigilan ako.

“Saan ka pupunta Randy Liam?” nakangiting pagbati ng taong nasa labas ng pinto.

Tila ba tumigil ang mundo ko nang masilayan ko ang magandang ngiti ng taong sumalubong sa akin.

Ang galit sa dibdib ko ay bigla rin naglaho at napalitan ito ng rainbow. Naramdaman ko na rin na nabuhay ang mga malalanding paru-paro sa aking sikmura.

Punyeta ka Randy, ang landi mo.

“Saan pupunta ang pinakaimportanteng tao sa akin na nakatayo ngayon sa harap ko?” tanong n’ya pa ring nakangiti.

Hindi ko magawang magsalita. Mas gusto ko pa nga sumigaw sa tuwa.

Bwiset! Kahit pigilan ko, kinikilig ako.

Dahan-dahan s’ya sa paghakbang habang nakangiti papalapit sa akin. Naging dahilan din ito para mapaatras ako. Hindi ko pa rin magawang magsalita. Alam ko rin na nanlalaki ngayon ang mga mata ko dahil sa pagkasorpresa.

Nang tuluyan s’yang makapasok ay isinara n’ya rin ang pinto nang hindi pinuputol ang pagtitig sa akin.

“Na-miss kita.” wika n’ya at mas lumapad ang pagkakangiti.

Ang mga salitang iyon. ’Yan ang kumukumpleto sa akin sa tuwing magkikita kami.

Pinigilan kong ipakita sa kanya ang sayang nararamdaman ko. Kailangan kong itago dahil baka ikatuwa ng impaktong nasa harap ko.

Itinaas ko ang isang kilay ko bago ako nagsalita.

“Ginagago mo ba ako Rigo? Akala ko ba may mas imp—–” panimula sana ng pagsusungit ko sa kanya ngunit hindi ko naituloy.

Mabilis ang pangyayari nang hatakin n’ya ang aking bewang papalapit sa kanya. At ikinagukat ko nang magdikit ang aming mga labi.

Madiin ang halik n’ya at damang-dama ko ang pananabik.

Gusto kong magmura dahil sa nalalasahan kong tamis ni Rigo.

Gahd! Ang ganda naman ng salubong n’ya sa akin.

Dahil sa naganap ay hindi ko na nakontrol pa ang aking sarili. Sa halip na pumalag ay ginantihan ko na lamang ang kanyang halik. At kung sa kanya ay madiin, ginawa kong mapusok ang sa akin.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Nagpapalitan ng aming mga mensahe sa pamamagitan ng halik. Ngayon ko lamang din napansin na gumagapang na pala kung saan-saan ang aming mga kamay sa katawan ng bawat isa. Masyado kaming nadala sa kasabikang nakita muli namin ang isa’t-isa.

“Grabe! Isang araw lang kitang hindi nakita pero parang taon ang lumipas!” gigil na gigil n’yang sambit.

Magkadikit ang aming mga noo habang hinihingal matapos ang aming simpleng pagbati.

Yes, simple lang iyon sa amin. May mas malala pa rito.

Hindi ako nakapagsalita. Kinagat ko lamang ang aking ibabang labi upang pigilan ang aking pagngiti.

Ayokong makita n’yang kinikilig ako. Baka umabuso.

“Kailan ka pa natuto manorpresa?” tanong kong nakataas ang isang kilay sa kanya.

Sinusungitan ko s’ya pero nakapalibot ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Ang landi ko talaga.

Tumawa s’ya ng mahina.

Ayan na naman ang pagtawa n’ya. Lalo akong nanggigigil sa kanya.

“Sinubukan ko lang, effective naman pala. Ang sarap ng halik mo eh.” sagot n’ya sa akin.

Iniikot ko ang aking mga mata. Baka kasi makita n’yang nag-i-spark. Mahirap nang mabuko.

“Alam mo bang muntik na akong magtanggal ng empleyado dahil sa kalokohan mo?” wika ko at tinitigan ko s’ya ng masama.

Muli s’yang natawa.

Tawa ’to ng tawa. ’Pag hindi ako nakapagpigil baka makagat ko na s’ya.

“Kaya nga nagpakita na ako eh! Baka umabot ka pa sa puntong manakit ka ng empleyado.” natatawa n’yang sagot.

Kilala n’ya na talaga ako.

Dito ay hindi ko na maiwasang matawa. Tama naman kasi ang sinabi n’ya.

Tinanggal ko ang pagkakapulupot ng aking mga braso sa kanyang leeg. S’ya naman ay niluwagan na rin ang pagkakayakap sa aking bewang.

“Tara na, kumain na tayo.” pagyaya kong nakangiti.

“Tara, kunin mo na ang mga gamit mo.” sagot n’ya sa akin.

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Hindi na rin n’ya ako nahintay pang magtanong kaya sumagot na s’ya.

“Sa labas na lang tayo kumain. Manood na rin tayo ng sine. May tickets na rin akong nabili.” nakangiti n’yang pahayag.

Hindi ako nakapagsalita. Bakit?

Kasi kinilig ang haliparot kong feelings.

Dahil sa hindi na ako makagalaw ay s’ya na mismo ang kumuha ng mga gamit ko na naririto sa aming office.

“Tara na!” pagyaya n’ya sa akin palabas ng pinto habang hawak ang kamay ko.

Bahagya akong nataranta.

“Teka, teka! Eh sinong maiiwan dito?” tanong ko.

“Si Karen! At kung inaalala mo si Xander dahil wala tayong dalawa dito, nakapagpaalam na rin ako. Papunta na rin s’ya ngayon at kasama n’ya si Tom.” paliwanag n’ya.

Gusto ko sanang makita ang mag-asawang ’yon ngayon, matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nagkakausap. Pero anong magagawa ko? Gusto yata ni Rigo na magdate kaming dalawa.

Hindi ko maiwasang isipin na ang haba ng buhok ko. Ang isang sikat at gwapong modelo, niyayaya ako sa isang date.

Ang ganda ko.

Hindi na ako sumagot pa kay Rigo. Sinabayan ko na lamang s’ya sa paglabas ng pinto. At kahit walang reaksyon akong ipinapakita, nagbubunyi ang loob ko.

Nakikiliti ang nagdadalaga kong puso.

Nadaanan namin ang aming mga empleyado at halos pangilagan nila ako. Pasalamat sila at hindi sila inabot ang topak ko kanina. Kundi sa ospital pupulutin ang isa sa kanila.

“Saan ba tayo kakain?” tanong ko sa kanya nang makasakay kami ng kotse ko.

S’ya ang nagmamaneho tulad ng aming nakasanayan tuwing magkasama.

“Sa mall. Doon na lang tayo para diretso na rin tayo sa sinehan after natin maglunch.” nakangiti n’yang sagot.

Kalmado lang ako, pero sa isip ko, sumasayaw na ako dahil sa sobrang saya. Naiisip ko kasing nagpareserve s’ya sa isang class na restaurant para maging memorable naman ang aming date.

Naging maayos naman ang aming byahe. Kaunting kwentuhan sa mga naganap sa amin buong araw.

Nang makarating kami sa mall ay mabilis din kaming kumilos para puntahan ang restaurant kung saan kami kakain.

Habang naglalakad kami ay mabilis ang kabog ng dibdib ko. Naghahalo ang kaba at excitement dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na lalabas kaming dalawa na walang iistorbo.

Madalas kasi n’ya akong niyayaya, ngunit tinatanggihan ko dahil sa masyado akong naging focus sa pag-aasikaso sa mga negosyo ng bestfriend kong si Xander.

Sa nakalipas kasi na tatlong taon ay halos mawala ito sa sarili noong iwan s’ya ni Tom. Kaya naman ako ang nakaagapay sa kanya para hindi bumagsak ang negosyo n’ya. Mabuti na lamang at kahit sa kabila ng mahabang panahon na pagkakahiwalay nila ay sila pa rin ang nagkatuluyan hanggang sa huli.

Sinusundan ko lamang si Rigo sa aking tabi kung saang restaurant s’ya nagpareserve. Ang kaba sa aking dibdib ay mas dumoble pa dahil iniisip ko kung ano ang mangyayari sa bagong kaganapan sa amin ngayon.

Ngunit nang akmang papasok s’ya sa isang resraurant ay literal na napahinto ako. Nangunot ang noo ko at mabilis na nawala ang kaba dulot ng excitement na namamayani sa dibdib ko.

“Teka teka teka!” pag-awat ko sa kanya.

Nilingon n’ya naman ako dahil nasa unahan ko na s’ya.

“Bakit?” tanong n’yang nagtataka.

Ilang segundo kong tiningnan ang restaurant na papasukin namin. Matapos iyon ay ibinalik ko ang tingin ko sa kanya na puno pa rin ng pagtataka.

“A-anong gagawin natin d’yan sa Jollibee?” tanong kong nauutal habang tinuturo ko pa ang signage ng restaurant.

Nilingon n’ya rin ang restaurant at ibinalik sa akin ang kanyang tingin bago sumagot.

“Ano pa, s’yempre kakain! ’Di ba sabi ko sa’yo maglunch muna tayo bago tayo manood ng sine?” sagot n’ya.

“Eh bakit d’yan?” tanong kong muli.

“Bakit? Saan mo ba gusto? Kung gusto mo sa McDo na lang tayo. O kaya kahit saang fastfood basta mabilis ang pagkain. Malapit na rin kasi ang oras ng nasa ticket natin sa sinehan. Baka malate pa tayo.” mahaba n’yang sagot.

Nanghina ang mga tuhod ko. Para bang gusto kong mapaupo sa sahig at maglupasay dahil sa nangyayari.

“Tara na! Lalo tayong mahuhuli eh!” pagyaya n’ya sa akin.

Wala na nga akong nagawa dahil hinila n’ya na ang braso ko. Nagpadala na lang ako sa kanya habang hinang-hina ang katawan ko.

S’ya na ang pumila sa counter at inutusan n’ya na lamang akong humanap ng mauupuan.

Punyeta! Sana pala nagluto na lang ako kanina sa restaurant namin kung nagmamadali s’ya ’di ba?!

Padabog akong umupo sa nakita kong bakanteng mesa. Napansin kong napatingin pa ang isang batang lalaki na malapit sa aming upuan. Siguro ay nakuha ko ang atensyon n’ya dahil padabog akong umupo.

“Tinitingin-tingin mo?!” mahina kong tanong sa bata habang pinandidilatan ko s’ya ng aking mata.

Nanggigigil talaga ako kaya kahit bata ay papatulan ko.

Iyon pa lamang ang naitatanong ko sa bata ngunit mabilis s’yang umiyak ng pagkalakas-lakas. Doon s’ya nilingon ng kanyang ina na nasa kanyang tabi.

Ako naman ay mabilis silang tinalikuran at nagpanggap na walang nalalaman.

Bakit ba?! Eh sa naiinis ako eh!

Habang hinihintay ko si Rigo ay inikot ko na lamang ang mga mata ko sa paligid. Dahil sa naiinis ako ay ini-imagine ko na lamang na nabulunan ang mga taong kumakain ng chicken sa mga oras na ito. Iniisip kong nalunok nila ang buto para lang kahit papano ay maaliw ako.

“Tara, kain na!” nakangiting pagyaya ni Rigo nang makalapit sa akin.

Dala nito ang tray na naglalaman ng dalawang double burger steak, extra rice at sofdrinks.

“Ayan, humingi na ako ng hot sauce para sa’yo. Ito naman ang coke light. Humingi na rin ako ng ng disposable spoon and fork dahil alam kong ayaw mong gumagamit ng kutsara’t tinidor sa mga ganitong restaurant. Sabi mo nga, hindi ka naman sure kung malinis ’yan. Na kahit maayos naman talaga ang pagkakahugas nila at nasa initan pa ’yan.” nakangiti n’yang wika habang inilalagay sa aking harapan ang mga iyon.

Dahil sa ginawa n’ya ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Natutuwa ako dahil kilalang-kilala n’ya talaga ako.

Nagsimula na kaming kumain na walang namamagitang usapan sa amin. Sinusulyapan ko s’ya at hindi ko maiwasang mapangiti sa aking isip dahil nakikita kong sarap na sarap s’ya sa pagkain.

Naisip kong kahit dito kami kumain ngayon ay ayos na rin. S’ya naman ang kasama ko at wala sa amin iistorbo.

“OMG! Rigo??!! Ikaw po ba si Rigo??! ’Yung sikat na model??!!” ang halos pasigaw na tinig ng isang babae sa tabi ng aming mesa.

Sabay naming nilingon ito ni Rigo.

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Meron palang iistorbo sa amin. Nakalimutan kong sikat na modelo nga pala ang ka-date ko ngayon.

“Uhm.. Oo, ako nga.” sagot ni Rigo na nakangiti.

“OMG!! Ilaw nga!! Gosh!! Hindi ko akalain na makikita kita dito!!” halos patili nang sambit ng babae.

Kung makapagsalita naman ’tong babaeng ’to akala mo magkakilala na sila!

Napakamot naman si Rigo ng kanyang ulo dahil sa hiya.

S’ya pa talaga ang nahiya? Eh itong babae, mukhang may siling pula ang pwet dahil tumatalon na sa tuwa. Sana bumuka ang sahig para diretso s’ya sa ilalim.

“OMG!! Pwede bang magpa-picture??!” hiling ng babae.

Napataas ang isang kilay ko.

Bulag ba ’to o duling?! Hindi n’ya ba nakikita na kumakain kami! Sana pinatapos n’ya muna kaming kumain ’di ba?! Nasaan ang respeto?!

Nilingon ako ni Rigo. At base sa tingin n’ya sa akin ay nagpapaalam ito kung pagbibigyan n’ya ba ang babae.

Nagkibit-balikat ako bilang pagsagot.

Isa ito sa mga bagay na wala akong karapatan. Ang magdesisyon para sa kanya.

Itinuon ko na lamang ang aking sarili sa aking kinakain. Hinayaan ko na lamang sila.

Wala naman akong magagawa dahil sikat talaga si Rigo.

“S-sige.” dinig kong sagot ni Rigo.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na tumayo si Rigo para maghanda.

“OMG! Wala kasi akong kasama eh! Gusto ko pa naman half body at whole body ang kuha natin! Paano na ’to?!” hinaing ng babae.

Ay jusko! Ang arte ha? Kinaganda?! Saka pwede ba? Itigil n’ya na ang kaka-OMG n’ya! Ang lakas n’yang magpanggap na sosyal eh samantalang fake naman ang Havaiianas na suot n’yang tsinelas! Nanggigitata pa ang kuko n’ya sa paa! Nasilip ko kaya!

Natawa ng peke si Rigo.

“Paano nga ba?” dinig kong tanong ni Rigo pabalik.

Hinayaan ko na sila. Kinuha ko lamang ulit ang aking kutsara para ipagpatuloy ang aking pagkain.

“OMG!! Pwede bang s’ya na lang?! ’Yang kasama mo?!” tanong ng babae.

Dahil sa narinig ko ay unti-unti ko silang nilingon. Hindi ko na rin naituloy ang pagsubo ko sa aking pagkain.

Punyeta! Nananahimik ako dito tapos idadamay nila ako?!

“Ako ba?” tanong kong medyo inosente.

“OMG!! Ikaw nga!! Gwapo ka rin kuya kaso hindi ka sikat! Kay Rigo na lang ako magpapa-picture. Kuhanan mo naman kami please??” pakiusap ng babae sa akin.

Nararamdaman kong umakyat ang dugo ko sa ulo. Naramdaman ko rin na lumabas na ang mga ugat ko dahil sa sinabi ng babaeng mukhang pugo.

“Eto cellphone ko! Dali! OMG! Isang half body at isang wholebody ha?!” utos nito sa akin.

Gusto ko sanang tumanggi ngunit halos ibaon n’ya na ang cellphone n’ya sa aking dibdib. Napapaatras na rin ako kahit nakaupo dahil halos itulak n’ya ako.

Gagang ’to! Dinikit n’ya ang kamay n’ya sa katawan ko?!

Lapastangan!

Nakita ko ang pag-aalala kay Rigo. Alam n’yang ayaw ko sa lahat ay ginagawa ang bagay na ito sa akin. At alam na rin n’ya kung ano ang mangyayari dahil sa ginawa sa akin ng babaeng ’to!

Wala akong binigkas na kahit na anong salita. Mabilis na nag-function ang utak ko dahil sa katalinuhan ko. Nakaisip ako ng magandang ideya para maparusahan ang babaeng lamang-lupa sa harap ko.

“Sure. Sige, pumwesto na kayo.” nakangiti kong wika sa babae.

Tumayo na rin ako habang suot ang malapad kong ngiti.

Lalo nang kinabahan si Rigo. Ngumisi lang ako sa kanya tanda na maghanda na rin s’ya sa gagawin ko.

“OMG! Gandahan mo ha?!” utos pa ng babae sa akin.

Imapaktang ’to! Kahit gandahan ko ang kuha ko kung hindi s’ya maganda, walang mangyayari! Panget pa rin ang kalalabasan!

Pumwesto na silang dalawa. Akbay ni Rigo ang babae habang suot ang ngiti n’yang peke. Ngiti na puno ng pag-aalala.

“Ready! One, two, three!” nakangiti kong sambit at kinuhanan sila.

Ang sunod na shot ay wholebody kaya umatras ako ng kaunti. Niyakap ng babae si Rigo.

Maygahd Rigo! Maligo ka mamaya ng mabuti! Baka may putok ’yan!

“Okay! One, two, three!” muli kong sambit at kinuhanan ko sila ng picture.

Ako na ang lumapit sa babae para ibigay ang kanyang cellphone.

Ang loka-loka excited pa. Tingnan ko lang kung matuwa ka pa.

Mabilis na rin akong umalis at bumalik sa aking pagkakaupo.

“Teka, bakit ang labo sa wholebody? Saka, bakit parang noo ko lang ang nakikita dito sa halfbody? Bakit wala si Rigo?” sunod-sunod na tanong ng babae.

Eto na.

“Hoy! Tinatanong kita. Bakit ganito ang kuha mo?!” tanong ulit ng babae. Dama ko na ang inis n’ya.

Sa halip na magpakita ng inis sa kanya ay ngitian ko s’ya. Si Rigo naman ay panay lang ang lunok sa kanyang tabi. Kinakabahan na talaga s’ya.

“Pangit ka kasi, este, pangit kasi ang camera ng phone mo. Bili ka kaya ng bago? Baka puro selfie mo na ’yan kaya nagkaganyan. Ipa-check mo, baka puro virus na rin ’yan.” nakangiti kong sagot sa babae.

Sinadya kong i-zoom ang camera, sinadya ko rin na igalaw ang kamay ko para malabo ang kuha.

Nagdikit ang mga ngipin ng babae sa aking mga sinabi. Masama na rin ang tingin n’ya sa akin.

OMG! Dali ate! Mag-OMG ka ngayon! Makakatikim ka talaga sa akin!

“Randz…” pag-awat ni Rigo.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko.

“Oh bakit Rigo? Nag-aalala ka ba sa fan mo? Sorry ha? Hindi kasi s’ya marunong rumespeto. Nakita n’ya naman na kumakain tayo ’di ba? Hindi ba pwedeng naghintay na lang s’ya? Mawawala ka ba? Hindi naman ’di ba?” nakangiti kong pagkausap kay Rigo.

’Yan ang dahilan kung bakit kinakabahan si Rigo. Wala akong pakialam kung sino ang kaharap ko. Basta binastos ako, asahan na n’yang pagsisisihan n’ya ang magiging kapalit.

“Ang sama mo naman…” nangingiyak na ngayong sambit ng babae.

Nilingon ko s’ya.

“Thank you.” nakangiti kong sagot sa kanya.

Immune na ako sa salitang ’yan.

Muli kong ibinalik ang aking sarili sa pagkain. Ngunit ang totoo ay nawalan na ako ng gana. Ang masayang simula ng araw ko ay malapit na talagang masira.

Narinig ko ang paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Rigo sa babae. Sanay na rin ako sa ganitong eksena namin. S’ya ang tagahingi ng tawad sa mga taong nabibigyan ko ng award.

Ilang sandali pa ay inihatid ni Rigo sa labas ang babae. Mukhang binigyan n’ya na naman ito ng libreng ticket para sa isang fashion show kung saan s’ya rarampa. ’Yon naman lagi ang pambawi n’ya sa mga fans n’ya na nakakaaway ko.

Akmang isusubo ko ang aking pagkain nang dumating si Rigo at umupo sa kanyang pwesto.

“Randz, bakit mo naman ginanon ’yung tao?” tanong n’yang mahinahon.

Punyeta! Eto na. Magsisimula na s’ya sa kanyang seremonya.

“O bakit? Totoo naman ah? Hindi ba s’ya makapaghintay para matapos kang kumain?” nakataas na kilay kong tanong.

“Kahit na! Hindi ka dapat ganon sa kanya! Isa pa, babae pa rin ’yon!” sermon n’ya pabalik.

Aba’t?! Pinagtataasan n’ya ako ng boses dahil lang sa babaeng ’yon?!

“’Yan na naman tayo Rigo eh! Lagi na lang ’babae kasi ‘yon’! Hindi dapat ginaganon! Tanong ko lang? Ang mga lalaki ba, tomboy at bakla, hindi pwedeng respetuhin din? Sila lang ba lagi?!” buska ko sa kanya.

“Hindi ’yon ang ibig kong sabihin! Alam kong naiintindihan mo ako. Hindi ka dapat ganon makipag-usap sa tao.” medyo mahinahon n’ya nang paliwanag.

Naiintindihan ko s’ya. Hindi naman talaga iyon ang issue. Ang issue dito ay ang ugali ko.

Hindi ko na itinuloy ang naantala kong pagkain. Madiin kong pinunasan ang aking bibig matapos kong uminom ng soft drinks.

“Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain.” tanong n’ya nang bigla akong tumayo.

“Nawalan na ako ng gana.” pagsasabi ko ng totoo.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng restaurant. Naramdaman ko naman na sinusundan n’ya ako.

Wala na, tuluyan nang nasira ang magandang araw ko! Nang dahil lang sa babaeng ’yon, nagagawa akong pagalitan ngayon ni Rigo.

Lalabas na sana ako ng mall para makaalis na kami nang bigla n’ya akong hatakin sa kamay. Naging dahilan din ito para mapahinto kami sa gitna ng mall.

“Hindi pa tayo aalis!” madiin n’yang bigkas.

“Bakit? Bakit hindi pa? Para mas marami pang umistorbo? Para marami pang makapagpa-picture sa’yo?” nakataas na kilay kong tanong.

Alam kong napipikon na s’ya, pero napipikon na rin ako.

Hindi s’ya nagsalita. Basta n’ya na lamang ako hinila para umakyat sa escalator.

“Ano ba?!” inis kong sambit at pilit na tinanggal ang aking braso sa kanyang kamay.

Maarte na kung maarte. Ganito ako ’pag nagsimula na akong topakin.

Huminga na lamang s’ya ng malalim tanda ng pagsuko.

Nakarating kami sa pinakaitaas na palapag ng mall. Doon ko lamang naalala na manonood nga pala kami ng sine.

“D’yan ka lang, ’wag kang aalis.” madiin n’yang utos sa akin.

Kapag ganito na si Rigo ay natatahimik na ako. Hindi ko man aminin ay kinakabahan ako sa kanyang reaksyon. Masyado s’yang seryoso. Natatakot akong baka bigla n’ya na lang akong iwan dito.

Aminado ako, sa ngayon ay takot akong mawala si Rigo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sakaling iwan n’ya ako.

Nakasimangot akong sumusunod sa kanya habang papasok kami ng sinehan. Bitbit n’ya ang mga pagkain na kanyang binili. Hindi ko s’ya tinulungan kasi napupunyeta talaga ako dahil sa pagkasira ng mood ko.

Hanggang sa makaupo kami ay walang umiimik sa amin. Lalo akong nakaramdam ng inis. Dahil lang sa simpleng bagay, hindi n’ya ako magawang kausapin.

Doon ko lamang napansin na sci-fi pala ang panonoorin namin ngayon. Ang mga ganitong palabas ang gustong-gusto n’yang panoorin.

Mas maganda kaya ang romance! Gusto ko ’yung tipong naglalandian ang dalawang bida, tapos sa huli mamamatay ’yung isa. Kaya maiiwang luhaan at mukhang kawawa ’yung isa. Ganon! Ganon ang gusto kong panoorin!

“Kumain ka. Wala pang laman ’yang sikmura mo.” utos n’ya sa akin at ibinigay ang sausage sandwich.

Hinawakan ko lamang ang sandwich at hindi iyon kinain. Naiinis kasi talaga ako.

Buti sana kung sausage n’ya ang ipapakain n’ya sa akin.

Damn you Randy! Badtrip ka na nga, ganyan pa rin ang nasa isip mo!

Nagsimula na ang palabas at wala pa rin namamagitan na usapan sa amin. Nanatili akong nakasimangot habang s’ya ay abala sa panonood.

Wala akong maintindihan sa pinapanood namin. Mas focus kasi ako na sulyap-sulyapan si Rigo, naghihintay kung kakausapin n’ya ako.

Nakakainis! Kung hindi lang dahil sa babaeng ’yon kanina, edi sana naglalambingan kami ngayon dito! Nagyayakapan dahil malamig! Sana magkahawak ang mga kamay namin! Sayang ang dilim ng paligid! Sana kinakapa ko na s’ya sa mga oras na ito!

Dahil sa sobrang inis ay inilibot ko na lamang ang paningin ko sa paligid. Tutal ay wala naman akong maintindihan sa palabas, aaliwin ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay.

Napansin kong sa bandang harapan namin ay may magkatabing naglalambingan. Nakakadiring magsyota siguro. May ilang upuan din ang pagitan namin.

Panay ang landian nila. Yapusan ng yapusan na parang romance ang pinapanood nila. Sigurado akong wala rin silang naiintindihan ngayon sa palabas kagaya ko.

Ilang sandali pa ay nakaisip ako ng isang ideya para mabawasan ang boredom ko at pagkairita.

Habang abala si Rigo sa panonood ay kinuha ko ang soft drinks ko. Ibinuhos ko ang laman nito sa sahig. Hindi naman ako nauuhaw eh. Saka may softdrinks pa si Rigo, sa kanya na lang ako makikiinom.

Nang maitapon ko ang laman ay luminga-linga muna ako kung may makakapansin sa amin. At nang makasigurong walang makakakita sa gagawin ko ay unti-unti kong inangat ang plastic cup na wala nang laman ngayon.

Boom!

Sapul ang ulo ng lalaki!

“Aray! Sino ’yon?!” sigaw ng lalaki sa loob ng sinehan.

Nakatayo ang lalaki habang inililibot ang mata sa paligid.

Papansin s’ya. As if naman na malalaman n’ya, madilim nga ’di ba?

Naramdaman ko ang paghawak ni Rigo sa aking pulsuhan.

“Ano na naman ’to Randy?!” mahina ngunit naiinis na tanong ni Rigo sa akin.

“Bored ako.” walang gana kong sagot at inikutan s’ya ng mata.

Wala akong pakialam kung nakikita n’ya ang reaksyon ko.

Naihilamos na lamang ni Rigo ang kanyang palad sa kanyang mukha.

Bahala s’ya. Pinagalitan n’ya ako kanina dahil lang sa babaeng ’yun eh. Magsorry muna s’ya.

Ilang sandali pa ay lumapit ang lalaking binato ko.

Kahit sa dilim ay naaaninag ko ang magaspang n’yang mukha. Jusko! Kung ako ang dinidikitan n’ya kanina ng mukha, baka may gasgas na ngayon ako.

“Kayo ba ang bumato sa ulo ko?!” kompronta nito sa amin.

Dahil sa eskandalong nangyayari ay naglapitan na ang ilang guard na nasa loob ng sinehan sa amin. May mga dala na itong flashlights at halos masilaw na kami.

Tiningnan ko ang lalaki na tila nagtataka.

“Ano bang pinagsasabi mo brad?” maang-maangan ko.

S’yempre kunwari lalaking-lalaki ako.

“Sir, kayo po ba ang sinasabi n’yang bumato sa kanya?” tanong sa akin ng isang guard.

Binalingan ko ang guard.

“Nananahimik kami dito ng kumpare ko. Hinihintay ang girlfriends namin dahil nag-cr lang. Tapos kami ang pagbibintangan n’yo? ’Wag ganon mga brad!” mahabang kasinungalingan ko.

Kinilabutan ako nang sabihin kong may girlfriend ako.

Nakakadiri.

Hindi nakaimik ang mga guard ganoon din ang lalaki at ang kasama n’ya. Mukhang hindi ko sila mabilis na makukumbinsi.

Kaya habang wala silang imik ay muli akong nagsalita sa mahinahon na paraan.

“Brad, alam mo iniistorbo mo na nga kami sa panonood, nagbibintang ka pa. Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo? Magaling na abogada ang girlfriend ko. Baka gusto mong masampolan?” pagyayabang ko sa binato kong lalaki.

Pwe! Nasusuka na ako sa mga pinagsasabi ko.

Ang mga guard naman ang pinagbalingan ko.

“Kayo naman? Ang dami n’yo dito pero hindi n’yo nase-secure ang lugar. Ano na lang ang mangyayari kung i-report ko ’to sa admin nitong mall? Buong agency n’yo matatanggal dito ’di ba? Pati ang mga kasama n’yong gwardya na walang kasalanan madadamay. Gusto n’yo ba ’yon?” mahaba kong pangungumbinsi pa rin.

Nagkatinginan silang lahat, ang lalaking binato ko at ang mga gwardya. Mukhang effective ang naisip ko.

Ang galing mo talaga Randy!

Tinodo ko na ang kalokohan ko. Si Rigo naman ang binalingan ko.

“Ano pare? Tawagin na natin sila Trisha at Ella! Dumiretso na lang tayo sa admin nitong mall. Nawalan na rin ako ng gana manood eh.” pagyaya ko kay Rigo.

Sino sina Trisa at Ella? Malay ko.

Nakita ko ang pag-aalala kay Rigo. Gusto kong matawa sa reaksyon n’ya dahil nanlalaki ang mga mata n’ya.

Pasensya s’ya, ngayon lang ako nag-e-enjoy.

“T-tara na. Baka kanina pa sila naghihintay.” pagsang-ayon ni Rigo.

Napangisi ako sa isip ko. Mabuti naman at sa pagkakataong ito ay ako ang kinampihan n’ya.

Sabay na kaming tumayo ni Rigo sa aming mga upuan. Lalayasan na lang namin ang mga lapastangan dito.

Pero hindi pa rin ako nakuntento. Lalampasan na lamang sana namin ang mga guard ganoon din ang binato ko nang maisipan ko silang harapin muli.

“Ipanalangin n’yo na lang na magbago ang isip namin ng kumpare ko. Dahil sa oras na lumabas kami ng sinehang ’to, ihanda n’yo na ’yang mga sarili n’yo.” pagbabanta ko sa kanila habang nakangisi.

S’yempre kunwari nagyayabang ako. Kunwari mayabang na LALAKI ang dating ko.

Tinalikuran na namin sila ni Rigo at lumabas na ng sinehang iyon.

Nang makalabas kami ay hindi ko napigil ang matawa ng mahina. Ang saya-saya ko sa nangyari.

“Itigil mo ’yan! Mamaya tayo mag-uusap!” madiin na sambit ni Rigo.

Kainis! Napatigil tuloy ako sa pagtawa.

Inikutan ko lamang s’ya ng mata. Bahala s’ya.

Wala nang nagsalita. Sinusundan ko lamang s’ya sa kanyang paglalakad hanggang sa makarating kami ng parking area ng mall.

Ay? Uuwi na ba kami? Ngayon pa nga lang nagsisimula ang masaya naming date eh.

Nagsimula ang aming biyahe na katahimikan ang bumalot. Nakikita kong mahigpit ang pagkakahawak ni Rigo sa manibela habang nagmamaneho ito.

Aaminin ko, kahit kalmado ang pinapakita ko sa mga oras na ito ay kinakabahan ako. Alam kong sa oras na makarating kami sa aking bahay ay may magaganap na pagtatalo.

Ilang saglit pa ay nakarating kami sa aking condo.

“Nanay Elise!” masaya kong pagbati sa aking yaya at hinalikan ito sa noo nang makapasok kami.

Nagmano naman si Rigo.

“’Nay, okay lang po bang mag-usap kami saglit ni Randy?” magalang na tanong no Rigo kay Nanay Elise.

Eto na, dumating na ang inaasahan ko.

Saglit akong tiningnan ni Nanay Elise bago sinagot si Rigo.

“O sige, dito lang muna ako sa kwarto ko.” sagot nitong nakangiti kay Rigo.

Ako naman ang nilingon ni Nanay Elise.

“Anak, mag-usap kayong mahinahon ha? Kung may kailangan kayo, tawagin n’yo na lang ako.” bilin nito sa akin.

Alam na ni Nanay Elise ang mangyayari. Sanay na rin s’ya dahil madalas naman itong nangyayari sa loob ng ilang taon.

Hindi na ako hinintay pang sumagot ni Nanay Elise at pumasok na rin ito sa kanyang kwarto.

“Ano bang problema mo Randy?!” ang may kalakasang tanong sa akin ni Rigo.

Sinasabi ko na nga ba at magkakaroon na naman ng ganitong senaryo.

“Wala. Ano bang pinagsasabi mo?” walang gana kong tanong pabalik.

Pumunta ako sa aming kitchen para uminom ng tubig. Sinusundan naman ako ni Rigo.

“’Wag kang magkunwari d’yan! Alam mo ang ibig kong sabihin! Bakit mo ’yon ginawa kanina?! Nung una sa babae, sumunod sa lalaking nasa sinehan! Wala silang ginagawang masama pero ginawa mo ’yon sa kanila!” halos pasigaw nitong sumbat.

Inubos ko muna ang tubig na laman ng baso bago ko s’ya kinausap sa mahinahong paraan.

“Wala? Sigurado kang wala?” tanong kong nakataas ang isang kilay sa kanya.

“Ayusin mo sumagot!!” buska nito pabalik.

Sinisigawan n’ya na ako, bagay na nakakapag-init sa ulo ko.

“Gusto mo ng matinong sagot?! Pwes, nagsimula ito dahil doon sa babaeng fan mo! Nababastusan ako sa kanya! Nakita n’ya naman na kumakain tayo ’di ba?! Bakit kailangan ka n’yang abalahin?!” pasigaw ko na ring tanong sa kanya.

Naihilamos n’ya ang kanyang palad sa kanyang mukha.

“Randy naman! Fan ’yon! Hindi mo sila masisisi kung ganon ang maging reaksyon nila!” sagot nito sa akin.

“Eh ano ngayon kung fan mo s’ya?! Sapat na dahilan ba ’yon para istorbohin ka n’ya?!” tanong ko pabalik.

Naglakad ako para pumasok sana sa aking kwarto. Naisip kong maligo muna dahil umiinit na talaga ang ulo ko.

“Hindi rin sapat ’yang dahilan mo para bastusin mo s’ya! Babae ’yon! Ayusin mo naman ’yang kilos at pananalita mo!” sermon n’ya sa akin.

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi n’ya. Ayan na naman s’ya sa dahilan na babae ’yon!

Hinarap ko s’ya at hindi ko na maitago ang inis sa aking mukha.

“Eh bakit ba mas kinakapihan mo pa s’ya?! Nabastos n’ya rin ako ’di ba?! Halos ipakain n’ya na sa akin ang cellphone n’ya kanina! Hindi mo ba ’yon nakita?!” sumbat ko pabalik.

Nagagalit na talaga ako. Madalas kaming magtalo ni Rigo pero bihira ang pagkakataon na mas kinakampihan n’ya ang iba.

“Alam mo, ang babaw mo eh! Hindi naman kawalan ang ilang segundo o minuto na hihinto tayo sa pagkain! Maliit na bagay lang ’yon para palakihin mo pa!” hindi pa rin n’ya pag-awat sa panenermon.

Dahil sa kanyang mga sinabi ay hindi ko na napigilan sabihin ang totoo.

“Maliit na bagay?! Kung maliit na bagay ’yon para sa’yo, pwes sa akin hinde!! Iniistorbo n’ya tayo sa date natin!! Hindi tayo nagpunta doon para mag-entertain ka ng ibang tao!! Ako at ikaw lang dapat!! Walang pwedeng umistorbo!!” sigaw ko sa kanya.

Matapos ko iyon sabihin ay rumehistro ang pagtataka sa kanya.

“Date? Anong date ang pinagsasabi mo Randy? Hindi tayo nagde-date. Kumain lang tayo dahil pareho tayong gutom. Nanood tayo ng sine para magpalipas ng oras. Walang date na naganap.” paliwanag n’ya na tila may halong pagtataka.

Dahil sa narinig ko ay natigilan ako. Hindi ako nakapagsalita dahil pakiramdam ko ay may sumabog na malaking bomba sa dibdib ko.

Napahiya ako.

Oo nga pala, walang ‘kami’. Pero hindi ko maiwasan ang masaktan. Ang sakit sa loob na nagmula sa kanya ang katotohanan na wala nga palang date na magaganap sa amin dahil wala naman kaming relasyon.

We’re nothing but ‘friends with benefits’ ika nga sa isang palabas.

Dahil sa pananahimik ko ay muli s’yang nagsalita.

“Alam mo Randy, kung hindi mo babaguhin ’yang ugali mo, walang magtatagal sa’yo. Konting haba naman ng pasensya! Magkaroon ka naman ng konsiderasyon. Isipin mo naman ang mararamdaman ng iba. Tingnan mo, iilan lang ba ang mga kaibigan mo? Mabibilang mo lang ’di ba? Kasi hindi mo sila binibigyan ng pagkakataon na makalapit sa’yo. Lahat na lang itinataboy mo. Subukan mo naman huminahon paminsan-minsan.” mahaba at mahinahon n’yang pakiusap.

Kung kanina ay napipigil ko pa ang aking sarili, sa pagkakataong ito ay hindi ko na magawa.

Masakit isipin na kay Rigo pa nagmumula ang mga salitang naririnig ko ngayon.

Akala ko ay naiintindihan n’ya ako dahil sa mga pinagdaanan ko. Mukhang nagkakamali ako.

Dahil din sa mga narinig ko ay hindi ko nakontrol ang aking mga luha na mangilid sa aking mga mata.

Nasaktan ako. Sobrang masakit ang mga salitang binitawan n’ya. Dahil pakiramdam ko, ang isang taong malapit sa akin ay tatalikuran akong muli.

Muli ay mawawalan ako.

“Labas.” madiin kong sambit habang tinuturo ang pinto.

Hindi nagsalita si Rigo.

“Labas!” mas malakas ko nang utos habang nagbabadya na ang mga luha ko.

Hindi s’ya kumilos. Nakita ko ang pag-aalala sa kanya. Ngunit huli na ang lahat, nasabi na n’ya ang mga salitang labis na nakapanakit sa akin.

“Hindi ka lalabas? Pwes, mag-isa ka dito! Magsama-sama kayo!!!” sigaw ko sa kanya at mabilis akong pumasok sa aking kwarto.

Pabagsak kong sinara ang pinto at ini-lock iyon. Diretso akong umupo sa aking kama habang nakakuyom ang mga kamao ko.

Muli kong naalala ang mga sinabi ni Rigo. At dahil sa pag-alala ay naiangat ko ang aking mga kamay patungo sa aking mukha. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.

Impit na pag-iyak ang nagawa ko. Ayaw kong marinig nila ako bagamat alam nilang nangyayari ngayon sa akin ito.

“Randz… buksan mo ’tong pinto. Randz!” naririnig kong pagtawag ni Rigo.

Paulit-ulit n’ya akong tinatawag habang kumakatok. Ramdam ko ang pag-aalala n’ya pero wala akong balak na pagbuksan s’ya.

Bakit ba lahat sila ako ang sinisisi? Bakit lahat sila kailangan kong intindihin? Ako ba? Kailan nila ako maiintindihan?

Bakit kailangan ko silang pagbigyan? Ako ba? Kailan naman ang pagkakataon na ako naman ang pagbibigyan nila? Kailan mangyayari na ipaparamdam nila sa akin na may halaga ako sa kanila? Hanggang kailan ba nila ako pagdadamutan?

Hinayaan ko ang aking sarili na ilabas ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Ito lang naman ang tangi kong nagagawa sa tuwing nag-iisa ako. Ito lang ang bagay na nakasanayan ko noon bago pa dumating ang mga taong tumanggap sa akin.

Hindi ko alam kung gaano na katagal simula nang pumasok ako sa kwartong ito at umiiyak. Si Rigo ay nasa labas pa rin ng kwarto na nagpatuloy sa kanyang pagtawag sa akin.

Ilang sandali pa ay narinig kong nabuksan ang pinto na nasa aking likuran. Nakalimutan kong may susi nga pala si Nanay Elise nitong kwarto ko. At nakalimutan ko rin na mas kampi s’ya kay Rigo sa tuwing nagkakaroon kami nito ng pagtatalo.

Naramdaman ko ang paglapit ni Rigo sa aking pwesto. Patuloy pa rin ako sa pagluha hanggang sa makarating s’ya sa harap ko.

Yumuko s’ya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Paulit-ulit n’yang pinupunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang mga daliri.

Nakita ko ang labis n’yang pag-aalala sa akin. Hindi ko kayang pigilan ang pag-iyak ko. Muli kasing nagbabalik sa akin ang mga ala-alang pinipilit kong kalimutan sa nakaraan ko.

Ang mga ala-alang nagtulak sa akin para maging ganito. Para maging kasing tigas ng isang bato ang aking puso.

“I’m sorry… I’m sorry… Sorry Randz… Sorry…” paulit-ulit na binibigkas ni Rigo habang patuloy na pinupunasan ang mga luha ko.

Hindi ako makapagsalita dahil nahihirapan ako. Nahihirapan akong huminga dahil sa labis na pag-iyak ko.

Iilan lang mga taong nakakakita ng kahinaan kong ito, at isa si Rigo sa mga iyon.

Dahil sa nakikita ni Rigo ang hirap ko ngayon ay hindi na rin n’ya napigilan ang kanyang luhang pumatak habang paulit-ulit na humihingi sa akin ng tawad.

“I’m sorry… H-hindi na mauulit… promise… I’m sorry… Sorry Randz… Sorry…” hindi pa rin s’ya natigil habang umiiyak.

Wala akong mabigkas na salita. Inangat ko na lamang ang aking mga kamay upang yakapin s’ya. Pinaramdam ko sa aking mahigpit na yakap ang mga nais kong sabihin.

Wala s’yang kasalanan kung tutuusin. Ako, ako ang may kasalanan at aminado ako roon. Ako ang dahilan kung bakit nangyari ito sa amin. Dahil ang ugali ko ang puno’t dulo ng lahat ng gulo. Ang masamang pag-uugali ko.

Ilang minuto kaming ganoon. Tanging mahigpit na yakap ang aming ginawa habang lumuluha.

Nang bahagya kaming kumalma ay bumitaw kami sa pagkakayakap. Ngunit ang kanyang mga kamay ay nanatili sa aking mga pisngi habang patuloy na pinupunasan ang mga natitira ko pang mga luha.

“I’m sorry… sorry…” paulit-ulit pa rin n’yang sinasambit.

At sa bawat paghingi n’ya ng tawad ay ginagawaran n’ya ako ng masuyo n’yang paghalik.

Paulit-ulit na paghalik sa aking labi na aminado akong naging malaking tulong para kumalma ako.

Si Rigo lang talaga ang may kakayahang gawin ito, ang pagaanin ang pakiramdam ko.

“I promise, pag-iisipan ko na sa susunod ang mga sasabihin ko… Sorry Randz… Sorry Liam… Sorry…” muli n’yang sambit.

Tinugunan ko naman s’ya ng marahan at paulit-ulit na pagtango.

Hindi na ako makikipagtalo pa sa kanya sa pagkakataong ito. Dahil alam ko naman na simula pa noon, ako na ang talo.

Tinapos namin ang lahat sa pamamagitan ng mas mahigpit pang yakap. At sa bawat yakap namin ay nararamdaman ko ang senseridad, seguridad at halaga namin sa isa’t-isa.

Matapos ang senaryong iyon ay saglit pa kaming umupo sa aking kama. Hindi kami nagsasalita ngunit nakatitig kami sa isa’t-isa hanggang sa sumilay na ang ngiti sa aming mga labi.

Pakiramdam ko ay napakarami ng nangyari sa araw na ito. Ngunit masaya ako na nagtapos ito sa pagkakaayos namin ni Rigo.

Nakahiga na kami sa aking kama at katatapos lang maganap ang mainit naming pagsalubong sa isa’t-isa. Hindi ko malilimutan na habang iisa kami kanina ay pinaramdam namin na kailangan namin ang isa’t-isa. Na hindi pwedeng may umalis sa aming dalawa.

“Randz?” malambing na pagtawag n’ya sa akin.

Kapwa kami hubad at tanging kumot lamang ang aming naging panlaban sa lamig. Magkayakap ang mga katawan at dinadama ang init ng bawat isa.

Tulad ng lagi n’yang ginagawa tuwing magkatabi kami ay pinapatulog n’ya ako sa pamamagitan ng paghaplos ng aking buhok.

“Tulog ka na ba?” tanong n’yang mahina.

Hindi ako nagsalita.

Tulad din ng nangyayari noon, nagpanggap akong natutulog at hindi s’ya naririnig.

“Randz, I’m sorry… sorry sa mga nasabi ko sa’yo kanina. Sorry kung nasaktan kita.” panimula n’ya.

Sa loob ng tatlong taon, ganito ang kanyang ginagawa. Ito ang naging pamamaraan n’ya para sabihin sa akin ang lahat. Ang mga bagay na hindi namin pwedeng sabihin sa isa’t-isa dahil iyon ang napagkasunduan namin.

Hindi pala napagkasunduan, napilitan lang s’yang sumang-ayon sa akin.

“Alam kong nangako ako sa’yo na hindi ko kailanman sasabihin sa’yo ang bagay na ’to. Pero hayaan mong kahit sa ganitong paraan, mailabas ko ang tunay na nararamdaman ko.” masuyo n’yang wika habang patuloy na hinahaplos ang aking buhok.

“Mahal kita Randz… mahal na mahal. Na kahit lumipas na ang sampung taon, walang ibang naging laman ang puso ko kundi ikaw.” malambing n’yang pahayag at hinalikan ako sa noo.

Nanatili akong nagpanggap na natutulog.

Halos tatlong taon ko na itong naririnig mula sa kanya. Ngunit sa loob ng halos tatlong taon ay hindi ko ito nagawang sagutin.

“Naaalala mo ba noong una tayong nagkita? Noong college tayo at pinakilala ka sa akin ni Xander? Doon nagsimula ang lahat. Doon ko nadiskubre sa sarili ko na nagmamahal ako sa kapwa ko lalaki.”

“Lumipas ang pitong taon. Alam kong mahal mo ang best friend mo, si Xander. Minahal mo s’ya sa loob ng pitong taon.” una n’yang pag-alala sa nakaraan at saglit na tumigil.

Nagpakawala s’ya ng mapait ng pagtawa bagi nagpatuloy.

“Pitong taon mo s’yang minahal. O baka nga hanggang ngayon, s’ya pa rin. Dahil kahit minsan, hindi ka na nagmahal pa ng iba, wala nang nakapasok sa puso mo.” pagpapatuloy n’ya pa.

Mali. Mali ang mga sinabi n’ya.

Dahil matagal ko nang nakalimutan ang nararamdaman ko kay Xander.

Halos tatlong taon ko nang  nakalimutan ang lahat sa kanya. Simula nang magkaroon ng pagbabago sa buhay ko, simula nang may bumago dito.

“Naaalala mo ba three years ago? Noong panahon na nalaman mong hindi ikaw ang mahal ni Xander? Noong malaman mo na si Tom ang nagpapatibok sa puso n’ya? Sobrang miserable ka noon, kasi mahal na mahal mo s’ya. Pero, gusto kong malaman mo na sobrang saya ko noon. Bakit?” mahaba n’yang pagsasalita at saglit na tumigil.

“Kasi iyon din ang araw na nakalapit ako sa’yo. Ibinigay mo ang sarili mo sa akin na matagal kong hinangad na makuha sa buhay ko.” pagpapatuloy n’ya.

Halos matunaw ako sa mga binibitiwan n’yang salita. Ngunit nanatili akong walang imik at nagpapanggap pa ring natutulog.

“Doon nagsimula ang lahat. Doon nagsimula na sa tuwing kakailanganin natin ang isa’t-isa para sa tawag ng ating mga laman, magkikita tayo. Masakit, oo. Pero kung ito lang ang paraan para manatili ka sa tabi ko, kuntento na ako. Kasi mahal kita, at mahal na mahal pa rin kita kahit na lumipas man ang sampung taon.” pagkekwento n’ya pa rin.

Saglit s’yang tumigil sa pagsasalita. At alam kong sa mga oras na ito ay magkalapit ang aming mukha dahil nararamdaman ko sa aking pisngi ang kanyang paghinga. Alam kong nakatitig s’ya sa akin sa mga oras na ito.

Ilang sandali pa ay narinig ko s’yang natawa ng mahina.

“Mahal kita Randz at tanggap kita. Tanggap ko sa’yo ang lahat. Lahat kabilang na ang kapintasan mo. Isama mo pa ’yang pagiging maldito at demonyito mo. Lahat sa’yo mahal ko.” malambing n’yang sambit at alam kong nakangiti s’ya sa mga oras na ito.

“Ako kaya Randz? Kailan mo kaya ako mamahalin? Kailan ko kaya maririnig sa’yo na mahal mo ako?” tanong n’ya na ngayon sa akin ngunit sa malungkot nang tono.

Hindi ko s’ya masagot. Hindi ko magawang sagutin ang katanungan n’yang matagal ko nang nabigyan ng kasagutan ngunit hindi ko maisatinig.

Hindi ko mabigkas dahil sa pangamba at takot.

Tulad ng lagi kong ginagawa sa tuwing sasabihin n’ya ang bagay na ito sa akin, kumilos ako habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Habang nagpapanggap pa rin akong natutulog.

Inikot ko ang aking mga braso sa kanyang katawan. Niyakap ko s’ya ng mahigpit na kanya ring tinugunan.

Hindi na s’ya nagsalita pa at mukhang natapos na rin s’ya sa mga salitang paulit-ulit n’yang sinasabi sa loob ng tatlong taon. Naghanda na rin s’ya sa kanyang pagtulog habang nakakulong kami sa bisig ng isa’t-isa.

Sana…

….sana sa mga yakap kong ito, maramdaman ni Rigo ang kasagutan ko.

Na simula nang araw na mabigo ako, ay ang araw din na muli akong umibig.

Ang araw na nagbago ang nararamdaman ko.

Dahil simula noon, s’ya na ang taong mahal ko at minamahal ko hanggang ngayon.


Waahhhh!! Bakit ba ako naiiyak sa huling bahagi ng chapter na ’to?? Huhuhu..

Sana nakabawi ako sa tagal ng update. Ang haba din nito. Hehe!

Salamat po sa makakapagbigay ng comments at votes!!

Love lots!

–– cold_deee

chapter 3

A/N

Ooppsss! Baka po nalampasan n’yo ang chapter 2 ha? Sabay ko kasing na-publish ito.

Anyway, para po kay Boss

Ibong_Maya

’yung chapter na ’to kagaya ng sinabi ko before. Salamat Boss Maya sa lahat! Good luck sa studies. Fighting!

Enjoy reading chapter 3 guys!

––> si Tom at Xander po sa media. Sino ang mga nakaka-miss sa kanila?? Ayyiieee!!


RANDY POV

Nakatayo ako sa isang lugar na tanging dilim lang ang makikita sa kapaligiran.

“Nasaan ako?” tanong ko sa aking sarili.

Inilibot ko ang paningin ko. Nagsimula na rin akong maglakad upang libutin ang paligid na hanggang ngayon ay itim lang ang nakikita ko.

Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay napahinto ako. Napansin ko ang isang batang lalaki na papalapit sa lugar kung saan ako nakatayo. Unti-unti na ring nagkakaroon ng kulay ang paligid.

Pamilyar sa akin ang batang lalaki na nasa harap ko ngayon.

Maputi ito at makinis. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil maaliwalas ang kanyang mukha. Bakas sa kanya ang saya at pagiging positibo.

“Ang cute n’ya.” mahina kong sambit habang nakangiti.

Tantya ko ay nasa walong taong gulang na s’ya. Lalo akong natawa nang makita kong maiksi ang suot na short ng bata at may pink na headband ito sa ulo.

Nang tingnan ko naman ang kanyang kamay ay may hawak itong basket at naroroon ang kanyang barbie doll.

Masaya itong naglalakad at sinasabayan n’ya pa ng pagsayaw ang kanyang bawat paghakbang.

Natawa ako dahil hindi ko maiwasang magdalawang-isip kung tatawagin ko ba s’yang gwapong bata o maganda.

“Grabe, ang cute n’ya talaga!” muli ko na namang sambit.

Sinubukan kong kumaway sa kanya ngunit hindi ko maikilos ang aking kamay sa hindi ko malamang dahilan. Napansin ko rin na kahit malapit lang ako sa kanya sa mga oras na ito ay tila ba hindi n’ya ako nakikita.

Wala naman akong nagawa kundi ang pagmasdan lamang s’ya habang suot ko ang aking ngiti.

Ilang sandali pa ay napansin kong may tinitingnan s’ya sa isang gawi. Nang lingunin ko ito ay may grupo pala ng mga batang babae ang naroon at abala sa paglalaro ng kanilang mga manika.

Gumuhit ang ngiti sa labi ng batang lalaki na lalong nagbigay sa kanya ng magandang imahe.

“Bata! Sali ako!” masaya n’yang pagkausap sa mga batang babae nang lapitan n’ya ito.

Nilingon s’ya ng mga batang babae.

“Hindi pwede! Babae lang ang pwedeng maglaro nito! Hindi ka naman babae eh!” sagot ng isang bata.

Hindi inaalis ng batang lalaki ang kanyang ngiti.

“May barbie doll din ako, binigay sa akin ng ate ko. Sali n’yo na ako.” pangungumbinsi n’ya pa rin.

Ipinakita pa ng batang lalaki ang kanyang barbie doll na maganda ang kasuotan.

Lahat ng batang babae ay masama s’yang tiningnan.

Ilang saglit pa ay lumapit ang isang babae. Nagulat na lamang ang batang lalaki nang hawiin ng babae ang kanyang kamay dahilan para mabitawan nito ang hawak nitong barbie doll.

“Bakit ba ang kulit mo?! Sinabi na ngang hindi pwede! Lalaki ka! Hindi ka pwedeng sumali sa amin! Ibalik mo na lang ’yang barbie doll ng ate mo sa kanya!” inis na sambit ng batang babae.

Hindi umimik ang batang lalaki. Naririnig n’ya ang pagtataboy sa kanya at malinaw sa kanya ang mga sinasabi nila. Ngunit sa halip na sagutin sila ay tanging pagngiti lang ang isinukli n’ya sa mga ito.

“Umalis ka na nga! Iniistorbo mo kami dito eh! Alis!” tuluyang pagtataboy na sa kanya ng mga ito.

Hindi pa rin nagsalita ang batang lalaki. Dahan-dahan s’yang yumuko para pulutin ang kanyang barbie doll na bahagya nang madumi ngayon.

Pinagpagan n’ya ang dumi sa damit ng barbie doll at hinimas ang ulo ng kanyang manika.

Nakikita ko sa mga mata ng bata na gusto na n’yang umiyak ngunit pinipigilan n’ya. Nilalabanan n’ya ito sa pamamagitan ng pagngiti.

Muli n’yang ibinalik ang kanyang manika sa kanyang dalang basket.

Dahil sa nangyari sa batang lalaki ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Naramdaman ko ang kaparehong lungkot na nararamdaman ng batang lalaki.

Nasasaktan din ako sa mga oras na ito.

Sa hindi kalayuan ay nakita n’ya naman ang kumpulan ng mga lalaki na abala naman sa paglalaro ng kotse-kotsehan at laruang robot.

Patakbo n’yang tinungo ang grupo ng mga batang lalaki habang malapad pa rin ang kanyang pagkakangiti.

Nang makalapit s’ya rito ay agad s’yang nagsalita.

“Bata! Sali ako!” masaya n’yang sambit.

Lahat ng batang lalaki ay napahinto sa kanilang paglalaro. Tiningnan s’ya simula ulo hanggang paa na tila ba sinusuri s’ya.

Ngunit tulad ng mga batang babae kanina, masama ang ibinatong tingin sa kanya ng mga ito.

“Hindi pwede! Wala ka naman dalang kotse-kotsehan o kaya robot eh!” pangkontra ng isang bata.

Nakangiti ang batang lalaki nang sagutin n’ya ito.

“May dala naman akong barbie doll eh. S’ya na lang kunwari ’yung princess na ililigtas ng mga robot n’yo. Tapos isakay n’yo na lang s’ya sa kotse-kotsehan n’yo!” masaya pa nitong pagkumbinsi.

Nagkatinginan ang mga batang lalaki. At makalipas ang ilang segundo ay ibinalik sa kanya ang mga tingin ng mga ito.

“Hindi nga pwede eh! Sabi ng Papa ko, bakla ka daw! Hindi kami pwedeng lumapit sa’yo kasi baka mahawa kami sa’yo!” wika ng isang bata sa kanya.

Nangunot ang noo ng batang lalaki.

“Bakla? Anong bakla?” tanong nitong nagtataka sa mga niyayaya n’yang makalaro.

Nagtawanan ang grupo ng mga batang lalaki.

“Bakla! Sila ’yung mga lalaki na feeling babae! ’Yon ang bakla! Kagaya mo, bakla ka! Bakla!” sagot ng isa.

Hindi nakaimik ang batang lalaki. Muli ay nangilid ang kanyang mga luha ngunit hindi n’ya inaalis ang kanyang mga ngiti.

“Sali ako….” pagpupumilit pa rin n’ya.

Kahit nakangiti ang batang lalaking iyon ay mababakas mo na ang kalungkutan sa kanya ngayon.

“Ang kulit mo talaga ’no?! Sinabi na ngang hindi pwede ’di ba?! Hindi kami naglalaro ng manika! Umalis ka na lang dito! Bawal ang bakla! Bawal!” sigaw ng isang batang lalaki sa kanya.

Habang nasa ganoon silang tagpo ay nakarinig sila ng isang sigaw.

“Hoy! Anong kaguluhan ’to?!” tanong ng isang may edad na lalaking papalapit sa kanila.

Nakita kong rumehistro ang pagtataka sa batang lalaki. Mukhang hindi n’ya kilala ang bagong dating.

“’Tay, gusto daw n’ya sumali sa amin. ’Di ba sabi mo ’wag ko s’yang lalapitan kasi baka mahawa ako sa kanya? Kasi bakla s’ya ’di ba? Eh s’ya ’tong lumalapit sa amin eh.” pagsusumbong ng isang bata. Ang bagong dating pala ay ang ama nito.

Natigilan ang matandang lalaki. Ilang saglit pa ay nilapitan n’ya ang kawawang bata na kanina pa naghahanap ng makakalaro. Hinawakan n’ya ito ng mahigpit sa kanyang kwelyo.

“Totoo ba ang sinasabi ng anak ko?! Nilalapitan mo sila?!” galit na tanong ng matandang lalaki sa kawawang bata.

Nakaramdam ng takot ang batang lalaki.

“G-gusto ko lang naman po makipaglaro…” utal nitong pagsagot.

Tumawa ng nakakainsulto ang matandang lalaki.

“Gusto mong makipaglaro sa kanila?! Bakit?! Lalaki ka ba?! Kaya mo bang maglaro ng kagaya ng nilalaro nila?! Kaya mo bang makipaglaro ng suntukan sa kanila?!!” pasigaw na tanong ng matandang lalaki.

Hindi nakaimik ang batang lalaki. Hindi s’ya makagalaw dahil sa takot.

“Sagot!!! Kaya mo bang makipaglaro ng suntukan sa kanila?!!” pag-uulit na tanong ng matandang lalaki.

Umiling ang bata ng maraming beses.

“H-hindi po… S-sabi po kasi ng Yaya ko, m-masama daw po ang nagsusuntukan…” utal na pagsagot ng batang lalaki.

Lalong natawa ang matandang lalaki.

“Mali ang turo ng Yaya mo sa’yo!! Bawal kang makipagsuntukan dahil bakla ka!! Naiintindihan mo?! Bakla ka, kaya hindi ka pwedeng makipaglaro sa mga ’to!!” sigaw ng lalaki sa bata habang tinuturo ang grupo ng kalalakihan.

Ang takot na nararamdaman ng batang lalaki ay nararamdaman ko rin sa mga oras na ito. Natatakot ako sa kaligtasan ng batang lalaking iyon.

Ilang saglit pa ay nanlaki ang mga mata ko nang bitawan ng matandang lalaki ang bata. Ngunit bumagsak ang bata dahil itinulak rin s’ya nito. Dahilan para mapahiga s’ya sa lupa.

Dama ko ang sakit ng pagkakabagsak ng batang lalaki.

Nang ilibot ko ang aking paningin ay pinalilibutan na kami ng maraming tao. Matanda at bata ang nanonood sa batang lalaki na ngayon ay nakahiga na sa lupa.

Nang tingnan ko ang batang lalaki ay mangiyak-iyak itong tinitingnan ang mga taong pinapanood s’ya. Naghintay s’ya na baka may maglakas loob na tulungan s’yang itayo. Sinubukan n’yang humingi ng saklolo sa pamamagitan ng magaganda n’yang mga mata.

Ngunit bigo s’ya. Walang kumilos sa mga taong nakapaligid sa mga oras na ito.

Kasabay ng pagkabigo ng bata ay nakaramdam din ako ng pagkabigo.

Gusto ko s’yang tulungan ngunit hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Nagsimula na rin mangilid ang mga luha ko dahil sa labis na awang nararamdaman para sa batang iyon.

Akala ko ay wala nang pag-asa. Ngunit ilang sandali bago pa tuluyang malugmok ang bata ay may batang lalaki rin ang lumapit sa kanya. Ang batang lalaki na isa sa mga naglalaro kanina ng kotse-kotsehan.

Walang pag-aatubili s’ya nitong tinulungang tumayo.

“Bilisan mo na, umalis ka na dito. Lasing na naman ’yan si Mang Cardo kaya ’yan ganyan.” bulong ng batang lalaki sa kawawang bata.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kawawang bata. Mabilis s’yang tumayo sa tulong na rin ng mabait na batang lumapit sa kanya.

“Tumakbo ka na. Umalis ka na dito bago ka pa n’ya masaktan.” utos nito sa kanya.

Wala nang pagdadalawang-isip na tumakbo ang kawawang bata. Bitbit n’ya ang kanyang basket na may manika ay tumakbo s’ya sa isang hardin malapit sa kanilang bahay.

Kahit nasaan ang bata ay nasusundan ko s’ya kahit hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Napapanood ko s’ya sa lahat ng kanyang ginagawa.

Ilang saglit na natulala ang batang lalaki. Malungkot ang kanyang ekspresyon sa mga oras na ito. Dinamdam n’ya ang nangyari sa kanya.

Ngunit ilang saglit lang din ay ngumiti ito ng matamis. Kinuha n’ya ang kanyang basket at manika. Naglakad s’ya sa mga nagkalat na halaman ng sampaguita at bahagi ng garden na iyon.

Pumitas s’ya ng mga bulaklak ng sampaguita at inilalagay n’ya iyon sa kanyang basket. Nakangiti n’ya iyong ginagawa ngunit bakas sa kanyang mga mata ang lungkot.

Matapos pumitas ng ilang mga bulaklak ng sampaguita ay umupo s’ya dala ang kanyang basket at manika.

“Barbie, tayo na lang dalawa ang maglaro. Gusto mo ba ’yon?” nakangiting pagkausap n’ya sa kanyang manika.

Ngunit matapos n’yang itanong iyon sa kanyang manika ay ang pag-agos ng kanyang mga luha.

“T-tayo na lang Barbie ang maglaro… Kasi ayaw nila akong kalaro… Bawal daw sila sa akin makipaglaro…” pagpapatuloy pa ng batang lalaki habang hirap na hirap sa kanyang pagsasalita.

Dahil sa nakita kong pag-iyak ng bata ay hindi na rin nakaligtas ang mga luha na bumuhos sa aking mga mata.

Pareho kaming umiiyak sa mga oras na ito. Hindi n’ya pa rin ako nakikita sa mga oras na ito kahit na naglalabas na ako ng ingay dahil sa aking ginagawang pag-iyak.

Paulit-ulit na pinapahid ng batang lalaki ang kanyang mga luha habang isa-isang ikinakabit ang mga bulaklak ng sampaguita hanggang sa magdugtong-dugtong ito.

“Ayan! May flower crown ka na Barbie! Ako rin oh! Tingnan mo! Ang ganda na natin dalawa!” masayang sambit ng bata matapos ang koronang ginawa n’ya na yari sa sampaguita. Nakakabit na rin iyon sa kanilang ulo ng kanyang manika.

Nagpatuloy sa paglalaro ang batang lalaki. At kahit ang manika n’ya lamang ang kanyang kalaro sa mga oras na ito ay nagawa n’yang kalimutan ang lungkot na nararamdaman n’ya. Mabilis na nabura ang pangit na ala-alang kanina lamang ay naranasan n’ya.

Habang nasa gitna s’ya ng garden at masayang naglalaro ay napahinto s’ya sa kanyang pagtakbo habang bitbit ang kanyang manika.

“Randy!!!” malakas na pagtawag ng isang lalaki kung saan.

Nagulat ako sa narinig ko. Napalingon ako sa lugar kung saan nanggaling ang boses na iyon. At nang makita ko ang isang imahe ng isang matandang lalaki na tumawag sa pangalan ko ay nakaramdam ako ng ibayong takot.

“Papa…” sambit kong mahina dahil sa pagkabigla.

“Papa!” sambit naman ng batang lalaki.

Nilingon ko ang batang lalaki na tinawag din na Papa ang aking ama.

Ngayon ko naiintindihan ang lahat. Ang batang lalaki ngayon na nasa harap ko ay walang iba kundi ako.

Ako ito noong nasa ika-walong gulang pa lamang ako.

Masayang sinalubong ng batang Randy ang aming ama.

“Papa! Bumalik ka na!” masayang pagsalubong ng batang Randy kay Papa.

Naaalala ko na. Ito ang panahon na gusto kong isumbong kay Papa ang ginawa sa akin ng kapitbahay namin. Gusto kong ipagtanggol ako ni Papa noon.

Nasa harap ni Papa ang batang Randy at naghihintay ito na yakapin s’ya nito. Matagal kasi silang hindi nagkita dahil isang sundalo ang ama nito. Isang Heneral na madalas ay wala sa kanilang tahanan. Miss na miss n’ya ito.

“Na-miss kita Papa!” masaya pa ring pagkausap ng batang Randy sa aming ama. Itinaas pa nito ang mga kamay nito para magpakarga sa aming ama.

Nang tingnan ko ang reaksyon ni Papa ay wala akong makita kundi bakas ng galit. Hindi n’ya pinansin ang mga kamay ng batang Randy na naghihintay sa pagyakap ng aming ama.

Sa halip na yakapin ang batang Randy, nagulat kaming pareho ng bata nang bigla nitong hablutin ang suot na head band at ang sampaguitang korona ng bata.

“Ano ’to??!!!” sigaw ni Papa sa batang Randy.

Hindi agad nakasagot ang batang Randy. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay ngumiti ito at masayang sinagot si Papa.

“Headband po saka flower crown, Papa!” nakangiti nitong sagot.

Naningkit ang mga mata ni Papa. Nagdikit ang mga ngipin n’ya at tinanong muli ang batang Randy.

“Sabihin mo nga, Randy. Bakla ka ba?!” gigil na gigil na tanong ni Papa.

Nakikita kong galit na galit si Papa.

Sumagot ang batang Randy sa masaya pa ring tono.

“Sabi po nila, bakla daw po ako. Opo, bakla po yata ako Papa. Kasi lalaki daw ako tapos gusto maging babae. Ganon po ako Papa! Gusto ko pong maging baba——” inosenteng sagot ng batang Randy ngunit hindi n’ya naituloy.

Nakita ko na lamang na nakahandusay na namang muli sa lupa ang batang Randy.

Sinampal s’ya ng malakas ng kanyang ama sa pisngi.

Sinampal ako noon ni Papa.

Dito na lalong umagos ang mga luha ko habang pinagmamasdan ngayon ang batang ako.

“Papa……” mangiyak-ngiyak nitong pagtawag habang hawak ang kanyang pisngi na sinampal ng kanyang ama.

Iyon lang ang nasabi ng batang Randy. Dahil ang sumunod na nangyari ay mahigpit na hinawakan ni Papa ang maliit na braso ng batang Randy at kinaladkad ito.

Walang salitang binibigkas si Papa. Ngunit galit na galit ang ekspresyon nito habang hila ang batang ako na halos hindi na maituwid ang paglalakad.

“Papa….” takot na takot na pagtawag ng batang Randy.

Nakarating sila sa kanilang mansyon at tinungo ang kanilang sala.

“Dapa!!!” utos ni Papa sa batang Randy.

Alam ko na ang mangyayari sa mga oras na ito. Ang kaganapan na hanggang ngayon ay dala-dala ko. Ang senaryong gusto ko sanang mabura sa isipan ko.

Gusto kong gumalaw sa mga oras na ito. Gusto kong itakas ang batang si Randy dahil nanganganib s’ya sa mga oras na ito.

“Sabi ko dapa!!!!” sigaw ulit ni Papa sa batang Randy.

Dahil sa takot ay mabilis na sumunod ang batang si Randy sa kanyang ama. Dumapa ito sa malaking sofa sa kanilang sala.

Ilang sandali pa ay hinubad ni Papa ang suot nitong pistol belt sa kanyang bewang. Ang sinturon n’yang pang-sundalo at puno ng bakal.

At doon, sinimulan n’yang hampasin ang likod ng kaawa-awang batang si Randy.

Nagsimulang sumigaw dahil sa sakit ang batang Randy.

Ayaw kong marinig iyon ngunit hindi ko magawang takpan ang mga mata at tenga ko.

“Papa!!! T-tama na po!!!! Masakit po Papa!!!” sigaw at pagmamakaawa ng batang si Randy.

“Tama na!!!!!!!” sigaw ko sa aking ama.

Ilang beses akong sumigaw habang patuloy na umiiyak ngunit hindi nila ako marinig.

Patuloy na umiiyak at nagmamakaawa ang batang Randy sa kanyang ama na itigil na ang ginagawang pagpalo sa kanyang likuran, pero parang walang naririnig si Papa.

Bakas na sa damit ng batang Randy ang mga dugo dulot ng paghampas, ngunit ang kanyang ama ay wala pa rin tigil sa kanyang ginagawa.

“Hindi ka magiging bakla!!! Naiintindihan mo??!!! Hindi ka magiging bakla!!!!” sigaw ni Papa.

“Papa…. t-tama na po…. M-masakit na po….” pagmamakaawa ng batang Randy.

“Tama na, Papa….” pagmamakaawa ko rin kay Papa habang umiiyak sa mga oras na ito.

Sabay na kami nagmamakaawa ngayon ng batang Randy.

Nagpatuloy pa si Papa sa pagpalo sa likod ng batang ako. At sa bawat paghampas n’ya ng kanyang pistol belt ay nararamdaman ko rin ang kaparehong sakit na nararamdaman ng batang Randy.

Ilang beses pang nagmakaawa ang batang Randy ngunit hindi s’ya pinapakinggan ng kanyang ama. Sumisigaw at humihingi ng saklolo dahil wala s’yang kalaban-laban.

Ilang sandali pa ay dumating ang kanyang ina at ate kasama ang kanilang Yaya.

Inawat ng ina at ate ng batang Randy ang kanyang ama. Ang kanya namang Yaya ay mabilis s’yang nilapitan at niyakap.

Hinang-hina ang batang Randy dahil sa tindi ng tinamo n’yang palo. Ang kaninang puti n’yang damit ay nabahidan na ngayon ng kulay ng dugo.

“Diyos ko! Liam! Dadalhin ka namin sa ospital!” natataranta at umiiyak na sambit ni Nanay Elise.

Hindi makapagsalita ang batang si Randy. Hinang-hina s’ya dahil sa latay na natamo.

Nilapitan na rin s’ya ng kanyang ate.

“Randy!!!!” pagtawag ng kanyang ate sa kanyang pangalan habang umiiyak.

“Papa! Mama! Dalhin natin s’ya sa ospital!!!” pakiusap pa ng kanyang ate sa kanilang mga magulang.

Hindi nakaimik ang mag-asawa. Naroon pa rin ang galit sa mata ng kanyang ama. Ang kanya namang ina ay nanatiling nasa tabi ng kanyang ama at hindi malaman ang magiging reaksyon.

Nakaramdam ako ng galit ngayon sa mag-asawa. Una ay sa ama ko na may gawa sa akin ng bagay na ito noong bata pa ako, at pangalawa ay sa ina kong pinapanood lamang ang kanyang anak kahit halos maligo na ito ng dugo.

Matapos ang senaryong iyon ay nagbago ang paligid. Ngunit kung akala ko ay magandang pangyayari na ang makikita ko ay nagkakamali ako.

Nakikita ko na ngayon ang lahat ng pinagdaanan ko sa kamay ng aking ama. Ang pagmamalupit ng aking ama habang lumalaki ako.

Ang kaninang batang Randy ay unti-unti nang lumalaki ngayon. Ngunit sa bawat pagdagdag ng kanyang edad ay pareho ang kanyang kalupitang nararanasan sa kanyang ama.

Nagpatuloy ang kanyang ama sa pagpapahirap sa kanya.

“Sinabi ko na sa’yo!!!! Walang bakla sa pamilya natin!!! Hindi ka pwedeng maging bakla!!!” sigaw ni Papa sa binatilyo na ngayong si Randy.

Nakagapos ang mga kamay ng binatilyong Randy sa isang sanga ng puno habang hubad ang katawan. Pinapanood ng mga kapitbahay habang patuloy na hinahampas ni Papa ang aking likod na ngayon ay duguan na naman.

“Papa… P-parang awa mo na… H-hindi ko na po kaya… M-masakit na po….” pakiusap ng binatilyong si Randy habang umiiyak.

Walang tumutulong sa akin noon. Pinapanood lamang ako ng lahat ng tao sa paligid. Walang nangangahas na tumulong sa akin.

Ilang taon kong dinanas iyon.

“Sabihin mo munang hindi ka bakla!!! Isigaw mo sa kanilang hindi ka bakla!!!” sigaw na utos ni Papa sa akin noon.

“P-papa…..” tangi kong nasambit bago ako nawalan ng malay noong mga oras na iyon.

Hindi ko na kinaya ang lupit ni Papa noong mga oras na iyon kaya naisugod akong muli sa ospital.

Ilang araw akong nakadapa lamang sa ospital at walang malay. Tanging si Nanay Elise at ang Ate ko ang madalas na nagpupunta at nag-aasikaso sa akin noon. Walang ama na dumalaw at walang ina na nagmalasakit habang nasa kama ako ng ospital na iyon.

Naninikip na ang dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ko na kaya pang balikan ang mga pangyayari sa buhay kong iyon.

Matapos ang nakikita kong eksena sa ospital ay nagbago muli ang paligid. Nakita ko naman ang sarili kong nakasuot ng uniporme sa eskwelahan. Naglalakad mag-isa at walang nangangahas na sumama sa kanya. Ito ay noong nasa highschool pa lamang ako.

Ako ang nerd ng school noon. Tanging pag-aaral lang ang inaatupag. Walang kaibigan at walang kakilala.

Habang naglalakad sa hallway ng eskwelahan ay bigla na lamang may bumatok sa binatilyong si Randy. Hindi s’ya lumaban pabalik, dahil hindi lang isa ang kakalabanin n’ya ’pag nagkaton. Marami sila.

Maraming araw at eksena pa ang nagdaan. Lahat iyon ay nakikita ko ngayon. Magmula first year highschool ako hanggang sa fourth year highschool ang nakikita ko sa mga oras na ito.

Pero ang nakakalungkot, sa bawat araw na nakalipas ay paulit-ulit ang eksenang may bumabatok sa akin. Mapalalaki man o mapababae ay iisa ang ginagawa sa akin. Lahat sila ay sinasaktan ako. Pero kahit minsan ay hindi ako gumanti sa kanila.

Naroon na nagkukulong na lamang ako sa loob ng CR ng eskwelahan habang yakap ang bag ko at umiiyak. Nagtatago ako para lang makaiwas sa pananakit nila. Kahit ang pagkain ng baon ko noon sa lunch ay hindi ko na magawa dahil sa labis na takot sa mga kaeskwela kong natutuwang sinasaktan ako.

Muling nagbago ang paligid.

Nakikita ko na ngayon na nakatayo si Randy sa tapat ng isang kambing na nakatali ngayon sa puno. Ang kambing na maingay ngayon at tila ba nagmamakaawa.

“Hawakan mo ’tong baril!! Barilin mo ang kambing na ’yan sa harap mo!!” utos sa akin ni Papa noon.

Nagtataka ang binatilyong si Randy na tiningnan ang kanyang ama. Hawak ng kanyang ama ang isang baril at iniaabot iyon sa kanya.

“Patayin mo ’yang kambing na ’yan!! Kung tunay kang lalaki, papatayin mo ’yan!!” sigaw na utos pa rin ni Papa.

“P-papa… a-ayoko po…” sagot ng binatilyong si Randy.

Lalong nagalit si Papa.

“Sinabi ko na sa’yo noon pa!!! Hindi ka dapat maging bakla!!! Kaya patayin mo na ’yan!!! Kung ang pumatay ang tanging paraan para magpakalalaki ka, gawin mo!!! Pumatay ka!!!” utos pa rin ni Papa.

Mabilis na umiling-iling ang binatilyong si Randy. At sa pag-iling n’yang iyon ay tumulo na naman ang kanyang mga luha.

“H-hindi ko po kaya, Papa… Hindi ko kayang humawak ng baril…” umiiyak nitong pagkontra kay Papa.

Galit na galit si Papa sa kanyang narinig.

Hindi nagsalita si Papa. Ngunit makalipas ang isang minuto ay ikinasa nito ang hawak nitong baril.

“Kung hindi mo ako kayang sundin, ako mismo ang gagawa ng paraan para tumino ka.” gigil na sambit ni Papa.

Natigilan ang binatilyong si Randy nang itutok ni Papa ang hawak nitong baril sa kanyang noo.

“Nauubos na ang pasensya ko sa’yo Randy! Ano bang gagawin ko para magbago ka?!” tanong ni Papa.

Hindi nakasagot si Randy dahil sa labis na takot. Dama nito ang malamig na dulo ng baril sa kanyang noo. At nakikita n’ya sa kanyang ama na walang pagdadalawang-isip itong gagawa ng hindi magandang bagay sa mga oras na ito.

Ilang sandali pa ay napangisi ang kanyang ama.

“Hindi pa naman ako ganon kasama Randy. Kaya sige, iibahin ko ang paraan ko para magbago ka.” nakangising wika ni Papa.

Ibinaba nito ang kanyang baril na nakatutok sa noo ng binatilyong si Randy.

“Tumakbo ka. Bahala ka kung saan ka magpunta. Pero siguraduhin mong makalipas ang isang oras ay hindi kita makikita. Dahil ’pag nakita kita, sisiguraduhin kong may dadalhin na naman kami sa ospital mamaya.” madiin nitong pahayag.

Nanlaki ang mga mata ng binatilyong si Randy. Hindi pa rin s’ya makapagsalita, hindi makagalaw.

“Takbo!!!!” sigaw na ni Papa.

Dahil sa lakas ng pagsigaw ni Papa ay tila ba natauhan ang binatilyong si Randy. Mabilis itong kumilos at tumakbo.

May ilang metro na ang naitatakbo n’ya nang marinig n’ya ang isang pagputok ng baril.

Alam n’yang galing iyon sa kanyang ama at inaasinta s’ya.

“Bilisan mong tumakbo!!!” sigaw pa ng kanyang ama.

Mas naging mabilis pa ang kanyang pagtakbo. Bahala na kung saan s’ya dalhin ng kanyang mga paa. Basta ang mahalaga ay makatakas s’ya sa kanyang ama.

Puno ng takot ako noon. Umiiyak habang tumatakbo. Naghahanap ng maaaring makatulong ngunit alam kong wala namang darating. Dahil simula pa noong pagkabata, alam kong nag-iisa na ako.

Narating ng mga paa ko ang gubat malayo sa aming bahay. Hindi alintana ang panganib ay sinuong ko iyon.

Alam kong hindi na ako matutunton ng ama ko sa lugar na iyon. Dahil ang gubat na ito ang naging tahanan ko sa loob ng maraming taon na pagtatago ko sa kanya. Sa tuwing alam kong uuwi s’ya mula sa kanyang misyon bilang sundalo ay ito ang nagiging tahanan ko.

Umupo ang binatilyong Randy sa ilalim ng isang puno. Yakap ang kanyang mga tuhod habang hingal na hingal. Hirap na hirap huminga dahil sa pagod. Pagod dahil sa sabay na pagtakbo habang umiiyak.

“Wala na s’ya Randy… wala na… H-hindi ka na n’ya mahahabol… Tahan na… ’Wag ka nang umiyak…”

magkasabay naming binibigkas ng binatilyong Randy.

Nanariwa sa akin ang lahat. Muling nagbalik ang pangit na nakaraan ko sa aking buhay.

Ilang oras na nakaupo ang binatilyong si Randy sa ilalim ng punong iyon. Inabot na s’ya dilim pati ng malakas na ulan dahil sa pagtatago. Nanginginig dahil sa pinaghalong takot at panlalamig na nararamdaman.

Tanging ang punong iyon ang kanyang naging silong at sandalan. Sinasabayan ng kanyang mga luha ang pagbuhos ng ulan.

Hating-gabi na ngunit hindi pa rin s’ya umaalis sa lugar na iyon. Tanging pagdarasal ang kanyang ginagawa na sana ay hindi s’ya makita ng kanyang ama.

Ilang sandali pa ay nakarinig s’ya ng malakas na pagtawag sa kanyang pangalan.

“Randy!!! Liam, anak!!! Nasaan ka??!! Nandito na si Nanay Elise!! Halika na, lumapit ka na!!” boses ng isang babae.

Sa pagtawag na iyon ay nakaramdam si Randy ng kapanatagan. Napatigil din s’ya sa kanyang pag-iyak.

“N-nanay Elise…?” sabay naming sambit ng binatilyong Randy.

“Randy!!” paulit-ulit pa nitong pagtawag.

Nakita namin ang imahe ni Nanay Elise na papalapit sa pwesto ng binatilyong si Randy. May dala itong payong at twalya. May dala s’yang panangga sa ulan ngunit basang-basa ang kanyang mukha dahil sa luha. Awang-awa at alalang-alala sa kanyang alaga.

“Nanay Elise…. Nanay…. nandito po ako…. T-tulungan n’yo po ako…” mahinang pakiusap ng binatilyong si Randy.

Hindi s’ya makagalaw dahil naninigas na ang buong katawan n’ya dahil sa lamig.

“Randy!”

“Liam, anak!”

paulit-ulit na pagtawag ni Nanay Elise.

Paulit-ulit nilang tinatawag ang isa’t-isa.

Iang saglit pa ay nagtagpo sila. Gumuhit ang ngiti sa labi ng dalagang ginang nang makitang ligtas ang kanyang alaga. Mabilis n’ya itong nilapitan at ikinulong sa kanyang mga bisig.

Matapos ang senaryong iyon ay nagliwanag ang aking kapaligiran. Wala na ang imahe ng dalawang tao sa aking harapan.

“Randy!”

“Liam, anak!!”

paulit-ulit na pagtawag sa aking pangalan.

Iminulat ko ang mata ko at nasilayan ko ang reyalidad. Ang katotohanan na nagpakita na naman sa akin ang nakaraan.

Na nagbalik sa akin ang lahat sa pamamagitan ng isang panginip.

Nakita ko sa aking harapan si Nanay Elise na bakas ang pag-aalala sa akin.

Naririto rin si Rigo sa aking tabi na pareho ang reaksyong ipinapakita. Lubos na pag-aalala at pagkabahala. Hawak n’ya ang aking pisngi at pinapahid ang aking mga luha.

Dahil nasa harap ko si Nanay Elise ay mabilis ko itong niyakap.

“Nanay…. n-nanay, si Papa… nandito si Papa…” pagsusumbong ko sa pagitan ng malakas na pag-iyak.

Mahigpit ang yakap ko kay Nanay Elise dahil sa labis na takot na nararamdaman.

Marahang hinaplos ni Nanay Elise ang aking likod.

“Ssshhhh…. Wala ang Papa mo dito, Liam… Tahan na… Hindi ka n’ya masasaktan. Hindi kami papayag. Hindi ka na n’ya masasaktan. Tahan na…” pakiusap nito sa akin.

“Nanay… papaluin n’ya ulit ako… sasaktan n’ya ulit ako… Nand’yan na si Papa…” takot na takot ko pa ring pagsusumbong.

Pakiramdam ko ay naririto lang si Papa sa paligid. Masama ang tingin sa akin at may hawak na pistol belt at baril.

“Nanay halika na!!! Tumakas na tayo!!! Baka abutan tayo ni Papa!!!” sigaw ko nang pakiusap sa kanya.

Sinusubukan kong kumawala sa pagkakayakap kay Nanay Elise para tumakbo. Gusto kong makaalis sa lugar na ito kasama s’ya. Gusto kong takasan namin si Papa. Ngunit mahigpit din ang pagkakayakap ni Nanay Elise sa akin.

“Rigo anak, kunin mo na ang gamot n’ya. Painumin mo muna s’ya ng pampakalma. Bilisan mo!” utos nito kay Rigo.

Mabilis naman na kumilos si Rigo para bumaba sa kamang aming inuupuan na tatlo. Hindi pa rin ako binibitawan ni Nanay Elise sa mga oras na ito.

Ilang sandali pa ay nakabalik si Rigo dala ang isang baso ng tubig at gamot ko.

“Liam, uminom ka muna ng gamot. Sige na, hindi ako aalis dito. Nandito lang kami ni Rigo.” malungkot na pakiusap ni Nanay Elise.

“Randz….” pagtawag naman ni Rigo sa akin na puno ng pag-aalala.

Ilang minuto muna ang aking pinalipas bago ako unti-unting kumawala kay Nanay Elise. Ngunit ang mabilis na pagkabog ng dibdib dahil sa takot ay hindi pa rin nawawala.

Nanginginig ang aking mga kamay nang inumin ko ang gamot. Si Rigo na rin ang nagpainom sa akin ng tubig dahil baka matapon ko lamang ito.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Pakiramdam ko ay masakit ang buong katawan ko dahil sa panaginip ko. Nararamdaman ko hanggang ngayon sa aking likod ang kirot at sakit ng paghampas ng ama ko rito.

Matapos kong uminom ng gamot ay muli akong niyakap ni Nanay Elise. Si Rigo naman ay sinusubukan akong pakalmahin sa pamamagitan ng paulit-ulit n’yang paghaplos sa aking likod.

Ipinagpatuloy ko ang aking pag-iyak habang naghihintay ako na umepekto ang gamot ko para kumalma.

Oo. May sakit ako.

Sakit na iniwan sa akin ng kahapon. Ang sakit na nabubuhay sa isip ko. Ang takot na nanatili sa loob ko sa mahabang panahon.

Ang sakit na idinulot sa akin ng aking sariling pamilya. Ang hapdi na ibinigay ng mga taong nakapaligid sa akin noon.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkakasamang nakaupo sa kama dito sa aking kwarto. Ngunit kung kanina ay lubos na takot ang nararamdaman ko, ngayon ay tanging lungkot na lang ang meron ako.

Tulala lamang akong nakaupo dito sa aking kama habang nasa tabi ko si Rigo na nakatitig lamang sa akin sa mga oras na ito. Nakaalis na rin si Nanay Elise nang masigurong maayos na ako.

Ilang sandali pa ay dahan-dahan akong bumaba sa kama. Sinusundan lang naman ako ng tingin ni Rigo hanggang sa makarating ako sa banyo ng aking kwarto.

Alam n’ya na ang gagawin ko. Dahil sa mahabang panahon na magkasama kami ay paulit-ulit naman na nangyayari ito.

Nang makapasok ako ng banyo ay dahan-dahan kong tiningnan ang aking repleksyon sa salamin. Wala akong suot na pang-itaas kaya nakikita ko ang maputi at makinis kong mukha at katawan. Wala na ring luha sa aking mga mata ngunit namamaga ito dahil sa pag-iyak kanina.

Ilang minuto kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. At makalipas ang ilang minutong pagtitig ay dahan-dahan akong kumilos patalikod.

Doon, nakita ko sa salamin ang ebidensya ng bawat paghihirap ko noon simula pa pagkabata.

Ang mga bakas ng masakit na pinagdaanan ko sa kamay ng ama ko. Ang malalalim na pilat na ngayon ay wala nang pag-asa pang mawala sa balat ko.

Malalim at malalaking marka ng bawat hinaing at pagdurusa ko sa nakaraan ko.

Matagal kong pinagmasdan ang mga peklat sa aking likod. At habang pinagmamasdan ko iyon ay may mga panibagong luha ang kumawala sa mga mata ko.

Nagsimula na naman akong makaramdam ng labis na kalungkutan. Nagsimula na naman akong maawa sa aking sarili.

Ito ang tunay na ako. Mahina at nakakulong sa madilim na bahagi ng nakaraan. Nakasuot ako ng maskara ng isang mabangis na aso. Pero sa likod ng maskarang iyon ay isang umiiyak na tutang maamo.

Ako ang kinatatakutan ng lahat dahil sa matapang na personalidad ko. Ako na ang akala ng lahat ay walang kapintasan at isang perpekto.

Pero walang may alam ng tunay na pinagdaanan ko. Walang may ideya ng mga naging paghihirap ko.

Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig upang pigilan ang aking sarili na makagawa ng ingay dahil sa pag-iyak. Ngunit habang pinipigilan ko ito ay mas lalo lamang akong naakakalikha ng tunog dahil sa paghikbi ko.

“Randz…” pagtawag ni Rigo sa akin sa labas ng pinto ng banyo. Kumakatok s’ya at masuyo n’yang binibigkas ang aking pangalan.

Hindi ako tumugon. Ayaw kong makita n’ya na naman ako sa ganitong sitwasyon.

“Randy naman, lumabas ka na d’yan, please? Halika na rito.” pakiusap n’ya pa rin.

Dama ko ang labis na pag-aalala n’ya ngunit hindi ko pa rin magawang tugunan s’ya.

Ipinagpatuloy ko ang aking pag-iyak at hindi ko pa rin magawang sagutin si Rigo.

Ilang sandali pa ay natahimik s’ya sa labas. Itinigil na rin n’ya ang kanyang pagkatok. Ngunit kasunod ng katahimikang iyon ay ang pagbukas ng pinto ng banyo.

“Randz…” pagtawag n’ya sa aking pangalan nang makapasok s’ya sa loob ng banyo.

Nilingon ko s’ya habang patuloy na dumadaloy ang mga luha ko sa aking pisngi.

“Rigo… ang pangit ko… ang pangit-pangit ko…” parang bata kong pagsusumbong sa kanya habang imiiyak.

Mabilis s’yang kumilos at niyakap ako. Paulit-ulit n’yang hinaplos ang aking likod.

“Ssshhh… You’re not, Randz… You’re not.. “ pag-alo n’ya sa akin.

Umiling-iling ako habang yakap na rin s’ya ngayon.

“Ang pangit ko Rigo… pangit ang ugali ko… pangit ang nakaraan ko… pangit ang katawan ko… Lahat sa akin pangit…” umiiyak kong pagkontra sa kanya.

Hinigpitan n’ya lamang ang pagkakayap sa akin at hindi ako sinagot. Alam n’yang kailangan kong sabihin ang lahat ng ito. Alam n’yang kailangan n’yang pakinggan ang mga hinaing ko.

“Naging mabait naman ako sa kanila Rigo eh… Sinunod ko lahat ng pinapagawa nila… Ginawa ko ang lahat para magustuhan nila ako… Pero lahat sila… lahat sila ayaw sa akin…” una kong hinaing.

“Hindi ko naman hinangad na samahan nila ako sa lahat ng oras… Pero sana… sana kahit minsan, pinaramdam nila sa akin na may halaga rin ako… Sana… sana hindi nila ako sinaktan… Lahat sila Rigo… lahat sila sinaktan ako… Wala naman akong ginawang masama sa kanila… pero bakit kailangan nilang gawin ’yon sa akin…? Bakit…?” mahaba ko pang dugtong sa pagitan ng pag-iyak.

Sa ganitong pagkakataon ko lang nasasabi ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. At nasasabi ko lamang ito sa mga taong malalapit sa puso ko.

“Randy… hindi lahat ng tao, galit sa’yo. Hindi lahat ng tao gusto kang saktan, tandaan mo ’yan. May mga taong gusto ka ring protektahan. May mga taong nagpapahalaga sa’yo.” wika n’ya sa akin.

Hindi ako nagsalita. Tanging pag-iyak lang ang naisagot ko.

Niluwagan ni Rigo ang pagkakayakap sa akin. Hinarap n’ya ako at hinawakan sa magkabilang pisngi.

“At gusto kong malaman mo, na isa ako sa mga taong ’yon. Hindi kita iiwan, hindi kita sasaktan. Hinding-hindi mo mararanasan ang mga bagay na kinatatakutan mo hangga’t kasama mo ako.” masuyo n’yang pagpapatuloy.

Sa mga salitang binitiwan ni Rigo ay naramdaman ko ang senseridad. Bawat salita at naramdaman kong nanggaling sa kanyang puso.

Bagay na nagbigay sa akin ng kaginhawaan.

“Naiitindihan mo?” tanong nito sa akin habang magkatinginan kami sa mata.

Tanging paghikbi na lamang ang nagawa ko ngayon. Wala na rin panibagong luha ang lumabas mula sa mga mata ko.

Dahan-dahan ay tumango ako habang nakatingin sa kanya.

Tanging kay Rigo lang ako may pinakamalaking tiwala sa panahong ito. Bukod sa aking ilang mga kaibigan at kay Nanay Elise, kay Rigo lang ako mas nakakakuha ng lakas ng loob para magpatuloy at harapin ang bukas.

Alam kong hindi n’ya ako iiwan hanggat miserable ako.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ni Rigo. Inilapit n’ya rin ang kanyang sarili para hakikan ako sa noo.

Wala nang nagsalita pa matapos iyon. Marahan n’ya akong iginaya palabas ng banyo at tinungo ang kama na nasa loob ng aking kwarto.

Nang makarating kami sa kama ay iginaya n’ya naman akong umupo. S’ya naman ay nakatayo sa aking harapan at yumuko.

Hinawakan n’ya ang aking magkabilang pisngi bago s’ya nagsalita.

“Mangako ka Randy, na lahat ng kahinaan mo, sa akin mo lang ipapakita. Ayaw kong makikitang mahina ka sa harap ng ibang tao. Kung ano ka ngayon, ipagpatuloy mo lang. Maging matatag ka, ’wag kang magpapatalo sa takot mo.” una n’yang bigkas.

“Dahil kung sa tingin mo, pangit ang lahat ng katangian mo, gusto kong malaman mo na tanggap ko ang lahat ng pangit na tinutukoy mo. Gusto ko ang lahat sa’yo.” dugtong n’ya pa.

Parang natutunaw ang puso ko sa mga sinabi n’ya. Ito ang mga bagay na gustong-gusto kong marinig mula sa kanya.

Ang pagtanggap sa tunay kong pagkatao.

Muli akong tumango bilang pagsagot sa kanyang mga sinabi.

“Good.” sambit n’ya matapos kong tumango.

At kasunod ng sinabi n’yang iyon ay hinalikan n’ya ako sa noo, sunod ay sa ilong at ang huli ay ang masuyo n’yang paghalik sa aking labi.

Ginantihan ko ang halik n’yang iyon. At sa bawat paghalik namin ay pinaramdam namin ang mga salitang hindi maisatinig ng aming mga bibig. Masuyo at puno ng pag-aalaga.

Nadala na ako ng tuluyan nang simulan na ni Rigo haplusin ang aking katawan. Naramdaman ko na lamang na nakahiga na ako sa mga oras na ito at nasa ibabaw ko na si Rigo.

“Kalimutan mo ang lahat ng takot mo, Randy… Nandito ako… Hindi kita iiwan…” malambing n’yang bulong sa akin.

Mula doon ay hinalikan n’ya akong muli na puno ng pagmamahal.

Tuluyan na akong nadala sa sensasyong dala ng paghalik ni Rigo. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na hinahalikan na rin ang kanyang katawan at marahang hinahaplos ang bawat parte nito.

Naglalakbay kami ni Rigo patungo sa langit ng sabay. Nakadapa na ako ngayon sa kama habang nasa likuran ko s’ya at dinadama ang kabuuan n’ya.

Habang marahan s’yang umiindayog sa aking likuran ay inabala n’ya rin ang kanyang sarili na halikan ang likod kong puno ng pilat.

Hindi n’ya alintana kung magaspang man iyon o kaiba sa ibang parte ng aking katawan. Pinaramdam n’yang tanggap n’ya sa akin ang lahat, pangit man ’yon o maganda.

At doon, sa paraan ng kanyang paghalik, tuluyan nang nawala ang takot sa aking dibdib.

Si Rigo lang, si Rigo lang ang may kakayahan gawin ito sa akin. Kaya naman hindi ko alam ang aking gagawin kung sakaling mawala s’ya sa akin.

Matapos ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Rigo ay magkayakap kaming natulog na may ngiti sa aming mga labi. Mabilis akong nakatulog dahil sa marahan n’yang paghaplos ng aking buhok habang paulit-ulit n’yang hinahalikan ang aking noo.

Muli akong nakarating sa lugar kung saan ako kanina unang nagpunta. Madilim ang paligid at wala akong ibang bagay na nakikita.

Ganoon pa rin, hindi pa rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ko maigalaw ang aking katawan.

Ilang saglit pa ay may isang liwanag na lumitaw sa aking harapan.

Naitakip ko ang aking braso dahil sa labis na pagkasilaw sa liwanag na iyon.

“Randz! Halika! Sumama ka!” nadinig kong boses ng isang pamilyar na tao.

Tinanggal ko ang aking braso sa pagkakatakip sa aking mukha.

“X-xander?” sambit ko nang makilala ko ang taong ngayon ay nasa harap ko.

Si Xander pala, ang best friend ko. Ang taong tumulong sa akin para makaalis sa poder ng mga magulang ko. Ang taong una kong minahal dahil sa pagiging isang mabuting tao.

“Halika na, bilis!!” pagyaya nitong muli sa akin.

Nakamwestra pa ang kanyang kamay para abutin ang mga kamay ko.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Dahan-dahan ay inangat ko ang isang kamay ko at hinawakan din n’ya ito.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya habang magkahawak ang aming mga kamay.

Ngumiti s’ya ng malapad. Ngiting napakaganda at nakita ko lamang sa kanya simula nang makilala n’ya si Tom. Si Tom na kaibigan ko rin at naging dahilan upang matagpuan ni Xander ang kasiyahang ipinagdasal n’ya sa mahabang panahon.

“Iaalis kita dito sa dilim. Dadalhin kita sa magandang lugar na matagal mo nang gustong puntahan.” nakangiti n’yang sagot.

Naguguluhan ako sa kanyang sinabi.

“Pero hindi ako makagalaw. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.” pagtutol ko.

Hindi n’ya ako sinagot ngunit mas lumapad ang ngiti n’ya. Matapos n’yang ngumiti ay tumingin s’ya sa aking kanan.

Nang lingunin ko ang aking kanan ay nakita ko si Tom sa aking tabi. Si Tom na kanyang asawa at kaibigan ko.

“Halika na Randy. Sumama ka na sa amin. Sasamahan ka namin patungo sa liwanag.” nakangiti n’yang pagyaya sa akin.

Ayan na naman ang ngiti ni Tom, ang ngiting magpapagaan sa kalooban ng kahit na sino.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay marahang inabot ni Tom ang aking isang kamay.

“Tutulungan ka namin Randy.” wika ni Tom.

“Nandito lang ako, ang best friend mo. Hindi kita pababayaan.” nakangiti namang pagkumbinsi sa akin ni Xander.

Alam kong tapat sila sa kanilang mga sinasabi. Dahil simula pa noon, hindi nila ako binigyan ng dahilan para pagdudahan sila. Alam kong mapagkakatiwalaan sila.

Ilang segundo kaming nagkatinginan na tatlo. At matapos iyon ay unti-unti silang humakbang habang hawak ang mga kamay ko.

“Igalaw mo ang mga paa mo, ’wag kang matakot Randy.” muling pagkumbinsi ni Tom.

“Nandito kami, hindi ka namin bibitawan.” wika naman ni Xander.

Wala akong naramdamang takot nang sabihin nila ang mga salitang iyon. Dahil malaki ang tiwala ko sa kanila.

Unti-unti ay iginalaw ko ang mga paa ko. Napangiti ako nang magawa kong ihakbang ang mga ito.

Kasunod noon ay nagpadala na lamang ako sa paggaya nina Tom at Xander. Kapwa kami nakangiti habang naglalakad na tatlo.

“Saan ba talaga tayo pupunta?” tanong ko sa kanila.

Medyo matagal-tagal na rin kasi kaming naglalakad ngunit hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.

“Ipapakilala ko ang taong mas karapat-dapat na makasama mo. Ang taong tutulong sa’yong makaalis ng tuluyan sa madilim na mundo mo. S’ya ang taong hindi ka iiwan kahit ano ang mangyari sa’yo.” nakangiting sagot ni Xander.

Hindi pa man ako nakakapagtanong ulit dahil sa pagkalito ay nagulat ako nang bigla silang huminto na dalawa. Dahilan para mapahinto rin ako.

“Nandito na tayo.” biglang pagsasalita naman ni Tom habang nakangiti.

Nangunot ang aking noo. Nakarating kami sa lugar na wala naman pinagkaiba sa pinanggalingan namin kanina. Madilim pa rin ang kapaligiran.

Ilang segundo lamang iyon, ngunit ilang saglit pa ay unti-unting nagkaroon ng pagbabago sa paligid. Unti-unting nakakaroon ng kulay ang lahat.

Naibuka ko ang aking bibig dahil pamilyar ang lugar kung saan ako nakatayo.

Ito ang lugar kung saan una kong nakilala ang best friend kong si Xander.

Ang eskwelahan namin noong nasa college pa kaming dalawa.

“Nand’yan na pala s’ya!” nakangiting sambit ni Xander habang may tinuturo sa aking likuran.

Bakit parang nagbabalik ang nakaraan? Nangyari na ito. Ganitong-ganito noong may nakilala akong bagong taong nakapasok sa buhay ko. Noong si Xander pa lamang ang kaibigan ko sa eskwelahang ito.

“Randy, pinapakilala ko sa’yo ang kaibigan ko. S’ya ang tinutukoy kong makakasama mo.” nakangiting sambit ni Xander.

Ganitong-ganito rin ang mga salitang sinabi noon ni Xander. Eksakto ang lahat ng pangyayari at mga salita. Ang kaibahan nga lang ay nandito ngayon si Tom na hindi pa namin noon nakikilala.

Kahit na may ideya na ako sa aking makikita kung haharapin ko ang taong tinutukoy ni Xander ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

Unti-unti akong kumilos patalikod upang harapin ang taong ipapakilala ni Xander.

At nang tuluyan kaming magkaharap ng taong iyon ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata n’ya.

Ganyan na ganyan ang reaksyon n’ya noong unang magtagpo ang aming mga mata maraming taon na rin ang nakakaraan.

“Randz, please meet my good friend….

…..Rigo.“

pakilala ni Xander.

Tinitigan ko lamang si Rigo. Hindi ako nagbigay ng kahit na anong reaksyon tulad noon.

Pero may kaibahan na noong panahon na ipinakilala s’ya sa akin. Noon ay wala akong naramdaman kahit na ano. Normal lang ang lahat.

Ngunit ngayong mga oras na ito ay hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang nakatingin ako sa kanyang mga mata.

“H-hello Randy. Nice to meet you. I-i’m Rigo.” nauutal nitong pagpapakilala at inilahad ang kamay n’ya.

Gusto kong ibahin ang kaganapan noong una ko s’yang makilala. Noong sinabi ko sa kanyang ’

not interested’

habang nakasimangot ako.

Unti-unti ay ngumiti ako. Inabot ko ang kanyang kamay at nagsalita ako.

“Randy. Nice to meet you, Rigo.” nakangiti kong sagot sa kanya.

Mula sa kabado n’yang ekspresyon ay nagbago iyon. Ngumiti s’ya ng malapad na lalong nagdagdag sa kagwapuhan n’ya.

Hindi na s’ya nagsalita. Ngunit ang kanyang kamay ay nanatiling nakahawak sa akin.

Panaginip man ito o hindi, gusto kong may magbago.

“Let’s be friends. Please take care of me.” nakangiti kong wika sa kanya.

Hinigpitan n’ya ang pagkakahawak sa aking kamay.

“I will. I promise.” nakangiti n’yang sagot.

Ito ang gusto kong pagbabago. Ang pagbabago na gusto kong masimulan.

At ang pagbabagong kasama ko s’ya.

Kasama si Rigo.


Hoho! Kamusta po? Mahal ko na yata si Randy? Charot!

Ngayon naiintindihan n’yo na ba kung bakit ganyan si Randy? :’(

Feel you next chapter guys!

Salamat po sa magbibigay ng votes at comments.

Hugs and kisses!

–– cold_deee

chapter 4

Hello guys! Natagalan na naman ba? Sorrna! Hahahahaha!

Anyway, para kay

CovertSolace

ang chapter na ’to. S’ya ang kinukulit ko para sa mga katanungan ko about medical terms na hindi keri ng brain ko. Salamat ng marami wuju-kun!! Kindly visit his profile na rin po para mabasa n’yo rin ang magagandang stories n’ya.

Enjoy reading chapter 4, guys!

––> Si Vinci (Vinchi) po sa media. Sino s’ya? Kilalanin!


RANDY’s POV

“Finally.” sambit ko matapos kong i-park ng maayos ang aking kotse sa tapat ng mataas na building.

Muli kong kinuha ang aking cellphone para i-check kung may message ba sa akin si Rigo.

‘Hanapin mo ako sa receptionist sa lobby pagdating mo. Sabihin mo lang ang pangalan mo, alam na nila ang gagawin dahil nagbilin na ako. Sila na rin ang bahalang tumawag sa akin para masundo kita. Mahaba pa ang break ko dahil panghuli akong isasalang sa photoshoot.’

‘Nasaan ka na?’

‘Hey, I’m waiting.’

‘Nagpunta ako sa lobby, wala ka pa raw. Nasaan ka na ba?’

‘Sumagot ka naman.’

‘RANDY! SUMAGOT KA!!!’

sunod-sunod na mensaheng nabasa ko.

“Jusko! Paano naman ako makakasagot kung nagdadrive ako?” tanong ko kay Rigo kahit hindi n’ya ako naririnig.

Napailing na lang ako dahil sa inasta ni Rigo. Alalang-alala na akala mo ay batang paslit pa rin ako na dapat bantayan.

Huminga ako ng malalim.

Oo nga naman, hanggang ngayon ay kailangan ko pa ring mabantayan. Kaya nga hanggang ngayon ay kasama ko pa rin s’ya at si Nanay Elise.

Dahil hindi ko kayang mabuhay na mag-isa hanggang ngayon.

Kagagaling ko lang sa aking Psychiatrist para sa aking therapy. Dahil sa mga nagbalik na ala-ala at masasamang panaginip mula sa aking nakaraan ay kailangan ko itong gawin. At dahil din sa bagay na iyon ay kailangan kong sundin ang mga utos sa akin ni Nanay Elise at ni Rigo.

Si Nanay Elise ay maya’t-maya akong tinetext kung kamusta na ako at kung ano ang mga ginagawa ko. Paulit-ulit na nagpapaalala na magtext ako sa kanya.

Pareho sila ni Rigo. Ang ginagawa ko na nga lang ay pinapadala ko sa kanilang dalawa ang iisang message ko. Pinag-iisipan ko na nga rin ngayon kung mag-group call o chat na lang kami para hindi na ako nahihirapan sa kanila. Tutal naman ay alam kong nagtatawagan din sila para kamustahin din ako.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa saya kapag ganito sila. Nararamdaman ko kasing napakaimportante ko.

Bagay na hindi ko noon naranasan sa iba. Bagay na hindi ko naramdaman noong panahon na ang sarili ko pang pamilya ang kasama ko.

Inayos ko muna ang aking sarili bago ako lumabas ng aking kotse.

Paglabas ko ay nakakuha agad ako ng atensyon mula sa mga tao dito sa labas ng building. Lahat ay napatingin sa akin lalo na ang mga kababaihan. Naka-sunglasses pa naman ako dahil medyo mainit sa mga oras na ito.

“Sh*t! Sino ’yan? Bagong model? Bakit hindi ko nabalitaan?”

“Ang gwapo n’ya sis! Ano kayang ie-endorse n’ya?”

“Bakit hindi ko agad nalaman na may bagong model? Hindi ko pa nakita ang application n’yan!”

“Gaga! Paano mo makikita?! Sa’yo ba ang screening?! Tagatimpla ka lang ng kape ng nag-i-screen sa kanila! Ambisyosa ka rin eh ’no?!”

“Gaga ka rin! S’yempre sinisilip ko mga application sa table ni boss!”

nadinig kong mga pag-uusap ng kababaihan habang naglalakad ako papasok ng building.

Sanay na ako sa ganito. Ilan na ba ang napeke ko? Ilan na ba ang nalinlang ng lalaking anyo ko?

Ganda problems.

Hinubad ko ang suot kong sunglasses nang makapasok ako ng building.

“Rodrigo Jaime Silvestre, please.” bungad ko sa receptionist ng building.

Dalawang babae ang nasa reception, at dalawang babae rin ang nakatulala sa akin ngayon. Bahagya pang nakanganga habang nanlalaki ang mga mata. Sana ay may pumasok na langaw sa bibig nila.

Eto na naman ang mga babaeng parang nakakita ng Adonis sa harap nila. Inaakalang mapapaliyad ko sila, nag-e-expect na mahahawakan ko ang katawan nila.

Kadiri.

Hindi nila alam na mas magaling pa akong gumiling sa ibabaw ni Rigo. Mas mahusay pa akong magtaas ng mga hita ko.

“Uhm… Hello? Rodrigo Jaime Silvestre? S’ya ang kailangan ko. Paki-inform naman na nandito na ako.” pagbasag ko sa kanilang pagkakatulala.

Mabilis naman na bumalik ang ulirat ng dalawa. Natauhan din sa wakas.

“A-ahm… M-may I know your name, please? And what’s the purpose?” tanong sa akin ng isang babae.

“Randy Liam.” tipid kong sagot.

Sayang ang laway ko, ayoko sila sagutin ng buo. Tutal naman ay naibilin na ako ni Rigo.

“Ah! Kayo po pala, Sir Randy! Kanina pa kayo hinihintay ni Sir Rigo. Pabalik-balik na nga po s’ya rito.” masayang sagot naman ng isang babae.

“I know.” sagot ko naman na may pekeng ngiti.

Hindi naman ako nagpapakwento pero nagkekwento s’ya.

“Sige po, maupo muna po kayo. Tatawag lang ako sa room kung saan ang photoshoot nila. Hindi pa naman daw po s’ya ang nakasalang.” nakangiting sagot pa n’ya ulit.

Gusto ko s’yang sagutin na ‘alam ko, at hindi ako nagpapakwento sa’yo’. Kaso lang ayaw ko talagang magsayang ng laway sa kanila.

Ngumiti na lang ulit ako bago sila tinalikuran.

Pagkaupo ko ay inilibot ko ang aking mata sa paligid. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapunta ako rito kahit na matagal nang nagtatrabaho dito si Rigo.

“Akala ko bagong model. Ang gwapo rin eh.”

“Ako nga rin eh. Kaibigan kaya s’ya ni Sir Rigo? Ang gwapo nila pareho ’no?”

dinig kong bulungan ng dalawang bruhang receptionist.

Nagbulungan pa. Eh nadidinig ko rin naman dahil sa echo dito sa lobby.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilibot ng aking paningin sa paligid. Dito sa building na ito nagtatrabaho si Rigo bilang isang sikat na model bukod sa pagiging isang Chef sa aming restaurant.

Nakita ko pa ang isang malaking poster ni Rigo na naririto sa lobby. Ang poster ng ineendorso n’yang jeans sa isang malaking company dito sa Pilipinas.

“Sikat nga talaga s’ya.” sambit kong mahina.

S’ya lang kasi ang may pinakamalaking poster sa lahat ng model bukod sa isang babae.

Nang tingnan ko ang kanyang poster ay hindi ko maiwasang mapakagat ng aking labi. Wala kasi s’yang damit pang-itaas at tanging denim jeans lang ang kanyang suot. Gusto kong masilip ang nasa loob ng jeans n’yang iyon kahit ilang beses ko na iyong nasilayan. Natikman ko pa nga. Hindi talaga nakakasawa.

“Sh*t! Nakita mo girl? Ang hot n’ya kumagat ng lips!”

“Aarrgghh! Saka ang lips n’ya, ang nipis at mapula! Ang sarap halikan girl!”

nadinig ko na namang bulungan ng dalawang babae.

Ano ba namang mga babae ’to? Hindi ba nila naisip na ang lakas ng dating ng boses nila kahit magbulungan sila? Ang tahimik kaya dito sa lobby.

Dahil sa mga narinig ko ay muli na namang umilaw ang bombilya sa ulo ko.

Simula kanina ay wala pang exciting na kaganapan sa akin. At para naman magkaroon ng excitement ang araw ko ay nakaisip ako ng magandang plano gamit ang dalawang haliparot na receptionists ng building na ito.

Nilingon ko silang dalawa ng dahan-dahan habang nakangisi ako. Gamit ang aking mapupungay na mata ay salitan ko silang tiningnan. Hindi ko rin kinalimutan na magbigay ng magandang ngiti sa kanilang dalawa.

Nakita kong nanlaki pareho ang mga mata nila. ’Yung isang babae nga ay namula pa. 

Eto na, mabibigyan ko na ng hustisya ang boring na araw ko.

“Kyaaahh! Girl!! Nginitian n’ya ako!!” pigil na pigil na pagtili ng isang babae.

At habang sinasabi n’ya iyon ay sinabunutan n’ya ng mahina ang kasama n’ya.

“Aray ko ano ba?! Hindi mo ba nakita?! Ako ’yung nginitian! ’Wag kang assuming d’yan!” buska naman ng isang babae at ginantihan ng sabunot ang isa.

’Yan! Nagkakasakitan na silang dalawa. Sana magkalmutan pa sila sa mukha para mas masaya.

Mas ginandahan ko pa ang ngiti ko. Nagbabakasakali kasi akong umabot silang dalawa sa panggugulpi sa isa’t-isa.

Natawa ako sa aking sarili. Ang sama ko talaga. Kaso lang marami pa namang mas masama ang ugali sa akin. ’Yung iba nga nagagawa pang pumatay. Pasalamat na lang sila at hindi ko iyon kayang gawin.

Hindi ko tinatanggal ang pagkakangiti ko. Nag-e-enjoy ako ngayon sa nakikita kong dalawang babae na nagtatalo.

Hindi talaga mapapansin sa akin na sa kabila ng pagiging gwapo at lalaking-lalaki ko, gwapo at lalaking-lalaki rin ang hanap ko.

Habang pinapanood ko ang dalawang bruhang receptionist ay nagulat ako sa pagtapik sa balikat ko.

“Huy! Bakit ka nakangiti d’yan?” natatawang tanong sa akin ng bagong dating.

“Rigo.” pagtawag ko lang sa kanya.

Natatawa s’ya sa hindi ko malamang dahilan.

“Tara na nga! Doon na lang tayo sa taas. Malapit na rin akong sumalang sa photoshoot, makakauwi na rin tayo.” pagyaya n’yang natatawa.

Mukhang maganda ang araw ni Rigo ngayon. Tumatawa ng wala dahilan, parang baliw lang.

Sa halip na sumagot ay tumayo na lamang ako at sumunod sa kanya. Pero bago ako tuluyang makaalis sa lugar na iyon ay muli kong nilingon ang dalawang babae na nasa reception.

Muli akong nagbigay ng magandang ngiti at kinindatan pa silang dalawa. Sabay silang napatili at naging dahilan din iyon ng pagkakasampal ng isang babae sa kasama n’ya.

Halos magbunyi naman ang loob ko sa nakita ko. Hindi ko naiwasang maglabas ng mahinang pagtawa.

Wala eh, bored kasi ako. Kailangan maaliw ako ngayong araw na ito.

“Ano na naman ang ginawa mong kapilyuhan?” natatawang tanong ni Rigo nang makapasok kami ng elevator.

“Wala.” maang-maangan ko naman.

Hindi ko s’ya nilingon sa aking tabi at tanging sa pinto ng elevator lang ako nakatuon.

“Wala? Eh halos mabaliw mo ’yung dalawang babae sa baba! Kanina pa kaya ako doon at pinapanood ko lang kayo! Nakita ko kung paano ka magpa-cute doon sa dalawa!” pagsagot n’ya sa sarili n’yang katanungan habang patuloy pa rin na natatawa.

Napangisi naman ako at nilingon s’ya.

“Selos ka?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko.

Mas lalo s’yang natawa. Kinurot n’ya ang aking ilong ng mahina.

“Asa ka pa! Alam ko namang diring-diri ka habang ginagawa mo ’yon!” sagot n’ya naman at mas lalong natawa.

Alam n’ya naman pala pero nagtatanong pa. Nakisabay na lamang ako sa kanyang pagtawa dahil naalala ko ang naganap sa dalawang babae kanina.

“Anyway, kamusta pala ang therapy?” pag-iiba n’ya ng usapan.

Nagkibit-balikat ako at muli kong ibinalik ang aking paningin sa pintuan ng elevator.

“Okay lang.” sagot kong tipid.

Ayokong magkwento sa kanya ng mga nangyayari sa akin sa tuwing nagpapa-therapy ako. Pakiramdam ko kasi ay obligasyon n’ya ako. Bagay na alam naman naming pareho na hindi.

Ilang segundo ang aking pinalipas bago ako nakaisip ng ibang usapan.

“Bakit ba kailangan pa kitang sunduin dito? Pwede namang sa bahay na lang tayo magkita.” tanong ko sa kanya.

Ngumiti s’ya ng matamis. Nakikita ko s’ya dahil sa repleksyon namin sa stainless na pinto ng elevator.

Ang lalaking ’to, kahit malabo ang repleksyon namin, gwapo pa rin.

“Nakalimutan mo na bang may kasunduan tayo? Hanggat may therapy ka, hindi ka pwedeng umuwi mag-isa. Dapat kasama mo ako. Saka isa pa, gusto kitang makasama ng matagal. Masama ba ’yon? Nami-miss kasi kita oras-oras, minu-minuto, segu-segundo.” sagot n’ya.

Nilingon ko s’ya at sinamaan ng tingin.

“So feeling mo kikiligin na ako n’yan?” tanong kong sarkastiko.

“Bakit, hindi ba?” tanong n’ya pabalik.

“Asa!” pambabara ko rin sa kanya.

Sa halip na ma-offend sa pang-aasar ko ay mas natawa pa s’ya. Muli n’ya na namang kinurot ng mahina ang ilong.

“Ang sweet mo talaga!” sarkastiko n’yang reaksyon.

Napangisi ako.

“I know. Kaya nga baliw na baliw ka sa katawan ko ’di ba? Halos ubusin mo na nga pati ang amoy ko sa katawan dahil sa sobrang tamis ko.” mapanukso kong sagot.

Akala n’ya ba magpapatalo ako sa kanya?

Mas lumakas pa ang pagtawa n’ya. Ang saya ng loko.

“Ganun talaga ’pag masarap ang kinakain, sinisimot!” may kalakasan n’yang sagot.

Hindi ko na rin napigilan ang tumawa. Binigyan ko s’ya ng mahinang suntok sa sikmura dahil sa pag-uusap naming dalawa.

Ugh! Ang tigas talaga ng abs n’ya. Kaya iyon din ang pinupuntirya ko bago ako mapunta sa puson n’ya kapag nagmimilagro kaming dalawa.

Nakarating kami sa palapag kung saan daw nagaganap ang photoshoot nila nang hindi napuputol ang aming pag-uusap. Ganito naman kami ni Rigo simula nang pasukin namin ang ganitong klase ng samahan. Madalas ay kalaswaan ang aming topic.

Nang makarating sa eksaktong kwarto ay hindi na kumatok si Rigo. Agad n’yang binuksan ang pinto at pinatuloy ako.

Ang buong akala ko ay konti lang ang tao sa loob ng silid na iyon. Ngunit bahagya pa akong natigilan dahil bukod sa malaki ang kwartong iyon ay maraming tao ang nasa loob nito. Siguro ay halos thirty rin sila rito, at napansin kong karamihan sa kanila ay puro modelo.

Ang iba ay abala sa pag-aayos at pagme-make up. Ang iba naman ay kanya-kanyang pose at project sa harap ng camera na nakatutok sa kanila.

“I got him.” masayang pagsasalita ni Rigo.

Matapos n’yang sabihin iyon ay may lumingon na tatlong tao sa amin.

Nakilala ko ang nag-iisang babae na nasa harap namin ngayon. S’ya ang nasa malaking poster doon kanina sa lobby. Ang katabi naman nito na isa ring kagaya kong bakla ay kilala ko na dahil nakikita ko s’ya sa TV sa tuwing may interview si Rigo. S’ya ang tumatayong manager ni Rigo, si Coke. Ang panghuli namang lalaki ay hindi ko kilala ngunit alam kong modelo rin ito base na rin sa pangangatawan at hitsura n’ya.

“Rigo, akala ko naman babae na ang sinundo mo. To the point na ipinagpaliban mo pa ang pagsalang mo sa camera.” pagsasalita ng manager n’ya.

At matapos n’yang sabihin iyon ay tiningnan ako ng manager n’yang iyon simula ulo hanggang paa habang nakataas pa ang isang kilay n’ya.

Nararamdaman ko, mukhang hindi ko magugustuhan ang isang ’to. Ibang-iba s’ya sa tuwing nasa harap s’ya ng camera ’pag may interview sila. Masyado kasi s’yang masayahin sa TV.

“Guys, please meet Randy, my very good friend.” pakilala sa akin ni Rigo.

“Hi.” simpleng bati ko naman sa kanila. Nagbigay na rin ako ng ngiti para hindi naman mapahiya si Rigo.

“Hi Randy! I’m Mary Jane, pero call me MJ na lang.” masayang bati naman ng babae at iniabot ang kamay n’ya.

Tinugunan ko naman iyon dahil mukhang mabait naman itong babae. Bukod doon, maganda s’ya. Siguro kung naging babae lang din ako, magkasing-ganda kami nito.

“S’ya naman ang manager ko, Randz. Si Coke.” pakilala naman ni Rigo sa manager n’ya.

“Kilala ko na s’ya. Minsan ko nang nakita s’ya sa TV.” sagot ko naman kay Rigo habang nakangiti.

Gusto ko pa nga sana dugtungan na mas makapal pala ang foundation n’ya sa personal kesa sa TV. Kaso nag-uumpisa pa lang naman s’yang magtaray kaya pakikiramdaman ko muna s’ya.

“Mabuti naman at kilala mo na ako. Hindi ko na pala kailangan pang magpakilala.” sagot naman ni Coke.

Konti pa talaga. Pagpapasensyahan ko muna s’ya sa ngayon. Baka mamaya ’yung talent fee ni Rigo ang pag-initan n’ya kapag tinarayan ko s’ya. Sa ngayon, pupuksain ko muna s’ya sa isip ko. ’Yung madugong puksa.

Walang pumansin sa katarayan ni Coke. Siguro ay sanay na sila.

“At ito naman si Vinci, newest model namin dito.” pakilala naman uli ni Rigo sa isang lalaki.

Tama nga ako, model nga s’ya.

Akmang iaabot ko ang aking kamay para magmukha naman akong propesyonal sa harap n’ya ay napatigil ako. Nakaramdam ako ng pagkailang sa ginagawang pagtitig sa akin ng lalaking pinakilala ni Rigo na Vinci.

Nangungunot ang noo nito habang titig na titig sa akin.

“Problema mo brad?” tanong ko sa kanya. Take note, in a manly tone.

Hindi ko na naiwasang magtanong dahil sa ginagawa n’yang panunuri sa akin.

Inilagay n’ya ang kanyang hintuturo sa kanyang baba habang nakakunot pa rin ang kanyang noo.

“Para kasing pamilyar ka sa akin Randy.” wika n’ya sa akin.

Tss! Mga banat nito. Alam ko na ang mga ganitong atake.

Nagpakawala ako ng pekeng pagtawa.

“Ganon ba? Baka ako ’yung napagkamalan mong snatcher sa kanto? ’Yung nagnakaw ng puso mo? Sorry brad ha? Pero hindi ako ’yon.” pagpapatuloy ko sa tangka n’yang pick up line.

Anong akala n’ya sa akin? Slow? Saka wala na bang bagong banat ngayon? Naubusan na ba s’ya?

Mabilis s’yang umiling.

“Hindi. Parang nagkita na tayo. Tumira ka rin ba sa San Dionisio?” tanong n’ya sa akin.

Nang mabanggit n’ya ang lugar na iyon ay binalot ako ng kaba. Hindi ako nakapagsalita at naestatwa na lamang ako sa kinatatayuan ko.

“Base on your reaction, tama ako ’di ba? Tumira ka nga ba sa lugar na ’yon?” pangungulit pa rin n’ya.

“A-ahm… D-dati…” nauutal kong sagot.

Sa hindi ko malamang dahilan ay nasagot ko s’ya ng totoo.

Masyado na akong binalot ng takot. Hindi ko kailanman makakalimutan ang lugar na iyon dahil doon ako lumaki. Doon ko naranasan ang lahat ng hirap na dinanas ko sa buhay na hanggang ngayon ay dala-dala ko.

Ilang segundo kaming lima na natahimik. Sina Rigo, MJ at Coke ay salitan kaming tinitingnan ni Vinci.

Ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata ni Vinci habang nakatitig pa rin sa akin.

“L-liam….” nauutal at mahina n’yang sambit.

Dito na ako tuluyang hindi nakapagsalita. Nang banggitin n’ya ang pangalawang pangalan ko na iilang tao lang ang nakakaalam ay para na akong kinain ng lupa.

Kilala nga ako ng taong ito. Pero walang kahit na ano mang palatandaan sa kanya na makikilala ko s’ya.

“Teka Vinci. P-paano mo nakilala si Randy?” nagtatakang tanong ni Rigo.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Vinci.

“So tama nga ako?! S’ya si Liam?!” masayang tanong nito kay Rigo.

Hindi nakapagsalita agad si Rigo dahil sa pagkabigla. Ngunit nabigyan n’ya si Vinci ng marahang pagtango bilang pagkumpirma.

Dahil sa ginawang pagsagot ni Rigo ay mabilis na lumingon muli sa akin si Vinci.

At ang ikinabigla ko ay nang yakapin ako nito ng mahigpit.

“Sh*t! Nakita rin kita! Nakita rin kita, Liam!!” tuwang-tuwa nitong sambit habang yakap ako.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko magawang tugunan ang yakap n’yang iyon. Hanggang ngayon ay nabibigla pa rin ako sa pangyayari.

Ilang segundo rin kami sa ganoong posisyon nang maramdaman kong may mahigpit na humawak sa aking balikat.

“Teka! Teka! Teka!” si Rigo pala na pilit na hinihiwalay sa akin si Vinci. “Magkakilala ba kayo?!” sunod n’yang tanong sa amin.

Nararamdaman ko sa boses ni Rigo na naiirita na s’ya ngayon.

“Oo!”

“Hindi.”

magkasabay naming sagot ni Vinci at nagkatinginan kami.

“May gahd! Umeeksena pa dito.” bulong ng dambuhalang si Coke at inayos pa ang scarf n’yang floral.

Kinaganda?

“Liam! Ako ’to! Si Vinci! ’Y-yung kababata mo! ’Yung isa sa mga bata noon na niyayaya mong makalaro?!” masayang tanong sa akin ni Vinci.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Ibig sabihin ay magkakilala na kami noon pa. At isa s’ya sa mga batang madalas kong lapitan noon upang makalaro.

Gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Gusto kong takasan ang nagbabadyang pagbabalik ng ala-ala kong iyon. Ngunit dahil na rin sa naging payo sa akin ng Psychiatrist ko kanina na labanan ko ang takot kong iyon ay nilakasan ko ang loob kong harapin ang taong ito.

“V-vinci?” nakakunot-noo kong tanong sa kanya pabalik.

“Ako nga! Naalala mo na?!” tanong n’ya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Nilakihan ko ang mga mata ko. Ibinuka ko rin ang bibig ko na nagpapahiwatig na nasorpresa ako.

“Ah! Vinci!!” sambit kong may kalakasan at ngumiti ako.

“Ako nga! Naalala mo na ba?!!” tanong pa rin ni Vinci sa mas masaya na ngayong tono.

“Hindi.” tipid kong sagot at ibinalik ko ang pagsimangot ko.

Dahil sa naging pagsagot ko ay napayuko si Vinci. Halatang dismayado.

Anong magagawa ko? Eh sa hindi ko talaga s’ya matandaan.

Nasa ganoon kaming tagpo nang sumabat na naman si Rigo.

“Tama na nga ’yan. Hindi ito ang oras para sa reunion n’yo.” wika ni Rigo sa seryosong tono.

Tiningnan n’ya si Vinci sa paraang hindi ko gusto. Alam kong naiirita na talaga s’ya ngayon. Kilala ko na s’ya.

“Bumalik ka na doon. Magpaayos ka na. Ikaw na ang susunod ’di ba?” utos n’ya kay Vinci.

Tiningnan lang s’ya ni Vinci at hindi ito sumagot.

“Ano? Gusto mo ba talagang tumagal dito sa industriyang ’to? Sumunod ka kung ayaw mong ito na ang huling araw para sa photoshoot mo.” madiin na pagbabanta pa ni Rigo sa kanya.

Gusto kong pagtawanan si Rigo. Nagseselos kaya ang loko?

“Oo na.” tanging naisagot ni Vinci at binitawan na ang balikat ko.

Sa pagkakataong ito ay sumabat na rin si MJ at tinapik-tapik sa balikat si Vinci.

“Sige na Vinci, sumunod ka na lang sa senior mo. Mamaya mo na lang kausapin si Randy.” nakangiting pagkausap nito kay Vinci.

Hindi na din nakapagsalita pa si Vinci at dahan-dahan na itong tumalikod para sundin ang utos ni Rigo. Sinabayan na rin s’ya ni MJ para samahan sa make-up artist nila.

Muli akong nilingon ni Rigo.

“Dito ka.” may diin n’yang utos sa akin at naglakad patungo sa malaking sofa na nasa loob ng kwartong ito.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa inaasal ni Rigo. Bihira lang ’tong maging ganito kaya nananahimik na lang ako ’pag nangyayari ang bagay na ito.

Ayoko s’yang tanungin kung anong problema n’ya kahit may ideya na ako kung ano ang dahilan. Baka kasi masabi n’ya pa ang bagay na ayaw kong marinig sa kanya.

Na nagseselos s’ya.

Ayokong marinig mula sa kanya habang bukas ang mga mata ko na nagseselos s’ya dahil mahal n’ya ako.

Hindi pwede. Baka maulit na naman ang nangyari noon na nauwi kami sa pagtatalo na tumagal ng halos dalawang buwan. Ito ay noong ipilit n’yang maging opisyal kami na mariin kong tinanggihan.

“Dito ka lang at ’wag kang aalis. Wala akong pakialam kung nabo-bored ka. Gawin mo ang gusto mo kapag bored ka, pero hindi ka aalis dito. Dito ka lang!” madiin n’yang utos sa akin matapos kong makaupo sa sofa.

Okay fine.

Inirapan ko na lang s’ya.

Matapos iyon ay nagpunta na s’ya sa kumpulan ng mga taong nag-oorganisa ng photoshoot. Siguro ay s’ya na ang susunod na aayusan.

Sige, tutal naman ay may permiso galing sa kanya, magpaplano na lang ako ng kahindik-hindik na eksena para naman matuwa ako. Kailangan ay hindi mamatay ang oras ko sa paghihintay sa kanya.

Masyadong maraming tao dito sa kwartong ito kaya ayaw ko silang tingnan. Nahihilo ako sa kanila. Kinuha ko na lamang ang aking cellphone habang prenteng nakaupo.

Naisip kong i-text ang kaibigan kong si Tom na nami-miss ko na rin sungitan at asarin. Masyado kasing mabait at inosente, ang sarap tuloy pagkatuwaan. Cute din kasi si Tom, kaya mahal na mahal ng best firend kong si Xander.

‘Tom, may problema ako.’

una kong text sa kanya.

At dahil nga likas na mabait si Tom ay mabilis din akong nakatanggap ng sagot mula sa kanya.

‘Wait, tatawagan kita.’

sagot n’ya.

Naging maagap naman ako sa pagtext muli sa kanya.

’‘Wag na. May tanong lang ako,importanteng tanong lang. Dito sa text na lang tayo mag-usap. Nasa seminar kasi ako kaya hindi kita makakausap ng maayos.’

pagsisinungaling ko.

Napapangiti na ako ngayon pa lang. Nakakaramdam ako ng excitement sa magiging sagot ng inosenteng si Tom.

’Sige, ano ba ‘yon? Susubukan kong masagot para matulungan ka.’

sagot n’ya.

Dito na ako sobrang natuwa. Gusto kong malaman ang magiging reaksyon n’ya.

‘Tom, itatanong ko lang sana kung malaki ba ang alaga ng asawa mo?’

tanong ko sa kanya.

Ilang sandali pa ay nagreply na naman s’ya.

‘Huh? Hindi ko maintindihan, Randy. Anong alaga? Wala kaming alagang hayop sa bahay.’

naging sagot n’ya.

See? Ganyan s’ya ka-slow.

Dito na rin ako mas lalo pang ginanahan sa pagtetext sa kanya.

’Hindi naman hayop ang tinutukoy ko. Ang tanong ko, kung malaki ba ang manhood ni Xander? Kasi ‘yung kay Rigo, MALAKI. As in! Minsan nga nabubulunan pa ako!’

hindi ko na naiwasang magpakawala ng pagtawa nang i-send ko iyon sa kanya.

Kung kanina ay mabilis s’yang nakakasagot sa text, ngayon ay may katagalan. Nai-imagine ko na ang reaksyon n’ya sa mga oras na ito. Malamang ay pulang-pula na naman ang mukha n’ya.

’Tumigil ka nga Randy! Wala ka na naman pampalipas oras kaya ako ang naisipan mong i-text! Alam mo bang nasa conference meeting ako? Tapos ‘yun lang pala ang tanong mo?!’

mahaba n’yang reply.

Tawa ako ng tawa sa sagot n’yang iyon. Nakakatuwa talaga si Tom.

Matapos ang text n’yang iyon ay may kasunod pa. Talagang naistorbo ko na s’ya.

‘At para sagutin ang tanong mo, OO! MALAKI ANG ANO NG ASAWA KO! Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako! Okay na? Pwede na akong bumalik sa meeting?’

huli n’yang text.

Hindi na ako muli pang nagreply sa kanya. Alam kong naman na importante ang meeting n’yang iyon kasama ang mga shareholders nila sa hotel. Pero s’ya kasi ang una kong naisipang pagkatuwaan dahil para pa rin s’yang bata hanggang ngayon.

Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagkaaliw sa nabasa kong message ni Tom ay napatigil ako dahil may padabog na umupo sa sofa kung saan din ako nakaupo.

Unti-unti kong nilingon ang hampas-lupang umistorbo sa pagtawa ko. At doon ay nakita ko ang dambuhalang manager nina Rigo na si Coke. Naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Ano bang problema sa akin ng isang ’to? Hindi ko na nga s’ya pinapansin dahil hindi s’ya worth pag-aksayahan ng oras eh.

“Kaibigan ka ba talaga ng alaga ko?” tanong n’ya sa akin na ang tinutukoy na alaga n’ya ay si Rigo.

Ang baklang ’to, alaga daw n’ya si Rigo? Eh kung pagtatabihin sila ni Rigo, mukhang s’ya pa nga ang dapat na alagaan. Para kasing dapat na s’yang paliguan.

Likas na akong salbahe, pero mas salbahe ako sa taong ganito ang pag-uugali.

Ako lang dapat ang bida-kontrabida. Ako lang dapat ang reyna.

Ngumiti ako sa kanya. S’yempre pinadama kong peke ang ngiti kong iyon.

“Hulaan mo.” balik ko sa katanungan n’ya.

Asaran ba ang gusto n’ya? Pwes, pagbibigyan ko s’ya.

Inirapan ako ni Barney, este, ni Coke. Naka-violet kasi ang dambuhala at may pink floral design na mahabang scarf.

“Alam mo, nababahing ako. Nakakasinghot kasi ako ng PAMINTA.” sunod n’yang pagsasalita ng may diin sa salitang paminta.

Hhhmmm… Mukhang marunong kumilatis ang isang ’to. Hindi man lang nalinlang ng lalaking anyo ko. Kung sabagay, alam naming mga bakla ang kilatis ng bawat isa.

Hindi ko tinanggal ang pagkakangiti ko nang sagutin ko s’ya.

“Baka naman kailangan mo nang maligo kaya nababahing ka? Try mo kaya? Kailan ba ang huli?” tanong ko sa kanyang nakangiti.

Mas lalong naningkit ang mga mata n’ya. Mukhang hindi n’ya na nagugustuhan ang mga sinasabi ko.

Tsk! S’ya naman kasi eh. Dapat nagpapakabait s’ya sa akin para hindi ko s’ya pinapatikman ng forte kong pagmamaldita.

Ilang segundo kaming nagtitigan. Parang may kuryente nga na nagbabanggaan sa mga mata naming dalawa.

S’yempre hindi ako nagpatalo sa pakikipagtitigan sa kanya kahit ayaw ko nang makita ang mukha n’ya.

Ilang sandali pa ay mukhang nakuha ko na ang korona. S’ya ang unang bumitaw sa pagtititigan namin.

Jusko! Buti naman! Malapit na kasi akong mahilo eh. Para akong nakikipagtitigan sa palaka.

Umirap s’ya na halos ikawala na ng itim ng mata n’ya. Ang hiling ko na lang ay mahipan s’ya ng masamang hangin para hindi na bumalik sa dati ang mata n’ya.

“Siguraduhin mo lang na hindi ka magiging sagabal sa career ng alaga ko. May nakaabang na malaking project para sa kanya, at ayaw kong masira ’yon dahil lang sa pagiging MAGKAIBIGAN n’yo.” mahaba n’yang litanya.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy n’yang malaking project para kay Rigo. Wala pa kasing nababanggit si Rigo tungkol sa bagay na iyon.

“Rest assure na hindi ako makakasagabal. Dahil kung gusto ko s’yang hadlangan sa magandang career n’ya, madali kong magagawa ’yon.” nakangiti kong sagot sa kanya.

Nangunot ang kanyang noo, halatang nagtataka.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong n’ya.

Umayos ako ng pagkakaupo. Iniwas ko na ang tingin ko kay Coke at tinanaw ko na lamang si Rigo na nakaupo ngayon sa harap ng camera. Hindi ko na rin kasi kaya pang tagalan na tingnan si Coke. Baka masuka na ako.

“You see, sa totoo lang, kahit naman hindi na s’ya magmodelo kaya n’ya nang mabuhay. Konti lang naman ang kinikita n’ya dito. Pero kung ipagpapatuloy n’ya ang career n’ya bilang Chef at bilang Architect sa natapos n’yang kurso, walang sinabi ang pagiging modelo n’ya.” pagkekwento ko.

Hindi nagsalita si Coke at mukhang nag-aabang lang sa pagpapatuloy ko.

“Mayaman s’ya at ang kinalakihan n’yang pamilya. I’m sure alam mo ’yon. Pero dahil sa tinutulungan ko s’yang tumayo sa sarili n’yang mga paa, nandito s’ya ngayon at pinasok ang pagmomodelo. Dahil gusto n’yang may mapatunayan sa sarili n’ya. At dahil din iyon sa pagbibigay ko ng payo sa kanya.” huling bahagi ng pagmamalaki ko sa kanya.

“Stop bragging like you were the reason why Rigo is here.” reaksyon n’ya.

Ngumisi ako at muli ko s’yang tiningnan. Titiisin ko na lang ang pagkaumay ko sa kanya.

“Why? Scared of hearing the fact? Na kapag inutos ko kay Rigo na iwanan ang pagmomodelo, gagawin n’ya ’yon ng walang pagdadalawang-isip?” tanong ko sa kanya.

Hindi s’ya nakapagsalita at hanggang ngayon ay nagtataka pa rin s’ya. Mukhang hindi naniniwala.

Dito na ako mas ginanahan na magyabang sa kanya.

“Remember eight months ago? Dapat may meeting s’ya with the bosses ng isang famous perfume brand dito sa Pilipinas? He cancelled it dahil sinabi ko. It is a once in a lifetime opportunity para sa isang model. Pero dahil sa kailangan ko s’ya, napunta ang offer na ’yon sa kalaban n’yong agency.” mahaba kong pagbabahagi.

Mula sa pagtataka ay napalitan ng galit ang mukha ni Coke.

At dahil ramdam ko na ang tagumpay ko ay mas lalo ko pang ginalingan ang pang-aasar ko.

“At last year naman, he was supposed to attend the victory party ng malaking show n’yo. Nagpunta ba s’ya? Hindi ’di ba? Kasi it was the same day of my simple birthday party. Yes, simple lang ’yon compare sa malaking party n’yo. Pero sino bang na-priority n’ya? Kayo ba?” sunod ko pang pagbubunyag.

Lalo nang hindi nakapagsalita si Barney, este, si Coke. Mukhang nare-realize na n’ya ang mali n’ya para kalabanin ako.

“Kaya, if I were you, pasalamatan mo na lang ako. Kasi kung hindi mo ako titigilan, baka mawalan ka ng best asset o talent mo?” pagbabanta ko na sa kanya ngayon.

Tigilan n’ya ako. Alam kong malaking kawalan sa kanya si Rigo dahil malaki ang kinikita n’ya rito.

“That will never happen.” madiin n’yang sambit.

Mas niluwagan ko ang pagkakangiti ko.

“Let’s see.” sagot ko naman sa kanya.

Dambuhalang ’to. Dapat nagpakwento muna s’ya kay Rigo kung ano ako sa buhay nung tao. Para naman hindi s’ya napapahiya ng ganito.

Matapos ang sagutan naming iyon ay umayos s’ya ng pagkakaupo. Ako naman ay pinili na lamang na ibalik ang sarili ko sa aking telepono para maghanap naman ng iba ko pang magagambala.

Inisa-isa ko ang mga kaibigan namin ni Rigo. Lahat sila ay nakaranas ng pang-aasar ko.

Mayroong kunwari ay nagagalit ako kahit hindi. Mayroong tinatanong ko kung bakit bilog ang mundo. Hindi rin nakaligtas sa akin si Nanay Elise dahil tinanong ko kung ano ba ang nauna. Ang itlog ba o ang manok? Pati ang best friend kong si Xander ay tinanong ko kung masarap ba ang asawa n’ya. Kaso ako na lang ang sumuko sa pakikipagtext dahil ang isang tanong kong iyon ay nasundan ng labing-limang text bilang pagsagot n’ya. Masyado kasing proud sa asawa n’ya kaya ganado ang pagtetext kahit pa alam kong nasa conference meeting din s’ya kagaya ni Tom.

Mga walang kakwenta-kwentang tanong para lang mawala ang inis ko sa pakikipag-usap sa manager ni Rigo.

Pero dahil iilan lang naman ang kaibigan ko at mahal sa buhay ay mabilis na naubos iyon. Ang ilan naman ay hindi pa nakakapagreply dahil busy siguro sa trabaho.

Siguro ay umabot din ako ng halos isang oras sa pakikipagtext. Pero nang muli kong balikan ng tingin si Rigo ay kapapalit lamang nito ng bago n’yang outfit para sa next session ng kanyang pictorial.

Ganito pala talaga ka-in demand ni Rigo. No wonder kilala na s’ya sa Pilipinas.

“Ugh! I’m bored!” pabulong kong sambit.

Kung bakit ba naman kasi pumayag ako sa usapan namin ni Rigo na susunduin ko s’ya at sabay na kaming uuwi hanggat nagpapa-therapy ako. Dapat pala ay sa restaurant na lang ako naghintay.

Dahil sa kailangan kong magpatay ng oras habang hinihintay si Rigo ay iginala ko na lamang ang paningin ko sa paligid. Kailangan kong aliwin ang sarili ko. Ngunit nadismaya lamang ako dahil iilan na lamang ang natirito. Ang ilan yata ay umuwi na dahil tapos na ang kanilang trabaho.

Napalingon ako sa aking kaliwa at saglit na natulala. Matapos iyon ay gumuhit ang ngiti sa labi ko.

“Kung sineswerte ka nga namang kumag ka.” sambit kong mahina.

Nakita ko ang pagkakahimbing ng manager ni Rigo na nakaupo rin sa sofa na inuupuan ko. Halos tumulo na ang laway nito dahil sa kanyang pagtulog.

Muli kong iginala ang paningin ko, nagmamasid kung may makakakita sa gagawin ko.

At viola! Busy ang mga taong natitira sa loob ng kwartong ito.

Naghanap ako ng maaari kong magamit sa pakikipaglaro ko sa dambuhalang manager ni Rigo. S’ya ang naisip kong paglaruan dahil sinubukan n’ya akong inisin kanina.

Natagpuan ko ang isang ruler malapit sa aking pwesto at nakangiti kong inabot iyon.

Para akong nanalo sa lotto dahil sa nararamdaman kong saya. Ngayon na kasi masasagot ang matagal ko nang itinatanong kay Rigo pati na rin sa sarili ko.

Bakit kaya laging may scarf ang manager n’yang ito?

Lagi kong kinukulit si Rigo tungkol dito pero tinatawanan lang n’ya ang tanong ko. Mayroong sasabihin n’yang, bakit hindi na lang daw ako magtanong ng personal sa manager n’yang ito. Mayroon namang, sikretong malupet lang ang isinasagot n’ya.

Hindi talaga ako matahimik dahil sa tuwing makikita ko sila sa TV ay hindi nawawala ang makulay nitong scarf. Kahit kailan ay hindi n’ya iyon tinanggal kahit na tirik na tirik ang araw at naliligo na s’ya sa pawis.

Inayos ko ang aking sarili at dahan-dahang gumalaw para makalapit pa kay Manager Dumbo. May pa-Coke-coke pa s’yang nalalaman na screen name n’ya, mas bagay talaga ang Dumbo, promise!

Nang makuha ko ang tamang pagitan namin ay inangat ko ang aking kamay na may hawak na ruler. Naging maingat ako sa paglagay ng dulo ng ruler sa scarf na nasa kanyang batok. Baka kasi magising ang dinosaur na ito at magwala na lang bigla. Hindi ko pinangarap na makain ng isang mamaw.

Walang kaba akong nararamdaman kapag ginagawa ko ang bagay na ito. Sa katunayan ay nae-excite pa ako.

Dahan-dahan ay sinilip ko ang nagkukubli sa likod ng scarf n’yang iyon gamit ang ruler. Gusto kong makumpirma kung tama nga ba ang hinala ko sa kanya.

At nang mapagtagumpayan kong masilip ang ang nasa likod ng scarf n’yang iyon ay gumuhit ang pagngisi sa akin.

Kumpirmado. Kaya pala Coke ang pangalan n’ya ay dahil kulay Coke ang batok n’ya.

“Gusto kong picturan.” mahina kong sambit habang patuloy na tinititigan ang batok n’yang iyon.

Ngunit habang nasa ganoon akong tagpo ay nagulat ako nang may biglang humawak sa kamay ko na pinangsusungkit ko sa scarf ni Manager Dumbo.

“Huy! Ano ba ’yang ginagawa mo? Mamaya magising ’yan!” pag-awat nito sa akin.

Ibinaba ko ang aking kamay na may hawak na ruler at inikot ko ang mga mata ko.

Istorbo. Nakikipaglaro ako tapos dumating pa ’tong Vinci na ’to.

Bumalik ako sa aking pwesto kanina habang dismayado ang aking ekspresyon. S’ya naman ay umupo sa pagitan namin ni Manager Dumbo.

Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa. At ilang saglit pa ay lumapit s’ya para ako ay bulungan.

“Ikaw naman kasi, Liam. Dapat tinawag mo ako para natulungan kitang mapicturan ang batok ni Coke. Edi sana hindi ka na nahirapan na kumuha pa ng ruler!” masaya n’yang bulong sa akin.

Dahil sa aking narinig ay nilingon ko s’ya. At kahit hindi ko gustuhin ay nagawa kong matawa sa sinabi n’ya.

Mukhang magkakasundo kami ng mokong na ’to. Mukhang pareho kami ng kalokohan sa buhay.

“Tapos ka na sa pictorial mo?” tanong at pag-iiba ko ng usapan habang nakangiti ako.

Umayos rin s’ya ng pagkakaupo.

“Oo, kanina pa. Sisiw lang naman eh.” pagyayabang n’ya.

“Tss! Hangin mo brad ah. Newbie ka lang din ’di ba?” tanong ko sa kanya.

Mas lalo s’yang ngumiti.

“Nope! Model na ako noong nasa US pa lang ako, kaya nga madali akong nakapasok dito sa agency na ’to. Pero I need to start from the scratch dahil mas pinili kong magpa-under sa mga seniors ko kagaya ni Rigo. Mas expert naman talaga s’ya kumpara sa akin nung nasa US pa ako. Pareho rin s’ya ng mga seniors ko doon, very professional at mababait sa mga juniors n’ya. Marami akong gustong matutunan sa mga kagaya n’ya.” mahaba nitong sagot habang nakangiti.

I can feel his sincerity sa mga sinabi n’ya. Mukhang mabait naman ang lalaking ito.

Tanging marahang pagtango lamang ang naitugon ko. Pang-beauty contest kasi ang sagot n’ya. Sige, s’ya na ang panalo.

“Teka. Maiba tayo, Liam. Hindi ka na ba bumalik sa lugar natin? Kailan ka pa dito sa Manila?” masaya n’yang tanong.

Muling nagbalik ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko nagawang makapagsalita.

Mukhang nakuha n’ya ang bigat ng sitwasyon. Mabilis n’yang binawi ang kanyang pagkakangiti at naging malungkot ang kanyang ekspresyon.

“S-sorry. Alam ko naman ang nangyari sa’yo noon pero heto pa rin ako at nagtatanong. S-sige, hindi ko na uungkatin ’yon.” nahihiya at malungkot n’yang sambit.

Nangunot ang aking noo. Bakit parang ang daming alam ng lalaking ito sa akin? Pero bakit hindi ko maalala na minsan na kaming nagkita?

Napahinga ako ng malalim. Paano nga naman mangyayari na maaalala ko s’ya kung wala naman akong kaibigan kahit isa man sa mga kapit-bahay namin noon?

Ilang minuto siguro kaming natahimik na dalawa. Hindi ako nangahas magtanong ng kahit na anong bagay mula sa kanya. Natatakot kasi akong baka mauwi na naman ang aming usapan sa naging buhay ko noon sa aming lugar.

Ngunit makalipas ang ilang minutong iyon ay kung ano-ano na ang kanyang mga ikinekwento. At ang nakakatuwa pa ay hindi ito konektado sa nakaraan ng aming buhay. Puro ito tungkol sa kalokohan n’ya sa buhay na ikinaaliw ko.

Tama nga ako, pareho kaming maloko. Pero sa tingin ko ay mas mabait pa rin s’ya kumpara sa akin. Kapilyuhan lang kasi ang alam n’ya, ako kasi ay lahat na yata ng klase ng pagiging salbahe.

Dahil sa pagkaaliw ay hindi ko na naiwasan ang makisabay sa kanya. Naikekwento ko na rin ang mga kapilyuhang nagawa ko na. Mahina lamang ang aming boses at kung minsan ay kailangan pa naming magbulungan dahil baka magising si Manager Dumbo sa aming tabi. Tawa pa kami ng tawa dahil tinatawag n’ya na rin itong Manager Dumbo ngayon.

Mabilis kaming nagkapalagayan ng loob dahil sa pagkakapareho ng aming ugali. Nagbigayan na rin kami ng kanya-kanyang contact number para sakaling may kakatuwang krimen s’yang gagawin ay maibabalita n’ya iyon sa akin. Nagbilin din s’ya na kung may maisip akong bagong bibiktimahin ay tawagan ko raw s’ya para may karamay daw ako sakaling mabuking ako. Wala akong maisagot sa kanya kundi puro pagtawa dahil sa mga naisip n’ya.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagtawa ni Vinci ay napatigil kami dahil sa isang pagsigaw.

“Rigo, ano ba?! Ano bang nangyayari sa’yo?! Kanina pa tayo dito pero hindi mo makuha ang tamang pinapagawa ko sa’yo!” ang photographer pala na naka-assign kay Rigo.

“S-sorry.” paghingi naman ng tawad ni Rigo.

Dahil sa pagsigaw ng photographer ay nagising din si Manager Dumbo. Mabilis itong lumapit sa pwesto nina Rigo kahit na may tuyong laway pa yata s’ya sa kanyang pisngi.

Kami naman ni Vinci ay tahimik lamang silang pinagmamasdan.

“Ano bang nangyayari? Bakit may pagsigaw sa alaga ko?” nakataas na kilay na tanong ni Manager Dumbo sa photographer.

“Kausapin mo ’yang alaga mo. Simpleng instruction hindi makuha. Ang sabi ko, happy expression! Nae-excite! Para ’to sa summer collection ’di ba?! Eh ang ginagawa n’ya, fierce! Kanina pa salubong ang kilay! Kanina pa masama ang tingin! Nasasayang ang oras natin pare-pareho kung ganyan s’ya!” hindi na rin napigilang pagsusungit ng photographer.

Hindi na nakapagsalita pa si Manager Dumbo.

“Magbreak na nga lang muna tayo! Magpapahangin lang ako, umiinit talaga ang ulo ko!” sambit pa ulit ng photographer at mabilis na umalis sa pwesto.

Matapos iyon ay nakita namin na pinagsasabihan ni Manager Dumbo si Rigo sa mahinahong paraan. Nakikiusap yata na ayusin ni Rigo ang trabaho n’ya.

Trabaho nila ito, gusto ko man tanungin si Rigo ay wala akong karapatan. Hindi ko sila pwedeng pakialaman.

“Liam, gusto mo bang sumama munang kumain? Hindi ka ba nagugutom? Ako kasi nagugutom na kanina pa eh.” biglang tanong ni Vinci sa akin.

Tumayo na s’ya sa kanyang pwesto at hinihintay ang sagot ko. Mukhang gustom na nga talaga s’ya. Kung sabagay, ako rin naman. Nakakaramdam na rin ako ng gutom dahil kanina pa kami rito. Ginutom din ako dahil parang malutong na lechon si Manager Dumbo sa paningin ko.

Sasagot na sana ako na gusto ko na rin kumain ngunit naalala kong sinabihan nga pala ako ni Rigo na ’wag aalis dito. Kaya naman muli kong nilingon si Rigo upang makapagpaalam man lang sa pamamagitan ng tingin.

Kaso lang, nang magtagpo ang aming mga mata ay nabuo ang desisyon ko.

Hinarap kong nakangiti si Vinci.

“Ah… sige, Vinci. Ikaw na lang ang kumain. Busog pa naman ako.” pagsisinungaling ko.

“Sure ka?” paninigurado pa n’ya.

“Oo naman!” paniniguro ko na purong kasinungalingan.

“Okay… Sige, babalik na lang ako. Coffee? Gusto mo bang dalhan na lang kita?” alok n’ya pa.

Umiling ako.

“No, thanks. Okay lang ako, sige na.” sagot ko.

Tumango-tango na lang s’ya bilang pagtugon at umalis na rin sa aking harapan.

Nang balikan ko ng tingin si Rigo ay nanlilisik pa rin ang mga mata n’ya sa aking nakatingin.

Punyeta. ’Yang mga ganyang tingin n’ya ang hindi ko gusto. Kaya hindi na rin ako sumama kay Vinci dahil may bahid pagbabanta ang tingin n’yang iyon.

Sa halip na patulan ang pakikipagtitigan sa kanya ay kumuha na lamang ako ng magazine na nagkalat sa maliit na mesang nasa harap ko. At kung mamalasin ka nga naman puro pictures pa rin ni Rigo ang mga naririto.

Mga naka-brief, topless, at mayroon ding nakalatikod s’ya na walang kahit ano mang takip sa katawan.

Naisip kong hindi pala kamalasan iyon. Swerte pala ako dahil sa mga magazine na ito. Nakikita ko si Yummy Rigo.

Nakaramdam na naman ako ng pagnanasa sa kanya. Ang gwapo-gwapo at ang ganda talaga ng katawan n’ya. Akalain mong nalibot na ng dila ko ang bawat parte n’yang iyon?

Hindi ko tuloy naiwasan ang manggigil. Mabuti na lang at walang nakatingin sa akin sa mga oras na ito nang tingnan ko ang paligid. Maski si MJ ay hindi ko na rin makita sa mga oras na ito. Mabuti naman, para ako na lang ang maganda sa kwartong ito.

Nagbalik ang photographer at itinuloy na ang naantala nilang pictorial. Si Rigo naman ay mukhang handa na rin dahil nasusunod na n’ya ang instruction sa kanya.

Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagbubuklat pa ng maraming magazine. S’yempre, mga magazine lang na si Rigo ang laman. Wala akong pakialam sa iba.

Hindi na rin nagbalik pa si Vinci dahil may emergency raw na kailangan s’yang puntahan. Nakatanggap kasi ako ng text sa kanya na kahit ang pagkain ay hindi na n’ya nagawa. Natawa pa ako nang sabihin n’yang may tropa raw s’yang broken hearted ngayon. At pinaplano n’yang udyukan na magbigti na lang. Baliw talaga.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na tumitingin sa mga pictures ni Rigo sa mga magazine habang laway na laway ako. Naputol na lamang ito nang may makita akong pares ng sapatos sa aking harapan.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko hanggang sa magtagpo ang mata namin ng taong nasa harap ko.

“Tara na.” seryosong pagyaya sa akin ni Rigo.

Ano bang problema nito? Damay-damay porket pinagalitan ng photographer?! Hindi na ’to tama ah!

Dahil sa likas na matigas ang ulo ko ay tinaasan ko lang s’ya ng isang kilay. Hindi ako sumagot at hindi ako umalis sa pagkakaupo. Akala n’ya siguro magpapasindak ako sa kanya.

Asa s’ya!

“Tatayo ka ba d’yan o hihintayin mong sumigaw ako dito?! Isisigaw ko kung ano tayo!” pagbabanta n’ya sa madiin at gigil na gigil na tono.

“Sabi ko nga aalis na tayo ’di ba? Bilisan na natin.” mabilis kong sagot at tumayo na para sundan s’ya.

Peste! ’Pag itong lalaki na ’to ang nag-utos nawawala ako sa katinuan eh. Susunod na lang ako dahil kilala ko ’to. Kahit napapasunod ko s’ya sa marami kong kagustuhan ay hindi ako makapalag sa kanya kapag galit na s’ya.

Hindi na kami nagpaalam sa ibang naiwan sa silid na iyon dahil mabilis si Rigo sa paglalakad palabas. Ako naman ay sumusunod lamang sa kanya ng tahimik.

Punyeta. Ayokong nagmumukhang aso na sunod ng sunod sa kanya pero hindi ako makapagreklamo ngayon. Baka mag-away na naman kami nito.

Inisip ko na lamang ang mga pictures n’ya na nakita ko kanina sa magazine para naman hindi ako mainis at mainip sa nangyayari sa amin ngayon. Paano kaya ako makakakuha ng mga pictures n’yang ’yon nang hindi n’ya malalaman? May copy kaya s’ya ng mga iyon sa laptop n’ya? Ipa-print ko kaya ng malaki tapos ilagay ko sa kwarto ni Nanay Elise?

Natawa ako ng mahina nang maisip ko ang bagay na iyon. Nai-imagine ko kasi si Nanay Elise na gulat na gulat sakaling makita n’yang may malaking hubad na poster ni Rigo sa kanyang kwarto.

Dahil sa ginawa kong pagtawa ay huminto si Rigo at nilingon ako. Pati tuloy ako ay napahinto sa pagtawa at paglalakad. Nasa unahan ko kasi s’ya.

Nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ang ginawa ko? Pinaamo ko ang mukha ko at nagpanggap na inosente. Kunwari anghel ako kahit alam kong hindi naman sa akin bagay.

Walang sinabi si Rigo. Nakatitig lang s’ya sa akin at hindi ko alam ang nasa isip n’ya sa mga oras na ito. Sana nga lang ay iniisip n’yang ang ganda-ganda ko.

Nagtitigan kami gamit ang dila, este, mata. Pero matapos iyon ay muli n’yang ibinalik sa unahan ang kanyang sarili at ipinagpatuloy ang paglalakad.

May topak talaga ’tong lalaking ’to. Akala ko ba ako ang may saltik sa aming dalawa?

Nang makarating kami sa aking kotse ay s’ya na rin ang kumuha ng susi mula sa aking bulsa. Umaasa pa naman ako na laliman n’ya pa ang paghugot nito sa aking bulsa para makiliti ako, pero padabog n’ya iyon na ginawa. Sayang naman.

Nagsimula kaming magbyahe at binalot kami ng katahimikan. Salubong pa rin ang kanyang kilay habang nagmamaneho. Tulad ng nakasanayan ko ay hindi ko na s’ya tinanong kung anong problema n’ya. Alam ko naman na mamaya ay masasabi n’ya rin ito kahit hindi ko tanungin. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagbabalik tanaw sa kanyang mga pictures kanina.

Ang hot n’ya kasi.

Gabi na nang makarating kami sa aking condo. Dito s’ya matutulog hanggat nagpapatherapy ako. Isa pa rin iyon sa aming napagkasunduan.

Hindi s’ya gumalaw nang mapatay n’ya ang makina ng aking kotse. Nakatingin pa rin s’ya sa unahan kahit wala s’yang natatanaw kundi ang pader ng parking lot. Napansin ko rin na mas naging mahigpit ang pagkakahawak n’ya sa manibela kahit hindi na s’ya nagda-drive. At ang kanyang mga ngipin, magkadikit na tila nagpipigil ng galit.

Hindi rin ako gumalaw. Naghihintay ako sa pagkilos n’ya at kung may sasabihin ba s’ya. Nakatingin lang ako sa kanya at pinagmamasdan ang gwapo n’yang mukha.

Ang sarap n’yang  kagatin talaga.

Ilang sandali pa ay dahan-dahan n’ya akong nilingon habang salubong pa rin ang kilay n’ya. Nagkatitigan kami ngunit walang nagsasalita.

Gusto ko sanang magbiro na parang may spark akong nakikita sa paligid namin. Kaso baka lalo lang s’yang magalit. Tumahimik na lang ako.

Ilang sandali pa ay nagulat ako nang mabilis s’yang kumilos at hinatak ang batok ko. Nanlaki ang mga mata ko nang simulan n’yang akong halikan ng madiin. Hawak n’ya rin ng mahigpit ang isa kong braso. Hindi ako makagalaw, malaking tao s’ya kumpara sa akin.

Pero sa halip na magreklamo ako ay tinugunan ko na lamang ang halik n’yang iyon. Madiin at mapusok. Dama ko ang pagnanasa. Nakakagat namin ang labi ng bawat isa. Halos pareho kaming naghahabol ng hininga dahil sa mainit naming paghalik.

Ilang saglit pa ay naramdaman kong ibinaba n’ya ang sandalan ng aking inuupuan. Dahilan iyon para mapahiga ako habang nasa ibabaw ko naman s’ya. Nangyari iyon nang hindi napapatid ang paghahalikan naming dalawa.

Mabuti na lamang at walang ibang tao dito sa parking lot ng condo building. Walang makakakita sa milagro namin.

Napasinghap ako nang ibaba n’ya ang kanyang halik patungo sa aking leeg. Madiin at puno ng pananabik. Nasasaktan ako pero mas nangingibabaw ang sarap na nararamdaman ko. Wala akong magawa kundi ang mapapikit habang naglalabas ako ng mahihinang mga pag-ungol.

Hindi pa s’ya doon nakuntento. Mabilis n’yang tinanggal ang bawat butones ng polo ko at hinalikan ang bawat parte ng aking dibdib hanggang sa tiyan pati ng bewang ko. Mas naging madiin pa ang kanyang paghalik lalo na sa aking dibdib. At sa paraan ng mga paghalik n’ya ay alam kong magmamarka ang mga iyon.

Bawat pagpisil n’ya rin sa aking balat ay dama ko ang panggigigil at pagkasabik.

Pinagsawa n’ya ang kanyang sarili hanggang sa makuntento s’ya. Muli n’yang iniangat ang kanyang ulo upang magtagpo ang aming mga mata. Ilang pulgada lang din ang layo ng aming mukha.

Habol ang aming mga hininga dahil sa naganap ay nagsimula kaming mag-usap sa pamamagitan ng aming mga mata. Nakikita ko ang pinaghalong galit at pagmamahal sa kanyang magagandang pares ng paningin.

Ilang sandali pa ay huminga s’ya ng malalim at saglit na pumikit. Alam kong may pinipigilan s’yang sabihin sa mga oras na ito.

“Marami akong gustong sabihin sa’yo, Randy. Marami akong gustong ipagbawal. Marami akong gustong gawin sa pagitan nating dalawa. Pero sana sa ganitong paraan, maramdaman mo kung ano ang ayaw at gusto ko.” madiin n’yang paglilitanya.

Para akong nahipnotismo sa paraan ng pagsasalita at pagtitig n’ya sa akin. Hindi ako makapagsalita at hindi ako makagalaw.

“Hindi nga kita pag-aari. Pero sa mga markang iniwan ko sa’yo, gusto kong ipaalam sa lahat na walang pwedeng humawak sa’yo. Walang pwedeng dumikit. Walang pwedeng umangkin.” madiin n’ya pa ring sambit at saglit na tumigil.

“Ako lang, Randy Liam! Ako lang dapat!” mas madiin n’ya pang dugtong.

Dahil sa kanyang sinabi ay parang nakaramdaman ako ng pagsabog ng fireworks sa dibdib ko. Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa kanya.

Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa labi ko habang diretso akong nakatingin sa kanya.

Wala akong salitang binigkas. Inangat ko ang aking mga palad at inilagay iyon sa magkabilang pisngi n’ya. At mula sa ilang pulgadang pagitan ng aming mga mukha at panaliit ko iyon. Iginaya ko s’ya papalapit sa akin hanggang sa magsalubong muli ang aming mga labi.

Iginawad ko ang masuyo kong paghalik sa kanya. Kung kanina ay puno ng pagnanasa, ngayon ay pinaramdam ko sa pamamagitan ng aking banayad na paghalik ang sagot ko sa kanyang mga sinabi.

Sa bawat pagdampi ng aming mga labi ay ramdam ang pag-aalaga at pagbibigay mensahe sa bawat isa na walang dapat na ipag-alala.

Hanggat nariyan s’ya ay naririto rin ako para sa kanya.

Sa kanya lang ako at akin lang s’ya.

Makalipas ang ilang sandali ay naghiwalay ang aming mga labi. At nang magtagpo ang aming mga mata ay pareho nang may matatamis na ngiti sa aming dalawa.

Sa mga tinginan naming iyon ay nakakapag-usap na rin kaming dalawa. Idinikit n’ya ang kanyang noo sa aking noo at nagpakawala ng mahinang pagtawa.

“Akala ko mababaliw na ako kanina. Buti kinaya ko pa.” natatawa n’yang sambit.

Ang slow ko. Ngayon ko lang napag-isip-isip na may kinalaman pala ito sa pakikipag-usap ko kay Vinci kanina. Ganito kasi si Rigo kapag may ibang tao ang kumakausap sa akin na hindi ko naman gaanong kilala. Dahil hindi normal sa akin ang makipag-usap kung kani-kanino kaya nanibago s’ya kanina nang makitang nagkakatuwaan kami ni Vinci.

Mabilis s’yang umangat upang maghiwalay ang aming mga katawan. Muli n’yang ibinalik ang pagkakabutones ng aking polo. At nang masilip ko ang aking katawan habang ginagawa n’ya iyon ay nakita ko ang mga markang iniwan n’ya.

Leche, ang dami kong hickey.

“Tara na. Alam kong nagugutom ka na. Tumawag na ako kanina kay Nanay Elise na lutuin ang paborito mong pagkain para sa dinner.” nakangiti n’yang pagyaya matapos ikabit ang mga butones ng polo ko.

Tumayo na rin ako mula sa pagkakahiga. Nagawa n’ya pa akong tulungan. Babaeng-babae talaga ako ’pag ginagawa n’ya sa akin ang mga bagay na ito.

“May pagdrama ka pa kasi kanina kaya natagalan tayo sa photoshoot mo.” paninisi ko sa kanya na may halong pagbibiro.

Tinawanan lang ako ng loko.

Mabuti naman at hindi na masama ang mood n’ya. Nagagawa n’ya nang tumawa.

Nang masigurong maayos na kaming dalawa ay sabay na rin kaming lumabas ng kotse. Naglakad kaming nagkakatuwaan na parang walang kababalaghang naganap kani-kanina lang.

Si Rigo lang ang kaya akong pasunurin kahit wala pa s’yang inuutos. S’ya lang ang kaya akong kausapin sa pamamagitan ng mga mata. S’ya lang ang kaya akong kausapin sa paraan na mapapapayag na lamang ako.

S’ya lang at wala nang iba.

Dahil iba s’ya sa lahat. Iba s’ya at hindi ko maikukumpara kahit na kanino.

Tanging s’ya lang.

Si Rigo lang.


A/N

Medyo mahaba na rin ’to. Pasensya na kung natatagalan ang update ko, sobrang busy lang po talaga. Isa na rin po kasi ako sa admin ng 

lgbtPH

 bilang isang artist na gumagawa ng book covers. (pa-follow na rin po, guys. Para updated kayo sa mga stories at kaganapan sa WATTPAD LGBT dito sa Pilipinas). Kaya kung may mga manunulat sa inyo d’yan na nahihirapang gumawa ng book cover, pwede po kayong magrequest sa amin at libre po iyon. Yes, walang hinihinging bayad. Pumunta lang po kayo sa 

lgbtPH

 at naroroon ang book na “LGBT PH BOOK COVER SHOP”.

Mayroon din kaming Facebook Group. Pakihanap lamang po ang WATTPAD LGBT PH OFFICIAL at doon n’yo makikita ang mga kaganapan sa Wattpad LGBT dito sa Pilipinas. Ganoon din ang mga paborito n’yong LGBT Wattpad Authors, doon n’yo sila makakausap at makikilala.

So paano po? Feel you next chapter guys!

Maraming salamat po sa pagbabasa! Mahal ko kayo!

––cold_deee

chapter 5

A/N

Hello hello!! Magiging active na ulit! (huhu.. sana nga.. hahahaha!) Ayoko na patagalin!

Para po kay Sir

Adamant

ang chapter na ’to. Woi! Aminin! Marami ang nakakakilala sa kanya dito. Hahahaha! ’Yan ang gabay naming mga baguhan eh. Ngayon lang ulit ako makakapagpasalamat, Sir

Adamant

! Thank you sa lahat!

Ayun lang po.

Enjoy reading mga mahal ko!

––> si Tita Eve sa media. Sino s’ya? Kilalanin sa susunod na kabanata. Chos!


RANDY’s POV

Wala akong kibo habang nakatitig sa aking kape na ngayon ay malamig na sa mga oras na ito. Walang bawas at tanging pagtitig lamang ang nagawa ko rito simula nang orderin ko ito.

Naririto ako sa isang coffee shop upang katagpuin ang isang tao na ilang taon nang sinusubaybayan ang bawat kilos ko.

Gustuhin ko man na hindi s’ya siputin ay wala akong magagawa. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at sa asawa n’ya. Sila ang may-ari ng eskwelahang pinapasukan ko noong college ako at nagbigay sa akin ng pagkakataon para makapagtapos ng pag-aaral. Malaki ang naiambag nila upang marating ko ang kinaroroonan ko ngayon.

Natigilan ako sa mahabang pag-iisip nang marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan.

“Randy, dear.” sambit nito at nilingon ko.

Saglit akong napatitig sa kanya bago ko nagawang bigkasin ang pangalan n’ya.

“T-tita Eve.” alanganin kong pagbati sa kanya.

Nakatingala ako sa kanya dahil nakatayo s’ya sa gilid kung saan ako nakaupo.

Ganoon pa rin s’ya, maganda at sopistikada. Nagdaan man ang maraming taon ay napanatili nito ang kanyang ganda kahit may edad na s’ya. Hindi na rin naman nakakapagtaka iyon dahil mayaman sila at tanyag sa larangan ng showbiz at architecture business.

Kung tumanda kaya ako? Ganyan din kaya ako kaganda?

Ngumiti s’ya sa akin. Ngiting alam ko naman ay sinsero.

“Hindi mo man lang ba ako hahalikan sa pisngi bilang greetings? Matagal tayong hindi nagkita. Matagal na kayong hindi napapadalaw sa mansyon ng mga kaibigan mo.” mungkahi nito.

Doon lamang ako natauhan. Mabilis akong kumilos upang ibigay ang pagbating tinutukoy n’ya.

“S-sorry po.” nahihiya kong paghingi ng dispensa matapos ko s’yang halikan. Niyakap ko rin s’ya upang maramdaman n’ya na natutuwa akong makita s’yang muli kahit may pag-aalinlangan ako.

Narinig ko ang kanyang pagtawa ng mahina habang yakap ko s’ya.

“Nagbibiro lang naman ako, hijo. Masyado ka kasing tensed.” wika n’ya.

Mabuti naman at alam n’ya. Sa tuwing magkikita kami ay iisa lang ang nararamdaman ko. Ninenerbyos ako.

Ninenerbyos ako dahil alam ko na ang dahilan kung bakit magkikita kaming muli ngayon.

Nang maghiwalay ang aming katawan ay hinawakan n’ya ako sa isang pisngi.

“Gwapo ka pa rin, hijo. Pareho kayo ng mga kaibigan mong sina Xander at ng pamangkin kong si Rigo. ’Yung anak ko lang ang feeling gwapo sa inyo.” wika n’ya at natawa.

Kahit ako ay napangiti dahil sa pagtukoy n’ya sa anak n’yang si Dom, ang pinsan ni Rigo.

Hindi ko na s’ya nayaya pang umupo dahil mabilis din n’yang tinungo ang tapat ng mesa kung saan ako nakapwesto. Agad n’ya ring tinawag ang waiter upang kunin ang kanyang nais na orderin.

Inihanda ko na ang sarili ko, inihahanda ko na ang mga isasagot ko habang kausap n’ya ang waiter. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa labis na kaba.

Wala akong masasabi sa kabaitan ni Tita Eve, pareho silang mag-asawa. Hindi na ako nagtataka dahil napalaki n’ya ng maayos ang kanyang anak na si Dom pati na rin ang pamangkin n’yang si Rigo.

“So, kamusta ka na Randy?” tanong n’ya agad sa akin pagkaalis na pagkaalis ng waiter.

“O-okay lang naman po.” utal kong pagsagot.

Kapag s’ya na ang kaharap ko, tumitiklop ng kusa ang demonyitong buntot ko.

Nagbitaw s’ya ng matamis na ngiti.

“Mabuti naman kung ganon. Masaya akong malaman ’yan.” nakangiti n’yang sambit.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko magawang kamustahin s’ya pabalik.

Dahil sa pananahimik ko ay muli s’yang nagbukas ng panibagong topic.

“Balita ko, isa ka na sa mga nagma-manage ng restaurants at hotel business ng kaibigan n’yong si Xander?” tanong n’ya sa akin.

Nagbigay ako ng tipid na ngiti.

“Opo, sa akin n’ya ipinagkatiwala ang dalawa n’yang restaurant. Ako na rin po ang consultant n’ya sa hotel.” sagot ko sa kanya.

Mas lumawak ang kanyang pagkakangiti. Alam kong masayang-masaya s’ya sa kaganapan sa buhay ko ngayon.

“Masayang-masaya ako dahil nagbunga na ang mga pinaghirapan mo. Siguro naman ngayon kuntento ka na? Kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa.” nakangiti n’yang pagsasalita.

Alam kong sa likod ng mga salitang iyon ay may mas malalim pa itong kahulugan.

Hindi ko magawang sagutin ang bagay na iyon. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na kahit narating ko na ang ganitong estado ay may kulang pa rin sa akin.

Dahil sa hindi ako makasagot ay bahagya s’yang lumapit. Hinawakan n’ya ako sa isang kamay na nakapatong sa aming mesa.

“Masyado ka namang seryoso, Randy. ’Wag kang mag-alala, magkekwentuhan lang naman tayo.” wika n’ya.

Hindi ako nakasagot dahil alam kong may pahabol pa s’ya.

“You know? Just like the old times.” una n’yang sambit at saglit na tumigil. “And we’ll discuss the same old topic.” sunod n’yang sambit.

Hindi nga ako nagkamali. Tungkol pa rin iyon sa bagay na matagal n’ya nang sinasabi sa akin.

Ang bagay na nakakabingi sa aking pandinig.

Wala akong magawa kundi ang titigan na lang s’ya sa mata. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa mga maririnig ko.

Muli s’yang nagbalik sa pagkakaayos ng kanyang pagkakaupo.

“So, kamusta na kayo ng pamangkin kong si Rigo?” tanong n’ya sa akin.

Sa tono ng kanyang pananalita ay kailangan kong magpakita na hindi ako interesado. Na hindi ako apektado at hindi mahalagang bagay ang aming pag-uusapan.

Nagbitaw ako ng isang pagngisi. Ipinakita ko sa kanyang wala s’yang dapat ikabahala.

“Ganon pa rin po, walang nagbago.” una kong sambit habang nakangiti. “Magkaibigan pa rin po kami. Walang espesyal, walang kakaiba.” pagpapatuloy ko.

Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay ang tila pagtusok ng maraming karayom sa aking puso. Nasasaktan ako sa mga salitang binitawan ko.

Nakita ko ang kanyang pagngiti. Ngiting alanganin at tila hindi naniniwala sa naging pagsagot ko.

“Mukhang iba ang sinasabi mo sa nakikita ko sa inyong dalawa, Randy.” sambit n’ya habang umiiling.

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon. Nakalimutan kong matalino s’yang babae kaya hindi eepekto sa kanya ang galing ko sa pagsisinungaling.

Nagpatuloy s’ya sa kanyang sinasabi.

“Mas madalas nang sa’yo s’ya tumutuloy, sa bahay mo. Na kahit malaki ang bahay namin pati na ang kanyang kwarto ay mas pinipili n’ya pa rin manirahan sa condo mo.” una n’ya paliwanag.

Nanatili akong tahimik at naghihintay pa sa kanyang sasabihin.

“Sabihin mo nga Randy, magkaibigan pa ba talaga ang turingan n’yo?” tanong n’ya sa akin.

Kahit puno ng kaba ang aking dibdib ay ginawa ko ang lahat para ipakitang nagsasabi ako ng totoo, na wala kaming ibang relasyon ni Rigo kundi pagkakaibigan lang.

Nginitian ko s’ya.

“Tita naman, malinaw naman sa atin ang sinabi mo sa akin dati. Hindi ko makakalimutan ang pakiusap mo sa akin.” una kong sagot.

Huminga muna ako ng malalim dahil kailangan kong maging matatag sa mga salitang susunod kong sasabihin.

“Na hindi kami pwedeng magkaroon ng relasyon ng pamangkin mo. Na hindi ako pwedeng maging hadlang sa mga pangarap n’ya. Na gusto mong matupad n’ya ang munting pangarap n’ya……

……a-ang magkaroon ng sarili n’yang pamilya.“ pagpapatuloy ko sa pahina ng pahina kong boses.

Ito ang dahilan kung bakit kahit ilang beses na ipilit sa akin ni Rigo na maging opisyal kami ay madiin kong tinatanggihan.

Ito ang dahilan kung bakit kahit paulit-ulit na sinasambit ni Rigo kung gaano n’ya ako kamahal ay pinipili kong magbingi-bingihan.

Pinili kong isakripisyo ang kakulangan sa pagkatao ko para sa pangarap ni Rigo. Para sa pangarap n’yang makabuo ng pamilya na alam kong hindi ko kayang ibigay sa kanya.

Nakita ko ang paglawak ng kanyang pagkakangiti.

“Salamat, Randy. Salamat at naiintindihan mo. Maraming salamat.” nakangiti n’yang sambit.

Marahan na lamang akong tumango sa kanya. Pakiramdam ko ay ang bigat ng katawan ko na kahit ang pagtango ay nahihirapan ako.

Dumating ang waiter para ihatid ang kanyang inorder. Bahagya pa akong nagulat dahil inorderan n’ya rin pala ako ng panibagong kape. Siguro ay napansin n’yang hindi ko nagalaw ang kapeng inorder ko kanina.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin bago s’ya muling nagsalita sa malungkot na tono. Nakatingin s’ya sa labas ng glass window ng restaurant sa aming tabi nang simulan n’yang magkwento.

“Alam mo naman Randy kung gaano ko kamahal ang pamangkin ko. Gusto ko lahat ng pangarap n’ya matupad. Gusto kong mapasaya s’ya. Dahil simula pagkabata, puro kalungkutan na lang ang meron s’ya.” unang bahagi ng kanyang kwento.

Nanatili naman akong nakikinig lamang sa kanya habang patuloy rin na naninikip ang dibdib ko.

“Simula nang mamatay ang parents n’ya sa isang aksidente noong eleven years old pa lang s’ya, hindi ko na nakitang naging masaya si Rigo. Madalas n’yang kainggitan ang pinsan n’yang si Dom dahil buo ang pamilya n’ya, buo kami.”

“Madalas n’yang sabihin sa amin ng Tito n’ya na ’pag lumaki na raw s’ya, bubuo raw s’ya ng sarili n’yang pamilya. ’Yung kompleto at kasing saya ng pamilya namin. ’Yung may matatawag na Mommy at Daddy, ’yung may sarili s’yang anak at tatawagin s’ya ng paulit-ulit na Daddy. ’Yung makakasama n’ya ang kanyang magiging asawa hanggang sa pagtanda n’ya.” sunod-sunod n’yang pagkekwento.

Itinago ko ang aking mga kamay sa ilalim ng mesa. Hindi ko na nakontrol ang panginginig ng mga ito dahil sa mga naririnig ko.

Ilang beses ko na bang narinig ang kwentong ito? Maraming beses na. Simula pa noong kausapin ako ni Tita Eve at pinakiusapan na kung maaari ay ’wag na ’wag akong papayag na magkaroon kami ng relasyon ni Rigo.

Muli akong nilingon ni Tita Eve. Malungkot ang kanyang mga ngiti.

“Ang simple lang n’ya mangarap ’di ba? Ni hindi s’ya naghangad ng marangyang pamumuhay. ’Yung pangarap na maging isang tanyag sa larangan ng business kagaya ng parents n’ya noon.” tanong n’ya sa akin.

Ginawa ko ang makakaya ko para magbigay ng isang ngiti kahit nahihirapan ako.

Huminga ng malalim ang ginang at muling ibinalik ang pagtitig sa labas ng coffee shop. Muli s’yang nagpatuloy sa kanyang pagkekwento.

“Ganoon ang naging buhay n’ya Randy simula pagkabata hanggang sa mag-college s’ya. Pero simula rin noong mag-college s’ya, hindi ko na s’ya narinig pa na sabihin sa amin ang pangarap n’yang iyon. Hindi n’ya na inulit ang bagay na iyon…

….simula nang makilala ka n’ya.“ bigkas n’ya pa.

Siguro nga. Siguro nga ay kasalanan ko. Naging dahilan ako para kalimutan ni Rigo ang pangarap n’yang iyon.

“Hindi naman ako against sa ganyang relasyon, Randy. Hindi ako mapanghusga, hindi ako nangmamata. Masayang-masaya nga ako nang malaman kong ikakasal ang kaibigan n’yong si Xander at Tom.”

Muli n’ya akong nilingon.

“Pero ang kinakatakot ko, paano na ang pangarap ng pamangkin ko? Ang pamangkin ko na pinagkaitan ng sarili n’yang pamilya? Ng sarili n’yang kadugo? ’Yung pangarap na matatawag n’yang kanya lang?” tanong n’ya sa akin.

Gusto nang kumawala ng mga luha ko pero pinipigilan ko. Pakiramdam ko ay napakawalang halaga ko kay Rigo. Na ako lang ang magiging hadlang sa pangarap n’yang iyon.

Mahaba ang kanyang mga sinabi, pero kahit isang beses ay hindi ako nakatugon. Hindi ko magawang dumepensa o magrason. Dahil isang munting pangarap ni Rigo ang pinag-uusapan dito. Pangarap na hindi ko kayang ibigay sa kanya.

Ilang minutong katahimikan pa ang namayani sa amin. Humigop s’ya ng kanyang kape at nagbitaw muli ng pagngiti.

“Naaalala ko kung paano nagtulong-tulong sina Xander, ang anak kong si Dom, si Shai, at si Rigo para lang matulungan kang maipagpatuloy ang pag-aaral mo sa college. Si Xander, pinasok ang pagmomodelo para kumita, para may pang-allowance ka. Si Dom naman, inilakad ang pagiging scholar mo. Si Shai, s’ya naman ang nagpatira sa’yo ng ilang taon sa bahay nila. At si Rigo, s’ya ang nagmakaawa sa amin na bawasan ang tuition fee mo.” pagtukoy n’ya sa aking mga matatalik na kaibigan.

Alam ko naman ang bagay na iyon. At habang-buhay kong dadalhin ang utang na loob na iyon sa kanilang lahat.

“Nakakatuwa kayong magkakaibigan. At masaya ako na hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kayo. Pero napansin mo ba? Ang ilan sa kanila nagsimula at nagsisimula nang bumuo ng sarili nilang pamilya. Si Xander, ikinasal na. Ang anak kong si Dom, nagsisimula nang magsumikap para sa future nila ng girlfriend n’ya. Si Shai naman, balita ko nagsisimula na rin maging seryoso sa mga nanliligaw sa kanya.” pagbabalita n’ya.

Hinihintay ko ang sasabihin n’ya tungkol kay Rigo. Ang bagay na masakit na marinig.

“Pero ang pamangkin kong si Rigo, hanggang ngayon ganyan pa rin. Hindi n’ya pa nagagawang simulan ang pangarap n’ya dahil nakaagapay s’ya sa’yo. Dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang inaalala n’ya.” mahinahon n’yang sambit.

Mahinahon s’yang nagsasalita ngunit alam kong may halong panunumbat iyon.

“S-sorry po, Tita…” utal kong paghingi ng dispensa.

Alam ko namang darating ang pagkakataon na kailangan naming magkanya-kanya ni Rigo. Pero ngayon pa lang na iniisip kong maghihiwalay ang aming landas ay parang hindi ko na kakayanin. Masyado na akong nasanay na nasa tabi ko na s’ya.

Hinahanap-hanap ko s’ya sa tuwing wala s’ya. Nag-aalala ako sa tuwing hindi ko nararamdaman ang presensya n’ya. At hindi nawawala ang takot sa akin sa tuwing ilang araw na wala kaming komunikasyon dahil sa trabaho n’ya bilang isang model.

Sa madaling salita, kasama na s’ya sa aking sistema.

“Randy…” pagtawag n’ya sa akin at ramdam kong nakikiusap s’ya.

Tiningnan ko lang s’ya sa mata, naghihintay sa mga sasabihin o katanungan n’ya.

“Hanggang kailan? Hanggang kailan dapat na nasa tabi mo si Rigo?” tanong n’ya sa akin.

Hanggang gusto ko. Hangga’t gusto kong kasama s’ya. At ang hanggang kailan na ’yon ay hanggang sa pagtanda naming dalawa.

’Yan ang mga bagay na gusto ko sanang isagot sa kanya ngunit hindi ko maisatinig. Dahil alam kong makasarili ang dahilan kong iyon.

Hindi ako makapagsalita. Naninigas ang buong katawan ko.

“Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo, Randy. May sakit ka at alam kong kailangan mo ng makakasama. Pero hanggang kailan dapat na may aagapay sa’yo? Hindi ba dapat tulungan mo rin ang sarili mo? Hindi ba dapat pinag-aaralan mo nang mamuhay ng mag-isa? Dahil hindi habang-buhay dapat nand’yan sila para lang alalayan ka. Paano naman ang sarili nilang mga buhay? Gugustuhin mo bang masira iyon dahil sa’yo lang nakasentro ang lahat?” mahaba n’yang panunumbat.

Naikuyom ko ang aking kamao habang nasa ilalaim ng mesa habang patuloy na nanginginig ang mga ito. Ang kaninang kaba sa aking dibdib ay naging takot na sa mga oras na ito. Naisip ko pa lang na nag-iisa ako ay parang dumidilim na ang mundo ko.

Natatakot ako. Takot na takot.

“Si Nanay Elise, hindi na nagawang bumuo ng sarili n’yang pamilya dahil ikaw ang inaalala n’ya. Isinakripisyo n’ya ang sarili n’ya dahil kailangan mo ng kalinga n’ya. Ipinagpalit n’ya ang pangarap ng isang babae na makabuo ng sarili n’yang pamilya para sa’yo. ’Yun din ba ang gusto mong mangyari sa pamangkin ko? Ganon din ba ang gusto mong mangayari kay Rigo? Ang hindi matupad ang pangarap n’yang magkaroon ng sariling pamilya?” sunod-dunod n’yang tanong.

“Hindi totoo ’yan. Hindi po totoo ’yan.” madiin kong sagot.

At matapos kong sagutin iyon ay hindi ko napigilan ang butil ng mga luhang kumawala sa aking mga mata. Hindi ko na namalayan na lumuha na pala ako. Mabilis ko itong pinunasan dahil ayaw kong makita n’yang hindi ko kayang tumupad sa mga salitang binibitawan ko.

Gusto kong matupad ang pangarap ni Rigo. Gusto ko makitang maging masaya si Rigo.

“Ginagawa ko naman po ang lahat para hindi kami mauwi sa relasyong iniisip n’yo. Binibigyan ko s’ya ng kalayaan na gawin ang gusto n’ya. Kung minsan nga po hindi ako nagpapakita ng interes sa kanya.” una kong paliwanag.

“Alam ko naman po na hindi habang-buhay na nand’yan s’ya sa tabi ko. Pero bigyan n’yo naman po ako ng pagkakataon para maayos kaming magkakanya-kanya ni Rigo.” mahinahong pakiusap ko na sa kanya ngayon.

S’ya naman ngayon ang nanatiling nakikinig lang sa akin. Hindi nagsasalita at naghihintay pa sa aking mga sasabihin.

“Gusto ko pong matupad ang mga pangarap ni Rigo, gusto kong makita na maging masaya s’ya……..” pagsasabi ko ng totoo.

Saglit akong tumigil para kumuha ng hangin. Dahil parang hindi ko kakayanin ang mga susunod na salitang sasabihin ko.

“….At makakaasa po kayong kapag dumating na ang oras na matagpuan n’ya na ang bagay na iyon, hinding-hindi na ako magpapakita sa kanya. Ipinapangako kong hindi na ako magiging sagabal at pabigat sa kanya.”

“Kakayanin ko po, Tita. Pag-aaralan kong mas maging matatag para lang matupad na ang mga pangarap n’ya… K-kakayanin ko pong mag-isa…” huling bahagi ng aking mga panibagong pangako sa babaeng nasa harap ko.

Mula sa malungkot na ekspresyon ay ngumiti s’ya.

“Maraming salamat, Randy. Maraming salamat dahil naiintindihan mo ang lahat. Gusto ko lang talagang matupad ang pangarap ng pamangkin ko simula nang mawala ang mga magulang n’ya.” nakangiti n’yang pagkausap sa akin.

Wala akong naitugon sa mga salita n’yang ’yon. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Dahil lahat ng sinabi ko sa kanya ay labag sa kalooban ko. Pero, kailangan kong tuparin ang lahat ng iyon dahil para iyon kay Rigo.

Matapos ang pag-uusap naming iyon ay nakabibinging katahimikan na ang sumunod. Sa pagkakataong ito ay ako na ang nakatingin sa labas ng coffee shop at naiwang malalim ang iniisip.

“Paano Randy? Kailangan ko na rin umalis. Hinihintay na ako ng asawa ko sa office para sabay na kaming umuwi.” pagpapaaalam n’ya na sa akin matapos ang may kahabaang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Nginitian ko s’ya ng tipid at tumango sa kanya.

“Sige po, mag-iingat po kayo lagi.” paalam ko rin sa kanya.

Agad naman s’yang tumayo sa kanyang inuupuan upang yakapin ako.

“Tinext ko na ang anak ko dahil alam kong kailangan mo ng makakausap ngayon. Papunta na rin s’ya.” wika n’ya habang yakap ako.

Tanging pagtango na lamang ang naisagot ko.

Sino ba namang tao ang magagalit sa ginang na ito? Na kahit sa kabila ng mga pakiusap n’ya sa akin ay inaalala pa rin ako.

Alam ko naman na kapakanan lang ng pamangkin n’ya ang iniisip n’ya, ang magandang kinabukasan ni Rigo.

Bago tuluyang umalis si Tita Eve ay nagbigay pa ito ng panibagong habilin sa akin.

“Tulad pa rin ng dati, Randy. Sana ay hindi mo na ito banggitin pa sa pamangkin ko. Ayokong magkaroon ng gulo sa pagitan nating tatlo.” pakiusap n’yang muli sa akin.

At tulad din ng dati, tanging pagpayag lang ang mapagpipilian ko. Ayokong maging sanhi ng hindi nila pagkakaunawaan. Sila na lang ang natitirang pamilya na meron si Rigo kaya ayokong magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan dahil lang sa akin.

Nakaalis na ang ginang, ngunit ako ay naiwang tulala sa coffee shop na ito. Iniisip ang bukas na wala si Rigo. Paano ko sisimulan ang bagay na iyon kung ako mismo natatakot na mawala s’ya sa buhay ko?

Naputol ang aking mahabang pag-iisip nang mag-vibrate ang cellphone ko.

“Dom…” pagtawag ko sa taong tumawag sa akin sa cellphone.

“Lumabas ka na d’yan sa coffee shop, brad. Nandito ako sa park malapit sa coffee shop kung nasaan ka, dito na lang tayo magkita.” seryoso n’yang utos sa akin.

Bihira lang magseryoso ang lalaking ito. Marahil ay nasabi na ng kanyang Mommy ang naging pag-uusap namin ngayon kaya ganito s’ya ngayon.

Mabigat ang mga paa kong naglalakad patungo sa park na sinasabi ni Dom. Madilim na sa mga oras na ito at alam kong maya-maya lamang ay hahanapin na ako nina Rigo at Nanay Elise.

Nang makarating ako sa park ay hindi na ako nahirapang hanapin s’ya. Nakita ko s’yang nakaupo sa isang bench kaya umupo na rin ako sa tabi n’ya.

Alam n’yang naririto na ako kahit hindi n’ya ako lingunin. Ako naman ay itinuon na lamang ang paningin sa malayo. Iniiwasan ko rin na magtagpo ang aming mata dahil baka kaawaan lang n’ya ako.

“Pasensya ka na kay Mommy ha? Sana naiintindihan mo s’ya.” una n’yang sambit.

Nagbigay ako ng mahinang pagtawa.

“Hindi bagay sa’yo ang magseryoso, Dom. Mukha kang gago.” pagkantyaw ko sa kanya.

Narinig ko rin ang mahina n’yang pagtawa.

“At hindi rin bagay sa’yo ang magpanggap na okay ka lang. Matagal na tayong magkaibigan kaya alam kong hindi ka natutuwa sa nangyari ngayon.” pambabara n’ya sa akin.

Napatigil ako sa ginagawa kong pekeng pagtawa.

Oo nga naman, sa tagal naming magkakakilala ay alam na namin ang nararamdaman ng bawat isa. Kaya kahit ako na mahirap basahin ang personalidad ay nakilala na rin nila dahil sa tagal naming magkakasama.

Huminga na lamang ako ng malalim dahil sa nangyari.

“Ganon talaga eh. Tanggapin na lang.” maiksi kong sagot sa kanya.

“Kaya mo na ba?” tanong n’ya sa akin.

Hindi ako nakakibo.

“Kaya mo na bang mag-isa? Nang wala ang pinsan ko sa tabi mo?” tanong n’ya sa akin.

Huminga ako ng malalim.

“Kakayanin.” maikli kong sagot.

Narinig ko rin ang malalim n’yang buntong hininga.

“Sana kasi naging babae ka na lang eh. Edi sana nakabuo na kayo ng baby ng pinsan ko. Sana hindi na kayo nauwi sa relasyong fubu. Mabogli pa naman kayong pareho.” paninisi n’ya sa akin.

Naningkit ang mga mata ko at nilingon s’ya.

Gagong ’to eh. Sisihin ba naman ako kung bakit hindi ako naging babae? Ang sarap kutusan eh.

“Anong magagawa ko? Talong lang din ang meron ako, hindi pechay.” sagot ko sa kanya.

Natawa ang gago sa sinabi ko.

“Ang laswa talaga ng bunganga mo brad!” pagpuna n’yang natatawa.

Alam kong pinapagaan n’ya lang ang kalooban ko, gusto n’yang gumaan ang pakiramdam ko.

Muling nagbalik ang katahimikan sa aming dalawa. Pinanood na lamang namin ang mga ilang tao na nasa park kahit gabi na.

“Mahal mo rin ang pinsan ko ’di ba? Paano na kayo n’yan? Ano na mangyayari sa inyo ’pag naisipan n’ya na lang bigla na tuparin na lang ang pangarap n’yang magkapamilya?” sunod-sunod n’yang tanong.

Hindi ako nakasagot. Ano nga bang gagawin ko sakaling maisipan n’yang tuparin ang pangarap n’yang iyon?

“Lalo na ngayon at wala naman kayong commitment dahil patuloy mo s’yang tinatanghihan.” pahabol n’ya pa.

Ilang segundo akong napaisip bago ko s’ya sinagot.

“Kagaya ng sinabi ko sa Mommy mo kanina, gusto kong matupad ni Rigo ang pangarap n’ya. Gusto kong makita na maging masaya s’ya dahil nagkaroon na ng katuparan ang pangarap n’ya, na magkaroon s’ya ng sariling pamilya na matagal n’yang hinangad. ’Yung hindi na s’ya maiinggit sa isang pamilyang buo at magkakasama.” mahaba kong sagot sa kanya.

Nilingon n’ya ako.

“Magsasakripisyo ka?” tanong n’ya sa akin.

Nginitian ko s’ya ng tipid.

“Kung sakripisyo nga ang tawag doon, ganon nga. Maliit na bagay lang ’yon kumpara sa mga nagawa n’ya sa akin. Kumpara sa mahabang taon na sinamahan n’ya ako.” sagot ko sa kanya.

Nangunot ang kanyang noo.

“Papano ka? Sino nang makakasama mo?” tanong n’yang muli.

Nilawakan ko ang pagkakangiti ko.

“Hindi ka kasi bakla kaya hindi mo alam ang pakiramdam ko, Dom. Sa mga kagaya naming bakla, iilan lang ang sinuswerteng makakatagpo ng makakasama nila habang-buhay. At ngayon pa lang, tinatanggap ko nang hindi ako nabibilang sa mga maseswerteng taong ’yon. Mga maswerteng tao kagaya nina Xander at Tom.” mahaba kong sagot sa kanya.

Saglit n’ya akong tinitigan bago s’ya muling nakapagsalita.

“Bakit hindi mo subukang maghanap na lang ulit ng iba? I’m sure marami naman d’yan.” mungkahi n’ya.

Sa pagkakataong ito ay natawa na ako.

“Hanggang ngayon pa rin ba naniniwala kang makakahanap pa ako? Na-reject na ako noon kay Xander, ngayon naman hindi kami pwede ni Rigo. At kahit marami pa ang dumaan sa akin, alam kong puro rejection lang ang mapapala ko. Dahil kagaya nga ng sinabi ko sa inyo noon pa, kakambal ko na ang kamalasan simula pa pagkabata.” natatawa kong paliwanag sa kanya.

Tumatawa ako pero si Dom ay nanatiling seryoso. Hindi kumbinsido sa mga sagot ko.

Tinapik-tapik ko s’ya sa kanyang balikat.

“’Wag kang mag-alala, makaka-get over din naman ako. Kung kay Xander nga nalampasan ko ’di ba? Sa pinsan mo pa kaya? Matatanggap ko rin ’yon paunti-unti, basta makita ko lang s’yang maging masaya kagaya ni Xander.” pagbibigay assurance ko sa kanya.

Hindi s’ya sumagot. Nanatili lamang s’yang nakatitig sa akin ng seryoso.

“May tanong ako.” bigla n’yang sambit.

Hindi ako tumugon. Senyales na hinihintay ko ang katanungan n’yang iyon.

“Sinabi mo ba kay Rigo ang dahilan kung bakit hindi mo s’ya mapagbigyan sa kagustuhan n’yang maging official kayo? Sinabi mo bang dahil gusto natin lahat na matupad n’ya ang pangarap n’ya?” sunod-sunod n’yang tanong.

Huminga ako ng malalim.

“Hindi. Wala akong binabanggit sa kanya kahit ang pagkikita at pag-uusap namin ng Mommy mo. Ayokong maguluhan s’ya, ayokong umabot s’ya sa puntong magdadalawang-isip s’ya kung ano ang uunahin n’ya. Kung ako ba o ang pangarap n’ya.” sagot ko sa kanya.

Muli s’yang natahimik ng ilang segundo. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay ngumiti s’ya.

“Tang*na Randz, may puso ka rin pala? Akala ko puro kademonyohan lang ang nasa utak mo.” buska n’ya sa akin.

Pinaningkitan ko s’ya ng mata.

“Gusto mong kutusan kita? Gusto mong makita ang kademonyohan kong sinasabi mo? Kahit pinsan ka ni Rigo, kayang-kaya kitang patumbahin dito.” banta ko sa kanya.

Pero s’yempre biro ko lang ’yon. Baka ako pa ang patumbahin nito. Di hamak kasi na mas malaki ang katawan n’ya sa akin.

Tinawanan lang ako ng ulupong. Pero makalipas ang ilang sandali ay nakitawa na rin ako.

Nagtagumpay si Dom na mapagaan kahit paano ang kalooban ko. Mabuti na lamang at s’ya ang tinawagan ni Tita Eve para kausapin ako sa mga oras na ito. Dahil kung si Shai ang una n’yang tinawagan ay baka mauwi lang kami sa pag-iinom sa isang bar at mang-hunting ng malalanding lalaki para lang magbayad ng bills namin sa bar. Kuripot na babae.

“Paano? Uwi na tayo! Sigurado akong hinahanap ka na ng pinsan ko. Sabihin mo naman sa kanya na umuwi naman minsan sa bahay namin. Masyado na yatang nag-e-enjoy sa bahay mo!” pagyaya nito sa akin.

Tinawanan ko s’ya.

“Hayaan mo, after ng therapy ko, balik ulit kami sa dati. Makakauwi rin s’ya sa inyo.” una kong sagot sa masayang tono at saglit na tumigil.

“Gagawin ko ang lahat para gumaling na ako, para hindi na ako maging sagabal sa kinabukasan ni Rigo.” nakangiti ngunit sa malungkot ko nang tono.

Ngumiti rin si Dom ngunit kapareho ko ay malungkot din ang ngiti n’yang iyon.

Tinapik-tinapik n’ya ako sa balikat.

“Kaya mo ’yan. Basta ’pag kailangan mo kami, tumawag ka lang.” wika n’ya sa akin na ginantihan ko lang ng isang ngiti.

“Tara na!” pagyaya n’yang muli.

Sabay kaming umalis sa park na iyon. Naghiwalay na lamang kami nang makarating kami sa kanya-kanyang kotse.

Agad ko ring pinaandar ang aking kotse dahil alam kong sinusubaybayan pa rin ako ng tingin ni Dom. Ayokong mapansin n’yang hanggang ngayon ay apektado pa rin ako sa nangyari kani-kanina lang.

Nang makarating ako sa parking lot ng condo building ko ay hindi muna ako bumaba sa sasakyan ko. Tulala ako at iniisip ang mga mangyayari sa hinaharap. Sa hinaharap na kailangan naming maghiwalay ng landas ni Rigo.

“Kaya ko ba?” tanong ko sa aking sarili.

Inisip kong may sarili nang pamilya si Rigo, may mabuting asawa at may anak na s’yang tinatawag s’yang Daddy.

Naiangat ko ang aking palad sa aking dibdib. Dahil matapos kong isipin ang mga bagay na iyon ay bumilis ang tibok ng puso ko. Labis na takot ang naramdaman ko.

“Sh*t!” mahina ko lamang na nasambit at ipinikit ko ang mga mata ko.

“Dapat mong kayanin, Randy. Dapat mong kayanin.” pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Makalipas ang ilang minutong pag-iisip ay nakapagdesisyon na akong lumabas sa kotse ko. Mas lalo lang akong mababaliw kung ipagpapatuloy ko ang pag-iisip na may sarili nang pamilya si Rigo.

Nahihirapan ako.

Nang marating ko ang aking unit ay hindi agad ako pumasok. Alam kong nasa loob na si Rigo at hinihintay ako. Nakatanggap ako kanina ng text mula sa kanya at sinasabing naririto na s’ya.

Huminga muna ako ng malalim saka ko binuksan ang pinto.

Nang tuluyan akong makapasok ay nasilayan ko ang taong labis na nagpapasaya sa akin. Nakatalikod sa aking pwesto at abala sa kanyang pagluluto sa kitchen. Mukhang mas inuna n’ya pa ang magluto ng aming hapunan sa halip na mag-asikaso ng kanyang sarili dahil hanggang ngayon ay nakasuot pa rin ito ng kanyang damit pangtrabaho.

Nakita kong masaya s’ya sa kanyang ginagawa dahil naririnig ko pa ang maganda n’yang tinig. Kumakanta s’ya habang nagluluto.

Hanggang kailan kaya kami ganito? Ilang araw, linggo, buwan o taon kaya kami magtatagal na ganito kasaya? Ilang sandali na lang ba ang natitira?

Naikagat ko ang aking ibabang labi dahil parang gusto kong maiyak sa mga oras na ito.

Bahagya akong nagulat nang bigla s’yang humarap. At nang magtagpo ang aming mga mata ay nakita ko ang ngiting nakasanayan ko nang makita. Ang ngiting hinahanap-hanap ko na.

Mabilis n’yang hinubad ang kanyang suot na apron at lumapit sa akin.

“Welcome home!” sambit n’ya matapos akong bigyan ng mabilis na halik sa labi.

Paano ko ba mabibitawan ang ganitong set up kung gusto kong lagi itong nangyayari?

Hinawakan n’ya ako sa kamay at iginaya sa kitchen.

“Wala si Nanay Elise. Doon daw muna s’ya matutulog sa kaibigan n’ya kaya tayo lang dalawa ang nandito ngayon.” wika n’ya habang naglalakad kaming dalawa.

“Ah…” tangi ko lang reaksyon.

“Saglit na lang ’to. Mamaya ka na magbihis, kumain muna tayo.” utos n’ya sa akin at ipinagpatuloy na ang kanyang naantalang paghahanda ng hapunan.

“Kamusta ang trabaho? Kamusta ang hotel nina Xander? Mukhang natagalan ang meeting n’yo ah?” tanong n’ya sa akin.

Ang alam n’ya ay may meeting kami dahil ’yon ang sinabi ko sa kanya noong nagtext s’ya. Hindi ko sinabing saglit lang ang meeting doon at mas nagtagal akong kausap ang Tita n’ya.

“Okay lang.” tipid kong sagot.

Hindi na s’ya muli pang nagtanong. Pero alam kong maya-maya lamang ay kukulitin n’ya na naman ako kung ano ang mga naging kaganapan doon.

Natapos s’yang magluto at nakapaghanda na rin s’ya ng aming mga gagamitin. Wala naman akong nagawa kundi ang pagmasdan lang s’ya sa kanyang mga ginagawa. At habang ginagawa ko iyon ay kalungkutan lang ang nararamdaman ko.

Paano na nga kaya kung wala na sa tabi ko si Rigo? Paano ko sisimulan ang mabuhay nang wala s’ya sa tabi ko? Halos tatlong taon kaming ganito, at nakasanayan ko na ang kasama s’ya sa loob ng tatlong taon na iyon.

Sinimulan na naming kumain at tanging katahimikan lang ang mayroon sa amin. Kung minsan ay tatanungin n’ya ako ngunit tipid ang lahat ng nagiging pagsagot ko.

Nang matapos naman kaming kumain ay nagpaalam na akong maliligo muna. Iniwan ko s’yang hinuhugasan ang aming mga pinagkainan.

Maging sa loob ng aking banyo ay naging tulala ako. Malalim ang iniisip at naguguluhan kung ano ang dapat na gawin sa hinaharap.

Nang makalabas naman ako ng banyo ay nakita ko s’yang naghahanda naman sa kanyang pagligo. Alam kong pinagmamasdan n’ya ang mga kilos ko, at alam ko rin na nagtataka na rin s’ya dahil sa katahimikan ko. Ngunit iniiwas ko na lamang ang aking tingin upang hindi s’ya magkaroon ng pagkakataon na makapagtanong sa akin.

Naririto naman ako ngayon sa aking sala at nakaupo sa sofa. Nakabukas ang TV ko ngunit wala akong maintindihan sa palabas dito. Nanatili akong tulala at malalim ang iniisip.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang paglapit ni Rigo. Katatapos n’ya lang din maligo. Umupo s’ya sa aking tabi at inakbayan ako. Wala akong naging reaksyon, nanatili ang aking mga mata na nakatingin sa telebisyon.

Ilang minuto kaming tahimik, walang nagsasalita at tanging tunog mula sa telebisyon lang ang maririnig. Ngunit makalipas ang ilang minutong iyon ay naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Rigo sa aking pisngi gamit ang kanyang kamay na nasa balikat ko.

“What’s wrong?” malambing n’yang tanong.

Kilala n’ya na talaga ako. Alam n’ya kung may mga bagay na gumugulo sa akin ngayong mga oras na ito.

Unti-unti ko s’yang nilingon. Doon ko lamang napansin na nakatitig pala s’ya sa akin. Nakita ko ang pag-aalala sa kanya. Nakita ko ang pagkabahala.

Patuloy pa rin ang paghaplos n’ya sa aking pisngi gamit ang kanyang daliri. Ako naman ay inabala ang pagtitig sa kanyang mukha. Magmula sa kanyang noo, kilay, mata, ilong, pisngi at labi ay nilibot ng mga mata ko. Tila ba gusto kong memoryahin ang bawat parte ng gwapo n’yang mukha.

“May nangyari ba? Tell me, may naging problema ba?” malambing n’yang tanong ulit sa akin.

Ayoko s’yang bigyan ng iisipin lalo na kung ang dahilan ay ang tungkol sa pinag-usapan namin ng Tita n’ya kanina.

Nagbitaw ako ng isang ngiti sa kanya.

“Wala naman. Bored lang ako.” pagsisinungaling ko.

Nagulat ako nang bigla s’yang lumapit at hinalikan ang ilong ko.

“Liar.” wika n’ya at ngumisi. “’Pag bored ka, gumagawa ka ng paraan para hindi ka mag-isip. Hindi ka na lang basta-basta mananahimik. Dapat may mabibiktima ka sa pagiging maldito mo. At higit sa lahat, makikita kong natatawa ka na lang bigla dahil sa kalokohan mo.” pagpapatuloy n’ya pa.

Sino ba ang hindi mahuhulog sa lalaking ito? Tanga na lang ang hindi.

Inikutan ko s’ya ng mata habang suot ko ang pekeng ngiti ko. Iniwasan ko rin na ibalik ang tingin ko sa kanya. Mahihirapan akong panindigan ang kasinungalingan ko kapag nagtatagpo ang aming paningin.

“Bored nga ako, kaso wala naman ako makitang biktima kaya ganito ako.” pagsisinungalilng ko pa rin.

“Sige lang, Liam, panindigan mo ’yang kasinungalingan mo.” pamimilit n’ya rin.

Sa halip na magsalita pa ako ay pinili ko na lamang na ituon muli ang aking sarili sa TV kahit wala talaga akong maintindihan sa palabas.

Muling nagbalik ang katahimikan sa aming dalawa. Ako ay nanatiling nakatutok sa TV at s’ya naman ay alam kong nakatitig pa rin sa akin sa mga oras na ito.

Maya-maya pa ay marahan n’ya akong inilapit sa kanya at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. Nagpadala na lamang ako sa ginawa n’yang iyon. Pakiramdam ko ay kailangan ko rin ang bagay na iyon dahil mabigat talaga ang pakiramdam ko sa mga oras na ito.

Hinaplos n’ya ang aking buhok na nakasanayan na rin n’yang gawin sa akin. Napapikit na lamang ako sa marahan n’yang paghaplos. Dinadama ko ang mainit n’yang palad na dumadampi paminsan-minsan sa noo ko.

Ilang minuto kaming ganoon hanggang sa bigla ko na lang marinig muli ang kanyang tinig.

“Mag-date tayo bukas.” malambing at masuyo n’yang bulong sa akin.

Parang musika ang tinig n’yang iyon. Ramdam ko pa rin ang mainit n’yang hininga sa aking mukha na nagbibigay sa akin ng kaginhawaan.

Dahil sa sinabi n’yang iyon ay unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Doon ko na lamang napansin na napakalapit na ng aming mukha sa isa’t-isa. Nakangiti s’yang nakatitig sa akin habang ako ay tila hindi makapaniwala sa mga salitang sinabi n’ya sa akin kanina.

“Hindi ka pwedeng tumanggi. Utos ko ’yon at hindi pakiusap. Magde-date tayo bukas. Naiintindihan mo?” muli n’ya pang pagsasalita.

Hindi ko maipaliwanag, ngunit sa mga salitang sinabi ni Rigo ay nabawasan ang bigat ng dibdib ko. Nakaramdam ko ng saya nang sabihin n’ya iyon.

Nagbitaw ako ng isang ngiti bago ko inangat ang dalawa kong kamay at mahigpit s’yang niyakap.

Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa at niyakap din ako pabalik.

“Nakita rin kitang ngumiti.” wika n’yang natatawa.

Alam kong ginawa n’ya iyon para pagaanin ang pakiramdam ko.

Naramdaman ko ang paggaya n’ya sa akin upang umupo sa kanyang mga hita. S’ya ang nakaupo sa sofa habang ako naman ay nakaupo ng paharap sa kanya. Kalong n’ya ako, yakap ko ang kanyang leeg at s’ya naman ay yakap ang aking bewang.

Nakasiksik ang aking mukha sa kanyang leeg nang sinimulan n’yang magsalita.

“I know you’re sad, Liam. There something bothering you na ayaw mong sabihin sa ’kin. Hindi kita pipilitin sabihin kung ano ang bagay na ’yon, pero gagawa na lang ako ng paraan para mapasaya ka.” masuyo n’yang pagsasalita.

Wala akong maisagot dahil naghalo-halo na ang mga nararamdaman ko. Nagi-guilty ako dahil sa katotohanan ng mga sinabi n’ya, kilalang-kilala na n’ya ako kaya hindi ko magawang makapagsinungaling sa kanya. Ang tangi ko na lang magagawa ay manahimik. Ngunit, masayang-masaya rin ako dahil pakiramdam ko ay lalo n’ya lang sa akin pinaparamdam ang halaga ko sa kanya. Nakakagawa s’ya ng paraan para mapagaan ang kalooban ko.

Dinama ko ang init ng katawan ni Rigo habang nasa bisig ko s’ya. Hinihiling ko na sana ay habang-buhay na lamang kaming ganito. Na sana ay hindi na s’ya umalis sa tabi ko. Pero, alam ko namang imposible iyon lalo na at may nabuo na s’yang pangarap para sa sarili n’ya.

“Rigz…” mahina kong pagtawag sa kanya habang ang aking mukha ay nasa balikat n’ya.

“Hhhhmmm…?” tanong n’ya pabalik.

“M-may tanong ako….” sambit kong nauutal.

“Shoot.” pagbibigay n’ya naman ng daan sa katanungan kong iyon.

Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob ko. Kailangan ko ng kasagutan sa katanungan kong ito.

“P-paano ’pag magaling na ako? P-paano kung in-advice ng doctor sa akin na kailangan ko nang mamuhay ng mag-isa at sisiguruhin n’yang kakayanin ko na? Na hindi ko na kailangan ng taong aagapay sa akin? Ano nang magiging set up natin dalawa?” mahina at nauutal kong mga tanong sa kanya.

Naramdaman kong napatigil s’ya, tila ba nanigas ang katawan n’ya nang marinig ang mga katanungan kong iyon.

“A-ano ba naman klaseng tanong ’yan, Randy?” nauutal n’ya ring tanong pabalik.

Dahan-dahan ay kumalas ako sa kanya ngunit ang aking mga braso ay nanatili sa kanyang leeg. Sa pagkakataong ito ay nagawa ko nang tingnan s’ya sa mga mata.

“Rigz, dapat iniisip na natin ang mga posibilidad ’pag magaling na ako. Dapat may mga plano na tayo sa hinaharap natin. Lalo na sa hinaharap mo.” paliwanag ko sa kanya.

Hindi s’ya nakapagsalita. Nanatili s’yang nakatitig sa mga mata ko at tila ba naguguluhan.

“Rigz, ayaw mo ba akong gumaling?” tanong kong muli.

“S’yempre gusto ko!” mabilis n’yang sagot.

Napangiti ako dahil alam kong sinsero s’ya sa naging sagot n’ya. Alam kong gusto na rin n’yang matapos ang takot ko na namamayani sa akin simula pa noong pagkabata ko.

“Salamat, Rigz.” sambit ko at hinalikan s’ya sa labi.

Bihira ko gawin ang bagay na ito sa kanya, ang pangungunahan ko s’ya sa paglalambing. Simula pa noon ay s’ya na ang sumusuyo na akin. Bagay na nakasanayan ko na rin dahil sinanay n’ya ako.

Paano na lang kung magtapos na ang ugnayan naming ito? Paano ko babaguhin ang mga nakasanayan ko?

Matapos ang mabilis naming paghalik ay mabilis n’ya akong niyakap muli. Nagulat man ako ay pinili ko na lamang na gantihan ang higpit ng kanyang yakap.

“Liam…” pagtawag n’ya sa akin.

“Hhhhmm..?” tanong ko rin.

Huminga s’ya ng malalim.

“Hindi ko pa napag-iisipan kung anong magiging plano ko once na gumaling ka na. Pero…..

……sana Liam, hayaan mo ang mga plano ko ngayong magkasama tayo. Hayaan mong gawin kong masaya ang bawat araw mo. Kasi, sa bawat araw na dumarating, wala akong nagiging ibang plano kundi ang bigyan ka ng dahilan para ngumiti at maging masaya hanggang sa magtapos ang araw para sa’yo. Araw-araw ’yon, Liam. Araw-araw.“ puno ng lambing n’yang mensahe sa akin.

Halos matunaw ang puso ko sa mga salita n’yang iyon. At kahit hindi n’ya sabihin ang bagay na iyon ay nararamdaman ko.

Napapikit ako at mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Yakap na tila ba ayaw ko nang pakawalan pa s’ya.

Tama s’ya. Siguro ay mas mabuting i-enjoy ko na lang ang mga sandali na kasama ko pa s’ya, na nasa tabi ko pa s’ya.

Darating man ang sandali na magkakanya-kanya kami ay may magagandang ala-ala naman akong aalalahanin. Ala-alang babaunin ko hangga’t nabubuhay ako.

“Thank you… salamat dahil nand’yan ka, Rigo…” sinsero kong pagpapasalamat sa kanya.

Naramdaman ko ang pagngiti n’ya dahil nasa leeg ko ang kanyang mukha. Nagawa n’ya rin halikan ang aking leeg bilang pagsagot sa aking pasasalamat.

Naghiwalay ang aming katawan at may ngiti na sa aming labi nang magtagpo ang aming mga mata.

“Tara na, magpahinga na tayo. Maaga pa tayo bukas sa date natin.” pagyaya n’ya sa akin.

Ngumiti ako ngunit agad din na naglaho nang may maalala ako. Napalitan ito ng pagtataka.

“Teka, eh may pasok tayo bukas ’di ba?” tanong kong puno ng pagtataka.

Nginitian n’ya ako ng wagas.

Punyeta.

Nakakaturn-on talaga ang ngiti n’ya. Kaya ang lungkot ko kanina bigla na lang nawala. Bumalik na ang sigla ko na parang nagpapak ako ng Milo. Bumalik na ang energy ko.

“Ite-text ko na lang si Xander. At ’pag hindi s’ya pumayag na mag-leave tayo bukas, isusumbong ko s’ya sa asawa n’ya na gumimik kami nung isang gabi. Gagawa pa ako ng kwento na may nilandi s’ya sa bar kahit ang totoo pinagmumura n’ya ang babae dahil lapit ng lapit sa kanya.” natatawa n’yang mungkahi.

Natawa ako sa kanyang mga sinabi. Alam kong magkakasama sila noong isang gabi at alam ko ang lahat ng nangyari dahil naikwento iyon sa akin ni Rigo.

“At kelan ka pa naging demonyito kagaya ko?” tanong kong natatawa.

“Ngayon lang. Ngayon lang ako magiging salbahe ’pag hindi natuloy ang plano kong date nating dalawa.” nakangiti n’yang sagot at hinalikan akong muli sa ilong.

Natawa na lamang ako sa sinabi n’ya.

“Tara na nga! Matulog na tayo.” pagsuko ko na lamang sa kanya.

Pinakawalan n’ya ako ng kanyang mga braso upang makaalis sa pagkakakandong ko sa kanya. Pero nang tuluyan na akong makaalis sa kanyang ibabaw ay mabilis akong lumipat sa kanyang likuran at inilagay ko ang aking mga braso sa kanyang leeg.

“Ipasan mo ako hanggang doon sa kwarto.” utos ko sa kanya.

Alam kong hindi bagay sa akin ang mag-inarte ng ganito, pero feel kong gawin ito ngayon sa kanya. Feel kong maglambing sa kanya.

Sa halip na magtaka ay natawa na lamang s’ya. Inalalayan n’ya ang aking katawan para maghanda sa kanyang paglalakad habang nasa likod n’ya ako.

“Ang gaan mo talaga.” puna n’ya habang buhat ako sa kanyang likuran.

“Pake mo? Saka ’wag ka ngang nagrereklamo d’yan. Lagi mo naman akong binubuhat t’wing nagmimilagro tayo, hindi ka pa nasanay?” pakikipagtalo ko sa kanya.

Natawa naman s’ya at sinimulan na rin n’yang maglakad matapos n’yang patayin ang TV.

“Wala munang mangyayari sa atin ngayon ha? Ihanda mo na lang ’yang lakas mo para bukas.” sambit n’yang natatawa.

“Ikaw lang naman ang makati sa ating dalawa.” sagot ko naman at kinagat s’ya sa kanyang leeg. Alam ko kasing isa ’yon sa mga kahinaan n’ya.

Natawa s’yang lalo. Aminado rin ang loko.

Bakit nga ba hindi? Bakit nga ba hindi na lang namin i-enjoy ang mga araw na magkasama pa kami? Tutal naman ay alam naming sa hinaharap ay magkakahiwalay din kami.

Ang buong akala n’ya ay wala akong nararamdaman para sa kanya. Ang buong akala n’ya ay hindi ko kayang suklian ang pagmamahal n’ya. Pero hindi n’ya alam na handa akong magsakripisyo para sa kanya.

Handa akong masaktan muli para sa pangarap n’ya.

At dahil ’yon sa pagmamahal ko sa kanya.


A/N

May mali na yata sa akin. Umiiyak ako habang tina-type ang chapter na ’to. Maygahd!

Paano po? Abangan na lang natin ang mangyayari sa date nina Randy at Rigo?

Salamat po sa patuloy na pagbabasa! Salamat din po sa mag-iiwan ng votes at comments. Labyu!

––cold_deee

chapter 6

A/N

Hi guys! Mabilis na ’tong one week dahil nakapag-update ako. Medyo busy talaga.

Shout out kay

Raoul Baltazar Paoil!

Hello dear! Eto na ’yung request mo, salamat sa support! Hehe.  

Anyway, sana ma-enjoy n’yo ang chapter na ’to dahil halo-halong emosyon ang meron dito.

––> si Randy po sa media.


RANDY’s POV

Nagising ang diwa ko dahil sa liwanag na nagmumula sa kung saan. Tumatama ang sinag nito sa aking mukha dahilan para mabulabog nito ang mahimbing na pagkakatulog ko.

“Punyeta!” maaga kong pagmumura at napabalikwas ako.

Agad akong nabahala dahil hindi ako nagising sa alarm ng cellphone ko.

Nang lingunin ko ang aking tabi ay wala na doon ang katabi kong natulog kagabi, si Rigo.

Mabilis akong kumilos para bumaba sa aking kama.

“Punyeta talaga. Iniwan na yata ako.” mahina kong sambit habang tinutungo ang pinto palabas ng aking kwarto.

Ngunit nang nasa pinto na ako ng kwarto kong iyon ay narinig ko ang ilang mga pagkaluskos na nagmumula sa labas.

Huminto ako. Dahan-dahan ay binuksan ko ang pinto ng aking kwarto. Sinilip ko ang aking kusina at nakita kong abala si Rigo sa ginagawa nitong pagluluto.

Nakahinga ako ng maluwag dahil ang akala ko ay umalis na ito. Pero naisip ko rin, paano s’ya makakaalis kung wala ako? ’Di ba nga date daw namin dalawa ngayong araw na ito?

Sa halip na magtagal pa akong lalo ay minabuti ko na lamang na magpunta sa banyo para gawin ang morning routine ko.

Habang nagtu-toothbrush ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Maganda pa rin naman ako, kaso nga lang ay may lumitaw na eyebags sa akin ngayon dahil kinulang ako sa tulog kagabi.

Hindi ako excited.

Hindi ako excited sa date namin ni Rigo kaya alas tres na yata ako ng madaling-araw nakatulog kakaisip sa mangyayari sa date naming dalawa ngayon.

Inuulit ko, hindi ako excited.

Matapos kong maghilamos at magtoothbrush ay lumabas na ako ng kwarto.

“Bakit naman hindi mo ako ginising?” bungad kong reklamo sa kanya nang makarating ako ng kusina.

Nakatalikod ito sa akin habang abala sa paglalagay ng kanyang niluto sa plato.

Agad n’ya akong nilingon at nagbitaw ng matamis na ngiti nang magtagpo ang aming mga mata.

“Good morning!” masaya n’yang bati.

Hindi ko s’ya sinagot. Umupo na lamang ako sa silya habang nakabusangot ang aking mukha. Nakaramdam kasi ako ng inis dahil mukhang tapos na s’yang maligo at nakabihis na rin s’ya.

’Yung totoo? Mag-isa lang s’yang aalis? Ide-date n’ya ba ang sarili n’ya?

Inilapag n’ya muna ang mga inihanda n’yang pagkain sa mesa bago n’ya ako nilapitan at hinalikan sa noo.

“Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita inistorbo.” nakangiti n’yang sagot sa akin at itinuloy ang paghahanda ng aming almusal.

“Pinatay mo ang alarm ko?” nakasimangot ko pa ring tanong. At para mas dramatic ang pag-iinarte ko, nag-cross arms pa ako.

Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa. Ayan na naman s’ya, tuwang-tuwa ’pag sinusungitan ko s’ya.

“Gusto ko kasing mas makapagpahinga ka pa. And besides, maaga pa naman, Liam. Mukhang kulang ka pa nga sa tulog eh.” sagot n’ya pa rin.

Bwiset, nahalata n’ya yata ang eyebags ko.

Hindi na ako sumagot sa kanya. Inabala ko na lamang ang aking sarili na kapain ang eyebags ko na parang mawawala na lang ito ng kusa sakaling hawakan ko ito.

“Breakfast muna tayo. Ready na ang lahat, ikaw na lang ang hinihintay ko.” nakangiti n’yang pagyaya at umupo na sa tabi ko.

S’yempre, s’ya na rin ang naghanda ng kakainin ko, s’ya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. May kape na rin akong nakahanda kaya wala na akong hahanapin pa. Gusto ko nga sanang subuan n’ya na rin ako, kaso nga lang ay abuso na ako masyado ’pag hiniling ko pa iyon sa kanya.

Nagsimula na kaming kumain at naging maayos naman iyon. Kahit pa paminsan-minsan ko s’yang sinusungitan at binabara ay ginagantihan n’ya lamang ako ng tawa at kung paminsan-minsan ay hahalikan n’ya ako.

Ewan ko ba kung bakit gigil na gigil s’ya sa akin sa tuwing binabara ko s’ya, gigil na tuwang-tuwa. Kaya naman heto ako at lagi s’yang sinusungitan para makarami rin ng halik galing sa kanya.

Oo na, malandi na ako. Pero sa kanya lang.

Matapos kumain ay naghanda na rin ako para sa aming pag-alis. Mabuti naman at hindi n’ya ako pinagmamadali. Marami kasi akong seremonyang ginagawa para maging maayos ang pagligo ko. Ngayon lang kami magkakaroon ng pormal na date ni Rigo kaya dapat ay handang-handa ako.

Pero matapos kong maligo ay nagtaka ako sa gusto n’yang maging kasuotan ko. Lumabas ako ng kwarto matapos kong magbihis para kausapin s’ya.

“Bakit ito ang pinasuot mo sa akin? Short, t-shirt at sneakers? Saan ba tayo pupunta? Sa Luneta ba? Sabihin mo lang kung magpi-piknik tayo doon, magdadala ako ng malaking payong. ’Yung makulay na payong.” sunod-sunod kong tanong sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.

Naabutan ko s’yang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. Mukhang hinihintay na lang ang paglabas ko ng kwarto. Tumawa muna ito at inilapag ang magazine na hawak n’ya. Lumapit ito sa akin at mabilis akong niyakap.

Nagpapakilig na naman s’ya tapos sa Jollibee na naman ako dadalhin. Minsan paasa rin ’tong lalaking ’to sa totoo lang.

“’Wag ka na ngang magreklamo d’yan. Basta sumunod ka na lang. I’m sure magugustuhan mo ang pupuntahan natin.” masaya n’yang pagsasalita habang yakap ako.

Inikutan ko s’ya ng mata kahit hindi n’ya ako nakikita dahil nanatili ako sa bisig n’ya.

Spell lambing?

“Siguraduhin mo lang, Rigo. Dahil kilala mo akong mainis. Lahat ng tao sa paligid ko idadamay ko.” banta ko sa kanya.

Mabilis s’yang bumitaw sa akin. Nagulat na lamang ako ng hawakan n’ya ang magkabilang pisngi ko at binigyan ako ng halik sa labi. Tila ba nanggigigil ang halik n’yang iyon dahil sa diin.

Spell kilig? Oo, kinilig talaga ako.

“Ang dami pang sinasabi. Tara na nga!” pagyaya n’yang natatawa at hinila na ang kamay ko para lumabas na sa aking unit.

Nagpadala na lamang ako sa kanya. Naisip ko rin na kahit saan kami magpunta ay ayos na rin sa akin. Ang importante ay kasama ko s’ya.

Nang makarating kami sa parking lot ng condo building ay nagulat akong hindi kami dumiretso sa kotse ko. Naroon ang kotse n’yang bihira n’ya lamang gamitin.

“Paano ’yan nakarating dito? ’Di ba nasa bahay n’yo ’yan?” tanong ko sa kanya habang tinuturo ko ang magarang sports car n’ya.

Pinagbuksan n’ya ako ng pinto para makapasok ako sa loob.

Spell ganda? Ako.

Nang makapasok s’ya ay doon n’ya lamang ako sinagot habang inihahanda ang pagpapatakbo ng kanyang kotse.

“Kaya nga maaga akong nagising kasi hinatid ’to ni Dom. ’Pag espesyal ang mangyayari, dapat espesyal din ang gagamitin kong kotse.” sagot n’ya at nagawa pa akong kindatan.

Dahil sa kanyang ginawa ay hindi na ako nakapagsalita. Ano pa nga bang masasabi ko? Kesa pumiyok ako dahil sa kilig, mananahimik na lang ako.

Nagsimula na kaming bumiyahe. At sa nakikita ko sa kanya, mukhang excited din s’ya.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko na naman sa kanya.

Saglit n’ya akong nilingon bago muling ibinalik ang tingin n’ya sa kalsada.

“Basta! Chill ka lang d’yan, ako ang bahala sa’yo. Kung ako sa’yo, matulog ka muna dahil magiging mahaba ang byahe natin. Gigisingin na lang kita ’pag nakarating na tayo doon.” sagot n’ya at hinaplos ang pisngi ko.

Nakaramdam ako ng labis na pangamba.

Sobrang halata na ba ng eyebags ko para patulugin n’ya ulit ako?

Dahil sa pag-aalala ay mabilis akong nakapagdesisyon.

Agad akong sumandal ng maayos at ipinikit ang mga mata ko.

Hindi pwede. Hindi pwedeng pangit ako sa paningin ni Rigo.

Dahil sa puyat ay madali rin akong nakatulog. Hindi ko alam kung ilang oras ang naging tulog ko. Ngunit nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang marahang pagtapik sa akin ni Rigo.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay napansin kong nasa isang gasoline station kami.

“Liam, gising ka muna. Baka gusto mo munang mag-CR habang nagpapa-gas tayo? Mahaba pa magiging byahe natin.” alok n’ya sa akin.

Hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha. Napasarap talaga ang tulog ko.

“Hindi naman ako nasi-CR. Saka ayoko mag-CR dito, baka madumi ang CR nila.” sagot ko sa kanya sa medyo inaantok pang tono.

Maselan na kung maselan. Pero ilang beses na kasi akong nakapasok sa mga public toilet at hindi naging maganda ang mga karanasan ko sa pagpasok kong iyon. Umabot pa ako sa puntong muntik akong masuka.

“Are you sure?” tanong n’yang muli.

Tumango-tango na lamang ako habang may tipid na ngiti.

Habang hinihintay na matapos ang aming pagpapagasolina ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Mukhang nakalayo na nga kami sa Maynila dahil nakakakita na ako ng palayan sa tapat ng gasoline station kung nasaan kami. Ang sarap sa mata ng lugar na ito, nare-relax ako.

Napadako ang tingin ko sa tabi ng gasoline station at nakita kong may convenience store na naroon. Bahagya akong nakaramdam ng panunuyo dahil mainit din sa mga oras na ito.

Mabilis kong nilingon si Rigo.

“Rigz! Ice cream tayo!” masaya kong pagyaya.

Nagulat pa s’ya dahil sa masigla kong boses. Kanina kasi ay antok na antok ako.

“O-okay… Tapusin lang muna natin ang pagpapa-gas para makapagpark tayo ng maayos.” sagot n’ya sa akin na tila ba nabibigla.

Gusto ko talagang mag-ice cream ngayon dahil pakiramdam ko ay natutuyo ang lalamunan ko. Hindi naman pwedeng si Rigo ang gawin kong ice cream, nasa byahe kami at wala sa kwarto.

Matapos naming magpagasolina ay naghanap agad si Rigo ng pwesto para maipark ang kanyang sasakyan. Ako naman ay inabala ang sarili sa pagtingin sa salamin. Nagbabakasakali akong nabawasan na ang eyebags ko.

Sabay na rin kaming lumabas ng sasakyan ni Rigo at pumasok sa convenience store na naroon.

Pagdating sa loob ay hindi na ako nagsalita pa. Dahil sa dakilang prinsesa n’ya ako ay s’ya na ang nagpunta sa section kung nasaan ang mga ice cream. Alam n’ya na rin ang paborito kong flavor kaya hindi ko na kailangan pa iyon sabihin. Ang naging papel ko na lamang ay magtingin-tingin sa mga panindang naroon sa loob ng convenience store.

Siguro ay ilang minuto na akong nag-iikot sa loob ng tindahan. Masyado kasi akong naaliw sa pagtingin sa mga paninda nila. Ngunit nang mapansin kong hindi pa ako tinatawag ni Rigo ay hinanap agad s’ya ng mata ko.

Doon ko napansin na nasa counter na pala s’ya at mukhang nagbabayad na. Pero ang ipinagtataka ko ay nasa ibabaw lang ng counter ang kanyang mga pinamili at nag-uusap lang sila ng cashier na naroon.

Pinagmasdan ko silang mabuti. Napansin kong saglit na nagkamot si Rigo sa kanyang ulo, senyales na nahihiya s’ya. At nang tingnan ko naman ang cashier na babae ay malawak ang pagkakangiti nito.

Dahan-dahan ko silang nilapitan habang nakakunot ang noo ko.

“Akala ko imposible nang makita kita sa personal kasi ang layo ng Maynila dito sa probinsya namin!” masayang sambit ng cashier.

Tumaas ang isa kong kilay dahil sa narinig ko. Narito kasi ako sa likod ni Rigo at mukhang hindi nila ako napansin na lumapit.

Magkakilala ba sila?

“Yeah. I’m here for a short vacation.” sagot ni Rigo.

Maganda ang babae. Kulot ang buhok at morena ang kulay ng kanyang balat.

Pinagmasdan ko ang ice cream na binili ni Rigo. Mukhang kanina pa iyon sa counter dahil may mga konting tubig nang nasa mesa ngayon.

“Talaga?! Ilang araw ka rito?” tanong muli ng babae.

Mukhang magkakilala nga sila. Para kasing close na close sa kanya ang babae dahil komportable itong makipag-usap kay Rigo.

“Isang araw lang, Miss. May pending din kasi akong trabaho sa Maynila.” nakangiting sagot ni Rigo.

Ang nakataas kong isang kilay kanina ay mas tumaas na ngayon.

Miss?

Tinawag n’yang Miss ang babae? Ibig sabihin hindi sila magkakilala. Eh bakit feeling close sa kanya ang babae?

“Ganon ba?” unang sambit ng babae at saglit na tumigil. Ang masaya n’yang pagsasalita ay napalitan ng ekspresyon na nahihiya. “U-uhm… may tanong ako, Rigo.” sunod n’yang sambit.

“Sige lang, ano ba ’yon?” magalang na tanong ni Rigo pabalik bagama’t nararamdaman kong may pag-aalinlangan na s’ya.

“Ahmm… K-kasama mo ba ang girlfriend mo?” tanong nitong nauutal.

Ilang segundong natigilan si Rigo.

“A-ahh… W-wala akong girlfriend…” sagot din ni Rigo na naiilang.

“Talaga?!!” ang biglang reaksyon ng babae at nakita ko pang nagningning ang mga mata n’ya.

Tumango-tango naman si Rigo.

Punyeta.

Masama ito.

Dahil sa nasaksihan ko ay awtomatikong nagdilim ang paningin ko. Nararamdaman kong may pagnanasa ang babaeng ’to kay Rigo.

Binabawi ko na ang sinabi kong maganda ang babaeng ’to kanina. Mukha na s’yang lamang-dagat ngayon sa paningin ko. Mali pala, mukha na s’yang lumot ngayon na sumisira sa magandang dagat.

“Punyeta kang lumot ka.” madiin at mahina kong sambit habang nasa likod ako ni Rigo.

Nakita kong nanigas si Rigo sa kinatatayuan n’ya, nagulat na nasa likuran n’ya pala ako.

Naging mabilis ako sa pagkilos at humakbang para lampasan si Rigo. Hinarap ko ang babaeng lumot habang naniningkit ang mga mata ko.

“Miss, alam mo bang ka—— uummpp!” ang hindi ko naituloy na pang-aalipusta sana sa babae dahil naramdaman ko na lamang na may nagtakip ng palad sa bibig ko.

Ang braso pala ni Rigo ay nakapalibot ngayon sa leeg ko at tinakpan n’ya ang bibig ko. Sinusubukan kong tanggalin ang kamay ni Rigo pero malakas talaga s’ya. Bakit kasi hindi ako regular sa gym? Sana nakakapalag ako sa kanya minsan. Bwiset!

“S-sige na, Miss. Please lang, paki-process na nitong mga binili ko. Pakibilisan na rin, please.” nag-aalalang pakiusap ni Rigo.

Naguguluhan man ang babaeng cashier ay mabilis n’ya naman na sinunod si Rigo.

Punyeta! Gusto kong apihin ang babaeng ’to! Gusto ko s’yang pahirapan! Gusto ko s’yang maging alipin! Gusto ko s’yang alipustahin!

“Thank you, thank you.” sambit ni Rigo at mabilis na kinuha ang kanyang mga pinamili matapos itong ibalot ng babae. Hindi na rin n’ya nagawang kunin ang sukli.

Akbay pa rin ako ni Rigo at mahigpit n’ya pa ring hawak ang bibig ko nang lisanin namin ang counter. Tiningnan ko ng nakamamatay ang babae, tiningnan ko s’ya sa paraan na sinasabi ng aking mga mata na may-oras-ka-rin-sa-akin.

Nagtungo kami sa isang table na nasa loob ng convenience store na iyon habang hawak pa rin ako ni Rigo. Pareho kasi kami ni Rigo na ayaw na ayaw ang kumain sa loob ng kotse. Pareho kaming maselan sa ganitong bagay kaya madalas ay kumakain muna kami bago kami sumakay.

“Bakit mo ako pinigilan? Nakita mo bang sa kakadaldal n’ya, malapit nang matunaw ang ice cream natin?” naiinis kong tanong kay Rigo nang mabitawan na n’ya ako.

Padabog akong umupo dahil sa labis na inis. S’ya naman ay inilabas na ang kanyang mga pinamili at ibinigay iyon sa akin. S’ya na rin ang nagbukas ng ice cream naming nasa cup.

Kahit naiinis ako ay hindi naman nagpapigil ang aking bibig sa pagkain nito. Nakasimangot ako sa bawat pagsubong ginagawa ko.

“’Wag mo na kasing pansinin ’yon. Nakilala n’ya ako dahil nakikita n’ya raw ako sa magazine. Alangan naman tablahin ko s’ya?” kaswal n’yang sagot sa akin.

Hindi s’ya apektado sa nangyari, pero heto ako at nang-aapoy na sa galit.

“Ang arte-arte! Kung gusto ka n’ya makausap, pumunta s’ya ng Maynila para mag-abang sa labas ng agency n’yo! Hindi ’yung dito ka n’ya inaabala habang nasa trabaho s’ya! Iniistorbo n’ya rin ang pagbabakasy——” sunod-sunod kong pagsasalita ngunit naputol na naman dahil inilagay ni Rigo ang kutsara n’yang may lamang ice cream sa bibig ko.

S’yempre hindi na ako nakapagsalita. Nginuya ko na lang ang isinubo n’yang ice cream habang nakasimangot ako. Naging dahilan din iyon para magpakawala ng mahinang pagtawa si Rigo.

“Ayan, kumain ka na lang. Grabe talaga ang daldal mo.” natatawa n’yang pagpuna.

Sa kanya lang naman ako madaldal, sa iba ay napakatahimik ko.

“’Wag kang ganyan.” sambit kong mahina matapos kong lunukin ang ice cream.

Nagtaka naman s’ya.

“’Wag maging ano?” tanong n’yang naguguluhan.

Inikot ko ang mga mata ko.

“’Wag mo akong sinusubuan ng pagkain in public. Baka nakakalimutan mo? Maraming nakakakilala sa’yo. Baka mamaya maging laman ka pa ng balita.” sagot ko sa kanyang seryoso.

Sa halip na maapektuhan sa sinabi ko ay muling natawa si Rigo.

“Eh ano naman? Kung gusto nila picturan pa nila tayo. Wala akong pakialam.” natatawa n’yang sagot.

Natigilan ako sa kanyang naging sagot. Nakaramdam ako ng tuwa dahil pakiramdam ko ay proud s’ya sakaling mangyari ngang may makakita sa aming dalawa.

Dahil din sa kanyang sagot ay may naalala ako. Mukhang matutupad na ang inaasam kong paghihiganti sa babaeng lumot.

Dahan-dahan ay nilingon ko ang babaeng lumot sa counter. Nakita kong nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa amin.

Hhhhhmmm… Mukhang nakita n’ya ang ginawa ni Rigo, mukhang ngayon pa lang ay malalasap ko na ang tagumpay ko.

Napangisi ako dahil may pumasok na namang magandang ideya sa utak ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Rigo. At sa pagkakataong ito ay nakangiti na ako.

O ’di ba? Ang bilis magbago ng mood ko?

“Rigz.” pagtawag ko sa kanyang nakangiti.

Inangat n’ya ang kanyang tingin sa akin.

“Mmm?” tanong n’ya pabalik habang nasa bibig n’ya pa ang spoon ng kanyang kinakain na ice cream.

“Parang ang sarap ng ice cream mo? Pahingi ulit ako!” nakangiti kong pakiusap sa kanya.

Saglit n’yang tiningnan ang kanyang ice cream at ibinalik sa akin ang tingin n’yang iyon. Tila ba nagtataka s’ya dahil bihira naman ako kumain ng cookies ’n cream na flavor nito.

“Gusto mo palit tayo?” alok n’ya sa akin.

Punyeta! Minsan slow din ’tong lalaking ’to!

Hindi ko s’ya sinagot. Unti-unti ay sumimangot ako.

Mukhang nakuha na n’ya ang gusto kong mangyari. Dahil matapos ko s’yang simangutan ay mabilis s’yang kumilos para lagyan ng ice cream ang kanyang kutsara. Wala na rin akong binilang pang segundo dahil mabilis n’ya rin iyong isinubo sa akin.

At viola! Ngumiti na ulit ako pagkasubo ko sa ice cream na iyon ni Rigo. Ang bilis talaga ako mapangiti ni Rigo, alam n’ya ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin.

Nagkwentuhan na lamang kami ni Rigo habang inuubos namin ang ice cream naming iyon. S’yempre hindi naman ako ganon kasama, sinusubuan ko rin si Rigo ng ice cream ko.

Sh*t! Para naman kaming nagha-honeymoon nito ni Rigo.

Nakaramdam ako ng tuwa dahil mukhang wala talagang pakialam si Rigo kung may makakita man sa amin sa aming ginagawa. Patuloy n’ya akong sinusubuan habang patuloy din kaming nagkekwentuhan ng kaswal. Wala s’yang pag-aalinlangan at hindi ko maramdaman sa kanya ang pagkailang.

Natapos kami sa aming pagkain at napagdesisyunan na rin naming ituloy ang aming byahe. Palabas na sana kami ng pinto ng convenience store nang may maalala ulit ako. Sa sobrang pagkaaliw ko kasi kay Rigo ay nakalimutan ko na ang totoong pakay ko kani-kanina lang.

Huminto ako at dahan-dahan ako sa ginawa kong paglingon sa counter kung saan naroon ang babaeng lumot, este, cashier. Suot n’ya pa rin ang ekspresyon na gulat na gulat. Mukhang mas gulat pa nga s’ya ngayon dahil mas nanlaki ang mga mata n’ya.

Jusko, mukha na s’yang lumot na may malalaking mata. Nag-e-evolve din pala ang mga lumot ’no? Akala ko mga pokemon lang na nauuso ngayon.

Mukhang gulat na gulat s’ya sa ginawa namin ni Rigo, at mukhang nagtagumpay ako sa ginawa kong paghihiganti sa kanya. Kaya naman bago ko s’ya muling tinalikuran ay itinaas ko ang isang kilay ko at nginisian ko s’ya.

Beat that, b*tch?! Next time kasi, siguraduhin mong wala ako sa paligid ni Rigo kung tatangkain mong landiin s’ya.

“Liam, let’s go.” pagtawag sa akin ni Rigo na nasa labas na pala ng tindahan.

Ipinagpatuloy ko na ang aking paglalakad. Nilubos-lubos ko na rin ang ganap. Nang makalapit ako kay Rigo ay inilagay ko ang isa kong kamay sa kanyang bewang. Gusto kong magparty dahil sa halip na magtaka s’ya ay nagawa n’ya pa akong akbayan.

Ang sarap pala ng ganito. ’Yung wala kayong pakialam sa mundo, ’yung wala kayong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Basta ginagawa namin ang makakapagpasaya sa amin.

“Ilang oras pa ang byahe natin?” tanong ko kay Rigo nang simulan n’ya ulit magmaneho.

“Siguro mga isang oras pa.” sagot n’ya naman habang patuloy pa rin sa pagda-drive.

Napahinga na lamang ako ng malalim. Gusto kong kulitin s’ya kung saan ba talaga kami pupunta pero malamang hindi n’ya rin naman sasabihin.

“Matulog ka muna ulit. Gigisingin na lang kita ’pag nakarating na tayo.” utos n’ya bigla sa akin habang nakangiti.

Sinamaan ko s’ya ng tingin.

“’Yung totoo? Ganon na ba kalala ang eyebags ko para paulit-ulit mo akong patulugin?” nakasimangot kong tanong sa kanya.

Muli na naman s’yang natawa.

“Wala akong sinasabi! Gusto ko lang may lakas ka pagdating natin doon dahil alam kong kulang ka pa sa tulog.” sagot n’yang natatawa.

Hindi na ako nagsalita, pero sa totoo lang ay nakakaramdam na naman ako ng antok. Kulang na kulang talaga ako sa tulog. Eto naman kasing lalaking ’to, masyado akong pinag-isip kagabi kung saan kami pupunta ngayon. Pero hindi talaga ako excited. Promise!

Habang nasa kailaliman ako ng aking imahinasyon sa mangyayaring date namin ay nagulat ako nang bigla akong hawakan sa batok ni Rigo at mabilisang halikan sa labi.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkagulat. Kasalukuyan s’yang nagmamaneho at nagawa n’ya pa ang bagay na iyon. Mabuti na lang at may tiwala ako sa kanya pagdating sa pagmamaneho, dati rin kasi s’yang car racer.

“Pampagising ko lang ’yon. Maaga rin kasi akong nagising kanina eh.” nakangiti n’yang sambit.

Hindi pa rin ako nakapagsalita.

“Sige na, matulog ka na muna d’yan.” utos n’ya sa akin at marahan na kinurot ang ilong ko.

Naka-recover na ako sa kanyang ginawa. Natawa na lamang ako habang umiiling. Umayos na lang ako sa pagkakaupo para sundin ang kanyang utos. Pero syempre bago ko ipikit ang mga mata ko, inilabas ko muna ang dila ko para lasahan ang labi kong hinalikan ni Rigo.

Tama nga si Rigo, mukhang kakailanganin ko ng maraming lakas ngayon dahil nang gisingin n’ya ako ay nagulat ako sa lugar kung saan kami naroroon. Narating na namin ang aming destinasyon.

Mabilis akong bumaba ng kotse na tila hindi ako nanggaling sa pagkakahimbing.

“Ang ganda dito, Rigo!!” halos pasigaw kong reaksyon.

Pinagmamasdan ko mula dito sa taas na aming pwesto ang ganda ng dagat sa ibaba. Maputing buhangin at malinis ang tubig. Masarap din ang hangin dito mula sa aming pwesto. Gaano na ba katagal simula nang pumunta ako sa dagat? Tatlong taon na yata ang nakakalipas.

Natawa si Rigo. Nakita ko rin ang saya sa kanyang mukha nang makita n’ya ang naging reaksyon ko.

“Sabi ko na nga ba magugustuhan mo dito.” sagot n’yang nakangiti at nilapitan ako.

Sa sobrang saya ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong yakapin s’ya ng mahigpit. Ginantihan n’ya rin iyon habang nagbibitaw s’ya ng mahihinang pagtawa.

“Thank you…” nakangiti kong pasasalamat sa kanya.

Sinagot n’ya iyon ng paghalik sa aking ulo.

Habang nasa ganoon kaming posisyon ay natigilan kaming pareho ni Rigo sa pagtawag sa kanyang pangalan.

“Pareng Rigo!!” tawag ng isang may kaliitang boses mula sa aking likuran. Naging dahilan tuloy ito ng pagkakabitaw ko kay Rigo.

Akala ko ay kumpare talaga ni Rigo ang tumawag sa kanya. Pero nagulat ako na isang batang lalaki pala ang tumatawag sa kanya. Siguro ay nasa walong taong gulang na itong batang ito. Sa hitsura n’ya ay mukhang bagong ligo lang din ito sa dagat.

“Ar-Ar! Kamusta?” masayang bati sa kanya ni Rigo.

Nang makalapit sa amin ang bata at nag-fist bump sila ni Rigo.

“Ayos naman! S’ya na ba ang sinasabi mo?” maangas nitong tanong kay Rigo habang tinuturo ako.

Napataas ang isa kong kilay dahil sa paraan ng pagsasalita nito. Walang ‘po’ at ‘opo’. At higit sa lahat, Pareng Rigo raw? Hindi ba n’ya nakikita ang agwat ng edad nila ni Rigo? Wala man lang pag-kuya?

“S’ya na nga ’yon.” nakangiting sagot ni Rigo sa bata.

Nilingon ako ng bata. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pagkailang sa ginagawang pagtingin nito sa akin. Tila ba sinusuri n’ya akong mabuti. Tiningnan n’ya ako simula ulo hanggang paa habang ang kanyang daliri ay nasa kanyang baba at nakapamewang pa s’ya.

Matapos akong suriin ay tumango-tango ito.

“Hhhhmmm… Pwede na rin, hindi na rin masama. Maputi eh. Gwapo rin s’ya parang tayo, Rigo.” nakangiti nitong pagbaling kay Rigo.

Naibuka ko ang bibig ko dahil sa narinig kong sinabi ng bata. Hindi ako makapaniwala na may maglalakas loob na gawin iyon sa akin. Harap-harapan n’ya akong sinuri at walang pag-aalinlangan n’yang inihayag ang napansin n’ya sa akin.

Natawa si Rigo.

“Ar-Ar, s’ya si Randy.” pakilala sa akin ni Rigo.

Ngumiti naman ang bata at napansin kong gwapo rin pala ito. May kaitiman nga lang s’ya ng kaunti, siguro ay dahil dito s’ya nakatira sa lugar na ito.

“Kamusta, Randy? Ako nga pala si Ar-Ar.” pakilala n’ya sa kanyang sarili at inilahad pa ang kanyang kamay.

Lalo na akong naguluhan dahil hindi rin n’ya ako nagawang tawagin na kuya.

Hindi ko rin malaman sa sarili ko, pero awtomatiko na lamang din na inabot ko ang kanyang kamay para tugunan ang kanyang pagbati.

“Ar-Ar, apo!” ang biglang pagtawag na naman na aming narinig.

Mabilis na binitawan ng bata ang aking kamay.

“Lola! Lolo! Dumating na si Rigo! Sinama na rin n’ya si Randy!” masaya nitong balita sa dalawang matanda na patungo na rin sa aming pwesto.

Mabilis din si Rigo sa paglapit sa dalawang matanda. At dahil nga natural na magalang at mabait si Rigo ay nagmano ito sa kanila.

“Si Randy po, Lola, Lolo.” pakilala sa akin ni Rigo.

Nakita ko ang pagsilay ng sinserong ngiti mula sa dalawang matanda. Kaya naman bahagya akong yumuko sa kanila bilang pagbati.

“M-magandang araw po.” nahihiya kong bati sa kanila.

“Siguro ay gutom na kayo? Halina at nakahanda na ang tanghalian.” pagyaya ni Lola.

Kahit may mga gusto pa sana akong itanong ay pinili ko na lamang na manahimik sa ngayon. Mamaya ko na lamang uusisain ito kay Rigo.

Kumilos ang matandang lalaki para tulungan si Rigo sa pagkuha ng ilang mga kagamitan namin mula sa kotse.

“Ako na po, Lolo.” mabilis kong pag-agaw sa aming gamit ni Rigo na hawak na ni Lolo.

Tila ba nagdadalawang-isip naman ang matanda kung ibibigay ba iyon sa akin.

“Hayaan n’yo na s’yang magbitbit n’yan ’Lo. Minsan lang ’yan maging mabait kaya samantalahin n’yo na.” natatawang wika ni Rigo kay Lolo.

Ginantihan ko naman si Rigo ng nakamamatay na tingin.

S’yempre kahit na ganito ako, hindi ko naman maaatim na makitang nahihirapan ang matanda kung kaya ko naman bitbitin. May Nanay Elise din naman ako na ayaw ko ring nakikitang nahihirapan.

“Ang bait mo ngayon ah? Nilalagnat ka?” pang-aasar ni Rigo sa akin nang pabulong habang naglalakad kami.

Sinusundan namin sina Lolo at Lola pati na rin si Ar-Ar kung saan nila kami dadalhin.

Siniko ko si Rigo.

“Baliw ka.” buska ko sa kanya.

Tinawanan lang ako ng loko.

Nakarating kami sa isang malaking kubo malapit sa tabi ng dagat.Nakaupo kami sa tapat ng isang mesa na gawa sa kahoy dito rin sa labas ng kubo. At kung kanina ay natuwa ako sa tanawin mula sa taas, mas namangha ako ngayong naririto na kami sa baba. Kitang-kita ko ang ganda ng kabuuan ng resort at masasabi kong isa ito sa pinakamagandang resort na napuntahan ko.

“Rigz, paano mo nalaman ’tong lugar na ’to? Ang ganda!” hindi ko napigilang maibulalas habang tinatanaw ang dagat.

Sina Lolo at Lola ay saglit na pumasok sa loob ng kubo para ihanda ang aming mga kakainin. Si Ar-Ar naman ay saglit na umalis para iligpit daw ang kanyang mga laruan. Sinasabi ko na nga ba, bata s’ya at hindi matanda. Pero kakaibang bata. Mukhang maaaliw ako sa kanya kahit hindi ko man aminin.

“Three years ago noong una akong makatapak dito.” nakangiting sagot ni Rigo.

Nagtaka naman ako at ibinalik ko sa kanya ang tingin.

“Three years ago pa? Eh bakit hindi ko alam?” tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat naman s’ya. Hindi n’ya ako sinagot ngunit nanatili s’yang nakangiti sa akin.

Naku! Kung hindi lang ’to gwapo at hindi n’ya ako pinasaya ngayon, baka nakatikim na ’to sa akin.

Hindi ko na lang s’ya pinansin. Inabala ko na lamang ang aking sarili na libutin pa ng aking paningin ang lugar.

“Ang ganda talaga…” sambit kong muli.

Ito ang klase ng beach resort na gusto kong puntahan. Kakaunti ang tao at mas marami akong nakikitang puno sa halip na mga bar at inuman. Walang ingay sa paligid at tanging paghampas lang ng alon na napakasarap sa pandinig ang maririnig mo.

Napapikit ako habang dinadama ang sariwang hangin na dumadampi sa aking mukha. Hindi ko alam kung ilang minuto ko iyong ginawa ngunit pagmulat kong muli ng aking mga mata ay nakita kong nakatitig sa akin si Rigo habang may matamis na ngiti sa kanyang labi.

“Tinitingin-tingin mo?” masungit kong pagtatanong sa kanya.

Tinawanan n’ya na naman ako.

Seriously? Ano bang nakakatawa sa tanong ko?

“Wala. Masaya lang ako dahil nakikita kong masayang-masaya ka na nakarating ka rito.” natatawa n’yang sagot.

Dahil sa sinabi n’ya ay hindi na ako nag-effort pa na mag-isip ng pambabara sa kanya. Totoo naman kasi iyon, masaya ako dahil dinala n’ya ako rito. Ngumiti na lang ako bilang sagot sa sinabi n’ya.

“Heto na mga apo, kumain na tayo.” ang biglang pagsulpot ni Lola mula sa loob ng kubo.

Dala nito ang aming mga gagamitin sa pagkain. Sa likuran n’ya naman ay si Lolo na dala naman ang natitira pang mga ulam. Sa dami ng kanilang inihanda ay aakalain mong nasa isang piyestahan ka. Puro seafood at gulay na bihira kong kainin sa Maynila.

“Randy! Maghugas ka muna ng kamay mo.” biglang sulpot ni Ar-Ar mula sa aking lukuran. Bitbit n’ya ang isang tabo na may lamang tubig.

“Ha?” naguguluhan kong tanong.

Hindi na nakasagot pa si Ar-Ar dahil mabilis din na kinuha ni Rigo ang tabo.

“Ako na lang Ar, hindi ’yan nagkakamay si Randy. Pinagdala ko na s’ya ng magagamit n’yang kutsara’t tinidor.” wika ni Rigo sa bata habang naghuhugas ng kanyang mga kamay.

Nang lingunin ko ang aming mesa ay doon ko lamang napansin na wala ngang nakahandang mga kubyertos na gagamitin namin. Mayroon lamang isang sandok na nasa gulay dahil may sabaw ito.

Tiningnan ko ang dalawang matanda at napansin kong tila ba sila pa ang nahihiya sa akin. May ilang segundo rin akong nag-isip bago ko nilingon muli si Ar-Ar na nakatingin din pala sa akin sa mga oras na ito.

“Ahm… S-sige, Ar. Pakikuhanan mo na lang din ako ng tubig, please?” pakisuyo ko sa bata.

Nang sabihin ko iyon ay napangiti ng wagas ang bata. Matapos din iyon ay agad s’yang kumilos para gawin ang aking pakisuyo.

“Sigurado ka?” biglang tanong sa akin ni Rigo.

Nakita ko ang nag-aalala n’yang ekspresyon. Unti-unti ay ngumiti ako.

“Oo naman.” nakangiti kong sagot sa kanya.

Maging ang dalawang matanda sa aming tapat ay nakita ko na ring ngimiti.

Hindi ko pa nararanasan na kumain nang nakakamay maliban na lamang sa junk foods kagaya ng chips o kaya naman ay pizza. Bata pa lang ako ay gusto ko nang gawin ang bagay na iyon, ngunit dahil na rin sa mahigpit na patakaran sa dati kong buhay ay hindi ko ito naranasan. Hanggang sa makasanayan ko na ito.

Masaya kaming nagsalo-salo sa aming tanghalian. Lahat sila ay mukhang mabubusog sa aming kinakain maliban na lamang sa akin.

Sige na, aaminin ko na. Dahil sa hindi naman ako sanay sa ganitong uri ng pagkain, ang nakakamay, wala rin akong sapat na makuhang pagkain. Lahat ng dinadakot ko ay nalalaglag bago pa makarating sa bibig ko.

Nakaramdam na ako ng inis. Bakit ba kasi nagmagaling pa ako? Sana pala ay kinuha ko na lang ang dala ni Rigo na mga gagamitin kong kubyertos.

Isa pa sa nakakadagdag ng inis ko ay tinatawanan nila akong lahat. Kahit na si Rigo na inaasahan kong kakampi ay nakikisabay sa kanilang pagtawa.

“Ang laki ng kamay mo, Pareng Randy pero wala kang madakot!” natatawang puna sa akin ni Ar-Ar.

Sinamaan ko s’ya ng tingin. Eh kung ’yung mata n’ya kaya ang dakutin ko?

“Sandali nga!” natatawang sambit ni Rigo.

Ilang sandali pa ay nagulat na lamang ako nang ilagay ni Rigo ang kanyang kamay na may hawak na pagkain sa aking bibig.

“Ah!” utos n’ya sa akin para isubo iyon.

Nakaramdam ako ng pag-aalala. Sinulyapan ko ang tatlong tao na nasa aming harapan.

“’Wag ka nang pabebe d’yan. Isubo mo na ’yan kesa gutumin ka.” wika ni Ar-Ar.

Ang dalawang matanda naman ay nakangiti lang sa akin. Tila ba naghihintay lang din na kainin ko ang ibinibigay ni Rigo.

Kahit na bahagyang nababahala ay dahan-dahan ako sa pagkilos upang kainin iyon.

“Ako na lang ang magpapakain sa’yo. Ayokong nagugutom ka.” sambit ni Rigo.

“Haba ng hair ni Bes!” kantyaw naman ni Ar-Ar at tinawanan ng kanyang Lola at Lolo pati na rin ni Rigo.

Ang dami talagang alam ng batang ’to.

Nagpatuloy kami sa aming tanghalian at naging maayos naman iyon. Nawala na rin ang pagkailang ko dahil napalitan ito ng pagkainis at pagkaaliw sa pang-aasar na ginawa sa akin ng kutong-lupang si Ar-Ar. Ang batang ’to, hindi man lang tinablan ng nakamamatay kong tingin. Hindi man lang s’ya nababahala sa kasungitang taglay ko.

“Lola, Lolo, kayo na po ang bahala ha? Mamamasyal muna kami ni Randy.” paalam ni Rigo matapos ang aming pahinga mula sa aming panananghalian.

“Sige, Rigo. Para naman maipasyal mo s’ya sa magandang resort na ’to.” nakangiting sagot ni Lola.

“Teka! Sama ako, Pareng Rigo! Wala akong kalaro oh!” pahabol naman ni Ar-Ar habang nakanguso.

“Tumigil ka ngang bata ka! Dito ka na lang at makakaistorbo ka lang sa kanila.” saway naman ni Lolo sa kutong-lupa.

Napakamot naman ng ulo ang bata. Bakit pakiramdam ko ay kahit may kalokohang taglay ang batang ’to ay makakasundo ko s’ya?

“Randy! ’Di ba okay lang naman na sumama ako? Close na tayo ’di ba? ’Di ba, bes?” sunod-sunod nitong tanong sa akin.

Kahit pigilan ko ay natawa ako sa kadaldalang taglay n’ya. Hindi ako nakakaramdam ng inis sa tuwing tatawagin n’ya lamang kami sa pangalan at wala man lang ‘kuya’.

Nilingon ko si Rigo para malaman kung ayos lang ba sa kanya. Nakita kong nagkibit-balikat lang s’ya habang nakangiti senyales na walang problema sa kanya.

Binalingan ko ang dalawang matanda.

“Okay lang po bang sumama na lang s’ya sa amin?” paalam ko sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa.

“Para may tour guide din naman po kami ni Rigo.” nakangiti kong dugtong at pangungumbinsi.

Tumalon-talon naman si Ar-Ar dahil sa tuwa.

“Yes! Yes! Narinig n’yo ’yon, Lola, Lolo? Tour guide daw ako!” tuwang-tuwa n’yang sambit at biglang napatigil. “Teka, ano ’yung tour guide?” sunod nitong tanong na nagtataka.

Lahat kami ay natawa sa tanong n’ya. Gunulo ni Rigo ang kanyang buhok.

“Halika na nga, sumama ka na lang Mr. Tour Guide!” natatawang pagyaya nito sa bata.

Matapos iyon ay sabay-sabay na rin kaming naglakad palayo sa kubo.

Kahit may kainitan sa mga oras na ito ay hindi namin iyon alintana. Malamig ang dala ng hangin sa beach resort na ito, ibang-iba sa hangin na nilalanghap ko sa Maynila.

Naririto kami at naglalakad sa tabi ng dagat. Si Ar-Ar naman ay nauuna sa amin dahil nagpupulot s’ya ng mga sea shells na kanyang makikita.

“Ang ganda talaga dito, Rigz.” muli ko na namang papuri sa beach resort na ito. Katabi ko s’yang naglalakad.

“’Di ba sabi mo noon, gusto mong manirahan sa ganitong klase ng resort? ’Yung kahit paminsan-minsan mo lang mapuntahan dahil may trabaho ka sa Maynila, ganito ang lugar na gusto mong uuwian ’pag nakabakasyon ka?” tanong n’ya sa akin at alam kong nakangiti s’ya.

Nilingon ko s’ya at natawa ako.

“Natatandaan mo pa ’yon? Ang tagal na noon ah! At parang isang beses ko lang ’yon nabanggit sa’yo ’di ba? Noong time na birthday ni Tom at nagbigay sa kanya ng birthday surprise si Xander?” pag-alala ko sa bagay na iyon.

Mas lumapad ang pagkakangiti n’yang tiningnan ako.

“Lahat ng salitang naririnig ko sa’yo, tinatanim ko sa isip at puso ko.” sagot n’yang nakangiti.

Hindi ako nakapagsalita at napatigil din ako sa paglalakad. Ang kaninang nakangiti ko ring ekspresyon ay bigla rin nawala.

Ilang beses ko ba dapat sabihin sa kanya na hindi pwede? Ilang beses ko ba s’yang dapat na tanggihan?

May dalawang metro na ang layo n’ya sa akin nang tumigil din s’ya sa paglalakad. Dahan-dahan s’yang humarap sa akin habang suot ang pinakamaganda n’yang ngiti.

“At tandaan mo rin ito, Liam….” una n’yang sambit at saglit na tumigil.

“…kapag dumating ang oras na sasabihin mong mahal mo na ako, tatandaan ko ang araw, oras, minuto pati na rin ang segundo. Dahil sa oras na ’yon, ako na ang pinakamasayang tao na nabubuhay sa mundo.” nakangiti at sinsero n’yang pagpapatuloy.

Matapos din iyon ay mabilis n’ya rin akong tinalikuran.

“Tara na, ipagpatuloy na natin ang pamamasyal.” pagyaya n’ya ngayon sa akin at nagpatuloy na rin sa kanyang paglalakad.

Pigilan ko man na hindi makaramdam ng tuwa sa kanyang mga binitiwang salita ay hindi ko iyon magawa. Pinili ko na lamang na itikom ang bibig ko at damhin ang matatamis na salitang iyon.

Nagpatuloy kami sa aming pamamasyal at pag-iikot sa napakagandang resort. Kahit na paminsan-minsan ay nangungulit sa amin si Ar-Ar ay nakadagdag iyon sa magandang karanasan sa akin.

Magdadapit hapon na nang magdesisyon kaming bumalik. Dahil maging ang gubat na malapit dito ay amin ding pinuntahan.

Kakaiba ang nararamdaman kong tuwa sa tuwing makakarating ako ng gubat. Pakiramdam ko kasi ay umuwi ako sa aking bahay. Dahil ang lugar na ito ang naging tahanan ko noon. Noong mga panahon na pinagtataguan ko ang aking takot mula sa totoong bahay ko kasama ang pamilya ko.

Bago kami makabalik ng kubo na ilang metro na lamang ang layo ay napahinto ako.

“Rigz, siguro ’yung may-ari ng resort na ’to ang nakatira d’yan?” pagpuna ko habang itinuturo ang nag-iisang malaking bahay na nakatayo dito sa resort.

Sa laki nito ay masasabi kong isa na itong mansyon. Mula dito sa labas ay nakikita kong hanggang third floor ang pagkakatayo nito. May malawak na second floor at napapalibutan ng maliliwanag na ilaw.

Nadaanan din namin ito kanina noong papunta kami sa gubat. Napukaw nito ang atensyon ko dahil sa ganda nito. Mukhang malinis at napakaganda rin ng interior nito mula sa labas.

Napatingin dito si Rigo at nakita kong sumilay ang kanyang ngiti.

“Maganda ba?” tanong n’ya sa akin.

“Oo. Sobra.” nakangiti ko namang sagot habang nakatingin pa rin sa bahay.

Nagulat ako nang bigla n’yang hawakan ang kamay ko.

“Tara, pasok tayo!” bigla n’yang pagyaya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at agad s’yang pinigilan.

“Baliw ka ba?! Gusto mo bang makasuhan tayo ng trespassing?!” sita ko sa kanya.

Bago pa man ako sagutin ni Rigo ay nagulat na lamang ako nang mabilis na tumakbo si Ar-Ar sa loob ng bahay na iyon.

“Tara na! Nagugutom na ako eh! Puro kayo lambingan simula pa kanina!” reklamo ni Ar-Ar habang binabaybay ang loob ng bahay.

Dahil sa mga pangyayari ay hindi ko na alam ang magiging reaksyon. Naguguluhan na ako kaya naman hindi ko magawang magsalita. At habang nasa ganoon akong tagpo ay ipinagpatuloy ni Rigo ang paghila sa akin papasok ng bahay.

“Nariyan na pala kayo. Nakahanda na ang lahat, Rigo.” nakangiting salubong ni Lola na lumabas mula sa bahay.

Kasunod n’ya ay lumabas din si Lolo.

“Naroon na rin sa kwarto ang mga gamit n’yo.” pagbabalita naman ni Lolo.

“Salamat po, ’La, Lolo.” nakangiti pa ring sagot ni Rigo.

Hindi ko pa rin magawang magsalita at sumabat sa usapan nila dahil sa labis na pagtataka.

“Paano? Babalik na kami sa aming kubo. Mukhang gutom na rin itong batang ’to dahil salubong na ang kilay oh!” pagpapaalam ni Lola habang hinahaplos ang ulo ni Ar-Ar na nakayakap sa bewang n’ya.

“Sige po, salamat po ulit.” muling pasasalamat ni Rigo.

Tinanaw na lamang namin silang tatlo na paalis hanggang sa bigla na naman akong hilain ni Rigo.

“Tara na sa second floor!” masigla n’yang pagyayang muli.

Nagpadala na lamang ako sa kanya habang gulong-gulo pa rin.

“Nirentahan mo ba ’to? Akala ko rest house ng may-ari.” tanong ko habang nililibot ang paningin sa unang palapag.

Tinugunan lamang ako ng pagtawa ni Rigo habang hawak pa rin ang kamay ko.

“Grabe… ang ganda talaga, Rigz.” muli kong papuri.

Alam kong nanlalaki ngayon ang mga mata ko dahil sa labis na pagkamangha. Ganito ang interior na gusto ko sakaling magpapatayo ako ng sarili kong bahay. Kompleto sa kagamitan at naglalaro lamang sa puti at dark brown ang wall ganoon din ang ilang kagamitan. Lalo pang nagpaganda ang mga glass walls na nasa tapat ng dagat.

“Bukas mo na libutin ’tong bahay. Maganda ang view sa taas ngayon dahil palubog na ang araw.” utos ni Rigo at mas mabilis s’yang naglakad habang hila ako patungo sa magarang hagdan.

Akala ko ay wala na akong igugulat pa. Ngunit nang makarating kami sa second floor ay mas namangha at nagulat ako sa sumalubong sa amin.

Mayroong living room kaming pinasok at nang lampasan namin iyon ay bumungad sa amin ang may katamtamang laki ng swimming pool sa labas.

“Rigz! Ang ganda dito!!” hindi ko napigilang bulalas.

Hindi ko inaasahan na may swimming pool sa second floor. May mga salamin na harang iyon para makita mo naman ang view ng dagat.

“Nagustuhan mo ba?” nakangiting tanong ni Rigo.

“Sobra!!” eksaherada ko namang sagot.

Sa labis sigurong tuwa ay kusa akong gumalaw para yakapin si Rigo ng mahigpit. Tinugunan n’ya rin iyon habang naglalabas s’ya ng mahinang pagtawa, senyales na natutuwa rin s’ya.

“Tara, magdinner muna tayo habang pinapanood ang sunset.” pagyaya ni Rigo matapos ang ilang minuto naming pagkakayakap.

Iginaya n’ya ako sa isang pwesto na nasa gilid ng pool at katapat naman ng dagat. Doon ko lamang napansin na may maliit na mesa roon at may mga nakahanda na ring pagkain dito. May ilang kandila rin ang naroroon habang nasa loob ito ng mga baso.

Romantic dinner.

Tama nga ang sinabi ni Ar-Ar kanina. Ang haba ng hair ng bes n’ya.

“Sina Lola ang naghanda nito?” mangha kong sambit habang umaayos ng pagkakaupo.

“Yeah. Kaya nandito sila kanina.” sagot n’ya sa akin.

Masasarap ang inihanda nilang pagkain. Sapat lamang para sa aming dalawa ni Rigo.

Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid at alam kong nanlalaki na naman ang mga mata ko. Si Rigo naman ay naging abala sa paglalagay ng pagkain sa aking plato.

“Magkano nagastos mo dito, Rigz?” tanong kong hindi nakatingin sa kanya. Ang ganda kasi talaga.

“Bakit ba tinatanong mo pa ’yon? I-enjoy mo na lang dahil minsan lang naman tayo makalabas ng ganito.” natatawa n’yang sambit.

“Sige.” mabilis ko namang sagot.

Mabilis akong kausap dahil hanggang ngayon ay mukha pa rin akong sinaunang-tao na naiignorante sa nakikita sa paligid.

Nagsimula kaming magdinner ni Rigo at nagpapasalamat naman ako dahil may kutsara at tinidor na kami ngayon. At kahit na nag-uusap habang kumakain kaming dalawa ay hindi ko s’ya magawang sulyapan dahil inililibot ko pa rin ang mata ko sa paligid. Hindi ko na nga alam kung ano ba ang uunahin kong tingnan, ang ganda ba ng sunset o ang ganda ng bahay.

“Sana napasaya kita, Liam.” wika ni Rigo.

Natapos na kaming magdinner at naririto na kami sa pool para magpahinga. Nakalublob ang mga paa namin sa pool habang pinagmamasdan ang magagandang ilaw na nasa ilalim nito. Nakasandal ako sa kanyang balikat habang nakangiti.

Inangat ko ang aking ulo at hinarap s’ya.

“Hindi ko s’ya gusto! Gustong-gusto! Kung pwede nga lang dito na ako tumira!” sagot kong natatawa.

Maging s’ya ay tumawa at mabilis n’ya rin akong hinalikan sa noo.

“Great! Mukhang nagtagumpay ako na pasayahin ka ngayong araw na ’to.” wika n’yang muli at marahan akong kinurot sa ilong.

Totoo nga ang kanyang sinabi. Sa bawat araw na dumarating ay wala s’yang ibang goal kundi ang pasayahin ako hanggang sa matapos ang araw para sa akin.

“Salamat, Rigo.” naging sagot ko lamang at binigyan naman s’ya ng halik sa labi.

Matapos ang mabilis kong halik ay mahigpit din naming niyakap ang isa’t-isa dahil sa kaparehong saya na aming nararamdaman.

Habang nasa ganoon kaming tagpo ay narinig kong bigla s’yang natawa. Ang saya-saya n’ya ngayon. Kung sabagay, ako rin naman ay walang mapaglagyan ang saya sa mga oras na ito.

Bumitaw ako sa kanya at kinompronta s’ya habang nakataas ang isa kong kilay.

“Bakit ka natatawa? Napapansin ko lang, kanina ka pa tawa ng tawa. Malapit ko nang isipin na nawawala ka na katinuan.” buska ko sa kanya.

Napailing s’ya.

“Wala naman. Naalala ko lang noong nag-away tayo. Nagalit ka kasi sa Jollibee kita dinala.” pag-alala n’ya.

Sinamaan ko s’ya ng tingin dahil naalala ko ang pagkapahiya ko noong mga oras na ’yon. Hindi na naman tuloy ako nakapagsalita.

Marahan n’yang hinawi ang buhok kong nakaharang sa mata ko ngayon.

“Hindi ikaw ang tipo ng taong pang-Jollibee lang, Liam. Dahil ang kagaya mo, sa isang paraiso dapat na dinadala, sa isang lugar na ngingiti ka at ako lang ang makakakita.” nakangiti n’yang sagot.

Punyeta.

Nakakailang punyeta na ba ako ngayong araw na ito? Hindi ko na mabilang. Dahil sa sobrang saya ko sa ginagawa ni Rigo, parang gusto kong paulit-ulit na magmura.

“Oh? Na-speechless ka? Napipi ka na? ’Wag mo sabihing kinikilig ka na sa akin? Sabihin mo lang, para magpapaparty ako pagdating natin ng Maynila.” puna n’ya sa akin.

Sinamaan ko na naman s’ya ng tingin.

“Asa!” pagde-deny ko.

Eto na naman ako, nagsisinungaling na naman ako sa kanya.

Kasunod noon ay nakita ko ang pagbuntong hininga n’ya. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya dahil iniiwasan kong makita ang lungkot n’ya.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin matapos iyon.

“Ay punyeta!!” gulat kong reaksyon.

Matapos din kasi ang katahimikang iyon ay nakita ko na lamang ang sarili ko sa swimming pool at basang-basa ng tubig.

Itinulak ako ni Rigo sa swimming pool!

“Gago ka! Inaano kita?!” inis kong tanong sa kanya at sinabuyan s’ya ng tubig gamit ang palad ko.

Tumawa si gago. Hindi s’ya nagsalita ngunit natatawa s’yang tumayo mula sa pagkakaupo. Dali-dali s’yang tumakbo patungo sa kabilang dulo ng pool na malayo sa akin.

“D’yan ka lang! ’Wag kang aalis!” sigaw n’ya.

Matapos iyon ay hinubad n’ya ang suot n’yang t-shirt maging ang kanyang short.

Punyeta to nth level! Nakakita na naman ako ng Adonis! Hubarin na rin sana n’ya ang suot n’yang brief!

Pero bigo ako. Nanatili ang kanyang suot na brief hanggang sa tumalon s’ya sa swimming pool.

Wala akong nagawa kundi ang panoorin ang kanyang paglangoy hanggang sa makarating s’ya sa aking pwesto. At nang makarating s’ya sa aking pwesto ay nagulat na lamang ako nang bigla n’ya akong yakapin ng mahigpit. Hindi ako makapagbigay ng reaksyon dahil sa pagkabigla.

“Sorry and thank you.” mahina n’yang sambit.

Nagtataka man ay unti-unti ko ring inangat ang aking mga kamay upang gantihan ang kanyang yakap.

“Liam…..” pagtawag n’yang mahina.

“B-bakit?” tanong kong nagtataka.

“Thank you…” sagot n’ya.

“P-para saan?” nauutal ko pa ring tanong.

Dapat nga ay ako ang magpasalamat sa kanya dahil sa pagpapasaya n’ya sa akin buong araw.

“Thank you dahil kahit na pakiramdam mo kanina sinaktan kita dahil tinulak kita sa tubig, hindi ka pa rin umalis noong sinabi kong ’wag kang umalis. Salamat dahil hinintay mo pa rin ako.” makahulugan n’yang pahayag.

Hindi ako makapagsalita kaya nagpatuloy pa s’ya sa kanyang mga sinasabi.

“Sana Liam, ’pag dumating ang oras na masaktan ka, ’wag kang aalis sa pwesto mo ha? Kahit hindi mo na tawagin ang pangalan ko, basta d’yan ka lang. Dahil kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para mapuntahan ka.” puno ng emosyon n’yang pahayag.

Parang libo-libong sibat ang tumama sa dibdib ko. Dahil sa kanyang mga sinabi ay hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot.

Sa pagkakataong ito ay nagawa ko nang makapagsalita.

“R-rigz, paano ’pag ikaw naman ang magiging sanhi ng lungkot ko? Paano ’pag ikaw ang magiging dahilan para m-masaktan ako?” sunod-sunod at nauutal kong tanong.

Naramdaman ko ang tangka n’yang pagbitaw sa akin.

“’W-wag. Ganito lang tayo, Rigz. Dito ka lang.” pagpigil ko sa kanya.

Dahil matapos kong itanong ang mga bagay na iyon sa kanya ay hindi ko napigilan ang aking mga luhang pumatak. Ayokong makita n’ya ang mga iyon na dumadaloy sa aking mga mata.

Ibinalik n’ya ang kanyang sarili sa mahigpit n’yang pagkakayakap sa akin.

“Sakali mang mangyari ’yon, Liam, sana hindi ka pa rin umalis sa pwesto mo. Dahil kahit ano ang mangyari, pangako, pupuntahan pa rin kita. Dahil ikaw na ang tahanan ko, ang tahanan kong babalik-balikan ko.” madamdamin n’yang sagot sa tanong ko.

Halo-halo ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Lungkot dahil alam kong darating ang oras na mangyayari ang bagay na iyon. At saya dahil sa mga pangakong binitawan n’ya.

Wala na akong naisagot sa kanya. Kaya naman ang ginawa ko na lang ay iginaya s’ya palubog sa ilalim ng tubig habang yakap pa rin s’ya. At nang nasa ilalim na kami ay doon ko na lamang s’ya pinakawalan. Dahil dito sa ilalim ng tubig ay hindi na n’ya mapapansin ang mga luha kong nag-uunahan na ngayong lumalabas mula sa aking mga mata.

Nakita ko ang mga mata ni Rigo na nakatingin sa akin ng diretso. At ang mga tingin n’yang iyon ang magpapatunay na mahal na mahal n’ya ako.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi n’ya at dahan-dahan ay pinaliit ko ang pagitan ng aming mga mukha hanggang sa magdikit ang labi naming dalawa.

Ginantihan n’ya ang halik ko habang yakap n’ya ang bewang ko. Gusto kong ipaabot sa kanya ang nararamdaman ko sa ginagawa kong paghalik sa kanya habang mas lumalalim pa ang aming nilalakbay sa ilalim ng tubig.

Puno ng pagmamahal ang halik ni Rigo, habang ang sa akin naman ay ang pinaghalong pagmamahal at sakit. Hinayaan kong maanod ng tubig ang nga luha kong hindi ko na kaya pang pigilan. Luha ng sakit dulot ng katotohanan na isang araw ay mawawala rin s’ya sa tabi ko.

Kung ganito na lang sana kami habang-buhay, wala na akong pakialam kung mamatay man ako sa pagkalunod. Basta magkasama lang kami hanggang kamatayan, hindi na ako maghahangad pa ng iba. Basta’t nandito lang s’ya.

Dahil tulad n’ya, s’ya na rin ang buhay ko.

S’ya na rin ang dahilan kung bakit lumalaban ako sa sa bawat masasakit na ala-alang hinahabol ako.

At s’ya na lang din ang nag-iisang dahilan kung bakit nagagawa ko nang ngumiti sa bawat umaga na darating sa buhay ko.

S’ya lang, ang nag-iisang si Rigo.


A/N

’Yung huling part, tina-type ko dito sa bus. At wala akong pakialam sa ibang pasahero kung makita nila akong umiiyak habang nagta-type. Hahahahaha!

Anyway, sana nagustuhan n’yo po ang chapter na ’to.

Salamat po sa mga naghihintay ng update. Salamat din po sa magbibigay ng votes at comments! Labyu guys!

––cold_deee

chapter 7

A/N

Nakakagulat ba at may update agad? Hahahaha! Nakapag-leave ng isang araw ang lola n’yo eh.

Hello 

davinciboi

!! Kaway-kaway kapatid! Hahahahaha!

Enjoy reading chapter 7, guys!

––> si Vinci po sa media.


RANDY’s POV

Balik na sa reyalidad. Natapos na ang bakasyon namin ni Rigo at balik na kami sa normal naming pamumuhay, balik Maynila para magtrabaho.

Bagama’t saglit lang ang aming naging naging bakasyon ay masasabi kong iyon na yata ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Nakasama ko si Rigo ng buong araw at wala kaming sinayang na oras, sinamantala namin ang pagkakataon na kami lamang dalawa ang magkasama.

Naririto ako ngayon sa tapat ng kanyang agency para sunduin s’ya. Napapansin kong nagiging abala s’ya ngayong mga nagdaang araw ngunit kahit minsan ay hindi ko s’ya narinig na nagreklamo. Nag-aalala rin ako sa kalusugan n’ya dahil sa pagtatrabaho ngunit hindi ko naman iyon masabi sa kanya ng direkta. Kaya naman ang ginagawa ko na lamang ay pinaparamdam ko ang pag-aalaga ko sa kanya sa mga simpleng bagay.

Napahinga ako ng malalim dahil sa ganoong set up namin dalawa.

Kung pwede lang sana na sermonan ko s’ya. Kung pwede lang sana na pangaralan ko s’ya na ’wag n’yang sinusubsob ang sarili n’ya sa trabaho. Kung pwede ko lang sana na hayagang pagbawalan s’ya.

Pero hindi pwede. Dahil kapag ginawa ko ang bagay na iyon ay alam kong iba na ang iisipin n’ya. May posibilidad na isipin n’yang gusto ko na s’yang panghawakan at may nararamdaman na ako sa kanya.

Kaya naman hangga’t kaya kong itago, hangga’t kaya kong ipakitang wala akong pakialam sa gusto n’yang gawin sa buhay n’ya ay paninindigan ko.

‘Sa labas na lang ng agency kita hintayin.’

text ko sa kanya makalipas ang ilang sandali.

Pinili ko na lamang na dito s’ya hintayin dahil ayaw kong makalanghap ng maduming hangin sa kwarto kung saan nagaganap ang kanilang photoshoot. Alam ko kasing naroroon na naman ang manager n’yang si Coke at ayaw kong masira ang araw ko. Para kasi s’yang libag sa paningin ko.

Malaki at nanggigitatang libag na naglalakad.

Kahit siguro maghintay ako ng hanggang bukas dito kay Rigo ay ayos lang. ’Wag ko lang makita at madikitan ang baklang ’yon dahil baka madagdagan pa ang bangungot ko gabi-gabi. Baka s’ya pa ang maging dahilan para hindi na ako magising.

Natawa ako sa kalokohang iniisip ko. Ang sama ko talaga.

Nasa ganoon akong tagpo nang may mapansin akong tumatakbong lalaki patungo rito sa madilim na parte ng parking area kung nasaan ako. Medyo madilim na sa mga oras na ito kaya nakaramdam ako ng kaba sa nakikita ko.

“Punyeta, baka carnapper ’to.” mahina kong sambit habang tinatanaw sa rear view mirror ang lalaki na ngayon ay nagtatago na sa halamanan malapit sa aking pwesto.

Maya-maya pa ay nakayuko itong naglalakad patungo sa aking kotse. Lalo na akong kinabahan dahil hindi n’ya yata napansin na may tao dito sa loob ng kotse ko.

Inisip kong paandarin na lang bigla ang aking sasakyan at takasan s’ya. Ngunit naisip ko rin na baka basagin n’ya ang salamin nito at saktan ako. Isa pa, huli na para gawin ko iyon. Dahil mabilis s’yang kumilos para sumandal sa pintuan ng kotse ko kung saan ako nakapwesto. Nakaupo s’ya sa lupa at mukhang handa nang buksan ang pintuan nito.

Inihanda ko na ang sarili ko, kinuha ko na ang magiging sandata ko bilang proteksyon sa aking sarili. Sakali man na buksan n’ya ang pinto ng aking kotse ay hahampasin ko na lang s’ya ng life hammer na naririto sa sasakyan ko. Mabuti na lamang at naglagay nito dito si Rigo dahil makakatulong daw ito sakaling may hindi inaasahang aksidente sa aking pagmamaneho.

“Hayup kang ulupong ka. Subukan mo lang akong kantiin demonyo ka.” mahina kong sambit habang mahigpit na hawak ang life hammer.

May kaba akong nararamdaman hindi dahil natatakot ako sa taong ito. Natatakot ako dahil baka may hawak s’yang baril ngayong mga oras na ito. Kaya kong lumaban, pero kung makakakita na ako ng baril, baka mauna pa akong mamatay dahil sa takot bago pa n’ya maiputok.

Naghintay ako ng ilang minuto para sa kanyang pag-atake. Ngunit nakalipas ng ang ilang minuto ay hindi pa iyon nangyayari.

Nang silipin ko s’ya sa babang labas ay nakita kong hawak n’ya ang kanyang cellphone. Hindi ko makita ang mukha n’ya dahil nakatalikod ito sa akin. Isa pa, may suot s’yang sumbrero kaya mas mahihirapan akong makilala s’ya.

“Tarantado ka, mukhang nagtatawag ka pa ng back up mo ha?” madiin at mahina ko na namang sambit.

Dahil sa nakasandal s’ya sa aking kotse ay nakikita ko ang kanyang cellphone na hanggang ngayon ay pinagkakaabalahan n’ya pa ring tingnan. Ngunit nang masilayan ko ang nasa kanyang cellphone ay napataas ang isa kong kilay.

“Facebook?” nagtataka kong tanong sa aking sarili.

Gagong ’to! Naisipan pa yatang i-update muna ang status n’ya para sabihing mangangarnap s’ya!

Nagsimula s’yang magtype at nababasa ko iyon dahil maliwanag ang kanyang cellphone.

“Kupal kayo! Nakatakas ako sa inyo! Mga bobo!” pagbasa ko sa kanyang status. “Hashtag ProudGago.” dugtong n’ya pa rito.

Tarantadong ’to, proud pa talaga sa kalokohan n’ya.

Habang nakatingin ako sa kanya ay nagulat na lamang ako nang bigla s’yang tumayo at humarap sa aking pwesto. Napaatras pa ako dahil sa pagkagulat. At dahil din sa may kaunting liwanag dito sa parking lot ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kanyang mukha.

“V-vinci?” nauutal kong bigkas sa pangalan n’ya.

Ang kanina ring kaba na nararamdaman ko ay napalitan na ngayon ng inis.

Naniningkit ang mga mata ko nang buksan ko ang bintana ng kotse ko.

“Liam?!!” gulat n’yang reaksyon nang makita ako.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko.

“Lumapit ka rito.” utos ko sa kanyang madiin.

Mabuti naman at sumunod si gago.

“Hayup ka! Papatayin mo ako sa takot tarantado kang animal ka!” buska ko sa kanya habang pinipingot at hinahampas s’ya.

“Aray aray! Aray tama na!” pag-awat n’ya sa akin habang sinasalag ang bawat atake ko sa kanya.

Gago eh! Akala ko carnapper na ang demonyo!

Nasa ganoon kaming tagpo nang makarinig kami ng sunod-sunod na sigaw. Naging dahilan din dito para matigil ang ginagawa kong paghampas kay Vinci.

“Ayun s’ya oh!” sigaw ng isang lalaki.

“Hoy! Tang*na mo! Bumalik ka rito!!” galit na galit naman na sigaw ng isa.

Nang tingnan ko ang pinanggalingan ng boses ay nakita kong may limang lalaki ang tumatakbo papalapit sa aming pwesto.

“Put*ng ina!” nasambit lang ni Vinci at mabilis na kumilos patungo sa kabilang pintuan ng kotse ko. “Buksan mo Liam! Buksan mo!” tarantang pakiusap n’ya pa.

Ako naman ay bigla na ring nataranta sa mga nangyayari. Mabilis kong sinunod ang kanyang utos at mabilis s’yang pumasok sa aking kotse.

“Paandarin mo na! Bilis!” halos pasigaw n’ya pa ring utos.

“Ano bang nangyayari?!” taranta kong tanong habang inihahanda ang pagpapaandar ng sasakyan.

“Mamaya na ako magpapaliwanag! Basta bilisan mo ang pagpapatakbo!” utos n’ya pa rin.

Ganon na nga ang ginawa ko. Kahit gulong-gulo ako ay mabilis akong umalis sa aming pwesto bago pa kami maabutan ng mga humahabol sa kanya, o masasabi kong humahabol na sa amin ngayon?

Bago pa kami tuluyang makalayo sa mga lalaking humahabol sa amin ay muling inilabas ni Vinci ang kanyang katawan sa bintana ng aking kotse at nilingon ang mga humahabol sa amin.

“Lul! Pakyu! Sige habulin n’yo kami!” sigaw n’ya sa mga lalaki at binabato n’ya ng dirty finger.

“Wooh!! Tang*nang mga ’yun! Akala ko aabutan na nila ako eh!” sambit n’ya nang makalayo na kami at nang makaupo s’ya ng maayos.

“Ikaw rin, tang*na ka rin! Ano ba kasing ginawa mo sa kanila?! Bakit ka nila hinahabol?! Tapos dinamay mo pa ako!” reklamo ko sa kanya habang patuloy sa pagmamaneho.

“Eh malay ko ba kasing may tropang kasama ’yung isa doon? Akala ko mag-isa lang s’ya nung nagpa-cute ako sa girlfriend n’ya!” sagot n’ya at bahagyang natawa.

“Aba! Eh tang*na ka nga! Ano bang trip mo at alam mong may boyfriend ’yung babae pero nilandi mo pa rin?! Ayan tuloy ang napapala mo! Tarantado kang animal ka!” sermon ko sa kanya.

Hinubad n’ya ang kanyang sumbrero ay marahas na kinamot ang kanyang ulo.

“Pwede bang mamaya ka na manermon? Magdrive ka na lang d’yan.” utos n’ya sa akin.

Naibuka ko ang bibig ko.

“Wow ha? Eh kung pababain kaya kita dito? Tapos isuplong kita sa pulis para mahanap ka na rin ng mga humahabol sa’yo?” banta ko sa kanya.

Natahimik naman ang ulupong. Mukhang napag-isip-isip n’ya ang mga sinabi ko. Hindi ako nagbibiro, isusuplong ko talaga s’ya. At para mas masaya ang ganap, sasabihin ko pang tinangka n’ya akong gahasain.

Na alam ko namang hindi na paniniwalaan ng mga pulis. Jusko!

Katahimikan na ang sumunod na nangyari. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagmamaneho kahit hindi ko alam kung saan kami patungo.

“Ihinto mo nga saglit d’yan sa tabi.” bigla nitong pagsasalita.

“Wow ulit ha? Idinamay mo na nga ako sa gulo mo, ngayon naman kung makapag-utos ka parang driver mo talaga ako.” pambabara ko sa kanya.

“Please.” seryoso n’yang sagot.

Nang sabihin n’ya ang salitang ’yon ay pakiramdam kong may mabigat s’yang dinadala. Kahit dalawang beses pa lang kaming nagkikita ay iba ang ipinapakita n’ya sa mga oras na ito. Iba sa masayahing Vinci na nakilala ko.

“Hintayin mo ako dito, may bibilhin lang ako.” mahinahon n’yang pakiusap sa akin.

Matapos iyon ay mabilis s’yang lumabas ng kotse. Pinagmasdan ko s’ya habang papalayo. Tinungo n’ya ang isang convenience store na malapit sa aming pwesto.

Gusto ko na sana s’yang iwan ngunit pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin para gawin iyon.

Matagal kong pinag-isipan ang bagay na iyon. Kaya naman sa sobrang tagal ng aking pag-iisip ay nakabalik na s’ya at wala na akong magagawa kundi ang samahan s’ya.

Nagulat ako nang ipasok n’ya ang kanyang mga pinamili.

“Hoy! Bawal dito magkalat ha? Hindi ka pwedeng uminom ng beer dito sa kotse ko! Saka isa pa, hindi ako iinom dahil magdadrive pa ako!” buska ko sa kanya.

Tinaasan n’ya ako ng isang kilay.

“Bakit? Niyayaya ba kitang uminom?” tanong n’ya sa akin.

Aba’t! Sumasagot pa si gago!

“Gusto mong upakan kita?! Bumaba ka na lang kaya?! Tarantado ka rin eh ’no?!” banta ko sa kanya habang nakamwestra pa ang kamao ko.

Akala n’ya siguro hindi ako lalaban sa kanya kahit mas malaki ang katawan n’ya sa akin.

“Joke lang! ’To naman napakapikon! Hindi ka na nagbago!” pagbawi naman n’ya.

Natigilan ako. Ngayon ko lang naalala na may mga bagay nga palang alam sa akin ang lalaking ito. At wala akong ideya kung paano n’ya iyon natuklasan sa akin.

Umayos ako ng pagkakaupo habang nakaharap sa kanya.

“Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Vinci. Paano mo ba nalaman ang ilang mga bagay tungkol sa akin?” seryoso kong tanong sa kanya.

Napangisi s’ya. Ipinapakita n’ya sa kanyang mga tingin na ako ang dapat na maghabol sa kanya dahil may mga hinahanap akong kasagutan na s’ya lamang ang makakapagsabi.

“Doon tayo sa park.” nakangisi n’yang utos at umayos ng kanyang pagkakaupo. “Bilisan mo na kung gusto mo talagang malaman. Saka uhaw na uhaw na ako. Gusto ko nang mag-inom.” mahaba n’ya pang dugtong.

Naipikit ko na lamang ang mga mata ko dahil sa labis na pagtitimpi.

Sinimulan ko na ang magmaneho para baybayin ang park na kanyang sinasabi. Ang tanging naging papel na lang ng ulupong na ito ay ituro ang aming dadaanan patungo sa park na iyon.

Nakarating kami sa lugar na kanyang sinasabi. Hindi ko makita ang kabuuan ng park na iyon dahil madilim na at iilang mga ilaw na lang ang nagbibigay liwanag sa lugar na ito. Pero sa palagay ko, kung sa umaga ay napakagandang mamasyal dito.

Walang nagsasalita. Lumabas si Vinci sa aking kotse bitbit ang mga pinamili n’yang beer. Ako naman ay pinili na lamang na sundan s’ya ng tahimik.

Umupo kami sa isang bench at nagbukas s’ya ng isang beer na nasa can.

Tingnan mo ang kabastusan ng gung-gong na ’to. Hindi man lang ako binilhan kahit isang bottled water man lang. Talagang sarili lang n’ya ang iniisip nya.

Napansin n’ya siguro na tinitingnan ko ang bag ng kanyang mga pinamili.

“Kumuha ka na kasi d’yan. Sinadya ko talagang hindi ka bilhan ng kahit na ano para samahan mo akong uminom.” sambit n’ya at natawa s’ya.

Gusto ko nang bigwasan ’tong animal na ’to.

“’Di ba nga sinabi ko nang magdadrive pa ako? Bingi ka ba o sadyang may kalawang lang ’yang utak mo?” kalmado kong pambabara.

“Sus! Isa lang malalasing ka na? Ano ka? Limang taong gulang na bata?” buska n’ya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. Nakalimutan ko kasing pareho nga pala ang likaw ng bituka namin nito ni Vinci, pareho kaming may kalokohang taglay.

Padabog kong kinuha ang isang can ng beer at nang buksan ko iyon ay nangalahati agad ang laman nito nang diretso ko itong inumin.

Narinig ko na lamang s’yang natawa.

Naniningkit ang mga mata kong nilingon s’ya.

“’Wag mo akong tawanan. Sagutin mo ang tanong ko kanina.” utos ko sa kanya.

“Woah! Chill! Darating tayo d’yan, Liam.” sagot n’ya habang nakamwestra pa ang kamay n’yang may hawak na beer.

Nagsalubong na ang mga kilay ko.

“Pwede bang ’wag mo akong tatawaging Liam? Randy ang pangalan ko at doon ako sanay na tawagin ako.” pagtatama ko sa kanya.

Saglit s’yang natigilan, tila ba may malalim s’yang iniisip. Ngunit makalipas iyon ay bigla n’ya akong nginisian.

“Bakit? Dahil ayaw mong may ibang tao ang pwedeng tumawag sa’yong Liam maliban lang kay Rigo?” nakangisi n’yang tanong sa akin.

Sa sinabi n’yang iyon ay hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa katanungan n’yang iyon.

Huminga s’ya ng malalim at tumingala sa madilim na langit na puno ng bituin sa mga oras na ito.

“Bueno, kung hindi ka komportableng tinatawag kang Liam ng ibang tao maliban kay Rigo, e ’di sige, Randy na lang.” pagsuko n’ya.

Ako naman ang napahinga ngayon ng malalim. Ibinaling ko ang aking paningin sa aking harapan at itinuloy ang pag-inom ng beer.

“So, sagutin mo na ang tanong ko. Bakit may mga bagay kang alam tungkol sa akin kahit hindi pa naman tayo nagkikita bago ka pa sa akin ipakilala ni Rigo?” diretso kong tanong sa kanya na hindi s’ya nililingon.

“Sa San Dionisio.” sagot n’yang maiksi at pagtukoy sa dati kong tinitirhan noong hindi ko pa piniling kumawala sa aking pamilya.

“Nasabi mo na ’yan. ’Yung klarong sagot ang kailangan ko.” utos ko sa kanya.

Uminom muna s’ya ng beer bago nagsimulang magpaliwanag.

“Sa San Dionisio tayo unang nagkakilala. Hindi tayo magkaibigan pero magkapit-bahay tayo.” una n’yang sagot at saglit na tumigil. “Ako, ako ’yung batang pinagbabawalan ni Cardo na makipaglaro sa’yo. Ako ’yung batang ayaw mahawa sa kabaklaan mo. Ako ang anak ng lasinggerong si Mang Cardo.” walang kagatol-gatol n’yang dugtong.

Dahil sa kanyang naging pahayag ay napatigil ako sa tangka kong pag-inom muli ng beer. Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa aking natuklasan. Dahan-dahan ako sa naging paglingon ko dahil sa pagkabigla.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang beer na hanggang ngayon ay nakatapat sa mukha ko.

Gusto kong magsalita, gusto kong murahin ang taong nasa harap ko. Isa s’ya sa mga taong tinatakasan ko dahil sa pagmamalupit nila noon sa akin. Pero hindi ko magawang magbitaw ng kahit na anong salita dahil parang may nakabarang bagay sa lalamunan ko.

Nilingon ako ni Vinci ngunit iba na ang kanyang ekspresyon. Puno ng kalungkutan ang mga mata n’ya ngayon.

“Ako ’yung batang pinipilit noon ng ama kong si Cardo na ’wag makikipaglapit sa’yo dahil magiging bakla ako.” pag-uulit n’ya at muling tumigil.

“Pero….

….ako rin ang batang akala ko ay imposibleng magmahal sa kapwa ko lalaki. Dahil nang magkaedad ako, umibig ako sa kababata rin natin noon na si Louie.“ mas malungkot n’ya pang dugtong.

Nang sabihin n’ya ang mga huling salita ay biglang nawala ang galit na nararamdaman ko. Dahil matapos n’ya rin sabihin ang mga salitang iyon ay ang pagpatak ng kanyang mga luha.

“Nagulat ka ba?” tanong n’ya at pinunasan ang kanyang mga luha.

Muli n’yang ibinalik ang kanyang sarili sa pagtingala sa kalangitan.

Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa labis na pagkabigla. Naghintay na lamang ako sa pagpapatuloy n’ya ng kanyang kwento.

“Si Louie ang pinakamalapit sa akin noon. Halos sabay na kaming lumaki at nagkaisip. Kami ang perfect match dahil kung ako, ubod ng salbahe, s’ya naman ang kabaligtaran ko dahil ubod s’ya ng bait.” unang bahagi ng kanyang kwento.

“Kung maaalala mo, si Louie naman noon ang tumulong sa’yong tumayo mula sa pagkakasalampak mo noon sa lupa dahil tinulak ka ng magaling kong ama. S’ya lang ang naglakas loob na tulungan ka. Dahil nga sobrang bait ni Louie, ibang-iba sa ugali ko.”

Nanatili akong nakatitig lamang sa kanya.

“Masyado kaming malapit sa isa’t-isa hanggang sa maghighschool kaming dalawa. Magkaiba tayo noon ng school dahil mayaman kayo, samantalang kami nasa public lang. Pero, alam ko ang lahat tungkol sa’yo. Alam ko ang hirap mo sa school n’yo noon, at alam din namin ni Louie ang dinanas mo sa kamay ng ama mo.” pagpapatuloy n’ya.

Nagbalik ang ala-alang pilit kong iwinawaksi sa isip ko. Nagbalik ang galit sa puso ko dahil sa sinapit ko sa ama ko.

Muli s’yang lumingon sa akin.

“Maniwala ka Randy, gusto ka namin noon tulungan, kami ni Louie. Pero dahil pare-pareho tayong hawak sa leeg ng mga magulang natin, wala rin kaming lakas kagaya mo. Wala rin kaming kapangyarihan para suwayin sila. Dahil natatakot kami ni Louie na sapitin ang mga nangyari sa’yo. Natatakot kaming gawin din iyon sa amin ng sarili naming mga magulang.” mas malungkot n’ya na ngayong pahayag.

Ramdam ko sa mga salita n’yang iyon ang senseridad. Alam kong malinis ang kanyang hangarin na tulungan ako. Pero tulad nga ng kanyang sinabi, wala rin silang lakas kagaya ko. Pareho kami ni Vinci, pareho kaming tatlo nila Louie.

Dahil sa bagay na narinig ko ay hindi ko napigilan ang mga luha kong pumatak. At sa pagkakataong ito ay nagawa ko na rin magsalita.

“S-sana… sana kahit isang beses, natulungan n’yo ako… Sana kahit isang beses noon, naramdaman kong may karamay ako… S-sana kahit isang beses lang, Vinci… Para sana kahit isang beses noon, naramdaman kong hindi ako nag-iisa…” panunumbat ko sa kanya.

Pinunas ko ang braso ko sa aking mga mata. Naramdaman ko ang paghawak ni Vinci sa aking ulo at hinaplos iyon ng marahan.

“I’m sorry… Sorry, Randy. Gustuhin man namin ni Louie, mas nangibabaw sa amin ang takot dahil baka mangyari rin sa amin ang mga dinanas mo noon. Bata pa tayo noon kaya hindi pa kami nakakapag-isip ng matuwid at tama. Sorry…” paghingi n’ya ng tawad sa akin.

Naiintindihan ko s’ya. Kung ako man sa katayuan n’ya ay magdadalawang isip din akong tulungan ang iba sakaling makasaksi ako ng kalupitan.

Hindi na lamang ako nakapagsalita, nagpatuloy na lamang ako sa paghikbi at pagluha.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin. Hinayaan n’ya akong ilabas ang sama ng loob ko sa pamamagitan ng pag-iyak.

Hinahaplos n’ya pa rin ang ulo ko nang simulan n’ya ulit magsalita.

“Siguro masaya na ngayon si Louie dahil nakahingi na kami ng tawad sa’yo.” bigla n’yang bigkas.

Dahil sa kanyang sinabi ay natigilan ako sa ginagawa kong pag-iyak. Tinanggal ko ang braso kong nakatakip sa aking mga mata at tiningnan s’ya. At nang magtagpo ang aming paningin ay nakita ko ang sakit at lungkot sa kanyang mga mata.

“B-bakit..? N-nasaan s’ya?” tanong ko sa kanyang nauutal.

Ngumiti s’ya ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Malungkot at puno ng pagsisisi ang nakikita ko sa mga iyon.

“Binawi na s’ya bago pa man s’ya maging akin. Iniwan na n’ya ako bago pa namin matupad ang mga pangako namin sa isa’t-isa.” sagot n’ya at muli na namang naglandas ang mga panibago n’yang luha.

Inalis n’ya ang kanyang palad sa aking ulo. Muli s’yang tumingala sa langit habang naglalandas ang kanyang mga luha.

“Nandoon na s’ya sa taas.” pagtukoy n’ya habang nakatanaw sa langit.

Ako man din ay napatingala sa langit na puno ng bituin na parang nakikita ko si Louie.

“Simula pagkabata, alam kong iba na ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam kong ganoon din s’ya sa akin, pero kahit minsan ay hindi namin iyon sinabi sa isa’t-isa. Nakuntento na kami na laging magkasama at hindi naghihiwalay. Sapat na sa amin ’yon eh. Na kahit walang aminan na may nararamdaman na kami sa isa’t-isa, basta nand’yan s’ya para sa akin at nandoon lang din ako para sa kanya.” sunod na bahagi ng kanyang kwento.

“Pero noong makapagtapos kami ng highschool, nagbago na ang lahat. Nagkaroon ng pagbabago dahil kinuha ako ng tiyahin kong nasa Amerika. Doon na kami parehong natauhan, nag-isip ng para sa hinaharap naming dalawa.”

“Halo-halo ang nararamdaman namin noon dahil sa wakas nasabi na namin ang bagay na hindi pa namin nasasabi sa isa’t-isa. Sinabi n’yang mahal n’ya ako at ipinagsigawan ko naman noon sa likod ng campus na mahal ko s’ya. Saya at lungkot, ’yan ang naramdaman naming pareho.”

“Masaya kami dahil pareho kami ng nararamdaman. Lungkot dahil magkakahiwalay naman kaming dalawa.”

Saglit s’yang tumigil para punasan ang kanyang mga luha.

“Sabi ko noon sa kanya, handa na akong harapin ang magulang namin. Handa na akong sabihin sa kanila na nagmamahal ako sa kapwa ko lalaki, at s’ya ’yon, si Louie ’yon. Pero pinigilan n’ya ako, pinigilan n’ya ako dahil gusto n’yang matupad ang lagi kong sinasabi sa kanya. Ang pangarap kong maging isang tanyag na abogado at kikilalanin kahit sa ibang bansa.”

“Noong mga oras na iyon, tinanong ko rin s’ya. Tinanong ko kung anong pangarap n’ya. Ang sagot n’ya, wala s’yang ibang pinangarap kundi ang matupad ang mga pangarap ko. Ganon s’ya kabait, Randy, ganon kalinis ang puso n’ya.” tuloy-tuloy n’yang kwento at mas lalo pa s’yang napaiyak.

Nagpatuloy s’ya ngunit putol-putol na ang kanyang mga sinasabi dahil nahihirapan na s’yang magsalita.

“Gusto ko s’yang samahan noon, ayokong magkahiwalay kami… Kaso, ’pag sinamahan ko s’ya, parang hindi ko na rin natupad ang pangarap n’ya ’di ba..? Ang pangarap n’yang matupad ang pangarap ko…”

“Kaya nakapagdesisyon kaming dalawa… Tutuparin ko ang pangarap kong maging abogado, para matupad na rin ang pangarap n’ya… Nangako kaming babalikan ang isa’t-isa sa oras na makapagtapos ako… At ’pag nangyari ’yon, sabay na rin naming sasabihin sa magulang namin ang relasyon naming dalawa… Bahala na kung matanggap nila kami o hindi, basta magiging malaya lang kaming dalawa…” hirap na hirap n’yang pagsasalita.

Hindi ko alam kung paano ko s’ya patitigilin sa pag-iyak n’ya. Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang pakiramdam n’ya. Ang alam ko lang sa mga oras na ito ay kailangan n’ya ng makakausap, kailangan n’ya ng isang taong makikinig lang sa kanya.

Pilit n’yang pinakalma ang kanyang sarili para ipagpatuloy ang kanyang kwento. Ininom n’ya ang tira sa kanyang beer at nagbukas pa ng panibagong lata bago nagpatuloy.

“Noong nasa US ako, nagpakabait ako. Aral lang ng aral at hindi ako gumagawa ng kalokohan dahil iniisip kong pinagagalitan ako ni Louie. Lagi n’ya kasi akong sinasaway sa mga kalokohan ko eh.”

“Okay naman kami noong una. Nagtatawagan ng patakas, tinitipid namin ang allowance namin para may pangload. Para kahit saglit lang dahil mahal ang overseas call, maririnig pa rin namin ang boses ng isa’t-isa. Hindi pa kasi uso noon ang facebook ’di ba?” wika n’ya at bahagyang natawa.

“Isipin mo ’yon, Randy? Ilang taon kaming ganon, at kahit minsan hindi kami nagreklamo dahil halos isang dekada na kaming hindi nagkikita.”

“May pagkakataon ako na pwede akong magbakasyon dito sa Pilipinas, pero sa tuwing sasabihin ko ’yon sa kanya, pinipigilan n’ya ako. Nagkatampuhan pa nga kami isang beses dahil inisip kong ayaw na n’ya akong makita. Pero ang sabi n’ya sa akin, sa halip daw na magbakasyon ako, gugulin ko na lang daw ang bakasyon ko para sa pag-aaral. Para raw mapaiksi ang taon na ilalagi ko doon.”

“Napag-isip-isip kong tama s’ya. At kung sakaling mapaiksi ang taon ng pag-aaral ko sa US, makakauwi na ako ng Pilipinas para tuloy-tuloy na kaming magsasama.”

Matapos ang mga kwento n’yang iyon nagulat ako ng bigla na naman s’yang humikbi matapos n’yang uminom muli ng beer.

“Pero never kong naisip, Randy…. never kong naisip na kaya pala ayaw n’ya akong pauwiin dahil malaki na ang nagbago sa kanya… H-hindi na s’ya ’yung dating Louie na malakas, hindi na s’ya ’yung dating Louie na kaya akong sigawan ’pag may nagagawa akong mali… K-kasi… kasi may malubha na pala s’yang sakit… matagal na pala s’yang nakikipaglaban sa leukemia…”

“K-kaya pala tuwing nag-iimbento ako ng kwento na may ginawa akong kalokohan, hindi na n’ya ako nasisigawan, hindi na n’ya ako nasusungitan… Paulit-ulit n’ya lang sa akin na sinasabi na ’wag ko nang uulitin ’yon… Kasi hinang-hina na s’ya noong mga oras na ’yon…” pagbubunyag n’ya at hindi na n’ya napigilan ang humagulgol.

Maging ako ay hindi na rin mapigilan ang mapaluha dahil sa labis na pagkaawa sa kanya. Tanging paghaplos na lang ng kanyang likod ang aking nagawa upang pakalmahin s’ya.

“’Yung magulang n’ya, nalaman na nila ang relasyon naming dalawa… Hindi sila nagalit, paano pa sila magagalit kung nasa hospital bed na ang anak nila ’di ba..? Kaya isang araw, nakatanggap ako ng tawag galing sa kanila… Nakiusap sila sa akin na kung pwede ay umuwi ako dahil kailangan daw ako ng anak nila… D-doon ko na lang din nalaman ang kalagayan n’ya… na bilang na lang ang araw n’ya…” tuloy-tuloy n’ya pa ring kwento.

“Umuwi agad ako… Hindi ko na inisip kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ko… Basta ang mahalaga, mapuntahan ko s’ya… ang importante makasama ko s’ya… h-hanggang… hanggang sa huli n’yang hininga…”

Pinukpok n’ya ng paulit-ulit ang kanyang dibdib.

“Ang sakit, Randy… Ang sakit-sakit noong makita ko s’ya… Hindi ko matanggap na hindi na n’ya mahihintay ang pangarap n’ya para sa akin… Hindi na n’ya masasaksihan ang tagumpay ko… Para kasi sa kanya lahat ’yon eh… lahat ng pagsisikap ko, iisa lang ang dahilan… S’ya lang… Pero paano ko pa ’yon itutuloy kung wala na s’ya ’di ba..?” tanong n’ya sa akin.

Hindi ko s’ya magawang sagutin dahil kahit ako ay nahihirapan na rin sa mga oras na ito. Hindi lang pala ako ang may kinakaharap na takot at pagkabigo.

“Hindi ako umuwi ng bahay namin noon kahit magkalapit lang ang bahay namin… Nanatili ako sa tabi n’ya habang nasa ospital pa s’ya, hindi ako umalis… Lahat ng taon na hindi kami nagkasama, sinulit namin ’yon… Wala kaming pinalampas, ginawa naming masaya…”

Muli s’yang tumigil sa pagsasalita para kumuha pa ng mas maraming hangin.

“At alam mo ba, Randy? Hindi ko na mabilang kung ilang beses n’ya sa akin sinabi na hanapin kita.” ang bigla n’yang pagbaling sa akin.

Hindi ako nagbigay ng reaksyon senyales na ipagpatuloy n’ya.

“Paulit-ulit n’yang sinasabi na ’pag nakita na kita, humingi raw kami ng tawad sa’yo. Kasi hindi ka namin noon natulungan kahit alam namin ang pinagdadaanan mo. Na sana, tayong tatlo ang magkakaibigan, na mas naging masaya sana dahil tayo-tayo lang ang magkakaintindihan.” sagot n’ya sa kanya ring katanungan.

Halos matunaw ang puso ko sa inilahad n’yang iyon. Napakabait ni Louie. Nakakapanghinayang na hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na maging kaibigan ang kagaya n’ya.

Nagpatuloy s’ya ngunit mas naging malungkot na ang kanyang pagsasalita ngayon.

“Hanggang sa isang gabi, kinukulit n’ya ako… Nakikipagbiruan s’ya at nakikipaglaro sa akin tulad noong mga bata pa kami… Binalikan namin ang mga laro namin noon… Pati nga paglalaro ng robot at kotse-kotsehan nilaro namin eh…”

“Alam kong nahihirapan s’ya base na rin sa nakikita ko sa hitsura n’ya… Pero ginawa n’ya ang lahat para ibalik ’yung sigla n’ya noong mga bata pa kami…”

“P-pero…. kaya n’ya pala ginawa ’yon dahil iyon na rin ang huling gabi na makakasama ko pa s’ya… D-dahil kinabukasan, nagising akong nasa bisig ko s’ya… p-pero hindi na rin s’ya humihinga…” pagdedetalye n’ya sa huling sandali ng buhay ni Louie.

Matapos iyon ay tanging pag-iyak na lamang ang kanyang nagawa. Ako naman ay patuloy din sa pagluha at paghaplos sa kanyang likuran. Hirap na hirap s’ya maging sa kanyang paghinga dahil sa labis na pag-iyak.

Siguro ay may kalahating oras kaming ganon. Inabala n’ya na lamang ang kanyang sarili sa sunod-sunod na pag-inom n’ya ng beer para kumalma s’ya. Dahil din sa nakikita ko sa kanya na nakikipaglaban s’ya sa kanyang lungkot ay bahagya na rin akong kumalma.

Makalipas ang ilang sandali ay yumuko s’ya at bigla na lamang natawa.

“Kaya nga kung ano-anong kalokohan ang ginagawa ko sa buhay ko eh. Kasi kahit alam kong wala na s’ya dito sa mundong ’to, umaasa pa rin ako isang araw na marinig ko ang boses n’ya at pagagalitan n’ya ako, sesermonan ako.” wika n’yang natatawa.

Ilang segundo ang aking pinalipas bago ako nakapagsalita.

“Baliw ka na.” tanging reaksyon ko lang.

Nilingon n’ya ako.

“Wow ah? Nagsalita ang normal?” pangungutya n’ya sa akin.

Sinamaan ko s’ya ng tingin. Ang gago, tinawanan pa ako.

“Sino ngayon ang baliw sa ating dalawa? Kanina halos kainin mo na ang lata ng beer kakaiyak mo! Ngayon naman tumatawa ka! Baka mamaya naman makita na lang kitang nagkakalkal ng basura d’yan sa kalye habang may nakasabit na mga lata d’yan sa bewang mo?” pangungutya ko sa kanya pabalik.

Pesteng ’to! Akala n’ya siguro magpapatalo ako sa kanya.

Lalo na s’yang natawa. Maski ako noong iniisip kong naging taong-grasa na nga s’ya ay natawa na rin ako.

“Apir! ’Yan ang gusto ko sa’yo eh! Nasasabayan mo ang kabaliwan ko!” sambit n’ya at nakipag-high five sa akin.

Eh ako rin ’tong isa pang may sayad, nakipag-apir din sa kanya at sinabayan s’ya sa pagtawa.

Ayan, nagkabaliwan na kaming dalawa.

“Aray… P*ta! Ang sakit na ng tiyan ko…” reklamo n’ya habang patuloy pa rin sa pagtawa.

“Naku, mag-ingat ka, Vinci. May ganyan akong kakilala. Sumakit lang ang tiyan kakatawa tapos bigla na lang nanigas. Dedo na pala dahil sa sobrang saya.” pananakot ko sa kanya.

Bigla rin s’yang napatigil sa pagtawa. Naniniwala ang kumag sa imbento kong kwento.

“Tang*nang ’to! Gusto pa yata akong patayin!” buska n’ya sa akin.

Ako naman ngayon ang tumatawa.

See? Nagsama ang dalawang may sayad.

Matapos iyon ay sinabayan na rin n’ya ako sa pagtawa.

“Hutaena! Munggago na tayo dito sa park!” reaksyon n’yang natatawa.

“Nandamay ka pa. Solohin mo na lang. Sa’yo na ang title ng munggagong sinasabi mo, okay na sa akin na runner up mo lang ako.” natatawa ko ring balik sa kanya.

At nagtawanan na naman ang dalawang baliw.

Matapos iyon ay saglit kaming nagpahinga sa pagtawa. Inabala na lamang namin ang aming sarili na ubusin ang beer naming dalawa.

Maya-maya pa ay bigla na lang ulit s’yang nagsalita. At sa pagkakataong ito ay seryoso na naman s’ya.

“Kayo, Randy? Kamusta kayo ni Rigo?” tanong n’yang seryoso.

Ilang segundo akong natigilan dahil sa pagkasorpresa sa kanyang tanong.

“Wala namang kami ni Rigo.” seryoso ko ring sagot sa kanya.

“Fubu?” tanong n’ya ulit.

Dahil doon ay naantala ang pag-inom ko ng beer at napatingin ako sa kanya.

“’Wag kang mag-alala, alam ko na ang ganyang mga bagay. Haler? Ang dami kaya n’yan sa States.” wika n’ya pa.

Huminga ako ng malalim.

Wala naman sigurong masama kung magkwento ako sa kanya. Nakakaguilty rin naman kung matapos n’yang ibahagi ang kwento n’ya ay wala man lang akong maibabahagi pabalik. Isa pa, kailangan ko rin sa ngayon ng makakausap dahil sa mga huling kaganapan nitong huli. Hindi ko naman magawang istorbohin ang mga kaibigan namin ni Rigo dahil busy rin sila sa kanilang mga buhay ngayon.

Nagsimula akong magkwento sa kanya. Simula sa kung paano kami nagkakilala ni Rigo at noong umalis ako sa aking bahay hanggang sa kung paano nabuo ang uri ng ugnayan naming dalawa. S’ya naman ay tahimik lang din na nakikinig sa akin.

Hindi ko malaman sa sarili ko, pero kusa na lamang na lumalabas ang katotohanan habang nagpapatuloy ako sa aking pagkekwento. Naging komportable akong pag-usapan naming dalawa iyon kahit na pangalawang beses pa lamang naming nagkikita simula nang ipakilala s’ya sa akin. Simula noong wala pa akong malay na kababata ko pala s’ya.

Kahit ang karamdaman na mayroon ako ay walang takot na sinabi ko sa kanya. Na hanggang ngayon ay nagpapatherapy ako dulot ng masasamang ala-ala na nagbabalik sa akin.

“Sigurado ka?” reaksyon n’ya noong matapos akong magkwento.

“Oo naman.” nakangiti kong sagot sa kanya.

“Randy naman! Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Louie sa akin? Magsasakripisyo ka at masasaktan ka para sa pangarap n’ya?” sunod-sunod n’yang tanong.

“Magkaiba naman kami ni Louie.” sagot ko.

“Anong kaibahan kung pareho kayong magsasakripisyo?” tanong n’ya ulit.

“Dahil si Louie pangarap n’ya ang matupad ang pangarap mong maging magaling na abogado. Samantalang ako, hinihintay ko na lang ang oras para matupad na ni Rigo ang pangarap n’yang magkaroon ng sariling pamilya.” sagot ko sa kanya.

Hindi s’ya nakapagsalita kaya nagpatuloy pa ako.

“Hindi ko pinangarap na magkaroon si Rigo ng sariling pamilya at iiwan n’ya ako. Pero wala akong magagawa dahil ayaw kong agawan ng pangarap si Rigo. Baka hangga’t nagsasama kaming dalawa, araw-araw kong maaalala na may pangarap s’yang sinira ko.” pagpapatuloy ko sa aking pagsagot.

Kahit pala alam ko na ang katotohanang iyon ay masakit pa rin isipin. Parang naninikip ang dibdib ko habang sinasabi ko ang mga katagang iyon.

Nangunot ang kanyang noo.

“Ang gulo mo.” naging reaksyon lang n’ya.

Natawa ako.

“’Wag mo nang isipin ang paliwanag ko. Baka hanggang simpleng paliwanag lang ang kayang i-process n’yang utak mo.” pang-aasar ko sa kanya.

“Hoy! Baka nakakalimutan mo ang kwento ko kanina! Abogado ’to! Narinig mo? A-BO-GA-DO! Hindi basta-basta ang kausap mo!” pagtatanggol n’ya sa kanyang sarili.

“Hoy ka rin! Kung talagang nasubaybayan mo ang buhay ko, alam mo kung ano ang mga naging achievements ko! Hindi ako magpapatalo sa’yo, gago!” pagbubuhat ko rin sa sariling bangko.

“Oo na! Oo na! Alam kong matalino ka! Kung magkaklase nga lang tayo noon, maaga na kaming umuwi ni Louie dahil may nanalo na! May nakakuha na ng korona!” pagsuko n’ya at muli na namang natawa.

Kahit ako ay natawa sa kanyang sinabi.

“’Yung mga ganyang salita mo, nakukuha mo ba ’yan sa manager mong si Coke?” ewan ko ba kung bakit ’yung kamoteng ’yon ang naisip ko.

“Lul! ’Pag may sinasabi nga ’yon sa akin, pasok sa isang tenga, labas din sa kabila. Sakit sa tenga ng boses! Parang palaka amp*ta! Palakang nakalunok ng megaphone na low batt!” naiinis n’yang sagot.

Dahil pakiramdam ko ay nakakuha ako ng kakampi ay nagpakawala ako ng malakas na tawa.

“Aliw na aliw ka talaga ’pag tungkol kay Coke ang topic ’no? ’Yung totoo? S’ya na ba ang ipapalit mo kay Rigo ’pag naghiwalay na kayo?” pang-aasar na naman n’ya.

Dahil sa kanyang sinabi ay napatigil ako.

“Sabog ka bang animal ka?! Utusan mo na lang akong magbigti kesa ang patulan ko ang manager mong gandang-ganda sa sarili n’ya. Kadiri!” pagkontra ko at nakaramdamdam ako ng pangingilabot.

Si gago naman ay tawang-tawa.

“Malay mo, mag-click kayong dalawa?” hindi pa rin s’ya nagpapatalo.

Itinaas ko ang kamao ko sa harap n’ya.

“Isa pa! Tatamaan ka na talaga! Saka paano kami magki-click ng animalistic na ’yon?! Ano? May pa-contest kami sa pagtuwad?!” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Dahil sa mga naging pagsagot ko ay halos mamatay na sa katatawa ang adik na ’to sa harap ko.

“Hutaena! Ang sakit na naman ng tiyan ko!” reklamo n’ya habang namimilipit dahil sa labis na pagtawa.

Hinayaan ko na s’ya sa kahibangan n’ya. Muli na naman akong nakaramdam ng pangingilabot at parang gusto ko nang masuka nang maisip kong nakahubad si Coke sa harap ko.

Naku! ’Pag nangyari talaga ’yon baka ilagay ko na lang s’ya sa sako at itapon sa ilog. Umiinit talaga ang ulo ko sa kanya.

“Tang*na! Ang saya mo talagang kasama, Randy!” masaya n’ya pa ring pagsasalita.

Nginisian ko na lang s’ya. Nakaramdam ako ng tuwa nang marinig ko iyon sa kanya. Dahil bukod sa may taong nagsabi na masaya rin pala akong kasama, natulungan ko pa s’ya na saglit makalimutan ang malungkot na pinagdaanan n’ya sa nakaraan n’ya.

Nasa ganoon kaming tagpo nang bigla na lamang mag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.

“Sh*t!” mahina kong sambit habang nakatingin sa screen ng aking cellphone.

Dahil din sa pagmumura ko ay nakuha ko ang atensyon ni Vinci. Lumapit ito ng bahagya sa akin at tiningnan din ang pangalan ng tumatawag sa akin.

“Bakit ayaw mong sagutin? Tinatawagan ka ni Rigo oh?” tanong n’ya sa akin.

Napahinga ako ng malalim. Kailangan ko nang maghanda sa magaganap na mahabang imbestigasyon.

“H-hello?” kinakabahan kong pagsagot sa tawag ni Rigo.

“Liam, where are you? Tapos na ang photoshoot ko. Wala ka sa parking. Are you okay?” nag-aalala n’yang tanong.

“Y-yeah… O-okay naman ako…” sagot ko pa ring nauutal.

Punyeta. Hindi ko kasi alam ang idadahilan ko sa kanya kung bakit wala pa ako doon.

“Eh nasaan ka na? Bakit wala ka pa dito? Kanina ka pa nakaalis sa hotel ah? Tumawag ako kay Tom kaya nalaman ko. Tinawagan ko rin si Nanay Elise, wala ka pa rin daw sa condo at hindi mo pa s’ya nagagawang tawagan simula pa kanina.” sunod-sunod n’yang tanong.

Eto na. Simula na ng kalbaryo ko.  

“U-uhm… U-umalis ako saglit…” sagot kong mahina.

“At saan ka nagpunta? Akala ko ba malinaw ang usapan natin na sasabihin mo kung saan ka pupunta? Dapat ipapaalam mo sa amin ni Nanay ’di ba?” tanong na naman ng imbestigador na si Rigo.

Itong lalaking ’to minsan daig pa ang babae makaputak.

Nilingon ko si Vinci. Iniisip ko kung dapat ko bang ipaalam kay Rigo na kasama ko ang gagong ’to. Ngunit nang magtagpo ang mata namin ni Vinci ay parang gusto kong magsisi kung bakit ko pa s’ya tiningnan.

“Lagot ka…” pang-aasar n’ya habang sinesenyas na lagot na talaga ako.

Punyetang lalaki ’to! S’ya ang may kasalanan kung bakit wala pa ako doon eh!

“Randy! Sumagot ka nga!” pagtawag ulit sa akin ni Rigo.

Bahagya pa akong nagulat dahil medyo pasigaw na ’yon. Isa pa, alam kong naiinis na s’ya dahil Randy na ang tawag sa akin at hindi na Liam.

“D-dito lang sa park…” kinakabahan kong sagot.

At kapag minamalas ka nga naman talaga, sa halip na pagtakpan ako ng hinayupak na si Vinci, nagawa n’ya pang magsalita sa tabi ko.

“Liam, ubusin mo na ’tong beer mo.” paglalaro ni Vinci na inosente.

Alam n’yang nanganganib na ako pero sinadya n’ya pang iparinig iyon kay Rigo.

Dahil sa inis ay hinawakan ko ang supot na pinaglagyan ni Vinci ng beer kanina.

“Animal ka! Animal kang hayup ka!” buska kong gigil na gigil at pinaghahampas s’ya ng hawak kong supot.

“Aray aray! Aray tama na! Aray!” salag na naman n’ya sa katawan n’ya.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Rigo sa kabilang linya. Mas lalo nang naging doble ang kabang nararamdaman ko. Senyales iyon na nagtitimpi na s’ya ng galit n’ya.

“Si Vinci ba ’yang kasama mo?” madiin na tanong ni Rigo sa akin.

Hindi ako makasagot. Kinakabahan na talaga ako.

“Sagot. Si Vinci ba ’yang kasama mo?” mas madiin na n’yang tanong ulit.

“O-oo…” sagot kong nauutal.

“Nag-iinom kayo?” sunod n’yang tanong.

Magdedeny pa ba ako? Eh pinahamak na ako ng gagong Vinci na ’to!

“K-konti lang… n-naman…” parang tanga kong sagot.

“Put*ng ina.” gigil na gigil n’yang pagmumura.

Napapikit na ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

“Umalis ka na d’yan ngayon na.” una n’yang utos sa boses na pigil na pigil sa galit pa rin. “Mali, pumunta kayong dalawa dito. Isama mo ’yang gagong ’yan.” madiin n’yang pagbawi.

Lalo na akong nakaramdam ng labis na pag-aalala. Hindi ko pa nakikita kung paano magalit si Rigo sa harap ko. Dahil simula nang makilala ko s’ya, kahit minsan ay hindi pa ito nakipag-away sa harap ko.

May mga naririnig na ako noon kina Xander at Dom na kesyo may binugbog daw si Rigo noong may magtangka na landiin ako sa isang bar. O kaya naman ay napaaway daw ito dahil sa paghingi ng number ko ng ilang mga nakakaamoy sa pagkabakla ko. Pero hindi ko iyon pinaniwalaan dahil sa mata ko ay hindi iyon kayang gawin ni Rigo. Masyado kasi s’yang maalaga sa akin kaya isang anghel ang tingin ko sa kanya na hindi kayang manakit ng tao.

Pero sa kabilang banda, napapaisip ako kung bakit sa lahat ng nanghingi ng number ko ay wala man lang tumawag o nagtext kahit na isang beses man lang. Hindi kaya totoo ang sinasabi nina Xander?

“S-sige…” naging sagot ko na lamang sa kanya.

“Bilisan mo.” madiin n’ya pa ring utos at ibinaba na agad ang tawag.

Patay ka na talaga Randy. Bakit kasi nakalimutan mong magtext sa kanya?

“Ano? Beastmode na ba?” natatawang tanong ni Vinci sa aking tabi.

Ipinukol ko sa kanya ang pinakanakamamatay kong tingin.

“Kasalanan mo ’tong hayup ka!” gigil na gigil kong paninisi sa kanya.

“Luh? Bakit ako?” painosente n’yang tanong.

Naikagat ko ang labi ko dahil sa labis na pagtitimpi. Naisip kong sa halip na makipag-away pa sa gung-gong na si Vinci, mag-iisip na lang ako ng paraan para mapaamo mamaya si Rigo.

“Tumayo ka na d’yan. Sumama ka raw sabi ni Rigo.” utos ko kay Vinci at tumayo na rin ako.

Tumayo naman ang animal. Sinimulan ko na rin ang maglakad para makarating na sa aking kotse.

“S’yempre! Alangan naman iwan mo ako dito? Natural ihahatid mo rin ako!” sagot nito at sinabayan na rin ako sa paglalakad.

Alam kong nang-aasar lang s’ya. Gusto ko na s’yang saktan dahil alam na nga n’yang nanganganib ako pero nagagawa n’ya pa akong asarin.

Nagsimula na akong magdrive habang dala ang nakakakabang pakiramdam. Ang ulupong naman dito sa tabi ko ay nakukuha pang pumito-pito na parang relax na relax lang s’ya.

Saglit lang ang aming naging byahe dahil malapit lang naman ang park na aming pinuntahan mula sa agency nila. At nang makarating kami sa agency ay gusto ko nang ibangga ang kotse ko sa pader dahil sa pagkataranta.

Naabutan ko si Rigo na nakatayo sa labas ng gate at mukhang hinihintay talaga ang pagdating naming dalawa ni Vinci. Ang mas nakakatakot pa ay madilim ang kanyang mukha na halatang galit na galit ngayong mga oras na ito.

Inihinto ko ang pagmamaneho dahil sinalubong din kami ni Rigo at naroon s’ya sa mismong tapat ng kotse ko.

“Hala ka Randy… Tingnan mo oh? Galit na galit si Rigo.” hindi pa rin natigil na pang-aasar ni Vinci sa akin.

May araw din sa akin ’tong punyetang ’to.

Nakatayo lang si Rigo sa tapat ng kotse ko. Mukhang hinihintay na lumabas kami ni Vinci.

Pinatay ko muna ang makina ng kotse at ginawa ko iyon habang nagpapawis ang mga kamay ko dahil sa nerbiyos.

Dahan-dahan ay bumaba kami ni Vinci. Alam kong kahit nang-aasar si Vinci ay nakakaramdam na rin ito ng takot tulad ko. Dahil napansin kong parang hindi n’ya pa malaman kung bababa ba s’ya ng kotse o hindi.

Nang tuluyang makababa ay ginawa ko ang makakaya ko para tingnan si Rigo ng diretso. At nang magtagpo ang aming mata ay parang gusto ko iyon ilagan dahil sa talim ng tingin n’ya.

“O-oy! Rigo! K-kamusta?” pilit na pinapasigla na boses ni Vinci.

Ibinaling ni Rigo ang tingin n’ya kay Vinci. At kung nakamamatay lamang ang tingin na iyon ni Rigo, baka nakabulagta na ngayon si Vinci.

Tarantado rin kasi ’tong Vinci na ’to. Marunong din naman palang matakot pero s’ya pa ang nagbuking sa akin kanina na magkasama kami at nag-iinom.

“W-wow! Beastmode ngayon ang idol ko ah? Sige, maiwan ko na kayo ni Randy.” biglang pag-iwas ni Vinci at sinimulan nang lampasan si Rigo.

Pero bago pa makalampas ng tuluyan si Vinci ay inawat na s’ya ni Rigo. Inilagay n’ya ang kanyang kamay sa dibdib ni Vinci at marahang itinulak iyon.

“Sandali.” gigil na gigil na pagsasalita ni Rigo habang nag-aapoy ang kanyang mga mata.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Vinci at napalunok pa ito.

Hindi ko sana iisiping hindi kayang manakit ni Rigo. Pero nang tingnan ko ang kanyang kamay ay nanginginig ang mga ito at naikuyom n’ya pa ang kanyang kamao.

Mabilis ako sa ginawa kong paghakbang patungo sa harap ni Rigo.

Wala na akong pakialam kung nasa gitna kami ng kalye. Mas natatakot ako kung sakaling mangyari ang iniisip kong mapapaaway si Rigo.

“Rigz!” masaya kong pagtawag kay Rigo nang makalapit ako.

Punyeta ka Randy, galingan mong umarte!

At para hindi s’ya makalapit kay Vinci ay niyakap ko na s’ya ng mahigpit. Yakap na pinaparamdam kong miss na miss ko na s’ya.

Kaya mo ’to Randy. Kaya mo ’to! Lambingin mo pa si Rigo!

Naramdaman kong napapitlag si Rigo. Mukhang nagulat s’ya na niyakap ko s’ya sa isang pampublikong lugar.

Ilang saglit pa ay inilagay n’ya ang kanyang mga kamay sa aking bewang upang paghiwalayin ang aming katawan.

Ginawa ko naman ang lahat para hindi alisin ang pagkakangiti ko nang magtagpo ang aming mga mata. Nakita ko na mula sa pagkagalit ng kanyang ekspresyon ay nagbago ito, napalitan ito ng pagtataka.

Galingan mo pa Randy! Husayan mo pa!

“Na-miss kita!” sambit kong nakangiti sa kanya.

Nilubos-lubos ko na ang kagagahan ko. Paninindigan ko na ang kalokohan ko. Habang nasa kanyang leeg ang mga braso ko dahil nakayakap pa rin ako sa kanya ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakakapit dito.

At dito sa gitna na kalsada, hindi ko na alintana kung may mga makakakita man sa aming dalawa.

Dahil mula sa maliit na pagitan ng aming mga mukha ay nawala iyon nang salubungin ko ang kanyang labi.

Hinalikan ko s’ya sa paraan na parang kami lamang dalawa ang naririto sa lugar na ito, sa paraan na alam kong gustong-gusto n’ya sa tuwing nagsosolo kaming dalawa.

Alam kong nabigla s’ya dahil hindi agad s’ya nakatugon. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay naramdaman kong niyakap na rin n’ya ang aking bewang at masuyo na rin n’yang tinutugunan ang aking mga halik.

Para kaming nagsasayaw sa alapaap ngayong mga oras na ito. Parang huminto ang oras at nagliliwanag ang kapaligiran kahit nakapikit kaming pareho.

Nagising na lamang ako sa magandang panaginip nang makarinig ako ng pagsipol.

“Grabe naman. Dito talaga sa kalsada ang tukaan? Isipin n’yo naman ang mga taong single. Bigyan n’yo naman ng konsiderasyon. Hayaan n’yong hanapan muna nila ng hustisya ang pagiging single nila.” sunod-sunod na pagsasalita ni Vinci.

Dahil sa kanyang mga sinabi ay napatigil kami sa ginagawa naming paghalik ni Rigo.

Hindi pa rin namin tiningnan si Vinci. Nanatiling magkadikit ang mga noo namin ni Rigo habang nakatingin kami sa mata ng isa’t-isa. At kung kanina ay halos hindi ko na s’ya makilala dahil sa nakakatakot n’yang ekspresyon, ngayon naman ay nagliliwanag ang kanyang mukha dahil sa ganda ng ngiti n’ya.

“Hindi talaga titigil?” pagsasalita na naman ni Vinci at saglit na tumigil. “Guard! Guard! Pakireport nga ’tong mga ’to sa pinakamalapit na estasyon ng pulis! Nang-aano eh! Hindi ko naman sila inaano!” pasigaw na n’yang dugtong.

Dahil doon ay natatawa na lamang kaming naghiwalay ng katawan ni Rigo. Ngunit ang aming mga braso ay nanatili sa aming mga bewang.

“Tarantado ka! Hinahanap ka ni Coke dahil hindi ka raw matawagan! Pero nakita n’yang may update ka ng status mo sa facebook!” natatawang buska ni Rigo kay Vinci.

“Talaga? Tarantado ’yung balugang ’yun ah? Nakita n’ya pala ’yung post ko, eh bakit hindi n’ya ni-like?” tanong ni Vinci pabalik.

Ang gago talaga nitong Vinci na ’to! Kanina namumutla na sa takot, ngayon balik sabog na naman.

“Pumasok ka na nga doon! Hinihintay ka n’ya sa lobby, ibibigay yata ang schedule mo.” masayang utos na lang ni Rigo.

“Yes idol!” sagot ni Vinci at sumaludo pa kay Rigo.

Pareho na lamang kaming natawa sa ginawa ni Vinci. Pinanood na lamang din namin ito na nagmamadaling pumasok sa loob ng agency nila.

“Tara na?” biglang pagyaya sa akin ni Rigo na nakangiti.

“Mmm!” sagot ko rin sa kanyang tumatango at mas doble na ang ngiti.

S’ya pa ang naghatid sa akin sa pinto ng kotse at pinagbuksan pa ako.

“Kumain ka na?” tanong n’ya sa akin nang makapasok na rin s’ya ng kotse. S’ya na ngayon ang magdadrive para makauwi kami.

“Hindi pa, gusto ko sabay na lang tayo.” paglalambing ko pa rin sa kanya.

“Dapat kumain ka muna bago ka nag-inom. Baka magka-ulcer ka n’yan.” pag-aalala na n’ya ngayon.

Labis na tuwa ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Dahil bukod sa naging epektibo ang paglalambing ko kay Rigo para mawala ang galit n’ya, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa kong ipakita sa publiko kung gaano ko kamahal si Rigo.

Na kahit hindi ko sa kanya sabihin ang salitang iyon ay nagawa ko namang mapatunayan.

Masarap pala sa pakiramdam.

Sana hindi na lang matapos ito.

Sana hindi na lang.


A/N

O ayan ha?! Bumawi ako sa dulo ha? Emeged! Kinikilig ako sa ganap sa dulo! Gaaaahhh!!

Paano po? Feel you next chapter na lang mga mahal ko! Salamat sa mga mag-iiwan ng votes at comments! Labyu guys!!

––cold_

deee

chapter 8

A/N

Hoho! Hello po!

Guys, Baka may interested po na sumali sa isang Writing Prompt Contest d’yan sa inyo? ’Yung mga nais mag-umpisa sa kanilang pagsusulat, pwede po kayong mag-join. Paki-like lang po ang WATTPAD LGBT PH OFFICIAL sa Facebook at makikita n’yo ang detalye kung paano sumali. Naka-post po doon kung ano ang mga dapat gawin. Paki-message n’yo na lang din po sina

ellesugi

,

KenTheLion

at

RoviMochizuki

para sa inyong mga katanungan. Maraming salamat po!

Eto na, enjoy reading chapter 8 mga mahal ko!

––> sina Tom at Xander po sa media. Salamat sa collage na ’yan

PasaloJeffrey

Bessy!! Para sa’yo din ’tong chapter na ’to! Miss na kita!


RANDY’s POV

“Nakuha n’yo ba ang tamang procedure at recipe?” tanong ko sa mga kitchen staff.

“Yes, chef.” sagot naman nilang sabay-sabay.

Ang mga kulugong ’to, akala mo choir na kailangan duet sa tuwing sasagot sila sa akin. Nakakatawa pa ang pagmumukha nila dahil para silang magkakamukha. Pare-pareho kasi ang ekspresyon nila, pare-parehong namumutla sa takot.

“Sige, ipe-present ko na ’to sa kanya para ma-approve.” huling bahagi ng pagpapaalam ko sa kanila at tuluyan ko na rin silang tinalikuran bitbit ang dalawang pasta na niluto ko.

Pero dahil ako ang dakilang kontrabida sa mga buhay nila bilang kanilang boss, muli ko silang hinarap. Nahuli ko pa ang ilan sa kanila na nakahawak sa kanilang dibdib at huminga ng malalim, senyales na makakahinga na sila ng maluwag dahil lalabas na ako dito sa kitchen.

“Oo nga pala, may nakalimutan akong sabihin.” una kong sambit at saglit akong tumigil.

Tiningnan ko sila isa-isa na tila sinusuri sila. Nakita ko kung paano nagbalik ang pamumutla nila.

“Pasalamat kayo at maganda ang gising ko ngayong araw na ’to. Dahil noong naabutan kong ang saya-saya n’yo kaninang nagkekwentuhan at hindi nagtatrabaho ng maayos, gusto ko kayong ilublob sa kumukulong mantika ng fryer. Narinig ko pang may pinag-uusapan kayo na BOSS n’yo na AYAW N’YONG NANDITO dahil hindi kayo makaalis ng station n’yo para makapagpacute sa mga waitress sa dining.” mahaba kong pagkompronta sa kanila.

Sinadya kong bigyan ng diin ang salitang boss dahil hindi ako tanga, alam kong ako ang tinutukoy nilang ayaw nilang nandito.

Nakita ko ang takot sa kanila at iniwas nilang lahat ang tingin nila sa akin. Nataranta ang mga kumag.

Ngumisi ako dahil nag-e-enjoy akong makita ang pagmumukha nila ngayong takot na takot.

“Kung makapag-comment naman kayo na ayaw n’yo akong makasama, wagas. Ako ba? Tinanong n’yo ba ako kung natutuwa ako sa inyo?” tanong ko sa kanila.

Walang nagsalita. Mabuti naman.

“Alam n’yo bang kulang na lang humawak kayo ng plastic o bote tapos idikit n’yo d’yan sa ilong n’yo? Mukha kaya kayong mga nagra-rugby, mukha kayong mga sabog. Wala lang akong choice kaya kailangan kong maging reliever ni Chef Rigo. Wala akong choice kundi tiisin ’yang pagmumukha n’yo. Dahil kung may iba lang din akong pagpipilian, mas gugustuhin kong may suot-suot kayong sako sa ulo habang nagluluto para hindi ako naaalibadbaran sa mga pagmumukha n’yo.” sunod-sunod kong litanya.

Lahat sila ay napayuko dahil sa hiya.

Mga kamoteng ’to, ang daming pwedeng pagchismisan, ako pa ang napili. Pasalamat talaga sila at maganda ang gising ko. Nagmilagro kasi kaming dalawa ni Rigo kanina bago ako pumasok dito at bago naman s’ya nagpunta sa shoot n’ya. Masakit pa nga hanggang ngayon ang likuran ko.

Bakit ba kasi ’pag ginagawa namin ’yon ni Rigo ay hindi ako makatanggi? Pero ’pag natatapos naman kami, iniinda ko ang hapdi. Ang laki naman kasi ni Jaime.

Oo, Jaime ang tawag ko sa alaga ni Rigo. Kinuha ko sa pangalawa n’yang pangalan. Mabuti na rin iyon para may pagkakakilanlan sila. Para alam ni Rigo kung sino sa kanila ang tinatawag o kinakausap ko sa kanila.

“Sa susunod na marinig kong pinag-uusapan n’yo pa ako, sisiguraduhin kong pupulutin na lang kayong lahat sa kangkungan.” banta ko pa sa kanila at tuluyan ko na silang tinalikuran.

Masyado kasi silang nakakampante ’pag si Rigo ang chef nila rito. Masyado kasing mabait si Rigo sa kanila. Kaya para mabalanse naman, ako ang tumatayong kontrabida sa buhay empleyado nila.

“Ikaw? Gusto mo rin bang madamay, Ehdz?” tanong ko sa waitress namin.

Naabutan ko kasi s’yang nasa labas ng kitchen at mukhang pinapakinggan ang panenermon ko sa kitchen staff.

Mabilis s’yang umiling-iling.

“H-hindi po.” nauutal n’yang sagot.

“Eh anong tinatayo-tayo mo rito? Dito ba ang station mo?” nakataas ang isang kilay kong pagtatanong.

Ginawa na naman n’ya ang pamatay n’yang pagkakamot ng ulo.

“A-ah… Magfa-follow up lang po ako ng order ko, Chef Randy.” sagot n’ya sa akin.

Nginisian ko s’ya.

“Sa tingin mo, lalabas ang order mo kung nakatayo ka lang dito?” tanong kong mahinahon ngunit sarkastiko.

Hindi s’ya nakapagsalita. Napayuko ang bruha.

“Sige na, pumasok ka na sa loob. Baka sa’yo ko pa ibaling ang inis ko.” utos ko sa kanya.

Dali-dali naman s’yang sumunod sa sinabi ko. Hinihiling ko pang matisod sana s’ya.

Ipinagpatuloy ko ang aking naantalang paglalakad habang bitbit pa rin ang dalawang plato na may lamang pasta. Tinungo ko ang garden ng restaurant kung saan naghihintay ang mag-a-approve ng ipe-present kong special menu.

“Oh! Pumili ka ng isa d’yan.” padabog kong paglapag ng plato sa mesa.

“Wow! Binasag mo na lang sana?” sarkatisko n’yang suhestiyon.

Padabog pa rin akong umupo sa katapat n’yang pwesto.

“Tigilan mo ako, Xander. Tikman mo na ’yan para mailabas na next week.” utos ko sa best friend ko at may-ari ng restaurant na ’to.

“Ang init ng ulo ng best friend ko ah? Bakit? Nireregla ka na? Aba tagumpay Randz! Dapat i-celebrate natin ’yan! Ganap ka nang dalaga!” pang-aasar n’ya habang inihahanda ang titikman n’yang pasta.

Dinampot ko ang table napkin na dapat ay gagamitin n’ya at walang pagdadalawang-isip ko iyong ibinato sa kanya.

“Sinabi nang tumigil ka!” buska ko sa kanya.

Sinalo n’ya ang table napkin habang natatawa.

“Chill! Ang init ng ulo mo!” pag-awat n’ya habang inaayos ang kanyang pagkakaupo.

“Tss!” reaksyon ko lang at sumandal sa inuupuan ko.

“Pero seriously, bakit mainit ang ulo mo?” tanong n’ya habang kumukuha ng pasta para tikman.

Ilang segundo akong natigilan para sagutin ang tanong n’ya.

“Eh kasi naman ’yang staff natin, alam ko namang ayaw nila sa akin at wala naman akong pakialam doon. Ang kaso, ako ang ginagawa nilang topic para may mapag-usapan sila!” naiinis kong sumbong.

Natawa s’ya ng bahagya.

“Isipin mo na lang na natutuwa sila sa’yo, natutuwa dahil sa kasungitan mo!” wika n’ya at mas natawa sa huli.

Sinamaan ko s’ya ng tingin. Hindi mo malaman kung pinapagaan n’ya ba ang pakiramdam ko o intensyon n’yang lalo pa akong inisin.

“Natutuwa? Sila? Eh kung sila kaya ang pagkatuwaan ko? Sila kaya ang pagtripan ko? Utusan ko kaya silang magluto ng nakakamay? Maglublob ng kamay sa kumukulong mantika? Maglaga ng meat kasama ang mukha nila? At kung hindi sila susunod, maghanap na sila ng ibang mapapasukan nila? Ano sa tingin mo?” sunod-sunod kong tanong at suhestiyon sa kanya.

Natigilan naman s’ya sa ginagawa n’yang pagnguya.

“Woi! Umayos ka Randy ha? Gusto mo bang mademanda pa tayo ng mga ’yan?” tanong n’ya pabalik.

Itong best friend ko na ’to, minsan may pagkauto-uto. S’yempre alam ko namang hindi ko pwedeng gawin ’yon. Gusto kong mabuhay dito sa labas at hindi mabulok sa kulungan. Sinabi ko lang ’yon para ilabas ang inis ko.

“Ikaw Xander, simula nang makapag-asawa ka, pumurol na rin ang utak mo. Ganyan ba ang epekto ng pag-aasawa? Dahil kung ganyan lang din, mas gugustuhin ko nang maging single habang-buhay.” sermon ko at inirapan s’ya.

Saglit na naman s’yang natigilan. At matapos iyon ay unti-unti s’yang ngumisi. Hindi pa s’ya roon nakuntento, dahan-dahan ay lumapit s’ya sa akin at halos pabulong s’yang nagsalita.

“Ang tanong Randy, may boyfriend ka ba? S’yempre, mas lalong wala kang girlfriend ’di ba? Meaning, single ka pa rin. WA-LANG JO-WA. Kaya ayan, bitter pa rin!” may diin n’yang pang-aasar.

Punyeta, best friend ko ba talaga ’tong lalaking ’to? Kulang na lang apak-apakan ang pagkatao ko.

Naningkit ang mga mata ko. Mabilis na umakyat ang dugo ko sa ulo dahil sa kanyang mga sinabi.

Paminsan-minsan gusto ko s’yang patikman ng pagmamalupit ko. Sa mga kaibigan ko, s’ya lang ang namumukod tanging kaya akong insultuhin ng ganito.

Pero dahil kilala na namin ang isa’t-isa, alam na rin namin ang kahinaan naming pareho. Alam kong sinusubukan n’ya lamang ako, kaya naman mabilis na may pumasok na ideya sa matabang utak ko.

Tinapatan ko ang kanyang tingin. Ang kaninang naniningkit kong mga mata dahil sa inis ay naniningkit na ngayon na tila nang-aakit. At dahil malapit lang ang mukha n’ya sa akin ay hindi na ako mahihirapan na gawin ang aking plano.

Ngumiti ako sa kanya at inilapit ko pang lalo ang mukha ko sa kanya.

“Oo, Xandz. Tama ka, bitter pa rin ako hanggang ngayon. Kasi hindi ako ang pinili mo kesa kay Tom. Bitter pa rin ako dahil kahit mas magaling akong sumubo at magpaligaya kesa kay Tom, s’ya pa rin ang pinili mo, s’ya pa rin ang pinakasalan mo.” nakangisi at nakakaakit kong pagbubunyag sa kanya.

Gusto kong matawa sa hitsura n’ya. Dahil nakita kong napalunok s’ya tanda na nabigla s’ya sa aking mga sinabi.

Gago rin kasi s’ya eh, sa halip na pakalmahin ako, nagagawa n’ya pa akong asarin.

“R-randz, akala ko ba nagkasundo na tayo? A-akala ko ba okay lang ang lahat?” kinakabahan n’yang tanong habang nanlalaki ang mga mata n’ya.

Gusto kong tumalon sa saya dahil sa wakas ay mabibigyan ko na ng hustisya ang anomalyang ginawa sa akin ng aming mga empleyado. At si Xander ang makakapagbigay ng hustisyang ’yon. S’ya ang napili kong pagkatuwaan ngayon.

Mas lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Siguro ay ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mga mukha.

“Akala? Puro ka na lang akala, Xandz… Hindi ka na nagbago…” una kong sambit sa nakakaakit pa ring tono.

Hindi pa ako nakuntento roon, inilibot ko ang aking mga mata sa mukha ni Xander. Gwapo talaga ’tong best friend ko, walang duda roon. Pero hindi na talaga ako tinatablan sa kanya, mas pinagpapantasyahan ko talaga ang baby Rigz ko.

Muli kong ibinalik ang mapang-akit kong tingin sa kanyang mga mata. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte sa pang-aakit sa kanya.

Sinimulan kong magsalita at kumilos ako papalapit pa sa kanya. Natatawa ako dahil napapaatras naman s’ya dahil sa ginagawa kong paglapit pa.

“Alam mo bang hanggang ngayon, ikaw pa rin ang pinapantasya ko sa tuwing matutulog ako? Alam mo bang sa tuwing nasa banyo naman ako at naliligo, iniisip kong ikaw ang nagsasabon ng katawan ko? Grabe… aaahhh…. ang sarap mong pagpantasyahan, Xandz…” wika ko at kinagat ang labi ko.

Nakita kong mas lalong nanlaki ang mga mata n’ya. Gusto ko nang humagalpak sa tawa dahil nakita kong nagbubutil na rin ang mga pawis n’ya.

“Bakit kaya… hindi natin subukan, Xander? Sige na, hindi naman malalaman ni Tom eh… Try mo lang ako…” sambit ko pa at hinaplos ko ang mukha n’ya.

Mukhang magugunaw na ang mundo ngayon ni Xander. Hindi n’ya alam kung paano magsasalita. Lalo pa s’yang nataranta dahil napatigil s’ya sa ginagawa n’yang pag-atras nang mapasandal s’ya sa kanyang inuupuan.

“G-g-gago ka Randy ha? ‘W-w-wag kang magbiro ng ganyan! I-i-isusumbong talaga kita kay Tom!’ natataranta n’yang pagsasalita.

Hindi ko na kayang pigilan. Pakiramdam ko ay sa iba na lalabas ang tawa ko dahil sa nakikita ko sa best friend ko.

“Pfft!” hindi ko napigilang pagtawa.

Kasunod noon ay umatras na ako at inilabas ko na ang lahat ng tawang inipon ko sa buong buhay ko.

“Hayup ka Xander!! ’Yung mukha mo!! Para kang gago!!” halos isigaw ko dahil tawa pa rin ako ng tawa. Napapapalakpak pa ako dahil sa sobrang saya.

Kung kanina ay ako ang bumato ng table napkin sa kanya, ngayon naman ay ibinalik n’ya iyon sa akin ngunit mabilis kong nasalo.

“Lul! Gago ka! Tarantado kang demonyo ka! Demonyo ka! Demonyo!” paulit-ulit n’yang pagmumura sa akin sa inis na inis na tono.

Hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa. Hawak ko na rin ang tiyan ko dahil sumasakit na dahil sa kakatawa.

“Hayup Xandz!! Ang sarap mong picturan! Para kang may diarrhea na ewan!!” hindi pa rin ako natigil sa pang-aasar.

Bumaliktad na tuloy ang sitwasyon. Kung kanina ay ako ang inaasar n’ya, ngayon naman ay s’ya na itong hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkapahiya.

“Bwisit ka! Ang sarap mong sapakin alam mo ba?!” inis n’ya pa ring reaksyon.

Hindi na ako nagsalita pa. Inubos ko na lang ang inipon kong tawa. S’ya naman ay itinuloy na lamang ang naantala n’yang pagtikim sa pastang niluto ko.

“Hindi masarap.” inis n’ya pa ring reaksyon sa niluto ko.

“’Wag ako, Xandz. Alam kong gusto mo ang mga oil based pasta kaya ’wag mo akong paandaran ng ganyan.” balik kong natatawa sa kanya.

Totoo naman kasi ang bagay na iyon. Sa tagal naming magkasama, alam ko na ang mga ayaw n’ya at hindi. Para saan pa kung naging matalik kaming magkaibigan.

Hindi na s’ya nagsalita pa. Pero itinuloy naman n’ya ang pagkain.

Hindi raw masarap pero mukhang uubusin naman n’ya. Mga pautot din nitong lalaking ’to eh.

Nasa ganoon kaming tagpo nang bigla kaming makarinig ng boses mula sa aming likuran.

“Uy pasta! Penge ako!” masayang bungad ng lalaking kadarating lang.

Nasabi sa akin kanina ni Xander na didiretso na ito dito sa restaurant para sabay na silang umuwi. Galing ito sa kanilang hotel at may importanteng kliyente na kinausap.

Nakita ko na naman ang dimple n’ya. Sa tuwing makikita ko ang maaliwalas n’yang mukha ay nahahawa ako sa kasiyahang taglay ng taong ito.

Diretso s’yang umupo sa tabi ko at kinuha ang isang pasta na hindi kinakain ni Xander.

“Hi Randy! Kamusta?” bati nito sa akin ngunit hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Mukhang takam na takam sa pasta na nasa kanyang harapan.

Akmang kukunin na n’ya ang tinidor para kainin iyon ay mabilis kong iniwas ang plato sa kanya.

“’Wag ’yan, may seafood ingredients ’yan.” saway ko sa kanya.

May allergy kasi s’ya sa seafood kaya hindi n’ya pwedeng kainin ito.

Nakita kong napanguso s’ya. Natawa ako dahil ang cute n’ya talaga. Hindi na nakakapagtaka kung bakit patay na patay sa kanya ang best friend ko.

Speaking of best friend, muli kong nilingon si Xander. Masyado kasi akong naaliw sa dimple ng bagong dating kaya nakalimutan kong nandito nga pala s’ya.

Nang lingunin ko si Xander ay gusto ko s’yang batukan dahil sa nakikita kong reaksyon n’ya. Puno pa ang kanyang bibig ng pasta ngunit hindi n’ya iyon nginunguya.

“Hindi mo ba ako nakita dito, Mashter? Hangin lang ba ako sha paningin mo? Hindi mo man lang ba ako babachiin? Ano ba ako sha’yo, Tom?” sunod-sunod na pagtatanong ni Xander habang may pagkain pa sa bibig n’ya.

Ang baboy ng lalaking ’to. Basta talaga nand’yan na ang asawa n’ya, nawawala na s’ya sa katinuan n’ya.

Ngumiti naman ng alanganin si Tom habang nagkakamot ng batok n’ya.

“Ay, sorry, Master. Nagugutom na kasi ako eh, kaya nakalimutan na kitang batiin.” alanganing ngiti ni Tom.

Para akong nanonood ng koreanovela dahil sa kanila. Ang cute talaga nilang mag-asawa.

“Ito na lang ang kainin mo. ’Wag ’yan, ako na lang uubos n’yan.” utos ni Xander habang tinuturo ang kinakain n’yang pasta.

Nagliwanag naman ang mga mata ni Tom.

“Ah sige, akin na!” masaya naman nitong sagot.

Akmang kukunin na sana ni Tom ang pasta ay inilayo naman ito sa kanya ni Xander.

Umarko pareho ang kilay namin ni Tom dahil sa pagtataka.

“Master?” takang tanong ni Tom.

Masama ang tingin ni Xander nang sagutin n’ya si Tom.

“Master ka d’yan? Bakit d’yan ka nakaupo? Dito ka, dito sa tabi ko. ’Wag d’yan sa tabi ni Randy.” utos n’ya kay Tom.

Jusko! Naihilamos ko na lang ang palad ko sa mukha ko. Napakaarte ng lalaking ’to! Dinaig pa ang bata sa inaasta!

Napahinga na lamang si Tom ng malalim bilang pagsuko. Mukhang sinasakyan na lang ang kahibangan ng asawa n’ya.

Tumayo si Tom at mabigat ang mga paang pumunta sa katabing upuan ni Xander.

Akmang uupo na sana si Tom sa kanyang tabi nang bigla s’yang yakapin ni Xander sa bewang at pwersahang pinaupo sa kanyang hita.

Anak ng tipaklong ’tong dalawang ’to! Dito pa talaga nagkandungan!

Kung sabagay, dati naman na silang ganyan. Wala silang pakialam sa paligid, walang pakialam kung ano ang sasabihin sa kanila ng ibang tao.

“Hindi mo pa ako naki-kiss Master simula nang dumating ka.” paglalambing ni Xander kay Tom.

Punyeta. Ikiskis ko kaya ang mukha ni Xander sa mesa?

“Ayoko Master, may pasta ba ang bibig mo.” sagot naman ni Tom.

Nakatagilid ng pagkakaupo si Tom sa kandungan ni Xander. Magkaharap ang mukha nila at parang walang Randy sa paligid nila.

Mga pashnea.

Ibato ko kaya sa kanilang dalawa ang flower vase na nasa mesa? Ang lalandi eh.

Mabilis ang naging pagkilos ni Xander at inabot ang baso ng tubig sa mesa. Dire-diretso n’ya rin iyong ininom.

“Ayan, wala na. Sige na, i-kiss mo na ako.” utos n’ya kay Tom at ngumuso na ito.

At ang uto-uto namang si Tom, hinawakan na sa mukha si Xander at binigyan ng halik ito. DITO MISMO SA HARAP KO!

Nakakapunyeta talaga!

“Sarap! Sige, kain ka na!” masayang utos ni Xander kay Tom.

Umayos si Tom ng pagkakaupo upang simulan nang kumain.

Pero ang nakakapunyeta talaga, nanatili s’ya sa kandungan ni Xander habang yakap s’ya nito sa bewang.

Jusko po! Wala man lang bang hiya sa katawan ang dalawang ’to?!

Pinagmasdan ko lamang silang dalawa. At habang nasa ganoon akong tagpo ay bigla na lamang nagsalita si Xander.

“Master, alam mo ba? Inaakit ako kanina ni Randy.” pagsusumbong n’ya kay Tom.

Napataas naman ang isang kilay ko.

Gagong ’to! Sineryoso n’ya ba talaga ang biro ko?!

“Tapos?” tanong ni Tom pabalik habang patuloy sa pagkain ng pasta.

Mukhang gutom na gutom nga s’ya. Kung sabagay, oras na rin para maghapunan.

“Master naman! Hindi mo ba narinig? Inaakit n’ya ako! Ibig sabihin, nilalandi n’ya ako! Hindi ka ba magseselos?” parang tangang pag-uulit pa ng loko-lokong si Xander.

Gusto ko na ngayong matawa sa kanya dahil mukhang hindi naman interesado ang kanyang asawa.

“Master naman, kung may malandi sa inyong dalawa ni Randy, ikaw ’yon at hindi s’ya. Ang harot-harot mo kaya?” balik sa kanya ni Tom.

Sa pagkakataong ito ay natawa na ako. Akala siguro ni Xander ay maiisahan n’ya ako kay Tom. Natutuwa rin ako dahil sa ganitong pagkakataon ay alam kong malaki ang tiwala sa akin ni Tom.

Lalo akong natawa dahil napakamot na lamang ng marahas sa ulo si Xander tanda na nabigo s’ya sa tangkang pagpapaselos sa asawa n’ya.

Kulang din talaga ’to sa pansin!

“Ikaw Randy? Kumain ka na ba?” pagbaling naman sa akin ni Tom.

Hindi pa ako nakakasagot nang sumabat naman si Xander habang nakabusangot ang mukha.

“Wala ’yan kakainin kasi wala naman ’yan jowa.” sagot n’yang makahulugan na sinabayan n’ya pa ng pagngisi.

Punyeta. Nagsisimula na naman s’ya.

“Binabawian mo ba ako?” inis kong tanong kay Xander.

“Hindi. Katotohanan lang ang sinasabi ko. Bakit may jowa ka ba?” tanong n’ya pabalik habang nakataas ang isa n’yang kilay.

Aba’t! Talagang ayaw n’ya akong tigilan!

Sasagot na sana ako nang bigla naman sumabat si Tom.

“Break na kayo ni Rigo???!” gulat n’yang reaksyon.

Kung maka-react naman ’tong si Tom, akala mo nakasaksi ng isang krimen.

Huminga ako ng malalim at umayos ng pagkakaupo.

“Tom, wala namang kami ni Rigo. Alam mo naman ’yon ’di ba?” walang gana kong sagot.

“Ha???! Eh bakit nagsasama na kayo? Eh bakit sweet kayo? Eh bakit ginagawa n’yo ’yung ano??” sunod-sunod n’yang tanong.

Hindi pa man ako nakakasagot ay sumabat na rin si Xander. Mabuti na rin iyon dahil hindi ko alam kung paano ko iyon ipapaliwanag kay Tom. Slow pa naman ’tong taong ’to.

“Ginagawa nila ’yung ano, Master?” mapanuksong tanong ni Xander kay Tom.

“Uhm… ’y-yung ano… ’yung… ’yung… alam n’yo na ’yon! ’Wag n’yo na sa akin ipabanggit!” naiinis na sagot ni Tom na tinawanan lamang ng kanyang asawa.

Kung makaarte naman si Tom! Virgin??!!

Ilang sandali pa ay natatawa pa rin si Xander na nagtanong sa akin.

“Eh kamusta na nga pala kasi kayo ni Rigo?” tanong n’ya sa akin.

“Ayos lang, tulad pa rin ng dati. Walang label.” pagsasabi ko ng totoo.

Alam naman nilang lahat iyon. Maski yata si Nanay Elise ay alam ang bagay na iyon. Pero hindi n’ya kahit minsan iyon tinanong sa akin dahil naniniwala s’yang tapat sa akin si Rigo kahit na wala kaming opisyal na relasyon.

“Bakit ba kasi hindi n’yo na lang ituloy ’yan? Gawin n’yong official! Tutal mukhang hindi ka naman iiwan ni Rigo.” wika ni Tom at sinubuan ng pasta ang asawa n’ya.

“Oo nga, tama ang asawa ko. Ilang taon na rin kayong ganyan. Hindi n’yo ba pinangarap kahit minsan na maging malaya kagaya namin ni Tom?” sabat naman ni Xander habang ngumunguya.

“Ikaw ba Randy? Hindi mo ba pinangarap kahit minsan na maipakilala n’ya bilang boyfriend n’ya?” si Tom na naman.

“At hindi mo rin ba pinangarap kahit minsan na ipakilala sa lahat na may boyfriend kang Rigo na kasing gwapo at macho ko?” si Xander naman.

Napataas ang isa kong kilay sa kanila. Napupunyeta ako sa hitsura nila.

“Pwede bang isa-isa lang ang tanong? ’Yung totoo? Interrogation ba ito? Saka isa pa, pwede bang umayos kayo ng pagkakaupo? Naaalibadbaran ako sa inyo!” buska ko sa kanila.

Kahit pa lalaki at babae ang nasa harap ko, hindi ko masikmura ang ganyang eksenang kandungan! Matatanggap ko pa kung may lobo silang pinapaputok sa hita ng isa’t-isa!

“Ay! Sorry sorry!” mabilis na pagbawi ni Tom at umalis sa kandungan ng asawa n’ya.

Ang sarap talagang pag-umpugin ng dalawang ’to!

Huminga ulit ako ng malalim para simulan na ang pagsagot sa interrogation ng mag-asawa.

“Okay naman kami ni Rigo sa ganitong set up. Isa pa, baka makasira lang ’yon sa magandang career n’ya.” una akong sagot.

Hindi nila alam ang totoo, tanging ako, ang tiyahin ni Rigo na si Tita Eve at kanyang asawa, si Dom at nitong huli ay si Vinci lamang ang nakakaalam.

Kahit pa kasi sabihin ko iyon kina Xander at Tom, alam kong iisa lang ang mangyayari. Maaari nilang sabihin ito kay Rigo at maaaring masira ang napagkasunduan namin nina Tita Eve.

“’Yan din ba ang gustong mangyari ni Rigo?” tanong muli ni Xander.

Napalunok muna ako dahil sisimulan ko na namang magsinungaling.

“Oo naman. Nagkasundo na kami tungkol doon.” hindi ko pagsasabi ng totoo.

Gusto ko nang lamunin ako ng lupa dahil nahihiya ako sa kanila. Ito lang ang bagay na itinago ko sa kanila lalo na kay Xander. Kailangan kong protektahan ang pangako ko sa sarili ko at sa pamilyang kinalakihan ni Rigo.

Bago pa sila makapagtanong ulit ay pinaalalahanan ko na sila.

“At please lang, ’wag n’yo nang banggitin pa ’to sa harap ni Rigo. Ayokong mailang s’ya sa akin at sa inyo. Kahit naman ganito ang set up namin, nakakaramdam pa rin naman kami ng hiya sa inyo. Pasalamat na lang kayo at makapal ang mukha ko para sagutin ’yang mga tanong n’yo.” sunod-sunod kong bilin.

Ang totoo ay ayaw ko lamang mabanggit nila iyon kay Rigo dahil maaaring iyon pa ang magtulak kay Rigo para ungkatin muli ang relasyong noon pa ay gusto na n’yang mangyari. Ang maging opisyal kami.

Ayokong bumalik kami sa dati na inabot ng ilang buwan bago pa maging maayos ang lahat. Mabuti na lamang at s’ya rin ang sumuko at nagpresentang makukuntento na lamang sa ganitong set up naming dalawa.

Ganon n’ya ako kamahal. Handa s’yang maging sunod-sunuran sa lahat ng sinasabi ko.

Bagay na nakakalungkot isipin.

“Ganyan na lang ba kayo? Hoy Randy! Alalahanin mo, tumatanda tayo at hindi tayo bumabata! Ano? Papa-tordyak ka lang? Ganun lang?!” sermon ni Xander.

“Bunganga mo naman, Xandz!” pagsaway ko sa kanya. Ang bastos eh!

“’Wag mo akong dinadaan-daan sa pagsaway-saway sa akin, Randy ha? Ayusin mo ’yang buhay mo kung ayaw mong ako pa ang kikilos para ilugar ka!” banta na nito sa akin.

Ayan na, nagsisimula na ang pagiging brother figure n’ya. Ganyan ’yan si Xander pagdating sa akin. At kung hindi ako titino, baka sapakin na naman ako nito kagaya ng ginawa n’ya sa akin dati. Akala ko noon natanggal na ang panga ko sa lakas ng suntok n’ya.

Hindi na ako nagsalita. Ayokong makipagtalo sa kanya. Baka mamaya masabi ko pa ang totoong dahilan kung bakit ganito pa rin ang set up namin ni Rigo. Hangga’t maaari ay ayokong madamay sila.

Nilingon ko si Tom para sana humingi ng saklolo sa kanya. Simula kasi nang manermon si Xander ay nanahimik na s’ya.

Si Tom na lang ang pag-asa ko para mapatahimik na ’tong bestfriend ko. Pero nang makita ko s’ya ay parang tuluyan nang gumuho ang mundo ko. Kagat-kagat n’ya kasi ang tinidor na gamit n’ya habang tulala s’ya. Mukhang hindi s’ya nakikinig sa amin at napakalalim ng iniisip n’ya.

“Hoy Tom! Pwedeng magsalita! Pwedeng makisali sa usapan namin. ’Wag kang nananahimik lang d’yan.” pagpuna ko sa kanya.

Tila ba doon lamang s’ya nagising.

“Uhm… Hindi na kasi ako makasabay. Hindi ko na maintindihan ang pinag-uusapan n’yo.” malungkot n’yang saad.

“Anong hindi mo maintindihan, Master?” tanong sa kanya ni Xander.

Ilang segundo ang lumipas bago s’ya nagawang sagutin ni Tom.

“Ano ba kasi ang tordyak?” tanong n’yang naguguluhan.

Nasapo ko na lamang ang aking noo.

Oo nga pala, slow nga pala s’ya.

Malakas na tawa ni Xander ang umalingawngaw sa paligid. Ako naman ay napailing na lang at hindi malaman kung matatawa na rin ba sa kanya o manggigigil dahil sa pagiging slow.

“Mamaya, Master! Malalaman mo ’yan dahil totordyakin kita!” tawa ng tawa na sagot ni Xander.

“Promise?” sagot naman ng slow na si Tom.

Dahil sa sinabi ni Tom ay hindi ko na napigilan ang matawa ng malakas.

Nae-excite na s’yang ma-tordyak!

“Promise!!” tuwang-tuwa naman na sagot ni Xander.

Isa rin ’to si Xander! Sinasamantala ang kainosentehan ng asawa n’ya.

Nasa ganoon kaming tagpo nang dumating naman ang taong simula pa kanina ay hindi na tinantanan ang isip ko.

“Hey guys!” bati nito sa amin na mukhang masayang-masaya.

“Brad!” bati sa kanya ni Xander at nagfist bump pa sila bilang pagbati.

“Hi Rigo!” masayang bati naman ni Tom.

Nilapitan ako ni Rigo. Akmang yuyuko s’ya para sana bigyan ako ng halik ay tiningnan ko s’ya sa mata. Tingin na nagpapaalala na ’wag n’yang gawin ang binabalak n’yang paghalik sa akin dito sa pampublikong lugar. Pwede n’ya lamang gawin iyon kung nasa bahay kami o kung kami lamang dalawa ang magkasama.

Hindi naman sa ikinakahiya ko s’ya. Ang kaso nga lang ay baka may makakita sa amin. Isa s’yang public figure na may iniingatang pangalan. Ano na lang ang isasagot n’ya sakaling may makakita sa kanyang gagawin?

Nagawa ko lang naman na halikan s’ya in public noong nakaraan dahil nawalan na ako ng pagpipilian para pahupain ang galit n’ya. Sinuwerte lang din ako dahil walang masyadong tao noong mga oras na iyon at madilim na rin.

At dahil kilala na ako ni Rigo ay mabilis n’yang nakuha ang mensahe ko sa pamamagitan ng tingin ko.

Hindi na n’ya naituloy ang tangka n’yang paghalik sa akin. Inangat na lamang n’ya ang kanyang kamay at ipinatong iyon sa aking balikat.

“Hi Randz.” mahina n’yang pagbati at nabawasan ang kanyang ngiti.

Ganyan s’ya ’pag kaharap ang ibang tao, Randy ang tawag sa akin at hindi Liam. Tinatawag n’ya lamang ako sa pangalawa kong pangalan kung kami lang dalawa ang magkasama o ’pag nasa harap kami ni Nanay Elise.

Ramdam ko ang bigat sa kanyang pagbati kahit dalawang salita lamang iyon.

Inilayo ko na lamang ang tingin ko sa kanya. Baka hindi ko matagalan na makita s’yang nasaktan sa nangyari.

Simpleng pangyayari lang, simpleng pagbati lang na hindi namin magawa sa publiko. Pero malaki ang epekto sa aming dalawa.

Matapos iyon ay umupo s’ya sa aking tabi.

“Mukhang nagkakasiyahan kayo ah?” pilit na pinapasiglang boses ni Rigo.

“Medyo lang, brad!” natatawa pa ring sagot ni Xander.

“Anong meron?” tanong ulit ni Rigo.

“Tanong mo si Tom!” masaya pa ring sagot ni Xander.

Narinig ko ang pekeng pagtawa ni Rigo. Mukhang nakikisakay na lang sa mga nagaganap.

“Anong meron, Tom?” nakangiti n’yang tanong.

“Si Xander kasi. Sabi n’ya totordyakin n’ya raw ako mamaya. Tapos tawa na s’ya ng tawa. Ano bang nakakatawa doon?” tanong na inosente ni Tom.

Inabala ko na lamang na magbigay ng ngiti sa mag-asawa. Kailangan kong kalimutan na nasaksihan ko ang lungkot sa mga mata ni Rigo.

Muling natawa si Rigo. Mukhang nadala s’ya sa sinabi ni Tom.

“Ano bang pinagsasabi mo kay Tom, Xandz?” tanong na ni Rigo.

“Wala! May masama ba doon?” tanong ni Xander pabalik.

Si Tom na ang nagtanong sa pagkakataong ito. Binalingan n’ya ang kanyang asawa habang nakakunot ang kanyang noo.

“Ano ba kasi ang tordyak? Bakit ka ba tawa ng tawa?” tanong nito kay Xander.

“Mamaya mo nga malalaman, Master! Ipapakita ko sa’yo! Ipaparamdam ko na rin sa’yo para hindi mo makalimutan ’pag narinig mo pa ulit ang salitang ’yon!” sagot ni Xander at mas lumakas pa ang tawa.

Nagkamot ng ulo si Tom sa marahas na paraan habang kunot pa rin ang kanyang noo.

“Nakakainis naman eh! Hindi na lang kasi i-explain! Kailangan may demonstration pa!” naiinis nitong buska kay Xander.

Sa nangyayari ngayon ay para na lamang kaming audience ni Rigo na pinapanood sila.

Habang inis na inis si Tom ay inilapit ni Xander ang kanyang sarili kay Tom. Hinawakan n’ya ito sa magkabilang pisngi at gigil na gigil na kinausap.

“Grabe! Ang cute-cute talaga ng asawa ko!” gigil na gigil na sambit ni Xander at hinalikan ng madiin sa labi si Tom.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalambingan na parang wala kami sa kanilang paligid. Na tila sila na lang ang magkasama at masayang-masaya.

Nakakainggit.

Nakakainggit sila.

Ang buong akala nila ay hindi ko hiniling kahit minsan na gawin namin ’yan ni Rigo.

Akala nila hindi ko pinangarap kahit minsan na maipakilala ako ni Rigo sa ibang tao bilang mahal n’ya.

Akala nila hindi ko hinangad na maipakilala naman si Rigo sa lahat na s’ya ang taong pinakamamahal ko.

Mali.

Mali sila.

Dahil sa bawat araw na dumarating sa akin, wala akong ibang hiniling kundi ang maging akin s’ya. Ang maging akin s’ya ng buo at walang pwedeng umeksena. Gusto kong maipakilala s’ya na nagpapasaya sa buhay ko. Bilang boyfriend ko.

Hindi ko kayang tagalan ang tingnan sina Xander at Tom habang naglalambingan sa harap ko. Labis na pagkainggit ang nararamdaman ko.

Sana ganyan din kami ni Rigo. Sana hindi kami nagtatago. Sana pwede kaming magpalitan ng salitang ‘mahal kita’ kahit pa sa harap ng ibang tao.

Huminga ako ng malalim.

Hanggang ‘sana’ na lang ako.

“Ang sweet n’yo talagang dalawa ’no?” biglang pagsasalita ni Rigo sa dalawang tao na hanggang ngayon ay walang sawa na pinapahayag ang pagmamahal sa isa’t-isa.

Dahil sa sinabi n’yang iyon ay nilingon ko s’ya. Nakita kong hindi n’ya inaalis ang tingin n’ya sa mag-asawa. Nakangiti s’ya ngunit hindi iyon umabot sa mga mata n’ya.

Kapareho ko rin s’ya. Inggit ang nararamdaman habang pinagmamasdan ang dalawang taong nagmamahalan sa aming harapan.

Mukhang hindi s’ya narinig ng mag-asawa dahil abala pa rin ang mga ito sa paglalambingan.

Gusto kong humingi ng tawad kay Rigo. Gusto kong paulit-ulit na humingi ng kapatawaran. Dahil alam kong nasasaktan ko s’ya sa set up naming ganito.

Kung hindi ko lang sana kalaban ang pangarap n’ya, baka nakipagpatayan na ako sa kinalakihan n’yang pamilya. Dahil kahit kontra sila, ipaglalaban ko s’ya.

Pero si Rigo mismo ang kalaban ko, ang pangarap ni Rigo.

Ayokong maging makasarili. Kaya nga hangga’t naririto pa s’ya sa tabi ko, susulitin ko na lamang ang bawat oras at minuto.

“Rigz, kamusta pala ang photoshoot?” bigla kong pagtatanong kay Rigo.

Gusto kong ilihis n’ya ang kanyang atensyon. Gusto kong sa iba iyon mapunta para hindi na rin s’ya mainggit sa mag-asawa kagaya ko.

“Ayos lang.” tipid n’yang sagot at hindi man lang ako tiningnan. Nanatili s’yang nakatitig sa mag-asawa.

“Parang sobrang busy mo ngayon ah? Okay ka lang ba? Mukhang hindi ka na nakakapagpahinga ng maayos.” muli kong pagtatanong.

Kahit hindi ko ugali ang kamustahin s’ya ay ginawa ko. Dahil gusto kong putulin ang tingin n’ya sa aming mga kaibigan.

Sa wakas ay nilingon n’ya ako. Pero tulad ng inaasahan ay hindi na s’ya kasing sigla tulad nang dumating s’ya.

“Anong nakain mo? Bakit kinakamusta mo na ako?” tanong n’ya sa akin pabalik.

Natigilan ako sa tanong n’yang iyon. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Alam kong sa mga katanungan n’ya ay may halong panunumbat na iyon.

Hindi ako nakapagsalita. Natulala na lamang ako dahil sa kanyang mga binitawang tanong.

Dahil sa pananahimik ko ay mukhang doon lamang napansin ni Rigo na may mali s’yang nasabi sa akin. Nakita ko kung paano bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata senyales na nabigla s’ya.

Katahimikan na ang sumunod.

“Tsk! Tsk! Tsk! I smell war.” biglang pagsabat ni Xander.

Nilingon namin s’ya ni Rigo at doon lang namin napansin na nakatingin na pala sa amin ang mag-asawa.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Ilang sandali pa ay nagsalita na si Rigo.

“S-sorry. Pagod lang ako sa shoot. TV AD na naman kasi kaya mas mahirap.” nauutal na paliwanag ni Rigo sa kanila.

Tanging pagtango lang lang naisagot ng mag-asawa. Salitan din nila kaming tinitingnan ni Rigo na tila sinusuri kaming dalawa.

Ilang sandali pa ay muling nagsalita si Xander.

“Eh kung umuwi muna kaya kayo? Nandito naman kami ni Tom kaya ayos lang kung iwan n’yo na kami dito. Para makapagpahinga ka na rin, brad.” suhestiyon ni Xander.

Muli akong nilingon ni Rigo para siguro hingiin ang opinyon ko. Pero dahil sa naganap ay parang hindi ko na s’ya kaya pang tingnan kaya iniwas ko na lamang ang aking mga mata sa kanya.

“S-sige… Mauuna na siguro kami ni Randy.” pagpapaalam ni Rigo sa malungkot na tono.

Matapos iyon ay ako na ang kusang gumalaw para makapagpaalam sa kanila. Wala na akong binigkas na salita. Tanging pagyakap na lang ang naigawad ko sa mag-asawa bilang pamamaalam.

Magkasabay kaming naglalakad ni Rigo para pumunta sa aking kotse. Walang nagsasalita. Masyadong malaki ang epekto ng nangyari kanina kaya pareho kaming tahimik sa mga oras na ito.

“Diretso na tayo sa condo mo?” tanong sa akin ni Rigo nang makasakay na kami ng kotse.

“Sige.” sagot ko naman at hindi ko man lang s’ya nagawang tingnan.

Napakawalang-hiya kong tao. Pero kay Rigo lang ako nakakaramdam ng hiya kagaya nito. Alam ko namang guilty ako, pero wala naman akong mapagpipilian.

Ganoon pa rin ang sumunod. Binabaybay namin ni Rigo ang daan pauwi ngunit nakabibinging katahimikan ang namayani sa amin. S’ya ay abala sa pagmamaneho habang ako naman ay tanging sa labas lang ng kotse nakatingin.

Nakarating kami ng aking unit. Sinalubong kami ni Nanay Elise at alam kong nagtataka s’ya sa amin ni Rigo dahil pareho kaming pumasok sa aking kwarto na walang imik.

“Kumain ka na?” tanong n’ya habang nagtatanggal ng kanyang damit para maghandang maligo.

’Yan sana ang gusto kong itanong sa kanya, kung kumain na ba s’ya? Araw-araw sa tuwing magkikita kami, ’yan ang unang bagay na gusto kong itanong bukod sa kamusta s’ya. Kung pagod ba s’ya? Kung ano ba ang mga kailangan n’ya? Kung gusto n’ya bang magpamasahe?

Pero lahat ng iyan ay pinipigilan kong itanong sa kanya. Dahil ayokong lumampas kami sa limitasyon. Baka makalimutan kong wala pala kaming relasyon.

“Busog pa ako.” tipid kong sagot na hindi man lang s’ya tinitingnan.

Hindi ko s’ya kayang tingnan dahil pakiramdam ko ay may mga kasunod pa s’yang itatanong. Mga katanungang hindi ko kayang sagutin ’pag nagkataon.

“S-sige. Maliligo muna ako. Mamaya na lang ako kakain.” malungkot n’yang saad.

Nalulungkot ako. Nalulungkot ako sa nangyayari sa amin. Hindi ko maiwasang isipin kung tama pa bang ipagpatuloy pa namin ang ganitong set up. Pareho na kaming nasasaktan, parehong nahihirapan.

Pumasok s’ya sa banyo at iyon lamang ang aming napag-usapan. Naninikip ang dibdib ko dahil sa kaganapan.

Lumabas ako ng kwarto para ipaghanda s’ya ng makakain.

Ito lang. Ito lang ang kaya kong gawin para maiparamdam sa kanya na mahalaga s’ya sa akin. Inaasikaso ko s’ya sa paraan na hindi ko kailangan ipahayag sa kanya ang mga salitang hindi ko kayang sabihin. O mas tamang sabihin na mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin?

Matapos kong ihanda ang kanyang mga kakainin ay muli akong pumasok sa kwarto. Tamang-tama lang din ang pasok ko dahil katatapos n’ya lang din maligo.

“Nakahanda na ang pagkain mo.” tanging nasabi ko lamang bago s’ya lampasan at pumasok na rin ako ng banyo.

Tulala ako habang patuloy na bumububos ang tubig mula sa shower sa aking ulo. Halo-halo ang iniisip ko, naguguluhan na ako.

Bakit ba kailangan na magtagal kami ng ganito? Alam ko naman na simula’t sapul ay wala nang patutunguhan ito pero ipinagpapatuloy ko pa rin.

Pero ako na rin ang nakasagot sa katanungan kong iyon. Iisa lang ang dahilan.

Iyon ay dahil ayaw kong mawala sa akin si Rigo. Natatakot ako. Takot na takot dahil mahal na mahal ko na s’ya.

Akala ko ay hindi ko s’ya magagawang mahalin noong pinasok namin ang ganitong set up. Akala ko ay mapipigilan ko ang aking sarili na mahulog sa kanya. Pero sa bawat araw na magkasama kami, nagbibigay s’ya ng dahilan para mahalin ko s’ya. Hanggang sa dumating ang oras na hindi ko na kayang mawala pa s’ya.

“Ano na lang ang mangyayari bukas?” tanong kong mahina sa aking sarili.

Siguro ay mga isang oras ako sa banyo bago ko napagdesisyunang lumabas dito. At sa loob ng isang oras ay wala man lang akong naisip na solusyon sakaling dumating na ang kinakatakot ko. Ang maghiwalay kami ng landas ni Rigo.

Naabutan ko s’yang nakaupo sa kama at tulala. Hindi pa rin ako nagsasalita nang daanan ko s’ya para kunin ang suklay na nasa maliit na cabinet malapit sa kama na kanyang inuupuan.

Pero bago ko pa tuluyang marating ang maliit na cabinet na iyon ay nabigla na lamang ako nang hawakan n’ya ang aking kamay. Naging dahilan tuloy ito para mapahinto ako at lingunin s’ya.

Nakita ko ang nakikiusap n’yang mga matang nakatingin sa akin.

“Randz…” mahinahon n’yang pagtawag sa aking pangalan.

Kitang-kita ko ang lungkot sa kanya.

Hindi ako nakapagsalita. Tanging pagtitig lang ang nagawa kong isagot sa pagtawag n’yang iyon.

“Hindi ba talaga pwede? Hindi ba talaga pwedeng higitan pa natin ang meron tayo ngayon?” tanong n’ya sa akin.

Ito na nga ang kinakatakot ko. Dahil sa labis na pagkainggit n’ya kina Xander at Tom ay tinatanong n’ya na naman ako ng ganito.

“Hindi mo ba talaga gustong makarelasyon ako? Ano bang kulang? Kaya ko naman gawan ng paraan eh. Basta sabihin mo lang ang mga dapat kong gawin. Kahit ano gagawin ko para lang maging official tayo.” sunod-sunod n’yang pakiusap.

Pinipigilan ko ang mga luha kong pumatak sa mga oras na ito. Alam kong nangingilid na rin ang mga luha kong iyon. Nagpapasalamat na lamang ako dahil nakaharang ang basa kong buhok sa mga mata ko.

“Tatlong taon na tayong ganito. Hindi mo ba gustong may magbago?” muli n’yang pakiusap.

Ayoko nang maulit pa ang nangyari noong huli namin itong pinag-usapan. Noong tinanggihan ko s’ya. Noong panahon na nagmatigas ako at ipinagtabuyan s’ya.

Dahil kapag nangyari pa iyon ay hindi na ako sigurado kung babalik pa s’ya sa akin.

Ayoko. Ayokong mawala si Rigo.

“Randy…. Handa naman ako eh… Handa akong gawin ang lahat ng ipapagaw––––” sunod n’ya sanang pakiusap na hindi na n’ya naituloy.

Dahil bago pa s’ya magmakaawa sa akin ay mabilis ko na s’yang hinawakan sa batok at itinikom ko ang kanyang bibig sa pamamagitan ng paghalik sa kanya.

’ Wag mong ituloy ’yan, Rigo. ‘Wag kang magmamakaawa sa akin.’

Malambot ang labi ni Rigo. Ito ang paborito ko sa lahat na parte ng kanyang katawan. Dahil sa tuwing dumadampi ito sa aking balat ay nakakalimutan ko ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko. Ang malambot n’yang labi ang pinakamabisang gamot ko.

Tinutugunan n’ya ang aking halik ngunit alam kong malungkot pa rin s’ya sa mga oras na ito.

Bumitaw ako sa pagkakahalik ngunit hindi ko inilayo ang aking mukha sa kanya.

Hanggang ngayon ay nangungusap pa rin ang kanyang mga mata.

“Randz naman….” muli n’yang pakiusap.

Alam kong gusto n’ya pa rin iyon pag-usapan. Pero hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko na alam ang isasagot ko dahil gulong-gulo na rin ako.

Bago pa s’ya muling makapagtanong at makiusap sa akin ay muli ko na namang pinagsakop ang labi naming dalawa. At kung kanina ay marahan lamang ang ginagawa kong paghalik, ngayon ay mas idiniin ko na.

Ipinahiwatig ko sa bawat paghalik ko ang pakikiusap na ’wag na s’yang magsasalita pa. ’Wag na n’yang ungkatin ang paksang iyon.

Matagal ang paghalik namin sa isa’t-isa hanggang sa maramdaman kong nadadala na rin si Rigo sa sensasyong dala ng mapusok kong paghalik.

Marahan na n’yang hinahaplos ang katawan ko. Ang mga kamay n’ya ay nasa loob na rin ngayon ng suot kong sando na pangtulog.

Naging matagumpay ako sa plano kong ilihis ang isipan ni Rigo sa aming mapag-uusapan.

Nararamdaman ko na ang kanyang pagnanasa na maangkin ako sa mga oras na ito. At nang masigurado ko ang bagay na iyon ay nakabuo ako ng desisyon sa sarili ko.

Kahit man lang sa bagay na ito ay mapasaya ko si Rigo.

’ Sorry, Rigz… Sorry… I’m really sorry… ’

Paulit-ulit kong sinasambit ang mga salitang ’yan sa aking isip habang patuloy din ako sa ginagawang pagromansa kay Rigo.

Sinimulan ko nang ibaba ang bawat paghalik ko papunta sa kanyang leeg. Ang aking mga kamay ay inihanda ko na rin para hubarin din ang suot n’yang sando. Hinaplos ko s’ya sa paraan na mararamdaman n’yang s’ya ang pinakamahalaga kong yaman.

’ Sorry, Rigz… I’m sorry… ’

paulit-ulit kong paghingi sa kanya ng tawad.

Ipinikit ko ang mga mata ko para pigilan ang mga luha kong nagbabadya na ngayong lumabas mula dito.

’ Sorry kung hindi kita lubusang mapasaya… I’m sorry… ’

Iginaya ko si Rigo pahiga sa aming kama. Ako naman ay inabala ang sarili sa pagpapaligaya sa kanya.

’ Mahal kita… Mahal na mahal… Kaya sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, gusto kong mabigyan ka ng totong kasiyahan pagdating ng araw… ’

Mula sa kanyang leeg ay ibinaba ko pa ang aking halik patungo sa kanyang dibdib hanggang sa makarating din ako sa kanyang puson.

’ Hindi ko rin naman gusto ito… Pero paano na ang pangarap na binuo mo? Paano na ang bagay na matagal mong hiniling sa buhay mo?’

Hinubad ko ang kanyang suot na boxers hanggang sa masilayan ko ang kanyang yaman. Hindi ko na rin pinatagal pa ang lahat, tuluyan ko nang ginawa ang pagpapaligaya sa kanya sa pamamagitan ng aking bibig.

’ Balang araw, Rigo… Balang araw sana pasalamatan mo rin ako… Dahil kapag nakamit mo na ang pangarap mo, alam kong makakalimutan mo rin ako… Makakalimutan mo rin na may Randy ka rin na minahal… Na may Randy na dumating sa buhay mo…’

Nakita ko kung paano napapapikit si Rigo sa sensasyong dala ng pagpapaligaya ko sa kanya. At habang pinagmamasdan ko s’ya, hindi na rin napigilan ng mga luha kong bumuhos mula sa aking mga mata. Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi n’ya ako nakikita dahil pikit ang kanyang mga mata.

’ Mahal kita, Rigz… Mahal na mahal… Pero hanggang ganito lang tayo… Hindi na natin pwedeng higitan pa iyon… Hindi ko rin ito gusto, pero para sa’yo ang lahat ng ginagawa ko… Gusto kong matupad mo ang pangarap mo… ’

Patuloy sa pagdaloy ang aking mga luha habang pinapaligaya ko si Rigo. At nang maabot ni Rigo ang rurok ng kanyang kaligayahan ay nakaramdam ako kahit papaano ng konting saya. Dahil kahit sa maliit na bagay na ito ay alam kong napaligaya ko s’ya.

Ito lang. Ito lang ang kaya kong gawin para sa kanya.

Matapos ang pagsamba ko kay Rigo ay mabilis n’ya akong hinawakan sa mukha at inangat upang magpantay ang aming mukha.

Nang tuluyang magtagpo ang aming mga mata at rumehistro ang pagtataka at pag-aalala sa kanya.

“Hey, are you crying?” tanong n’yang nag-aalala habang nasa ibabaw n’ya ako.

Pinunasan n’ya ang aking mga luha gamit ang kanyang palad. Dama ko ang kanyang pag-aalala.

Umiling ako ng maraming beses.

“N-nabulunan lang ako kaya naluha ako.” pagsisinungaling ko.

Ngumiti s’ya sa akin.

“I’m sorry…” wika n’ya sa sinserong tono at hinalikan ako sa labi.

Matapos din iyon ay niyakap n’ya ako.

Kahit pigilan ko ay may mga panibagong luha na naman ang dumaloy mula sa mga mata ko. Ginantihan ko rin ang kanyang yakap habang patuloy na nagdurusa ang nararamdaman ko.

’ Balang araw hindi na kita mararamdaman ng tulad nito, Rigo. Balang araw hindi na kita mayayakap at mahahalikan. Balang araw hindi na natin magagawa ito. ’

’ At ’pag dumating na ang araw na iyon, alam kong masayang-masaya ka na dahil nakamit mo na ang pangarap mo. ’

’ At ako? Mananatili man na nasasaktan dahil nakikita na kitang buo, mananatili pa rin ang pagmamahal ko sa’yo.’

‘Dahil sa tingin ko, ikaw na ang huling lalaki na mamahalin ko. Ikaw na ang huling tao na makakapasok sa puso ko.’


A/N

Ngayon lang ako nakagawa ng SPG part na iniiyakan ko. :’(

Hindi ko alam kung bet n’yo itong chapter na ito dahil hindi ako masyadong nakapagconcentrate dito. Sorry na po. Babawi ako sa susunod.

Labyu guys!

Salamat po sa magbibigay ng votes at comments. At maraming-maraming salamat sa patuloy na pagbabasa.

––cold_deee

chapter 9

A/N

Feeling ko, feeling ko lang nasa kalahati na tayo ng kwento. Konti na lang, magaganap na ang hindi inaasahan. evil laugh

Nabuang na naman ako.

Anyway, simula na ng mabibigat na pangyayari.

Kaway-kaway

JezhaneLouvelle

!!! Salamat sa patuloy na suporta lalo na sa TOATL!! Labyu!! Pinapaabot din ni Xander ang pasasalamat sa suporta mo sa kanya!

Enjoy reading mga mahal ko!

––> si MJ po sa media.


RANDY’s POV

Nakita ko ang unti-unti n’yang pagtalikod sa akin.

“Rigz, saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya.

Hindi s’ya sumagot. Nakita kong napayuko s’ya.

Nakaramdam na ako ng takot dahil sa kanyang ikinikilos. Pakiramdam ko ay may mali.

“Rigz, sumagot ka. Saan ka pupunta?” pag-uulit ko sa aking tanong.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago s’ya nagsalita.

“I’m sorry…” tangi n’yang nasabi habang nakatalikod sa akin.

Naguguluhan ako.

“S-sorry? Sorry saan? May naging kasalanan ka ba?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Hindi s’ya umimik. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay unti-unti s’yang humarap sa akin. Tanging pagtitig lang sa akin ang kanyang nagawa. Tila ba sinusuri n’ya ang aking mukha, o mas tamang sabihin na sinasaulo n’ya ang bawat parte nito?

Mas lalo akong nakaramdam ng takot sa ginagawa n’yang panunuri sa aking mukha habang suot ang malungkot n’yang ekspresyon.

“Rigz….” pagtawag ko sa kanyang atensyon na may halong pakikiusap.

Muli n’yang ibinalik ang kanyang tingin sa aking mga mata. At nang magtagpo ang aming paningin ay unti-unting gumuhit ang kanyang ngiti. Ang kanyang pinakamagandang ngiti.

“Salamat sa lahat, Randy.” nakangiti n’yang sambit.

Nabigla ako. Hindi n’ya ako tinawag na Liam tulad ng nakasanayan kong marinig mula sa kanya.

Nanlaki rin ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Kahit pasasalamat pa iyon ay nararamdaman kong may mali sa mga salita n’yang iyon.

“B-bakit, Rigz? B-bakit ka nagpapasalamat?” tanong kong nauutal.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago sumagot habang suot pa rin ang kanyang ngiti.

“Kasi ikaw ang tumupad sa mga pangarap ko. Ikaw ang naging instrumento para makamit ko ang pangarap ko. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa’yo.” masaya n’yang sagot sa akin.

Mali.

Mayroong maling nangyayari. At hindi ko gusto ang nasa likod ng mga salitang iyon.

Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin.

“Ako na ang pinakamasayang tao sa mundo ngayon. Salamat sa’yo, Randy.” muli n’yang banggit.

At matapos n’yang sabihin ang mga salitang iyon ay muli n’ya akong tinalikuran.

“Rigo? Rigo sandali!” pagtawag kong muli sa kanyang atensyon.

Sa halip na lingunin n’ya akong muli ay sinimulan na n’yang ihakbang ang kanyang mga paa palayo sa akin.

Unti-unti nang namuo ang mga luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang papalayong si Rigo.

“R-rigo… Rigo sandali lang naman…” pakiusap ko sa kanyang natataranta.

Sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa.

“Rigo! Rigo sandali lang…” muli kong pakiusap at hindi na rin napigilan ng aking mga luha na mag-unahan sa pagpatak.

“H-hintayin mo ako Rigo… Rigo, sandali lang…” paulit-ulit kong pakiusap.

Ngunit sa halip na tumigil s’ya sa kanyang paglalakad ay hindi iyon nangyari. Tuloy-tuloy lang s’ya sa kanyang paghakbang palayo sa akin.

Napagdesisyunan kong bilisan pa ang aking paglalakad hanggang sa tumakbo na ako upang maabutan s’ya.

Ngunit habang binibilisan ko ang paghabol sa kanya ay ang pagbilis din ng kanyang mga paghakbang. Kaya sa halip na makalapit ako sa kanya ay mas lalo pang lumalawak ang aming distansya.

“Rigo!! Rigo!! Hintayin mo ako!!” sigaw ko na sa kanya dahil malayo na ang aming agwat.

Dahil sa pagpupumilit na makalapit sa kanya ay hindi ko na nakontrol ang aking pagtakbo. Nadapa ako at wala akong nagawa kundi ang umiyak habang patuloy na nakikiusap.

“Rigo!!! Bumalik ka dito!!!” sigaw ko sa kanya habang patuloy na umiiyak.

Nasaksihan ko ang imahe n’yang unti-unti nang nilalamon ng dilim hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.

“Rigo….” pagtawag ko sa kanya habang humihikbi.

Ngayon lang ako hindi pinakinggan ni Rigo. Sa tagal naming magkasama, kahit minsan ay hindi pa nangyayari na hindi n’ya ako nilingon sa tuwing tatawagin ko s’ya. Madalas nga ay hindi ko na s’ya kailangan pang tawagin dahil kusa na s’yang lumalapit sa akin.

Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan n’ya. Umaasa akong sa pag-iyak ko ay marinig n’ya ako.

Pero bigo ako.

Walang nagbalik na Rigo para itayo ako. Walang Rigo na yayakapin ako at sasabihing hindi ako nag-iisa, na kasama ko s’ya.

“Rigo!!!!!” sigaw ko at napabalikwas ako mula sa pagkakahiga.

Mabilis ang mga paghinga ko. Butil-butil din ang pawis ko.

Nanaginip ako. Isang napakasamang panaginip.

Nilingon ko ang aking tabi upang kumbinsihin pa ang aking sarili na isang panaginip lamang iyon at hindi iyon mangyayari.

Hindi mangyayaring iiwan ako ni Rigo.

Ngunit nang tuluyan kong masilayan ang aking hinihigaang kama upang masiguradong nandoon ang taong magpapatunay na hindi n’ya ako iiwan ay hindi ko s’ya roon nakita.

“R-rigo?” kinakabahan kong bigkas sa pangalan n’ya.

Wala s’ya sa aking tabi bagama’t sigurado akong magkatabi at magkayakap pa kaming natulog kagabi.

Ang kabang nararamdaman ko ay dumoble na sa mga oras na ito.

Umiling ako habang nanlalaki ang mga mata ko. Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili na hindi magkakatotoo ang panaginip ko.

Hindi ako iiwan ni Rigo.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto ngunit wala rin s’ya sa kwarto kung nasaan ako.

Mabilis akong kumilos para bumaba sa aking kama.

“Rigo!” pagtawag ko sa kanya nang buksan ko naman ang aking banyo.

Nagsimula nang manginig ang buong katawan ko. Labis na takot na ngayon ang nararamdaman ko.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis akong kumilos para lumabas ng kwarto kong iyon. Dali-dali akong nagpunta sa sala para hanapin s’ya.

“Rigo… nasaan ka…?” paghahanap ko pa rin sa kanya.

Ngunit tulad kanina ay wala rin akong naabutan na Rigo sa sala.

Nagsimula nang mamuo ang mga luha sa aking mga mata.

“B-baka nagluluto lang ng almusal…” mahina kong pagkumbinsi pa rin sa aking sarili.

Mabilis kong inihakbang ang aking mga paa patungo sa kusina.

“Rigo?!” taranta kong paghahanap sa kanya sa kitchen.

Ngunit nang tuluyan kong marating ang kusina ay parang gusto ko nang matumba. Nanghina ako dahil tanging katahimikan ang sumalubong sa akin.

Nagsimula nang mag-unahan ang mga luha ko dahil sa labis na takot.

“’Wag, Randy… ’Wag kang matakot… Nandito lang s’ya…Hindi ka n’ya iiwan…” pagkumbinsi ko sa aking sarili.

Pinunasan ko ang mga kuha ko. At kahit nanghihina ang buo kong katawan ay ginawa ko ang lahat para makaalis sa kusinang iyon.

Nagbabakasakali akong maaabutan ko pa si Rigo kung kaaalis lamang nito. Pwede ko pa s’yang mahabol kung bibilisan ko ang pagtakbo.

Hindi pwedeng mangyari ang panaginip ko. Hindi pa ako handang iwan ni Rigo.

“’Wag muna, Rigz… ’W-wag muna please… ’Wag muna ngayon…” pakiusap ko sa kanya habang tinutungo ang pinto para makalabas ng unit ko.

Nang tuluyan akong makalabas ng unit ko ay wala na akong sinayang na oras. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko para tunguhin ang labas ng building na iyon.

Patuloy akong umaasa na magkikita pa kami at hindi n’ya ako iiwan ng ganito kaaga.

Ilang hakbang na ang nagagawa ko nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan.

“Liam!” sigaw mula sa aking likuran.

Dahil sa paraan ng pagtawag na iyon ay napahinto ko sa ginagawa kong pagtakbo. Natigilan ako habang nanlalaki ang mga mata ko.

Mabilis akong tumalikod upang harapin ang tumawag sa akin.

Doon ko nakita ang imahe ng taong hinahanap ko. Suot n’ya ang ekspresyon na pinaghalong pagtataka at pag-aalala.

“Rigo…” mahina kong sambit sa kanyang pangalan.

Mabilis ako sa ginawa kong pagtakbo dito sa pasilyo ng condo building para masiguradong s’ya nga ang taong nakikita ko sa mga oras na ito.

Nang tuluyan akong makalapit ay mabilis ko s’yang niyakap. Mabilis ang paghinga ko habang mahigpit ko s’yang yakap.

Naramdaman ko ang pagkabigla sa kanya ngunit nagawa n’ya naman akong yakapin pabalik.

“Hey, what’s wrong? Are you okay?” tanong n’yang nagtataka habang marahang hinahaplos ang likod ko.

Hindi ako nakapagsalita. Mas hinigpitan ko lamang ang yakap ko sa kanya.

Akala ko ay iniwan na n’ya ako. Akala ko ay hindi ko na s’ya makikita.

“Nanaginip ka na naman ba?” tanong na n’ya ngayong nag-aalala.

Marahan akong tumango bilang pagsagot sa kanyang katanungan. Para akong bata na kinakailangan ng magbabantay sa mga oras na ito.

Naramdaman ko ang paghinga n’ya ng malalim. Hinigpitan n’ya ang yakap n’ya sa akin at hinalikan n’ya ako sa ulo.

“Don’t worry, gising ka na. Nandito na ako. Hindi ka na mag-iisa.” sinsero n’yang bigkas.

Ang mga salitang sinabi n’ya, ’yan ang nakatatak sa akin. Lagi n’yang sinasabi ang salitang ’yon sa tuwing mananaginip ako ng hindi maganda. Pero sa pagkakataong ito, inaakala n’yang ang takot ko ay dahil sa mga pangyayari sa nakaraan ko na nagpakita sa panaginip ko. Hindi n’ya alam na takot ito dahil sa pag-aakalang iniwan na n’ya ako.

Hindi ko pa kaya. At parang hindi ko kakayanin na mangyari iyon.

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon habang nasa pasilyo nitong condo building. Patuloy n’ya akong pinapakalma dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko.

Maya-maya pa ay muli n’yang hinaplos ang likod ko at marahang nagsalita.

“Pumasok muna tayo sa loob, Liam. Naka-pajama ka pa oh.” masuyo n’yang pakiusap.

Doon lang din ako natauhan. Hindi ko na inisip ang hitsura ko bago lumabas ng unit ko. Dahil sa labis na pag-aalala ay nakalimot na ako sa sarili ko.

Dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakayakap kay Rigo ngunit hindi ko inalis ang isa kong kamay sa kanyang bewang. Akbay n’ya ako nang tunguhin namin pabalik ang aking unit.

Sa kitchen n’ya ako iginaya nang tuluyan kaming makapasok. Pinaupo n’ya ako sa silya at s’ya naman ay pumwesto sa aking harapan.

Yumuko s’ya at marahang hinaplos ang mukha ko.

“Gusto mo ba ng tubig?” tanong n’ya pa ring nag-aalala.

Umiling ako habang nakatingala sa kanya bilang pagsagot.

“Saan ka ba galing?” tanong kong nag-aalala sa kanya.

Ngumiti s’ya bago sumagot.

“Hinatid ko lang ang ibang gagamitin ko sa shoot. Nandoon sa kotse ko. Pinahatid ko rin ng maaga dito kay Dom ang kotse dahil medyo malayo ang location namin ngayon.” sagot n’yang nakangiti.

“A-aalis ka?” nauutal kong tanong. Tila ba muli na naman akong nakaramdam ng takot.

Nangunot ang kanyang noo.

“’Di ba nasabi ko sa’yo kagabi?” tanong n’yang naguguluhan pabalik.

Wala akong maalala. Siguro ay dahil sa labis na pag-iisip bago kami makatulog ay hindi ko na iyon narinig na sinabi n’ya.

Mukhang sa pinapakita kong ekspresyon sa mga oras na ito ay naramdaman n’yang wala akong alam na may lakad s’ya ngayon.

Muli s’yang ngumiti.

“Sa isang resort sa Tagaytay ang shoot. Baka abutin din ako ng gabi kaya minabuti kong ’wag muna magtaxi.” wika n’yang nakangiti.

Tanging pagtango ng marahan lang ang naisagot ko.

Hinalikan n’ya ako sa noo at saka umalis sa harap ko.

“Nakapagluto na ako ng breakfast. Kumain muna tayo para makainom ka na rin ng gamot mo.” wika n’ya habang tinutungo ang gas range dito sa kusina.

Mukhang nakapagluto na nga s’ya dahil sinasandok na lamang n’ya ang fried rice na nasa frying pan.

“Magsi-cr muna ako.” paalam ko sa kanya.

“Sige. Bilisan mo lang at baka lumamig ’tong pagkain.” sagot n’ya naman at hindi na ako nilingon dahil naging abala pa rin s’ya sa paghahanda ng aming almusal.

Bago ako makaalis ng tuluyan sa kitchen ay muli ko s’yang nilingon. Abala naman s’ya ngayon sa pagtitimpla ng kape.

Ganito na ba ang takot ko na mawala si Rigo? Pakiramdam ko kanina ay mamamatay na ako. Para akong sinasakal at hindi makahinga.

Paano na lang kung dumating na nga ang araw na ’yon? Baka mas masahol pa roon ang mangyari.

Isang malalim na paghinga pa ang pinakawalan ko bago ako tuluyang pumasok ng aking kwarto para gawin ang morning routine ko.

Habang nagtu-toothbrush ako ay hindi ko rin maalis ang tingin ko sa aking imahe sa salamin.

Nakikita ko ang kabuuan ko. Nakikita ko ang mga pangit sa pagkatao ko. Pisikal man ito o ang mismong ugali ko. Lahat ay pangit.

Pero sa kabila ng kapangitan ng personalidad ko, si Rigo lang ang taong tanggap ako ng buong-buo. Kahit na minsan ay pinangangaralan n’ya ako na kontrolin ang hindi magandang ugali ko ay tanggap n’ya pa rin iyon.

Kung sakaling iwan n’ya ako, may ibang tao pa kaya na tatanggap sa akin? Sa tingin ko ay wala na. Dahil kahit tanggapin pa nila ako, baka sila naman ang hindi ko tanggapin na makapasok sa buhay ko.

Dahil sarado na ang puso ko para sa iba. Tanging kay Rigo lang ito nakakulong.

Natapos ako sa aking mga dapat gawin at lumabas na rin agad ako ng banyong iyon. Muli na naman kasi akong nakaramdam ng takot na baka umalis na naman si Rigo.

“Kain ka na para makainom ka na rin ng gamot. Umalis lang saglit si Nanay Elise para mamalengke.” masayang bungad sa akin ni Rigo nang makaupo na ako sa silya dito sa aking dining.

Tahimik ko lang s’yang pinagmamasdan habang nilalagyan n’ya ng pagkain ang aking plato.

“’Wag ka munang magkape ngayon. Eto, fresh orange juice muna.” muli n’yang sambit at inilagay sa harap ko ang juice na iyon.

May tao pa kayang kaya akong asikasuhin ng ganito? Parang wala na. Si Rigo na lang yata ang taong kayang gawin ang mga bagay na ito para sa akin. S’ya lang ang magtitiyaga sa akin.

“Let’s dig in!” muli n’yang pagyaya sa aking nakangiti at umayos ng kanyang pagkakaupo.

Sinimulan naming kumain. Tahimik lamang ako at s’ya naman ay paminsan-minsan akong tinitingnan. Maging ang bawat pagsubo ko ng pagkain ay kanya ring binabantayan. Sinisiguro n’yang marami akong makakain ngayong umaga.

Pinagmasdan ko s’ya. Hindi ko maiwasang isipin na kapag umalis na s’ya, hindi ko na muling mararanasan ang mga bagay na ito.

Muli na naman akong nakaramdam ng takot. Masyadong malaki ang naging epekto ng panaginip ko kanina.

At dahil sa masamang panaginip na iyon ay hindi ko napigilan ang aking sarili na hawakan ang kamay n’ya. Naging dahilan tuloy ito para hindi n’ya maituloy ang sana ay pagsubo n’ya sa kanyang kinakain.

Nilingon n’ya akong nagtataka.

“Rigz…” pagtawag kong mahina.

“Why? May gusto ka pa ba? Tell me.” mabilis n’yang sambit.

Akmang tatayo na s’ya para asikasuhin ulit ako ay mas hinigpitan ko ang hawak ko para pigilan s’ya.

“No. W-wala naman.” sagot kong nauutal.

Mas lalo s’yang nagtaka.

“Then, what is it?” tanong n’yang muli.

Ilang segundo bago ko iyon nagawang sagutin.

“’D-di ba may shoot ka ngayon?” paglilinaw ko sa kanyang sinabi kanina.

“Uhm… Oo, sa Tagaytay. Bakit?” tanong n’ya pabalik.

“Pwede ba akong… p-pwede ba akong sumama?” lakas-loob kong pagpapaalam sa kanya.

Natigilan s’ya. Nakita ko ang pagkabigla sa kanya. Mukhang hindi s’ya makapaniwala dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpresenta akong sumama sa kanya. Dahil sa tinagal-tagal na panahon na magkasama kami, hindi pa nangyari na sumama ako sa ibang location ng kanyang shoot maliban na lamang noong pinuntahan ko s’ya sa kanilang agency.

“A-are you sure? ’Di ba may pasok ka sa hotel ngayon?” tanong n’ya habang nanlalaki ang mga mata.

Hindi ko s’ya sinagot. Mabilis akong kumilos at pumunta sa aking kwarto. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Tom.

“Tom, sorry, hindi ako makakapasok ngayon. May mahalaga akong pupuntahan.” mabilis kong pagpapaalam kay Tom nang sagutin n’ya ang aking tawag.

“H-ha? Oo naman, Randy. Teka! May nangyari ba? May problema ba?” pag-aalala n’ya.

“Wala. Wala naman. May importante lang akong pupuntahan.” sagot ko sa kanya.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.

“Mabuti naman kung ganon. Sige, Randy. Wala naman tayong masyadong gagawin ngayon dahil updated ka naman lagi.” sagot naman ni Tom at alam kong nakangiti s’ya.

“Salamat.” sagot ko lamang sa kanya.

Matapos naming mag-usap ni Tom ay mabilis rin akong kumilos para lumabas ng kwartong iyon. Ngunit bago ako tuluyang makalabas ng pinto ay doon ko lamang napansin na naroon pala si Rigo na nakatayo habang suot ang kanyang magandang ngiti. Mukhang sinundan n’ya ako nang mabilis akong pumasok dito.

Lumapit s’ya sa akin at niyakap ako. Dahil sa kanyang ginawa ay ako naman ngayon ang naguguluhan. Dahan-dahan ay inangat ko ang aking mga kamay para gantihan ang kanyang yakap.

“B-bakit?” tanong kong nagtataka.

Mas hinigpitan n’ya ang kanyang yakap.

“Wala naman. Ang saya ko lang. First time kasi na sasama ka sa akin sa shoot ko.” sagot n’ya habang nakangiti.

Dahil sa kanyang mga sinabi ay unti-unting sumilay ang ngiti sa akin. Ang kauna-unahang ngiti ko ngayong araw simula nang gumising ako. Mas hinigpitan ko rin ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Saka isa pa….” muli n’yang pagsasalita at saglit na tumigil. “….ang sarap pakinggan noong sinabi mo kay Tom na mahalaga ang lakad mo. Pakiramdam ko napakaimportante ko sa’yo.” pagpapatuloy n’ya.

Mas lumawak ang pagkakangiti ko.

Hindi n’ya lang alam na matagal na s’yang importante sa akin. Na s’ya ang pinakamahalagang tao sa akin.

Ilang minuto siguro kaming nasa ganoong posisyon nang mapagdesisyunan naming ituloy na ang aming naantalang pag-aalmusal.

Sa wakas ay nagagawa ko nang ngumiti habang kumakain kami ni Rigo. Napuno ng kwentuhan at kasiyahan ang aming pag-aalmusal. Nagagawa ko na nga s’yang sungitan na normal na rin sa kanya kaya tanging pagtawa na lang ang iginaganti n’ya.

Kung umalis si Rigo, may tao pa kaya na kayang unawain ang ugali ko? ’Yung kayang sakyan ang mga pagsusungit ko? Sa tingin ko ay wala na. Si Rigo lang ang may mahabang pasensya para pakinggan lang ang aking pagsusungit. S’ya lang taong natutuwa sa matabil kong dila.

“Wala ka nang nakalimutan? Baka meron pa? Isipin mo na habang nandito pa tayo.” wika ko nang makasakay na kami ng kanyang kotse.

Natawa s’ya sa hindi ko malamang dahilan.

“Liam, baka naman masanay akong nag-aalala ka sa akin tulad n’yan?” wika n’ya habang inihahanda ang kanyang sarili sa pagmamaneho.

Napasimangot ako.

“Ayaw mo ba? Sabihin mo lang.” masungit kong tugon.

Natigilan s’ya at mabilis akong nilingon.

“May sinabi ba akong ayaw ko?” tanong n’ya pabalik.

“Ayaw mo yata eh. Edi sige, tara na umalis na tayo! At para mas masaya, ibaba mo na rin lahat ng gamit mo. Pumunta tayo ng shoot mo na wala kang dala para mapagalitan ka sa production.” pagsusungit ko pa rin.

Makapag-inarte naman kasi.

Mas lalo s’yang natawa. At ang ikinagulat ko na lang ay nang hawakan n’ya ako sa magkabilang pisngi at madiin akong hinalikan sa labi.

“Ang sungit talaga!” wika n’yang gigil na gigil matapos bumitaw sa pagkakahalik sa akin. 

“Tara na! Baka malate ka na n’yan eh!” pagyaya ko sa kanya. Baka kasi mahalata n’yang kinilig ako sa ginawa n’yang paghalik.

“Yes, boss!” nasagot n’ya na lamang at sinimulan nang paandarin ang kotse.

May kahabaan ang aming biyahe ngunit hindi naman kami nainip ni Rigo. Nagkekwentuhan kami at nagkakasiyahan. Mas lalo pang naging masaya ang aming paglalakbay dahil sa ganda ng tanawin na aming nadadaanan patungong Tagaytay.

“Behave ka doon mamaya ha?” paalala n’ya sa akin.

“Wow ha? Ano ako? Bata na kailangang paalalahanan?” buska ko sa kanya pabalik.

Natatawa naman s’yang sumagot.

“Hindi naman sa ganon. Ang inaalala ko, baka ’pag nainip ka doon, kung sino-sino na lang ang mapagtripan mo.” sagot nito sa akin.

Naiikot ko ang aking mga mata.

“’Wag kang mag-alala, hangga’t wala doon ang manager mong bakulaw, behave ako.” sagot ko sa kanya.

Alam n’ya na kasing hindi ko gusto ang manager n’yang iyon. Isinumbong ko na s’ya kay Rigo at sinabi ko na rin na gusto ko nang lunurin sa buhangin ang ulikbang ’yon.

“’Yon na nga ang sasabihin ko sa’yo! Do you expect na mawawala s’ya doon? He’s my manager, at kahit saan kaming magpunta na mga talents n’ya, nandoon s’ya!” natatawa n’ya pa ring sagot.

“What??!!” gulat kong reaksyon.

“You heard me.” sagot n’yang muli habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.

“Eh kung alam ko lang na nandoon s’ya, hindi talaga ako magpepresentang sumama! Alam mo namang kumukulo ang dugo ko sa kanya ’di ba?!” buska ko sa kanya.

“Eh kung sinabi ko sa’yo, hindi sana kita makakasama ngayon. Ayoko nga! First time ’to eh! Palalampasin ko pa ba?” sagot n’ya pa rin sa akin.

Nakaramdam ako ng tuwa sa kanyang sinabi. Pero dahil sa nalaman kong makikita ko ang anino ng impaktitong si Coke, mas nangingibabaw ang inis ko.

“Nakakainis ka naman eh!” pagmamaktol ko na lamang habang pinapadyak ang aking paa.

Dahil siguro sa ginawa kong pagdadabog ay nawala ang pagkakangiti ni Rigo. Nagulat na lamang ako nang bigla n’yang iliko ang kotse at ipinarada ito sa isang tabi.

Nakaramdam ko ng takot. Mukhang sesermonan n’ya ako dahil sa inaasta ko.

Punyeta, baka pauwiin n’ya ako. 

Hindi ako makapagsalita at nanigas ang buong katawan ko.

Nakita ko ang unti-unting paglingon ni Rigo sa akin habang kunot ang kanyang noo. Napalunok na ako at inihanda ko na ang sarili kong mapagalitan ni Rigo dahil sa katigasan ng ulo ko. 

Inisip ko nang hindi na lamang ako sasagot sa kanya kesa naman pauwiin n’ya ako. Ayokong umuwi kung hindi ko rin lang s’ya kasama.

Nang magtagpo ang aming mga mata ay ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago s’ya nagbitaw ng malalim ng buntong hininga. At mula sa nakakunot n’yang noo ay nagbago ang kanyang ekspresyon, napalitan ito na tila nakikiusap s’ya.

“Liam, please? Kahit ngayon lang, ’wag kang gagawa ng hindi maganda sa kanya? ’Wag mo na lang s’ya kausapin para hindi na rin uminit ang ulo mo.” pakiusap n’ya sa akin.

Nagulat ako dahil ang inaasahan ko ay pagagalitan n’ya ako. Makikiusap lang pala s’ya sa akin na ’wag kong pansinin ang manager n’yang pinaglihi yata sa champorado.

Dahil sa hindi naman pala ako pagagalitan ni Rigo ay muli kong inilabas ang sungay kong itinago kanina.

Itinaas ko ang isang kilay ko.

“Ako talaga, Rigo? Sa tingin mo ako ang unang magmamaldita sa kanya? Nakita mo ba ang ginawa n’ya noong pinakilala mo s’ya sa akin? ’Di ba s’ya ang nagpamalas ng attitude n’ya? Talipandas s’ya! Gumanti lang ako! Malas lang din n’ya dahil akala n’ya mabait ako!” mahaba kong litanya.

Muli s’yang nagpakawala ng buntong-hininga.

“Kaya nga. Alam ko naman ’yon. Kaya nga kinausap ko na s’ya noong sinabi mo sa akin ang ginawa n’ya eh.” pagpapakalma n’ya sa akin.

“Oh talaga? Eh ano naman ang sabi n’ya? Siguro gumawa s’ya ng kwento sa’yo ’no? Siguro kung ano-anong pinagsusumbong n’ya sa’yo? Tama ba ako? Sagutin mo ako! Magsabi ka ng totoo!” naiinis ko pa ring pagtatanong.

Sa halip na mainis s’ya sa akin dahil sa pagbubunganga ko ay nagulat na lamang ako nang bigla itong matawa.

Minsan iniisip ko nang taga-ibang planeta ’tong si Rigo eh. Kakaiba kung mag-isip. Sinisigawan ko na nga, tumatawa pa.

“Hindi nga ba? ’Di ba pinamukha mo sa kanyang mas priority kita kesa sa kanila? ’Di ba pinagbantaan mo pa s’ya na kapag inutusan mo akong umalis sa poder n’ya, aalis talaga ako dahil ’yon ang gusto mo? Tama ba, Liam?” nakangisi n’yang tanong.

Dahil sa sinabi n’yang iyon ay parang nalunok ko ang dila ko. Hindi ako nakapagsalita dahil akala ko ay hindi iyon makakarating sa kanya.

Punyeta talaga ang baklang ’yon. Akala ko ako lang sumbungera sa kwentong ’to. Umeeksena pa pala s’ya?

“Ano, Liam? Bakit hindi ka makasagot? Totoo bang sinabi mo ’yon sa kanya?” pag-uulit n’ya sa tanong n’ya habang nakangisi.

Hindi dapat magtagumpay ang baklang si Coke! Hindi ako papayag na mas maniniwala sa kanya si Rigo. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi sa akin magalit si Rigo.

Si Coke! Si Coke ang dapat na lumabas na masama! S’ya ang demonyo! S’ya ang kontrabida sa paksang ito. S’ya ang panget kahit walang kinalaman ang hitsura n’ya sa kwento. Basta panget s’ya! PA-NGET!

Kaya ide-deny ko! Magsisinungaling ako tutal naman dito ako magaling!

“W-w-wala! W-wa-wala akong sinasabing ganon!” pagde-deny ko.

Pero punyeta, paano ko mapapanindigan ang pagsisinungaling ko kung tuwid ang mga mata ni Rigo na nakatingin sa akin? Nauutal tuloy ako!

Muling nagpakawala ng tawa si Rigo.

Ayan na naman s’ya, nasisiraan na naman ng ulo.

Sa hindi inaasahan ay marahan akong hinawakan ni Rigo sa magkabilang pisngi. At ang mas nakakgulat ay nang halikan n’ya akong muli.

“Kilala na kita kahit hindi mo ako sagutin. Alam ko ang mga bagay na kaya mong sabihin. But don’t worry, hindi ako galit sa’yo. Basta ang gusto ko lang, hindi mo na uulitin ang ginawa mong ’yon.” nakangiti n’yang pakiusap matapos akong halikan.

Hawak n’ya pa rin ang pisngi ko nang tanungin ko s’ya.

“At paano ’pag sinimulan n’ya ako? Hahayaan ko lang s’ya, ganon? Hell no! Hindi ako papayag na yuyurakan n’ya ang pagkatao ko! Kung maisipan n’yang api-apihin ako, ngayon pa lang magso-sorry na ako sa’yo Rigo! Dahil sisiguraduhin kong pagsisisihan n’ya kung bakit pa s’ya pinatapon sa planetang ’to!” mahaba kong litanya at pagbabanta.

“Wow ha? Saan mo napanood ’yang mga linyahang ’yan?” hindi n’ya pagpatol sa kadramahan ko.

“Wala kang pake! Basta hindi s’ya magtatagumpay kung may binabalak man s’ya sa aking masama!” sagot ko sa kanya.

Pero sa totoo lang nakuha ko talaga sa isang video sa social media ang linyahang iyon. ’Yung may nagsasabunutang babae dahil nahuli n’yang kabit pala iyon ng asawa n’ya.

Mukhang si Rigo na lang ang susuko sa aming dalawa. Hindi n’ya na malaman kung paano ako makukumbinsi.

Muli n’ya akong hinalikan sa labi. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sam— sayang, hindi umabot ng sampu. Maraming beses ’yon bago s’ya muling nagsalita.

“Sige na naman, please? Isa pa, hindi ka na rin pagsasalitaan ng hindi maganda ni Coke. Nangako s’ya sa akin na magpapakabait na s’ya sa’yo. Dahil sinabi kong kapag may ginawa s’yang hindi maganda sa’yo, hindi ako magdadalawang-isip na umalis na sa pagmomodelo. Iiwan ko talaga s’ya at ang agency kahit pa may kontrata ako.” mahaba n’yang pakiusap sa akin.

Dahil sa narinig ko ay nagbunyi ang puso ko.

See? Winner pa rin ako. Ako pa rin ang kinampihan ni Rigo.

“Talaga?” nakangiti ko na ngayong tanong kay Rigo.

“Yeah. At hindi ako nagbibiro. Aalis talaga ako ’pag may maling hakbang lang s’yang ginawa sa’yo.” seryoso n’yang sagot sa akin.

Sa sobrang saya ko ay mabilis ko ring hinawakan sa magkabilang pisngi si Rigo. Ibinalik ko ang halik n’ya. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampuuuuu! Idiniin ko ang huli kong halik sa kanya.

“Sige, tara na! Punta na tayo sa shoot mo!” masaya kong pagyaya sa kanya at umayos na ako ng pagkakaupo.

Mas lalong umalingawngaw ang tawa ni Rigo. S’yempre, saglit lang kaming pumarada pero naka-nineteen na kiss s’ya sa akin.

Muli n’yang pinaandar ang kanyang kotse habang nakangiti.

“’Pag binati ka ni Coke, batiin mo na lang pabalik. Kahit ’wag mo na s’yang tingnan, basta batiin mo lang s’ya. Baka isipin ng mga taong nandoon binabastos mo si Coke. Ikaw ang lalabas na masama sa inyong dalawa.” muli n’yang bilin sa akin habang nagda-drive.

“Sige. ’Pag binati ako ng mga magaganda at gwapong tao doon ng ‘magandang gabi’, sasagutin ko rin sila ng ‘magandang gabi’. Pero ’pag ang manager mo ang bumati sa akin ng ‘magandang gabi’, sasagutin ko na lang s’ya ng ‘gabi na, pumasok ka na.’ S’yempre alangan namang lagyan ko pa ng salitang ‘maganda’ kung hindi naman s’ya maganda ’di ba? Ano s’ya? Naka-jackpot sa lotto?” pagbibiro ko.

Lalong natawa si Rigo. Alam n’ya namang nagbibiro lang ako. Pero naisip ko rin na parang gusto kong totohanin ang biro kong iyon. ’Wag lang talaga na babatiin ako ni Coke ng ganon.

“Parang gusto mo pa yatang umabot ng hanggang gabi na magkasama kayo ah? Eh darating tayo doon ng lunch at uuwi na rin ’yon. Iche-check n’ya lang kaming mga talents n’ya pero hindi na din s’ya magtatagal. May meeting pa raw s’ya ng dinner sa QC.” pang-aasar nito sa akin.

“No way! Sabihin mo umalis na lang s’ya agad-agad pagdating mo!” pagkontra ko na tinawanan lang ulit n’ya.

Nakarating kami sa location ng gagawing TV advertisement ni Rigo. Mabuti na lamang at knitted ang suot kong long sleeves dahil malamig talaga dito sa Tagaytay. Salamat kay Rigo dahil s’ya na rin ang pumili ng susuotin ko. Maswerte talaga ako dahil may Rigo sa tabi ko na mahusay pagdating sa fashion.

Sa isang malaking resort na maraming swimming pool pala ang venue. Na-impress naman ako sa ganda ng resort. Mukhang mahal din dito dahil halatang class. Mukhang kung hindi ka rito member ay hindi ka rin dito pwedeng pumasok.

Nadaanan namin ang ilang mga tao na kabilang sa production team nina Rigo. Mukhang kahit sa kanila ay mabait si Rigo dahil halos lahat sila ay masayang sinalubong kami. Nagbigay naman ako ng ngiti sa ilang mga pumansin sa akin. Kailangan kong sundin ang utos sa akin ni Rigo na magpakabait ako. Ayokong magalit s’ya sa akin. Baka mamaya magkatotoo pa ang panaginip ko kaninang umaga.

“Rigo! I’m glad nakarating ka ng maaga.” pagbati na narinig ko mula sa isang sulok. At sa boses pa lang na iyon, mukhang ang dugo ko sa paa ay mabilis nang umakyat patungo sa aking ulo.

“Hi Coke!” pagbati ni Rigo dito pabalik.

Kalma lang Randy, kalma lang. Hindi ’yan nangangain. Tandaan mo, hindi nangangain ng tao ang dinosaur na si Barney.

Naka-violet na naman kasi ang lola ko. At s’yempre, nandoon pa rin ang floral n’yang scarf na trademark na n’ya. Minsan nga itatanong ko kay Rigo kung may koneksyon ba s’ya kay De Lima?

Nasa unahan ko lang si Rigo kaya nakikita ko ang kilos nila. Nagbeso-beso silang dalawa.

Maygahd Rigo! Make sure na maghihilamos ka mamaya!

Kitang-kita ko kung paano naibaling ni Coke ang kanyang paningin sa akin. Natigilan pa s’ya at mukhang hindi n’ya alam kung anong gagawin. Pero mukhang mabilis s’yang nakapag-isip. Ngumiti s’ya ng wagas habang nakatingin sa akin.

Pero punyeta! Halatang napipilitan lang s’ya! Nakangiti s’ya pero lumalabas na ang ugat sa noo n’ya!

“Hi, Randy!” pekeng ngiti n’yang pagbati.

Dahan-dahan s’yang humakbang papalapit sa akin.

Sige, subukan mo! Subukan mo lang lumapit sa akin! Hinde! Hindi mo ako ibebeso-beso ’di ba?! Hindi naman ’di—– ugh.

Punyeta.

Bineso n’ya talaga ako. At ang mas malala, kaliwa’t kanan pa.

Magpupunta talaga ako sa derma clinic bukas.

“Hi, Coke!” pekeng ngiti ko ring pagbati sa kanya.

Nakatingin kasi sa akin si Rigo at pinandidilatan ako ng mata.

“Kamusta? Na-miss kita ah?” muli pagsasalita ng ulikba.

Mukha na s’yang najejebs sa mga oras na ito dahil napipilitan talaga s’ya.

Hindi ko inalis ang pagkakangiti ko dahil sinusubaybayan ni Rigo ang kilos ko.

Punyeta talaga. Sa tingin ko makakarami talaga akong punyeta ngayong araw na ’to.

“Ayos naman. Ikaw, kamusta?” pangangamusta ko pabalik. Gusto ko pa sanang dugtungan iyon ng ‘Buhay ka pa palang animal ka?’ , kaso malalagot talaga ako kay Rigo. 

“Okay lang din. Eto, masayang-masaya dahil nagkita ulit tayo. Mabuti na lang isinama ka dito ni Rigo.” sagot n’ya.

Ah talaga lang? Eh sa nakikita ko sa kanya, parang kulang na lang magwala s’ya dahil nandito ako ngayon.

“Oo nga eh. Masaya rin akong makita ka.” nakangiti ko pa ring sagot. Pero sa totoo lang, parang gusto ko nang isuka ang lahat ng kinain ko kaninang umaga.

Iyon lamang ang naging usapan namin ni Coke. Wala na sa amin ang nagsalita dahil sobrang awkward na. Pareho naming nararamdaman na hindi talaga namin gustong makita ang isa’t-isa. Mukhang kagaya ko, nabilinan na rin s’ya ni Rigo na magpakabait kapag nagkita kami. Malaki rin talaga ang takot nitong mawala ang talent na kagaya ni Rigo.

“So, Coke, saan ang kwarto para makapagbihis na rin ako?” biglang pagsingit ni Rigo sa gitna ng katahimikan namin ni Coke. Tinutukoy n’ya ang kwarto para sa kanilang mga modelo.

“Ah, yeah. Halika, sundan mo ako.” maarteng sagot naman ni Coke para ihatid si Rigo.

Pasosyal din ’tong dinosaur na ’to. Ang arte magsalita na parang ikinaganda n’ya.

Ako naman ang binalingan ni Rigo.

“Let’s go, Randy.” pagyaya n’yang nakangiti.

Hindi pa man ako nakakasagot ay sumabat na si Coke.

“Ah, actually Rigo, hindi ina-allow na magp—–” ang hindi n’ya naituloy na pagsasalita dahil pinutol ko na s’ya.

“Nope. Dito na lang ako maghihintay, Rigz. Doon muna ako tatambay sa bar.” pagputol ko kay Coke habang tinuturo ang bar ng resort.

Akala n’ya ba hindi ko alam ang sasabihin n’ya? Alam kong hindi n’ya ako hahayaan na sumunod kung saan sila magpupunta. Mabuti na lang talaga at matalas ang pakiramdam ko at matalino akong tao kaya naisip ko agad ang sasabihin ko.

“Are you sure?” tanong ni Rigo na nag-aalala.

“Oo naman. D’yan na rin ako kakain since lunch na rin naman.” nakangiti kong sagot sa kanya.

Nakita kong nakumbinsi ko naman si Rigo.

“Okay. Sabihin mo na lang sa bar na i-charge sa akin ang mga oorderin mo. Itira mo na lang ang hindi mo mauubos sa pagkain mo mamaya.” bilin sa akin ni Rigo. Alam n’ya kasi na minsan ay hindi ko nauubos ang pagkain ko lalo na kung hindi ko ito gusto.

Dahil sa mga naging bilin ni Rigo ay parang maaga kong natanggap ang panalo ko. Unti-unti kong ibinaling ang paningin ko kay Coke para makita ang kanyang reaksyon. At hindi nga ako nagkamali, kahit nakangiti s’ya ay nakataas naman ang isa n’yang kilay senyales na naiirita s’ya sa narinig n’ya.

S’yempre, dahil ako ang winner sa oras na ito, nginisian ko na lang s’ya para lalo s’yang maasar.

“Paano? Let’s go na?” pagyaya n’ya ulit kay Rigo. Hindi n’ya natagalan ang ngisi ko sa kanya eh.

Tinanguan na lang s’ya ni Rigo. Nilingon ulit ako ni Rigo at para magpaalam.

“Bye! Later na lang.” nakangiti kong pamamaalam kay Rigo. Para kasing alalang-alala s’ya sa akin at hindi n’ya ako kayang iwan dito mag-isa. Bagay na ikinaganda ko talaga.

Nakakailang hakbang pa lang sila patalikod sila sa akin nang bigla na namang umeksena ang butanding.

“Achooo!!” pekeng pagbahing ni Coke.

Naningkit ang mga mata ko. Alam kong peke ’yon at may pinaplano na naman ito.

“Sorry, sorry! Sisipunin yata ako.” pagkausap n’ya kay Rigo. At matapos n’yang sabihin iyon ay muli n’ya akong nilingon para ngisian lang ako.

Animal talaga ’tong baklang ’to! Sinasabi ko na nga ba’t ako ang target n’ya! Nagpanggap s’yang nababahing para iparating sa akin na nakasinghot na naman s’ya ng paminta!

“Mamaya ka lang sa akin. Hindi lang kita basta pasisinghutin ng paminta. Pati chili powder, cumin, paprika, ginger, turmeric, at lahat ng alam kong spices sa pagluluto ipapasinghot ko sa’yong bakulaw ka. Sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang ganti ko sa’yong baluga ka.” bulong ko habang pinagmamasdan ang imahe nilang dalawa ni Rigo na papalayo.

Nang makaalis sila ay tinungo ko na ang restaurant nitong resort at umupo sa bar na naroon.

Kalma ka lang, Randy. ’Wag kang magpapaapekto sa kanya. ’Wag mong ipakita sa kanya na ikaw ang talunan sa inyong dalawa.

“Tanqueray on the rocks, please. And a can of Sprite as well.” order ko sa bartender.

Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Mag-iisip ako ng malagim na plano para sa impaktong si Coke.

“Certainly, Sir.” magalang na sagot ng bartender.

Sinimulan nang ihanda ng bartender ang aking order na alak nang pigilan ito ng kanyang kasama na bigla na lamang sumulpot papasok ng bar. Mukhang s’ya naman ang waiter nitong resort.

“Pare, sandali.” pag-awat ng lalaking bagong pasok.

“Bakit?” tanong ng bartender.

Hindi umimik ang lalaking bagong dating. Unti-unti ay lumingon ito sa akin at tiningnan ako na tila ba sinusuri ako.

“Yes? May problema ba?” tanong ko sa kanya. Ang weird n’ya kasi.

“Uhm… K-kayo po ba si Sir Randy?” alanganin nitong tanong.

Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi. Ang ganda ko naman. Hindi pa nga ako modelo, sikat na agad ako, kilala na agad nila ako. Deym.

“Yes, ako nga. Bakit?” nakangiti kong pagsagot at tanong sa kanya pabalik.

Sabi ni Rigo, dapat daw laging maging mabait sa fans. Dahil sila daw ang dahilan kung bakit tumatagal ang isang sikat na tao sa kanilang propesyon.

“Ah, kasi po katatawag lang ni Sir Rigo sa phone. Kabilin-bilinan n’ya po na hindi po kayo pao-orderin ng alak at kape para sa mga iinumin n’yo. Fresh or chilled juices lang daw muna po or kung gusto n’yong water.” magalang na sagot ng waiter.

Naglaho ang mga ngiti ko.

Punyeta. Akala ko makakaligtas na ako. Mukhang mabilis talaga gumana ang utak ni Rigo pagdating sa akin.

Nakakainis! Nakakainis!

“Sige. Bigyan n’yo na lang ako ng fresh orange juice! ’Pag naubos ko ’yon, ipaghanda mo naman ako ng pineapple juice, next is watermelon and apple juice. Ubusin natin lahat ng fruit juices sa drinks menu n’yo. Magpakalasing tayo sa prutas! Punyeta naman talaga oh!” dabog kong pag-oorder.

Natataranta naman silang sinunod ang utos ko. Hindi pa ako nakuntento roon.

“Kung ano ang healthy foods n’yo d’yan, ’yun ang ibigay n’yo sa akin. ’Wag n’yo akong bibigyan ng junk foods! Pahingi na rin ako ng bimpo panglagay sa likod ko. Pero bago n’yo gawin ’yon, lagyan n’yo muna ng Johnson’s Baby Powder ang likod ko para hindi ako mangamoy pawis! Sige, gawin n’yo akong batang paslit dito! Sundin n’yo ang utos ni Rigo! Punyeta naman talagang buhay ’to, oo! Bwiset!” pagmamaktol ko pa rin.

Nakakainis naman kasi! Wala na nga s’ya sa tabi ko pero nagagawan n’ya pa ng paraan para mabantayan ako!

Ganoon na nga ang nangyari. Wala akong nagawa dahil ’yon ang bilin sa kanila ni Rigo. Magpapakalasing na lang ako sa prutas! Leche!

Nakakailang baso na rin ako ng fruit juices at wala akong ibang ginawa kundi ang kalikutin lang ang cellphone ko. Ano nga ba naman ang gagawin ko dito? Wala si Rigo kaya wala akong makausap. Siguro ay nagsisimula na rin ’yon sa pagtatrabaho.

Tinext ko rin kanina si Vinci para tanungin kung nandito rin ba s’ya sa location. Baka kasi sakaling makapuslit ang gunggong para naman may makausap ako. Pero mukhang minalas ako dahil garments ang nakaassign sa kanya at hindi TV AD kaya wala s’ya rito.

Tapos na rin akong kumain ng lunch. Mabuti naman at nagustuhan ko ang menu nila dito kaya wala akong tira. Pero matapos iyon ay muli na naman akong um-order ng walang katapusang fresh juice.

Habang abala ako sa pagsipsip sa aking juice ay makarinig ako ng boses palaka sa aking tabi. Naging dahilan tuloy ito ng pagtigil ko sa pag-inom at nilingon s’ya.

“Give me a shot of Johnny Walker Blue, please.” pasosyal nitong pagsasalita.

Maygahd! Magrereklamo ako sa may-ari ng resort na ’to! Paanong nangyari na kahit mahigpit ang maintenance nila ay may nakaligtas pa ring palaka dito? Dirty na palaka.

“Oh! You’re here pala?! Didn’t notice you, Randy!” ang plastik ng ngiti n’ya.

At hello? Alam n’yang dito ako tatambay pero shock na shock pa rin s’ya.

Basagin ko kaya ang bote ng alak sa ulo n’ya? Ma-shock pa rin kaya s’ya?

“Hi ulit, Coke.” plastik ko ring ganti sa kanya.

Sige, magpa-contest tayo ng kaplastikan ngayon.

Tiningnan n’ya ang iniinom ko.

“Juice?” kunwari ay nagtataka n’yang tanong. Pero ang totoo ay panglalait ’yon.

“Yeah. Wala ako sa mood uminom eh.” pagsisinungaling ko.

Tumawa s’ya ng peke, pero ako natawa talaga ako ng totoo. Ang laki kasi ng butas ng ilong n’ya habang nakatingalang tumatawa. Kasya na yata doon ang fifteen pesos. Oo, fifteen pesos talaga dahil kulang ang isang limang-piso doon. Times three kasi ang laki.

“Nakakatawa ka pala, Randy.” sambit n’ya.

Eh gaga pala ’to eh. Ano bang nakakatawa sa sinabi kong wala ako sa mood uminom? Masyadong scripted ang linyang ginamit n’ya sa akin. Halatang pinaghandaan na n’ya ang pagpunta rito para subukan akong asarin.

“Mas nakakatawa ka kaya!” tawa ko pabalik.

Sige, ibabalik ko lang sa’yo ang mga sinasabi mo.

Nagpatuloy kami sa aming mga pekeng pagtawa. At nang wala na kaming mailabas na tawang hindi naman mabebenta ay tumigil na rin kami.

Nagpanggap s’yang hinihingal na animo’y tumawa talaga s’ya.

“Hay grabe! Salamat at nandito ka, Randy! Kundi hindi mo ako mapapatawa ng ganito! May problema pa naman ako ngayon kaya nahihirapan talaga akong tumawa nitong mga huling araw.” wika n’yang natatawa pa rin.

Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kanya.

“Bakit?” una kong tanong at saglit na tumigil. “Ano pa ang problema mo bukod d’yan sa mukha mo?” dugtong ko pa dito.

Napatigil s’ya sa pagtawa at masama ang naging tingin sa akin. Narinig ko pa ang bartender na natawa ng mahina sa katanungan kong iyon.

Punyeta. Hindi ko na naman napigilan ang bibig ko.

“A-ah.. I mean, anong problema mo? Nahalata ko kasi sa mukha mo na may dinadala ka.” pagpapalusot ko at uminom ulit ako ng juice.

Inayos n’ya ang kanyang ekspresyon at muling ngumiti. Pero alam kong hindi s’ya kumbinsido sa pagpapalusot ko. Bahala s’ya, totoo naman ang sinabi ko. Dapat n’ya talagang problemahin ang mukha n’ya.

Inangat n’ya ang kanyang cellphone.

“Eto kasi, Randy oh.” wika n’ya at ipinakita sa akin ang cellphone n’ya. “Problemado ako sa BOYFRIEND ko dahil pilit na nakikipagbalikan sa akin kahit ayaw ko na.” kunwari ay malungkot n’yang dugtong.

Nakita ko ang isang lalaking may hitsura sa kanyang cellphone. Mukhang modelo rin ang lalaking iyon.

Sinasabi ko na nga ba at may pinaplano ’to eh! Gusto n’ya akong inggitin na may boyfriend s’ya! Pagbukas pa lang ng cellphone n’ya, gallery agad ang bumungad. Idiniin n’ya pa ang salitang boyfriend para ipamukha sa akin na may jowa s’ya?! Anong kalokohan ’to?!

“Magkano bili mo sa kanya?” tanong kong inosente.

“Hindi ko s’ya binili! Anong akala mo sa akin? Hindi kayang magkaboyfriend ng kagaya n’ya?” ismid n’ya sa akin.

Totoo naman eh.

“No, I mean, magkano ang bili mo sa cellphone mo? Ang ganda kasi.” palusot ko na naman. Pareho lang naman kaming naka-iPhone.

“’Wag mo nang pakelaman ang cellphone ko. Sa picture ka tumingin. S’ya ang ex ko na nakikipagbalikan sa akin.” pagkontra n’ya.

Wow ha? Feel na feel talaga na hinahabol s’ya? Baka naman kaya s’ya hinahabol dahil may atraso s’ya at gustong kitilin ang buhay n’ya?

Tutal naman ay nagpaplastikan na lang din kami, sasagarin ko na.

“Alam mo, Coke, kahit naman lumugar ako sa pwesto ng boyfriend mo, maghahabol din ako sa’yo.” wika ko at saglit na tumigil. “Bibihira na lang ang kagaya mo. Kung baga sa animals, endangered ka na.” dugtong pang nakangiti.

Tinaasan n’ya ako ng isang kilay.

“Ikinukumpara mo ba ako sa hayop?” tanong n’yang naiinis.

“Ay sorry sorry! Mali yata ang nasabi ko. I mean, bihira na ang kagaya mo dahil ikaw ang klase ng tao na mahirap hanapin.” pagbawi ko.

Pero sa totoo lang, gusto ko pa ’yon dugtungan na ’ mahirap hanapin ang kagaya n’yang mukhang unyango ’. Kaso lang baka magsumbong na naman ’to kay Rigo.

Muli na naman s’ya natawa.

Punyeta, akala ko kinse pesos lang ang kasya sa butas ng ilong n’ya, bente pala. Mali ako ng kalkula.

“I know!” bilib na bilib n’yang sagot at inirapan ako bago uminom sa kanyang alak.

Makairap naman ’to parang ang ganda! May paghawi pa ng scarf n’ya.

Matapos n’yang inumin ang kanyang alak ay naglapag s’ya ng pera sa mesa.

“Aalis ka na?” tanong kong kunwari ay nanghihinayang.

“Yeah.” tipid n’yang sagot at hindi man lang ako nilingon.

“Pakibilisan.” hindi ko napigilang sabihin.

Mabilis n’ya ako nilingon habang nakataas ang isang kilay n’ya.

“Pinapalayas mo na ba ako?” tanong n’ya.

“No! Of course not! Si bartender ang kausap ko. Sabi ko pakibilisan ibigay ang sukli mo dahil baka mainip ka.” pagbawi ko.

Umirap na naman ang unyango.

“Whatever!” tangi n’yang nasambit.

Whatever-whatever pang nalalaman. Pinapanindigan n’ya talagang sosyal s’ya. Samantalang napansin ko kaninang madumi ang kuko n’ya habang hawak ang cellphone n’ya.

“Bueno, aalis na ako. Magpakabait ka rito.” bilin n’ya sa akin.

Ay, punyeta. May pahabol pa ang gaga.

“Sige, magpaganda ka naman sana.” una kong sambit. “I mean, magpaganda ka pa para lalo kang habulin ng ex mo.” pagbawi ko kunwari habang nakangiti.

Laking pasasalamat ko at hindi na s’ya lumapit ngayon para bigyan ako ng beso-beso. Humuhulas na kasi ang foundation n’ya kaya natatakot akong mapadikit sa malagkit na mukha nito.

Nakangiti pa rin ako ng peke hanggang sa makaalis s’ya. Hindi naman s’ya nagpapatalo dahil nagbigay din s’ya ng plastik na ngiti habang papalayo.

Bumalik ako sa pag-inom ng unlimited juice.

Punyeta talaga. Makakailang balik kaya ako sa banyo dahil sa dami ng juice na nainom ko?

Lumipas pa ang ilang oras at medyo nakakaramdam na ako ng pagkainip. Hindi pa ako nagagawang i-text ni Rigo. Marahil abala pa rin s’ya sa kanyang commercial shoot.

Ginawa ko na ang lahat para hindi mainip. Text at chat sa mga kaibigan ko, napag-tripan ko na silang lahat pero naiinip pa rin ako.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng maraming paghakbang mula sa likod ko.

“Thank you for this day, Rigo and MJ. Ang bilis natapos ng commercial dahil sa maayos na cooperation n’yo.” nadinig kong boses ng isang lalaki.

Dahil sa narinig ko na ang pangalan ni Rigo ay nabuhayan ako ng dugo. Mabilis akong umikot patalikod sa inuupuan ko habang suot ang aking ngiti.

“Rigz!” mahina kong sambit sa kanyang pangalan.

“Walang ano man. Na-excite kasi akong matapos agad sa shoot para makalaro naman ang bulinggit na ’to! Ang tagal ko s’yang hindi nakita! Na-miss ko ang kakulitan n’ya!” wika ni Rigo at nagpakawala ng tawa.

Nakita ko ang isang grupo na papalapit na naglalakad patungo dito sa restaurant kung nasaan ako.

“Eh kasi naman, hinahanap ka na rin n’yan kaya isinama ko na.” natatawa namang baling ni MJ kay Rigo.

Ang kaninang pagkakangiti ko ay mabilis na naglaho.

Kasama ng buong grupo ay si Rigo na naglalakad habang nasa kanyang tabi si MJ na co-model n’ya. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang kasama nilang batang babae na karga ngayon ni Rigo. Siguro ay nasa dalawa hanggang tatlong taong gulang lang ito.

Maya-maya pa ay napalingon sa aking gawi si MJ. Napangiti ako ng mapait dahil sa halip na si Rigo ang unang lumingon sa akin ay ibang tao pa ang nakapansin sa presensya ko.

“Randy! Hi! Kamusta?!” masaya nitong bati at nilapitan ako dito sa bar. Humalik na din s’ya sa pisngi ko tanda ng pagbati.

“Okay lang.” sagot kong may tipid na ngiti.

Muli kong nilingon si Rigo na ilang metro ang layo mula sa aking pwesto. Habang karga n’ya ang bata ay ang pagsagot n’ya sa bawat pagpapaalam ng mga kasama nila sa production team.

Umaasa akong lalapit s’ya para agad na puntahan ako dahil alam n’yang dito n’ya ako matatagpuan. Pero nagkamali ako. Dahil matapos makapagpaalam ng mga kasama n’ya ay mas lumayo s’ya ng bahagya habang karga pa rin ang bata. Nagpunta sila sa isang bahagi ng pool na natatanaw ko pa rin mula dito sa aking pwesto.

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano kasayang nakikipag-usap si Rigo sa batang karga n’ya. Kung ilang beses n’yang ibinuka ang bibig n’ya para kausapin ang bata habang nakangiti. Kung ilang beses n’yang itinuro ang lahat ng bagay sa paligid nila sa batang iyon.

“Ang hilig pala talaga ni Rigo sa bata ’no?” biglang sambit ni MJ sa tabi ko.

Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko na nakatanaw din si MJ sa pwesto nina Rigo.

“A-ah… O-oo. Mahilig talaga s’ya sa bata lalo na sa mga baby pa lang. Gustong-gusto n’yang kinakarga sila.” pagsagot ko habang ang mga mata ko ay nakatingin pa rin kay Rigo.

Alam ko ang bagay na iyon. Nasaksihan ko sa tagal naming magkasama kung gaano s’ya kalapit sa mga bata. Hindi ko rin makalimutan noong mga panahon na halos araw-araw kaming nasa bahay ng kaibigan naming si Xander. Madalas kami roon na magpuntang magkakaibigan dahil walang katuwang si Xander na alagaan ang panganay nitong si Carla dahil iniwan ito ng sarili n’yang ina.

Sa bawat pagpunta namin doon ay ang walang sawang pakikipaglaro ni Rigo kay Carla. Hindi n’ya mabitawan ang bata dahil tuwang-tuwa s’ya rito. At sa bawat araw na magpupunta kami roon ay mas mahaba ang oras n’ya kasama si Carla kesa sa amin.

“Sino s’ya?” bigla kong tanong kay MJ at hindi ko man lang s’ya nilingon. Nanatiling kay Rigo nakatuon ang mata ko.

“Pamangkin ko. Minsan na s’yang nakilala ni Rigo dahil dinala ko s’ya sa agency. At simula noon, hinahanap-hanap na nila ang isa’t-isa.” natatawang sagot ni MJ.

“Ah…” ’yan lang ang naisagot ko habang marahang tumatango.

Ilang minutong katahimikan pa ang nangyari bago muling nagsalita si MJ.

“Sandali lang, Randy, ha? I’ll take some pictures lang nilang dalawa.” masayang pagpapaalam ni MJ sa akin.

Doon ko lang s’ya nagawang lingunin habang suot ang ngiti ko.

“Sure.” tipid na sagot ko lang.

Matapos iyon ay mabilis din s’yang umalis sa aking tabi at patakbong tinungo ang pwesto nila Rigo.

Nasaksihan ko kung paano sila nagsimulang kumuha ng larawan gamit ang cellphone ni MJ. At ilang pagkuha pa lang ng larawan ay hindi ko na iyon natagalan. Agad akong umikot pabalik sa aking pwesto kanina, agad ko silang tinalikurang tatlo.

Kinuha kong muli ang aking cellphone para mabaling sa iba ang atensyon ko.

Sanay na ako at alam ko naman na ganoon s’ya. Pero sa bawat pagkakataon na pinapamukha sa akin ng pagkakataon na nakikita ko ang ganitong pangyayari ay hindi ko maiwasang masaktan.

’Yan mismo ang isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit kahit nadadala na ako sa paulit-ulit na pakiusap ni Rigo na maging opisyal kami ay mariin kong tinatanggihan. Na kahit paminsan-minsan ay gusto ko s’yang pagbigyan ay hindi ko magawa dahil sa kadahilanang iyan.

Minsan ko nang inisip na ipaglaban s’ya. Pero paano ko gagawin ang bagay na iyon kung nakikita ko mismo sa kanya ang kagustuhan n’yang matupad ang pangarap n’ya? Para saan pa kung ipaglalaban ko s’ya? Kung darating din naman ang oras na bibitaw s’ya dahil maiisip n’yang mas gusto n’yang magkapamilya?

Kaya tama nang ganito na lang kami. Para kahit dumating man ang araw na iyon, hindi ko na masasaksihan pa kung paano s’ya maguguluhan. Dahil kahit hindi ko s’ya tanungin, nakikita kong mas masaya s’ya na magkaroon ng matatawag n’yang sariling pamilya.

Ayoko. Ayokong dumating ang araw na sasabihin n’yang nagkamali s’ya ng desisyon n’ya. Ayokong dumating ang pagkakataon na maririnig ko sa kanyang nagsisisi s’ya dahil ako ang sinamahan n’ya.

Dahil natatakot akong marinig ’yon mula sa kanya. Natatakot akong manggaling ’yon sa taong labis kong minamahal at labis akong napapasaya.

Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa aking cellphone. Pinagmasdan ko ang larawan namin ni Rigo na tanging anino lang ang maaaninag. Ito ay noong nagbakasyon kami sa isang resort. Nakaharap kami sa papalubog na araw habang nakaupo sa buhanginan. Nasa likod namin noon si Ar-ar at s’ya ang kumuha ng larawan naming iyon.

Nakasandal ang aking ulo sa kanyang balikat ngunit hindi naman makita ang aming mukha.

Hanggang anino lang talaga kami. Wala nang pag-asa na maisalarawan kami na makikita ang aming mukha at buong katawan.

Akala ko si Coke na ang tuluyang sisira ng araw ko. Mali pala. Dahil nagagawa ko pang ngumiti kanina kahit nandito s’ya. Pero heto ako ngayon, mukhang hihilingin ko na sana ay bumalik na lang si Coke para may makausap naman ako. Walang problema kung maglalaitan kaming dalawa, ang importante ay may makakausap at makakasama ako at hindi nakakaramdam ng pag-iisa.

“Sir, okay ka lang?” biglang tanong sa akin ng bartender.

“H-ha?” tanong kong medyo nabigla.

“Okay ka lang po? Umiiyak po ba kayo?” sunod nitong tanong.

Doon ko lang napansin na nanlalabo ang mga mata ko. Nangingilid na naman pala ang mga luha ko.

“A-ah… W-wala ’to. Inaantok kasi ako dahil sa dami ng juice na nainom ko.” pagpapalusot ko at mabilis na pinunasan ang aking luha.

Peste. Pati ibang tao nakakahalata na sa kadramahan ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

“Saan ang restroom n’yo dito?” tanong ko sa bartender.

“Diretsuhin n’yo lang po ’yan. Nasa dulo po ’yung CR.” sagot n’ya sa akin at itinuro ang daan.

Laking pasasalamat ko na lang at hindi iyon papunta kung saan ang pwesto nina Rigo. Baka ipakilala n’ya naman ako sa bata na ilang beses na ring nangyari sa mga anak ng aming mga katrabaho. Karamihan nga sa mga iyon ay inaanak na n’ya ngayon. Masyado silang natutuwa na makitang magiliw sa bata si Rigo.

Magaling akong magbitaw ng pekeng pagngiti. Pero sa mga ganoong sitwasyon ay hindi ko maipakita ang pagiging bihasa ko sa pagsisinungaling. Nawawala talaga ako sa mood kapag nangyayari ang bagay na iyon. At sa tuwing tatanungin ako ni Rigo ay naghahanap na lang ako ng mga ipapalusot ko.

Nakarating ako sa restroom ng resort at ginawa ang dapat kong gawin dahil sa dami ng nainom kong juice. Pero matapos iyon ay hindi muna ako lumabas mula rito. Tumayo lang ako sa harap ng salamin at walang sawang pinagmasdan ang sarili ko.

Mas gugustuhin ko pa ang ganito, ang makita ang pangit na pagkatao ko. Mas natutuwa ako na makita ang repleksyon kong puno ng dungis. Ang pagkatao kong wala na yatang pag-asa pang maging malinis.

Siguro ay nasa kalahating oras din akong nasa CR. Mabuti na lang at walang pumasok na tao kahit isang beses. At sa nakalipas na kalahating oras na iyon ay wala naman nagbago sa nararamdaman ko, mabigat pa rin ang dibdib ko.

Nang makalabas ako ng restroom ay binalikan ko ang pwesto ko kanina sa bar. Ngunit nang tuluyan kong marating ito ay naroon na si Rigo at nakangiting tinitingnan ang kanyang cellphone.

Nilapitan ko s’ya at hindi n’ya man lang namalayan na nakalapit na pala ako sa kanya. Abala s’ya sa paglilipat na cellphone ng mga larawan. Mga larawan n’ya kasama ang karga n’yang bata kanina.

Napahinga ako ng malalim dahil nagsisimula na naman makaramdam ng pananakit ang dibdib ko.

Natabunan na naman ang mga larawan naming nasa cellphone n’ya.

“Rigz.” mahina kong pagtawag sa kanya.

Doon lamang s’ya tila natauhan.

“Uy, Randz! And’yan ka na pala.” masaya n’yang bati.

Randz. Nakalimutan n’ya yatang Liam ang tawag n’ya sa akin sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama.

“Oo. Kanina pa ako nandito. Masyado ka kasing busy kaya hindi mo siguro ako napansin.” sagot ko sa kanya.

Natawa naman s’ya sa pagsusungit ko. Minsan hindi na ako nakakaramdam ng tuwa sa tuwing natatawa s’ya sa akin, pakiramdam ko ay nakakatawa ang lahat ng sinasabi ko.

“Sorry naman. Eto kasing mga pictures namin ng pamangkin ni MJ eh. Ang cute! Tingnan m––” hindi n’ya na naituloy.

“Tara na? Baka gabihin tayo.” pagputol ko sa kanya sa malamig kong tono.

Sa halip na magtaka sa pagiging malamig ko ay ngumiti lamang s’ya.

“Okay. Let’s go. Bayad ko na rin ang bill dito.” sagot n’ya at ibinulsa ang kanyang cellphone.

Mabuti naman. Baka ’pag hindi ako makapagtimpi dahil sa labis na insecurity ay may magawa na naman akong hindi mabuti.

Nauna na akong naglakad sa kanya. S’ya naman ay nasa likuran ko habang sinusundan ang bawat yapak ko.

Nang nasa tapat na kami ng kanyang kotse ay pinindot na n’ya ang lock nito. Pero hindi tulad ng dati na hinihintay kong pagbuksan n’ya ako, ngayon ay agad na akong sumakay dito.

Nakita ko pa ang imahe ni Rigo na saglit na napatigil bago tunguhin ang driver’s seat. Alam kong nagsisimula na rin s’yang magtaka sa biglang pananahimik ko. Pero wala akong balak sabihin sa kanya kung ano ang dahilan ng pagbabago ng mood ko.

Hindi n’ya agad pinaandar ang kotse. Narinig ko ang malalim n’yang buntong hininga.

“Liam, what’s wrong? May nangyari ba?” tanong n’yang nag-aalala.

Sasabihin ko bang dahil may hawak s’yang bata kanina at hindi n’ya man lang ako pinansin? S’yempre hindi ko gagawin ’yon. Dahil bukod sa napaka-childish ng dahilan na ’yon, baka magkaideya pa s’ya sa nagaganap sa akin. Baka malaman n’ya pang nakakaramdam na ako ng selos sa bagay na iyon.

Muli kong isiniksik sa isip ko na wala akong karapatan dahil wala kaming relasyon. Muli kong inalala ang binitawan kong salita noon na binibigyan ko s’ya ng kalayaan na gawin ang gusto n’ya.

Nilingon ko s’ya habang suot ang tipid na ngiti.

“Wala naman. Inaantok lang ako dahil ang dami kong nainom na juice.” sagot ko sa kanya.

Nasaksihan ko ang pagtawa n’ya. Matapos iyon ay hinalikan n’ya ako sa labi. Pero dahil sa bigat ng nararamdaman ko ay hindi ko magawang ngumiti ng totoo sa natanggap kong halik mula sa kanya.

“Sorry, Liam. Iniisip ko lang ang kalusugan mo. Baka lalong magpalpitate ang heart mo kung kape o alak ang iinumin mo.” wika n’yang natatawa.

Gusto ko s’yang sumbatan. Gusto kong isigaw sa kanyang harapan na higit pa doon ang naramdaman ko dahil sa nasaksihan ko kanina habang karga n’ya ang bata. Pero muli kong naisip na wala nga akong karapatan.

“Okay lang. Nabusog naman ako sa juice.” sagot ko na lang. “Let’s go na.” pagyaya ko na lang ulit sa kanya.

Muli n’ya akong hinalikan.

“Let’s go!” masaya n’yang sagot at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.

Habang nasa byahe ay nakatanaw lang ako sa labas ng sasakyan. Iniiwasan kong magtagpo ang aming mga mata dahil baka mabasa n’ya ang totoong nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Naramdaman ko ang paghawak n’ya sa aking binti tanda na kinakamusta n’ya ako. At alam kong sa paghawak n’yang iyon ay nagsisimula na s’yang mag-alala dahil sa katahimikan ko.

Sa halip na lingunin ko s’ya ay hindi ko ginawa. Pinanatili ko ang aking mga mata sa nadadaanan naming mga bahay na puno na ngayon ng ilaw dahil gabi na.

Ilang sandali pa ay hindi na kinaya ng utak ko ang gumugulo dito.

“Rigz, ang sarap siguro na merong bata sa bahay ’no?” bigla kong pagtatanong sa kanya at hindi pa rin s’ya nililingon.

Gusto kong mas makumbinsi ako sa mga isasagot n’ya. Dahil kung sarili ko lang ang iisipin ko, mas pipiliin kong maging akin na lang s’ya.

Narinig ko ang pagtawa n’ya.

Iyon pa lang ang naririnig ko mula sa kanya pero nagsiaimula nang manikip muli ang dibdib ko.

“Oo naman! Nakita mo ba ang batang si Nicole kanina? Kung ganoon ka-cute ang batang nasa bahay mo, baka hindi mo na mabitawan!” masaya n’yang sagot.

Sige pa, Randy. Saktan mo pa ang sarili mo. Kailangan mong itatak d’yan sa utak mo na kahit kailan ay hindi mo maibibigay ang gusto ni Rigo.

“Oo nga eh. Sayang, hindi ko na s’ya inabutan paglabas ko ng restroom.” pilit na pinapasigla kong boses.

Konti pa, Randy. Konti pa at maibabalik mo sa utak mo ang katotohanan sa mga kagustuhan ni Rigo.

“Hayaan mo, next time ipapakilala ko s’ya sa’yo.” wika n’ya pang masaya.

Pwede bang ’wag na? Baka kasi makita mo pa kung paano ako magwala. Baka hindi ko mapigilan na ilabas ang sama ng ugali ko kahit sa harap ng bata.

Hindi ko na sinagot ang mga sinabi n’yang iyon. Kumbinsido na naman ako.

Ito lang naman ang kailangan ko, ang kumpirmahin sa kanya kung ano ang bagay na magpapasaya sa kanya.

Masokista na yata ako. Gusto kong pinamumukha sa akin ang mga bagay na alam kong makakasakit sa sarili ko.

Matapos ang maikling pag-uusap na iyon ay pinikit ko na ang mga mata ko. Hindi ko ito ginawa dahil nakaramdam ako ng antok, ginawa ko ito para pigilan ang mga luha ko.

Mahaba pa ang aming naging byahe ngunit kahit isang beses ay hindi ko na iminulat pa ang mga mata ko. Nagpanggap na lang ako na walang nalalaman sa paligid ko.

“Liam, we’re here.” pagtapik sa akin ni Rigo.

Unti-unti ko na lang ibinuka ang mga mata ko para makumbinsi s’yang nakatulog talaga ako. Naririto na nga kami sa parking area ng condo building ko.

“Tara na. Inaantok na na talaga ako.” pagyaya ko para makaakyat na ng aking unit.

Pero bago ko pa buksan ang pinto ng kotse ay mabilis n’ya akong hinawakan sa kamay para pigilan ang paglabas ko.

Nang lingunin ko s’ya ay nakita ko ang pag-aalala sa kanya.

“Are you sure you’re okay?” tanong n’ya.

“O-oo naman. Bakit mo naman natanong?” pagsisinungaling at tanong ko pabalik.

Ilang segundo bago n’ya nagawang sumagot.

“You’re different. May naging encounter ba kayo ni Coke?” tanong n’yang muli.

Ginawa ko ang lahat para matawa sa sinabi n’ya.

Galingan mo pa umarte, Randy.

“Ako? Magpapaapekto sa manager mong minalas makasalo ng kagandahan? Are you kidding me, Rigo?” tanong kong natatawa.

Pero ang totoo, mas maswerte pa yata si Coke sa akin kung talagang totoo ang sinabi n’yang may boyfriend s’ya. Higit na mas maswerte s’ya dahil hindi n’ya naranasan ang mga hirap ko simula pa pagkabata. Kamalasang dala ko na yata hanggang sa mga huli kong hininga.

“Akala ko may ginawa na naman s’ya eh. Tatawagan ko na sana s’ya ora mismo.” seryoso n’yang sagot.

At para makumbinsi si Rigo ay hinawakan ko na lang s’ya sa magkabilang pisngi at masuyong binigyan ng halik sa labi.

“There’s nothing to worry, Rigz. Inaantok lang talaga ako.” pagkumbinsi ko sa kanya.

Unti-unti naman s’yang ngumiti.

“Very well then.” tangi n’ya lang nasabi.

Bumaba kami ng kotse at nagsimulang maglakad patungo sa elevator.

Habang sakay ng elevator ay naisip kong napakapangit ng araw ko. Simula nang magising ako, wala nang magandang nangyari. Ako na yata ang pinakamalas ngayong araw na ito.

Nang makarating sa tapat ng aking unit ay si Rigo na ang kumatok para mapagbuksan kami ni Nanay Elise.

Ilang sandali pa lamang ay bumukas ito at sinalubong ko agad ang pinakamamahal na Yaya ko.

Mabuti na lang at naririto ang yaya ko kaya kahit papaano ay nababawasan ang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko kasi ay may nag-iisa pang tao na kakampi ko.

“Na-miss kita Nanay.” bati ko at hinalikan s’ya sa noo kasabay ang mahigpit kong yakap sa kanya.

Si Rigo naman ay mabilis din na nagmano sa kanya.

Ngunit sa halip na salubungin kami ng ngiti ni Nanay Elise dito sa pinto ay nagtataka ako dahil nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

“Liam, anak. M-may naghahanap sa’yo.” nag-aalangan n’yang pagsasalita.

Agad na nangunot ang noo ko. Sino naman ang maghahanap sa akin ng dis oras ng gabi.

“Sino po?” tanong kong nagtataka.

Sa halip na sagutin ako ni Nanay Elise ay unti-unti n’yang niluwagan ang pagkakabukas ng pinto ng aking unit.

Doon ko nakita ang isang babae na nakatayo sa aking sala. Ang taong hindi ko makakalimutan ang hitsura.

Mabilis ang naging pagtibok ng puso ko at naging mabilis ang mga paghinga ko.

Nagsalubong ang mga kilay ko at nanlisik ang mga mata ko habang sinasalubong ang mata ng taong nasa harap naming tatlo. Ang taong may ilang dekada ko nang hindi nakikita maski ang kanyang anino.

Naikuyom ko ang aking kamao.

“Anong ginagawa n’yan dito?” madiin kong tanong habang nagdidikit ang mga ngipin ko.

Mukhang sinulit na ng kamalasan ang araw ko. Mukhang tinodo na nito ang pagpapahirap sa nararamdaman ko sa buong araw na ito.


A/N

Ayern! Sino ang dumating? Hahaha! Sorrna, sa susunod na chapter n’yo s’ya makikilala.

Pasensya na po sa natagalang update. Masyado akong natuwa gumawa ng short stories eh. Hahahaha!

Sana po ay mabasa n’yo rin ang mga short stories na iyon. Nasa profile ko rin po iyon at may titulong “ONE SHOT STORIES BY COLD_DEEE”. Halo-halo po iyon, may drama at comedy. ’Yun lang po!

Salamat po sa magbibigay ng comments at votes!

Labyu!

–– cold_

deee

chapter 10

A/N

Eto na nga. Sinisipag akong mag-update. Charowt!

Para po kay

KikoMercado

ang chapter na ito. Cheer up, idol!

Enjoy reading fellas! Don’t know kung ilang chapter na lang ang natitira. Pero masaya ako at marami ang nakaka-appreciate ng kwentong ito kahit naiirita ang karamihan kay Randy Liam. Hahahahaha!

Sabi n’ya nga pala, thank you. Compliment daw po iyon sa kanya. Hahahaha!

––> si Randy Liam po pala sa media. (Bakit s’ya umiiyak?)


RANDY’s POV

“Anong ginagawa n’yan dito?” madiin kong tanong habang nagdidikit ang mga ngipin ko.

Mukhang sinulit na ng kamalasan ang araw ko. Mukhang tinodo na nito ang pagpapahirap sa nararamdaman ko sa buong araw na ito.

“Randy…” sambit ng babaeng nakapasok sa bahay ko nang walang pahintulot.

Hindi ko s’ya pinansin. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa labis na galit mula sa taong nasa harap ko.

Pumasok ako ng diretso sa aking unit na tila hindi nakikita ang babaeng iyon. Si Rigo naman ay sumunod sa akin. At base sa nakikita ko kay Rigo ay may mga katanungan s’ya sa mga oras na ito. Hindi kasi pamilyar ang taong nasa loob ngayon ng tinitirahan ko.

Kahit nanginginig ang buong katawan ko dahil sa labis na galit ay ginawa ko ang lahat para makontrol ang sarili ko. Hinarap ko si Nanay Elise habang suot ang nakakainsulto kong ngiti.

“Nanay naman, bakit ka nagpapapasok ng hindi natin kilala sa bahay na ’to?” tanong kong nakangisi sa kanya.

“Pasensya ka na, anak. Hindi ko alam kung paano n’ya tayo natunton. Wala naman akong nagawa noong nakiusap s’ya sa akin na hintayin ka. Gusto ka raw n’yang makausap.” mahabang sagot sa akin ni Nanay Elise.

Nakapagbitaw ako ng pagtawa. At sa paraan ng pagtawa kong iyon ay mararamdaman nila ang galit na kinimkim ko sa mahabang panahon.

“Nanay naman. Hindi ka dapat nagpapapasok ng kung sino-sino dito. Next time sana sasabihan n’yo naman ako. Bahay ko ’to ’di ba? Dapat alam ko kung sino-sino ang nakakapasok dito.” natatawa kong sambit kay Nanay Elise.

Alam kong mali ang mga sinabi kong iyon sa aking Nanay Elise. Pero dahil sa labis na galit ay hindi ko na napigilang sabihin ang mga salitang iyon.

Mukhang nakaramdam ng hiya si Nanay Elise dahil sa mga binitiwan kong salita. Napayuko s’ya at hindi nakapagsalita.

Patawad, Nanay. Mamaya na lang ako hihingi ng tawad sa’yo ng paulit-ulit.

Kahit nahihirapan ako ay muli kong nilingon ang babaeng hindi man lang gumagalaw mula sa pagkakatayo sa kanyang pwesto.

“Makakalabas ka na, Miss. Hindi ka namin kilala kaya pwede ka nang umalis.” madiin kong utos sa babae.

Nakita ko ang pangingilid ng luha ng babaeng nasa harap ko. Ngunit nang makita ko iyon ay mas lalo lang nadagdagan ang galit ko.

“Liam, anak. ’Wag naman ganyan….” pakiusap ni Nanay Elise.

Muli kong itinuon ang paningin ko kay Nanay Elise.

“Nanay, mamaya malikot pa ang kamay ng taong ’yan. Eh paano na lang kung may kunin ’yan dito sa pamamahay ko? Paano kung pagnakawan n’ya tayo?” mas madiin ko nang tanong kay Nanay Elise.

Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Nanay Elise. Mula sa nakikiusap n’yang ekspresyon ay napalitan ito ng galit.

“Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan sa ate mo, Liam. Ate mo pa rin s’ya kaya irespeto mo s’ya!” pagsaway ni Nanay Elise sa akin.

Dahil sa sinabi n’yang iyon ay sumabog na ang galit na pinipilit kong kontrolin sa aking sarili.

“Ate? Wala akong Ate, Nanay! Ikaw at ako lang! Tayo lang dalawa ang magkapamilya! Wala akong ibang pamilya kundi ikaw!” may kalakasang sagot ko kay Nanay Elise.

Muli ay hindi nakapagsalita si Nanay Elise. Nakita ko kung paano nanginig ang kanyang mga labi para pigilan ang kanyang sarili na lumuha.

Alam kong nakakaramdam s’ya ng lungkot dahil sa nakikita n’yang reaksyon ko sa mga oras na ito. Ngunit alam kong naiintindihan n’ya rin ang pinaghuhugutan ng bawat salitang binibitawan ko.

Dahil sa ginawa kong pagsagot kay Nanay Elise ay pumagitna na si Rigo. Hinawakan n’ya ako sa balikat upang pakalmahin at awatin.

“Randy, ’wag mo naman sigawan si Nanay Elise, please?” pakiusap sa akin ni Rigo.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko para pakalmahin ang sarili ko.

“Sorry, Nanay…” mahinahon kong pagsasalita.

Nasa ganoon kaming tagpo nang muling magsalita ang babaeng nasa harap naming tatlo.

“W-walang kasalanan si Nanay Elise, Randy. Ako ang nagpumilit na makapasok dito.” pagsabat n’ya.

Nilingon ko s’ya habang nanlilisik ang aking mga mata. Nakita ko ang pagkabigla sa kanya. Hindi yata s’ya makapaniwala na ang dati n’yang tinatawag na anghel ay ganito na ang mga mata. Parang mabangis na hayop at ano mang oras ay aatakihin s’ya.

Muli ay hindi ko nakontrol ang aking sarili para bulyawan s’ya.

“Kinakausap ba kita?! Hindi naman ’di ba?! At sa pagkakatanda ko, matagal ko nang ipinangako sa sarili kong hindi ko kakausapin ang isa sa mga taong naging dahilan ng paghihirap ko!!!” sigaw ko sa kanya.

“Liam!! Sinabi nang ’wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang Ate mo!! Wala s’yang kasalanan!!” sigaw muli sa akin ni Nanay Elise.

Minsan lang ako masigawan ng ganito ni Nanay Elise. Minsan n’ya lang ako sawayin sa mga pagkakamali ko. Kaya naman kahit nangingibabaw ang galit ko sa mga oras na ito ay sinubukan ko pa ring magpakahinahon.

Ilang malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago muling hinarap ang babae sa hindi ko alam kung bakit naririto.

“Sige, Miss. Dahil sa pakiusap ng Nanay ko, pagbibigyan kita.” wika ko at saglit na tumigil. “Anong kailangan mo at naligaw ka sa pamamahay ko?” madiin kong tanong sa kanya.

Nakita ko kung paano naguluhan ang babaeng nasa harap ko. Mukhang hindi n’ya alam kung paano magsisimula. Ilang segundo rin ang kanyang pinalipas bago nagawang sumagot.

“K-kailangan ka n’ya, R-randy… Pinahanap ka n’ya para makita…” utal nitong pagsagot.

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

“Miss, sa pagkakaalala ko, walang ibang naghanap sa akin simula noon kundi ang yaya ko. Walang ibang taong tumawag ng pangalan ko kundi ang Nanay Elise ko. Kaya sabihin mo, sino ’yang nawawala na yata sa katinuan para hanapin ako?” madiin kong tanong sa kanya.

Muli ay hindi n’ya malaman kung paano sasagot sa katanungan kong iyon.

“S-si… si Papa.” kinakabahan n’yang sagot at napayuko.

Kahit na may ideya ako kung sino ang tinutukoy n’ya ay hindi ko pa rin naiwasan ang mabigla sa naging sagot n’ya.

Nagbitaw ako ng isang pagngisi. Ngunit sa likod ng pagngisi kong iyon ay nanikip ang aking dibdib nang marinig ko ang pangalan ng taong nag-iwan ng malaking peklat sa pagkatao ko.

Iba pa rin ang epekto n’ya sa akin. Nakakaramdam pa rin ako ng pinaghalong galit at kaba.

Pero kahit ganoon ay ginawa ko ang makakaya ko para ignorahin ang taong tinutukoy n’ya.

“Sorry, Miss. Wala akong kilalang ganyan. Makakaalis ka na.” nakangisi kong pagtataboy sa kanya.

Nang sabihin ko iyon ay mabilis n’yang naiangat ang kanyang ulo para magtagpong muli ang aming mga mata.

“Randy, please… Kailangan ka n’ya… Matagal ka na n’yang pinapahanap… Maniwala ka… simula nang umalis ka, hindi na naging mabuti ang kalagayan n’ya… Kaya ginawa namin ang lahat para makita ka…” sunod-sunod n’yang pakiusap.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang taong walang ginawa kundi ang pahirapan ako ay pinapahanap ako?

Mas naging matalim ang mga tingin ko sa babaeng ito.

“Bakit? Kating-kati ba ang mga kamay ng ama mo simula nang mawala ako? Dahil wala s’yang maipahiya? Dahil wala s’yang masaktan? Dahil wala s’yang mapahirapan? Dahil wala s’yang mapagbuhatan ng kamay? Dahil walang sumasalo sa bawat hampas ng sinturon n’ya? Dahil wala s’yang maasinta ng baril n’ya?! Dahil wala s’yang dinadala sa ospital dahil sa labis na pambubugbog n’ya?! Ganon ba ’yon, ha?!!!” sunod-sunod kong tanong at hindi ko na napigilan ang mapasigaw sa huli.

Naramdaman kong nagsisimula nang mamuo ang mainit na likido mula sa aking mga mata.

Pero hindi ako iiyak. Hindi ko ipapakita sa kanya na apektado ako sa kanyang presensya at sa ibinalita n’ya.

Umiling-iling ang babae. Katulad ko ay sinusubukan n’ya rin pigilan ang kanyang mga luha.

“Hindi… hindi ganon, Randy. Makinig ka… nakikiusap kami sa’yo na sana ay makita ka n’ya bago pa man… b-bago pa s’ya magpaalam… May sakit s’ya at bilang na lang ang oras n’ya… Ikaw na lang ang hinihintay n’ya, Randy… Ikaw na lang dahil gusto n’yang humingi ng tawad sa’yo…” utal n’yang pakiusap at hindi na napigilan ang pumatak ng kanyang mga luha.

Parang may bombang sumabog sa dibdib ko nang marinig ko ang mga sinabi n’ya. Ang taong naging dahilan ng paghihirap ko noon, malubha na ang kalagayan ngayon.

Ngunit dahil sa galit na naitanim ko sa aking puso na sila rin ang may gawa ay hindi ako nagpakita ng kahit na anong pagkaapekto.

Muli kong ibinalik ang pagkakangisi ko.

“Talaga? E ’di maganda. Sabihin mo pakibilisan n’ya. At kung naaawa ka sa kanya, e ’di sumunod ka sa kanya. Pwede rin bang sumunod na rin ang magaling mong ina? Tapos lahat ng tao na naging parte ng paghihirap ko noon, sana sumunod na rin sa inyo. Magsama-sama kayo para masaya.” nakataas kong kilay na lahad sa kanya habang malapad ang pagkakangisi ko.

“Randy, ano ba ’yang pinagsasabi mo?!! Hindi kita pinalaki para maging ganyan kasama! Kelan ka pa natutong maghangad na matapos ang buhay ng ibang tao?! Pati ba naman ang Ate mo?!! Nasaan na ang konsensya mo?!! Sinabi ko na sa’yo!!! Walang kasalanan ang Ate mo!!!” bulyaw sa akin ni Nanay Elise at hindi na rin napigilan ang mapaluha.

Nalulungkot ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong nadismaya ko si Nanay Elise. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong nalungkot s’ya dahil sa ipinapakita kong ugali.

Tiningnan ko ng tuwid si Nanay Elise na hindi nagbabago ang ekspresyon ko. Nanlilisik pa rin ang mga mata ko dahil sa labis na galit sa babaeng nasa harap ko.

“Wala?!! Bakit ’Nay?!! Nasaan ba ’yan noong mga panahon na kailangan ko s’ya?!! Nasaan s’ya noong mga oras na humihingi ako ng saklolo sa kanya?!! Nandoon ba s’ya?!! Wala!!! Ang nag-iisang miyembro ng pamilya ko na akala ko kakampi ko, iniwan din ako!!! Ngayon, sabihin mo ’Nay!! Wala pa rin ba s’yang naging kasalanan sa akin??!!!” sigaw ko rin kay Nanay Elise habang dinuduro ko  ang tinutukoy n’yang Ate ko.

Matapos kong isigaw ang mga salitang iyon ay hindi na rin napigilan ng mga luha kong mag-unahan palabas mula sa aking mga mata.

“Randy, maniwala ka… Hindi ko rin ’yon ginusto… Pinadala ako nila Mama at Papa sa ibang bansa at wala akong magawa…” sabat ng babae na patuloy pa rin sa pagluha.

Muli ko s’yang nilingon habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.

“Wala??!!! Ikaw na lang!!! Ikaw na lang ang nag-iisang inaasahan ko na magiging kakampi ko!!! Akala ko ba sabi mo noon hindi mo ako hahayaan na saktan ulit ng ama mo??!! Nangako ka ’di ba?!!! Nangako ka!!! Pero sinungaling ka!!! Sinungaling ka, Ate!! Dahil habang patuloy akong pinapahirapan ni Papa, nagpapakasaya ka sa ibang bansa!!!” tuloy-tuloy kong sumbat sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.

Walang nagawa si Rigo kundi ang yakapin ako upang awatin at pakalmahin. Pero kahit anong gawin n’ya ay nangingibabaw ang galit ko sa puso.

Sa tinagal-tagal ng panahon na kinimkim ko ang sama ng loob ko sa kanya, kinuha ko ang pagkakataon na ’to para isumbat sa kanya ang lahat.

“Alam mo ba kung ilang beses akong nakatanggap ng palo?!! Ng hampas??!! Ng bugbog??!! Ng pagmamalupit galing d’yan sa ama mo??!! Kung ilang beses n’ya akong inasinta ng baril sa ulo??!! Kung ilang beses akong naisugod sa ospital dahil hindi kinaya ng katawan ko ang sakit sa bawat pambubugbog n’ya?!!” sigaw ko sa kanya.

Hindi s’ya nakapagsalita kaya ako na rin ang sumagot sa katanungan kong iyon.

“Hindi ’di ba??!! Wala kang alam!!! Nasaan na ang sinasabi mo noon na poprotektahan mo ang nag-iisang kapatid mo??!! Nasaan na ang pangako mong hindi na mabubugbog si bunso??!! Nasaan na ang sinasabi mong ikaw ang unang taong magtatanggol sa kawawang kapatid mo??!!! Nasaan??!!!” tuloy-tuloy kong pagsigaw sa pagitan ng pag-iyak habang dinuduro s’ya.

Wala naman s’yang nagawa kundi ang ilagay ang dalawa n’yang palad sa kanyang bibig dahil sa ginagawang pag-iyak.

“Lahat kayo!!!! Magmula kay Papa!!! Kay Mama!!! At sa’yo!!!! Wala akong nakuha kundi puro sama ng loob sa inyo!!! Tinorture n’yo akong lahat!!! Wala kayong ginawa kundi saktan ako!!! Hindi naging normal ang buhay ko dahil sa inyo, mga walang-hiya kayo!!! Ang sasama n’yo!!!” tuluyan ko nang pagwawala.

Matapos kong isigaw ang mga salitang iyon ay tuluyan na akong nanghina. Dahil sa labis na pag-iyak ay napakapit na ako kay Rigo dahil babagsak na ako.

“Liam, please, huminahon ka…” pakiusap sa akin ni Rigo habang yakap ako at hinahaplos ang likod ko.

Tumakbo na rin si Nanay Elise sa akin para alalayan ako.

Hindi ko pinansin ang pakiusap na iyon ni Rigo. Nagpatuloy ako sa panunumbat sa kapatid ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko na magawang sumigaw dahil nanghihina na ako.

“Isipin mo, Ate… isipin mo kung gaano ako nasasaktan simula noon hanggang ngayon… Hindi ko nga alam kung maswerte pa ba ako dahil nabuhay ako eh… Maswerte pa ba akong maituturing kung hanggang ngayon dala-dala ko ang mga paghihirap ko noon sa inyo…?” pagsasalita ko sa pagitan ng pag-iyak.

“Hanggang ngayon… hanggang ngayon tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi na lang ako namatay noon… Sana matagal na akong natahimik kung nangyari ’yon… Dahil sa bawat oras na naaalala ko ang mga naranasan ko sa inyo, parang paunti-unti na rin akong pinapatay eh…” muli ko pang sumbat.

“Ang sama n’yo…. ang sama-sama n’yong lahat…” huli kong sambit at mas malakas na ang naging paghagulgol ko.

Sa pangyayaring ito ay tila ba binabangungot ako habang gising ang diwa ko. Sa mga oras na ito ay tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko kahit dilat ang mga mata ko.

“P-patawarin mo ako, Randy… Patawarin mo ako…” pakiusap sa akin ni Ate.

“Kahit isang beses lang sana, Ate… kahit isang beses lang sana pinakinggan mo ang paghingi ko ng saklolo sa’yo… Kasi… kasi ikaw na lang ang inaasahan ko eh… Ikaw na lang ang kinukunan ko ng lakas sa pamilyang ’yon… Pero kahit noong panahon na nasa gubat ako at nagtatago, hindi mo ako pinakinggan kahit ilang beses kong sinigaw ang pangalan mo..” hindi pa rin natigil na panunumbat ko.

Nakaupo na ako sa sahig habang inaalalayan nina Rigo at Nanay Elise. Si Ate naman ay nasa harap lang namin habang patuloy sa pag-iyak.

“Tapos ngayon… babalik ka para sabihin na kailangan n’yo ako…? Bakit..? Noong kailangan ko ba kayo, nandoon kayo…? Noong panahon na nagmamakaawa ako… pinakinggan n’yo ba ako…? Noong panahon na kailangan ko ng makakapitan… naramdaman ko ba ang mga hawak n’yo…? Hindi ’di ba…? Ilang taon ’yon… at hanggang ngayon dala-dala ko ang lahat ng pasakit na binigay n’yo… Hindi na maalis sa katawan at buong pagkatao ko…” panunumbat ko pa rin.

Kulang ang ilang minutong pag-uusap naming ito para mailahad ko sa kanya ang lahat ng paghihirap at sama ng loob ko. Sa haba ng panahon na naghirap ako, kulang kahit ang isang araw para maipamukha sa kanilang lahat ang inabuso nilang pagkatao ko.

“Randy, tama na… Makakasama ’to sa’yo…” pakiusap sa akin ni Nanay Elise habang hinahaplos na rin ang likod ko.

“Paalisin mo na s’ya ’Nay… Paalisin mo na s’ya… Hindi ko kayang makita ang taong ’yan… hindi ko kaya…” garalgal ang boses kong pakiusap kay Nanay.

Mas lalong nag-unahan ang mga luha ng Ate ko sa kanyang mga mata. Ngunit nakikita kong ang mga pag-iyak n’yang ’yon ay dahil sa labis na pagsisisi n’ya.

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa s’ya magsisisi? Kung kelan maayos na ako, kung kelan may sariling buhay na ako. Bakit ngayon pa sila magbabalik kung kelan matagal ko nang napagdesisyunang tanggalin sila sa sistema ko?

Naramdaman ko ang unti-unting pagbitaw sa akin ni Rigo. Dahan-dahan ay tumayo ito mula sa pagkakaluhod at hinarap si Ate. Ako naman ay kay Nanay Elise na napakapit sa mga oras na ito.

Hindi ko na hinarap ang babae at nakulong na lamang ako sa braso ng Nanay Elise ko. Nagpatuloy ako sa malakas na pag-iyak habang yakap ang yaya ko.

“Miss, pasensya ka na. Pero pwede bang umalis ka na lang muna? Hindi kasi makakabuti kay Randy kung magtatagal ka pa rito.” nadinig kong pakiusap ni Rigo kay Ate.

“P-pero….” pagtutol sana ni Ate.

“Miss, ayokong maging baatos sa’yo dahil ikaw ang Ate ni Randy. Pero kung magpapatuloy na ganyan si Randy, hindi ako magdadalawang isip na kaladkarin ka palabas kahit babae ka pa.” banta pa sa kanya ni Rigo sa madiin na tono.

Hindi ko narinig na nagsalita si Ate.

“Nakikita mo naman ’di ba? Nakikita mo naman ang sitwasyon n’ya. Sana naman matuto kang makaintindi. Mahaba ang pasensya ko. Pero kung magmamatigas ka, baka sa kauna-unahang pagkakataon makakita ka ng taong higit pa magalit sa ama mo!” hindi na napigilan na pagbabanta ni Rigo.

Hindi pa rin sumagot si Ate. Mukhang hindi s’ya kayang kumbinsihin ni Rigo kaya sumabat na rin si Nanay Elise.

“Sige na, Sandra, umalis ka na muna… Hindi rin ako papayag na magpapatuloy si Randy na ganito… Bumalik ka na lang sa ibang araw…” pakiusap na rin ni Nanay Elise.

Ilang segundong hindi ko narinig na sumagot si Ate.

“S-sige po… B-babalik na lang po ako sa ibang araw para makiusap…” nadinig kong sagot n’ya.

Nagpatuloy na lamang ako sa paghagulgol habang pinapakiramdaman ang tuluyan nitong paglabas sa aming tinitirahan.

Nang marinig ko ang paglabas nito sa pinto ay naramdaman kong nilapitan akong muli ni Rigo.

“Randz, halika muna. Doon muna tayo sa kwarto.” pakiusap n’ya habang inaalalayan akong tumayo.

Katulong n’ya rin si Nanay Elise para itayo ako mula sa pagkakasalampak sa semento. Hinang-hina ang katawan ko dahil sa naganap. Kung wala lang siguro sila sa tabi ko, baka hindi na ako nakaahon sa sahig ng bahay ko.

Patuloy pa rin ako sa malakas na pag-iyak nang marating namin ang kwarto. Pinaupo muna ako ni Rigo sa kama at s’ya naman ay umupo rin sa tabi ko habang hawak ang kamay ko.

“Kukunin ko lang ang gamot n’ya.” pagkausap ni Nanay Elise kay Rigo.

Tanging pagtango lang ang naisagot ni Rigo sa kanya.

Dahil sa pagbabalik ng nakaraan ko ay nanariwa sa akin ang lahat ng mga pinagdaanan ko. Ang bawat pinagdaanan ko sa aking ama at ina, mga taong naging parte ng paghihirap ko kabilang na ang mga kaklase at kakilala ko noon, hanggang sa bawat taong pinanood lamang ako, lahat sila ay muling naging malinaw ang imahe sa isip ko.

At habang patuloy kong nakikita ang kanilang imahe sa aking isip ay muling nagbalik ang sakit na nararamdaman ko noong mga oras na hirap na hirap ako.

Naitakip ko ang aking mga palad sa aking mukha kasabay ng paghagulgol ko.

Naramdaman ko ang mabilis na pagyakap muli sa akin ni Rigo.

“Calm down, Liam. Calm down, please?” pakiusap nito sa akin habang mahigpit na yakap ako.

“Bakit nagbalik pa sila, Rigo…? Bakit kung kelan tahimik na ang buhay ko, bakit ginugulo na naman nila ako..?” sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya sa pagitan ng paghagulgol ko.

Nasa ganoon kaming tagpo nang dumating si Nanay Elise.

“Liam, anak, inumin mo muna ’to.“pakiusap n’ya sa akin habang iniaabot ang gamot.

Nanginginig ang kamay kong inabot iyon. Pinagmasdan ko ang gamot na iyon na nasa kamay ko. Tinitigan ko iyon habang patuloy sa pag-agos ng mga luha ko.

Ang gamot na ’to, gusto ko nang isuka. Gusto ko nang matapos ang pag-inom nito pero hanggang ngayon ay hindi ito maialis sa sistema ko. At habang meron ako nito ay mas tumitindi lamang ang galit ko sa kanila. Dahil kung hindi nila pinaranas ang mga bagay na iyon sa akin noon, hindi ako patuloy na iinom ng gamot na ito ngayon.

“Sige na, Liam. Inumin mo na ’yan.” pakiusap sa akin ni Rigo.

Nanginginig pa tin ang kamay kong isinubo ang gamot na iyon na nasundan ng pag-inom ng tubig.

Matapos iyon ay ang paghagulgol kong muli ng malakas. Wala naman nagawa ang dalawang tao sa tabi ko na laging naririto sa tuwing magkakaganito ako.

Hindi ako nagsasalita. Tanging sa pag-iyak ko idinaan ang lahat ng gusto kong isigaw sa mga oras na ito. Sina Nanay Elise naman ay walang sawang hinahaplos ang likod ko para pakalmahin ako.

Eto na naman ako, hihintayin ko na naman na umepekto ang gamot para tuluyang kumalma ako. Hanggang kelan? Hanggang kelan ako magiging ganito?

Ilang minuto kaming ganoon lamang. At nang tuluyan nang umepekto ang gamot ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tulala dahil hinang-hina ang katawan ko. Wala na akong mga luha ngunit mabigat pa rin ang pakiramdam ko.

Pareho kaming nakaupo sa kama ni Rigo at nakasandal sa headboard habang hawak n’ya ang kamay ko. Nakaalis na rin si Nanay Elise nang tumigil na ako sa ginagawa kong pag-iyak.

“Dito ka, Liam.” utos sa akin ni Rigo at iginagaya ako pahiga sa kanyang dibdib habang s’ya ay nakaupo pa rin sa kama.

Nagpadala na lamang ako sa kanyang paggaya habang tulala hanggang sa tuluyan kong maipatong ang aking ulo sa dibdib n’ya.

Sinimulan n’yang haplusin ang aking buhok sa paraan na makakalma akong lalo.

“Liam…” malambing n’yang pagtawag sa aking pangalan makalipas ang ilang minuto.

Hindi ako nakasagot, nanatili akong tulala.

“Natatakot ka pa rin ba kahit kasama mo ako?” tanong n’ya sa akin.

Hindi ako makasagot. Pilit kong inaalala ang mga pangyayari kanina.

Nakaramdam nga ba ako ng takot kanina nang makaharap kong muli ang isang miyembro ng aking pamilya?

Napapikit ako. Kasabay ng pagpikit kong iyon ay ang reyalisasyon na wala akong naramdamang takot kanina. Sa katunayan, nakaramdam ako ng lakas ng loob. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa kong manumbat kay Ate. Bagay na hindi ko ginawa kahit minsan dahil sa labis na takot sa kanila noon.

Ngayon ko lang napag-isip-isip na may lakas ako kanina na harapin si Ate dahil alam kong nasa paligid si Rigo.

Ganito pala. Ganito pala ang epekto sa akin ni Rigo. Nagiging malakas ako at hindi nakakaramdam ng pag-aalinlangan at takot.

“Hindi, Rigz.” naisagot ko makalipas ang mahabang katahimikan.

Naramdaman kong saglit na natigilan si Rigo sa paghaplos ng aking buhok. Ngunit matapos iyon ay muli n’yang ibinalik ang masuyong paghaplos sa aking ulo.

“Kasi alam mong hindi kita iiwan ’di ba? Alam mong kahit anong mangyari, hindi ako aalis sa tabi mo. Naniniwala ka sa akin, tama ba ako?” tanong n’ya sa akin.

Dinama ko ang kanyang mga salita habang nakapikit. Hindi ako sumagot gamit ang aking mga salita. Ngunit dahan-dahan akong tumango upang tugunin ang katanungan n’yang iyon.

Matapos kong sumagot sa kanya gamit ang marahang pagtango ay naramdaman kong iginagaya n’ya naman akong bumalik sa pagkakaupo.

At nang tuluyan akong makaahon ay hinawakan n’ya ako sa magkabilang pisngi upang magtagpo ang aming mga mata.

Nakita ko ang pinaghalong kaligayahan at pag-aalala sa mga mata n’yang iyon habang nakatingin sa akin ng tuwid. Suot n’ya rin ang kanyang ngiti ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. May bahid ito ng kalungkutan sa mga oras na ito.

“Masaya akong malaman na ako ang kinukuhanan mo ng lakas, Liam. Pakiramdam ko ako ang kailangan mo hangga’t nabubuhay ka sa mundo.” masuyo n’yang pagsasalita at nagbitaw na s’ya ng pinakamalapad n’yang ngiti matapos ang paglalahad n’yang iyon.

“Pero hangga’t nakikita naman kitang ganyan, ako naman ang nanghihina, alam mo ba? Kung alam mo lang, Liam. Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang pag-aalala sa tuwing makikita kitang nahihirapan.” sunod n’yang sambit at nagbalik muli ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

Tama s’ya. Ngayon ko lang napagtanto na sa kanya ako kumukuha ng lakas para magpatuloy at maging matatag. S’ya ang dahilan kung bakit sa kabila ng masalimuot kong nakaraan ay nagagawa kong lumaban. Dahil kahit noong mga araw na si Nanay Elise pa lang ang kasama ko ay hindi ko magawang tingnan kahit ang larawan lang ng kapatid ko na itinatago ni Nanay Elise sa kanyang mga gamit dahil inalagaan n’ya rin ito.

“Liam, gusto kong tuluyan ka nang gumaling. Gusto kong malampasan mo na ang takot na namumuhay sa’yo sa mahabang panahon.” sunod n’yang pagsasalita at nararamdaman kong may bahid nang pakikiusap iyon.

“A-anong ibig mong s-sabihin…?” kinakabahan kong tanong.

Pakiramdam ko ay may gusto s’yang mangyari na hindi ko magugustuhan.

Isang malalim na buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago sumagot sa tanong ko. Hawak pa rin n’ya ang magkabilang pisngi ko at marahang hinahaplos ng kanyang mga daliri.

“Baka ito na ang hinihintay nating pagkakataon, Liam. Baka ito na ang maging daan para tuluyan mo nang mapakawalan ang takot na namamayani sa ’yo sa mahabang panahon.” sagot n’ya sa akin.

Ilang marahang pag-iling ang nagawa ko.

“H-hindi ko maintindihan, Rigo…” sambit ko sa mahinang tono.

“Liam, hindi mo ba naisip na baka kaya nangyari ’to ngayon dahil ito na ang pagkakataon para harapin mo sila? Baka ito na ang hinihintay mo para tuluyan ka na ring gumaling? Baka kailangan mo nang harapin ang pamily—” hindi n’ya naituloy.

“Hinde. H-hindi, Rigo… Ayoko… ayoko silang makaharap… Ayoko…” pagputol ko sa kanya habang mabilis na umiiling.

Mabilis na nagbalik sa aking dibdib ang pag-aalinlangan at naramdaman kong muling bumilis ang tibok ng puso ko.

“Pero, Liam, paano ka gagaling kung patuloy kang magkukulong sa pangamba na makaharap sila? Gusto mo bang habang buhay kang ganito? Gusto mo bang sa tuwing susumpungin ka, dapat ay may taong nakaalalay sa’yo? Paano kung wala kami ni Nanay Elise sa tabi mo? Sino ang aalalay sa’yo?” sunod-sunod n’yang tanong.

Matapos ang mga salitang namutawi sa kanyang bibig ay mabilis na kumawala ang mga luha mula sa aking mga mata.

Ang mga luhang sanhi ng kalungkutan sakaling iwan na nga n’ya ako. Paano nga ba ako kapag nagkahiwalay na kami ni Rigo? Sino na lang ang nariyan para maalalayan ako?

“Ssshhh.. Nevermind, Liam… Forget it. ’Wag mo nang isipin ang sinabi ko. Sige, hindi na kita pepwersahin na makaharap sila. Just don’t cry, please.” natatarantang n’yang pakiusap habang pimupunasan ang mga luhang patuloy na pumapatak mula sa mga mata ko.

Hinalikan n’ya ako sa noo at iginaya n’ya akong muli para mahiga sa kanyang dibdib. Ipinagpatuloy n’ya ang paghaplos sa aking buhok.

Ang akala n’ya ay umiiyak ako dahil sa takot na makaharap muli ang aking pamilya. Pero ang totoo, natatakot ako sa sinabi n’yang paano kung wala s’ya sa tabi ko.

Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang bewang upang mahigpit na yakapin s’ya. Patuloy ako sa pag-iyak habang ipinoproseso sa aking isipan ang mga magaganap sakaling wala na s’ya.

Ngunit tama s’ya. Kailangan kong harapin ang nakaraan para tuluyan na akong makawala. Ito rin ang mabuting hakbang para makapagsimula na rin ako, para makayanan ko nang tumayo sa sarili kong mga paa kahit wala s’ya sa tabi ko.

“Rigz….” pagtawag ko sa kanya habang humihikbi makalipas ang reyalisasyon sa sarili ko.

“Hhhmmm?” malambing n’yang tugon.

“K-kung… kung sakaling harapin ko sila… S-sasamahan mo ba ako?” tanong ko sa kanya.

Naramdaman kong natigilan s’ya, nasorpresa dahil sa katanungan ko.

Marahan n’ya akong iginaya para magtagpo muli ang aming mga mata. Hawak n’yang muli ang aking magkabilang pisngi para magkaharap kaming dalawa.

“Ano ba namang klaseng tanong ’yan? S’yempre naman. Nangako ako sa ’yo na sasamahan kita ’di ba? Kahit anong laban mo, hindi ako aalis sa tabi mo.” diretso n’yang sagot.

Pinag-aralan kong mabuti ang kanyang mga mata. Tinitigan ko ito at pinakiramdaman ang mga salitang namutawi sa kanya. Nakita ko ang senseridad sa mga salita n’yang iyon, nakita kong buo ang loob n’ya.

“Handa na ako. Haharapin ko na sila.” bigla kong sambit matapos ang mahabang pagkakatitig sa mukha ni Rigo.

Nanlaki ang mga mata ni Rigo.

“S-sigurado ka ba?” nagugulat n’yang tanong.

Ngumiti ako kahit may mga luha pa sa aking mga mata.

“Sasamahan mo naman ako ’di ba?” tanong kong nakangiti sa kanya.

“Oo naman! Kahit kelan, kahit anong oras. Hindi ako papayag na mag-isa mo silang haharapin. At mas lalong hindi ako papayag na saktan ka nila ulit kahit ang dulo lang ng daliri mo.” diretso n’yang sagot.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko.

“Salamat, Rigz. Salamat.” nakangiti kong tugon.

Ngumiti rin s’ya pabalik, ang ngiti n’yang nakakahalina sa aking paningin.

Matapos iyon ay muli kong ibinalik ang pagkakayakap kay Rigo at muli rin akong nahiga sa kanyang dibdib.

Hindi ko maikakaila na may nararamdaman pa rin akong pangamba sa mga oras na ito. Ngunit kailangan ko nang simulan ang mga pagbabago sa buhay ko.

Maaaring makaramdam pa rin ako ng takot sa oras na magkaharap kami ng pamilya ko lalo na ng ama ko. Pero hanggat naririto pa si Rigo, alam kong makakayanan ko ito.

Pero ano ang susunod kong mga hakbang kung sakaling gumaling na ako? Ano na ang susunod kong mga plano?

“Rigz… anong mangyayari ’pag gumaling na ako?” tanong kung muli.

Naitanong ko na ang bagay na ’yan sa kanya ng isang beses. Pero hanggang ngayon ay hindi ko ito mahanapan ng kasagutan.

“W-what do you mean?” nauutal n’yang tanong pabalik.

Alam kong alam n’ya ang tinutukoy ko. Sadyang iniiwasan n’ya lamang sagutin ito.

“Paano ’pag okay na ako? Ano na ang mangyayari sa atin? Alam mo ang tinutukoy ko. Paano ’pag kinakailangan ko nang mamuhay mag-isa?” lakas-loob kong paglilinaw sa kanya.

Hindi s’ya nakapagsalita. Naihinto n’ya rin ang ginagawa n’yang paghaplos sa aking buhok.

Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng takot. Kinakabahan ako sa maaari n’yang isagot.

“H-hanggat hindi pa nangyayari, pwede bang ’wag muna natin isipin ’yon? Basta ang gusto ko lang sa mga oras na ’to, matapos na ang paghihirap mo. Gusto kong masaksihan ang pinakamasayang imahe mo Liam. ’Yung wala kang inaalala, ’yung namumuhay kang walang tinatakasan at pinagtataguan.” mahaba n’yang sagot.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.

“Gusto kong masaksihan ang ngiti mo, Liam. Ang tunay mong ngiti na hindi ko pa nakikita simula nang makilala kita. ’Yon lang. ’Yon lang ang iniisip ko sa ngayon.” sunod n’ya pang pagsasalita.

Tama s’ya. Simula nang makilala ko s’ya pati na rin ang mga kaibigan ko ay ganito na ako, miserable at may kulang sa pagkatao.

Kailan nga ba ang huling araw o oras na pakiramdam ko ay kompleto ako? Hindi ko na maalala. Dahil simula pa pagkabata ay ipinagkait na sa akin ang karapatan na sumaya. At wala akong gustong sisihin sa mga oras na ito kundi ang buong pamilya ko.

“Matatapos din ’to, Liam. At sisiguraduhin kong kasama mo pa rin ako kahit tapos na ang laban mo.” muling banggit ni Rigo.

Hindi ko pa rin s’ya sinagot. Ngunit ang kamay kong nakapalibot sa kanyang bewang ay mas hinigpitan ko. Pinadama ko sa yakap kong iyon ang pasasalamat na nariyan s’ya sa tabi ko.

Matatapos din ang lahat ng ito. At sisimulan ko iyon sa lalong madaling panahon. Sisimulan ko sa pamamagitan ng pagharap sa nakaraan ko, sa kinatatakutan ko, sa pamilya ko na sumira sa pagkatao ko.

Magsisimula na ako para maranasan ko na ang maging masaya. Gusto ko nang maranasan ang matagal ko nang hindi nararanasan sa buhay ko.

Ang lubusang sumaya at walang inaalala sa tuwing gigising ako.

Ang wala nang kinatatakutang bangungot sa tuwing matutulog ako.


A/N

Medyo maiksi ito kumpara sa mga naunang chapters ko. Pero sana ay nagustuhan n’yo pa rin po. At dahil bakasyon naman ang lola n’yo, masusundan din agad ito.

Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa!

Tayo ay magnilay para sa Mahal na Araw, mga mahal ko.

–– cold_deee

chapter 11

A/N

Medyo mabigat pa rin po itong mga susunod na tagpo. Pasensya na kung may mga hindi nagugustuhan ang madramang kwento. Pero ito po talaga ang uri ng kwentong isinusulat ko.

Para sa’yo ’to

StephenDamasco

!!! Cheer up na!! Kaya mo ’yan!! 😊😊

Paki-play din po ng paulit-ulit ang nasa media na song kung feel n’yo. ’Yan po ang theme song para sa chapter na ito. (

Song title: Dance With My Father by Luther Vandross.)

––> si Randy po sa media.


RANDY’s POV

“Sigurado ka na ba dito?” pag-aalala ni Rigo.

Mahigpit n’yang hawak ang aking kamay habang nasa tapat kami ng isang pinto dito sa ospital.

“Hindi ka naman aalis ’di ba? Dito ka lang naman ’di ba?” tanong ko sa kanya.

“Oo naman. Sigurado akong kahit anong mangyari, hindi ako aalis dito. Ikaw lang ang inaalala ko.” malungkot n’yang saad.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. 

“Salamat, Rigz.” wika ko at saglit na tumigil. “Pero ikaw na rin ang nagsabi, kailangan kong harapin ang takot ko. Kailangan kong balikan ang lahat para na rin sa ikatatahimik ko.” dugtong ko pa rito.

Hindi s’ya nakapagsalita, nanatili ang pag-aalala sa kanya.

“Don’t worry, Rigz. Gagawin ko ang makakaya ko para malampasan ’to. Basta dito ka lang ha?” paniniguro ko sa kanya.

Sa wakas ay nakita kong ngumiti s’ya.

“Oo naman, pangako.” sambit n’ya lang.

Matapos iyon ay binitawan n’ya ang kamay ko. Inangat n’ya ang kanyang mga kamay at inilagay iyon sa magkabilang pisngi ko.

“Liam, ito na ang hinihintay mo. Lahat ng gusto mong sabihin, lahat ng gusto mong itanong, lahat ng gusto mong isumbat, sabihin mo sa kanilang lahat. Hindi kita pipigilan. Kung ito lang ang tanging paraan para makawala ka na ng tuluyan, susuportahan kita. Hindi ako aalis sa tabi mo. Kasama mo ako hanggang sa paglaya mo.” mahaba n’yang saad habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.

Tumango ako habang suot pa rin ang tipid na ngiti ko.

Matapos ang pagtugon kong iyon ay marahan na inilapit ni Rigo ang kanyang sarili at binigyan ako ng masuyong halik sa labi.

“Kaya mo ’yan, Liam. Nandito lang ako, hindi ako aalis kahit isang segundo.” wika n’ya matapos ang masuyo n’yang halik.

“Salamat.” tangi ko lang nasambit.

Muli akong humarap sa pinto. Hawak pa rin ni Rigo ang kamay ko at sa pagkakataong ito ay mas mahigpit na iyon.

Kahit ipinapakita kong kalmado ako sa mga oras na ito ay hindi ko maitatanggi sa aking sarili na nakakaramdam pa rin ako ng labis na takot. Mabilis ang tibok ng puso ko at nanginginig ang buong katawan ko. Alam kong ramdam din iyon ni Rigo dahil hawak n’ya ang kamay ko.

Ilang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ko inangat ang isa kong kamay para pihitin ang doorknob.

Dahan-dahan ako sa pagtulak ng pintong iyon. Ilang beses din akong napalunok para mapanatili ang pinapakita kong pagiging kalmado.

Nang tuluyan kong mabuksan ang pintuang iyon ay bumungad sa akin ang dalawang babae na dati kong itinuturing na mga pinakamahalagang tao sa buhay ko. Nakaupo ito sa mahabang sofa na bubungad sa pinto kapag pumasok ka rito.

Nanlalaki ang mata nilang pareho nang makita ang imahe ko sa pinto.

“R-randy…?” utal na pagtawag sa akin ni Ate Sandra.

Hindi ko tinugon ang pagtawag n’yang iyon. Sunod kong nilingon ang babaeng may isang dekada ko nang hindi nakikita. Nasaksihan ko ang mabilis na pag-agos ng kanyang mga luha nang muli n’ya akong masilayan sa mahabang panahon.

“R-randy…” sambit n’ya rin sa aking pangalan.

Walang ekspresyon ang aking mukha habang salitan ko silang tinitingnan. Malaki na ang pinagbago nilang dalawa. Si Ate Sandra ay maganda pa rin, pero nadagdagan na ang edad n’ya. Madali ko pa rin s’yang nakilala noong nagpunta s’ya sa aking bahay dahil halos wala naman pagbabago sa kanyang mukha kahit halos dalawang dekada kaming hindi nagkita.

Ang sumunod kong tinitigan ay ang babaeng tinatawag ko noon na Mama. Ang ilaw ng dati naming tahanan, ang aking ina. S’ya ang may malaking pagbabago. Nadagdagan na ang kulubot sa kanyang noo ngunit masasabi kong sa kanyang edad ay taglay n’ya pa rin ang gandang hinahangaan ko noong bata pa lang ako.

Wala akong ibang espesyal na naramdaman habang pareho ko silang tinitingnan. Hindi katulad sa iba na kapag matagal nilang hindi nakita ang kanilang pamilya ay nananabik sila. Sa sitwasyon ko, mas nakakaramdam ako ng galit sa mga oras na ito.

Sila.

Sila ang mga taong nagpahirap sa akin noon.

Sila ang mga taong naging dahilan ng malaking pagbabago ko.

Sila ang mga taong sinaktan ako.

Ang sariling pamilya ko.

Matapos ko silang suriin ay naramdaman ko ang pagpisil ni Rigo sa aking kamay. Pinaramdam n’ya sa paghigpit ng kanyang hawak na dapat ko nang simulan ang lahat.

Hindi ko binitawan si Rigo nang simulan kong ihakbang ang mga paa ko para tuluyang makapasok sa kwartong iyon.

“Nasaan s’ya?” malamig kong tanong sa kanila.

“K-kamusta ka na, Randy?” biglang pagsasalita ng magaling kong ina.

Matalim ang mga mata kong nilingon s’ya. Patuloy pa rin s’yang umiiyak sa hindi ko malamang dahilan.

“Hindi ako nagpunta rito para makipagkamustahan sa inyo. Gusto n’ya akong makita ’di ba? Nasaan s’ya?” malamig kong pagtatanong sa walang kwenta kong ina.

Nasaksihan ko ang lungkot sa kanya matapos kong itanong ang bagay na iyon.

Nalulungkot s’ya? Bakit? Hindi ba dapat wala s’yang pakialam kung nandito ako ngayon sa harap n’ya? Hindi ba dapat dinadaanan n’ya lang ako tulad ng ginagawa n’ya sa akin dati sa tuwing nabubugbog ako ng ama ko?

Nakakatawa s’ya.

Siguro ay hindi ako kayang sagutin ni Mrs. de Torres kaya si Ate na ang sumagot sa katanungan ko.

“N-nandoon s’ya…” sagot ni Ate habang tinuturo ang isang bahagi ng kwarto.

Nilingon ko ito at nakita ko ang isang kama na may takip na kurtina.

Hindi na ako nagdalawang-isip pang kumilos. Hawak ko pa rin ang kamay ni Rigo nang simulan kong ihakbang ang mga paa ko patungo sa kama kung saan nila ako itinuro. Naramdaman ko naman na sumusunod ang dalawang babae sa likuran namin ni Rigo.

Nang makarating kami sa tapat ng kurtina ay huminto ako.

Sa likod ng kurtinang ito, naririto ang taong labis na kinatatakutan ko. Ang taong nagtanim ng poot at galit sa puso ko.

Nanlalamig na ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay gusto ko nang tumakbo palabas sa kwartong ito. Dahil sa oras na mabuksan ang kurtinang nasa harap ko ay muli kong masisilayan ang taong pinagtataguan ko sa mahabang panahon.

Handa na ba talaga akong harapin s’ya?

Natatakot ako. Natatakot ako dahil pakiramdam ko ay sasalubungin n’ya ako ng pagtutuok ng kanyang baril at aasintahin na naman ako sa ulo.

Naging mabilis ang mga paghinga ko.

Handa na ba talaga akong harapin s’ya?

Siguro ay naramdaman ni Rigo ang labis na takot ko sa mga oras na ito. Muli n’yang pinisil ang aking kamay para iparating sa akin na naririto lang s’ya sa tabi ko.

Tama. Nandito si Rigo. Hindi n’ya ako iiwan. Poprotektahan n’ya ako. Hindi n’ya ako pababayaan.

Marahil ay nakita nila Ate na handa na akong makaharap ang taong nasa likod ng kurtinang iyon kaya dahan-dahan s’yang pumwesto malapit sa aking harapan. Hinawakan n’ya ang kurtina at dahan-dahan ay binuksan iyon.

Napapikit ako. Inihanda ko ang sarili ko na muling makaharap s’ya.

Ilang segundo akong nakapikit hanggang sa marinig ko ang mahinang pagbulong sa akin ni Rigo mula sa aking tabi.

“Liam, nasa harap mo na s’ya. Kaya mo ’yan.” malambing n’yang sambit sa aking tenga.

Mabilis pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa halo-halong bagay. Ngunit isa lang ang sigurado ako, takot na takot ako sa mga oras na ito.

“Nandito lang ako.” muling bulong sa akin ni Rigo.

Dahil sa mga salitang iyon ni Rigo ay nagkaroon ako ng panibagong lakas ng loob. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko hanggang sa matagpuan ko ang taong naging sanhi ng malaking pagbabago ko.

Ang aking ama.

Nakaratay ito sa hospital bed habang maraming aparato ang nakakabit sa kanyang katawan.

Sinimulan ko s’yang suriin mula sa kalahati ng kanyang katawan paakyat sa kanyang mukha. At nang marating ng aking mga mata ang kanyang mukha ay halos mapaatras ako.

Ibang-iba na ang taong nasa harap ko. Malaki na ang kanyang ipinagbago.

Ang dati n’yang matikas na katawan ay tuluyan nang naglaho. Payat na ito hindi kagaya noon na halos parang semento ito na hindi madaling matibag. Impis ang kanyang dalawang pisngi na kabaligtaran noong mga panahon na kasama ko pa ito.

Ang kanyang mga mata na laging nag-aapoy sa galit noon sa tuwing makikita ako ay dilat na lang ngayong mga oras na ito. Tulala lamang s’ya at diretso ang tingin sa taas patungo sa kisame ng ospital na ito.

Ilang minuto ko s’yang sinuri. Hindi ako makapaniwala na ang taong halos hindi mapangiti kung hindi ako noon mapagbubuhatan ng kamay ay hindi na ngayon magawang igalaw kahit ang kanyang ulo man lang. Hindi n’ya ako magawang lingunin dahil nanatili s’yang tulala habang nakatingin sa kisame.

Ilang sandali pa ay nilapitan s’ya ng kanyang asawa. Dahan-dahang yumuko si Mrs. de Torres upang bulungan s’ya. Hinintay naming lahat kung may mangyayari ba sa ginawang iyon ng ginang.

Matapos bulungan ng ginang ang lalaking nakaratay sa ospital ay nasaksihan ko ang mabilis na pag-agos ng luha ng ginoo.

“A-agh-hhg.. Y-y-and- andy…” hindi nito maituwid na pagsasalita habang patuloy na lumuluha.

Ang boses n’yang iyon, ibang-iba noon na puno ng tapang. Ibang-iba noon sa tuwing ako ay kanyang masisigawan.

Naging mas mabilis pa ang paghinga ko habang pinagmamasdan s’yang nakaratay sa kama. At kahit hindi ko man gustuhin ay kusa na lamang pumatak ang mga luha ko.

Binitawan ko ang kamay ni Rigo na nakahawak sa kamay ko. Naramdaman kong ayaw n’ya iyon bitawan ngunit gusto kong kumilos sa mga oras na ito ng mag-isa.

Nang makabitaw ako ay naikuyom ko ang aking mga kamao habang nagdidikit ang mga ngipin ko.

“Anong ginagawa mo d’yan?!” madiin kong tanong sa magaling kong ama.

Hindi s’ya makasagot, hindi s’ya makapagsalita. Patuloy lamang s’yang nakatingin sa taas habang pumapatak ang kanyang mga luha.

“Nakikilala mo pa ba ako? Naaalala mo pa ba ako? Ako ’to. Ako ang anak na paborito mo! Ako ang anak mong paborito mong ipahiya, ang paborito mong saktan, ang paborito mong pahirapan! Naaalala mo pa ba ako?!” sunod-sunod kong tanong sa kanya na may kalakasan.

“Ano?! Bakit hindi ka makasagot d’yan?! ’Di ba noon kahit hindi pa ako nagsasalita, nakakatanggap na ako ng sagot galing sa ’yo?! Nakikita mo pa lang ang anino ko noon, kumukulo na ’yang dugo mo?! Huhubarin mo na lang ang sinturon mo at walang awa mong ihahambalos ’yon sa likod ko?!!! Nasaan na??!! Ilabas mo ’yang sinturon mong hayup ka!!!” sigaw ko na sa kanya habang patuloy ako sa pagluha.

Mas lalong nag-unahan ang mga luha sa kanyang mga mata. Naririnig ko na rin sa paligid ko ang malakas na pag-iyak ng aking Ate at ng aking ina.

“Eto na ako oh!!! Nakikita mo ba ako??!! Ibang-iba na ako simula nang huli kong matanggap ang pagmamalupit mo!!! Ibang-iba na ako simula noong huling pag-ilag ko sa pag-asinta mo ng baril mo!!! Kaya ko nang labanan ang demonyong kagaya mo!!! Kaya ko na ngayon lumaban ng patas sa’yo!!! Kaya tumayo ka d’yan!!! Magharap tayo!!!” tuloy-tuloy kong pagsigaw sa kanya.

Wala na akong pakialam sa mga oras na ito kahit nakikita ko s’yang nahihirapang huminga sa mga oras na ito dahil sa labis na pag-iyak.

“Masakit ba?! Masakit ba na ang dati mong anak na hindi ka magawang bulyawan, minumura ka na ngayon?!! Masakit ba??!!” tanong ko sa kanya.

Hindi pa rin s’ya makasagot kaya nagpatuloy ako sa mga sinasabi ko.

“Kulang pa ’yan!! Kulang pa ’yan, Papa!!! Kulang pa ’yan bilang kabayaran sa kahayupang ginawa mo sa akin!!! Kulang pa ’yan para pagbayaran mo ang pagsira sa buhay ko!!!” sumbat ko sa kanya.

Saglit akong tumigil dahil nauubusan na ng hangin ang katawan ko dahil sa labis na pagsigaw. Kahit pigilan ko ang mga luha ko ay hindi ko ito magawa. Nangingibabaw ang galit ko sa mga oras na ito dahil sa pag-alala sa mga naranasan ko noon sa kanya.

Wala na akong makita sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ay kami lamang dalawa ang nasa lugar na ito.

Makalipas ang ilang mga malalim na paghinga ay nagpatuloy ako sa panunumbat sa kanya. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako sumisigaw. Naging madiin na lamang ang bawat salitang namumutawi sa bibig ko. At sa bawat salitang binibitawan ko ay ang mga luha kong hindi na yata nauubos simula nang isinilang ako.

“Ano bang naging kasalanan ko, Papa..? Dahil ba sa naging bakla ako..? Dahil ba doon kaya kailangan kong pagdaanan ang lahat ng pagpapahirap mo..? Sabihin mo nga… ginusto ko ba ’to..? Pinili ko bang maging ganito…?” tanong ko sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.

“Papa… kung kaya ko lang baguhin ang sarili ko, matagal ko nang ginawa… K-kasi… kasi simula pagkabata, wala akong ibang inasam, wala akong ibang hinangad kundi ang pagbigyan kayo ni Mama… lalo ka na… gusto kasi kitang mapasaya…” pagsasalita kong mahinahon sa pagitan ng pag-iyak ko.

Nahihirapan na akong magsalita dahil naninikip na ang dibdib ko. Pero wala akong balak na itigil ang pagsasalita ko dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko simula pa noong bata ako.

“Ginawa ko naman ang lahat ’di ba..? Nakita n’yo naman lahat ng pagsisikap ko ’di ba..? Kahit ba minsan napatawag kayo noon sa eskwelahan dahil may naging problema ako..? Hindi naman ’di ba..? Pero kulang pa rin… hindi ko pa rin makuha ang atensyon mula sa inyo…”

Humihikbi na ako habang nagsasalita. Hindi na halos maayos ang mga salitang binibitawan ko dahil sa labis na pag-iyak.

Matapos ang mga salita kong iyon ay napangisi ako dahil may bagay akong naalala noong panahon na sa kanila pa ako nakatira. Naging sanhi tuloy ito para makapagbitaw ako ng mahinang pagtawa.

“Kung sabagay, kelan nga ba kayo pumunta ng eskwelahan ko? Hindi pa naman ’yon nangyari kahit minsan ’di ba? Kasi si Nanay Elise lang ang kasama ko. S’ya lang ang nag-iisang taong sinasamahan ako.”

“Naaalala ko noon kung paano ako naghihintay sa pagdating ng isa sa inyo ni Mama para isabit ang mga medalyang nakuha ko. Ako kasi ang consistent honor student noong elementary ako ’di ba? Nakaakyat na ako sa stage pero walang Mama at Papa na umakyat para isabit sa akin ang pinaghirapan kong mga medalya.”

“Para akong tanga noon na isinasabit sa sarili ko ang medalyang pinaghirapan kong makuha sa halos isang taon… Hindi kasi ako pumayag na isabit ’yon sa akin ng teacher ko… Sabi ko kasi sa kanya, magulang ko lang ang pwedeng magsabit sa akin no’n. Kaya nga kahit nandoon si Nanay Elise hindi ko pinayagan na umakyat dahil umaasa akong darating pa rin kayo… Pero nangyari ba..? Hindi. Walang nagpakita kahit anino ng isa sa inyo ni Mama…”

“Bumaba ako ng stage na sobrang lungkot ko, pero hindi ako umiyak… K-kasi… mas iniisip kong pag-uwi ko ng bahay matutuwa pa rin kayong makita na marami akong medalyang naiuwi… Pero anong nadatnan ko..? Masaya kayong nagsasalo-salo sa mesang maraming handa dahil salutatorian ang Ate ko…”

“Ang saya ’di ba..? Pareho pala kayong um-attend sa graduation ng anak n’yong salutatorian… Ang anak n’yong iisa ang medalyang suot dahil sa pagkakaroon ng pangalawang karangalan sa school…Pero ang anak n’yong first honor at nakakuha ng maraming awards, nagsabit mag-isa ng mga medalya sa taas ng stage…”

Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang braso ko. Pero kahit paulit-ulit kong gawin ito ay hindi natigil ang pagpatak ng mga luha ko.

“Alam n’yo ba kung anong iniisip ko habang pinapanood ko kayong tatlo na masayang kumakain..? Iniisip kong baka may kulang pa sa akin kaya pagbubutihin ko pa sa susunod… Gagalingan ko pa para maranasan ko naman na kayo ang magsabit sa akin ng medalya…”

“Kaso anong nangyari..? Hanggang sa makatapos ako ng high school, natupad ko ang pinangako kong pagbubutihan ko pa… Halos hakutin ko na nga ang lahat ng awards, pero kahit isang beses ba nasamahan n’yo ako sa gitna ng stage..? O kahit ang panoorin lang ako habang sinasabitan ni Nanay Elise ng medalya, nangyari ba..? Hindi. Pero narinig n’yo ba akong nagreklamo..? Hindi. Kasi ayaw ko pa ring ma-disappoint kayo…”

Mas lalo nang lumakas ang naririnig kong mga pag-iyak mula sa dalawang babae na naririto sa kwarto. Ang akin namang ama ay ganoon pa rin, patuloy na umiiyak habang nakatingin sa kisame.

“Alam mo ba kung anong mas masakit doon, Papa..? Na kahit anong gawin kong pagsusumikap, hindi ako nakatanggap kahit na isang beses na papuri galing sa inyo… Anong natatanggap ko..? ’Yung mga palo sa likod ko gamit ang bakal na sinturon n’yo…”

“Alam mo rin ba kung anong iniisip ko habang patuloy kong sinasalo ang mga pananakit mo…? Iniisip kong baka ’pag nakayanan ko ang sakit, baka sakaling marinig ko mula sa inyo na ‘ang galing ng anak ko’ … Kaso hindi ko nakakayanan, Papa… Dahil hanggat hindi ako nawawalan ng malay, hindi mo ako tinitigilan ’di ba…?”

Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay narinig ko ang pagsabat ng magaling kong ina.

“P-patawarin mo kami,Randy… patawarin mo kami…” umiiyak nitong pagsasalita.

Napangiti ako ng mapait sa kanya habang patuloy pa rin na lumuluha.

“Ikaw, Mama..? Bakit ganyan ka sa akin… Ayaw mo rin ba sa bakla..?” tanong ko kay Mama.

Hindi s’ya sumagot. Napayuko lamang s’ya habang patuloy na lumuluha.

“Alam mo bang wala akong maalala kahit isang beses na tinawag mo akong anak..? Kahit isang beses hindi ko maalala na sinamahan mo ako sa kwarto para ihele ako sa pagtulog ko… O kahit man lang sana tinawag mo ako para punasan ang likod ko kasi puno ng pawis dahil sa paglalaro… Laging si Nanay Elise… S’ya lang ang naaalala kong inalagaan akong mabuti…” sumbat ko sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.

Naitakip n’ya lamang ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha.

Nahihiya ba sila? Bakit? Bakit ngayon pa sila mahihiya? Sa tinagal-tagal na pinaranas nila ang masasakit na bagay sa akin, kahit minsan ba hindi nila naisip na nasaktan nila ako?

Nasa ganoon akong tagpo nang marinig ko ang boses ng aking  ama.

“Y… agh… an… dy…” pagtawag nito sa akin.

Nilingon ko s’ya at nakita kong sinusubukan nitong iangat ang kanyang kamay na tila ba inaabot n’ya ako.

Nagbalik ang nag-aapoy kong galit habang pinagmamasdan ang kanyang mga pagkilos.

“Subukan mo lang akong hawakan ulit! Kapag dumampi lang ’yang balat mo sa akin, sisiguraduhin kong kahit nakaratay ka pa d’yan sa hinihigaan mo, hindi ako magdadalawang-isip na gantihan ang lahat ng pananakit na ginawa mo sa akin sa mahabang panahon!” pagbabanta ko sa kanya sa madiin na tono.

Mukhang naintindihan n’ya naman ang aking sinabi kaya muli n’yang inilapag ang kanyang kamay. Ngunit kasabay ng paglapag ng kamay n’yang iyon ay ang malakas na paghikbi n’ya.

Aaminin kong nakaramdam ako ng kirot sa sulok ng aking puso sa tagpong iyon.

Pero naisip ko, noon ba kinaawaan n’ya ako? Hindi naman ’di ba?

Wala nang nagsasalita sa mga oras na ito. Tanging mga paghikbi at pag-iyak na lamang ang maririnig sa buong kwarto. Ito ang kauna-unahang beses na nakita kong umiiyak silang tatlo ng sabay-sabay sa harap ko. Ang nakakalungkot lang, kasabay nila akong umiiyak sa mga oras na ito.

Sapat na siguro ito. Siguro naman ay sapat na ang mga salitang binitawan ko para makapagsimula na ako.

Muli kong pinagmasdan ang tatlong tao na patuloy sa pag-iyak sa mga oras na ito. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na dapat ay matuwa ako. Pero bakit hindi ko matagpuan ang kasiyahang iyon sa puso ko?

Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking palad. Ginawa ko ang lahat para hindi na muli pang magpakawala ng luha ang mga mata ko. Matapos iyon ay dahan-dahan ko silang tinalikuran na tatlo.

Natagpuan ng mga mata ko si Rigo na hindi pala umalis mula sa pagkakatayo kanina sa likuran ko. Tinupad n’ya ang kanyang pangako na hindi n’ya ako iiwan. Naririto s’ya sa harap ko at nakita ko rin ang mga luha n’yang naglalandas sa mga oras na ito.

“Tara na, Rigo. Umalis na tayo. Tapos na ang pakay ko rito.” pagyaya ko kay Rigo.

Iyon pa lamang ang nasasabi ko at nakakaisang hakbang pa lang ako nang mabilis na kumilos ang aking kapatid at ang aking ina na lumapit sa akin. Pareho silang nasa tabi ko at mahigpit na hawak ang mga braso ko.

“Randy, please… parang awa mo na… ’Wag mong iwan si Papa nang hindi mo pa nasasabing napatawad mo na s’ya…” pakiusap ni Ate.

“Anak, pakiusap… patawarin mo na kami… patawarin mo na rin ang Papa mo… Sige na naman, pakiusap… ’Yan lang ang hinihiling n’ya bago s’ya tuluyang magpaalam sa atin… Patawarin mo na s’ya sa nagawa n’ya… Maawa ka, anak… pakiusap…” pagmamakaawa naman ni Mama.

Sa halip na makaramdam ako ng awa sa kanila ay mas lalo akong nakaramdam ng galit sa ginagawa nila.

Nagsalubong ang mga kilay ko at salitan silang tiningnan habang nanlilisik ang mga mata ko.

“Awa? Alam n’yo ba ang ibig sabihin ng salitang ’yan?! Hindi n’yo ’yan alam!! Dahil kung alam n’yo ang bagay na ’yan, sana pinakinggan n’yo ako noon!! Sana kahit isang beses pinakinggan n’yo ang pagmamakaawa ko sa inyo noon!!!” muli kong sumbat sa kanila ng pasigaw.

Naririnig ko rin mula sa aking likuran ang mga pag-ungol ni Papa at pagtawag sa aking pangalan na sinasabayan ng mga pag-iyak n’ya.

“Randy, naman… sige na… Kahit ’wag mo na kaming mapatawad… kahit si Papa na lang… Nagmamakaawa kami sa’yo… kahit anong maging kapalit, basta ibigay mo lang ang kapatawaran na hinihingi ni Papa…” muling pakiusap ni Ate.

“Randy…. sige na… Kahit ako na lang ang pahirapan mo… Kahit ano gagawin ko… basta mapatawad mo lang ang ama mo… ’Yon lang ang pakiusap n’ya, Randy… ’Yung mapatawad mo s’ya bago s’ya magpaalam…” pakiusap din muli ni Mama habang hawak ng dalawa n’yang kamay ang aking isang braso.

Dahil sa mga narinig ko mula sa kanila ay nabuhayan ako. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ko. Mula sa galit ay napalitan ito ng pagngisi.

“Talaga? Kahit ano gagawin n’yo?” nakangisi kong tanong sa kanila.

“Kahit ano, Randy… parang awa mo na…” walang pagdadalawang-isip nilang sagot na pareho.

Ilang segundo akong nag-isip para sa ikapapanatag naming lahat dito. At nang tuluyan akong makapagdesisyon ay mas lumapad pa ang pagkakangisi ko. Kasabay ng mga pagngisi kong iyon ay ang panlilisik ng mga mata ko.

“Kung ganon, lumuhod kayo sa harap ko! Magmakaawa kayo tulad ng pagmamakaawa ko noon sa inyo! Kung kinakailangan n’yong lumuha ng dugo, gawin n’yo! Gawin n’yo hanggang sa magbago ang isip ko!” galit na galit kong utos sa kanila.

Natigilan sila sa mga sinabi ko. Tila hindi maiproseso ng kanilang utak na kaya kong magbitaw ng mga ganitong salita.

Hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako madaling maawa o mapakiusapan. Bakit? Sino ba ang dapat sisihin dito? Walang iba kundi sila! Sila ang nagturo sa akin para maging ganito!

“Ayaw n’yo?!” tanong ko sa kanila dahil hindi na sila nakagalaw pa.

Hinablot ko ang aking mga braso mula sa kanilang mahigpit na pagkakahawak.

Kung wala silang balak na gawin ang inuutos ko, ’wag na silang umasa na pagbibigyan ko rin ang kahilingan nila.

Sisimulan ko na sanang ihakbang ang aking mga paa nang muli akong hawakan ng aking magaling ina.

“S-sandali, Randy…” mahina nitong sambit.

Nilingon ko s’ya. Nagsimula na naman s’yang umiyak ng malakas. Ngunit kasabay ng iyak n’yang iyon ay ang marahan n’yang pagbaba upang lumuhod sa aking harapan. At nang tuluyan s’yang makaluhod ay gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi.

Nilingon ko naman ang aking Ate na nanatili sa aking tabi na nakatayo.

“Hindi ka ba susunod sa magaling mong ina? Ha, Ate Sandra?” nakataas na isang kilay kong tanong sa kanya.

Kitang-kita ko ang sakit at lungkot sa kanyang mga mata. Kung noon nangyari ito, baka hindi ko matiis na makita kong ganito kalungkot ang Ate ko. Dahil sa kanilang tatlo, s’ya ang pinakamahal na mahal ko.

Nasaksihan ko ang ang unti-unting pagbaba ni Ate hanggang sa tuluyan na rin itong makaluhod sa harap ko.

“R-randy… parang awa mo na… patawarin mo na si Papa…” pakiusap ni Ate habang nakaluhod at hawak ang mga kamay ko.

“Anak… patawarin mo na s’ya.. ’yon lang ang pakiusap n’ya simula noong mawala ka… Maniwala ka, kaya s’ya nagkaganyan dahil sa labis na pagsisisi sa lahat ng nagawa n’ya sa’yo… Maraming taon din s’yang nagdusa kagaya mo… Pinagsisisihan n’ya ang lahat ng nagawa n’ya sa’yo… Sige na naman, Randy… patawarin mo na s’ya…” mahabang pagmamakaawa naman sa akin ni Mama.

Pinagmasdan ko silang pareho habang nasa harap ko. Nakatingala sila sa akin at halos lumuha na ng dugo dahil ’yon ang kagustuhan ko.

Dapat ay matuwa ako. Ito ang gusto ko ’di ba? ’Yung makita ko silang magmakaawa gaya ng pagmamakaawa ko noon sa kanila?

Pero bakit hindi ko maramdaman ang sayang hinahanap ko habang tinitingnan ko sila ngayon sa harap ko?

Sa halip na makaramdam ako ng tuwa ay natagpuan ko ang aking sarili na sinasabayan na rin ang kanilang mga pagluha. Sumasabay na rin ako sa malakas nilang pag-iyak.

Akala ko ba ako na ang may pinakamatigas na puso? Akala ko ba ako na ang may pinakapangit na ugali?

Pero bakit nalulungkot ako sa nakikita ko sa dalawang tao sa harap ko?

Hindi ko magawang magsalita. Marahan akong kumilos para hawakan ang braso nina Mama at Ate habang patuloy ako sa pagluha. At kasabay ng paghawak kong iyon ay ang paggaya sa kanila upang makatayo sila mula sa pagkakaluhod sa aking harapan.

Mas naging malakas ang iyakan naming tatlo nang matagpuan namin ang aming mga sarili na mahigpit na yakap ang isa’t-isa.

Hindi pa pala ako ganoon kasama. Hindi ko pa rin pala kaya na makita silang nahihirapan sa kabila ng masalimuot na pinagdaanan ko mula sa kanila.

Matagal kami sa ganoong posisyon. Naramdaman ko ang pinaghalong pagsisisi at pananabik sa kanilang mga yakap dahil sa pagkakahiwalay namin sa mahabang panahon.

Habang yakap ko sina Mama at Ate ay natagpuan ko si Rigo na nakangiti sa kanyang kinatatayuan habang may mga luhang naglalandas sa kanyang mga mata.

Ngayon ko naramdaman ang hinahanap ko simula nang makapasok ako rito.

Ito lang pala ang kailangan ko para mawala ang bigat sa dibdib ko. Dapat lang pala ay mapatawad ko silang lahat para tuluyan na rin akong makalaya sa nakakatakot na bangungot ng nakaraan ko.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa tagpong iyon. Ngunit naghiwa-hiwalay ang aming mga katawan habang pinupunasan ang luha ng bawat isa.

Naging tahimik ang mga sumunod na nangyari. Iniwan nila ako sa loob ng kwarto upang kausapin naman ang ama ko. Sabay-sabay silang lumabas kasama si Rigo.

Naririto ako at nakaupo sa isang silya na nasa tabi ng kama ni Papa.

Nalaman ko kanina na malubha na talaga ang kalagayan n’ya. Nagsimula ang kanyang komplikasyon sa puso simula nang mawala ako sa aming mansyon. Tanging ang mga aparatong nakakabit sa kanyang katawan ang bumubuhay sa kanya ngayon.

Ang hindi pa magandang nangyari sa kanya ay nang madiskubreng may diabetes s’ya. Iyon din ang naging dahilan kaya hindi na s’ya ngayon makakita. Kaya pala tuwid na lang ang kanyang tingin sa kisame dahil tanging kadiliman na lang ang kanyang nakikita.

Pinagmasdan ko s’yang mabuti. Malaki na talaga ang ipinagbago n’ya. Hindi na s’ya tulad ng dati na nakakatakot ang mga mata.

“P-papa…” nauutal kong pagtawag sa kanya.

Kailan ko ba huling tinawag ang pangalan n’ya? Matagal na panahon na.

“A…ng…ghhh…” pag-ungol n’ya lang bilang sagot.

Naikagat ko ang ibabang labi ko para pigilan muli ang pagluha ko. Pero kahit anong pagpigil ko ay hindi pa rin nakaligtas ang mga luha kong iyon na kumawala sa aking mga mata.

“P-patawarin n’yo po ako kung naging ganito ako… k-kung… kung naging bakla ako…” nauutal kong pagsasalita.

“Hindi ko naman po ito ginusto eh… Sinubukan ko naman pong magbago para lang masunod kayo noon… pero kahit anong gawin ko, eto na po talaga ako…” pagpapatuloy ko at mas nadagdagan pa ang mga luhang naglalandas mula sa mga mata ko.

Hindi pa rin s’ya nakasagot o nakapagbigay ng reaksyon.

Gising na gising s’ya dahil mulat ang kanyang mga mata. Alam kong kahit hindi n’ya ako nakikita ay naririnig n’ya ako. Napapansin kong iginagalaw n’ya ang kanyang daliri sa tuwing magsasalita ako.

Napangiti ako ng mapait habang nakatitig sa kanya.

“Naaalala mo ba noon, Papa..? ’Yung tuwing uuwi ka galing sa misyon mo, ako ang unang hinahanap mo..? Sa labas pa lang ng mansyon, tinatanong mo na ang mga kasambahay natin kung nasaan ang unico hijo mo..?” tanong ko sa kanya.

“Iyon lang ang nag-iisang bagay na naaalala ko simula nang magbago ang pakikitungo mo sa akin… simula nang malaman mong iba ako sa inaasahan mo…” umiiyak kong pagpapaalala.

Mula sa aking pwesto ay nakita ako ang muling pagpatak ng luha ni Papa mula sa kanyang mga mata.

“A-ang… ang tagal kong hinintay na mangyari ulit ’yon, Papa… Pero habang lumalaki ako… sa halip na salubungin kita, pinagtataguan na kita… Kasi takot na takot ako marinig ko pa lang ang boses mo…”

“Bakit kailangang umabot tayo sa ganon, Papa…? Malaking kasalanan po ba ang maging bakla…?”

“Wala naman nagbago sa akin noon eh… K-kahit… kahit bakla ako, hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sa ’yo, sa inyo… Pero bakit kailangan kong sapitin ’yon sa kamay mo…?”

Alam kong mali ang sumbatan ko s’ya sa mga oras na ito. Pero ito ang mga bagay na gusto kong itanong sa kanya simula pa noon. Ito ang mga katanungan na hindi ko kayang itanong sa kanya noon dahil natatakot ako. Kaya wala akong ginawa noon kundi idaan sa pag-iyak ang lahat habang tinatanggap ang bawat latay na ibinibigay n’ya sa akin.

Napayuko na ako at ipinatong ang aking ulo sa aking mga braso na nasa ibabaw ng kanyang kama.

Matagal ako sa ginagawa kong pag-iyak at ganoon din s’ya. Sa bawat pahikbi ko ay ang mahihinang ungol na nagmumula sa kanya dahil sa pag-iyak din n’ya.

Nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman kong ipinatong n’ya ang kanyang kamay sa aking ulo. Natigilan ako dahil sa labis na pagkabigla.

Unti-unti kong inangat ang aking ulo upang tingnan s’ya.

“Y…y…an..ghh.. and..y…” nahihirapan n’yang pagbigkas sa aking pangalan dahil sa pag-iyak.

Mas lalo akong napahagulgol. Kailan ba ang huling araw na naramdaman ko ang marahang paghaplos n’ya sa aking ulo?

Ang sarap pala sa pakiramdam. Ito ang matagal kong hiniling na mangyari simula pa noon.

Habang patuloy ako sa paghagulgol ay marahan kong kinuha ang kamay n’yang iyon mula sa aking ulo. At nang tuluyan ko itong makuha ay mahigpit ko itong hinawakan gamit ang dalawa kong kamay. Idinikit ko iyon sa aking mukha at paulit-ulit na hinalikan.

“Papa…” tangi ko lamang nasambit habang patuloy na lumuluha.

Nagbalik sa akin ang pakiramdam ng pananabik sa isang ama. Ito ang nararamdaman ko noon sa tuwing hinahanap-hanap ko s’ya sa tuwing mawawala s’ya para sa isang misyon bilang sundalo.

“Sorry po, Papa… S-sorry po kung nabigo kayo sa akin… Sorry po kung hindi ko natupad ang isang bagay na gusto n’yong mangyari sa akin…”

“Pero sinubukan ko naman bumawi sa ibang bagay ’di ba…? Nabigyan ko naman kayo ng karangalan sa ibang bagay, Papa… Pwede n’yo pa rin po akong maipagmalaki… K-kasi… kasi nagkaroon kayo ng anak na hindi tumulad sa ibang bata noon na napariwara na ngayon…”

“Pero gusto ko rin malaman n’yo, Papa… Wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kung hindi dahil sa inyo… Sa bawat tagumpay na natamasa ko, kahit nabuhay ako sa galit sa inyo, kahit kailan hindi nawaglit sa isip ko na malaki ang parte n’yo rito… Kasi kung wala kayo, walang Randy na taas-noong tatayo sa ibabaw ng entablado…” mahaba kong litanya sa kanya.

Nakita ko kung paano sinusubukan ni Papa ang ngumiti kahit hirap na hirap s’ya. At sa paraan ng ginagawa n’yang iyon ay alam kong nakakaramdam s’ya ng tuwa.

Proud sa akin si Papa. At kahit ganito ang sitwasyon n’ya ngayon ay alam kong ipinagmamalaki n’ya ako sa mga oras na ito.

“Unghh… pa… t… awa.. in.. m.. ko..” hirap na hirap n’yang pagsasalita.

Nang marinig ko iyon sa kanya ay gumuhit ang ngiti sa aking labi kahit patuloy ang paglandas ng aking mga luha.

Inangat ko ang isa kong kamay upang abutin ang kanyang mukha. Marahan kong pinunasan ang luha n’ya gamit ang aking daliri.

“Pinapatawad na kita, Papa… At kahit hindi ka na humingi na tawad sa akin ngayon, hindi ko na hihilingin pa ’yon… Sapat na ang maramdaman kong tanggap mo na ako… Sapat na ang malaman kong hinahanap mo pa ako… Masaya na akong malaman na may tatay pa pala ako na gusto akong makasama sa mga oras na ’to…” dire-diretso kong pagsasalita sa pagitan ng pag-iyak ko.

“Salamat, Papa… salamat…” huli kong mga salita habang suot ang pagkakangiti ko.

.

.

.

.

.

.

“Receive the Lord’s blessing. The Lord bless you and watch over you. The Lord make his face shine upon you, and be gracious to you. The Lord look kindly on you and give you peace…

In the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit.“ huling bahagi ng seremonya.

“Amen.” sabay-sabay naming sambit.

Lahat kami na miyembro ng pamilya ay nagsilapit sa kahon kung saan naroroon si Papa. Payapa ang kanyang mukha sa likod ng salamin kung saan s’ya nakahiga.

Ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko s’ya.

Akala ko ay ubos na ang mga luha ko sa nakalipas na araw na nakasama ko s’ya. Ngunit nang simulan kong haplusin ang salamin sa kanyang kabaong ay may kumawala pa ring mga luha mula sa aking mga mata.

Dalawang araw simula nang magkita kaming muli ay tuluyan na rin s’yang nagpaalam sa aming lahat. Ako ang huling taong nakasama n’ya bago s’ya tuluyang mawalan ng hininga.

Hawak n’ya noon ang kamay ko at napakahigpit ng pagkakakapit n’ya rito. Wala kaming binibigkas na salita nang mga oras na iyon. Pinagmamasdan ko lamang s’ya habang ang mga mata n’ya ay nakatuon pa rin sa kisame.

Nasa ganoon kaming tagpo nang maramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak n’ya sa aking kamay. Kasunod ng mahigpit n’yang hawak ay nagulat ako nang igalaw n’ya ang kanyang ulo.

Ang hindi ko maipaliwanag nang mga oras na iyon ay nang magtagpo ang aming mga mata. Tila ba malinaw n’yang nakikita ang aking imahe kahit bulag na s’ya. At habang magkatitigan kami ay nasorpresa ako nang gumuhit ang isang malapad na pagkakangiti sa kanyang mga labi.

Ilang segundo lamang iyon. Ngunit kasunod noon ay dahan-dahan n’yang ipinikit ang kanyang mga mata. Nagsimula nang mamuo ang mga luha ko lalo na noong maramdaman kong lumuwag na ang pagkakahawak n’ya sa aking kamay.

Iyon na ang huling pagkakataon na nagkasama kami ni Papa na may buhay pa s’ya.

Hindi ako nakakaramdam ng lungkot sa mga oras na ito. Sa katunayan ay panatag ako dahil hindi ko na makikita pa ang paghihirap n’ya sa ospital.

“Paalam, Papa… hanggang sa muling pagkikita…” nasambit ko habang hinahaplos ang salamin ng kabaong n’ya.

Pinanood namin ang pagbaba ni Papa sa hukay hanggang sa matabunan ito ng lupa.

Tinanong ako ni Rigo kanina kung nalulungkot daw ba ako. Hindi ko iyon masagot dahil hindi ko matukoy kung ano nga ba ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

Kinapa ko ang aking dibdib.

Hindi ako nalukungkot. Pero ang nararamdaman ko sa mga oras na ito ay purong panghihinayang.

Nanghihinayang ako sa matagal naming pagkakalayo. Dahil sa maling pag-intindi sa akin ni Papa, nawalan kami ng tyansa na magkasama pa ng matagal.

Ngunit naisip ko, hindi lang naman s’ya ang may pagkukulang dito. Maging ako ay may kasalanan din dahil nagpakulong ako sa takot. Kung noon pa lang sana ay hinarap ko na sila, sana ay mas matagal pa kaming nagkasama.

Pero sa kabilang banda, masaya pa rin ako dahil hindi pa nahuli sa amin ang lahat. Nabigyan pa kami ng oras para magkasamang muli at magkapatawaran.

“Let’s go?” pagyaya sa akin ni Rigo matapos ang mahabang seremonya sa libing ni Papa.

“Sandali na lang.” pakiusap ko sa kanya.

Nilingon ko si Nanay Elise na nasa tabi ni Rigo.

“’Nay, mauna na po kayo ni Rigo sa sasakyan. Kakausapin ko lang si Mama.” pagkausap ko kay Nanay Elise.

“Sige, anak. ’Wag ka lang magtatagal dahil baka gabihin tayo sa biyahe.” paalala nito.

Tumango na lamang ako sa kanya bilang pagsagot.

Sabay na silang umalis ni Rigo para tunguhin ang aming kotse.

Hindi na ako nagtagal pa sa pagkakatayo at mabilis kong inihakbang ang aking mga paa para puntahan ang aking ina. Nanatili itong umiiyak habang nakaupo sa mahabang silya na malapit sa libingan ni Papa.

Umupo ako sa kanyang tabi ngunit hindi n’ya man lang ako nagawang lingunin. Nanatili s’yang nakatitig sa lapida ni Papa.

Ibinaling ko rin ang aking tingin sa lapida ni Papa.

‘Rolando de Torres’

’yan ang nakaukit sa lapida.

Ilang minutong katahimikan ang namayani bago ako nagsalita.

“Aalis na po ako.” pagpapaalam ko kay Mama.

“Mag-iingat ka.” mahina n’ya lamang na sagot.

Huminga ako ng malalim. Pareho pa rin kaming nakatingin sa lapida ni Papa.

“Hanggang sa huling sandali ng buhay ni Papa, hindi n’yo pa rin sinabi sa akin ang katotohanan.” malungkot kong pagsasalita.

Nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata na natigilan si Mama at dahan-dahan akong nilingon. Alam kong kahit hindi ko s’ya kaharap ay nagtataka ang kanyang ekspresyon sa mga oras na ito.

Hindi s’ya nagsalita kaya nagpatuloy na lamang ako.

“Hanggang ngayon po ba wala pa rin kayong balak sabihin sa akin ang totoo?” tanong ko sa kanya.

Sa wakas ay nagawa n’yang magsalita.

“A-anong ibig mong sabihin?” tanong ni Mama pabalik sa akin.

“Na hindi mo ako tunay na anak. Na si Ate Sandra lang ang tunay mong anak. Nagmula ako sa kabit ni Papa noon. Na wala na ang tunay kong ina dahil namatay rin s’ya sa pagpapanganak sa akin.” dire-diretso kong pagsagot sa kanya.

Nasaksihan ko ang pag-angat ng kanyang palad patungo sa kanyang bibig.

Nilingon ko s’ya at nakita kong nanlalaki rin ang kanyang mga mata.

Nagbitaw ako ng mapait na ngiti sa kanya.

“Matagal ko na pong alam ’yon, Mama. Bata pa lang ako noong marinig ko kayong nagtatalo ni Papa. Pinagtatalunan n’yo ako dahil mas naging malapit sa akin si Papa kesa kay Ate Sandra na anak n’yong dalawa. Noong panahon na hindi pa alam ni Papa na ganito ako, na bakla ako.” mahaba kong pagbubunyag sa kanya.

Nakita kong bumuhos muli ang masagana n’yang mga luha sa kanyang mga mata.

Nakangiti pa rin ako. Hindi ko iyon tinanggal sa labi ko.

“Kaya nga kahit minsan hindi ka nagpakita ng interes sa akin ’di ba? Kasi hindi mo naman ako tunay na anak.” malungkot kong saad.

Sa wakas ay nakapagsalita s’ya.

“I’m sorry, Randy… Nangako kasi ako sa Papa mo na hindi namin ’yon ipapaalam sa ’yo… Kaya kahit si Sandra ay walang alam o maging si Nanay Elise n’yo… Patawarin mo ako, Randy… patawarin mo ako…” umiiyak nitong paliwanag.

Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang ay hindi ako nakaramdam ng galit sa bagay na iyon.

“’Wag po kayong mag-alala, hindi ako galit sa inyo. Hindi ko rin naman kayo masisisi kung sa bawat paghingi ko ng saklolo noon sa inyo ay hindi n’yo ako pinakinggan. Naiintindihan ko kayo. Dahil sa bawat oras na nakikita mo ako, naaalala mo ang pagtataksil sa’yo noon ni Papa. Dahil iniisip mong ako ang kabayaran sa makasalanan kong ina, sa pagtataksil nilang dalawa ni Papa.” muli kong pagbubunyag sa kanya.

Nasabi ko ang mga bagay na iyan na walang mahalukay kahit na katiting na galit mula sa aking puso.

“Nakiusap sa akin ang Papa mo na ’wag na iyon ipaalam sa’yo. Gusto n’yang makita mo pa rin na isang pamilya tayo.” malungkot n’yang pagsasalita.

Natawa ako ng mapait.

“Pero kahit naman hindi ko pa alam noon, hindi naman tayo naging buo ’di ba? Wala naman kaibahan kung nalaman ko o hindi.” sagot ko sa kanya.

Mas lalo s’yang napaiyak sa mga sinabi kong iyon. Ngunit kasabay ng paghagulgol n’ya ay hinawakan n’ya ang aking mga kamay na nakapatong sa aking mga hita.

“Patawarin mo ako sa lahat ng naging kasalanan ko sa’yo, Randy… Patawarin mo ako kung hindi kita natulungan noon… Maniwala ka… may mga pagkakataon na gusto kitang iligtas sa kanya… Pero kahit ako, natatakot sa ama mo… Iniisip kong ’wag na lang s’yang kontrahin sa gusto n’ya dahil baka kami naman ng anak ko ang pagbalingan n’ya…” pagtatapat n’ya sa pagitan ng pag-iyak.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.

“Kaya nga ginawa ko ang lahat para maipadala si Sandra sa ibang bansa… Dahil kahit s’ya, hindi n’ya na kayang makita ka na sinasaktan ng ama mo… Masyado nang naapektuhan ang kapatid mo kaya nakapagdesisyon akong sa ibang bansa na lang s’ya pag-aralin…”

“Ilang beses na nagmakaawa noon si Sandra na ’wag s’yang ipadala sa ibang bansa dahil ayaw ka n’yang iwan… Pero dahil nga bata pa s’ya, wala s’yang nagawa nang sapilitan namin s’yang ipadala sa ibang bansa… Natatakot kasi ako sa kaligtasan ni Sandra… natatakot ako sa magiging epekto sa kanya habang nakikita ng dalawa n’yang mga mata ang pagmamalupit sa’yo ng ama mo…” sunod-sunod n’yang paliwanag.

Muling naglandas ang aking mga luha dahil sa narinig ko. Muli ko kasing sinariwa ang mga pagkakataon noon na nag-iisa ako. Pero sa kabilang banda, naisip kong tapos na rin ang mga paghihirap kong iyon. Makakalaya na ako.

Hinawakan ko rin ng mahigpit ang kamay ni Mama.

“Paano na ’to, ’Ma..? Ulila na pala talaga ako..?” umiiyak kong tanong sa kanya.

Umiling s’ya ng maraming beses habang umiiyak.

“Hindi… hindi pa, anak… N-nand’yan pa naman ang kapatid mo ’di ba..? Magkadugo pa rin kayo… At kung mapapatawad mo pa ako sa kabila ng mga naging kasalanan ko… pwede naman tayong magsimula ’di ba..? Pangako… babawi ako sa mga naging pagkukulang ko sa’yo noon bilang pangalawa mong ina… babawi ako hanggang sa huli kong hininga…” nahihirapan n’yang pagsasalita. Inangat n’ya rin ang aking mga kamay at paulit-ulit na hinalikan iyon.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko sa mga oras na ito na anak n’ya ako. Ang sarap pala sa pakiramdam. Ang matagal kong inaasam na mangyari ay nangyayari na sa mga oras na ito.

“’Ma… Gusto kong malaman n’yo na kahit nalaman ko noon na hindi kayo ang tunay kong ina, hindi nagbago ang tingin ko sa inyo habang lumalaki ako… Ikaw pa rin ang itinuturing kong ina dahil sa’yo na ako lumaki…” 

“At kahit na hindi mo ako noon sinaklolohan, nagpapasalamat pa rin ako… Dahil kahit pinapanood mo lang ako noong mga oras na ’yon, hindi mo naman ako pinagbuhatan kahit minsan ng kamay… Sapat na sa akin ’yon… malaking bagay na sa akin ’yon…” patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang binibigkas ko ang mga salitang ’yon.

Kahit puno ng luha ang kanyang mga mata ay nakita ko kung paano unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang ngiti n’yang sa kauna-unahang pagkakataon simula nang lumaki ako ay iginawad n’ya sa akin.

“Salamat, anak… salamat…” sambit n’yang umiiyak at mabilis akong niyakap.

Dinama ko ang yakap n’yang iyon. At kahit hindi ko s’ya tunay na ina ay naramdaman ko sa kauna-unahang pagkakataon ang yakap ng isang ina na matagal kong pinangarap mula sa kanya.

Ilang minuto rin kaming ganoon hanggang sa maghiwalay kami. At nang tuluyan kaming maghiwalay ay suot na rin namin ang aming mga ngiti.

“Paano po? Kailangan ko na pong umalis. Lagi po kayong mag-iingat, Mama, kayo ni Ate.” maluha-luha kong pagpapaalam sa kanya.

Marahan s’yang tumango.

“Mag-iingat ka rin ha? Kayong dalawa ni Nanay Elise… At kung papayagan mo kami, pwede ba kaming dumalaw paminsan-minsan sa bahay mo para bisitahin kayo..?” nahihiya n’yang pagpapaalam.

Mas lumapad ang pagkakangiti ko.

“Oo naman po. Isama n’yo na rin po minsan ang mga pamangkin ko.” pagtukoy ko sa dalawang anak ni Ate.

Nalaman kong sa ibang bansa na rin pala nakapag-asawa ang Ate ko at masayang namumuhay kasama ang kanyang pamilya.

“Sige… Alam kong matutuwa s’ya ’pag nalaman n’ya ’yan…” nakangiti nitong sambit.

Pareho kaming nakangiti habang pinupunasan namin ang luha ng isa’t-isa. Sa tagal ng panahon na inasam ko ang bagay na ito ay napakasaya ko dahil sa wakas ay nangyari na ito. Nagkaayos kaming dalawa kahit alam naming pareho na wala kaming direktang ugnayan na dalawa.

Ilang minuto pa akong nagtagal na kausap si Mama bago ako nagdesisyon na tuluyang umalis.

Habang naglalakad ako patungo sa sasakyan namin nina Rigo ay nakasalubong ko naman ang babaeng itinuturing kong pinakamahalagang babae noon sa buhay ko.

“Uuwi ka na?” malungkot nitong tanong.

“Oo, Ate.” sagot ko sa kanya.

Matapos iyon ay mabilis s’yang humakbang patungo sa akin. At nang tuluyan s’yang makalapit ay wala na kaming binigkas pang kahit na anong salita. Pareho na lamang namin niyakap ng mahigpit ang isa’t-isa.

“Na-miss kita, bunso… kung alam mo lang kung paano ako araw-araw na nagdadasal na makita kitang muli…” umiiyak na nitong pagsasalita.

Muli ay hindi ko napigilan ang lumuha.

“Ako rin, Ate… Na-miss ko ang lahat sa’yo… Na-miss ko ang pag-aalaga mo…” pagtatapat ko sa kanya habang umiiyak.

Mas naging mahigpit pa ang pagkakayakap namin sa isa’t-isa. Dinama namin sa mahigpit naming mga yakap ang pananabik sa isa’t-isa, ang pangungulila sa isa’t-isa dahil sa mahabang panahon na pagkakahiwalay naming dalawa.

“Grabe, mas matangkad na ngayon sa akin ang angel ko… At lumaki ka pang ang gwapo-gwapo…” sambit n’ya at nagbitaw ng mahinang pagtawa kahit umiiyak pa rin s’ya.

Natawa rin ako sa kanyang sinabi.

“Maganda ako, Ate.. Mas maganda na nga yata ako sa’yo eh…” natatawa kong pagkontra sa kanya.

Mas lalo s’yang natawa sa sinabi kong iyon.

“Kung sabagay… sa sobrang ganda mo, mas gwapo pa ang jowa mo kesa sa asawa ko…” pagbibiro n’yang muli.

Hindi na ako nakasagot sa sinabi n’yang iyon dahil mas lumakas na ang tawa ko.

Nagbitaw kami sa pagkakayakap habang patuloy sa pagtawa.

“Hindi naman ito ang huli nating pagkikita, ’di ba..?” tanong n’ya sa akin.

Nakatingala s’ya sa akin dahil mas matangkad na nga ako sa kanya ngayon.

“Oo naman. Dadalawin n’yo ako sa Manila ’di ba? Kasama ng mga bagong anghel ng buhay mo…” sagot ko sa kanya.

Muli s’yang natawa.

“Kahit may mga bago na akong anghel, Randy, hindi maitatangging ikaw pa rin ang kauna-unahang anghel sa buhay ko… Ikaw pa rin ang pinakamamahal kong bunso… ikaw pa rin ang nag-iisang kapatid ko…” wika n’ya at pinisil ang ilong ko.

Dahil sa narinig ko mula sa kanya ay sumilay ang ngiti sa aking mga labi.

Muli ko s’yang niyakap ng mahigpit na tinugunan n’ya rin ng pareho sa akin.

“Mag-iingat ka lagi, Randy, ha? At kung may problema ka, sana… sana, tulad ng dati, sa akin ka unang magsusumbong ha? Dahil kahit malayo ako sa’yo, ako ang unang taong sasampal sa mang-aapi sa bunso ko…” mahaba n’yang paalala.

Nanariwa sa akin ang mga kaganapan noong mga bata pa kami. S’ya ang mas matapang sa aming dalawa dahil talagang nakikipagsuntukan pa s’ya sa lalaki sa tuwing may umaapi sa akin na bata. Natigil lamang iyon nang ipadala na s’ya sa ibang bansa.

“Ikaw din, Ate… Alagaan mo rin si Mama dahil wala na s’yang makakasama…” bilin ko rin sa kanya.

Naramdaman ko ang marahan n’yang pagtango bilang pagsagot.

Tulad ni Mama ay ilang minuto rin kaming magkayakap ni Ate. At matapos ang ilang mga bilin ay tuluyan na rin kaming nagpaalam sa isa’t-isa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa sasakyan namin nina Nanay Elise at Rigo.

Naabutan ko si Rigo na nakatayo habang nakasandal sa labas ng kotse. Nasa dalawang bulsa n’ya ang kanyang mga kamay habang matiyagang naghihintay.

Nang makita n’ya akong papalapit ay mabilis s’yang kumilos. Naglakad s’ya papalapit sa akin at hinawakan ako sa isang kamay.

“Are you okay?” tanong n’yang nag-aalala.

Napangiti ako.

“Oo naman.” sagot ko.

Siguro ay may natira pa akong luha kaya pinunasan n’ya iyon gamit ang kanyang daliri.

“Good.” nakangiti na n’ya ngayong sambit.

Hinalikan n’ya muna ako sa noo bago muling nagsalita.

“Let’s go.” pagyaya n’ya at inakbayan naman ako.

Habang naglalakad kami patungo sa kotse ay nilingon ko s’ya sa aking tabi. Inilagay ko rin ang aking isang kamay sa kanyang bewang.

Nilingon n’ya rin ako at suot n’ya ang kanyang pinakamagandang ngiti. At habang nakatitig ako sa kanyang mukha ay halo-halong bagay na ang tumatakbo ngayon sa aking isipan.

Tapos na ang pagharap ko sa nakaraan ko. Tapos na ang isang bangungot na tinatakasan ko.

Pero ito na rin ang simula ng panibagong pakikipaglaban ko.

Magsisimula na ang lahat para ayusin naman ang mga dapat ayusin sa pagitan namin ni Rigo.

Wala pa kaming mga plano. Pero ang ipinagdadasal ko na lamang sa mga oras na ito ay sana…

…sana makayanan namin itong pareho ni Rigo.


A/N

Sino ang umiiyak d’yan simula sa umpisa nitong chapter hanggang sa matapos? ’Wag kang mag-alala, kwits lang tayo. Umiiyak ako simula sa umpisa hanggang sa matapos kong i-type ito.

Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa nitong kwento. At mas lalo akong nagpapasalamat sa patuloy na naniniwala sa magandang resulta nitong kwento. Pakiramdam ko kasi, naniniwala kayo sa kakayahang meron ako. 

Emeged. Nakikisabay pa ako sa drama.

Hanggang sa susunod na update po, mga mahal ko!

Salamat po sa mga magbibigay ng votes at comments!

Enjoy your vacation, mga mahal ko! Hanggang sa muli!

–– cold_deee

Add n’yo rin po si Randy on his Facebook account:

Randy Liam de Torres

Abangan ang pagmamaldita n’ya doon. 😂😂

chapter 12

A/N

Okay, dito muna tayo sa medyo magaan.

Konti na lang, magaganap na ang hindi inaasahan ng lahat.

Guys, baka may gustong mag-add kay Randy Liam de Torres d’yan sa facebook. Yes, may FB account s’ya. At doon s’ya nagkakalat ng kamalditahan. 😒

Para nga pala kay @secretwish2002 ang chapter na ’to. Salamat sa magandang feedback sa last chapter! Yey!

Enjoy reading mga mahal ko!

––> si Rigo po sa media. ©tto


RANDY’s POV

“Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang?”

“Pero, Coke, baka naman pwede mo pang magawan ng paraan?”

“That can’t be possible!”

“Holy sh*t!”

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula kay Rigo.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ito sa terrace ng kwarto kung saan kami natutulog na dalawa.

Nakahiga pa rin ako at pinagmamasdan ko ang kanyang reaksyon sa mga oras na ito habang may kausap sa telepono.

“Baka pwede mo pa silang mapakiusapan? Kahit mga one week na lang?” pakiusap n’ya sa kanyang kausap.

Nang tingnan ko ang kanyang reaksyon ay napansin ko ang pinaghalong pagkainis at pag-aalala rito.

“Okay. Balitaan mo na lang ako.” huli n’yang sambit at ibinaba na ang telepono.

Gusto ko pa sanang ipikit ang mga mata ko para magpanggap na tulog ngunit huli na. Mabilis s’yang tumalikod upang harapin kung saan n’ya ako huling iniwang natutulog.

Nang magtagpo ang aming mga mata ay mabilis na gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Mabilis na nagbago ang kanyang ekspresyon mula sa pagsimangot.

“Good afternoon, Liam.” bati n’yang nakangiti habang papalapit sa akin.

Tanging tipid na ngiti lang ang iginanti ko habang umaahon mula sa pagkakahiga.

Nang makalapit s’ya sa akin ay mabilis n’ya akong hinalikan sa noo at tinabihan ako sa pagkakaupo.

“Kamusta ang tulog mo?” tanong n’yang nakangiti.

“Ayos lang.” sagot ko at mas lumapad ang pagkakangiti ko sa kanya.

Tatlong linggo matapos ang libing ng aking ama ay pinahintulutan kaming bigyan ng mag-asawang Xander at Tom na magleave muna sa trabaho.

Nang masabi namin ang nangyari ay nagkaroon pa kami ng kaunting pagtatalo ni Xander dahil hindi n’ya nalaman ang mga kaganapang iyon. Mabuti na lang at sa huli ay inunawa na lang n’ya ako dahil na rin sa bilis ng mga pangyayari. Naisip kong mabuti na ring hindi nagpunta si Xander para makita ang pamilya ko. Dahil kung nagkataon, baka nasumbatan n’ya rin sila. Isa rin kasi s’ya sa may mga hinanakit sa kanila dahil alam n’ya ang pinagdaanan ko sa kamay nila.

“Get up. Lunch time na.” pagyaya sa akin ni Rigo.

Sa totoo lang ay inaantok pa ako dahil inabot kaming dalawa ng madaling araw kanina sa panonood ng dvd. Pero kung babalik naman ako sa pagtulog, baka hindi na naman kami makatulog ng maaga tulad ng mga nagdaang araw. Baka tuluyan nang magbago ang nakasanayan naming oras ng paggising.

Siguro ay gutom na rin si Rigo. Marahan n’ya akong iginaya para makatayo mula sa pagkakaupo.

“Do your thing, tutulungan ko lang si Nanay Elise na maghanda ng lunch.” malambing n’yang pagkausap sa akin.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga oras na ito.

“Rigz, naman… Paano ko magagawa ang mga dapat kong gawin kung hindi ka bibitaw sa akin?” tanong ko sa kanya.

Pagtayo ko kasi sa kama ay mahigpit n’ya akong niyakap at paulit-ulit na hinalikan sa ulo.

Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa. Heto na naman s’ya at ang agang kinilig.

“Sige na nga. Bilisan mo lang ha?” natatawa n’yang paalala.

Tanging mahinang pagtawa lang din ang naitugon ko kasabay ng pagtugon ko sa kanyang yakap.

Habang nakaharap sa salamin dito sa aking banyo ay muli kong tinitigan ang aking sarili sa salamin. Nakasanayan ko na ito simula pa noon at maraming bagay ang tumatakbo sa aking isip sa tuwing ginagawa ko ito.

Napangiti ako habang nagsisipilyo.

Ibang-iba na ang nakikita ko sa repleksyon ko sa salamin. Kung dati-rati ay mabigat ang kalooban ko sa tuwing makikita ko ang aking imahe, ngayon ay ibang-iba na.

Pakiramdam ko ay muli akong isinilang, pakiramdam ko ay nagbalik ako sa umpisa. Hindi ko na rin maramdaman ang bigat ng kalooban ko noon na malaki ang nagiging epekto sa buong araw ko.

Simula nang magkita kami ng aking pamilya at simula nang mapatawad ko sila ay malaki na ang naging pagbabago ko. Nagagawa ko nang ngumiti ng totoo habang pinagmamasdan ang repleksyon ko. Magaan na rin ang bawat panimula ng araw ko.

Bakit nga ba hindi? Sa mga nakalipas na araw simula nang makaharap ko ang pamilya ko ay hindi pa ulit nangyayari na napanaginipan ko ang dating bangungot ko.

Ito ang bagay na nagbibigay sa akin ng kaginhawaan. Nagiging positibo ang umpisa ng araw ko dahil gigising akong walang iniisip at inaalala.

May pagkakataon pa na minsan ay nagising ako at nabungaran ko si Rigo na nakatitig sa akin habang nakangiti. Nagtaka ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay matagal na s’ya sa ginagawa n’yang pagtitig sa akin habang natutulog ako.

Nang tanungin ko s’ya kung bakit s’ya nakangiti ay sinagot lamang n’ya ako na nakangiti rin daw kasi ako habang nahihimbing sa pagtulog ko. Wala naman akong maisagot sa kanya noong mga oras na ’yon kundi ang mas malapad pang pagkakangiti habang nakatitig rin sa kanyang mukha.

Ngayon ko napagtanto na ang hinahanap ko palang mabisang gamot sa aking bangungot ay ang pagpapatawad sa pamilya ko. Iyon pala ang mabisang paraan para makalaya ako.

“Good morning, Nanay!” masaya kong bati sa aking yaya nang makarating ako sa kusina. Binigyan ko rin ito ng yakap at halik sa noo.

“Tanghali ka na naman nagising, Liam. Hindi na tuloy kayo nakapag-almusal ni Rigo.” sermon n’ya.

“Sorry, Nanay. Si Rigo po kasi, niyaya akong manood ng dvd kagabi hanggang abutin kami ng madaling araw.” pagdadahilan ko at sinulyapan ko agad si Rigo.

Napatigil si Rigo sa ginagawa n’yang paghahanda ng aming kakainin para umapela.

“Ha?! Bakit ako?! Ikaw ’tong halos hindi na makatayo dahil ayaw mong maistorbo sa panonood!” gulat n’yang reaksyon.

Muli kong nilingon si Nanay Elise na nasa tabi ko. Nakaisip ako ng ideya para inisin si Rigo.

“’Nay, wala ba kayong napapansin? Marunong nang umembento ng kwento si Rigo, marunong na rin s’yang sumagot sa inyo. Nanay, hindi na kayo nirerespeto ni Rigo. Baka sa susunod sigaw-sigawan na lang n’ya kayo.” pagbabait-baitan ko.

“Hoy, Liam ha?! Saan mo nakuha ’yang idea na ’yan? Saka anong pinagsasabi mong sinasagot-sagot ko si Nanay Elise?! Ikaw ang kausap ko!” pakikipagtalo sa akin ni Rigo at alam kong malapit na s’yang mainis.

Napangisi ako sa aking isip.

“Nakita mo ’Nay?! Sinisigawan na n’ya ako!” pagpapaawa ko kay Nanay Elise habang tinuturo si Rigo.

“Aba’t!” sambit lang ni Rigo at talagang naiinis na ito.

Gusto ko nang matawa sa nagiging reaksyon ni Rigo. Pero dahil nasimulan ko na ay gusto kong ituloy-tuloy ito.

“O, tingnan mo ’Nay! Ang susunod n’yan sasaktan na n’ya ako!” pagsusumbong ko pa rin kay Nanay Elise.

Nakita kong namumula na si Rigo sa inis. Ako lang talaga ang may kakayahan na pasabugin ang galit ng taong ’to. Napakahaba ng pasensya n’ya, pero pagdating sa akin, madali s’yang mapikon. Pero ang ikinakatuwa ko, kahit inis na inis na s’ya sa akin, s’ya pa rin ang lalapit makalipas ang ilang minuto para lambingin ako.

Akmang magsasalita na naman si Rigo para sagutin ako ay nagsalita na si Nanay Elise.

“Sandali nga!” mataas na boses na pag-awat sa amin nito.

Natahimik kaming pareho ni Rigo. Galit na ang Nanay ko kaya dapat ay manahimik na ako.

Matalim ang mga mata ni Nanay Elise na tiningnan ako.

“Ikaw, Liam, ha? Hindi ka na nagbago! Kung ano-ano na lang ang naiisip mo para mang-inis ng ibang tao! Ang hilig-hilig mong gumawa ng kwento! Hindi ka na bata, por Dios por santo!” sermon n’ya sa akin at paulit-ulit na dinadampi ang hintuturo n’ya sa aking noo.

Gusto kong sambitin ang paborito kong ‘punyeta’ dahil parang naaalog ang utak ko sa pagdutdot ni Nanay Elise sa noo ko. Pero dahil s’ya ang pinakamamahal kong Nanay, sige, mananahimik na lang ako.

Sunod nitong tinapunan ng masamang tingin si Rigo.

“At ikaw naman, Rigo! Hanggang ngayon hindi ka pa nasanay sa ugali ng baklitang ’to! Hindi ka pa ba nakakahalata?! Ginagawa n’ya ’yan para magpalambing sa’yo! Nagpapabebe na akala mo bagay sa kanya! Akala n’ya ikinaganda n’ya!” sermon nito kay Rigo.

Napataas ang isa kong kilay sa mga binitiwang salita ni Nanay Elise. Ang tanda na n’ya para magbitaw ng mga ganyang linya.

Kakapanood n’ya sa TV ng mga pang-o-okray ni Vice Ganda, ayan, nakukuha na n’ya ang mga salita naming mga bakla.

Pero sa kabilang banda, may katotohanan naman ang mga sinabi n’ya.

Oo na, wagas na ako makapag-inarte. Si Rigo naman ang dapat sisihin dito dahil sinanay n’ya ako sa ganon.

“S-sorry po, Nanay…” nahihiyang sambit ni Rigo.

Ako naman ay nanatiling tahimik na lang. Gusto ko pa sana inisin silang pareho pero nakaramdam na rin ako ng gutom. Naaamoy ko na kasi ang sinigang na hipon na paborito kong niluluto ni Nanay Elise.

“Hala sige! Umupo na kayo!” utos ni Nanay Elise sa amin. “Kung makaarte ’tong mga ’to akala mo mga teenager pa! Malalago ang ang mga bulbo—”

“’Nay, naman! Okay na ang manermon ka eh! Tanggap ko na ang mga pang-o-okray mo! Pero hindi ko matatanggap na magbibitaw ka ng kalaswaan d’yan sa bibig mo!” pagputol ko sa sasabihin sana ni Nanay Elise. Ang bastos!

“Birhen ka, anak?” tanong n’yang nakataas ang isang kilay habang nakapamewang.

Baklang-bakla na talaga ang Nanay ko!

“Baka ikaw, ’Nay? Baka ikaw ang virgin?” tanong ko pabalik habang nakataas din ang isa kong kilay.

“Malamang. Wala ngang asawa ’di ba?” sagot n’ya sa akin.

Nasa ganoon kaming tagpo nang marinig namin ang biglang pagtawa ni Rigo.

Pareho namin s’yang nilingon ni Nanay Elise. At nang makita namin ang tuloy-tuloy na pagtawa ni Rigo ay hindi na rin namin napigilan ni Nanay Elise na sabayan ang pagtawa n’yang iyon.

Ganito. Ganito na ang mga nagiging simula ng araw ko. Masayang-masaya habang kasama ang dalawang pinakaimportante sa buhay ko.

Nagsimula kaming kumain ng tanghalian at napuno iyon ng tawanan tulad ng mga nagdaang araw.

Kung ganito ba naman araw-araw ang mga kaganapan sa buhay ko, sa tingin ko ay wala na akong mahihiling pa. Pakiramdam ko ay wala na akong hahangarin pa dahil nararanasan ko na ang matagal ko nang gustong maranasan sa buhay ko, ang makaramdam ng saya mula pagkagising hanggang sa magtapos ang araw ko.

Nasa kalagitnaan kami ng masayang pagkain nang tumunog ng cellphone ni Rigo sa kanyang tabi senyales na may tumatawag dito. Naging dahilan ito para mapatigil kaming tatlo sa pagtatawanan.

Nang tingnan n’ya ang screen nito ay rumehistro ang inis sa kanyang mukha.

“Excuse me, sasagutin ko lang muna ’to ha?” pamamaalam ni Rigo.

Mukhang importante ang tawag na iyon dahil kailangan n’ya pang itigil ang kanyang pagkain na hindi normal sa kanya.

Tanging pagtango lamang ang naisagot namin ni Nanay Elise.

“Sino ba ang tawag ng tawag sa kanya, anak? Kanina pang umaga ’yan nang-iistorbo kay Rigo. Tapos papasok na lang ulit sa kwarto mo para tabihan ka sa pagtulog. Pero maya-maya lalabas na naman para sagutin ulit ang tawag.” tanong at pagbabalita sa akin ni Nanay Elise nang makalayo si Rigo.

Nagkibit-balikat ako.

“Hindi ko po alam, ’Nay. Wala naman nasasabi sa akin si Rigo. Pero napansin ko na ilang araw nang may tumatawag sa kanya.” sagot ko naman kay Nanay habang pinagmamasdan si Rigo na nasa sala at may kausap pa rin sa telepono.

Napansin ko rin iyon nitong mga nakaraang araw. Madalas s’yang nakakatanggap ng tawag at hindi n’ya iyon maipagpaliban kahit pa minsan ay nasa loob s’ya ng banyo. Ganoon na ba talaga kaimportante ang tawag na iyon?

Ipinagpatuloy na lamang namin ni Nanay Elise ang naantala naming pagkain. Siguro ay sasabihin din sa akin ’yon ni Rigo mamaya. Wala naman s’yang tinatago sa akin kaya hindi ako dapat mabahala.

Matapos ang aming panananghalian ay muli akong bumalik sa panonood ng dvd. Wala naman akong ibang magagawa dahil hindi rin ako nakakatanggap ng tawag mula sa aking trabaho. Ayaw din akong maistorbo nina Xander at Tom habang nakabakasyon ako.

Nakaupo kami ni Rigo sa sofa dito sa aming sala. Katabi ko s’ya at marahan n’yang hinahaplos ang aking ulo na nakasandal sa kanyang balikat. Tinabihan na n’ya ako rito pagkatapos n’yang turuan si Nanay Elise ng Dota.

Si Nanay Elise naman ngayon ay nasa kanyang kwarto at abala sa paglalaro sa kanyang cellphone. Nagiging updated na talaga ang Nanay ko sa mga uso, marunong nang maglaro ng online games na hindi ko man lang nakahiligan. At ang mas nakakagulat sa kanya, giyera ang tema ng mga nilalaro n’ya. Nakakaloka na talaga s’ya.

Tahimik lang kaming pareho ni Rigo. Tahimik ako sa panonood ngunit ang aking atensyon ay nakatuon kay Rigo. At habang pinakikiramdaman ko s’ya ay alam kong wala sa aming pinapanood ang kanyang pansin.

Akmang tatanungin ko na sana s’ya kung ano ba ang gumugulo sa kanya ay ang bigla na namang pagtunog ng kanyang cellphone.

Nang tingnan n’ya kung sinong tumatawag ay nakita ko na naman ang pagkairita sa kanyang ekspresyon. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan lamang s’ya sa mga oras na ito.

“Hello?” sagot n’ya rito.

Tinanggal n’ya ang kanyang braso mula sa pagkakaakbay sa akin para tumayo at lumayo. Ngunit bago pa iyon mangyari ay mabilis kong hinawakan ang kanyang pulsuhan para pigilan s’ya.

Nagtama ang aming mga mata. Nakita ko ang pagtataka sa kanya dahil pinigilan ko s’ya sa pag-alis sa aking tabi. Ipinarating ko naman sa aking mga tingin na ’wag s’yang umalis at ituloy n’ya ang pakikipag-usap sa telepono habang nasa tabi n’ya pa rin ako.

Wala naman nagawa si Rigo kundi ang bumalik sa maayos na pagkakaupo sa tabi ko. Naisipan kong gawin ito dahil nagbabakasakali akong ito na rin ang hinihintay ko para malaman kung ano ang nasa likod ng natatanggap n’yang tawag na mukhang hindi n’ya gusto.

“Alam ko. Paulit-ulit mo ngang sinasabi ’yan ’di ba? Nakakarindi na kaya.” naiirita n’yang sagot sa kausap n’ya.

Habang kausap n’ya ang nasa kabilang linya ay magkaharap ang aming mukha. Alam kong gusto n’ya akong iwasan ng tingin, mukhang hindi n’ya gustong marinig ko ang kanilang mga pinag-uusapan. Ngunit sa tuwing susubukan ni Rigo na ilihis ang kanyang mukha para iwasan ang aking mata ay ibinabalik ko ito sa pamamagitan ng paghawak ko sa kanyang mukha.

“’Di ba nakiusap naman ako na baka pwede mo pang gawan ng paraan?!” nagtitimpi n’ya na namang tanong sa kanyang kausap sa telepono.

Naririnig ko na ang boses ng nasa kabilang linya dahil mukhang sumisigaw na rin ito. At base sa naririnig kong boses dito ay nakikilala ko na kung sino ang kausap ni Rigo.

“Si Coke?” pabulong kong tanong kay Rigo habang nakataas ang isang kilay ko.

Marahan na tumango si Rigo bilang pagsagot sa tanong ko.

Ang kulugong ’yon, istorbo talaga sa amin ni Rigo. Naiirita na naman ako sa kanya, sinisimulan n’ya na naman sirain ang araw ko.

Hindi ako papayag. Hindi si Coke ang tipo ng libag na sisira sa magandang simula ko.

Mabilis akong kumilos. Mula sa pananahimik ko ay hinablot ko ang cellphone ni Rigo.

“Hello, panget! Este, Coke. Anong problema mo? Bakit ka ba tawag ng tawag kay Rigo?” tanong ko kay Coke sa kabilang linya.

“Hello, paminta! Este, Randy! Ikaw ba ’to?” mabilis n’yang sagot.

Sinubukan ni Rigo na kunin ang kanyang telepono sa akin ngunit mabilis ko iyon naiiwas. Wala s’yang nagawa kundi ang maihilamos na lamang ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha.

“Obvious ba? May iba pa bang pwedeng humawak ng telepono ni Rigo bukod sa akin?” naiikot ko na lang mga mata ko.

“Naniniguro lang ako. Baka kasi sakaling kahit minsan hindi ikaw ang kasama ng alaga ko.” mataray n’yang sagot.

“Asa ka pa. Sa panaginip mo lang ’yan mangyayari.” pagtataray ko pabalik sa kanya.

Saglit akong huminto ganoon din si Coke.

“’Yung tanong ko ang sagutin mo, Coke. Bakit ka ba tumatawag? Nakakaistorbo ka, alam mo ba? Nananadya ka ba?” tanong kong muli sa kanya.

Narinig ko ang malalim n’yang pagbuntong-hininga. Tila ba sinusubukan n’yang magpakahinahon.

“Bueno, mabuti na lang at nakausap kita. Ilang araw na kitang gustong makausap pero ayaw sa akin ibigay ni Rigo ang contact number mo. May mahalaga akong sasabih––”

“Jusko! Ang dami pang paligoy-ligoy, Coke! Sabihin mo na! Alam kong ayaw mo na rin akong makausap kaya tigilan na natin ang chikahan na parang close tayo.” pagputol ko sa kanya.

Ang dami pa kasing intro!

“Eto na nga! Kung makapagmadali ka naman parang may taning na ’yang buhay mo! Masamang damo ka kaya magtatagal ka pang impaktita ka.” pambabara n’ya sa akin.

Punyeta talaga ’tong baklang Barney na ’to. Ang sarap ihawin ng buhay.

“Ano nga ’yon? Magsalita ka na bago ko pa maamoy ang bunganga mo dito sa kabilang linya. Gusto ko pang mabuhay ng mas matagal.” pagbawi ko sa kanya.

Akala n’ya makakapuntos s’ya? Baka masampal ko pa s’ya.

Muli na naman s’yang huminga ng malalim. Punyeta talaga, kahit pagbuntong hininga n’ya lang, ang sakit din sa tenga.

“’Yang si Rigo, kumbinsihin mong umalis bukas papunta ng Thailand. May nadedelay na trabaho sa kanya dahil hindi pa rin s’ya nakakaalis ng bansa. S’ya na lang ang naiwan dito! At kung hindi pa s’ya makakaalis bukas, baka mademanda na kaming pare-pareho nito dahil hindi kami sumusunod sa kontrata!” mahabang litanya ni Coke sa kabilang linya.

Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Coke ay natigilan ako. Labis akong nabigla at hindi ko alam ang isasagot ko.

Muli kong tiningnan sa mata si Rigo. Dahil kasi sa pagkairita kay Coke ay nawala ang pagkakatitig ko sa kanya. Nasaksihan ko ang pagpikit at pagyuko ni Rigo senyales ng kanyang pagsuko. Mukhang alam n’yang nasabi na sa akin ni Coke ang kanilang mga pinag-uusapan nitong mga huling araw.

“Hello, paminta?! Este, Randy? Nand’yan ka pa ba?” tanong muli ni Coke dahil sa nanahimik ako.

“O-oo, panget. Este, Coke, n-nandito pa ako.” sagot kong nauutal habang nakatulala kay Rigo.

“Ano na? Kahit ayaw kong humingi ng tulong sa’yo, wala akong magagawa. Sa’yo lang naman nakikinig ’yang lalaking ’yan. Ganda mo eh ’no? Ganda-ganda mo! Ang sarap mong gupitan hanggang makalbo.” pang-aasar ni Coke.

Tila ba nawalan ako ng interes makipag-asaran kay Coke dahil sa mga nalaman ko.

“B-bukas na agad?” tanong ko kay Coke.

“Oo, bukas na. Dapat last week pa nga eh. Kaso nakiusap s’ya na i-delay muna dahil mas mahalaga raw na masamahan ka n’ya. Ganda mo talaga ’no?! Ang sarap itali ng mahaba mong buhok at ipakaladkad sa rumaragasang motorsiklo!” mahabang sagot sa akin ni Coke.

Nawala na talaga ako sa mood na makipagpalitan ng salita kay Coke. Tuluyan na akong nawalan ng gana dahil sa ibinalita n’ya.

“Ano? Makukumbinsi mo ba s’ya? Kasi kung hindi, wala na kaming magagawa kundi hintayin ang pagdedemanda ng nag-sponsor sa agency para lang matuloy ang shoot n’ya sa Thailand.” tanong sa akin ni Coke.

Napapikit ako. Hindi ko inaasahan ito. Masyadong mabilis at nakakagulat ang lahat ng nalaman ko.

“S-sige. Kakausapin ko s’ya.” tangi ko na lamang naisagot kay Coke makalipas ang ilang segundo.

“Ay, talaga?! Mabuti naman! Galingan mo ha? Ayoko naman na umabot pa kami sa puntong parehong maaresto dahi——” hindi na naituloy ni Coke ang pagsasalita. Binabaan ko na agad s’ya ng telepono.

Katahimikan ang sumunod. Pinagmamasdan ko na ngayon si Rigo sa aking tabi habang nakatungo at malalim ang iniisip. Maski ako ay malalim din ang iniisip ngayong mga oras na ito habang nakatitig sa kanya.

Ilang minuto kaming ganoon hanggang sa maisipan kong magtanong sa kanya.

“Bakit hindi mo agad sinabi?” tanong kong mahinahon kay Rigo.

Hindi s’ya nakapagsalita. Mas lalo n’ya lang isinubsob ang kanyang sarili sa pagkakayuko.

“Alam mong ikakapahamak mo ’to, Rigo. Bakit hindi mo man lang ipinaalam? Bakit inilalagay mo ang sarili mo sa sitwasyon na alam mong malaki ang kakaharapin mong problema?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Muli ay hindi s’ya sumagot. Nanatili s’yang tahimik at walang imik.

“Rigo, sumagot ka.” madiin ko nang utos sa kanya.

“Dahil ayaw kong iwan kang mag-isa! Dahil gusto kong mabantayan ka! Gusto kong masigurong okay ka! Gusto kong makasama ka! Gusto kong masaksihan ang lahat ng magaganap sa’yo matapos mong malampasan ang lahat ng kinatatakutan mo!” sunod-sunod na n’yang pagbubunyag sa madiin na tono habang nakatingin sa mga mata ko.

Natahimik ako sa mga sinabi n’yang iyon. Tila ba unti-unting natutunaw ang puso ko sa mga binigkas n’yang salita na alam kong taos din sa kanyang puso. Hindi ko malaman kung ano ba dapat ang isagot sa pagbubunyag n’yang iyon.

“G-gaano ka katagal doon?” nauutal ko na lamang na tanong sa kanya.

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago sumagot.

“Isa’t-kalahating buwan. At kung hindi agad matatapos ang mga projects na nasa kontrata, posible na umabot pa ng dalawang buwan.” mahinahon na n’yang sagot ngayon.

Lalo na akong hindi nakapagsalita. Masyado akong nabigla sa aking mga nalaman.

Dalawang buwan? Halos kasing tagal iyon noong magkahiwalay kaming dalawa. Ang kaibahan nga lang ay nagkakaroon kami ng pagkakataon na magkita noon dahil na rin sa paminsan-minsan kaming lumalabas na magkakaibigan.

Mas nakaramdam ako ng pag-aalala dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakahiwalay kami ng ganito katagal.

“Naaalala mo ba noong nag-usap tayo sa telepono at tinanong kita kung pwede na tayong maging official? Sinagot mo ako na saka na lang ako magtanong ulit kung magiging artista na ako. Naaalala mo pa ba?” tanong n’ya sa akin.

Inalala ko ang pangyayaring iyon. Oo, natatandaan ko ang mga salitang binitawan kong iyon sa kanya.

Nanatili lang akong nakatingin kay Rigo. Hindi ko s’ya sinagot ngunit tiningnan ko s’ya sa paraan na pinapahiwatig kong naaalala ko nga ang senaryong iyon.

“Hindi ko na alintana kung seryoso ka sa sinabi mong ’yon, Liam. Basta noong marinig kong sinabi mo ’yon, nabuhayan agad ako. Pakiramdam ko malaki na ang pagkakataon ko para pumayag kang maging tayo. Kaya noong dumating ang offer sa akin na gumawa ng commercials at TV series sa Thailand, hindi na ako nagdalawang-isip pa na tanggapin ’yon.” mahaba nitong pagsagot sa akin.

Ito na nga ang kinakatakot ko, ang harapin na naming pareho ang pinakamalaking pader na babanggain namin ngayong tapos na ang problema ko sa pamilya ko. Ito na ang hinihintay kong giyera na walang kasiguraduhan kung malalampasan ko ba habang hawak pa rin ang kamay n’ya.

Nanatili kaming tahimik ni Rigo. Pareho naming iniisip ang mga mangyayari sa oras na umalis s’ya para magtrabaho ng malayo. Muli n’yang ibinalik ang kanyang sarili sa pagkakatungo habang ako ay hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya.

Gusto ko sanang pairalin ang ugali kong walang pakialam sa mundo, ang pagiging makasarili ko. Gusto ko s’yang pigilan at sabihing ’wag na n’yang ituloy ang project at manatili na lang s’ya dito. Alam kong ’pag sinabi ko iyon kay Rigo ay pakikinggan n’ya ako. Alam kong kaya n’ya itong lusutan. Ngunit magiging mahaba ang proseso at marami pang tao ang mapapahamak kung itutuloy ko ang kagustuhan ko.

“Ituloy mo ang project, Rigz.” bigla kong mungkahi sa kanya sa mahinahong tono makalipas ang ilang minuto.

Mabilis n’yang naiangat ang kanyang ulo at tiningnan ako sa mata. Tinapatan ko ang tingin n’yang iyon ng seryoso kong ekspresyon.

Hindi s’ya makapagsalita. Nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkasorpresa sa binitiwan kong salita.

“Lumipad ka bukas papuntang Thailand. Ituloy mo ang project at tapusin mo hanggang masunod ang nasa kontrata n’yo.” seryoso kong utos sa kanya.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago nagsalita.

“P-pero bukas na ’yon, Randz… At isa pa, magtatagal ako doon…” nauutal n’yang pagtutol sa akin.

“I don’t care. Basta tumuloy ka.” seryoso ko pa ring pagsasalita.

Nasaksihan ko ang paglungkot ng kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Alam ko kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip n’ya. Iniisip n’yang pinapaalis ko s’ya at wala akong pakialam kung ano man ang mangyayari sa aming dalawa.

Pero mali s’ya. Ngayon pa lang ay nangungulila na ako sa kanya. Ngayon pa lang kahit kasama ko s’ya ay parang gusto ko nang umiyak at paulit-ulit na tawagin ang pangalan n’ya.

Oras na lang ang hinihintay namin at magkakalayo na kaming dalawa. Ilang sandali na lang ay hindi ko na s’ya makakatabi sa pagtulog na nakasanayan ko na.

Gusto kong sabihin iyon sa kanya ngunit alam kong hindi ito ang tamang panahon, hindi ito ang tamang oras. Nag-uumpisa pa lang kami at kailangan kong paghandaan ang mga magaganap.

Ang pinakamahalagang kaganapan na ngayon pa lang magsisimula.

Gusto kong maalis sa isip ni Rigo ang mga maling akala n’ya. Gusto kong sa pamamagitan ng mga kilos ko ay maiparating ko sa kanya na mali ang mga iniisip n’ya.

Dahan-dahan ay nagbitaw ako ng matamis na ngiti sa kanya.

“Saglit lang ’yon, Rigz. Babalik ka naman ’di ba?” tanong kong nakangiti sa kanya.

Hindi s’ya nagsalita. Nanatiling malungkot ang kanyang mga mata.

“Kung inaalala mo ang kalagayan ko, pwede naman tayong magvideo call. Kung gusto mo araw-araw pa kahit nasa office o trabaho ako. I’ll make sure na malalaman mo ang kaganapan sa akin dito.” nakangiti ko pa rin na pagkumbinsi sa kanya.

“Paano ang therapy mo? ’Di ba hindi pa tapos ang session mo doon?” sa wakas ay nakapagtanong s’ya ngunit sa tono pa ring nag-aalala.

Lalo akong nagbitaw ng matamis na ngiti.

“Kung gusto mo makipag-usap ka rin sa doktor ko, magvideo call din kayo habang ginagawa ang therapy ko.” pagbibiro ko sa kanya.

Sa wakas ay nakita kong natawa s’ya ngunit saglit lamang iyon.

“Puro ka naman kalokohan, Liam eh. Nag-aalala lang ako. Saka isa pa…..” wika n’ya at saglit na tumigil matapos ang malalim na pagbuntong hininga. “…..paano ’pag nanaginip ka sa pagtulog mo? Sinong makakasama mo?” pagpapatuloy n’ya sa malungkot na naman na tono.

Dahan-dahan akong kumilos para makalapit sa kanya. At nang tuluyan akong makalapit ay niyakap ko s’ya na ginantihan rin n’ya.

“Nandito si Nanay Elise. Hindi mo ako kailangan alalahanin. Pwede naman kaming magtabi sa pagtulog para makasiguro ka.” pagkumbinsi ko sa kanya.

Hindi na s’ya nakapagsalita pa. Ngunit matapos kong sabihin iyon ay mas hinigpitan n’ya ang pagkakayakap sa akin. Dama ko sa mahigpit n’yang yakap na nangungulila na rin s’ya gaya ko sa mga oras na ito.

Halos dalawang buwan. Sa tingin ko naman ay kakayanin namin ito. Ito na rin ang isa sa mga paraan para makakuha ako ng senyales kung dapat pa ba naming ipagpatuloy ito. Dito ako makakakuha ng lakas kung dapat ko pa bang ituloy ang relasyong matagal na naming gustong makamit na pareho.

Baka sa paraang ito, magkaroon ako ng lakas ng loob para ipaglaban si Rigo sa kanyang pamilya at sa pangarap n’ya. Baka sa pagkakalayo rin naming ito ay malaman ko kung nais pa rin ba n’yang magpatuloy sa relasyon namin kapalit ng pangarap n’ya. May mahabang panahon s’yang makakapag-isip ng mga bagay para sa sarili n’ya.

Naramdaman ko ang mas paghigpit ng pagkakayakap sa akin ni Rigo.

“Ahhgg… Mami-miss kita.” tila nanggigil n’yang sambit.

Ang sarap sa pandinig ng mga salita n’yang iyon.

“Mami-miss din kaya kita.” nakangiti kong sagot sa kanya habang yakap s’ya. “Wala akong tagaluto, tagamasahe, tagakuha ng kailangan ko, at tagasundo sa trabaho.” dugtong kong pagbibiro.

Humiwalay s’yang bigla sa mahigpit naming pagkakayakap at hinarap ako.

“Nakakainis ka naman eh! Nagmomoment tayo tapos babasagin mo!” buska n’yang nakasimangot at tila nagtatampo.

Naging dahilan tuloy ito ng pagtawa ko. Ngunit matapos iyon ay muli ko s’yang niyakap na mabilis n’ya ring tinugunan.

“Joke lang. Mami-miss talaga kita, Rigz.” wika kong malungkot ngunit nakangiti. “Tapusin mo agad ang trabaho doon ha? Para makabalik ka agad.” malambing kong paalala sa kanya.

Sa wakas ay narinig ko ang mahina n’yang pagtawa.

“Oo naman. Hindi ko rin kayang tumagal doon nang hindi ka kasama.” sagot n’ya sa akin.

Pinagsawa namin ang aming mga sarili sa mahigpit naming yakap na iyon. Tila ba ayaw na naming maghiwalay sa mga oras na ito ngunit wala kaming magagawa dahil nakatakda ito.

Maya-maya pa habang nasa ganoon kaming posisyon ay nagsalita s’ya.

“Liam, bukas na ang alis ko. Gusto ko magdate tayo!” masaya n’yang paanyaya.

Gusto ko sanang tumalon sa tuwa. Kaso lang ay mukhang imposible na ito.

Bumitaw ako ng bahagya sa aming pagkakayakap.

“Date? Bukas na ang flight mo, Rigo, baka nakakalimutan mo? Saka maggagabi na oh! Sa tingin mo may lugar at oras pa para makapagdate tayo?” tanong ko sa kanya.

Ngumiti s’ya ng malapad habang magkalapit ang aming mga mukha.

Punyeta, nakakagigil talaga ang kagwapuhan n’ya.

“’Pag gusto, may paraan.” tipid n’yang sagot at marahang pinisil ang aking ilong.

“Eh, saan tayo pupunta?” tanong kong nagtataka.

“Basta! Ako ang bahala. Hindi naman tayo lalayo, pero magiging sulit ang date natin bago ako makaalis.” sagot n’yang nakangiti.

Dahil sa kanyang mga sinabi ay nakuha ko nang ngumiti. Kasunod ng ngiti kong iyon ay paulit-ulit ko s’yang hinalikan sa labi.

“Sige! Tara na! Maligo na tayo!” masaya kong pagyaya sa kanya habang hinihila ang kamay n’ya para makatayo mula sa pagkakaupo.

Tanging pagtawa lang ang naisagot n’ya habang nagpapadala sa paghila ko sa kanya.

Tama. Kahit siguro abutin kami ng umaga at walang tulog ay kakayanin ko para lang masulit ang ilang oras na natitira bago kami magkahiwalay na dalawa.

“Hindi na tayo magbibihis ng panglakad?” tanong kong nagtataka.

Katatapos lang namin maligo at nagbibihis na kami para sa date na sinasabi n’ya.

“No need. Malapit lang naman ang pupuntahan natin.” sagot n’yang nakangiti habang nagsusuot ng polo shirt n’ya.

Tiningnan ko ang bintana ng aking kwarto.

“Parang uulan yata, Rigo?” mahina kong tanong habang nakatingin sa labas.

Wala kasi akong makita kahit na isang bituin sa langit. Mukhang makapal ang ulap ngayong gabing ito.

Tiningnan din iyon ni Rigo.

“Hhmmm… Mukha nga. Pero tutuloy pa rin tayo. Gusto kong matuloy ang date natin kahit bumabagyo.” pagsasalita n’ya at nilingon ako habang suot ang kanyang ngiti.

Halo-halo na ang nararamdaman ko. Saya at lungkot. Saya dahil muling magaganap ang bihira na mangyaring date namin ni Rigo. At lungkot dahil bukas ay magkakalayo na kaming pareho.

“Ano ’yang dala mo?” tanong ko kay Rigo habang sakay kami ng elevator ng condo building kung saan kami tumutuloy.

Napansin kong may paper bag s’yang hawak at hindi ko masilip kung ano ang laman nito.

“Secret.” tipid n’yang sagot.

“Ano nga ’yan?” pamimilit ko naman.

Natawa naman s’ya sa akin. Mukhang nasisiraan na s’ya ng ulo. Wala naman nakakatawa sa tanong ko.

“Bakit ba ang dami mong tanong? Basta ang masasabi ko lang, hindi makukumpleto ang date natin kung wala ito.” natatawa n’yang sagot.

“Condom ba ’yan?” tanong ko na naman.

Hindi naman s’ya gumagamit noon sa tuwing ginagawa namin iyon, pero gusto ko lang makasiguro. Ayoko ng proteksyon. Ipapatapon ko lang sa kanya ’yon.

Nagulat ako nang humagalpak ng tawa si Rigo.

“Seriously, Liam?! Iniisip mong condom ang laman nito?! Ang laking paper bag tapos may lamang isang pirasong condom? Ano ’to, joke?! Saka ayaw mong gumagamit tayo ng ganon, ’di ba?!” tawang-tawa n’yang sagot.

Tinaasan ko s’ya ng isang kilay.

“Malay ko ba kung malaking condom ’yan at isusuot mo sa ulo mo! Malay ko ba kung kasing laki ’yan ng stocking tapos ilalagay mo sa ulo mo kagaya ng mga holdaper sa bangko para hindi makilala ’yang mukha mo! Mga ganon!” buska ko sa kanya at inikutan s’ya ng mata.

Kainis kasi! Hindi na lang sumagot ng maayos!

“Tapos ano? Ipapasok ko sa’yo ang ulo ko? Kaya mo ba?” nang-aasar n’yang tanong pabalik.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya habang nanlilisik ang aking mga mata.

“Gusto mong masampal, Rigz? Wawasakin mo talaga ako?!” tanong ko sa kanya. Ang korni ng joke!

Muli na namang natawa ang loko. Ngunit habang natatawa ay hinawakan n’ya ang aking ulo at pinalapit sa kanya. Kasunod nito ay hinalikan n’ya ako sa pisngi.

Wala talaga ’tong pakialam kahit may CCTV camera ngayon na nakatutok sa loob ng elevator na ’to.

“Joke lang! Masyado kang pikon! Bumabawi lang ako sa pang-aasar mo sa akin nitong mga nagdaan!” natatawa n’yang pagbawi. Pinanatili n’ya rin ang kanyang kamay na nakaakbay na sa akin.

Paglabas ng elevator ay akbay n’ya pa rin ako. Sa paraan ng pag-akbay n’ya ay tila ba ayaw na n’ya akong bitiwan sa mga oras na ito. Ramdam ko ngayon pa lang na nalulungkot s’ya dahil sa aming pagkakalayo.

Aaminin ko, maging ako ay nakakaramdam ng lungkot sa mga oras na ito. Pero gusto kong ang mga nalalabing oras na magkakasama kaming dalawa ay masulit ito.

Iniisip ko na lang din, dalawang buwan lang naman ’yon. Alam kong babalik s’ya, alam kong makakabalik s’yang ako pa rin ang iniisip n’ya.

Pero hindi ko rin maiwasan na mag-isip ng hindi magagandang bagay. Katulad na lang na kung sakaling bumalik s’ya, kagaya pa rin kaya s’ya ng dati? Paano kung sa pagkakalayo namin ay maisip n’ya na mas gusto n’ya talaga ang tuparin ang pangarap n’ya? Ano na lang ang gagawin ko? Ano na lang ang magiging hakbang ko para makapagsimula sa sarili ko?

“Huy! Ang lalim ng iniisip ah? Ano ’yan?” biglang pagtawag sa aking atensyon ni Rigo. Marahan n’yang kinurot ang pisngi ko gamit ang kamay n’yang nakaakbay sa balikat ko.

Ngumiti ako ng tipid.

“Wala naman.” tipid ko lang na sagot.

Tanging pagngiti na lang ang nagawa n’ya habang patuloy kaming naglalakad na dalawa.

Nakangiti s’ya sa akin ngayon pero alam kong mabigat din ang pakiramdam n’ya sa mga oras na ito. Alam kong maraming bagay din ang tumatakbo sa isip n’ya ngayong oras na ito gaya ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa kailaliman ng gabi. Tanging pagsunod lang sa kanyang mga paghakbang ang nagagawa ko dahil wala akong ideya kung saan kami pupunta ngayong mga oras na ito.

Sa mga oras na ito ay wala na kaming pakialam kung may makakasalubong man kaming ibang tao. Hindi na namin alintana kung pag-iisipan ba nila kami ng hindi maganda lalo na at ang ilan sa kanila ay makikilala si Rigo.

Wala na akong pakialam. Basta ang gusto ko sa mga oras na ito ay nasa tabi ko s’ya hanggang sa dumating ang bukas para magtungo s’ya sa malayo.

“Tara, Liam! Daan muna tayong convenience store.” pagyaya ni Rigo sa masayang tono.

Hindi na ako nakasagot dahil hinila na n’ya ang kamay ko papasok sa convenience store na nasa kalyeng aming madadaanan.

“Beer?” tanong ko sa kanya dahil sinisimulan na n’yang kumuha mula sa chiller ng convenience store na aming pinasukan.

Bigla akong nakaramdam ng excitement. Ang tagal ko na ring hindi nakakainom dahil bantay na bantay n’ya ako.

“Yup! Konti lang naman. Ngayon lang kita hahayaan uminom ulit, naiintindihan mo? At kung sakali man na magkita-kita kayo nina Xander na wala ako, gusto kong ipagpaalam mo muna sa akin kung iinom ka kasama sila.” mahabang utos n’ya sa akin.

Napataas naman ang isang kilay ko.

“Ha? Ano ako, bata? Kailangan magpaalam muna ako?” pag-apela ko sa kanya.

“Oo. At utos ko iyon kaya ’wag kang magreklamo d’yan. Kung sakaling uminom ka na kasama sila, gusto kong may maghahatid sa’yo na isa sa kanila.” madiin n’yang sagot at tinulak ang aking noo gamit ang hintuturo n’ya.

“Wow ha? Babaeng-babae naman ang dating ko sa pinapagawa mo.” sarkastiko kong pagrereklamo habang nakangiwi ang aking mukha.

Itinigil ni Rigo ang paglagay ng mga lata ng beer sa basket na hawak n’ya. Halos mapaatras ako nang ilapit n’ya ang kanyang mukha sa akin habang nakataas ang isang kilay n’ya.

“Dapat lang, dahil prinsesa kita. Kung wala ako sa tabi mo, dapat maibilin kita sa buong tropa para may magbabantay sa mga kilos mo.” seryoso n’yang pagsasalita sa harap ko.

Dahil sa sinabi n’yang iyon ay natahimik ako.

“Tara na nga. Puro ka reklamo, Randy Liam, puro ka tanong.” pagyaya n’ya at umalis sa harap ko para tunguhin naman ang snacks section.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang binitawan n’yang mga salita.

Prinsesa. Prinsesa ako ni Rigo.

Punyeta.

Ang ganda ko.

Kung may nakarinig lang na ibang tao sa sinabing iyon ni Rigo, malamang ay sasabihin nilang ang haba ng buhok ko.

’Pag sinabi bang prinsesa ako ni Rigo at sinabi ng ibang tao na mahaba ang buhok ko, si Rapunzel na ba ako?

Naputol ang aking pagmumuni-muni nang marinig ko ang pagtawag ni Rigo.

“Liam! What do you want?! ’Wag kang kukuha ng mataas ang MSG content na pagkain. ’Wag din ’yung mataas ang fats. Ipakita mo muna sa akin ang napili mo bago mo ilagay dito sa basket.” utos n’ya sa akin habang abala sa pagcheck sa Nutrition facts sa hawak n’yang chips.

Nawala ang pagkakangiti ko at tinaasan ko s’ya ng isang kilay kahit hindi n’ya nakikita ang reaksyon ko.

Prinsesa nga n’ya ako. Pati ba naman ’yon kailangan kong ipagpaalam sa kanya?

Jusko! Kawawang Randy Liam! Bilanggong prinsesa ni Rigo!

Matapos naming mamili sa convenience store ay nagpatuloy kami sa paglalakad na dalawa. Isa pala sa laman ng paper bag na dala n’ya ay shopping bag na pinaglalagyan ngayon ng mga pinamili namin. Bitbit n’ya ito gamit at isang kamay n’ya habang akbay naman ako ng isa.

“Tulungan na kaya kita? Baka mabigat ’yan eh, mahihirapan ka lang. May mga beer pa naman ’yan.” alok ko sa kanya.

“Nope! Okay lang ako. Ikaw nga nabubuhat ko ng matagal, ito pa kaya?” makahulugan n’yang sambit.

Nag-init ang mukha ko. Pumasok sa isip ko ang mga ginagawa naming pagmimilagro. At habang iniisip ko iyon, ngayon ko lang din napagtanto na matagal-tagal na rin ang huli naming pag-iisa ni Rigo. Hindi ko man lang namalayan iyon.

“Iniisip mo bang matagal na rin simula noong huli nating ginagawa ’yon, Liam?” biglang pagtatanong sa akin ni Rigo.

“Uhm… Oo. Ang tagal na pala nating hindi ginagawa ’yon ’no?” sagot ko sa kanya.

Patuloy pa rin kaming naglalakad na dalawa habang nag-uusap ng ganitong bagay.

Nakita ko kung paano nagbitaw ng malawak na pagkakangiti si Rigo habang diretsong nakatingin sa aming nilalakaran.

“Ibig sabihin, masaya tayo kahit walang ganon, Liam. Kuntento na tayo na magkasama kahit walang ganon. Kahit pa…….” wika n’ya at saglit na tumigil. “……. ’yon lang naman ang dahilan kung bakit tayo nagsasamang dalawa. Dahil doon tayo nagsimula.” nakangiti n’yang dugtong.

Natahimik ako sa sinabi n’yang iyon.

Hindi ko na namalayan na sa paglipas ng tatlong taon, hindi ko na minsan iniisip kung may mangyari man sa aming dalawa. Sa tuwing tinatawagan ko s’ya, wala akong ibang naiisip kundi ang makita lang s’ya at makasama.

Hindi na ako tulad ng dati na sa tuwing tatawagin s’ya ay iisa lang ang tumatakbo sa aking isipan. Dati ay gusto ko lang na maiparaos ang init sa aking katawan at maramdaman ang kanyang kabuuan. Ngayon ay malaki na ang kaibahan, wala na akong hangad kundi ang masilayan ang kanyang mukha at matulog na s’ya ang katabi sa higaan.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa kailaliman ng pag-iisip dahil sa reyalisasyon. Nasorpresa na lamang ako nang biglang tumigil sa paglalakad si Rigo dahilan para mapahinto rin ako.

“We’re here!” sambit n’ya sa masayang tono.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Kaunting mga ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa buong lugar. May iilan pang mga tao ngunit alam kong naghahanda na rin silang umalis sa lugar na ito. Ang ilan naman ay nasasalubong kami dahil uuwi na marahil sa kanilang mga tirahan.

Muli kong nilingon si Rigo habang nagtataka ang ekspresyon ko.

“Park?” tanong kong nagtataka sa kanya.


A/N

Hahaha! Bitin ba? Sinadya ko ’yan. Dahil sa mga eksenang naisip ko ay hindi na ito nagkasya dito. Bumabagal na ang cellphone ko.

First half lang po ito ng huling date ng dalawa bago umalis si Rigo. Ita-type ko na rin ang susunod, as in now na.

Latur na lang mga mahal ko! Abangan n’yo rin ang isang bahagi ng susunod na chapter. Kung ako sa inyo, ilagay n’yo na sa library n’yo ang isang book ko na ‘RESTRICTED CHAPTER’ dahil may maibabahagi ito. Ang ilan d’yan ay alam na ang gagawin dahil nabasa na nila ang una kong book na TOATL. Hehe.

Salamat sa paghihintay ng update! Labyu!

–– cold_deee

chapter 13

A/N

Eto na nga ang karugtong, mga mahal ko. Ang second half ng date ng dalawang maharot.

Sana ay mapakilig nila kayo!

Eto na ’yon

JonSnow13

! Hahaha!

Enjoy reading, guys!

––> sina #RandyAndRigo po sa media. Gawa ko ’yang book cover na ’yan. Wala lang, nasabi ko lang. Kinikilig kasi ako sa dalawa kaya ginawa ko ’yan. 😂😂


RANDY’s POV

“Park?” tanong kong nagtataka sa kanya.

“Yup! Dito nga.” nakangiti n’yang sagot sa akin.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinila na n’ya ako para pasukin ang bahagi ng malaking park na iyon.

“Teka! Teka!” pagpigil ko kay Rigo.

Napahinto rin s’ya. Nilingon n’ya ako habang nagtataka ang kanyang mukha.

“Rigz, hindi mo ba nakikita? Nagsisipag-uwian na ang iba. Nakakalimutan mo bang bawal nang tumambay sa park na ’yan pagdating ng alas otso ng gabi?” pag-papaalala ko.

Ang nagtataka n’yang ekspresyon ay nagbago. Nagulat ako nang biglang ngumiti ito.

“Alam ko. Kaya nga dito tayo sa likod dumaan ’di ba? Dito sa malayo sa pwesto ng guard?” nakangiti n’yang sagot.

Punyeta. Gwapo na s’ya pero hindi ito ang oras para ipamalas n’ya ang kagwapuhan n’ya!

“Baliw ka ba? Gusto mo bang mahuli tayo n’yan?! Anong gagawin natin ’pag nahuli tayo?! Malamang i-report pa tayo n’yan sa presinto dahil iisipin n’yang rugby boys tayo na nakatambay dito!” mahaba kong reklamo sa kanya.

“E ’di tumakbo tayo ’pag nahuli tayo! Ganon lang kasimple, Liam!” mabilis n’yang sagot.

“Pero, Rigz! Nakakahiya kung ma—–”

“Ssshhh!! Quiet! Sumunod ka na lang! Ako ang bahala sa’yo, okay?!” pagputol n’ya sa akin habang ang kanyang hintuturo ay nasa bibig ko.

Hindi na ako nakasagot. Matapos magsalita ni Rigo ay mabilis n’ya na naman akong hinila sa kamay.

“Halika. Dahan-dahan.” utos nito sa akin habang inaalalayan akong makatawid sa malagong halaman dito sa park.

Wala na akong nagawa. Sinabayan ko na lang s’ya sa gusto n’yang gawin.

Punyeta talaga. Parang mapupunit ang short ko nito sa ginagawa naming pagtawid na dalawa.

Nang tuluyan kaming makatawid ay hinanap ni Rigo ang isang pwesto sa likod ng malaking puno.

Inilibot ko ang aking paningin. Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil mukhang wala namang dumaraang tao sa pwestong ito. Medyo madilim dahil malayo rito ang mga ilaw sa malaking park na ito. Sapat lamang ang liwanag para makita pa rin namin ni Rigo ang isa’t-isa.

“Ayan, ready na ang lahat, Liam.” masayang sambit ni Rigo.

Nang lingunin ko s’ya ay tapos na pala s’ya sa pag-aayos. Ngayon ko nakita na ang laman pala ng paper bag na dala n’ya ay malaking mantel na ginagamit pang-piknik. Inilatag n’ya ito sa bermuda grass dito sa ilalim ng puno.

“Tara dito, upo ka na.” masaya naman nitong paanyaya at hinawakan ang kamay ko para igaya akong makaupo sa tapat n’ya.

Nang makaupo ako ay sinimulan na n’yang buksan ang dalawang beer at binili n’yang chips. Ang chips na sa tingin ko ay walang lasa dahil pinaiwas n’ya ako sa mataas na MSG.

“O ’di ba? Mas masarap magpiknik dito ’pag gabi?” sambit n’ya at iniabot sa akin ang nabuksan n’yang beer.

Napataas ang isang kilay ko.

“Oo nga! Ang saya-saya, Rigz! ’Yung tipong habang nagpipiknik tayo, kinakabahan din tayo dahil baka mahuli tayo? Ang galing! Ang saya-saya talaga!” sarkastiko kong sagot sa kanya.

Natawa s’ya sa aking sinabi.

“Alam mo, mas maganda nga minsan ang ganito. May thrill, ’di ba?” natatawa n’yang pagkontra.

Hindi na lang ako sumagot sa kanya. Naisip ko rin na maliit na kaso lang naman ito. Mas mahalaga pa rin sa akin na makasama ko s’ya bago kami magkalayo.

Nagpatuloy kami sa pagkain at pag-inom ni Rigo. At habang nagtatagal ay nawawala na rin ang pag-aalala ko na baka may makakita sa amin dito. Maganda nga ang aming pwesto dahil simula kanina ay wala pang naliligaw dito na ibang tao.

Tanging tawanan lang ang maririnig mula sa aming dalawa. Patuloy kami sa kwentuhan tungkol sa mga naganap simula nang kami ay magkakilala.

“Ang galing ’no? Ten years na pala tayong magkakilala? Hindi ko namalayan, Rigz! Ang bilis ng panahon!” masaya kong pagsasalita at uminom muli ng aking beer.

“Oo nga eh! Akalain mo ’yon? Sa loob ng ten years, hindi ka pa rin nagbabago? Maldito ka pa rin at napakasuplado!” sagot n’ya at mas lumakas ang tawa n’ya.

Dahil sa sinabi n’ya ay napatigil ako sa pag-inom ng beer. Tinapunan ko s’ya ng masamang tingin na lalo n’ya pang ikinatawa.

Nyeta! Alam ko na ’yon pero bakit parang pinamumukha n’ya pa?

“Gusto mo masampolan, Rigz? Gusto mong makatikim ng pagmamaldito ko?” pagbabanta ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.

“Sus! Magpapalambing ka lang kaya mo naisip ’yan, Liam! ’Wag kang mag-alala, kahit hindi mo ako sungitan, lalambingin pa rin kita.” sagot n’ya at marahan naman na pinisil ang ilong ko.

Mabilis na nawala ang pagkainis na nararamdaman ko. Naikagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti ko.

Punyeta. Kailangan kong makaisip ng ibang paraan para magpalambing sa kanya sa susunod. Nabuko n’ya na ako.

“Uuyy… Kinikilig ’yan…” kantyaw n’ya sa akin habang kinikiliti ang leeg ko.

“Magtigil ka nga!” pinipigil ko pa rin ang sarili kong ngumiti.

Sinuklian lamang n’ya iyon ng pagtawa.

Punyeta talaga. Kailangan talaga pagbalik ni Rigo makaisip na ako ng ibang plano para malambing n’ya ako.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pag-inom. Hinayaan ko na lang si Rigo na tumatawang mag-isa. Siguro naman ay hihingi s’ya sa akin ng saklolo ’pag nahihirapan na s’yang huminga dahil sa katatawa.

“Pero alam mo ba kung bakit ako natutuwa sa tuwing inaaway at sinusungitan mo ako?” natatawa pa ring tanong ni Rigo.

Natigil ako sa pag-inom ng beer at nilingon s’ya. Prente pa rin s’yang nakaupo ngunit nakatingala na s’ya sa langit sa mga oras na ito. Ang dalawa naman n’yang kamay ay nasa kanyang likod para maging suporta sa katawan n’ya.

“Bakit?” tanong ko pabalik.

Nilingon n’ya muna ako habang suot ang maganda n’yang ngiti.

“Kasi bukod sa dahilan na nagpapalambing ka, masaya akong sa akin mo lang pinapakita ang pagiging isip-bata mo na hindi mo pinapakita sa iba. Pakiramdam ko, espesyal na espesyal ako sa’yo dahil ako lang ang nakakasaksi sa totoong ugali mo. Feeling ko ako lang ang may karapatan makita ang lahat sa’yo. Kaya nagkakaroon din ako ng dahilan para lambingin ka pa lalo.” maluwag ang pagkakangiti n’yang sagot.

Muli akong uminom ng beer dahil punyeta, napapangiti na naman ako.

Oo na, kinikilig na talaga ako. Ang landi-landi kasi ni Rigo.

Marami pang pagpapakilig na sinabi sa akin si Rigo. Halos maubos ko na rin ang beer ko kakapigil ngumiti sa mga banat n’ya. Mabuti na lang at may mga chips din kami rito kaya ito ang nilalamutak ko sa tuwing pinipigilan kong ngumiti dahil pinapakilig n’ya ako.

Ayokong makita n’yang napapangiti ako sa kilig. Baka umabuso.

Lumipas pa ang ilang sandali ay naubos namin ang aming mga beer. Tama si Rigo, ang sarap nga magpiknik ng ganitong oras. Dahil sa gabi na at wala nang tao sa buong lugar, wala kaming inaalala na may maaaring makakita sa aming dalawa. Wala sa amin ang pwedeng umistorbo kaya pakiramdam namin ay amin ang mundo.

Nakahiga na kami ngayon ni Rigo sa inilatag n’yang malaking tela. Magkatabi kami habang nasa likod ng aming ulo ang isa naming palad na nagsisilbing mga unan nito.

“Rigz…” mahina kong pagtawag sa kanya habang nakatingin kaming pareho sa kalangitan.

“Hhhmmm?” sagot n’ya rin sa malambing na tono.

“Hindi ka ba nalulungkot?” tanong ko sa kanya.

Natigilan s’ya at nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata na nilingon n’ya ako. Hindi ako gumalaw, nanatili akong nakatanaw sa langit na wala pa rin bituin hanggang ngayon dahil sa makapal na ulap.

“Bakit naman?” tanong n’ya sa akin.

Huminga ako ng malalim bago ko s’ya sinagot.

“Kasi walang bituin sa langit. ’Di ba gustong-gusto mong tinatanaw sila? Ang paborito mong gawin tuwing gabi ay tingalain sila, ’di ba? Dahil sabi mo, sila ang pinakamagandang bagay na nilikha dito sa mundo.” sagot ko sa kanya.

Naghintay ako ng sagot mula sa kanya. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay hindi iyon nangyari. Nagtaka ako kaya nilingon ko s’ya. Magkatapat ang aming mukha at nakita kong malapad pala ang pagkakangiti n’ya habang nakatingin sa aking mukha.

“Problema mo? Bakit ka nakangiti d’yan?” tanong kong nagtataka habang ilang pulgada lang ang layo ng aming mukha.

Bakit hindi ko namalayan na nakalapit na pala s’ya sa akin? Sumasalisi ang loko.

“Wala naman. Masaya lang ako dahil alam mo ang bagay na ’yan. Akala ko kasi hindi mo alam kung ano ang mga bagay na gusto ko at hindi ko gusto. Akala ko hindi ka willing kilalanin ang totoong ako.” nakangiti n’yang sagot.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi n’ya, nakaramdam ako ng hiya. Iniisip n’ya pa rin na wala akong pakialam sa kanya. Pero ang totoo, kilalang-kilala ko na ang buong pagkatao n’ya.

“’Yung tanong ko kaya ang sagutin mo? Kung saan-saan mo nililigaw ang kwento.” pag-iiba ko na lang din ng usapan.

Muli s’yang natawa. Baliw na talaga s’ya.

Muli n’yang itinuon ang kanyang mga mata sa langit.

“Para sagutin ang tanong mo kung nalulungkot ba ako dahil walang bituin sa mga oras na ito, hindi. Hindi ako nalulungkot dahil walang bituin ngayon sa langit.” nakangiti n’yang sagot.

“Talaga?” nagtataka kong tanong habang nakatingin pa rin sa kanya.

Muli n’ya akong nilingon suot pa rin ang magandang ngiti n’ya.

“Oo. Kasi kahit wala akong makitang bituin sa langit, nasa harap ko naman ang pinakamagandang bituin na nasilayan ko sa buong buhay ko. Nandito. Nandito s’ya sa tabi ko.” nakangiti n’yang sagot at marahan n’yang inilagay ang kanyang hintuturo sa dulo ng ilong ko.

Punyeta.

Wala na akong beer, wala na rin akong chips na makakain para pigilan ang pagngiti ko.

Naikagat ko na lamang ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti kong iyon.

Nakita ko kung paano nagbitaw ng pagtawa si Rigo. Naaliw yata sa naging reaksyon ko.

“Randy Liam, Randy Liam! Kanina mo pa pinipigilan ang ngiti mo! Wala ka nang makagat kaya labi mo na lang ’yang pinagdidiskitahan mo! Ingat ka, baka maubos mo rin ’yan?!” tawang-tawa n’yang sambit.

Punyeta talaga. Napapansin n’ya pala ’yon? Kainis! Wala na talaga akong maitatago sa kanya!

“Pinagsasabi mo?” maang-maangan ko.

“Sus! Kunwari ka pa! Sinasabi ko sa’yo, Liam! Kilala na kita simula ulo hanggang paa!” sagot n’ya pa ring natatawa.

Wala na akong masabi. Gusto ko sanang mag-imbento pa ng dahilan, pero mukhang ’pag ginawa ko iyon ay mauutal na ako.

Nanatili na lamang akong tahimik at ibinalik ang aking sarili sa pagtanaw sa langit habang kagat pa rin ang labi ko.

Pinatapos n’ya muna ang kanyang pagtawa at nagbalik din s’ya sa pagtanaw sa langit.

“Rigz… maraming bakla sa Thailand. Mas magaganda sila.” ewan ko ba kung bakit ’yon ang bigla kong nasabi makalipas ang ilang minuto naming pananahimik.

“So?” mabilis n’yang tanong pabalik.

“Ang iba sa kanila dalawa na rin ang butas.” wala na, nagtuloy-tuloy na ang kadaldalan ko.

Bakit ba hindi ko makontrol ang bibig ko sa tuwing si Rigo ang kausap ko?

“So?” reaksyon n’ya ulit.

“Mas masarap sila kung titingnan.” sagot ko ulit.

“So?” tanong n’ya ulit pabalik.

“Mas sweet sila.”

“So?”

“Mas babaeng-babae.”

“So?”

“Mas makinis.”

“So?”

“May dibdib.”

“So?”

“Mahaba ang buhok.”

“So?”

“Mas nakakaakit.”

“So?”

“Mas magaling yata magperform sa kama.”

“So?”

“Punyeta naman, Rigo! Puro ka so-so-so! Wala ka bang ibang maisagot?!” hindi ko na mapigilan ang mainis kaya nagbunganga na ako. Nilingon ko na rin s’ya habang suot ang pagsimangot ko.

Sa halip na magulat s’ya ay bigla na naman s’yang natawa.

Nakakagigil na talaga s’ya! Kung hindi ako sasagutin ng walang kwenta, tatawanan lang ako!

“Ano ba naman kasi ’yang mga tanong mo?! Eh ano ngayon kung maraming bakla doon?!” natatawa n’yang tanong.

“Malay ko ba kung maakit ka sa kanila?!” buska ko sa kanya.

“Bakit? Magseselos ka ba?” mabilis n’yang tanong pabalik habang nakangiti.

Punyeta-punyeta-punyeta.

Anong isasagot ko sa kanya?

“Asa ka! E ’di sa kanila ka na!” sagot ko na lang at inirapan s’ya. Tinalikuran ko rin s’ya para damang-dama ang aking drama.

Habang natatawa pa rin s’ya ay naramdaman kong lumapit s’ya. Hinawakan n’ya ako gamit ang isa n’yang kamay at marahan akong pinaharap muli sa kanya.

Tinitigan n’ya ako gamit ang magagandang n’yang mga mata. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya, inikot ko ang bawat parte ng kanyang mukha na paborito ko nang ginagawa.

“Alam mo, Liam, kahit ilang daang bakla pa ang harangin ako doon, hindi nila kayang pantayan ang pinakaespesyal na tao sa puso ko. Hindi nila makukuha ang atensyon ko dahil iisa lang ang nakikita ng mga mata ko kahit wala s’ya sa tabi ko.” madamdaming n’yang lahad habang nakatingin sa mata ko.

“Sino ’yan?” kunwari ay wala akong ideya kung sino ang tinutukoy n’ya.

Natawa muli s’ya.

Punyeta, ang saya-saya n’ya talaga.

“Sigurado ka bang gusto mong malaman? Kasi ’pag sinabi ko ang pangalan n’ya, kasunod no’n tatanungin ko na naman s’ya kung pwede na ba kaming magkaroon ng relasyon na dalawa.” pagbabanta n’ya sa akin.

Saglit akong natahimik.

“E, babae? Marami rin ang magagandang babae doon. Baka nga ’yung magiging leading lady mo sa gagawin mong project doon mas maganda pa sa mga artistang babae dito sa Pilipinas.” pag-iiba ko na lamang sa aming paksa.

Nagbitaw na naman s’ya ng mahinang pagtawa.

“Liam, sa tagal ko na sa industriya, marami nang naipares sa akin na babae. Oo, lahat sila maganda. Pero narinig mo ba kahit minsan na na-link ako sa kanila? Isa pa, simula ba noong magkakilala tayo, may naging girlfriend na ba ako? The last time na nagkagirlfriend ako, highschool pa. Puppy love pa ’yon!” pagmamalaki n’ya.

Ngayon ko lang naisip ang kanyang mga sinabi. Sampung taon na kaming magkakilala at kahit minsan ay wala pa akong nabalitaan na naging girlfriend n’ya, wala rin ibang bakla ang nakalapit sa kanya maliban na lamang sa manager n’yang baluga.

“Oh? Bakit hindi ka na nakapagsalita? Naubusan na ng tanong ang Randy Liam na laging curious sa lahat ng bagay?” tanong n’yang bigla nang matahimik ako.

Huminga ako ng malalim.

“Wala naman. Iniisip ko lang kasi, Rigz. Bakit nga ba hindi ka nagkagirlfriend? ’Di ba nakakasama naman tayo noon nina Xander at Dom ’pag nangha-hunting tayo ng chicks? Noong hinihikayat nila tayong isa-isahin ang mga sikat na babae sa university? Noong hindi pa nila alam na bakla ako?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Tumawa na naman s’ya.

Malapit na talaga akong maniwala na nasisiraan na ng ulo ang taong ’to.

“E bakit ikaw? Bakit hindi ka man lang nakisakay sa trip nila noon? Sana kahit kaunti, nagpanggap kang interesado ka rin sa chicks para mas matagal mo sila napaniwalang lalaking-lalaki ka! ’Di ba sa’yo na nga nila binibigay ang pinakasikat noon na babae sa university? Type ka rin ng babaeng ’yon! Kinulong nga kayong dalawa no’n nina Xander at Dom sa classroom para magkamabutihan eh.” mahaba n’yang pagbabalik tanaw.

Inalala ko ang katarantaduhang ginawa sa akin ng dalawa naming kaibigan. At habang inaalala ko iyon ay nakaramdam ako ng pangingilabot sa katawan.

“Anong ginawa n’yo sa classroom no’n, Liam? Paglabas n’yo kasi doon ng babae, badtrip ka na kaya hindi ka na namin natanong. Tapos ’yung babae, tulala na lang. Parang tinakasan na ng kaluluwa. Inisip nga namin ginahasa mo s’ya.” tawang-tawa n’yang tanong muli.

“Gusto mo talagang malaman?” tanong kong madiin.

Umayos s’ya ng pwesto habang suot pa rin ang pagkakangiti n’ya. Tumagilid s’ya ng pagkakahiga katapat ako habang nakasuporta ang kanyang braso sa kanyang ulo. Feel na feel n’ya ang pakikinig sa akin na akala mo maganda ang kwentong maririnig n’ya sa mga oras na ito.

“Pwes, para sabihin ko sa’yo, halos isuka ko ang lamang-loob ko nung mga oras na inaakit at nilalapitan n’ya ako! At para matigil na ang kahibangan ng babaeng ’yon, sinabi ko sa kanyang hindi ang kagaya n’ya ang type ko! Gusto ko ’yung gwapo! ’Yung may abs at malaki ang braso! ’Yung may dibdib pero hindi kagaya ng dibdib n’ya na pinandidirihan ko! Punyeta!! Kinikilabutan ako ’pag naaalala ko ang senaryong ’yon! Dinaig pa no’n ang naging trauma ko sa tatay ko!” mahaba kong pagsagot sa kanya at marahas kong hinahaplos ang mga braso ko dahil tumatayo talaga ang mga balahibo ko.

Matapos kong sabihin iyon ay halos mamatay sa katatawa si Rigo sa harap ko.

Bwiset! Bakit n’ya ba pinaalala pa ’yon?! Pakiramdam ko tuloy masusuka na naman ako.

“Grabe, Liam! Ang sakit na ng tyan ko kakatawa sa mga pinagsasabi mo!” daing n’ya habang patuloy sa pagtawa.

“Nakakadiri naman kasi ’yung senaryong ’yon! Kung naging mabait lang sana ang babaeng ’yon sa akin noon, baka inahitan ko pa s’ya ng kilay dahil hindi pantay ang kilay n’ya!” mataray kong sagot sa kanya.

Laking pasasalamat ko na lang din at isang beses lang nangyari sa akin ’yon noon. Matapos din kasing mangyari ’yon ay halos hindi ko na silang lahat kausapin. Kinulit lang ako ng kinulit ni Dom na kausapin silang muli dahil walang tumutulong sa kanyang gumawa ng assignment.

“Teka! Nililigaw mo ang usapan, Rigo! Ikaw ang tinatanong ko ’di ba? Bakit nauwi sa akin?!” inis kong buska sa kanya.

Tinapos n’ya muna ang kahibangan n’ya bago s’ya bumalik sa pagtagilid habang nakaharap pa rin sa akin.

“Mmmm… Siguro dahil may pagkakapareho ang dahilan natin.” sagot n’ya.

“Gwapo rin ang hanap mo? May abs din saka malaki ang braso?” mabilis kong tanong pabalik habang nanlalaki ang mga mata ko.

Punyeta! Ibig n’yang sabihin hindi ’yung kagaya ko ang type n’ya? Gwapo ako, oo. Pero wala akong abs kahit flat ang t’yan ko, wala rin akong malaking braso!

“Adik ka ba?” naiinis n’ya nang reaksyon at itinulak ang sentido ko gamit ang kanyang hintuturo.

“Ano nga?” pangungulit ko.

Malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan n’ya bago s’ya muling nagsalita.

“Isang beses lang akong naging interasado sa kapwa ko lalaki. At simula nang maging interesado ako sa kanya, hindi ko na nagawang tumingin pa sa iba. Naging manhid na rin ako sa mga babaeng nagpaparamdam sa akin. Ang tingin ko sa kanila, iisa lang ang mukha at personalidad, walang mga pagkakaiba.” mahaba n’yang sagot.

“Sino ’yang lalaking ’yan?” maang-maangan ko na naman.

“Gusto mo talagang malaman?” tanong n’ya pabalik habang nakangiti at taas-baba ang kilay n’ya.

“’Wag na lang pala! I-describe mo na lang s’ya.” mabilis kong pag-iwas dahil baka sabihin n’ya na talaga na ako ’yon. ’Pag nagkataon, hindi ko na naman alam kung paano s’ya sasagutin.

“Sige.” sagot n’ya. Mabuti naman at hindi n’ya itinuloy ang kapilyuhan n’ya.

Hindi na ako sumagot pa. Naghintay na lamang ako sa mga sasabihin n’ya.

Ilang minuto n’ya muna akong tinitigan. Hindi n’ya inaalis ang pagkakatitig n’yang iyon sa akin habang suot n’ya ang kanyang magandang ngiti nang simulan n’yang magsalita.

“He’s the most unique person na nakilala ko. He has all the things na hinahanap ko sa tao. ’Yung kahit ilang beses n’ya pa akong sigawan, sungitan at pagalitan, napapatawa n’ya pa rin ako.” malambing n’yang sambit.

Tahimik lamang akong nakatingin sa kanya at dinadama ang mga salitang binibitiwan n’ya.

“S’ya ’yung taong simula nang makilala ko, hindi na pinatahimik ang buong sistema ko. S’ya ’yung taong dinasal ko lang noon na kausapin ako pero umabot kami sa puntong higit pa doon ang naging ugnayan naming pareho.”

Habang sinasabi n’ya ang mga katagang ’yan ay inililibot na n’ya ang kanyang mga mata sa bawat parte ng aking mukha.

“S’ya ’yung taong sa tuwing gigising ako, ’yung mukha n’ya ang gustong makita ng mga mata ko. S’ya ’yung taong gusto kong makatabi sa pagtulog sa tuwing nagtatapos ang araw ko.”

Saglit s’yang tumigil sa pagsasalita. Muli n’yang ibinalik sa mga mata ko ang kanyang tingin bago s’ya nagpatuloy.

“S’ya ang taong sampung taon ko nang sinusundan, binabantayan, at pinoprotektahan. S’ya ang boss ko. S’ya ang taong paulit-ulit kong dinadasal na sana, sana mapapayag kong higitan pa ang kung anong meron kami ngayon. Na sana isang araw, maipagmalaki kong merong ’ kami ’. ’Yung may label na ang relasyon na meron kami.”

Nagbitaw s’ya nga magandang ngiti bago muling nagpatuloy.

“’Yung masasabi n’ya sa lahat na kanya lang ako, na pagmamay-ari n’ya ako. At higit sa lahat, ’yung masasabi ko sa iba na akin lang s’ya. Akin lang at walang pwedeng umangkin sa kanya.”

pagtatapos n’ya sa lahat ng kanyang mga sinabi.

Halos matunaw ang puso ko sa mga binitawan n’yang salita. Pakiramdam ko rin ay papatak na ang mga luha ko sa mga oras na ito.

“Rigz…” mahina kong sambit sa pangalan n’ya.

Matapos kong sambitin ang pangalan n’ya ay mabilis s’yang kumilos at idinampi ang kanyang labi sa aking labi. Mabilis lamang iyon bago s’ya muling nagsalita.

“Hindi naman ako nagmamadali. Kahit minsan pakiramdam ko nawawalan na ako ng pag-asa, nabubuhayan din naman ako agad. Alam mo ba kung bakit?” tanong n’ya sa akin.

Umiling ako bilang pagsagot sa kanya.

“Kasi nabibigyan mo ako ng dahilan. Dahil ’pag may kailangan ka, pangalan ko lang ang tinatawag mo. Wala kang ibang hinahanap kundi ako. Masaya na ako doon, Liam. Sobrang saya ko na doon.” nakangiti n’yang sagot.

Ang taong ito, pareho ko rin s’ya. S’ya ang taong matagal ko nang ipinagdarasal na makasama ko, ang taong hihigitan ang pagmamahal na maibibigay ko.

Sa dami ng salitang binitawan n’ya ay tanging pagngiti lang ang naiganti ko sa kanya. Ipinahatid ko sa mga ngiti kong iyon ang labis na pasasalamat dahil hindi n’ya ako iniwan kahit minsan. Kahit pa noong mga panahon na nagmamahal ako ng iba, kahit noong mga panahon na alam n’yang hindi s’ya ang gusto kong makasama.

Magkalapit pa rin ang aming mga mukha at hindi napuputol ang pagtititigan naming dalawa. Ngunit kung kanina ay malapad ang pagkakangiti n’ya, ngayon ay may lungkot na sa kanyang mga mata.

“Liam, may sasabihin ako sa’yo. Pero mangako kang hindi ka magsasalita kapag natapos ako sa sasabihin ko.” malungkot n’yang pakiusap.

“A-ano ’yon?” nauutal kong tanong. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

“Mangako ka muna. Mangako kang hindi ka magagalit at hindi ka magsasalita. Mangako kang wala kang sasabihin na kahit ano.” muli n’yang pakiusap.

Pinag-aralan ko ang kanyang ekspresyon sa mga oras na ito. Nakikita kong malungkot s’ya at alam kong may bumabagabag sa kanya.

“K-kung pagbibigyan ba kita, Rigz… mawawala na ba ang lungkot sa mga mata mo? M-mapapasaya ba kita kung mangangako akong hindi ako magagalit sa’yo?” nauutal kong tanong dahil sa kaba.

Sa wakas ay ngumiti s’ya. Nakita ko rin na nagliwanag ang kanyang mga mata.

“Talaga?” nakangiti n’yang paniniguro.

Marahil ay may bagay talaga s’yang gustong sabihin sa akin na hindi n’ya maisatinig dahil sa pag-aalala.

Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan ko s’ya. Sa dami ng nagawa n’ya sa akin, maliit na bagay lamang ito para makabawi sa kanya.

“S-sige. Pangako, hindi ako magsasalita.” buong tapang kong sagot sa kanya.

Mas lumuwag ang pagkakangiti n’ya.

“Hindi ka magagalit?” tanong n’ya.

“Hindi. Promise.” sagot ko.

“Hindi ka maha-highblood?” tanong n’ya ulit.

“Hindi. Promise.” sagot ko ulit.

“Hindi mo ako sisigawan?”

“Hindi. Promise.”

“Hindi ka magwo-walk out?”

“Hindi. Promise.”

“Hindi mo ako susungitan?”

“Hindi. Promise.”

“Hindi ka ma—––”

“Isa pa, punyeta! ’Pag hindi mo pa sinabi masasampal na kita!” bigla ko nang pagputol at pagbabanta sa kanya.

Sa halip na matakot ay natawa pa s’ya.

Ang dami pa kasing tanong! Gusto yata gumawa pa kami ng kontrata para makasigurado s’ya!

“Sige. Eto na, game na talaga.” wika n’ya at muling umayos sa kanyang pagkakatagilid.

Muli n’yang ginawa ang panunuri sa aking buong mukha. Hindi ko rin inaalis ang aking mga mata na nakatingin sa kanya.

Ilang mimuto rin iyon hanggang sa maging seryoso ang ekspresyon n’ya. Inangat n’ya ang kanyang kamay para haplusin ang aking mukha at sinimulang magsalita.

“Isang beses ko pa lang nasabi sa’yo ’to, Liam. At noong sinabi ko ’to sa’yo, hindi naging maganda ang naging sagot mo. Hindi rin naging maganda ang resulta kaya ilang buwan din tayo noon na hindi nagkausap na dalawa.” panimula n’ya sa malungkot na tono.

Nanatili akong tahimik at naghihintay sa susunod n’yang sasabihin.

“Pero, Liam, hindi mo lang alam na araw-araw kong sinasambit ’to magkasama man tayo o hindi. Paulit-ulit ko rin ’tong binubulong sa’yo tuwing nahihimbing ka sa pagtulog mo. At hindi ako magsasawang sabihin ito ng paulit-ulit kahit hindi ko maririnig ang sagot mo.” sunod n’yang litanya.

Saglit s’yang tumigil sa pagsasalita para tingnan ako ng tuwid. Sa paraan ng pagtitig n’ya sa akin ay alam kong taos sa kanyang puso ang mga salitang mamumutawi sa kanyang bibig.

Ilang segundo akong naghintay hanggang sa marinig ko ang pinakamagandang salita na maririnig ko mula sa kanya.

“Mahal kita, Randy Liam. Mahal na mahal. Simula pa noon hanggang ngayon, walang nagbago doon.”

“Mahal na mahal kita kaya handa akong maghintay hanggang sa mapapayag kitang maging akin ka.”

“Mahal na mahal kita kahit ano ka pa, kahit salbahe ka pa. At kahit magalit sa’yo ang lahat ng tao sa mundo, mananatili ako sa tabi mo, mananatili akong kakampi mo. Mananatili akong nagmamahal sa’yo kahit magkaroon man ng pagbabago sa buhay nating pareho.”

puno ng emosyon n’yang pagsasalita sa harap ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis din na namuo ang mga luha rito matapos kong marinig ang mga salitang iyon mula kay Rigo.

“Mah——” pagsagot ko sana sa kanya na hindi ko naituloy dahil tinakpan n’ya ng kanyang palad ang bibig ko.

“Ssshhh… Nangako ka ’di ba? Hindi ka magsasalita.” pagpigil n’ya sa akin.

Natulala ako sa kanyang ginawa. Dahil sa mga salitang kanyang binitawan ay muntik ko nang maisatinig ang salitang gusto n’yang marinig. Ang mga salitang matagal n’yang hinintay na masabi ko sa kanya.

Na mahal ko rin s’ya.

Marahil ay hindi pa ito ang tamang panahon, marahil ay hindi pa ito ang perpektong pagkakataon.

Habang nasa bibig ko ang palad n’yang iyon ay unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking labi. At nang makita ni Rigo ang aking reaksyon ay tinanggal na rin n’ya ang kamay n’yang nakatakip sa aking bibig.

Wala nang nagsalita. Nagpapalitan na lamang kami ng ngiti sa mga oras na ito.

Wala na kaming pakialam ngayon sa mundo. S’ya na lang ang nakikita ng mata ko at alam kong ganoon din s’ya sa akin.

Dahan-dahan ay kumilos si Rigo. Ang maliit na pagitan ng aming mga mukha ay unti-unti nang naglalapit pang lalo.

Hindi napuputol ang aming pagkakatitig habang hinihintay na maganap ang pagdidikit ng labi naming pareho.

Ngunit bago pa n’ya tuluyang maidampi ang kanyang labi sa akin ay nagtaka ako nang may isang liwanag ang nasa mukha ngayon ni Rigo.

Wow ha? Kahit dito sa park may spotlight si Rigo? Ganoon na s’ya kasikat?

“Liam.” bulong sa akin ni Rigo.

“Bakit?” tanong ko pabalik.

“Tumayo ka na.” tila ba kinakabahan n’yang utos.

“Bakit?” tanong ko nang nagtataka.

Bago pa makasagot sa akin si Rigo ay nagulat ako nang may marinig akong pagsigaw na nagmumula kung saan.

“Hoy! May tao ba d’yan?! Lumabas kayo d’yan! Bawal ang tambay sa park na ’to ng ganitong oras!” sunod-sunod na pagsigaw ng isang boses.

Sisigawan ko rin sana ang taong sumisigaw sa mga oras na ito. Isisigaw ko sanang punyeta s’ya at malaking istorbo. Pero nagulat ako nang biglang tumayo si Rigo at hinila ang kamay ko para makatayo.

“Liam, takbo!” utos lang sa akin ni Rigo.

Mabilis kaming kumilos na pareho. Kinuha ni Rigo ang mantel na hinihigaan namin kahit hindi n’ya pa ito naititiklop ng maayos. Ako naman ay nataranta na rin kaya mabilis kong kinuha ang kung anong madampot ko.

“Hoy! Bumalik kayo dito! Mga pasaway kayo!!” sigaw muli ng lalaki.

Halos ikapunit na naman ng short ko ang muling pagtawid namin ni Rigo sa mga halaman na naririto.

Habang tumatakbo ay nilingon ko ang taong sinisigawan kami. Doon ko nakita na ang gwardya pala ng park ang humahabol sa amin.

Huminto ako kaya napahinto rin si Rigo dahil hawak n’ya ang kamay ko.

“Liam! Halika na! Maabutan na n’ya tayo!” natatarantang pakiusap ni Rigo.

Nilingon kong muli ang gwardyang humahabol sa amin. At nang makita kong malapit na ito ay inangat ko ang kamay ko para ibato ang hawak ko.

Leche! Sayang! Hindi s’ya tinamaan!

Muli kaming nagpatuloy sa pagtakbo ni Rigo.

“Bakit mo ibinato ang popcorn?!” tanong sa akin ni Rigo habang panay pa rin ang takbo namin.

Popcorn pala ’yon? Hindi ko alam na may naitabi pa pala s’yang pagkain. Akala ko ang nadampot ko kanina ay isang food container lang na walang laman.

“Sabi mo kanina wala nang pagkain? May popcorn pa pala?” ang naitanong ko pabalik habang tumatakbo pa rin.

“Para wala ka nang kainin ’pag pinipigilan mong ngumiti kanina! Tinago ko ’yon eh!” sagot n’ya rin.

Hindi na ako nakasagot. Habang patuloy pa rin kami ni Rigo sa pagtakbo ay pareho rin kaming natawa sa mga pangyayari sa date naming ito.

Ilang minuto pa kaming tumatakbo ni Rigo. At nang makasiguradong nakalayo na kami sa humahabol na gwardya ay huminto na rin kaming dalawa. Saka n’ya lamang binitawan ang aking kamay para ilagay iyon sa kanyang tuhod dahil hinihingal na s’ya ganoon din ako.

Patuloy pa rin kami sa pagtawa habang nagpapahinga.

“Grabe! Akala ko maabutan na tayo ng guard!” sambit n’yang hinihingal.

“Sayang nga eh! Sana nagpang-abot kami para nasampal ko man lang s’ya!” sagot ko naman sa kanya. Hanggang ngayon pa rin kasi ay napupunyeta ako dahil hindi natuloy ang paghalik sa akin ni Rigo. Ramdam ko pa naman na mahabang halik na sana ’yon.

Natawa si Rigo kahit hinihingal pa rin s’ya.

Matapos ang senaryong iyon ay nagpahinga muna kami dahil sa pagod sa pagtakbo. Umupo kami sa mahabang upuan na nasa tapat ng isang ilog na bahagi pa rin nitong park. Ang sabi ni Rigo ay wala naman daw nagbabantay ditong gwardya dahil daanan din ito ng tao. Ito rin ang dinaanan namin kanina para makarating sa bahagi ng park na aming pinuntahan.

Nang tingnan ko ang wristwatch ko ay alas dose na rin pala ng hating gabi. Nakaramdam ako ng lungkot dahil ilang oras na lang ay hindi ko na makakasama ng halos dalawang buwan si Rigo.

“Tara, Liam. Maglakad pa tayo.” biglang pagyaya sa akin ni Rigo.

Nilingon ko s’ya at marahan akong tumango.

Kung pwede lang sanang hindi na matapos ito. Ang gabing ito ang isa sa hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Naging napakasaya ko ngayong gabing ito.

Tumayo kaming pareho at muli n’yang hinawakan ang kamay ko.

Sinimulan na naming maglakad. Ngunit sa halip na sa sementong kalsada ako maglakad ay napili kong sa mga upuang gawa sa semento ang lalakaran ko.

“Ingat ha? Baka malaglag ka.” paalala ni Rigo.

Hindi n’ya pa rin binibitawan ang kamay ko, inaalalayan n’ya ako sa bawat paghakbang at pagtalon ko sa tuwing lilipat ako ng isa pang mahabang upuan na naririto.

Ganoon lamang kami ng ilang minuto hanggang sa magsalita si Rigo.

“Liam, ’pag umalis ako, magpakabait ka muna ha? Walang magbabantay sa’yo.” kanyang paalala.

“Mabait naman ako ah?” sagot kong hindi s’ya nililingon dahil patuloy pa rin ako sa paghakbang sa mga upuan.

“Sinong nagsabi? Sige nga, bigyan mo ako ng pangalan ng taong nagsabi na sa’yong mabait ka?” hamon n’ya sa akin.

Huminto ako sa ginagawa kong paghakbang. Hinarap ko s’ya at bahagya akong yumuko para magpantay ang aming ulo.

Sinubukan kong sagutin ang tanong n’ya habang magkaharap ang aming mukha.

“Si ano…. sabi n’ya mabait naman daw ako kahit papano.” sagot ko.

“Si?” tanong n’ya habang nakangiti ng peke.

“Si… ano.” sagot ko na naman.

“Si…?” tanong n’yang muli.

Napapikit ako at halos maibagsak ko ang ulo ko dahil sa pagyuko. Piniga ko kasi ang utak ko kung may nakapagsabi na ba sa akin na mabait ako.

Pero punyeta, wala akong maalala na may nagsabi sa akin no’n.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rigo. At habang tumatawa s’ya ay inilagay n’ya ang isa n’yang palad sa ulo ko.

“’Wag ka na lang palang magpakabait. Mas gusto kong salbahe ka para walang makakalapit sa’yo. Baka kasi makahanap ka pa ng substitute ko.” natatawa n’yang sambit ngunit naramdaman kong may bahid kalungkutan ito.

Inangat ko ang ulo kong nakayuko para magtagpo ang aming mga mata. At tama nga ako, malungkot ang kanyang mga mata kahit nakangiti s’ya ngayong mga oras na ito.

Hindi ako nagsalita. Ngunit dahan-dahan ay ngumiti ako sa kanya. Matapos kong ngumiti ay kumilos ako para lumapit pa sa kanya. Walang pag-aatubili ay hinalikan ko s’ya na ginantihan din n’ya.

Dito pa rin sa park na tanging mga street lights lang ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran ay pareho naming dinadama ang mainit na halik naming dalawa. Ilang buwan ko rin na hindi mahahalikan ang taong ito kaya parang ayaw ko nang putulin ang mga paghalik naming ito.

Sa bawat halik namin ay damang-dama ko ang pangungulila naming dalawa kahit kami ay magkasama pa. Pareho naming nararamdaman ang pananabik na magkasamang muli kahit kaharap pa namin ang isa’t-isa.

“Mami-miss kita. ’Wag kang lalapit kahit kanino ha? Pababantayan kita kina Xander.” masuyo n’yang pagsasalita matapos ang masuyo naming paghalik.

Napataas ang isang kilay ko habang magkaharap pa rin ang aming mukha.

“Sa tingin mo makakahanap ako ng substitute mo? E ’di sana noon ko pa nagawa, ’di ba? Sa dami ng nagtangkang magpakilala sa akin, wala man lang kahit isang nanindigan na ituloy kahit pa alam kong naghahanap lang sila ng kalaro.” mahabang sagot ko.

Napansin ko ang paglikot ng mga mata ni Rigo. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kaya nagtanong na ako. Pagkakataon ko na rin ito para maitanong ang bagay na iyon sa kanya.

“Sabihin mo nga ang totoo sa akin, Rigo. May kinalaman ka ba noon sa hindi pagpaparamdam sa akin ng mga nanghihingi ng number ko? Napansin ko kasing wala man lang tumuloy sa kanila kahit isa.” tanong ko sa kanya.

Lalo s’yang naguluhan.

Tsk tsk tsk! Kilala ko na ang taong ito sa tuwing may tinatago.

“A-ano ba ’yang pinagsasabi mo? ’Wag mo nga akong pagbintangan.” nauutal n’yang depensa.

Naningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya. S’ya naman ay sa ibang direksyon na nakatingin dahil sa pagkataranta.

“Hhhhmmmm…. Kakuntsaba mo ba sina Xander at Dom?” tanong ko ulit sa kanya.

“H-hindi ah…” sagot n’yang kinakabahan.

“Kahit komprontahin ko sila? Kahit takutin ko si Xander na isusumbong ko s’ya sa asawa n’ya na tumatakas pa rin s’ya hanggang ngayon para makipagkarera ng sasakyan?” pilyo kong pagbabanta.

Nakalimutan yata ni Rigo na kasama nila ako sa kalokohan nilang iyon. Naging bonding na rin kasi namin iyon na magkakaibigan. Ako ang tumatayong manager nila para makipag-deal sa pustahan. Malaki ang tiwala nila sa akin dahil madalas kaming manalo dahil na rin sa katalinuhan ko. Pinag-aaralan ko ang lahat bago kami sumabak sa karera at pustahan.

Ibinalik ni Rigo ang kanyang mga mata sa akin. At sa pagkakataong ito ay tila nakikiusap na ito.

“Randz, naman… Gusto mo bang magkaroon ng away ’yung dalawang ’yon? Alam mo naman na pinapahinto na s’ya ni Tom doon ’di ba?” pakiusap sa akin ni Rigo.

Ngumiti ako ng malapad.

“Kaya nga sagutin mo na lang ang tanong ko. May kinalaman ka ba sa mga hindi pagpaparamdam sa akin ng mga nanglalandi sa akin noon?” pag-uulit ko sa tanong ko.

Dahan-dahang napayuko si Rigo. At kasunod ng pagyuko n’yang iyon ay ang marahan n’yang pagtango.

Gusto ko sanang pagtawanan si Rigo sa mga oras na ito. Pero baka mahalata lang n’yang kinikilig na naman ako.

Hinawakan ko ang kanyang baba para iangat ang kanyang mukha.

“Tara na. Ituloy na natin ang paglalakad.” pagyaya ko sa kanya matapos ko s’yang bigyan ng halik sa labi.

Hindi na ako interesadong malaman kung ano ang nangyari sa mga sinubukan akong landiin noon. Ang malaman pa lang na may kinalaman si Rigo sa kanilang pagkawala ay nagbibigay na sa akin ng lubos na saya. Labis na akong natuwa dahil inaari ako ni Rigo na parang kanya lang talaga.

Magpapatuloy na sana kami sa paglalakad ngunit parang sinadya talaga ng panahon na pahirapan kaming dalawa. Kasunod kasi ng mga pangyayari ay ang biglang pagbuhos ang ulan.

Mabilis akong inalalayan ni Rigo na makababa sa upuan at pareho naming tinakbo ang isang malaking puno dito sa park para makasilong.

“Punyeta! Basa na tuloy tayo!” inis kong sambit habang pinupunasan ko ang aking brasong basa ng ulan. Pero kahit anong punas ko rito ay nababasa pa rin ako dahil hindi naging sapat ang punong aming sinisilungan para maging panangga sa ulan.

May pagkatanga rin kasi kami ni Rigo. Alam naman namin kanina na may banta ng pag-ulan pero hindi man lang kami nagdala ng payong.

“Hay! Paano tayo makakauwi kung ganito kalakas ang ulan?!” dagdag ko pang reklamo.

Natawa si Rigo.

“Okay lang ’yan! Sabi nila blessing ang ulan.” wika ni Rigo na nakangiti.

Pinaningkitan ko s’ya ng mata.

“Pati ba naman Rigo ang ulan, bibigyan mo rin ng kasabihan? Okay na ang mga paniniwala mo sa bituin, pati ba naman ulan hindi mo pinatawad? Gusto mo na rin ba magtrabaho sa PAG-ASA?” tanong kong sarkastiko sa kanya.

Muli s’yang natawa sa pagsusungit ko.

“Bakit nga ba hindi? Baka sakaling ’pag pinasok ko ang PAG-ASA, magkaroon na rin ako sa’yo ng pag-asa, ’di ba?!” sagot n’yang natatawa.

“Weh… Ang baduy ng banat. Ang korni ng joke. Last mo na ’yan ha?” pambabara ko sa kanya.

Tanging malakas na pagtawa lang ang naisagot ni Rigo. Natatawa rin s’ya sa kakornihan n’ya.

“Paano ’to? Susugurin na lang natin ang ulan? Hindi na rin tayo makakapasyal dahil sa pesteng ulan!” tanong ko makalipas ang ilang minuto habang nakatingin ako sa mga nagbabagsakang malalaking butil ng ulan.

Hindi ko narinig na nagsalita si Rigo sa tabi ko. Nang tingnan ko s’ya ay binuklat n’yang muli ang mantel na dala n’ya kanina.

“’Wag mong sabihing magpi-piknik na naman tayo?” tanong ko sa kanya.

Hindi s’ya nagsalita ngunit nagbitaw s’ya ng pagtawa. Kasunod nito ay nagulat na lamang ako nang ilagay n’ya sa ulo ko ang hawak n’yang mantel para maging panangga ko sa ulan.

“Baka magkasakit ka, Liam.” wika n’yang nakangiti.

Ang taong ito, prinsesang-prinsesa ako ’pag s’ya ang kasama ko.

Pero hindi ko rin naman hahayaan na magkasakit ang prinsipe ko lalo na at mamaya na rin ang alis n’ya.

Tinanggal ko ang mantel sa ulo ko. At kahit nahihirapan ako dahil mas matangkad s’ya sa akin ay ginawa ko ang lahat para mailipat ang mantel na ’yon sa kanyang ulo.

“Ikaw ang magpandong. Okay lang ako.” wika ko.

Nagulat ako nang ilagay na naman n’ya iyon sa ulo ko.

“’Wag matigas ang ulo, Liam. Okay lang ako, hindi ako magkakasakit.” pakikipagtalo n’ya. Masama na rin ang mga pagtitig n’ya kaya alam kong hindi s’ya sa akin magpapatalo.

Pero ayaw ko talagang magkasakit si Rigo. Baka ’pag hindi matuloy ang flight n’ya bukas ay magkatotoo ang sinabi ni Coke na madedemanda na sila.

Okay lang sa akin na si Coke ang makulong. Mukhang sanay naman s’ya doon dahil mukha naman talaga s’yang mamamatay tao. Baka mag-enjoy pa ako habang pinagmamasdan ko s’ya sa kulungan dahil parang nakakita na rin ako ng nakakulong na baboy-ramo.

Pero ang baby Rigz ko? Hindi pwede!

Ilang minuto akong natahimik para mag-isip kung paano ko makukumbinsi si Rigo. At makalipas ang ilang minutong iyon ay nakaisip ako ng magandang plano.

Nilingon ko si Rigo. Nakita kong basang-basa na rin s’ya ng ulan.

Punyeta, nakikita ko na naman ang pagbakat ng muscles n’ya sa kanyang polo.

Pero hindi ito ang tamang panahon para maglaway ako.

“Rigo.” seryoso kong pagtawag sa kanya.

Nilingon n’ya naman ako.

“Bakit?” tanong n’ya pabalik.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi bumalik ang pagkakatitig ko sa katawan n’ya.

Magconcentrate ka Randy sa mukha n’ya, ’wag sa abs n’ya.

“Umupo ka.” utos ko sa kanya.

“Ha??!!” gulat n’yang reaksyon.

“Umupo ka!” madiin ko nang utos sa kanya.

“Bakit nga?!” tanong n’ya pa rin.

“Basta umupo ka!!” sigaw ko na sa pagkakataong ito.

At kapag ganito na ako ay alam na ni Rigo na dapat ay sundin n’ya ako.

Dahan-dahan ay umupo s’ya suot pa rin ang nagtataka n’yang ekspresyon.

Inayos ko ang pagkakalagay ko ng mantel sa aking ulo. Matapos iyon ay pumwesto ako sa kanyang likuran at ipinalibot ang mga braso ko sa kanyang leeg habang hawak pa rin ang mantel na nakatakip sa ulo ko.

“Ayan! Tara na! Uwi na tayo! Ipasan mo na lang ako para hindi tayo masyadong mabasa sa ulan!” nakangiti ko na ngayong pagyaya kay Rigo.

Nasaksihan ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang ekspresyon. Mula sa pagtataka ay ngumiti s’ya na halos umabot na sa kanyang tenga.

Hindi na s’ya nagsalita pa. Dahan-dahan ay hinawakan n’ya ang aking mga binti para makatayo na rin s’ya ng maayos.

“Let’s go!” masayang sambit ni Rigo habang sakay n’ya ako sa kanyang likuran.

Tanging pagtawa lang ang aming nagagawa habang sinusuong ang ulan. Dapat pala ay magpasalamat ako dahil umulan. Dahil kung hindi nangyari ito, hindi namin ito magagawa ni Rigo.

Sa halip na bilisan ni Rigo ang paglalakad ay naging mabagal ang bawat paghakbang n’ya. Damang-dama rin n’ya ang eksena gaya ko.

Kahit pa umuulan sa mga oras na ito ay naaamoy ko ang pabango ni Rigo dahil nasa leeg n’ya ang mukha ko.

Grabe, kahit siguro bulag ako madali kong makikilala si Rigo dahil sa bango n’ya.

“’Wag mong ubusin ang amoy ko.” natatawang sambit ni Rigo.

“Ang bango mo kasi.” sagot ko namang diretso at isinubsob ko pang lalo ang mukha ko sa leeg n’ya.

Narinig ako ang mas malakas n’yang pagtawa.

“Nakikiliti ako, Liam!” sambit n’yang tumatawa.

Alam kong mangyayari ’yon dahil alam kong nasa leeg ang kiliti n’ya. Kaya nga sinadya kong idikit pa ang mukha ko rito.

Mabuti na lang at kahit patuloy s’ya sa pagtawa ay hindi n’ya naisipang bitawan at ibagsak ako sa lupa. Sa katunayan ay mas naging mahigpit pa ang pagkakahawak n’ya sa aking binti.

“Rigz….” bulong ko sa kanya habang nasa leeg pa rin n’ya ang bibig ko.

“Hhhmmm?” tanong n’ya pabalik.

“Ang lamig.” sagot ko at mas nilambingan ko pa ang boses ko.

“Yakapin mo pa ako para hindi ka lamigin.” utos n’ya naman at alam kong nakangiti s’ya.

“Ikaw? Hindi ka ba nilalamig?” tanong ko pabalik.

“Hindi.” diretso n’yang sagot.

“Punyeta! Sabihin mong nilalamig ka!” naiinis ko na ngayong utos sa kanya.

Muli s’yang natawa.

“Oo na! Sige na, nilalamig na ako. Lamig na lamig na ako!” natatawa n’yang pagbawi.

Naging dahilan din tuloy ito ng mabilis na pagngiti ko.

Sa totoo lang ay hindi naman ako masyadong nilalamig dahil nararamdaman ko ang mainit n’yang katawan na nakadikit din sa katawan ko. Sinabi ko lang ’yon dahil nakaisip ako ng medyo berde sa utak ko.

“Gusto mo bang matanggal ang lamig na nararamdaman mo? Kasi ako, nilalamig na talaga ako.” malambing kong tanong muli sa kanya.

“Hhhmmm… Sandali, bibilisan ko na lang ang paglalakad para mabilis tayong makauwi sa baha––” hindi na n’ya naituloy.

“’Wag!! Ituloy mo lang ang mabagal na paglalakad!” pagpigil ko sa kanya.

Punyeta. Bakit ba ang slow nito minsan?

Napahinto naman s’ya sa paglalakad. Alam kong bigla s’yang nagtaka. At bago pa s’ya makapagtanong ay inunahan ko na s’yang magsalita.

“Ipagpatuloy mo na ang paglalakad. Nakaisip na ako paraan para hindi tayo lamigin.” utos ko sa malambing pa ring tono.

Sinunod n’ya naman ang utos ko, nagpatuloy s’ya sa paglalakad sa mabagal na paraan. Mabuti na lang talaga at madali kong mapasunod itong si Rigo.

Napangisi ako sa isip ko. Alam kong lumabas na naman ang sungay ko at nagse-sway-sway na rin ang buntot ko dahil sa naisip kong plano. Demonyito talaga ako.

Habang nasa leeg ni Rigo ang aking mukha ay idinikit ko pang lalo ang labi ko rito. Kasunod nito ay marahan kong hinalikan at sinipsip ang makinis n’yang leeg na paborito n’yang ginagawa ko sa tuwing kami ay magmimilagro.

Muling natawa si Rigo. Siguro naman ngayon ay nakukuha na n’ya ang ibig sabihin ng mga ikinikilos ko?

“’Wag kang ganyan, Randy Liam. Baka kahit sa ilalim ng ulan at dito mismo sa gitna ng daan…….

…….gahasain kita.“ pagbabanta n’yang natatawa.

Hindi ko s’ya pinakinggan. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa kong paghalik sa leeg n’ya, ipinagpatuloy ko ang pang-aakit sa kanya.

Ang landi ko talaga. May nalalaman pa ako ngayon na pagpikit ng mata.

Patuloy lang namin na binabaybay ang daan pauwi sa aking condo. At habang ganoon ang aming ginagawa ay ramdam ko ang init na nagsisimula na ngayong maramdaman ni Rigo. Tahimik na rin kasi s’ya at alam kong damang-dama na n’ya ang kahalayang ginagawa ko sa kanya.

Kung pwede lang hilingin na sana ay hindi na matapos ang tagpo naming iyon ay ginawa ko na. Pero baka naman magkasakit na talaga kami dahil sa pagkakababad sa ulan.

Nakarating kami sa condo building at ibinaba na rin ako ni Rigo. Tinakbo namin ang loob ng condo building at nilampasan ang gwardyang natutulog sa mga oras na ito. Pasalamat s’ya at masaya ako ngayon kaya hindi ko s’ya makokompronta sa kapabayaan n’ya sa trabaho.

Nang makapasok kami sa elevator para umakyat sa palapag ng aking unit ay nagulat ako nang bigla akong itulak ng marahan ni Rigo sa isang sulok nang magsara ang pinto.

“Ikaw, Liam, ginigigil mo ako!” madiin n’yang sambit habang magkadikit ang aming mga noo. Nanlilisik din ang mga mata n’yang nakatingin sa akin ng diretso.

Dahil sa nakikita kong reaksyon n’ya ay lalo akong ginanahan sa pang-aakit na ginagawa ko sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at mas pinapungay ko pa ang mga mata ko.

Nagdikit ang mga ngipin ni Rigo at mahigpit na hinawakan ang magkabilang bewang ko. Kasunod nito ay ang mabilis na paghalik n’ya sa akin ng madiin.

Nagtagumpay akong maakit si Rigo. Kahit mismo dito sa loob ng elevator ay ginagawa namin ito. At para hindi naman masyadong nakakahiya sa maaaring nagmamasid sa likod ng CCTV camera, itinakip ko ang mantel na ginamit naming panangga sa ulan kanina sa aming mga mukha.

Halos hindi kami makahinga ng maayos ni Rigo dahil sa pagpapalitan namin ng mapusok na halik sa bawat isa. Pareho kaming nananabik dahil may katagalan na rin simula nang gawin namin ang pag-iisa.

‘Ting!’

Punyeta. Nakarating na pala kami sa palapag kung nasaan ang unit ko.

Wala nang sinayang na sandali si Rigo. Napapangiti na lamang ako habang hinihila n’ya ang kamay ko para tunguhin ang tinitirhan ko.

Nasaksihan ko kung paano nanginginig ang kanyang mga kamay habang inilalagay ang susi sa pinto ng unit ko.

‘Sige lang, Rigo. Sisiguraduhin kong mababaliw tayong pareho sa oras na makapasok tayo.’

Nang tuluyan n’yang mabuksan ang pinto ay halos masubsob ako sa matipuno n’yang dibdib dahil sa paghila n’ya sa akin. Pero sa halip na magpakita ako ng pagkagulat ay agad akong umaksyon para tuluyan nang maganap ang pinakamimithi naming pareho.

Binitawan ko ang hawak kong mantel at hinila ko ang damit ni Rigo. Gigil na gigil akong hinila s’ya para maangkin ko ang labi n’ya. Naging madiin ang bawat paghalik naming iyon. At habang nagpapalitan kami ng mainit na halik ay humahakbang din kami patungo sa aking kwarto.

Sa bawat paghakbang namin ay ang pagtulo ng mga tubig mula sa aming mga basang damit dahil sa ulan.

Ipinasok ko ang aking mga kamay sa loob ng polo shirt ni Rigo at marahan kong hinaplos ang kanyang katawan na kinababaliwan ko.

Hindi na n’ya ako pinahirapan pa. Humiwalay s’ya sa pagkakahalik sa akin at mabilis din n’yang hinubad ang polo n’yang iyon. Diretso n’ya rin iyong itinapon sa sahig malapit sa aming kinatatayuan.

Ibinalik n’yang muli ang mapusok n’yang paghalik sa akin. Kasunod nito ay ang madiin n’yang paghawak sa pares ng umbok sa likuran ko. Pinalapit n’ya pa akong lalo sa kanya para mas magdikit ang katawan naming dalawa. Tanging mahigpit na pagkakakapit lang sa kanyang mga braso ang nagawa ko sa mga oras na ito dahil unti-unti na rin akong nilalamon ng aking pagnanasa sa kanya.

Nagpatuloy kami sa paghakbang hanggang sa marating namin ang pinto ng aking kwarto. Ako na rin ang nagbukas noon habang nanginginig na rin ang buong katawan ko.

Pagkasara ng pinto ng kwarto ay mabilis n’ya rin akong pinasandal sa likod nito. Narinig ko pang nakalikha ng malakas na ingay ang pagkakasandal ko rito ngunit hindi ako nakaramdam ng sakit, mas ramdam ko ang pagsingaw ng init sa aking katawan habang patuloy akong hinahalikan ni Rigo.

“Aaahhhh……” ungol ko nang ibaba ni Rigo ang kanyang halik patungo sa leeg ko.

Kasunod ng mapusok n’yang paghalik ay ipinasok n’ya ang kanyang dalawang palad sa loob ng aking suot na damit.

“Aahh…. Sh*t!” sambit ko naman nang haplusin n’ya ang aking dibdib.

Matapos iyon ay mabilis n’yang inangat ang aking t-shirt.

“F*ck!!!” malakas kong pagmumura at napakagat ako sa labi ko habang nakatingala at nakapikit. Hindi ko na napigilan ang mapasigaw dahil sa pagkakataong ito ay pinaglaruan na ni Rigo ang aking dibdib gamit ang kanyang bibig.

Nasa ganoon kaming tagpo nang makarinig kami ng pagkatok mula sa likod ng pinto kung saan ako nakasandal. Natigilan si Rigo sa kanyang ginawa at inangat ang kanyang tingin sa akin.

“Liam, anak?” si Nanay Elise pala.

Siguro ay nagising namin s’ya sa pagkakatulog dahil sa mga ingay na aming nilikha.

Nagkatinginan kami ni Rigo. Hindi namin inaalis ang aming pagkakatitigan nang sagutin ko si Nanay Elise.

“P-po? B-bakit po, ’Nay?!” tanong kong nauutal pabalik.

Nasaksihan ko kung paano ngumisi si Rigo habang nakatingala sa akin. Hawak pa rin n’ya ang isa kong dibdib at patuloy na pinaglalaruan iyon gamit ang kanyang daliri.

“Alam ko kung anong nagaganap d’yan! Pero por Dios por santo naman, Liam, ’wag masyadong galingan! Baka magising mo ang kapitbahay dahil sa ingay mo!” paalala ni Nanay Elise sa kabilang bahagi ng pinto.

Nakaramdam ako ng hiya, pero nang tingnan ko si Rigo ay mas lumapad lang lalo ang pagkakangisi nito. Nakikita ko ngayon na mas ginaganahan na rin s’yang gawin ang mga bagay na magpapabaliw sa katawang lupa ko.

Habang malapad ang pagkakangisi ni Rigo ay muli n’yang inilapit ang kanyang bibig sa kanang dibdib ko. At habang nakatingin s’ya sa mga mata ko ay ang marahang paglalaro ng kanyang dila sa dibdib kong iyon.

Para na akong mababaliw sa oras na ito dahil sa ginagawa ni Rigo. Tanging mahigpit na pagkakahawak lang sa kanyang buhok ang nagagawa ko.

“Liam! Naririnig mo ba ako?!” tanong na naman ni Nanay Elise sa labas.

“Aaahhhh… O-opo, ’N-nay….” sagot ko sa pagitan ng pag-ungol.

“Ayokong sisigaw ka na naman d’yan ha? Masyado kang nagiging eskandaloso!” paalala na naman nito.

“Ahhhh! Sh*t!! O-opo, Nanay…. Ahhh..” sagot ko naman sa kanya. Ang hayup na Rigo kasi, pinagsasabay ang paglalaro sa dibdib ko.

Narinig ko ang paghakbang ni Nanay Elise palayo sa pinto. Ngunit habang papalayo s’ya ay naririnig ko rin ang kanyang mga reklamo.

“Nakita mo ’yan?! Napapamura ka pa talaga ha?! Masarap ba?! Mga batang ito talaga, oo! Hindi na makapaghintay! Dito pa lang sa sala hinubad na ang polo! Basang-basa rin ang sahig! Pati ang mantel sa pinto hindi man lang niligpit ng maayos kahit basang-basa! Ang haharot n’yo talaga! Hindi makapaghintay na sa loob na lang ng kwarto magbasaan at maglabasan!” sermon ni Nanay habang papalayo.

Kung hindi lang sana nagaganap ito sa amin ni Rigo ay sasawayin ko ang Nanay ko dahil nagiging malaswa na naman ang bibig nito. Pero sa halip na gawin ko iyon ay hinawakan ko na lamang ang mukha ni Rigo para maangking muli ang labi nito. Natatakot akong madagdagan pa ang pagmumura ko at baka tuluyan na akong mapasigaw nito.

Kasunod ng paghalik ko sa kanya ay mabilis kong ikinilos ang aking mga kamay para tanggalin ang sinturon ng suot n’yang pantalon. At nang tuluyan ko itong matanggal ay mabilis kong ipinasok ang kamay ko sa loob ng pantalon n’yang iyon para kamustahin ang alaga ni Rigo.

Ang kanyang alaga na matagal ko nang hindi nakikita.

Si Jaime.

(A/N: Uuuyyy… Nag-enjoy… Hahahahaha! Pasensya na! Hindi ko talaga inilalahad ang detalyadong pangyayari ng BS sa bawat kwento ko. Pero kung nais n’yo itong mabasa, nasa profile ko ang steps kung paano n’yo ito makikita. Nasa ‘Bio/About’ po iyon sa profile ko. Nasa baba po ang picture kung ano ang hitsura ng book na iyon. 👇👇👇👇 Kasunod din nito ang link para madali n’yong makuha ito. Enjoy!! 😁😁)

![](https://img.wattpad.com/8ffd1a57e171bdd0a58845213539b93c401b32f6/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f3674665a797456566a77724a42413d3d2d3430343339323535362e313462396638396235356565633532353330353130373336343937382e6a7067)

-ayan po ang hitsura ng book.

![](https://img.wattpad.com/e75688709423c356ee820f7ea4be3b0cf57dccbc/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5752775f666a65684336366941773d3d2d3430343339323535362e313462396637396361343964306664303130353835313837313933362e6a7067)

-ayan naman po ang SPG chapter na dapat n’yong basahin.

(TITLE: NSA CHAPTER 13)

-eto naman po ang link: https://www.wattpad.com/404895330-restricted-chapters-nsa-chapter-13

continuation after the BS.

Magkadikit pa rin ang aming mukha at pareho pa rin kaming hinihingal dahil sa narating naming paraiso.

Ilang segundo pa kaming magkatitigan habang magkadikit ang aming mga noo para pahupain ang mabilis na tibok ng puso naming pareho.

“Thank you, Liam…” masuyo n’yang sambit at hinalikan ako sa labi.

“Thank you, Rigz…” sagot ko sa kanyang nakangiti at hinalikan din s’yang muli sa labi.

Matapos iyon ay saka na lamang namin pinaghiwalay ang pag-iisa ng aming mga katawan.

Umupo kaming magkatabi sa kama habang hubad ang aming mga katawan. Ilang segundo ang aming pinalipas para bigyang daan ang pag-iisip sa nangyari sa amin.

Alam kong matapos ang pag-iisa naming ito ay nakakaramdam na ngayon ng lungkot si Rigo. Maging ako ay ganoon din, nakakaramdam din ako ng lungkot dahil may mga bagay kaming gustong mangyari ngunit sa ngayon ay hindi maaari.

“Hey, are you okay?” biglang tanong ni Rigo at hinaplos ang pisngi ko.

Nilingon ko s’ya at nakita kong pinipilit n’yang maging kaswal. Pinipilit n’yang ipakita na lahat ay normal.

“Yeah.” tipid kong sagot na may tipid ding ngiti.

“Shower?” pagyaya na n’ya ngayon sa akin.

Tanging marahang pagtango lang ang naisagot ko.

Sabay kaming naglakad patungo sa banyo ng tahimik.

Marahil ay pareho ang aming iniisip.

Kailan kaya darating ang pagkakataon na mapapalitan namin ang salitang ’ Thank you ’ sa tuwing matatapos kami sa aming pagtatalik?

Kailan kaya mangyayari na sa halip na pagpapalitan ng pasasalamat ay pagpapalitan ng salitang noon pa ay amin nang gustong marinig?

Sana.

Sana pagbalik ni Rigo, magkaroon ng pagbabago.

Sana pagbalik n’ya, ang salitang ‘thank you’ ay mapapalitan na ng

‘I love you’

at

‘I love you too’

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Sure ka ba nand’yan na lahat ng gamit mo?” tanong kong nag-aalala sa kanya.

Ngunit sa halip na sagutin n’ya ako ay natawa ito.

“Anong tinatawa-tawa mo, Rigo? Baliw ka na talaga ’no?” naiinis kong buska sa kanya.

Sinubukan n’yang kontrolin ang pagtawa n’ya. Matapos iyon ay mabilis n’ya akong niyakap na ipinagtaka ko.

“Sorry, natatawa kasi ako sa hitsura nating dalawa. Makulimlim ang langit sa labas pero naka-sunglasses tayo. Kaya pinagtatawanan din tayo ng ibang nakakasalubong nating tao dito sa airport.” natatawa n’ya pa ring banggit.

Nang sabihin n’ya iyon ay natawa rin ako. Oo nga pala, pareho kaming mukhang tanga ngayong mga oras na ito.

“Sino ba kasing nakaisip na magsuot tayo ng sumbrero at sunglasses? Tapos nakajacket pa tayo! ’Di ba ikaw naman?!” buska ko sa kanya.

Bumitaw s’ya at marahang kinurot ang ilong ko.

“Para walang makakilala sa’yo. Baka kasi pagtinginan ka ng ibang tao at makahanap ka agad ng kapalit ko.” sagot n’yang nakangiti ngunit may bahid kalungkutan ito.

Nababaliw na talaga ang lalaking ’to. Ang akala ko naman kaya n’ya naisip na magsuot kami ng ganito ay dahil maaari s’yang makilala. Akala ko ayaw n’yang bukas ay maging laman na lang s’ya ng dyaryo at balita.

“Saka isa pa, para malaya nating magawa ang gusto natin dito sa airport. Kahit kuhanan pa nila ng picture ang dalawang lalaki na nagyayakapan dito, hindi pa rin nila tayo makikilala. Mahirap na, baka sumikat ka pa. Lalo nang marami ang magiging kaagaw ko ’pag nagkataon.” mahaba n’ya pang dugtong.

Kinurot ko ang tagiliran n’ya habang naiinis ang aking ekspresyon.

“Tumigil ka na! Ang cheesy na! Kahapon ka pa! Kakagigil ka na!” buska ko sa kanya habang kinukurot s’ya.

“Aray! Aray! Aray! Oo na, titigil na, titigil na!” paulit-ulit n’yang daing dahil sa natatanggap n’yang pananakit ko.

Doon ko na lamang s’ya tinigilan dahil namumula na s’ya, mukhang nasasaktan na talaga s’ya.

Matapos iyon ay mabilis na naman n’ya akong niyakap. Mahigpit na iyon na tila ba ayaw na n’ya akong pakawalan pa. Ginantihan ko rin ang yakap n’yang iyon na kasing higpit ng sa kanya.

“Mmmmm… Mami-miss talaga kita, Liam…” malambing n’yang sambit habang yakap ako.

Napangiti ako.

“Ako rin, Rigz… Mami-miss din kita. ’Wag kang magtatagal ha?” bilin ko sa kanya.

Naramdaman ko ang marahan n’yang pagtango.

“Ikaw naman dito, ’wag mong pababayaan ang sarili mo. Tatawag pa rin ako araw-araw para i-check kung nakakainom ka ba ng gamot mo. Na-check ko na ang stocks ng gamot mo, sapat na ’yon hanggang sa makabalik ako. ’Yung mga kakainin mo, araw-araw mong kuhanan ng picture at ipadala mo sa akin para makita ko. Nagbilin na rin ako kay Nanay Elise kanina. ’Wag muna s’yang matutulog kung wala ka pa sa bahay n’yo, sabi ko hintayin ka n’ya. Saka ’yu––” hindi na n’ya naituloy dahil pinutol ko na s’ya.

“Rigz, please. Tama na. Ang dami mo nang bilin, ginagawa mo akong bata.Saka alam kong mababantayan mo pa rin ako dahil araw-araw ang bilin mong magvideo call tayo. Narinig din kita kanina na isa-isang kinakausap ang mga kaibigan natin na bantayan ako kaya alam kong wala akong ligtas sa’yo.” hindi ko na alam kung matatawa ba ako o maiinis na sa kanya. Dinaig pa ang Nanay Elise ko.

Muli s’yang nagbitaw ng mahinang pagtawa.

“Gusto ko lang makasigurado, Liam.” natatawa n’yang sambit at hinalikan ang leeg ko.

Wala akong naisagot kundi ang mahinang pagtawa at mahigpit pang pagkakayakap sa kanya.

Pinagsawa namin ang aming mga sarili sa yakap naming iyon. Ilang buwan kaming hindi magkakasama kaya sinusulit namin ang pagkakataong ito.

Alam kong pinagtitinginan na kami ngayon ng tao. Pero kung ang kagaya nga ni Rigo na kilalang tao ay hindi natatakot sa maaaring sabihin at magiging tingin ng iba, ako pa kaya na wala namang iniingatang magandang imahe? Dapat ay maging proud din ako.

Nasa ganoon kaming tagpo nang marinig namin ang pag-anunsyo para sa magiging flight ni Rigo. Ilang beses ’yon inulit pero hindi pa rin kami nagbibitaw ni Rigo.

Ngunit makalipas ang ilang sandali ay ako na ang bumitaw dahil nag-aalala na rin ako. Baka maiwan si Rigo ng sasakyan n’yang eroplano.

“Sige na, Rigz. Pumasok ka na sa loob. Baka mahuli ka na sa flight mo.” utos ko sa kanyang mahinahon habang unti-unting niluluwagan ang pagkakayakap ko.

Bumitaw naman s’ya ngunit nanatili ang kanyang mga kamay sa balikat ko.

“Liam…..” malungkot n’yang pagtawag sa aking pangalan.

“Sige! Subukan mong magdrama, Rigo! Sasampalin talaga kita!” pinagbantaan ko na s’ya.

Kanina ko pa nararamdaman na ayaw talaga n’yang umalis at labis s’yang nalulungkot. Kanina pa iyon simula nang maghanda kami ng mga dadalhin n’ya. Naging matamlay s’ya at paulit-ulit sa kanyang mga paalala.

Huminga ako ng malalim. Nanatili kasi s’yang malungkot kahit pa hindi ko nakikita ang kanyang mga mata dahil sa suot na sunglasses n’ya.

Inangat ko ang aking dalawang kamay para abutin ang mga pisngi n’ya. Nagbitaw din ako ng magandang ngiti bago nagsalita.

“Pagbalik mo, Rigz, may pag-uusapan tayong mahalaga. Pero sa ngayon, mangako ka muna.” una kong sambit habang nakangiti sa kanya.

“Ano ’yon?” tanong n’ya pabalik.

“Mangako kang pagbalik mo, walang magbabago. Pagbalik mo, ikaw pa rin ang Rigo na nakasanayan kong nasa tabi ko.” masuyo kong pagsagot sa kanya.

Sa wakas ay sumilay ang ngiti sa kanya.

“Hindi naman magbabago ’yon, Liam. Pero sige, para sa ikapapanatag mo, mangangako ako.” una n’yang sambit habang nakangiti.

Tumango ako. Alam kong may mga sasabihin pa s’ya kaya naghintay na lamang ako.

“Pangako, Liam, walang magbabago. Dalawang buwan lang ’to, alam ko sa sarili kong walang magiging pagbabago sa akin. Kung ano ako ngayong aalis ako, ganoon pa rin ako pagbalik ko. Ako pa rin ang Rigo na nakilala mo simula pa noong una, ako pa rin ang taong hindi magsasawang samahan ka, protektahan ka, at alagaan ka. Walang magbabago doon, pangako.” lahad n’ya habang suot ang magandang ngiti n’ya.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko. Bahagyang nabawasan ang kabang nararamdaman ko dahil sa unti-unting pagkakabuo ng aking mga plano.

“Salamat, Rigz… Maraming salamat. Maghihintay na lang ako sa pagbabalik mo.” huling bahagi ng pagpapaalam ko.

Matapos kong sabihin iyon ay muli na naman naming narinig ang paulit-ulit na pag-anunsyo sa airport ng magiging flight ni Rigo.

Nabawasan ang ngiti naming pareho.

“Paano? Papasok na ako, Liam. Pagdating ko doon tatawagan agad kita. Mag-iingat ka dito ha?” bilin na naman n’ya.

Natawa ako. Hindi talaga s’ya natigil sa mga paalala n’ya.

“Oo na! Paulit-ulit naman ’to! Basta mag-iingat ka rin doon ha? Alagaan mo rin ’yang sarili mo.” naisagot ko na lamang sa kanya.

Tumango s’ya ng maraming beses bilang pagsagot.

“Sige na, pasok ka na.” utos ko na sa kanya.

“Sandali lang!” pagpigil na naman n’ya.

“Ano na naman?!” naiinis ko nang tanong pabalik.

Maiiwanan na talaga ’to ng eroplano!

Hindi s’ya nagsalita. Ngunit nagulat ako sa sumunod n’yang ginawa.

Hinawakan n’ya ang aking sumbrero at binaliktad iyon, pinaikot n’ya ito sa aking ulo. Ang kaninang nasa harap na parte ng sumbrero ko ay inilagay n’ya sa likod ko.

“Ayan! Bagay na sa’yo! Bad boy, este, bad girl ka na!” wika n’ya at natawa.

Maski ako ay natawa sa kanyang ginawa.

Kasunod nito ay binaliktad n’ya naman ang pagkakasuot n’ya sa kanyang sumbrero gaya ng ginawa n’ya sa sumbrero ko.

“Good boy meets bad girl!” pagbibiro n’ya.

Punyeta. Ang korni n’ya talaga. Kung hindi ko lang ’to mahal, baka nasampal ko na s’ya.

Matapos ang ginawa n’yang iyon ay nadinig na naman namin ang pag-anunsyo ng kanyang flight.

Isa pa talaga ang babaeng nag-a-announce na ’yon! Malapit ko na s’yang sugurin dahil paulit-ulit s’ya! Mapupunyeta ko talaga s’ya at baka masampal ko na s’ya sa sobrang kulit n’ya!

“Paano, Liam? Papasok na ako. Mag-iingat ka sa pag-uwi ha?” walang katapusang bilin ni Rigo.

Sa halip na magpakita ako ng pagkainis dahil nakukulitan na rin ako sa kanya ay isang magandang ngiti na lamang ang gusto kong baunin n’ya.

“Mag-iingat ka rin, Rigz. Hihintayin kita.” makahulugan kong sagot sa kanya. Pinapanalangin ko na lamang sa mga oras na ito na sana ay maramdaman n’ya ang pagpapahiwatig kong iyon.

“Salamat. Pangako, babalikan agad kita.” maikli n’yang sagot sa akin.

Kasunod ng sinabi n’yang iyon ay mabilis n’yang inilapit ang mukha n’ya sa akin. Naramdaman ko na lang na magkadikit na pala ang mga labi naming dalawa.

Sa halip na magpakita ako ng pagtutol ay tinugunan ko na lamang ang paghalik na iyon ni Rigo kahit pa nasasaksihan ito ng maraming tao.

Ilang buwan ko ring hindi matitikman ang matamis na halik na ito ni Rigo. Kaya naman sa bawat pagtugon ko sa kanyang halik ay pinadama ko ang nilalaman ng aking puso. Gusto ko rin na kahit kami ay magkalayo, maaalala n’ya ang halik naming ito.

Ilang segundo rin iyon nagtagal hanggang sa maghiwalay kami habang magkadikit ang aming mga noo. Ngayon ko lang din naintindihan kung bakit binaliktad ni Rigo ang pagkakasuot namin ng sumbrero, para walang makasagabal sa matamis na halik naming ito.

“Aalis na ako. Mag-iingat ka ha?” sambit n’yang mahina.

Muli akong natawa habang magkatapat pa rin ang aming mukha.

“Oo na. Uulit na naman tayo sa umpisa?” may bahid pamimilosopo ko na.

Ngumiti lamang s’ya. Kasunod ng pagngiti n’yang iyon ay ang dahan-dahan na paghihiwalay ng katawan naming dalawa.

Hinawakan na n’ya ang luggage n’ya.

“Sige na, Rigz. Baka maiwan ka na talaga.” utos kong nakangiti. Hindi pa rin kasi s’ya gumagalaw.

“Hihintayin mo ako ha?” bilin na naman n’ya.

“Pangako. Maghihintay ako, pangako ’yan, Rigz.” kailangan kong mangako muli para mapanatag na s’ya.

Mukhang epektibo naman ang pagbibitaw ko ng pangako dahil ngumiti na rin s’ya. Kasunod ng ngiti n’yang iyon ay tumalikod s’ya at mabilis na inihakbang ang mga paa n’ya palayo sa akin.

Pinagmasdan ko ang imahe n’yang palayo ng palayo mula sa aking kinatatayuan. At habang pinagmamasdan ko s’ya ay ang aking mga pagbulong, ang bulong ng taimtim kong pagdarasal.

Ito ang hinihiling ko simula pa kaninang umaga, ito ang napag-isipan ko ng ilang oras habang pinagmamasdan ko ang imahe n’ya habang inaayos ang mga gamit n’ya.

Humihingi at nagdarasal ako ng isang senyales para magkaroon ako ng lakas ng loob sa gagawin ko sa oras na makabalik na s’ya.

“Rigz, humarap ka… Humarap ka, Rigz… Lingunin mo ako kahit isang beses lang… Pakiusap, lumingon ka.” mahina kong bulong.

Paulit-ulit ko iyon sinasambit habang pinagmamasdan ko pa rin si Rigo habang papalayo.

Naging mabilis na rin ang tibok ng aking puso dahil sa labis na kaba. Natatakot ako na baka hindi matupad ang hinihingi kong senyales.

Narating ni Rigo ang pintuan kung saan s’ya dapat pumasok dito sa airport. Nasaksihan ko pa ang pagpapacheck n’ya ng kanyang mga dalang papel kabilang na ang kanyang passport at plane ticket.

“Rigz…. humarap ka…. pakiusap…” nanginginig na ang boses ko habang paulit-ulit kong ibinubulong ito.

Matapos ang pag-inspeksyon sa kanyang mga dala ay nagpatuloy s’ya sa paglalakad n’ya.

At nang ipagpatuloy n’ya ang paglalakad n’yang iyon ay halos magunaw ang mundo ko sa nasaksihan ko. Kasunod din nito ay ang pagdaloy ng masaganang mga luha ko.

Nagpatuloy si Rigo sa paglalakad hanggang sa hindi ko na makita maski ang kanyang anino. Wala nang Rigo ang pinagdarasal kong sana ay lingunin ako.

Ang hinihingi kong senyales para magpatuloy ako sa pakikipaglaban para sa kanya kapag nakabalik na s’ya ay tuluyan nang naging abo.

Bigo ako.

Hindi ako nilingon ni Rigo tulad ng hinihiling ko.

Iyon lang sana ang hinihingi kong senyales para magkaroon ako ng lakas ng loob. Lakas ng loob para ipaglaban s’ya sa kanyang pamilya at sa mga pangarap n’yang nabuo.

Pero wala. Walang Rigo na lumingon sa akin para tuparin ang pinakahihiling ko.

Dahan-dahan ay tumalikod ako. Kasabay ng pagkilos ko ay ang malakas na pag-iyak ko.

Wala na akong pakialam kung marami na ngayon ang tinitingnan ako dahil naging malakas na ang bawat paghikbi ko. Mas nangingibabaw sa akin ang sakit dahil sa pagkabigo.

Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko para lisanin ang lugar na ito. Ang lugar na habang-buhay ay maaalala ko sa buong buhay ko dahil sa napakapait na tagpo.

Siguro ay nakakaapat na hakbang pa lang ako nang matigilan ako.

“Randy Liam!!!” malakas na sigaw sa aking pangalan.

Nanigas ang buong katawan ko. Tila ba huminto rin ang mundo ko. Napatigil ako sa pag-iyak at saglit na naputol ang paghinga ko.

Ang boses na iyon. Kilala ko kung kanino ang boses na iyon.

Kahit parang naging bato na ako sa aking kinatatayuan ay ginawa ko ang lahat para makagalaw ako. Unti-unti akong kumilos habang nanlalaki ang mga mata ko. Muli kong nilingon ang lugar kung saan ko huling nakita ang taong labis na minamahal ko.

“R-rigo….” mahina at nauutal kong sambit sa pangalan ng taong tumawag sa pangalan ko.

Nakita ko ito na nasa pinto kung saan s’ya kanina pumasok. Suot n’ya ang kanyang ngiti habang paulit-ulit na kumakaway.

“Randy Liam!!! Mahal kita!!! Mahal na mahal!!! Tandaan mo ’yan ha?!!! Mahal na mahal kita!!!”

“Hintayin mo ang pagbabalik ko!!! Mahal kita!!! Mahal na mahal!!!”

“’Yung mga bilin ko ha?!!! ’Wag mong kalilimutan!!! Mahal na mahal kita!!!”

“Mahal na mahal kita Randy Liam!!!”

paulit-ulit n’yang sigaw habang kumakaway.

Halos matumba ako sa aking pwesto dahil sa nasaksihan ko.

Akala ko ay huli na para matupad ang hiling ko. Pero heto s’ya at isinisigaw pa ang pangalan ko sa mundo.

Muling bumuhos ang mga luha ko mula sa mga mata ko. Ngunit kung kanina ay luha ito ng pagkabigo, ngayon ay luha na ito ng panibagong pag-asa at labis na saya.

Iyon lang ang ginawa ni Rigo. Matapos n’yang isigaw ang lahat ng iyon ay mabilis na rin s’yang bumalik sa loob ng pinasukan n’yang pinto.

Habang patuloy na naglalandas ang mga luha ko ay unti-unting sumilay ang ngiti ko.

“Mahal din kita, Rigz… Mahal na mahal na mahal…”

“Pagbalik mo… Masasaksihan mo kung paano ako makikipag-away sa mundo…”

“Pagbalik mo… Sa’yong-sayo na ako…”

“Pagbalik mo… Pagma-may-ari mo na ako…”

“Ipaglalaban na kita, Rigz… Magiging makasarili na ako para sa’yo… Dahil hindi na ako papayag na hadlangan pa tayo ng kahit na sino… Kahit pa ng pamilya mo o ng pangarap mo…”

“Aawayin ko silang lahat basta makuha lang kita…. Ipaglalaban na kita… Tandaan mo ’yan…”

“Mahal kita, Rigz… Mahal na mahal…”

Lahat ng salitang ’yan ay pinapangako ko na ngayong mga oras na ito.

Alam kong magiging mahabang pakikipaglaban ito. Pero sapat na ang lahat ng pinagdaanan namin ni Rigo para mapagbigyan ang hiling naming pareho.

Tama na, tapos na ang laro naming dalawa.

Dahil sa oras na bumalik s’ya, maipagmamalaki na namin sa lahat na may relasyon na kaming dalawa.

Hindi na lang kami basta magkasama.

Magiging opisyal na kaming dalawa.

Magiging pagmamay-ari na n’ya ako, at magiging akin na lang s’ya.


A/N

’Yeng tetee? Sino ang kinilig sa tagpo? Hahahaha!

Sulit naman ba ang haba nito? Katumbas na ito ng dalawang chapters, plus may bonus pa sa ‘Restricted Chapter’. Nakabawi na ba aketch?

Sana po ay nag-enjoy kayo, mga mahal ko! Kasi ako nag-enjoy habang ginagawa ito! Hahahaha!

Paano po? Sa susunod ulit!

Labyu!

–– cold_

deee

chapter 14

A/N

Waaahh! Sorry kung natagalan, super busy lang po talaga.

Anyway, para po kay 

AdneyArch

 ang chapter na ’to. Natuwa ako sa naging reaksyon mo sa E.D. na short story ko. Isa ka rin sa mga hindi bumibitaw sa mga isinusulat kong kwento. Maraming salamat sa’yo. :)

Enjoy reading chapter 14, mga mahal ko! Sa mga nag-aabang ng magiging POV ni Rigo, hindi ko alam kung ilang chapters pa ang aabutin pero nalalapit na rin. 😉😉

’Yun lang po!

––> si Randy po sa media at si Rigo naman po ang naka-insert na picture sa baba.


![](https://img.wattpad.com/f2827a860b9bea6f9c4c8b2216339d9dc59e71a9/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f714c794d704b4a734d48477845413d3d2d3430363431313934302e313463303865343265623037633238363437393231353637343338312e706e67)

RANDY’s POV

“Magandang balita, Randy. You’re getting better. Pwede na rin nating bawasan ang dosage ng gamot na tine-take mo.” magandang pagbabalita sa akin ng Psychiatrist ko.

Nginitian ko s’ya bilang pasasalamat.

Matapos kong ngitian ang doktor sa harap ko ay nakasimangot kong binalingan ang aking kanan kung saan naroroon ang aking cellphone.

“Narinig mo ’yon?” nakataas ang isang kilay kong pagtatanong sa taong nasa screen ng cellphone ko. Kagat nito ang dulo ng isang daliri n’ya at nakatingin ito sa akin ng may pag-aalala.

Muli kong binalingan ang aking Psychiatrist.

“Doktora, ikaw nga ang magsabi dito. Nakakairita! Tingnan mo ang mukha, akala mo nagle-labor ako ngayon at any moment maglalabas ako sa pwerta ng bata!” naiinis kong pakiusap kay Doktora.

Nagbitaw muna ng pagtawa ang doktora bago hinarap ang taong nasa cellphone ko, ang taong binabantayan ang lahat ng kilos ko.

“Rigo, hijo.” pagkausap sa kanya ni Doktora habang nakangiti. “Kagaya ng sinabi ko, wala na kayong masyadong dapat na ikabahala. Maganda ang mga signs na nakikita ko kay Randy sa kanyang therapy. Uunti-untiin na lang natin ang lahat. Magsimula tayo sa pagbabawas ng dosage ng kanyang gamot, next is sa session ng kanyang therapy. At kapag tuloy-tuloy na ang magandang response sa kanya, sooner or later, gagaling na rin s’ya.” mahaba nitong litanya kay Rigo.

Sa wakas ay tinanggal na ni Rigo ang kanyang daliri sa kanyang bibig. Nasaksihan ko ang mabilis na ngiting kanyang ipinamalas.

“Talaga?!” masaya nitong tugon.

“Ay hindi, Rigz! Uulitin pa ba ni Doktora?” sarkastiko kong tanong sa kanya.

Hindi tinanggal ni Rigo ang maganda n’yang ngiti, hindi n’ya pinansin ang pagtataray ko sa kanya.

“Ganon na nga, Rigo. Kaya kung ako sa’yo, ituloy-tuloy mo lang ang suportang ibinibigay mo sa kanya. Malaki ang maitutulong ng suporta ng mga taong malalapit sa kanya.” dagdag pa ni Doktora bilang pagsagot kay Rigo.

Mabilis ang mga naging pagtango ni Rigo habang suot pa rin ang kanyang pagkakangiti.

“Oo naman, Dok! Makakaasa po kayo!” tuwang-tuwa na sagot ni Rigo.

Punyeta, bakit parang nawala na ako dito sa eksena? Sila na lang dalawa ang nag-uusap ni Doktora!

“Okay ka na? Masaya ka na, Rigo?” pasingit ko na sa kanilang usapan. Mahirap na kung hindi ko puputulin ang pag-uusap nila, baka ma-attract na si Doktora kay Rigo, dalaga pa naman s’ya.

“Sobra, Liam! Sobrang saya!” sagot naman ni Rigo sa akin.

“Pwede ka na bang bumalik sa trabaho? Kasi parang hindi ka na nagtatrabaho d’yan e! Maya’t-maya ka nakabantay, tawag ng tawag, video call pa talaga ang gusto! Jusko!” asik ko sa kanya.

Natawa s’ya sa kabilang linya. Maging si Doktora ay nakikitawa na rin sa mga oras na ito.

“Sorry na. Madali kasing natapos ang scene ko kaya mahaba ang oras ko para kausapin ka.” natatawa nitong sagot sa akin.

“E ’di ikaw na! Ikaw na mahusay sa pag-arte at hindi na paulit-ulit ang eksena mo!” hindi ko pa rin pagpapatalo.

Tanging pagtawa lang ang naisagot n’ya ganoon din si Doktora na nasa harap ko.

’Yung totoo? Comedy show ba itong napuntahan ko?

Ilang sandali pa ay kumalma na rin ang dalawang tao na halos makita ko na ang mga ngala-ngala dahil sa katatawa.

“Pero may kailangan akong i-remind sa inyo lalo na sa’yo, Randy.” natatawa pa ring pagputol ni Doktora makalipas ang ilang  sandali.

“Ano po ’yon?” tanong ni Rigo.

Ay? S’ya ba ang pasyente? S’ya ang sumasagot e.

Umayos muna si Doktora sa pagkakaupo dito sa mahabang sofa sa kanyang clinic. Tila ba naghahanda s’ya sa mahalagang sasabihin dahil bahagyang naging seryoso ang kanyang ekspresyon.

“Kagaya ng paulit-ulit kong pinapaalala sa’yo, Randy, iwasan mo muna ang ma-stress.” paumpisa nito.

“Hindi naman po ’yon maiiwasan, Doktora. Minsan nakakaramdam ako ng stress lalo na sa trabaho. Pero dahil na rin sa mga naging payo n’yo sa akin, nagagawa ko naman pong i-handle ang mga ’yon ng maayos.” sagot ko sa kanya.

“Alam ko naman ’yon. Pero ang sinasabi ko ay ang mga bagay na makakaapekto sa iyong emosyon. Iwasan mo munang mag-isip ng mga problema na maaaring makaapekto sa nararamdaman mo. Kung hindi naman maiiwasan, mahalagang komonsulta ka sa akin o kaya naman ay magkwento ka sa mga taong malalapit sa’yo. Mahalagang nailalabas mo ang iyong emosyon sa halip na sinasarili mo.” mahaba n’yang paliwanag at payo.

Napaisip ako sa kanyang mga sinabi, pinag-aralan ko ang bawat detalye nito. Sinimulan ko na rin pag-isipan kung may mga bagay pa ba akong inaalala sa mga nakalipas na araw hanggang sa sandaling ito.

Matapos ang ilang minutong pag-iisip ay gumuhit ang ngiti sa aking labi.

“Wala kang dapat na ipag-alala, Doktora. Maayos naman ako at makakaasa kang magiging maayos sa akin ang lahat.” tangi kong naisagot kay Doktora.

Ngumiti rin ito pabalik.

“Mabuti naman kung ganon.” sambit n’yang nakangiti.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ni Doktora nang biglang magsalita si Rigo.

“Doktora, ano po bang mangyayari sakaling may mga bagay na ikaka-stress si Randy?” tanong ni Rigo sa aking doktor.

Hindi pa man din nakakasagot ang doktora ay nakasimangot kong binalingan si Rigo.

“Pinapanalangin? Pinapanalangin? Parang gusto mong mangyari ’yon, Rigo ah? Gusto mo akong ma-stress?” masungit kong pagtatanong.

Nagbitaw si Rigo ng malalim na paghinga.

“Hindi naman sa ganon, Liam. S’yempre ayaw ko rin naman na mangyari ’yon. Kaya nga hangga’t maaari aalamin ko ang mga bagay na dapat at hindi dapat sa’yo para maiwasan ’yon. Kakausapin ko rin si Nanay Elise pati na rin sina Xander at Tom para maiwasan ang ganong bagay.” paliwanag nito sa akin.

Oo na, s’ya na talaga. Dinaig n’ya pa ang Nanay Elise ko sa pag-aalaga.

Naiikot ko na lamang ang mga mata ko. Hinayaan ko na lang si Doktora na ngayon ay nangingiti sa amin ang mapagpaliwanag sa kanya.

“Bueno, sakaling may mga bagay na maaaring makaapekto sa emosyon ni Randy o kung umabot man ito sa depression, ikinalulungkot kong ipaalam, ngunit maaaring makaapekto rin ito sa kanyang mentality.” paliwanag ni Doktora. Naging malungkot din ang tono ng pagsasalita ni doktora sa huling bahagi ng kanyang paliwanag.

Dahil sa kanyang sinabi ay muli akong napalingon kay Doktora. Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Rigo. Marahil tulad ko ay nabigla rin ito.

“Ano pong ibig n’yong sabihin?” tanong kong nagtataka.

Nagpakawala muna ng malalim na paghinga si Doktora at seryosong nagsalita.

“Sakaling magkaroon ka ng depression, mawawalan ka na ng interest sa lahat ng bagay. Mula sa kinakain mo, maging sa paligid at kahit pa sa mga taong naging malapit sa’yo. At kung magtutuloy-tuloy ito, magkakaroon ng pagbabago sa’yo and it can affect any or all of your senses.” malungkot nitong salaysay.

Nakukuha ko ang kanyang mga sinasabi, naiintindihan ko lahat. 

Namayani ang katahimikan sa aming tatlo ng ilang minuto hanggang sa magpakawala ako ng mahinang pagtawa. 

“Parang napakaimposible naman ng sinasabi n’yo, Doktora. Sinasabi n’yo bang may posibilidad na mabaliw ako?” natatawa kong tanong sa kanya.

“No, it’s not like that, Randy.” malungkot nitong pagkontra.

“Hindi ako tanga, Doktora. Alam ko ang gusto n’yong ipahiwatig.” sagot ko sa kanyang natatawa.

Hindi s’ya nagsalita. Lalo n’ya lamang kinukumpirma ang kanyang mga sinabi dahil sa kanyang pananahimik.

Ako naman ang nagbitaw ngayon ng malalim na paghinga. Kasunod ng pagbuntong-hininga ko ay ang pagbitaw ko ng isang ngiti.

“Pero sige. Para sa ikatatahimik nating lahat, hayaan n’yong maipakita ko sa inyo na hindi mangyayari ang bagay na ’yon. Sa tinagal-tagal na panahon na nagdusa ako sa kamay ng Papa ko noon, hindi naman ako umabot sa puntong nawala ako sa katinuan, ’di ba? Kaya don’t worry about me, kaya ko ’to.” nakangiti kong pagbibitaw ng salita.

Mukhang sa mga sinabi kong iyon ay napagaan ko ang kalooban nila. Ngumiti si Doktora, at nang tingnan ko naman si Rigo ay nakita kong gumuhit din ang ngiti rito.

“That’s great. At sana, Randy, kahit maganda ang pinapakita mong signs ngayon, ’wag na ’wag mo pa rin kalilimutan na magpunta rito, okay? Konti na lang, malalampasan mo na rin ito.” nakangiting pahayag ni Doktora.

“Kailan po ang next session n’ya?” biglang pagsabat ni Rigo sa masayang tono.

Muli kong pinutol ang pagsagot sana ni Doktora.

“Punyeta naman talaga, Rigo! Lahat na lang? Baka pati pagsubo ko ipa-update mo rin sa akin?” pagsusungit ko na naman sa kanya.

Nagulat ako nang maging seryoso ang ekspresyon nito. Nagalit yata sa sinabi ko. Dahil ba napunyeta ko s’ya?

“Anong subo? Anong isusubo mo, Randy?” seryoso nitong tanong habang matalim ang kanyang tingin.

Hay jusko! Adik ba ’to?

“Natural pagkain! Ano bang iniisip mo?!” tanong ko pabalik.

“Ayusin mo lang ang sarili mo ha? Pinababantayan kita.” seryoso n’ya pa ring pagbabanta.

Tinaasan ko s’ya ng isang kilay.

“Alam ko. Kulang na nga lang magpalagay ka ng CCTV sa kwarto ko para mabantayan din ako sa pagtulog ko! Jusme!” naiinis ko na namang sagot.

“Natural! Hanggang ngayon hindi ka pa nasanay, Liam?!” tanong n’yang naiinis.

Sasagutin ko pa sana si Rigo nang umepal si doktora. Tumikhim ito senyales na pinuputol n’ya kami ni Rigo sa pagsasagutan.

“Alam n’yo, kung hindi n’yo lang patuloy na dine-deny na may relasyon kayo, iisipin ko na talagang kasal na lang ang kulang sa inyo.” pagputol ni doktora habang nakataas ang isang kilay n’ya.

Pake ba nito? Hindi ko na talaga maiwasan isipin na interesdo ’to kay Rigo.

Naku! ’Wag lang talaga s’ya magkakamali! Dahil ’pag sinubukan lang nito landiin si Rigo, sisiguraduhin kong lalagasin ko ang buhok nito!

“’Wag mo akong tingnan ng ganyan, Randy, alam ko ang iniisip mo. Baka nakakalimutan mo, psychiatrist ako at may kakayahan rin ako na mabasa kahit kaunti ang isip ng tao.” nakangiting paninita sa akin ni doktora sa pag-iisip kong kalbuhin s’ya.

Inirapan ko na lang s’ya. Guilty ako kaya hindi na ako sasagot pa sa kanya.

“Bueno, since tapos na rin naman tayo, pwede ka na rin umuwi, Randy. Magkita na lang tayo sa next session mo.” pamamaalam ni doktora.

Hindi na ako nagsalita pa, hindi ko na rin nagawang tingnan si doktora dahil baka mabasa na naman n’ya ang iniisip ko. Mabilis kong dinampot ang cellphone ko kahit nasa screen pa si Rigo at patuloy na nanonood sa mga nagaganap dito sa clinic ni doktora.

Ilalagay ko na sana sa aking bulsa ang phone ko nang magsalita si Rigo.

“Saan ka na n’yan pupunta? Didiretso ka na ba sa hotel?” tanong nito.

Muli kong hinarap ang camera at nakataas ang isa kong kilay na binalingan ang taong isang linggo nang kinukulit ako.

“Wala kang pake! Itigil mo na rin ang pagpapanggap na hindi mo pa alam kung saan ako pupunta dahil alam kong nakapagpaimbestiga ka na!” buska ko sa kanya at pinatayan na s’ya ng tawag. Mabilis ko na ring inilagay ang phone ko sa aking bulsa.

Kainis! Gagaling nga ako sa sakit ko pero mukhang maaga akong magkakaroon ng highblood dahil kay Rigo.

“Paano? Mag-iingat ka, Randy ha? ’Yung mga paalala ko sa’yo ’wag mong kalilimutan.” bilin ni doktora. Tumayo rin ito para ilahad ang kamay n’ya sa akin.

Hindi nagbabago ang naiinis kong ekspresyon nang abutin ko ang kanyang kamay.

“Thank you!” padabog kong sagot at inirapan s’ya.

Tanging pagtawa lang ang naisagot ni doktora habang umiiling. Ang haba talaga ng pasensya ng mga kagaya n’ya. Kahit kinukutusan ko na s’ya sa isip ko, nakangiti pa rin s’ya.

Matapos ang mabilis na pamamaalam ay tinungo ko na ang pinto palabas. Ngunit bago ko pa tuluyang lisanin ang clinic na iyon ay muli akong tumalikod para harapin si doktora.

“Doktora.” pagtawag ko sa kanya.

“Yes, Randy?” nakangiti n’yang tanong pabalik.

Pitikin ko kaya ang pisngi n’ya? Makakangiti pa rin kaya s’ya?

“Wala naman. Gusto ko lang ipaalam sa’yo na akin lang si Rigo. Hindi s’ya pwedeng mapunta sa iba. Dapat akin lang s’ya. AKIN LANG.” seryoso kong pagsasalita at tuluyan nang lumabas sa clinic n’yang iyon.

Habang naglalakad palayo sa clinic ay narinig ko ang malakas na tawa ng doktora na iniwan ko sa loob.

May nakakatawa ba sa sinabi ko? S’ya yata ’tong malapit nang mabaliw eh.

Nang makasakay ako ng aking kotse ay saglit kong pinainit ang makina nito. Habang naghihintay ng ilang minuto para simulang magmaneho ay inilagay ko ang aking cellphone sa universal cellphone holder na nasa harap ko. Baka kasi may importante akong tawag na kailangang sagutin habang nagmamaneho.

Matapos ang kaunting paghahanda ay sinimulan ko nang magmaneho. Bumalik na ako sa pagtatrabaho mula sa mahabang pahinga kaya pupunta naman ako sa hotel. May magaganap kasi na conference meeting ngayon kasama ang head ng bawat department ganoon din sina Xander at Tom na may-ari ng hotel na pinapasukan ko.

Sa loob ng isang linggo na hindi kasama si Rigo ay hindi ko naramdaman na magkahiwalay kami. Maya’t-maya ako nakakatanggap ng tawag sa kanya. Alam n’ya kung gising na ako sa umaga at agad din s’yang tumatawag para magkausap kaming dalawa. Minsan ay nauuwi kami sa pagtatalo dahil nasusungitan ko s’ya.

Sino ba naman ang hindi maiinis? Feeling ko ang dami n’yang oras para kausapin ako. Minsan iniisip ko nang hindi naman talaga s’ya doon nagtatrabaho, wala s’yang ginawa kundi tumawag para kamustahin ako at ipaalala ang mga bilin n’ya bago s’ya umalis dito.

Nami-miss ko s’ya, oo. Pero hindi ko maiwasang mainis dahil sa sobrang kulit.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho nang tumunog ang phone ko.

“Punyeta naman talaga.” pigil sa galit kong pagsasalita dahil nakita ko ang picture ng taong tumatawag sa phone ko.

“Ano na naman, Rigz?!” sagot ko sa kanyang tawag. Patuloy pa rin ako sa pagmamaneho at paminsan-minsan ko s’yang nililingon dahil naka-video call na naman ang baby ko.

“Hi, Liam.” wagas na ngiti n’yang pagbati.

“You’re not cute!” inis kong sambit.

“I know. Pero gwapo ako, aminin mo.” pagbubuhat n’ya ng sariling bangko.

“Nagda-drive ako.” pag-iiba ko na lang ng usapan. Baka magpa-party s’ya ’pag sinabi kong gwapo talaga s’ya. “Bakit ka na naman tumawag? Wala ka bang shoot?” tanong ko pa.

“Tapos na. Papunta na nga ako ngayon sa hotel na tinutuluyan ko para magpahinga. May press conference kasi kaming pupuntahan mamayang gabi kaya kailangan din namin maghanda.” sagot n’ya sa akin.

Doon ko lang napansin na nagbago na ang paligid n’ya. Mukhang nasa loob din ito ng kotse kaiba kanina na nasa field s’ya.

Inilibot ni Rigo ang camera sa loob ng kotseng kanyang sinasakyan.

“Sir, say hello to my princess.” narinig kong sambit ni Rigo.

Ako ’yon ’di ba? Ako lang naman ang prinsesa ni Rigo, ’di ba?

Nang sulyapan ko ang screen ng cellphone ko ay nakita ko ang isang lalaking nagmamaneho. S’ya yata ang driver ni Rigo.

“Sawat dee khap!” nakangiting bati ng driver.

Ngumiti naman ako pabalik. Ayoko naman isipin ng kasama ni Rigo na bastos ako.

“Sawat dee ka.” nakangiti kong bati pabalik at bahagya pa akong yumuko.

Matapos iyon ay ibinalik ni Rigo ang camera sa kanya.

“Ang galing ah? Alam mo ibig sabihin ng bati nila?” pagpuri sa akin ni Rigo.

“Imma genius y’know! Kaya kahit hindi ako babae, ’yung pambabaeng greetings ang sinabi ko. Hindi yata kasi naintindihan ng driver mo na prinsesa mo ako kaya kailangan kong ipaalam sa kanya na princess ang kausap n’ya.” pagyayabang ko sa kanya.

Tanging pagtawa lang ang naisagot ni Rigo sa sinabi ko.

“Bakit ka nga pala napatawag na naman?” tanong ko sa kanya makalipas ang ilang sandali.

“Wala lang, na-miss kasi kita.” sagot n’yang nakangiti.

“Jusko naman, Rigo! Halos bawat kilos ko nag-uusap tayo!” naiinis ako pero kinikilig din ako.

Matapos kong sabihin iyon ay namayani ang katahimikan.

“Oh? Bakit ka natahimik d’yan?” tanong ko kay Rigo habang patuloy pa rin ako sa pagmamaneho.

“Ayaw kitang kulitin kasi nagda-drive ka. Baka kasi madisgrasya ka.” sagot n’ya.

“Eh bakit hindi mo pa ibaba ang tawag?” tanong kong muli.

“Ayow ko rin. Kasi gusto lang kitang titigan habang nagda-drive.” sagot n’ya rin.

Napangiti ako sa likod ng aking isip. Hindi ko magawang sumagot pabalik dahil baka hindi ko mapigilan ang aking pagngiti.

“Kinikilig ka?” tanong n’ya bigla.

“Asa ka pa.” pambabara ko sa kanya bagama’t gusto ko nang tumalon sa tuwa.

“Sige, gusto mo pakiligin kita?” tanong n’ya ulit.

Punyeta. Baka mag-tumbling at mag-twerking na ako ’pag itinuloy n’ya.

“Sige nga. Try mo kung kikiligin ako.” ang naisagot ko. Ang landi ko, punyeta.

“Paano ’pag napakilig kita? Anong magiging premyo ko?” tanong n’yang desidido.

Napangisi ako. Alam ko kung ano ang gusto nitong si Rigo. Sa loob ng isang linggong pag-uusap namin ay lagi n’yang hinihiling ito ngunit hindi ko mapagbigyan dahil nakokornihan ako.

“Iki-kiss kita sa camera.” sagot kong nakangisi at saglit na sinulyapan s’ya.

“Promise?!” tuwang-tuwa n’yang paniniguro.

“Cross my pretty heart. Mamatay man si Coke.” sagot ko sa kanya.

“Yes!!” sambit n’ya lang.

Saan ba s’ya natuwa? Doon sa sinabi kong iki-kiss ko s’ya o dahil sa sinabi kong mamatay na si Coke?

Whatever.

Ilang segundong katahimikan ang namayani. Hindi ko alam kung ano ang balak n’yang gawin sa mga oras na ito, pero pinili ko na lang na manahimik habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang magandang tinig ni Rigo. Kumanta s’ya gamit ang nakakapanghinang boses n’ya na ikinawiwindang ng mundo ko.

(A/N: Paki-play po ang nasa media. ’Yan po ang kinakanta ni Rigo. Song title: Can’t Help Falling In Love - Covered by: Joseph Vincent)

Wise men say

Only fools rush in

But I can’t help falling in love with you

Punyeta. Pigilan mong ngumiti, Randy! Pigilan mo!

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can’t help falling in love with you?

Patuloy pa rin sa pagkanta si Rigo. Ako naman ay patuloy na pinipigilan ang pagngiti ganoon din ang paghinga ko paminsan-minsan dahil sa lambing ng boses ni Rigo.

Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be

Take my hand,

Take my whole life, too

For I can’t help falling in love with you

Pasimple kong sinulyapan si Rigo, titig na titig pala sa akin ang baby ko. At nang magtagpo ang aming mga mata ay halos mapa-walling ako, mabuti na lang at wala talagang wall sa likod ko. Ang pilyo kasi, habang nakangiti s’ya ay kinindatan n’ya pa ako.

Hindi ko na kaya. Tuluyan nang bumigay ang pretty heart ko. Naikagat ko ang ibabang labi ko dahil sa ginawang iyon ni Rigo. Pigilan ko mang ngumiti ay alam kong napansin na iyon ni Rigo.

For I can’t help falling in love with you

Natapos ang kanyang pagkanta ngunit ang ngiti n’ya ay hindi naalis sa kanyang mukha.

Hindi ako nakapagsalita, muli kong ibinalik ang tingin ko sa kalsada. Ilang segundo rin ang lumipas nang magsalita s’ya.

“Ano na? Alam kong napakilig kita. Nasaan na ang premyo ko?” nadinig kong tanong n’ya.

Hindi ko s’ya sinagot, nanatili ako sa pagmamaneho.

“Liam… nasaan na ang kiss ko? Alam kong kinilig ka dahil hindi ko inaalis ang tingin ko sa’yo, nakita kong napangiti kita. Kaya ibigay mo na ang kiss ko!” malambing n’yang pamimilit.

Hindi pa rin ako nagbigay ng reaksyon.

“Ang daya mo naman, Liam! Isa lang oh!” dagdag n’ya pa.

Wala pa rin akong binibitawang salita, ngunit mabilis kong kinabig ang manibela ko para itabi sa kalsada ang kotse ko.

Nang maging matagumpay ang pagpapark ko ng aking kotse sa gilid ng kalsada ay nilingon ko si Rigo. Nakasimangot na ito at halatang nagtatampo.

Nang makita ko ang kanyang reaksyon ay pinakawalan ko na ang malapad na pagkakangiti ko. At nang masilayan n’ya ang ngiti kong iyon ay nagbago din ang kanyang ekspresyon. Mula sa pagtatampo ay ngumiti rin ito.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at naging mabilis ako sa pagkilos ko. Inilapit ko ang aking mukha sa screen ng cellphone at idinikit ang labi ko para halikan ang prinsipe ko.

“Bye, Rigz!” sambit ko lamang at mabilis na pinindot ang cellphone para patayin videocall namin ni Rigo. Hindi ko na hinintay ang magiging reaksyon nito.

Muling nagbalik ang katahimikan sa loob ng kotse ko. Pero sa kabila ng katahimikang iyon ay dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Naisubsob ko ang ulo ko sa aking mga braso na nakapatong sa manibela.

“Punyeta ka, Randy. Ang landi-landi mo! Ang harot-harot mo. Kilig na kilig kang punyeta ka.” sambit ko sa aking sarili.

Damang-dama ko rin ang mainit na mukha ko, alam kong pulang-pula ako dahil sa hiya at kilig dahil sa kalandian ko.

Ninamnam ko muna ang nararamdaman ko, pinakalma ko muna ang sarili ko. At nang tuluyan akong makaahon sa sitwasyong iyon ay ibinalik ko ang aking sarili sa pagmamaneho.

Miss na miss ko na talaga si Rigo. Kahit pa madalas kaming magkausap ay iba pa rin ang pakiramdam sa tuwing naririto s’ya sa tabi ko.

“Bilisan mo naman, Rigo. Umuwi ka na. Gusto nang maramdaman ng gorgeous body ko ang katawan mo. Sabik na sabik na ang kissable lips ko sa halik mo.” pagkausap ko sa kanya kahit hindi n’ya ako naririnig sa mga oras na ito.

Ilang minuto pang pagmamaneho ang aking ginawa hanggang sa makarating ako ng hotel kung saan ako nagtatrabaho.

“Sorry. Late na ba ako?” tanong ko sa mga taong nasa loob ng conference room. Umupo na rin ako sa bandang kabisera kung saan makakatabi ko mamaya ang mag-asawang may-ari nitong hotel.

“Hindi pa naman, Randy. Wala pa ang mag-asawang boss natin. Baka nag-quickie pa sa office nila.” sagot ni Olyn na head ng HR Department. Naging kaibigan na rin namin ito kaya ganito na lang s’ya kung makipag-usap kahit sa harap nina Xander at Tom, komportableng-komportable. Kung sabagay, ganyan na talaga s’ya, puro kalaswaan ang bukang-bibig n’ya.

Hindi makokompleto ang kalaswaan kung hindi naman ito sesegundahan ng kanyang malapit na kaibigan, ang pinsan din ni Xander na si Mr. Lojie Enriquez at Deputy Assistant Manager nitong hotel.

“Mamaya natin malalaman ang sagot, Olyn. Tingnan natin ang pwetan ni Tom kung basa. Tapos tingnan din natin ang bunganga ng pinsan ko kung mapula, senyales ’yon na nakach*pa s’ya! Kingina! Picturan natin, Olyn ha?” mahaba nitong pagsegunda.

Ako ang nahihiya sa mga sinasabi nitong mga walang-hiya. Kahit marami kami rito sa loob ng conference room dahil naririto na ang lahat ng department heads ay naging napakatahimik. Ang mga lintik lang na ito ang maiingay.

“Kayong dalawa, parang hindi n’yo mga boss ’yang pinag-uusapan n’yo! Nagsasalita kayo ng ganyan sa harap pa ng mga empleyado nila! Konting respeto naman!” paninita ko sa kanila habang nakasimangot.

Akala ko ay maaapektuhan sila. Pero dahil likas na makakapal ang mukha ng dalawang ito ay nagbitaw pa sila ng malakas na pagtawa.

“Lul! ’Wag ako, Randy! Hindi mo ako masisindak sa paganyan-ganyan mo! Nasa ibang bansa lang ang inspirasyon mo kaya wala kang mach*p––” hindi n’ya naituloy dahil sumigaw na ako.

“Sige! Subukan mong ituloy ’yang sasabihin mo, Lojie! Kahit pinsan ka pa ng may-ari nitong hotel gigilitin ko talaga ’yang leeg mo!” banta ko sa kanya habang masama ang tingin ko sa kanya.

Sumingit naman si Olyn na akala mo ay isang inosente sa pagsasalita.

“Anong hindi dapat ituloy na sasabihin ni Sir Lojie? ’Yung chpa? Bakit? Anong masama sa chpa? Chpa, chpa, chpa! Chpa here! Chpa there! Chpa everywhere! Walang masama sa chpa! Kaya pagkatapos nitong meeting, let’s spread the love and make chpa!” sunod-sunod nitong pagsasalita na nasundan ng malakas na pagtawa kasabay ni Lojie. Pumapalakpak pa sila dahil sa galak.

Halos lamunin na ako ng lupa dahil sa hiya. Ako ang nahihiya sa mga taong naririto dahil sa mga walang modong nilalang na ito.

Akmang sisigawan ko na naman sila nang bigla naman bumukas ang pinto ng conference room. Pumasok ang mag-asawang Xander at Tom na nagmamay-ari ng hotel na ito.

“Ang saya n’yo ah?” nakangiting pagpuna ni Xander nang madatnan ang nagtatawanang Lojie at Olyn.

“Anong pinag-uusapan n’yo?” tanong namang nakangiti ni Tom. Diretso na rin silang umupo ni Xander sa kanilang mga upuan dito sa aking tabi.

Habang natatawa sina Lojie at Olyn ay sinagot nila ang tanong ni Tom.

“Ano pa, e ’di ch*pa!!” halos pasigaw na sagot nilang dalawa.

Naihilamos ko na lang ang palad ko sa aking mukha. Maging ang ibang tao dito sa conference room ay napayuko na lamang dahil sa hiya.

Nasa ganoon kaming tagpo nang marinig ko ang pagtatanong ni Tom.

“Chpa? Bakit? Anong meron sa chpa? At saka, ano ba ang ch*pa?” inosente nitong tanong habang nakangiti.

Punyeta! Chpa lang hindi pa alam nitong si Tom?!! Akala mo hindi chumuchpa ang lalaking ’to!! Sumobra na talaga s’ya sa pagiging slow!!

Narinig ko ang mga pigil na pagtawa ng mga taong naririto, maging ako ay mabilis na nawala ang init ng ulo dahil sa tanong ni Tom. Hindi ko na rin napigilan ang matawa ng mahina dahil sa kanya. Sina Olyn at Lojie naman ay halos mamatay na ngayon sa katatawa.

Nang tingnan ko si Tom ay takang-taka na s’ya sa nangyayari sa kanyang kapaligiran, iniisip kung bakit kami nagtatawanan.

Hinarap n’ya ang kanyang asawang si Xander na hindi na rin mapigilan ang pagtawa.

“Master, bakit sila nagtatawanan? Ano bang meron sa ch*pa?” tanong n’ya kay Xander.

Natatawa pa rin si Xander na hinawakan ang magkabilang pisngi ni Tom. Gigil na gigil n’yang kinurot ang pisngi ng kanyang asawa at nagsalita.

“’Wag mo na silang intindihin, Master. Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa’yo pag-uwi natin sa bahay.” natatawa at nanggigigil n’yang pagpigil sa kanyang asawa.

“Oo nga, Tom! At ’pag nalaman mo na kung anong ibig sabihin ng chpa, gawin mo ’yon kay Sir Xander! Chpain mo s’ya para matanggal ang pagod n’ya!” sulsol ni Olyn.

“Ah… Parang massage din ba ’yon? Parang minamasahe ko s’ya? Ganon ba ’yon?” tanong ni Tom pabalik.

Napapailing na ako at hindi ko na mapigilan ang pagtawa ng tuloy-tuloy. Kailan ba pinanganak ’tong si Tom? Parang kahapon lang dahil sa sobrang late mag-isip!

“Oo! Parang ganon, Tom! Kaya ch*pain mo s’ya mamaya ha?” segunda pa ni Lojie.

Umaliwalas ang mukha ni Tom at gumuhit ang kanyang ngiti. Binalingan n’yang muli ang kanyang asawa at hindi maikakaila ang excitement sa kanyang mukha.

“Master, ch*pain kita mamaya ha? Gusto mo ba ’yon?” tanong n’ya kay Xander.

Nang tanungin iyon ni Tom ay halos magwala na kaming lahat dito sa conference room. Maging si Xander na kanyang asawa ay halos hindi na makahinga sa katatawa.

“Hoy! Tama na ’yan! Nilalason n’yo ang isip ng asawa ko!” paninita ni Xander sa amin habang natatawa. “Magsimula na tayo bago pa mauwi kung saan ang topic na ’to!” dugtong n’ya pa at pag-awat sa amin.

Nagsimula ang aming meeting na nagaganap kada buwan. Dito ay inilalatag namin ang mga bagay na kinaharap ng kompanya sa nakalipas na buwan. Ang bawat leader ng department ay isa-isang magsasalita sa unahan at ilalahad ang mga naging pagbabago sa kompanya. At sa oras na matapos ang kanilang pagre-report ay ako ang pinakahuling magsasalita.

Ganito ang trabaho ko rito. Sa akin manggagaling ang pagbibigay ng magandang solusyon kung may kinakaharap kaming problema sa kompanya. Sa akin ipinagkakatiwala ng best friend ko ang pagdedesisyon ng mga bagay-bagay dito dahil tiwala s’ya sa pagpapatakbo ko. Kaya ang gagawin lang nilang mag-asawa ay makikinig at kung minsan ay tatalakayin ko sa kanila kung ano ang mga dapat naming gawin.

“Now it’s your turn, General Manager Randy de Torres.” pormal na pagtawag sa akin ni Ms. Domingo na Assistant General Manager ko.

Oo, ako ang General Manager dito ngunit hindi ko iyon ikinokonsidera. Ako ang pumalit sa posisyon noon ni Xander noong mga panahon na hindi pa s’ya ang CEO and President nitong kompanya.

“Mr. de Torres is fine.” pagsalungat ko sa pagpapakilala sa akin ng Assistant General Manager nitong hotel.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Xander kaya nilingon ko s’ya. Nakita kong maging si Tom ay nangingiting nakatingin sa akin.

“Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa sanay sa posisyon mo, Randz?” tanong ni Xander sa akin.

“Deserve mo naman ang posisyon, Randy. Dapat panghawakan mo ’yan. Malaki ang naitutulong mo sa amin kaya kulang pa ’yan kung tutuusin.” pagsegunda naman ni Tom.

“Whatever.” tipid ko lang na sagot at tumayo na para pumunta sa unahan.

Ganito ako ’pag nakakaramdam ng hiya, idinadaan ko sa pagsusungit.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin matanggap ang magandang posisyon na ito dahil nahihiya ako sa mag-asawa. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako karapat-dapat dahil hindi naman ako naglalagi dito sa kompanya kumpara sa lahat ng naririto ngayon sa loob ng conference room. Minsan kasi ay nasa dalawang restaurant ako ng mag-asawa para tingnan naman ang sitwasyon doon. Para akong si Dora na pagala-gala.

Sa tuwing sasabihin ko naman ang dahilan kong ito sa mag-asawa, paulit-ulit lamang na papuri ang nakukuha ko sa kanila. Ang sabi nila ay masyado nga raw malaki ang naitutulong ko sa kanila dahil kaya kong pagsabay-sabayin ang malalaking negosyo nila. Sa huli ay tanging pasasalamat na lang ang nagagawa ko dahil sa malaki nilang tiwala.

Tumayo ako sa unahan na walang hawak na kahit na anong bagay. Samantalang simula sa pinakaunang tao na nagreport dito sa unahan, bawat isa ay may dalang laptop o kaya naman ay mga printed reports na pinaghirapan nilang gawin ng ilang gabi.

Bakit? Dahil simula sa unang tao na nagsalita rito sa unahan, ang bawat detalye at bawat inilahad nila ay nakabisado ko na. Wala akong kakailanganin kundi ang magsulat sa white board na naririto para ibigay ang mga detalyeng kakailanganin ng bawat namumuno ng bawat departamento.

“Good afternoon, ladies and gentlemen.” pormal na panimula ko.

Bago ako nagpatuloy ay inilibot ko ang paningin ko. Gusto kong nasa akin ang lahat ng atensyon para pakinggan ako. Hindi ko hahayaan na may isang tao na hindi makikinig sa pagsasalita ko. Dahil sakaling mangyari iyon, sisiguraduhin kong lalabas din sila agad ng conference room na ito.

Mabuti naman at kilala na rin nila ako dahil lahat sila ay walang kagalaw-galaw. Ang ilan nga sa kanila ay alam kong nakakaramdam na rin ng nerbyos sa mga oras na ito. Alam nilang iba ako kumpara sa mag-asawa na paminsan-minsan ay nakakabiruan nila. Tanging sina Lojie at Olyn lang ang paminsan-minsan kong nakakausap o nakakabiruan dahil komportable na rin kami sa isa’t-isa. Ngunit pagdating sa usaping trabaho, laking pasasalamat ko dahil sila ay nagiging seryoso.

“In a number of crucial respects, the picture today is better than it was a month ago, and much better than it was in the same month last year. While serious vulnerabilities remain and hard work lies ahead, it is important that we don’t lose sight of how far we have come.” pagpapatuloy ko.

Seryosong-seryoso ako sa pagsasalita kong iyon. Ngunit bago pa ako muling magpatuloy ay nagulat ako sa pagvibrate ng aking cellphone sa bulsa ko. Naging dahilan tuloy ito para matigilan ako.

“I’m sorry. Just a second, please.” paghingi ko ng dispensa para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. Baka kasi importanteng tawag ito mula sa restaurant.

“Punyeta.” madiin at mahina kong sambit nang makita ko ang picture ni Rigo sa screen ng cellphone ko.

Tinatawagan na naman n’ya ako!

Padabog kong pinatay ang tawag n’yang iyon at padabog ko ring inilapag ang cellphone ko sa mahabang mesa na naririto. Napansin kong nagulat pa ang ilan dahil sa ginawa ko.

“Sorry. Now, let us continue.” wika ko sa kanila.

Nagbalik naman sila pakikinig sa akin.

“As what I have said, it is important that we don’t—–” hindi ko na naman naituloy.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil nagvibrate na naman ang cellphone ko at nakadisplay na naman ang mukha ni Rigo sa screen nito. Nagkamali ako sa ginawa kong paglapag ng cellphone ko sa ibabaw ng mesa.

Mabilis ko iyong dinapot dahil lahat sila ay napatingin dito. Nakaramdam ako ng pagkabahala dahil baka may makakilala kay Rigo lalo na at lumalabas na ito sa telebisyon maging sa magazine at dyaryo.

“Sino ba ’yan?” biglang tanong ni Xander.

“Sagutin mo muna kaya, Randy? Baka importante ’yan?” segunda naman ni Tom.

“H-hindi. Okay lang. Papatayin ko na lang ang phone ko.” nauutal kong pagkontra sa kanila.

Sigurado naman kasi akong hindi importante ’to! Malamang ay wala na namang magawa ngayon si Rigo at kukulitin na naman ako!

“Tama si Tom, Randy. Sige na, sagutin mo muna ’yan sa labas. Si Tom muna ang magsasalita tutal ay may announcement naman s’yang gagawin regarding sa pakikipag-usap namin sa branch natin sa US.” pamimilit pa ni Xander.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumayo na si Tom mula sa kanyang upuan at nagtungo sa aking pwesto. Mukhang wala na nga akong magagawa kundi ang sagutin ang tawag ni Rigo. Naisip kong pagkakataon ko na rin ito para sabihin kay Rigo na hindi n’ya dapat ako iniistorbo.

“Sorry, Tom.” nahihiya kong pagkausap sa kanya.

“Okay lang. Sige, sagutin mo muna ’yan.” nakangiti n’yang sagot pabalik.

Nahihiya man ay naglakas-loob na rin akong lumabas para sagutin ang tawag ni Rigo. Patuloy pa rin sa pagvibrate ang phone ko nang makalabas ako ng pinto.

“Hello.” pagsagot kong nagtitimpi sa kanya. Voice call lang naman ang ginawa n’yang pagtawag.

“Liam! Kamusta?!” masaya n’yang bati pabalik.

Sinubukan kong magpakahinahon. Huminga ako ng malalim at sinimulang magtanong. Sana lang ay importante ang tawag n’yang ito dahil naistorbo ako sa mahalagang meeting namin dito sa hotel.

“BAKIT. KA. NA NAMAN. NAPATAWAG. RIGO?” tanong kong puno ng pagtitimpi.

“Wala lang. Na-miss lang kita.” sagot n’yang masaya at alam kong abot tenga ang ngiti n’ya.

“Punyeta naman, Rigo! Alam mong nasa meeting ako ’di ba?! Alam mo naman ’yon ’di ba?! At alam mo ba na ako na ang nagsasalita sa unahan nung tumawag ka?! Akala ko importante! ’Yun pala sasabihin mong wala lang?! Dahil na-miss mo lang ako?! Punyeta naman! Ilang beses na ba tayong nagkausap simula nang gumising ako?! Miss agad?! Agad-agad?!!” hindi ko na napigilan ang magbunganga.

Sumasakit ang ulo ko sa lalaking ’to!

“Ay, grabe naman, Liam! Nabingi ako doon ah?” reaksyon n’ya na tila hindi apektado sa panenermon ko.

“Sabihin mo nga! Wala ka bang trabaho ngayon at panay ang tawag mo?!” tanong ko pa ring pasigaw.

“Wala. Sabi ko nga sa’yo magpapahinga na lang ako ’di ba? Mamayang gabi kasi may presscon kami tapos masusundan na agad ng party.” sagot n’ya sa akin.

“Pwes, para sabihin ko sa’yo, nasa trabaho ako! Hindi ba pwedeng mamaya ka na lang tumawag pagkatapos ng meeting namin dito?!” inis na inis ko pa ring pagsasalita.

Hindi pa man nakakasagot si Rigo ay nagulat ako nang bumukas ang pinto sa likod ko, ang pinto ng conference room kung saan nagaganap ang mahalagang meeting namin dito sa hotel. Iniluwa nito si Xander na seryoso ang ekspresyon.

“Tapos na ang meeting?” tanong ko sa kanya.

“Paano matatapos? Eh halos hindi maituloy ng asawa ko ang pagsasalita dahil dinig na dinig sa loob ang boses mo! Sigaw ka ng sigaw! Sino bang kaaway mo?!” sunod-sunod nitong tanong sa naiinis na tono.

Nakadikit pa rin ang cellphone ko sa aking tenga at narinig ko ang pagtatanong ni Rigo.

“Si Xands ’yan? Sinisigawan ka ba n’ya? Gago ’yan ah!” tanong naman ni Rigo sa kabilang linya.

“Wala kang pake! Saka kasalanan mo ’to kung bakit n’ya ako sinisigawan kaya ’wag kang magreklamo d’yan!” sagot ko na namang naiinis pa rin sa kanya.

“Si Rigo ba ’yan?” tanong bigla ni Xander.

Hindi ako sumagot, tiningnan ko lang si Xander. Alam kong sa pananahimik kong iyon ay alam n’ya na ang sagot sa tanong n’ya.

“Pakausap.” biglang mungkahi ni Xander habang nakalahad ang kamay n’ya para kunin ang cellphone ko.

Wala naman akong nagawa dahil seryoso pa rin ang ekspresyon ni Xander. Naisip ko rin na mabuting s’ya na rin ang kumumbinsi kay Rigo para ’wag munang tumawag dahil nasa kalagitnaan kami ng meeting.

Inabot ko sa kanya ang aking cellphone. Hindi ko na rin nagawang magpaalam pa kay Rigo.

“Bumalik ka na sa loob. Ako na ang bahala sa kanya.” utos sa akin ni Xander.

Hindi na ako nagdalawang-isip, agad kong tinalikuran si Xander upang magbalik sa aming meeting.

Pagpasok ko ay katatapos lang pala ni Tom magsalita sa unahan at kumikilos na rin ito para bumalik sa kanyang upuan. Nagawa n’ya pa akong senyasan na pagkakataon ko na para magpatuloy sa ginagawa kong pagsasalita kanina.

“Now let us continue with our discussion earlier.” seryoso kong pagpapatuloy habang naglalakad sa unahan.

Mabuti naman at walang naglakas-loob na magtanong sa akin kung sino ang kaaway ko sa telepono kanina na alam kong narinig nila. Dahil kung mayroon man sa kanila ang mag-uusisa, mapupunyeta ko talaga s’ya at sasabihin kong dakilang pakialamera s’ya.

Nagpatuloy ako sa pagbibigay impormasyon at obserbasyon sa lahat ng nagaganap dito sa kompanya. Habang patuloy ako sa aking mga paliwanag ay ang pagpasok naman ni Xander mula sa labas suot ang hindi maipaliwanag na ekspresyon. Tila ba may kung anong nasa isip n’ya ngayon habang nakatingin sa aking mga mata. Gayunpaman, dahil sa abala ako sa pagsasalita ay hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin.

Nagbalik s’ya sa kanyang pwesto sa dulo ng mesa habang nakarap sa akin. Napansin ko pa na nagbubulungan silang mag-asawa habang may tina-type si Xander sa kanyang laptop. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagtawa ng mahina ni Tom habang patuloy silang nag-uusap ng mahina.

Mga malalandi. Nasa kalagitnaan ng meeting pero nakuha pa nilang maglandian na dalawa.

Kung may hawak lang ako na isang bagay ngayon, marahil ay naibato ko na ’yon sa mag-asawa. Hindi kasi ako pinapakinggan at abala pa rin sila sa paglalandian nila.

Ilang sandali pa ay sabay silang napatingin sa akin suot ang nakakalokong mga ngiti. Hindi ko pa rin sila pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

Humanda lang sila sa akin mamaya pagkatapos nitong meeting. Bubungangaan ko sila ng wagas at sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ang kalapastanganan nila sa akin!

Ilang sandali pa ay natigilan ako nang iharap ni Xander ang kanyang laptop sa aking pwesto. At nang masilayan ko ang nasa screen ng kanyang laptop ay halos malaglag ang panga ko.

“Punyeta! Bakit nand’yan ’yan?!” gulat na gulat kong reaksyon habang dinuduro ang laptop na iniharap ni Xander.

Dahil sa naging reaksyon ko ay napatingin ang lahat ng taong naririto sa laptop na iniharap ng magaling na kaibigan ko.

“Hi, Liam.” nakangiting bati ng lalaking nasa screen ng laptop. Nagawa pa nitong kumaway habang wagas ang pagkakangiti.

“Bakit nand’yan ka?!” inis kong reaksyon habang dinuduro pa rin s’ya.

“Baka naka-video call tayo? Baka naka-skype tayo kaya nandito ako?” pamimilosopo naman n’ya sa akin.

Agad kong binalingan ng masamang tingin ang mag-asawa.

“Ano ’to, Xander?! Nasa meeting tayo ’di ba?! Hindi tayo naglalaro dito! ’Wag n’yong isabay ang kalokohan n’yo!” buska ko sa kanya.

“Makulit eh! Gusto ka raw n’yang mapanood sa pagpepresent mo. E ’di pinagbigyan ko na!” sagot n’ya at alam kong may halong pang-aasar ito.

Magsasalita pa sana ako ngunit nagsimula nang magbulungan ang mga taong naririto.

“’Di ba si Rigo ’yan? ’Yung sikat na model?”

“Oo, s’ya nga ’yon! Balita ko kaibigan din nila ’yan eh.”

“Ang gwapo n’ya ’no?”

“Saka tingnan mo, ang ganda ng katawan!”

mga narinig kong pag-uusap ng dalawang babae ng Audit at Treasury Department.

Nang suriin kong mabuti si Rigo ay napansin kong wala itong suot na damit pang-itaas. Agad na umakyat ang dugo ko sa ulo dahil sa nakita ko.

“Bakit wala kang damit?! Ang dami-dami namin dito tapos ganyan ang hitsura mong haharap sa amin?!” hindi ko napigilang sumigaw. Hindi ko hahayaan na pagpyestahan nila ang katawan ni Rigo!

Dahil sa pagsigaw ko ay nakuha ko ang atensyon ng lahat kaya nilingon din nila ako.

“Ay, sorry, sorry! Sige, wait lang.” sambit ni Rigo at umalis mula sa kanyang pwesto. Kumuha siguro ng kanyang maisusuot.

Naihilamos ko na lamang ang aking palad sa aking mukha.

“Sir Randy? Magka-ano-ano kayo ni Rigo?” biglang pagtatanong sa akin ng Accounting Manager. Kalalaking tao pero chismoso.

Natigilan ako sa kanyang tanong. Ano ba ang dapat kong isagot?

“Bakit mo natanong? May pake ka?” tanong ko na lang pabalik sa kanya.

“Ang sungit mo naman General Manager Randy! Nagtatanong lang ’yung tao oh! Sagutin mo!” ngisi ni Lojie.

“Oo nga! Sagutin mo na, Randy!” sulsol pa ni Olyn at nag-high five pa silang dalawa.

Alam kong sinasabi lang nila ito para asarin ako. Alam kong may ideya sila sa sitwasyon namin ni Rigo kahit hindi ko iyon sinasabi sa kanila, alam kong nakakahalata sila. Dahil kahit malambing kami sa isa’t-isa ni Rigo ay hindi naman kami nagpakilala na may relasyon sa kanila.

“’Yang buhay n’yo ang intindihin n’yo. ’Wag n’yong pinapakelaman ang buhay ng ibang tao.” sagot ko na lang sa kanila.

Sa halip na magpaapekto sa sinabi ko ay nagtawanan pa sila. Mga siraulo talaga.

Binalingan ko ng masamang tingin ang mag-asawang Xander at Tom. Patuloy pa rin sila sa pagbubulungan habang natatawa.

“Pinagkakaisahan n’yo ba ako? Alam n’yong nasa kalagitnaan tayo ng meeting tapos pinayagan n’yong tumawag si Rigo?!” buska ko sa kanila.

Hindi pa man nakakasagot ang mag-asawa ay nagulat ako nang si Rigo ang magsalita. Nakabalik na pala ito at nakasuot na ng damit sa mga oras na ito.

“’Wag kang magalit sa kanila, Randz. Ako ang nagpumilit na tumawag sa kalagitnaan ng meeting n’yo.” nakangiting pagsingit ni Rigo.

“Narinig mo?! Kaya ’wag kami ng asawa ko ang pagbalingan mo!” wika naman ni Xander. “’Di ba, Master? ’Di ba? Um-oo ka!” baling naman nito kay Tom.

Nagkamot si Tom ng kanyang batok.

“H-ha? Uhm… O-oo. S-si Rigo ang may gusto.” halatang pagsisinungaling ni Tom.

Punyeta. Napagkaisahan na talaga ako! Ano bang ginawa kong kasalanan sa mga ’to?!

Dahil wala naman akong mapapala sa mga taong naririto sa loob ng conference room ay ibinalik ko na lang ang pakikipag-usap kay Rigo.

“Eh bakit ka nga tumawag?! Pwede naman tayong mag-usap pagkatapos ng meeting namin ’di ba?! Ano ba talagang gusto mo?!” tanong ko pa ring naiinis sa kanya.

“Simple lang.” unang sambit ni Rigo. “Dahil gusto kong makita ang mukha mo. Dahil miss na miss na kita.” mabilis n’ya pang dugtong habang nakangiti.

“Ayyiieeee!!!!” mabilis na kantyaw ng mga tao dito sa loob habang nakangiti sila.

Saglit akong natigilan, pinigilan ko ang sarili kong mapangiti.

Nasisiraan na talaga ng ulo si Rigo! Hindi ba n’ya nakikita na marami kami rito sa loob ng conference room? At walang alam ang karamihan dito tungkol sa aming dalawa. Nakakalimutan n’ya yatang public figure s’ya!

“Problema n’yo? Nagjo-joke si Rigo, masyado n’yo naman sineryoso!” seryoso kong pagsaway sa kanila.

Sumingit sa usapan si Lojie.

“Don’t us, Randy! Hindi bagay sa’yo ang magpabebe! Aminin mo, kumislot din ’yang junior mo! Kinilig ka rin, aminin mo!” pang-aasar nito sa akin.

Naghanap ako sa paligid ko ng bagay na pwede kong maibato kay Lojie. Pero punyeta, wala akong makita! Kung kaya ko lang tanggalin ang malaking white board dito sa likod ko, ’yon na lang sana ang ibabato ko!

Muling nagsalita si Rigo.

“Sige na, Randz. Ipagpatuloy mo na ang pagsasalita mo, manonood ako.” utos nito sa akin.

“At kung ayoko?” nakataas na isang kilay kong pagtatanong.

“Kung ayaw mo, ako na lang ang magsasalita dito. Ikekwento ko kung ano ang mga katangian mo, ang mga paborito mo, kung paano tayo nagkakilala, kung paano tayo nagsimulang maging malapit sa isa’t-isa, at higit sa lahat, kung paano naging patay na patay si Rodrigo Jaime Silvestre kay Ran——”

“Okay, let’s proceed. Aabutin tayo ng gabi kung patuloy tayong magdadaldalan dito.” bigla kong pagputol kay Rigo.

Agad ko silang tinalikuran at kinuha ang marker para magsulat sa board. Pinagpawisan ako sa mga sinabi ni Rigo.

“Ayyiiieeee!!! Kenekeleg se eke!!!”

“Gondoh mo ’teh!!!”

“Paputol mo na ’yang hair mo, masyadong mahaba eh!”

kantyaw ng mga tao dito sa likuran ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita sa harap nilang lahat kasama na rin si Rigo. Kahit pigilan ko ang mapatingin minsan kay Rigo ay hindi ko maiwasan lalo na at titig na titig ito sa akin habang nakangiti. Kung minsan naman ay bigla na lamang itong kikindat kaya natitigilan din ako sa pagsasalita. Naging dahilan tuloy ito ng mas malakas pa nilang pangangantyaw sa amin.

“That’s all for this month. We will give you further instructions kung may mga magiging pagbabago.” huling bahagi ng pagsasalita ko.

Nagpalakpakan silang lahat kabilang na rin si Rigo.

“Wala pa ring kupas si mister first honor!” sambit ni Rigo sa laptop habang patuloy sa pagpalakpak.

“First honor? Wala tayo sa school.” simpleng pambabara ko sa kanya.

“Sinabi ko bang sa school? First honor ng buhay ko, ’yon ang sinasabi ko.” sagot n’yang mabilis.

“Ayyyiiieeee!!”

“Winner ka talaga ’teh!”

hindi na matapos ang pangangantyaw ng mga nakikinig sa bangayan namin.  

“Tapos na ang meeting namin, Rigo. Pwede mo nang patayin ang tawag mo.” bigla kong utos kay Rigo gamit ang mukha kong walang ekspresyon.

“Ha? Ayaw mo na ba akong kausap? Usap muna tayo dito.” panunuyo n’ya sa akin.

“Ayoko.” mabilis kong sagot at nilapitan ang laptop kung saan s’ya naroroon.

Sinusundan naman ako ng tingin ng mga taong naririto kabilang na ang mga kaibigan ko.

“Grabe ka naman. Sana nagpanggap ka man lang na gusto mo rin akong makausap. Napapahiya naman ako sa kanila n’yan oh.” pagtatampo nito. Kahit pabiro ang pagkakasabi n’ya ay alam kong nalungkot ito sa naging pagsagot ko.

Yumuko ako sa mesa para mas magkalapit ang aming mukha sa screen ng laptop. Unti-unti ay ngumisi ako bago nagpatuloy sa pakikipag-usap sa kanya.

“Hindi ko naman sinabing ayaw na kitang kausap. Ang ayaw ko, ’yung may ibang tao ang nakikipag-usap sa’yo. Gusto ko ako lang ang kausap mo. Ako lang, Rigo. AKO LANG!” dire-diretso kong pagsalita at mabilis na pinatay ang tawag n’ya.

Nagkaroon na naman ng kantyawan sa loob ng conference room ngunit hindi na ako nagpakita ng pagtutol sa pang-aasar nila. Naikagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang malawak na pagkakangiti ko.

Makasarili na kung makasarili. Basta ayokong may ibang taong kakausap kay Rigo, at mas lalong ayoko ang may ibang taong nakakakita ng live sa katawan ng prinsipe ko.

“Meeting is adjourned. Bumalik na kayo sa department n’yo.” pagpapaalam ko sa mga taong naririto. “Xandz, Tom, may isesend akong report sa inyo mamaya galing sa restaurant n’yo. Pero sa ngayon, uuwi muna ako.” pagpapaalam ko naman sa mag-asawa.

“Sus! Uuwi ka lang dahil magvi-video call na naman kayo ni Rigo!” sagot ni Xander.

“Wala kang pake!” irap ko sa kanya.

Sumabat naman si Lojie.

“Tapos magsa-cyber sex kayo!” kantyaw n’ya.

“Wala ka rin pake!” pambabara ko rin sa kanya.

Tinalikuran ko na rin silang lahat at mabilis na lumabas ng conference room. Narinig kong nagpaalam sila sa akin ngunit hindi ko na iyon tinugon. Hindi rin nakaligtas sa aking pandinig ang tanong ni Tom sa loob kung ano ang cyber sex. Napailing na lamang ako, hawak na talaga n’ya ang korona ng pinaka-slow na tao sa mundo.

Pinili kong umuwi ng bahay dahil naging nakakapagod din ang araw na ito para sa akin. Kailangan kong bawasan ang pagiging workaholic ko tulad na rin ng payo sa akin ng psychiatrist ko.

Nang makarating ako sa aking bahay ay nagtungo agad ako sa banyo para maligo. Si Nanay Elise naman ay naging abala sa pagluluto para sa aming hapunan. Narinig ko ang paulit-ulit na pag-ring ng cellphone ko.

“Bahala ka d’yan.” sambit kong mahina habang nakalubog ang katawan ko sa aking bathtub.

Alam kong si Rigo na naman iyon. Pero gusto ko s’yang asarin kaya hindi ko muna sasagutin ang tawag n’ya. Hindi ko mabilang kung ilang beses nang nag-ring iyon, pero simula nang makapasok ako ng banyo ay hindi na iyon tumigil sa pagtunog.

Nang makalabas ako ng banyo ay ipinuwesto kong nakatayo ang cellphone ko sa ibabaw ng maliit na mesa dito sa kwarto. Malapit ang mukha ko rito nang sagutin ko ang tawag ng prinsipe ko.

“Bakit ngayon mo lang sinagot?! Kanina pa ako tawag ng tawag ah?!” bungad n’ya sa aming video call.

“Kasi naliligo ako.” mahinahon ko namang sagot. Nakita ko pa ang sarili ko sa video call namin ni Rigo. Tanging mukha ko lang ang makikita ngayon sa screen.

“E ’di sana dinala mo na lang sa cr ang cellphone mo! Pwede naman tayong mag-usap habang nas———”

“Nasa bathtub ako.” pagputol ko sa kanya at lumayo ako mula sa cellphone ko.

Hindi nakaimik si Rigo. Nasaksihan ko ang panlalaki ng kanyang mga mata, hindi rin nakaligtas sa akin ang sunod-sunod na paglunok n’ya. Nakita n’ya kasi ang hitsura ko nang tumayo ako ng tuwid. Wala akong suot na pang-itaas at tanging twalya lang din ang nakatakip sa pang-ibaba ko.

Napangisi ako dahil sa pananahimik ni Rigo.

“May sinasabi ka. Ano nga ulit ’yon?” pilyo kong tanong sa kanya.

“U-uh… S-sabi ko, ’y-yung kwan…” paputol-putol n’yang sambit habang titig na titig pa rin sa katawan ko.

“’Yung? Sige, sabihin mo Rigo.” ngisi ko pa rin sa kanya sa malambing na tono.

Hinawakan n’ya ang kanyang dibdib at napayuko s’ya.

“Ugh! ’Wag mo akong akitin, Liam… Baka umuwi ako nang wala sa oras n’yan?” pagsuko n’ya at muling inangat ang ulo n’ya.

Malakas na pagtawa ang naitugon ko dahil sa naging reaksyon n’ya. Epektibo ang ginawa kong pang-aakit sa kanya.

“Magsalita ka lang d’yan, Rigz. Magbibihis lang ako.” pagsasalita ko habang humahakbang palayo sa harap ng camera.

Ganoon nga ang nangyari. Nagpatuloy kami sa pag-uusap habang nagbibihis ako. Nagkaroon pa s’ya ng konting pagkontra sa simula dahil ang gusto n’ya ay magbihis ako sa harap n’ya. Pinagbantaan ko lang s’ya na papatayin ko ang tawag kung magpupumilit pa s’ya kaya napilitan na rin s’yang sundin ang gusto ko.

Hanggang sa naghahapunan na kami ni Nanay Elise ay nagpatuloy ang aming video call. Nagkaroon pa sila ng kamustahan ni Nanay Elise at parang magkakasama pa rin kaming tatlo na naghahapunan kahit malayo ito sa amin. Tulad pa rin ito ng dati na masaya kaming nagsasalo-salo sa hapag kainan.

“Gwapo ko na ba?” tanong ni Rigo na nakangiti.

“Ayusin mo na lang ’yang necktie mo.” sagot ko naman sa kanya.

Nakahiga na ako ngayon sa aking kama at naghahanda na ring matulog. S’ya naman ay naghahanda naman sa kanyang pag-alis para sa press conference na kanyang dadaluhan.

“Ayan, okay na?” tanong n’ya ulit matapos ayusin ang kanyang necktie.

“Mmm!” sagot kong tumatango.

Umayos s’ya ng pagkakaupo. Ang gwapo n’ya ngayon sa suot n’ya. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na baka marami ang maakit sa kanya mamaya lalo na at may party pa s’yang kailangang puntahan matapos ang press conference n’ya doon.

“Magpapakabait ako doon. Kahit marami ang lumapit sa akin mamaya, hindi ko sila papansinin.” biglang sambit ni Rigo.

“H-ha?” tanong kong nagtataka.

Bigla s’yang natawa.

“Natahimik ka kasi bigla, Liam. Iniisip mo bang marami ang maaakit sa akin mamaya sa party?” tanong n’ya sa akin.

Hindi ako nakaimik. Guilty feels like.

“Don’t worry, I’ll be a good man. Para hindi nag-iisip ng hindi maganda ang prinsesa ko sa kabilang ibayo.” sagot n’yang nakangiti.

Ako ’yon ’di ba? Ako ang prinsesang nasa kabilang ibayo ’di ba?

Deym. Ang ganda ko talaga.

Tanging pagngiti lang ang naisagot ko kay Rigo.

“Matulog ka ng maaga, ’wag kang magpupuyat.” bilin n’ya sa akin.

“Mmm..!” sagot kong nakangiti pa rin.

Nasa ganoon kaming pag-uusap nang mapansin kong inangat ni Rigo ang kanyang tingin sa kung saan. Naging dahilan tuloy ito sa pagkakaputol ng aming pagtititigan. Rumehistro rin sa kanyang mukha ang pagtatakang ekspresyon. 

“Anong ginagawa mo rito? Saka paano ka nakapasok?” tanong ni Rigo sa kanyang kausap.

Ako naman ay nagtataka na ngayong mga oras na ito. Iniisip ko kung sino ang umistorbo sa pag-uusap namin ni Rigo.

“Duh? Bukas kaya ang pinto mo.” sagot ng isang babae.

Lalo nang nagdugtong ang mga kilay ko dahil sa pagtataka.

“Sana kumatok ka muna. Room ko ’to eh.” dama ko na ang inis ni Rigo sa kanyang kausap.

Hindi ko narinig na sumagot ang babae. Ngunit ilang segundo lang ang aking hinintay nang makita kong umupo ito sa bandang likuran ni Rigo. Nang madako ang tingin n’ya sa cellphone ni Rigo ay gumuhit ang ngiti n’ya.

“Oh! Hi, Randy!” masigla nitong pagbati sa akin.

“H-hi, MJ.” nauutal kong pagbati pabalik dahil nagtataka pa rin ako sa mga oras na ito.

Alam kong magkasama silang nagshoot doon, pero hindi ko inaasahan na makikita ko s’yang nasa loob ng tinutuluyang kwarto ni Rigo. Nakaayos na rin ito at nakasuot na rin ng kanyang gown. Hindi ko maikakailang maganda talaga si MJ. Napakaelegante nito kahit simple lang ang kanyang suot.

“Lumabas ka na, please? May kausap ako.” maginoo ngunit dama ko ang inis ni Rigo kay MJ.

“Ikaw na lang ang kulang. Hinihintay na tayo ng driver.” sagot naman sa kanya ni MJ.

“Kaya nga lumabas ka na kung ayaw mong lalo akong magtagal dito.” pagtataboy na sa kanya ni Rigo.

Umirap si MJ.

“Ang sungit! Sige na po, lalabas na. Bilisan mo lang ha?” pagsuko naman ni MJ.

Hindi na sumagot si Rigo. Nakasimangot na rin ito sa mga oras na ito.

Ibinalik naman ni MJ ang tingin n’ya sa akin at muling ngumiti.

“Bye, Randy!” tangi n’ya lang nasabi at nagflying kiss pa.

Tanging pagtango lang ang naisagot ko sa kanya. Hindi ko magawang magsalita dahil hindi ko maikakaila sa aking sarili na nakaramdam ako ng selos nang makita kong pumasok ito sa kwarto ni Rigo.

Umalis si MJ at narinig ko pa ang pagsara n’ya ng pinto ng kwarto.

“Sorry, Liam. Nasaan na nga ulit tayo?” tanong ni Rigo sa akin.

“Anong ginagawa n’ya sa kwarto mo? Bakit pumasok na lang s’ya bigla d’yan?” hindi ko napigilang pagtatanong kay Rigo.

Napabuntong hininga si Rigo.

“Ewan ko doon. Masyadong sineseryoso ang bilin ng handler namin dito na dapat lagi kaming magkasama para sa promotion ng ginagawa naming series. Ang kulit din naman kasi ng handler namin dito, ang dami n’yang bilin para lang makumbinsi ang mga tao rito para sa pagpapares sa amin.” mahabang pagsusumbong ni Rigo.

“Ipaalala mo na lang sa kanya na umaarte lang kayo. ’Wag kamo s’yang at home na at home sa McDo! Saka bakit s’ya ang kasama mo? Hindi naman s’ya ang ka-loveteam mo ’di ba? ’Yung Thai actress naman ’di ba?” naiinis ko nang reaksyon.

“’Di ba nga love triangle? S’ya ang panggulo kaya kasama ’yon sa eksena. Para raw mas convincing sa viewers.” paliwanag naman ni Rigo.

Napairap ako.

“Whatever.” naging reaksyon ko lang.

Napakagulo ng showbiz at napakakomplikado. Tila ba lahat ng galaw mo ay kailangang nakadepende sa sasabihin ng ibang tao.

“Hey.” biglang pagtawag sa akin ni Rigo dahil nanahimik ako.

“Sige na, pumunta ka na doon. Baka mahuli pa kayo.” utos ko sa kanya.

“Galit ka na naman.” wika n’yang mahinahon.

“Hindi.” sagot kong maikli.

“Kilala kita.” wika n’yang muli at naramdaman kong malungkot s’ya.

Natahimik ako. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay ako naman ang humugot ng malalim na buntong-hininga.

“Hindi ako galit, Rigz.” bigla kong sambit.

“E ano lang?” tanong n’yang muli.

“Nagseselos ako, Rigz.” madiin kong sagot at hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa kanya. 

Gusto kong makita ang reaksyon n’ya dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinabi ko ito sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Ito rin ang kauna-unahang beses na naging tapat ako sa nararamdaman ko para sa kanya.

Tila ba binangungot si Rigo, natulala s’ya sa sinabi ko. Ako naman ay mabilis ang takbo ng puso dahil sa pag-amin ko.

Makalipas ang ilang sandali ay bahagyang nanlaki ang mga mata ni Rigo. Kasabay din nito ang pagsilay ng malawak na pagkakangiti nito.

“U-u-ulitin mo nga, Liam! ’Y-y-yung sinabi mo! Ulitin mo!” nauutal at halos isigaw n’ya ito.

“Nagseselos ako. Ayokong may ibang babae o baklang lalapit sa’yo. Naiinis ako, nagagalit ako tuwing may gumagawa no’n sa’yo.” matapang at mabilis kong sagot sa kanya.

Naikagat n’ya ang ibabang labi n’ya habang nakangiti s’ya.

“Yesss!!!!!!!” biglang pagsigaw ni Rigo. Napatayo pa ito at napatalon.

Hindi ko mapigilang matawa sa naging reaksyon n’ya. Iyon pa lang ang nasasabi ko pero halos magwala na s’ya. Paano na lang kaya sa pagbabalik n’ya? Kapag sinabi kong handa na akong makipagrelasyon sa kanya?

“Ang OA, Rigz.” natatawa kong banggit.

“’Wag kang magulo, Liam! Ang saya ko! Wooohhh!!!” sigaw n’ya pa.

Wala naman akong nagawa kundi ang tumawa ng tumawa.

“Yes!!! Ang saya ko! Magse-celebrate ako mamaya! Ise-celebrate ko ’to!!” tuwang-tuwa n’yang pagbabalita.

“Sige lang. Basta ako matutulog na dito.” sagot kong natatawa.

Mukhang natauhan s’ya dahil napatigil s’ya sa pagtalon n’ya.

“Sh*t! Oo nga pala! Matulog ka na, Liam. Baka mapuyat ka pa d’yan. May pasok ka pa bukas ’di ba?” tanong n’ya.

“Oo. Doon muna ako sa restaurant bilang reliever mo.” sagot ko sa kanya.

Umayos s’ya sa kanyang pwesto.

“O sige, bukas na lang ulit tayo mag-usap. Aalis na rin ako dahil baka may pumasok na naman dito sa kwarto ko para sunduin ako.” pagpapaalam n’ya sa akin.

“Ingat ka ha? Galingan mo d’yan para makauwi ka na rin agad dito.” pamamaalam ko.

“Miss mo na ako?” tanong n’ya.

“Miss na miss. Sobra-sobra.” walang pag-aalinlangan kong sagot.

Napahawak s’ya sa kanyang dibdib.

“Ugh! Sumasakit ang dibdib ko sa mga binibitawan mong salita, Liam. ’Yung sikmura ko parang may mga paro-parong nagliliparan. Tapos ’yung katawan ko parang nasa ulap dahil sa sobrang gaan! Ang saya ko. Ang saya-saya ko!” masayang-masaya n’yang sambit at pinipigilan n’yang sumigaw.

Natatawa na lang ako sa nakikita kong reaksyon ni Rigo. Pero hindi ko maikakaila na maging ako ay ganoon din ang nararamdaman sa mga oras na ito.

“Sige na, Rigz. Baka mahuli ka na talaga. Matutulog na rin ako, umeepekto na rin ang gamot ko kaya inaantok na rin ako.” pagpapaalam ko pa rin sa kanya.

“Sige, sige. Good night, Liam.” nakangiti n’yang paalam.

“Good night, Rigz.”

“Sweet dreams.” dagdag n’ya pa.

“I’ll dream of you.” sagot ko.

Naikagat na naman n’ya ang kanyang ibabang labi. Iyon na rin ang naging hudyat ko para patayin ang tawag n’yang iyon.

Hindi mapatid ang ngiti ko dahil sa pag-iisip sa mga nangyayari sa amin ni Rigo. Naging napakasaya ko kahit nagsisimula pa lamang ako sa mga magiging hakbang ko.

Ganito pala ang pakiramdam ’pag pinapalaya mo ang sarili mo. Nagiging positibo ang lahat ng nakikita mo. Tanging pagngiti lang ang magagwa mo habang dinadama ang kakaibang saya na para bang ikaw ay nasa isang magandang paraiso.

“Konting tiis na lang, Rigz. Sigurado ako, pag-uwi mo, mas magiging masaya ka. At pag-uwi mo, sisiguraduhin kong sabay nating pagsasaluhan ang kaligayahan na matagal na nating inaasam na dalawa.”


A/N

Hehe. Ano sa tingin n’yo ang mangyayari? Hahahaha!

Sana ay nagustuhan n’yo pa rin ang chapter na ito, guys. Pipilitin kong makapag-update sa lalong madaling panahon. Jeske! Pahingi ng oras! Huhu.

Salamat sa magbibigay ng votes at comments. Labyu, guys!

–– cold_deee

chapter 15

A/N

––> Silipin ang conversation ni Randy at Rigo sa facebook messenger na nasa media sa taas.

Pictures naman po nila ang nasa media sa baba. ’Yan na rin ang magiging profile picture nila sa kanilang mga facebook account. Yes, may facebook na rin si Rigo Silvestre kaya galit na galit itong si Randy. 😂😂😂 Add n’yo na lang po sila kung gusto n’yo silang makausap sa comments ng

bawat

post nila.

Gayylle

kaway-kaway!! This chapter is for you! Wahahahaha!!

![](https://img.wattpad.com/543bb9907af3c5e4d7888fd857e1db0d916c5304/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f77787a4e4d62566e7750513958773d3d2d3431363138393531302e313463336166313333333434316437313539333639323132313230372e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/6e84b43ab777e21b9ff90e932a45f751af1fd9ee/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f335f5746526261366866786748673d3d2d3431363138393531302e313463336166313936626263353330313532303739373430303430332e6a7067)

RANDY’s POV

“Ikakamusta na lang kita sa kanila lalo na kay Shai.” nakangiti kong pakikipag-usap kay Rigo sa aming video call.

Ngumiti s’ya ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Nakaupo s’ya ngayon sa sofa at kagigising lang n’ya kahit alas kwatro na doon ngayon ng hapon. Ako naman ay prenteng nakaupo sa opisina namin dito sa restaurant.

“’Wag masyadong iinom ng marami ha? Ime-message ko sina Xandz at Dominic na ihatid ka. ’Wag mo nang dalhin ang kotse mo. Magtaxi ka pagpunta doon at ihahatid ka naman nila pauwi.” utos n’ya sa aking bahagyang nakangiti.

Sinimangutan ko s’ya.

“Ayan ka na naman! Sinabi ko nang kaya ko naman! Nakakahiya kung aabalahin ko pa sila!” naiinis ko na ngayong sagot sa kanya.

“’Wag matigas ang ulo, Liam. Saka kahit pigilan mo ako, alam kong ihahatid ka rin ni Xandz dahil nakatanggap na ako ng message sa kanya at ipinagpapaalam ka sa akin na magkikita-kita nga raw kayo. S’ya na rin ang nagsabi na s’ya na ang bahala sa’yo.” pakikipagtalo nito sa akin.

“Nakita mo na?! Ano pang silbi ng pakikipagtalo ko sa’yo kung nakapag-usap na kayo?! Dinaig ko pa si Shai na totoong babae! Ako may tagahatid pero s’ya uuwing mag-isa!” inis na inis ko pa ring sagot sa kanya.

“Sumunod ka na lang kasi hindi ka ngayon mananalo.” tangi n’ya lang sambit at uminom sa kanyang kape. Pangalawang tasa na rin ng kape n’ya iyon.

Pinilit kong magpakahinahon, huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. Tulad nga ng sinabi n’ya ay wala na rin naman akong magagawa dahil nakapagdesisyon na sila.

Sa halip na makipagtalo ay nagbukas na lamang ako ng panibagong usapan.

“Teka nga, Rigz. Hindi mo nasagot ang tanong ko kanina dahil kung saan-saan na napunta ang usapan natin.” pag-iiba ko ng usapan.

“Ano ’yon?” tanong n’ya at hinilot ang sentido n’ya habang nakatingin s’ya ng tuwid sa akin. Mukhang masakit talaga ang ulo n’ya.

“Bakit ngayon ka lang nagising? Alas kwatro na d’yan ng hapon, ’di ba?” tanong ko ulit sa kanya.

Napansin kong natigilan s’ya. Naiwaglit n’ya rin ang kanyang pagkakatitig sa akin at napalingon s’ya sa ibang direksyon.

“N-nalasing kasi ako sa party kagabi, kaya nga masakit ang ulo ko ngayon.” sagot n’yang nauutal.

“Bakit kailangan mautal? Para kang ninenerbyos na ewan.” pagpuna ko sa kanya.

Napangiti s’ya ngunit batid kong alanganin iyon.

“S’yempre, nahihiya ako sa’yo.” sagot n’yang tipid.

“Dahil?” tanong ko pabalik.

“Dahil nalasing ako?” sagot n’yang patanong.

“Anong nakakahiya doon? Bakit ka mahihiya sa akin?” tanong ko na naman.

Dito ay natawa na s’ya. Ngunit ang napansin ko, kahit nakangiti s’ya ay hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

“Liam, para ka naman abogado. Hinahalukay mo ang mga nangyari. Hindi ako sanay ’pag ganyan ka.” natatawang pagpuna n’ya.

“Ayaw mong tinatanong na kita? ’Di ba dati gusto mo kinakamusta kita?” tanong kong nakataas ang isang kilay sa kanya.

“Iba ang pangangamusta sa pag-iimbestiga.” sagot n’ya.

“Sasagot ka lang, Rigo. Bakit? May tinatago ka ba?” hindi pa rin ako natigil sa pagtatanong.

“Wala!” mabilis n’yang depensa.

Naningkit ang mga mata ko. Pakiramdam ko talaga ay may hindi sa akin sinasabi si Rigo.

“’Wag mo akong tingnan ng ganyan. Lalo lang akong nagsisisi kung bakit pa ako nagpunta rito para magtrabaho ’pag ganyan ka.” wika n’ya sa malungkot na tono.

Nagbago ang ekspresyon ko, mula sa mapanuring tingin ay nangunot ang noo ko.

“Nagsisisi? Bakit ka naman nagsisisi? Dapat nga matuwa ka pa dahil mas sikat ka na, Rigz. Kanina nga lang nakita ko sa dyaryo ang pictures mo habang nasa shooting d’yan. Balita ka na rin sa TV ngayon dito.” sunod-sunod kong pagbabalita sa kanya.

Sa halip na matuwa ay mas nalungkot pa s’ya sa pagkakataong ito.

“Okay naman ako kahit hindi maging sikat. Aanhin ko naman ’yon kung malayo ka sa ’kin? Ano naman ang halaga no’n kung ’yon pa ang magiging dahilan para mas mapalayo ka sa akin?” tanong n’ya pabalik.

Natahimik ako sa sinabi n’yang iyon. Habang pinagmamasdan ko si Rigo ay nakakaramdam na rin ako ng lungkot sa mga oras na ito.

“Sana hindi na lang ako nagpunta dito, Liam. Sana hindi na lang.” dagdag n’ya pa at napayuko s’ya.

Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Pinagmamasdan ko s’ya sa mga oras na ito habang nakayuko. Tila ba may mabigat s’yang dinadala, bagay na napansin ko simula pa kanina.

Nitong mga nagdaang araw ay kapansin-pansin ang mga kakaibang ikinikilos ni Rigo. Walang nagbago sa pakikitungo n’ya sa akin, naroroon pa rin ang pag-aalala at dama ko ang kanyang pag-aalaga. Ngunit ang napansin ko ay hindi na s’ya kasing sigla tulad ng dati sa tuwing nag-uusap kami.

Isa pang bagay na napansin ko ay nabawasan ang aming mga naging pag-uusap. Kung noong una ay madalas itong tumatawag, ngayon ay nakakapag-usap na lamang kami ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Minsan ay napansin ko pang mainit ang ulo n’ya nang tawagan ko s’ya. Ngunit mabilis din iyon nawawala sa tuwing nagtatagal ang aming pag-uusap.

“Hey, cheer up. May problema ka ba d’yan? Gusto mo bang magkwento?” tanong ko makalipas ang ilang minuto.

Nakayuko pa rin s’ya at hindi ko makita ang ekspresyon ng kanyang mukha nang sumagot s’ya.

“Wala naman. Pagod lang talaga ako sa sunod-sunod na trabaho.” sagot n’ya sa mabagal at mahinang tono.

Ganyan lang ang madalas n’yang isagot sa akin. Sunod-sunod daw kasi ang ang engagement n’ya roon pati na rin ang mga party na kailangan n’yang daluhan. Ngunit sa tuwing magpapakwento ako ay napakatipid ng kanyang ibinibigay na detalye, hindi ito katulad noon na halos maubos ang oras namin sa pagbabalita n’ya sa akin ng buong pangyayari.

“Naho-homesick ka na ba?” tanong ko sa kanya.

“Higit pa doon, Liam. Sobra pa doon.” sagot n’ya at hindi pa rin ako nagagawang tingnan. Nagbitaw din ulit s’ya ng malalim na paghinga.

Ilang segundo akong natahimik, iniisip kung ano ba ngayon ang tumatakbo sa isip ni Rigo.

“Rigz…” pagtawag ko sa kanyang mahina.

Hindi s’ya sumagot. Nanatili lang s’yang nakayuko.

Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita.

“Rigz, alam mo bang nalulungkot ako ’pag ganyan ka? Is there any way para mapasaya kita?” tanong ko sa kanya.

Inangat n’ya ang kanyang ulo at sa wakas ay tiningnan na n’ya ako sa camera. Ngunit nang magtagpo ang aming mga mata ay puro kalungkutan lang ang nakita ko sa mga ito.

“Magiging masaya lang ako kung makakasama na kita, Liam. Hindi ako mapakali rito tuwing iniisip kong wala kang nakakasama d’yan.” wika n’ya sa malungkot na tono.

“Nandito naman si Nanay Elise.” sagot ko.

“Gusto ko ako mismo ang tumitingin sa’yo. Gusto ko ako mismo ang nagche-check sa mga ginagawa mo. Gusto ko ako ang naghahatid at nagsusundo sa’yo sa trabaho. Hindi ako minsan mapakali sa set ’pag iniisip ko kung nainom mo ba sa tamang oras ang gamot mo, o kung may mga tao ba sa paligid mo na gusto kang saktan.” malungkot n’yang pahayag.

Saglit akong natawa sa huling bahagi ng kanyang mga sinabi.

“Sila ang dapat kabahan. Ako si Randy Liam. Hindi ako nagpapaapi at wala akong inaatrasan. Dahil kung may magtatangka man galawin kahit ang dulo ng daliri ko lang, sisiguraduhin kong sila na mismo ang maghuhukay ng sarili nilang libingan.” nakangisi ko nang sagot sa kanya.

“Alam ko ’yon. Pero hindi ko maiwasang mag-alala.” malungkot din n’yang sagot sa akin.

Akala ko ay mapapagaan ko ang kalooban n’ya sa mga sinabi kong iyon, ngunit tila ba mas nalungkot pa s’ya ngayon.

Muling namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Sa mga oras na ito ay tanging pagtitig lang ang nagagawa namin sa isa’t-isa. Aaminin ko, kahit ako ay sobra na rin ang kalungkutan dahil wala s’ya sa tabi ko, pero kung ipapakita ko ito sa kanya, baka lalo lamang s’yang panghinaan doon at maging sanhi pa iyon ng pagtatagal n’ya sa bansang iyon.

Sa kabila ng kalungkutang nararamdaman ko ay pinilit kong magbigay ng sinserong ngiti kay Rigo. Sa tinagal-tagal na s’ya ang kinukunan ko ng lakas, gusto kong sa pagkakataong ito ay sa akin naman manggaling ang bagay na iyon.

“Rigz, pwede bang pag-uwi mo bumalik tayo sa resort na pinuntahan natin noon? Pwede bang isang linggo tayo doon o kahit ilang araw lang?” tanong ko sa kanyang nakangiti.

Sa wakas ay nakita ko s’yang ngumiti pabalik.

“Nag-enjoy ka ba doon?” tanong n’ya sa akin.

“Sobra. Alam mo bang isa iyon sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko? Nakalimutan ko ang lahat ng masasakit na pinagdaanan ko noong dinala mo ako doon.” sagot kong nakangiti pa rin.

Mas lumawak ang pagkakangiti ni Rigo.

“Sige. Gusto mo ba isama din natin ang mga kaibigan natin?” tanong n’ya sa masayang tono.

Hindi ko s’ya agad sinagot, pinagmasdan ko muna ng ilang segundo ang kanyang mukha habang suot ko rin ang pinakamaganda kong ngiti na sa kanya ko lamang ipinapakita.

“Hindi na, Rigz. Gusto ko, tayo lang ulit dalawa.” sagot ko at saglit na tumigil. “Alam mo ba kung bakit?” dugtong ko pang tanong.

Nawala ang pagkakangiti n’ya at napalitan ito ng pagkunot ng kanyang noo.

“B-bakit?” tanong n’yang nagtataka.

“Kasi hindi lang naman dahil sa ganda ng lugar kung bakit ako naging masaya….

….Naging napakasaya ko dahil kasama kita.“ sagot ko habang nakangiti pa rin sa kanya.

Hindi nakapagsalita si Rigo, natigilan ito at nakita kong hindi n’ya malaman kung paano sasagot sa mga sinabi ko. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pamumula ng kanyang mukha. Ako naman ay hindi inaalis ang tingin sa kanya habang ngiti.

Ilang saglit pa ay naihilamos n’ya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Matapos iyon ay pinagdaop n’ya ang mga palad n’yang iyon habang nasa tapat ng labi n’ya ang mga ito, tila ba nananalangin s’ya habang suot ang mas malapad na pagkakangiti nito.

Hindi pa iyon doon nagtapos, natawa s’ya ng mahina habang nakatingin sa akin ng diretso. Sa mga oras na ito ay naramdaman kong napasaya ko s’ya sa mga sinabi ko, dahil sa pagiging tapat ko.

“Kinilig ka, Rigz?” tanong kong nakangiti.

“Oo.” sagot n’yang natatawa.

“Ilang percent?” tanong ko pa rin.

“One hundred percent.” sagot n’yang nakangiti.

“Pag-uwi mo, gagawin nating one hundred one percent.” wika ko.

Inalis n’ya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha at mas umayos ng kanyang pagkakaupo.

“Pwede bang araw-araw madagdagan? Kahit one percent lang kada araw?” masaya n’yang tanong.

“Kung gusto mo, walang katapusan.” sagot ko pa rin.

“Uubusin ba natin ang lahat ng numbers para sa percent na ’yan?” tanong n’yang muli.

“Hindi.” sagot kong maikli.

Nangunot muli ang noo n’ya, nawala na naman ang pagkakangiti n’ya at nagbalik ang kanyang ekspresyong nagtataka.

“E, ano lang?” tanong n’ya.

Binigyan ko s’ya ng mas malapad na pagkakangiti bago sumagot.

“Sabi ko nga, walang katapusan. Parang…

…. ‘to the infinity and beyond’ .“ sagot ko sa malambing na tono.

Nasaksihan ko ang mabilis na pagbabalik ng magandang ngiti ni Rigo. Napakagat pa s’ya sa kanyang labi at alam kong pinipigilan n’ya ang mapasigaw sa mga oras na ito.

“Liam!” pigil na pigil n’yang sigaw.

“Yes, Rodrigo Jaime?” tanong ko pabalik habang nakangiti.

“You always make my day!!!” hindi na n’ya napigilan ang sumigaw. Mabilis n’ya rin hinawakan ang kanyang cellphone at pinaghahalikan iyon ng maraming beses.

Wala akong nagawa kundi ang matawa sa kanya sa mga oras na ito. Sa nangyayari ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Dahil sa labis na saya ay parang umiikot ako habang may naglalaglagan sa paligid na flowers ng sampaguita.

“Na-recharge na ba kita?” tanong kong nakangiti sa kanya.

“Yes, boss!” sagot n’ya at sumaludo. “Fully charged na ako!” pagyayabang n’ya at inangat ang kanyang braso para ipakita ang muscles n’ya.

Pareho kaming natawa sa kabaliwan naming dalawa.

“Anyway, may appointment ka ba ngayon?” tanong ko makalipas ang ilang sandali.

Muli s’yang umayos ng pagkakaupo.

“Ano pa nga ba? May nakaabang na naman na victory party mamaya para sa isang commercial na ginawa ko.” sagot n’ya at nagkamot ng ulo.

“Alin doon? ’Yung commercial na kasama mo si MJ?” tanong kong muli.

Hindi agad nakasagot si Rigo. Napansin ko rin na natigilan s’ya at iniwas sa akin ang tingin n’ya.

“Oo, iyon nga.” tipid n’yang sagot.

Gusto ko man s’yang usisain ngunit nagbalik sa isip ko na baka mawala na naman sa kondisyon si Rigo. Mas mahalaga sa akin na mapanatili ang magandang mood ni Rigo lalo na at nakakaramdam na rin ito ng pangungulila dahil malayo ako.

“Basta mag-iingat ka, Rigz ha?” bilin ko sa kanya.

“Oo naman. At saka kung may oras ako mamaya, tatawag ako sa’yo. I-message mo ako ’pag nakauwi ka na ha? Tatawagan agad kita ’pag nakatanggap ako ng message sa’yo.” s’ya naman ang nagbibilin ngayon.

“Sige.” sagot ko lang habang nakangiti.

May ilang minuto pa kaming magkausap ni Rigo para sa ilang mga bilin n’ya. Masaya naman ako dahil kahit paano ay alam kong bago namin ibaba ang aming tawag ay napagaan ko ang pakiramdam n’ya.

Inihanda ko na ang sarili ko dahil makikipagkita ako sa matatalik naming mga kaibigan na sina Xander, Dominic at si Shai na kauuwi pa lamang mula sa Paris. Ito na rin ang welcome party namin para sa kanya dahil may ilang buwan din itong nawala.

Si Shai ang nag-iisang babae sa grupo namin noong college. S’ya ang kababata ni Xander at kasabay n’yang lumaki. Ang sopistikadang kaibigan namin na tulad ko ay walang inaatrasan at puno ng tapang. S’ya ang itinuturing kong pinakamalapit sa akin bukod kay Xander dahil s’ya ang tumayong Ate ko noong mga panahon na napahiwalay ako sa totoong kapatid ko. Isa rin s’ya sa mga tumulong sa akin noong mga panahon na walang-wala ako kaya pinatira n’ya ako sa kanilang bahay ng ilang taon.

Bago ako umalis sa restaurant ay tinext ko muna ang pinsan ni Rigo na si Dominic para sabihing papunta na ako sa paborito naming bar na tinatambayan. Nagpasya akong maagang pumunta roon para kausapin s’ya dahil sa mahalagang bagay na gusto kong ipaalam sa kanya.

Tulad ng napagkasunduan namin ni Rigo ay tumawag na lamang ako ng taxi para tunguhin ang lugar na iyon. Nagsimula akong magbiyahe at nagsimula na rin ang mabilis na takbo ng puso ko sa mga oras na ito. Labis na kaba ang nararamdaman ko dahil sa paghahanda ng mga sasabihin ko kay Dominic sa oras na magkaharap na kaming pareho.

“Kaya mo ’yan, Randz. Nasimulan mo na, wala nang atrasan ’to.” bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan ng taxi na aking sinasakyan.

Narating ko ang bar na naging tambayan naming magkakaibigan sa tuwing magkikita-kita kami. Nakakapanibago dahil hindi ko ngayon kasama si Rigo tulad ng dati tuwing magpupunta kami sa malaking bar na ito.

“Randz! Kamusta?!” salubong sa akin ng may-ari ng bar na si Anthony. Kaibigan din s’ya ni Rigo na nakilala n’ya lang din ilang taon na rin ang nakakalipas.

Nakipagkamay ito sa akin at niyakap ako saglit. Kukutusan ko sana s’ya dahil tinapik-tapik n’ya pa ang likod ko.

Ang sakit, punyeta! S’ya kaya ang tapikin ko sa likod gamit ang matulis na kutsilyo?

Nagsimula na rin kaming maglakad patungo sa kanyang bar area.

“Ayos naman. Lalong gumagwapo ah? How’s business?” pangangamusta ko na lang pabalik dahil naisip kong delikado ’pag tinusok ko s’ya ng kutsilyo. Mas matulis kasi ang hinulma n’yang buhok na inabot yata ng ilang oras para maging perpekto ang pagkakatayo nito.

Amoy ko rin ang ulupong na ito, alam kong berde rin ang dugo nito ngunit kahit minsan ay hindi s’ya umamin sa sekswalidad nito.

Natawa s’ya ng mahina bago sumagot.

“Same same! Wala naman nagbago.” sagot n’yang maikli.

Dito naman ako sa kanya bilib, hindi s’ya kasing hambog ng mga kaibigan kong sina Xander at Dominic na kinamkam at inaari na ang pagiging magandang lalaki. Mabuti na nga lang at may komokontrol na sa kanila ngayon kaya nababawasan ang kayabangan nila sa katawan na inalagaan din nila ng ilang taon.

“Puntahan mo na lang s’ya doon. Halos kararating lang din n’ya.” pagturo n’ya sa kanyang bar.

Tinaasan ko s’ya ng isang kilay.

“So hinatid mo lang talaga ako? Ano ako babae?” sarkastiko kong tanong.

Natawa naman s’ya.

“’Wag ka nang magreklamo! Masyadong mahigpit ang bilin sa amin ni Rigo para bantayan ka! Kailangan daw walang makalapit sa’yo bukod sa mga kaibigan n’ya!” sagot n’yang natatawa.

“Tss!” naging reaksyon ko lang habang nakangiwi.

“Ganda mo talaga! Alagang-alaga!” kantyaw n’ya.

“Inggit ka?” tanong ko pabalik.

“Why should I?” s’ya naman ngayon ang nagtataka.

“Kasi may Rigo ako na kung ituring ako, babaeng-babae.” sagot ko sa kanya.

Muli s’yang natawa.

“Ewan ko sa’yo! D’yan ka na nga! Babalik pa ako sa reception para mag-entertain ng ibang guests!” pag-iwas n’ya sa akin.

Tsk! Ayaw pa kasing lumabas sa closet! Mamamatay na lang s’yang virgin!

Sinimulan ko na rin puntahan ang kanyang bar matapos ang pamamaalam ni Anthony. Ilang metro na lang ang layo ko nang mapansin ni Dominic ang pagdating ko kaya um-order na rin s’ya ng maiinom ko.

Nagbalik ang kaba sa aking dibdib dahil muli kong makakaharap si Dom sa pagkakataong ito. Matagal ko na s’yang kaibigan ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakaramdam ako ng kaba dahil magkakausap kaming dalawa.

“Tanqueray and soda.” nakangiting bungad sa akin ni Dom pagkalapit ko sa kanya. Inabot n’ya sa akin ang madalas kong i-order na inuming alak sa tuwing naririto kami sa bar.

“Thanks.” sambit ko lang at umupo sa tabi n’ya.

“How are things?” tanong n’ya at uminom ng kanyang alak.

Nadagdagan pang lalo ang kaba ko. Uminom ako ng binigay n’yang alak para bigyang lakas ang sarili kong magsalita.

“Lot of changes.” sagot ko sa kanya. Hindi ko rin s’ya tiningnan. Naisip kong ’pag ginawa ko iyon ay baka mawalan ako ng lakas aminin ang mga naging pagbabago sa mga naging plano namin noon.

“Like?” tanong n’ya at nilingon ako, mukhang naging interesado s’ya.

Iniisip n’ya kayang may kinalaman ito sa pinsan n’ya? Kung ’yon ang iniisip n’ya, pwes, tama s’ya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Umayos ako ng pagkakaupo at nilingon s’ya. Hindi ko s’ya agad na sinagot, pinag-aaralan ko muna ang kanyang ekspresyon at iniisip ko ang kanyang magiging reaksyon kapag sinabi ko na ang mga dapat kong sabihin.

“Like, how I’m going to be more evil and selfish, of how I’m going to get rid of those people who will stop me for being one, of how I’m going to fight for my happiness, of how I’m going to scream the name of the person I love,

and most especially….

of how much I wanted to be with your cousin, with Rigo….

….for the rest of my life.“

buong tapang kong sagot sa kanya.

Alam kong masyado pang maaga para sabihin ito sa kanya. Hindi pa umiinit ang aming inuupuan pero nasabi ko agad kung ano ang magiging pagbabago na gusto kong mangyari.

Natigilan si Dom, napansin ko rin ang panlalaki ng kanyang mga mata senyales na nabigla s’ya. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya at nanatiling seryoso ang aking ekspresyon. Gusto kong malaman n’ya sa pamamagitan ng tingin ko na walang halong biro ang binitawan kong mga salita.

Matapos ang ilang sandaling katahimikan ay unti-unti s’yang tumawa.

“You’re crazy, Randz. Alam mo ba ’yang sinasabi mo?” natatawa n’yang tanong.

“Higit pa sa sigurado.” seryoso ko pa ring sagot sa kanya.

Sa pangalawang pagkakataon ay natigilan s’ya, tila ba ngayon lang nagpoproseso ang lahat ng sinabi ko sa kanya.

Muling nagbalik sa amin ang katahimikan.

Nagbitaw s’ya ng malalim na buntong hininga habang seryoso ang ekspresyon n’ya.

“One more round, please.” utos n’ya sa bartender para kuhanan s’ya ng panibagong maiinom.

Uminom pa ako ng aking alak para pakalmahin ang sarili ko. Mas naging doble na rin ang kaba ko dahil sa mga sinabi ko.

“Randz, alam mo naman ang mangayayari ’di ba? Si Rigo mismo ang makakabangga mo dahil sisirain mo ang pangarap n’ya!” wika n’ya sa mataas na tono.

Inaasahan ko na ito. Alam kong mauuwi kami sa pagtatalo ng kaibigan kong ito.

Nagbitaw ako ng pagngisi sa kanya.

“I don’t care. Kagaya nga ng sinabi ko, I’ll be more selfish and evil this time. At kung kinakailangan kong makipagbasagan ng bungo sa pesteng pangarap n’yang ’yan, gagawin ko.” sagot kong nakangisi.

Napailing s’ya ng ilang beses.

“Masasaktan ka lang sa huli.” sambit n’ya.

“No.” sagot ko at saglit na tumigil. Uminom akong muli ng aking alak bago ko ipinagpatuloy ang sasabihin ko habang nakatingin ako sa kanya ng diretso. “Dahil sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa huli, Domz. Ako ang mananalo sa amin ni Rigo. Sisiguraduhin kong ako ang pipiliin n’ya. Tandaan mo ’yan.” madiin kong pagpapatuloy.

Naihilamos n’ya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.

“At paano sina Mommy? May usapan kayo ’di ba? Alam mo kung gaano n’ya kamahal ang pinsan ko. Alam mo ang gusto n’yang mangyari sa pinsan ko dahil ’yon ang wala kay Rigo. Gusto ni Mommy na magkaroon s’ya ng sariling pamilya para hindi naman s’ya habang-buhay na nag-iisa, na hindi s’ya nabubuhay na may kinaiinggitang pamilya.” mahaba n’yang litanya.

“Kakausapin ko s’ya. Alam kong masisira ko ang kasunduan namin pero wala na akong pakialam doon. Basta ang importante sa akin, mapunta sa akin si Rigo.” sagot ko sa kanya.

“At anong isasagot mo kapag sinumbatan ka ni Mommy? Alam kong aware ka na sa tuwing mag-uusap kayo, kahit mahinahon si Mommy, pinamumukha n’ya sa’yong hindi ka makakarating sa kung ano man ang estado mo ngayon kung hindi dahil sa mga naging tulong n’ya sa’yo.” pakikipagtalo n’ya pa rin.

Sa sinabi n’yang iyon ay doon ako natahimik. Natigilan ako at naiwang nag-iisip.

Ano nga ba ang isasagot ko kay Tita Eve kapag sinumbatan na n’ya ako?

“Randz, hindi madali ’yang desisyon mo. Hindi kami against sa relasyon ng parehong kasarian kagaya nina Xander at Tom. Pero ’wag n’yong ihalintulad ang sa inyo ni Rigo dahil malayong-malayo kayo ni Rigo sa kanila!” dagdag n’ya pa.

Dahil sa kanyang sinabi ay naningkit ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng galit sa mga binitiwan n’yang salita.

“Anong kaibahan, Domz? Sige nga, sabihin mo nga! Pareho silang lalaki! Pareho rin kami ni Rigo na lalaki! Sige nga, anong kaibahan do’n?!” tanong ko sa mataas na boses.

Maging s’ya ay hindi na rin napigilan ang kanyang emosyon dahil sa pagtatanong ko. Hindi na rin n’ya nagugustuhan ang pamamaraan ko ng pakikipag-usap sa kanya kaya tumaas na rin ang boses n’ya.

“Dahil si Xander, pangarap ang kagaya ni Tom! Ang kagaya ni Tom na kayang ibalik ang pagmamahal na hinihingi n’ya nang walang pilitang nagaganap! At si Tom, pangarap n’ya ang kagaya ni Xander! Ang kagaya ni Xander na tanggap ang buong pagkatao n’ya kahit ano pa s’ya!” sumbat n’ya sa akin.

“Mahal ko rin si Rigo!! Kahit ano pa s’ya, kahit ang mga pangit sa kanya, lahat tanggap ko! Kung may kakulangan man sa pagkatao n’ya, mahal ko ang lahat nang ’yon! At kung tinatanong mo kung ang kagaya ni Rigo ang pangarap ko, oo! Oo ang sagot ko! Dahil buong buhay ko, si Rigo lang ang tumupad sa lahat ng gusto ko! Si Rigo lang ang kumumpleto sa pagkatao ko!” mahaba kong litanya.

Napangisi si Dom matapos kong sabihin ang mga ’yon.

“Pangarap mo si Rigo? E ang tanong, Randy, ikaw ba, pangarap rin ba ang kagaya mo? Sa tingin mo ba, ikaw ang bubuo sa pagkatao n’ya? Kaya mo bang ibigay ang pamilyang simula pa pagkabata, hinangad na n’ya? Sige nga, sagutin mo nga.” sunod-sunod n’yang tanong habang nakangisi.

Tila ba may ilang bomba ang sumabog sa dibdib ko sa mga katanungan n’yang iyon. Hindi ko magawang huminga dahil pakiramdam ko ay kasalukuyan akong bumabagsak sa pinakamalalim na bangin sa mga oras na ito.

“Sinasabi ko ’to sa’yo, Randy, hindi para saktan ka. Iminumulat kita dahil ayaw kong umabot ka sa puntong wala ka nang makakapitan. Dahil kahit paulit-ulit kang makipagtalo sa akin, alam mong sa huli ay iiwan ka rin ni Rigo. Kaibigan din kita at hindi ko hahayaan na masaktan ka rin sa huli.” pagbibitaw n’ya ng salita.

Nanatili akong walang kibo dahil sa pag-aanalisa ng mga salitang binibitawan n’ya.

Pero nakapagdesisyon na ako, isusugal ko ang pag-asang meron ako. Naniniwala ako na para sa isa’t-isa kami ni Rigo. Alam kong mahal ako ni Rigo at kahit ano pa ang mangyari ay alam kong ako ang pipiliin n’ya sa dulo.

Akmang magsasalita na sana akong muli nang hindi ko maituloy dahil sa biglang pagsingit ng isang boses sa aming likuran.

“So, kailan pa may ganitong kaganapan? Gaano na katagal na wala kaming kaalam-alam na may ganito na palang nangyayari?” pilit na pinapahinahong boses ng isang babae.

Agad kaming napalingon ni Dom sa aming likuran at doon namin natagpuan ang aming kaibigan.

“S-shai…” pareho naming nasambit ni Dom dahil sa pagkabigla. Sabay rin kaming napatayo ni Dom para harapin s’ya.

“Ang ganda naman ng salubong ng magagaling kong kaibigan. Ang mga kaibigan kong ilang taon ko nang kasama pero may tinatago pala.” sarkastiko nitong pagsasalita.

Kilala ko s’ya, alam kong labis na galit ang nararamdaman n’ya sa mga oras na ito. Dahil kung normal na pangyayari lamang ang mayroon ngayon, pinapairal nito ang pagiging edukada n’yang tao.

“Shai, let me explain. Siguro, umupo ka muna para naman maka––” pagyaya sana sa kanya ni Dom ngunit hindi n’ya naituloy dahil sa biglang pagsigaw ni Shai.

“Ang tanong ko ang sagutin n’yo! Kailan pa may ganitong pangyayari?! Kailan pa kayo nagpaplano para sa hinaharap ni Rigo?!” tanong nitong pasigaw.

Wala sa amin ang nakapagsalita ni Dom.

Sa aming magkakaibigan, si Shai lang ang kaya kaming kontrolin dahil mataas ang respeto namin sa kanya. Kahit s’ya ang nag-iisang babae sa aming grupo, s’ya ang maituturing na pinakamalakas ang personalidad. Maski sa kabila ng pagiging maldito ko ay bihira sa kanyang manalo. Iyon ay sa kadahilanang itinuturing ko s’yang nakatatandang kapatid ko.

“Sumagot kayo!!” utos nito sa mas malakas na boses.

Nakita kong nangingilid na ang kanyang mga luha dahil sa labis na galit. Kami naman ni Dom ay hindi alam kung paano magpapaliwanag ngayon.

Nasa ganoon kaming tagpo nang bigla naman dumating si Xander kasama si Anthony.

“Hey! Ano bang nangyayari?” tanong ni Xander.

Walang makasagot sa amin ni Dom sa tanong ni Xander kaya binalingan nito si Shai.

“Shai, bakit ka ba sumisigaw?” mahinahon n’yang tanong dito.

Si Anthony ay iniwan din kami para kausapin ang mga taong naririto sa malaking bar. Nakakuha na pala kami ng atensyon at lahat ng tao dito ay pinagtitinginan na kami.

Hinarap ni Shai si Xander habang galit na galit pa rin.

“Ikaw, Xander?! Alam mo ba ang tungkol dito?! May alam ka rin ba?! Ako lang ba ang walang alam sa nangyayari?!” tanong nito kay Xander.

“T-teka! Hindi ko nga alam ang pinag-uusapan n’yo! At saka pwede bang pag-usapan na lang natin ng maayos ’to? Nakakaeskandalo sa mga tao!” natatarantang pakiusap ni Xander.

“No!! Hindi n’yo ako mapapatigil ’pag ganito ako! Alam n’yo ’yan!” pakikipagtalo nito kay Xander.

Naisuklay na lamang ni Xander ang kanyang kamay sa kanyang buhok bilang pagsuko. Alam naming lahat ’yon, walang makakapigil kay Shai kapag galit na s’ya.

Muli kaming binalingan ni Shai para magtanong.

“Now, answer me!! Kailan n’yo pa kinokontrol ang buhay ni Rigo?!!” sigaw muli nito.

“W-what?!! Wait! Anong sinasabi mong kinokontrol ang buhay ni Rigo, Shai?! Ano ba ’yang pinagsasabi mo?!” naguguluhang tanong ni Xander.

Nagkatinginan kami ni Dom. Nakikita ko ngayon ang pagkadismaya sa ekspresyon ni Dom at alam kong ganoon na rin ang sa akin.

“So wala ka rin palang alam?!” tanong ni Shai kay Xander.

Muli n’ya kaming nilingon ni Dom.

“At sila lang pala ang nakakaalam! Silang dalawa lang pala ang may pakana para kontrolin ang buhay ng kaibigan nating si Rigo!” galit na galit na sumbat ni Shai habang dinuduro kami ni Dom.

“Shai, mali ang iniisip mo…” sa wakas ay nakapagsalita ako.

“Mali? Anong mali, Randy? Ang tagal n’yong magkasama ni Rigo! Kaya pala kahit halos isigaw ni Rigo sa lahat kung gaano ka kahalaga sa kanya at kung gaano ka n’ya kamahal, hindi mo masagot dahil nakikipagkasundo ka na pala sa pamilya n’ya! And worst, si Rigo pa mismo ang tinatraydor n’yo!” sumbat nito sa akin.

Hindi ko magawang sumagot dahil aminado akong mali nga ang bagay na iyon. At dahil hindi ako makasagot ay nagpatuloy pa si Shai sa panunumbat.

“All his life, Randy, sinamahan ka n’ya! Alam ni Rigo na hindi s’ya ang mahal mo noon pero nanatili s’ya sa tabi mo! We’re talking about years here, Randy! Ilang taon ka n’yang sinamahan at inalalayan para makatayo kahit alam n’yang hindi s’ya ang laman n’yan!” sumbat n’ya pa rin at ilang beses n’yang dinuro-duro ang dibdib ko.

Nagsimula nang mangilid ang mga luha ko dahil sa mga salitang ’yon ni Shai.

Alam ko, alam ko ang bagay na iyon. Alam kong sa bawat araw na magkasama kami ni Rigo ay pasakit sa kanya ang pag-aakalang hindi s’ya ang laman ng puso ko.

“Anong kasalanan sa inyo ni Rigo?! Bakit napaka-unfair n’yo?!” tanong muli ni Shai at hindi na rin n’ya napigilan ang kanyang mga luhang pumatak.

Sa pagkakataong ito ay nagsalita na si Dom.

“Shai, hindi mo naiintindihan. Pinoprotektahan namin si Rigo. Gusto lang namin matupad n’ya ang mga pangarap n’ya. Alam mo naman na simula pa noon wala s’yang masasabing sariling pamilya n’ya ’di ba? Kaya nga nagkasundo kami na tutulungan s’yang maabot ’yon.” mahinahong paliwanag ni Dom.

Nanlisik ang mga mata ni Shai na tiningnan s’ya.

“Naririnig mo ba ’yang sinasabi mo, Dom?! Pinsan mo s’ya! Kadugo! Ikaw ang dapat na mas nakakaintindi sa lahat dahil mas matagal mo s’yang kasama kesa sa amin! Paano mo naaatim panoorin si Rigo na nasasaktan habang kasama si Randy?! At paano mo nagagawang ipilit ang gusto n’yo kahit nakikita n’yong nasasaktan si Rigo?!” sunod-sunod na tanong ni Shai kay Dom.

“’Yon ang gusto n’ya, Shai! Hindi kami ang may gusto no’n! Si Rigo ang may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya! S’ya ang nagsabi no’n!” pakikipagtalo ni Dom.

Natawa si Shai habang patuloy na naglalandas ang kanyang mga luha.

“Pangarap ni Rigo? Kailan? Kailan n’ya pinangarap ’yan? Noong bata pa s’ya?” tanong ni Shai kay Dom.

Hindi nakasagot si Dom. Nagpatuloy si Shai sa pagsasalita habang suot ang kanyang pagkakangisi.

“Sagutin mo nga ang tanong ko, Dom.” unang sambit ni Shai at saglit na tumigil. “Kailan n’yo huling tinanong si Rigo kung ano ang pangarap n’ya? Simula nang makilala n’ya si Randy, natanong n’yo ba ulit s’ya? Hindi mo ba naisip kahit minsan na nagbabago ang kagustuhan ng tao sa buhay? Na may mga naging pagbabago dahil may nakikilala tayong bago at sila ang nagbibigay daan para magbago ang isip at desisyon ng tao?” sunod-sunod nitong pagtatanong.

Naiangat ko ang paningin ko kay Shai dahil sa mga salita n’yang iyon. Tila ba isang malaking tinik ang naalis sa aking dibdib dahil sa litanya n’yang iyon. Ngayon ko lang naisip na posible ang sinasabi n’yang nagbago na ang pangarap na iyon ni Rigo. Posibleng may iba na itong gusto.

Binalingan ko ng tingin si Dom para marinig ang kanyang sagot. Ngunit tulad ko, tila ba ngayon lang din s’ya napapag-isp dahil natulala ito.

“Anong klaseng tao kayo? Paano n’yo nagagawa ’to kay Rigo? Walang ibang hinangad ang taong ’yon kundi pasayahin kayo. Buong buhay n’ya naging malungkot s’ya dahil wala s’yang sariling pamilya. Dumating ang pagkakataon na sumaya s’ya pero pinipigilan n’yo. Nasaan ang konsensya n’yo?!” tanong sa amin ni Shai.

Pareho pa rin kaming tahimik ni Dom.

Naisip ko ang mga sakripisyo sa akin ni Rigo simula pa noon. Sa bawat araw na sinasamahan n’ya ako kahit hindi ko s’ya pinapansin, sa bawat pagkakataon na pilit n’ya akong pinapasaya kahit nagmumukha na s’yang tanga, sa bawat oras na tatawagin ko ang pangalan n’ya at darating agad s’ya, lahat ’yon ay nagbalik sa isip ko.

Hindi ko napigilan ang mga luha kong pumatak dahil sa pag-iisip sa lahat ng sakripisyo sa akin ni Rigo. Iniisip ko ang mga oras na hirap na hirap s’ya sa pag-intindi sa ugali ko. S’ya ang nag-iisang tao na kahit alam n’yang mali ang mga ginagawa ko ay sasabihin pa n’yang ‘Liam, ang galing-galing mo.’ .

“Umiiyak ka ba, Randy, dahil nakokonsenya ka? Pwes, lalo pa kitang kokonsensyahin para matauhan ka.” pagkausap na naman sa akin ni Shai.

Nanatili akong nakayuko habang patuloy na lumuluha.

“Ilang beses mo na bang tinanggihan si Rigo? Nabibilang mo pa ba? Ang sakit-sakit no’n sa parte n’ya. Pero narinig mo ba s’yang nagreklamo? Narinig mo na ba s’yang sinumbatan ka kahit isang beses? I bet, hindi. Dahil sa bawat oras na nakakasama natin s’ya, alam mo kung ilang beses ka n’yang pinagmalaki sa lahat! At saksi kaming lahat kung paano ka n’ya inaasikaso at inaalagaan kahit hindi mo ’yon masuklian!” sumbat n’ya pa rin sa akin.

Nagsalita si Dom.

“Shai, hindi rin naman kasalanan ni Randy.” pagtatanggol nito sa akin.

Nadinig ko ang mahinang pagtawa ni Shai.

“Tama ka, Dom, hindi lang s’ya ang may kasalanan. Dahil lahat kayo! Kayo mismo na sariling pamilya ni Rigo ang dapat na sisihin dito! Kayo na dapat mas inaalala ang magpapasaya kay Rigo dahil kayo na lang ang meron s’ya! Pero kayo pa ang mismo ang nagbibigay ng dahilan sa kanya para pahirapan ang kalooban n’ya! Mga wala kayong kwenta! Mga makasarili kayo!” sigaw nito kay Dom.

Sa pagkakataong ito ay nagsalita na rin si Xander.

“Alam n’yong sa grupo natin si Rigo ang pinakatahimik, ’di ba? Hindi n’ya hayagang pinapakita ang nararamdaman n’ya. Pero makikita n’yo sa mga kilos n’ya kung ano ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Sana naman inisip n’yo ’yon. Sana naman binigyan n’yo ng pansin kung ano ang mga bagay na mas magpapasaya sa kanya.” mahinahong panunumbat ni Xander.

Pareho kami ni Dom na parang mga batang pinagagalitan ng aming mga magulang sa mga oras na ito. Wala kaming magagawa kundi ang pakinggan ang bawat pangaral nila at tanggapin ang pagkakamali na matagal na sanang naayos kung maaga ko lamang itong napag-isip-isip.

Muling nagsalita si Shai.

“Alam n’yo kung ano pang mali? Sinarili n’yo ang lahat. Ang tagal nang panahon na itinago n’yo sa amin ’to. Lalo na ikaw, Randy! Inaasahan ko na wala kang itatago sa akin! Pero nagkamali pala ako!” bulyaw nito sa akin.

“I-i’m sorry…” tangi ko lang nasambit.

“Ano bang problema? Dahil malaki ang pagkakautang mo sa magulang ni Dom, Randy? Nakapagtapos ka dahil sa tulong ng mga magulang n’ya? Bakit? Magkano ba ang lahat ng ’yon?! Kayang-kaya mo na ’yon bayaran ngayon! Pwede mo naman gawin ’di ba? Pero nagpakulong ka d’yan sa utang na loob mo sa kanila!” galit na galit n’ya pa ring pahayag.

Tinanggap ko na lamang ang lahat ng iyon.

“Akala ko matalino ka? Bakit hindi ka nag-isip ng ibang paraan? Akala ko ba matapang ka? Bakit hindi mo na lang sila hinarap?“sunod-sunod n’yang tanong.

Muli ay hindi ako nakasagot kaya nagpatuloy s’ya.

“Hindi mo responsibilidad na pasayahin sila, Randy! Hindi mo katungkulan para sundin ang gusto nila! Sana inuna mo ang sarili mo kahit sa bagay lang na ’yan! Sana kahit ’yan lang ipinaglaban mo! Ikaw ang dapat na mas nakakaintindi sa sarili mo! Dahil alam mong simula pa noon, wala ka nang ginawa kundi tanggapin ang pagkatalo mo kahit hindi ka pa lumalaban!” kasunod ng kanyang mga katanungan.

Hindi ko na alam kung paano pa sasagutin ang lahat ng iyon. Nanatili na lamang akong walang imik habang patuloy na naglalandas ang mga luha ko.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming apat. Pareho kami ni Shai na lumuluha, si Xander at Dom naman ay pinili na lamang na hindi magsalita. Marahil ay ayaw na rin nilang lumala pa ang sitwasyon.

Matapos ang ilang minutong katahimikan ay nagsalitang muli si Shai.

“Hindi ko akalaing ito ang maaabutan ko sa pagdating ko. I thought magiging masaya ang gabing ’to dahil matagal-tagal tayong hindi nagkita.” una n’yang pahayag.

Pinunasan n’ya ang kanyang mga luha gamit ang kanyang palad. Pilit n’yang pinapakalma ang kanyang sarili kahit nakikita ko pa rin sa kanyang mga mata ang pinaghalong lungkot at galit.

Muli n’ya akong tiningnan. Kung pagbabasehan ko ang mga ibinabato n’yang tingin sa akin ay alam kong marami pa s’yang katanungan at marami pa s’yang bagay na gustong alamin.

“But I guess, kailangan muna nating magkanya-kanya. Hindi ko matanggap na kayo mismong dalawa na pinakamalapit kay Rigo ang nananakit sa kanya. Sobrang disappointed ako sa inyo, lalo na sa’yo, Randy.” sunod n’yang pagsasalita.

Matapos ang mga sinabi n’yang iyon ay mabilis n’ya rin kaming tinalikuran para lumabas sa bar na aming kinalulugaran.

“Susundan ko lang s’ya. Kakausapin ko lang s’ya.” pagpapaalam ni Xander at tinapik ako sa balikat.

Tinanguan n’ya naman si Dom bilang pagpapaalam at mabilis din n’yang sinundan si Shai.

Pinagmasdan lamang namin ni Dom ang dalawa naming kaibigan na papalayo sa amin hanggang sa mawala ito sa aming mga paningin.

“So, paano ’to? Mukhang wala na tayong tinatago. Ano nang magiging plano?” tanong sa akin ni Dom makalipas ang ilang sandali.

Hindi ko s’ya sinagot. Pinunasan ko muna ang aking mga luha at mabilis na rin akong humakbang palayo sa bar na iyon.

Hindi na kami nag-abala pang bayaran ang aming mga ininom dahil dumarating na lamang sa amin ang bill ng mga iyon sa aming opisina. Ganito naman kami tuwing naririto dahil kaibigan namin si Anthony na may-ari ng bar.

“Let’s go. Ihatid mo ako sa condo ko dahil wala si Xander na pinagbilinan ni Rigo para ihatid ako pauwi.” utos ko lang kay Dom.

Hindi na s’ya sumagot ngunit naramdaman kong nakasunod na rin ito sa akin.

Nagsimula kaming magbiyahe ni Dom at tanging nakabibinging katahimikan lamang ang mayroon sa loob ng kanyang sasakyan. Naging malalim ang aking pag-iisip at alam kong ganoon din si Dom dahil sa mga nangyari kani-kanina lang.

Naisip kong may karapatan silang magalit sa amin dahil bukod sa itinago namin ito ng ilang taon sa kanila, ang kaibigan pa naming si Rigo ang sangkot sa usapin.

Hanggang sa nakarating kami sa parking lot ng condo ko ay hindi kami nagkaroon ng kahit na isang beses na pag-uusap ni Dom.

“Salamat.” maikli kong sambit at hinawakan ko na ang pinto ng kotse para lumabas dito.

“Sandali.” biglang pagpigil sa akin ni Dom.

Nilingon ko lamang s’ya at hindi ako nagsalita. Nakatingin s’ya sa manibela at batid kong malalim pa rin ang iniisip n’ya.

“Wala ka bang balak pag-usapan ang nangyari?” tanong n’ya.

Bihira kong makitang ganito kaseryoso si Dom. Sa tagal naming magkaibigan ay mabibilang ko lamang sa mga daliri ng kamay ko kung ilang beses pa lamang ito nakausap ng matino. Puro kalokohan lang ang alam nito na kung minsan ay umaabot pa sa puntong nakakasakit na ito ng ibang tao.

“Ano pa bang dapat nating pag-usapan? Hayaan muna natin si Shai sa ngayon. Pero bukas na bukas kakausapin ko s’ya. Ihahanda ko na rin ang pisngi ko dahil alam kong makakatikim ako ng kaliwa’t kanang sampal sa kanya.” dire-diretso kong pagsasalita.

“Hindi s’ya ang ibig kong sabihin. Si Rigo ang tinutukoy ko.” pagtatama n’ya at nilingon ako.

Natawa ako sa kanya ngunit sa nakakainsultong paraan.

“Hanggang dito ba naman, Dom? Nakita mo na nga ang nangyari ’di ba? Nagalit na ang mga kaibigan natin pero heto ka at ipinipilit mo pa rin ang gusto mo, ang gusto n’yo ng Mommy mo.” madiin kong pagsasalita.

“E ano ngang plano mo?!” hindi s’ya nakapagpigil na bulyawan ako.

Hindi ko agad s’ya sinagot. Tinitigan ko s’ya sa mga mata, ipinakita ko sa pagtitig kong iyon ang tapang at buo ng loob ko.

“Walang magbabago sa mga sinabi ko sa’yo, Dom. Itutuloy ko ang pagkuha kay Rigo sa ayaw at sa gusto n’yo. At kung ang magiging kapalit ay ang pagkawasak ng pagkakaibigan natin, hinding-hindi na magbabago ang isip ko. Kahit pa isumpa ako ng buong angkan n’yo, hinding-hindi ako magpapatalo sa inyo. Ilalaban ko si Rigo at sisiguraduhin kong ako ang mananalo!” mahaba at puno ng determinasyon kong sagot sa kanya.

Naging mabilis ang mga paghinga ko matapos ang mga salitang binitawan ko. Labis ang naging epekto nito sa akin lalo na at alam kong walang kasiguraduhan ang mga sinabi ko. Hindi ko pa alam kung paano ko mapapasaya si Rigo at kung paano ko mapantayan at malalampasan ang mga hinahangad n’ya sa buhay simula pa noon.

“Bakit?” seryoso nang tanong ni Dom ngunit sa mahinahon nang paraan ngayon.

“Bakit? Tinatanong pa ba ’yan, Dom? Mahal ko ang pinsan mo. Mahal ko s’ya at ikamamatay ko kung mawawala s’ya. At kung iniisip n’yo na hindi ko mapapaligaya si Rigo dahil hindi ko matutupad ang pamilyang pinangarap n’ya, sisiguraduhin kong makakahanap ako ng ibang paraan para mapasaya s’ya.” mahaba ko pa ring sagot sa kanya.

Hindi ko man gustuhin ay kusa na lamang pumatak ang mga luha kong hindi ko ipinapakita sa iba. Ito siguro ang unang pagkakataon na nakita ako ni Dom na ganito kahina. Kay Rigo ko lamang pinapakita ang bagay na ito, ngunit hindi ko ito napigilan dahil si Rigo rin ang aming pinag-uusapan.

“Wala akong ibang hinangad, Dom… Kahit nga noong panahon na hirap na hirap ako sa pamilya ko, hindi ako nag-aksaya ng oras para maghiganti sa kanila, ’di ba…? Tinakasan ko lang sila… Hindi ko rin naman hinangad na maging ganito ang estado ko, hindi ko hinangad na maging mayaman ako o maging tanyag na tao… Wala akong ibang gusto kundi ang maging tahimik ang buhay ko… At alam mo ba kung saan ko natagpuan ang katahimikang ’yon?” mahaba ko pang litanya kay Dom at tanong sa huli.

Natatandaan ko ang pakiusap sa akin ni Rigo na ’wag kong hahayaan na ipakita sa iba ang kahinaan ko. Paulit-ulit n’ya sa akin sinasabi na kahit nahihirapan ako sa sitwasyon ay ipakita kong matapang ako. At sa oras na dumating s’ya, sa kanya ko ilabas lahat ng mga luhang pinigilan ko.

Pero paano ko ’yon gagawin ngayon kung s’ya na mismo ang nagiging dahilan ng panghihina ko?

Hindi nakasagot si Dom. Nanatili lamang itong nakatitig sa akin kaya nagpatuloy pa ako.

“Kay Rigo lang… si Rigo lang ang nagparamdam sa akin na hindi ako magiging masaya kung patuloy akong nag-iisa… S’ya lang ang nagturo sa akin para maging masaya… S’ya lang ang nagpuno sa mga kakulangan ko…” sagot ko sa pagitan ng pag-iyak at saglit na tumigil. “Ngayon, masisisi mo ba ako kung bakit hinangad ko ang pinsan mo…? Masisisi mo ba ako kung sasabihin kong hindi ko kayang mabuhay kung wala s’ya sa tabi ko…?” tanong ko sa kanya sa huli.

Tuluyan nang bumigay ang emosyon ko. Hindi ko na napigilan ang humagulgol sa harap ni Dom dahil sa labis na lungkot na nararamdaman ko.

Gusto ko s’yang kumbinsihin, sila ng buo n’yang pamilya.

Kahit pa patuloy ako sa pag-iyak ay ipinakita kong buo ang loob ko at hindi na magbabago ang isip ko.

Nakahanda na rin ako, kung hihilingin nila sa akin ngayon na magmakaawa ako sa harap nila para ’wag kaming pigilan ni Rigo ay gagawin ko. Wala na akong pakiaalam kung pagtatawanan nila ako, basta ang mahalaga, makuha ko si Rigo.

“Randz…” nasambit lang ni Dom at dama ko sa tinig n’ya ang awa dahil sa nasasaksihan n’ya sa akin sa mga oras na ito.

“Dom, parang awa n’yo na… Ito lang ang gusto ko… si Rigo lang… Kahit bawiin n’yo sa akin ang lahat… basta ’wag lang si Rigo… Parang awa n’yo na… Hindi ko na kakayanin kung mawawala pa s’ya…” pagmamakaawa ko pa rin sa kanya habang umiiyak na parang bata.

Dahan-dahan ay lumapit si Dom para yakapin ako. Naramdaman kong hindi n’ya rin gusto ang makita akong ganito. Ramdam ko sa bawat paghaplos n’ya sa aking likod ang pag-aalala n’ya sa akin bilang kanyang kaibigan.

“Tahan na… baka ’pag nalaman pa ni Rigo na umiiyak ka ng ganito, magulpi pa n’ya ako. Isa pa, alam kong makakasama ’to sa’yo. So please, tumigil ka na sa pag-iyak.” pakiusap n’ya sa akin.

Sinusubukan n’ya akong pakalmahin ngunit hindi ko iyon magawa. Nangingibabaw ang lungkot ko sa mga oras na ito dahil sa pag-iisip kung paano ko sila makukumbinsi.

“Nakukuha ko na. Mahal mo ang pinsan ko at alam kong mahal ka rin ni Rigo. Hindi naman ako against doon. Ang sa akin lang, ayaw ko kayong parehong masaktan. Baka kung kelan magkasama na kayo, doon lang n’ya maiisip na hindi iyon ang gusto n’ya sa buhay. Ano na lang ang mangyayari sa’yo? ’Yon lang ang kinakatakot ko.” paliwanag n’ya sa akin.

“Alam ko naman ’yon, Dom… Alam ko ang posibilidad na magbago ang isip ni Rigo… Pero gusto kong sumugal… Gusto kong kahit minsan, maramdaman kong nagmahal ako at minahal ako pabalik… Dahil buong buhay ko, ako lang ang nagmamahal… Lagi na lang ako, pero hindi nila ’yon maibalik sa akin…” sagot ko sa kanya.

Hindi s’ya nagsalita. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko ang marahan n’yang pagtango habang patuloy na hinahaplos ang likod ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan n’ya bago s’ya nagsalita.

“Naiipit din ako sa sitwasyon, alam mo ba ’yon, Randz? Kaibigan kita kaya gusto rin kitang protektahan. Pero kung ito ang magpapasaya sa’yo, wala akong magagawa kundi ang suportahan ang desisyon mo.” mahinahon n’yang pagsasalita.

Dahil sa narinig ko sa kanya ay bahagyang nabawasan ang bigat ng dibdib ko. Dahan-dahan akong napabitaw sa kanyang pagkakayakap para makita ang ekspresyon ni Dom kung seryoso ba ito.

Nang magtagpo ang aming mga mata ay nasaksihan ko ang maliit na ngiti n’ya.

“Pumapayag na ako. Pero kung ano man ang mangyari sa hinaharap, sana lakasan mo ang loob mo. Susuportahan ko kayo kahit alam kong ikakagalit sa akin ’to ng Mommy ko.” sunod n’yang pagsasalita.

Nang marinig ko iyon sa kanya ay kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi kahit patuloy pa rin sa paglandas ng mga luha ko.

“Pero mangako ka, Randz. Gawin mo ang lahat para makumbinsi si Mommy. Ipakita mo sa kanyang ikaw ang magpupuno sa mga kakulangan ni Rigo, patunayan mong ikaw ang nag-iisang tao na karapat-dapat na makasama habang-buhay ng pinsan ko, na kaya mo s’yang pasayahin hangga’t nabubuhay s’ya sa mundo.” sunod n’yang pakiusap sa akin.

Mas lumapad ang pagkakangiti ko kay Dom. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa labis na tuwa. Mabilis ko na lamang s’yang niyakap habang suot ang pinakamalapad na ngiti ko.

“Salamat, Domz… salamat…” tangi ko lamang nasambit habang lumuluha.

Muli n’yang hinaplos ang likod ko at paulit-ulit na tinapik iyon.

“Tahan na. Kinakabahan na rin ako sa’yo. ’Wag mo akong isusumbong sa kumag na pinsan ko na pinaiyak kita ng ganito ha? Mapapatay talaga ako no’n!” pakiusap n’ya sa akin.

Kahit patuloy sa pagbuhos ng mga luha ko ay natawa ako sa naging pakiusap n’ya.

“Hindi ko sasabihin, pangako.” sagot ko sa kanya.

“Good, good.” sagot n’ya rin.

Nagbitaw kami sa pagkakayakap ni Dom habang suot ang aming mga ngiti. Inabot n’ya ang tissue sa kanyang kotse at ibinigay iyon sa akin.

“Tama na nga sabi e! Mamaya makipagvideo call na naman ’yon sa’yo tapos mapansin pa n’yang namamaga ang mata mo! Magpapaimbestiga na naman ang gagong ’yon! Pupusta pa ako!” muli n’yang pakiusap.

Huminga ako ng malalim habang natatawa pa rin. Tulad ng pakiusap ni Dom ay sinubukan kong kumalma at pigilan ang aking mga luba sa muling pagpatak.

Ilang minuto pa kaming nasa loob ng kotse habang hinihintay n’ya akong kumalma. Aaminin ko, kahit paano ay gumaan na ang nararamdaman ko. Malaking tagumpay ko nang maituturing ang makumbinsi si Dom dahil isa s’ya sa may pinakamalaking parte ng buhay ni Rigo.

“So, paano? Kailan mo balak sabihin ’yan sa pinsan ko? Kailan mo balak isigaw ’yang kalandian mo?” tanong n’ya sa akin.

“Hindi ako lumalandi! Mahal ko talaga ang pinsan mo!” pagkontra ko sa kanya habang sinisinok pa ako ngunit natapos na rin ako sa pag-iyak ko.

Tumawa s’ya ng pagkalakas-lakas at marahan akong binatukan.

“Masyado ka naman seryoso! Oo na! Mahal mo na s’ya! Hindi ko naman pinagdududahan ’yon!” sagot n’ya sa akin.

Huminga ako ng malalim para maayos akong makapagsalita.

“Pag-uwi n’ya, doon ko sa kanya ipagtatapat.” sagot ko sa katanungan n’ya kanina.

Lumapad at pagkakangiti n’ya at kinusot ang aking ulo.

“Well, break a leg! Hindi ako mawawala sa tabi n’yo, nandito lang ako.” wika n’ya sa sinserong tono.

Ako naman ang ngumiti sa kanya pabalik.

“Salamt, Domz.” wika kong nakangiti.

Hindi na s’ya sumagot ngunit mas idiniin n’ya na lamang ang pagkusot sa aking ulo habang nakangiti.

“Punyeta ka naman e! Nagugulo ang buhok ko sa’yo e!” reklamo mo at tinapik ko ang kamay n’ya.

“Hoy! Magiging bayaw mo na ako! Hindi ako dapat sinisigawan ng magiging hipag ko!” reklamo n’ya sa akin pabalik.

“Hoy ka rin! Hindi rin ako papayag na aapihin mo ako! Baka ikaw pa ang alipustahin ko!” pagbabanta ko na sa kanya.

Natawa naman s’ya.

“Ang sungit talaga! Ewan ko ba kung anong nagustuhan sa’yo ng pinsan ko! Para kang pinaglihi sa cute na demonyito!” natatawa n’yang sambit.

“’Wag kang magmalinis! Pareho lang tayo! Masama rin ang ugali mo!” sagot ko sa kanya.

Nasundan ang sinabi kong iyon ng pagtawa naming dalawa. Aminado rin kasi ang loko na salbahe rin s’ya.

Saglit pa kaming nagtagal ni Dom sa loob ng kanyang kotse. Matapos n’yang masiguro na ayos na ako ay pinayagan na rin n’ya akong magpaalam sa kanya. Paulit-ulit din s’yang nakiusap sa akin na kung sakaling mapansin ni Rigo na umiyak ako ay ’wag na ’wag kong sasabihin na may kinalaman s’ya roon.

May takot din naman pala ang loko sa pinsan n’ya pero pinaiyak n’ya muna ako bago s’ya pumayag sa gusto ko.

Walang patid ang ngiti ko nang makapasok ako sa unit ng condo ko. Sinalubong ako ni Nanay Elise ng pagtatanong kung anong nangyari sa akin dahil nahalata n’ya ang namamagang mata ko, ngunit sinagot ko lamang iyon ng pagyakap sa kanya habang paulit-ulit kong sinasabi na ang saya-saya ko.

Malalim na rin ang gabi at halos hindi ako patulugin ng sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Naghihintay ako ng tawag ni Rigo dahil nagbilin ito kanina na kakausapin ako.

Habang nakahiga sa kama at naghihintay sa tawag ni Rigo ay naisipan ko munang tawagan ang kaibigan ko na alam kong hanggang ngayon ay galit pa rin sa akin.

Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang kanyang numero. Naririnig ko ang pag-ring ng telepono ngunit hindi n’ya iyon sinasagot.

“Galit talaga s’ya.” mahina kong sambit.

Sinubukan ko ulit s’yang tawagan. Wala akong pakialam kung makulitan man s’ya dahil sa aking ginagawa. Gusto kong maitama ang lahat kaya gusto ko s’yang makausap para maging maayos ang aking simula.

“Aba’t! Ayaw mo talagang sagutin?!” naiinis ko ngayong sambit dahil hindi n’ya pa rin sinasagot.

Ilang beses ko pa iyong ginawa ngunit mukhang ayaw n’ya talagang sagutin ang tawag ko. Nakakaramdam na ako ng inis lalo na at ang huling tawag na ginawa ko ay pinatayan n’ya ako.

Nakaisip ako ng ibang paraan para sagutin n’ya iyon.

’Ayaw mo talagang sagutin? ’Pag hindi mo pa sinagot ang tawag ko, sasabihin ko kina Xander, Dom at Rigo na may manliligaw ka ngayon na abogado at s’ya na ang nagugustuhan mo sa mga dumidiskarte sa’yo! Alam mo na ang mangyayari ’pag sinabi ko sa kanila ‘di ba?’

text ko sa kanya.

Kailangan ko na s’yang pagbantaan para lang pansinin n’ya ako.

Wala pang isang minuto ang nakakalipas simula nang magtext ako ay nagulat na lamang ako nang may tumatawag na sa cellphone ko. At nang makita ko ang kanyang pangalan ay napangisi ako.

“Punyeta ka! Marunong ka rin naman palang matakot!” muli ko na namang sambit.

Sinagot ko ang tawag n’yang iyon.

“Hello, Shai?” nakangiti kong pagsagot.

“Bakit kailangan mo pa akong pagbantaan?!” bungad nito sa akin.

Natawa ako.

Alam kong takot s’yang malaman ng mga kaibigan namin na may manliligaw na s’ya. Dahil kapag nalaman nila iyon, iisa lang ang mangyayari, hindi sila papayag na basta-basta lang ito sasagutin ni Shai nang hindi dumadaan sa kanilang mga kamay. Ganyan nila protektahan ang nag-iisang babae sa aming magkakaibigan, hindi nila binibigyan ng kalayaan. Ako lang ang nakekwentuhan ni Shai ng mga kaganapan sa kanyang buhay pag-ibig dahil naaawa rin naman ako sa mga sinasapit ng kanyang mga manliligaw sa kamay ng aming mga kaibigan. Naawa din ako kay Shai dahil kinikilig lamang ito ng panandalian, maaga rin kasing sumusuko ang kanyang mga manliligaw dahil sa kalupitan ng tatlong barako naming mga kaibigan.

“Para lang kausapin mo na ako. Kailangan ko nang gamitin ang alas ko para lang bumigay ka.” pang-aasar ko sa kanya.

“You know what? You’re such a ––” hindi na n’ya naituloy.

“A b*tch? I know right! Thank you.” pagputol ko sa kanya.

Narinig ko ang mga mahina n’yang mga pagbulong at alam kong inis na inis na s’ya ngayon. Alam ko rin na bahagya na s’yang kumalma dahil kilala ko na s’ya, normal na ang timpla n’ya ’pag ginagamitan na ako ng ingles na salita.

“So, what made you call?!” tanong n’ya matapos ang kanyang orasyon.

Huminga ako ng malalim para simulang magsalita at magpaliwanag.

“Handa na ako, Shai. Hindi na ako magpapakulong sa kasunduan. Handa na akong ipaglaban si Rigo.” unang bahagi ng pag-amin ko.

Hindi ko s’ya narinig na nagsalita sa kabilang linya. Alam kong naghihintay pa s’ya sa mga sasabihin ko kaya nagpatuloy ako.

“Alam kong mali ang mga naging hakbang ko. Pero hindi ko rin naman akalain na magiging ganito ako kay Rigo. Akala ko noon wala nang pag-asa para mabuksan ang puso ko para sa iba, pero nagkamali ako. Dahil pinatunayan sa akin ni Rigo na s’ya ang karapat-dapat na mag-alaga nito, s’ya ang may kakayahan na samahan ako sa lahat ng tagpo ng buhay ko, masalimuot man ’yon o maganda.” mahaba at nakangiti kong paliwanag sa kanya.

“And how about those ––”

“Patapusin mo muna ako, gaga.” pagputol ko na naman sa kanya.

Narinig ko ang malalim n’yang buntong hininga. Mabuti naman at hinayaan n’ya akong magsalita pa.

“Oo nga, nagkasundo kami noon na walang mamamagitan sa amin na relasyon. Companion lang talaga ang kailangan ko noon, pero alam kong simula pa noon, iba na si Rigo sa akin, alam kong mahal na n’ya ako. Sorry kung sinamantala ko ang nararamdaman n’ya kaya naisip kong s’ya na lang ang gagamitin ko para makalimutan ang pagkasawi ko kay Xander noon. Pero unang araw pa lang na magkasama kami, pinaramdam na n’ya sa akin na napakaespesyal ko. Unang araw pa lang na sinamahan n’ya ako, naramdaman ko nang s’ya ang taong pinagdarasal ko.” pagtatapat ko sa kanya.

“That’s because he loves you so much to the extent that he will endure all the pain of seeing you loving someone else and not him.” sagot n’ya sa akin.

“I know. Kaya nga sa bawat oras na alam ko nararamdaman n’ya ’yon, gumagawa ako ng ibang paraan para hindi n’ya isipin ’yon. Pinaparamdam ko sa mga kilos ko na mali ang iniisip n’yang ’yon.” pagtatanggol ko sa aking sarili.

Hindi s’ya nakasagot sa bagay na iyon. Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa magsalita s’yang muli.

“So, what will you do next? Are you gonna talk to Tita Eve?” tanong n’ya at saglit na tumigil. “You know what? She’s playing like a witch this time!” sunod n’yang reaksyon.

Natawa ako.

“Mahal n’ya lang talaga ang pamangkin n’ya.” pagtatanggol ko naman kay Tita Eve.

“Whatever.” sagot n’ya lang at alam kong inikutan n’ya ako ng mata kahit hindi ko s’ya nakikita.

Tanging pagtawa lang ang naisagot ko sa kanya.

“So, what’s your plan na nga?” tanong n’ya ulit.

Hindi ko maalis ang ngiti ko nang sagutin ko s’ya.

“Kung sa pamilya ni Rigo, wala akong magiging plano. Basta ang mahalaga sa akin sa ngayon, si Rigo lang. S’ya lang ang priority ko. Kaya pag-uwi na pag-uwi n’ya, ipagtatapat ko ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. I want him to be happy, at tiwala akong maibibigay ko iyon sa kanya.” sagot kong mahaba.

“Uh… I’m so happy for you, Randz. Finally, you guys are stepping onto the next level. Don’t forget to post it in facebook ha? I’ll be the first to react!” masaya nitong reaksyon sa sinabi ko.

Ramdam kong masaya s’ya para sa amin ni Rigo. Alam kong pinapanalangin n’ya rin ang kasiyahan naming dalawa dahil simula pa noon ay alam n’yang may kakulangan sa amin kahit nakangiti kami sa harap nila.

“Ikaw na muna ang bahalang kumausap kay Xander. Baka masuntok ako no’n e.” pakiusap ko kay Shai habang natatawa.

“Sure! Leave it to me. At subukan ka lang n’yang suntukin, sasampalin ko talaga s’ya ng kaliwa’t kanan!” sagot n’ya naman.

“Thanks a lot, Shai.” natatawa kong pasasalamat.

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Shai sa telepono. Laking pasasalamat ko dahil sa wakas ay positibo ang resulta ng mga panimula ko. Tapos na ako sa problema ko sa mga kaibigan ko, ang tanging hinihintay ko na lamang ay ang pag-uwi ni Rigo.

Matapos ang pag-uusap namin ni Shai ay nagbakasakali akong may natanggap na akong mensahe mula kay Rigo sa mga social media account ko kung saan kami nag-uusap. Ngunit bahagya akong nadismaya dahil wala akong natanggap kahit na isa.

Sunod kong ginawa ay nag-iwan ako ng mensahe para sabihing naghihintay na lamang ako ng tawag mula sa kanya bago ako matulog. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya.

Sunod kong ginawa ay tinawagan ko s’ya overseas ngunit lalo lang akong nadismaya dahil patay din ang cellphone n’ya.

“Baka busy sa party?” tanong ko sa aking sarili.

Nakahiga akong hawak ang telepono ko dahil sa pagbabakasakaling tumawag si Rigo. Ngunit hanggang sa makatulog ako ay wala akong natanggap kahit man lang isang mensahe mula sa taong pinakamamahal ko.


A/N

Yown! Ang haba ’no? Sorrna, ginanahan na naman ako magtype. 😅😅😅 Ano sa tingin n’yo sa chapter na ’to? Ano na kaya ang mangyayari? 😁😁😁

Salamat po sa magbibigay ng votes at comments! Salamat din po sa matiyagang paghihintay ng update! Hanggang sa muli, mga mahal ko! Konting push na lang! Hahahahaha!

–– cold_deee

chapter 16

A/N

Salamat sa paghihintay! Pasensya na, sobrang busy na talaga. Paminsan-minsan ko na rin dine-deactivate ang fb ko dahil sa dami ng ginagawa. But anyway, kapag may oras naman ako ay unti-unti rin akong nagta-type.

Okay, para po kay

greendr

ang chapter na ito tulad ng sinabi ko! Kaway-kaway naman d’yan! Hahahahaha!

Enjoy reading chapter 16 guys! Mwah!!

––> si Randy at Rigo po ang nasa media.


![](https://img.wattpad.com/13f4f2e60f8b16077b7b8da56166b3a9fdb19c2a/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f3734446a30456234786d4a3255773d3d2d3432333538313930332e313463366239636461646535376265643333333338323533393033352e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/a68cf6a51d8f67e091843d9608ad1a560bd5250b/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f79496a755068637a4268536d52413d3d2d3432333538313930332e313463366239643362383239353863663931373437303939343335332e6a7067)

RANDY’s POV

“Hindi mo ba talaga ako masusundo?” may halong lungkot na pagtatanong ng kausap ko sa kabilang linya.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Nakipag-compromise ako sa isang client dahil may nalalaman ka pang pasurprise-surpise! Kung sinabi mo agad na kinabukasan na ang dating mo, e ’di sana naayos ko ang schedule ko! Kasalanan mo rin ’to!” seryoso kong paninisi sa kanya.

Matapos kong sabihin iyon ay tinakpan ko ang bibig ko dahil baka marinig n’ya sa kabilang linya ang pinipigilan kong pagtawa.

Ilang segundo s’yang natahimik at narinig ko na lamang ang kanyang malalim na pagbuntong-hininga.

“Sa sobrang tuwa ko siguro dahil makikita na kita kaya hindi ko na naisip ang schedule mo.” malungkot n’yang paliwanag.

“Mag-taxi ka na lang pagdating mo ng airport dito sa Pinas.” utos ko sa kanya.

Naikagat ko ang labi ko dahil naramdaman kong parang sasabog ang dibdib ko sa saya. Gusto kong sumigaw dahil sa wakas ay makikita ko na si Rigo makalipas ang mahigit isang buwan naming hindi pagkikita ng personal. Sa wakas ay mayayakap ko na s’ya at makakasama.

“Sige, gano’n na nga lang. Didiretso na lang ako sa condo mo. Siguro naman nandoon ka na pagdating ko?” malungkot pa rin n’yang pagsasalita.

’Akala mo lang ‘yon.’ sambit ko sa isip ko at napangiti na naman ako.

“Sige. Mag-iingat ka ha? ’Pag may oras pa ako magluluto na lang ako ng para sa dinner natin.” sagot ko naman sa kanya.

Kasunod ng sagot kong iyon ay narinig ko ang isang anunsyo sa kabilang linya.

“Liam!” masigla na ngayong pagtawag sa akin ni Rigo.

“Oh, bakit?” tanong ko.

“Ayan na ang flight ko! Sasakay na ako!” masaya n’yang pagbabalita.

“O, tapos?” simpleng pambabara ko.

“Maya-maya lang makikita na kita! Nae-excite ako!” sagot n’ya at tila pinipigil din ang mapasigaw sa mga oras na ito.

Naitakip ko na naman ang kamay ko sa aking bibig para pigilan din ang pagsigaw ko.

“O, sige na. Kita na lang tayo mamaya.” pilit na pilit kong pagpapakahinahon.

“Sige, sige! I’ll see you later! I love you!” sagot n’ya lang at mabilis na tinapos ang aming tawag.

Natawa ako dahil ginawa n’ya na naman ang bagay na iyon. Ilang linggo na n’yang ginagawa ang bagay na ito, ang paulit-ulit na sinasabi sa akin na mahal n’ya ako sa tuwing ibababa na n’ya ang telepono. Agad n’yang papatayin ang tawag at hindi na hihintayin kung sasagot ako. Kaya heto ako, naiiwang tulala at kinikilig dahil sa pakana ng loko.

Naihilamos ko ang isa kong kamay para pakalmahin ang sarili ko. Nag-init kasi ang mukha ko at alam kong namumula na ako ngayong mga oras na ito. Mahirap na kung makita pa ito ng mga taong naririto sa restaurant namin sa Taguig.

“Ano? Pasakay na ba s’ya?” biglang pagsulpot ng best friend kong si Xander at inakbayan ako. Kasunod n’ya rin ang asawa n’yang si Tom at napapagitnaan nila ako.

“O-oo.” sagot kong nauutal sa kanya.

“Good! Isasabit na lang naman natin ang banner. Parating na rin ang iba nating mga kaibigan at ibang imbitado.” pagbabalita nito sa akin.

“Salamat, Xandz, ha?” wika kong nakangiti sa kanya. “Sa’yo rin, Tom, salamat.” pagbaling ko naman sa asawa ng best friend ko.

“Wala ’yon. Ang mahalaga, makikita ko na ring masaya ang kaisa-isang best friend kong pinaglihi sa ampalaya!” pang-aasar sa akin ni Xander.

“Uhm!” kinutusan ko s’ya ng pabiro. Natawa lamang s’ya at napabitaw sa pagkakaakbay sa akin.

Nilingon ko naman ang asawa n’yang si Tom sa aking kanan para hintayin ang sagot sa pasasalamat ko sa kanya. Pero nagtaka ako sa pinapakita n’yang ekspresyon sa mga oras na ito habang titig na titig sa mukha ko. Nakakunot ang kanyang noo habang sinusuri ako.

“M-may problema ba, Tom? Bakit ganyan ka makatingin?” tanong kong nagtataka sa kanya.

Hindi agad s’ya sumagot. Inangat n’ya muna ang kanyang kamay at itinuro ang mukha ko.

“Randy, bakit namumula ang mukha mo? Kinikilig ka ba sa asawa ko? Sabihin mo nga ang totoo, may gusto ka pa rin ba hanggang ngayon sa asawa ko?” tanong nito at nakita kong nag-uumpisa nang mangilid ang mga luha nito.

Napataas ang isang kilay ko sa tanong na iyon ni Tom.

“Tom, gusto mong masampal? Alam mo bang malaki ang pagsisisi ko na nagkagusto ako sa animal na ’yan?” tanong ko habang dinuduro ko ang asawa n’ya.

“Animal? Animal ang asawa ko?” tanong n’yang nagtataka.

Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ko.

“Oo, animal ’yan. At para sabihin ko sa’yo, wala na akong gusto d’yan. Sinabi ko nga sa inyo ’di ba? Si Rigo na lang ang nagmamay-ari ng katawang lupa at ng malanding puso ko? Kaya hinding-hindi na ako magkakagusto d’yan sa asawa mo. Naiisip ko pa lang na naglalambingan kami ni Xander, nasusuka na ako. Mas gugustuhin ko pang magbigti.” sunod-sunod kong paliwanag.

Punyeta. Bakit ba ako nagpapaliwanag kahit hindi naman dapat?

Eto kasing si Tom, parang maiiyak na sa takot na maagawan ng asawa.

“Ah… Mabuti naman kung ganon, wala akong kaagaw sa animal kong asawa.” wika ni Tom habang tumatango.

Mabilis na humakbang si Xander palapit kay Tom at niyakap ito sa leeg mula sa likod nito.

“Ayyiiee! Marunong nang magselos ang asawa ko.” tukso ni Xander kay Tom at hinalik-halikan n’ya ito sa pisngi.

Nagkamot naman si Tom ng ulo habang namumula ang mukha.

Nakakapeste ang hitsura nila. Ang dami pa naman tao ngayon dito sa function room ng restaurant nilang mag-asawa.

“Ayan, Tom, sa’yong-sa’yo lang ’yang asawa mo. Kung gusto mo itago mo pa ’yan sa brief mo!” pang-aasar ko kay Tom.

Nagbalik ang pagtataka ni Tom.

“Ha? Itatago sa brief? Wala akong brief, boxers lang ang suot ko. ’Yon kasi ang utos sa akin ni Xander, ’wag na daw ako magbrief, boxers na lang daw.” sagot nito sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at naibuka ang aking bibig dahil sa pagkabigla.

“Xander! Ano ba ’yang tinuturo mo sa asawa mo?! Tarantado ka talaga! Sinasamantala mo ang pagkauto-uto n’ya!” buska ko kay Xander at binatukan ko ng maraming beses.

“Aray, aray! Aray masakit!” reklamo ni Xander at napabitaw kay Tom para ilagan ang pananakit ko.

“Hey! Enough of that! Tapusin na natin ’to! Ayaw ko na rin magtagal sa lugar na ’to dahil naiirita ako sa mukha ng manager n’yo dito!” nakasimangot na pag-awat sa amin ni Shai. Tinutukoy n’ya ang manager ng branch na ito na si Karen, ang kanyang kakumpetensya sa maraming bagay. Pareho silang manager ngunit sa kabilang branch naman si Shai.

Napatigil kami ni Xander. Takot lang namin sa kaibigan naming ito.

Dahan-dahan akong humakbang patungo kay Shai at niyakap ito na malugod n’ya ring tinugunan.

“Thanks, Shai. Thanks for everything.” sambit ko habang yakap s’ya.

Nagbuntong-hininga s’ya.

“Don’t mention it. We’re doing these things for our beloved friends.” sagot n’ya at alam kong nakangiti s’ya.

“Hoy! Tama na ’yan! Ang drama n’yo! Ang sakit sa mata! Tapusin na natin ’to para makakain na rin ako!” biglang pag-awat sa amin ni Dom.

Napabitaw ako kay Shai.

“Mamaya pa tayo kakain pagdating ni Rigo.” sagot ko sa kanya.

Nakasimangot s’yang sumagot sa akin.

“Tang*na naman! Ano ba kasing ritwal ’yan at kailangan pang hintayin ang pinsan ko para lang makakain?! Iwe-welcome nga natin s’ya, pero kami naman kumakalam na ang sikmura!” reklamo nito.

“Wala kang pake! Kung gusto mo kumain ka, pero ’wag dito! Lumabas ka at maghanap ng makakainang iba!” sagot ko sa kanya.

“Sows! Hindi pa kita hipag pero ganyan ka na kung magreklamo sa magiging bayaw mo! Sasabihin ko sa pinsan ko na maitim ’yang budhi mo para magbago ang isip n’ya!” banta nito sa akin.

Natawa ako.

“E ’di magsumbong ka. Tingnan ko lang kung sinong uuwing luhaan. Baka nakakalimutan mo? Lahat ng kalokohan ko, alam ni Rigo. At lahat ng kagaguhan ko, suportado n’ya dahil ang ganda ko.” sagot ko habang nakataas ang isang kilay ko.

“Luh? Anong konek ng ganda? At saka nasaan ang gandang sinasabi mo?” tanong n’yang nakanguso.

Sinamaan ko s’ya ng tingin. Natahimik din ako dahil napipikon na ako sa kanya, kanina pa nagrereklamo sa gutom n’ya.

Lahat ng mga kaibigan ko ay nagtawanan lamang. Maski si Dom ay hindi napigilan ang matawa ng malakas dahil sa sobrang galak. Ngayon lang kasi nangyari na napatahimik n’ya ako. Kilala kasi nila akong hindi nagpapatalo.

Muli akong inakbayan ni Xander.

“Hayaan mo na ’yang gagong ’yan. Kung ako sa’yo, umuwi ka na at mag-ayos. Mga four hours na lang darating na rin s’ya ’di ba?” utos at tanong nito sa akin.

Lumapit din si Tom at nginitian ako. Pinakita n’ya na naman ang malalim n’yang dimple na kinababaliwan ng kanyang asawa.

“Oo nga, Randy, kumilos ka na. Ikaw din, baka mahuli ka mamaya at magkasalisihan kayo.” pagsang-ayon n’ya.

Ngumiti ako, ngiting puno ng pasasalamat para sa mga kaibigan kong naririto at tumutulong sa akin para sa pagsalubong sa pagbabalik ni Rigo.

Inilibot ko ang mga mata ko dahil sa sorpresang nakahanda para sa pagbabalik ni Rigo. Dito sa restaurant na kanyang pinapasukan ay sabay-sabay naming iwe-welcome si Rigo. Bukod sa aming mga kaibigan, naririto rin at makikisabay ang mga empleyado na pinamamahalaan ni Rigo. Iba talaga ang pagmamahal nila kay Rigo dahil napakabait daw nitong boss sa kanila.

Sinisimulan nang isabit ang welcome banner na agad na sasalubong kay Rigo dito sa function room sa oras na pumasok s’ya. Kompleto na ang mga dekorasyon na inayos namin simula pa kaninang umaga. Marami akong inimbitahan kabilang na ang mga kasamahan n’ya sa modeling agency n’ya. Si Vinci at si Coke ang naging daan para maimbitahan ko sila. Kahit ayaw kong makasama si Coke ay wala akong magagawa dahil baka pagalitan ako ni Rigo dahil inapi ko na naman si Coke.

Nagkaroon pa kami ng konting pag-uusap-usap na magkakaibigan bago ako tuluyang magdesisyon na umalis sa lugar na iyon para makapaghanda sa pagsundo kay Rigo sa airport.

Habang naliligo sa aking banyo ay natatawa ako dahil sa pag-alala sa kabaliktarang sorpresa na mangyayari sa amin ni Rigo. Nalaman ko kasi mula kay Dom na parating na ito at gusto akong sorpresahin. Nagpapasundo ito kay Dom para makauwi dito sa aking condo, gusto n’ya raw makita ang reaksyon ko sa oras na magkita kami. Agad na sinabi ito akin ni Dom dahil pagkakataon ko na raw ito para si Rigo naman ang maging bida sa pagkakataong ito.

Nang malaman ko iyon ay nakaisip ako ng isang ideya para masabi ni Rigo na pabalik na s’ya.

“Mawawala ako ng ilang araw, Rigz. May nagbigay sa akin na isang client ng gift voucher para mag-stay sa isang seven star hotel sa Baguio. Lahat libre kaya hindi na ako nagdalawang-isip tanggapin. Three days and two nights ’yon.” pagbabalita ko kay Rigo habang kausap s’ya sa video call.

“Ha??!!!” gulat na gulat n’yang reaksyon.

Gusto kong matawa sa kanya ngunit pinigilan ko. Hindi n’ya man lang kasi nahalata na gumagawa lang ako ng kwento. Hindi n’ya man lang naisip na kahit wala akong gift voucher ay kakayanin kong magbayad doon kahit hindi libre kung gugustuhin ko.

“Oo, Rigz. Gusto kong pumunta doon. Medyo bored na rin kasi ako dahil wala ka dito kaya kailangan ko naman mag-aliw.” pagsisinungaling ko pa rin.

“Hindi pwede!!” bigla nitong pagsigaw.

S’yempre kunwari gulat na gulat din ako sa naging reaksyon n’ya.

“H-ha? B-bakit naman, Rigz?” kunwari ay nauutal pa ako. Kailangan ay galingan ko pa ang pag-arte

ko.

“Basta hindi pwede!!” pagtutol n’ya pa rin.

Tinaasan ko s’ya ng isang kilay.

“E paano kung suwayin kita? Kilala mo ako, ’pag gusto ko ang isang bagay, kukunin ko ito no matter what it takes.” pagbabanta ko sa kanya.

Naihilamos n’ya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.

“Basta hindi pwede kasi hindi pwede!” pakikipagtalo n’ya.

“Hindi mo ako mapipigilan. Mapipigilan mo lang ako kung personal mo akong pipigilan. Kaso lang nand’yan ka naman, ’di ba? Kaya paano mo ako mapipigilan?” sagot ko habang nakangisi na rin ngayon sa kanya.

“Pipigilan kita! Umayos ka, Randy Liam ha?! Susunugin ko talaga ’yang gift voucher na sinasabi mo bukas!” banta na n’ya sa akin.

Ayan na, bumubigay na s’ya.

“Eh? Talaga? Paano mo nga ako mapipigilan kung nand’yan ka?” tukso ko sa kanya.

“Darating ako kaya umayos ka! Uuwi na ako bukas kaya hindi pwedeng wala ka d’yan!” mabilis n’yang sagot.

Napahinga ako ng malalim at umiling-iling.

“Ang bilis mo naman bumigay, Rigz.” natatawa kong pang-aasar.

“Ha?” s’ya naman ngayon ang nagtataka.

“Joke lang na pupunta akong Baguio. Nandito ako dahil may importante akong gagawin.” sagot ko sa kanyang natatawa.

Natawa ako habang nagpupunas ng basa kong katawan dahil sa pag-alala ng senaryong iyon kahapon. Walang nagawa si Rigo kundi ang aminin sa akin na pauwi na nga s’ya rito sa Pilipinas at tapos na ang kanyang trabaho doon sa Thailand.

Ilang beses n’ya akong kinumbinsi na ako mismo ang sumundo sa kanya ngunit mariin ko iyong tinatanggihan. Hindi dahil sa ayaw ko, ngunit dahil parte iyon ng aking plano. Gusto kong makita ang kanyang reaksyon kapag nagkita na kami sa airport mamaya. Nakausap ko na rin ang pinsan n’yang si Dom para tanggihan si Rigo sakaling hilingin na naman nitong magpasundo sa kanya.

Ang plano ko ay didiretso kami agad sa restaurant na kanyang pinapasukan at doon namin s’ya iwe-welcome. At sa lugar din na iyon ay may nakahanda rin na sorpresa para sa kanya na ako mismo ang nakaisip.

Ang sorpresang alam kong isa sa pinakamagandang mangyayari sa buhay ni Rigo.

Ang pagtatapat ko ng nararamdaman ko para sa kanya.

Ibayong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Habang nag-aayos ng aking sarili ay hindi ko mapigilan ang paminsan-minsang matulala dahil iniisip ko kung paano ko sa kanya sasabihin ang lahat mamaya. Iniisip ko na baka pareho lang kaming maiyak dahil sa tuwa.

“Kalma ka lang, Randy! Kalma!” pagkausap ko sa aking sarili habang tinatapik ko ang aking mga pisngi.

Ilang beses akong nagpabalik-balik sa harap ng salamin para tingnan ang sarili ko. Sinigurado kong presentable ako sa oras na magkita kami ni Rigo. Halos ubusin ko na rin ang aking pabango dahil ilang beses ko itong inilagay sa katawan ko.

“Punyeta. Kinakabahan talaga ako.” sambit ko na naman at nagbitaw na naman ako ng malalim na paghinga.

Matapos ang mahabang paghahanda ay nagdesisyon na rin akong umalis sa aking condo. Wala ngayon si Nanay Elise dito dahil naroroon na rin s’ya sa restaurant para sumalubong sa pagdating namin ni Rigo mamaya. Si Nanay Elise ang unang taong gusto kong makasaksi sa espesyal na mangyayari sa amin ni Rigo. Gusto kong makita ang reaksyon ni Nanay sa oras na makita n’ya kung gaano kasaya ang batang kanyang pinalaki at inaruga.

Sandaling byahe lang ang ginugol ko para makarating sa airport. Nagtungo muna ako sa isang coffee shop habang naghihintay sa paglapag ng eroplanong sinasakyan ni Rigo. Isa’t kalahating oras pa ang aking hihintayin ngunit hindi na ako mapakali dahil sa excitement.

Habang humihigop ng aking kape ay natigilan ako nang mapasulyap ako sa labas ng coffee shop dito rin sa loob mismo ng airport. Hindi ko inaasahang makita ang babaeng kailan lamang ay naging palaisipan sa akin.

“MJ?” sambit ko sa kanyang pangalan habang nakakunot ang noo ko.

Alam kong nauna s’yang dumating dito sa Pilipinas dahil naitanong ko s’ya minsan kay Rigo. Nauna itong umuwi dahil mas marami ang nakaabang na trabaho kay Rigo doon kumpara sa kanya. Iyon lang ang bagay na alam ko dahil sa tuwing mababanggit ang pangalan ni MJ ay napapansin kong nagbabago ang timpla ni Rigo. Tila ba umiinit ang ulo nito sa tuwing mapag-uusapan namin s’ya. Noong tanungin ko naman si Rigo kung bakit gano’n ang nagiging reaksyon n’ya ay sinagot n’ya lamang ako na napepeste s’ya kay MJ dahil sa trabaho. Kaya naman sa mga huli naming pag-uusap ay hindi ko na rin ito binabanggit pa sa kanya.

Ngunit ang ipinagtataka ko ngayon, bakit naririto s’ya sa airport? Dapat kasi ay nasa restaurant na rin ito dahil isa s’ya sa mga taong naimbitahan kong magpunta roon. Hindi ko lang nakumpirma kay Vinci at Coke kung ito ba ay darating dahil sinabi nilang wala na akong dapat pang alalahanin. Sinabi nilang darating ang mga taong malalapit kay Rigo sa modeling agency kabilang na ang ilang mga boss nila.

“Baka naman may lakad s’yang mas importante kesa sa welcome party ni Rigo?” tanong kong mahina habang pinagmamasdan ang papalayong imahe ni MJ.

Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na tawagin s’ya dahil baka maistorbo ko pa s’ya. Hindi ko rin gusto ang makipag-usap ngayon sa kanya dahil baka matagalan pa ang aming pag-uusap. Ayaw kong mahuli sa pagsalubong kay Rigo.

“Mga celebrity talaga.” mahina ko na namang sambit.

Nagpatuloy ako sa pag-inom ng aking kape. Ilang beses kong tiningnan ang aking wristwatch dahil hindi talaga ako mapakali.

Matapos ang isang oras na paghihintay ay nagdesisyon na akong lumabas sa coffee shop dahil kalahating oras na lang ang kailangan kong hintayin para sa paglapag ng eroplanong sinasakyan ni Rigo.

Ang kabang nararamdaman ko ay naging doble na sa mga oras na ito. Nanlalamig na rin ang buong katawan ko at parang nanginginig ako. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil sa kakaibang ikinikilos ko.

Pumwesto ako sa lugar kung saan ko madaling makita sa monitor na nasa airport ang mga papalapag na eroplano. Napangiti ako dahil nakikita ko mula sa monitor ang numero ng eroplanong sinasakyan ni Rigo. Ilang minuto na lang din ang hihintayin ko at magkikita na rin kami ng mahal ko.

Paikot-ikot ako habang naglalakad at pasulyap-sulyap sa monitor na naroon. Wala na akong pakialam kung nahihilo na sa akin ang mga taong nasa paligid ko. ’Wag lang silang magrereklamo dahil baka masigawan ko lang ang mga kutong-lupa na ’to.

Ilang saglit pa ay nabasa ko mula sa monitor na lumapag na eroplano kung saan nakasakay si Rigo. Natigilan ako at natulala. Pinapapawisan ng malamig kahit malamig dito sa aking pwesto.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sakaling nasa harap ko na si Rigo. Baka sa sobrang tuwa ko ay tumalon na lang ako bigla at sumampa kay Rigo para yakapin s’ya. Hahalikan ko ba s’ya kahit maraming tao?

“Sh*t! Randy, ang landi mo!” sambit ko.

Napalakas pala ang pagkakasabi ko kaya napatingin ang grupo ng mga babaeng nasa tabi ko. Tiningnan ko lang sila ng masama kaya wala silang nagawa kundi iiwas ang tingin nila sa akin.

“Sh*t, sis! Ang gwapo n’ya kahit sumplado!” usal ng isang babae.

Gagang ’to! Maganda ako ’te! Mas maganda kesa sa’yo!

Umalis na lang ako sa pwestong ’yon dahil napepeste ako sa kanila. Bakit ba paulit-ulit nilang sinasabing gwapo ako? Maganda ako. MAGANDA!

Tinungo ko ang lugar kung saan madali akong makikita ni Rigo sa oras na lumabas na ito. Nagkakagulo na rin ang ilang mga tao dahil sa pagsalubong sa kanilang mga inaabangang mahal sa buhay tulad ko.

Ilang minutong paghihintay pa ay unti-unti nang lumalabas ang mga pasahero mula sa eroplanong sinasakyan nila. Muli kong sinuri ang aking sarili kung may dumi ba sa katawan ko. Tiningnan ko rin sa camera ng aking cellphone ang aking mukha kung maayos pa ba ang hitsura ko. Hindi naman ako nabigo dahil kahit halatang ninenerbyos ako ay kumikinang pa rin ang ganda ko.Nakatulong ang regular kong pagpunta sa derma para maalagaan ang balat ko.

Marami na ang sumasalubong sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang ilan ay nag-iiyakan pa dahil sa labis na tuwa na nakita nilang muli ang kanilang mga hinihintay.

Tumingkayad ako at halos tumingala para tanawin ang iba pang lumalabas sa pintong pinanggagalingan ng ibang pasahero. Masyado na kasing maraming tao at hindi ko na makita ang iba pang papalabas mula rito.

Nang gawin ko iyon ay tila ba huminto ang paligid ko, pakiramdam ko ay tumigil ang oras nang matanaw ko ang taong hinihintay ko.

“Rigz….” mahina kong sambit at napangiti ako ng malapad.

Nagbunyi ang kalooban ko. Sa wakas ay nakita ko na s’ya ng personal at naglalakad na ngayon habang hila ang kanyang malaking luggage.

Halos dalawang buwan kong hinintay ito, ang pagbabalik ng taong kinasasabikan kong mayakap sa bawat gabi tuwing matutulog ako.

Huminto s’ya at kinuha ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Pinagmamasdan ko lang s’ya habang ginagawa n’ya iyon. Idinikit n’ya iyon sa kanyang tenga at mukhang may tinatawagan s’ya.

Ilang sandali pa lamang ay naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Agad ko itong kinuha ngunit hindi ko na inabala pang tingnan kung sino ang tumatawag dahil hindi ko pinuputol ang tingin ko kay Rigo.

“Liam! Nakarating na ako!” masiglang balita ng kausap ko.

Natawa ako at hinayaan kong marinig ni Rigo ang pagtawa kong iyon. Nakikita ko mula sa aking pwesto na masayang-masaya ang kausap ko sa telepono.

“Welcome back, Rigo.” sagot ko sa kanyang abot tenga ang ngiti.

Walang mapaglagyan ang saya ko lalo na nang maisip kong ako ang unang taong tinawagan ni Rigo pagkarating na pagkarating n’ya rito. Naramdaman ko kung gaano ako kaeapesyal para sa kanya.

Nakita kong rumehistro ang pagtataka sa mukha ni Rigo.

“Teka, Liam? Nasaan ka? Bakit parang maingay sa paligid mo?” tanong nito.

Hindi n’ya pa rin ako nakikita, pero ako, s’ya lang ang nakikita ng mga mata ko sa mga oras na ito.

“Hulaan mo.” panunukso ko sa kanya.

Nakita kong sasagot na sana si Rigo ngunit hindi ito natuloy nang may tumawag sa kanyang pangalan mula sa mga taong nagkakagulo dito sa arrival area.

“Rigo!!” sigaw ng isang babae.

Napalingon din ako tulad ni Rigo kung saan nanggaling ang boses na iyon. Napakunot ang noo ko at nawala ang pagkakangiti ko nang masilayan ko ang taong halos takbuhin ang pwesto kung saan nakatayo si Rigo.

Ilang segundo lang ang binilang ko at halos mabitawan ko ang aking cellphone dahil sa nasaksihan ko. Sinalubong ni MJ si Rigo ng mahigpit na yakap dahilan para maalis ni Rigo ang kanyang telepono sa kanyang tenga. Naibaba ko rin ang kamay ko mula sa tapat ng tenga ko dahil sa pagkadismaya.

Kitang-kita ko kung gaano kasaya si MJ na makita si Rigo. Nang ituon ko naman ang aking paningin kay Rigo ay nagtataka pa rin ang ekspresyon nito. Hindi n’ya agad ginantihan ang yakap ni MJ dahil natulala ito. Ngunit nang matauhan s’ya ay inangat din nito ang isa n’yang kamay at inilagay iyon sa likod ni MJ.

Parang may bombang sumabog sa dibdib ko dahil sa nasasaksihan ko sa mga oras na ito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Nawala ang saya at pananabik dahil sa eksenang pagyayakapan nila.

Nakaramdam ako ng galit kay MJ. Nanlisik ang mga mata ko at gusto ko s’yang sugurin dahil parang ayaw n’ya pang bumitaw kay Rigo. Nag-aapoy ang dibdib ko. Gusto kong puksain si MJ gamit ng dalawang kamay ko dahil alam kong hindi gusto ni Rigo ang presensya n’ya.

Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko para puntahan ang kanilang pwesto. Ngunit muli akong natigilan dahil sa panibagong eksenang nakita ko. Tumakbo ang isang pamilyar na bata patungo sa pwesto nina MJ at Rigo. Niyakap nito ang binti ni Rigo na naging dahilan para mapabitaw sa pagyayakapan ang dalawa. Kasunod ng batang iyon ang isang babae na mukhang tagapag-alaga ng bata dahil naka-uniporme pa ito.

“Baby Nicole!!” masiglang sambit ni Rigo nang makita ang bata. Nagbago ang nagtataka n’yang ekspresyon at napalitan ito ng saya.

Tama nga ako, pamilyar ang bata dahil minsan ko na itong nakita. S’ya ang batang pamangkin ni MJ na kinaaaliwan ni Rigo.

Ang galit ko ay humupa, ngunit napalitan ito ng nakakalunod na lungkot lalo na nang kargahin n’ya ang bata at yakapin ito ng mahigpit.

Sa hindi ko malamang dahilan ay gusto kong marinig ang pag-uusap nila kaya inangat kong muli ang aking cellphone sa aking tenga. Nanatili kasing nakabukas ang linya ng aming pag-uusap ni Rigo.

“Sabi ko na nga ba matutuwa kang makita s’ya!” masayang sambit ni MJ.

“How’s baby Nicole?” tanong ni Rigo sa bata.

Tanging pagtawa lang ng bata ang narinig ko. Mukhang tuwang-tuwa rin ang bata na makita si Rigo.

“Grabe! Na-miss kita! Na-miss ko ang baby Nicole ko!” sambit muli ni Rigo at natawa.

“Asus! Na-miss ka d’yan! Eh halos araw-araw nga kayong magkausap sa video call! Kahit noong nandoon pa ako kukulitin pa ako ng batang ’yan para magkausap kayo! Parang kayo nga ang magkamag-anak e!” kantyaw ni MJ at may halong pagtatampo.

Tanging pagtawa lang ang naisagot ni Rigo sa sinabing iyon ni MJ. Pinatutunayan n’ya sa pagtawa n’yang iyon na may katotohanan ang bagay na iyon.

Akala ko ako lang ang laging kausap ni Rigo. Akala ko ako lang ang taong binibigyan n’ya ng mahabang oras para makausap. Akala ko ako lang ang may kakayahang pasayahin ang pangungulila n’ya roon.

Hindi pala. Mayroon pa palang iba.

Ibinaba ko na ang telepono. Agad kong tinapos ang tawag namin ni Rigo dahil nakaramdam ng panghihina ang buong katawan ko.

Ngayon ay pinagmamasdan ko na lamang sila dito sa aking pwesto habang nagkakasiyahan sila. Patuloy na nilalaro ni Rigo ang bata at hindi napuputol ang ngiti n’ya. Mukhang nakalimutan na rin n’yang magkausap pa kami sa linya dahil ibinulsa na n’ya ang cellphone n’ya.

Gusto ko nang tumakbo palayo sa kanila. Hindi ko man gustuhin ay unti-unti na rin namumuo ang mga luha ko dahil sa nasasaksihan ko.

Ganito ba ang lagi kong mararamdaman ngayong sinisimulan ko nang kalabanin ang pangarap ni Rigo? Ngayong nagdesisyon na akong ipaglaban s’ya kapalit ng isang buong pamilya na hiniling n’ya? Ang magkaroon ng isang anak na alam kong hindi ko maibibigay kahit kailan sa kanya?

Kung ganito, ang sakit-sakit pala talaga. Parang akong kandilang unti-unting nauupos dahil sa apoy na tumutupok sa pagkatao ko.

Gulong-gulo ako. Hindi ko malaman kung itutuloy ko pa ba ito. Nawawalan ako ng lakas sa tuwing iisipin kong matatalo ako.

Si Rigo ang lakas ko. Ang pagmamahal n’ya sa akin ang nagiging batayan ko para mabigyan ako ng ibayong tapang na ipaglaban s’ya.

Pero….

….. s’ya rin ang kahinaan ko. Nawawalan ako ng lakas sa tuwing nakikita kong masaya ito kahit wala ako. Pakiramdam ko ay kakayanin n’yang mabuhay kahit hindi ako ang makasama n’ya sa ibabaw ng mundo.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay nakita kong naghahanda na rin silang umalis. Gusto ko mang igalaw ang mga paa ko para makaiwas sa kanila ay hindi ko magawa. Nanigas na ako sa aking kinatatayuan at hindi ko maigalaw ang mga binti ko.

Hindi binitawan ni Rigo ang bata nang sinimulan nilang maglakad. Si MJ ang humihila ng luggage ni Rigo habang patuloy sa masayang pakikipag-usap kay Rigo at sa kanyang pamangkin.

Akala ko ay maswerte na ako ngayong araw na ito, pero mukhang inari ko na ang titulo ng pinakamalas na tao. Sa lawak kasi ng airport kung saan kami naririto ay dito pa sila sa aking pwesto dadaan para makalabas ng airport na ito.

Ano ang sasabihin ko kapag nagkasalubong kami dito? Ano ang dapat kong maging reaksyon kung mapansin ako ni Rigo?

Hindi ako alam. Naguguluhan ako. Siguro ay ipapaubaya ko na lang sa magiging reaksyon din ni Rigo. Kung sasalubungin n’ya ako ng tuwa at saya, ganoon din ang ibibigay ko sa kanya.

Ilang mga hakbang pa at ilang metro na lang din ang layo naming lahat. Nanatiling sa mukha ni Rigo lang ako nakatingin. Hindi ko hahayaang mabaling sa iba ang tingin ko dahil gusto kong makita ang magiging reaksyon ni Rigo.

Kahit nalulungkot ako ay ginawa ko ang lahat para magbitiw ng isang ngiti na para lang kay Rigo. Unti-unti hanggang sa ang ilang metro naming layo ay maging pulgada na lamang.

Pero….

“Gutom na siguro si baby Nicole, ’no? Gusto mo bang kumain muna tayo bago ka umuwi?” tanong ni Rigo sa bata.

“Yes! Let’s eat! I want spaghetti and chicken! I want rice too! I want ice cream! I want lollipop and more!” masayang sagot sa kanya ng bata.

Tawa sila ng tawa habang nasa likuran ko sila at patuloy na naglalakad palayo sa aking pwesto.

Nilampasan nila akong lahat at hindi man lang ako nilingon ni Rigo. Hindi man lang n’ya napansin ang presensya ko o kahit ang pabango kong halos ipaligo ko na kanina sa katawan ko.

Nawala ang pagkakangiti ko. Hindi ko man gustuhin ay tuluyan nang tumulo ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang pumatak.

Ilang segundo akong natulala habang lumuluha. Hindi ko na napapansin ang mga taong nakapaligid sa akin. Alam kong sa dami ng taong naririto ay may nakakapansin na rin sa akin dahil hindi pa rin ako nakakagalaw sa aking pwesto.

Habang patuloy sa pagpatak ng aking mga luha ay nagdesisyon akong kunin muli ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Hinanap ko ang pangalan ng taong alam kong madaling makakausap.

“Hello, Randy? Kamusta? Nakarating na ba si Rigo?” tanong nito sa kabilang linya.

“Tom…” pagtawag ko sa kanyang pangalan at hindi ko naiwasan ang mapahikbi.

“Hala, Randy! Umiiyak ka ba? Siguro sobrang saya mo dahil nagkita na kayo ni Rigo ’no? Naiiyak ka ba dahil sa tuwa?” inosenteng tanong nito sa akin.

“T-tom, umalis na kayo d’yan… Umuwi na kayo… P-pakisabi rin sa lahat, pasensya na… hindi na rin ako makakarating… At kung maaari sana, ’wag n’yo na lang din banggitin kay Rigo na may inihanda tayong sorpresa para sa kanya…” umiiyak kong bilin sa kanya.

Hindi agad s’ya nakasagot. Alam kong nabigla s’ya sa aking sinabi at kasalukuyan pa lang itong pinoproseso ng kanyang isip. Ang katahimikan n’ya ring iyon ang ginamit kong pagkakataon para tapusin na ang aming tawag. Ang mahalaga ngayon sa akin ay hindi na sila aasa para sa welcome party na hinihintay nila.

Kasunod nito ay pinatay ko rin ang telepono ko. Alam kong dadagsa ang tawag ng aking mga kaibigan para magtanong kung ano ang nangyari at nagbago ang isip ko.

Mabigat ang mga paa kong humakbang para makabalik sa aking kotse. Hindi napuputol ang mga luha ko dahil sa labis na lungkot sa nangyari.

Tulala ako habang nakaharap sa manibela ng aking kotse. Pilit kong kinakalma ang aking sarili kahit gulong-gulo ngayon ang aking isip.

’Hindi ka dapat panghinaan ng loob, Randy. ‘Di ba ang sabi mo, kakayanin mo ang lahat para kay Rigo? Patunayan mo ang pagmamahal mo sa kanya. Ipakita mong handa kang ipaglaban s’ya.’

’Paano mo pa gagawin ‘yan, Randy, kung si Rigo mismo ang nagpapatunay na wala ka nang dapat pang asahan sa kanya? Magmumukha ka lang katawa-tawa!’

’Mahal ka ni Rigo, Randy. Ilang beses na n’yang napatunayan ’yan sa’yo ’di ba? Pagkakataon mo naman ‘to para ipakita sa kanya na hindi s’ya nagkamali sa pagpiling mahalin ka.’

’Sa nangyari kanina, Randy, isang patunay lang ’yon na hindi ang relasyong pinaglalaban mo ang makakapagpasaya kay Rigo. Nakita mo naman ’di ba? Nakalimutan na n’yang magkausap kayo sa telepono dahil sa pagsulpot ng magandang bata. Nakakalimutan n’ya ang lahat dahil gusto n’yang magkaroon ng anak na kagaya ng batang ‘yon!’

Napapikit ako dahil sa mga bagay na pumapasok sa isip kong iyon. Nagtatalo ang dalawang parte ng utak ko sa mga oras na ito kaya gulong-gulo ako.

Inabot ko ang bahagi ng aking kotse para kunin ang nakatagong gamot ko rito. Nararamdaman ko na rin kasi ang mabilis na tibok ng puso ko senyales na nai-stress ako, bagay na dapat ay iwasan ko.

Kahit patuloy na may gumugulo sa aking isip ay sinimulan ko na rin ang magmaneho pabalik sa aking condo. Patuloy pa rin sa pagpatak ng mga luha ko dahil sa lungkot na nararamdaman ko.

Sa mga oras na ito, isa lang ang sigurado ako. Kahit yata ang iniinom kong gamot ay walang epekto sa tuwing si Rigo ang tumatakbo sa isip ko.

Kung s’ya ang lakas at kahinaan ko, s’ya rin ang gamot at sariling lason ko.

Hindi ko namalayan ang oras, hindi ko rin namalayan na nakarating na rin pala ako sa aking condo. Naisip kong baka sa pamamagitan ng pagligo ay mahimasmasan ako.

Nagpapasalamat na lamang ako dahil wala pa si Nanay Elise sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sakaling salubungin ako nito ng pagtatanong. Baka bigla na lang akong humagulgol lalo na kung makikita ko na naman s’yang awang-awa na nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung nakatulong ba ang pagligo ko dahil sa wakas ay napatigil ako sa pag-iyak. Ngunit batid kong sa mga oras na ito ay mapapansin ang pamamaga ng mga mata ko.

Matapos ang pagligo ay umupo ako sa aking kama habang nakasandal sa headboard nito. Wala na ang aking mga luha ngunit gulong-gulo pa rin ang isip ko. Patuloy na iniisip kung itutuloy ko pa ang pakikipaglaban para kay Rigo.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong gano’n. Nagising na lamang ako sa mahabang pagkakatulala nang magbukas ang pinto ng aking kwarto.

Nang makita ko ang imahe ng taong pumasok sa kwarto ko ay nagbalik ang saya sa dibdib ko, ngunit mabilis din iyon nawala dahil muli kong naalala ang pangyayari kanina sa airport.

Gusto ko s’yang salubungin ng yakap ngunit nakakaramdam din ako ng takot. Hindi ko alam kung ano ang ipinapakita kong reaksyon sa kanya ngayon. Sana lang ay hindi n’ya mapansin ang namamaga kong mata dahil sa labis na pag-iyak kanina.

“Liam, I’m home.” ngiti n’yang abot hanggang tenga. Dama ko ang saya n’ya sa mga oras na ito nang makita na n’ya ako.

Pinagmasdan ko s’ya habang nakatayo sa pintuan. Wala s’yang ipinagbago, s’ya pa rin si Rigo na mahal na mahal ko. S’ya pa rin ang lalaking nagpapabago ng normal na pagtibok ng puso ko.

Hindi ako makasagot sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin ngayong nagkita na muli kaming dalawa.

Habang titig na titig pa rin ako sa kanya ay unti-unti s’yang humakbang papalapit sa kamang aking inuupuan. Dito mismo sa aking tabi ay umupo s’ya at mabilis n’yang idinampi ang kanyang labi sa aking noo.

Napapikit ako dahil sa wakas ay naramdaman ko nang muli ang halik ni Rigo. Ito ang matagal kong hinintay na muling mangyari sa tagal ng araw na nagkahiwalay kami.

“Na-miss kita. Sobra-sobra.” wika n’yang nakangiti.

Wala pa rin akong naisagot. Nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata habang ilang pulgada lamang ang layo ng aming mga mukha.

Dahil sa aking pananahimik ay nawala ang pagkakangiti n’ya. Napalitan ito ng pagtataka at pag-aalala. Inangat n’ya ang kanyang kamay at marahang hinaplos ang aking pisngi.

“Hey, what’s wrong? May nangyari ba? May masakit ba sa’yo? Bakit parang umiyak ka? Are you okay?” sunod-sunod nitong tanong.

Pakiramdam ko ay unti-unting nagbabalik ang tiwala ko sa aking sarili dahil sa pinapakita n’yang pag-aalala sa mga oras na ito. Nagbalik sa aking isipan ang mga sandaling iniisip at pinoproblema n’ya ang tumatakbo sa isip ko. Iyon kasi ang bagay na ikinalulungkot n’ya, ang nakikitang nalukungkot din ako.

Habang nakatitig pa rin sa kanya ay unti-unti akong ngumiti. Ipinakita ko sa ngiti kong iyon ang pananabik na nagkita kaming muli.

“Na-miss kita, Rigz. Sobrang na-miss kita.” wika ko at hinaplos ko rin ang mukha n’ya. Kumilos din ako ng dahan-dahan at niyakap s’ya na mahigpit n’ya ring tinugunan.

“Mmmmm!!! Grabe! ’Yung yakap na ’to!! Ang tagal kong hinintay ’to!!” malakas n’yang pagkakasabi at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

Halos makiliti rin ako dahil paulit-ulit n’yang hinalikan ang leeg ko ganoon din ang gilid ng ulo ko. Sobrang miss na miss na nga n’ya ako.

Tanging pagtawa lang ang naitutugon ko habang patuloy n’ya pa rin akong hinahalikan. Hindi pa rin nagbabago ang mahigpit n’yang yakap na tila ba ayaw na n’ya akong pakawalan.

Nalulungkot pa rin ako, pero ngayong nasa bisig ko na si Rigo ay nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Ang yakap n’yang ito ang nagbibigay sa akin ng lakas para ituloy ko ang giyerang walang kasiguraduhan kung maipapanalo ko.

Nagbitaw kami ni Rigo sa aming pagkakayakap ngunit nanatiling magkalapit ang aming mga mukha. Ginawa ko ang lahat para hindi mawala ang pagkakangiti ko. Hindi ko hahayaang mapansin pa ulit n’ya na may gumugulo sa akin sa mga oras na ito. Gusto kong manatili kaming ganito kasaya.

“Na-miss kita, na-miss kita, na-miss kita, sobrang na-miss kita.” paulit-ulit kong sambit habang paulit-ulit ko rin s’yang binibigyan ng halik sa labi.

Nasaksihan ko ang pagtawa ni Rigo, masayang-masaya s’ya sa ipinapakita ko.

Sa halip na sagutin ang mga sinabi ko ay pinili n’yang tugunin ang halik ko. Ngunit ang halik n’yang iyon ay kaiba sa ibinigay ko. Pinanatili n’yang magkadikit ang aming mga labi at idiniin ang paghalik dito. Tinugunan ko rin iyon, pinaramdam ko sa bawat pagtugon ko na masaya akong nakabalik na s’ya sa piling ko.

Marahan sa umpisa, ngunit habang nagtatagal na nagpapalitan kami ng halik ay naging mas mapusok na ito. Pareho na naming nararamdaman ang pagnanasa at pananabik namin sa isa’t-isa. Hindi ito napuputol hanggang sa unti-unti ay nararamdaman kong iginagaya na n’ya ako pahiga sa inuupuan kong kama.

Sa matagal na panahon na hindi kami nagkasama ay naiparamdam namin sa bawat paghaplos at paghalik ang pananabik namin sa isa’t-isa. Walang nagsasalita, hinayaan naming pakawalan ang aming mga sarili ngayong gabi sa piling ng isa’t-isa.

Naganap ang pagtatalik namin na matagal din naming inasam na mangyari sa aming dalawa. At habang ginagawa namin ito ay pinilit kong kalimutan ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina. Gusto kong iparamdam kay Rigo na masaya ako dahil nakabalik na s’ya. Ipinakita ko sa mga kilos ko na nagpapasalamat ako dahil kasama ko na ulit s’ya.

Matapos ang aming pag-iisa ay sabay din kaming naligo. Doon din naulit ang makamundong bagay na ilang ulit din naming ginawa.

Ngayon ay nahihimbing sa aking tabi si Rigo. Marahil dahil sa pagod ay mabilis din s’yang nakatulog habang yakap ako. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang maamong mukha, hinaplos iyon ng marahan at iniwasan kong magising s’ya.

“Rigz, sa akin ka naman kakapit ’di ba? Ako naman ang sasamahan mo ’di ba?” tanong ko sa kanya.

Hindi ako umaasang sasagot s’ya, ang gusto ko lamang ay mabigyan n’ya ako ng karagdagang lakas at pag-asa.

“Magiging mahirap ’to para sa akin, pero nakapagdesisyon na ako. Kung hindi ka lang din naman magiging akin, mas gugustuhin ko pang maghirap habang-buhay basta mananatili ka lang sa puso ko.” wika ko at bahagyang ngumiti.

“Hindi ko kasi alam, Rigz, kung kakayanin ko pang huminga kung hindi ikaw ang nilalaman nito. Ikaw na kasi ang hangin at tubig ko, ikaw ang dahilan ng bawat paghinga ko. Kaya sana…

…. sana, Rigz, ’wag kang magbigay ng dahilan para panghinaan ako.

Sana, bigyan mo pa ako ng karagdagang dahilan para magpatuloy ako. Dahil kahit gaano pa kahirap ’yon, basta alam kong nandito ka lang, hinding-hindi ako susuko.“ dugtong ko pa.

Kasabay ng mga sinabi kong iyon ay ang pagpatak ng luhang pinipigilan kong makita kanina ni Rigo.

“Mahal kita, Rigz… Mahal na mahal…” sambit kong mahina habang umiiyak.

Kasunod ng sinabi kong iyon ay kumilos ako ng dahan-dahan para muling abutin ang kanyang labi. Idinampi ko iyon sa paraan na hindi ko s’ya magigising. Ayaw kong makita n’yang umiiyak ako, ayaw kong makita n’yang nagdurusa ako sa mga oras na ito.

Matapos ko s’yang halikan sa labi ay isiniksik ko ang aking sarili sa dibdib ni Rigo. Naramdaman ko ang mas paghigpit pa ng yakap ni Rigo kahit alam kong nahihimbing pa rin ito. Ginantihan ko ang yakap n’yang iyon kasabay ng isang panalangin.

Na sana, ganito pa rin kami hanggang bukas ng umaga ’pag kami ay nagising. Sana ay nasa bisig pa rin namin ang isa’t-isa, sana ay ako pa rin ang nilalaman ng puso’t isip n’ya.

Dahil hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko, hindi ako sigurado kung hanggang saan ang tapang ko.

Si Rigo lang ang dahilan kaya nagpapatuloy ako.


A/N

Medyo napaiyak ako sa chapter na ’to. Medyo lang, ewan ko sa susunod. Charot!

Paano po? ’Til next chapter na lang ha? Maraming salamat po sa mga patuloy na nag-aabang, sa mga nagbibigay ng oras para tanungin ako kung kailan ang update ko. Masaya akong makita ang mga bagong pangalan sa comments at sa mga bumoboto sa bawat chapter nito. Napapa-wow talaga ako, promise! Masaya din ako na nakikita ang ilan na dati nang nagbabasa ng sinusulat ko. Maraming salamat po!! Mahal ko kayo!!

–– cold_deee

chapter 17

A/N

Hello, hello! Guys! Bago ang lahat, may ipo-promote muna ako ha?

Mahilig kayong magbasa ng bxb? Ang ilan sa inyo ay nais makahanap ng sarili nitong libro ngunit mahirap mahanap sa bookstore? Pwes, malapit na itong mangyari!

Abangan n’yo ang tatlo sa mga kinikilalang homoerotica authors dito sa Wattpad! Sila ang mangunguna sa paglalabas ng published bxb stories!

Sana ay suportahan po natin ang isa’t-isa. Para sa tunay na bahagharing ating nais na makita, para sa kinabibilangan ng ikatlong kasarian, at para sa mga taong sumusuporta sa kanila! #LoveWins

![](https://img.wattpad.com/80807125a283cada12fd817a34094775414df680/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f45356d367a5677336465654c39773d3d2d3432373535323531372e313463613865373330616235343363333633343836393331393233302e6a7067)

Balik naman tayo sa ating kwento. Nais kong ipaalam sa inyo na magsisimula na ang tunay na pagsubok sa buhay pag-ibig nina Randy at Rigo.

Ayun, ayaw ko muna magbigay ng mga clues. Masyado pa naman akong makwento. 😒😒

Shout-out kay

aquasoftcare

at

jdrew26

! Hello! Kaway-kaway! Salamat sa inyong dalawa sa patuloy na pagbabasa! Ayiiee!

So start na po! Enjoy reading, mga mahal ko!

––> sina Randy at Rigo po sa media.

![](https://img.wattpad.com/761364aa99c13666116b4a45a9f1f67961947812/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f716a705366446b4d746c585448513d3d2d3432373535323531372e313463613865373663316237623161643235373636373233333330392e6a7067)

RANDY’s POV

Unti-unting inilalapit ni Rigo ang kanyang mukha sa akin. Nagliliwanag ang aming mga mata habang nakatingin sa isa’t-isa. Yakap n’ya ang aking bewang habang ako naman ay nakapalibot ang mga braso sa leeg n’ya.

Ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mga mukha at patuloy na lumiliit pa ang distansya nito.

“Ayoko. Maligo ka muna.” pag-iwas ko bigla at lumingon ako sa iba.

Naramdaman ko ang panghihinayang ni Rigo. Hindi rin nito maitago ang inis dahil sa ginawa kong pag-iwas kaya mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa bewang ko.

“Kainis ka! Kagabi mo pa ako binibitin, Liam!” magkahalong inis at panghihinayang n’yang sambit.

Matapos n’yang sabihin iyon ay paulit-ulit n’yang kinagat ang leeg ko na tila ba nanggigigil ito. Naging dahilan tuloy ito ng pagpapakawala ko ng malakas na pagtawa.

“Tama na, Rigz! Nakikiliti ako! Tama na, ano ba?!” pagsaway ko sa kanya habang tumatawa.

Sinubukan kong kumawala ngunit sadyang mas malakas s’ya kaya nanatili akong nakakulong sa mga bisig n’ya.

Itinigil n’ya ang pagkagat sa leeg ko.

“Sige na kasi! Isa lang, please? Nakapagtoothbrush naman na tayo! Anong problema do’n? Kaya sige na, pahingi ng isang kiss bago ako maligo! Please, Liam! Please?!” pagmamakaawa na naman n’ya at muli akong hinarap. Nanatili pa rin kami sa aming pagkakayakap.

Patuloy pa rin ako sa pagtawa habang pinagmamasdan s’ya.

“Alam mo, male-late na tayo sa trabaho, Rigz! Pumasok ka na sa banyo!” natatawa kong utos sa kanya.

“Kaya nga pagbigyan mo na ako! Lalo lang tayong matatagalan dahil hindi talaga kita pakakawalan!” pananakot n’ya.

“Ayoko.” pagmamatigas ko pa rin.

Natutuwa ako sa nagiging reaksyon ni Rigo sa tuwing inaasar ko ito. Gustong-gusto ko sa tuwing nilalambing n’ya ako ng ganito.

“Isa!” seryoso n’yang ekspresyon at binibilangan na ako.

“Ayoko.” sagot ko pa rin.

Kahit gusto kong maging seryoso ay hindi ko maitago ang ngiti ko.

“Dalawa!”

“Ayoko.”

“Tatlo!”

“Kahit umabot pa ’yan ng isang milyon, Rigz, A-YO-KO!” patuloy ko pa ring pagmamatigas.

Hindi na s’ya nagsalita sa pagkakataong ito. Natahimik ito at nanatili na lamang na nakatingin sa mga mata ko habang malungkot ang ekspresyon nito.

Aysus! Ang baby Rigz ko, sinusubukan akong mapaamo.

Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha sa mga oras na ito ay lumapad ang pagkakangiti ko. Ang sarap n’ya talagang asarin at lambingin.

“Joke lang.” wika kong nakangiti at mabilis kong inilapit ang mukha ko sa kanya para bigyan s’ya ng mabilis na halik sa labi.

Sa wakas ay ngumiti rin s’ya.

“Isa pa nga.” nakangiti na n’ya ngayong pakiusap.

Hindi na ako nakasagot pa. Kasunod ng sinabi n’yang iyon ay muli n’yang pinagsakop ang aming mga labi habang yakap pa rin namin ang isa’t-isa.

Napapikit kaming pareho habang dinadama ang mainit na halik sa bawat isa. Banayad lamang ito ngunit damang-dama namin ang nakapaloob dito, ang hindi namin maitagong nararamdaman para sa isa’t-isa.

Nag-iwan ng magandang ngiti sa amin ang naganap. Kung ganito na lang sana kami habang buhay, wala na akong mahihiling pa.

“Maliligo na ako. Dapat kasi nagsabay na tayo kanina. Bakit kasi nauna ka?” tanong n’ya matapos naming bumitaw sa pagkakahalik.

“Dahil alam kong lalo lang tayong male-late kung magsasabay pa tayo sa paliligo. Kilala na kita!” sagot ko sa kanya.

Malakas na tawa lang ang nagawa n’ya dahil sa sinabi ko.

Totoo naman ang sinabi ko, sadyang mahilig si Rigo. Habang tumatagal ay napapansin ko rin na mas madalas na rin n’ya akong kinakalabit kahit nasa kalagitnaan na kami ng pagtulog sa gabi.

“Bilisan mo, maligo ka na doon! Ang landi-landi mo!” pagtataboy ko sa kanya habang marahan ko s’yang tinutulak papasok ng banyo.

“Oo na po!” sagot n’ya lang habang natatawa.

Napapailing na lang ako habang nakangiti habang naglalakad palayo sa pinto ng banyong pinasukan ni Rigo. Sinimulan ko na rin ang magbihis pamasok habang hinihintay ang paglabas nito.

Sa nakalipas na halos dalawang buwan ay malaki na ang nagbago. Ngunit masasabi kong nagustuhan ko ang mga pagbabagong iyon.

Una ay mas naging malambing sa akin si Rigo. Bihira man kaming magkasama nitong nagdaang buwan dahil sa sunod-sunod na trabaho lalo na sa kanyang parte ay hindi nito kinalimutan kahit minsan na kamustahin ako. Mas naging maalaga rin ito na kung minsan ay napipikon na ako. At kahit alam kong pagod na pagod ito sa trabaho ay nagagawa n’ya pa rin akong ihatid at kung minsan ay susunduin ako kung saan ako nakadestino.

Sumunod ay sa tuwing kasama ko s’ya. Walang sawa n’yang pinaparamdam sa akin ang halaga ko sa kanya. Sa bawat yakap at halik n’ya ay nararamdaman ko ang pagmamahal n’ya. May pagkakataon din na ibubulong n’yang mahal na mahal n’ya ako sa gabi tuwing yakap n’ya ako.

Muli kong naalala ang kaganapan sa airport noong sinundo ko s’ya. Noong inakala n’yang wala alo sa lugar na iyon, noong oras na halos gumuho ang mundo ko dahil sa nakita ko.

Aaminin ko, nagkaroon ako ng pagdududa kung dapat ko pa bang ituloy ang naging desisyon ko. Pero matapos kong masilayang muli si Rigo sa mahabang araw na hindi namin pagkikita ay nagbalik ang tiwala ko sa aking sarili.

Matapos din ang kaganapang iyon ay sinalubong ako ng mga katanungan mula sa mga kaibigan ko. Kung anong nangyari at nagbago ang isip ko, kung bakit hindi natuloy ang aming inihanda at kung ano-ano pang bagay na may kinalaman sa amin ni Rigo. Ngunit sa lahat ng katanungan nilang iyon ay tanging ngiti lang ang naisagot ko. Kilala na nila ako, kaya naman mas pinili na lamang nilang respetuhin ang pananahimik ko at hindi na nila ako kinulit.

Nanghihinayang man dahil hindi nangyari ang orihinal na plano ay naging positibo pa rin ako. Sa mga pinapakita sa akin ngayon ni Rigo ay alam kong wala akong dapat na alalahanin. Iniisip ko na lamang na marahil ay hindi pa iyon ang tamang pagkakataon para mangyari iyon. Marahil ay magaganap iyon sa tamang panahon at perpektong pagkakataon. Darating din iyon at alam kong nalalapit na rin ito.

Naisip kong dapat ko munang ayusin ang nag-iisang bagay na maaaring makahadlang sa amin ni Rigo. Iyon ay ang pakikipag-usap sa kanyang Tita Eve na mas malaki ang parte dahil nakipagkasundo ako rito.

Ilang beses kong tinangka na kausapin s’ya ngunit abala ito sa kanilang negosyo. Kung minsan ay lumalabas pa ito ng bansa para puntahan ang kanyang asawa na nasa Europe para sa kanilang business pa rin. Gusto ko s’yang makausap ng personal at gusto kong matapos ang aming pag-uusap na nagkakaintindihan kaming pareho.

Napangisi ako habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin. Inaayos ko na lamang ngayon ang aking necktie at handang-handa na ako.

“Kung hindi pumayag si Tita Eve, wala na akong pakialam. Matira na lang sa amin ang matibay. Basta ako, kukunin ko si Rigo.” mahina kong pagkausap sa aking sarili.

Hindi ko na iisipin pa kung sumbatan n’ya ako, kung isusumpa n’ya ako, kung kasusuklaman n’ya ako. Ang gusto ko lamang mangyari ay malaman n’yang mahal ko ang kanyang pamangkin at hinding-hindi ako papayag na ihiwalay n’ya sa akin ito.

“Ang ganda mo talaga, Randy.” nakangiti ko pa ring pagkausap sa aking sarili matapos kong ayusin ang aking necktie.

Sunod nito ay bumalik ako sa tapat ng banyong pinasukan ni Rigo. Marahan ako sa ginawa kong pagkatok habang malapad pa rin ang pagkakangiti ko.

“Rigz, matagal ka pa ba d’yan? Kung magtatagal ka pa mauuna na ako!” malakas kong pagtawag sa kanya.

Gusto ko lang s’yang takutin.

“Hindi ka makakaalis dahil dinala ko dito sa CR ang susi ng kotse! Sabay tayong aalis!” sigaw n’ya pabalik.

Natawa ako sa sinabi n’yang iyon. Akala n’ya siguro masisindak n’ya ako.

“Magta-taxi na lang ako!” sigaw ko pang muli.

Saglit s’yang natigilan. Tila nag-isip pa s’ya kung ano naman ngayon ang kanyang idadahilan.

“Dinala ko rin dito ang wallet mo kaya wala kang pamasahe pang-taxi!” sigaw n’ya ulit sa akin.

Hindi ko na nakontrol ang pagtawa ko. Nagawa n’ya pang gumawa ng kwento samantalang nasa bulsa ko na ang wallet ko.

“Sige na! Hihintayin na lang kita dito! Bilisan mo lang d’yan!” sagot ko na lang.

Naglakad akong muli palayo sa pinto at nagdesisyong bumalik sa tapat ng salamin para tingnan muli ang sarili ko. Habang naglalakad patungo sa salamin ay napansin ko ang cellphone ni Rigo na umiilaw sa mga oras na ito, senyales na sunod-sunod na texts ang dumating dito.

Hindi naman malaking kaso sa amin ni Rigo na buksan ang cellphone ng isa’t-isa kahit personal na gamit pa namin ito. Kaya naman agad ko iyong dinampot para tingnan kung ano ang mga mensaheng iyon. Ngunit nang tuluyan ko itong mabuksan ay nangunot ang noo ko.

“May password?” nagtataka kong tanong.

Napaisip ako sa bagay na ito. Sa tinagal-tagal naming magkasama ni Rigo ay hindi nito kailanman nilagyan ng password ang kahit na ano mang gamit n’ya. At kung mayroon man, ipinapaalam n’ya rin sa akin ito kahit hindi ko iyon sa kanya tanungin.

Sinubukan kong ilagay ang birthdate ko na madalas n’yang gamitin bilang password sa iba n’yang gamit ngunit nadismaya ako dahil hindi iyon ang ginamit n’ya rito. Sinunod ko naman ay ang araw ng kanyang kapanganakan ngunit ganoon pa rin, hindi pa rin ito tinanggap bilang password.

Nasa ganoon akong tagpo nang bigla kong mabitawan ang cellphone ni Rigo dahil kinuha n’ya ito. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala s’ya at tapos na s’yang maligo.

“Bakit may password na ’yan?” agad kong tanong sa kanya.

“Nilagyan ko kasi pinapakelaman ni Coke.” sagot n’ya naman habang pinapunasan n’ya ng towel ang kanyang buhok.

Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi n’yang iyon.

“Marunong na rin pala magcellphone ang mga urangutan? Kailan pa s’ya natuto na pakialaman ang gamit mo?” tanong ko sa kanya sa naiinis na tono.

Natatawa naman s’yang sumagot habang naging abala na rin sa kanyang pag-aayos.

“Kaya nga nilagyan ko na ng password ’di ba? Malamang s’ya rin ’tong nagtext. Kukulitin na naman ako para lang ipaalam ang magandang resulta sa series na ginawa namin sa Thailand.” lahad n’ya.

“Sabihin mo sa kanya ’to ha? ’Wag lang s’ya sa akin magpapakita dahil makakatikim talaga s’ya sa akin! Pakakainin ko talaga s’ya ng isang sakong hilaw na saging! Iniinis n’ya ako! Ginagalit n’ya ako!” inis na inis kong utos kay Rigo.

Muli ay natawa s’ya. Lumapit ito sa akin at mabilis akong binigyan ng halik sa labi.

“Nagsimula ka na naman mahigh blood. Hayaan mo na s’ya, ako nang bahala sa kanya.” wika n’yang nakangiti at hinalikan muli ako sa labi. Matapos iyon ay bumalik ulit s’ya sa kanyang pag-aayos.

Naku! Pasalamat talaga ang ulikbang Coke na ’yon at nandito si Rigo para pakalmahin ako. Dahil kung wala, baka noon pa s’ya napa-dyaryo!

‘Barney, natagpuang walang buhay sa kalye. Ang dati n’yang kulay talong ay kulay itim na ngayon.’

Ganyan! Ganyan ang magiging headline sa dyaryo at TV!

“Halika na, ’wag ka nang magalit d’yan. Ang ganda-ganda ng prinsesa ko tapos nakasimangot.” pang-uuto sa akin ni Rigo matapos n’yang magbihis.

Hindi ko napansing nakatulala na pala ako habang iniisip kung paano ko papaslangin si Coke. Natapos na rin palang magbihis si Rigo.

“Naiinis kasi talaga ako sa kanya! Baluga na nga, pakialamero pa!” hindi ko makontrol na pagsasalita dahil sa inis.

“’Yung bibig mo, Liam. Nagiging salbahe ka na naman.” pagsaway sa akin ni Rigo.

Kinuha na rin n’ya ang mga gamit namin para maghanda na rin kaming umalis.

“Kinakampihan mo s’ya?!” s’ya na ngayon ang pinag-iinitan ko.

Inakbayan n’ya ako habang naglalakad kami palabas ng kwarto.

“Hindi. Alam mo namang sa’yo ako laging kumakampi.” wika n’ya at hinalikan ako sa gilid ng aking ulo.

“Mabuti naman.” sagot ko lang.

Sa sinabing iyon ni Rigo ay gumaan ang loob ko. Alam ko naman na minsan ay inuuto n’ya ako. Pero wala akong pakialam sa bagay na iyon, ang mahalaga, sa huli ay ako pa rin ang pipiliin n’ya.

Nagpaalam na lang kami kay Nanay Elise na nakaupo sa sala habang abala sa paglalaro ng cellphone n’ya. Natapos na rin s’ya sa kanyang mga gawain kaya wala na rin s’yang mapaglilibangan kundi ang paglalaro sa cellphone n’yang iyon. Bahagya pa akong nakonsensya dahil naisip kong matagal na panahon na rin pala noong huli kaming magkasamang mamasyal na dalawa. Baka naiinip na rin s’ya ngunit hindi lang nito masabi sa akin.

Habang nagmamaneho ng sasakyan si Rigo ay tahimik lang akong nakatingin sa labas. Patuloy ko pa ring iniisip si Nanay Elise na naging napakabait na tagapag-alaga ko. Hindi ko na nga s’ya itinuturing na iba, s’ya na ang nag-iisang Nanay ko, ang nanay kong mahal na mahal ko.

“Ang tahimik ng prinsesa ko ah? May problema ba?” tanong ni Rigo sa malambing na tono. Hinaplos n’ya rin ang pisngi ko.

Huminga ako ng malalim at nilingon s’ya habang abala pa rin s’ya sa pagmamaneho.

“Wala naman problema, Rigz. Kaso iniisip ko si––” hindi ko naituloy na pagsasalita dahil pinutol na n’ya ako.

“Si Nanay Elise?” pagpapatuloy n’ya sa sasabihin ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

“Paano mo nalaman?” tanong kong nagtataka.

Saglit s’yang natawa. Hindi n’ya ako nilingon nang sumagot ito.

“Dahil kilala na kita. Alam ko ang mga bagay na tumatakbo sa isip mo. Noong nagpaalam tayo kanina sa kanya, alam kong nag-aalala ka.” sagot n’ya sa akin.

Napangiti ako. Tuwing ganito si Rigo ay hindi ko maiwasang makaramdam ng nag-uumapaw na saya. Kahit kilala na n’ya ako ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa kanya. Alam na alam n’ya ang lahat ng bagay sa akin dahil nasa akin ang lahat ng atensyon n’ya.

“So, anong gusto mong sabihin tungkol kay Nanay Elise, Liam?” tanong n’ya sa akin.

Muli akong nakaramdam ng lungkot.

“Naisip ko kasi na matagal na pala noong huling lumabas kaming magkasama. Naging abala ako sa pagtatrabaho at pakiramdam ko nalulungkot na s’ya. Hindi ko man lang napansin na tumatanda na ang Nanay ko. Tumanda na lang s’ya na ako ang inaalagaan at inaasikaso. Pero kahit minsan hindi ko s’ya narinig na nagreklamo. Pakiramdam ko ang dami-dami ko nang pagkukulang sa kanya, Rigz.” mahaba kong sagot sa kanya sa malungkot na tono.

Ngumiti si Rigo habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada.

“Iniisip mo rin bang nalulungkot s’ya kasi wala s’yang sariling pamilya at hindi s’ya ngayon masaya? Dahil ginugol n’ya ang lahat ng panahon n’ya para sa’yo? Tama ba, Liam?” tanong n’yang muli.

Saglit akong natahimik. May katotohanan ang sinabi n’yang iyon, pakiramdam ko ay ako ang dahilan ng kakulangan ni Nanay Elise.

“P-parang gano’n na nga.” malungkot kong sagot kay Rigo at napayuko ako.

Habang nakayuko ako ay nagsalita si Rigo.

“Liam, hindi nag-iisa si Nanay Elise. May pamilya s’ya at ikaw ’yon. Ikaw ang itinuturing n’yang anak kahit hindi kayo magkadugo. Masaya s’yang kasama ka, masaya s’yang pinalaki at inaalagaan ka n’ya. Kaya ’wag mong iisipin na ikaw ang dahilan kung bakit hindi na s’ya nakapag-asawa. Dahil sa’yo pa lang, higit pa sa isang pamilya ang mayroon s’ya. Ikaw na ang buhay n’ya, ikaw na ang itinuturing n’yang pinakamalapit at pinakamahalagang tao sa kanya.” mahabang paliwanag ni Rigo.

Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay nabuhayan ako.

Tama si Rigo. Sa matagal na panahong kasama ko si Nanay Elise ay hindi ko narinig kahit kailan na nagsabi ito na gusto na n’yang magkaroon ng sariling pamilya. Dahil ako na ang itinuturing n’yang pamilya.

Napangiti ako. Saglit akong sinulyapan ni Rigo at mas lalo pa s’yang ngumiti nang makita ang reaksyon ko.

“Kaya tandaan mo ’to, Liam. Hindi mahalaga kung magkadugo, hindi mahalaga kung may asawa o katuwang, hindi mahalaga kung walang nanay o tatay para matawag na isang pamilya ang loob ng isang tahanan. Ang tunay na pamilya ay ang magkakasama kayo at pinahahalagahan ang isa’t-isa, minamahal ang isa’t-isa. Pamilyang maituturing ang isang samahan kung ang bumubuklod sa inyo ay pagmamahal.” sunod nitong paliwanag.

Eksaktong nasa stoplight kaya huminto sa pagmamaneho si Rigo. Nilingon n’ya ako habang malawak ang pagkakangiti nito.

“Naiintindihan mo ba ang sinabi ko, Liam?” tanong nito sa akin.

Tumango ako sa kanya ng ilang beses. Dahil sa labis na saya ay kumilos ako para lumapit sa kanya. Hinawakan ko s’ya sa pisngi at nagbigay ako ng masuyong paghalik.

“Salamat, Rigz.” wika kong nakangiti.

Ibinalik n’ya ang paghalik sa akin.

“No worries. Basta para sa prinsesa ko. Hayaan mo, next month magschedule tayo ng mahabang vacation leave. Gusto mong bumalik tayo sa pinuntahan nating resort ’di ba? Isasama na rin natin si Nanay Elise doon.” sagot n’ya sa akin.

“Talaga?!” mangha kong sambit.

“Oo naman! At sigurado akong matutuwa rin si Nanay Elise ’pag nakilala na n’ya si Ar-ar pati ang mga Lolo at Lola n’ya. Sa tingin ko kasi pareho kayo ni Ar-ar noong bata ka pa, kaya sigurado akong maaaliw sa kanya si Nanay Elise.” sagot na naman nito.

Dahil sa pinaalala n’ya na naman si Ar-ar ay nawala ang pagkakangiti ko.

“Makikita ko na naman ang kutong-lupang ’yon.” puna ko sa batang makulit.

Natawa si Rigo.

“Kunwari ka pa. Kagaya nga ng sinabi ko, Liam, kilala na kita. Alam kong natutuwa ka rin sa kanya.” wika n’yang natatawa.

Hindi ako nakasagot sa sinabi n’yang iyon. Dahil ang totoo, iba ang epekto sa akin ni Ar-ar. May mga katangian s’yang ikinatutuwa ko. Gaya na lamang ng nasasabi nito ang mga gusto n’yang sabihin na hindi iniisip ang pwedeng isipin sa kanya ng ibang tao. Noong bata pa ako, gano’n ang mga gusto kong gawin, pero dahil sa takot ko kay Papa noon ay hindi ko iyon magawa. Lagi kong iniisip ang mararamdaman ng pamilya ko, lagi kong iniisip na baka ’pag nalaman nila, madismaya sila sa akin.

Nagpatuloy nang muli sa pagmamaneho si Rigo matapos iyon. Ilang minuto ang lumipas at napansin kong si Rigo na ang nananahimik ngayon. Napansin ko rin na tila malalim ang kanyang iniisip nang sulyapan ko s’ya.

“Bakit ikaw naman ang nawalan ng imik ngayon, Rigz?” pagpuna ko sa kanya.

Hindi agad s’ya nakasagot. Huminga muna s’ya ng malalim at pinanatili ang mga mata sa kalsada.

“Liam, gusto ko nang tumigil sa pagmomodelo.” bigla n’yang pagbabalita sa akin.

Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

“Bakit? Ayaw mo na ba ng trabaho mo doon? Akala ko masaya ka sa ginagawa mo? At saka anong gagawin mo ’pag umalis ka doon? Magko-concentrate na lang sa restaurant? Okay lang naman ’yon, para hindi ka na rin napapagod.” sunod-sunod kong tanong at pagsang-ayon.

“No.” maikli n’yang sagot at saglit na tumigil. “Gusto ko na rin tumigil sa pagtatrabaho sa restaurant.” sunod n’yang sagot.

Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakasagot pa. Labis akong nabigla sa mga sinabi n’ya.

“Gusto mo bang sumama sa akin, Liam?” tanong n’ya sa akin.

Mas lalo akong nabigla sa katanungan n’yang iyon. Hindi ko inaasahan ang biglaan nitong desisyon. Nakaramdam ako ng pag-aalala sa kanya.

“Rigz, may problema ba? Bakit parang biglaan yata ’yang mga desisyon mo?” tanong kong nag-aalala.

“Wala naman. Gusto ko lang ng tahimik na buhay, tahimik na buhay kasama ka.” sagot n’ya sa malungkot na tono.

Nag-aalala na talaga ako. Alam kong may malalim na dahilan ang biglaang desisyon n’yang ito.

Tiningnan ko s’ya ng seryoso.

“May hindi ka ba sa akin sinasabi, Rigo? May hindi ka ba naikekwento?” tanong kong seryoso sa kanya.

Nilingon n’ya ako saglit at ngumiti ng tipid.

“Wala.” sagot n’ya.

“Eh bakit ganyan ka ngayon? Hindi ka magsasalita ng ganyan kung wala kang pinagdadaanan. Kilala kita kaya umamin ka.” sinesermonan ko na s’ya.

Mas lumawak naman ang pagkakangiti n’ya.

“Ang sarap naman pakinggan kahit binubungangaan mo ako, Liam. Masarap malaman na kilala mo na rin ako.” wika n’yang nakangiti.

“Hindi ako ngayon natutuwa sa mga banat mo. Ang tanong ko ang sagutin mo, may tinatago ka ba sa akin?” seryoso ko pa ring tanong.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas para sagutin ako. At sa pagkakataong ito ay seryoso na rin ang kanyang ekspresyon.

“Wala, Liam. At kung meron man, may dahilan ako para hindi ko iyon sabihin sa’yo. Dahil ayaw kitang masaktan. Hindi ako papayag na malulungkot ka o mag-aalala. Reresolbahin ko ’yon mag-isa para protektahan ka.” puno ng emosyon s’yang sagot sa akin.

Ito ang bagay na nagbibigay ng dahilan sa akin para lalo ko pang mahalin si Rigo. Pero, hindi ko rin naman hahayaan na iiwan s’yang mag-isa at walang karamay sa problema n’ya.

“At sa tingin mo magiging masaya ako na may tinatago ka sa akin? Sa tingin mo ba magiging masaya ako kung may problema ka?” tanong ko sa kanya.

Inangat n’ya ang kanyang isang kamay at hinaplos ang aking pisngi.

“Don’t worry, Liam, wala akong problema. Medyo napapagod na rin kasi ako sa ganitong sitwasyon. Minsan nagiging komplikado na at nagiging magulo.” lahad n’ya.

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi n’yang iyon.

“Sa akin ka ba napapagod? Ako ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?” tanong ko sa malungkot na tono.

Tila ba nataranta si Rigo matapos kong itanong iyon sa kanya. Mabilis n’yang kinabig ang manibela at huminto kami sa gilid ng kalsada. Hinarap n’ya ako habang salubong ang mga kilay n’ya.

“Liam, ano ba ’yang pinagsasabi mo? Of course not! Kaya nga tinatanong kita kung gusto mo bang sumama sa akin ’di ba? Dahil gusto kong magfocus sa’yo! Gusto kong sa’yo lang ang lahat ng oras at panahon ko! Saan mo hinuhugot ’yang mga tanong mong ’yan?!” mataas na boses n’yang pagsasalita.

Dahil sa mga narinig ko mula sa kanya ay parang gusto ko nang lumuha dahil sa tuwa. Hindi ko akalain na nakakaisip na ng ganitong mga plano si Rigo sa hinaharap. Higit sa lahat, hindi ko akalain na ako ang gusto n’yang makasama dito.

Tiningnan ko s’ya sa mga mata at doon ko nakita ang determinasyon sa kanyang mga binitiwang salita.

Dahil sa hindi ako nakapagsalita ay muling inangat ni Rigo ang dalawa n’yang palad para hawakan ang aking magkabilang pisngi.

“Liam, tandaan mo ’to ha? Kahit kailan hindi ako nakaramdam ng pagsisisi simula nang makasama kita. Marami na akong plano, marami na akong gustong gawin sa buhay ko. At gusto kong malaman mo na kasama ka sa lahat ng mga plano kong ’yon. Kung aalis ako sa mundo ko ngayon, gusto ko kasama kita, gusto ko katabi kita.” mahaba n’yang pagpapaintindi.

Parang sasabog na ang dibdib ko sa saya. Nagkaroon na naman ako ng panibagong lakas at dahilan para ipaglaban s’ya.

“Naiintindihan mo ba?” tanong n’yang muli dahil nanatili akong walang imik.

“Mmm… Salamat, Rigz.” sagot ko at marahang tumango.

Malawak na pagngiti ang isinukli sa akin ni Rigo. Matapos iyon ay hinalikan n’ya ako sa noo.

Sa nangyayari sa amin ni Rigo, sa tingin ko ay minumura na ako ng mga nagwewelgang langgam sa mga oras na ito. Malamang ay hiyang-hiya na sila sa akin dahil mayroon akong Rigo na nangangarap para sa kinabukasan naming pareho. Siguro ay napupunyeta na sila dahil sa kahabaan ng buhok ko.

Matapos ang senaryong iyon ay ibinalik ni Rigo ang kanyang sarili sa pagmamaneho. Pareho na kaming may mga ngiti sa labi sa mga oras na ito.

Inabala ko na rin ang aking utak sa pag-iisip sakaling mangyari nga ang sinasabi ni Rigo.

“Rigz, paano kung magresign na tayo sa trabaho? Paano tayo mabubuhay?” tanong ko sa kanya.

Punyeta. Para na talaga kaming mag-asawa. Planning for our future na.

Deym. Ang ganda ko talaga.

“Magtayo tayo ng business. May naipon naman tayong pareho kaya hindi na tayo mamomoblema sa kapital. Basta ’yung itatayo nating business, siguraduhin natin na hindi tayo maghihiwalay.” sagot n’ya sa akin.

Nangunot ang noo ko.

Seryoso ba ’tong lalaking ’to? Baka gusto n’ya ikahon na lang ako at isabit sa leeg n’ya?

Pero sa kabilang banda, gusto ko rin naman ang bagay na ’yon. Pwede naman kaming magtayo ng bake shop or coffee shop. Pwede rin naman ibang business, tutal naman ay sapat na ang experience at talino ko para maging matagumpay iyon.

“Anong iniisip mo? Bakit natahimik ka na naman?” biglang pagtatanong sa akin ni Rigo.

Huminga ako ng malalim bago s’ya sinagot.

“Rigz, kailan mo ba ako itatanan? Sabihin mo ng maaga para makapaghanda ako ha?” pagbibiro ko sa kanya. Pinagaan ko ang usapan dahil napansin kong naging seryoso ang aming pag-uusap simula nang makasakay kami ng kotse.

Biglang natawa si Rigo. At hindi lang tawa, halakhak ang ginawa ng baby ko.

“Hindi ko sasabihin sa’yo! Basta na lang kitang bibitbitin para surprise!” sagot n’ya sa akin.

“Basta siguraduhin mo lang na may flower crown ako ’pag tinanan mo na ako ha? Gusto ko sampaguita ’yung flower crown ko. Gano’n, Rigz, ha? Ha? Ha?” pangungulit ko na sa kanya.

“Oo ba!” sagot n’ya at marahan akong pinisil sa pisngi.

Matapos iyon ay napuno ng malalakas na tawanan ang loob ng kotse. Nagpatuloy pa kami sa kalokohan ni Rigo habang binabaybay ang daan patungo sa aming trabaho.

Masaya ako dahil ganito kami ni Rigo sa mga nakalipas na buwan. Wala kaming inaalala at wala kaming pinoproblema. Basta magkasama lang kami ay wala na siguro akong mahihiling pa.

Nakarating kami sa restaurant sa Taguig kung saan si Rigo naka-assign. Ito rin ay araw para manatili ako rito kaya buong araw kaming magkakasama ni Rigo.

Naging maayos at masaya ang simula ng aming pagtatrabaho. Hindi ko maitago ang ngiti ko sa tuwing pinapatawa ako ni Rigo. Kaya naman ang mga empleyado dito ay halos malaglag ang mga panga dahil sa pagkagulat. Paano ba naman, nagagawa ko silang batiin maging ang mga magagandang bagay na kanilang nagagawa.

“Sana laging nandito si Chef Rigo para ganyan lagi ang mood ni Sir Randy ’no?” nadinig kong bulong ng isa naming empleyado.

“Oo nga. Sabihin kaya natin kay Chef Rigo na tumigil na sa pagmomodelo para hindi na s’ya umalis dito? Tang*na! ’Pag wala kasi s’ya rito parang ito na rin ang huling araw ko dito sa trabaho! Laging beastmode ’yan si Sir Randy!” pagsang-ayon naman ng isa.

Hindi ko na sila pinansin at ipinagpatuloy ko na lamang ang pagngiti ko.

Bahala sila sa mga buhay nila. Ang importante sa akin, masaya ako ngayon.

Abala ako ngayon sa pagreview ng sales dito sa opisina ng restaurant. Pero ang tao sa likod ko habang nakaupo ako ay abala din sa ginagawang pagkagat-kagat sa tenga ko.

“Anong gusto mong lunch? Papasok na ako sa kitchen para tumulong. Iluluto ko na rin ang gusto mong kainin.” tanong nito sa akin.

“Kahit ano, ikaw na ang bahala.” seryoso kong sagot at hindi s’ya nilingon. Abala pa rin ako sa aking ginagawa sa harap ng computer.

Naramdaman ko ang paghinga n’ya ng malalim.

“Pansinin mo naman ako, Liam.” sambit nito.

Napataas ang isang kilay ko at nilingon s’ya.

“Hala s’ya! Anong pagpansin ba ang gusto mo? Kaninang umaga pa tayo naglalandian. Kulang pa?” tanong ko sa kanya.

Sinagot n’ya ako sa pamamagitan ng pagyakap sa aking leeg.

“Joke lang! Mamimiss lang kita kasi papasok na ako sa kitchen.” sagot n’ya. Suot na rin n’ya ang chef uniform n’ya.

Ang gwapo n’ya pa rin kahit anong isuot n’ya. Pero mas gwapo s’ya kung wala s’yang suot.

“’Yung mga tingin mong ganyan, Liam, alam ko kung ano ang tumatakbo d’yan sa isip mo.” bigla n’yang pagsasalita. Hindi ko kasi namalayan na matagal na pala ako sa ginagawa kong pagtitig sa kanya.

“Ano?” tanong ko pabalik.

“Malamang hubo’t hubad na ako sa isip mo! Tama ba?” sagot n’ya sa akin.

Gusto ko sanang pigilan ang pagtawa ko ngunit hindi na iyon nangyari. Paano n’yang nalaman ang iniisip ko? Ganoon na ba kahalata ang mga titig ko? Alam na n’ya agad na pinagnanasaan ko na naman s’ya sa mga oras na ito?

“Pumunta ka na nga doon sa kitchen! Baka mamaya hubaran na talaga kita dito!” utos ko na lang sa kanya.

Napatingin s’ya sa kisame na tila may iniisip.

“Hhmmm… Pwede rin naman. Hindi pa tayo nakakagawa ng naughty things dito sa office.” wika n’ya at yumuko para tingnan akong muli. “Gusto mo bang subukan?” sunod n’yang mungkahi habang taas-baba ang dalawa n’yang kilay.

Sa pagkakataong ito ay lumakas na ang tawa ko.

“Baliw ka, Rigz! Mamaya may pumasok na lang dito tapos mahuli tayo!” natatawa kong pagsaway sa kanya.

Kinurot n’ya ako ng marahan sa ilong.

“Sus! Gumugusto rin! Nagpapakipot pa!” kantyaw n’ya sa akin.

Wala na, talo na ako sa kanya. Hindi ko na magawang magsalita dahil sa kakatawa. Guilty si ako kaya tawa na lang ang magagawa ko.

“Pumunta ka na ng kitchen! Hindi ko maituloy ang ginagawa ko dahil sa kalandian mo!” utos ko sa kanya at marahan s’yang tinutulak palayo sa akin. Kailangan ko na s’yang itulak dahil baka isakatuparan ko na talaga ang pantasya n’ya.

“Sige na, I’ll see you later. Dadalhin ko na lang ang pagkain natin dito mamaya.” natatawa n’ya ring pagpapaalam.

“Shoo! Shoo!” kunwari ay pagtataboy ko sa kanya habang nakamwestra pa ang aking kamay.

Napapailing na lang ako habang nakangiti dahil sa kulitan namin ni Rigo. Masyado na n’ya akong napapasaya. Natatakot ako na baka sa sobrang tuwa ko sa kanya ay itali ko na lang s’ya at isabit sa bag ko para maging key chain nito.

Muli kong ibinalik ang aking sarili sa harap ng computer para ituloy ang naputol kong pagtatrabaho. Pero ang ngiti ko ay hindi nabawasan kahit ilang minuto nang nakalabas sa opisinang ito si Rigo.

Habang tinitipa ang aking keyboard ay bahagya akong nagulat nang magvibrate ang cellphone sa ibabaw ng table na ginagamit ko. Inakala ko pa noong una na cellphone ko iyon ngunit nang makilala ko ito ay nakapagbitaw ako ng malalim na buntong hininga.

“Nakalimutan n’ya ang cellphone n’ya.” sambit kong mahina at inabot ang cellphone ni Rigo para tingnan kung sino ang tumatawag dito.

Nang masilayan ko ang pangalan ng taong tumatawag sa screen ay rumehistro ang pagtataka sa mukha ko.

“MJ?” sambit ko habang nakatitig sa screen ng telepono.

Sa hindi ko malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung takot o kaba ba ito. Pero ang malinaw sa akin, hindi ko gusto ang pakiramdam na ito.

Alam kong mali itong gagawin ko, ngunit may kung ano sa aking sarili na nag-uutos na sagutin ko ang tawag na iyon ni MJ.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nadinig ko na ang pag-iyak ni MJ sa kabilang linya.

“Rigo…? Rigo, mag-usap naman tayo… ’Wag naman ganito… Kausapin mo ako… Puntahan mo ako dito sa coffee shop malapit sa agency… Hindi ko na alam ang gagawin ko…” wika nito sa pagitan ng pag-iyak.

Tila ba nalunok ko ang dila ko kaya lalo na akong hindi nakapagsalita. Natulala ako at nagsimula na rin manginig ang mga kamay ko.

“Rigo, sige na naman, please..? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko… Tapos ganito pa ang ginagawa mo… Please, kausapin ko naman ako… Maghihintay ako kahit anong mangyari… Hihintayin kita dito…” sunod n’yang sambit at mabilis na ibinaba ang tawag n’yang iyon.

Nanatili akong nakatulala. Kahit wala na sa kabilang linya ang aking kausap ay nanatiling nakadikit sa aking tenga ang telepono ni Rigo.

Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko, maraming katanungan ang umiikot dito.

Bakit kailangan nilang mag-usap? Dahil ba sa trabaho? Pero bakit kailangang umiyak ni MJ ng gano’n? Gaano ba kahalaga ang kanilang pag-uusapan para iyakan n’ya ’yon?

Mas naging mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin kay Rigo. Karapatan n’ya itong malaman.

Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit binabalot ako ng takot sa mga oras na ito?

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala. Kasunod nito ay namalayan ko na lang na nakatayo na ako at inaabot ang susi ng kotse ko.

Sinimulan kong maglakad palabas ng opisina. Dahan-dahan ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dining area ng restaurant na puno na ngayon ng tao.

“Okay lang kami dito, Sir Randy. Kayang-kaya na namin i-handle ’tong dami ng tao.” biglang pagsalubong sa akin ng manager namin na si Karen.

Hindi ko s’ya magawang lingunin, nanatili akong nakatingin ng tuwid sa harapan. Akala n’ya siguro ay lumabas ako ng opisina para tingnan ang sitwasyon.

Pero hindi. Lumabas ako ng opisina para sa iisang dahilan.

“K-karen…” nauutal kong pagtawag sa kanyang pangalan.

“Yes?” tanong n’ya pabalik at saglit na natigilan. “Teka, may problema ba, Sir Randy? Bakit parang namumutla ka?” sunod n’yang tanong na nagtataka.

Hindi ko pa rin s’ya magawang tingnan. Gano’n na pala kahalata sa akin na malalim ang iniisip ko sa mga oras na ito.

“Karen, ’pag hinanap ako ni Rigo, sabihin mo lumabas lang ako. S-sabihin mo may biglaang meeting akong pupuntahan.” bilin ko sa kanyang naguguluhan.

“Ha? Ano ba talaga? Lalabas lang o may meeting?” tanong n’ya pa rin.

“Ikaw na ang bahala. Basta siguraduhin mo lang na maniniwala s’ya.” sagot ko lang sa kanya.

Gusto n’ya pa sanang magtanong ngunit bago n’ya pa iyon magawa ay nagsimula na ako ulit akong humakbang.

Nakalabas ako ng aming restaurant at tinungo ang kotse ko. Hindi na ako nagdalawang isip pang paandarin ito nang makapasok ako rito. Naisip kong hindi ako pwedeng maabutan ni Rigo.

Habang nagmamaneho patungo sa lugar kung saan ko matatagpuan ang pakay ko ay nanatiling malalim ang iniisip ko.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay nagbitaw ako ng malalim na paghinga. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko.

“B-baka naman may problema lang si MJ? Baka naman kailangan n’ya lang ng makakausap?” pagkausap ko sa aking sarili at nagbitaw ako ng isang ngiti.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na walang nangyari o walang mangyayaring hindi maganda. Pinapalakas ko ang loob ko sa pamamagitan ng pag-iisip ng ibang dahilan ng pag-iyak ni MJ.

“Hindi naman siguro ’yon tungkol sa pagitan nila ni Rigo. Magkaibigan sila kaya natural ’yon. Baka naman may problema sila sa manager nila?” pagsasalita kong muli.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho habang nag-iisip ng mga posibilidad na maririnig ko mula kay MJ, mga posibilidad na malayo sa kinakatakot ko.

Nakarating ako sa lugar kung saan ako kusang dinala ng isip at katawan ko. Naging maliliit ang mga paghakbang ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay dumoble ang kabang nararamdaman ko.

Nang makapasok ako sa coffee shop kung saan ako nagtungo ay inilibot ko ang paningin ko. Kaunti lang ang tao kaya agad kong nakita ang taong dahilan ng pagpunta ko rito. Nasa isang sulok ito habang nakayuko.

“MJ…” pagtawag ko sa kanyang pangalan nang makalapit ako.

Inangat n’ya ang kanyang tingin upang magtapo ang aming mga mata. At nang tuluyang magsalubong ang aming mga paningin ay halos manghina ako sa nakita ko sa kanya. Namamaga ang mga mata n’ya at napakamiserable n’yang tingnan.

“R-randy…?” nabibigla n’yang reaksyon.

Alam kong hindi n’ya inaasahang ako ang kanyang makikita. Alam kong hindi ako ang taong gusto n’yang makausap sa mga oras na ito.

“B-bakit? Bakit ka umiiyak?” tanong ko.

Sa hindi ko malamang dahilan ay ’yan agad ang naitanong ko. Ginawa ko rin ang lahat para maging kaswal ako sa kanyang harapan. Ayaw kong makaramdam s’yang may malalim na dahilan kung bakit ako ang pumunta rito sa halip na si Rigo.

Napayuko si MJ at nagsimula na naman s’yang umiyak sa mahinang paraan.

Bakit takot na takot ako sa mga oras na ito? Bakit kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili kong walang kinalaman dito si Rigo ay patuloy pa rin akong kinakabahan?

Hindi nagsalita si MJ, hindi n’ya sinagot ang tanong ko.

Nagsimula nang manginig ang buong katawan ko, pinagpapawisan na rin ako kahit malamig sa lugar na ito.

Para makaiwas sa maaaring mapansin sa akin ni MJ ay umupo ako sa tapat ng kanyang pwesto. Hindi ako nagsalita, hindi ako nagtangkang magbukas ng usapan. Ito ay sa kadahilanang parang nawala na ang lahat ng salitang alam ko.

Pinagmasdan ko s’yang mabuti. Ibang-iba s’ya ngayon kumpara sa mga pagkakataong nakikita ko s’ya, ibang-iba sa MJ na laging nakangiti at masaya. Walang suot na make up at halatang kulang sa tulog dahil maitim ang paligid ng mga mata n’ya.

Patuloy pa rin s’ya sa kanyang pag-iyak. Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanya habang blangko ang aking ekspresyon.

“Randy….” pagtawag n’ya sa aking pangalan habang nakayuko.

Hindi ako makasagot, hindi ko magawang tugunin ang pagtawag n’ya sa aking pangalan.

“Randy… Kaibigan mo s’ya ’di ba…? Kaibigan mo si Rigo ’di ba…?” tanong n’ya sa akin.

Muli ay hindi ako nakatugon. Ngunit sa likod ng isip ko ay ang mga kasagutan sa tanong n’yang iyon.

‘Hindi ko kaibigan si Rigo. Hindi lang s’ya basta kaibigan sa buhay ko.’

Nagpatuloy si MJ sa pagsasalita habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

“Bakit gano’n s’ya, Randy…? Dapat masaya s’ya ’di ba…? Dapat ikatuwa n’ya ’to ’di ba…? Pero bakit ginagawa n’ya sa akin ’to…? Akala ko ba gusto n’yang magkaroon ng sariling pamilya…?” tanong n’ya sa pagitan ng pag-iyak.

Sa mga salitang kanyang binitawan ay halos maputol na ang aking paghinga. Hindi ko na nagugustuhan ang mga salitang naririnig ko mula sa kanya. Pakiramdam ko ay may sasabihin s’yang ikakagunaw ng mundo ko.

Inangat n’ya ang kanyang paningin at tiningnan ako ng diretso.

“Randy… tulungan mo naman ako… Hindi ko na alam ang gagawin ko para pakinggan ako ni Rigo… Iniisip ko pa lang na mag-isa kong gagawin ’to, halos mabaliw na ako…” pakiusap na n’ya ngayon.

Nanatili akong nakatingin lang sa kanya. Sa mga oras na ito ay parang gusto ko na rin tumakbo.

Ayoko na. Ayoko nang pakinggan ang mga susunod n’yang sasabihin.

Natatakot ako. Takot na takot ako.

Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamao na nasa ibabaw ng mga hita ko. Ginawa ko ito habang nanginginig ang mga kamay ko.

“Randy… tulungan mo naman akong kumbinsihin si Rigo…” pakiusap n’ya pa rin.

Gusto ko na s’yang patigilin. Ayaw ko nang marinig ang mga salitang gusto n’yang sabihin. Pero kahit anong pilit kong ibuka ang bibig ko ay nanatili na lang itong paralisado.

’Please, MJ, tumigil ka na. ‘Wag mo nang ituloy. Ayoko. Ayokong marinig ang mga sasabihin mo. Hindi ako handa. At lalong hindi ko matatanggap at makakayanan ang mga susunod mong salita.’

Nagpatuloy s’yang muli at hindi na nakontrol ang kanyang sarili na umiyak ng malakas sa pagkakataong ito.

“Randy… please, tulungan mo ako…

…..tulungan mo ang batang dinadala ko.

Tulungan mo akong kumbimsihin si Rigo na s’ya ang ama ng batang dinadala ko.“


A/N

Wala ako masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Iiyak na lang ako.

–– cold_deee

chapter 18

A/N

Ahem! Naeexcite na ako sa mga susunod na tagpo. Marami nang nagagalit kay Rigo, kalma lang, mga mahal ko. Hahahaha!

Oo nga pala, ang daming mga bagong pangalan akong nakikita sa votes at comments section. Natutuwa ako, sobra! Salamat po! At sa mga dati nang nagbabasa ng gawa ko, maraming salamat din po! Labyu guys!

Para po pala ito kay

eRockinLove

na kachukaran ko sa 2Moons The Series!! 😍😍 Hahahaha! I’m sure marami rin ang nakakakilala sa kanya sa inyo d’yan!

Enjoy reading mga mahal ko!

––> si Randy po sa media. 👇👇👇 Ganyan na ganyan ang reaction n’ya habang kausap si MJ.

![](https://img.wattpad.com/9b9fdd302e09b0add21e0d23fd1ba0de6f8afeb3/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4e6f6635396c63624656774d72513d3d2d3433303336343937312e313463633939653063396166356462633833383239323432313131332e6a7067)

RANDY’s POV

“Randy… please, tulungan mo ako…

…..tulungan mo ang batang dinadala ko.

Tulungan mo akong kumbinsihin si Rigo na s’ya ang ama ng batang dinadala ko.“ malungkot na pakiusap sa akin ni MJ.

Tuluyan nang gumuho ang mundo ko. Pakiramdam ko ay nagdilim ang paligid ko.

Ito na ba? Dumating na ba ang kinakatakot ko? Dumating na ba ang oras para iwan ako ni Rigo?

“A-anong… s-sabi mo..?” tila nabibingi kong pagtatanong kay MJ.

Hindi ko alam kung anong ipinapakita kong reaksyon sa mga oras na ito. Pero ang sigurado lang ako ay mabilis ang tibok ng puso ko at nahihirapan na rin akong huminga sa mga oras na ito.

“Buntis ako, Randy… At si Rigo ang ama ng batang dinadala ko…” pag-uulit ni MJ sa kanyang sinabi.

Bakit kahit paulit-ulit n’ya iyon sabihin sa akin ay parang ayaw kong maniwala?

“P-paano? K-kailan? Paano nangyari ’yon?” tanong ko sa kanya.

Sa hindi ko malamang dahilan ay kusang lumalabas sa bibig ko ang mga katanungang iyon.

Patuloy pa rin si MJ sa pag-iyak nang simulan nitong magpaliwanag.

“Noong nasa Thailand pa kami para magtrabaho, doon nangyari ang hindi namin inaasahan pareho… Masayang-masaya si Rigo noong gabi na may party kami… Iba ang saya n’ya noon kumpara sa mga nagdaang araw na nagtatrabaho kami… Noong napansin ng lahat ang sigla n’ya, sinabi n’yang may sine-celebrate daw kasi s’ya… Naalala mo ba noong pumasok ako sa kwarto ni Rigo at naabutan ko kayong magkausap sa telepono..? ’Yon din ang araw na nalasing s’ya, Randy…” pagkekwento sa akin ni MJ.

Uminom muna si MJ ng tubig na nasa kanyang harapan upang pakalmahin ang kanyang sarili. Ako naman ay inabala ang aking isip sa pagbabalik tanaw sa senaryong sinasabi n’ya.

“Nagseselos ako. Ayokong may ibang babae o baklang lalapit sa’yo. Naiinis ako, nagagalit ako tuwing may gumagawa no’n sa’yo.” matapang at mabilis kong sagot sa kanya.

Naikagat n’ya ang ibabang labi n’ya habang nakangiti s’ya.

“Yesss!!!!!!!” biglang pagsigaw ni Rigo. Napatayo pa ito at napatalon.

Hindi ko mapigilang matawa sa naging reaksyon n’ya. Iyon pa lang ang nasasabi ko pero halos magwala na s’ya. Paano na lang kaya sa pagbabalik n’ya? Kapag sinabi kong handa na akong makipagrelasyon sa kanya?

“Ang OA, Rigz.” natatawa kong banggit.

“’Wag kang magulo, Liam! Ang saya ko! Wooohhh!!!” sigaw n’ya pa.

Wala naman akong nagawa kundi ang tumawa ng tumawa.

“Yes!!! Ang saya ko! Magse-celebrate ako mamaya! Ise-celebrate ko ’to!!” tuwang-tuwa n’yang pagbabalita.

“Sige lang. Basta ako matutulog na dito.” sagot kong natatawa.

Naaalala ko na. Iyon ay noong gabi na umamin ako sa kanyang nagseselos ako. Iyon ay noong gabi na papunta sila sa party ng production nila.

“Halos malunod sa alak noon si Rigo dahil sa sobrang saya… Kami lang ang madalas magkasama noon dahil kami lang naman ang nagkakaintindihan… Hindi kasi namin maintindihan ang iba naming kasama dahil ibang lahi sila… Dahil sa sinasabayan ko s’ya sa pagse-celebrate n’ya kahit wala akong idea kung bakit, sinabayan ko s’ya sa pag-inom… Pareho kaming nalasing noong mga oras na iyon…” pagdedetalye ni MJ sa nangyari noon habang nasa Thailand sila para magtrabaho.

Gusto ko na s’yang patigilin dahil nararamdaman kong naninikip na ang dibdib ko. Iyon pa lang ang naikekwento n’ya sa akin pero gusto ko nang magwala rito.

Sinubukan kong abutin ang tubig na nasa harap ko. Pero nang iangat ko ang kamay ko para kunin ang basong nasa harap ko ay nakita ko ang panginginig ng mga kamay ko. Wala akong nagawa, ibinaba kong muli ang kamay ko at ibinalik sa ibabaw ng hita ko.

Bakit? Bakit kailangang ngayon pa mangyari ’to? Kung kailan unti-unti nang nagiging maayos ang lahat sa amin ni Rigo?

Nagbalik ang pagkakaparalisa ng dila ko. Muli na naman akong natahimik at wala akong nagawa kundi ang lumunok ng paulit-ulit.

“Hindi na namin alam kung paano kami naihatid ng mga kasama namin pabalik ng hotel kung saan kami tumutuloy ni Rigo… Hindi ko matandaan ang buong detalye, Randy… Pero noong gumising kaming pareho, nasa iisang kama na lang kami, walang suot sa katawan… Nandoon na kami sa kwarto ni Rigo… Doon lang namin napag-isip-isip na may nangyari sa am––” hindi na n’ya naituloy.

“Tama na!” mataas na boses kong pagpapatigil sa kanya.

Huminto naman si MJ ngunit naitakip n’ya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Kasunod nito ay nagbalik s’ya sa malakas n’yang pag-iyak.

Mas bumilis na ang paghinga ko. Nararamdaman ko na rin ang mainit na likidong nagsisimula nang maipon sa mga mata ko. Pero hindi ko hahayaang makita ni MJ ang kahinaan ko kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi tuluyang pumatak ang mga luha ko.

Dahan-dahan kong inilagay ang isang palad ko patungo sa aking dibdib. Mas bumilis ang tibok ng puso ko at parang hindi ko na kayang kontrolin pa ito.

‘Kumalma ka, Randy. Kumalma ka, please.’

Kinakausap ko na ang aking sarili sa pamamagitan ng aking isip.

Inilabas ko ang lahat ng lakas ko para abutin ang tubig na nasa harap ko. At nang makuha ko ito ay may mga patak pa ng tubig ang hindi ko naagapang tumulo mula sa bibig ko dahil sa panginginig ng katawan ko.

Wala nang nagsalita sa amin ni MJ matapos iyon. Wala akong nagawa kundi ang titigan s’ya sa mga oras na ito na patuloy pa ring umiiyak sa harap ko.

‘Diyos ko, sabihin n’yong panaginip lang ito. Sabihin n’yong nananaginip lang ako. At pakiusap, gisingin n’yo na ako.’

Nananalangin na rin ako sa aking isip.

Sa dami ng takot at hirap na pinagdaanan ko, ngayon ko lang naramdaman ito. Sa dami ng bangungot na naranasan ko, masasabi kong ito na ang pinakamatinding takot na bumalot sa pagkatao ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganoon ni MJ. Habang pinagmamasdan ko s’ya sa mga oras na ito ay muling bumuka ang bibig ko para magtanong sa kanya.

“A-alam na ba ’to ni Rigo?” tanong kong nauutal sa kanya.

Nasaksihan ko ang marahang pagtango ni MJ habang nakayuko ito. At nang masilayan ko iyon ay tuluyan nang nabasag ang buong pagkatao ko. Naikagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga luha ko.

“S-sinabi ko na sa kanya… Isang linggo na ang nakakalipas simula nang masabi ko ’to sa kanya…” pagkumpirma nito.

Kung gano’n, isang linggo na pala itong itinatago sa akin ni Rigo. Isa linggo na n’yang alam na magiging isang ama na s’ya.

Ngayon ko napagtagpi-tagpi ang pagbabagong ngayon ko lang napansin kay Rigo. Kaya pala may password na ang cellphone n’ya dahil may itinatago na s’ya.

Huminga ako ng malalim.

“A-anong sabi n’ya? Anong sagot n’ya?” tanong kong muli sa kanya.

Matapos ang katanungan kong iyon ay nagulat ako nang humagulgol na si MJ sa harap ko. Wala na rin s’yang pakialam ngayon kung malakas na ang kanyang boses dahil sa ingay ng pag-iyak nito.

“Ayaw n’ya akong harapin, Randy… Ayaw n’ya akong panagutan… Ayaw n’yang akuin ang anak namin… Hinding-hindi n’ya raw ito matanggap…” umiiyak nitong sagot.

Inihahanda ko na sana ang sarili kong marinig mula sa kanyang pananagutan ni Rigo ang bata. Pero nagulat ako sa mga naging pagsagot n’ya. Sa pagkakakilala ko kay Rigo ay napakaresponsableng tao nito. Handa s’yang harapin ang lahat ng problema at responsibilidad nito.

“B-bakit daw? A-ano raw ang dahilan?” nauutal ko na ring pagtatanong ngayon.

Maraming beses s’yang umiiling habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

“H-hindi raw n’ya matatanggap dahil sisirain ko raw ang buhay n’ya… Hindi n’ya ako kayang panagutan dahil may espesyal na tao na raw sa puso n’ya… Ayaw n’ya raw masira ang samahan nilang dalawa… Hinding-hindi n’ya raw ipagpapalit ang taong ’yon kahit anong mangyari…” mahaba n’yang sagot.

Hindi ako nakaimik sa pagkakataong ito. Dapat ko bang ikatuwa ang bagay na ito? Alam kong ako ang tinutukoy ni Rigo sa mga sinabing iyon ni MJ. Pero hindi ko magawang maging masaya sa mga oras na ito. Dahil kahit anong ganda sa pandinig ng mga salitang iyon ay ang katotohanang nasa pagitan ngayon si Rigo ng responsibilidad at pagmamahal.

Ako lang ang mahal ni Rigo, pero bakit may dumating na ganito? Ako lang simula pa noon. Sampung taon na n’ya akong mahal, pero bakit ngayon pa may malaking hadlang? Bakit ngayon pa kung kailan handa na ako?

Inangat ni MJ ang kanyang mukha upang tingnan ako.

“Randy… tulungan mo ako… Hindi ko na alam ang gagawin ko… Mababaliw na ako… Paano ko makukumbinsi si Rigo para akuin ang anak ko..?” paghingi nito ng saklolo.

Hindi ko alam kung sinasadya ba o nagkataon lang ito. Sa dami ng taong pwede n’yang tanungin, bakit ako pa? Bakit ako pa na mas nasasaktan sa mga oras na ito?

Umiling ako sa marahang paraan.

“H-hindi ko alam… hindi ko rin alam…” sagot kong naguguluhan.

“Please naman, Randy… Magkaibigan kayo ’di ba…?” tanong n’ya sa akin.

Tanging pag-iling lang ang naisagot ko.

Hindi ko s’ya kaibigan. Hindi ko kaibigan si Rigo dahil s’ya ang pinakamamahal ko, s’ya ang buhay ko.

“Baka pwede mong kumbinsihin si Rigo..? Baka pwede mo s’yang mapakiusapan na panagutan ako..? Randy, please..? Kahit para sa batang dinadala ko na lang… Pakiusap… tulungan mo ako…” pakiusap n’yang muli.

Dahil sa narinig kong pakiusap mula sa kanya ay tila ba may kung ano sa loob ko ang nagliyab para makaramdam ako ng galit dito.

Naging matalim ang pagtitig ko sa kanya nang magtanong ako.

“At paano ang espesyal na tao sa buhay ni Rigo? Paano na ang taong ’yon? Ano na ang mangyayari sa taong ’yon?” madiin kong tanong sa kanya.

Saglit s’yang natigilan. Ngunit makalipas ang ilang segundong pag-iisip ay umiling ito ng maraming beses.

“H-hindi ko alam… S-siguro naman maiintindihan n’ya ’di ba…? Buhay na ang nakataya dito… Kinabukasan na ng magiging anak namin ni Rigo…” sagot nito.

Naikuyom ko ang mga kamao ko. Gusto ko s’yang saktan ngunit nagawa ko pa rin kontrolin ang sarili ko.

“Gano’n na lang ba ’yon, MJ? Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ng taong ’yon? Paano na lang kung hindi n’ya kayanin ang pagkawala ni Rigo? Paano kung nasanay na s’yang nasa tabi n’ya lang lagi si Rigo? Paano na ang pinagsamahan nila? Paano na ang mga panahon na naging masaya sila sa isa’t-isa? Paano na ang mga ’yon? Itatapon na lang na parang basura dahil lang sa batang ’yan? Paano na silang dalawa?!” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Hindi ko na nakontrol ang mga salitang binitawan ko. Hindi sa paraang ito dapat na malaman ng lahat ang nararamdaman ko para kay Rigo. Pero dahil sa kalagayan namin ngayon ay baka hindi na ako makapag-isip ng tama at masabi ko ang lahat.

“Sigurado akong maiintindihan n’ya, Randy…” sagot n’ya sa akin.

“Maiintindihan? Paano n’ya iintindihin ang bagay na alam n’yang makakasakit sa kanya? Paano s’ya matatahimik kung alam n’yang mawawala si Rigo sa kanya? Sa tingin mo ba gano’n lang ’yon kadali sa kanya na tanggapin ang lahat?” tanong ko pa rin sa kanya.

Lahat ng katanungang iyon ay kusa na lang na lumalabas sa bibig ko. Sinusumbatan ko na s’ya pero hindi n’ya pa rin ito nahahalata.

“Pero hindi ko alam kung paano ko palalakihin ang batang ’to ng mag-isa… Kailangan ko si Rigo…” sagot n’ya habang umiiyak.

“Kailangan din s’ya ng taong ’yon! Mahihirapan din s’ya kung kukunin mo si Rigo!” medyo mataas na rin ang boses ko.

Natigilan s’ya sa aking mga binitiwang salita.

“K-kilala mo ba s’ya, Randy..? Pakikiusapan ko na lang s’ya… Kung kinakailangan kong magmakaawa sa kanya, gagawin ko… Basta pakawalan n’ya lang si Rigo…” pagdedesisyon n’ya.

Gulong-gulo na ang isip ko. Gusto ko nang sigawan si MJ at paulit-ulit na sumbatan.

Bakit si Rigo pa?! Marami naman d’yan! Bakit s’ya pa! Bakit ’yung tao pang gusto kong makasama hanggang sa huli kong hininga?!

Ginawa ko ang lahat para hindi lumuha sa harap ni MJ dahil sa natuklasan ko.

“Randy… sige na naman… Parang awa mo na… Tulungan mo akong makausap si Rigo… O kaya dalhin mo ako sa taong tinutukoy n’yang espesyal sa kanya… Ako na mismo ang makikiusap para maging maayos ang lahat…” hindi pa rin s’ya natigil sa pagmamakaawa.

Tanging pag-iling lang ang nagagawa ko sa mga oras na ito. Tuluyan nang sinakop ng pinaghalong galit, lungkot at takot ang buong pagkatao ko.

“H-hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko…” pagpapatuloy n’ya. “Randy, pakiusap naman… tulungan mo ako…” dagdag n’ya pa rin.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makapagsalita ako ng normal sa kanyang harapan.

“Ayoko. H-hindi ko gagawin ’yang gusto mo.” nauutal kong pagtanggi sa kanya.

Makasarili na kung makasarili. Pero hindi ko kayang ipagtulakan sa kanya si Rigo at maiiwan akong mag-isa habang pinapanood silang masaya.

“Randy, sige na naman… K-kahit ngayon lang… Kahit para lang sa batang dinadala ko…” pakiusap n’ya pa rin.

Masyado nang magulo ang isip ko kaya hindi ko na naiwasang magsalita ng hindi makakabuti sa kalagayan n’ya.

“Sinabi ko nang ayoko! At kahit lumuha ka pa ngayon ng dugo sa harap ko, hinding-hindi ko gagawin ’yang gusto mo!” madiin kong sagot sa kanya.

Alam kong mali na itong nasasabi ko, pero hindi ko na rin kayang pigilan ang bugso ng damdamin ko.

Muling napayuko si MJ at umiyak pang lalo. Kung hindi lang si Rigo ang usapin dito, baka nakaramdam na ako ng awa sa kanya. Siguro ay ginawa ko na ang pakiusap n’ya.

Pero paano ako? Paano kami ni Rigo? Masyado nang mahaba ang panahon na pinaghintay namin ang isa’t-isa, masyado nang mahaba para mapigilan lang ng pagbubuntis n’ya.

Marami pa akong gustong sabihin, at kung maaari nga lang ay isigaw ko ito sa harap n’ya, pero pinigilan ko ang aking sarili. ’Pag nagkataon kasi ay pareho kaming maeeskandalo dito.

Pinakalma ko muna ang aking sarili sa pamamagitan ng malalalim na buntong hininga. At makalipas ang ilang minuto ay nagsalita akong muli para tapusin na rin ang pag-uusap naming dalawa.

“Si Rigo ang dapat na magdesisyon dito, MJ. At kung ano man ang maging desisyon ni Rigo, sana respetuhin mo ’yon. Hindi mo kailangang humingi ng tulong kung kani-kanino para lang akuin ni Rigo ’yang anak mo.” wika ko.

“Anak din ’to ni Rigo.” pagtatama n’ya sa aking sinabi.

Para bang libo-libong sibat ang tumama sa dibdib ko nang marinig ko iyon mula sa kanya. Tila ba isang sampal sa pagkatao ko ang katotohanang iyon.

Tama s’ya, anak din ’yon ni Rigo. Pero hanggang ngayon ay hindi iyon maiproseso ng isip ko.

Anak ni Rigo. Ang pinakamatindi kong karibal, ang isang buhay na matagal nang inaasam ni Rigo na magkaroon.

“W-wala naman akong magagawa kung hindi mo ako matutulungan, Randy… Pasensya ka na rin kung nadadamay ka pa sa problema namin… S-sorry kung naging mapilit ako…” paghingi n’ya ng dispensa.

Humihingi s’ya ng tawad pero hindi ko iyon matanggap. Hindi ko kayang tanggapin ang lahat lalo na at alam kong malaki ang posibilidad na mawala sa akin si Rigo.

Kanina ko pa gustong magwala simula nang malaman ko ito. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, gusto kong murahin ang lahat. Pero sa tingin ko ay hindi rin iyon mangyayari dahil pati ang katawan ko ay hindi nakikisang-ayon. Nanginginig ang buo kong katawan at parang hinang-hina ako.

Nakita kong pareho ko ay ginagawa ni MJ ang lahat para maging mahinahon ito. Uminom s’yang muli ng tubig para pakalmahin ang sarili n’ya. Matapos iyon ay nagbitaw s’ya ng pilit na ngiti habang nakatingin sa aking mga mata.

“Alam kong mas madalas kayong magkita ni Rigo, Randy…” sambit n’ya.

Gusto kong sumagot pero nagbalik sa pagiging paralisado ang dila ko.

‘Hindi. Hindi kami madalas magkasama. Dahil lagi kaming magkasama. Dahil nakasanayan na namin na nasa tabi namin ang isa’t-isa.’

’Yan ang bagay na gusto kong sabibin sa kanya.

Nagpatuloy s’ya sa kanyang pagsasalita.

“K-kung sakaling magkita ulit kayo, pakisabi naman na naghihintay pa rin ako na magkausap kami…” muling pakiusap n’ya sa akin.

Sasabihin ko ba ito kay Rigo?

“Sana, Randy, kahit ’yan lang maipaabot mo sa kanya… Kahit ’wag mo nang sabihin sa kanya na alam mo na ang lahat tungkol sa pinagbubuntis ko…” muling pakiusap nito.

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Nadagdagan pa ang mga iisipin ko. Dapat ko bang sabihin ang bagay na ’yan kay Rigo? Dapat ko pa bang ipaalam na nagkita kami ngayon ni MJ para lang malaman ko ang totoo?

“S-sige, Randy, mauuna na ako… Sa tingin ko hindi na rin naman ako pupuntahan dito ni Rigo… Dahil kung gusto n’ya talaga akong makausap, sana kanina pa s’ya nandito… Dahil simula pa kaninang umaga, nandito na ako para maghintay sa pagdating n’ya…” pagpapaalam na n’ya.

Nanatili akong nakatulala. Hanggang sa makatayo s’ya at makaalis sa harap ko ay nanatiling malayo ang tingin ko.

Ano ba ang uunahin kong isipin? Ano ang dapat kong gawin? Ano ang mangyayari ngayong unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang mga pangarap ni Rigo?

Itutuloy ko pa ba ang plano ko? Magpapatuloy pa ba ako sa pakikipaglaban sa pangarap ni Rigo?

Marami pang pumapasok sa isip ko at hindi ko alam kung ano ang uunahin sa mga iyon. Pero sa lahat ng katanungang iyon ay wala akong makitang kasagutan.

Tiwala akong matalino ako sa lahat ng bagay. Pero bakit walang pumapasok na solusyon ngayon sa utak ko?

Mawawala sa akin si Rigo.

Iiwan na ako ni Rigo.

Magkakaroon na ng pamilya si Rigo.

Matutupad na ang pinapangarap ni Rigo.

Maiiwan akong nag-iisa.

Mawawalan ako ng lakas.

Mawawalan na ako ng dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban.

Hindi ko na makikita ang taong dahilan kung bakit nakangiti akong gigising sa bawat umaga.

Si Rigo.

Mawawala na sa akin si Rigo.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakaupo sa loob ng coffee shop. Nagising na lamang ako sa mahabang pagkakatulala nang may tinig na nagsalita sa tabi ko.

“Sir? Sorry to interrupt you. Pero may gusto po ba kayong orderin? Pasensya na po, pero kanina pa po kayo nakatulala rito kaya nilapitan ko na po kayo.” magalang nitong pakiusap.

Nang lingunin ko ito ay ang waiter pala ng coffee shop. Ngayon ko lang din napansin na marami na rin ang tao rito sa mga oras na ito.

“Sir?” muling pagtawag nito sa atensyon ko.

“S-sorry.” tanging nasambit ko.

Sinubukan kong tumayo ngunit nanginginig pa rin ang katawan ko. Gamit ang aking mga kamay ay tumukod ako sa mesa para makaahon mula sa pagkakaupo.

“Sir, okay lang po ba kayo? Medyo namumutla po kayo. Hindi ko naman po kayo pinapaalis, dito muna po kayo kung gusto n’yo.” pag-aalala ng waiter.

“H-hindi. O-okay lang ako.” nauutal kong pagtanggi.

Dahan-dahan ay ikinilos ko ang aking katawan para makaalis na sa lugar na ito. Mabibigat ang bawat paghakbang ko at tila ba pasan ko ang mundo.

Nang makarating ako ng aking kotse ay pumasok ako na malalim pa rin ang iniisip. Paulit-ulit ko rin na naririnig ang boses ni MJ sa utak ko.

‘Buntis ako, Randy… At si Rigo ang ama ng batang dinadala ko…’

‘Paano ko makukumbinsi si Rigo para akuin ang anak ko..?’

‘Buhay na ang nakataya dito… Kinabukasan na ng magiging anak namin ni Rigo…’

’Anak din ‘to ni Rigo.’

’Anak din ‘to ni Rigo.’

’Anak din ‘to ni Rigo.’

’Anak din ‘to ni Rigo.’

“Tama na!!!!” sigaw ko rito sa loob ng aking kotse habang mahigpit kong hawak ang buhok ko.

Nabibingi ako. Patuloy kong naririnig ang boses ni MJ kahit wala na s’ya sa tabi ko.

“Tama na… tama na…” paulit-ulit kong pakiusap kasabay ng malalalim kong paghinga habang nakapikit ako.

Sinubukan kong abutin ang gamot kong naririto sa loob ng kotse. Damang-dama ko at dinig na dinig ko na ang mabilis na tibok ng puso ko. Kahit nanginginig ang aking mga kamay ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makuha ito. Pero nang tuluyan kong mahawakan ang bote ay naibato ko rin ito dahil wala na pala itong laman.

“Kumalma ka, Randy… Kumalma ka…” pagkausap ko sa aking sarili habang hawak ang dibdib ko.

Sumandal ako sa upuan para kahit paano ay makahinga ako ng maayos. Ito na lang ang magagawa ko sa ngayon, ang palipasin ang ilang sandali para tuluyan akong kumalma.

Habang nakasandal sa upuan ay nakita ko ang aking repleksyon sa rear view mirror na nasa kotse ko. Tinitigan ko ang aking repleksyon at nakita ko ang takot na takot kong ekspresyon.

Ilang segundo kong pinagmasdan ang sarili ko. At habang pinagmamasdan ko ito ay unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang magbago ang nakikita kong repleksyon ko sa salamin.

Nakikita ko na ngayon ang aking sarili na puno ng tapang kahit alam kong iba ang pinapakita kong reaksyon sa mga oras na ito. Kung wala lang akong sinasandalan sa mga oras na ito ay mapapaatras na ako dahil sa pagkagulat nang mapansin kong naging matalim ang mga mata ko sa salamin.

Nakikita ko sa salamin ang isa kong personalidad tuwing makakaisip ako ng hindi maganda sa kapwa ko. Tuwing gusto kong may makakaaway ako. Nakangisi ito habang nakataas ang isang kilay nito.

“H-hindi ako ’yan… hindi ako ’yan…” takot na takot kong pagsasalita.

Alam kong nagsasalita ako. Pero ang nasa repleksyon ko ay hindi sumusunod sa bawat kilos ko at bawat galaw ng bibig ko.

“S-sino ka..? Sino ka??!!!” tanong ko sa aking kamukha na nasa salamin.

Hindi s’ya agad tumugon. Lalo akong nakaramdam ng takot nang mas lumapad ang pagkakangisi nito at simulang sumagot sa mga katanungan ko.

“Ikaw rin ’to, Randy. Ikaw rin ’to. Ikaw na nand’yan at ako na naririto ay iisa.”

nakangisi nitong pagsasalita.

“H-hindi.. Hindi ’yan totoo!!!” sigaw ko sa kanya sa huli.

Nagbitaw ito ng malakas na pagtawa.

Ganyan na ganyan ako. Hindi ko man maamin sa aking sarili ay hindi ko maikakailang ganyan ang reaksyon ko sa tuwing natutuwa ako.

“Bakit takot na takot ka, Randy? Ikaw rin ako. Pareho tayo. Ikaw ’to sa tuwing may inaagrabyado kang tao. Ikaw ’to sa tuwing may inaalipusta ka na may atraso sa’yo.”

sagot nitong natatawa.

“Sinungaling ka!! Sinungaling ka!!” paulit-ulit kong sigaw sa kanya.

“Ako? Sinungaling? Tama ka, sinungaling ako dahil sinungaling ka rin. ’Di ba nga, sabi ko sa’yo, iisa lang tayo?”

tanong pa rin nitong natatawa.

Hindi ako nakasagot sa sinabi n’yang iyon. Tama s’ya, ako at s’ya ay iisa dahil alam n’ya ang lahat ng aking ginagawa.

Nagpatuloy ito sa kanyang pagsasalita habang malapad ang pagkakangisi n’ya.

“Hindi ako nagpakita sa’yo, Randy, para takutin ka. Nandito ako para gisingin ka.”

una n’yang pahayag.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Nanatili akong pinapanood s’ya habang nanlalaki ang aking mga mata.

“Ano na ngayon ang plano mo? Ano na ang gagawin mo ngayong magkakapamilya na si Rigo? Magkakaanak na s’ya. Matutupad na ang pinapangarap n’ya. Iiwan ka na n’ya. May bago na s’yang aalagaan. May magiging asawa at makakabuo na s’ya ng matatawag n’yang sariling pamilya.”

tanong nito at paliwanag.

Maraming pag-iling ang ginawa ko.

“H-hindi ko alam… h-hindi ko alam…” kusang lumabas sa bibig kong sagot sa kanya.

Umiling s’ya ng marahan.

“Tsk! Tsk! Tsk! ’Yan na nga ba ang sinasabi ko sa’yo. Pinaalalahanan na kita noon pero mas pinakinggan mo ’yang puso mo. Akala ko ba matapang ka? Nasaan na ang tapang mo? Akala ko ba matalino ka? Nasaan na ’yang utak mo? ’Wag mong sabihing nagpadala ka na lang d’yan sa bugso ng damdamin mo? Anong nangyari sa’yo? Naging tanga at bobo?”

sunod-sunod n’yang pangmamaliit sa akin.

Hindi na naman ako nakatugon. Unti-unti ay nararamdaman kong may mainit na likidong naiipon na ngayon sa mga mata ko.

“Ano ka na ngayon? Isang talunan at maiiwang luhaan? Nasaan ka ngayon? Nasaan na ang ugali mong pagiging palaban?”

tanong n’ya sa akin.

Naikuyom ko ang mga kamao ko. Gusto ko nang saktan ang kumakausap sa akin sa mga oras na ito.

Tumango-tango s’ya na tila ba may nakakatuwang mga salita ang nasa isip nito.

“Ahhh… Alam ko na kung anong nangyari sa’yo. Alam mo ba kung ano ang tawag d’yan sa sinapit mo?”

tanong n’ya sa akin.

Muli akong umiling.

“H-hindi..” sagot kong nauutal sa kanya.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago s’ya muling nagsalita.

“Ang tawag d’yan, karma. Kasi masama ang ugali mo. Kasi makasarili ka. Kasi tanga ka. Kasi bobo ka. Kasi akala mo mabubuhay ka na ng matiwasay kung si Rigo lang ang nasa tabi mo! Pero dahil makasarili ka at ubod ka ng tanga, hindi mo naisip na may sariling buhay din si Rigo na dapat hinaharap n’ya! Gusto mo, lahat ng atensyon n’ya nasa iyo! Gusto mo, habang buhay ka n’yang inaalagaan at habang buhay ka n’yang inaalalayan! Makasarili ka!! Makasarili ka, Randy!!! Makasarili ka!!!!”

sunod-sunod n’yang sumbat at palakas ng palakas ang sigaw n’ya.

“Tama na!!!! Tama na!!! Hindi ’yan totoo!!! Sinungaling ka!!! Sinungaling ka!!!” sigaw ko rin sa kanya.

Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Kusa na ring gumalaw ang mga kamay ko at kinuha ang bottled water na naririto sa kotse ko para paulit-ulit na ihampas sa salamin kong iyon.

“Hindi ’yan totoo!!! Sinungaling ka!!!” sigaw kong muli sa kanya.

Hindi ko tinigilan ang paghampas dito habang paulit-ulit kong isinisigaw na walang katotohanan ang mga sinasabi nito.

Natigilan ako sa ginagawa kong paghampas nang makarinig ako ng malalakas na pagkatok sa bintana ng kotse ko. Natauhan ako at ilang segundo ang lumipas bago ko binuksan ang bintana kong iyon.

“Sir, okay lang po ba kayo? Kanina pa po kasi kayo nakapark dito at parang naririnig kong may sumisigaw dito. May problema po ba?” tanong ng isang gwardya. Ang gwardya yata ng coffee shop ito.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko sa rear view mirror na ngayon ay basag at sira-sira na. Sunod kong pinagmasdan ay ang kamay kong duguan at may hawak pa rin na bottled water. Mas lalong nanglaki ang mata ko dahil sa dugong umaagos ngayon sa kamay ko.

“Sir, may sugat po kayo! Ano po bang nangyari?!” tanong ng gwardya.

Hindi pa rin ako nakasagot. Palitan kong tinitingnan ang aking kamay at ang gwardya.

“Sir?!” pagbasag muli ng gwardya sa aking ulirat.

Tiningnan ko s’ya habang gulat na gulat pa rin ang aking ekspresyon.

“W-wala ’to. A-ayos lang ako.” sagot kong nauutal sa kanya.

Hindi na rin ako nagdalawang-isip na ikilos ang katawan ko. Mabilis kong in-start ang aking kotse at umalis sa lugar na iyon habang duguan pa rin ang aking kamay.

Kagat ang aking ibabang labi para pigilan ang emosyon ko ay nagmaneho ako. Hindi ko alam kung mabilis ba ako sa ginagawa kong pagmamaneho pero ilang beses akong nakarinig ng mga pagbusina mula sa mga kasabayan ko sa kalsada.

Ang alam ko ay may kalayuan ang lugar na aking pinuntahan, ngunit natagpuan ko na lamang ang aking sariling mabilis na nakarating sa condo building na aking tinitirahan.

Dumating ako sa aking unit na hindi ko alam kung ano ang pinapakita ko ngayong ekspresyon. Pagbukas ko ng aking pinto ay dire-diretso din akong pumasok sa aking kwarto at umupo sa kama ko.

Inangat ko ang aking nanginginig na kamay at doon ko nakita na tuloy-tuloy pa rin ang dugong umaagos mula rito.

“Liam, anak! Hindi mo ba narinig ang tawag ko? Tinatanong kita kung bakit ang aga mong umuwi pero dire-diretso ka lang dito!” narinig kong boses mula sa pinto ng aking kwarto.

Unti-unti ko s’yang nilingon at doon ko natagpuan si Nanay Elise na nakatayo habang nagtataka ang ekspresyon nito. Hindi ko s’ya napansin kanina noong makapasok ako rito. Pakiramdam ko kasi ay madilim ang paligid ko.

“N-nanay….” mahina at nauutal kong pagtawag sa kanya.

Mula sa nagtataka n’yang ekspresyon ay napalitan ito ng pag-aalala. Nanlaki ang mga mata n’ya nang makita ang aking kamay na puno ngayon ng dugo.

“Diyos ko, Liam! Anong nangyari sa’yo?!!” gulat na gulat nitong tanong at naglakad patungo sa aking pwesto.

Simula kanina ay walang luha na lumabas mula sa mga mata ko. Lahat ng luhang gusto kong ilabas mula nang makausap ko si MJ ay pinigilan ko. Pero nang makita ko si Nanay Elise na papalapit sa akin ay inilabas ko ang lahat ng naipong likido mula dito.

“Nanay!!!!!!!” pagtawag ko sa kanya at humagulgol na ako.

Mas nataranta si Nanay Elise kaya mabilis ako nitong niyakap. Niyakap ko rin s’ya ng mahigpit sa kanyang bewang habang patuloy ako sa malakas kong pag-iyak.

“Liam, ano bang nangyari?! Diyos ko! Bakit ka umiiyak?! Anong nangyari sa’yo?! Saka bakit may dugo ang kamay mo?!” sunod-sunod nitong tanong na natataranta. Salitan n’ya ring hinahaplos ang aking buhok at ang aking likod para pakalmahin ako.

“Nanay……N-nanay!!!!” ’yan lang ang naisasagot ko habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.

Alam kong para akong isang batang paslit ngayong mga oras na ito. Para akong nagsusumbong dahil may umaway sa akin na kalaro.

Ito ang kailangan ko simula pa kanina. Kailangan ko ng taong masasandalan sa mga oras na ito. Kailangan ko ng taong mayayakap para maramdaman kong kahit paano ay may karamay ako.

Ngayon ko lang mailalabas ang totoong emosyon ko. Ngayon ko lang din maisisigaw ang galit at lungkot dahil sa mga nadiskubre ko.

“Liam, anak… Kukuha lang ako ng tubig. Nakainom ka ba ng gamot mo? Anak, gamutin muna natin ’yang sugat mo…” pag-aalala pa rin ni Nanay Elise.

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya at maraming beses na pag-iling ang ginawa ko para sumagot sa kanya.

“’Wag ’Nay….. D-dito ka lang po…. ’Wag kang umalis…. Dito ka lang, ’Nay…. ’Wag kang umalis…. Dito ka lang….” sagot ko sa pagitan ng malakas na pag-iyak ko.

Natatakot ako. Takot na takot akong maiwan mag-isa sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ay tuluyan nang mawawala sa akin ang lahat kung pati si Nanay Elise ay iiwan ako dito sa loob ng kwarto.

“Pero ang kamay mo, anak… Baka lalong lumala ’yan..?” tanong nito.

“M-mamaya na, Nanay…. Ayoko…. ayokong maiwan mag-isa rito… ’W-wag mo muna akong iwan… Dito ka lang…” pagmamatigas ko pa rin.

Naramdaman kong pilit ding pinapakalma ni Nanay ang kanyang sarili. Patuloy n’yang hinahaplos ang aking likod at paminsan-minsan n’ya akong hinahalikan sa ulo.

Nagpatuloy kami sa ganoong posisyon ng mahabang minuto. Hindi na nagsalita pa si Nanay Elise at naging abala na lamang sa pagpapakalma sa akin.

Hirap na hirap akong huminga dahil sa labis na pag-iyak at sa dami ng iniisip ko. Pero aaminin kong sa bawat haplos at yakap ni Nanay Elise ay nagagawa nitong mapakalma ako kahit paano.

Nang maramdaman ni Nanay Elise na bahagya nang lumuluwag ang pagkakayakap ko sa kanya ay nagpumilit na itong kumilos para kunin ang gamot ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak ngunit nanatiling tikom ang bibig ko sa tuwing tatanungin n’ya ako kung ano ang dahilan kung bakit ako nagkakanito.

Hanggang sa simulan n’yang linisan at gamutin ang sugat ko ay hindi s’ya tumigil sa pagtatanong dahil sa labis na pag-aalala. Pero wala akong lakas para sagutin s’ya kaya tanging pag-iling habang humihikbi lang ang naitutugon ko sa kanya.

Dahil sa gamot na pinainom sa akin ni Nanay Elise ay naging kalmado ako. Ngayon ay tulala na lamang ako habang mag-isang nakaupo sa kama ko. May benda ang kamay at kahit wala na ang mga luha sa aking mga mata ay malayo ang nararating nito.

“Nanay, nasaan po s’ya?!” narinig kong boses mula sa labas ng aking kwarto.

Ang boses na iyon. Ang boses na naging musika na sa pandinig ko. Ang boses n’yang nakasanayan ko nang marinig sa araw-araw na nabubuhay ako.

Base sa kanyang tono ay nag-aalala ito. Sigurado akong tinawagan s’ya ni Nanay Elise para maagang makauwi galing sa trabaho. Marahil ay dahil sa pagkataranta ni Nanay Elise ay hiningi na n’ya ang tulong nito.

“Nandoon s’ya sa kwarto, Rigo. Puntahan mo na. Nag-aalala na talaga ako sa kanya.” nadinig ko naman na sagot ni Nanay Elise.

Wala na akong narinig pang pagsagot mula sa taong hinihintay ko. Namalayan ko na lamang na bumukas ang pinto ng aking kwarto. Unti-unti ay nilingon ko ang pintong iyon at bumungad ang imahe ng taong pinakamamahal ko. Humahangos ito at mukhang malayo ang kanyang tinakbo.

Pinagmasdan ko s’ya simula paa hanggang sa madako ang paningin ko sa kanyang mukha. Nagsimula na naman maghalo-halo ang katanungan sa isip ko.

Bukas kaya, makikita ko pa rin kaya ang mukha ng taong ito?

Bukas kaya, mapagmamasdan ko pa rin kaya ang maamo n’yang mukha?

Bukas kaya, nandito pa rin kaya s’yang nakatayo sa harap ko?

Bukas kaya, darating pa rin kaya s’ya tuwing mararamdaman ko ang takot na ito?

“Liam…..” sambit n’ya sa aking pangalan.

Hindi ako nakatugon sa pagtawag n’yang iyon. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Sinimulan n’yang ihakbang ang kanyang mga paa matapos n’yang isara ang pinto. Hanggang sa makarating s’ya sa aking pwesto at umupo sa tabi ko ay tanging pagtitig lang sa kanya ang nagawa ko.

Inangat n’ya ang kanyang kamay upang hawakan ang mukha ko.

“’Wag mo akong hawakan…” walang emosyon kong pagpigil sa kanya.

Rumehistro ang pagkagulat at pagtataka sa kanya. Labis s’yang nabigla sa binitiwan kong salita. Ibinaba n’ya ang kanyang kamay at nagbalik ang pag-aalala sa kanyang mukha.

“Liam…. A-anong nangyari?” tanong n’yang nag-aalala.

Hindi ako nakasagot. Inabala ko ang aking sarili sa pagsuri sa kanyang mukha.

Dahan-dahan ay ibinaba n’ya ang kanyang tingin hanggang sa matagpuan n’ya ang aking kamay na ngayon ay may benda. Marahan n’ya iyong hinawakan at mas doble na ang pag-aalala ngayon sa kanya.

“W-what’s this, Liam? Anong nangyari sa kamay mo?” tanong n’ya.

Hindi ko sinagot ang tanong n’yang iyon. Wala akong luha, wala ring emosyon ang aking mukha nang simulan kong magsalita.

“Rigz…. iiwan mo na ba ako…?” tanong ko sa kanya.

Matapos kong itanong iyon ay muling naipon ang mga luha sa aking mga mata.

“What?!” gulat na gulat na n’ya ngayong tanong sa akin.

“Iiwan mo na ba ako, Rigz…? Aalis ka na ba…? Iiwan mo na ba akong mag-isa…?” sunod-sunod kong tanong sa kanya at hindi ko na nga napigilan ang mga luha kong mag-unahan sa pagdaloy mula sa aking mga mata.

Mabilis n’yang inangat ang kanyang mga palad para punasan ang aking mga luha.

“Liam, ano ba ’to?! Anong klase ba ’yang mga tanong mo?! Saan mo ba nakukuha ’yan?!” natataranta n’yang tanong habang patuloy sa pagpahid ng mga luha ko.

“Sagutin mo ang mga tanong ko, Rigo… Sagutin mo… Iiwan mo na ba ako…?” tanong ko at mas naging malakas na rin ang pag-iyak ko.

Mas lalong nagtaka si Rigo. Ngunit sa halip na makipagtalo sa akin ay dahan-dahan itong kumilos para ikulong ako sa mga bisig nito.

Dahil sa naramdaman ko ang kanyang katawan ay hindi ko napigilan ang yakapin s’ya pabalik sa napakahigpit na paraan.

“’Wag, Rigz…. Pakiusap… ’wag mo akong iwan….” ako na agad ang nakiusap sa kanya habang patuloy na lumuluha.

“Liam….” sambit n’ya lang sa aking pangalan sa malambing n’yang tono.

“P-pakiusap, Rigz… ’Wag kang umalis… ’Wag mo akong iwan…” pagmamakaawa ko na.

Hinaplos n’ya ang likod ko ng marahan.

“Liam, s’yempre, hindi. Hindi kita iiwan.” nag-aalala n’yang sagot.

“M-mangako ka, Rigz… Pakiusap… mangako ka…” pagpupumilit ko na sa kanya.

“Liam, ano ba talagang nangyayari?!” tanong n’ya na namang nagtataka.

“Rigz, pakiusap! Mangako ka….” pag-uulit ko sa aking sinabi at hindi pinansin ang katanungan n’ya.

Ilang segundo s’yang natigilan. Nagbitaw s’ya ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita.

“Okay… I promise, hindi ako aalis. Hindi kita iiwan. At kahit hindi mo na sa akin ipaalala ’yan, matagal na akong nangako na hanggat kailangan mo ako, hindi ako aalis sa tabi mo. Alam mo naman ’yon ’di ba? Lagi ko naman ’yon sinasabi sa’yo ’di ba?” sagot n’ya at paniniguro n’ya.

Hindi na ako nakapagsalita matapos n’yang sabihin ang bagay na iyon. Nagpatuloy na lang ako sa aking pag-iyak. Habang yakap ko rin s’ya ay napahigpit ang pagkakakapit ko sa damit n’ya.

Alam kong naramdaman n’ya ang takot na bumabalot sa pagkatao ko sa mga oras na ito. Alam kong naramdaman n’ya na kailangan ko ang kanyang yakap para mapakalma ako. Kaya naman tinugon n’ya iyon ng mas mahigpit ding yakap habang hinahaplos pa rin ang likod ko.

Maya-maya pa ay nagtanong s’yang muli.

“Liam, tell me, what’s bothering you? Nag-aalala na talaga ako.” tanong n’ya.

Tanging pag-iling lang ng maraming beses ang naisagot ko.

Sa mahabang oras na pagkakatulala ko kanina habang wala s’ya ay nakapagdesisyon na ako. Hindi ko sasabihin sa kanya ang natuklasan ko. Hindi ko ipapaalam sa kanya na nalaman ko na ang kauna-unahang bagay na itinago n’ya sa akin simula nang makilala ko s’ya.

Muling nagbitaw ng malalim na buntong-hininga si Rigo. Alam kong gustong-gusto n’yang malaman kung anong pinagdadaanan ko, pero kahit anong mangyari ay hindi ko sasabihin ito.

Matagal kami sa ganoong posisyon. Patuloy lang akong pinapakalma ng yakap at paghaplos ni Rigo, ako naman ay hindi na napuputol ang mga luhang patuloy sa pagdaloy.

Maharil ay inabot kami ng mahigit isang oras sa tagpong iyon ngunit wala nang namagitang usapan pa sa amin. Nang bahagya akong kumalma ay pinahiga ako ni Rigo sa kanyang dibdib at marahang hinahaplos ang ulo ko. Hindi pa rin s’ya nakakapagpalit ng damit pangtrabaho dahil hindi ko na s’ya binitawan simula nang dumating ito.

Nakapikit ang aking mga mata ngunit nanatiling gising ang aking diwa.

“Liam?” malambing na pagtawag sa akin ni Rigo.

Tuluyan na akong kumalma dahil sa marahang paghaplos nito.

“Tulog ka na ba?” sunod n’yang tanong.

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakapikit habang nakaunan sa kanyang dibdib. Dahil sa may katagalan na kami sa ganoong posisyon ay inakala ni Rigo na natutulog na ako ngayon.

“Wala akong idea sa nangyayari sa’yo, pero sana naman ay mali ang kutob kong may alam ka na sa tinatago ko.” mahina n’yang pagsasalita.

Naikagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang muling pagpatak ng mga luha ko. Mabuti na lang at hindi n’ya ako nakikita dahil nasa ulo ko ang kanyang mukha.

“I’m sorry, Liam. Sorry kung kailangan kong itago ’yon sa’yo. Tulad ng sinabi ko sa’yo noon, kung may itatago man ako sa’yo, may mabigat na dahilan ’yon. Ayaw kitang masaktan at gusto lang kitang protektahan.” paliwanag n’ya sa akin.

Alam ko ’yon. Tandang-tanda ko ang mga salita n’yang iyon.

“Pero, Liam, sana pagkatiwalaan mo ako. Nangako akong hindi bibitaw sa’yo, kaya sana ’wag mo rin bibitawan ang kamay ko. Kakayanin ko ’to, alam kong malalampasan ko ito. Kaya sana, pagkatiwalaan mo lang ako.” sunod n’yang pahayag habang patuloy pa rin s’ya sa paghaplos ng buhok ko.

“Mangako ka rin sana, Liam. Mangako ka rin na hindi mo ako iiwan. Mangako ka rin na hindi ka aalis sa tabi ko. Dahil kung hindi, baka hindi ko rin ’to makayanan.” pakiusap na n’ya ngayon.

“Mahal na mahal kita, Liam. Mahal na mahal kita at hindi rin ako papayag na magkakahiwalay tayong dalawa. Marami na akong isinakripisyo, marami na akong isinantabi para lang sa atin. At hindi-hindi ako papayag na masasayang lang ang lahat ng ’yon dahil sa bagay na ’yon.” mahaba n’yang litanya.

Sa pagkakataong ito ay naabot na n’ya ang puso ko. Pakiramdam ko ay hinahaplos n’ya rin ito sa mga oras na ito.

Tama s’ya. Marami na kaming pinagdaanan. Marami nang pagsubok kaming nalampasan. Kaya dapat ay iyon ang aking maging basehan para patuloy na lumaban.

“Liam, mangako ka. Mangako ka rin sana sa akin na kakapit ka lang. Pagkatiwalaan mo ako. Dahil sinisiguro ko sa’yo, darating ang araw na sabay din tayong ngingiti. Sabay tayong maglalakad na magkahawak ang mga kamay habang taas ang ating mga noo. Mangako ka, please?” pahayag n’ya at pakiusap sa huli.

Hindi ako tumugon. Pero sa likod ng aking isip ay ang mga kasagutan sa sinabi n’yang iyon.

‘Pangako, Rigz. Pangako, magiging matatag ako. Pangako, ikaw lang ang kakapitan ko. Pangako, pagkakatiwalaan kita ng buong puso.’

Matapos ang mga salitang iyon ni Rigo ay naramdaman ko ang pagkilos nito para halikan ako sa ulo.

“Good night, my princess. Magpahinga ka na muna.” una n’yang sambit.

Aaminin ko, sa mga salita n’yang iyon ay nabawasan ang mga alalahanin ko.

“Tandaan, mo, Liam. Mahal kita. Mahal na mahal kita at ’yan sana ang panghawakan mo. Nabubuhay ako para sa’yo. At habang nabubuhay ako, ang pasayahin ka lang ang iniisip ko sa tuwing gigising ako.” huli n’yang mga salita at muli akong hinalikan sa ulo.

Tuluyan nang napawi ang lungkot ko. Tuluyan nang nawala ang takot ko. Naipikit ko ang mga mata ko baon ang mga pangako namin sa isa’t-isa ni Rigo.

‘Salamat, Rigz… Salamat sa’yo, mahal ko… Makakaasa ka, itutuloy ko ang laban na ito. Handa akong masaktan, handa akong mag-ipon ng maraming luha kung kinakailangan. Pero kahit gaano pa karami ang luhang iyon, tutumbasan ko iyon ng katapangan.’

’Yan ang mga salitang binitawan ko bago ako tuluyang makatulog mula sa nakakapagod na kaganapan sa araw na ito.


A/N

Marami pang magaganap. Aaminin ko, mahirap gumawa ng POV ng nawawala sa sarili. Jeske! Sumakit ang ulo ko!

Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa! Salamat po! Maraming salamat po, mga mahal ko!

’Til next chapter na lang po! Mahal ko kayo!

–– cold_deee

chapter 19

A/N

Here’s chapter 19, guys! Enjoy reading!

Shout out kay

ReadersOfGayStory

!! Welcome dito sa NSA! Hahahaha! Gulat ka ’no? Kaway-kaway!

––> si Randy po sa media. Bakit kaya dalawa ang image n’ya? 😁

![](https://img.wattpad.com/e2dbe2ac6eecd5a7db5e669614a57ff16cb3096d/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4369526e6e4b51596f6e477a34673d3d2d3433333738303035312e313463666139666264333765343837353130323632363930313831342e6a7067)

RANDY’s POV

“Ayan, tingala ka naman.” nakangiti kong utos kay Rigo.

Ginawa n’ya naman ang sinabi ko kaya ipinagpatuloy ko nang ahitin ang bagong tubo n’yang balbas. Ginagawa ko ito habang malapad ang pagkakangiti ko.

“Dito pa. May cream pa yata rito.” turo n’ya sa isang bahagi ng kanyang pisngi.

Ginawa ko naman ang utos n’ya at hindi pa rin natatanggal ang masaya kong ekspresyon.

Naririto kami sa banyo at katatapos lang maligo para maghandang pumasok sa kanya-kanyang trabaho. Nakaupo ako sa tabi ng sink habang s’ya naman ay nakatayo sa aking harapan at nasa pagitan ng mga hita ko. Habang inaahitan ko s’ya ay hawak din ng dalawa n’yang kamay ang magkabilang parte ng aking bewang.

Sabay naming ginawa ang pagligo namin kanina. At tulad ng inaasahan, may kababalaghan na naman kaming ginawa habang naliligo. Iyon na siguro ang matatawag naming desert para sa breakfast namin kanina.

“Ayan, tapos na. Maghilamos ka na.” utos ko na ngayon sa kanya dahil tapos na ako sa aking ginagawa.

Nakayuko s’yang naghilamos kaya malaya kong napagmamasdan ngayon ang kanyang likod. Malapad ito at napakaganda ng hubog. Ganoon din ang kanyang mga braso, malalaki kaya hindi s’ya nahihirapang buhatin ako.

Perpekto talaga ang katawan n’ya, maging ang kanyang mukha. Para s’yang si Superman, costume na lang ang kulang.

“Liam, bakit titig na titig ka? Gusto mo pang makaisa?” tanong n’yang nakangisi sa akin matapos n’yang maghilamos. Nahuli pala ako ng baby Rigz ko na nakatitig sa kanya.

Nagbitaw ako ng pagtawa.

“Halika rito, punasan kita.” natatawa kong utos sa kanya.

Hindi naman s’ya nagpakita ng pagtutol. Bumalik s’ya sa aking tapat at nasa pagitan ulit s’ya ng aking mga hita. Mabuti na lang at may kanya-kanya na kaming tapis na towel sa aming pang-ibaba kaya hindi masyadong malaswa.

Sinimulan ko nang punasan ang kanyang mukha sa marahang paraan. Hawak n’ya ring muli ang aking bewang at ilang pulgada lang ang pagitan ng aming mga mukha.

Habang pinupunasan ko s’ya ay hindi ko maiwasang titigan ang gwapong mukha ni Rigo. S’ya naman ay ganoon din, titig na titig rin s’ya sa aking mukhang hindi natatanggal ang ngiti.

“Liam, bakit hindi ka tinutubuan ng balbas kagaya ng sa akin? Makinis ang mukha mo at maputi. Tapos ang lambot pa.” pagpuna n’ya sa akin.

Patuloy pa rin ako sa pagpupunas nang sagutin ko iyon.

“Hindi talaga tinutubuan ng balbas kaming mga babae.” kaswal kong sagot.

Nagulat na lang ako nang bigla itong tumawa ng malakas. Napahinto tuloy ako sa ginagawa kong pagpunas.

“Bakit ka natatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko, Rigo?” nakataas na isang kilay kong pagtatanong sa kanya.

“Wala!” mabilis n’yang sagot pero natatawa pa rin s’ya.

Alam ko naman na nakakatawa talaga ’yon dahil hindi naman ako babae. Pero gusto ko na lang panindigan ’yon kay Rigo, tutal naman ay damang-dama ko iyon dahil prinsesa n’ya ako.

“Halika na rito para matapos na tayo!” utos ko sa kanya.

Bumalik naman s’ya sa aking tapat at pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa kanyang mukha.

Habang pinupunasan ko s’ya ay muli n’ya akong tinitigan. Ilang sandali pa ay nagbago ang kanyang ekspresyon. Nabawasan ang pagkakangiti n’ya at naging malungkot na ang kanyang mga mata. Unti-unti ay inangat n’ya ang kanyang isang kamay para marahang hawakan ang kamay kong ipinangpupunas sa kanyang mukha. Naging dahilan tuloy iyon para itigil ko ang aking ginagawa.

“Masakit pa ba ang kamay mo?” tanong n’ya sa akin sa malungkot na tono.

Natigilan ako ngunit saglit lamang iyon. Nagbalik ako sa pagpupunas sa kanya pero hindi n’ya pa rin binibitawan ang aking kamay.

“Magaling na ’tong kamay ko kaya ’wag ka nang mag-alala d’yan.” nakangiti kong sagot sa kanya.

Hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon nang magtanong s’yang muli.

“Liam, ano ba talagang nangyari? Hanggang ngayon hindi mo pa rin kinekwento ang buong detalye.” pangungulit nito.

“Sabi ko nga sa’yo, nainis lang ako sa isang client na naka-meeting ko sa hotel. Minadali n’ya ako para i-meet s’ya pero wala naman s’yang nagustuhan sa mga proposals ko. Bukod sa hindi na ako nakapagpaalam sa’yo no’n, hindi rin ako nakakain ng lunch at dinner dahil sa kanya. Hindi ko naman s’ya magawang awayin noong mga oras na ’yon dahil client pa rin s’ya. At saka balita ko, anak daw ’yon ng congressman kaya nagtimpi talaga ako. Kaya ayon, ’yung salamin ng kotse ang pinagbalingan ko ng inis ko!” mahaba kong pagsisinungaling sa kanya.

Hindi s’ya nagsalita. Base sa nakikita ko sa kanya ay hindi s’ya naniniwala. Wala akong magagawa sa bagay na iyon dahil kilala na talaga ako ni Rigo. Alam n’ya kung gumagawa lang ako ng kwento at kung nagsasabi ako ng totoo. Pero wala talaga akong balak sabihin sa kanya ang tungkol sa mga nalaman ko.

“Ang arte-arte! Akala mo naman kagandahan! Ang dami pang body guards na bitbit, akala mo naman pagkakaguluhan! E mas marami pa s’yang muscle sa mukha kumpara sa mga body guards n’ya!” dagdag ko pang pagsisinungaling.

Natapos ang pagpupunas ko sa mukha ni Rigo kaya ibinaba ko na ang aking kamay.

Malalim na buntong hininga ang kanyang ginawa bago nakapagbigay ng reaksyon sa mga sinabi ko.

“Sige, hindi muna kita pipilitin magkwento sa ngayon. Basta make sure na bukas o sa susunod na bukas, ikekwento mo na sa akin, okay?” paniniguro nito at mabilis akong binigyan ng halik sa labi.

Tama nga ako, hindi s’ya naniniwala sa palusot ko. Nagsayang na naman ako ng effort sa binuo kong kwento.

“Tara na? Ihahatid muna kita sa hotel bago ako pumasok sa restaurant.” pagyaya na n’ya ngayon sa akin.

Para akong isang batang niyakap ni Rigo para makababa mula sa pagkakaupo sa sink. Diretso na rin kaming nagpunta sa aming aparador na nasa loob ng kwarto para kunin ang mga damit pangtrabaho.

Sa nakalipas na isang linggo mula nang malaman ko ang totoong nangyari sa kanila ni MJ ay pinanatili kong tikom ang bibig ko. Hindi ko hinayaan na makahalata si Rigo o maging si Nanay Elise sa gumugulo sa isip ko. Isinawalang bahala ko ang detalye, pangyayari, maging ang pakiusap ni MJ noong araw na iyon.

Nagpanggap akong walang alam. Nakapagdesisyon din ako na habang-buhay ay magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan.

Naisip kong hindi ko kailangang problemahin ang bagay na iyon dahil may pinanghahawakan ako.

Mahal ako ni Rigo at mas pinili n’ya ako.

Iyon ang mas mahalaga, wala nang iba.

“Halika, Liam. Ako na ang mag-aayos ng necktie mo.” nakangiting paanyaya sa akin ni Rigo.

Hindi ko s’ya tinutulan. Pumwesto ako sa kanyang harapan at humawak sa kanyang bewang.

“Ang bango mo naman.” pagpuri ko sa kanya.

Patuloy pa rin s’ya sa ginagawa n’yang pag-aayos sa aking necktie.

“S’yempre, ayokong may ibang aamuyin ang prinsesa ko kaya dapat lagi akong mabango.” sagot n’yang nakangiti.

“Kahit naman hindi ka magpabango, gusto ko pa rin ang amoy mo. Naaadik ako sa amoy mo.” ganti kong banat sa kanya.

Natawa s’ya. Umepekto ang pagpapakilig ko sa kanya.

“Nilalandi mo na naman ba ako, Liam?” tanong n’yang natatawa.

Natawa rin ako sa sinabi n’yang iyon.

“Hindi ah! Nagsasabi ako ng totoo! Tingnan mo mamaya pag-uwi natin galing trabaho, hahalikan ko pa rin ang buong katawan mo kahit hindi ka pa nakakaligo.” sagot ko sa kanyang natatawa.

Mas lalong lumakas ang pagtawa n’ya. Kinikilig talaga s’ya.

Natapos ang pag-aayos n’ya sa aking necktie ngunit hindi kami umaalis sa aming pwesto. Nanatili kaming nakaharap sa isa’t-isa.

“Nilalandi mo nga ako!” sambit n’ya.

“Hindi nga!” depensa ko.

“E anong tawag mo d’yan sa ginagawa mo?!” tanong n’ya. Namumula na ang pisngi n’ya kahit moreno s’ya. Alam kong umeepekto ang ginagawa kong paglalambing sa kanya.

Inilagay ko ang dalawa kong braso paikot sa kanyang leeg. S’ya naman ay ipinalibot ang mga kamay sa aking bewang. Ilang pulgada lang din ang distansya ng aming mga mukha nang sagutin ko ang tanong n’ya.

“Ang tawag dito, Rigz, lambing. Nilalambing kita.” nakangiti kong sagot sa kanya. “Pa-kiss nga.” pahabol ko pa.

Hindi ko na s’ya hinintay pang makasagot, agad kong inilapat ang aking labi sa malambot n’ya ring labi.

Napapikit kaming pareho habang tinutugunan ang paghalik sa bawat isa. Marahan at damang-dama naming pareho ang nakapaloob dito. Ang pagmamahal at pag-aalaga namin sa isa’t-isa na sinusubok ngayon ng delubyo.

“Tara na?” pagyaya n’ya sa aking nakangiti matapos naming magbitaw sa aming pagkakahalik.

“Mmm…” sagot ko lang ding nakangiti sa kanya habang tumatango.

Naghiwalay kami sa aming pagkakayakap at kinuha na ang aming mga gamit. Lumabas kami ng kwarto kong iyon na magkahawak ang aming mga kamay.

“Nanay, aalis na kami!” masaya kong pagpapaalam kay Nanay Elise at hinalikan s’ya sa noo. Nagpupunas ito ng kanyang mga kamay at katatapos lang din maghugas ng aming mga pinagkainan.

Ganoon din ang ginawa ni Rigo, hinalikan din n’ya ito sa noo.

“Mag-iingat kayo rito, Nanay. Tumawag lang po kayo sa akin kung may problema.” magalang na pagpapaalam ni Rigo.

Ang bait n’ya talaga sa Nanay ko kaya mas lalo ko s’yang minamahal sa aspetong ito.

“O, s’ya. Mag-iingat kayo ha? Tawagan n’yo na lang ako mamaya kung anong gusto n’yong hapunan.” sagot nito sa akin.

Iyon lang ang nangyari at tuluyan na rin kaming umalis ni Rigo.

Habang naglalakad at hanggang sa makasakay kami ng elevator ay hindi napuputol ang masaya naming pag-uusap ni Rigo. Hindi rin namin inaalis ang pagkakahawak ng aming mga kamay at wala kaming pakialam kung may masasalubong man kaming tao.

Sa nakalipas na isang linggo ay ganito na kami ni Rigo. Mas naging malapit kami sa isa’t-isa at mas madalas na kaming nagkakasama. Nangyari ang malaking pagbabagong ito dahil ako na rin mismo ang gumagawa ng paraan. Ako na mismo ang nagbibigay motibo kay Rigo na ’wag s’yang umalis sa tabi ko, na gusto kong lagi s’yang kasama saan man ako magpunta. Inaalam ko na kung anong ginagawa n’ya, anong schedule n’ya at kung saan s’ya pupunta. Lahat ng iyon ay ginagawa ko na ngayon, bagay na hindi ko naman dating ginagawa.

Alam kong nagtataka noong una si Rigo. Ngunit dahil sa ipinapakita kong pagbabago ay alam kong naging napakasaya nito kaya mas pinili n’ya na lang na namnamin ang pagbabago kong iyon.

Malaki na ang nagbago, ngunit lahat ng ginagawa ko ay para sa iisang dahilan.

Hindi ko hahayaang magbago ang isip ni Rigo. Hindi ko hahayaang magkaroon ng pagkakataon ang mga taong pilit na kinukuha sa akin si Rigo. Akin lang si Rigo. Akin lang.

Alam kong mali ito dahil sa malaking suliranin na kinakaharap si Rigo. Alam kong mali ito dahil isang mabubuong pamilya at isang pangarap ang sinisira ko. Pero kung ito ang natitirang paraan para mapagbigyan at mapasaya ko ang sarili ko, babanggain ko ang malalaking pader na iyon. Hindi ko hahayaan na may humadlang sa akin. Hindi ko hahayaan na makuha nila sa akin si Rigo. Dahil alam ko sa sarili ko, hindi ko kakayaning mabuhay kung wala s’ya sa tabi ko.

Isipin na ng ibang makasarili ako. Husgahan na nila ako. Pero tao lang din ako, pareho lang din nila ako. Nagmamahal lang din ako at handang ipaglaban ang pagmamahal ko.

Sa ngayon, ang tangi ko lang magagawa ay maghintay sa tamang pagkakataon para iharap ako ni Rigo sa kanila. Hindi rin ako magbibigay ng dahilan para magbago ang isip n’ya. Hihintayin ko ang tamang oras na sasabihin n’ya sa kanilang ako ang pinili n’ya. Hindi ko s’ya mamadaliin dahil alam kong nahihirapan din s’ya.

Dapat ay ako lang, ako lang sa huli ang pipiliin n’ya at wala ng iba.

“Rigz, tatawagan kita mamaya ha? Sagutin mo ang tawag ko, okay?” tanong ko habang may hinahanap dito sa loob ng aking kotse.

Abala s’ya sa pagmamaneho at ihahatid na n’ya ako sa hotel kung saan ako ngayon nakadestino.

Hindi n’ya sinagot ang tanong kong iyon.

“Liam, ano bang hinahanap mo d’yan?” nagtataka n’yang tanong habang abala pa rin sa pagmamaneho. Napansin n’ya pala ang kalikutan ko.

“’Yung chocolate na binigay ni Tom sa akin noong isang araw.” sagot kong hindi s’ya nililingon.

“’Wag mo nang hanapin. Inalis ko na ’yon dito. Sinabi ko nang bawal ’yon sa’yo, ’di ba? Pinagsabihan ko na rin si Tom na dapat hindi ka binibigyan ng gano’n. Sinabihan ko na rin sila ni Xander na kung may balak silang magkape o mag-inom, ’wag ka na munang isama. Okay lang ang paminsan-minsan, pero hindi pwedeng araw-arawin. Ilang beses ko nang sinabi ’yan sa’yo? Kailangan ba maya’t-maya kita pinagsasabihan?” mahaba n’yang sermon sa seryosong tono.

“Alam kong tinago mo ang chocolate na ’yon. Pero may naitabi pa akong isa rito.” sagot ko sa kanya. “Ayun!” sambit kong bigla nang makita ko ang pinakatatago kong nag-iisang pakete ng tsokolate. Umayos na rin ako ng pagkakaupo.

Akmang bubuksan ko na ito ay nagulat ako nang hablutin ito sa akin ni Rigo.

“Rigz!” pagmamaktol ko.

“No!” sagot n’yang madiin at inilagay iyon sa bulsa n’ya. Abala pa rin s’ya sa pagmamaneho.

“Isa lang ’yon! Alam mong paborito ko ’yon, ’di ba?” reklamo ko pa rin.

“I said, no! Nakadalawa ka na kahapon. Nagiging hyper ka na naman. Akala mo rin ba hindi ko alam na nagkape ka sa hotel kahapon noong nasa meeting kayo? ’Wag matigas ang ulo mo, Liam. Sinabi nang bawal, ’di ba? Mahirap bang intindihin ’yon?” pakikipagtalo n’ya pa rin.

Hindi ako nakaimik. Alam n’ya talaga ang lahat ng galaw ko.

Alam ko ang mga bawal sa akin tulad ng too much sugar, alcohol, high-sodium foods, caffeine at marami pang iba. Ipinayo iyon sa akin ng Psychiatrist ko dahil hindi raw iyon nakakatulong sa mga kagaya kong pasyente na sumasailalim sa malalang anxiety at depression. Pero sa tuwing stressed ako ay hindi ko maiwasan ang mga ito lalo na kung nasa harapan ko na ito. Pakiramdam ko ay napapawi ang stress ko dahil doon.

Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko, nanatili lang akong nakatitig kay Rigo. Aaminin ko, sa nagdaang mga araw ay malaki ang nagiging epekto sa akin kahit ng mga simpleng bagay lang. Pakiramdam ko ay inagaw na ang lahat sa akin sa tuwing may kagustuhan akong hindi ko nakukuha. Nagiging mabigat ang dibdib ko. Gusto ko mang iwasan ang ganitong pakiramdam ay hindi sumasang-ayon ang isip ko. Nagingibabaw ang lungkot ko.

“Rigz….” mangiyak-ngiyak ko nang pakiusap sa kanya.

Hindi s’ya nagsalita. Nanatili ang kanyang mga mata sa harapan at patuloy na nagmamaneho.

Alam kong mali ang nararamdaman kong ito, alam kong may mali sa akin nitong nagdaang linggo. Pero kahit anong iwas ko sa pakiramdam na ito ay pilit ako nitong minumulto.

Katahimikan ang namayani sa loob ng kotse. Ngunit makalipas ang katahimikang iyon ay nasaksihan ko ang paghinga ng malalim ni Rigo. Kasunod nito ay dahan-dahan nitong kinuha ang tsokolate sa kanyang bulsa at iniabot sa kamay ko.

“Hatiin mo ’yan, ibigay mo sa akin ang kalahati. Hindi ka pwedeng mapasobra d’yan.” pagsuko n’ya kasunod ng panibagong buntong hininga.

Mabilis na nagbago ang pakiramdam ko. Halos mapatalon ako sa saya dahil sa desisyong iyon ni Rigo.

“Thank you, Rigz!” hindi ko naiwasang mapasigaw sa tuwa. Mabilis ko rin na inilapit ang aking sarili kay Rigo para halikan s’ya sa pisngi.

Hindi s’ya tumugon, nanatiling seryoso ang kanyang ekspresyon. Ngunit kahit gano’n ang nakikita ko kay Rigo ay isinawalang bahala ko ito. Mas nangingibabaw ang saya ko dahil nasa kamay ko na ang tsokolateng inaasam ko.

Habang binubuksan ko ito ay seryosong nagsalita si Rigo.

“Liam, masaya ako ’pag nakikita kitang ganyan, ’pag nakikita kitang masaya. Pero hindi ko maiwasang mag-alala. Ibang-iba ka talaga nitong mga nagdaang araw, sa totoo lang.” malungkot n’yang pagsasalita.

“’Wag mo akong intindihin. Okay lang ako, Rigz.” sagot ko habang nakangiti akong binubuksan ang tsokolate.

“Parang may mali e.” pagpuna n’ya.

Tuluyan ko nang nabuksan ang tsokolate. Nakangiti pa rin ako lalo na nang makain ko ang isang parte nito.

“O, ayan. ’Yan ang share mo.” wika ko at isinubo sa kanya ang isang parte naman ng tsokolate.

Hindi ko na sinagot ang huli n’yang sinabi. Hindi ko rin maamin sa kanya na kahit ako ay napapansin ang mga pagbabago sa sarili ko. Madali akong mapasaya, pero madali rin akong nakakaramdam ng lungkot kahit sa maliliit na bagay lang sa paligid ko. Kung wala lang siguro si Rigo sa tabi ko ay malulunod ako sa pabago-bagong nararamdaman ko.

“Paano? Tatawagan kita mamaya ha?” pagpapaalam ko kay Rigo nang makarating kami ng hotel. Naririto pa rin kami sa loob ng kotse.

Tumango s’ya habang nakangiti.

“Mag-iingat ka ha? I’ll pick you up later, okay?” paniniguro n’ya.

Tumango rin ako pabalik. Hindi na rin ako naghintay pa na s’ya ang lumapit sa akin. Ako na mismo ang lumapit sa kanya para bigyan s’ya ng halik sa labi bilang pagpapaalam.

“Ingat pagdrive!” nakangiti kong paalala.

Tumango s’ya habang maluwag ang pagkakangiti bilang pagtugon. Iyon lang at lumabas na rin ako ng kotse para pumasok sa hotel na aking pinapasukan.

Hindi napuputol ang aking ngiti habang naglalakad patungo sa elevator ng hotel. Nasa pinakataas pa ang aking opisina ganoon din ang opisina ng mag-asawang Xander at Tom na nagmamay-ari nito.

Nakasabayan ko ang ilang mga empleyado sa elevator at lahat ay binati ako.

“Good morning.” nakangiti ko rin na bati sa kanila.

Ang ilan ay nagulat, ang ilan naman ay nagtaka. Sa ilang taong pagtatrabaho ko rito ay bibihira ko naman kasi tugunin ang mga pagbati nilang iyon. Sa napakaraming empleyado ng malaking hotel na ito ay kilala na akong suplado at istrikto, kaya hindi ko masisisi kung ganito ang maging reaksyon nila.

Nang maubos ang mga sasakay sa elevator ay isang empleyado na rin ang nagsara ng pinto.

“Thank you.” pagpapasalamat ko sa empleyadong iyon dahil pinindot na rin n’ya ang numero ng palapag kung saan ang opisina ko.

“Y-you’re welcome, S-sir…” kinakabahan nitong sagot.

Gusto kong matawa sa kanya dahil halatang takot na takot s’ya sa akin. Marahil ay naisip n’yang pindutin ang numero kung saan ang opisina ko para maiwasan na banggain ko ang mukha n’ya ng aking braso dahil s’ya ang nakapwesto roon. Ganyan sila kung katakutan ako.

Katahimikan ang bumalot sa loob ng elevator habang umaakyat ito. Lahat ay nakikiramdam lalo na at kasama nila ako rito.

Pinagmamasdan ko silang lahat dito gamit ang pintuan ng elevator na gawa sa salamin. Hindi ko maiwasang matawa sa likod ng aking isip dahil lahat sila ay nakayuko.

Ilang saglit pa ay ang sariling repleksyon ko naman ang nakita ko. Ngunit nang tuluyan kong makita ang aking sarili sa salamin ay nagbalik ang nakakatakot na pakiramdam ko. Nawala ang pagkakangiti ko at napalitan ito ng panlalaki ng mga mata ko.

Naririto na naman s’ya. Naririto na naman ang aking repleksyon na hindi sumusunod sa bawat pagkilos ko. Nakikita ko na naman s’ya ngayon at nakangising nakatitig sa mga mata ko.

“’W-wag ngayon….” nanginginig ang boses kong pagsasalita.

“P-po?” tanong naman ng empleyadong nasa aking harap dahil sa pag-aakalang s’ya ang aking kinakausap.

Mabilis akong yumuko tulad ng mga empleyadong naririto.

“E-excuse me.” pasintabi ko sa mga empleyadong nasa harap ko.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, mabilis akong kumilos at pinindot ang buton para huminto sa susunod na palapag nitong hotel.

“Anong nangyari kay Sir? Bakit lumabas agad? ’Di ba sa taas pa ang office n’ya?” narinig kong tanong ng isang empleyado pagkalabas ko ng elevator.

Nagmamadali akong tinungo ang hagdan nitong hotel. Ilang palapag pa ang kailangan kong lampasan para makarating ng aking opisina. Alam kong nakakapagod, pero dahil sa tinatakasan ko ay hindi ko na iniisip ang pagod na mararamdaman ko maya-maya lamang.

Isa rin ito sa nagbago sa nakalipas na isang linggo. Walang araw na lumipas na hindi nagpapakita ang isa kong katauhan sa tuwing may makakaharap akong salamin. Lagi n’ya akong sinusundan at pilit s’yang nakikipag-usap sa akin. Kaya sa bawat pagkakataon na nakakaharap ko s’ya ay wala akong ginawa kundi ang iwasan s’ya.

Ayoko. Ayoko s’yang kausapin. Natatakot ako. Takot na takot akong muli s’yang sagutin dahil baka maulit na naman ang nangyari sa akin noong isang linggo.

Simula nang araw na iyon, lagi na s’yang nagmamasid at lagi s’yang nagbabantay sa bawat pagkilos ko. Pilit ko mang iwasan ang kanyang presensya ay lagi itong nakasunod na parang aking anino.

Malaki ang bawat paghakbang ko at mabilis ang tibok ng puso ko. Naghalo na ang pagod at takot sa dibdib ko. Masyadong mataas ang inakyat ko hanggang sa makarating ako ng palapag kung nasaan ang opisina ko.

“Good morning, Sir.” bati sa akin ni Mijie na receptionist ng aming office.

Hindi ko s’ya tinugon. Mabilis akong pumasok sa opisina at isinara ang pinto. Hinawakan ko ang aking dibdib at napasandal ako sa likod ng pintuang iyon.

“Kalma, Randy. Wala na s’ya. Wala na s’ya.” pagkumbinsi ko sa aking sarili.

Nasa likod lang ako ng pintuan kong iyon habang hingal na hingal dahil sa nangyari. Habang nakasandal ay inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking opisina. Bahagya akong nakaramdam ng kaginhawaan dahil wala na akong salamin na nakikita sa mga oras na ito.

Wala akong pinagsabihan kahit na sino. Hindi ako humingi ng tulong kahit kanino nang baguhin ko ang pagkakaayos ng opisina ko. Lahat ng salamin ay tinanggal ko para makaiwas sa isa kong pagkataong pilit na sinusundan ako.

Ilang minuto pa ako sa posisyong iyon hanggang sa unti-unti akong kumilos patungo sa aking swivel chair.

Gusto ko s’yang makausap. Gusto kong marinig ang boses n’ya para tuluyan na akong kumalma.

Nanginginig ang aking mga kamay na kinuha ang aking telepono sa aking bulsa. Saglit lamang ang hinintay ko nang marinig ko ang pagsagot n’ya.

“Hello, my dear princess?” malambing n’yang pagsagot sa tawag ko.

Napapikit ako at napayuko sa aking mesa.

“H-hello, Rigz..? Nasaan ka na?” pagtatanong kong nauutal.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Kailangan kong mag-isip ng paraan para mapahaba ang aming usapan hanggang sa kumalma ako.

“Kalalabas ko lang ng kotse. Papasok na ako ng restaurant.” masaya nitong sagot.

“A-ahh… Good.” sagot ko sa kanya. Mahinahon ngunit puno ng kaba.

Natigilan s’ya sa kabilang linya. Alam kong kahit hindi kami magkasama ay nakaramdam ito ng pagkabahala.

“Hey, Liam, are you okay? Bakit parang nauutal ka? May problema ba? Tell me.” sunod-sunod nitong pagtatanong sa nag-aalalang tono.

Sa wakas ay napangiti ako dahil sa mga katanungan n’yang iyon. Naramdaman ko rin na bahagyang bumabagal na ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

“Wala naman. Gusto ko lang malaman kung nakarating ka ng safe d’yan.” sagot ko sa kanya.

Narinig ko ang kanyang pagtawa. At sa pagtawa n’yang iyon ay unti-unti nang bumabalik sa normal ang paghinga ko.

“Liam, baka naman masanay ako n’yan? You know that this is not usual. ’Yung ikaw pa ang tatawag sa akin para kamustahin ako, ’yung tatanungin mo ako kung anong ginagawa ko at kung sinong kasama ko?” pagpuna n’yang natatawa.

“Ayaw mo ba?” tanong ko pabalik habang may tipid na ngiti.

“S’yempre gusto ko! It’s just that, baka hanap-hanapin ko?!” mabilis n’yang sagot.

Nagbitaw ako ng mahinang pagtawa.

“Pwes, masanay ka na. Kasi mabibingi ka na sa akin simula ngayon. Maiinis ka na sa kakulitan ko ngayon.” wika ko sa malambing kong tono.

Mas lalo s’yang natawa. Siguro ay nakapasok na s’ya sa restaurant dahil naririnig ko na ang mga pagbati sa kanya ng mga empleyado roon. Iniisip ko na ang hitsura ni Rigo ngayon, siguro ay malapad ang pagkakangiti n’ya habang nakadikit sa kanyang tenga ang kanyang telepono.

Kailangan ko pa ng ilang minuto para tuluyan akong kumalma. Kailangan ko pang magbukas ng ibang mapag-uusapan naming dalawa.

“Rigz…” pagtawag ko sa kanyang pangalan.

“Hhhhmmm?” sagot n’yang malambing.

“Nasaan ka na?” tanong kong muli.

Muli s’yang natawa.

“Nandito na sa office.” una n’yang sagot at saglit na tumigil. “ Teka, Liam? Baka naman pati pagpunta ko sa CR ipaalam ko na sa’yo n’yan?“ sunod n’yang pagpuna.

“Pwede ba?” tanong ko pabalik.

Mas lalo s’yang natawa. Sa wakas ay nararamdaman kong maayos na ang paghinga ko, sa wakas ay ramdam kong kalmado na ako dahil sa pakikipag-usap ko kay Rigo.

Si Rigo lang talaga ang kailangan ko. S’ya ang gamot ko.

“Pati pagbaba ko sa zipper ng pantalon ko? Ire-report ko rin ba ’yon sa’yo?” natatawa n’yang paniniguro.

“Oo. Tapos ikwento mo na rin sa akin ang hitsura ni Jaime para ma-imagine ko.” pilyo kong sagot sa kanya na tinutukoy ang dakilang yaman n’ya.

Mas lalong lumakas ang kanyang pagtawa. Masarap sa pakiramdam na napapasaya ko si Rigo sa mga simpleng kapilyuhan ko.

“Hindi mo na s’ya kailangan pang i-describe. Kilalang-kilala mo na s’ya. Close nga kayo ’di ba?” pagpatol n’ya sa kapilyuhan ko.

Sa wakas ay nagawa ko nang tumawa.

“Sobrang close! Nami-miss ko na nga s’ya e.” hindi pa rin ako natigil sa pakikipaglaro kay Rigo.

“Kanina lang kayo nagkausap ’di ba? Miss mo na agad?” si Rigo.

“Masaya kasi ako ’pag nakikita ko s’ya, lalo na ’pag nararamdaman ko s’ya.” paglalandi ko.

Pinakalma n’ya muna ang kanyang sarili mula sa malakas na pagtawa bago s’ya nakapagtanong ulit.

“Teka, sino bang mas importante sa’yo? Si Rigo o si Jaime?” tanong n’ya sa akin.

“Pareho.” tipid kong sagot.

“Isa lang ang piliin mo.” utos n’ya sa akin.

“Bakit? Puputulin mo na ba si Jaime?!” kunwari ay nagugulat ako.

Nagbalik sa malakas na pagtawa si Rigo. Ang sarap sa tenga ng tawa n’ya. Pakiramdam ko ay isa itong musika sa aking pandinig.

“Nakakatakot naman ’yang tanong mo, Liam! ’Wag gano’n! Mawawalan na ako ng ipagmamalaki ’pag pinutol ko si Jaime!” tawang-tawa n’yang litanya.

“Kaya nga ’wag mo na akong papiliin. Importante kayong dalawa sa akin.” sagot kong nakangiti.

Hindi na nakasagot sa sinabi kong iyon si Rigo. Kahit hindi ko s’ya nakikita, alam kong masayang-masaya s’ya sa binitiwan kong mga salita.

“Liam…” malambing n’yang pagtawag sa aking pangalan.

“Yes, Rigz?” sagot ko rin sa malambing na tono.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago muling nagsalita.

“Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napapasaya nitong nagdaang linggo.” sambit n’ya.

Hindi ako nakapagsalita. Lumapad ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi n’yang iyon. Pakiramdam ko ay may nagliliparang mga paro-paro sa sikmura ko.

“Sana hindi ka magbago. Kasi sobrang napapasaya mo ako.” pakiusap n’ya ngayon.

Tulad n’ya, ilang segundo rin akong hindi nakapagsalita. Ninamnam ko muna ang kanyang mga sinabi.

“Rigz, ayokong mangako. Pero sisiguraduhin kong sa bawat araw na darating, mas pasasayahin pa kita. Kasi sa bawat pagkakataon na naririnig ko ang tawa mo, napapanatag ako, mas nagiging masaya rin ako.” mahaba kong litanya.

Hindi s’ya nakaimik sa kabilang linya.

“Natahimik ka, Rigz? Kinikilig ka ba sa mga sinabi ko?” tanong ko.

“U-uhhmm.. Oo.” tipid at nauutal n’yang sagot.

“Bakit parang hindi ka sigurado?” tanong ko.

“Hindi naman sa gano’n. Ang totoo, sa sobrang saya ko dahil sa mga sinabi mo, para akong highschool student dito na kinikilig.” tila nahihiya n’yang sagot.

Doon ay hindi ko na naman napigilan ang matawa ng malakas. Habang tumatagal nagiging cute sa paningin ko ang baby Rigz ko.

“O sige na, magtrabaho ka na d’yan. Tatawagan na lang ulit kita mamaya.” pagpapaalam kong natatawa.

“Uhm… Sige. Ako na lang din ang tatawag kung may oras ako. Wala ka naman naka-schedule na meeting ngayon, ’di ba?” tanong n’ya.

“Oo, wala naman. Maghapon lang ako dito sa opisina para sa review ng stocks.” sagot ko.

“O, sige na. Magsisimula na rin akong magtrabaho. Miss na agad kita, alam mo ba? I’ll talk to you later. I love you, Liam.” paalam n’ya at mabilis na ibinaba ang linya.

Napangiti ako. Ibinaba ko mula sa aking tenga ang aking telepono at tinitigan ang screen nito.

“I love you too.” sagot kong mahina habang nakangiti sa picture ni Rigo na wallpaper ng cellphone ko.

Nagsimula na akong magtrabaho. Inabala ko ang aking sarili para iwaksi ang aking isip sa bumubulabog dito.

Hindi ako magpapatalo. Lalaban ako. Multuhin man ako ng isang nakakatakot na katotohanan ay hinding-hindi ko hahayaan na madaig ako nito.

Ako si Randy Liam de Torres, ang kilalang pinakamatapang at pinakamatatag na tao. Hinding-hindi ako papayag na may sisira sa pagkatao ko. Kahit ano, kahit pa sino.

Lumipas ang mga oras at walang humpay ako sa ginagawa kong pagtatrabaho. Nakatanggap ako ng tawag mula sa receptionist na wala raw ngayon ang mag-asawang Xander at Tom dahil may inaasikaso raw silang mga papeles para makalabas ng bansa. Napangiti ako nang matanggap ko ang tawag na iyon. Naalala kong nalalapit na rin pala ang panganganak ng kinuha nilang surrogate mother para sa magiging bunso nila ni Tom.

Mabuti pa sila. Mas maliit ang panahon simula nang magkakilala sila kumpara sa tagal ng panahon na magkasama kami ni Rigo. Pero heto sila, kasal na at may masayang pamilya. Masaya ako para sa kanila, ngunit paminsan-minsan ay nakakaramdam ako ng inggit sa kanilang dalawa.

Malapit na maglunch nang makatanggap ako ng text mula kay Rigo. Nakangiti kong binuksan ang mensahe n’yang iyon.

’Liam, baka hindi kita matawagan. May reservation kami at malaking group ito. I’ll just make a call after ng reservation. Maglunch ka na, okay? And please, ‘yung healthy ang kainin mo. Kuhanan mo ng picture at ipadala mo sa akin.’

mahabang mensahe sa akin nito.

Nang mabasa ko ang mensaheng iyon ay parang naguho ang mundo ko. Maliit na bagay pero parang isa na ito sa pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko.

Nawala ang pagkakangiti ko. Nanatili lamang akong nakatitig sa aking telepono.

“Busy lang s’ya, Randy. Intindihin mo na lang.” malungkot kong pagkausap sa aking sarili.

Paulit-ulit kong kinakausap ang sarili ko. Pilit kong kinukumbinsi na natural lang ito at dati naman na itong nangyayari kaya dapat ay hindi ako makaramdam ng lungkot.

“Ang sabihin mo, busy si Rigo dahil may kailangan s’yang kausapin ngayong lunch. Baka naman may kakausapin s’yang tao para paalalahanan na kailangan n’yang kumain ng masusustansyang pagkain?”

narinig kong isang boses malapit sa akin.

Mabilis akong kumilos para hanapin kung saan nagmumula ang boses na iyon. Nanlalaki ang aking mga mata habang inililibot ang aking paningin sa buong opisina. Ngunit nagbalik ang kaba sa dibdib ko nang mapagtanto kong nag-iisa pa rin ako ngayon dito.

Nandito na naman s’ya. Naririto na naman ang taong gumagaya sa katauhan ko maging sa boses ko.

Hindi ko s’ya tinugon. Hindi ako dapat na magpatalo sa kanya. Hindi ko s’ya kakausapin. Baka lalo n’ya pa itong ikatuwa.

Muli kong ibinalik ang aking sarili sa pagtatrabaho sa harap ng computer. Pero nang iangat ko ang aking kamay para magtipa sa keyboard ay napansin kong nanginginig na naman ito.

“Siguro sasabihan ni Rigo ang taong ’yon na kumain ng masusustansyang pagkain? Kailangan ’yon sa nagbubuntis, ’di ba? Dapat healthy ang kinakain ng taong nagbubuntis. Kailangan ipaalala ni Rigo ’yon kay MJ dahil dinadala n’ya ang ANAK nila ni Rigo.”

pagsasalita pa rin nito at narinig ko pa ang kanyang malakas na pagtawa. Ang pagtawa na kapareho ng sa akin.

Hindi ko pa rin s’ya pinansin. Pero ang kabang nararamdaman ko kanina ay nagbalik sa dibdib ko. Naging mabilis na naman ang tibok ng puso ko.

Sinubukan ko ang lahat para hindi magpakita ng pagkaapekto. Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili na guni-guni lamang ang lahat, walang katotohanan ang mga naririnig ko.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang gumagaya sa boses ko.

“Sabay silang magla-lunch. Sunod naman, pupunta sila ng ospital para sa check-up ng baby nila. Ang ganda siguro nilang tingnan ’no? Isang buong pamilya. Ano sa tingin mo, Randy?”

tanong nito sa akin.

Napapikit ako at hindi ko na naituloy ang ginagawa ko. Naikagat ko ang ibabang labi ko dahil pumasok sa isip ko ang senaryong iyon, ang magkasama si Rigo at si MJ habang nakangiting pareho. Magkahawak ang mga kamay habang papasok sa isang klinika para sa check-up ni MJ.

Parang libo-libong karayon ang ngayon ay paulit-ulit na tumutusok sa puso ko. Mabigat ang pakiramdam ko ngunit ginagawa ko ang lahat para hindi lumuha sa mga oras na ito.

Tinakpan ko ang aking tenga para hindi ko na muli pang marinig ang pilit na gumagaya sa boses ko.

“Hindi ako makikinig! Wala akong naririnig!” madiin kong pagsasalita.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa ganoong posisyon. Ngunit natigilan ako nang biglang bukas ang pinto ng aking opisina at niluwa nito ang receptionist namin na si Mijie. May hawak itong mga envelope at mukhang ibibigay iyon sa akin.

Nasaksihan  ko kung paano gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha.

“Sir? A-ano po bang nangyayari? B-bakit ganyan ang hitsura n’yo?” tanong nitong nag-aalala.

Hindi ako makasagot. Alam kong kapag nagsalita ako ngayon ay hindi ko maitatago ang panginginig ng boses ko.

“Sir? May problema po ba?” tanong n’yang muli habang humahakbang papalapit sa akin.

Umiling ako ng maraming beses at alam kong nanlalaki na ngayon ang mga mata ko. Hindi ko pa rin magawang ibuka ang aking bibig.

“Namumutla po kayo. Masama po ba ang pakiramdam n’yo? Gusto n’yo po bang pumunta sa clinic natin dito? Sasamahan po kita.” mas nag-aalala na nitong pakikipag-usap sa akin.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko.

“C-clinic?” sa wakas ay nagawa kong makapagsalita.

Nakatitig lang sa akin si Mijie. Hindi ko alam kung gaano katagal iyon. Ngunit halos mapaatras ako nang magbago ang ekspresyon nito. Mula sa nag-aalala nitong ekspresyon ay ngumisi s’ya at itinaas ang isang kilay n’ya.

“Oo, sa clinic nga, Sir Randy. Pupunta tayo sa clinic kung saan magpupunta rin sina MJ at Rigo para sa check-up ng baby nila. Gusto mo bang sumama?” nakangisi nitong tanong sa akin.

Umiling ako ng maraming beses.

Mas lalong lumapad ang pagkakangisi ni Mijie. Mas lalo pa akong nagulat nang unti-unti nitong ilapit ang kanyang sarili para magpantay ang aming mga mukha. Mabuti na lang at nasa pagitan namin ang aking table kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para umatras.

“Ayaw mo ba no’n, Sir Randy? Makikita mo ang development ng magiging anak nila. Masasaksihan mo kung gaano kasaya si Rigo dahil magkaka-baby na s’ya. ’Di ba ’yon naman talaga ang gusto n’ya simula pa noon? Pagkakataon mo na ’to para makita kung gaano kasaya si Rigo.” pagpapatuloy n’ya pa.

“Ayoko!!! Hindi ako papayag!!” hindi ko napigilang sigawan s’ya.

Matapos kong isigaw iyon ay muling nagbago ang ekspresyon ni Mijie. Napalitan ito ng takot at nakikita kong naiiyak na s’ya sa mga oras na ito.

“S-sir… A-ano po bang nangyayari sa inyo..? Tinatanong ko lang po kung gusto n’yong magpatingin sa doktor natin dito sa hotel… Gusto ko rin po sanang hawakan ang leeg n’yo para tingnan kung may sakit kayo…” nagbalik ang pag-aalala n’yang paliwanag.

Natulala ako sa naging pagsagot n’ya.

Guni-guni.

Bakit kahit ang ibang tao ay nagbabago na rin ngayon sa paningin ko? Ano na bang nangyayari?

Halo-halo ang nararamdaman ko. Galit, pagkapahiya dahil sa ginawa ko kay Mijie, at takot dahil tila ba lumalala ang nararanasan ko. Nanginginig na naman ang buong katawan ko at nahihirapan na naman akong huminga sa mga oras na ito.

“S-sorry, Mijie. Sorry… Sorry…” paulit-ulit kong paghingi ng tawad kay Mijie.

Hindi s’ya nakatugon. Bakas sa kanya ang labis na takot dahil sa ginawa kong pagsigaw sa kanya.

Dahil sa labis na hiya at takot na ngayon ay nararamdaman ko, mabilis kong ikinilos ang katawan ko. Kinuha ko ang aking mga gamit at lumabas ng opisina kong iyon. Dire-diretso akong lumabas at halos takbuhin ko ang pasilyo pati na rin ang mga hagdan para makalabas ng hotel.

Hindi ko alam ang gagawin ko, gulong-gulo ang isip ko dahil sa mga negatibong bagay na ngayon ay naglalaro sa utak ko.

Sa dami ng tumatakbo sa aking isip ay may isang desisyon akong nabuo. Kailangan kong makumpirma kung may katotohanan ang mga negatibong bagay na nagpapakita sa akin. Kailangan kong malaman kung ito ba ay imahinasyon lamang o isang katotohanan.

Mabilis akong kumuha ng taxi nang makalabas ako ng hotel. Hinihingal ako dahil sa mabilis kong paglalakad. Sinasabayan pa ito ng mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa takot na ngayon ay namamayani sa loob ko.

Habang sakay ng taxi ay kagat ko ang dulo ng isang daliri ko.

“Manong, bilisan mo naman!” halos bulyaw ko na sa taxi driver.

“Sir, mabilis na po ito tulad ng sinabi n’yo. Kung mas bibilisan ko pa po, baka maaksidente na tayo.” mahinahong sagot sa akin ng driver.

Nang tingnan ko ang cluster ng taxi ay nakita kong mabilis na nga ang ginagawang pagmamaneho ng driver.

Pero bakit sa paningin ko ay napakabagal ng takbo nito?

Naitakip ko ang aking mga palad sa aking mukha at napayuko ako. Pinili ko na lamang na pumikit at sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.

“Nandito na po tayo, Sir.” wika ng driver nang huminto ito.

Doon ko lamang inangat ang paningin ko. Kinuha ko ang pera sa aking wallet at iniabot iyon sa driver. Hindi ko na inabala pang kunin ang aking sukli at mabilis din akong lumabas ng taxi.

Nagmamadali akong naglakad papasok sa lugar kung saan umaasa akong naroroon s’ya. Kasabay ng mabilis kong mga paghakbang ay ang taimtim kong dasal na sana ay kasinungalingan ang mga pangitain sa akin kanina.

“Sir Randy? Anong ginagawa mo rito? ’Di ba sa hotel ka dapat ngayon naka-assign?” gulat na gulat na pagsalubong ni Karen, ang manager ng restaurant namin dito sa Taguig.

Hindi ko s’ya pinansin. Dire-diretso ako sa lugar kung saan ko dapat na matagpuan ang pakay ko. Marami ang customers sa mga oras na ito ngunit dinaanan ko lamang sila gano’n din ang mga empleyado namin na abalang-abala sa pagtatrabaho.

Nang makarating ako sa isang estasyon ng restaurant ay dire-diretso kong pinasok ang pinto nito.

“Follow up, table four!! Nasaan na ang main course no’n?! Pantry, ilang minutes pa ba ’yan?! ’Yung salad din ng table sixteen, pakilabas na ’yan! Pakibilisan n’yo dahil marami nang pending dito!” sunod-sunod nitong pagsigaw sa aming kitchen staff.

Natigilan ako. Nasa likod n’ya ako at pinapanood s’ya sa mga oras na ito na abalang-abala sa pagtatrabaho.

Kung gano’n nandito s’ya. Hindi s’ya umalis kasama si MJ para magpacheck-up ng baby nila. Ibig sabihin ay walang katotohanan ang pangitain sa akin kanina.

“Chef, Scottish Pan Fried Beef, out!” sigaw ng isang kitchen staff at inabot iyon kay Rigo.

Kinuha iyon ni Rigo at tinikman ang sauce na nasa ibabaw nito.

“Good job, Kino!” pagpuri ni Rigo sa staff habang tiningtingnan ang presentation ng pagkaing iyon.

Nanatili lang akong nanonood mula sa kanyang likuran. Matapos tingnan ni Rigo ang pagkaing iyon ay tumalikod ito at halos mapaatras nang makita n’ya ako.

“Liam? A-anong ginagawa mo rito? Ginulat mo naman ako!” reaksyon n’ya habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

“Sandali, ilalabas ko lang ’to.” paalam n’ya sa akin para ibigay ang hawak n’yang pagkain sa waitress.

Ilang segundo lamang ay nakabalik din si Rigo at tumayo sa harap ko.

“Are you okay? May problema ba? Bakit biglang napasugod ka? At saka bakit parang namumutla ka? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod nitong tanong sa nag-aalalang tono.

Hindi ko alam ang isasagot ko, ang tanging nagawa ko lamang ay umiling na tila alanganin.

Tinitigan lang ako ni Rigo. Nakikita kong sinusuri n’ya ang aking mukha at mas gumuhit ang pag-aalala n’ya habang nakatingin sa mga mata ko.

Maya-maya pa ay marahan n’ya akong hinawakan sa magkabilang braso.

“Hintayin mo ako sa office. Pupuntahan kita, okay? Saglit lang ’to. Tatawagin ko lang si Karen para pumalit sa akin dito.” utos nito sa mahinahong paraan.

Muli ay hindi ako nakasagot. Tanging marahang pagtango lang ang ginawa ko at inihakbang na ang mga paa ko palabas ng kitchen station.

Nakarating ako ng office ng restaurant at nanatiling tulala. Iniisip ang mga kaganapan kanina at naguguluhan pa rin ako sa mga oras na ito dahil sa mga naranasan ko. Sapo ko ang aking ulo habang nakatayo. Pakiramdam ko ay sumasakit ito at nagsisimula na naman magsalita ang gumagaya sa boses ko.

“Masyado ka naman nagmadali, Randy. Mamaya pa sila pupunta ni Rigo sa ospital para sa check-up ni MJ. Mamaya siguro ’pag wala ka na rito?”

wika nito at nasundan na naman ng malutong na pagtawa ito.

“Hindi… Hindi pwede…” mahina kong pagsagot dito.

Gusto ko s’yang isawalang-bahala at gusto kong magpanggap na hindi s’ya naririnig ngunit hindi nakikisang-ayon ang katawan ko. Natatagpuan ko pa rin paminsan-minsan ang aking sarili na sinasagot ang kanyang mga sinasabi.

Nasa ganoon akong pwesto nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina namin dito. Agad akong humarap kahit hindi ko alam kung anong ekspresyon ang mayroon ako sa mga oras na ito.

“Liam, ano bang meron? May naging problema ba at napasugod ka bigla?” tanong ni Rigo sa akin.

Akmang lalapitan ako nito ngunit nagulat ako sa ginawa ko.

“’Wag kang lalapit! Sinungaling ka! Sinungaling ka, Rigo!” sigaw ko sa kanya habang dinuduro s’ya.

Natigilan si Rigo at mabilis na rumehistro ang pagtataka sa kanya. Maging ako sa aking pwesto ay hindi makapaniwala sa aking ginawa. Hindi ito ang inaasahan kong gagawin ko.

“L-liam… A-ano bang sinasabi mo..?” naguguluhan n’yang tanong sa mahinang tono. Bakas sa kanya ang pagkagulat dahil sa ginawa ko.

“Ang sabi mo, tatawagan mo ako, Rigo!! Sinungaling ka!! Sinungaling ka!!!” sigaw ko na naman sa kanya.

Hindi. Hindi ito ang gusto kong sabihin at gawin. Pero ito ang lumalabas sa bibig ko, hindi ko rin makontrol ang katawan ko.

“Liam? ’Di ba nagtext naman ako sa’yo? Sabi ko may reservation kami. Hindi mo ba natanggap?” tanong nitong mahinahon.

“Hindi ’yan totoo!! Dahil ang totoo, may lakad ka, ’di ba?!! Aalis ka mamaya at hindi mo sa akin ’yon sasabihin, ’di ba?!! Tama ako, ’di ba?!!” hindi ko pa rin mapigilan ang sumigaw sa hindi ko malamang dahilan.

Sa pagkakataong ito ay tila naiinis na rin si Rigo dahil sa ginagawa kong pagsigaw sa kanya.

“Randy, ano ba?! Saan mo naman nakuha ’yang mga sinasabi mo?! Nakita mo naman sa labas na maraming customers, ’di ba?! Sinabi kong may malaking grupo ang nagpa-reserve! Ano pa bang gusto mong katibayan?! Kung gusto mo, tanungin mo ang mga empleyado para makasigurado ka!” mataas na boses n’yang sumbat habang tinuturo ang pwesto ng dining area sa labas.

Hindi ako nakapagsalita. Dahil sa ginawa ni Rigo na pagsigaw sa akin pabalik ay tila natauhan ako. Nakaramdam ako ng lungkot dahil tinawag n’ya ako sa isa kong pangalan, nangangahulugan na nagagalit na s’ya sa mga oras na ito.

“Lahat naman sinasabi ko sa’yo, Randy! Ano pa bang gusto mo?! Kahit saan ako magpunta! Kahit anong ginagawa ko! Pinapaalam ko naman sa’yo, ’di ba?! May kulang pa ba?!” tanong nito sa akin ng pasigaw.

Muli ay hindi ako nakapagsalita. Kakaibang takot na ngayon ang nararamdaman ko. Natatakot ako na tuluyang magalit sa akin si Rigo. Natatakot ako na baka maisip nitong iwan ako.

“Ito ba?! Ito ba ang dahilan kaya mo ako pinuntahan dito, Randy?! Para awayin at sigawan kahit wala ka naman basehan?!” sunod-sunod nitong tanong sa akin.

Nagsimula nang mamuo ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay tuluyan nang magbabago ng pakikitungo sa akin si Rigo.

Maraming paghinga ang ginawa ni Rigo. Tila ba sinusubukan n’yang magtimpi sa mga oras na ito.

“Kung ’yan lang ang gagawin mo sa akin, Randy, babalik na lang ako sa pagtatrabaho. Nagsisimula na naman akong maguluhan sa’yo!” mahinahon ngunit madiin n’yang pagsasalita.

Parang akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Lalo akong nakaramdam ng takot nang talikuran ako ni Rigo para lumabas ng opisina kung saan kami nakapwesto.

Mabilis akong kumilos para pigilan s’ya. Niyakap ko s’ya mula sa likod sa napakahigpit na paraan. Dahil din sa labis na takot ay hindi ko napigilan ang aking mga luhang mag-unahan sa pagbagsak. Naging malakas ang pag-iyak ko habang nakadikit ang mukha ko sa likod ni Rigo.

“Rigo…. ’Wag mo akong iwan…! Parang awa mo na…! Sorry…! Sorry..!! H-hindi ko na uulitin… Pangako..! ’Wag mo lang akong iwan…. ’Wag, Rigz… Pakiusap… ’Wag…” pagmamakaawa ko sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.

Nanginginig ang buong katawan ko at alam kong nararamdaman iyon ni Rigo. Natatakot ako. Takot na takot akong iwan n’ya ako.

Huminga ng malalim si Rigo. Dahan-dahan ay marahan n’ya hinawakan ang aking mga braso para lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya.

Hindi ko s’ya binitawan, mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay kakalas s’ya para tuluyan akong iwan.

“’Wag, Rigz…. ’Wag kang umalis…. Pakiusap… M-magbabago na ako… Pangako… Hindi na ako magiging salbahe… H-hindi na ako gagawa ng mali… ’Wag mo lang akong iwan… Pakiusap, Rigz… Pakiusap…!!” mas malakas ko nang pag-iyak at pagmamakaawa.

Hinaplos n’ya ang mga mga brasong nakayakap sa kanya.

“Liam, calm down, please? Gusto ko lang makita ang mukha mo.” mahinahon n’yang pakiusap.

Napalitan na ang kanyang boses. Naging malambing ulit ’yon kagaya ng paraan n’ya ng pakikipag-usap sa akin lagi.

Dahil sa kanyang mga binitiwang salita ay nabawasan ng bahagya ang takot ko sa aking dibdib. Muli n’yang iginalaw ang kanyang mga kamay para luwagan ang pagkakayakap ko. Nagbalik ang tiwala ko kaya sinunod ko ang kanyang utos.

Nang bahagya akong makakalas ay dahan-dahang humarap sa akin si Rigo. Ngayon ay nakikita ko na sa kanyang mga mata  ang labis na pag-aalala.

Muli ko s’yang niyakap at ginantihan n’ya rin iyon ng kasing higpit ng sa akin.

“Dito ka lang, Rigz… Pakiusap… ’Wag kang umalis… ’Wag mo akong iwan…” tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Hinaplos n’ya ang aking likod at paulit-ulit n’ya akong hinalikan sa ulo.

“Liam, ano ba talagang nangyayari? Nag-aalala na talaga ako. Hindi ka naman ganito dati. Bakit parang may hindi ka sa akin sinasabi?” tanong n’yang nag-aalala.

Sinagot ko s’ya sa pamamagitan ng mabilis na pag-iling. Ayokong sabihin sa kanya. Ayokong ipaalam sa kanya ang takot ko dahil baka magbago s’ya ng pakikitungo sa akin. Natatakot akong mangyari ’yon.

Muli s’yang nagbuntong hininga. Bahagya s’yang kumalas sa akin para magharap ang aming mga mukha. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak kaya inangat n’ya ang kanyang mga palad para punasan ang aking mga luha. Ang kanyang pag-aalala ay mas nadagdagan pa nang makita n’ya ang aking malakas na pag-iyak habang nakatingin sa kanya.

“Liam, gusto mo na bang umuwi? I think, you need a rest. Baka pagod ka? Uuwi na lang tayo para makapagpahinga ka.” tanong nito sa akin sa nag-aalalang tono.

Bagamat patuloy pa rin ako sa pag-iyak ay sumagot ako ng mga pagtango.

“Okay. Magpapaalam lang ako. Hintayin mo ako rito, okay?” masuyo n’yang pagpapaalam.

Muli akong nakaramdam ng takot. Paano kung hindi na s’ya bumalik?

Umiling ako ng maraming beses.

“’W-wag, Rigz… D-dito ka lang, please…?” pakiusap ko.

Hindi agad s’ya sumagot. Ang ginawa n’ya ay hinalikan ako sa noo at binigyan ako ng halik sa labi.

“Babalik ako, promise. Nand’yan lang ako sa labas para kausapin si Karen. Ayaw kong makita ka nilang ganyan. Sabi ko sa’yo, ’di ba? Gusto ko matapang kang haharap sa kanila. Ayaw kong makikita nilang napanghihinaan ka. Hindi ko hahayaan na makikita ka nilang umiiyak. Naiintindihan mo ba? Sa akin mo lang ’yan ipapakita, okay?” mahaba n’yang litanya sa malambing na tono.

Dahil sa kanyang sinabi ay nakaramdam ako ng pagbabalik tiwala sa aking sarili. Ilang minuto ko s’yang tinitigan sa mata habang patuloy pa rin sa pagpatak ng aking mga luha.

Kasunod ng mga pagtitig ko sa kanya ay ang marahan kong pagtango bilang pagsang-ayon sa mga sinabi n’ya.

“Good. Babalik ako, pangako.” wika n’ya at hinalikan akong muli sa labi.

Pinagkatiwalaan ko s’ya. Kahit nakakaramdam pa rin ako ng takot ay nagpaubaya ako sa kanyang paggaya sa akin para makaupo sa mahabang sofa na naririto sa opisina.

“Dito ka muna. Hintayin mo ako, okay?” pagpapaalam n’yang muli nang tuluyan na akong makaupo.

Muli akong tumango. At bago pa s’ya tuluyang umalis sa harap ko ay hinalikan n’ya akong muli sa noo.

Nakalabas na ng opisina si Rigo at naiwan na naman akong mag-isa. Ngayon ko lang naisip ang mga pangyayari sa akin ngayong araw na ito. Lahat ng naging aksyon ko at lahat ng mga kaganapan na hindi ko pa nararanasan sa buhay ko.

Naguguluhan na ako. Naisuklay ko ang aking mga palad sa aking buhok at yumuko ako.

“Diyos ko, ano na bang nangyayari sa akin..? Bakit nangyayari ’to..?” tanong ko habang tahimik na ngayong umiiyak sa opisinang ito.


A/N

Ayan na. Mamumura na naman ako sa facebook ni Randy Liam dahil sa ginagawa ko sa kanya. 😣 Ihahanda ko na lang ang sarili ko. 😥

Salamat po sa mga naghintay ng update! Sa mga nagbibigay ng personal message sa akin thru Wattpad at Messenger, maraming salamat po! Sa mga nagko-comment at bumoboto, maraming salamat po! Nakakataba ng puso ang natatanggap kong mensahe kahit simpleng pasasalamat man iyon. Maraming salamat po!

Mahal ko kayo! ❤

–– cold_deee

chapter 20

A/N

Ayun! Nakapag-update din sa wakas! Nawala sa sarili eh. Sorry naman po. Labyu!

Kaway-kaway kay

zZKOLoKOYZz

!! Hehe! Ang makulit na apo ko raw, ginawa akong matanda. Lola raw n’ya ako. Hahahahaha!

Sana ay mag-enjoy kayo rito, guys! Salamat sa mga patuloy na nagbabasa!

––> si Randy po sa media. Mahuhulaan n’yo ba kung sinong kausap n’ya?

![](https://img.wattpad.com/5f7f271ad9e89d199a3eea590554401516d06924/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f336e6779755968657a4c4c7445773d3d2d3434303135333237372e313464333230386333346133633835303237343739333631343738322e6a7067)

RANDY’s POV

Binabato ko ngayon ng masamang tingin ang dalawang tao sa aking harapan. Magkakasama kaming naghahapunan ngunit wala silang ginawa kundi ang pagtawanan ako.

“Hindi na, promise! Sige na, kainin mo na ’to.” pakiusap sa akin ng gwapong lalaki sa tabi ko habang natatawa. Itinatapat n’ya sa aking bibig ang tinidor na may salad na s’ya mismo ang gumawa.

“Tumigil ka! Tapos ’pag isusubo ko na, aalisin mo na naman! Ayoko na! Ikaw na kumain n’yan!” buska ko sa kanya habang naniningkit ang mga mata ko sa inis.

“Masyado ka naman pikon, anak!” wika naman ng aking Nanay na nakikita ko na ngayon ang ngala-ngala dahil sa malakas din n’yang pagtawa.

“Sinong hindi mapipikon, Nanay?! Pipilitin n’ya akong kumain ng marami tapos ’pag isusubo ko na, aalisin n’ya naman ang tinidor sa bibig ko! Gusto akong nagmumukhang aso na hinahabol ang buto!” inis na inis kong pagkontra kay Nanay.

“Lagot ka, Rigo! Galit na galit na naman oh!” pananakot naman ni Nanay sa kanya pero tawa pa rin sila ng tawa pareho.

Naiinis na talaga ako! Sa totoo lang ay busog na ako, pero masyadong mapilit itong si Rigo na pakainin ako ng marami. Ang kaso nga lang, pinagkakatuwaan nila ako ngayon na dalawa.

“Sige na, eto na talaga. Hindi ko na aalisin, promise!” tumatawa pa rin s’ya habang nakaantabay ang pagkain sa bibig ko.

Hindi ako nagsalita, masama pa rin ang titig ko sa kanya.

“Uuyyy… Kakainin n’ya na ’to…” malapad ang ngiti n’yang pang-uuto.

“Hindi mo ako madadala sa mga ganyan mo, Rigo! Hindi na ako bata––”

Hindi ko naituloy ang mahaba sanang pagbubunganga ko dahil hinalikan n’ya ako sa labi bigla.

Natulala ako sa ginawa n’yang iyon. Kaya nang makita ni Rigo ang naging reaksyon ko ay agad n’yang isinubo sa aking bibig ang pagkaing hawak n’ya.

Nginuya ko muna ang pagkain sa padabog na paraan. At nang malunok ko ito binalingan ko na s’ya.

“Hindi ka na nahiya! Sa harap pa ng Nanay ko!” paninita ko sa kanya habang pinapalo ko ng paulit-ulit ang kanyang braso.

“Aray! Aray! Tama na, Liam!” pag-awat n’ya sa akin pero sinasabayan n’ya ng tawa.

’Yan ba ang nasasaktan?! Saan ka nakakita ng nasasaktan pero tawa pa rin ng tawa?!

Mas malakas din ang narinig kong pagtawa ng aking Nanay dahil sa nakikita sa amin ni Rigo.

“Namumula ka na, anak! Hindi ako sanay na nahihiya ka dahil makapal ang mukha mo!” reaksyon ni Nanay.

Napatigil ako sa ginagawa kong pagpalo kay Rigo at binalikan ko ng masamang tingin ang Nanay ko. Gusto ko sana s’yang kontrahin at susubukan kong pagalitan s’ya. Pero dahil sa nakikita kong masaya ang aking Nanay ay hinayaan ko na lang.

“Nakakainis kayo! Bakit ba ako pinagkakatuwaan n’yo?!” buska ko sa kanila habang pinapadyak ang aking mga paa sa sahig.

Marahang kinurot ni Rigo ang ilong ko.

“Kasi, ang cute-cute mo!” masayang sagot ni Rigo.

“Magkaiba ang cute sa maganda, Rigo! Tandaan mo ’yan!” pagkontra ko sa kanya.

Halos kalampagin nilang pareho ang mesa dahil sa katatawa.

May nakakatawa ba ro’n?

“O, sige na! Ang ganda-ganda ng aming prinsesa!” pagsuko ni Rigo.

Inirapan ko na lang s’ya at muling nagbalik sa sarili kong pagkain. Ganoon din sila, kahit na natatawa ay ipinagpatuloy na rin nila ang kanilang pagkain.

Sa ilang araw na lumipas ay naging napakagaan ng mga pangyayari sa buhay namin ni Rigo. May nagbago na sa pagkakataong ito. Alam kong sinusubukan n’yang intindihin ang naging mga pagbabago ko, alam kong may mga katanungan s’ya, ramdam ko ’yon lalo na sa tuwing tinitingnan n’ya ako ng matagal. Pero nangako ako sa aking sarili na hindi kailanman magsasalita. Hindi ko sa kanya ipapaalam dahil ayaw kong lalo s’yang maguluhan. Nagpasya akong sarilinin ito dahil na rin sa iisang dahilan.

Hindi ko hahayaan na maging rason ang sakit ko para kaawaan n’ya ako. Patutunayan ko sa lahat na pinili n’ya ako dahil mahal n’ya ako.

Sa mga nakalipas ding araw na kasama ko si Rigo ay nagpapasalamat ako dahil hindi pa ulit nagpapakita ang masasamang imahe na pilit akong minumulto, ang mga pangitain na nagpapahirap sa kalooban ko. Hindi ko maipaliwanag ang dahilan, pero sa tuwing nasa tabi ko si Rigo ay nagiging payapa ang lahat at panatag ang kalooban ko.

Siguro nga, si Rigo ang pinakamabisang medisina ko.

Ngayon ko napatunayan na s’ya ang nag-iisang lakas ko, ang pinanggagalingan ng positibong pangyayari sa buhay ko.

Nasa kalagitnaan pa rin kami ng masayang hapunan nang marinig namin ang balita sa TV. Nakalimutan pala namin itong patayin kanina bago kami pumunta dito sa dining ni Rigo.

“Samantala, balitang showbiz naman tayo, mga kaibigan. Umalingawngaw ang balitang ang sikat na model turned into actress na si MJ Smith ay nagdadalang-tao ngayon. Gaano ito katotoo? Alamin sa report ni Kendra!”

’Yan ang panimula ng reporter sa TV.

Natigilan ako dahil doon, nawalan din ng ingay dito sa aming mesa kung saan kami naroroon. Dahil din dito ay nakaramdam ako ng labis na pagkabahala. Naipikit ko ang aking mga mata at humugot ng malalim na paghinga. Madali kong naikalma ang aking sarili dahil nasa tabi ko si Rigo. Nababawasan ang takot ko, nagiging matapang ako dahil alam kong ako ang kasama n’ya sa mga oras na ito. Mas nangibabaw sa akin ang pag-aalala kung ano ang mararamdaman ni Rigo sa mga oras na ito.

Hindi ko akalain na aabot na sa media ang balitang iyon. Dahil simula nang magkita kami ni MJ ay wala na akong nabalitaan pa sa kanya.

Dahan-dahan kong nilingon si Rigo. Hindi ako nagpahalata na naapektuhan ako sa narinig kong balita.

Nang tuluyan kong mabaling ang atensyon ko sa kanya ay napatigil din pala s’ya sa ginagawa n’yang pagkain. Nawala na rin ang pagkakangiti n’ya at natulala na rin s’ya. Nakatitig lang s’ya sa kanyang plato at mukhang pareho lang kaming nakikinig sa balita.

“Tama nga ang inyong narinig mga kaibigan. Bali-balita nga na nagdadalang-tao ngayon ang sikat na model turned into actress na si MJ Smith. At para bigyang patunay ito, nabigyan ako ng pagkakataong ma-interview s’ya upang linawin ang lahat. Narito po ang kanyang pahayag.”

pagbabalita naman ng tinawag na reporter.

Kasunod nito ay narinig ko na ang boses ni MJ mula sa TV.

“Yes. Totoo po na magiging Mommy na ako.”

pagkumpirma ni MJ at alam kong nakangiti s’ya.

Dahil sa pagkumpirma n’yang iyon ay napapikit ako. Naramdaman kong nagsisimula na naman akong kabahan.

Sasabihin n’ya kayang si Rigo ang ama ng batang dinadala n’ya? Sa ganitong paraan ba mabubunyag ang bagay na itinatago namin ni Rigo sa isa’t-isa?

“Wow! Congratulations, MJ!”

“Salamat.”

“Pero nagsisimula pa lang ang career mo bilang tunay na aktres. Hindi ka ba nanghihinayang sa bagay na iyon?”

tanong muli ng reporter.

“Hindi naman, Kendra. Aaminin ko noong una, nabigla talaga ako. Pero nang maisip kong mailuluwal ko ang isang anghel na magiging malaki ang parte sa buhay ko, mas nangibabaw sa akin ang saya. Mas natuwa ako dahil magkakapamilya na ako. Besides, nasa tamang edad na ako at stable na rin naman ako. Kaya no regets at all.”

sagot ni MJ sa masayang tono.

“Tama ka naman, blessing ’yan kaya dapat ay niyayakap mo ’yan.”

reaksyon ng reporter at saglit na tumigil para sa isang katanungan.

“Kinumpirma mo na rin ang pagdadalang-tao mo, ang sunod kong tanong ay kung sino ba ang ama ng batang dinadala mo?”

tanong nito.

Muli kong inobserbahan si Rigo at nasaksihan ko ang paghigpit ng kanyang pagkakahawak sa kanyang mga kubyertos habang nakatulala.

“Sa ngayon, hindi ko pa pwedeng sabihin kung sino ang ama nito dahil may inaayos pa kaming ilang mga bagay. Pero sooner or later, malalaman din ng lahat at makikilala n’yo rin s’ya.”

sagot ni MJ.

“Kilala ba namin ito, MJ? Kabilang din ba s’ya sa showbiz na ginagalawan natin?”

Dinig na dinig namin ang pagtawa ni MJ. Mas naging doble na rin ang kaba ko sa mga oras na ito. Inaabangan ko ang magiging sagot ni MJ sa katanungan ng reporter na iyon.

“Yes. Kilala n’yo s’ya. ’Yan lang muna sa ngayon ang masasabi ko. Salamat.”

Nang marinig ko iyon nakahinga ako kahit papaano ng maluwag. Ilang minuto rin akong nag-isip kung anong gagawin ko kung sakaling sabihin n’yang si Rigo ang tinutukoy n’yang iyon. Pero kung sakaling kinumpirma n’ya iyon, siguro ay magpapanggap na lang akong walang narinig. Magpapanggap na lang akong isang binging nilalang.

“Rigo, ’di ba s’ya ’yong kasamahan mong model? S’ya ’yong kasama mo sa ginawa n’yong series sa Thailand, ’di ba?” tanong ni Nanay Elise habang patuloy na nanonood sa TV.

Nawala sa isip ko na naririto nga pala ang Nanay ko. Ano kaya ang magiging reaksyon n’ya kung malaman n’yang si Rigo ang ama ng batang iyon? Mahal ako ni Nanay Elise at alam kong napamahal na rin sa kanya Rigo. Baka ’pag nalaman n’ya ito ay maging problemado rin ang Nanay ko. Ayaw ko ng bagay na iyon, ayaw kong bigyan ng problema ang Nanay ko lalo na at matanda na ito.

Hindi sumagot si Rigo. Pareho na lang kaming nagulat ni Nanay Elise nang bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo.

“Anak, hindi pa tapos ang kinakain mo!” pagtawag ni Nanay kay Rigo dahil naglalakad na ito papasok ng aming kwarto.

Tumigil naman si Rigo at nilingon si Nanay Elise na may pilit na ngiti.

“Busog na rin po ako, Nanay. Maliligo na ako para magpahinga. Maaga rin po kasi ang alis ko bukas para sa shoot ko.” sagot ni Rigo kay Nanay.

Matapos iyon ay bumalik na ito sa paglalakad at tuluyan na kaming iniwan ni Nanay Elise.

“’Nak! Nagalit ba si Rigo sa tanong ko? O baka nagseselos s’ya dahil buntis na si MJ? May gusto yata s’ya kay MJ! Ano sa tingin mo, anak?” sunod-sunod na pagtatanong ni Nanay Elise sa akin ng pabulong. Seryoso rin ang kanyang ekspresyon.

Hindi ako nakapagsalita sa mga katanungang iyon ni Nanay Elise. Hindi ko alam kung nagbibiro ba s’ya o sadyang hindi n’ya alam na nasasaktan ako sa mga sinabi n’ya.

Maya-maya pa ay ngumiti si Nanay at pinisil ang pisngi ko ng marahan.

“Nagselos naman agad ang anak ko! Joke lang ’yon! Alam ko namang mahal na mahal ka ni Rigo! Ang ganda mo kaya, anak!” biglang pagbawi nito habang kurot pa rin ang pisngi ko. Kasunod din nito ay ang malutong n’yang pagtawa.

Pinilit kong ibalik ang aking sarili sa normal. Ayaw kong makahalata si Nanay na may problema ako kaya kailangan kong sakyan ang kanyang mga biro.

“Makakabawi rin ako sa’yo, Nanay! Tandaan mo ’yan!” tangi ko lang nasabi na kunwari ay naiinis.

Mas lalo s’yang natawa dahil doon. Hinayaan ko na lang s’ya. Gusto kong makita s’yang masaya dahil ’yon lang ang kaya kong isukli sa lahat ng kabutihan n’ya.

Matapos ng aming hapunan ni Nanay ay nagtungo na rin ako sa kwarto namin ni Rigo. Naabutan ko s’yang nagbabasa ng libro habang nakaupo sa kama at nakasandal sa head board nito.

Alam kong napansin n’ya ang aking presensya ngunit hindi n’ya ako tinapunan ng tingin. Kahit nagbabasa s’ya ngayon ay alam kong malalim pa rin ang kanyang iniisip. Sigurado akong dahil pa rin iyon sa narinig n’ya sa balita kanina.

Kinuha ko na lamang ang twalya para maghanda na rin sa aking pagligo. Mag-iisip na lang din ako ng paraan para makalimutan ni Rigo ang narinig n’ya kanina. Dapat ay makalimutan n’ya iyon at dapat maibalik sa akin ang atensyon n’ya.

Saglit lang ang ginawa kong pagligo at nagpanggap pa rin akong walang alam sa nangyari. Ipinagpatuloy ko ang aking pagpapanggap na hindi apektado sa naganap.

Dumiretso akong umupo sa kanyang tabi katapat n’ya.

“Rigz…” malambing kong pagtawag sa kanya.

“Hhhmm?” sagot n’ya pero nanatili s’yang nagbabasa ng libro.

“I-blower mo naman ang buhok ko.” utos kong malambing.

Sa wakas ay nagawa n’ya akong tingnan ng paunti-unti.

“Please?” muli kong pakiusap.

Hindi s’ya nagsalita. Nanatili lang s’yang nakatingin sa akin.

“Baby Rigz, please?” mas nilambingan ko pa ang boses ko.

Dahil yata sa ginawa kong pagtawag sa kanya ay hindi napigilan ni Rigo ang matawa. Parang sasabog ang dibdib ko sa saya nang marinig ko ang pagtawa n’yang iyon. Mukhang nakalimutan na n’ya ang iniisip n’ya kanina.

“Halika nga rito.” natatawa n’yang utos at ibinaba na ang hawak n’yang libro.

Hawak ang aking isang kamay ay tumayo s’ya at iginaya ako sa maliit na mesang nasa tabi ng aming kama. Sa tapat ng salamin ay marahan n’ya akong pinaupo at kinuha ang blower para simulan ang pagpapatuyo sa aking buhok.

“Aray! ’Wag naman d’yan!” reklamo ko dahil itinapat n’ya sa aking tenga ang blower. Nasa likod ko s’ya at marahan sa ginagawang pagpapatuyo ng aking buhok gamit ang hair blower.

Ngumiti s’ya na tila nang-aasar.

“Ang sabihin mo, nakikiliti ka lang, Liam!” wika n’ya at tumawa.

“Hindi kaya!” pagpapanggap ko.

“Isa pa, gusto mo?” pang-aasar n’ya.

“Sige, subukan mo lang!” pinagbantaan ko na s’ya.

Lumakas ang kanyang pagtawa. Masaya akong makita na tumatawa s’ya ng ganito tuwing kasama ako.

“Joke lang!” pagbawi n’ya at hinalikan ang tenga ko.

Nagpatuloy s’ya sa pagpapatuyo ng aking buhok habang suot pa rin ang kanyang ngiti. Paminsan-minsan ay alam kong sinasadya n’yang itapat sa aking tenga ang blower kaya nakukurot ko s’ya ng pabiro sa kanyang hita. Wala s’yang ginawa kundi ang tumawa lang at paulit-ulit akong halikan sa pisngi.

“O ayan, tapos na. Tara na, matulog na tayo, Liam.” pagyaya n’ya sa akin matapos ilapag ang hair blower sa mesa.

Sinunod ko s’ya. Nauna akong humiga sa kama at sinundan n’ya ako.

Nang makapwesto s’ya ng maayos ay humiga ako sa kanyang nakalatag na braso. Niyakap ko s’ya sa kanyang bewang at sinimulan na rin n’yang haplusin ang aking buhok para patulugin ako.

“Anong oras ka aalis bukas, Rigz?” tanong ko sa kanya.

“Madaling araw. Hindi na kita gigisingin ha? Ayaw kong maistorbo ang pagpapahinga mo.” sagot at pagpapaalam n’ya sa akin.

“Basta may goodbye kiss ako ha?” patuloy ko pa rin s’yang nilalambing.

“S’yempre naman! Lagi naman kitang ninanakawan ng halik ’pag natutulog ka!” sagot n’yang natatawa.

Sabay kaming natawa habang yakap ang isa’t-isa.

Matapos ang ilang sandali ay huminga s’ya ng malalim. Nakahiga na ako ngayon sa kanyang dibdib at patuloy pa rin s’ya sa paghaplos ng buhok ko.

“Liam…” pagtawag n’yang mahina sa aking pangalan.

“Hhmmm?” sagot kong medyo inaantok na. Epekto iyon ng marahan n’yang paghaplos sa buhok ko, madali akong nakakatulog tuwing ginagawa n’ya sa akin ito.

Ilang segundo ang lumipas bago n’ya nagawang sumagot.

“Last project na ang gagawin ko bukas kaya tatlong araw akong mawawala. Hindi na ako pumirma sa panibagong contract sa agency.” pagbabalita nito sa akin.

Dahil sa narinig ko ay dahan-dahan kong inangat ang aking paningin para tingnan s’ya. Hindi ko magawang makapagbigay ng reaksyon dahil sa pagkabigla.

“Alam kong nagulat ka, Liam. Pero ginawa ko ’yon para mas mabantayan ka, para mas mahaba ang oras na makasama kita, para mas maalagaan ka.” masuyo n’yang paliwanag habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

Hindi ako makapaniwala sa kanyang mga sinabi. Matagal na s’ya sa industriyang iyon at alam kong napamahal na ito sa kanya. Pero sa tingin ko ay walang pagdadalawang-isip n’yang binitiwan ito.

Matagal na rin n’ya itong nabanggit sa akin, pero hindi ko akalaing ganito kabilis ang kanyang naging desisyon.

“Hindi mo naman kailangan gawin ’yon, Rigz. Kaya ko naman ang sarili ko.” pagkontra ko sa kanya.

Hindi s’ya agad sumagot. Bahagya s’yang bumaba ng pwesto para magkatapat ang aming mga mukha. Hinawakan n’ya ako sa pisngi at marahang hinaplos ito.

“Hindi kailangan pero ’yon ang gusto ko. Mas gusto kong ilaan ang mahabang oras ko sa’yo.” wika n’yang nakangiti. Matapos iyon ay binigyan n’ya ako ng halik sa labi.

Hindi ko maiwasang mag-alala. Sa biglaang desisyon ni Rigo, alam kong may malaking dahilan ito. Nararamdaman kong kaya n’ya ito ginawa ay dahil napapansin na n’ya ang mga naging pagbabago ko.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga oras na ito. Saya at lungkot, naghahalo ang pakiramdam na iyan sa dibdib ko. Pero sa kabilang banda, mas pinili ko na lang na maging masaya dahil mas napatunayan kong kayang magsakripisyo para sa akin ni Rigo. Ngumiti na lang ako pabalik at binigyan din s’ya ng halik sa labi.

“Thank you.” sambit ko at niyakap s’ya.

Niyakap n’ya rin ako pabalik at hinaplos ang aking likod. Ilang minuto kong dinama ang payapang paghaplos n’ya sa akin. Napapapikit din ako dahil lubhang gumagaan ang pakiramdam ko.

“Liam?” pagtawag n’yang muli habang yakap ako.

“Bakit?” tanong ko sa kanya pabalik.

Ilang segundo na naman ang lumipas bago s’ya muling nagsalita.

“Pagbalik ko galing sa shoot, pwede bang… p-pwede bang bumalik tayo sa Psychiatrist mo kahit hindi pa iyon ang araw para sa session mo?” tanong n’yang nag-aalangan.

Natigilan ako. Naimulat ko rin ng wala sa oras ang mga mata ko.

Hindi nga ako nagkamali, nakakahalata na nga s’ya.

“B-bakit?” kinakabahan ko na ngayong tanong sa kanya.

“Gusto kong makasiguro na maayos ka. Alam kong may gumugulo ngayon sa isip mo at hindi mo gustong may makaalam nito. Hindi kita pinipilit na sabihin sa akin ’yon dahil baka makadagdag ako sa stress mo. Pero kung si doktora ang makakausap mo, umaasa akong magiging maayos ang pakiramdam mo.” mahaba n’yang paliwanag.

Bakit ba hirap na hirap akong maglihim kay Rigo? Kahit gaano ako kagaling magsinungaling, hindi ko iyon maitago sa kanya. Madali n’ya pa rin nababasa ang lahat ng ikinikilos ko.

“Liam? Pwede ba ’yon?” tanong n’yang muli sa akin dahil hindi ako nakapagsalita.

Nag-isip ako. Hindi naman siguro masamang bagay ang sinabi n’ya. Sa tingin ko ay kailangan ko na ngang gawin ang bagay na iyon dahil nahihirapan na rin ako minsan.

“S-sige…” kinakabahan ko pa ring sagot sa kanya.

Matapos kong isagot iyon ay mas hinigpitan n’ya ang pagkakayakap sa akin.

“Thank you. Salamat at pumayag ka. Akala ko magagalit ka.” wika n’ya at alam kong nakangiti s’ya.

Napangiti rin ako. Ako nga itong dapat na magpasalamat sa kanya. Ginagawa n’ya ang mga bagay na ito kahit may kinakaharap s’yang mas malaking problema.

“Tara na! Matulog na tayo!” masaya n’yang pagyaya sa akin. Bahagya s’yang humiwalay at bumalik sa maayos na pagkakahiga. Muli n’yang inilatag ang kanyang braso para maging unan ko.

Nang tuluyan na akong makahiga ay niyakap ko na rin ang kanyang bewang.

“Ano ba, Rigz?!” bigla kong reklamo habang nakasimangot at niyugyog ko ang kanyang katawan.

Gulat na gulat naman s’ya kaya napatingin s’ya sa akin habang nagtataka ang kanyang ekspresyon.

“Bakit?” tanong n’yang nag-aalala.

“Bakit hindi mo ako niyayakap?! Yakapin mo ako!” bulyaw ko sa kanya.

Mula sa nag-aalala n’yang ekspresyon ay bigla itong natawa. Inaasahan ko na ang reaksyon n’yang ito kaya nginitian ko na lang s’ya.

“Oo na po!” sambit n’ya.

Dahan-dahan ay kumilos s’ya para harapin ako. Unan ko pa rin ang kanyang braso nang igaya n’ya ako papalapit pa sa kanya. Tuluyan na rin na nawala ang kaunting distansya namin nang ikulong n’ya ako sa kanyang mga braso.

“Good night, Liam…” malambing n’yang pagsasalita.

“Good night, baby Rigz…” sagot kong nakangiti at ipinikit ko na rin ang aking mga mata.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Kinabukasan ay hindi ko na naabutan sa aking tabi si Rigo nang gumising ako. Ngunit alam ko, kaninang madaling araw ay nagawa pa nitong magpaalam sa akin habang nakapikit ang mga mata ko.

“I’ll see you soon, my princess. I will miss you…

I’ll be away from you but I will leave my heart to you… Always remember that, Liam. I love you.“

’Yan ang mga eksaktong salita na narinig ko kanina noong nagpaalam s’ya. Hindi n’ya rin ako binigo sa naging kahilingan ko, dahil naramdaman ko ang paghalik n’ya sa aking labi bago s’ya tuluyang umalis sa tabi ko.

“Nanay, aalis na po ako!” pagpapaalam ko kay Nanay Elise nang makalabas ako sa aking kwarto.

Abala s’ya sa pagtitiklop ng aming mga damit habang nakaupo sa sofa. Nilapitan ko s’ya at hinalikan sa noo.

“Mag-iingat ka, anak. ’Wag mong kalimutang i-message si Rigo ’pag nakarating ka na sa trabaho. At ’yung mga kakainin mo mamaya, kuhanan mo ng picture at ipadala mo sa kanya. Saka ’yung mga gamot mo, dala mo ba?” sunod-sunod n’yang bilin.

Malamang ay binilinan na rin ito ni Rigo. Sila na talaga ang magkakampi. Nawawala na talaga ako sa eksena pagdating sa mga ganitong bagay.

Kunwari ay napaatras ako dahil sa gulat. Hinawakan ko pa ang dibdib ko habang nanlalaki ang aking mga mata.

“Rigo?! Ikaw ba ’yan na sumapi sa katawang-lupa ng Nanay ko?!” nagbibirong tanong ko kay Nanay Elise.

Sinamaan n’ya ako ng tingin.

“Magtigil ka, Liam! Hindi ako nakikipagbiruan ha?! Kung ayaw mong isumbong kita kay Rigo, magtino ka!” pinapagalitan na n’ya ako.

Tingnan mo ’tong Nanay ko, kagabi ang saya-saya, pero ngayon high blood na naman. Malakas din ang trip n’ya!

“Hindi pwede magjoke, Nanay?! Ikaw lang?! Ikaw lang pwede?!” buska ko sa kanya habang nakangiwi.

Dadamputin na sana n’ya ang kanyang tsinelas para ibato sa akin ngunit mabilis akong kumilos para tumakbo palabas ng pinto.

“Bye, Nanay! Ingat ka rito!” pagpapaalam ko habang nakasilip mula sa labas ng pinto.

“Lumayas ka na! Mag-ingat ka sa pagmamaneho ha?! Magtext ka rin sa akin ’pag nasa trabaho ka na!” sigaw n’ya sa akin.

Natatawa na lang ako nang maisara ko ang pinto. Ganyan ang Nanay ko ’pag nagpapakita ng concern, minsan may kasamang sermon.

Nangingiti pa rin ako habang naglalakad patungo sa kotse ko. Nang makapasok ako rito ay kinuha ko muna ang aking cellphone para magtext sa boss ko.

“Good morning, handsome! Papasok na ako sa trabaho! Ingat you, baby Rigz ko!”

tinotodo ko na ang kalandian ko kay Rigo.

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang reply dahil alam kong mamaya n’ya pa iyon magagawa. Alam kong sa mga oras na ito ay nagsisimula na rin s’yang magtrabaho. Sigurado naman akong mamaya pa ay makakatanggap naman ako ng tawag sa kanya kaya iyon na lang ang hihintayin ko.

Inihanda ko na ang aking sarili sa pagmamaneho. Aaminin ko, nakakapanibago na naman ang araw ko dahil wala sa tabi ko si Rigo. Nakakaramdam pa rin ako ng takot at pag-aalala. Pero para mapanatag ako, iniisip ko na lang ang mga salitang binibitawan sa akin ni Rigo. Lalo pang naging matibay ang loob ko nang muli kong maalala ang ibinalita sa akin kagabi nito.

“Huling trabaho na n’ya ’to, Randy. Tatlong araw lang s’yang mawawala. Kaya mo ’yan! After this, makakasama mo na s’ya ng mas matagal.” pagkausap ko sa aking sarili habang nakangiti.

Sinimulan ko nang paganahin ang makina ng aking kotse, ngunit bago ko pa simulan ang pagmamaneho ay naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa aking bulsa.

Inisip kong si Rigo iyon kaya nagmamadali ko itong kinuha. Pero nang makita kong unregistered number lang ito ay nadismaya ako.

“Punyeta. Sino naman ’tong tatawag ng ganito kaaga?” tanong ko habang nakatingin sa aking telepono.

Masyado pang maaga para makatanggap ako ng tawag mula sa hindi ko kilala. Pero dahil sa propesyon ko ay magalang ko pa rin na sinagot ito.

“Hello? Good morning.” pagbati ko rito.

Ilang segundo akong naghintay ngunit walang sumagot sa kabilang linya bagamat alam kong nakaangat ito.

“Hello? Who’s this, please?” tanong kong muli.

Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nabigo, narinig ko na ang kanyang pagsagot mula sa kabilang linya.

“Is this Randy?” seryosong tanong ng isang babae.

Natigilan ako. Hindi ako sigurado pero nabobosesan ko ang taong nagsalita.

“Hindi ka nakapagsalita, so I assume na ikaw nga ito. Let’s meet dito sa coffee shop kung saan tayo unang nagkausap. Malapit dito sa agency namin ni Rigo.” seryoso pa rin n’yang pagsasalita.

Gusto kong makasigurado kung s’ya ito bagamat sa sinabi n’yang lokasyon ay may ideya na ako.

“MJ..?” tila nag-aalangan pa ako dahil mahina ang boses ko.

“I heard na matalino kang tao, kaya siguro naman nakikilala mo na ako? Let’s meet, now.” sagot n’ya sa akin at ibinaba na rin ang tawag.

Base sa kanyang tono ay masasabi kong seryoso ang aming pag-uusapan. Hindi na iyon pakiusap kundi isang utos. Kung sa ibang tao lang nanggaling ang mga salitang ’yon ay nakatikim na s’ya ng malulutong na mura at pang-aalipusta ko. Pero dahil s’ya ang taong naging dahilan ng problema namin ni Rigo ay natahimik ako. Mabilis din na nagbalik ang kaba ko at natulala na lang ako.

Bakit n’ya ako kakausapin? Hindi kaya alam na n’yang ako ang tinutukoy sa kanya ni Rigo na mahalagang tao rito? Pero imposible, base sa huli naming pag-uusap, pinipiga n’ya ako na alamin kung sino iyon. Imposibleng ipaalam din ’yon ni Rigo sa kanya dahil alam kong pinoprotektahan ako ni Rigo. Hindi hahayaan ni Rigo na maaapektuhan ako. At kung intensyon ni Rigo na ipaalam ito sa kanya, sana noon pa ay sinabi na n’ya rito.

Ilang minuto akong nag-isip bago ako nakapagdesisyon. Ano man ang pag-uusapan namin ngayon, haharapin ko ito ng buong tapang dahil alam kong nakakalamang ako. Mahal ako ni Rigo at ’yon ang panghahawakan ko.

Sinimulan ko nang paandarin ang kotse ko. Nang makalabas ako ng parking lot ay lumiko ako sa kaliwa sa halip na sa kanan kung saan patungo ang hotel kung saan ako ngayon nakadestino.

Puno pa rin ng kaba ang dibdib ko ngunit mas nangingibabaw sa akin ngayon ang pagnanais na harapin ang takot ko. Wala akong inaatrasan at hindi ang kagaya n’ya ang dapat kong katakutan.

Iisang bagay lang ang kinakatakutan ko mula pa noon, ang mawala sa akin si Rigo.

Halos isang oras ang aking naging byahe nang makarating ako sa lugar na tinutukoy ni MJ. Dito sa dating coffee shop kung saan ko s’ya nakausap habang umiiyak at nagmamakaawa.

Ilang mga malalim na pagbuntong-hininga ang aking pinakawalan bago ako lumabas ng aking kotse. At nang masiguro kong maayos na ang aking pakiramdam ay kalmado akong lumabas para naman pasukin ang coffee shop.

Nang tuluyan akong makapasok ay hindi na ako nahirapan pang hanapin s’ya. Doon sa dating pwesto kung saan kami huling nag-usap ay tuwid s’yang nakatitig sa juice na nasa harap n’ya.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na ihakbang ang mga paa ko patungo sa kanya. At nang makarating ako sa kanyang pwesto ay diretso na rin akong umupo sa tapat nito.

“Nagulat naman ako sa tawag mo, MJ. Hindi ka man lang humingi ng appointment sa akin. You know, hindi naman ako kung sino lang para utusan mong makipag-usap sa’yo.” kaswal na bungad ko habang nakangisi ako.

Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang tapang ko para pagsalitaan s’ya ng gano’n. Pero nang makita ko ang kanyang mukha lalo na ang kanyang tiyan na makikitaan na ng pagbabago ngayon, mayroon sa loob ko na biglang nagliyab at sigurado ako kung ano ang bagay na iyon.

Galit, iyan ang nararamdaman ko sa taong ngayon ay nasa harap ko.

Hindi s’ya nagsalita. Tiningnan lang n’ya ako gamit ang mga mata n’yang tila nanlilisik sa mga oras na ito. Aaminin ko, bahagya akong nabahala sa mga pagtitig n’yang iyon. Ibang-iba ang tingin n’ya sa akin kumpara noon. Dati ay maamo ang kanyang mukha habang kausap ako at hindi nawawala ang ngiti n’yang alam kong sinsero. Pero ngayon, ramdam kong may lamang galit at panunuri ang mga mata n’yang iyon.

“Magsalita ka na. Ano bang pag-uusapan natin? Mahalaga ang oras ko, MJ. Alam kong kakayanin mong bayaran iyon, pero mas marami at mas importante ang mga bagay na gagawin ko kesa sa’yo.” muli kong pagsasalita suot pa rin ang pagngisi ko.

Nasaksihan ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao na nasa ibabaw ng mesa. Hindi na bago sa akin ito, marami nang tao ang napikon dahil sa pag-uugali ko. At sa tuwing makakakita ako nito, nagdiriwang ang loob ko dahil sa saya. Dahil kapag ganito na ang kausap ko, alam kong panalo na ako.

Tila pilit n’yang pinapakalma ang kanyang sarili dahil isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago s’ya nagsalita.

“Uulitin ko ang tanong ko sa’yo noon, Randy. Kilala mo ba ang taong espesyal kay Rigo? Kilala mo ba ang taong nagiging hadlang para mawalan ng ama ang batang dinadala ko?” madiin n’yang tanong sa akin.

Natigilan ako sa kanyang tanong ngunit hindi ako nagpahalatang apektado. Sa halip na ipakitang nagulat ako ay nagbitaw ako ng isang pagtawa sa harap n’ya.

“Ano na naman ’to, MJ? Pinapunta mo ba ako rito para sa replay ng nangyari sa huli nating pag-uusap? Don’t tell me, maya-maya iiyak ka na naman at magmamakaawa sa akin na tulungan kang hanapin at pakiusapan ang taong iyon?” tanong kong mapangutya sa kanya.

Tila ba mas lalo s’yang nagalit dahil sa ginawa kong pagtawa.

“’Wag mo akong pagtawanan! Ang tanong ko ang sagutin mo! Kilala mo ba s’ya?!” mas madiin na n’yang tanong sa akin.

Itinigil ko ang aking pagtawa. Dahan-dahan kong ipinatong sa mesa ang isa kong siko. Kasunod nito ay nagsalong-baba ako at itinaas ang isang kilay ko.

“’Wag mo akong tarayan dahil hindi kita aatrasan. ’Wag mo rin akong utusan dahil wala kang karapatan. Sino ka ba sa tingin mo? Kung ang boss ko nga minumura ko, ikaw pa kaya? Umayos ka, hindi mo pa ako kilala.” tanong at pagbabanta kong mahinahon sa kanya.

Mabuti na lang at best friend ko ang boss ko kaya namumura ko talaga s’ya paminsan-minsan. Maswerte pa rin talaga ako kahit paano.

Ang akala ko ay madaling sindakin ang babaeng nasa harap ko. Pero nagulat ako nang magbago ang ekspresyon nito. Mula sa galit n’yang ekspresyon ay napalitan ng pagngisi ito. Tinapatan n’ya ang ekspresyong ipinapakita ko sa kanya.

“Nililigaw mo ang usapan natin, Randy. Iniiwasan mo ba ang tanong ko? O baka naman natatakot ka lang sagutin ako?” tanong n’ya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkasorpresa. Ngunit sa kabila ng kanyang ipinapakita ay hindi pa rin ako nagpahalatang apektado, pinanatili ko ang pagngisi ko.

Tulad ng aking posisyon ay ginaya n’ya rin ito. Ipinatong n’ya ang kanyang isang siko sa mesa at nagsalong-baba rin s’ya. Itinaas n’ya rin ang kanyang isang kilay at ngumisi sa paraan na kaiinisan ng kahit sino.

Nagpatuloy s’ya sa kanyang pagsasalita habang magkalapit ang aming mga mukha.

“’Wag mo akong gawing bobo kagaya ng ibang nakakasalamuha mo, Randy. Akala mo ba, hindi ko malalaman ang totoo? Akala mo ba, hindi makakarating sa akin ang impormasyon na ikaw ang taong ’yon na tinutukoy ni Rigo?” rebelasyon n’ya habang nakangisi.

Napalunok ako.

Kung gano’n, tama pala ang kaninang hinala ko. Alam na n’ya ngayong ako ang taong pinakamahalaga kay Rigo. Ako ang taong pinoprotektahan ni Rigo.

Mabuti na lang pala at inihanda ko na kanina ang sarili ko. Hindi ko man inaasahan ang senaryong ito ay nagawa ko pa ring maging kalmado ang ekspresyon ko. Hindi na importante sa ngayon kung paano n’ya ito nalaman, nangyari na ito kaya haharapin ko na lang.

Hindi ko inalis ang pagkakangisi ko. Itinaas ko pang lalo ang isang kilay ko at mas nakangisi na ako sa pagkakataong ito.

Ito na ang pagkakataon para magkaharap kami ng babaeng sumira sa maganda sanang panimula namin ni Rigo. Ipapakita ko sa kanyang hindi s’ya magtatagumpay sa binabalak n’yang paghiwalayin kami ni Rigo.

“E, ano ngayon kung ako nga, MJ? Ano ngayon ang gagawin mo ngayong alam mo na? Balak mo bang gawin ang sinabi mo noon na magmamakaawa ka sa harap ng taong espesyal kay Rigo na walang iba kundi ako? Luluhod ka ba sa harap ko para pakiusapan ako na pakawalan ko si Rigo?” tanong kong nakangisi sa kanya.

Hindi s’ya nakapagsalita. Mukhang s’ya ang ginulat ko sa pagkakataong ito. Nawala ang kanyang pagkakangisi at napalitan ito ng pag-aalala.

Akala n’ya ba matatakot ako sa ginawa n’ya? Kahit pagbantaan n’ya pa ang buhay ko, hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya.

Umayos ako ng pagkakaupo at inilagay ang aking mga kamay sa bulsa ng pantalon ko. Sumandal din ako sa aking silya at tiningnan ang sahig ng coffee shop na nasa tabi ng aming pwesto.

“Well, the floor is yours. Simulan mo nang lumuhod sa harap ko at lumuha ng sampung litro ng dugo.” kalmado kong utos sa kanya.

Matapos kong sabihin iyon ay ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Muli akong nakaramdam ng tuwa dahil nakikita kong nangingilid na ang kanyang mga luha.

Hindi pa rin s’ya nakapagsalita kaya ipinagpatuloy ko ang mga sasabihin ko sa kanya. Sa pagkakataong ito ay ako na ang bumabato sa kanya ng masamang pagtitig habang nagdidikit ang mga ngipin ko dahil sa galit.

“Pero tandaan mo ’to, MJ. Kahit abutin pa tayo ng dekada rito habang nakaluhod ka sa harap ko at lumuluha ng dugo, hinding-hindi ko gagawin ang kahilingan mo. Hindi ko bibitiwan si Rigo tulad ng gusto mo!” pagpapatuloy ko sa madiin na tono.

“B-bakit…?” hindi na n’ya napigilan ang lumuha sa harap ko.

Sinasabi ko na nga ba, wala pang makakatalo sa kasamaan ng ugali ko.

Hindi ko na naman napigilan ang tumawa dahil nakikita ko ang pag-iyak ng isang biktima ko.

“Bakit? Anong bakit? Linawin mo nga ang tanong mo! Akala ko ba hindi ka bobo? Nakakatanga naman yata ’yang tanong mo, MJ? Nasaan na ang pinaglalaban mo kaninang katalinuhan mo?” tanong ko sa kanyang natatawa.

“Bakit napakasama mo?!” tanong n’yang may kalakasan at padabog n’yang hinampas ang mesa sa aming harapan.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong may ilang customers ang napatingin sa amin dahil sa ginawa ni MJ. Pero sa halip na makaramdam ako ng hiya ay mas pinagbuti ko pa ang kasamaan ng ugali ko. Nginisian ko lang silang lahat at ibinalik ko ang aking atensyon sa babaeng nasa harap ko.

“I know I’m the worst. And you should be proud, MJ, ’coz you are very lucky to experience and witness my evil side. Consider it as if you won in a lucky draw. You should thank me, y’know?” mapangutya kong linya at muli akong nagbitaw ng pagtawa.

“Paano ka nagustuhan ni Rigo kung ganyan ang ugali mo?!” tanong n’ya sa akin.

Itinaas ko ang isang kilay ko.

“Baka dahil mas maganda ako sa’yo?” pamimilosopo ko.

“Lalaki ka!” pagkontra n’ya sa akin.

Muli akong natawa.

“Exactly! Lalaki ako pero mas priority n’ya ako! Ang galing ’no? Ordinaryo lang ako sa paningin mo dahil hindi ako kagaya mong celebrity. Pero ako ang lalaking kinababaliwan ni Rodrigo Jaime Silvestre! Interesting, isn’t it?” sagot ko sa kanya pabalik.

Muli n’yang pinukpok ang mesa gamit ang isa n’yang kamao.

“Lalaki ka, Randy! Pareho kayong lalaki! Hindi kayo pwedeng magsama na dalawa!” gigil na gigil n’yang sumbat.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatawa. Pero nang marinig ko ang sinabi n’yang iyon ay halos magwala na ako sa katatawa. Nakikita kong muli na naman kaming pinagtitinginan ng mga tao sa aming paligid dahil sa aking ginagawa.

“Please! Give me a break!” una kong sambit habang hawak ang aking tiyan dahil sa labis na pagtawa. “Ayan na naman tayo sa linyang bawal ang lalaki sa lalaki! Damn! Lalo mo lang sa akin pinatutunayan na walang laman ’yang utak mo, MJ! Sinong nagturo sa’yo n’yan?! Iharap mo nga sa akin at nang masampal ko ng kaliwa’t-kanan!” dugtong ko pa.

“Napakasama mo! Demonyo ka!” sumbat pa rin n’ya.

“Paulit-ulit! Mag-isip ka naman ng ibang sasabihin. Napupurga na ako sa linyang ‘napakasama kong tao’. Mag-isip ka naman ng bago!” sagot ko pabalik at inikutan s’ya ng mata.

Hindi s’ya nakaimik. Ipinagpatuloy n’ya ang kanyang pag-iyak sa aking harapan. At habang ginagawa n’ya ito ay nanlilisik pa rin ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Tila ba gusto na n’ya ako ngayong saktan. Dahil doon ay mas lalo ko pa s’yang inasar. Pinagtatawanan ko s’ya habang tinatapatan ang pagtitig n’ya.

Sinabi ko na sa kanya, hindi ako magpapatalo sa isang kagaya n’ya.

Ilang saglit pa ay muli s’yang nagsalita. Ngunit sa pagkakataong ito ay tila nakikiusap na ito.

“Randy, naman… Mawawalan ng tatay ang anak ko…” pangongosensya nito.

“Bakit? Hindi ba ’yan pwedeng sustentuhan ni Rigo? Hindi ba pwedeng magpaka-ama si Rigo kahit hindi kayo magsama? Maraming case na hiwalay ang magulang pero nagagampanan naman nila ng maayos ang responsibilidad sa bata. Bakit pinipilit mo na magsama kayo kahit alam mong hindi ka mahal ni Rigo? Sapilitan na ’yang ginagawa mo, alam mo ba?” mahaba kong sumbat sa kanya.

Wala na akong pakialam kung masakit ang mga binitiwan kong salita. Sa paniniwala ko, tama lang ang ginagawa ko. Hindi n’ya pwedeng ipilit ang isang bagay dahil lang sa gusto n’ya. Maraming paraan pero ’yung kagustuhan n’ya lang ang pinagpipilitan n’ya.

“Pero iba pa rin ’pag buo ang pamilya… Alam kong matututunan din akong tanggapin ni Rigo… Matututunan n’ya rin akong maha––” hindi na n’ya naituloy.

“Manahimik ka!” hindi ko napigilan ang bulyawan s’ya.

Nagulat s’ya sa ginawa kong pagsigaw. Natahimik s’ya at hindi nakagalaw.

“Umaasa ka pa talagang magagawa kang mahalin ni Rigo?! ’Wag kang magpatawa! Itigil mo na rin ’yang pag-iilusyon mo dahil kilala ko si Rigo! Kung may balak s’yang magmahal ng iba, sana noon pa! Sana hindi na s’ya umabot ng sampung taon na ako lang ang sinusundan, hinahabol at inaasikaso!” pagbubunyag ko sa kanya.

Dahil sa mga sinabi ko ay nanlaki ang mga mata n’ya. Bahagya rin n’yang naibuka ang kanyang bibig dahil sa pagkasorpresa.

Nagustuhan ko ang kanyang reaksyon. Gustong-gusto kong nakikita ang gulat na gulat n’yang ekspresyon.

Ngumisi ako habang nakataas ang isang kilay ko at nagpatuloy sa pagsasalita. Ngunit sa pagkakataong ito ay ibinalik ko ang mahinahon kong tono.

“Nagulat ka ba, MJ? Tama ang narinig mo, sampung taon na akong mahal ni Rigo. Sampung taon na n’ya akong hinahabol at sampung taon na rin s’yang nasa tabi ko. Ngayon, sa tingin mo ba, may pag-asa pang mahalin ka ni Rigo?” dugtong ko at mas ngumisi pa ako.

Hindi na naman s’ya nagsalita. Mas lalo na rin nag-unahan ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Pero dahil sinimulan na n’ya ang kalabanin ako, isasagad ko na ang kasamaan ng ugali ko.

“Gusto mo pa ba ng proof, MJ? Gusto mo pa bang ipamukha ko sa’yo ang mga sinasabi ko para matauhan ka?” tanong kong mapangutya.

Pinunasan n’ya ang kanyang mga luha ngunit wala s’yang binigkas na kahit ano mang salita.

Mula sa aking bulsa ay kinuha ko ang aking cellphone para tawagan ang taong magpapatunay na totoo ang mga sinasabi ko. Eksaktong nabasa ko sa screen ang mensahe nitong nagtatanong kung kamusta ako. Mukhang kakampi ko ngayon ang pagkakataon dahil pwede ko s’yang tawagan sa mga oras na ito.

Ilang ring lang ang aking hinintay nang sagutin nito ang tawag ko. At para mas mag-enjoy sa pakikinig ang babaeng nasa harap ko, inilagay ko iyon sa loud speaker at inilapag sa mesang nasa harap naming pareho.

“Hello, my princess!” masayang bati nito sa kabilang linya.

Napangisi ako at tiningnan ko si MJ bago ako sumagot.

“Hello, baby Rigz?” malambing kong pagsagot dito.

“Nasaan ka na? Kumain ka ba ng breakfast bago umalis kanina? Break namin ngayon dito. Ikaw? Anong ginagawa mo?” sunod-sunod nitong tanong.

Tinakpan ni MJ ang kanyang bibig para pigilan ang malakas n’yang pag-iyak. Patuloy n’yang pinapakinggan ang malambing na pakikipag-usap sa akin ni Rigo. At dahil sa nakikita ko sa kanya ay mas nakaramdam pa ako ng tuwa sa halip na awa.

“Oo, kumain ako kanina tulad ng bilin mo. May urgent meeting akong pinuntahan kaya wala pa ako sa hotel. Nasa restroom lang ang ka-meeting ko ngayon kaya nagkaroon ako ng chance na makatawag sa’yo.” pagsisinungaling ko kay Rigo.

Biglang nagbago ang boses ni Rigo mula sa kabilang linya. Naging seryoso ito at tila sumisigaw na.

“Meeting?! Sinong ka-meeting mo?! Kilala ko ba ’yan?! Lalaki ba ’yan?! Anong pangalan n’yan?!” sunod-sunod n’yang tanong.

Natawa ako at dalawa ang dahilan nito. Una ay dahil nagseselos si Rigo, pangalawa ay dahil naitakip na ni MJ ang kanyang mga palad sa kanyang mukha dahil sa labis na pag-iyak nito.

“Hey! Easy ka lang, baby Rigz! Hindi naman importanteng meeting ’to, at wala rin kakwenta-kwenta ang ka-meeting ko. Ewan ko ba kung bakit nagpunta pa ako rito. Nagsayang lang tuloy ako ng oras.” kunwari ay nanghihinayang ako. Pero ang totoo, kinukutya ko na si MJ sa mga oras na ito.

“E, sino nga kasi ’yang ka-meeting mo?” tanong na naman ni Rigo.

“’Wag mo na itanong, please? Saka hindi ’to lalaki, babae ’to.” una kong sagot at saglit na tumigil. “Babaeng epal na gustong umeksena sa magandang prinsesa mo.” pagpapatuloy ko habang nakatitig sa tinutukoy kong babae na nasa harap ko.

Dinig na dinig namin ni MJ ang biglang pagtawa ni Rigo sa kabilang linya.

“Okay… Kayang-kaya mo na ’yan, Liam! Hinay-hinay lang ha? Baka naman masyado mo ’yan pinahihirapan?” paalala n’yang natatawa.

Nangyayari na ito noon, ang pinagsasabihan ako ni Rigo na maging mabait sa kausap ko. Pero kung noon ay nagagalit ako, ngayon ay malambing ang naging pagtatanong ko.

“Bakit, Rigz? Kinakampihan mo ba ’tong babaeng ka-meeting ko?” tanong kong malambing kay Rigo.

“Nope! Alam mo namang ikaw lang ang kinakampihan ko kahit mali pa ’yang ginagawa mo!” sagot n’ya at muling natawa.

“I know right!” sagot ko pabalik at tumawa rin ako.

Ilang segundo rin ang aming pinalipas ni Rigo habang tumatawang magkausap sa telepono. Tatapusin ko na ang palabas ko. Sapat na rin siguro ang mga narinig ng babaeng nasa harap ko para mapatunayang hindi s’ya magtatagumpay sa mga pinaplano nito.

“Paano, baby Rigz? Pabalik na ’yung ka-meeting ko galing restroom. Tatawagan na lang ulit kita mamaya ha? Mag-iingat ka d’yan.” malambing ko pa ring pagpapaalam kay Rigo.

Hindi pa pala ako tapos sa palabas ko, gusto ko pang magpahabol. Dahil kilala ko na si Rigo, alam ko na ang mga salitang sasabihin nito. Kaya naman ang sumunod kong ginawa ay tinodo ko ang volume ng cellphone ko at itinapat kay MJ ang speaker nito.

“Okay! Mag-iingat ka rin d’yan, Liam. Malapit na magtanghalian kaya ’wag mong kalimutan ang bilin kong kuhanan mo ng pictures ang mga kakainin mo. Ipadala mo ’yon sa akin, okay? Tatawag din ako sa’yo mamaya ’pag may free time, basta i-update mo rin ako. I’ll see you in three days. Miss na kita. I love you! “ mahaba nitong bilin at ibinaba agad ang telepono.

Matapos ang tawag na iyon ay pinaikot-ikot ko ang aking cellphone sa aking kamay habang nakangisi at tinitigan kong muli si MJ. Takip pa rin nito ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad.

“Now, tell me, MJ. Sa tingin mo ba may chance ka pang makuha sa akin si Rigo? Narinig mo naman siguro kung gaano nagmamalasakit sa akin si Rigo, ’no?” tanong ko sa kanyang mahinahon.

Hindi s’ya nagsalita. Nagpatuloy lang s’ya sa pag-iyak.

“Sagutin mo nga ako. Simula nang malaman ni Rigo na s’ya ang ama ng batang dinadala mo, tinanong ka na ba n’ya kahit minsan kung anong kinain mo for breakfast? I bet, no. E, ang tanungin ka n’ya kung sinong kasama mo? Ang iparamdam n’yang concern s’ya at nagseselos s’ya sa kausap mo, naranasan mo na ba ’yon? Sa tingin ko, hindi pa rin. Ako kasi, araw-araw at halos oras-oras n’yang pinaparamdam ’yon.” pamamahiya ko sa kanya.

“Tama na….” pakiusap n’ya sa mahinang tono habang takip pa rin ang kanyang mukha.

“How about, ang i-monitor ang mga kinakain mo dahil gusto n’yang healthy ang mga kakainin mo? Nagawa na ba n’ya iyon sa’yo lalo na at may baby d’yan sa sinapupunan mo? Siguro, hindi pa rin ’no?” tanong ko ulit.

“T-tama na…” muli n’yang pakiusap.

“Narinig mo rin na kahit sinasalbahe ko na ang ibang tao, ako pa rin ang kinakampihan ni Rigo. Ikaw ba, na-experience mo na ’yon sa kanya?” hindi pa rin ako natigil.

“Tama na, Randy, please…?” pakiusap n’ya ulit at tinanggal na ang kanyang mga palad sa kanyang mukha para tingnan ako ng tuwid.

“And lastly, nasabihan ka na ba n’ya kahit minsan na nami-miss ka na n’ya? At narinig mo na ba s’ya kahit isang beses na sabihing mahal ka n’ya? Hindi pa ’di ba? Ako kasi, kahit natutulog ako, binubulong n’ya sa akin ’yon ng paulit-ulit. Paulit-ulit, MJ. PAULIT-ULIT!” huli kong sumbat ng may diin.

“Sinabi kong tama na!” bulyaw n’ya sa akin.

“Fine! Madali akong kausap!” kunwari ay pagsuko ko habang nakataas ang dalawang kamay ko. Pero habang ginagawa ko iyon ay tumatawa na ako.

Naikagat n’ya ang kanyang labi habang umiiyak. Hindi na s’ya muling nagsalita pa matapos iyon. Senyales na sumusuko na s’ya sa aming paghaharap.

Nang maibaba ko ang aking mga kamay ay nagbitaw ako ng malalim na buntong-hininga.

“Siguro naman, tapos na ’tong urgent meeting natin ’no? Nasagot na ang mga katanungan mo. Kuntento ka na ba? Kasi kung kuntento ka na, pwede na ba akong umalis? Marami pa akong gagawin na mas importante kesa rito.” kunwari ay magalang pero sa nakakainsultong paraan kong pagpapaalam.

Hindi s’ya tumugon. Patuloy pa rin s’ya sa kanyang pag-iyak.

Inayos ko na ang sarili ko at tumayo para makaalis na sa lugar na ito. Pero bago ko pa s’ya tuluyang iwan ay nagbigay ako sa kanya ng words of wisdom.

Yumuko ako para mas malinaw n’yang marinig ang mga sasabihin ko.

“’Wag ang tulad ko ang kakantiin mo. Dahil sinisiguro ko sa’yo, sa basurahan ang bagsak mo.”

Iyon lang at nakangisi ko s’yang tinalikuran.

Akala ko ay tapos na ang pag-uusap namin na dalawa. Pero nagulat ako nang hawakan n’ya ang aking braso dahilan para mapatigil ako.

“S-sandali…” pakiusap n’ya sa aking likuran.

Unti-unti ay lumingon ako. Nakatayo s’ya sa harap ko at tila malapit nang lumuha ng dugo.

“R-randy… P-parang awa mo na… Maawa ka sa batang mawawalan ng ama… Gagawin ko kahit anong gusto mo… Basta pumayag ka lang na pakawalan si Rigo…” mahaba n’yang pakiusap sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

Hindi ko s’ya agad na sinagot. Dahan-dahan ay tiningnan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso. Unti-unti ay inangat ko rin ang aking isang kamay para tanggalin ang kamay n’yang nakakapit sa akin.

“Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang hinahawakan ako ng isang maruming klase ng tao. Tipong magpapagalaw kahit kanino at gagamitin ang bagay na iyon para makuha nila ang kanilang gusto.” madiin kong litanya sa kanya.

Wala s’yang nagawa kundi ang mapayuko.

“At para sa pakiusap mo, MJ, uulitin ko ang sagot ko. Hinding-hindi ko hahayaan na makuha ng iba sa akin si Rigo. Never, MJ. NEVER!” sagot ko sa kanya at tuluyan na s’yang tinalikuran.

Mabuti naman at mukhang nadala na s’ya sa pagkakataong ito. Dahil kung hindi pa s’ya titigil, handa na ako sa isang eskandalo.

Masama na kung masama, makasarili na kung makasarili. Wala akong pakialam.

Dahil ang akin ay akin lang.

Kunin na sa akin ang lahat, ’wag lang ang nag-iisang taong itinuring akong higit pa sa isang dyamante na dapat ingatan.

’Wag lang ang taong pinakamamahal ko.

’Wag lang si Rigo.


A/N

Sinubukan kong mag-update kahit may pinagdadaanan ang lola n’yo. Charot! Sana ay hindi naapektuhan ang emosyon sa senaryo ng chapter na ito. Sana po ay nagustuhan n’yo.

Maraming salamat po sa mga patuloy na nag-aabang at sa mga patuloy na nagbabasa.

Don’t forget to leave your comments and votes. Salamat, mga mahal ko!

–– cold_deee

chapter 21

A/N

Natuwa ako sa mga feedback na natanggap ko sa last chapter. Ang dami yata ang naka-miss sa pagiging maldita ni Randy? At may ilan din ang naawa kay MJ. Parang nalito, ganern! Hahahaha!

Para kay

mysteryjhecs

ang chapter na ’to! Yey!

Enjoy reading chapter 21!

––> si Randy po sa media.


RANDY’s POV

Simula nang makausap ko si MJ kahapon ay hindi na rin ako pinatahimik ng aking pag-iisip. Aaminin ko, napasobra ako sa ginawa ko sa kanya. Pero ipinaglaban ko lang kung ano ang nararamdaman ko, ipinaglaban ko lang ang para sa amin ni Rigo.

Mula nang magkausap kami ay naging tulala ako sa trabaho. Hindi maalis sa isip ko ang paulit-ulit n’yang pakiusap na pakawalan ko si Rigo. Kung ibang bagay lang sana ang hiniling n’ya, siguro ay napagbigyan ko pa s’ya. Pero si Rigo na ang paksa rito, ang taong hindi ko kayang mawala sa buhay ko.

“Sir?”

“Sir Randy?”

“Sir Randy, are you okay?”

Unti-unti ay nilingon ko ang pinanggagalingan ng pagtawag sa akin.

“M-mijie…” nauutal kong sambit sa kanyang pangalan.

Ang receptionist pala namin dito sa aming opisina. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala s’ya rito at nakatayo ngayon sa tapat ng table ko.

“Okay lang po ba kayo? Tulala po kasi kayo tapos parang gigil na gigil kayo sa ballpen n’yo.” pag-aalala nito.

Doon ko lang napansin na kagat ko ang aking ballpen at nakikita ko na ang marka ng aking ngipin dito kahit yari pa ito sa bakal.

Alam kong pilit na ginagawang normal ni Mijie ang lahat sa pagitan namin. Alam kong hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ito ng takot dahil sa naganap sa amin noon. Noong panahon na inatake ako ng takot at hindi ko sinasadyang mapagkamalan s’yang isa sa mga pangitaing kinatatakutan ko.

Iniwas ko na lang ang aking tingin sa kanya dahil nakakaramdam pa rin ako ng hiya sa senaryong iyon. Mabuti na lang din at hindi nito nagawang ikuwento pa kahit kanino ang nangyari. Siguro ay natatakot din s’yang mawalan ng trabaho kaya nagpanggap na lang itong hindi naapektuhan.

“Bakit? May kailangan ka ba?” tanong kong kaswal at humarap muli ako sa aking computer.

“Ibibigay ko lang po sana ito sa inyo. Ito po ang mga documents na pinapabigay nina Sir Xander at Sir Tom sa inyo bago sila lumipad papuntang US.” sagot nito sa akin.

“Ilapag mo na lang d’yan. Mamaya ko na lang titingnan.”  mahinahon kong utos sa kanya habang tinuturo ang isang bahagi ng aking mesa.

“Sige po.” tipid lang na sagot nito sa akin at umalis na ng aking opisina.

Napahinga ako ng malalim. Matapos iyon ay kinuha ko ang mga documents na pinapabigay sa akin nina Xander at Tom para simulang pag-aralan.

Napapangiti ako habang tinitingnan ang mga dokumento, naisip ko kasi ang dalawang kaibigan kong iyon. Ilang buwan din silang mawawala kaya ako ang mangangasiwa nitong hotel kasama ang kanyang pinsan ni Xander na si Lojie.

Malaking paghahanda ang ginagawa ng mag-asawa dahil darating na ang panibagong anghel sa buhay nila. Darating na ang unico hijo nilang si Tom Xendré na produkto ng surrogacy.

“Mabuti pa sila, isang totoong pamilya na.” nakangiti kong sambit habang patuloy na tinitingnan ang mga dokumento.

Ilang saglit pa ay napatigil ako sa pagbabasa ng mga dokumento dahil nagbalik na naman sa aking isipan ang senaryo sa pagitan namin ni MJ kahapon. Kahit ano talagang gawin ko para iligaw ang aking isip ay kusang nagbabalik ang tagpo naming iyon.

Muli kong hinawakan ang aking ballpen sa napakahigpit na paraan. Nagbalik na naman ang hitsura ni MJ sa aking kaisipan habang patuloy itong umiiyak at nagmamakaawa.

Sa totoo lang, kung hindi ko lang nagawang kontrolin ang sarili ko kahapon ay sa eskandalo talaga kami mauuwi.

Gusto ko syang bulyawan, gusto ko s’yang sumbatan, at gustong-gusto ko na s’yang saktan. Magpasalamat lang talaga s’ya at nakapag-isip pa ako ng tama. Naisip kong kapag ginawa ko iyon, malaki ang tyansang makarating iyon kay Rigo. Baka iyon pa ang maging dahilan para layuan ako ng taong pinaglalaban ko.

Hindi ko magawang makaramdam ng awa sa kanya dahil iniisip kong sinadya n’ya ang lahat.

“Ang tanga mo kasi, Randy!” nagdidikit ang mga ngipin kong pakikipag-usap sa aking sarili.

Bakit kasi hindi ko napansin noon pa na may kakaiba nang pagtingin ang babaeng ’yon kay Rigo? Bakit hinayaan kong makalapit si MJ sa kanya ng gano’n kadali?

Kung noon pa lang ay napansin ko na iyon, baka matagal na kami nitong nagtuos at hindi na umabot sa pagkakataong nagbunga ang pinaplano n’ya kay Rigo.

Oo, malakas ang paniniwala kong sinadya n’ya ito para mapunta sa kanya si Rigo. Dahil sa pag-aakala n’yang walang espesyal na tao kay Rigo, sinamantala n’ya ang pagkakataong pumasok sa buhay nito. ’Yan ang paniniwala ko.

Iniisip ko rin na ginamit n’ya ang pagkakataon na makalapit kay Rigo dahil sa alam n’yang magiging masaya ito sakaling magkapamilya ito.

“Hinding-hindi ako papayag. Kahit babae pa s’ya, hinding-hindi ako papayag na magtagumpay s’ya.” madiin ko na namang pagsasalita.

Wala na akong pakialam sa mga oras na ito dahil pinatulan ko ang isang babae. Kahit pa magalit sa akin ang karamihan, hindi ko na iyon alintana. Kahit pa umabot kami sa sakitan, hinding-hindi ko s’ya aatrasan.

Sinubukan kong kontrolin ang aking sarili. Hindi ako pwedeng magpadala sa galit. Kailangan ko itong labanan dahil kapag nagtuloy-tuloy pa ito, malaki ang posibilidad na maganap na naman ang kinatatakutan ko. Maaaring makagawa na naman ako ng mga bagay na taliwas sa kaisipan ko.

Hindi ko hahayaan na masira ako ng tuluyan. Dapat kong alagaan ang aking sarili dahil kapag may hindi magandang nangyari sa akin, baka maging daan pa iyon para magkalapit sina MJ at Rigo.

Ayaw ko.

Ayaw kong mangyari ang bagay na iyon dahil baka tuluyan na akong hindi maging masaya habang nabubuhay sa mundo.

Ilang ulit na pagbuntong-hininga ang aking ginawa. Pilit kong iwinawaksi sa aking isip ang posibilidad na sila ay magsama sa hinaharap. Dapat ay ako lang, ako lang ang makakasama ni Rigo hanggang sa tumanda ito.

Nagsimula na naman gumulo ang isip ko. Nagsimula na naman ang takot ko dahil wala si Rigo sa tabi ko.

Nang maisip kong hindi ko ngayon kasama si Rigo ay may kung anong bagay ang naglaro sa utak ko. Naging mabilis ang tibok ng puso ko, nagsimula na rin akong mag-isip ng mga negatibo.

Naisip kong hindi kaya dahil sa nangyari sa amin kahapon ni MJ ay nagsumbong na ito Rigo? Tinawagan n’ya kaya ito? Nagsimula na kayang gumawa ng hakbang si MJ para paglayuin kami ni Rigo lalo na at nakumpirma n’yang ako ang taong espesyal dito?

Mas lalo pa akong naguluhan nang maisip kong baka pinuntahan n’ya si Rigo sa lokasyon nito dahil alam n’yang wala ako sa paligid para mabantayan ito.

Mas nakakaramdam na ako ngayon ng takot. Nagsimulang mangilid ang aking mga luha dahil sa pinaghalong galit at lungkot.

Gusto ko sanang makausap si Rigo para mawala ang maling iniisip ko. Ngunit alam kong imposible ngayon dahil nasabi nito kaninang umaga sa akin na magbabago sila ng lokasyon at walang signal doon. Noong magkausap nga kami kanina habang nasa biyahe s’ya ay hindi na kami gaanong magkaintindihan dahil palayo na sila sa siyudad.

Kung sakaling mangyari nga ang hinala kong sinundan s’ya ni MJ, ano kayang gagawin ni Rigo?

Muli akong nag-isip. Dahil sa huli kong katanungan ay bahagya akong natauhan.

Tama. Kahit sundan pa ni MJ si Rigo, alam kong iiwasan lamang s’ya nito. Alam kong paulit-ulit lang sasabihin ni Rigo na may nagmamay-ari na ng kanyang puso at walang iba ’yon kundi ako.

Mahal ako ni Rigo. Tapat s’ya sa akin at ’yon ang dapat na panghawakan ko. Dapat kong pagkatiwalaan si Rigo. Mahal n’ya ako at alam kong kahit anong mangyari ay hindi ako iiwan nito.

Nakaisip ako ng paraan para tuluyang maalis sa isip ko ang mga negatibong bagay na pumapasok dito. Dinampot ko ang aking cellphone at nagpunta sa messages para basahin ang mga pinadala sa akin ni Rigo.

Naisip kong baka sa paraang ito ay magbabalik ang tiwala ko sa aking sarili ganoon na rin kay Rigo. Hindi ako papayag na dahil lang kay MJ ay masisira ang mga nasimulan ko.

Inisa-isa kong basahin ang mga mensaheng naglalaman ng mga bilin at paalala ni Rigo. Maging ang mga paglalambing n’ya ay ilang beses ko ring binasa at halos masaulo ko na ito.

Nagbasa pa ulit ako ng mga mensahe ni Rigo na hindi ko kailanman binura. Kahit ang mga walang kakwenta-kwenta n’yang message tulad ng mga lame jokes n’ya ay pinagkaabalahan kong buklatin.

Matagal ko iyon ginawa. At sa paglipas ng maraming minuto ay hindi ko na namamalayan na unti-unti nang gumuguhit ang ngiti sa aking labi.

Tama nga ako, si Rigo lang ang kailangan ko para mapakalma ako.

Nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa kahit na naging maayos na ang pakiramdam ko. Ngunit nasa ganoon akong tagpo nang bigla naman tumunog ang cellphone ko dahilan para mawala ang mga messages ni Rigo sa screen.

Mabilis na nagdugtong ang mga kilay ko dahil sa inis.

“Punyetang ’to! Istorbo!” naiinis kong sambit habang tinitingnan ang pangalan ng taong tumatawag sa akin.

Dahil sa inis ay hindi ko iyon sinagot. Pinatayan ko s’ya ng tawag dahil gusto kong bumalik sa pagbabasa ng messages sa akin ni Rigo. Ang akala ko ay susuko na ang taong tumatawag, pero nagulat ako nang muling mag-ring ang aking cellphone at nagdisplay na naman ang pangalan ng taong iyon.

“Hello!!” bulyaw ko sa kanya. Wala na akong nagawa kundi ang ito ay sagutin.

“Luh? Grabe ka naman makasigaw, Liam!” sagot nito.

“Sinabi ko nang ’wag mo akong tatawaging Liam!” pakikipagtalo ko agad sa kanya.

“E ’di Randy! Sungit naman nito!” mabilis n’yang pagbawi.

Napahinga ako ng malalim. Kung magpapatuloy ako sa pakikipagtalo sa kanya, baka lalo pang humaba ang usapan namin. Lalo n’ya lang akong maiistorbo.

“Bakit ka ba tumawag, Vinci?! Animal ka, iniistorbo mo ako!” tanong ko sa kanya.

“Wala naman, na-miss lang kita.” sagot n’ya at alam kong nakangiti s’ya. Ngiting-ngiti na alam kong nang-aasar s’ya.

“Gusto mong murahin kita?!” buska ko.

“Kanina mo pa kaya ako minumura! Haler?!” hindi pa rin s’ya natigil sa pang-aasar.

Nakalimutan ko, abogado nga pala itong kausap ko. May posibilidad na hindi ako manalo kung patuloy akong makikipagtalo. Pareho rin kaming pilosopo kaya malaki pa rin ang tyansa n’yang manalo.

“Bakit ka nga napatawag?” tanong kong medyo kalmado. Kailangan ko nang itigil ang pakikipagtalo sa kanya.

Narinig ko muna ang kanyang pagtawa bago s’ya sumagot.

“Wala kasi si Rigo kaya alam kong makakausap kita. ’Pag nand’yan kasi si idol, baka mapatay n’ya ako ’pag nalaman n’yang tumawag ako sa’yo.” sagot n’yang natatawa.

“Mabuti alam mo.” sagot ko pabalik at naiikot ang mga mata ko. “So, ano ngang problema mo?!” dugtong kong muli.

“Ayun! Buti pinaalala mo! Yayain sana kita gumimik. Wala kasi akong kasama e, walang makasabay sa trip ko. Sumuko na sa akin ’yong mga kasamahan kong model dahil muntik na kaming mapadala sa presinto noong isang linggo. Ayaw daw nila ng eskandalo.” mahaba n’yang pagkekwento.

Napataas ang isang kilay ko.

“At bakit ako ang naisipan mong yayain? Maghanap ka na lang ng iba! Busy ako!” pagtanggi ko sa kanya.

“Luh? Paano ka magiging busy kung wala naman si Rigo? Sige na, Randy, please? Nabuburyo na ako e! Tang*na, mag-iisang linggo na akong walang matinong inom!” pangungumbinsi n’ya sa akin.

“Bawal akong mag-inom!” pagtanggi ko pa rin. Nangako ako kay Rigo na hindi mag-iinom. Makakasama rin iyon sa kalagayan ko.

“Bakit? Dahil ayaw ni Rigo? Bakit ba hindi mo s’ya kayang tanggihan? Mas gwapo naman ako doon ah?” sunod-sunod n’yang tanong.

Naningkit ang mga mata ko kahit hindi n’ya ako nakikita.

“Mas gwapo sa’yo si Rigo! Mas masarap! Saka gusto mo bang isumbong ko ’yang mga sinasabi mo?! Sasabihin ko rin na kinukulit mo ako na samahan kang mag-inom! Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari sa’yo?!” hindi ko na napigilan ang pagbantaan s’ya.

Malaki ang takot nito kay Rigo kaya alam kong mapapasuko ko rin ito. Mataas ang respeto n’ya kay Rigo dahil kinikilala na niya ito bilang kanyang mentor.

“Hindi ka naman mabiro. Joke lang!” mabilis n’yang pagbawi.

Sinasabi ko na nga ba. Sira na talaga ang tuktok ng ulupong na ’to. Sinasayang lang talaga ang oras ko.

“Iba na lang ang yayain mo. Isa pa, may trabaho pa ako. Hindi naman ako kagaya mong abogado nga pero wala pa rin kasong hinahawakan dahil puro paglalakwatsa lang ang alam!” panenermon ko.

“Grabe ka naman sa akin! Sinubukan lang kitang yayain dahil baka naboboring ka na rin! Ito pa ba ang mapapala ko? Ang ipagtabuyan mo? Ano bang mali? Nagmamalasakit lang ako.” bigla n’yang pagdadrama.

Naiikot ko na lang ang mga mata ko.

“Tigilan mo ako. Hindi ako mahilig sa mga K-Drama.” walang gana ko nang pagsaway sa kanya.

“Pucha! Akala ko pa naman effective!” biglang pagbabago ng kanyang boses na tila nanghihinayang.

Napapikit na lang ako. Nakukulitan na ako sa kanya. Pero habang nasa tenga ko ang telepono ay may naalala ako. Tutal naman ay kausap ko na s’ya, baka sakaling masagot n’ya ang gumugulo sa isip ko kanina.

“Vinci.” bigla kong pagtawag ng mahinahon sa kanya.

“’Yoko na. Tampo na ako.” sagot n’yang kunwari ay malungkot.

“Tang*na mo.” pambabara ko.

“O, bakit?” tanong n’ya pabalik. Kailangan pa palang murahin ito para makausap ng matino.

“Uhmm… Nasaan si MJ? Alam mo ba kung nasaan s’ya ngayon?” tanong kong nag-aalangan sa kanya.

Gusto kong makasigurado na hindi sila magkasama ni Rigo. Gusto ko sana iyon itanong kay Rigo sakaling magkausap kami. Ngunit nag-aalala ako na baka madala ako sa sitwasyon at maging dahilan pa iyon para magkaroon na naman kami ng pagtatalo.

“Tang*na! Malay ko sa babaeng ’yon! Damang-dama ang pagbubuntis ampucha! Aalis na raw sa showbiz pero may pabitin pa sa media kung sinong ama ng pinagbubuntis n’ya! Ang sarap konyatan e!” sagot nito sa naiinis na tono.

“Baka naman ikaw ang ama?” tanong ko sa kanya. Hinihiling ko ngayon na sana ay s’ya na lang ang ama para matapos na ang problema namin ni Rigo.

“Eeeww! Mahal ko pa ang career ko, Randy! At saka kung gagalaw ako ng iba, sisiguraduhin kong hindi si MJ ’yon! Isa pa, simula nang mawala sa akin si Louie, ayaw kong may mahahawakan akong iba!” mahaba n’yang pagtanggi.

Sayang naman. Sana, s’ya na lang talaga ang ama ng batang ’yon.

Sa tingin ko ay wala talaga s’yang ideya kung nasaan ang babaeng iyon ngayon. Hindi rin pala s’ya sa akin makakatulong.

“Bakit parang galit ka kay MJ?” tanong ko sa kanya. Sa hindi ko malamang dahilan ay naintriga ako bigla dahil sa tono ng pananalita n’ya.

“Hindi naman. Kaso parang hindi ko na s’ya nagugustuhan nitong huli. Noong nalaman n’yang aalis na si Rigo sa agency at hihinto na sa pagmomodelo, sinabayan n’ya rin. Ang sabi niya noong una manganganak lang s’ya tapos babalik din. Tang*na! Nainggit yata kay Rigo kaya hihinto na rin daw s’ya!” singhal nito.

Napangiti ako. ’Pag si Vinci ang kausap ko, pakiramdam ko talaga ay may kakampi ako sa kalokohan ko.

“Vinci, sinong mas maganda sa amin ni MJ?” tanong kong bigla ng nakangiti.

“S’yempre s’ya!” mabilis n’yang sagot.

“Tang*na mo.” nakasimangot ko na ngayong pagmumura sa kanya. Walang kwenta e.

Narinig ko ang malakas n’yang pagtawa sa kabilang linya. Ang sarap n’ya talagang gawing hapunan ng gutom na gutom na buwaya.

“Tang*na! Anong klaseng tanong kasi ’yan?! ’Wag mong ikumpara ang sarili mo sa kanya! Tao s’ya, tae ka naman!” natatawa n’yang lahad.

“Tang*na mo ulit! Isusumbong talaga kita kay Rigo, punyeta kang animal ka!” inis na inis kong pagbabanta sa kanya.

“Joke lang! Masyado ka naman pikon! Ibig kong sabihin, ’wag mong ikumpara ang sarili mo sa kanya kasi may katangian s’ya na wala ka, at may katangian ka naman na wala s’ya. At isa pa––”

“Stop! Hanggang d’yan na lang ang sasabihin mo! ’Wag mo nang dugtungan dahil alam kong walang kwenta ang kasunod n’yan!” pag-awat ko sa kanya.

Mas lumakas ang tawa n’ya. Tama nga ako, mabuti na lang at inawat ko na s’ya dahil alam kong katarantaduhan lang ang isusunod n’ya sa mga sinabi n’yang iyon.

Pinabayaan ko na lang s’ya sa kahibangan n’ya. Ngayon ko lang napansin, bakit ba ako nagtitiyagang kausapin ito kung wala naman akong makukuhang impormasyon sa kanya?

“Ibababa ko na ’tong tawag. Wala akong mapapala sa ulupong na kagaya mo. Hindi ako makakuha ng magandang sagot.” pagpapaalam ko.

“Wait!” bigla n’yang pag-awat.

“Ano na naman?!” naiinis na ako.

“Alam ko na kung kanino mo malalaman kung nasaan si MJ!” bigla n’yang sagot.

Natahimik ako saglit.

“K-kanino?” utal kong tanong sa kanya.

“Kay Coke! Tawagan mo na s’ya! Excited akong mag-usap ang dalawang bakla!” sagot n’ya at bigla na naman tumawa.

“Punyeta ka! Bakla ka rin! ’Wag kang magpanggap!” pagtatama ko sa kanya. Umiiwas ang loko, e mukhang mas malandi pa sa akin ito.

Wala s’yang naitugon kundi ang malakas lang na pagtawa.

Minsan napapaisip ako sa taong ’to. Paano n’ya kaya napapanatiling masayahin sa harap ng maraming tao kahit na may mabigat na pinagdadaanan ito? Napakaswerte n’ya, madali n’yang naha-handle ang mabigat na sitwasyon. Hindi s’ya kagaya ko na mahina. Hindi s’ya gaya kong madaling makaramdam ng kalungkutan.

“O, sige na, Randy. Tawagan mo na lang si Coke kung gusto mong may makasagot d’yan sa tanong mo. No choice ka rin naman dahil wala talaga akong alam.” sagot n’ya sa akin matapos ang kanyang pagtawa.

Napahinga ako ng malalim.

“Bahala na. Wala ka talagang kwenta. Inutil ka.” pambabara ko na naman sa kanya.

Muli na naman s’yang natawa. Lumuwag na yata talaga ang turnilyo n’ya sa ulo.

“O, sige na. Basta ’pag kailangan mo ng kasama tawagan mo ako ha? Kahit hindi tayo mag-inom. Tang*na, kahit maghanap lang tayo ng mapagti-trip-an okay na sa akin. Buryong-buryo na talaga ako e.” pamamaalam na n’ya sa akin.

“Kung nabuburyo ka, magbigti ka na! Letse!” sagot ko lang.

Narinig kong tumawa na naman s’ya. Tuluyan ko nang pinatay ang tawag dahil wala talaga s’yang kwenta.

Pero sa kabilang banda, naisip ko na kung noon pa sana kami nagkaroon ng pagkakataon na magkausap ni Vinci, baka naging matalik pa kami nitong magkaibigan, silang dalawa ni Louie na dati n’yang kasintahan. Siguro, kahit paano ay nagkaroon ng kaibahan ang takbo ng buhay ko. Siguro ay naging matapang din ako at hindi nakakuha ng sakit kagaya ng meron ako.

Muli kong inisip ang sinabi ni Vinci. Wala na ba talagang ibang tao akong pwedeng mapagtanungan maliban na lang sa huklubang si Coke? Pero paano ko malalaman kung magkasama nga si Rigo at si MJ?

“Punyeta!” sambit ko at marahas kong kinamot ang ulo ko.

Inilapag ko muna ang cellphone ko. Pinag-iisipan ko kung dapat ko bang sundin ang sinabi ni Vinci sa akin. Muli kong dinampot ang cellphone kong iyon at tinitigan.

Lapag.

Kuha.

Lapag.

Kuha.

Paulit-ulit kong ginawa ang bagay na iyon sa aking cellphone habang iniisip kung tatawagan ko ba si Barney.

Makalipas ang ilang libong pag-iisip ay nakita ko na lamang ang aking sarili na nakadikit sa aking tenga ang cellphone habang pinapakinggan ang pag-ring sa kabilang linya.

“Hello, sino ’to?” sagot nito makalipas ang ilang pag-ring.

Punyeta. Saan ba nito nadampot ang boses n’ya? Mapa-personal o kahit sa telepono, boses paos na palaka. Noong nagpa-raffle siguro ng magagandang katangian, tulog na tulog siguro s’ya sa kulungan ng urangutan?

“Hello. Bakit ang pangit ng boses mo?” bungad ko sa kanya.

“Randy?! Randy ikaw ba ’to?!” nagugulat n’yang tanong.

Gusto ko sana s’yang palakpakan. May talent naman pala ang unggoy, marunong manghula ng kausap.

“Paano mo nalaman na ako ’to?” tanong ko sa kanya.

“E, ikaw lang naman ang nakilala kong ubod ng sama ang ugali. Nagtaka ka pa?” tanong nito pabalik.

Natawa ako.

“Sakto pala, Coke! Ikaw lang din ang nakilala kong ubod ng sama ang mukha!” sagot ko sa kanya pabalik.

Tumawa rin s’ya.

“At least ako, nagkajowa. Not once, not twice, but so many times!” hindi rin n’ya pagpapatalo sa napakaarte n’yang paraan ng pagsasalita.

Mas nilakasan ko pa ang pagtawa ko.

“Kaya pala ang itim ng tuhod mo ’no? Kasi ang dami mo nang niluhuran. E, bakit pati ang batok mo maitim rin? Malamang pagkatapos mo silang luhuran, pinagsasapok ka naman?” pang-aasar ko sa kanya.

Hindi ako sigurado kung maitim ang tuhod n’ya, lagi kasi s’yang nakapantalon. Pero ang batok n’ya, sigurado ako, maitim ’yon!

“Birth mark ’yon!” pagkontra n’ya sa akin.

“Parang hindi naman, Coke. Pero in fairness ha? Dahil sa batok mo, para kang yayamanin. Maraming lupain.” kunwari ay pagpuri ko.

Mas nilakasan n’ya rin ang kanyang pagtawa. Hindi talaga nagpapatalo ang ulikba.

“Maputi ka lang, Randy, hindi ka maganda.” bigla n’yang sambit.

Impaktong ’to! Malabo na ba ang mga mata nito?!

“E, ikaw? Maitim na nga, hindi pa maganda. Hindi ka ba kahit minsan naghahanap ng hustisya?” tanong kong mahinahon sa kanya.

“Punyeta ka! Bakit ka ba tumawag?!” naiinis na n’ya ngayong tanong.

“Punyeta ka rin! Expression ko ’yan ah! Bakit mo ginagaya?!” bulyaw ko rin sa kanya pabalik.

“Wala kang pake! Bakit ka nga tumawag?!” tanong n’yang muli.

Ayan na, tuluyan na s’yang napikon. Wala talagang mananalo sa akin.

Huminga muna ako nang malalim. Bakit nga ba ako nagpapadala sa malignong ’to? Kailan pa ako nag-enjoy na makausap ito?

“May itatanong ako.” mahinahon kong sagot.

“Spill! Sanay ako sa question and answer portion! Sumasali ako sa mga contest noon kaya madali kong masasagot ’yang mga tanong mo.” pagyayabang n’ya sa akin.

“Halloween contest ’yan malamang. Napaka-imposible naman kung beauty contest ’yan?” pagpuna ko na naman.

Ewan ko ba kung bakit bigla ko iyon naitanong sa kanya. Aaminin ko, naaaliw ako ngayong kausap s’ya.

“Mag-o-okrayan na lang ba tayo rito o gusto mong masagot ko ’yang tanong mo?!” bigla n’yang pag-iiba ng usapan.

Oo nga pala, mas mahalaga ang itatanong ko kesa sa lamang-lupa na ito. Masyado kasi akong natuwa sa pang-aalipusta ko sa kanya.

“Uhmmm… Alam mo ba kung nasaan si MJ?” nag-aalangan kong tanong.

“Ay, jusko! Pinaalala mo na naman ’yang babaeng ’yan! Pinasasakit n’ya ang ulo ko!” bigla n’yang reaksyon.

“Wala akong pakialam sa ulo mo. Sagutin mo na lang ang tanong ko. At ’pag nasagot mo na, saka mo pag-isipan kung bibiyakin mo ba ’yang ulo mo o pupukpukin mo ng martilyo.” wika ko at naiikot ko pa ang mga mata ko. Ang dami pa kasing paligoy-ligoy!

“E, kung ’yang bibig mo kaya ang biyakin ko?! Masyadong matabil ’yang dila mo!” pagpuna n’ya rin sa akin.

Naliligaw na ang usapan namin. Kung saan-saan na kami nakakarating.

“So, ano na nga, Coke? Nasaan s’ya?” pagbabalik ko ng usapan.

“Ewan! Hindi ko alam kung nasaan ang gagang ’yon!” sagot n’yang diretso.

“E, wala ka naman palang kwentang kausap! Ang dami mo pang sinasabi, hindi mo naman pala alam! Talent mo ’yon kaya dapat alam mo kung nasaan!” bigla ko na lang s’yang sinermonan.

“Anong magagawa ko?! Bigla na lang s’yang hindi nagparamdam! Pagkatapos n’yang magpa-ambush interview ng hindi ko nalalaman, bigla na lang nawala!” inis na inis nitong pagsasalita.

Tutal naman ay kausap ko na s’ya, sasamantalahin ko na ang mga itatanong ko.

“Uhhmmm.. Sa tingin mo ba, sinundan n’ya si Rigo? Sumama kaya s’ya sa shoot ni Rigo?” nag-aalangan ko pa ring tanong.

Ayaw kong makahalata s’ya. Pero kung sakaling magtaka s’ya dahil sa mga pagtatanong ko, idadaanan ko na lang siguro sa biro at panglalait sa kanya.

“Malamang, hindi! Feel na feel nga n’ya ang pagbubuntis ’di ba?! May nalalaman pa ’yan sa akin na bed rest daw ang drama n’ya! Hindi raw s’ya pwedeng mapagod kaya nga nagpaalam na rin ’yan sa agency!” sunod-sunod nitong sagot.

Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. Masaya akong marinig na hindi sila magkasama ngayon na dalawa.

“Panget, este, Barney, este, Coke.” hindi ko malamang pagtawag sa kanya. Ang dami n’ya kasing alyas sa akin. Wala pa doon ang unggoy, ulikba at hampas-lupa.

“Ano?!!” nagulat ako nang bigla itong sumigaw.

“Punyeta ka! ’Wag ko akong sigawan!” hindi ko naiwasang sigawan s’ya pabalik.

Ginulat n’ya ako e! Ang pangit na nga ng boses, naninigaw pa!

“Bakit nga?!!” pasigaw pa rin ngunit nabawasan na sa pagkakataong ito.

“Bakit ba parang high blood ka?!!” hindi pa rin nagbago ang taas ng boses kong sinisigawan s’ya.

Nagbalik din ang pagsigaw n’ya.

“E, sinong hindi maha-high blood?! Umalis na nga sa poder ko si Rigo, pati si MJ umalis na rin! Heto nga at ang aga ko rito sa bar dahil nade-depress ako sa mga talent ko! Hindi man lang inisip ang mararamdaman ko bilang manager nila! Saan ako nito ngayon pupulutin?!” mahaba nitong paglalabas ng sama ng loob.

“Sa zoo. Pwede rin sa farm. Doon ka pupulutin dahil doon ka naman talaga galing.” mahinahon kong sagot sa huli n’yang tanong.

Bigla kong narinig ang kanyang pagmamaktol.

“Randy, naman! For once, sana makausap ka naman ng matino! Ito na lang ang ikinabubuhay ko tapos nawala pa ang pinakamahuhusay na talent ko!” pagsaway na n’ya sa akin at nasundan na ito ng karima-rimarim n’yang pag-iyak.

Natigilan ako. Sa kabilang banda ay nakaramdam ako ng awa sa kanya. Si Rigo at MJ ang alam kong pinakamalaking talent n’ya at alam kong malaking kawalan sila.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko….” singhal n’ya pa at alam kong totoo na ang mga pag-iyak n’ya.

Aaminin ko na, naaawa na talaga ako sa kanya.

Pinakalma ko ang aking sarili. Wala naman sigurong masama kung magiging kaibigan ko s’ya ngayong mga oras na ito. Hindi ko na lang iisipin na isang shokoy ang kausap ko.

“Pakamatay ka na.” mahinahong payo ko sa kanya.

Mas lumakas ang pag-iyak n’ya. Ngumalngal na s’ya sa kabilang linya.

“Randy naman e!!!” malakas nitong pag-iyak.

“Joke lang.” pagbawi ko naman.

Sinubukan ko lang gumaan ang usapan. Bahala na s’ya kung susundin n’ya iyon, pero ’wag naman sana. Endangered na ang gaya n’ya kaya dapat nang pangalagaan.

“Alam mo, Coke, mahusay kang manager kaya alam kong kayang-kaya mong iangat ang mga natitira mo pang talent. ’Wag kang mawalan ng pag-asa.” wika kong mahinahon sa kanya.

Saglit s’yang natahimik. Umiiyak pa rin s’ya ngunit humina na ito at hindi na tulad kanina.

“T-totoo ba ’yan..?” tanong n’yang humihikbi.

“Hindi. Nagjo-joke lang ako.” sagot ko sa kanya.

Muli ko na naman tuloy narinig ang katakot-takot n’yang pag-iyak.

Dahil sa narinig ko ang pag-iyak n’ya ay hindi ko napigilang matawa. Naiisip ko kasi ang mukha n’yang tabingi. Tinakpan ko na lang ang bibig ko para hindi n’ya marinig sa kabilang linya ang aking pagtawa.

“Oo na! Totoo ’yon! Sinabi ’yan sa akin ni Rigo! Matagal ka na n’yang manager ’di ba? Nahawakan mo na rin sina Xander at Dominic, at lahat sila maganda ang naging takbo ng career. Kung hindi ka mahusay na manager, e ’di sana, hindi sila sa’yo tumagal ng ilang taon. Naghanap na siguro sila ng ibang manager. Pero nagsimula silang maging model na ikaw lang ang humahawak. Hanggang sa magretiro sina Xander at Dom, ikaw lang ang nagpapatakbo sa career nila. Tingnan mo, nakilala sila ng higit pa sa inaasam ng ibang talent.” mahaba kong paliwanag sa kanya.

Ilang segundong katahimikan bago s’ya nagsalita.

“T-talaga ba…?” tila ba gumaan ang pakiramdam n’ya dahil sa aking sinabi.

“Oo nga. Pangit ka lang talaga at wala na tayong magagawa sa bagay na ’yon. Tanggapin na lang.” pahabol ko pang pang-aasar.

“S-sabagay…” pag-amin n’ya.

Suminghot-singhot s’ya sa kabilang linya.

Punyeta. Ang dugyot!

Hinayaan ko na lang s’ya. Tiniis ko na lang ang kadugyutan n’ya. Minsan lang naman kami magpapakabait sa isa’t-isa kaya sasamantalahin na siguro naming dalawa.

“Pero alam mo, Randy, napakaswerte mo.” bigla n’yang sambit makalipas ang ilang minuto. Mukhang mahinahon na s’ya sa pagkakataong ito.

“Bakit naman?” tanong kong nagtataka.

“Ayaw ko sanang sabihin ’to dahil baka ikalaki ng ulo mo, baka lalo pang sumama ang ugali mo. Pero alam mo ba kung bakit nagresign si Rigo?” tanong n’ya sa akin.

Alam ko ang bagay na iyon, sinabi iyon sa akin ni Rigo. Dahil gusto n’yang ilaan ang kanyang mahabang oras sa akin para maalagaan ako. Pero hindi ko alam kung ano ang ibinigay n’yang rason sa kanilang agency kaya gusto kong marinig ito.

“Anong dahilan?” tanong ko kay Coke.

“Sabi n’ya sa big boss, may mahalagang tao s’yang kailangang alagaan. Gusto na rin n’yang tumigil sa pagmomodelo para mas makapag-focus sa taong ’yon. Ilalaan n’ya ang lahat ng oras n’ya sa kanya dahil sa pinakamahalagang tao para sa kanya. Mas mahalaga pa nga raw ang taong ’yon sa buhay n’ya.” sagot n’ya sa akin.

Hindi ko naiwasang mapangiti dahil sa sinabing iyon ni Coke. Parang maraming bulaklak ng sampaguita ang sumabog sa dibdib ko dahil sa saya.

Kung gano’n, pareho lang pala ang sinabing dahilan ni Rigo sa akin. Napakasaya ko dahil tapat talaga sa akin si Rigo.

“Talaga??” nakangiti kong tanong kay Coke.

“Tse! Nararamdaman ko, Randy, nakangiti ka! May sinabi ba akong ikaw ang tinutukoy n’ya?! Hindi n’ya sinabi sa big boss na ikaw ’yon!” bigla nitong pagbawi sa kaligayahan ko.

Napaisip ako. Oo nga, wala naman s’yang sinabing ako ang tinutukoy ni Rigo.

Dahil doon ay natahimik ako. Nawala rin ang pagkakangiti ko.

Muling nagsalita si Coke.

“Nalungkot ka naman agad? Hindi sinabi ni Rigo sa big boss kung sino ’yon! Dahil ’pag nalaman ’yon ni boss, baka hindi s’ya payagang umalis. Pero noong ako na ang nagtanong, sinabi n’yang ikaw nga ’yon.” pahabol n’ya sa akin.

Ramdam ko! Matapos sabihin sa akin ’yon ni Coke ay umirap pa ito! Insecure talaga s’ya sa ganda ko!

Hindi ko na lang pinansin ang inggit sa akin ni Coke. Ibinalik ko na lang ang wagas kong ngiti. Hindi ko rin napigilan ang makagawa ng kaunting ingay dahil sa kilig kaya narinig iyon ni Coke sa kabilang linya.

“Ganda mo rin e, ’no? Winner kang bakla ka! Ten years na pala kayong magkasama! Nabanggit n’ya rin ’yon sa akin. And believe me or not, abot -tenga ang ngiti ni Rigo habang kinekwento n’ya ’yon sa akin!” dagdag pa nitong pagkekwento.

“’Wag kang mainggit d’yan. Darating din ang para sa’yo.” nakangiti kong sagot kay Coke.

“Saan ko matatagpuan, aber?!” tanong nito.

“Sa zoo. Pwede rin sa farm.” pag-uulit ko sa biro ko kanina.

“Bwisit ka talaga! Hindi mo man lang pinalakas ang loob ko!” singhal nito sa akin.

“Ayaw lang kita umasa! Hayaan mo, hihiling ako sa buwan na makatagpo ka rin ng aso, este, ng forever mo. ’Yung hindi mo na kailangan bilhan ng rubber shoes o kaya bagong cellphone para lang pumayag na makipagrelasyon sa’yo.” mahaba kong pang-aasar sa kanya.

“Wala ka talagang kwenta!” napipikon na naman s’ya.

“Joke lang!” pagbawi ko at tumawa.

Inis na inis na s’ya sa akin. Pero sa tingin ko ay napagaan ko ang pakiramdam n’ya.

Muli s’yang nagsalita.

“Haayy! Masaya ako kasi bukod kay Xander, may Rigo pang magpapatunay na may magmamahal pa sa mga bakla. Akala ko lagi na lang luhaan ang mga kagaya natin. Pero heto ang mga kagaya nila na handa tayong tanggapin.” mahaba n’yang litanya.

“Ikaw lang talaga ang minalas ’no?” tanong ko. Tuwang-tuwa talaga akong asarin s’ya.

“Gaga! ’Pag ako talaga gumanda, who you ka sa akin!” pananakot nito.

“Ikaw naman kasi! Ang dami-dami mo na ngang pera, hindi mo pa asikasuhin ang magpaderma!” pangaral ko sa kanya.

“Wala akong time. Kung aasikasuhin ko pa ang sarili ko, baka mapabayaan ko naman ang mga talent ko? Mas marami ang umaasa sa akin, uunahin ko na lang sila kesa ang sarili ko.” sagot nito.

Saglit akong natahimik dahil sa pag-iisip. Ngayon ay mas naiintindihan ko na kung bakit tumagal ang mga kaibigan ko sa kanya bilang kanilang manager, maalaga talaga s’ya at maalalahanin.

“Minsan sumama ka sa akin. Magaling ang derma ko. Maglaan ka rin ng oras para sa sarili mo, hindi ’yung puro talent mo ’yang inaasikaso mo!” sermon ko na naman.

Sa hindi ko malamang dahilan ay naimbita ko s’ya. Punyeta, baka ginayuma na ako nito ni bakla?

“Sure ka? Isasama mo ako?!” nagugulat n’yang tanong.

Napapikit ako. Tila ba nanghina ako.

“Oo. Mamamasyal tayo na parang ako ang amo, at ikaw ang pitbull ko.” dinaan ko na lang sa pang-aasar ulit.

Wala na, nakuha na n’ya ng tuluyan ang loob ko. Kailangan ko nang tanggapin sa sarili kong magiging kaibigan ko na ’tong malignong ito.

“Seryoso ka ba d’yan?” tanong n’ya sa akin.

“Saan? Sa pagiging pitbull mo? Oo naman, walang joke ’yan. Alangan naman chihuahua ang itawag ko sa’yo? Hindi ka cute, okay?” sagot ko sa kanyang seryoso.

“Impakta ka talaga! Ang ibig kong sabihin tungkol sa pagsama mo sa akin!” pagtatama n’ya.

Alam ko naman ’yon. Inasar ko lang talaga s’ya.

“Oo nga. Kung ayaw mo naman, mas maganda.” kunwari ay seryoso pa rin ako.

Narinig kong parang iiyak na naman s’ya.

“Pwede ba akong maiyak, Randy? Na-touch ako e.” sambit nito.

Nataranta ako.

“Utang na loob, Coke! ’Wag na ’wag ka nang iiyak dahil baka mabasag na ang eardrums ko!” pagpigil ko sa kanya.

“Ikaw, napaka––”

Sasagot pa sana si Coke ngunit mabilis ko itong pinigilan.

“’Wag ka munang magsalita. Abot dito sa opisina ko ang hininga mo, este, may kumakatok sa pintuan ko.” pag-awat ko sa kanya. Narinig ko kasi ang sunod-sunod na katok dito sa aking opisina.

“Come in!” sigaw ko.

“Aray…” narinig kong daing ni Coke sa kabilang linya. Sinadya ko kasing ilakas ang boses ko habang nakatapat pa rin ang bibig ko sa mouthpiece ng telepono ko. Intensyon ko talagang mabingi ang unggoy na kausap ko.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mijie na aming receptionist.

“Sir Randy, may naghahanap po sa inyo. Tinanong ko po kung may appointment s’ya sa inyo, pero sinagot n’ya lang ako na hindi na raw po ’yon kailangan. Papapasukin ko po ba?” tanong nito mula sa pinto.

“Sino raw?” tanong ko pabalik habang nakakunot ang noo ko. Wala kasi akong matandaan na may kakausapin ako ngayong araw na ito.

“Mrs. Eve Silvestre raw po ang pangalan n’ya.” sagot nito sa akin.

Nang marinig ko ang pabgalang iyon ay natigilan ako. Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakasagot sa tanong ng receptionist namin dito.

“Sir Randy?” pagtawag muli sa akin ni Mijie makalipas ang ilang segundo dahil natulala ako.

“A-ahmm… S-sige, papasukin mo s’ya…” nauutal kong sagot kay Mijie.

Tanging alanganing pagtango lang ang naisagot sa akin ni Mijie at tuluyan na rin itong lumabas ng aking opisina.

Hindi ako makapaniwala. Maraming beses ko s’yang sinubukang tawagan para kausapin. Pero nakakagulat na ako pa ang pinuntahan nito ngayon.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Sa tuwing maghaharap kami ng tiyahin ni Rigo, nagbabalik ang takot ko.

Ito na ba? Ito na ba ang tamang oras para ipagtapat ko sa kanya ang lahat? Ngayon ko na ba masasabing hindi na ako tutupad sa aking mga ipinangako sa kanila? Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kong mahal ko ang pamangkin n’ya?

“Hello, Randy? Nand’yan ka pa ba? Buhay ka pa ba o nagpatiwakal ka na?” narinig kong biglang pagsasalita ni Coke sa kabilang linya.

Nakalimutan kong hanggang ngayon ay nakaangat pa pala ang tawag namin ni Coke.

“A-ah… Sorry, Coke. M-may dumating kasi akong bisita…” nauutal kong sagot sa kanya.

“Ha??!!! Lalaki ba ’yan?!! Nanlalalaki ka??!! Aba, bakla! May Rigo ka na! Makuntento ka! ’Wag nang maghanap ng iba!!” biglang sermon nito sa akin.

“Punyeta ka! Anong akala mo sa akin?! Kagaya mo na uhaw sa jowa?! Ibahin mo ako! At saka trabaho ito, hindi ’yang kung ano-anong iniisip mo!” bulyaw ko sa kanya pabalik.

“Taray mo talaga! Naniniguro lang!” sagot n’ya rin pabalik.

Kailangan ko nang magpaalam sa kanya. Kailangan ko na rin maghanda dahil sa hindi inaasahang bisita.

“O, sige na, Coke! Kailangan ko nang ibaba ’tong tawag! Naaalibadbaran na rin naman ako sa boses mo!” pagpapaalam ko sa kanya.

“O, sige na. Salamat sa oras ha? Next time samahan mo akong mag-inom. Chikahan lang naman tayo, share-share ng feelings, ganern!” pagyaya nito sa akin.

“’Wag na! Baka may virus ka pa at mahawa ako!” pagtanggi ko kunwari.

Alam ko namang hindi na malayong mangyari ang imbitasyon n’yang iyon. Pero sa ngayon, ito munang tiyahin ni Rigo ang haharapin ko.

“Impakta ka talaga! O, s’ya, next time na lang. Magbabaon ako ng maraming pang-o-okray sa’yo para minsan naman ako ang manalo. Ciao!” mahaba n’yang pagsasalita at s’ya na rin ang nagbaba ng telepono.

Ibinaba ko ang aking hawak na telepono sa mesa. Tulala ako ngayon dahil sa pag-iisip. Kailangan kong paghandaan ang mga sasabihin ko kay Tita Eve. Kailangan kong lakasan ang aking loob. Kailangan kong maging matapang para sa amin ni Rigo.

Ilang sandali pa ang aking hinintay nang marinig ko ang mga pagkatatok sa pinto ng opisina ko.

Nandito na s’ya. Naririto na ang taong naging dahilan kung bakit matagal kong pinigilan ang nararamdaman ko para kay Rigo.

Nagsimula na akong makaramdam ng pamamawis ng kamay. Naramdaman ko na rin ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa nerbiyos sa magiging tagpo.

Nanginginig ang aking katawan nang tumayo ako sa aking pwesto at pumunta sa pinto. Hindi agad ako gumalaw nang makarating ako sa pintong iyon. Nagbitaw muna ako ng ilang malalalim na paghinga habang nakapikit bago ko inangat ang aking kamay para hawakan ang doorknob na nasa harap ko.

Nang makakuha na ako ng sapat na lakas ay unti-unti kong binuksan ang pinto para salubungin ang taong haharapin ko.

“G-good afternoon, Tita Eve.” nauutal kong pagbati.

Hindi s’ya tumugon. Wala s’yang ipinapakitang ekspresyon sa akin sa mga oras na ito, blangko lamang ito.

“Pasok po kayo.” pilit na pinapatatag kong boses at niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto.

Hindi pa rin s’ya nagsalita. Pumasok s’ya sa aking opisina ng dahan-dahan habang inililibot ang kanyang mga mata sa kabuuan ng opisina. Nanatili naman ako sa kanyang likod at hinihintay ang pagsasalita n’ya.

Maya-maya pa ay humakbang s’ya patungo sa tapat ng aking table. Dahan-dahan pa rin s’ya sa kanyang pagkilos hanggang sa iangat n’ya ang kanyang kamay para hawakan ang name plate kong nasa office desk ko.

“Randy Liam De Torres, General Manager.” pagbasa n’yang mahina sa nakaukit doon.

Hindi ako nakatugon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon sa pagbasa n’ya sa aking pangalan at posisyon.

“Ang layo na ng narating mo, Randy. I’m proud of you.” sunod n’yang pagpuna.

Dapat ay matuwa ako sa sinabi n’yang iyon, pero hindi ko iyon maramdaman. Mas nararamdaman kong may ibig s’yang ipakahulugan sa mga salita n’yang iyon.

Nilakasan ko na ang loob ko. Mukhang ito na rin naman ang tamang pagkakataon para pag-usapan namin ang nagiging balakid sa pagsasama namin ni Rigo.

“Tita…” mahina kong pagtawag sa kanya.

“Hhhmm?” pagsagot nitong mahina at hindi man lang ako nilingon. Ipinagpatuloy n’ya ang paghaplos sa name plate ko.

“M-may sasabihin po ako…” nauutal kong panimula.

“What is it, Randy? Tell me.” mahina pa rin n’yang pagtatanong pabalik. Hindi n’ya pa rin ako tinitingnan.

Kahit pinagpapawisan ako at nanginginig ang bibig ko dahil sa kaba ay naglakas-loob na akong magsalita. Nandito na ito, ang kailangan ko na lang ay ipagtapat ito.

“I-i’m sorry…” kinakabahan kong sambit.

Doon lamang s’ya napatigil sa paghaplos sa aking name plate. Hindi s’ya nakagalaw at alam kong nabigla s’ya sa aking sinabi.

Matalinong tao si Tita Eve kaya alam kong kahit ’yon pa lang ang nasasabi ko ay naiintindihan na n’ya ito.

Hindi s’ya nakapagsalita at natulala na lamang ito. Iyon na rin ang ginamit kong pagkakataon para maging klaro ang sinabi ko.

“S-sorry po, Tita. P-pero hindi ko na matutupad ang napagkasunduan natin noon. Bumibitaw na po ako sa naipangako ko sa inyo.” buong tapang kong dugtong.

Hindi pa rin s’ya nakapagbigay ng reaksyon. Ngunit sa wakas ay nakagalaw na rin s’ya sa kanyang pwesto at unti-unti akong nilingon.

“Tita… mahal ko po ang pamangkin n’yo. Mahal na mahal ko po si Rigo.” dagdag ko pa.

Sa wakas ay nasabi ko na sa kanya. Sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob para ipagtapat ito sa kanya.

Hindi pa rin s’ya nagsalita. Wala kaming ginawa kundi ang magtitigan para suriin ang isa’t-isa. Ipinakita kong seryoso ako sa sinasabi ko. Ipinarating ko sa mga pagtitig ko na lalaban ako para kay Rigo.

Ilang segundo pa kaming ganoon hanggang sa magbago ang kanyang ekspresyon. Naningkit ang kanyang mga mata at mas nababasa ko na ito ngayon. Alam kong hindi n’ya ikinatuwa ang sinabi kong iyon.

“Kunin mo ang susi ng kotse mo. Aalis tayo.” mahinahon n’yang utos ngunit alam kong may bahid ng galit iyon.

Hindi na n’ya ako hinintay pang magsalita. Matapos n’yang sabihin sa akin iyon ay humakbang na s’ya para tunguhin ang pinto ng opisina ko.

“Sundan mo kami ng driver ko.” sunod pa nitong utos nang huminto s’ya sa pinto.

Gusto ko pa sanang mag-usisa ngunit alam kong hindi na rin n’ya ako sasagutin. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa para sundin ang utos n’ya.

Nauna s’yang naglakad sa akin at wala akong nagawa kundi ang sundan s’ya. Nagpaalam na lang ako sa aming receptionist at nagbilin na sabihin na lang kay Lojie na nauna na akong umuwi.

Habang naglalakad ay puno pa rin ng katanungan ang aking isip.

Saan kaya kami pupunta? Saan n’ya kaya ako dadalhin? Ano kaya ang sagot n’ya sa mga ipinagtapat ko sa kanya?

Lahat iyan ay gumugulo sa aking isip habang sinusundan s’ya. Maging nang makapasok kami sa elevator nitong hotel ay sa kanya lang nakatuon ang aking pansin. Naghihintay ako na magsalita s’ya ngunit kahit isang beses ay hindi n’ya iyon ginawa.

Sa valet parking ng hotel ay sabay naming hinintay ang aming mga sasakyan. At kahit naghihintay kami ay hindi pa rin n’ya ako magawang sulyapan.

“Sir, sumunod na lang po kayo sa amin ha?” pagkausap sa akin ng driver ni Tita Eve dahil diretso na itong pumasok sa loob ng kanilang kotse.

Nag-aalangang pagtango lang ang naitugon ko dahil hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako.

Nang makapasok ang driver ni Tita Eve sa kanilang kotse ay doon lamang ako kumilos para sumakay naman sa kotse ko.

Sinundan ko ang kanilang kotse kahit wala pa rin akong ideya kung saan kami pupunta. Alam kong hindi naman ako ipapahamak ni Tita Eve, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Sa ipinapakita sa akin ni Tita Eve, alam kong may matutuklasan akong hindi maganda. Ngayon lang s’ya naging ganito kung makitungo sa akin. Malamig at walang emosyon.

Patuloy ko pa rin silang sinusundan hanggang sa gumuhit ang pagtataka sa akin nang pasukin namin ng malaking gate ng isang establishment malapit lang sa pinapasukan kong hotel.

“Anong gagawin namin dito?” nagtataka ko pa ring tanong sa aking sarili.

Nakita kong huminto ang kanilang kotse sa parking lot kaya tinabihan ko na lang ang sasakyan nila.

Nang tuluyan kaming makapagpark ng maayos ay agad akong bumaba ng aking kotse para tanungin si Tita Eve.

“T-tita..? A-anong ginagawa natin dito sa ospital? Sinong nand’yan sa loob?” nag-aalala kong tanong nang makalabas s’ya ng kanilang kotse.

Hindi n’ya agad ako sinagot. Nagbalik ang blangko n’yang ekspresyon habang nakatingin sa mga mata ko.

“Sumunod ka na lang.” utos n’ya lang sa aking mahinahon at sinimulan na n’yang maglakad.

Mas lalo na akong naguluhan. Iniisip kong may kakilala akong nasa loob ng ospital na ito kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

Lakad takbo ang aking ginagawa habang sumusunod kay Tita Eve. Nagiging mabagal kasi minsan ang paghakbang ko dahil natutulala ako.

Sa loob ng ospital ay sumakay din kami ng elevator hanggang sa makita kong patungo kami sa fourth floor.

“Tita, nag-aalala na po talaga ako! Sino po bang nandito?!” hindi ko na naiwasang tumaas ang boses ko dahil sa pagkataranta habang patuloy kong sinusundan ang paglalakad n’ya.

Hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon nang magsalita s’ya.

“Sinabi kong sundan mo lang ako, Randy.” kalmado n’yang sagot sa akin at patuloy pa rin sa kanyang paglalakad.

Wala na akong nagawa. Kahit siguro pilitin at sigawan ko pa s’ya ay hindi n’ya rin ito sasabihin sa akin. Ang kailangan ko na lang hintayin ay ang marating ang lugar kung saan n’ya ako dadalhin.

Ilang sandali pang paglalakad ay huminto na rin sa wakas si Tita Eve. Dahil doon ay napahinto rin ako. Tiningnan ko ang pinto ng isang kwarto dito sa ospital at halos manlumo ako sa nakasulat sa taas nito.

“Intensive Care Unit.” mahina at nakakunot kong pagbasa sa nakasulat doon.

Nasa likod pa rin ako ni Tita Eve kaya malaya kong napagmamasdan ang kanyang mga kilos. Inangat nito ang kanyang kamay at pinindot ang buton na naroroon. Para itong isang doorbell sa isang bahay.

Ilang pagpindot lang ang kanyang ginawa hanggang sa may lumabas na isang babaeng nurse doon.

“Kayo po pala, Mrs. Silvestre.” nakangiting pagbati ng nurse.

“Gising ba s’ya?” diretso at seryosong tanong ni Tita Eve sa nurse.

“Natutulog po s’ya ngayon. Katatapos lang po kasi namin iturok ang gamot n’ya kaya madali s’yang nakatulog.” sagot naman ng nurse.

“Pwede ba namin s’yang makita?” tanong muli ni Tita Eve.

“Opo. Pero sa window lang po. Medyo sensitibo po kasi e. Pagbubuksan ko na lang po kayo ng kurtina.” sagot naman ng nurse.

Marahang pagtango lang ang naisagot ni Tita Eve. Kasunod nito ay pinagbuksan na rin kami ng nurse ng pinto.

Hindi ko na magawang makapagtanong sa mga oras na ito. Tila ba nalunok ko na ang dila ko dahil ang kaninang kaba ko ay naging malaking takot na ito.

Para akong anino ni Tita Eve na sinusundan s’ya sa pagpasok sa loob ng silid na iyon.

“Dito na lang po kayo. Papasok lang po ako sa loob para makita n’yo s’ya.” biglang pagpigil ng nurse sa amin.

Nasa tapat kami ng isa pang kwarto na may malaking salamin at natatakpan ng kurtina. Hindi ko alam kung ano ang nasa likod ng kurtinang iyon.

Hindi ko man inaasahan ay nagbalik ng kusa sa aking kaisipan ang senaryo noong pinuntahan ko ang Papa ko sa ospital, noong malubha na ang kalagayan nito. Nanlamig ang buong katawan ko, pinagpapawisan na rin ako sa mga oras na ito.

Gusto ko nang tumakbo pero hindi na ako makagalaw. Pakiramdam ko kasi ay makikita kong muli ang mukha ng ama kong naghihirap sa oras na mabuksan ang kurtinang nasa likod ng salaming nasa harap namin. Kahit ang mga kamay ko ay parang may mabibigat na bakal sa mga oras na ito na s’yang pumipigil para makakilos ako.

Napapikit na lang ako.

Ayaw ko. Ayaw kong makita ang nasa loob ng kwartong iyon.

Ginawa ko ang lahat para hindi maibuka ang mga mata ko. Ngunit napapitlag ako nang magsalita si Tita Eve sa tabi ko makalipas ang ilang segundo.

“Tingnan mo s’ya, Randy. Buksan mo ’yang mga mata mo.” utos nito sa akin sa madiin na tono.

Naging mabilis ang mga paghinga ko.

“A-ayaw ko po, Tita… Ayaw ko po…” nanginginig ang boses kong pagtanggi sa kanya.

Naging magulo na ang isip ko. Hindi ko na kayang kontrolin ang takbo ng utak ko.

Halos mapaatras ako nang marinig kong tumaas ang boses ni Tita Eve.

“Ayaw mo?! O natatakot ka lang harapin ang ginawa mong kasalanan sa kanya?!” tanong nito sa akin ng pasigaw.

Kasalanan? Anong kasalanan ko? Wala akong kasalanan.

Sila. Sila ang may kasalanan sa akin.

Si Papa na nasa likod ng kurtinang naririto. S’ya ang may malaking kasalanan sa akin.

Parang aatakihin ako sa puso nang maramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Tita Eve at paulit-ulit na inuga ang katawan ko.

“Sinabi kong buksan mo ’yang mga mata mo! Tingnan mo ang resulta ng ginawa mo! Harapin mo ang kasalanan mo!!” sigaw nito sa akin habang patuloy sa pag-uga sa katawan ko.

Hindi ako tumugon. Mas naging malalalim ang mga paghinga ko.

“Sundin mo ako, Randy! Pagmasdan mo ang taong pinahihirapan mo dahil sa ugali mo! Dahil sa pagiging makasarili mo!!” sigaw pa rin sa akin ni Tita Eve.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para unti-unting buksan ang mga mata ko. Ang utos ko sa aking sarili ay ’wag sundin si Tita Eve, pero hindi sumasang-ayon ang katawan ko.

Nang tuluyan kong mabuksan ang mga mata ko ay nagkusa na naman gumalaw ang katawan ko para lingunin ang nasa kabilang bahagi ng salamin.

Kung hindi siguro nakahawak sa braso ko ngayon si Tita Eve ay natumba na ako nang masilayan ko ang taong nakahiga sa hospital bed ngayong mga oras na ito.

Hindi si Papa ang naroroon ngunit kilala ko rin ito.

“M-mj….” nauutal kong pagbanggit sa kanyang pangalan habang nanlalaki ang mga mata ko.

Nakapikit ang kanyang mga mata at nahihimbing sa pagtulog ito. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit maraming nakakabit na aparato sa katawan nito.

Hindi na ako muli pang nakapagsalita. Nanatili na lang akong walang kibo habang nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

Binitiwan na ako ni Tita Eve at narinig ko ang muli n’yang pagsasalita. Sa pagkakataong ito ay hindi na n’ya ako sinisigawan, naging madiin na lang ang bawat salitang kanyang binibitawan.

“Masaya ka na ba, Randy? Masaya ka na ba sa ginawa mo sa kanya?” tanong nito sa akin.

Nangunot ang noo ko dahil sa paratang na iyon sa akin ni Tita Eve. Naging dahilan din ito para lingunin ko s’ya.

“A-ako? B-bakit? Anong ginawa ko sa kanya?” naguguluhan kong tanong kay Tita Eve.

Masama ang bawat pagtitig sa akin ni Tita Eve.

“Tumawag ako kay MJ kahapon para hanapin at kamustahin s’ya. Pero alam mo ba kung sino ang nakasagot?” tanong nito sa akin.

Hindi ako nakatugon. Hinintay ko na lang na s’ya ang sumagot sa katanungan n’yang iyon.

“Ang staff ng coffee shop na pinuntahan n’yo! Nalaman kong nagkita kayo at nagkausap doon! Isinugod daw nila si MJ sa ospital matapos n’yong mag-usap kahapon!” sagot nito sa madiin at mas mataas na tono.

Lalo nang nanlaki ang mga mata ko. Hindi na ako muli pang nakapagsalita ngunit muli kong nilingon ang pwesto ni MJ sa loob ng ICU.

“Kitang-kita ng mga tao doon ang ginawa mo sa kanya! Kung paano mo s’ya ipinahiya, kung paano mo s’ya binalewala sa paulit-ulit n’yang pakiusap habang umiiyak, at kung paano mo s’ya pinagsalitaan ng hindi magaganda! Lahat ’yon nakarating sa akin! At lahat ng ginawa mong ’yon ang naging dahilan kung bakit muntik nang malaglag ang bata sa sinapupunan n’ya! Dahil sa sama ng loob, nilagay mo sa alanganin ang buhay nilang dalawa!” galit na galit na sumbat sa akin ni Tita Eve.

Napailing ako dahil hindi ako makapaniwala. Malayo sa aking kaisipan na mangyayari ang bagay na ito.

Naging mabilis din ang mga paghinga ni Tita Eve. Kahit hindi ko s’ya nakikita ay naririnig ko iyon dahil sa labis n’yang galit sa akin.

Nagpatuloy pa s’ya sa pagsasalita.

“Ibang klase ka, Randy. Tanggap mo sa sarili mong masama kang tao at tuwang-tuwa ka pa sa bagay na ’yon.” komento nito at saglit na tumigil. “Sabihin mo nga sa akin. Kung tatawagin ka ba naming mamamatay-tao, ikakatuwa mo pa rin ba?!” sunod nitong tanong ng pasigaw.

Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa pagkabigla. Wala akong maisagot kundi ang paulit-ulit na pag-iling sa kanya.

Hindi. Hindi ako gano’n kasama. Hindi ko kayang pumatay.

“Ano bang kasalanan sa’yo ng bata? Bakit pati s’ya dinadamay mo? Nasaan ang konsensya mo, Randy? Kung naging miserable ang buhay mo noon, hindi naman tama na pati ang batang ’yan ay madamay lalo na at anak s’ya ni Rigo!” sunod-sunod na pagtatanong nito.

Parang umalingawngaw sa aking tenga ang huling sinabi ni Tita Eve.

Anak ni Rigo.

Anak ng taong pinakamamahal ko.

“Ngayon mo sa akin sabihin na mahal mo si Rigo, Randy. Ngayon mo ipamukha sa akin ’yang pinaglalaban mo! Paano mo sasabihing mahal mo si Rigo kung muntik mo nang patayin anak n’ya?!” sumbat pa nito.

“Hindi ba dapat mahalin mo ang lahat sa kanya?! Tanggapin mo kung anong meron s’ya?!” tanong n’yang pasigaw.

“Gano’n ang pagmamahal, Randy! Hindi makasarili! Hindi mo dapat inaagawan ng buhay at kasiyahan ang taong mahal mo! Hindi mo dapat inaalisan ng karapatan! Hindi mo dapat pinuputol ang pangarap n’yang nabuo! At higit sa lahat, magsasakripisyo ka lalo na at iyon ang magiging dahilan para makita mong kompleto ang mahal mo! Gano’n ang pagmamahal, Randy! Hindi kagaya n’yang pinapakita mo!” mahaba pa nitong pagpapatuloy.

Wala na akong mabigkas na salita. Kahit ang mga mata ko ay huminto na rin sa paggalaw at nanatili na lang itong nakatuon kay Tita Eve.

Huminto sa pagsasalita si Tita Eve. Nakikita kong pilit n’yang ginagawa ang lahat ng makakaya n’ya para huminahon.

“Makasarili ka. Walang konsensya. Wala ka na talagang pag-asa. Lahat na lang basta gustuhin mo, kukunin mo kahit kapalit pa ang buhay ng ibang tao.” muli n’yang komento sa mahinahon ngunit sa madiin na tono.

“Sabihin mo nga sa akin, Randy. Bukod sa pagiging makasarili, sinasanay mo na rin ba ngayon ang sarili mong kumitil ng buhay ng tao? Umabot na ba d’yan ang kasamaan ng ugali mo?” tanong nito sa akin.

Hindi. Hindi ko magagawa ang bagay na iyon.

Gusto kong magsalita o kahit ang umiling man lang para maipagtanggol ang sarili ko. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maikilos ang katawan ko.

Dahil sa wala akong maisagot ay muli na naman s’yang nagsalita.

“Ngayong nakita mo na ang ginawa mo, sana makatulog ka pa ng maayos. Napakawalang konsensya mo!” bulyaw n’ya sa akin at tinalikuran na ako.

Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan si Tita Eve habang papalayo sa aking kinatatayuan. Iniwan n’ya akong tulala at nalulunod sa masasakit na salitang kanyang binitawan.

Muli kong pinagmasdan si MJ na nasa loob pa rin ng ICU.

Totoo ba? Ganito na ba ako kasama? Ako ang nagdala sa babaeng ito sa bingit ng kamatayan? Pati ang batang walang muwang, idinamay ko? Ganito ba ang magiging resulta dahil lang nagmamahal ako? Dahil lang ipinaglalaban ko ang pagmamahal ko?

Paulit-ulit kong hinahanapan ng kasagutan ang mga katanungan kong iyan habang pinagmamasdan si MJ. Ngunit lumipas lang ang mahabang minuto hanggang sa pagsarahan na ako ng kurtina ng nurse ay wala akong mahanap na kasagutan.

Naging tulala ako habang naglalakad palabas ng ospital. Hanggang sa makarating ako sa parking area at simulang magmaneho ay hindi natahimik ang isip ko. Ang mga katanungan ko kanina ay nadagdagan pa ngunit kahit isa ay wala akong naisagot dito.

Nakarating ako sa aking condo at naging maliliit ang mga paghakbang ko patungo sa aking kwarto. Hindi ko rin narinig ang pagsalubong sa akin ni Nanay Elise dahil ngayon ang araw para mamili ito sa labas ng mga kakailanganin namin dito.

Malayo pa rin ang nararating ng paningin ko sa loob ng madilim kong kwarto. Hindi ko binuksan ang ilaw. Parang gusto kong mabuhay sa dilim ngayong mga oras na ito.

Dahan-dahan ay umupo ako sa kama ko. At nang tuluyan akong makaupo ay doon ko na naramdaman ang mabilis na pag-agos ng mga luha ko.

Inangat ko ang aking kamay at kinapa ang aking pisngi na basa ng luha. Hinaplos ko ang mga luha kong iyon ng paulit-ulit habang ako ay nakatulala.

Ang mga luhang ito.

Ito ang mga luha ng sakit.

Ito ang mga luha ng hinagpis.

Ito ang luha ng pagkabigo.

At ito rin ang luha ng pagsuko.


A/N

Napaluha ako sa huling part. Ayun lang ang masasabi ko.

Maraming typo error ako sa chapter na ito, tiyagain n’yo po sana muna. Saka ko na lang aayusin kasi antok na ang lola n’yo.

Sa mga nag-aabang po ng POV ni Rigo, sa wakas ay mababasa n’yo na ito sa susunod na tagpo.

Maraming salamat po sa paghihintay at patuloy na pagbabasa!

Mahal ko kayo! ❤

–– cold_

deee

chapter 22

A/N

Eto na, ang inaabangan ng ilan, ang POV ni baby Rigz.

Sinisikap

kong

maging weekly ang update ko rito dahil may sinisimulan akong kwento. Kakaiba ang plot na unang beses ko pa lang gagawin. Sana po ay abangan n’yo ang series kong iyon. Ang title po ay “SILVER BLOOD UNIVERSITY” na kinabibilangan ng apat na Kings na may magkakaibang kwento.

Para po kay

EvangelineRamos8

ang chapter na ito. Bihira kang magcomment at palaging thank you lang ang laman pero napapangiti ako. Salamat, dear.

Salamat po! Enjoy reading chapter 22!

––> Si Rigo po sa media.

![](https://img.wattpad.com/7efc5599fe50602b9fa54ac2896caa8defd56670/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f64664965673857646262333957513d3d2d3435323038383037312e313464396463343564636632393838633234353835353138383936332e6a7067)

RIGO’s POV

Pagpasok ko pa lang ng kwarto ay katahimikan na ang sumalubong sa akin. Madaling araw na at alam kong tulog na tulog na ang taong gusto ko sanang kulitin at lambingin sa mga oras na ito.

Tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto at nakikita ko na ang kanyang imahe na nakahiga sa kama habang nahihimbing sa pagkakatulog nito.

Dahan-dahan ako sa aking pagkilos para makalapit sa kanya dahil ayaw kong maistorbo sa pagpapahinga n’ya.

Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay umupo ako sa kanyang tabi. Dahan-dahan ko ring tinanggal ang mga hibla ng kanyang buhok na humaharang sa kanyang magagandang mata.

Na-miss ko talaga s’ya. Tatlong araw ko rin s’yang hindi nakita at halos dalawang araw ko s’yang hindi nakausap.

Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha at hindi ko naiwasang matawa ng mahina. Napakaamo ng kanyang mukha na parang isang anghel sa tuwing nahihimbing ito. Hindi mo aakalaing may pagkamaldito ang taong ito.

Pero kahit gaano pa s’ya kasama sa paningin ng ibang tao, s’ya ang taong pinakamamahal ko. Ang taong kumukumpleto sa buong pagkatao ko.

Hindi ako nagsawa sa ginagawa kong pagtitig sa kanya. Simula pa noon hanggang ngayon ay ginagawa ko na ito, ngunit kahit minsan ay hindi ko naramdamang nakakapagod ito.

Habang pinagmamasdan ko s’ya ay hindi ko maiwasang magbalik tanaw. Kung paano kami nagsimula tatlong taon na rin ang nakakalipas.

Matapos masaksihan ni Randy ang anunsyo ni Xander sa taas ng stage tungkol sa relasyon nila ni Tom ay mabilis na tumayo ito.

“Randz! Randz, saan ka pupunta?!” tanong ko sa kanya dahil patuloy itong naglalakad sa mabilis na paraan palabas ng bar na aming pinanggalingan.

“Wala kang pakialam! ’Wag mo akong sundan!” sigaw nito sa akin at hindi man lang ako nilingon. Patuloy lang s’ya sa kanyang mabilis na paglalakad.

Hindi ko s’ya pinakinggan. Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa kanya dahil sa pag-aalala.

Alam kong nasaktan s’ya dahil sa nangyari. Alam kong galit s’ya dahil sa nalaman n’ya. Alam na alam kong nasasaktan s’ya sa mga oras na ito dahil may iba nang minamahal ang taong minamahal n’ya, ang kaibigan naming si Xander.

Hindi iyon lingid sa aking kaalaman. Dahil simula pa noon, pitong taon na rin ang nakakalipas ay alam kong na kay Xander lang ang mga mata n’ya. Habang patuloy n’yang tinitingnan ang matalik na kaibigan n’ya ay patuloy rin akong nakatingin lang din sa kanya.

Nang makapasok si Randy sa kanyang kotse ay mabilis din akong pumasok doon at umupo sa kanyang tabi.

“Bumaba ka, Rigo!!! Bumaba ka rito!!!” galit na galit n’yang utos sa akin.

“Hindi. Hindi ako bababa rito. Sasama ako sa ’yo!” pagmamatigas ko habang nakatingin sa kanya.

Nakikita kong nangingilid na ang kanyang luha at magsisimula na s’yang umiyak kaya mas nakaramdam ako ng pag-aalala.

Mabilis na paghinga ang kanyang ginawa senyales na sinusubukan n’yang kumalma

.

“Ayaw mong bumaba? Sige. Kung ’yan ang gusto mo, pareho tayong mamamatay rito!” madiin n’yang pagbabanta.

Mabuti pa nga. Mas gugustuhin ko pang madisgrasya basta kasama ko s’ya.

Sinimulan n’yang magmaneho sa napakabilis na paraan. Aaminin ko, nakakaramdam na ako ng takot sa mga oras na ito. Isang pagkakamali n’ya lang ay maaari kaming madisgrasyang pareho.

“Aaaaaahhhhhh!!!!!!” sigaw ni Randy habang patuloy na nagmamaneho. Kasabay rin ng pagsigaw n’ya ay ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

Hinayaan ko lang s’yang ilabas ang galit n’ya. Hinayaan ko s’yang sumigaw hanggang gusto n’ya.

Makalipas ang ilan pang mga pagsigaw ay mukhang unti-unti na rin s’yang kumalma. Nabawasan na rin ang mabilis na pagmamaneho n’ya. Alam kong nakatulong ang mga pagsigaw n’yang iyon para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam n’ya.

“B-bakit hindi ako, Rigz…? Ano bang kulang sa akin…? Bakit hindi n’ya ako kayang mahalin…?” sunod-sunod n’yang tanong habang umiiyak.

Hindi ko s’ya masagot. Ito ang kauna-unahang beses na nakita kong umiiyak s’ya. Sa pitong taon na nagkasama kami ay matapang ang personalidad na ipinapakita n’ya sa lahat.

“Ilang taon ko s’yang sinundan… Ilang taon akong naghintay sa kanya… Kulang pa ba..? Bakit kahit anong gawin ko, hindi n’ya pa rin ’yon makita..?” tanong n’ya pa rin habang umiiyak s’ya.

Gusto ko s’yang sagutin. Gusto kong sabihin sa kanyang alam na alam ko kung anong nararamdaman n’ya. Dahil ako, ilang taon na rin akong naghihintay sa kanya. At kahit anong gawin ko, hindi ko makuha ang atensyon n’ya dahil nagmamahal s’ya ng iba.

“S’ya lang, Rigz… Si Xander lang ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa buhay ko…” paglalabas n’ya pa rin ng sama ng loob.

Parang libo-libong sibat ang tumama sa dibdib ko dahil sa naririnig ko mula sa kanya.

“S-sinubukan ko naman tumingin sa iba… P-pero kahit anong gawin ko, walang makakahigit sa kanya… S’ya lang ang unang lalaking minahal ko… At kahit siguro ilang lalaki pa ang dumating sa buhay ko… hinding-hindi s’ya mapapantayan ng kahit na sino…” pagpapatuloy n’ya pa habang humihikbi. Hindi s’ya sa akin nakatingin dahil diretso lang ang mata n’ya sa kalsada.

Hindi ko man gustuhin ay kusang tumulo ang luha ko. Mabilis ko iyong pinunasan dahil ayaw kong makita n’ya ito.

Sobrang sakit ng mga naririnig ko. Sa buong buhay ko, kahit na hindi naging kompleto ang pamilya ko, hindi ko pa naranasang mapanghinaan tulad nito.

Sa kanya ko lang naranasan na maging mababa ang tingin sa aking sarili. Sa kanya ko lang naramdaman ang pagkainggit sa ibang tao.

“Sana… sana hindi ko na lang naramdaman ’to… Sana hindi ko na lang naranasan ang magmahal…” sunod n’ya pang sambit.

Marami pa s’yang sinabi ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Nakikita kong nasasaktan s’ya, pero hindi n’ya nakikitang nasasaktan din ako.

Nagpatuloy lang s’ya sa pagmamaneho, ngunit patuloy rin ang pag-agos ng kanyang mga luha mula sa mga mata nito.

Nakarating kami sa kanyang condo building at nang maiparada n’ya ang kanyang sasakyan sa parking lot ay agad din itong lumabas.

Mabilis ang kanyang paglalakad habang paulit-ulit na pinupunasan ang kanyang mga luha. Ako naman ay patuloy pa rin s’yang sinusundan mula sa kanyang likuran.

Nang makapasok s’ya sa elevator para umakyat sa kanyang unit ay alam kong ayaw na n’ya akong pasunurin dahil agad n’yang pinindot ito para magsara. Pero mas naging maagap ako dahil pinigilan ko ang pagsasara ng pinto at sapilitang pumasok dito.

“Umalis ka na, Rigo! Hindi ko kailangan ang kagaya mo!” madiin nitong utos sa akin. Nanlilisik din ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

“Hindi ako aalis.” pagmamatigas ko pa rin at tinapatan ko ang pagtitig n’yang iyon.

Nagsara ang pinto ng elevator na kami lang ang sakay. Patuloy pa rin kami sa pagtitig sa isa’t isa at walang bumibitaw sa aming dalawa. Wala na ang kanyang mga luha, tanging galit na lang ang nasa kanyang mga mata.

Wala na akong pakialam kung magalit s’ya sa akin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang masamahan s’ya.

Nang makarating kami sa palapag ng kanyang unit ay doon lamang naputol ang pagkakatitig namin sa isa’t-isa. Mabilis s’yang lumabas para magtungo sa kanyang unit. Tulad kanina ay sinundan ko lang s’ya hanggang sa makapasok s’ya sa tinitirahan n’ya.

Hindi namin nakita si Nanay Elise nang tuluyan kaming makapasok. Marahil ay natutulog na ito.

Dire-diretso lang si Randy na nagtungo sa kanyang kwarto at sinusundan ko pa rin ito. May kinuha s’ya sa kanyang cabinet at napansin kong isang bote iyon ng alak.

Wala na s’yang sinabi pa. Mabilis n’ya iyong binuksan at walang pagdadalawang-isip na ininom iyon ng diret

so.

Agad ko s’yang nilapitan para awatin. Hinawakan ko ang alak at pilit na inagaw iyon mula sa kanya. Matapang na klase ng alak iyon kaya alam kong madali s’yang malalasing kung magpapatuloy pa s’ya sa dire-diretsong pag-inom nito.

“Bitawan mo ako, Rigo!” pag-awat n’ya sa akin dahil hinawakan ko na rin ang kamay n’ya.

Pinipilit n’yang ’wag mapasigaw. Kinokontrol n’ya ang kanyang sarili para hindi s’ya marinig ni Nanay Elise mula sa kabilang kwarto.

“Tumigil ka na, Randz!” pagmamatigas ko pa rin.

Dahil sa mas matangkad at mas malaki ang katawan ko sa kanya ay walang kahirap-hirap kong naagaw ang alak mula sa kanya. Doon ko na lang din s’ya binitawan at lumayo sa kanya ng bahagya para hindi na n’ya muli pang makuha ang alak mula sa akin.

Mabilis ang kanyang mga paghinga habang masama ang pagkakatitig sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagod dahil sa ginawa n’yang pagbawi ng alak mula sa akin o dahil sa galit na nararamdaman n’ya sa akin.

Aaminin kong paminsan-minsan ay natatakot ako sa mga pagtitig n’yang iyon. Maganda ang mga mata ni Randy, ngunit tuwing ganito s’ya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.

Ilang segundo pa kaming magkatitigan hanggang sa magbago ang ekspresyon n’ya. Naroroon pa rin ang nanlilisik n’yang mga mata ngunit unti-unti rin na napangisi s’ya.

Hindi ako nagsalita. Naghintay na lang ako na sasabihin n’ya kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip n’ya.

“Matagal mo na akong gusto, ’di ba, Rigo?” madiin n’yang pagtatanong

habang nakangisi.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan ang mga maririnig ko.

Itinaas n’ya ang isa n’yang kilay habang nakangisi pa rin s’ya.

“Tama ako, ’di ba? Akala mo siguro hindi ko ’yon napapansin? Pwes, nagkakamali ka. Alam mong malakas ang pakiramdam ko at hindi ako bobo.” sunod pa nitong pagsasalita.

Napalunok na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Aamin ba ako? Pero anong mangyayari kung aaminin ko? Iiwasan n’ya ba ako?

Ayaw ko. Hindi ko makakayanan kung gagawin n’ya ang bagay na iyon.

Ilang segundo s’yang naghintay na magsalita ako pero hindi ko iyon ginawa. Muli s’yang nagsalita at mas naging malapad na rin ang pagkakangisi n’ya sa pagkakataong ito.

“Sige. Tutal naman, gusto mo ako. Bakit hindi mo ako gamitin ngayon, Rigo? Gawin mo kung anong gusto mo sa katawan ko. Hindi ako papalag, hindi ako magrereklamo. Pahirapan mo ako kung gusto mo. Basta siguraduhin mo lang na makakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.” mungkahi nito sa madiin na tono.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi n’yang iyon.

“R-randy… A-ano ba ’yang sinasabi mo..?” nauutal kong pagtatanong dahil sa labis na pagkabigla.

“Oo o hindi lang ang isasagot mo!” mas madiin na n’yang utos sa akin.

Hindi ako nakaimik.

Pitong taon ko na s’yang mahal. Pero kahit minsan, hindi ko hinangad na gawin ang bagay na iyon sa kanya lalo na at alam kong hindi ako ang laman ng puso n’ya.

Siguro ay nainip s’ya sa paghihintay dahil hindi na ako nakapagsalita kaya nagtanong s’yang muli.

“Ayaw mo? Sige. Kung ayaw mo, maghahanap na lang ako ng pwedeng pumayag sa gusto ko.” pagbabanta nito.

Nakaramdam ako ng takot sa bagay na iyon.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang may ibang tao ang gagamit sa kanya. Hindi ko hahayaang may ibang makakahawak sa katawan n’ya.

Akmang lalampasan na n’ya ako para lumabas ng pinto ay mahigpit kong hinawakan ang kanyang braso.

“S-sandali.” pagpigil kong kinakabahan sa kanya.

Huminto naman s’ya sa pag-awat kong iyon.

Hindi agad ako nagsalita. Dahan-dahan ko s’yang iginaya pabalik sa aking harapan.

Nang magtagpo ang aming mga mata ay nakikita kong determinado s’ya. Alam ko na seryoso s’ya sa mga sinabi n’ya.

“P-pumapayag na ako.” nauutal kong pagkumpirma.

Nang sabihin ko iyon ay nagbalik ang pagkakangisi sa kanyang labi.

Hindi ko na hinayaan pang makapagsalita s’yang muli. Habang nakatitig ako sa kanyang mga mata ay unti-unti kong inangat ang isa kong palad patungo sa kanyang batok at siniil s’ya ng halik.

Tinugunan n’ya ang mga paghalik kong iyon. Ngunit simula ng tugunin n’ya ang mga paghalik kong iyon ay ang simula rin ng pagbuhos ng kanyang mga luha. Hindi iyon naputol hanggang sa matapos ak

ong angkinin ang katawan n’ya.

Noong gabing iyon, nagsimula na rin ang ugnayan namin ni Liam. Walang commitment, walang matatawag na relasyon, walang pangalan, ugnayan lang gamit ang aming mga katawan.

Alam kong mali, pero handa kong gawin ng paulit-ulit ang pagkakamaling iyon basta akin lang s’ya, hindi ako papayag na may ibang makakahawak sa kanya. Kaya simula rin nang gabing iyon ay sinamahan ko na s’ya.

Matapos din ang pagniniig namin noong gabing iyon ay nadiskubre ko rin ang sakit n’ya. Dahil sa depresyon sa nalaman n’ya kay Xander ay nakita ko ang miserableng pamumuhay n’ya.

Nanghina ako nang makita ko ang sitwasyon n’ya. Paulit-ulit lang s’yang pinapakalma noon ni Nanay Elise at wala akong magawa kundi ang mapaluha habang nakatingin lang sa kanila. Doon din ay nasagot ang mga palaisipan kung ano ang sanhi ng mga malalalim na pilat sa likod n’ya.

At simula rin noong gabing iyon, may ipinangako na ako sa aking sarili.

Aalagaan ko ang taong ito. Ituturing ko s’yang pinakaespesyal na yaman sa mundo. Ibibigay ko ang lahat ng magpapasaya sa kanya. Gagawin ko ang lahat ng kautusan n’ya hanggang sa makuntento s’ya. Ipapakita ko ang halaga n’ya.

At higit sa lahat, ipaparamdam ko kung paano magmahal ang isang Rodrigo Jaime Silvestre na walang hinihinging kapalit mula sa kanya.

Inangat ko ang aking palad para marahang haplusin ang mukha ng taong pinakamamahal ko. Naging maingat ako dahil baka magising ko ito.

Nang tuluyan kong mahawakan ang malambot n’yang mukha ay dahan-dahan akong yumuko para bulungan sa tenga ito.

“Mahal na mahal kita, Liam. Mahal na mahal na mahal. Lagi mo sanang tatandaan ’yan.”

malambing kong pagsasalita sa kanya.

Matapos iyon ay inangat ko ang aking sarili para mas malapitan kong matitigan ang maganda n’yang mukha.

Dahil siguro sa ginawa kong pagbulong ay naalimpungatan s’ya. Gumalaw ang kanyang mga mata at unti-unti n’yang binuksan ito.

Nagbigay ako ng matamis na ngiti sa kanya habang magkalapit ang aming mga mukha.

“I’m home.” malambing kong bulong.

Hindi s’ya nagsalita ngunit nagbigay s’ya ng napakatamis na ngiti sa akin.

Sa tuwing ngingitian n’ya ako ay parang nagliliwanag ang paligid ko. Tuwing nasisilayan ko ang maganda n’yang ngiti ay masasabi kong ako na ang pinakamaswerteng tao na nabubuhay sa mundo. Dahil nasa harap ko ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko.

Muli kong inilapit ang aking sarili sa kanya habang nakahiga pa rin s’ya. Mula sa kanyang noo ay marahan kong hinalikan ito, kasunod ay sa kanyang ilong, at ang pinakahuli ay sa kanyang malambot na labi.

Napapikit kaming pareho habang magkadikit ang mga labi naming iyon. Mayamaya pa ay naramdaman kong inilagay n’ya ang kanyang mga braso paikot sa leeg ko. Kasunod nito ay nagbitaw kami sa aming paghalik at niyakap na rin n’ya ako.

“Welcome home, Rigz…” mahina n’yang pagsasalita habang yakap ako.

Napangiti ako at hinalikan ko s’ya sa kanyang leeg bilang pagtugon.

Akala ko ay saglit n’ya lang akong yayakapin, ngunit natawa ako nang mas mahigpit n’ya akong niyakap at pilit na iginagayang humiga sa kanyang tabi.

“Liam, hindi pa ako nakakapagbihis.” natatawa kong pagpapaalala.

“Uhhmmm… ’Wag ka nang magbihis… Tabihan mo na ako… Na-miss kasi kita…” medyo inaantok n’ya pang pagsasalita.

Mas naging malakas ang pagtawa ko dahil sa sobrang saya. Bihira n’ya sa akin gawin ang bagay na ito, ang lambingin ako. Kaya tuwing ganito s’ya ay parang gusto kong magpaparty dahil sa tuwa.

Kahit ano talagang sabihin n’ya ay napapasunod na lang ako. Tinanggal ko na ang aking mga sapatos gamit ang aking mga paa dahil hindi pa rin s’ya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin. At nang maging matagumpay ako sa pagtanggal nito ay maingat na rin akong puwesto para humiga sa tabi ng taong mahal ko.

Parang ayaw na n’ya akong bitawan sa mga oras na ito dahil mas lalong naging mahigpit ang pagkakayakap n’ya sa katawan ko. Pinahiga ko s’ya sa aking dibdib at hinalikan s’ya sa kanyang ulo. Sinimulan ko na rin haplusin ang malago at malambot n’yang buhok para magbalik ang mahimbing na pagkakatulog nito.

“Sweet dreams, my princess.” mahina kong sambit.

“Sweet dreams, baby Rigz…” malambing n’ya ring tugon.

Saglit akong natawa. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako nasasanay sa paraan ng pagtawag n’ya sa akin. Ngayon lang n’ya kasi sa akin ginagawa ang mga bagay na ito. At aaminin ko, napakasaya ko.

Ipinikit ko na rin ang mga mata ko habang may ngiti sa labi ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Naalimpungatan ako dahil sa liwanag ng kapaligiran. Ibinuka ko ng unti-unti ang mga mata ko para hanapin ang taong gusto kong makita sa tuwing gigising ko. Hindi ko maibuka ng maayos ang mga paningin ko dahil nakakaramdam pa ito ng hapdi. Alam kong kulang pa ako sa tulog dahil madaling araw na rin ako nakauwi.

Ngunit nang maaninag ko ang mukha ng taong hinahanap ng mata ko ay nakaramdam ako ng pag-aalala. Tuluyan akong nagising at napabalikwas ng mabilis sa kama.

“Good morning, baby Rigz!” malawak ang pagkakangiting bati nito sa akin.

Hindi ako nakatugon sa pagbati n’yang iyon. Natulala ako sa kanya.

Panaginip lang ba iyon o isang guni-guni lang?

Nang maaninag ko kasi ang mukha n’ya kanina habang nakatitig sa akin ay parang malungkot ang kanyang mukha, bagay na ayaw kong makita sa kanya dahil gusto ko s’yang laging masaya.

Pero bakit biglang napakaganda ng ngiti n’ya?

“Baby Rigz! Sabi ko, good morning! Anong nangyari? Bakit nakatulala ka d’yan?” natatawa n’yang paggising sa aking diwa.

Doon lamang ako natauhan sa aking pagkakatulala. Siguro nga ay guni-guni ko lamang iyon, dahil heto s’ya at tumatawa sa aking harapan.

Iwinaksi ko sa aking isip ang bagay na iyon. Unti-unti ay iginawad ko sa kanya ang pinakamalawak kong ngiti.

“Good morning, Liam.” malambing kong bati sa kanya pabalik.

Pareho kaming nakaupo sa kama at magkaharap ang aming pwesto. Mayamaya pa ay kumilos ito habang suot pa rin ang ngiti sa kanyang mukha. Pumwesto ito sa aking harap at pinaghiwalay ang kanyang mga hita para makaupo sa aking ibabaw. Kasunod nito ay iniikot n’ya ang kanyang mga braso paikot sa aking aking leeg.

“Ang sarap naman ng gising ko kahit kulang pa ako sa tulog.” nakangiti kong pagsasalita at niyakap ang kanyang bewang.

Muli na naman s’yang natawa.

Ito ang perpektong araw para sa akin, ang naririnig ko ang maganda n’yang pagtawa.

“Na-miss ko ’to!” wika n’yang natatawa at niyakap ako.

Maging ako ay natawa sa sinabi n’yang iyon kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanyang bewang.

“Mami-miss ko ’to…”

Hindi ako sigurado sa ibinulong n’yang iyon sa akin habang nasa leeg ko ang kanyang mukha, pero ’yon ang pagkakarinig ko.

Mabilis kong pinaghiwalay ang aming katawan dahil nakaramdam ako ng pagkabahala.

“A-anong sabi mo, Liam?” nauutal kong tanong sa kanya habang nagtataka ang aking ekspresyon. Magkalapit din ang aming mga mukha dahil nasa leeg ko pa rin ang mga braso n’ya.

“Ha? Sabi ko, na-miss kita. Miss na miss kita!” natatawa na naman n’yang pagsasalita.

Sinuri ko ang kanyang mga mata tulad ng lagi kong ginagawa para kahit paano ay mabasa ko ang nasa isip n’ya. Hindi ko maintindihan, masaya ang kanyang ekspresyon ngunit pakiramdam ko ay may mali.

“Huy! Natulala ka na naman, Rigz!” pagsaway na naman n’ya sa akin. “Inaantok ka pa ba? ’Wag ka nang matulog! Ipagluluto pa naman kita ngayon!” dugtong n’ya pa.

Dahil sa sinabi n’yang iyon ay nabuhayan ako.

“Talaga, Liam?!” tanong kong masigla sa kanya.

“Oo, ayaw mo ba? Matagal na rin noong huli kitang ipagluto, ’di ba? Laging ikaw saka si Nanay Elise ang in-charge sa kusina.” pagkumpirma n’ya.

Halos mapatalon ako sa tuwa nang marinig ko iyon mula sa kanya. Sa tagal ng panahon na magkasama kami ay mabibilang pa lang sa aking mga daliri kung ilang beses n’ya pa lang itong nagawa.

“Sige, sige!” masaya kong sagot at hinalikan s’ya ng paulit-ulit sa pisngi.

Halos punuin ko na ng halik ang buo n’yang mukha ngunit puro pagtawa lang ang kanyang ginagawa.

“Tama na, Rigz! Ako naman ang ginagawa mong almusal, e!” reklamo na nito at pag-awat sa akin.

Doon lamang ako natigilan sa aking ginagawa. Halos hindi na mapatid ang ngiti ko dahil sa magandang ganap sa aming dalawa.

Unti-unti s’yang kumalas sa aming pagkakayakap ngunit hawak n’ya pa rin ang kamay ko nang bumaba s’ya sa kama.

“Maligo ka na, Rigz. Magluluto lang muna ako.” utos nito sa akin.

Nakangiti pa rin ako nang sagutin ko s’ya.

“Hindi na muna ako maliligo. Ihahatid lang muna kita sa trabaho tapos susunduin din kita mamaya. Alam naman ni Karen na hindi muna ako papasok ngayon kasi pagod pa ako galing shoot.” pagkontra ko sa kanya at pagtukoy sa manager ng restaurant na pinapasukan ko.

Nagulat ako nang biglang magtaas ng boses ito.

“No! Maliligo ka dahil may pupuntahan tayo!” nakasimangot na nitong pagkontra pabalik.

Agad na nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

“Ha? Hindi ka papasok? Saan tayo pupunta?” sunod-sunod kong tanong.

Hindi n’ya muna ako sinagot. Mula sa kanyang pagsimangot ay ngumiti rin itong bigla.

Sanay na ako sa ganitong pabago-bago n’yang ugali, iniintindi ko s’ya dahil mahal na mahal ko s’ya.

“Magde-date tayo.” nakangiti n’yang sagot sa akin.

Mula sa pagtataka ay nagbalik ang ngiti ko sa mukha. Isa sa mga bagay na minamahal ko sa kanyang ugali ay mahilig s’yang manorpresa. Gustong-gusto n’yang nagpapalambing kahit hindi n’ya ito sabihin. Alam na alam ko ang bagay na iyon sa kanya.

Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na s’ya ang nagyaya ng date sa akin kaya hindi ko maitago ang aking saya.

“Kung gano’n, kailangan ko na palang bilisan!” masaya kong sambit at halos talunin ko ang pagbaba ng kama para makaalis.

Pareho na lang kaming natawa sa nangyari. Matapos iyon ay nagmamadali akong pumasok ng CR para gawin ang inuutos ng aking prinsesa. Tiniis ko ang hapdi ng mata ko habang naliligo ako.

Matapos ang aking pagligo ay lumabas ako ng kwarto para hanapin muli si Liam. Muli akong napangiti nang maabutan ko s’yang nagluluto sa kusina. Talagang ginawa n’ya ang kanyang sinabing ipaghahanda n’ya ako ng makakain.

“Good morning, Nanay.” nakangiti kong bati kay Nanay Elise.

“Good morning din, Rigo. Anong oras ka na nakauwi?” tanong nito habang abala s’ya sa paghahanda ng aming mga gagamitin sa mesa.

“Madaling araw na rin po.” sagot kong magalang.

Sunod kong pinuntahan ang prinsesa ko na seryosong nagluluto sa mga oras na ito. Nang makalapit ako sa kanya ay pumwesto ako sa kanyang likod at niyakap s’ya sa kanyang bewang. Ipinatong ko rin ang aking baba sa kanyang balikat.

“Anong niluluto ng prinsesa ko?” malambing kong tanong.

Hindi n’ya ako nilingon, nanatili s’yang seryoso sa kanyang ginagawa.

“’Wag kang magulo. Umupo ka na lang doon.” sagot n’ya sa akin.

Muli akong natawa sa kanya. Heto na naman s’ya, balik na naman sa pagsusungit n’ya. Kaya mahal na mahal ko ’tong monster princess ko.

Sinunod ko na lang ang kanyang utos. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya ngunit nag-iwan muna ako ng isang halik sa kanyang pisngi.

Nagkwentuhan muna kami ni Nanay Elise habang hinihintay na matapos sa pagluluto ang mahal ko. At nang matapos na ito ay masayang-masaya n’yang inilapag ang paboritong pagkain ko.

“Masarap ba?” tanong n’ya sa akin  matapos ipatikim ang kanyang niluto.

Hindi pa rin s’ya nagbabago. Kahit bihira s’yang magluto ay masarap pa rin ang kinalalabasan nito.

Hindi ko s’ya agad na sinagot. Hinatak ko ang kanyang batok palapit sa akin at hinalikan s’ya sa labi.

“Masarap!” pilyo kong sagot sa tanong n’ya.

Ayun! Nakatanggap ako ng palo sa braso dahil sa aking ginawa.

Tawa lang kami ng tawa ni Nanay Elise dahil sa naging reaksyon ni Liam. Naiinis kasi ito sa tuwing ginagawa ko ito sa harap ng kanyang Nanay.

Natapos ang aming agahan ng masaya. Halos hindi na rin ako kumilos dahil si Liam na mismo ang nagsusubo ng pagkain sa akin. Napakasaya ko naman dahil sa kanyang ginagawa.

Nagpaalam si Randy na maliligo kaya tinulungan ko na muna si Nanay Elise sa paglilinis ng aming ginamit sa agahan.

“Rigo, anak.” pagtawag ni Nanay Elise sa aking tabi habang naghuhugas ng mga pinggan. Ako naman ang nagpupunas ng mga basang plato na kanyang nahuhugasan.

“Ano po ’yon, ’Nay?” tanong ko naman at hindi s’ya nilingon.

“Wala ka bang napapansin kay Liam?” tanong n’ya at sa tono nito ay nag-aalala ito.

Dahil doon ay natigilan ako sa aking ginagawa at nilingon s’ya. Basta talaga ang prinsesa ko ang topic ay tumitigil ang mundo ko.

“Tulad po ng ano?” tanong kong nagtataka.

Itinigil ni Nanay Elise ang paghuhugas at nilingon din ako.

“Parang may kakaiba sa kanya nitong huli. Noong wala ka, naaabutan ko s’yang tulala at parang malungkot s’ya. Pero ’pag tatanungin ko naman s’ya kung may problema, sinasagot n’ya lang ako na wala akong dapat ipag-alala. May iniisip lang daw s’ya tungkol sa trabaho. Tapos simula kaninang umaga, iba ang sigla n’ya. Iba rin ang paglalambing n’ya sa ’yo. E, kilala mo naman ang batang ’yan, bihirang-bihira ang maglambing. May pagluluto pang nalalaman kanina.” mahabang pagpuna ni Nanay Elise.

Hindi ko na inisip ang mga huling sinabi ni Nanay Elise. Mas tumatak sa aking isip ang una n’yang sinabi na naging tulala si Liam at parang malungkot. Muli ko tuloy naalala ang nakita ko kanina paggising ko, noong nakita kong nakatitig s’ya sa akin at malungkot ang ekspresyon n’ya.

“M-may iba pa po bang pagbabago sa kanya bukod doon, Nanay?” tanong kong nag-aalala.

Saglit na natahimik si Nanay at tumingin sa itaas na tila nag-iisip s’ya.

“Wala naman akong ibang napapansin bukod doon.” sagot nito.

Ganito kami ni Nanay Elise sa tuwing wala si Liam sa paligid. Wala kaming ginawa kundi ang pag-usapan s’ya. Kung ano ang dapat at hindi dapat sa kanya, kung ano ang kakainin n’ya. At hindi rin namin kinalilimutan ang pag-usapan ang lahat ng napapansin namin sa kanya. Ganyan s’ya kahalaga sa amin.

“Hayaan n’yo, Nanay, pakikiramdaman ko s’ya. Oobserbahan ko ang lahat ng kinikilos n’ya.” iyon lang ang nasabi ko kay Nanay Elise.

Tumango-tango naman si Nanay Elise at nagpatuloy na rin sa kanyang ginagawa.

Pwede ko naman tanungin si Liam, pero alam kong hindi rin ito aamin. Kilala ko na s’ya. Hindi s’ya bukas para pag-usapan ang nararamdaman n’ya. Bagay na nagbibigay kalungkutan sa akin dahil iyon na lang ang kulang para malampasan na n’ya ang pakikibaka sa sakit n’ya.

Buong tiwala sa iba, ’yan na lang ang kulang sa kanya.

“Ikaw na muna ang bahala sa kanya, anak, hangga’t wala ako ha?” muling pagsasalita ni Nanay Elise.

Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi.

“Bakit, Nanay? Aalis ka ba?” tanong ko agad sa kanya.

“Oo. Inutusan ako kanina ni Liam na puntahan ang Mama n’ya sa probinsiya. Darating din sa susunod na linggo ang ate n’ya galing ng ibang bansa kasama ang buong pamilya nito kaya kailangan ko raw muna magpunta roon para tumulong sa paghahanda.” mahaba nitong paliwanag.

“Si Liam po ba, Nanay? Wala po bang nabanggit kung susunod s’ya?” tanong ko sa kanya.

“Ang sabi n’ya sa akin, susunod daw s’ya.” una n’yang sagot at biglang nagtaka. “Teka, hindi n’ya ba nabanggit sa ’yo?” sunod nitong tanong.

Saglit akong natigilan dahil wala pang nababanggit tungkol dito si Liam.

Ngumiti ako ng tipid bago ko sinagot si Nanay Elise.

“Wala pa po s’yang nasasabi. Baka po mamaya mababanggit n’ya rin sa akin dahil hindi pa naman kami nagkakausap ng matagal.” sagot ko na lang sa kanya.

Matapos iyon ay ipinagpatuloy na namin ni Nanay Elise ang aming ginagawa.

Matagal si Liam tuwing maliligo ito kaya kahit nang matapos kami ni Nanay Elise ay hindi pa rin ito lumalabas mula sa banyo.

Nagdesisyon akong pumasok muna ng kwarto para maghanda ng aking susuotin nang mapansin ko ang aking cellphone na nasa ibabaw ng maliit na mesa sa tabi ng kama.

Nitong mga nakaraan ay paminsan-minsan ko itong pinapatay dahil nakakaramdam ako ng inis sa mga natatanggap kong mensahe at tawag. Tulad ngayon, patay na naman ito dahil may iniiwasan ako. Pero wala naman akong magagawa dahil baka may importante akong message na kailangang mabasa mula sa aking trabaho kaya kailangan ko rin itong buksan.

Binalak ko na rin ang magpalit ng number pero hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Liam, hindi ko alam kung ano ang aking magiging dahilan. S’ya ang taong ayaw kong pagtaguan ng kahit na ano, maliban na lang sa isang bagay na nagpapagulo ngayon sa isip ko.

Binuksan ko ang aking cellphone para saglit na tingnan kung may importante akong mensaheng natanggap. At nang tuluyan ko itong mabuksan ay nagsunod-sunod na nga ang pagvibrate nito dahil sa sunod-sunod din na mensaheng pumasok dito.

Muli akong nakaramdam ng inis dahil lahat ng mensaheng natanggap ko ay nagmula sa aking tiyahin na araw-araw ay binubulabog ako.

Nagdesisyon akong patayin na lang sana ang aking cellphone dahil baka maisipan pa ni Tita na tawagan ako. Ngunit bago ko pa iyon magawa ay muli itong nagvibrate at nakita kong tumatawag na nga ito.

Matagal akong nag-isip kung sasagutin ko ba iyon. Hangga’t maaari ay ayaw kong maging bastos sa kanya. S’ya na ang kinalakihan kong ina at wala akong maipipintas pagdating sa kanyang pag-aalaga. Pantay ang turing n’ya sa amin ng nag-iisa n’yang anak na si Dom.

Alam kong mahal na mahal ako ng aking tiyahin at handa s’yang ibigay ang lahat ng gustuhin ko. Ang hindi lang ako sigurado ay kung maibibigay ba nito ang isang bagay na gustong-gusto kong makuha sa buong buhay ko.

Napahinga ako ng malalim. Labis na panghihinayang at lungkot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Kaya kong ipaglaban si Liam. Pero paano ko gagawin iyon kung wala naman kaming relasyon? Paano ko isisigaw ang pagmamahal ko sa buo kong pamilya kung hindi naman n’ya matutugunan ang pakikipaglaban ko sa kanya? Bukod sa magmumukha akong tanga, baka iyon pa ang maging sanhi ng paglayo n’ya sa akin.

Hindi ko kaya. Ayaw kong mawala s’ya. Kaya kahit ganito lang kami, makukuntento na ako basta’t hindi s’ya aalis sa tabi ko.

Ilang beses sinubukang tumawag ni Tita Eve at wala akong nagawa kundi ang matulala sa screen ng cellphone ko. Pero determinado s’yang makausap ako kaya wala akong nagawa kundi sagutin ang huling tawag nito.

“Hello, Tita.” malungkot kong pagsagot sa kanya.

“Son! Bakit ang tagal mong sagutin?! At bakit hindi kita makontak these passed few days?!” bungad nito at alam kong nag-aalala s’ya.

“Sorry, Tita. Nasa commercial shoot po ako.” sagot ko pa ring walang gana.

“God! At kailan ka pa natutong hindi kami i-inform?!” panimula ng sermon n’ya.

“Sorry, Tita. Naging busy lang po talaga.” pagpapalusot ko.

“Naging busy? O baka naman nakatambay ka na naman d’yan sa magaling mong kaibigan? Alam mo, Rigo, kung hindi n’yo lang paulit-ulit na pinagtatanggol ni Dom ’yang kaibigan n’yong ’yan, matagal ko na kayong pinaiwas d’yan! Simula pa noon, hindi ko na ’yan gusto! Marami na akong nababalitaan na hindi magagandang ginagawa ng lalak––”

“Tita, stop!!” hindi ko na napigilan ang pagtaasan s’ya ng boses.

Sa tuwing nagsasalita s’ya ng hindi maganda tungkol kay Liam ay hindi ko makontrol ang aking sarili na magalit sa kanya. Nirerespeto ko s’ya simula pa noon dahil s’ya na ang tumayong magulang ko. Napakataas ng tingin ko sa kanya. Pero sa tuwing may nasasabi s’yang hindi maganda kay Liam ay nawawala ang respeto ko sa kanya.

For God’s sake! Hindi nila kilala ang tao at hindi nga nila sinubukang kilalanin ito! How could they easily judge him kahit wala silang alam tungkol dito?!

Matapos kong pagtaasan ng boses si Tita Eve ay natahimik ito sa kabilang linya. Naihilot ko ang aking sentido dahil nagsisimula na naman sumakit ang ulo ko.

“Tita, I’m sorry.” mahinahon kong paghingi ng tawad sa kanya.

Hindi s’ya agad nagsalita. Narinig ko na lamang ang malalim n’yang paghinga sa kabilang linya.

“Okay. This is not the right time para pagtalunan natin s’ya. There is more important thing na dapat malaman mo.” pagsuko n’ya rin at mahinahon na ang kanyang tono.

“What is it?” tanong ko agad. Ayaw ko nang humaba pa ang usapan namin kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.

“You need to go back home, Rigo.” tipid na sagot nito.

Hindi. Nakauwi na ako sa tahanan ko. At wala akong ibang tahanan kundi ang bahay na ito. Ang bahay kung nasaan ang mahal ko.

“Why?” tanong ko na lang pabalik. Hindi ko maaaring sabihin iyon kay Tita Eve lalo na at magiging sanhi lang iyon ng aming pagtatalo at mas matagal pa naming pag-uusap.

“We sent her to the hospital. Kailangan ka n’ya dahil muntik na s’yang madisgrasya.” may bahid nang pagmamakaawa ang sinabi n’yang iyon.

Aaminin ko, nabigla ako nang sabihin n’yang naospital ito. Kahit paano ay nakaramdam pa rin ako ng pag-aalala lalo na at nagdadalang-tao ito.

“I’m sorry, Tita, pero hindi ako uuwi d’yan.” pagkontra kong mahinahon.

Kahit anong pilit nila ay hinding-hindi nila ako makukumbinsi.

“Fine! But at least sa anak mo magpakita ka naman ng malasakit, Rigo!” hindi na naman n’ya napigilang magtaas ng boses.

“Sinabi ko nang—–” hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko. Nang iangat ko kasi ang aking paningin ay nakita ko sa salaming nasa tapat ko ang repleksyon ng taong hinihintay kong lumabas mula sa banyo.

Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang makita kong nakatingin ito sa akin habang malungkot ang ekspresyon nito.

Agad kong ibinaba ang tawag at tumalikod para harapin ito. Ngunit nang tuluyan akong makaharap sa kanya ay iba na ang ekspresyong ipinapakita nito. Nakangiti na naman ito hindi tulad ng nakita ko sa repleksyon n’ya kanina sa salamin.

“Sabihin mo sa mga tumatawag sa’yo, Rigz, ’wag silang istorbo. Bukas ka na lang kamo tatanggap ng tawag kasi may importante ka pang gagawin. ’Pag ayaw nilang pumayag, ipakausap mo sa akin. Sino ba ’yan? Si Coke ba ’yan? Ako ang kakausap sa malignong ’yan, tatadtarin ko talaga ng mura ’yang panget na ’yan!” natatawa n’yang pagsusungit.

Sa pagkakataong ito ay alam kong hindi na ako namamalik-mata lang. Sigurado ako, nakita ko kanina ang kanyang kalungkutan. Pero bakit sa tuwing haharapin ko s’ya ay ngingiti lang s’ya?

May mali nga talaga. May mali na sa kanya.

“K-kanina ka pa ba d’yan?” nauutal kong pagtatanong.

Nagpunas s’ya ng kanyang basang buhok gamit at towel kaya napayuko ito.

“Hindi naman, kakalabas ko lang.” tipid n’yang sagot.

Gusto kong makita ang mga mata n’ya para malaman kung nagsisinungaling s’ya. Pero nanatili s’yang nakayuko habang nagpupunas ng buhok n’ya.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Natulala na lang ako habang sinusundan s’ya ng tingin hanggang sa makarating s’ya sa malaking cabinet kung saan nakalagay ang mga damit namin.

“Casual lang tayo ngayon, baby Rigz, ha? Para komportable tayong kumilos.” pagsasalita n’ya habang naghahanap ng maaari n’yang isuot.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Hanggang ngayon ay parang may naghahabulan pa rin na kabayo sa dibdib ko.

“Ito kaya ang suotin natin? Medyo hawig ang design, ’di ba? Para kunwari naka-couple shirt tayo!” wika n’ya habang inaangat ang dalawang polo shirt naming dalawa.

Dito na ako kumilos. Dahan-dahan ay lumapit ako sa kanya at niyakap ang kanyang bewang mula sa kanyang likuran.

“’Wag muna tayong magsex ngayon, Rigz. Mamayang gabi na, ’wag kang excited.” pagbibiro n’ya at tumawa.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Hindi ko talaga kayang maglihim sa kanya kaya hindi ko magawang makapagsalita. Tanging pananahimik lang ang aking magagawa.

Humarap si Liam sa akin habang suot pa rin ang kanyang ngiti. Yakap ko pa rin ang kanyang bewang at inilagay naman n’ya ang kanyang mga braso paikot sa aking leeg. Kasunod nito ay hinalikan n’ya ako sa aking labi.

“Magbihis na tayo. Baka konti lang ang mapuntahan natin ’pag nagtagal pa tayo rito.” utos nito sa akin.

Habang tinitingnan ko s’ya ay nagsisimula na rin mamuo ang mga luha ko sa mga mata. Nagbalik na naman kasi sa aking isipan ang malaki kong problema.

Hindi ko talaga kayang mapalayo sa kanya. Kaya kahit ikamatay ko pa ay hindi ko sasabihin ang bagay na alam kong makakaapekto sa aming dalawa.

Dahil sa hindi ko kayang magsalita ay niyakap ko na lang ulit s’ya. Sobrang higpit ng yakap ko at pinaramdam kong ayaw ko s’yang mawala.

“Mahal kita, Liam. Mahal na mahal. Kaya kahit anong mangyari, kahit anong pagdaanan natin, magtiwala ka lang sana sa akin. Pakiusap.” mahina kong sambit habang yakap s’ya.

Naramdaman kong natigilan s’ya. Hindi n’ya tinumbasan ang mahigpit na pagyakap kong iyon. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay sinuklian na rin n’ya ito ng mahigpit na yakap pabalik.

Mayroon ngang mali.

Ngayon ay malinaw na sa akin.

Nararamdaman kong may hindi tamang nangyayari.

Nakumpirma ko iyon dahil sa mahigpit n’yang pagkapit sa aking damit. Naramdaman ko rin ang panginginig ng kanyang katawan habang nasa bisig namin ang isa’t isa.

Ganoon lang kami ng ilang minuto. Pinakiramdaman ang mahigpit naming mga yakap.

Ilang sandali pa ay bigla s’yang bumitaw at hinarap ako.

“Tara na, Rigz, magbihis na tayo para marami tayong mapuntahan!” masaya nitong pagyaya.

Ramdam ko, sinusubukan n’yang maging masigla.

Nagsisimula na akong mag-isip kung may mga nangyari bang hindi maganda simula noong araw na nawala ako?

Alam kong may mali na sa mga ikinikilos n’ya nitong mga huling linggo, pero ibang-iba ito sa mga pinapakita n’ya ngayong mga oras na ito. Hindi na normal sa paningin ko ang sobra-sobra n’yang pagngiti. Hindi ito ang Randy Liam na kilala ko.

“Teka. Ako na nga ang magbibihis sa ’yo! Ang bagal mong kumilos, e.” wika n’yang nakangiti at inangat na ang suot kong damit. Hindi kasi ako gumalaw mula sa pagkakatitig sa kanya.

Nagpadala na lang ako sa kanyang mga ginagawa. Ngunit nang nakahanap na rin s’ya ng pantalon na aming isusuot ay kusa na rin akong nagbihis sa aking sarili.

“Nanay! Nagbilin na ako sa guard nitong condo na kuhanan ka ng taxi mamaya ha? Mag-iingat ka. Magkita na lang po tayo roon!” masaya n’yang pagpapaalam kay Nanay Elise nang makalabas kami ng kwarto. Hawak n’ya rin ng mahigpit ang kamay ko.

Sumabat ako sa pag-uusap nilang iyon.

“Kailan tayo susunod kay Nanay, Liam? Magpapaalam na agad ako kay Karen para ma-adjust ang schedule namin sa restaurant.” tanong ko sa kanya. Nasa likod n’ya ako dahil nakaharap s’ya kay Nanay Elise dito sa sala.

Hindi n’ya ako agad na sinagot ngunit unti-unti n’ya rin akong nilingon.

“Tara na? Baka matrapik tayo, Rigz.” pagyaya n’ya sa akin.

Hindi n’ya sinagot ang tanong ko. At dahil sa nangyaring iyon ay may kakaibang pakiramdam ang biglang namayani sa dibdib ko.

Bakit parang natatakot ako? Bakit parang kinakabahan ako?

“Bye, Nanay!” pagbaling n’yang muli kay Nanay Elise ay hinalikan ito sa noo.

“Tara na!” pagbaling naman nito sa akin at hinila na ako palabas ng pinto.

Nilingon ko si Nanay Elise habang hila ako sa kamay ni Liam. At nang tuluyang magtagpo ang paningin namin ni Nanay ay iisa ang aming ekspresyon, parehong may pag-aalala sa aming mga mukha ngayon.

Hawak pa rin ni Liam ang aking kamay hanggang sa makarating kami ng parking.

Gustong-gusto ko na s’yang tanungin dahil ibang-iba talaga s’ya ngayon. Pero sa tuwing susubukan kong magsalita ay bigla na lang din s’yang magsasalita at tatanungin ako ng kung ano-ano.

“Punta tayong Manila Ocean’s Park, Rigz!” masaya nitong pagyaya nang makasakay kami ng kotse.

“S-sige.” nauutal ko na lang na pagpayag at simulan ko nang magdrive.

“Grabe, ’no? Ang dami nang building ang nagkalat dito. Samantalang noon iilan lang naman ang nakatayo rito.” tila namamangha n’yang sambit habang pinagmamasdan ang matataas na gusaling aming nadadaanan.

“O-oo nga, e.” nauutal ko lang na pagsang-ayon.

Hindi s’ya ito. Hindi ganito si Liam. Ang mga maliliit na bagay na kanyang nakikita ay walang halaga sa kanya. Hindi n’ya ugaling pag-usapan ang mga walang kakwenta-kwentang bagay tulad nito. Matalino s’yang tao kaya puro business ang tumatakbo sa isip n’ya. Minsan ay tungkol sa politika at mga nagaganap sa bawat sulok ng mundo.

Mahabang biyahe ang aming ginawa. At sa loob ng mahabang oras na iyon ay hindi rin s’ya tumigil sa pagpuna ng kanyang mga nakikita sa kalsada. Hindi s’ya naubusan ng sasabihin habang masigla ang boses n’ya. Bagay na hindi natural sa kanya dahil mas madalas s’yang tahimik o kaya naman ay nagsusungit.

“Bilisan mo! Isa-isahin natin ang mga nandito!” masigla n’yang pagyaya habang hinihila ako sa loob ng Manila Ocean’s Park.

Marami ang napapatingin sa amin dahil hindi naman normal sa paningin ng iba ang makitang may dalawang lalaking hawak ang kamay ng isa’t isa. Ang ilan nga ay nakikilala pa ako at kinukuhanan ako ng larawan gamit ang kanilang mga telepono. Wala naman akong pakiaalam doon. Sa katunayan ay matagal ko na itong gustong mangyari, ang gawin namin ito sa publiko.

Pero ang kakaiba, kung noon ay iniisip ni Liam na baka may makakita sa amin at makakaapekto ito sa aking magiging imahe, ngayon ay wala s’yang pakialam sa mga tumitingin sa amin.

Ano ba talagang nangyayari?

Simula nang pumasok kami rito ay hindi na ako binitawan ni Liam. Matagal ko nang gustong gawin ito, ang haharap kami sa tao habang magkahawak ang kamay o kaya naman ay magyayakapan. Gustong-gusto ko iyon gawin at alam kong ’pag nangyari iyon ay ako na ang magiging pinakamasayang tao sa mundo.

Pero bakit hindi ko maramdaman sa mga oras na ito ang sayang hinahanap ko?

Sa kabila ng aking mga napapansin ay pinili kong maging natural ang lahat ng kilos ko. Paminsan-minsan akong natitigilan at hindi makasagot sa kanya dahil sa pagkabigla, pero madalas ay napapasunod na lang ako sa kanyang mga paggaya.

“Rigz! Tingnan mo ’yung sea lion! Hinalikan ’yung babae! Ang cute!” puna nito sa aming pinapanood na sea lion show.

“Oo nga, ang cute nila.” pagsang-ayon ko sa kanya habang may tipid na ngiti.

Hindi ito tama. Ang tunay na Liam ay pandidirihan ang mga ganitong bagay na kanyang makikita.

Matapos ang mahabang panonood ng show ay nagyaya naman s’ya sa isang ice cream parlor na aming nadaanan. Pinahanap ko muna s’ya ng aming mauupuan at ako na ang bumili ng makakain naming dalawa.

Pinagmasdan ko s’ya rito mula sa tapat ng shop habang hinihintay ang order naming dalawa. Nakahanap na rin s’ya ng aming mauupuan na ilang metro rin ang layo mula sa kinatatayuan ko.

Kung kanina ay napakasigla n’ya, ngayon ay nakatulala s’ya habang malayo ang nararating ng kanyang mga mata. Katulad na katulad iyon ng sinabi sa akin ni Nanay Elise kanina.

Nag-aalala na talaga ako. Hindi ko na matatagalan pa ang kakaibang ipinapakita n’ya sa mga oras na ito.

Matapos kong makuha ang aming order ay diretso na akong umupo sa tapat ng kanyang pwesto. At nang makita n’ya ako, muli na naman n’yang sinuot ang kakaibang ngiti nito. Nanatili naman akong nakatingin lang sa kanya ng seryoso habang iniaabot ang ice cream na kanyang paborito.

“Liam…” nag-aalala kong pagtawag sa kanyang pangalan.

“Hhhmmm?” tanong n’ya pabalik habang nasa kanyang bibig ang kutsara ng kanyang ice cream na agad n’ya ring kinain.

Ilang segundo akong hindi nagsalita ngunit nanatili akong nakatingin sa kanya ng diretso.

“Alam kong may hindi ka sa akin sinasabi. Nag-aalala na ako. Sana, kahit konti bigyan mo ako ng idea kung––” hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

“Tikman mo ’to, Rigz! Mas masarap ang ice cream nila rito! Simula ngayon ito na ang paborito ko!” pagputol n’ya sa akin at isinubo ang kanyang kutsara na may ice cream.

Heto na naman s’ya. Iniiwasan ang mga magiging katanungan ko.

“Pagkatapos natin dito, mag-ikot pa tayo, Rigz! Balita ko may Oceanarium sila rito at makikita natin ang iba’t ibang uri ng isda at pating! Tapos sunod naman nating puntahan ang Trails to Antarctica! Pwede raw tayong magpakain doon ng penguin!” mahaba n’yang pagsasalita.

Habang nakatitig ako sa kanya ay marahang pagtango lang ang aking nagawa.

Gusto ko na talaga s’yang tanungin ngunit pilit n’yang nililigaw ang usapan namin. Kung pipilitin ko naman s’ya, baka mauwi lang kami sa pag-aaway. Hindi ako dapat na makipagtalo sa kanya. Ayaw kong bigyan s’ya ng problema.

Pero naisip ko, hindi kaya ako ang problema n’ya kaya ganito s’ya sa mga oras na ito? Hindi kaya …..

…. alam na n’ya ang bagay na itinatago ko?

Imposible. Imposibleng malaman n’ya iyon dahil nagkasundo kaming ’wag itong ipapaalam kahit kanino. Pinagbantaan ko pa sila na kapag nakarating ito kahit sa mga kaibigan ko lang ay hinding-hindi na nila ako makikita pa.

Nagpatuloy sa masayang pagkekwento si Liam. Kung ano-ano ang kanyang mga sinasabi na walang katuturan. Hindi na talaga normal ang lahat. Dahil ang totoong Randy Liam, kanina pa pinuna o kaya naman ay nilait ang mga tao sa kanyang kapaligiran.

Matapos naming kumain ay hinila n’ya na naman ako kung saan-saan. Inubos namin ang lugar na maaari naming puntahan sa lugar na ito. Wala akong nagawa kundi ang sumunod lang ng sumunod sa kanya habang mahigpit n’yang hawak ang kamay ko.

Hapon na kami natapos sa pamamasyal. Bago kami umuwi ay nagyaya naman s’yang kumain sa isang restaurant na paborito naming puntahan. At maging sa restaurant na iyon, hindi naubos ang kanyang mga kwento sa akin.

“Naaalala mo ba, Rigz, noong umakyat tayo sa bundok pagkatapos ang final exam natin? Muntik na natin masunog ang buong bundok dahil sa kalokohan nina Xander at Dom! Iniwan kasi nila ang bonfire at hindi pinatay! Mabuti na lang pala nagising ka noon kasi naji-jingle ka ’di ba?! Pero sa halip na patayin mo agad ang apoy, mas inuna mo pang pasukin ang tent nila para batukan lang sila!” mahaba n’yang pagbabalik tanaw at nagbitaw s’ya ng malakas na pagtawa.

Pinilit kong sabayan ang pagtawa n’yang iyon ngunit hindi ako nakapagbigay ng reaksyon. Binubulabog pa rin kasi ako ng malaking palaisipan ng kanyang pagbabago.

“Tapos noong nagtatrabaho na kami, nagulat ako noong sinabi mong mag-aaral ka ng culinary! Ang alam kasi namin, masaya ka na sa pagmomodelo at magsisimula ka na rin magtrabaho bilang Architect! Ewan ko kung anong pumasok sa isip mo at pinasok mo na rin ang Food industry! E, kahit nga gumawa ng sandwich noon hindi ka marunong, ’di ba?” kwento n’yang muli at mas lumakas ang pagtawa n’ya.

“Dahil sa ’yo. Dahil gusto kong sundan ang anino mo. Gusto kitang sundan, samahan at protektahan. Gusto kitang alagaan kasi mahal kita.” sunod-sunod kong naging reaksyon habang seryoso ang aking ekspresyon.

Kusa na lamang lumabas iyon sa bibig ko habang nakatingin ako ng tuwid sa kanya.

Bigla s’yang napatigil sa kanyang pagtawa. Hindi s’ya nakapagsalita at napatitig lang din s’ya sa aking mga mata.

Mayamaya pa ay bumaling s’ya sa kanyang kaliwa.

“Ang tagal naman ng order natin?” tanong n’yang tila nagtataka.

Umiwas na naman s’ya. Nangyayari na ito noon, ang iniiwasan n’ya ang bawat pagtatapat ko. Pero sa tuwing magaganap ito ay dalawang bagay lang ang kanyang ginagawa. Kung hindi n’ya sasabihing ‘tumigil ka, Rigo’ , sinusuklian n’ya lang ako ng ngiti.

Pero bakit ngayon ay parang nagbibingi-bingihan na ito?

“Waiter! Pa-follow up naman ng order namin!” utos n’ya sa empleyadong naririto sa restaurant.

Matapos n’yang makatanggap ng sagot mula sa waiter ay hinarap na naman n’ya ako. At tulad kanina, nagbukas na naman s’ya ng panibagong paksa.

Hanggang sa matapos kami sa aming pagkain ay s’ya lang ang halos laging nagsasalita. Paminsan-minsan ay nagagawa kong magsalita ngunit para sagutin lang ang mga katanungan n’ya.

Hindi na ako mapakali. Gusto ko nang umuwi para tanungin s’ya. Nagbabakasakali akong kaya s’ya umiiwas ay dahil nasa pangpublikong lugar kami at ayaw n’yang pag-usapan iyon dito.

“Tara na, Rigz? Uwi na tayo!” nakangiti n’yang pagyaya matapos naming kumain.

Ito na ang hinihintay ko, makakausap ko na s’ya. Pero bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko at labis na kaba ang naramdaman ko?

“S-sige.” tipid kong sagot na nauutal.

Nakasakay kami sa kanyang kotse at ako pa rin ang nagmaneho. Hanggang sa aming biyahe ay naging napakadaldal ni Liam at sinimulan naman n’yang pag-usapan ang aming karanasan sa aming mga pinuntahan.

Dapat ay matuwa ako dahil nakalabas kaming muli at bihira lang itong mangyari. Pero wala akong maramdamang kasiyahan sa mga oras na ito kahit buong araw ko s’yang kasama.

Nakarating kami sa kanyang condo at hindi pa rin napuputol ang kanyang pagkekwento. Hanggang sa makapasok kami sa kanyang unit ay hindi nagbabago ang siglang ipinapakita nito.

Nauna s’yang pumasok sa kwarto at iyon na rin ang ginamit kong pagkakataon para kausapin ito. Sinundan ko s’ya at hindi ko na napigilan ang komprontahin ito habang nasa likod n’ya ako.

“Liam, pwede ka bang makausap?” nag-aalala kong panimula.

“Ano ’yon, Rigz?” tanong n’ya pabalik ngunit hindi n’ya ako nilingon.

May napansin ako. Hindi na ngayon masigla ang kanyang tono nang tanungin n’ya ako. Nagbago na ito kumpara sa pakikipag-usap n’ya sa akin simula pa kaninang umaga. Pakiramdam ko ay may halong lungkot na ang boses n’ya.

“May problema ba, Liam? Tell me.” malambing kong pagtatanong.

Hindi s’ya nakaimik. Nanatili lang s’yang walang galaw habang nakatalikod sa akin.

“This is so not you! At kahit paulit-ulit ka pang magkunwari sa harap ko, alam mong hindi mo ako makukumbinsi dahil alam mong kilalang-kilala na kita!” hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Desperado na ako. Gusto ko nang malaman kung anong problema. Labis na akong nag-aalala sa kanya.

Matapos kong sabihin ang mga bagay na iyon ay nagulat ako nang bigla itong humarap sa aking pwesto. Ngunit ang mas ikinabigla ko ay nang mabilis s’yang humakbang palapit sa akin. Hinawakan n’ya ang aking batok at hinalikan ako ng madiin.

“Liam, sandali!” pag-awat ko sa kanya at hinawakan s’ya sa magkabilang balikat para magkaroon ng pagitan sa aming dalawa.

Ang akala ko ay sasagutin na n’ya ako sa pagkakataong ito. Ngunit muli na naman n’yang inilapit ang kanyang sarili sa akin at hinalikan na naman ako ng sapilitan.

Hindi na tama ito.

Dahil sa kanyang ginagawa ay hindi ko na nakontrol ang aking sarili. Mas naging malakas na ang pagpupumiglas ko at naging marahas na rin ang pagtulak ko sa kanyang balikat para magkahiwalay ang aming katawan. Ngunit naging mas maagap si Liam dahil nahawakan n’ya ako sa damit ng napakahigpit kaya magkaharap pa rin kaming dalawa.

“Liam, ano ba?!! Naguguluhan na ako!! Ano ba talagang nangyayari sa ’yo?!! Kung may pinagdadaanan ka, pwede mo naman akong kausapin, ’di ba?!! Makikinig ako!!! Pero ’wag naman ganito!!! Mababaliw na ako sa kakaisip dito!!! Alalang-alala na ako sa ’yo!!!” sigaw ko sa kanya.

Napayuko s’ya ngunit nanatiling mahigpit ang kapit n’ya sa aking damit.

Naghintay ako sa magiging kasagutan n’ya sa pagsigaw kong iyon. Ngunit sa halip na magsalita s’ya ay nasaksihan ko kung paano umuga ang kanyang mga balikat. Kasunod ng pag-uga ng mga balikat n’yang iyon ay narinig ko ang kanyang mahinang pag-iyak.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla. Mula sa kanyang mga balikat ay inangat ko ang aking mga palad patungo sa kanyang mukha.

Tama nga ako, umiiyak s’ya sa mga oras na ito, dahil ang kanyang mga pisngi ay basa na ng luha.

“Liam….” mahina kong pagtawag sa kanyang pangalan dahil sa pag-aalala.

Unti-unti kong inangat ang kanyang mukha. At nang tuluyang magtagpo ang aming mga mata ay nanghina ako dahil sa aking nakita. Sunod-sunod ang pagbagsak ng kanyang mga luha at kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata.

“R-rigo, please…. h-halikan mo ako…. Gawin natin ngayon ang isang bagay na nag-uugnay sa ating dalawa… Pakiusap… g-gamitin mo ako…. Pakiusap, Rigz…. p-pagbigyan mo ako… G-gawin nating masaya ang buong araw na ito… gawin nating masaya hanggang sa matapos ang gabing ito… Nagmamakaawa ako sa ’yo, Rigo… Pagbigyan mo ako…” sunod-sunod n’yang pakiusap sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

“L-liam…?” nagtataka at nag-aalala ko pa ring reaksyon.

“Pakiusap, Rigo… h-halikan mo ako tulad ng dati… Haplusin at yakapin mo ako tulad ng lagi mong ginagawa sa akin…” muli n’yang pakiusap at mas lumakas pa ang pag-iyak nito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Labis na takot na ang nararamdaman ko dahil sa nakikita ko sa mahal ko.

“Please, Rigo… Nagmamakaawa ako… Sige na naman, please…? Gawin nating masaya ang gabing ito…” pakiusap n’ya pa rin.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot. Tinitigan ko lang s’ya habang nag-aalala ang aking mukha. Patuloy lamang s’yang umiiyak at patuloy pa ring nakikiusap.

Alam kong nasasaktan s’ya, pero mas nasasaktan akong makita s’yang nasasaktan.

Gamit ang aking mga daliri ay pinunasan ko ng marahan ang kanyang mga luhang patuloy sa pagbagsak. Kahit labag sa aking kalooban at may malaki sa aking palaisipan ay ginawa ko ang lahat para bigyan s’ya ng ngiti. Ipinakita ko sa pamamagitan ng aking ngiti na wala s’yang dapat na ipag-alala. Hindi ko s’ya iiwan at sasamahan ko s’ya sa kanyang pinagdadaanan.

“Titigil ka ba sa pag-iyak kung gagawin natin ’yon, Liam? Mapapagaan ko ba ang pakiramdam mo kung pagbibigyan kita?” may tipid na ngiti kong tanong sa kanya habang patuloy kong pinupunasan ang kanyang mga luha.

Nang itanong ko sa kanya iyon ay nasaksihan ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi, ngiting alam kong sinsero at totoo. Ngiting alam kong masayang-masaya s’ya sa naging katanungan ko. Kasunod ng pagngiti n’yang iyon ay maraming pagtango ang ginawa n’ya.

Dahil sa nakita kong pagngiti n’ya ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ng bahagya ang alalahanin ko.

Hawak ko pa rin ang kanyang magkabilang pisngi nang magsalita akong muli.

“Mahal kita, Liam. Mahal na mahal. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ikaw ang nagbigay kulay sa mundo ko. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal na mahal. Tatandaan mo ’yan, ha?” masuyo kong pagtatapat sa kanya habang nakangiti.

Muli s’yang tumango at mas lumapad na rin ang kanyang pagkakangiti.

“S-salamat…” nakangiti n’yang sagot.

Sapat na sa akin iyon, ang pasalamatan n’ya ako. Pakiramdam ko ay nasabi na rin n’yang mahal n’ya  rin ako.

Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Nakangiti na lang kaming pareho habang nakatitig sa mata ng isa’t isa.

Kasunod ng aming mga pagtitig ay unti-unti naming pinaliit ang distansya ng aming mga mukha. Tuluyan na rin kaming napapikit nang magdikit ang aming mga labi at sinuklian ang mainit na paghalik sa isa’t isa.

Habang tinutugunan namin ang halik ng isa’t isa ay hindi ko maiwasang alalahanin ang senaryo noong unang beses namin itong ginawa. Ganitong-ganito rin iyon noong unang gabi na naangkin ko s’ya. Habang patuloy naming pinapaligaya ang isa’t isa ay may mga luha sa kanyang mga mata.

Kahit namamayani pa rin ang takot sa aking dibdib ay siniguro kong mapapaligaya ko si Liam sa mga oras na ito. Sa bawat paghalik ko sa kanyang katawan ay pinaramdam kong s’ya ang pinakamahalagang yaman ko, s’ya ang pinakaespesyal na tao sa buhay ko. Pinoprotektahan ko s’ya at labis na iniingatan.

Sa bawat pag-ulos ko habang nasa loob n’ya ako ay siniguro kong mapapaligaya ko s’ya. Siniguro kong maririnig ko ang mga paghiyaw at pag-ungol n’ya senyales na nagugustuhan n’ya ang aking ginagawa.

Habang iisa ang aming katawan at naliligo kami ng pawis ay paulit-ulit kong ibinubulong sa kanyang mahal na mahal ko s’ya. Na wala akong hiniling sa sampung taon ng buhay ko kundi ang maging akin s’ya.

Ilang beses namin tinawid ang ikapitong glorya. Pinagsawa namin ang pagpapaligaya sa isa’t isa at inikot din namin ang lahat ng parte ng bahay n’ya dahil ito ang gustong-gusto naming dalawa.

Ngayon ay pareho na lang kaming hubad habang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard nito. Tanging kumot lang ang takip ng aming ibaba. Hinihintay ko na magsalita s’ya ngunit nakatulala lamang s’ya.

“Liam, maliligo lang ako. Gusto mo bang sumabay?” malambing kong alok sa kanya.

Umiling s’ya ng marahan ngunit hindi n’ya ako tiningnan.

Hindi na nawala ang aking pag-aalala.

“S-sige. Mauuna na lang muna ako.” nauutal na pagpapaalam ko sa kanya.

Hindi na s’ya tumugon sa pagkakataong ito. Hinalikan ko na lang s’ya sa noo at iniwan ko s’yang malalim ang iniisip nang makapasok ako ng banyo.

Nang magsimula akong maligo ay naging tulala rin ako tulad ni Liam. Hindi ko maintindihan sa aking sarili ngunit mas matindi na ang kabang nararamdaman ko ngayon. Dahil sa ipinapakita ni Liam ay tuluyan na akong nawawala sa sarili.

Ang pakiramdam ko ngayon ay parang ayaw ko nang lumabas dito sa banyo, gusto ko na lang magkulong at manatili rito. Pakiramdam ko ay may hindi magandang balita ang naghihintay sa akin sa oras na lumabas ako mula rito. Hindi ako sigurado ngunit iyon ang pumapasok sa isip ko.

Natapos na ako sa aking pagligo at handa na akong lumabas ngunit nanatili lang akong nakatayo sa likod ng pinto. Dahil sa katahimikan ay naririnig ko na ang mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa labis na kaba ko.

Naikuyom ko ang aking mga kamao.

Inihanda ko na ang sarili ko. Ano man ang maririnig ko, magpapakatatag ako. At kung ang bagay na kinakatakot ko ang mangyayari, iisa lang ang gagawin ko.

Hindi ako papayag. Magmamatigas ako. Mananatiling nasa tabi n’ya lang ako.

Nanginginig ang aking katawan nang iangat ko ang aking kamay para pihitin ang doorknob ng pinto. At bago ako makalabas ng pintong iyon ay nagbitaw muna ako ng malalim na paghinga bilang paghahanda.

Kung paano ko s’ya iniwan kanina bago ako pumasok ng banyo ay ganoon pa rin s’ya. Nakaupo pa rin ito habang nakatulala.

Ginawa ko ang aking makakaya para maging normal sa bawat pagkilos ko.

Pinuntahan ko s’ya sa kanyang pwesto at dahan-dahang umupo sa kanyang tabi. Hindi n’ya ako tinapunan ng tingin ngunit nagbigay pa rin ako ng matamis na ngiti.

“Gusto mo na bang maligo, Liam?” nakangiti at malambing kong tanong sa kanya.

Nakatulala pa rin s’ya nang simulan n’yang magsalita.

“Rigo.” mahina n’yang pagtawag sa aking pangalan.

Mas naging doble na ang takot ko nang tawagin n’ya akong Rigo at hindi Rigz.

“B-bakit?” kinakabahan kong tanong pabalik. Hindi ko na naiwasan ang mautal dahil pakiramdam ko ay hindi na maganda ang susunod na aking maririnig.

Ilang segundo na naman ang kanyang pinalipas. Nakabibinging katahimikan muna ang namayani hanggang sa muli n’yang ibuka ang kanyang bibig.

“Itigil na natin ’to. Tapusin na natin kung ano mang ugnayan meron tayo.”

sagot n’ya sa seryosong tono.


A/N

Bitin ba? Hahaha! Sorrnaman. Alamin natin ang magiging reaction ni Rigo sa susunod na kabanata. Hehe.

Shout out kay

aquasoftcare

!! Sorry, nakalimutan ko last time! Haha! Salamat sa patuloy na pagbabasa!

Gano’n din po sa mga silent readers, salamat din po. Para naman sa patuloy na nag-aabang, sa mga walang sawang nagko-comment at patuloy na bumoboto, maraming-maraming salamat po sa inyo. 😘😘😘

Mahal ko kayo!

–– cold_deee ❤

chapter 23

A/N

Ito ay isang babala. Ang mga susunod na chapters ay magiging mabigat (iyon ay sa aking opinyon). Isinasalaysay ko lang po ang mga posibilidad na nangyayari rin ito sa tunay na buhay, may bahid ng katotohanan. Aminin n’yo ’yan. Chos!!

Kaya sana po ay walang magagalit sa akin kung puro malulungkot na senaryo ang mababasa n’yo. Baka may magsabi na naman na sawang-sawa na s’ya sa mga ganitong tagpo. Tulad ng nasa description nitong kwento, heavy drama ito. Pero ano’t ano pa man, makakaasa kayong sa kwento ko, may poreber. Charot! Hahahahaha!

Para po kay

NhellsBondoc

ang chapter na ’to. Salamat sa pag-aabang ng update!

Kung feel n’yo rin po na i-play ang nasa media para dama ang eksena, i-push n’yo na mga kakosa! Hahahaha! (

Song title: Say That You Love Me - by: Martin Nievera

) Theme song si Rigo kay Randy ’yan. Chos!

Anyway, enjoy crying, este, enjoy reading, mga mahal ko!

––> si Rigo po sa media.

![](https://img.wattpad.com/8075da8662b3aca628a4b42c8c27390397e79eff/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5656327655544e536451557535773d3d2d3435343733323635382e313464623034313936666531376439653331343037353432313039392e6a7067)

RIGO’s POV

“Itigil na natin ’to. Tapusin na natin kung ano mang ugnayan meron tayo.” sagot n’ya sa seryosong tono.

Parang isang malaking bomba ang sumabog sa dibdib ko nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa kanya.

Akala ko ay handa na ako, pero heto ako ngayon, halos hindi makapagsalita dahil sa pagkabigla.

Simula nang magkasama kaming dalawa ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasaktan ako ng ganito. Pakiramdam ko ay pinatay n’ya ako.

Nagkaroon na kami ng pagtatalo noon at nauwi kami sa matagal na hindi pag-uusap. Pero ito ay dahil sa tumanggi s’yang maging opisyal kami. Sa huli ay pumayag na lamang ako sa set up na ganito kaya nagkaayos din kaming muli.

Pero iba ang bagay na ito, s’ya mismo ang nagsasabi sa akin na itigil na ito.

“A-anong sabi mo, Liam…?” tanong kong nauutal.

Nagbabakasakali akong mali ang pagkakarinig kong iyon. Pinapanalangin kong sana ay isang guni-guni ko lamang ang narinig kong iyon.

Hindi n’ya pa rin ako tinitingnan, nanatili s’yang nakatingin sa kawalan.

“Sabi ko, itigil na natin ’to. Putulin na natin ang ugnayang meron tayo.” pag-uulit n’ya sa kanyang sinabi.

Pangalawang beses n’ya na itong sinabi, at pangalawang beses na rin akong parang pinatay ng mga salita n’yang iyon.

Nagsimulang manginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Takot na mapapalayo s’ya sa akin, takot na maghihiwalay kami kahit walang kami.

Katahimikan na ang sumunod. Hindi ko na nagawang makapagsalita pa, s’ya naman ay nanatiling tulala.

Ilang saglit pa ay nakaisip ako ng isang ideya para malihis ang usapan naming dalawa.

Kahit nanginginig ang aking labi dahil sa takot ay pinilit kong magbitaw ng isang ngiti. Inangat ko ang aking isang kamay na nanginginig at marahang hinaplos ang kanyang pisngi.

“M-may masakit ba sa prinsesa ko? G-gusto mo bang diretso ka nang magpahinga? Gusto mo ba, punasan na lang kita? A-anong gusto mo? M-may gusto ka bang kainin? M-may gusto ka pa bang gawin…?” hindi maayos ang naging pagsasalita ko habang hinahaplos ko ang kanyang mukha.

Hindi n’ya pa rin ako magawang tingnan nang sagutin n’ya ako.

“Gusto ko? Gusto kong umalis ka na, Rigo. Gusto kong umalis ka na. ’Yon ang gusto ko.” diretso n’yang pagsasalita.

Napatigil ako sa ginagawa kong paghaplos sa kanyang mukha. Mas naging doble na rin ang panginginig ng aking kamay dahil sa aking narinig mula sa kanya.

Nararamdaman ko, nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa mga mata ko.

Pero hindi.

Nangako akong hindi ako susuko. Magpapakatatag ako. Magmamatigas ako.

Ibinaba ko ang aking isang kamay mula sa kanyang mukha. Inalis ko iyon ngunit ang ngiti sa aking labi ay hindi ko tinanggal, nanatili akong nakangiti bagama’t nanlalabo na ang paningin ko dahil sa aking mga luha.

“S-sandali… Tubig, Liam? G-gusto mo ba ng tubig..?” nakangiti ko pa ring tanong sa kanya.

“Inuulit ko, umalis ka na. ’Yun ang gusto ko.” mas madiin na n’yang pagsasalita sa pagkakataong ito.

Mabilis akong tumayo. Kahit nanghihina ang buong katawan ko ay ginamit ko ang lahat ng aking lakas para hindi n’ya mapansin ito.

“S-sandali, Liam. K-kukuha lang ako ng tubig.” nauutal ko pa ring pagsasalita habang humahakbang palayo sa kanyang pwesto.

Halos hindi ko maituwid ang aking paglalakad dahil sa panginginig ng katawan ko. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako ng aking mga paghakbang palabas ng pinto ay narinig kong muli ang pagsasalita ng mahal ko mula sa likod ko.

“Sinabi ko nang hindi ko kailangan ng kahit na ano!! Ang kailangan ko, umalis ka na sa buhay ko, Rigo!!! Iwan mo na ako!!!” sigaw n’ya sa akin.

Napahinto ako sa aking paglalakad. Matapos n’ya rin sabihin iyon sa akin ay tuluyan nang kumawala ang mga luha ko. Mabilis ko itong pinunasan gamit ang palad ko.

Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi ko sa kanya pwedeng ipakita na pinanghihinaan ako sa mga oras na ito.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nanatili akong nakatayo habang nakatalikod sa kanyang pwesto.

“Hindi. Hindi ko gagawin ’yang gusto mo!” madiin kong sagot sa kanya.

Natahimik s’ya dahil sa aking sinabi. Hindi ko makita ang kanyang reaksyon sa mga oras na ito. Gusto ko man s’yang harapin ay natatakot ako. Takot na takot ako.

Mayamaya pa ay narinig ko ang mahina n’yang pagtawa.

“Hindi ka aalis? Baka nakakalimutan mo, Rigo? Bahay ko ’to. Kahit sino ang gusto kong papasukin at kahit sinong gusto kong palabasin, pwede kong gawin. Kaya inuutusan kita, umalis ka na rit––”

Hindi n’ya naituloy dahil hinarap ko na s’ya.

“Tumigil ka!!! Sinabi ko nang hindi ako aalis dito!! Kahit kaladkarin mo pa ako, hindi ako aalis dito!!” sigaw ko sa kanya pabalik habang dinuduro s’ya.

Nakita ko ang pagkabigla sa kanya habang nakatingin sa akin. Ngunit hindi rin iyon nagtagal, mabilis n’ya ulit itong iniiwas sa akin.

“Ano bang problema, Randy??! May nagawa ba ako?!! May hindi ka ba nagustuhan?!! Sabihin mo!!! Bigyan mo ako ng dahilan!! Pero ’wag mo naman gawin sa akin ’to!! ’Wag mo naman ako pahirapan ng ganito!!! Alam mo naman, ’di ba?! Hindi ko kakayanin ang mahiwalay sa ’yo!!!” sigaw ko sa kanyang muli. At habang sinisigaw ko iyon ay muling naglandas ang mga luha ko. Hindi ko na ito naiwasan kahit anong gawing pagpigil ko.

Hindi n’ya pa rin ako magawang sagutin. Mas lalo lang din n’yang iniwas ang paningin n’ya sa akin.

Nagsalita akong muli habang patuloy sa paghikbi. Ngunit sa pagkakataong ito ay sinubukan kong maging mahinahon ang bawat salitang mamumutawi sa aking bibig.

“Ano..? Bakit hindi mo ako magawang sagutin..? May nagawa ba ako..? Anong kasalanan ko..? Sabihin mo… Handa akong gawin kahit na anong sabihin mo… ’Wag mo lang ’tong gawin…” tanong at pakiusap kong umiiyak.

“Wala kang nagawa.” tipid lang na sagot n’ya at hindi pa rin nakatingin sa akin.

“E, bakit nga??!!! Bakit mo ’to ginagawa??!! Bigyan ko ako ng dahilan!!!” hindi ko na naman s’ya naiwasang sigawan.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas. Ngunit bago n’ya ako nagawang sagutin ay nagbitaw muna ito ng pagngisi.

“Simple lang.” una n’yang sagot at saglit na tumigil. “Dahil sawa na ako sa ’yo. Sawa na ako sa presensya mo. Sawa na ako sa katawan mo. Sawa na ako sa buhay kasama ang kagaya mo.” pagpapatuloy n’ya habang suot ang pagngisi n’ya.

Akala ko ay masakit na ang binitiwan n’yang mga salita kanina, ngunit nang marinig ko ang mga huli n’yang sinabi ay parang dinurog na ang buong pagkatao ko ng pira-piraso.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko kahit na mas naging doble na ang pag-agos ng mga luha ko.

“Talaga? Talaga ba, Randy…? Sa tingin mo ba, maniniwala ako sa ’yo…? Sa tingin mo ba, makukumbinsi mo ako?” tanong ko sa kanya habang humihikbi.

Hindi s’ya nakaimik sa katanungan kong iyon.

Huminga ako ng malalim para muling magsalita.

“Sige. Subukan mo ngang sabihin ’yan sa akin ng diretso… Sabihin mo ’yan habang nakatingin sa mga mata ko…” paghamon ko sa kanya.

Nasaksihan ko kung paano naging malikot ang kanyang mga mata. Tila hindi n’ya malaman kung paano gagawin ang inuutos ko sa kanya.

Tama nga ako, ito ang kahinaan n’ya. Hindi n’ya ito kayang gawin dahil alam n’yang hindi s’ya makakapagsinungaling sa akin.

“Hindi mo magawa? Hindi mo ako kayang tingnan dahil nagsisinungaling ka!!!” sigaw ko ulit sa kanya.

Sa halip na sigawan n’ya ako pabalik ay mas lalo s’yang natahimik. Kahit itago n’ya sa akin ay nararamdaman kong mayroon s’yang dahilan kung bakit n’ya ito ginagawa sa akin.

Dahil sa nangyayari sa amin ay unti-unting nagbabalik sa akin ang kaganapan sa nakalipas na sampung taon na kasama ko s’ya. Mga oras na nanlilimos ako sa kanya, mga oras na nagmamakaawa ako ng atensyon mula sa kanya. Lahat ng sakripisyo, lahat ng pagod, lahat ng hirap. Lahat iyon ay nagbalik sa aking ulirat. At habang unti-unti kong naaalala ang mga mga bagay na iyon ay nagbalik din ang awa ko sa aking sarili.

Muli akong nagsalita ngunit sa mahinahon nang paraan sa pagkakataong ito. At sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig ay ang pagdaloy pa ng maraming luha mula sa mga mata ko.

“Ano pa bang kulang, Liam…? Ginawa ko naman ang lahat, ’di ba…? Kulang pa ba…? Sampung taon… Sampung taon akong nasa tabi mo… Kulang pa ba…? Sinundan kita kahit alam kong malaki ang isusugal ko… Nag-iba ako ng direksyon kahit hindi ito ang plinano ko sa buhay ko… Sinuway ko kahit ang pangarap sa akin ng mga magulang ko para lang sa ’yo… Lahat ’yon ginawa ko dahil lang sa iisang dahilan ko… dahil mahal kita… Mahal na mahal kita…” sunod-sunod kong sumbat sa pagitan ng pag-iyak.

Hindi pa rin s’ya nakapagsalita. Nasaksihan ko kung paano n’ya kinagat ang kanyang ibabang labi para pigilan din ang kanyang pagluha.

“H-hindi pa ba sapat ang sampung taon, Randy…? Pitong taon na sinusundan kita… Sinasamahan kita kahit hindi sa akin nakatingin ’yang mga mata mo… Tatlong taon akong pumayag sa set up na gusto mo… Hindi na nga ako nagpumilit na maging opisyal tayo, ’di ba..? Kahit alam mong nasasaktan ako, kahit alam mong hindi ito ang gusto ko, sinunod pa rin kita… Kulang pa ba…? Sa loob ng sampung taon, wala akong ginawa kundi ang isipin kung paano ka mapapasaya… Pero ako…? Naisip mo ba kung anong nararamdaman ko sa loob ng sampung taon na ’yon…?” tanong kong muli sa kanya.

Hinintay ko s’yang magsalita ngunit hindi n’ya pa rin iyon ginawa.

“Hindi, ’di ba? Hindi mo alam na sa loob ng sampung taon na kasama kita, mas marami ang pagkakataon na naging malungkot ako kesa ang maging masaya… K-kasi… kasi pakiramdam ko, kahit anong gawin ko, hindi kita makukuha… Pinanghihinaan na nga ako minsan ng loob, e… Pero narinig mo ba akong nagreklamo..? Hindi… Kasi mas nangingibabaw sa akin ang pasayahin ka… Mas mahalaga sa akin ang mapasaya ka kesa sa sarili ko…” patuloy ko pa ring sumbat.

“S-siguro nga… siguro nga, hindi pa sapat ang mga nagawa ko… Pero sana naman binigyan mo pa ako ng pagkakataon… Handa naman ako, Liam, e… Handa akong gawin ang mga gusto mo… Pero sana sabihin mo naman sa akin para alam ko ang gagawin ko… Dahil kahit abutin pa ulit ako ng sampung taon, gagawin ko ’yon ng walang reklamo… Basta makita mo lang ang halaga ko… Basta ’wag mo naman akong itrato na parang basura lang sa buhay mo…” panibago kong sumbat at mas lumakas na ang aking pag-iyak.

“A-alam mo ba…? Halos araw-araw akong nangangarap sa hinaharap nating dalawa… Araw-araw kong iniisip na kasama kita hanggang sa pagtanda… Kahit walang tayo, pinapangarap ko ’yon… Araw-araw rin nagdadasal ako, na sana… sana isang araw marinig ko mula sa ’yo na gusto mong gumising kinabukasan na ako pa rin ang kasama mo… Kahit ’yun lang… Kahit isang beses lang…. Pero bakit ito pa ang maririnig ko ngayon…? Ano bang nagawa kong masama..?” sunod-sunod ko pa ring tanong sa pagitan ng pagluha.

Hindi n’ya pa rin ako nagawang sagutin. Nanatili pa rin s’yang nag-iisip ng malalim.

Kumilos ako at humakbang palapit sa cabinet kung nasaan ang aking mga damit. Patuloy pa rin ako sa aking pag-iyak habang kumukuha ng maaari kong isuot pang-alis.

Nang makahanap ako ng aking maisusuot ay nagpatuloy pa rin ako sa pag-iyak at pagsasalita habang nagbibihis.

“Kinalimutan ko na ang sarili ko para sa kaligayahan mo… H-hindi ko na iniisip ang hinaharap ko… Ultimo sa pagkain ko, sa mga bagay na gusto kong gawin para sa sarili ko, kinalimutan ko na lahat… Kasi mas mahalaga sa akin ang isipin kung anong mas makakabuti sa ’yo… Mas iniisip ko ang kaligtasan at proteksyon mo… Pero kulang pa rin pala…?” panunumbat ko pa rin sa kanya.

Nang matapos ako sa ginagawa kong pagbibihis ay saglit akong huminto. Nakatalikod ako sa kanyang pwesto kaya hindi ko makita ang reaksyon nito.

Pinunasan ko ang aking mga luha at nagbitaw ng malalim na paghinga. Isang mahinang pagtawa din ang aking ginawa bago ako muling nagsalita.

“Kung sabagay, ano nga ba naman ako sa ’yo, ’di ba? Sino ba naman ako sa buhay mo, ’di ba? Isang kasangkapan na kung kailan mo gagamitin, doon mo lang pagtutuunan ng pansin. ’Yon lang naman ako sa ’yo, ’di ba? Wala akong kahit na konting halaga.” huling bahagi ng aking pagsasalita.

Matapos kong sabihin ang mga bagay na iyon ay kinuha ko ang aking wallet at dire-diretsong lumabas mula sa loob ng kwarto n’ya. Iniwan ko s’ya na tulala pa rin at hindi gumagalaw sa kinauupuan n’ya.

Akala ko ay nagawa ko nang patigilin ang aking mga luha. Ngunit nang tuluyan akong makalabas sa kanyang unit ay may mga kumawala na namang panibago mula sa aking mga mata.

Diretso akong umalis sa condo building n’yang iyon at tumawag ng taxi. Wala na akong pakialam kung may ilang napapatingin sa akin habang patuloy kong pinupunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko.

“S-sa Taguig, boss…” nauutal na pagbibigay ko ng direksyon sa driver ng taxi na nasakyan ko.

Wala akong ibang mapupuntahan, ang lugar lang na iyon ang alam kong may makakausap ako. Kailangan ko ng kahit isang tao na makakausap sa mga oras na ito.

Ang mag-asawang Xander at Tom sana ang gusto kong makausap ngunit wala naman sila dito sa Pilipinas. Ganoon din ang pinsan ko na si Dom, alam kong hindi n’ya rin alam kung paano ako matutulungan dahil maging s’ya ay naiipit na rin sa sitwasyon ko ngayon. Kung si Shai naman ang kakausapin ko, baka mauwi lang sa napakahabang sermon. Isa pa, alam kong abala s’ya sa manliligaw n’ya ngayon. Kahit pa hindi n’ya sa amin nabanggit ang bagay na iyon, narinig ko naman minsan na pinag-uusapan nila iyon ni Randy.

Marami akong kaibigan, pero nalimitahan na rin ang pagsama ko sa kanila simula noong magdesisyon akong ibigay ang buong oras ko kay Liam.

Habang nasa kahabaan ng biyahe ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga pinagdaanan ko kay Liam. Noon pa man ay awang-awa na ako sa sarili ko, pero nagiging matatag ako dahil nanatili s’ya sa tabi ko sa mahabang panahon. Iyon na lang ang nagiging lakas ko.

Alam ko naman, umasa ako. Umasa akong masusuklian n’ya ang nararamdaman ko. Kaya nga ako umabot ng sampung taon na kasama s’ya dahil naniwala akong balang araw, maririnig ko rin sa kanya na mahal n’ya rin ako.

Pero hindi pala.

Hindi ko akalain na sa loob ng sampung taon ay ganito lang ang magiging resulta.

Nakarating ako sa lugar kung saan ko matatagpuan ang isang taong bihira ko na lang din makita. Bago ako bumaba ng taxi ay ginawa ko ang aking makakaya para pigilan ang aking mga pagluha. Iniiwasan kong mas maraming tao pa ang makapansin ng aking pag-iyak.

“DJ Rigo! What a surprise?! Ang tagal mo nang hindi nagpupunta rito! Tutugtog ka na ba ulit ngayon dito?” masayang salubong sa akin ng babaeng manager ng bar na pinuntahan ko.

Hindi ko magawang batiin s’ya pabalik. Dahil sa bigat ng aking dibdib ay hindi ko magawa kahit ang simpleng pagngiti.

“Nand’yan ba si Anthony?” tanong ko agad sa kanya sa malungkot kong tono.

Mabuti naman at mukhang malakas makiramdam ang manager ng kaibigan ko. Nabasa n’ya sa aking mga mata na kailangan kong makausap ang boss n’ya.

Ngumiti muna s’ya na tila nakikisimpatya.

“Nandoon s’ya sa main bar. Puntahan mo na lang.” nakangiti niyang sagot sa akin.

“Salamat.” simpleng sagot ko lang at tinalikuran ko na s’ya.

Mukhang katatapos lang ng DJ show dito sa bar ng kaibigan ko dahil nakita kong nagkalat na ang mga confetti sa sahig. Iilan na lang din ang sumasayaw ngayon sa gitna at mukhang nakaalis na rin ang marami n’yang customers.

Diretso akong nagpunta sa bar na sinabi ng manager. Naglalakad pa lang ako papalapit ay nakita na ni Anthony ang aking presensya. Napansin ko pang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ako, senyales na nagulat s’ya sa biglang pagbisita ko.

Agad akong umupo sa isang bar stool para hintayin si Anthony dahil may kausap din ito na customer nang maabutan ko. Nang tuluyan akong makaupo ay agad din s’yang nagpaalam sa babaeng kausap nito.

“Pare! Na-late ka yata ng dating? Tapos na ang DJ show. Hindi ka na makakatugtog!” masiglang bati nito sa akin at naglapag sa tapat ko ng baso na may laman ng paborito kong alak dito.

Bago ko s’ya sinagot ay diretso kong ininom ang alak na kanyang ibinigay.

“Hey! Easy lang, pare!” pag-awat nitong natatawa habang nasa harap ko.

“Isa pa nga.” utos ko sa kanya.

Natatawa naman s’yang sinunod ang aking pakiusap. Napapailing din s’ya nang ilapag n’ya ang panibagong salin na alak sa aking baso.

“Kamusta, pare? Ang tagal mong hindi nakabisita rito ah? Tutugtog ka na ba ulit dito?” tanong nitong nakangiti.

Umiling ako.

“Hindi, Tons. Alam mo namang busy ako sa kanya, ’di ba?” sagot ko sa kanya.

Dati akong DJ sa malaking bar n’yang ito. Dalawang araw kada linggo akong tumutugtog ako, minsan ay nakasama ko pa si Xander. Pero noong tumutuloy na ako sa condo ni Liam, nagpasya na rin akong tumigil dito.

“Akala ko pa naman makakatulong ka ulit para palaguin pa ang business ko! Marami ka sanang mahahakot na chicks ’pag bumalik ka rito!” kantyaw n’ya sa akin.

Sa wakas ay nagawa kong makatawa kahit mahina simula pa kanina.

“Kaya mo na ’yan! Sapat na ang kagwapuhan mo para makahakot ng chicks na sinasabi mo. Hindi mo na ako kailangan. Pero sana baguhin mo naman ’yang hairstyle mo, pare! Ilang taon nang nakatayo ’yang mga buhok mo. Permanent na ba ’yan?” sagot at kantyaw ko sa kanya pabalik.

Maingat n’yang kinapa ang kanyang buhok.

“Alaga ko ’to, ’wag mo na s’yang pakelaman.” sagot n’ya sa akin.

Pareho kaming natawa sa sinabi n’yang iyon. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik s’ya sa pagharap sa akin habang seryoso ang kanyang ekspresyon.

“Mukhang hindi maganda ang timpla mo ngayon ah? May problema ba, pare? Ano ba ’yon?” sunod-sunod niyang tanong at saglit na tumigil. “O baka naman mas tamang tanungin ko kung s’ya pa rin ba ang problema mo?” sunod nitong tanong.

Natigilan ako. Alam ni Anthony kung anong mayroon sa amin ni Liam. Kahit paano ay marami na rin s’yang alam dahil matagal na kaming magkakilala. Isa pa, pamangkin din s’ya ng isa sa mga board member ni Xander sa hotel kaya madalas din namin itong nakakasama.

Sa halip na sagutin ko si Anthony ay ininom ko na lang muli ng diretso ang alak na nasa harap ko.

Narinig ko ang kanyang pagsipol, senyales na nakakuha na s’ya ng sagot sa katanungan n’ya sa akin.

“Ang tiyaga mo talaga, pare. Ang tagal na n’yan ah? Wala pa rin development hanggang ngayon?” tanong n’ya sa akin at muling nagsalin ng alak sa baso ko.

Huminga ako ng malalim.

“Nakikipaghiwalay na s’ya.” simple kong sagot sa kanya.

Muli s’yang natawa.

“Ang tanong, pare, may kayo ba? Wala naman, ’di ba? Kaya walang hiwalayang magaganap.” diretso n’yang sagot.

Dahil sa kanyang sinabi ay natawa rin ako. Oo nga pala, walang kami ni Liam, kaya walang mangyayaring hiwalayan.

Napatitig na lang ako sa hawak kong baso at inikot-ikot ito.

“Ano bang kulang sa akin, pare? Bakit hindi ko s’ya maabot? Kahit anong gawin ko, kulang pa rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, nahihirapan na ako.” panimula ng paglalabas ko ng sama ng loob.

Muli kong narinig ang kanyang pagbuntong hininga.

“Walang mali sa ’yo, pare. Ang mali, kung paano kayo nagsimula. Pinasok n’yo ang ganyang set up pero hindi kayo handa.” wika n’ya sa seryosong tono.

Inangat ko ang aking paningin para tingnan si Anthony. Nakakunot ang aking noo senyales na hindi ko nakuha ang gusto n’yang iparating. Mukhang nakuha naman n’ya iyon kaya nagpatuloy s’ya sa kanyang pagsasalita.

“Hindi n’yo naihanda ’yang mga sarili n’yo. Hindi n’yo akalain na mauuwi kayo sa pagkahulog sa isa’t isa. Kaya ayan kayong dalawa, nahihirapan nang mabuhay nang hindi magkasama.” paliwanag n’ya.

Nang marinig ko ang kanyang sinabi ay hindi ko napigilan ang matawa. Ngunit sa kabila ng aking mga pagtawa ay nananakit ang aking dibdib at para itong dahan-dahang hinihiwa.

“Hindi mo ako naiintindihan, pare. Ako lang ang nagmamahal dito, pero s’ya, hanggang ngayon wala pa rin nararamdaman para sa akin! Sampung taon! Gano’n katagal ko na s’yang kasama pero kahit minsan, hindi n’ya ako nasabihang mahal n’ya ako! Kahit nga sana sabihin n’yang espesyal lang ako sa kanya, malaking bagay na sa akin. Pero wala.” mahaba kong pagkontra sa kanya at uminom muli ako ng alak.

Nagsalin muli s’ya ng alak sa aking baso ngunit napangiti ito.

“Pero hindi iyon ang nakikita ko sa kanya, Rigo.” mahina n’yang sambit.

Muling nangunot ang noo ko at ako na ngayon ang nalilito.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong kong nagtataka.

Mas lumapad ang pagkakangiti n’ya.

“Tama ka nga, sampung taon kayong magkasama. At kung talagang hindi ka espesyal sa kanya, sana noon ka pa n’ya pinalaya. Sana noon pa, naghanap na s’ya ng iba kahit pangpalipas lang ng oras n’ya.” nakangiti n’yang paliwanag.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi n’yang iyon. Nakikita kong may punto si Anthony sa kanyang sinabi.

Bakit nga magtatagal si Liam na ako ang kasama kung wala man lang s’yang nararamdaman kahit na kaunti para sa akin?

“Problemado ka dahil hindi niya ’yon nasabi kahit minsan sa ’yo?” biglang tanong sa akin ni Anthony.

Muli ay hindi ako nakasagot. Naghintay na lang ako sa kanyang pagpapatuloy.

“Rigo, tandaan mo ’to. Hindi nangangahulugan na walang pakialam sa ’yo ang isang tao dahil lang wala itong sinasabi. Madalas, ang pananahimik ng isang tao ay dahil sa maraming bagay ang tumatakbo sa isip nito. Magkakaiba ang tao, may ilan ang bokal sa pagsasabi ng mga nararamdaman nila, pero may ilan din na ipinapakita ang kasagutan sa mga kilos nila.” paliwanag n’yang muli.

Pinoproseso ko sa aking isip ang mga sinabi ni Anthony. At ngayon ko lang muling naalala, sa tinagal-tagal na kasama ko si Liam ay hindi nga s’ya bukas para pag-usapan ng nararamdaman n’ya.

Nagpatuloy pa si Anthony sa pagsasalita.

“Base sa nakikita ko kay Randy, masaya siya ’pag kasama ka. Hindi ’yon maikakaila lalo na ’pag tinitingnan ka n’ya. Bibihirang ngumiti ang taong ’yon, at nakikita ko lang ’yon ’pag ikaw ang kausap n’ya.” pagpuna pa nito.

Masaya ako sa naririnig ko mula kay Anthony, pero hindi ko maiwasan ang magtaka dahil sa naging kaganapan sa amin ni Liam kanina.

Dito ay tuluyan na akong nagsalita.

“Kung tama nga ’yang sinasabi mo, bakit pilit na n’ya akong pinapaalis sa buhay n’ya? Bakit bigla n’ya na lang gustong maglaho ako sa paningin n’ya?” sunod-sunod kong tanong kay Anthony.

Huminga muna ito ng malalim bago ako sinagot.

“Kagaya nga ng sinabi ko, sa mga taong tahimik kagaya ni Randy, maraming bagay ang tumatakbo sa isip n’ya na hindi n’ya kayang sabihin sa ’yo ng direkta. Siguro, may mga pinagdaanan s’ya na nagbigay ng dahilan para ipagtabuyan ka n’ya? Ikaw na rin ang nagsabi, biglaang desisyon n’ya ’yon. Kaya malamang, may dahilan ang pabigla-bigla n’yang ’yon.” sagot nitong mahaba sa aking katanungan.

Napaisip ako. Kung may pinagdadaanan nga si Liam, bakit wala kaming ideya ni Nanay Elise? Noon naman ay madali namin itong nalalaman. Lalong-lalo na ako dahil mahigpit ang pagbabantay ko sa kanya.

Muli kong naisip na baka nga ay nagkaideya na s’ya sa malaking problemang aking hinaharap.

Napailing ako.

Napakaimposibleng malaman n’ya ang bagay na iyon. Tanging kami lang ng pamilya ko ang nakakaalam no’n. Alam na alam nilang hindi ko sila mapapatawad sakaling lumabas ito sa ibang tao. Kaya nga noong interview ni MJ sa telebisyon ay hindi s’ya nagbigay ng impormasyon tungkol sa akin dahil napag-usapan na namin ito.

“Ano, pare? Anong desisyon mo ngayon?” biglang pagtatanong sa akin ni Anthony.

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagbuntong hininga.

“Hindi ko alam. Hindi ko na alam, pare.” tapat kong sagot sa kanya.

“Pangalawang tanong, kaya mo bang tuluyan na kayong magkanya-kanya?” tanong nitong muli.

Natahimik ako saglit.

“Hindi.” pagsasabi ko pa rin ng totoo. Mahal na mahal ko si Liam at hindi ko kayang mangyari ang tuluyan naming paghihiwalay ng landas.

“Tapos ang usapan! Dahil kung kaya mo naman, let him go! At kung hindi mo kaya, just endure the pain! Malakas ang paniniwala ko, pare, may nararamdaman din si Randy para sa ’yo. Ang kailangan mo lang gawin ay alamin ang dahilan ng pagbabago n’ya at ’wag kang sumuko. Bigyan mo muna siguro s’ya ng oras para makapag-isip. Alam kong naguguluhan lang ’yon ngayon. Sigurado akong hindi n’ya rin gusto ang nangyayari sa inyo.” huling payo pa nito.

Siguro nga ay tama si Anthony. Kailangan muna naming magpalamig ngayon para makapag-isip ng mabuti.

Unti-unti akong ngumiti kay Anthony. Tama nga ang naging desisyon ko na dito magpunta, malaki ang naitulong n’ya para mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.

“Salamat, pare.” wika ko lang na nakangiti kay Anthony at nagfist bump kami.

“Wala ’yon. Isipin mo na lang na parang reunion lang ’to dahil ang tagal mong hindi nagpakita rito.” sagot n’yang nakangiti.

Ininom ko ang huling alak na kanyang ibinigay.

“Last na ’yan. Ipadala mo na lang ang bill ko sa restaurant.” pakiusap ko na lang sa kanya.

“Hindi na. Isipin mo na lang din na treat ko ’yan sa lalaking gwapo nga, pero martir!” natatawang kantyaw nito sa akin.

“Lul! Palibhasa ang pait mo dahil hanggang ngayon wala ka pa rin karelasyon!” kantyaw ko sa kanya pabalik.

“Ikaw ba, meron?” pagpatol n’ya rin sa akin.

Nagtawanan lang kami dahil sa pag-uusap naming iyon. Ilang minuto pa kaming nagkakwentuhan ni Anthony bago ako tuluyang nagpaalam. Kahit mabigat pa rin ang aking dibdib ay bahagya na rin itong gumaan dahil sa pakikipag-usap ko sa kanya. Kaya naman halos mainis na ito sa akin dahil sa paulit-ulit kong pasasalamat sa kanyang tulong na nagawa.

Kailangan kong bigyan ng oras si Liam para makapag-isip. Hindi ko man gustuhin na umalis sa kanyang tabi ngayong gabi ay kailangan ko itong tiisin.

Nagpasya akong umuwi sa mansyon kung saan ako nakatira. Wala na akong iba pang mapupuntahan, kaya kahit nagdadalawang isip ako ay wala akong magagawa. Isa pa, gusto ko rin makasiguro na tumutupad pa rin sa usapan namin ang mga taong sangkot sa isa ko pang problema.

Muli akong tumawag ng taxi para makauwi sa mansyon ng mga Silvestre.

Kailan nga ba ako huling umuwi doon? Hindi ko na maalala. Dahil simula nang umuuwi ako kay Liam, nakalimutan ko na ang paglipas ng oras at panahon. Sa kanya na umikot ang oras ko, sa kanya na rin umikot ang mundo ko.

Nang makarating ako sa malaking bahay namin ay nagtaka ako dahil bukas pa ang lahat ng ilaw kahit madaling araw na ngayon.

“Good evening, boss Rigo! Ay, good morning na pala kasi madaling araw na.” bati sa akin ng guard namin dito at sumaludo pa.

Nginitian ko s’ya.

“Good morning din, Kuya Tonyo.” bati ko pabalik sa kanya at nilingon ang mansyon. “Bakit bukas pa ang mga ilaw?” sunod kong tanong na nagtataka.

“Ah, katatapos lang po kasi ng selebrasyon kanina kaya mga gising pa sila ngayon.” sagot naman nito sa akin.

Mas lalo akong nagtaka.

“Celebration? Bakit? Anong meron?” tanong kong nagtataka.

Akmang sasagutin na sana akong muli ng aming guard ay natigilan ito dahil sa pagtawag sa aking pangalan mula sa aming likuran.

“Rigo??” masayang pagtawag ng isang babae.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Doon ko nakita ang taong naging sanhi ng isang problema ko, ang babaeng kung hindi sana dumating sa buhay ko ay malaya pa rin ako.

Naroon s’ya sa aming malaking pinto habang nakaupo sa isang wheelchair.

“Nagpahanda po si Madame Eve kanina, boss Rigo, dahil nakalabas na sa ospital si Ma’am MJ.” pagpapatuloy na sagot ng aming gwardya.

Sa halip na salubungin ko rin ng ngiti si MJ ay naikuyom ko pa ang kamao ko habang salubong ang mga kilay ko. Aaminin ko, nakaramdam pa rin ako ng awa sa kanya kahit paano dahil sa nakikita kong kalagayan n’ya ngayon. Pero mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya kesa sa awa.

Hindi ako nagsalita, nagpatuloy ako sa paglalakad para makapasok sa mansyon. Ilang metro na lang ang pagitan namin ni MJ ay nasaksihan ko kung paano mas naging malawak ang pagkakangiti n’ya. Sa tingin ko nga ay maluha-luha pa s’ya.

“Nagbalik ka na!” masaya nitong salubong sa akin habang nakangiti.

Hindi pa rin ako tumugon, patuloy pa rin akong naglalakad papasok ng mansyon.

Nang tuluyan na akong makarating sa kanyang pwesto ay walang pagdadalawang isip na nilampasan ko s’ya.

“R-rigo…?” narinig kong pagtawag n’yang muli sa akin.

Ramdam ko ang lungkot sa boses n’yang iyon. Hindi na masigla tulad ng naging pagsalubong n’ya sa akin kanina. Kasunod din ng pagtawag n’yang iyon ay narinig ko ang tunog ng kanyang wheelchair. Marahil ay kumilos s’ya para humarap sa akin.

Napahinto ako sa aking paglalakad ngunit hindi ko s’ya hinarap. Alam kong hindi makakabuti sa kanya ang ginagawa kong pag-iignora sa kanya, pero sa tuwing naiisip ko ang kanyang ginawa, mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya.

“U-umuwi ka ba para sa akin..? D-dito ka na ba ulit titira..?” nauutal n’yang pagtatanong mula sa likuran ko.

Natawa ako ng mapait.

Hindi ako masamang tao, pero dahil sa kanya, baka tuluyan na akong maging demonyo.

Asa pa s’ya. Para ano? Para maging matagumpay s’ya? Nagawa na n’yang tumira sa bahay na ito, ngayon naman ay gusto n’ya pang manatili ako rito? Nagpapatawa ba s’ya?

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang katanungan n’yang iyon. Habang nakatalikod pa rin ako sa kanyang pwesto ay nagtanong ako.

“MJ, bukod ba sa mga tao rito sa mansyon, may iba pa bang taong nakakaalam na ngayon ng tungkol sa atin?” pilit na ginagawa kong kalmado ang boses ko.

Naghihintay ako sa magiging pagsagot n’ya. Hindi ko makita ang reaksyon n’ya dahil nanatili akong nakatalikod sa kanya. At nang hindi s’ya makasagot ay mabilis na umakyat ang dugo ko sa ulo dahil sa pagkaubos ng aking pasensya.

“Sumagot ka! May pinagsabihan ka pa bang iba?!” mas madiin at mas malakas ko nang tanong sa kanya.

Nasa ganoon kaming tagpo nang biglang dumating ang tiyahin kong nagbibigay sakit din sa aking ulo.

“Rigo! Bakit mo sinisigawan si MJ?!” tanong nito sa akin at agad na pinuntahan si MJ sa likuran ko.

Napayuko ako habang nakakuyom ang aking mga kamao. Labis na pagtitimpi ang ginagawa ko.

Sa halip na sagutin ko ang aking tiyahin ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad para umakyat sa aking kwarto.

“Rigo! Kinakausap pa kita! Kailangan nating pag-usapan kung anong magiging plano ninyo ni MJ!” malakas na pagsaway sa akin ni Tita Eve.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-akyat sa malaking hagdan ngunit napahinto ako dahil sa sinabing iyon ni Tita Eve. Nakakuyom pa rin ang aking mga kamao nang harapin ko ang kanilang pwesto. Habang nanlilisik ang mga mata ko ay nagsalita ako sa madiin na tono.

“Gawin n’yo kung anong gusto n’yo. Bahala na kayo. Tutal naman simula’t sapul pa lang, ’yang kagustuhan n’yo lang ang pinagpipilitan n’yo, ’di ba? Wala akong boses dito. Kaya para saan pa na kakausapin n’yo ako?” madiin kong pagsasalita.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Tita Eve. Si MJ naman ay napayuko na lang. Dapat lang na yumuko s’ya, marunong din naman pala s’yang mahiya.

Matapos kong sabihin iyon ay muli ko silang tinalikuran at nagpatuloy na sa aking pagpanhik sa aking kwarto.

“Rigo! Rigo! Bumalik ka rito!” malakas na pagtawag ng tiyahin ko.

Bastos na kung bastos. Pero tuluyan na akong nawalan ng gana sa kanilang lahat. Sila na lang ang pamilya ko, pero sila pa mismo ang nanggigipit sa akin.

Habang naglalakad patungo sa aking kwarto sa ikalawang palapag ay eksaktong lumabas din ang pinsan kong si Dom mula rin sa kanyang kwarto.

“Uy, brad! Long time, no see!” bati nito sa akin.

Hindi ko s’ya pinansin, nagdire-diretso pa rin ako sa paglalakad ko.

“Luh? Bakit pati ako nadamay? Bakit pati sa akin galit?” nadinig kong tanong ni Dom mula sa aking likuran.

Hindi ako galit kay Dom. Pero dahil anak s’ya ni Tita, pakiramdam ko ay wala rin akong kakampi sa bahay na ito. Minsan ay hindi rin s’ya makaimik dahil maging s’ya ay nakakarinig ng hindi magagandang salita mula sa kanyang Mommy sa tuwing pinagtatanggol n’ya ako.

Nang makapasok ako ng kwarto ko ay diretso akong nagpunta sa tapat ng bintana at tumanaw sa malayo. Malayo ang iniisip dahil sa mga kaganapan nitong mga nakaraang araw at buwan.

Nang dahil sa isang malaking pagkakamali ay nakikita kong malaki ang magiging epekto sa amin ni Liam. Hindi man ako sigurado kung may ideya na s’ya, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala na baka malaman n’ya rin ito sa mga magdadaan pang araw.

Nasa ganoon akong pwesto nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto.

“Rigo! Bakit naman ginawa mo ’yon kay MJ?!” bungad sa akin ng tiyahin ko.

Muli kong naikuyom ang aking kamao, pilit kong kinokontrol ang aking sarili para maging mahinahon sa mga oras na ito.

“Hindi mo man lang inisip na makakasama sa kanya ang pinapakita mo! Gusto mo bang bumalik s’ya sa ospital?! Hindi mo na inisip kung anong mangyayari sa anak n’yo!” dagdag pa nitong sermon.

Dahil sa kanyang huling sinabi ay hindi ko na napigilan ang sarili kong harapin s’ya at kontrahin ang naging pahayag n’ya.

“Sinabi ko nang hindi ko anak ang dinadala n’ya!! Bakit ba hindi kayo naniniwala?! Bakit ba pinagpipilitan n’yong akin ang batang ’yon?!” sigaw ko pabalik sa kanya.

Mabilis na rumehistro ang pagkabigla sa mukha ng aking tiyahin. Alam kong hindi iyon dahil sa sinabi ko, nabigla s’ya dahil sa ginawa kong pagsigaw sa kanya.

“At kailan ka pa natutong sigawan ako, Rigo? Kailan mo pa natutunan na sagutin ako ng ganyan? Ito ba ang mapapala ko sa pagpapalaki ko sa ’yo ng maayos?!” sumbat nito pabalik.

Mabilis ang mga paghinga ko. Maging ako ay nabigla dahil sa inasal kong iyon sa kanya. Dahil din doon ay hindi ko nagawang sumagot pabalik sa katanungan n’ya.

“’Yan ba ang natututunan mo dahil sa pagsama sa kaibigan mong ’yon?! ’Yan ba ang tinuturo sa ’yo ng asal demo—”

“Subukan mo, Tita!! Subukan mong ituloy ang pagsasalita ng hindi maganda sa kanya!!” bigla kong pagputol sa kanya at hindi ko na nakontrol ang sarili kong duruin s’ya.

Mas lalo s’yang nabigla dahil sa ginawa kong iyon. Lalong nanlaki ang mga mata n’ya dahil mas malakas na ang pagsigaw ko sa kanya sa pagkakataong ito.

Hindi ko talaga makontrol ang aking sarili sa tuwing may hindi magandang bagay akong naririnig tungkol kay Liam. Hindi ko mapigilan ang mag-apoy sa galit sa tuwing may taong pilit s’yang sinisiraan.

“R-rigo….” gulat na gulat na reaksyon ng aking tiyahin habang hawak ang kanyang dibdib.

Nagsisimula na naman mamuo ang mga luha ko. Masyado nang magulo ang utak ko dahil sa kalagayan ni MJ at kalagayan namin ni Liam. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong unahin, kung reresolbahin ko ba muna ang sa amin ni Liam, o ang unahin kong ayusin ang problema ko kay MJ?

“Tita naman… ’Wag n’yo naman akong ginigipit ng ganito! Halos mabaliw na ako sa problema ko tapos sumasabay pa kayo… Sana naman bigyan n’yo ako ng katahimikan…” pakiusap ko sa kanya.

Nakita ko ang awa sa reaksyon ng aking tiyahin. Alam kong mahal n’ya ako at ayaw rin n’yang makita akong ganito. Pilit ko s’yang iniintindi dahil nabulag s’ya sa maling paratang.

“Rigo, anak. Ano bang problema? ’Di ba, ito naman ang gusto mo? Akala ko ba gusto mong magkapamilya? Ito na ’yon, ito na ang pangarap mo. Matutupad na ’yon. Magkakaanak ka na. Ano bang––”

“Tita, hindi ko ’yon anak!! Ilang beses ko bang dapat na sabihin ’yan sa inyo?!!” tanong ko na namang pasigaw sa kanya.

Nagbalik ang inis sa kanyang mukha.

“Ano ba ’yang pinagsasabi mo?! Baka marinig ka ni MJ!” pagsaway n’ya sa akin.

Naisuklay ko ang mga palad ko sa aking buhok.

“Tita, please..? Hindi ko anak ang batang ’yon! Bakit ba ayaw n’yong maniwala sa akin..? Bakit mas pinaniniwalaan n’yo ang babaeng ’yon kesa sa akin..?” mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya.

“Tumigil ka na! Paano mo nagagawang paulit-ulit na sabihin ’yan?! Natulog kayong magkatabi! Nagising kayong walang damit! Tapos sasabihin mong walang nangyari sa inyong dalawa?! Na hindi ikaw ang ama ng pinagbubuntis n’ya?!” sigaw n’ya sa akin pabalik.

“Wala akong matandaan na may nangyari sa aming dalawa!”

“Dahil lasing ka!!”

Dahil sa huling pagsigaw ni Tita ay hindi na ako nakapagsalita pa. Aaminin ko, lasing na lasing nga ako noong gabing iyon at wala na akong matandaan sa mga naging kaganapan noon.

Pero alam ko! Alam ko sa sarili kong walang nangyari sa amin! Dahil kung mayroon man, dapat ramdam ko ’yon kinabukasan! Pero wala! Wala akong naramdaman sa katawan ko noong gumising ako na may nagbago!

Hindi naman ako tanga! Ginagawa namin ni Liam ang bagay na ’yon kaya alam ko kung may pinakawalan ako sa katawan ko!

Pero paano ko ba sa kanila ’yon sasabihin? Paano ko ipapaintindi sa kanila iyon kung pati ang mga tao sa party noong gabing iyon ay sinasabing lasing na lasing ako at si MJ ang kasama kong pumasok sa kwarto ko?!

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin ni Tita. Wala akong nagawa kundi ang mapayuko habang mabilis ang mga paghinga. S’ya naman ay nanatiling nakaharap sa akin at hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

Matapos ang mahabang katahimikan ay muli s’yang nagsalita. Ngunit sa pagkakataong ito ay naging mahinahon na s’ya.

“You’re such a big disappointment, Rigo. Akala ko, malawak ang pang-unawa mo. Akala ko, maiintindihan mo ang ginagawa ko para sa ’yo dahil ito ang pangarap mo simula pa pagkabata mo.” una n’yang sumbat sa madiin na tono.

Pangarap?

Oo, pinangarap ko ang bagay na iyon, ang magkapamilya ako dahil iyon ang bagay na ipinagkait sa akin. Maagang binawi ang buhay ng mga magulang ko at naiwan akong nag-iisa. Pinangarap kong isang araw, sana ay may tatawag sa akin na Papa, na sana may tinatawag din akong Mama bilang asawa.

Pero simula nang makilala ko si Liam, doon ko napag-isip-isip na higit pa sa isang pamilya ang hangad ko sa buhay. Doon ko nalaman na hindi sagot ang magkaroon ng isang pamilya para maging masaya. Aanhin mo ang isang pamilya kung wala namang pagmamahal na nagbubuklod sa inyo? Kung malayo naman ang loob n’yo sa isa’t isa? Balewala ang lahat ng iyon kung hindi ka masaya.

Si Liam.

S’ya ang pangarap ko. S’ya ang pinangarap ko sa loob ng sampung taon. S’ya ang bumago sa buhay ko. S’ya ang bituing pilit kong inaabot simula pa noon.

Nanatili akong walang imik nang magpatuloy pa si Tita Eve.

“Inaasahan ko, Rigo, na ikaw ang mas makakaintindi sa pagkakataong ito. Dahil alam mo ang pakiramdam ng isang taong hindi buo ang pamilya, na walang ama at walang ina. Pero anong ginagawa mo? Pinagkakaitan mong maging masaya ang isang walang muwang na bata? Ganyan ka na ba kasama? Ganyan ba ang epekto ni Randy sa ’yo? Pati ikaw nahawa na sa kasamaan ng ugali n’ya?”

“Itigil mo ’yan, Tita!!!!” sigaw kong muli sa kanya dahil sinimulan na naman n’yang magsalita ng hindi maganda tungkol kay Liam.

“No!!! You, shut up, Rigo!! Pagod na pagod na ako sa pagtatanggol n’yo d’yan sa kaibigan n’yo!! Inunawa ko na s’ya, and that’s enough!! May sakit s’ya, oo!! Pero gaano kayo kasigurado na hindi pa rin bumubuti ang kalagayan n’ya hanggang ngayon?!! Ginagamit n’ya lang kayo!! Kayo ng mga kaibigan mo, lalo ka na!!” sigaw n’ya habang dinuduro ako.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala ang reaksyon ko dahil sa mga binitawan n’yang salita. Ngayon lang lumabas sa bibig n’ya ang mga salitang iyon. Parang unti-unting natutunaw ang pagkatao ko dahil sa mga naririnig ko tungkol kay Liam.

Sobrang nasasaktan ako para sa kanya.

“Tita..? Paano n’yo nasasabi ang bagay na ’yan? Paano kayo nakakapagbitaw ng mga salitang kagaya n’yan? Hindi gano’n si Randy!” pakikipagtalo ko pa rin sa kanya.

“’Yan!! Kaya lumalaki ang ulo ng lalaking ’yon dahil lagi n’yo s’yang pinagtatanggol!! Paulit-ulit n’yong sinasabi na kailangan kayo ni Randy!! E, anong tingin mo sa magiging anak mo?!! Hindi ka n’ya kailangan?!! Pwes, para sabihin ko sa ’yo, mas kailangan n’ya ng isang ama na kagaya mo!! At ’yang kaibigan n’yo, dapat matuto na s’yang tumayo sa sarili n’yang mga paa!! Hindi ’yang ganyan na lagi s’ya sa ’yong umaasa!!” patuloy pa rin n’yang pagduro at pagsigaw sa akin.

Akmang sisigawan ko s’yang muli pabalik para ipagtanggol si Liam ay inawat n’ya agad ako ng isa pang pagsigaw.

“Tumigil ka na, Rigo!! Tumigil ka na sa pakikipagtalo sa akin dahil tiyahin mo ako!! Ako na ang tumayong ina sa ’yo, kaya sana irespeto mo naman ako!! Lalo mo lang pinatutunayan sa akin na malaki na ang pinagbago mo at naging bastos ka na simula nang makilala mo ’yang lalaking ’yan!!!” mas malakas n’yang sigaw at hindi na rin n’ya napigilan ang mapaluha sa harap ko.

Alam kong nasasaktan ko na si Tita dahil sa naging kaganapan sa amin nitong huli. At aaminin ko, nasasaktan din akong makita s’yang ganito dahil s’ya na ang itinuring kong ina simula nang mawala sa akin si Mommy. Sila ni Tito Eddie na kanyang asawa ang tumayong magulang para sa akin.

Ngayon lang nangyari ito, ang masigawan ko ang taong nag-aruga sa akin simula pa pagkabata hanggang sa lumaki ako. Ngayon ko lang s’ya napagtaasan ng boses at ngayon lang ako sa kanya nakipagtalo. Hindi s’ya dapat nakakaranas sa akin ng ganito lalo na at binusog n’ya ako sa pagmamahal, sila ng kanyang pamilya.

Pero anong gagawin ko? Paano ko mapipigilan ang nararamdaman kong pagkadismaya at galit kung si Liam naman ang naaapektuhan dito?

Nasabunutan ko na lang ang buhok ko. Nagsimula na rin tumulo ang mga luha ko.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin para maging maayos ang lahat.

Habang nasa ganoon kaming posisyon ay nagsalita muli si Tita Eve. Gamit ang malungkot n’yang boses ay nakiusap ito sa akin.

“Son, alam kong naguguluhan ka… Alam kong nasasaktan din kita… Patawarin mo ako… Pero sana, maintindihan mo ako dahil ginagawa ko lang ang makabubuti para sa ’yo… Dahil anak na rin kita at mahal na mahal kita… Kaya bilang isang magulang, gusto kong matupad ang mga pangarap mo… Gusto kong masaksihan kung paano mo unti-unting natutupad ang mga ’yon…” pakiusap nito habang umiiyak.

Nanatili lang akong nakayuko habang patuloy sa pag-iyak. Hindi ko alam ang dapat na isasagot sa kanya dahil gulong-gulo pa rin ako.

Muli s’yang nagsalita.

“Sana, Rigo, pag-isipan mong mabuti ang magiging desisyon mo… Isipin mong mabuti kung ilang tao ang maaapektuhan kung patuloy kang magmamatigas kagaya nito… Marami kang masasaktan kung ipagpapatuloy mo pa ang pagsama kay Randy… Magkakapamilya ka na… Sila na dapat ang inaasikaso mo…” pakiusap pa rin nito.

Tanging paghikbi lang ang naisasagot ko. Mahal ko ang pamilyang ito, pero mahal ko rin si Liam. Mahal na mahal ko s’ya na kahit sila na itinuring kong pamilya ay kaya kong talikuran.

Pero paano ako patatahimikin ng konsensya ko kung gano’n ang gagawin ko? Habang buhay akong mabubuhay sa bangungot. At kahit kasama ko pa si Liam, hindi ko rin s’ya magagawang pasayahin kung may gumugulo sa akin.

Naririnig ko ang pag-iyak ng aking tiyahin at mas nalulungkot ako dahil ako ang sanhi nito. Ngunit kahit ganito ang nangyari sa amin, alam kong mas mangingibabaw pa rin ang pagmamahal n’ya sa akin. Sa huli ay alam kong mapapaamo ko rin s’ya dahil kilala ko na s’ya. Mas mananaig ang pagmamahal n’ya bilang aking pangalawang ina.

Ilang sandali pa ay unti-unti itong humakbang palapit sa akin at walang pagdadalawang isip na niyakap ako.

Tama nga ako, hindi n’ya pa rin ako matitiis dahil mahal na mahal n’ya ako.

“Sorry, son… Sorry kung naging ganito ako sa ’yo… I’m sorry…” paulit-ulit n’yang paghingi ng tawad habang yakap ako.

Naiintindihan ko s’ya. Dahil sa wala akong sapat na katibayan para mapatunayang hindi akin ang batang dinadala ni MJ ay nadadala s’ya sa sitwasyon, nabubulag s’ya sa sinabi ni MJ na akin ang batang iyon.

Dahan-dahan ko ring inangat ang aking mga kamay para yakapin s’ya pabalik.

“Sorry, Tita… Sorry din po…” paghingi ko rin ng tawad sa kanya habang umiiyak.

Iyon lang ang sinabi namin at ilang minuto pa kaming nasa ganoong posisyon. Pinadama n’ya sa kanyang yakap na naririto pa rin s’ya sa aking tabi bilang isang ina.

Ilang sandali pa ay hinaplos n’ya ang aking likod at ramdam kong pilit n’yang pinakakalma ang kanyang sarili mula sa pag-iyak.

“Sige na, Rigo, magpahinga ka na muna… Alam kong pagod ka… Bukas na lang natin pag-usapan ang bagay na ito… Kailangan muna natin mag-isip para maging maayos ang pag-uusap natin at hindi na naman mauwi sa pagtatalo…” wika nitong mahinahon sa akin.

Tumango ako ng marahan.

“S-salamat, Tita…” tipid kong sagot sa kanya.

Unti-unti kaming naghiwalay sa aming pagkakayakap at humarap kami sa isa’t isa. Wala nang nagsalita pa sa amin ngunit hinawakan n’ya ako sa aking pisngi at hinaplos iyon ng marahan habang nakangiti.

Ibinalik ko ang ngiting iyon para iparating na wala na s’yang dapat pang ipag-alala, na maayos na ako kahit paano.

Kasunod nito ay bumitaw na s’ya at dahan-dahan na rin akong tinalikuran. Pinanood ko na lamang ang kanyang mga paghakbang hanggang sa tuluyan na s’yang makalabas ng aking kwarto.

Nang maisarado na ang aking pinto ay hinang-hina ang katawan kong kumilos para umupo sa malaki kong kama na naririto. Yumuko ako at muli kong naisuklay ang aking mga palad sa aking ulo.

“Ano nang gagawin ko…?”

naguguluhan kong tanong habang umaagos ang aking mga luha mula sa mga mata ko.


A/N

Sa totoo lang, pati ako ngayon naguguluhan. Hahahahaha! Naaawa ako kay Rigo, naaawa rin ako kay Randy.

L’mme hear your thoughts, mga mahal ko! Monday na ang next update ko (sana)! 😅

Salamat sa mga patuloy na nagbabasa!

Labyu!

–– cold_deee ❤

chapter 24

A/N

Eto na, minamadali ko na talaga ang pag-a-update kasi may sinisimulan akong story. Mabuti na lang pala at nai-draft ko na ito sa aking mahiwagang notebook kaya madali kong naaalala ang mga magiging senaryo.

Para po kay

aXeLyOOn

ang chapter na ito. Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa. Bihira man ang comment, hindi ka pa rin nakakalimot. Maraming salamat. 😊

Enjoy reading mga mahal ko!

––> si Rigo po sa media.

![](https://img.wattpad.com/7e661e2b1adc1c4fd687dec8594f1270fe382970/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6148544c526252535449334757673d3d2d3435363237333239352e313464633939646435393134643935643536313034333432323435372e6a7067)

RIGO’s POV

Mabilis ako sa ginawa kong pagligo. Ilang araw at linggo na rin akong kulang sa tulog. Pero dahil sa mga huling kaganapan ng buhay ko, lalo na sa problemang kinakaharap ko kay Liam ay hindi ko na iniinda ang puyat at pagod ko.

Dahil sa mga oras na ito, mas nangingibabaw sa akin ang mabawi ang mahal ko.

Kahit pa pinanghihinaan ako hanggang ngayon dahil sa nangyari sa amin kahapon, pinipilit ko ang aking sarili na maging matatag.

Hindi ako susuko. Hinding-hindi ko s’ya isusuko. Mahal na mahal ko s’ya at mas patutunayan kong ako lang ang nararapat para sa kanya.

Malungkot man ang aking ekspresyon habang nakatingin sa salamin ay ginawa ko ang lahat para magbitaw ng isang ngiti.

“Kaya ko ’to. Kakayanin namin ’to. Malalampasan namin ’to.” nakangiti kong pagsasalita habang nakatingin sa repleksyon ko.

Matapos ang ilang paghahanda ay napagdesisyunan ko nang lumabas ng aking kwarto. Babalikan ko si Liam at hindi ko na s’ya iiwan kahit paulit-ulit n’ya pa akong sigawan at ipagtabuyan. Kung kinakailangan kong magmakaawa ay gagawin ko, kung uutusan n’ya akong lumuhod sa kanyang harap ay hindi ako magdadalawang-isip na sundin ang utos nito.

Dahil kung iyon lang ang tanging paraan para bumalik kami sa dati, isusugal ko ang mga bagay na iyon. Alam kong kailangan n’ya ako, at ipaparamdam ko pang lalo sa kanya na higit ko s’yang kailangan sa buhay ko.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad para bumaba mula sa ikalawang palapag ay mapatigil ako sa tapat ng kwarto ng pinsan ko.

“Uy, brad! Aga mo ah? Aalis ka?” nabibiglang salubong sa akin ni Dom nang makalabas s’ya ng kanyang kwarto. Magulo pa ang kanyang buhok at hindi man lang nagawang magsuklay bago lumabas. Wala talaga itong pakialam sa sarili lalo na kung nasa bahay lang ito.

Nginitian ko s’ya ng tipid at tinanguan bilang pagsagot.

“Saan ka pupunta?” sunod n’yang tanong.

“Saan pa nga ba? E ’di babalikan ko s’ya.” sagot ko habang may malungkot na ngiti sa aking labi.

Nasaksihan ko kung paano nagbago ang ekspresyon ni Dom. Naging malungkot ang kanyang mga tingin na tila naaawa sa akin.

“Sorry, brad. Hindi ko na rin alam kung paano kita matutulungan. Naiipit na rin ako sa sitwasyon.” malungkot nitong pahayag.

Tumango na lang ako bilang pagsagot. Pinaparating ko sa pagtango kong iyon na naiintindihan ko s’ya, na wala s’yang dapat ipag-alala.

Ilang sandali pa ay ngumiti s’yang muli sa akin at tinapik ng paulit-ulit ang balikat ko.

“Kaya mo ’yan, kaya n’yo ’yan. Kung ano man ang mangyari, nandito lang naman ako pati na rin ang grupo. Susuportahan pa rin namin kayong pareho ni Randy. Walang iwanan ’to.” wika n’yang nakangiti.

“Salamat.” tipid ko lang na sagot sa kanya.

Matapos iyon ay inakbayan na ako ni Dom at ipinagpatuloy na ang aming paglalakad para bumaba.

Nasa kalagitnaan na kami ng malaking hagdan ay naabutan namin sina Tita Eve at MJ na nakaupo sa sala. Nang mapansin naman nila ang aming presensya ay mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi ni MJ.

“Good morning, Rigo. Good morning, Dom.” nakangiti nitong bati sa amin.

Napahinto kami sa pagbaba ni Dom at nagkatinginan. Ipinarating ni Dom sa tingin n’yang iyon ang mensaheng ‘ako-na-ang-bahala’. Kasabay din ng tinginan naming iyon ay pinisil n’ya ang aking balikat.

Matapos iyon ay mabilis n’yang nilingon si MJ habang may malawak na ngiti sa kanyang labi.

“Uy! Good morning! Good morning din, Mommy!” masayang bati ni Dom sa kanila.

Ako naman ay nanatiling walang imik at tiningnan lamang sila. Alam kong naghihintay sila sa gagawin kong pagbati pabalik lalo na si Tita Eve ngunit hindi ko iyon ginawa. Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan at naglakad para lampasan sila. Iniwan ko na rin si Dom na nanatiling nakatayo sa gitna ng hagdan.

Nang makarating ako sa malaking sala ay muli akong napatigil sa paglalakad.

“Rigo.” madiin na pagtawag sa aking pangalan ng tiyahin ko.

Napahinga ako ng malalim. Ayaw ko man na magsimula na naman ang panibagong pagtatalo namin ni Tita ay mukhang mangyayari na naman ito ngayong umaga.

“Ano po ’yon?” tanong ko pabalik na walang gana at hindi man lang s’ya nilingon.

Ang inaasahan ko ay sasagutin ako ni Tita, ngunit nakaramdam ako ng inis dahil si MJ na ang nagsalita.

“Saan ka pupunta? Ang aga mo naman umalis?” tanong nito sa akin at alam kong nakangiti s’ya.

Nagtatanga-tangahan s’ya, nagbabait-baitan, nagpapanggap na hindi naaapektuhan sa pambabalewala ko sa kanya.

Napangisi ako. Kung dati ay sinasaway ko si Liam sa tuwing may binabastos itong ibang tao, ngayon ay ako na mismo ang gagawa nito.

Dahan-dahan kong nilingon ang pwesto ni MJ na hanggang ngayon ay nakaupo sa malaking sofa dito sa sala. Suot ang aking pagngisi ay sinimulan kong magsalita.

“Bakit mo tinatanong? Sino ka ba? Asawa ba kita? Girlfriend ba kita?” sunod-sunod kong tanong sa kanya habang nakangisi at nakataas pa ang isa kong kilay.

Nasaksihan ko kung paano naglaho ang malawak na pagkakangiti n’ya. Napalitan iyon ng paglungkot ng ekspresyon n’ya.

Nakakaawa ang kanyang mukha, pero hindi n’ya ako madadala sa ganyang drama n’ya. Sa totoo lang, kung wala lang si Tita Eve at ang pinsan ko, baka pinagmumura ko na ito. Tinik s’ya sa lalamunan ko.

“Rigo! Itigil mo ’yang kabastusan mo!” biglang pagsaway sa akin ni Tita Eve at napatayo pa ito.

Sa halip na masindak ako ay mas lalo pa akong napangisi sa pagkakataong ito. Gusto kong pagtawanan ang tiyahin ko. Napakatalinong babae pero madaling nabilog ang ulo, madaling nauto ng babaeng salot sa buhay ko.

“Bakit, Tita? Totoo naman, ’di ba? Hindi ko s’ya girlfriend, hindi ko rin s’ya asawa. Pero kung makapagtanong, akala mo kung sinong parte ng pamilya. Hindi pa nakuntento na nakatira na s’ya rito, gusto pa yatang panghawakan at pakialaman ang buhay ko. Saan n’ya kaya nakuha ang kapal ng mukha n’ya? Nakakainggit kasi. Sana ganyan din kakapal ang mukha ko para makuha ko ang gusto ko.” mahaba kong pang-iinsulto na sinundan ko pa ng pagtawa sa huli.

“Rigo, stop it! Hindi maganda sa kalagayan ni MJ ang mga pinagsasabi mo!” pagsaway na naman ng aking tiyahin.

Nasa ganoon kaming tagpo nang bumaba rin mula sa hagdan ang tiyuhin kong si Tito Ed at mukhang kagigising lang din nito. Siya ang taong itinuring ko na ring isang tunay na ama, ang taong kadugo ko mismo dahil kapatid s’ya ng Daddy ko.

“Ano bang nangyayari rito? Mommy? Bakit parang narinig kong sumisigaw ka?” sunod-sunod nitong tanong at nilingon si Tita Eve, ang kanyang asawa.

“Daddy! Pagsabihan mo nga ’yang pamangkin mo! Masyado nang matigas ang ulo! Kung kailan tumanda, saka s’ya nagkakaganyan!” pabulyaw nitong sagot kay Tito Ed.

Sa pagkakataong ito ay sumabat na si Dom na nanonood lang kanina sa amin.

“Mommy, tama na po. Ang aga-aga tapos ganito na agad tayo?” mahinahong pakiusap ni Dom kay Tita.

“Shut up, Dominic! Isa ka pa! Wala ka nang ginawa kundi kunsintihin ’yang pinsan mo! Pareho na lang kayo! Puro kayo sakit sa ulo!” galit na galit na sumbat ni Tita kay Dom.

Walang nagawa si Dom kundi ang mapakamot na lang ng kanyang ulo. Ngunit dahil likas na bibo rin itong pinsan ko ay nilingon n’ya ang kanyang Daddy habang nakakaawa ang ekspresyon nito.

“Daddy, awatin n’yo na po si Mommy, please?” pakiusap nito sa kanyang ama.

Napangisi na ako sa likod ng isip ko. Mukhang magiging matagumpay ako sa pagkakataong ito dahil kilala ko na si Tito. Masyado kaming spoiled ni Dom sa kanya at alam kong hindi kami matitiis nito.

Mayamaya pa ay nilingon ni Tito Ed si Tita Eve. Nagbitaw s’ya ng malalim na paghinga at nagsalita.

“Mommy, pwede naman nating pag-usapan ng maayos ’to, ’di ba? Hindi natin kailangan idaan sa sigawan.” pakiusap nito sa kanyang asawa.

Nagkatinginan kami ni Dom at pareho na kaming nagpipigil ng ngiti. Tama nga kami, si Tito ang aming magiging kakampi.

Akmang sisigawan din ni Tita Eve si Tito Ed ay mabilis na hinawakan ni MJ ang kamay nito para awatin.

“Tita, okay lang po. Huminahon lang po kayo.” masuyong pakiusap ni MJ sa tiyahin ko.

Muli akong sumabat sa kanila at naipalakpak ko pa ng isang beses ang kamay ko habang namamangha ang ekspresyon ko.

“Ayun naman pala! Okay lang naman pala sa kanya, Tita! E ’di lulubusin ko na!” masaya kong pagputol sa drama nilang dalawa.

Dahil sa aking ginawa ay muli nila akong nilingon.

Nabuhayan ako ng loob. Ganito pala ang nararamdaman ni Liam sa tuwing hindi s’ya nagpapakontrol, sa tuwing ipinagtatanggol n’ya ang kanyang sarili, sa tuwing hindi s’ya pumapayag na mapagtulungan ng kanyang kaaway. Napakasarap sa pakiramdam. Para akong naging malaya.

Habang nakatingin sila sa akin ay muli akong nagsalita.

“Tutal naman, nandito na rin tayong lahat, may isa-suggest sana ako.” unang bahagi ng pagsasalita kong ganado. Abot-tenga rin ang ngiti ko.

Napatingin lang sila sa aking lahat. Si Tita ay binabato pa rin ako ng masamang tingin, habang si MJ naman ay may ekspresyong akala mo ay inapi ko na.

Pero tulad nga ng lagi kong naririnig kay Liam, 

’‘Wag s’yang atat dahil aapihin ko pa lang s’ya.’

“Sige, son. Simulan mo nang magsalita. Sabihin mo kung ano ’yang naisip mo para mapag-usapan natin ng maayos ito.” pagbibigay sa akin ng hudyat ng mabait na tiyuhin ko.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko. Bago ko sinimulang magsalita ay tinitigan ko rin ang babaeng naging sanhi ng gulo sa buhay ko.

“MJ.” pagtawag ko sa kanyang pangalan.

“A-ano ’yon, Rigo?” nauutal n’yang tanong.

Kinakabahan agad s’ya? Masyado pang maaga.

“Gusto ko sanang makasigurado. Sana ay umamin ka sa harap naming lahat dito. Para rin naman sa seguridad natin ito, para sa seguridad ng tinutukoy mong ANAK natin.” unang bahagi ng pahayag ko at may diin sa salitang ‘anak’.

“A-ano ba ’yon?” kinakabahan n’ya pa ring tanong.

Bago ko sinagot ang katanungan n’yang iyon ay inisa-isa kong tingnan ang bawat miyembro ng pamilya ko. Siniguro ko munang nasa akin lang ang kanilang atensyon. Matapos iyon ay muli kong ibinalik ang tingin ko kay MJ at nagpatuloy ako.

“Sigurado ka bang ako ang ama ng pinagbubuntis mo?!” tanong kong may diin kay MJ.

Nanlaki ang mga mata n’ya noong marinig n’ya ang katanungan kong iyon. Maging ang aking tiyahin ay halatang nabigla dahil pareho sila ng naging reaksyon.

“Rigo! Ano ba ’yang pinagsasabi mo?!” pagsaway na naman sa akin ni Tita Eve.

“Mommy! Hayaan mo s’ya! Pagsalitain mo si Rigo! Karapatan n’yang tanungin ang bagay na ’yan dahil s’ya ang itinuturong ama! At kung s’ya naman talaga ang ama, magagawa naman ni MJ sagutin s’ya ng diretso! Hindi n’ya kailangan maging sensitibo sa usaping ito! Dahil unang-una, wala naman silang relasyon bago pa s’ya nabuntis!” si Tito Ed na ang sumasaway kay Tita Eve sa pagkakataong ito.

Walang nagawa si Tita Eve kundi ang manahimik habang nagpipigil sa galit. Kailangan n’yang sundin ang utos ng padre de pamilyang ito.

Matapos iyon ay wala nang nagsalita pa. Lahat ng aming paningin ay itinuon na lang kay MJ para sagutin ang huling katanungan ko.

Ilang segundo ang aming hinintay hanggang sa magsalita ito habang nanginginig ang mga labi nito. Hindi ako sigurado kung dahil ba iyon sa nerbiyos o sa tensyon. Alin man doon, wala na akong pakialam. Ang gusto ko na lang sa mga oras na ito ay ang magkalinawan kaming lahat.

“Ano bang akala mo sa akin, Rigo? Sa tingin mo ba, isang mababang uri ako ng babae? Matagal na tayong magkakilala at alam mong wala akong karelasyon! Kaya sino sa tingin mo ang ama ng batang dinadala ko?!” sunod-sunod n’yang sagot at tanong pabalik.

Hindi ko tinanggal ang pagkakangisi ko nang muli akong nagsalita.

“Talaga? E ’di kung gano’n, willing ka rin magsagawa tayo ng DNA test? Kasi ako, kating-kati na akong malaman kung ako ba talaga ang ama n’yan. Masyado na akong excited malaman ang resulta.” nakakainsulto kong tanong sa kanya.

Nasaksihan ko kung paano mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata. Matapos iyon ay gumuhit ang pagkalito sa kanya dahil naging malikot na rin ang kanyang mga mata. Mukhang hindi n’ya ngayon malaman kung paano ako sasagutin.

“M-mangyayari ’yang gusto mo, Rigo… P-pero paglabas pa ng baby natin…” nauutal n’yang sagot pabalik.

Napailing ako habang nakangisi.

“Tsk! Tsk! Tsk! Akala mo siguro, wala akong alam sa teknolohiya ’no? Akala mo siguro, hindi ko alam na pwede nang malaman kung sino ang biological father kahit ipinagbubuntis pa lang ang bata?” tanong ko sa kanya at saglit na tumigil. “Pwes, para sabihin ko sa ’yo, alam kong may Amniocentesis nang tinatawag na pwedeng gawin ’pag nasa ika-apat na buwan na ’yang tiyan mo. Tama ba ako?” nakangisi kong pagpapatuloy.

Mas lalo na s’yang naguluhan sa pagkakataong ito. Hindi na n’ya malaman kung paano pa magiging komportable sa kanyang pwesto.

“A-alam ko naman ’yon, Rigo. Actually, naisip ko na rin ’yan para lang mapatunayang ikaw ang ama nito. Pero sinabi ng nakausap kong doktor na magiging delikado ang prosesong iyon. Malaki raw ang chance na malaglag ang baby ’pag isinagawa ’yon…” pagkontra n’ya sa akin.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi n’yang iyon.

“Nagpakonsulta ka na?” tanong kong tila nagtataka at saglit na tumigil. “Nakakapagtaka naman yata? Hindi ba sinabi ng doktor sa ’yo na may Non-Invasive Prenatal Paternity na rin ngayon? Wherein, hindi magiging risky ang procedure, at 99.9 percent accurate ang magiging resulta. Sino ba ’yang doktor mo? Gusto mo bang ako ang kumausap sa kanya? Mukhang walang alam sa totoo lang. O, baka naman si Doktor Kwak-kwak ’yan kaya medyo tanga lang?” mahaba kong pagkontra sa kanya pabalik.

’Wag n’ya akong gawing bobo. Hindi ako tanga na magpapapikot lang sa kanya. Nagawa ko na ang magresearch tungkol sa bagay na ito kaya ’wag n’yang binibilog ang ulo ko.

Ang inaasahan ko ay sasagutin n’ya ako at maghahanap na naman ng panibagong palusot ito. Pero nagulat kaming lahat nang bigla na lang itong umiyak ng malakas.

“Ano bang gusto mong palabasin, Rigo?! Bakit ba kailangan pang dumaan sa gano’ng mga proseso?! Ano bang akala mo sa akin?! Na gumagawa lang ako ng kwento?! Rigo, anak mo ’to!!! Bakit ba pinagpipilitan mong hindi sa ’yo ’to?!! Malinaw naman sa ’yo na tayo lang ang magkasama noong gabing ’yon hanggang kinabukasan, ’di ba?!” sunod-sunod nitong pagsigaw habang umiiyak.

Dahil sa kanyang pagsigaw ay mabilis din na uminit ang ulo ko.

“Ilang beses ko rin bang uulitin sa ’yo na wala akong maalala na may nangyari sa ating dalawa?!! Ako!!! Kilala ko ang sarili ko kung nakipagtalik ako!!! E, sa ’yo?!! Putang*na!!! Gumising ako na masakit lang ang ulo ko dahil sa hang over!!! Tapos sasabihin mo, may nangyari sa atin??!! Hindi ako gago, MJ!!! ’Wag mo akong gawing bobo!!!” sigaw ko sa kanya pabalik at dinuduro na s’ya.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak n’ya at naitakip pa ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Mabilis naman sa pag-aksyon ang tiyahin kong uto-uto. Nilapitan n’ya si MJ at paulit-ulit na hinaplos ang likod nito.

“Bakit naman ganito, Rigo…? Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko rito kung hindi talaga ikaw ang ama ng batang dinadala ko… Kilala mo ako… Matino akong tao… Alam mo ’yan..!” sumbat n’yang umiiyak.

Hindi ako nakapagsalita at naikuyom ko na lang ang aking mga kamao. Hindi ko man maamin sa aking sarili ay kilala ko na rin s’ya kahit paano dahil matagal na kaming magkasama sa trabaho. Kahit isang beses ay hindi ko pa ito nakitang sumama sa kahit na kaninong lalaki. Hindi s’ya tulad ng ilang babae na mas maraming oras ang ginugugol para gumimik sa labas. Madalas nga itong nagpapaalam sa amin na maagang uuwi dahil gusto n’yang makita at maalagaan ang kanyang pamangkin.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin bago muling nagsalita si MJ.

“Pinagbigyan na kita, Rigo… Ang sabi mo, ’wag kong sasabihin kahit kanino na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko… Karapatan kong sabihin ’yon sa lahat, pero sinunod pa rin kita…” unang bahagi ng kanyang sumbat.

Nanatili lang kaming lahat na tahimik at pinapanood ang pag-arte n’ya. Si Tita Eve naman ay hindi na napigilan ang sabayan ang mga pagluha n’ya. Awang-awa s’ya kay MJ habang patuloy na hinahaplos ang likod nito.

“Dahil doon, itinakwil ako ng sarili kong pamilya… Dahil hindi ko masabi sa magulang ko kung sino ang ama nitong bata… Kaya nga ako nandito, ’di ba..? Alam n’yo rin na hindi ako makakauwi sa bahay namin kung hindi ko maipapakilala sa kanila ang ama nitong batang ’to… Sana naman… sana naman, kahit sa ’yo lang makakuha man lang ako ng suporta… Pero ito pa ang ginagawa mo… Kulang na lang ipagtabuyan mo ako…” pagpapatuloy niya pa at humagulgol na ito.

Akala ko ay pagkakataon ko nang mapatunayan ngayon na hindi ako ang ama ng batang iyon, pero mukhang mali na naman ako. Mukhang naisahan na naman n’ya ako dahil nakukuha na n’ya ang simpatya ng pamilya ko.

Nanatili lang akong nakatitig kay MJ habang nag-aapoy ang mga mata ko. Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga paghakbang nina Dom at Tito Ed para makarating sa aking pwesto.

“Son, sige na, sa susunod na lang natin ’to pag-usapan. Baka kung ano pang mangyari sa dinadala ni MJ kung patuloy s’yang mai-stress.” mahinahong utos sa akin ni Tito habang tinatapik ang balikat ko.

Gusto ko pa sanang sumigaw. Gusto ko pa sana siyang sumbatan. Pero paano ko gagawin iyon kung ang natitira kong mga kakampi ay siya na ngayon ang sinasang-ayunan?

Gumalaw din si Dom para akbayan din ako.

“Sige na, brad. Tumuloy ka na lang sa lakad mo. Kami na muna ang bahala rito.” malungkot na pakiusap sa akin ni Dom.

Lahat ng pagtitimpi ay ginawa ko para lang pakinggan ang pakiusap sa akin nila Tito at Dom. Labag man sa aking kalooban ay wala akong nagawa kundi ang magbitaw ng malalim na paghinga bilang pagsuko sa kanila. Matapos iyon ay mabilis ako sa ginawa kong pagkilos palabas ng mansyon.

Gamit ang kotse na binigay sa akin nina Tito at Tita ay sinimulan kong magmaneho habang nagpupuyos pa rin sa galit ang dibdib ko.

Sa loob ng mahabang minutong biyahe ay wala akong ginawa kundi ang paulit-ulit na kumbinsihin ang sarili kong maging mahinahon. Kailangan ay maging maayos ang pakiramdam ko bago ako makarating sa condo ni Liam. Kailangan kong maging kalmado para maging maayos ang lahat sa aming pagitan.

Nang makarating ako sa condo building ni Liam ay hindi muna ako bumaba ng aking sasakyan. Ilang malalalim na paghinga muna ang aking ginawa para tuluyan akong kumalma. At nang masigurong maayos na ang aking pakiramdam ay doon na lamang ako nagdesisyong lumabas para umakyat sa kanyang unit.

Puno ng kaba ang aking dibdib habang sakay ng elevator. Hindi ko na rin napigilan ang taimtim kong dasal na sana ay maging maayos na kami ni Liam. Sana ay nagbago na ang isip n’ya at tuluyan nang kalimutan ang mga naganap kahapon.

Nang makarating ako sa tapat ng kanyang unit ay nagbitaw muna ako ng malalim na paghinga bilang paghahanda. Matapos iyon ay dahan-dahan kong kinatok ang pinto para hintayin si Liam na pagbuksan ako.

Alam kong naririto lang siya sa mga oras na ito dahil wala itong pasok ngayon. Kaya nga kaninang paggising ko pa lang ay agad kong kinontak si Karen para sabihing hindi rin muna ako makakapasok sa restaurant.

Ayaw ko nang patagalin pa ang hindi namin pag-uusap ni Liam. Ayaw kong maulit na naman ang nangyari noon na matagal kaming hindi nag-usap. Kilala ko si Liam, alam kong hindi siya ang lalapit sa akin para magkaayos kami. Kaya nga sa pangalawang pagkakataon, ako na ang susukong muli.

Nakailang pagkatok na ako sa pinto hanggang sa makaramdam na ako ng pagtataka dahil kahit mahinang kaluskos mula sa loob ay wala akong narinig. Ayaw ko mang basta na lang pumasok sa pamamahay ni Liam ay wala akong nagawa. Nagsimula na akong mag-alala kaya mabilis ko nang kinuha ang duplicate ng susi ng bahay niya at binuksan ko ang pinto.

Kadiliman ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lang sa loob na mas lalong ipinagtaka ko.

“Liam?” pagtawag ko sa kanyang pangalan matapos kong buksan ang mga ilaw.

Agad akong pumasok sa kanyang kwarto ngunit kahit isang palatandaan ay wala akong makita na siya ay naririto. Nilibot ko ang buong unit kahit ang kwarto ni Nanay Elise, ngunit maging sa banyo ay wala ang kanyang anino.

“Nasaan ’yon?” tanong ko sa aking sarili na puno ng pagtataka.

Dahil sa pag-aalala ay mabilis kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang kanyang opisina. Mabilis naman akong nakatanggap ng sagot, ngunit nadismaya lang ako dahil sinabi ng kanilang receptionist na wala raw si Liam sa hotel dahil wala raw itong pasok ngayon.

Sunod kong tinawagan ay ang restaurant kung saan din s’ya minsan naka-assign. Ngunit tulad ng nauna, walang Randy ang nagpakita roon ayon sa kanila. Ganoon din sa restaurant kung saan ako naka-assign, pero sa muling pakikipag-usap ko kay Karen ngayong araw ay hindi rin daw naligaw doon si Liam.

Mas lalo na akong nabahala. Mabilis na pumasok sa isip kong baka umalis ito at sumunod kay Nanay Elise sa kanilang probinsiya tulad ng nabanggit nito sa akin.

“Hello, anak? Bakit ka napatawag?” pagsagot ni Nanay Elise sa aking tawag.

“H-hello, Nanay? M-may itatanong po sana ako.” nag-aalala kong pagsagot pabalik.

“Ano ba iyon?” una nitong tanong at saglit na tumigil. “Teka, kamusta pala kayo d’yan ni Liam?” sunod pa nitong tanong.

Nang marinig ko ang huling katanungan ni Nanay Elise ay nagtaka ako. Mukhang wala si Liam sa kanilang lugar dahil hinahanap n’ya sa akin ito. Ilang segundo rin akong natahimik hanggang sa may naisip ako.

“Nanay, kung sakaling magpunta d’yan si Liam, pwede po bang pakitawagan n’yo ako?” pagbibilin ko na lang kay Nanay Elise.

“Ha? Hindi ka ba sasama sa kanya? Saka teka lang, ang sabi n’ya sa akin sa susunod na linggo pa raw s’ya pupunta. Ngayon daw ba s’ya pupunta? Bakit wala man lang s’yang nasabi sa amin?” mahabang pag-uusisa nito.

Napahinga ako ng malalim.

Hangga’t maaari ay ayaw kong mag-alala si Nanay Elise. May edad na ito at ayaw ko na siyang bigyan pa ng problema. Naisip kong kung maaayos naman namin ni Liam ito ay hindi na siya maaabala pa.

“May konting inaayos lang po kami, Nanay. ’Wag po kayong mag-alala, sa oras na matapos namin ito, susunod na rin po kami d’yan sa inyo.” sagot ko na lamang sa kanya.

Ilang segundong natahimik si Nanay Elise sa kabilang linya. Alam kong nagsisimula na siyang mag-isip at mag-alala.

Pero dahil nga sa malaki ang tiwala niya sa akin ay narinig ko na lamang ang kanyang malalim na pagbuntong hininga.

“O, s’ya sige. Kung ano man ’yang problema ninyo ni Liam, ikaw na muna ang bahala sa kanya, Rigo.” pagsuko niya sa kabilang linya.

Napangiti ako ng tipid.

“Opo, ’Nay. Makakaasa po kayo.” tipid na sagot ko na lamang sa kanya.

Natapos ang tawag namin ni Nanay Elise. Siya na ang huling taong naisip kong pupuntahan ni Liam kaya ngayon ay muli akong napapaisip.

Ilang segundo akong natulala, naging doble na rin ang aking pag-aalala kung saan na si Liam nagpunta. Pero matapos ang mahabang pag-iisip kong iyon ay nakakita ako ng pag-asa.

Walang ibang pwedeng puntahan si Liam. Konti lang ang kanyang kaibigan at lahat sila ay mga kaibigan ko rin. Alam kong kapag nakita nila ito, ipagbibigay alam din nila agad ito sa akin. Higit sa lahat, babalik din siya rito dahil ito lang naman ang nag-iisang bahay niya.

Sa kabila rin ng pag-aalala ay nakaisip ako ng isang ideya. Naisip kong habang naghihintay sa kanya ay maghahanda na lang ako ng kanyang makakain hanggang sa makabalik siya. Nagbabakasakali akong sa paraang ito ay mapagaan ko ang kalooban niya. Kaya nagmamadali rin akong kumilos patungo sa kusina at iluto ang mga paboritong pagkain niya.

Mahabang oras ang aking ginugol sa pagluluto. Sa bawat pagkilos ko ay naghihintay rin ako sa pagtunog ng cellphone ko para makatanggap ng balita kung may nakakita kay Liam. Ngunit hanggang sa matapos akong magluto at nakalipas na ang tanghalian ay hindi tumunog ang aking telepono kahit isang beses man lang.

Sinubukan kong tawagan ang kanyang cellphone ngunit paulit-ulit na pagsagot lang ng operator ang naririnig ko. Mukhang patay rin ang kanyang telepono.

Habang naghihintay sa kanya ay saglit akong humiga sa mahabang sofa dito sa kanyang sala. Marahil ay dahil sa ilang araw na walang tulog at walang sapat na pahinga, hindi ko namalayan ang pagpikit ng aking mga mata.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Pero naalimpungatan ako dahil sa mga kaluskos na narinig ko. At nang masilip ko ang malaking bintana dito sa sala ay doon ko lamang napansing binalot na ng dilim ang kalangitan dahil gabi na rin pala sa mga oras na ito.

“Bakit bukas ’tong pinto?” narinig kong boses mula sa hindi kalayuan sa aking pwesto.

Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga para harapin ang boses ng taong hinihintay ko.

“Liam!!” malakas kong pagtawag sa kanyang pangalan. Nakita ko siyang nasa loob na nitong kanyang bahay at napahinto sa kanyang paglalakad nang makita ang imahe ko.

Nasaksihan ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata nang makita akong naririto sa kanyang sala at nakatayo. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay binawi n’ya rin agad ang reaksyon n’yang iyon. Mula sa pagkagulat ay naging masama ang pagkakatitig nito sa akin.

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil sa ginawa n’yang iyon. Mukhang hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa akin sa hindi ko pa rin malamang rason.

Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko ay pinilit kong maging normal sa paningin niya. Ginawa ko ang aking makakaya para bigyan siya ng magandang ngiti habang nakatingin ng tuwid sa kanya.

“Saan ka galing?” nakangiti kong tanong.

“Anong ginagawa mo rito?” malamig niyang tanong sa akin pabalik.

Hindi ko pinansin ang katanungan n’yang iyon. Hindi ko rin tinatanggal ang pagkakangiti ko nang muli akong magtanong.

“Kumain ka na ba? Nagluto ako. Halika, kumain ka muna.” pagyaya kong nakangiti pa rin sa kanya.

Akmang maglalakad na ako para bumalik sa kanyang kusina ay nasorpresa ako sa pagpasok ng isa pang tao mula sa pinto.

“Taena! Ang sama talaga ng ugali mo, Randy! Hindi mo man lang ako hinintay! Alam mo naman na marami akong bitbit! Hindi mo man lang––” hindi naituloy ng taong iyon ang mahaba sana n’yang reklamo nang makita ang imahe ko. Nanlaki ang kanyang mga mata at bahagyang bumuka ang bibig niya dahil sa pagkasorpresa.

“V-vinci?” tanong kong nagtataka sa kanya.

“A-ah… I-ikaw pala, idol…” nauutal niyang pagtawag sa akin.

Pinagmasdan kong mabuti si Vinci. Habang nakatayo siya sa likod ng pinto ay may hawak itong dalawang plastic bag at maraming lata ng beer ang nasa loob nito.

Dahil sa aking nakita ay naikuyom ko ang aking mga mga kamao at tuluyan nang naging seryoso ang ekspresyon ko.

“Anong ginagawa mo rito?” pilit kong pinapakalma ang boses ko. Ngunit ang aking mga mata ay hindi maitago ang inis dahil sa kanyang presensya.

Kitang-kita ko ang takot kay Vinci. Alam ko iyon dahil mataas ang respeto niya sa akin. Takot siya sa tuwing nagiging seryoso ako. Hindi rin nito magawang makapagsalita at wala siyang nagawa kundi ang salitan na lamang kaming tingnan ni Liam.

Sa halip na si Vinci ang sumagot ay nasorpresa ako nang muling magsalita ang mahal ko.

“Bisita ko siya. May problema ba? Ikaw ang dapat na tinatanong ko. Anong ginagawa mo rito?” seryosong tanong sa akin nito.

Sa bawat pagtitig sa akin ni Liam ay parang tinutunaw ako nito. Wala na ang kanyang ngiti na nagbibigay buhay sa pagkatao ko. Sa bawat lamig ng kanyang pakikitungo ay parang pinapatay na ako. Wala na ang lambing niyang hinahanap ko.

Ito na ang pinakamasakit na naranasan ko mula sa kanya. Ito na ang kinatatakutan kong mangyari simula pa noon sa aming dalawa.

Sa kabila ng aking kalungkutan ay pinili kong maging normal sa harap n’ya, tiniis ko ang talim ng mga titig n’ya. Nagdesisyon akong hindi siya papatulan. Hahabaan ko ang aking pasensya dahil gusto kong maging maayos kaming dalawa.

Nagbitaw muli ako ng isang ngiti kahit nanginginig na ang aking labi.

“Naghanda ako ng makakain mo, Liam. Nagugutom ka na ba? Sandali, ipaghahain kita.” pag-iiba ko ng usapan naming dalawa. Kailangan kong iwasan ang sinimulan niyang paksa.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad at nalampasan ko na siya ngunit muli akong napahinto nang muli siyang magsalita. Nasa likuran ko na silang dalawa at hindi ko na makita ang kanilang mga mukha.

“Ah… Kukunin mo na ba ang mga gamit mo rito? Take your time, Rigo. Make sure lang na nakuha mo na ang lahat bago pa ako matapos maligo. And please, ’pag nakuha mo na lahat, siguraduhin mong aalis ka na rin agad dito.” sunod-sunod niyang pagsasalita.

Kasunod ng mga sinabi niyang iyon ay naglandas na ang aking mga luha. Hindi ko na ito napigilan dahil sa bigat ng kanyang mga salita.

“Bilisan mong maligo para makakain ka na, Liam. Alam mong bawal kang nagpapalipas ng gutom.” pag-iiba ko na naman ng usapan habang nakatalikod sa kanila.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa kanyang kusina nang hindi ko man lang magawang pahiran ang aking mga luha. Ayaw kong mapansin nila na naapektuhan ako ng sinabing iyon ni Liam. Hindi ko hahayaang makahalata silang dalawa.

Sinimulan kong maghanda ng makakain ni Liam habang nakatalikod sa kanilang pwesto. Patuloy pa rin sa pagdaloy ng mga luha ko ngunit hinayaan ko lamang ito. Pero sa oras na makaharap ko si Liam, gagawin ko ang lahat para ito’y pigilan.

“Vinci, maupo ka muna d’yan. Feel at home, tutal walanghiya ka naman.” narinig kong pagsasalita ni Liam na sinundan niya pa ng pagtawa.

Hindi ko narinig ang pagtawa ni Vinci pabalik. Patuloy pa rin sa pagtawa si Liam ngunit hindi ko maramdaman ang saya sa kanyang boses. Alam kong binubulabog pa rin siya ng aking presensya at hindi niya ito magagawang itago sa akin dahil kilala ko na siya.

Katahimikan na ang sumunod. Narinig kong nakapasok na si Liam sa kanyang kwarto at mukhang sisimulan na n’yang maligo. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pag-aasikaso sa mga kakainin ni Liam.

Hindi ko na pala namalayan ang oras. Ngayon ko lang napag-isip-isip na hindi pa rin pala ako kumakain simula kaninang umaga dahil sa pag-aalala kay Liam. Kaya nang maamoy ko ang aking mga niluto ay hindi ko napigilan ang pagkalam ng sikmura ko.

Ilang minuto rin akong nasa kusina hanggang sa maihanda ko ang lahat. Si Liam ay nasa banyo pa rin at alam kong mamaya pa siya lalabas dahil matagal siyang maligo. Kaya nang maligaw ang mga mata ko sa sala kung saan iniwan ni Liam ang kanyang bisita ay dahan-dahan kong pinuntahan ito.

Naroon pa rin ito sa sofa at hindi gumagalaw sa kinauupuan niya. Tahimik at walang kaimik-imik.

Nang tuluyan akong makarating sa kanyang pwesto ay umupo ako sa kanyang tabi. Nakita ko kung paano ito napapitlag dahil sa takot. Hindi rin niya ako magawang tingnan at nanatili ang kanyang mata sa kanyang harapan.

Kinokontrol ko ang aking sarili. Ayaw kong makagawa ng eskandalo na maaaring makadagdag sa problema namin ni Liam. Kung gagawa ako ng gulo, baka lalo lamang lumala ang sitwasyon at iyon ang aking iniiwasan.

Nagseselos ako. Selos na selos ako at gusto ko nang gulpihin ang Vinci na ito.

Bakit kasama siya ni Liam? At bakit kailangan n’yang pumunta rito?

Hawak pa rin ni Vinci ang mga plastic bag na maraming beer. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang panginginig ng kanyang mga kamay dahil sa nerbiyos.

Ilang segundo muna ang aking pinalipas para mahinahon siyang kausapin. Pilit ko mang gawing kalmado ang aking sarili ay hindi ko makontrol ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa galit. Tanging pagkuyom lang ng aking mga kamao ang nagawa ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.

“Bakit mo kasama si Randy? Ikaw ba ang kasama n’ya buong araw kaya hindi ko s’ya mahagilap? At bakit may mga alak kayong dala? Ikaw ba ang nagyaya sa kanya na mag-inom?  Alam mo bang bawal ’yan sa kanya?” sunod-sunod kong tanong sa kanya sa madiin na tono.

Mas lalo siyang kinabahan. Pinagpawisan na rin siya kahit pa malamig dito dahil sa aircon.

“A-ah… K-kasi… S-sabi niya… Uhm…” hindi niya malaman kung paano ako sasagutin.

“Ayusin mo ’yang pagsagot mo, Vinci! Nagpipigil lang ako dahil ayaw kong magkagulo kami ni Randy. Pero kung hindi mo ako sasagutin ng maayos, baka bumulagta ka na lang d’yan sa pwesto mo!” mas madiin at seryoso ko nang pagbabanta.

Hindi siya nakapagsalita. Tanging paglunok na lang ang kanyang nagawa.

“Ano? Sagot!” utos ko na naman sa kanya na may halong pagbabanta.

Para siyang nanghina. Napayuko siya at bumagsak ang mga balikat niya. Kasunod nito ay tiningnan niya ako habang nakakaawa ang ekspresyong kanyang ipinapakita.

“Idol naman… Tinawagan lang ako ni Randy… Saka ngayon lang ako mag-iinom ulit kasama siya. Niyaya niya ako kasi wala raw siyang kasama. Saka bago pa kami magkita kanina, amoy alak na siya. Sinubukan ko naman na pigilan siya, e… Pero ayaw niyang magpaawat. Nagagalit lang sa akin kaya wala rin akong nagawa…” mangiyak-ngiyak niyang paliwanag dahil sa kaba.

Tiningnan ko siya sa mata. Sinuri ko kung nagsasabi ba siya sa akin ng totoo. Ngunit nang masiguro kong hindi siya nagsisinungaling ay napahinga na lang ako ng malalim.

“E, bakit ka sumama?! Alam mong ako ang lagi n’yang kasama, ’di ba?! Sana, sa halip na sinamahan mo s’ya, tinawagan mo na lang ako!” sumbat ko sa kanya sa pamamagitan ng mahinang pagsigaw.

“Ginawa ko ’yon, idol! Sinubukan kitang tawagan! Pero noong tatawagan na kita, inagaw n’ya ang cellphone ko. Pinagbantaan pa ako na babasagin ’yon sa harap ko! Sa tingin mo, anong gagawin ko?! Taena! E, kakabili ko lang nito!” reklamo nito.

Hindi ako nakapagsalita. Alam kong totoo ang mga sinasabi niya.

“Saka isa pa, idol, nag-alala rin ako sa kanya kasi lasing s’ya. Hindi ko naman s’ya pwedeng pabayaan na lang. E ’di mas lalo akong nalagot sa ’yo?!” nag-aalala niya pang pagpapatuloy.

Sa kabilang banda ay nakaramdam ako ng pasasalamat kay Vinci. Kahit na hindi ko gustong magkasama sila ni Liam, naisip kong mas mabuti na rin iyon. Sa naging sitwasyon ni Liam ay mas gugustuhin ko pang may makakasama ito kesa ang madisgrasya dahil sa kalasingan.

Isang malalim na naman na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako muling nagsalita.

“Kumain ba s’ya?” tanong ko na ngayong nag-aalala.

“Hindi ko alam. Ngayon lang kami nagkita kaya hindi ko alam kung kumain na s’ya.” sagot niya at nagkamot ng ulo.

“Nasabi n’ya ba sa ’yo kung sinong kasama n’yang nag-inom bago kayo nagkita?” tanong ko ulit.

“Wala. Basta noong tinawagan n’ya ako, sinundo ko lang s’ya sa isang bar. Tinanong ko naman ang bartender kung may nakasama s’ya. Ang iniisip ko nga nandoon ka, pero simula raw nang pumasok si Randy sa bar na ’yon ng tanghali, wala naman daw s’yang nakainuman.” sunod-sunod nitong pagsagot.

“Naikwento n’ya ba sa ’yo kung saan naman s’ya nagpunta ng umaga? Nasabi n’ya ba sa ’yo kung––”

“Teka, teka, teka nga, idol!” pag-awat n’ya sa akin habang marahas na kinakamot ang kanyang ulo.

Napahinto naman ako dahil sa ginawa n’yang iyon at hindi ako nakapagsalita.

“May problema ba kayo? Bakit parang wala kang alam? Saka kanina ko pa napapansin si Randy na parang ayaw ka n’yang pag-usapan. Tapos pagpasok ko rito, hindi rin maganda ang pakikitungo n’ya sa ’yo. Nag-away ba kayo?” sunod-sunod nitong tanong.

Parang nalunok ko ang sarili kong dila dahil sa mga katanungan n’yang iyon. Hindi ko alam kung paano ko iisa-isahin ang aking paliwanag dahil hindi naman ako nagkekwento kay Vinci ng tungkol sa amin ni Liam. Hindi ko rin alam kung paano niya ito maiintindihan.

“Alam mo, idol, tsismoso ako. Alam mo naman ’yon, ’di ba? Pero hindi ko gustong masangkot sa problema ninyong dalawa. Dapat ayusin n’yo na ’yan bago pa lumala. Halata naman na apektado rin si Randy. Hindi s’ya magpapakalunod sa alak kung gusto n’ya ang nangyayari.” pangaral n’ya sa akin.

Nakaramdam ako ng hiya sa mga sinabing iyon ni Vinci. Nadadamay s’ya sa problema namin ni Liam lalo na at wala s’yang alam sa aming pinagdadaanan.

Katahimikan na ang sumunod na nangyari. Hindi na ako nakapagsalita pa at wala na akong nagawa kundi ang mapayuko na lang dahil sa hiya.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni Vinci.

“Rigo, sa tingin ko kailangan n’yo munang mag-usap ni Randy. Hindi na rin kailangan ang gwapong presence ko rito dahil nandito ka na. Siguro aalis na lang muna ako para mabigyan ninyo ng oras ang isa’t isa.” mahinahon nitong pagsasalita.

Unti-unti ay inangat ko ang paningin ko. Nagbitaw ako ng tipid na ngiti sa kanya bilang pagpapasalamat sa sinabi n’ya.

“Pasensya ka na, Vinci, kung nadadamay ka pa. Hayaan mo, kakausapin ko s’ya. Aayusin namin ang problema naming dalawa.” paghingi ko ng dispensa sa kanya.

Ginantihan n’ya rin ako ng ngiti at marahang pagtango. Pinaparating n’ya sa kilos n’yang iyon na naiintindihan n’ya ang mga nangyayari.

Binitawan na rin n’ya ang hawak n’yang plastic bag at dahan-dahan tumayo. Ganoon din ako, tumayo ako para makipagkamay sa kanya.

“Paano? Mauuna na ako. Pasensya na rin kung ginulat kita sa pagpunta ko rito. Hayaan mo, sa susunod, kahit pagbantaan pa ako ni Randy na itatapon ang cellphone ko, gagawa ako ng paraan para makontak ka.” pagpapaalam nito habang nakikipagkamay sa akin.

“Salamat, pare. Pasensya na talaga. Ingat ka na lang din pag-uwi.” naisagot ko na lamang sa kanya.

Nasa ganoon kaming tagpo nang biglang lumabas si Liam mula sa kanyang kwarto. Nakapagbihis na ito ngunit magulo pa ang basa n’yang buhok dahil sa pagligo.

“At sinong nagsabing aalis ka rito, Vinci? Sa pagkakaalala ko, ’yang lalaking ’yan ang pinapaalis ko.” madiin nitong pagsalubong sa amin.

Nagbalik ang paghihina sa katawan ko. Nanumbalik ang lungkot na namamayani sa dibdib ko simula pa kahapon.

Walang nakapagsalita sa amin ni Vinci hanggang sa magbitaw kami sa pagkakahawak ng aming mga kamay.

Kasunod ng tanong ni Liam kay Vinci ay ako naman ang kanyang tiningnan.

“Nasaan na ang mga gamit mo? Akala ko ba mag-eempake ka na? O, baka naman gusto mong ako pa ang gumawa no’n para sa ’yo?” tanong nito sa akin sa mapang-insultong paraan.

Hindi ako nakapagsalita. Wala akong nagawa kundi ang titigan lang s’ya habang dinadama ang mainit na likidong nagsisimula na namang mamuo sa aking mga mata.

Mukhang hindi natagalan ni Vinci ang nangyayaring ito sa amin ni Liam kaya sumabat na ito.

“Randy, uuwi na ako. Mag-usap muna kayo ni Rigo para maayos n’yo ang problema n’yo. ’Wag mong daanin sa init ng ulo.” mahinahon nitong pakiusap kay Liam.

Ngunit matapos iyon sabihin ni Vinci ay pareho kaming nabigla sa pagsigaw sa amin ni Liam.

“Sinabi ko nang hindi ka aalis, Vinci! Dito ka lang! ’Yan! ’Yang lalaking ’yan ang dapat na umalis dito! Wala na rin kaming dapat pang pag-usapan!” sigaw nito habang dinuduro ako.

Dahil sa kanyang ginawa ay hindi ko na rin napigilan ang sarili kong sagutin s’ya habang nakakuyom ang mga kamao ko.

“Hindi ako aalis dito!” madiin kong pagkontra sa kanya.

Mas naging matalim ang ginawa n’yang pagtitig sa akin.

“Umalis ka na!!” mas malakas nitong sigaw.

“Sinabi ko nang hindi ako aalis dito!!!” mas malakas kong pagsigaw sa kanya pabalik habang nag-aapoy ang mga mata ko dahil sa galit.

Nakita kong nagulat s’ya ginawa kong pagsigaw. Kahit si Vinci ay hindi napigilan ang mapaatras dahil sa pagkagulat.

“Ano bang problema mo, Randy?!! Ako na nga itong humahabol sa ’yo kahit hindi ko alam kung anong dahilan ng pagkakaganyan mo!! Hindi mo ako binigyan ng dahilan para gawin mo sa akin ’to!! Kahit naguguluhan ako, hindi ako nagdalawang-isip na puntahan ka rito!! Ano bang rason??!! Naguguluhan na ako sa ’yo!!!” hindi ko na s’ya napigilang sumbatan.

Tinapatan n’ya ang panlilisik ng aking mga mata. Nagdikit na rin ang mga ngipin n’ya dahil sa galit na nararamdaman n’ya.

“Sinabi ko na sa ’yo!! Nagsasawa na ako sa ’yo!! Hindi ko na gusto ang presensya mo!! Hindi ko na gusto na mana––”

“Sinungaling ka!!! Sinungaling ka, Randy!!! Sinungaling ka!!! Kilala kita kaya hindi mo ako madadaan sa pagkukunwari mong ’yan!!!” pagputol ko sa kanya habang dinuduro s’ya.

Natigilan s’ya sa pagsigaw kong iyon. Natahimik s’ya at walang nagawa kundi ang tingnan lamang din ako ng tuwid.

Maraming paghinga ang ginawa ko dahil nakaramdam ako ng pagod mula sa ginawa kong pagsigaw. Dahil sa kanyang pananahimik ay kinuha ko ang pagkakataon para magsalitang muli. Binalewala ko na rin kung masasaksihan ni Vinci ang pag-aaway naming dalawa. Ang mahalaga sa akin ngayon ay malaman ko kung ano ang dahilan ni Liam sa mabilis na pagbabago n’ya.

“Ano bang nagawa ko, Liam..? Masisiraan na ako ng ulo sa kakaisip kung saan ba ako nagkulang… Alam kong hindi mo rin gusto ito… Pero bakit mo pinipilit na magkanya-kanya tayo..?” tanong kong nanghihina sa kanya. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha kong maglandas mula sa aking mga mata.

“Hindi ko gustong isumbat sa ’yo ang mga nagawa ko sa loob ng sampung taon… Pero paano naman ako..? Sa ’yo ko na lang binuhos ang buhay ko sa loob ng mahabang panahon… At kung kailan alam mong hindi ko na kayang mabuhay nang wala ka sa tabi ko, ngayon mo pa sa akin gagawin ’to..? Sana sinaksak mo na lang ako, Liam… Sana pinatay mo na lang ako… Hindi ’yung ganitong inuunti-unti mo ako…” sumbat ko pa rin sa pagitan ng pag-iyak.

Nakikita ko sa mga mata n’ya ang awa. Nakikita kong hindi n’ya gusto ang mga nagaganap. Pero kitang-kita ko rin kung paano n’ya ito nilalabanan.

Siguro ay hindi na n’ya ako magawa pang matagal na titigan. Matapos kong sabihin iyon sa kanya ay agad n’ya rin akong tinalikuran.

“Rigo, nakikiusap na ako. Umalis ka na.” madiin n’yang pakiusap sa akin habang nakatalikod sa aming pwesto.

“Sinabi ko nang hindi ako aalis dito!!! Hangga’t hindi mo sa akin sinasabi kung bakit bigla kang nagbago, hinding-hindi ko susundin ’yang utos mo!! Hangga’t hindi mo napapatunayan ang totoong dahilan, hindi mo ako mapapaalis dito!!!” sigaw ko na naman sa kanya.

Natahimik s’yang muli. Nakita ko pang inangat n’ya ang kanyang kamay patungo sa kanyang mukha. Sa tingin ko ay pinahid n’ya ang kanyang luha dahil umiiyak din s’ya tulad ko sa mga oras na ito.

Ilang segundo rin iyon hanggang sa muli s’yang humarap habang suot ang pagkakangisi sa kanyang labi.

“Gusto mo talagang mapatunayan ko, Rigo? Sigurado ka ba d’yan sa sinasabi mo?” nakangisi n’yang tanong sa akin.

Sa kabila ng pagngisi n’yang iyon ay nakita ko ang bakas ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Tama nga ako, umiiyak s’ya sa mga oras na ito. At tama rin si Vinci, hindi n’ya rin gusto ang nangyayari sa aming ito. Hindi iyon maikakaila sa lungkot ng mga mata nito.

Hindi ko masagot ang katanungan n’yang iyon. Gusto kong malaman ngunit natatakot ako. Takot na takot ako dahil mukhang desidido s’yang mapatunayan ito.

“Sige. Kung ’yan ang gusto mo, pagbibigyan kita, Rigo.” madiin nitong pagsasalitang muli habang suot pa rin ang kanyang pagngisi.

Kasunod ng sinabi n’yang iyon ay humakbang s’ya patungo sa aming pwesto. At nang tuluyan na kaming magkaharap na tatlo ay tinitigan muna ako nito habang suot pa rin ang nakakatakot n’yang ekspresyon.

Inihanda ko na ang aking sarili sa maaari n’yang gawin at sabihin. Ngunit matapos ang ilang segundong pagtitig sa akin ay halos magunaw mundo ko sa nakita ko.

Sa mismong tapat ko ay hinarap n’ya si Vinci at dahan-dahang hinatak ang batok nito. Kasunod ng paghatak n’yang iyon ay hinalikan n’ya sa labi si Vinci ng tuloy-tuloy sa harap ko.

Akala ko ay nasasaktan na ako sa malamig n’yang pakikitungo sa akin. Akala ko ay wala nang sasakit pa rito. Pero nang makita kong may ibang tao nang dumidikit sa katawan ng mahal ko ay ang tuluyang pagkatupok ng buong pagkatao ko.

“L-liam….” tangi ko lang nasambit habang nanlalaki ang mga mata ko. Ang kaninang mga luha ko ay dumoble na rin ang pag-agos sa mga oras na ito.

Matapos kong sambitin ang kanyang pangalan ay doon lang s’ya tumigil sa paghalik kay Vinci. Nasaksihan ko ang pagkabigla sa reaksyon ni Vinci dahil sa nangyari. Natulala na lamang ito at hindi na nakakibo.

“Ngayon, kuntento ka na ba, Rigo? Hindi na ikaw ang gusto ko. Nagsasawa na ako sa ’yo. Sapat na siguro ang nakita mo para manahimik ka na. Kaya please lang, lubayan mo na ako!!” wika n’ya sa akin at sinigawan na ako sa huli.

“L-liam…. B-bakit..?” nauutal kong tanong at hindi ko na naiwasan ang humagulgol.

“Dahil ayaw ko na sa ’yo!!! Ayaw ko na sa ’yo, Rigo!!! Ayaw ko na sa ’yo!!!” sigaw n’ya ngunit hindi na n’ya nakontrol ang kanyang mga luhang maglandas mula sa mga mata nito.

“H-hindi… N-nagsisinungaling ka, Liam…” pagkontra ko sa kanya habang umiiling at patuloy sa pagluha.

“Umalis ka na, Rigo!!! Umalis ka na!!!” sigaw n’yang muli at paulit-ulit akong tinutulak dahilan para ako’y mapaatras.

“L-liam… N-nagbibiro ka lang, ’di ba..? Pakiusap… Sabihin mong nagbibiro ka lang…” pakiusap ko sa kanya habang pinipigilan ko ang mga braso n’yang patuloy n’yang ginagamit sa pagtulak sa akin.

Niyakap ko s’ya ng napakahigpit para muling makiusap. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan n’ya. Ramdam kong hindi n’ya rin gusto ang kanyang ginagawa.

“L-liam… K-kakalimutan ko ’to… Pangako… H-hindi ko isusumbat sa ’yo ’to kahit isang beses… Pero bawiin mo… Pakiusap, Liam… Bawiin mo ang ang mga sinabi mo…” pakiusap ko pa rin sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.

Halos lumuhod na ako habang patuloy ko pa rin s’yang inaawat. Ngunit dahil sa panghihina mula sa aking nasaksihan ay naging mas malakas sa akin si Liam. Mas naging malakas ang ginagawa nitong pagpupumiglas habang yakap ko ang kanyang katawan.

“Umalis ka na!!! Hindi na kita kailangan!!!” pagtataboy nito sa akin habang marahas ako nitong pinagtutulakan. Paulit-ulit n’ya rin iyong isinisigaw habang patuloy rin s’yang umiiyak.

“Liam… Parang awa mo na…” patuloy ko pa ring pagmamakaawa.

Sa halip na pakinggan n’ya ako ay mas naging determinado itong ipagtabuyan ako. Hanggang sa makarating kami sa pinto ng kanyang unit ay hindi nagpaawat ito. Binuksan n’ya pa ito at mas naging marahas ang pagtulak nito sa akin hanggang sa makalabas ako.

“Liam…..” patuloy pa rin akong nakikiusap habang umiiyak.

“’Wag mo na akong pahirapan pa, Rigo… Umalis ka na lang…” pakiusap na rin n’ya ngayon sa akin habang patuloy pa rin s’yang umiiyak.

Akmang papasok akong muli ay tinulak n’ya rin akong muli at mabilis na isinara ang pinto.

“Liam…. Buksan mo ’to…!! Pag-usapan naman natin ’to… H-hindi ko kaya… Sige na naman… Parang awa mo na…” pakiusap kong muli habang kinakatok ng paulit-ulit ang pinto.

Hindi ako nagpatinag. Nagpatuloy ako sa pagkatok at pagmamakaawa sa kanya. May ilang tao na rin ang lumabas mula sa kani-kanilang unit dahil sa malakas kong pagmamakaawa. Pinapanood nila ako ngunit wala na akong pakialam sa mga oras na ito. Mas nangingibabaw sa akin ang hangarin na magbalik kami sa dati ni Liam.

“Liam…..” pagtawag ko pa rin sa kanyang pangalan.

Ilang beses ko pa iyon ginawa, ilang beses pa akong nagmakaawa. Ngunit kahit anong gawin kong pagkatok at pagtawag sa kanyang pangalan ay hindi n’ya ako pinakinggan. Inabot na ako ng ilang minuto hanggang sa isang oras ngunit kahit isang beses ay hindi na ako pinagbuksan pa nito ng pinto.

Hinang-hina ang buong katawan ko habang nakatitig lang sa pinto. Patuloy pa rin sa paglandas ng mga luha ko, halos mapaos na rin ang boses ko sa paulit-ulit kong pagmamakaawa sa taong mahal ko.

Bigo ako.

Ang akala ko ay magkakaayos kami ngayong araw na ito. Pero mukhang mas malala na ito kumpara sa inaakala ko. Nababasa ko sa kanyang mga mata na hindi n’ya ito gusto, pero bakit kailangan n’yang gawin ito?

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ito. Hanggang kailan kami tatagal sa sitwasyong ito? Ilang taon pa ang kailangan kong bilangin para maging masaya kaming pareho?

Maraming katanungan sa isip ko. Maraming kasagutan ang kakailanganin ko. Pero nakapagdesisyon na rin ako. Dahil sa nakita kong lungkot sa mga mata ni Liam kanina ay mas nabuo ang determinasyon ko.

Dahan-dahan kong tinalikuran ang pintong nasa aking harapan. Unti-unti akong naglakad palayo ngunit hindi iyon nangangahulugan ng aking pagsuko.

Hindi.

Hindi ko s’ya isusuko. Hindi ako mawawalan ng pag-asa hanggang sa mabawi ko s’ya. Hahanap ako ng palatandaan kung ano ang nagtulak sa kanya para gawin ito. Kahit wala akong ideya, hahanapan ko ng kasagutan ang mga katanungang ayaw n’ya talaga sa aking ipaalam.

Babalik ako.

Hindi ko s’ya basta- basta na lang bibitawan.

Babalik ako hanggang sa magkasama muli kaming dalawa.


A/N

Kamusta po ang chapter na ito? Pasensya na sa madramang tagpo. Aylabyu na! 😁

Salamat sa patuloy na pagbabasa, mga mahal ko. Don’t forget to leave your votes and comments! Usap tayo doon.

Next chapter na ang hinihintay nating rebelasyon.😱

’Til next chapter ulit, guys!! ❤

–– cold_deee

chapter 25

A/N

Sorry kung inabot ng ilang days ang update, guys! Masyado itong mahaba kaya ganern! Sorrna!

Para po kay

RobelynOrtiz4

ang chapter na ito. Salamat, dear, sa patuloy na pagbabasa. 😊

Kung feel n’yo rin po na may music habang nagbabasa ng chapter na ito, pakiplay na lang po ang nasa media or paki-download ng kanta.

(Song title: Why Can’t it be? by Kaye Cal)

Enjoy reading, guys!

––> si Rigo po sa media.

![](https://img.wattpad.com/4fb9ceb19956c0562d69e0333ec7549625ba9136/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f67304650307a6b4972535a5046673d3d2d3436303132313234362e313464656365663634643361326262643935333231353733343236302e6a7067)

RIGO’s POV

Habang nakasandal sa upuan ng aking kotse ay muli kong naramdaman ang pagdaloy ng mga luha ko. Tulala pa rin ako at halos ubos na ang lakas ko.

Ayaw kong mawalan ng pag-asa, pero sa mga nakalipas na araw, walang nagbago sa pagitan namin ni Liam. Sa tingin ko nga ay mas naging malala pa ito.

“Nasaan ka na, Liam…?” lumuluha kong tanong sa kanya kahit wala ito sa tabi ko.

Sumapit na naman ang gabi ng aking paghahanap sa kanya ngunit hindi ko na talaga s’ya matagpuan. Mukhang tuluyan na n’ya akong iniwasan dahil hindi na s’ya muli pang umuwi sa kanyang condo. Inaabot man ako ng umaga sa paghihintay roon ay hindi talaga s’ya nagpapakita.

Sinubukan kong tawagan ang mga taong maaari n’yang puntahan ngunit kahit sila ay hindi alam kung nasaan ito. Ang nag-iisang tao rin naman na pwede kong mapagtanungan ay hindi ko na rin ngayon matagpuan. Si Vinci na lang, s’ya na lang ang natitira kong pag-asa para makita si Liam ngunit hindi ko na rin ito makausap ngayon.

Maraming hindi magagandang bagay ang pumapasok sa isip ko at nagdudulot ito ng takot sa dibdib ko. Pero sa kabila ng nararamdaman kong takot ay pilit akong lumalaban. Wala na akong makakapitan kaya kailangan ay maging matatag ako.

Naririto na naman ako sa aming mansyon para magpalit lang ng aking damit. Sa mga nakalipas na araw ay umuuwi lang ako rito para maligo o kung minsan ay pipilitin kong kumain. Matapos iyon ay muli akong babalik sa condo ni Liam para magbakasakaling babalik ito para makausap ko.

Nanghihina na ako. Alam kong malapit na rin bumigay ang katawan ko dahil sa pagod at puyat, pero sa tuwing naiisip kong hindi ko na makikita si Liam kung susuko ako, nagkakaroon ako ng panibagong lakas. Ang takot na nararamdaman ko ang hinugutan ko ngayon ng lakas.

Huminga ako ng malalim at muling pinunasan ang mga luha ko. Kahit ang mga luha ko ay hindi na rin nauubos sa pagpatak sa tuwing uuwi akong bigo.

Pero hindi. Hinding-hindi ako susuko. Magpapakatatag ako para magbalik kami sa dati ni Liam. Ilalaban ko s’ya hanggang sa huling baraha na mayroon ako. Hindi ako mawawalan ng pag-asa dahil s’ya lang ang kailangan ko para magpatuloy sa mga nasimulan ko.

Ilang minuto pa ako sa loob ng aking kotse bago ako nagdesisyong lumabas. Hindi rin ako pwedeng magtagal sa pananatili rito dahil baka hindi ko maabutan si Liam sa kanyang condo sakaling uuwi ito.

Nang makapasok ako ng mansyon ay naging mabagal ang mga paghakbang ko. Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi ko gaanong nakakausap ngayon ang aking tiyahin dahil nakakadagdag lang din s’ya sa problema ko. Mas nagiging magulo ang isip ko sa tuwing nagkakaroon kami nito ng pagtatalo.

Nang makarating ako sa aming sala ay inaasahan ko nang sasalubungin ako ni MJ. Lagi naman s’yang ganito, naghihintay sa akin sa tuwing makakauwi ako.

Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko itong nasa sala at nakaupo. Hindi ko sana s’ya papansinin tulad ng lagi kong ginagawa ngunit natigilan ako dahil may kausap s’yang lalaki na hindi pamilyar sa akin. Mukhang seryoso rin ang kanilang pinag-uusapan kaya natigilan ako.

Nang mapansin ako ni MJ ay mabilis s’yang tumayo mula sa pagkakaupo. Ang kasama n’ya ay ganoon din, mabilis din itong tumayo nang makita ako.

“N-nand’yan ka na pala, Rigo.” nauutal na pagsalubong sa akin ni MJ.

Hindi na sa akin bago ang ganitong pagsalubong n’ya, lagi s’yang kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan.

Dahil ba sa hiya? O dahil sa takot na kausapin ako dahil sa paulit-ulit kong pambabalewala at pambabastos sa kanya?

Alin man sa dalawang iyon ay wala na akong pakialam. Hindi ko s’ya dapat na pag-aksayahan ng panahon dahil wala ako sa kanyang obligasyon.

Pinagmasdan kong mabuti si MJ at ang kanyang tiyan. Malaki na ito at hindi na maitatago kahit kanino na nagdadalang-tao ito.

Nang muli kong ibalik ang malamig kong pagtitig sa kanyang mukha ay nasaksihan ko na naman ang kanyang takot. Hindi s’ya mapakali at hindi matagalan ang pagtitig sa akin. Paulit-ulit n’yang kinukurot ang kanyang mga daliri na tila naghihintay sa aking sa mga sasabihin.

Natatawa ako sa likod ng aking isip. Masama na kung masama. Pero sa tuwing nakikita ko si MJ ay para akong sinasaniban ng dyablo dahil sa galit.

Ngumisi muna ako sa kanya bago ko s’ya sinagot.

“Nagtataka ka ba, MJ, kung bakit ako naririto?” tanong kong nakangisi sa kanya at saglit na tumigil. “Malamang dito ako nakatira, ’di ba? Nag-iisip ka ba?” dugtong ko pa sa sarkastikong tono.

Tulad ng laging nangyayari, napapayuko na lang ito habang kagat ang kanyang ibabang labi. Pinipigilan n’yang mapaluha dahil sa paulit-ulit ko sa kanyang pambabalewala.

Nasa ganoon kaming tagpo nang tumikhim ang kasama nitong lalaki na nakatayo sa kanyang tabi.

“M-magandang gabi, Rigo.” nauutal na bati nito sa akin.

Dahil sa labis na galit ko kay MJ ay nakalimutan ko na may kasama pala s’ya.

“Sino ka?” tanong kong diretso sa lalaki. Hindi ko na nagawang batiin s’ya pabalik dahil hindi pa rin humuhupa ang galit sa aking dibdib.

Hindi muna ito sumagot. Humakbang muna ito papalapit sa akin at inilahad ang isang kamay n’ya.

“Tristan, pare. Bayaw ako ni MJ. Ako rin ang ama ni Nicole na pamangkin ni MJ.” pakilala nito sa akin.

Saglit akong natigilan sa pagpapakilala n’yang iyon. Buong akala ko ay itinakwil na si MJ ng buo n’yang pamilya, ngunit bahagya akong nasorpresa dahil naririto ang isa sa mga kaanak nito ngayon.

Ito ang kauna-unahang beses na nakaharap ko ang ama ng batang lagi kong hinahanap kay MJ, ang pamangkin n’yang labis na kinagigiliwan ko. S’ya pala ang tinutukoy noon ni MJ na asawa ng nag-iisang kapatid n’yang babae. Sa pamilya ni MJ, s’ya pa lang din ang pangalawang miyembro ang nakilala ko bukod sa kanyang pamangkin. Ang kwento sa akin ni MJ noon ay abala ang kanyang mga magulang sa kanilang negosyo at katulong nila rito ang kanyang kapatid.

“Ikaw pala.” tipid ko lang na sagot at inabot ko ang kamay n’ya.

Galit ako kay MJ, pero hindi naman ako bastos para idamay ang bayaw n’yang ito. Maayos n’ya naman akong kinausap kaya tao ko rin s’yang haharapin.

“Kasama mo ba ang anak mo?” tanong ko agad sa kanya matapos naming magbitaw.

Nakaramdam ako ng pag-aalala kung naririto ngayon ang bata dahil baka makita nito kung paano ko pakitunguhan ang tiyahin n’ya. Ayaw ko rin naman na masaksihan nito ang tensyon sa pagitan namin ni MJ. Isa pa, ayaw ko rin na maramdaman ng bata na pati s’ya ay madadamay sa problema naming matatanda. Wala s’yang kasalanan kaya hindi s’ya dapat mapasok sa aming mga pinagdadaanan.

Hindi agad nakasagot si Tristan. Nilingon n’ya muna si MJ sa kanyang likuran na tila nag-aalala. Nang tingnan ko naman si MJ ay ganoon din ang reaksyon n’ya, gumuhit din ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Saglit lamang iyon hanggang sa muli akong harapin ni Tristan habang suot ang kanyang tipid na ngiti.

“Hindi ko s’ya kasama.” sagot nito sa tanong ko at saglit na tumigil. “Nalaman ko nga pala kung paano mo pakitunguhan ng maayos ang anak ko. Salamat, pare.” dugtong pa nitong nakangiti.

Matikas din ang bayaw n’yang ito. Bata pa at mukhang edukado rin tulad ni MJ.

Tanging pagtango lang ang naisagot ko sa kanya habang seryoso ang ekspresyon ang aking ipinapakita. Sa tuwing nasa paligid kasi si MJ ay hindi nawawala ang galit at inis ko sa kanyang mukha. Sa sobrang galit ko sa kanya ay nawawala na rin ako sa sarili paminsan-minsan.

“Dinalaw ko lang si MJ para kamustahin.” pagsasalitang muli ni Tristan.

Dahil sa kanyang sinabi ay hindi ko maiwasang mag-isip kaya nagbalik ang pagtataka sa aking mukha.

“Nasaan ang ate n’ya? Hindi ba dapat s’ya ang pumupunta rito para kamustahin s’ya?” hindi ko napigilang pagtatanong sa kanya.

Gusto ko rin sanang makausap kahit ang ate n’ya lang na iyon para maiparating ang panig ko. Pero noong tinanong ko si MJ tungkol dito ay malaki ang naging pagtutol n’ya dahil sa takot sa kanyang magulang.

Muling nilingon ni Tristan si MJ na nakayuko pa rin sa mga oras na ito.

“A-ahm… Ako ang pinapunta ng ate n’ya para makibalita sa kanya. Iniiwasan kasi ng asawa ko na malaman ng parents nila na nakikipag-usap pa ito sa kanya.” sagot sa akin ni Tristan makalipas ang ilang sandali.

Minsan ay nakakaramdam ako ng awa kay MJ. Tuluyan na talaga s’yang tinalikuran ng buo n’yang pamilya, wala nang natira sa kanya. Pero sa tuwing pumapasok sa isip ko na idinamay n’ya ako sa problema n’yang ito ay nawawala rin ang awa kong iyon sa kanya. Siguro, kung hindi n’ya ako pinasok sa sitwasyong ito, baka natulungan ko pa s’ya dahil kaibigan ko na rin naman s’ya.

Tanging marahang pagtango lang ang naisagot ko kay Tristan. Nasa ganoon kaming tagpo nang pumasok din ang pinsan kong si Dom mula sa aming malaking pintuan. Mukhang may naging lakad din ito at ngayon lang din nakauwi.

“Uy, brad! May bisita ka pala!” bungad nito sa amin habang malapad ang kanyang pagkakangiti.

Tulad sa akin ay sinalubong din ni Tristan si Dom ng pagbati sa pamamagitan ng pakikipagkamay rito.

“Tristan, pare. Bayaw ako ni MJ.” pakilala nito kay Dom habang nakikipagkamay.

At tulad ko rin kanina, gumuhit din ang pagtataka sa mukha ni Dom.

“Ah… Bayaw ka pala n’ya…” mahina nitong pagsasalita at saglit na tumigil. “Dom naman, pare. Pinsan ni Rigo.” pakilala naman ng aking pinsan pabalik at muli s’yang ngumiti.

Ilang segundong katahimikan ang namayani bago muling nagsalita si Dom. Ngunit bago n’ya ginawa iyon ay salitan n’ya munang pinagmasdan sina MJ at Tristan. Kasunod naman nito ay ako ang kanyang tiningnan habang seryoso ang kanyang ekspresyon.

“Nakakapagtaka naman yata, Tristan? Hindi namin ine-expect na ikaw pa ang unang magpapakita rito para kamustahin si MJ. Mukhang mas concern ka pa kesa sa totoong miyembro ng pamilya n’ya.” tanong ni Dom kay Tristan.

Ganoon din ang tanong ko kanina sa kanya, pero nakumbinsi rin naman ako sa naging sagot nito.

Marahil ay pareho lang ng isasagot si Tristan kay Dom ngunit hindi na nito naituloy dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Naging gahilan tuloy iyon para lungunin nila akong tatlo.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin ito dahil baka may kinalaman ito kay Liam.

“Hello, Karen?” pagsagot ko nang makita kong s’ya ang tumatawag sa akin.

“Hello, Chef Rigo! You gotta hear this!” bungad nito at tila ba natataranta ito.

Dahil doon ay naramdaman ko rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Malakas ang kutob kong may kinalaman nga kay Liam ito.

“Kagagaling lang dito si Sir Randy! And guess what? Nagfile s’ya ng indefinite leave! Noong sinabi ko sa kanyang ilang araw ka nang naghahanap sa kanya, nakiusap s’ya sa akin na ’wag ’yon ipaalam sa ’yo!” sunod-sunod nitong pagbabalita.

Naramdaman ko ang mas mabilis na pintig ng puso ko dahil sa aking nabalitaan. Hindi ako nakapagsalita kaya nagpatuloy si Karen sa kabilang linya.

“Ngayon naman, Chef Rigo, papunta s’ya sa isang branch. Puntahan mo na s’ya para maabutan mo s’ya. Sigurado ako, magpapaalam din s’ya ng leave doon.” sunod nitong utos sa akin.

Doon lamang ako natauhan sa sinabi n’yang iyon, doon ko lamang naigalaw ang aking katawan.

“S-salamat, Karen.” nauutal kong pagsasalita. Ibinaba ko na rin ang aming tawag dahil sa aking pagkataranta.

Nagpapasalamat na lang din ako dahil nasa panig ko ang mga taong malalapit sa amin ni Liam. Kilala nila itong lahat at madalas nila itong nirereklamo sa akin. Kaya naman mas madali ko silang napapakiusapan sa mga ganitong pagkakataon.

“Oy, brad! Saan ka pupunta?!” sigaw na tanong sa akin ni Dom dahil nagmamadali akong umalis sa harap nila.

“Rigo! Saan ka pupunta?! Bumalik ka rito!” narinig ko naman na pagtawag sa akin ni MJ.

Hindi ko sila sinagot. Nagpatuloy lang ako sa mabilis kong paghakbang palabas ng mansyon para makasakay sa kotse ko.

Siguro ay kakampi ko ang langit dahil hindi rin ako binigyan ng problema habang nasa biyahe ako. Maluwag ang kalsada at hindi trapik sa mga oras na ito.

Kahit pa may kalayuan ang isang branch ng restaurant namin ay hindi naging dahilan ito para magdalawang isip ako na puntahan si Liam. Ipinangako ko na sa aking sarili, gagawin ko ang lahat para makabalik kami sa dati, para muli ko s’yang mabawi.

Nang makarating ako sa isa pang restaurant nina Xander at Tom ay hindi na ako nagtagal pa sa loob ng kotse ko. Nakahinga rin ako ng maluwag nang matagpuan ko rin ang kotse ni Liam na nakaparada malapit kung saan ko ipinarada ang sasakyan ko.

Halos takbuhin ko ang pinto ng restaurant na iyon dahil sa pagmamadaling makita s’ya. Ngunit bago pa ako makarating sa pintuang iyon ay natigilan din ako. Iyon din kasi ang eksaktong paglabas ng aming kaibigan na si Shai kasama ang taong ilang araw ko nang gustong makita at makausap.

Nang makita ko ang kanyang kabuuan ay hindi ko naiwasang mapangiti sa kabila ng kabang nararamdaman ko.

Ang taong ilang araw ko nang hinahanap at gustong mayakap ay naririto ngayon sa harap ko. Ngunit ang nakakalungkot, nasa kanyang tabi rin si Vinci. Tama nga ako, s’ya ang kasama ni Liam sa mga nakalipas na araw na nawawala ito.

Hindi pa rin nila ako napapansin sa mga oras na ito dahil magkakaharap silang tatlo habang nag-uusap. May ilang metro rin ang layo ko sa kanila ngunit malinaw kong naririnig ang pinag-uusapan nila.

“Kailan ang balik mo?” malungkot na tanong ni Shai kay Liam.

“Tatawagan na lang kita ’pag babalik na ako.” sagot ni Liam na may tipid na ngiti.

Hindi na sumagot pa si Shai. Kasunod ng pag-uusap nilang iyon ay niyakap na lang nila ang isa’t isa.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan na putulin ang pag-uusap nilang iyon. Nilamon na ako ng pagnanais na makausap muli si Liam.

“Liam…” pagtawag ko sa kanyang pangalan mula sa kanyang likuran.

Dahil sa ginawa kong pagtawag ay nasaksihan ko kung paano silang tatlo natigilan. Maging si Vinci sa kanilang tabi ay mabilis akong nilingon habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

“Rigo! He’s here! Finally, nagkita rin kayo! Ilang araw mo na rin s’yang hinahanap, ’di ba?” masayang bati sa akin ni Shai matapos nilang magbitaw ni Liam sa pagkakayakap.

Base sa ekspresyon ni Shai ay wala pa itong ideya kung ano ang nangyayari ngayon sa amin ni Liam. Hindi ko rin naman iyon sa kanya ipinaalam dahil ayaw ko itong mag-alala. Isa pa, baka lalo lang akong maguluhan kung mas marami pa ang makakaalam.

Hindi ko sinagot si Shai. Nanatiling kay Liam lang ang aking atensyon.

“Tara na, Vinci.” biglang pagyaya ni Liam kay Vinci at hindi man lang ako tiningnan.

“H-hey! What’s going on?” muling pagsasalita ni Shai at nagtataka na ngayon ang ekspresyon nito.

Nakita kong ngumiti naman ng tipid si Liam kay Shai.

“Take care, Shai. I’ll see you next time.” pag-iwas lang ni Liam at hinalikan ito sa pisngi.

Matapos iyon ay mabilis din itong umalis sa harap ni Shai habang nakayuko. Sinundan naman s’ya ni Vinci na salitan kaming nililingon ni Liam.

Mabilis ako sa ginawa kong pagkilos kaya tumakbo ako para makalapit sa kanya.

“Liam, sandali! Mag-usap naman tayo!” pag-awat ko sa kanya.

“Ako na ang magda-drive, Vinci. Akin na ang susi.” utos naman ni Liam kay Vinci habang patuloy sa ginagawa nilang paglalakad. Hindi rin ako nito sinulyapan kahit na isang beses sa kanyang tabi na patuloy s’yang sinusundan.

Dahil dito ay nagsimula na naman manikip ang dibdib ko. Kung gano’n, iba na pala ang nagmamaneho para sa kanya ngayon na dating ako.

“Liam naman…” patuloy ko pa ring paghabol sa kanya. Naramdaman ko rin na nagsisimula na namang mamuo ang aking mga luha mula sa aking mga mata.

Hindi n’ya pinakinggan ang pakiusap kong iyon sa kanya. Patuloy lang s’ya sa paglalakad habang nakayuko patungo sa sasakyan n’ya.

Nakarating kami sa kanyang kotse na wala man lang s’yang sinasambit kahit na isang salita.

Akmang bubuksan na n’ya ang pinto ng kanyang kotse ay mabilis kong pinigilan ang kamay n’yang iyon.

“Liam, sandali lang naman… Kausapin mo naman ako…” muli kong pakiusap habang hawak ang pulsuhan n’ya. Pumwesto rin ako sa kanyang harap para hindi na n’ya ako maiwasan.

“Alis.” mahina ngunit madiin na utos sa akin ni Liam habang nakayuko s’ya.

“Liam naman… Ano bang kailangan kong gawin para kausapin mo ako..?” tanong ko at hindi ko na napigilan na pumatak ang mga luha ko.

“Sabi ko, umalis ka d’yan!” mas madiin na n’yang utos sa akin sa pagkakataong ito at hindi n’ya pa rin ako magawang tingnan.

Dahil dito ay hindi ko na naman napigilan ang magtaas ng boses dahil sa kanyang pagmamatigas.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako kinakausap!” bulyaw ko sa kanya.

Mukhang nakuha ko ang kanyang atensyon nang sigawan ko s’ya sa pagkakataong ito. Inangat n’ya ang kanyang mukha para magtagpo ang aming mga mata. Ngunit nang tuluyan kong mapagmasdan ang kanyang mukha ay nabigla ako dahil ibang-iba na ito simula nang huli kaming magkita.

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Rigo! Ilang beses ko bang dapat na ulit-ulitin ’yan sa ’yo?!” bulyaw nito sa akin pabalik.

Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ngunit nang masuri ko itong mabuti ay alam kong may ilang gabi na rin itong kinukulang sa tulog dahil malalim ang mga ito. Bakas din sa mga mata n’yang iyon ang pag-iyak dahil bahagyang namumugto ito.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa nakita ko sa kanya. Hindi s’ya ganito noong kasama ko pa s’ya. Wala na ang sigla noon sa mga paningin n’yang iyon.

Dahil dito ay wala na akong naisagot pa sa huling pagsigaw n’ya. Tuluyan na akong nanghina at wala akong nagawa kundi ang yakapin na lang s’ya.

“L-liam… Nakikiusap ako sa ’yo… Ayusin natin ’to…” mahinahon kong pakiusap sa pagitan ng pag-iyak habang yakap s’ya.

Hindi s’ya sumagot. Hindi ko rin naramdaman ang pagtugon n’ya sa aking yakap.

Nasa ganoon kaming tagpo nang sumabat si Shai na sinundan pala kami rito.

“Guys! What the hell is happening?! May hindi ba kayo sinasabi sa akin?!” tanong nito sa amin. Hindi na rin maitatago ang inis nito base sa kanyang tono.

Wala sa amin ang sumagot ni Liam. Nanatili lang akong humihikbi habang kulong ko sa aking mga braso ang mahal ko.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pag-angat ni Liam ng kanyang mga kamay at inilagay iyon sa magkabilang bewang ko. Ginawa n’ya iyon para marahang itulak ako.

“Rigo, please..? Umalis ka na… Nakikiusap na ako…” mahinahon na nitong pakiusap sa akin.

Tanging pag-iling lang ng maraming beses ang naging tugon ko sa sinabi n’yang iyon.

“Sige na naman, Rigz… ’Wag mo na akong pahirapan…” sunod pa nitong pakiusap.

Hindi ko s’ya pinakinggan. Mas hinigpitan ko na lang pagkakayakap sa kanya. Pinaramdam ko sa pagyakap kong iyon na ayaw ko s’yang mawala.

“A-ayoko, Liam… D-dito ka lang… Sumama ka na ulit sa akin… Pakiusap naman… Konti na lang, Liam… Konti na lang… mamamatay na ako ’pag hindi mo pa ako kinausap… Bibigay na ang katawan ko sa kakaisip kung paano tayo nauwi sa ganito… Kaya sige na naman… B-bumalik ka na…” pagtutol ko sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.

“Rigz….” tangi n’ya lang nasambit sa mahinang tono.

Hindi ko na naramdaman ang pagtulak n’ya sa akin sa pagkakataong ito. Iyon na rin ang ginamit kong pagkakataon para makumbinsi s’ya. Kahit pa nahihirapan akong magsalita ay ginawa ko ang lahat para iparating sa kanya ang mga gusto kong sabihin sa kanya.

“L-liam… ’Di ba… ’di ba, masaya naman tayo kahit walang tayo..? Pangako, hindi na ako maghahangad ng higit pa roon… Basta ’wag mo lang akong iwan… Aalagaan lang kita… Susundin ko lang ang lahat ng gusto mo tulad ng ginagawa natin noon… Hindi ako magrereklamo, pangako…” sunod-sunod kong pakiusap.

Hindi pa rin s’ya tumugon. Pero nang maramdaman kong napahigpit ang pagkakahawak n’ya sa aking damit ay nakaramdam ako ng katiting na pag-asa.

“B-baka lang kasi, Liam… Baka lang nakakalimutan mo ang mga pinagdaanan natin..? H-hayaan mong ipaalala ko sa ’yon lahat…” una kong paglalahad sa kanya.

“Natatandaan mo ba noong nag-aaral pa lang tayo..? M-minsan, biniro kita na baka soul mate tayo… Natatandaan mo ba ’yon..?” tanong ko sa kanya habang humihikbi.

Hindi s’ya sumagot kaya ako na rin ang sumagot sa katanungan kong iyon.

“S-sabi ko, soul mate tayo… k-kasi pareho tayong walang kinikilalang magulang… B-baka pinagtagpo tayo kasi pareho tayong malungkot… Kaya baka tayo rin ang dapat na magkasama para mapasaya natin ang isa’t isa…” pagpapaalala ko sa kanya.

Hindi na naman s’ya nakatugon sa pagkakataong ito kaya nagpatuloy pa rin ako.

“N-natatandaan mo ba ’yon..? Alam mo bang ang saya-saya ko no’n kahit tinawanan mo lang ako..? K-kasi… ’yon ang kauna-unahang beses na napatawa kita kahit hindi ako nagbibiro…” pagtatapat ko sa kanya.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak n’ya sa bewang ko.

Kung ang natitirang paraan para makumbinsi ko s’ya ay ipaalala ang lahat ng pinagdaanan naming dalawa sa loob ng sampung taon, idedetalye ko ito sa kanya ngayon.

“N-naaalala mo rin ba noong unang beses na nagsama tayong dalawa sa bahay mo..? Noong unang beses na lumabas tayo..? M-may binato ka ng bola sa amusement center… B-babae pa nga ’yon, ’di ba..? P-pero sa halip na magsorry ka, itinuro mo ako na ako ang nagbato sa kanya… Tawa ka ng tawa no’n, Liam, habang nasa admin office tayo ng mall na ’yon… Ako kasi ang tumatanggap sa reklamo ng babae… Habang paulit-ulit akong humihingi sa kanya ng sorry, nasa isang tabi ka lang at tumatawa…” muli kong pagkekwento sa kanya.

“K-kahit na patuloy akong nakakatanggap ng mura ng babae at ng officers doon, sobrang saya ko no’n dahil nakikita kitang masaya… Napapasaya kita sa bagay na ’yon kaya hinayaan lang kita…” muli kong pagtatapat sa kanya.

Sa pagkakataong ito ay binitawan ko s’ya ngunit inilagay ko ang mga palad ko sa kanyang mukha. Nagtagpo ang aming mga mata at nakita kong nagsisimula na rin maipon ang kanyang mga luha.

“Liam… Kahit paulit-ulit mo pang gawin sa akin ’yon… kahit araw-araw pa… h-hindi ako magrereklamo… Pangako ’yan… B-basta bumalik ka lang…” mas malakas ko nang pakiusap habang hinahaplos ang kanyang mukha.

Nasaksihan ko ang unti-unti n’yang pagbitaw ng tipid na ngiti. Tuluyan na ring pumatak ang mga luhang kanina n’ya pa pinipigilan. Ngunit kasabay ng mga iyon ay umiling s’ya ng marahan tanda na hindi ko s’ya nakumbinsi.

Hindi ko na alam kung paano ko pa s’ya makukumbinsi sa pagkakataong ito. Kahit anong sabihin ko ay mukhang walang magbabago sa desisyong n’yang lumayo.

Unti-unti ay kumilos ako para lumuhod sa kanyang harap habang mahigpit na hawak ang dalawa n’yang kamay.

“Rigo!!” nabibiglang pagtawag sa akin ni Shai. Lalapitan din sana ako nito ngunit mabilis ko s’yang pinigilan.

“’Wag kang makialam! D’yan ka lang, Shai! D’yan ka lang!” sigaw ko sa kanya.

Wala na akong pakialam. Tulad nang sinabi ko, kahit ang magmakaawa at lumuhod ay gagawin ko para lang magbalik kami ni Liam sa dati.

Nakinig naman sa akin si Shai. Napahinto ito sa paghakbang at nagpatuloy sa panonood sa amin ni Liam.

Matapos iyon ay tiningala ko si Liam habang nakaluhod pa rin ako. Nahihirapan na akong huminga at magsalita dahil sa labis na pag-iyak. Pero wala nang makakapigil sa akin. Kung ito na lang ang natatanging paraan para pakinggan n’ya ako, hindi ko na iisipin ang sasabihin sa akin ng ibang tao.

“Liam…. Nagmamakaawa na ako sa ’yo… Nahihirapan na ako… H-hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy kung hindi kita kasama… S-sige na naman, Liam… Hindi na kita sasawayin… hindi na ako tututol sa mga gusto mong gawin… Basta bumalik ka lang… Parang awa mo na….” pakiusap kong muli sa pagitan ng pag-iyak.

“Rigo naman…” tangi n’ya lang nasambit at mas lumakas na ang pag-iyak n’ya.

“Liam, mahal kita!!! Mahal kita at handa akong magpakaalipin sa ’yo kung ’yan ang gusto mo…!!! B-basta ’wag mo lang akong iwan..!!” isinisigaw ko na ang mga salitang iyon sa kanyang harapan.

Sa pagkakataong ito ay nakita ko na ang awa sa mga mata ni Liam. Hindi s’ya makapagsalita at tanging paghikbi na lang ang kanyang nagawa. Nakatitig s’ya sa akin at nakikita ko ang malaki n’yang malasakit sa akin tulad noong nagsasama pa kaming dalawa.

Ilang sandali pa ay unti-unti s’yang ngumiti. Kasunod ng pagngiti n’yang iyon ay dahan-dahan n’yang inangat ang kanyang isang kamay at pinunasan ang mga luha ko sa aking pisngi.

Dahil sa ginawa n’yang iyon ay hindi ko rin naiwasan ang mapangiti kahit patuloy pa rin ako sa aking pag-iyak.

Nararamdaman ko, malapit ko na s’yang makumbinsi dahil nasilayan ko na ang sinsero n’yang ngiti.

Patuloy pa rin s’ya sa ginagawa n’yang pagpahid ng aking mga luha nang sisimulan n’ya sanang ibuka ang bibig n’ya.

Pero…..

“Rigo, itigil mo ’yan!!” malakas na pagsigaw ng isang babae mula sa aming likuran.

Pareho kaming natigilan ni Liam at nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan ko kung sino ang babaeng naririto ngayon bukod kay Shai. Hindi ko nagawang makapagsalita dahil sa pagkabigla.

“MJ…..” mahinang pagbigkas ni Liam sa kanyang pangalan habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

“Itigil mo na ang bagay na ’to, Rigo!!!” sigaw na naman ni MJ at hindi na napigilan ang umiyak din sa pagkakataong ito.

Kasunod ng pagsigaw ni MJ ay ang pagtakbo rin ang kanyang bayaw na si Tristan at ang pinsan kong si Dom patungo sa kanyang likuran.

Nakaramdam ako ng pagkabahala dahil sa presensya ni MJ. Binalot ako ng takot dahil sa senaryong ito.

“Sorry, brad! Nagpumilit na sundan ka! Nagwawala na sa bahay kaya hindi ko na rin s’ya napigilan!” mabilis na padepensa ni Dom. Nang makita n’ya si Liam sa aking harapan ay nanlaki ang mga mata nito at gumuhit ang pag-aalala rito.

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Nanatiling naninigas ang buo kong katawan habang nakaluhod dahil sa labis na pagkabigla.

“Wait!” biglang pagsabat ni Shai habang nakataas ang kanyang mga kamay.

Nakuha n’ya ang atensyon ng lahat kaya sa kanya kami lahat napatingin.

“Care to explain what’s going on?!” tanong n’ya sa amin. Mukhang hindi na n’ya kinaya ang sitwasyon at tuluyan na s’yang naguluhan.

Walang sumagot sa katanungan n’yang iyon. Wala rin ang nangahas na gumalaw sa aming mga pwesto.

Dahil sa walang nakasagot ay si MJ na ang hinarap nito.

“And who are you, Miss?” tanong n’ya rito habang tinuturo ito.

Ilang segundo ang pinalipas ni MJ bago ito nagsalita habang patuloy sa pagpatak ng kanyang mga luha.

“A-ako… Ako lang naman ang ina ng magiging anak ni Rig—”

“Tumigil ka!!!!!” malakas kong pagputol kay MJ sa sasabihin nito.

Lahat sila ay nagulat dahil sa naging pagsigaw ko. Wala na akong pakiaalam sa eskandalo. Hindi ko hahayaan na ituloy ni MJ ang binabalak nitong pagbubunyag sa aming sikreto.

Lahat sila ay natigilan. Ngunit ang mas nakapukaw ng aking pansin ay nang maramdaman ko ang panginginig ng kamay ni Liam na ngayon ay hawak ko pa rin.

Hindi.

Hindi pwede.

Hindi n’ya ito pwedeng nalaman.

Muli kong hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ni Liam.

“L-liam… M-makinig ka… H-halika na… Sumama ka na sa akin… U-umalis na tayo… Pakiusap, Liam… Umalis na tayo!!!” umiiyak ko na namang pakiusap habang nakatingala sa kanya.

Hindi n’ya ako tinugon. Ngunit ang napansin ko, naging sunod-sunod na ang luhang inilalabas nito.

“Liam!!! Umalis na tayo!!!” sigaw ko na naman sa kanya.

“Sinabi ko nang tumigil ka na, Rigo!!!” pagsigaw rin sa akin ni MJ.

“Ikaw ang tumigil, MJ!!!” mas malakas kong pagsigaw sa kanya pabalik.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni MJ dahil sa ginawa kong pagsigaw sa kanya. Kasunod nito ay unti-unti itong nanghina at muntik nang mapaluhod sa kanyang pwesto habang hawak ang tiyan nito. Pero bago pa iyon mangyari ay mabilis s’yang nilapitan ni Tristan at Dom para maalalayan ito.

“Oh my God!” natatarantang sambit ni Shai at naitakip pa ang kanyang mga palad sa bibig n’ya.

Naging magulo na ang sitwasyon pero wala akong pakialam kahit sa nangyayari kay MJ. Mas nakaramdam ako ng pagkabahala nang maramdaman ko ang muntik nang pagbitaw ni Liam sa aking kamay. Naging maagap naman ako kaya hindi rin s’ya nakawala sa pagkakahawak ko. Mas lalo lang akong nabahala nang maramdaman ko sa kamay n’yang iyon na mas doble na ang panginginig nito at nanlalamig na rin ngayon ito.

“Liam… Liam… ’Wag kang bumitaw… Pakiusap… ’Wag kang bumitaw!!” pakiusap ko ka kanya.

Sa halip na sagutin n’ya ako ay mas lumakas lang ang pag-iyak nito habang salitan kami ni MJ na pinagmamasdan.

Narinig ko ang muling pagsasalita ni MJ sa aming likuran.

“Tama na, Rigo… Itigil mo na ’to! Hindi na nakakabuti sa amin ng anak mo ’tong ginagawa mo…!! Maawa ka naman kahit sa anak mo lang..!!” sigaw nito sa pagitan ng pag-iyak.

Muli akong natigilan dahil sa mga sinabing iyon ni MJ. huli na ako para pigilan ito kaya wala akong nagawa kundi ang matulala na lang habang lumuluha.

Maging ang mga naririto ay hindi agad nakapagsalita nang marinig ang anunsyong iyon ni MJ.

“I…. i beg your pardon, m-miss..?” nauutal na pagsasalita ni Shai habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

Ang kaninang nananahimik na si Vinci ay hindi na rin napigilan ang sumabat sa pagkakataong ito.

“A-ano ba ’yang pinagsasabi mo, MJ?! Umuwi ka na nga!! Manahimik ka na!! Wala ka bang ibang gagawin kundi ang ang gumawa ng eksena?!!” nauutal na sigaw nito kay MJ dahil din sa pagkabigla.

“Ikaw ang manahimik dahil wala kang alam, Vinci!” sigaw naman ni MJ pabalik.

Nagbalik ang katahimikan dahil sa ginawang pagsigaw ni MJ. Si Dom ay hindi na rin malaman kung ano ang gagawin kaya naihilamos na lang nito ang sariling n’yang mga palad sa kanyang mukha.

“M-miss… A-anong sinasabi mong anak ni Rigo..?” muling tanong ni Shai kay MJ.

Sinubukang tumayo ni MJ habang inaalalayan ni Tristan bago hinarap si Shai. Patuloy pa rin s’ya sa pag-iyak nang simulan n’yang magsalita.

“A-ang batang dinadala ko… anak ’to ni Rigo…” pagsagot ni MJ sa katanungan ni Shai.

Natahimik na si Shai sa naging pagsagot na iyon ni MJ. Sinulyapan na lang n’ya ako habang nanlalaki ang mga mata nito.

“Tumigil ka na, MJ!!! Sinabi ko nang hindi ako ang ama n’yan!!” muli ko na namang pag-awat kay MJ.

“Ikaw ang tumigil, Rigo! Napapagod na ako sa pagpapa-intindi at pag-intindi sa ’yo! Hanggang kailan mo kami itatago ng anak mo?! Ikaw! Ikaw mismo ang papatay sa kanya kapag hindi mo pa tinigilan ’to!” sigaw n’ya sa akin pabalik.

Naguguluhan na ako. Natataranta na ako. Naging malikot na ang mga mata ko at nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa pag-iisip kung paano ko pa malulusutan ang senaryong ito.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang sapilitang pagbitaw sa akin ni Liam.

“’Wag kang bumitaw!! Sinabi kong ’wag kang bumitaw, Liam!!” sigaw ko sa kanya at mahigpit ko na namang hinawakan ang kanyang mga kamay.

Hindi s’ya nagsalita ngunit patuloy lang s’ya sa pagluha.

“L-liam… ’Wag mo s’yang paniwalaan.. ’Wag mo s’yang pakinggan… S-sa akin… Sa akin ka maniwala, pakiusap… H-hindi ko anak ’yan…” paliwanag ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang mapahagulgol habang nagmamakaawa.

“M-maniwala ka naman, Liam… Mahal kita… Mahal na mahal kita kaya hindi ko magagawa na talikuran ka… Pakiusap… maniwala ka sa akin, Liam…” mas malakas ko nang pag-iyak sa pagkakataong ito.

Hindi pa rin magawa ni Liam ang makapagsalita. Naging malalim ang kanyang mga paghinga habang nakatingin sa aking mukha.

Ilang sandali rin kaming gano’n hanggang sa binasag na n’ya pananahimik naming lahat. Ngumiti ito ngunit bakas ang nakakalunod na lungkot sa kanyang mukha.

“Mahal mo ako, Rigo?” tanong n’yang nakangiti habang patuloy sa pagluha.

“Mahal na mahal, Liam… Mahal na mahal kita… At kahit ilang beses ko pang ipagsigawan ’yan sa mundo, hinding-hindi ako mapapagod na gawin ’yan…” sagot ko sa kanya sa pagitan din ng pag-iyak.

Nang sabihin ko iyon ay mas lumapad ang pagkakangiti n’ya. Ngunit kasabay din ng pagngiti n’yang iyon ay mas dumoble na rin ang mga luhang pinapakawalan n’ya mula sa kanyang mga mata.

“A-anong kaya mong ibigay para sa pagmamahal mo sa akin..?” tanong n’yang nahihirapan.

“Liam, k-kaya kong ibigay lahat… Lahat-lahat… Lahat ng imposible, pipilitin kong ibigay… Basta makita lang kitang maging masaya… Basta mapasaya lang kita… Kaya pakiusap… Bigyan mo pa ako ng pagkakataon…” mahaba kong pakiusap sa pagitan ng pag-iyak.

Humagulgol na s’ya sa pagkakataong ito. Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago s’ya yumuko at hinaplos muli ang mukha ko. Dahan-dahan ay pinunasan n’yang muli ang mga luha ko gamit ang kanyang mga palad.

“L-lahat ba talaga, Rigz..?” tanong n’yang humihikbi.

Hindi ko na magawa pang magsalita. Nahihirapan na rin ang kalooban ko na nakikita s’yang umiiyak. Kaya naman tanging paulit-ulit na pagtango lang ang naisagot ko habang nakaluhod pa rin ako.

Patuloy n’ya pa ring pinupunasan ang mga luha ko nang simulan n’ya ulit magsalita.

“K-kung gano’n, Rigz… G-gusto kong malaman mo na magiging masaya ako kung makikita kong matutupad na ang mga pinangarap mo… ’Yon ang bagay na makakapagpasaya sa akin…” mahinahon n’yang pagsasalita habang humihikbi.

Natigilan ako sa kanyang mga sinabi. Nanigas ako at parang hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

“A-anong ibig mong sabihin..?” tanong kong kinakabahan.

Mas naging malakas ang pag-iyak n’ya sa pagkakataong ito bago n’ya sinagot ang tanong ko.

“T-tuparin mo ang pangarap mong makabuo ng sariling pamilya, Rigz… ’Yan ang bagay na ipinagdamot sa ’yo, at ’yan din ang nag-iisang bagay na gusto kong makamit mo… D-dahil kung matutupad ’yon, ako na ang magiging pinakamasayang tao sa mundo… Gusto kong makita na buo ka, na may matatawag kang sa ’yo lang…” mahaba n’yang pagpapaintindi sa pagitan ng pag-iyak.

Malinaw sa akin ang sinabi n’ya, alam ko ang gusto n’yang mangyari. Pero hindi ko kayang tanggapin, hindi kayang tanggapin ng buong sistema ko.

Gusto kong tumutol, pero hindi ko na magawa pang magsalita. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang lakasan pa ang pag-iyak ko habang patuloy na umiiling bilang pagkontra sa kanya.

“S-sumama ka kay MJ, kailangan ka n’ya, kailangan ka ng magiging anak n’yo… S’ya ang tutupad sa mga pangarap mo, sila ng magiging anak mo…” muli n’yang paliwanag sa pagitan pa rin ng pag-iyak.

“H-hindi… Ayoko, Liam… Ikaw ang gusto ko… Ikaw lang… P-pakiusap.. ’Wag mong gawin ’to…” pagtutol ko habang humahagulgol. Hinawakan ko ring muli ang kanyang mga kamay at paulit-ulit na hinalikan ito.

Muli n’yang ibinalik ang kanyang sarili sa pagngiti kahit patuloy pa rin s’yang lumuluha.

“N-nasaan na si Rigo na walang ibang hinangad kundi ang mapasaya ako..? N-nasaan na si Rigo na walang inisip kundi ang kapakanan ko..? Nasaan na ang Rigo na susundin ang lahat ng gusto ko..?” tanong n’ya sa akin.

Hindi na naman ako makapagsalita. Patuloy lang akong nakikiusap na ’wag n’yang ituloy ang kanyang binabalak.

“S’ya… S’ya ang Rigo na gusto kong makita sa mga oras na ito… Kaya pakiusap… Kung gusto mo akong maging masaya, sundin mo ang kagustuhan ko, Rigo… Nakikiusap ako… Sundin mo ako kung talagang mahal mo ako…” muli na naman n’yang pakiusap.

Tuluyan na akong nanghina sa huli n’yang mga salita. Tuluyan nang nasira ang pangarap kong makasama s’ya habang buhay. Tuluyan na akong binitawan ni Liam.

Wala akong nagawa kundi ang manatili sa pagkakaluhod habang nakikiusap. Naubusan na ako ng sasabihin dahil kahit anong gawin ko ay hindi na n’ya ako pinapakinggan.

Mayamaya pa ay naramdaman kong binibitawan na n’ya ang mga kamay ko.

“L-liam, ’wag… Liam..!!” malakas kong pakiusap at sumigaw sa huli.

“’Wag, Liam!!! ’Wag mong gawin sa akin ’to..!!!” pakiusap kong muli dahil sapilitan na n’yang tinatanggal ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

Ilang beses ko pang sinubukang hawakan s’ya ng mahigpit, ngunit kahit anong pilit ko ay mas naging determinado s’ya na bitawan ako.

Tuluyan na akong naubusan ng lakas nang maging matagumpay s’ya sa pagkakabitaw sa akin.

“V-vinci, tara na…” pagyaya n’ya kay Vinci at mabilis din s’yang pumasok sa kanyang kotse.

Mabilis na sinunod ni Vinci ang kanyang utos kaya pumasok na rin ito agad sa kanyang kotse.

Susubukan ko sanang tumayo para pigilan s’ya. Ngunit bago ko pa maigalaw ang aking isang paa ay muli na naman akong napaluhod dahil sa panghihina.

“Liam…!!!” pagtawag ko sa kanya habang hawak ang kanyang kotse na sinimulan na n’yang paandarin.

Nagpatuloy ako sa pagmamakaawa sa kanya, ngunit sa bawat pagsigaw ko ay ang tuluyan nilang paglayo sa aking pwesto.

“Liam!!!!!” mas malakas kong pagtawag sa kanya habang pinapanood ang paglayo ng kanyang sasakyan sa aking harapan.

“Liam!!!! Bumalik ka!!!” sigaw kong muli sa kanya.

Naramdaman ko ang biglang paglapit sa akin nina Shai at Dom. Lumuhod din sila para pigilan ang pagwawala ko.

“T-tama na, Rigo…” pakiusap ni Shai habang umiiyak na rin sa mga oras na ito.

“Brad, naman…” tangi lang nasabi ni Dom na hawak naman ang braso kong nakaangat dahil sa paghabol ko kay Liam. Ramdam kong pilit n’yang pinapatatag ang kanyang boses ngunit hindi n’ya maitago sa kanyang mga mata ang labis na awa sa aking sinapit.

Nagpatuloy lang ako sa malakas na pag-iyak. Hindi ko matanggap sa sarili kong dito na nagtatapos ang ugnayan naming dalawa ni Liam. Dito na napuputol ang mga pangarap kong binuo kasama s’ya. S’ya na ang kusang bumitaw kahit alam kong kailangan n’ya ako. S’ya na mismo ang nagtulak sa akin palayo. Tuluyan na n’yang sisimulan ang buhay n’ya na hindi ako ang kasama.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras pa kaming naroroon sa aming pwesto. Wala na akong matandaan dahil blangko na ang isip ko. Dilat ang mga mata ko ngunit wala na akong natatandaan sa mga nagaganap sa paligid ko. Ang alam ko lang sa ngayon ay ilang oras na lang ang aming bibilangin para mag-umaga.

Ngayon ay naririto na naman ako sa kotse ko. Tulala at hinahayaan ang mga luha kong patuloy sa pagpatak. Sa tabi ko ay tahimik lang si Dom na sinasamahan ako. Si Shai naman ay nasa likod ng aking kotse na katatapos lang din umiyak dahil sa mga naging tagpo.

“Brad, hinahanap na tayo ni Mommy. Madaling araw na raw kaya nag-aalala na s’ya. Kanina pa raw nandoon si MJ sa bahay noong hinatid s’ya ng bayaw n’ya. Pinasakay ko na lang sila sa taxi kanina para lang makaalis na sila.” pagbasag ni Dom sa mahabang katahimikan habang hawak ang kanyang cellphone.

Hindi ako tumugon. Nagpatuloy lang ako sa pagkakatulala habang lumuluha.

Hindi na muli pang nagsalita si Dom. Nagbalik na ito sa pananahimik. Alam kong sasamahan n’ya lang ako ngayon at susuwayin n’yang muli ang kanyang Mommy.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang malungkot na pagsasalita ni Shai mula sa backseat kung saan s’ya nakaupo.

“What the hell happened, Rigo..?” tanong nito at narinig ko na naman ang kanyang paghikbi senyales na nagsisimula na naman itong umiyak.

Hindi rin ako nakatugon sa kanya. Hinang-hina ang buo kong katawan at kahit ang pagsasalita ay hindi ko na ngayon magawa.

“I thought, you guys, are doing okay..? I even imagined that you two will be like Tom and Xander in the end… ’Coz, I know that you love him for a very long time, Rigz… Then, how this sh*t happened..?” sunod-sunod na tanong ni Shai sa pagitan ng pag-iyak.

Sinubukan ko s’yang sagutin sa kabila ng nararamdaman kong panghihina.

“I… i don’t know, Shai… I don’t know…” mahina kong pagsagot.

“The hell..?!” naging reaksyon n’ya.

Nararamdaman kong magsisimula na akong pagalitan ni Shai. Sisimulan na n’ya akong usisain ngunit mabilis din itong pinutol ni Dom.

“Shai, tama na ’yan. Hindi ito ang oras para sisihin si Rigo, hindi ito ang oras para magsisihan pa tayo. Hindi n’ya rin ’yon ginusto, naniniwala ako sa bagay na ’yon. Pero ano pang magagawa natin? Nandito na ’to. Ang kailangan na lang natin paghandaan, kung paano nila pare-parehong makakayanan ang bagay na ’to.” mahabang pangaral sa kanya ni Dom.

Dahil sa sinabi ni Dom ay natahimik na rin si Shai. Wala na itong nagawa kundi ang ipagpatuloy na lang ang kanyang pag-iyak.

Nagbalik ang katahimikan sa aming tatlo. Patuloy lang akong lumuluha at sinasabayan din ako ni Shai. Si Dom naman ay inaalalayan si Shai sa pamamagitan ng maya’t mayang pagbibigay dito ng tissue.

Nasa ganoon kaming tagpo nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ako nag-abalang damputin iyon, nanatili lang ako sa aking pwesto at hindi gumagalaw.

“Brad, may tumatawag.” wika ni Dom habang hawak ang aking telepono.

Hindi ko s’ya pinansin. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong nawalan ng buhay.

“Si Vinci ang tumatawag, brad. Hindi mo ba sasagutin?” sunod na tanong ni Dom na nag-aalala.

Sa mahabang pagkakatulala ko ay doon ko lamang nagawang igalaw ang ulo ko para lingunin si Dom. Hindi ko maiwasang magtaka kung paano ako nagagawang tawagan ngayon ni Vincu. Ilang araw ko s’yang sinubukang tawagan ngunit hindi ko s’ya makontak, pero ngayon ay s’ya na mismo ang tumatawag sa akin.

“Sagutin mo na. Baka may importanteng sasabihin ’yan? Sigurado, tungkol kay Randy ’yan.” utos sa akin ni Dom habang iniaabot sa akin ang telepono.

Hindi ko alam kung gugustuhin ko pang makausap si Vinci dahil nakakaramdam ako sa kanya ngayon ng labis na inggit. S’ya ang nasa tabi ngayon ni Liam para samahan ito. S’ya ang umaagapay sa kanya na ako noon ang gumagawa para kay Liam.

Pero tulad nga ng sinabi ni Dom, siguradong may kinalaman ito kay Liam dahil iyon lang naman ang maaari naming pag-usapan. Wala nang iba.

“B-bakit?” nanghihina kong sagot sa tawag ni Vinci.

“Taena! Buti sinagot mo!” bungad nito sa akin. Sa tono nito ay para s’yang natataranta.

Hindi ako nakatugon sa sinabi n’yang iyon kaya muli s’yang nagsalita.

“Pasensya ka na nga pala kung hindi kita natawagan para ipaalam kung nasaan s’ya ha? Tinotoo n’ya ang sinabi n’yang babasagin n’ya ang cellphone ko! Nahuli n’ya kasi akong tinetext ka. Kanina lang napalitan ang cellphone ko dahil pinaasikaso ko kay Coke ang line ko.” malumanay na nitong paliwanag.

Naiintindihan ko s’ya sa bagay na iyon. Hindi na rin ako nagulat dahil alam kong kayang gawin iyon ni Liam sa kanya.

“B-bakit ka napatawag?” walang gana ko pa ring pagtatanong kay Vinci at hindi ko na pinansin ang paliwanag n’ya.

Hindi s’ya agad na sumagot sa kabilang linya. Narinig ko muna ang kanyang malalim na pagbuntong-hininga.

“Rigo, aamin ko, may after shock pa rin ako dahil sa nalaman ko tungkol sa inyo ni MJ. Gusto ko pa sanang mag-usisa dahil hindi na rin kayo iba sa akin, pero baka maubusan lang kayo ng oras.” panimula nito.

Dahil sa kanyang sinabi ay nakaramdam ako ng kaba. Mabilis akong umayos ng pagkakaupo at masinsinan na kinausap s’ya.

“A-anong ibig mong sabihin? Anong mauubusan ng oras ang pinagsasabi mo?” tanong kong kinakabahan.

“Rigo, baka may pag-asa pa?! Kausapin mo ulit si Randy! Subukan mo ulit kumbinsihin s’ya. Baka sakaling magbago pa ang isip n’ya!” sagot na n’ya ngayong natataranta.

Napapikit ako at napayuko dahil sa sinabi n’yang iyon. Nagbalik din ang panghihina sa aking katawan.

“Vinci, nakita mo naman, ’di ba..? Sa harap ninyong lahat, s’ya mismo ang nag-utos sa akin na lumayo na ako sa kanya… Kaya paano mo nasabing may pag-asa pa..?” tanong ko sa kanya.

Hindi s’ya nakapagsalita sa kabilang linya kaya nagpatuloy ako.

“Kilala ko s’ya, Vinci. Kilalang-kilala ko s’ya at alam kong paninindigan n’ya ang bagay na ’yon. S’ya ang tipo ng taong kapag gusto n’yang makuha, gagawin n’ya ang lahat para lang mapasakamay n’ya ’yon. Pero ’pag sinabi n’yang ayaw na n’ya, kahit pa anong gawin nating pagpupumilit, hinding-hindi na magbabago ang isip n’ya.” mahinahon kong pagpapaintindi sa kanya.

“So, gano’n na lang ’yon, bro?! E, paano kung sabihin ko sa ’yong baka iyon na ang huli n’yong pag-uusap kanina? Paano kung hindi na s’ya kahit kailan sa ’yo magpakita? Hindi mo pa rin ba susubukan na bawiin s’ya?” sunod-sunod nitong pagtatanong.

Nagbalik ang pagtataka sa akin.

“A-anong ibig mong sabihin?” tanong kong naguguluhan.

Muli kong narinig ang malalim n’yang pagbuntong hininga.

“Nagpaalam s’ya sa mga kompanyang pinapasukan n’yo ng mahabang bakasyon. Noong tinanong ko s’ya kung anong balak n’ya, ang sabi n’ya uuwi raw s’ya sa probinsya namin. Nagpresenta ako na samahan s’ya pero tumanggi s’ya, nagpumilit pa nga ako pero ayaw n’ya talaga. Pero noong tinanong ko s’ya kung kailan ang balik n’ya, hindi n’ya ako masagot ng diretso. Sa tingin ko, may plano s’yang tuluyan nang umalis sa mga pinapasukan n’ya.” mahabang pagbabalita nito sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabing iyon ni Vinci. Labis akong nabigla sa mga nalaman ko.

Gano’n na lang ba ang pagnanais ni Liam na tuluyang magkahiwalay kami?

“Bro, ayaw mo bang subukan ulit? Sa nakita ko kanina kay Randy, alam kong ayaw rin n’yang magkahiwalay kayo. Pero dahil sa nabalitaan n’ya sa inyo ni MJ, baka naman naguluhan s’ya bigla? Nalito! Gano’n! Kaya nga kung makakausap mo ulit s’ya, baka naman may pag-asa pang magbago ang isip n’ya?” mahaba nitong pagkumbinsi.

Napapikit ako at muling nag-isip. Hanggang ngayon ay litong-lito ako.

“Pag-isipian mo, Rigo. Isipin mo, baka ito na ang huling beses na makikita mo s’ya. Sasayangin mo ba ang pagkakataon? Masyado nang maraming masasakit na pinagdaanan si Randy. Kahit hindi naman kami nagkaroon ng pagkakataon na mas magkakilala pa, ayaw ko rin naman makitang nasasaktan ulit s’ya tulad ng sinapit n’ya noon sa ama n’ya.” dagdag pa nito.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Hinihintay ni Vinci ang kasagutan ko ngunit hanggang ngayon ay naguguluhan ako dahil nagbabalik sa aking isipan ang senaryo nang makiusap sa akin si Liam kanina.

“H-hindi ko na alam ang gagawin ko..” nanghihina kong sagot makalipas ang ilang sandali.

Narinig kong muli ang malalim n’yang pagbuntong hininga.

“Uuwi s’ya ngayon sa condo n’ya. Ang sabi n’ya, ihahanda n’ya ang mga gamit n’ya pag-uwi sa probinsya. Kaaalis lang din n’ya rito sa condo ko kaya baka maabutan mo pa s’ya. Kung ako sa ’yo, kumilos ka na d’yan at ’wag mo nang pag-isipan! Isipin mong huling pagkakataon mo na ito, Rigo!” muli n’yang pagkumbinsi.

Naguguluhan na ako, masyado nang maraming bagay ang naglalaro sa utak ko. Pinutol ko ang tawag namin ni Vinci na hindi ko man lang nagawang magpaalam. Pagkababa ko ng telepono ay napasandal na lang ako sa aking kinauupuan at hinang-hina na naman ako.

Nasa ganoon akong tagpo nang magsalita si Dom sa tabi ko. Nawala na rin sa isip ko na kasama ko pa rin pala sila ni Shai sa mga oras na ito.

“Anong balak mo? Dinig na dinig namin ang pag-uusap ninyo ni Vinci.” tanong sa akin ni Dom.

Hindi ko nagawang sagutin si Dom. Nanatili lang akong nakatulala. Sa pagkakataong ito ay si Shai naman ang nagsalita mula sa likod ko.

“Rigo, what if, ito na nga ang huling beses na makakausap mo si Randy..? What if, ito na rin ang huling beses na makikita natin s’ya..? Won’t you even try convincing him..?” tanong sa akin ni Shai.

Muli ay hindi ko nagawang sumagot sa kanila kaya nagpatuloy si Shai sa pagsasalita habang patuloy pa rin s’ya sa pag-iyak.

“Ako na ang natatakot para sa kanya… Matagal na s’yang nasasaktan… Hindi ko na minsan malaman kung paano pa s’ya matutulungan… Ano bang ginawa ni Randy para masaktan s’ya tulad nito…? Gusto ko s’yang makitang masaya… At nakita ko lang ang saya sa kanya simula nang magsama kayong dalawa… Ikaw lang ang nakikita naming makakatulong sa kanya… Please naman, ’wag mo nang dagdagan ang masasakit na pinagdaanan n’ya…” dugtong pa nito.

Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang iisipin ko. Nagtatalo na ang puso at isip ko. Kailangan ako ni Liam pero hindi n’ya ako sinubukang ipaglaban. Kung kailangan n’ya ako, sana ay hindi kami humantong sa ganito, sana ay pumayag s’yang samahan ako kahit nalaman n’ya ang nangyari sa amin ni MJ.

Kilala ko si Liam. Kung gusto n’ya talaga akong makasama, gagawa at gagawa s’ya ng hakbang para mangyari ’yon. Pero anong ginawa n’ya? Sa harap nilang lahat, pinatunayan n’yang wala akong halaga sa kanya. Hindi man lang s’ya nagdalawang-isip at ganoon n’ya ako kabilis na binitawan.

Habang tahimik akong nag-iisip ay binasag muli ni Dom ang aming pananahimik.

“Brad, mahal mo ba s’ya? Mahal mo ba si Randy?” seryoso nitong tanong sa akin.

“Alam mo ang sagot d’yan. Nakita mo kung ano ang mga kaya kong isakripisyo para sa kanya. Ikaw ang dapat na mas nakakaalam n’yan dahil kasama na kita simula pa noong makilala natin s’ya.” diretso kong sagot sa kanya.

“E, bakit nandito ka pa?! Bakit hindi mo pa s’ya sundan?! Brad, kailangan ka rin n’ya, alam ko ’yon! Alam na alam ko ’yon!” balik sa akin ni Dom at hindi na n’ya napigilang bulyawan ako sa huli.

Nagulat ako sa ginawa n’yang iyon. Ang inaasahan ko ay hindi n’ya ako magagawang suportahan tungkol kay Liam lalo na at wala itong magagawa kapag ang Mommy na n’ya ang papasok sa sitwasyon.

“Iniisip mo ba si Mommy? Brad, ’yang nararamdaman mo na ang pinag-uusapan dito, ’yang kaligayahan at kinabukasan mo. Kilala ko si Mommy, at alam kong kilala mo rin s’ya. Oo nga at hindi sa kanya magiging madali ang lahat dahil may pananagutan ka na kay MJ. Pero magagawan naman natin ng paraan, ’di ba? Nandito naman kami, ’di ba? Kailan ba kami nang-iwan dahil lang sa isang problema?” mahabang paliwanag sa akin ni Dom.

Natulala na lamang ako sa kanya. Tama si Dom, nandito pa sila. Nakalimutan ko na may mga kaibigan pa pala akong masasandalan. Dahil sa naituon ko ang lahat ng oras ko kay Liam, nakalimutan kong may mga kaibigan pa rin pala akong maasahan.

“Brad, saka mo na problemahin si Mommy at si MJ. Pero sa ngayon, ayusin n’yo muna ang sa inyo ni Randy. Kausapin mo s’ya, kumbinsihin mo hanggang sa mapaintindi mo sa kanya na malalampasan n’yo ang bagay na ito kahit na maraming hindi sasang-ayon sa inyo.” seryosong pagpapatuloy ni Dom.

Tanging paglunok lang ang nagawa ko habang nakatitig kay Dom. Unti-unti ay nagbabalik ang lakas na nawala sa akin.

Nagpatuloy pa si Dom sa pagkumbinsi sa akin.

“Ito ang tandaan mo, Rigo. Kahit hindi pabor sa iba ang magiging desisyon n’yo, nandito pa naman kami na makakaintindi sa inyo. Kahit tayo-tayo lang. Kuntento naman tayo na tayo-tayo lang ang magkakasama, ’di ba? Para saan pa na magkakasama tayong lahat sa mahabang panahon kung ito lang ang susubok sa atin para magkahiwa-hiwalay tayo?” huling bahagi ng kanyang paliwanag.

Tuluyan na akong nabuhayan. Tama si Dom, kahit naman kami-kami lang, masaya naman kami. Sila na ang maituturing namin na pamilya ni Liam dahil sila na ang nakaramay namin mula sa pangungulila.

Sa pagkakataong ito ay nagsalita na rin si Shai. Bahagya pa itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat.

“Ngayon lang ako mag-a-agree sa pinsan mong na-misplace ang isang turnilyo ng brain n’ya, Rigz… Si Randy ang tunay mong pangarap, ’di ba..? S’ya ang matagal mo nang gustong makuha, right..?” tanong sa akin ni Shai habang nakangiti.

“Bunganga mo, Shai. Ayusin mo ’yan. Pumapatol ako sa babae, baka nakakalimutan mo?” pagsaway sa kanya ni Dom.

“Uh-huh? I’m scared, Domz. Really.” sarkastikong sagot naman sa kanya ni Shai at inirapan pa ito.

Alam kong sinusubukan lang nilang pagaanin ang aking pakiramdam. Nagtagumpay sila, nagawa nila akong mapatawa ng bahagya sa kabila ng aking pinagdadaanan.

“Feeling better?” tanong ni Shai sa akin habang hinahaplos ang aking pisngi.

“Yeah. Thank you.” sagot ko ring nakangiti.

“Tang*na! Kailangan lang pala inaapi muna ako para lang mapagaan ang pakiramdam mo! Brad, FYI lang ha? Ako ang pinsan mo rito! Kadugo! Ako dapat ang kinakampihan mo! Hustisya naman d’yan oh?!” pagmamaktol ni Dom.

Mas lalo lang akong natawa at sinabayan na rin ako ni Shai dahil sa sinabing iyon ni Dom. Ngayon ko lang ulit sila nakasama at hindi ko maikakailang na-miss ko sila. Sayang lang at wala rito si Xander na isa ring panabla sa kalokohan. S’ya na lang ang kulang pati na rin si Liam.

“Paano? Mukhang okay ka na. Pupunta ka na ba sa condo n’ya?” tanong sa akin ni Dom makalipas ang ilang sandali.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

“Susubukan ko ulit s’yang kausapin. Salamat sa pagpapaalala sa ipinangako kong hindi susuko. Mahaba na ang nilakbay ko, ngayon pa ba ako bibigay? Kaya kahit tanggihan n’ya ulit ako mamaya, mag-iisip pa ulit ako ng ibang paraan para baguhin ang desisyon n’ya pati na rin ang isip n’ya.” mahaba at nakangiti kong sagot sa kanila.

Tinapik-tapik ni Shai ang aking pisngi.

“That’s our Rigo boy! Now, move!” masiglang sambit ni Shai at kumilos s’ya papalapit sa akin para halikan ako sa pisngi.

“Kaya mo ’yan! Bring home the devil, este, the bacon!” mapang-asar naman na sambit ni Dom habang tinatapik ako sa balikat.

“Salamat.” sagot ko lang sa kanilang nakangiti.

Kasunod ng pagsagot kong iyon ay mabilis na rin silang lumabas ng aking kotse.

“Ako na ang maghahatid sa sister ng demonyitong si Randy.” nakangiting pagpapaalam ni Dom sa akin habang tinuturo si Shai, ang tinutukoy n’yang kapatid ni Liam.

Nakadungaw na sila ngayon mula sa labas ng aking kotse.

“Good luck, Rigz!” paalam naman sa akin ni Shai at mabilis na hinila ang tenga ni Dom.

“Aray! Aray! Masakit, Shai!” reklamo ni Dom habang hinihila pa rin ni Shai ang kanyang tenga. Gano’n lang sila habang papalayo sa aking pwesto.

Napailing na lang ako habang nakangiti dahil sa kakulitan nilang dalawa.

Hindi na rin ako nagtagal pa sa lugar na iyon at sinimulan ko nang paandarin ang kotse ko para puntahan si Liam.

Pang-ilang beses na ba itong gagawin kong paghabol kay Liam? Hindi ko na mabilang. Simula nang makilala ko s’ya, wala na akong ginawa kundi ang sundan ang bawat pagyapak n’ya. Sinisiguro kong lagi lang akong nasa likod n’ya para maalalayan s’ya kung sakaling magkamali s’ya sa paghakbang n’ya.

Ngayon pa ba ako mapapagod? Hindi. Dahil kung si Liam ang nag-aabang sa akin sa dulo mula sa mahabang pagtakbo, ako na ang magiging pinakamasayang tao.

Halos isang oras din ang aking nilakbay para makarating sa condo building ni Liam. Naririto na naman ako sa pagbabakasakaling makakausap ko s’yang muli at makukumbinsi. Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Dapat ay dagdagan ko pa ang lakas ko para makuha ko s’ya.

Nang makaakyat ako sa palapag kung nasaan ang unit n’ya ay kinatok ko ito ng ilang beses para alamin kung nasa loob na s’ya. Ngunit nang mapansin ko mula sa ilalim ng pinto na walang liwanag na nagmumula sa loob ay doon ko naisip na marahil ay hindi pa ito nakakabalik dito.

Tumayo muna ako sa gilid ng pinto at sumandal sa pader habang naghihintay sa kanya. Nang tingnan ko ang aking suot na wrist watch ay alas dos na ng madaling araw kaya hindi ko na rin naiwasan ang mag-alala kung nasaan na s’ya.

Naisip kong tawagan si Vinci para makibalita sana ngunit natigilan din ako sa pagkuha ng aking cellphone nang mapansin ko ang isang imahe na naglalakad mula sa gilid ng aking mga mata. Mabilis ko itong nilingon at doon ko nakita ang taong hinihintay ko sa mga oras na ito.

Mabagal ang ginagawa n’yang paglalakad habang nakayuko. Bagsak din ang kanyang mga balikat at tila hapong-hapo.

Pinagmasdan ko lang s’ya habang papaliit ng papaliit ang aming distansya. Gusto ko na s’yang salubungin ng yakap, gusto ko na s’yang takbuhin at simulang magmakaawa ulit sa kanya. Ngunit kahit anong subok kong igalaw ang aking katawan ay nanatili na lang din akong nakatulala sa kanya.

Ang taong ito na naglalakad sa harap ko, s’ya ang taong pilit kong inaabot sa loob ng sampung taon. S’ya ang taong gusto kong alagaan habang buhay. S’ya ang taong gusto kong mapasaya sa bawat oras na kasama ko s’ya. S’ya ang pinakamamahal ko. Si Randy Liam.

Ilang minuto rin akong naghintay hanggang sa makarating s’ya sa aking kinatatayuan. Nakayuko pa rin s’ya hanggang sa makarating s’ya sa aking pwesto. At nang mapansin n’ya ang pares ng mga sapatos ko na nakikita n’ya sa ibaba, natigilan din ito.

Nasaksihan ko kung paano n’ya dahan-dahang inangat ang kanyang mukha hanggang sa magtagpo ang aming mga mata.

Ang plano ko sa oras na magkaharap kami ay muli ko s’yang kakausapin at kukumbinsihin. Ngunit nang tuluyan kong masilayan ang kanyang mga mata ay nakaramdam ako ng panghihina.

Ang dating magagandang pares ng mga mata n’yang gustong-gusto kong titigan, ngayon ay wala nang sigla. Ang mga paningin n’yang hindi ko gustong nakikitang lumuluha ay namumugto tanda ng kanyang mahabang pag-iyak.

“R-rigo….” nanghihina n’yang pagtawag sa aking pangalan.

Tuluyan na akong bumigay sa pagkakataong ito dahil sa lungkot ng boses ng mahal ko. Hindi ko napigilan ang mga luha kong pumatak habang nakatingin sa kanya ng diretso.

Hindi ko matanggap sa sarili kong nasaktan ko ang taong isinumpa kong aalagaan ko.

Ako. Ako ang sanhi kung bakit nasasaktan ang taong pinakamamahal ko.

“I… i’m sorry…. S-sorry, Liam…. I’m sorry…” wika kong umiiyak sa kanyang harap.

Sa halip na makiusap ako sa kanya ngayon, iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.

Nasaktan ko s’ya. Sinaktan ko ang taong may pinakamalaki sa aking tiwala.

“S-sorry…. Liam, I’m sorry….” paulit-ulit kong paghingi ng tawad sa kanya.

Tinitigan n’ya lang ako gamit ang malulungkot n’yang mga mata. Nakikita kong nangingilid na rin ang kanyang mga luha, ngunit nasorpresa ako nang magbitaw s’ya ng tipid na ngiti sa kanyang labi.

“Para saan…? Wala kang naging kasalanan, Rigz… Wala ka naman dapat na ihingi ng tawad sa akin dahil hindi ka naman nagtaksil…” wika n’ya sa mahinahong tono.

Inabot ko ang kanyang mga kamay at pinisil iyon. Hindi ko naramdaman ang pagtugon n’ya sa aking paghawak. Mas naramdaman ko ang panghihina ng kanyang katawan.

“S-sinaktan kita, Liam… I’m sorry…” paghingi ko pa rin ng tawad.

Hindi n’ya tinanggal ang tipid n’yang pagkakangiti nang sagutin n’ya ako.

“May karapatan ba akong masaktan, Rigz..? Wala naman, ’di ba..? Hindi ako dapat masaktan dahil wala ka naman obligasyon sa akin… Wala namang tayo, ’di ba..? Kaya wala kang dapat na pagsisihan…” wika n’ya sa malungkot na tono.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Mas naging malakas na lang ang pag-iyak ko dahil sa nakikita kong lungkot ng pagngiti n’ya.

“Umuwi ka na, Rigz… Kailangan ko pang maghanda ng mga gamit ko…” bigla n’yang pagsasalita makalipas ang ilang sandali. Naramdaman ko na rin ang unti-unti n’yang pag-alis ng kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak ko.

Dahil doon ay muli kong naalala ang dahilan kung bakit ako ngayon naririto. Muli kong ibinalik ang mahigpit na pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay.

“L-liam… B-baka naman pwede pa natin ’tong pag-usapan…? Aayusin natin ’to… P-pangako, gagawin ako ang lahat para maayos ’to… Para magbalik lang tayo sa dati… Nakikiusap ako… Bigyan mo pa ako ng pagkakataon…” pakiusap kong muli sa kanya.

Hindi s’ya nakapagsalita. Tanging pagtitig lang sa akin ang kanyang nagawa.

“L-liam naman… B-baka naguguluhan ka lang…? Pakiusap naman… ’Wag kang magpadalos-dalos ng desisyon… K-kung gusto mo… kung gusto mo kakausapin ko silang lahat… Buong pamilya ko… Ipapaliwanag ko kung ano ka sa akin… At kung hindi sila pumayag, handa ko silang talikuran kahit sa kanila pa akp lumaki… S-sige na naman, Liam… Pag-isipan mo naman mabuti ’to…” muli kong pakiusap sa kanya.

Nang matapos ako sa huli kong pakiusap ay napayuko na s’ya. Hindi n’ya man inaalis ang kanyang mga kamay mula sa akin ay naramdaman ko naman ang pagbigat nito. Nakaramdam ako ng takot dahil senyales iyon ng kanyang pagsuko.

“Sa tingin mo ba, Rigz, nabigla lang ako kanina sa naging desisyon ko..?” tanong n’yang bigla sa akin.

Hindi ako sumagot at naghintay na lang ako sa kanyang pagpapatuloy.

“Mali ka, Rigz… Dahil kung ano ang mga sinabi ko kanina, matagal ko nang pinag-isipan ’yon… Matagal ko nang inisip ang bagay na ’yon bago pa ako makagawa ng desisyon…” pagsagot n’ya sa kanyang katanungan.

Natigilan ako sa sinabi n’yang iyon.

“A-anong ibig mong sabihin..?” tanong kong nagtataka habang umiiyak.

Unti-unti ay inangat n’yang muli ang paningin n’ya hanggang sa muling magtagpo ang aming mga mata. Muli n’yang isinuot ang tipid n’yang ngiti nang sumagot s’ya.

“Matagal ko nang alam ang bagay na ’yon, Rigz… Bago pa kanina sabihin ni MJ na nagdadalang-tao s’ya, nalaman ko na ’yon… Nalaman ko na kahit itinago mo ’yon sa akin, Rigz…” pagbubunyag nito sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at tuluyan na akong hindi nakakibo.

Dahil sa naging reaksyon ko ay nagpatuloy pa s’ya sa pagsasalita. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na rin n’ya napigilan na pumatak ang kanyang mga luha.

“N-nagtataka ka kung bakit bigla na lang akong nagbago, ’di ba..? ’Yon ay dahil planado ko na ang pagkakanya-kanya natin simula pa nang makabalik ka…” unang bahagi ng kanyang paliwanag.

“Mula sa pakiusap ko kay Nanay Elise na umuwi ng probinsiya, hanggang sa huling sandali na masaya tayong dalawa… Lahat ’yon, Rigz, plinano ko para maging masaya ang huling sandali na kasama kita…” muli n’yang sambit kasunod ng panibagong pagpatak ng kanyang mga luha.

“Patawarin mo rin ako kung hindi ko rin agad ’yon ipinaalam sa ’yo… Sorry kung hindi kita kinompronta tungkol sa bagay na ’yon… Pero, Rigz, naisip ko kasi, ano nga bang karapatan ko..? Wala… Isa pa, mabuti na rin ito… Masyado na akong naging pabigat sa ’yo… Kaya naisip kong sa pagkakataong ito, ikaw naman dapat ang isipin ko… Ang hinaharap mo…” pagpapaintindi n’ya sa akin.

Lalo na akong nanghina dahil sa nadiskubre ko. Natulala na lang akong lalo at napasandal na lang ako sa pader na nasa likod ko.

Kung gano’n, pinag-isipan n’ya talaga ang bagay na ito. Buo na ang loob n’yang iwan ako simula pa nang makabalik ako.

Hindi ko ito inaasahan. Ang buong akala ko ay magagawa kong baguhin ang isip n’ya dahil sa pag-aakalang nabigla lang s’ya sa kanyang nalaman.

Naiintindihan ko na ngayon at mas naging malinaw na sa akin ang lahat.

Sa ilang araw kong pagkawala, nakagawa na s’ya ng desisyon dahil sinuri at pinag-aralan n’ya itong mabuti. Malinaw na sa akin, hindi ko na magagawang baguhin pa ang kanyang desisyon. Kilala ko s’ya kaya alam kong ito na ang katapusan ng lahat sa aming dalawa.

Habang tulala ako ay naramdaman ko na ang unti-unti n’yang pagbitaw. Tuluyan na akong nawalan ng lakas. Hindi ko na magawang kunin muli ang kanyang mga kamay upang hawakan ulit iyon ng mahigpit.

Nakita ko ang dahan-dahan n’yang pagkilos para makaalis sa aking harapan. Tinungo n’ya ang kanyang pinto at inilagay ang kanyang susi para buksan iyon.

“Liam….” nanghihina kong pagtawag sa kanyang pangalan.

Natigilan s’ya sa ginagawang pagbukas sa kanyang pinto. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong hindi na n’ya ako nilingon ngunit alam kong naghihintay s’ya sa sasabihin ko.

“I-ito ba talaga ang gusto mong mangyari…? H-hanggang dito na lang ba talaga tayo…?” tanong kong nauutal habang nakatanaw sa kawalan.

Naghintay ako ng ilang segundo para sa kanyang kasagutan ngunit hindi ko iyon narinig. Hindi ko na rin nakita pa ang kanyang paggalaw.

“I-ito ba talaga ang makakapagpasaya sa ’yo..? M-magiging masaya ka ba talaga kung sakaling susundin ko ang utos mo..?” tanong ko sa kanyang nahihirapan.

Hindi ito ang gusto ko. Pero para sa kasiyahan n’ya, tutuparin ko ang lahat ng kautusan n’ya kahit labag pa ito sa kalooban ko.

Matapos kong itanong ang bagay na iyon ay nakita kong napayuko s’ya.

“Kilala mo ako, Rigz… Kapag nakapagbitaw na ako ng salita, wala nang makakapagpabago no’n…” nanghihina n’yang sagot.

Hindi iyon ang hinahanap kong sagot. Ang gusto kong malaman ay kung magiging masaya ba s’ya sakaling gawin ko ang utos n’ya.

Binigyan ko ang aking sarili ng ilang segundo para makapagsalitang muli.

Ito na ang huling baraha ko at tuluyan ko nang isusugal ito.

“Kung gano’n, Liam… Sa huling pagkakataon, sana mapagbigyan mo pa ako…” pagsasalita kong muli at saglit na tumigil. “Huli na ito at sisiguraduhin kong tutuparin ko ang kagustuhan mo… Pagkatapos nito, makakaasa kang hinding-hindi na kita guguluhin kahit kailan…” lakas-loob kong pagpapatuloy.

Matapos kong sabihin iyon ay nalaglag ang hawak n’yang susi mula sa kanyang kamay.

Dahan-dahan ko s’yang nilingon. Nasaksihan ko ang panginginig ng kanyang katawan habang dinadampot ang kanyang susi. Dahil sa nakita kong iyon sa kanya ay bahagya akong nabuhayan.

Hindi pa huli ang lahat. Alam kong may pag-asa pa.

Tinuloy ko ang aking pagsasalita bago pa n’ya ako tuluyang iwan dito sa labas. Ngunit ang mga susunod kong salita ay naging napakabigat sa aking dibdib. Ito rin ang naging dahilan para muling maglandas ang masaganang mga luha ko.

“Bigyan mo ako ng tatlong araw para makasama ka pa… Hinihiling kong bumalik tayo sa dati sa loob ng tatlong araw na ’yon, Liam… Babalik tayo sa dati na walang kinakaharap na problema tulad nito… ’Yan lang ang hinihiling ko, Liam, bago tayo tuluyang magkanya-kanya, bago ko isakatuparan ang kagustuhan mong magkaroon ako ng sariling pamilya….” pakiusap ko sa kanya habang umiiyak.

Natatakot ako. Natatakot ako na hindi n’ya ako mapagbigyan sa pagkakataong ito. Dahil kung hindi n’ya pakikinggan ang pakiusap ko, sigurado akong ito na rin ang huling sandali na makakasama at makakausap ko pa s’ya.

Sa pagkakataong ito ay s’ya naman ang natulala habang nakaharap sa kanyang pinto. Ginamit ko ang pagkakataong ito para magpatuloy ako.

“P-pakiusap, Liam… P-pangako, ito na ang huli… Pangako ko ’yan sa ’yo… Balikan lang natin ang sandali na masaya tayo… Gawin natin ’yon sa loob ng tatlong araw… Nakikiusap ako… Bago ko pa harapin ang panibagong buhay na hindi ikaw ang kasama ko…” dagdag ko pang pakiusap sa pagitan pa rin ng pag-iyak.

Hindi s’ya nakatugon. Hindi man s’ya magsalita ay nababasa ko ang nararamdaman n’ya sa mga oras na ito dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng kanyang mga luha.

“Mamaya, hihintayin kita sa estasyon ng bus kung saan tayo nagkita-kita noon para umakyat ng bundok noong nag-aaral pa lang tayo… Sa parehong oras at parehong lugar, hihintayin kita roon…” pagbibilin ko sa kanyang umiiyak.

Iyon ang kauna-unahang beses na nakasama ko s’ya ng matagal. Gusto kong balikan ang paglalakbay naming iyon dahil umaasa akong sa pamamagitan ng gagawin kong ito, magbabalik sa kanya kung paano kami nagsimula.

“Hihintayin kita… Kahit abutin pa ako ng gabi sa lugar na ’yon, hihintayin pa rin kita, Liam…” huli kong pakiusap sa kanya.

Hindi ko na s’ya hinintay pang makasagot. Matapos kong sabibin ang aking mga huling salita ay unti-unti ko na rin s’yang tinalikuran. Naging mabagal ang aking mga paghakbang habang papalayo sa kanya. Patuloy pa rin sa pagpatak ng aking mga luha at labis na takot na ang nararamdaman ko dahil sa maaaring maging resulta ng huling pagsugal ko.

Ito na lang ang nakikita kong paraan para mabawi ko s’yang muli. Ipapaalala ko sa kanya ang mga bagay na pinagsaluhan naming dalawa. Ang mga masasayang bagay na nagagawa namin na magkasama. Nagbabakasakali akong sa loob ng tatlong araw na iyon ay mababago ko ang desisyon n’ya.

Ito na lang ang huli kong pagsugal. Wala na akong magagawa ngayon kundi ang sabayan ng taimtim na dasal na sana ay maging matagumpay ito.

Sana, sa natitirang paraan na ito ay maibalik ko s’ya sa buhay ko.


A/N

Ang haba nito mga sesa!

Anyway, nang masuri kong mabuti ang aking plot, malapit na rin pala itong makumpleto! Malapit na rin palang magtapos ang pangalawang kwento na nagawa ko. Ang sarap sa feeling! 😍

Paano po? ’Til next chapter na lang, mga mahal ko! Babalik tayo sa POV ni Randy. Alamin natin ang pinagdadaanan ng Reyna ng Sampaguita sabi nga ni

alkie02

! Hahahaha!

Usap na lang po tayo sa comments section! Labyu!

–– cold_deee❤

chapter 26

A/N

Yoohoo! Paalala, first part lamang po itong nai-publish ko. Bakit? Dahil hindi kinakaya ni Wattpad ’pag masyadong mahaba ang isang chapter. Kahit ang wattpad ko ay nagloloko ’pag gano’n. Pero sana, sa chapter na ito ay makabawi ako sa mga nakakalungkot na tagpo nitong nakaraan.

Para nga po pala kay

AiraGil0

ang chapter na ito. Salamat sa patuloy na pagbabasa. ❤

Sa inyo rin po, mga mahal kong readers. Salamat sa matiyagang paghihintay ng updates. Labyu!

Enjoy reading chapter 26!

Paki-play n’yo rin po ang nasa media. May pagkakahawig sa story nila lalo na sa unang part kaya ’yan ang naging inspirasyon ko. ’Yan din po ang theme song ni Rigo kay Randy. (Song title: Say You Won’t Let Go - Covered by Boyce Avenue)

––> si Randy po sa media.

![](https://img.wattpad.com/dc677832b1a9b63fa0ebc2b9ab9e806206ec1e40/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6b6362475a6b426a524a4f5346513d3d2d3435393932323936322e313465306134653664643234376639643336343639373534313237322e6a7067)

RANDY’s POV

“Bumigay ka na naman? Hanggang kailan ka ganyan?”

tanong ng taxi driver sa akin habang nanlilisik ang kanyang mga mata dahil sa galit. Kinakausap n’ya ako sa pamamagitan ng rear view mirror ng kanyang minamanehong taxi habang ako ay naririto sa backseat.

Hindi ko magawang sumagot sa sinabi n’yang iyon. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya habang dinadama ang mainit na likidong nagsisimula na namang mamuo sa aking mga mata.

“Gumising ka nga! Hanggang saan mo paabutin ’yang kasamaan ng ugali mo?! Kaya walang may gusto sa ’yo, Randy, dahil napakasama ng ugali mo! Makasarili ka!”

sumbat pa rin nito sa akin.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na nagawa pang kontrolin ang mga luha ko. Hinayaan ko na itong maglandas mula sa mga mata ko.

“P-pangako… I-ito na ang huli… Pagbigyan n’yo na ako… I-ito na ang huling pagkakataon para mapasaya ko ang sarili ko…” pakiusap ko sa taxi driver habang umiiyak.

Mas lalong nanlisik ang mga mata n’ya sa akin. Galit na galit na s’ya kaya wala akong nagawa kundi ang tingnan s’ya na tila nakikiusap at nagmamakaawa.

“Hindi ka lang makasarili, Randy!! Mamamatay tao ka pa!! Pineperwisyo mo ang lahat ng tao sa paligid mo para lang maging masaya ka!! Masama kang tao!! Napakasama mo!!!”

sigaw nito sa akin.

Hindi na ako sumagot sa kanya sa pagkakataong ito. Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko.

Hanggang kailan ba nila dapat ipamukha sa akin na masama ako? Na nagiging sanhi ako ng problema sa mga taong nasa paligid ko? Na wala akong karapatang mabuhay dahil wala akong kwentang tao? Hanggang kailan?

“Sir? A-ayos lang po ba kayo? Ako po ba ang kinakausap n’yo?” biglang tanong sa akin ng taxi driver makalipas ang ilang sandali.

Kung kanina ay galit na galit s’yang nakatingin sa akin, ngayon ay nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking palad bago ko sinagot ang tanong n’ya.

“A-ayos lang po ako, Manong. I-ituloy n’yo lang po ang pagmamaneho hanggang sa makarating tayo roon.” pakiusap ko sa kanya.

Matapos iyon ay hindi na muli pang nagsalita ang taxi driver. Paminsan-minsan na lamang ako nitong sinusulyapan dahil sa pag-aalala.

Ilang araw na ba akong ganito? Hindi ko na mabilang. Simula noong gabing umuwi ako mula sa pagdalaw ko sa ospital kay MJ, hindi na ako pinatahimik ng isip ko.

Lahat ng sumbat, lahat ng paninisi, lahat ay paulit-ulit kong nakikita at naririnig.

Noong una ay nagagawa ko pang kontrolin ito. Pero dahil sa wala silang tigil sa panggagambala sa akin ay napipilitan na rin akong salungatin ang mga sinasabi nilang iyon.

Sinungaling.

Masama ang ugali.

Masamang impluwensya.

Makasarili.

Malas.

Salot.

Walang nagmamahal.

Walang kwentang tao.

Walang karapatang mabuhay sa mundo.

At ang pinakamasakit, mamamatay tao ako.

Lahat ng ’yan ay paulit-ulit nilang isinisigaw sa akin.

Nabibingi na ako. Napapagod na ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko para lang maging maayos ang pakiramdam ko.

Habang patuloy ako sa pagbiyahe ay nanghihina ang katawan kong kumilos para abutin ang bulsa ng bag ko. Mula rito ay kinuha ko ang bote ng gamot ko. Kasunod nito ay binuksan ko naman ang bottled water na hawak ko.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Sabay-sabay kong ininom ang mga tableta ng gamot kong iyon.

Matapos kong inumin ang mga gamot kong iyon ay tinitigan ko ang boteng hawak ko. Ilang segundo rin iyon habang patuloy pa rin sa pagpatak ng aking mga luha.

Habang nakatitig ako sa boteng nasa aking kamay ay hindi ko naiwasang matawa sa sarili ko. Tumatawa ako kahit patuloy pa rin na naglalandas ang mga luha ko kasabay ng mabilis na pintig ng puso ko.

Kahit ilan pa yata ang inumin ko ay hindi na sa akin ito eepekto. Wala nang bisa kahit ilang beses ko pa itong inumin para lang maging maayos ang pakiramdam ko.

Hinayaan ko na lamang ang bigat ng nararamdaman ko. Hinayaan ko na lang na patuloy na naglalandas ang mga luha ko nang maisipan kong sumandal sa kinuupuan ko.

Ganito naman ako sa mga nakalipas na araw, wala nang pagbabago at tila mas lumala pa ito.

Nakakaramdam na ako ng pagod. Gusto ko nang bumigay para lang sa ikatatahimik ng lahat.

Tama nga siguro noon si Papa. Tama nga siguro ang mga taong nakapaligid sa akin magmula pa noong bata ako hanggang sa umabot ako sa edad na ito. Siguro nga ay walang lugar ang kagaya ko rito sa mundo.

Ako. Ako ang sanhi ng pagkasira ng buhay ng iba dahil ako ang nagdudulot ng paghihirap nila.

Tinatanong ko ang sarili ko madalas, nabuhay ba ako para lang panoorin lang silang maging masaya? Naririto ba ako sa ibabaw ng mundo para lang magsakripisyo para sa kasiyahan nila?

Ilang beses na ba akong nagsakripisyo? Maraming beses na. At sa bawat sakripisyo kong iyon ay naiiwan ako sa isang tabi habang tulala at lumuluha.

Wala na ba talaga akong karapatang sumaya? Kahit isang beses lang sana. Bakit ba ipinagkakait ’yon sa akin? May nagawa ba akong malaking kasalanan at pagkakamali sa nakaraang buhay ko para danasin ko ito?

Magmula pa pagkabata, hindi ko pa naranasan na may isang taong magsasakripisyo para sa kasiyahan ko. Ako na lang lagi ang nagsasakripisyo para sa kanila.

Pagod na ako. Pagod na pagod na ako.

“Sir, nandito na po tayo.” biglang pagkausap ng taxi driver sa akin.

Dahil sa mahabang pagkakatulala ay hindi ko na namalayang huminto na pala ang taxi na sinasakyan ko. Hindi ko na rin namalayang nakarating na ako sa aking destinasyon.

Pinunasan ko ang mga luha ko at unti-unting nilingon ang driver.

“M-manong… P-pwede po bang magtagal pa tayo ng kaunti rito..? Dadagdagan ko na lang po ang bayad sa inyo…” pakiusap kong umiiyak sa driver.

Hindi ito agad nakapagsalita. Nang suriin ko ang kanyang mukha ay bakas pa rin sa kanya ang pag-aalala. Marahil ay dahil sa nasaksihan n’ya sa akin ay nakaramdam ito ng awa.

“Sige lang po, Sir.” sagot nito sa akin makalipas ang ilang sandali.

Inayos ko muna ang sarili ko. Nagpakawala ako ng maraming paghinga at inubos ko na rin ang laman ng bottled water ko. Ginawa ko ito para kahit paano ay maging kalmado ako.

Nang masigurong bahagyang maayos na ang aking pakiramdam ay sinuot ko na ang sunglasses ko. Ayaw kong may makapansin na namamaga ang mga mata ko dahil sa mahabang pag-iyak ko.

“S-salamat po, Manong… Sa inyo na po ang sukli…” wika ko at iniabot ang bayad ko sa taxi driver.

Matapos iyon ay kinuha ko na ang aking malaking bag at mabilis na ring lumabas ng taxi na iyon.

Sinimulan ko na ang maglakad para puntahan ang naging dahilan kung bakit ako ngayon naririto sa lugar na ito.

Mataas na ang sikat ng araw at nagsisimula nang maging abala ang lahat. Maingay at magulo ang paligid dahil sa maraming tao na nagkalat.

Nang makalapit ako sa lugar kung saan ko makikita ang aking pakay ay tumigil muna ako sa paglalakad ko. Hindi na ako nag-abala pang ilibot ang aking paningin dahil nakikita ko na mula sa aking pwesto ang hinahanap ko.

Siguro ay may dalawang metro rin ang aming pagitan nang masilayan ko ang likod nitong kilalang-kilala ko. Nakaupo ito sa isang silya habang nakayuko at nakatulala.

Pinagmasdan ko pa s’yang mabuti at hindi ko maiwasang mapangiti habang nasa likuran n’ya ako.

Ang malapad na balikat n’yang iyon, ang mga balikat n’yang paborito kong paglagyan ng aking mga braso para mayakap ito.

Sinunod ko namang titigan ay ang kanyang buhok. Ang buhok n’yang iyon, ang paborito kong hawakan sa tuwing nahihimbing sa pagkakatulog ito.

Ilang araw ko na bang kinasasabikang hawakan at mahaplos ang taong ito? Ilang araw na ba s’yang hinahanap ng sistema ko? Ilang araw o linggo lang iyon pero pakiramdam ko ay maraming taon na ang nagdaan.

Miss na miss ko na s’ya. Miss na miss ko na ang lahat sa kanya.

“Rigo…”

mahina kong pagtawag mula sa kanyang likuran.

Nasaksihan ko kung paano s’ya natigilan. Ilang segundo rin s’yang hindi nakagalaw at mukhang hindi s’ya makapaniwala nang marinig n’ya ang tinig ko.

Makalipas ang kanyang pagkakatulala ay dahan-dahan n’yang iginalaw ang kanyang ulo para lumingon sa kanyang likuran.

“L-liam….”

nauutal at mahina n’yang sambit sa aking pangalan habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Mukhang hindi pa rin s’ya makapaniwala na naririto ako ngayon para katagpuin s’ya.

Iginawad ko ang pinakamaganda kong ngiti na s’ya lang ang kayang maglabas mula sa aking labi.

“Tara na?” tanong kong nakangiti sa kanya.

Nang sabihin ko iyon ay doon lamang s’ya natauhan. Mabilis na gumuhit ang malapad n’yang ngiti. Tila ba nanalo s’ya sa isang laro na may malaking pusta. Kasabay ng ngiti n’yang iyon ay tumayo s’ya mula sa pagkakaupo at halos takbuhin n’ya ang aking pwesto para salubungin ako.

Dito sa gitna ng estasyon ng bus at sa harap ng maraming tao ay sinalubong namin ng mahigpit na yakap ang isa’t isa.

Walang nagsalita sa amin ngunit maririnig ang aming mga pagtawa habang nakakulong kami sa bisig ng isa’t isa. Dama ko ang saya ni Rigo at alam kong dama rin n’ya ang labis na tuwa ko dahil nayakap kong muli s’ya.

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon. Sinulit namin ang mga pagkakataon na hindi namin nayakap ang isa’t isa. Pinaramdam namin sa yakap naming iyon ang pananabik na magkasamang muli na dalawa.

Makalipas ang ilang minuto ay bahagya kaming naghiwalay ngunit hindi pa rin bumibitaw ang aming mga kamay sa katawan ng isa’t isa. Magkalapit ang aming mukha habang sinusuklian ng ngiti ang bawat isa.

“Let’s go?” nakangiti nitong pagyaya sa akin.

“Mmmm.” sagot kong tumatango habang malapad din ang pagkakangiti.

Doon lang namin pinaghiwalay ang aming mga katawan ngunit nanatiling magkahawak ang aming mga kamay.

Dinampot n’ya muna ang aking bag na nabitawan ko kanina nang salubungin n’ya ako. Matapos iyon ay nagpatuloy na rin kami sa aming paglalakad patungo naman sa kanyang kinauupuan kanina.

Habang naglalakad kami ay doon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga taong naririto sa estasyon. Pero wala akong pakialam at alam kong mas walang pakialam ngayon si Rigo. Binalewala namin silang lahat at tanging pagngiti lang ang aming nagagawa.

Kahit ngayon lang, palalayain ko muna ang sarili ko. Hindi ko na muna iisipin ang mga sasabihin ng ibang tao.

Kahit ngayon lang, pasasayahin ko muna ang aking sarili habang kasama ko ang mahal ko.

Kahit ngayon lang, tatlong araw lang ang hinihingi ko para maging masaya sa piling ni Rigo.

“Kumain ka ba? Gusto mo bang kumain muna?” tanong nito sa akin matapos kunin ang bag na iniwan n’ya kanina sa kanyang kinauupuan.

Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad para sumakay naman sa bus na naririto.

“Okay lang ako. Ikaw? Kumain ka ba?” tanong ko sa kanya pabalik.

“I’m okay. Makita lang kita, busog na ako.” masaya naman nitong sagot.

“Ang aga mo namang bumanat?!” buska ko naman sa kanya at bahagya akong napasimangot.

Natawa naman s’ya sa pagsusungit kong iyon.

“Hindi pa ako kumakain, Liam. At alam kong hindi ka pa rin kumakain kahit sabihin mong ayos ka lang. Kaya nga dumaan muna ako sa fastfood kanina para may makain tayo habang nasa biyahe.” natatawa n’yang sagot sa akin.

Nagbalik ako sa pagkakangiti. Kilalang-kilala n’ya talaga ako. Kaya kahit anong pagpapalusot ko rito ay hindi umeepekto.

Patuloy kami sa paglalakad habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak ng aming mga kamay.

Narating namin ang bus na may karatula at nakasulat doon ang lugar kung saan kami noon umakyat ng bundok. Ngunit gumuhit ang pagtataka sa akin dahil nilampasan lamang namin iyon.

“Teka, teka!” pag-awat ko kay Rigo habang hawak ang kamay nito. Naging dahilan tuloy ito para huminto kami sa paglalakad pareho.

Nilingon n’ya ako habang nagtataka ang kanyang ekspresyon.

“Eto ang bus? Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya habang tinuturo ang bus na dapat naming sakyan.

Hindi muna agad s’ya nagsalita. Nagbitaw muna ito ng ngiti bago ako sinagot.

“Magtatanan na tayo. Itatanan na kita, Liam.” sagot nitong nakangiti.

Aaminin ko, kinilig ako sa sinabi n’ya.

Pero…

“Uhm!” sinipa ko s’ya ng mahina sa kanyang binti.

“A-aray…” daing n’ya naman. Dinagdagan n’ya pa ang pagdadrama na akala mo ay masakit talaga. “Joke lang naman. Dito tayo sa kabilang estasyon.” sunod pa nitong pagbawi.

Lalong nangunot ang noo ko sa pagtataka.

“Akala ko ba aakyat tayo ng bundok?!” tanong kong naguguluhan sa kanya.

Nang tanungin ko ’yon sa kanya ay s’ya naman ang nagtaka.

“Sino ba nagsabing aakyat tayo ng bundok, Liam? Dito lang tayo magkikita sa estasyong ito pero hindi bundok ang pupuntahan natin. Bakit ba gusto-gusto mong umakyat ng bundok? ’Yung totoo? Taong-bundok ka ba at nami-miss mo na ang tirahan mo?” sunod-sunod nitong tanong sa mapang-asar na tono.

“Uhm!” sinipa ko na naman s’ya.

“A-aray…” daing n’yang muli. “Joke lang naman!” mabilis n’ya pang pagbawi.

“Rigo naman! Nakita mo ba ’tong suot ko?! Nakapang-hiking ako!” reklamo ko sa kanya habang pinapakita ang damit ko.

Hindi muna s’ya sumagot sa pagrereklamo ko. Ilang segundo n’ya muna akong pinagmasdan bago s’ya lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

“E, ’di magpalit ka muna. Saka kahit naman anong suotin mo, ayos lang sa akin. Mahal na mahal pa rin kita.” sagot n’ya sa akin habang nakangiti.

Naging masama ang pagtitig ko sa kanya kahit hindi n’ya iyon makita dahil sa suot kong salamin, ngunit kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilang ngumiti.

“Tara na. Magpalit ka na lang muna ng damit.” pagyaya na n’ya sa akin ngayong natatawa.

Nagpadala na lang ako sa kanyang paghila pabalik sa loob ng estasyon at tinungo ang CR na naririto. Mabuti naman at malinis ito, dahil kung hindi, baka magreklamo ako dahil pinagbayad nila kami ng sampung piso para lang makapasok dito.

“Akin na ’yan. Dito ko na lang ilalagay sa bag ko.” utos n’ya sa akin matapos kong makapagbihis ng polo, short at sapatos. Kinukuha n’ya mula sa akin ang suot kong damit kanina.

Hindi na sa akin nagrereklamo si Rigo sa mga ganitong gawain ko. Aminado naman ako, maarte talaga ako. Pero kahit ganito ako, tanggap na tanggap iyon sa akin ni Rigo.

Nang makalabas kami ng CR ay muli naming hinawakan ang kamay ng isa’t isa. Nagpatuloy kami sa paglalakad para puntahan na ang kabilang estasyon ng bus. Ngunit bago pa kami tuluyang makatawid sa estasyong iyon ay napahinto kami sa aming paglalakad dahil sa isang pagtawag.

“Randy? Rigo?” boses ng isang lalaki mula sa aming likuran.

Nang lingunin namin ito ni Rigo ay nagulat kami sa taong ngayon ay nakatayo sa aming likuran.

“Daniel??” sabay naming sambit ni Rigo habang gulat na gulat ang aming hitsura.

![](https://img.wattpad.com/41a54959621031c9bea10b2ea4ae8148c0e383ab/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6e4c427871785036795f6a6848773d3d2d3435393932323936322e313465303765656130343739346538313533383639333031343836382e6a7067)

(A/N: Si Daniel po sa picture. ❤)

Lumapit muna ito sa amin para bahagyang yumakap bilang pagbati.

S’ya ang half-brother ng best friend ko na si Xander. S’ya rin ang naging matinding karibal ni Xander sa asawa n’ya ngayong si Tom.

“Anong ginagawa mo rito? Akala ko nasa Baguio ka? Pero teka, kamusta ka na nga pala?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Nag-aalala rin naman ako sa kanya dahil naging malapit na rin s’ya kahit paano sa amin na mga kaibigan ni Xander. S’ya ang nakababatang kapatid ni Xander kaya parang nakababatang kapatid na rin namin ito.

“Ayos lang ako.” una n’yang sagot habang may tipid na ngiti. “Pinapunta ako rito sa Maynila ni Tito Ian para magtraining sa hotel ni Kuya. Si Lojie muna raw ang bahala sa akin habang wala ka, Randy, dahil nakabakasyon ka nga raw.” sagot na nitong seryoso habang nakatingin sa akin.

Ang taong ito, nakikita ko lang ngumiti ng matagal ’pag si Tom ang kausap. Para s’yang ako, masyadong seryoso. Ang kaibahan lang namin, mabait at puro ang puso nito.

Ngayon ko lang din naalalang ngayong buwan nga pala s’ya luluwas dito para magsanay sa pagpapatakbo ng hotel nila na ima-manage n’ya sa Baguio. Ako dapat ang magtuturo sa kanya ng mga dapat n’yang malaman sa pagpapatakbo ng hotel ngunit nangyari naman ang hindi inaasahang bagay sa buhay ko.

“E, bakit nandito ka sa estasyon ng bus? Bakit hindi mo na lang ginamit ang kotse mo?” tanong naman ni Rigo sa kanya.

Nang itanong iyon ni Rigo ay biglang napasimangot ito at marahas na kinamot ang kanyang ulo.

“Tang*na kasi, e!” sambit lang ni Daniel sa mahinang tono. Tila ba may nakakairitang bagay na naalala ito.

“May problema ba, Daniel?” tanong kong nag-aalala.

“Teka, Daniel? Bakit nga pala nakatambay ka rito? Bakit hindi ka pa umuwi sa bahay ng kuya mo? Saka bakit ang dami mong dala?” sunod-sunod naman na tanong ni Rigo habang tinitingnan ang mga bag at mga karton na nasa paanan nito.

Nang tingnan ko ang mga iyon ay parang gusto kong matawa sa kanya. May mga walis tambo pa na may tatak ng Baguio City rito. Nasilip ko rin sa mga karton na maraming strawberries ang naroon. Mayroon ding mga bote na mukhang ube jam at strawberry jam ang laman.

Mas lalong sumimangot si Daniel. Akmang magrereklamo na naman sana ito ngunit hindi na n’ya naituloy dahil sa biglang pagsulpot ng isa pang tao.

“Woi!! Randy!!! Rigo!! Long time, no see!!” malakas na pagbati nito sa amin.

“Ronnie???” sabay naming reaksyon ni Rigo nang lingunin namin ito.

“The one and only!! Popoy da pogi!!” masaya n’yang sagot pabalik.

![](https://img.wattpad.com/a10ebc4f625d6e07beb0ba5e5243b9ce2214aca5/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f346e632d70773851563939714e673d3d2d3435393932323936322e313465303766623133653632383533393636333234353435333437342e6a7067)

(A/N: Si Ronnie/Popoy sa picture. Please lang, ’wag n’yong hanapin sa akin si Basha dahil Basho ang meron si Popoy. Hahahaha!)

Popoy ang palayaw ni Ronnie. Ayaw n’yang magpatawag ng ‘Popoy’ kung hindi raw n’ya close ang kanyang kausap.

Ang daming arte ng punyetang ’to. Akala mo naman artista.

Si Ronnie naman ang best friend ni Tom. Ang isa ring nagkagusto kay Tom pero na-reject din gaya ni Daniel dahil mas mahal n’ya si Xander.

Punyeta talaga ’tong si Tom, inangkin na ang lahat. Muntik pang hindi magtira. Ganda-ganda! Ang sarap ipalapa sa buwaya!

Napapatanong tuloy ako. Mas nakakaakit ba ang mga baklang slow kesa sa baklang matalino? Punyeta talaga!

“Saan ka ba galing, gago ka?! Ang sabi mo pupunta ka lang ng banyo! Tang*na!! Trenta minutos kang nawala! Iniwan mo ako rito para magbantay n’yang mga basura mo!” sigaw ni Daniel kay Ronnie habang tinuturo ang mga gamit na nasa paanan n’ya.

Nagkatinginan kami ni Rigo dahil sa inasal na iyon ni Daniel. Sa pagkakakilala kasi namin sa kanya ay napakatahimik nito at seryoso. Pero ngayon, ang lakas ng boses n’ya at napapatingin na rin ang mga taong naririto.

“Grabe ka naman makasigaw, Danny boy! Kumain lang ako ng squid balls dahil gutom na gutom na ako!” sagot din ni Ronnie ng pasigaw at saglit na tumigil. “Teka, gusto mo ba? Eto, oh! Say ah~~” sunod nitong alok habang inilalagay sa bibig ni Daniel ang stick na may squid ball.

“Tang*na mo! Kainin mo ’yan mag-isa! Kung nagugutom ka pala, bakit hindi mo na lang pinapak ’yang bente kilos na strawberry mo! Para kang gago na nag-uwi ng ganyan karami! May balak ka bang magtayo ng tindahan sa inyo?!” galit na galit na ngayong bulyaw ni Daniel.

Jusmiyo! Hindi na kami makasingit ni Rigo sa kanila. Nagkakatinginan na lang kami at pareho na kaming nahihiya dahil sa lakas ng boses nila.

“Bakit ko papapakin ’yan?! Inuwi ko nga rito sa Maynila para may pasalubong ako tapos kakainin ko lang?!” si Ronnie na sumisigaw na rin.

“Buong barangay ang pasasalubungan mo?! Tang*na ka! Dinaig mo pa ang Mayor ng lugar n’yo!” si Daniel na naman.

“Bakit ba ang init ng ulo mo sa mga pasalubong ko?! Naiinggit ka?! E, ’di sa ’yo na ang walis tambo! Kung gusto mo dalawa pa kunin mo! Pati ’tong squid balls ko, sa ’yo na! Hutaena! Laki ng problema mo!” si Ronnie na naman.

“Aba’t?! Gusto mong ihambalos ko sa ’yo ’yang walis tambo mo?!” si Daniel na pikon na pikon na.

“Wooohhh!! Inggetero sa walis tambo ko!!” si Ronnie na naman.

Akmang susugurin na ni Daniel si Ronnie dahil sa inis ay namagitan na sa kanila si Rigo.

“Tumigil na nga kayo! Nakakahiya na kayo! Tumingin nga kayo sa paligid! Pinagtitinginan na kayo ng mga tao! Pati kami nadadamay sa kahihiyan n’yo!” pagsaway sa kanila ni Rigo habang seryoso ang ekspresyon nito.

Natigilan naman si Daniel. Madali naman itong mapasunod lalo na at mas nakatatanda kami sa kanya.

Mukhang hindi na rin kasi nakatagal si baby Rigz sa eksena nila. Ako naman ay nanghihinayang, nag-e-enjoy pa kasi akong panoorin sila. Hinihintay ko talaga ang magsapakan at magkasakitan sila.

“Luh? Hukingina. Epal din ’tong si Rigo.” bulong ni Ronnie.

“May sinasabi ka?!!” bulyaw ni Rigo kay Ronnie.

“Wala po. Sabi ko, ang gwapo mo. How to be you po?” pagbawi ni Ronnie habang masama ang tingin kay Rigo.

Matapos iyon ay muling hinarap ni Rigo si Daniel. Huminga muna ito ng malalim para kausapin ito ng mahinahon.

“Daniel, umuwi na kayo. Alam kong pagod din kayo at marami pa kayong aasikasuhin. Tawagan mo na lang din ang Kuya mo ’pag nakarating ka na sa bahay nila.” mahinahong pagbibilin ni Rigo kay Daniel.

“Sige, Rigo. Pasensya na.” nahihiyang sagot ni Daniel.

Sa pagkakataong ito ay sumabat na naman si Ronnie sa pag-uusap nilang iyon.

“Sa akin ba, Rigo? Wala ka bang ibibilin?” tanong n’yang nakangiti kay Rigo.

Seryoso pa rin si Rigo nang harapin n’ya naman si Ronnie.

“Get lost.” sambit lang ni Rigo.

“Luh? Pareho kayo ng kuya nitong si Danny boy! Ubod ng sungit! Ganyan ba talaga ’pag model? Hutaena! Ayaw ko na magmodel kung ganyan lang din ang epekto!” mahabang sagot ni Ronnie kay Rigo.

Napailing na lang si Rigo kay Ronnie. Wala na talaga kaming magagawa sa lalaking ito, sumobra sa kakulitan kaya pati si Xander ay gigil na gigil dito.

Kasunod ng pangyayaring iyon ay dinampot na ni Daniel ang ilang mga bag mula sa kanyang paanan.

“Tara na, Popoy! Perwisyo ka talaga! Sinabi ko nang dalhin na lang natin ang sasakyan pero nagpumilit ka pang sumakay ng bus!” bulyaw ni Daniel kay Ronnie habang papalayo na ito.

“Woi! Sandali lang, Danny boy! Bakit mga gamit mo lang ang binitbit mo?! Kunin mo na rin ’tong mga walis tambo! Hindi ko kayang buhatin lahat ’to!” reklamo naman ni Ronnie sa kanya.

“Sa ’yo ’yan, ’di ba?! E, ’di dalhin mo lahat!” sagot lang ni Daniel habang patuloy na naglalakad.

Hindi na sumagot si Ronnie sa pagkakataong ito. Mabilis n’yang inubos ang natitira n’yang squid balls at inisa-isa nang damputin ang mga natitirang gamit nila.

“Mauuna na kami, Rigo, Randy! Ingat kayo sa pupuntahan n’yo!!” pagpapaalam na sa amin ngayon ni Ronnie. Hirap na hirap man sa kanyang mga dala ay hindi pa rin n’ya kinalimutang ngumiti.

“Ingat kayo!” sabay na sambit namin ni Rigo sa kanila.

“Danny boy!! Tulungan mo ako!! Ang bigat oh!! Sige ka, hindi kita bibigyan ng gumamela mamaya!” sigaw na naman ni Ronnie habang sinusundan si Daniel.

Sabay na napataas ang isang kilay namin ni Rigo at napatingin pa kami sa isa’t isa matapos na pagmasdan sila.

Huminto si Daniel at nagdabog ito.

“Tang*na mo talaga! Inis na inis na talaga ako sa ’yong tarantado ka!!” sigaw na naman ni Daniel pero nilapitan na rin n’ya si Ronnie para kunin ang ilang gamit na bitbit nito.

Matapos iyon ay napapailing na lang kami ni Rigo at tinalikuran na rin sila. Nagpatuloy na kami sa paglalakad para makatawid na ng kabilang estasyon.

“Gago rin ’tong si Daniel. Gumamela lang pala ang katapat!” sambit ni Rigo at natawa.

Napataas naman ang isang kilay ko sa naging komento n’ya.

“Bakit? Anong masama sa gumamela?” tanong kong nagtataka.

Mas natawa si Rigo sa tanong kong iyon.

“Mas cute kaya ang sampaguita. Mahalimuyak pa.” sagot nito sa aking natatawa at kinindatan pa ako.

Hindi ko alam kung sinasadya n’yang sabihin iyon. Alam n’yang paborito ko ang sampaguita dahil bukod sa kulay nitong puti, mabango talaga ito. Pero parang kiniliti ako nang sabihin n’yang mahalimuyak ito.

Napakaaga pa para landiin ako ni Rigo. Tirik na tirik pa ang araw kaya ’wag n’ya muna akong simulan.

Hindi ko na lang sinundan pa ang sinabi n’yang iyon. Naikagat ko na lang muli ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti ko. Pero ang baby Rigz ko, tawa na ng tawa sa tabi ko.

Nang makasakay kami sa bus na kanyang sinasabi ay hindi ko maiwasang magtaka.

“Batangas tayo pupunta?” tanong ko sa kanya habang umuupo sa silyang malapit sa bintana.

“Baka sa Bicol, Liam? Batangas nga ang nakalagay sa karatula, ’di ba?” pamimilosopo n’ya habang inilalagay ang mga gamit namin sa itaas na bahagi.

“Uhm! Umayos ka! Tinatanong ka ng maayos!” buska ko sa kanya at kinurot ko ang puson n’ya. Umangat kasi ang suot n’yang polo shirt kaya lumantad sa akin ang parte ng katawan n’yang iyon.

Sa halip na masaktan s’ya ay natawa pa s’ya.

“Nakiliti ako do’n ah?” malawak ang pagkakangiti n’yang reaksyon habang nakahawak sa kanyang puson. Kasunod nito ay umupo na rin s’ya sa tabi ko.

Hindi ko s’ya tinugon. Sinimangutan ko lang s’ya.

“Halika nga rito! Na-miss kita!” sambit n’ya at niyakap ako.

“Tumigil ka nga, Rigz! Ang daming pasahero oh!” palag ko sa kanya habang tinuturo ang mga taong malapit sa aming inuupuan.

Hindi n’ya pa rin ako binitawan sa pagkakayakap n’yang iyon sa kabila ng pagsaway ko sa kanya.

“E, ano naman?! Hinipuan mo nga ako kanina tapos ngayon ka pa mahihiya?!” pag-aakusa n’ya sa akin.

Naibuka ko ang aking bibig at nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n’yang iyon.

“Gago ka talaga! Hindi kita hinipuan!” pag-alma ko sa kanya at kinurot s’ya sa braso. Sa pagkakataong ito ay nilakasan ko na ang pananakit sa kanya dahil sa sinabi n’yang iyon.

Ang akala ko ay magrereklamo s’ya sa pagkurot ko sa kanya, pero naging dahilan pa ito ng mas malakas n’yang pagtawa.

“Sige, Liam. Isisigaw ko talaga rito na hinipuan mo ako ’pag ayaw mo pang magpayakap.” pilyo n’yang pagbabanta habang taas-baba pa ang kilay n’ya.

“Nakakaninis ka!!” iyon na lang ang nasambit ko dahil sa pagsuko.

Wala na akong nagawa, bumigay na lang ako. Baka maakusahan pa ako nitong baklang nanggahasa ’pag hindi ko pa s’ya sinunod.

Mas lumakas lang ang naging pagtawa ni Rigo.

“Na-miss ko talaga ang prinsesa ko!” sambit n’ya na namang gigil na gigil at hinalikan ako sa ulo.

Dahil sa huli n’yang sinabi ay agad na nawala ang inis ko. Ilang segundo muna akong hindi gumalaw. Ngunit makalipas ang ilang segundong iyon ay gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi.

“Ako rin, na-miss ko ang baby Rigz ko.” sambit kong mahina at niyakap na rin s’ya pabalik.

Halo-halo ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nalulungkot ako dahil ilang araw ko lang s’yang makakasama, pero nag-uumapaw ang aking saya dahil kasama ko ngayon s’ya.

Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon ni Rigo, kulong namin sa bisig ang isa’t isa at dinama ang aming pangungulila sa ilang araw at linggong hindi nagkasama. Wala kaming pakialam kung may nakakakita man sa amin ngayon, ang mahalaga ay napapasaya namin ang isa’t isa. Hindi naman sila ang magbibigay ng kasiyahan sa amin kaya hindi kami dapat magpaapekto sa sasabihin nila.

Makalipas ang ilang sandali habang nasa ganoon kaming tagpo ay nakarinig kami ng pagtikhim mula sa gilid ng inuupuan naming dalawa.

“Ehem! Mamaya na po ang lambingan, mga boss. Ticket muna. Inspection lang bago makaalis ang bus.” pagputol ng konduktor ng bus.

Doon lamang kami napaghiwalay mula sa pagkakayakap ni Rigo.

“Ay, sorry! Eto, oh.” sambit ni Rigo at ipinakita ang ticket na nabili n’ya siguro ng mas maaga kanina.

“Punyeta. Istorbo.” sambit ko namang mahina at nagsalong-baba ako sa tabi ng bintana.

Ilang segundo rin silang magkausap ng konduktor na iyon. Matapos ang pag-inspekyon ng aming tiket ay muli akong binalikan ni Rigo habang malapad ang pagkakangiti nito.

“Gusto mo bang kumain muna, Liam?” tanong n’yang nakangiti.

Hindi ko muna s’ya sinagot matapos ko s’yang lingunin, pinagmasdan ko muna s’yang mabuti. Habang nakatitig ako sa kanyang mukha ay hindi ko maiwasang mapangiting muli. Mabilis na nawawala ang inis ko sa tuwing nakikita kong ganito kaaliwalas ang mukha ni Rigo.

“Sige.” sagot ko na sa kanyang nakangiti.

Mabilis na kumilos si Rigo para kunin ang binili n’yang mga pagkain. Nagsimula na ring umandar ang bus na aming sinasakyan.

Wala akong masabi kay Rigo sa mga pagkakataong ganito, bukod sa asikasong-asikaso n’ya ako ay kompleto ang mga dala n’ya. Sinisiguro n’ya ring ang mga kakainin ko ay makabubuti sa kalusugan ko.

Matapos ang aming pagkain ay saglit kaming nagpahinga. Ilang sandali pa ay muli n’ya akong inakbayan at iginayang umayos sa pagkakaupo.

“Halika rito, sumandal ka muna sa akin. Mahaba pa ang biyahe kaya matulog ka muna.” utos n’ya sa akin habang nakangiti.

Ngumiti muna ako sa kanya pabalik.

“Matutulog ka rin?” tanong ko sa kanya.

Tumango naman s’ya habang malapad pa rin ang pagkakangiti. Matapos iyon ay kumilos na ako para ihilig ang aking ulo sa kanyang balikat matapos n’ya akong akbayan.

“Sweet dreams, my princess.” wika n’yang malambing at hinalikan ako sa noo.

Ang sarap sa pakiramdam. Napakagaan ng aking kalooban habang binabalikan ang mga sandaling ginagawa sa akin ito ni Rigo.

“Sweet dreams, baby Rigz.” malambing ko ring sagot sa kanya pabalik bago ko ipinikit ang mga mata ko.

Mahimbing ang naging tulog ko dahil nasa tabi ko si Rigo. Naging payapa rin ang pakiramdam ko. Ibang-iba ito sa mga nagdaang gabi na hindi ko s’ya nakakasama. Mga gabing lumilipas na puro pag-iyak lang ang nagagawa ko dahil hinahanap-hanap ko ang mga yakap at halik n’ya. Mga nakalipas na oras na gusto kong marinig ng paulit-ulit ang kanyang mga salitang nagiging dahilan para maging maayos ang pakiramdam ko.

Ito. Ito ang bagay na nawala sa akin sa mga nakalipas na araw at gabi na wala sa piling ko si Rigo.

Sa mahabang pagtulog ko hanggang sa magising ako ay naroon pa rin si Rigo. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para kamustahin ito. Ngunit nang tuluyan ko s’yang masilayan ay nasorpresa ako dahil nakatitig lang ito sa akin ngayong mga oras na ito.

“Hindi ka natulog?” tanong ko sa kanyang mahina.

“Hindi.” sagot n’yang nakangiti.

Nakaramdam ako ng pag-aalala. Alam kong kinukulang din ito sa tulog gaya ko dahil nakikita kong malalim din ang kanyang mga mata.

“Bakit?” tanong ko sa kanyang nag-aalala.

Mas lumapad ang pagkakangiti n’ya bago ako nito sinagot.

“Gusto lang kitang titigan buong araw. Ayaw kong sayangin ang oras na kasama kita, Liam.” sagot n’yang malambing.

Parang tinutunaw ang puso ko dahil sa mga sinabi n’yang iyon. Pareho lang kami, bawat oras at segundo ay gusto kong maging makabuluhan hangga’t magkasama kami.

Dahil alam ko, darating din ang oras na haharapin na namin ang reyalidad. Na kakailangan na s’ya ng magiging pamilya n’ya, ng mga taong makakasama n’ya hanggang sa pagtanda n’ya.

Sa madaling salita, ang tatlong araw na makakasama namin ang isa’t isa ay isang hiram na sandali lang.

Tatlong araw. Tatlong araw lang ang aking bibilangin bago ko tanggapin sa aking sarili ang aking magiging kahihinatnan.

Alam ko na ang mga magaganap. Lumalabas na ang senyales sa akin at hindi ko na ito makontrol pa.

Aaminin ko na, dahil sa nakasanayan kong nasa tabi ko lang lagi si Rigo, hindi ko na namamalayan na hindi ko na pala kakayanin ang tumayong mag-isa sa sarili kong mga paa. Sa kanya ko na inasa ang pamumuhay ko sa araw-araw. Sa kanya na nakadepende ang magiging resulta ng bawat sandali ng buhay ko sa mundong ibabaw.

Nararamdaman ko sa aking mga mata na nagsisimula na namang maipon ang aking mga luha. Kaya sa halip na paabutin ko pa sa gano’n ay isinubsob ko na lamang ang aking mukha sa leeg ni Rigo at niyakap pa ito ng mahigpit.

“Gusto kong sabay tayong matulog, Rigz.” sambit kong mahina at may halong lambing.

Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa.

Ang sarap sa pandinig ng pagtawa n’yang ito. Gusto kong sulitin ang pakikinig sa maganda n’yang tinig hangga’t kasama ko s’ya. Dahil matapos ang tatlong araw, hindi na ito muling maririnig ng aking tenga.

“Oo na. Sige na, matutulog na ako.” sambit n’yang natatawa at hinalikan muli ako sa ulo.

Muli kong ipinikit ang mga mata ko at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa mahal ko.

Sa pangalawang pagkakataon na nakatulog ako ay naging matiwasay ito. Iba talaga ’pag si Rigo ang nasa tabi ko. Lahat ng kinatatakutan ko ay hindi nagpapakita kahit na isang segundo. Maging ang lungkot na namamayani sa dibdib ko ay hindi ko maramdaman tuwing hinahaplos n’ya ako. Nararamdaman ko ang seguridad at nagiging matatag ako dahil alam kong hindi n’ya ako pababayaan.

Pareho kaming naalimpungatan ni Rigo nang marinig namin ang pagtawag mula sa tabi ng aming pwesto.

“Mga boss, nandito na po tayo.” ang konduktor pala ng bus na aming sinasakyan.

Nilibot ko ang paningin ko. Kami na lang pala ang sakay ng bus at mukhang nakababa na ang ibang pasahero.

“Ah… Salamat, boss.” wika ni Rigo sa konduktor.

Matapos iyon ay doon lamang ako nilingon muli ni Rigo.

“Tara na, Liam.” pagyaya naman nito sa aking nakangiti habang tumatayo.

Nasaksihan ko kung paano nag-inat si Rigo ng kanyang brasong ginamit kong unan sa pagtulog ko.

“Sorry, Rigz.” nahihiya kong sambit habang tumatayo.

Mas lalo lamang itong ngumiti at inalalayan pa akong makalabas sa aming kinauupuan.

“Kahit habang buhay ka pang matulog sa balikat ko, walang problema. Mas magiging masaya pa nga ako.” sagot n’ya sa sinabi ko.

Bakit ba ang bilis n’yang makaisip ng mga salitang alam n’yang hindi ko kayang tugunan dahil sa hiya at kilig?

Kinurot ko s’yang muli para lang makaiwas sa pagngiti ko.

“Aray! Bakit ba masyado kang mapanakit, Liam?!” natatawa n’yang reklamo habang hinihimas ang kanyang bewang na kinurot ko.

“Hindi kasi bagay sa ’yo! Napakalandi mo!” buska kong nakasimangot sa kanya.

Sa halip na maapektuhan sa sinabi ko ay nagpakawala pa ito ng nakakalokong ngiti.

“Ayiiee~ Hindi mo pa aminin, Liam, kinikilig ka rin ’no?” tanong n’yang nakakaloko.

“Aba’t—” muli ko sana s’yang kukurutin ngunit nakarinig naman kami ng pagtikhim.

“Ehem! Mga boss, okay lang ba kung sa baba n’yo na lang ituloy ang paglalambingan n’yo? Kayo na lang po ang laman nitong bus oh? Magre-remit pa ako, e.” pagputol sa amin ng konduktor.

Kanina ko pa napapansin ’tong konduktor na ’to. Sa tuwing naghaharutan kami ni Rigo, pinuputol n’ya kami. ’Yung totoo? Naiinggit ba ’to?!

“Ah… P-pasensya na, boss. Sige, bababa na kami.” nahihiyang sambit ni Rigo at nagkamot ng kanyang ulo.

Tumango lang ang konduktor habang seryoso ang ekspresyon nitong nakatingin kay Rigo.

Kasunod ito ay kinuha na ni Rigo ang aming nga gamit sa itaas na bahagi ng aming kinauupuan.

“Tara na, Liam.” pagyaya sa akin ni Rigo at hinawakan na ang kamay ko.

Sinimulan na namin ang maglakad para makababa na ng bus na iyon. Pero habang naglalakad ako ay hindi napuputol ang pagtitig ko sa konduktor na sinusundan pa rin ang kilos namin ni Rigo. Seryoso pa rin ang kanyang ekspresyon at hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nito.

Habang patuloy pa rin kaming naglalakad ni Rigo ay hinubad ko ang salaming suot ko. Hindi ko na natiis ang magsalita sa pagkakataong ito para komprontahin ang konduktor na iyon.

“Istorbo! Impakto ka! Inggetero! Animal ka! Ang sarap mong kutusan, animal k–– umpp!!” hindi ko na naituloy ang pang-aalipusta ko sana sa konduktor na iyon.

“Tama na ’yan, Liam. Hayaan mo na s’ya.” natatawang pagpigil sa akin ni Rigo habang akbay ako at takip n’ya ang bibig ko.

Napapailing na lang ang konduktor na iyon habang nakangisi. Tama nga ako, inggetero s’ya. Wala siguro s’yang girlfriend o boyfriend kung bakla man s’ya.

“Hayaan mo na nga!” natatawa pa rin si Rigo na hinihila ang kamay ko nang makababa kami ng bus na iyon. Nanatili kasi akong nililingon ang bus kahit na binitawan na ni Rigo ang bibig ko.

Sinunod ko na lang si Rigo. Magpasalamat talaga ang konduktor na iyon at inawat ako ni Rigo. Dahil kung hindi, lagot s’ya kay Rigo. Kay Rigo talaga s’ya lagot dahil alam kong ako ang kakampihan ni Rigo.

“Tara, Liam. Doon tayo.” nakangiting pagyaya sa akin ni Rigo at itinuro nito ang pila ng mga tricycle.

“Walang taxi? Nag-bus na nga tayo tapos tricycle naman ngayon? Anong kasunod? Kalabaw naman?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

“Wala! Ito na ang last!” sagot n’yang natatawa.

“Maalog d’yan, e.” simple kong pagkontra sa pagsakay sa tricyle.

“Mamili ka, maglalakad tayo ng halos dalawang oras o sasakay tayo d’yan?” tanong n’ya pabalik.

“Sasakay d’yan, s’yempre!” mabilis kong sagot habang nakasimangot.

Tanging malakas na pagtawa na lang ang naisagot ni Rigo dahil sa sinabi ko.

Ang saya-saya n’ya talaga. Kung sabagay, wala na rin mapaglagyan ang saya ko sa mga oras na ito dahil kasama ko s’ya.

“Manong, sa Hacienda RoJaSil po. Doon po sa may norte.” pagbibigay ng impormasyon ni Rigo sa tricycle driver.

Napansin kong natigilan ang tricycle driver na aming sasakyan matapos iyon sabibin ni Rigo. Hindi nito naituloy ang pagpadyak ng kanyang paa para paandarin ang kanyang sasakyan.

“May problema ba, Manong?” tanong ko agad sa driver. Atat na kasi akong makarating sa pupuntahan namin ni Rigo.

Sa halip na sagutin ako ng driver ay tinitigan nito si Rigo sa hindi ko malamang dahilan.

“Sige na po, Manong.” pagkausap na rin ni Rigo sa driver at kinindatan pa ito.

Salitan ko silang pinagmasdan. At makalipas ang ilang segundo ay sumilay ang ngiti sa driver na aming sasakyan.

“Sakay na, sir!” masaya na nitong paanyaya sa amin.

Gusto ko sanang magtanong kung type ba nila ang isa’t isa dahil sa mga tinginan nila. Pero isinawalang bahala ko na lang dahil alam kong imposibleng mangyari ang bagay na iyon lalo na at matanda na ang driver. Isa pa, sa akin lang magkakagusto si Rigo, wala nang iba. Period.

Pinagkasya namin ni Rigo ang aming mga sarili sa loob ng tricycle. Bagama’t masikip dito, ayos lang naman sa akin dahil magkadikit pa rin kami ni Rigo.

Inilagay ni Rigo ang aking mga braso paikot sa kanyang braso nang simulan ng driver ang pagmamaneho.

“Kapit ka, Liam. Baka malaglag ka.” paalala n’yang natatawa.

Nangunot naman ang noo ko. Paano ako malalaglag dito kung ako ang nasa pinakaloob at katabi ng driver? Sa kanang bahagi ko naman ay si Rigo na s’yang nakaharang sa pasukan.

“Saan ako malalaglag?” tanong kong nagtataka habang inililibot ng aking paningin ang loob ng tricycle. Mabibilang ko pa lang kasi sa aking daliri kung ilang beses pa lang akong nakakasakay sa ganitong uri ng sasakyan. Maaaring may hindi pa ako nalalamang parte ng tricycle na biglang bubukas at mahuhulog na lang ako sa kalye.

“Sa akin. Baka ma-fall ka sa akin. Kaya kapit lang ha?” pilyo n’yang sagot habang nakangiti.

Doon lamang ako tumigil sa pagtingin sa loob ng tricycle at nilingon s’ya habang masama ang aking tingin.

“Baka gusto mong ikaw ang ihulog ko rito?” pagbabanta ko sa kanya. Pinipilit kong itago ang kilig ko.

“Hindi na kailangan. Matagal na akong na-fall sa ’yo. Ten years ago pa.” sagot n’ya pa ring nakangiti.

Wala na akong nagawa. Kahit pigilan kong ngumiti ay hindi ko na kinaya. Mas niyakap ko na lang ang kanyang malaking braso at itinago ko sa likod ng kanyang balikat ang aking mukha para hindi n’ya mapansin ang pamumula ng aking mukha.

Kasunod ng aking ginawa ay narinig ko ang malakas na pagtawa ni Rigo.

Punyeta. Nahuli n’ya pa rin yata ako.

“Ilang minutes pa ba tayong magbibiyahe, Rigz?” nahihiya kong pagtatanong at pag-iiba na rin ng usapan.

“Thirty minutes pa.” natatawa n’ya pa ring sagot.

Matapos iyon ay hindi na ako nagtanong pang muli. At dahil nakadikit na rin sa aking mukha ang katawan ni Rigo ay inabala ko na lang ang amuyin s’ya.

Na-miss ko ang amoy na ito ni Rigo. Ang paboritong pabango n’yang dumidikit sa kanyang polo, maging ang natural n’yang amoy ay na-miss ko.

“Baka maubos ang amoy ko, Liam?”

Nagulat ako nang bigla iyon sabihin sa akin ni Rigo makalipas ang ilang sandali.

Pinalo ko ang kanyang balikat dahil sa walang tigil na pang-aasar n’ya sa akin. Naging dahilan tuloy ito para muling magtagpo ang aming mga mata.

“Isa pa!” pagbabanta ko na naman sa kanya.

Mas lalo lang akong tinawanan ng loko. Tuwang-tuwa s’yang nakikitang naiinis at nahihiya ako.

“Joke lang! Dito ka na lang kasi sa labas tumingin! Mas maganda ang tanawin oh?” pagbawing utos naman n’ya sa akin at kinurot pa ang ilong ko ng marahan.

Nang sabihin n’ya iyon ay doon ko lamang napansin na maganda nga ang tanawin na aming nadadaanan. Maraming puno at may malawak na parang. At kahit mainit sa mga oras na ito dahil katatapos lang ng katanghalian ay napakapresko ng hangin ang sumasalubong sa amin.

“Rigz! Ang daming tupa!” mangha kong sambit nang makita ko ang pinapastol na mga hayop na iyon. “Ayun, may mga kabayo rin!” sunod kong pang sambit habang tinuturo naman ang grupong iyon sa malayo.

“Yeah. Nandito kasi tayo sa west kaya puro hayop ang makikita mo. Sa south naman, mas malawak na taniman ng pinya, niyog at kape ang nandoon. At sa east naman, koprahan at pabrika ang nandoon.” sagot n’ya sa akin at hindi ako nilingon.

“Ahhh….” reaksyon ko lang habang tumatango.

Wala akong naintindihan sa totoo lang. Masyado na rin kasi akong naging abala sa pagtingin sa magandang tanawin sa aming harapan.

Makalipas pa ang ilang minutong pagbiyahe ay napansin kong papaakyat na kami sa mas mataas na lugar. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil parang nakakaamoy ako ng dagat. Hindi lang iyon, parang naririnig ko na sa aking tenga ang paggalaw ng tubig na nagmumula rito.

“Malapit na tayo.” sambit ni Rigo.

Tanging pagngiti lang ang naitugon ko sa kanya. Sa wakas ay makakalabas na rin ako sa tricycle na ito dahil nangangawit na rin ako sa pagkakaupo.

Habang papalapit kami sa aming destinasyon ay hindi ko maiwasang magtaka sa tanawing aming nadadaanan. Tila ba nagiging pamilyar na sa akin ang kapaligiran.

Ilang minuto pa nga lang habang patuloy sa pagtakbo ang aming sinasakyan ay nakumpirma ko na ang aking hinala. Halos mailuwa ko ang aking mga mata nang masilayan ko sa labas ng tricycle ang isang batang lalaking tumatakbo. Kumakaway ito sa amin habang sinasabayan ang pagtakbo ng aming sinasakyan.

“Pareng Rigo!!! Bes Randy!!!” pagtawag nito sa amin habang malapad ang pagkakangiti.

Hindi ako makapaniwala. Nagbalik pala kami sa lugar na ito?

“Rigz!! May kutong-lupa!! Tingnan mo!! May kutong-lupa!!” sigaw ko rin habang tinuturo ang bata.

Tawa lang ng tawa si Rigo habang patuloy kami sa pagsisigawan ng bata.

“Ar-Ar!!” nakangiting sigaw ni Rigo sa batang sinasabayan kami mula sa labas.

Habang patuloy sa pagtakbo ang tricycle ay binalingan kong muli si Rigo habang masaya ang ekspresyon ko.

“Rigz, bumalik tayo rito??” tanong kong masaya sa kanya.

Nilingon n’ya akong muli at hinawakan ang aking isang pisngi. Magkalapit ang aming mukha at nagbitaw s’ya ng matamis na ngiti.

“Yup. Bumalik tayo sa ating paraiso, Liam. Dito sa ating tahanan.” sagot n’yang nakangiti.

Kasunod ng sinabi n’yang iyon ay ginawaran n’ya ako ng masuyong halik sa labi. Hindi na namin alintana kahit nasa loob pa kami ng tricycle na patuloy pa rin sa pagtakbo.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit na labi ni Rigo. Parang naging mabagal din ang oras habang magkadikit ang aming mga labi. Mas naging perpekto pa ito para sa akin dahil sa pagsalubong ng masarap na hanging dumadampi sa mukha namin.

Ang halik n’yang ito na ilang araw at linggo ko nang kinasasabikan, ngayon ay muli kong naramdaman.

“Bes!! Ang landi mo talaga!!”

sigaw ni Ar-Ar na hanggang ngayon ay tumatakbo sa labas.


A/N

Yown! Dito muna tayo ha? Marami pang ganap kaya kailangan ko nang putulin. Baka magloko na ang wattpad natin kung idudugtong ko pa iyon dahil napakahaba. Peace!

Anyway, sana ay napangiti ko pa rin kayo rito. Isusunod ko na rin ang second part asap.

Salamat po sa patuloy na pagbabasa!

Labyu!

–– cold_deee

chapter 27

A/N

Second part na! At may nakahandangng isang sorpresa. (evil laugh)

Paunawa: Hindi ko pa ito nae-edit ha? Kaya kung may mapansin kayong mali, pagpasensyahan na. Minadali ko na talaga ito. Mamaya ko na pagkakaabalahang i-edit.

Para nga po pala kay @NhellAbiera ang chapter na ito. Natutuwa ako sa bawat malalim na salitang ating pinag-uusapan. Chos! Salamat sa pagbabasa ng works ko! 

Enjoy reading reading, mga mahal ko!

Kung gusto n’yo rin pong i-play ang nasa media para dama, push na, mga bes! (Song title: Versace On The Floor - by Bruno Mars) 

––> si Randy po na nagmamaganda sa media.


RANDY’s POV

Ilang saglit pa ay huminto na ang aming sinasakyang tricycle. Hudyat na rin iyon para kami ay bumaba kaya kailangan ko na ring putulin ang isa sa pinakamasayang sandali ng buhay ko, ang pagdikit ng mga labi namin ni Rigo.

Sa totoo lang ay nabitin ako. Pero naisip ko, marami pa namang oras para magawa namin ito. Ngayong araw na ito mag-uumpisa ang pinakamasayang kaganapan sa bubay ko. Ang huling tatlong araw na magiging masaya ako dahil kasama ko si Rigo.

Naunang lumabas si Rigo sa tricycle at inalalayan pa ako nitong makababa.

“Bes!! Na-miss kita!!” agad na pagsalubong sa akin ng batang kanina ay sinasabayan ang pagtakbo ng aming sinasakyan.

Halos mapaatras ako dahil niyakap nito ang bewang ko. Hindi ko maiwasang magpakawala ng tawa dahil sa ginawa n’yang iyon. Bata pa talaga s’ya at nagpapanggap lang na matanda.

Panandalian muna naming iniwan si Rigo na nakikipag-usap sa tricycle driver habang inaabot ang kanyang bayad. Naririnig ko pa na tinatanggihan iyon ng driver ngunit nagpupumilit si Rigo.

“Pawisan ka! Bakit ka kasi tumatakbo? Tao ka, okay? Hindi ka kabayo!” pagbibiro ko kay Ar-ar habang paulit-ulit na pinupunasan ang noo n’yang puno ng pawis gamit ang aking palad.

“Sabi kasi nila Lola at Lolo, ngayon ang dating n’yo! Kaya inabangan ko kayo sa kanto!” masaya namang sagot sa akin ni Ar-Ar. Hindi pa rin s’ya bumibitaw sa pagkakayap sa bewang ko.

Iba talaga ang batang ito. Sa kabila ng matabil n’yang dila ay kinaaaliwan ko talaga ito. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya noong nasa pareho pa kaming edad nito.

“Eeww! Naligo ka na ba? Ang dumi ng damit mo!” pagpuna ko sa kanya.

“Mamaya na ako maliligo! Gusto kong maligo doon sa swimming pool n’yo!” sagot n’ya sa akin.

Napaisip ako sa kanyang sinabi. Swimming pool? Namin?

Nasa ganoon kaming tagpo nang maramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Rigo. Bitbit na rin ng isang kamay n’ya ang aming mga gamit na nasa likod ng tricycle kanina.

“Mamaya, Ar-Ar, magsawa kang maligo roon.” pagsingit ni Rigo sa usapan namin ni Ar-Ar habang nakangiti.

Ngayon ko lang naisip ang pool na tinutukoy ni Ar-Ar. Marahil ay ang swimming pool na nasa isang malaking rest house kung saan kami noon tumuloy ni Rigo.

“Yes!!” masayang reaksyon ni Ar-Ar at kumalas na sa pagkakayakap sa akin.

Kasunod ng pagbitaw sa akin ni Ar-Ar ay si Rigo naman ang niyakap nito sa bewang.

“Na-miss din kita, pareng Rigo!” sambit nitong nakangiti habang nakatingala kay Rigo.

Nagpakawala ng tawa si Rigo.

“Ako rin, na-miss din kita.” sagot nitong natatawa at kinuskos ang ulo ni Ar-Ar.

Nakangiti pa akong pinagmamasdan silang dalawa noong una, pero ilang sandali pa ay unti-unti nang naglalaho ang ngiti ko dahil napansin kong parang hindi na sila mapaghihiwalay pa.

“Halika nga ritong kutong-lupa ka! Gigil na ako sa konduktor ng bus kanina ha? ’Wag mo nang dagdagan! Alis d’yan! Dito ka sa tabi ko!” paninita ko kay Ar-Ar habang tinatanggal ang kanyang mga brasong nakakapit kay Rigo.

Mabilis ko naman silang napaghiwalay at pinalipat ko si Ar-Ar sa aking tabi para magkalayo sila ni Rigo. Natawa si Rigo lalo na nang makita n’yang napakamot ng ulo ang bata habang nakanguso pa ito.

“Grabe ka naman, bes! Moment pa, e!” reklamo nito.

Gusto ko sanang matawa sa sinabi n’yang iyon pero pinigilan ko.

“Manahimik ka! Walang moment para sa ’yo!” nakasimangot kong balik sa kanya.

“Ikaw lang, ganern?” tanong n’ya pabalik habang nakataas ang isa n’yang kilay.

Tingnan mo ang batang ’to! Saan n’ya kaya nakukuha ang mga salita n’yang tulad nito?

Nasa ganoon kaming pagtatalo ni Ar-Ar nang putulin kami ni Rigo.

“Tama na ’yan. Mamaya n’yo na ituloy ’yan kung gusto n’yo. Bumaba muna tayo.” natatawang pagsaway at utos nito sa amin.

Sinunod naman namin si Rigo ngunit hindi napuputol ang masamang pagtitig namin ni Ar-Ar sa isa’t isa nang simulan namin maglakad na tatlo.

“Dito ka lang! ’Wag kang didikit kay Rigo!” madiin kong utos kay Ar-Ar habang hawak ang pulsuhan nito. Sa kanan ko s’ya pinapunta dahil nasa kaliwa ko si Rigo.

Nagpatuloy na kaming maglakad na tatlo para bumaba kung nasaan ang kubo ng Lolo at Lola ni Ar-Ar.

“Ang selosa mo naman, bes! Hindi mo ikakaganda ’yan ’pag ganyan ka!” buska sa akin ng kutong-lupa.

“Shut up! ’Pag hindi ka pa tumigil, hindi ka maliligo sa swimming pool!” saway ko sa kanya.

“Eeeee??!!” naging reaksyon lang nito. Naging dahilan tuloy iyon para matawa si Rigo.

Nang tuluyan na kaming makababa sa kubo ay saka lamang kumalas sa akin si Ar-Ar.

“Lola! Nandito na sila Bes!!” sigaw nito habang pumapasok sa kubo.

Ilang sandali pa ay lumabas si Lola mula sa kubo at tila nagulat nang makita kami ni Rigo.

“Naku! Napaaga yata ang pagdating ninyo? Ang akala ko mamaya pa kayo? Maghahanda pa lang sana kami ng makakain. Nasa laot din ngayon ang asawa ko para sana manghuli ng isda.” nag-aalalang paliwanag ni Lola habang nagpupunas ng basa n’yang kamay gamit ang isang towel.

Lumapit si Rigo at nagmano kay Lola. Nakakahawa ang kabutihang asal ng lalaking ito kaya sumunod din ako na nagmano kay Lola.

“Ayos lang po ’yon, Lola. Hindi pa naman kami gutom ni Randy.” nakangiting sagot ni Rigo.

“Naku, paano kaya ito? Isda na lang naman ang kulang para masimulan ko na ring magluto.” hindi pa rin maiwasan ni Lola ang mataranta.

Gusto ko sanang sagutin si Lola ng, ’bahala ka d’yan, Lola, ikaw ang kakatayin ko ‘pag ginutom ako’ pero itinikom ko na lang ang bibig ko. Baka kasi hindi s’ya makasabay sa joke ko.

Natawa si Rigo sa ikinilos ng matanda. Tawang tila nahihiya.

“Ayos lang talaga, Lola. Siguro po unahin muna nating ipasok itong mga gamit sa tutuluyan namin habang naghihintay kay Lolo. Pakikuha na lang po ng susi.” magalang na pakiusap ni Rigo.

“Ay, teka! Sige at kukunin ko!” natataranta naman na sagot ni Lola at muling pumasok sa kubo.

Habang nasa loob si Lola ay nilingon ako ni Rigo.

“Gutom ka na ba?” nakangiti n’yang tanong sa akin.

Pwede bang ikaw na lang ang kainin ko, baby Rigz?

Gusto ko sana ’yan itanong kay Rigo ngunit pinigilan ko. Ang kutong-lupa kasi na si Ar-Ar ay nakikinig sa aming usapan. Baka makasira sa kainosentehan n’ya ang kabastusan ng bibig ko paminsan-minsan.

“Ayos lang ako. Hindi pa naman ako nagugutom.” nakangiti ko lang na sagot kay Rigo.

Matapos ko iyon sabihin ay sumabat naman si Ar-Ar sa aming pag-uusap.

“Akala ko, bes, tatanungin mo si pareng Rigo kung pwedeng s’ya na lang ang kainin mo?” pagsingit nito at sinundan n’ya ng pagtawa.

Naibuka ko ang bibig ko dahil sa pagkasorpresa.

Punyetang kutong-lupa na ’to! Hindi pala s’ya inosente?!

“Hoy, ikaw! Saan mo ba natututunan ’yang mga salitang ’yan?! Ang bata-bata mo pa tapos may nalalaman ka nang ganyan?!” pagsaway ko sa kanya habang dinuduro s’ya.

Natawa naman sa amin si Rigo.

“Saan pa? E ’di doon kay Mang Divina!” sagot sa akin ni Ar-Ar.

Nangunot ang noo ko.

“Mang Divina?” nagtataka kong tanong.

“Oo, bes! ’Yung baklang mangingisda dito! Tinuturuan n’ya ang mga batang nandito ng mga jokes n’ya! Pinapantasya rin n’ya si pareng Rigo kaya sumama s’ya kay Lolo ngayon para manghuli ng isda!” sagot nito sa akin na may halong pagsusumbong.

Napapikit na lang ako ng mata kasabay ng malalim na paghinga. Hindi ko akalaing mapapasuko ako ng batang ito.

Nilingon ko si Rigo na tinatawanan lang kami sa mga oras na ito. Inilapit ko ang sarili ko sa kanya para bulungan sa kanyang tenga.

“Sino ba ’yang Mang Divina na ’yan? ’Wag s’yang magpapakita sa akin dahil pipilipitin ko talaga ang leeg n’ya! Kung ano-anong tinuturo sa bata!” nanggagalaiti kong bulong kay Rigo. Pero ang totoo n’yan ay nagpantig ang tenga ko nang sabihin ni Ar-Ar na pinapantasya ng Divina na ’yon si Rigo.

Natatawa pa rin si Rigo nang sagutin n’ya ako.

“Dito rin s’ya nakatira sa lugar na ’to at mangingisda rin s’ya. Divina sa gabi ang pangalan n’ya. Hulaan mo sa umaga?” sagot ni Rigo at pagtatanong sa huli.

Saglit akong nag-isip.

“Uhm.. Delubyo? Demonyo?” pagpatol ko naman sa tanong ni Rigo.

Mas lalong natawa si Rigo sa sagot kong iyon.

“Hindi! Marcelino ang pangalan n’ya sa araw!” sagot n’yang natatawa.

Napasimangot ako sa katotohanang iyon. From Marcelino to Divina? Saan n’ya nadukot ang pangalang ’yon?!

Naputol ang aming pag-uusap nang makalabas muli si Lola mula sa kubo.

“Heto na ang susi, Rigo. Sasama na rin ako para matulungan kayo sa pag-aayos ng mga gamit n’yo.” hanggang ngayon ay natataranta pa rin s’ya.

Sunod naman na binalingan ni Lola ay ang apo n’ya.

“Ar-Ar, maiwan ka lang muna rito. Bantayan mo ’yang niluluto ko.” bilin nito sa bata habang tinuturo ang ningas na may pinakukuluang karne.

“Bakit ko babantayan? Aalis ba ’yan, Lola?” pamimilosopo ni Ar-Ar sa matanda.

Bahagyang hinila ni Lola ang patilya ni Ar-Ar.

“’Wag ka nang magreklamo d’yan! Puro na lang pamimilosopo ang alam mong bata ka!” sermon nito sa bata.

“Aray ko naman, Lola!” reklamong muli ni Ar-Ar habang hinihilot ang parteng hinila ni Lola.

Natatawa na lang kami ni Rigo sa eksena ng maglola. Ilang sandali pa ay binalingan naman ako ni Rigo.

“Tara na, Liam?” nakangiti nitong pagyaya.

Tatango na sana ako ngunit sumabat na naman si Ar-Ar sa pagkakataong ito.

“’Wag ka nang sumama, bes! Dito ka na lang! Hindi naman malayo ang pupuntahan nila, e. Ayun lang oh!” una n’yang sambit habang tinuturo ang malaking rest house na natatanaw mula rito sa kubo. “Saka ’wag kang buntot ng buntot kay pareng Rigo. Hindi ka buntot, okay? Tao ka. Tao!” dugtong pa nitong pangungumbinsi sa akin.

Aba’t?! Nakuha n’ya agad ang ginamit kong pang-aalipusta sa kanya kanina?!

Sinamaan ko na lang s’ya ng tingin at muli kong nilingon si Rigo.

“Sige na, Rigz. Iwan mo na lang muna ako rito. Sasamahan ko lang ang kutong-lupa.” pagtanggi ko na sa paanyaya ni Rigo. Nag-aalala rin naman ako sa bata. Sa naobserbahan ko kasi sa kanya ay may pagkamalikot s’ya. Baka paglaruan n’ya ang ningas na naririto. Konsensya ko pa ’pag nagkataon.

“Are you sure?” paniniguro ni Rigo.

Ngumiti na lang ako sa kanya habang tumatango bilang pagsagot.

“Okay. Babalik din agad ako.” pagsuko na lang ni Rigo at hinalikan ako sa noo.

Nang makalayo na sina Rigo at Lola ay umariba na naman ang matabil na dila ng bata.

“Gondo mo, bes!” pang-aasar ni Ar-Ar sa akin.

“Inggetero!” balik ko naman sa kanya at inirapan ko s’ya.

Naglakad ako ng bahagya at tinungo ang niluluto ni Lola. Nakuha kasi ng atensyon ko ang patuloy na pagkulo ng tubig.

“Bes, ’wag mo nang pakelaman ’yan. Wala kang alam d’yan dahil RK ka.” pagsaway ni Ar-Ar mula sa aking likuran.

Nilingon ko s’ya habang nakakunot ang aking noo dahil sa pagtataka.

“RK?” tanong kong nagtataka.

Napabuntong-hininga s’ya.

“RK! Rich kid!” mayabang n’yang pagsagot.

Ang dami n’ya talagang alam. Mas marami pa yatang nalalaman kesa sa akin.

Ngunit napaisip ako dahil sa kanyang pagsaway sa akin. Minamaliit ba ako ng batang ’to?

Nilingon ko ang malaking kaldero na may karneng pinakukuluan. Sunod kong tiningnan ay ang isang mesa na naririto sa labas ng kubo. May mga nakalatag na iba’t ibang uri ng gulay ang naroon.

Napangisi ako. Muli kong nilingon ang kutong-lupa na nagmumuni-muni ngayong mga oras na ito.

“Hoy, kutong-lupa.” pagtawag ko sa kanya.

“Baka kyutong-lupa? Cute ako, hindi mo ba nakikita?” tanong n’yang nakataas ang isang kilay. Bakla talaga, parang ako.

“Whatever.” irap ko naman sa kanya.

“Bakit nga?” tanong n’ya na naman pabalik. Wala talagang respeto sa mas matanda.

“Kunin mo ’yang mga petsay sa mesa. Pati ang mga patatas at baguio beans na nand’yan. Hugasan mo ang mga ’yan.” utos ko sa kanya.

“Bakit? Anong gagawin mo?” tanong na naman. Napakakulit!

“Basta sumunod ka na lang! Ang dami mo pang tanong! Baka ’pag nainis ako, ipakain ko pa ’yan sa ’yo ng hilaw!” hindi ko na napigilang bulyawan s’ya.

“Kainis naman e!” kamot-ulo n’yang reklamo pero sinimulan na rin n’yang kunin ang mga gulay na iyon.

Nang makaalis si Ar-Ar ay iginala ko ang paningin ko rito sa labas ng kubo. Naghanap ako ng mga kagamitan sa gagawin ko. Mabuti naman at hindi na ako nahirapan pang gawin ang bagay na iyon dahil madali ko silang natagpuan.

Nang makabalik si Ar-Ar ay inutusan ko naman s’yang tanggalan ng magkabilang dulo ang baguio beans.

“Bes, naman e! ’Wag mo namang gawing joke ’to! Ano ’to? Bahay-bahayan? Lutu-lutuan? Lagi na namin ’to nilalaro nila Nena, e!” reklamo n’ya habang nagtatanggal ng dulo ng baguio beans.

Napangiti ako sa sinabi n’ya.

“Naglalaro ka no’n?” tanong ko sa kanya.

Sinisimulan ko na rin ang magbalat ng papatas. Pakiramdam ko tuloy ako si Becky sa Princess Sarah, tagabalat ng patatas.

“Oo naman! Minsan nga Barbie pa e!” sagot naman n’ya habang nakanguso.

Mas lalo akong natawa. Pareho talaga kami noong bata pa ako. Iisa ang aming interes at pang-babae ang lahat ng iyon.

Pinagmasdan lang ako ni Ar-Ar sa aking ginagawa. Nakakunot ang kanyang noo habang nagsisimula na akong magluto.

Habang nakaharap ako sa malaking kaldero at tinitingnan kung malambot na ang karne ay ang pagdating naman nina Lola at Rigo.

“Por dios por santo! Hijo, bakit ka nagluluto?! Ako na riyan!” natatarantang pag-awat sa akin ni Lola.

Hindi pa man ako nakakasagot ay sumabat na ang kutong-lupa.

“Pareng Rigo! Pigilan mo s’ya! Baka malason tayo sa ginagawa n’ya! Hindi n’ya dapat pinaglalaruan ’yan!” natataranta naman nitong utos kay Rigo.

Dahil sa kanyang sinabi ay hindi ko napigilang duruin s’ya gamit ang sandok na hawak ko.

“Hoy, ikaw ha?! Kanina ka pa! Ikaw na ang ilalaga ko rito ’pag hindi mo pa isasara ’yang bibig mo!” buska ko kay Ar-Ar.

Natawa naman si Rigo habang pinapanood ang aming pagsasagutan. Kasunod nito ay nilapitan ako ni Rigo at inakbayan.

“Bakit mo pinakialaman ’yang niluluto ni Lola?” natatawang tanong sa akin ni Rigo.

Napanguso ako kahit alam kong hindi bagay sa akin dahil sa tapang ng mukha ko.

“Nami-miss ko na kasing magluto.” sagot kong mahina kay Rigo.

“Aahh~” reaksyon naman ni Rigo habang tumatango. Pero nang tingnan ko ang kanyang mga mata ay nakatutok ito sa nguso ko.

Akala ko ay may sasabihin pa si Rigo, pero nagulat ako nang mabilis n’yang inilapit sa akin ang kanyang mukha para halikan ako sa labi. Dito! Dito mismo sa harap ng maglola!

“Ang cute!” sambit pa n’yang nakangiti. Naramdaman ko pa ang pagpisil n’ya sa aking balikat.

Nanlaki ang mga mata ko at naibuka ko pati na ang bibig ko dahil sa pagkabigla. Hindi na rin ako nakapagsalita dahil sa hiya.

“Pabebe.” narinig kong sambit ni Ar-Ar.

Dahil doon ay nilingon ko s’ya habang naniningkit ang aking mga mata. Niyakap n’ya ang kanyang Lola sa bewang at itinago ang mukha n’ya roon. Mukhang kahit s’ya ay nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa sa akin ni Rigo.

Muli kong narinig ang mahinang pagtawa ni Rigo.

“Lola, hayaan n’yo na po si Randy na magluto. At ikaw naman, Ar-Ar, magtiwala ka lang. Hindi ko ba naikwento sa ’yo na magaling s’yang chef? Bago pa ako maging chef, chef na talaga s’ya. Mas magaling nga s’yang magluto kesa sa akin, sa totoo lang.” nakangiti n’yang paliwanag sa maglola.

“Weh? ’Di nga? Akala ko puro pagpapabebe lang ang alam ni Bes?” hindi pa rin nakukumbinsi si Ar-Ar.

Malapit ko na talaga s’yang tuktukan ng sandok. Kaunti na lang.

“Oo nga! Mas magaling lang talaga s’ya sa pagpapatakbo ng business kaya doon na rin s’ya nagconcentrate.” sagot naman ni Rigo sa kanya.

Nilingon kong muli si Ar-Ar.

“Narinig mo?!” buska ko sa kanya.

“Sus! S’yempre ipagmamalaki ka ni pareng Rigo! Mahal ka n’yan e! Kaya magsisinungaling ’yan para hindi ka magiging kawawa!” sagot naman nito sa akin.

“Aba’t! Punyeta. Teka nga!” sambit kong gigil na gigil sa bata.

Hindi ko na napigil ang sarili ko. Akmang susugurin ko na s’ya para kaltukan ay inawat naman ako ni Rigo. Si Lola naman ay itinago ang bata sa likod n’ya, nag-aalala na baka masaktan ko nga ang kanyang apo.

Pero sa kabila ng nangyari ay natatawa pa rin si Rigo habang yakap ako.

“Tama na ’yan. Kanina pa kayo, sa taas pa lang! Bangayan kayo ng bangayan!” pagsaway nito sa aming natatawa.

Nagpapigil naman ako kay Rigo. Kailangan kong habaan ang pasensya ko dahil hindi ko pa lubos na kilala sina Ar-Ar at ang Lolo at Lola nito. Naisip ko kasing baka may lahi silang mangkukulam at baka kulamin na lang nila ako.

Muli akong kinausap ni Rigo. Ngunit kung kanina ay malakas ang kanyang boses, ngayon ay siniguro n’yang ako lang ang makakarinig dahil nakatapat ang kanyang bibig sa aking tenga.

“Ituloy mo na ang pagluluto, Liam. Excited na akong kainin ’yan.” malambing n’yang utos sa akin.

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi n’yang iyon. Pakiramdam ko kasi ay may iba pang ibig sabihin iyon.

Tiningnan ko si Rigo habang nagtataka pa rin ang ekspresyon ko.

“’Yung niluluto mo, gusto ko nang matikman.” paglilinaw n’ya sa kanyang sinabi.

Ilang segundo rin akong natahimik para makumbinsi. Kaya matapos iyon ay marahan na lamang akong tumango sa kanya.

Tama. Kaya ko naman talaga ginagawa ito ay dahil gusto kong pagsilbihan si Rigo. Kahit ngayon lang, ako naman ang mag-aasikaso sa kanya.

Ipinagpatuloy ko na ang pagluluto matapos iyon. Eksakto rin na dumating si Lolo mula sa pangingisda kaya tinulungan na rin s’ya ni Rigo na maghanda sa pag-iihaw ng isda.

Kung tungkol naman kay Mang Divina na mangingisda at may gusto kay Rigo, inabangan ko s’ya. Pero laking dismaya ko dahil tumakbo rin daw agad ito palayo nang makitang papalapit sa sinasakyan nilang bangka si Rigo. Ang laki ng panghihinayang ko dahil hindi ko s’ya nakita. Balak ko sanang ipatapon s’ya pabalik sa karagatan kung saan s’ya dapat manirahan.

Nagkaroon din kami ni Ar-Ar ng pagtatalo dahil hindi n’ya gusto ang ginawa kong luto para sa mga hipon. Iginisa ko kasi ang mga iyon at nilagyan ng gulay tulad ng request sa akin ni Rigo. Pero ang kutong-lupa, gusto n’ya ay ihawin daw iyon lahat. Mabuti naman at kinausap s’ya ni Rigo at sinabing mas gusto n’yang kumakain kami ni Ar-Ar ng gulay dahil masustansya nga raw iyon.

Nauna akong matapos magluto kesa sa ginagawa nila Rigo na pag-iihaw. Kaya naman paminsan-minsan ko s’yang pinupuntahan para punasan ang kanyang pawis sa likod at noo dahil sa init ng panahon. Matapos ko naman s’yang punasan ay ako naman ang kanyang pupunasan.

“Pabebe.”

Ilang beses ko iyan naririnig kay Ar-Ar sa tuwing makikita n’ya kami ni Rigo na magkadikit at maglalambingan. Kaya sa huli, nauuwi kami sa paghahabulan dahil gusto ko s’yang hampasin ng towel sa katawan.

Nang matapos kaming magluto ay masaya rin kaming nagsalo-salo sa hapag-kainan. Tulad noong unang nagpunta kami rito, dito rin mismo sa mahabang mesa sa labas kami kumain.

“Aahh~” sambit ni Rigo habang nasa tapat ng bibig ko ang kanyang kamay na may lamang kanin at ulam.

S’yempre, tulad din noong una kaming magpunta rito, sinubuan na naman n’ya ako dahil hindi ako marunong kumain ng nakakamay.

“Alam mo, bes, OA ka na talaga. May kutsara na nga ’di ba?! Naglagay na si Lola pero nagpapasubo ka pa rin kay pareng Rigo?” pagpuna na naman ng kutong-lupa.

“Inggit ka lang.” irap ko naman sa kanya.

Kung kanina ay natatakot si Lola sa pakikipagtalo ko kay Ar-Ar, ngayon ay tinatawanan na lang n’ya kami ganoon din nina Lolo at Rigo.

Nang matapos kaming kumain ay nagtungo na rin kami sa rest house na aming tutuluyan ni Rigo. At tulad din noong una kaming magpunta rito, hindi ko na naman naiwasang mamangha dahil sa laki at ganda nito.

Saglit naming iniwan si Ar-Ar na naliligo sa swimming pool sa may second floor. Nag-alala pa ako noong una dahil mag-isa lang ito roon ngunit sinabi ni Rigo na mahusay raw lumangoy ang bata. Kaya naman matapos iyon ay inilibot na lang ako ni Rigo sa bawat sulok ng malaking rest house. Ito kasi ang bagay na hindi namin nagawa noong una kaming magpunta rito, isang gabi lang din kasi kaming namalagi noon dito.

Nahsimula kami sa unang palapag kung nasaan ang living room at may malaking kusina. Sa living room ay may malaking curve TV ang naroon at mahahabang sofa. Masarap din ang hangin na nagmumula sa sliding door na gawa sa salamin. At kung lalabas ka roon ay isang magandang garden naman ang iyong sasalubungin.

Mas namangha naman ako sa kusinang naririto dahil kompleto ito sa kagamitan sa pagluluto. Magmula sa utensils at equipments ay kompleto lahat. Kilala ko rin ang kanilang mga brand na alam kong dekalidad at kilala sa mundo ng pagluluto.

“Liam!” pagtawag sa akin ni Rigo.

Abala kasi ako sa pagtingin sa loob ng 2 doors na ref. Punong-puno ito ng laman at puro masusustansyang pagkain ang naririto.

“Baby Rigz!” pagtawag ko naman pabalik ngunit hindi ko pa rin s’ya nilingon. Nanggaling s’ya sa second floor dahil may kukunin daw s’ya mula roon.

Naramdaman ko ang paglapit n’ya sa aking likurang pwesto.

“Harap ka sa akin, pero pumikit ka muna.” utos n’ya sa akin.

Dahil sa kanyang ikinilos ay nagtaka ako. Napatigil ako sa pagtingin sa loob ng ref at haharapin sana ang baby ko.

“Oy! Sabi ko, pikit muna!” pagpigil n’ya sa tangka kong pagharap sa kanyang pwesto.

Napahinga ako ng malalim.

“Anong na namang pakulo ’to, Rigz?” tanong ko at naiikot ko ang mga mata ko.

“Basta! Sige na, sumunod ka na lang, please?” pakiusap na n’ya ngayon. Hinalikan din n’ya ako sa batok bilang paglalambing.

“Oo na, oo na.” pagsuko ko na lang para matahimik na rin s’ya.

Ipinikit ko na ang mga mata ko.

“Ayan na, nakapikit na ako.” wika ko.

Narinig ko ang mahina n’yang pagtawa. Tanghaling tapat pero naglulumandi.

“Harap ka na.” sunod n’yang utos sa akin.

Dahan-dahan naman ako sa pagkilos para makaharap sa kanyang pwesto.

Hindi na ako nakarinig pa ng salita mula sa kanya matapos iyon. Naramdaman ko na lamang na may isinabit s’ya sa aking leeg makalipas ang ilang segundo.

Kwintas ba ito? Pero alam naman n’yang hindi ako mahilig magsuot ng bagay na iyon. Nangangati ang leeg ko at hindi ako komportable.

Kasunod ng pagsabit n’ya ng bagay na iyon sa aking leeg ay naramdaman ko naman na may itinali s’ya sa aking bewang.

“Sinturon ba ’yan, baby Rigz?” tanong ko sa kanya habang nakapikit. Nasa likod ko s’ya at doon n’ya ikinakabit ang bagay na iyon.

“Oo. Sinturon ni hudas. Sindihan ko na ba?” sagot n’ya naman at tumawa ng malakas.

“Uhm!” hinampas ko naman s’ya ng malakas gamit ang aking kamay. Hindi ko na rin nakontrol na buksan ang aking mga mata dahil sa inis ko sa kanya.

“Joke lang!” pagbawi n’ya at hinawakan ang kanyang braso na tinamaan ng kamay ko.

Sinamaan ko nga s’ya ng tingin.

“Joke lang nga!” pagbawi pa rin n’ya at niyakap ako. Paulit-ulit n’ya ring hinalikan ang labi ko.

“Umayos ka kasi! Balak mo pa yata akong suotan ng paputok sa katawan, eh! Sabihin mo lang!” buska ko sa kanya nang magkaroon ng maliit na pagitan ang aming mukha. Nanatili kasi s’yang nakayakap sa akin.

Muli n’ya akong hinalikan sa labi.

“Pwede ba naman ’yon? Inaalagaan nga kita tapos papuputukan ko lang ang katawan mo? Ibang putok ang kaya kong gawin sa ’yo. Alam mo naman ’yon, ’di ba?” pilyo n’yang sagot at nagtaas-baba pa ang kilay n’ya.

Dahil sa kanyang sinabi ay kinurot ko ang kanyang bewang.

“A-aray….” daing n’ya at hinilot ang bewang n’yang kinurot ko. Naging dahilan tuloy ito para mahiwalay s’ya sa pagkakayakap sa akin.

Nang tuluyan s’yang makalayo sa aking pwesto ay napansin ko ang pagbabago sa kanyang kasuotan. Kaya kahit hindi pa ako nakakahingi ng sorry sa kanya dahil sa aking pananakit ay hinawakan ko s’ya sa magkabilang balikat para makatayo s’ya ng tuwid.

“Ano ’yang suot mo?” tanong kong nagtataka habang tinuturo ang nakasuot sa kanya.

“Baka jacket? Natural apron!” pamimilosopo na naman n’ya.

Akmang papaluin ko na naman s’ya ay mabilis na n’yang napigil ang kamay kong iyon.

“Alam kong apron ’yan! Ang tanong ko, bakit ka may suot na ganyan?!” naiinis kong paglilinaw sa aking tanong.

Tumawa muna s’ya. Hawak n’ya pa rin ang isa kong kamay ay hinawakan n’ya rin ang isa ko pang kamay. Kasunod no’n ay hinalikan n’ya ako sa noo.

“’Wag ka nang mainis.” wika n’ya at hinalikan naman ako sa ilong.

Hindi ako nakaimik. Mabilis n’ya talagang naaalis ang inis sa aking dibdib.

Nang makalayo ng bahagya ang aming mga mukha ay nagniningning ang kanyang mga matang tumingin sa akin ng tuwid.

“I love you.” sunod n’yang sambit at hinalikan naman ako sa labi.

Nanatili lang na magkadikit ang aming labi. At kung kanina ay nakasimangot ako dahil sa pang-aasar n’ya ay nagbago na ang ekspresyon ko. Napangiti na ako habang dinadama ang halik ni Rigo. Kasunod nito ay ipinalibot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at tinugunan na ang kanyang halik habang pikit ang mata naming pareho. Naramdaman ko rin na ipinalibot din ni Rigo ang kanyang mga kamay sa bewang ko.

Matagal kami sa aming pagkakahalik hanggang sa maghiwalay kami habang nakangiti.

Nasa leeg pa rin n’ya ang aking mga braso ay yumuko ako ng bahagya para pagmasdang muli ang suot na apron ni Rigo. Ngunit nang tuluyan na akong mapayuko ay nagulat ako dahil may suot na rin akong apron sa mga oras na ito.

Kung gano’n, ito pala ang isinuot n’ya kanina sa akin?

“Ang tawag dito, couple apron.” biglang pagsasalita ni Rigo sa masayang tono.

Hindi ko maiwasang magpakawala ng tawa dahil sa saya habang pinagmamasdan ang suot naming apron na dalawa. Kulay asul ang kay Rigo at kulay dilaw naman ang sa akin. Ngunit ang mas nakakatawag ng pansin dito ay ang nakaimprenta ritong isang malaking letrang ‘R’ .

“Bakit ‘R’?” tanong kong natatawa kay Rigo.

“’Yung suot ko, ‘R’ means Randy.” unang sagot ni Rigo. “At ’yung sa ’yo naman, ‘R’ means––”

“Rogelio?” pagputol ko sa kanyang tanong habang nakangiti.

Mula sa pagkakangiti ni Rigo ay nagbago ang ekspresyon nito. Napalitan na ito ng galit.

“Sino si Rogelio?” tanong n’yang seryoso.

Mas lumapad ang pagkakangiti ko.

“It’s payback time!” sagot ko at tumakbo palayo sa kanyang pwesto.

“Randy!!! Sino si Rogelio??!!” galit na galit n’yang tanong habang hinahabol ako.

Ayan na, galit na talaga s’ya. Tinawag na akong Randy at hindi na Liam.

Inakyat ko ang malaking hagdan patungo sa ikalawang palapag nitong rest house.

“Joke lang ’yon! Bumabawi lang ako! S’yempre Rigo ang ibig sabihin nito! Kung sino man si Rogelio, malay ko sa kanyang punyeta s’ya!” pagbawi ko habang natatawang umaakyat sa hagdan.

Nagpatuloy kami sa paghahabulan ni Rigo habang suot pa rin ang tinatawag n’yang couple apron namin. Ang ganda ng kanyang naisip dahil pareho nga kaming chef.

Nang madaanan ko ang second floor ay nasulyapan ko pa si Ar-Ar na wala nang buhay at lumulutang-lutang na lang ngayon sa ibabaw ng tubig. S’yempre joke lang ’yon. Ang saya-saya n’ya pa ngang lumalangoy na parang syokoy.

Ang akala ko ay hanggang second floor lang ang rest house na ito kung nasaan naman ang mga malalaking kwarto, pero laking gulat ko na may third floor pa pala kaya dito naman ako inilibot ni Rigo.

May grand piano ang nasa isang sulok at may mini bar naman ang nasa kabilang sulok. Sinabi sa akin ni Rigo na dito raw maaaring gawin ang isang party kung nanaisin ng mananatili rito. Mayroon ding terrace sa labas na ’pag tinanaw mo ang ilalim ay makikita mo ang kabuuan ng swimming pool na nasa second floor.

“Kutong-lupa!” pagtawag kong kumakaway kay Ar-Ar na nasa baba.

“Bes!! Wooohh!!” tuwang-tuwa naman n’yang pagtawag sa akin habang lumalangoy pa rin.

Pinanood lang namin ni Rigo si Ar-Ar mula rito sa third floor. Pareho pa kaming natawa nang makita naming nahubo ang suot nitong short dahil sa kalikutan.

Matapos iyon ay napapikit ako nang maradaman ko mula rito sa terrace ang masarap na simoy ng hangin.

“Ang ganda talaga dito, Rigz!” sambit ko habang nilalanghap ang masarap na hangin.

“You like it?” tanong n’ya sa masayang tono. Naramdaman kong kumilos s’ya at pumwesto sa likuran ko para yakapin ang bewang ko. Ipinatong n’ya rin ang kanyang baba sa balikat ko.

Iminulat ko ang aking mga mata at nilingon s’ya.

“Sobra!” sagot ko sa kanya at hinaplos ang braso n’yang nasa bewang ko.

Ganitong-ganito rin ang aming naging pag-uusap noong una kaming makarating dito.

Hinalikan n’ya ako sa leeg.

“Para sa ’yo talaga ’to, Liam.” wika n’ya sa malambing na tono.

Mas lumapad ang pagkakangiti ko.

“Thank you.” sagot kong tipid.

Ganoon lang kami ni Rigo sa mahabang oras habang nasa third floor. Nagtagal kami sa terrace at hinintay ang paglubog ng araw. Nagbalik tanaw kami sa mga naging karanasan namin sa nakalipas na taon simula nang magkakilala kami. Hindi na rin namin pinag-usapan ang mga pangit na pangyayari sa mga taong nagdaan, tanging mga masasayang ala-ala na lang na aming pinagsaluhan.

Nang sumapit ang dilim ay nakita ko ang ganda ng buong rest house dahil sa nagkalat na ilaw. At kahit pangalawang beses ko nang nakarating dito ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha lalo na sa mga ilaw sa ilalim ng pool.

Si Ar-Ar naman ay nakauwi na rin. Kinailangan pa s’yang kaladkarin ng kanyang Lola dahil ayaw pa rin tumigil sa paglangoy sa pool. Kahit namumutla at kumukulubot na ang balat n’ya dahil babad na babad na s’ya roon ay ayaw pa rin magpaawat. Sinabihan na lamang s’ya ni Rigo na maagang magpunta rito bukas para balikan ang swimming pool na iyon.

Ngayon ay naririto na kami ni Rigo sa kwarto kung saan kami matutulog. Nauna s’yang naligo at ako naman ang sumunod. Pero paglabas ko ng banyo matapos kong maligo ay hindi na naman maipinta ang mukha ko.

Naabutan ko si Rigo na nakaupo sa kama at tanging boxer shorts lang ang suot. Nagbabasa ito ng magazine kaya hindi n’ya napansin ang paglabas ko mula sa banyo.

Nakabuyangyang man sa aking harapan ang maganda n’yang katawan ay nag-uumapaw pa rin ang inis ang nararamdaman ko.

Gusto kong makuha ang atensyon n’ya kaya padabog kong isinara ang pinto ng banyo na nasa likod ko.

Dahil sa aking ginawa ay nagulat si Rigo at mabilis na nilingon ako. Ngingiti sana s’ya ngunit hindi n’ya iyon naituloy dahil sinalubong s’ya ng masamang pagtitig ko.

“What’s wrong?” tanong n’yang nag-aalala habang nakatingin sa akin.

“What’s wrong?! This!! This is wrong!” sagot ko sa kanya habang pinapakita ang suot ko.

Hindi agad nakasagot si Rigo. Mula sa aking mukha ay unti-unti n’ya akong sinuri hanggang sa makarating ang kanyang paningin sa mga paa ko. Nasaksihan ko ang paglunok n’ya at alam ko na ang dahilan no’n.

Dahan-dahan n’ya muling ibinalik ang kanyang mga paningin sa aking mukha hanggang sa magtagpo ang aming mga mata.

“Ang sexy mo naman, Liam.” sambit n’ya at ngumiti.

Hindi ko naiwasan ang magdabog. Kinamot ko ang aking ulo habang pinapadyak ang mga paa ko.

“Rigo naman! Bakit naman kasi hindi mo sinabing dito tayo pupunta?! Puro tuloy pang-hiking ang dala kong damit! Kahit pangtulog man lang hindi ako nakapagdala!” reklamo ko sa kanya.

Pinasuot n’ya sa akin ang kanyang long sleeve shirt. Malaki ito sa akin dahil malaki naman talaga ang katawan ni Rigo. Mahaba rin ito na sapat lang para matakpan ang ibabang bahagi ko. Ang ibabang bahagi ko na tanging brief lang ang takip! Walang short dahil puro pang-hiking nga ang dala ko!

Pero sa kabilang banda, hindi ko maiwasang lalong humanga kay Rigo dahil kilalang brand ang pinasuot n’ya sa akin para lang maging pangtulog ko.

Versace. ’Yan lang naman ang brand.

Maarte talaga ako, kaya kahit sa pagtulog ay kailangang umaayon ang pananamit ko.

Natawa si Rigo dahil sa ikinilos ko.

“Halika nga rito.” natatawa n’yang utos sa akin. Nakamwestra pa ang kanyang kamay para palapitin ako.

Nakasimangot pa rin ako nang simulan kong humakbang palapit sa kanya.

“Upo ka rito.” sunod n’yang utos sa akin. Tinatapik n’ya ang kama at gusto n’ya akong umupo sa tapat n’ya.

Sinunod ko iyon habang nakabusangot pa rin ang aking mukha.

Nang tuluyan na akong makaupo sa kanyang tapat ay marahan n’yang hinawi ang basa kong buhok na humaharang sa aking mga mata.

“Liam, nasabi ko na ba sa ’yo?” una n’yang sambit sa malambing na tono habang nakatingin sa mga mata ko.

“Malamang hindi pa. Sasabihin mo pa lang.” pagsusungit ko at inirapan s’ya.

Muli na naman s’yang natawa.

“Oo na. Sasabibin ko pa lang.” pagsang-ayon n’yang natatawa.

Minsan hindi na ako natutuwa sa lalaking ’to! Naiinis na nga ako pero tawa pa rin ng tawa!

Hindi ko na lang s’ya sinagot, hinintay ko na lang na magpatuloy s’ya. Pero bago n’ya iyon ginawa ay hinawakan n’ya muna ang aking kamay.

“Kahit anong isuot mo, bagay lahat sa ’yo.” pagpapatuloy n’ya habang nakangiti.

Akala n’ya siguro, mauuto n’ya ako. Hindi nagbabago ang masamang pagtitig ko sa kanya at hindi ko pa rin s’ya sinagot.

“Iniisip mong inuuto kita ’no?” tanong n’yang natatawa.

“Oo!” diretso kong sagot sa kanya. Alangan naman na magdeny pa ako? Kilala na n’ya ako kaya wala akong ligtas dito.

“Hindi kaya!”

“E, bakit ka natatawa?!”

“Nakakagigil ka kasi ’pag nagsusungit ka!” sagot n’ya pa ring tumatawa.

Anong nakakagigil doon? Kailan pa naging cute ang pagsusungit? May tama rin sa utak ’tong si Rigo paminsan-minsan!

“Nakakainis ka naman, e!” pagmamaktol ko na sa kanya ay tinanggal ko ang pagkakahawak n’ya sa kamay ko.

Sa halip sa mainis na s’ya sa pagiging kilos-bata ko ay mas lalo pa s’yang natawa. Ang saya-saya n’ya talaga.

“Halika nga rito!” natatawa na naman n’yang utos at niyakap ako.

Napapikit na lang ako.

Sa tuwing mararamdaman ko ang yakap ni Rigo ay mabilis na nawawala ang inis at galit sa dibdib ko. S’ya lang talaga ang may kakayahan na pakalmahin ako. Mas mabisa pa s’ya sa mga gamot na iniinom ko.

“Yakapin mo naman ako, Liam.” malambing n’yang utos sa akin.

Tuluyan nang nawala ang inis sa dibdib ko dahil sa kanyang paglalambing. Naikagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang mapangiti. Pero tulad ng kanyang hiling, inangat ko ang aking mga kamay para tugunin ang yakap niya.

“Mmmmmm… Kahit kanina pa tayo magkasama, miss na miss ko pa rin ang prinsesa ko.” sambit n’ya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. Halos isayaw n’ya rin ako dahil sa higpit ng yakap n’ya.

Wala akong nagawa kundi ang magbitaw na lang ng mahinang pagtawa.

Dahil siguro sa panggigigil ni Rigo ay hindi n’ya napigilan ang halikan at kagat-kagatin ang leeg ko. Naging dahilan tuloy ito para makiliti ako.

“Aray ko, Rigz! Masakit!” reklamo ko habang tumatawa. Sinusubukan kong makawala sa kanya ngunit mas malakas talaga s’ya sa akin.

“Masakit pero para kang kinikiliti!” pagkontra n’ya sa akin at paulit-ulit na naman akong kiniliti sa leeg gamit ang kanyang bibig at ngipin.

“Tama na, Rigz! Hindi na ako makahinga!” reklamo ko na naman dahil mas malakas na ang aking naging pagtawa.

Doon lamang s’ya tumigil sa pagkagat sa aking leeg ngunit nanatiling nakadikit ang kanyang labi roon. Isang buntong-hininga rin ang kanyang pinakawalan bago s’ya muling nagsalita.

“Lahat na lang sa ’yo, Liam, nakakagigil. Lalo na ’tong amoy mo, nakakaadik.” sambit n’ya sa mahinang tono.

“Ako rin, Rigz, gigil na ako sa ’yo! Masasaktan na naman kita ’pag hindi ka pa rin d’yan umalis sa leeg ko!” pagbabanta kong natatawa.

Dahil doon ay natawa rin s’ya. Tinanggal n’ya ang kanyang mukha sa aking leeg at muli akong hinarap.

“’Wag ka nang magreklamo sa damit mo, please?” bigla n’yang pakiusap at hinawakan muli ako sa kamay.

“Oo na! May choice ba ako?!” masungit kong pagsuko.

Nagningning ang mga mata ni Rigo.

“Thank you!” masayang n’yang reaksyon at bigla akong hinalikan sa labi.

Saglit lamang ang paghalik n’yang iyon kaya nagbalik s’ya sa pagkakatitig sa akin. May ilang pulgada lang ang layo ng aming mukha kaya nagsasalubong talaga ang aming mga paningin.

Habang nakatitig s’ya sa akin ay marahan n’yang hinaplos ang aking kamay gamit ang kanyang daliri. Ngunit makalipas ang ilang segundong pagtitig n’ya sa akin ay bahagya akong nakaramdam ng pagkailang.

May naging pagbabago na sa paraan ng pagkakatitig sa akin ni Rigo, naging mapungay na ang mga mata nito. Dahil doon ay hindi ko na natagalan ang pagkakatitig sa kanya at napaiwas na ako.

“Liam…” mahina at malambing n’yang pagtawag sa aking pangalan.

“Mmm… B-bakit?” tanong kong nauutal. Bigla kasi akong kinabahan.

“’Wag ka nang magreklamo sa damit mo.” wika n’ya sa malambing pa ring tono.

Iwas pa rin ang tingin ko nang sagutin ko s’ya.

“A-ahm… S-sinabi mo na ’yan, ’di ba? Paulit-ulit?” sinusubukan kong magsungit pero taliwas iyon sa ikinikilos ko.

“Oo, pero may pangalawang dahilan pa ’yon.” una n’yang sambit at saglit na tumigil. “’Wag ka nang magreklamo sa damit mo kasi aalisin mo rin naman ’yan mamaya.” pilyong n’ya pang dugtong.

Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok pa ako dahil parang may nagbara sa lalamunan ko.

Ginawa ko ang makakaya ko para ibalik sa kanya ang mga paningin ko. Ngunit nang tuluyan akong makaharap sa kanya ay mukhang nagkamali yata ako sa naging desisyon ko. Dahil mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa n’yang paghalik muli sa aking labi.

Sa paraan ng paghalik n’ya ay para s’yang isang leon na gutom na gutom. Mapusok at madiin iyon. Ramdam na ramdam ko ang kanyang pananabik. 

Ginantihan ko s’ya, nilabanan ko ang halik n’ya. Dahil kung hindi ko iyon gagawin, baka tuluyan na n’ya akong lamunin.

Ilang saglit pa ay naghiwalay rin kami sa aming pagkakahalik. Pareho kaming naghahabol ng hininga at nakatitig sa isa’t isa.

Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Rigo. Mayamaya pa ay nasaksihan ng dalawang mga mata ko kung paano libutin ni Rigo ang lahat ng parte ng aking mukha habang mapupungay ang kanyang mga mata.

Magmula sa aking mga mata ay bumaba ang kanyang tingin patungo sa aking ilong at huli sa aking labi. Doon na s’ya nagtagal sa pagkakatitig sa labi kong iyon na alam kong namumula dahil sa ginawa naming pagpapalitan ng halik.

Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa ginagawa n’yang panunuri sa akin.

Nasaksihan n’ya ang paglunok kong iyon kaya nagbalik ang mapang-akit n’yang pagkakatitig sa aking mga mata.

“Bakit parang kinakabahan ka, Liam?” tanong n’yang mahina habang magkalapit ang aming mukha.

Muli ay napalunok ako. Matagal na naming ginagawa ang bagay na iyon ni Rigo, pero bakit nga ba bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga oras na ito?

“H-hindi…” nauutal kong pagsisinungaling habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Hindi s’ya agad nakapagsalita ngunit napangisi s’ya dahil sa naging pagsagot kong iyon.

Yumuko s’ya at tiningnan naman ang aking binti na nakalatag sa kamang aming inuupuan. Bahagyang nakaangat ang mahabang polo na aking suot kaya lumantad sa kanya ang aking maputing hita.

Kasunod nito ay napapitlag ako nang hawakan n’ya ang hita kong iyon at marahang hinaplos. Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa paraan ng paghaplos n’yang iyon. Hinayaan ko s’ya sa kanyang ginagawa dahil parang may pumipigil sa akin na gumalaw sa mga oras na ito.

“You know what, Liam?” tanong n’ya habang nakatitig sa aking hita.

“W-what?” tanong ko pabalik na nauutal pa rin.

Ilang segundo muna ang kanyang pinalipas bago s’ya muling nagsalita.

“Everytime I see these legs…

….I can’t help but imagine that my body is there, in between.“

Kasabay ng paglaki ng aking mga mata ay naibuka ko rin ang aking bibig dahil sa pagkabigla.

“A-ah… What d—–”

“Ssshhh….” pagputol ni Rigo sa tangka kong pagtatanong.

Natigilan naman ako sa pagputol n’yang iyon. Unti-unti ay inangat n’yang muli ang tingin n’ya sa akin hanggang sa magtagpo ang aming mga mata.

“How could you do this to me, Liam?” tanong n’yang tila nanghihina.

Nakakatakot ngayon si Rigo, nag-aapoy ang kanyang mga mata. Tila ba isa s’yang mabangis na hayop at nakahain na sa kanyang harapan ang paborito n’yang ulam.

Ganito ba ang epekto sa kanya ng matagal naming hindi pagniniig? Oo, alam kong doon din ito mauuwi at mukhang s’ya ang magdadala ngayong gabing ito.

“T-the what…?” tanong ko sa kanya para makaiwas na rin sa pang-aakit n’ya.

Halo-halo na ang nararamdaman ko at hindi ko na ito maipaliwanag. Pananabik, kaba at pagnanasa. Lahat ng iyan ay naglalaro na sa aking dibdib.

“You’re waking up the monster inside––”

“A-ah..!! T-the monster?? W-where is the monster, Rigz..?” tila gulat na gulat kong pagputol ko sa kanya.

Punyeta ka, Randy! Anong klaseng katangahan ba ’yang pinagsasabi mo?!

Nagbitaw si Rigo ng mahinang pagtawa. Pero ang pagtawa n’yang iyon ay may halong kalandian!

Wala na talagang makakapigil sa kanya!

“Yeah… You wanna meet the monster, Liam…?” tanong n’yang nakangisi at tila naghahamon.

“S-sure!! W-where is that monster??” kagagahan ko na namang pagtatanong.

Hindi muna s’ya agad na sumagot. Inangat n’ya muna ang isa kong kamay habang nakatitig pa rin s’ya sa akin.

“Here…” sambit n’yang mapang-akit at ipinatong ang kamay kong iyon sa maumbok na parteng nagtatago sa loob ng boxer shorts n’ya.

“A-ah… He-he… O-okay… T-the monster inside your boxer shorts pala…” kabobohan kong sagot habang nagbibitaw ng alanganing pagtawa.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagtawa kong iyon ay natigilan akong bigla. Nanlalaki ang aking mga mata nang matagpuan ko ang aking sariling nakahiga na ngayon sa kama, habang ang katawan naman ni Rigo ay nasa pagitan ng aking mga hita. Nakapikit si Rigo at mapusok ang ginagawang paghalik sa aking labi.

Suko na ako, punyeta.

This is it!

(A/N: Ehem! Ang susunod dito ay maselan nang eksena at hindi naaangkop sa mga bata. Hahaha! Alam n’yo na kung saan matatagpuan iyon. Pakibalikan na lang po ang instruction na nasa chapter 13. Title ng chapter is, NSA-CHAPTER 27. Enjoy! Hahahaha!)

Nang mailabas nang lahat ni Rigo ang kanyang katas ay hingal na hingal itong yumuko para magtagpo ang aming mga mata. Ibinaba na rin n’ya ang aking mga binti at inilagay na n’ya ang kanyang mga braso sa gilid ng aking ulo.

Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Habang magkatitigan kami sa mata ay pareho kaming nagbitaw ng ngiti sa isa’t isa.

Ang inaasahan ko ay magpapasalamat s’ya sa akin tulad ng aming nakagawian tuwing napapaligaya namin ang isa’t isa, ngunit nasorpresa ako nang marinig ko ang mga salitang hindi ko kailanman narinig mula sa kanya tuwing magtatapos ang aming pagniniig.

“I love you, Liam… Mahal na mahal kita…” malambing n’yang sambit habang nakatingin ng tuwid sa akin.

Kasunod ng sinabi n’yang iyon ay inilapit n’ya ang kanyang sarili at muli akong hinalikan sa labi. Isang halik na ang tanging nakapaloob ay nag-uumapaw na pagmamahal.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa n’ya iyon matapos ang aming pagtatalik.

Halo-halo na ang nararamdaman ko habang magkadikit ang labi namin ni Rigo. Saya dahil sa kanyang nasambit, at lungkot dahil hindi ko ito matugunan.

Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na naglalayo sa amin ay baka matagal ko na itong naibalik sa kanya. Kung nahintay n’ya lang sana ako ng ilan pang araw simula nang umalis s’ya ay baka paulit-ulit ko pa iyong sinasabi ngayon sa kanya.

Pero lahat ng iyon ngayon ay puro na lang ‘sana’ ngayon. Lahat ng iyon ay puro na lang panghihinayang at kailangan na ring kalimutan.

Matapos ang masuyong paghalik namin ni Rigo ay niyakap pa namin ang isa’t isa.

“I love you, Liam… Mahal kita… Mahal na mahal… Lagi mo ’yan tatandaan…” paulit-ulit n’ya pa ring bulong sa akin.

Napapikit ako. At sa pagpikit kong iyon ay dumaloy ang isang patak ng luha mula sa aking mga mata.

“Mahal na mahal din kita, Rigo… Mahal na mahal… Mahal na mahal na mahal…” paulit-ulit ko ring sambit sa kanyang tenga.

Nakakalungkot.

Labis na lungkot ang nararamdaman ko dahil sinabi ko ang mga salitang iyon ngunit walang boses ang nanggagaling sa bibig ko. Tanging sa paggalaw lang ng aking labi at hindi ko iyon naisatinig.


A/N

Again, pasensya na kung may mga mali kayong napansin lalo na sa spelling. Nagmamadali talaga ako. Feel you sa comment section na lang, mga mahal ko!

Salamat! Labyu!

–– cold_deee

chapter 28

A/N

Ganito pala maging manunulat, nangyayari rin pala na may mababago sa plot? May mga panibagong ideya ang pumapasok sa aming utak. Wala lang, nasabi ko lang. Hahahaha!

Anyway, para po kay

jtmrn11

ang chapter na ito. Siya ang nagbigay sa akin ng magagamit kong music para ma-inspire sa pagsulat ng chapter na ito. Thank you, sis! My madaling-araw kachikahan! Hahahaha!

Paki-play na lang po ng song na nasa media kung gusto n’yong mas dama ang pagbabasa.

(Song title: Maybe Tomorrow / by: Westlife)

–– si Randy po sa media.

![](https://img.wattpad.com/238cb3b9ec995d054fefd9c5d3fc0f51b175b2ba/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f56316c57377778734c42413164513d3d2d3436383833323831372e31346535323935356663626565333865383431333635353332352e6a7067)

RANDY’s POV

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatakbo. Hindi ko na alam kung sino pa ang malalapitan ko sa mga oras na ito. Ibinigay ko na ang lahat ng aking lakas para makalayo sa isang panibagong bangungot sa buhay ko.

“Rigo… Nasaan ka na ba?” mahina kong pagtawag sa kanya habang patuloy pa rin ako sa ginagawa kong pagtakbo.

Hinihingal na ako at alam kong ano mang oras ay mapapasuko na ako.

Habang patuloy ako sa pagtakbo ay naaninag na ng mga mata ko ang isang pamilyar na bangkang pumapalaot na sa mga oras na ito.

“Rigo!!!!” malakas kong pagtawag sa kanyang pangalan habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Mula sa malayo ay nasilayan ko na ang kanyang ngiting sinasalubong ako.

“Liam!!!” nakangiti n’yang pagtawag sa akin habang kumakaway.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para makalapit sa kanya. Nakita ng dalawang mata ko ang mabilis n’yang pagbaba mula sa bangka para salubungin ako.

Nang tuluyan kaming magkalapit ay mabilis at mahigpit ang ginawa kong pagyakap sa katawan niya.

“Rigz! Itago mo ako, bilis!” natataranta kong pakiusap.

Narinig ko ang pagtawa ni Rigo.

“Bakit?” natatawa n’yang tanong habang hawak ang magkabilang bewang ko.

“Basta, itago mo ako!! ’Yung kutong-lupa! ’Yung kutong-lupa!!” sigaw ko na sa kanya. Ipinadyak ko na rin ang ang aking mga paa dahil pa rin sa pagkataranta.

Sa reaksyon ni Rigo ay mukhang naguguluhan na ito at natatawa sa ikinikilos ko.

“Bes!!!” sigaw ng batang kanina pa humahabol sa akin. Suot nito ang malawak na pagkakangiti habang bitbit ang isang may lamang plastic.

“Rigz, ayan na s’ya!!” sigaw ko at nagtago na sa likuran n’ya. Mas dumoble na rin ang kaba ko dahil maaabutan na ako ng impaktong bata.

Agad naman akong itinago ni Rigo sa kanyang likuran habang nakakunot pa rin ang mga noo nito.

“Ar-Ar! Anong nangyayari?!” malakas na tanong ni Rigo sa kutong-lupa.

Hindi sumagot si Ar-Ar nang tuluyan nang makarating sa aming pwesto.

“Ayan na ako, bes! Hala ka!” pananakot pa rin n’yang natatawa. Kanina n’ya pa ginagawa sa akin ito kaya halos maubusan na ako ng hangin sa katawan dahil sa labis na pagtakbo.

Nagpaikot-ikot kami sa katawan ni Rigo.

“Punyeta!! Subukan mo talagang idikit sa akin ’yan!! Kukutusan talaga kita!!” galit na galit ko nang pagbabanta sa bata.

Pero sa halip na masindak ko siya ay mas lumakas pa ang pagtawa niya, mas naging determinado pa itong ibigay sa akin ang nilalaman ng plastic na hawak niya.

“Rigz, ano ba?!! Wala ka bang gagawin?!! Tutunganga ka na lang d’yan?! Hahayaan mo na lang akong mahuli ng kutong-lupang ’yan?!” bulyaw ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pag-ikot sa kanyang kitatayuan para makaiwas sa bata.

“E, hindi ko naman kasi alam kung anong nangyayari sa inyo kaya hindi ko malaman ang gagawin!” natatawa n’yang sagot sa akin habang itinatago n’ya ako sa kanyang likuran.

Para na kaming tangang tatlo rito sa tabi ng dagat at nag-iikutan.

“Basta pigilan mo ang kutong-lupang ’yan kung ayaw mong sa kauna-unahang pagkakataon, makakasakit ako ng bata!!” pagbabanta ko na lang.

Dahil sa sinabi kong iyon ay mukhang nakumbinsi ko na rin si Rigo.

“Ar-Ar, tama na ’yan. Hindi mo pa lubos na kilala si Randy kaya kailangan mong mag-ingat.” natatawa n’yang pagsaway rito.

Teka lang? Bakit parang isa akong kriminal sa pagkakasabi niya ng gano’n sa bata?

Pero mabuti na rin iyon dahil mukhang nasindak din si Ar-Ar. Huminto na rin kasi ito sa ginagawang paghabol sa akin. Ngunit ang nakakainis, patuloy pa rin sa pagtawa ang kutong-lupa.

“Grabe ka, bes! Para ito lang parang naiihi ka na sa takot!” natatawang reaskyon ni Ar-Ar.

“E, may sanib ka rin naman palang bata ka, e! Nakakadiri kaya ’yan!” buska ko sa kanya habang dinuduro ang plastic na hawak niya.

Sumingit naman si Rigo sa aming pinag-uusapan.

“Teka, ano ba kasi ’yan?” tanong ni Rigo habang tinuturo rin ang plastic na hawak ni Ar-Ar.

“Jelly fish! Patay na jelly fish! Nakita namin kanina ni Bes sa dalampasigan!” sagot naman ni Ar-Ar.

“Nakita mo na, Rigz?! ’Di ba?! ’Di ba, nakakadiri?!! Punyeta! Nakakasuka ang hitsura!!” reaksyon ko na naman habang pinapadyak ang aking mga paa.

Umalingawngaw ang malakas na pagtawa nila ni Rigo dahil sa nakikita sa akin.

“Tama na ’yan, Ar-Ar. Ayaw ni Randy ng ganyan. Lahat ng madudulas na bagay ayaw niyang hawakan.” natatawang pagsaway ni Rigo sa bata.

Dahil sa sinabi ni Rigo ay napahinto sa pagtawa si Ar-Ar. Kasunod nito ay tiningnan niya ako na tila hindi siya naniniwala.

“Weh? Talaga ba, bes? Lahat ng madudulas ayaw mo? Pati ’yung… Pati ’yung…” may pagkapilyo niyang tanong at tiningnan ang itinatagong maselang parte ni Rigo sa kanyang harapan.

Nagkatinginan kami ni Rigo at pareho ang aming naging reaksyon. Pareho kaming nanlalaki ang mga mata dahil sa pagkasorpresa.

Hindi ko na talaga kinakaya ang batang ito! Hindi na isang bata ang lebel ng utak nito!

Muling nilingon ni Rigo si Ar-Ar ngunit naging seryoso na ang ekspresyon nito.

“Ar-Ar, itigil mo na ’yan. Isa pa, hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan sa mas matanda sa ’yo. Ang usapan ng matatanda ay para lang sa matatanda. Hindi ka dapat sumasali sa mga gano’ng usapan.” seryoso niyang pangaral sa bata.

Buti nga sa kanya!

Dahil sa naging pangaral ni Rigo sa kanya ay napayuko at naging malungkot ang ekspresyon ni Ar-Ar. Bigla naman akong naawa sa kanya dahil napahiya siya.

“Sorry na, Daddy…” sambit nito sa malungkot na tono habang nakayuko.

Natigilan ako. Mas naging malaki na rin ang mga mata ko dahil sa narinig ko.

Daddy? Tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang Daddy si Rigo?

Mula sa seryosong ekspresyon ni Rigo ay natawa ito. Hindi na ako nakapagbigay ng reaksyon dahil sa labis na pag-iisip sa narinig ko mula kay Ar-Ar.

Hinaplos ni Rigo ang ulo ni Ar-Ar habang nakangiti.

“Sige na, mamaya na ang drama. Bumalik na tayo sa kubo dahil nakahuli na kami nila Lolo ng mga isda para makain natin sa tanghalian.” wika nito at inakbayan na si Ar-Ar.

Nagsimula na silang maglakad ngunit hindi pa rin ako gumagalaw sa aking pwesto. Natulala na lang kasi ako dahil sa mga narinig ko.

“Liam?” pagtawag ni Rigo sa aking atensyon.

Nilingon ko siya.

“H-ha?” nauutal kong tanong na tila nabibingi.

“Let’s go?” pagyaya niyang nakangiti habang nakalahad ang kanyang kamay sa akin.

“A-ah… S-sige…” sagot ko lang at kumilos na ako para makasabay sa kanilang paglalakad.

Inakbayan din ako ni Rigo. Habang naglalakad kami ay nagkwentuhan lamang sila ni Ar-Ar sa masigla na nilang tono. Nawala na ang kaninang malungkot na tagpo sa pagitan nilang dalawa. Ako naman ay mas naging marami na ang katanungan sa kaisipan.

May tinatago pa ba sa akin si Rigo? Anak niya kaya si Ar-Ar at hindi niya sa amin sinabi ang tungkol dito? Hindi kaya itinago niya ito sa lahat? Hindi kaya itinago niya ang batang ito dito sa probinsiya para hindi siya maeskandalo? Pero bakit naman niya itatago sa amin iyon?

Hanggang sa makarating kami sa kubo ay naging napakatahimik ko. Naupo na lang ako sa isang tabi at pinapanood sina Rigo at Ar-Ar na nagtutulong para sa paghahanda ng aming tanghalian.

Hindi maalis ang mga katanungan sa isip ko. Kaya ba noong una pa lang kaming magpunta rito ni Rigo ay parang matagal na silang magkakilala? Tama kaya ang lahat ng iniisip ko?

Sumapit ang tanghalian at naging maayos naman iyon. Nawala na rin ang mga bagay na gumugulo sa aking isip dahil nasa akin na naman ang atensyon ng lahat. Hindi na rin naulit ang pagtawag na ‘daddy’ ni Ar-Ar kay Rigo at nagbalik na ito sa pagiging ‘kumpare’ niya tulad noong una.

Siguro nga ay nagkamali lang ako ng dinig kanina, siguro nga ay ilusyon lamang iyon dala na rin ng labis kong pag-iisip na magiging isang ganap nang ama si Rigo.

Nang matapos ang tanghalian ay nagpaalam si Rigo sa akin dahil may mahalaga raw silang pupuntahan ni Lolo sa East at South ng lugar na ito. Gusto ko sanang sumama sa kanila ngunit sinabihan ako ni Rigo na manatili na lang dito dahil mainit doon at baka mapagod lang ako. Pumayag na lang ako sa gusto niya dahil ayaw ko naman mabilad sa araw. Alaga ko ang balat ko kahit may malalaki pa akong peklat sa likod.

Ang alam ko ay kanina pa ako inis na inis sa batang si Ar-Ar. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kasama ko ito ngayon dito sa isang kagubatang malapit sa aming tinutuluyan. Ang mas nakakainis pa, hindi ko alam kung paano ako napasunod ng batang ito na lumuhod sa tapat ng isang puntod na may krus sa ibabaw.

Nakaluhod kaming pareho at pinagdarasal ang kaluluwa ng namatay na jelly fish!

“Nawa po ay maging mapayapa ang kaluluwa ng kawawang jelly fish. Amen.” panalangin ni Ar-Ar. Ang dalawa niyang palad ay magkadikit habang siya ay nakaluhod at nakapikit.

Ilang sandali pa ay nilingon niya ako ngunit nanatiling magkadikit ang mga palad niya sa kanyang dibdib.

“Bes, sabihin mo, Amen!” utos nito sa akin.

“A-amen…” pagsunod ko naman sa kanya habang nakaluhod din ako at magkadikit ang aking mga palad malapit sa aking dibdib.

Ang batang ito, ginayuma na yata ako. Paano niya nagawang pasunurin ang isang Randy Liam de Torres? Ako na hindi madaling pasunurin ng kahit na sino lalo na kung bata lang ito!

Natapos kami sa aming pagdarasal kaya ibinaba na namin ang aming mga kamay. Umupo rin kami ng maayos sa mga tuyong dahon na naririto sa gubat.

Inilibot ko ang aking paningin sa kagubatan kung nasaan kami. Ngayon ko lamang napansin na marami pang maliliit na krus ang nagkalat.

“’Wag mong sabihing ikaw rin ang naglibing ng mga ’yan?” nakataas na isang kilay kong tanong kay Ar-Ar habang tinuturo ang mga maliliit na puntod na nagkalat malapit sa aming pwesto.

“Ang galing mo, bes! Paano mo nalaman?! Mga namatay din na iba’t ibang uri ng isda ang nand’yan!” manghang sagot naman nito sa akin.

Sa totoo lang ay nasorpresa ako. Ngayon lang ako nakakita ng taong pinagdadalamhati ang kaluluwa ng mga isda.

“Bakit may paglibing ka pang nalalaman?! Baka nakakalimutan mo? Humuhuli kayo ng isda at kinakain ang mga ’yon kaya namamatay rin sila!” buska ko at inirapan siya.

Totoo naman ang sinasabi ko. Nagdadalamhati siya sa pagkamatay ng mga iyon samantalang kumakain din siya ng gano’n.

Matapos kong sabihin ang bagay na iyon ay nagtaka ako dahil hindi siya agad sumagot sa akin pabalik, bagay na nakakapagtaka dahil sa sobrang daldal niya.

Nang lingunin ko siyang muli ay napakalayo ng nararating ng kanyang mga mata. Ngunit ang mas nakakapagtaka ay dahil naging malungkot ang ekspresyon niya.

“Magkaiba naman ’yon, bes. Magkaiba ang inanod lang sa dagat kagaya nitong jelly fish. Iba ’yon kesa sa mga nahuhuli naming mga isda na may buhay pa.” malungkot nitong sagot sa akin.

Sa paraan ng kanyang pagsasalita ay naramdaman kong malalim ang pinanggagalingan no’n. Hindi ako nagsalita, hinayaan ko na lang na ipagpatuloy niya ang kanyang mga sasabihin.

“Alam mo ba kung bakit pinagluluksa ko ang mga naaanod na mga isdang patay na?” tanong niya sa akin.

“Malamang, hindi. Try mo kaya ikwento? Duh?” pamimilosopo ko at inirapan ko na naman siya.

Ngumiti muna siya ng tipid bago muling nagsalita. Nanatili ring nakatanaw sa malayo ang kanyang mga mata.

“Kasi baka sina Nanay at Tatay na ’yon. Baka nagkatawang lamang-dagat lang sila. Baka sakaling bumalik na ang bangkay nila para ipagluksa na namin sila.” nakangiti ngunit malungkot ang kanyang tinig.

Natigilan ako dahil sa kanyang mga sinabi. Ngayon ko lang din natanong sa aking sarili kung nasaan na ang mga magulang ng batang ito?

“A-ano bang nangyari sa kanila?” nauutal kong tanong sa kanya.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago siya nagsimulang magkwento.

“Wala na sila. Pareho na silang kinuha sa akin noong limang taong gulang pa lang ako. Tumaob ang bangkang sinasakyan namin dahil sa bagyo. Itinali sa akin nila Nanay at Tatay ang isang salbabida na nandoon sa bangka kaya nakaligtas ako. Inanod ako ng tubig hanggang sa makarating ako sa lugar na ’to. Pero ako lang, hindi ko na kasama ang mga magulang ko…” mahaba niyang pagkekwento. Kasunod ng kwento niyang iyon ay tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Parang pinipiga ang puso ko habang pinapakinggan siya. Ang batang ito na hindi mo makikitaan ng lungkot ay lumuluha ngayon sa harap ko dahil sa pangungulila.

“Hala! Sabi ni pareng Rigo ’wag na raw akong umiyak, e! Nakakabawas daw sa pagkagwapo!” bigla niyang sambit na natatawa at mabilis na pinunasan ang kanyang mga luha.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa mga oras na ito. Dapat ko ba ipakitang naaawa ako sa kanya kahit na ramdam kong pilit niyang ginagawang masigla ang sarili niya?

“Nagulat ka, bes, ’no? Akala mo puro joke lang ako?!” tanong niyang natatawa.

“Hindi. Akala ko kutong-lupa ka lang talaga.” pagbibiro ko habang seryoso ang ekspresyon ko. Pinili ko na lang na pagaanin ang usapan dahil sa tingin ko ay iyon ang kanyang kagustuhan.

Mukhang naging matagumpay naman ako dahil napatawa ko ito. Dahil sa naging reaksyon niya ay hindi ko na rin napigilan ang magbitaw ng ngiti habang pinagmamasdan siya.

Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim at nagbalik sa kanyang pagkekwento.

“Sina Lolo at Lola, hindi talaga nila ako tunay na apo. Hindi ko talaga sila kaano-ano, bes. Sa kanila lang ako ipinagkatiwala ng taong kukupkop sa akin pagdating ng araw. Hindi rin nila ako pwedeng alagaan ng matagal kasi kukunin din sila ng mga anak nila para manirahan sa ibang bansa. Inaasikaso na lang daw ang mga papeles ba ’yon? Basta, mga papel daw para makaalis na sila rito sa Pilipinas.” muli nitong pagbubunyag.

Hindi na lang ako nagsalita. Alam kong sa mga oras na ito ay isang tagapakinig lang kailangan niya.

“Alam mo ba kung sino ang kukupkop sa akin, bes, pag-alis nila Lolo at Lola?” nakangiti niyang tanong at nilingon ako.

“Nasabi mo na ba? Hindi pa, ’di ba? ’Wag kang pa-suspense! Wala tayo sa palabas.” pagbibiro ko na naman sa kanya.

Tumawa naman siya sa aking sinabi. Binabara ko siya pero tumatawa lang siya. Para siyang ’yong kakilala ko. Para siyang si Rigo.

“Si Daddy Rigo.”

Natigilan na naman ako nang marinig ko ang pagtawag niyang iyon kay Rigo.

“Nagulat ka na naman, ’no?” tanong niya at natawa. “Ganyan na ganyan ang reaksyon mo kanina noong natawag ko siyang Daddy sa tabing dagat!” pagpapatuloy niya pa habang natatawa.

Napalunok ako dahil pa rin sa pagkabigla. Gusto kong magtanong ngunit parang nalunok ko na ang aking dila.

Umayos siya ng pagkakaupo at nagbalik ng tingin sa malayo.

“Si pareng Rigo ang nakakita sa akin na inaanod sa tabing dagat tatlong taon na ang nakakalipas. Noong gumising ako, siya na ang kasama ko. Kahit noong mga panahon na pinapahanap niya ang bangkay ng mga magulang ko, kasama ko siya. Pero dahil kailangan niyang bumalik ng trabaho niya sa Maynila, kinailangan niya akong iwan. Doon na nga niya ako pinagkatiwala kina Lolo at Lola.” paliwanag niya.

“Bakit hindi ka na lang niya isinama sa Maynila?!” hindi ko napigilang magtanong na sa pagkakataong ito.

Tinaasan niya ako ng isang kilay.

“Atat lang, bes? Magkekwento pa ako!” buska nito.

Natahimik na naman ako. Gusto ko sanang makipagtalo sa kanya pero mas gusto kong marinig ang buong kwento. Bago ito sa pandinig ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkainip sa matutuklasan ko tungkol kay Rigo.

Muli siyang huminga ng malalim para magpatuloy.

Punyetang paghinga ng malalim ’yan! May hika ba ’to?! Hindi na lang bilisang magkwento!

“Hindi niya pa ako pwedeng isama noon dahil patuloy pa rin kami sa paghahanap sa mga magulang ko. Pero, maraming beses naman siyang dumadalaw sa akin para kamustahin ako. Pinag-aral din niya ako at sinuportahan dito habang naghahanap pa rin sa mga magulang ko. Kaso, habang tumatagal ang paghahanap namin, natutunan na rin naming tanggapin na wala na nga sina Nanay at Tatay. Iyak lang ako ng iyak noon. Gusto ko kasing makita pa rin sina Nanay at Tatay kahit wala na silang buhay.” pagpapatuloy niya pa.

Hindi ito kailanman nabanggit sa akin ni Rigo. Inaalala ko ang mga panahon ng kaparehong taon ng nabanggit ni Ar-Ar. Sa tingin ko ay iyon din ang simula ng pagsasama namin ni Rigo tatlong taon na rin ang nakakalipas. Hindi naman ako nagtatanong sa kanya noon sa tuwing magtatagal ito sa kanyang pupuntahang lugar dahil normal na iyon sa kanyang trabaho bilang isang modelo.

“Tapos, noong isang taon, tinanong niya ako kung gusto ko raw ba siyang maging panibagong Daddy. Siyempre, um-oo ako! Ang gwapo kaya ng magiging bagong tatay ko! Parang mag-ama talaga kami, ’di ba?!” masaya niya pang litanya.

Napangiwi ako.

“Parang hindi naman.” reaksyon ko.

Pero ang totoo, sa tingin ko ay lalaking magandang lalaki si Ar-Ar. May makapal na kilay at mapuputing pantay na mga ngipin. Hindi rin pahuhuli ang kanyang kulay na lalaking-lalaki kung titingnan.

Natawa na naman siya sa aking sinabi.

“Bagay talaga kaming mag-ama, bes! Kasi parehong sabay na nawala ang mga magulang namin dahil sa aksidente!” depensa niya naman. Kahit sinasabi niya ang mga salitang iyon habang tumatawa, alam kong masakit ’yon sa parte niya.

Nakaramdam naman ako ng lungkot sa kanyang sinabi. Tama siya, pareho nga sila ni Rigo na naulila dahil sa kaparehong sitwasyon. Magkaiba lang ng senaryo dahil namatay ang mga magulang ni Rigo dahil sa car accident. Kaya siguro magaan din ang loob nila sa isa’t isa.

Oo na, sige na. Pumapayag na akong pwede na nga silang maging mag-ama dahil pareho rin ang ugali nilang tinatawanan lang ako ’pag binabara ko sila.

“Kaso, bes, sabi niya wala pa raw siyang maipapakilalang magiging Mommy ko, e.” bigla niyang sambit makalipas ang kanyang pagtawa.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Dapat ba akong humingi ng tawad sa batang ito dahil ako ang dahilan kung bakit hindi siya magkakaroon ng isang kikilalaning ina? Dahil ako ang naging hadlang kaya hindi nagkagrilfriend si Rigo para may maipakilala rito?

“Pero alam mo bang sinabi niyang may taong espesyal para sa kanya? Sabi niya, isang araw dadalhin daw niya ’yon dito at ipapakilala sa akin. Suriin ko raw siyang mabuti kung gusto ko raw bang maging Mommy ’yon.” saad niyang muli at saglit na tumigil. Tiningnan niya ako at ngumiti siya ng malapad. “Tapos makalipas ang ilang buwan, nakilala ko na nga siya. Noong una pa lang, sinabi ko na kay pareng Rigo na gustong-gusto ko siya kahit masungit siya.” sunod niya pang litanya.

Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso habang magkatinginan kami ni Ar-Ar sa mata.

“S-sino? N-nakilala mo na ba?” nauutal kong tanong sa kanya.

Mula sa pagkakangiti ay tinaasan niya ako ng isang kilay at napangiwi pa siya.

“Ang hilig mo talagang magpabebe, bes, ’no? Kailangan ko pa bang sabihin na ikaw ’yon? Halata naman dahil ikaw lang naman ang dinala niya rito at pinakilala sa akin makalipas ang ilang buwan.” sagot niyang mapang-asar.

“Punyeta! Hindi mo na lang kasi sabihin! Ang dami pang paligoy-ligoy!” naiinis kong sambit at bahagya siyang piningot. Pero habang sinasabi ko iyon ay alam kong namumula ang pisngi ko dahil naramdaman kong uminit ang mukha ko.

“Aray naman, bes!” reklamo niya naman pero tumatawa siya.

Dahil sa kanyang reaksyon ay hindi ko rin napigilan ang matawa.

“Sus! Kinikilig siya oh! May pagblush ka pa, bes!” kantyaw niya sa akin habang hawak ang kanyang tengang piningot ko.

“Punyeta!” reaksyon ko lang at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Ilang segundong katahimikan ang namayani sa amin bago siya muling nagsalita.

“Kaso hindi pa raw kita matatawag na Mommy kasi hindi mo pa raw siya sinasagot. Bakit, bes? Anong mali kay pareng Rigo? Mabait naman siya, ’di ba? Sa tingin ko mahal na mahal ka rin niya. Saka matagal na kayong magkasama, ’di ba?” sunod-sunod niyang tanong makalipas ang ilang sandali.

Hindi ko magawang tingnan si Ar-Ar. Hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan ang magpaliwanag sa kanya dahil baka hindi niya kayang iproseso ang mga paliwanag ko.

Huminga na lang ako ng malalim.

“May mga bagay na hindi mo pa kayang intindihin sa ngayon, Ar-Ar. Siguro, pagdating ng panahon, ’pag malaki ka na, doon mo lang maiintindihan.” tangi ko lang naisagot sa kanya.

Nagsimula na naman akong mag-isip sa mga bagay na nagpapabigat sa aking dibdib. Mga bagay na sumisira sa aking isip at nararamdaman.

“Pero sana, bes, ikaw na lang ang magiging Mommy ko. Kahit may lawit ka, okay lang. Hindi naman sa akin importante ’yon, e.” sagot niya sa akin.

Nilingon ko siya habang naniningkit ang aking mga mata.

“Bunganga mo! Ayusin mo ’yan!” buska ko sa kanya at marahang kinurot ang bibig niya.

Binigyan niya naman ako ng malakas na pagtawa.

“Pero sayang talaga, bes! Gusto ko ikaw ang magiging Mommy ko! Excited na nga ako e! Sa sobrang excited ko, nakaisip na ako ng theme song natin ’pag isang pamilya na tayo!” masaya niyang pagbabalita habang tumatawa.

“Theme song?” nagtataka ko na ngayong tanong.

“Oo! ’Yung kanta natin ’pag magkakasama na tayong tatlo!” sagot niya naman.

“Anong theme song natin?” bigla na akong naging mas interesado.

“Tatlong beki.” diretso niya namang sagot.

Naibuka ko ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko.

“Bakla ka??!!” tanong ko sa kanyang nabibigla.

Muli na naman siyang tumawa.

“Ewan ko! Wala pa akong crush, e!” sagot niyang natatawa. “Ay, meron pala!” bigla pa nitong pagbawi.

“Sino??!!”

“Si pareng Rigo! Ang hot, bes, e!”

Sinabunutan ko siya ng marahan. ’Yung tipong mapanakit na may halong lambing.

“Punyeta! Punyeta! Punyeta! Sinasabi ko na nga ba! ’Wag siya!! ’Wag siya!!” gigil na gigil kong pagsaway sa kanya habang sinasabunutan siya.

“Aray! Grabe ka naman! Joke lang ’yon, bes! Daddy ko nga, ’di ba?!” sagot niya habang hawak ang kamay kong nasa ulo niya.

“Umayos ka!” banta ko at saka ko lang binitawan ang buhok niya.

“Oo na! Sa ’yo lang siya! Ibulsa mo pa kung gusto mo!” sagot nito at inayos ang makapal niyang buhok.

Huminga ako muli ng malalim.

“So, ano nga ’yang theme song natin?” nakaramdam naman agad ako ng excitement. Love song kaya? Mellow rock?

Inayos niya ang kanyang sarili at nagvocalize pa.

“Ehem! Ready, 1, 2, 3!” pagbibilang niya.

Hinintay ko na lang na magsimula siyang kumanta.

“May tatlong beki akong nakita.

May model, may bata, mga beki.

Ngunit––“

“Teka, teka! Nasaan ako?!” pagputol ko sa kanyang pagkanta. Alam kong si Rigo ang model at siya ang bata. E, ano ako?

“Wait lang nga! Patapusin mo kasi ako!” medyo nairita na siya.

Huminga na lamang ako ng malalim tanda ng pagsuko. Tama nga naman, bakit ba kasi hindi ko siya pinatapos? Masyado kasi akong atat. Hindi ko rin naman alam ang kantang iyon kaya dapat ay hayaan ko lang siya.

Muli niyang inayos ang kanyang sarili para muling kumanta.

“May tatlong beki akong nakita.

May model, may bata, mga beki.

Ngunit ang may buntot sa likod na iisa,

siya ang lider na nagsabi ng NYE-TA!

PUN-YE-TA! PUN-YE-TA!“

Mabilis na umakyat ang dugo ko sa ulo dahil sa galit.

“Punyeta ka talaga!!” inis na inis kong sambit at sinabunutan na naman siya ng pabiro.

“Aray, aray! Joke lang, bes!” reklamo niyang natatawa.

“Alam mo, konti na lang masasakal na kita!” pagbabanta ko na naman ngunit binitawan ko na siya.

“Kanina ka pa nga nananakit, e! ’Pag ikaw ang naging Mommy ko, tatawag talaga ako sa Bantay-Bata!” siya na ngayon ang nagbabanta.

“E, ’di magsumbong ka! Ako pa ba ang tinakot mo?!” buska ko sa kanya.

“Sus! Joke lang! Ayoko nga mawalan ng Mommy!” pagbawi naman niya.

Muli ko siyang pinaningkitan ng mata.

“Ayoko ng Mommy ang itatawag mo sa akin!” pagtatama ko.

“Alangan naman Daddy rin?” tanong niya.

“Ayoko rin.”

“Papa?”

“Ayoko.”

“Itay?”

“Ayoko. Gusto ko medyo sosyal. Pwedeng pinaghalong Daddy at Mommy.”

“Dammy? Ampanget!”

“Oo nga, panget. Iba na lang. Pwede rin pinaghalong Papa at Tatay.”

“Papa at Tatay? Pa-tay? Patay?! Mas panget, bes!”

“Oo nga ’no?”

Natahimik kami saglit matapos iyon. Parang natuyuan kami ng utak dahil sa aking mga kondisyon.

“Ah!! Eh kung Mamshie na lang, bes?! Pinaghalong Mama at Beshie! Tapos ’pag pinaiksi, Ma! Ano sa tingin mo?!” bigla nitong suhestiyon sa masayang tono makalipas ang ilang sandali.

Naihawak ko ang kamay ko sa aking dibdib at napapikit pa ako.

Punyeta. Bakit bigla akong nakaramdam ng lukso ng dugo? Anak ko yata talaga ang kutong-lupa na ito?!

“Sige! ’Yon na lang!” masaya ko namang sagot sa kanya.

“Mamshie?!” mas malakas niyang pagtawag sa akin.

“Yes?!” sagot ko namang malakas habang nakangiti rin.

“Mamshie!”

“Anak!”

“Ma!”

“Bakit, ’nak?!”

Matapos ang mga pagtawag naming iyon ay natigilan kami saglit habang nakangiti. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay pareho kaming natawa sa aming mga sarili.

“Halika nga rito! Payakap nga sa anak ko!” hindi ko napigilan ang tawagin siya habang nakamwestra ang mga braso ko para ikulong siya rito.

“Mamshie!!” sambit niya at niyakap ako.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang malinaw lang sa akin, nag-uumapaw ang saya ko dahil pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng pamilyang buo. Bagay na hindi ko naranasan noon, bagay na hindi namin naranasang tatlo nina Ar-Ar at Rigo.

Ganoon lang ang posisyon namin ni Ar-Ar ng ilang minuto. Natiis ko ang pangangamoy-araw niya kahit maarte ako. Ewan ko ba, damang-dama ko ang pagiging isang ulirang ina.

Ngunit habang nasa ganoon kaming posisyon ay may naalala ako. Naging dahilan tuloy iyon para mawala ang pagkakangiti ko.

“’Nak…” pagtawag ko sa kanyang mahina.

“’Ma…” sagot niya naman.

Ilang segundo ang aking pinalipas bago ako muling nagsalita.

“Gusto mo bang ako na lang ang umampon sa ’yo?” tanong ko sa malungkot na tono.

“Walang Daddy Rigo?” tanong niya.

Matalino talaga siyang bata. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa kanya ang gusto kong ipahiwatig sa katanungan kong iyon.

“P-parang gano’n na nga…” nauutal kong sagot.

“Ayoko, ’Ma. Hindi tayo magiging kompleto, hindi tayo magiging isang pamilya. Gusto ko nandoon ka at si Daddy Rigo. Gusto ko magkakasama tayong tatlo.” sagot niya sa akin.

Lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa naging sagot niya.

Naiintindihan ko siya. Kaya nga nagdesisyon akong itigil na ang pakikipaglaban para kay Rigo dahil may isang batang kagaya rin ni Ar-Ar na gustong maging kompleto ang pamilya. May isang batang naghihintay kay Rigo at umaasang magkakasama sila ng kanyang Mommy at Daddy sa oras na isilang siya sa mundo.

“I’m sorry…” mahina kong sambit at hinalikan si Ar-Ar sa ulo. Kasunod ng pagkakasabi kong iyon ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko.

“Bakit ka nagso-sorry, ’Ma?” tanong niya. Akmang kakalas din siya sa pagkakayakap namin ngunit pinigilan ko siya. Niyakap ko na lang siya ng mas mahigpit para hindi niya makita ang aking pagluha.

“W-wala… Dito ka lang.” sagot kong tipid.

Sinunod niya naman ako at mas niyakap na rin ako ng mahigpit sa pagkakataong ito.

Hindi ko sa kanya masabi ang aking dahilan. Humihingi ako ng tawad dahil hindi ko matutupad ang kanyang kahilingan na kanyang maging magulang.

Sapat na siguro ito, ang maging magulang niya ako habang naririto pa ako sa tabi niya, kahit dalawang araw na lang ang natitira.

Alam kong hindi naman siya pababayaan ni Rigo. Alam kong gumagawa na rin ng paraan si Rigo para maging legal na ang pag-ampon dito.

Pero ang masakit sa akin, alam kong makikilala rin niya si MJ na siyang magiging ina niya sa hinaharap. Hindi siya sa akin nararapat, hindi ako karapat-dapat para sa kanya.

Akala ko ay hanggang kay Rigo lang ang magiging sakripisyo ko. Mali pala ako. Nandito pa pala si Ar-Ar na pag-aalayan ko ng panibagong sakripisyo para magkaroon siya ng sariling pamilya.

Ilang minuto pa kaming nagtagal sa lugar na iyon ni Ar-Ar. Hindi ko siya binitawan, sinulit ko ang oras na may matatawag akong anak. Ngayon na lang naman ito, hanggang bukas.

Nang tuluyan na akong kumalma ay saka ko lamang siya binitawan. Nagtagal pa kami roon ng ilang minuto hanggang sa magsimula na naman siyang magkwento ng kung ano-ano. Naroon ang paminsan-minsan naming pag-aasaran kaya nauwi rin kami sa habulan. Natigil na lamang kami sa aming masayang paglalaro nang marinig namin ang pagtawag sa amin ni Rigo.

Napagkasunduan namin ni Ar-Ar na isekreto na lamang kay Rigo ang mga bagay na aming napag-usapan. Ako ang nakiusap sa kanya at nagpalusot na lamang ako na gusto kong masorpresa si Rigo. Pero ang totoo, ayaw kong makagulo sa hinaharap nilang pareho, sa oras na magkahiwa-hiwalay na kaming tatlo.

Hapon na nang makabalik kami sa kubo. Niyaya ako ni Rigo na bumalik muna sa rest house at magbihis kami ng pang-alis dahil may pupuntahan daw kami. Sinabi niya rin na hindi kami sa rest house o sa kubo maghahapunan at doon na lamang namin gagawin iyon sa aming pupuntahan.

“Hindi ba natin isasama si Ar-Ar?” nagtataka kong tanong kay Rigo nang makalabas kami ng rest house.

Inakbayan naman niya ako habang seryoso ang ekspresyon nito.

“Kayo ha? Ilang oras ko lang kayong iniwan pero parang mas gusto mo na siyang kasama kesa sa akin.” kunwari ay nagtatampo nitong reaksyon.

Inilagay ko sa kanyang bewang ang aking kamay at sinimulan na naming maglakad sa tabing dagat. Nakasuot lang kami pareho ng puting polo at puting short, beach sandals naman ang proteksyon namin sa paa. Lahat daw ng iyon ay binili niya sa bayan kanina. Couple outfit kung tutuusin kaya hindi na ako nagreklamo kung walang brand ito. Komportable naman sa katawan kaya ayos lang.

“Inaalala ko lang na baka gusto niyang sumama! Ang damot mo naman!” buska ko naman sa kanya.

Natawa naman siya sa aking sinabi.

“Joke lang!” pagbawi niya at marahan akong kinurot sa ilong. “Sinadya kong ’wag na siyang isama dahil baka mapuyat lang siya. Baka kasi gabihin tayo doon sa pupuntahan natin. At ’pag ginabi tayo, mapapagsarahan siya nina Lolo at Lola ng pinto. Okay lang naman sa akin kung sa atin siya matutulog, kaso hindi nakakatulog ang batang ’yon ’pag hindi niya nayayakap ang mabaho niyang unan!” mas mahaba niya pang dugtong at mas lumakas na ang kanyang pagtawa.

Maging ako ay natawa sa ibinalita niyang iyon.

“Seryoso? May unan siyang mabaho?” natatawa kong tanong. Patuloy pa rin kaming naglalakad.

“Oo. Ayaw niya nga palabhan kay Lola ang punda no’n dahil hindi niya raw makilala!” sagot naman ni Rigo.

Pareho naming pinagsaluhan ang malakas na pagtawa dahil sa bagay na iyon tungkol kay Ar-Ar.

“Teka, Rigz. Saan ba tayo pupunta?” tanong ko makalipas ang ilang sandali. Napansin ko kasing may ilang minuto na kaming naglalakad dito sa tabing dagat. Marami naman ang nagkalat na ilaw mula sa magkakaibang rest house at resort na aming nadadaanan kaya hindi kami nangangapa sa dilim.

“Malapit na tayo, konting lakad na lang. Nakikita mo ba ’yon? May espesyal na restaurant ang isang resort na nandito. Nagbubukas lang ’yan tuwing ganitong season kaya dinadayo talaga.” sagot nito habang tinuturo ang isang lugar sa malayo na maraming ilaw.

“Anong espesyal doon?” naiintriga kong tanong.

“May iba’t ibang pakulo sila tuwing magbubukas sila. Pwedeng party, pwedeng live band, pwedeng contest at kung ano-ano pa. Kaya gusto ko rin magpunta para alamin kung ano naman ang pakulo nila ngayon. At lahat ng pakulo nila, may maganda silang reward sa mga magpupunta.” mahaba niyang paliwanag.

“Aahh… Nice.” naging reaksyon ko lang habang marahang tumatango.

Nakarating kami sa lugar kung saan kami kakain ni Rigo. At nang tuluyan akong makatungtong sa malaking restaurant na nasa tabi ng dagat ay nagulat ako dahil sa dami ng tao ang naririto. Namangha pa ako dahil may mga nagpeperform pa sa malaking stage sa dulo ng fire dancing. Maingay man sa lugar dahil sa malakas na tugtog ay maeengganyo ka naman sa musikang mapapakinggan.

“Ang daming tao, Rigz!” namamangha kong sambit habang hawak ko ang kamay ni Rigo. Pakiramdam ko kasi ay magkakahiwalay kami ni Rigo kung bibitaw ako sa kanya dahil sa dami ng tao.

“See? Kaya sikat talaga ’tong resort na ’to!” may pagmamalaking sagot sa akin nito.

Nasa ganoon kaming tagpo ni Rigo nang may lumapit sa aking waitress ng restaurant.

“Good evening, Señorito! Do you have a reservation?” magalang na pagtatanong sa akin nito.

Lilingunin ko sana si Rigo para tanungin ngunit naunahan na niya akong kausapin ang waitress.

“Hi. Good evening.” nakangiting pagsabat ni Rigo.

Iyon lang ang sinabi ni Rigo, pero nasaksihan ko kung paano nanlaki ang mga mata ng waitress nang lingunin siya nito.

“Sir Rigo! Welcome po!” tila namamanghang sambit ng waitress. Nagniningning pa ang kanyang mga mata.

“Thank you.” sagot lang ni Rigo na nakangiti.

“A-ahm… T-this way po!” natataranta namang pagbibigay daan sa amin ng waitress.

Nagsimula na naman akong makaramdam ng kakaiba dahil sa mga nakikita ko. Kaya nang simulan na naming maglakad para sundan ang waitress kung saang upuan niya kami ihahatid ay bahagya kong siniko si Rigo.

“Type ka yata! Sabunutan ko ’yan!” bulong ko kay Rigo habang nagdidikit ang mga ngipin ko.

Tumawa naman ang loko at inakbayan ako.

“Kalma, Liam! Hindi ’yan!” depensa niyang natatawa.

“E, bakit may pagngiti?! May pagningning pa ng mata! Akala mo ikakaganda niya! Aminin mo! Wala tayong reservation, ’di ba?! Pero nang makita ka niya, meron na agad tayong uupuan! Ano ’to?! Anong kalandian ’to?!” sinimulan ko nang magbunganga.

Mas lalo na siyang natawa sa mga katanungan ko. Inakbayan na niya ako para pakalmahin ako.

“Liam, just calm down, okay? Baka naman nakilala niya lang ako dahil nakita na niya ako sa magazine or TV?” wika nito at hinalikan ako sa ulo.

And yes, matapos ang kanyang halik ay kumalma na ako. Magrereklamo pa ba ako kung ginawa niya iyon sa gitna nitong restaurant habang marami ang taong nakatingin? Nakita pa ’yon ng waitress na naghahatid sa amin kaya nanahimik na ako.

Ibinigay sa amin ng waitress ang isang mesang may magandang pwesto. Si Rigo na rin ang naghatid at nag-ayos ng mauupuan ko bago siya nagtungo sa tapat ng aking pwesto.

“I’ll just get some complimentary bread and soup for you, Sirs. I’ll be back in just a couple of minutes to get your orders.” nakangiting pagpapaalam ng waitress nang maibigay sa amin ang menu.

“Whatever.” irap ko naman sa waitress.

Natawa ng alanganin si Rigo dahil tila nagulat ang waitress sa inasal ko sa kanya. Akala ko kasi ay kumalma na ako, hindi pa pala. Nakulangan yata ako sa halik ni Rigo.

“Ah, sige, Miss. Thank you.” nakangiti na lang na sagot ni Rigo sa kanya.

Nang makaalis ang waitress ay sinimulan ko nang buklatin ang menu. Pero wala doon ang atensyon ko kundi kay Rigo na alam kong nakatingin sa akin sa mga oras na ito.

“Pagagalitan mo ba ako dahil sa inasal ko sa waitress?” tanong kong nakataas ang isang kilay at hindi siya tinitingnan.

Narinig ko ang kanyang pagtawa.

“Of course not!” natatawa niyang sagot.

Napangisi naman ako dahil doon.

“Good.” tangi ko lang nasabi habang nagbubuklat pa rin ng menu.

Ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagbubuklat ng menu na iyon ay nagulat ako nang ilagay ni Rigo ang kanyang kamay sa ibabaw nito. Naging dahilan tuloy ito para iangat ko ang aking tingin sa kanya habang nagtataka ang aking ekspresyon. Nakita ko ang malapad niyang pagkakangiti na animo’y kinikiliti. Napakalandi.

“Pagalitan mo pa siya hangga’t gusto mo. Masaya pa ako kung itutuloy-tuloy mo. Alam mo ba kung bakit?” sagot at pagtatanong niya sa huli.

“Bakit?” mas tinaasan ko pa ang isa kong kilay.

“Kasi lalo mo lang sa akin pinatutunayan na nagseselos ka sa mga kagaya niya, Liam.” sagot niyang nakangiti at kumindat pa siya sa huli.

Para akong nakuryente sa sinabi niyang iyon. Nag-init ang aking mukha at hindi ko magawang tumugon.

Mabilis kong hinawi ang kamay niyang nasa ibabaw ng menu na hawak ko.

“Tabi nga d’yan! Istorbo! Tumitingin ako ng menu dito, e!” natataranta kong pagsaway sa kanya.

Mas lalo siyang natawa. Kasunod nito ay tinuro niya ang menu na nasa mga kamay ko.

“Baliktad, Liam. Paano mo babasahin ang menu kung nakabaliktad ’yan?! May talent ka palang ganyan?!” kantyaw niyang natatawa.

Doon ko lamang napansin na baliktad nga ang pagkakahawak ko sa menu.

“Punyeta! Ang pangit ng menu nila! Hindi maganda ang layout! Magpalit na sila!” pagpapalusot ko na lang na alam kong hindi uubra.

Ayan, lalo na tuloy nagwawala sa katatawa si Rigo. Pasalamat siya at kinilig ako, kundi mababato ko siya nitong menu.

Nagpatuloy na kami sa paghahanap ng maaari naming makain ni Rigo.

“Hey, ipakita mo sa akin kung anong order mo ha?” malambing na utos sa akin ni Rigo habang naghahanap din siya ng kanyang mao-order sa hawak niyang menu.

“Alam ko. Hindi mo na kailangan pang i-remind.” sagot ko naman sa kanya at inikutan siya ng mata.

“Good.” sambit niya at napangisi pa siya.

Habang tumitingin sa menu ay hindi ko maiwasang magtaka. Kakayanin naman namin, pero hindi ko maiwasang magulat sa taas ng presyo ng bawat putaheng naririto. Siguro nga ay gano’n kaespesyal ang inihahanda rito kaya kahit ganito kamahal ay tinatangkilik pa rin ng tao.

Nang makabalik ang waitress ay ibinigay na rin namin ang aming order dito. May mga naging katanungan pa si Rigo kung ano ang iba pang mga halo ng napili ko sa menu. May pinapalitan na sangkap tulad ng MSG at kung ano-ano pang hindi maganda sa kalusugan ng tao. Siya na rin ang nagsuggest ng maaaring ipalit dito. Kulang na lang ay tawagin ang chef ng restaurant o kaya naman ay siya na mismo ang magpunta sa kanilang kitchen para personal na magluto sa aking kakainin. Siya na talaga! Siya na!

“By the way, Sir Rigo. Gusto n’yo po bang sumali sa activity ngayong gabi?” biglang pagkausap ng waitress sa amin matapos niyang maibigay ang soup at bread habang hinihintay ang aming order.

Saglit kaming nagkatinginan ni Rigo at ibinalik muli iyon sa waitress.

“Anong activity nga pala meron kayo ngayon, Miss?” tila naeengganyong tanong ni Rigo pabalik.

“Quiz Night po ang naka-schedule ngayon.” sagot nitong nakangiti.

“Quiz Night? Anong mechanics?” hindi na mapigilan ang excitement ni Rigo.

“May 100 questions po ang host mamaya. May sampung category po iyon like sports, pot luck, pwedeng music, movies, general knowledge, history at marami pang iba. Basta bawat category, may sampung tanong kayong dapat na sagutan kaya total of 100 questions ’yon. At kung sino po ang grupo na sumali ang may pinakamataas na score, sila po ang grand winner.” mahabang paliwanag ng waitress.

Nagningning ang mga mata ni Rigo.

“Sasali kami, Miss! Matalino ’tong kasama ko!” masayang sambit ni Rigo habang tinuturo ako.

Hindi na ako tumutol o nagsalita. Dapat ko bang sabihing confident ako? O guilty ako dahil mataba talaga ang utak ko?

“Sure po! Pakisulat na lang po rito sa papel ang pangalan ng team n’yo!” pakiusap naman ng waitress at ibinigay kay Rigo ang isang kapirasong papel.

#RR

’Yan ang inilagay ni Rigo na pangalan ng aming team.

“Ano nga palang premyo?” hindi ko napigilang tanungin ang waitress kahit naiinis ako sa mukha niya.

“Grand prize po is, a week to live in Miracle Island, Sir. At ang maganda pa po sa prize na ’yon, pwede n’yo pong gamitin ng putol-putol at pwede kayong magsama kahit na ilang tao ang gustuhin ninyo. Like for example, ngayong season dalawang araw kayo roon, at kung kailan n’yo ulit maisipang bumalik, wala pong magiging problema. Wala pong expiry ’yan hanggang sa makompleto n’yo ang seven days o one week.” paliwanag naman nito sa akin.

Magtatanong pa sana ako kung saan ba ang Miracle Island na ’yan nang sumabat sa amin si Rigo habang nanlalaki ang mga mata nito.

“Y-you mean, ’yung malaking private island na nandoon sa gitna? ’Yung pagmamay-ari ng isang sikat sa hollywood director?” namamanghang tanong ni Rigo sa waitress.

Sumabat na ako dahil sa lakas ng boses ni Rigo. Manghang-mangha talaga siya sa hindi ko malamang dahilan.

“Ang OA mo naman, Rigz. Ngayon ka lang makakarating sa isang island? Sana pala sinabi mo para sa Hundred Islands na lang sa Pangasinan tayo nagpunta. Duh?” pambabara ko sa kanya. Nagsisimula na naman kasi akong mairita dahil napapatagal na naman ang usapan nila ng waitress.

“Liam! Alam mo ba na kaya tinawag na Miracle Island ’yon dahil bigla na lang sumulpot ’yon sa lugar na ’to? At noong madiskubre ang islang ’yon, marami na ang nag-agawan at umabot pa sa bidding para lang may makakuha no’n! At ang hollywood director nga ang nanalo sa bidding kaya pinaayos niya ’yon! And guess what?! Multibillionaire lang ang afford na makapagbakasyon doon! Sa madaling salita, kahit pagsama-samahin pa nating magkakaibigan ang mga ari-arian natin, hindi pa rin magiging madali ang makapasok doon dahil marami pa silang nire-require sa guests nila!” mahaba at manghang-mangha pa rin na paliwanag ni Rigo.

Kahit ako ay hindi maiwasang mamangha. Binalot na rin ako ng curiosity kung ano bang mayroon ang islang iyon at ganoon na lang kainteresado si Rigo.

“Can you imagine, Liam? You will live like a fairytale prince in––”

“Princess.” pagputol at pagtatama ko kay Rigo. Nakakalimutan niya yatang isang prinsesa ako.

“Exactly! You will live like a fairytale princess there dahil may malapalasyong matutuluyan doon. May mga personal na mag-aasikaso sa ’yo at ituturing ka nilang isang member ng royal blood family!” mas namamangha pang dugtong ni Rigo.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Malinaw at sapat na ang mga paliwanag ni Rigo.

Dahan-dahan ay nilingon ko ang waitress na natatahimik na ngayon dahil sa kadaldalan ng lalaki sa harap ko.

“What time will it start?” tanong ko sa waitress.

“The quiz po?” tanong niya pabalik.

“No. The execution scheduled only for you.” pamimilosopo ko. “Natural, ’yung quiz ang tinatanong ko! Jusko!” pagbawi ko rin at naiikot ko ang mga mata ko. Pinapakulo niya talaga ang dugo ko.

Nagkamot naman ng ulo ang waitress.

“In about 20 minutes po, so be ready.” sagot nitong may alanganing ngiti.

Si Rigo na ang sumabat sa pagkakataong ito. Alam na niyang ’pag tumagal pa ang pakikipag-usap ko sa waitress ay mauuwi kami nito sa hindi magandang senaryo.

“Ah… Sige, Miss. Basta sasali kami ha?” utos na lang ni Rigo.

“Sige po. Babalik po ako para magbigay ng answer sheets at pencil na magagamit ninyo.” pagpapaalam ng waitress sa amin.

“Natural. Alangan naman magsulat kami sa palad, ’di ba? Hindi kasya rito ang 100 answers. Duh?” pahabol ko pa sa kanyang pang-aasar.

Dumating ang ilan pang minuto at nailapag na sa aming mesa ang aming mga kakainin. Naiabot na rin sa amin ng waitress ang aming mga gagamitin para sa contest o quiz na aming sasalihan.

Nagsimula ang contest at si Rigo ang siyang sumusulat ng mga sagot sa answer sheets. Hinayaan niya akong maging tagapagbigay na lamang ng sagot sa mga katanungan dahil gusto niya ay dire-diretso ako sa aking pagkain. Kaya naman ang ginawa ko ay sinusubuan siya para makakain pa rin siya.

“What was Michael Palin’s occupation in A Private function?” tanong ng host na nasa gitna ng stage.

Tiningnan ako ni Rigo.

“Anong sagot, Liam?” tanong nito sa akin.

Ngumisi muna ako.

“Chiropodist.” sagot kong puno ng kompiyansa sa sarili.

Agad naman na isinulat iyon ni Rigo sa papel na kanyang hawak.

Napatuloy pa ang quiz. Bawat category na may sampung katanungan ay kailangan naming ipasa ang isang answer sheet para mai-check naman ng assistant ng host.

“What was the name of the orphanage where The Blues Brothers were brought up?”

“Saint Helen of the Blessed Shroud.”

“In 1954, what was tested at Bikini Atoll?”

“Hydrogen Bomb.”

“Who wrote Dinnerladies?”

“Victoria Wood.”

“Which city is snooker player Willie Thorne’s home town?”

“Gare Du Nord.”

“Who was US President when America entered World War II?”

“Franklin Roosevelt.”

“In the 90’s, how many points have been awarded for finishing sixth in a Grand Prix?”

“One.”

“Findel International Airport is in which country?”

“Luxembourg.”

“Which animal appeared on British eggs in 1957?”

“Lion.”

“In which decade was Kenneth Branagh born?”

“60’s.”

“In which country is the deepwater port of Valparaiso?”

“Chile.”

Marami pa ang sumunod na mga katanungan hanggang sa umabot ito ng 100.

At ang score namin ni Rigo?

Perfect lang naman. Walang mali kahit isa.

“Ang galing mo talaga, Liam!” tuwang-tuwa na papuri ni Rigo sa akin at hinalikan ako sa ulo habang akbay ako.

“Ang easy lang naman kasi ng mga tanong.” pagyayabang ko rin sa kanya.

Naglalakad na kami ngayon pabalik sa rest house. Mabuti na nga lang at hindi na namin isinama si Ar-Ar. Ang sinabi kasi kanina ni Rigo na gagabihin kami ay naging madaling-araw na. Masyado kasing natuwa si Rigo sa pagkapanalo namin kaya nagcelebrate ito at naparami ang inom ng alak.

At ako? Nalasing lang naman sa tubig at juice. Pinatikim niya ako ng alak pero galing pa sa baso niya. Ganyan siya kalupit sa akin.

“Anong gagawin mo rito sa prize?” tanong ko kay Rigo habang hawak ko ang gift certificate na nakuha naming premyo sa sinalihan naming quiz. Akbay pa rin niya ako habang naglalakad dito sa buhanginan.

Ilang segundo muna ang lumipas bago siya sumagot.

“Sa ’yo na lang ’yan, Liam. Itago mo na lang.” sagot nitong tipid.

Napataas naman ang isang kilay ko.

“Ha? Akala ko ba gustong-gusto mong makuha ’to? Gusto mong mamuhay na parang prinsipe, ’di ba? Kahit sa loob lang ng isang linggo! Bakit mo ’to ibibigay sa akin?!” nagtataka kong tanong.

Nilingon niya ako habang may ngiti sa kanyang labi, ngunit ang ngiti niyang iyon ay hindi umabot sa kanyang mga mata.

“Aanhin ko ’yan kung hindi ko naman kasamang pupunta ang prinsesa ko doon?” tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang binitawan niya.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa hawak kong certificate at hindi na muli pang nagsalita.

“Gusto ko ikaw ang kasama ko doon, Liam. Wala nang iba.” kasunod pa ng kanyang mga sinabi.

Muli ay hindi ako nakatugon. Tama nga naman siya. Kahit ako ay hindi ko gugustuhing magpunta roon kung hindi rin lang siya ang aking makakasama.

Ilang segundong katahimikan pa ang namayani sa amin habang patuloy na naglalakad sa dalampasigan. Mayamaya pa ay tinanggal ni Rigo ang pagkakaakbay niya sa akin. Kasunod nito ay nagtungo siya sa aking harapan at doon umupo na nakatalilod ang pwesto sa akin.

“Sakay ka, Liam. Pumasan ka sa likod ko tulad ng dati.” nakangiting utos sa akin ni Rigo.

Tulad ng dati.

Bakit ang sakit-sakit marinig ng mga salitang ’yon ngayon?

Hindi agad ako nakagalaw dahil natulala na lamang ako sa kanya.

“Please, Liam? Gusto kong gawin ulit natin ’to.” muli niyang pakiusap.

Gusto nang pumatak ng mga luha ko sa mga oras na ito, ngunit mas nanaig sa akin ang pagnanais na mapasaya ngayon si Rigo.

Dahil ito na ang huli na magagawa namin ito.

Ngumiti ako sa kanya. Inilagay ko muna ang certificate na hawak ko sa aking wallet bago ako pumwesto sa kanyang likuran at iniikot ang aking mga braso sa kanyang leeg.

“Game!” pilit na pinapasigla kong boses.

Narinig ko ang pagtawa ni Rigo bago niya simulang tumayo habang pasan niya ako sa kanyang likuran.

Nagsimula siyang maglakad habang pasan ako. Pareho naming dinadama ang masarap na simoy ng hangin ngayong madaling araw dito sa tabi ng dagat.

“Hindi ka pa lasing?” tanong ko sa kanyang malambing. Nakadikit ang aking mukha sa kanyang leeg at naaamoy ko ang paborito niyang pabango.

Tumawa muna si Rigo bago ako sinagot.

“Alam mo naman na mataas ang alcohol tolerance ko, Liam, ’di ba?” tanong niya pabalik habang natatawa. Tuwid lang ang kanyang tingin sa harapan na aming tinatahak.

“Baka mapagod ka, Rigz? Mahaba pa ang lalakarin natin.” pag-aalala ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. Nahinto rin ang kanyang pagtawa at nagbalik ang malungkot na pagkakangiti niya.

Makalipas ang ilang segundo ay muli siyang nagsalita.

“Kahit habang buhay pa kitang ipasan sa likod ko, Liam, hindi ako mapapagod gawin ’yan. Kahit hindi ka na bumaba, kahit d’yan ka na lang, aakayin lang kita hanggang sa huli kong hininga.” mahaba niyang sagot sa aking katanungan sa malungkot na tono.

Kung kanina ay pinipigilan ko pa ang aking mga luhang pumatak, ngayon ay kusa na itong bumagsak.

Napayuko ako at hinayaan ang aking mga luha na pumatak sa kanyang likuran. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagyugyog ng mga balikat ni Rigo. Kasunod nito ay narinig ko ang mga impit niyang pag-iyak habang pasan pa rin ako sa likod nito.

Nilakbay namin ang kahabaan ng dalampasigan na tanging pagluha lang ang aming nagawa. Hanggang sa makabalik kami ng rest house ay namayani na sa amin ang katahimikan.

Nang makapasok kami ng aming kwarto ay mabilis akong nagpaalam sa kanya na mauunang maligo. Doon ko ipinagpatuloy ang mga pag-iyak kong hindi na yata matatapos.

Nang makalabas ako ng banyo ay hindi na ako nag-abala pang magpatuyo ng buhok. Agad akong humiga ng patagilid ang pwesto sa kama at nagtago sa ilalim ng kumot nito.

Naramdaman ko ang pagkilos ni Rigo para siya naman ang pumasok sa banyo. Doon ko lamang dahan-dahang tinanggal ang pagkakatalukbong ko sa kumot at itinuon ko ang aking mga mata sa malayo. Nakatulala na lamang ako at dinadama ang nakakalunod na kalungkutan.

Naririnig ko rin ang mga pagbagsak ng tubig mula sa shower room kung nasaan si Rigo. Ngunit kasabay ng pagbagsak ng mga tubig na iyon ay naririnig ko rin ang pag-iyak ng lalaking pinakamamahal ko.

Ilang minuto rin iyon hanggang sa tumigil na ang mga pagbagsak ng tubig senyales na tapos na siyang maligo.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil nagpasya akong magpanggap na lang na natutulog. Tila ba ayaw ko nang masundan pa ang mga malulungkot na pag-uusap namin ni Rigo. Ayaw ko nang marinig ang mga salitang labis na nagpapabigat sa kalooban ko.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo.

“Liam…” pagtawag n’ya sa aking pangalan.

Hindi ako tumugon, nanatili akong nakahiga ng patagilid at nagpapanggap pa ring tulog.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kanyang paghiga at pagtabi sa akin. Unti-unti n’yang iniikot ang kanyang braso sa aking bewang at inilagay ang kanyang mukha sa aking batok.

“Alam kong gising ka pa…” bulong n’ya sa akin at hinalikan ako sa batok.

Dahil sa kanyang sinabi ay naimulat ko ang aking mga mata ngunit hindi ko siya hinarap. Alam kong may mga sasabibin siya kaya hinayaan ko siyang magsalita.

“Ang tagal na, sampung taon na, Liam. Gano’n na katagal.” masuyo n’yang panimula.

Hinayaan ko siyang magpatuloy ngunit wala akong balak na sagutin ang kanyang mga sinasabi tulad ng ginagawa ko noon.

“Sampung taon ko nang dala-dala ang inggit sa katawan. Simula nang makilala kita, gusto ko nang isigaw na gusto kita, na gusto kong maging akin ka, na mahal kita, mahal na mahal.” sunod n’ya pang sambit.

Saglit akong napapikit dahil tila may tumusok na karayom sa puso ko. Alam ko ang bagay na ’yon dahil walang araw na hindi niya sa akin sinasabing mahal niya ako. Sa bawat gabi na inaakala niyang nahihimbing ako, paulit-ulit niya iyong binubulong.

“Lalo akong nakaramdam ng pagnanais na maging tayo noong nakita ko kung gaano kasaya ang mga kaibigan nating sina Xander at Tom, kung gaano nila naihahayag sa lahat ang relasyon at pagmamahal nila sa isa’t isa. Alam kong mali dahil kaibigan natin sila, pero lalo akong nakaramdam ng ibayong inggit dahil nakikita ko kung gaano nila ipinagmalaki ang relasyon na meron sila, kung anong sakripisyo ang kaya nilang gawin para mapanatili ang matatag na relasyon nila.” mahaba niya pang litanya.

Gusto kong humingi sa kanya ng kapatawaran. Ako ang may pananagutan dahil sa nararamdaman niyang inggit sa katawan. Ngunit ano pang silbi kung hihingi ako sa kanya ng tawad ngayon? Alam kong makakalimutan din niya ang inggit na iyon pagdating panahon. Alam kong matatabunan din iyon sa oras na mailuwal na ang kanyang anak.

“Liam… Gusto kong marinig mula sa ’yo na hindi lang ako basta naging mahalaga sa buhay mo. Gusto kong marinig na minahal mo rin ako. Sana masabi mo ’yon, Liam… Pakiusap, kahit isang beses lang…” pakiusap na niya sa pagkakataong ito sa namamaos niyang boses. Naging mas emosyonal na rin iyon tanda ng nalalapit na naman niyang pag-iyak.

Naikagat ko ang ibabang labi ko. Pinipigilan kong makapaglabas ng kahit na kaunting ingay at mas pinagbuti ko pa ang pananahimik ko.

Ang sumunod niyang sinabi ang naging dahilan para muling dumaloy ang mga luha ko mula sa aking mga mata. At sa pagkakataong ito habang nagsasalita siya ay hindi na niya nakontrol ang kanyang sariling umiyak dahil sa labis na lungkot na kanyang nararamdaman.

“L-liam… k-kung sasabihin mo ngayong minahal mo rin ako kahit isang beses lang o kahit ilang segundo lang, pangako… mas pagbubutihin ko pang ipaglaban ka… Kung nakukulangan ka, dodoblehin ko pa hanggang sa mapatunayan ko sa ’yong tayo ang nakatadhana… H-handa akong talikuran ang lahat… Handa akong isakripisyo ang lahat ng meron ako… Handa akong gumawa ng paulit-ulit na pagkakamali o kasalanan kung ’yon ang hihilingin mo… Kaya pakiusap… hintayin mo pa ako… Kaunting panahon pa, Liam… Pakiusap… pagbigyan mo pa ako…” mahaba niyang litanya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

Dahil sa kanyang mga sinabi ay hindi ko na rin nakontrol ang aking sarili na makagawa ng ingay dahil sa pag-iyak.

Pagkakataon? Para ano? Para madagdagan pa ang mga kasalanan ko? Para mas mahirapan ako? Para lalo akong habulin ng mga taong patuloy na sinusumbatan at sinisisi ako?

Paano na ang mga maiiwan niya? Paano na ang pangarap niya? Paano na ang isang batang umaasa na makakaharap ang kanyang ama sa oras na masilayan niya ang mundo? Iiwan niya ba ang lahat ng iyon para lang sa akin?

At ako? Paano ako matatahimik kung habang buhay kong iniisip ang mga bagay na ’yon hangga’t kasama ko siya? Sa tingin niya ba magiging masaya kami?

Tama na. Pagod na ako sa lahat ng pagsubok sa buhay ko. Sinusukuan ko na ang lahat ng trahedya na naranasan ko.

Dahil alam ko, isinilang lang ako para maging isang sakripisyo. Alam kong nabuhay ako para makahanap ng kasiyahan ang mga taong malalapit sa buhay ko.

Isa sa magandang halimbawa ang naranasan ko sa aking pamilya. Kung hindi dahil sa akin, hindi babalik ang atensyon noon ni Papa kina Ate Sandra at Mama. Kung hindi nalaman ni Papa ang tungkol sa aking kasarian, hindi niya maibibigay ang kasiyahan na hinahangad nila. Sa mga kaklase kong natutuwa na pinahihirapan ako noon, hindi ko makikita ang ngiti at pagtawa nila kung hindi nila ako nakikitang nasasaktan. Ganoon din kay Xander, hindi niya madidiskubre ang mundong aking ginagalawan kung hindi ako naging malapit sa kanya. Hindi niya maiintindihan ang totoong kahulugan ng pag-ibig na natagpuan niya sa katauhan ni Tom.

At ngayon ay kay Rigo. Alam kong darating din ang oras na makakalimutan niya ako. Alam kong masasaktan lang siya sa umpisa, pero alam kong darating din ang araw na pasasalamatan niya ako sa naging sakripisyo ko.

Ang tanging hiling ko lamang ngayon ay sana…

…sana, may buhay pa ako sakaling marinig ko ang pasasalamat niyang iyon.

Dahil kung nakikita kong umiiyak siya ngayon, gusto kong sa oras na magkaharap kaming muli ay may ngiti na sa kanyang labi.

“Liam… u-umalis na tayo… Sumama ka na sa akin… Kalimutan na natin silang lahat… Talikuran na natin ang mga taong hindi tayo kayang intindihin… P-pakiusap… hindi ko kayang harapin ang mga araw na darating kung wala ka…” muli niya pang pagsasalita habang umiiyak.

Huminga ako ng malalim para patatagin ang aking sarili. Hindi ko hahayaang maramdaman niya ang lungkot sa aking tinig.

“Nangako ka, ’di ba, Rigz? Tatlong araw. Tatlong araw lang ang hiniling mo na magkasama tayo. May isang araw pang natitira. Sana ay gawin na lang nating masaya.” mahina kong pagsasalita. Kasabay ng mga salita kong iyon ay ang marami pang pagpatak ng aking mga luha.

Mas hinigpitan ni Rigo ang pagkakayakap sa aking bewang, mas idiniin niya rin ang kanyang mukha sa aking batok. Kasabay ng mga ginawa niyang iyon ay humagulgol na rin siya ng malakas.

Inangat ko ang aking kamay at ipinatong iyon sa braso niyang nasa aking bewang. Hinaplos ko iyon sa paraan ng makakalma siya. Sinubukan ko pa ring maging matatag ang boses ko, ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko naiwasan ang humikbi sa pagkakataong ito.

“Tahan na, Rigz… Magpahinga na tayo. Marami pang magaganap bukas…. Gusto kong maramdaman kung paano mo ako alagaan tulad ng dati… Gusto kong balikan ang pakiramdam na pinahahalagahan. K-kaya pakiusap… gawin nating masaya dahil iyon na ang huli…” mahaba kong pakiusap sa kanya habang patuloy sa pagluha.

Hindi na siya nakapagsalita, ngunit dama kong tumututol siya dahil sa paulit-ulit niyang pag-iling habang nakadikit sa aking batok ang kanyang mukha.

Hindi siya sang-ayon, ngunit nagawa ko na ang aking huling desisyon.

Ito na ang huling sakripisyo ko.

Ito na ang huling beses na maibibigay ko ang kasiyahan para sa ibang tao.

Hindi ko man gustuhin, sigurado akong sa oras na magkanya-kanya na kami ng landas ni Rigo, makakalimutan ko na ang lahat ng naganap sa buhay ko. Natitiyak kong mabubura na ang lahat ng masasakit na pinagdaanan ko.

Dapat ba akong matuwa sa bagay na ito?

Hindi ako sigurado. Pero alam kong sa oras na makalimutan ko ang lahat ng iyon, kasabay ko ring makakalimutan kung sino ako, kung sino si Randy Liam de Torres na isinilang sa mundo.


A/N

Ang haba nito. Salamat po sa paghihintay ng update, mga mahal ko.

’Til next chapter, guys! Sa huling bakasyon ng dalawa. 😢

Mahal ko kayo!

–– cold_deee ❤

chapter 29

A/N

Eto na ang huling gabi nila. Kung may maiiyak man, pasensya na. Kung meron lang naman. Hehe.

Para nga po pala kay

ReyXD9

ang chapter na ito. Maraming salamat sa pag-appreciate ng kwento.

Yey! Let’s proceed na. Again, medyo mahaba ito.

Paki-play na lang din po ang nasa media kung gusto n’yong mas dama ang mga eksena. (Song title: Malaya - By: Moira)

––> si Rigo po sa media.

![](https://img.wattpad.com/40d6ab79844e73d465fffadbb3c71eb66befbe19/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f7535394c5f57392d3154476478773d3d2d3433393231323939352e313465373536356233356262646436313934343630353438323537372e6a7067)

RIGO’s POV

Mabilis na lumipas ang oras at ang tatlong araw na magtatagal kami sa resort na ito ay magtatapos na. Ang huling araw na makakasama ko ang pinakamamahal ko.

Masasabi kong sa loob ng tatlong araw na nanatili kami rito ay ang isa sa hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Bukod sa nasa tabi ko ang taong nagbigay ng dahilan sa akin para hindi ako makaramdam ng pangungulila, siya rin ang dahilan kung bakit ako naging masaya sa loob ng sampung taon ng buhay ko.

Naririto kami nakaupo sa tabi ng dalampasigan at pinapanood ang paglubog ng araw. Nakasandal siya sa aking balikat at pareho naming dinadama ang preskong hangin mula sa dagat na humahaplos sa aming mga mukha.

“Ang ganda, Rigz, ’no?” tanong n’ya sa akin habang pareho pa rin kaming nakatingin sa papalubog na araw.

“Mmm…” tanging naisagot ko lang.

Ito na yata ang unang beses ngayong araw na ito na magiging mahaba ang aming pag-uusap, dahil simula pa kaninang umaga ay pareho kaming tahimik at kahit ang tumingin sa isa’t isa ng matagal ay hindi namin magawa.

Pareho kaya kami ng nararamdaman sa mga oras na ito? Iisa lang kaya ang tumatakbo sa isip naming pareho?

“Kailan ko kaya ulit makikita ang ganyan kagandang paglubog ng araw?” tanong niya sa akin.

Ilang segundo muna ang aking pinalipas bago ako nagsalita.

“Maraming pagkakataon pa para makita mo ulit ’yan, Liam. Basta gugustuhin mo lang.” malambing kong sagot sa kanya at hinalikan s’ya sa kanyang ulo.

Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim bago siya muling nagsalita.

“E, ’yung kasabay kitang mapapanood ulit ’yan? Darating pa kaya ang oras na ’yon?” malungkot na niyang tanong ngayon.

Dahil sa katanungan niyang iyon ay hindi ako nakapagsalita. Kung gano’n, pareho nga kami ng iniisip ngayon. Ito rin ang dahilan kung bakit tahimik ako buong araw.

Iniisip ko kung mauulit pa ba ang pangyayaring ito sa aming dalawa. Sa huling pag-uusap namin bago kami natulog, alam ko, ramdam kong buo na ang desisyon niyang kalimutan na ako.

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang ganito kasakit. Ang taong pinag-alayan ko ng maraming taon para maalalayan at maalagaan, tuluyan na akong iiwan.

Wala akong nagawa kundi ang lingunin lamang siya para makita ang kanyang mukha, ang mukha niyang nakaukit na sa aking memorya.

Siguro ay alam niyang hindi ko kayang sagutin ang tanong niyang iyon kaya nag-isip siya ng ibang sasabihin.

“Sa susunod na masilayan ko ang paglubog ng araw, Rigz, ikaw ang maaalala ko,” una niyang sambit sa malambing na tono at saglit na tumigil. “Dahil ikaw ang kauna-unahang tao na nakasama ko para panoorin ang magandang pagtatapos ng liwanag.” ngumiti siya ngunit bakas ang lungkot sa kanyang mukha.

Sa totoo lang ay hindi ko gustong magsalita hanggang sa magtapos ang araw na ito. Alam ko, sigurado akong kapag nagtuloy-tuloy ako sa pagsasalita ay dadaloy na naman ang mga luha ko dahil sa labis na lungkot na nararamdaman ko.

Muli kong nilingon ang papalubog na araw.

“Liam….” pagtawag kong mahina sa kanyang pangalan.

“Hhhmmm…?” malambing niyang pagsagot.

Huminga ako ng malalim para mapigilan ang nagbabadya kong pagluha. Pinilit kong maging matatag sa bawat salitang bibitiwan ko.

“Lumubog man ang araw na ’yan, may pagkakataon pa para makita mo siyang muli. Makikita mo ulit ang ngiti ng haring araw.” wika ko sa malungkot na tono. Napatigil ako dahil pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin sa aking dibdib.

“Sa tingin mo babalik siya bukas ng nakangiti sa akin?” tanong niyang makahulugan.

Naikagat ko ang ibabang labi ko. Nagsisimula na rin mamuo ang mga luha ko.

“Oo. Sigurado ’yan, Liam.” una kong sambit at saglit na tumigil. “K-kaya sana, sana pagbalik ni haring araw, salubungin mo rin siya ng ngiti ha…?” sa huling katanungan ko ay hindi ko napigilan ang gumaralgal ang boses ko.

Hindi siya nakasagot sa katanungan kong iyon. Ang pinapanalangin ko na lang ngayon ay mahintay niya ang pagbabalik ng araw na iyon.

Tulad ng pagbabalik ko, tulad ng pagsalubong kong muli sa kanya. Dahil umaasa ako, umaasa akong magtatagpo pa ulit kaming dalawa.

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Ibinalik namin ang sabay na panonood sa papalubog na araw.

Ilang sandali pa ay nagsalita siyang muli habang nasa dulo pa rin ng karagatan ang aming mga mata.

“Rigz…” pagtawag niyang mahina sa aking pangalan.

“Liam…” sagot ko pabalik.

“Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagsimulang maging malapit?” tanong niya sa mahinang tono pa rin.

Huminga ako ng malalim bago siya sinagot.

“Tandang-tanda ko, Liam. Ang eksaktong araw, ang eksaktong pangyayari, at ang eksaktong detalye. Lahat ’yon natatandaan ko at nakatatak na ’yon habang buhay sa puso’t isip ko.” sagot ko sa kanya.

Natawa siya ng mahina ngunit ramdam ko ang kalungkutan sa pagtawa niyang iyon.

“E, ’yung araw kung paano tayo nagsimulang maging ganito? ’Yung walang tayo pero parang meron? ’Yung nagkaroon tayo ng ganitong koneksyon?” sunod-sunod niyang tanong.

Napangiti ako ng mapait sa pagkakataong ito.

“Hinding-hindi ko ’yon makakalimutan, Liam,” una kong pagsagot. “Hindi ko ’yon makakalimutan dahil iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Dahil ang taong tinitingnan ko lang sa loob ng pitong taon, nahawakan ko na noong araw na ’yon. Nahalikan, nahaplos at nakapiling ko siya simula noong araw na ’yon. Iyon ang masasabi kong pinakamasayang nangyari sa buhay ko.” mahaba kong dugtong.

Muli siyang natahimik. Alam kong napasaya ko siya sa sagot ko dahil narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

Nahihirapan ako sa sitwasyong ito. Ito na ang huling araw na magiging ganito kami kalapit na dalawa. Ito na ang huling araw na mahahalikan, mahahaplos at makakapiling ko siya.

Walang kasiguraduhan kung makakabalik pa kami sa dati tulad nito. Hindi ko alam kung mahihintay niya pa ako. Pero kung ito na ang huling pagkakataon para magkasama kami, gusto kong malaman niya ang huling bagay na itinatago ko sa kanya.

“Liam, nagustuhan mo ba ang resort na ’to? Itong lugar na ’to?” tanong ko sa kanya.

Parang libo-libong karayom ang tumutusok ngayon sa puso ko. Hindi ito ang nabuo kong plano para sabihin sa kanya ito. Pero dahil sa kaganapang ito, wala akong mapagpipilian.

“Oo, Rigz. Gustong-gusto ko rito. Naisip ko nga, kung sakaling ipagbili ng may-ari ang resort na ’to, ako ang bibili. Hindi ko alam kung anong meron sa resort na ’to, pero sa dalawang beses kong pagpunta rito, naging napakasaya ko.” mahaba niyang sagot.

Sa wakas ay gumuhit ang tunay na ngiti sa labi ko dahil sa sagot niyang iyon.

“Kilala ko ang may-ari. Kaso hindi niya pinagbibili ang resort na ’to. At kahit kailan, hinding-hindi niya ibebenta ’to. Kahit maubos ang pera niya, hinding-hindi niya ipagbibili ’to.” sagot kong nakangiti sa kanya.

Pareho pa rin kaming nakatingin sa malayo. Hindi niya pa rin ako magawang tingalain at hindi ko pa rin magawang yumuko para tingnan muli ang kanyang magandang mukha.

“Sayang naman. Bakit kaya?” tanong niya at dama ko ang malaki niyang panghihinayang.

Ilang segundo ang aking pinalipas bago ko iyon sinagot.

“Dahil sa resort na ’to, nagbago ang mga pangarap ng may-ari. Nakabuo siya ng panibagong pangarap tatlong taon na ang nakakalipas. Simula noong araw na binigyan siya ni Randy Liam de Torres ng pagkakataon na makalapit sa kanya.” sagot ko ng buong tapang sa kanya.

Naramdaman kong natigilan siya dahil sa pagtataka at pagkasorpresa. Akmang iaangat niya ang kanyang ulo para tingnan ako ay pinigilan ko ito. Inilagay ko ang palad ko sa kanyang pisngi para hindi siya umalis sa kanyang pwesto.

“Ganyan ka lang, Liam. Isandal mo lang ulit ang ulo mo sa balikat ko. Pakiusap, marami pa akong gustong sabihin sa ’yo.” pakiusap ko sa kanya.

Sumunod naman siya sa aking sinabi kaya sumandal siyang muli sa akin.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

“Naaalala mo ba kung ano ang pangalan ng lugar na ito, Liam?” tanong ko sa kanya.

“H-hindi.” nauutal niyang sagot kasabay ng marahang pag-iling.

Nagbitaw ako ng maiksing pagtawa bago ko iyon sinagot.

“Hacienda RoJaSil. Ang ibig sabihin ay Hacienda ni Rodrigo Jaime Silvestre.” pagsagot ko sa aking katanungan.

Hindi siya nakapagsalita. Alam kong nagulat siya sa nalaman mula sa akin.

Walang nakakaalam ng bagay na ito bukod sa akin at sa kinalakihang pamilya ko. Kahit nga sina Xander at Shai, hindi alam ang tungkol sa bagay na ito dahil sinadya kong hindi ipaalam kahit kanino.

“Ito ang isa sa mga minana ko mula sa mga magulang ko noong iwan nila ako. Hindi ako kailanman nagkainteres dito simula pa noon kaya wala akong pinagsabihan kahit kanino sa inyo. Hindi ko nga magawang dumalaw dito simula noong iwan ako ng mga magulang ko. Pakiramdam ko kasi, lalo lang sa akin ipapaalala ng lugar na ito na nag-iisa lang ako, na walang magulang. Kaya nangako ako noon na kapag kaya ko nang pumunta rito, ipagbibili ko agad ito.” muli kong paliwanag sa kanya.

Hindi pa rin siya nakapagsalita, naghihintay lang siya sa pagpapatuloy ko.

“Pero dumating ang araw na nabigyan ako ng pagkakataon na mas makilala ka. Iyon ay noong panahon na pinayagan mo akong makapasok sa buhay mo na higit pa sa isang matalik na kaibigan. Sa loob ng sampung taong magkakilala tayo, pitong taon doon, hindi ko alam na may mabigat kang pinagdadaanan. Masyado kang malihim, gusto mo sinasarili ang lahat, kinakaya mong mag-isa kahit nasasaktan ka na.” pagpapatuloy ko pa.

“Noong nalaman ko ang malaki mong sikreto, mas nakumbinsi ko ang aking sarili na hanapin ang mga bagay na makakapagpasaya sa ’yo, mga bagay na makakabuti para sa ’yo. Inalam ko ang lahat tungkol sa ’yo kahit ayaw mong sabihin, pinilit kong alamin lahat. At napakaswerte ko dahil unti-unti ay nakuha mong pagkatiwalaan ako, unti-unti ay binuksan mo ang sarili mo para sa akin. Ako ang pinakamasayang tao sa bawat araw na nagiging tapat ka sa akin sa lahat ng bagay. Pakiramdam ko, ako lang ang nabigyan ng karapatan na alamin ang lahat sa ’yo.” mas pinagbuti ko pa ang paliwanag ko.

Ilang parte na lang ng araw ang nakikita namin sa mga oras na ito. Ilang sandali na lamang ay mababalot na ng dilim ang kapaligiran.

“Tatlong taon na ang nakakalipas nang puntahan ko ang resort na ito. Kasunod ng pagpunta ko rito, nabuo ang desisyon ko. Alam mo ba kung ano ’yon, Liam?” tanong kong muli sa kanya.

Hindi pa rin siya nagsalita. Naramdaman ko ang kanyang marahang pag-iling bilang pagtugon sa katanungan kong iyon.

Huminga muli ako ng malalim.

“Nagdesisyon akong bubuhayin ang resort na ito. Hindi ko bubuksan ito para sa publiko, bubuksan ko ito para sa taong gusto kong makasama habang-buhay dito. Dito ko dadalhin ang taong pinakaespesyal sa buhay ko….

….si Randy Liam.“ pagsagot ko sa katanungan ko.

Alam kong nasorpresa siya. Muli niya sanang iaangat ang kanyang ulo para magtagpo ang aming mga mata ngunit muli ko na namang pinigilan iyon. Dahil nararamdaman ko, bibigay na ang kalooban ko dahil sa pagkabigo.

Siya ang dahilan kung bakit naitayo kong muli ang resort na ito, kung bakit ko hinarap ang takot ko na patakbuhin ang hacienda na dati ay sina Tito at Tita lang ang nag-aasikaso. Siya rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob para muling puntahan ito.

“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya, Liam, noong sinabi mong nagustuhan mo ang rest house na tinutuluyan natin. Hindi mo lang alam kung gaano ko gustong tumalon sa tuwa tuwing sinasabi mong nagustuhan mo ang lahat ng nakikita mo sa loob ng bahay. At wala ka rin kaalam-alam na ang lahat ng ’yan ay hango sa gusto mong disenyo. Pakiramdam ko, ang galing-galing ko. Alam mo rin ba kung bakit?” mahaba ko pang pagkekwento at katanungan sa huli.

Sa wakas ay narinig ko siyang nagsalita ngunit napakahina no’n.

“Bakit..?” tanong niya.

Ngumiti ako ng malapad bago ako sumagot.

“Dahil ’yan ang kauna-unahan kong project bilang Architect. D’yan ko ibinuhos ang lahat ng kaalaman ko sa tinapos kong kurso. Lahat ’yon, Liam, lahat ’yon ay dahil ikaw ang laman ng isip ko habang dinedesenyo ang kabuuan ng rest house na ’yon.” sagot ko sa kanya.

Mukhang sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya mapipigilan. Inangat na niya ang kanyang ulo mula sa pagkakasandal sa akin at unti-unti akong tiningnan. Nanatili naman akong nakatingin sa malayo at nagpatuloy pa sa aking pagkekwento.

“Magmula noong naikwento mo sa akin na sa ganitong klase ng lugar mo gustong mamuhay, nagkaroon ako ng lakas ng loob para harapin ang takot kong magpunta rito. Iniisip ko rin na maganda ang lugar na ito para maging maayos ang kondisyon mo. Sa tingin ko ito rin ang perpektong lugar para makasama kita hangga’t humihinga ako,” tuloy-tuloy kong paliwanag.

Saglit akong huminto para kumuha ng mas marami pang hangin. Ngunit ang kasunod kong mga sinabi ay hindi ko na nagawang kontrolin ang aking sariling mautal dahil sa kalungkutan.

“K-kaso… kaso, nabigo ako… Akala ko, matutupad ang lahat ng binuo kong pangarap kasama ka… A-akala ko, sa huli mapapanalo kita… Akala ko, magagawa kong baguhin ang nararamdaman mo para sa akin… Akala ko… akala ko, k-kaya mo rin akong mahalin…” nahihirapan kong pagpapatuloy.

Hindi ko na napigilan ang lumuha.

Napayuko ako at mas lumakas pa ang pag-iyak ko.

“Mali pala ako, Liam… Mali ako… Kasi, kahit anong gawin ko… h-hindi ko na yata maririnig ang salitang gusto kong marinig mula sa ’yo… Kahit isang beses lang sana, Liam, e… kahit isang beses lang… Maramdaman ko man lang na nagbunga ang lahat ng hirap ko… K-kaso… kaso, sa huli… pinagtutulakan mo pa ako palayo kahit ayoko…” sunod-sunod ko nang panunumbat sa pagitan ng pag-iyak. Hindi ko na rin napigilan ang humagulgol sa pagkakataong ito.

Hindi ko naramdaman ang pagkilos ni Liam. Hindi ko magawang iangat ang mukha ko para magtagpo ang aming mga mata dahil hirap na hirap na ako.

Marami pa akong gustong isumbat sa kanya. Kung maaari nga lamang ay isa-isahin ko ang lahat ng bagay na aking nagawa para lang sa ikabubuti niya. Pero nanaig sa akin ang pagmamahal ko para sa kanya. Ayaw ko siyang saktan, ayaw kong makarinig siya mula sa akin ng hindi magagandang salita na maaaring makaapekto sa emosyon niya.

Lagi naman akong ganito, mas pinipili kong tiisin ang sakit ng reyalidad na hindi ko kailanman maaangkin ang kanyang puso. Sampung taon ko nang tinitiis ’to. Minsan nga ay nagugulat pa ako at napapatanong sa aking sarili. Paano pa ako nabubuhay? Paano ko pa nagagawang huminga sa bawat araw kung halos isampal na sa akin ang katotohanan na kahit kailan, hindi niya ako masusuklian.

“R-rigz….” mahina niyang pagtawag sa aking pangalan. Kasunod no’n ay naramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa aking braso.

Pero hindi ko na kaya. Sobrang sakit na. Ngayon ko lang lahat mailalabas ang sakit na tiniis ko sa loob ng sampung taon.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa buhanginan. Kasunod no’n ay naglakad ako palayo at iniwan ko siyang patuloy na tinatawag ang aking pangalan.

Ngayon lang, sana ay maintindihan mo ako, Liam. Hindi ko gustong gawin ito, ang iwan kang nag-iisa. Pero kahit ngayon lang sana, kahit isang oras o ilang minuto lang, hayaan mong ilabas ko ang sakit na dulot ng pagmamahal ko sa ’yo, ang pait na pilit kong itinatago simula nang magkakilala tayo.

Hindi ko na siya nilingon sa kabila ng paulit-ulit niyang pagtawag sa pangalan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang pinupunasan ang aking mga luha gamit ang aking braso.

Narating ko ang rest house na ipinagmamalaki ko sa kanya, ang rest house na pinangarap kong mapupuno ng masasayang ala-ala naming dalawa.

Dire-diretso lang akong umakyat ng second floor at nagkulong sa kwartong inakala kong magiging kwarto naming dalawa.

“Aaaaaahhhhhh!!!!!” malakas kong sigaw at sinuntok ang pader na naroon.

Naramdaman ko ang pamamanhid ng aking kamao dahil sa lakas ng suntok ko. Inulit ko pa iyon dahil gusto kong makaramdam ng sakit sa katawan ko. Gusto kong matabunan ang sakit na nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko.

Nakita ko ang pagdaloy ng dugo sa aking kamao, pero mas mabilis ang naging pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata ko.

Nakaramdam ako ng panghihina. Habang patuloy ako sa malakas na pag-iyak ay sumandal ako sa pader na nasa aking harapan. Kasunod nito ay unti-unti akong napaupo sa sahig at itinago sa aking mga brasong nakapatong sa aking mga tuhod ang aking mukha.

Inilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng patuloy na pag-iyak.

Ito lang naman ang nagagawa ko simula pa noon. Magtatago sa isang sulok tuwing mararamdaman kong hindi ako mabibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng buhay ni Liam. Iiyak ng ilang minuto at muling lalabas suot ang pekeng pagngiti ko.

Ginagawa ko iyon dahil sa iisang dahilan. Ayaw kong makita niyang pinanghihinaan din ako. Ayaw kong magbago ang tingin niya sa akin na matatag akong tao. Sa akin siya humuhugot minsan ng lakas kaya kailangan kong mas maging matapang. Tiniis ko ang lahat ng iyon sa mahabang panahon habang nilalabanan niya ang kanyang takot dulot ng masalimuot niyang nakaraan.

Pero ngayong araw na ito ay magtatapos na ang lahat ng iyon, lahat ng hirap at pagod na naranasan ko. Kung sa iba ay matutuwa sila, kabaliktaran naman nila ako. Dahil ngayong araw din magtatapos ang dahilan kung bakit naging masaya ako sa kabila ng hirap ko. Ngayon ang huling araw na makakasama ko ang taong pinag-alayan ko ng halos kalahati ng buhay ko. Hanggang dito na lang ang araw na makakasama ko si Liam na mahal na mahal ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa ganoon lamang na posisyon. Tanging malakas na pag-iyak lang ang nagagawa ko habang yakap ang aking mga tuhod para mailabas ang lungkot na nararamdaman ko.

Ilang sandali pa lamang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng aming kwarto. Hindi ko inangat ang aking mukha, nagpatuloy lang ako sa pagluha.

“Rigz…” narinig kong pagtawag sa akin ni Liam sa namamaos niyang tono.

Hindi ako tumugon, hindi rin ako gumalaw sa aking pwesto.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Nakita ko ang ilang bahagi ng kanyang katawan na lumuhod sa tapat ko. Matapos iyon ay marahan niyang hinaplos ang kamay kong namamaga na ngayon at puno na ng dugo.

Walang nagsasalita sa amin ng ilang minuto hanggang sa marinig ko ang mahihina niyang paghikbi.

“I’m sorry…. Sorry, Rigz… Sorry….” paulit-ulit niyang paghingi ng tawad sa pagitan din ng pag-iyak.

Hindi pa iyon doon nagtapos. Ilang sandali lang din ay naramdaman kong may itinatali siya sa aking kamay na patuloy pa rin sa pagdurugo.

“Sorry, Rigz…. Sorry… I’m sorry…” paulit-ulit niya pa ring sambit sa pagitan ng kanyang paghikbi.

Ang alam ko ay nasasaktan ako, pero bakit mas nasasaktan ako sa tuwing naririnig ko ang mga pag-iyak niyang tulad nito?

Ngayon ay pareho na lamang kaming nag-uusap sa pamamagitan ng pag-iyak. Ramdam ko, kahit hindi niya iyon sabihin ay alam ko ang nasa likod ng paulit-ulit niyang paghingi ng tawad sa akin.

“Sorry… Sorry, Rigz… Patawarin mo ako…” pag-uulit niya pa habang binabalutan ang sugat ko ng isang puting panyo.

Alam ko ang nakapaloob sa mga salita niyang iyon. Alam kong kasama na roon ang kanyang pamamaalam, ang kanyang tuluyang paglisan.

“L-liam… b-bakit…?” tanong ko sa kanyang umiiyak.

“I’m sorry… sorry…” tangi niya lang nasabi.

Unti-unti ay inangat ko ang aking mukha hanggang sa magtagpo ang aming mga mata. Doon ko natagpuan ang mga mata niyang paborito kong titigan sa lahat ng parte ng kanyang katawan. Kitang-kita ko ang mabilis at tuloy-tuloy na pagdaloy ng kanyang mga luha, mga luhang alam kong puro hinagpis at pagdurusa.

Akala ko ay nasasaktan na ako dahil walang pinatunguhan ang mga naging sakripisyo ko para sa kanya. Pero mas masakit pa rin palang makita na nakikita ko siyang ganito. Sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan, mas doble ang sakit na nararamdaman ko.

Dahan-dahan ay inangat ko ang aking isang kamay at marahang pinunasan ang kanyang mga luha.

“Sorry, Rigz… Sorry…” muli niyang paghingi ng tawad.

Umiling ako ng marahan habang patuloy kong pinupunasan ang kanyang mga luha gamit ang aking palad.

“A-ako, Liam… ako ang dapat humingi ng tawad… S-sorry kung hindi ko nagawang mabuo ka… Sorry kung hindi naging sapat ang mga nagawa ko para mapasaya ka… Sorry kung kinulang… I’m sorry… K-kung dinoble ko lang sana ang pag-aalaga sa ’yo… alam kong hindi tayo mauuwi sa ganito… I’m sorry… Sorry kung hindi naging sapat ang mga nagawa ko… Sorry, Liam… I’m sorry…” ako na ngayon ang humihingi ng tawad sa kanya.

Mas naging malakas ang pag-iyak niya. Nasaksihan ko ang mabilis niyang pag-iling ngunit hindi siya nagsalita.

Kasunod ng marami niyang pag-iling ay mabilis niya akong niyakap sa leeg at humagulgol na siya. Ginantihan ko iyon ng mas mahigpit ding yakap sa kanya.

“Sorry, Rigz… Sorry sa lahat… Sorry…” himdi niya pa rin tinitigil ang paghingi ng tawad.

“Sorry, Liam… I’m sorry… Hindi ko nagawa ang misyon ko… Hindi ko naabot ang gusto mo… I’m sorry…” paghingi ko rin ng tawad.

Matagal kami sa ganoong posisyon. Tanging pag-iyak at paulit-ulit na paghingi lang ng tawad ang nagawa namin sa isa’t isa.

Ramdam na ramdam ko, sa mahigpit niyang pagkakayakap at paulit-ulit na paghingi ng tawad sa akin ay namamaalam na ito. Alam kong hindi ko nagawa ang misyon kong maibalik siya sa buhay ko sa loob ng tatlong araw na hiniling ko.

Ito na. Ito na ang pinakamapait na senaryong naranasan ko sa buong buhay ko, ang huling araw kasama ang minahal ko ng buong-buo.

Hindi ko matanggap na ganito kabilis matatapos ang lahat. Marami pa akong plano, marami pa akong gustong gawin kasama siya, pero hindi na niya ako mabibigyan ng pagkakataon para magawa ang mga iyon.

Matapos ang mahabang minuto na nasa sahig lang kami ni Liam ay nagdesisyon na akong akayin siya para makaupo sa kamang naririto. Kahit patuloy sa pagdaloy ng aking mga luha ay ginawa ko ang aking makakaya para pakalmahin siya. Hindi ko kayang makitang nahihirapan siya, hindi ko kayang makitang umiiyak siya. Kaya nang makaupo kaming pareho sa kama ay kinausap kong muli siya.

“L-liam… Ito ba talaga ang gusto mo..? W-wala na bang pag-asa na magbago ang desisyon mo..?” tanong ko sa pagitan pa rin ng pag-iyak.

Nakatingin lang siya sa akin habang patuloy pa rin na umiiyak. Inangat kong muli ang aking palad para pahirin ang kanyang mga luha.

“S-sagutin mo ako, Liam… Pakiusap… K-kasi… kasi, kung ito ang paraan para hindi ka na maguluhan, para hindi ka na mahirapan tulad nito… gagawin ko ang utos mo kahit labag sa kalooban ko… K-kahit na… kahit na alam kong hindi ko kakayanin ang bukas na wala ka… K-kahit masakit, Liam… kahit masakit sa akin, susubukan kong tanggapin… Alam mo naman, ’di ba..? Lahat ng utos mo… Lahat ng kagustuhan mo… handa kong gawin…” pakiusap kong muli.

Lumakas muli ang kanyang pag-iyak. Kasunod nito ay inangat niya ang kanyang mga palad at pinunasan din ang aking mga luha.

“I’m sorry, Rigz… S-sorry…” mas malakas na niyang pagkakasabi habang umiiyak.

Matapos niya iyon sabihin ay mabilis ko na lang siyang niyakap at humagulgol na rin ako.

Hindi na niya kailangan pang magsalita. Sapat na ang naging kasagutan niya sa lahat ng aking sinabi. Sa muli niyang paghingi ng tawad sa akin ay nakumpirma ko nang buo na ang kanyang desisyon na hanggang dito na lang kami.

Sinulit ko ang yakap na iyon na parang hindi na kailanman ito mangyayari.

Tumango ako ng marahan habang yakap siya.

“T-tahan na, Liam… Naiintindihan ko na… Tahan na… ’Wag ka nang umiyak, pakiusap…” wika ko at hinaplos ang likuran niya.

Alam ng Diyos kung gaano ako tumututol sa kagustuhan niyang ito. Pero alam din Niya na lahat ay gagawin ko para kay Liam. Handa akong magsakripisyo, handa akong masaktan habang buhay kung ito ang kanyang kahilingan.

Bigo ako. Bigo akong makumbinsi si Liam. Nabigo ako sa tatlong araw na hiniling ko sa kanya. Tuluyan nang nawala ang pag-asang maibabalik ko ang samahan naming dalawa.

Mahabang minuto pa kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa halos abutin kami ng hating-gabi. Sinulit namin ang mga yakap na hindi na mauulit sa oras na magkahiwalay kami.

Noong naramdaman ko na bahagya na siyang kumalma ay niyaya ko na lang siyang pumasok sa banyo para maghanda na sa aming pagpapahinga. Patuloy pa rin kami sa pag-iyak hanggang sa makapasok kaming pareho roon.

Hiniling ko na gawin namin ang mga bagay na dati naming ginagawa dahil ito na ang huli. Ako ang naglinis sa kanyang katawan at ganoon din siya sa akin. Ngunit hindi tulad ng dati na sinasabayan namin ang aming pagligo na may tawanan at ngiti, ngayon ay sabay naming ginagawa iyon habang dumadaloy ang aming mga luha sa aming mga pisngi.

Hindi na kami nag-abala pang patuyuin ang aming mga katawan. Matapos kong patayin ang shower ay marahan kong hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi.

“M-mahal na mahal kita, Liam… Mahal na mahal… K-kaya kung ito na ang huling gabi na makakasama kita… P-pakiusap… kahit ngayong gabi lang… S-sana… payagan mo akong maging akin ka kahit sandali… Iparamdam mo sa akin na hindi lang tayo basta magkakilala… kahit na ilang oras lang, pakiusap… G-gawin natin ’yon kahit pagpapanggap lang ang lahat, Liam… Gusto kong maramdaman kahit ngayong gabi lang na naging opisyal tayo…” una kong pakiusap sa kanya at naidikit ko ang aking noo sa kanya ring noo.

Naikagat niya ang kanyang ibabang labing nanginginig dahil sa patuloy niyang pag-iyak.

“Hawakan mo ako, Liam, na higit pa sa isang kakilala… Y-yakapin mo ako na higit pa sa isang kaibigan… Halikan mo ako na parang merong tayo… Gusto kong maranasan na naging opisyal tayo kahit ilang oras lang…”

Halos hindi ko maituloy ang mga sasabihin ko dahil nahihirapan na ako sa pagsasalita.

“G-gusto kong may ala-ala akong babaunin kasama ka… Gusto kong sa pagsisimula ko ng panibagong buhay na hindi ka kasama… gusto kong may babalikan pa rin akong masayang ala-ala kasama ka kahit naging ganito ang pagtatapos ng lahat sa ating dalawa…” dagdag ko pa.

Hindi siya nakatugon ngunit nakita ko ang panginginig ng kanyang labi dahil sa pinipigilan niyang emosyon sa mga oras na ito.

“Pwede ba ’yon, Liam…? P-pakiusap… Pumayag ka na… Kahit na… k-kahit na magpanggap ka lang… Gusto ko lang makaramdam ng saya kahit na ilang minuto lang bago tayo tuluyang magkanya-kanya…” muli ko pa ring pakiusap sa kanya. Mas lumakas na rin ang pag-iyak ko habang magkalapit pa rin ang aming mga mukha.

Ilang sandali pa ay inangat niya ang kanyang mga palad at ipinatong iyon sa kamay kong nasa kanyang mukha.

Hindi siya nagsalita, ngunit nakita ko ang kanyang pagngiti habang nanginginig ang kanyang labi. Kasunod nito ay tumango siya ng marahan bilang pagpayag sa naging pakiusap ko.

Dahil sa kanyang ginawa ay hindi ko napigilang yakapin siya.

“S-salamat, Liam… Salamat…” wika kong umiiyak habang nakangiti.

Naramdaman ko ang pagtugon niya sa aking pagkakayakap. Pareho naming dinama ang huling yakap na aming pagsasaluhan na walang takip ang aming mga katawan.

Makalipas ang ilang minutong pagkakayakap ay naghiwalay kami ng bahagya. Ngunit kung kanina ay puno ng luha ang aming mga mata, ngayon ay sinasalubong na namin ng ngiti ang isa’t isa.

Hindi na ako nagsayang pa ng sandali. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at pinagdikit ko ang aming mga labi.

Ginantihan niya ang aking mainit na paghalik. Napapikit na kaming pareho dahil sa kakaibang sensasyong dala ng aming paghalik.

Habang pareho naming sinusuklian ang halik ng isa’t isa ay may kakaibang haplos akong naramdaman sa puso ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nakapaloob sa banayad na paghalik naming ito. Nalulungkot ako ngunit mas nangingibabaw ang saya ko. Iba ang nararamdaman ko sa bawat paghalik ngayon ni Liam, ibang-iba ito sa mga taon na aming pinagsaluhan.

Ito ang pakiramdam na matagal ko nang hinahanap mula sa kanya. Ganito ang halik na gusto kong maramdaman simula pa noon mula sa kanya. Halik na walang halong pagnanasa. Isang halik na nangangahulugan ng labis na pagmamahal at pagtugon sa aking nararamdaman.

Habang magkadikit pa rin ang aming mga labi ay iginaya ko siya para lumabas sa banyong aming pinasukan. Umaatras siya habang patuloy akong humahakbang ngunit maingat ko siyang inaalalayan sa kanyang bewang.

Nakalabas kami sa shower room nang hindi naghihiwalay ang aming mga labi. Narating namin ang aming kama at marahan ko siya roon na iginayang humiga.

Nasa ibabaw niya ako at naramdaman ko ang kakaibang haplos mula sa kanya. Ang haplos na ito, ito ang haplos niyang gusto kong paulit-ulit na maramdaman sa katawan ko. Ito ang matagal ko nang ipinagdarasal na gawin niya sa ilang taon na pinagsaluhan naming pareho.

Matagal kami sa aming posisyon. Sa bawat paghaplos namin sa hubad na katawan ng isa’t isa, sa bawat halik na masasabi kong pinakamatamis sa lahat ng aming mga halik, at sa bawat yakap na napakahigpit, ipinaramdam namin ang maaga naming pangungulila.

Sinimulan ko siyang paligayahin nang ibaba ko ang aking halik patungo sa kanyang leeg. Naririnig ko na ang maganda niyang tinig na naging musika na sa aking pandinig.

Pinaghiwalay na niya ang kanyang mga hita hanggang sa makulong na ang aking katawan sa pagitan ng mga iyon.

Marahan lamang ang aming bawat paggalaw habang nakapikit kaming pareho. Ganito ang pag-iisang matagal ko nang inaasam na maganap sa aming dalawa. Isang pagtatalik na ginagawa lamang ng dalawang taong labis na nagmamahalan.

Matapos ang ilang minutong pagromansa namin sa isa’t isa ay inihanda ko na ang aking sarili para tuluyan na siyang maangkin. Siniguro kong hindi siya masasaktan at hindi siya mahihirapan. Gusto kong maramdaman niya ang nag-uumapaw kong pagmamahal para sa kanya, isang pagmamahal na hindi kailanman mabubura.

Nang kami ay ganap nang iisa ay hindi muna ako kumilos sa kanyang ibabaw. Nasa loob na niya ako ngunit hindi muna ako gumalaw.

Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga magagandang mata. Inangat ko ang aking isang kamay para hawiin ang ilang mga hibla ng kanyang buhok na humaharang sa magagandang pares ng mga mata niyang iyon.

Tinitigan ko ang buo niyang mukha. Ang mukha niyang ito, habang buhay nang nakatatak sa puso’t isip ko. Na kahit lumipas man ang mahabang taon na hindi ko na siya makakasama, hindi na ito mabubura sa ala-ala at sistema ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto ko na siyang tinititigan habang iisa ang aming katawan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nagulat ako nang iangat niya ang isa niyang kamay at hinaplos ang pisngi ko.

“Tahan na, Rigz…” malambing niyang pagsasalita habang nakatingin sa aking mukha.

Hindi ko na namalayan, habang nakatitig pala ako sa kanya ay muli na namang naglandas ang aking mga luha.

“L-liam…” pagtawag ko sa kanyang pangalan.

Hindi siya tumugon ngunit tiningnan niya ako ng diretso.

“H-hindi ko kaya… Hindi ko kayang magkahiwalay tayo… H-hindi ko kayang bumuo ng isang mundo na hindi ikaw ang kasama ko…” wika ko sa pagitan ng aking pag-iyak.

Muli niyang pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang palad. Ngunit kasabay ng kanyang ginagawa ay nagsimula na rin siyang lumuha tulad ko.

“Kayanin mo, Rigz… P-pakiusap… kayanin mo…” wika niya ring umiiyak.

Mas naging malakas pa ang pag-iyak ko matapos niyang sambitin ang pakiusap niyang iyon. Ngayon ay nag-uusap na lamang kami sa pamamagitan ng aming mga pag-iyak.

Ilang sandali pa habang hawak niya pa rin ang aking magkabilang pisngi ay iginaya niya ako papalapit hanggang sa muling magdikit ang aming mga labi.

Muli naming pinagsaluhan ang halik na puno na ngayon ng pighati.

Nakakalungkot isipin, ngunit kung paano kami nagsimula ay ganito rin kami magtatapos. Ganitong-ganito rin iyon noon, umiiyak siya noong unang gabi na naangkin ko siya. Ang kaibahan nga lang, ngayon ay sabay na kaming lumuluha.

Naganap ang aming huling pagtatalik, ang huling pagkakataong hindi na kailanman mangyayari at sa dati ay hindi na maibabalik.

“M-mahal na mahal kita, Liam… Mahal na mahal… Lagi mong tatandaan ’yan… Walang makakahigit sa ’yo… Wala ring papalit sa ’yo rito… Mahal na mahal kita…” paulit-ulit kong sinasambit sa pagitan ng aking pag-iyak matapos ang aming pag-iisa.

Niyakap niya ako habang patuloy pa rin siyang lumuluha.

“Mahal na mahal din kita, Rigz… Mahal na mahal…”

Hindi ko alam kung isang guni-guni lamang iyon habang nakadikit ang kanyang labi sa aking tenga, ngunit iyon ang mga katagang gusto kong marinig simula pa noon mula sa kanya.

Kung isang guni-guni lamang ang narinig kong iyon, habang buhay ko na lang na paniwalaan iyon. Iisipin kong kahit isang beses man lang ay nasabi niya sa akin iyon.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Bes! Hindi ako iiyak ha?! Mami-miss ko kayo ni pareng Rigo pero hindi ako iiyak!” pinipilit ni Ar-Ar na maging masigla habang nasa harap niya si Liam.

Ngumiti ng tipid si Liam at pinunasan ang pawis sa noo ni Ar-Ar gamit ang kanyang palad. Nakayuko siya para magpantay sila ng bata.

“Mabuti naman. Ayokong makita kang umiiyak dahil lalo kang papanget! Ayoko pa naman sa panget!” sagot naman ni Liam na pinipilit ding maging masigla sa harap ng bata.

“Hindi ako iiyak! Basta, hindi ako iiyak!” wika pa rin ni Ar-Ar habang nakangiti. Ngunit kasunod nito ay hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha kaya mabilis na lamang niyang niyakap si Liam.

Nakita ko pa kung paano naikagat ni Liam ang kanyang ibabang labi para pigilan din ang mapaiyak sa kanilang naging tagpo. Maging sina Lolo at Lola ay hindi na rin napigilan ang maging emosyonal sa mga oras na ito.

“Bes… Susunduin n’yo pa ako, ’di ba…? Babalikan n’yo pa ako, ’di ba..? Saglit lang kayo, ’di ba..? Tapos isasama n’yo na ako ni pareng Rigo, ’di ba..?” sunod-sunod nang tanong ni Ar-Ar sa pagitan ng malakas niyang pag-iyak habang yakap si Liam.

Kahit pigilan ni Liam ang kanyang sarili ay huli na, tuluyan nang kumawala ang kanyang mga luha dahil sa mga naging katanungan ni Ar-Ar sa kanya. Nakita ko ang pagsisisi sa kanya dahil hindi na niya magagawa pang bumalik dito para magkita silang dalawa.

Tiningnan ako ni Liam ngunit agad ko ring iniwas ang tingin ko sa kanila. Naging emosyonal na rin ako dahil sa nakikita ko kay Ar-Ar.

Ngayon ay nananalangin ako na sana, hindi magalit sa akin si Ar-Ar pagdating ng araw. Hindi ko kasi matutupad ang pangako ko sa kanyang si Liam ang tatayong ina para sa kanya balang-araw.

Hindi ko rin naman ito gusto. Dahil kung umaasa si Ar-Ar, higit na mas umasa ako.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha ko kaya mabilis kong pinunasan ito gamit ang aking palad.

“Sumagot ka, bes… Babalikan n’yo naman ako, ’di ba…? Mangako ka sa akin, ’Ma… Babalik kayo ni Daddy Rigo, ’di ba…?” narinig kong sambit pa ni Ar-Ar makalipas ang ilang sandali.

Dahil sa aking narinig ay nilingon ko silang muli na dalawa habang nakaukit ang pagtataka sa aking mukha.

“B-babalik ako… S-sorry… Sorry…” sagot naman ni Liam na umiiyak pa rin.

Mas hinigpitan pa nila ang kanilang pagkakayakap.

“Tahan na, Ar-Ar… A-ayokong magkaanak ng panget… Itatakwil kita, gusto mo ba ’yon..?” tanong ni Liam kay Ar-Ar.

Umiling naman ang bata. Kasunod nito ay huminga ito ng malalim at sinusubukang kumalma.

“Ayoko, ’Ma…” sagot nitong humihikbi.

Nagbitaw ng mahinang pagtawa si Liam habang hinahaplos na ang likod ni Ar-Ar.

“Kaya nga ’wag ka nang umiyak… Tahan na…” sambit na ngayon ni Liam habang umiiyak.

Nanatili na lang akong nanonood sa kanila dahil hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa mga naging pag-uusap nila. Tinatanong ko ang aking sarili kung gaano na ba sila kalapit ngayon? Sa ilang beses pa lang nilang pagsasama, ganoon na ba sila kaespesyal sa isa’t isa?

Masarap sana silang panoorin at pakinggan. Kung paano ituring ni Liam si Ar-Ar na parang isang tunay na anak, at kung paano naman siya ituring ni Ar-Ar na parang tunay niya ring magulang. Pero masakit din ang katotohanang hindi na mangyayari iyon. Dahil sa oras na makarating na kami ng Maynila mamaya, mangyayari na ang malaking pagbabago.

“Ayan! Hindi na talaga ako iiyak!” masigla na ngayong sambit ni Ar-Ar matapos punasan ang kanyang mga luha.

Naghiwalay na silang dalawa mula sa mahigpit na pagkakayakap.

“Good! Magpakabait ka rito ha? ’Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo sina Lolo at Lola. ’Pag nalaman ko lang na nagpasaway ka, naku! Kukutusan talaga kita!” bilin na ngayon ni Liam habang kinukusot ang ulo ni Ar-Ar.

“Oo na! Mabait naman ako ah,” sagot naman nito kay Liam. “’Di ba, Lolo? ’Di ba, Lola? Mabait ako, ’di ba?” pagbaling naman nito sa dalawang matanda.

“Oo na, mabait ka namang bata.” sagot naman ni Lola habang natatawa. “Halika na nga rito at nang makaalis na sila. Baka gabihin pa sila n’yan sa biyahe.” kasunod naman nitong utos.

Doon lamang lumapit si Ar-Ar sa kanila at niyakap ang kanyang Lola.

Saglit pa kaming nagpaalam sa kanila. Nag-usap din kami saglit ni Lolo tungkol sa mga maiiwan ko rito sa hacienda habang nasa Maynila pa ako. Pinapaasikaso ko na rin ang mga papeles na kakailanganin ko sa pag-ampon kay Ar-Ar at sa pagdadala sa kanya sa Maynila oras na makapagtapos na ito ng pag-aaral ngayong taon na ito.

“Ba-bye, bes! Ba-bye, pareng Rigo!” sigaw ni Ar-Ar nang simulan nang umandar ang tricycle na aming sinasakyan ni Liam.

Tanging pagkaway lang ang nagawa namin sa kanya ni Liam bilang pagpapaalam. Nang tuluyan nang mawala sa aming paningin si Ar-Ar ay mabilis na yumuko si Liam habang nakapatong ang kanyang ulo sa aking kandungan. Naramdaman ko ang pagyugyog ng kanyang mga balikat dahil nagsimula na naman siyang umiyak.

Wala akong nagawa kundi haplusin na lamang ang kanyang likod ng paulit-ulit para pakalmahin siya. Pinipigilan ko ang aking pagluha dahil gusto kong may makuhanan siya ng lakas.

Nang tuluyan kaming makasakay sa isang bus pabalik ng Maynila ay nagsimula na rin ang mabilis na pagtibok na puso ko. Labis na takot ang nararamdaman ko dahil nagsimula na ang pagpatak ng oras.

Kaunti lang ang sakay na pasahero ngayong mga oras na ito. Gusto ko pa sanang pigilan ang driver at ang konduktor na ’wag munang paandarin ang bus hangga’t hindi mapupuno ng pasahero ngunit alam kong hindi maaari.

Habang nasa biyahe ay tulala na lamang si Liam na nakatingin sa unahan. Maging ako ay tahimik lang din dahil sa takot na nararamdaman.

Sinubukan kong magbukas ng usapan para mawala ang katahimikan.

“A-anong gagawin mo pagdating natin sa Maynila?” tanong kong nauutal.

Pinalipas niya ang ilang sandali bago siya nagsalita.

“Ihahanda ko ang mga gamit ko para sumunod na kay Nanay Elise sa probinsiya.” sagot naman niya habang nakatulala pa rin.

Unti-unti ay kumilos ako para hawakan ang kamay ni Liam. Hindi naman niya iyon tinanggihan, ngunit nang tuluyan na kaming magkahawak ay naramdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay habang nanlalamig ito.

“You’re trembling…” mahina kong bulong sa kanya.

Ilang segundo ang binilang ko bago siya sumagot habang nakatulala.

“I-ikaw rin, Rigz… Malamig din ang kamay mo… Nanginginig ka rin…” nauutal niyang sagot sa akin sa mahinang tono.

Natahimik ako. Hindi na rin pala maitago ang takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito, kusa na itong lumalabas sa bawat pagkilos ko.

“N-natatakot kasi ako,” mahina kong pagsasalita. “Natatakot ako sa oras na huminto ang bus na ito, Liam. Takot na takot ako…” kasunod ko pang sinabi.

Hindi na siya nagsalita, ngunit naramdaman ko ang paghigpit pa ng kanyang pagkakahawak sa aking kamay.

Pareho rin kaya kami ni Liam sa mga oras na ito? Katulad ko rin ba siya ngayon na nakakaramdam ng takot habang tumatakbo ang bus kasabay ang pagtakbo ng oras? Kagaya ko rin ba siyang natatakot na maghiwalay ang aming mga landas?

Ilang sandali pa ay narinig kong nagsalitang muli si Liam.

“R-rigz… N-nilalamig ako… P-pwede bang yakapin mo ako..?” tanong niya sa akin sa namamaos niyang boses.

Hindi agad ako nakasagot. Dahan-dahan ko muna siyang nilingon at nakita kong kagat na niya ang ibabang labi niya ngayon.

Gusto nang pumatak ng mga luha ko habang nakatitig ako sa kanyang mukha. Nababasa ko kasi ang kalungkutan sa kanya ngunit pilit niya iyong nilalabanan.

Matapos ko siyang tingnan ay kumilos ako para ilagay ang mga braso ko paikot sa kanyang katawan. Isinandal niya ang kanyang ulo sa aking dibdib at itinago niya ang kanyang mukha roon.

Wala na sa amin ang nagsalita pa matapos iyon. Nanatili na lamang kaming dinadama ang yakap na huli naming pagsasaluhan.

Habang patuloy ang pagtakbo ng aming sinasakyan ay sinulit namin ang natitirang oras na magkasama.

Ilang sandali pa ay narinig ko siyang muli na nagsalita.

“R-rigz… H-higpitan mo pa… Pakiusap, higpitan mo pa…” narinig kong pakiusap niya. At matapos niyang sabihin iyon ay naramdaman kong mas naging doble pa ang panginginig ng katawan niya. Napakapit din siya ng mahigpit sa suot kong damit.

Hindi pa iyon doon nagtapos, dahil ilang sandali pa lamang ay narinig ko na ang impit niyang mga pag-iyak habang kulong siya ng mga braso ko.

Dahil sa aking nasaksihan mula sa kanya ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na lumuha.

“I’m sorry, Liam… S-sorry sa lahat…” iyon na lang ang lumabas sa bibig ko habang umiiyak. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya at hinalikan ko siya sa ulo.

Umiling siya ng maraming beses ngunit hindi siya nagsalita.

“Sorry… Kung naging maingat lang ako… sana… sana hindi mangyayari ang lahat ng ito… Sorry… I’m sorry…” puno ng pagsisisi ko pang sambit.

Alam kong huli na para magsisi, alam kong hindi ko na maibabalik ang lahat ng nangyari. Pero hindi ko matanggap sa aking sarili ang aking naging isang pagkakamali.

Ako. Ako rin ang dahilan kung bakit naririto kami ngayon sa ganitong sitwasyon. Ako ang dapat na sisihin dito. Kung nasasaktan man ako, ako rin ang may gawa nito. Kung maging miserable man ako, kagagawan ko rin ito.

Paulit-ulit pa akong humingi ng kapatawaran kay Liam habang patuloy sa pag-andar ang bus. Ngunit sa bawat paghingi ko sa kanya ng tawad ay sinusuklian niya lamang ako ng paulit-ulit na pag-iling habang umiiyak.

Lumipas pa ang mga oras, at ang oras na ayaw kong mangyari ay tuluyan na naming narating.

“Boss, pasensya na po. Pero kailangan n’yo na pong gisingin ang kasama ninyo. Kayo na lang po ang natitira rito.” magalang na pakiusap sa akin ng konduktor ng bus.

Umiling ako habang patuloy pa rin na naglalandas ang mga luha ko. Nakatulala lamang ako habang nasa bisig ko pa rin si Liam.

Narating na namin ang aming destinasyon, at narating na rin namin ang pinakaayaw kong pagkakataon.

Hindi ako gumalaw.

Ayoko. Ayokong matapos ito. Ayokong magkahiwalay kaming dalawa. Ayokong iwan niya ako.

“Pasensya na talaga, boss. Kailangan pa namin pumila ulit para sa susunod na biyahe, e.” muling pagsasalita ng konduktor.

Naikagat ko na lamang ang ibabang labi ko para maiwasan ang paghagulgol ko.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong unti-unti nang umahon si Liam mula sa pagkakasandal sa aking dibdib.

“T-tara na, Rigz… B-bumaba na tayo…” pakiusap nito habang nakayuko.

Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita, agad siyang tumayo at pilit na umalis sa kanyang pwesto. Agad din niyang kinuha ang kanyang mga gamit na nasa bandang itaas ng aming inuupuan.

Doon lamang ako natauhan. Agad din akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Kasabay ng mabilis kong pagkilos ay ang mas mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa takot.

“Liam, sandali!” pagpigil ko sa kanya dahil sinimulan na rin niya ang maglakad palabas ng bus.

Hinawakan ko siya sa kanyang pulsuhan para hindi niya ako tuluyang iwan. Nakatalikod habang nakayuko lamang siya sa aking unahan.

Mas lalo nang nag-unahan ang mga luha ko at alam kong ganoon din siya kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha.

“H-halika na, Rigz… B-bumaba na tayo…” muli niyang pakiusap.

Umiling ako ng maraming beses kahit hindi niya iyon nakikita.

Ayoko. Ayokong magtapos ang lahat dito.

Dahil yata sa hindi ako makagalaw ay inilabas na lamang ni Liam ang lahat ng kanyang lakas para makahakbang.

Hindi ko siya binitawan. Pinaramdam ko sa mahigpit kong pagkakahawak sa kanya na hindi ko kayang mamuhay ng wala siya.

Hanggang sa marating namin ang labas ng bus ay hindi ako bumitaw sa kanya.

“Liam… ’Wag naman ganito…” pakiusap ko sa kanya.

Ilang beses na ba akong nakiusap na ’wag namin itong tapusin? Hindi ko na mabibilang pa. Pero kung kinakailangan na ulit-ulitin ko iyon para lang makumbinsi siya, hindi ako magdadalawang-isip na gawin iyon sa kanya.

“Liam, naman… H-hindi ko kaya…” wika ko habang nakatalikod pa rin siya sa aking pwesto dito sa labas ng bus.

Hindi siya tumugon, nanatili lang siyang nakayuko.

“B-baka naman pwede pa natin ayusin..? ’Wag naman natin tapusin ng ganito…” sunod ko pang pakiusap at mas lalo akong umiyak.

Hanggang sa huling sandaling ito ay umaasa ako. Nagbabakasakali pa rin akong magbago ang isip niya hangga’t nasa harap ko siya.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago siya unti-unting humarap sa aking pwesto. At nang tuluyang magtagpo ang aming mga mata ay nanghina ako dahil sa nakikita ko sa kanya. Basang-basa ang kanyang mga pisngi at namamaga ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak.

“H-hanggang dito na lang talaga tayo, Rigz… Unti-unti ko na ’yon tinanggap… K-kaya sana… sana gano’n ka rin… Pakiusap…. Palayain mo na ako… Dahil simula ngayon, pinapalaya na kita…” wika niya sa pagitan ng pag-iyak.

Halos manlumo ako sa kanyang sinabi. Hindi ko matanggap na kahit sa huling sandali, hindi ko nagawang baguhin ang kanyang isip.

Dahil sa panghihina ay nabitawan ko ng unti-unti ang kamay niya. Nagpatuloy na lang ako sa pag-iyak habang nakatitig sa huling pagkakataon sa maganda niyang mukha.

Unti-unti siyang lumapit sa akin habang patuloy pa ring lumuluha. Nasaksihan ko kung paano siya unti-unting ngumiti kahit nahihirapan siyang gawin iyon.

“S-salamat sa lahat, Rigz… Salamat sa pag-aalaga… S-salamat sa pagpapahalaga na pinaramdam mo… Salamat sa lahat…” wika niyang nakangiti habang lumuluha.

Hindi ako nakasagot dahil naninikip na ang dibdib ko.

Muli siyang kumilos at tiningala ako. Ipinatong niya ang isa niyang palad sa aking dibdib at mas lumapad pa ang pagkakangiti nito.

“Paalam, Rigz… Salamat sa mahabang taon na nakasama ko ang super hero ng buhay ko…” sambit niya pa.

Kasunod ng pagkakasabi niyang iyon ay hinalikan niya ang labi ko.

Ilang segundo rin iyon hanggang sa mamalayan kong tumatakbo na siya palayo sa kinatatayuan ko.

“Liam!!!!” pagtawag ko sa kanyang pangalan.

Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo.

Sinubukan ko siyang habulin ngunit huli na ako, nakakuha agad siya ng taxi na masasakyan kaya napahinto na rin ako.

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ngayon ng tao sa gitna ng estasyon ng bus. Wala na akong pakialam kung may nakakakilala man sa akin. Ito na ang pinakamasakit na naranasan ko sa buhay ko. Naramdaman ko na ang tuluyang pagkamatay ng puso ko.

Iniwan na ako ng taong minahal ko ng higit pa sa sarili ko.

Iniwan na ako ng tuluyan ni Randy Liam.


A/N

Ang sakit. Ang sakit ng ulo ko rito dahil ang dami kong iyak habang tina-type ito.

Feel you, mga mahal ko! Marami pang mangyayari kaya sana ay magkakasama pa rin tayo hanggang sa natitirang mga chapters nitong kwento.

Labyu!

–– cold_deee

chapter 30

A/N

Hello~❤

Ang chapter na ito ay para naman kay

Otor-Mar

. Guys, you can check his profile para mabasa n’yo rin ang kanyang published story. Thankie~

Shout-out din kay

secretwish2002

!! Hahaha! Dear, nag-iba ako ng song para sa chapter na ’to kasi may nakita akong sa tingin ko ay sakto talaga. Pero ’yung ‘Malaya’, maygahd! Pinaiyak ako niyan ha?! Dahil d’yan, pinalitan ko ang chapter 29 ng kanta. Hahaha! Balik-balik, dali! Char!

Ayun nga, dahil parang DJ na rin ako rito na mahilig magbasa at magcompose ng story habang may music, try n’yo po i-play ang nasa media para mas dama ang eksena. (Song title: When You’re Gone - Acoustic Version / By: Avril Lavigne)

Paano? Handa na ba ang tissue? Chos! Enjoy reading chapter 30!

––> Si Rigo po sa media. 👇


RIGO’s POV

“Ang ganda naman ng prinsesa ko.” wika kong nakangiti habang nakatitig ako sa magandang mukha ng mahal ko sa aking cellphone.

“Punyeta. Gigil mo ako ah!”

Natawa ako nang marinig ko ang boses niyang iyon sa aking isip habang nakatitig ako sa kanyang larawan.

“Nami-miss na kita… Miss na miss na kita, Liam…” malungkot ko nang sambit ngayon habang patuloy kong tinitingnan ang kanyang mga larawan.

Muli akong uminom sa aking alak. Matapos iyon ay ibinalik kong muli ang aking sarili sa pagtingin sa kanyang mga larawan sa aking cellphone.

Dalawang linggo na akong ganito. Simula nang magkanya-kanya kami ni Liam, wala akong ginawa kundi ang magkulong dito sa aking kwarto habang iniisa-isang titigan ang kanyang mga larawan.

Hindi ako sanay. Sa bawat umagang gigising ako, kusang pumapasok sa isip ko ang mga bagay na nakasanayan ko nang gawin na may kinalaman kay Liam. Magmula sa kanyang pagkain, paghatid sa kanya sa trabaho, kung paano ko siya maaalagaan, at kung paano ko siya mapapangiti.

Minsan ay kusa na lang din gagalaw ang aking katawan para hanapin siya sa aking tabi habang nakahiga ako sa kama, ngunit agad din akong magigising ’pag maaalala kong wala na siya.

Nakita ko ang pagpatak ng aking luha sa screen ng cellphone ko. Mabilis ko iyong pinunasan gamit ang daliri ko.

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas ngunit tila hindi na ako nauubusan ng luha. Mas mahaba na nga ang oras na ginugugol ko sa pag-iyak kesa sa pag-aasikaso ng sarili ko.

Kahit wala na siya sa buhay ko at tuluyan na niya akong iniwan, mayroon sa loob ko na nagsasabing may natitira pang pag-asa. May bumubulong pa rin sa akin na ipaglaban ko pa siya kahit ayaw na niya. Pero sa kabila ng mga positibong bagay na aking nakikita, kasabay din nito ay nakakaramdam ako ng panghihina.

Sa loob ng dalawang linggo na hindi ko siya nakasama, kahit isang beses ay hindi ako nakakita ng senyales na may balak pa siya sa aking magpakita. Mukhang tulad ng kanyang sinabi sa akin bago kami magkanya-kanya, tinanggap na niya ang lahat at ako ay kanya nang pinapalaya.

Hindi ko iyon matanggap hanggang ngayon, kaya kahit paulit-ulit ko pang naririnig ang mga huli niyang kahilingan ay umaasa pa rin ako sa muli naming pagkikita.

Sinubukan kong tawagan si Nanay Elise para mangamusta at makibalita, ngunit laking dismaya ko nang hindi ko na siya makontak pa. Sinubukan kong puntahan ang condo ni Liam ng patago para alamin kung nakauwi na siya mula sa probinsiya ngunit kahit anino niya ay hindi ko makita.

Araw-araw rin akong nakikibalita sa mga pinapasukan niya ngunit kahit sila ay wala sa akin maibigay na impormasyon dahil hindi pa raw sila nagagawang tawagan ni Liam. Mukhang tama nga ang sinabi sa akin ni Vinci noong nagkausap kami na may balak nga si Liam na umalis sa mga kompanyang kanyang pinapasukan.

Kahit anino na lang niya sana, kahit iyon na lang, gusto ko pa ring makita. Kahit na tingnan na lang siya sa malayo ay handa ko nang gawin ngayon. Pero wala, walang palatandaan na magpapakita pa siya.

Hinaplos ko ang kanyang mukha sa aking cellphone gamit ang aking daliri. Nami-miss ko na ang paghaplos sa malambot niyang mukha sa tuwing siya ay nahihimbing. Nami-miss ko nang hawakan ang mukha ng taong nahihirapan ako noong abutin na parang isang bituin.

Ganito ako sa loob ng dalawang linggo na hindi ko siya nakasama. Para akong masisiraan ng ulo kaya kahit ang pagpasok sa trabaho ay hindi ko na ngayon ginagawa.

Nawalan na ako ng buhay, nawalan na ako ng dahilan para magpatuloy sa pamumuhay.

Nasa ganoon akong tagpo nang marinig ko ang ilang pagkatok sa pinto ng aking kwarto. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko para harapin ang taong hindi na yata nahintay ang pagsagot ko dahil kusa na itong pumasok sa loob.

“Rigz?” pagtawag nito sa aking malambing.

Mabilis na nag-init ang aking ulo dahil sa paraan ng pagtawag niyang iyon sa akin. Habang nakaupo ako sa aking kama ay nilingon ko siya habang nanlilisik ang aking mga mata.

“At sinong nagbigay sa ’yo ng pahintulot na tawagin akong ganyan?! Sino rin ang nagbigay sa ’yo ng permiso na basta na lang pumasok sa kwarto ko?! Ha, MJ?! Sino??!!” sunod-sunod kong tanong at pagsigaw sa huli.

Nakita ko ang pagkabigla sa kanya, napahawak pa siya sa kanyang dibdib dahil sa pagsigaw ko sa kanya.

Hindi siya nakaimik at nagsimula na naman mangilid ang kanyang mga luha. Rumehistro ang lungkot sa kanyang mukha na mas lalong kinagalit ko.

Pinagmasdan ko si MJ. Malaki na ang kanyang tiyan at ilang buwan na lang din ang bibilangin para mailabas na ang anak niya.

“Anong ginagawa mo rito?!! Bakit bigla ka na lang pumasok kahit hindi kita pinapapunta?!!” tanong ko na naman sa mataas na boses.

Sa loob ng dalawang linggo ay ganito ang nagaganap sa bawat araw na nagtatagpo ang aming landas. Kilala ako ng lahat na mabuti sa kapwa, pero sa tuwing nakikita ko ang babaeng ito, kahit ako ay hindi na nakikilala ang sarili ko. Nagiging masama akong tao, nagiging halimaw ako dahil sa galit na nararamdaman ko.

Ilang segundo ang aking binilang bago ako sinagot ng babaeng salot sa buhay ko. Tinanggal niya ang paglungkot sa kanyang mukha at pinilit na ngumiti kahit alam kong ilang sandali pa lamang ay babagsak na ang kanyang mga luha.

“I-itatanong ko lang sana kung sasama ka ba para ipa-check up si baby..?” tanong niya sa pilit na pinapasigla niyang boses.

Dito na tuluyang sumabog sa akin ang galit. Ibinato ko ang basong hawak ko sa sahig dahilan para mabasag ito.

Tumayo ako at dinuro si MJ na ngayon ay gulat na gulat na naman.

“Putngina!! Bakit ako sasama sa pagpapatingin mo sa batang ’yan?!! Anak ko ba ’yan?!! Hindi naman, ’di ba?!! Bakit hindi mo tawagan kung sino man ang gago na ama ng batang ’yan?!! Bakit hindi mo sa kanya ibigay ang responsibilidad na dapat ay sa kanya?!! Bakit ako?!! Bakit ako ang pinipilit mong sumama sa ’yo?!! Bakit ako ang pinapaako mo?!! Mga putngina ninyo!!! Sinira n’yo ang buhay ko!! Mga gago kayong lahat!! Mga wala kayong kwenta!!” mas malakas ko nang sigaw at hindi ko na naman napigilan ang lumuha.

Hindi ko na napigilan ang sumbatan siya kahit alam kong makakasama iyon sa kalagayan niya. Sa nangyari sa buhay ko ngayon, wala na akong nakikitang dahilan para magpatuloy pa.

Walang nagawa si MJ kung hindi ang maitakip ang kanyang palad sa kanyang bibig. Hindi siya nakapagsalita at nagpatuloy na lang siya sa paghikbi.

Nasa ganoon kaming tagpo nang pumasok naman ang magaling na tiyahin ko.

“Rigo! Anong bang nangyayari rito?! Bakit ka ba sumisigaw d’yan?! Nagsisimula ka na naman ba?!” sunod-sunod nitong tanong.

“E, paano, pumapasok na lang bigla ’yang babaeng ’yan dito sa kwarto ko! Kung makaasta, akala mo asawa ko! Kung makaarte, akala mo parte siya ng pamilyang ’to!” sagot ko kay Tita Eve habang tinuturo si MJ na nasa pinto.

Hindi na nagsalita si Tita Eve matapos iyon. Mabilis na lamang itong lumapit sa akin at nagulat ako nang bigla ako nitong sampalin.

“I’ve had enough, Rigo! Pinabayaan na kita sa pagkukulong mo rito sa kwarto mo ng dalawang linggo! Pinagbigyan kita dahil baka kailangan mo lang na mag-isip! But I never imagined na magagawa mo ang ganito! Ganyan ka na ba?! Hindi na kita kilala! Hindi na ikaw ang pamangkin ko na hindi kayang manakit! Nawalan ka na ng konsensya!” sumbat sa akin ng aking tiyahin.

Mas lalong nag-unahan ang mga luha ko. Sa maraming taong inalagaan ako ng Tita ko, ngayon niya lang ako napagbuhatan ng kamay tulad nito.

Sobrang sakit. Patong-patong na ang sakit na nararamdaman ko. Iniwan na ako ni Liam, ngayon naman ay parang itatakwil pa ako ng natitirang pamilya ko.

Hindi ko sinagot si Tita Eve. Habang lumuluha ako ay nilingon ko si MJ na nanatiling nakatayo sa kanyang pwesto.

“Masaya ka na..?” tanong ko kay MJ habang humihikbi.

Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya na umiiyak habang takip ng kanyang palad ang kanyang bibig.

“Masaya ka na ba, MJ..? Sinira mo ang buhay ko… Sinira ninyong lahat… Lahat kayo… Tinanggalan n’yo ako ng karapatang sumaya… Inalis n’yo sa akin ang dahilan para magpatuloy sa buhay ko…” sumbat ko sa kanya sa pagitan ng aking pag-iyak.

Nanatili lang siyang nakikinig sa panunumbat ko kaya nagpatuloy ako.

“Anong ginawa ko sa ’yong masama, MJ..? Anong kasalanan ko sa ’yo para gawin mo sa akin ’to..? Pinakitaan ba kita ng hindi maganda..? Hindi naman, ’di ba..? Itinuring kitang kaibigan… Itinuring kitang parang nakababatang kapatid ko… Pero anong nagtulak sa ’yo para gawin mo sa akin ’to..?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Umiling lang siya habang patuloy pa rin sa kanyang pagluha.

“Wala..? Wala akong ginawang masama..? E, bakit mo nga ako nilagay sa sitwasyong ganito..?” tanong kong muli.

Hindi siya nakasagot kaya nag-apoy na naman ako sa galit.

“Sumagot ka!!! Bakit mo sa akin ginagawa ’to??!!” sigaw kong muli.

“Rigo, stop it!! Hindi ka ba talaga titigil?!! Sumusobra ka na!!” pag-awat na naman ng tiyahin ko.

Dahil sa galit ay hindi ko na nakontrol ang masigawan na rin si Tita Eve.

“Kayo ang sumosobra, Tita!! Kayo ang hindi ko na kilala!! Sumosobra na kayo sa pagkontrol sa buhay ko!! Hindi na tama ’tong ginagawa ninyo!! Nabulag na kayo dahil sa babaeng ’yan!! Pinipilit n’yo na pati ang mga bagay na hindi ko gusto!! Nagiging makasarili na kayo!!” sigaw ko sa kanya.

Nagulat si Tita Eve dahil sa ginawa ko. Sa tagal ng panahon na ilagaan niya ako, ngayon ko lang sa kanya nagawa ito.

Nasaksihan ko kung paano nagsimulang lumuha ang babaeng tumayo na bilang aking ina. Nasasaktan akong makita siyang ganito. Pero dahil sa mga naging pangyayari sa buhay ko ay hindi ko na nakontrol ang sarili kong magawa ito.

“U-ulitin mo nga ang sinabi mo..?” nabibiglang tanong sa akin ni Tita Eve habang umiiyak.

Aaminin ko, kahit ako ay nabigla. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong magagawa kong sigawan ang babaeng pumuno sa kakulangan ng yumao kong mga magulang.

Hindi pa man ako nakakasagot kay Tita Eve ay nagulat akong nasa pinto na rin pala ang aking tiyuhin na si Tito Ed.

“Son, alam mong kahit minsan ay hindi kita pinagbawalan sa mga gusto mo. Ibinibigay ko ang lahat ng magpapasaya sa ’yo. Pero sa pagkakatong ganito na pati ang Tita mo ay nagagawa mo nang pagsalitaan ng hindi magaganda, hindi na kita masusuportahan. Hindi ganyan ang Rigo na pinalaki namin at binusog sa pagmamahal.” mahinahon na pagkausap sa akin nito.

Dahil sa narinig ko ay mas lalo na akong pinanghinaan. At kung naririto lang din ngayon ang pinsan kong si Dom, alam kong hindi rin siya sasang-ayon sa pinapakita kong ugali sa kanyang mga magulang.

Naiintindihan ko naman, alam kong may mali ako dahil sa naging pagbabago ko. Pero kung kailan ko sila mas kailangan, bakit ngayon pa nila akong lahat tinalikuran?

Wala na akong natirang kakampi. Wala na akong makitang pwede kong makapitan. Lahat sila ay hindi na ako naiintindihan.

Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Pagkadismaya, pagkasawi at pangungulila. Lahat ng iyon ay sabay-sabay kong nararamdaman.

Habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha ay nilingon ko si MJ.

“Okay ka na ba..? Masaya ka na..? Nasira na rin ang relasyon ko pati sa natitira kong pamilya… Eto na, MJ… Nagbunga na lahat ng ginawa mo… Nasira mo na ang buong pagkatao ko… Kaya kung pwede sana, itigil mo na ang pag-arte na parang ikaw ang kakawa rito… Dahil kung may biktima man dito, walang iba ’yon kundi ako!” mahaba kong saad sa pagitan ng aking pag-iyak.

Matapos kong sabihin ang mga bagay na iyon ay diretso na akong lumabas ng kwarto. Hindi ko na pinakinggan ang paulit-ulit na pagtawag sa akin nina Tita Eve maging ni Tito Ed.

Tinumbok ko ang labas ng mansyon at diretsong sumakay sa kotse ko. Nasalubong ko pa ang kotse ng bayaw ni MJ na si Tristan papasok ng mansyon. Mukhang dadalawin na naman niya si MJ para kamustahin ang kalagayan nito. Madalas naman siyang naririto kaya hindi na sa akin bago ito. Hindi ko na siya pinansin at itinuloy ko lang ang mabilis kong pagmamaneho.

Wala akong mapupuntahan ngunit mas gusto kong makalayo. Mas gugustuhin kong mag-isa kesa ang makita sila na wala naman ginawa kundi ang sumbatan ako.

“Liam… N-ngayon kita kailangan… Ngayon ko kailangan ang pang-aasar mo kapag nararamdaman kong nag-iisa lang ako… Ngayon ko kailangan ang mga sermon mo kapag nakikita mong napanghihinaan ako…” wika ko sa pagitan ng aking pag-iyak habang nagmamaneho.

Hindi ko mapigilang alalahanin ang mga pagkakataon na kasama ko pa noon si Liam. Sa tuwing alam niyang nalulungkot ako dahil sa maagang pagkawala ng aking mga magulang, siya ang nagdadala ng aming usapan. Hindi man siya tulad ng ibang tao na idinadaan sa pagpapayo sa akin na marami akong pwedeng matakbuhan, siya naman ang tipo ng taong nagpaparamdam sa akin na may makakasama ako. Magbubukas siya ng ibang usapan na mauuwi sa aming tawanan. Magsusungit siya para mabaling sa iba ang aking atensyon. Maglalambing siya para iparamdam sa akin na nandiyan lang siya at hindi ako nag-iisa.

“Liam…” pagtawag ko pa sa kanyang pangalan.

Paulit-ulit ko pa siyang tinawag habang patuloy rin sa pag-agos ng aking mga luha.

Matagal na pagmamaneho ang aking ginawa hanggang sa inabot na ako ng dapit hapon. Kung saan-saan na ako nakarating para lang hintayin ang pagtigil sa pagdaloy ng aking mga luha.

Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nasa isang park malapit sa agency na dati kong pinapasukan bilang isang modelo. Bitbit ang ilang mga lata ng beer ay umupo ako sa isang mahabang bench na nasa park. Binuksan ko iyon at ininom habang nasa malayo ang mga mata ko.

Wala nang gaanong tao at nagsimula na rin buksan ang mga ilaw na naririto. Mula rito sa aking pwesto ay natatanaw ko ang mataas na building ng agency kung saan ako noon pumapasok. Inalala ko ang mga panahon na kahit pagod ako sa pagtatrabaho rito ay isinasabay ko rin ang pagpasok sa restaurant.

Marami akong plano noon sa buhay. Simula pa pagkabata ay nakatatak na sa isip ko kung ano ang gusto kong mangyari sa hinaharap ko. Magmula sa kursong gusto kong makuha sa oras na nasa kolehiyo na ako, kung anong taon ako maghahanap ng girlfriend, kung anong uri ng babae ang gusto kong mapangasawa, kung anong taon ako lalagay sa tahimik at bubuo ng isang pamilya, kung ilang anak ang gusto ko, kung saan kaming lahat magpupunta at marami pang iba.

Pero lahat ng iyon ay nabago.

Nagbago iyon simula nang tumungtong ako sa kolehiyo. Simula nang makilala ko ang taong nagpabago sa lahat ng aking kagustuhan at plano sa hinaharap ko.

Nagsimula ang lahat ng pagbabagong iyon nang ipakilala ng kaibigan kong si Xander ang lalaking nagngangalang Randy Liam.

Pinasok ko ang pagmomodelo para matulungan siya sa mga pinansyal niyang gastusin. Tinapos ko ang kursong Arkitekto ngunit hindi iyon ang linya ng trabahong pinasok ko. Nag-enroll ako sa culinary at nag-aral muli para sundan ang kanyang anino. Nagpumilit ako sa kaibigan kong si Xander para ipasok ako sa sarili niyang negosyo, na kung tutuusin ay kakayanin ko rin namang itayo. Ngunit dahil sa ang matalik niyang kaibigan na si Randy Liam ay sa kanya namamasukan, nagmakaawa akong makapasok sa kompanyang iyon para lang hindi maputol ang aming koneksyon.

Sinundan ko siya. Binantayan ko siya. Sinamahan sa lahat ng kalokohan at inalagaan sa paraang hindi niya mahahalata. Pero dahil ubod siya ng talino, napansin niya pa rin pala.

Hanggang sa masuklian ang lahat ng naging hirap ko sa pagsunod sa kanya, at nangyari iyon sa loob ng isang gabi na hindi ko kailanman inakala. Pinapasok niya ako sa buhay niya. Pinagkatiwalaan niya ako kaya mas naging malapit pa kami sa isa’t isa.

Naging napakasaya ko. Iyon ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.

Pero, sa isang iglap lang din, binawi rin ang lahat ng kasiyahan kong iyon na nagtagal lang ng tatlong taon.

Tumingala ako para uminom muli sa beer na hawak ko. Ngunit sa bawat pagdaloy nito sa lalamunan ko ay kasabay na rin nitong dumadaloy ang panibagong luha mula sa mga mata ko.

Hindi ko malasahan ang pait ng beer, mas nalalasahan ko ang pait ng nararamdaman ko. Pait ng pagkabigo dahil hindi ko nagawang protektahan ang mahal ko. Ako na dapat naglalayo sa kanya sa kapahamakan ay ako rin ang nagtulak sa kanya para iwan ako.

Kasalanan ko. Nasasaktan ako ngayon dahil din sa katangahang nagawa ko.

Maraming pag-inom pa aking ginawa pero parang hindi pa rin ito umeepekto, parang hindi ito nanunuot sa sistema ko. Simula nang iwan ako ni Liam, wala pang nakapagpatumba sa akin kahit na ilang alak pa ang inumin ko.

Sa bawat paglagok ko ng beer ay nananalangin ako. Sana bumalik kami sa dati, na kahit walang matatawag na relasyon, masaya naman kaming nagsasama. Hindi ko na rin hahangarin pang marinig ko sa kanya ang salitang gusto kong marinig. Ang mas mahalaga lang sa akin, magbalik lang siya.

Gusto ko siyang alagaan. Gusto ko siyang protektahan. Gusto kong masiguro na lagi siyang ligtas at walang mananakit sa kanya. Pero dahil sa kinakaharap kong sitwasyon ngayon, alam kong imposible pa iyon. Alam kong paulit-ulit niya lang akong tatanggihan at baka mas lalo pa niya akong layuan.

Habang patuloy akong nag-iinom ay patuloy rin akong nag-iisip kung paano ko maaalagaan si Liam kahit magkalayo kami nito. Labis akong nag-aalala at naninikip ang aking dibdib lalo na sa tuwing nakikita ko sa aking isip ang imahe niyang lumuluha.

May ilang paglagok pa akong ginawa hanggang sa may isang ideya ang pumasok sa isip ko. Naisip ko ito habang pinagmamasdan ko ang mataas na building ng agency kung saan ako noon nagtatrabaho.

Hindi ko gusto ang ideyang ito, ngunit kung ito lang ang paraan para maprotektahan ko si Liam, wala akong mapagpipilian. Gusto kong masigurong lagi siyang ligtas.

Pinunasan ko ang aking mga luha at humugot ako ng malalim na paghinga. Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang taong maaaring makatulong sa aking plano.

Ilang ring lang ang aking hinintay hanggang sa marinig ko ang boses ng taong gusto kong lapitan sa mga oras na ito.

“Hello, idol? Napatawag ka yata?” pagbungad niya sa aking tawag. Alam kong labis siyang nagtataka dahil sa biglang pagtawag ko sa kanya.

“Vinci,” pagbigkas ko muna sa kanyang pangalan. “Nasaan ka ngayon? Pwede ba kitang makausap?” dugtong ko pa.

“Ha? Bakit? May atraso ba ako sa ’yo?” tanong niya naman sa tonong nag-aalala.

“Wala,” una kong sagot. “May ipapakiusap lang ako.” dugtong ko at naramdaman ko ang muling pananakit ng dibdib ko.

Matapos iyon ay hindi na nagsalita pa si Vinci. Ibinigay ko ang detalye kung nasaan ako at sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa kahilingan ko. Eksaktong nasa agency rin pala siya kaya hindi na rin ako maghihintay pa ng matagal sa kanya.

“Idol,” narinig kong pagtawag sa aking pangalan.

Halos isang oras din akong naghintay sa kanyang pagdating dito sa park kung saan ko siya pinapunta.

Nagbukas ako ng isang beer at inabot iyon sa kanya.

“Upo ka, Vinci.” utos ko sa kanya.

Kinuha niya naman ang beer na inabot ko at umupo na rin siya sa tabi ko.

“A-anong pag-uusapan natin?” tanong niya at alam kong kinakabahan na siya sa mga oras na ito. Hindi ko siya masisisi lalo na at ang huli naming pagkikita ay hindi naging maganda ang mga pangyayari. “Kamusta pala?” sunod niya pang tanong.

Uminom muna ako ng beer at huminga ng malalim. Nilingon ko muna siya sa aking tabi at seryosong tiningnan.

“Nagkikita ba kayo ni Randy? Nakakapag-usap ba kayo? May balita ka ba sa kanya?” sunod-sunod kong tanong sa kanya. Hindi ko na pinatagal, sinabi ko na agad ang aking pakay.

Rumehistro ang pagtataka sa kanya.

“Hindi, idol. B-bakit? Akala ko maayos na kayo? Ang balita ko magkasama pa kayo noong mga nakaraan, ’di ba? Noong huli tayong nag-usap, ’di ba kinausap mo pa siya? Wala na akong narinig na balita sa inyo pagkatapos no’n.” sunod-sunod nitong tanong at paliwanag.

Sinuri ko siyang mabuti. Gusto kong malaman kung talagang nagsasabi siya ng totoo. Pero makalipas ang ilang sandali ay napag-isip-isip kong mukhang wala talaga siyang alam.

Inangat ko ang aking beer at iminuwestra iyon sa harap niya para pag-umpugin. Nagbigay ako ng senyales na sabayan niya akong uminom bago namin simulan ang masinsinang usapan.

Tinugon niya naman iyon at sinimulan na rin niyang inumin ang beer na kanyang hawak. Matapos iyon ay sinagot ko ang mga katanungan niya habang nakatingin sa malayo ang aking mga mata.

“Hindi ko siya nakumbinsi. Ginawa ko ang lahat, pero desidido na siyang magkanya-kanya na talaga kami,” una kong sagot at saglit na tumigil para huminga ng malalim dahil naninikip na naman ang dibdib ko. “Iniwan na niya ako at mukhang ayaw na niyang magparamdam kahit kailan.” malungkot ko pang dugtong.

Hindi agad siya nakapagsalita ng ilang segundo. Mukhang nabigla siya sa ibinalita ko.

“G-gano’n ba?” naging reaksyon lang niya. Muli niya ring ibinalik ang kanyang sarili sa pag-inom ng beer.

“Mmmm,” sagot kong malungkot pa rin habang tumatango ng marahan. “Kaya nga sana, may ipapakiusap ako sa ’yo.” dugtong ko at muli ko siyang tiningnan.

Natigilan siya sa pag-inom ng kanyang beer at dahan-dahan akong nilingon.

“A-ano ’yon?” nauutal niyang tanong habang nakatingin sa akin at nasa bibig pa ang lata ng kanyang iniinom.

Hindi ko muna sinabi ang nais kong mangyari. Inihanda ko muna ang aking sarili dahil sa desisyong hindi ako sigurado kung aking kakayanin.

“Vinci, mahalaga siya sa akin. Alam mo naman ’yon, ’di ba? Nakikita mo naman ’yon, ’di ba?” tanong ko sa kanya.

Tinugon niya naman ako ng marahang pagtango kaya nagpatuloy na rin ako.

“Gusto ko siyang protektahan. Gusto ko siyang patuloy na alagaan. Pero hindi pa pwede sa ngayon dahil alam kong paulit-ulit niya lang akong ipagtatabuyan.” pagpapatuloy ko.

Ibinaba niya ang hawak niyang beer at tiningnan ako ng diretso.

“Anong maitutulong ko sa inyong dalawa? Willing naman akong tumulong hangga’t kaya ko. Kaibigan ko si Randy at kaibigan na rin kita. Hindi nga lang ako sigurado kung itinuturing mo akong kaibigan.” mahaba niyang saad. Sinusubukan niyang pagaanin ang usapan ngunit nanatiling seryoso ang ekspresyon ko.

Matagal bago ako nakasagot. Binabalot ako ng takot sa mga oras na ito dahil sa isang desisyong labag sa kalooban ko. Pero kung para kay Liam, handa akong harapin ang magiging resulta ng bagay na ito.

Ibinalik ko sa malayo ang aking mga mata nang simulan ko ulit ang magsalita.

“Bantayan mo siya, Vinci, habang wala ako. Nakikiusap ako. Samahan mo muna siya, ikaw na muna ang mag-alaga sa kanya.” diretso at buong tapang kong pakiusap sa kanya.

Natigilan si Vinci, mukhang nabigla na naman siya sa pagkakataong ito. Ilang segundo rin ang lumipas nang marinig ko ang boses niya.

“A-anong ibig mong sabihin?” nauutal niyang tanong.

Parang pinipiga ang dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ko gustong makita na may ibang nakakasama si Liam. Binabalot ako ng takot pero wala akong mapagpipilian.

Nagsimula nang manginig ang mga labi ko dahilan para mahirapan akong makapagsalita.

“Ilang buwan lang ang hinihingi ko, Vinci. Ilang buwan lang hanggang sa makalabas ang bata sa sinapupunan ni MJ. Hanggang sa mapatunayan ko sa lahat na kahit kailan, kahit wala kaming opisyal na relasyon ni Liam, hindi ako nagtaksil kahit isang beses sa kanya. Nanatili akong tapat sa kanya. Na siya lang ang nilalaman nito…” mahaba kong paliwanag at pinukpok ang dibdib ko.

Hindi nakapagsalita si Vinci. Kahit ang gumalaw siya sa aking tabi ay hindi ko naramdaman. Mukhang hindi siya makapaniwala sa naging pakiusap ko kaya nagpatuloy ako. Ngunit sa pagpapatuloy kong iyon ay naramdaman ko na naman ang pagdaloy ng mga luha ko.

“Saglit ko lang siyang pakakawalan… Saglit ko lang siyang palalayain hangga’t hindi pa nareresolba ang problemang kinakaharap ko… Saglit lang ’yon, Vinci… Ilang buwan lang ang hinihingi ko…” dagdag ko pang pakiusap sa kanya.

“B-basta lagi mo lang sisiguruhing maayos ang kalagayan niya… Na kumakain siya ng sapat… Na nakakatulog siya sa tamang oras… Na kapag kailangan niya ng makakausap, nandoon ka… Na kahit ayaw niyang magsalita, nandoon ka para samahan siya kapag may hindi magandang nangyari sa araw niya… ’Yan lang ang mga dapat mong gawin, Vinci…” wika ko pa rin sa pagitan na ng aking pag-iyak.

Sa wakas ay narinig ko siyang magsalita.

“Idol naman… S-sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?” paniniguro niya.

Ngumiti ako ng mapait habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha.

“Wala naman akong choice, e… Ito lang ang nakikita kong paraan para masigurong nasa maayos siyang kalagayan… Ikaw lang ang nakikita kong kayang gampanan ang mga bagay na iyon pansamantala…” sagot ko sa kanya.

Hindi na naman siya nakapagsalita kaya nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag.

“Pagdating niya galing ng probinsiya ninyo, puntahan mo agad siya sa condo niya… Kung ayaw niyang makipag-usap sa ’yo, kung ipagtabuyan ka niya, ’wag mo siyang pakinggan… Siya ang tipo ng taong kabaliktaran ang mga sinasabi sa totoo niyang nararamdaman…” pagbibigay ko na ng payo ngayon sa kanya.

“’Wag mong hayaan na maparami ang pagkain niya ng matatamis… Pagbawalan mo rin siyang uminom ng alak at kape… Samahan mo siya tuwing may check-up siya sa psychiatrist niya…” panimula ko na ngayong pagbibilin.

Nanatili naman siyang nakikinig lang sa akin. Nagpatuloy pa ako at mas naging doble na rin ang pagbuhos ng mga luha ko.

“K-kung… Kung manonood kayo ng sine, siguruhin mong hindi horror o fantasy ang panonoorin n’yo… Dapat ’yung malungkot ang ending… ’Yung mamamatay ang bida at may palaisipang maiiwan ang istorya… Kasi… k-kasi… gusto niyang hulaan kung ano ang mangyayari sa susunod na series no’n… At ’pag nagkatotoo ang mga panghuhula niya, siguruhin mong mapupuri mo siya… Paulit-ulit mong sabihin sa kanyang ang galing-galing niya…” sunod ko pang pagbibilin.

“K-kung sakaling may nakaaway siya o nakasagutan, iparamdam mong sa kanya ka pumapabor… Kampihan mo siya para hindi niya maramdaman na walang nakakaintindi sa kanya… Kahit hindi mo maintindihan, Vinci… Kahit hindi mo makuha ang logic o ang punto niya, makinig ka lang sa kanya… ’Wag mong ipaparamdam na wala siyang kakampi, na nag-iisa lang siya… K-kasi… Kasi hindi ka niya papansinin ng ilang oras, umaabot pa ’yon minsan ng ilang araw… Magpatalo ka sa kanya at hayaan mong laging siya ang nananalo sa debate ninyong dalawa…” huling bahagi ng mahaba kong mga paalala sa kanya.

Matapos kong sabihin ang lahat ng iyon sa kanya ay napayuko na ako. Kasunod nito ay mas naging malakas na ang mga pag-iyak ko. Inilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko matapos kong ihabilin sa kanya ang pag-aalaga sa taong labis na minamahal ko.

“P-pakiusap, Vinci… Gawin mo sana ang mga bagay na hindi ko na magagawa ngayon sa kanya… Ilang buwan lang naman hanggang sa makabalik ako…” dagdag ko pang pakiusap sa pagitan ng aking pag-iyak.

Hindi ko siya agad narinig na nagsalita. Ilang mga malalalim na paghinga lang ang kanyang nagawa. Hinayaan ko siyang gawin iyon dahil alam kong nag-iisip pa siya.

“Rigo,” pagtawag na niya sa aking seryoso makalipas ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Nilingon ko siya habang tuloy-tuloy pa rin sa pagpatak ng aking mga luha. Nakita kong nakatingala siya ngayon sa langit na puno na ngayon ng bituin.

“Paano kung… paano kung sa ’yo nga ang batang ’yon? Paano kung ikaw talaga ang ama ng batang dinadala ni MJ?” tanong niya sa akin sa malungkot tono.

Natigilan ako. Hindi ko pa pinag-iisipan ang bagay na iyon dahil walang ibang laman ang isip ko kundi ang kapakanan ni Liam.

Unti-unti ay nilingon din ako ni Vinci habang seryoso pa rin ang ekspresyon niya.

“Anong gagawin mo? Paano mo pa babalikan si Randy?” pagtatanong niyang may pag-aalala.

Ilang segundo lang kaming magkatinginan ni Vinci habang pinoproseso ng aking isip ang sagot sa mga katanungan niya.

Makalipas ang ilang segundong iyon ay unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. Pinunasan ko muna ang aking mga luha gamit ang aking palad bago ko siya sinagot.

“Hindi ko na dapat pag-isipan ang gagawin ko sa batang ’yon, Vinci. Dahil alam ko, at sigurado ako na hindi siya sa akin galing,” una kong sagot sa kanya. “Wala akong ibang dapat na gawin kundi ang balikan si Randy, Vinci. Kaya nga hihintayin ko na lang ang panganganak ni MJ para patunayan ’yon sa lahat.” nakangiti ko pang dugtong.

Desidido na ako. Sa oras na manganak si MJ, ang bata mismo ang kukuhanan ko ng sample para dumaan kami sa DNA test.

Ilang sandali pa ay ngumiti rin si Vinci sa aking naging pagsagot.

“Kaya kita idol, e. Hindi ka marunong sumuko. Kahit alam mong dehado ka na, laban lang hangga’t may nakikita kang pag-asa.” wika niyang nakangiti. Iniangat din niya ang kanyang beer sa aking tapat kaya inumpog ko rin ang aking inumin.

Sanay na ako sa mga pambobola ni Vinci, pero alam kong taos sa kanyang puso ang kanyang mga sinasabi. Kaya naman sa halip na kontrahin, sinagot ko na lang siya ng isang tipid na ngiti.

Matapos naming uminom ay pareho na kaming napatingala sa kumikislap na langit.

“Gagawin ko ang kahilingan mo, idol. Lahat ng bilin mo, tatandaan ko. Gusto ko rin tulungan si Randy kahit noon pa. Sinabi ko na rin iyon sa kanya dati. Pero noong mga oras na ’yon, alam kong hindi niya naman ako kailangan. Dahil ramdam ko, wala siyang ibang gustong karamay at kasama kundi ikaw. Kuntento na siya na ikaw lang.” paglalahad niya.

Nakaramdam ako ng kasiyahan kahit papaano sa sinabi niyang iyon. Sa tuwing mararamdaman ko na ako lang ang gusto ni Liam, ibang saya ang humahaplos sa puso ko.

Hindi ko na sinagot si Vinci sa sinabi niyang iyon. Nanatili na lamang kaming nakatanaw sa maraming bituin ng kalangitan at nagpatuloy sa aming pag-iinom.

Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita.

“Idol,” pagtawag niya sa akin.

“Mmm?” tipid ko lang na sagot dahil nasa bibig ko ang lata ng aking iniinom.

Nilingon niya muna ako bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.

“Ilang buwan kang mawawala. Ilang buwan din na ako lang ang makakasama ni Randy. Hindi ka ba natatakot?” tanong niyang bigla.

Huminga ako ng malalim. Pinag-aralan ko muna ang tunay kong nararamdaman ngayong hindi na ako ang personal na mag-aalaga kay Liam.

Matapos iyon ay nilingon kong muli si Vinci.

“Bakit naman ako matatakot?” tanong ko pabalik habang nakataas ang isa kong kilay.

Nginisian niya muna ako. Tinapatan niya ang mapanghamong ekspresyon ko.

“Maraming pwedeng mangyari sa ilang buwan. Paano kung habang naghihintay ka, sa akin maibaling ni Randy ang atensyon niya? Paano kung magkagusto siya sa akin? Paano kung madevelop siya sa akin? Hindi ka ba doon naaalarma?” paliwanag at sunod-sunod na naman niyang tanong na may bahid ding paghamon.

Mayabang na kung mayabang, pero iginawad ko kay Vinci ang pinakamaangas kong pagngisi.

“Alam mo, Vinci, kahit lima pa kayong magsabay-sabay na mag-alaga at manligaw kay Randy, hindi n’yo ako masisindak. Marami ka pang hirap na pagdadaanan, marami ka pang kakaining bigas bago mo maipanalo ang puso niya.” mayabang kong panimula.

Ngumisi din si Vinci.

“Hindi mo pa ako kilala, idol. Masyado akong maalaga at maalalahanin. Baka langgamin pa si Randy dahil likas na rin sa akin ang pagiging malandi.” pagyayabang niya rin sa akin.

“Talaga ba? Sa tingin mo matatakot mo na ako niyan? Masyado ka yatang kampante na magagawa mong paibigin siya sa loob lang ng ilang buwan? E, ako nga na sampung taong nanligaw sa kanya hindi niya sinagot, ikaw pa kaya na ilang buwan lang siyang makakasama?” sagot ko naman sa kanya.

Matapos kong sabihin iyon ay nanlaki ang mga mata niya. Ngunit kasunod nito ay natawa siya.

“Seryoso?! Sampung taon?!” tanong niyang hindi makapaniwala habang natatawa.

Huminga ako ng malalim.

“Yeah. Seryoso ’yan. Since college days. Ten years of courting the most precious gem on earth, and willing to treasure him ’til my last breath.” sagot ko at ngumiti sa huli.

Umalingawngaw ang malakas na pagtawa ni Vinci.

“Kingina! Ikaw na talaga ang idol ko! Hindi na ako papalag! Panalo ka na!” sigaw niyang tawang-tawa.

Muli akong ngumisi sa kanya.

“Kaya nga sinasabi ko sa ’yong ’wag ako ang sindakin mo. Dahil sinisiguro ko sa ’yo, kahit sabayan mo pa ako, mababawi at mababawi ko pa rin siya sa ’yo.

At kahit itinadhana pa kayo dahil muli kayong nagkita….

…. KAKALABANIN KO ANG PUT*NGINANG LETSENG TADHANA NINYONG DALAWA!“

Mas madiin ko nang pagbabanta sa kanya.

Dahil sa huli kong litanya ay mas lumakas ang pagtawa ng gago.

“Kingina! Ikaw na talaga, idol!! Cheers!” masaya na niyang pag-alok sa akin para pag-umpugin ang aming inumin.

Nakapagbitaw ako ng mahinang pagtawa. Matapos iyon ay may sumagi na isang magandang ala-ala sa aking isipan kaya hindi ko kinalimutang ipagyabang iyon kay Vinci.

“One more thing, Vinci,” pagtawag ko sa kanyang atensyon muli.

“Ano ’yon?” tanong niya habang nasa tapat ng kanyang bibig ang lata ng beer niya.

Iginawad ko na naman ang mayabang kong pagkakangisi.

“Noong huling gabi na magkasama kami ni Randy, pumayag siyang maging kami kahit isa lamang iyong pagkukunwari. Pero gusto kong malaman mo na hindi rin kami nagbreak. So technically, kami pa rin dalawa. Hindi mo siya pwedeng ariin o angkinin. Dahil ’pag ginawa mo ’yon, pumili ka na ngayon pa lang kung sa kangkungan o sa morge ka maninirahan.” mahaba ko pang lahad at pagbabanta sa huli.

Ilang segundong natigilan si Vinci. Nasa tapat pa rin ng kanyang bibig ang kanyang beer at sinuri akong mabuti kung seryoso ba ako sa aking sinabi. Ibinigay ko ang pinakaseryoso kong ekspresyon para iparating sa kanya na walang halong pagbibiro ang mga pagbabanta kong iyon.

“E, ’di ’wag! M-marunong naman akong umintindi!” nauutal lang niyang reaksyon at itinuloy na niya ang kanyang pag-inom.

Napangisi lang ako sa naging pagsagot niya. Seryosohon niya man ang sinabi ko hindi, wala na akong pakialam. Basta ang akin ay akin lang. Walang pwedeng umangkin kay Randy Liam. Ako lang! Walang iba kundi ako lang!

Matagal pa kaming nag-usap ni Vinci habang patuloy na nag-iinom. Nabitin pa nga kami. Kaya nang may mapadaan sa aming nagtitinda ng balut at chicharon ay inutusan namin itong bilhan kami ng ilan pang beer kapalit ng pagpakyaw sa kanyang mga paninda. Ang sabi ni Vinci ay babaunin na lang daw niya ang matitira. Ibibigay raw niya ito kay Coke dahil baka nami-miss na raw nito ang pagkain na ipinaglihi sa kanya ng Nanay niya.

Gago talaga.

Kamustahan at pakikibalita sa mga dati kong kasamahan sa modeling agency. Paminsan-minsan ay naisisingit ko ang ilan pang mga detalye na may kinalaman kay Liam kaya minsan ay nagbabalik kami sa katahimikan.

Nang maubos ang aming inumin ay nagpasya na rin kaming umuwi. Halos hating-gabi na rin kaya hinayaan ko na rin siyang magpaalam kahit gustong-gusto ko pang uminom muli.

Sakay muli ng aking sasakyan ay nagdesisyon na rin akong bumalik sa mansyon ng mga Silvestre. Kung may iba lang sana akong mapupuntahan, gusto ko muna sana doon manatili. Mas gugustuhin ko pa ang mag-isa kesa makita ang mga taong hindi sa akin nakakaintindi. Sila ang mga taong akala ko ay masasandalan ko sa oras na ito, pero sila pa ngayon ang isa sa mga pinoproblema ko.

Habang patuloy akong nagmamaneho ay nagsisimula na naman akong makaramdam ng pag-iisa. Ngayon ko lang ulit naramdaman ito, simula nang iwan niya ako.

Inalala ko ang naging pag-uusap namin ni Vinci. Nananalangin ako na sana ay tama ang naging desisyon ko na pakawalan si Liam sa loob ng ilang buwan. Sana ay mahintay niya ako. Sana ay hintayin niya ang pagbalik ko. Hindi iyon dahil sa kailangan niya ako, kundi dahil mas kailangan ko siya. Hindi ko kakayanin kung habang-buhay na kaming magkakahiwalay, unti-unti ko iyon ikamamatay.

Narating ko ang mansyon ng maayos. Hindi ko alam kung bakit kahit buong araw pa akong mag-inom, parang walang epekto iyon. Gising na gising pa rin ako at hindi nababawasan ang bigat ng dibdib ko.

Sa labas pa lang ng mansyon ay nakikita kong bukas pa ang maraming ilaw sa loob. Mukhang may gising pa sa kanila kaya nagdesisyon akong magtungo muna sa likod ng bahay kung nasaan ang pool.

Tinungo ko ang isang pool lounge chair na nasa isang tabi at umupo roon. Nasa tubig ng pool ang mga mata ko pero napakalayo ng nararating nito.

Natawa ako ng mapait nang maalala ko ang eksena noon sa aming dalawa ni Liam, noong unang beses na dinala ko siya sa rest house namin sa probinsiya.

“Sana Liam, ’pag dumating ang oras na masaktan ka, ’wag kang aalis sa pwesto mo, ha? Kahit hindi mo na tawagin ang pangalan ko, basta d’yan ka lang. Dahil kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para mapuntahan ka.” puno ng emosyon kong pahayag

habang yakap siya at nasa pool ang katawan naming dalawa.

Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita.

“R-rigz, paano ’pag ikaw naman ang magiging sanhi ng lungkot ko? Paano ’pag ikaw ang magiging dahilan para masaktan ako?” sunod-sunod at nauutal niyang tanong.

Akmang bibitaw sana ako sa aming pagkakayakap para harapin siya ay pinigilan niya ako. H

inigpitan niya ang pagkakayakap sa katawan ko.

“’W-wag. Ganito lang tayo, Rigz. Dito ka lang.” pagpigil niya sa akin.

Dahil doon ay s

inuklian ko na lamang siya ng mas mahigpit ding yakap

bago ko sinagot ang tanong niya.

“Sakali mang mangyari ’yon, Liam, sana hindi ka pa rin umalis sa pwesto mo. Dahil kahit ano ang mangyari, pangako, pupuntahan pa rin kita. Dahil ikaw na ang tahanan ko, ang tahanan kong babalik-balikan ko.” madamdamin kong sagot sa tanong niya.

Tandang-tanda ko noon na hindi niya na ako tinugon. Sariwa pa sa aking kaisipan kung paano niya ako iginayang lumubog sa ilalim ng tubig upang halikan sa labi.

Dahil sa pag-alalang iyon ay hindi ko na naman nakontrol ang aking sarili na lumuha.

Labis na pagsisisi ngayon ang nararamdaman ko. Hindi ko kailanman inisip na magkakatotoo ang mga sinabi niyang iyon. Buong akala ko ay hindi ko siya kayang saktan, akala ko ay hindi ko siya mapapabayaan. Pero heto ako, ako rin mismo ang nanakit sa kanya.

Nagsimula akong magsalita kahit wala akong kausap sa mga oras na ito. Inilabas ko ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya kahit wala siya ngayon sa tabi ko.

“S-sabi ko sa ’yo, Liam… Ang sabi ko sa ’yo hintayin mo ako, ’di ba..? Pero bakit ka umalis..? Nangako naman ako at handa ko naman tuparin ’yon… Pero bakit umalis ka pa rin sa pwesto mo..?” tanong ko sa kanya.

“Wala naman akong ipinangako sa ’yong hindi tinupad, ’di ba..? Lahat ginawa ko… Bakit hindi ka sa akin ngayon nakinig..? Bakit hindi ka sa akin nagtiwala..?” sunod ko pang tanong.

Napayuko na lamang ako habang patuloy na naglalandas ang mga luha ko. Kahit siguro ilang beses ko pa iyon itanong sa kanya, hindi na rin iyon masasagot dahil bumitaw na siya.

Ngayon ko naiisip na mas masakit pala ang mawala siya sa akin kesa ang maghangad ako na maging opisyal kami. Ngayon ko napag-isip-isip na mas gugustuhin ko na iyon basta’t nasa tabi ko lang siya.

Pero ano pang silbi ng pagsisisi ko ngayon kung wala na siya?

Ipinagpatuloy ko ang aking pag-iyak ng tahimik sa tabi ng pool. Gusto kong sumigaw sa sakit, gusto kong magwala. Gusto ko na may makikinig sa aking mga hinaing pero alam kong lahat ay tinalikuran na ako.

Habang nakayuko ako at patuloy na umiiyak ay natigilan ako nang may dumikit na malamig na bagay sa balikat ko.

“Brad,” seryoso nitong pagtawag sa akin.

Unti-unti kong inangat ang aking tingin at doon ko natagpuan ang pinsan kong si Dom na nakatayo sa aking tabi.

“Nagsesenti ka na naman,” pagpuna nito sa akin habang iniaabot sa akin ang isang lata ng beer. May isa rin siyang hawak na para naman sa kanya.

Kinuha ko naman iyon at saka ko pinunasan ang aking mga luha gamit ang likod ng aking palad.

Umupo siya sa aking tabi at sinabayan ako sa pagtitig sa tubig na nasa pool.

“G-gising ka pa,” nauutal kong pag-iiba ng usapan.

“Hinihintay kasi kita.” sagot niya namang seryoso.

Hindi ko na siya sinagot. Binuksan ko ang lata ng beer na kanyang iniabot at diretso kong ininom ito.

Sa dalawang linggo na nandito ako sa mansyon ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ni Dom. Alam kong abala siya ngayon dahil sinisimulan na rin ni Tito Ed ang pagsasanay sa kanya para hawakan ang kanilang kompanya. Sinubukan niya ako minsan na puntahan sa aking kwarto, marahil ay kakausapin ako ngunit nagpanggap naman akong natutulog.

Ilang segundo pa kaming binalot ng katahimikan ni Dom hanggang sa basagin niya iyon.

“Pwede mo akong kausapin. Kahit wala akong kwentang kausap madalas, baka may mapulot ka pa rin sa akin.” panimula niya. Pinipilit niyang pagaanin ang aming usapan ngunit hindi ko magawang sakyan iyon.

“Wala na rin namang mangyayari kahit sabihin ko pa ’yon sa ’yo, Dom. Nasira na lahat. Nasira na ako, sirang-sira na ang mga pinaghirapan ko…” pagkontra ko sa kanya at gumaralgal na naman ang boses ko.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

“Wala na bang pag-asa? Kaya pa ’yan! Hindi pa naman huli ang lahat lalo na at hindi naman kayo pinagtutulakan ni Mommy na magpakasal ni MJ, ’di ba?” pagkumbinsi nito sa akin.

Natawa ako ng mapait kahit nagsisimula na namang mamuo ang mga luha ko.

“Ano pang silbi no’n kung si Randy na mismo ang umiwas sa akin at pinagtulakan na ako palayo? Sa tingin mo ba may silbi pa ang pakikipaglaban ko?” tanong ko sa kanya pabalik.

Natahimik si Dom at hindi agad nakapagsalita. Marahil ay hindi niya alam kung paano mapapagaan ang pakiramdam ko dahil hindi naman siya mahusay na magbigay ng payo, madalas kasi ay puro kalokohan lang ang ginagawa nito.

Ilang sandali pa ay nagsalita siyang muli ngunit tila nag-aalangan ito.

“Uhm… Gusto mo ba, itakas na lang namin kayo? O kaya ipa-kidnap ko na lang si Randy tapos ikaw ang bumawi? Ililigtas mo siya, gano’n! Magha-hire ako ng pwedeng gumawa no’n! Marami naman tayong tropang gago. Gagalingan mo nga lang ang acting mo.” pagkumbinsi nito sa akin.

Sa wakas ay nagawa kong matawa kahit saglit. Sinasabi ko na nga ba, wala siyang kwenta pagdating sa mga problemang ganito.

Pero sa tingin ko ay mas maganda na rin ito kesa sa wala akong makausap at nag-iisa lang ako.

“Dom, wala tayo sa isang palabas. Alam mong sa pelikula lang ang mga ganyang ganap. Isa pa, hindi basta-basta ang ipapadukot mo! Nakakalimutan mo bang si Randy ’yon?! Kahit anong galing nating umarte, mahuhuli at mahuhuli pa rin niya tayo!” paliwanag kong natatawa sa kanya.

“Tang*na! Oo nga pala! Matalino nga pala ang unggoy na ’yon,” reaksyon niyang bigla. “Aray ko naman!” sunod naman niyang reklamo dahil binatukan ko siya ng malakas.

“Tawagin mo pa siyang unggoy! Ilulunod talaga kita d’yan sa pool!” Pagbabanta ko sa kanya habang tinuturo ang pool.

Napasimangot naman siya habang hinihilot ang ulo niyang nakatanggap ng batok ko.

“Tang*nang ’to! Basta talaga tungkol kay Randy nagiging mapanakit ka ’no?!” reklamo pa rin niya.

Nginisian ko lang siya at uminom na lang muli sa beer ko.

Tama siya. Basta tungkol kay Liam, makikipagsapakan talaga ako kahit sa kanya, kahit pinsan ko pa siya.

Muling huminga ng malalim si Dom ngunit hindi na siya nagsalita pa. Sinabayan na lang niya ako sa pag-inom habang pareho rin kaming nakatitig lang sa pool. Ipinaramdam na lang din niya sa akin na kung gusto ko man magkwento ay makikinig lang siya.

Ilang minuto pa kaming walang imikan ni Dom hanggang sa muli akong magsalita sa malungkot pa ring tono.

“Ipinagkatiwala ko muna siya sa iba pansamantala. Kahit gusto kong personal na mangalaga sa kanya, alam kong hindi niya rin ako papayagan. Pero dahil gusto kong masigurong maayos siya, kailangan ko siyang pabantayan sa iba.” panimula ng aking pagkekwento.

Ilang segundong hindi nakapagsalita si Dom, marahil ay nabigla.

“K-kanino?” nauutal nitong tanong.

“Kay Vinci.” tipid kong sagot at muli akong uminom ng beer.

“Uh… Sigurado ka ba na hindi ka aahasin no’n? Alam mo naman, uso si bes ngayon.” tanong nito.

Natawa ako ng bahagya.

“No choice, e. Siya lang naman ang sa tingin kong makakalapit kay Liam. Dahil kung sa inyo, alam kong magmamatigas lang din siya. Kilala n’yo naman ’yon, ’di ba? Kahit masungit ’yon, ayaw niya pa rin kayong nag-aalala, ayaw niyang siya ang magiging cause ng problema. Mas gugustuhin niyang sa ibang tao ibaling ang galit niya kesa kayo ang maapektuhan.” paliwanag ko sa kanya.

Natawa ng mahina si Dom.

“Yeah. Gano’n nga siya. Kaya magugulat ka na lang minsan na nagfi-freak out na lang siya bigla. Doon na lang din natin malalaman na may pinagdadaanan pala siya.” pagsang-ayon naman niya sa akin.

Napailing na lang ako habang natatawa rin ng mahina.

Tama si Dom, gano’n nga si Liam. Sinasarili niya ang lahat ng kanyang problema basta’t ’wag lang maapektuhan ang mga taong mahalaga sa kanya.

Hindi iyon nakikita ng mga nakakasalamuha niya, ang alam lang nila ay masungit at may pagkasalbahe siya. Pero kami, alam na alam namin na masarap siyang kasama at gugustuhin mong maging kaibigan ang tulad niya. Maalaga siya sa ibang paraan. Maasahan siya sa oras ng kagipitan. Marunong siyang magpahalaga sa mga taong malalapit sa kanya.

’Yan ang tunay na Randy Liam.

Ilang segundong katahimikan pa ang namayani sa amin ni Dom. Ngunit ilang saglit lang din ay tinapik niya ang aking balikat at masigla ang boses niyang nagsalita.

“Brad, hindi ko alam kung malaking tulong ito. Pero hayaan mong makatulong din kami sa inyo. Araw-araw magbabakasakali kaming makausap siya. Pupuntahan namin siya sa tinitirahan niya. Gusto ko rin masiguro na hindi siya sa ’yo aahasin ng Vinci na ’yon. Marami kaming kaibigan ninyong dalawa, hayaan n’yo namang may magawa kami para sa inyong kaibigan namin.” saad niya habang nakangiti.

Dahil sa narinig ko kay Dom ay nagawa ko rin ang maglabas ng malapad na pagkakangiti.

“Salamat,” una kong sambit. “Ilang buwan lang naman ang kailangan. Matapos ang ilang buwan, hayaan n’yong ako na ang trumabaho para mabawi ko siya. Naniniwala akong maaayos namin ’to. At ’pag nangyari ’yon, sisigiraduhin kong hindi na siya sa akin makakawala. Wala na akong pakialam kung itaboy niya pa ako ulit, wala na akong pakialam kung makulitan siya. Basta hinding-hindi na ako aalis sa tabi niya.” mahaba kong litanya kay Dom.

Muling natawa si Dom. Iniangat niya ang kanyang beer at muling pinag-umpog ang aming iniinom.

“Tang*na! Ang ganda talaga ng baklang ’yon! Isipin mo, hinahabol-habol ng pinsan kong ubod ng gwapo?! Pucha! Beybing-baby sa ’yo, e!” reaksyon niyang natatawa matapos uminom.

Natawa rin ako sa kanyang sinabi.

“Prinsesa ko ’yon, gago! Ako ang baby niya!” pagkontra ko naman at uminom din ako ng aking beer.

Napangiwi naman siya sa aking sinabi.

“Eewww! Ang baduy n’yong dalawa! Kinikilabutan ako sa inyo!” pagkukunwari niyang nandidiri.

Wala naman akong naisagot kundi ang malakas lang na pagtawa.

Nagpapasalamat ako at naririto si Dom. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil may maasahan pa pala akong panibagong tulong. Buong akala ko kasi ay wala na akong makakapitan sa mga oras na ito.

Konting tiis lang, Liam. Hintayin mo ang pagbabalik ko. Sa oras na matapos ang problemang ito, lalayo na tayo. Isasama na kita sa isang lugar na kahit tayong dalawa lang, mamumuhay ka na parang nasa isang paraiso.


THIRD PERSON’s POV

Habang abala ang karamihan sa kanilang mga buhay, may isang nilalang ang nabubuhay sa dilim at kapighatian. Naroon siya sa sulok ng isang kwarto habang yakap ang kanyang mga tuhod.

Labis na lungkot ang kanyang nararamdaman dahilan upang manariwa ang lahat ng masasakit na ala-alang kanyang pinagdaanan.

“T-tama na po…” umiiyak niyang pakiusap habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha.

Nag-iisa siya at walang karamay sa mga oras na ito. Pinili niya ang ganito dahil iyon ang sa tingin niya ay tama, dahil iyon ang sa isip niya ay dinidikta.

“Bakla raw kasi kaya nangyari ’yan sa kanya.”

“Dapat lang ’yan. Masama kasi ang ugali niya.”

“Sa umpisa pa lang, wala na talaga siyang karapatang mabuhay. Puro kamalasan lang ang dala niya.”

“Kaya walang gustong makipagkaibigan d’yan kasi masyadong makasarili.”

“Malas siya.”

“Salot siya.”

“Dapat sa kanya, mabura na rito sa mundo.”

“Dapat sa kanya, mamatay. Kagaya ng kung ilang beses niyang sinubukang kumitil ng ibang buhay.”

Paulit-ulit niyang naririnig ang mga usapang iyon sa kanyang kapaligiran. Alam niyang siya ang tinutukoy ng mga taong ito sa kanyang harapan, ngunit tanging pagtungo lang ang kanyang nagawa. Patuloy lang siyang umiiyak dahil alam niyang walang tao na gustong tumulong ngayon sa gaya niya. Alam niya, simula pa noon ay nag-iisa na siya.

Inangat niya ang kanyang mukha at nagmamakaawang tumingin sa mga taong siya lamang ang nakakakita. Humihikbi siya at nakikiusap ang kanyang mga mata habang kaharap ang mga taong gawa lang ng imahinasyon at isip niya.

“H-hindi po ’yan totoo… H-hindi ko po sinasadya ang lahat… Maniwala kayo, hindi ko ’yon sinasadya…” depensa niya sa kanyang sarili at mas naging malakas na ang pag-iyak niya.

Hindi siya pinakinggan ng mga taong siya lang ang nakakakita. Nasaksihan niya kung paano siya tiningnan ng mga taong iyon na may halong pangungutya. Kasunod nito ay inulit-ulit nila ang mga panunumbat sa kanya, mga panunumbat na matagal na niyang naririnig magmula pa sa kanyang pagkabata.

Tinakpan niya ang kanyang dalawang tenga gamit ang kanyang mga palad dahil nabibingi na siya.

“T-tama na po…” pagmamakaawa niya sa mga taong patuloy siyang kinukutya.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay ganito siya. Nagkukulong lang sa kanyang kwarto at kinakausap ang kung sino mang bumungad sa kanya. Tinanggap na niya ang kanyang pagkatalo mula sa matagal nang pakikipaglaban sa mga taong itinatakwil siya. Sumuko na siya sa ilang taong pagdepensa sa kanyang sarili na katulad din siya ng iba, na dapat ay mabigyan ng tamang atensyon at tamang pang-unawa.

Lingid sa kaalaman ng lahat na siya ay nasa ligtas na kalagayan, ang taong ito ay piniling mag-isa. Isinuko na niya ang lahat dahil alam niyang isa siya sa sanhi ng mga problema sa paligid niya.

“Mamamatay tao ka, Randy! Muntik mo na akong patayin pati ang batang dinadala ko!! Makasarili ka!! Gusto mong sa ’yo na lang lahat mapunta! Kaya kahit ang pumatay, handa kang gawin para lang masunod ang kagustuhan mo! Demonyo ka! Masamang tao ka!! Mamamatay tao ka!!” sumbat sa kanya ng isang babae.

Umiling ang binata habang patuloy na lumuluha.

“H-hindi ko intensyon ’yon, MJ… Hindi ko gustong mamatay kayo ng anak mo… K-kaya nga… Kaya nga nagpaubaya na ako, ’di ba..? K-kasi… kasi, natatakot ako sa magiging kalagayan n’yo… Hindi ko kayang pumatay ng tao…” paliwanag ng kawawang binata sa babaeng patuloy siyang sinusumbatan.

Akala niya ay magtatapos na ang mga panunumbat na iyon mula sa babae, ngunit laking gulat niya nang ang kasunod na magsalita ay ang isang pamilyar na boses na nagmula naman sa isang lalaki.

“Hindi totoo?! Naririnig mo ba ’yang sinasabi mo, Randy?! E, anong tawag mo sa akin?! Hindi ba muntik mo na ako noon patayin?! Sinubukan mo akong patayin pero hindi ka lang nagtagumpay, ’di ba?!” pagsigaw ng bagong dating na nagmula sa pinto ng kanyang kwarto.

Nanlaki ang mga mata niya nang masilayan ang taong sumigaw na iyon.

“T-tom…?” pagtawag niya sa kanyang kaibigan.

“Ako nga, Randy! Ako si Tom na muntik mo nang patayin noon!” sagot naman sa kanya nito pabalik habang nanlilisik ang mga mata.

Muli siyang umiling ng maraming beses.

“H-hindi… Kaibigan kita… ’Di ba… ’di ba, magkaibigan tayo..? Hindi ko ’yon sinasadya… Aaminin ko, naging makasarili ako noong mga oras na ’yon… Pero hindi kita intensyon na patayin… M-maniwala ka naman…” pagkumbinsi pa rin ng binata sa kanyang kaibigan.

“Sinungaling ka!! Mamamatay tao ka na nga, sinungaling ka pa!!” sigaw sa kanya ng mahal niyang kaibigan.

Walang nagawa ang kawawang binata. Labis siyang nalulungkot dahil pati ang isa sa mga taong labis niyang pinahahalagahan ay namumuhi na ngayon sa kanya dahil sa naging kasalanan niya.

“S-sorry… Sorry, Tom… P-patawarin mo na ako…” pakiusap niya kay Tom at lumuhod sa harap nito.

Nagbakasakali ang binata na mapatawad siya ni Tom dahil sa naging kasalanan niya rito noon. Kilala niya ang kaibigan niyang iyon, mabait at malawak ang pang-unawa sa lahat. Muli sana siyang hihingi ng kapatawaran ngunit hindi niya iyon naituloy dahil sa hindi inaasahang pagsulpot naman ng taong minsan na niyang minahal.

“X-xander…?” pagtawag niya sa pangalan ng matalik niyang kaibigan.

Sa halip na suklian siya ng pagbati ay matalim ang mga mata ng taong iyon na tinitingnan siya ng diretso.

“Ako nga, Randy. Ako nga ito na itinuring kang parang isang kapatid. Ako nga itong nag-akala na isa kang mabuting kaibigan! Ako na tumulong sa ’yo pero trinaydor mo!! Ako, Randy!! Ako ang taong sagad sa buto ang galit sa ’yo!!” sumbat sa kanya ng matalik niyang kaibigan.

Mas lalong nag-unahan ang pagdaloy ng luha mula sa dating magagandang mata ng binata.

“’Wag… ’wag kang magalit sa akin, Xander… S-sorry… H-hindi ko na uulitin ang mga nagawa ko… Sorry…” paulit-ulit niyang paghingi ng tawad sa kanyang matalik na kaibigan.

Nagbabakasakali siya na muli siyang mapatawad nito. Mahalaga ang taong ito sa kanya. Ito ang kauna-unahan niyang naging kaibigan noong tumapak siya sa kolehiyo. Si Xander lang ang kauna-unahang tao noon na tumanggap sa kanya, siya ang unang tumanggap sa kabila ng pagiging iba niya sa normal na nakikita ng iba. Kaya dahil sa kabutihang loob ng kaibigan niyang ito, hindi rin niya naiwasang mahulog ang loob niya rito. Ngunit ang masakit, ang kaibigan din niyang ito ang unang nagparanas sa kanya ng pagkabigo. Hindi nasuklian ni Xander ang pagmamahal na kaya niyang ibigay rito.

“May magagawa pa ba ang paghingi mo ng tawad ngayon, Randy?! Nakasakit ka na!! Hanggang kailan?! Ilang tao pa ang handa mong saktan para lang makuntento ka?!!” tanong sa kanya ng matalik niyang kaibigan.

Naikagat na lang ng binata ang kanyang ibabang labi habang patuloy pa rin siyang nagmamakaawa.

“Ang pagdating mo ang pinapangit na nangyari sa buhay ko, Randy! Pinagsisisihan ko kung bakit pa kita nakilala! Sana hindi na lang kita naging kaibigan dahil masamang tao ka!! Traydor ka!!” sigaw pa rin sa kanya ng matalik niyang kaibigan.

Nanlumo ang binata sa kanyang mga narinig. Lalo siyang binalot ng kalungkutan dahil pati ang taong akala niyang magiging kakampi niya ay halos isumpa na siya.

Umabot na sa leeg ng binata ang kanyang mga luha. Hindi niya ito inabala pang punasan dahil alam niyang magpapatuloy lang din ito sa pagragasa.

Hindi natapos ang kanyang bangungot. Kung kanina ay binalot lang siya ng lungkot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng takot.

“Kamusta ang unico hijo ko? Kamusta ang anak kong paborito?” tanong na ngayon sa kanya ng isang lalaking may edad.

Nanlaki ang mga mata ng kalunos-lunos na binata. Naging mabilis ang kanyang mga paghinga nang kanyang makita ang imahe ng taong inakala niyang patay na.

“P-papa..?” gulat na gulat niyang pagtawag dito.

Hindi agad na nagsalita ang matanda. Nagsimula nang umatras ang kawawang binata nang masaksihan niya ang kanyang ama na unti-unting tinatanggal ang suot nitong sinturon na pinalilibutan ng bakal.

“P-papa… ’Wag po… M-masakit po ’yan… Maawa po kayo…” pagmamakaawa niya sa kanyang ama. Patuloy lang siyang umaatras habang nakasalampak sa sahig.

Gumuhit ang galit sa ekspresyon ng kanyang ama.

“Anong sinabi ko sa ’yo noon, Randy?!! Sinabi ko sa ’yong walang patutunguhan ang pagiging bakla, ’di ba?!! Nakinig ka ba?!! Hindi, ’di ba?!! Nagmatigas ka pa!! Ano ngayon ang napala mo?!! Wala!! Nagawa mo pang manakit ng ibang tao!! Papatayin mo pa ang isang bata na walang kamuwang-muwang sa mundo!! Binalak mo pang agawan siya ng isang ama na mag-aaruga sa kanya!!” sigaw sa kanya ng kanyang ama habang inihahanda ang sinturon na alam niyang ihahambalos sa kanya.

“P-papa… Gumawa naman po ako ng mabuti… Nagparaya naman ako… Hinayaan ko na silang maging masaya… ’Wag n’yo na po akong parusahan…” takot na takot niyang pagmamakaawa sa kanyang ama. Halos mawalan na siya ng boses dahil sumisigaw na siya. Hindi na rin siya makahinga ng maayos dahil sa labis na pag-iyak niya.

Hindi siya pinakinggan ng kanyang ama na siya lamang ang nakakakita. Lalo lamang din siyang nakaramdam ng takot nang marating ng kanyang likod ang pader dahilan para wala na siyang maatrasan pa.

Nag-isip ang binata ng ibang paraan para hindi ituloy ng kanyang ama ang pananakit sa kanya. Lumuhod siya sa harap nito at pinagdikit ang kanyang mga palad na tila nagdadasal siya.

“Papa… ’Wag po… M-maawa na po kayo…. H-hindi na po… Pangako… Hindi na ako magpapakita kay Rigo… Hahayaan ko na siyang makabuo ng sarili niyang pamilya… Hindi na po ako magiging hadlang sa mga pangarap niya…” pakiusap niya sa pagitan ng kanyang malakas na pag-iyak habang nakaluhod.

Lalo lamang nanlisik ang mga mata ng kanyang ama.

“Dapat siguro, pareho na lang kayong mawala! Dapat siguro, pareho na lang kayong mamatay ni Rigo! Walang karapatang mabuhay ang mga kagaya n’yong bakla sa mundo!” madiin na pagbabanta ng matanda sa binata.

Akala ng binatang iyon ay sagad na ang kanyang takot, ngunit nang marinig niya ang pagbabanta sa buhay ng kanyang minamahal ay nagsimula na siyang sumigaw sa pagmamakaawa.

“Papa..!! ’Wag po!! ’Wag n’yo pong saktan si Rigo..! Ako… Ako na lang po ang saktan ninyo..!! ’Wag po siya… Nagmamakaawa po ako sa inyo..!!” malakas niyang pakiusap habang nakaluhod sa harap ng matanda at mas bumuhos na rin kanyang mga luha.

“Mga salot kayo!!!” sigaw sa kanya ng matandang lalaki at inangat na nito ang kanyang kamay na may hawak na pistol belt.

“Papa!! Tama na po!! M-masakit na po!!” sigaw ng binata habang takip na ngayon ang kanyang ulo ng kanyang dalawang kamay.

Sinalo niya ang masakit na paghambalos sa kanya ng kanyang ama. Pinuntirya ng matanda ang kanyang likod dahilan para humiyaw na siya sa labis na sakit.

Wala siyang nagawa kundi ang paulit-ulit lang na magmakaawang itigil na ang paghampas sa kanyang likod. Ang pakiramdam niya ay nagsisimula na rin itong mamaga at may dumadaloy na rin ditong maraming dugo.

Ngunit, ang lahat ng iyon ay nakikita niya lamang sa kanyang isip.

Wala siyang kasama sa kwarto. Nag-iisa na siya simula pa noong huli silang nagkasama ng taong tinitibok ng kanyang puso.

Dalawang linggo. Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang magdesisyon siyang lumayo kay Rigo.


A/N

Votes? Comments? 😢

Ang sakit sa puso.

Salamat po sa patuloy na pagbabasa. Wala muna akong masyadong masasabi. Kasi kahit ako, apektado na rito sa kwento nina Randy at Rigo.

’Til next update po.

–– cold_deee❤

P.S.

Sa mga nakakasalamuha ko sa FB, baka hindi muna maging active si Ateng ha? ’Wag magtampo, mahal na mahal ko kayo. Tinatarget ko lang din kasi na matapos ang kwentong ito bago matapos itong taon. Bakit? Dahil marami akong stories na paparating para sa inyo. Sana ay kayanin kong makapag-update ng twice a week nitong NSA lalo na at napakahaba ng bawat chapter dito. Dito na lang muna tayo mag-usap sa Wattpad. Labyu! Alam n’yo na kung sino-sino kayo. <3

P.P.S.

May ipa-publish akong apat na prologues ngayong araw na ito. Teaser ko iyon para sa new stories ko na magtutuloy-tuloy ang update sa 2018. Title? Silver Blood University. Sana ay sportahan n’yo pa rin po. Magkakaibang kwento ang apat na iyon na bago sa aking normal na isinusulat.

’Yun lamang po. Maraming salamat

!

chapter 31

REMINDER: Ang istoryang ito ay naglalaman ng Romance, Comedy, Slice of Life at HEAVY DRAMA tulad ng nasa description na unang makikita bago simulan ang pagbabasa.

This chapter is for

kaieex

! Eto na ’yung sinasabi ko sa ’yo, dear. 😊 Enjoy!

May song din po sa media na maaari rin ninyong pakinggan habang nagbabasa. (Song title: Something I Need - By: One Republic)

––> si Rigo po sa media.


RIGO’s POV

“Pasensya na, idol. Kagagaling ko lang sa condo niya kagabi pero hindi ko pa rin siya nakita, e. Hindi pa siguro siya nakakauwi. Susubukan kong tumawag mamaya sa nakakakilala sa kanya sa probinsiya namin. Sasabihin ko agad sa ’yo kung may balita na.” malungkot na pagbabalita sa akin ni Vinci.

“Gano’n ba? Sige, salamat.” sagot ko na lang dahil sa pagkadismaya.

Tatlong araw matapos naming mag-usap ni Vinci ay walang tigil akong nanghihingi ng impormasyon tungkol kay Liam. Maging sina Dom ay wala pa rin balita tungkol sa kanya.

Gusto ko lang naman masiguro na ayos lang si Liam. Sa halos tatlong linggong wala akong balita sa kanya ay labis na talaga akong nag-aalala.

Kauuwi ko lang ng mansyon at katatapos ko lang i-park ang aking sasakyan. Mataas na ang sikat ng araw pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok sa mga oras na ito. Buong gabi akong walang tulog dahil nagpalipat-lipat ako ng bar para lang makapag-inom ng mag-isa.

Hindi ko na rin maintindihan ang aking sarili. Kahit maghapon akong mag-inom at wala akong tulog, hindi man lang ako makaramdam ng antok. Dahil sa bawat oras na naiisip ko si Liam, nananariwa ang lungkot sa dibdib ko.

Alam kong iisipin ng iba na nahihibang na ako. Alam kong sasabihin nilang malaking katangahan na ang ginagawa ko. Pero kahit anong gawin kong pag-iisip para maging tama ang lahat ng hakbang ko, nauuwi ako sa isang desisyon na walang ibang sumasang-ayon kundi ako.

Sa tuwing naaalala ko si Liam, wala akong gusto kundi ang siya ay habulin at sundan.

Mali ba? Mali ba ang ipaglaban ang taong nagbibigay sa akin ng saya? Mali bang ipagpilitan ang nararamdaman ko para sa kanya?

Mahal ko siya. Mahal na mahal at handa akong matawag na isang hangal. Mahal na mahal na kahit sabihin ng ibang mali, siya ang matagal ko nang ipinagdarasal.

Handa akong maghintay ng matagal. Kahit abutin pa ako ng panibagong dekada, handa akong patunayan na kami ang dapat na sa huli ay magsama.

Nasa kalagitnaan ako ng malalim kong pag-iisip na iyon nang maramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone mula sa aking bulsa.

“Dom?! Ano? May balita na ba?!” mabilis kong sagot sa kanya.

“Uy! Relax lang, brad! Wala man lang bang ‘hello’ muna?! Ganyan agad ang tanong?!” bungad nito sa akin.

Huminga ako ng malalim para magpakalma.

“Sorry. Nag-aalala lang talaga ako. Alam mo naman ’yon, ’di ba?” mahinahon ko nang pagkausap sa kanya.

Narinig ko rin ang pagbuntong-hininga niya.

“Oo na. Naiintindihan ko,” una niyang sagot. “On the way na ako sa condo niya. Hinatid ko muna sa trabaho si girlfriend, pero papunta na rin ako sa condo ni Randy para makibalita kung nakabalik na ba siya.” pagsagot na niya sa katanungan ko kanina. Tinutukoy niya ang girlfriend niyang si Dee.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil doon. Mabuti pa itong si Dom, masaya na ngayon. Si Dom na akala ko ay walang seseryoso dahil sa pagiging pilyo, ngayon ay masaya na at unti-unti nang nagiging matino.

“Gano’n ba?” una kong reaksyon. “Balitaan mo agad ako ha?” sunod ko nang bilin sa kanya.

“Sure. ’Pag wala pa siya rito, babalik na lang ulit ako bukas.” sagot naman nito.

“Salamat, brad.” iyon na lang ang nasabi ko matapos kong magbitaw ng malalim na buntong-hininga.

Hindi na sumagot pa si Dom matapos iyon, ibinaba na rin niya ang tawag dahil mukhang nagmamaneho rin ito.

Nang maibaba ko ang tawag ni Dom ay muli ko na namang napagmasdan ang larawan ni Liam na nasa cellphone ko.

Hinaplos ko iyon gamit ang aking daliri na tila mukha niya talaga ang nasa kamay ko. At habang ginagawa ko iyon, muli na namang naglandas ang mga luha ko.

“Miss na miss na kita, Liam… Bumalik ka na… Masisiraan na ako ng ulo dahil sa ’yo… Gusto mo bang mamatay ako dahil sa sama ng loob at lungkot dahil sa nangyayaring ’to..?” pakikipag-usap ko sa kanya sa pagitan ng aking pag-iyak.

“Tang*na naman, e… Alam mong baliw na baliw ako sa ’yo tapos ganito pa ang ginawa mo… Papatayin mo talaga ako… Papatayin mo ako, Liam… Konti na lang…” sunod ko pang sambit.

Matapos kong sabihin iyon ay nagbitaw ako ng mahihinang pagtawa habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha.

Halo-halo na ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang kanyang larawan sa aking telepono . Nalulungkot ako dahil wala siya ngayon sa tabi ko, pero napapangiti ako dahil gandang-ganda ako sa nakangiti niyang mukha sa cellphone kong ito.

Nababaliw na talaga ako. Baliw na baliw na ako. At iisa lang dahilan nito, dahil wala si Liam sa tabi ko.

Idinikit ko ang aking mukha sa aking cellphone habang patuloy na dumadaloy ang mga luha ko. Napayuko rin ako sa manibela ng sasakyan ko. Iasunod nito ay idinikit ko ang aking labi sa kanyang mukha na tila siya talaga ang nasa harap ko.

“Bumalik ka na… Bumalik ka na, Liam… Pakiusap… Bumakik ka na…” pakiusap kong muli sa kanyang larawan at napahagulgol na ako.

Matagal ako sa ganoong posisyon. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-iyak at hindi pa rin ako bumababa ng aking sasakyan.

Hindi ko alam kung dahil lang ba sa epekto ng alak kaya ako nagkakaganito, o dahil malapit na talaga akong masiraan ng ulo. Walang tulog, walang kain at puro pag-inom lang ang ginagawa ko. Pero ano pa man ang dahilan, iisa lang ang alam ko.

Hindi ako mabubuhay kung walang Randy Liam sa buhay ko.

Siya na ang mundo ko. Siya na ang dahilan kung bakit may dahilan akong ngumiti sa bawat araw na gigising ako. Siya ang buhay ko. Siya ang gusto kong makasama hangga’t himihinga ako.

Nagpatuloy ako sa aking pagtambay sa sasakyan hanggang sa abutin ako ng tanghalian. Nabulabog na lamang ako nang makarinig ako ng mahihinang pagkatok sa bintana ng kotse ko.

Nang iangat ko ang aking tingin ay nakita ko ang aming dalawang guard na sinisilip ako sa mga oras na ito. Tinted ang salamin ng kotse ko kaya kailangan pa nilang idikit ang kanilang mukha rito para makita ang sakay nito.

Hindi ko na inabala pang punasan ang aking mga luha nang unti-unti kong buksan ang bintana ng kotse ko.

Nang makita ako ng dalawang guard ay rumehistro ang pagtataka at pag-aalala sa kanilang mga mukha.

“S-sir Rigo, ayos lang ba kayo? Bakit ho kayo umiiyak? May nangyari bang masama sa inyo?” tanong ng isa naming gwardya.

“Sir, akala namin kung ano na ang nangyari. Halos apat na oras na kayo rito sa loob ng kotse mo kaya nag-alala na kami sa inyo.” pag-aalala naman ng isa.

Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin para panlisikan ko sila ng mata.

“Pakialam ninyo?! Nakarating naman ako ng maayos dito, ’di ba?! Sino sa tingin n’yo ang magmamaneho nitong kotse kung hindi maayos ang kalagayan ko?!” tanong ko sa kanila sa mataas na boses.

Nagulat ang dalawang gwardya sa aking inasta. Hindi na ako magtataka roon, kilala nila akong maginoo at napakabait sa lahat ng tao. Kahit minsan ay hindi ko pinakitaan ng hindi maganda ang mga tao rito sa mansyon, kamag-anak man namin o kasambahay iyon.

“Ano?! Sagot!! Napipi na kayo?! Saka bakit n’yo ako pinapakelaman?! Kaano-ano ko kayo?! Gwardya kayo, ’di ba?! Trabaho n’yo rin ba ang pakelaman ang buhay ko?!” sunod-sunod ko pang tanong sa kanila.

Natahimik na lang ang dalawa. Napayuko silang pareho dahil sa hiya at pagtataka.

Baliw na talaga ako. Sa kanila ko na ibinabato ang aking galit sa natitirang pamilya ko. Pakiramdam ko kasi ay pinagtutulungan na nilang lahat ako.

“Put*ngina naman, oh!!” sigaw ko at hinampas ko ang manibela ng aking kotse gamit ang palad ko. “Binubulabog n’yo ako rito tapos ’pag kinakausap ko na kayo, ayaw n’yo naman sumagot!! Nagkakagaguhan na yata tayo dito, e!!” pagwawala ko na ngayon.

“S-sorry po, Sir.” kinakabahang sagot ng isang gwardya.

“P-pasensya na po…” paghingi naman ng dispensa ng isa.

Hindi ko na makilala ang sarili ko, tuluyan nang nawala ang awa sa katauhan ko. Nawala na ang Rigo na kilala nilang mabait na amo.

“Bumalik na kayo sa trabaho ninyo!! P*ta, baka sa inyo ko pa gamitin ’yang mga baril sa katawan ninyo ’pag pinakelaman n’yo pa ako!!” utos ko pang pasigaw sa kanila.

Agad naman silang umalis sa harap ko at natatarantang bumalik sa kanilang mga pwesto.

“Sht!! Tangna!!!” sigaw kong muli at sinuntok ko naman ang aking manibela.

Nakakuyom ang aking mga kamao habang nanlilisik ang mga mata ko. Nag-aapoy ako sa galit ngunit hindi ko alam kung anong pinagmumulan nito. Kaya pati ang mga walang kamalay-malay ay nadadamay sa ginagawa ko.

Maraming mga paghinga ang aking ginawa para subukang pakalmahin ang sarili ko. Ngunit lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin nagbabalik sa normal ito.

Nagpasya na lamang akong lumabas ng aking sasakyan. Sinipa ko pa ang pinto ng aking kotse para lang maisara ito. Nasaksihan ko pa kung paano nagulat ang isa naming kasambahay na nagwawalis sa malaking garahe namin dito.

Pinanlisikan ko siya ng mata kaya napaatras ito habang gulat na gulat ang ekspresyon niya. Hinintay ko kung magsasalita siya at tatanungin ako kung may problema. Mabuti naman at hindi niya iyon ginawa, mabilis na lamang niyang iniwas ang kanyang tingin sa akin at nagpatuloy sa pagtatrabaho niya. Dahil kung sakaling tinanong niya ako, baka nasigawan ko na rin siya.

Humakbang na ako palayo para tunguhin naman ang loob ng mansyon, at habang naglalakad ako ay nananalangin ako na sana ay may makasalubong ako. Isang tao na pwede kong hamunin sa mga oras na ito. Isang tao para sa kanya ko ilabas ang galit sa dibdib ko.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala kahit wala akong maibibigay na dahilan kung bakit ko gagawin ito. Gusto ko nang sirain ang buhay ko dahil pakiramdam ko ay wala na rin silbi ito.

Nang makatapak ako sa loob ng mansyon ay agad kong iginala ang nanlilisik na mga mata ko. Naghahanap ako ng biktima na tila isang kriminal ako.

Ilang sandali pa ay napangisi ako.

Ngayon ay alam ko na kung bakit nagagalit ako. Nakita ko na ang dahilan kung bakit gusto ko nang magwala at kung bakit nangangati na ang aking mga palad para manakit ng kapwa ko.

Siya. Ang babaeng nasa living room na umiiyak sa mga oras na ito. Kausap na naman niya ang kanyang bayaw na dumalaw na naman ngayon dito. Nakaupo silang pareho sa mahabang sofa na magkaharap ang pwesto.

“Tang*na mo. Gusto kong pilipitin ang leeg mo. Gago ka.” madiin kong sambit habang titig na titig ako sa babaeng sanhi ng pagkasira ng buhay ko.

Hindi pa nila ako napapansin dahil abala pa rin sila sa pag-uusap ng seryoso.

Ilang segundo ko pa silang tinitigan hanggang sa may isang ideya ang pumasok sa aking kaisipan.

Napangisi akong muli. Mabuti naman at gumagana pa ang aking isip.

Kailangan ay punahin niya muna ako. Kailangan ay pakialaman niya muna ang ginagawa ko. Dapat ay makahanap ako ng dahilan para mailabas ang galit na nararamdaman ko.

Mabilis akong humakbang patungo sa bar area nitong mansyon na taliwas sa lugar kung nasaan sila. Kumuha ako ng isang bote ng alak at isang baso mula roon. Nagpasya ako na ang mga ito ang gagamitin kong kasangkapan para mapansin nila ako.

Matapos iyon ay dahan-dahan akong bumalik sa lugar kung nasaan sila. Ilang metro lang ang layo nila sa pinili kong pwesto.

“Malas n’yo. Naghahanap talaga ako ng away sa mga oras na ito.” madiin ko pang bulong habang nakatitig sa kanila ng masama.

Kailan ba ako huling nagwala?

Napangiti ako nang maalala ko kung kailan iyon. Tandang-tanda ko pa ang detalye kung paano at kailan iyon nagyari.

Magdadalawang taon pa lang ang nakakalipas. At nangyari iyon dahil may nagtangkang dumiskarte kay Liam noong nasa isang bar kami.

Lahat kaming magkakaibigan ay nasa bar counter noon. Masayang nagkekwentuhan sina Liam, Xander, Shai at Dom. Hindi ako makasabay noon sa kanila dahil binabantayan ko lang si Liam. At sa pagbabantay kong iyon, nasaksihan ko kung paano naligaw ang mga mata ni Liam sa pwesto ng isang lalaki na nakaupo rin sa bar.

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano kalagkit ang pagkakatitig ng lalaking iyon kay Liam. Hindi ako tanga para hindi mabasa na may pagnanasa iyon sa kanya.

Mas lalo akong nagsiklab sa galit nang makita ko kung paano naligaw ang mga mata ni Liam sa kanya at ngumisi pabalik.

Galit na galit ako noon. Gusto kong pumatay at ang lalaking iyon ang gusto kong kitilan ng buhay.

Nag-obserba pa ako sa kanilang dalawa noon na paminsan-minsang nagsusulyapan habang nag-iinom. Wala akong magawa noong mga oras na iyon kundi ang mapakuyom lang ng mga kamao. Hindi ko pwedeng pagbawalan si Liam dahil wala namang kami. Ayaw kong magalit siya sa akin kaya nag-isip ako ng ibang paraan para makaganti sa paglalandi sa kanya ng lalaki.

Hindi nga ako nabigo, dahil makalipas ang ilang sandali ay tumayo ang lalaki. Napansin kong patungo ito sa restroom ng bar kaya agad na rin akong tumayo sa aking kinauupuan.

“Shai, kahit anong mangyari ’wag mong hahayaang pumunta si Randy sa restroom. Gawin mo ang lahat para hindi siya makarating doon.” madiin kong bulong kay Shai.

“Huh? And why?” nagtataka naman nitong tanong habang nakataas ang isa niyang kilay.

Mabuti na lang at magkausap si Xander at Liam ngayon. Seryoso ang kanilang pag-uusap at mukhang tungkol na naman iyon kay Tom na iniwan ang kaibigan naming ito.

“May babalatan lang ako ng buhay.” sagot ko naman sa mas madiin na tono.

Namilog ang mga mata niya.

“Oh… Mukhang kilala ko na ’yan, ah? I guess, it’s the guy in the corner, am I right?” tanong na naman niya sa akin.

Isang pagngisi lang habang magkadikit ang aking mga ngipin ang naitugon ko kay Shai.

Matapos iyon ay napangisi rin siya.

“Okay. Just leave Randy to me. Kanina pa rin ako naiirita sa lalaking ’yon. Akala ko sa akin nakakatitig, e. Kay Randy pala. Napahiya pa tuloy ako,” pagsusumbong nito sa akin. “Just give him a lesson, ’kay? Don’t kill him.” sunod naman nitong bilin.

Muli na lang akong ngumisi sa kanya bilang pagtugon sa bilin niya. Kating-kati na kasi ang kamay ko. Gusto ko nang manakit at magwala sa mga oras na ito.

Agad na kumilos si Shai para kausapin at aliwin si Liam. Pinalayas niya pa si Xander kaya walang nagawa ang kaibigan naming iyon kundi ang tumabi na lang sa amin ni Dom.

Dito na nabuo ang plano ko. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa kaya binulungan ko na agad sila.

“Xandz, mauuna kami ni Dom sa CR. Sumunod ka.” madiin kong bulong sa kanila at ininom ko ang natitirang alak sa aking baso.

Dahan-dahan nila akong nilingon na dalawa.

“May patutumbahin ka?” tanong agad ni Dom sa akin.

Ganito kami. Maikling usapan lang ang kailangan at nagkakaintindihan na kami.

“Bibigyan lang ng leksyon.” tipid kong sagot sa kanila.

Nakita kong napangisi rin silang dalawa lalong-lalo na si Xander. Mukhang kagaya ko, gusto niya rin manapak sa mga oras na ito. Iba talaga ang epekto ng mga taong may pusong bigo.

Matapos iyon ay agad na akong naglakad na namimo’y hindi mapapasabak sa giyera, kalmado lang ako habang ang dalawang kamay ko ay nasa aking mga bulsa. Naramdaman ko naman na nakasunod na rin sa likod ko si Dom.

Nang makapasok kaming dalawa ni Dom sa restroom ay may naabutan pa kaming isang lalaki ang naghuhugas ng kamay sa sink na naroon.

“Siya ba?” bulong na tanong sa akin ni Dom.

“Hindi.” sagot ko naman sa kanyang tipid.

Matapos iyon ay binalingan ni Dom ang lalaking nasa harap na ngayon ng salamin ay nag-aayos ng kanyang sarili.

“Brad, labas.” madiin na utos ni Dom sa lalaki habang nanlilisik ang kanyang mga mata.

Nakita ko kung paano nagpawis ang lalaking iyon. Sino ba naman ang hindi matatakot sa amin ni Dom kung hanggang balikat lang namin ang lalaking ito? Hindi kami magiging modelong tatlo nila Xander kung wala kaming maipagmamalaki sa pisikal na anyo.

Natatarantang lumabas ang lalaking iyon.

Ibinaling namin ang aming atensyon sa isang cubicle na nakasara ang pinto. Ilang sandali lang din ay pumasok na rin si Xander at ini-lock na ang pinto ng buong restroom.

“Nasaan na?” tanong nito sa amin.

Sumenyas lang si Dom sa kanya sa pamamagitan ng pagturo gamit ang kanyang nguso sa isang cubicle na nakasara.

Segundo lang ang aming binilang. Ako ang nasa unahan at sina Xander at Dom ay nasa aking likuran nang lumabas ang lalaking aming inaabangan.

Agad na nagdikit ang mga ngipin ko. Nang makita ko ang mukha ng lalaki ay nagdilim na rin ang paningin ko.

Akmang magpupunta ang lalaking iyon sa sink para maghugas sana ng kamay ay agad na dumapo sa kanyang panga ang aking kamao.

Napakalakas ng suntok ko dahilan para bumulagta siya sa semento.

“Tang*na n’yo! Sino kayo?!” tanong nito sa amin habang sapo niya ang kanyang panga.

Hindi ko siya sinagot. Nilapitan ko siya at hinigit ko ang kanyang kwelyo para makaangat mula sa pagkakasalampak gamit ang isang kamay ko. Matapos iyon ay ang sikmura niya naman ang nakasalo ng isang malakas na suntok ko.

“Arrgghh…” pamimilipit niya sa sakit habang hawak na ang kanyang tiyan na nakatanggap ng suntok ko.

Galit ako. Galit na galit ako. Nararamdaman ko, mapapatay ko itong taong ’to.

“Tang*na mo! Sa susunod, aalamin mo kung sino ang dapat na nilalandi mo!” madiin kong pagbabanta at sinuntok ko na naman siya sa mukha. Napasubsob naman siya ngayon sa sink na naririto.

Hindi pa ako nakontento roon, habang nasa likod niya ako ay hinawakan ko ang kanyang pulsuhan at pinilipit ito. Kasunod din nito ay ipinalibot ko sa mahigpit na paraan ang aking braso sa kanyang leeg. Sina Xander at Dom naman ay nanatili lang na nanonood sa ginagawa ko.

“Aacckkk!!” pagdaing ng lalaki dahil sa mahigpit na pagsakal ko.

“Ang akin ay akin, naiintindihan mo?!” pagbabanta ko sa kanya at mas hinigpitan ko pa ang pagsakal at pagpilipit sa kanyang braso.

Tiningnan ko siya sa salamin na nasa harap ng sink. May dugo na ngayon ang dumadaloy sa gilid ng kanyang bibig.

Ramdam kong naghihina na siya at pulang-pula na rin ang kanyang mukha, pero hindi ako makaramdam ng awa.

Ganito ako ’pag nagalit, nawawala ako sa katinuan at katwiran.

“Uughhh…” pagdaing lang ng lalaki.

“Sumagot ka! Naiintindihan mo ba?!” mas malakas ko nang tanong sa kanya habang nanlilisik ang aking mga mata.

Dahan-dahan siyang tumango. Napangisi ako dahil doon. Gusto ko pa sanang dagdagan ang mga suntok at gusto ko pa siyang sipain, ngunit naramdaman ko sa aking balikat ang mga mahihinang pagtapik

ng pinsan ko.

“Tama na ’yan, brad. Sapat na siguro ’yan.” mahinahong pag-awat sa akin ni Dom.

Maraming malalim na paghinga ang aking ginawa bago ko dahan-dahang pinakawalan ang tarantado. Itinulak ko siya sa pader kaya muli siyang napasalampak sa semento.

Habol ang aking mga hininga habang nakakuyom ang dalawa kong kamao ay muli ko siyang pinagbantaan.

“Magdasal ka na lang na hindi ulit magsasalubong ang landas nating dalawa! Dahil kapag nangyari ’yon, may kalalagyan ka na talagang gago ka!” galit na galit kong banta sa kanya.

Hindi niya na kayang sumagot dahil sa panghihina. Tatalikuran ko na sana siya nang magsalita naman ang kaibigan naming si Xander na kanina pa walang imik.

“Sandali,” pag-awat nito sa amin.

Nang tingnan namin siya ay nanlilisik ang mga mata niyang tinitingnan ang lalaki.

Inabangan namin ang kanyang mga susunod na gagawin. Kasunod nito ay napangisi na lang din ako nang makita ko ang paglapit niya sa lalaki.

Kilala na namin si Xander. Mabait kung sa mabait, pero tulad namin ay tarantado rin. Pumapangalawa siya kay Dom sa kakulitan kaya naiinip na kami sa gagawin nito.

“Tang*na mo. Ikaw na lang ang pagbabalingan ko dahil nawala si Tom sa buhay ko!” pakikipag-usap ni Xander sa lalaki habang nakakuyom ang mga kamao nito.

“S-sino naman… si T-tom…? B-bakit—” nanghihinang tanong ng lalaki ngunit hindi na naituloy dahil sa dalawang suntok na pinakawalan ni Xander sa mukha nito. “Arrgghhh….” pagdaing na lang muli nito.

“Wala ka nang pake kung sino siya!” sagot lang sa kanya ni Xander.

Matapos iyon ay dahan-dahan nang nagtungo na si Xander sa sink at naghugas ng kanyang mga kamay na may dugo. Sinundan ko siya para maghugas din ng kamay ko. Hinayaan na namin ang lalaking hindi na ngayon makatayo.

Nakita namin na nilapitan ni Dom ang lalaking iyon at lumuhod pa siya ng bahagya para magpantay kanilang mukha.

“Tsk! Tsk! Tsk! Ikaw naman kasi, brad! Inaalam mo muna kasi sana kung sinong mga kinakalaban mo! Ayan tuloy ang napala mo. Magpasalamat ka at hindi pa ako nakisali. Ayaw ko kasing mapansin ng nililigawan ko na may sugat ang kamao ko, magtatanong kasi ’yon panigurado! Dahil kung nagkataon na sumali pa ako, baka sa morgue na ang bagsak mo!” pakikipag-usap niya sa lalaki sa mapang-asar na tono.

Tama ang pinsan ko. Kung gago kami ni Xander, mas tarantado itong si Dom. Lagi nga ’yan may baseball bat na dala sa kanyang kotse dahil hayok din sa away ito. Mamalasin ang makakabangga niya dahil mababasag talaga ang kanilang bungo.

Matapos maghugas ng kamay ni Xander ay nagpatuyo siya gamit ang tissue. Nagpakawala muna siya ng malalim na paghinga at may kinuha sa bulsa ng coat na suot niya.

“One million pesos. Magpasalamat ka dahil malaki-laki ’tong ibibigay ko sa ’yo. Kalahating milyon lang sana dahil sa atraso mo sa kaibigan ko. Pero dahil nakisuntok na rin ako, dinoble ko na kaya ’wag ka nang magreklamo. ’Wag mo na rin subukang magsumbong sa pulis dahil kayang-kaya kong baliktarin ang kaso.” pagsasalita ni Xander habang nagsusulat sa booklet ng kanyang cheque.

Matapos pumirma ni Xander sa kanyang cheque ay ibinato niya ito sa lalaki.

“Gawin mo ang gusto mo d’yan. Magtravel ka. Magshopping. O kung gusto mo, magparetoke ka dahil basag ’yang mukha mo. Bahala ka! Basta sigiraduhin mo lang na mas gwapo pa rin ako sa ’yo!” huling habilin ni Xander dito.

“Tara na! Matututo na siguro ’yan!” pagyaya na ngayon sa amin ni Dom

at tumayo na rin siya mula sa pagkakaluhod.

Ang akala ko ay hindi na makikialam si Dom, pero bago kami tuluyang makalabas ng restroom ay sinipa niya muna ang lalaki sa sikmura nito.

Bumalik kaming tatlo sa bar counter kung saan namin iniwan sina Shai at Liam.

“Saan kayo galing?” tanong agad ni Liam sa amin.

Si Shai naman ay nginisian lang kami.

Hindi ako makasagot. Nahihirapan akong magsinungaling tuwing si Liam na ang nagtatanong sa akin tulad nito.

“D’yan lang. Nakipagkilala lang sa mga chicks!” kalmado at mayabang naman na sagot ni Dom

bago ininom ang naiwan niyang alak kanina.

Hindi ko alam kung ano ang nasa likod ng mga tingin ni Liam sa akin. Matapos kasi iyon sabihin ni Dom ay naging matalim ang pagtitig niya sa akin.

Ayokong mag-assume, pero hindi na ako pinansin ni Liam ng buong gabing iyon.

Matapos alalahanin ang kaganapang iyon sa nakaraan ay nakapagbitaw ako ng mahihinang pagtawa habang nasa kamay ko pa rin ang bote ng alak at baso.

Binuksan ko ang alak at nagsalin sa basong hawak ko. Ininom ko iyon ng diretso at gumuhit ang init niyon sa lalamunan ko.

“Ah! Ang init!” sambit kong may kalakasan at nagsalin muli ako.

Sinadya kong lakasan ang aking boses para mapansin ako nina MJ at Tristan. Gusto kong mapunta sa akin ang kanilang atensyon para makagawa ako ng isang palabas.

Nakita ko kung paano ako unti-unting nilingon ng dalawa. Tumayo silang pareho para harapin ako.

Napangisi na ako sa likod ng aking isip.

“Let the show begin.” mahinang pakikipag-usap ko sa aking sarili.

“R-rigo. N-nand’yan ka na pala?” nauutal na bungad sa akin ni MJ.

Nagbitaw ako ng pagngisi.

“Yeah. Actually, kanina pa. Naabutan nga kita d’yan na nagda-drama. Anong title ng palabas mong ’yan ngayon? Movie ba ’yan? TV series? Commercial? Akala ko ba nagquit ka na sa showbiz? Bakit nagdadrama ka na naman d’yan? Saka nasaan ang mga camera? Nasaan ang production staff?” sunod-sunod kong tanong sa kanya habang malapad ang pagkakangisi sa aking labi.

Hindi nakaimik si MJ tulad ng inaasahan ko. Napayuko na lang ito habang malungkot ang ekspresyon nito.

“Pare, lasing ka ba? Siguro mas maganda kung magpahinga ka muna?” mahinahong pagsabat ng bayaw niyang si Tristan.

Ininom ko muna ang panibagong salin kong alak.

“Kinakausap ba kita, pare?” tanong ko kay Tristan habang nagsasalin na naman ng panibagong alak.

Saglit na hindi nakapagsalita si Tristan, mukhang nagulat siya sa naging pagtatanong ko.

“Sagot. Kinakausap ba kita?” tanong kong muli at tinitigan siya ng masama.

Naikuyom niya ang kanyang kamao. Mukhang nagalit ko na siya dahil sa pambabastos ko.

Dahil sa aking nakita ay hindi ko napigilan ang matawa.

“Oh?! Nagalit ka na agad? May masama ba sa tanong ko?!” muli kong tanong habang natatawa.

Nagdikit ang mga ngipin niya.

“Para kasing nakakabastos ka, Rigo. Kinakausap kita ng maayos pero ginagago mo ako.” madiin niyang sagot sa akin.

Mas lalo akong natawa.

“Ako? Gago?” turo ko sa sarili ko. “E, anong tawag mo d’yan sa katabi mo? Matino?” pagturo ko naman kay MJ habang natatawa pa rin.

“E, gago ka nga!” galit na galit na ngayong sambit ni Tristan.

Akmang susugurin niya ako ay maagap naman siyang inawat ni MJ.

“Trist! Hayaan mo na siya!” pag-awat ni MJ habang hawak ang isang braso ni Tristan.

“Nakakabastos na siya, e! Mabuti sana kung ako lang ang ginaganyan niya! Pati ikaw pinagsasalitaan ng hindi maganda!” pagkontra naman ni Tristan kay MJ.

Inilapag ko sa isang maliit na mesa ang bote ng alak at basong hawak ko bago ako pamalakpak na tila tuwang-tuwa.

“Wow! Ang ganda naman ng eksena!” kunwari ay namamangha kong pagpuna. “Pang-Oscar ang aktingan ninyong dalawa! Bravo!” dagdag ko pa habang pumapalakpak.

Muli akong hinarap ni Tristan habang nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata.

“Put*ngina mo, Rigo! Kung ayaw mo kaming makita, sabihin mo! Hindi ’yung pinapakitaan mo kami ng ganito!” sigaw niya habang dinuduro ako.

Nagpantig ang aking tenga lalo na noong minura niya ako. Dito na rin tuluyang nagliyab ang galit sa dibdib ko.

“Putngina mo rin, gago!! Sino ka ba sa tingin mo?! Gaano mo ako kakilala at anong alam mo sa pinagmulan ko para murahin mo ako?!!” sigaw ko sa kanya habang dinuduro rin siya. “Alam mo kung sino ang pta rito?!! ’Yan!! ’Yang babaeng ’yan!!! ’Yan ang putngina sa lahat ng putngina sa mundo!! Tang*na ’yang babaeng ’yan!!” pagduro ko naman kay MJ.

Dahil sa aking ginawang pagmumura kay MJ ay napahagulgol na lang siya. Ngunit sa kabila noon ay hindi niya pa rin binitiwan si Tristan para pigilang sumugod sa akin.

Nasa ganoon kaming tagpo nang bumaba naman mula sa malaking hagdan sina Tita Eve at Tito Ed. Mukhang nabulabog sila dahil sa ingay namin dito sa baba.

“Rigo! Ano na naman ba ’to?!” bungad sa akin ni Tita Eve habang nilalapitan si MJ sa kanyang pwesto. Pinagmasdan niya rin akong mabuti at muling nagtanong. “Lasing ka na naman ba?! Sinisira mo na talaga ang buhay mong bata ka?!” sunod pa nitong tanong.

Pinagmasdan ko silang lahat. Nasa iisang pwesto lang sila at magkakasama habang nakaharap sa akin. Kahit ang aking tiyuhin ay nasa kanilang tabi na rin.

Dahil sa aking nakikita ay lalo akong nakaramdam ng galit. Lalo lang kasi nilang pinaparamdam na nag-iisa na lang ako.

Dinampot ko ang bote ng alak at ibinato iyon sa isang sulok ng mansyong ito. Ngayon lang yata umeepekto ang nainom kong mga alak dahil hindi ko na maituwid ang pagtayo ko.

Nasaksihan ko kung paano silang lahat nagulat at bahagyang napaatras dahil sa ginawa kong pagbato.

“Put*ngina, oo!! Sinisira ko na ang buhay ko dahil wala nang patutunguhan ’to!! Wala na ang natitirang dahilan para magpatuloy ako!! Sinira na ninyo ang pangarap ko!! Kayo ang sumira sa buhay ko!!” sigaw ko sa kanila habang nanlilisik ang aking mga mata.

“Son, huminahon ka.” kalmadong pag-awat sa akin ni Tito Ed habang nakamwestra pa ang mga kamay niya.

Nakita ko kung paano nagsitakbuhan ang lahat ng kasambahay namin ganoon din ang aming mga gwardya sa aming kinaroroonan dahil sa pag-eeskandalo ko.

“Huminahon?!! Aba, putngina naman!! Matagal na akong mahinahon!! Pero anong ginawa ng mga ’yan?!! Lalo na ng putnginang babaeng ’yan?!! Pumasok sa buhay ko at sinira ang lahat ng pangarap ko!! Dapat pa ba akong maging mahinahon?!! Sirang-sira na ang buhay ko dahil wala na sa akin si Liam!!! Wala na si Randy na sampung taon kong inalagaan!!!!” mas malakas ko nang pagsigaw at hindi ko na naman napigilan ang lumuha dahil sa pagbanggit ko ng pangalan ni Liam.

Mas lalo lang napahagulgol si MJ dahil sa aking mga sinabi. Kitang-kita ko rin kung paano manginig ang kanyang katawan dahil sa takot.

Wala na, tuluyan nang sumanib ang dyablo sa buong pagkatao ko. Hindi ko na makontrol ang mga pananalita at kilos ko.

Gusto ko nang pumatay. Gusto ko nang patayin ang babaeng naging sanhi ng pagkasira ng lahat ng plano ko.

Nagdilim na ang paningin ko. Akmang hahakbang ako patungo kay MJ para saktan ito ay siya namang pag-awat sa akin ni Tito Ed. Niyakap niya ang aking katawan para hindi ko maituloy ang pagsugod kay MJ. Si Tita Eve at Tristan naman ay agad ding prinotektahan ni MJ.

“Tang*na mo ka!! Papatayin kitang hayup ka!!” sigaw ko pa rin habang dinuduro si MJ. Patuloy pa rin akong nagpupumiglas sa pag-awat ni Tito Ed.

Humingi na ng saklolo si Tita Eve sa pagkakataong ito.

“Guards! Ano ba?!! Bakit nakatayo lang kayo d’yan?!! Awatin n’yo na siya!!” utos nito sa mga gwardya.

Hindi naman nagdalawang-isip ang mga gwardyang iyon at mabilis na nagtungo sa akin. Tinulungan na nila si Tito Ed para pigilan ako sa aking pagwawala.

“Son! Please, calm down!!!” pakiusap pa rin ni Tito Ed.

Hindi ko siya pinakinggan. Nagpatuloy ako sa pagwawala kahit tatlo na ngayon ang nakayakap sa aking katawan.

“Akala mo ba magiging masaya ka kasama ako, MJ?!! Ha?!! Tang*na mo!! Nagkamali ka ng taong itinuro mo!! Dahil habang pinagpapatuloy mo ’yang kasinungalingan mo, sisiguraduhin ko sa ’yong araw-araw kang mabubuhay sa impiyerno!!! Gagawin kong miserable ’yang buhay mo!! Ipaparanas ko sa ’yo ang sakit ng mawalan ng pinakamahalagang tao!!! Oras-oras kang magdadasal na sana gumising ka pa kinabukasan dahil papatayin talaga kita!!! Papatayin kita dahil sinira mo ang buhay ko!!!” mas mahaba ko pang sumbat sa kanya.

Naitakip ni MJ ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig habang patuloy sa kanyang pag-iyak. Nanginginig na siya sa takot. Gulat na gulat siya dahil ngayon niya pa lang nakita na ganito ako, na parang isang demonyo.

“Bitawan n’yo ako!!! Papatayin ko ’yang babaeng ’yan!!” sigaw ko kina Tito Ed at sa mga gwardya. “Tangna mo ka, MJ!! Akala mo siguro magagawa mong baguhin ang nararamdaman ko dahil lang sa pinapaako mo sa akin ’yang batang dinadala mo?!! Tangna mo!!! Kahit anong gawin mo!! Kahit patayin mo pa ako!! Hinding-hindi ko maibabaling ang atensyon ko sa ’yo!!! Dahil isa lang ang laman nito!! Si Randy lang!! Mamamatay akong si Randy lang ang mamahalin ko!!!” pagpapatuloy ko pa habang nasa dibdib ko ang aking hintuturo.

Muling sumabat si Tita Eve kaya saglit akong napahinto.

“Rigo, bakit sa lahat, bakla pa?! Paano ka makakabuo ng pinapangarap mong pamilya kung sa kanya ka sasama?! You think, magkakaroon ng katuparan ’yang pangara—”

“Put*nginang pangarap ’yan!!! Si Randy ang pangarap ko, Tita!!! Mahirap bang intindihin ’yon?!! Tatanungin n’yo pa ako kung bakit sa isang bakla pa?!! E, ano kung bakla siya?!! Kailangan din ba sabihin kong bakla rin ako para makumbinsi ko kayo?!! Sige!!! Para lang sa ikatatahimik nating lahat!! Ako!!! Ako na batang inalagaan n’yo sa mahabang panahon!! Ako na akala ninyong tuwid na lalaki!! Ako na akala ninyo makakabuo ng isang normal na pamilyang iniisip ninyo!! Isa akong bakla!! Isang bakla ang Rigo na nakasama ninyo sa mahabang panahon!!!!” turo ko sa aking sarili habang patuloy na nagpupumiglas sa mga matinding pag-awat. Halos maputol na ang litid ko dahil sa matindi kong pagsigaw na iyon.

Hindi na nakapagsalita si Tita Eve dahil sa mga sinabi kong iyon. Dahil doon ay nagkaroon pa ako ng pagkakataong makapagsalita. Ngunit ang sumunod kong mga kataga ay naging mahinahon na dahil sa aking panghihina.

“Ano bang mali..? Ano bang mali sa aming dalawa..? Mahal ko si Randy… Mahal na mahal… Para akong unti-unting nasasakal habang patuloy ninyo kaming pinaglalayo na dalawa… Alam n’yo rin ba na handa akong mawala ang lahat sa akin para lang sa kanya…? Hindi ba pwedeng pabayaan n’yo na lang kami..?” mahaba kong litanya sa pagitan ng aking pagluha.

Wala pa rin nakaimik sa kanila. Si Tita Eve naman ay hindi na rin napigilan ang mapaluha dahil sa aking mga sinabi.

“Sorry po… Pero kahit kayo na tumayong pamilya ko, handa kong talikuran kung hindi ninyo kayang tanggapin si Liam… Siya lang ang taong nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa… Siya ang nagturo sa akin na hindi dahilan ang mawalan ng magulang para hindi maging masaya… Kung mawawala sa akin si Liam, mas mabuti pang mawala na rin ako… Kung sasabihin niyang susuko na siya sa buhay, mas gugustuhin ko pang sabay na lang kaming mamatay… At kung mabibigyan siya ng pagkakataon na muling mabuhay, gusto kong sabay rin kami… Dahil gusto ko, kasama ko siyang nararanasan ang pait at saya na mamuhay sa mundo…” dagdag ko pa at mas napahagulgol na ako.

Matapos kong ilabas ang aking hinaing ay tuluyan na akong nanghina. Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak sa akin ni Tito Ed at ng mga gwardya. Tinapik-tapik ni Tito Ed ang aking balikat tanda ng pakikisimpatya.

“S-sige na naman po… Hayaan n’yo na kaming dalawa… Nagmamakaawa na ako sa inyo… Hindi ko kayang mabuhay na wala siya…” muli ko pang pagmamakaawa sa kanila.

Naitakip ni Tita Eve ang kanyang palad sa kanyang bibig at naging masagana ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

Wala na akong pakialam kung nasaktan ko sila sa aking mga sinabi, ang mahalaga sa akin ay nailabas ko ang tunay kong nararamdaman. Hindi sila ang magiging hadlang para ipagsigawan ang pagmamahal ko kay Liam. Walang sino man, walang sino man ang makakapigil sa akin para ipaglaban siya.

Wala nang nagsalita matapos iyon. Natahimik ang lahat maging ang mga kasambahay namin na naroroon.

Nabasag ang katahimikang iyon nang bigla na lamang sumigaw ang aming kasambahay na nanggaling sa kusina dito sa mansyon.

“Sir Rigo!! Diyos ko po!! Si Sir Dominic sumisigaw dito sa telepono!!” natatarantang paglapit sa akin ng aming tagapagluto habang ibinibigay sa akin ang wireless telephone.

Kitang-kita ko ang takot sa mukha ng kasambahay naming iyon. Nanginginig pa ang kanyang kamay nang iabot sa akin ang telepono.

“B-bakit daw?” nauutal kong tanong habang patuloy na umiiyak. Maging ako ay hindi napigilan na makaramdam ng takot dahil sa nakikita kong reaksyon ng aming katulong.

“Emergency raw po!! Sumisigaw na siya!!” natataranta niya pa ring pagbabalita.

Agad kong kinuha ang teleponong kanyang iniaabot.

“Dom?” pagsagot ko agad sa telepono.

“Tang*na ka, brad!! Kanina pa kita tinatawagan!! Pumunta ka na ngayon dito sa condo building ni Randy!! Ngayon na, Rigo!! Ngayon na!!!” pagsigaw niya sa kabilang linya. Ramdam ko rin ang labis na takot niya.

Tuluyan na akong binalot ng takot. Nanginginig na rin ang aking mga kamay hindi dahil sa pagsigaw sa akin ni Dom kundi dahil sa naririnig kong ingay sa kabilang linya kung saan siya naroroon.

Maraming sumisigaw at umiiyak. Naririnig ko pa ang malakas ng ingay ng nakakaalarmang sirena. Hindi lang ako sigurado kung nagmula iyon sa sasakyan ng mga pulis o ambulansya.

“L-liam…” nauutal kong pagbanggit sa kanyang pangalan habang nanlalaki ang aking mga mata. Siya agad ang unang pumasok sa aking kaisipan.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, ibinigay ko ang telepono sa aming kusinera at agad na tumakbo palabas ng mansyon.

Narinig ko ang mga malalakas na pagtawag sa akin nina Tita Eve at Tito Ed pero hindi ako huminto sa pagtakbo hanggang sa makabalik ako sa sasakyan ko.

“Liam… Liam… Liam…” paulit-ulit kong pagsambit sa kanyang pangalan habang sinisimulan ko nang magmaneho.

Hindi na ako makahinga ng maayos habang patuloy na nagmamaneho. Malalalim ang mga paghinga ko dahil sa labis na takot na nararamdaman ko.

“L-liam…” iyon lang naibibigkas ko at muli na namang dumaloy ang mga luha ko.

Maraming hindi magagandang bagay na ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko man gustuhin ay kusa na lamang itong nagpapakita sa isip ko.

“Rigz! Na-miss kita!”

“Rigz! Ipasan mo nga ako!”

“Rigz, yakapin mo nga ako!”

“Rigz!”

“Baby Rigz!”

“Rigz, balik ka agad ha?”

“Rigz! Mami-miss kita!”

Paulit-ulit kong naririnig amg mga iyan sa aking isip. Paulit-ulit na nagbabalik ang mga salitang iyan na naririnig ko noon mula kay Liam. Nakikita ko rin sa aking isip ang kanyang masayang ekspresyon habang sinasabi sa akin ang mga katagang ’yan.

“Liam… ’Wag naman… Liam…” pakikipag-usap ko sa kanya habang patuloy sa matulin na pagpapatakbo ng aking sasakyan.

Mabuti na lang at sanay na akong magpatakbo ng kotse sa mabilis na paraan kahit kabado ako. Hindi ko akalaing magagamit ko ang pagiging car racer ko noon sa ganitong pagkakataon.

Wala na akong pakialam kung ilang beses akong nag-overtake sa mga sasakyang nakasabayan ko sa kalye. Kahit ang stoplight ay hindi naging hadlang para pahintuin ko ang aking kotse. Kaya naman ang dapat na isang oras na biyahe ay nagawa kong maging bente minuto lang para makarating sa kanyang kinaroroonan.

Akala ko ay magiging madali na ang lahat, ngunit nang makarating ako sa isang kanto para lumiko ay nadismaya ako. Barado ang kalyeng iyon dahil sa mga iba’t ibang uri ng sasakyang nakaparada. May mga kotse, ambulansya at ang ilang ay sasakyan ng media.

Mas lalo na akong kinabahan sa aking mga nakikita. Kaya sa halip na mag-isip pa kung saan ako pwedeng dumaan ay nagdesisyon na lang akong lumabas ng aking sasakyan.

Tinakbo ko ang mahabang kalye para makarating sa condo building ni Liam. Napakabilis ng aking pagtakbo at wala na akong pakialam sa aking mga nababanggang mga tao sa daanan.

Naririnig ko na ang malakas na ingay ng pagsigaw. Palakas iyon ng palakas sa pandinig ko. Kaya habang lumalakas ang mga ingay na iyon ay mas lumalakas na rin ang kabog ng dibdib ko.

Nang makarating ako sa isang kanto kung nasaan ang condo building ni Liam ay sinalubong ako ng mga nagkakagulong mga tao.

“Tabi d’yan!!! Tabi!!! Tang*na n’yo, tabi!!!” sigaw ko sa mga taong humaharang sa dinadaanan ko. Pinipilit kong magkasya ang buong katawan ko sa mga nagsisiksikang tao.

Nasa ganoon akong tagpo nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

“Rigo, anak!!!” umiiyak na pagtawag sa akin ng isang may edad na babae.

“N-nanay Elise..?” nabibigla kong pagsambit sa kanyang pangalan nang makita ko ang kanyang kabuuan.

Mabilis siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. Nanginginig ang kanyang katawan at damang-dama ko ang kanyang takot.

“’Nay..? Nanay… A-anong nangyayari?” nauutal kong tanong kay Nanay Elise.

“S-si… si Liam… Si Liam..!!!!” iyon lang ang naisasagot niya sa akin dahil nahihirapan siyang magsalita.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at bahagyang itinulak para makausap.

“Nasaan siya ’Nay?!! Nasaan si Liam?!!” natataranta ko nang tanong sa kanya.

Nasa ganoon kaming tagpo ni Nanay Elise nang maputol iyon dahil sa malakas na pagsigaw na narinig ko.

“Anak!!! ’Wag mong gawin ’yan!!!” sigaw ng isang babae habang umiiyak.

“Bunso!!! Makinig ka kay Ate!!! ’Wag!!!” malakas na pag-iyak din ng isa pang babae.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Binalot ako ng katanungan kung ano ang ginagawa ng ina at ate ni Liam dito ngayon.

Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari. Masyado nang maingay at lubhang magulo na dahil sa dami ng tao.

“Tangna n’yo!! Ano?!! Tutunganga na lang kayo?!! Hihintayin na lang ninyong mamatay ang kaibigan ko?!! Putngina ninyo!! Iligtas n’yo na siya!!” isang boses naman ang narinig ko na alam kong galing sa pinsan ko.

Nang lingunin ko pinagmumulan ng aking pinsan ay nakita kong nakikipagtalo ito sa mga pulis sa mga oras na ito. Patuloy lang siyang sumisigaw habang may itinuturo sa bandang itaas ng condo.

Unti-unti kong nilingon ang itinuturo ni Dom sa mga oras na ito. At nang tuluyang marating ng mga mata ko ang eksaktong lugar na iyon ay kusa na lamang bumuhos ang mga luha ko.

“L-liam…” mahina kong sambit sa kanyang pangalan habang nanlalaki rin ang mga mata kong nakatingin sa kanyang kinaroroonan.

“L-liam… ’W-wag…” pagpigil ko sa kanya habang unti-unti kong inihahakbang ang aking mga paa patungo sa unahan.

Para akong nablangko sa aking nakikita. Ang taong halos tatlong linggo ko nang gustong makita ay naririto na. Bumalik na siya at nagpakita.

Pero, naroon siya sa itaas. Naroon siya sa kanyang unit habang nakaupo sa frame ng kanyang bintana. Nasa labas ang kanyang mga paa at tanging paghawak lang sa frame na iyon ang kanyang nagiging suporta para hindi bumagsak ang kanyang katawan dito sa ibaba.

“Liam!!!!!” malakas kong pagtawag sa kanyang pangalan. Kasabay ng pagtawag kong iyon ay ang mabilis kong pagtakbo para makapasok sa main entrance ng condo.

“Sir!! Bawal po kayo!! Hanggang dito lang po kayo!!” biglang pag-awat sa akin ng isang pulis. Nasundan pa iyon ng isa pang pulis na humawak sa katawan ko.

“Hindi pwede!!! Ililigtas ko siya!!! Hindi siya pwedeng mamatay!! Padaanin n’yo ako!!!” sigaw ko rin sa kanila habang nagpupumiglas sa pag-awat nila.

“Hindi nga po pwede!! Mas lalo kayong makakagulo!! Makinig naman kayo!! Ginagawa namin ang lahat para maayos ’to!!” pakikipagtalo naman ng isang pulis sa akin habang itinuturo ang isa nilang kasamahan na may hawak na megaphone.

“Mister! Makinig ka! Bumaba ka na riyan! Mapapag-usapan naman natin kung may problema! Tutulungan ka namin basta ’wag ka lang tumalon d’yan!” pakikipag-usap ng isang pulis kay Liam sa pamamagitan ng megaphone.

Hindi.

Hindi sila pakikinggan ni Liam. Hindi nila alam ang pinagdadaanan nito kaya sigurado akong hindi sila nito pakikinggan.

Gusto ko pa sanang makipagtalo sa kanila. Gusto ko pa sanang ipagpatuloy ang pagpupumiglas ngunit alam kong hindi ako mananalo sa dami ng umaawat ngayon sa akin. Marami rin ang media na naririto kaya alam kong mas makakagulo kung magmamatigas akong makapasok sa loob ng condo.

Sa kabila ng labis kong takot sa mga oras na ito ay sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.

Segundo lang ang binilang ko nang may isang ideya ang pumasok sa isip ko.

Umalis ako sa aking pwesto. Mabilis kong tinalikuran ang mga pulis na umaawat sa akin at iniwan ang kanilang kinaroroonan.

Narinig ko ang paulit-ulit na pagtawag sa akin ni Dom habang papalayo ako ngunit hindi ako huminto sa mabibilis kong mga paghakbang.

Nang makaalis ako sa kumpulan ng mga tao ay patakbo kong tinungo ang likod ng condo building. May kalayuan din ang aking tinakbo dahil sa laki ng condo ngunit hindi ako nagpapigil.

Mula sa likod ng condo na iyon ay nakita kong may mga naghahandang mga medic. Gusto ko silang murahin lahat, gusto ko rin silang gulpihin. Sa halip na tumulong sila sa pagligtas kay Liam, pakiramdam ko ay naghihintay na lang sila sa mga mangyayari. Ngunit sa kabilang banda, naisip ko na kung gagawin ko pa iyon ay magsasayang lang ako ng oras sa kanila.

Mas kailangan ako ngayon ni Liam. Mas kailangang maabutan ko siyang buhay. Mas kailangan niyang mailigtas.

Mabilis ang ginawa kong pagtakbo nang pasukin ko ang fire exit ng condo.

Ito ang naisip kong paraan para makaakyat sa kinaroroonan ni Liam. Mataas man ang aking aakyatin ay wala na akong pakialam. Ang importante sa akin ay mailigtas ko si Liam, mailigtas ko ang mahal ko sa kapahamakan.

“Liam… Please… ’Wag… ’wag mong gawin ’to… Liam, please…” pakiusap ko sa kanya habang patuloy akong tumatakbo paakyat ng mataas na hagdan.

Naririnig kong may mga humahabol na ngayon sa likod ko, marahil ay ilang mga miyembro na iyon ng pulis at staff nitong condo. Pero sa halip na huminto ako ay mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo.

Kinakapos na ako ng hangin sa katawan dahil sa pagtakbo kasabay ng pag-iyak ko. Ngunit sa mga oras na ito, mas nangingibabaw ang determinasyon kong maabutan si Liam na buong-buo.

Marami pang paghakbang at pagtakbo ang ginawa ko hanggang sa marating ko ang palapag kung nasaan ang unit ni Liam.

Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo para makarating sa kanyang pinto. Ngunit nang tuluyan ko itong marating ay nadismaya ako dahil nakalock ang pinto nito.

Nanginginig ang aking mga kamay na kinuha ang susi ng kanyang unit na mayroon ako mula sa aking bulsa. Mabuti na lang pala at naisipan kong ilagay ang susi niyang ito kasama ang susi ng aking kotse noong nagkahiwalay kami. Mabuti na lang pala at umasa pa akong makakabalik dito sa kanyang unit kaya lagi kong bitbit ito.

Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay tinakbo ko rin ang kanyang kwarto. Inilagay ko rin ang susi roon dahil pareho ng unang pintuan ay nakalock din ito.

Naging matagumpay akong makapasok sa kanyang kwarto.

Pero…

“Liam!!!!!”

Kasabay ng pagsigaw kong iyon ay nasaksihan ko ang pagbitaw ng isa niyang kamay sa frame na kanyang hinahawakan.

At kasunod din ng malakas kong pagtawag sa kanyang pangalan ay ang mga luha ko na ngayong nag-uunahan.


A/N

Nais kong magpasalamat sa mga patuloy na nagbabasa. Maraming salamat din po sa mga taong patuloy na naniniwala.

–– cold_deee ❤

chapter 32

REMINDER: Ang istoryang ito ay naglalaman ng Romance, Comedy, Slice of Life at HEAVY DRAMA tulad ng nasa description na unang makikita bago simulan ang pagbabasa.

Para po kay

greenite

ang chapter na ito. Isa ’yan sa mga dumaraming bilang ng anak ko. Hahahaha! Kindly check her new published story. Support natin ang isa’t isa lalo na at ito ay kwentong LGBT+. Maraming salamat!

May song din po sa media kung nais ninyong magbasa na may pinapakinggang music.

(Song title: In Love With You - By: Regine Velasquez and Jackie Cheung)

––> si Randy po sa media.

![](https://img.wattpad.com/2fad2f9fcc7b0f4058a200f04a0e99cdd3e88a98/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f557a78686e4a424143744f7452413d3d2d3437333735323531382e313465623963303462323362323932313131383638353330333530392e6a7067)

RIGO’s POV

Isang misa ang nagaganap.

’Our Father in heaven, we thank you that, through Jesus Christ, you have given us the gift of eternal life. Keep us firm in the faith, that nothing can separate us from your love.

When we loose someone who is dear to us, help us to receive your comfort and to share it with one another. We thank you for what you have given us through him.

We now entrust ourselves to you, just as we are, with our sense of loss and of guilt, When the time has come, let us depart in peace, and see you face to face, for you are the God of our salvation.’

’Yan ang mga katagang aking narinig.

‘Amen.’ sabay-sabay na tugon naman ng maraming tao.

Umalingawngaw ang malakas na iyakan ng mga tao matapos ang senaryong iyon. Ngayon ay sinasabayan nila ang pagdurusa ko, sinasabayan nila ang mabilis na pag-agos ng aking mga luha sa mga oras na ito.

Iyon na lamang ang maririnig sa buong kwarto matapos kong isigaw ang pangalan ni Liam.

Pakiramdam ko ay huminto ang pagtakbo ng oras kaya wala nang maririnig sa mga oras na ito kundi ang tunog na nagmumula sa telebisyon na naririto sa kwarto ni Liam, ang telebisyon na naiwang bukas nang akin siyang abutan.

Nasaksihan ko ang unti-unting paglingon sa akin ni Liam. At nang tuluyan niya akong masilayan ay nanlalaki ang kanyang mga mata habang ako ay tinitingnan.

“R-rigo..?” pagtawag niya sa aking pangalan.

Dahan-dahan ay ibinalik niya ang pagkakahawak ng isa niyang kamay sa frame ng bintana na kanina niyang binitawan.

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi na rin ako makagalaw dito sa bandang pinto. Ngunit kahit ganoon, kailangan kong lakasan ang aking loob para alamin ang nangyayari ngayon kay Liam.

“L-liam… ’W-wag kang gagalaw, please..? ’Wag kang tatalon…” kinakabahan kong pakiusap sa kanya.

Gusto ko na siyang takbuhin para mapigilan sa tangkang pagtalon niya. Pero kung gagawin ko iyon ngayon, baka lalo lang siyang mataranta.

Ginawa ko ang lahat para kumalma. Kahit gusto ko nang humagulgol dahil sa aking nakikita, kailangan kong lakasan ang aking loob para makausap siya.

Kailangan ko siyang pakalmahin. Kailangan ko siyang kumbinsihin.

Ngayon ay bahagya nang gumagana ang aking utak. Nararamdaman ko, may mali na sa kanyang ikinikilos base na rin sa kakaiba niyang reaksyon sa mga oras na ito.

Habang nanlalaki ang kanyang mga mata ay dahan-dahan niyang nilingon ang ibaba ng condo building. Kasunod niyon ay muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin.

“A-anong ginagawa mo d’yan, Rigo? Akala ko ba nasa baba ka?” tanong niyang nagtataka.

Umiling ako ng maraming beses. Pinilit kong ’wag magpakawala muli ng mga luha para hindi niya makita ang aking panghihina. At kahit nahihirapan akong gawin ay pinilit kong ngumiti sa paraang makakalma ko siya.

Inangat ko ang aking isang kamay para imwestra ang aking pag-imbita sa kanya.

“H-hindi, Liam… Nandito ako. W-wala ako sa baba. Nandito ako sa harap mo. Kaya halika na, lumapit ka na sa akin, please? Umalis ka na d’yan sa bintana. Magiging delikado.” nauutal na pakiusap ko habang may pilit na ngiti sa aking labi.

Mas mabilis na ang kabog ng dibdib ko sa pagkakataong ito. Alam kong sa maling pagkilos lang ni Liam ay mahuhulog na talaga siya mula rito.

Mas lalong gumuhit sa kanya ang pagtataka. Nagbalik siya sa pagtingin sa ibaba na lalong ikinatakot ko. Ilang segundo rin iyon hanggang sa ibalik niya ang pagtingin sa akin ng diretso.

“Pero ang sabi ni Papa, nandoon ka raw… Sabi rin ng maraming tao… Marami sila, Rigz… Kaya nga gusto kong bumaba. Gusto kitang puntahan kasi sasaktan ka ni Papa. Gusto kitang protektahan, Rigz… Gusto kitang iligtas mula sa kanya…” sunod niya pang paliwanag habang nagtataka ang ekspresyon na kanyang ipinapakita.

Hindi ko man gustuhin ay kusang pumatak ang aking mga luha dahil sa aking narinig mula sa kanya. Lumuluha ako habang pinipilit pa rin ang ngumiti.

“Hindi… N-nagsisinungaling lang siya, Liam… Nandito ako… Nandito ako sa harap mo. Sa akin ka maniwala. Sige na naman, please? Halika na rito… Umalis ka na d’yan. Sa akin ka na sumama, please?” pagkumbinsi ko pa rin sa kanya.

Habang patuloy ko siyang kinukumbinsi ay sunod-sunod na rin ang aking naging pagdarasal.

’Diyos ko… ’Wag N’yo po siya sa akin kunin… ‘Wag N’yo po muna siya bawiin… Mahal na mahal ko po ang taong ito… Pakiusap… Tulungan Ninyo akong makumbinsi siyang lapitan ako… Nagmamakaawa ako sa Inyo… Pakiusap, Diyos ko…’

Hindi pa rin gumagalaw si Liam sa kanyang pwesto. Nanatili lang siyang nakatingin sa mga mata ko.

“Liam..? Gusto mo bang malungkot ako..? Sige na naman… Halika na rito, pakiusap… Sa akin ka makinig… Sa akin ka maniwala… Ako ito. Ako ang totoong Rigo. Walang Rigo sa baba… Nandito ako…” pagkumbinsi ko pa rin sa kanya.

Hindi ko na alam kung ano pa ang mga pwede kong sabihin dahil wala pa rin siyang kakilos-kilos hanggang sa mga oras na ito.

“’Pag hindi ka diyan bumaba, hahabulin ako ng Papa mo… Gusto mo ba ’yon..? Akala ko ba gusto mo akong protektahan..? Akala ko ba gusto mo akong iligtas..? Nandito ako, oh? Nakikita mo ako, ’di ba..? Sa akin ka maniwala, please? Sige na naman, Liam… Halika na rito…” dagdag ko pang pagkumbinsi sa kanya. At habang sinasabi ko ang mga katagang iyon ay mas lalo nang bumuhos ang aking mga luha.

Nasaksihan ko kung paano mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

“’Wag kang umiyak, Rigz… ’Wag…” pakiusap niya sa akin.

“Kaya nga halika na rito… Umalis ka na d’yan, Liam, please..? K-kasi… Kasi lalo akong iiyak ’pag hindi mo pa ako nilapitan… G-gusto mo ba ’yon..? Gusto mo bang makita akong umiiyak..?” tanong ko sa kanya sa pagitan ng aking pag-iyak.

Umiling siya ng maraming beses.

“Ayoko! ’Wag! ’Wag kang iiyak, Rigz!” mabilis niyang sagot sa akin habang umiiling.

“Kaya nga bumaba ka na diyan… Sige na naman, Liam, please..? H-halika na rito..!” mas malakas ko nang pagsagot sa kanya.

Tiningnan niya lang ako. Hindi ko alam kung nakumbinsi ko ba siya, pero sa nakikita ko sa kanya ay mukhang umeepekto na ang mga sinasabi ko sa kanya.

Kahit nanginginig ang aking buong katawan ay unti-unti akong humakbang papalapit sa kanya.

Tinatantya ko siya. Kailangan kong pag-aralan kung may gagawin o sasabihin ba siya.

“Gusto mo bang malaman kung totoo ako..? H-halika, Liam… Hawakan mo ang kamay ko… H-hawakan mo ako para malaman mong nagsasabi ako ng totoo…” wika ko habang inihahakbang ng paunti-unti ang mga paa ko.

“Hindi ako nagsinungaling kahit kailan sa ’yo, ’di ba..? Lahat ng sinasabi ko sa ’yo totoo, ’di ba..? Kaya maniwala ka… Ako ito… Halika na… Bumaba ka na d’yan… Hawakan mo na ako…” dagdag ko pa.

Unti-unti na akong nakakalapit sa kanya. Kaunti na lang ay maaabot na niya ang kamay kong nakalahad para maabot niya.

“Liam, please..? Sige na, tatakasan na natin sila… M-magtago na tayong dalawa habang may oras pa… Gusto mo bang maabutan nila tayo..?” walang tigil kong pagsasalita kahit nahihirapan na akong huminga.

Naging malikot ang mga mata ni Liam, tila ba nagsisimula na siyang mag-isip.

“A-ayoko, Rigz… Ayokong maabutan nila tayo!” sagot niya habang umiiling.

Halos dalawang metro na lang para mas makalapit pa ako sa kanya.

“Kaya nga halika na… Hawakan mo na ang kamay ko para makatakas na tayo…” pagkumbinsi ko pa rin habang patuloy pa rin ako sa paghakbang ko.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago siya muling tumingin sa akin ng diretso.

“S-sige… Umalis na tayo, Rigz! Tumakas na tayo!” malakas na niyang sagot sa akin. Kasunod ng sagot niyang iyon ay inangat niya ang kanyang isang kamay para maabot ko.

Dito ko na inilabas ang lahat ng lakas na inipon ko sa aking katawan. Nilakihan ko ang aking mga paghakbang para abutin ang kamay niyang nakalahad sa aking harapan.

Narinig ko ang malalakas na sigawan sa ibaba nitong condo habang inaaalalayan ko si Liam na makaalis sa kanyang pwesto.

Naging maingat ako. Nang mahawakan ko ang kanyang kamay ay mahigpit kong niyakap ang kanyang katawan na nanginginig sa mga oras na ito.

Nang tuluyan ko na siyang maialis sa kanyang dating pwesto ay naging mabilis siya sa pagyakap sa katawan ko.

“Liam…!” sigaw kong umiiyak habang yakap ko ito.

Ngayon lang ako bahagyang nakahinga ng maluwag dahil sa mga naganap.

Mahigpit ang yakap ni Liam at ramdam ko ang takot na bumabalot sa buo niyang katawan. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso dahil magkadikit ang dibdib naming pareho.

Hinaplos ko ang kanyang likod at paulit-ulit ko siyang hinalikan sa ulo. Iyon lang ang nakikita kong paraan sa ngayon para mapakalma ito.

“R-rigz… N-natatakot ako! B-baka nandito lang si Papa?! Baka saktan ka niya?!” pag-aalala niya at mas mahigpit na niyakap ako. Masyadong mahigpit ang pagkakayakap niyang iyon dahilan para mapadiin ang pagkapit niya sa aking katawan.

Umiling ako ng maraming beses.

“Wala siya, Liam… ’W-wag kang matakot… Tayo lang ang magakasama ngayon dito…” sagot ko naman sa kanya sa pagitan ng aking pag-iyak. Patuloy ko pa rin na hinahaplos ang likod niya.

Inangat niya ang kanyang tingin kaya nagtagpo ang aming mga mata.

“Hindi, Rigz! Kailangang magtago tayo! Sasaktan ka niya! Maniwala ka! Ilang araw na niya akong sinasaktan at hinahanap ka na rin niya! Kaya nga kailangan nating magtago!” natataranta na niya ngayong pakikipagtalo. At habang sinasabi niya sa akin iyon ay nakita ko ang mabilis na pag-ipon ng kanyang mga luha mula sa magaganda niyang mga mata.

Nahihirapan ako sa nakikita ko ngayon sa kanya. Ito ang noon ko pa iniiwasang mangyari sa kanya. Alam kong maaari siyang mauwi sa ganitong sitwasyon kaya nga iniingatan ko siya.

Pero nakakalungkot, nangyari pa rin sa kabila ng mahabang taon niyang pagpapagaling.

Habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha ay sinagot ko siya ng marahang pagtango.

“S-sige… M-magtatago tayong dalawa. Hindi niya dapat tayong makita…” nahihirapang pagsang-ayon ko na lang sa kanya.

Matapos ko iyon sabihin ay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Ngunit kasabay ng pagngiti niyang iyon ay dumaloy naman ang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi.

“Dito tayo, Rigz! Dito tayo! Magtago tayo rito!” utos niya sa aking natataranta habang hinihila ako sa isang sulok ng kanyang kwarto.

Nagpadala na lang ako sa kanyang paggaya. At nang tuluyan nang dumikit sa aking likod ang dingding ay muli niya na naman akong niyakap ng mahigpit.

Malakas na ang mga pag-iyak ko dahil sa maling ikinikilos niya sa mga oras na ito. Nanghihina na ako. Pero dahil alam kong mas kailangan niya ako, kailangan kong patatagin ang sarili ko.

“Rigz, ’wag kang aalis ha? Dito ka lang! Dapat dito ka lang kasi baka makita ka ni Papa.” utos niya sa akin habang kulong ako ng mga braso niya.

Tumango ako ng marahan.

“Mmm… H-hindi ako aalis… Pangako.” pagsang-ayon ko naman sa kanya.

“’Wag kang mag-alala, Rigz. Kahit maabutan niya tayo, hindi ako papayag na masaktan ka niya. Kahit anong mangyari, hindi ka masasaktan ni Papa.” sunod niya pang litanya.

Kung noon ko sa kanya narinig ang mga katagang iyon, marahil ay tatalon na ako sa tuwa. Pero dahil sa nangyayari sa kanya ngayon, labis na kalungkutan ang aking nararamdaman.

“Ako rin, Liam… Hindi ako papayag na masaktan ka niya… H-hindi rin ako papayag na masaktan ka ng iba…” tugon ko sa kanya.

Matapos kong iyon sabihin ay bigla siyang nagbitaw ng nakakahalinang pagtawa.

“Talaga, Rigz?! Promise mo ’yan?” tanong niya sa kanyang masayang tono.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya at muli kong hinalikan ang kanyang ulo.

“P-pangako… Pangako, Liam… Pangako…” paulit-ulit kong sagot at mas lumakas na ang pag-iyak ko.

Hindi na siya muli pang nagsalita, ngunit nang marinig niya ang aking mga pangako ay naramdaman ko ang kanyang pagngiti.

Ipinagpatuloy ko ang paghaplos sa kanyang likod para mapakalma siya, at habang ginagawa ko iyon ay patuloy pa rin na naglalandas ang aking mga luha.

Nasasaktan ako. Sobrang sakit ng nangyayari sa aming ito.

Bakit ba hindi na lang sa amin ibigay ang magpapalaya sa aming dalawa? Bakit hindi na lang kami hayaan na maging masaya?

Alam kong nangyayari ito dahil may mga pinagdadaanan ngayon si Liam. Hindi niya man iyon sabihin sa akin ng diretso noon, alam kong may kinalaman ito sa naganap nitong mga nakaraan.

Alam kong kailangan ako ni Liam pero may pumipigil sa kanya para ipagpatuloy ko ang nasimulan naming dalawa. Hindi man niya ako kailangan bilang isang karelasyon, alam kong kailangan niya naman ako para maging maayos ang kanyang kondisyon.

Pero mas pinili niya ang ganito. Pinili niyang isakripisyo ang kanyang sarili dahil sa paniniwalang mas makabubuti sa akin ito.

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon. Damang-dama ko ang pananabik niya na mayakap ako dahil halos tatlong linggo kaming walang koneksyon. Kaya naman ang ginawa ko ay pinaramdam ko rin ang matindi kong pangungulila dahil sa kanyang pagkawala.

Habang nasa ganoon kaming tagpo ay nakita ng dalawa kong mga mata ang pagpasok ng ilang mga tao dito sa kwarto.

Naroon sina Nanay Elise, ang kanyang ina at ang kanyang ate na patuloy pa ring umiiyak, ang pinsan kong si Dom at ilang mga pulis. Bahagya rin akong nasorpresa dahil naririto na rin sina Tita Eve at Tito Ed na tila nanlulumo ang mga hitsura habang nakatingin sa aming dalawa, ganoon din sina MJ at Tristan na nagugulat dahil sa kanilang nakikita. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang babaeng Psychiatrist ni Liam at ilang miyembro ng medics na nasa ibaba kanina.

Ilang segundo nila kaming pinanood sa tahimik na paraan. Wala akong maaninag sa kanilang lahat ngayon kundi ang labis na awa sa taong kulong ngayon ng mga braso ko. Hindi rin sila nakikita ni Liam dahil nakatalikod ito sa kanilang pwesto.

Ilang sandali pa ay may kinuha si Doktora mula sa bulsa ng puting gown na suot niya dahilan para mas lalo akong lumuha.

Hindi ko akalain na aabot sa ganito si Liam, hindi ko inisip na darating kami sa ganitong sitwasyon na parang hindi ko makakayanan.

Tiningnan ako ni Doktora habang may awa sa kanyang mga mata. Kasunod nito ay inihanda na niya ang isang syringe para iturok sa katawan ni Liam. At nang masigurong handa na ang kanyang gagamitin ay muli niya akong tiningnan.

Hindi na nagsalita pa si Doktora, iginawad na lamang niya ang isang pagtango para ipahatid sa akin na handa na siyang turukan ng gamot si Liam.

Masakit. Sobrang sakit sa kalooban na nakikita kong nahihirapan ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Kaya naman dahil doon ay mas naging malakas ang mga pag-iyak ko habang yakap ko pa rin si Liam sa mga oras na ito.

“Rigz… ’Wag ka nang umiyak… Hindi naman kita iiwan… Hindi kita pababayaan… Hindi ka ni Papa masasaktan… Pangako ko ’yan…” pagkumbinsi sa akin ni Liam.

Umiling ako ng maraming beses.

“I’m sorry… S-sorry, Liam… Patawarin mo ako…” iyon lang ang naisagot ko habang umiiyak pa rin ako.

Kasunod ng pagsagot kong iyon kay Liam ay ibinalik ko ang aking tingin kay Doktora. Dahan-dahan akong tumugon sa pamamagitan ng marahang pagtango sa kanya. Ipinararating ko sa pagtango kong iyon na gawin na niya ang nararapat para mapakalma na si Liam.

Naglakad si Doktora sa maingat na paraan kasabay ang ilang mga mag-a-assist sa kanya. Palapit sila ng palapit kaya ang yakap ko kay Liam ay lalo nang naging mahigpit.

“Sorry… I’m sorry…” paulit-ulit kong bulong kay Liam.

“’Wag ka nang magsorry, Rigz… Wala kang kasalanan…” sagot niya naman sa akin at alam kong nakangiti siya.

Ilang sandali pa ay nasa likod na ni Liam si Doktora at ang kanyang mga assistant. Wala na silang sinayang na sandali, mabilis na kumilos si Doktora para ilapat ang karayom na kanyang hawak sa balikat ni Liam.

“Uunngghh…” narinig kong pagdaing ni Liam habang nakabaon ang karayom sa kanyang katawan.

“Sorry… I’m sorry… Sorry, Liam… Sorry…” paulit-ulit kong paghingi ng tawad habang yakap pa rin siya.

Mukhang mataas ang dosage ng gamot na itinurok kay Liam, dahil makalipas ang halos isang minuto lang ay naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang pagyakap sa aking katawan.

Dahan-dahan ko siyang binitawan upang magtagpo ang aming mga mata. Ngunit nang tuluyan kaming magkaharap ay lalo lang akong napaiyak nang makita kong nakangiti pa rin siya. Kasunod ng pagngiti niyang iyon ay unti-unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Nasaksihan ko rin ang pagdaloy ng huling butil ng kanyang mga luha mula sa magagandang paningin niya.

“I’m sorry…” sambit kong muli at hinalikan siya sa noo. Sinalo ko na rin ang kanyang katawang hindi na niya ngayon makontrol dahil nawalan na siya sa kamalayan.

“Ihiga n’yo na muna siya sa kama.” kalmadong utos ni Doktora.

Katulong ng mga assistant ni Doktora ay inihiga namin si Liam sa kanyang kama. Himbing na himbing siya sa mga oras na ito at napakaamo ng kanyang mukha. Kung susuriin mo siya ay aakalain mong wala siyang pinagdadaanang malaking problema. Para siyang isang anghel na ipinadala sa lupa.

May ilang tests na ginawa si Doktora kay Liam. Saglit din naming iniwan sa loob ng kanyang kwarto ang kanyang ina at ate para malinisan ang kanyang katawan.

Ilang sandali lang din ay dumating si Shai at hindi nito naiwasang humagulgol dahil sa sinapit ng aming kaibigan. Siya na rin ang nakipag-usap sa admin ng condo building habang sina Tito Ed at Dom naman ang humarap sa mga pulis at media para tuluyan nang mawala ang tensyon sa labas nitong building.

Katulong si Nanay Elise ay naglinis kami nitong buong unit. Nanlumo kaming pareho ni Nanay Elise sa hitsura ngayon ng tinitirahan naming ito. Ang dating napakalinis ay napakadumi na ngayon at nagkalat ang mga basag na kagamitan sa buong kwarto.

Maging si Liam kanina ay malaki na ang ipinagbago. Galit siya sa dumi, ngunit kanina ay kitang-kita sa kanyang hitsurang hindi na niya naalagaan kahit ang kanyang sarili.

Hindi ko maiwasang muling umiyak habang iniisip kung ano ang naging sitwasyon ni Liam dito. Nag-iisa at nabubuhay siya sa dilim sa halos tatlong linggo.

“Ang sabi niya sa akin noong huli siyang tumawag, ’wag ko raw hayaan na makapag-usap kaming dalawa ni Rigo… May inihahanda raw kasi siyang malaking sorpresa para sa kanya… Malaki naman ang tiwala ko sa kanilang dalawa kaya hinayaan ko siya… Pero noong pati siya ay hindi na namin makontak, nag-alala na kaming lahat… Napasugod na kami rito kaninang umaga… Pero hindi namin akalain na ganyan ang madadatnan namin… Marami nang tao sa baba ng building at pinapanood siya…” salaysay ni Nanay Elise habang naririto kaming lahat sa sala.

Matapos iyon ay si Dom naman ang nagpahayag ng kanyang salaysay.

“Nauna akong dumating dito kanina. Sinubukan ko siyang katukin dito sa pagbabakasakaling nandito na nga siya. Aalis na sana ako dahil wala naman sumasagot sa akin. Pero nang may marinig akong parang may nabasag sa loob, doon na ako nagsimulang magtanong-tanong sa admin nitong building.” unang pahayag ni Dom.

Nanatili naman kaming nakikinig lang sa aking pinsan.

“Nalaman namin na may tao nga rito at walang iba ’yon kundi si Randy. Bubuksan na sana namin ang pinto pero narinig namin ang mga pagbabanta niya. ’Wag daw kaming papasok dahil mga manloloko raw kami. Paulit-ulit niyang sinasabi sa amin na kasama raw namin ang Papa niya at magtutulong-tulong daw kaming saktan siya. Doon na ako kinabahan dahil alam ko nga ang history niya.” sunod pang salaysay ni Dom sa malungkot na tono.

Ngayon na naging maliwanag sa amin ang lahat. Sa pag-aakala naming nasa kanya-kanyang kamay si Liam at maayos ang kalagayan, gumawa pala siya ng plano na tanging siya lang ang nakakaalam. Nagkulong siya ng halos tatlong linggo rito sa kanyang unit at piniling magkubli sa madilim na kaganapan.

Hinihingian kami ngayon ng kanya-kanyang salaysay kung paano nauwi ang ganito sa kanya. Naririto na kaming lahat sa sala at ang tanging naiwan sa loob ng kwarto kasama ni Liam ay ang kanyang ina at ate na patuloy na nililinisan siya.

Huminga ng malalim si Doktora.

“Ito na nga ang sinasabi ko sa inyo noon, Rigo. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga problema dahil may posibilidad na mangyari ang bagay na ito. Biktima siya ng PTSD o Post-traumatic Stress Disorder.” unang paliwanag ni Doktora.

Napayuko na lang ako habang lumuluha dahil sa pagsisisi. Pakiramdam ko ay naging napakairesponsable ko kay Liam. Sinisisi ko ang aking sarili dahil sa aking kapabayaan.

Narinig ko ang paghagulgol ni Shai kaya agad itong nilapitan ni Dom para damayan. Sina Tita Eve at Tito Ed naman ay seryoso lang na nakikinig sa paliwanag ni Doktora, samantalang si MJ ay natulala na lang sa hindi ko malamang dahilan habang inaalalayan ng kanyang bayaw na si Tristan.

“Natriggered ang isip niya kaya siya umabot sa ganito. Sa dami ng kanyang mga iniisip ay hindi na niya nakayanan ang lahat. Kusa na lang siyang sumuko dahil pakiramdam niya ay wala na siyang malalapitan.” dagdag pa ni Doktora.

Hindi pa rin kaming lahat na nakapagsalita kaya nagpatuloy pa si Doktora.

“Alam n’yo naman lahat na may ganito siyang karamdaman, ’di ba? Hindi naman ako nagkulang ng paalala. Kailangan niya ang suporta ng mga taong malalapit sa kanya, kailangan niyang maalalayan dahil hindi naging maganda ang nakaraan niya. Hindi man habang-buhay, at least may isang taong matitira para makaramay niya.” paliwanag nitong muli at ramdam kong may halong panunumbat na iyon.

“Hindi biro ang may ganyang uri ng sakit. Oo nga at ang ilan sa kanyang mga iniisip ay gawa-gawa lang ng imahinasyon niya, pero dapat ninyong maintindihan na may pinanggagalingan ang lahat ng iyon. Hindi siya makakapag-isip ng hindi magaganda kung hindi niya naranasan ang masalimuot na bagay sa nakaraan niya.” muli nitong pangaral sa amin.

Sa pagkakataong ito ay nagulat kami nang bigla na lang sumabat si MJ. Gusto ko sana siyang murahin ulit tulad kanina noong nasa mansyon kami, pero ayaw kong mas lalong mabulabog si Liam sa mga oras na ito. Ayaw ko ring mag-eskandalo lalo na at may ibang tao rito.

“A-ano po bang mangyayari sa kanya?” nauutal na tanong ni MJ kay Doktora.

Nagpakawala muna si Doktora ng malalim na paghinga bago sinagot iyon.

“Marami. Marami ang posibleng magbago sa kanya. Maaaring hindi na niya kayo maalalang lahat, maaaring mapadalas ang pagwawala niya, maaaring paulit-ulit siyang makaranas ng bangungot kahit gising siya.” una nitong pagsagot. “Pero ang nakakatakot sa lahat, ang may magtulak sa kanya para tapusin ang sariling buhay niya.” sunod pa nitong litanya.

Lahat kami ay natulala na lang dahil sa sinabing iyon ni Doktora. Mas naging malakas na rin ang iyakan namin nina Shai at Nanay Elise dahil sa aming narinig na balita.

Nasa ganoon kaming tagpo nang lumabas naman mula sa silid ni Liam ang kanyang ate at ang kanyang ina.

“Tapos na namin siyang malinisan. Kailangan na lang namin siyang bantayan.” malungkot na pagbabalita ng kanyang ate.

Hindi agad na nagsalita ang ina ni Liam ngunit iginala nito ang kanyang mga mata. Inisa-isa niyang tiningnan kaming naririto na tila may panunuri. Makalipas ang ilang segundong panunuri ay matalim ang kanyang mga matang tinitigan kami.

“Hindi ko alam kung paano nauwi sa ganito ang anak ko. Ang akala namin, magiging maayos na ang lahat dahil maayos naman siya noong huli kaming magkita.” una nitong litanya habang iginagala pa rin niya ang kanyang mga mata sa aming naririto sa sala. Seryoso rin ang kanyang ekspresyon at nakikita ko ang galit doon.

“Ang alam ko, masaya siya kasama si Rigo at si Nanay Elise dahil iyon ang lagi niyang ibinabalita sa amin. Panatag kami na nasa maayos siyang kalagayan kahit silang dalawa lang ang kasama niya.” sunod pa nitong litanya.

Mas lalo na akong nakaramdam ng pagsisisi ngayon.

Sana pala ay nagmatigas pa ako. Sana pala ay hindi ko pinakinggan ang kanyang gusto. Sana pala ay hindi agad ako naniwala sa sinabi niyang susunod siya kay Nanay Elise kung nasaan ito. Dahil una sa lahat, alam kong mayroon siyang karamdaman na maaring magdala sa sitwasyong ito.

Katahimikan pa rin ang namayani sa amin hanggang sa magsalitang muli ang ina ni Liam.

“Gusto ko lang malaman, naririto ba ngayon ang naging dahilan para magkaganyan ang anak ko?! Sino sa inyong mga naririto?!” magkakasunod nitong tanong sa madiin na tono.

Walang makasagot sa amin. Naikagat ko ang ibabang labi ko habang patuloy na dumadaloy ang mga luha ko.

“A-ako po, Tita… Ako po ang dapat na sisihin dito… S-sorry po… Napabayaan ko si Liam…” pag-ako ko sa aking pagkakamali na sinabayan ng paghagulgol ko.

Ako na ang aako sa lahat. Ako na ang sasalo sa isang kasalanang hindi ko rin naman ginusto. Dahil alam ko, kung naging mas matatag lang sana ako, hindi mauuwi ang lahat sa sitwasyong ito.

Katahimikan ang sumunod na kaganapan sa buong kwarto. Hindi ko makita ang kanilang reaksyon dahil nakayuko ako.

“Ikaw, Rigo…?” narinig kong pagtatanong ng ina ni Liam.

Sinagot ko siya sa pagitan ng aking pag-iyak habang nakatungo.

“Patawarin n’yo po ako… Napabayaan ko siya… H-hindi ko rin po gusto ang nangyaring ito… Maniwala po kayo, ginawa ko ang lahat para maiwasang magkaganito… P-pero… pero hindi po naging sapat…” sunod-sunod kong paliwanag habang humihikbi.

Wala nang nakapagsalita hanggang sa sumabat na ang aking tiyahin.

“Sandali,” una nitong sambit sa seryoso niyang tono. “’Wag n’yong sisisihin ang pamangkin ko. Sapat na siguro ang ilang taon niyang pag-alalay kay Randy. Magmula noong nag-aaral pa lang si Randy, nandoon na siya. Ilang taon din niyang sinamahan si Randy at hindi inisip ang kinabukasan niya. Siguro naman sapat na ’yon para ang future naman ng pamangkin ko ang pagtuunan niya ngayon ng pansin? Panahon na para ang magiging sarili na niyang pamilya ang asikasuhin niya. Hindi na––”

“Tita!!!” pagpigil ko sa aking tiyahin. Naiangat ko na rin ang aking mukha para siya ay patigilin.

Napatigil naman ang aking tiyahin. Ngunit nang igala ko ang aking paningin ay nakita ko ang reaksyon ng ina at ate ni Liam. Lahat sila ay nagulat maging si Nanay Elise dahil sa narinig na balita mula sa aking tiyahin.

Nanlumo ako dahil matapos ang pagkagulat sa kanilang reaksyon ay napalitan iyon ng pagkadismaya.

Muling nagsalita ang aking tiyahin na tila hindi man lang naapektuhan sa ginawa kong pagsaway sa kanya.

“Bakit mo pa itatago, Rigo? Ito na siguro ang tamang panahon para sabihin mo sa kanilang lahat ang totoo. Magkakapamilya ka na at kakailanganin ka ng pamilya mo! Kakailanganin ka nito ni MJ at ng magiging anak ninyo! Panahon na rin siguro para ang totoong pamilya naman ni Randy ang mag-alaga sa kanya! Tutal naman, matagal din nila siyang pinabayaan! Kung tutuusin, sila nga ang dapat na sisihin kung bakit naging ganyan si Randy! Hindi siya magkakaroon ng ganyang sakit kung––”

“Mommy, ano ba?! Hindi ka ba talaga titigil?! Hindi ito ang oras para d’yan! Nasa peligro ang kaibigan namin! ’Yon ang dapat nating binibigyan ng pansin!” hindi na rin napigilang pagsaway ni Dom kay Tita Eve.

Sumegunda naman si Tito Ed.

“Tama ang anak natin, Mommy. Pwede bang ’wag ka munang magsalita?” mahinahon niyang pakiusap sa kanyang asawa.

Nakinig naman si Tita Eve. Naiikot na lamang niya ang kanyang mga mata at hinawakan sa magkabilang balikat si MJ na nasa tabi niya.

Ngumisi ang ina ni Liam, ngunit ang pagngisi niyang iyon ay maraming nilalaman. Pagsisisi, galit at pagkadismaya.

“Kung gano’n, hindi na nga ako magtataka na nagkaganito ang anak ko. Kung napapaligiran ba naman siya ng mga taong kagaya ninyo, mga taong nagpapatuloy sa pagpapahirap sa kanya, hindi na nakakapagtakang mas naging miserable siya.” madiin nitong sumbat sa amin.

Hindi nagpatinag si Tita Eve, muli na naman siyang sumabat dahil sa patutsada ng ina ni Liam.

“’Wag mong ibato sa amin paninisi mo. Isa pa, ’wag mo kaming artehan na parang isang ulirang ina ka. Baka nakakalimutan mo? Pinabayaan mo siya. Nasaan ka noong mga panahon na kailangan niya ng pagkalinga? Nandoon ka ba? Sino ang sumuporta sa pag-aaral niya? Ikaw ba? Kami rito. Kami na sinusumbatan mo ang dapat na pasalamatan mo! Dahil kami ang gumawa ng responsibilidad na dapat ay sa inyo!” mahabang sumbat ni Tita Eve pabalik.

Nasabunutan ko na lang ang sarili ko. Gulong-gulo na ako. Marami na akong pinoproblema pero heto sila ngayon, dumadagdag pa.

Nagdikit ang mga ngipin ng ina ni Randy.

“Misis, aminado akong may pagkakamali kami. Pero ginagawa namin ang lahat para makabawi. E, kayo? Alam na ninyo ang sitwasyon ng anak ko pero mukhang mas pinapalala n’yo pa! May konsensya pa ba kayong natitira?! Siguro kayo rin ang dahilan kung bakit naging ganyan kalala ang anak ko?!” paliwanag at pag-aakusa ng ina ni Liam.

“’Wag mo kaming pagbintangan lalo na kung wala kang basehan!” tangi lang nasabi ng aking tiyahin.

Mas naging matalim ang pagtitig ng ina ni Liam kay Tita Eve.

“Siguraduhin n’yo lang. Dahil kapag napatunayan kong may kinalaman kayo rito, hindi ako magdadalawang isip na ilabas ang mga naitagong baril ng yumaong asawa ko. Sisiguraduhin ko rin na ipuputok ko ’yon sa mga ulo ng mga nang-api sa anak ko!” mas malakas nang pagbabanta ng ina ni Liam habang nangingilid ang luha nito dahil sa labis na galit.

Matapos sabihin iyon ng ina ni Liam ay nakisali na rin sa usapan ang magaling na si MJ. Tinapatan niya ang masamang pagtitig ng ina ni Liam.

“’Wag ninyong pagsalitaan ng ganyan si Tita Eve! Wala kayong alam! At ’wag n’yo rin isipin na natatakot kami sa pagbabanta ninyo! Dahil kahit buntis ako, hindi rin ako magdadalawang isip na patulan kayo!” madiin nitong pagbabanta pabalik.

Sa pagkakataong ito ay nagsalita na rin ang kanina pang nananahimik na ate ni Liam. Ngumisi ito at naging masama ang pagtitig kay MJ.

“Fair enough. Buntis din naman ako ngayon. Kaya kung magkakagulo man dito, pareho tayong dehado. Kung tutuusin nga, lugi ako ’pag nagkataon. Mas delikado ang kalagayan ko dahil dalawang buwan pa lang ’tong tiyan ko,” unang pagbubunyag ng ate ni Liam at saglit na tumigil. “Pero mag-ingat ka, babae. Dahil sa oras na mahawakan ko ’yang katawan mo, sisiguraduhin kong manganganak ka ng wala sa oras. Manalangin ka na rin ngayon pa lang. Dahil ikaw ang ipapalit ko sa bintana na muntik nang pagbagsakan ng kapatid ko!” sunod pa niyang pagbabanta.

Si Tita Eve ay muli na namang sumabat. Ngumisi rin siya pabalik sa dalawang babaeng kanilang nakakasagutan ni MJ.

“Kaya naman pala ganyan ang ugali ni Randy, may pinagmulan naman pala talaga. Kung sabagay, kung ano nga naman ang puno ay siya ring bunga.” mapangutyang sambit ni Tita Eve.

Ako na sana ang magsasaway sa kanila dahil sa hindi magandang bagay na sinabi ni Tita Eve, ngunit hindi ko na iyon naituloy dahil si Tito Ed na rin ang pumutol sa kanila. Tumayo pa ito mula sa pagkakaupo at pumagitna para matigil na sila.

“Hindi ba kayo titigil?! Magkaroon naman kayo ng hiya! Lalo n’yo lang ipinapakita na wala kayong malasakit sa kapwa! Sa halip na isipin ninyo ang makabubuti kay Randy at sa lahat, inuuna n’yo pa ang pagbabangayan! Magulo na ang sitwasyon, ’wag n’yo na sanang palalain pa!” pag-awat niya sa dalawang kampo.

Walang nakapagsalita sa kanila. Maging ako ay natahimik dahil sa mga binitiwang salita ni Tito Ed.

Sunod ay nagpakawala ng malalim na paghinga si Tito Ed at hinarap ang ina at ate ni Liam.

“Pasensya na kayo sa pamilya ko. Hindi naman kami nagpunta rito para makigulo. Pero sana, hayaan n’yo rin na makatulong ako. Hindi na iba sa akin si Randy dahil kaibigan siyang matalik ng anak at pamangkin ko. Kaya kung ano man ang kakailanganin ninyong tulong, handa kong ibigay iyon. Hangad ko rin ang makabubuti para kay Randy. Gusto ko rin makita na magbalik na siya sa dati.” pagpapakumbaba at pagpepresenta ni Tito Ed sa kanila.

Hindi naman tumugon ang mag-ina ngunit nakikita kong nauunawaan nila ang mga sinabi ni Tito Ed.

Sunod na hinarap ni Tito Ed ay ang psychiatrist ni Liam.

“Doktora, ano po ba sa ngayon ang dapat naming gawin? Ano-ano po ba ang mga kailangan ni Randy?” tanong niyang may pag-aalala.

Hinilot muna ni Doktora ang kanyang sentido bago sumagot. Mukhang pati siya ay na-stress na sa mga naging bangayan.

“Sa ngayon ay imo-monitor muna namin siya. Once na magising siya, kailangan muna namin siyang obserbahan. Doon pa lang natin malalaman kung ano ba ang mga kakailanganin para mabigyan siya ng lunas.” pagsagot naman nitong mahinahon.

Matapos iyon ay dahan-dahan akong hinarap ni Tito Ed. Lumapit pa ito sa akin ng bahagya para kausapin ng mahinahon.

“Son, alam kong napakabigat ng kinakaharap mo ngayon. Alam kong gusto mong manatili rito para personal na mangalaga sa kanya. Pero sa tingin ko, kailangan mo rin ang magpahinga.” pagsisimula niya.

Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

Ibig niya bang sabihin ay kailangan kong umalis dito? Paano ko makikita ang sitwasyon ni Liam kung aalis ako rito?

“H-hindi ko po kayo maintindihan, Tito. Gusto n’yo po bang umalis ako rito? No! Hindi ako papayag!” nauutal kong tanong at pagkontra sa kanya.

Huminga ng malalim si Tito Ed bago nagpatuloy sa pagkumbinsi sa akin.

“Nananahimik lang ako, Rigo. Pero nakikita kong ano mang oras ay bibigay ka na. Kung gusto mong maalagaan si Randy at maayos ang personal mong problema, alagaan mo muna ang sarili mo. Kailangan ay may lakas ka para masolusyunan ang lahat. At kung ano man ang magiging desisyon mo, asahan mong nakasuporta pa rin ako sa ’yo.” pagpapaintindi niya sa akin.

Hindi ako nakaimik. Aminin ko man sa hindi, may punto ang tiyuhin kong ito.

Sumabat na rin si Doktora sa pagkakataong ito.

“Tama ang tiyuhin mo, Rigo. Hindi naman sa nangingialam ako sa personal mong problema, pero hindi na kayo iba sa akin ni Randy. Sa tingin ko kailangan mong makaipon ng lakas.  Alam kong isa ka sa pinagkukunan ni Randy ng lakas. Nakita ko ’yon simula pa noon. Pero anong maaasahan niya sa ’yo kung pati ikaw napanghihinaan? Dapat ay handa ka, physically, mentally at emotionally.” una nitong paliwanag at saglit na tumigil. “’Wag ka na rin mag-alala dahil nandito naman ang pamilya niya pati na rin si Yaya Elise. Kaya for now, just leave everything to us.” mahabang payo naman nito sa akin.

Hindi ako sang-ayon sa ideyang iiwan ko si Liam. Pero nang marinig ko ang payo ni Doktora, nakikita kong may punto siya. Siguro nga ay kailangan ko munang maging handa.

Pero paano? Saan ako magsisimula?

Nasa ganoon akong pag-iisip nang muling magsalita ang ginang, ang ina ni Randy.

“Sumama ka na sa kanila, Rigo. Hayaan mong intindihin din muna namin ang sitwasyon n’yo. Sa ngayon, hindi ko ide-deny na galit ako sa ’yo. Dahil inakala naming magiging okay siya since ikaw ang nakakasama niya. But for the sake of Randy, pipilitin naming tanggapin kung ikaw ang kakailanganin niya, susubukan naming intindihin ang lahat kahit masakit.” mahinahong pakiusap sa akin nito na may halong panunumbat.

Nanghihina na ako, nahihiya na rin ako sa sarili ko. Sa halip na maayos ang malaking problema ko, nadagdagan pa ito. May mga panibagong tao na rin ang nadamay. Ngayon ay galit na rin maging ang pamilya ni Liam sa akin.

Napahikbi na lang ako na parang bata at napayuko. Lahat sika ay iisa ang opinyon, wala man lang kahit isang tao ang nagtanggol sa akin para manatili rito ako ngayon.

Nilapitan ako ni Dom at tinapik ang balikat ko ng ilang ulit.

“Nandito pa kami ni Shai, brad. Kami na muna ang bahala kay Randy hangga’t inaayos mo ang sarili mo. Sorry kung makikisang-ayon muna kami sa kanila ha? Nag-aalala lang kami sa ’yo. Masyado nang mabigat ang pasanin mo. Naniniwala akong mabibigyang solusyon ’to, pero subukan mo munang ayusin ang isa kesa naman pagsabay-sabayin mo.” payo naman sa akin ng pinsan ko.

Patuloy lang akong umiiyak nang iangat ko ang paningin ko.

Naiintidihan ko si Dom, naiintindihan ko ang gusto niyang iparating. Nais niyang unahin ko munang lutasin ang isa kong problema bago ko harapin si Liam. Kailangan ay handa ako sa oras na siya naman ang dapat kong asikasuhin.

Tumango ako ng marahan bilang pagsang-ayon kahit labag sa aking kalooban. Ginawa ko iyon habang ang mga luha ko ay patuloy na dumadaloy at nag-uunahan.

“M-magpapaalam lang ako saglit…” nahihirapan kong pakiusap sa kanila.

Tumango ang ilan sa kanila bilang pagsang-ayon.

Mula sa pagkakaupo ay dahan-dahan akong pumasok sa kwarto kung nasaan nahihimbing ang mahal ko.

Parang matutumba na ako habang papalapit ako sa kanyang pwesto. Mabuti na lang at malapit lang ang kamang kanyang hinihigaan kaya umupo agad ako sa tabi nito.

Hinaplos ko ang kanyang buhok sa bandang noo. At habang ginagawa ko iyon ay lalo lamang lumakas ang naging pag-iyak ko.

Napakahimbing ng kanyang tulog ngunit kitang-kita ko ang malaki niyang pagbabago. Bahagya siyang nabawasan ng timbang at malalim ang mga mata nito.

“S-sorry, Liam… Sorry… Sorry kung nangyari ’to sa ’yo… Sorry kung wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako… Sorry kung hindi ko narinig ang pagtawag mo sa pangalan ko… I’m sorry…” unang bahagi ng pamamaalam ko sa kanya.

“Liam… S-sorry kung iiwan muna kita saglit, ha..? Hindi rin ako magtatagal… Pangako… Babalik din ako agad… Alam mo naman, ’di ba..? Hindi kita matitiis… Saglit lang ako… At sisiguraduhin ko… S-sa oras na… sa oras na makabalik ako… wala nang makakapigil pa sa ating dalawa… Ako at ikaw na lang… Tutuparin ko ang pangako ko sa ’yong hindi na ako aalis sa tabi mo… Tatakas at magtatago tayo… Wala nang mananakit kahit na sino sa ’yo… Hindi na ako papayag na mangyari pa ’yon sa ’yo…” mahaba ko pang dugtong.

Ayaw kong gawin ang bagay na ito, ang iwan siya ngayon dito. Pero handa akong sumugal, handa akong masaktan ng paulit-ulit. Basta ang kapalit ay kami pa rin ang magkasama sa huli.

“Mahal na mahal kita, Liam… Magpakatatag ka… Babalikan kita…. Pangako ko ’yan…” huling bahagi ng pamamaalam ko sa kanya.

Matapos kong sabihin ang bagay na iyon ay unti-unti akong yumuko para halikan ang noo niya.

“See you soon, my princess… Please… Magpakatatag ka… Hintayin mo ako… Pakiusap… Hintayin mo ang pagbabalik ko…” wika ko at hinalikan ko naman ang malambot niyang pisngi ng paulit-ulit habang naglalandas pa rin ang mga luha ko.

Hindi na ako nagtagal pa. Masakit man sa aking kalooban ay mabilis ko na rin siyang tinalikuran.

Patuloy pa rin ako sa malakas na pag-iyak hanggang sa makalabas ako ng kanyang kwarto. Nang tuluyan akong makalabas ay wala na pala roon ang miyembro ng pamilya ko. Naroon na sila sa labas nitong unit at hinihintay ako. Tanging ang ina at ate ni Liam, si Doktora at si Nanay Elise na lang ang naririto.

Wala na akong binigkas pang salita. Kahit ang tingnan sila ay hindi ko na magawa dahil sa hiya.

Nalampasan ko na sila nang bigla naman akong mapatigil dahil sa biglang pagsasalita ni Nanay Elise na tahimik lang kanina.

“Rigo…” pagtawag nito sa akin.

Unti-unti ay humarap ako sa kanya. Ngayon ko lang napagmasdang mabuti si Nanay Elise at hindi ko maiwasang makaramdam muli ng panghihina. Kung nalulungkot ang lahat dahil sa nangyari kay Liam, siya na ang masasabi kong pinakanaapektuhan. Kitang-kita ko ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa luha niyang nag-uunahan.

“N-nanay Elise…” nahihirapan kong pagbigkas sa kanyang pangalan.

Mas lalo siyang umiyak habang nakatingin pa rin sa akin ng diretso.

“B-bakit..?” una niyang tanong. “Akala ko ba mahal mo si Liam..? Anong nangyari..? Anong ginawa mo sa alaga ko..? B-bakit mo siya sinaktan..? Bakit, Rigo..? Bakit..?” sunod-sunod nitong tanong at napahagulgol na sa huli.

Mabilis naman siyang nilapitan ng ate at ina ni Liam para damayan.

Naiintindihan ko kung sumbatan man ako ngayon ni Nanay Elise. Hindi ko siya masisisi dahil alam ko kung gaano niya kamahal si Liam.

“S-sorry po, Nanay… Sorry po… Hindi ko po sinasadya… S-sorry po…” iyon lang ang nasabi ko habang umiiyak din ako.

Hindi na nagsalita pa ulit si Nanay Elise. Kasunod nito ay mabilis na lang nila akong tinalikuran at pumasok na sa loob ng kwarto ni Liam.

Pinanood ko na lamang sila hanggang sa maisara nila ang pinto ng kwarto. Naiwan ako rito sa sala na patuloy na sinisisi ang sarili ko.

“Sorry…” mahina ko na namang sambit habang nakaharap ako sa pinto ng kwarto ni Liam.

Matapos iyon ay nilapitan ako ni Doktora at hinaplos ang likod ko. Hindi siya nagsasalita ngunit ramdam kong dinadamayan niya ako.

Ilang segundo pa akong nakatingin sa saradong pinto ng kwartong iyon hanggang sa magdesisyon akong tumalikod para tuluyan nang iwan ang unit na ito.

“Tara na, brad. Hayaan na muna natin sila.” pagyayang mahinahon sa akin ni Dom.

Naririto na silang lahat at hinihintay ako. Walang nagsasalita at walang nangangahas na kausapin ako. Maging si Shai ay nagpatuloy lang na umiiyak ngunit hindi niya ako matingnan ng diretso. Ramdam ko rin, kahit siya ay sinisisi ako ngayon.

Sinimulan ko nang humakbang habang nakasunod silang lahat mula sa likuran ko. Wala na ang tensyon sa buong building hanggang sa makababa kami. Tahimik na ang lahat at tila walang gulong nangyari.

“Brad, magkita na lang tayo mamaya sa bahay. Nasa parking lot nitong condo ang kotse ko. Ihahatid ko na rin muna si Shai bago ako umuwi.” paalam ni Dom nang makababa na kami nitong building.

Tanging pagtango lang ang naisagot ko sa kanya. Nang tingnan ko naman si Shai ay nakatalikod ito sa akin at sinimulan na niyang ihakbang ang kanyang mga paa.

Kasunod ang aking pamilya ay sinimulan na naming lisanin ang condo building. Malayo-layo ang kailangan kong lakarin dahil iniwan ko ang aking kotse malayo sa lugar na ito.

Tahimik lang kaming lahat na naglalakad. Ngayon ay nakatulala na lang ako at sinisimulan nang mag-isip sa mga susunod kong plano.

Tama si Tito Ed, nakakaramdam na rin ng pagod ang katawan ko dahil sa mga naganap sa akin nitong mga huli. Pero kahit gano’n, wala sa isip ko ang magpahinga. Gusto ko nang masolusyunan ang mga problemang ito sa lalong madaling panahon.

“Son, nandito ang sasakyan namin. Nasaan ang sa ’yo?” biglang tanong sa akin ni Tito Ed mula sa likod ko.

Parang wala ako sa sarili na hinarap siya. Hindi ko rin nakilala na ang kotseng nadaanan ko ay ang kotse na pala nila ni Tita.

“Nandoon po.” tipid kong sagot sa kanya habang tinuturo ang lugar kung saan ako nagpark kanina. Malapit lang pala ang pagitan ng aming mga sasakyan. Marahil ay hindi na rin sila nakadaan dito kanina dahil sa baradong kalsada.

Tumango lang si Tito Ed at sinimulan na niyang i-unlock ang kanilang kotse.

Hindi ko na hinintay pang makapasok silang lahat sa kotse. Agad ko silang tinalikuran para puntahan ang aking sasakyan.

Nang makasakay ako ng aking kotse ay nanatili pa rin ako sa pagkakatulala. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga dapat gawin para masimulan na ang pagresolba sa problema namin ni Liam.

Habang nakatulala ay natatanaw ko pa sina Tito Ed na hanggang ngayon ay nasa tapat pa ng kanilang kotse. Marahil ay hinintay muna nila akong makasakay bago sila nagdesisyong pumasok sa loob nito.

Pinagmasdan ko lamang sila. Kung paano naunang sumakay si Tita Eve na pinagbuksan pa ng pintuan ni Tito Ed. Kasunod ay si Tristan na si MJ naman ang inaalalayan.

Habang pinagmamasdan ko sila ay nangunot ang noo ko. Doon na rin may isang ideya ang pumasok sa isip ko.

Dahan-dahan kong kinuha ang aking cellphone mula sa aking bulsa habang nakatingin pa rin ako sa sasakyan nina Tito at Tita. Hinanap ko ang taong hindi man ako sigurado kung makakatulong sa akin ay susubukan ko pa ring kausapin.

“Rigo???!!! Ginulat mo naman ako! Himala yata at naalala mo pa ako?!” bungad nito nang masagot ang tawag ko.

Isang malalim na paghinga muna ang pinakawalan ko.

“Coke,” sambit ko sa kanyang pangalan.

“Ano ’yon? Alam kong walang tayo, ’no? Pero babalik ka na ba sa akin? I mean, gusto mo na bang bumalik sa pagmomodelo?” sunod-sunod nitong tanong.

Napapikit ako sa mga katanungan niyang iyon.

“Oo, Coke,” una kong sagot at saglit na tumigil. “Pero gagawin ko lang ’yon sa isang kondisyon.” sunod kong pakikipagkasundo.

“Oh, my God!! Seryoso??!! Sure! Ano ba ’yon?” tuwang-tuwa nitong pagtatanong.

Hindi na ako makakapaghintay pa. Hindi ko na patatagalin pa ng ilang buwan para lang malaman ang resulta.

Hindi ko na hahayaang tumagal pa ang ganitong sitwasyon. Kailangan ko nang kumilos at humanap ng solusyon.

“Kakailanganin ko kayong dalawa ni Vinci. Magkita tayo ngayon.” huli kong pagsagot kay Coke.


A/N

Ang hinihintay na rebelasyon ay nasa susunod na bahagi na. Iyon lang muna sa ngayon.

Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa nitong kwento.

–– cold_deee ❤

chapter 33

REMINDER: Ang istoryang ito ay naglalaman ng Romance, Comedy, Slice of Life at HEAVY DRAMA tulad ng nasa description na unang makikita bago simulan ang pagbabasa

.

Pasensiya na kung hindi ko nasagot ang ilang comments sa huling chapter. Nagconcentrate ako sa pagcompose nito at naging abala rin po ako sa loob ng isang linggo.

Salamat sa mga patuloy na nakakaintindi. ’Yon lamang po.

For you,

johnnyread

! Surprise, surprise!

––> si Rigo po sa media.


RIGO’s POV

Marahan ang ginawa kong pag-aayos sa aking buhok. Sa bawat pagsuklay ko rito ay sinasabayan din ito ng matalim kong pagtitig sa aking repeleksyon sa salaming nasa harap ko.

Matapos iyon ay pinagmasdan ko ang aking kabuuan, nakita ko rin ang nanginginig kong kamay na may hawak na suklay.

Nakakabingi ang malakas na tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang mabilis na pagragasa ng aking dugo sa loob ng katawan ko.

Dapat kong kontrolin ang sarili ko, dapat ay magtimpi ako, kailangan kong maging mahinahon sa bawat pagkilos ko.

Nasa ganoon akong posisyon nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa nito ang tiyahin ko.

“Rigo, ano na naman ba ’tong panibagong pakulo mo?!” tanong nito sa naiinis na tono.

Magsisimula na, mag-uumpisa na ang pakikipaglaban ko sa aking sarili para maisakatuparan na ang aking minimithi.

Isang malalim na paghinga muna ang aking ginawa bago ko hinarap ang aking mahal na tiyahin. Gusto kong maging mahinahon, pero kahit anong pilit ko ay hindi maalis ang galit sa aking ekspresyon.

Nang tuluyan kaming magkaharap ng aking tiyahin ay napangisi ako habang nanlilisik ang mga mata ko.

“Ang ganda mo ngayon, Tita.” papuri ko sa kanya matapos ko siyang suriin simula ulo hanggang paa.

Napakaganda talaga ng tiyahin kong ito. Lalo siyang nagmukhang bata sa suot niyang party dress. Napakaelegante niya ngayon. Hindi mo siya mapagkakamalang may binata nang anak dahil sa taglay niyang ganda.

“Tigilan mo ako sa pambobola mo, Rigo! Ang tanong ko ang sagutin mo!” paninita nito sa akin. “Bakit ka biglang nagpatawag ng special dinner ngayon?! Ano na naman ’yang tumatakbo sa isip mo?! For Pete’s sake, Rigo! Apat na araw kang nawala! Akala namin kung ano nang nangyari sa ’yo! Alalang-alala kami rito! Tapos ngayon uuwi ka at biglang magpapatawag ng dinner?! Gusto mo pa nakaformal na suot kaming lahat?! Anong kalokohan ’to?!” sunod-sunod naman niyang tanong at nasapo pa ang kanyang noo.

Tama si Tita, apat na araw. At sa apat na araw na iyon simula nang may masamang nangyari sa pinakamamahal ko ay hindi na nila ako natagpuan.

Apat na araw. Napakahabang panahon na iyon para sa akin, masyado nang matagal para lang alamin ang katotohanan.

Hindi ko maiwasang magbitaw ng pagtawa dahil sa nakikita ko sa aking tiyahin. Kitang-kita kong naguguluhan siya, bagay na mas palalalain ko pa mamaya sa oras na malaman niya ang aking ibabalita.

“Wala kang dapat ipag-alala, Tita. Ayaw n’yo ba nito? Magsasalo-salo tayong buong pamilya? Matagal-tagal na rin nating hindi nagagawa ito, ’di ba?” tanong ko sa kanya pabalik matapos kong magbitaw ng pagtawa.

Pakiramdam ko ay nababaliw na ako. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang mga ikinikilos at sinasabi ko.

“Ano ngang meron?! Hindi ka naman siguro magpapatawag ng special dinner kung para lang sa wala, ’di ba?!” tanong pa rin nito at saglit na tumigil. Tiningnan niya muna ako simula ulo hanggang paa bago siya nagpatuloy. “And look at yourself, nagpagwapo ka pa kahit gwapo ka na. Para tayong pupunta sa fashion show mo at imbitado kaming miyembro ng pamilya mo!” sunod pa nitong pagpuna sa akin habang tinuturo ang kabuuan ko.

Isang pagngisi muna ang ibinigay ko sa aking tiyahin habang nanlilisik pa rin ang aking mga mata.

“Just watch and learn, Tita. May special announcement lang ako. At sigurado ako, ikakatuwa mo ito.” sagot ko sa kanyang nakangisi at muli ko siyang tinalikuran para muling humarap sa salamin.

Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos sa aking sarili. Ang tiyahin ko naman ay saglit na natahimik sa aking likuran. Marahil ay iniisip niya ang aking salitang binitawan.

“Announcement? ’Wag mong sabihing pakakasalan mo na si MJ?” tanong nito makalipas ang ilang sandali.

Hindi ako sumagot. Ibinalik ko ang aking sarili sa pag-aayos ng aking buhok.

“Rigo, hindi kita pinipilit na pakasalan si MJ, alam mo ’yan. Alam ko naman na hindi mo siya tanggap. Pero ang gusto ko lang naman, kilalanin mo ang magiging apo ko, ang magiging anak mo.” mahinahon na nitong pakikipag-usap sa akin.

Nagbitaw na naman ako ng mahinang pagtawa dahil sa aking narinig. Unti-unti ay humarap muli ako sa kanya para mahinahong kausapin siya.

“Tita, hindi ka ba talaga makapaghintay? Kagaya ng sinabi ko, ia-announce ko naman mamaya. Malalaman mo rin kung ano ’yon. Kaya pwede bang hintayin n’yo na lang hanggang sa makarating tayo sa restaurant ng hotel?” pagkumbinsi ko sa kanya. Hanggang ngayon ay pinipilit kong ipakita ang mabuting Rigo na pamangkin niya.

Naiikot niya ang kanyang mga mata at humalukipkip pa ito. Hindi na siya sumagot at tila isa siyang bata na nagtatampo.

“Nakahanda na rin ba si Tito?” tanong ko na lang at pag-iiba ng usapan.

“Hinihintay ka na lang niyang matapos!” sagot niya at inirapan ako.

Minsan talaga ay may pagkaisip-bata ang tiyahin kong ito. Kaya hindi na ako nagtataka na mabilis itong nauto.

“E, si MJ at ang bayaw niya? Nakahanda na ba sila?” sunod kong tanong sa kanya. Matapos ko rin itanong iyon ay napahigpit ang pagkakahawak ko sa suklay na nasa aking kamay.

“Nasa baba na silang dalawa. Halos kararating lang din ni Tristan. Paulit-ulit nila akong tinatanong kung anong meron pero wala talaga akong maisagot!” padabog pa rin nitong pagsagot.

Muli akong napangisi.

“Gano’n ba? Mabuti naman. Gusto ko na rin silang makaharap. Gusto ko na rin silang makausap.” mahinahon ngunit madiin kong sagot pabalik.

Kitang-kita ko kung paano rumehistro ang pagtataka sa tiyahin ko. Alam kong marami siyang katanungan sa mga oras na ito, pero kahit anong gawin niyang pilit na mapaamin ako, desidido na rin akong hindi iyon sabihin sa mga oras na ito.

“Hintayin n’yo na lang ako sa baba, Tita. Tatapusin ko na lang ’tong pag-aayos ko.” pagtataboy ko na sa kanya.

Nagdabog na naman ang aking tiyahin at naipadyak niya pa ang kanyang isang paa.

“Bilisan mo diyan para makaalis na rin tayo! Gulong-gulo na talaga ako sa ’yo!” sambit lang nito at tumalikod na sa aking pwesto.

Hindi ko na siya sinagot, pinanood ko na lamang siya hanggang sa makalabas siya rito sa aking kwarto.

Matapos iyon ay kinuha ko ang aking cellphone mula sa bulsa ko. Apat na araw kong hindi binuksan ito. Apat na araw kong tiniis na hindi makatanggap ng tawag at balita para walang maging sagabal sa mga plano ko.

Hinanap ko ang number ng pinsan ko. Wala siya ngayon dito at alam kong tinutupad nito ang kanyang pangako na bantayan ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

“Brad?!! Pucha!! Akala namin patay ka nang gago ka!!” bungad nito sa akin. Ramdam ko ang labis niyang pag-aalala.

Kahit gusto ko nang magtanong sa mga oras na ito tungkol sa mga naganap habang wala ako ay pinigilan ko. Kahit gustong-gusto ko nang marinig ang mga pagbabago mula sa aking pinakamamahal, kailangan ko munang tapusin ang nasimulan ko.

Hindi ako pwedeng maapektuhan sa mga oras na ito. Hindi ko pwedeng sirain ang naging plano ko. Kailangan ay mabigyan ko ng hustisya ang lahat ng pagpapahirap nila sa aming pareho.

“Brad, nagpatawag ako ng special dinner ngayon. Gusto kong pumunta ka. Gusto kong nandoon ka para makisaya.” utos ko sa kanyang mahinahon.

May ilang segundo ang aking binilang bago siya nakapagsalita.

“Putngina ka, Rigo! Ano ’to, joke?! Wala ka man lang bang itatanong muna kung kamusta siya?! Kung kamusta si Randy?! Tangna ka!! Ilang araw kang nawala tapos bigla kang magpapatawag ng dinner ngayon?! Put*ngina!! Nasisiraan ka n––”

“Put*ngina ka rin, Dom!!! Wala akong panahon na magpasermon sa ’yo ngayon!! Sundin mo ang inuutos ko kung ayaw mong magkagulo tayo!!! Sumunod ka sa hotel kung saan magaganap ang dinner!! At kapag hindi ko makita ang anino mo sa lugar na ’yon, sisiguraduhin kong buburahin ko ang lahat ng tungkol sa atin simula pa nang bata tayo!! Naiintindihan mo ba?!!” pagputol ko sa kanya sa pamamagitan ng malakas kong pagsigaw.

Galit na galit na ako. Gusto kong matapos na ang lahat ng ito. At kung kinakailangang pagbantaan ko ang kanilang mga buhay ay gagawin ko para lang matuloy ang plano.

Hindi nakaimik si Dom, marahil ay nabigla sa inasal ko. Sa tagal naming magkasama, ilang beses niya pa lang nakita kung paano magalit ang pinakamahinahong taong kilala niya. At iyon ay nangyayari lamang kung ang taong pinag-alayan ko ng sampung taon ng buhay ko ang nagiging paksa.

“Kasama mo ba si Shai?” pigil sa galit ko na ngayong pagtatanong.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga.

“Nandito.” madiin niya ring sagot.

“Pakausap.” utos ko naman sa kanya.

Nagbilang ako ng ilang segundo hanggang sa marinig ko ang boses ng kaibigan naming iyon.

“What is it?” walang gana niyang tanong. Ramdam ko sa kanyang boses na ayaw niya akong makausap ngayon.

“Sumama ka kay Dom.” madiin ko pa ring utos.

“I’m busy. I don’t have time for any bullsh*t busine—” hindi niya rin naituloy.

“Wala akong pakialam sa put*nginang pinagkakaabalahan mo!! ’Pag sinabi kong pumunta ka, pumunta ka!!!” pagputol ko ring sumisigaw sa kanya.

Tulad ni Dom ay nabigla rin siya sa inasal ko dahil natahimik din ito. Hindi rin siya nakapagsalita kaya nagpatuloy ako.

Sa pagkakataong ito ay nagbitaw muna ako ng malalim na paghinga para subukang kumalma.

“Kilala mo ako, Shai. I never begged nor asked you to help me eversince. Ngayon lang! Ngayon lang ako hihingi ng pabor!! At desperado na ako to the point na handa akong pumatay!! Gusto kong pumatay, Shai!! Gusto kong maghiganti kahit sa mga taong hindi dapat madamay!!!” pagpapatuloy ko at hindi ko na naman naiwasan ang sumigaw. Nagsimula na rin mangilid ang aking mga luha habang nanlilisik ang aking mga mata.

Ilang segundo ang aking hinintay bago ko narinig ang pagbuntong hininga ni Shai sa kabilang linya.

“Fine. Send us the details.” utos nito sa akin sa mahinahong tono bago ako pinatayan ng linya.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking telepono matapos ang tawag naming iyon. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong nag-aapoy na rin ngayon ang mga mata ko.

“Relax, Rigo. Hindi ka pwedeng makapatay. May naghihintay pa sa ’yo. Hinihintay niya pa ang pagbabalik mo.” mariin kong pagkumbinsi sa aking sarili nang maipikit ko ang mga mata ko.

Mabilis ang mga paghinga ko. Kailangan kong kontrolin ang galit ko. Hindi ako pwedeng makagawa ng hakbang na maaaring maging hadlang sa orihinal kong plano.

Matapos ang ilang minutong pag-iisip at pakikipag-usap sa aking sarili ay muli kong hinanap sa aking cellphone ang pangalan ng taong makakatulong sa aking mga plano.

“Hello, Rigo..?” mangiyak-ngiyak nitong pagsagot sa kabilang linya. Ramdam ko rin sa boses niya ang pag-aalala.

“Coke,” pagtawag ko na sa kanyang mahinahon.

“Maryosep naman, Rigo! Talaga bang dapat madamay ako?! Kinakabahan ako, e! Feeling ko hindi maganda ang magiging eksena mamaya! Base pa lang sa reaction mo nitong mga nakaraan, feeling ko pare-pareho tayong mapupunta sa kulungan!” pag-aalangan nito.

Hindi ko pinansin ang mga hinaing niya. Nandito na kami, wala nang atrasan pa.

“Kasama n’yo na ba siya?” tanong ko at pag-iiba ng usapan.

“Kasi naman, e!” naiiyak nitong sambit. “Oo, nandito na siya. On the way na kami sa sinabi mong place.” sunod niyang pagsagot.

Dahil sa narinig ko ay kusang gumuhit ang pagngisi sa labi ko.

“Ihanda mo na ang kontrata ko. Pagkatapos nito, pipirma na ako para makabalik na ako sa agency.” wika ko sa madiin na tono.

“Rigo, naman… Keri lang kung ’wag ka na munang bumalik sa ngayon… Kinakabahan din kasi ako, e… Feeling ko magiging malaking eskandalo ito…” pakiusap pa rin ni Coke.

“Marunong akong tumupad sa usapan, Coke. Kaya bilang kapalit ng pagtulong niyo sa akin ni Vinci, babalik na ako sa pagmamanage mo kahit mahihirapan ako sa schedule ko.” sagot ko naman sa kanya.

Hindi na siya muli pang nakipagtalo sa akin ngunit narinig ko ang mga pagmamaktol niyang hindi malinaw sa pandinig ko.

“Si Vinci, nasa tabi mo lang ba? Pakausap nga.” utos ko naman ngayon kay Coke.

“Sandali lang…” nanghihina niyang sagot.

Saka na lang ako hihingi ng tawad kay Coke dahil nadamay pa siya sa problemang ito.

“Hello, idol?!” boses na ni Vinci ang narinig ko.

“Salamat, Vinci.” sinsero ko lang na bungad sa kanya.

“Wala ’yon, idol! Gusto ko nga ’to, e! Nami-miss ko na ang ganitong aksyon!” sagot naman niya sa masayang tono.

Napangisi ako sa kanyang sinabi.

“Hindi naman barilan ’to na parang nanonood ka lang sa sinehan,” una kong sambit. “Pero masasaksihan mo kung anong kaibahan ng galit ko sa harap ng camera at sa totoong senaryo.” madiin ko nang pagpapatuloy.

“Woah! Excited na ako, idol! Sayang nga lang at hindi na ako nabigyan ng chance para magampanan ang unang pakiusap mo!” wika naman nito sa masaya pa ring tono.

Dahil sa sinabi ni Vinci ay bahagyang napangiti ako.

“Pasensya na, Vinci.” muli kong sambit. “Pero hindi ko rin naman kakayanin na makita siyang iba ang kasama. Hindi ko kayang makita na ibang tao ang nag-aalaga sa kanya. Gusto kong ako lang. Ako lang at wala nang iba.” pagpapatuloy ko pa.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.

“Well, good luck na lang sa ’yo mamaya. Pinapaalala ko lang sa ’yo, maging kalmado ka lang kung gusto mong magkita pa kayong dalawa.” payo na nito sa akin ngayon.

Napapikit ako ng mariin.

“I’ll try.” tipid kong sagot at agad na ibinaba ang tawag naming dalawa.

Malaki ang pasasalamat ko kay Coke ganoon din kay Vinci dahil sa malaki nilang tulong. Sa loob na apat na araw na nawala ako, sila ang nakasama ko. Sa condo ni Vinci ako tumuloy habang isinasagawa ang aming mga plano.

“Kalma, Rigo. Kalma lang. Magsisimula pa lang ang palabas.” madiin ko na namang pakikipag-usap sa aking sarili.

Sinuri kong muli ang aking kabuuan sa tapat ng salamin. Inayos ko ang aking bowtie habang matalim ang aking tingin.

Nang masigurong maayos at presentable na ako ay nagpasya na akong lumabas ng aking kwarto.

Nang makababa ng aming hagdan dito sa mansyon ay nakita kong nakahanda na silang lahat at tanging ako na lang ang hinihintay.

Itinago ko ang naikuyom kong mga kamao sa bulsa ng aking pantalon nang masilayan ko si MJ at ang kanyang bayaw na si Tristan.

“Let’s go?” pagyaya ko sa kanila sa labis na nagtitimpi kong tono.

Hindi pa man sila nakakasagot ay sinimulan ko nang maglakad para sundan nila ako. Ngunit ilang paghakbang pa lang ang aking nagagawa nang tawagin ni MJ ang atensyon ko.

“R-rigo..? P-pwede bang mag-usap muna tayo..?” nauutal nitong pagtawag sa akin.

Nasa likuran ko sila kaya napapikit ako ng mariin habang nagdidikit ang aking mga ngipin.

‘Kalma. Kalma lang, Rigo.’

Paulit-ulit ko iyong sinasambit sa aking isip.

Unti-unti ko siyang hinarap at siniguro kong may ngiti sa aking labi.

“Bakit, MJ?” tanong ko sa kanyang nakangiti.

Maganda ang ayos niya ngayon ngunit napansin kong may kakaiba sa kanya. Nakapatong sa malaki niyang tiyan ang kanyang kamay na pinipisil-pisil niya. Nakita ko rin ang nerbiyos na bumabalot sa kanyang mukha.

“M-may sasabihin lang sana ako…” kinakabahan niyang pagsasalita. Nagsisimula na rin mangilid ang kanyang mga luha.

Gusto kong dumaloy na ang mga luha niyang iyon ngayon. Ngunit napag-isip-isip ko, mas maganda kung mamaya na lang mangyayari iyon.

“Pwede bang mamaya na lang ’yan, MJ? Umaandar kasi ang oras. Baka mahuli tayo sa reservation ko.” pagtanggi ko sa kanya.

“P-pero… I-importante kasi ’to… Ilang araw ka kasing nawala kaya hindi kita makausap tungkol dito…” pagpupumilit niya pa rin.

Nagdikit na ang mga ngipin ko kahit nakangiti pa rin ako.

“’Pag sinabi kong mamaya na, mamaya na. Matuto kang umintindi sa simpleng salita.” may diin kong utos sa kanya.

Hindi na siya nakapagsalita pa matapos iyon. Maging ang aking tiyuhin at tiyahin ay walang nasabi dahil sa pagtataka sa paraan ng aking pagsasalita.

Nang tingnan ko naman ang bayaw ni MJ na si Tristan ay pareho sila ni MJ ng ekspresyon sa mga oras na ito, pareho silang tila kabado dahil hindi maipinta ang mga mukha nito.

“Let’s go.” pagyaya ko na sa kanila at tinalikuran nang muli sila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at naramdaman kong nakasunod naman sila.

“Tito, Tita, sa kotse na lang po ako ni Tristan sasakay. Susunod na lang po kami sa sasakyan ninyo.” narinig kong pagpapaalam ni MJ sa tiyuhin at tiyahin ko.

“Sige, hija. Para may kasabay rin ang bayaw mo.” sagot naman ni Tita sa kanya.

Hindi ko na sila pinansin at pumasok na lang ako sa kotse ko.

’Tama ‘yan. At habang nasa iisa kayong sasakyan, simulan niyo na rin ang magdasal ng sabay.’

’Yan ang sagot ko kay MJ sa pamamagitan naman ng aking isip.

Sinigurado kong sa malapit na hotel lang ang aming pupuntahan. Bakit? Dahil gustong-gusto ko nang masaksihan kung paano ko sila makikitang miserable at kung paano ko sila iiwang luhaan.

“Dinner reservation under Rodrigo Jaime Silvestre, please.” pagkausap ko sa receptionist nang makarating kami sa hotel.

“One moment, Sir.” nakangiti namang sagot sa akin ng receptionist.

Nginitian ko lang siya pabalik. Sinimulan na niyang hanapin sa kanilang computer ang reservation ko. Kaunting pagbusisi na lang naman ang kanyang gagawin dahil maaga ko nang naiayos ito.

Matapos iyon ay saglit kong nilingon ang aking mga kasama sa aking likuran. Si Tito Ed ay kalmado lang habang hawak ang aking tiyahin sa bewang. Nang tingnan ko naman si MJ at Tristan, naroon pa rin ang ekspresyon nilang tila kinakabahan.

Napangisi ako sa likod ng aking isip.

Masyado pang maaga para kabahan. Mamaya na sana nila gawin iyon sa oras na makapasok na kami sa aming pagkukulungan.

“Mr. Silvestre, we are holding a reservation for you and the private dining is ready. May I request you to kindly verify the information we have here?” pagkumpirma na ngayon ng receptionist nitong hotel.

Saglit lang akong nagsulat sa papel na kanyang ibinigay. May mga ilang paalala at bilin lang din na naganap hanggang sa i-guide na kami sa dapat naming pasukang private dining nitong hotel.

Nang makapasok kami sa private dining ay bahagya pang nasorprea ang aking pamilya dahil napakaespesyal ng set up ng lahat. May malaking bilog na mesa at kompleto na ang gagamitin namin sa pagkain mamaya.

Pribadong dining room na rin ang napili ko ayon na rin sa kagustuhan ng espesyal na taong inimbitahan ko. Tanging kami lang ang naririto at ang servers ng kwartong ito.

“Have a seat.” utos ko sa kanila na may pilit na ngiti.

Uupo na sana sila sa napili nilang mga upuan nang pigilan ko sila.

“By the way, doon ka, MJ. Gusto kong magkatapat tayong dalawa.” utos ko sa kanya. “Kayo naman po Tito at Tita, diyan na rin po kayo sa tabi ni MJ. Ikaw naman sa kabilang tabi ni MJ, Tristan.” utos ko naman sa tatlo.

Nagkatinginan pa silang lahat dahil sa pagtataka. Ngunit sa huli, sinunod naman nila ang utos ko sa kanila.

“Ang layo mo naman sa amin, Rigo? May mga invited guests ka pa ba?” tanong ni Tita na nagtataka dahil sa mga bakanteng upuan na nasa tapat ng mesa.

Ang posisyon namin ay nasa tapat na bahagi ng aking pwesto si MJ. Si Tristan naman ay nasa kanyang kaliwa habang ang aking tiyuhin at tiyahin ay nasa kanyang kanan. Sa aking tabi naman ay may lima pang bakanteng mga upuan.

“Yeah. Paparating na rin sila.” sagot ko namang nakangiti kay Tita Eve.

Sinimulan na kaming bigyan ng menu ng mga servers. Lahat sila ay nakatingin sa menu, habang ako naman ay matalim lang na nakatingin kay MJ.

Muli ko na namang naikuyom ang aking mga kamao at naramdaman ko na naman ang mabilis na tibok ng aking puso habang tinititigan ang babaeng malaki sa akin ang atraso.

“Sir, dumating na po ang dalawa n’yo pang guests.” biglang bulong sa akin ng isang waiter.

“Papasukin mo.” seryoso ko lang na utos dito.

Ilang segundo lang ang aking binilang nang makapasok ang dalawang taong inaasahan kong darating dahil na rin sa mga pagbabanta ko.

“Hi, Mom. Hi, Dad.” bati ni Dom nang makapasok ito. Sinabayan din siya ni Shai na nagtungo sa pwesto nina Tito at Tita para halikan sa pisngi ang mga ito.

Pinakiramdaman ko lang sila ngunit hindi ko sila nagawang lingunin lalo na at nilampasan lang nila ang pwesto ko.

Lalo pang nag-init ang ulo ko dahil doon. Alam kong galit sila sa akin, pero hindi nila kayang pantayan ang galit ko sa mga oras na ito kaya dapat din silang mag-ingat sa akin.

Napansin kong hindi na gumalaw sina Dom at Shai simula nang halikan nila sina Tito at Tita sa pisngi. Nanatili lang silang nakatayo sa likuran ng aking tiyuhin at tiyahin.

Unti-unti ay inangat ko ang aking paningin hanggang sa salubungin nila ako ng matalim nilang pagtitig din sa akin.

“Upo.” utos ko sa kanilang dalawa gamit ang seryoso kong boses at ekspresyon habang itinuturo ang mga silyang nasa tabi ni Tristan.

Hindi sila tumugon, hindi rin nila pinakinggan ang utos ko dahil nanatili silang dalawa na nakatayo.

“Sabi ko, upo!!!” bigla kong sigaw sa kanila.

Hindi ko na makontrol ang galit ko. Kahit anong pagpigil ko ay lumalabas na ito ng kusa sa katawan ko.

Nakita ko kung paano naikuyom ni Dom ang kanyang mga kamao. Si Shai naman ay nagdikit ang mga ngipin at mas tumalim pa ang kanyang tingin. Ang iba namang nakasaksi ay gulat na gulat dahil sa naging pagsigaw ko.

“This way, Ma’am, Sir.” paggabay naman ng waiter sa kanila.

Sumunod naman sina Dom at Shai ngunit hindi napuputol ang masamang titigan namin. Si Dom ay naupo sa tabi ni Tristan at sinundan naman ito ni Shai. Tatlong bakanteng upuan na lang at makukumpleto na ang kaganapan.

“Um-order na kayo. Kahit anong mapili ninyo, kahit ilan ang gustuhin n’yo.” seryoso ko pa ring utos sa kanila.

Binalewala ko na ang magkakaibang ekspresyong kanilang ipinapakita. Wala rin ang nangangahas magtanong sa akin dahil nakikita na nila ang napakaseryoso kong ekspresyon habang nakatingin sa kanila.

“Are you sure, son? Baka orderin ko ang lahat ng nandito sa menu?” tanong na natatawa sa akin ni Tito Ed.

Alam kong sinusubukan niya lang pagaanin ang kakaibang sitwasyon ngayon sa amin. Sinusubukan niyang magpatawa ngunit hindi iyon umeepekto sa akin.

Bago ko sagutin si Tito Ed ay ibinalik ko ang aking tingin kay MJ.

“Yeah. Um-order kayo hangga’t gusto n’yo.” una kong sagot kay Tito. “Kumbaga sa mga bibitayin, samantalahin na nila ang huling hapunan na kanilang kakainin.” seryoso ko pang dugtong habang na kay MJ ang paningin ko.

“Rigo! Ano ba ’yang pinagsasabi mo?!” pagsaway sa akin bigla ng aking tiyahin.

Nagbitaw ako ng malakas na pagtawa dahil doon.

“Just kidding, Tita. Masyado kasi tayong seryoso!” kunwari ay pagbawi ko.

Ako lang ang tumatawa, dahil lahat sila ay may ekspresyong hindi makapaniwala.

Inangat ko ang aking palad at iminuwestra kong magpatuloy na sila sa kanilang naantalang pag-order.

“Sige na, um-order na kayo.” utos kong natatawa sa kanila.

Napailing na lang ang aking tiyuhin at tiyahin, si Dom at Shai naman ay matalim pa rin ang titig sa akin. Nang tingnan ko naman si Tristan ay para na ako nitong papatayin dahil masama na rin ang kanyang tingin, habang si MJ naman ay hindi na maipinta ang mukha at tila pinagpapawisan siya kahit malamig dito sa dining.

Matapos naming maibigay ang order sa mga waiter ay namayani na ang katahimikan. Lahat sila ay tila naguguluhan at kinakabahan.

Dahil sa aking nakikita ay natawa na naman ako ng bahagya.

“Anong bang nakakatawa? Kanina pa kami rito na parang pinagmumukha mong mga tanga!” biglang pagsaway sa akin ng pinsan kong si Dom.

Mas lumakas ang pagtawa ko.

“Wala! May naalala lang ako!” pagpapalusot kong natatawa.

“You’re crazy!” reaksyon naman ni Shai.

Napatigil ako ng bahagya.

“Oh, really? You think so, Shai?” tanong ko sa kanya. Huminto muna ako at inilagay ang aking hintuturo sa sentido ko. “Hhhmmm… I guess so. Yeah. I think I’m getting crazy. That’s why we have to celebrate! Cheers!” sunod kong sambit at inangat ang goblet na ang tanging laman ay tubig.

Huminga ng malalim si Tito Ed.

“Son, is there something you want to tell us? C’mon, spill it. We can talk about it.” nag-aalala na nitong tanong sa akin.

Natigilan ako.

Problema?

Yeah. Malaki ang problema ko. Malaking-malaki dahil nagkahiwalay kami ng mahal ko. Malaki ang problema ko dahil sa ilang taong naririto.

Sa halip na ipakita ko ang nag-uumapaw kong galit ay pinilit kong ngumiti kay Tito pabalik.

“There’s nothing to worry about, Tito. Nagbibiro lang talaga ako. In fact, may maganda talaga akong ibabalita sa inyo kaya ko kayo inimbita rito.” sagot ko sa kanya.

“Ang weird mo kasi ngayon, Rigo!” sabat naman ng tiyahin ko.

“Tita, naman. Alam ko na ’yon dati pa. Tahimik lang kasi ako, ’di ba? Kaya siguro you were all surprised na makita akong ganito kasaya.” sagot ko naman sa aking tiyahin.

Napailing na lang silang pareho.

Alam kong hindi ko sila nakumbinsi sa palusot ko. Kilala nila ako. Kahit tahimik ako, ngayon pa lang ako nagpakita ng kakaibang kilos tulad nito.

Isa-isa nang dumating ang aming mga pagkain. Sinigurado ko rin na maraming mailalapag na pagkain sa mesa kaya dinagdagan ko kanina ang mga dapat orderin.

“Teka, nasaan na ang iba mo pang guests? Hindi ba natin sila hihintayin?” tanong sa akin ni Tita.

Kunwari ay nagulat ako.

“Ah, yeah. Sandali at tatawagan ko para alamin kung nasaan na sila.” masaya ko namang sagot sa kanya.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang aking pakay.

“Hello? Where are you?” kunwari ay nag-aalala ako.

“Charotero ka, Rigo! Alam mo namang kanina pa kami rito sa lobby dahil nagtext na ako sa ’yo! Gutom na gutom na nga ako!” sagot naman ni Coke sa naiinis na tono.

“Ah, good. Mauna ka na rito.” utos ko naman sa kanyang kalmado at ibinaba na rin ang telepono.

Alam kong marami pa siyang sasabihin at irereklamo kaya pinatayan ko na agad ng tawag ito.

Ilang minuto lang ang aming hinintay nang magbukas ang pinto at iniluwa nito si Coke.

“H-hi… Good evening, ladies and gentlemen… I believe kasama ako sa dinner na ito… I believe na magkakasundo tayo… I believe na okay lang na nandito ako… I believe na hindi ako ang magiging dahilan para mawalan kayo ng gana sa kakainin ninyo… Kaya naniniwala ako, I belong to this family kahit chaka ako. And I, thank you!” mahaba at nag-aalangan nitong pagbati habang may alanganin ding ngiti.

Sinalubong ko siya at inakbayan. Kitang-kita ko naman ang pagtataka sa mga taong nasa aming harapan dahil sa biglang pagdating ni Coke.

Sa wakas ay narinig ko na ring nagsalita si MJ.

“C-coke..?” nauutal pa nitong pagbanggit sa pangalan nito.

Hindi ko na hinayaan pang sagutin siya ni Coke. Sapat na ang mahaba nitong introduction na hindi ko alam kung saan niya natutunan.

“Kilala n’yo naman siya, ’di ba? Manager namin dati ni Dom, si Coke.” pakilala ko rito. “Have a seat.” paanyaya ko naman kay Coke.

Habang akbay ko si Coke ay ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Pinisil ko na lang ang kanyang balikat para iparating sa kanyang ’wag siyang kabahan dahil kakayanin namin ito.

Nang makaupo na kami ay inihanda ko na ang sarili ko. Ngayon ko na opisyal na sasabihin ang totoong dahilan kung bakit ko silang lahat dinala rito.

Tiningnan ko si Coke at ipinarating ko sa aking tingin ang kanyang dapat gawin. Tumango naman siya ng marahan bilang pagsagot sa akin. Nasaksihan ko kung paano niya kinuha ang kanyang cellphone para kontakin ang natitirang bisita na wala pa ngayon dito. Ginawa niya iyon para mapakinggan ng taong iyon ang nagaganap ngayon sa amin dito.

Matapos iyon ay sumandal ako sa aking upuan at inilagay ko pa ang dalawa kong kamay sa arm rest nito. Para akong isang hari na ngayon ay nakaupo sa trono habang nakade-kwatro sa ilaim ng mesa ang mga binti ko.

“Since naririto na ang ilang mahahalagang tao sa akin, may gusto sana akong i-announce sa inyo.” panimula kong nakangiti.

Lahat sila ay natigilan sa pagkilos. Lahat sila ay nilingon ako at naghintay sa pagpapatuloy ko.

“As we all know, hindi naging maganda ang mga kaganapan simula nang matuklasan kong magiging ama na ako.” pagpapatuloy ko at saglit na tumigil. “I must admit, naging padalos-dalos ako at hindi inisip ang kapakanan ng magiging mag-ina ko,” sunod kong pagbanggit.

Lahat sila ay nangunot ang noo. Lahat sila ay nagtataka sa mga katagang binibitiwan ko.

“And I want you to know na pinagsisisihan ko ang lahat ng iyon. Gusto kong itama ang mga pagkakamali ko. Gusto ko nang tapusin ang hindi magandang simula ng lahat ng ito.” pag-aanunsiyo ko.

Isa-isa nilang nilingon ang bawat isa habang may pagtataka sa kanilang mga mukha. Nang tingnan ko naman sina Dom at Shai ay nakatingin na lamang sila ng tuwid sa tapat ng mesa. Pareho silang salubong ang kilay at parehong mababasa ang galit sa kanila. Tila may ideya na sila sa susunod kong mga salita.

Dahan-dahan kong tiningnan ng tuwid si MJ. Nang magtagpo ang aming mga mata ay ibinigay ko ang pinakamatamis kong ngiti sa kanya.

“Ikaw ang ina ng magiging anak ko, MJ. Kaya para maituwid ang mga pagkakamaling nangyari, gusto kong maging opisyal na tayo.” wika kong nakangiti.

Lahat sila ay nilingon ako dahil sa pagkabigla maliban lang kay Coke na hanggang ngayon ay balisa.

“A-anong ibig mong sabihin?” nauutal na tanong sa akin ni MJ.

Mas lumapad ang pagkakangiti ko sa kanya. Ilang segundo rin ang aking pinalipas hanggang sa magpatuloy ako sa pagsasalita.

“Gusto kitang pakasalan, MJ. Gusto kong makasal na tayo sa lalong madaling panahon.” tuluyan ko nang paglilinaw at pag-anunsiyo.

Isang malakas na paghampas sa mesa ang bumulabog matapos kong sabihin ang aking plano.

“The f*ck, Rigo?!!” hindi napigilang reaksyon ng pinsan kong si Dom matapos hampasin ang mesa sa aming harapan.

“Napakasama mo!!” sumbat naman na galing sa kaibigan kong si Shai.

“Hey, kids. Please, calm down. Hayaan n’yong patapusin natin siya.” malumanay naman na pagsaway ni Tito Ed sa kanila.

Nginisian ko ang aking pinsan at aking kaibigan.

“What you heard is right. Gusto ko siyang pakasalan,” pagkumpirma ko. “At kung tatanungin ninyo kung bakit, hayaan n’yong sagutin ko kayo. Gusto kong maging legitimate ang bata. Dahil sa akin siya nanggaling, gusto kong ako ang kikilalanin niyang ama at dadalhin niya ang aking apelyido hanggang sa lumaki siya.” sunod ko pang pagbubunyag.

“Paano na si Randy?!! Hindi mo ba alam kung anong nangyayari sa kanya?!! Gano’n na lang ba ’yon, Rigo?!!” galit na galit na tanong ni Dom.

“Alam ko,” kalmado kong tugon. “Kaya nga inaayos ko ito.” dugtong ko pa habang nakangiti.

Nasaksihan ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao habang galit na galit ang ekspresyon nito.

Matapos iyon ay mabilis na tumayo si Shai mula sa kanyang upuan.

“This is sh*t! Sinasabi ko na nga ba, magsasayang lang ako ng oras dito!” sambit nito sa gigil na gigil na tono.

Akmang aalis na siya sa lugar na ito nang umalingawngaw ang boses ko sa buong kwarto.

“Walang aalis dito, Shai!! Bumalik ka sa upuan mo!! ’Wag mo akong bastusin lalo na at hindi pa ako tapos sa sasabihin ko!!” sigaw ko na ngayon sa kaibigan ko.

“Para ano pa?! Para marinig ko ang iba mo pang announcement na basura?!” tanong nito pabalik.

Hindi ko tinugon ang tanong niyang iyon.

“Uupo ka ba o gusto mong balatan kita ng buhay kahit kaibigan pa kita?!” pagbabanta ko sa kanya habang nanlilisik pa rin ang aking mga mata.

“Rigo! Stop it!” pagsaway sa akin ni Tita Eve.

Wala na talaga akong makilala sa mga oras na ito. Kahit matalik na kaibigan ko pa ang nakakabangga ko o kahit ang pamilya ko, handa kong saktan dahil sa labis na galit ko.

Muling nagsalita si Tita Eve dahil hindi ko siya sinagot. Nanatali na lang kasi kaming nagtititigan ni Shai ng matalim.

“Hija, sige na, maupo ka muna. Hayaan nating matapos si Rigo. I’m sure may mga gusto pa siyang sabihin kaya gusto niyang nandito tayo.” mahinahong pakiusap nito kay Shai.

“Sige na, hija, please? Gawin mo na lang ito para sa amin.” pakiusap na rin ni Tito Ed sa kanya ngayon.

Napangisi ako sa likod ng aking isip. Mukhang sa pagkakataong ito ay magiging kakampi ko ang langit.

Matagal na hindi gumalaw si Shai, ngunit makalipas ang ilang sandali ay nagbalik din siya sa pagkakaupo at padabog niyang ginawa iyon.

“Thank you.” nakangiti ko na namang sambit.

Alam kong nababaliw na ako sa paningin nila dahil sa pabago-bagong ekspresyon at ikinikilos ko. Pero tama sila, nahihibang na talaga ako. At sa sobrang pagkahibang ko, gusto ko nang kumitil ng buhay ng tao.

Unti-unti kong ibinalik ang tingin ko kay MJ habang suot ang pagkakangiti ko.

“So, what can you say, MJ? Pumapayag ka bang pakasalan ako?” tanong ko sa kanya.

Mukhang hindi siya makapaniwala dahil nanlalaki ang kanyang mga mata.

Dahan-dahan ay nilingon niya ang kanyang bayaw na si Tristan na makikitaan mo ngayon ng pag-aalala. Kung pagmamasdan sila ay tila nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

Matapos ang kanilang tinginan ay muli akong nilingon ni MJ.

“S-sigurado ka ba sa sinasabi mo, Rigo?” tanong niyang nauutal sa akin.

Tumawa ako ng bahagya.

“Oo naman! Ano? Pumapayag ka na ba?” tanong ko sa kanyang natatawa.

Muli niyang nilingon ang kanyang bayaw na ngayon ay biglang natulala. Matapos iyon ay ibinalik niyang muli ang tingin sa akin na tila nag-aalala.

“H-hindi ba pweden––” hindi nito naituloy.

“Oo lang ang sagot, MJ!!” sigaw ko sa kanya. “Ito naman ang gusto mo, ’di ba?! Bakit parang nag-aalangan ka?! Oo lang ang dapat na isagot mo!! Oo lang at wala nang iba!!!” utos ko pang pasigaw.

Biglang sumingit ang bayaw niya.

“Kailangan mo ba siyang sigawan? Kanina ka pa, pare! Akala mo kung sino ka! Sa pinapakita mong ganyan, Rigo, sa tingin mo ba hahayaan ko pang mapunta si MJ sa ’yo?!” mahabang pagsaway nito sa akin.

Pinanlisikan ko ng mata si Tristan.

“Pinagsasalita ba kita?! Sa pagkakaalala ko, bayaw ka lang niya, ’di ba?! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, gago! Saka bakit ka nakikisali sa usapan namin?! Kung maging asawa ko man si MJ, wala ka na ro’n! Bayaw ka lang! Hindi ka kadugo!!” bulyaw ko rin sa kanya. Saglit akong tumigil para huminga ng malalim at ngumisi sa kanya. “Ikaw ba ang ama ng bata kaya ganyan ka kung kumontra? Bayaw ka lang niya, ’di ba? Bayaw ka lang niya na sa pagkakaalala ko ay asawa ng nag-iisang kapatid niya.” sunod kong pang pagsasalita na may halong pangungutya.

Dahil doon ay natigilan si Tristan. Nang tingnan ko naman si MJ ay nanlalaki na rin ang kanyang mga mata.

“Rigo! Ano ba ’yang mga pinagsasabi mo?! Mahiya ka naman sa kanila!” pagsaway na naman ng aking tiyahin.

Hindi ko pinansin si Tita. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay MJ.

“Ano na, MJ? Lumalamig na ang pagkain. Simpleng oo lang na sagot ang tagal mo pang sabihin! Hihintayin mo pa talaga akong magwala?!” pagtawag ko sa kanyang atensyon.

Mas lalo na siyang hindi mapakali ngayon.

“Sagot na. Isa!” binilangan ko na siya.

“Dalawa!” sunod ko pang pagbibilang.

“Tat––”

“O-oo na. P-pumapayag na ako, Rigo!” pagputol sa akin ni MJ na mas naging kabado.

Biglang gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Wala na, tuluyan na yata talaga akong nasiraan ng ulo.

“Talaga?” nakangiti ko na ngayong reaksyon. “Kung gano’n, mamamanhikan na rin ako! Gusto ko kasing maikasal na tayo sa lalong madaling panahon!” ganado ko pang dugtong.

Bigla na naman sumingit ang tiyahin ko. Naihilot niya ang kanyang sentido at napailing pa ito.

“God! Hindi na kita maintindihan, Rigo. Naninibago na talaga kami sa ’yo.” reaksyon niyang nanghihina dahil gulong-gulo na ito.

Hindi ko pa rin pinansin ang hinaing ng aking tiyahin.

“At kapag mamamanhikan, dapat ay may miyembro rin ng pamilya mo ang naririto.” muli kong pagsasalita habang masaya ang ekspresyon ko.

Nangunot na naman ang kanilang mga noo dahil sa pagtataka.

Hindi ko na hinintay pang makapagsalita sila. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo para pagbuksan ang aking bisita na alam kong nasa labas na ngayon ng kwartong ito.

Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay sinalubong ako ng napakagandang binibini na kailan ko lang nakilala. Sopistikada ito at napakaganda. Lalo pang bumagay sa kanya ang suot niyang dress na kulay pula.

“Welcome to my engagement party, Jamie.” bati ko sa kanyang nakangiti at hinalikan ito sa pisngi.

“Thank you, Rigo.” sagot lang naman nito sa akin ng tipid.

Kasunod nito ay binati naman ako ng lalaking ume-escort sa kanya.

“Congrats, idol!!” bati nito at niyakap pa ako.

“Salamat, Vinci.” sagot ko lang sa kanyang nakangiti. “Please, come in.” dugtong ko namang pag-imbita sa kanila.

Nang makaharap namin ang mga taong nasa tapat ng mesa ay nasorpresa ako sa aking nakita.

Si MJ ay biglang napatayo ganoon din si Tristan na bayaw niya.

“J-jamie..?” gulat na gulat na reaksyon ni Tristan.

Kasunod naman na nagsalita ay si MJ na ngayon ay namumutla.

“A-ate..?” reaksyon niyang gulat na gulat habang nakatingin sa aking bisita.

Ngumiti si Jamie sa kanilang dalawa.

“Kamusta ang aking mahal na asawa? Hindi ko ine-expect na dito kita makikita.” nakangiti niyang tanong kay Tristan.

Hindi nakapagsalita si Tristan. Bahagya pa nitong naibuka ang kanyang bibig habang pinagpapawisan.

Kasunod na binalingan ng aking bisita ay ang babaeng aking pakakasalan. Itinaas muna ni Jamie ang kanyang isang kilay at humalukipkip pa siya.

“At kamusta ang pinakamamahal kong kapatid? Kamusta ang nag-iisa kong kapatid na kasama ko na simula pa nang magkaisip siya?” tanong nito kay MJ.

Walang nakapagsalita sa mga taong nasa harap ng mesa. Nagkakatinginan lamang sila habang nagtataka dahil sa pagdating ng aking bisita.

Ang kaninang galit sa aking loob ay napalitan na ngayon ng saya at excitement. Simula na ng pinakaaasam kong eksena.

“A-anong ginagawa mo rito, Ate..?” gulat na gulat pa rin na tanong ni MJ.

Nakapagbitaw ako ng malakas na tawa dahil doon.

“Tsk! MJ, naman! Ayaw kong magkaroon ng tanga at bobong asawa! Gusto ko, matalino ang aasawahin ko! Attracted ako sa matatalino!” sambit kong natatawa. “Kakasabi ko lang kanina, ’di ba? Namamanhikan ako kaya nag-imbita ako ng miyembro ng pamilya mo!” sunod ko pang paglilinaw.

Ang inaasahan ko ay ipagtatanggol na naman ni Tristan si MJ tulad ng lagi nitong ginagawa sa tuwing pagsasabihan ko ito ng hindi magagandang salita, pero nang tingnan ko siya ay sunod-sunod lang ang mga paglunok niya.

“Nasorpresa ko ba kayo dahil sa bisita ko? ’Wag kayong mag-alala, marami pa akong surprises para sa inyo!” masaya ko pang pagsasalita.

Walang nasabi sina MJ at Tristan. Mukhang tinakasan na sila ng sarili nilang kaluluwa sa katawan.

Sumingit ang tiyahin ko sa pagkakataong ito.

“R-rigo, what’s going on?” tanong niyang naguguluhan.

Hindi ko pinansin ang kanyang katanungan. Muli kong ibinalik ang aking atensyon kay Jamie na alam kong nanlalamig na rin ang buong katawan.

“Let’s go? Have a seat, Jamie.” pag-imbita ko sa kanya. Sinenyasan ko na rin si Vinci na ngayon ay suot ang nakakaloko niyang mga ngiti.

Iginaya ko si Jamie na umupo sa aking tabi. Sumunod naman na umupo si Vinci sa tabi ni Coke.

Nang makaupo na rin ako ay natawa ako ng bahagya dahil si MJ at si Tristan ay nanatili pa rin sa kanilang pagkakatayo.

“Oh? Bakit parang nakakita kayo ng multo? Tinakasan na kayo ng kaluluwa ninyo? Put*ngina. Meron ba kayong kaluluwa? Akala ko, wala?” tanong kong mapangutya.

Halatang kabado si Tristan ngunit sinubukan nitong magsalita.

“A-anong pinaplano mo?” nauutal nitong tanong sa akin.

Nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa katanungan niyang iyon. Nagsimula nang mag-apoy ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya.

“Nagsisimula pa lang ako, Tristan. Nagsisimula pa lang tayo sa sinimulan ninyong laro.” madiin at seryoso kong pagsagot sa kanyang katanungan. Sunod ay hinarap ko si Jamie na ngayon ay nananahimik sa tabi ko. “Right, Jamie?” nakangiti kong tanong dito.

Nakikita kong kabado rin siya ngunit pinilit nitong ngumiti.

“Right.” maikli niya lang na tugon habang nakangiti.

Naging mabilis ang paghinga ni MJ at Tristan. Ang amin namang mga kasama ay salitan lang kaming tinitingnan. Maging sina Dom at Shai ay nag-iba na rin ang mga ekspresyon. Ang kanina nilang galit ay napalitan na ng pagtataka ngayon. Matatalino sila kaya alam nilang may mga kaabang-abang na mangyayari mayamaya lamang.

Magsasalita na sana akong muli nang biglang magsalita si Tristan na halatang kinakabahan.

“J-jamie, I think we should go. Naghihintay na ang anak natin.” nauutal na pagyaya nito sa kanyang asawa na nasa tabi ko.

Narinig kong biglang natawa si Jamie. Sunod ay nilingon niya ang kanyang asawa habang nakataas ang isang kilay niya.

“Ang ganda naman ng salubong ng magaling kong asawa? Ni hindi mo nga ako binati kanina noong makapasok ako rito. Hindi ka rin ba magtatanong kung bakit dito ako umupo at hindi sa tabi mo? Ako ang asawa mo. Hindi ba dapat iimbitahin mo akong tumabi sa ’yo?” tanong nito kay Tristan habang nakangisi.

Nagsimula na. Sinimulan na ni Jamie ang pagpapakita sa unang beses ng itinatago niyang galit sa dalawa.

Tila ba natauhan si Tristan, ngayon niya lang naalala ang bagay na iyon dahil sa kabang kanyang nararamdaman.

Nagpatuloy si Jamie sa kanyang pagsasalita. Ngunit bago niya iyon ginawa ay salitan niya munang tiningnan ang kanyang kapatid at asawa.

“Nagtataka kayo kung bakit nandito ako?” tanong nito sa kanila. “Hindi ba dapat ako ang magtaka kung bakit magkasama kayo? Kung bakit hindi nagpaalam ang asawa ko kung saan siya pupunta? At kung bakit kasama ng asawa ko ang kapatid kong matagal nang hindi sa amin nagpapakita?” sunod-sunod pa nitong tanong.

Biglang sumingit si MJ na ngayon ay naluluha na. Kitang-kita na rin namin ang panginginig ng buong katawan niya.

“A-ate… P-please.. l-let me explain…” nauutal nitong pakiusap kay Jamie at pumatak na ang kanyang mga luha.

Mas ngumisi naman si Jamie sa kanyang kapatid bago ito binalingan.

“Sure, my dear sister! Pero gusto kong umupo muna kayo ng asawa ko. Gawin nating masaya ang reunion na ’to dahil matagal din tayong hindi nagkita na magkapatid, ’di ba? Matagal mo kaming pinagtaguan ng sarili mong pamilya. Masyado mo kaming pinag-alala. Simula noong i-announce mong nagbubuntis ka at sinabi mong pupuntahan mo ang ama ng batang dinadala mo, hindi ka na umuwi sa bahay natin. Bakit nga ba?” sunod-sunod pa ring pagsasalita ni Jamie.

Sumingit na naman ang magaling kong tiyahin.

“Jusko! Nahihilo na ako! Ano ba talagang nangyayari?” naguguluhan na nitong tanong sa amin.

Narinig ko naman ang mahinang bulong ni Coke sa aking tabi.

“Panginoon ko, nananahimik ang buhay ko… Paano ba ako nasangkot sa magulong buhay ng pamilyang ito..?” sambit nitong mangiyak-ngiyak.

Nagulat ang lahat nang biglang humagulgol ng iyak si MJ.

“Ate, please..?!! Sa ibang lugar na lang natin ’to pag-usapan..! ’Wag dito… Nagmamakaawa ako sa ’yo…” pakiusap nito kay Jamie.

Sa pagkakataong ito ay sumingit na ako.

“Bakit, MJ? Bakit sa iba pa?! May bagay ba kaming hindi pwedeng malaman kaya umiiwas ka?!” tanong kong seryoso sa kanya.

Si Tristan na ngayon ang nagsalita.

“Pare, please… Nakikiusap na ako. Baka pwede pa natin maayos ’to?” kinakabahan na rin nitong pakiusap sa akin.

Si Jamie naman ang sumagot sa pakiusap ng asawa niyang iyon.

“Mamili kayo. Dito tayo mag-uusap, o sa lugar kung saan kaharap na natin ang kanya-kanya nating abogado? Or para mas maging mabilis ang proseso, didiretso na tayo sa presinto?” tanong nito sa dalawa.

Hindi nakapagsalita si MJ at Tristan. Mas makikitaan na rin ng takot ang kanilang mga mata.

“Upo!” madiin kong utos sa dalawa.

Hindi sila kumilos na dalawa sa kabila ng utos kong iyon.

“Upo!!!” sigaw ko na sa kanila.

Ilang segundo ang aming binilang hanggang sa sumunod sila habang nanginginig ang kanilang mga katawan.

Nang tuluyan silang makaupo ay sumingit na sa pagkakataong ito si Dom na sinusubukang magpakahinahon.

“Nagkaka-idea na ako kung anong nangyayari. Kung ako sa inyong dalawa, simulan n’yo nang magsalita bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko.” pagsingit nito habang nakakuyom ang mga kamao sa ibabaw ng mesa.

Hindi ko pipigilan ang pinsan ko. Pero ’pag ginawa niya iyon, gusto kong kasama niya ako dahil sagad sa buto ngayon ang galit ko.

“Mas maganda siguro kung nagkekwentuhan tayo habang kumakain. Ano sa tingin n’yo?” kunwari ay kalmado kong utos sa lahat.

Walang nagtangkang kumilos sa sinabi kong iyon. Lahat sila ay naguguluhan at naghihintay sa magaganap sa amin ngayon.

Nagsalita na rin si Shai sa pagkakataong ito.

“’Wag na nating subukang pagaanin pa ang sitwasyon.” madiin nitong panimula at nilingon si MJ. “MJ, anong meron? Bakit kailangan mong umiyak ng ganyan sa harap namin? May dapat ka bang sabihin? May dapat ba kaming malaman?!” madiin pa nitong dugtong habang pinapatay ng kanyang tingin si MJ.

Tanging sunod-sunod na pag-iling lang ang naisagot ni MJ habang lumuluha ito.

Dahil sa tensyon ay sumingit na ang tiyuhin ko.

“Kids, ako ang pinakamatanda rito. Pilit kong iniintindi ang lahat. Pilit kong ginagawang kalmado ang sarili ko dahil gusto kong maging maayos ito. Please, ayaw ko ng eskandalo. Kaya hangga’t maaari sana, ayusin natin ito sa mahinahong paraan.” mahaba nitong pakiusap.

Hindi ako sumagot, ngunit paulit-ulit na akong humihingi kay Tito ng kapatawaran.

Pasensyahan na lang, Tito. Pero alam ko, minuto lang ang bibilangin ko para mailabas ang lahat ng galit ko.

Ngumiti si Jamie sa aking tiyuhin saka ito nagsalita.

“Pasensya na po kayo kung hindi naging maganda ang pagpasok ko at pagkakakilala natin, Mr. Silvestre. Pero makakaasa po kayong magiging mahinahon ako sa kabila ng malaking epekto sa akin ng mga mangyayari. Hindi ko rin po gusto ang eskandalo. Kaya nga po hiniling ko kay Rigo na ’wag nang mag-imbita ng media tulad ng una niyang plano para i-announce ang engagement party niyang ito. Isa pa, ayaw kong mas lalong maeskandalo ang buong pamilya ko.” mahinahong pagkausap nito kay Tito.

“Media? Teka, bakit may media pa?!” tanong naman ng aking tiyahin.

Ako na ang nagsalita sa pagkakataong ito habang nagdidikit ang mga ngipin ko.

“Para mas maganda sana ang ganap. But since I have to consider Jamie’s request, pinagbigyan ko siya.” sagot ko kay Tita.

Naihilot ni Tita ang kanyang sentido.

“Jusko, naguguluhan na talaga ako.” sambit lang nito at nilingon si MJ. “Hija, ano ba talagang nangyayari? And please, tumigil ka na sa pag-iyak. Makakasama ’yan sa apo ko.” pakiusap nito sa kanya.

Natawa si Jamie sa aking tabi.

“Apo n’yo po, Madame Silvestre? Paano n’yo po maging apo?” tanong nitong natatawa sa aking tiyahin.

Binalingan naman siya ng unti-unti ni Tita Eve habang nakakunot ang kanyang noo.

“Anak ng pamangkin ko ang dinadala niya. Natural, apo ko ang batang nasa sinapupunan niya.” kaswal naman na sagot ni Tita habang nakataas pa ang isang kilay niya.

Dahil sa aking narinig ay hindi ko rin napigilan ang matawa. Ngayon ay dalawa na kaming tumatawa ni Jamie na sinasabayan na rin ni Vinci.

Lalo nang naguluhan ang ilan dito sa hapag-kainan. Sina Tristan at MJ naman ngayon ay hindi na mapakali.

Muling nagsalita si Jamie sa aking tabi.

“Let me tell you a short story. A story about a woman who truly loves her sister and her husband.” wika nito habang nakangisi.

Pumalakpak ang gunggong na si Vinci.

“Game!” sambit ni Vinci habang malawak ang pagkakangiti.

“Tumahimik ka nga!” pagsaway naman sa kanya ni Coke.

Ngayon ako napapaisip kung bakit isinama ko pa ang dalawang ito. Pero hindi na bale, nandito na ’to kaya wala na akong magagawa pa.

Sisimulan na sanang magsalita ni Jamie ngunit agad itong pinigil ni Tristan.

“Hon, please? Umuwi na tay—”

“Shut up, Tristan! ’Wag na ’wag mo akong matatawag na ganyan!” pagputol ni Jamie sa kanyang asawa na namumutla.

“Ate… Parang awa mo na… Sa iba na lang natin ’to pag-usapan…” pagmamakaawa naman ni MJ sa kanyang kapatid.

Gumuhit ang pagkamangha sa mukha ni Jamie.

“MJ, wala pa akong sinisimulan. Bakit parang tensyonado ka na?” tanong niyang mapangutya kay MJ.

“Ate, please…? Parang awa mo na…” muling pakiusap ni MJ habang lumuluha.

Rumehistro ang galit sa mukha ni Jamie.

“Bakit? Ayaw mo bang malaman nila kung gaano ka kawalang-hiya? Kung paano mo inahas ang sarili mong kapatid? Kung paano mo sinamantala ang kabaitan ng ibang tao? Kung paano mo sila isinama sa kahihiyan mo?” sunod-sunod pa rin na tanong ni Jamie.

“Ate, nagmamakaawa ako… ’Wag mong gawin sa akin ’to…” sagot pa rin ni MJ pabalik.

Lalong gumuhit ang galit sa mukha ni Jamie. Pinanlisikan niya ng mata ang kanyang kapatid at asawa.

“Awa?! Sana naisip mo ’yan bago ko pa kayo nabuko! Sana nag-isip ka kung tama ba ang ginawa mong pagpatol sa asawa ko! Sana nagdalawang-isip ka muna bago ka nagpabuntis sa sariling bayaw mo!!!” pagbubunyag ni Jamie.

Lahat ay natigilan. Lahat ay natahimik dahil sa kanilang mga narinig.

Hindi ito ang inaasahan kong uri ng pag-anunsiyo ni Jamie. Marahil ay masyado na siyang nadala ng kanyang emosyon kaya sa ganito ito nauwi.

Pero dahil nandito na ito, ipagpapatuloy na lamang namin ito.

Umalingawngaw ang malakas na pag-iyak ni MJ sa buong kwarto.

Muling nagsalita si Jamie ngunit pilit na nitong kinokontrol ang kanyang sarili.

“Nagulat ka ba, MJ, dahil kaya ko itong sabihin sa harap nila? Ano bang akala n’yo sa akin, tanga? Akala n’yo ba habang-buhay na lang akong mananahimik sa relasyon ninyong dalawa? Na hindi ko kayang idetalye sa lahat na sa bawat pagkakataong wala ako, nandoon ka rin sa mismong kwarto namin ng asawa ko at gumagawa kayo ng milagro? Ginagamit mo pa ang anak namin para magkalapit pa kayo?” madiin na pagtatanong ni Jamie.

Sa totoo lang ay gusto ko nang tumayo rito para simulan na ang magwala, pero dahil sa naging pakiusap sa akin ni Jamie na siya muna ang magsasalita ay pinigilan ko muna ang aking sarili.

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa putulin ng aking tiyahin ang aming pananahimik. Namumutla na ito ngayon habang nanlalaki ang mga mata dahil sa kanyang mga narinig. Dahan-dahan niyang nilingon si MJ sa kanyang tabi at hinawakan pa ito sa pisngi.

“H-hija… M-magsalita ka… H-hindi totoo ang sinabi ng ate mo, ’di ba..? Anak ni Rigo ’yang bata at apo namin ’yan ni Tito Ed mo, ’di ba..?” nanghihinang pagtatanong ni Tita.

Hindi nakasagot si MJ. Naitakip lamang nito ang kanyang palad sa kanyang mukha habang patuloy na umiiyak ng malakas.

Nagulat ang lahat nang biglang magsalita si Tristan gamit ang nanginginig niyang boses.

“H-hindi ’yan totoo. H-hindi ako ang ama ng batang dinadala ni MJ kundi si Rigo.” nauutal na pagtanggi nito habang nakatulala.

Tatayo na sana ako habang nakakuyom ang mga kamao ko. Ngunit bago pa iyon nangyari ay nakita na lang naming lahat si Tristan na nakasalampak sa semento dahil nakatanggap ito ng malakas na suntok mula sa pinsan ko.

“Putngina n’yo!!!! Sinira n’yo ang buhay ng pinsan ko!!! Sinira n’yo ang buhay ng kaibigan ko!!! Pagbabayaran n’yo ’to!!! Papatayin ko kayo, mga putngina n’yo!!!” sunod-sunod na pagsigaw ni Dom habang patuloy na sinusuntok si Tristan na nakahiga na ngayon sa semento.

Nagkagulo na kaming lahat. Napatayo na kami maliban na lamang kay Tita Eve na ngayon ay nakatulala na lang sa mga oras na ito.

Akmang lalabas na ang dalawang server nitong hotel para siguro magreport sa kanilang head nang pigilin ito ni Vinci.

“Subukan n’yong lumabas dito! Isusunod ko ang mga buhay ninyo! Ako ang papatay sa inyo!!” pagbabanta nito sa dalawang waiter. “Doon kayo sa isang sulok!!! Umupo lang kayo!!!” sunod pa nitong utos habang tinututukan niya ng steak knife ang dalawang waiter.

Agad naman siyang sinunod ng mga takot na takot na waiter.

“Dom, tama na, please?!!!” sigaw ni MJ habang inaawat na ngayon ang aking pinsan na patuloy ang pagsuntok kay Tristan.

Tumigil si Dom sa pagsuntok kay Tristan na ngayon ay nakabulagta na lang. Nasaksihan ko ang nag-aapoy na tingin ni Dom kay MJ. At base sa tingin niyang iyon, alam kong makakapatay na siya ngayon.

Ang ginawa ko?

Napangisi lang ako.

Nagbubunyi ako sa mga oras na ito dahil gusto ko nang mamatay ang dalawang taong ito. Ang dalawang tao na sumira sa buhay namin ng mahal ko. Ang dalawang tao na naging malaking balakid sa buhay namin ni Liam.

Nakita ko kung paano pinuntirya ng mga mata ni Dom ang tiyan ni MJ. Nanlaki ang mga mata ni MJ nang masaksihan niya kung paano inangat ni Dom ang kanyang kamao para suntukin ang tiyan nito.

“Dominic!!”

“Dom, ’wag!!!!”

Sabay iyon na pag-awat mula kina Tito Ed at Shai.

Natigilan naman si Dom. Naginginig ang kanyang brasong nakaangat na susuntok sana sa tiyan ni MJ.

“Walang kinalaman ang bata, Dom!! Wala siyang kasalanan!! ’Wag mo siyang idamay!!!” utos ni Shai sa kanya.

“Son, huminahon ka!! Makakapatay ka!! Makukulong ka!!” sigaw naman ni Tito Ed.

Mabilis ang mga paghinga ni Dom habang kinokontrol ang kanyang sarili.

Dito na ako kumilos sa pagkakataong ito. Naglakad ako patungo sa pwesto ni MJ at hinila ang buhok nito.

“Upo!!!” sigaw ko rito habang kinakaladkad para makaupo sa dati niyang pwesto.

Papatayin ko siya! Papatayin ko ang babaeng ito! Siya ang dahilan kaya nawala sa katinuan ang mahal ko!

“R-rigo… Patawarin mo ako… Hindi ko sinasadya… Naguluhan lang ako… Hindi ko alam na aabot sa ganito… Maniwala ka… Ito ang bagay na gusto kong sabihin sa ’yo kaya gusto kitang makausap kanina…” pagmamakaawa ni MJ habang inaawat ang kamay kong mahigpit ang kapit sa buhok niya.

“Ano pang hindi ko alam, MJ? Ano pang hindi mo nasasabi bukod sa hindi ako ang ama ng batang dinadala mo?!” pigil sa galit ko pa ring pagtatanong sa kanya habang nakayuko.

Tanging malakas na pag-iyak lang ang naisagot nito.

“Sagot!!!!” mas malakas ko nang pagsigaw habang nanlilisik ang mga mata ko. Mas hinigpitan ko rin ang pagkapit sa kanyang buhok.

Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa takot.

Dapat lang. Hindi niya pa nakikita ang totoong galit ko dahil marami pa akong gustong alamin.

“Maniwala kayo… H-hindi ko rin ginusto… H-hindi ko alam na may gano’ng sakit si Randy… Hindi ko alam na kaya gano’n ka na lang magmalasakit sa kanya ay dahil may matindi siyang sakit… K-kung nalaman ko lang sana agad, hindi ko na sana itinuloy…” pag-amin nito.

“Ano pa?!!” utos ko na naman sa kanya at hinila kong muli ang buhok niya.

“Son, h-huminahon ka, please?” nauutal na pakiusap sa akin ni Tito Ed.

“No!!! Hangga’t hindi sa akin sinasabi ng babaeng ’to ang totoong dahilan kung bakit niya ’to ginawa, hindi ako titigil!! At kung may magtangkang umawat sa inyo, put*ngina!! Mapapatay ko talaga siya!!!” galit na galit kong pagkontra kay Tito Ed at inabot ang steak knife na nasa mesa para itinutok sa leeg ni MJ.

Narinig ko ang mahinang hinaing ng bayaw ni MJ.

“P-parang awa mo na, Rigo… ’W-wag mong gawin ’yan… M-maawa ka sa anak namin…” daing nitong nahihirapan.

Kumpirmado. Anak nga nila ang batang ito at hindi sa akin galing.

Nilingon ko ang kapatid ni MJ na si Jamie. Nasaksihan ko kung paano mabilis na dumaloy ang kanyang mga luha dahil sa pagkumpirma ng kanyang asawa.

Muli kong ibinalik ang mga mata ko kay MJ at mas idiniin ko ang pagtutok ng steak knife sa kanyang lalamunan.

“Ipaliwanag mo sa kanila kung bakit ako ang napili mo, tang*na ka!! Umpisahan mo sa simula hangga’t kaya ko pang kontrolin ang sarili ko, MJ!!!” utos ko pa rin sa kanya.

Nagsimula siyang magkwento sa paraang hirap na hirap habang patuloy sa malakas niyang pag-iyak.

“W-walang nangyari sa atin, Rigo… Maniwala ka… Nawalan na ako ng mapagpipilian noong gabing iyon dahil natatakot ako… A-akala ko madali kitang makukumbinsi sakaling sabihin kong ikaw ang ama ng batang dinadala ko… Akala ko kasi matutuwa ka dahil mahilig ka sa bata kagaya ng pagkahilig mo sa pamangkin ko… Nagplano akong lagyan ng gamot ang iniinom mo noong gabi na nasa Thailand pa tayo… Maniwala ka… Gulong-gulo lang ako noon…” umiiyak nitong pag-amin sa akin.

Muli kong hinila ang kanyang buhok para iparating na magpatuloy siya sa pagkekwento.

“D-dahil nasimulan ko na ang naisip kong plano na ikaw ang paaakuin ng anak ko, nagtago ako sa mansyon ninyo… Aaminin ko… Ginamit ko ang nalalaman kong pangarap mo na magkaroon ng sariling pamilya kaya ipinilit kong ikaw ang ama nito… Ginamit ko rin ang pamilya mo para mas madali kong maisagawa ang plano ko… At kung sakaling magtagumpay ako… Doon ko na lang babalikan ang pamilya ko para sabihing ikaw ang ama ng batang dinadala ko…” sunod pa nitong kwento.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nagdidilim nang lalo ang paningin ko dahil sa nalaman ko.

“Ano pa?!!!” tanong kong muli sa kanya.

Bumwelo siya ng malakas pang pag-iyak bago nagpatuloy sa pagsasalaysay niya.

“N-noong araw na nakumpirma ko mula kay Tita Eve na si Randy ang taong espesyal sa ’yo, sinubukan kong kumbinsihin si Randy… M-maniwala ka… Hindi ko alam na may sakit siya kaya pala ayaw ka niyang pakawalan… Hindi ko ’yon alam… Kaya noong hindi ko siya nakumbinsi, nagdesisyon din akong ipalaglag ang batang ’to… D-doon mismo sa coffee shop kung saan kami noon nagkita… Doon din ako uminom ng gamot para ipalaglag ito…” muli pa nitong pag-amin sa pagitan pa rin ng kanyang pag-iyak.

Hindi ko alam ang bagay na iyon. Wala akong ideya na nagkita sila ni Liam at naganap ang komprontasyon nilang iyon.

“Iyon na ang huling naisip ko… P-pero malakas ang kapit ng bata at nadala rin agad ako sa ospital noong oras na iyon… Doon na rin ako nahanap ni Tristan para kumbinsihing ’wag ipalaglag ang bata… Siya ang unang nagpa-DNA dahil may hinala siyang kanya ang batang ’to… N-noong lumabas ang resulta, wala akong nagawa kundi ang umamin sa kanya… Sinabi ko ang naging plano ko at katulong ko siya para maitago ang anak naming dalawa… Ayaw ko kasing lalong mapatunayan ng pamilya ko ang relasyon namin… N-natatakot kasi ako…” mahaba pa nitong dugtong habang umiiyak.

Ngayon ay napagtatagpi-tagpi ko na ang lahat. Iyon din marahil ang naging simula ng pagbabago ng mga ikinikilos ni Liam. Doon na rin siguro nagsimula ang pag-atake ng kanyang sakit.

Nasa kalaliman ako ng pag-iisip kong iyon nang magsalita ang aking tiyahin. Ngayon ay dumadaloy na ang kanyang mga luha at kitang-kita ko ang malaki niyang pagsisisi.

“I-ibig mong sabihin… S-sinadya mong ipalaglag ang bata..? Hinayaan mong isisi ko ang lahat kay Randy dahil muntik nang malaglag ang dinadala mo..?” tanong nitong umiiyak kay MJ.

“P-patawarin n’yo po ako… Hindi ko lang alam kung anong gagawin ko dahil ayaw kong maeskandalo… Ayaw kong masira ang samahan namin ng pamilya ko…” sagot ni MJ.

Sa pagkakataong ito ay sumingit na ang kapatid niyang si Jamie. Nagsalita ito habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang mga pisngi.

“Matagal mo nang sinira ang samahan natin, MJ… Matagal na… Dahil isang taon ko nang alam ang relasyon ninyo ng asawa ko… Nanahimik lang ako sa kabila ng mga napapansin ko sa inyo… Kaya nga maaga kang umuuwi ng bahay, ’di ba..? Dahil habang abala ako sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya natin, nagpapakasarap naman kayo ng asawa kong nasa bahay lang dahil nalugi ang mga negosyo niya…” unang sumbat ni Jamie sa kanyang kapatid.

“Tiniis ko ang lahat ng iyon dahil ayaw kong maeskandalo ang pamilya natin… Sinabi ko sa sarili kong darating din ang oras na matitigil kayo… Pero anong nangyari? Ipinagpatuloy ninyo ang paglalaro hanggang sa nagbunga na ang pagloloko ninyo…” mahabang sumbat ni Jamie sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

“P-patawarin mo ako, Ate… Patawarin mo ako…” humahagulgol na paghingi ng tawad ni MJ sa kanya.

Hindi nakapagsalita si Jamie. Nagpatuloy na lamang ito sa pag-iyak habang kagat ang kanyang ibabang labi. Nakikitaan ko siya ng awa at alam kong pilit niya rin iyong nilalabanan.

Pero pasensyahan na lang. Hindi pa ako tapos sa aking sinimulan.

Binitawan ko ang hawak kong steak knife ngunit nanatiling naging mahigpit ang pagkakahawak ng isa kong kamay sa buhok ni MJ.

Masyado akong nadala sa aking mga natuklasan. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong ikilos dahil sa aking mga nalaman.

Kumuha ako ng isang dakot ng kanin na nasa ibabaw ng mesa mula sa aming harapan. Kasunod nito ay nanlilisik ang mga mata kong pinagmasdan si MJ na ngayon ay luhaan.

“Alam mo bang hindi dapat nagugutom ang mga buntis? Dapat lagi kang busog. Kaya kumain ka, MJ. Kumain ka!!!” sigaw ko at marahas kong inilagay ang kanin sa bibig niya.

Hindi niya iyon isinubo kaya nagkalat iyon sa mukha niya at nalaglag sa damit niya.

Muli akong dumakot sa ulam na nasa mesa. Pinili ko ang ulam na puno ng sarsa.

“Kumain ka!!! Put*ngina ka!!! Kumain ka hanggang sa mabusog ka!!! Papatayin kita sa kabusugan, hayop ka!!!” sigaw ko habang sunod-sunod ang pagsampal at pagsalpak ko ng pagkain sa bibig niya.

Tuluyan na akong sinaniban ng demonyo dahil sa labis na galit ko. Walang kapatawaran ang ginawa nila sa akin at kay Liam. Hinding-hindi ako papayag na hindi makaganti sa lahat ng pagpapahirap nila sa aming dalawa.

“T-tama na… uummmpp!! R-rigo… Uhhhmmpp!!!” hirap na hirap na pakiusap sa akin ni MJ. “T-tita Eve… Tulungan n’yo po ako…” pagsasaklolo naman nito sa aking tiyahin.

Ang nakatutula kong tiyahin ay nagsalita na tila nanghihina.

“P-patayin mo siya, Rigo… Patayin mo ang babaeng ’yan… Pinaniwala niya ako… Niloko niya tayo… Mas pinaniwalaan ko siya kesa sa ’yo na sariling pamangkin ko… Inuutusan kita… Patayin mo ang babaeng ’yan sa mismong harap ko…” umiiyak nitong utos sa akin habang nakatulala. Mukhang pati siya ay nawala na rin sa katinuan dahil sa kanyang mga nalaman.

Mas lalo akong ginanahan sa aking ginagawa. Kinuha ko ang isang bowl na may kumukulong sabaw ng ulam mula sa mesa.

Hindi ko na makilala ang sarili ko. Dahil sa labis na galit ay handang-handa na akong pumatay ng tao.

Ibubuhos ko na sana ang sabaw na iyon sa mukha ni MJ nang hawakan naman ni Tito Ed ang kamay kong may hawak na bowl.

“Tama na, Rigo!!! Hindi ko hahayaan na dumihan mo pang lalo ang kamay mo!! Kung hustisya ang hanap mo, pagtutulungan nating ipakulong ang dalawang taong ’yan!! Pero ’wag ganito kung ayaw mong pareho kayong mabulok sa kulungan!!!” sigaw nito sa akin.

Mabilis ang mga naging paghinga ko. Nagtatalo pa rin ang isip ko kung papakinggan ko ba ang aking tiyuhin dahil gusto ko talagang patayin ang babaeng ito.

Nasa ganoon kaming tagpo nang magsalita si Shai na kanina pa walang kibo.

“I have to agree with Tito, Rigo. Dahil kung mapapatay mo ang mga demonyong ’yan, you think magkikita pa kayo ng taong naghihintay sa pagbabalik mo?!” madiin nitong pag-awat din sa akin.

Doon ako natauhan sa sinabing iyon ni Shai.

Tama siya. May naghihintay pa sa akin kaya hindi ako pwedeng gumawa ng isang hakbang na lalo pang maglalayo sa amin.

Binitawan ko ang bowl na aking hawak. Kasunod nito ay marahas ko ring binitawan ang buhok ni MJ kaya napasubsob ito sa mesa.

Unti-unti ay kumilos ako para harapin naman ang taong nakahandusay na ngayon sa semento. Ang taong bugbog na ang mukha at katawan dahil sa panggugulpi ng pinsan ko.

Umalis si Dom mula sa ibabaw ni Tristan dahil alam na niyang pagkakataon ko naman para ito ang parusahan. Ako ang pumalit sa pwesto ni Dom kaya ako na ngayon ang nasa ibabaw ni Tristan.

Binigyan ko ito ng isang malakas na suntok sa mukha.

“Para sa pangloloko mo sa asawa mong hindi ka kayang saktan!!!” sigaw ko matapos saluhin ng kanyang mukha ang kamao ko.

“Para sa pakikipagsabwatan mo para masira ang buhay ko!!!” sigaw kong muli matapos kong ibigay ang pangalawa kong suntok.

“At para sa pagsira ninyo sa buhay ni Liam!!! Tangna mo!!! Tangna n’yo!!! Papatayin ko kayo!!! Papatayin ko kayo!!!” galit na galit kong sigaw habang paulit-ulit na sinusuntok ito.

Habang patuloy kong pinauulanan ng suntok si Tristan ay naramdaman ko ang mahihigpit na mga yakap sa likod ko.

“Tama na, Rigo!!”

“Son, please!! Makakasuhan ka na nito!!”

“Hindi na ’yan makakabangon, brad!!”

Mga pag-awat sa akin nina Vinci, Tito Ed at Dom habang nasa likod ko. Pilit nila akong inaalis sa ibabaw ni Tristan na ngayon ay hindi na talaga makatayo.

“Putngina n’yo!!! Kulang pa ’yan!!! Kulang pa ’yan sa mga atraso ninyo!!! Sisiguraduhin kong sa oras na makita ko pa kayo, mapapatay ko na talaga kayo!!! Putngina ninyo!!!” sigaw ko pa habang dinuduro silang dalawa. Patuloy rin ang tatlong tao sa likod ko sa paghila sa akin papalayo sa kanilang pwesto.

Ganoon kagulo ang sitwasyon nang marinig namin ang malakas na pagsigaw ni MJ.

“A-ahh!!! A-ang tiyan ko!!! M-masakit!! T-tulungan n’yo ako!!!” sigaw nitong namimilipit sa sakit habang hawak ang kanyang tiyan.

Walang gumalaw sa amin dahil nakuha nito ang aming atensyon.

“P-parang awa n’yo na!!! T-tulungan n’yo ako!!!” paghingi pa rin nito ng saklolo.

Doon lamang nakapagsalita si Tito Ed mula sa likuran ko. Hinarap nito ang dalawang waiter na nakaupo pa rin sa sulok habang takot na takot sa mga oras na ito.

“Kayong dalawa! Tumawag na kayo ngayon ng tulong! Ngayon na!” sigaw nito sa dalawang waiter.

Agad din namang kumilos ang dalawang waiter at lumabas na rito para humingi ng tulong.

Patuloy pa rin sa pagdaing si MJ. Nasaksihan namin kung paano sinusubukang tumayo ni Tristan sa kabila ng paghihirap niya ngayon para puntahan si MJ.

Pinanood lamang namin sila. Ang ilan sa amin ay kabadong-kabado at natataranta, ngunit ako ay naging mabilis lang ang mga pahinga habang pinagmamasdan sila.

Akmang lalapit si Jamie sa kanyang kapatid para siguro saklolohan nang hawakan siya sa braso ng kaibigan kong si Shai.

“Bakit mo sila sasaklolohan? Kung ako ang nasa katayuan mo, magkakasunod na sampal pa ang aabutin sa akin ng mga ’yan!” pag-awat nito kay Jamie.

Gumuhit ang naguguluhang ekspresyon kay Jamie. Tila naghahalo ang awa at galit sa kanya dahil sa nangyayari.

“Ang sama ko, ’no? Pero mabait pa ako sa lagay na ’to. Maraming buhay ang naapektuhan dahil sa ginawa nilang dalawa. Magmula sa ’yo hanggang sa mga kaibigan ko! They deserve more than that! Dapat sa kanila, sinusunog sa impiyerno!” madiin na pagsasalita ni Shai.

Ilang minuto lang ang aming hinintay nang may ilang mga staff ng hotel ang pumasok dito sa loob. Dalawang wheelchair ang kanilang hila para sa dalawang taong ngayon ay may mga sakit na iniinda.

Habang iniasikaso ng mga staff ang pagdala kina MJ at Tristan sa ospital ay nilapitan kami ng manager nitong hotel.

“Pasensya na po. Pero dahil sa nangyari, tumawag na kami ng pulis para maimbestigahan ang nangyari. Nakikiusap kami sa inyo na kung maaari ay wala munang aalis para maging maayos ito. Ayaw rin naming magkaroon ng eskandalo sa labas nitong hotel kaya sana ay makipagtulungan na lang kayo.” mahabang pakiusap nito sa amin.

Iyon pa lang ang nasasabi ng manager nang sumabat si Dom.

“Hindi pwede. Kailangang umalis ni Rigo dahil kailangan siya ni Randy!” madiin nitong pagkontra sa manager.

Tila ba ngayon lang ako nakaramdam ng pag-aalala simula pa kanina. Apat na araw akong walang balita kaya ito na rin ang oras para harapin ko si Liam. Tapos na rin ang isa kong problema kaya pagkakataon na ito para magkasama kaming dalawa.

“A-ano nang nangyari sa kanya?” nauutal kong tanong kay Dom.

Hindi siya sumagot. Iniwas lang nito ang kanyang tingin sa akin at napakuyom pa ito ng kamao. Nang lingunin ko naman si Shai ay pareho lang ang kanyang ginawa tulad kay Dom, iniwas niya rin ang tingin sa akin.

“Anong nangyari sa kanya??!!!” tanong ko nang pasigaw sa kanila.

Nagsalita si Dom ngunit ang kanyang mga magulang ang hinarap niya.

“Dad, kayo muna po ang bahala rito. Kailangan na po naming umalis.” mahinahong pagkausap ni Dom sa kanyang ama.

Isang malalim na buntong-hininga lang ang pinakawalan ni Tito Ed bago ito tumango bilang pagsang-ayon kay Dom.

Kasunod naman na binalingan ni Dom ay si Coke na hanggang ngayon ay walang kibo at sinasabayan na rin ang pagkakatulala ng tiyahin ko. Labis siyang naapektuhan dahil sa mga nasaksihan nito.

“Coke, ikaw na muna ang bahalang magbayad sa mga nagastos at damages dito kung meron man.” pakiusap ni Dom sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Coke at tila nagbalik na siya sa katinuan niya.

“Susko maryosep! Hindi na nga ako nakakain tapos ako pa ang pagbabayarin ninyo? Iyon lang pala ang papel ko rito tapos nakinerbiyos pa ako?!” pakikipagtalo nito kay Dom.

Nilapitan naman ni Vinci si Coke at inakbayan.

“Ikaltas mo na lang sa sweldo ko. Ang dami mo pang sinasabi!” wika ni Vinci.

Hindi na nag-abala pang magsalita ulit si Dom. Mabilis na lang siyang kumilos para lumabas sa lugar na ito.

“Sumunod ka.” utos nito sa aking seryoso. “Let’s go, Shai.” baling naman nito sa aming kaibigan.

Mabilis ang kanilang mga paghakbang habang nakasunod ako.

Dahil sa nakikita kong kanilang reaksyon sa mga oras na ito ay labis na takot na ang nararamdaman ko.

“A-anong nangyari kay Liam?” tanong ko sa kanilang kinakabahan habang patuloy ko silang sinusundan.

“Sumunod ka na lang!” seryoso pa ring sagot sa akin ni Dom.

Nagsimula na namang manginig ang buo kong katawan. Pero hindi tulad kanina na ang dahilan ay galit, ngayon ay dahil sa labis na takot na ang aking nararamdaman.

Sakay ng kotse ni Dom ay sa likurang bahagi ako umupo. Silang dalawa ni Shai ang nasa unahan na hanggang ngayon ay hindi sinasagot ang tanong ko.

Kung kanina ay makikitaan sila ng galit, ngayon ay suot na nila ang kalungkutan. Lalo pa akong kinabahan nang magsimula nang umiyak si Shai sa tahimik na paraan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paulit-ulit ko na lang na naihihilamos ang aking palad sa mukha ko at hindi na ako mapakali sa aking pwesto.

Ilang beses ko pa silang tinanong ngunit wala akong makuhang kasagutan mula sa kanilang dalawa na diretso lang ang tingin sa kalsada.

Wala akong magawa kundi ang paulit-ulit lang na magdasal dito sa likod na sana ay walang nangyaring masama sa kanya.

Sa loob ng apat na araw ay tinupad ko ang binitawan kong salita sa kanila. Wala pa akong sapat na pahinga dahil sa pagresolba ng pinakauna kong problema.

Sa tulong ni Coke ay nagawa nitong matagpuan ang kinaroroonan ng pamilya ni MJ. Si Vinci naman ang naging kasama ko para makausap ang isang miyembro ng kanilang pamilya na walang iba kundi si Jamie.

Naging mahirap noong una ang pagkumbinsi ko kay Jamie dahil wala rin daw silang ideya kung nasaan na siya. Bahagya ko lang siyang nakumbinsing harapin ako noong nasabi kong nasa pangangalaga si MJ ng aking pamilya.

Doon ko nalaman na kusang umalis sa kanila si MJ na walang pormal na paalam. Nalaman ko rin na kaya siya itinakwil ng kanyang mga magulang ay dahil nadiskubre ng mga ito ang relasyon niya kay Tristan. Noong nagbuntis si MJ ay doon lang nagkaroon ng lakas ng loob ang kanyang kapatid na ipaalam ito sa kanilang mga magulang.

Pilit naman iyong itinatanggi ng dalawa lalo na at walang maibigay na ebidensya si Jamie kundi ang mga text messages na pinagpapalitan ng dalawa. Nagsabi pa si MJ na kaya niyang patunayan na wala silang relasyon ni Tristan kaya bigla itong umalis sa kanilang tahanan. Doon na rin siya pumasok sa buhay ko at pilit na pinapaako sa akin ang batang dinadala niya para pagtakpan ang pagtataksil nilang dalawa ng bayaw niya.

Noong una ay ayaw pang pumayag ni Jamie na patotohanan ang aming nalaman. Pero noong nagmakaawa ako at sinabi kong may isang tao ang nagdurusa dahil sa kagagawan ng kanyang kapatid at kanyang asawa ay napapayag ko rin ito. Ang naging pakiusap lang niya ay maging sikreto ito dahil ayaw niyang maeskandalo ang pamilya nito.

Ibinalita rin nito sa amin na sinisimulan na niyang iproseso ang divorce nilang mag-asawa kahit pa hanggang ngayon ay nagsasama sila at patuloy na tumatanggi si Tristan sa akusasyon nitong pangagaliwa.

Napakabait na babae ni Jamie at handa pa rin itong magsakripisyo alang-alang sa nakababatang kapatid nito. Pilit niya pa ring pinalalawak ang kanyang isip para intindihin ang buong sitwasyon dahil alam niyang may pagkukulang siya sa kanyang asawa dahil sa pagiging abala nito sa kanilang mga negosyo. Nagpapasalamat na lamang ako dahil may puso rin siya para sa ibang tao kaya ayaw niyang may madamay sa problemang ibinigay ng kapatid at asawa nito.

Hindi ko alam kung ilang minuto o inabot ba ng oras ang aming biyahe. Pero nang ipasok ni Dom ang kanyang kotse sa loob ng gate ng isang gusali ay mas lalo nang naging doble ang takot sa dibdib ko.

“A-anong ginagawa natin dito?” tanong kong nauutal sa kanila at kusa na ring dumaloy ang aking mga luha.

Gusto ko sanang paniwalain ang aking sarili na isang panaginip lamang ito, ngunit alam kong sa dami ng nangyari kanina ay katotohanan na ang sumasampal ngayon sa pagkatao ko.

Pumasok kami sa gusaling alam kong para lamang sa mga taong nawawala sa katinuan. Narito kami sa isang mental intitution at ayaw ko iyong paniwalaan.

Hindi ako sinagot nina Dom at Shai. Mabilis silang lumabas ng kotse kaya naging mabilis din ako sa pagsunod sa kanila.

Naglakad sila at nagsimula na rin umiyak ang pinsan ko na iilang beses ko pa lang nakitang lumuha. Kahit nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa labis na takot ay ginawa ko ang lahat para makahakbang.

Pumasok kami sa isang elevator at halos mapaupo na si Dom dahil sa labis na pag-iyak nito na sinasabayan na rin ni Shai.

Habang patuloy rin akong lumuluha ay naglakas-loob pa rin akong magtanong sa kanilang dalawa.

“W-wala naman nangyaring hindi maganda sa kanya, ’di ba..?” tanong ko sa kanilang umiiyak.

Hindi pa rin sila tumugon tulad kanina.

Mabilis naman kaming nakarating sa palapag na pagdadalhan nila sa akin. Kahit pa mas naging malakas ang pag-iyak naming tatlo ay hindi naging hadlang iyon para marating namin ang isang pinto kung saan kami magtutungo.

Napahinto kaming pare-pareho nang lumabas mula sa kwartong iyon ang dalawa naming kaibigan. Ang mga kaibigan naming sa pagkakaalam ko ay nasa ibang bansa para asikasuhin ang anak nilang bagong silang.

“X-xander..? T-tom..?” pagbanggit kong nauutal sa kanilang mga pangalan.

Sinalubong ako ni Xander ng kanyang nakamamatay na tingin habang inaalalayan niya ang kanyang asawa na ngayon ay lumuluha.

“Tingnan mo ang kalagayan niya. Silipin mo kung anong resulta ng ginawa mo sa matalik na kaibigan ko, Rigo!” madiin na utos sa akin ni Xander habang pinanlilisikan ako ng mga mata nito.

Mas lalong umalingawngaw ang iyakan ng mga kaibigan ko. Mula rito sa labas ay naririnig ko rin ang pag-iyak ng mga babae sa loob ng kwarto.

Nanginginig ang mga tuhod ko para dahan-dahang humakbang patungo sa loob ng kwartong iyon. Ngunit nasa pintuan pa lang ako ay hindi na nakayanan ng katawan ko ang kumilos kaya napasandal na lang ako sa frame nito.

Tuluyan nang bumuhos ang aking mga luha nang masilayan ko ang taong apat na araw ko nang hindi nakikita at ngayon ay nasa ibabaw ng hospital bed na naririto.

Ang mas hindi ko kinayang tanggapin ay ang makita kong nakatulala na lamang ito habang lumuluha at nakasuot ng isang puting hospital gown na kumokontrol para maikilos ang katawan niya.


A/N

’Yan po ang dahilan kung bakit ako natagalan sa update. Almost 13k words, na katumbas na ng ilang chapters. 😔

Salamat sa mga patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa dalawa. Salamat sa mga patuloy na naniniwala.

Hanggang sa susunod na update.

–– cold_deee

chapter 34

REMINDER: Ang istoryang ito ay naglalaman ng Romance, Comedy, Slice of Life at HEAVY DRAMA tulad ng nasa description na unang makikita bago simulan ang pagbabasa.

Para po kay

sizlingfire

ang chapter na ito! Hahaha! Surprise! Kaway-kaway, Jaime Liam! ❤

Guys, kung bet n’yo ang may music habang nagbabasa, paki-play na lang po ang nasa media. Thankies~ (Song title: Forever - By: Martin Nievera and Regine Velasquez)

––> Si Randy po sa media.

![](https://img.wattpad.com/5aa6ad3bf5b77f658c41b5baec9756ee3fd96667/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f75514354554c6d6b5f4f343749513d3d2d3437343134323535332e313465663136623837626466303331393235333338333839313838362e6a7067)

RIGO’s POV

Hindi ko maialis ang aking mga mata habang nakatingin ng tuwid sa kanya. Patuloy siyang lumuluha habang nakatulala. Naroon sa loob ng kwartong iyon sina Nanay Elise ganoon na rin ang kanyang ina at ate na patuloy rin sa pagluha.

“Bago siya nagkaganyan, paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan mo. Paulit-ulit ka niyang hinahanap.” madiin pa ring pakikipag-usap ni Xander sa akin mula sa likod ko.

Naikagat ko ang aking ibabang labi at napayuko ako habang patuloy sa pag-agos ng mga luha ko.

Hindi ko ito inaasahan. Nagawa kong maiayos ang isa kong problema sa loob lamang ng ilang araw dahil gusto ko, sa oras na magkaharap kami ay handa na ako. Pero bakit ganito?

“Anong ginawa mo, Rigo?! Anong ginawa mo kay Randy?!” mas malakas nang pagtatanong sa akin ni Xander ngayon.

Dahan-dahan ay hinarap ko si Xander habang patuloy ang pagdaloy ng aking mga luha sa aking pisngi.

“S-sorry….” nasabi ko lang at muling napayuko habang humihikbi.

Habang nakayuko ako ay nakita ko kung paano naikuyom ni Xander ang kanyang isang kamao.

“Sorry?! ’Yan lang ang masasabi mo?! Nagkaganyan siya dahil sa ’yo, tapos sorry lang ang maririnig ko sa ’yo?!” bulyaw na nitong pagtatanong sa akin.

Dama ko ang labis na galit sa akin ni Xander. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong mahalaga si Liam sa kanya lalo na at sila ang mas matagal nang magkakilala at matalik na magkaibigan pa.

Mabilis na kumilos si Shai para isara ang pinto ng kwarto kung nasaan si Liam. Marahil ay ayaw niyang mabulabog ito dahil sa lakas ng pagsigaw sa akin ni Xander.

Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak dahil wala na akong maibigay pang dahilan. Alam ko naman, ako ang dapat sisihin dito dahil sa isang pagkakamaling nagawa ko. Hindi ako nag-ingat kaya nangyari ang lahat ng ito.

“Akala ko mahal mo?! Akala ko handa kang magsakripisyo para sa kanya?! Akala ko ba kaya mo siyang alagaan?! Anong nangyari?! Bakit siya nagkaganyan?!” sunod-sunod na tanong sa akin ni Xander.

Mas naging malakas ang pag-iyak ko dahil sa labis na pagsisisi.

“Sorry… H-hindi ko alam na mangyayari ’to… Hindi ko rin naman gusto ’to…” pagdadahilan ko kay Xander sa pagitan ng pag-iyak ko.

Hindi na ako nagbilang ng ilang segundo, dahil matapos iyon ay naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Xander sa kwelyo ng polo ko.

“Tang*na ka pala, e!!” sigaw lang ni Xander at sinuntok ako sa kaliwang pisngi na naging dahilan para mapaupo ako sa lapag ng semento.

Nataranta na sina Tom, Shai at Dom. Agad na niyakap ni Tom ang kanyang asawa para awatin ito. Si Dom naman ang mabilis na lumapit sa akin para maalalayan ako.

“Guys, please, ’wag dito!!” pag-awat naman ni Shai habang nasa pagitan namin ni Xander ito.

Nasaksihan ko kung paano nagdidikit ngayon ang mga ngipin ni Xander dahil sa labis na galit nito. Nangingilid ang kanyang luha habang matalim ang kanyang tingin sa akin.

Hinarap ni Xander si Shai habang galit na galit pa rin ang kanyang ekspresyon.

“At anong gusto mong gawin ko, Shai?!! Manahimik lang ako?!!” tanong nito kay Shai nang pasigaw. Sunod ay tiningnan niya akong muli sa paraang nakamamatay. “’Yan!! ’Yang lalaking ’yan ang dapat mong pagsabihan!! Put*ngina!! Alam niyang may karamdaman si Randy pero sinaktan niya pa rin!! Kung sinabi na lang sana niya noon na hindi niya kayang panindigan ang mga sinabi niya, hindi na sana siya pumasok sa buhay ng kaibigan ko!!!” mas malakas pa nitong dugtong habang dinuduro ako.

Wala akong nagawa kundi ang magpatuloy sa pag-iyak habang nakapatong ang aking mga braso sa mga tuhod ko.

“Brad, tama na.” malumanay na pag-awat ni Dom na nasa tabi ko kay Xander. Nakamwestra pa ang isa nitong kamay sa tapat ni Xander.

“At anong gusto mo, Dom?! Manood na lang ako dahil sa nangyari sa kaibigan ko?! Tang*na! ’Yang gagong pinsan mo ang pagsabihan mo!!” bulyaw naman ni Xander pabalik kay Dom.

Sinubukang awatin ni Tom si Xander kahit patuloy pa rin sa pag-iyak ito.

“Master, tama na… Pag-usapan na lang natin ng maayos ’to…” pakiusap ni Tom sa kanyang asawa habang yakap ang katawan nito.

“Hindi, Tom!! Gago ’yang lalaking ’yan!! Wala siyang karapatan in the first place na saktan si Randy!! Pero put*ngina lang!! Umabot sa ganyan ang kaibigan ko dahil sa kawalang-hiyaan ng hayop na ’yan!!” pakikipagtalo naman ni Xander kay Tom.

Nasa ganoong pagtatalo ang mag-asawa nang sumabat naman si Dom na nagbitaw muna ng mahinang pagtawa.

“Ayos ka rin, Xander, ’no?” biglang sambit ni Dom habang natatawa.

Walang nakapagsalita sa aming apat sa biglang pagsasalita niyang iyon.

Tumayo si Dom mula sa aking tabi at nakangising hinarap si Xander na ngayon ay mabilis ang paghinga dahil sa nangingibabaw na emosyon nito.

“Kung makapagsalita ka parang ang galing mo!” mapanghamong sambit ni Dom at pinandilatan pa niya ng mata si Xander.

Wala akong ideya sa tumatakbo ngayon sa isip ni Dom. Marahil ay ganoon din ang tatlo ko pang kaibigan kaya nanatili na lang kaming tahimik at naghihintay sa pagpapatuloy niyang iyon.

“E, ikaw? Ano bang nagawa mo para kay Randy? Dahil lang ba mas matagal ka na niyang kilala kesa sa amin kaya ganyan ka kung makapagsalita? Baka nakakalimutan mo? Isa ka rin sa mga dahilan kung bakit siya nasaktan noon! Isa ka rin sa mga nanakit sa kanya noon! Kung bakit mas umatake ang depression niya noon?” simula ng panunumbat ni Dom habang nakangisi.

Tumalim ang tingin ni Xander kay Dom ngunit hindi ito nakatugon.

“Ano?! Hindi ka makapagsalita?! Kasi guilty ka! Hindi mo maamin sa sarili mo na isa ka ring gago!!” bulyaw na ni Dom kay Xander at dinuro pa ito.

Akmang susugurin na ni Xander si Dom ngunit maagap si Tom na mayakap ito para awatin.

“Master, ’wag mo nang patulan si Dom, please?!” pag-awat ni Tom.

“E, tarantado ’yang gagong ’yan, e!” galit na galit naman na sagot ni Xander sa kanyang asawa.

Muling pinutol ni Dom sina Xander at Tom.

“O, ano?! Sasapakin mo rin ako kagaya ng ginawa mo kay Rigo?! Halika rito! Tang*na mo, magsuntukan tayo!! Puro ka lang dada, kingina mo ka!!” sigaw na ni Dom kay Xander habang nanlilisik ang kanyang mga mata.

Masama ito. Kilala na namin ang dalawang ito at alam naming hindi na maganda ang mga susunod na tagpo.

Akmang susugod na rin si Dom kay Xander ay mabilis na akong tumayo para awatin ito. Maging si Shai ay niyakap na rin si Dom para mapigilan din ito.

“Tang*na mo!! Kung makasumbat ka, akala mo kung sino ka, Xander!! Bakit?!! Noong mga panahon na sinaktan mo si Randy, nandoon ka ba?!! Noong mga panahon na iyak siya ng iyak dahil binigo mo siya?!! Nadamayan mo ba siya?!! Ang lakas ng loob mong tawaging matalik na kaibigan si Randy pero wala ka noong mga oras na kailangan ka niya!! Nagpakasaya ka!! Iniwan mo siya!! Pinabayaan mo rin siya!!” sunod-sunod na sigaw ni Dom habang dinuduro si Xander.

Hindi na namin alam ni Shai kung gaano pa kahigpit ang magiging kapit namin kay Dom para lang maawat sa pagwawala ito.

Mas lalo lang din silang nagpumiglas sa kabila ng matindi naming pag-awat. Maging ang mga suot nilang damit ay hindi na maayos sa mga oras na ito dahil sa tindi ng aming mga pagkapit sa kanila.

“Tang*na, Tom, bitiwan mo ako!! Iisahan ko lang ’tong gagong ’to!!” sigaw ni Xander.

“Master, tama na…!!” umiiyak nang pagmamakaawa ni Tom sa kanyang asawa.

“Dom, please..? Huminahon ka… Intindihin mo na lang si Xander…” pagmamakaawa naman ni Shai sa aking pinsan. Nagsimula na rin siyang umiyak dahil sa takot sa dalawa.

“Brad, sige na! Hayaan mo na lang siya!” pakiusap ko na rin kay Dom.

Mas lalong rumehistro ang galit sa mukha ni Dom.

“Hinde! Put*nginang ’yan, e! Akala mo kung sinong banal!! Akala mo kung sinong malinis kung makapagsalita!” pakikipagtalo sa amin ni Dom habang patuloy na nagpupumiglas.

Mas lalo nang nagkagulo dahil sa mas naging determinado na silang magpang-abot na dalawa. Tuluyan na naming binasag ang katahimikan sa lugar na ito dahil sa mga sigawan ng pag-awat at paghahamon ng dalawa.

Muling sumigaw si Dom para ipagtanggol ako.

“Ano na, Xander?!! Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko?!! Nasaan ka noong mga panahon na sinaktan mo si Randy?!! Nandoon ka ba?!! ’Di ba nagpapakasarap ka naman talaga kasama ’yang si Tom?!! Ginagawa mo ang mga bagay na nagpapasaya sa inyong dalawa habang nasasaktan ang BEST FRIEND mo!!!” sigaw nito at saglit na tumigil para maghabol ng hininga. “Sino bang nakasama ni Randy noong mga panahong ’yon?!! Ito, ’di ba?!! Itong pinsan ko!! Siya ang nakaramay niya na dapat ikaw ang gumagawa!! Ikaw ang sanhi ng paghihirap noon ni Randy pero wala kang nagawa!! Itong pinsan ko ang nag-alaga sa kanya kahit nasasaktan siya dahil ikaw ang hinahanap ni Randy!!” mahabang dugtong pa ni Dom habang tinuturo ako mula sa kanyang tabi.

Hindi nakapagsalita si Xander sa mga panunumbat na iyon ni Dom. Wala siyang nagawa kundi ang pukulan lang si Dom ng masamang tingin.

“Tama na…!!” malakas na iyak muli ni Tom.

Nahihiya ako kay Tom dahil nadadamay siya sa mga panunumbat ni Dom. Nakakaramdam siya ng pagsisisi kahit wala naman siyang pagkakamali. Pero wala rin akong magawa. Dahil sa tuwing si Dom na ang magagalit, wala na kaming magagawa kundi ang manahimik.

Nasa ganoon kami kagulong sitwasyon nang lumabas sina Nanay Elise pati na rin ang babaeng psychiatrist ni Liam sa kwarto kung nasaan sila.

“Ano ba itong kaguluhan dito?!” nagtatakang tanong ni Nanay Elise sa amin.

Walang nakasagot sa amin. Lahat kami ay natahimik dahil sa hiya. Sina Dom at Xander naman ay hindi na rin nakapagsalita ngunit hindi rin nila pinuputol ang masamang tingin sa isa’t isa.

Huminga ng malalim si Doktora bago ito mahinahong nagsalita.

“Guys, hindi kayo dapat gumagawa ng gulo rito. Maiistorbo lang ninyong lalo si Randy pati na rin ang ibang pasiyente rito. Huminahon naman kayo.” pakiusap nito sa amin.

Dahil sa ako naman ang bahagyang kalmado sa mga oras na ito ay ako na rin ang nakipag-usap kay Doktora.

“Pasensya na po kayo, Doktora, Nanay Elise. Pasensya na po.” pagpapakumbaba ko na lang sa kanila.

Ilang segundong katahimikan muna ang namayani. Tila sinusubukan naman nina Xander at Dom na magpakahinahon kaya nakahinga na rin kami ng maluwag nina Shai at Tom ngayon.

Niyakap na lang ni Tom si Xander habang patuloy pa rin itong umiiyak at nakikiusap. At sa pagkakataong ito ay mukhang nakaramdam na rin ng awa si Xander sa kanyang asawa kaya niyakap na lang din niya ito pabalik.

Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon hanggang sa mabawasan na ang tensyon. Iyon na rin ang ginamit ni Doktora na pagkakataon para makausap kami ng mahinahon.

“Guys, hindi ito ang oras para magtalo-talo kayo. Mas kailangang intindihin n’yo ang nangyayari kay Randy dahil mas kailangan niya ang mas mahabang pang-unawa ninyo.” pagbasag na nito sa mahabang minuto naming pananahimik.

Si Shai na ang nakipag-usap sa kanya sa pagkakataong ito matapos niyang punasan ang kanyang mga luha.

“A-ano na po bang mangyayari sa kaibigan namin?” nauutal na tanong ni Shai kay Doktora.

Huminga ng malalim si Doktora bago niya sinagot si Shai.

“Sumama kayong lahat sa opisina ko. Iwan muna natin si Randy sa mga nurses dito. He’ll be fine, so don’t worry. May mga kailangan lang akong sabihin at ipaalam sa inyo.” sagot naman ni Doktora sa malumanay niyang tono.

Wala na sa amin ang nagsalita pa matapos iyon. Saglit na pumasok si Nanay Elise sa loob ng kwarto kung nasaan si Liam, at pagkalabas nito ay kasama na nito ang ina at ate ni Liam na namumugto ang mga mata tanda na matagal na sila sa ginawa nilang pag-iyak.

Sumunod lang kaming lahat ng tahimik kay Doktora hanggang sa makarating kami sa kanyang opisina.

Napansin ko na simula nang lumabas si Nanay Elise ganoon din ang ina at kapatid ni Liam ay hindi na nila ako tiningnan ng tuwid. Lubha akong nakaramdam ng kalungkutan dahil doon. Kahit sana si Nanay Elise man lang, nagawa sana niya akong lingunin. Pero hindi iyon nangyari kaya mas ramdam kong sa akin nila lahat isinisisi.

Sa maliit na opisinang naririto ay naupo ang pamilya ni Liam sa tapat ng mesa ni Doktora. Sinundan naman ito nina Xander at Tom na umupo rin sa tapat nila. At dahil sa maliit lang ang opisina at ako ang pinakahuling pumasok ay pinagkasya ko na lang ang aking sarili na tumayo sa likod ng pintuan katabi ang aking pinsan, bahagyang malayo sa tabi ng karamihan.

Bago nagsimulang magsalita si Doktora ay pinagmasdan niya muna kaming lahat. Tila sinusuri niya kami at pinag-aaralan kung handa na ba kaming makinig sa mga sasabihin niya.

Nagtapos ang pananahimik naming iyon nang huminga ng malalim si Doktora at nagsimulang magsalita.

“Una sa lahat, nakita ninyo na sa paglipas ng araw, mas hindi naging maganda ang kondisyon ni Randy,” panimula ni Doktora.

Lahat kami ay nanatili lamang na nakikinig sa kanya. Gusto kong marinig ang lahat ng pagbabago kay Liam dahil sa ilang araw kong pagkawala.

Muling nagbuntong-hininga si Doktora.

“I have good news and bad news. Alin doon ang gusto ninyong mauna?” sunod na nitong pagtatanong sa amin.

Gusto ko sanang magsalita ngunit naunahan ako ng hiya. Una ay dahil wala akong nagawa sa loob ng ilang araw dahil sa aking pagkawala. Ni hindi ko nga nagawang magparamdam sa kanila. Pangalawa ay dahil pakiramdam ko, wala akong karapatan lalo na at naririto ang pamilya ni Liam. Wala akong pinanghahawakan dahil wala namang kami ni Liam.

“K-kayo na po ang bahala, Doktora… Alin man doon, handa naman kaming gawin ang lahat para lang maging maayos siya…” nauutal na sagot naman ng ina ni Liam habang lumuluha.

Inilibot muna ni Doktora ang kanyang paningin sa amin, marahil ay naghihintay sa magiging pagsagot ng iba pa. At nang madako ang tingin niya sa akin ay napayuko na lang ako dahil pa rin sa hiya.

“Sige po, unahin na lang natin ang bad news.” muling pagsasalita ni Doktora.

Nagpalipas muna siya ng ilang segundo bago ihayag ang masamang balita.

“Tulad ng sinabi ko, sa loob ng ilang araw na pag-oobserve kay Randy, mas naging malala ang kondisyon niya. Lahat ng bagay na kinatatakutan niya, nagbalik lahat sa isip niya. Nakita n’yo naman, may mga gabi na bigla na lang siyang sisigaw at iiyak kahit nahihimbing na siya. Hindi lang isang beses sa isang gabi kundi maraming beses. At kung gising naman siya, paulit-ulit niya lang na hinahanap ang taong gusto niyang makita. Gusto niyang mahanap ang taong iyon at hindi siya mapakali dahil binubulabog siya ng huwad na bangungot na nasa masamang kalagayan ang taong iyon.” mahabang pagbubunyag ni Doktora.

Dahil sa aking narinig ay naiangat ko ang aking ulo para tingnan si Doktora. At nang tuluyan kong maiangat ang aking paningin ay nasorpresa ako dahil tanging sa akin lang nakatitig si Doktora. Maging ang mga taong naririto sa kanyang opisina ay sa akin nakatuon ang kanilang mga mata.

Hindi ako sigurado. Walang tinukoy na tao si Doktora, pero base sa narinig ko ay may nagsasabi sa aking sarili na ako ang tinutukoy niyang hinahanap ni Liam sa mga nagdaang araw na wala ako.

Naramdaman ko ang biglang pagpatong ng isang kamay ni Dom sa aking balikat kaya saglit kong nilingon ito. Tanging sa harap lang ang kanyang tingin nang magsimula siyang magsalita sa napakalungkot na tono.

“Ikaw ang hinahanap niya, brad… Ilang araw ka niyang paulit-ulit na tinatawag pero hindi ka namin matagpuan…” namamaos na boses ni Dom senyales na papaiyak na rin ito.

Dahil sa aking narinig ay hindi ko napigilan ang aking mga luha na bumuhos sa pagkakataong ito. Dahil din doon ay mas tumindi pa ang pagsisisi ko.

Gusto kong humingi ng tawad kay Liam, pero paano ko pa iyon magagawa kung parang huli na?

Wala akong magawa kundi ang mapayukong muli at ipagpatuloy ang aking pag-iyak. Ito lang ang magagawa ko dahil hindi ko alam kung paano ko pa maaayos ito.

Ilang minutong katahimikan na naman ang namayani bago nagpatuloy si Doktora sa pagpapaliwanag niya.

“Ikinalulungkot kong sabihin sa inyong lahat ito,” wika niyang muli at saglit na tumigil. “pero wala nang makikilala kahit na isang tao ngayon si Randy tulad ng nabanggit ko noon sa inyo na isa sa mga posibleng mangyari sa oras na lumala ang sakit niya.” malungkot pa nitong pagpapatuloy.

Umalingawngaw ang iyakan sa buong kwarto. Lahat kami ay nagdadalamhati sa sinapit ng mahal ko. At kung kanina ay sinusubukan ko pang magpakatatag, ngayon ay tuluyan nang bumigay ang buong pagkatao ko. Kusa na lang akong napadausdos pababa hanggang sa mapaupo ako sahig habang nakasandal sa pinto.

Wala na akong pakialam kung katawa-tawa man ang hitsura ko sa mga oras na ito dahil sa malakas na pag-iyak ko. Hindi ko matanggap ang sinapit ni Liam nang dahil lang sa akin. Hindi ko natupad ang ipinangako ko sa kanyang walang mananakit sa kanya. Hindi ko nagawa ang misyon kong pasasayahin siya dahil ako mismo ang nanakit sa kanya.

Ibig bang sabihin ni Doktora, kahit ako ay hindi na rin makikilala ngayon ni Liam? Ibig niya bang sabihin, hindi na rin niya maaalala kahit ang aming mga pinagsamahan?

“What do you mean, Doktora? May amnesia ba ang kaibigan ko..? ’Yon ba ang gusto mong iparating sa amin?” nadinig kong tanong ni Xander. Base rin sa kanyang boses ay mukhang papaiyak na rin ito.

Hindi ko sila makita dahil nanatili akong umiiyak habang nakayuko.

“Hindi. Hindi ’yan ang nangyari sa kanya,” nadinig ko namang sagot ni Doktora.

Nang marinig ko iyon ay mabilis kong naingat ang aking ulo para tingnan muli siya. Nakaramdam ako ng katiting na pag-asa nang marinig ko ang kasagutan niyang iyon.

“Hindi na niya kayo maaalala hindi dahil may amnesia siya. Nakaramdam na siya ng pagod sa katawan kaya pinili niyang kalimutan ang lahat sa paligid niya,” direkta nitong sagot. “Bumigay na ang isip niya at nakagawa siya ng isang desisyong hindi niya man gusto ay mas pinili niya. Iyon ay dahil pakiramdam niya, nag-iisa na siya at walang makakatulong sa kanya. Natrigger ang kanyang isip hanggang sa isuko na lang niya ang lahat. Pinili niyang manahimik at huwag nang makinig sa mga taong pakiramdam niya ay pilit na sumisira sa kanya.” mahabang paliwanag pa ni Doktora.

Walang nakapagsalita sa amin. Hindi pa rin malinaw ang lahat kaya hinayaan naming magpatuloy pa siya sa pagpapaliwanag sa amin.

“Isang halimbawa ang mga biktima ng isang giyera o panggagahasa, ganoon ang kaso ni Randy. Nanuot na sa kanilang sistema ang traumatic experiences nila. Kaya ang tendency, matutulala na lang sila. Isa rin sa magiging cause nito ay mas mapapadalas ang pagwawala nila gising o tulog man sila. Mabibigyang katahimikan lamang sila kung tuloy-tuloy ang medication at therapy nila. Pero ang hindi natin sigurado, kung hanggang kailan ang pagpapagamot niyang iyon. Maaaring abutin ng ilang buwan o taon, pero ’wag naman sanang habang-buhay iyon.” mahaba pang saad ni Doktora.

Matapos iyon sabihin ni Doktora ay ngumiti muna siya ng tipid bago nagpatuloy sa sasabihin niya.

“Pero I know Randy, matalino siyang tao at matatag siya kaya alam kong malalampasan niya rin ito. It’s just that, kailangan niya itong i-deal mentally, all by himself. At siyempre, sa tulong na rin ng mga taong malalapit sa kanyang puso na walang iba kundi kayo. Importanteng ituloy n’yo lang ang suporta sa kanya at habaan pa ang inyong pasensya.” pagpapagaan niya sa mabigat na paliwanag niya.

Aaminin ko, bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Unti-unti nang lumalaki ang maliit na pag-asa ko kanina. Kahit ang mga kaibigan at pamilya ni Liam ay nakita kong nakahinga rin kahit paano ng maluwag. Ang ilan nga sa kanila ay napahawak pa sa kanilang dibdib tanda na sila ay nabuhayan.

“H-how about the good news po, Doktora?” biglang tanong naman ng ina ni Liam.

Mas lumawak ang pagkakangiti ni Doktora sa katanungang iyon.

“The good news is, there is an option kung gusto n’yo bang dito siya manatili o kaya naman ay kasama n’yo siya habang nagpapagaling siya.” direkta nitong sagot sa tanong ng ina ni Liam.

Lahat ay nangunot ang noo tanda ng pagtataka. Maging ako ay bahagyang napatigil sa pag-iyak dahil gusto kong marinig pa ang pagpapatuloy ng paliwanag ni Doktora.

“Tama ang narinig n’yo, pwede n’yo siyang makasama o iuwi habang nagpapagaling siya. I’m sorry sa magiging term ko, ano? Pero harmless naman siya at hindi magagawang manakit ng tao. Ikinukubli niya lang ang kanyang sarili sa mundong nag-iisa lang siya. Kung may mangyayari mang pagwawala or maghi-hysterical man siya, ang gagawin lang ninyo ay turukan siya ng gamot para kumalma siya.” paliwanag na nitong mas klaro.

Napatango naman ang ilan bilang pagsang-ayon at tanda na naiintindihan ang naging paliwanag na iyon.

Ipinatong ni doktora ang kanyang mga braso sa mesang nasa harap niya at naging seryoso na rin ang ekspresyon niya.

“So, ang tatanungin ko sa inyo ngayon, anong mas pabor sa inyo? Dito n’yo ba siya gustong manatili o kasama ninyo siya?” tanong nito sa amin.

Gusto kong sumagot. Gusto kong makahingi ng opinyon ngunit pakiramdam ko ay walang lugar para sa akin kahit ang pagtatanong lalo na at ang pamilya lang ni Liam at sina Xander lang ang nagkakatinginan. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng mata para magdesisyon.

“Ano po bang mas maia-advice ninyo, Doktora? Basta po kung anong mas makakabuti kay Randy, iyon po ang gagawin namin.” tanong ni Xander.

Huminga ng malalim si Doktora bago ito sinagot.

“Sa tingin ko, mas magandang kasama niya ang mahahalagang tao sa kanya. Pwede ko naman siyang puntahan para sa therapy niya. Iba pa rin kasi kung may mga taong kumakausap sa kanya. Hindi niya man kayo naririnig, at least kahit paano makakatulong ang pagpaparamdam n’yo na nasa tabi niya lang kayo. Iba pa rin ang naririto siya at nakakulong lang. Mas malaki ang chance na bumalik siya sa dati kung patuloy siyang naaalagaan ng mga taong malalapit sa kanya.” mahabang mungkahi ni Doktora.

Ilang minutong katahimikan ang namayani para mag-isip ang lahat. Habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa aking sarili. Hindi ako nabibigyan ng pagkakataong makasingit at makapagsalita dahil alam kong sinisisi ako ng marami.

“Kayo po, Tita, ano po bang desisyon ninyo?” tanong ni Xander sa ina ni Liam.

“Pumapabor ako sa suggestion ni Doktora. Siguro isasama ko na lang siya sa mansyon namin sa probinsiya. Makakabuti rin sa tingin ko ang kapaligiran doon dahil malayo kami sa city.” sagot naman ng ina ni Liam.

Ang ate naman ni Liam ang nagsalita sa pagkakataong ito.

“Dadalaw-dalawin na lang din namin siya ng pamilya ko paminsan-minsan. Hindi rin ako pwedeng magtagal dito dahil nag-aaral pa ang mga anak ko sa Canada. Nandoon din kasi ang business ng asawa ko.” mungkahi nito.

Gusto kong tumutol.

Mali sila. Maling-mali.

Bakit nila dadalhin doon si Liam kung doon nagsimula sa lugar na iyon ang lahat kung bakit siya nagkaroon ng ganoong sakit?

Handa na sana akong magsalita at putulin sila sa kanilang pinag-uusapan nang muli namang magsalita si Xander.

“Sige po. Ganoon din po kami. Dadalaw-dalawin na lang din namin siya,” pagsang-ayon ni Xander. Hinarap niya si Nanay Elise bago naman siya nagpatuloy. “Si Nanay Elise muna ang bahala sa kanya. Kukuha rin ako ng personal nurse ni Randy para makatulong sa inyo. Kung kinakailangang dalawa, ayos lang sa akin. Ako na rin ang bahalang magpasweldo sa kanila.” dugtong pang mungkahi ni Xander.

Nakita ko kung paano tumango ang ina at ate ni Liam ganoon din si Nanay Elise bilang pagsang-ayon kay Xander. Nang maligaw naman ang mga mata ko kay Doktora ay bahagya pa akong nasorpresa dahil nakatingin din pala siya sa akin habang may awa sa kanyang mga mata. Tila ba naghihintay siya kung may sasabihin ako sa mga oras na ito. Ngunit sa halip na magsalita ako ay dahan-dahan akong napayuko habang naglalandas pa rin ang mga luha ko.

Wala na talaga akong lugar ngayon dito. Hindi man lang ako makapagbigay ng suhestiyon lalo na at ako ang dahilan ng lahat ng ito.

Hiyang-hiya ako sa sarili ko, at mas lalong nahihiya ako kay Liam dahil wala akong magawa para matulungan ito.

Ito na ba? Dumating na ba ang kinatatakutan ko? Ang tuluyan kaming magkalayo ni Liam dahil sa pagkakamali ko?

Hindi ko matanggap. Naninikip ang dibdib ko dahil sa nangyaring ito. Ang taong labis kong pinahalagahan higit pa sa buhay ko, tuluyan na sa aking malalayo.

Mas masakit pa ito sa nalaman kong pangloloko sa akin nina MJ at Tristan. Mas masakit pa ito sa lahat ng pagsubok na aking naranasan. Ilalayo na nila si Liam sa akin ng tuluyan.

Ito ang bagay na hindi ko pinaghandaan. Sa bawat araw na gigising ako, nakasanayan ko nang si Liam lang ang iisipin ko. Paano ako magsisimula ngayon kung hindi na ako nabibigyan ng karapatan?

Naihawak ko ang aking kamay sa aking dibdib dahil nahihirapan na ako sa paghinga ko. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa mga oras na ito dahil sa labis na pag-iyak dulot ng kalungkutan ko.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang marinig ko ang pagsasalita ng pinsan kong si Dom mula sa tabi ko.

“Hindi n’yo ba hihingian ng opinyon ang pinsan ko?” seryoso nitong tanong dahilan para unti-unti kong iangat ang paningin ko kay Dom.

Nasaksihan ko ang determinasyon sa kanya para sabihin ang mga bagay na hindi kayang sambitin ng bibig ko.

Walang nakapagsalita sa lahat kaya nagpatuloy si Dom sa mga sasabihin nito.

“Hindi ba dapat isa siya sa mga tinatanong ninyo? Kung may tao man dito na dapat nabibigyan din ng karapatang magdesisyon, isa dapat si Rigo roon. Siya ang hinahanap ni Randy bago pa lumala ang kondisyon niya. At ngayong nandito na si Rigo, bakit hindi n’yo siya isama sa magiging plano para kay Randy?” sunod pa niyang pagsasalita.

Napalunok ako. Ngayon pa lang ay gusto ko nang pasalamatan ang aking pinsan dahil sa patuloy na pagtatanggol sa akin nito. Pero masyado pang maaga dahil kailangan ko pang marinig ang mga sasabihin nila.

Unti-unti kong nilingon ang pamilya ni Liam ngunit blangko lang ang kanilang mga ekspresyon na nakatingin kay Dom. At nang maligaw naman ang tingin ko kay Xander ay nasaksihan ko kung paano nagsalubong ang kilay nito.

“Baka nakakalimutan mo, Dom? Siya rin ang dahilan kung bakit nangyari ’to kay Randy? Sa tingin mo ba sasang-ayon kami? E, ’di parang sinabi mo na ring mas gusto mong lumala ang kondisyon ng kaibigan ko?” pagkontra ni Xander kay Dom.

Napangisi naman si Dom sa sinabing iyon ni Xander.

“Angas mo, brad! Hero ka na n’yan? Nagpapakabayani ka ba o nagi-guilty ka na rin dahil sa nagawa mo kay Randy dati?” maangas na tanong ni Dom kay Xander.

“Aba’t?! Gago ka rin talaga, ’no?!” biglang reaksyon ni Xander at kumilos na naman siya para sugurin ulit si Dom.

“Master, tama na!” pag-awat naman ng kanyang asawa na si Tom matapos yakapin ang isa nitong braso.

Umawat na rin si Shai sa pagkakataong ito.

“Guys, stop it! Hindi ito ang oras para magsisihan pa tayo! Nangyari na! Why don’t we just move forward and do what is favorable and right?! Please naman?! Para na lang kay Randy?!” pakiusap na ngayon ni Shai.

Mukhang natauhan naman sina Xander at Dom. Muling naupo si Xander sa tabi ng kanyang asawa habang si Dom naman ay nagbalik sa pagkakasandal sa pader na nasa kanyang likuran.

Nagbalik sa pananahimik ang lahat hanggang sa muling magsalita si Doktora matapos hilutin ang sentido niya.

“Since napag-uusapan pa rin natin ang bagay na ’yan, may gusto rin po sana akong sabihin sa inyo.” muling pagbubukas ng usapan ni Doktora.

“Ano po ’yon, Doktora?” tanong naman ng ina ni Liam.

Lahat ay naghihintay sa mga sasabihin ni Doktora, maging sina Dom at Xander ay saglit na nakalimutan ang naging pagtatalo dahil nakuha na rin ang atensyon nila.

Bago nagsalita si Doktora ay nagulat ako nang tingnan niya ako at nagbitiw ng tipid na ngiti sa akin.

“Walang sino man ang nakakaalam ng bagay na ito kundi ako at si Randy lang,” pagsisimula nito at ibinalik ang paglilibot ng kanyang tingin sa aming lahat na naririto. “Aware naman kayo na may therapy si Randy, ’di ba? And every therapy na ginagawa ko sa kanya, hindi nawawala ang tanong ko sa kanya kung anong pinakamagandang bagay ang nangyari sa buhay niya. Part kasi ng therapy namin ang pagbabalik tanaw sa magagandang nangyari sa buhay niya dahil gusto kong ’yon ang iisipin niya habang nakapikit ang mga mata niya. Hindi naman ako nabibigo, dahil sa tuwing ididilat niya ang mga mata niya noon, laging may ngiti ang labi niyang ’yon.” pagpapatuloy ng kwento ni Doktora.

Nanatili pa rin kaming tahimik at nakikinig lang sa kanya hanggang sa magpatuloy siya.

“Noong una, ayaw niya pa sa akin sabihin iyon. Alam naman natin na masikreto siya kaya nga hindi rin naiwasang nagkanyan siya, sinasarili niya ang lahat. Pero nitong huling session ng therapy niya, sinabi niya rin iyon sa akin.” sunod pa niyang kwento at biglang natawa. Mukhang naging masaya ang huling pag-uusap nilang iyon ni Liam. “Sorry, natawa lang ako kasi pinagbantaan niya pa ako noon. Sabi niya, subukan ko lang daw mainggit sa kanya, sasakalin niya raw ako. Kanya lang daw ang moment na ’yon at hindi siya papayag na eeksena ako.” pagbawi pa niyang natatawa at paglalahad ng sinabi ni Liam.

Dahil sa aming narinig ay hindi naiwasan ng ilan naming mga kasama rito ang matawa rin.

“Ano po bang sinabi niyang ’yon? Pwede rin po ba naming malaman?” tanong naman ng ate ni Liam.

Mas lumapad ang pagkakangiti ni Doktora bago sinagot iyon.

“Iyon ay noong araw na nasa isang resort daw siya at kasama niya si Rigo sa unang pagkakataon. Wala silang kasama at tanging sila lang daw dalawa.” nakangiting sagot ni Doktora.

Natigilan ang lahat. Kahit ako ay hindi makapaniwala. Pero habang iniisip ko ang senaryong iyon, mas nangibabaw ang lungkot sa akin sa halip na maging masaya.

‘Grabe… ang ganda talaga, Rigz.’

‘Rigz! Ang ganda rito!!’

‘Hindi ko siya gusto! Gustong-gusto! Kung pwede nga lang, dito na ako tumira!’

Naririnig ko ang boses ni Liam habang sinasabi sa akin ang mga bagay na ’yan. Iyan din mismo ang mga katagang nasambit niya noong unang beses kaming nagpunta sa resort naming iyon.

Pareho pala kami ni Liam, katulad ko rin pala siya na masasabing iyon ang pinakamagandang naging kaganapan sa aking buhay simula nang ako ay isilang.

Pero paano pa namin iyon babalikan kung ngayon ay nawalan na ako ng karapatan? Paano pa mauulit iyon kung ganito naman ang sitwasyon ni Liam?

Hindi na tumitigil ang pagbuhos ng luha ko. Hinang-hina na ako dahil sa labis na lungkot at pagsisisi ko.

Muli kong narinig ang pagsasalita ni Xander habang nakatungo ako.

“Ano pong gusto n’yong iparating sa amin, Doktora, sa mga naging kwento ninyo?” seryoso ngunit malumanay na tanong ni Xander.

Hindi na ako nag-abala pang iangat ang aking ulo para tingnan sila. Nanghihina na ako, nawawalan na ako ng tiwala kahit sa sarili ko.

“Well, ayaw kong pangunahan kayo lalo na ang pamilya ni Randy sa pagdedesisyon. Pero naniniwala ba kayo sa isang kasabihan na ang pinakamabisang gamot o lunas para gumaling ang isang nilalang ay kung ano rin ang naging sanhi nito?” tanong ni Doktora pabalik.

Dahil sa aking narinig ay bahagya akong natigilan sa pag-iyak ngunit hindi ko pa rin inangat ang nakatungo kong ulo. Naghintay na lang ako sa mga maririnig ko.

“Ano pong gusto ninyong sabihin?” nadinig kong tanong muli ng ate ni Liam.

Kahit hindi ko nakikita si Doktora ay narinig ko naman ang kanyang pagbuntong-hininga.

“’Wag n’yong ikakagalit ang magiging suggestion ko. Pero sa tingin ko, mas malaki ang maitutulong ni Rigo kung siya ang makakasama ni Randy habang nagpapagaling ito.” direktang sagot ni Doktora sa katanungang iyon.

Dito na ako tuluyang napatigil sa pag-iyak ko. Parang isang napakagandang panaginip ang narinig ko.

Unti-unti ay inangat ko ang aking paningin hanggang sa matagpuan kong nasa akin na rin pala ang mga mata ng lahat ng taong naririto.

Nagpatuloy si Doktora sa pagpapaliwanag habang nakatingin ito sa aking mga mata.

“Kung maaalala ninyo, siya ang laging hinahanap ni Randy bago pa lumala ang sitwasyon niya. Sa bawat gigising siya mula sa mahabang pagkakatulog niya, si Rigo agad ang gusto niyang makita. Kaya sa tingin ko, mas makabubuting si Rigo mismo ang personal na mag-aalaga sa kanya. Besides, sa bawat therapy noon ni Randy, laging si Rigo ang nakaalalay sa kanya. Sa tingin ko malaking factor din na siya ang nasa tabi ni Randy dahil naging maganda ang progress ng pagpapagaling niya noon. Kaya malakas ang paniniwala ko na malaki ang maitutulong ni Rigo para mapabilis ang paggaling ni Randy.” mahabang paliwanag ni Doktora habang nakangiti.

Kung kanina ay halos hindi ako makahinga dahil sa labis na lungkot, ngayon naman ay parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa sayang nararamdaman ko. Wala akong nagawa kundi ang matulala habang nakaupo.

Wala sa kanila ang nagsalita. Nakatingin lang silang lahat sa akin at hindi ko mabasa kung ano ang nasa likod ng mga isip nila ngayon dahil wala itong ekspresyon.

Naputol lang ang aking pagkakatulala nang maramdaman ko ang mahinang pagsipa ni Dom sa aking tagiliran.

“Hoy! Tang*na ka! Magsalita ka nga! Bakla ka na nga, lalo ka pang nagpapakabakla dahil puro ka lang iyak! Ako na ang sasapak sa ’yo, makikita mo!” pagbabanta ni Dom matapos kong matanggap ang kanyang sipa.

“A-ahm… A-ah…” hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagsasalita.

Dahil yata sa hindi ko iyon magawa ay nagtanong na rin si Doktora sa pamilya ni Liam.

“Pabor po ba iyon sa inyo? Nasa inyo pa rin po ang huling desisyon.” tanong nito sa pamilya ni Liam.

Nasaksihan ko ang naguguluhang ekspresyon ng pamilya ni Liam. Nagkatinginan sila pati na rin si Nanay Elise at nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata upang makagawa ng desisyon nila.

Sumingit naman si Xander habang naghihintay sa pagsagot ng pamilya ni Liam.

“Kung ako ang tatanungin, ayoko. Baka hindi na naman mapanindigan ng lalaking ’yan ang sinabi at pinangako niya noon.” seryosong pagsabat nito.

Hindi rin nagpatalo sa pagsabat ang pinsan ko.

“Immediate family ang tinatanong, brad. ’Wag kang epal.” pagkontra ni Dom kay Xander.

“Ulul!” sagot naman ni Xander.

“Ulul ka rin! Pakyu ka pa!” sagot din ni Dom pabalik.

Ganyan kami. Sa oras na tipid na pagmumura na lang ang nasasambit ng aming bibig, alam naming mayamaya lamang ay magkakaayos na rin kami. At alam ko, sa kabila ng pagkontrang iyon ni Xander kanina ay nasa likod na nito ang pagsang-ayon at pagpabor na alagaan ko si Randy. Mas madalas kasi siyang ‘tulak ng bibig, kabig ng dibdib’ ang nagagawa.

Hindi pa rin nakakapagsalita ang pamilya ni Liam. Tila hindi pa rin sila nakukumbinsi sa kabila ng suhestiyon ni Doktora.

Dahil dito ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob para magsalita. Hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataon lalo na at unti-unti nang pumapabor sa akin ang lahat.

Kumilos ako ng dahan-dahan at umahon mula sa pagkakaupo. At kung ang inaasahan ng lahat ay tatayo ako, ang ginawa ko ay unti-unti akong lumuhod sa harap nila at yumuko.

“N-nagmamakaawa po ako sa inyo… Bigyan n’yo pa po ako ng pagkakataon para makabawi… H-hindi ko po kaya… Hindi ko po kayang mahiwalay kay Liam… N-nangangako po ako… nangangako po akong hindi ko na po siya mapapabayaan… Parang awa na po ninyo… Ipagkatiwala n’yo po sa akin si Liam… Gagawin ko po ang lahat para lang higitan ang pag-aalaga ko noon sa kanya… P-parang awa n’yo na… ’Wag n’yo siyang ilayo sa akin…” pagmamakaawa ko sa kanila sa pagitan na naman ng aking mga pag-iyak.

Wala akong narinig na nagsalita. Dahil doon ay nakaramdam ako ng takot dahil baka hindi ko sila nakumbinsi kaya nagpatuloy pa ako sa pagmamakaawa. Ngunit sa pagkakataong ito, mas naging malakas na ang pag-iyak ko.

“S-sige na naman po… Nakikiusap ako sa inyo… K-kung… kung kinakailangang bantayan ko siya ng buong araw, gagawin ko po… Basta ’wag n’yo lang siyang ilalayo sa akin… Nangangako po ako, hinding-hindi ko po siya pababayaan… Mahal na mahal ko si Liam kaya hindi ako matatahimik sakaling ilayo n’yo siya sa akin… Parang awa na po ninyo… Kahit ito na ang huli… Pagkatiwalaan n’yo po sana ako… Bigyan n’yo pa po ako ng isa pang pagkakataon… Nagmamakaawa po ako sa inyo…” sunod ko pang pagmamakaawa sa kanila.

Sa pangalawang pagkakataon ng pagmamakaawa ko sa kanila ay katahimikan pa rin ang sumalubong sa akin. Ngunit sa halip na mawalan ako ng pag-asa ay mas naging determinado pa akong magmakaawa sa kanila.

Desidido na ako, lahat ay gagawin ko para lang kay Liam. Kaya kahit hilingin pa nilang lumuha ako ngayon ng dugo ay gagawin ko para lang payagan nila ako.

Inangat ko ang aking paningin para tingnan silang lahat at magmakaawa pang lalo sa kanila. Ngunit nang tuluyan kong maiangat ang aking paningin para sana magawa ito ay nasorpresa ako sa aking nakita.

Ang pamilya ni Liam ganoon din si Nanay Elise ay nakangiti sa akin habang lumuluha. Maging si Shai at si Tom ay nakangiti rin sa akin at nangingilid na rin ang mga luha.

Nagsalita ang ina ni Liam habang habang binibigyan niya ako ng matamis na ngiti.

“Sa totoo lang, Rigo, malaki naman talaga ang pasasalamat namin sa ’yo… Alam namin ang sakripisyo mo… Alam namin ang lahat ng dinanas mo dahil naikwento sa amin iyon lahat ni Nanay Elise… Hinintay lang din namin ang pagbabalik mo… Ang kaso, nahuli ka lang dahil nangyari na ang kinatatakutan nating lahat… Pero pasasaan ba at naniniwala kaming gagaling din si Randy..? Ikaw lang din ang inaasahan namin para tuluyan na siyang gumaling… Kaya sana… tuparin mo ang lahat ng pinangako mo ngayon sa amin…” mahabang litanya ng ginang sa pagitan ng pag-iyak niya.

Sunod na nagsalita ay ang ate ni Liam.

“Salamat sa lahat, Rigo… Salamat sa mga panahon na nandiyan ka para sa kapatid ko… Kung may dapat na humingi ng tawad ngayon dito, kami ’yon… Dahil ikaw ang laging nasa tabi ni Randy sa halip na dapat ay kami… Ikaw ang umako sa responsibilidad na dapat ay kami ang gumagawa para sa kanya…” wika nitong umiiyak habang may ngiti rin sa kanyang labi.

Dahil sa aking mga narinig ay lalo nang nabuhayan ang aking dibdib. Kusang gumuhit ang malapad kong ngiti kahit patuloy na dumadaloy ang mga luha ko sa aking pisngi.

Hindi ko ito inaasahan. Wala na akong magawa sa mga oras na ito kundi ang pag-isipan kung paano ko sisimulang maalagaan si Liam.

Mula sa pagkakaupo ay dahan-dahang tumayo si Nanay Elise para puntahan ang aking pwesto. At nang tuluyang siyang makalapit sa akin ay mahigpit akong niyakap nito.

“Tahan na, anak… Tumayo ka na diyan… Isipin na lang natin kung paano natin maaalagaan si Liam tulad ng dati…” wika nitong humihikbi.

Niyakap ko rin siya pabalik.

“S-salamat, ’Nay… Salamat…” sagot ko lang sa kanya habang umiiyak.

Walang mapaglagyan ang saya ko sa mga oras na ito. Sa kabila ng malaking problemang kakaharapin naming lahat, kinokondisyon ko na rin ang sarili ko.

Kailangan kong maging handa. Wala mang kasiguraduhan, handa akong tuparin ang mga pangako ko noon kay Liam.

Aalagaan ko siya hangga’t may hangin pa sa aking katawan. Gagawin ko ang lahat para masiguro ang kanyang kaligtasan.

Dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya higit pa sa sarili ko dahil siya na ang kalahati ng buhay ko.

Tumayo ako habang inaalalayan din si Nanay Elise. Lahat kami rito ay may ngiti sa labi kahit may mga luhang patuloy pa ring dumadaloy sa aming mga pisngi.

“Salamat po… Salamat po. Makakaasa po kayong mas aalagaan ko siya sa pagkakataong ito… Maraming-maraming salamat po sa panibagong pagkakataon…” wika ko sa kanilang lahat at bahagya pa akong yumuko.

Lalo akong nakaramdam ng tuwa nang isa-isa silang lumapit sa akin at niyakap ako.

“Ikaw na ang bahala sa anak ko…” wika ng ina ni Liam habang yakap ako.

“Makakaasa po kayo…” sagot ko namang nakangiti.

Sunod ay ang ate ni Liam.

“Malaki ang tiwala ko sa ’yo, Rigo… Simula pa lang noong una kitang makilala, nakita ko na ang saya sa kapatid ko na hindi ko noon nakita sa kanya…” wika naman nito.

“S-salamat…” tangi ko lang nasabi.

“Good luck, Rigo. Alam kong kaya mo ’to!” si Shai naman ang yumakap sa akin.

“Salamat, Shai.”

Kasunod ni Shai ay tumayo na rin si Tom para yakapin din ako.

“Rigo, ’wag mong pababayaan si Randy, ha? Mami-miss ko siya… Pero alam kong babalik din agad siya… Ipagdarasal ko kayong dalawa…” emosyonal niya namang pagsasalita.

“Salamat, Tom. Salamat.” naging sagot ko rin sa kanya.

Nasa ganoon kaming tagpo nang sumingit na naman ang magaling na asawa niya.

“Sus! Tama na ’yan! Tagal ng yakapan! Akala mo naman wala nang balak bumalik!” bulong ni Xander ngunit sapat lang para marinig naming lahat.

Dahil doon ay natawa kaming naririto. Bumitiw na rin kami ni Tom sa pagkakayakap dahil alam naming nagsisimula na namang magselos ang sinto-sintong si Xander.

“Xandz, salamat.” wika ko lang sa aking kaibigan habang nakangiti.

Sa halip na ngitian ako pabalik ay naging masama pa rin ang tingin niya sa akin.

“Parang awa n’yo na… Bigyan n’yo pa po ako ng pagkakataon na makasama siya…” panggagaya ni Xander sa naging litanya ko kanina habang suot ang mapang-asar niyang mukha.

Dahil doon ay mas lumakas ang pagtawa naming mga naririto sa kagaguhan ng kaibigan naming ito.

“Ano ba, Master?! Umayos ka nga!” saway naman ngayon ni Tom na muling tumabi sa kanya.

Muli akong hinarap ni Xander at dinuro pa ako.

“Tang*na ka, Rigo, ha?! Ayusin mo ’yang buhay mo kung ayaw mong ako pa ang umayos niyan! Sinasabi ko sa ’yo, tatagpasin ko talaga ’yang lalamunan mo ’pag napabayaan mo pa si Randy!” pagbabanta na nito.

Natawa ako dahil sa sinabi niyang iyon. Ngayon ko lang din naramdaman ang sakit ng panga ko dahil sa naging suntok niya rito.

“Pangako. Hindi ko na hahayaan pang maulit ang nangyari.” sagot ko na lang sa kanya para matahimik na rin siya.

Ganoon ang kaganapan nang marinig naman naming magsalita si Dom na nasa tabi ko kanina.

“Ano na, Xandz? Wala ka pala, e! May padalawang nurses ka pang nalalaman kanina na pasesweldohin! Pwe! Dami mong alam, gago!” biglang pang-aasar nito kay Xander.

Hindi muna nagsalita si Xander, ngunit dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamao at inangat ang gitnang daliri nito sa harap ni Dom.

“Eto ka, Dom! Uhm!” tipid nitong linya habang sinasaluduhan ng gitnang daliri niya ang pinsan ko.

“Lul! Eto ka rin!” ganti naman ni Dom at ginaya si Xander na nagdirty finger.

Napailing na lang kaming lahat dahil sa kanila. May pagka-isip-bata talaga sila. Hindi na rin namin sila inawat sa pagkakataong ito kahit pa patuloy sila sa kanilang ginagawa. Alam naming maayos na sila at wala na ang tensyon sa pagitan nila.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Mahabang biyahe ang aking ginawa hanggang sa marating ng aking sasakyan ang lugar kung saan ko sisimulan ang aking misyon.

Nilingon ko ang taong nasa tabi ko at hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa kandungan nito.

“We’re here, Liam.” pagkausap ko sa kanya habang may tipid na ngiti nang marating namin ang aming pupuntahan.

Masyado pang maaga para umasa, pero kahit paano ay naghintay ako na sasagot siya. Ngunit lumipas ang ilang segundo ay hindi naganap ang nais kong mangyari dahil nanatiling tuwid ang tingin niya sa unahan ng aking kotse.

Huminga ako ng malalim at tinanggal ko ang seatbelt sa kanyang katawan. Matapos iyon mabilis akong lumabas mula sa aking kotse para puntahan naman siya sa kanyang pwesto at pagbuksan ng pinto.

Dahan-dahan ko siyang inalalayan hanggang sa makababa siya ng sasakyan. At nang makatayo na kaming pareho sa labas ng aking kotse ay sinalubong na rin kami ng preskong hangin na nagmumula sa karagatan. Hawak ko lang ang isa niyang kamay at sinigurado kong hindi siya makakaalis sa aking tabi.

“Bes! Pareng Rigo!” masayang pagtawag ng isang bata mula sa kalayuan.

Nilingon ko ito at nakita ko ang batang lalaki na masaya ang ekspresyong sinasalubong kami.

“Ar-Ar!!” sigaw ko rito at kumaway pa ako.

Kasunod niya naman ang kanyang Lola at Lolo kaya kinawayan ko rin sila bilang pagbati.

Nang tuluyang makarating sa aming pwesto si Ar-Ar ay agad na niyakap nito si Liam sa bewang.

“Bes! Na-miss kita!” masaya nitong bati habang malapad ang pagkakangiti.

Ito ang bagay na hindi ko pinaghandaan. Nasabi kong babalik kami rito ngunit hindi ko sinabi kay Ar-Ar ang kondisyon ni Liam sa mga oras na ito.

“Bes? Bes, sabi ko na-miss kita! Hindi mo ba ako kokotongan?!” nakangiti pa ring tanong ni Ar-Ar kay Liam habang nakatingala rito.

Naaawa ako sa bata dahil naghihintay pa rin ito sa pagkilos at sagot mula kay Liam, naghihintay siya ng mahigpit na yakap pabalik.

“’Ma..? Hindi mo ba ako na-miss..?” tanong na ngayon ni Ar-Ar at nawala na rin ang pagkakangiti sa kanyang mukha.

Wala pa ring naging reaksyon si Liam tulad ng aking inaasahan. Nanatili lamang itong nakatingin sa kawalan.

“Galit ka ba sa akin, ’Ma..?” malungkot na ngayong tanong ni Ar-Ar.

Tiningnan ko si Liam ngunit walang nagbago sa kanyang ekspresyon. Nakatanaw pa rin ang kanyang mga mata sa malayo kahit wala siyang tinatanaw roon.

Gusto ko nang lumuha ngayon pa lang pero pinigilan ko. Nangako ako, magpapakatatag ako at hindi ako magpapatalo. Gagawin ko ang lahat para hindi lumuha at lalaban ako.

Dahil sa walang nakuhang sagot ang bata mula kay Liam ay kumilos na ako. Umupo ako ng bahagya para magpantay kami ni Ar-Ar at ipinatong ang isa kong palad sa ulo nito. Pinilit ko ring ngumiti para kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

“Ar-Ar, may sakit kasi ngayon ang Bes mo kaya ganyan siya. Hindi pa niya tayo masasagot ngayon. Pero sa oras na gumaling na siya, babalik din siya sa dati. Kaya kung pwede sana, tulungan mo akong alagaan siya, ha?” pilit na pinapatatag kong boses na pagkumbinsi sa bata.

Nang sabihin ko ang mga salitang iyon ay hindi na naitago ng bata ang totoong nararamdaman niya. Mabilis ang pangyayari nang sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha.

“Anong nangyari sa kanya..? Anong sakit niya..? Sabi niya babalik siya pero wala naman siyang sinabing hindi na niya ako kakausapin..!! Paano na ’yan..? Wala na akong Mamshie na magagalit sa akin..? Sabi niya pa dati aalagaan niya ako… Bakit ngayon ayaw na niya akong kausapin, Daddy..?” sunod-sunod nitong tanong sa akin habang malakas ang pag-iyak niya.

Nilingon ko ang kanyang Lolo at Lola na ngayon ay naririto na sa aming pwesto. At tulad ng inaasahan ko noong masabi ko sa kanila kung bakit kami magbabalik dito, naging malungkot ang mga ekspresyon nito. Hindi pa naiwasan ni Lola ang lumuha habang pinagmamasdan ang itinuturing niyang apo na umiiyak sa mga oras na ito.

Muli kong hinarap si Ar-Ar at hinaplos ang buhok nito.

“’Wag ka nang umiyak. Kapag bumalik na si Mamshie mo sa dati at nabalitaan niyang umiiyak ka ng kagaya nito, magagalit siya sa ’yo. Gusto mo ba ’yon?” tanong ko sa kanyang mahinahon.

Mabilis siyang umiling bilang pagsagot kahit patuloy pa rin siya sa malakas niyang pag-iyak.

“Halika rito,” utos ko sa kanya para lumapit siya sa akin.

Niyakap ko si Ar-Ar ng mahigpit na kanya ring tinugunan habang hawak naming pareho si Liam.

“Gagaling siya, Ar-Ar. Babalik siya sa dati basta pagtutulungan lang natin siyang alagaan. At kapag gumaling na siya, naniniwala akong magiging isa na tayong pamilya.” wika ko kay Ar-Ar habang yakap siya.

Umpisa pa lang ito. Naririto pa lang kami sa simula ng aming pagbuo.

Kaya simula rin sa mga oras na ito, nangangako akong lalaban ako para sa magiging pamilya ko.


A/

N

Sana ay napaiyak at napatawa ko kayo ng bahagya sa chapter na ito.

Kapit lang, mga kapatid. Salamat sa patuloy ninyong pagbabasa at pag-aabang sa istoryang ito.

–– cold_deee ❤

chapter 35

Reminder: Ang istoryang ito ay naglalaman ng Romance, Comedy, Slice of Life at HEAVY DRAMA tulad ng nasa description na unang makikita bago simulan ang pagbabasa.

Isa pang paalala, may isang parte rito na medyo maselan. Kaya pasintabi lamang po sa mga kumakain diyan.

Hindi ko in-expect na nalalapit nang magtapos ito. Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na ako sa mga sumubaybay rito. Maraming salamat sa inyo.

Para sa ’yo

oziko_yuuri

ang chapter na ito. Salamat sa patuloy na pagbabasa. ❤

Kung gusto n’yo pong makinig ulit ng music habang nagbabasa, paki-play na lang po ang nasa media. (Song title: I’ll be there for you - By: Martin Nievera)

––> Surprise! Si Ar-Ar ang nasa media.

![](https://img.wattpad.com/a0a9a73155005841b85c75e54827d2255d5ffb85/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f7163774e714270564369375a4e413d3d2d3437343134343534332e313465666630623362663333313336323733393434333733373137332e6a7067)

RIGO’s POV

“Tapos na. Halika rito, Liam.” utos ko sa kanyang nakangiti.

Hindi siya nagsalita, nanatili lang siyang nakatingin pa rin ng tuwid at tulala.

Kinuha ko ang tuwalya na naririto sa loob ng aming paliguan at marahang ipinunas iyon sa kanyang basang buhok at katawan.

“Gusto mo bang ’wag munang magsuot ng bathrobe?” tanong ko pa ring nakangiti.

Pananahimik pa rin ang kanyang naitugon habang blangko ang kanyang ekspresyon.

“Itapis na lang natin sa katawan mo, gusto mo ba? Baka kasi pagalitan mo ako kapag nakikita ang dibdib mo, ’di ba?” muli kong tanong sa kanya at nagbitaw ako ng malakas na pagtawa. Bumabalik kasi sa aking ala-ala ang mga panahon na binibiro niya ako ng tulad nito sa tuwing matatapos kami sa pagligo. Sinasabi niyang ayaw niyang makikitaan siya ng dibdib dahil malaswa raw ito.

“Halika na rito para makapagbihis ka na.” pagyaya ko naman sa kanya habang inaalalayan siyang makalabas mula sa banyong aming pinasukan.

Panibagong araw na naman. Isang araw na naman ang dumating sa amin ni Liam.

Lubos akong nagpapasalamat dahil isang buwan na ang lumipas at hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin si Liam.

Isang buwan na pare-pareho ang mga kaganapan. Isang buwan na walang pinagbago simula nang dalhin ko siya rito para maalagaan.

Sa umaga ay kailangan kong maghanda ng kanyang agahan bago pa siya magising. At kung tapos na siyang kumain, magpapahinga lang siya sandali at kailangan ko naman siyang dalhin sa tabing-dagat para maglakad-lakad. Hawak ang isa niyang kamay ay hinahayaan ko siyang makalanghap ng sariwang hangin.

Kasunod nito ay babalik kami rito sa aming rest house para naman muli siyang makapagpahinga mula sa mahabang paglalakad naming dalawa. Kailangan ko rin tingnan maya’t maya kung pinagpapawisan ba siya. Nagagawa ko rin idikit ang aking tenga sa kanyang dibdib para pakinggan kung mabilis ang tibok ng puso niya. Kailangan ko iyon gawin para malaman kung pagod na ba siya.

Sa oras na may sapat na siyang pahinga ay lilinisan ko naman ang katawan niya. Paliliguan, bibihisan, at kahit ang oras ng kanyang pagbabawas o tawag ng kalikasan sa kanyang katawan ay nasusundan ko na.

Bago naman sumapit ang tanghalian ay kailangan ko muna siyang iwan sa sala habang nakabukas ang telebisyon o kaya naman ay maglalagay ako ng earphones sa kanyang tenga para makapakinig siya ng magandang musika. Sinisiguro ko rin na kahit naroon siya sa sala at abala ako sa paghahanda ng tanghalian ay nakikita pa rin siya ng aking mga mata. Nagagawa niya kasi minsan ang tumayo at maglakad ng ilang hakbang.

Pagdating naman ng hapon ay igagaya ko siya para matulog at muling magpahinga kung nais ng katawan niya. Doon ko na rin sinasamantala ang pagtatrabaho tulad ng paglilinis, paglalaba, paghuhugas ng aming pinagkainan at kung ano-anong gawaing-bahay pa.

Tuwing hapon din ay dumadating si Ar-Ar mula sa eskwela para makatulong ko sa pagbabantay kay Liam. At habang naririto ang aming anak-anakan, doon lang din ako nagkakaroon ng pagkakataon para makaligo at maglinis ng aking katawan.

Bago sumapit naman ang gabi ay kailangan ko na naman maghanda ng aming hapunan. Ngunit sa pagkakataong ito ay mabilis ko na iyong nagagawa dahil naroon na si Ar-Ar sa tabi ni Liam para siya ay bantayan. Inaabala ko na lamang ang pakikinig sa pakikipag-usap ni Ar-Ar sa kanya kaya kahit paano ay nalilibang din ako habang nagluluto.

Mas magiging magaan na rin ang mga susunod na araw sa akin dahil ilang araw na lang din ang natitira ay magbabakasyon na si Ar-Ar mula sa kanyang pag-aaral. Mas mahaba na ang oras na magkakasama kaming tatlo at mas magiging magaan na ng bahagya ang aking trabaho.

Sina Lolo at Lola ay nakakatulong ko rin paminsan-minsan. Sila ang napapakisuyuan ko na bumili ng aming mga kailangan. Pagkain, gamot at kung ano-ano pa. Iyon lang ang inaasa ko sa kanila dahil hindi na rin sila pwedeng mapagod. May mga edad na sila at may sariling pamumuhay rin sila. Kailangan din nilang asikasuhin si Ar-Ar habang pumapasok pa ito sa eskwela.

Halos araw-araw naman ay tumatawag ako sa psychiatrist ni Liam para ibalita kung may nagbago. Tinatawagan ko rin siya sa mga pagkakataong may importanteng itatanong ako. Dalawang beses na ring dumalaw ito sa amin para tingnan ang kalagayan ng mahal ko. Laking pasasalamat ko na lang din dahil matiyaga sa amin si Doktora para makatulong ito.

Minsan ay nakakausap ko ang aming mga kaibigan dahil nakikibalita rin sila sa amin. Nitong huli ay si Xander ang nakausap ko at nag-offer siya na magpapadala siya ng makakatulong ko rito. Pero tulad ng naging sagot ko kina Tito Ed at Tita Eve noong iminungkahi rin nila ito, tumanggi ako. Gusto ko kasing ako mismo ang mangangalaga kay Liam. Gusto kong ako ang personal na mag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan.

Madalas din na tumatawag sa akin si Nanay Elise para mangamusta. Gusto niya rin sanang maalagaan si Liam ngunit naunahan siya ng pagtulong sa pag-aalaga ng bagong silang na anak nina Xander at Tom.

Nabalitaan ko na nagkaroon ng sakit ang bata at halos magwala si Xander dahil sa pag-aalala. Nagkataon pa noon na hindi niya makontak ang mga magulang nila ni Tom para humingi ng payo kaya si Nanay Elise ang huling naisip nila. Pero sa huli ay naging maayos naman ang lahat dahil nalaman nilang ang sanhi lang pala ng sakit ng bata ay dahil lang sa pagbabago ng klima. Kaya sa huli ay ako na rin ang nagsabi kay Nanay Elise na tulungan muna sina Xander dahil baka mabaliw ang kaibigan ko.

Ganoon pa rin si Liam. May mga gabi na bigla na lang itong sisigaw o kaya naman ay iiyak dahil sa kanyang masamang panaginip. Pero kung noong una ay kinakabahan pa ako habang tinuturukan ng gamot ito, nitong mga huli ay nasanay na rin ako.

May mga pagkakataon pa rin na matapos ko siyang turukan ng gamot at siya ay magbabalik na sa pagkakahimbing, nararamdaman ko na lamang ang kusang paglandas ng mga luha ko. Nagpapasalamat na lamang ako at hindi niya nakikita ang mga ito dahil nakapikit ang mga mata nito.

Isang buwan ang lumipas ngunit walang nagbago sa kanyang kondisyon. Kung paano ko siya dinala rito simula nang payagan ako ng kanyang pamilya na makasama ito ay ganoon pa rin siya. Nanatili siyang nakatanaw sa malayo at hindi nagsasalita.

Mahirap pero kinakaya ko. Masakit na makita siyang ganito pero tinitiis ko. Sinisiguro ko na sa kabila ng kalungkutang nararamdaman ko ay hindi papatak kahit isang beses ang mga luha ko habang nakamulat ang mga mata nito. Sa tuwing kakausapin ko siya ay tinitiyak ko pa ring may malawak na ngiti sa labi ko.

Ginagawa ko ang mga bagay na ito dahil gusto kong maramdaman niyang hindi na siya nag-iisa ngayon. Na naririto ako sa kanyang tabi at handa siyang yakapin sakaling makaramdam siya ng kapaguran at kalungkutan.

Sa isang buwan na pananatili namin dito ay nalalaman ko rin ang mga kaganapan sa aming mga naiwan sa Maynila. Nalaman kong nanganak nang wala sa oras si MJ kaya premature ang baby nito. Itinuloy naman ng ate ni MJ ang kaso ng divorce sa kanyang asawa na si Tristan dahil hindi naman sila kasal dito sa Pilipinas. Kasunod pa nito ay tinanggalan na rin ni Jamie ng karapatan ito sa kanilang nag-iisang anak na si Nicole. Isa pa sa mga naging kondisyon ni Jamie ay ’wag na silang magpapakita kahit kailan sa kanila ng anak niya para na rin sa ikatatahimik ng kanilang pamilya.

Isa pa sa magandang pagbabago ay tuluyan na kaming natanggap nang buo naming pamilya lalo na sa parte ko. Nalaman kong personal na nagpunta si Tita Eve sa pamilya ni Liam para humingi ng tawad sa mga ito. Hindi rin nawawala na sa tuwing kausap ko si Tita Eve sa telepono ay iyak ito nang iyak dahil binubulabog daw siya ng konsensya nito. Bumabawi na lamang siya kahit paano paminsan-minsan sa pagpapadala ng mga pangangailangan namin dito.

Nakakatawa kung iisipin ngunit mas nangingibabaw ang lungkot ko. Naiisip ko kasi na kailangan pa palang mangyari ito bago pa maging maayos ang lahat. Gusto ko sanang manumbat minsan ngunit isinasantabi ko na lang muna ang bagay na iyon dahil mas kailangan kong pagbutihin ang pag-aasikaso ngayon kay Liam.

“Halika rito. Tumayo ka muna, Liam.” paggaya ko na naman sa kanyang nakangiti para suotan siya ng adult diaper.

Kahit ang bagay na ito ay nakasanayan ko na. Maaga nga siya ngayong nakaligo dahil hindi ko namalayan na nakadumi na pala siya.

Matapos iyon ay pinaupo ko muna siya sa kama para naman pahiran ng lotion ang katawan niya. Hindi ko rin kinalimutan na lagyan siya ng kaunting pabango. Ginagawa ko ang mga paghahanda na ginagawa niya noon sa kanyang katawan. Masyado siyang maselan kaya dapat ay wala akong makalimutan.

Sunod ay sinuotan ko siya ng kanyang shorts at sando. Nasundan na rin ito ng marahan kong pagsuklay sa kanyang malago at makintab na buhok.

Matapos ang mga paghahanda ay nanatili akong nakayuko sa kanyang harapan habang magkatapat ang aming mga mukha. Tinitigan ko ang magandang mukha niyang iyon habang may malawak na namang ngiti sa labi ko.

“Ang ganda-ganda talaga ng prinsesa ko.” masaya kong papuri sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Sa bawat araw na kakausapin ko siya tulad nito ay hindi ako nawawalan ng pag-asa na sana ay sagutin niya ako. Kung minsan ay naghihintay ako ng ilang minuto para lang marinig ang magandang boses nito. Pero tulad noong unang araw na nagpunta kami rito, nanatiling blangko ang kanyang mga mata at tikom ang bibig nito.

Naiisip ko minsan, nasa akin ngang harapan ang magaganda niyang mga mata na paborito kong titigan ngunit tumatagos naman ito sa pagkatao ko. Hindi niya na ako matingnan ng diretso tulad ng dati na gustong-gusto ko.

Sa bawat pagkakataon na ganito ang nangyayari ay naninikip ang dibdib ko. Gusto kong umiyak ngunit ginagawa ko ang lahat para mapigilan ito. Hindi ko hahayaang maramdaman niya ang aking kahinaan dahil sa akin magmumula ang lakas na kanyang kailangan.

Habang nakatingin ako sa kanyang mga mata ay marahan kong hinaplos ang malambot na pisngi niya.

“Magpagaling ka na, Liam. Naghihintay ako. Naghihintay kami ng anak mo.” masaya kong pakikipag-usap sa kanya.

Hindi pa rin siya tumutugon kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita habang malawak ang pagkakangiti ko.

“May magandang balita nga pala ako sa ’yo,” unang bahagi ng pagbabalita ko sa kanya. “Ayos na ang papeles ni Ar-Ar. Opisyal na, Liam. Anak ko na siya, legal na anak na natin siyang dalawa dahil ang apelyido mo na rin ang middle initial niya.” tuluyan ko nang pagbabalita sa kanya.

Napakasaya ko. Sa wakas ay may sariling anak na ako. Ang maganda pa rito ay nakasunod na sa pangalan nito ang apelyido naming pareho.

Ang kulang na lang ay ang pagbabalik ni Liam sa dati. Siya na lang ang hinihintay namin para makompleto na kami.

“Arnold Arvin De Torres Silvestre,” pagbanggit kong malambing sa pangalan ng aming anak. “Ang ganda ng pangalan ng anak natin, ’no?” sunod ko pang tanong sa kanyang nakangiti.

Kumilos ako nang dahan-dahan sa kanyang tabi para makaupo. Nanatiling nasa harapan ang kanyang paningin ngunit hindi iyon naging hadlang para makita ko ang kabuuan ng kanyang magandang mukha. Bahagya akong yumuko para mapagmasdan pa rin ito habang hawak ko ang malambot na kamay nito.

Nagpatuloy ako sa pagkekwento kahit na alam kong wala akong maririnig na kasagutan mula sa kanya.

“Sa oras na gumaling ka na, isasama na natin siya sa Maynila para doon na rin mag-aral. Hinihintay na rin niya ang paggaling mo, Liam. Hinihintay na niya ang pag-aalaga ng Mamshie niya.” pagpapatuloy ko at bahagya akong natawa. Naalala ko kasi ang kwento sa akin ni Ar-Ar kung paano nagsimula ang pagtawag niya kay Liam ng ganito.

Huminga ako ng malalim para sa susunod na bahagi ng aking kwento.

“Pero tuwing bakasyon niya sa eskwela, hiniling nina Lolo at Lola na makasama nila si Ar-Ar. Ayos lang naman ’yon, ’di ba?” paghingi ko ng permiso sa kanya.

“Alam kong tututol ka dahil mami-miss mo siya, pero pwede naman natin siyang samahan dito o kahit pa nasa Australia siya dahil doon na sina Lolo at Lola titira sa susunod na taon. Iyon na rin ang magiging bonding nating tatlo ’pag nagkataon.” sunod ko pang paliwanag sa kanya.

“Pagbigyan na natin sina Lolo at Lola dahil mami-miss din nila ang bata. Ang tagal din kasi nilang inalagaan siya, ’di ba? Kaya ’wag kang magagalit kung hindi na kita hinintay na sumang-ayon ha? Pumayag naman si Ar-Ar kaya sa tingin ko wala kang dapat ipag-alala kung malulungkot siya habang wala tayo sa tabi niya.” pagpapatuloy ko sa paliwanag ko kanina.

Ilang minutong katahimikan ang namayani dahil huminto ako sa aking pagkekwento. Nagbakasakali na naman kasi ako na maririnig ko ang boses nito. Kaya habang naghihintay ay inabala ko na lamang muna ang aking sarili sa pagtitig sa mukha nito.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay hindi rin ako nakatiis na muling magbukas ng panibagong usapan dahil may naalala ako. Mas naging masigla na ang boses ko at mas hinigpitan ko na rin ang pagkakahawak sa kamay nito.

“Oo nga pala! Malapit na rin pala ang birthday mo, Liam! Anong gusto mong gawin? Gusto mo bang magpatawag tayo ng party tulad dati? Iimbitahan ko ang pamilya at mga kaibigan natin. Anong gusto mong handa?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Ilang minuto na naman akong naghintay, ilang minuto na naman akong umasa sa pagsagot niya.

Pinisil ko ang malambot na kamay niya.

“Sige, ako na lang muna ang bahala. Ipaghahanda kita ng mga paborito mong pagkain. Tatawagan ko rin silang lahat para makapunta sila rito.” pagsagot ko rin sa mga katanungan ko.

Muli kong pinagsawa ang pagtitig sa kanyang mukha matapos kong sabihin ang mga ibinalita ko. Huli kong tinitigan ay ang kanyang mga mata na nakatingin sa malayo, at habang nakatitig ako sa mga paningin niyang iyon ay naramdaman ko ang pag-init din ng mga mata ko.

Agad akong huminga ng malalim at tumayo sa aking pwesto. Hindi na ako nag-aksaya pa ng sandali dahil alam kong kapag nagtagal pa ako sa pagkakatitig sa kanya ay maglalandas na ang mga luha ko.

“Halika, Liam. Doon muna tayo sa sala. Kailangan ko nang maghanda para sa hapunan natin.” masuyo kong pagyaya sa kanya.

Inalalayan ko siya nang dahan-dahan para makatayo siya mula sa pagkakaupo. Hawak ang isa niyang braso at bewang ay iginaya ko siyang maglakad palabas ng aming kwarto.

Mula sa ikalawang palapag ng aming rest house ay naging mabagal ang aming pagbaba sa hagdan patungo sa unang palapag kung nasaan ang sala at kitchen namin dito.

Maingat ako sa pag-alalay sa kanya hanggang sa makaupo siya nang maayos sa malaking sofa na naririto. Naglagay pa ako ng throw pillow sa kanyang kandungan at inilagay ang dalawang kamay niya rito para mas maging komportable siya sa kanyang pwesto.

Sunod ay binuksan ko ang telebisyon na nasa kanyang harapan at siniguro kong sapat lang ang lakas ng tunog na nagmumula rito. Naghanap din ako ng channel na alam kong kasiyahan lang ang hatid o kaya naman ay musiko.

Matapos iyon ay muli ko siyang nilapitan at hinalikan sa ulo.

“Dito ka lang muna, ha? Magluluto lang ako.” malambing kong pagpapaalam sa kanya.

May ilang segundo na naman ako na naghintay sa kanyang pagtugon. Sinasabayan ko na rin iyon ng dasal na sana, makita ko man lang siya kahit tumango. Kahit hindi na sana niya ako tingnan basta masiguro ko lang na narinig niya ang tinig ko.

Pero wala. Wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Nagtungo ako sa kusina na medyo malayo sa kanyang pwesto ngunit sapat lang para siya ay makita ko.

Kinuha ko ang isang apron na naririto sa malaki naming kusina. Hindi ko muna iyon isinuot dahil tinitigan ko muna ito habang katabi ang isa pang apron na kulay dilaw at may parehong tatak ng letrang ‘R’ .

Hindi ko alam kung normal pa ba itong ginagawa ko, pero hinawakan ko ang dalawang apron at marahang hinaplos ang mga ito.

Ito ang apron na niregalo ko sa kanya noong huli kaming nagpunta rito. Ito ang apron na pinangarap kong susuotin namin habang sabay na nagluluto.

Ngumiti ako ng tipid habang nakatitig sa dalawang apron na nasa mga kamay ko.

“Tiwala lang. Maisusuot din namin kayo nang sabay.” nakangiti kong pagkausap sa dalawang apron.

Isinuot ko na ang kulay asul at nagsimula na akong maghanda sa pagluluto.

Mahaba ang oras nga ginagawa kong paghahanda dahil sinisiguro kong masusustansya ang mga kakainin ni Liam. Maging ang kanyang iinumin ay laging fresh juices tulad ng ibinibigay ko sa kanya simula pa noon. Mas marami na rin ang inihahanda ko dahil nagbibigay na rin ako kina Lolo at Lola bilang kanila ring hapunan. Si Ar-Ar ay nakakasama na rin namin ni Liam sa aming pagkain dito. Nakakatuwa nga at hindi rin mapili ang bata sa pagkain. Kahit ano yata ang ihanda ko sa kanya ay hindi siya magrereklamo.

Sa bawat pagkilos ko ay maya’t maya ko ring nililingon si Liam sa kanyang pwesto sa sala. Nag-aalala ako na baka tumayo ito at maglakad kahit pa ilang mga hakbang lang ang kanyang nagagawa. Baka makakaramdam siya ng pagod mula sa pag-upo kaya kailangan kong maalalayan siya. Sa tuwing mangyayari kasi ito ay tinatabihan ko lamang siya ng ilang minuto at hahawakan ang kamay niya. Matapos iyon ay susubukan ko naman siyang igaya pabalik sa pwestong inalisan niya.

Ganito lang kami sa isang buwan na pananatili rito. Walang pagbabago. Paulit-ulit ngunit hindi nakakasawa sa parte ko. Ang mahalaga sa akin ay naririto siya at kasama ko.

Tiningnan ko ang wallclock na naririto sa kitchen, sandali na lang pala at darating na si Ar-Ar kaya may makakasama na rin kami rito. Kasunod nito ay nilingon kong muli si Liam sa kanyang pwesto habang naghihiwa ng leeks na ilalagay ko sa soup niya mamaya. Ngunit nang tuluyang madako ang mga mata ko sa kanyang kinauupuan ay mabilis kong nabitawan ang hawak kong kutsilyo dahil hindi ko na siya roon nakita.

“Liam?” mahina kong sambit sa kanyang pangalan. Hindi ko rin gustuhin ay mabilis ding binalot ng kaba ang dibdib ko.

Mabilis akong kumilos para takbuhin ang sala kung saan ko siya iniwan. Pero hindi pa ako tuluyang nakakarating sa salang iyon ay napahinto na rin ako.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakatayo na siya ngayon at nasa tapat lang pala ng malaking bintanang naririto. Marahil ay napagod na nga siya sa pag-upo kaya heto at naglakad na naman siya ng ilang hakbang para makatayo.

Pinagmasdan ko muna siyang mabuti. Naroon pa rin ang malayo niyang tingin na tila tinatanaw ang dulo ng karagatang nasa tapat din ng bintanang kinatatayuan nito.

Ilang minuto ko rin siyang pinagmasdan hanggang sa magdesisyon akong lapitan siya at tabihan. Marahan kong hinawakan ang isa niyang kamay at pinisil pa ito.

“Liam? Halika na, bumalik ka na sa upuan mo.” pagyaya ko sa kanyang malambing.

Hinawakan ko na rin ang isa niyang braso para sana igaya siya pabalik sa sofa na inuupuan niya kanina. Ngunit nang tuluyan kong ikilos ang aking katawan para maalalayan siya ay naramdaman kong hindi niya iginagalaw ang katawan niya. Nanatili siya sa pagkakatayo at ayaw sumunod sa paggabay ko. Hindi niya pa rin inaalis ang kanyang tingin sa karagatan na payapa ang tubig sa mga oras na ito.

Muli akong huminga ng malalim tanda ng pagsuko.

“Nagsawa ka nang manood ng TV, Liam? Gusto mong panoorin na lang muna sa dagat?” tanong ko sa kanya. Iniisip kong naiinip na rin siguro siya kaya naghanap siya ng ibang mapagkakaabalahan niya.

Hindi pa rin siya sumagot tulad ng inaasahan ko.

“Sige, dito ka muna. ’Wag ka nang aalis dito ha? Darating na rin mayamaya si Ar-Ar kaya may makakasama ka na ulit habang nagluluto ako.” pagkausap ko pa rin sa kanya.

Ilang minuto pa rin akong nakatingin lang sa kanya habang hawak pa rin ang kamay niya. Matapos iyon ay nagdesisyon na rin akong bumalik sa kusina dahil naalala kong may pinakukuluan din ako.

Bago ako umalis sa kanyang pwesto at bitiwan ang kamay nito ay hinalikan ko muna siya sa ulo.

Nag-aalala pa rin ako, pero kahit paano ay nagiging kampante ako sa tuwing iniisip kong hindi naman siya makakarating sa malayo. Ilang hakbang lang naman ang kanyang nagagawa at pinakamarami na siguro ang sampo.

Ipinagpatuloy ko ang pagluluto para sa aming hapunan. Hindi ko na siya natatanaw ngayon sa aking pwesto rito sa kusina ngunit maya’t maya ko naman siyang binabalikan. Naroon pa rin naman siya at hindi umaalis mula sa tapat ng bintana.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa maging abala na ako. Hindi ko pwedeng iwan ang ulam na aking niluluto dahil sunod-sunod na rin ang paglagay ko rito ng rekado.

Matapos ang paghahanda ko sa ulam ay tinikman ko muna ang sabaw nito para malaman kung sapat na ba ito. At nang masigurong ayos na ito ay pinatay ko na ang gas range para simulan naman ang paghahanda ng fresh orange juice ni Liam.

Bago ako nagdesisyong kumuha ng prutas sa ref ay binalikan ko muna siya para tingnan. Ngunit nang tuluyan akong makarating sa sala ay nasorpresa ako sa aking nakita.

Nagbalik ang takot sa dibdib ko dahil wala nang Liam ang nakatayo roon sa tabi ng bintana kung saan ko siya iniwan.

“L-liam..?” nauutal kong pagbanggit sa kanyang pangalan.

Para akong binabangungot sa mga oras na ito. Nagsimula na rin manginig ang katawan ko.

“Liam?!!” pagtawag ko na sa kanyang may kalakasan.

Tinakbo ko ang kabuuan ng unang palapag nitong rest house. Maging ang garden sa bandang nitong bahay ay ginalugad ko habang paulit-ulit kong tinatawag ang kanyang pangalan.

Ngunit nalibot ko na ang lahat ng sulok dito ay hindi ko talaga siya matagpuan.

“Liam!!!” sigaw ko na naman. Nagsimula na rin mangilid ang luha ko dahil sa labis na takot na aking nararamdaman.

Inakyat ko ang ikalawang palapag kung nasaan naman ang aming kwarto at ilang guest rooms na naririto. Maging ang bawat banyo ay pinasukan ko para lang mahanap ito.

“Nasaan ka na..?” mahina at kabado kong paghahanap sa kanya.

Tinakbo ko ang pool na nasa tapat ng kwarto namin dito sa ikalawang palapag, ngunit kahit ang parteng iyon ay wala siya.

“Liam!!!!” mas malakas ko nang sigaw sa kanyang pangalan habang patuloy sa aking pagtakbo patungo naman sa ikatlong palapag nitong aming rest house.

Ngayon ko pinagsisisihan kung bakit napakalaki ng rest house na dinesenyo at ipinagawa ko. Kailangan kong isa-isahin ang parte nitong bahay para lang matagpuan ang mahal ko.

“Diyos ko, nasaan ka na..?” nanginginig na ang aking boses dahil sa labis na kaba.

Nasa ganoon akong paghahanap nang makarinig ako ng malakas na pagtawag mula sa baba.

“Daddy?!! Ma?!!! Nandito na ang kutong-lupa!!!” malakas nitong pagtawag mula sa unang palapag.

“Ar-Ar…” sambit ko naman sa pangalan ng aming anak.

Mabilis akong kumilos at bumaba mula sa ikatlong palapag.

“Ar-Ar!!!” pagtawag ko ring malakas sa kanyang pangalan.

“Daddy!!! Nasaan si Ma?!!” sigaw niya ring paghahanap kahit hindi pa kami nagkikita.

Halos talunin ko na ang hagdan mula sa ikalawang palapag patungo sa baba.

“Ar-Ar!! Tulungan mo ako!! Hanapin mo si Liam!! Nawawala si Liam!!” natataranta ko nang paghingi ng saklolo sa kanya nang makita ko siya sa sala.

Namilog ang mga mata ng bata nang marinig niya ang sinabi ko.

Hindi na rin siya nag-aksaya pa ng oras. Mabilis niyang inilapag ang kanyang bag sa sahig at nagsimulang tumakbo para hanapin si Liam.

“Ma!!!!” sigaw niya habang naghahanap na rin sa mga oras na ito.

“Doon sa labas!! Wala siya rito sa bahay!!” pasigaw kong utos sa kanya.

Nagmamadali kaming pareho na lumabas ng aming bahay para hanapin pa rin si Liam.

Dapit hapon na at nagsisimula na ring lamunin ng dilim ang kapaligiran. Ilang minuto na lang at mawawala na ang liwanag na nagmumula sa kalangitan.

“Liam!!!!”

“Ma!!!!”

Pareho kami ni Ar-Ar na halos maputol na ang litid sa tindi ng pagsigaw habang naririto kami sa tabi ng dagat. Magkahiwalay kaming naghahanap dahil sa lawak nitong lugar. Kahit ang aming mga nakakasalubong ay halos gulatin namin sa tuwing amin itong tatanungin kung nakita ba nila si Liam. Kilala naman nila si Liam dahil ilang beses na rin namin itong naipakilala sa mga naninirahan dito.

“Ma!!!!!!! Ma….!!!!”

Napahinto ako sa aking pagtakbo nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Ar-Ar. Lalo akong binalot ng takot dahil kahit malayo sa akin si Ar-Ar sa mga oras na ito ay alam kong sinabayan na niya ng iyak ang pagtawag sa pangalan ni Liam.

Mabilis kong nilingon ang pwesto ni Ar-Ar na ilang metro rin sa akin ang layo.

“Ma…!!!!” sigaw pa rin nitong umiiyak.

Nanlaki ang mga mata ko dahil kasunod ng pag-iyak niyang iyon ay tinakbo niya ang tubig ng karagatan.

Pagtataka at takot ang namayani sa akin kaya bahagya akong natigilan. Pinagmasdan ko si Ar-Ar sa kanyang bawat paghakbang, at halos manlumo ako nang mapansin ko kung ano o sino ang kanyang tinutumbok sa may kalayuan.

“L-liam….” pagbanggit ko sa kanyang pangalan.

Naroon siya sa tubig ng dagat na malayo rito sa pampang. Patuloy na naglalakad habang ang tubig ay nasa kanya nang bewang.

“Liam!!!!!” sigaw ko at mabilis na akong tumakbo.

“Ma…!!!!” sigaw rin sa kanya ng aming anak na si Ar-Ar habang umiiyak.

Una kong tinumbok ay ang pwesto ni Ar-Ar upang ito ay pigilan sa tangkang pagsagip kay Liam.

“Ar-Ar, ako na!!! Dito ka na lang!!” pagpigil ko sa kanyang sumisigaw nang akin itong abutan.

Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Hindi niya maililigtas si Liam lalo na at lalagpas na sa kanya ang tubig sa oras na maabutan niya ito. Isa pa, mas malaki ito sa kanya. Marahil ay dahil sa takot at pagkataranta ng aming anak ay hindi na rin niya iyon naisip. Mas nangibabaw sa kanya ang kagustuhan na mailigtas si Liam.

“Daddy, si Ma..!! Iligtas mo si Ma..!!! Kunin mo siya..!!” sunod-sunod na pakiusap ni Ar-Ar sa pagitan ng pag-iyak niya.

Hindi ko na siya sinagot. Mabilis na lamang akong kumilos para abutan si Liam na patuloy pa ring naglalakad sa gitna ng tubig habang tulala.

“Liam!!!!” sigaw kong pagtawag sa kanya habang sinusuong ang tubig ng karagatan.

Lahat ng aking lakas ay nilabas ko para lang mas bumilis ang paghakbang ko sa kabila ng pagpigil ng tubig sa katawan ko.

Nagpapasalamat na lang ako dahil tila maliliit lang ang mga paghakbang ni Liam sa mga oras na ito.

“Liam!!!” muli ko na namang pagsigaw.

Kahit hinihingal na ako ay hindi ako nagpatinag. Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad.

Ilang metro na lang ang aming pagitan kaya tumalon na ako para languyin ang tubig na kaunti na lang ay magpapantay na sa dibdib ko.

Ilang paglangoy lang ang nagawa ko at laking pasasalamat ko sa Diyos dahil nahawakan ko na ang katawan ng mahal ko.

Hinawakan ko siya sa kanyang balikat at naging marahas ang pagkapit ko rito para ipaharap sa aking pwesto.

“Liam, ano ba??!!!” malakas kong pagtatanong sa kanya habang hawak ang magkabilang balikat niya.

Tinugon niya ako ng katahimikan habang tagos ang kanyang mga mata na nakaharap sa direksyon kung nasaan ako.

Tama nga ako, nasa dibdib ko na ang tubig ng dagat at halos nasa balikat na niya ito.

Mabilis at maraming mapaghinga ang aking ginawa dahil sa pagod ng paghabol sa kanya. Pero sa halip na manahimik ako, hindi ko napigilang ilabas ang lahat ng salitang hindi ko inaasahang sasabihin ko.

“Tama na, Liam!!! Ano ba?!!! ’Wag naman ganito!!! Ginagawa ko ang lahat para lang maging maayos ka!!! Pero ’wag mo naman akong suklian ng ganito!!!! ’Wag mo naman akong iwan tulad nito!!!” sumbat kong pasigaw sa kanya habang inaalog ang katawan niya.

Hindi ko man gustuhin ay kusa na lamang din pumatak ang mga luha ko. Hindi ko man inaasahan ay nailabas ko ang panghihina ng katawan ko.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita ngunit naging mahinahon na ito sa pagkakataong ito.

“Tao lang ako, Liam… Napapagod din ako… Pero ’wag naman ganito… Lumaban ka naman… Nagmamakaawa ako sa ’yo… ’Wag naman ganito…” pakiusap ko sa kanya.

Mas lalo nang nag-unahan sa pagdaloy ang aking mga luha.

“Kulang pa ba..? Ginagawa ko naman ang lahat, ’di ba..? Hindi ako nagrereklamo… Hindi ko pinapakitang nanghihina ako kahit halos lamunin na ako minsan ng antok at pagod ko… Lumalaban ako, Liam… K-kasi… Kasi ayaw kitang mawala sa buhay ko… Kaya pakiusap naman… Lumaban ka rin naman… Kahit hindi na para sa akin… Kahit para na lang sa sarili mo… Kahit ’wag mo na akong isipin… Basta magpatuloy ka lang sa buhay mo… ’Wag naman ganito…” sunod-sunod kong sumbat at pakiusap sa pagitan ng pag-iyak ko.

Sa kabila ng mga sinabi kong iyon ay nanatiling blangko ang kanyang ekspresyon. Sa dami ng mga panunumbat at pakiusap kong iyon ay wala akong nakuha kahit na isang pagtugon. Ito ay palatandaan lamang na hindi niya narinig ang mga pakiusap at pagmamakaawa kong iyon.

Napayuko ako habang umiiyak dahil sa pagsuko.

“Liam, naman…” huli kong sambit at dahan-dahan siyang niyakap ng mahigpit.

“I’m sorry… S-sorry kung nasigawan kita… Sorry kung sinumbatan kita… I’m sorry…” umiiyak kong paghingi ng tawad sa kanya habang yakap pa rin siya.

Dahil sa labis ng takot ay hindi ko na inisip ang kalagayan niya. Dahil sa matinding pag-aalala ay nawala na sa isip kong unawain siya. Wala siya sa kanyang sarili kaya dapat ay habaan ko pa ang aking pasensya.

“I’m sorry…” paghingi kong muli ng tawad sa kanya. Paulit-ulit ko rin na hinahaplos ang likod niya.

Ilang minuto rin kaming ganoon. Yakap ko siya at paulit-ulit na humihingi ng tawad sa kanya.

Matapos ang ilang minutong pananatili sa gitna ng tubig ay dahan-dahan kong pinunasan ang aking mga luha. At kahit naninikip pa rin ang aking dibdib sa mga oras na ito ay pinilit kong isuot ang malapad na ngiti sa labi ko.

Dahan-dahan ko siya binitawan hanggang sa muli kong makaharap ang magandang mukha nito.

“H-halika na… Bumalik na tayo sa bahay… Hinihintay na tayo ng anak natin…” pagyaya ko sa kanyang nakangiti habang pinipigilan ang mga panibagong luha na dumaloy sa aking mga pisngi.

Hindi na ako naghintay pa ng ilang minuto para lang marinig ang kanyang pagsagot. Ngayon lang ako hindi aasa na magaganap iyon dahil kailangan ko na siyang maialis dito.

Inalalayan ko siya nang dahan-dahan para makabalik kami sa pampang. Naging matagal man ang aming paglalakad ay naging matiyaga ako para lang masiguro na hindi siya matutumba mula sa paglalakad namin sa karagatang ito.

“Ma, naman, eh….” umiiyak pa ring salubong sa amin ni Ar-Ar at niyakap ang bewang ni Liam.

Napangiti ako ng bahagya sa senaryong iyon. Malambing talaga siya kay Liam.

Hinaplos ko na lamang ang ulo ng aming anak para bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam.

“Tahan na. Maayos na ang Mamshie mo. ’Wag ka nang umiyak.” pagkumbinsi ko kay Ar-Ar.

Tumango naman ang bata at pilit na pinipigilang umiyak.

“Tara na. Lilinisan ko muna siya para magsalo-salo na rin tayo sa hapunan. Maligo ka na rin para makapagpalit ka na rin ng uniporme mo.” pagyaya ko naman kay Ar-Ar sa pagkakataong ito.

Inaalalayan naming pareho si Liam nang tunguhin namin ang aming bahay. Kasabay ng aming paglalakad ay ang pagdarasal at pasasalamat ko sa Diyos na hindi Niya pa rin pinabayaan si Liam. Nanalangin din ako na bigyan Niya pa ako ng karagdagang lakas para mas maging matatag sa mga pagsubok na haharapin ko.

Kailangan kong magpatuloy dahil hindi na lang si Liam ang kailangan kong pagtuunan ng pansin sa mga susunod na tagpo ng buhay ko. Naririto na ang pinangarap kong anak na kukumpleto sa buhay ko. May pamilya na akong dapat alagaan at asikasuhin habang nabubuhay ako.

Nang makarating kami ng aming bahay ay nagsabay na rin sa paliligo sina Liam at Ar-Ar. Hinayaan ko silang maligo sa bathtub habang ipinagpapatuloy ko ang paghahanda ng hapunan naming tatlo. Saglit lang din akong nag-asikaso ng aking sarili dahil nabasa ang damit ko mula sa dagat na nilangoy ko.

Masaya ang aming naging pagsasalo-salo dahil sa masaganang pagkain ni Ar-Ar at masayang pakikipag-usap namin kay Liam. Laking pasasalamat ko rin dahil naiintindihan ng bata ang pinagdadaanan ni Liam kaya naging matiyaga rin ito.

Kung hindi lang siguro ganito ang kondisyon ni Liam, siguro ay ako na ang pinakamasayang tao sa mga oras na ito. May masaya at kompletong pamilya na ako, buo na ang pangarap ko simula pa nang pagkabata ko.

Siya na lang talaga ang kulang. Si Liam na lang. Ang pagbabalik na lang niya sa dati ang hinihintay ko para buong-buo na ako.

“Ma… ’wag mo nang uulitin ’yon, ha?” pakiusap ni Ar-Ar kay Liam.

Naririto na kami sa aming malaking kama sa kwarto at naghahanda nang matulog. Nakiusap muna si Ar-Ar sa kanyang Lolo at Lola na dito muna siya matutulog tutal naman ay wala siyang pasok kinabukasan sa eskwela.

Nasa gitna namin si Liam at yakap ng isang naming kamay ang kanyang bewang. Pareho kami ni Ar-Ar na nakatagilid ang pwesto at nakapatong ang aming mga ulo sa isa naming kamay bilang suporta para makaharap kay Liam na ngayon ay nakatingin nang tuwid sa kisame.

“’Pag inulit mo pa ’yon sa susunod, Ma, kahit mas malaki ka sa akin, ako na ang kukutos sa ’yo. Gusto mo ba ’yon?” pananakot ni Ar-Ar kay Liam.

Dahil doon ay nakapagbitaw ako ng mahinang pagtawa.

“Siguraduhin mo lang na hindi niya ’yan malalaman ’pag bumalik na siya sa dati, Ar-Ar. Dahil ’pag nalaman niya ’yan, hindi lang kutos ang aabutin mo sa kanya.” natatawa kong pagkausap sa bata.

Tiningnan muna ako ni Ar-Ar habang nagtataka ang kanyang mukha.

“Bakit? Isusumbong mo ba ako sa kanya, Daddy?” tanong nito sa akin.

Mas lalo akong natawa.

“Hindi. Pero hindi ko rin kayang magsinungaling sa kanya. Magaling manghuli ang Ma mo! Wala tayong ligtas sa kanya dahil matalino siyang tao!” sagot ko naman sa kanya.

“Weh?? Hindi nga? Ibig sabibin kaya niya akong turuan sa mga assignments ko sa school?” hindi niya makapaniwalang reaksyon.

“Mmmm!” sagot kong tumatango. “Siya nga ang gumagawa ng project at assignments namin noong nag-aaral pa lang kami.” pagmamalaki ko pa.

Lalong nagtaka ang ekspresyon ni Ar-Ar sa pagkakataong ito.

“Ha??!! E, nasaan kayo? ’Di ba, dapat kayo ang gumagawa ng assigments n’yo?! Bakit si Ma pa?!” sunod-sunod nitong tanong na may halong panenermon.

Natahimik ako sa mga katanungang iyon ni Ar-Ar. Tumigil muna ako sa pagtawa ngunit nanatili ang ngiti sa aking labi bago ko nilingon si Liam na pumipikit-pikit na sa mga oras na ito.

“Ang Tito Dom at Tito Xander mo, busy sa paghahanap ng chicks sa university namin. Mga babaero kasi ’yon noon, e.” sagot ko kay Ar-Ar.

“E, ikaw, Daddy? Nasaan ka?” tanong nitong muli.

Mas lumapad ang aking pagkakangiti habang nakatingin pa rin ako kay Liam na ngayon ay pikit na ang mga mata tanda na nahihimbing na siya.

“Nandoon lang ako sa library. Nasa harap lang ako ng Mamshie mo habang gumagawa siya ng project namin.” una kong sagot sa malambing kong tono. “Nandoon lang ako at binabantayan siya. Hinihintay kung may kautusan siya. At kung wala siyang kailangan, nandoon lang ako at inaabala ang sarili kong titigan siya habang busy siya sa pag-aaral niya.” mas malambing ko pang dugtong sa aking mga sinabi.

Ilang segundong katahimikan ang namayani dahil hindi na ulit nagtanong pa si Ar-Ar sa aming tabi. Ngunit makalipas ang ilang segundong iyon ay naramdaman ko ang pagkilos ni Ar-Ar para ikubli ang kanyang mukha sa leeg ni Liam at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap dito.

“Ma… ’Pag bumalik ka na sa dati, ’wag mong sasagutin si Daddy kasi ang korni niya. Ang cheesy niya. Eeww!” bulong nito kunwari kay Liam at ipinikit na rin ang kanyang mga mata.

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabing iyon ni Ar-Ar. Dahil doon ay pinisil ko ang kanyang pisngi dahil sa panggigigil. Napansin ko rin na pumupusyaw na ang balat ng batang ito, lumalabas na ang kanyang tunay na kulay. Marahil ay dahil hindi na ito nagbababad sa araw at bihira na lang maligo sa dagat dahil mas madalas na siyang naririto lang sa bahay para makasama kami ni Liam.

“Aayaw ka pa? Sige ka, mawawalan ka ng gwapong Daddy!” pagsakay ko sa biro niya.

Naimulat ni Ar-Ar ang kanyang mga mata ngunit nanatiling mahigpit ang yakap niya kay Liam.

“Joke lang naman, Daddy! Siyempre hindi mabubuo ang tatlong beki kung wala ang model kong Daddy! Ayokong maiwan ang batang beki at ang lider na mas beki!” sagot naman nito sa akin pabalik.

Dahil sa kanyang sinabi ay hindi ko naiwasan ang makapagbitaw ng malakas na tawa. Naalala ko kung paano niya kinanta iyon sa harap ni Liam noong minsang kausap niya nito sa sala.

“Ssshhh!! ’Wag kang maingay, Daddy! Natutulog na ang Mamshie ko!” pagsaway nito sa akin at inilagay pa ang kanyang hintuturo sa tapat ng nguso nito.

“Oo na, oo na!” pagsuko ko na lang na natatawa. “Tara na nga at matulog. Maaga pa akong gigising bukas.” pagyaya ko na rin sa kanya.

Ngumiti naman ang bata.

“Good night, Daddy.” mahina niyang bulong habang nakatingin sa akin. Nakikita ko pa ang pagningning ng kanyang mga mata tanda na napakasaya niya. At alam kong ito ay dahil sa natupad na rin ang pangarap niyang magkaroon ng panibagong pamilya.

Sa parte ko naman ay ibayong saya rin ang hatid nito. Ang sarap sa pakiramdam na may tumatawag na ring Daddy sa akin. May anak na akong maituturing na kahit hindi man nagmula sa akin ay legal naman nang akin. Masasabi kong akin siya at malaya kong angkinin.

“Good night, son.” sagot ko kay Ar-Ar habang nakangiti.

Sunod naming nilingon ay ang nahihimbing na si Liam sa aming tabi.

“Good night, Ma…” malambing na bulong ni Ar-Ar dito.

“Good night, Liam…” bulong ko rin dito.

Matapos ang pagbati naming iyon ay sabay naming hinalikan nang marahan sa magkabilang pisngi ito. Kasunod nito ay ipinikit na namin ang aming mga mata habang magkakayakap kaming tatlo.

Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa.

Hindi ako dapat sumuko.

Hindi ako dapat mapagod.

Hindi dapat kahit isang beses man lang.

Dahil may umaasa na sa akin sa mga oras na ito.

Nandito sila.

Ang pamilyang binuo ko.


A/N

Sinisikap ko talagang bilisan ang update. Pasensya na rin sa mga hindi ko agad narereplyan sa Fb messenger dahil nagko-concentrate ako sa pagdadraft nito. Sana ay maintindihan ninyo.

Sana kahit maiksi ang chapter na ito ay nagustuhan pa rin ninyo.

Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa nitong kwento. Mahal ko kayo.

–– cold_deee ❤

chapter 36

Reminder: Ang istoryang ito ay naglalaman ng Romance, Comedy, Slice of Life at HEAVY DRAMA tulad ng nasa description na unang makikita bago simulan ang pagbabasa.

Konting chapters na lang po ang natitira! Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na ako sa mga sumubaybay mula pa sa umpisa. Pangalawang kwento na aking nagawa at inabot din ito nang halos isang taon! Maraming salamat po sa inyo! Naiiyak ako, charot!

Para po kay

jaypeejp

ang chapter na ito! Salamat sa mga nakakatuwang gif’s mo! Naaaliw talaga ako! ❤

And as usual, kung gusto n’yo rin pong makinig ng music habang nagbabasa, paki-play na lang po ang nasa media. (Song title: When You Believe - By: Whitney Houston and Mariah Carey)

Enjoy reading sa mga natitirang chapters, mga mahal ko!

––> Sina Randy at Rigo po sa media.

![](https://img.wattpad.com/7236b2eb375072c5297b5d981e9ecc31549a009d/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f38517530744e354f6349525662513d3d2d3437353237303836322e313466316436643438643039376131393334353035393038333734342e6a7067)

RIGO’s POV

“Happy birthday to you~”

Sabay-sabay na pagtatapos ng kanta naming naririto sa aming malaking sala. Nasundan din iyon ng malakas na palakpakan ng mga pamilya at kaibigan namin ni Liam para sa kanyang kaarawan.

Kompleto ang aming barkada. Naririto sina Xander, Dom at Shai. Ang mga kaibigan pa naming sina Tom kasama ang dalawa nilang anak ni Xander na sina Carla at ang sanggol na si Drey, Charm, Ben, Dee, Daniel, Ronnie, Lojie, Olyn, Vinci at Coke.

Naririto rin ang miyembro ng pamilya ko na sina Tito Ed at Tita Eve, habang ang ina ni Liam at si Nanay Elise ay naririto rin. Hindi lang nakarating ang ate ni Liam dahil nasa ibang bansa ito kasama ang kanyang anak at asawa. Pero bago pa magsimula ang selebrasyon kanina ay nakipagvideo call na rin sa amin ito para bumati kay Liam. Naririto rin ang Lolo at Lola ni Ar-Ar na siyang tumulong sa akin nang mas maaga kanina para makapaghanda.

Nasa harapan ako ni Liam at nakaluhod sa sahig habang nasa dalawang kamay ko ang cake na ako rin mismo ang gumawa. Nasa kanyang tabi naman ang aming anak na si Ar-Ar habang sila ay nakaupo sa malaking sofa.

“Ma, hipan mo na ang kandila sa cake mo!” masayang utos ng aming anak kay Liam.

At dahil hanggang ngayon ay nakatingin lang nang tuwid si Liam habang blangko ang kanyang mga mata ay ako na rin ang gumawa ng hakbang para mahipan ang kandilang nasa ibabaw ng cake na hawak ko.

“Ar-Ar, tulungan mo na ang Ma mo. Ikaw na rin ang magwish para sa kanya.” nakangiti kong utos sa aming anak.

Lumapad ang ngiti ni Ar-Ar na sinagot ako ng pagtango. Kasunod nito ay pumikit siya bago sinunod ang utos ko.

“Sana po, gumaling na ang Mamshie ko. Kahit ’yon na lang po ang matanggap niyang regalo ngayong kaarawan niya.” unang hiling ni Ar-Ar habang nakapikit at saglit na tumigil.

Lahat kami ay nanatili lang na tahimik at nakikinig. Ngunit habang pinapanood at pinapakinggan namin si Ar-Ar ay nasaksihan namin kung paano manginig ang kanyang mga labi hanggang sa magpatuloy ito.

“Miss na miss ko na po kasi siya… Miss na miss na rin po siya ni Daddy… Gusto na po namin marinig ulit ang boses ni Ma… G-gusto ko na pong maging buo kami nina Daddy Rigo… Kaya po sana… sana, gumaling na po siya… Kasi… k-kasi… alam ko pong nahihirapan na rin ang Daddy ko…” pagpapatuloy na nitong humihikbi.

Habang pinapakinggan ko ang mga katagang iyon ni Ar-Ar ay parang unti-unti akong nalulusaw. Kahit minsan ay hindi ko pinakita sa kanya ang panghihina ko, pero hindi ko akalaing napapansin na rin pala niya ang mga bagay na ito.

Nakita ko kung paano naging malungkot ang mga mata ng lahat ng naririto habang pinapakinggan ang kahilingan ng aming anak ni Liam.

At para hindi naman magtuloy-tuloy ang malungkot na kaganapang ito ay inangat ko ang aking isang palad at marahang ipinatong iyon sa ulo ng anak ko. Siniguro ko ring makakapagbitaw ako ng isang ngiti habang hawak pa rin ng isa kong kamay ang cake.

“Sige na, anak, hipan mo na ang kandila. Sigurado ako, matutupad ang wish mo para sa Ma mo.” pagkumbinsi ko na lamang sa aming anak.

Pinunasan muna ni Ar-Ar ang kanyang mga luha saka siya pilit na ngumiti. Kasunod nito ay hinipan na niya ang kandilang nasa ibabaw ng cake.

Matapos iyon ay napuno ang buong bahay ng malakas na palakpakan at pagbati.

“Happy birthday, Ma!” bati ni Ar-Ar at hinalikan si Liam sa pisngi.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at tinabihan din si Liam na hanggang ngayon ay hindi alam ang mga nangyayari.

“Happy birthday, Liam.” bati kong malambing at hinalikan ito sa noo.

Narinig namin ang mas malakas na palakpakan sa aming paligid. At maging sa bawat palakpak ng mga taong naririto ay ramdam kong kalungkutan ang nakapaloob dito. Ngunit kahit ganito ay ginagawa naman nila ang lahat para maging masaya ang kaganapan sa espesyal na araw ni Liam.

“Oh, family picture muna! Bilisan natin para makainom na kami ni Olyn!” si Lojie na may hawak na DSLR camera at pumwesto na sa aming harapan. Lumuhod siya at sinimulang ayusin ang pagkuha sa aming larawan.

“Galingan mo ang pagkuha ng first family picture nila, Sir Lojie! Kapag nakita kong hindi maayos ’yan, ia-upload ko sa social media ang scandal mo!” segunda at pananakot naman ni Olyn kay Lojie.

Lahat ay natawa sa kanila. Simula nang makarating silang dalawa kanina ni Olyn dito ay alak agad ang unang hinanap nila. Pero sa kabila ng kaingayan at kakulitan nila simula pa kanina, ramdam ko ang labis nilang pag-aalala. Alam ko rin na sinusubukan nilang patayin ang lungkot na bumabalot sa paligid.

Sisimulan na sana ang pagkuha ni Lojie ng larawan sa amin nang sumingit naman si Coke.

“After ng shots para sa kanila, sasama rin ako, ha? Ngayon ko lang naalala na wala pa kaming picture ni Randy! Gusto kong mawindang siya sa oras na magkamalay na siya! Sigurado ako, maiinggit na naman ’yan sa akin! Mas makaka-awra kasi ako sa camera dahil tulaley lang siya!” pagsingit ni Coke at hinawi ang suot niyang scarf habang nakataas ang isa niyang kikay.

Mabilis naman ang naging pagkontra ni Vinci na nasa kanyang tabi.

“Coke, family picture nga raw, ’di ba? Wala naman sinabing isasama ang pet nila! Saka isa pa, baka ’pag nakita ni Randy ang picture na kasama ka sa oras na magkamalay na siya, baka bumalik siya ulit sa pagkakatulala! Ang mas nakakatakot pa, baka mas lumala pa siya! Iisipin niyang binabangungot na naman siya!” mahabang pagkontra ni Vinci sa kanya.

Sinamaan siya ng tingin ni Coke dahil doon.

“Impakto ka! Wala kang sasahurin! Hindi kita patutulugin! Hindi rin kita pakakainin hangga’t wala kang nahuhuling isda!” balik ni Coke na pilit inaabot ang tenga ni Vinci para pingutin.

“Joke lang! Masyado ka naman, pikon!” pagbawi na lang ni Vinci habang umiilag pa rin. Takot din maagawan ng sweldo ang gunggong.

Lahat naman kaming naririto ay nakitawa lang sa naging eksena ng dalawa.

Matapos iyon ay ilang shots pa ang ginawa sa amin hanggang sa tawagin naman ang miyembro ng pamilya namin ni Liam para kami ay samahan. Nagkaroon pa nga ng alinlangan noong una ang aking tiyahin na si Tita Eve na sumama dahil ngayon pa lang niya ulit nakita si Liam. Mababakas sa kanya ang hiya at pagsisisi lalo na nang makita niya rin ako at ang anak namin ni Liam na si Ar-Ar.

Marami pang pagkuha ng litrato ang naganap kasama ang amin pang mga kaibigan hanggang sa magkasiyahan na ang lahat.

“Anak, diyan ka muna sa tabi ng Ma mo. Aasikasuhin ko lang sila, ha? Kukuhanan ko na rin muna kayo ng pagkain. Ikaw muna ang bahalang magpakain sa kanya.” utos ko kay Ar-Ar matapos ang pagkuha sa amin ng mga larawan.

“Sige, Daddy.” nakangiti niya namang sagot at hinarap nang muli si Liam para hawakan ang mga kamay nito.

Nakilala na ng buo kong pamilya ang anak namin na si Ar-Ar. Halos lahat sila ay nagulat nang ipaalam ko sa kanilang may anak na kami ni Liam at legal na ang naging pag-ampon namin dito. Nagulat man sila noong umpisa ay tuwang-tuwa naman sila dahil dalawa na kami ni Xander sa barkada ang may mga supling na.

Marami silang naging katanungan dahil wala naman akong sinabihan kahit na sino o kahit pa ang sarili kong pamilya tungkol dito. Ang gusto ko kasi ay si Liam ang una kong sosorpresahin para rito.

Ang pinakanatuwa naman sa naging balita ko ay ang aking Tito Ed na alam kong sabik na sa bata lalo na sa lalaki. Madalas din kasi kami nitong kulitin ni Dom kung kailan daw ba namin siya mabibigyan ng apo.

“Apo, halika nga rito! Dito ka kay Lolo!” narinig kong pagtawag ni Tito Ed kay Ar-Ar.

Patungo na ako sa kitchen at saglit kong nilingon silang lahat na nasa sala.

“Hindi po pwede, Lolo. Hindi ko pwedeng iwan ang Ma ko dahil baka magalit ang Daddy ko. Kung gusto mo, ikaw ang lumapit dito. Kayo po itong nakakatanda kaya dapat hindi po matigas ang ulo ninyo.” pagtanggi naman ni Ar-Ar kay Tito Ed habang yakap na nito si Liam.

Nagtawanan ang lahat dahil sa naging pagsagot ni Ar-Ar. Hindi na iyon nakakapagtaka dahil kanina pa nga lamang ay tuwang-tuwa na sila rito dahil sa pagiging bibo nito. Pareho silang lahat ng komento na parang matanda na ito kung makipag-usap at makihalubilo.

“Now I know kung kanino nagmana ’yang anak nila! Kay Randy nagmana ’yan! That kid is the smaller version of that witch!” natatawang komento naman ni Shai habang tinuturo si Liam.

Sanay na kami sa ganyan biruan nina Liam at Shai kaya natatawa na lang kami. Malapit silang dalawa dahil pareho rin sila ng hobbies at interests. Parehong matalino at parehong may pagkamaldita ang pag-uugali.

Natatawa na lang si Tito Ed na lumapit kay Ar-Ar at ikinalong ito sa kanyang kandungan habang nasa tabi pa rin nila si Liam.

“Gwapo ang apo ko kay Rigo!” papuri nito kay Ar-Ar. Sunod ay nilingon naman nito ang kanyang anak na si Dom bago nagtanong. “How about you, son? Kailan mo balak magkaanak? Gusto ko, kasing bibo rin nitong first apo ko!” pangungulit naman nito sa kanyang unico hijo.

Sumimangot si Dom na ikinatawa ng lahat.

“Ako na naman ang nakita mo, Daddy! Itong si Destiny ang tanungin mo kung kailan niya ako mapapagbigyan na magkaanak! Sabi niya ’pag kinasal na raw kami! Kingina! Anong petsa pa ’yon?! Balak pa yata akong baugin dahil sa panggugulpi!” maktol naman nito habang tinuturo sa kanyang tabi ang girlfriend niyang si Dee.

Sumimangot ang walang kaimik-imik na girlfriend niyang iyon.

“Sinabi nang ’wag mo akong tatawaging ganyan!” saway ni Dee kay Dom at piningot ito dahil ayaw niyang magpatawag sa tunay niyang pangalan.

“Aray, aray! Joke lang naman, baby!” daing naman nito habang hawak ang kanyang tenga na piningot ng kanyang girlfriend.

Tawanan ang sumunod na nangyari dahil sa nasaksihan nila kay Dom. Basta talaga nasa tabi niya ang girlfriend niyang iyon ay nababawasan ang kakulitan ng pinsan ko.

Nakarating ako sa kusina at sinimulan nang mag-asikaso para sa mga kakainin ng aming mga bisita ni Liam. Natatawa na rin ako habang pinapanood ko silang nagkakatuwaan.

Muling hinarap ni Dom ang kanyang Daddy na kalong pa rin ang anak kong si Ar-Ar.

“Saka i-enjoy muna natin na may bago tayong makakasama sa bahay! Ang gwapo ng pamangkin ko, oh?! Nagmana kay Uncle Dom!” muling sagot ni Dom sa kanyang daddy habang tinuturo ang aking anak na si Ar-Ar. “’Di ba, lodi?! Mana ka sa akin, ’di ba?! Lodi, lodi!!” masayang pagkausap naman nito kay Ar-Ar.

“Siyempre naman, Uncle Dom! Petmalu ka, e! Mana talaga ako sa ’yo!” sagot namang pambobola ni Ar-Ar sa kanyang Uncle Dom.

“Werpa?!” si Dom na masayang-masayang kausap ang bago niyang pamangkin.

“Werpa, repa!!” si Ar-Ar naman na itinaas pa ang isang kamay niya.

Muling nagtawanan ang lahat kabilang na ako dahil sa pag-uusap nilang iyon.

Hindi nga ako nagkamali, magiging magkasundo ang magtiyuhin dahil pareho silang makulit. Kanina lamang ni Dom nakilala si Ar-Ar pero ang dami na nilang napag-usapan na dalawa. Marami na ngang naikwento sa akin si Ar-Ar na magiging plano nila ni Dom sa oras na maisama ko na ito sa Maynila. Close na close na ang magtiyuhin tulad ng inaasahan ko.

Habang abala pa rin ako sa paghahanda ng mga pagkain at pinapanood silang nagkakasiyahan sa sala ay nilapitan ako ni Nanay Elise dito sa kusina.

“Ayos ka lang ba, anak? Kaya mo pa ba?” tanong niya agad sa akin at sinimulan na rin niya kaming tulungan nina Lolo at Lola sa paghahanda. Dama ko ang labis na pag-aalala sa katanungan niyang iyon.

Ngumiti naman muna ako ng tipid sa kanya bago ko siya sinagot.

“Ayos lang ako, ’Nay. Hindi naman ako nahihirapan,” una kong sagot. “Kamusta na po ba kayo?” sunod ko namang tanong at pag-iiba na rin ng usapan. Ayaw kong makaramdam siya ng pag-aalala. Kailangan kong ipakita sa kanya na wala siyang dapat alalahanin sa kabila ng pinagdadaanan namin nina Liam at ng aming anak.

“Heto, maayos naman. Doon na rin muna ako tumutuloy kina Xander. Doon muna nila ako pinatira sa bahay nila dahil hindi rin nila kayang ipagkatiwala sa ibang kasambahay nila si baby Drey. Mga bata pa kasi ang mga kasambahay nilang ’yon kaya wala pang alam sa pag-aalaga ng sanggol.” mahabang sagot naman nito sa akin.

Nakapagbitaw ako ng mahinang pagtawa dahil naalala ko isang beses kung paano ako tinawagan ni Xander at kung ano-ano ang ikinuwento nito sa akin. Tuwang-tuwa siya sa mga bagay na natutunan niya sa pag-aalaga ng sanggol. Noon kasing baby pa ang kanyang panganay na si Carla ay hindi niya ito gaanong naalagaan noong kasisilang pa lang nito. Masyado kasi siyang na-stress sa biglang pagkawala ng ina nito. Kaya ngayong may bago siyang anak ay saka niya pa lang nararanasan ito.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ni Nanay Elise nang puntahan naman ako nina Olyn at Lojie.

“Brad, tulad ng lagi naming tanong ni Olyn, saan ba ang mga alak dito?” tanong agad ni Lojie sa akin.

“Oo nga, Rigo! Nangiginig na ang mga tuhod namin, oh?! Maawa ka naman! Baka bumula na lang ang bibig nito ni Sir Lojie ’pag hindi pa ’yan nakainom ng alak!” segunda naman ni Olyn.

Napailing na lang ako habang natatawa sa kanila.

“Umakyat na lang kayo sa third floor. May mini bar doon. Magsawa kayo sa inom!” sagot ko naman sa kanila habang tinuturo ko ang hagdan mula rito sa unang palapag.

Hindi na sumagot ang dalawa, halos madapa sila sa bilis ng pagtakbo nila patungo sa itinuro kong lugar. Nabangga pa nila si Ben na patungo rin dito sa kusina kasama si Charm.

“Grabe talaga ang dalawang ’yon, ’no? Hindi pa kumakain ’yang mga ’yan! Alak agad ang inatupag!” komento ni Ben kina Lojie at Olyn.

Hindi pa ako nakakasagot ay umentrada na ang madaldal na si Charm.

“Hayaan mo na sila, sweet potato ko!” pagsaway nitong nakangiti sa kanyang boyfriend na si Ben. “Rigo, ipagpapaalam namin si Ar-Ar, ha? Nakakatuwa talaga ang anak n’yo ni Chef Randy! Isasama niya raw kami nina Carla sa libingan ng mga bayaning isda mamaya. Gusto namin makita ang sementeryo ng mga isda. Saka magbabasakali akong may octupus doon o kaya sirena! Saka baka––”

“Sige, Charm. Marami pa kayong pwedeng magawa sa resort na ito kaya mag-enjoy lang kayo.” pagputol ko kay Charm na nakangiti. Hindi ko na siya hinayaang makatapos magsalita dahil alam kong wala na naman itong katapusan. Napakadaldal niya talaga.

“Teka, Rigo, may maitutulong ba kami rito?” biglang pagpepresenta ni Ben.

Napakamaalalahanin talaga nito. Maswerte sa kanya si Charm.

“Ayos lang kami rito, Ben. Sige na, bumalik na kayo sa sala. Bisita namin kayo rito kaya doon na lang kayo.” nakangiti ko namang pagtanggi.

Huminga naman siya ng malalim. Alam kong gusto niya talagang tumulong pero mukhang hindi niya rin iyon magagawa kung dikit nang dikit ang girlfriemd niyang si Charm sa kanya. Kulang na nga lang ay sumakay ito sa mga bakikat niya.

“Gano’n ba? Sige, kung ’yan ang gusto mo,” una nitong sagot sa akin. “Kakausapin na lang muna namin si Chef Randy. Baka sakaling ’pag kinausap siya ni Charm, bumalik na siya sa dati.” pagpapaalam naman nitong natatawa.

Natawa na lang ako dahil doon, ngunit sa likod ng aking pagtawa ay naroon ang kalungkutang sa akin ay namamayani.

Sana nga. Sana nga ay bumalik na siya sa dati. Dahil kung may isang tao na gustong-gusto nang marinig muli ang tinig ni Liam, walang iba ’yon kundi ako.

Nagpatuloy ang kasiyahan ng lahat at tuluyan nang nabasag ang kaninang kalungkutang namamayani. Ako naman ay patuloy rin ang pag-aasikaso sa kanila. Maya’t maya ko rin na tinitingnan ang kalagayan ni Liam kahit pa nasa tabi niya ang aming anak na patuloy siyang binabantayan.

Hindi na nakisaya sa lahat sina Tita Eve at ang ina ni Liam dahil nag-uusap ito nang seryoso sa aming garden. Tanging si Tito Ed lamang ang nakatatandang naiwan kasama ang aming mga kaibigan. Hindi rin niya maiwan si Ar-Ar dahil pa rin sa pagkaaliw rito at pagkatuwa.

Lalo pang naging maingay ang paligid nang magsimula nang bumangka sa kayabangan si Ronnie na sinasalungat naman ng magkapatid na Xander at Daniel.

“Wooohh!! Inggit lang kayong magkapatid sa akin kaya n’yo ako binubully!” malakas na buska ni Ronnie kina Xander at Daniel.

“At ano namang kainggit-inggit sa ’yo, aber?!” hamon naman ni Xander kay Ronnie habang nilalaro niya ang kanyang bunso na si Drey. Karga naman ni Tom si baby Drey at abalang-abala rin sa pagpapangiti sa kanilang baby.

Ngumisi naman si Ronnie kay Xander.

“Tinatanong pa ba ’yan?! Sex appeal, dude! Sex appeal! ’Yon ang wala sa ’yo na meron ako! Woohh!” mayabang na sagot nito kay Xander.

Napangiwi si Xander dahil sa sagot na iyon ni Ronnie.

“Sex appeal? Saan banda ang sex appeal mo? Sa hintuturo?” tanong nito kay Ronnie.

Sasagot pa sana si Ronnie pero naunahan na siya ni Daniel na magsalita habang seryoso ang ekspresyon nito.

“Tigilan mo kami sa sex appeal na pinagyayabang mo. Bumalik ka na lang sa Baguio at maghalo ng semento! Sumama ka pa talaga rito, ’no?! Ang tigas talaga ng mukha mo!” pambabara nito kay Ronnie.

“Woohh!! Hayan ka na naman, Danny boy! Sinasabi ko sa ’yo, masama ang naiinggit! Siyempre, birthday ni Randy kaya dapat nandito ako! Kaibigan ko rin siya kaya alam kong hahanapin niya rin ako rito!” pagkontra ni Ronnie kay Daniel.

Sa halip na maapektuhan si Daniel sa sinabing iyon Ronnie ay napangisi pa ito.

“Talaga lang, ha? Sumama ka rito dahil concern ka kay Randy?” tanong ni Daniel kay Ronnie.

“Oo, naman! Peksman! Cross my heart!” sagot naman ni Ronnie habang paulit-ulit na gumuguhit ng krus sa kanyang dibdib.

Hindi agad nagsalita si Daniel. Mas lumapad muna ang pagkakangisi nito bago hinarap ang kanyang Kuya Xander.

“Kuya, kapkapan mo ’yang ulupong na ’yan. Ang daming plastik sa bulsa niyan para may pang-take out siya mamaya sa mga matitirang pagkain dito. Akala niya siguro hindi ko alam ang hidden agenda niyan dito. May paconcern-concern pang nalalaman, dakilang buraot lang naman!” mahaba nitong pagsusumbong sa kanyang kuya.

Dahil doon ay napunta ang atensyon ng lahat kay Ronnie. Nasaksihan naman namin kung paano namutla ito at mahigpit na hinawakan ang dalawang bulsa ng pantalon nito. Pinagpapawisan na rin siya ngayon at panay na rin ang lunok nito.

“Talaga ba, bunso? Bumiyahe siya mula Baguio hanggang dito para lang may maiuwing pagkain?” tanong ni Xander kay Daniel. Itinigil na rin nito ang paglalaro sa kanyang anak na si Drey at nagsisimula nang humakbang patungo kay Ronnie.

Medyo sanay na kami sa pambubully ng magkapatid na ito kay Ronnie kaya nanood na lang kami sa mga mangyayari.

Hindi na nakasagot pa si Daniel sa tanong ng kanyang kuya Xander dahil mabilis nang umalis sa pwesto si Ronnie. Ang mapagpatol naman na si Xander ay hinabol ito.

“Bumalik ka rito! Patingin ng bulsa mo!” utos ni Xander habang hinahabol si Ronnie.

“Tommy!! Pigilan mo ’yang asawa mo! Hindi totoo ang sinasabi ni Daniel sa kanya! Wala akong plastik sa bulsa!” tumatakbo nang paghingi ng saklolo ni Ronnie sa kanyang best friend na si Tom.

Gumuhit naman ang pagtataka sa mukha ni Tom habang karga pa rin ang bunso nito na si Carla naman ngayon ang nakikipaglaro.

“Bakit, Popoy? Anong gagawin mo sa plastik? May baon kang plastik? Saan mo gagamitin?” sunod-sunod na tanong ni Tom sa kanya pabalik.

Nasapo na lang naming lahat ang aming mga noo dahil sa naging reaksyon ni Tom. Kanina pa pinagtatalunan ang tungkol sa plastik na ’yan pero wala pa rin siyang kaalam-alam.

“Tommy, naman, e!!!” mangiyak-ngiyak nang pakiusap ni Ronnie kay Tom at muli itong tumakbo para iwasan si Xander.

Nagpaikot-ikot na sila sa sala. Kami naman ay tawa na nang tawa dahil sa kakulitan nila.

“Saan ka pupunta?!” si Daniel na mabilis na nahuli si Ronnie. Hinawakan niya ito sa dalawang braso at inilagay iyon sa likod nito para hindi na makapalag pa.

“Bitawan mo ako, Danny boy!! Hutaena!! Ako na naman ang nakita n’yong magkapatid! Nananahimik ako rito, e!!” si Ronnie na pilit kumakawala mula kay Daniel.

Hindi iyon pinakinggan ni Daniel, mas naging mahigpit pa ang pagkapit nito sa mga braso ni Ronnie habang nasa likuran siya nito.

“Sige na, Kuya! Tingnan mo na ang bulsa niya, bilis!” si Daniel na inuutusan ang kanyang Kuya Xander.

Dahan-dahan ang naging paglapit ni Xander kay Ronnie habang nakangisi ito na parang isang demonyo.

“Hutaena!! Wala talaga akong plastik sa bulsa!! Meron, pero isa lang! Hindi, dalawa pala! Ay, tatlo!! Tama na!! Hindi na ako mag-uuwi ng pagkain, promise!!” si Ronnie na sumisigaw na sa pakiusap.

Napuno na ang buong bahay ng tawanan dahil sa mga kaganapan. Maging sina Tita Eve at ang ina ni Liam na nasa labas kanina ay pumasok na rin dito at nakisalo sa kasiyahan. Ang mga bata rin na sina Carla at Ar-Ar ay tuwang-tuwa rin sa kanilang nakikita.

Walang gustong umawat dahil sa pagkaaliw kay Ronnie na patuloy pa ring pumapalag. Kahit kami rito sa kusina nina Nanay Elise, Lolo at Lola ay walang nagawa kundi ang tumawa.

Nasa ganoon kami kaingay na sitwasyon nang bigla itong matigil. Nawala rin ang ingay nang marinig namin ang boses ng anak kong si Ar-Ar.

“Ma?! Ma!!” malakas nitong pagtawag kay Liam.

Nang lingunin naming lahat ito ay tuluyan na kaming hindi nakagalaw dahil sa aming nasaksihan.

Nakita namin kung paano naging malikot ang mga mata ni Liam habang suot ang ekspresyong naguguluhan. Kasunod nito ay inangat ni Liam ang kanyang dalawang palad at itinakip iyon sa kanyang mga tenga.

“T-tama na… Tama na… Tama na!!!” paulit-ulit nitong sambit at pagsigaw sa huli kasabay ng nag-uunahan niyang mga luha na dumadaloy sa kanyang mga pisngi.

Mabilis na binalot ng takot ang buong pagkatao ko dahil sa aming nakikita. Mabilis kong binitiwan ang mga baso na ilalagay ko sana sa sala at agad na tumakbo para puntahan si Liam.

“Tama na…!!! Parang awa n’yo na..!! Tama na..!!!” sigaw pa rin ni Liam na umiiyak habang takip ang dalawa niyang tenga.

“Ma..!!!” pag-awat naman ni Ar-Ar sa kanya na nagsimula na ring umiyak.

Halos talunin ko ang kanilang pwesto dahil sa bilis ng pagtakbo ko. At nang makaupo ako sa tabi ni Liam ay mabilis kong niyakap ito.

“Tama na…. Parang awa n’yo na… Tama na po…” pakiusap pa rin ni Liam habang nasa bisig ko pa rin ito.

Kahit mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa labis na kaba ay pinanatili ko ang pagiging kalmado.

“Anak, ang gamot. Kunin mo muna, bilis!” utos ko sa aming anak habang tinuturo ang isang maliit na cabinet dito sa sala.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Ar-Ar, mabilis siyang kumilos at kinuha ang gamot kahit patuloy pa rin siya sa pag-iyak niya. Hindi ko na rin kailangang sabihin sa kanya kung alin sa mga gamot na naroroon ang dapat niyang kunin dahil alam na niya ang mga iyon. Sa dalawang buwan na ganito si Liam ay memoryado na niya kung ano at kung para saan ang mga gamot na iyon.

Ibinigay sa akin ni Ar-Ar ang isang syringe at maliit na botelya na pagkukunan ko ng gamot para mapakalma si Liam.

Sanay na kami ni Ar-Ar. Sa tuwing mangyayari ito ay alam na namin ang aming gagawin.

Nagtungo na si Ar-Ar sa mga binti ni Liam para yakapin ang mga ito. Ginawa niya iyon para hindi makawala si Liam sa oras na ituturok ko na ang gamot dito.

“Ma… T-tahan na, Ma… ’Wag ka na pong umiyak, Ma…” umiiyak na pakiusap ni Ar-Ar kay Liam.

Sinimulan ko nang kunan ng gamot si Liam habang yakap ko pa rin siya na patuloy pa ring sumisigaw at umiiyak.

Kung kanina ay napuno ang bahay na ito ng masayang tawanan, ngayon ay umaalingawngaw na ng iyak nina Ar-Ar at Liam. Maging ang mga anak nina Xander at Tom na sina Carla at Drey ay nakipagsabayan na rin sa mga pag-iyak marahil na rin sa malungkot na kaganapan.

Nang tuluyan kong makuha ang sapat na sukat ng gamot ni Liam ay itinapat ko na iyon sa kanyang braso at tuluyan na siyang tinurukan.

“Tama na… Tama na po…” nanghihinang pakiusap pa rin ni Liam.

Nang maubos ko ang gamot na nasa syringe na itinurok ko kay Liam ay muli kong niyakap nang mahigpit ito. Marahan kong hinaplos ang kanyang likod at hinalikan ito ng paulit-ulit sa ulo.

“Sshhh… You’ll be fine, Liam… Tahan na… I’m here… We’re here…” malambing at paulit-ulit kong bulong sa kanya.

Sinagot ako ni Liam ng mga pag-iyak tulad nang dati sa tuwing ito ay mangyayari.

Habang hinihintay na umepekto ang gamot kay Liam ay nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko sa mga mata ng aming pamilya at mga kaibigan ang lungkot sa kanilang nasaksihan. Ang ilan sa kanila ay hindi pa naiwasan ang lumuha habang kami ay pinagmamasdan.

Ngayon ay nakita na nila kung anong hirap ang pinagdadaanan namin habang naninirahan kami rito. Iniiwasan ko mang masaksihan nila ito ay hindi pa rin naiwasan. Kaya sa halip na pagtuunan ko pa sila ng pansin, inabala ko na lamang ang aking sarili sa paghaplos ng likod ni Liam at pagbulong dito na nasa kanyang tabi lang ako.

May halos dalawang minuto rin kaming naghintay hanggang sa tuluyan nang mawalan ng malay si Liam dahil sa epekto ng gamot na itinurok ko sa kanyan. Sa ngayon ay mga paghikbi na lang ang kanyang nagagawa habang nasa bisig ko pa rin ang katawan niya.

“Ma….” pag-iyak pa rin ni Ar-Ar habang yakap pa rin ang mga binti ni Liam. Hirap na hirap na rin siyang makita na ganito ang kanyang itinuturing na ina.

Ilangvsandali pa ay kalmadong tumayo ang aking tiyuhin na si Tito Ed mula sa kanyang pagkakaupo at nilapitan ang kanyang apo.

“Apo, ayos na si Ma mo. Dito ka muna kay Lolo at dadalhin muna siya ni Daddy mo sa kwarto,” malumanay na pagkausap ni Tito Ed kay Ar-Ar. “Tahan na. Magiging ayos din siya.” dagdag pa nito at pilit na ngumiti sa bata.

Agad naman na yumakap si Ar-Ar dito at nagpatuloy sa malakas na pag-iyak niya.

“Lolo… si Ma… si Ma… Nahihirapan na po siya…” tila pagsusumbong nito sa kanyang Lolo.

Hinaplos naman ni Tito Ed ang likod ni Ar-Ar.

“Gagaling din siya, apo. Basta magdasal ka lang para sa Ma mo.” pagkumbinsi naman niya rito.

Nilapitan na rin si Ar-Ar ng kanyang Uncle Dom at tumulong na rin sa pag-alo rito. Hinaplos niya ang ulo nito at pilit na nagbitiw rin ng ngiti rito.

“Saka nagwish ka na para sa kanya kanina, ’di ba? Kaya wala ka nang dapat ikatakot, matutupad din ’yon.” dagdag pang pagkumbinsi ni Dom kay Ar-Ar.

Naaawa ako sa aming anak dahil hindi ko ngayon ito madamayan sa kanyang kalungkutan. Ako na sarili niyang ama ay hindi siya ngayon maasikaso at maalalayan. Laking pasasalamat ko na lang dahil may pamilya at kaibigan pa kami ni Liam na handa kaming samahan.

Matapos ang senaryong iyon ay naging maingat ako para maiakyat sa aming kwarto si Liam. Iniwan ko muna silang lahat na natahimik dahil sa mga pangyayari.

Ngayon ay nakahiga na si Liam sa kama habang nakaupo ako sa kanyang tabi at hawak ang kanyang isang kamay. Inabala ko rin ang aking sarili sa paulit-ulit na paghaplos nang marahan sa kanyang pisngi.

Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang nahibimbing dahil sa naging epekto ng kanyang gamot. Pinunasan ko pa ang natitira niyang luha sa gilid ng kanyang mga matang nakapikit sa mga oras na ito.

Matapos ang mahabang minutong pagtitig sa kanya ay pinilit kong magbitiw ng isang ngiti. Inangat ko nang marahan ang kamay niyang hawak ko at hinalikan iyon nang paulit-ulit.

“Happy birthday, my princess…” mahina kong sambit habang sa kanya ay nakatitig.

Matapos kong sambitin ang mga katagang iyon ay naramdaman ko ang pagdaloy ng aking mga luha sa aking mga pisngi mula sa mga mata ko.

Ganito ako sa tuwing mangyayari ito kay Liam, umiiyak akong kinakausap siya habang nahibimbing sa pagkakatulog niya.

Sa bawat araw na dumarating, paulit-ulit kong hinihiling na sana ay marinig ko na ang boses niya. Natutupad naman iyon paminsan-minsan, pero ang nakakalungkot, naririnig ko lang ang boses niyang iyon dahil sa pagdurusa niya, naririnig lamang iyon ng aking mga tenga sa tuwing umiiyak siya. Bagay na mas nagpapahirap sa akin dahil sa nakikita kong paghihirap din niya.

“S-sorry ha..? W-wala kasi akong nabiling regalo sa ’yo ngayong birthday mo… H-hindi ko kasi maasikaso ’yon dahil hindi kita maiwan… Kaya sana… sana, pagpasensyahan mo muna…” nauutal na paghingi ko ng tawad matapos kong halikan ang kamay niya.

“P-pero sa susunod, Liam… promise, kahit anong hilingin mo… ibibigay ko sa ’yo… Kahit ano, Liam… kahit ano… Basta… basta sabihin mo… Basta marinig ko na ang boses mo para masabi mo…” sunod ko pang litanya sa pagitan ng aking pagluha.

Saglit akong tumigil para kumuha ng marami pang hangin. Pinilit kong magbitiw muli ng ngiti at nagpatuloy sa aking mga sasabihin.

“Ito ang kauna-unahang birthday mo na hindi tayo nagkausap, Liam… At aaminin ko, sobrang lungkot ko… Hindi mo man makita o maramdaman ’yon, pero parang mamamatay na ako sa sobrang lungkot ko ngayon…” pagtatapat ko sa kanya habang umiiyak pa rin.

Muli akong tumigil dahil may isang bagay akong naalala.

“Naaalala mo ba, Liam..? May birthday ka noon na hindi tayo nag-uusap dahil nagkaroon tayo ng pagtatalo… Pinilit ko kasi na maging tayo, ’di ba..? Kaso tinanggihan mo ako… Pero kahit magkaaway tayo noon… hindi ko matiis na hindi ka makasama sa espesyal na araw mo… Kaya kahit paulit-ulit mo akong tinatanggihan… pinaparamdam ko pa rin sa ’yo na hindi ako aalis sa tabi mo… Kaya nga kahit ilang beses mo rin akong itinataboy, isinisiksik ko pa rin ang sarili ko sa ’yo… Nananalo naman ako, Liam… Kasi kakausapin mo rin ako dahil nakukukitan ka na rin sa akin, ’di ba..?” pagpapaalala ko sa kanya kahit alam kong nahibimbing pa rin siya.

“Liam… K-kahit na… kahit na tanggihan mo pa ako ulit, ayos lang… Basta… basta bumalik ka lang sa dati… ’Yung maririnig ko pa rin ang pagtanggi mo kahit masakit… Basta ’wag ka lang magpatuloy na maging ganito… Kasi… sa bawat oras na nakikita ko ang paghihirap mo… parang unti-unti na rin akong namamatay dahil sa nakikita ko sa ’yo…” paghiling ko at napahagulgol na ako habang paulit-ulit na hinahalikan muli ang kamay niyang hawak ko.

Hindi ko na alam kung hanggang kailan ang lakas ko. Hindi ko na alam kung hanggang saan pa ang kakayanin ng mga paa ko para manatiling nakatayo. Tao lang ako at alam kong unti-unti na ring bumibigay ang katawan ko. Ang hiling ko na lang ngayon ay sana, magkamalay na siya sa oras na matutumba na ako.

“Diyos ko… bigyan N’yo pa po ako ng lakas… Hindi ko siya pwedeng pabayaan… Mahal na mahal ko ang taong ito… Pakiusap po… marami na siyang pinagdaanan… marami na siyang paghihirap sa buhay… Gusto ko na siya makitang masaya… Gusto kong makita na niya ang ganda ng buhay na ipinagkait noon sa kanya…” una kong panalangin habang nakatitig ako kay Liam na nahihimbing pa rin.

“Tulungan N’yo po ako… Dagdagan N’yo pa po ang lakas ko… Gusto kong iparanas sa kanya ang kasiyahan na hindi niya pa nararanasan sa buong buhay niya… Nakikiusap po ako sa Inyo… Nagmamakaawa po ako… Bigyan N’yo po siya ng pagkakataon na maging masaya kahit minsan lang sa buhay niya…” muli kong panalangin.

Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa labis na pag-iyak ko. Paulit-ulit akong nagdadasal habang hawak ko pa rin ang kamay ng mahal ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang aking inabot habang umiiyak at tinititigan ang nahihimbing na si Liam. Naputol lamang iyon nang marinig ko ang marahang pagbukas ng pinto nitong aming kwarto sa ikalawang palapag.

“Rigo…?” mahinang pagtawag ng isa sa aming bisita mula sa aking likuran.

Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha dahil ayaw kong may makakita ng aking panghihina.

“T-tita Eve…” pagtawag ko sa kanya ngunit hindi ko siya nilingon. Nabosesan ko naman siya kaya hindi na ako nag-abala pang harapin siya.

Hindi ko na narinig ang muli niyang pagsasalita, ngunit narinig ko ang marahang mga paghakbang niya patungo sa pwesto namin dito sa kama.

Pinakiramdaman ko lang si Tita Eve. Ilang sandali pa lamang ay naramdaman ko ang pag-upo nito sa kabilang bahagi ng kama sa tabi pa rin ni Liam.

Kahit naroon na siya sa tabi ni Liam ay hindi ko pa rin siya inabalang tingnan. Dahil aaminin ko, hanggang ngayon ay masama ang loob ko sa kanya kahit siya pa ang babaeng nagpalaki sa akin at tumayo bilang aking isang ina.

“I’m sorry… Patawarin n’yo ako ni Randy… Patawarin n’yo ako sa mga naging kasalanan ko… I’m sorry…”

Nagulat ako nang marinig ko iyan mula sa aking tiyahin makalipas ang ilang sandali.

Dahil dito ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para lingunin ito. At nang tuluyang magtagpo ang aming mga mata ay nakita ko ang pagdaloy ng kanyang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.

“Sorry… Ako ang dapat sisihin dito… Ako ang dapat na nabibigyan ng parusang tulad nito… Hindi kayo… Hindi kayo ni Randy na pinagkaitan ko ng karapatang magkasama… Ako na naging hadlang para iparanas sa inyo kung paano maging masaya sa piling isa’t isa… Hindi n’yo deserve ang ganito… Hindi n’yo deserve ang ganito dahil nagmamahalan naman kayo at wala kayong tinatapakang tao…” mahaba nitong pagsasalita sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

Hindi ko magawang tumugon sa mga sinabi niyang iyon. Ngunit nang marinig ko iyon mula sa kanya ay nagsimula na naman sa pagdaloy ng aking mga luha.

“M-masyado kasi akong nabulag sa mga nangyari… Naging bingi rin ako dahil hindi kita pinakinggan… Patawarin mo ako…” muli pa nitong paghingi ng tawad sa amin.

Sa kanyang huling sinabi ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para magsalita.

“Tita… buong buhay ko, sinunod ko kayo… Hinayaan ko kayo na diktahan ako… Hindi ako nagreklamo, hindi ko kayo kinontra… K-kasi… kasi iniisip ko na kapakanan ko lang ang iniisip ninyo… Ramdam kong mahal na mahal mo ako at gusto mo lang na maging matagumpay ako kaya kahit ang mga bagay na hindi ko kailangan, binibigay mo… Gusto mong magkaroon ako ng mga bagay na wala ako… Pero bakit ang kaisa-isang bagay na hiniling ko, hindi n’yo naibigay..? Siya lang, Tita… Siya lang ang hiniling ko… Pero tinutulan n’yo pa…” panunumbat ko sa kanya.

Mas lalo siyang umiyak at wala siyang nagawa kundi ang mapayuko na lang dahil sa hiya.

“I’m sorry…” tangi niya lang nasabi habang humihikbi.

Tiningnan ko lang si Tita Eve. Kitang-kita ko ang labis niyang pagsisisi dahil sa nangyari. Ngunit sa kabila noon ay wala akong balak na bawiin ang aking mga sinabi. Ito lang naman ang magagawa ko sa ngayon habang naghihintay ako sa paggaling ni Liam.

Tanging mga pag-iyak lang namin ni Tita Eve ang nadinig sa buong kwarto nang ilang minuto. At habang nakatitig ako sa babaeng nagpalaki sa akin ay may isang bagay akong napag-isip-isip sa mga oras na ito.

Habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha ay muli kong nilingon ang nahihimbing na si Liam at muli kong hinaplos ang malambot na pisngi nito.

“Itong taong ito, Tita… Siya… siya ang gusto kong makasama hanggang sa natitirang hininga ko… Siya ang kaisa-isang dahilan kung bakit nananatili akong matatag sa kabila ng lungkot ko sa pagkawala ng mga magulang ko… Simula nang makilala ko siya, nakita ko ang rason kung bakit ako isinilang sa mundo…” wika ko sa pagitan ng pag-iyak. At habang patuloy kong hinahaplos ang mukha ni Liam ay kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko.

“At siya rin ang nag-iisang dahilan kung paano ko natutunang ngumiti ulit simula nang mawala sa akin sina Mommy at Daddy… Siya ang nagbalik ng ngiti sa akin, Tita… Kaya kahit anong gawin ninyo… kahit anong gawin ninyong pagtutol… hinding-hindi ko siya iiwan… Tutuparin ko ang pinangako ko sa kanya kahit buong mundo pa ang makalaban ko… Kahit kayo pa, Tita… Kahit kayo pa na natitirang pamilya ko…” huling bahagi ng pagtatapat ko sa aking tiyahin.

Hindi ako naghihintay ng pagsagot mula sa kanya, pero makalipas ang ilang segundo ay nasorpresa ako nang magsalita siya.

“Ganyan mo siya kamahal..?” tanong niya sa akin.

Unti-unti ay muli kong nilingon ang aking tiyahin. At nang tuluyang magtagpo ang aming mga mata ay nakita kong nakangiti siya habang patuloy pa rin sa paglandas ng kanyang mga luha.

Ngumiti rin ako sa kanya pabalik bago ko sinagot ang katanungan niya.

“Higit pa sa akala mo, Tita… Mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko… Kaya kung susumbatan n’yo ako dahil siya ang pinili ko… patawarin n’yo ako, pero hinding-hindi ko babawiin ang mga sinabi ko… Paninindigan at patutunayan ko sa lahat na nangyayari ang uri ng pagmamahal tulad nito… Na kahit pareho pa kaming lalaki, na kahit magkaiba ang aming paniniwala at pag-uugali, pinanganak at tinadhana kami para magsama hanggang sa huli…” mahaba kong sagot sa kanya nang nakangiti.

Mas lalong lumapad ang ngiti ng aking tiyahin dahil sa naging pagsagot ko.

“Naiintindihan ko na… Ngayon ay mas naiintindihan ko na, Rigo… Patawarin mo ako kung naging makasarili ako… Masyado akong nagpabulag sa kagustuhan kong matupad ang mga pangarap mo… Hindi ko inisip na makakaapekto ito ng malaki sa ’yo at sa inyo…” muli nitong paghingi ng tawad sa akin.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon kaya nagpatuloy pa siya.

“Sana, Rigo… sana, mabigyan n’yo pa ako ng pagkakataon para makabawi… Nangangako ako, hinding-hindi na ako magiging hadlang sa mga desisyon mo… Sisimulan ko nang sanayin ang sarili kong hindi na isang bata ang Rigo na pinalaki ko… Na may sarili na siyang isip at matalino ito pagdating sa mga desisyon niya sa buhay… Pagkakatiwalaan ko na siya sa lahat ng bagay… Kaya sana… sana mabigyan n’yo pa ako ng pagkakataon na dalawa… Pangako, hinding-hindi na ako kokontra at susuportahan ko na lang kayo…” pagpapatuloy nito.

Ngumiti muna ako kay Tita Eve bago ko muling nilingon si Liam.

“Kung tutuusin, wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin, Tita… Hindi ka sa akin dapat humingi ng tawad kundi sa kanya dahil siya ang mas naapektuhan dito… Aaminin ko, masama ang loob ko sa inyo… Pero hindi ko rin maikakailang malaki ang naging parte n’yo sa akin… Kayo ang nagpalaki at nag-alaga sa akin at malaki ang utang na loob ko sa inyo… Wala ako ngayon sa kinatatayuan ko kung hindi dahil sa inyo…” muli kong pagsasalita habang nakangiti.

Nanatiling nakikinig lang si Tita Eve kaya nagpatuloy pa ako. Sa pagkakataong ito ay mas ngumiti pa ako at marahang hinaplos ang mukha ng mahal ko.

“Pero kung sakaling bumalik na siya sa dati at sinabi niyang iwan ko kayo at sa kanya ako sumama, patawad po, pero hindi talaga ako magdadalawang-isip na sumama sa kanya… Sorry, Tita… Pero kung sasabihin ninyong nababaliw na si Liam, please lang, tawagin na rin ninyo akong baliw… Patawad din po, pero kamatayan na lang siguro ang makakapaghiwalay sa aming dalawa… Dahil sa kanya na lang umiikot ang mundo ko… Sa kanya lang at wala nang iba…” pagpapatuloy ko pa.

Habang nakatitig ako kay Liam ay nakapagbitaw ako ng pagtawa sa hindi ko sinasadyang pangyayari. Siya lang talaga ang may kakayahan na patawanin ako kahit wala pa siyang ginagawa o sinasabi.

Nababaliw na nga siguro ako. Pero kung totoo ngang nawawala na ako sa sarili, maluwag kong tatanggapin iyon basta’t magkasama pa rin kami ni Liam hanggang sa huli.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin ni Tita Eve. Habang patuloy siyang lumuluha ay patuloy lang din ako sa ginagawa kong paghaplos sa mukha ni Liam.

Alam kong nasaktan ko ang aking tiyahin sa aking mga sinabi, alam kong nasaktan ko ang babaeng umaruga sa akin at nagpalaki. Pero kahit patayin niya pa ako ngayon at piliting bawiin ang mga salitang binitiwan ko, hinding-hindi ko gagawin iyon. Ito lang ang isa sa mga bagay na kaya kong patunayan kay Liam, ito lang ang magagawa ko sa ngayon para patunayang kaya ko siyang ipaglaban.

Makalipas ang mahabang katahimikan ay muli kong narinig ang pagsasalita ng aking tiyahin. Ngunit kung kanina ay ako ang kanyang kinakausap, ngayon ay si Liam na. Maingat din niyang kinuha ang isang kamay ni Liam na nakalapag sa kama. Dahan-dahan niya iyong inangat at inilagay sa kanyang isang pisngi habang patuloy na pumapatak ang kanyang mga luha.

“Randy..? Gusto mo bang gumanti..? Kung ’yan ang gusto mong gawin, hindi ako magrereklamo… Hindi rin ako lalaban sa ’yo… Dahil alam ko… kulang pang kabayaran ’yon dahil sa laki ng kasalanan ko sa ’yo… Kulang pa iyon dahil sa mga naging paghihirap mo…” pagkausap niya kay Liam sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

Hindi ako nagbigay ng reaksyon, nanatili lamang akong nakatingin sa nahihimbing na si Liam.

“Pero sana, Randy… Sa oras na magawa mo ’yon… Nakikiusap ako sa ’yo… Nagmamakaawa ako sa ’yo… Kumbinsihin mo ang pamangkin ko na mapatawad ako… K-kasi… kasi, hindi ko kayang malayo sa nag-iisang anak ng itinuring ko nang kapatid… Hindi ko kayang baliin ang pangako ko sa Mommy niya noon bago pa siya bawian ng hininga… Na ituturing ko ang nag-iisang anak niya na parang sarili ko na ring anak… Sana maintindihan n’yo ako… May pangako rin akong binitiwan noon kaya ako naging ganito… Kaya ako naging makasarili para kay Rigo…” mahaba pa niyang dugtong at humagulgol na sa huli.

Iniwas kong lalo ang paningin ko kay Tita Eve dahil nabanggit niya ang mahal kong ina. Alam ko naman ang binitiwan niyang pangako noon, alam kong tinutupad niya lang ang kanyang misyon. Pero hindi sa kanya nakatuon ngayon ang aking atensyon. Ang importante sa akin ngayon ay ang kapakanan ni Liam. Kung paano siya maibabalik sa dati at kung paano ko siya maaalagaang mabuti.

Matapos ang mga sinabing iyon ni Tita Eve ay narinig ko ang kanyang mga paghalik habang humihikbi. Marahil ay hinalikan niya ang kamay ni Liam tanda ng kanyang taos-pusong paghingi ng kapatawaran dito.

Ilang segundo rin iyon hanggang sa maramdaman ko ang kanyang pag-alis sa kamang aming kinauupuan. Narinig ko ang pagtama ng kanyang sapatos sa sahig tanda na siya ay nakatayo na at handa na ring umalis.

“Aalis na kami ng Tito Ed mo, Rigo… Alam kong nagiging abusado na ako… Pero umaasa pa rin akong mapapatawad n’yo ako… Umaasa pa rin akong isang araw ay uuwi kayong dalawa sa mansyon… Higit sa lahat, umaasa rin akong isasama n’yo ang anak n’yong si Ar-Ar… Ang nag-iisa at tunay na apo ko… Ang totoong nagmana ng apelyido ng pamilya natin kahit hindi natin siya kadugo…” unang bahagi ng kanyang pamamaalam habang nakatalikod ako sa kanyang pwesto.

Sa mga huling sinabi niya ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Tila nabuhayan ako lalo na nang tawagin niyang apo ang anak namin ni Liam na si Ar-Ar.

“Ingatan mo rin ang sarili mo… Malaki na ang ibinawas ng timbang mo, Rigo… Nag-aalala na rin kaming lahat sa ’yo… Alam kong nahihirapan ka na pero pilit mong kinakaya… Kaya kung kakailanganin mo ng tulong, sana, kami ang unang tawagan mo…” muli nitong pagsasalita.

Sa hindi ko malamang dahilan ay nakasagot ako kahit hanggang ngayon ay nanatili akong nakatalikod sa kanyang pwesto.

“S-salamat po. M-mag-iingat po kayo.” nauutal kong sagot sa kanya pabalik.

Hindi ko alam kung ano ang naging reaskyon niya. Pero sana, sa simpleng pagsagot kong iyon ay naramdaman niyang napatawad ko na siya. Na handa na akong kalimutan ang mga pagkakamaling nagawa niya.

Naramdaman ko naman sa mga salitang iyon ni Tita ang labis na pagsisisi niya, pero hindi pa ito ang panahon para harapin namin ang problema sa pagitan naming dalawa. Mas kailangan ako ni Liam, mas kailangan niya ang buong oras at suporta ko sa kanya. Hindi pa ito ang oras para harapin ko ang ibang bagay dahil siya ang mas mahalaga.

Matapos kong marinig ang pagsara ng pinto nitong aming kwarto tanda na nakalabas na ang aking tiyahin ay nagbalik ako sa pagbabantay kay Liam. Muli kong tinitigan ang magandang mukha ng mahal ko.

Sa maraming beses na nagawa ko siyang kausapin habang natutulog ay hindi ako nagsasawang gawin ito. Yumuko ako para ilapit ang aking bibig sa kanyang tenga para bulungan siya.

“Liam…” pagtawag kong malambing sa kanyang pangalan.

Pangalan niya pa lang ang nasasambit ko pero nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha ko. Pero sa kabila noon ay sinubukan ko na namang ngumiti. Nagbabakasakali na naman ako na baka marinig niya ako.

“Narinig mo ba ang pag-uusap namin ni Tita Eve..?” tanong ko sa kanya. “Sana narinig mo… Sana narinig mo kung paano kita ipinaglaban sa pamilya ko… Sana narinig mo kung paano kita ipinagmalaki…” dugtong ko pang nakangiti.

“Kaya sige na naman, Liam… Bumalik ka na sa dati… Ikaw na lang kasi ang kulang, e… Nandito na ang mga taong tanggap tayo… Nandito na ang mga taong nagmamahal at magmamahal pa sa ’yo… Hindi mo na kailangang magdusa sa nakaraan mo dahil nandito na silang lahat para sa ’yo… Kaya sige na naman… bumalik ka na sa dati… Kasi, sinisigurado ko sa ’yo… Mas magiging masaya ka na sa pagkakataong ito…” dagdag ko pang pagkumbinsi habang nakangiti.

Hindi ako umaasang gigising siya at sasagutin ako. Pero sana, sa simpleng pagbulong at pagkumbinsi ko sa kanya ay marinig at maramdaman niya ako.

Marami na kaming makakapitan kung sakali. Unti-unti ay nadidinig na rin ang matagal na naming pinapanalangin. Sa wakas ay nakamtan na namin ang pagtanggap sa amin.

Siya na lang ang kulang. Ang pagbabalik niya na lang.

Kaya kung kinakailangan kong dagdagan at doblehin pa ang aking pagdarasal ay gagawin ko. Kakapit ako kahit sa pinakamaliit na tiyansang mayroon ako. At kahit pa isang himala na lang ang tanging makakapitan ko ay aasa pa rin ako.

Aasa pa rin ako hanggang sa makabalik ang mahal ko.


A/N

Alam kong may makakapansin sa isang pangalan na nabanggit sa chapter na ito. Wala na tayong magagawa sa bagay na ’yan dahil sa ‘Taste Of A True Love’ pa lang ay girlfriend na siya ni Dom. Alam n’yo namang hirap na hirap ako sa pagpapangalan ng mga karakter ko. At sige na, aamin na ako, patay na patay talaga ako kay Domimic Roque sa tunay na buhay. 😂 Sorrna. Labyu!

Mapapabilis ang update ko sa susunod na chapter. Dahil bukod sa may surprise ako sa inyo, inspired akong isulat ang chapter na iyon.

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pag-aabang. Salamat sa nagbibigay ng kanilang oras para magbigay ng comment. Nakakataba ng puso.

Promise

’yan! 💋

–– cold_deee ❤

chapter 37

Reminder: Ang istoryang ito ay naglalaman ng Romance, Comedy, Slice of Life at HEAVY DRAMA tulad ng nasa description na unang makikita bago simulan ang pagbabasa.

Para po kay Author

Hiro_Jiro_ToT

ang chapter na ito. Yes, siya nga at alam kong marami sa inyo ay kilala na siya. Hahahaha! Salamat, author, sa pagbasa nitong aking akda! 😍 Salamat din sa pang-aasar mo. 😒 Charot! 😂😂😂

At siyempre, kung nais n’yong makinig ng music habang nagbabasa, paki-play na lang po ang nasa media.

(Song title: I Won’t Give Up - By: Jason Mraz)

Ilang chapters na lang ba? Konti na lang bago ang finale! Yey! Ayan. Sige, basa na, mga amigo at amiga! Enjoy~

––> Si Rigo po sa media.

![](https://img.wattpad.com/7aeebed51240216082ee847c85b3673bd0693a75/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f32686657324b506b42634e694f513d3d2d3437353237323431362e313466323263373931396365333562333831343433353339363339302e6a7067)

RIGO’s POV

Malamig at presko ang hanging sumasalubong sa amin dito sa tabi ng dagat.

“Daddy, ikaw nga ang magtusok nito.” nakangusong pakiusap ng aking anak sa akin.

Natawa naman ako sa kanya at binitiwan ko na rin ang hawak kong bulaklak ng sampaguita. Kanina pa niya iyon ikinakabit sa tali ngunit hindi siya magtagumpay.

“Akin na, ’nak.” sagot ko at kinuha ko na rin ang hawak ni Ar-Ar na bulaklak.

Matapos kong isuot ang maliit na bulaklak na iyon pati na rin ang pagdudugtong ng magkabilang dulo ng taling pinagkakabitan nito ay agad din itong kinuha ni Ar-Ar mula sa aking mga kamay.

“Ako na ang maglalagay sa kanya, Daddy!” masayang pagpepresenta nito sa akin.

Nginitian ko na lamang siya at tumango sa kanya bilang pagsagot.

Pinanood ko si Ar-Ar na kumilos para lumuhod mula sa pagkakaupo. Kasunod nito ay dahan-dahan niyang ipinatong ang koronang gawa sa bulaklak ng sampaguita sa ulo ng taong nasa harap naming dalawa.

“Ayan! Ang ganda talaga ng Mamshie ko! Bagay na bagay ang flower crown sa ’yo!” masayang pagkausap ni Ar-Ar kay Liam na nakatanaw pa rin sa kawalan.

Halos katatapos lang namin mananghalian nang magdesisyon kaming tatlo na magtungo rito sa tabi ng dagat. Sa ilalim ng isang malaking puno ay naglatag kami ng mantel para aming maupuang tatlo.

Napansin kasi namin ni Ar-Ar kanina na naglakad na naman si Liam palabas ng bahay kaya sinamahan namin ito. Dito nga kami dinala ng aming mga paa hanggang sa maisipan ng aming anak na magpiknik kaming magpamilya.

Habang naghihintay sa mga magaganap pa ay napag-usapan namin ni Ar-Ar na kabitan ng koronang gawa sa sampaguita si Liam. Gusto niya rin daw kasing makita ang kanyang Mamshie na magandang-maganda.

Makalipas ang halos tatlong buwan ay wala pa ring nagbago kay Liam. Simula nang magdiwang siya ng kanyang kaarawan hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin siyang kibo. Nanatili siyang tulala at nakatanaw sa malayo.

Pagkakataon na dapat naming bumalik sa Maynila para maipagpatuloy na ni Ar-Ar ang kanyang pag-aaral. Ngunit dahil sa sitwasyon ngayon ni Liam ay hindi namin ito maasikaso.

Noong kinausap ko si Ar-Ar tungkol sa planong siya muna ang mauuna sa Maynila at ang pamilya ko muna ang bahala sa kanyang mag-asikaso ay naging malaki ang pagtutol niya rito. Ayaw niyang iwan si Liam at gusto niya lang itong bantayan. Labis siyang nag-aalala kaya nag-isip kami ng ibang paraan para maipagpatuloy ang pag-aaral niya. Hanggang sa makapagdesisyon na nga kaming kumuha siya ng home study para kahit naririto siya sa aming bahay at binabantayan si Liam ay nagtutuloy-tuloy pa rin siya sa kanyang pag-aaral.

Natutuwa ako sa anak naming ito. Ngayon pa lang ay masasabi kong proud Daddy na ako dahil napakabait niyang anak bagama’t may pagkapilyo. Sa mga simpleng gawain niya ay naipapakita na niyang may malaki siyang malasakit sa kapwa. Higit sa lahat, pinatutunayan niyang mahal na mahal niya si Liam kahit hindi naman niya ito kadugo.

“Daddy, kulang ang bulaklak. Dagdagan ko pa? Kukuha pa ulit ako doon malapit sa kubo!” biglang mungkahi ni Ar-Ar habang itinuturo ang kubo ng kanilang Lolo at Lola na medyo malayo rito sa aming pwesto.

Natawa naman ako sa naging mungkahi niyang iyon.

“Kulang pa ba ’yan? Tatlong korona na nga ang suot ng Ma mo. Baka naman mabigatan na siya niyan?” natatawa kong tanong sa kanya pabalik.

Ngumuso na naman ang anak naming ito ni Liam.

“Kulang pa kaya! ’Di ba, ang sabi mo paborito niya ang bulaklak na ’to? Kaya sigurado ako na kung nagsasalita lang siya, sasabihin niyang maraming crown ang gusto niya. Kilala mo naman si Ma, ’di ba? Gusto niya nangingibabaw siya. Ayaw kong magalit siya kaya gusto ko marami siyang suot na korona.” mahaba nitong paliwanag at pagkontra.

Mas lalo akong natawa sa sinabi niyang iyon. Nakakatuwa na namememorya niya ang lahat ng detalyeng sinasabi ko sa kanya tungkol kay Liam. Kahit nga ang mga dapat at hindi dapat na pagkain nito ay kanya na ring pinag-aralan. Gusto niya raw kasing laging maayos ang kondisyon ng itinuturing niyang best friend at Mama.

“Sige na nga. Basta mag-iingat ka lang, ha? Magpasama ka kay Lola para may magbabantay sa ’yo.” utos ko naman sa kanya.

“Eeehhh?! ’Wag na! Matanda na ako! Hindi na ako dapat bantayan! Nababantayan ko na nga si Ma, e!” pagkontra na naman nito.

Napahinga ako ng malalim sa sagot niyang iyon. Dito kami madalas na magtalo ng anak naming ito. Masyado nang matanda ang tingin niya sa kanyang sarili kahit bata pa naman talaga siya.

Ipinatong ko ang isa kong kamay sa kanyang ulo at hinaplos iyon.

“Sige na. ’Wag matigas ang ulo. Ayaw ng Ma mo na may makita sa ’yong kagat ng insekto. May mga langgam pa naman yata doon saka bubuyog. Gusto mo bang mag-alala si Ma mo? Magagalit ’yan, sige ka.” pananakot ko naman sa kanya.

Unti-unti naman niyang nilingon si Liam sa aming tapat habang nakanguso ito.

“Ayaw…” sagot niya makalipas ang ilang segundo habang nakatingin pa rin siya kay Liam.

Muli akong natawa dahil doon.

Ito ang kahinaan niya, sa tuwing sasabihin kong magagalit ang Ma niya sa kanya at mag-aalala. Kaya sa huli, napapasuko ko rin siya. Masyado siyang naaapektuhan tuwing si Liam na ang paksa. Hindi ko nga alam kung anong pinakain sa kanya ni Liam dahil mas matagal na kaming magkakilala pero mukhang mas malapit pa sila sa isa’t isa.

“Sige na, lakad na. Magpasama ka kay Lola.” muli kong utos sa kanya at kinuskos ko ang buhok niya.

Hindi na ako sinagot ni Ar-Ar. Agad niyang hinarap si Liam habang malapad ang pagkakangiti niya.

“Ma, kukuha lang ulit ako ng sampaguita, ha? Dito ka lang muna kasama si Daddy. Mamaya, pupunuin ka namin ng maraming koronang sampaguita hanggang sa pwede mo nang ibenta.” pagpapaalam nito kay Liam. “Joke lang, Ma! Labyu!” pagbawi nito at hinalikan sa pisngi si Liam.

Tawa na lang ako nang tawa dahil sa sinabing iyon ni Ar-Ar. Madalas niyang biruin nang ganito si Liam. Madalas niyang asarin dahil nami-miss na rin daw niya ang pagpingot at pagsabunot nito sa kanya.

“Alis na ako, Daddy! Babalik din ako agad!” paalam naman nito sa akin at mabilis na tumayo hawak ang isang basket na pinaglagyan din niya ng mga bulaklak kanina.

“Mag-iingat ka! Ang bilin ko sa ’yo!” paalala ko naman sa kanyang may kalakasan dahil nagsimula na siyang tumakbo palayo.

“Opo!!” sagot naman nito habang tumatakbo.

Napapailing na lang ako habang natatawang tinitingnan si Ar-Ar na malayo na sa amin dito. Napakakulit na bata pero napakabait. Napakaswerte ko sa anak ko.

Hindi ko na matanaw mula rito sa aming pwesto ni Liam si Ar-Ar dahil nakapasok na ito sa kanilang kubo. Mukhang tinatawag na niya ang kanyang Lola para masamahan siya.

Nang makaalis si Ar-Ar ay muling nabalot ang paligid ng katahimikan. Tanging ang mga huni ng ibon at ang agos lang ng tubig mula sa karagatan ang maririnig.

Unti-unti ay nilingon ko sa aking tabi si Liam na nakatanaw sa dulo ng karagatan. Dahan-dahan ay inangat ko ang aking isang kamay para hawiin ang kanyang buhok na humaharang sa magaganda niyang mga mata dahil sa preskong ihip ng hangin na sumasalubong sa kanyang mukha.

“Liam…” mahina kong pagtawag sa kanyang pangalan.

Tulad pa rin ng dati ay sinagot niya ako ng katahimikan. Kahit ang tingnan ako sa mata ay hindi niya nagawa dahil nanatili siyang nakatanaw sa kawalan.

Muli akong nagsalita matapos kong magbitiw ng tipid na ngiti sa kanya.

“Naririnig mo ba kanina ang anak natin? Kinakausap ka niya. Tinatawag ka niya. Naririnig mo ba ang kakulitan niya? Narinig mo rin ba noong sabihin niyang mahal ka niya?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Naghintay na naman ako ng mahabang segundo sa pagbabakasakaling masagot niya ako. Pero tulad ng inaasahan, wala pa rin siyang kibo.

“Sana narinig mo, Liam. Sana narinig mo na may isang tao na naman ang nadagdag para magmahal sa ’yo. May anak ka na ngayon na handang magbigay ng pag-asa at kasiyahan sa ’yo. Nandiyan na rin si Ar-Ar para samahan ka tuwing madilim ang mundong ginagalawan mo.” pagkausap ko pa rin sa kanya habang nakangiti ako.

Wala pa rin siyang kagalaw-galaw sa kabila ng magandang ibinalita ko. Dahil doon ay nag-isip ako ng ibang paraan para mawala ang katahimikan habang hinihintay ang pagbabalik ng anak namin ni Liam.

Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa matagpuan ko sa aking likod ang gitarang pilit na pinapadala sa akin ni Ar-Ar kanina. Pagmamay-ari ito ng kanyang Lolo kaya hiniram niya muna ito. Minsan kasi ay naikwento ko sa kanyang marunong akong tumugtog ng ilang uri ng instrumento lalo na ng gitara at piano. Kaya naman humiling ito na haranahin namin ang Ma niya para naman daw hindi lang sa cellphone nakikinig ng musika ito.

Dahan-dahan ay kinuha ko ang gitarang iyon at inilagay sa kandungan ko. Sinuri ko ang kondisyon kung maganda pa ba ang tunog nito. Matapos iyon ay napangiti ako dahil maganda pa ang tunog na naibibigay nito. Mukhang alagang-alaga din ito ni Lolo.

Muli kong nilingon si Liam habang nasa aking mga kamay ang gitarang gagamitin ko.

“Gaano na ba katagal noong huli akong tumugtog para sa ’yo, Liam?” tanong ko sa kanya. “Matagal na rin, ’di ba? Gusto mo ba ulit marinig?” sunod ko pang tanong habang nakangiti.

Tiningnan ko siya at muli akong nagbakasakali na mag-iiba ang kanyang ekspresyon. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi na naman nangyari iyon.

Yumuko ako at sinimulang magtipa sa gitara. Kasabay ng malamig na hanging nagmumula sa karagatan ay sinabayan ko iyon ng pagtugtog at pagkanta.

(A/N: Paki-play po ang nasa media. ’Yan po ang kinanta ni Rigo para kay Liam.

Song title: I Won’t Give up - by: Jason Mraz

)

When I look into your eyes

It’s like watching the night sky

Or a beautiful sunrise

Well, there’s so much they hold

And just like them old stars

I see that you’ve come so far

To be right where you are

How old is your soul?

Nasimulan ko ang pagtugtog at pagkanta habang nakatingin ako sa mga mata ni Liam.

Sa bawat linyang aking kinakanta ay siniguro kong nakapaloob ang mga mensahe ko sa kanya. Hindi niya man ito marinig ay umaasa akong mararamdaman niya.

Well, I won’t give up on us

Even if the skies get rough

I’m giving you all my love

I’m still looking up

Napapikit ako habang kinakanta ang mga linyang iyon.

Iyon mismo ang eksaktong mga salita na gusto kong iparating sa kanya. Na hindi ako susuko sa kabila ng hirap na pinagdadaanan naming dalawa. Na kasama niya ako at patuloy na magmamahal sa kanya sa madilim na mundong pinagkukulungan niya.

And when you’re needing your space

To do some navigating

I’ll be here patiently waiting

To see what you find

Nagpatuloy ako sa pagkanta at mas lalo kong ipinaramdam kay Liam ang mga salitang nais kong makarating sa kanya.

Pero ang hindi ko inaasahan, kasabay ng bawat lirikong aking inaawit ay ang pagdaloy ng aking mga luha habang nakatingin ako sa kanyang mukha.

’Cause even the stars they burn

Some even fall to the earth

We’ve got a lot to learn

God knows we’re worth it

No, I won’t give up

Nagpatuloy ako sa pagtugtog at pag-awit sa kabila ng aking pagluha. Dito ko ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ko simula pa nang mangyari sa amin ito.

Hindi ako tumigil kahit na sinasabayan na ng paghikbi ang bawat pagkanta ko. Tulad din ito ng patuloy kong pakikipaglaban para malampasan namin ito ni Liam. Hindi ako susuko hangga’t kaya ng aking katawan.

I don’t wanna be someone who walks away so easily

I’m here to stay and make the difference that I can make

Our differences they do a lot to teach us how to use

The tools and gifts we got, yeah, we got a lot at stake

And in the end, you’re still my friend at least we did intend

For us to work we didn’t break, we didn’t burn

We had to learn how to bend without the world caving in

I had to learn what I’ve got, and what I’m not, and who I am

Habang patuloy akong kumakanta ay hindi ko inalis ang mga mata ko kay Liam. Patuloy man akong nahihirapan dahil sa mga luha kong nag-uunahan ay hindi ako huminto. Nagpatuloy ako dahil umaasa akong kahit sa bagay na ito ay maramdaman na niya ako.

Hindi ko alam kung dahil ba sa hanging tumatama sa kanyang mga mata o dahil nakakaramdam na siya ng pagod at gusto na niyang magpahinga, pero nakita ko kung paano napapapikit ng marahan si Liam habang nakatingin siya sa unahan.

Napakapayapa ng mukha niya sa mga oras na ito kaya lalo ko siyang pinagmasdan. Ang hiling ko na lamang, sana ay naramdaman niya na nasa tabi niya lang ako na patuloy siyang inaawitan.

I won’t give up on us

Even if the skies get rough

I’m giving you all my love

I’m still looking up, I’m still looking up.

Well, I won’t give up on us (no I’m not giving up)

God knows I’m tough enough (I am tough, I am loved)

We’ve got a lot to learn (we’re alive, we are loved)

God knows we’re worth it (and we’re worth it)

Mas lalo na akong napaiyak habang kumakanta dahil sa nakikita ko sa kanya. Wala pa rin siyang reaksyon o kahit ang gumalaw ay hindi niya pa rin nagawa.

Pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa akin kaya ganito siya. Pakiramdam ko ay may mga bagay pa akong hindi nagagawa para sa kanya. Pakiramdam ko ay wala akong silbi sa mundo. Na hindi ko kayang ibigay ang mga nais nito.

Dahil sa mga naisip kong iyon ay nanghihina ako. Hindi ko na naiayos ang aking pagkanta hanggang sa matapos ang liriko nito. Napayuko na lang ako habang umiiyak hanggang sa matapos ko ang pagkanta para sa mahal ko.

I won’t give up on us

Even if the skies get rough

I’m giving you all my love

I’m still looking up

Bigo ako. Hindi niya ako narinig. Hindi niya naramdaman kahit man lang ang presensya ko.

Natapos ako sa pag-awit at wala akong nagawa kundi ang manatiling nakayuko habang patuloy sa pagluha at paghikbi.

“Ano pang kulang, Liam..?” tanong ko sa kanyang nahihirapan.

Katahimikan ang tumugon sa aking katanungan.

“Ano pa bang gusto mong gawin ko..? Halos araw-araw at oras-oras na akong nagdadasal sa paggaling mo… Kulang pa ba..?” pagtatanong ko pa rin sa kanya.

Inangat ko ang aking mukha para tingnan ko ang kanyang mga mata.

“Ano pang kulang para magawan ko ng paraan..?” tanong ko pa ring lumuluha.

Wala pa rin siyang reaksyon kaya mas lalo nang nag-unahan ang aking mga luha sa pagbagsak.

“Hanggang kailan, Liam..? Hanggang kailan mo kami paghihintayin sa pagbabalik mo..?” tanong ko pa rin sa pagitan ng pag-iyak ko.

Ganoon pa rin siya, marahan niya pa ring ipinipikit paminsan-minsan ang mga mata niya.

“Gusto ko nang marinig ang boses mo, Liam… Gusto ko nang maramdaman ang yakap mo tulad nang dati… O kahit ang mga sigaw at galit mo, gusto ko nang maranasan ulit… Miss na miss na kita, Liam, kung alam mo lang… Nahihirapan na rin ako… Hindi ko na alam kung hanggang saan ang lakas ko… Please naman, bumalik ka na… K-kasi… kasi, baka hindi ko na kayanin sa susunod kung magpapatuloy ka pang ganito…” mahaba kong pakiusap sa kanya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay umiyak ako sa harap niya. Ito ang iniiwasan ko simula pa na maging ganito siya. Ayaw kong maramdaman niya ang aking panghihina.

Pero kahit anong iwas ko ay dumating pa rin ito. Nasasabi ko na ang mga bagay na dapat ay hindi sinasambit ng bibig ko.

“Hanggang kailan mo ba ako paghihintayin, Liam..? Natatakot na kasi ako… Takot na takot na ako… Natatakot ako dahil baka hindi na tayo makabalik sa dati kung patuloy ka pa ring ganito… Nagmamakaawa na ako, sa ’yo… Bumalik ka na dahil marami nang naghihintay sa pagbabalik mo… “ pagmamakaawa ko na sa kanya.

Matapos kong sabihin ang mga pakiusap kong iyon ay mas lumakas na ang pag-iyak ko sa harap niya.

“Liam, naman… Ano bang gusto mong kondisyon..? Ano bang gusto mong gawin ko para lang bumalik ka na..?” tanong ko ulit nang may kalakasan sa kanya.

Muli siyang napapikit ngunit nanatili siyang walang imik.

“Liam… Hindi na ako maghahangad na maging tayo tulad ng dati… Hindi na ako magrereklamo at hindi na rin kita pipilitin kung ’yon ang gusto mo… Baka kasi dahil doon kaya ka naguguluhan at nag-iisip… Kaya sige, kahit wala na tayong maging relasyon, papayag na ako… Basta bumalik ka lang sa dati… Basta makita ko lang ulit ang ngiti mo… Basta marinig ko lang ulit ang boses mo… Parang awa mo na naman… Nahihirapan na rin kasi ako…” dagdag ko pang pagkumbinsi sa kanya.

Iyon na siguro ang pinakamasakit sa akin, ang mga kondisyong iyon na nasabi ko. Pero handa akong magsakripisyo sa bagay na iyon kung iyon din ang kanyang hihilingin.

“Miss na miss ko na ang lahat sa ’yo, Liam… Parang awa mo na… bumalik ka na… Sige na naman, Liam… Nagmamakaawa na ako sa ’yo… Bumalik ka na sa dati…” pagmamakaawa ko pa rin sa kanya.

“Umasa na ako sa himala… Kinapitan ko na kahit ang pinakamaliit na tiyansa… Nagdasal na rin ako nang paulit-ulit… Pero bakit hanggang ngayon wala akong nakikitang pagbabago sa ’yo..? Dahil ba ayaw mo na akong balikan..? Ayaw mo na ulit makasama ako..? ’Yon ba, Liam..? ’Yon ba ang dahilan mo..? Kung ’yon man ang dahilan mo… s-sige, pumapayag na ako… Makukuntento na lang akong tatanaw sa ’yo sa malayo…” sunod-sunod kong pakiusap at napahagulgol na ako.

Nahihirapan na ako sa paghinga dahil sa labis na pag-iyak ko. Pero sa mga huling kataga na aking binitiwan ay mas nanikip ang dibdib ko.

“Liam, naman… Parang awa mo na… Bumalik ka na…” umiiyak ko nang pagmamakaawa at napasigaw na ako sa huli dahil nahihirapan na ako sa aking pagsasalita.

Hindi ko na alam ang dapat ko pang sabihin sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin para magbalik na siya. Nauubusan na ako ng ideya at nauubos na rin ang lakas sa katawan ko.

Dahil sa labis na lungkot at hanggang ngayon ay wala akong nakukuhang tugon mula sa kanya ay wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang ng malakas sa harap niya.

“Parang awa mo na, Liam… Pakinggan mo naman kahit isang beses ang pakiusap ko… Nagmamakaawa na ako… Bumalik ka na…” walang katapusan kong pagkumbinsi sa kanya.

Sunod-sunod pa ang mga naging pakiusap ko at hindi ko na napigilang sumigaw habang umiiyak. Paulit-ulit kong isinisigaw ang pagmamakaawa ko at pagtawag sa pangalan niya.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong gano’n, pero natigilan ako nang unti-unti ay iginalaw niya ang kanyang ulo.

Mula sa pagtanaw niya sa malayo ay dahan-dahan niyang nilingon ang direksyon ko.

Hindi pa iyon natapos doon, parang huminto ang oras nang magtagpo ang mata naming pareho.

Hindi ako nakagalaw dahil sa labis na pagkasorpresa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nangyaring nagtagpo ang aming mga mata.

“L-liam….” nauutal at mahina kong pagbanggit sa kanyang pangalan.

Hindi siya nagsalita, nanatili lamang itong nakatingin sa aking mga mata.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa mga oras na ito kaya nanatili na lamang akong walang galaw habang namimilog ang mga mata ko.

Nasaksihan ko ang dahan-dahang paggalaw ng mga mata niya na tila sinusuri ang mukha ko. At dahil sa ginagawa niyang iyon ay naging sunod-sunod ang mga paglunok ko.

Nagpatuloy siya sa pagsuri sa aking mukha at pabalik-balik ang tingin niya sa aking mga matang lumuluha. Patuloy niyang ginagawa iyon at nasaksihan ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Gumuhit ang pagtataka sa kanya habang nakatingin sa mga pisngi ko ngayong basang-basa ng luha.

Ilang segundo niya pang tinitigan ang mga pisngi ko hanggang sa ibalik niya ang kanyang tingin sa mga mata ko. At nang tuluyang magtama ang aming mga paningin ay muli akong nasorpresa sa naging tagpo.

Mula sa kanyang pagtataka ay nakita ko ang mabilis na pag-ipon ng kanyang mga luha. Mabilis din ang mga pangyayari nang bigla na lamang siyang umiyak nang malakas habang nakatitig sa aking mukha.

Binalot ako ng takot dahil sa aking nakita. Mabilis kong binitiwan ang gitarang nasa aking kandungan at inilapag iyon sa aking likuran. Kasunod nito ay mabilis ko siyang niyakap dahil sa labis na takot ko.

Malakas ang pag-iyak niya ngunit tila may nagbago kumpara sa mga araw at gabi na inaatake siya ng takot niya. Hindi ako sigurado, pero tila puno ng lungkot ang bawat pag-iyak at paghagulgol niya sa mga oras na ito.

“L-liam, t-tahan na… ’Wag ka nang umiyak, please? Nandito ako. Hindi ako aalis sa tabi mo. Tahan na.” nauutal kong pakiusap sa kanya at sinimulan ko nang haplusin ang likod niya.

Tinugon niya ako ng mas malakas na pag-iyak niya.

Lalo akong nakaramdam ng takot dahil sa nangyayari ngayon. Pakiramdam ko ay nagbalik siya noong mga panahon na huli ko siyang nakita sa mental institution habang may suot na gown na pumipigil sa kanyang paggalaw. Noong araw na nakatulala lamang siya habang pumapatak ang kanyang mga luha.

“Ssshhh… Tahan na. I’m here, Liam. Hindi ka nag-iisa. Nandito ako.” pagpapakalma ko sa kanya.

Patuloy pa rin siyang umiiyak kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Kasunod nito ay pilit kong pinunasan ang aking mga luha. Pakiramdam ko kasi ay ito ang sanhi ng kanyang pag-iyak. Baka dahil naramdaman niya ang aking pahihirap kaya hindi niya rin napigilan ang magpakawala ng kanyang emosyon.

“Sige na, Liam. H-hindi na ako iiyak. Kaya, please? Tumigil ka na. Makakasama ’to sa ’yo. Tahan na, please?” nauutal at paulit-ulit ko pa ring pakiusap.

Mas lalo akong naging determinadong mapakalma siya lalo na nang maramdaman ko ang panginginig ng katawan niya.

Nangyayari na ito sa tuwing inaatake siya ng sakit niya, pero may kakaiba. Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa labis sa pag-iyak niya. Humahagulgol siya na tila hindi takot ang nararamdaman niya kundi labis na lungkot ang bumabalot sa katauhan niya.

“Tahan na, Liam… Tahan na…” pakiusap ko pa rin sa kanya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Rigo, just calm down, okay?!” mas malakas nang pakiusap sa akin ng psychiatrist ni Liam habang kausap ko siya sa kabilang linya.

“Calm down, Doktora?! Paano ako kakalma kung ganito na ang nangyayari?! For Pete’s sake, Doktora! Magtatatlong linggo na siyang ganito! Tapos ’yan lang ang masasabi mo?! Kumalma ako?! What the f*ck?!!” mataas na boses kong pakikipagtalo sa kanya at nasabunutan ko na naman ang aking sarili dahil sa labis na pag-aalala. Hindi ko na maiwasang makapagmura dahil sa pagkataranta.

Habang nasa tenga ang aking telepono at kausap si Doktora ay pabalik-balik lang ako sa aking paglalakad dito sa sala. Kasabay din nito ay tinitingnan ko ang taong mas lalo akong pinapakaba dahil nakatingin lamang ito sa akin habang patuloy na pumapatak ang kanyang mga luha.

Dahil sa aking nakikita ay mabilis ko itong nilapitan at pinunasan ang kanyang mga luha.

“Liam, tahan na, please? Tumigil ka na sa pag-iyak. Natatakot na ako sa ’yo.” pakiusap ko sa kanya habang pinapahid ng aking isang palad ang kanyang luha.

Tulad dati ay hindi pa rin siya nakakapagsalita. Ngunit ang kaibahan lang ngayon, nakakatingin na ito ng tuwid sa aking mga mata.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Doktora sa kabilang linya.

“Rigo, ikaw na rin ang nagsabi nitong mga nakaraan tuwing magkakausap tayo, malaki na ang naging pagbabago niya, ’di ba? Hindi man siya nakakapasasalita tulad ng gusto nating mangyari, well at least may bago. Hindi na siya nagwawala nang pabigla-bigla. Kaya nga hindi ka na nag-i-inject ng pampakalma niya, ’di ba? Nagagawa na rin niyang tumingin sa mga kumakausap sa kanya. Hindi mo ba naisip na magandang senyales ’yon? May development na sa kanya.” mahabang pagkumbinsi sa akin ni Doktora.

Napapikit na lang ako habang patuloy ko pa ring inaasikaso si Liam sa aking tabi. Hinawakan ko ang kanyang kamay at inilagay ko iyon sa ibabaw ng aking binti.

Pinilit kong magpakahinahon sa kabila ng aking pagkataranta. Walang maidudulot ang pakikipagtalo ko kay Doktora kaya kailangan ko ring kumalma.

“Pero, Doktora, hindi na normal para sa akin ’to. Sa tuwing may gagawin akong pag-aasikaso kay Liam kagaya ng pagpapaligo, pagpapakain at kung ano-ano pa, wala siyang ginagawa kundi ang tingnan lang ako tapos bigla na lang siyang iiyak! Sa tingin mo, normal pa ’to?!” muli kong paliwanag sa kanya.

“Rigo, huminahon ka nga.” una nitong sambit at saglit na tumigil. “Sige, ganito na lang. Bukas na bukas din, pupunta ako diyan para tingnan siya.” sunod na nitong mungkahi.

Dahil sa aking narinig ay bahagya na akong kumalma. Iyon lang talaga ang hinihintay ko, ang masiguro ang kalagayan ni Liam dahil sa kakaibang ikinikilos niya.

Huminga ako ng malalim at muli kong tiningnan si Liam sa aking tabi. Naroon pa rin ang kanyang mga luhang patuloy na pumapatak mula sa kanyang mga mata.

Muli kong inangat ang aking isang kamay at marahang pinunasan ang mga luhang iyon ni Liam.

“Sige po, Doktora. Pasensiya na rin po kayo sa inasal ko. Natatakot lang talaga ako na baka may nararamdaman nang hindi maganda si Liam.” pagpapakumbaba ko na lang kay Doktora habang magkatinginan kami ni Liam sa mga mata at patuloy kong pinupunasan ang kanyang mga luha.

“Sige, Rigo. Magkita na lang tayo bukas. Siguro, mga hapon ako makakarating diyan dahil may appointment ako sa umaga.” pagpapaalam naman ni Doktora sa akin.

“Sige po. Mag-iingat po kayo.” sagot ko naman dito at saka ko ibinaba ang aking telepono.

Nang maibaba ko ang tawag ay ginamit ko na rin ang isa kong palad para pahirin ang mga luha ni Liam.

“Liam, naman… Bakit ka ba umiiyak? Kinakabahan na ako. Napapadalas na ’to. Magtatatlong linggo ka nang ganito.” tanong at paliwanag ko sa kanya.

Magtatatlong linggo na ang nakakalipas mula nang makita ko ang malaking pagbabagong ito sa kanya. Simula noong araw na tiningnan niya ang mga mata ko, simula noong araw na umiyak siya nang malakas sa harap ko, ganito na siya simula noong araw na iyon.

Tuwing gigising ako sa umaga ay makikita ko siyang nakatingin lang sa akin. Babatiin ko siya habang nakangiti ngunit susuklian niya lang ako ng pagtitig. Pakakainin ko siya at susubuan tulad nang dati, pero makalipas ang ilang sandali ay bigla na lamang itong iiyak sa aking harap.

Ganoon din kanina, matapos ko siyang paliguan, bihisan at suklayan ng buhok, umiyak na naman siya sa aking harapan.

Dahil sa hindi pa rin siya nakakapagsalita hanggang sa mga oras na ito ay unti-unti na lang akong kumilos para yakapin siya. Ikinilos naman niya ang kanyang mga kamay para ipatong sa aking hita habang yakap ko ang katawan niya.

“Ssshhh… Tahan na, Liam. Makakasama ’to sa ’yo. Please naman, tumigil ka na sa pag-iyak mo. Nag-aalala na talaga ako. Alam mong ayaw kitang nakikitang umiiyak, ’di ba? Tahan na, please?” malambing kong pakiusap sa kanya habang marahang hinahaplos ang likod niya.

Hindi pa rin siya tumugon. Sa halip ay hinawakan niya nang mahigpit ang tela ng aking short tulad nitong mga nakaraan tuwing ito ay mangyayari. Pero sa kabila nito, naramdaman kong tila sinusubukan naman niyang magpakahinahon.

Dapat ba akong matuwa dahil sa mga pagbabagong ito? Dapat ba akong magbunyi dahil parang naririnig na niya ako? Pero paano ko iyon magagawa kung sa mga pagbabagong iyon ay kasabay rin ito ng mas maraming beses niyang pagluha sa harap ko?

Sa loob ng halos tatlong linggo ay nakitaan namin siya ng pagbabago. Bukod sa natitingnan na niya ako ngayon nang diretso ay madalas na rin niyang tinitingnan ang mga ginagawa ko. Kung minsan nga ay kinikilabutan na ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi niya kasi inaalis iyon hanggang sa magbitiw ako ng ngiti sa kanya. At tuwing gagawin ko iyon ay doon lamang siya bibitiw sa pagkakatitig sa akin kaya paminsan-minsan akong nakakaramdam ng pagtataka.

Hindi na siya inaatake ng bangungot tuwing gising siya. Nangyayari na lamang iyon paminsan-minsan tuwing natutulog siya. Madali naman siyang kumakalma lalo na kung sa paggising niya ay makikita niya ako sa tabi niya.

Kung dati-rati rin ay kailangan ko pang i-check kung nakadumi ba siya sa suot na diaper niya, ngayon ay matatagpuan ko na lang siyang nakatayo sa tapat ng pinto ng banyo sakaling gustong magbawas nito. Kaya itinigil ko na rin ang pagsusuot ng adult diaper sa kanya dahil alam ko na ang nais niyang iparating sa tuwing tatayo siya sa harap ng pintuan ng aming banyo.

Pero ang nakakalungkot, sa tuwing lilinisan ko na siya, segundo lang ang bibilangin ko at matatagpuan ko na lang siyang nakayuko habang umiiyak din siya.

Hindi ko alam kung anong problema, pero sa tuwing inaasikaso ko siya ay umiiyak na lang siya bigla. Mas nahihirapan ako ngayon kung tutuusin dahil walang araw na hindi ko siya nakikitang lumuluha. Hindi ito kagaya dati na lagi lang siyang nakatulala. Hindi na ito tulad nang dati na gigising siya at matutulog na walang ginawa kundi ang tumanaw lang sa kawalan.

Sa kabilang banda ay may mabuti ring naidulot ito. Kung dati-rati ay kailangan ko siyang balikan maya’t maya para tingnan ang kanyang kalagayan, ngayon ay maaari ko na siyang iwan sa anak naming si Ar-Ar.

Sa tuwing kailangan kong maglinis ng bahay, maglaba at magluto ng aming pagkain ay iiwan ko muna siya sa labas ng bahay habang kasama ang aming anak. Hindi na ako nag-aalala lalo na at nakikita kong mas masaya si Ar-Ar sa pag-aalaga ngayon sa kanya. Ipinapasyal niya si Liam sa dalampasigan at kung minsan ay dinadala ito ni Ar-Ar sa libingan ng mga isda. Minsan naman ay naroroon lamang sila sa ilalim ng punong malapit sa dagat na naging paborito na naming tambayan.

Halos tatlong linggo na ganito ang mga pagbabago. At sa halos tatlong linggong iyon ay hindi ko na alam ang nararamdaman ko.

Masaya dahil sa mga pagbabago, ngunit malungkot dahil nakikita ko ang madalas na pag-iyak nito.

“Nalulungkot ka ba dahil wala ngayon ang anak natin?” tanong ko kay Liam habang yakap ko pa rin ito.

Sinagot niya naman ako sa pagkakataong ito ng paghikbi. Salamat naman at tuluyan na siyang tumigil sa kanyang pag-iyak.

Napapikit ako at nakapagbitiw ako ng ngiti.

“Hayaan mo, mamayang gabi nandito na ulit siya. Isinama lang siya nina Lolo at Lola sa koprahan natin sa silangan. May kailangan daw kasing asikasuhin doon si Lolo. Hinayaan ko na ring sumama ang anak natin dahil gusto niya rin. Baka naiinip na rin ’yon dito sa bahay kaya pinayagan ko na.” mahaba kong pagbabalita sa kanya.

Hindi pa rin siya tumugon tulad nang aking inaasahan. Kasunod nito ay ipinagpatuloy ko na lamang ang pagyakap sa kanya para tuluyan na siyang kumalma.

Makalipas ang mahabang minuto ay naramdaman kong tumigil na siya nang tuluyan sa pag-iyak niya. Iyon na rin ang ginamit kong pagkakataon para bumitiw sa kanya.

Nang tuluyan kaming magkaharap ay wala na ang kanyang mga luha. Pinunasan ko na lamang nang marahan ang basa niyang pisngi bago ako nagbitiw sa kanya ng ngiti.

“Gusto mo bang manood ng TV, Liam?” tanong kong nakangiti. “Sasamahan kita. Mamaya ko na lang huhugasan ang mga pinggan sa kusina.” sunod kong alok sa kanya.

Hindi na ako naghintay na makasagot pa siya. Agad na akong tumayo mula sa pagkakaupo para abutin ang remote control ng TV. Kasunod nito ay binuksan ko iyon at inilipat sa music channel. At matapos iyon ay bumalik na rin ako sa pagkakaupo sa kanyang tabi.

“Halika rito, Liam.” utos ko sa kanya at inakbayan siya. Hinawakan ko rin ang isa niyang kamay at inilagay iyon sa ibabaw ng aking hita.

Tulad dati ay tahimik lang siyang nakatingin sa telebisyon. Alam kong hindi niya naman napapansin ang palabas ngunit isa rin kasi ito sa mga paraan para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Makabubuti rin na nakikinig siya ng musika basta’t hindi ito uri ng tugtog na masakit sa tenga.

Habang nanonood kaming pareho ng telebisyon ay marahan kong pinaglalaruan ang kamay niyang hawak ko. Hindi man niya tinutugon ang bawat paglalaro ko sa kanyang kamay ay nakuntento na rin ako. Ang mahalaga sa akin ngayon ay nasa tabi ko ang mahal ko.

May kahabaang minuto kaming nasa ganoong posisyon nang lingunin kong muli si Liam. Ganoon pa rin naman siya, nakatitig lang siya nang diretso sa malaking TV dito sa sala. Ngunit ang napansin ko sa mga oras na ito ay unti-unti na niyang naipipikit ang mga mata niya.

Dito na ako kumilos dahil alam ko na kung anong kailangan niya. Marahan kong inalis ang aking braso mula sa pagkakaakbay sa kanya at hinarap siya.

“Gusto mo bang matulog, Liam? Halika, doon ka na lang sa kwarto natin.” nakangiti kong pagyaya sa kanya.

Tinugon na naman niya ako ng pagtitig sa aking mga mata.

Unti-unti akong tumayo habang hawak ko ang dalawang kamay niya. Inalalayan ko rin siyang makatayo mula sa pagkakaupo niya.

Dahan-dahan naming tinumbok ang aming kwarto sa ikalawang palapag. Naging maingat ako sa bawat pag-alalay ko sa kanyang mga paghakbang. At nang makarating kami sa aming kwarto ay marahan ko pa rin siyang iginayang makahiga nang maayos sa kama. Kasunod nito ay tinabihan ko na rin siya.

“Halika, rito. Sasamahan muna kitang matulog.” pagyaya ko pa rin sa kanya at inilagay ko ang isa kong braso sa likod ng kanyang ulo para maging unan niya.

Hindi naman siya nagkaroon ng pagtutol hanggang sa maipikit niya ang mga mata niya.

Ganito pa rin naman ang nangyayari tulad nang dati. Kailangan ko siyang bantayan at samahan sa pagtulog hanggang sa magising siya. Hindi ko hahayaang nag-iisa siya sa tuwing imumulat na niya ang kanyang mga mata.

Marahil, dahil sa labis na pagod ay nasabayan ko sa pagtulog si Liam. Napahimbing din ang aking pagkakatulog dahil mas lalo akong kinulang sa pahinga nitong mga nakaraan. Mas lalo kasi akong nakaramdam ng pag-aalala dahil nga sa mga pagbabago niya. Iniiwasan kong may magawa siyang kakaiba na hindi ko makikita. Kaya kahit ang pagtulog nang mahabang oras ay hindi ko na magawa.

Nagising ako at napansin ko sa malaking bintanang naririto sa aming kwarto na nagsisimula nang magdilim ang kapaligiran. Palatandaan iyon na ilang sandali na lamang ay magtatapos na ang araw na ito.

Nilingon ko ang aking tabi para hanapin si Liam. Ngunit nang tuluyan kong masuri ang kanina niyang kinalalagyan ay tuluyan na akong napabalikwas sa aming higaan.

“L-liam..?” nauutal kong pagbigkas sa kanyang pangalan kasabay ng paglaki ng mga mata ko.

Mabilis na binalot ng takot ang buong pagkatao ko dahil hindi ko na siya matagpuan.

“Liam!!!” sigaw ko na sa pagkakataong ito matapos kong lisanin ang aking hinihigaan.

Nagsimula na akong kabahan habang sinusuri ang kabahayan.

“Liam!!!” sigaw ko na naman sa kanyang pangalan habang patuloy siyang hinahanap.

Hindi ko man gustuhin ay kusa na namang dumaloy ang aking mga luha dahil sa labis na takot. Kusa na lang din kasing nagbalik sa aking ala-ala ang kaganapan noong sinuong niya ang karagatan, noong oras na muntik na siya sa aking mawala.

“Diyos ko… ’Wag N’yo po siyang pabayaan…” nagsimula na naman akong magdasal sa mga oras na ito habang patuloy na tumatakbo.

Wala na akong pakialam kung sa bawat paghahanap ko kay Liam sa buong bahay ay may nababasag na akong ilang kagamitan. May mga nababangga na akong ilang mga gamit para lang siya ay matagpuan.

Nalibot ko ang ikalawang palapag ganoon din ang pangatlong palapag nitong bahay ngunit wala talaga siyang palatandaan na naririto siya.

“Liam!!!” humahagulgol ko nang sigaw sa pangalan niya habang naririto naman ako sa unang palapag.

Nilibot ko kahit ang garden dito maging ang kusina at mga banyo ngunit wala rin siya roon. Dahil dito ay agad na akong tumakbo palabas ng bahay patungo sa kubo nina Lola at Lolo.

“Lola!! Lolo!! Ar-Ar!!” malakas at umiiyak kong pagkatok sa kanilang kubo.

Mukhang walang tao rito dahil nakailang pagtawag pa ako ay katamikan lang ang napala ko.

Humahangos akong tumakbo sa dalampasigan para muling hanapin si Liam. Malapit nang sakupin ng dilim ang kapaligiran kaya inuna kong tingnan ang malawak na karagatan.

“Liam!!!!” mas malakas ko nang sigaw habang naririto sa dalampasigan.

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng ilang mga taong aking nadadaanan. Hindi ko na rin alintana kung napapanood nila akong lumuluha habang salitan kong tinatanaw ang karagatan at buong kapaligiran.

“Nasaan ka na, Liam?!!!” humahagulgol ko nang paghahanap sa kanya.

Hinihingal na ako dahil sa sabay na pag-iyak at pagtakbo ko. Pero wala akong balak tumigil. Wala akong balak ihinto ang aking paghahanap kahit abutin pa ako ng bukas.

Malayo ang narating ng aking mga paa dahil sa pagtakbo. Lahat ng nadaanan kong tao ay hindi rin nakaligtas sa pagtatanong at paghahanap ko. Pero nilamon na nang tuluyan ang kapaligiran ay hindi ko pa rin natagpuan si Liam.

“Nasaan ka na..?” umiiyak ko pa ring paghahanap sa kanya.

Nakabalik ako sa tapat ng aming rest house ngunit hanggang sa huling taong napagtanungan ko ay hindi nila matukoy ang hinahanap ko. Ang ilan sa kanila ay hindi kilala si Liam, ngunit ang ilan namang nakakakilala sa kanya ay hindi rin daw siya natagpuan.

“Liam….” pagbigkas kong muli sa kanyang pangalan kasabay ng panibagong mga luha na aking pinakawalan.

Nagpatuloy ako sa paghakbang para mahanap siya. At nang may masalubong na naman akong kilala kong tao ay ginawa kong muli ang pagtatanong sa kanila.

“Marcelino!!!” sigaw ko sa isang mangingisda na nakatira rito. Naroon siya sa tabi ng kanyang sariling bangka at may kausap na dalawang lalaki. Siya ang baklang mangingisda at madalas na kasama noon ni Ar-Ar dito.

“Ako ngayon si Divina, Rigo!! Nakalimutan mo na ba sa gabi ang pangalan ko?!” sagot naman nito sa akin pabalik nang makuha ko ang atensyon nito.

“Mang Divina!!” muli kong pagtawag at pagtatama sa kanyang pangalan nang makarating ako sa kanilang pwesto. Sinakyan ko na rin ang kanyang kalokohan.

Hingal na hingal ako kaya napahawak na ako sa magkabilang tuhod ko.

“Tse!!! ’Wag mo akong kausapin, Rigo! Ex na lang kita ngayon! Sila na ang bagong pantasya ko!” naging sagot nito sa akin habang itinuturo sa kanyang tabi ang dalawang lalaki at inirapan pa ako.

Hindi na ako nag-aksaya pa nang sandali. Umahon ako mula sa pagkakayuko at umiiyak pa rin akong nakiusap dito.

“S-si Liam… N-nakita mo ba si Liam..?” nauutal ko na ring tanong sa kanya.

Mukhang dito lang siya natauhan. Napatigil siya sa kanyang pag-arte na tila nagtatampo at hinarap ako habang suot ang ekspresyong nag-aalala at naguguluhan.

“Sino si Liam?” tanong nitong nagtataka.

Doon ko lang naalala na hindi nga pala Liam ang ginagamit kong pagpapakilala sa kanya rito.

“S-si Randy… ’Y-yung lagi kong kasama..?” nauutal at umiiyak ko pang pagtatama.

Gumuhit ang pagkamangha sa kanya.

“Ah! ’Yung pinagpalit mo sa akin?! ’Yung porke’t mas maputi, mas makinis, mas maganda at mas maliit sa akin ang katawan, bigla mo na lang akong kinalimutan?!” sunod-sunod nitong tanong na may halong panunumbat.

“Teka, ex-boyfriend mo ba siya, Divina?!” biglang pagtatanong ng isang lalaki na kanyang kasama.

“Hindi. Charot lang ’yon. Ex-pantasya ko na lang siya simula nang makilala ko ang tinatawag niyang prinsesa niya.” sagot naman nito sa lalaki.

Dahil sa aking nasasaksihan at sa labis na pagkataranta ay hindi ko na naiwasang pagtaasan ng boses sila.

“Sagutin n’yo na lang ang tanong ko!! Nakita n’yo ba siya?!!” sigaw kong pagtatanong sa kanila.

Nabigla sila sa aking inasal kaya bahagyang napaatras pa sila. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay pinilit ni Mang Divina ang ngumiti.

“H-hindi ka naman mabiro, Rigo,” nauutal na pagbawi ni Mang Divina habang may alanganing ngiti ito. “Oo, nakita ko siya kanina.” sunod nitong sagot sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking narinig.

“S-saan?!” mas natataranta ko na ngayong tanong.

“Sumakay siya sa yate na pagmamay-ari ng Miracle Island!” sagot nitong mabilis.

Sa pagkakataong ito ay gumuhit na ang pagtataka sa mukha ko.

“Ano??!!!” unang reaksyon ko. “Teka!! Paano siya makakasakay sa yateng ’yon?!! ’Di ba, para lang sa mga guests nila ’yon?!” may kalakasan ko pang pagtatanong muli.

“Aba, malay ko?! Basta nakita ko na lang siyang sumasakay, e! Hindi na siguro nakita ang passes niya dahil marami ring sakay na guests ang yate kanina!” sagot naman nito sa akin. “Teka, hindi ba nagpaalam sa ’yo?!” pahabol pa nitong tanong.

Hindi ko na napigilan ang mapasigaw muli.

“Mang Divina, naman!! Alam mo naman ang kondisyon niya, ’di ba?!! Hindi siya nakakapagsalita!! Kaya paano siya makakapagpaalam?!! Isa pa, sana pinigilan mo man lang!!” sumbat ko na sa kanya.

Tila ba ngayon niya lang naalala ang bagay na iyon dahil namilog ang mga mata niya. Kasunod nito ay napayuko siya dahil sa hiya.

“S-sorry… Nakalimutan ko, Rigo… Bihira ko naman kasi siyang makita kaya nawala rin sa isip ko…” paghingi ng tawad nito sa akin.

Nakaramdam naman ako ng pagsisisi sa bagay na iyon. Dahil sa labis na pag-aalala ay nawala na sa isip kong hindi dapat madamay ang ibang tao. Isa pa, ako ang dapat sisihin dito dahil sa kapabayaan ko.

Saglit akong napapikit para makapag-isip ng mabuti. Hindi ito ang oras para pairalin ang init ng ulo ko. Ang dapat kong gawin sa mga oras na ito ay hanapin si Liam.

Makalipas ang ilang sandali ay natigilan ako nang may maalala ako.

“Mang Divino, paandarin mo ang bangka mo! Dalhin mo ako sa Miracle Island!” utos ko ritong natataranta.

Muli niyang naingat ang kanyang mukha habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

“Ha?!! Bawal tayo ro’n! Kaloka ka! Nakakalimutan mo bang may mga coast guard ang islang ’yon?!” pagtanggi nito sa akin.

“Wala akong pakialam! Dalhin mo ako ro’n dahil kailangan kong mahanap si Liam!!!” malakas kong pakikipagtalo sa kanya pabalik.

Nagdabog muna ito nang bahagya bago sa akin sumagot.

“Rigo, naman! Bumu-booking pa ako rito sa dalawa, e!” sagot nitong nanghihinayang.

Sa kabila ng aking pagkataranta ay hindi ako sumuko. Sinubukan kong magpakahinahon sa pagkakataong ito at nagpatuloy ako sa pakikiusap kay Mang Divina.

“Sige na naman… Kailangan kong maibalik si Liam… Nagmamakaawa na ako sa ’yo… Hindi ko kayang mawala siya… Nakikiusap ako, tulungan mo ako…” pagkumbinsi ko pa rin sa kanya.

Ilang segundo ang aking hinintay sa kanyang kasagutan. Nagkatinginan pa sila ng kanyang mga kasama hanggang sa muli siyang magsalita.

“Sige na nga! Basta ikaw ang kumausap sa mga coast guard ’pag nahuli tayo, ha?” pagsuko naman nito sa akin.

Dahil doon ay nabuhayan ako. Gumuhit ng kusa ang ngiti sa labi ko.

“S-salamat!” nauutal ko lang na naging sagot.

Matapos iyon ay naging mabilis na ang kanyang pagkilos para sumakay sa bangka na kanyang sinasandalan.

“Hoy! Tumulong na rin kayo sa pagtutulak nitong bangka!” utos niya sa dalawang lalaki na kanyang kasama matapos niyang buksan ang ilaw ng kanyang bangka.

Ganoon na rin ang ginawa ko. Habang sinisimulan na ring paandarin ni Mang Divina ang motor ng bangka ay tumulong na rin ako sa pagtutulak nito para mas maging mabilis ang pag-alis namin dito.

“Sumama na rin kayo!” utos ko na rin sa dalawang lalaki nang makasampa ako sa bangka. “Babayaran ko na lang kayo sa oras na makabalik tayo!” dagdag ko pang pagkumbinsi.

Hindi na sila nagdalawang-isip pa, agad na sumakay rin ang dalawang lalaki nang simulan na ni Mang Divina ang pagpapaandar ng bangka. Naisip ko rin na mas mapapadali ang paghahanap kay Liam kung marami kaming pupunta roon.

“Gaano ba katagal para makarating tayo sa islang ’yon?” tanong ko pa ring kinakabahan kay Mang Divina.

“Kulang-kulang isang oras. Bangka lang ang gamit natin kaya medyo matatagalan.” sagot naman nito habang nakatalikod sa aking pwesto.

“Sh*t!” pagmumura ko na lang at naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha.

Napakatagal pa pala. Gusto ko nang makarating doon dahil gusto ko nang matagpuan si Liam. Binabalot na ako ng labis na takot na baka may nangyari nang hindi maganda sa kanya.

Sari-sari na ang naglalaro ngayon sa isip ko tulad na lamang na baka may nanakit sa kanya o baka pinagkatuwaan na siya lalo na at wala siya sa kanyang sarili sa mga oras na ito. Pilit ko mang iwinawaksi iyon sa aking isip ay hindi ko pa rin maiwasan.

Natatakot ako. Takot na takot ako na baka hindi na kami muli pang magkita ni Liam.

“Bilisan mo pa, Mang Divina… Parang awa mo na…” hindi ko na naman napigilan ang umiyak sa pagmamakaawa.

“Pasensya ka na, Rigo. Ito lang talaga ang maibibilis ng bangka ko.” sagot naman nito sa aking nahihiya.

Napayuko na lang ako habang nakaupo. Hindi ko na alam kung saan pa ako lilingon dahil kadiliman lang naman ang nasa aming kapaligiran. Payapa man ang dagat sa mga oras na ito ay nagsimula na rin akong takutin ng aking isipan na baka naririto rin si Liam. Baka dahil wala nga ito sa kanyang katinuan ay muli na naman niya itong nilusong kung pinaalis siya sa islang aming pupuntahan.

“Himala yata? Walang sumisita sa atin simula pa kanina. Napasok na natin ang range nila pero wala pa rin sa ating lumalapit na bantay ng islang ’yon.” naging komento ni Mang Divina makalipas ang mahabang katahimikan ng aming paglalakbay patungo sa islang iyon.

Hindi na ako nakatugon sa komento niyang iyon. Mabuti na nga rin iyon para wala na rin ang makahadlang pa sa amin.

Mahabang minuto pa ang aming binilang at tanging lagaslas lang ng tubig na sumasalubong sa aming sinasakyang bangka ang maririnig. Habang patuloy kami sa aming pagbaybay patungo sa isla ay patuloy rin akong nagdadasal nang taimtim. Paulit-ulit kong hinihiling na sana ay nasa maayos na kalagayan si Liam, na wala sanang nangyaring hindi maganda sa kanya.

“Ayun na ang isla!” narinig kong sambit ng isang lalaki na aming kasama.

Mabilis kong naiangat ang aking ulo mula sa pagkakayuko. Tiningnan ko ang bahaging itinuturo ng lalaki at nakita ko ang maraming ilaw na tila malalaking bituin dahil sa liwanag sa mga oras na ito.

“Ang laki ng islang ’yan! Mahahanap pa ba natin ang hinahanap mo, boss?” tanong naman ng isang lalaki sa akin.

Tumayo ako sa bangka kahit may kalayuan pa ang aming pupuntahan.

“Hindi ako nawawalan ng pag-asa… Alam kong makikita ko siya…” sagot kong lumuluha.

Sinusubukan kong patatagin ang aking boses. Ngunit sa likod nito ay ang nag-uumapaw kong kaba.

May dalawang kilometro na lang yata ang aming layo mula sa isla. Nakikita ko na rin mula rito sa aming bangka ang tila isang kastilyo na doon ay nakatayo. Kung hindi lang ako nakakaramdam ng takot sa mga oras na ito ay marahil napuri ko na ang lugar na ito. Alam kong maganda ito dahil sa mga naririnig at nababasa ko mula sa mga pahayagan, pero hindi ko akalaing mas maganda pala ito sa malapitan.

“Bilis! Habang walang bantay!!” utos ko sa kanila nang makarating kami sa isla.

Tama si Mang Divina kanina. Nakakapagtaka nga na hindi mahigpit ang naging seguridad ng islang ito ngayon. Dahil nakarating na kami sa islang ito ay wala pa ring sumalubong sa amin kahit na sinong bantay rito.

“Liam!!!!” agad kong paghahanap sa kanya nang makababa kami sa bangka.

Si Mang Divina ang nakatulong ko sa paghahanap habang ang dalawang lalaki ay tinatapos muna ang pagtatali sa bangkang aming sinakyan.

“Randy!!!!” sigaw ring paghahanap ni Mang Divina.

Magkaiba ang direksyong aming tinahak ni Mang Divina. Mas inuna kong puntahan ang bahagi ng isla na may kadiliman.

“Liam!!!” sigaw kong muli habang patuloy sa paghakbang.

Naririnig ko rin ang malakas na pagtawag ni Mang Divina sa may kalayuan. At sa pagkakataong ito ay naririnig ko na rin ang pagtawag ng dalawang lalaki na aming nakasama patungo rito.

Ilang mga pagsigaw pa sa pangalan ni Liam ang aming ginawa. Wala na akong pakialam kung mahuli man kami ng mga namamahala rito sa isla. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang makitang ligtas siya.

Ang makitang nasa mabuting kalagayan si Liam.

“Liam…!!!!” mas malakas ko nang pagtawag sa kanyang pangalan habang dinadama ang mga luha ko ngayong nag-uunahan.

“Nasaan ka na, Liam..?!!!!” sigaw ko na naman.

Ayaw kong mawalan ng pag-asa. Pero habang tumatagal ang aming paghahanap ay tila nababawasan na ang aking kompiyansa.

“Rigo!!! Pumunta ka rito!!! Bilisan mo!!!”

Natigilan ako sa paglalakad ng mabilis nang marinig ko ang malakas na pagtawag na iyon ni Mang Divina. Tuluyan na akong binalot ng labis na takot dahil sa kakaibang pagsigaw na narinig ko mula sa kanya.

Tumakbo na ako nang mabilis pabalik para puntahan ang kinaroroonan ni Mang Divina. Dala ang nakamamatay na kaba sa aking dibdib ay tinakbo ko ang kanyang pwesto na may ilang metro rin ang kalayuan.

“Liam… Parang awa mo na… Sana naman ligtas ka…” pagkausap ko kay Liam habang patuloy kong tinatahak ang daan kung saan ko naririnig ang paulit-ulit na pagtawag sa akin ni Mang Divina.

“Dito, Rigo!!! Bilisan mo!! May naririnig akong ingay sa banda ro’n!! Baka nandoon siya!!” sigaw muli sa akin ni Mang Divina nang makita niya akong tumatakbo at papalapit sa kanya.

Tama si Mang Divina. Mula rito sa aming pwesto ay nakakarinig na ako ng mga ingay ng maraming tao na tila nagkakasiyahan sa mga oras na ito.

Dahil dito ay muling naglaro sa isip ko na baka naroon nga si Liam habang may mga taong nakapaligid sa kanya at siya ay pinagkakatuwaan. Hindi ko na naman naiwasang magpakawala ng panibagong mga luha habang nakikita ko ang senaryong iyon sa aking isipan.

Ngunit sa halip na panghinaan ako, tila mas lalo akong nabigyan ng lakas para hanapin ito. Mas binilisan ko ang aking pagtakbo para tunguhin ang lugar kung saan nagmumula ang ingay sa mga oras na ito. Maging sina Mang Divina at ang dalawang lalaki ay nilampasan ko na para mailigtas lang ang mahal ko.

“Liam!!!!” mas malakas na rin ang naging pagsigaw ko.

Palapit nang palapit ang naririnig kong ingay, tanda na papalapit na rin ako sa aking pakay.

Ngunit habang patuloy ang aking pagtakbo sa malaking islang ito ay nag-iiba na ang ingay na naririnig ko. Ang akala naming ingay kanina ng tila nagkakasiyahang mga tao ay naging isang magandang musika na sa mga oras na ito.

“Liam!!!” sigaw ko pa rin sa kanyang pangalan.

Hindi ito ang oras para mamangha sa aking mga naririnig o nakikitang kagandahang parte ng islang aking nadadaanan. Ito ang oras para makita at mailigtas ko si Liam.

Narating ng aking mga paa ang lugar na pinagmumulan ng naririnig naming musika. At ang lugar na iyon ay dito mismo sa mahabang daan patungo sa malaking pintuan ng nakatayong mataas na kastilyo. Ang mahabang daan na may malalago at matataas na halaman sa magkabilang bahagi nito.

Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo sa mahabang daan patungo sa pintuan ng kastilyong nasa harap ko. Nagbabakasakaling nasa loob nito ang hinahanap ko.

Mabilis. Walang pag-aalinlangan at walang takot kong sinuong ang daan.

Pero bago pa ako makarating sa pinakadulo nitong mahabang daan ay bigla rin akong natigilan.

Tila naging mabagal ang takbo ng oras nang makita ko ang mga paghakbang ng isang tao para huminto sa tapat ng daang tinatahak ko.

Sinuri kong mabuti ang taong nakatayo ngayon ilang metro lang ang layo mula sa aking kinatatayuan. May suot ito sa kanyang ulo na pinagdugtong-dugtong na bulaklak ng sampaguita at nagsisilbing kanyang korona. At tulad ko, diretso lang ang kanyang tingin na sinasalubong din ang aking paningin.

Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit napahinto ako at bahagyang napaatras habang nanlalaki ang mga mata ko.

Nakatayo siya ngayon sa harap ko habang matamis ang pagkakangiti nito.

Ilang sandali pa,

“Rigz…”

Malambing niyang sambit sa aking pangalan habang nakangiti.


A/N

Yahoo! Sabi sa inyo excited ako rito, e!

Kahit na binitin ko kayo, sana ay nabuhayan pa rin kayo kahit paano.

Paano po? Next chapter na lang ulit, ha? Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa!

Cheers!

–– cold_deee

chapter 38

A/N

Ayan, alam kong nabitin kayo sa last chapter. May mga natanggap akong reactions, baka raw panaginip lang ito ni Rigo? Hahahaha! Labet! Meron din naman, baka raw si Coke ang nakita ni Rigo? Sabi ko, pwede rin. Ayun, naimbiyerna sila. Hahahaha!

At dahil special day ko, ako ang may magandang regalo para sa inyo! Eto na ’yon! ❤

Pero bago ang lahat! Paki-play ang music sa media dahil related ito sa chapter na ito. Now na! Charot! (Song Title: True Romance - By: Regine Velasquez)

Para nga po pala kay

Demitrid

ang chapter na ito! Eto na ’yon, tulad ng pangako ko. ❤

Proceed na tayo! Enjoy~

––> Si Randy po sa media.

![](https://img.wattpad.com/d65221d77ff2cb2f7ce7433b93fb71fe408c9ceb/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f2d787339646e7a467939665a42513d3d2d3437353237383039322e313466333033306334623733663536323639393433303431383232312e6a7067)

RIGO’s POV

Sinuri kong mabuti ang taong nakatayo ngayon ilang metro lang ang layo mula sa aking kinatatayuan. May suot ito sa kanyang ulo na pinagdugtong-dugtong na bulaklak ng sampaguita at nagsisilbing kanyang korona. At tulad ko, diretso lang ang kanyang tingin na sinasalubong din ang aking paningin.

Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit napahinto ako at bahagyang napaatras habang nanlalaki ang mga mata ko.

Nakatayo siya ngayon sa harap ko habang matamis ang pagkakangiti nito.

Ilang sandali pa,

“Rigz…”

Malambing niyang sambit sa aking pangalan habang nakangiti.

Aaminin ko, para akong nananaginip sa mga oras na ito. Hindi ako nakapagbigay ng reaksyon dahil natulala ako.

“Na-miss kita, Rigz.”

Muli niya pang pagsasalita suot ang ngiting matagal ko nang inaasam mula sa kanya, ang ngiting matagal ko nang gustong makita.

“L-liam…”

Sa wakas ay nagawa kong makapagsalita, ngunit iyon lamang ang lumabas sa aking bibig dahil sa labis na pagkabigla.

Nanginginig ang buong katawan ko. Nanlalaki ang mga mata ko. Kahit ang aking bibig ay bahagyang nakabuka habang titig na titig ako sa magandang mukha ng mahal ko.

Panaginip ba ito? Totoo ba itong nakikita ko? Si Liam ba talaga ngayon ang nasa harap ko?

Gusto kong alamin.

Gusto kong kumpirmahin.

Pero naestatwa na talaga ako.

“L-liam….”

Binigkas kong muli ang kanyang pangalan. Ngunit nang sambitin kong muli ang magandang pangalan niyang iyon ay sinabayan na rin ito ng mga luha kong nag-uunahan.

Mga luhang iba sa naipamalas ko nitong mga nakaraan na purong kalungkutan.

Ito na ang luha ng nag-uumapaw kong kasiyahan.

“Liam….!” mas malakas ko na ngayong pagtawag sa kanya habang nakangiti at lumuluha.

Sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa para puntahan siya. Inilabas ko ang lahat ng lakas na natitira sa aking katawan para mayakap siya.

Pero….

“Diyan ka lang, Rigz! Diyan ka lang! ’Wag kang aalis diyan!” utos nito at pagpigil sa akin habang nakamwestra pa ang isang kamay niya.

Dahil doon ay napahinto ako. Hindi ko naituloy ang tangkang pagkumpirma kung isang panaginip lang ba talaga ito. Hindi ko naituloy ang pagyakap sa mahal ko.

“Diyan ka lang! Marami akong gustong sabihin sa ’yo!” dagdag pa nitong utos sa akin.

Sa tingin ko ay may apat na metro rin ang aming pagitan. Malapit na ito at ilang pagtakbo lang ang aking kakailanganin para siya ay hagkan. Pero dahil sa iyon ay kanyang kautusan, wala akong mapagpipilian. Nanatili na lamang ako sa aking pwesto habang patuloy na dumadaloy ang mga luha kong dulot ay kasiyahan.

Nasaksihan ko kung paano siya kumilos at may kinuha mula sa kanyang bulsa.

“’Wag kang gagalaw, ha? Diyan ka lang!” muli nitong utos sa akin habang binubuklat na ngayon ang isang papel na kinuha niya mula sa kanyang bulsa.

Habang nasa ganoon kaming pwesto ay umalingawngaw ang kanta sa kapaligiran. Isang kanta na napakasarap sa tenga na sa tingin ko ay isang choir ang pinagmumulan.

Sinubukan kong ilibot ang aking paningin kung may kasama ba kami sa mga oras na ito. Pero nang masuri kong mabuti ay kaming dalawa lang ang nakatayo sa magandang lugar na ito. Maging ang mga nakasama ko kaninang nagpunta rito ay hindi ko na makita kahit ang kanilang mga anino.

Marami nang katanungan sa aking isipan. Kung anong nangyari? Kung paanong nangyari? Kung may katotohanan ba ito? At kung ano-ano pa ang naglalaro sa isip ko. Pero hindi ko muna inintindi ang mga iyon. Mas nangingibabaw sa akin na mayakap ang taong ngayon ay nasa harap ko. Ang mahal ko na nakangiti ngayon habang nakatingin sa isang sulat na nasa mga kamay nito.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng aking mga luha nang magsimula ulit siyang magsalita. Muli siyang ngumiti nang malapad at inangat ang kanyang ulo para magtagpo ang aming mga mata.

“Ang dami kong gustong sabihin sa ’yo, Rigz. Kaya para hindi ko makalimutan, isinulat ko ang ilan dito sa papel na hawak ko.” wika niyang nakangiti sa akin.

Tanging pagtango lang ang naitugon ko habang lumuluha pa rin ako. Gustuhin ko mang sabihin sa kanyang mamaya na lamang niya gawin iyon dahil gusto ko na siyang mayakap ay mas pinili kong pakinggan na lamang muna siya. Alam ko namang hindi rin eepekto iyon dahil siya ang laging panalo sa aming dalawa.

Muli siyang yumuko sa kanyang hawak na sulat at sinimulan niyang magbasa habang suot ang magandang ngiti niya. Napakagandang simula dahil sinasabayan din iyon ng magandang musika.

“Baby Rigz…” panimula niya sa kanyang pagbabasa.

Napangiti ako habang umiiyak dahil ang tagal ko nang gustong marinig ulit iyon mula sa kanya.

“Naaalala mo ba kung paano tayo unang nagkakilala?” tanong niyang nagbabasa.

Tumango ako dahil nakatatak na iyon sa isip ko.

“Sa isang sulyap mo lang noon, alam kong nagandahan ka na talaga sa akin dahil nanlaki ang mga mata mo. Alam kong umepekto na ang alindog ko sa ’yo. Noong humarap ako sa ’yo, nabasa ko agad ang isip mo. Naisip ko agad, magiging patay na patay sa kagandahan ko ang lalaking ito.” muli niyang pagbabasa at bahagyang natawa.

Dahil doon ay natawa rin ako kahit may mga luha pa rin ang mga mata ko.

Tama siya. Simula pa lang noon, gandang-ganda na ako sa kanya kahit lalaki pa siya. Kahit nakasimangot pa siya noon na hinarap ako, alam kong magiging patay na patay na ako sa kanya dahil parang aatakihin na ako noon sa puso.

“Alam ko na ang nasa isip mo noon, Rigz,” sunod niya pang pagbabasa at saglit na tumigil para tingnan ako sa mga mata. “Ako ang magiging Juliet ng buhay mo at ikaw naman ang magiging Romeo ng buhay ko.” dugtong niya pa.

Natawa na naman ako sa pagpapatuloy niyang iyon.

Ito ang na-miss ko sa kanya, ang mga simpleng banat at paglalambing niya.

Bumalik siyang muli sa pagbabasa. Ngunit sa pagkakataong ito, nakita ko ang kanyang uri ng ngiti na pinakapaborito ko.

“Rigz, gusto kong malaman mo, ikaw ang super hero ko… Ikaw ang nagligtas sa akin mula sa masalimuot na pinagdaanan ko…”

Matapos niyang sabihin ang mensaheng iyon ay nakita ko ang biglang pagpatak ng butil ng kanyang mga luha habang may ngiti pa rin siya sa kanyang mukha. Mabilis naman niyang pinunasan ang mga luhang iyon at nagpatuloy sa kanyang pagbabasa.

“Ginawa mo ang lahat, Rigz, para ma-fall ako sa ’yo. Sinigurado mong madadala ako sa mga simple at obvious na mga pahaging at banat mo para lang mahalin ko pabalik ang isang tulad mo.”

Sa huling mensaheng kanyang binasa ay sinubukan kong magsalita.

“Ang tanong ko, Liam, umepekto ba?” tanong kong lumuluha at natatawa.

Itinigil niya ang pagbabasa at inangat ang kanyang mukha.

“Ssshhh! ’Wag kang maingay. Patapusin mo muna ako.” utos niya sa akin habang ang isa niyang hintuturo ay nasa tapat ng kanyang nguso.

Damn! Kailan pa naging ganito ka-cute si Liam?!

Sa halip na makipagtalo pa sa kanya ay isinara ko na lang ang bibig ko. Naisip kong baka abutin pa kami ng bukas kung maiistorbo ko ito.

Nagbalik siya sa pagbabasa ng sulat na nasa mga kamay niya.

“Rigz, alam mo bang ikaw ang McDreamy ko? Ikaw lang din ang nag-iisang McSteamy ko. Isama mo na rin ang McFlurry ng McDo.”

Dahil sa narinig kong iyon ay gumuhit ang pagtataka sa aking mukha. Kaya kahit pa patuloy sa pagpatak ng aking mga luha ay nagsalita ako.

“Liam, naman, e! Tinatagalog mo lang ang kanta! Hindi ba pwedeng mamaya na lang ’yan?! Papakinggan naman kita, e! Damn! Gusto na kitang lapitan!” may kalakasan kong reklamo sa kanya. Napansin ko kasing tina-translate niya lang ang musikang patuloy na tumutugtog sa mga oras na ito.

“Punyeta, Rigo! Sinabi kong manahimik ka muna, ’di ba?! Bakit ba napakatigas ng ulo mo?! Masasampal na kita, makikita mo!” mas malakas nitong pagbabanta at pakikipagtalo.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Umikot-ikot ako sa aking pwesto habang naihihilamos ang dalawang palad ko sa aking mukha. Tumatawa ako habang patuloy na umiiyak sa saya.

Kumpirmado.

Nagbalik na nga siya.

Siya na nga itong nasa harap ko.

Nasusungitan na niya ako.

Namumura na niya ako.

Higit sa lahat, naririnig ko na ulit ang paboritong ‘punyeta’ nito.

“Isa pa talaga, Rigo! Masasabunutan na kita!” dagdag niya pang pagbabanta habang nakasimangot.

Tumango-tango na lang ako bilang pagsagot habang nakangiti at lumuluha sa harap niya.

Nang makita niya ang naging pagsagot ko ay mabilis na nagbalik ang pagkakangiti niya. Muli niya ring hinarap ang sulat na hawak niya.

“Rigz, para sa akin, kahit sina Brad Pitt at George Clooney, walang panama at walang sinabi sa ’yo. Ikaw pa rin ang pinakamasarap sa mga mata ko. Ikaw pa rin ang paulit-ulit na pagpapantasyahan ng isip at katawan ko.” muli niyang pagbabasa at saglit na tumigil. Inilagay niya muna ang isa niyang palad sa kanyang pisngi bago siya nagpatuloy habang nakangiti. “Syet, kinikilig ako.” dugtong niya pa.

Natawa ako dahil sa nakikita ko sa kanya. At aaminin ko, para na akong kinikiliti sa mga oras na ito.

Ang cute niya talaga!

Nagpatuloy pa siya sa kanyang pagbabasa.

“Rigz, sa isang halik mo lang, nadadala talaga ako. Hindi nagiging normal ang bilis ng tibok ng puso ko. Isang ngiti mo lang, feeling ko, ako na si Princess Jasmine habang nakasakay sa magic carpet at ikaw si Aladdin ng buhay ko. Feeling ko, sabay nating kinakanta ang ‘A Whole New World’ kahit sintunado ang boses ko.” pagbasa niya na naman at muling tumigil. “Punyeta! Ang korni naman nito!” dugtong niya pang reaksyon sa kanyang binabasa.

Walang na yatang tigil ang pag-iyak at pagtawa ko habang patuloy na pinapakinggan siya. Parang tumatalon na rin sa saya ang puso ko sa mga oras na ito habang pinapanood siya.

Nagpatuloy na naman siya sa kanyang binabasa. Hindi ko na siya sinasalungat dahil gusto ko nang matapos ang mga sasabihin niya. Gusto ko nang yakapin siya, at gusto ko na ring maramdaman ang yakap niya.

“Rigz, hindi ako nilalagnat. Pero gusto kong malaman mo na ikaw ang Bieber fever ko. Ikaw rin ang Ashton Kutcher ko. And for your info, hindi ako si Lady Gaga, pero nagiging gaga talaga ako sa pagkabaliw ko sa ’yo.” pagbabasa niya pa rin habang nakangiti.

Naghintay pa ako sa pagpapatuloy niya, ngunit nagulat ako nang kanyang ibaba ang sulat na hawak niya. Kasunod nito ay inangat niya ang kanyang mukha at ngumiti habang nakatingin sa aking mga mata.

“’Yon lang ang naisulat ko, Rigz.” pagbabalita niyang nakangiti.

Dahil doon ay nabuhayan ako.

“P-pwede na ba akong lumapit?!” tanong kong nauutal habang masaya ang ekspresyon ko.

“Hindi pa.” mabilis naman niyang sagot sa akin habang nakangiti pa rin.

Nawala rin bigla ang pagkakangiti ko at napalitan na ng inis iyon.

“Liam, naman! Hindi na ako natutuwa, ha?! Naiinis na ako! Gusto na kitang puntahan! Gusto na kitang yakapin! Ano pa bang kulang sa mga sasabihin mo?! Sabihin mo na ngayon! Pakibilisan mo na, please?! Mababaliw na ako rito!!” may kalakasan ko nang reklamo sa kanya at nasabunutan ko na ang sarili ko.

Sa halip na sabayan niya ang inis ko at pagalitan niya ako ay nagbitaw pa ng mahinang pagtawa ito.

“Wait lang kasi! Intro ko lang ’yon! Magsisimula pa lang ako sa mga gusto ko talagang sabihin sa ’yo!” sagot niyang natatawa.

“Simulan mo na! Ngayon na, Liam! Ngayon na!” may diin ko nang pakiusap sa kanya.

Muli na naman siyang natawa. Pero sa halip na makaramdam ako lalo ng inis ay ibayong saya ang naramdaman ko habang pinapakinggan ang nakakahalina niyang pagtawa.

Ang sarap marinig na muli ko iyong narinig mula sa kanya. Ang tagal kong hiniling na marinig at masaksihan ang magandang tawa niyang iyon. At ngayon nga ay ipinapamalas na niya sa mismong harap ko.

Tinapos niya muna ang kanyang pagtawa at nakikita kong sinisimulan na rin niyang ihanda ang kanyang sarili.

Ilang sandali pa ay nakangiti na naman niya akong tiningnan nang diretso sa aking mga mata. Ang ginawa ko na lamang ay naghintay sa mga sasabihin niya pa.

“Rigz, sorry kung natagalan, ha..?” una niyang sambit. Matapos niya rin sabihin iyon ay nasorpresa ako nang may kumawalang mga luha sa mga mata nito.

Natigilan ako dahil sa nakita kong pagluha ng magagandang mata niyang iyon. Gustuhin ko mang lapitan siya para punasan iyon ay alam kong kokontra lang siya.

“L-liam…” nauutal ko lamang na pagbigkas sa kanyang pangalan.

“S-sorry, Rigz, kung natagalan ako sa pagbabalik ko… Sorry kung naging pabigat ako sa ’yo… Alam kong marami kang katanungan sa mga oras na ito, pero hayaan mong sabihin ko muna kung ano ang nararamdaman ko…” wika niya pa at mas lalo nang nag-unahan ang kanyang mga luha.

Dahil sa nakikita ko sa kanya ay nagbalik din ang aking mga luha.

“S-sorry, Rigz, kung naging mahina ako… Sorry kung hindi ako nagtiwala sa mga pangako mo… Sorry kung mas inuna ko ang kapakanan ng ibang tao kesa sa ’yo… Sorry kung nagpatalo ako… Sorry kung sinukuan ko ang lahat sa kabila ng mga hirap mo… Sorry sa lahat, Rigz… I’m sorry…” wika niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

Humihikbi lamang ako habang pinapakinggan ang kanyang mga sinasabi.

“Pero gusto kong malaman mo, Rigz… Ikaw rin ang rason kung bakit nagbalik ako… Ikaw ang nag-iisang dahilan kung bakit gusto ko ulit ituloy ang buhay ko… K-kasi… kasi, gusto kong magpatuloy na lumaban at ikaw ang nasa tabi ko…” pagpapatuloy pa nito.

Dahil sa aking mga narinig ay mas lumakas ang pag-iyak ko. Inangat ko na lamang ang aking isang braso para kagatin iyon. Ito lang ang nakikita kong paraan para pigilang lumabas ang malakas na pag-iyak kong iyon. Gusto ko kasing marinig ang kanyang mga sasabihin nang malinaw sa pandinig ko.

“A-alam ko ang lahat ng mga pinagdaanan mo sa pag-aalaga sa akin, Rigz… Alam ko ang lahat ng naging hirap mo… Magmula sa kung paano mo ako pakainin, paliguan, bihisan, o kahit ang mga bagay na hindi ko akalaing magagawa mo, alam ko rin… Alam ko ang lahat ng hirap mo para maasikaso lang ako… Nasaksihan ko lahat, Rigz… Lahat-lahat… Kaya nga… kaya nga sobrang proud ako dahil may Rigo ako… Sobrang swerte ko sa ’yo…” pagbubunyag niya pa at mas naging malakas pa ang pag-iyak niya.

Nasorpresa ako sa aking mga narinig. Kaya kahit nahihirapan akong magsalita dahil sa labis na pag-iyak ay sinubukan kong makapagtanong sa kanya.

“K-kailan pa, Liam..? Kailan pa..?” tanong kong lumuluha.

Gusto kong malaman kung kailan pa siya nakabalik. Gusto kong alamin kung paano nagsimula ang lahat.

Bago niya sinagot ang katanungan kong iyon ay pinilit niyang magpakawala ng ngiti sa akin.

“Magtatatlong linggo na, Rigz… Simula noong araw na nasa ilalim tayo ng puno malapit sa dagat at nakiusap ka sa akin na bumalik na, doon ako unti-unting nagising… Sorry kung hindi ko agad pinaalam, ha..? Sorry kung sinadya kong ’wag ipahalata… Sorry kung itinago ko sa ’yo ng halos tatlong linggo… Sorry kung hinayaan kitang ituloy ang pag-aasikaso at wala akong nagawa kundi ang umiyak sa harap mo… Hindi pa naman kasi masyadong klaro sa akin noong una… Pero sa paglipas ng mga araw, doon ko nakita ang lahat… Doon mas naging malinaw sa akin ang mga nagaganap…” pag-amin nito sa akin.

Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Kaya pala naging malaki ang pagbabago sa pamumuhay namin sa halos tatlong linggo ay dahil unti-unti na siyang naging maayos. Ngayon ko lang napag-isip-isip ang bagay na ito dahil sa kompirmasyong narinig ko mula sa kanya.

“H-hindi ko alam kung paano nangyari, Rigz… Pero noong marinig kitang umiiyak at tinatawag mo ako, parang palapit nang palapit ang boses mo… Unti-unti na ring nagliwanag ang paligid ko… H-hanggang sa… hanggang sa natagpuan na nga kita sa harap ko…” dagdag pa nito.

Sigurado ako, ako na ang pinakamasayang tao sa mga oras na ito. Tuluyan nang bumalik si Liam. Tuluyan nang bumalik ang mahal ko.

“Liam…” tangi ko lamang nasambit habang umiiyak.

Kahit pa patuloy ang pagdaloy ng mga luha ni Liam ay nagpatuloy ito sa kanyang pagsasalita.

“Rigz, salamat sa lahat… Ngayon ko napatunayan na hindi pala ako dapat matakot dahil nandiyan ka… Ngayon ko mas lalong napagtibay na may makakasama ako kahit anong bigat at kahit anong pagsubok pa ang papasanin ko dahil may isang Rigo sa buhay ko… Salamat sa lahat, Rigz… Salamat dahil hindi ka sumuko… Salamat dahil hindi mo ako pinabayaan kahit pakiramdam ko, ako na ang pinakawalang kwentang tao… Hindi mo iniwan ang kagaya kong hindi karapat-dapat para sa isang kagaya mo… Salamat sa pagtupad ng mga pangako mo, Rigz… Salamat dahil dumating ka sa buhay ko…” mahaba niya pang pagsasalita sa pagitan ng pag-iyak niya.

Pareho na kaming luhaan dahil sa nangingibabaw naming emosyon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Kung saan ba ako magsisimula para masabing wala siyang dapat ikabahala. Dahil ang alam ko lang, isinilang ako para maging kanya lang. Na kahit magpaalipin pa ako sa kanya ay hindi ako magdadalawang -isip na sundin ang lahat ng kanyang kautusan.

May kahabaan din kaming walang sinasambit na salita, tanging mga pag-iyak lang ang aming nagagawa. Ngunit makalipas din ang ilang sandaling iyon ay binasag na rin niya ito. Pinilit niyang magbalik sa pagkakangiti kahit pa patuloy ang pagdaloy ng mga luha na nagmumula sa mga mata nito.

“Rigz…” pagtawag niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim dahil nauubusan na ako ng hangin.

“B-bakit..?” tanong kong nauutal habang umiiyak pa rin.

“M-may gusto pa akong sabihin… May gusto pa akong malaman mo…” sagot nitong umiiyak sa akin.

“A-ano ’yon..? Sabihin mo na habang kaya ko pa…” utos ko namang umiiyak pa rin sa kanya.

Natawa siya dahil sa sinabi kong iyon. Ngunit sa halip na kontrahin pa ako ay nakita kong sinusubukan niyang maging kalmado para masimulang muli ang mga sasabihin nito.

Sa pagkakataong ito ay sumilay muli ang kanyang ngiti. Ngunit kung pag-aaralang mabuti ang ngiti niya ngayon kumpara noon, nababasa kong sobrang saya niya.

“Rigz… Gusto mo bang malaman kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa ’yo?” tanong niya sa akin.

Natigilan ako sa malakas na pag-iyak ko. Hindi ko maipaliwanag, pero bahagya akong nakaramdam ng kaba sa mga oras na ito.

Si Liam? Sasabihin kung ano ang kanyang nararamdaman para sa akin?

Hindi ba ito ang gusto kong malaman simula pa noon? Pero bakit parang bigla akong nagdadalawang-isip ngayon?

“N-natatakot ako, Liam… Natatakot ako…” iyan na lang ang biglang lumabas sa bibig ko.

Pakiramdam ko kasi ay hindi ko magugustuhan ang maririnig ko. Hindi ko rin maiwasang magbalik sa aking ala-ala ang ilang beses niyang pagtanggi sa akin. Kung ilang beses niyang sinabing wala siyang nararamdaman para sa akin kahit pa ilang beses ko na iyong isinigaw sa harap niya.

“Natatakot?” tanong niyang nakangiti.

Nasagot ko siya gamit ang alanganing pagtango habang nakatingin ako sa kanya nang tuwid.

Nasaksihan ko kung paano siya huminga ng malalim at kung paano mas lumapad ang kanyang ngiti sa akin.

“Bakit ka matatakot, Rigz? Bakit mo ikakatakot na marinig kung gaano kita kamahal? Kung gaano na katagal simula nang mahalin ko ang isang Rigo?”

Nanlaki ang mga mata ko. Naestatwa na rin akong lalo sa narinig ko.

“Matagal na, Rigz…

Matagal na kitang mahal…

Mahal na mahal na mahal…“

Malambing niya pang dugtong habang nakangiti.

Tuluyan na akong bumigay. Nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya ay muli akong napaluha. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa labis na tuwa.

Sampung taon.

Sampung taon kong pinangarap iyon.

Sampung taon ay ipinagdasal ko iyon.

At ngayon nga ay natupad na iyon.

“Liam….” sambit ko lang na umiiyak dahil sa kasiyahan.

Muli siyang ngumiti. At kahit bahagyang malayo ang aming pagitan ay nakita ko ang nangingislap niyang mga mata dahil sa mga luha niya na ang dulot ay kasiyahan.

“Rigz, sorry kung matagal kong pinigilan, ha..? Sorry kung natagalan ang sagot ko…” paghingi niya ng tawad habang lumuluha ito.

May isasaya pa ba ako? Sa tingin ko ay wala na.

Ito na ang pinakamasayang parte ng buhay ko.

Ang taong minahal ko ng higit pa sa buhay ko ay natugunan na ang nararamdaman ko.

Narinig ko na rin sa wakas ang mga katagang gusto kong marinig mula rito.

Ang mga salitang mahal niya ako.

“Mahal na mahal kita, Rigz… Matagal na… Matagal na matagal na… At kung tatanungin mo ako kung hanggang kailan..? Habang-buhay ang aking magiging kasagutan… Mahal na mahal kita at handa ko na rin itong ipagsigawan…” nakangiti niya pang paglilinaw sa kanyang mga salitang binitawan.

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lang nang dahil sa tuwa. Nanginginig ang aking labi at hindi ko na magawang magsalita.

“Nangangako rin ako sa ’yo simula ngayong oras na ito… Babawi ako sa mga taon, buwan, araw at oras na hindi ko ito nasabi sa ’yo… Araw-araw, Rigz, maririnig mo na ito sa bibig ko… At kung hihilingin mo sa aking oras-oras at minu-minuto kong dapat ulitin ang mga katagang iyon, gagawin ko iyon ng buong puso… Uulit-ulitin kong sasabihin na mahal kita.. Mahal na mahal kita…” dugtong niya pang nakangiti at lumuluha.

Dahil pa rin sa aking mga narinig ay tuluyan na akong nanghina. Napaupo ako habang takip ng dalawa kong palad ang aking mukha. Mas malakas na rin ang naging pag-iyak ko dahil sa labis na tuwa.

Nasa ganoon akong posisyon nang marinig kong muli ang kanyang pagsasalita.

“Tapos na ang mga gusto kong sabihin sa ’yo, Rigz…

Pwede mo na akong lapitan at yakapin…

Gusto ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap mo, Rigo…

Gusto ko nang maranasan ang unang yakap na pagsasaluhan natin,

dahil ikaw na ang boyfriend ko…“

Mas malambing na ang boses niyang utos iyon sa akin.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Kahit nanginginig ang aking buong katawan ay mabilis akong tumayo at patakbong tinungo ang kinatatayuan niya.

Parang naging mabagal ang takbo ng oras. Habang papalapit ako sa kanya ay iminuwestra na rin niya ang kanyang mga braso para salubungin ang yakap ko.

Kaya mula sa halos apat na metrong pagitan namin kanina ay tuluyan na itong naglaho.

Tuluyan nang nawala ang distansya naming dalawa nang magtagpo ang aming katawan at mahigpit na niyakap ang isa’t isa.

“God… Nananaginip ba ako, Liam..? Sobrang saya ko…” tanong ko habang kulong siya ng bisig ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Kasunod nito ay naramdaman ko ang marahang pagbitaw niya hanggang sa magtagpo ang aming mga mata.

“Hindi ka nananaginip, Rigz… Mahal kita… Mahal na mahal kita matagal na panahon na…” sagot niya sa akin habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.

Wala akong nagawa kundi ang tumawa lang sa saya habang lumuluha. Hinawakan ko na lang din ang magkabila niyang pisngi at marahang pinahid gamit ang aking mga daliri ang mga luha niyang sanhi ay tuwa.

Ganoon lang ang aming posisyon nang maramdaman ko ang pagkapit niya sa magkabila kong bewang. Kasunod nito ay muli siyang nagsalita sa napakalambing na paraan.

“Magsimula ulit tayo, Rigz… Ako bilang prinsesa mo, at ikaw bilang aking prinsipe, super hero at baby Rigz ko… Magsimula tayo bilang opisyal na magkarelasyon simula ngayong araw na ito…” wika niyang nakangiti sa akin.

Tinugon ko siya nang marahang pagtango habang lumuluha pa rin dahil sa labis na kasiyahan. Kasunod nito ay sinamantala kong titigan ang kanyang mukha sa malapitan.

Nilibot ko ang lahat ng parte ng kanyang mukha kahit nakatatak na ito sa aking isipan. Magmula sa kanyang nangniningning na mga mata, sa makinis at maputi niyang pisngi, sa magandang hugis ng kanyang ilong na bagay sa maganda niyang mukha, at sa manipis at mapulang labi niya.

“Mahal kita, Liam… Mahal na mahal kita at handa ko iyon patunayan sa mga araw pang magdadaan… Pangako ’yan, Liam… Pangako…” wika ko nang maibalik ko ang aking mga mata sa kanya.

Nasaksihan ko ang pagpikit ng kanyang mga mata matapos kong sabihin iyon sa kanya. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanya nang marinig niya ang aking mga kataga.

“Ang sarap pakinggan, Rigz…” una niyang sambit habang nakapikit. Kasunod nito ay dahan-dahan din niyang iminulat ang kanyang mga paningin. “Nangangako rin ako sa ’yo, Rigz… Kahit anong mangyari, hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo… Hinding-hindi na kita iiwan kahit pa sino ang humadlang… Magpapakatatag na ako at lalaban kasama mo… Mahal na mahal kita at ’yon ang gagamitin kong inspirasyon para mas maging malakas ako… Mahal kita, Rigz… Mahal na mahal…” mahaba niya pang dugtong.

Naikagat ko ang ibabang labi ko habang nakangiti ako.

Gusto kong sumigaw dahil sa labis na saya. Gusto kong ipagmalaki sa lahat na nagkaroon na ng katuparan ang aking kahilingan. Gusto kong ipamalita sa lahat ng tao ang katuparan ng pangarap ko.

Siya lang, si Liam lang ang alam kong nag-iisang dahilan kung bakit nagkaroon ng katotohanan ang lahat ng ito.

Pero sa mga oras na ito, ang mga salitang ito lang ang lumabas sa bibig ko,

“Mahal kita, Liam… Mahal na mahal.”

Hindi ko na siya hinintay pang makatugon sa sinabi kong iyon. Dahil matapos ang mga katagang aking binitiwan ay ipinikit ko na rin ang aking mga mata. Kasunod naman nito ay unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya.

At ang pinakahuli, pinaliit ko ang distansyang namamagitan sa aming mga mukha hanggang sa magtagpo ang labi naming dalawa.

Naramdaman ko ang kanyang pagngiti habang ang aming mga labi ay magkadikit. Ngunit makalipas lang ang ilang sandali ay para na akong nasa alapaap nang maramdaman ko ang matamis niyang pagtugon sa aking paghalik.

Sa wakas ay muli kong natikman ang malambot at mainit niyang labi. Sa ilang buwan na sinubok kami ng panahon, heto at pinagsasaluhan naming muli ang halik na matagal ko nang minimithi.

Sa ilalim ng payapang gabi dito sa gitnang isla, at saksi ang mga bituing nagniningning ay pinagsaluhan namin ang unang halik bilang opisyal na magkarelasyon ni Liam. Lalo pang naging mahiwaga iyon nang marinig ko ang pagsabog ng mga fireworks sa kalangitan.

Ito ba ang sinasabi nilang hiwaga ng pag-ibig? Na parang sasabog ang dibdib mo sa saya? Hindi ako sigurado kung ito nga iyon dahil ito ang kauna-unahang beses na naramdaman ko ito. Pero kung ito nga iyon, isa lang ang masasabi ko,

Masarap umibig lalo na at nasusuklian ito. Masarap magmahal kung ang kasama mo ay ang taong matagal mo nang ipinagdadasal na maging iyo. Iyong may maipapangalan na kayo sa relasyon n’yo. Iyong wala nang iba pang nag-uugnay kundi ang puso n’yong pareho.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal ni Liam na pinagsasaluhan ang una at matamis naming halik bilang magkasintahan, ngunit nang maghiwalay ang aming mga labi habang suot ang aming mga ngiti ay narinig din namin ang mga masigabong palakpakan.

“Daddy..!! Ma..!!” pagtawag na nagmula kung saan. Pagtawag na umiiyak ngunit dama ko ang lubos na kasiyahan.

Nang marinig ko ang pagtawag na iyon ay doon lamang naputol ang pagkakatitig ko kay Liam. Mabilis ko ring nilingon ang pinagmumulan ng boses na iyon at natagpuan ko ang aming anak na tumatakbo patungo sa aming kinatatayuan.

“’Nak! Halika, bilis!” pagtawag na nakangiti rito ni Liam.

Mabilis na nakarating ang aming anak na si Ar-Ar at niyakap niya si Liam nang mahigpit sa bewang.

“Ang saya ko, Ma…. Saka ang ganda mo talaga sa flower crown mong sampaguita…” wika ni Ar-Ar na umiiyak habang nakatago ang mukha nito sa tiyan ni Liam.

Sinagot naman iyon ni Liam ng mahinang pagtawa at hinalikan ito sa ulo.

Sa mga oras na ito ay nadagdagan na naman ang mga katanungan ko. Nagtataka ang aking mukha na salitang tinitingnan sina Liam at Ar-Ar na hanggang ngayon ay magkayakapan.

Anong ginagawa ng anak namin dito? Ang alam ko ay nasa silangang bahagi ng hacienda namin ito kasama ang kanyang Lola at Lolo?

Habang tinitingnan ko ang dalawang taong pinakaimportante sa buhay ko ay nakakarinig pa rin ako ng mga palakpakan. Sinubukan kong lingunin muli kung saan iyon nagmumula, at nasorpresa ako dahil natagpuan ko malayo sa aming pwesto sina Lolo at Lola kasama ang ilan naming mga kapit-bahay at trabahador sa hacienda. Naroon na rin sina Mang Divina at ang dalawang lalaking kasama naming nagtungo rito kanina. Lahat sila ay nakangiti habang malakas ang pinakakawalang palakpak at nakatingin sa aming pamilya.

Muli kong nilingon si Liam habang nagtataka pa rin ang aking mukha. Doon ko nakitang nakatingin din pala ito sa akin habang natatawa.

“Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat, Rigz.” una niyang pagsagot. “Pero ngayon pa lang humihingi na ako ng sorry sa ’yo. Ikaw ang huling taong nakakaalam na nakabalik na ako. Alam nilang lahat at kasama ko silang naghanda para sa sorpresa kong ito sa ’yo.” sunod pa nitong paliwanag.

Napanganga ako dahil sa aking mga narinig. Mas lalo lang din akong naguluhan at mas dumami pa ang aking mga katanungan.

Pero sa halip na magsalita ako ay nanahimik muna ako. Ibinalik ko na lamang ang panonood sa magandang yakapan ng MAG-INA ko.

“Tahan na, ’nak. Batiin mo na ang Daddy mo.” biglang utos ni Liam na nakangiti kay Ar-Ar habang hinahaplos ang noo at buhok nito.

Unti-unting kumalas si Ar-Ar mula sa pagkakayakap kay Liam. Kasunod nito ay tinulungan din ni Liam na punasan ang mga luha ng aming anak gamit ang kanyang palad.

“D-daddy…” pagtawag sa akin ni Ar-Ar habang pinipilit na ngumiti.

Dahil sa nakita ko sa aking anak ay tila natutunaw ang puso ko. Nakapagbitaw ako ng ngiti at hinaplos din ang ulo nito.

Hindi agad nakapagsalita si Ar-Ar dahil bigla rin itong yumakap sa bewang ko. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko, at sa halip na yakapin lang ang kanyang leeg dahil mas mababa ito sa akin ay kinarga ko ito. Kasunod nito ay mahigpit niyang niyakap ang aking leeg at mahigpit ko ring niyakap ang maliit na katawan ng anak kong ito.

“Ang saya ko, Daddy… Sorry po kung hindi ko agad sinabi sa inyo… Mahigpit po kasi ang utos sa akin ni Ma, e… Galingan ko raw ang pag-arte kundi kukutusan niya ako… Nasabunutan niya pa nga ako isang beses, e… Kasi ang daldal ko raw… Hindi raw ako nakikinig sa kanya…” mahaba nitong pagsusumbong habang nasa leeg ko ang mukha niya.

Dahil sa kanyang mga sinabi ay hindi ko naiwasan ang matawa.

Hindi na rin ako nakapagsalita dahil nagsimula nang magbunganga si Liam.

“Paanong hindi kita sasabunutan?! Paulit-ulit mong kinakanta ang ‘Tatlong Beki’ sa harap ko kahit nandiyan ang Daddy mo! Punyeta! Nagtitimpi lang talaga ako sa ’yo nitong mga nakaraan, e! Alam mong hindi ako magre-react dahil ginagalingan ko ang pag-arte ko sa harap ng Daddy mo! Tapos ikaw naman ’tong abusadong paulit-ulit na inaasar ako! Naku! Gigil mo talaga ako!” mahabang sermon ni Liam at bahagyang kinurot si Ar-Ar sa tagiliran.

“Aray naman, Ma!” reklamo ni Ar-Ar kay Liam habang hawak ang kanyang tagiliran. “Tingnan mo, Daddy, oh?! Nananakit na naman si Ma!” pagsusumbong naman nito sa akin at hinarap ako. Iyon din ang naging dahilan para maghiwalay kami sa pagkakayakap ngunit nanatiling karga ko ito.

“Ulitin mo pa ’yang ‘Tatlong Beki’ na ’yan, ha?! Hindi lang ’yan ang matitikman mo!” pagbabanta na ni Liam sa kanya.

“Oo na. Hindi na, Ma!” sagot naman ni Ar-Ar at saglit na tumigil. Ibinalik niya muna nang unti-unti ang kanyang sarili sa pagkakangiti. “Pero na-miss talaga kita, Ma! Pa-kiss nga!” sunod nitong sambit habang nakangiti.

Mabilis naman na nawala ang inis sa mukha ni Liam. Unti-unti rin itong ngumiti kay Ar-Ar at lumapit sa kanya para pagbigyan ang kahilingan nito. Kaya habang karga ko ang aming anak ay nasaksihan ko nang malapitan kung paano niyakap ni Ar-Ar si Liam at hinalikan sa pisngi ito. Kasunod din nito ay naramdaman ko ang pagyakap ni Liam sa aming dalawa ng aming anak.

Ito ang perpektong senaryo sa buhay ko, ang makatabi ang dalawang taong magiging malaki ang parte sa buong buhay ko. Ang dalawang taong magiging dahilan para mas magsumikap pa ako.

Dala ng labis na tuwa ay inakbayan ko si Liam at hinalikan ito sa ulo. Hindi ko man gustuhin ay naglandas na naman ang aking mga luha habang may ngiti sa labi ko.

“Ang saya ko… Kompleto na ang pangarap ko… Nandito na kayo… Sobrang saya ko, kung alam n’yo lang na dalawa… Salamat sa pagtupad n’yo sa simpleng pangarap ko…” pagkausap ko sa kanilang lumuluha habang yakap sila.

Hindi sila sumagot, ngunit tinugon nila ako nang mas mahigpit na yakap at paghalik sa magkabilang pisngi ko.

Nasa ganoon kaming tagpo nang maglapitan ang mga taong nanonood sa mga oras na ito.

“Bravo!!! Napakagandang senaryo para sa pamilyang ito!!! Sana ay makabingwit din ako ng isang Rigo!! Kahit syokoy lang sa dagat wapakels na ako!!” malakas na pagbati ni Mang Divina nang makarating ito sa aming pwesto.

Dahan-dahan kaming nagbitaw na tatlo mula sa aming pagkakayakap. Sina Lolo at Lola ang unang nagtungo sa aming pwesto para isa-isang yakapin kaming tatlo.

“Binabati namin kayo. Masaya kami at naging buo na kayo tulad ng nais ninyo.” bati sa amin ni Lolo.

“Salamat po.” sabay lang na sagot namin ni Liam.

Si Lola naman ang bumati sa amin, ngunit suot nito ang kanyang malungkot na ngiti habang may mga luha pa siyang pinakakawalan.

“Mami-miss ko ang apo naming ito… Ilang taon din namin siyang inalagaan… At ngayong may sarili na siyang pamilya, alam kong masaya na siya… Alam kong nasa mabuti naman siyang mga kamay kaya mapapanatag na rin kami ng kanyang Lolo… Habaan n’yo lang ang pasensya n’yo sa kanya dahil napakakulit niya talaga…” mahabang habilin sa amin ni Lola.

Si Liam ang unang lumapit kay Lola at niyakap ito nang mahigpit.

“Makakaasa kayo, Lola. Saka ’wag na kayong malungkot, dadalaw naman siya sa inyo tuwing bakasyon niya sa school. Hindi naman namin kayo tinatanggalan ng karapatan sa kanya. Kayo pa rin ang original niyang Lolo at Lola. Kaya tahan na po, Lola…” pag-aalo naman ni Liam kay Lola habang hinahaplos ang likod nito.

Tumango naman si Lola bilang pagtugon kay Liam.

Kasunod nito ay ako naman ang yumakap kay Lola habang karga ko pa rin si Ar-Ar.

“Maraming salamat po sa inyo, Lola. Salamat sa ilang taong pag-aalaga n’yo kay Ar-Ar. Salamat dahil malaki ang naitulong ninyo ni Lolo sa akin. Isa na rin kayo sa dahilan kung bakit gustong-gusto kong bumabalik dito. Para ko na rin kayong tunay na Lola at Lolo. Maraming salamat po sa pag-aalaga sa anak ko, sa anak namin ni Liam…” mahaba ko namang pagbibigay mensahe kay Lola.

Tinugon naman ni Lola ng paghaplos sa likod ko.

“Napakabait mong tao, Rigo… Malaki rin ang utang na loob namin sa ’yo… Pinagkatiwalaan mo kami sa hacienda mo kaya nagawa rin naming mapagtapos ang mga anak namin hanggang sa maging matagumpay silang lahat… Isa kang anghel para sa amin… Karapat-dapat ang kagaya mong maging masaya dahil napakabuti ng puso mo… Salamat, anak… Maraming salamat sa lahat…” mahaba naman nitong mensahe sa akin pabalik.

Lahat kami ay naging emosyonal na rito. Maging si Lolo na pilit nagpapakatatag ay hindi na rin naiwasan ang umiyak. Pati ang aming mga trabahador ay naging emosyonal na rin sa madamdamin naming pag-uusap.

Nang maghiwalay kami ni Lola mula sa pagkakayakap ay nagsalita ang aming anak.

“Lola, Lolo, ’wag po sana kayong magselos dahil may mga bago na akong Lolo at Lola, ha? Promise! Kayo pa rin ang da bes para kay Ar-Ar! Sabi nga ng Ma ko, kayo pa rin po ang original! Kaya ang mga bagong Lolo at Lola ko sa Maynila saka ang Lola ko sa probinsiya ni Ma, parang sila lang po ang mga kabet ko! Tayo po ang legal, okay?!” mensahe naman ni Ar-Ar sa kanila.

Nagkatinginan kami ni Liam habang nanlalaki ang aming mga mata dahil sa narinig namin sa kanya.

Muling kinurot ni Liam ang tagiliran ng aming anak.

“Ano ba ’yang pinagsasabi mong kutong-lupa ka?! Naiintindihan mo ba ang ibig sabihin niyan?! Saka saan mo ba natututunan ang mga salitang ’yan?!” naiinis na tanong ni Liam kay Ar-Ar.

“Aray ko, Ma!” reklamo na naman ni Ar-Ar habang hawak ang parteng kinurot ni Liam. “Diyan ko po narinig kay Mang Divina ang kabet! Sabi niya nakipaghiwalay raw ang dating jowa niya sa kanya dahil may kabet daw!” sagot naman nito habang tinuturo si Mang Divina na walang malay.

Namilog ang mga mata ni Mang Divina habang nakabuka ang bibig niya dahil sa pagkabigla. Nagawa pa nitong ihawak ang isa niyang palad sa kanyang dibdib nang simulan niyang magsalita.

“Ako??!! B-b-bakit ako?!!! Malay ko bang nakikinig ka habang nag-e-emote ako noong naghiwalay kami ng jowa ko?!! Likas kang tsismoso, Ar-Ar, tapos ako ngayon ang ituturo mo?!! Jusko!!! Mabuti pa ngang sumama ka na sa Maynila! Baka sa susunod ako na lang ang ituro mo sa isang krimen kahit hindi naman ako ang gumawa! Makukulong pa ako dahil sa ’yo!” mahaba namang depensa ni Mang Divina sa kanyang sarili.

Dahil doon ay umalingawngaw ang tawanan sa aming lahat. Nawala na ang malungkot na tagpong bumabalot sa amin kani-kanina lang.

Naputol na lamang iyon nang biglang magsalita si Liam habang natatawa.

“Mamaya na nga ’yan! Pumunta na tayo sa loob para makakain na rin tayong lahat! Alam kong nagugutom na rin kayo. Pasensya na rin kung natagalan ang pagtulog ng boss n’yo kaya gabi na siya nakarating dito.” natatawang utos ni Liam sa lahat.

“Yehey!! Kakain na!!” masayang reaksyon naman ng aming anak na si Ar-Ar habang nakataas pa ang dalawang kamay nito.

Matapos iyon ang nagbukas ang pinto ng kastilyong nakatayo sa aming harapan. Doon na lamang din lumabas ang napakaraming staff nitong resort na hindi ko kanina naramdaman.

Aaminin ko, ngayon pa lang ako nagsisimulang mamangha sa lugar na ito. Ngayon ko pa lang lubusang napapansin ang tunay na ganda nito.

Nagsalo-salo kaming lahat sa napakahabang mesa na nasa malaking dining area sa loob ng kastilyo. Maraming pagkain ang nakalatag at napakaespesyal ng pagkakahanda nito.

Sa buong oras na nagaganap ang kasiyahan, hindi ko kailanman inalis ang pagkakahawak ko kay Liam. Kahit pa noong pinapakain niya si Ar-Ar ay hindi ko siya binitiwan. Halos hindi rin ako nakakain nang maayos dahil maya’t maya ko siyang tinititigan.

Matapos ang mahabang oras na kasama ang lahat ay nagdesisyon muna kaming lumabas ng kastilyo ni Liam. Iniwan namin silang lahat sa loob kabilang na ang aming anak at patuloy na nagkakasiyahan. Ang kastilyo rin palang iyon ay ang nagsisilbing tuluyan ng mga guests ng resort na ito. At sa laki nito, kahit ilang daang tao ay kayang okupahin ito.

Ngayon ay naririto kami ni Liam sa napakalawak na hardin ng resort. Napapaligiran ng malalago at magagandang halaman na pinalilibutan din ng maliliit na ilaw para magsilbing liwanag sa kapaligiran.

Yakap namin ang isa’t isa habang nakatayo sa gitna ng hardin ay walang sawa naming tinititigan ang mukha ng bawat isa. Ang kanyang mga braso ay nakapalibot sa aking leeg habang ang aking mga kamay naman ay nasa bewang at likod niya.

“Huy! Baka matunaw na ako niyan? Alam kong maganda ako, pero baka magsawa ka na niyan kung tititigan mo lang ako?” pagsita niya sa akin dahil hindi ko maialis ang aking tingin sa kanya.

Nakapagbitaw ako ng mahinang pagtawa ngunit nanatiling nakapako sa kanya ang aking mga mata.

“Hinding-hindi ko pagsasawaan ang mukhang ’yan, Liam. Kahit minsan, o kahit isang segundo man lang, hindi ako magsasawang titigan ang mukhang ’yan.” sagot ko sa kanya.

Lumapad naman ang pagkakangiti niya. Lalo rin akong namangha dahil nagliliwanag din ang mga mata niya.

“Rigz…” pagtawag niya sa aking pangalan kahit magkaharap kaming dalawa.

“Hhhmm..?” malambing ko namang tanong sa kanya pabalik.

Mula sa pagkakayakap niya sa aking leeg ay hinawakan niya nang marahan ang aking magkabilang pisngi.

“Akin ka na, ha? Wala nang pwedeng umagaw sa ’yo. Wala nang pwedeng humawak sa ’yo. Wala nang pwedeng lumapit sa ’yo. Akin ka na. Nagkakaintindihan ba tayo?” nakangiti siya pero naroon ang kanyang pagbabanta.

Muli akong natawa. Bago ko rin sinagot ang katanungan niya ay hinalikan ko muna ang ilong niya.

“Simula pa noon, Liam, wala na akong binigyan ng karapatan para ariin ako. Dahil simula noong makilala kita, itinaga ko na sa batong magiging sa ’yo lang ako.” sagot ko sa sinabi niya.

Naningkit ang mga mata niya.

“Kahit ang isip mo, akin din ba ’yan?” tanong niya sa akin bilang paniniguro.

“Isama mo na rin ang puso ko. Sa ’yo lang ’to, Liam.” sagot ko sa kanyang diretso.

“E, itong mukha mo? Itong mata mo? Itong ilong at labi mo? Akin din ba lahat ’to?” muli niyang tanong habang nakataas ang isa niyang kilay.

“Lahat ’yan, sa ’yo. Buong parte ng katawan ko, pag-aari mo, Liam. Sa ’yo ang lahat ng ’yan.” sagot kong natatawa sa kanya.

Nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa pagsusungit ay naging maamo ito at mapang-akit. Kinagat niya rin saglit ang kanyang ibabang labi at nagtanong siyang muli.

“Uuhhmmm… K-kahit si Jaime? Akin lang siya, ha?” nauutal niyang tanong at namula pa ang kanyang pisngi.

Mas lalong lumakas ang pagtawa ko sa sinabi niyang iyon. Tulad ng madalas kong naririnig kay Ar-Ar, natawa ako ng mga pipti.

“Oo, Liam! Ariin mo na rin pati ang pag-aARI kong ’yan!! Lahat ng nakikita mo at kahit hindi mo nakikita sa akin, sa ’yo lang lahat! Buong pagkatao ko, sa ’yo lang!” sagot kong malakas at natatawa.

Ngumiti naman siya nang malapad sa aking naging sagot sa kanya. Nasaksihan ko rin kung paano niya inilagay ang kanyang isang palad sa pisngi niya.

“Syet, kinikilig ako.” reaksyon niya na mas ikinatawa ko.

Dahil sa panggigigil ay hindi ko naiwasang yakapin nang mahigpit ito.

“Bakit ang cute-cute mo ngayon, Liam?! God! Bago ’to sa paningin ko! Ang saya ko! Ang saya-saya ko!” sigaw ko habang parang isinasayaw ko na siya dahil sa higpit ng pagkakayakap ko.

“Gano’n ba?” una niyang reaskyon habang kulong siya ng aking mga braso. “Pwes, maghanda ka na, Rigz. Dahil ngayong boyfriend na kita, makikita mo na ang tunay na landing taglay ko. Lalandiin na kita araw-araw, oras-oras at minu-minuto.” dugtong niya pang may halong pagbabanta.

Hinalikan ko muna ang kanyang sentido.

“Basta ako lang ang lalandiin mo, ha? Hindi mo pa alam kung paano ako magalit kaya umayos ka. Ngayong akin ka na, wala na rin ang pwedeng umagaw sa ’yo. Wala na rin ang pwedeng humawak sa ’yo. At kahit ang lumapit sa ’yo, hindi ko na rin papayagan. Tandaan mo ’yan.” may diin ko ring pagbabanta sa kanya pabalik.

Narinig at naramdaman ko ang kanyang pagtawa dahil nasa leeg ko ang kanyang mukha.

“Rigz, kahit naman noon pa wala nang nakalapit sa akin dahil ang tindi ng pagkakabakod mo. Ngayon pa kayang sa ’yo na lang ako? Ngayon pa kayang pag-aari mo na ako?” sagot niya sa akin pabalik.

Hinalikan ko siyang muli sa kanyang ulo. Hindi na yata ako magsasawang gawin ito sa kanya.

“Mabuti na ang malinaw. Baka this time, tuluyan na akong makapatay.” naging reaksyon ko lang.

Muli siyang natawa. Pero ang sarap sa pandinig dahil parang kinikiliti siya.

Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon ni Liam. Tanging mahigpit na yakap lang ang aming pinagsaluhan. Sinulit namin ang mga buwan at araw na pinaghiwalay kami ng matinding pagsubok at maling kapalaran.

Pero dahil nandito na ulit siya, wala na akong aalalahanin pa. Ito na ang tunay na simula ng lahat para sa aming dalawa. Higit sa lahat, ito na rin ang umpisa na kasama ang anak naming dalawa.

Nasa ganoon pa kaming pagyayakapan nang may maalala akong itanong sa kanya. Bahagya kong pinaghiwalay ang aming katawan para magkaharap ang aming mukha.

“Oo nga pala, Liam. Hindi mo pa sa akin naikekwento ang buong pangyayari. Paano mo napagplanuhan ang lahat ng ito? Paano mo nahikayat ang mga tauhan ko na pagtaguan ako?” tanong ko sa kanyang naguguluhan.

Itinaas niya muna ang kanyang isang kilay at napangisi pa siya bago niya sinagot ang aking katanungan.

“Simple lang. Pinagbantaan ko lang naman silang lahat na kapag sinabi nila sa ’yo, palalayasin ko sila sa hacienda mo. Sila Lolo at Lola ang ginamit ko para makumbinsi sila. Mabuti na lang din at hindi ka madalas na nagpupunta sa hacienda dahil busy ka sa pag-aasikaso sa akin. At para mas makatotohanan ang mga pagpapanggap naming lahat, si Mang Divina ang ginamit kong acting coach para sa acting career nila.” mahaba nitong sagot sa katanungan ko.

Hindi ako nakapagbigay ng reaksyon. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya dahil sa pagkamangha.

“Ang galing ko, ’no? Batiin mo ako, baby Rigz. Ang husay-husay kong umarte sa loob ng halos tatlong linggo!” nakangiti na niyang utos sa akin.

Hindi ako makapaniwala, napakahusay talaga ng mahal ko. Mahusay sa kalokohan dahil ako mismo ang nabiktima nito.

Napabuntong-hininga na lamang ako at bahagyang napapailing dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi ako nagagalit, mas nangingibabaw kasi sa akin ang saya dahil sa kanyang pagbabalik.

“Yeah. Ang galing mo. Napakagaling mo, Liam. Kaya nga mahal na mahal kita, e. Sumobra ka sa galing.” may pagkasarkastiko kong sagot sa kanya at muling niyakap siya.

“I know right! Maliit na bagay!” bilib na bilib naman sa kanyang sariling sagot at niyakap din ako.

Natatawa na lang ako sa aking sarili. Baliw na nga talaga ako sa kanya. Lahat ng ginagawa niya ay mahal na mahal ko, mabuti o may pagkasalbahe man ito.

“Ibig sabihin, planado rin pati ang pagsalubong sa akin ni Mang Divina kanina sa dalampasigan? Alam na niyang nandito na kayo nina Ar-Ar?” tanong kong medyo nanghihina sa kanya.

“Yeah~~” may pagkamaarte niyang sagot. “Planado na ’yon. Siya nga ang nagdala ng ibang trabahador mo rito sa isla.” sunod niya pang pagbabalita.

Napapikit na lang ako dahil sa inis. Hindi dahil kay Liam kundi kay Mang Divina na ginalingan din ang pag-arte na kunwari ay hindi niya masyadong kilala si Liam.

“Gagong ’yon. Ang tagal niya akong pinakaba. Pinatakbo pa ako sa madilim na parte nitong isla.” madiin kong buska kay Mang Divina kahit wala ito sa mga oras na ito.

“Okay lang ’yon, baby Rigz! Mas naging dramatic nga, ’di ba? Ang ganda kaya ng reaction mo kanina noong nakita mo ako sa gitna ng pathway! Punyeta! Ang gwapo mo talaga kahit pawisan at luhaan ka!” pagmamalaki pa rin niya.

Kung sa iba lang siguro nangyari ito ay magwawala na sila sa galit dahil napagkaisahan sila. Pero dahil si Liam ang nagplano ng lahat ng ito, isusuko ko na lang ang batalyon ko.

Huminga na lamang ako ng malalim dahil sa pagsuko. Pasalamat talaga ito at mahal na mahal ko ito. Mas magpasalamat siya dahil kahit matapang ako, pagdating sa kanya ay tumitiklop ako.

Sa halip na makipagtalo pa ako sa kanya ay nakuntento na lang ako sa paulit-ulit na paghalik sa ulo niya. Hindi naman ako binibigo ni Liam, dahil sa bawat paghalik ko sa kanya ay tinutugunan naman niya ito ng mahigpit pang yakap sa aking katawan habang naririnig ko ang maganda niyang pagtawa.

“I love you, Rigz… Mahal na mahal kita… Mahal na mahal ko talaga ang boyfriend kong ito…” bigla niyang sambit gamit ang malambing niyang boses matapos ang ilang segundong katahimikan naming dalawa.

Tuluyan nang nawala ang inis na aking nararamdaman. Dahil sa mga katagang kanyang binitiwan ay isang malapad na ngiti ang aking pinakawalan.

Tinutupad niya ang kanyang pangako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang sinabing mahal niya ako. Pero sa tuwing maririnig ko iyon mula sa kanya ay paminsan-minsan akong natitigilan at natutulala.

Hindi ako sanay dahil sa tinagal-tagal naming magkasama ay ngayon ko pa lang ito naririnig mula sa kanya. Kaya sa bawat pagkakataon na naririnig ko ito ay parang isang magandang panaginip pa rin ang aking nakikita.

Pinaghiwalay kong muli ang aming katawan para magtagpo ang aming mga mata. At sa pagkakataong ito, ako na rin ang humawak sa magkabilang pisngi niya.

Suot ang pinakamaganda kong ngiti habang nakatingin ako nang tuwid sa kanyang magagandang mata ay tinugon ko ang mga sinabi niya.

“Mahal na mahal din kita, Liam… Mahal na mahal ko ang nag-iisang prinsesa ko…” malambing ko ring sagot sa kanya nang diretso.

Kasunod din ng mga pagsagot kong iyon ay muli naming pinaliit ang distansya ng aming mukha. Muli naming pinaramdam ang pananabik sa isa’t isa hanggang sa magdikit ang labi naming dalawa. Sinuklian namin ang bawat halik ng aming pag-ibig habang pikit ang aming mga mata.

Wala na talaga akong isasaya pa.

Hindi ko inaasahan na mangyayari pa ang matagal ko nang inaasam.

Ang makuha ko ang puso niya kahit pa inabot ito ng mahigit isang dekada.

“I love you, Liam.”

“I love you too, Rigz.”

Pagpapalitan namin ng salita na sisiguraduhin kong panghabang-buhay na.


A/N

Sorrna, medyo na-delay. Inuna ko kasi ang kiligin habang iniisip ito bago ko isinulat. Hahahahaha!

Sana ay nag-enjoy kayo!

Happy Undas sa lahat! At Happy Birthday sa lingkod n’yo! ❤

Votes and comments na rin, mga mahal ko!

–– cold_deee ❤

chapter 39

A/N

Konti na lang, guys! Enjoy the remaining 8 chapters po!

Para sa ’yo ’to,

jamesgarcia1992

!! Salamat sa patuloy na pagbabasa simula pa noong TOATL! Lab lab lab!!

Finally, ang na-miss ng ilan na POV ay mababasa na natin.

––> si Randy po sa media.

![](https://img.wattpad.com/908807069a6948eeb801780c684e0df085011a81/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4d58327568573658444a6a3852673d3d2d3437393537393034302e313466343462316462313064376532623337353131343836343434392e6a7067)

RANDY’s POV

Matapos ang ilang buwan kong pakikipaglaban sa pinakamadilim na mundong aking pinuntahan ay nagbalik ako.

Nakabalik ako sa aking sarili, nakabalik ako sa dati kong buhay, at nakabalik ako sa kasalukuyang mga pangyayari.

Naging napakahirap. Noong panahon na nakikipaglaban ako sa aking sarili ay nawala na sa aking isipan ang magagandang bagay na aking naranasan. Kahit ang mga taong nakasama ko sa mahabang panahon ay akin ding nakalimutan.

Pakiramdam ko noon ay walang nagmamalasakit sa akin. Walang sino man ang gustong tumulong sa akin. Walang darating para puntahan ako para damayan.

Hanggang sa magdesisyon akong sumuko. Hanggang sa pumasok sa isip kong manahimik na lang mula sa malakas na pagsigaw dahil nakaramdam ako ng pagod. Pinili kong magkulong, pinili kong magbulag-bulagan at pinili kong magbingi-bingihan.

Hindi ko alam na matagal na pala akong nalugmok sa sitwasyong iyon. Wala akong malay sa nagaganap sa aking kapaligiran, wala akong nakikita, wala akong naririnig, at wala akong nararamdaman.

Ngunit dumating ang araw na nabasag ang aking katahimikan dahil sa isang pag-iyak na aking narinig mula kung saan. Isang iyak ng paghihinagpis at pagmamakaawa. Iyak na pamilyar at ayaw kong marinig mula sa kanya.

Doon ko unti-unting naramdaman na may kasama ako. At unti-unti, doon ko rin nakita ang mukha ng taong mahal na mahal ko. Doon ko natagpuan si Rigo.

Ngayon ay parang nagsisimula na naman ako. Pero sa pagkakataong ito, sa tingin ko ay malalampasan ko na ito.

“Are you okay?” tanong niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.

Nakita ko sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala. Dama ko rin ang nag-uumapaw niyang pagmamahal sa kabila ng malulungkot niyang mga mata.

Ngumiti ako sa paraan na gustong-gusto niyang makita. Tinugon ko rin ng mahigpit na hawak ang kamay niya.

“Yeah. Don’t worry.” sagot kong nakangiti sa kanya.

Sa wakas ay sumilay sa kanya ang ngiti niyang nagiging lakas ko.

“Kaya mo ’yan. Nandito lang ako.” pagpapalakas niya sa aking loob at hinalikan ako sa noo.

“Kakayanin ko. Nandito ka naman, e.” tipid ko lang na sagot sa kanya habang nakangiti.

Sinagot naman niya ako pabalik ng mga pagtango.

Matapos iyon ay hindi na kami nag-usap pa. Nakontento na lamang kami sa paglalaro ng aming mga kamay na magkahawak habang magkatapat na nakaupo sa aming mga silya.

Naririto kami sa Maynila at kanina lang din kami nakarating. Dalawang linggo makalipas ang inihanda kong sorpresa para kay Rigo ay nagdesisyon kaming bumalik rito para magpakonsulta ako sa aking psychiatrist. Ang hinihintay na lang namin ngayon ay ang pagpasok ni Doktora dahil may tinatapos pa siyang appointment.

Habang abala pa rin si Rigo sa paglalaro ng mga kamay ko ay muli kong inalala ang mga pangyayari bago ko ipinaalam sa kanya na nakabalik na ako.

Nasaksihan ko noon kung ano ang kanyang mga hirap para lang gumaling ako. Simula pa pagkagising namin sa umaga hanggang sa magtapos ang araw para sa aming tatlo ng aming anak ay nakita ko.

Totoo ang sinabi ko sa kanyang hindi pa lubos na malinaw sa akin noong una dahil paminsan-minsan pa akong nakakarinig ng mga pagbulong sa aking tenga. Pero sa paglipas ng mga araw na nasasaksihan ko ang hirap sa akin ni Rigo, unti-unti akong nagkakaroon ng kompiyansa. Unti-unti kong naiisip na may pag-asa pa dahil hindi niya ako iniwan at nasa tabi ko pa rin siya.

Nalaman ko rin ang lahat ng mga pangyayari habang nagpapanggap akong wala sa sarili dahil minsan kong naririnig ang mga pag-uusap nila ng aming pamilya at ng aming mga kaibigan. Pati ang mga pag-uusap nila ng aking psychiatrist sa telepono ay nadidinig ko rin noong mga oras na iyon.

Nadidinig ko lahat tuwing minsan niya akong iniiwan sa isang sofa habang siya ay nagluluto o may pag-aasikaso siya sa aking ginagawa. Kung minsan naman ay ginagamit ko ang aming anak na si Ar-Ar para magtanong sa kanya.

Dahil likas na matalino rin ang aming anak, madali nitong nasusunod ang mga katanungan ko na siya rin mismo ang nagtatanong kay Rigo. Nagpapasalamat na lamang din ako dahil sinasagot iyon ni Rigo at pinapaintindi niya sa aming anak ang mga nangyari kaya hindi rin iyon naging malaking epekto.

Pinagpaplanuhan namin ang sorpresa kong pagbabalik kay Rigo tuwing isinasama ako ni Ar-Ar sa dalampasigan maging sa libingan ng kanyang mga isdang bayani sa gubat. Doon ko rin nakakausap sina Lolo at Lola para maisagawa ang aking plano.

Gamit ang gift voucher na napanalunan namin ni Rigo sa isang restaurant noong huli kaming nagpunta sa rest house ay naisagawa namin ang aking sorpresa. Mabuti na lang pala at nadala ni Rigo ang wallet ko dahil doon ko iyon itinago.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood sa paglalaro ni Rigo sa aking kamay ay hindi ko naiwasan ang magbitaw ng mahinang pagtawa. Muli kasing nagbalik sa aking ala-ala ang senaryo kung paano ko ipinaalam kay Ar-Ar na nakakapagsalita na ako.

Dahil sa ginawa kong pagtawa ay natigilan si Rigo sa paglalaro ng aking kamay at nagtatakang tiningnan ako.

“Bakit ka tumatawa?” tanong niya na hindi ko alam kung nagtataka ba o nag-aalala.

“Wala… May naalala lang ako.” sagot ko pa ring natatawa.

“Ano ’yon?” seryoso niya pa ring tanong.

Simula noong makabalik ako, mas naging matanong na sa akin si Rigo. Lahat ng nasa isip ko ay lagi na niyang inuusisa. Mas naging pursigido na rin siya ngayon sa pag-aasikaso sa akin at mas naging maalalahanin.

“Naalala ko kasi ang reaction ni Ar-Ar noong kinausap ko siya habang nasa libingan kami ng mga isda niya. Noong akala niya, hindi pa ako nakakapagsalita.” sagot ko pa ring natatawa.

Tila ba ngayon lang nakumbinsi si Rigo. Nawala na ang pagtataka nito at sumilay na ang ngiti sa labi nito.

“Anong nangyari? Kwento mo, Liam.” tanong at utos na niya ngayong nakangiti.

Pinatapos ko muna ang aking pagtawa bago iyon sinagot.

“Nandoon kasi kami noon sa libingan ng mga isda niya at paulit-ulit niyang kinakanta ang ‘Tatlong Beki’. E, naiinis na ako. Kaya bago niya pa kantahin ang huling parte, inunahan ko na siyang magsalita. Sabi ko, ’ T

umigil ka na, kundi sasabunutan kita! ’“ pagkekwento ko kay Rigo at muli na naman akong natawa.

Dahil sa naging kwento ko ay natawa rin si Rigo.

“Anong sabi niya?” tanong niyang natatawa.

“Naunahan niya ako! Ang lakas ng pagkakasabi niya ng ’ punyeta ’, tapos napaupo siya sa lupa habang nanglalaki ang mga mata niya!” sagot ko at muli na naman akong natawa.

Sabay kaming natawa ni Rigo habang iniisip ang reaksyon ng aming anak.

Matapos ang ilang segundong tawa na pinagsaluhan namin ni Rigo ay kinurot niya ang pisngi ko.

“Nami-miss mo na siya, ’no?” tanong niyang nakangiti.

Napatigil tuloy ako sa aking pagtawa at huminga nang malalim.

“Yeah. Nami-miss ko na ang kutong-lupa.” sagot ko lang na may malungkot na ngiti sa kanya.

Natawa naman siya roon.

“Liam, kanina lang kayo magkasama. Iniwan ko lang muna siya sa mansyon dahil walang magbabantay sa kanya rito. Magkikita rin naman kayo mamaya.” pagpapaalala nitong natatawa.

Napasimangot ako at hindi ko naiwasang iikot ang mga mata ko.

“Exactly! ’Yon na nga ang inaalala ko! Nandoon ang tiyahin mong impakta! Baka kung anong gawin niya sa anak ko?! Naku! Subukan niya lang talagang apihin ang anak ko! Makikita niya ang hinahanap niya! Ingungudngod ko talaga siya sa semento!” malakas kong reklamo at pagbabanta.

Mas natawa si Rigo sa pagbubunganga kong iyon. Pero makalipas ang ilang sandali ay hinawakan niya ang aking batok at hinalikan ang noo ko nang paulit-ulit.

“Hindi ’yon gagawin ni Tita Eve. Kung nakita mo lang kanina ang reaksyon niya noong makita niya ang apo niya, tuwang-tuwa siya! Lalo na si Tito Ed!” masaya niyang pagbabalita.

“Plastik ’yang tiyahin mo! Nagtataka nga ako kung bakit nandito pa ’yan, e! Bawal na ang plastik sa Maynila, ’di ba?! Paper bags na lang ang pwedeng gamitin! Ipatunaw n’yo na kaya siya?! Ang sakit kasi niya sa mata!” pagkontra ko pa rin sa kanya.

Bahagyang nawala ang pagkakangiti ni Rigo dahil sa narinig niya mula sa akin. Huminga siya nang malalim at alam kong pilit niya akong inuunawa.

Naiintindihan ko naman iyon. Alam kong malaki pa rin ang malasakit niya sa babaeng nagpalaki sa kanya, pero malaki rin ang kasalanan sa akin ng tiyahin niyang ’yon! Muntik na akong mabaliw dahil sa pagiging kontrabida niya sa buhay ko!

Inilagay ni Rigo ang isa niyang palad sa pisngi ko at hinaplos nang marahan iyon.

“Don’t worry, Liam. Nandoon naman si Dom para bantayan ang anak natin. Close na close naman silang magtiyuhin. Nagyaya nga agad ang bata na magswimming sila sa pool. Gusto ka rin sanang makita ni Dom kanina, kaso ayaw mo naman bumaba ng kotse.” kalmado niyang pagbabalita.

Bago kasi kami magpunta rito sa klinika ni Doktora ay idinaan muna namin si Ar-Ar sa mansyon nila. Iniwan muna namin siya roon dahil walang mag-aasikaso sa kanya rito. Isa pa, baka mauna pa siyang mag-usisa kay Doktora kung ano na ang kondisyon ko. Napakakulit pa naman niya!

“Ah, basta! Gigil pa rin ako sa tiyahin mo! Period!” hindi ko pa rin pagpapatalo at muli ko siyang inirapan.

Hindi naman ganoon kabilis kalimutan ang lahat. Alam kong matatagalan pa sakaling magkaayos kaming dalawa ng tiyahin niya, at sa tingin ko ay hindi pa iyon mangyayari ngayon. Gusto kong magsampalan muna kaming dalawa!

Muli kong narinig ang pagbuntong-hininga ni Rigo tanda ng kanyang pagsuko.

Hindi talaga siya sa akin mananalo lalo na ngayon at nakakaramdam pa rin ako ng takot paminsan-minsan. Mabuti na nga lang at naririyan na sila ni Ar-Ar kaya may lakas akong pinaghuhugutan.

Nasa ganoon kami katahimik na sitwasyon ni Rigo nang magbukas ang pintuan nitong klinika kung saan kami nakaupo. Iniluwa nito ang doktorang kanina pa namin hinihintay.

Wala pa rin nagbabago kay Doktora simula pa noon, sinasalubong pa rin niya ako ng malawak na ngiti niya.

“Bakit ba napakatagal mo?! Akala ko paghihintayin mo na kami rito ng dalawang dekada, Doktora!” nakasimangot kong bungad sa kanya.

Sa halip na gumuhit ang inis sa kanyang mukha dahil sa paraan ng pagsalubong ko sa kanya ay tila namangha pa siya. Nanglaki ang mga mata niya at mas lumawak ang mga ngiti niya.

“Oh my God! Nagbalik ka na nga talaga, Randy!” mangha nitong sambit.

“Ay, hinde! Kaya nga nandito ako sa harap mo, ’di ba?! Jusko! Pinapaiinit mong lalo ang ulo ko!” sarkastiko kong balik sa kanya.

Umalingawngaw ang pagtawa niya sa buong klinika. Para tuloy siyang lider ng mga pasyente niyang nahihibang.

“Relax, Randy! Hindi tayo magkaaway!” pagpapakalma nito sa aking natatawa.

“Bakit? Gusto mo ba, Doktora? Pwede naman. Sa ’yo ko na lang ibubuhos ang inis ko.” sagot ko pa rin sa kanya.

Natatawa pa rin siyang nilapitan ako.

“Of course not! Kailan ba tayo nag-away?” tanong niya sa akin at hinawakan ang aking balikat at bahagyang hinaplos iyon.

Oo nga, simula pa noon, hindi na niya ako pinatulan kahit ilang beses ko pa siyang sungitan. Napakahaba talaga ng pasensya ng mga kagaya niya.

Sa halip na magsalita akong muli ay inirapan ko na lang siya.

“Paano? Let’s start?” muling pagtatanong ni Doktora at alam kong nakangiti siya. Hindi ko na kasi siya makita dahil nasa tabi ko siya at sa iba naman nakatuon ang aking mga mata.

Dahil sa hindi ako makasagot ay si Rigo na ang nagsalita. Pero hindi si Doktora ang kinausap niya kundi ako na nasa harap niya.

“Ready ka na ba, Liam?” tanong niya sa akin. Naramdaman ko rin ang paghigpit pang lalo ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

Huminga na lamang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Gusto ko na ring matapos ito para makita ko na ang anak ko.

Tumango ako nang marahan kay Rigo. “Yeah…” sagot ko sa kanyang tipid.

Matapos kong sagutin iyon ay ngumiti nang tipid si Rigo at tumango. Kasunod nito ay tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo sa aking tapat. Yumuko siya nang bahagya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

“Kaya mo ’yan, Liam.” wika niya at hinalikan ako sa noo. Kasunod nito ay umalis na siya sa aking tapat at nagtungo sa isang sofa na malapit lang din sa aming pwesto.

Dahan-dahan ang naging pag-upo ni Doktora sa silyang pinanggalingan ni Rigo, sa silyang nakapwesto sa tapat ko.

“Tingnan mo ako sa mga mata ko, Randy.” iyon agad ang bungad sa akin ni Doktora.

Nagkaroon ako ng pagdadalawang-isip sa kautusan niyang iyon. Hindi ko maipaliwanag, pero bahagya akong nakaramdam ng pag-aalinlangang gawin ang bagay na iyon. Nakaramdam ako bigla ng takot sa dibdib.

“’Wag kang matakot. Nalampasan mo nga ang pinakamabigat mong pagsubok, e. Hindi ka na rito mahihirapan.” dagdag pa nitong pagkumbinsi sa akin.

Hindi ko alam kung anong kapangyarihan mayroon ang bawat salita at tingin sa akin ni Doktora, pero natagpuan ko na lang ang aking sarili sa sinusunod ang kautusan niya. Dahan-dahan ay napapikit ako, ngunit kasabay nito ay mas lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko.

“Ngayon naman, Randy, ibuka mo na ang mga mata mo at tingnan mo ako nang diretso.” narinig kong utos ni Doktora sa akin.

Tulad kanina ay kusa na lamang akong napasunod sa kanya. Unti-unti ay idinilat ko ang aking mga mata at natagpuan ko si Doktora na nakatingin pa rin nang diretso sa aking mga mata.

“Magsimula tayo sa umpisa, Randy. Gagawin ko ang lahat para matulungan ka. Hindi na bilang aking pasyente kundi isang kaibigan na may malasakit sa ’yo. Kaya sana, makipagtulungan ka rin sa akin, ha?” wika pa nitong nakangiti.

Sa paraan ng pagsasalita niyang iyon ay bahagya akong napanatag. Makapangyarihan talaga ang bawat salitang namumutawi sa kanyang bibig. Idagdag pa ang maganda at sinsero niyang ngiti.

“S-sige.” nauutal ko lang na sagot sa kanya.

Mas lumapad ang ngiti ni Doktora. Kasunod nito ay umupo siya nang maayos sa kanyang silya. Ganoon din ang ginawa ko, umupo rin ako nang maayos para kami ay makapagsimula na.

Ilang segundong katahimikan muna ang namayani sa buong kwarto, at sa loob ng ilang segundong iyon ay kay Doktora lang napako ang mga mata ko.

Nagsimulang magsalita si Doktora at nagsimula na ring maging seryoso ang ekspresyon nito. Nawala ang kanyang pagkakangiti at tila nalulungkot siya sa mga oras na ito.

“Randy, gusto kong maging tapat ka sa akin. Gusto kong sabihin mo kung ano ang tunay na nararamdaman mo sa mga oras na ito.” panimula nito.

Hindi na ako sumagot sa kautusan niyang iyon, naghintay na lang ako sa pagpapatuloy ng kanyang pagsasalita sa paraang mahinahon.

“Anong ayaw mo sa sarili mo, Randy? Anong mga katangian mo ang ayaw na ayaw mo sa pagkatao mo?” tanong niya sa malungkot na tono.

Nang itanong niya ang bagay na iyon ay tuluyan na akong sinakop ng labis na takot. Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig dahil hindi ko alam kung saan ko sisimulan ito.

Marami. Marami akong hindi gusto sa aking sarili. At kung iisa-isahin ko ang lahat ng iyon, baka abutin kami ng bukas dito.

Dahil sa hindi ako makasagot ay dahan-dahang kumilos si Doktora para hawakan ang mga kamay kong nakapatong sa hita ko. At nang maramdaman ko ang kamay ni Doktora ay nagulat pa ako kaya bahagya kong iniwas ang mga kamay kong iyon. Ngayon ko lang din napansin na nanginginig na rin pala ang mga ito. Ngunit sa halip na magulat si Doktora dahil sa biglang pag-iwas ko ay ngumiti pa ito. Kasunod nito ay marahan niyang inabot muli ang aking mga kamay para ipatong muli sa dalawang hita ko.

“’Wag kang matakot, Randy. Relax ka lang. Hindi kita sasaktan. Gusto ko lang masabi mo kung anong nararamdaman mo. Kaibigan mo ako, Randy. Isa akong kaibigan at handa akong makinig sa ’yo.” nakangiti na ngayong pagkumbinsi sa akin ni Doktora.

Mas lalo akong nakaramdam ng pagkabahala. Pakiramdam ko ay hindi pa ako handa.

“Randy? Malalampasan mo ’to. Lakasan mo lang ang loob mo. Sige na, hahawakan ko lang ang kamay mo, pangako. Makikinig ako sa ’yo hanggang sa matapos kang magsalita. Gusto mo nang gumaling ka na nang tuluyan, ’di ba? Kaya sige na, tutulungan kita, pero dapat mo rin akong tulungan. Magtulungan tayo. Sabihin mo kung anong ayaw mo sa sarili mo sa mga oras na ito.” pangungumbinsi pa ring nakangiti sa akin ni Doktora.

Dahil sa kanyang mga sinabi ay bahagya akong nakumbinsi.

Tama siya, gusto ko nang gumaling. Gusto ko nang magpatuloy muli lalo na at nabigyan ako ng panibagong pagkakataon na makabalik.

Kahit may pag-aalinlangan pa rin ay sinubukan kong palakasin ang loob ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Doktora para masigurong hindi ito aalis sa harap ko. Siniguro kong masasamahan niya pa rin ako.

“D-doktora…” nauutal kong pagtawag sa kanya dahil sa kaba.

“Hhmmm..?” nakangiti naman niyang tanong sa akin pabalik. Naghihintay siya sa pagpapatuloy ng aking pagsasalita.

Muli kong ibinuka ang aking bibig para magpatuloy sa pakikipag-usap sa kanya. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay nang akin itong masimulan ay sinabayan na rin iyon ng mabilis kong pagluha.

“P-pangit ako, Doktora… Walang nagmamahal sa akin kasi pangit ang ugali ko… W-walang gustong makipagkaibigan sa akin dahil naiiba ako sa karamihan… Hindi ako gusto ng lahat kasi bakla ako… Salot ako… Hindi ako karapat-dapat na mabigyan ng atensyon dahil wala akong silbi… Nakakahiya ako… Walang maganda sa pagkatao ko… Lahat sa akin pangit… Magmula sa katawan kong puro peklat, hanggang sa pag-uugali ko… Lahat sa akin, pangit… K-kaya nga… kaya nga walang magmamalasakit at walang magmamahal sa kagaya ko…” mahaba kong pagtatapat sa kanya habang patuloy ang aking pagluha.

Hindi agad nagsalita si Doktora matapos kong sabihin ang mga bagay na iyon. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

Totoo naman, wala akong maipagmamalaki dahil wala akong magandang katangian. Simula pa pagkabata hanggang sa umabot ako sa edad na ito ay wala nang gustong lumapit sa akin dahil sa mga pangit na katangian ko. Lahat sila ay galit sa akin, lahat sila ay halos isumpa ako.

Nararamdaman kong naninikip na ang dibdib ko sa mga oras na ito habang inaalala ang mga bagay na nagpapahirap sa akin sa buong buhay ko. Lahat din ng pangit na ala-ala ay nagbalik sa kaisipan ko.

Kung paano ako pakitunguhan noon ni Papa, kung paano niya ako ipahiya, kung paano niya ako iniiwang hubad at puno ng dugo ang likod dahil sa walang awang paghampas dito ng sinturon niya. Maging ang paghabol niya sa akin sa kagubatan habang pinupuntirya niya ang ulo ko ng bala. Nagbalik din sa aking ala-ala ang mapait na karanasan ko mula sa aking mga kaklase dahil hindi nila gusto ang isang nerd na tulad ko. Kung paano ako nagkukulong sa CR para lang pagtaguan ang mga ito.

Dahil sa mga nagbalik na ala-ala ay hindi ko na naiwasan ang umiyak nang malakas. Iyak ng pagmamakaawa at iyak ng labis sa pagdurusa.

Nasa ganoon akong posisyon nang muling magtanong si Doktora.

“Gaano mo na katagal na nararamdaman ’yan sa sarili mo, Randy? Gaano na katagal simula nang sabihin mo sa sarili mong walang nagmamahal sa ’yo? Na walang may gustong lumapit at makipagkaibigan sa ’yo? Na isa kang salot at wala kang silbi? Gaano na katagal nang sabihin mo sa sarili mong pangit ang lahat sa ’yo? Mula sa pisikal mong pangangatawan hanggang sa ugali mo? Gaano na katagal simula––”

“Matagal na, Doktora!! Matagal na!! Simula pa noong malaman ni Papa na bakla ako!! Simula noong araw na itakwil niya ako!! Simula noon nagbago na ako!! Nagbago na rin ang pakikitungo sa akin ng lahat ng tao!!” sigaw ko sa kanya kaya hindi na niya naituloy ang sunod-sunod na pagtatanong niya.

“Gaano na nga katagal?! Sabihin mo, Randy! Ilang taon ka nagsimulang mag-isip nang ganyan?! Simula pa kailan?!”

Nagulat ako nang tanungin din ako agad ni Doktora sa malakas niyang tono.

Napayuko ako habang patuloy na naglalandas ang mga luha ko.

“S-simula noong walong taong gulang pa lang ako…” umiiyak ko pa ring sagot sa kanya.

Hindi nakaimik ng ilang segundo si Doktora, ngunit makalipas ang ilang sandaling iyon ay nagbitaw siya ng malalim na paghinga.

“Tingnan mo ulit ako, Randy.” narinig kong utos niya.

Napailing ako habang patuloy sa pagbagsak ng aking mga luha.

Natatakot ako. Takot na takot ako dahil pakiramdam ko ay pagtatawanan niya rin ako. Na baka pagtawanan niya lang ako dahil nakikita niyang umiiyak ako.

“Randy, sige na. Hawak ko ang kamay mo, ’di ba? Ang ibig sabihin lang nito, karamay mo ako. Kasama mo ako. Kaya sige na, tingnan mo ulit ako.” pangungumbinsi pa rin nito sa akin.

Matapos sabihin iyon ni Doktora ay naramdaman kong mas hinigpitan niya pa ang pagkapit sa mga kamay ko. At dahil nga sa mainit na mga kamay niyang iyon ay bahagya akong nakaramdam ng seguridad kaya unti-unti ay napasunod ako nito.

Naging marahan ang ginawa kong pag-angat ng aking mukha para magtagpo ang mata naming pareho. At nang masilayan ko siya nang tuluyan ay natagpuan kong nakangiti pa rin ito.

“Good.” una nitong sambit habang nakangiti. “Ngayon naman, Randy, gusto kong tumingin ka sa isang sulok nitong kwarto. Kahit saang sulok, Randy. Kahit saan.” mahinahon pa rin nitong utos sa akin.

Humihikbi akong sinunod ang kanyang utos. Naghanap ako ng isang sulok hanggang sa makakita ako sa bandang likod ni Doktora na hanggang ngayon ay hawak ang kamay ko.

Nang masiguro ni Doktora na nagawa ko na ang kanyang kautusan ay muling nagsalita ito.

“Randy, sa isang sulok na nakikita mong ’yan, gusto kong isipin mo na nandiyan ang batang Randy. Isipin mo ang walong taong gulang mong katauhan na nakatayo sa isang sulok na ’yan. Gusto ko rin idetalye mo kung anong nakikita mong imahe niya sa mga oras na ito.” mahinahon pa ring utos sa akin ni Doktora.

Mula sa blangkong sulok na iyon ay unti-unti kong binalikan ang imahe ko noong bata pa ako, noong ang edad ko pa lamang ay nasa walo.

Hindi ko alam kung ilang minuto kong tinitigan ang sulok na iyon hanggang sa tuluyan ko nang makita ang aking imahe noong ako’y walong taong gulang pa lang. At nang tuluyan na itong mabuo ng aking kaisipan ay kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi kahit pa patuloy na dumadaloy ang aking mga luha sa pisngi.

“M-medyo payat ang bata, Doktora… M-maputi at makinis ang balat niya… M-may suot siyang maiksing short at hapit ang damit niya… M-may hawak siyang basket na may mga bulaklak ng sampaguita… Nakahiga din doon ang kanyang manika sa mga bulaklak na nasa basket niya… “ nakangiti at umiiyak kong pagtukoy sa batang Randy na aking nakikita.

“Ano pa, Randy?” tanong muli ni Doktora.

Muli kong inilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng batang ako. Narating ng mga mata ko ang ulo ng batang iyon at mas naging malapad ang pagkakangiti ko.

“T-tapos… tapos, may head band ang ulo niya… Mayroon din siyang flower crown na suot at gawa pa rin iyon sa sampaguita…” pagpapatuloy ko at saglit na tumigil. Sunod ko namang sinuri ay ang mukha ng batang ako. Ngunit nang tuluyan kong makita ang aking mukha noong bata pa ako ay mabilis na naglaho ang pagkakangiti ko. “K-kaso… kaso, umiiyak siya… Umiiyak ang magagandang pares ng mga mata niya, Doktora…” pagpapatuloy ko nang magtagpo ang mata namin ng batang ako.

Nakaramdam ako ng labis sa awa sa aking sarili. Habang nakatingin ako sa aking batang imahe ay hindi ko na naiwasan ang maghumiyaw dahil sa pighati.

Matapos kong ilahad kay Doktora ang imahe kong ako lamang ang nakakakita ay narinig ko na naman ang kanyang pagsasalita.

“Ngayon naman, Randy, gusto kong sabihin mo sa batang ’yan na pangit siya. Sabihin mong wala siyang kwenta at walang nagmamahal sa kanya. Sabihin mong wala siyang silbi at salot siya. Sabihin mo sa kanyang masama ang ugali niya kaya walang makikipagkaibigan sa kanya. Na kahiya-hiya siya at walang maganda sa pagkatao niya. Walang lalapit sa kanya dahil masama ang ugali niya at wala siyang karapatang sumaya.” sunod-sunod na utos sa akin ni Doktora.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kautusan niyang iyon. Naging dahilan din ito para muli kong lingunin si Doktora at paulit-ulit na umiling bilang pagtanggi sa kautusan niya.

“A-ayoko… Hindi ko gagawin ’yan, Doktora… Ayoko… P-pakiusap… ’Wag mong ipagawa sa akin ang bagay na ’yan… Nakikiusap ako…” nauutal at umiiyak kong pakiusap kay Doktora.

Nagulat ako nang biglang magtaas ng boses si Doktora habang nakatingin sa aking mga mata.

“Sabihin mo!! Sabihin mo ang lahat ng bagay na hindi maganda sa harap niya, Randy! Sabihin mo!!” utos nito sa mataas niyang boses habang seryoso ang ekspresyon nito.

“Ayoko!!! Hindi ko gagawin ’yang gusto mo kahit patayin mo pa ako!! Hindi siya dapat makatanggap ng ganyang uri ng mga salita!! Umiiyak siya, Doktora!! Nag-iisa siya at walang karamay kundi ang manika niya!! Mas gugustuhin ko siyang tulungan kesa ang pagsalitaan siya ng hindi magaganda!! Gusto ko siyang mapangiti at mapasaya!!” mas malakas na boses kong pagkontra sa kanya. Mas lalo na rin nag-unahan ang aking mga luha.

Matapos kong isigaw ang mga bagay na iyon ay nagulat ako nang biglang magbalik sa pagkakangiti si Doktora. Naramdaman ko rin ang mas lalong paghigpit ng mga hawak niya.

“Kung gano’n, Randy, tingnan mo ulit siya. Sabihin mo ang mga bagay na ’yan sa kanya. Bigyan mo siya ng magandang payo para hindi na siya umiyak. Siguruhin mong titigil na ang mga luha niya sa pagpatak.” mahinahon at nakangiti na ngayong utos ni Doktora.

Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nang sabihin iyon ni Doktora. Pakiramdam ko ay matutulungan ko ang batang ako na mapatigil sa pag-iyak niya.

Dahan-dahan ay nilingon kong muli ang aking batang imahe na naroroon pa rin sa isang sulok. Patuloy pa rin siyang lumuluha at nakakaramdam ng lungkot.

Kahit nahihirapan ako sa mga oras na ito ay ginawa ko ang lahat para makapagbitaw ng ngiti sa batang ako. Lumuluha pa rin ako ngunit mas nangingibabaw ang pagnanais kong mapatigil sa pag-iyak ito.

“’Wag ka nang umiyak… Tahan na… ’Wag kang matakot… Maging matapang ka…” pagkumbinsi ko sa batang Randy na aking nakikita.

Naghintay ako ng magiging reaksyon niya. Ang inaasahan ko ay makukumbinsi ko siya ngunit nagpatuloy ang pag-iyak niya.

Dahil doon ay nag-isip ako ng ibang paraan para makumbinsi siya. Kailangan ko siyang tulungan kaya gagawa ako ng paraan ano man ang mangyari para mapangiti siya.

Inilibot ko ang aking mga mata sa pagbabakasakaling may bagay akong makikita na maaaring makatulong sa batang ako. Mula sa likod ni Doktora hanggang sa ilan pang sulok nitong kwarto ay nilibot ko.

Ngunit, napahinto ako sa aking paghahanap nang may matagpuan akong hindi isang bagay kundi tao.

Natagpuan ko na ang aking hanap para makatulong sa batang ako na patuloy pa ring umiiyak. Naroon ito sa isang sofa at nakaupo. Nakatingin ito sa akin nang diretso habang nag-aalala ang ekspresyon na suot nito.

Siya.

Siya ang taong makakatulong sa batang ako.

Dahil sa aking nakita ay tuluyan na akong nabuhayan. Kung kanina ay pinipilit ko lang na ngumiti, ngayon naman ay kusa nang lumabas ang tunay na ngiti sa aking labi.

Matapos iyon ay dahan-dahan kong nilingon muli ang batang Randy na ngayon ay nasa isang sulok pa rin at nagkukubli.

“R-randy…” pagtawag ko sa batang ako habang nakangiti. “Tahan na… ’Wag ka nang matakot… Hindi totoo ang mga iniisip mo… Hindi totoong walang nagmamahal sa ’yo… Hindi totoong walang nagmamalasakit sa ’yo… Maging matapang ka… K-kasi… kasi paglaki mo, maraming darating na tao para iligtas ka… Maraming tao ang poprotekta sa ’yo… May mga taong handa kang pasayahin sa kabila ng lungkot mo… Nandiyan lang sila at naghihintay sa ’yo…” sunod ko pang pagkumbinsi.

Matapos kong sabihin iyon ay nasaksihan ko kung paano natigilan ang batang ako. Tiningnan ako nito nang diretso at tila sinusuri kung may katotohanan ba ang mga sinasabi ko.

“M-magpatuloy ka… ’Wag kang sumuko… Maging matatag ka dahil mga taong umaasa sa ’yo… May mga taong tatanggap sa ’yo at mamahalin ka nang higit pa sa inaakala mo… Titingnan ka nila na parang ikaw ang pinakamaganda at pinakamahalagang yaman sa mundo… Aalagaan ka nila at sisiguruhin nila ang kaligtasan mo…” mahaba ko pang pagkumbinsi sa batang ako.

Hindi pa rin nagbigay ng reaksyon ang bata, ngunit napangiti akong lalo dahil tumigil na ito sa pagluha.

“Maniwala ka… Tumingin ka lang sa paligid mo at makikita mo siya…” dagdag ko pang pagkumbinsi sa kanya.

Matapos ko sabihin iyon ay nasaksihan ko kung paano niya ginawa ang sinabi ko.

Mula sa pagkakatitig niya sa akin ay bumitaw ito. Inikot niya ang kanyang paningin hanggang sa madako ito sa isang parte nitong kwarto.

Sa parte kung saan din tumigil kanina ang mga mata ko at sa lugar kung saan nakaupo ang taong dahilan kung bakit nagkaroon din ako ng lakas ng loob ay huminto rin ang paningin nito.

Tinitigan ng bata ang taong iyon at nasorpresa ako sa naging reaksyon nito. Mula sa malungkot niyang ekspresyon ay unti-unting ngumiti ito. Ilang segundo rin iyon hanggang sa ibalik nito sa akin ang kanyang mga paningin. At noong magtagpo ang aming mga mata ay nasilayan ko ang sinsero niyang ngiti at dahan-dahan din siyang tumango.

Dahil sa aking nakita sa kanya ay tuluyan nang nabuhayan ang loob ko. Nagpalitan din kami ng malalapad na ngiti hanggang sa dahan-dahan itong naglaho sa paningin ko.

Matapos iyon ay muli kong ibinalik ang tingin ko kay Doktora na hanggang ngayon ay nakangiti sa akin habang mahigpit pa ring hawak ang mga kamay ko.

“Napangiti ko siya, Doktora! Napangiti ko siya!” masaya kong pagbabalita kay Doktora.

Gumuhit ang mas malapad na ngiti ni Doktora.

“Ganyan nga, Randy. Ganyan nga ang gawin mo. Sa tuwing naiisip mo ang mga negatibong bagay, sabihin mo sa ’yong sarili ang mga bagay na sinabi mo kanina sa bata. Isipin mo iyon nang paulit-ulit at gawin mo iyon. ’Wag mong hayaang lamunin ka ng takot. Dahil ikaw mismo, alam mong may mga nagmamahal sa ’yo. Marami sila, Randy. Marami ang nagmamalasakit sa ’yo. Hindi ka nag-iisa dahil marami kang kasama. Nandiyan sila.” mahabang pagbibigay payo sa akin ni Doktora.

Nakangiti akong tumango bilang pagsagot sa kanya.

Nagpatuloy pa siya kaya nanatili naman akong nakikinig sa kanyang pagsasalita.

“One more thing, Randy. Magagawa mo bang sabihin simula ngayon ang mga bagay na tumatakbo sa isip mo? Tuwing may nakakalungkot na bagay kang naiisip, maaari mo bang sabihin ito sa mga taong malalapit sa ’yo? Kaya mo bang ’wag itago ang tunay na nararamdaman mo? Marami namang makikinig sa ’yo, I’m sure. Nakilala ko na sila at alam kong makikinig sila sa ’yo at handang tumulong ano man ang pinagdadaanan mo.” tanong pa nito at pagbibigay lakas ng loob sa huli.

Saglit akong nag-isip para sa aking isasagot sa kanya.

“S-susubukan ko po, Doktora.” nauutal kong sagot dahil sa pagdadalawang-isip. Nasanay kasi akong sinasarili ang lahat ng aking problema.

Dahil sa naging sagot ko ay naramdaman ni Doktora ang pag-aalinlangan ko. Tinanggal niya ang kanyang isang kamay sa pagkakahawak sa akin at hinaplos nang marahan ang aking braso.

“Gawin mo, Randy. Dahil isa sa mga paraan para makalaya ka sa pinagkukulungan mo ay ang pagiging tapat. ’Wag kang magdadalawang-isip dahil marami ang gustong dumamay sa ’yo. Ikaw na rin ang nagsabi kanina, ’di ba? Nandiyan lang sila at naghihintay sa ’yo. Naghihintay sila na maging bukas ka para sa kanila. Suklian mo sila ng parehong malasakit dahil nag-aalala din sila.” pakiusap na niya sa akin.

Tama si Doktora. Naririto silang lahat at alam kong hindi nila ako iiwan. Mananatili sila sa aking tabi at handa akong dalamayan.

Dahil sa reyalisasyon ay nagbalik ang kompiyansa sa aking sarili. Gumuhit muli sa akin ang malapad na ngiti.

“Gagawin ko po, Doktora.” tipid ngunit siguradong sagot ko na ngayon sa kanya.

“That’s great! Aasahan ko ’yan!” masaya niya na ngayong reaksyon. “Tapos na ang session, Randy. I’ll just see you in a couple of weeks.” dugtong pa nitong pagbabalita.

Hindi ko inaasahan, pero matapos iyon ay mabilis kong niyakap si Doktora.

“Salamat po, Doktora… Salamat sa tiyaga at sa lahat ng naitulong ninyo.” taos-puso kong pasasalamat habang yakap siya.

Malaki ang naitulong niya sa akin at sa amin. Matagal ko na siyang psychiatrist at wala akong maipipintas sa kanya dahil kahit minsan ay hindi niya ako sinukuan. Masasabi kong isa na rin siyang kaibigan.

“No worries. Kaya mo ’yan. Kaya natin ’to.” sagot naman niya at hinaplos ang likod ko.

“Sana, magkaboyfriend na kayo.”

Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Natawa tuloy siya sa sinabi ko.

“Saka na siguro kung makahanap na ako ng taong kagaya ng naghihintay ngayon sa ’yo.” natatawa niyang pagkontra.

Dahil doon ay nagising ang aking diwa.

“Punyeta. ’Wag siya. Baka sabunutan na talaga kita.” madiin kong pagbabanta sa kanya habang yakap pa rin siya.

Umalingawngaw ang kanyang pagtawa at nagbitaw na rin kami sa pagkakayakap sa isa’t isa. Maging ang taong tinutukoy niya na naghihintay sa akin ngayon ay narinig ko ang mahinang pagtawa. Alam ko namang nagbibiro lang si Doktora, pero hindi ako pumapabor sa gano’ng joke niya.

“I’m just kidding! Sinusubukan lang talaga kita kung magiging honest ka sa nararamdaman mo ngayon.” natatawa niyang pagbawi at paglilinaw.

Ngumiti ako ng peke sa kanya.

“Mabuti naman. Baka kasi ikaw ang una kong masampolan ng pagiging tapat ko at masampal na lang kita bigla.” sagot ko naman sa kanya at pagbabanta.

Hindi na muli pang nagsalita si Doktora. Kasunod nito ay tumatawa pa rin siyang binalingan ng tingin ang taong matiyagang naghihintay na sa akin.

“Nagbalik na talaga siya, Rigo. Ang sungit na naman, e. Hindi nga ako nagkamali sa suggestion ko noon na ikaw ang mag-alaga sa kanya. Binabati kita, binabati ko kayong dalawa.” masaya niyang pagkausap sa baby ko.

Nilingon ko si Rigo na nakaupo pa rin hanggang ngayon sa sofa na naririto sa kwarto. Doon sa sofa kung saan nahinto ang paningin ko habang isinasagawa ang therapy ko. Sa mismong lugar kung saan natagpuan din ng batang Randy ang dahilan para siya ay ngumiti.

Siya.

Si Rigo.

Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon kami ng batang Randy ng lakas ng loob para labanan kanina ang takot na sa amin ay namamayani. At sigurado ako, siya rin ang magbibigay sa akin ng lakas para magpatuloy sa pakikipaglaban ko sa aking sakit.

“Thank you, Doktora.” sinserong pasasalamat ni Rigo matapos tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. Inilahad din niya ang kanyang isang kamay sa harap ni Doktora para kamayan ito.

Tumayo rin si Doktora at inabot ang palad ni Rigo na nakalahad.

“No worries. Lagi naman kayong welcome.” sagot lang ni Doktora at ibinaba na rin agad ang kamay niyang hawak ni Rigo.

Mabuti naman at mabilis makaramdam ang dalawa. Mabuti naman at alam nilang sa mga kamay lang nila nakapako ang aking mga mata. Binibilangan ko kasi ang pakikipagkamay nila sa isa’t isa, at dapat ay mga dalawang segundo lamang na magtatagal iyon kung ayaw nilang maranasan ang pinakamasamang bangungot nila.

Matapos iyon ay nagtungo sa aking tapat si Rigo at bahagyang yumuko ito. Kasunod nito ay marahan niyang hinawakan ang dalawang pisngi ko para pahiran ang mga luhang natitira mula sa mahaba kong pag-iyak kanina.

“Are you okay?” tanong niyang nag-aalala habang magkatapat ang aming mukha.

Ngumiti ako sa kanya.

“Yeah.” sagot ko lang na tipid sa kanya.

Matapos iyon ay nakatanggap ako mula sa kanya ng halik sa aking noo.

“Good,” una nitong sambit. “Paano? Let’s go? Naghihintay na ang anak natin.” pagyaya na niya ngayong nakangiti.

Tinugon ko siya ng paulit-ulit na pagtango. Kasunod nito ay hinawakan niya ang aking mga kamay para igayang tumayo mula sa pagkakaupo.

“Doktora, mauuna na po kami. Maraming salamat po ulit.” pagpapaalam na ni Rigo kay Doktora.

Tumango si Doktora, “Mag-iingat kayo.” sagot na tipid nito. Sinundan din iyon ng paglingon niya sa akin, “Randy, ang mga bilin ko, ha? ’Wag mong kalilimutan. Ang natitira mong mga gamot, inumin mo rin on time.” sunod pa nitong utos.

“Mmmm… Maraming salamat, Doktora.” sagot ko namang tumatango at nakangiti sa kanya.

Ilang saglit pa kaming nagtagal sa loob ng klinika ni Doktora para sa ilan pang paalala bago kami tuluyang umalis.

“Gutom ka na ba, Liam?” tanong ni Rigo na abalang nagmamaneho. Naririto na kami sa kanyang kotse at binabaybay ang mansyon ng mga Silvestre.

“Medyo. Pero mamaya na lang tayo kumain ’pag nasundo na natin ang anak natin.” sagot ko naman sa kanya.

Matapos kong sabihin iyon ay hindi ko naiwasan ang makapagbitaw ng mahinang pagtawa.

“Bakit ka natatawa diyan?” tanong na nagtataka ni Rigo habang nasa kalsada pa rin ang mga mata nito.

“Wala…” pagsisinungaling ko naman sa kanya at alam kong namumula na rin ngayon ang aking mukha.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya.

“Liam, ’di ba ang sabi ni Doktora, dapat lagi mong sinasabi kung anong tumatakbo diyan sa isip mo?” pagpapaalala nito. “Kaya sige na, ano ba ’yon? Bakit ka natatawa?” pag-uulit na niya ngayon sa katanungan niya.

Nagdadalawang-isip ako sa totoo lang. Nahihiya kasi ako sa biglang pumasok sa aking kaisipan. Pero dahil gusto kong sundin ang mga payo sa akin ni Doktora at alam kong hindi rin naman ako titigilan ni Rigo sa kakatanong, mahina ang boses kong sinabi ang nasa isip ko.

“Kinikilig kasi ako, Rigz. May anak na tayo. At feeling ko, galing talaga siya sa sinapupunan ko.” sagot kong mahina at hindi ako sa kanya makatingin nang diretso.

Nang marinig niya ang sagot kong iyon ay malakas ang tawang kanyang pinakawalan. Pero sa likod ng tawa niyang iyon ay alam kong kinikilig din siya sa aking naging kasagutan.

Hindi ko maintindihan sa sarili ko, pero simula nang maging kami ni Rigo, parang mas nadagdagan ang kalandian ko. Mas naging malambing ako sa kanya at ako na ngayon ang clingy sa aming dalawa. Naglevel up na talaga ang Reyna ng Punyeta.

Inihinto niya ang kanyang kotse dahil sa kulay pula na ang traffic light sa aming unahan. Matapos maihinto ang kotse ay natatawa pa rin siya nang harapin niya ako.

“Liam, sa araw-araw na magkasama tayo, hindi ka talaga nagmimintis na pasayahin ako! Cute na cute din ako sa ’yo simula nang makabalik ka!” wika niya na ngayong nanggigigil at marahang pinisil ang ilong ko.

“Ano ba, baby Rigz?! ’Wag ka nga…” maarte ko namang balik sa kanya at kunwari ay hinampas ko ang kanyang braso. Pigil ang ngiti ko at napairap pa ako.

Punyeta. Ang landi-landi ko na talaga.

Mas lalo siyang natawa dahil sa ginawa kong iyon. Kasunod nito ay marahan niyang hinawakan ang batok ko at pinaharap ako sa kanya.

“I lov––”

“I love you, Rigz…”

Hindi ko na siya hinayaang makatapos sa kanyang sasabihin. Inunahan ko na siya.

Nasaksihan ko kung paano nagningning ang mga mata ni Rigo dahil sa aking ginawa.

“I love you too… I love you more…” sagot naman niya habang nakangiti at nakatingin nang diretso sa aking mga mata.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tutal naman ay alam ko na ang kasunod kaya ginawa ko na ang papel ko bilang magandang prinsesa niya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at binigyan siya ng matamis na halik sa labi.

Ilang segundo rin kaming nagpapalitan ng halik hanggang sa makarinig kami ng sunod-sunod na pagbusina. Doon lang kami napatigil at doon lang din namin napansing kulay green na pala ang traffic light, senyales na dapat ay magpatuloy na si Rigo sa kanyang pagmamaneho.

Natatawa na lang kaming pareho ni Rigo nang simulan na niya ulit ang magmaneho.

Naririto na ako.

Nagbalik na ako.

Panibagong simula at masasabi kong panibagong yugto ng buhay kasama ang mga mahal ko.

Kasama si Ar-Ar na aking anak, at kasama ang pinakamamahal kong si Rigo.

May ilang minuto pa ang naging biyahe namin ni Rigo hanggang sa makarating kami sa mansyon ng mga Silvestre.

“Handa ka na ba?” tanong na nakangiti sa akin ni Rigo.

Hawak niya ang isang kamay ko habang nasa tapat kami ng malaking pintuan ng kanilang mansyon.

“Kinakabahan ako, Rigz.” pagsasabi ko ng totoo gamit ang nag-aalala kong tono.

Mas hinigpitan ni Rigo ang pagkakahawak sa kamay ko.

“’Wag kang kabahan, Liam. Nandito ako. At sa loob naman ng pintuang ’yan, naghihintay na ang anak natin.” una niyang pagkumbinsi sa akin. “Kailangan mo na rin itong harapin dahil simula ngayon, dito ka na maninirahan. Magsisimula tayo rito at ito na rin ang ating magiging bagong tahanan.” sunod niya pang pagkumbinsi.

Sa totoo lang ay matagal naming pinagtalunan ni Rigo ang bagay na ito. Ang gusto ko kasi ay bumalik na lang kami sa condo ko. Pero naging mapilit si Rigo dahil wala raw magbabantay sa aming anak sa oras na nasa trabaho kaming pareho. Masyado rin daw maliit ang condo kong iyon para sa aming pamilya. Parang nakakulong lang din daw si Ar-Ar doon at walang makakalaro sakaling nasa trabaho nga kaming dalawa.

Humingi pa siya ng tulong kay Tito Ed para lang makumbinsi ako. Tinawagan ako ni Tito Ed at sinabing gusto raw niyang makasama ang kanyang unang apo at mas gusto niya rin ngang dito kaming lahat na manirahan. Sinabi rin niyang si Rigo naman ang magmamana ng mansyong ito dahil magpapatayo ng sariling bahay ang anak niyang si Dom sakaling mag-asawa na ito.

Isa pang dahilan ay dahil mas malapit ang eskwelan na papasukan ni Ar-Ar dito. Ang malaking eskwelahan o unibersidad na ang pamilyang Silvestre rin ang nagmamay-ari. At ang pinakahuli, ang unibersidad kung saan ko unang nakilala ang aking mga kaibigan kabilang na rin si Rigo noong kami ay nasa college.

Makakasama niya sa parehong eskwelahan na iyon si Carla na anak din nina Xander at Tom. Nag-aalala rin kasi kami na baka malungkot si Ar-Ar dahil wala siyang kakilala sa bagong nitong papasukan. Magkaedad lang din naman ang dalawang bata kaya mas naging madali lang ang lahat para maging magkaklase silang dalawa.

“E, kasi naman, Rigz! Nasa loob din niyan ang tiyahin mong kampon ng kadiliman! Promise, Rigz! Baka this time patulan ko na ’yan! Baka makalimutan ko nang tiyahin mo ’yan!” sunod-sunod kong reklamo at pagbabanta.

Masama na kung masama, pero hindi ko talaga masikmurang makita ang babaeng ’yon! Umiinit talaga ang ulo ko sa kanya dahil sa nangyari sa amin noon!

Hindi agad nakapagbigay ng reaksyon si Rigo. Dahan-dahan ay inangat niya ang kanyang isang kamay at inilagay iyon sa pisngi ko.

“’Wag kang mag-alala, Liam. Nandito ako. Hindi ko naman hahayaang may gawin siyang hindi maganda sa ’yo at sa anak natin. Hindi ko hahayaang may manakit sa pamilya ko. And besides, alam kong hindi niya kayo sasaktan. Nagsisisi na siya sa nangyari noon. In fact, gusto ka nga niyang makausap para makahingi ng tawad.” masuyo niyang pagkumbinsi sa akin at hinalikan ako sa noo.

Naikwento na rin sa akin ni Rigo na minsan nang humingi ng tawad ang tiyahin niyang iyon, noong wala pa ako sa kamalayan. Pero hindi pa talaga ako handa na mapatawad siya. Gusto ko ay magtuos muna kaming dalawa.

Pero dahil sa pakiusap sa akin ni Rigo at para na rin sa kapakanan ng aming anak ay wala akong magagawa. Tama siya, tama si Rigo. Pasasaan ba at magkakaharap din kami ng impakta. Mas maganda na nga siguro ang mapaaga.

Huminga ako nang malalim sa harap ni Rigo tanda ng aking pagsuko.

“Fine. Pero hindi ko alam kung hanggang saan ang pasensya ko, ha? Maging alerto ka na lang kaya ’wag kang aalis sa tabi ko. Nagkakaintindihan ba tayo?” sagot ko na lang sa kanya at naiikot ko ang mga mata ko.

Sa wakas ay nagbalik ang tunay na ngiti ni Rigo.

“Thank you, Liam. Thank you! Promise, nandito lang ako.” sambit niya at hinalikan ako sa labi nang mabilis.

Nabitin ako pero hindi ko pinahalata iyon. Mamaya na lang siguro namin itutuloy dahil naghihintay na ang anak namin.

Matapos iyon ay naghanda na kami ni Rigo. Dahan-dahan naming hinarap ang pintuang nasa aming tapat at siya na rin ang nagbukas nito.

“SURPRISE!!!! WELCOME BACK, RANDY!!!”

Nagulat ako nang salubungin kami ng maraming tao sa loob ng mansyon nina Rigo. Nanglaki ang mga mata ko dahil naririto ang mga espesyal na tao sa buhay ko para salubungin ako. May mga hawak pa ang ilan sa kanilang mga bulaklak at magagarang lobo. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang malaking banner na nakasabit mula second floor hanggang dito sa first floor nitong mansyon na may nakaimprentang ’

Welcome back, Randy

!’.

Kompleto sila. Naririto ang mga kaibigan kong sina Xander, Dom at Shai. Naririto rin sina Tom na may karga ngayong baby habang si Carla naman ay nasa kanyang tabi. Naririto rin sina Ben, Charm, Dee, ang ulikbang si Coke at si Vinci. Sa kabilang bahagi naman ay naroon ang aking Mama, Nanay Elise at Ate Sandra na medyo malaki na rin ang tiyan habang kasama ang kanyang asawa at dalawang anak nila. Hindi ko pa nakikilala ang asawa niyang iyon at mga pamangkin ko sa personal, pero nakausap ko na sila minsan sa video call. Sa kanilang tabi naman ay naroon ang tiyuhin at tiyahin ni Rigo habang akbay ang aming anak na si Ar-Ar.

“Ma!! Daddy!!” pagtawag ni Ar-Ar sa amin at patakbong tinungo kami.

“’Nak!!” salubong ko naman sa kanyang nakangiti at niyakap siya nang makarating siya sa aming gawi.

“Ma, nagswimming ako sa pool kasama sina Lolo at Uncle Dom! Si Lola naman, may pa-barbecue party! Tapos bukas naman pupunta raw kaming mall para bilhan nila ako ng maraming laruan! Tapos, sa susunod na araw naman, pupunta raw kaming amuse… m-muse… basta park daw na maraming rides!” pagbabalita agad nito sa akin. Damang-dama kong naging masaya siya sa ilang oras niya ritong pananatili.

Natawa naman ako sa aking narinig mula sa kanya. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya habang hinahaplos naman ni Rigo ang kanyang ulo na ngayon ay basa. Mukhang katatapos lang niyang magswimming sa pool nila rito.

“Amusement park ang tawag doon, kutong-lupa.” natatawa kong pagtatama sa hindi niya maibigkas na salita.

“Basta, ’yun na ’yun! Pupunta raw kami nila Uncle Dom doon!” sagot naman nito sa akin.

Mukhang napakasaya niya sa bago niyang bahay at mga makakasama. Ngayon ay mas nakukumbinsi na akong mas makabubuti kung dito na nga lang kami titira.

Nagbitaw kami ni Ar-Ar sa pagkakayakap hanggang sa puntahan naman niya si Rigo at nagpakarga rito. Hinalikan niya rin ito sa pisngi bilang pagbati. Saglit lamang iyon at muli siyang bumaba.

Nasa ganoon kaming posisyon nang magsilapitan na ang lahat ng taong naririto para yakapin ako nang mahigpit. Hindi ko naiwasan na maluha dahil sa nakikita kong reaksyon nila. Lahat sila ay naluluha dahil sa saya.

“Mama… Ate Sandra…” pagsalubong ko sa yakap ng aking ina at kapatid.

“Ang saya ko, anak… Maayos ka na…” umiiyak na sambit ni Mama habang yakap ako at paulit-ulit na hinahalikan ang aking pisngi.

“Bumalik ka na, bunso… Ang gandang regalo sa amin nito bukod sa magadagdagan ang anak ko…” wika naman ni Ate Sandra.

Kahit patuloy akong lumuluha ay nakapagbitiw ako ng mahinang pagtawa.

“Salamat, Mama… Salamat, Ate…” sagot ko sa kanila. “Sila na ba ang mga pamangkin ko? Mana sa akin! Ang gaganda!” sunod kong papuri sa dalawang batang babae na nasa likuran nila.

Nagbitiw kaming tatlo sa pagkakayakap para ipakilala ni Ate sa akin ang dalawa niyang anak.

“Sina Ran at Yam, bunso. Isinunod ko ang mga pangalan nila sa pangalan mo.” proud na pakilala sa akin ni Ate sa mga pamangkin ko.

Alam ko na ang mga pangalan nila noong minsan ko silang makausap sa video call, pero ngayon lang kinumpirma ni Ate na nakasunod nga sa aking pangalang Randy Liam ang pangalan nila. Mas napatunayan ko rin ngayon na mahal na mahal nga ako ni Ate dahil sa ibinalita niya.

Yumuko ako para yakapin ang mga pamangkin kong iyon. Hindi naman nagdalawang-isip ang mga bata na halikan ang magkabilang pisngi ko.

“Hello, Tito. Welcome back po.” bati nila sa akin habang yakap ako.

“Pwede bang Tita na lang?” pagbibiro ko sa kanila.

Natawa naman ang mga bata kabilang na rin ang ibang taong naririto.

“Sure po, Tita.” sabay din nilang sagot sa akin.

“Ma! Mga pinsan ko sila, ’di ba?!” pagsingit naman ng aking anak na si Ar-Ar na ikinatawa ng lahat. “Luh? Anong nakakatawa sa sinabi ko?” dugtong pa nitong pagtatanong sa amin.

Sunod na ipinakilala sa akin ni Ate ang kanyang asawa. Pilipino rin ito at mukha namang matino. Masaya ako na natagpuan ni Ate ang taong bubuo sa kanyang pagkatao tulad ko.

Sunod na lumapit sa akin ay si Nanay Elise. Hindi namin naiwasan ang umiyak pareho habang magkayakap nang mahigpit.

“Nanay… Sorry po…” paghingi ko ng tawad sa kanya.

Humihingi ako ng kapatawaran dahil pinag-alala ko siya. Mahal na mahal ko si Nanay Elise pero nagawa ko siyang bigyan ng problema.

“Hindi na importante ’yon, Liam… Ang mahalaga, nakabalik ka na… Masayang-masaya si Nanay…” sagot naman nito habang hinahaplos ang likod ko.

Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon ni Nanay hanggang sa ang ilan naman naming mga kaibigan ang lumapit sa akin para ako ay batiin.

“Maligayang pagbabalik, Randz. Dala ko na ang mga nakatambak mong trabaho sa hotel at restaurant. Simulan mo na mamayang magtrabaho.” pang-aasar ng best friend kong gago na si Xander.

“Master, ano ba ’yan?! Bibigyan mo agad ng stress si Randy, e!” pagsaway naman sa kanya ng asawa niyang si Tom.

Sa halip na patulan ko ang pang-aalipusta sa akin ng best friend ko ay nginitian ko siya.

“Ibigay mo na lang sa akin lahat mamaya, Xandz. Gusto kong makita mo kung paano ko ’yon sunugin sa harap mo.” sarkastiko kong balik sa kanya.

Lahat sila ay nagtawanan sa aming kabaliwan. Biruan lang namin iyon. Sanay na kami sa kawalang-hiyaan ng bawat isa.

“Randy, meet Tom Xendré. Bunso namin ni Xander.” pakilalang nakangiti ni Tom sa karga niyang baby.

Napangiti ako habang nakatitig sa cute na batang iyon. Hindi rin maikakailang galing siya kay Tom dahil malaki ang kanilang pagkakahawig. Maputi rin siya gaya ni Tom.

“Ang cute niya.” papuri ko at nilaro ko ang pisngi nito gamit ang aking daliri.

“Baby Drey, siya naman si Tito Randy. Batiin mo, bilis! Magsalita ka, bilis!” tuwang-tuwa naman na utos ni Tom sa sanggol.

Minsan ang sarap nitong sabunutan ni Tom. Paano makakapagsalita ang baby kung ilang buwan pa lang ’to?! Pinipigilan ko lang talagang saktan ’to minsan! Pasalamat siya at ’yon ang isang bagay na cute sa kanya!

Sumingit naman ang epal na best friend kong si Xander sa pag-uusap namin ni Tom.

“Baby Drey, meet your Ninong Randy. Mabait ’yan kahit baliw.” pang-aasar na naman nito sa akin.

“Punyeta ka! Hindi ako baliw!” pagkontra ko at sinubukan kong abutin ang buhok niya ngunit naging mabilis din siyang nakapagtago sa likod ng kanyang asawa.

Nasa ganoon kaming pagtatalo ni Xander nang umalingawngaw ang boses ni Rigo sa buong mansyon.

“Tang*na ka, Xander, ha?! Namumuro ka na sa akin! ’Pag hindi ako makapagpigil baka patulan na talaga kita!! Nakakalimutan mo yatang nasa teritoryo kita?!! Sinong baliw, ha?!! Gago ka, ah?!!” malakas niyang sigaw.

Lahat ay natigilan. Lahat ay natahimik at nanglalaki ang mga mata. Iyon din ang naging sanhi kaya umiyak nang malakas ang bunso nina Xander at Tom. Ang mga bata rin na sina Ar-Ar at Carla maging ang mga pamangkin ko ay binalot ng takot kaya bahagya silang napaatras at napayakap sa mga taong malapit sa kanilang pwesto.

“Ssshhh… Tahan na, baby Drey… Tahan na…” nag-aalala na ngayong pag-alo ni Tom sa kanyang anak. “Nanay Elise…” mangiyak-ngiyak pa nitong pakiusap kay Nanay dahil mas malakas pa ang naging pag-iyak ng sanggol.

Agad naman na lumapit si Nanay Elise kay Tom at kinarga ang bata. Matapos iyon ay mabilis din na napatigil ito sa pag-iyak.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit hindi maiwan ni Nanay Elise sina Xander. Mukhang naging malapit na kay Nanay si baby Drey.

Dahil sa wala pa rin kagalaw-galaw ang lahat dahil sa ginawang pagsigaw ni Rigo ay ako na rin ang bumasag sa katahimikan. Nilapitan ko si Rigo na ngayon ay nanlilisik pa rin ang mga matang nakatingin sa aking matalik na kaibigan.

“Baby Rigz, welcome party ko ngayon. ’Wag ka namang eskandaloso. Saka parang hindi mo naman kilala si Xander. Nakakapunyeta talaga ’yan pero ganyan na talaga ’yan.” nakangiti kong pakiusap dito habang yakap ang bewang nito. Sinusubukan ko siyang lambingin para lumamig ang kanyang ulo. Ito lang naman ang alam kong epektibong paraan para mapakalma si Rigo.

Hindi naman siya nagsalita, pero naramdaman kong sinusubukan niyang magpakalma dahil naging mabilis ang mga paghinga niya.

Sunod ko namang binalingan ay ang aming mga kaibigan.

“Kayo naman, ’wag n’yo namang ginagalit ang boyfriend ko. Chill lang. Baka ma-stress ako sa inyo.” pakiusap ko namang nakangiti sa kanila.

Mas lalo na silang natahimik nang sabihin ko ang pakiusap kong iyon.

Mayamaya pa,

“BOYFRIEND???!!!”

Tanong nila iyan nang sabay-sabay.

Ay? Choir ba ito?

Sa halip na magpaapekto sa kanila ay mas nilawakan ko na lang ang pagkakangiti ko.

“Oo, BOYFRIEND ko na si Rigo. Or should I say, PARTNER KO?” may diin kong pagkumpirma.

Alam kong magugulat sila lalo na ang aming mga kaibigan dahil wala pa kaming napagsasabihan tungkol dito.  Simula pa kasi noon ay hindi pa kami nagpakilala kahit isang beses na may relasyon ni Rigo. Tanging ang anak lamang namin ni Rigo ang nakakaalam na opisyal na kaming dalawa ngayon.

“Bakit, may problema ba?! Magboyfriend kami. May angal?! Ha?!” si Rigo na naman na mainit pa rin ang ulo.

“W-W-WALA!!!!” sabay-sabay na naman nilang sagot at nauutal. Mukhang nasindak na sila nang tuluyan ni Rigo.

Nagtataka ako sa kanila kung bakit ganito na lang ang takot nila ngayon kay Rigo? Dati-rati naman ay hindi sila nagpapasindak dito. May nangyari kayang hindi ko alam noong wala pa ako sa katinuan?

Naputol na lang ang eksenang gulat-gulatan nang lapitan na ako ni Shai at yakapin ako nito.

“I’m so happy for both of you, Randy… Finally, dumating na rin ang hinihintay n’yong dalawa.” bati nitong madamdamin. “Kailangan lang palang mabaliw ka para lang maging kayo.” pahabol pa nito.

“Gaga ka. Marinig ka na naman ni Rigo dahil tinawag mo akong baliw.” bulong na pagbabanta ko lang sa kanya. “Salamat, Shai.” pahabol ko pa at napangiti na rin ako.

Matapos maghiwalay ang katawan namin ni Shai ay may balugang mabilis pa sa alas-kwatro ang sinalubong ako.

Pero malas niya.

Dahil bago pa siya makayakap sa akin ay mabilis ko nang naitulak ang kanyang mukha.

“Next!!” sigaw kong utos para sa susunod na taong yayakap sa akin upang bumati.

“Impakta ka, Randy! Masakit ’yon, ah?!” reklamo ng ulikbang itinulak ko ang mukha. Sapo rin nito ang kanyang pisngi na nadampian ng palad ko.

“Sino ka?” tanong ko sa kanyang nakataas ang isang kilay.

Gumuhit ang pagkabigla sa kanya. Nanlalaki ang kanyang mga mata na tila nakita niya ang kanyang repleksyon sa salamin. Tila ba natakot siya sa sarili niyang mukha.

Sumagot si Vinci dahil hindi nakasagot ang taong itinaboy ko.

“Nagka-amnesia ka ba, Randy?! Si Coke ’yan! Hindi mo na maalala?!” tanong ni Vinci at pagpapakilala sa maligno.

Kilala ko naman siya, kilala ko si Coke at hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Siya ang naiiba sa lahat ng mukhang naengkwentro ko sa buong buhay kaya paano ko siya makakalimutan? Sinadya ko lang na itulak ang mukha niya kasi gusto ko siyang pagtrip-an.

“Hindi, e. Sino ba ’yan?” maarte kong sagot at tanong kay Vinci habang tinuturo si Coke.

Tila ba nalungkot ang lahat dahil sa naging reaksyon ko. Maging si Coke ay tila iiyak na sa mga oras na ito.

Siyempre, may konsensya rin naman ako. Tinapos ko na ang aking drama at ako na ang lumapit kay Coke para yakapin siya.

“Joke lang naman, Coke. Hindi ka na mabiro. Paano ko naman makakalimutan ang taong matagal ko nang gustong paslangin?” pagbibiro ko rito.

“Randy, naman, e…” mangiyak-ngiyak nitong sambit at niyakap din ako pabalik.

“Tahan na, ’wag ka nang magsalita… Naamoy ko na kasi ang hininga mo… Ang baho, e…” dagdag ko pang pang-aalaska.

“Bwisit ka!! Mas lumala ka pa yata ngayon?!” buska na nito sa akin at naghiwalay na kami sa aming pagkakayakap.

Nagtawanan na lang kaming lahat sa naganap.

Nasundan ang mga pagbati at pagyakap sa akin nina Dom, Dee, Ben at Charm. Lahat sila ay masayang-masaya na nagbalik na ang malditang ako.

Nasa gitna kami ng kasiyahan nang maputol ito dahil sa isang boses na nagmula sa likod ng mga kaibigan ko.

“R-randy..?” pagtawag nitong nauutal sa aking pangalan.

Unti-unting nahati ang pwesto ng aming mga kaibigan at pamilya hanggang sa makita ko ang imahe ng babaeng bumigkas sa magandang pangalan ko.

Ang babaeng ayaw ko sanang makita. Ang babaeng naging tinik sa lalamunan ko. Si Tita Eve.

Kahit naiinis ako sa pagmumukha niya ay hindi ko inalis ang pagkakangiti ko. Ayaw kong ipakita sa kanya na minsan akong naging talunan. Ang gusto kong makita niya ngayon ay ang aking katatagan.

“Kamusta, Tita Eve?” tanong ko sa kanyang may plastik na ngiti habang taas ang aking noo.

Nagkaroon na naman ng katahimikan sa kapaligiran. Lahat ay nakikiramdam. Lahat ay nag-aabang.

“P-pwede ba kita makausap?” nag-aalangan nitong tanong na tila nahihiya.

“Kausap mo na ako. Duh?!” reaksyon ko at naiikot ko ang aking mga mata.

Nakikita ko ang labis niyang hiya at takot sa mga oras na ito dahil nasa harap na niya ako. Alam kong maayos na sila ng aking pamilya at nakahingi na siya ng tawad sa mga ito. Nabalitaan ko iyon mula kay Rigo at sinabi rin niyang ako na lang ang hinihintay nito.

Pero wala akong pakialam. Mas gusto ko nga ang nakikita ko ngayon sa kanya. Kung pwede nga lang hilingin na mangisay siya habang bumubula ang bibig niya ay ginawa ko na kung gusto niya talagang mapatawad ko siya. Galit ako sa kanya pero alam kong kailangan ko pa rin siyang kausapin dahil siya ang ina-inahan ni Rigo.

Nasa amin na ang atensyon ng lahat at wala silang magawa kundi ang manood habang kinakabahan.

Nagsimulang magsalita si Tita Eve habang nangingilid ang kanyang mga luha.

“G-gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa ’yo… Sa lahat ng kasalanan ko… Sa panghihimasok ko sa mga desisyon ng pamangkin ko… Sa lahat ng masasakit na salitang binitiwan ko simula pa noon sa ’yo… Sa pakikialam ko sa inyo… Patawarin mo ako… Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko, Randy…” sunod-sunod nitong pag-amin sa mga naging kasalanan niya sa amin.

Alam kong sinsero ang paghingi niya ng tawad kaya gumuhit sa akin ang malapad na ngiti.

“Ayoko nga.” tipid kong sagot sa kanya matapos kong itaas ang isang kilay ko.

Nang marinig niya ang sagot ko ay nasaksihan ko ang mabilis na pag-agos ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.

“R-randy naman… Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako..? Nangangako naman ako… hindi ko na kayo pakikialaman ni Rigo… Makakaasa rin kayo sa suporta ko… Kaya kung may kondisyon ka, sabihin mo para magawa ko… Para mapatawad mo na rin ako…” pakiusap niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

Bigla akong namangha sa sinabi niyang iyon. Nanglaki ang mga mata ko at bahagya ko pang naibuka ang bibig ko.

“Talaga po?!” masaya kong paniniguro.

Dahil sa naging reaksyon ko ay tila nakakita siya ng maliit na pag-asa kaya bahagyang napangiti ito. Tumango-tango siya habang patuloy pa rin na lumuluha ang kanyang mga mata.

“K-kahit ano, Randy..! Kahit ano!” sagot naman ni Tita Eve.

Napaisip ako. Ang payo sa akin ni Doktora kanina ay maging tapat sa nararamdaman ko. Sabihin ko kung anong tumatakbo sa isip ko. Kaya nang marinig ko ang kompirmasyon mula kay Tita Eve ay nagbago ang ekspresyong ipinapakita ko. Nawala ang aking pagkakangiti at nanlisik ang mga mata ko.

Ilang segundo ang aking pinalipas hanggang sa sabihin ko ang kondisyong gusto ko.

“Kung gano’n, lumuhod ka sa harap ko at halikan mo ang mga paa ko!” madiin kong pag-anunsyo sa kondisyong nais ko.

Nasaksihan ko kung paano nanglaki ang kanyang mga mata nang marinig niya ang aking kautusan. Maging ang mga taong nakapaligid sa amin ay nagulat kaya mas lalo pa silang natigilan.

Hindi nakagalaw si Tita Eve. Hindi nakapagsalita at bahagyang nakabuka pa ang kanyang bibig.

“Liam…” si Rigo na hinawakan ang isang kamay ko. Alam kong sa pagtawag niya sa aking pangalan ay may bahid nang pakiusap ito na ’wag kong ituloy ang nais ko.

“Ma…” ang aking anak naman na si Ar-Ar na hinawakan din ang kamay ko. Sa tono nito ay alam kong ’pag nangyari ang kautusan ko sa kanyang Lola ay iiyak na ito.

Ilang segundo kong tinitigan si Tita Eve. Nakita ko ring papalapit na ang kanyang asawang si Tito Ed sa aming pwesto para siguro manghimasok na sa nagaganap dito.

“Joke lang, guys. Hindi naman kayo mabiro.” bigla kong pagbawi at muli akong bumalik sa plastik na pagkakangiti.

Narinig ko ang mga malalim na paghinga ng aming mga kasama tanda na nahimasmasan sila mula sa kanilang mahabang kaba. Maging si Tito Ed ay napahinto na rin sa paglalakad dahil sa naging pagbawi ko.

“S-salamat…” umiiyak na ngayong sambit ni Tita Eve sa harap ko.

Hindi ko inalis ang malawak kong pagkakangiti nang sabihin ko sa kanya ang mga nais kong mangyari.

“Masyado pang maaga para magpasalamat ka, Tita Eve. Alam mong hindi gano’n kadaling kalimutan ang lahat pero susubukan ko. Ginagawa ko lang din ito dahil may natitira pa rin akong respeto sa inyo at kay Tito Ed pati na rin kay Dom. Isa pa, ayaw kong mag-alala si Rigo at ang anak namin dahil pamilya ka pa rin nila.” mahaba kong pagpapaalala sa kanya.

Matapos kong sabihin iyon ay nagulat ako nang bigla itong lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. Hindi naman ako lantarang bastos lalo na at kaharap namin ang aming buong pamilya at mga kaibigan. Ginantihan ko na lamang ang kanyang pagkakayakap ngunit hindi iyon kasing higpit gaya ng kanya.

Nasaksihan iyon ng lahat kaya hindi nila napigilan ang pumalakpak.

“Salamat, Randy… Makakaasa ka… Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako…” naiiyak niya pa ring pagsasalita habang yakap ako.

Napangisi ako sa sinabi niyang iyon. Hindi pa naman tapos ang speech ko kaya ipinagpatuloy ko ito nang pabulong sa kanya.

“Isa pang rason, Tita Eve, kung bakit hindi ko itinuloy ang kondisyon kong halikan mo ang mga paa ko ay dahil baka kagatin mo ito. Ayaw ko pong magkarabis, please? Siguro po, mag-iingat na lang din ako habang nagsasama tayo sa iisang bubong. Mahirap na, baka atakihin mo na lang ako habang natutulog ako. And please, ’wag na rin po kayong magtangkang siraan ako kay Rigo. Alam n’yo naman siguro kung sinong kakampihan niya sa ating dalawa, ’no?” mahaba kong paglilinaw at pagbabanta.

Mayabang na kung mayabang. Pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na pagsalitaan siya nang tulad nito. Sa tinagal-tagal na sinisindak niya ako ay ngayon ko pa lang nasasabi ang tunay na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa sinabi ko, pero narinig ko ang mahina niyang pagtawa habang yakap pa rin namin ang isa’t isa.

“Naiintindihan ko… ’Wag kang mag-alala, kahit death threat pa ang ipadala mo, hindi ako magrereklamo.” natatawa nitong bulong sa akin pabalik.

Natawa rin ako dahil doon.

“Sige po. Bukas na bukas din ay magpapadala ako ng pagbabanta sa buhay n’yo.” natatawa kong balik dito.

Akala siguro ng mga tao sa paligid namin ay tuluyan na kaming nagkaayos dahil nagkakatawanan na kami. Mas naging malakas kasi ang palakpakan nila tanda ng labis na tuwa. Hindi nila alam na pinagbabantaan ko na ang buhay ni Tita Eve.

Demonyita talaga ako.

Pero siyempre, hindi naman ako ganoon kasama. Alam kong naging biktima lang din si Tita Eve. At kung mayroon man akong dapat na balatan nang buhay, wala iba ’yon kundi si MJ na nagmanipula at nanamantala. ’Wag na ’wag ko lang talagang makikita ang pagmumukha niya. Dahil ’pag nangyari iyon, sisiguraduhin kong kakainin na siya ng lupa.

Nagkasiyahan na ang lahat matapos iyon. Walang katapusang pasasalamat ang aking ginawa dahil sa masaya nilang pagsalubong sa akin.

Totoo nga ang sinabi kanina sa akin ng anak kong si Ar-Ar na may pa-barbecue party si Tita Eve. Bumaha ng masasarap na pagkain dito sa mansyon at naganap ang binigay nilang party para sa akin dito sa tabi ng malaking pool ng mga Silvestre.

Tinupad naman ni Rigo ang sinabi niyang hindi siya aalis sa tabi ko. Lagi niyang hawak ang kamay ko at sinasamahan ako saan man ako magtungo.

Pero ang punyeta kong best friend na si Xander, hindi pa yata nakaka-move on sa ginawang pagbabanta sa kanya ni Rigo. Dahil sa tuwing malilingat si Rigo ay lalapit ito sa akin at bubulong.

“Pabebe.”

“Nagkajowa ka lang, naging pabebe ka na.”

“Ganda mo!”

“Napakalandi mo. Kulang na lang umangkas ka kay Rigo. Kapit ka nang kapit na parang tuko.”

“Sa wakas, Randz, hindi ka na matutuyot. Madidiligan na ang bulaklak mo.”

“Hindi ka na mabubulok. May jowa na ang best friend ko.”

Paulit-ulit niya sa aking ibinubulong ’yan tuwing nasa iba ang atensyon ni Rigo.

“Punyeta ka talaga, Xander! Kanina ka pa! Peste ka talaga!” gigil na gigil kong paninita sa kanya at hinawakan ang buhok niya.

“Aray! Aray! Pucha! Masakit, Randz!” reklamo nito habang inaawat ang kamay kong mahigpit ang kapit sa kanyang buhok.

Alam ko namang biro lang niya iyon. Kilala ko na siya at alam kong masaya siya para sa amin ni Rigo. Sadyang ganito lang siya magpakita ng pagmamahal sa mga taong mahalaga sa kanya. Dinadaan niya sa pambubully. Gago talaga.

Nagpatuloy pa ang kasiyahan hanggang sa abutin kami ng gabi. May nagsayawan, inuman at kantahan. Ang mga bata naman pati na rin ang mga feeling bata na sina Tom, Ben, Dee at Charm maging si Tito Ed ay naroroon sa pool at naliligo. Kitang-kita ko kung gaano na ngayon ka-close si Ar-Ar sa kanyang Lolo Ed. Si Ate Sandra naman ay abalang binabantayan ang kanyang mga anak dahil hindi pa pala ito marurunong lumangoy. Tinuturuan naman ito nina Charm at Dee.

Naging abala pa rin sina Tita Eve at ang Mama ko sa pag-aasikaso sa lahat. Hindi na nakatulong si Nanay Elise dahil nasa guest room na ito at pinapatulog si baby Drey. Sina Coke at Vinci naman ay kasama nina Xander, Shai, Dom at ang asawa ni Ate Sandra na si Noel sa kubo na malapit dito pa rin sa pool habang nag-iinuman.

Habang abala ang lahat ay nasa isang sulok naman kami ni Rigo at sila ay pinagmamasdan.

“Ang saya nila, ’no?” tanong ko kay Rigo.

Hindi agad sumagot sa akin si Rigo. Mula sa pagkakahawak niya sa isa kong kamay ay marahan niya akong inilapit sa kanyang katawan para yakapin na tinugon ko rin.

“Yeah. Nakikita mo silang lahat, ’di ba? Ang dami nila, Liam. At lahat nang ’yan, nagmamahal sa ’yo. Kulang pa nga sila rito dahil ang iba, may mahalagang inaasikaso. Babawi na lang daw sila sa ibang araw para dumalaw sa ’yo.” masuyo niyang sagot sa akin at hinalikan ang aking ulo.

Napangiti ako.

Tama si Rigo. Marami nga ang nagmamahal sa akin. Marami ang taong gustong mapalapit sa akin. Walang katotohanan ang mga iniisip ko noon na walang taong magmamalasakit sa akin.

“Salamat, Rigz… Hindi ko makikita ang halaga ko kung wala ka.” sinsero kong pasasalamat sa kanya.

Para niya akong isinasayaw sa mga oras na ito habang nasa ilalim kami ng nagliliwanag na langit dahil sa mga bituin.

“Ako ang dapat na magpasalamat sa ’yo, Liam. Ikaw ang nagturo sa akin ng mga gusto kong marating. Ikaw ang nagtupad ng mga pangarap ko na gusto kong abutin. Salamat, Liam… Salamat.” malambing niya namang sagot sa akin pabalik.

Nakapagbitaw ako ng pagtawa. Sa bawat araw na magkasama kami ni Rigo, wala kaming ginawa kundi ang magpasalamat sa isa’t isa.

“Napakaswerte ko sa ’yo, Rigz… Kaya mahal na mahal kita, e…” iyon na lamang ang sinabi ko dahil iyon lang ang alam kong masasagot niya na hindi siya makikipagtalo.

Paulit-ulit niya na namang hinalikan ang aking ulo.

“Mas mahal na mahal kaya kita, Liam. Mahal na mahal na mahal na mahal!” sagot naman nito sa akin.

Mali pala ako. Kahit pala ang bagay na iyon ay hindi siya magpapatalo. Wala tuloy akong nagawa kundi ang matawa rito.

Nasa ganoon kaming pwesto nang marinig namin ang sigaw ni Dom mula sa maliit na kubo kung saan sila nag-iinom.

“Hoy! Tama na ’yang lambingan! Kingina! Kanina pa kayo hindi mapaghiwalay! Samahan n’yo nga kami rito!” pagyaya nito sa aming may kalakasan.

Doon lang kami nagbitiw ni Rigo mula sa pagkakayakap at natatawang naglakad patungo sa kanilang pwesto. At habang naglalakad kami, bumanat na naman ang best friend kong si Xander.

“Mga pabebe!” kantiyaw niya sa amin.

“Get a room, guys! B*tches!” sigaw din ni Shai. Hindi rin siya nagpatalo sa kalokohan.

Napapailing na lang kami ni Rigo habang natatawa.

Hindi ko alam kung paano kami nagkakasundong magkakaibigan dahil magkakaiba ang aming mga personalidad. Pero masaya ako, masaya ako dahil may mga kaibigan akong nagmamahal sa tulad ko.


A/N

Mahaba rin ’to! Sana ay nagustuhan n’yo!

Konti na lang, guys! Samahan natin sila hanggang sa mga natitirang chapter nito.

Salamat po sa mga patuloy na nag-aabang at nagbabasa nito! Mahal ko kayo!

–– cold_deee ❤

chapter 40

A/N

Helloooo~

Natagalan ba? Sorrna! Hahahaha! Naging abala kasi ako sa paghahanda ng Fan Meet ng 2moons at ni Park Hyung Sik! Yep, si Park Hyung Sik na kinuha kong portrayer ni Randy Liam! Emeged! Share ko lang, ang saya sa feeling na nakita ko sa personal ang kinuha kong portrayer nitong kwento ko! Feeling ko si Randy talaga ang nakaharap ko at nakamayan! Ang ganda ng mukha niya at ang charming niya! ’Yun lang! Lutang pa rin ako sa kanya hanggang ngayon! 😂

Para po kay

ako_si_akemi

ang chapter na ito! Salamat sa todo support maloves! 😘

Enjoy reading po, mga mahal ko!

––> Sina Randy at Rigo po sa media sa baba. Si Park Hyung Sik naman ang nasa taas noong fan meet niya. Hahaha! Isiningit ko talaga, ’di ba?! Sorrna!

![](https://img.wattpad.com/9d6705e6358a4b795dc65dcacabf7d84df3a9174/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f572d5956674977524f4d415248673d3d2d3437393538333937322e3134663636366264386163353266653437373030343330363939312e6a7067)

RANDY’s POV

“’Nak, naman! Tama na ’yan! Babad na babad ka na sa tubig!” pangaral ko kay Ar-Ar habang naririto kami sa banyo at hinihintay ko siyang matapos sa kanyang paliligo.

“Ma, naman, e… Saglit na lang!” pakikipagtalo sa akin nito habang nasa ilalim pa rin siya ng shower.

“Punyeta! Kanina pa ’yang saglit mo! Nagbabad ka na sa bath tub nang halos isang oras kanina, tapos ang tagal mo pang magbanlaw ngayon! Iiwan ka na talaga namin ng Daddy mo!” pananakot ko na sa kanya.

“Eeeehhh!!!” reklamo naman niya at nagdabog pa gamit ang kanyang mga paa.

Napipikon na ako. Adik talaga sa tubig ang batang ’to! Sa isang araw, limang beses kung maligo! Tapos napakatagal pa!

“Tigilan mo ako sa kakulitan mo, ha?! Kahapon, nagbabad ka na naman sa pool ng dalawang beses! Ano bang meron sa katawan mo at gustong-gusto mong maligo?! Isda ka ba?! Lamang-dagat?! Hindi naman, ’di ba?!” sermon ko pa rin. Konti na lang at makukutusan ko na talaga ito! Nanggigigil na ako!

Sa halip na maapektuhan siya sa sermon ko ay binigyan pa niya ako ng nakakalokong ngiti.

“Hindi ako isda, Ma,” una niyang sagot. “Isa akong sirena.” dugtong niya pang pang-aasar sa akin.

Tuluyan nang naubos ang aking pasensya. Mula rito sa pinto ng banyo ay pinuntahan ko na siya sa ilalim ng shower habang nagdidikit ang mga ngipin ko. Kasunod nito ay bahagya kong kinurot ang tagiliran nito.

“Wala akong oras ngayon na makipaglokohan sa ’yong kutong-lupa ka! Naghihintay na ang Daddy mo! ’Pag nainis ’yon, hindi na tayo matutuloy sa lakad natin! Ginigigil mo talaga ako!” buska ko sa kanya habang hawak ang balat niya. Katamtaman lang naman ang kurot ko, ayaw ko rin saktan nang todo ang anak ko.

“Ah! Aray, Ma! Joke lang! Ikaw ang sirena! Baby shark lang ako!” reklamo niya naman habang inaawat ang kamay ko.

Punyeta talaga! Napakakulit niya! Mas lalo pa yata siyang magiging makulit dito sa Maynila lalo na at ang lagi niyang kasama ay ang Uncle Dom niya! Mas marami na siyang natututunang pamimilosopo!

Binitiwan ko ang kanyang balat ngunit naiinis pa rin ako sa kanya.

“Itigil mo na ’yan! Gusto mong si Daddy mo pa ang pumunta rito para pagalitan ka?! Sinasabi ko sa ’yo, Ar-Ar, ha?! Hindi mo magugustuhan ’pag siya na ang nagalit sa ’yo!” pananakot ko na sa kanya.

Napanguso naman siya sa akin.

“Oo na po… Titigil na…” malungkot na niya ngayong sagot at pinatay na ang shower.

Ito lang talaga ang kailangan kong gawin, ang takutin siya na mapapagalitan siya ng ama niya. Ewan ko ba, wala na yatang takot na natitira ang batang ito sa akin?! Madalas niya akong asarin kaya nauuwi kami minsan sa paghahabulan dito sa mansyon. Pero sa tuwing maaabutan ko siya, agad naman niya akong lalambingin. At ako naman itong si uto-uto, nadadala sa paglalambing niya.

“Tama na ’yan, ha? Kukuha na ako ng towel mo. Itigil mo na ’yang paliligo!” medyo mahinahon ko nang pagsasalita ngayon. Hindi ko kasi matagalan na makita siyang malungkot.

Nang sabihin ko iyon ay mabilis siyang tumingala sa akin at nginitian ako.

“Labyu, Ma!” malambing at nakangiti niyang sambit sa akin.

Napapailing na lang akong iniwan siya sa banyo ng isa sa guest rooms dito sa mansyon ng mga Silvestre. Doon ko na kasi siya pinaligo dahil gamit ni Rigo ang banyo na nasa kwarto namin.

May lakad kami ngayong tatlo. Lalabas kami para ipamili namin ng mga gamit si Ar-Ar. Damit, sapatos at gamit sa eskwelahan. Ito na rin ang magiging unang bonding naming magpamilya ngayong kompleto na kami rito sa Maynila. Family date ko na ring maituturing. Nitong mga nakaraan kasi ay ang mga Lolo at Lola niya ang kanyang kasama at kung saan-saang lupalop sila nagpunta. Minsan naman ay si Dom ang kasama niya at kung saan-saan din sila gumagala.

Nauna akong maligo sa kanila kanina. Alam naman kasi nilang isa rin akong maraming seremonya sa paliligo kaya pinauna na nila ako noong abala sila sa paglalaro ng tablet na dalawa. Tinuturuan siya ni Rigo sa paggamit ng gadget na iyon na ang Uncle Dom niya rin ang nagbigay. Masyado na siyang nai-spoil dito na bahagyang ikinakatakot ko. Ayaw kong lumaki siyang nakadepende sa mga taong nakapaligid sa kanya. Gusto kong matutunan niya ring tumayo sa sarili niyang mga paa.

Pareho kami ni Rigo na binigyan ng mahaba pang bakasyon nina Xander at Tom sa trabaho. Sinabihan nila kaming maaari naman kaming bumalik kailan man namin gusto. Kaya naman daw nilang patakbuhin ang kanilang negosyo dahil nakakatulong pa rin naman nila sina Shai at Karen sa restaurant, at si Lojie naman sa hotel.

Ilang sandaling paglalakad lang ang aking ginawa hanggang sa makabalik ako sa kwarto namin ni Rigo. Nang makapasok ako rito ay naririnig ko pa rin ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower na nasa banyo. Mukhang maging si Rigo ay hindi pa rin natatapos maligo sa mga oras na ito.

Agad akong nagtungo sa malaki naming cabinet na naririto para ikuha ng towel at mga damit si Ar-Ar. Pero matapos kong makuha ang mga iyon ay natigilan din ako dahil narinig ko ang pagtawag ni Rigo sa aking pangalan.

“L-liam….” nadinig kong sambit niya.

Nangunot naman ang noo ko. Paano niya nalamang nandito ako? Tahimik naman akong pumasok sa kwarto?

“Liam… Uuuhhhmmm…” muli niya pang pagtawag sa pangalan ko.

Mas lalo nang nangunot ang noo ko dahil sa uri ng pagtawag niyang iyon. Malambing ito at namamaos pa ang boses nito.

Para bang…

para bang…

may kakaiba sa boses niyang iyon sa mga oras na ito?

Dahil nilamon na ako ng pagtataka ay dahan-dahan akong humakbang patungo sa pintuan ng banyo kung nasaan si Rigo. At nang makarating ako rito ay doon ko lang napansing bahagyang nakabukas ang pinto nito. Kaya naman pala nadidinig ko mula rito sa labas ang kanyang boses kahit mahina ito.

“Aaahhh… Liam… S-sige pa…” sambit pang medyo namamaos ni Rigo.

Hawak ang towel at mga damit ng aming anak ay dahan-dahan kong sinilip si Rigo mula sa awang ng pinto ng banyo. Isang mata ko lang ang kayang makasilip sa kanya kaya kailangan ko pang maghanap ng tamang posisyon para makita kung ano bang nagaganap sa loob nito.

Iniisip kong baka may kailangan si Rigo kaya tinatawag nito ang pangalan ko, pero nang tuluyan kong makita ang kanyang imahe ay nanglaki ang mga mata ko.

Naroon siya sa ilalim ng shower habang patuloy na sinasalo ng kanyang katawan ang tubig na nagmumula rito. Nakapikit din ang kanyang mga mata habang nakatingala ito. Ang isa naman niyang kamay ay nakalapat sa pader na nasa harap nito.

Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit habang pinagmamasdan ko siya ay naging sunod-sunod na rin ang paglunok ko, dahil nang sipatin ko ang isa niyang kamay ay nakahawak ito sa kanyang kaselanan habang nagtataas-baba ito.

Hindi ito panaginip. Hindi ito isang imahinasyon na gawa lamang ng aking isip.

Si baby Rigz…

si baby Rigz ko…

tinatawag ako…

Paulit-ulit niyang sinasambit ang pangalan ko…

habang…

habang…

nagsasarili ito…

Hindi na ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko. Naging abala na lang ako sa panonood kung paano nagpapaligaya ng sarili si Rigo.

“L-liam… sige pa… Aaaahhh…” nanginginig ang kanyang boses dahil sa pag-ungol.

Habang pinagmamasdan ko siya ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Alam kong hindi ito kaba. Hindi ito takot at hindi uri ng pagkabahala. Malinaw sa akin na ang nararamdaman ko ngayon ay malaking pagnanasa.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko, pero habang pinagmamasdan ko si Rigo ay nakita ko na lamang ang aking sarili na inaabot ang doorknob ng pintuang nasa harap ko.

Sinakop na rin ako ng tawag ng laman ko. Binalot na ako ng pagnanais na magpaangkin kay Rigo.

Ngunit ang hindi ko inaasahan, bago pa maabot ng aking kamay ang doorknob ay ang panibagong pagtawag sa aking pangalan.

“Ma!!!”

“Tapos na akong maligo, Ma!!!”

“Nasaan ka na, Ma?!!”

Sunod-sunod ang pagtawag sa akin ng kutong-lupa.

Mabilis akong nataranta. Ang kanina kong pagnanasa ay napalitan na ng ibayong kaba. Lalo pa akong kinabahan nang masaksihan ko si Rigo na natigilan.

Agad akong umalis sa aking pwesto at kumilos papalayo. Ngayon ay dinaig ko pa ang isang balerina dahil tumatakbo ako habang nakatingkayad ang aking mga paa. Pati si Catwoman ay mahihiya sa akin dahil kahit maliit na ingay ay hindi ako nakakagawa.

Dali-dali akong bumalik sa guest room kung saan ko iniwan ang anak ko.

“Ang tagal mo naman, Ma?!” reklamo agad ni Ar-Ar nang makita ako.

Hindi ako nakapagsalita dahil hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong suot kong ekspresyon sa mga oras na ito. Masyado na akong nataranta dahil sa nakita ko kay Rigo.

“Ma? Okay ka lang? Bakit parang namumula ang mukha mo? Saan mo ba kinuha ’yang mga damit ko? Sa sampayan? Para kang nagbilad sa arawan!” biglang pagtatanong ng anak ko.

“A-ahm… S-sa… a-ano… sa…” hindi ko maiayos na pagsasalita.

Mas lalong nagtaka si Ar-Ar.

“Pinagpapawisan ka rin, Ma. Saka bakit parang hinihingal ka? Tapos ang laki ng mata mo. Okay ka lang ba talaga?” pagtatanong pa rin nito.

“A-ano kasi… N-nakakita ako ng…” nauutal ko pa ring pagdadahilan.

Sinusubukan kong magpalusot sa anak ko, pero kahit anong gawin kong pag-iisip ay wala akong maisagot sa mga katanungan nito.

Dahil sa wala akong maibigay na dahilan sa aking anak at nakakahalata na rin ito sa kakaibang ikinikilos ko ay gumuhit na ngayon ang pag-aalala sa mukha nito.

“Ma..? May nararamdaman ka bang hindi maganda..? Sinusumpong ka ba ng sakit mo..?” nag-aalala na niya ngayong tanong.

Mabilis akong umiling nang maraming beses bilang pagtugon.

“E, bakit ganyan ka..? Parang hindi ka okay..?” tanong pa rin niya.

“A-ah… A-ano nga kasi…” nauutal kong pagdadahilan pa rin sana.

Mukhang binalot na talaga siya ng takot at pag-aalala. Kaya naman,

“Daddy!!! Si Ma!!!”

Ang lakas ng pagkakatawag niya sa kanyang ama.

Dito na ako nagising.

“Dadd–– Uummpp!!” Hindi na niya naituloy ang tangkang pagsigaw ulit dahil mabilis akong lumapit sa kanyang pwesto para takpan ang bibig niya. Nakaluhod pa ako sa kanyang tapat para magpantay kaming dalawa.

“’Wag kang maingay! ’Wag kang sumigaw! ’Wag mo siyang tawagin!” natataranta kong pagpigil.

Sa nakikita kong reaksyon niya sa mga oras na ito ay tila ba naguguluhan siya.

“Okay lang ako, ’nak! Promise! Walang masakit sa akin! Kaya, please?! ’Wag mo nang tawagin ang Daddy mo?! Sige na naman, ’nak?! Sundin mo si Ma kahit ngayon lang, please??!” dagdag ko pang pakiusap sa kanya.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas para mag-isip habang takip ko pa rin ang bibig niya. Matapos iyon ay mukhang nakumbinsi ko na rin siya dahil tumango-tango siya.

Nakapagbitaw ako ng malalim na paghinga saka ko tinanggal ang aking palad mula sa bibig niya.

“Ma? Ano ba talagang nangyari? Bakit ganyan ka? Nakakita ka ba ng multo? May multo ba rito sa bahay nila Lolo? ’Di ba, sa mga palabas, ’pag malaking bahay, marami raw multo? Nakakita ka ba?” sunod-sunod niyang tanong.

Nanghihina akong napayuko bago sinagot ang katanungan niya.

“Oo, ’nak… Ang laking multo… At noong nakita ko ang multong ’yon, parang gusto ko siyang kainin nang buo…” halos pabulong ko nang sagot sa kanya. Hindi naman siguro niya maiintindihan na ang tinutukoy kong malaking multo ay ang alaga ni Rigo.

Kung ang ibang bata ay takot sa multo, ibahin nila ang anak ko.

“Talaga, Ma?! Nakakita ka?! Gusto ko rin makita ang multong sinasabi mo! Sabihin mo naman sa multong ’yon, magpakita rin sa akin!” tuwang-tuwa niyang mungkahi.

Inangat ko ang aking paningin para tingnan siya habang nakataas ang isang kilay ko.

“Hindi sa ’yo magpapakita ’yon! Sa akin lang dahil ako lang ang binibigyan niya ng karapatan!” pagkontra ko sa kanyang kagustuhan.

Napanguso naman siyang bigla.

“Grabe naman… Sabihin mo sa multo, ang damot niya!” tila nagtatampo na niyang reaksyon.

Napapailing na lang akong tumayo mula sa pagkakaluhod sa kanyang tapat.

“Oo na, oo na… Sasabihin ko sa kanya. Bilisan mo nang kumilos at baka tapos na rin ang Daddy mo.” pagsakay ko na lang sa bilin niya.

Ibinigay ko ang towel sa kanya at nagtungo ako sa kamang naririto para ilapag ang mga damit na gagamitin niya.

“Halika rito, ’nak. Ako na ang magpupunas sa ’yo.” pagtawag ko sa kanya.

Mabilis naman niya akong sinunod at nagtungo ito sa aking pwesto.

Habang pinupunasan at binibihisan ko si Ar-Ar ay nagsimula na rin akong mag-isip nang malalim.

Ngayon ko lang napag-isip-isip, matagal na rin palang hindi namin nagagawa iyon ni Rigo. Ang pinakahuli ay noong nasa resort pa kami, noong bago kami magkahiwalay at bago ako mawala sa aking sarili.

Noong nakabalik naman ako, magkatabi nga kaming natutulog, pero wala sa aming nangyayari. Nakukuntento lang kami sa mga yakap hanggang sa matapos ang gabi.

Pero ang gumugulo ngayon sa isip ko, bakit nga ba hindi ako niyayaya ni Rigo? Pareho naman namin gustong ginagawa iyon noon. At kanina, alam kong gusto niya ulit mangyari iyon. Pero bakit nga ba kahit isang beses ay hindi siya nagpakita ng motibo para may mangyaring milagro sa aming dalawa?

Anong dahilan?

Natapos ang pagbibihis na ginagawa ko kay Ar-Ar ngunit hindi ko agad siya pinapasok sa kwarto namin ng kanyang ama. Baka kasi hindi pa tapos sa ginagawang seremonya si Rigo at ayaw kong maistorbo ito. Inutusan ko na lamang muna ang aming anak na puntahan ang kanyang Lolo at Lola na nasa baba para makipagkwentuhan muna sa mga ito. Doon na lang namin siya dadaanan bago kami umalis na tatlo.

Ilang minuto ang aking pinalipas bago ako nagdesisyong pumasok sa kwarto namin ni Rigo para makapagbihis na rin ako. Sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng hiya na harapin ito.

Naabutan ko siyang nagsusuklay sa tapat ng malaking salamin na naririto sa kwarto. Nakabihis na rin siya at mukhang handa na rin sa aming pag-alis.

Nang makita niya ang aking pagpasok ay agad na humarap ito sa akin at binigyan ako nang malawak na ngiti.

“Magbibihis ka na, Liam?” tanong niya sa akin.

Napalunok ako bago iyon sinagot.

“Uhm… O-oo…” sagot kong nauutal at hindi ako makatingin sa kanya nang tuwid. Dumiretso na rin ako sa aming cabinet para kumuha ng aking mga damit.

“Mmmm… Sige, hihintayin na lang kita rito.” muli niyang pagpepresenta at alam kong nakangiti siya.

“Nakatapos ka?”

Hindi ko alam kung bakit iyon ang naitanong ko sa kanya habang nakatalikod ako sa kanyang pwesto. Gaga talaga ako.

“Ha? Anong ibig mong sabihing nakatapos?” nagtataka niyang tanong pabalik.

Muli na naman akong nataranta.

“A-ahm… Ang ibig kong sabihin, kung nakatapos ka nang maligo?” pagpapalusot ko na lang.

Narinig ko ang kanyang pagtawa.

“Obvious ba, Liam? Nakabihis na nga ako rito at nagsusuklay.” natatawa niyang sagot.

Napahinga na lamang ako nang malalim.

Ang tanga naman kasi ng palusot ko.

Hindi ko na siya narinig pang nagsalita. Mukhang itinuloy na niya ang naantalang pag-aayos sa buhok niya.

Nang makuha ko ang aking mga gagamiting damit ay may isang ideya ang pumasok sa mataba kong utak. Tutal naman ay naririto kami sa aming kwarto at walang mang-iistorbo, may pagkakataon ako para maituloy ang naantala kong pagtikim kay Rigo.

Naikagat ko pa ang ibabang labi ko habang pinaghahandaan ang mga gagawin ko sa baby Rigz ko. At nang masigurong handa na ako ay dahan-dahan akong humarap kay Rigo.

Naabutan ko siyang nakaupo na ngayon sa aming kama at mukhang hinihintay na lang talaga akong matapos sa pagbibihis. Tiningnan ko siya sa mga mata habang may maliit na ngisi sa aking labi.

Let the battle begin, baby Rigz.

Lumapit ako sa kanyang pwesto at inilapag ang mga damit sa tabi nito. Kasunod nito ay mabilis kong inangat ang t-shirt na suot ko sa mismong harap niya.

“Grabe ang init ng panahon ngayon, baby Rigz, ’no..? Cotton shirt na lang ang susuotin ko para medyo presko…” mapang-akit kong pagsasalita habang nagtatanggal ng damit ko.

Nakita ko kung paano nanglaki ang mga mata ni Rigo nang makita ang hubad na katawan ko. Hindi rin sa akin nakaligtas ang paglunok nito.

Sinasabi ko na nga ba, bumalik na nang tuluyan ang alindog ko.

“Rigz, okay ka lang ba..?” tanong kong medyo inosente sa kanya. At para mas makatotohanan ang drama, yumuko ako para magpantay ang aming mukha at ipinatong ko ang aking mga palad sa kanyang mga hita.

“A-ahm… Y-yeah… O-okay lang ako…” nauutal niyang sagot at iniwas niya sa akin ang kanyang paningin.

Napangisi ako. Mukhang epektibo ang pang-aakit ko. Kahit kasi bagong ligo lang si Rigo at aircon pa rito sa aming kwarto ay pinagpapawisan na rin ito.

Dahan-dahan akong tumayo nang tuwid at hinawakan na ang magkabilang gilid ng aking short. Naghahanda na akong hubarin ito sa mismong harap pa rin niya.

“Saka short na lang din ang susuotin ko, ha..? Para komportable akong kumilos mamaya…” sunod ko pang pagsasalita gamit pa rin ang malandi kong tinig.

Malapit ko na sanang maibababa ang short kong iyon ay nagulat ako nang hawakan ni Rigo ang kamay ko. Naging dahilan tuloy iyon para mapatigil ako sa tangka kong paghuhubo.

“L-liam, sandali.” nauutal niyang pagpigil sa akin at hindi pa rin siya makatingin.

“Ano ’yon, baby Rigz..?” tanong kong maharot pabalik.

Nasaksihan ko ang kanyang pagpikit at paghinga nang malalim.

“Doon-na-lang-pala-kita-hihintayin-sa-baba. Bilisan-mo-na-lang-magbihis-para-makaalis-na-tayo.”

Halos hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi dahil sa bilis ng pagsasalita nito. Matapos iyon ay mabilis din siyang tumakbo palabas nitong aming kwarto.

Naiwan akong tulala at hindi makagalaw sa pwesto.

“Anyare?” naguguluhan kong tanong sa aking sarili.

Ilang segundo rin akong nakayuko habang hawak pa rin ang magkabilang gilid ng short ko. Iniisip kung paano nangyaring hindi ko naisagawa ang aking plano.

At nang tuluyan na itong naiproseso ng aking isip ay gumuhit sa aking mukha ang labis na inis.

“Punyeta!!!” malakas kong sigaw rito sa kwarto.

Bwisit talaga! Hindi ako makapaniwala! Si Rigo na baliw na baliw sa alindog ko, iniwan ako kahit wala nang saplot ang katawan ko?!

Imposible!!!

Ilang minuto pa rin akong bahagyang tulala dahil sa nangyari, pero dahil sa wala rin naman akong mapapala kahit na magwala pa ako rito ay itinuloy ko na lang ang pagbibihis ko. Naririnig ko na rin kasi mula sa baba ang pagtawag ni Ar-Ar sa pangalan ko.

“Kalma, Randy. Kalma lang. Nabigla lang si Rigo. Think positive. Pinagnanasahan ka rin no’n. Sadyang nagmamadali lang kayo dahil baka mahuli kayo sa lakad n’yo.”

Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang aking sarili habang pababa ng malaking hagdan dito sa mansyon. Naabutan ko sila sa sala at nagkakatuwaan. Si Ar-Ar ay kalong ng kanyang Lolo Ed habang si Rigo naman ay nasa kanilang tabi. Naroon sila at masayang ipinapakita ni Ar-Ar ang paglalaro niya sa kanyang tablet.

“Aalis na kayo?” boses na bigla kong narinig mula sa likod ko.

Nang lingunin ko ito ay natagpuan ko si Tita Eve na malawak ang ngiting sinasalubong ako. May hawak itong isang bowl ng potato chips na mukhang ibibigay niya sa mga lalaking abala pa ring naglalaro.

“Tse!!!” inis kong reaksyon kay Tita Eve at inirapan ko pa ito.

Wala ako sa mood na makipagplastikan sa kanya ngayon. Kung nitong mga nakaraan ay paminsan-minsan ko pa siyang kinakausap kapag may walang kakwenta-kwenta akong tinatanong, ngayon ay wala akong balak gawin iyon. Parte kasi iyon ng pang-aasar ko sa kanya. Pero ang nakakatuwa, sinasagot din naman ako ng impakta. Pinaparamdam niya sa talaga sa aking tanggap na niya ako at mukhang handa talaga siyang magpaalipin sa akin. Pero napepeste talaga ako ngayon kaya ’wag muna niyang binabalandra ang pagmumukha niya!

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Tita Eve habang nasa likod ko pa ito. Kapag naging sunod-sunod ang pagbuntong-hininga niyang iyon, iisipin ko nang inaatake na siya sa puso.

“Ar-Ar, apo, nandito na si Ma mo. Itigil mo na muna ’yang paglalaro dahil aalis na kayo.” mahinahong pagtawag ni Tita Eve sa anak ko. Nagpatuloy na rin siya sa paglalakad patungo sa kanilang pwesto.

Doon lamang ako nilingon ng tatlong lalaki. Lahat sila ay nakangiti nang makita ang aking imahe.

“Tara na, Liam?” nakangiting pagyaya sa akin ni Rigo.

Nagcross arms ako.

“Chara na, Yiyam?” inulit ko ang tanong niya habang nag-aasar ang aking mukha at medyo nakalabas pa ang aking dila.

Wala na akong pakialam kung nagmukha man akong katawa-tawa sa ginawa ko. Basta ang alam ko lang, napupunyeta talaga ako!

Kumilos na sina Rigo at Ar-Ar. Tumayo silang natatawa dahil sa aking ginawa.

“Magpaalam ka na sa Lolo at Lola mo, son.” utos ni Rigo kay Ar-Ar.

“Ba-bye, Lolo! Ba-bye, Lola! Bibili po ako ng pasalubong sa inyo mamaya!” pagpapaalam ni Ar-Ar sa kanila at hinalikan pa ito sa kanilang pisngi.

Sinundan din iyon ni Rigo ng paghalik bago kami tuluyang umalis. At dahil mabait ako, iniripan ko silang lahat sa halip na humalik sa kanilang pisngi.

Sakay ng aming kotse ay tahimik kaming nagbiyahe. Abala pa rin kasi si Ar-Ar sa paglalaro ng kanyang tablet habang nakaupo ito sa backseat. Ako naman ay tahimik lang at nakasimangot habang nakaupo sa tabi ni Rigo.

“Liam, ayos ka lang ba?” biglang tanong sa akin ni Rigo matapos ang ilang minutong katahimikan habang binabaybay ang mall na aming pupuntahan. Hinawakan niya pa ang aking hita at alam kong labis na siyang nag-aalala.

Hindi agad ako sumagot. Nanatiling nasa labas ang aking paningin dahil kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Paulit-ulit kong isinasaksak sa aking kokote na maliit na bagay lang ang nangyari kanina kaya dapat ay hindi ko iyon gawing malaking issue.

Matapos iyon ay huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay ni Rigo na nakapatong sa hita ko.

“Yeah… ’Wag mo akong alalahanin, okay lang ako.” sagot ko nang mahinahon sa kanya. Kasunod nito ay nilingon ko siya at pinilit kong magbitiw ng ngiti sa kanya.

Mukhang nakumbinsi ko naman siya dahil mabilis na nawala ang suot niyang pag-aalala.

“Unahin muna natin ang mga kailangan ni Ar-Ar sa school bago natin siya ipamili ng mga damit. What do you think, Liam?” tanong na nito sa akin at ibinalik niya ang kanyang mga mata sa kalsada.

“Sige. Baka kasi mas matagalan tayo sa department store, e.” pagsang-ayon ko na lang sa kanya.

Narating namin ang mall at pagkalabas pa lang ng kotse ay tuwang-tuwa na ang aming anak.

“Daddy! Ma! Excited na ako!” masayang sambit ni Ar-Ar.

Natawa na lang kaming pareho ni Rigo sa reaksyon niyang iyon.

Sisimulan na sana naming maglakad para makapasok ng mall ay nagulat ako sa ginawa ni Rigo. Hinawakan niya ang isa kong kamay habang ang isa naman niyang kamay ay hawak si Ar-ar.

“Ngayong akin ka na, Liam, pwede na kitang hawakan kahit saan tayo magpunta. Kailangan ko rin kasing mag-ingat. Mahirap na, baka maagaw ka pa ng iba?” nakangiting pahayag ni Rigo habang mahigpit na hawak ang isang kamay ko.

Wala akong maisagot sa kanya kundi ang maharot na pagtawa. Hindi ko alam kung ano ba ang aking dapat sabihin dahil bago rin ito sa akin.

“Ayyiiee~ Kinikilig si Ma…” kantyaw sa akin ni Ar-Ar mula sa kabilang pwesto ni Rigo.

Pinadyak-padyak ko ang aking mga paa.

“Ano ba kasi?! ’Wag nga kayong ganyan…” Kunwari ay nagagalit ako, pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

Sinagot naman nila ako ng mga pagtawa bago kami nagpatuloy sa paglalakad na tatlo.

Sa mga sandaling ito ay wala nang mapaglagyan ang saya ko. Ito ang kauna-unahang beses na lumabas kami ni Rigo habang hawak namin ang kamay ng isa’t isa. Walang pakialam si Rigo kung pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong naming tao. Ang ilan nga ay napapataas pa ang isang kilay dahil nakikilala nila si Rigo. At dahil mabait naman ako, kumakapit pa akong lalo sa braso ni Rigo habang tinataasan din sila ng isang kilay ko.

Mga punyeta. Mga inggitera.

“Baby Rigz, halikan mo nga ako, bilis!” bulong kong utos kay Rigo. Naririto na kami ngayon sa bookstore at abalang-abala sa pamimili ng mga gagamitin ni Ar-Ar sa eskwela.

“Sandali, Liam, ano bang mas maganda rito sa dalawa?” tanong niya sa akin habang pinapakita ang magkaibang malalaking bag na may mga gulong.

“Bilhin na natin pareho para may pamalit si Ar-Ar ’pag madumi na ang isa,” sagot ko naman sa kanya. “Sige na, halikan mo na kasi ako!” bulong ko pa ulit na utos habang mahigpit ang kapit ko sa braso niya.

Huminga naman nang malalim si Rigo at saglit na inalis ang atensyon sa mga bag na hawak niya. Kasunod nito ay hinalikan niya ako sa aking sentido. Matapos iyon ay muli na rin niyang ibinalik ang kanyang sarili sa pagpili sa dalawang bag.

Napapangisi akong ibinaling ang aking paningin sa dalawang babae na naririnig kong gustong magpakuha ng picture kay Rigo. Mukhang tagahanga sila ng baby ko.

Nasaksihan ko kung paano nanglaki ang kanilang mga mata. Kasunod nito ay tila nanghina sila sa kanilang nakita. Ibinaba nila ang hawak nilang cellphone at napayuko na lang silang dalawa.

“Ma! Gusto ko nito! Kaso parehas silang maganda nito! Anong mas gusto mo sa dalawa?” biglang pagsulpot ni Ar-Ar at ipinapakita naman sa akin ang dalawang magkaibang pencil case.

Akala ko ay tapos na ang eksena ko sa dalawang babaeng gustong magpakuha kay Rigo ng picture, pero mukhang sineswerte ako dahil ang ganda ng timing ng anak ko.

Nginitian ko si Ar-Ar bago sinagot ang katanungan nito. Pero bago iyon, sinigurado kong maririnig pa rin ng dalawang babae ang pag-uusap naming tatlo.

“Pareho ngang maganda, ’nak! Mana ka talaga sa akin sa pagpili! Pero tanungin mo rin si Daddy kung ano sa tingin niya ang mas maganda.” sagot ko kay Ar-Ar at pagpaparinig ko na rin sa dalawang babae.

Sinunod naman ako ng masayahin kong anak.

“Daddy, anong mas maganda?” tanong niya kay Rigo na hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa rin kung alin sa dalawang bag ang kanyang pipiliin.

Ngumiti naman si Rigo sa kanya.

“Kunin na lang natin pareho, anak. ’Yan kasi ang sabi ng Ma mo kaya sundin na lang natin.” sagot na ni Rigo.

Agad akong nilingon ni Ar-Ar habang malawak ang kanyang pagkakangiti.

“Talaga, Ma?! Kahit dalawa?!” paniniguro nito sa akin.

Tumawa naman ako, pero ginawa ko lang iyon para asarin ang dalawang babae na hanggang ngayon ay pinapanood kaming tatlo.

“Oo naman! Basta para sa ANAK NAMIN NI RIGO, ibibigay namin kahit ano!” may diing pagpaparinig ko pa rin.

Nayakap tuloy ako ni Ar-Ar dahil doon.

“Salamat, Ma!” sambit na nito.

Kasunod nito ay tinawag ni Rigo ang isang clerk ng bookstore para magpakuha ng bagong stocks ng mga bag. Inutusan na rin niya ito na idiretso na lamang ito sa counter para hindi na kami mahirapang magbitbit. Ako naman ay inabala na lang ang aking sarili sa pagtataas ng isang kilay sa dalawang pugitang babae. Ang tatag kasi, hindi pa rin umaalis sa kanilang pwesto malapit sa amin.

“Let’s go, Liam? Doon naman tayo sa mga notebooks.” pagyaya na sa akin ni Rigo.

Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango. Nagpatuloy na rin kami sa pamimili ng iba pang gamit ng aming anak at iniwan ang dalawang babaeng nanigas na yata sa kanilang pwesto.

(Patalastas: Remaining chapters - Chapter 41, Chapter 42, Finale Part 1, Finale Part 2, Special Chapter 1, Special Chapter 2, Special Chapter 3…)

Natapos kami sa bookstore at saglit naming inihatid ang aming mga nabili sa aming kotse. Kasunod nito ay nagtungo naman kami sa department store para bilhan ng mga bagong damit si Ar-Ar na pangbahay at mga pang-alis.

“Choose whatever you want, son. Pipili rin kami ng Ma mo. Basta dito ka lang banda, ha? Baka mawala ka rito?” paalala ni Rigo kay Ar-Ar.

Magkahiwalay ng kaunti ang pwesto naming tatlo. Abala si Rigo sa pagtingin sa mga disenyo ng mga damit na pangbatang naririto. Ako naman ay abala sa pagtitig kay Rigo habang hawak ang mga damit na nakasabit malapit sa aking pwesto.

Hindi ko maiwasang magbalik sa aking isipan ang mga nakita ko kanina noong nasa bathroom siya. Kahit na may suot siya ngayong damit ay tila ba wala siyang saplot sa aking mga mata. Patuloy ko pa ring nakikita ang imahe niyang hawak ang malaking….

Jaime niya.

“Daddy, ito po. Saka po ito, pati na rin po ito.” biglang pagsulpot muli ni Ar-Ar habang ipinapakita kay Rigo ang mga hawak nitong damit.

Hinawakan naman iyon ni Rigo at sinuri.

“Isama na rin natin ang mga ’to. Sukatin mo sa fitting room para malaman natin kung kasya sa ’yo.” sagot naman ni Rigo habang pinapakita naman ang mga pantalon at shorts na pangbata kay Ar-Ar.

Kasunod nito ay nilingon niya ako.

“Liam? May napili ka ba para kay Ar-Ar?” tanong nito sa akin.

Doon lang ako bahagyang natauhan. Ngayon ko lang napansin na wala pa pala akong napipili dahil naging abala ako sa pagpapantasya kay Rigo.

“A-ahm… Ito! Saka ito! Pati na rin ’tong mga ’to!” natataranta kong pagsasalita at pinagkukuha ang mga damit na naaabot ng mga kamay ko.

“Tara na, ipasukat na natin sa kanya.” nakangiti na niya ngayong pagyaya.

Bitbit ang mga damit na nadampot ko ay sumunod na rin ako sa kanila. Pero habang patungo kami sa fitting room ay may isang ideya ang pumasok sa isip ko. Napangisi tuloy ako nang wala sa oras dahil mukhang magkakaroon na naman ako ng pagkakataon para maisagawa ang naudlot kong plano.

“Rigz, magsusukat din ako!” bigla kong mungkahi kay Rigo at nagdampot ulit ng isang damit na nadaanan namin.

“Sure ka, Liam? Isusukat mo ’yan?” nagtatakang tanong ni Rigo habang patuloy pa rin kami sa paglalakad na tatlo.

“Walang halong joke ’to!” tipid ko lang na sagot sa kanya sa seryoso ko ring tono.

“O-okay…” nauutal niya lang na sambit habang tumatango.

Nakarating kami sa fitting room at sabay na kaming pumasok ni Ar-Ar sa magkaibang cubicle. Si Rigo naman ay nasa labas lang at naghihintay sa aming dalawa. Mayroon din isang sales lady na naroon at naghihintay para mag-assist sa amin.

“Rigz?!” pagtawag ko sa kanya.

“Liam!” sagot niya naman sa akin mula sa labas.

Napapangiti na ako ngunit pinipigilan ko.

“Tulungan mo nga akong isuot ’tong damit, please?! Hindi ko maikabit ang butones!” pag-imbento ko ng kwento.

Ilang segundo ang aking hinintay para marinig ko ang sagot niya.

“Paano naman kasi, Liam, pangbata ’yang size na kinuha mo! Saka parang wala namang butones ’yan noong nakita ko, ah?!” sagot niya sa akin. Nasermonan pa ako, punyeta.

Tiningan ko ang hawak kong damit na bigla ko na lang kinuha kanina. At noong tuluyan kong masuri ito ay parang gusto ko nang gupitin ito nang pira-piraso. Puro cartoon characters ang nakaimprenta rito. Tama rin si Rigo, wala ngang butones ito.

Mahigpit kong nahawakan ang damit na iyon at nilingon ko ang pinto na animo’y nakikita ko si Rigo habang nanglilisik ang mga mata ko.

“Tutulungan mo ba ako rito o gusto mong magwala pa ako?!” pagbabanta ko na ngayon sa kanya. Tuluyan na akong nainis dahil parang ayaw niya pa akong pagbigyan.

Kailangan kong maisagawa ang plano ko! Hindi ko hahayaan na hindi maisakatuparan ito!

Segundo lang ang binilang ko, matapos iyon ay narinig ko na ang pagkatok ni Rigo sa pinto ng cubicle kung nasaan ako.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan at agad na hinatak siya sa loob. Mabilis ko siyang pinasandal sa malaking salamin na naririto at ni-lock ang pinto.

Gumuhit ang pagtataka kay Rigo nang tuluyan kaming magkaharap.

“L-liam… A-ano bang ginagawa mo?” naguguluhan niyang tanong.

Hindi ko siya sinagot, agad kong ipinalibot ang aking mga braso sa kanyang leeg at hinalikan siya sa labi nang mapusok.

Ramdam kong nabigla si Rigo at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ito. Pero makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko ang paghawak niya sa aking magkabilang bewang at tinugon na rin ang mga paghalik ko.

Napangisi na ako sa aking isip. Sinasabi ko na nga ba, magtatagumpay na ako sa pagkakataong ito dahil kilala ko na si Rigo. Gusto nito ay nag-e-explore kaming dalawa. Gusto niya ay may bagong experience kaming pagsasaluhan na hindi malilimutan.

Matapos ang ilang segundong paghalik ay naghanda na ako sa naisip kong plano. Mula sa kanyang leeg ay ibinaba ko ang isang kamay ko. Hinaplos ng aking kamay ang kanyang dibdib at dahan-dahang ibinaba ito patungo sa kanyang puson para ipasok naman sa loob ng suot niyang pantalon.

Pero….

“Liam, sandali!” biglang pag-awat ni Rigo sa kamay ko. Naging dahilan din iyon para maputol ang paghahalikan naming pareho.

Ngumiti ako sa kanya habang magkalapit pa rin ang aming mukha. Kasunod nito ay saglit kong kinagat ang aking ibabang labi habang namumungay ang aking mga mata.

“Gawin natin dito, Rigz… Saglit lang… Hindi mo ba nami-miss ang ginagawa nating ganito..?” mapang-akit kong tanong sa kanya.

Nanglaki ang mga mata niya at hindi siya nakapagsalita. Naramdaman ko rin ang mas mahigpit niyang pagkakahawak sa kamay kong nasa puson na niya.

“Ano, Rigz..? Saglit lang ’to… Makakaluhod naman ako rito…” pang-aakit ko pa rin sa kanya.

Hindi na siya nakagalaw, nanigas na rin ang katawan niya. Dahil doon ay kumilos na rin ako. Bahagya na akong lumayo sa kanyang pwesto at naghandang lumuhod sa harap nito.

Pero….

“Liam, sandali nga! Ano ba talagang nangyayari sa ’yo?!” tanong nito sa akin sa pabulong na paraan. “Saka hindi tayo pwedeng magtagal dito! Baka lumabas na si Ar-Ar at hanapin tayo! Magsukat ka na kung magsusukat ka. Hihintayin ka na lang namin sa labas.” dugtong pa nito sa nag-aalalang tono.

Hindi ako nakasagot sa kanya pabalik dahil mabilis na naman siyang kumilos para iwan ako sa loob ng fitting room.

“Ar-Ar? Hindi ka pa ba tapos diyan? Ako na lang ang magbibihis sa ’yo kung nahihirapan ka!” narinig ko nang pagtawag niya sa anak namin mula sa kabilang fitting room.

“Tapos na, Daddy! Lalabas na po!” sagot naman sa kanya ni Ar-Ar.

Kasunod nito ay naririnig ko na ang mga papuri nila sa isa’t isa. Na kesyo bagay daw kay Ar-Ar ang damit! Na kesyo mana naman daw si Ar-Ar sa kanyang Daddy dahil mahusay itong pumili ng damit!

Punyeta!!! Gigil na talaga ako!!! Strike two na!!

Lumabas ako ng fitting room na hindi man lang naisusukat ang kinuha kong damit. Hindi naman kasi kasya sa akin iyon dahil pangbata nga ang size nito.

“Sir, kukunin n’yo na rin po ba ’yan? Nagustuhan n’yo po ba?” nakangiting tanong sa akin ng sales lady na naabutan ko mula sa labas ng fitting room.

Dahil sa inis na inis na ako ay halos ibato ko na iyon sa kanya.

“Ayoko niyan! Ang pangit! Tanggalin n’yo na ’yan sa display area n’yo rito! Tanggalin n’yo na ang lahat ng damit dito! Mas maganda rin kung magsara na ’tong mall na ’to! Napupunyeta ako sa mga paninda n’yo!” walang kakwenta-kwenta kong komento.

Napakamot naman ng ulo ang sales lady dahil sa naging reaksyon ko.

“Magsuyod ka! Kinukuto ka na?!” masungit ko pa ring buska sa sales lady.

Damay-damay na talaga ito! Hindi ko maaway si Rigo kaya siya na lang ang aawayin ko!

Nagulat ako nang bigla kong maramdaman ang paghawak ni Rigo sa kamay ko.

“Miss, pasensya na. Sige, kukunin na namin ’tong lahat.” magalang na pagkausap ni Rigo sa sales lady at ibinigay na ang mga damit na bitbit nilang dalawa ni Ar-Ar kanina.

Naniningkit ang mga mata kong tiningnan si Rigo.

“’Wag mo akong hawakan!” madiin kong utos sa kanya at binawi ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak sa marahas na paraan.

Huminga siya nang malalim dahil sa aking inasal. Nang makita ko si Ar-Ar ay agad ko itong hinawakan sa kamay.

“Tara na, ’nak! Iwan na natin ’yang Daddy mo!” utos ko sa aming anak at agad na itong hinatak para maglakad.

“Hala? Beast mode ka, Ma?” tanong na nagtataka ni Ar-Ar habang nagpapadala sa aking paghila.

“’Wag ka nang magtanong kung ayaw mong sa ’yo ako mabeast mode! Gigil ako, ha?! Gigil ako!” pagbabanta ko na lang sa kanya.

Agad naman siyang nanahimik at napakamot na lang ng kanyang ulo.

Punyetang sales lady ’yon! Hinawaan pa yata ng kuto ang anak ko?!

Natapos naman kami sa aming pamimili sa department store. Sa dami ng nabili namin para kay Ar-Ar ay tatlo na kaming may mga bitbit na paper bags. Masyadong galante si Rigo kay Ar-Ar kaya kahit ang mga hindi naman itinuturo ni Ar-Ar ay binibili niya sa mga tindahan pang aming nadaanan.

May mga nakasalubong pa kaming ilang tao na nakakakilala kay Rigo dito sa mall. Pero dahil beast mode ako, ang ilan na nakikiusap sa kanya na magpakuha ng picture kasama siya ay idinadaan na lang niya sa pagngiti at paghingi ng sorry. Nagpapalusot na lang din siyang nagmamadali at marami siyang bitbit. Pinapatay ko kasi siya ng tingin pati na rin ang mga gustong magpakuha ng picture sa kanya.

Matapos ang mahabang pamimili ay nagdesisyon naman kaming kumain muna bago umuwi pabalik ng mansyon.

“Ma, gusto mo bang tumabi kay Daddy? Okay lang naman ako. Hindi mo na ako kailangan subuan dahil malaki na ako.” mungkahi ni Ar-Ar habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain dito sa restaurant.

Siguro ay napansin niyang simula pa kanina ay hindi na kami nagpapansinan ng Daddy niya. At kahit noong makapasok kami rito sa restaurant ay sa kanya na rin ako agad na tumabi. Nasa tapat naman namin si Rigo at patuloy na inoobserbahan kaming dalawa. Inasikaso ko na rin si Ar-Ar sa pamamagitan ng pagsubo sa mga kinakain nito.

“Magtigil ka. Tapos ano? Magkakamay ka?! Hindi uso ’yan sa fine dining restaurant, ’nak, ha? Matuto kang gumamit ng kubyertos!” pagkontra ko naman kay Ar-Ar.

Natatawa naman siyang sinagot ako.

“Medyo marunong na kaya ako, Ma! Tinuturuan ako lagi nila Lolo at Lola pati na rin ni Uncle Dom! Gusto mo manood ka pa, e!” pagyayabang naman nito sa akin. “Kaya sige na, Ma. Tabihan mo na si Daddy kasi nalulungkot na siya kanina pa.” dugtong pa nitong pakiusap.

Natahimik naman ako dahil doon. Bahagya rin akong nakonsensiya dahil sa inaasal ko simula pa kanina. Napag-isip-isip kong hindi ko dapat sinisira ang date naming tatlo. Minsan lang ito mangyayari lalo na kung magiging abala na si Ar-Ar sa eskwela at kaming dalawa naman ni Rigo ay babalik na sa trabaho.

Dahan-dahan kong nilingon si Rigo sa aming tapat. Pero sa halip na pagkadismaya ang makita ko sa kanya ay nakangiti pa ito sa akin nang magtagpo ang aming mga mata.

“Dito ka na, Liam. Nami-miss na kita. Ilang oras ko nang hindi nahahawakan ang kamay mo dahil ang dami nating bitbit.” nakangiti niyang pagyaya sa akin habang tinatapik ang upuan na nasa kanyang tabi.

Hindi ako kinilig.

Hindi ako nadadala ng mga paglalambing niya.

Promise!

Pero natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakangiti at mabilis na lumipat sa kanyang tabi.

Natatawa naman si Rigo na inakbayan ako sa bewang.

“Ayyiiee~ Nagpapabebe ka na naman, Ma! Nagpapalandi ka kay Daddy~” kantyaw ni Ar-Ar sa akin.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

“Kumain ka na lang diyan! Ang dami mong alam! Ubusin mo ’yan, ha?!” paninita at paalala ko na lang sa kanya.

Nagpatuloy na kami sa masaya naming pagkain. Nakakatuwa dahil ilang beses ding nagtanong si Ar-Ar kay Rigo kung pwede rin ba raw akong kumain ng mga pagkaing nasa aming mesa. Inaalala niya kung makakasama ba iyon sa aking kalusugan. At ’pag sinabi ni Rigo na pwede, susubuan naman ako ng aming anak.

Pero kung inaakala ni Rigo na sumuko na ako sa pang-aakit ko sa kanya, nagkakamali siya. Dahil habang nasa kalagitnaan kami ng masayang pagkain, ginagapang naman ng aking isang kamay ang hita niya sa ilalim ng mesa. Mula sa kanyang hita ay aakyat ito patungo sa gitnang bahagi nito para kapain ang nagtatagong yaman nito.

Pero….

…bago ko pa iyon mahawakan ay agad ding pipigilan ni Rigo ang kamay ko.

“’Wag sa harap ng anak natin, Liam.” bulong niyang hindi nakatingin sa akin. Ilang beses niya rin iyong ipinakiusap sa akin.

Wala na naman akong nagawa, nakaka-strike three na ako sa mga pagtanggi niya. Konti na lang talaga ang natitira kong pasensya. Malapit na.

Malapit na talaga akong magwala!

Matapos ang aming pagkain ay nagdesisyon na rin kaming umuwi. Pero bago iyon ay dumaan muna kami sa isang bake shop para bumili ng cake bilang pasalubong bi Ar-Ar sa kanyang mga Lolo at Lola ganoon din kay Dom. Sinubukan ko pa ngang magbiro na rat killer na lang ang ibigay niya sa kanyang Lola pero sinimangutan lang nila akong dalawa.

E, ’di sige! Panalo na sila!

Nagdesisyon din kami na tuwing sasapit ang Sabado o Linggo ay sama-sama kaming tatlo na lalabas para makapagbonding pa rin kami. Masaya naman kahit may mga kagagahan akong ginawa. Hindi ko kasi mapigilan lalo na at paulit-ulit kong naaalala ang nasaksihan ko kay Rigo sa banyo kanina.

Ngayon ay naririto na kami sa kwarto ni Rigo at naghahanda na ring magpahinga. Si Ar-Ar naman ay naroon sa kwarto ni Dom dahil magkasama silang matutulog. Nagkaroon pa kami ng pagtatalo ni Dom kanina dahil alam kong magiging abala lang sila sa paglalaro. Magpupuyat na naman silang dalawa kaya tinatanghali rin sila minsan ng gising.

Nakahiga ako sa isang braso ni Rigo at nakayakap naman ako sa katawan niya. Abala siya sa paglalaro ng aking buhok gamit ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay may hawak na libro na kanyang binabasa.

Hanggang ngayon ay hindi ko magawang kalimutan ang nasaksihan ko sa kanya kanina. Paulit-ulit ko pa ring naririnig sa aking isip ang mga pagtawag niya sa aking pangalan noong pinapaligaya niya ang kanyang sarili.

Ngayon ay nabuhayan na talaga ako. Positibo na ang aking isip na magaganap na ang kanina ko pang gustong mangyari sa aming dalawa. Wala nang makakaistorbo at wala na siyang magiging dahilan para tanggihan ako.

Sigurado na ako, matutuloy na talaga ang binabalak ko. Magkakaroon na ng katuparang makuha niya ang virginity ko. Virgin talaga ako ngayon dahil sa mahabang buwang hindi namin nagawa ito.

“Rigz…” malambing kong pagtawag sa kanya.

“Hhmmm..?” tanong niya rin pabalik habang patuloy na nagbabasa.

Naikagat ko ang ibabang labi ko.

“Hindi ka ba naiinitan..?” tanong kong mapang-akit sa kanya.

“Hindi naman, Liam,” una niyang sagot habang nasa libro pa rin ang kanyang atensyon. Matapos iyon ay ibinaba niya ang kanyang binabasa at tiningnan ako. “Naiinitan ka ba? Gusto mo bang dagdagan ko ang lamig ng aircon?” sunod niyang mungkahi.

Gusto ko siyang sabunutan. Pero dahil mahal ko siya ay pinalampas ko na lang ang mabagal na pagproseso ng utak niya.

Habang nakatingin ako sa kanyang mga mata ay muli kong kinagat ang aking labi.

“’Wag na… Nilalamig nga ako, e… Kaya nga gusto ko sanang magpainit…” paglalandi ko pa rin sa kanya.

Hindi siya nakapagsalita, pero mukhang nakuha na niya ang ibig kong sabihin dahil napalunok siya. Nasaksihan ko rin na napatingin siya sa aking dibdib na kahit walang cleavage ay kinababaliwan niya. Maputi kasi ito at makinis. Sinadya ko rin kaninang magsuot ng maluwag na sando bilang pangtulog para maakit ko siya.

Inangat ko ang aking kamay at iginapang iyon sa kanyang puson. Kasunod nito ay kinapa ko ang garter ng boxer short na suot niya.

“Sige na, Rigz… Magpainit tayo…” pagyaya ko pang malambing.

Nag-iinit na talaga ako. Napakatagal na simula noong huli kong maramdaman ang kabuuan ni Rigo. At aaminin ko, gusto kong matulog kami ngayong gabi na walang saplot na pareho.

Akmang ipapasok ko na ang aking kamay sa boxer short ni Rigo ay hinawakan na naman niya ito, pinigilan na naman niya ito sa tangkang pagpasok sa loob nito.

“Liam, s-sandali!” pagpigil niya sa aking nag-aalala.

Eto na, ramdam ko na, mukhang makakatanggap na naman ako ng panibagong strike. Mukhang tatanggi na naman siya.

Pero hindi.

Hindi ako susuko!

Nagmatigas ako at pilit ko pa ring ipinapasok ang aking kamay sa suot niyang boxer short.

“Sige na kasi!” pagpupumilit ko pa rin at mas idiniin ko pa ang kamay kong makapasok.

“Liam, sandali nga!” siya rin na patuloy na nagmamatigas.

Dito na ako tuluyang sumabog. Ang pasensyang natitira sa aking katawan ay tuluyan nang naubos.

Agad akong bumitaw sa kanya at umahon mula sa pagkakahiga para makaupo sa kama.

“Punyeta naman, Rigo!! Ano bang problema mo?! Bakit ba parang ayaw mong may mangyari sa atin?! Kanina mo pa ako tinatanghihan!! Nagmumukha na akong tanga at desperada!!” sigaw ko na sa kanyang panunumbat.

Nagulat siya sa aking biglang pagbubunganga kaya mabilis din siyang umahon mula sa pagkakahiga. Umupo rin siya sa kama at pilit na inaabot ang dalawa kong kamay habang nag-aalala ang kanyang ipinapakita.

“Bitiwan mo ako!! Naiinis na talaga ako sa ’yo!!” nagagalit ko nang buska sa kanya at inagaw ko ang aking mga kamay mula sa pagkakahawak niya.

“Liam, kalma lang naman… Baka marinig ka ng anak natin?! Iisipin niya pang nag-aaway tayo!” pakiusap niya sa akin na halos pabulong.

“Kumalma?! Aba, punyeta! Paano ako kakalma, Rigz?! Alam ko naman na gusto mo nang may mangyari sa atin pero tinatanggihan mo ako!! Hindi ka magsasariling sikap kanina kung ayaw mo ’yon maganap!! Pero anong pumipigil sa ’yo kahit ako na itong parang palay na kusang lumalapit sa itlog mo?!” mabilis kong pagsasalita at pagbubunganga sa kanya. “I mean, sa manok mo!!” pagbawi ko sa huli kong sinabi. Sa sobrang inis ko kasi ay hindi na naging matuwid ang aking pag-iisip.

Nanglaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

“N-n-nakita mo ako, Liam?!!” natataramta niyang tanong at hindi na rin napigilan ang itaas ang kanyang boses dahil sa pagkabigla.

“Ay, hindi, Rigz!! Hindi ko nakita!! Hindi ko rin narinig na paulit-ulit mong tinatawag ang pangalan ko habang ginagawa mo ’yon!! Wala talaga akong nakita!!” pamimilosopo ko sa kanya.

Nasa ganoon kaming pagtatalo nang marinig namin ang mahihinang pagkatok sa pintuan ng aming kwarto.

“Rigo, Randy, nag-aaway ba kayo? Pag-usapan n’yo ’yan nang maayos at baka marinig kayo ni Ar-Ar?” boses ni Tita Eve na nag-aalala.

Tingnan mo ’tong babaeng ’to! Umeksena na naman! Gustong-gusto yata talagang makatikim sa akin!

“Manahimik ka diyan at ’wag kang makisali rito, Tita! Bumalik ka na sa kwarto ninyo ni Tito kung ayaw mong sa ’yo ko ibaling ang inis ko!” hindi ko napigilang pagbantaan na naman siya.

Matapos iyon ay hindi na ako nakarinig pa ng pagsagot pabalik mula sa kanya. Mukhang nasindak ko na naman siya.

Ilang segundo rin kaming nakiramdam ni Rigo kung nasa labas pa ba si Tita Eve. Makalipas ang ilang segundong iyon ay narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Rigo sa tabi ko. Kasunod naman nito ay marahan niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.

“Sorry na, Liam…” malambing niyang sambit at hinalikan ang kamay ko.

“Hindi ko kailangan ng sorry mo! Ang tanong ko ang sagutin mo! Bakit ayaw mong may mangyari sa atin?! Anong pumipigil sa ’yo?!” tanong ko pa ring halos pasigaw.

Hindi agad siya makasagot. Tila ba nagdadalawang-isip siya kung paano ako makukumbinsi.

“Sasabihin mo o magigising ang lahat ng tao rito pati na rin ang mga kasambahay ’pag nagwala ako?!” pagbabanta ko na sa kanya.

“Oo na! Sasabihin ko na!” mabilis naman niyang sagot sa akin.

Sasagot din naman pala! Kailangan pang pagbantaan!

Ilang segundo ang kanyang pinalipas bilang paghahanda. Kasunod nito ay napapikit siyang saglit para magsalita.

“Natatakot kasi akong galawin ka.” diretso niyang sagot sa akin.

Mabilis na gumuhit ang ang pagtataka sa aking mukha dahil sa narinig kong kasagutan niya.

“Natatakot?! Punyeta naman, Rigz! Ano ako?! Virgin?! Hindi naman, ’di ba?! Ilang beses nang may nangyari sa atin! Nabibilang mo pa ba?! Hindi na, ’di ba?! Bakit ka matatakot?!” sunod-sunod kong tanong.

Nakatitig lang siya sa aking mukha at tila sinusuri ako kung ano ba ang aking magiging reaksyon oras na sagutin niya ako.

“Liam, hindi ko kasi maiwasang isipin na baka bumalik ka sa dati sakaling galawin kita… Kaya nga nagsasariling sikap na lang ako… Alam mo namang medyo wild ako ’pag ginagawa natin ’yon, ’di ba..? Pakiramdam ko kasi mai-stress ka…” nahihiyang paliwanag niya.

Halos mapanganga ako sa naging kasagutan niya. Hindi ako makapaniwala sa dahilan niya.

“Rigz, naman! Anong klaseng rason ’yan?! Iniisip mo bang mababaliw ako sakaling may mangyari sa atin?! Oo, mababaliw talaga ako!! Pero alam mong sa sarap lang ’yon, ’di ba?!” pagdadahilan ko rin pabalik sa kanya.

“Nag-aalala lang ako… Intindihin mo naman, Liam… Kagagaling mo lang sa sakit kaya hindi ko maiwasang mapraning…” pagkumbinsi niya pa rin.

Natahimik ako matapos iyon. Nakikita ko ang pinaghalong panghihinayang at pag-aalala ni Rigo para sa akin.

Siguro nga ay labis siyang nag-aalala. Hindi ko rin naman siya masisisi lalo na at hindi biro ang pinagdaanan naming dalawa. Kung nagkaroon ako ng trauma, malamang ay siya rin. Iniisip niya marahil na baka masaktan ako at makaramdam ng hindi maganda.

Ngayon ay tahimik na lang kaming pareho. Nakayuko siya dahil sa hiya habang ako naman ay nakatitig sa kanya. Pilit ko ring kinukumbinsi ang aking sarili na dapat ay magpasalamat na lang ako dahil pangalan ko ang kanyang tinatawag sa tuwing nagsasarili siya kesa ang ibang tao. Ako pa rin ang pinakanakakaakit sa mga mata niya.

“Ayaw mo talagang subukan, Rigz?”

Ewan ko kung bakit iyon na naman ang naitanong ko makalipas ang mahabang minutong aming pananahimik.

“Liam…” iyan lang ang nasabi niya at inangat ang kanyang paningin para magtagpo ang aming mga mata. Dama ko rin ang pakikiusap niya sa kanyang tono. Mukhang hindi niya pa talaga kayang galawin ako.

Huminga na lamang ako nang malalim.

“So, kelan mo ako gagalawin?” tanong ko na naman sa kanya. Ang kulit ko rin talaga, ang kati ko pa.

“Siguro, ’pag nakita kong maayos ka na talaga?” hindi niya siguradong sagot.

“So, kelan pa ’yon? Alam mong tinatopak ako madalas, ’di ba? Hindi na ako titino, Rigz, alam mo ’yan. Hindi na ako magiging mabait. Ibig bang sabihin niyan, hindi na tayo magniniig? Ano ’to? Magtititigan na lang tayo hanggang pagtanda natin?” mahaba kong litanya habang nakataas ang isang kilay ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong nakakatuwa sa sinabi ko, pero nasaksihan ko ang biglang pag-aliwalas ng mukha ni Rigo. Naging malawak ang ngiti nito at mabilis din na niyakap ako.

“Ang sweet naman ng prinsesa ko. Gusto niyang tumanda na kasama ako.” malambing niyang sambit habang yakap ang katawan ko.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa reaksyon niyang iyon. Ngayon ko lang din napag-isip-isip ang aking binitiwang salita. Kaya naman pala siya kinilig.

Napapikit na lang ako kasabay ng malalim na buntong-hininga. Kasunod nito ay niyakap ko rin siya habang pareho pa rin kaming nakaupo sa ibabaw ng aming kama.

Sige na, suko na ako. Palalampasin ko ito. Wala naman akong dapat ikabahala dahil alam kong mahal na mahal ako ni Rigo. Siguro ay hihintayin ko na lang na maging handa siya. Makukuntento na lang ako na kasama siya at tanging pagmamahal lang ang magbubuklod sa aming dalawa.

Ilang minuto pa kaming magkayakap ni Rigo hanggang sa dahan-dahan kaming magbitiw na dalawa. Ngayon ay suot na namin ang aming mga ngiti habang magkatinginan sa mata. Kalmado na rin ako at tuluyan na ring nawala ang inis sa dibdib ko. Basta talaga si Rigo ang nasa tabi ko, mabilis na nawawala ang stress ko.

“Matulog na tayo, Liam. Bawal sa ’yo ang magpuyat.” pagyaya niya at hinaplos nang marahan ang aking pisngi.

Tumugon na lamang ako nang paulit-ulit na pagtango habang nakangiti sa kanya.

Matapos iyon ay inilapit niya ang kanyang sarili sa akin at hinalikan ako sa noo, kasunod naman ay sa magkabilang pisngi ko, at ang pinakahuli naman ay ginawaran niya ako ng matamis na halik sa aking labi.

Wala nang nagsalita pa sa amin matapos iyon. Iginaya na rin niya akong mahiga muli sa kanyang braso na tinugunan ko rin ng pagyakap sa kanyang katawan.

Umalingawngaw ang katahimikan sa paligid at naghihintay na lang kaming makatulog na dalawa. Pero dahil sa makulit talaga ang lahi ko, nagsimula na naman ako sa kapilyuhan at kalandian ko.

Nakita kong nakapikit na si Rigo at mukhang inaantok na talaga ito. Napagod din siguro siya sa buong araw naming pamimili lalo na at siya ang may pinakamaraming bitbit kanina habang nasa mall kami.

Sinamantala ko ang pagkakataon na makapa muli si Jaime na nasa loob ng kanyang boxer short. Mula sa pagkakayakap ko sa kanyang bewang ay iginapang ko na naman ang aking kamay sa puson niya. Pero bigla na naman niyang hinawakan ang kamay kong iyon para pigilan ang tangka kong panggagahasa sa kanya.

“Liam, are you still trying to seduce me?” tanong niyang medyo inaantok habang pikit pa rin ang kanyang mga mata.

Ngumiti ako.

“Effective na ba?” tanong ko pabalik sa kanya.

“Matulog ka na.” sagot niya sa aking mabilis.

Nawala ang ngiti kong bigla.

“Punyeta!” naiinis ko nang sambit at tinalikuran siya.

Naramdaman ko naman ang marahan niyang pagyakap sa aking bewang. At dahil naiinis ako, padabog kong inalis ang kamay niyang iyon.

Inulit niyang yakapin muli ako pero tinanggal ko na naman iyon. Naiinis kasi talaga ako! Akala ko ay masusunod na ako sa pagkakataong ito pero mukhang mas matibay si Rigo!

Ilang beses niyang inilagay ang kanyang kamay sa aking bewang para yakapin ako at ilang beses ko ring tinanggal iyon. Pero sa huling beses na tinanggal ko nang padabog ang kanyang yakap ay narinig ko na ang malalim niyang pagbuntong-hininga, hindi na rin niya ibinalik pang muli ang kanyang braso para yakapin ang bewang ko.

Nakaramdam ako ng pagkabahala. Mukhang sinukuan na ni Rigo ang paulit-ulit na panunuyo sa akin.

Dahil doon ay umaksyon ako, kaya kahit nakatalikod ako sa kanya ay pinilit kong abutin ang kamay niyang ipinangyayakap sa akin kanina. Kasunod nito ay padabog ko rin itong ibinalik sa pagkakayakap sa aking bewang.

Matapos iyon ay narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa habang nakasiksik sa aking batok ang mukha niya.

“Good night, my princess… I love you.” malambing niyang bulong sa akin.

“I love you too!!” nagdadabog ko namang sagot sa kanya pabalik. Mabilis din akong kumilos at muling humarap sa kanyang pwesto hanggang sa isiksik ko ang aking mukha sa matipuno niyang dibdib.

Natatawa pa rin siyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Siyempre naman, kahit naiinis ako ay hindi pwedeng matapos ang araw na ito na hindi ko masasabing mahal ko si Rigo. Mahal na mahal ko ang lalaking ito kahit pa wala kaming gagawing milagro.

Hinalikan niya ako sa ulo.

“Mahal na mahal kita, Liam, kahit bipolar ka.” natatawa niya pa ring bulong.

“Magpasalamat ka na lang dahil hindi nagbabago ang feelings ko sa ’yo kahit bipolar ako!” buska ko dahil sa pag-aakusa niyang iyon. Kasunod nito ay napangiti ako, “Mahal na mahal din kita, baby Rigz ko…” malambing ko nang dugtong na ikinatawa niya pang lalo. Napakilig ko na naman kasi siya.

Siguro nga ay bipolar ako. Pero si Rigo lang ang kaya akong mapaamo.

“I love you, baby Rigz…”

“I love you too, Liam… “


A/N

Kamusta ang chapter na ito? Sana ay kinilig kayo sa kalandian ni Randy Liam. ❤

’Til next chapter po! Konti na lang din ang natitira! Votes and comments na rin po kung keri!

Shout out din sa nakasama ko sa fan meet ni Park Hyung Sik! Hello

alkie02

!! Salamat sa pa-shakey’s mo, bhe! 😘😘 Nag-enjoy tayong dalawa sa kakatili! Nakahanap ka pa ng ibang kachikahan sa katabi nating mga nakatayo! 😂

Salamuch po sa mga patuloy na nagbabasa nitong kwento! Mahal na mahal ko kayo!

–– cold_deee ❤

chapter 41

A/N

Hello! Sorry sa 1 week na paghihintay!

Para po kay

toothless99

ang chapter na ito. Alam ko ang hirap mo para lang mabasa ang bawat update nito. 😂 Salamat sa patuloy na suporta!

Pasilip ko na rin sa inyo, guys, ang mga stories na gagawin ko after nitong NSA. Sana ay makita ko pa rin, este, mabasa ko pa rin kayo sa mga ito:

![](https://img.wattpad.com/188517fa4c2734844e73e0e8e79c05f0961ec684/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f626353515361614555574f386a413d3d2d3437393538303639302e313466383935373862643664663663613837343735303037343333392e6a7067)

So ayun, mamimiss ko rin ang kwentong ito pati na rin kayong mga naging parte na rin nito. I love you, guys!

Start na tayo! Quit na muna sa drama!

––> si Rigo po sa media.

![](https://img.wattpad.com/a5ee7ab5c27a7939e7e926006a58aee9883a3be0/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6137755f743062644d6d7a7769773d3d2d3437393538303639302e313466383935383138643334323063393336313538393235353039352e6a7067)

RANDY’s POV

Dahan-dahan akong bumaba sa malaking hagdanan ng mansyon. Damang-dama ko rin ang bawat paghakbang ko na animo’y isang dalagang debuntante ako.

Ilang mga paghakbang pa ay nasilayan ko na ang pinakagwapong escort na naghihintay sa baba nitong hagdanan. Suot ang itim na suit ay lalo pang lumutang ang kanyang kagwapuhan dahil suot niya rin ang pinakamagandang ngiting aking nasilayan.

Suot din ang aking itim na suit tulad sa kanya ay para na kaming ikakasal na dalawa. Pormal na pormal ang aming kasuotan dahil sa espesyal na magaganap mamaya.

“Ang ganda naman ng prinsesa ko.” papuri niya sa akin habang nakalahad ang isang kamay nito.

Inabot ko ang kamay niyang iyon hanggang sa tuluyan na akong makababa ng hagdan.

“Ang gwapo naman ng prinsipe ko.” balik ko ring papuri sa kanya habang malawak ang pagkakangiti ko.

Kinilig yata ang baby ko dahil nagbitiw ng mahinang pagtawa ito. Kasunod nito ay inilagay naman niya ang aking isang kamay palibot sa kanyang braso para maalalayan ako.

“Ready ka na ba, Liam?” nakangiti niyang tanong sa akin.

Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat at niyakap ko pang lalo ang kanyang braso. Tinodo ko na ang kalandian ko.

“Excited na ako, baby Rigz. Saan ba ang first date natin?” tanong kong malambing sa kanya.

Kinurot naman niya ang aking ilong nang marahan bago ako sinagot.

“Nagpareserve ako sa isang fine dining restaurant, Liam. At dahil espesyal ang araw na ito para sa atin, pinareserve ko ang buong restaurant na ’yon para lang sa ating dalawa.” malambing niyang sagot sa akin.

Parang may sumabog na confetti sa paligid nang marinig ko iyon mula sa kanya. Gusto kong sumigaw sa tuwa ngunit hindi ako nagpahalata.

“Hindi mo naman kailangang gawin ’yon, Rigz. Kahit simple lang naman, okay na ako. Ang importante maging maganda ang gabi natin dahil ito ang first date natin ngayong official na tayo.” kunwari ay pagpapakipot ko.

Gumuhit ang pagkamangha sa kanya.

“Talaga, Liam?! Kahit saan?! So, papayag kang magdinner tayo kahit sa karinderya lang?!” namamangha niyang tanong.

Biglang nagdikit ang ngipin ko ngunit hindi ko inalis ang ngiti ko. Ayaw kong magpaapekto sa pang-aasar ngayon ni Rigo. Masyadong maganda ang mood ko para lang sirain ng pang-aasar nito.

“’Wag mo akong simulan ng pamemeste, Rigo. Masyado akong masaya kaya itigil mo na ’yan ngayon pa lang.” peke ang ngiti kong pagbabanta sa kanya.

Dahil sa ginawa kong iyon ay lumakas ang tawa niya. Kasunod nito ay hinawakan niya ako sa pisngi at hinalikan ako na may halong panggigigil sa labi.

“Ang cute mo ’pag nagagalit, Liam!” natatawa niyang sambit.

Parehong-pareho talaga sila ng anak namin, tuwang-tuwa na inaasar ako. Pero dahil sa espesyal ang gabing ito sa amin ni Rigo, hindi muna ako papatol sa pang-aasar nito.

“Let’s go na, Liam. Nakaset up na siguro ang restaurant na pinareserve ko.” nakangiti na niya ngayong pagyaya sa akin.

Sinagot ko lamang siya ng pagtango habang nakangiti pa rin.

Walang mapaglagyan ang saya ko ngayong araw na ito. Binigyan niya ako ng napakagandang sorpresa nang magising ako kaninang umaga. Nabungaran ko kasi ang couple suit na suot naming ito na nakalapag sa aming kama. Nasundan pa iyon noong pumasok siya sa kwarto at binigyan niya pa ako ng boquet of flowers kasama na rin ang almusal ko. Doon na rin niya ako pormal na inimbitahan para sa unang date naming dalawa bilang opisyal na magkarelasyon ngayong gabi na ito.

Sa sobrang saya ko ngayong araw ay naging mabait ako sa mga naririto sa mansyon. Halos hindi nga makapaniwala ang mga tao rito o kahit ang anak naming si Ar-Ar dahil lahat sila ay kinakamusta at kinakausap ko. Kahit si Tita Eve na pinapainit ang dugo ko ay nagawa ko pang kwentuhan nang matino.

Hindi ko rin pinansin ang mga katanungan nila lalo na si Dom kung may sanib o sapi raw ako. Ano raw ba ang nakain ko at napakabait ko ngayong araw na ito? Sinasagot ko na lamang sila ng wagas na ngiti dahil ayaw ko talagang sirain ang araw ko.

Kami lang ni Rigo ang naririto ngayon sa mansyon kasama ang mga kasambahay ng Silvestre. Umalis sina Tito Ed at Tita Eve kanina kasama ang aming anak na si Ar-Ar dahil gusto raw nila itong ipasyal sa Manila Ocean Park. Si Dom naman ay maaga ring umalis dahil may party raw itonf dadaluhan.

At ngayong gabi nga, magaganap na ang kanina ko pang hinihintay. Oras na para kami naman ni Rigo ang lumabas na walang istorbo at walang makakasingit na kahit sino. Magiging masaya ang buong araw ko dahil mangyayari na ang unang date namin ni Rigo.

Nakarating kami sa pintuan ng mansyon at nginitian ko na rin ang aming driver na maghahatid sa amin ni Rigo. Ito rin ang isa sa magandang magaganap. Magkakaroon kami ng mas mahabang landian, este, lambingan ni Rigo dahil hindi siya magiging abala sa pagmamaneho.

Ilang mga paghakbang na lang para tuluyan kaming makalabas sa pintuan ng mansyon nang kami ay matigilan. Nagring ang cellphone ni Rigo na nasa kanyang bulsa at agad din niyang kinuha ito.

“Wait lang, Liam, ha?” pagpapaalam nito para sagutin ang tawag na iyon.

“Sige, Rigz.” malambing ko pa ring sagot habang nakangiti. Napakabait ko talaga ngayon.

“Hello, brad?” sagot nito sa kanyang telepono.

Sumingit ako sa pakikipag-usap ni Rigo sa kabilang linya.

“Sino ’yan?” tanong kong nakangiti kay Rigo. Hindi ko kasi alam kung sino sa aming mga kaibigan ang kausap niya.

“Si Xander.” halos pabulong niya namang sagot sa akin.

“Aahhh…” naging reaksyon ko lang habang tumatango.

Bahagya man akong nakaramdam ng inis dahil sa pang-iistorbo ni Xander sa aming lakad ay isinawalang-bahala ko na lamang iyon. Kagaya nga ng sabi ko, ayaw kong masira ang gabing ito. Isa pa, saglit lang naman silang mag-uusap at baka importante ito.

“Bakit ka napatawag?” tanong ni Rigo kay Xander.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, kaya naman nanatili na lang akong nakatitig kay Rigo habang nasa tenga nito ang kanyang telepono.

Nasaksihan ko ang mabilis na pagkawala ng ngiti ni Rigo. Nangunot din ang noo nito sa hindi ko malamang dahilan.

“Ha? Ngayon na ba ’yon? E, may importanteng lakad kami ngayon ni Randy, e. Baka pwedeng hindi muna kami magpunta?” paliwanag ni Rigo.

Natuwa naman ako sa pagtangging iyon ni Rigo. Talagang mas priority niya ako kesa sa ibang tao.

“What?!!” biglang sambit ni Rigo. Tila hindi siya makapaniwala.

Nagsimula na rin akong magtaka sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ay may mali na ngayong nangyayari habang magkausap sina Xander at Rigo. Pero dahil nga masaya ang araw ko, hindi muna ako magpapaapekto kung negatibo man ang pinag-uusapan nila ng best friend ko.

Matagal na nakadikit lang ang tenga ni Rigo sa telepono, tila ba pinapakinggan niya ang mahabang sinasabi ni Xander sa kabilang linya nito.

“Sige, sige. Susubukan ko.” malungkot na ngayong sagot ni Rigo. Kasunod nito ay ibinaba na rin niya ang telepono.

Matapos iyon ay malungkot ang mga mata ni Rigo na tiningnan ako.

“Bakit daw siya napatawag?” tanong kong nakangiti kay Rigo.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas bago ako sinagot.

“Liam, pinapatawag tayo ni Tita Mavel. Welcome party niya raw ngayon at gusto niya tayong makita lalo ka na. Gusto ka raw niyang kamustahin.” malungkot na pagbabalita sa akin ni Rigo.

Si Tita Mavel pala, ang mommy ng magkapatid na Xander at Daniel. May pawelcome party pala si Mayora dahil matagal din siyang nawala. Madalas kasi ay kasama niya ang kanyang asawa na si Tito Ian para mag-asikaso ng kanilang mga negosyo sa ibang bansa. Siguro ay umuwi rin siya rito sa Pilipinas para makita nang personal ang bagong silang na apo niyang si Tom Xendré.

Nagsisimula nang kumulo ang dugo ko pero nagagawa ko pa itong kontrolin. Hindi ko hahayaang masira ang gabing ito dahil lang sa imbitasyong iyon na alam kong madali lang naman naming malulusutan.

“Sa ibang araw na lang tayo dumalaw sa kanya, baby Rigz. Kung gusto mo, bukas na bukas din pupuntahan natin siya. Basta matuloy lang ang date natin.” nakangiti at simpleng pagtanggi ko sa kanya.

Huminga nang malalim si Rigo at malungkot pa rin itong nakatingin sa mga mata ko.

“Invited din daw si Big Boss, Liam. Gusto niya raw akong makausap kahit sandali dahil hindi kami nagkita noong pumirma ako ng panibagong kontrata sa agency.” muli nitong paliwanag.

Ang big boss pala kung saan magtatrabahong muli si Rigo bilang kanilang modelo. Nasabi sa akin ni Rigo na bumalik na nga siya sa dati niyang agency. Iyon daw ang naging kabayaran ng pagtulong ni Coke sa kanya para madali nilang madiskubre ang kademonyohan ni MJ.

Punyeta talaga si Coke kahit kailan. Tuso rin talaga siya at segurista. Kung sabagay, sabi nga nila, matatalino raw talaga ang mga matsing.

“Ah… Ang big boss n’yo pala?” tanong kong nakangiti kay Rigo.

“Uhm…” sagot naman niyang tumatango.

Hindi ako papayag na hindi matuloy ang unang date namin ni Rigo. Marami-rami na rin akong nagawang mabuti ngayong araw na ito kaya ayaw kong masayang iyon. Bihira lang akong maging mabait kaya dapat ay hindi iyon basta maitapon.

Hindi ko pa rin inaalis ang aking ngiti dahil alam kong ako pa rin ang mananalo rito. Sinagot ko si Rigo kahit gusto ko nang hilain ito para lang makarating na kami sa aming pupuntahang dalawa.

“Wala akong pakialam sa punyetang big boss mo, Rigz.” nakangiting peke kong pagmamatigas. “Kaya sige na, ituloy na natin ang date natin bago pa ako mahigh blood.” dugtong ko pang pagbabanta gamit ang mahinahon kong pananalita.

Napakamot ng ulo si Rigo, at base sa reaksyon niya ngayon ay magkakaroon na nga kami ng pagtatalo.

“Kaso lang, Liam, hindi ko pwedeng suwayin ang big boss… Alam mo naman ’yon, ’di ba..?” una nitong pagdadahilan. “Baka pwede namang sumaglit tayo roon bago tayo magpunta sa lakad natin..?” sunod na nitong pakiusap.

Napataas ang isang kilay ko, kasunod nito ay nagdikit na ang mga ngipin ko. Pero dahil sa nakokontrol ko pa ang kumukulo ko nang dugo sa mga oras na ito ay nanatili ang pagkakangiti ko.

“Gano’n ba, Rigz? Ibig bang sabihin niyan, mas uunahin mo sila kesa sa akin? Mas natatakot ka sa big boss mo kesa sa akin?” sunod-sunod kong tanong na mahinahon ngunit medyo madiin.

Hindi siya sumagot. Napayuko siya na tila nalulungkot. At ang ibig sabihin lang nito ay mas pabor pa rin siya na magpunta kami sa punyetang party na ’yon.

“Sagot, Rigz.” mahinahon ko pa ring utos sa kanya.

Hindi pa rin siya sumagot. Nanatili pa rin siyang nakayuko.

Sapat na ang hindi pagsagot ni Rigo sa katanungan ko, kaya naman…

“SUMAGOT KA, RIGO!!! MAS IMPORTANTE BA SILA SA ’YO KESA SA FIRST DATE NATING DALAWA?!!!!”

Wala na, tuluyan nang sumabog sa dibdib ko ang malaking bomba! Galit na ako ngayon! Galit na galit na ako! Nanglilisik na rin ngayon ang mga mata ko at bumitaw na rin ako sa pagkapit kay Rigo!

“Liam, naman…” nakikiusap niyang sambit at hinawakan ang kamay ko.

Nangingilid na ang aking luha dahil sa labis na galit at pagkadismaya.

“Mas papanigan mo ba sila kesa sa akin, Rigo?!! Matapos kong magpakabait buong araw, magbabad sa bath tub nang dalawang oras, magpaganda nang wagas, aasa lang ako sa wala?!! Ano ’to?!! Kailan ka pa natuto na paasahin ako?!! Ha, Rigo?!! Kailan pa?!!” galit na galit ko pa ring sumbat sa kanya.

Sinusuyo at pinapakalma niya ako sa pamamagitan ng paulit-ulit na paghaplos sa kamay ko.

“Liam… Hindi ko naman sinabing hindi tayo matutuloy… Ang akin lang, pagbigyan natin sila kahit konting oras o minuto lang… Dadaan lang tayo, tapos aalis din tayo agad para matuloy na sa sarili nating lakad…” pakiusap niya pa rin.

“Ayoko.” madiin ko nang sagot sa kanya. Napagod din kasi ako sa pagsigaw ko sa kanya.

“Liam, please..?” pakiusap pa rin niya habang hawak ang aking kamay.

“Bitiwan mo ang kamay ko! Babalik na ako sa kwarto! Kung gusto mong pumunta roon, mag-isa ka! Hindi ako sasama!” mas madiin ko nang pagbabanta sa kanya at sapilitang inaalis ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.

Nakakainis lang dahil malakas talaga si Rigo. Kaya kahit anong pilit kong pagpupumiglas ay hindi ako makawala mula sa mahigpit na pagkakahawak nito.

“No, Liam… Gusto kong kasama kita…” hindi pa rin siya nasuko.

“Sinabi nang bumitaw ka! Isa!” binilangan ko na siya.

Ayaw niya pa ring bumitaw kaya lalong uminit ang ulo ko.

“Dalawa!!” muli ko pang pagbibilang.

Sa pagkakataong ito ay nagawa na niyang magsalita.

“I’m sorry, Liam…” malungkot na tono niya lang na sambit.

Akala ko ay humihingi siya ng tawad dahil sa ginawa niyang pagpapaasa sa akin, pero nagulat ako nang mabilis siyang pumunta sa aking likuran at niyakap ang aking katawan. Hindi rin ako lalong nakapalag dahil kasama ang dalawa kong braso sa mahigpit na pagkakayakap niya sa bewang ko.

“Punyeta, Rigo!!! Ibaba mo ako!! Bitiwan mo ako!!! Hindi ako sasama sa ’yo!!! Magsama-sama kayong mga hampas-lupang punyeta kayo!!” sigaw ko sa kanya habang binibitbit niya ako palabas sa pintuan ng mansyon.

“Manong, buksan mo na ang kotse, bilis!!” utos ni Rigo sa aming driver habang buhat niya pa rin ako.

“Sinabi nang ibaba mo ako, Rigo!! Galit ako sa ’yo!! Hindi ako sasama sa ’yo!!” magpupumiglas ko pa rin.

Pero kahit anong gawin kong pagwawala ngayong oras na ito ay wala akong nagawa. Ginamit ko na ang lahat ng aking lakas ngunit talagang mas malakas sa akin si Rigo. Nagawa pa rin nitong maisakay ako sa kotse nang mapagbuksan kami ni Manong ng pinto.

“Sa Diamond Llyx Hotel, Manong! Pakibilisan!” utos ni Rigo sa driver.

Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Rigo nang makasakay kami kaya naman ginamit kong pagkakataon iyon para buksan ang kabilang pintuan ng kotse.

“Hindi ka aalis, Liam! Dito ka lang!” pagpigil sa akin ni Rigo at mabilis din niyang naisara ang kabilang pintuan na nabuksan ko.

“Punyeta, Rigo!!! Nagagalit na talaga ako!! Ibaba mo na ako rito!!” sigaw ko pa rin sa kanya.

Hindi pinakinggan ni Rigo ang sigaw ko. Ang ginawa niya ay niyakap niyang muli ako.

“Manong, bilisan mo na!” malakas niyang utos sa aming driver.

Masunurin naman ang punyetang driver dahil pinaandar niya agad ang aming kotse.

Dahil sa nagsimula na kaming magbiyahe ay wala na talaga akong nagawa. Nagliliyab at nanglilisik na lamang ang mga mata kong tinitigan si Rigo habang yakap pa rin ako nito.

“Sinasabi ko sa ’yo, Rigo! Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito sa akin! Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang lahat ng ito!” galit na galit ko pa ring pagbabanta sa kanya.

Ang akala ko ay madadala ko siya sa pagbabanta kong iyon, pero nagulat ako nang ngumiti pa ito sa akin.

“Ang ganda talaga ngayon ng prinsesa ko, oh?! Kahit galit na galit ka na, napakaganda mo pa rin sa paningin ko!” pang-uuto niya sa akin at paulit-ulit akong hinalikan sa labi.

“Tigilan mo ako! Kung hindi mo ako ibabalik sa bahay, magbreak na tayo!” mas malakas ko nang pagbabanta.

Nasaksihan ko kung paanong nawala nang mabilis ang kanyang pagkakangiti. Agad naman akong nataranta at doon ko lang naisip na mali ang aking nasabi.

“Iba na lang pala! Hindi tayo magbebreak! Sasabunutan talaga kita ’pag hindi mo pa ako ibinalik sa bahay!” pagbawi ko na sa kanya.

Muli namang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

“Okay lang, Liam! Kung gusto mo ngayon pa lang sabunutan mo na ako! Saktan mo ako! Sampal-sampalin mo ako! Hindi ako papalag, promise! Basta sumama ka lang doon!” masaya niyang mungkahi.

Natahimik naman ako sa sinabi niyang iyon. Alam niya naman na hindi ko iyon magagawa sa kanya dahil hindi ko siya kayang saktan. Kaya naman sa halip na magsalita pa akong muli ay ikinulong ko na lang ang aking mukha sa dibdib niya. Kasunod nito ay hindi ko napigilan ang magmaktol dahil pa rin sa labis na pagkadismaya.

“Rigo naman, e! Alam mo namang pinaghandaan ko ’to, ’di ba?! Akala ko magiging masaya na ang buong araw ko! Pero masisira rin pala nang dahil lang sa imbitasyon ng mga punyeta!” hindi ko napigilang panunumbat sa kanya.

Alam ko namang napakababaw na dahilan, pero hindi ko maiwasang magdamdam. Tuwing nagkakaroon ako ng kabiguan, hindi ko maiwasang panghinaan.

Niyakap ako ni Rigo at paulit-ulit na hinaplos ang likod ko. Marahan iyon at siniguro niyang makakalma ako.

“I’m sorry… Sorry, Liam… Promise, saglit lang tayo tapos pupunta rin agad tayo sa lakad nating dalawa. I love you…” tangi niya lang nasabi habang paulit-ulit niya ring hinahalikan ang aking ulo.

“I love you too… Pero galit pa rin ako sa ’yo…” naiiyak ko namang sagot sa kanya.

Nagpatuloy kami sa biyahe na kulong lang ako ng kanyang braso. Ilang minuto niya rin akong pinapakalma dahil sa mga panunumbat ko.

Nang makarating kami sa hotel na pagmamay-ari ng mag-asawang Tom at Xander at kung saan din ako nagtatrabaho bilang General Manager ay medyo kalmado na ako. Naging napakatahimik ko na lamang at wala akong kakibo-kibo.

Pagpasok ko pa lang sa lobby ay nasorpresa na ang mga empleyado nang makita ako. Lahat sila ay nanglaki ang mga mata dahil nakabalik na ako.

“G-good evening, Sir De Torres.” nauutal na mga pagbati ng mga empleyado sa akin.

Sa halip na tumugon ay nanglilisik ang mga mata kong tinitigan lang sila. Mas lalo ko tuloy nakita ang mga takot sa kanilang mukha. Kung nagtuloy-tuloy lang sana ang magandang araw ko, baka bumalik pa ako ritong nginingitian sila nang isa-isa. Pero dahil nangyari ang nakakapesteng imbitasyon sa amin ni Rigo, mas gugustuhin kong pahirapan ang lahat ng taong nakikita ko.

“Liam, nasa pinakataas sila nitong hotel.” pagbabalita sa akin ni Rigo. Dama ko sa kanyang boses ang labis na awa at pag-aalala. Nasa bandang likod ko siya at mas nauuna akong maglakad sa kanya.

Hindi ko siya sinagot, nanatiling tuwid sa aking dinadaanan ang mga mata ko. Dapat na talagang kabahan si Rigo, dahil wala akong balak bawiin ang kaninang mga sinabi ko. Pagsisisihan niya kung bakit niya ako pinagpalit sa imbitasyong magpunta kami rito. At sisiguraduhin ko, pati ang mga taong imbitado ay uuwing may karanasang hindi malilimutan ngayong gabing ito.

Nang makapasok kami ng elevator patungo sa pinakatuktok nitong hotel ay sinubukan niya pang kunin ang kamay ko. Pero dahil galit talaga ako ngayon ay padabog kong binawi ang kamay kong iyon. Narinig ko na lamang ang malalim niyang pagbuntong-hininga tanda ng pagsuko.

Nang makarating kami sa pinatatuktok nitong hotel ay bahagya pa akong nasorpresa. Maayos na pala ito at may manmade garden na. Napakatagal kong nawala kaya hindi ko alam na nabuksan na pala ang plano noon na lagyan ng garden ang lugar na ito para sa mga guests na gusto ang open view.

Maraming halaman at bulaklak na napapalibutan ng maliliit na ilaw. May mga lantern sa taas at magagarang street lights din ang nakatayo na animo’y nasa Europe ka. May mga lamesang nagkalat na magaganda rin ang set up at nakapalibot sa fountain na naririto. I must say, mahusay ang kinuhang Architect at Interior Designer ng best friend kong si Xander.

Sinalubong din kami ng maraming tao. Nakikita ko na ang ilan sa mga kaibigan namin ni Rigo at abala sa kani-kanilang ginagawa. Pormal din ang kanilang mga kasuotan na sakto rin sa kasuotan namin ni Rigo.

Pero kahit anong ganda ng lugar na ito ngayon ay wala rin lugar sa isip ko ang purihin at batiin ang lahat ng gandang nakikita ko. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay kung paano ko sisirain ang gabing ito.

“Randy!! Rigo!! Finally, dumating na kayo!!” pagtawag ng isang boses unyango.

Kung sineswerte ka nga naman, si Coke pa ang aming nabungaran.

“Hi, Coke.” pagbati ni Rigo at hinalikan pa si Coke sa pisngi nang makarating ito sa aming pwesto.

Nagsimula na ang pagmamaldita ko. Mabilis akong lumapit kay Rigo at inilabas ang panyo ko. Kasunod nito ay pinunasan ko ang pisngi ni Rigo kung saan humalik si Coke.

“’Wag kang kung saan-saan dumidikit, Rigz. Baka kapitan ka ng germs.” seryoso kong utos kay Rigo habang pinupunasan ng panyo ang pisngi nito.

Mukhang nakuha naman ng malaking kulugo ang aking sinabi.

“Hoy, Randy, ha?! Inaano ba kita?! Akala ko ba magkaibigan na tayo?! Bakit inaalipusta mo na naman ako?!” panunumbat sa akin ng ulikba.

Dahan-dahan akong kumilos upang harapin siya. Nagcross arms muna ako at itinaas ang isang kilay ko. Kasunod nito ay tiningnan ko siya simula sa kanyang paa paakyat sa pagmumukha niyang hitsura pa ring paa.

“At ikaw naman, anong ginagawa mo rito? Sa pagkakaalam ko, party ni Tita Mavel ’to. Mga kakilala niya lang ang invited dito. Ano ’to, nakikikamag-anak ka na rin ba, Coke?!” una kong pagtatanong. “Saka saan mo natutunang magsuot ng ganyan?” tanong ko pang mataray sa kanya matapos kong suriin ang kabuuan niya.

Natigilan siyang saglit. Sunod ay sinuri niya rin ang kanyang kasuotan.

“Pangit ba?” tanong niyang nag-aalangan sa akin.

Naiikot ko ang mga mata ko.

Nagtanong pa talaga ang gagang ’to. Wala siguro itong salamin sa bahay niya?

Ang suot niya ngayon ay long gown na kulay green. Hindi lang iyon, kumikinang din ito dahil puno ito ng sequins. Tinernohan niya rin iyon ng scarf na kulay dilaw na kumikinang pa rin sa sequins.

“Tsk! Tsk! Tsk!” sambit kong umiiling. “’Wag mo nang uulitin ’yan, Coke, ha? Dahil kapag ginawa mo pa ulit ’yan, itatakwil na talaga kita. Punyeta naman, lalo kang nagmukhang busog na syokoy at aksidenteng nabingwit ng mga mangingisda! Seryoso ka?! Green ang napili mo tapos kumikinang pa?! Ano ’to?! Dadalhin na ba kita sa perya?! Pagkakakitaan na ba kita nang barya-barya?! Ang sakit mo sa mata!” mahaba ko pang panenermon sa kanya.

Rumehistro ang pagkabahala sa kanya.

“E, bakit sabi ni Vinci, ang ganda ko raw ngayong gabi?!” pagmamaktol na niya ngayon.

“Naniwala ka naman sa impaktong ’yon?! Sa susunod kasi, sa akin ka magtatanong! Ipadala mo sa akin ang picture ng mga susuotin mo! At nangangako ako sa ’yo, pag-aaksayahan talaga kita ng oras kahit busy pa ako! Pagtitiyagaan kitang tingnan sa picture kahit nasusuka ako sa pagmumukha mo!” mahaba kong pangaral sa kanya.

Nalungkot ang kanyang ekspresyon at napayuko pa siya sa kasuotan niya.

“E, paano na ’to..? Nandito na ’to…” tanong niyang nanghihinayang.

Huminga ako nang malalim at naiikot ko pa ang aking mga mata.

“Hayaan mo na. Nandiyan na ’yan, e. Tiisin mo na lang ang pang-aalipusta ko sa ’yo.” taos-puso ko namang pagbibigay payo.

Huminga rin siya nang malalim. Ang ginawa ko naman ay tinakpan ko ang ilong ko na tila naamoy ko ang mabahong hininga nito. Pero biro ko lang ’yon, gusto ko lang talaga siyang inisin.

“Napakamaldita mo!” tangi lang nitong nasabi sa akin. Matapos iyon ay tiningnan niya si Rigo. “Hinahanap ka na ni big boss, Rigo! Puntahan mo na lang siya roon, kasama siya nina Xander at Dom! Negosyo na ang pinag-uusapan kaya iniwan ko na rin sila! Hindi ako makarelate!” sunod pa nitong pagbabalita kay Rigo.

Kung gano’n, ito pala ang party na tinutukoy ni Dom na pupuntahan niya.

Agad akong hinarap ni Rigo.

“Tara na, Liam?” pagyaya niya sa akin at hinawakan pa ang kamay ko.

Agad ko namang binawi ang aking kamay mula sa kanya at tinaasan ko pa siya ng isang kilay ko.

“At sinong nagsabi na sasama ako sa ’yo? Hangga’t hindi tayo umaalis dito, hindi mo mahahawakan ang kamay ko! Kaya kung ako sa ’yo, puntahan mo na ang dapat mong puntahan kung gusto mong magbago ang mood ko. Kay Coke muna ako sasama dahil kahit sa mga kaibigan natin, napupunyeta ako! Sila ang mga dakilang istorbo!” mahaba kong pagtanggi kay Rigo.

Nagbuntong-hininga na naman siya tanda ng pagsuko niya.

“Fine. Babalikan na lang kita.” wika niya sa akin at hinalikan ako sa ulo. “Coke, ikaw na muna ang bahala sa kanya. Kumain muna kayo. And please, tingnan mo rin kahit ang mga kakainin niya. Healthy lang dapat.” pakiusap niya naman kay Coke.

Napataas naman ng isang kilay si Coke.

“Gawin ba akong yaya?!” hindi niya napigilang reklamo.

Sumingit naman ako.

“Hindi kita yaya, Coke. Friend kita, okay? Be proud, nakikipagkaibigan ako sa lamang-dagat.” pagsabat ko sa kanila.

Naiikot naman ni Coke ang kanyang mga mata. Syokoy na syokoy na tuloy ang hitsura niya dahil hindi ko na makita ang itim ng mga mata niya.

“Fine. Bilisan mo lang, Rigo, bago pa ako mapaslang nitong malditang boyfriend mo!” sagot na lang ni Coke kay Rigo.

Matapos iyon ay mabilis nang kumilos si Rigo. Nagtungo siya sa lugar kung saan itinuro ni Coke ang big boss ng agency nila.

Wala man akong mapagpipilian ay nagpadala na lang ako sa pagyaya ni Coke para magpunta sa buffet table na nasa kabilang pwesto. Nasalubong ko pa ang aking mga kaibigan na sina Tom, Shai, Ben, Charm, Dee at Vinci. Sinubukan nilang batiin ako at halikan ngunit hindi ko sila pinagbigyan.

“Diyan lang kayo.” pagpigil ko sa kanila habang nakamwestra pa ang isang kamay ko. “Napupunyeta ako ngayon sa tao kaya ayokong makipag-usap kahit kanino.” dugtong ko pa.

“Ha?! E, bakit si Coke pwedeng sumama sa ’yo?!” hindi napigilang pagtatanong ni Vinci.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

“Sinabi ko namang napupunyeta ako sa tao, ’di ba?! Tao ba si Coke?! Hindi naman, ’di ba?!” tanong ko pabalik sa kanya.

“Impakta ka talaga!” naiinis na sambit ni Coke sa akin.

Si Shai naman ang sumingit sa pagkakataong ito.

“Even me, Randy?!” tanong nito sa aking hindi makapaniwala.

“Oo, kahit ikaw, Shai. Next time na lang tayo mag-usap. Ayokong may umaaligid sa akin na mas nagmamaganda pa sa akin.” sagot ko naman sa kanya.

“B*tch!” naiinis na nitong buska sa akin.

Nginitian ko siya.

“Thank you.” tipid kong sagot pabalik habang nakangiti sa kanya. Matapos iyon ay tinalikuran ko na sila.

Wala na, inabot na talaga ako ng topak ko. Next time ko na lang sila lalambingin lalo na si Shai. Hindi rin naman ako matitiis ng pretty friend ko. Madali lang siyang lambingin at alam kong hindi niya rin matitiis amg kagandahan ko.

Nang makarating kami sa buffet table ay sinuri muna namin ang napakaraming nakalatag na pagkain. Naaliw ako sa ganda ng presentasyon ng mga ito, lalo tuloy nagmukhang katakam-takam ang mga ito. At habang sinusuri ko ang lahat ng pagkain ay hindi ko namalayang naiikot ko na ang aking isang kamay sa braso ni Coke. Pero nagising din ako sa bangungot kong iyon nang may maramdaman akong kakaiba sa balat pa rin ni Coke.

“Bakla, ano ba naman ’to?! Bakit ka nagmamantika?!” tila nandidiri kong pagkompronta kay Coke habang tinitingnan ang kamay ko.

Sinuri pa niya ang braso niyang inerereklamo ko.

“Pinagpawisan kasi ako! ’Wag ka na ngang mag-inarte diyan! Ikaw ’tong humahawak sa akin tapos nagrereklamo ka!” buska niya sa akin.

Tama nga naman siya, ako itong feeling close sa kanya tapos ay magrereklamo pa ako. Kaya naman sa halip na makipagtalo pa ako kay Coke ay nilingon ko na lamang ang staff na naka-assign sa buffet table na naririto.

“Pahingi nga ng tissue! Punyeta! Para akong nakahawak ng lechon!” naiinis kong utos sa staff.

Natataranta namang kumilos ang staff na iyon at iniabot agad sa akin ang hinihingi ko. Alam ko namang empleyado rin ng hotel ito kaya malamang ay kilala rin ako nito. Alam na niya ang mangyayari kung hindi niya agad susundin ang inuutos ko.

Una kong pinunasan ang kamay ko, kasunod nito ay humingi pa ulit ako ng tissue at inilagay iyon sa braso ni Coke na nagmamantika. Napangiti rin ako dahil nang mailagay ko ang ilang piraso ng tissue sa braso ni Coke ay ibinalik kong muli sa pag-ikot dito ang kamay ko.

“Ayan, para may proteksyon ang balat ko. Malay ko ba kung anong virus meron ka, ’di ba? Baka mahawa pa ako?” wika ko pang tila namamangha.

Inirapan naman ako ng ulikba.

“Napakaarte mo talaga! Kung hindi ka lang boyfriend ng alaga ko, baka sinabunutan na kita?!” balik niya rin sa akin.

“Anong magagawa ko?! E, ang lagkit ng balat mo! Mamaya nga, ibibigay ko sa ’yo ang brand ng lotion ko para hindi nagkakaganyan ang balat mo!” taos-puso ko na namang pagtulong sa kanya.

Nanglaki ang mga mata ni Coke ganoon din ang mga butas ng ilong niya.

“Weh? Hindi nga? Walang joke ’yan?” tila hindi niya makapaniwalang reaksyon.

“Oo nga! Ayokong may umaalipusta sa ’yong ibang tao maliban sa akin! Gusto ko, ako lang ang aapi sa ’yo!” sagot ko naman sa kanya.

Labis naman siyang natuwa. Napapalakpak pa nga siya sa sobrang saya.

Pero habang pinagmamasdan ko si Coke ay nagsisimula na rin akong mag-isip.

Kailan pa kami naging close?!! Bakit siya ngayon ang gusto kong kasama?!! Higit sa lahat, bakit ako kumakapit ngayon sa braso niya?!! Ginayuma na kaya ako ni bakla?!!

Parang gusto kong maiyak. Ganitong-ganito ako sa mga taong gusto kong maging malapit sa akin. Gusto ko silang laging kasama at tinutulungan.

Ibig bang sabihin nito, magiging matalik din kaming magkaibigan?!

NO!!!!! Hindi pa ako handa!!

Nagpatuloy pa kami ni Coke sa paglalakad habang nakakapit pa rin ako sa braso niya. At hindi ko man gustuhin, kusa na lamang akong nagbibigay sa kanya ng tips kung paano magpaganda.

Matapos din naming ituro ang mga kakainin namin sa staff na nasa buffet table ay nakisuyo na lang si Coke na ihatid ito sa itinuro naming mesa. Nagsimula kaming kumain ni Coke at nagpatuloy rin kami sa kwentuhan naming dalawa.

Wala na, tuluyan nang gumaan ang loob ko sa malignong ito. Nakuha na niya talaga nang tuluyan ang loob ko.

Natapos akong kumain, ngunit ang new found pet, este, friend ko na si Coke ay bumalik pa sa buffet table para sa second batch ng pagkain niya.

Patay gutom talaga ang bakla. Hindi man lang nag-alala sa hapit na damit niya.

Habang hinihintay ang pagbabalik ni Coke ay muli kong iginala ang aking mga mata. Marami ang taong naririto sa party at hindi ko kilala ang iba. Hinanap ko ang kinaroroonan ni Rigo at nakita kong kasama nito si Xander at Dom. May kausap rin silang lalaki na medyo may edad na. Marahil ay iyon ang big boss na tinutukoy nila ni Coke kanina. Abala sila sa pagtatawanan habang may mga hawak na wine.

Dahil nakikita kong tila nag-eenjoy pa si Rigo ay hindi ko na naman maiwasan ang mainis. Ang sabi niya kasi ay saglit lang kami pero tuwang-tuwa pa rin siyang nakikipagkwentuhan sa mga oras na ito.

“Punyeta talaga. Sige, tawa pa. Maghahasik na talaga ako ng lagim mamaya.” madiin kong pagbabanta habang nakatitig ako kay Rigo.

Nang maligaw ang mga mata ko kay Xander ay lalong nagliyab sa galit ang dibdib ko. Tiningnan kasi ako nito at nagawa niya pang ilabas ang kanyang dila para asarin ako.

“Punyeta ka! May araw ka rin!” walang boses kong pagbabanta sa kanya.

Sa halip na maapektuhan si Xander ay lalo niya pang ginalingan ang pang-aasar niya. Palibhasa ay hindi nakatingin sa kanya si Rigo kaya nagagawa nitong pestehin ako.

Siya ang may kasalanan nito! Siya ang tumawag kanina kay Rigo para hindi kami matuloy sa unang date sana namin nito! Humanda lang talaga siya mamaya! Kahit best friend ko pa siya, hindi siya makakaligtas sa paghihiganti ko!

Nasa kalagitnaan ako ng pagpatay ko ng masamang tingin kay Xander ay nagulat ako sa biglang paghawak sa balikat ko.

“Randy? How are you?! It’s been a while!” masaya nitong pagbati sa akin.

Nang lingunin ko ito ay natagpuan ko si Tita Mavel, ang ina ng best kong si Xander at nanay-nanayan ni Daniel.

“Tita Mavel!” sambit ko sa kanyang pangalan. Agad din akong tumayo para siya ay yakapin at batiin. Pero habang yakap ko si Tita Mavel ay parang gusto ko na rin siyang kaladkarin.

Itong babaeng ito ang may kasalanan kung bakit kailangan naming magpunta rito ni Rigo!

Si Tita Mavel ang taong naging napakabuti sa amin ni Nanay Elise. Malaki ang naitulong niya sa akin lalo na noong nag-aaral pa lamang ako. Siya ang bumili ng sarili kong kotse at condo. Siya rin ang nagtiwala sa akin para panghawakan ang ilan nilang mga negosyo kabilang na ang restaurants at hotel ng best friend ko. Kung hindi dahil sa kanyang ideya na tulungan ko si Xander ay wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Wala akong mapapatunayan kung hindi niya ako sinuportahan noon. Kaya nga nangako ako sa aking sarili na ibabalik ko ang pagtitiwala at kabutihan niya sa akin hangga’t nabubuhay ako.

“Kamusta ka na po? Na-miss ko po kayo. Ang tagal ninyong nawala.” masaya kong pakikipag-usap sa kanya nang maghiwalay ang aming katawan mula sa pagkakayakap naming dalawa.

Ang ganda ng ipinapakita kong ngiti sa kanya, pero sa kabila nito ay gusto ko na siyang matusta. Kahit mahal na mahal ko siya dahil tumayo na rin siya minsan bilang aking ina, hindi ko maiwasang mainis sa kanya. Kung kailan kasi may date kami ni Rigo, doon din siya umeksena para sa welcome party niya!

“Mas na-miss naman kita! Na-miss ko ang pagsusumbong mo sa kalokohan ng panganay ko!” wika naman nito at hinaplos pa ang pisngi ko.

Natawa kaming dalawa dahil doon. Pero kung siya ay totoong tawa ang ipinapakita, ako naman ay purong pagkukunwari lang. Nagagawa ko pang pumalakpak pero gusto ko na talaga siyang bigwasan.

Totoo ang kanyang sinabi, ako ang dakilang tagasumbong sa kalokohan ng best friend ko simula pa noon. At ang maganda rin sa aming samahan ni Tita Mavel, hindi niya ako ibinuking kay Xander kahit minsan. Mas pinapanigan niya rin ako nang madalas kumpara sa sarili niyang anak. Masasabi ko ngang mas malaki ang tiwala niya sa akin dahil may pagkamatigas ang ulo ng gagong si Xander.

Well, perks of being super sipsip kay Tita Mavel.

“Hayaan n’yo, Tita, marami pa akong isusumbong sa inyo sa future.” plastik ko pa ring sagot sa kanya.

Hinawakan namin ang kamay ng isa’t isa na animo’y tuwang-tuwa talaga ako sa kanya. Pero gusto ko na rin pilipitin ang kamay ni Tita Mavel sa mga oras na ito. Kahit sana sa pabirong paraan lang ay gusto kong subukan ngunit pero pinigilan ko.

Matapos niyang magpakalma sa pagkatuwa sa akin ay bahagyang lumungkot ang ekspresyon niya.

“Randy, pasensya ka na kung hindi ako nakadalaw sa ’yo noong hindi maganda ang kondisyon mo. Hindi rin ako makauwi noon dahil nagkaroon kami ng problema sa isa naming kompanya sa Europe.” paghingi nito ng tawad sa akin.

Gusto ko sana siyang sagutin na sana ay hindi muna natapos ang problema nilang iyon para hindi agad siya nagpatawag ng welcome party niya, pero ayaw ko rin naman ng ideyang problemado siya. Mahalaga na rin siya sa akin kaya ayaw kong maging malungkot siya.

“’Wag n’yo na pong alalahanin ’yon, Tita. Ang importante, maayos na ako. Ayaw ko na rin kayong maabala dahil masyado ko na kayong inabala simula pa noon.” sagot ko na lang sa kanya.

Saglit kaming umupo ni Tita Mavel para makapagkwentuhan pa. Gusto ko na sana siyang itulak palayo dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong magmaktol sa kanya. Baka isumbat ko ang hindi pagkakatuloy ng date namin ni Rigo kahit alam kong hindi naman niya ito sadya. Pero dahil mahal ko naman si Tita Mavel, itinuloy ko na lang ang pag-arteng natutuwa.

Nakabalik na rin si Coke at tahimik na lamang itong lumalamon sa aming mesa. Patay-gutom talaga.

Habang nagtatagal ang aming usapan ni Tita Mavel ay maya’t maya ako tumitingin sa aking relo. Mahaba-haba na rin pala ang lumipas na oras kaming naririto. At base sa mga nangyayari ay lumiliit na ang tiyansang matutuloy pa ang lakad namin ni Rigo. Tiningnan ko ang lugar kung saan ko huling nakita si Rigo, ngunit nakaramdam ako ng inis dahil wala na ito.

Ilang sandali pa ay may lumapit na lalaki kay Tita Mavel at sinabing may naghahanap daw sa kanya. Doon lamang si Tita Mavel nagpaalam sa akin kaya bahagya akong nakahinga. Kaunti na lang kasi ay maaabot ko na ang buhok ni Tita Mavel dahil sa labis na inis. Alam kong na-miss niya ako, pero wala ako sa mood ngayon para makipagsabayan sa punyetang pagkamiss niya.

“Hoy, Yandy! Shan ka fufunta?!” pagtatanong sa akin ni Coke habang puno pa rin ng pagkain ang bunganga niya. Nagsimula na kasi akong tumayo mula sa pagkakaupo para hanapin si Rigo.

Punyetang Coke talaga ’to! Hanggang ngayon, lumalamon pa rin! Hindi na nabusog!

“Hahanapin ko si Rigo! Alam mo bang dapat may lakad kami?! Pero dahil sa punyetang party na ’to, baka hindi na kami matutuloy!” hindi ko na napigilang pagmamaktol kay Coke.

Magsasalita pa sana si Coke pero nabulunan na siya. Agad naman niyang kinuha ang isang goblet para sana uminom ng tubig ngunit wala na palang laman iyon. Natataranta tuloy siyang tumakbo patungo sa kabilang mesa para kumuha ng tubig kahit hindi iyon kanya. Iyon na rin ang ginamit kong pagkakataon para layasan siya.

Dapat ay tutulungan ko si Coke, pero mas nangibabaw sa akin ang pagnanais na pabayaan siya. Ang hinihiling ko na lang sa ngayon ay sana, maabutan ko pa siyang buhay mamaya.

Malalaki ang aking mga hakbang para hanapin si Rigo sa buong lugar. Tinanong ko rin ang ilang mga bisita kahit hindi ko sila kilala. Maging ang mga kaibigan ko ay hindi nakaligtas sa matinding paghahanap ko sa kanya. Pero inabot na ako ng ilang minuto ay hindi ko pa rin matagpuan si Rigo.

Naikuyom ko na lang ang aking mga kamao at nagdikit na rin ang mga ngipin ko. Iniisip kong baka mas gusto talaga ni Rigo ang party na ito kesa sa lakad naming dalawa kaya bigla na lamang din itong nawala. Baka kung saan-saan na ito nagpunta at tuluyan na akong nawala sa isip niya.

Inilibot ko ang nanglilisik kong mga mata sa kabuuan ng maganda sanang lugar na ito. Perpekto sana ang party lalo na at nasa ilalim kami ng gabi at maraming bituin ang langit. Nagkakasiyahan ang lahat ngunit ako ay naririto sa isang sulok at walang kaimik-imik. Ako lang ang nag-iisang tao sa party na ito na hindi makangiti dahil sa labis na galit.

Habang tinitingnan ko ang lahat ng taong naririto ay kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang ito,“Tumawa pa kayo, mga punyeta kayo. Ang saya-saya n’yo pa, ha? Pwes, tingnan ko lang kung makakatawa pa kayo mamaya. Damay-damay na ’to dahil sinira n’yo ang gabi ko. Sisiguraduhin kong hindi n’yo malilimutan ang gabing ito. Lintik lang ang walang ganti, mga hampas-lupa kayo.” madiin kong pagsasalita habang nakatingin ako sa mga taong naririto.

Nagsimula nang gumana ang aking utak para ipadama ang aking galit. Una kong nilingon ay ang halaman na nasa aking harapan. Yumuko ako at itinulak ang paso nito dahilan para matumba ito. Hindi pa ako roon nakuntento, inapak-apakan ko rin ang halaman maging ang mga ilaw na nakapalibot dito.

Sisirain ko ang gabing ito! Matitikman nilang lahat ang galit ko!

Nang igala ko ang aking paningin ay abala pa rin ang lahat. Mabuti naman at walang nakapansin sa aking paninira. Nagpatuloy ako sa paglalakad at inisa-isa ko namang tanggalin ang mga magagara at makikintab na telang nagsilbing harang sa bawat gilid ng venue na ito. Siniguro ko ring sa bawat pagtanggal ko sa mga telang iyon ay walang makakakita sa akin kahit na isang tao.

Nakarating ako sa pinakadulo ng garden kung saan naman nakapwesto ang mga regalong malamang ay para kay Tita Mavel dahil nakabalik na ito. Napakarami nito na animo’y nasa isang engrandeng birthday party ako.

“Welcome party lang, may pagregalo pa?! Balloons at bulaklak lang, sapat na! Ang daming arte ng bwisit na party ’to!” naiinis kong reaksyon habang nakatingin sa mga regalo.

Gusto ko sanang sirain ang mga regalong iyon ngunit alam kong marami ang maaaring makapansin sa akin. Nag-isip ako ng ibang plano hanggang sa magawi ang aking mga mata sa isang sulok ng lugar na ito. Nakita kong may mga kable ng kuryente ang naririto. Hinanap ko ang pinakadulo nito at gumuhit ang pagngisi ko nang makita ko ang isang plug dito. Nilapitan ko iyon at dahan-dahan akong yumuko.

Oras na para magkaroon na ng katarungan ang pagsira ng party na ito sa date sana namin ni Rigo. Oras na para maramdaman nilang may isang tao na hindi natutuwa sa kaganapang ito.

Hindi ko alam kung para saan ang plug na iyon, pero nang bunutin ko ito ay gusto kong sumigaw dahil sa labis na kasiyahan. Lahat kasi ng ilaw na naririto ay namatay dahilan para magsigawan ang mga tao.

Akala ko ay tagumpay na ako, pero makalipas lang ang ilang segundo ay bumukas muli ang mga ito. Nawala sa isip kong may generator nga pala ang hotel na ito.

“Punyeta talaga! Bwiset! Bwiset!” naiinis ko na namang pagsasalita at naipadyak ko pa ang mga paa ko.

Nasa ganoon akong posisyon nang may marinig akong boses na nagmula sa aking likuran.

“Liam, ano na naman ’tong ginawa mo?!” madiin at puno ng pagdududa ang kanyang tono.

Nanigas ang buong katawan ko. Nagulat kasi ako na may nakasaksi sa kalokohan ko.

Kilala ko ang boses na iyon. At sa pagbigkas niya pa lang ng aking pangalan ay alam kong siya ang kanina ko pang hinahanap sa lugar na ito.

Dahan-dahan ko siyang nilingon mula sa aking likuran. At nang magtagpo ang aming mga mata ay napaatras ako nang bahagya. Nakita kong nagdidikit ngayon ang mga ngipin niya at salubong na rin ang mga kilay niya. Nakikita kong labis siyang nagtitimpi na ilabas ang galit niya.

Pero kung ang inaakala niya ay masisindak ako sa ekspresyon niyang iyon ay nagkakamali siya. Sa halip na magpalusot ako ay nginisian ko pa siya. Itinaas ko rin ang isang kilay ko para inisin pa siyang lalo.

“Alam mo dapat ang sagot diyan, Rigo. Kilala mo na ako, ’di ba? Hindi rin ako nagkulang sa pagbabanta ko kanina. Sinabi ko sa ’yong maghihiganti ako, ’di ba?” una kong pagpapaalala gamit ang mapang-asar kong litanya. “Pwes, eto na ’yon, Rigo. Lasapin n’yong lahat ang galit ko. Nagsisimula pa lang ako kaya maghanda na kayo.” dugtong ko pang pagbabanta habang nakangisi pa rin ako.

Nakita ko kung paano naikuyom ni Rigo ang kanyang mga kamao. Mas bumakas na ring lalo ang galit sa ekspresyon nito. Pero dahil alam niyang walang halong biro ang mga sinabi ko ay napapikit na lamang siya kasabay ang pagbuntong-hininga makalipas ang ilang segundo.

“Liam, please..? ’Wag naman ganito… ’Wag naman ngayong gabi… Nakikiusap na ako…” pagsuko na lamang niya sa huli.

Dapat ay makikipagtalo pa ako, pero hindi ako nakapagsalita matapos niyang sabihin ang pakiusap niyang iyon. Ramdam ko ang kanyang kalungkutan sa hindi ko malamang dahilan.

“Ngayon lang, Liam… Ngayon lang ako makikiusap sa ’yo na pagbigyan mo ako…” sunod niya pang pakiusap.

Muli ay hindi ako nakapagsalita. Hindi rin ako nakagalaw dahil labis na akong nadadala sa pakiusap niya.

Unti-unting lumapit si Rigo sa akin at kinuha ang isang kamay ko.

“Saglit na lang tayo. Magpapaalam lang ako sa kanila para hindi naman sila maghanap at mag-alala.” simula na naman ng pagkumbinsi niya.

“Ilang minutes pa?” tanong ko agad sa kanya. Diretsahan na ito. Hindi na talaga ako makakatagal sa lugar na ito.

“Basta, saglit na lang.” tila hindi niya pa siguradong sagot. “Kaya halika na, bumalik na tayo sa kanila. Saglit na lang talaga ’to.” dagdag niya pang pagkumbinsi sa akin habang nagmamakaawa ang ekspresyon niya.

“Promise?” tuluyan ko nang pagsuko. Kahit talaga galit ako kay Rigo ay nanghihina ako sa tuwing nakikita kong malungkot ito.

“Promise.” sagot niya namang sigurado.

“Mamatay man si Coke?” paniniguro ko pa. Mahirap na, baka maunsyami pa.

“’Wag naman gano’n, Liam.” simpleng pagsaway niya sa akin.

Siyempre naman joke ko lang ’yon. Saka ayaw kong mategi ang pet ko.

Huminga na lamang ako nang malalim para kahit paano ay maging maayos na ang pakiramdam ni Rigo.

“I’m giving you twenty minutes para magpaalam sa kanila. At ’pag hindi pa tayo nakaalis in twenty minutes, sisiguraduhin ko sa ’yong uuwi kang mag-isa. Nagkakaintindihan ba tayo, Rigo?” pakikipagkasundo ko sa kanya.

Siya naman ngayon ang nagbuntong-hininga.

“Fine. Twenty minutes.” pagsuko na lang niya.

Kahit may natitira pa akong inis ay pinilit kong ngumiti sa kanya.

“Tara na. Simulan mo nang magpaalam sa mga punyeta.” masaya ko nang pagyaya sa kanya.

Sinimulan na namin ang maglakad habang magkahawak ang aming mga kamay. Lahat ng mga kaibigan kong nadaanan namin ay tinaasan naman ako ng isang kilay.

“Ang dami talagang insecure!” pagpaparinig ko sa kanila.

Nabigyan na naman ako ng pag-asa ni Rigo na matuloy ang aming date kaya dapat ay maging mahinahon ako. Twenty minutes, iyon na lang ang bibilangin ko.

Nang makarating kami sa table kung saan ko kanina iniwan si Coke ay nadismaya ako dahil buhay pa pala ang ito. Nagbalik na naman siya sa pagkain na animo’y hindi man lang siya nag-agaw buhay kanina.

“Dito ka lang, magpapaalam na ako. Babalik ako in twenty minutes, promise!” pagpapaalam ni Rigo nang maalalayan akong makaupo. Hinalikan din ako nito sa noo bago niya hinarap ang baboy-ramo. “Coke, please naman, pakibantayan si Randy. Mamaya ka na kumain nang marami.” pakiusap niya rito.

“Fambihira naman, Yigo! Ano ’yan?! Shanggol na dapat banchayan?!” pakikipagtalo naman ni Coke habang puno pa ang bibig nito.

“Please?” pakiusap na ni Rigo.

Hindi siya sinagot ni Coke. Umirap na lamang siya ngunit pinaparating niyang suko na siya sa pakiusap ni Rigo.

Hinalikan na lamang akong muli ni Rigo sa noo bago ito umalis sa harap ko. Agad din itong nagtungo sa pwesto kung nasaan sina Xander at ang ilang kaibigan ko. Mukhang sisimulan na talaga niyang magpaalam sa mga ito.

Sinimulan ko nang tingnan muli ang relo ko. Sinimulan ko nang bilangan si Rigo. Hindi ko na rin kinausap pa si Coke dahil wala naman akong mapapala rito. Abala pa rin kasi siya sa pagkain kahit na napagsabihan na siya ni Rigo.

Habang naghihintay ako sa bawat pagpatak ng minuto ay inilibot ko muna ang paningin ko. Abala pa rin ang lahat sa kwentuhan at kasiyahan. Hindi ko na lamang pinansin sila dahil nagsisimula na naman akong mapunyeta. Hindi pa rin kasi tapos si Rigo sa pagpapaalam sa kanila.

Ilang sandali pa ay nakita kong may inihahandang isang silya sa bandang gitna ng venue, doon din mismo sa dulo ng red carpet na nakalatag dito. Ilang metro lang din ang layo nito mula sa aming mesa at nakatapat din mismo ito sa aming pwesto. Mayroon ding inilagay na mic stand doon at sinimulan na ring i-set up ang microphone nito. Kasunod nito ay may inilagay din na gitara rito at isinandal sa silyang naroroon sa gitna.

“Punyeta! May pa-videoke pa yata si Mayora?!” bulong kong pagpuna at pagtukoy kay Tita Mavel na nagpatawag nitong party niya.

Tiningnan kong muli ang wrist watch ko at sampung minuto na lang ang natitira kong palugit kay Rigo. Nang tingnan ko naman ang pwesto ni Rigo ay nakita kong masaya na namang nakikipagkwentuhan ito. Mukhang nag-enjoy na naman siya sa pakikipag-usap sa mga tao.

Dahil dito ay nagsimula na namang kumulo ang dugo ko. Agad na akong tumayo sa aking pwesto para sana komprontahin na si Rigo.

“Ooppss! Saan ka pupunta, Randy?!” biglang pagpigil sa akin ni Coke at hinawakan pa ang pulsuhan ko.

Mukhang nakatapos na siya sa panibagong batch ng pagkain niya kaya nakakapagsalita na ito nang tuwid.

“Kakaladkarin ko na si Rigo! Gusto ko nang makaalis dito, Coke! Naiinis na talaga ako!” sagot ko namang may kalakasan kay Coke.

Umiling si Coke na akala mo ay ikinaganda niya.

“Hindi pwede, Randy. Mahigpit ang bilin ng alaga ko na bantayan ka. Saka twenty minutes na ba ang lumipas?! Wala pa naman, ’di ba?! ’Wag kang um-attitude hangga’t hindi pa natatapos ang binigay niyang oras!” sermon sa akin ng ulikba.

Natahimik naman ako sa sinabi niyang iyon, bukod pa roon ay natigilan din akong lalo dahil mas humigpit pa ang pagkapit nito sa pulsuhan ko.

Hindi lang pala halimaw, syokoy, ulikba, dinosaur at baluga ang lahing pinanggalingan ni Coke, may lahi rin pala itong tuko.

Nagbalik na lamang ako nang padabog sa pagkakaupo dahil na rin sa sinabi ni Coke. Tama naman kasi siya, hindi pa natatapos ang ibinigay kong palugit kay Rigo.

“Eight minutes.” mahina kong bulong sa natitira pang minuto habang nakatingin ako sa aking relo.

Habang nagbabantay ako sa pagpatak pa ng orasan ay nakarinig ako ng kantiyawan mula sa aming mga kaibigan. Nakita kong pilit nilang tinutulak si Xander patungo sa gitna kung saan nakapwesto ang upuan, microphone at gitara.

“Kakanta na ’yan! Kakanta na ’yan!” sigawan ng mga tao kay Xander.

Makapal talaga ang mukha ni Xander. Akala mo kung sinong kandidato na taas ang noong nagtungo agad sa gitna para kumanta ito. Hindi man lang nagpakipot ng kaunti. Atat din magpasikat ang punyeta.

“I’d like to dedicate this song to my kids, Carla and baby Drey. And of course, sa pinakamamahal na asawa kong si Tom.” pagsasalitang nakangiti ni Xander nang makapwesto na ito sa gitna.

Nagpalakpakan naman ang mga tao at kinantiyawan si Tom na namumula ngayon ang mga pisngi dahil sa pambobola ng asawa niyang pabida.

“Napakalalandi! Sa kama rin naman kayo mauuwi! Mga punyeta!” kantiyaw ko naman sa kanila ngunit ako lang ang nakakarinig.

Nagsimulang kumanta si Xander habang pinapatugtog ang gitara sa saliw ng awiting ‘Multong Bakla’.

Joke lang. Hindi ko alam ang title ng kinakanta niya dahil wala akong alam sa musika. Bukod kasi sa beauty and brain na mayroon ako, wala na akong iba pang talento. Kaya nga noong nagpropose si Xander kay Tom ay nasa backstage lang ako. Samantalang ang ilan naming mga kaibigan ay sumayaw, kumanta at nagpatugtog ng iba’t ibang instrumento. Ang naging partisipasyon ko lamang ay mag-organize ng proposal na iyon.

Wala ako sa pokus habang patuloy na kumakanta si Xander sa gitna. Wala akong pakialam sa paligid at wala akong ginawa kungdi ang tumingin sa aking wristwatch.

Natapos si Xander sa kanyang pagkanta na nasundan naman ng mga palakpak. At ako? Nagsisimula nang magbilang sa pagpatak ng bawat segundo dahil tatlong minuto na lang ang hihintayin ko para makaalis na kami ni Rigo.

Umalis na si Xander sa gitna at tinungo ang pwesto ng kanyang pamilya para halikan ang mga ito.

Akala ko ay tapos na ang mga pagpapasikat, pero nabulabog na ang buong sistema ko dahil sa sumunod na sigawan ng mga tao.

“It’s your turn, Rigo! Kakanta na ’yan! Kakanta na ’yan!” kantiyaw ng mga tao. Mas malakas na rin ito kumpara sa naging kantiyawan kanina sa best friend ko.

Gumuhit ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ko. Nang ilibot ko ang aking paningin ay napansin kong ang lahat ay naririto na rin sa bandang gitna. Lahat sila ay nagkumpulan na at sabay-sabay na rin ang ginagawang pagkantiyaw kay Rigo. Mukhang atat na atat na silang mapanood ang pagkanta ito.

Pero ako? Gigil na gigil na sa mga oras na ito!

Ilang minuto na lang at aalis na kami! Pero heto at mukhang mapapahaba na naman ang pananatili namin kung pagbibigyan sila ni Rigo sa kanilang request!

Nagdikit na ang mga ngipin ko at naikuyom ko na rin ang aking mga kamao. Dahan-dahan kong nilingon ang kinaroroonan ni Rigo para makita ang magiging kasagutan nito sa mga tao. Nakita kong tinutulak siya ngayon nina Xander at Dom para magtungo sa gitna at sundin ang request ng mga ito.

“Subukan mo lang, Rigo! Subukan mo lang kumanta diyan!” pagbabanta ko sa kanya kahit hindi niya ako nakikita at naririnig.

Nasaksihan ko kung paano ako nilingon ni Rigo. Nang magtagpo ang aming mga mata ay tila ba gusto ko nang umiyak sa mga oras na ito dahil sa labis na galit ko. Naroon kasi sa uri ng pagtingin niyang iyon ang pagpapaalam na pagbigyan ko ang mga tao at bigyan ko pa siya ng oras.

Inangat ko ang aking braso at itinuro ang wristwatch ko.

“Two minutes!” madiin kong pagsenyas kay Rigo ng natitira niya pang minuto. Ipinararating ko rin sa aking mga nanglilisik na mga mata ang pagbabanta at mensaheng iiwan ko na talaga siya kung hindi siya makakaabot sa ibinigay kong oras sa kanya.

Huminga naman nang malalim si Rigo. Kasunod nito ay marahan siyang tumango bilang sagot sa mensahe ko.

Matapos iyon ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa gitna kung nasaan ang gitara at mikropono. Umupo na rin siya sa silya at pumwesto para simulan na ang pagkanta. Ang mga tao naman ay natahimik na lang bigla na animo’y mapapanood nila ang isang sikat na artista at magsisimula na ring kumanta.

Well, magaling naman talagang kumanta si Rigo at marunong siyang gumamit ng iba’t ibang uri ng instrumento. Isasama ko na rin ang pagiging bihasa niya sa paggamit ng sarili kong instrumento kahit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa aming milagro.

Bago sinimulan ni Rigo ang kumanta ay tiningnan niya muna ako sa mga mata. Kasunod nito ay gumuhit ang napakagandang ngiti niya.

“Ang panget ng boses mo!” kantiyaw kong walang boses sa kanya kahit hindi pa siya kumakanta. Inirapan ko rin siya dahil napupunyeta na talaga ako sa kanya.

Napailing na lang siya sa akin habang bahagyang natatawa. Hindi ko maintindihan, pero parang ang saya-saya niya. Pero dahil nabubuwisit nga ako, ibinalik ko na lang ang aking tingin sa relong nasa pulsuhan ko.

Wala akong planong makinig sa kanya ngayon. Mas binabantayan ko ang natitira pang minuto para makalayas na kami rito.

Nagsimula siyang magtipa ng gitara. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil ang akala ko ay magsasalita rin siya tulad ni Xander kanina. Akala ko ay magbibigay rin siya ng mensahe na ihahandog niya sa akin ang kakantahin niya.

Ewan ko, pero nawala na ang galit ko. Napalitan na lamang ito ng lungkot dahil pakiramdam ko ay wala na talagang pag-asa pang matuloy ang date namin ni Rigo. Segundo na lang ang bibilangin ko pero magsisimula pa lang si Rigo. At sa pagkakaalam ko, aabutin pa siya ng apat na minuto para lang matapos sa pagkanta ito.

Nangingilid na ang aking mga luha dahil sa labis na pagkadismaya ko ngayong araw na ito.

Oo na, alam kong over acting na ako. Pero mahalaga kasi ang araw na ito sa akin dahil nagsisimula pa lang kami ni Rigo. Ngayon ko pa lang nilalasap ang pakiramdam na sa wakas ay opisyal na kami. Na magkasama sana naming ine-enjoy ang bawat araw na kami lang ang magkasama at walang umiistorbo. Pero heto, naririto kami at ibinibigay ito sa ibang tao.

Nakayuko lang ako habang nakatingin sa aking relo nang magsimulang kumanta si Rigo. Pinili ko ring hindi ipakita ang aking mukha sa kanya dahil alam kong maiiyak lang ako dahil sa labis na pagkadismaya.

(A/N: Pakiplay ang music sa media, ’yon po ang kinanta ni Rigo. Song title: Marry Me - By: Jason Derulo / Johan Mendoza’s cover)

Napapakinggan ko ang ganda ng pagtugtog niya ng gitara hanggang sa marinig ko na rin ang magandang boses niya.

105 is the number that comes to my head

When I think of all the years I wanna be with you

Wake up every morning with you in my bed

That’s precisely what I plan to do

Hindi ko alam ang kinakanta niya, dahil tulad nga ng nasabi ko, wala akong alam sa musika. Kaya naman habang patuloy lang si Rigo sa pagkanta ay nagbilang na lang ako ng segundong natitira sa relo ko.

Nagpatuloy pa siya sa pagkanta at nagpatuloy na rin ang lungkot na nararamdaman ko. Wala na, wala na talagang pag-asa na maging maganda ang pagtatapos ng araw ko.

And you know one of these days when I get my money right

Buy you everything and show you all the finer things in life

Will forever be enough, so there ain’t no need to rush

But one day, I won’t be able to ask you loud enough

Matapos kantahin ni Rigo ang linyang iyon ay tumigil siya sa pagpapatugtog. Nakabibinging katahimikan ang namayani ngayon sa buong lugar dahil kahit ang mga tao ay walang kagalaw-galaw.

Tumingin ako kay Rigo sa pagbabakasakaling tapos na ito. Sampung segundo na lang kasi ang natitira kaya siguro tumigil na rin siya. Pero nang tuluyang magtagpo ang aming mga mata ay nakayuko lamang ito habang nakatingin sa hawak niyang gitara.

Napailing na lang ako at nanghina. Mukhang nagpause lang siya at hindi pa siya tapos sa kanyang pagkanta. Dahil kung may balak na siyang umalis sa pwestong iyon ay tumayo na sana siya. Pero wala. Naroon pa rin siya at mukhang naghahanda na rin sa pagpapatuloy niya.

Saglit kong tiningnan ang wristwatch ko. At nang tingnan ko ito ay tuluyan nang naglaho ang pag-asang natitira na mayroon ko. Tapos na ang bente minutong palugit na ibinigay ko kay Rigo.

Huminga ako nang malalim dahil naninikip ang dibdib ko. Kailangan ko itong gawin dahil alam kong nagbabadya na rin sa pagpatak ang mga luha ko. Kasunod ng pagbuntong-hininga ko ay marahan na akong tumayo sa aking pwesto.

Nang tuluyan na akong makatayo ay dahan-dahan na rin akong tumalikod para lisanin na ang lugar na ito. Wala na akong pakialam kung sasabihin man nilang bastos ako dahil hindi ko man lang pinatapos sa pagkanta si Rigo. Pero naisip ko, tutal naman ay nag-iisa lang naman akong hindi natutuwa sa party na ito, ako na lang siguro ang dapat na umalis dito. Hahayaan ko na lang silang mag-enjoy kesa naman magwala pa ako rito at magbigay kahihiyan sa lahat lalo na kay Rigo.

Sinimulan ko nang humakbang palayo. Dito mismo sa red carpet na nasa tabi ng aming mesa at sa dulo kung nasaan si Rigo ang aking naging daan para lahat sila ay iwan. Mabuti na lang din at hindi na ako pinigilan ni Coke. Siguro ay natulala na lamang siya kay Rigo at naghihintay na lang din sa pagpapatuloy nito.

Ilang mga paghakbang na ang aking nagawa habang nakatalikod kay Rigo nang marinig ko ang pagpapatuloy sa pagtugtog at pagkanta nito. Pero natigilan ako nang marinig ko ang malambing niyang pag-awit sa susunod na liriko.

I’ll say will you marry me

I swear that I will mean it

I’ll say will you marry me

Matapos niyang kantahin ang linyang iyon ay muli siyang napatigil sa pagkanta. Itinigil niya rin ang pagtugtog ng gitara.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid para tingnan ang mga taong naaabot pa ng aking mga mata. Pero nang masuri ko silang lahat ay nasorpresa ako sa aking nakita.

Lahat sila ay nakatingin sa akin habang suot ang magaganda nilang mga ngiti.

Nagsimula na akong maguluhan dahil pakiramdam ko ay naging sentro ako ng atraksyon. Maging ang aking mga kaibigan ay nakatingin sa akin at mas nakakagulat pa na ang ilan ay lumuluha sa hindi ko malamang rason.

Naging mabilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Kinakabahan na ako dahil sa labis na katahimikan. Lalo na rin akong hindi nakagalaw sa aking pwesto at nanatili na lamang akong nakatayo.

Ayokong mag-assume lalo na at simula pa kanina ay puro pagpapaasa na lang ang nararanasan ko. Pero iba ang dinidikta ng isip at puso ko, sinasabi nitong ’wag akong tumuloy sa paghakbang palayo. Tila ba may kumukumbimsi rin sa akin na tumalikod akong muli para harapin ulit si Rigo.

Nanatiling tahimik ang lahat hanggang sa magkaroon ako ng lakas para igalaw ang katawan ko. Mula sa pagkakatalikod ko kay Rigo ay unti-unti kong nilingon ito.

Nang tuluyan akong makaharap sa kanyang pwesto ay nagulat ako dahil nakangiti ito ngunit nag-uunahan na rin ang mga luha sa mga mata nito. Hindi lang iyon, lalo akong nagulat nang masilayan ko ang mga taong nakatayo na ngayon sa likod ni Rigo.

Naroon sina Nanay Elise, ang Mama ko, ang Ate Sandra ko, sina Tito Ed at Tita Eve at ang anak naming si Ar-Ar na may hawak ngayong bugkos ng bulaklak. Malawak ang kanilang pagkakangiti tanda ng saya. Pormal din ang kanilang kasuotan na halatang pinaghandaan nila.

Nanglaki ang mga mata ko dahil sa aking nasaksihan. Malayong-malayo sa aking kaisipan na mangyayari ang ganitong kaganapan.

Dahil sa aking nakikita ay hindi ko na napigilan ang aking mga luhang mag-unahan. Ngunit kung kanina ay dahil ito sa labis na kalungkutan, ngayon ay dahil na ito sa labis kong kaligayahan.

Nagpatuloy sa pagkanta si Rigo kahit pa umiiyak ito sa mga oras na ito. At habang patuloy siyang kumakanta ay nagsimula na ring humakbang ang anak naming si Ar-Ar para lapitan ako.

“Ma, para po sa ’yo.” unang sambit ni Ar-Ar habang inaabot sa akin ang bugkos ng mga bulaklak na hawak nito. “Sorry kung nagsecret ako sa ’yo, ha? ’Wag ka nang magtampo. Sabi kasi ni Daddy, ’wag akong maingay, eh! Saka bumawi lang ako kay Daddy dahil ako naman ang nagsecret sa kanya dati noong gumaling ka na, ’di ba?!” mahaba pang pangungumpisal nito na ikinatawa ko.

Tumango na lamang ako sa kanya bilang pagsagot at hinalikan ang pisngi niya. Hindi na rin kasi ako makapagsalita dahil hanggang ngayon ay medyo naguguluhan pa rin ako sa nagaganap.

Hinawakan ako ni Ar-Ar sa kamay at nagpatuloy kami sa panonood sa pagkanta ni Rigo sa gitna. Ngunit kung akala ko ay hanggang doon lang, hindi pa pala nagtatapos ang lahat. Naglapitan na rin sina Nanay Elise, Mama at Ate Sandra kasama na rin sina Tito Ed at Tita Eve na ngayon ay may mga hawak na bulaklak ng sampaguitang niyari para maging korona.

“Binabati namin kayo, anak.”

“Congratulations, anak.”

“Congrats, bunso!”

“Congratulations, Randy.”

“Welcome to the family, Randy!”

Lahat iyan ay ang mga naging pagbati nila sa akin habang inilalagay sa aking ulo ang mga hawak nilang flower crown.

Nasundan din iyon nang magsilapit na rin ang aking mga kaibigan. Isa-isa rin silang nagsabit sa akin ng mga bulaklak ng sampaguita na niyari naman para maging aking kwintas.

Gusto kong magpasalamat sa kanila pero naguguluhan pa rin ako.

“H-hindi ko po, birthday… Katatapos lang, ’di ba..? ’Wag naman kayong ganito… Baka sabibin pa ni Tita Mavel, umeksena pa ako sa party niyang ito…” pagsaway ko sa kanilang umiiyak.

Lahat naman sila ay nagtawanan ngunit wala sa kanila ang nangahas na magpaliwanag. Sa halip, hinarap nilang muli si Rigo na hanggang ngayon ay umaawit sa mga oras na ito.

I’ll say will you marry me

I swear that I will mean it

I’ll say will you marry me

Ooh whoa ooh oh

Ooh whoa ooh oh

Ooh whoa ooh oh

Habang pinapanood namin si Rigo ay mas lalo nang bumuhos ang mga luha ko. Ngayon lamang nagpoproseso ang mga mensaheng nakapaloob sa liriko ng magandang kantang hindi ko pa napakinggan.

Hindi ko kailanman hinangad na mangyayari ito dahil kuntento na ako. Masaya na ako sa buhay dahil kasama ko na si Rigo, pero hindi ko inisip na may kasunod pa pala ang kaligayahang nararanasan ko.

I’ll say, “Will you marry me?”

I swear that I will mean it

I’ll say, “Will you marry me?”

Matapos ang pagkanta ni Rigo ay binitiwan na niya ang gitarang hawak nito. Kasunod nito ay kinuha niya ang kanyang panyo mula sa bulsa at pinunasan ang kanyang mga luha.

“Halika, Ma, punasan din natin ang mga luha mo. Ayokong magdugyot ka ’pag nakarating na rito si Daddy.” biglang pagkausap sa akin ni Ar-Ar mula sa aking tabi.

Yumuko naman ako para magpantay ang aming mukha. Nang mailabas ni Ar-Ar ang kanyang pamunas ay hindi ko maiwasang matawa.

“Anak, naman..! Ang ganda ng suot mong suit pero ‘Good Morning’ towel ang dala mo..! Binilhan ka naman namin ng mga panyo, ’di ba..?” umiiyak at natatawa kong pagsaway sa kanya dahil sa inilabas niyang pamunas ng aking luha.

“Hayaan mo na, Ma! Ito lang ang nadampot ko kanina, eh! Saka baon ko pa ito galing sa probinsiya! Remembrance ko ’to kaya alamat na rin ’to!” pakikipagtalo naman niya sa akin.

Natatawa na lamang ako habang nagpapapunas ng luha kay Ar-Ar. Wala talagang makakatalo sa pagiging makulit niya.

Matapos ang pagpunas ng aking anak sa aking luha ay bumalik na kami sa tuwid na pagkakatayo. Nakita kong unti-unti na ring nag-aalisan ang aming pamilya at mga kaibigan sa aming tabi hanggang sa kami na lang ni Ar-Ar ang maiwan dito sa gitna habang hawak namin ang kamay ng isa’t isa.

Nasa ganoon kaming tagpo nang biglang umalingawngaw ang karimarimarim na boses ni Coke.

“Ayan na!! Matatapos na rin ang drama ng baklang maldita!!” may kalakasan nitong sigaw na ikinatawa naming lahat.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang iyon, itinuon ko na lamang ang aking sarili sa pagbabalik ng tingin kay Rigo na ilang metro rin ang layo mula sa aking kinatatayuan.

“Chill lang, Ma. Nanginginig ka! Saka ang higpit ng kapit mo sa kamay ko! Malapit na sumakit!” reklamo ng anak ko sa aking tabi.

“Sorry, ’nak…” natatawa ngunit nanginginig ang boses kong sagot sa kanya.

Muli naming ibinalik kay Rigo ang aming mga mata. At nang tuluyan kaming magkatinginan ay pareho rin kaming bahagyang natawa. Hindi ko alam kung pareho ang dahilan ng pagtawa naming iyon, pero natatawa ako dahil sa mga inasal ko kanina. Nag-away pa kami dahil sa mali kong akala, iyon pala ay may nakahanda sa aking sorpresa.

Mula sa ilang metrong layo namin ni Rigo ay dahan-dahan itong humakbang patungo sa pwesto namin ng anak ko.

Walang nagsasalita at tanging sa ngiti lang namin pinapahatid ang nilalaman ng aming puso. Ngayon ay mas bumilis na rin ang tibok ng puso ko. Alam kong nararamdaman na rin ni Ar-Ar ang mas paglamig at panginginig ng kamay ko.

Nagbalik ang katahimikan sa buong lugar at lahat ay naghihintay sa magaganap. Lahat ay naghihintay sa pagsisimula ni Rigo sa kanyang pakay.

“Ayan na talaga!! Syet!!” pagbasag na naman ni Coke sa katahimikan. Pigil na pigil ang kanyang pagtili ngunit hindi niya pa rin iyon maitago kahit paliitin pa nito ang kanyang boses. Boses palaka nga kasi ang ulikba.

“Manahimik ka nga diyan! Papasakan ko na ng bubog ’yang bunganga mo, e!” narinig ko namang pagsaway sa kanya ni Vinci.

Saglit na nagkatawanan ang ilan dahil sa pag-eksena ni Coke. Makalipas iyon ay nagbalik na naman ang katahimikan ng lahat.

Lumapad ang ngiti ko habang nakatingin kay Rigo. Alam ko na kung ano ang mangyayari base na rin sa kinanta nito. Kaya naman habang umaandar ang oras ay lalo na akong hindi mapakali dahil sa labis na saya ko.

Habang nasa tapat namin ni Ar-Ar si Rigo ay nasaksihan namin kung paano siya nagsimulang kumilos para kunin ang isang bagay mula sa bulsa nito. Isang box iyon at alam ko na rin kung ano ang laman no’n. Kasunod nito ay malapad din ang kanyang pagkakangiti nang simulan naman niyang kumilos para lumuhod sa tapat ko.

Wala na ang mga luha ko, ang tanging suot ko na lamang ngayon ay ang malapad ng ngiti ko.

“Liam––”

“Yes, Rigo! Yes! Yes ang sagot ko!!”

Hindi ko na siya pinatapos pa. Mabilis ko nang ibinigay ang sagot ko sa kanya habang tumatango-tango at nakangiti ako sa kanya.

Matapos kong isigaw iyon ay umentrada na naman si Coke na baluga.

“Wala pa, bakla! ’Wag ka ngang atat diyan! Kung maka-yes ka naman, wagas! Aalukin ka lang niyang magtinda ng sampaguita sa Quiapo at Baclaran! Ang dami mong sampaguita ngayon na pwede mo nang pagkakitaan!” paninita sa akin ng ulikba.

Nagtawanan na naman ang lahat ng nakasaksi.

“Manahimik ka nga diyan! Moment ko ’to! ’Wag kang umeksena! Ipapatuhog na kita sa kawayan, makikita mo!” pagbabanta ko naman kay Coke.

Mas lalo nang natawa ang lahat.

Matapos iyon ay naramdaman ko ang paghawak ni Rigo sa isang kamay ko.

“Hayaan mo na siya, Liam. Ako ang pakinggan mo dahil marami akong gustong sabihin sa ’yo.” malambing na pakiusap sa akin bi Rigo.

“Sige, go! Bilisan mo na, baby Rigz! Excited na ako!” sagot ko naman sa kanyang mabilis.

Ang mga punyetang tao naman sa aming paligid ay wala na yatang balak pang tumigil. Tawa sila nang tawa kahit hindi naman ako nagpapatawa.

Nakaluhod pa rin si Rigo habang hawak ang isang kamay ko nang simulan niyang magsalita.

“Sorry, Liam, kung pakiramdam mo kanina, pinaasa kita. Wala naman talaga akong pinahandang dinner sa isang restaurant dahil ito ang inihanda ko para sa ’yo. Party ito para sa ’yo at kakuntsaba ko lang sina Tita Mavel at ang mga kaibigan natin.” paliwanag niya habang nakatingala ito sa akin.

“’Wag mo nang alalahanin ’yon, Rigz! Promise, kinalimutan ko na ’yon!” sagot ko namang masaya sa kanya.

Natawa siyang saglit. Siguro ay dahil sa pag-alala ng mga naging reaksyon ko kanina.

Muli siyang huminga nang malalim. At base sa nakikita ko ngayon kay Rigo, mukhang kabadong-kabado ito.

“Liam, alam kong mabilis. Alam kong nagsisimula pa lang tayo. Pero alam mo naman kung gaano ako kapatay na patay sa ’yo simula pa noon, ’di ba?” tanong niya sa akin.

“Yes! More than ten years na, ’di ba?! Marami pang years na darating at alam kong mas magiging patay na patay ka pa sa akin! Irresistable nga kasi ako, ’di ba?!” sagot ko namang mabilis sa kanya.

Malakas ang kanyang pagtawa ngunit sinagot niya naman ako ng mga pagtango niya.

Nagpatuloy pa siya sa kanyang pagsasalita.

“At ngayong opisyal na tayo, Liam, ayaw ko na ring patagalin pa,” sunod niya pang litanya.

“Okay lang ba sa ’yo kahit hindi pa tayo nakakapag-anniversary, baby Rigz?! Monthsary, weeksary, daysary, hoursary at minutesary pa lang ang naise-celebrate natin! Okay lang ba ’yon sa ’yo?!” paniniguro ko.

Muli na naman siyang natawa maging ang mga taong naririto kabilang na rin ang anak naming si Ar-Ar na nasa aming tabi nakatayo.

“Okay lang, Liam.” unang sagot ni Rigo. “Dahil ang mga susunod na bibilangin mong celebration ay ang mga taon, buwan, linggo, araw at minuto bilang….

…. asawa ko na.“ dugtong pa nitong sagot.

Hindi na ako nakapagsalita matapos iyon sabihin ni Rigo. Hindi ko man gustuhin ay nagbalik na naman ang mga luha sa mga mata ko. Labis na kasiyahan ang naging hatid ng mga salita niyang iyon.

Saglit na binitiwan ni Rigo ang kamay ko. Kasunod nito ay binuksan niya ang box na kanyang hawak at kinuha ang white gold na singsing na nasa loob nito.

Muli niyang hinawakan ang kamay ko at itinapat sa aking palasingsingan ang singsing na hawak naman ng kanyang isang kamay.

“Randy Liam De Torres, handa ka na bang magpalit ng apelyido?

Handa ka na bang maging kabiyak ng nag-iisang Rigo?

Handa ka na bang maging Mr. Randy Liam Silvestre ng buhay ko?“

’Yan ang mga katanungan ni Rigo habang nakatingin siya sa mga mata ko.

May mahihiling pa ba ako? Sobra-sobra pa ito sa inaasahan ko. Kuntento naman ako pero naibigay pa rin ang napakagandang bagay na ito.

“Yes, Rigz… Yes…”

Umiiyak kong sagot kay Rigo habang marahang tumatango.

Naikagat ni Rigo ang ibabang labi niya, kasunod nito ay dumaloy ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko rin ang nanginginig niyang mga kamay nang simulan na niyang isuot ang singsing sa akin.

Nang tuluyan na itong maisuot ni Rigo sa akin ay ako na ang kusang gumalaw para yumuko. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at pinagdikit ang aming mga labi. Pareho kaming umiiyak dahil sa labis na tuwa habang sinusuklian ang halik ng isa’t isa. Narinig din namin ang mga palakpakan at pagdiriwang sa aming paligid dahil sa naganap.

Matapos ang ilang segundong paghalik namin ni Rigo ay ako na rin ang umalalay sa kanya para siya ay makatayo. Wala na kaming inaksaya pang oras, dahil matapos iyon ay naging mahigpit ang aming pagkakayakap.

Mas naging malakas na ang sigawan at palakpakan mula sa aming mga mahal sa buhay. Ramdam ko ang kanilang kasiyahan dahil sa magandang kaganapan.

“A-ang saya ko, Liam… Ang saya-saya ko… A-akala ko… akala ko, hanggang pangarap ka lang noon… Pero heto ako… makakasama na kita nang buong buhay ko… Salamat sa pagtupad ng simpleng pangarap ko… Salamat, Liam… Salamat…” nauutal na bulong sa akin ni Rigo habang umiiyak ito.

Mas lalong bumuhos ang luha ko dahil sa mga sinabi nito.

“Mali, Rigz… Ako ang dapat na magpasalamat sa ’yo… Ikaw ang bumuo sa akin… Ikaw ang tumupad sa pangarap kong makaramdam ng saya sa buhay ko… Salamat sa tiyaga… Salamat dahil hindi ka napagod sa paghihintay… Salamat sa lahat… Ngayon, masaya na ako… Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko… Ikaw ang malaking katuparan sa pangarap ko, Rigo… Salamat sa ’yo…” sagot ko naman sa kanyang umiiyak.

Paulit-ulit naming pinasasalamatan ni Rigo ang isa’t isa habang magkayakap kaming dalawa. Pinaramdam namin ang sayang hindi maibibigay ng iba, ang kasiyahang manatili lang kaming magkasama ay sapat na.

Napakahaba ng panahon, napakaraming pagsubok at napakabigat na sitwasyon ang pinagdaanan namin para lang matupad ang simpleng pangarap naming dalawa. At heto na nga kami ngayon, sabay naming lalasapin ang pinakamasayang parte ng mga buhay namin.

Matagal pa kaming magkayakap ni Rigo hanggang sa may mga pagkalabit na kaming naramdaman sa katawan naming dalawa.

“Daddy… Ma… nakalimutan n’yo na po ako… Nakalimutan n’yo na yatang may anak kayo..?” malungkot na boses ang narinig namin mula sa aming anak na si Ar-Ar.

Doon lamang kami ni Rigo natigilan. Dahan-dahan kaming naghiwalay sa aming pagkakayakap para harapin si Ar-Ar na ngayon ay para nang maiiyak.

Natatawa kaming pareho ni Rigo dahil sa nasaksihan namin kay Ar-Ar. Naging mabilis naman ang kanyang ama para kargahin siya at halikan nang paulit-ulit ang pisngi niya.

“Makakalimutan ba naman namin ang soon-to-be-model na anak namin?! Manang-mana ka kay Daddy dahil napansin agad ni Big Boss ang gandang lalaki mo!” pagkausap ni Rigo kay Ar-Ar habang hinaplos ang ulo nito.

Agad naman na nangunot ang noo ko.

“Hoy! Anong model-model ’yang pinagsasabi mo?! Hindi! Hindi ako papayag na magmodel si Ar-Ar!” pagkontra ko agad kay Rigo.

Kinindatan naman ako ni Rigo bago ako sinagot nito.

“Mamaya na lang natin ’yan pag-usapan, Liam. Sa ngayon, i-enjoy muna natin ang engagement party natin. Nira-rush ko na rin kasi ang lahat. Ngayon ang first date natin, proposal ko sa ’yo at ang engagement party natin. And after a couple of months, ang kasal naman natin.” nakangiting paliwanag sa akin ni Rigo.

Nanglaki ang mga mata ko at naibuka ko pa ang bibig ko.

“Gano’n kabilis ang lahat, Rigz?! Bakit parang biglaan naman yata?! Saka hindi ka ba muna mamamanhikan sa amin?! ’Di ba, dapat ipagpaalam mo muna ako sa pamilya ko?!” pagkompronta ko rito.

Sumabat naman ang anak ko.

“Ma, naman! Para ka namang dalaga niyan! Hindi ka naman babae, eh! Saka wala ka nam––” reklamo sana ni Ar-Ar sa akin ngunit hindi ito natuloy dahil tinakpan din agad ni Rigo ang bibig nito.

Narinig ko ang tawanan ng mga taong naririto. Mukhang natuwa sa naging pagkontra ng anak namin ni Rigo.

Napataas naman ang isang kilay ko. Kahit hindi naituloy ni Ar-Ar ang kanyang sasabihin dahil sa pag-awat ni Rigo, alam ko kung ano ang gusto niyang iparating.

Na hindi ako isang dalagang Pilipina para dumaan sa proseso ng pamamanhikan bago ang nalalapit na kasal niya!

Naiangat ko ang aking isang kamay para sana kurutin ang tagiliran ng kontrabida kong anak na si Ar-Ar, ngunit bago pa iyon mangyari ay naging mabilis din si Rigo para awatin ako. Hinawakan niya ang aking kamay na kukurot sana sa anak ko.

“Sige na, Liam! Kung kinakailangan na mamanhikan kami sa inyo, gagawin ko bukas na bukas din mismo!” mabilis na pagsagot sa akin ni Rigo.

Dahil sa aking narinig ay nabuhayan ako. Mabilis na nawala ang inis ko at nagbalik na rin ang pagkakangiti ko. Ngayon ay sinisimulan ko nang mangarap kung paano mamamanhikan sa amin si Rigo.

“Ipagsisibak mo ba kami ng kahoy sa probinsiya namin, Rigz?” tanong ko agad kay Rigo.

Siya naman ngayon ang nangunot ang noo.

“Liam, mamamanhikan na ako. Ginagawa lang ’yon ’pag nagliligawan. Saka uso na ang kalan! Gas range na nga ang gamit natin! Bakit may pagsibak pa ng kahoy?!” pagkontra nito.

Hindi ko siya sinagot, ngunit mabilis na gumuhit ang inis sa akin.

Mukhang nakuha naman ni Rigo ang gusto kong iparating. Kaya mula sa pangungunot ng kanyang noo ay nagbitaw ng alanganing pagtawa ito.

“Sabi ko nga! Magsisibak na nga ako ng kahoy sa probinsiya n’yo!” mabilis nitong pagbawi.

Nagbalik naman ang aking ngiti.

“Ipag-iigib mo rin ba kami ng tubig?” tanong ko pa rin sa kanya.

Naiikot niya ang kanyang mga mata.

“Oo na. Kahit naman alam kong may mga gripo na kayo at shower sa banyo.” sagot niya.

“Haharanahin mo rin ba ako? Kasama mo bang kakanta ang mga lasinggero sa kanto, este, mga kaibigan natin habang nakadungaw ako sa bintana namin?” pangungulit ko pa rin sa kanya.

“Ma, naman?! Pabebe much na!” reklamo ni Ar-Ar. Mukhang naaawa na sa kanyang ama.

“Manahimik ka diyan! Kukutusan kita!” pagsaway ko naman kay Ar-Ar.

Mabuti naman at nadala siya sa aking pagbabanta kaya bumalik ako sa pagkakatingin kay Rigo para hintayin ang kasagutan nito.

Nasaksihan ko kung paano niya dahan-dahang nilingon ang kinaroroonan ng aming mga kaibigan. Mukhang nagpapaalam siya kung pagbibigyan ba siya ng mga ito na masamahan.

“Pass ako diyan, Rigo! Hindi ko nga ’yan nagawa sa asawa ko tapos gusto mong gawin ko diyan kay Randy na may toyo?! Lul! Tigilan n’yo ako!” mabilis na pagkontra ng best friend kong si Xander.

“Tang*na! Subukan mong isama ako! Magiging makasaysayan ang panghaharana mo! Magigising kahit ang mga aswang sa probinsiya n’yo!” si Dom naman.

“Busy ako. Marami akong nakaline up na trabaho.” sagot naman ni Shai na tila hindi interesado. Nakatingin kasi ito sa kanyang mga kuko.

Sila ang mga kaibigan namin, mga walang kwenta paminsan-minsan. Hindi man lang sinuportahan ang aking kalandian.

Mawawalan na sana ng pag-asa si Rigo hanggang sa may isang boses ang umalingawngaw para magpresenta.

“Ako, Rigo! Sasama ako! Gusto kong makita si Randy habang hinaharana mo!”

Sino iyon? Walang iba kungdi si Tom. Nagniningning pa ang kanyang mga mata at nakataas pa ang isang kamay niya habang isinisigaw iyon.

“Master, naman?! ’Wag mong sabihing makikisabay ka sa trip ni Randy?!” agad na pagkontra ni Xander sa kanyang asawa.

“Master, gusto kong makakita no’n sa personal! Kaya sasama ako sa ayaw at sa gusto mo!” pagmamatigas naman ni Tom.

Napangisi ako. Mabuti pa itong si Tom, suportado ako. Ang mga botomesa, nagkakasundo talaga.

Dahil doon ay napahinga nang malalim si Rigo at muling nilingon ako.

“Okay na, Liam, may kasama na ako. Kaya sige, manghaharana na rin ako.” tila alanganin pa ring sagot sa akin ni Rigo.

Mas lumapad na ang pagkakangiti ko.

“Good. Madali ka naman palang kausap. Alam mo naman siguro kung anong mangyayari ’pag sinuway mo ako, ’di ba?” nakangiti ngunit may pagbabanta kong litanya.

“Oo na, oo na…” pagsuko na lang nito sa akin. “Kung hindi lang talaga kita mahal.” bulong niya pa.

Kasunod nito ay dahan-dahan niya akong niyakap kahit karga niya pa rin ang aming anak. Ang ginawa ko naman ay niyakap ko rin ang aking mag-ama. Ang saya ko, sobrang saya ko ngayong mga oras na ito. Akala ko ay magtatapos ang araw ko nang malungkot, pero mas doble pa pala ang sayang hatid nito.

“I love you, baby Rigz… Salamat sa lahat…” nakangiti kong sambit habang yakap silang dalawa ng aking anak.

Narinig ko ang pagtawa nilang dalawa.

“I love you too, Liam… Salamat din sa lahat…” sagot naman sa akin ni Rigo at hinalikan ako sa noo.

Hindi naman nagpatalo ang aming anak na si Ar-Ar.

“I love you, Daddy! I love you, Ma! Salamat din po sa lahat! Uhhmmm!!” sambit nito at nanggigigil ang yakap nito sa amin.

Natawa kaming pareho ni Rigo bago namin siya hinarap.

“We love you too, anak!” sabay naming sagot ni Rigo sa kanya. Nasundan din iyon ng paghalik namin sa pisngi niya.

Hindi simple ang mabuhay. Lahat ay may nararanasang kabiguan habang patuloy tayong naglalakbay. Ngunit sa bawat pagsubok, dapat tayong maging matatag. Dahil darating ang araw, may makakasama tayong lumaban habang naglalakbay tayo sa daan.

Ito ang nangyari sa amin ni Rigo. Pareho man kami noon na naging bigo, pareho man kaming nakakulong noon sa lungkot, nagtagpo naman ang aming mga landas para sabay na lampasan ang mga ito.

Alam kong marami pa kaming pagdadaanan. Pero hangga’t naririto siya at aming anak, alam kong madali lang namin itong malalampasan.


A/N

Habang nalalapit ang ending, parang ayaw ko nang tapusin. Chos!

Pasensya na po kung natagalan, sana ay sulit naman dahil marami ang ganap.

Remaining chapters; Chapter 42, Finale Part 1, Finale Part 2, Special Chapter 1, Special, Chapter 2 and Special Chapter 3.

Sana ay samahan n’yo ako hanggang sa mga huling chapters. Marami pong salamat!

–– cold_deee ❤

chapter 42

A/N

Hello~

Babala: Mahaba ito. 😂

Para po kay

unknown_krist

ang chapter na ito! Thank you, bebe, sa support! ❤

Suportahan din po sana natin siya, guys. Try to visit his profile para mabasa n’yo ang published story niya. Thankies~

Enjoy reading, mga mahal ko!

––> Sina Xander, Rigo at Dom po sa media. Ano kaya ang gagawin nila?


RANDY’s POV

“Sir, nandito na po tayo.” pagkumpirma ng aming driver matapos kaming ihatid sa lugar kung saan magaganap ang isa sa pinakamalaking event na mangyayari ngayong gabing ito.

“Salamat po, Manong.” tipid na sagot ko naman dito.

Hindi agad ako bumaba ng kotse, nilingon ko muna ang gwapong bata sa aking tabi. Suot niya ang kaparehong design ng suit ko ay nginitian ko ito.

“Handa ka na ba, ’nak?” tanong ko rito habang inaayos ang bowtie nito.

“Opo, Ma! Excited na akong makita si Daddy sa fashion show niya!” sagot naman nitong masaya habang inaayos din ang bowtie na suot ko. Ang cute tuloy naming mag-ina.

Terno kami ng anak ko. Nakablack suit kaming pareho na may puting polo sa loob at may bowtie na itim din. Ang kaibahan lang namin, short na itim ang kanya na umaabot hanggang tuhod samantalang pantalon naman ang akin. Terno rin ang aming black leather shoes at puting medyas. Pinatahi pa ni Rigo ang mga damit naming ito para sa special event ngayong gabing ito.

“Patingin nga ng bulsa mo?” utos ko kay Ar-Ar.

Nangungunot man ang kanyang noo dahil sa pagtataka ay sinunod naman ako nito. At nang makita ko ang laman ng kanyang bulsa ay napangiti ako.

“Good. Akala ko kasi ‘Good Morning’ towel na naman ang dala mo. Mabuti naman at panyo!” simpleng sermon ko naman sa kanya habang nakataas na ang isang kilay ko.

Natawa naman ang anak ko.

“Tara na, Ma! Excited na akong mapanood si Daddy! Saka gusto kong makita ang gagawin ko ’pag nagmodel na rin ako!” pagyaya na nito sa akin.

Huminga naman ako nang malalim. Wala na akong nagawa nang mapag-usapan namin ni Rigo ang pagpasok ni Ar-Ar sa pagmomodelo. Pumayag na rin ako dahil part time lang naman daw. Gusto rin naman subukan ni Ar-Ar at hindi naman siya mag-iisa dahil nakuha rin ang panganay nina Xander at Tom na si Carla.

Saglit ko pang tiningnan ang buhok ni Ar-Ar kung maayos pa rin ba ito at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Nang masigurong presentable na kaming pareho ay hawak-kamay na rin kaming bumaba ng aming kotse. Naglakad na rin kami nang diretso patungo sa gate kung saan papasok ang mga VIP.

Dito sa malaking arena sa Maynila magaganap ang isa sa pinakamalaking fashion show sa bansa. Inaasahan na namin ang maraming manonood dahil kilala ang clothing company na magpapalabas ng bagong fashion nila sa darating na taon. Kaya dito pa lamang sa labas ng arena ay naririnig na namin ang sigawan ng ilang manonood sa loob man o sa labas.

At kung bakit kami naririto ngayon ng aking anak? Iyon ay dahil mapapanood din namin ng live ang pagrampa sa runway ni Rigo. Espesyal ang gabing ito para sa aming lahat dahil ito rin ang comeback ni Rigo sa kanyang agency bilang isa sa pinakasikat nilang modelo.

Noon ay hindi ako sumasama sa mga event tulad nito. Hindi ko kailanman sinamahan o pinanood si Rigo maging ang mga kaibigan ko kaya bago rin ito sa karanasan ko. Ngayon ang kauna-unahang pagkakataon na mapapanood ko siyang rarampa kaya bahagyang kinakabahan ako.

Kailangan ko rin itong gawin para ipakita ang suporta sa magiging ASAWA ko.

Napangiti ako sa pag-iisip na magiging asawa ko na si Rigo. May isang buwan pa kaming paghahanda para sa aming kasal, pero ngayon pa lang ay gusto ko nang takbuhin ang venue at gusto ko nang maging opisyal na asawa si Rigo.

“Syet, kinikilig ako!” hindi ko sinasadyang maisaboses ang nasa isip ko. Napahawak pa ako sa aking pisngi dahil sa pagiging kerengkeng ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Ar-Ar habang patuloy kami sa paglalakad nito.

“Ma, siguro iniisip mo na naman ang kasal ninyo ni Daddy, ’no?” tanong niyang medyo seryoso.

“Eh?? Paano mo naman nalaman, ’nak?” may kalandian kong tanong sa kanya habang patuloy pa rin kaming naglalakad.

“Eh, halos araw-araw naririnig kong kinikilig ka! Paulit-ulit mong sinasabi na mag-aasawa ka na! Nakakarindi na kaya!” sagot nito sa akin.

Medyo nairita ako sa sinabi ng anak ko, pero dahil kinikilig talaga ako, pinanatili ko ang pagkakangiti ko.

“’Nak, gusto mo bang mahigh blood si Ma?” tanong kong mahinahon ngunit may diin sa kanya.

Matalino talaga ang anak ko dahil ramdam niya agad na nanganganib siya. Kaya sa halip na ipagpatuloy niya ang kanyang pagrereklamo ay natawa ng alanganin ito.

“Ayaw ko, Ma. Sige po, ituloy mo na ang kilig mo! Landi pa more, Ma!” pagsang-ayon na lang nito.

Mabuti naman at mukhang naturuan na siya ng kanyang ama kung ano ang dapat gawin sa tuwing nagbabadya ang topak ko. Dahil kung hindi, alam na nilang magiging kritikal ang buhay nilang pareho.

Saglit lang kaming pumila ni Ar-Ar dahil mas kakaunti ang taong pumapasok sa entrance na para sa mga VIP. Hindi na kami nahirapan lalo na nang makita ang aming dalang envelope na nasa pinakaunahan kami.

“Randy! Ar-Ar!” biglang pagtawag ng isang nilalang na itago na lang natin sa pangalang Tikbalang.

“Ninang Coke!” masayang pagbati rin ng aking anak sa tumawag sa amin. Nagawa pa nitong kumaway na parang isang kandidato.

Agad na tumakbo si Coke sa aming pwesto na animo’y isa talagang kabayo. Akalain mo, may tikbalang na naligaw sa Maynila? Akala ko kasi ay sa probinsiya lang ito makikita.

“Uhmmm!! Ang gwapo naman ng inaanak ko!” papuri nito kay Ar-Ar habang yakap at hinalikan pa ito.

Ilalabas ko na sana ang aking panyo ngunit agad din akong naawat ng maligno. Hinawakan pa ang kamay ko ng punyeta.

“Magtigil ka, Randy, ha?! Nagsisimula ka na naman magmaldita!” paninita nito sa akin. “Saka nag-alcohol ako! Minumog ko pa nga para lang mamatay lahat ng germs na natitira sa katawan ko!” sunod pa nitong panunumbat.

Naiikot ko naman ang mga mata ko.

“Sana ininom mo na rin, Coke, para nategi ka na rin.” simple kong pang-aasar.

Nagdabog naman siya gamit ang kanyang mga paa. Kabayo talaga.

“Tse!! Matapos ko kayong sunduin, ganyan mo pa ako sasalubungin?!” sumbat pa rin nito sa akin.

Ewan ko ba, tuwang-tuwa talaga ako kay Coke tuwing sinisira ko ang araw niya. Alam ko namang minsan ay sumusobra na ako sa pagbibiro sa kanya, pero gusto ko talaga siyang inaasar. At aminin ko man sa hindi, gustong-gusto ko na siyang kasama.

Kung bakit? Dahil ’pag siya ang kasama ko, nangingibabaw talaga ang ganda ko.

“Ano? Magtititigan na lang tayo rito? Sinasabi ko sa ’yo, Coke, ha? Hindi ako tatagal sa pakikipagtitigan sa ’yo. Diyan mo ako matatalo.” pag-iiba ko na lang ng usapan.

Agad naman siyang natauhan.

“Ay, oo nga pala! Tara na, pumasok na tayo sa loob! Nandoon na sina Tito Ed at Tita Eve! Nauna na ring dumating sina Tom kasama si Carla pati ang girlfriend ni Dom!” pagyaya na lang nito sa amin.

Hawak naming pareho ang kamay ni Ar-Ar nang simulan naming maglakad papasok sa mismong venue. Masaya silang nagkakamustahan ng anak ko habang ako naman ay iniisip naman ang mapapanood ko mayamaya lamang.

Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng venue ay nagulat kaming pareho ni Ar-Ar. Napahinto kami sa paglalakad at nanglaki ang aming mga mata sa aming nabungaran.

“Ma! May mga pictures si Daddy, oh! Tapos may mga pangalan din siyang umiilaw sa taas!” namamanghang sambit ni Ar-Ar habang tinuturo ang iba’t ibang parte nitong arena na puno na rin ng tao.

Hindi ako nakatugon sa sinabing iyon ng aking anak. Nabigla ako dahil napakarami nga ng posters at mga pangalan ni Rigo ang nakikita ko sa baba o sa taas man nitong venue. May ilan din akong nakikita na pangalan ng mga kaibigan ko, pero mas marami ang kay Rigo. Hindi ko akalain na ganito pala kakilala si Rigo dahil kahit minsan ay hindi naman siya nagkwento sa akin kung gaano siya kasikat.

“I told yah! Sikat ang Daddy mo! Kaya nga noong mabalitaan nilang babalik na siya, nagpunta silang lahat dito! Ang iba nga diyan, nanggaling pa ng ibang bansa! Umuwi lang ng Pilipinas para suportahan ang comeback niya!” pagyayabang naman ni Coke sa aking anak.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Sa tinagal-tagal na kasama ko si Rigo, ngayon ko lang napagtanto kung gaano na kasikat ito. Hindi ko akalaing marami na rin siyang tagahanga kahit pa isa lang siyang modelo.

“Nagulat ka, ’no?!” mayabang na tanong sa akin ni Coke at bahagya pa ako nitong itinulak sa balikat.

“Saan? Sa mukha mo? Oo naman.” sagot ko sa kanya. Ayaw ko kasing ipahalata ang aking pagkamangha.

“Letse! Sa mga fans niya!” pagtatama naman nito sa akin. “Mas dumami pa ’yan simula nang magkaroon siya ng series sa Thailand! Celebrity na talaga siya hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa na rin! Madadagdagan pa ’yan dahil ipapalabas na rin sa iba pang mga bansa ang series niyang ’yon!” sunod pa nitong pagbabalita.

Muli ay hindi ako nakapagsalita. Ganito na pala ang naaabot ni Rigo? Bakit wala akong kaide-ideya?

Napahinga ako nang malalim habang inaalisa ang mga nangyari. Paano ko nga naman kasi malalaman na ganito na pala ang narating ni Rigo kung hindi ko noon ipinapakita ang interes ko sa kanya? Isa pa, hindi ako makapaniwala na binitiwan niya na minsan ang industriyang ito para lang sa akin. Malaking oportunidad ito pero mas inuna niya noon ang kapakanan ko. Napakalaki ng mga nagawa niyang sakrispisyo.

Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng hiya. Nang dahil sa akin ay muntik nang mawala ang isa sa mahalagang bagay kay Rigo.

“Hoy! Bakit may pagsad face? Hindi ito ang oras para magdrama, bakla! Kung ako sa ’yo, umupo na tayo para mas lalo ka pang mamangha sa mapapangasawa mo! First time mo ’to, ’di ba?! Hindi kita noon nakikita tuwing may rampa siya!” mahabang paninita sa akin ni Coke.

Marahan akong tumango bilang pagsagot kay Coke, “Nakakahiya, Coke. Hindi ko akalain na ganito na pala siya kasikat. Hindi ako aware na maganda pala ang takbo ng career niya.” malungkot ko pang sagot sa kanya.

Huminga naman nang malalim si Coke at humalukipkip pa.

“Hindi pa naman huli ang lahat. Isipin mo na lang, ngayon ang unang rampa niya. Matuwa ka na lang dahil nabigyan ka ng pagkakataong masilip ang isang mundo ni Rigo. Cheer up! ’Wag kang mag-emote na parang hindi na mauulit ’to. Remember, mahigit isang buwan na lang, asawa mo na ang isa sa pinakasikat na tao. Maraming beses mo pa siyang mapapanood sa mga ganitong event.” mahaba naman nitong pagpapayo.

Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Coke, bahagya ring gumaan ang pakiramdam ko. Ang akala ko ay wala akong mapapala kay Coke at puro joke lang ang mapapag-usapan naming dalawa. Isang malaking joke nga kasi ang pagmumukha niya. Pero heto at pinapalakas ang loob ko ng ulikba.

Tama si Coke, dapat ay maging proud ako dahil buwan at araw na lang ang bibilangin para masabi kong ako ang nag-iisang asawa ng sikat na si Rigo.

“Tara na, Ninang? Saan ba ang upuan natin?” tanong ko nang nakangiti kay Coke. Malambing din ang tono ko para kahit paano ay maipahatid ko ang mensahe ng pasasalamat ko.

Nagningning naman ang mga mata ni Coke. Tuwang-tuwa talaga siyang matawag na ninang ni Ar-Ar kahit pa hindi iyon nakasaad sa papel. Ramdam ko rin naman na magiging malapit sila sa isa’t isa. Mabait naman kasi ang ulikba, ako lang talaga ang salbahe sa kanya.

“Doon tayo sa unahan! Nandoon na rin ang mga makakasama natin sa upuan!” sagot niyang masaya habang tinuturo ang pwesto na nasa tabi ng runway mismo.

Nagpatuloy kami sa paglalakad na tatlo. At para masiyahan pang lalo si Coke, pinuri ko ang kasuotan nito. Nakasuit din kasi ito at nakaboots na animo’y nasa Europe siya. At siyempre, hindi nawawala ang trademark niya. May suot din siyang scarf na bumagay naman sa kasuotan niya.

Tulad nga ng napag-usapan naming dalawa, bago niya iyon suotin ngayong gabi ay ako muna ang kanyang kinonsulta. Tagumpay naman ang bakla dahil naging presentableng tikbalang, este, tao siya.

Nang makarating kami sa linya ng aming uupuan ay ang girlfriend agad ni Dom ang aming nabungaran.

“Hi, Dee. Ang ganda mo ngayon.” papuri ko at nagbeso-beso pa ako sa kanya. “’Yon nga lang, mas maganda pa rin ako sa ’yo.” pahabol ko pang nakangisi sa kanya.

“Alam ko po ’yon, Chef Randy.” sagot naman nito na walang ekspresyon.

Sanay na ako sa babaeng ito, malamig pa siya sa yelo. Iisa lang ang ekspresyong laging ipinapakita nito.

Sinundan din naman siya ng pagbati ng anak kong si Ar-Ar. Hinalikan niya si Dee sa pisngi at paulit-ulit na inuto.

Katabi ni Dee si Tom na katabi rin ang anak nitong si Carla. Hindi nila kasama ngayon si baby Drey dahil masyado pa itong bata. Tulad namin ni Ar-Ar ay nakaterno rin sina Tom at si Carla. Kulay maroon ang napili nilang kulay para maging suit ni Tom at bestida naman kay Carla. Bagay na bagay sa kanila lalo na at parehong maputi ang balat nila.

“Kamusta, Tom? Bakit parang hindi ka mapakali?” tanong ko agad sa kanya matapos ko siyang yakapin bilang pagbati. Napansin ko rin na tila nag-aalala si Tom kaya hindi ko naiwasang magtanong.

Humalik muna si Carla sa aking pisngi bago ako sinagot ni Tom.

“Kinakabahan kasi ako.” sagot niya sa akin.

“Bakit? Ikaw ba ang rarampa? ’Di ba, ang asawa mo naman? Bakit nakikinerbiyos ka?” simpleng pambabara ko naman sa kanya. Ang cute kasi niya, namumula na naman ang mga pisngi niya.

Napakamot naman siya ng batok niya.

“Ahh… K-kasi… Ano kasi…” hindi niya maituloy na sagot.

Dahil yata sa pag-aalangan ay ang anak na niyang si Carla ang sumagot.

“He’s nervous, Tito Randy, kasi paulit-ulit siyang tinatakot kanina ni Daddy. Magmomodel po kasi si Daddy mamaya nang naka-brief lang, ’di ba? Saka first time po kasi ni Papa to see Daddy na magmomodel.” mahabang sagot ni Carla.

Dahil sa aking narinig ay napataas ang isang kilay ko, kasunod nito ay hinampas ko si Tom sa balikat nang pabiro.

“Kung makaarte ka naman diyan parang hindi mo pa nakitang nakabrief ang asawa mo!” paninita ko rito.

Hindi naman siya nakatugon at napahawak na lamang ito sa braso niyang nahampas ko.

Dahil sa cute na cute talaga ako kay Tom ngayon ay nakaisip ako ng isang ideya para asarin pa ito. Medyo bored na rin kasi ako at alam kong may ilang minuto pa kaming maghihintay rito kaya naisip kong pagkatuwaan muna ito.

Yumuko ako nang bahagya para makalapit sa tenga nito. At nang tuluyan na akong makalapit ay binulungan ko ito.

“Tom, naaalala mo ba noong sinabi mo sa aking malaki ang alaga ng asawa mo?” tanong ko sa kanyang pabulong.

Natigilan siya at hindi nakagalaw nang ilang segundo, marahil ay iniisip kung kailan namin napag-usapan ito. Ngunit nang maalala niyang minsan na namin itong naging topic sa text ay tumugon ito nang marahang pagtango.

“Well, dapat ka na talagang kabahan, Tom. Dahil sa malaki ang alaga ni Xander, sigurado akong sisilip ang ulo ng alaga niya sa brief niya mamaya.” pananakot ko sa kanya. “Nakita mo ba ang mga tao? Ang dami nila, at makikita rin nilang lahat ’yon mamaya. Tapos bukas, kakalat na ’yan sa social media. Baka nga mapa-tv at diyaryo pa.” dagdag ko pa.

Nanglaki ang mga mata ni Tom. Kasunod nito ay tiningnan niya ako sa mga mata.

“Hindi nga, Randy..?” nag-aalala niyang tanong nang pabulong.

“Oo nga!” sigurado at seryoso ko namang sagot sa kanya.

“Eeehhh… Anong gagawin ko..?” mangiyak-ngiyak na nitong tanong.

Kunwari ay naaawa ako. Huminga pa ako nang malalim bago ko muling ibinulong ang panibagong kalokohan ko.

“I-text mo na ngayon si Xander. Sabihin mo, itali niya ang ulo ng alaga niya tapos hilahin niya sa likod para hindi makalabas. Ipitin niya kamo para hindi makawala. Iyon ang sikreto ng mga modelo para hindi makitaan ng private parts nila.” mahaba kong mungkahi sa kanya.

Gusto ko nang matawa ngayon pa lang ngunit pinigilan ko. Kailangang maisakatuparan ko ang pang-aasar sa mag-asawang ito.

Matapos ko iyon sabihin ay mabilis na kumilos si Tom para kunin ang kanyang cellphone. Mukhang ite-text niya na rin ang best friend ko kaya umalis na rin ako sa tapat nito. Baka kasi hindi ko mapigilan ang tumawa at mabuko pa ni Tom ang kalokohan ko.

May tatlong bakanteng upuan sa tabi ni Carla at nakita kong may mga pangalan na namin iyon nina Ar-Ar at Coke. Kasunod ng mga bakanteng upuan na iyon ay nakita kong naroon na rin pala sina Tito Ed at Tita Eve. Magkaiba kasi ang sinakyan namin kanina kaya hindi namin nakasabay ni Ar-Ar ang mga ito.

Dapat ay magbebeso-beso pa ako sa kanila lalo na at nakangiti sila sa aking pareho. Pero dahil mabait ako, tinaasan ko lang sila ng isang kilay ko. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya sa akin ng mag-asawang ito dahil tinawanan lang nila ako.

“’Nak, batiin mo sina Lolo at Lola mo. Ibeso mo na lang din ako dahil tinatamad ako.” mataray kong utos kay Ar-Ar at diretso na rin akong umupo sa silyang may pangalan ko.

“Lolo! Lola! Na-miss ko po agad kayo!” bati ni Ar-Ar sa kanila nang makalapit ito. Niyakap niya pa sila at paulit-ulit na hinalikan ang mga pisngi nito.

Ganyan ang anak ko, well-trained sa pang-uuto. Joke lang. Mabait talaga ang anak ko kahit na sobrang kulit nito.

Si Coke ang nasa pagitan ng upuan namin nina Tita Eve at Tito Ed. Mabuti naman. Ayaw ko kasing makatabi ang tiyahin ni Rigo dahil tinatamad ako ngayong pagkatuwaan ito. Sa tuwing inaasar ko kasi siya ay puro ngiti at tawa lang ang iginaganti niya. Nakakatamad dahil ang gusto ko ay nagtatarayan kami na magtatapos sa pagsasabunutan naming dalawa. Pero dahil mabait na talaga sa akin si Tita Eve, hindi niya sinasabayan ang pang-aasar ko sa kanya.

Habang nanghihintay sa pagbubukas ng show ay inabala ko na muna ang aking sarili sa pagtingin sa malaking stage na nasa aming harapan kung saan mamaya rarampa sina Rigo, Xander at Dom.

Yes, kasama nga ngayong gabi na rarampa sina Xander at Dom. Special guests sila ayon na rin sa request ng big boss ng agency nila Coke. Dati rin naman silang modelo sa kaparehong agency na iyon ni Rigo. Ito rin ang kanilang ibinigay na suporta kay Rigo sa pagbabalik nito. Isa pa, gusto lang din naman magpasikat ng mga ulupong.

Excited nga si Xander at paulit-ulit akong kinukulit nitong huli. Hindi pa raw kasi siya nakikita ng kanyang asawa na si Tom kung paano siya rumampa sa runway. Ganoon din si Dom, gusto rin magpakitang gilas sa kanyang girlfriend kaya halos patayin ang kanyang sarili sa pagwowork-out nitong mga nakaraan.

Laking pasasalamat ko rin dahil mabilis na nagbalik ang dating katawan ni Rigo. Bahagya kasi siyang pumayat noong nagkasakit ako. Eksakto rin ito sa pagbabalik niya bilang isang modelo.

Kaninang umaga nga ay niyaya pa ako nitong magjogging. Pero dahil may kaartehan talaga ako, saglit lang akong tumakbo. Hinintay ko na lang siyang matapos at inabala ko na lang ang aking sarili sa pagkuha sa kanya ng litrato. Ang sarap-sarap niya talagang tingnan kanina habang nagpapawis ang katawan niya. Iyon nga lang, hanggang ngayon ay pagpapantasya lang ang aking nagagawa. Wala pa ring nangyayaring kababalaghan sa aming dalawa. Punyeta.

Malaki ang stage at puno ito ng iba’t ibang kulay ng ilaw. May malaking LED screen din sa bandang likuran kung saan makikita ang mga modelo mamaya sa kanilang paglalakad. Para na rin siguro sa mga manonood dito na malayo sa harapan ang pwesto.

Nasa ganoon akong pag-oobserba sa loob ng arena nang naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Agad ko naman itong kinuha sa pag-iisip na baka si Rigo ito. Ngunit nang tuluyan kong mabuksan ang mensahe ay natawa ako.

‘Tarantado ka talaga, Randy! Ano na namang pinagsasabi mo sa asawa ko?! Bakit kinukulit niya akong talian ko ang alaga ko?! Tang*na! Gusto niya pa yatang ibigti ang junior ko?!’

Sino iyon? Walang iba kundi ang best friend kong si Xander na asawa ng slow na si Tom.

Agad ko naman siyang sinagot.

’Malinis ang konsensya ko, Xandz. ’Wag mo akong pagbintangan. Kilala mo naman ako, ‘di ba? Hindi ako marunong gumawa ng istorya.’

Mabilis din ang naging reply sa akin ni Xander.

‘Yeah, right. Kilala na talaga kita. Kilalang-kilala dahil baliw ka! Baliw! Baliw!’

Tawa naman ako nang tawa sa text niyang iyon.

‘Ipapabasa ko kay Rigo ang text mo. Klaro pa naman ang message mo na tinawag mo akong baliw.’

Tinakot ko na si Xander. Ngayon kasi ay alam ko na kung bakit nasisindak na silang lahat kay Rigo. Naikwento kasi sa akin ng tsismosang si Coke kung paano nilang lahat nakita ang galit ni Rigo. Iyon ay noong mabunyag ang sikreto ng impaktang MJ ang kalokohan nito. Tuwang-tuwa nga ako nang malaman kong sinaktan ni Rigo si MJ. At sa sobrang tuwa ko noon, nai-treat ko pa si Coke sa derma clinic para ipa-foot spa ang mukha niya. Tunay naman na tumalab ang foot spa sa mukha ni Coke dahil mukhang paa talaga siya.

’Tuso ka talaga! Burahin mo na ’yang text ko! Ang lakas na ng loob mo ngayon, ‘no?! Palibhasa may boyfriend ka na! Natuto ka nang kumire! Napakalandi mo! Pabebe ka!’

Tawa na talaga ako nang tawa kay Xander. Halatang napipikon na siya dahil ume-effort nang magtext ng mahaba. Well, kahit naman ganito siya sa akin magsalita ay alam kong masaya siya para sa akin. Patas lang naman kami dahil madalas ko rin silang ma-bully na mag-asawa.

Hindi ko na sinagot pa si Xander. Alam ko naman na abala rin sila sa dressing room ngayon. Sinabihan na rin ako ni Rigo kanina na baka hindi na siya makapagtext o makatawag bago nga magsimula ang show. Sadyang maparaan lang talaga siguro si Xander kaya nakakapagtext pa rin ito.

Samantala, bumalik na rin si Ar-Ar sa aking tabi at agad naman itong kinausap ni Carla.

“You know what, Ar-Ar? This will also be my first time to watch my Daddy on a runway!” masaya nitong pagbabalita.

Napakamot naman ng ulo ang aking anak.

“Pwede ba, Carla? Magtagalog ka nga! Lagi mo na lang akong ini-english, eh!” reklamo nito. “Please, give me a break?!” dugtong pa nito.

Napataas naman ang isang kilay ko, ngunit ang mga kasama namin kabilang na ang kanyang Lola at Lolo ay natawa na lamang sa naging reaksyon ni Ar-Ar.

Madali namang nagkasundo ang mga anak namin nina Xander at Tom. Pareho silang matalino at mabait kahit na may pagkapilyo ang anak namin ni Rigo.

Dumating na ang oras para magsimula ang show. Isang malakas na anunsyo mula sa host ng event ang bumulabog sa buong venue. Kung kanina ay malakas ang sigawan ng mga tao, ngayon ay parang dumadagundong na ang sahig dahil sa sabay-sabay na sigawan at palakpakan.

Namatay ang ilaw sa buong lugar nang ilang segundo hanggang sa umalingawngaw ang magandang tugtugin. Kasunod nito ay muling nagbukas ang ilang ilaw sa stage at sinasabayan na rin nito ang beat ng music.

(A/N: Pakiplay na lang po ang nasa media. ’Yan lang po ang napili kong music dahil wala akong makita. Kung may mas maganda kayong music na pwedeng isabay sa pagrampa, go! Hahahaha! Song title: Roses - By The Chainsmokers feat. Rozes)

Unang lumabas mula sa likod ng stage ang isang babaeng model. Maganda ang casual dress nitong nababagay sa ano mang okasyon. Maganda ang modelo at halatang batikan na ito sa pagrampa. Marahil ay siya rin ang main model dahil siya ang naunang rumampa. Mukhang kilala na rin siya dahil marami rin ang sumisigaw sa kanya.

Nasundan iyon ng iba pang mga babaeng modelo suot pa rin ang unang category na kanilang irarampa.

Matapos ang mga babaeng modelo ay mas naging maingay sa buong arena dahil in-announce na ang para naman sa mga lalaki. Saglit ulit na namatay ang mga ilaw at halos mabingi kami sa sigawan nang umangat ang imahe ng isang tao mula sa ilalim ng stage patungo sa ibabaw nito. Nagkaroon pa ng smoke effects na lalong nagpaganda sa grand entrance nito.

Napangiti ako ng wagas at hindi ko naiwasan ang mapapalakpak nang masilayan ko ang taong nakatayo ngayon sa entablado. Simple lang ang kanyang kasuotan na denim pants at black leather jacket na may white shirt sa loob. Ngunit naging napakaespesyal ng damit na iyon dahil napakaganda ng ngiting ibinibigay nito.

“Ma! Ang gwapo ni Daddy!!” sigaw ni Ar-Ar sa akin. “Daddy ko ’yan! Daddy ko ’yan!!” paulit-ulit niya pang sigaw habang nakataas ang dalawa niyang kamay.

Nagsimulang maglakad si Rigo sa bawat parte ng stage. At sa bawat parteng kanyang pinupuntahan ay ang paulit-ulit na sigaw ng mga tao sa kanyang pangalan.

Ganito pala ang pakiramdam habang pinapanood ang taong mahal mo. Ang bilis ng tibok ng puso ko hindi dahil sa kaba kundi dahil proud ako sa nakikita ko rito.

Hindi ako makapaniwala. Ang napakagwapong lalaking ito na kasalukuyang naglalakad sa entablado, ang lalaking ito na isinisigaw ang pangalan sa buong lugar na ito, siya ang fiancé ko na walang iba kundi si Rigo.

“Bakla!! Nakikita mo?! Nakikita mo na ba ang reyalidad?! Boyfriend mo ’yan!! Boyfriend mo!!” pagtili ni Coke habang hinahampas ang balikat ko. Kilig na kilig siya dahil sa galing ni Rigo rumampa.

Sinampal ko siya, “Uhm! Punyeta ka! Masakit ’yon! Masakit!” reklamo ko sa kanya.

“Aray ko naman…” malungkot niya na ngayong sambit habang sapo ang pisngi niyang sinampal ko.

Pero dahil makapal talaga ang balat ni Coke, madali naman siyang nakarecover. Mabilis siyang nagbalik sa pagtili at pagwawala bilang pagcheer kay Rigo.

Ang pinakahuling lalakaran ni Rigo ay ang mahabang parte sa gitna ng entablado kung saan kami sa tabi nakapwesto.

“Daddy!! Daddy!!” malakas na pagtawag ni Ar-Ar nang makalapit na ito sa amin.

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang tingnan kami ni Rigo at nagbigay ng wagas na ngiti sa amin. Pero nang magtagpo ang aming mga mata ay nagpawis ako at halos manginig ang katawan ko. Kinindatan niya kasi ako!

Gusto ko nang magpunyeta ng malakas pero pinigilan ko. Wala akong nagawa kundi ang matawa na lang sa kilig dahil sa ginawa ni Rigo.

Matapos rumampa ni Rigo ay lumabas naman mula sa likod ang kaibigan kong si Dom. Malakas din ang sigawan ng mga tao dahil nakita nilang muli ang kanilang iniidolo. Maging sina Tito Ed at Tita Eve ay proud na proud sa kanilang unico hijo.

“Uncle Dom ko ’yan!! Kumpare ko ’yan!!” sigaw na naman ni Ar-Ar sa tabi ko.

Kung gaano katagal ang ginawang pagrampa ni Rigo kanina ay ganoon din ang ginawa ni Dom. Nang makarating ito sa aming pwesto ay tinuro pa nila ni Ar-Ar ang isa’t isa. Close na close talaga sila ng anak ko.

Pero hindi roon nagtapos ang eksena ni Dom. Huminto ito sa aming tapat at nagulat kami nang hubarin nito ang suot niyang brown leather jacket. Nagsigawan ang mga tao dahil bakat na bakat ang magandang hubog ng katawan ni Dom sa retro shirt na pangloob nito.

Ang akala namin ay hanggang doon na lang ang eksena ni Dom, pero nagulat kami nang ihagis niya ang kanyang jacket sa girlfriend niyang si Dee. Mabuti na lang at maagap si Dee dahil madali niya itong nasalo bago pa tumama sa mukha nito.

“Humanda ka sa akin mamaya!” sambit ni Dee habang nakamwestra pa ang kanyang kamao. Nagbabanta siya pero namumula ang kanyang mukha. Haliparot din ang gaga.

“Ayyiiee~” kantiyaw tuloy sa kanya ng mag-amang Tom at Carla pati na rin ni Ar-Ar.

Wala naman naisagot si Dee kundi ang iwasan kami ng tingin. Hiyang-hiya na akala mo virgin. Tse!

Ang pangatlong lumabas mula sa likod ng entablado ay ang isa sa mga inaabangan din ng tao. Matagal siyang nawala sa industriya ng pagmomodelo at naging paksa rin ng malaking balita halos isang taon na rin ang nakakalipas.

Ang taong minsan nang napabalitang namatay pero heto at buhay na buhay. Ang taong halos bulabugin din ang mga audience na nanonood sa mga oras na ito. Walang iba kundi si Xander na best friend ko.

“Daddy!! Oh-em-gee! That’s my Daddy!!” tili ng anak niyang si Carla.

Pumalakpak naman kami nang malakas bilang pagsuporta kay Xander na ngayon ay taas noong rumarampa sa stage. Hindi pa rin siya nagbabago, malakas pa rin ang impact niya sa tao dahil sa kakaibang karisma nito.

Saglit kong nilingon ang kanyang asawa na si Tom. At nang makita ko ito ay halos gusto ko nang sabunutan sa panggigigil dahil sa reaksyon nito.

Heto at hindi na gumagalaw pa si Tom. Nanglalaki ang kanyang mga mata at nakabuka pa ang bibig niya habang nakatitig sa kanyang asawa. Pulang-pula rin ang kanyang mukha na animo’y nakapapak ng maraming sili at paminta.

Nang makarating si Xander sa aming pwesto ay mas lalo pa siyang ginanahan sa pagpapakitang gilas sa pamilya nito. Tinitigan niya pa si Tom at umarte na tila ngayon pa lang sila nagkita sa tanang-buhay nila. Kung pagmamasdan mo tuloy sila ngayon ay parang sila lang ang naririto sa buong lugar at wala na silang iba pang nakikita.

Hindi pa roon nagtapos ang pag-eksena ng best friend ko. Nanatili siyang maangas ang pagkakatindig habang nakatingin pa rin siya sa asawa niyang si Tom. Kasunod nito ay itinaas niya ang kanyang isang kilay at dahan-dahang inangat ang kanyang isa ring kamay para punasan ang gilid ng kanyang labi gamit ang hinlalaki nito.

Eksenang ‘may-gatas-pa-sa-labi’ ang pinakawalang momento ni Xander! Ginawa na naman niya ang trade mark niya noong nag-aaral pa lamang kami sa college para lang makapambabae sila ni Dom!

“Ang landi mo! Punyeta ka!” sigaw ko sa kanya na ikinatawa lang din niya.

Halos mabaliw ang crowd sa kanyang ginawa. Iyon kasi ang bagay na nagbibigay ng extra gwapo sa kanya. Kaya noong nag-aaral pa lang kami ay halos ubusin nila ni Dom ang mga babae sa university namin dahil sa kalandian nila.

Marami pang sumunod na rumampang lalaki at isa na roon si Vinci. Napansin kong marami na ring tagahanga si Vinci. May mga pangalan na rin niya akong nakikita mula sa audience. Mukhang kasunod ni Rigo ay may potential din na sumikat ito.

Proud na proud naman si Coke sa aking tabi dahil magaganda ang naging takbo ng career ng kanyang mga talent. Kaya kahit naman sinasalbahe ko siya madalas ay binati ko pa rin siya.

Matapos ang pagrampa ng mga lalaki ay muling lumabas ang lahat ng modelo. Oras na para sa final walk ng mga lalaki at babae nang magkakasama habang suot ang damit na unang ipinangrampa nila. At kung kanina ay nauna si Rigo na lumabas at rumampa sa linya ng mga lalaki, ngayon ay siya ang pinakahuli kapares ang main model sa linya naman ng mga babae.

Naglakad silang muli sa tapat ng aming pwesto at humarap sila sa mga tao. Kasunod nito ay umikot sila para magbalik kung nasaan ang iba pang mga modelo na nasa likod na bahagi ng entablado.

Ang akala ko ay hanggang doon na lang, pero napataas ang isang kilay ko nang makita kong hinawakan ng babaeng modelo ang kamay ni Rigo.

“Bakla! Kasama ba sa fashion show ang paghawak ng kamay?!” tanong ko agad kay Coke matapos kong sikuhin ito.

Namangha rin siya.

“Nakita mo rin pala ’yon?! Hindi ’yon kasama sa pagrampa nila!” sagot naman nito sa akin. “Pero binawi naman agad ni Rigo kaya ’wag ka na diyan mag-alaala! Baka aksidente lang din naman?!” positibo pa rin nitong reaksyon.

“Sino bang babae ’yon?! Talent mo rin ba siya?!” tanong ko sa kanya.

“Hindi, ’no! Sa kalabang agency namin ’yan! Puro lalaki lang ang kinuha sa amin, tapos sa kanila naman, puro babae!” sagot pa rin niya.

Huminga na lamang ako nang malalim. Baka nga naman aksidente lang iyon tulad ng sinabi ni Coke. Isa pa, hindi ako dapat mabahala lalo na at ikakasal na kami ni Rigo.

Ilang beses pang rumampa sina Rigo at ang mga kaibigan ko suot ang ilan pang damit. Wala pa ring nagbabago sa lakas ng sigaw at palakpakan ng mga tao maging kami rito sa aming kinauupuan.

Dumating na ang huling parte ng show kung saan mga underwear na ang suot ng mga modelo.

Tulad kanina ay nauna ang mga babae. Pero kung kanina ay tahimik lang ako sa tuwing sila ang lalabas sa entablado, ngayon ay nanglilisik na ang mga mata ko habang pinipintasan ko nang isa-isa ang mga punyeta lalo na ang babaeng paulit-ulit na humahawak sa kamay ni Rigo tuwing final walk nila!

“Maitim ang pwet mo! ’Wag kang magmaganda! Salamat sa make-up, punyeta ka!” hindi ko napigilang isigaw iyon habang rumarampa ang modelong linta.

Tinakpan agad ni Coke at Ar-Ar ang bibig ko para awatin ako pero padabog kong tinanggal iyon.

“’Wag n’yo akong pigilan! Napupunyeta na ako sa babaeng ’yan! Susugurin ko na talaga ’yan!” galit na galit kong pagsasalita.

Akmang tatayo na talaga ako nang pati sina Tito Ed, Tita Eve, Tom at Dee ay tinulungan na rin sina Coke at Ar-Ar para maawat lang ako.

“Randy, please calm down! Gusto mo bang magkaroon ng eskandalo?!” pag-awat sa akin ni Tito Ed.

“Yes, Tito! Sinimulan ako ng babaeng ’yan kaya tatapusin ko na talaga ang buhay niyan!” sagot ko naman sa kanya.

Si Coke naman ang nagsalita sa pagkakataong ito.

“Bakla ka! Hindi dapat ganyan ang inaasta ng magiging first lady ng presidente! Dapat finesse ka! Edukada! Hindi eskandalosa! Gusto mo bang maging laman ka bukas ng pahayagan?! Pati si Rigo mapapahiya ’pag nagkataon! Gusto mo ba ’yon?!” sunod-sunod nitong pangaral.

Sinampal ko na naman siya, “Punyeta ka! Ang dami mong laway na tumalsik!” paninita ko sa kanya.

Pero matapos iyon ay bahagya rin akong kumalma. Huminga ako nang malalim at padabog na umupo pabalik sa kinauupuan ko kanina. Tama naman si Coke, baka nga maeskandalo kaming lahat at mabigyan ko pa ng kahihiyan ang pamilya ni Rigo.

Medyo nakahinga naman sila nang maluwag at nagbalik na rin sa kinauupuan nila.

“Ma… Kalma ka lang naman… Nakikita mo naman na tinatanggal din ni Daddy ang kamay ng babae, ’di ba..?” panunuyo ng aking anak na nasa aking tabi.

“Wala akong pakialam! Makikita mo, ’nak, magtutuos talaga kami ng babaeng ’yan!” pakikipagtalo ko naman sa kanya.

Alam ni Ar-Ar na nanginginig talaga ako ngayon sa galit. Kaya sa halip na sabayan niya ako ng pangaral ay niyakap na lamang ako nito sa aking leeg.

“Ma, mas maganda ka pa rin sa kanya! Saka maitim talaga ang pwet niya! Kaya siguro ayaw magpahawak ni Daddy sa kanya kasi mauling ang pwet niya?!” paglalambing sa akin ni Ar-Ar.

Alam ko naman na inuuto lang ako ng aking anak, pero dahil sa kanyang sinabi ay hindi ko naiwasan ang mapahalakhak. Kakampi ko talaga ang anak ko, ako ang pinakamaganda sa paningin nito.

“Hindi nga, ’nak?! Promise ’yan?!” tanong ko nang nakangiti sa kanya.

Totoo nga ang sinabi ni Rigo, bipolar talaga ako. Kanina kasi ay galit na galit ako, pero ngayon ay tumatawa na ako.

“Oo, Ma! Hindi lang mauling! Magrasa pa!” pagsang-ayon nito sa akin.

Dahil sa tuwa ay nayakap ko ang aking anak. Doon lamang din tuluyang nakahinga ang aming mga kasama nang maluwag.

Dumating na ang pagkakataon para ang mga lalaking modelo naman ang maglalakad suot ang underwear na kanilang ineendorso.

Kung noong una ay sigawan at palakpakan lang ang maririnig sa buong venue nang lumabas si Rigo, ngayon ay parang nagkaroon ng delubyo.

Habang ako? Na-Tom syndrome ako. Nanglaki ang mga mata ko at naibuka ko pa ang bibig ko nang masilayan ko si Rigo.

Suot nito ang itim na brief at kitang-kita ang maumbok nitong harapan. Kumikintab din ang katawan ni Rigo dahil sa make-up kaya mas lalo rin nakita ang magandang hubog ng katawan nito. Perpektong-perpekto at wala kang maipipintas dito. Lalo pa siyang nagstand-out dahil sa props niyang black wings na nakakabit sa mga balikat niya. Para tuloy siyang fallen angel at aabutin niya ako na isa namang Dyosa.

Maraming beses ko na siyang nakitang ganito. Nakita ko na nga at nakain kahit ang parte na nakatago ngayon sa brief nito.

Pero iba ito! Iba pala sa pakiramdam na nakikita mo siyang rumarampa sa entablado! Para akong nagbabalik sa pagkabaliw ko, este, sa pagkatulala ko!

“Ma! Ang hot-hot ng Daddy ko!! Ang macho-macho!!” sigaw sa akin ni Ar-Ar.

Sa mga ganitong pagkakataon ay sinasabunutan ko na dapat si Ar-Ar dahil sa kabaklaang pagpuri niya sa kanyang ama. Pero wala akong magawa dahil sumasang-ayon ang isip ko sa sinabi niya.

Ang hot ng baby Rigz ko! Tunay na Adonis nga ang mapapangasawa ko!

Tuloy-tuloy ang pagcheer ng aming mga kasama rito. Mas naging malakas din ang palakpak nina Tito Ed at Tita Eve dahil proud din sila sa kanilang pamangkin na sinisigawan ngayon ng maraming tao.

Dumating ang pagkakataon na maglalakad ito sa aming tapat. Ang inaasahan ko ay ngingiti lang muli sa amin si Rigo, pero nagulat ako nang bahagyang lumuhod ito sa mismong tapat ko. Muli siyang ngumiti at kinindatan na naman ako.

Punyeta.

Parang gusto ko nang mangisay dahil sa labis na kaba.

Dapat ay magpapanggap akong galit kay Rigo dahil sa nakita kong paglalandi ng isang babaeng modelo, pero wala akong nagawa kundi ang mapakagat ng labi habang tinititigan ang umbok ng harapan ni Rigo na nasa harap ko.

“Bakla, ang laway. Ginutom ka na naman ng talong. Gumising ka na, nakaalis na siya sa harap natin.” pagsaway sa akin ni Coke habang kunwari ay pinupunasan niya ang ibaba ng labi ko.

Hindi ko namalayan na nakaalis na pala si Rigo sa aming harapan at naglalakad na ito ngayon pabalik sa likod ng entablado.

Kasunod na lumabas si Dom suot naman ang pinaghalong kulay na red at blue na brief. Ang props niya naman ay isang kapa na nakakabit sa leeg niya, espada at kalasag na animo’y isa siyang mandirigma. Para tuloy isang Superman ang dating niya.

Maganda rin ang kanyang katawan kaya malakas din ang naging sigawan. At kung may contest lang ngayon ng pagalingan sa eksena, malamang ay nanalo na siya.

Nang makarating kasi siya sa bandang gitna ay binitiwan niya ang hawak niyang espada at kalasag para hawakan ang magkabilang gilid ng brief niya. Kasunod nito ay bahagya niya itong ibinaba na akmang hububarin niya. Pero bago pa tuluyang masilip ang pinakatatago niya ay huminto na rin siya at ibinalik sa dati ang pagkakasuot ng brief niyang iyon. Sumenyas din siya sa mga tao ng paghindi gamit ang kanyang isang daliri. Naging dahilan tuloy iyon para magkagulo ang crowd dahil sa panghihinayang. Napakapilyo niya talaga.

“Idol ko ’yan!! Uncle ko ’yan!!” sigaw ng aking anak na si Ar-Ar.

At dahil si Dom ang kasalukuyang rumarampa, hindi namin naiwasan na lingunin ang kanyang girlfriend para tingnan ang reaksyon niya.

Natawa naman kami dahil nakayuko ito ngayon habang kunwari ay may tinitipa sa cellphone niya. Pulang-pula ang kanyang mukha dahil yata sa hiya.

Matapos ang pagrampa ni Dom ay inaabangan na rin namin ang paglabas ng best friend kong si Xander. Dumating na rin ang pinagyayabang niya sa akin nitong mga nakaraan. Sa wakas ay maipagyayabang na niya sa kanyang asawa ang isa sa kinababaliwan ng mga babae’t bakla sa kanya.

Nang lumabas si Xander suot ang mahabang suit na tila isa siyang detective ay nakuha niya ang curiosity ng tao. Pero nang makarating siya sa gitna ay hindi magkamayaw ang mga tao nang hubarin na niya ang suit niyang iyon.

Sino ba naman ang hindi magugulantang kung ang suot nito ngayon ay isa lamang navy blue na thong?!

“Yikes! That’s so gross, Daddy!!” sigaw ni Carla at napatakip pa ito ng kanyang mga mata.

Kami naman ay tumawa lang at pinalakpakan ang husay ng pagrampa ni Xander. Tama nga naman kasi ang best friend ko, kahit matagal na niyang iniwan ang pagmomodelo ay napanatili nito ang kanyang magandang katawan na mapapalingon ang kahit na sino. Idagdag mo pa na magandang lalaki talaga ito.

Taas-noo ang ginawang pagrampa ni Xander habang litaw na litaw ang singit niyang pantay ang kulay sa kanyang balat lalong-lalo na ang maumbok na likuran niya.

“Syet, bakla! Papayag kaya si Xander na bumalik sa pagmomodelo? Ang lakas pa rin ng karisma niya! Pareho sila ni Dom!” hindi napigilang komento ni Coke sa tabi ko.

“Itanong mo ’yan sa asawa niya kung papayag siya!” may kalakasan ko namang sagot sa kanya. Hindi na kasi kami magkarinigan dahil sa malalakas na sigawan.

Agad naman na tinawag ni Coke ang atensyon ni Tom na ngayon ay tulala na lamang na nanonood sa kanyang asawa habang nag-aalala ang kanyang mukha.

“Tom!” pagtawag ni Coke dito. “Papayag ka ba kung babalik ang asawa mo sa pagmomodelo?!” sunod niyang tanong.

Parang maiiyak na ngayon si Tom. Suot pa rin ang nag-aalala niyang ekspresyon ay sinagot niya si Coke ng marahan niyang pag-iling.

“’Wag na lang po… Baka mas malala pa rito ang mangyari… Nag-aalala na nga ako rito dahil parang sisilip na ang itlog ng asawa ko…” maiyak-iyak niyang sagot na ikinatawa namin ni Coke.

“Papa?!! What’s this itlog thing you’re talking about?!” tanong bigla ng anak niyang si Carla.

Lalo nang hindi maipinta ngayon ang mukha ni Tom. Gumuhit ang pagkataranta sa kanya dahil hindi alam kung paano sasagutin ang tanong ni Carla. Nakalimutan niya yatang nasa kanyang tabi lang ang anak niya.

“A-ah… Wala ’yon, baby. Sige, panoorin mo na lang si Daddy.” pagkumbinsi na lang niya kay Carla.

Sumingit naman ang pabibo kong anak sa pag-uusap nila.

“Carla, itlog lang hindi mo pa alam?! Meron ang Daddy at Papa mo no’n! Meron din kami ng Daddy ko! Saka meron din itlog ang Ma k––”

“Subukan mong ituloy, ’nak! Masasabunutan talaga kita!!” malakas kong pagputol kay Ar-Ar habang pinanglalakihan ko siya ng mga mata.

Hina-high blood na naman yata ako dahil sa anak ko! Punyeta! Kung hindi ko lang talaga anak ito, baka pinitik-pitik ko na ang bunganga nito!

Agad naman na natahimik ang anak ko. Kasunod nito ay nag-aalangan siyang kinausap muli si Carla.

“Carla, makinig ka kasi sa Papa Tom mo! Manood ka na lang sa Daddy mo! Bakit ba ang daldal mo?! Ang kulit-kulit mo!” sermon niya sa bata.

Naihilot ko na lang ang aking sentido. Napakakulit talaga ng batang ito.

Matapos ang pagrampa ng mga lalaki ay oras na naman para final walk ng lahat ng modelo.

Eto na! Kailangan ko nang magmatyag nang mabuti! Kailangan kong tingnan kung hahawakan na naman ba ng babaeng maitim ang budhi ang kamay ng baby Rigz ko!

Umupo na ako nang maayos at inihanda ang sarili ko. Nagdidikit ang aking mga ngipin habang nakakuyom na rin ang mga kamao ko. Naghihintay ako sa oras ng pagrampa ni Rigo kasabay ang babaeng nagpapakulo ng dugo ko!

“Bakla, kalma lang, ha? Observe lang muna tayo! Pero ano’t ano man ang mangyari, pigilan mong magwala! Remember, marami ang nanonood!” paalala sa akin ni Coke.

“Let’s just pray for the better, bakla. Dahil ’pag hindi ko talaga napigilan, diyan mismo sa stage ko ’yan gigilitan!” may diin kong sagot kay Coke.

Ngayon pa ba ako aatras sa giyera?! Ngayon pa ba ako magdadalawang-isip?! Boyfriend ko na si Rigo at may karapatan na ako sa kanya! Hindi lang din siya basta boyfriend ko lang, magiging asawa ko na siya!

Dumating na ang pagkakataon para maglakad na si Rigo sa gitna. Tapos na sina Xander at Dom na masiglang pinalakpakan ng manonood.

Naging matalim ang aking tingin na parang si Kuya Kim ng Matang-lawin. Wala akong kakurap-kurap habang pinagmamasdan ang kilos ng babaeng nakabikini na nasa tabi ni Rigo.

Naglakad sila hanggang sa pinakadulo ng mahabang stage. At nang tuluyan silang makarating doon ay ang tuluyang pagsabog ng aking bulkan.

Nangyari na naman! Hinawakan na naman ng hampas-lupa at impaktang punyeta ang kamay ni Rigo!

“B-bakla…”

“Ma…”

“Randy…”

“Anak…”

Naririnig ko ang mga pagtawag na iyan mula sa mga katabi ko. Nasa tono nila ang pag-aalala at pakiusap na huminahon ako.

“Coke.” madiin kong pagtawag sa pet ko.

“B-bakit?” sagot naman nitong nauutal.

Ilang segundo ang aking pinalipas bago ako nagpatuloy sa sasabihin ko.

“Maghanda ka na.

’Coz…

THIS.IS.WAR!“

mas madiin ko nang litanya.

Pinipilit ko pa ring magpakihinahon. Pinipilit ko pa ring ’wag magpadala sa emosyon. Pero hinding-hindi ako papayag na hanggang dito lang ito.

Sisiguraduhin kong makakaganti ako!

Natapos ang show at kitang-kita kong naging matagumpay. Tumayo pa sa gitna ang may-ari at designer ng clothing company na nagpapasalamat sa lahat ng nanood ngayong gabi. May mga sumabog na confetti at mahabang tugtog pa ang nai-play habang nasa gitna ang lahat ng modelo. Nakita ko rin na magkakasamang nag-uusap ang mga kabigan ko.

Pero ako? Habang nagaganap ang kasiyahan ng lahat ay nanatili lang sa pwesto habang nanglilisik ang mga mata ko.

“Tara na, Randy. Doon na natin hintayin sina Rigo sa likod. May maikli pa siyang interview pati sina Xander at Dom mula sa media kaya maghihintay pa tayo ng kaunti, ha?” pagyaya sa akin ni Coke na may pag-aalala.

Hindi ako umimik. Tumayo ako mula sa pagkakaupo hanggang sa maramdaman ko ang paghawak ng aking anak sa kamay ko.

“Ma… ’Wag ka nang magalit… Sigurado ako, hindi ginusto ni Daddy ang nangyari…” panunuyo sa akin ni Ar-Ar.

Alam ko naman ang bagay na iyon. Hindi naman talaga ako nagagalit kay Rigo. Sa babaeng punyeta naman talaga kumukulo ang dugo ko!

Naglakad kaming lahat para makalabas na sa venue. Wala pa rin akong imik dahil sa mga nakita ko.

Ganito ba ang mundo ni Rigo? Nangyayari na ba ito noon sa kanya? Ibig sabihin, may chance na maulit pa?

“Randy…” pagtawag sa akin bigla ni Coke habang naglalakad kami.

Hindi ko siya sinagot, naghintay na lang ako sa pagpapatuloy niya.

“’Wag ka nang mag-alala diyan. Kahit naman maraming umaaligid noon pa kay Rigo, never naman siyang pumatol kahit kanino. Alam ko ’yon dahil ako ang lagi niyang kasama bilang manager niya, ’di ba? Cheer up na!” pagkumbinsi nito sa akin.

Hindi pa rin ako umimik. Pero sa kabilang banda, medyo napagaan ni Coke ang pakiramdam ko. May punto si Coke. Dahil kung gugustuhin talaga ni Rigo, madali naman siyang makakapagloko. Pero kahit minsan ay hindi na-involve si Rigo kahit kanino.

“Saka isa pa, Randy, ikaw na ang pakakasalan, ’di ba? Sa tingin mo ba, may dahilan ka pa para pagdudahan siya? Jusko naman! Sampung taon ka niyang hinintay! Hindi pa ba sapat ’yon para pagkatiwalaan mo siya?! Hindi ka babae pero parang mas maganda ka pa sa mga babaeng nae-encounter niya! Ang ganda mo, bakla! Hayaan mo na ang babae kanina! Makakaganti rin tayo sa kanya!” mahaba pang dugtong na pagkumbinsi sa akin ni Coke.

Sa mga huling sinabi ni Coke ay nabawasan na talaga ang aking pag-aalala. Napangiti na rin ako nang tipid kaya bahagyang nawala na rin ang kanyang pag-aalala.

“Coke,” pagtawag ko sa kanyang mahinahon.

“Yes, Mars?” sagot naman niyang nakangiti.

Tingnan mo ’tong baklang ’to! Tinawag na agad akong kumare nang walang pahintulot!

Pero dahil malaki ang naitulong ni Coke sa pagpapagaan ng nararamdaman ko ay hinayaan ko na lang ito.

“Sa tuwing may shoot at show si Rigo, pwede ba akong sumama?” medyo nahihiya kong tanong sa kanya.

Nanglaki naman ang mga mata niya.

“Oo naman! Hindi kita pagbabawalan! Isama mo na rin itong inaanak ko! Ako pa ang kauna-unahang matutuwa dahil may makakausap na ako!” masaya na nitong sagot sa akin.

Mas lumapad na ang pagkakangiti ko. Salamat naman at pumayag siya.

Desidido na ako. Babakuran ko na talaga si Rigo!

Nang makarating kami sa bandang labas ng venue ay saglit pa kaming naghintay. Magkakasama pa rin kaming lahat at inaabangan ang paglabas nina Rigo, Xander at Dom. May iniabot din sa amin si Coke na kwintas na gawa sa mga bulaklak para isabit mamaya sa leeg ng tatlo.

Ang plano ay sabay-sabay kaming pupunta sa hotel nina Xander at Tom para magcelebrate at kumain maya-maya lamang. Ang balita rin namin ay naroroon na ang ilan naming mga kaibigan na hindi ngayon nakadalo sa event dahil sa kanilang mga trabaho para sila ay batiin.

Isa-isa nang naglalabasan ang mga modelong kanina ay rumampa sa entablado. Lahat sila ay sinalubong ng kanilang mga pamilya at naghahanda na ring umuwi sa bahay nila.

Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang sa masilayan namin ang sabay-sabay na paglabas nina Xander, Dom at Rigo. Lahat sila ay malawak ang pagkakangiti habang papalapit sa aming pwesto.

“Daddy! Ang galing mo kanina!” agad na salubong ni Ar-Ar sa kanyang ama. Tumakbo rin siya rito at agad na nagpakarga.

Ganoon din sina Tom at Carla na sinalubong si Xander. Maging si Dee sa kanyang boyfriend na si Dom ay binati nito ng pahalik sa pisngi habang kino-congratulate. Sina Tito Ed at Tita Eve naman ay inisa-isa rin silang batiin sa pamamagitan ng mahigpit na yakap.

Pinanood ko lang sila. Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ako makagalaw sa aking pwesto. Ramdam ko, may natitira pa ring selos sa dibdib ko dahil sa nasaksihan ko kanina kay Rigo.

Ilang sandali pa…

“Liam!”

Halos manghina ako nang sambitin niya ang aking pangalan habang malawak ang pagkakangiti niya.

Ewan ko, pero parang na-miss ko bigla si Rigo. Ilang oras din kaming hindi nagkasama sa araw na ito.

Hindi na siya nakapaghintay pa. Ibinaba niya muna si Ar-Ar mula sa pagkakakarga niya. Kasunod nito ay mabilis siyang lumapit sa aking pwesto at niyakap ako.

Napangiti ako, “Congrats, baby Rigz… Ang galing mo kanina. Ganito pala ang isang mundo mo. Sobrang proud ako noong makita kita sa entablado. Hindi ako makapaniwala na ikaw ang boyfriend ko.” malambing kong pagbati habang yakap ko ito.

Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa.

“Thank you, Liam. Ang saya-saya ko rin kanina dahil sa wakas, pinanood mo na ako.” malambing niya ring sagot sa akin.

May ilang segundo pa kaming magkayakap ni Rigo hanggang sa marinig ko ang pagsasalita ni Xander na best friend ko.

“Proud daw! Sus! ’Wag kang magpauto diyan, brad! Akala niya siguro hindi natin siya nakikita kanina! Parang gusto nang magwala!” pagbasag niya sa momentum namin ni Rigo.

Si Dom naman ang sumegunda.

“Tang*na! Mabuti na nga lang at malakas ang sigawan kaya aakalain nilang nagwawala lang siya dahil sa tuwa! Hindi nila alam na nabubuang na dahil sa selos!” kantiyaw naman nito sa akin.

Heto na. Kaya minsan ay gusto ko silang isumpa. Mga punyeta talaga! Walang ginawa kundi ang galitin ako.

Sasagot na sana ako sa kanila, sisigaw na sana ako pero naging maagap si Rigo. Agad niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan ang labi ko. Ginawa niya iyon sa harap ng kaibigan at pamilya namin ni Rigo.

“Wala ’yon. Saka ipagpapalit ko ba naman ang prinsesa ko? Mas maganda siya sa lahat ng babaeng rumampa kanina sa entablado.” wika ni Rigo matapos ang ilang segundong paghalik sa labi ko.

At dahil sa narinig ko ang mga salitang iyon mula kay Rigo, mabilis na naman na nawala ang galit ko.

Muli kong niyakap si Rigo. Kasunod nito ay tinaasan ko ng isang kilay ang mga kaibigan ko at napangisi pa ako.

“Narinig n’yo ’yon, mga impakto? Kaya kung ako sa inyo, isara n’yo na lang ’yang mga bibig ninyo. Hindi rin naman kayo mananalo sa akin dahil ako pa rin ang kakampihan ni Rigo. Mga punyeta talaga kayo!” mahaba kong litanya sa kanila.

Natatawa naman si Rigo habang yakap ako na animo’y isinasayaw na ako. Maging sina Tito Ed at Tita Eve pati na rin sina Tom at ang mga bata ay hindi napigilan ang matawa.

“O, siya, tama na muna ang bangayan! Sumaglit muna kayo sa maikling interview sa labas para makaalis na rin tayo!” si Coke na biglang umawat sa amin.

KJ din ang ulikbang ’to! Palibhasa’y walang kayakap sa gabi kundi ang unan nito.

Si Tito Ed naman ang nagsalita sa pagkakataong ito.

“Mauuna na kami sa hotel, ha? Doon na lang namin kayo hihintayin dahil baka naiinip na rin ang mga bisita natin.” pagpapaalam nito sa amin.

Matapos iyon ay saglit pa silang humalik sa amin bilang pagpapaalam.

“Tara na. Nandito ang media sa kabila at naghihintay sa mga maiinterview nila. Nandoon na rin si Vinci kaya sabay-sabay na rin tayong pupunta sa hotel mamaya.” muling pagyaya ni Coke sa amin.

Sabay-sabay naman kaming nagpunta sa lugar na itinuro ni Coke. Hawak namin ni Rigo ang kamay ng aming anak nang simulan naming maglakad. Nasa labas daw ang media at hindi pinayagang makapasok dito sa bandang loob.

Nang makalabas kaming lahat ay nagulat kami dahil marami pala ang miyembro ng media ang nag-aabang. Mayroon ding ilang mga fans ang nakapuslit para sila ay masilayan. Naroon sila sa labas ng mahabang barikada at nagsimula na rin silang kumuha ng litrato kahit hindi pa nakakaabot ang tatlo sa kanilang mga pwesto.

Mukhang sanay na sanay naman sina Xander, Dom at Rigo dahil sinalubong nila ng ngiti at pagkaway ang mga ito.

Nagsimulang maglakad sina Xander at Tom habang hawak ang kamay ng kanilang anak na si Carla para puntahan ang media. Si Dom ay ganoon din, hawak nang mahigpit ang kamay ng kanyang girlfriend ay parang gusto na niya itong kaladkarin. Parang ayaw kasing pumayag ni Dee na mapasama sa interview ng kanyang boyfriend.

Dahil sa hindi naman ako sanay sa ganitong pakikipag-usap sa media ay agad na akong huminto mula sa paglalakad.

“Rigz, dito na lang kami maghihintay ni Ar-Ar. Saglit lang naman ’yan, ’di ba?” may pag-aalala kong mungkahi sa kanya.

Naiintindihan naman iyon ni Rigo dahil kilala na niya ako. Kaya sa halip na makipagtalo pa ito sa akin ay sumang-ayon na lamang siya sa pamamagitan ng pagtango.

“Sige. Hintayin n’yo na lang ako rito.” maikli niyang sagot at mabilis na rin siyang nagtungo sa bandang gitna kung saan itinuro siya ni Coke.

Pinapanood na lamang namin sila ni Ar-Ar habang medyo malayo ang aming pwesto.

“Isa-isa lang po ang magtatanong sa inyo, ha? May fifteen minutes po kayo para ma-interview sila!” magalang na pakiusap ni Coke sa mga taga-media.

Nang tingnan ko ang kabilang bahagi ng barikada ay naroon na nga si Vinci na nagpapaunlak ng autograph at selfie sa ilan niyang mga fans. Abala na silang lahat habang kami ni Ar-Ar ay naririto sa likuran.

“So, Xander, dahil sa guesting mo ngayong gabi, senyales na rin ba ito na magbabalik ka na sa industriyang ito?” tanong ng isang taga-media sa kaibigan ko.

“No. Sinuportahan lang po talaga namin ni Dom ang kaibigan naming si Rigo. And besides, busy rin kami ng asawa kong si Tom sa business at sa dalawang anak namin.” nakangiting sagot ni Xander sa kanila.

Namangha naman ang mga taga-media na napatingin kay Tom.

“Wow! Ngayon lang namin nakita ang asawa’t anak mo up-close! In fairness, ha? Cute sila! Ang ganda din ng dimple ng asawa mo, oh?!” papuri nila kay Tom.

“Salamat po. Kayo rin po, cute kayo.” tugon naman ni Tom na medyo nahihiya at nakamot pa ang batok nito.

Punyeta. Ano ba namang klaseng sagot ’yon? Eh, wala pa nga akong nakikitang cute sa mga member ng media ngayon! Pawisan silang lahat na akala mo ay nakipag-agawan-buko!

Natawa naman ang taga-media bago muling nagtanong kay Tom.

“Eh, kamusta naman ang buhay may asawa?” tanong ng isang reporter kay Tom habang itinatapat dito ang recorder na hawak nito.

“Ako po?” tanong ni Tom pabalik habang itinuturo ang sarili niya.

“Ay, hindi! Nitong anak n’yo! Kamusta ang buhay may asawa, hija?” pamimilosopo ng reporter na nagtanong kay Tom at ibinaling ang hawak na recorder kay Carla.

Nagtawanan naman ang lahat kabilang na kami. Napaka-slow talaga ni Tom, pero iyon ang kinagigiliwan sa kanya.

“Naku, wala pa po siyang asawa! Masyado pa po siyang bata!” mabilis na pagkontra ni Tom sa mga taga-media.

Punyeta! Sineryoso talaga niya!

Halos magwala na ang mga nakarinig sa sinabi ni Tom. Pati ang mga nag-iinterview kina Rigo at Dom ay medyo napukaw ang atensyon dahil sa malakas na tawanan.

“Xander, ang cute ng asawa mo!” tawang-tawa na reaksyon ng taga-media.

“I know! Kaya masisisi n’yo ba ako kung madali akong na-fall sa cute na ’to?!” natatawang sagot naman ni Xander habang pisil ang isang pisngi ni Tom.

“Ayiiee!!!” sabay-sabay naman na kantiyawan ng taga-media lalo na ang mga bakla.

Sunod kong tiningnan ay ang pwesto nina Dom at Dee.

“Dom, hindi mo ba nami-miss ang showbiz?” tanong ng isang reporter.

“Hindi naman. Mas nami-miss ko ang babaeng ito kapag wala sa tabi ko!” magiliw naman na sagot ni Dom habang itinuturo ang kanyang girlfriend.

“Tumahimik ka nga! Seryosohin mo ang mga tanong!” paninita naman sa kanya ni Dee at nasuntok pa ang balikat nito.

Hinarap naman ni Dom ang mga taga-media habang sapo ang balikat niyang nakatanggap ng suntok mula sa girlfriend niya.

“Nakuhanan n’yo po ba ng picture ’yon?! Kaya kung mabalitaan n’yong naging battered boyfriend ako, ipakalat n’yo ang pictures ng babaeng ito, ha? Siya po dapat ang unang maging suspect!” pagbibiro ni Dom habang itinuturo si Dee sa kanyang tabi.

Tawanan din ang naisagot ng mga taga-media.

“Wala ka pa ring kupas, Dom! Kaya nami-miss ka ng lahat dahil sa kalokohan mo!” reaksyon ng isang reporter.

“Well, hindi lang po ako basta maloko. Kinalimutan n’yo po yata ang definition kong gwapo?” sagot ni Dom sa kanila sa mayabang nitong tono.

Muling naaliw ang lahat kay Dom dahil sa kahambugan nito. Wala talaga ako sa kanyang masabi. Simula pa noon ay ganito na ang kanyang ugali.

Nang maligaw naman ang mata ko kay Rigo ay kalmado lang itong nakikipag-usap sa mga reporter. Mas marami ang nag-iinterview sa kanya dahil mas matagal na siya sa industriya.

“Ang akala ng lahat, Rigo, tuluyan ka nang aalis. Pero ang daming natuwa nang mai-announce ng agency n’yo na magbabalik ka na sa poder nila! Anong nagtulak sa ’yo para bumalik?” tanong ng isang reporter kay Rigo.

Kung pwede lang na ako ang sumagot sa tanong na iyon ay ginawa ko na. Sasabihin ko sa kanilang ang tusong si Coke ang may pakana kaya nandito na ulit siya. Pakikiusapan ko rin silang lahat na pakitulak na rin si Coke tulad ng pagtulak niya kay Rigo pabalik ng agency. Pero gusto kong gawin nila ang pagtulak na iyon kay Coke sa malalim na bangin.

“Hindi naman po sa ayaw ko na talaga. It’s just that, dumadating talaga sa point ng buhay natin na may mas magiging priority tayo dahil iyon ang mas mahalaga. But in my case, natutuwa akong makabalik sa industriya lalo na at naging maayos na sa part ko ang lahat.” magalang at nakangiting sagot ni Rigo sa kanila.

Napangiti ako at naihawak ko na naman ang aking kamay sa pisngi ko dahil sa sagot ni Rigo.

“Syet, kinikilig ako…” hindi ko napigilang bulong dahil sa narinig kong sagot ni Rigo. Alam ko naman kasing ako ang tinutukoy na priority nito.

Nasa ganoon akong tagpo nang magsalita ang anak ko.

“Ayan ka na naman, Ma! Naghaharot ka na naman! Ang sakit ng kamay ko!” reklamo ni Ar-Ar habang tila nagpupumiglas sa pagkakahawak ko.

Natauhan naman ako.

“Sorry na, ’nak! Pagbigyan mo na ang Ma!” nakangiti ko pa ring pakiusap sa kanya.

Naiikot naman ng anak ko ang kanyang mga mata.

Bahala siya. Basta ako, kilig na kilig sa naging sagot ni Rigo.

Nagpatuloy pa ang interview kay Rigo.

“Marami ang humahanga sa ’yo, Rigo, dahil sa pagiging mabait at magaling na katrabaho. Eversince din, wala pang na-involve sa ’yo. You were known as the ‘Hottest bachelor in Town’. Sumagi na ba kahit minsan sa isip mong lumagay sa tahimik kagaya ni Xander? O kaya naman ay maghanap ng relasyon kagaya naman ni Dom? Bakit nga ba hanggang ngayon ay wala ka pang naipapakilalang girlfriend despite bunches of girls na nagpapakita ng motibo sa ’yo?” mahabang pagtatanong ng isa pang reporter.

Punyeta. Gusto ko na talagang sumabat. Nandito ako! Ako! Ako ang karelasyon ngayon ni Rigo!

Nakita ko kung paano sana sasagot si Rigo sa katanungang iyon. Pero naputol ang eksena dahil sa biglang paglabas ng isang babae na nagmula pa sa likod ng aming pwesto ni Ar-Ar. Hindi naituloy ni Rigo ang pagsagot dahil ang ilang mga reporter ay nagsigawan para tawagin ang babaeng nilampasan lang ako.

“Ms. Sheryn! Pwede ka rin bang ma-interview?! Sumabay ka na rito kay Rigo!” paanyaya ng isang reporter.

Nang suriin ko ang babaeng tinatawag nila ay nabuhay muli ang galit na naibaon ko na sana sa limot kanina. Ang babaeng tinatawag pala ng mga taga-media ay walang iba kundi ang babaeng paulit-ulit na hinawakan ang kamay ni Rigo habang nasa entablado sila!

“Sure!” nakangiti namang sagot ng walang-hiyang babae at tumabi na sa pwesto ni Rigo.

Agad namang umeksena si Coke.

“Wait lang, she’s from the other agency kasi. Hindi siya kabilang sa amin. I think, mas maganda kung hiwalay ang magiging interview n’yo sa kanya? Umiiwas din kami sa issue. Sana ay maintindihan ninyo.” magalang na pag-awat ni Coke sa mga taga-media.

Sinagot naman siya ng impakta.

“It’s okay. Hindi naman ako pinagbabawalan ng management ko. In fact, alam naman nilang dito ako didiretso. Sa agency kasi namin, we were all perfectly trained na makibagay kahit pa sa kalaban naming agency. And besides, I also want to meet personally the most highest paid and most popular model ninyo, who is none other than Mr. Rigo.” mahaba pang paliwanag ng lintang punyeta.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Coke ganoon din ng aming mga kaibigan habang nakatingin sila sa akin. Sinesenyasan pa ako ni Xander na kumalma lang ako at ’wag na itong pansinin.

“Hi, Rigo. Okay lang naman siguro sa ’yo, ’no?” tanong pa ng bruha kay Rigo.

Pinilit ni Rigo ang ngumiti, “Oo naman.” sagot ni Rigo.

Alam kong gusto lang ni Rigo magpakaprofessional, pero alam din niyang pinagseselosan ko ang babaeng ’yon!

“Ah! Aray, Ma! Ang sakit na naman!” muling reklamo ni Ar-Ar dahil napahigpit na naman ang hawak ko sa kanyang kamay.

Dahil dito ay binitiwan ko na ang kamay ng anak ko. Gusto ko nang sugurin sana ang babae lalo na at mas lalo pa itong dumikit kay Rigo. Pero bago ko pa iyon magawa ay muli namang hinawakan ni Ar-Ar ang kamay ko.

“Ma… Kalma ka lang po… Hindi naman po siya hahayaan ni Daddy na maglandi sa kanya… Dito ka lang kasi wala akong makakasama…” pakiusap niya sa akin at mangiyak-ngiyak na siya.

Hindi ako nakagalaw sa naging pakiusap ni Ar-Ar. Minsan lang din siyang makiusap at tuwing ginagawa niya iyon ay nagiging mahina ako sa harap niya.

Huminga ako nang malalim at marahan ko pang naipikit ang aking mga mata para magpakalma.

Sige, para sa kapakanan ng anak ko, magtitimpi ako.

Nagpatuloy ang interview kay Rigo habang nasa tabi niya ang babaeng halata namang gustong lumandi sa kanya.

“Mabalik tayo, Rigo. Bakit nga ba wala ka pang nagiging girlfriend? Marami naman ang nagpaparamdam sa ’yo. Hindi ka naman siguro manhid, ’no? Ano nga ba ang katangian na hinahanap mo sa isang babae?” tanong muli ng isang reporter. Makahulugan iyon at alam kong tinutukoy rin nila na isa sa mga nagpaparamdam ang babaeng umeksena sa kanila.

Sasagot na sana ulit si Rigo nang sumingit na naman ang bruha sa tabi niya.

“Excited akong malaman ang sagot ni Rigo! Alam n’yo bang usap-usapan din siya ng mga girls sa agency namin?! Kaya nga noong makita nilang lahat si Rigo kanina, halos hindi sila mapakali sa backstage! Pero sinuwerte ako dahil nakasabay ko pa siya ngayon sa interview!” pagsabat ng babaeng kinalawang ang pwet.

“Thanks,” kaswal na sagot ni Rigo sa papuri ng babae at muling ibinalik ang atensyon sa mga nagtatanong. “Well, hindi mo naman dapat hanapin ang katangiang gusto mo sa isang tao. Love find ways para makita mo ang para sa ’yo. Kusa mo na lang ’yon mararamdaman kaya kahit anong iwas mo at kahit hindi tama sa paningin ng iba, nagiging perpekto naman sa ating mga mata.” mahabang sagot ni Rigo.

Nagpalakpakan naman ang mga taga-media maging ang lukring sa tabi niya.

“Masyado mo naman ginalingan, Rigo! Chill lang, wala tayo sa pageant!” natatawang reaksyon ng isang reporter.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang isa pang reporter para makapagtanong.

“Pero matanong na rin namin, Rigo. Ano nga ba ang dahilan ng pagkawala mo noon? At totoo ba ang mga bali-balita na may anak ka na? Nakabuntis ka raw na ayaw naman paniwalaan ng lahat dahil wala ngang napapabalitang naging girlfriend mo!” mahabang pagtatanong ng isang reporter.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa katanungang iyon. Ibig palang sabihin, lumabas pa rin ang tungkol sa buntisan issue na iyon?

Ngayon ay nag-aalala na ako sa isasagot ni Rigo. Nag-aalala ako na baka mahirapan siyang sagutin ito.

Pero mukhang sanay na talaga si Rigo sa mga ganito, dahil matapos itanong sa kanya iyon ay natawa ito.

“Yeah… Totoo ang bali-balitang nagkaanak na ako. In fact, kasama ko ngayon ang anak ko.” sagot nitong malawak ang pagkakangiti sa media.

Gumuhit ang pagkamangha at hindi makapaniwalang reaksyon ng mga taga-media. Hindi na rin sila hinintay pa ni Rigo na makapagtanong muli dahil nilingon agad nito ang aming pwesto.

“Son, come here! Gusto ka raw nilang makilala!” nakangiting paanyaya ni Rigo kay Ar-Ar.

Nilingon naman ako ni Ar-Ar na may pag-aalala.

“Ma…” pagtawag naman ni Ar-Ar sa akin na may pag-aalala pa rin. Tila ba nagdadalawang-isip siya kung susundin niya ba ang kanyang ama.

Sinubukan kong magbitiw ng tipid na ngiti kay Ar-Ar. Alam ko naman na gusto niyang pagbigyan ang kanyang ama dahil ayaw niya rin itong mapahiya.

“Sige na, ’nak, sumama ka na kay Daddy. Don’t worry about me.” pagbibigay ko ng permiso sa kanya na halos pabulong.

Nag-aalangan man ay sinunod ako nito. Tumakbo siya patungo kay Rigo at nagpakarga pa rito.

“Hi, fans!!” magiliw na bati ni Ar-Ar sa kanila habang kumakaway pa ito sa mga camera na kinukuhanan siya.

Natuwa naman ang mga taga-media dahil sa pagiging bibo ni Ar-Ar. Ang ilan naman ay nanglaki ang mga mata dahil sa pagkasorpresa.

“May potential ang anak mo, Rigo! How come na naitago mo siya nang gano’n katagal?! I mean, ganito na pala siya kalaki at gwapong-gwapo rin kagaya mo!” gulat na gulat na reaksyon ng isang reporter.

Si Ar-Ar ang sumagot sa reporter na iyon sa halip na si Rigo.

“Ampon po ako ni Daddy!” mabilis nitong pagsagot.

Natawa naman si Rigo, “He’s right. Pero hindi ko siya nakikitang gano’n. Tunay na anak ang turing ko sa kanya at handa akong ipagmalaki siya sa lahat. Right, son?!” sagot ni Rigo sa media at pagtatanong niya kay Ar-Ar sa huli.

“Left, Daddy!” bibong sagot naman ni Ar-Ar na ikinatawa ng lahat.

Muling umentrada ang impakta sa tabi ni Rigo.

“He’s so cute! I’m sure magiging kagaya rin siya ng Daddy niya ’pag lumaki na siya!” papuri ng bruha kay Ar-Ar. Sinubukan ding abutin ng impaktang iyon ang pisngi ng aking anak para siguro pisilin at panggigilan, pero…

“Bawal po akong hawakan. Nag-alcohol ka po ba? Baka po may germs ka?” nakasimangot na pag-awat ni Ar-Ar sa babae matapos iiwas ang kanyang mukha.

Natigilan naman ang babae at ibinaba ang kanyang kamay dahil sa pagkapahiya. Maging ang ilang taga-media ay natahimik nang bahagya.

“S-sorry… Pasensiya na po. Intindihin n’yo na lang dahil bata pa ang anak ko.” paghingi ng dispensa ni Rigo sa kanilang lahat dahil sa inasal ni Ar-Ar.

Naintindihan naman iyon ng lahat at nagbalik na rin sa pagkakangiti nila. Maging ang babaeng linta ay pinilit maibalik sa poise niya. Pero hindi niya sa akin maide-deny na naiinis na siya dahil nakita ko na ang ugat sa sentido niya. Hinihiling ko na lang ngayon na sana ay magalit pa siyang lalo para pumutok na rin ang ugat niya!

Matapos iyon ay niyakap ni Ar-Ar si Rigo sa leeg habang karga pa rin siya nito dahilan para magtagpo ang aming mga mata. At halos matawa ako dahil ngumiti sa akin si Ar-Ar habang nagtataas-baba ang dalawang kilay niya. Ibinibigay niya ang mensaheng nakaganti na rin kami sa babaeng umeeksena sa amin ng Daddy niya.

Ang pilyo niya talaga! Manang mana sa Inang Reyna niya!

Ngayon ay bahagya nang gumaan ang aking pakiramdam. Salamat sa anak kong namana sa akin ang kamalditahan.

“At dahil may anak ka na, Rigo, panahon na rin siguro para bigyan mo ng magiging Mommy ang cute na batang ito!” biglang pagsabat ng isang reporter.

Natawa na naman si Rigo bago iyon sinagot.

“Actually, meron na. May ‘Ma’ nang natatawag ang anak kong ito. ’Di ba, son?” natatawang sagot ni Rigo at pagtatanong na naman sa anak ko.

Muli namang hinarap ni Ar-Ar ang mga taga-media.

“Uhm! At magandang-maganda ang Ma ko! Saka maputi! Saka seksi! Saka makinis! Ayaw po kasi ni Daddy sa magrasa ang pwet!” pagmamalaki ni Ar-Ar habang tumatango.

“Pfft!” hindi ko nagawang itago ang pagtawa ko kaya naitakip ko ang aking palad sa bibig ko.

Bilib na talaga ako sa anak ko, manang-mana sa kagagahan ko.

Natawa tuloy nang alanganin si Rigo.

“Nagbibiro lang po ang anak ko sa last part. Mapagbiro po talaga siya.” depensa niya kay Ar-Ar sa mga taga-media. Tinakpan niya rin ang bibig ni Ar-Ar para hindi na ito muli pang makapagsalita.

“Halata nga, Rigo! Hindi siya pintasero, ’no?!” natatawa at sarkastiko namang sagot ng isang taga-media.

Nagtawanan pa silang lahat hanggang sa may makapagtanong pang isa.

“Kilala ba namin ang tinutukoy mong ina-inahan ng anak mo, Rigo? Kasama mo rin ba siya ngayon?” tanong kay Rigo.

Nagsimula nang magtingin-tingin sa likurang bahagi ni Rigo ang ilang taga-media. Naghahanap ng bakas kung may babae silang makikita.

“Yeah, kasama namin siya.” sagot ni Rigo sa kanila.

Hindi na hinayaan ni Rigo na magtanong ulit sa kanya ang mga reporter dahil mabilis niyang nilingon ang aking pwesto.

“Liam, halika! Ipapakilala kita sa kanila!” mas lumawak ang pagkakangiti ni Rigo nang tawagin ako. Nakalahad pa ang isa niyang palad para imbitahin ako.

Natigilan ako maging ang mga tao kabilang na ang mga kaibigan ko. Nawala sa isip ko na posible itong mangyari, ang ipakilala ako ni Rigo sa marami. Hindi ako nakapaghanda kaya nakaramdam din ako ng kaba.

“Ma! Halika na, bilis!” pagtawag na rin sa akin ni Ar-Ar.

Nang maligaw naman ang aking mga mata kay Coke ay sumesenyas na rin ito na lumapit ako. Kasabay nito ay tinuturo niya ang babaeng gulat na gulat ngayon sa tabi ni Rigo.

Napangisi ako sa likod ng isip ko.

Oo nga pala, hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa tabi ni Rigo ang babaeng matigas ang mukha. Ang babaeng simula pa kanina ay gusto ko nang sampal-sampalin at sipa-sipain.

“Go, girl!” cheer pa sa akin ni Coke na walang tinig.

Pagkakataon ko na ito. Ito na ang matagal na naming gustong mangyari ni Rigo. Ang pagkakataon na ipagsigawan ang aming relasyon sa lahat ng tao.

Sinimulan kong maglakad habang taas ang aking noo. Sa bawat paghakbang ko ay sinasabayan din iyon ng nakasisilaw na flash ng mga camera mula sa mga taga-media na naririto. Parang naririnig ko rin ang intro ng kantang ‘Dancing Queen’ na tanging alam ko. At feeling ko rin, naglalaglagan ngayon ang maraming confetti habang naglalakad ako.

https://www.youtube.com/watch?v=i05HkjXCtXQ

Parang naging slow motion ang paligid tulad sa isang pelikula. Nakita ko kung paano ako sinasalubong ng ngiti ng aking pamilya at ng ilan kong mga kaibigan. Nagawa pa nga ni Tom na pumalakpak dahil sa aking grand entrance. Pero nang maligaw ang mga mata ko sa aking best na si Xander ay nakangiwi ito.

“Landi mo!” kantiyaw niyang walang boses.

Punyeta talaga siya. Pasalamat siya at marami ang nakatingin sa akin kaya hindi ko siya magawang kontrahin at murahin.

Nang makalapit ako sa pwesto ni Rigo ay inabot ko agad ang nakalahad na palad nito. At kung kanina ay ako ang nilampasan ng babaeng hampas-lupa, ako naman ngayon ang nilampasan lang siya at bahagya pa siyang binangga.

’Wag ako ’te! Iba na lang. Mali ka ng kinakalaban.

Naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Rigo. Kasunod nito ay saglit niyang ibinaba si Ar-Ar mula sa kanyang pagkakakarga at hinawakan na lamang ang isang kamay nito.

“Guys, I am proud to introduce to you, Randy. My partner.” nakangiting pakilala sa akin ni Rigo. Nilingon niya pa ako at kitang-kita ko ang kanyang kasiyahan na sa wakas ay nagawa niya ang bagay na ito sa harap ng maraming tao.

“Good evening po.” medyo pabebe kong pagbati sa mga taga-media. Siniguro ko ring matamis ang pagkakangiti ko sa kanila.

“Oh my God… Masyado mo naman kaming ginulat, Rigo…?” reaksyon ng isang reporter habang nanglalaki ang kanyang mga mata at hawak pa ang dibdib niya.

Gusto ko sana siyang sagutin na mas nakakagulat ang hitsura niya dahil mukha siyang iguana. Pero dahil masaya ako ngayon, ngiti lang ang ipinamalas ko sa kanila. Kailangan ko ring maging mabait sa harapan nila. Mahirap na, baka si Rigo pa ang pag-initan nila.

“Jusko! Y-you mean… Kagaya ni Xander, y-you’re… you’re…” hindi iyon maituloy ng isang reporter dahil hanggang ngayon ay namamangha pa rin ito.

“Yes. I’m in love with a man, a beautiful man rather.” pagtuloy ni Rigo sa sasabihin nito.

Ilang segundo nila akong tinitigan lahat. Mas naging sunod-sunod na rin ang pagkuha sa amin ng litrato kaya mas ginalingan ko pa ang pagngiti ko.

Nang makarecover ang media ay napangiti na lang sila.

“Congratulations, Rigo! Kahit na ginulat mo kami, masaya pa rin kaming malaman na nahanap mo na rin ang taong magpapasaya sa ’yo!” bati ng isang reporter.

“Thanks!” sagot ni Rigo.

“Thank you po sa inyo.” pagbabait-baitan ko.

“In fairness, Randy, ha? Totoo ang sinabi ni Rigo! Ang ganda ng mukha mo para maging isang lalaki!” hindi napigilang papuri ng isa pang reporter.

I know right! Maliit na bagay!

Gusto ko sanang isigaw ’yan habang nakataas ang isang kilay ko, pero pinigilan ko.

“Marami pong salamat.” iyan na lang ang sinabi ko. Nawili na ako sa kaplastikan ko.

“At mukha talaga siyang mabait!” pahabol pang papuri ng reporter na iyon.

Nang sabihin ng reporter ang bagay na iyon ay doon ako natigilan. Maging si Rigo sa aking tabi ay naramdaman kong naestatwa ang katawan. Sinubukan kong lingunin ang aking mga kaibigan ganoon din ang dalawang bata, pero nasorpresa ako dahil lahat sila sa akin ay natulala. Pati si Vinci na abala sa autograph signing sa isang tabi ay napalingon sa aming gawi.

Bakit parang ayaw nilang sumang-ayon sa sinabi ng reporter na mukha akong mabait?

Hay, nako! Uso talaga ang mga inggetero!

Tumawa ako nang alanganin.

“Thank you po. Kayo rin po, mukha rin po kayong mabait.” nakangiti kong papuri pabalik.

Hindi ko akalain na gagayahin ko ang linyahan ni Tom kanina. Pero sa totoo lang, gusto kong sabihin sa reporter na pumuri sa akin na mukha nga siyang ik-ik sa probinsiya.

“Ang swerte-swerte ng mga gaya n’yo! Sana kapareho ninyo ng asawa ni Xander, makahanap din ako ng forever ko!” hindi napigilang komento ng isa.

Paano naman kasi siya makakahanap ng forever niya kung mukhang sa isang linggo ay isang beses lang siya kung maligo?

“Naku, makakahanap din po kayo. Darating din po ’yan. Magtiwala lang po kayo.” sagot ko naman.

Hindi na makaimik ang aking mga kaibigan maging si Rigo dahil sa pagpapanggap kong mabait ako. Lahat sila ay gusto na yatang itaas ang isa nilang kilay ngunit pinipigilan lang ng mga ito.

Well, bahala sila diyan. Nag-eenjoy pa ako.

Nasa ganoon kaming tagpo nang biglang lumapit sa aming pwesto si Coke.

“Mga marshie, gusto ko ring ipagmalaki sa inyo na hindi lang sila basta magpartner ng alaga kong si Rigo, ha? Ikakasal na sila next month dahil engaged na rin sila!” pagmamalaki ni Coke sa amin.

Gusto ko sanang sabunutan ang impaktang si Coke dahil sa bigla nitong pag-eksena, pero nang magtagpo ang aming mga mata ay nakita kong may isenesenyas siya sa likuran ko banda.

Nang lingunin ko naman iyon ay hindi pa rin pala umaalis ang lintang babae na gustong lumandi kay Rigo. Nandito pa rin siya kahit wala na siyang silbi rito.

So, patigasan pala ang gusto ng babaeng ito? Pwes, pagbibigyan ko siya sa kanyang gusto.

“Talaga?! Engaged na sila?!” namamanghang tanong ng isang reporter kay Coke.

“Oo naman! Mukha ba akong nagsisinungaling?!” balik naman ni Coke sa kanila. “Mars, ipakita mo ang engagement ring mo sa kanila!” sunod nitong utos sa akin.

Gusto ko nang mayakap si Coke. Nararamdaman ko, magkakaroon na rin kami ng ‘friendship goal’ nito! Ramdam kong kakampi ko talaga siya!

“Nakakahiya po… Heto po, oh!” pabebe pa rin ako pero iniharap ko na sa kanila agad-agad ang kamay kong may suot ng engagement ring namin ni Rigo.

“Wow! Mukhang mamahalin! Ang swerte mo talaga! Congrats sa inyong dalawa ni Rigo!” pagbati nila sa akin.

Naging abala ang lahat ng reporter sa pagtingin ng kamay kong may singsing. Hinahawakan pa nila iyon at sinusuring mabuti. Hindi ko rin iyon maialis dahil tuloy-tuloy na rin ang pagkuha nila ng pictures sa kamay ko. Kailangan talaga mamaya ay mag-alcohol ako.

Dahil sa abala sila sa aking kamay ay kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon para bulungan si Coke sa tabi ko.

“Ninang, lapit ka pa sa akin ng konte!” bulong kong pakiusap dito. Inuto ko na rin siya sa pamamagitan ng pagtawag ko ritong ‘Ninang’.

At dahil sa iyon ang kahinaan ni Coke, madali ko naman siyang napasunod. Mas lumapit pa siya sa akin hanggang sa halos magdikit na ang aming katawan.

Ngayon ay makakaganti na ako. Mapagbabayaran na ng babaeng linta ang kasalanan sa akin nito!

Tinantiya ko ang magiging pag-atras ko, kasunod nito ay inapakan ko ang paa ng babaeng nasa likuran ko. Hindi pa ako nakuntento roon, ginawa ko ang pagtapak dito na animo’y nagpatay ako ng upos ng sigarilyo.

“Ouch!! Sh*t!!” hindi napigilang daing ng babae. Kasunod nito ay napaupo pa ito habang hinihilot ang paa niyang inapakan ko.

Sinimulan ko na ang pag-arte ko. Mabilis akong yumuko para magpantay kami ng babae.

“Hey, are you okay?” kunwari ay nag-aalala ako.

Nagkagulo na ang ilang mga nasa media. Kapareho ko ay nagtanong sila nang paulit-ulit kung okay lang ba ang impakta.

Hindi iyon sinagot ng babae. Ang ginawa nito ay sinalubong niya ang aking mukha na malapit sa kanya hanggang sa magtagpo ang aming mga mata.

Dahil sa nakatalikod naman kami sa karamihan ay hinubad ko muna nang panandalian ang huwad na ngiti ko. Unti-unti kong nginisian ang babae habang nakataas ang isang kilay ko.

“Next time, alamin mo muna kung ano ang background ng lalandiin mo. Ang lakas ng loob mo. Ako pa talaga ang binangga mo? Si Rigo pa ang napili mo. Bakit? Sawa ka na ba sa buhay mo? Tara, tapusin na natin kung ’yan gusto mo.” pagbabanta ko gamit ang mahinahong tono. “Umayos ka, ha? ’Wag ang BOYFRIEND ko. ’Wag si Rigo!” madiin ko pang pahabol sa huli.

Nasaksihan ko ang takot sa kanyang mukha. Nasindak siya sa aking pananalita. Kasunod nito ay marahan siyang tumango bilang pagsagot sa aking pagbabanta.

“Good. “ maikli kong sagot at ibinalik ko ang matamis na pagkakangiti ko.

Boring naman pala ang babaeng ito. Ang akala ko ay mahihirapan ako, pero heto siya at madali kong napasuko.

Ginalingan ko pang lalo ang pagpapanggap ko. Inalalayan ko pa ang babae hanggang sa makatayo ito.

“Umalis ka na kung ayaw mong pare-pareho tayong mapahiya rito. Kaya kong gawin ’yon at hindi ako natatakot sa eskandalo. E, ikaw? May career ka pa ba sa oras na masangkot ka sa gulo?” pagtataboy ko sa kanyang pabulong habang tinutulungan siyang makaahon.

Hindi naman siya nakatugon. At nang tuluyan siyang makatayo ay pinilit niyang ngumiti sa mga tao.

“I-I think, tapos na ang business ko rito. I have to go go na rin, guys. Thank you and good night.” mabilis na paalam ng linta sa lahat. Kasunod nito ay paika-ika siyang naglakad palayo dahil na rin sa aking kagagawan.

“Ano raw nangyari sa kanya?” tanong sa akin ng isang reporter.

“Na-sprain daw siya. Kawawa naman. Sana pala hinatid ko na lang.” sagot ko naman na kunwari ay nanghihinayang.

“Naku, napakabait mo talaga, Randy!” papuri ng isang reporter sa akin. “Maswerte ka rin naman palang tunay, Rigo!” pagkausap naman nito sa baby ko.

Niyakap ko naman ang bewang ni Rigo.

“Maswerte rin naman po ako sa kanya.” nakangiti kong sagot sa reporter. “’Di ba, baby Rigz?” tanong ko pang malambing kay Rigo nang tingalain ko ito.

Ngumiti naman siya sa akin. Pero ang napansin ko, peke ang ngiti niyang iyon sa akin.

“Yeah…” sagot ni Rigo at niyakap din ako. “Mag-usap tayo mamaya, Liam. Gumawa ka na naman ng kalokohan.” bulong na nito sa akin habang yakap ako.

Sinasabi ko na nga ba, wala talaga akong ligtas sa kanya. Nakita niya pa rin ang ginawa ko sa linta.

“I love you, Rigz…” paglalambing ko na sa kanya. Sinabi ko rin iyon habang nasa harap kami ng media.

Iyon na ang huling alas ko. Kailangan ko nang gamitin ang mga salitang iyon para gumaan ang parusa sa akin ni Rigo. Nararamdaman ko kasi, mayamaya lamang ay masesermonan na ako nito.

“Yiiee!!” kantiyaw naman ng mga nakarinig kabilang na ang aking mga kaibigan pati na rin ng dalawang bata.

Natawa si Rigo at alam ko ang dahilan. Mukhang naging effective ang aking plan! Napakilig ko siya lalo na at sa harap ng media ko iyon ginawa!

“I love you too, Liam…” sagot naman niyang may kalakasan at hinalikan pa ako sa ulo.

Well, sorry na lang.

Sorry na lang sa mga taong susubukan akong kalabanin sa mga bukas na magdadaan.

’Wag na ’wag nilang kakalabanin ang isang Randy Liam.

Dahil sinisiguro ko, sila mismo ang maghuhukay ng sarili nilang libingan.


A/N

Eng hebe…

Sana po ay nag-enjoy kayo sa pagrampa ng tatlo at sa kalokohan ng #PunyetaQueen.

Sige na, nagdagdag ako ng isa pang chapter bago ang finale. Since mahaba-haba naman ang naging drama ng kwentong ito, naglagay ako ng extra.

Feel you next chapter, guys! Salamat sa patuloy na suporta sa mga bida!

Love lots,

cold_deee ❤

Pre-Finale (Part 1)

A/N

Sa wakas nai-post din! Busy talaga si Ateng! Dalawang part po itong ginawa ko dahil napakahaba nito. Sana ay magustuhan n’yo!

Para po ito kay

braderlouielouie

ang chapter na ito! Surprise! Salamat sa patuloy na pagbabasa, bebe! 😘 Aliw na aliw ako sa pambabasag mo kay Randy. 😂 Parami kayo nang parami!

Enjoy the Pre-Finale, guys! Konting push pa!

––> Si Randy po sa media.


RANDY’s POV

“A-aahhh…. S-sige pa, Liam… Ganyan nga… Aahhh…” nauutal na sambit ni Rigo habang nakapikit pa. Bahagya rin siyang napapatingala.

Napangisi naman ako dahil doon.

“Ganito ba, baby Rigz..?” malambing ko namang tanong sa kanya at mas ginalingan ko pa ang aking ginagawa.

“Oh, sh*t! Ang sarap! Aahh! Ang galing mo talaga, Liam!” sagot niya pa rin.

Siyempre naman. Ako pa ba?

Ibinaba ko ang aking palad kasabay ng marahang pagpisil sa parte na aking hinahawakan. Siniguro kong masisiyahan si Rigo sa ginagawa ko.

Saglit pa kami sa ganoong posisyon ni Rigo hanggang sa makuntento siya.

“Okay na, Liam,” una nitong sambit. “Salamat sa pagmasahe. Sumakit talaga ang balikat ko dahil sa bigat ng mga kahoy.” dugtong pa nito.

Matapos niyang sabihin iyon ay diretso na rin siyang tumayo mula sa pagkakaupo.

“Sure ka bang kaya mo pa, baby Rigz? Pahinga ka muna kaya?” pag-aalala ko sa kanya. Bumalik na rin ako sa pagkakaupo at kinuha ang aking abaniko. Pinaypayan kong muli ang aking sarili habang pinapanood si Rigo.

Ngumiti naman siya sa akin bago niya muling kinuha ang palakol para ipagpatuloy ang pagsisibak ng mga kahoy.

“Ayos lang ako,” una niyang sagot bago sinibak muli ako, este, ang kahoy. “Teka, ano bang gagawin natin dito sa mga nasibak ko? Imposible namang ipanggagatong n’yo ’to? May gas range na kayo, ’di ba?” sunod niya pang pagtatanong habang nakakunot ang kanyang noo.

Natigilan ako. Napaisip rin ako kung ano nga ba ang magiging silbi ng mga kahoy na sinisibak niya ngayon.

Makalipas ang ilang segundo ay nakaisip ako ng isasagot dito.

Nginitian ko muna siya nang matamis bago iyon sinagot.

“Gawin nating bahay-bahayan, baby Rigz. Maglalaro tayo. Ikaw ang Tatay at ako naman ang Nanay…” may kalandian kong sagot.

Muli naman siyang natawa at napatigil na naman sa pagsisibak niya.

“Tapos ano?! Si Ar-Ar ang anak natin?! Parang totohanan na rin ’yan, Liam, eh!” pagkontra niyang natatawa.

“Hindi,”

“Eh, ano?!”

“Parang throwback lang. Tayo lang muna ang maglalaro ng bahay-bahayan…” una kong sagot. “Tapos, gagawin natin ang senaryo kung paano natin nabuo si Ar-Ar…” dugtong ko pa at mas lalo ko pang nilandian.

Syet, kinikilig ako.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng malakas niyang pagtawa matapos kong sabihin iyon. Kinilig ba siya o iniisip niyang nagjo-joke lang ako? Hindi kaya ako nagjo-joke, gusto ko talagang gawin ’yon!

Nagpatuloy na si Rigo sa pagsisibak ng kahoy. Habang naghihintay siyang matapos ay iginala ko muna ang aking mga mata.

Naririto kami sa likod ng malaki naming bahay sa probinsiya. Dito mismo sa lugar kung saan ako isinilang at lumaki. Dito sa lugar kung saan ako nagkaisip at kung saan ko naranasan ang aking mga mapapait na karanasan.

Aaminin ko, nagkaroon pa ako ng pag-aalinlangan at takot bago ako muling makatapak dito. Kagabi kami nakarating sa lugar na ito at halos ilang oras din akong walang imik habang binabagtas ang aming daan patungo rito.

Nagbalik sa aking ala-ala ang lahat ng senaryo noon. Kung paano ako pahirapan ni Papa, kung gaano ako kalungkot na namuhay at kung paano ako nagdusa sa loob ng maraming taon. Pero lahat ng iyon ay nalabanan ko dahil katabi ko si Rigo. Paulit-ulit niyang ibinubulong sa akin na wala na akong dapat pang ikatakot dahil mananatiling hawak niya ang mga kamay ko.

Marami na ang nagbago rito. Dekada na rin ang lumipas noong huli akong makatapak dito. Naaalala ko pang ang best friend kong si Xander ang nag-alis sa akin sa lugar na ito, siya ang tumulong sa akin noon para makatakas sa masalimuot kong pamumuhay rito. Pero heto, makalipas ang mahigit isang dekada, nagbalik ako. At kung noon ay purong kaba lang ang nararamdaman ko sa tuwing tatapak ako sa lugar na ito, ngayon ay maginhawa na ang pakiramdam ko.

Muli kong ibinalik ang paningin ko sa taong pinagkukunan ko ng lakas. Naririto siya sa harap ko at patuloy na pinatutunayang hindi ako nag-iisa, na kasama ko siya, na mananatili siyang nasa tabi ko sa mga darating na panahon pa.

“Malapit na ba ’yan, baby Rigz?” tanong ko sa kanya habang patuloy akong nagpapaypay. Mataas kasi ang sikat ng araw at ayaw kong pagpawisan. Pero heto si Rigo, patuloy na sinisibak ako, este, ang mga kahoy.

“Kaunti na lang, Liam! Makakapagpahinga ka na rin!” sagot niya habang patuloy pa rin sa pagwasiwas ng palakol sa mga kahoy.

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya. Eh, wala nga akong ginawa kundi ang panindigan ang pagiging prinsesa niya. Nakaupo lang ako at pinapanood siya habang sinisimulan ang kanilang pamamanhikan.

Yes, ngayon nga ang araw na nakatakda para mamanhikan si Rigo at ang pamilya niya sa amin. Ngayon niya opisyal na hihingiin ang permiso ng aking pamilya para pakasalan ako.

Punyeta. Ang ganda ko talaga! Matisod sana ang kumontra.

Hingal na hingal si Rigo matapos ang huling kahoy na sinibak niya. Pinagmasdan ko naman ang bawat pagkilos niya. Para siyang nasa isang palabas nang punasan niya ang kanyang pawis sa noo gamit ang kanyang braso. Patuloy rin na dumadaloy ang mga pawis niyang iyon lalo na sa kanyang dibdib. Hindi rin nakaligtas sa akin kung paano lalong bumabakat ang kanyang anim na pandesal sa tiyan habang malalalim ang bawat paghinga niya.

“Parang gusto kong magkape…” hindi ko napigilang maisatinig ang nasa aking isip habang nakatitig ako sa abs ni Rigo. Napakagat pa ako ng labi ko.

Agad na inangat ni Rigo ang kanyang paningin para tingnan ako.

“Bawal. Gatas lang ang pwede. Ititimpla kita kung gusto mo, basta ’wag ka lang magkakape.” seryoso niyang pagkontra sa akin.

Minsan hindi rin marunong makaramdam itong si Rigo. Hindi niya nakuha ang gusto kong iparating! Gusto kong magkape dahil gusto kong kainin ang mga pandesal niya!

“Sige, gatas na lang,” una kong sagot habang nakangiti. “Pero ang gusto ko, ’yung gatas mo mismo, baby Rigz, ang iinumin ko…” dugtong ko pang mapang-akit.

Mukhang nakuha na niya ang ibig kong sabihin sa pagkakataong ito. Natigilan siya at napatitig sa mga mata ko. Siyempre, nilubos-lubos ko na ang pagiging kiri ko. Kumindat ako habang ang aming mga mata ay nagtatagpo. Matapos iyon ay natatawa siya habang napapailing din. Parang siya pa ang nahihiya sa kaharutan ko.

“Halika na nga! Bumalik muna tayo sa bahay para makapagsuot na ako ng damit!” natatawa niyang pagyaya sa akin.

Mabilis naman akong tumayo at nilapitan siya.

“Halika rito, magpunas ka muna ng pawis. Baka kasi magkasakit ka.” utos ko at nagtungo na ako sa kanyang likod para punasan siya.

Gusto ko sanang punasan din ang kanyang dibdib na puno rin ng pawis ngunit agad rin niyang kinuha ang towel na hawak ko.

“Ako na ang magpupunas, Liam.” wika niya at inagaw sa akin ang towel. Siya na rin talaga ang nagpunas sa kanyang dibdib at tiyan. Sayang naman.

Nitong mga huling araw ay hindi ko na kinukulit si Rigo na gumawa kami ng milagro. Nararamdaman ko naman kasi na hindi pa talaga siya handa at natatakot pa rin ito. Iniintindi ko na lang kesa maging sanhi pa ito ng pag-aaway naming dalawa. Umo-over na rin kasi ang performance ko sa pagiging high blood nitong huli.

“Tara na, Liam. Pumasok muna tayo saglit para makakuha ako ng sando. Tingnan na rin natin sila kung ano nang ginagawa nila.” nakangiti nang pagyaya sa akin ni Rigo.

Kumapit ako sa kanyang braso. “Let’s go!” masaya kong sambit at sinimulan na rin namin ang maglakad pabalik ng bahay.

“Pawisan pa rin ako, Liam. Amoy araw na nga yata ako, eh. Didikit ang pawis ko sa ’yo, sige ka!” nag-aalalang pag-awat sa akin ni Rigo dahil sa pagyakap ko sa malaki niyang braso.

“Okay lang ’yan, basta ikaw!” wika kong nakangiti. “Uuhhmmm! Ambango-bango! Ambango pa rin ng baby Rigz ko kahit pawisan!” dugtong ko pa habang paulit-ulit na inaamoy at hinahalikan ang kanyang braso. Napakalandi ko talaga.

Natawa lang siya sa akin, tawa na alam kong kinilig. Hindi pa rin siya sanay hanggang ngayon sa pagiging malambing ko sa kanya. Kaya sa tuwing nilalandi at nilalambing ko siya, wala siyang nagagawa kundi ang tumawa.

Bago makarating sa pintuan ng aming mansyon ay may madadaanang mahabang mesa na nasa ilalim ng malalaking puno namin dito. Dito tumatambay ang aming mga trabahador sa tuwing magpapahinga sila mula sa pag-ani sa mga puno ng niyog. Iyon kasi ang naging pangunahing negosyo ng aking mga magulang noong magretiro si Papa bilang heneral. Naging matagumpay naman sila ni Mama dahil mas lalo pa nilang napalawak ang aming mga lupain. Isa rin ito sa mga pagbabagong kaninang umaga ko lamang nalaman nang maikwento ito sa amin ni Mama at Ate.

Sa mahabang mesang nasa ilalim ng mga punong naririto ay may nagkakasiyahang mga tao. Sa harap naman nila ay ang bumabahang pagkain na inihanda rin ng mga trabahador namin dito. Malalakas ang tawanan nila na akala mo ay hindi napagod mula sa mahabang biyahe namin kahapon patungo rito.

“Isa pa nga, baby Drey!” masayang utos ni Xander sa kanyang bunso na kalong naman ni Nanay Elise. Sinusubuan niya ito ng isang hiwa ng manggang hilaw na nagmula rin sa mga punong naririto.

Nang mailagay ni Xander ang mangga sa bibig ni baby Drey ay sinipsip naman iyon ng walang muwang na bata. Kasunod nito ay gumuhit ang pag-asim sa mukha ng cute na si baby Drey. Iyon din ang naging dahilan ng malakas nilang tawanan.

“Hayup ka, brad! Aliw na aliw ka sa pangangasim ni baby Drey! Hindi ka na naawa sa anak mo!” pag-awat naman ni Dom habang natatawa. Aliw na aliw rin siya.

Hindi iyon sinagot ni Xander, agad na nilingon niya ang kanyang asawa na nasa kanyang tabi.

“Master, nakuhanan mo ba ng picture ang anak ko? Ang cute-cute!” tuwang-tuwa na tanong ni Xander kay Tom.

Mukhang nabigla naman si Tom.

“Ay, kukuhanan ko ba ng picture?” tanong nitong nagtataka. “Sorry, sorry! Nakalimutan ko kasi naaliw rin ako sa kanya!” pagbawi pa ni Tom.

“Daddy, one more, please? Subuan mo pa ulit si baby Drey…” ang anak naman nilang si Carla ang nagrequest ngayon.

Umentrada na rin si Nanay Elise at agad na inawat sila.

“Tama na ’yan! Baka sikmurain na itong bata sa ginagawa ninyo!” natatawang pagsaway ni Nanay Elise sa kanila.

Habang naglalakad kami patungo sa kanilang pwesto ay napansin yata ni Shai ang presensya ko.

“Guys, he’s here!” bulong niya sa lahat ng taong nasa mesa. Bumulong pa ang punyeta, dinig na dinig naman namin ng baby ko!

Matapos iyon sabihin ni Shai ay saglit nila kaming nilingon ni Rigo. Kasunod nito ay umayos din sila ng pagkakaupo na animo’y may kababalaghang pinaghahandaan ang mga ito.

Sa mesang iyon ay naroon sina Xander at Tom kasama ang dalawa nilang anak, si Dom, Shai, Tita Eve, Tito Ed, Mama, Ate, si Nanay Elise at ang anak naming si Ar-Ar.

Yes, lahat sila ay sumama rito para sa pamamanhikan sa akin ng pamilya ni Rigo. At kung ano ang magiging silbi ng ilan sa kanila? Malalaman mamaya.

“Guys, ayos lang ba kayo diyan?!” masayang pagbati ni Rigo sa kanila.

Hindi nila sinagot si Rigo hanggang sa makarating kami sa kanilang mesa. Seryoso ang kanilang pagmumukha na akala mo ay may kagalit sila. Pero may isang naiiba ang ekspresyon sa kanila, sinalubong kami nito ng ngiti at kumaway pa.

“Hi, Rigo! Hi, Randy! Sali kayo! Ang saya-saya namin dito kasi pinapakain namin si baby Drey ng mangga!” masayang pagyaya nito. Litaw na litaw rin ang nag-iisang dimple nito.

Sino iyon? Walang iba kundi si Tom.

Sasagot na sana ako kay Tom pero agad na sumabat si Xander. Ibinaba niya muna nang sapilitan ang kamay ni Tom na nakaangat at ginawang pangkaway sa amin ni Rigo.

“Master, naman! ’Di ba, ang usapan nating lahat, ’wag natin siyang papansinin?! Bakit tinawag mo pa?!” bulong na pagsaway ni Xander sa kanyang asawa.

Muling gumuhit ang pagkabigla kay Tom. “Ay, sorry, sorry! Nakalimutan ko! Sige, yuyuko na ako! Kayo na ang bahala diyan!” pagsunod nito sa kanyang asawa.

Napataas ang isang kilay ko. Sinasabi ko na nga ba, hindi sila basta-basta sasama rito nang walang kababalaghang gagawin.

Pinagtutulungan na naman ako ng mga punyeta!

Nakarating kami ni Rigo sa kanilang mesa ngunit hindi na kami umupo sa tabi nila. At nang masiguro nilang maririnig ko na nang malinaw ang kanilang mga sasabihin ay nagsimula na sila sa palabas nila.

Kumilos si Dom na tila may gustong iabot sa kanya. “Shai, pakiabot nga niyang pabebe butter, este, peanut butter! Buti na lang pala may tinapay rito, ’no?! Kape na lang ang kulang! Bagay sa mga taong kulang sa nerbiyos ang katawan! Mga taong hindi man lang kinikilabutan! Mga tipong damang-dama ang pagiging magandang dilag niya!” pagpaparinig nito.

Nagdikit ang mga ngipin ko sa sinabing iyon ni Dom pero nagawa ko pang kontrolin ang sarili ko. Kailangan kong magtimpi dahil baka bawiin nila ang pagsunod sa request ni Rigo.

Si Shai naman ang nagsalita matapos iabot ang bote ng peanut butter kay Dom na nasa harap niya. Kasunod naman nito ay nilingon ni Shai ang Mama at Ate ko.

“Tita, I heard na may malapit na B*TCH dito? Totoo po ba?” tanong nitong may diin sa Mama ko.

Napakamot ng ulo si Mama. “Ang ibig mo bang sabihin, Shai, is beach?” nag-aalangang tanong pabalik ni Mama kay Shai.

“Yeah, Tita. Gusto kasi naming magswimming later.” pagkumpirma naman ni Shai.

Punyeta talaga! Isa pa ’tong babaeng ’to! Halata namang hindi ’yon ang ibig niyang sabihin! Ako ang tinutukoy niyang b*tch! Napakainggetera niya!

Si Ate na ang sumagot sa pagkakataong ito.

“Uhm… Wala, Shai. Pero may malapit na falls at batis dito. Maganda rin naman doon kung gusto ninyong maligo.” nag-aalangan rin nitong sagot. Mukhang pinakikisamahan lang nila ang aming mga kaibigang biniyayaan ng inggit sa katawan.

Napapikit na ako. Gigil na talaga ako sa mga punyetang ’to. Pero kaya ko ’to. Kakayanin ko dahil nakiusap sa akin kanina si Rigo na ’wag na lang pansinin ang kanilang gagawin dahil pinagbigyan pa rin nila ang pakiusap nitong samahan siya rito.

Si Xander naman ang nagpamalas ng pang-aalipusta sa akin ngayon.

“Guys, alam n’yo bang second time ko nang makarating dito?” tila namamanghang pagbabalita ni Xander sa lahat.

Tama si Xander, hindi ito ang first time na nagpunta siya rito. Ang unang beses ay noong itinakas niya ako mula sa pagmamalupit ng ama ko mahigit isang dekada na rin ang nakakalipas.

“Owwss?!!” kunwaring namamangha rin ng mga hinayupak kong kaibigan.

“Oo! Noong una akong magpunta rito, may tinakas akong tao! Pucha! Buti hindi ako nahuli ng mga pulis at tanod that time! Imagine, nagtakas ako ng isang BALIW na galing sa mental?! Nakakatakot, no?! Buti hindi ako sinaktan! Kadalasan pa naman sa mga nasisiraan ng bait, mapanakit!” diretso nitong pagbabalita sa lahat.

Dito na ako hindi nakapagtimpi. Agad kong hinablot ang buhok ni Xander dahil sa labis na inis.

“Punyeta ka talaga!! Ayan!! Ngayon ka pa lang masasaktan, impakto ka!! Gigil mo ako!! Gigil n’yo ako, mga punyeta kayo!!” galit na galit kong sigaw habang hinahablot ang buhok ni Xander.

“Aray, aray! Pucha! Masakit, Randz! Tama na! Aray!” pag-awat sa akin ni Xander habang hawak ang kamay kong mahigpit sa kanya ang sabunot.

Wala sana akong balak na bitiwan ang buhok ng kaibigan ko ngunit tumulong na rin si Rigo para awatin ako.

“Tama na, Liam! Hayaan mo na siya! Hindi ka pa nasanay sa gagong ’yan!” pakiusap nito sa akin habang patuloy na tinatanggal ang aking kamay sa buhok ni Xander.

Nasa ganoon kaming tagpo nang may dumating na dalawang tao. Ang isa ay macho habang ang isa ay bisugo.

“Hi!! Anong ganap?! Mukhang nagkakasiyahan, ah?!” unang pagbati ng ulikba habang papalapit sa aming pwesto. “Kamusta pala ang mga tulog ninyo? Ako, okay naman! Malamig sa bahay nina Vinci! Pinagbuksan pa ako ng aircon ng family niya! Feeling ko tuloy ang special ko!” sunod pa nitong pagbabalita nang masaya.

Agad na komontra ang machong kasabay niyang naglalakad.

“Asa ka namang special ka, Coke?! Hindi libre ’yon! Bayaran mo kami mamaya dahil ang gastos sa kuryente ng aircon! Saka kailangan talaga naming buksan ang aircon na ’yon para sa ’yo! Hindi nabubuhay sa mainit na lugar ang mga oso!” pagkontra ni Vinci rito.

Nawala tuloy ang masayang ekspresyon ni Coke. “E, ’di magbabayad! Bwisit ka! Akala ko pa naman taos-puso na ang pagtanggap n’yo sa akin!” pagsuko na lang nito.

Kasama naming nagtungo sa lugar na ito sina Vinci at Coke. Si Vinci ay dahil dito rin siya nakatira sa aming probinsiya. Kababata ko siya na ngayon ko lang lubusang nakilala. Pero ang hampas-lupang Coke na ’to, hindi ko alam kung bakit sumama pa rito! Ayaw kong paniwalaan, pero inimbita raw siya ni Rigo!

Matapos ang komprontahan ni Coke at Vinci ay sinalubong naman nila ako ng ngiti.

“Hi, Mars! Mukhang iba na naman ang timpla mo, ah? Anong inalmusal? Ampalaya?” bungad ni Coke sa akin.

Tingnan mo ’tong baboy-ramong ’to! Nakisabay pa talaga sa pamemeste sa akin.

“Makikisali ka rin ba, ha?! Halika rito! Sasampalin talaga kita!” pagkompronta ko agad kay Coke. High blood talaga ako sa pagmumukha nito!

Akmang lalapitan ko na sana si Coke ay ang mahigpit nang pagyakap sa akin ni Rigo para maawat ako.

“Hay, jusko! Hindi yata ampalaya ang inalmusal niya! Parang nagpapak ng granada!” nag-aalalang sambit ni Coke at nagtago na sa likuran ni Vinci.

“Liam, enough! Kumalma ka nga, please?!” pakiusap ni Rigo habang yakap ako.

“Eh, binibwisit ako ng mga ’to, eh!” sagot ko sa kanya habang dinuduro ang aming mga kasama.

“Hayaan mo na nga! Ako ang humingi ng pabor sa kanila! Kaya, please? Hayaan mo muna sila kahit ngayon lang?!” pakiusap nito sa akin.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, naging mabilis tuloy ang mga paghinga ko.

Sige na, ngayon lang! Susubukan kong magpakahinahon! Ngayon lang!

Nilingon ko ang aming anak na si Ar-Ar na ngayon ay nakaupo sa tabi ng Uncle Dom niya. Naroon ito at tahimik na nakayuko. Nagbabakasakali akong makakakuha ng kakampi sa katauhan ng anak ko.

“Ikaw, ’nak? Nakikigalit ka rin ba?! Sumasali ka rin ba sa kalokohan nila?!” tanong kong puno ng pagtitimpi.

Ramdam kong nag-aalangan ngayon si Ar-Ar dahil dahan-dahan niyang inaangat ang kanyang ulo para magtagpo ang aming mga mata. Pero bago pa kami tuluyang magkatinginan ay bumulong na sa kanya si Dom.

“Tandaan mo, ang Playstation… Bibilhan kita no’n pagbalik natin sa Maynila…” panunuhol nito sa aking anak.

Dahil doon ay hindi na kami tuluyang nagkatinginan ni Ar-Ar. Sa halip, mabilis niyang nilingon ang kanyang Uncle Dom.

“Ano na nga ulit ang pinag-uusapan natin kanina, Uncle Dom?” tanong nito sa kanyang tiyuhin.

Punyeta! Ang dali naman nauto ng anak ko?! Kung ’yon lang pala ang gusto niya, e ’di sana ako na lang ang bumili sa kanya!

Dahil sa wala akong mapapala sa aking anak ay sina Tito Ed at Tita Eve naman ang tiningnan ko.

“Kayo? Nakikigalit din ba kayo?!” tanong ko sa kanila. “Lalo ka na, Tita Eve, mas kinakampihan mo ba sila?!” dugtong ko pa.

Umiling naman sila nang paulit-ulit.

“H-hindi! Wala kaming alam diyan!” depensang nauutal ni Tita Eve.

Mabuti naman. Akala ko ay makikisali rin sila. Dahil kung nangyari ’yon, palalayasin ko sila sa sarili nilang mansyon.

Mabilis naman na lumapit sa akin sina Mama at Ate. Nagawa pa akong haplusin sa likod at balikat para lang gumaan ang aking pakiramdam.

“Anak, naman. ’Wag naman masyadong mainit ang ulo. Nagbibiro lang naman ang mga kaibigan mo.” pagpapakalma sa akin ni Mama.

“Bunso, sige na, samahan mo muna si Rigo sa loob. Baka magkasakit na ’yan kung matutuyuan siya ng pawis?” pag-awat at pag-aalala naman ni Ate Sandra.

Oo nga pala, nawala na sa isip ko si Rigo. Kasi naman ’tong mga punyetang ’to, gustong-gusto na pinapainit ang ulo ko!

Huminga ako nang malalim at napapikit pa ako. Kasunod nito ay nilingon ko si Rigo. Pero sa halip na sa mukha niya ako tumingin ay sa maumbok na dibdib niya dumapo ang mga mata ko. Dahil doon ay mabilis na nawala ang galit ko. Napalitan ito ng pag-iinit habang nakatingin ako sa dibdib ni Rigo. Hindi ko rin naiwasan ang mapalunok dahil sa nakikita kong pawis na tumutulo rito.

Jusko, tukso, layuan mo ako. ’Wag po ngayon na high blood ako.

“Tang*na. Hindi lang pabebe, manyakis pa. Harap-harapan kung magnasa.” narinig kong bulong ni Xander.

Pakialamero talaga ang punyetang Xander na ’to!

“Liam?” nagulat ako nang tawagin ni Rigo ang pangalan ko.

Dahil doon ay naingat ko ang aking paningin hanggang sa magtagpo ang mga mata namin ni Rigo.

“Tara na nga, Rigz! Baka mamaya hindi na talaga ako makapagtimpi!” pagyaya ko na lang kay Rigo.

Sumabat naman si Nanay Elise. “Liam, anak, ayos ka lang ba? Bakit namumula ang mukha mo? Parang ikaw ang magkakasakit!” tanong nito.

Ang epal na si Xander naman ang sumagot sa katanungang iyon. “Eh, kasi nga, hindi na siya makapagtimpi! Atat nang pumasok ng kwarto kasama si Rigo! Tanghaling tapat pero naglulumandi!” pagpaparinig nito sa akin.

Ayaw talaga nila akong patahimikin. Hindi na talaga mapigilan ang inggit nila sa katawan.

Pero sa halip na magpaapekto pa ako sa kanilang sinasabi ay nakaisip ako ng isang bagay para lalo pa silang inisin. Nakaisip ako ng isang paraan para sila ay gantihan. Sabi nga sa isang kasabihan, ‘If you can’t beat them, join them!’

Nagpamalas ako ng malawak na ngiti kay Rigo at ibinalik ang pagkapit ko sa kanyang braso. “Let’s go na, baby Rigz. Hayaan na natin ang mga inggitero. Pumasok na tayo sa kwarto para makapagsuot ka na rin ng damit mo.” pagyaya ko kay Rigo gamit ang malumanay na boses ko.

Doon lamang nakahinga nang maluwag si Rigo at sinagot ako ng marahang pagtango.

“Hhmm!! Ambango-bango talaga!” sambit ko habang paulit-ulit na inaamoy ang braso ni Rigo. Nagsimula na rin kaming maglakad palayo sa kanilang pwesto.

Tingnan ko lang kung hindi sila lalong mainggit sa ginagawa ko.

“Ay, fertile ang kumare ko! Gusto yatang magpatuhog kahit tanghaling tapat!” nadinig kong reaksyon ni Coke.

“Anong tuhog kahit tanghaling tapat?” biglang tanong naman ni Tom.

Hindi na namin narinig ang mga sumunod nilang pag-uusap dahil tuluyan na kaming nakalayo ni Rigo.

Nang makarating kami sa guest room na nasa ikalawang palapag kung saan naroroon ang mga gamit ni Rigo ay agad na kumuha ito ng towel at mga damit.

“Maliligo na lang ako, Liam. Ang init kasi talaga ngayon. Dito ka na lang muna sa kama. Bibilisan ko na lang dahil malapit na rin tayong magtanghalian.” paalam sa akin ni Rigo.

“Sige…” nakangiti ko lang na sagot sa kanya.

Tipid ang sagot na ibinigay ko dahil may iba akong plano. Tutal ay nasa baba naman ang lahat at kami lang ni Rigo ang naririto sa kwarto, naisip kong sisilipan ko na lang ito. Nagbabakasakali rin kasi ako na maulit ang ginawa niya noon nang mahuli ko siyang pinapaligaya ang kanyang sarili.

Nagpanggap akong abala sa pagpipindot ng aking cellphone habang nakaupo sa kama nang pumasok si Rigo sa banyo. Ilang minuto din akong naghintay hanggang sa marinig ko ang lagaslas ng tubig senyales na naliligo na ito.

Isinakatuparan ko na ang gusto ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagtungo sa tapat ng pinto ng banyo kung nasaan si Rigo. Pero noong mahawakan ko ang doorknob ng pintuan ay nakaramdam ako ng labis na inis habang patuloy na iniikot ito.

“Bakit naka-lock?!” bulong kong tanong sa aking sarili.

Nasa ganoon akong tagpo nang marinig ko ang boses ni Rigo.

“Liam,” pagtawag nito sa akin.

Natigilan ako sa tangkang panghahalay at hindi nakakibo.

“Alam ko ang nasa isip mo. Umupo ka na lang ulit dahil malapit na rin akong matapos dito.” pagpapatuloy ni Rigo sa kanyang sinabi.

Punyeta! Akala ko pa naman makakaisa na! Alertong-alerto pala siya! Kainis!

Wala na nga akong nagawa. Nagbalik na lang ako sa kama at umupo para hintayin ang paglabas niya.

Natapos sa pagligo si Rigo at balik sariwa na naman siya. Hindi ko siya pinansin, naiinis kasi ako. Pero lantad na talaga ang kalandian ko, dahil nilambing-lambing lang ako ng kaunti ni Rigo ay bumigay na naman ako.

“Tara na, Liam, mananghalian muna tayo. After that, magpapahinga lang ako ng kaunti para makapag-igib naman ako.” pagyaya nito sa akin.

Ngumiti ako nang wagas. “Ipasan mo nga ako, baby Rigz hanggang sa baba.” utos ko sa kanya.

Hindi naman siya nagbigay ng pagtutol, agad din siyang naglakad patungo sa aking tapat at lumuhod habang nakatalikod sa aking pwesto.

“Halika na. Kumapit kang mabuti, ha?” paalala nito habang hinihintay ang pagsampa ko sa malapad na likod niya.

Siyempre, hindi na ako nag-inarte pa, mabilis na rin akong kumilos para yakapin ang leeg niya. “Syet, kinikilig ako, Rigz! Feeling ko nasa isang pelikula tayo ’pag ginagawa natin ’to!” hindi ko napigilang sabihin nang makasakay na ako sa kanyang likod.

Tanging pagtawa lang naman ang naisagot ni Rigo hanggang sa makatayo ito at maglakad palabas nitong kwarto habang pasan ako. Parang ang gaan-gaan ko lang naman kay Rigo dahil walang kahirap-hirap na naisakay ako nito.

Nakarating kami sa aming hagdan at nakita na namin ang lahat ng aming kasama na nasa aming kusina. Mukhang kami na lang ang kanilang hinihintay para makapagtanghalian na. Naroon na sila at nakaupo habang sinasalubong kami ng pagsimangot lalo na ng mga kaibigan kong asungot. Marami na naman ang nakahandang pagkain. Parang piyesta tuloy sa amin.

Mukhang hindi nila nagugustuhan ang pagpasan ko kay Rigo dahil nakataas pa ang kilay ng mga ito. Kaya naman para lalo pa silang mabuwisit ay umeksena na naman ako.

“Hhmm!! Ambang-bango talaga!! Ambango-bango talaga ng baby Rigz ko!” sambit ko habang paulit-ulit na hinahalikan ang leeg at batok ni Rigo.

Parang gusto na nilang lahat na masuka, umasim kasi ang kanilang mukha. Mga punyeta talaga.

Nagsimula kaming kumain at hindi nagbabago ang pakikitungo nila sa akin. Patuloy pa rin nila akong pinariringgan at inaasar. Malandi raw ako, haliparot, pabebe, kiri at feeling babae.

Pero dahil ako si Randy Liam, nakipagsabayan ako sa kanila. Lalo kong nilandi si Rigo sa harap nila. Nagpapasubo pa ako ng pagkain at kung minsan ay ako pa ang nagsusubo kay Rigo. Kaya naman sa huli, wala silang nagawa kundi ang lalong mabuwisit sa pagiging malandi ko sa harap nila.

Hindi pa ako tapos. Mayamaya lamang ay mas lalo nilang mararamdaman ang tindi ng paghihiganti ko. Sisiguraduhin kong hindi nila magugustuhan ang ipapagawa ko.

Tulad ng usapan namin ni Rigo, saglit lang siyang magpapahinga pagkatapos ng aming panananghalian. Ang kasunod naman nito ay ipag-iigib naman niya kami ng tubig.

Ang totoo niyan ay lulubusin na ni Rigo ang pamamanhikan ngayong araw na ito. Ngayong araw lang kasi ang libre niyang oras dahil abala pa rin siya sa kanyang trabaho bilang modelo. Simula kasi nang makabalik siya, naging sunod-sunod na rin ang offer sa kanya. Isa pa, hands-on din kami sa pag-aasikaso ng nalalapit na kasal naming dalawa.

“Syet, kinikilig ako…” hindi ko naiwasang bulong at napahawak pa ako sa pisngi ko.

Narinig yata ni Rigo ang aking sinabi kaya natawa rin ito. Napatigil siya at ibinaba ang dalawang container na bitbit niya.

Naririto kami ngayon sa labas ng bahay at ilang metro ang kailangan naming lakarin para makapag-igib siya sa pinakamalapit na poso. Siyempre, kasama pa rin niya ako habang nagpapaypay ng abaniko.

“Ayan ka na naman, Liam! Ilang beses ko nang naririnig sa ’yo ’yan ngayong araw!” natatawang puna sa akin ni Rigo.

Hinampas ko siya nang mahina sa balikat gamit ang abaniko. “Ano ba kasi, baby Rigz?! Ang landi mo!” nanghaharot kong sagot sa kanyang sinabi.

Mas lalo siyang natawa. “Paano ako naging malandi?! Tumatawa lang ako!” natatawa niya ring sagot sa akin.

Oo nga, ’no? Ako pala itong malandi.

Nasa ganoon kaming paghaharutan ni Rigo nang may dalawang babae ang huminto at tiningnan kaming pareho.

“Randy?” tanong ng isang laspag na babae.

“Ikaw nga! Ang tagal mong nawala dito sa atin! Kamusta ka na?!” galak na galak namang salubong sa akin ng bisuga. Si Coke kasi ay bisugo kaya siya naman ang bisuga.

“Sino naman kayo?” diretso ko nang tanong sa kanila habang nakataas pa ang isang kilay ko.

Nagkatinginan muna sila na tila nagtataka bago ako muling hinarap.

“Nakalimutan mo na ba kami?” tanong ng laspag.

“Magtatanong ba ako kung naaalala ko kayo? Tanga lang, ’te?” tanong ko rin pabalik.

Napasimangot naman silang pareho. Si Rigo naman ay mukhang naawa sa dalawang babae dahil sa pagtataray ko. Hinawakan niya kasi ang aking kamay tanda na inaawat ako nito.

“Ang sungit mo naman! Samantalang dati para kang hindi makabasag pinggan! Ang tahimik mo lang noon,” reaksyon ni bisuga at saglit na tumigil. “Magkapit-bahay tayo at magkababata pa tayo. Dalawa kami sa madalas mong niyayayang makalaro ng manika noong mga bata pa tayo.” sunod pa nitong pagpapaalala.

Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita.

Kung gano’n, sila pala ang mga batang umaalipusta sa akin noon.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak sa akin ni Rigo senyales na nag-aalala na ito. Iniisip niya sigurong matatakot ako dahil nasa harap ko ang dalawa sa mga taong nagpahirap noon sa kalooban ko.

Pero mali. Mali si Rigo dahil hindi takot ang nararamdaman ko habang kaharap ang dalawang babaeng ito. Dahil ang totoo, gusto kong magbunyi sa mga oras na ito. Dumating na ang oras para makaganti ako sa mga pagtataboy nila sa akin noong bata pa ako.

Ngumisi ako sa dalawang babae na kung makaarte ay parang close kami.

“Tingnan n’yo nga naman, it’s been a long time! So, anong gusto n’yong gawin ngayon? Magpatawag ako ng grand reunion dahil nagkita-kita ulit tayo?” tanong kong may pekeng ngiti sa kanila.

Mukhang mabagal ang proseso ng utak ng dalawang ito dahil parang natuwa pa sila sa pagiging sarkastiko ko.

“Grabe, Randy! Ang laki na ng pinagbago mo! Mas gwapo ka ngayon!” namamanghang papuri ng laspag.

Tumango-tango naman ang kasama niyang bisuga tanda ng pagsang-ayon. Ang ginawa ko naman ay sinabayan sila sa kanilang kasiyahan.

“Kayo rin, ang laki ng pagbabago ninyo! Akalain n’yo nga naman! Kung noon panget na kayo, mas panget pa kayo ngayon! ’Yung totoo?! Kayo na ba ang pumalit sa mga kalabaw rito para sa pag-aararo ng mga palayan dito?!” sunod-sunod kong tanong habang tumatawa ako.

Totoo naman, mukhang hindi na nila naalagaan ang kanilang sarili. Kung titingnan mo sila ngayon, parang twenty years na ang agwat ng mga edad namin.

Dahil sa aking mga sinabi ay napatigil sila sa kanilang pagtawa. Naging masama ang kanilang tingin na parang gusto na akong kainin.

“Nilalait mo ba kami?” tanong na nakasimangot ni bisuga.

Mas lumapad ang pagkakangiti ko na sinagot sila. “Hindi. Dine-describe ko kayo, mga impakta. Magkaiba ’yon, ha? Sinasabi ko lang kasi baka hindi n’yo alam?” pang-iinsulto ko pa sa kanila.

Tuwang-tuwa ako dahil mas lalong gumuhit ang inis sa kanilang mukha.

Well, kung noon ay nananahimik lang ako, iba na ngayon. Aalipustahin ko na sila hangga’t hindi ako nakukuntento. Kulang pa ang pamamahiya kong ito kumpara sa mga ginawa nila sa akin noong bata pa ako.

Mukhang palaban si laspag dahil matapos niyang sumimangot ay napangisi itong bigla. Dahan-dahan niyang tiningnan ang kamay kong hawak ngayon ni Rigo.

“So, totoo pala ang sinasabi noon ng tatay mo? Kaya ka pala ginugulpi ng sundalo mong ama dahil bakla ka?!” nakangisi nitong tanong sa akin.

Sinusubukan nila akong insultuhin ngunit hindi ko iyon maramdaman. Hanggang ngayon ay mas nangingibabaw sa akin ang pagnanais na sila ay pahirapan.

Akmang sasagot akong muli sa kanilang pangungutya ay hindi ko na naituloy dahil sa biglang paghigit ni Rigo sa kamay ko para awatin ako. Nang lingunin ko naman siya ay nasorpresa ako dahil nakangisi rin siya ngunit nanglilisik ang mga mata nito.

“Ano ngayon kung bakla si Randy?! Bakla rin ako. Bakla kami. Eh, ano ngayon sa inyo?! May problema ba kayo sa mga bakla?!” tanong nito sa dalawang babae.

Malaking tao si Rigo at nakakatakot ang hitsura nito sa tuwing nagiging seryoso ito. Ako lang talaga ang hindi niya minsan nasisindak lalo na tuwing inaabot ako ng topak ko.

Nang lingunin ko ang dalawang babae ay gusto ko nang matawa. Para na kasi silang yelo dahil naestatwa silang pareho. Bakas din ang takot sa mga mukha nito.

Muli akong ngumisi sa dalawang babae at itinaas kong muli ang isang kilay ko.

“Ano? Sagot. Bakit para kayong natuod ngayon?” tanong ko sa kanila.

Nakikita kong sinusubukan nilang ibuka ang kanilang bibig ngunit hindi nila iyon magawa. Tuluyan na silang nasindak sa amin ni Rigo.

Muling nagsalita si Rigo, ngunit ang mga salitang sunod na sinabi niya ay hindi ko inaasahang maririnig ko mula sa kanya.

“Kung makapagsalita kayo parang ang aayos ng hitsura n’yo, ’no? Akala mo kung sino kayong mga perpekto. Mas mabuti nang maging bakla, kesa naman sa mga kagaya n’yong mukhang palaka!” pangungutya ni Rigo habang nanglilisik ang mga mata nito.

“Pfft!” hindi ko naiwasan ang matawa sa harap nila. Hindi ko kasi akalain na masasabi iyon ni Rigo.

“Lumayas na nga kayo sa harapan namin! ’Pag hindi ako nakapagpigil, baka ihambalos ko na lang ’tong mga container sa ulo n’yo! Pumapatol ako sa babae, tandaan n’yo ’yan!” pagtataboy at pagbabanta na ngayon ni Rigo sa kanila.

Doon lamang tila natauhan ang dalawa. Natataranta silang kumilos at umalis sa harap namin ni Rigo at tumakbo papalayo.

Tawa pa rin ako nang tawa bago ko hinarap si Rigo.

“Grabe ang sinabi mo, Rigz! First time ko makitang nang-alipusta ka! Saan mo natutunan ’yan?!” tanong kong natatawa sa kanya.

Nakasimangot pa rin itong sinagot ako.

“Nagtanong ka pa talaga? E, ’di sa ’yo!” sagot niyang nakasimangot. Ngunit nang makabawi ay bigla rin natawa ito. “Gigil nila ako, eh! Hinahigh blood nila ako, mga punyeta sila!” panggagaya pa nito sa akin na ikinatawa rin naming pareho.

Wala talaga akong masabi, mahal na mahal talaga ako ng baby ko.

Nang makabawi kami sa aming malakas na pagtawa ay nagpatuloy na rin kami sa paglalakad. Muli niyang binitbit ang mga container na pinabili ko pa kay Mama para lang maisakatuparan ang pamamanhikan na ito ni Rigo.


A/N

Cut muna po tayo rito. Proceed na rin tayo sa Part 2. Enjoy~

Pre-Finale (Part 2)

A/N

Oooppss! Part 2 po ito, ha? Baka nalampasan n’yo po ang Part 1? Balik muna po roon. Sabay ko po kasing in-update ito. Salamuch!

Enjoy naman sa mga bumabasa ng second part~

––>Si Rigo po sa media.


(Continuation…)

Sumapit ang gabi at dumating na ang pinakahuling bahagi ng pamamanhikan ni Rigo. Sa mahabang oras ng pagtatrabaho ni Rigo ay hindi siya nagreklamong nahihirapan na ito. Mas lalo niya pa ngang pinatutunayan na handa siyang gawin ang kahit ano mapanindigan lang ang kanyang ipinangako.

Maya’t maya niyang tinatanong sina Mama at Ate kung ano pa ba ang dapat niyang gawin. Siya na nga rin ang nagluto ng hapunan naming lahat kahit pa pinipigilan ko siya. Ang tanging hiling lang niya ay samahan ko siya ano man ang ginagawa niya.

Ang mga kaibigan naman namin ay paulit-ulit pa rin akong inaasar. Pero sa kabila nito, ramdam ko naman ang kanilang suporta dahil maya’t maya nilang tinatanong si Rigo kung ayos lang ba ito. Kung minsan ay nagpepresenta rin silang tumulong ngunit tinatanggihan talaga iyon ni Rigo. Inutusan na lang din ni Rigo si Vinci na ipasyal silang lahat sa aming lugar kabilang na sa falls na malapit dito para hindi naman daw mainip ang mga bata.

Oras na para sa huling bahagi ng pamamanhikan ni Rigo. Naririto na ako sa sala ng second floor kasama sina Mama, Ate, Tom at Carla, pati na rin si Coke.

“Patingin nga, anak?” utos ni Mama sa akin para tingnan ang aking mukha.

“Mama, kailangan pa bang may ganito?” medyo nag-aalangan kong tanong.

“Aba, oo naman! Tingnan mo, oh?! Ang ganda-ganda mo! Mas maganda ka talaga sa Ate mo!” papuri nito sa akin.

“Sige na, hindi na ako kokontra dahil ang ganda mo talaga ngayon, bunso!” pagsang-ayon naman ni Ate. “Teka, maglagay ka ng konting bangs para mas maganda.” pahabol pa nito at muling inayos ang buhok ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginawa sa akin ng Ate at Mama ko. Pilit nila sa aking pinasuot ang kulay pink na hair band bilang paghahanda sa panghaharana ni Rigo.

Nilingon ko sina Tom, Coke at Carla na nakaupo sa mahabang sofa. Si Nanay Elise kasi ay nasa kwarto at pinapainom ng gatas si baby Drey.

“Pfft! Pisti!” nadinig kong bulong ni Coke nang makita ako. Nagtago rin ito sa likod ni Tom para hindi ko makita ang pagtawa nito.

“Ang cute mo, Randy. Bagay na bagay sa ’yo ang hair band! ’Di ba, baby Carla?” papuri sa akin ni Tom at pagtatanong sa kanyang panganay.

“Yeah, right.” ismid naman ni Carla na halatang napipilitang sumang-ayon. Kasunod nito ay naglakad ito nang padabog patungo sa bintana at tumanaw sa baba. Nagsimula na siyang mag-abang sa mga darating mamaya. Malditang tunay rin ang batang ’to.

Si Tom naman ay hindi ko alam kung pinaplastik lang ako o talagang nagustuhan niya ang ayos ko. Lahat na lang sa paningin niya ay maganda! Hindi na minsan nakakatuwa!

At si Coke, hindi talaga maitago ang pag-iinaso. Naroon pa rin siya at nagtatago sa likod ni Tom habang panay pa rin ang tawa nito.

“Coke,” pagtawag ko sa kanyang mahinahon.

Naluluha naman siya sa kakatawa na lumabas mula sa kanyang lungga.

“Bakit, Mars?” tanong niya pabalik ngunit iniiwasan akong tingnan nang tuwid.

“Pinagtatawanan mo ba ako?! Gusto mong ihulog kita diyan sa bintana, talipandas ka?!” pagbabanta ko sa kanya.

Natatawa pa rin siyang sinagot ako.

“Sorry, Mars! Hindi lang talaga ako sanay na nagmamaganda ka nang ganyan! Pisti! Sakit na ng tiyan ko!” sagot niya at mas lumakas pa ang kanyang pagtawa.

“Punyeta ka! Tumigil ka na diyan, ha?! ’Pag hindi ka pa naawat sa kakatawa, sasabihin ko kay Vinci na patulugin ka mamaya sa kulungan ng mga aso nila!” pananakot ko sa kanya. Doon kasi siya tumuloy kina Vinci dahil masyado na kaming marami rito. Kung dito pa kasi siya tutuloy, pipili lang siya kung sa labas ng bahay o sa puno ng niyog siya matutulog.

“Eto, naman! Hindi ka na ma-joke! Oo na, hindi na ako tatawa!” mabilis niyang pagbawi at napatigil na rin siya sa pagtawa niya. Kailangan lang palang pagbantaan ang ulikba.

Napahinga na lang ako nang malalim. Hindi man ako komportable ngayon na may suot na ganito ay wala akong magagawa. Alam ko naman kasing aasarin lang ako ng mga kaibigan ko dahil hindi sila sanay sa ganitong ayos ko.

Pero sa totoo lang, na-miss ko rin ang ganitong gawain lalo na noong bata pa ako. Sadyang hindi ko lang naituloy dahil sa labis na pagtutol ni Papa sa pagkabakla ko.

Gusto ko rin naman pagbigyan sina Mama at Ate. Tuwang-tuwa sila kanina na inaayusan ako dahil iyon daw ang bagay na hindi nila nagawa sa akin noon lalo na ni Mama. Gustong-gusto nila ako ngayong inaasikaso at kung itrato nila ako ay higit pa sa isang dalaga na kailangang ingatan.

“Smile ka na, bunso! Gusto mo bang makita ka ni Rigo mamaya na nakasimangot?” pang-eengganyo sa akin ni Ate.

“Oo nga, anak! Sige ka, baka magbago ang isip ni Rigo ’pag ganyan ka?! Saka sayang ang ganda, anak! ’Yan ang gandang ipinagmamalaki sa lahat!” si Mama naman.

Alam ko namang inuuto lang nila ako, pero masaya ako dahil sa wakas ay nagkaroon kami ng bonding na ganito. Ito ang bagay na hinihiling ko noon pa. Pero kahit ngayon lang natupad, masayang-masaya pa rin ako.

“Salamat, Mama. Salamat, Ate.” nakangiti kong sambit at niyakap silang dalawa.

Ginantihan naman nila ako ng yakap. Pareho rin nilang hinahalikan ang aking pisngi at kung minsan ay pinipisil pa ito.

Ramdam ko, emosyonal din sila ngayon tulad ko. Pare-pareho kaming masaya dahil sa nangyayaring ito. Pero sa halip na magdrama kami, mas pinili na lamang naming i-enjoy ito.

Nasa ganoon kaming tagpo nang biglang sumigaw si Carla na nakabitin, este, nakadungaw sa bintana.

“They’re here!” tuwang-tuwa nitong pagbabalita.

Matapos iyon isigaw ni Carla ay nakarinig din kami ng mga pagsigaw mula sa baba.

“Tao po?! Pasensya na po sa istorbo! Pero gusto po sana naming haranahin ang dilag na nakatira rito!” narinig naming sigaw mula sa baba at labas nitong bahay.

Nakaramdam ako ng kaba kahit alam ko nang mangyayari ito. Mabilis ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang boses na iyon ni Rigo.

“Put*ngina! Anong dilag ang pinagsasabi mo, brad?! Si Nanay Elise ba ang haharanahin natin?! Siya lang ang babaeng walang asawa diyan, uy!” nadinig ko namang pagkontra ni Dom.

Lapastangan talaga ang pinsan niyang ’yon.

“Hayaan mo na! Eh, sa ’yon ang gusto ko! May magagawa ka ba?!” sagot naman sa kanya pabalik ni Rigo.

Hindi na nakasagot pa si Dom dahil si Xander naman ang umeksena sa pagkakataong ito.

“Lumabas ang matapang! Tang*na, naghahanap ako ng away! Nakahanda na ang pang-taga ko rito! Labas na diyan! Bilisan!” panghahamon nito.

“Tang*na naman, Xander! Umayos ka nga!” pag-awat na naman ni Rigo.

“Eh, tang*na kasi! Masyado nang pabebe, brad! May pagharana pa talaga! Ikaw naman, lagi mong pinagbibigyan sa gusto niya! Pucha! Hindi ka pa asawa pero nagpapa-under ka na!” mahaba namang sermon ni Xander kay Rigo.

“Ikaw ba, hindi ka ba under kay Tom?!” tanong ni Rigo pabalik. “Saka napag-usapan na natin ’to, ’di ba?! Akala ko ba, okay na?! Huli na ’to! Kaya nga hindi na ako nagpatulong sa inyo kanina para lang mapagbigyan n’yo ako rito!” sunod pang pakiusap ni Rigo.

Matapos iyon ay ang boses na ni Tito Ed ang narinig namin.

“Tama na ’yan. Nandito na tayo, e. Saka hayaan na natin si Rigo. Isa pa, sayang naman ’tong outfit natin. Ang ganda, oh?!” pagkumbinsi naman nito.

Napangisi naman ako nang marinig ko ang sinabing iyon ni Tito Ed. Ini-spoil niya talaga kami ni Rigo. Supportive rin siya sa lahat ng desisyon namin ng pamangkin niya.

Matapos ang kanilang pagtatalo ay umeksena na rin si Coke.

“Halika na, bakla! Dungawin mo na sila para makapagsimula na rin sila!” excited na pagyaya nito sa akin.

“Randy, magla-live ako sa Facebook, ha? Gusto raw mapanood ng mga kaibigan natin ang panghaharana sa ’yo ni Rigo!” paghingi ni Tom sa akin ng permiso.

Sa pagkakataong ito ay gumuhit na ang malapad na pagkakangisi ko at napataas na rin ang isang kilay ko.

“Sure!” tipid kong sagot kay Tom.

Hindi pa ako nagsasawa na ipamukha at ipagmalaki sa lahat ang relasyon namin ni Rigo. Nagsisimula pa lang kaming isigaw ito kaya dapat lang nila itong masaksihan.

“Tara na, anak?!” masaya na ngayong pagyaya sa akin ni Mama.

Ngumiti ako at tumango bilang pagsagot sa kanya.

Matapos iyon ay dahan-dahan kaming naglakad kung nasaan si Carla. Doon mismo sa bintana kung saan namin tatanawin ang mga taong naghihintay sa aking pagdungaw sa baba.

Ang iniisip ko ay sasalubungin ako ng pagsimangot ng mga kaibigan ko, hindi nga kasi nila gusto ang ideyang ito. Pero nang makita ko sila ay gusto ko na rin silang buhusan ng tubig dahil sa mga reaksyon nito.

“Put*ngina! Takbo na tayo, mga brad! May lumitaw na aswang na nakasuot ng hair band!” si Dom na ngayon ay mamamatay na sa kakatawa habang tinuturo ako.

“Hindi na ako papalag! Ayaw ko na! Hindi na ako maghahamon ng away! Ilabas n’yo na lang ang asin at bawang! Sabuyan na natin ’yan! Tang*na! Ang sakit ng tiyan ko!” si Xander na napapaupo na rin sa lupa dahil sa labis na pagtawa nito.

Naikuyom ko ang mga kamao ko at nagdikit na rin ang mga ngipin ko.

Mga wala talaga silang kwenta! Mga punyeta!

“Tumigil na nga kayo!!” pag-awat naman ni Rigo sa kanila.

Napatigil naman sina Dom at Xander sa pang-aasar, pero tawa pa rin sila nang tawa at napapahawak na sa mga tiyan nila. Naroon din si Vinci na tumalikod na lamang dahil pinipigilan din ang tumawa, si Tito Ed na nakangiti, sina Tita Eve at si Shai na nakasimangot, at ang anak naming si Ar-Ar na namamangha. Mukhang sa kanilang lahat ay ang anak ko lang ang natuwa.

“Ang ganda-ganda-ganda mo, Ma! Bagay sa ’yo ang hair band! Ganap ka na talagang sirena!” papuri pa sa akin ni Ar-Ar.

Sinasabi ko na nga ba, tama lang na sinunod ko sina Mama at Ate na isuot ang hair band na ito.

Nilingon ako ni Rigo. At nang magtagpo ang aming mga mata ay napangiti nang wagas ito.

“Ang ganda naman ng prinsesa ko.” papuri nito sa akin.

Dahil sa aking narinig ay mabilis na nawala ang inis na nararamdaman ko.

“Thank you~” mahinhin kong sagot kay Rigo at isinilid ko pa ang aking buhok sa tenga ko na animo’y mahaba ito.

“Put*ngina talaga!” si Dom na wala pa ring tigil sa pagtawa.

“Ayaw ko na talaga! Tama na! Ang sakit na ng tiyan ko, tang*na!” si Xander din na tawang-tawa pa rin.

Hindi ko na lamang sila pinansin. Mas inintindi ko si Rigo na nagniningning ang mga mata habang pinagmamasdan ako.

Ang gwapo ngayon ng baby Rigz ko, nakasuot ito ng camisa de chino at bakat na bakat ang magandang hubog ng katawan nito. May pautong din si Mayor dahil sa manipis niyang damit. Parang nagbalik tuloy kami sa sinaunang panahon lalo na at nasa probinsiya kami ngayon.

“Pwede ba naming haranahi––”

“Sure! Go! Push na ’yan!” nagmamadali kong sagot kay Rigo kaya hindi na niya naituloy ang pagpapaalam nito.

“Atat lang, bakla?! Kalma! Dalagang pilipina ka ngayon!” paninita ni Coke na nasa aking tabi.

“Wala kang pake! Pasalamat ka at hindi kita pinasama sa kanila dahil wala ka naman doon magiging silbi!” buska kong nakasimangot kay Coke.

Nanahimik naman agad ang ulikba. Pero hindi pa rin siya nagpatalo dahil inirapan niya ako. Sampalin ko kaya ito?

Nagsimula nang maghanda sa panghaharana sina Rigo. Si Xander ay may hawak na gitara pati na rin si Tito Ed. Si Vinci naman ay may dalang cajon beat box habang ang anak ko namang si Ar-Ar ay may hawak na tambourine. Walang hawak na instrumento si Dom, pero naghanda na itong pumwesto sa likod ni Ar-Ar para tulungan ito sa tamang paggamit ng tambourine. Pero ang nakakatawa at agaw pansin ay sina Tita Eve at Shai na may hawak na maraca. Para tuloy silang mangangaroling na dalawa.

Well, isa ’yan sa mga parusa ko sa kanila. Tulad ng sinabi ko kanina, gaganti ako sa kanila.

Sisimulan na sana nilang tumugtog ngunit inawat ko muna ito.

“Wait lang!” pagpigil ko.

Nagtaka naman silang lahat ngunit walang nangahas na magtanong kaya nagsalita na rin agad ako habang nakataas ang isang kilay ko.

“Parang ayaw yata ng dalawang babae? Nakasimangot, oh?!” paninita ko kina Tita Eve at Shai. Para kasing wala silang gana at napakalamya lalong-lalo na si Shai.

“Sinong matutuwa, Randy?! Look at me! Look at us! Isinama mo na nga kami sa panghaharana, pinagsuot mo pa kami ng ganitong dress!” galit na galit na pagkompronta sa akin ni Shai.

Gusto ko sanang matawa ngunit pinigilan ko. Well, they deserve it. Masyado kasi nila akong inalipusta kanina kaya pinarurusahan ko sila.

Suot ni Shai at Tita Eve ang napaglumaang daster ni Nanay Elise. At dahil maselan si Shai sa pananamit, inaasahan ko nang magrereklamo ito. Pero dapat nga ay magpasalamat pa siya. Si Tita Eve nga, hindi nagreklamo kahit punit-punit na ang daster na suot niya.

“Hay, nako, Rigo! ’Wag na lang kayong mangharana kung ganyan lang din!” kunwari ay pagtanggi ko kay Rigo.

Nag-iinarte lang talaga ako, pero sa likod ng isip ko, sana ay hindi pumayag si Rigo. Baka mamaya umatras pa ’to, kasalanan ko pa.

“Shai, please? Tiis-tiis lang. Ilang minuto lang din naman. Makakapagpalit ka na rin ng damit.” pakiusap ni Rigo kay Shai.

Nagdabog naman ang mahal kong kaibigan.

“Hindi na nakakatuwa ang pag-iinarte ng malditang ’yan, Rigo, ha?! He’s super maarte na! Nakakainis na!” reklamo nito.

Umeksena na naman ako.

“Ay, ayaw talaga! Sige, makakaalis na kayo. Walang haranang magaganap.” kunwari ko na namang pagtataboy pero kinakabahan din ako.

“Shai, please? Ito lang ang malaking pabor na hihingiin ko sa ’yo. So, please? Pagbigyan n’yo na ako.” pakiusap pa rin ni Rigo.

Hindi na sumagot si Shai. Huminga na lamang ito nang malalim at napapikit saglit. Kasunod nito ay nagdidikit ang mga ngipin niyang tiningala ako.

“May araw ka rin sa akin! Tandaan ko ’yan! Napakaarte mo!” pagbabanta nito sa akin.

Lalo ko pa siyang inasar. Ngumiti ako sa kanya sa paraan na maiinis talaga siya.

“Ayan, ready na yata sila, baby Rigz. Sige, kanta na kayo. Galingan ang pagtugtog, ha?” utos ko na sa kanila.

Isang malalim na paghinga muna ang pinakawalan ni Rigo bago niya nilingon ang lahat para simulan na ang pakay ngayong gabing ito.

Nang simulan ni Tito Ed ang pagtipa ng gitara ay iyon na rin ang naging hudyat para magsimula na rin sa pagtugtog ang iba pang mga manghaharana. Nagpalakpakan na rin sa aking tabi sina Mama, Ate, Coke at si Carla, habang si Tom naman ay nagsisimula na ring kuhanan kami ng video para mapanood ng iba naming mga kaibigan.

Nilubos-lubos ko na talaga ang aking kalandian, nagsalong-baba na ako para mas dama ang panonood at pakikinig kina Rigo.

(A/N: Paki-play po ang nasa media, iyon po ang tinugtog nina Rigo para sa harana. Song title: Ikaw Ang Aking Mahal - By: VST and Company)

Bago simulang kumanta ni Rigo ay tiningala muli ako nito. Kasunod nito ay ngumiti ito na nagpasabog ng maraming sampaguita flowers sa loob ng breast ko.

Itanong mo sa akin

Kung sino’ng aking mahal

Itanong mo sa akin

Sagot ko’y di magtatagal

“Sino pa ba..? S’yempre, ako lang, ’di ba..?” malandi kong sagot sa kanta ni Rigo habang malawak ang ngiti ko.

Kilig na kilig talaga ako kaya hindi ko rin naiwasan na abutin ang buhok ni Coke na nasa tabi ko.

“Syet, bakla! Kinikilig ako!!” sambit ko pa habang paulit-ulit ang pagsabunot ko kay Coke.

“Aray, pisti! Masakit! Aray, aray!!” reklamo ni Coke habang inaawat ang kamay ko.

Nagpatuloy pa si Rigo sa pagkanta at lahat ng kanyang mga kasama ay nagsilbing second voice din niya. Nakakatuwa dahil mukhang inensayo pa nila ito bago sila nagpunta rito. Iyon marahil ang dahilan kaya nagpaalam sila kanina na magpupunta sa bahay ni Vinci, para magpractice.

Ikaw lang ang aking mahal

Ang pag-ibig mo’y aking kailangan

Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman

Habang nagtutuloy-tuloy ang panghaharana nina Rigo ay nagbabago na rin ang timpla ng kanyang mga kasama. Kung kanina ay nakasimangot sila, ngayon ay nakangiti na sila habang patuloy na pinapatugtog ang mga instrumentong hawak nila. Mukhang nadadala na rin sila sa magandang ganap sa mga oras na ito. At nakikita ko, masaya rin silang nakikitang masaya kami ni Rigo. Ganyan naman sila, tuwang-tuwa lang talaga sila akong asarin, pero ramdam ko ang kanilang nag-uumapaw na pagmamahal at suporta sa amin.

Isa lang ang damdamin

Ikaw ang aking mahal

Maniwala ka sana

Sa akin ay walang iba

Ikaw lang ang aking mahal

Ang pag-ibig mo’y aking kailangan

Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman

Hindi na napuputol ang pagtititigan namin ni Rigo habang malawak ang pagkakangiti naming pareho. Kahit pa kumakanta siya, hindi niya kahit minsan inalis ang pagkakangiti niya.

Ang nais ko sana’y inyong malaman

Sa hilaga o sa timog o kanluran

At kahit sa’n pa man

Ang laging isisigaw

Sa totoo lang ay hindi lang tuwa at kilig ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Napakasaya ko at parang gusto nang pumatak ang mga luha ko. Iniisip ko kasi, sino ba ako para mabigyan ng isang tulad ni Rigo? Isang ordinaryong tao lang at hindi karapat-dapat na mabiyayaan ng isang gaya nito. Marami akong kakulangan at kapintasan, pero heto at ipinagkaloob ang taong hindi ko na yata kayang mabuhay kung wala ito sa tabi ko.

Ang nais ko sana’y inyong malaman

Sa hilaga o sa timog o kanluran

At kahit sa’n pa man

Ang laging isisigaw

Ikaw ang aking mahal…

Ikaw ang aking mahal…

Ikaw ang aking mahal…

Natapos ang kanilang pagkanta ay nagbow pa sila. Kami naman dito sa taas ay pumalakpak dahil sa husay nila. Nakakatuwa na nagsama-sama kami rito at ganito ang naging ganap. Ngayon ko lang din nararamdaman na may mga taong espesyal pa rin sa akin ang trato. Naririto sila, ang pamilya at mga kaibigan ko.

Si Tito Ed na ang nagsalita nang maiangat na nila ang kanilang mga ulo mula sa pagkakayuko.

“Ginang De Torres, maaari ba kaming tumuloy sa inyong tahanan upang pormal na ipagpaalam ang inyong anak? Naririto po kami para pormal na hingiin ang inyong bendisyon bilang kanyang magulang. Sapagkat itong aking pamangkin na si Rigo, nais na rin pong hingiin ang kamay ng magandang dilag sa tabi ninyo.” magalang at makatang paalam ni Tito Ed habang akbay si Rigo.

Lahat kami ay natawa dahil doon.

“Daddy, makata ka pala?! Ganyan mo ba niligawan si Mommy noon?!” tanong ng kanyang anak na si Dom.

“Now you know! Kaya hindi ako maiwan niyan!” mayabang na sagot ni Tito Ed sa kanyang anak.

Mas lalo pa kaming natawa dahil doon.

Umentrada naman si Coke na akala ko ay nakitil ko na ang buhay dahil sa pagsabunot ko sa kanya kanina.

“Sino po bang magandang dilag ang tinatanong ninyo? Ito po ba?” tanong ni Coke habang tinuturo ang aking Ate Sandra. “Hindi na po pwede dahil may asawa at mga anak na siya.” pahabol pa nitong sagot. Katabi ko rin kasi si Ate habang sa aking kabila naman ay si Mama.

Sinabunutan ko na naman si Coke. “Punyeta ka talaga! Umeksena ka na namang butanding ka!” buska ko sa kanyang inis na inis.

“Aray, pisti! Masakit, Mars! Hindi ka na mabiro!” reklamo nito habang inaawat ako.

Tawanan na naman silang lahat. Pero naawa na yata sina Mama at Ate kay Coke kaya tumulong na rin sila para bitiwan ko ito.

“Sige na po, pumanhik na kayo rito sa taas bago pa makapatay ang anak ko!” natatawang paanyaya ni Mama kina Rigo.

Kumilos na silang lahat para makaakyat na rito sa ikalawang palapag. Kami namang naririto ay nagsimula na ring bumalik sa sofa na inuupuan namin kanina. Pero habang kami ay naglalakad, napansin kong nakakunot ang noo ni Tom na nakatingin sa kanyang cellphone.

“Ano bang hitsura ’yan, Tom?! Bakit hindi maipinta ’yang mukha mo?!” hindi ko napigilang pagtatanong.

Nagkamot naman ng ulo si Tom ngunit nanatiling nakatingin ito sa kanyang telepono.

“Hindi ko kasi maintindihan ang reaction ng mga kaibigan natin noong nagla-live ako sa Facebook. ’Di ba, dapat uulan ng puso? Bakit puro angry ang reaction na pinapadala nila? Hindi ba sila kinilig? Ako nga, kilig na kilig, eh.” pagtataka niya.

Napataas naman ang isang kilay ko.

“Patingin nga?!” hindi ko napigilang kunin ang cellphone ni Tom. At nang makita ko ang kanyang sinasabi ay nakumpirma kong tama siya, puro angry reaction ang nakikita ko. Iilan lang ang puso.

Tiningnan ko naman ang mga comments:

‘Pabebe si Randy!’

’Ano ‘yan, babae?! Pakita nga ng matres?!’

‘May pa-hair band pa si Mayora!’

‘Babaihan ang dragona!’

‘Kingina! Akala mo virgin!’

’Itokhang n’yo na ’yang may lawit na ‘yan!’

Ilan lamang ’yan sa nakita kong comments mula sa aming mga kaibigan. Pinakamaraming comment sina Lojie, Olyn at Ronnie. Ang ilan naman ay nagmula pa sa mga staff ng restaurant at hotel na matagal na naming kasama at kaibigan.

Nagdidikit ang mga ngipin ko na nagreply sa kanila:

’Ako ito, si Mr. Randy de Torres na boss ninyo!! Mga punyeta kayo! ‘Pag ako nakabalik sa trabaho, isesesante ko kayong lahat! Mga inggitera’t inggitero!!’

Kasunod ng reply kong iyon ay padabog kong ibinalik ang phone ni Tom sa kanya. Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad patungo sa mga sofa.

“Nariyan na sila, anak.” nakangiting pagbabalita ni Mama sa akin.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng mga nangharana.

“Shai! Nasaan na ang pinapadala ko sa ’yong pangkilay?!” si Dom na tumigil saglit sa paglalakad.

Hindi naman sumagot si Shai, ngunit may kinuha ito mula sa bulsa ng suot niyang daster.

“Game na, Ar-Ar! Halika rito!” utos naman ni Dom sa anak namin ni Rigo.

Nagtawanan ang lahat nang lagyan ni Dom si Ar-Ar ng bigote gamit ang eye liner na ibinigay ni Shai. Hindi ko alam kung para saan ang paglalagay ng bigoteng iyon, pero mukhang nagkakatuwaan ang mag-uncle at maging si Rigo ay hinahayaan lang sila.

Ilang sandali pa ay humarap si Ar-Ar habang may drawing na bigote sa taas ng nguso niya. “Magandang gabi. Ako ang tatay ni Daddy, ay, ni Rigo pala. Nandito kami para hingiin ang kamay ni Ma, ay, ni Randy pala.” bungad ni Ar-Ar gamit ang boses niyang pilit na pinapalaki.

Tawanan na naman kaming lahat dahil doon. Iyon pala ang purpose ng paglalagay niya ng bigote, ang magpanggap bilang ama ni Rigo.

“Tuloy po kayo. Maupo po kayo rito.” paanyaya naman sa kanilang natatawa ng Ate ko.

Lahat sila ay nagtungo na rito sa aming pwesto. Hinila ko pa si Coke dahil naririto rin siya at nakaupo. Sayang nga lang at hindi ko siya naisubsob sa semento. Pinalipat ko na lamang siya sa ibang upuan dahil masyadong malaki ang nasasakop niyang espasyo.

“Makahila ka naman, Mars!” reklamo nito sa akin.

“Bakit kasi nandiyan ka?! Ususero ka lang naman, ’di ba?! Meaning, extra!” buska ko sa kanya.

“Tse! E, ’di lumipat! Ang dami mong hanash!” balik naman nito sa akin.

Matapos iyon ay nag-irapan na lang kami. Ganyan na kami ngayon, nakakalungkot man, pero komportable na kami sa isa’t isa.

“Hi, Liam.” malambing na pagtawag sa akin ni Rigo nang makalapit ito sa aking pwesto.

Grabe, mas gwapo siya ngayon sa malapitan. Kakagigil!

Napangiti ako.

“Dito ka, bilis!” utos ko kay Rigo at umusog ako nang bahagya para makaupo siya sa aking tabi.

Nang makaupo si Rigo ay agad kong pinulupot ang braso ko sa kanya ring braso. Ang mga kaibigan naman namin ay napataas ang isang kilay dahil sa nakitang ikinilos ko. Ramdam kong gusto nilang sabihin na napakalandi ko, pero wala akong pake. Hinayaan ko na lamang sila dahil hindi pa tapos ang misyon nila. Hindi ako pwedeng mahigh blood dahil baka maudlot pa ang huling bahagi ng pamamanhikang ito.

Sina Tito Ed, Tita Eve, Dom, Shai at Ar-Ar ay nasa tapat ng aming pwesto. Katabi ko naman si Rigo at sa kabila ko naman ay ang Mama at Ate ko. Sina Xander at Tom naman kasama sina Carla, Coke at Vinci ay nasa kabilang bahagi nitong sala kung saan may mga upuan ding inihanda para kanila.

Mukhang pinaninindigan ng aking anak ang pagiging ama kunwari ni Rigo dahil siya ang nagsimula ng usapan naming lahat.

“Randy, nagustuhan mo ba ang kinanta ng anak ko para sa ’yo kanina? Ako ang namili ng kantang ’yon. Iyon din ang ginamit kong kanta noong hinarana ko ang aking asawa.” pagsasalita ni Ar-Ar gamit pa rin ang pinalaki niyang boses.

Ang sarap kutusan ngayon ng aking anak, ang cute-cute. Pero sa kanyang sinabi ay nagtaka ako kaya napataas ang isang kilay ko.

“Asawa? May asawa ka?” tanong kong nagtataka kay Ar-Ar.

“Oo, may asawa ako. Alangan naman wala? ’Pag may Tatay, siyempre, may Nanay. Gamitin ang utak, Ma, ay, Randy. ’Wag kang puro lang landi.” pagtatama pa nito sa akin.

Nagdikit ang ngipin ko.

“Ayusin mo ’yang bibig mo, Ar-Ar, ha?! Hindi porket nagpapanggap kang matanda, ganyan ka na kung makapagsalita sa akin! Kukutusan talaga kita!” pangaral ko sa kanya.

Napakamot siya ng kanyang ulo.

“Sorry na, Ma! Labyu!” pagbawi nito at hindi na naiwasang gamitin ang tunay niyang boses. Ngumuso pa ito na tila hahalikan ako.

Hay, jusko! Bakit kasi kailangan niya pang magpanggap na tatay ni Rigo?! Heto namang ama niya, mukhang tuwang-tuwa pa sa kanya!

Huminga na lamang ako nang malalim at muling kinausap si Ar-Ar.

“Nasaan ang asawa mo, aber?!” tanong ko sa kanya.

Ibinalik niyang muli ang kanyang boses na tila isang matanda.

“Heto siya, ang magiging Nanay mo rin sa oras na ikinasal ka na kay Rigo, si Shai.” pakilala niya sa aking kaibigan at inakbayan pa ito kahit nahihirapan. Matangkad kasi si Shai.

“Pfft!” pinipigil ng lahat ang kanilang pagtawa dahil sa pagkaaliw kay Ar-Ar.

Napairap naman si Shai.

“Yeah, I’m his wife.” pagsang-ayon na lang nito at umirap. Mukhang napipilitan sa kanyang pagpapanggap.

Kailangan ko nang paghandaan ang paghihiganti nitong kaibigan ko sa oras na makabalik na kami sa Maynila. Hindi ito papayag nang basta-basta kung wala itong malaking kapalit. Maghihiganti rin sa akin ito. Sigurado ako roon!

“Honey, masyado kang matangkad. Hindi kita maabot. Sinabi ko na sa ’yong itigil mo na ang pagba-baytamins mo, ’di ba?” reklamo ni Ar-Ar kay Shai dahil hindi niya ito maakbayan.

Tawa na naman kami nang tawa. Maging si Shai ay nawala na rin ang pagsimangot dahil sa kalokohan ng anak namin ni Rigo.

“Halika nga rito, Honey!” si Shai na nakisakay na rin sa kalokohan ni Ar-Ar. Iginaya niya ito para umupo sa kanyang kandungan. Kasunod nito ay pinaghahalikan niya si Ar-Ar sa pisngi dahil sa panggigigil. Napakacute tuloy nilang tingnan. Sila ang bagay na magninang, ang kaso naunahan si Shai ni Coke na isang sugo ng kadiliman.

Si Tito Ed na ang nagpatuloy ng pag-uusap namin ngayon.

“Mabalik tayo. Siguro naman, naging matagumpay na kami sa pamamanhikan? Mukhang nagawa naman ng aming pamangkin ang mga gusto ni Randy. Kaya mapapagbigyan na ba ninyong maikasal silang dalawa sa lalong madaling panahon?” diretso na nitong mungkahi.

Sumagot naman si Mama sa kanya.

“Wala naman sa aming problema. Sinunod lang naman namin ang gusto ni Randy. Sa huli, sila pa rin naman ni Rigo ang magdedesisyon.” nakangiti niyang pagsang-ayon. “Wala naman sigurong tumututol, ano?” pahabol pang tanong ni Mama.

Agad akong sumabat.

“Siya yata! Tingnan n’yo ang hitsura! Parang ayaw yata, eh! Nakasimangot, oh!” wika kong may kalakasan habang tinuturo si Tita Eve. Wala lang, ang tahimik niya kasi kaya siya ang aking napagkatuwaan.

Rumehistro tuloy ang pagtataka sa kanya. Kasunod nito ay nanlaki ang kanyang mga mata at itinuro ang sarili niya.

“Ako?! H-hindi! Hindi ako tumututol! Actually, nakapag-usap na kami ng asawa ko na wala kayong gagastusin kahit na isang singko! Lahat ng gastusin, sa amin magmumula! Gano’n naman dapat sa parte ng lalaki, ’di ba?!” mabilis nitong pagsasalita.

Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon. Ang inaasahan ko kasi ay maghahati kami ni Rigo sa paghahandang iyon.

Dahil sa aking narinig ay napangisi ako kay Tita Eve.

“Mabuti naman kung gano’n. Gusto ko maraming flowers, ha?” request ko sa kanya.

Tumango-tango naman si Tita Eve.

“Oo! Sinabi ko na rin kay Rigo na bibilhin pa namin iyon from Belgium. Airfreight na rin para mabilis at fresh pa rin ’pag nakarating na rito!” pagsang-ayon niya pa rin.

Syet, hawak ko na talaga sa leeg ang magiging Aunty-in-law ko. Excited na akong sakalin siya.

Nakahinga ang lahat nang maluwag dahil sa mga naging pangsang-ayon. Kami naman ni Rigo ay tumingin sa isa’t isa habang malawak ang pagkakangiti naming dalawa.

“Excited ka na ba?” tanong niyang malambing sa akin

Nakagat ko nang bahagya ang balikat niya dahil sa kilig.

“Hindi kaya!” kunwari ay pagpapakipot ko.

“Tang*na! Ang landi talaga!” narinig kong bulong ni Dom.

“Kung umarte akala mo masikip, eh!” si Xander naman na ulupong.

Wala talaga akong mapapala sa mga ito. Puro sila reklamo! Pasalamat sila at masaya ako ngayon. Dahil kung hindi, kanina ko pa sila inilagay sa kumukulong tubig.

Muling nagsalita si Tito Ed.

“So, may iba ka pa bang request, Randy? Sabihin mo na ngayon pa lang para mapaghandaan na rin namin.” tanong nito sa akin.

Sasagot na sana ako nang umentrada ang kanina pa nananahimik na si Vinci. Mukhang sa pagkakataong ito ay naunahan niyang magsalita ang mga kaibigan kong nagbabadya nang tumutol.

“’Wag mo sanang masamain, Randy, ’no? Pero kung may ipapagawa ka pa kay idol, OA na! Pinagsibak mo ng kahoy, pinagluto, pinag-igib tapos pinagharana! Taena! Nahirapan pa kaming maghanap ng costume at mga music instruments dahil lang sa kinginang harana na ’to! Ang dami nang nadadamay, oh?!” mahaba nitong reklamo.

Dinampot ko ang tsinelas na suot ko.

“Hayup ka! Nakikisama ka pa sa mga kontrabida sa buhay ko! Manahimik ka na lang diyan sa tabi ni Coke! Siya ang pagkaabalahan mo! ’Wag ako!” buska ko sa kanya matapos kong ibato ang tsinelas ko sa kanya.

“Anong Coke ang pinagsasabi mo?! Aanhin ko ’to?! Iwan ko pa ’to rito, eh! Sakto, wala pa naman alagaing baboy ang magulang ko ngayon para may maipanghanda sa piyesta!” naiinis nitong pagkontra sa akin.

“Hoy! Sumosobra na yata kayo sa akin?! Lalo ka na, Vinci! Inaano ba kita?! Saka excuse me?! Ang ganda at ang sarap ko namang baboy!” pagkontra rin ni Coke.

“Aba, siyempre naman! Iba naman talaga ’pag native!” mabilis na pagsang-ayon ni Vinci sa kanya.

“Pisti ka talaga! Puro ka na lang problema! Hindi mo gayahin si Rigo na kahit minsan, hindi pinasakit ang ulo ko!” buska ni Coke kay Vinci habang pinapalo ang braso nito. Wala tuloy nagawa si Vinci kundi ang ilagan ito.

Napakagulo ng pamamanhikan na nangyari, pero aaminin ko, sobrang saya ko dahil kahit ganito, ramdam kong sinusuportahan pa rin nila kami ni Rigo.

“So, ano na, bunso? May hihilingin ka pa ba? Bilisan mo na para makapagpahinga na rin ang lahat. Mukhang pagod na rin ang mapapangasawa mo, oh?!” si Ate na tinuturo si Rigo.

Nang lingunin ko si Rigo ay napansin kong mukhang pagod na talaga ito. Maaga rin kasi siyang nagising kaninang umaga kahit late na kaming nakatulog dahil nagkulitan pa kami nina Ar-Ar kagabi. Naging abala kami sa pagtingin ng mga pictures ko noong bata pa ako na labis nilang ikinatuwa.

Ngumiti ako sa kanilang lahat. Kasunod nito ay marahan kong hinawakan ang isang kamay ni Rigo.

“Alam ko naman na naiinis na kayo dahil sa kaartehan ko. Alam ko rin na gusto n’yo na akong sabunutan dahil sa kalandian ko. Pero sa kabila no’n, heto kayo at ginagawa sa akin ang lahat ng ito.” panimula ko.

Lahat sila ay nakikinig lamang sa akin. Pero sa pagpapatuloy ko, hindi ko naiwasan ang bahagyang maging emosyonal.

“Kaya naman, nagpapasalamat ako sa inyo… Salamat kasi kahit ganito ako, ramdam ko pa rin na pinapahalagahan ninyo ako… Sobrang saya ko lang kasi dahil ngayon ko pa lang nararanasan ang ganito… Kaya sana… sana, habaan n’yo pa ang pasensiya n’yo sa akin… Hindi ko man kayo mapakitunguhan nang maganda, o ang kausapin kayo nang maayos tulad ng iba, alam n’yo naman na hindi ko rin kayo matitiis, ’di ba..? Kaya kung kayo naman ang may kailangan, nangangako ako, pwede n’yo akong takbuhan…” mahaba kong saad at hindi ko na rin napigilan ang maiyak.

Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay nakatingin lang silang lahat sa akin. Ngunit kung kanina ay nakasimangot ang ilan, ngayon ay binabato na nila ako ng mga ngiti. Nakikita ko ang kanilang pang-unawa at nakikita ko ang labis nilang tuwa.

Niyakap ako ni Rigo dahil naging sunod-sunod na ang pag-iyak ko. Ngayon lang ako ulit umiyak, pero sa pagkakataong ito, hindi na lungkot ang nararamdaman ko. Labis akong natutuwa dahil nalalasap at nararanasan ko na ang mga bagay na ipinagkait sa akin noong bata pa ako.

Nandito si Rigo, nandito si Ar-Ar, nandito ang pamilya namin, at naririto ang mga kaibigan ko. Nandito silang lahat para ipadama sa akin ang halaga ko.

“Tahan na… Masyado nang madrama ang prinsesa ko, oh? Sige ka, papangit ka niyan? Baka matulad ka sa dalawang babae kanina na muntik ko nang batukan?” pagpapagaan ni Rigo ng loob ko.

Dahil doon ay natawa ako habang pinupunasan ang luha ko.

“Okay lang ’yon, ’wag ko lang talagang maging kamukha si Ninang Coke…” sagot ko sa kanya.

“Jusme! Hindi talaga nawawala ang laitan portion, ’no?! Ako lagi ang subject! Gano’n na ba ako kapanget?!” reklamo ni Coke.

“OO!!” sagot naming lahat nang sabay-sabay.

Sa gulat ni Coke ay napahawak pa ito sa kanyang dibdib habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

“E, ’di panget na kung panget! Madali naman akong kausap! Hindi n’yo ako kailangang sigawan!” pagsang-ayon na lang nito at umirap pa. Mukhang nagtampo na ang ulikba.

Dahil doon ay nagkaroon ng malakas na tawanan. Pero matapos iyon, nagtungo ang ilan upang yakapin si Coke bilang pahiwatig na nagbibiro lang sila. Ang ilan naman ay binawi ang kanilang mga sinabi at nagsorry sa kanya. Ako lang ang hindi lumapit at nagsalita ng pagbawi dahil hindi naman ako nagjo-joke.

“Paano nga pala ’yan, Randz? Sanay na kaming tawagin kang ‘brad’ minsan. Kaso lantad na lantad na ang kalandian mo. Ano nang gusto mong itawag namin sa ’yo ngayon?” biglang tanong sa akin ni Dom.

“Sis.” mabilis ko namang sagot habang nakangiti.

Tawa sila nang tawa sa hindi ko malamang dahilan. Ano bang masama roon? Matagal na akong nasusuka sa pagtawag nilang ‘brad’, gusto ko namang may magbago.

Si Xander naman ang nagsalita ngayon.

“Tara na, Sis, magpahinga na tayo. Inaantok na rin ang mga bata, oh?!” nakangiwing pagyaya ni Xander.

Tanging pagtango lang ang naisagot ko habang natatawa. Hindi kasi bagay kay Xander na tawagin akong ‘sis’, pilit na pilit ang hitsura niya na parang nasusuka.

Ilang sandali pa ang lumipas nang magpaalam na sina Vinci at Coke sa amin. Tulad kagabi, doon pa rin matutulog si Coke kina Vinci. At bukas naman, maghahanda na rin kaming lahat na bumalik patungong Maynila.

Lahat kami ay nagdesisyon nang magpahinga. Mukhang napagod ang lahat sa naging kaganapan ngayong araw. Ako lang yata itong buhay na buhay pa kahit ilang oras na lang ay hating-gabi na.

Dala ang aking unan na kinuha ko mula sa dati kong kwarto kung saan kami magkatabing natulog kagabi ni Rigo ay nagtungo ako sa isa pang kwarto. Iyon naman ang kwartong tinulugan ni Dom. Susunduin ko na si Rigo para yayain na sa aming kwarto. Naligo muna kasi ito sa banyong naroon sa kwarto ni Dom. Gusto na kasing maligo ni Rigo kanina kaya hindi na niya ako pinatapos sa banyong nasa kwarto naming dalawa.

“Baby Rigz?!” katok ko sa kwarto ni Dom. Ngiting-ngiti pa ako dahil gusto ko na talagang makatabi si Rigo.

Ilang sandali lang ang hinintay ko nang magbukas ito.

“Baby Rigz––”

“Oooppsss!! Saan ka pupunta?!” biglang pagpigil ni Dom sa akin na makapasok sa kwartong iyon. Siya ang aking nabungaran nang bumukas ang pintong iyon.

Kahit nakaramdam ako ng inis dahil nagawa pang hawakan ni Dom ang aking braso upang palabasin akong muli sa kwarto ay hindi ko inalis ang pagkakangiti ko.

“Saan pa nga ba, Dom? Natural, susunduin ko na si Rigo.” kalmado kong sagot sa kanya.

Hindi agad siya nagsalita, inilagay niya muna ang kanyang braso sa frame ng pinto para siguruhing mahaharangan niya ako.

“Susunduin? Bakit?” nakangisi niyang tanong sa akin.

Dahil doon ay napataas na ang isang kilay ko sa kanya.

“Baka matutulog na kami? Tanga-tangahan lang, Dom?” tanong kong sarkastiko pabalik.

Natawa si Dom sa hindi ko malamang dahilan.

“Susunduin? Matutulog?” tanong niyang natatawa. Kasunod nito ay nagbalik siya sa pagkakangisi niya. “Wala kang susunduin at wala kang katabing matutulog, Randz. Dahil ang susunduin mo, nakatulog na kanina pa dahil sa sobrang pagod. Napagod sa dami ng ginawa niya ngayong araw na ’to. Napagod dahil sa pag-alembong mo.” mahaba niya pang dugtong.

Natigilan ako dahil sa sinabi niyang iyon. Pero kilala ko si Dom, sigurado akong nang-aasar lang ’to ngayon!

“Tabi diyan, punyeta ka talaga!” naiinis ko na ngayong sambit at itinulak siya para makaalis mula sa pagkakaharang niya.

Agad namang nakaalis si Dom mula sa kanyang pwesto kaya nakapasok na rin ako sa kwarto. Pero natigilan din ako agad. Nanlaki pa ang mga mata ko nang matagpuan ko si Rigo na nakadapa sa kama at tulog na tulog na ito.

“Oh, ano na ngayon, Randz? Pabebe pa more! Pasibak ng kahoy pa more! Paigib pa more! Paharana pa mo––”

“Tumigil ka na!! Punyeta ka talaga!! Ginigigil mo ako!!” galit na galit kong buska kay Dom habang pinapalo nang malakas ang braso nito.

“Aray ko, taena! Masakit! Gago ka talaga, Randz!” daing lang nito habang inaawat ang kamay ko.

Nasa ganoong kaming pagtatalo ni Dom nang marinig namin ang pagsaway ng isa pang ulupong.

“Hoy! Ano ba kayong dalawa?! Natutulog na ang mga anak namin! Baka magising sa ingay ninyo?!” pagsaway sa amin ni Xander.

Naroon ito sa pinto at akbay ang asawa niyang si Tom. May iisang towel pa silang pinagsasaluhan habang pinapatuyo nila ang kanilang buhok. Mukhang katatapos lang nilang maligo at naghahanda na ring matulog.

Napatigil naman kami ni Dom. Ngayon ko lang din naisip na pati ang anak nga pala namin ni Rigo ay natutulog na rin ngayon kasama naman si Nanay Elise.

“Eto kasing si Randy! Trespassing dito sa kwarto ko! Gusto niya pang sunduin kahit tulog na tulog na si Rigo! Hindi na naawa! Tingnan n’yo nga! Nakahandusay na sa kama! Kaya nga kahit maingay kami rito, hindi pa rin siya magising dahil sa pagod!” pagsusumbong ni Dom kay Xander habang tinuturo ang kinaroroonan ni Rigo.

Sumingit naman si Tom.

“Bakit daw niya susunduin? Mauuna ba silang aalis sa atin? Akala ko ba sabay-sabay na tayo bukas babalik ng Maynila?” inosenteng tanong nito kay Dom. “Saka gabi na, Randy. Masyado nang delikado ang bumiyahe.” sunod nitong pag-aalala sa akin.

Heto na naman ang mga banat ni Tom na wala sa lugar. Hindi niya ba nakikitang nakapang-tulog na ako?! Naka-hello kitty pajama na ako na niregalo pa ng Mama ko! Ang sarap sabunutan ng patilya nito, eh!

Tinakpan ni Xander ang bibig ni Tom.

“Master, ’wag ka munang sumabat, okay? Lemme deal this! Quiet ka lang diyan kundi hahalikan kita sa harap nila.” pagbabanta nito sa kanyang asawa.

Hindi na nagsalita si Tom ngunit mabilis na namula ang mga pisngi niya.

Napakalalandi! Sa harapan ko pa talaga naghumarot ang mga punyeta!

Matapos iyon ay gumuhit ang pagngisi sa labi ni Xander. Dahan-dahan ay hinarap din ako nito at itinaas din ang isang kilay nito.

“Ibig sabihin ba, mag-isa ka ngayong matutulog, Randz?” tanong niyang nakangisi sa akin.

Hindi ako nakasagot dahil mukhang ganoon nga ang mangyayari. Ayaw kong aminin pero nagbabadya na wala akong makakatabi ngayong gabi.

Dahil sa hindi ako nakapagsalita ay nagpatuloy pa si Xander.

“Well, Randz, karma is real. Ginalingan mo kasi ang pag-iinarte. Kaya ayan, wala ka ngayong makakatabi. Kerengkeng pa, Randz. Lumandi ka pa para lagi kang tulugan ni Rigo.” pang-aasar nito sa akin at natawa sa huli.

Sinabayan naman ni Dom ang pagtawa ni Xander para alaskahin ako. At ito namang si Tom, mukhang nainggit sa tawanan kaya nakisabay na rin kahit halata namang wala siyang naintindihan dahil sa bagal ng utak niyang magproseso. Kaya naman heto ako ngayon, nagdidikit lang ang mga ngipin habang nakakuyom ang mga kamao.

Wala akong nagawa kundi ang patapusin na lang sila sa pang-aasar nila. Wala akong makuhang kakampi dahil natutulog na ngayon ang tagapagtanggol kong si Rigo. Punyeta talaga!

“Well, well, well! It’s time for us to sleep! Good night na sa inyo! Sleep well, ha? Papasok na kami ng Master ko sa kwarto namin. Matutulog kaming magkayakap buong gabi. Ang saya-saya! Habang magkayakap kami ni Tom, may tao namang matutulog nang mag-isa dahil sa sobrang pabebe niya!” pagpaparinig ni Xander sa akin.

“Good night sa inyo.” nakangiti namang pagpapaalam ni Tom. Hindi naman siya nang-aasar, pero naaasar ako sa ngiti niya ngayon.

Nagsimula na silang maglakad palayo sa aming pwesto ni Dom, ngunit kung ang akala ko ay tapos na si Xander sa pang-aalaska sa akin ay nagkakamali pala ako.

“Hhmm!! Ambango-bango!! Ambango talaga ng Master ko!! Amoy baby!!” paglalandi ni Xander habang paulit-ulit na hinahalikan at inaamoy ang leeg ni Tom. Ginagaya niya ang ginawa ko kanina kay Rigo noong sila naman ang pinepeste ko!

“Ano ba, Master?! Nakikiliti ako!” humahagikgik naman na sambit ni Tom habang inilalayo nang bahagya ang kanyang katawan mula sa pagkakaakbay ni Xander.

Sumabog na ang bulkan sa dibdib ko.

“Mga punyetang malalandi kayo!! Amoy baby, amoy baby!! Amoy lungad ng baby kamo!! Mga hampas-lupa kayo!!” hindi ko napigilang sigawan sina Xander at Tom.

Sa halip na harapin nila akong muli ay mas lalo pang ginalingan ni Xander ang pang-aasar sa akin.

“Hhmmm!! Ambango-bango!! Talagang napakabango! Kasarap naman matulog na may inaamoy akong ganito kabango!!” halos sigaw niya rin habang paulit-ulit na hinahalikan pa rin si Tom.

Hanggang sa makapasok sila sa kanilang kwarto ay hindi na nila ako nilingon.

“Mga bwiset!!” gigil na gigil kong sambit.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtawa nang mahina ni Dom sa aking likod.

“Ano na, Randz? Dito ka rin ba matutulog? Tara, tabi-tabi tayo nila Rigo!” pagyaya nito at saglit na tumigil. “Pero walang sisihan, ha? Kilala mo naman ako!” pahabol niya pang paalala.

“Oo! Kilala kita dahil halimaw kang matulog!” sagot ko naman sa kanya.

Ang lakas kasing humilik at napakalikot pa. May ugali rin siyang nagsasalita kahit nakapikit ang mga mata niya.

Natawa naman siya.

“See? Kaya kung ako sa ’yo, bumalik ka na sa kwarto mo! Shooo! Labas na! Inaantok na ako! Sagabal ka sa pagtulog ko!” pagtataboy nito sa akin habang marahang itinutulak ako.

“Hayup ka! Bahay namin ’to!” reklamo ko at hinampas ko naman siya gamit ang unan na hawak ko. “Saka bakit hindi na lang tayo ang magpalit ng kwarto?! Doon ka na lang sa kwarto namin ni Rigo, tapos ako na rito para tabi kami!” pahabol ko pa at medyo naging mahinahon na ngayon ang aking boses. Itinigil ko na rin ang paghampas ng unan ko sa kanya.

Natigilan naman si Dom, tila nag-iisip sa naging suhestiyon ko. Dahil doon ay nabuhayan ako. Mukhang nakakasilip na ako ngayon ng pag-asang makatabi si Rigo.

“Ayoko nga.” sambit lang ni Dom at tuluyan na akong itinulak palabas ng kwarto. Mabilis niya ring isinara ang pinto kaya naiwan akong ilang segundong tulala sa tapat nito.

“Punyeta!! Dom, naman! Hindi pa ako nakakapag-good night kiss kay Rigo!!” maktol ko habang paulit-ulit ang ginagawa kong pagkatok sa pinto.

“Shaddap!! Tama lang ’yan sa ’yo! Pinahirapan mo kaming lahat kaya manigas ka diyan sa labas!” sagot naman niya sa akin mula sa loob ng kwarto.

Nagdabog na ako, naipadyak ko ang aking mga paa dahil sa labis na inis sa impaktong Dom na ’to.

“Pagbabayaran mo ’to, Dom!! Tandaan mo ’yan!! Kukulamin kita!! Papalagyan kita ng ari sa mata!! Dalawa pa para masaya!!” pagbabanta ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang ideyang kukulamin ko siya, wala naman akong alam sa ganoong bagay.

“Wala akong pake!! Matagal ko nang alam na mangkukulam ka! Malanding mangkukulam ka!” sagot niya rin sa akin. Hindi talaga uso sa kanya ang matakot at magpatalo.

Nasa ganoon kaming tagpo nang marinig ko ang boses ng babae malapit sa aking pwesto.

“Randy? Ayos ka lang ba? Nag-aaway na naman ba kayo ng anak k—”

“Ano na naman?!! Magtatanong ka pa talaga kung ayos lang ako?! Nakikita mong high blood na ako, ’di ba?! Bakit?! Makikisali ka ba?!” pagputol kong sigaw sa kanya. “Halika, bilis! Sabunutan tayo! Gigil ako, eh! Sasampolan kita! Dali, bilis!” sunod ko pang paghamon sa kanya nang harapin ko siya.

Halos manginig sa takot si Tita Eve dahil sa naging bungad ko sa kanya. Muntik pang matapon ang gatas sa basong hawak niya.

“A-ah… H-hindi naman. S-sige, good night.!” natataranta nitong sagot at naglakad nang muli para lampasan sana ako.

“Sandali nga!” pag-awat ko sa kanya at hinawakan ko pa ang kanyang braso.

Hindi siya ngayon makatingin nang tuwid sa akin. Ramdam ko rin ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa takot na nararamdaman.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin nang bahagya ang aking sarili. Tutal naman ay wala akong mapagbalingan ng inis at siya itong kusang lumapit, sa kanya ko na lang ibabato ang aking galit.

“Saan ka galing?” tanong kong nakataas ang isang kilay sa kanya. Umarte akong tila madrasta sa isang pelikula.

“K-kumuha lang ako ng gatas. Nagustuhan kasi ng Tito Ed mo ang gatas ninyo rito sa probinsiya kaya gusto niyang uminom bago kami matulog.” kinakabahan niya pa ring sagot.

Hindi agad ako nagsalita matapos iyon. Tiningnan ko muna siya simula ulo hanggang paa. Hindi ko alam pero natuwa ako sa hitsura niya, nagpalit siya ngayon ng damit pangtulog pero lumang daster pa rin ni Nanay Elise ang isinuot niya. Mukhang tinutupad niya ang utos kong magsuot siya ng gano’n hanggang bukas. Si Shai lang ang nagmatigas dahil balik yayamanin na naman ang kanyang suot pangtulog.

Ramdam ko naman, tanggap na talaga ako ng babaeng ito. Sagad ang arte nito sa katawan tulad ko, pero heto siya, handang magpaalila sa kagandahan ko.

“Tita Eve,” pagtawag ko sa kanyang mahinahon.

“A-ano ’yon, Randy? May ipapagawa ka ba?” tanong niya pa ring kinakabahan at tuluyan na akong tiningnan sa mga mata.

“Mag-acting ka nga ng parang asong nauulol. Kumahol ka habang naglalaway pa. Kaya mo ba?” diretso kong utos sa kanya.

Nanglaki ang mga mata niya. Nakita kong sinusubukan niyang tumutol at magsalita ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula.

“Joke lang.” bigla ko ring pagbawi at ngumiti ng peke sa huli.

Nakahinga naman siya nang maluwag. Nagbibiro lang naman talaga ako, pero kung sakaling seseryosohin niya iyon, mas masaya sana.

“M-may sasabihin ka pa ba, Randy? Baka kasi lumamig na itong gatas. Kung gusto mo, babalikan na lang kita ’pag naihatid ko na ito sa asawa ko.” nag-aalangan niyang pagpapaalam.

“Meron pa,” sagot ko.

“Ano ’yon?” tanong din niya pabalik.

Ilang segundo ang aking pinalipas bago ko sinagot ang katanungan niyang iyon. Pero bago rin ako nagsalita, siniguro kong nakangiti na ako sa kanya.

“Salamat. Salamat, Tita Eve.” sinsero kong wika habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

Alam na siguro niya ang ibig kong sabihin, hindi ko na kailangan pang pahabain. Gusto ko siyang pasalamatan dahil hindi na niya kami ni Rigo tinutulan. Nagpapasalamat na rin ako dahil inintindi at sinuportahan niya ang lahat ng aking kagustuhan maging ang aking kalandian.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ni Tita Eve.

“’Wag ka ngang ngumingiti nang ganyan! Kinikilabutan ako sa ’yo! Feeling ko may balak ka na namang masama!” paninita ko sa kanya suot ang nakasimangot kong ekspresyon. “Saka ’wag mo nang tangkain, Tita Eve! Dahil ’pag ginawa mo ’yon, patatakbuhin na kitang nakahubo sa kalsada! Nagkakaintindihan ba tayo?!” sunod ko pang pagbabanta.

Sa pagkakataong ito ay natawa na siya.

“Oo na! Saka hindi naman ako nagbabalak ng masama, Randy. Sobrang saya ko lang dahil pakiramdam ko, kahit paano, napatawad mo na ako.” sagot niyang nakangiti.

“Ay, ’wag masyadong assuming! Hindi lahat ng feelings, nagkakatotoo!” pagkontra ko sa kanya.

Natawa pa rin siya na parang nawawala na sa katinuan niya. Matagal ko nang pinagdududahan ’tong may saltik din sa utak, eh. Minsan mabait, minsan naman ay parang dragona. Pabebe rin siya sa asawa niya. Minsan parang isa ring bata kung umasta. Feeling maganda. Assumera.

Wait? Bakit parang ako lang ang tinutukoy ko? Hindi kaya darating din ang oras at magkakasundo kami dahil pareho ang ugali namin nito?

No way!!! Ayaw ko sa kanya!!

“Sige na, Randy, magpahinga ka na rin. Bawal sa ’yo ang nagpupuyat.” pagpapaalam nitong nakangiti.

“Pake mo ba?” tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.

Muli na naman siyang natawa. Nabuang na talaga.

“Ayaw ko lang na magkasakit ka. Isa pa, baka mag-alala si Rigo dahil hindi ka nakatulog ng maaga?” sagot nito.

“Eh, ’di matulog! Ang dami pang sinasabi! Sige na nga! Lumayas ka na sa harapan ko! Pinapainit mo na naman ang ulo ko! Tse!!” pagtataboy ko sa kanya.

Napapailing na lang siya habang natatawa.

“Good night, Randy.” paalam niya pa ring nakangiti.

Ngumiti na rin ako sa kanya sa pagkakataong ito ngunit peke iyon.

“Good night, Tita Eve. Sana hindi ka makatulog nang maayos.” sagot ko pabalik.

Tumatawa pa rin siya nang talikuran na niya ako para bumalik na sa kanilang kwarto ni Tito Ed. ’Pag nagpatuloy pa siya sa kanyang pagtawa, sisiraan ko na talaga siya kay Rigo. Sasabihin kong nawawala na sa katinuan ito. At para mas epektibo ang paninira ko, gagawa pa ako ng kwentong sinaktan niya ako.

Haayy… Gusto ko sanang gawin talaga iyon, kaso lang ay malulungkot si Rigo at ang anak ko. Mahal na mahal na rin kasi siya ni Ar-Ar. Laging ibinabalita sa akin ni Ar-Ar na ang bait ng Lola niya. Ganoon din si Rigo, mahal na mahal niya ito dahil siya na ang itinuring niyang dakilang ina. Ako na lang talaga ang hindi nagmamahal sa kanya. At kung sakaling darating man ang oras na iyon, sana ay matagalan pa. Hindi ko pa feel. Mas feel ko na pahirapan muna siya.

Habang naririto sa hallway ng aming bahay kung nasaan ang mga kwarto ay nakaramdam ako ng pag-iisa. Nakakalungkot dahil mukhang mag-isa akong matutulog ngayong gabi. Medyo nakakaramdam din ako ng takot dahil parang nagbalik ako sa dati, noong nag-iisa akong natutulog sa sarili kong kwarto at wala man lang makatabi.

Nakakalungkot dahil iyon ay noong mga panahon na hindi pa ako tanggap ni Papa. Hindi niya kayang sikmurain na ang nag-iisa niyang anak na lalaki ay may pagkamalandi at bakla.

“Bunso!”

“Ay, malanding butiking may lawit!”

“Anong ginagawa mo diyan?! Bakit hindi ka pa natutulog?!”

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa labis na gulat. Naroon si Ate na nakadungaw sa kwarto na tinutulugan ni Mama, ang kwarto nila noong nandito pa si Papa. Sina Ar-Ar at Nanay Elise kasi ang natutulog ngayon sa kwarto ng aking Ate.

“Ano ka ba naman, Ate?! Bakit ka ba nanggugulat diyan?! Nag-e-emote ako rito, eh!” reklamo ko sa aking kapatid.

Natawa naman siya dahil sa aking inasta.

Isa rin itong Ate ko, nahawa yata sa taglay na saltik ko.

“Bakit ka ba kasi nakatayo lang diyan? Nasaan si Rigo? Bakit hindi pa kayo natutulog?” sunod-sunod nitong tanong habang natatawa.

Nang mabanggit niya ang bagay na iyon ay nagbalik ang pangungulila ko dahil tulog na ngayon si Rigo. Iniwan niya akong nag-iisa at basang-basa sa ulan. Walang masisilungan, walang makakapitan.

Joke. Nag-iisa lang naman. Nagsisimula na naman akong mag-inarte.

“Ate….” tila naiiyak kong pagtawag sa kanya.

Kung kanina ay natatawa si Ate, mabilis na nawala iyon at napalitan ng pag-aalala nang makita niya akong naiiyak na ngayon.

“Mama! Si bunso!” bigla niyang pagtawag kay Mama sa loob ng kanilang kwarto.

Ay? Agad-agad nagpatawag ng rescue? Nagsisimula pa lang ako sa drama ko.

“Anong nangyari?!” biglang tanong ni Mama at lumabas na rin ng kwarto nila. Mukha itong natataranta.

Ngayon ko lang narealize na isang pamilya talaga kami, may lahi kaming parang adik at praning.

Nagpalundag-lundag sila na parang kangaroo na lumapit sa akin.

Joke lang. Nagmamadali lang naman.

“Anong nangyari, anak?!” nag-aalalang tanong sa akin ni Mama at hinaplos pa ang aking mukha.

“Mama… Ang gaspang pala ng kamay mo..? ’Yung totoo..? Natuto ka na rin umakyat ng puno at pumitas ng mga buko natin dito..?” tanong ko sa kanyang malungkot.

“Pfft!!” hindi napigilang matawa ni Ate. Kahit si Mama ay natawa sa biro ko.

“Hayaan mo na, anak. Ikaw naman, ang kinis talaga ng mukha mo. Dinaig mo pa ang Ate mo!” natatawa na rin niyang balik sa akin.

“Gano’n talaga, Mama! Alaga kasi sa derma.” sagot ko namang seryoso sa kanya. “At ikaw naman, Ate, doblehin mo rin ang pagpunta sa derma. Hindi ako papayag na may pangit sa pamilya natin. Itatakwil kita, sige ka!” pagbabanta ko naman kay Ate.

Muli na naman silang natawa. Lahi na siguro talaga namin ang may nawawalang turnilyo sa utak.

“Teka nga, Randy! Bakit nga ba parang naiiyak ka diyan? Hindi mo ba nagustuhan ang pajama na binili ko? Bagay naman sa ’yo, ah?” biglang tanong ni Mama habang sinusuri ang pangtulog ko.

“Nagustuhan naman, Mama… Ang ganda nga, eh… Sana dagdagan mo pa. Pero hindi kasi ’yon ang pinoproblema ko…” nakasimangot kong sagot sa kanya.

“Eh, ano, bunso?” tanong naman ni Ate.

Niyakap ko ang unan na bitbit ko.

“Wala akong kasamang matulog… Si Rigo kasi, nakatulog sa ibang kwarto dahil sa sobrang pagod…” pagsusumbong ko na sa kanila.

Hindi agad sila nakaimik na dalawa. Nagkatinginan pa sila at bakas sa kanila ang pag-aalala. Ngunit makalipas ang pitong taon, este, ilang segundo lang ay napangiti sila at muli akong nilingon.

“Anak, gusto mo bang tumabi na lang sa amin ng Ate mo? Malaki naman ang kama sa kwarto namin, kasya tayong tatlo.” pagyayang nakangiti sa akin ni Mama.

Hindi ako nakaimik, nanatili lang akong nakatingin at nakikinig.

Hinawakan ni Ate ang aking braso at bahagyang inalog pa ito.

“Sige na, bunso! Saka ngayon lang tayo ulit magkakatabi! Na-miss ko na ang harutan natin noong mga bata pa tayo!” pang-eengganyo naman ng aking Ate.

Ilang segundo pa rin akong walang imik dahil naiwan akong nag-iisip. Tama si Ate, napakatagal nang panahon noong huli kaming magtabi sa kama. At si Mama naman, hindi ko pa nararanasang makatabi sa higaan. Ito ang gusto kong maranasan simula pa noon, ang magkakatabi kaming lahat sa iisang higaan at matutulog. Sayang nga lang at wala na ang aking ama para kompleto na talaga kaming pamilya.

Dahan-dahan ay gumuhit ang ngiti ko sa kanilang dalawa.

“Sige na nga!” sagot ko at bakas sa boses ko ang saya.

Halos panggigilan nila ako dahil niyakap nila akong pareho. Mukha tuloy silang mga tarsier na nakakapit sa puno. Ang tangkad ko naman kasi kumpara sa kanila. Pangbeauty queen talaga ang aking height at ganda.

“Tara na! Excited na ako!” magiliw na sambit ng Ate ko at hinila na ako.

Excited matulog? Bakit? Hindi niya pa ba nararanasang matulog?

Naku! Sana lang ay hindi talaga adik ang Ate ko! Kundi, ipaparehab ko na agad-agad ito!

Pumasok na kaming tatlo sa kwartong tutulugan naming tatlo. At nang makarating kami sa kama ay parang gusto kong magsisi dahil pumayag pa akong sumama sa kanilang dalawa.

“Mama, Ate, kailangan ba talagang dalawa pa kayong nakayakap sa akin? Ang higpit pa, eh. Dinaig ko pa ang nakidnap at itinali nang mahigpit habang hinihintay ang ransom.” reklamo ko sa kanila.

Mabilis kasi nila akong hinila patungo sa kama at halos itulak ako para lang makahiga. Pinagitnaan nila akong dalawa habang matindi ang mga pagyakap nila.

“Sorry na, anak! Gusto ko lang mayakap ka tulad nito bago ka man lang ikasal!” sagot sa akin ni Mama.

“Oo nga, bunso! Saka ngayon lang tayo magkakatabi tulad nito! May asawa na ako, tapos ikaw naman, mag-aasawa na rin. May chance man na makatabi ka namin ulit, baka matagalan pa ’yon. Kaya pagbigyan mo na kami!” mahabang pangungumbinsi sa akin ni Ate.

“Ate, dati ka bang sales lady? Ang galing mo magsales talk, eh!” biro ko kay Ate at inirapan pa siya.

Muli na naman silang natawa. At kahit ako, nasabayan na rin ang mga pagtawa nila.

Baliw si Mama, baliw si Ate, at baliw din ako. Pamilya talaga kami.

Tama naman sila, may kanya-kanya na kaming buhay sa mga susunod na araw. At kung nabigyan kami ng pagkakataong mangyari ito tulad na rin ng kahilingan ko simula pa pagkabata ko, dapat ay sulitin na lamang naming tatlo.

“Good night, Mama.” wika ko at hinalikan si Mama sa noo.

“Good night, Ate.” wika ko rin at hinalikan din siya sa noo.

Kahit naman pusong-babae ako, hindi maikakailang dapat ko pa rin silang bigyan ng ganitong respeto. Ako pa rin dapat ang unang nagpoprotekta sa kanila, ako pa rin dapat ang maging tagapagtanggol nila. Dahil alam ko, itinuturing man nila akong isang prinsesa, dapat pa rin akong umastang prinsipe nila lalo na at wala na si Papa.

“Good night, anak.”

“Good night, bunso.”

Malambing at sabay nilang sagot sa akin at hinalikan ako sa pisngi.


A/N

Sana po ay nag-enjoy kayo sa mahabang kaganapang ito! Mahaba kaya inabot ng dalawang linggo. ❤

Finale na po ang kasunod! After that, may naihanda akong tatlong special chapter. Naroon na rin ang isang ganap noong nagbinata ang anak nilang si Ar-Ar! Naks! Ayan, nagbigay na ako ng clue!

Salamat sa matiyagang paghihintay, mga mahal ko! Labyu!

–– cold_deee ❤

FINALE - PART 1

A/N

Merry Christmas!!!

Ipapaalam ko lang na mahahati sa tatlong part ang Finale na ito dahil sa dami ng ganap. Ito ay mahahati sa 3L’s:

LOVE - First Part

LAUGH - Second Part

LUST - Third Part

Ehem! ’Yung mga nag-aabang sa huling part diyan, oh?! Paramdam kayo! Hahahaha!

Para po kay

Kira_Aimere

ang chapter na ito! Surprise, beks! Salamat sa suporta lalo na sa #ReynaNgPunyeta! Hahahaha! Labyu, beks! 😘😘

Simulan na!

––> Sina Randy at Rigo po sa media!


RIGO’s POV

Kasabay ng pagtingala ko sa kalangitan ay isang malawak na ngiti ang aking pinakawalan.

Napapakaganda ng panahon ngayon, maaliwalas na nababagay para sa isang espesyal na okasyon.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Halo-halong emosyon na bago rin sa pakiramdam ko. Ang alam ko ay napakasaya ko lang, pero hindi ko maiwasan ang kabahan.

“Brad, picture muna raw!” narinig kong pagtawag sa akin ng pinsan ko.

Nilingon ko siya mula sa aking likod. Kasunod nito ay inakbayan niya ako habang naghahanda para sa pagkuha sa amin ng litrato.

Alam kong hindi maikakaila ang saya ngayon sa aking mukha, dahil simula pa kanina ay suot ko na itong sinasalubong ang bawat taong aking nakikita.

Matapos ang ilang shot na kinuha sa amin ng ilang taga-media ay nagbalik kami sa pagkakatayo nang tuwid dito sa isang entablado na napakaespesyal din ng disenyo.

“Mukhang relax na relax ka lang, ah? Hindi ka ba kinakabahan?” nakangiting tanong sa akin ni Dom.

Natawa naman ako nang bahagya.

“Ewan ko,” sagot kong natatawa. “Basta ang alam ko lang, masaya ako.” dugtong ko pa.

Natawa rin ang pinsan ko at nagawa pa nitong kurutin ang pisngi ko nang pabiro.

“Tang*na ka! Nakakahawa talaga ang kalandian ng maldita mong boypren! Dati-rati akala mo kung sino kang lalaking-lalaki! Masyado kang seryoso! Kaya nga madalas akong masermonan nina Daddy at Mommy kung bakit hindi raw ako gumaya sa ’yo! Pero, kingina ka! Ngayon naman dinaig mo pa ang clown sa kakangiti at kakatawa!” kantyaw niya sa akin.

Lalo naman akong natawa sa kanya. Tama naman kasi si Dom, ganoon nga ako noon. Hindi ako nakikihalubilo sa mga kalokohan nila ni Xander. Hindi rin ako nakikisakay sa mga trip nila lalo na sa pambababae. Pero sa tuwing napapasabak na sila sa gulo, nakikita ko na lang ang sarili kong kasama sila at pinagtatakpan ang mga kalokohan nila.

Pero simula noong makilala ko ang taong naging dahilan para ngumiti ako, aminado naman akong nagmukha na yata akong payaso.

“Gano’n talaga, Dom! Ang tawag do’n, inspirasyon!” mayabang kong sagot sa sinabi ng pinsan ko.

Napangiwi siya na tila hindi nagustuhan ang narinig niya.

“Eeww… Naging korni ka na rin! Wala na ang pinsan kong cool ang dating!” kantiyaw niya na naman sa akin.

Sa halip na sumagot at makipagtalo pa sa kanya ay tinawanan ko na lang ulit siya. Masyado akong masaya ngayong araw na ito kaya hindi ko hahayaang pumasok sa sistema ko ang mga bagay na negatibo.

Natatawa pa rin ako na bumalik muli sa pagtingin sa kapaligiran. Nasa aking harapan ang pinakamagarang set up na nasilayan ko sa buong buhay ko. Naririto sa malaking garden na napapaligiran ng mga puno, matatayog na halaman, at mayabong na mga bulaklak.

Dito sa isla kung saan naganap ang pinakamasayang araw ko ilang buwan na rin ang nakakaraan. Dito sa maganda at malaking isla na naging espesyal sa amin ni Liam. Dito sa lugar kung saan una kong narinig ang mga salitang mahigit sampung taon kong hinintay mula kay Liam. Dito rin mismo sa napakagandang lugar na ito narinig kong mahal na mahal niya ako. Dito sa Miracle Island.

Ito na ang pinakahihintay ko, ang araw para mas lalo ko pang patunayan sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Ito na ang mismong araw na magaganap ang pinakaasam naming kasal.

Marami ang imbitado lalo na sa parte ng pamilya ko. Nakakatuwang isipin na maraming inimbitahan sina Tito Ed at Tita Eve na mga kamag-anak namin. Maging ang mga business partners nila ay naririto ganoon din ang mga magulang ng mga kaibigan namin.

Hindi lang iyon. Marami ring taga-media ang naririto ngayon. Mayroong kabilang sa magazine at telebisyon na hindi lang sa Pilipinas nabibilang kundi international din. Mga sponsors ng mga ineendorso kong produkto at mga celebrities na naging katrabaho ko.

Ako ang nag-imbita sa kanila hindi dahil gusto kong maging maingay ang pangalan ko. Ginawa ko ito dahil gusto kong isigaw sa mundo at sa lahat ng tao kung gaano ako kasaya at kung paano natupad ang matagal nang pangarap ko. Ang maging akin lang si Liam at maging kanya lang ako habang nabubuhay kami nito.

Ang malamig at preskong simoy ng hangin na nagmumula sa dagat ngayong hapon ay sinasabayan din ng halimuyak ng napakarami at nagkalat na mga bulaklak. Iba’t ibang uri ng bulaklak na gustong-gusto ni Liam. Iba’t ibang kulay din na nababagay sa tema ng aming garden wedding. Mas lalo pang nagpaganda sa tanawin ang marami at magagandang paro-paro na nagliliparan sa mga oras na ito.

Magical. Iyan lang ang masasabi ko.

Suot ang puting tuxedo ay animo’y isang prinsipe ako. Iyon naman ang tema ng kasal namin ni Liam, ang parang isang fairytale ang kalalabasan.

Naririto ako sa isang itinayong entablado at matiyagang naghihintay sa pagdating ng prinsesa ko. Sa aking tabi naman ay ang aking pinsan na magsisilbing best man ko. Nakasuot din siya ng puti ngunit iba lang sa kanya ang disenyo. Siyempre, mas espesyal ang sa akin dahil ako ang proud groom.

“Brad, hindi ka ba talaga kinakabahan?” muling pagbasag ni Dom sa aking katahimikan.

Muli akong natawa sa tanong niya.

“Ewan ko nga! Bakit ba ang kulit mo?! Sabi ko nga, ang alam ko lang, masaya ako!” sagot kong natatawa.

“Hindi ka ba naiiyak?!” pangungulit pa rin niya.

Nangunot naman ang noo ko.

“Bakit naman ako iiyak?!” tanong kong nagtataka sa kanya.

“Eh, ’di ba, umiyak si Xander noong kasal nila ni Tom?! Sabi niya, gano’n daw ’pag kinakasal! Maiiyak ka talaga!” pagbabalita nito sa akin.

Napailing na lang ako sa kakulitan ni Dom.

“Brad, magkaiba kami ni Xander, okay? Isa pa, anong magiging dahilan para umiyak ako? Dapat nga ngumiti lang ako sa buong ceremony dahil sa wakas, hindi na lang kami basta magiging magboyfriend. Magiging asawa ko na siya.” mahaba kong pagpapaintindi kay Dom.

Hindi nakaimik si Dom sa sinabi kong iyon kaya nagpatuloy pa ako sa pagsasalita.

“Saka nag-usap na kami ni Liam. Hindi kami dapat umiyak kahit isang beses dahil baka raw pumangit kami sa picture.” pagsasabi ko pa ng totoo sa naganap nitong huli.

Nagkibit-balikat naman siya.

“Ewan ko. Hindi ko naman alam kung anong pakiramdam ng kinakasal. Hindi pa naman kasi kami kinakasal ng girlfriend kong maton, ’di ba?” sagot nito. “Pero ang sabi ni Xander, habang kinakasal ka raw, magbabalik din sa isip mo ang mga naganap sa inyong dalawa bago kayo umabot sa okasyong ganito.” dugtong niya pa.

Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabing iyon ni Dom. Hindi ko rin naman alam kung ano nga ba ang tinutukoy niyang pakiramdam na iyon dahil mamaya pa lang iyon magaganap. Pero kung totoo man iyon o hindi, ang alam ko lang ay masayang-masaya talaga ako ngayon.

Gusto ko nang makita ngayon pa lang si Liam ngunit alam kong kailangan kong maging matiyaga sa paghihintay. Dahil kung tutuusin, napaiksi na lang ng ilang minuto kumpara sa sampung taon na paghihintay ko.

May katagalan pa kaming nakatayo lang ni Dom dito sa entablado. Natutuwa rin naman ako sa pinsan kong ito dahil maya’t maya niya rin akong tinitingnan kung maayos pa ba ang pananamit ko maging ang ayos ng buhok ko. Ginagawa niya talaga ang responsibilidad niya bilang best man ko. Iyon nga lang, paulit-ulit kong naririnig sa kanya na ngayon lang daw siya papayag na maging mas gwapo ako sa kanya. Sa susunod daw ay hindi na pwede. Pilyo talaga.

Makalipas pa ang ilang sandali ay nilapitan na ako ng isa sa mga kaibigan naming si Eunice. Siya rin ang kinuha naming wedding planner ni Liam dahil ito na raw ang bago niyang business.

“Rigo! Nandiyan na siya! Maghanda ka na, ha?!” masaya niyang bungad sa akin nang makalapit ito sa amin ni Dom.

Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag, pero bigla na naman akong kinabahan nang marinig kong naririto na si Liam.

“S-sige. Salamat.” nauutal na sagot ko lang sa kanya.

“I bet, hindi ka mapapakurap mamaya ’pag nakita mo siya! Ang ganda niya ngayon kahit hindi siya nakasuot ng wedding gown kagaya ng ibang bride! Ang ganda talaga ng mukha ni Randy! Dinaig pa ako, letse!” pagbabalita nito sa akin.

Sasabihin ko sana sa kanyang maganda naman talaga si Liam simula pa noon, pero mabilis na sumabat si Dom.

“Ang dami mo pang satsat, Eunice! Magtrabaho ka na! Hindi mo ba nakikita?! Excited na ’tong pinsan ko, ’di ba?!” pagsusungit sa kanya ni Dom.

Agad na nawala ang malawak na pagkakangiti ni Eunice.

“Alam mo, Dom, kung hindi lang malaki ang bayad sa akin ng parents mo para sa kasal ni Rigo, baka sinabutahe na kita! Kalalaki mong tao pero napakadaldal mo! Ewan ko kung paano nakakatagal ang girlfriend mo sa ’yo?!” sumbat ni Eunice.

“Baka nakakatagal siya sa akin dahil gwapo ako?!” pamimilosopo ni Dom.

“Weh? Saan banda? Sa batok?! ’Di hamak na mas gwapo naman ang pinsan mo sa ’yo!” si Eunice na naman.

“Ngayon lang, uy!” si Dom ulit.

Sasagot na sanang muli si Eunice ngunit agad na akong pumagitan sa dalawa.

“Teka! Teka!” pag-awat ko. “Subukan n’yo kayang tumingin sa paligid n’yo?” sunod kong utos sa kanila.

Nagpapasalamat naman ako dahil sinunod nila ang sinabi ko. At nang tingnan nila ang aming paligid ay natahimik din silang pareho. Lahat ng tao ay sa kanila na nakatingin at nakasimangot na rin ang mga ito.

Napahinga nang malalim si Eunice at dahan-dahang nilingon ako. “Sorry, Rigo… Ito kasing pinsan mo, eh…” pagpapakumbaba nito.

“Pasensiya na, brad… ’Yan kasing babaeng ’yan, eh…” nahihiya ring pagkausap sa akin ng pinsan ko.

Napailing na lang ako sa kanila. Humihingi ng tawad pero nagsisisihan pa rin sila.

Huminga na lang din ako nang malalim at nginitian si Eunice. “Sige na, Eunice. Simulan na natin dahil hindi na rin ako makapaghintay. Isa pa, ayaw kong mainip ang aasawahin ko. Alam n’yo namang mainitin ang ulo niya, ’di ba?” utos ko na lang sa kanya at hindi ko naiwasang matawa sa huling bahagi ng sinabi ko. Naiisip ko kasi kung paano magbunganga si Liam tuwing naiinis ito.

Maging si Eunice ay natawa sa sinabi kong iyon. Alam niya rin kung paano magalit si Liam.

“Sige na, pupuntahan ko na ang entourage,” pagsang-ayon nito. “Ngayon pa lang, Rigo, kino-congratulate ko na kayo. Hangad ko ang magandang pagsasama ninyo. Sa wakas naging official na rin kayo! At hindi lang basta magboyfriend, dahil ilang minuto na lang at magiging asawa mo na siya!” nakangiti nitong pagbati.

Lumawak naman ang pagkakangiti ko sa kanya.

“Salamat, Eunice. At ngayon pa lang din, binabati na rin kita at pinasasalamatan dahil maayos at maganda ang ginawa mong ito para sa espesyal na araw naming dalawa.” tangi ko lang nasabi at niyakap siya.

“Wala ’yon. Basta para sa mga kaibigan ko.” sagot naman nito habang hinahaplos ang likod ko.

Matapos ang pagbati namin sa isa’t isa ay mabilis na rin siyang umalis at nagtungo sa pinakadulo ng pwesto kung saan ako nakatayo. Ilang metro rin ang layo nito sa akin at nakikita na namin ang mga taong bahagi ng entourage ng kasal namin ni Liam.

“Patingin nga ng necktie mo, brad?” biglang utos sa akin ni Dom at nagtungo pa siya sa aking harapan para ayusin ito. Hindi pa siya nakuntento roon, inayos niya rin ang bulaklak sa bulsa ng suit ko pati na rin ang buhok ko.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa narinig ko ang pagsasalita ng host na si Eunice din ang kumuha. Kasunod nito ay tumayo na ang lahat ng bisita na nakaupo sa mga silyang nasa magkabilang bahagi ng harapan ko.

Handa na ang lahat para tingnan ang mga maglalakad sa gitna kung saan nakalatag ang red carpet. Handa na ang lahat pero parang ako na lang ang hindi. Lalo kasing nadagdagan ang kaba ko sa dibdib.

Sa dulo ng aking kinatatayuan ay may isang malaking arko na pinalilibutan ng maraming bulaklak bilang palamuti. Mayroon din itong manipis na telang takip at magbubukas lamang iyon sa oras na lalabas na ang aming pinakahihintay.

Hindi ko pa naaaninag kung may tao na roon, kung naroon na ba si Liam. Natatakpan din kasi ito ng mga taong bahagi ng entourage. Pero kahit na alam kong sisiputin naman ako ni Liam at nakumpirma na ito sa akin ni Eunice na naririto na siya, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Hindi ko alam kung para saan ang kabang ito, pero parang nanlalamig na rin ang buong katawan ko.

“Eto na, brad!! This is it!!” masayang pagsasalita ni Dom sa aking likod at tinapik-tapik pa ang aking balikat nang paulit-ulit.

Tumango na lang ako sa kanya habang may alanganing ngiti. Hindi na talaga ako ngayon mapakali.

Nagsimulang tumugtog ang orchestra na ang Miracle Island mismo ang nagprovide para sa amin. Ang mga violin at piano ang malinaw na tumutugtog sa aking pandinig. Para tuloy kaming nasa isang fairytale.

(A/N: Paki-play ’yang nasa media sa baba kung feel n’yo. Hehe!)

https://www.youtube.com/watch?v=9gwnMj4D-ts

Ilang segundo pa ay nagsimula nang maglakad ang bahagi ng aming entourage. Pinangungunahan ito ng mga taong naging malaki ang bahagi sa buhay ko. Ang dalawang taong hindi ako tiningnan bilang ibang tao, ang mga taong higit pa sa isang anak na itinuring ako.

Nagmartsa sila sa gitna ng aisle upang makalapit sa aking pwesto. At nang makarating silang pareho sa akin ay hindi namin naiwasan na salubungin ng mahigpit na yakap ang isa’t isa.

“Congratulations, son. I’m so proud of you. At kahit anong isipin o sabihin ng iba, nandito lang kaming nakaalalay sa inyo.” bati ni Tito Ed habang yakap ako at alam kong nakangiti siya sa mga oras na ito.

“Salamat sa lahat, Tito… Salamat… Salamat dahil kahit minsan, hindi n’yo pinaramdam na iba ako… Salamat po dahil lagi kayong nandiyan lalo na sa mga panahon na kailangan ko ang isang ama gaya ninyo…” sagot ko sa kanya.

Gusto nang pumatak ng luha ko ngunit pinigilan ko. Malaki ang pasasalamat ko sa tiyuhin ko dahil pinalaki niya akong hindi pinagdadamutan. Lagi siyang nasa tabi ko at nanatiling kakampi ko.

Tinapik-tapik ni Tito Ed ang aking likod bilang sagot sa mga sinabi ko. Sapat na iyon para maramdaman ko ang kanyang mensahe na walang magbabago, na anak niya pa rin ako kahit may mga magiging pagbabago na sa buhay ko.

Kasunod ng pagbati ni Tito Ed ay si Tita Eve naman ang nagsalita. At kung kanina ay nakangiti siyang naglalakad, ngayon ay hindi na niya naiwasan ang lumuha.

“R-rigo, congratulations sa inyong dalawa, ha..? This is the first time na nakita kong ganito ka kasaya… Kung maaga ko lang sanang na-realize ang bagay na mas makakapagpasaya sa ’yo, sana noon pa ako nakinig sa ’yo… I’m so sorry, son… Sorry sa lahat…” umiiyak na pakikipag-usap sa akin ni Tita Eve.

Natawa naman ako dahil doon. Saglit akong bumitaw kay Tita Eve at pinunasan ko ang kanyang mga luha.

“Enough na, Tita. Maayos na tayo, ’di ba?!” natatawa kong pagsaway sa kanya. “Saka matitiis ba naman kita? Alam kong pinoprotekhan mo lang ako at naiintindihan ko ’yon. You’re one of a kind, Tita, and thank you for being the best Tita and Mom in the world!” dugtong ko pang pasasalamat sa kanya.

Sa wakas ay napangiti ko ang babaeng hindi lang basta pamangkin ang tingin sa akin kundi isang tunay na anak na.

Inangat ni Tita Eve ang kanyang isang kamay at hinaplos nang marahan ang aking pisngi.

“Mag-aasawa na ang isa sa mga anak ko… Masaya ako pero nalulungkot din ako… Masaya ako dahil sa wakas, natupad na ang pangarap mo… Pero nalulungkot din ako dahil hindi na ako ang mag-aalaga sa ’yo… Mami-miss ko ang pag-aalaga sa ’yo, Rigo…” umiiyak ngunit nakangiti niyang pagtatapat.

Sasagot na sana ako pero inunahan ako ng pinsan ko.

“Si Mommy naman kung makadrama, eh! Magkakasama pa naman tayo sa iisang bubong! Hindi naman ’yan aalis sa bahay!” pagkontra ni Dom.

Natawa naman kami ni Tito Ed dahil doon.

“Oo nga, Tita. Ang kaibahan lang ngayon, nadagdagan tayo ng miyembro. Nadagdagan pa ang anak n’yo at nagkaroon pa kayo ng instant apo.” natatawa kong pagpapaintindi sa kanya.

Natawa rin siya sa sinabi kong iyon. Kasunod nito ay pinunasan na rin niya ang kanyang mga luha.

“Oo nga pala… Sorry, masyado lang akong nadala…” umiiyak at natatawa niyang pagsang-ayon.

Matapos iyon ay muli nila akong niyakap na dalawa kasabay ng paulit-ulit nilang pagbati.

Ito ang pamilya ko, nasa tabi ko ang tatlong tao na malaki ang naging bahagi sa buhay ko.

Ang kasunod na bahagi ng entourage ay ang mga kalalakihan na isa-isang maglalakad sa gitna. Nauna sa pila si Lojie na pinsan ni Xander.

“Congrats, brad!” bati ni Lojie at kinamayan ako nang makarating siya sa aking pwesto. “Uulan naman siguro ng alak mamaya, ’no? Alam mo namang ayaw naming nabibitin ni Olyn. Baka mag-amok kami kaya ’wag mo kaming tipirin.” dugtong pa nito.

Kumag talaga itong si Lojie. Iyon lang yata ang pinunta nila rito.

“Salamat.” sagot ko na lang sa kanya. “Hayaan mo, magpakalunod kayo mamaya. Sinisiguro kong gagapang kayo sa kalasingang dalawa.” dugtong ko rin bilang pagsagot sa katanungan niya.

“Yown! Sige, congrats ulit!” sagot din nito.

Sunod namang nagtungo sa aking pwesto si Anthony, ang kaibigan naming mahusay magpayo.

“Sa wakas, dude! Nangyari na!” masaya nitong pagbati at kinamayan ako.

“Salamat! Ang tagal ko ring naghintay pero sulit naman! Salamat din sa lahat, ha?” sagot ko rin sa kanya.

Niyakap din niya ako at dama kong masayang-masaya siya sa katuparan ng pangarap ko. Ilang beses ko rin kasing iniyak kanya noon ito.

“Chef Rigo! Congrats sa inyo ni Chef Randy!” si Ben naman ang sumunod na nagmartsa patungo sa akin.

“Salamat, Ben!” sagot ko at nagkamay kami.

Kasunod ni Ben ay si Vinci na kailan ko lang naging kaibigan ngunit naging malaki ang bahagi sa relasyon namin ni Liam.

“Idol, hindi mo na siguro ako pagseselosan, ’no? Aasawahin mo na si Randy kaya pwede na ba kaming lumabas paminsan-minsan kahit kaming dalawa lang?!” bungad nito sa akin.

Nawala naman ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi niyang iyon. Nararamdaman din pala nito na pinagseselosan ko siya minsan?

“Hindi pa rin. At kapag nalaman kong nagkasama kayo nang hindi ko nalalaman, dila mo lang ang walang latay, Vinci.” seryoso kong pagbabanta sa kanya.

Kinamayan pa rin naman ako ni Vinci bilang pagbati, ngunit ang isa niyang kamay ay naikamot din niya sa kanyang ulo.

“Grabe ka naman! Akala ko pa naman magtutuloy-tuloy na ang tandem namin ni Randy as criminals!” panghihinayang niyang may halong pagbibiro.

“Iba na lang, Vinci. ’Wag ang magiging asawa ko!” sagot ko naman sa kanya. Idiniin ko rin ang pagkakahawak sa kamay niya para ramdam niyang malalagay siya sa panganib kung itutuloy niya pa ang balak niya.

“Oo na, oo na! Congrats na lang sa inyo!” pagsang-ayon na lang nito.

“Thank you.” may peke kong ngiting sagot naman sa kanya. Sa ginawa kong iyon ay parang si Liam na rin tuloy ako. Ang lakas talaga ng impluwensiya niya sa sistema ko.

Matapos ni Vinci ay nakita ko na ang paglalakad ni Daniel sa red carpet. Siya naman ang susunod para magmartsa sa mga oras na ito.

Malawak ang pagkakangiti ni Daniel. At sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi na siya ganoon kamiserable tulad noon dahil hindi siya ang pinili ni Tom. Mabait lang talaga ang kapatid na ito ni Xander kaya marunong din siyang tumanggap ng pagkatalo.

Nasa kalagitnaan na ng aisle si Daniel ay pare-pareho kaming natigilan dahil sa biglang pagsulpot ng lalaki sa tabi nito.

“Tang*na mo, Popoy! Mamaya ka pa magmamartsa! Ako muna, ’di ba?!” hindi napigilang pagkompronta ni Daniel sa lalaking tumakbo sa tabi niya.

“Sabay na lang tayo! Gano’n din naman ’yon, Danny boy! Nagshortcut lang ako!” sagot naman ni Popoy.

“Gago ka ba?! Alam mo ba ang ibig sabihin ng entourage?!” si Daniel na umuusok na ang ilong sa galit.

“Hindi! At wala akong pakialam! Sasabay na ako sa ’yo para hindi ka muntanga rito! Pangiti-ngiti ka pa! Clown ka ba?!” si Popoy na mataas na rin ang boses.

Nagkatinginan kami ng pinsan kong si Dom dahil sa eksena ngayon ng dalawa sa gitna.

“Kingina, isa!” si Daniel na nagbabanta na.

“Kahit umabot ka pa ng isang-daan diyan, wala akong pakialam! Matagal ko na ’tong pangarap, Danny boy! ’Yung sabay tayong magmamartsa!” si Popoy pa rin.

“Tang*na ka pala, eh! E, ’di sana sinabi mo noon pa para pinagmartsa kita nang nakapiring sa Luneta! Hihinto ka lang ’pag babarilin na kita, gago ka!” si Daniel.

Natigilan naman si Popoy, pero kasunod nito ay ngumiti ito nang nakakaloko kay Daniel.

“Ayyiee~ Papuputukan daw ako ni Danny boy….” pang-aasar nito kay Daniel habang sinusundot ang tagiliran nito. “Ayos lang! Basta ba ikaw naman ang sunod kong puputukan!” dugtong pa nito.

Lahat kami ay literal na nanlaki ang mga mata dahil sa aming narinig. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si Popoy dahil wala naman kaming balita sa dalawang ito. Pero biro man ’yon o hindi, hindi rin nila dapat ’yon pinag-uusapan sa lugar na ito.

Nang tingnan kong muli si Daniel ay pulang-pula na ang mukha nito.

“Uhm!! Gago ka! Wala ka na talagang natitirang hiya, animal ka!!” buska ni Daniel at binatukan nang paulit-ulit si Popoy.

“Haray! Haray! Tama na, Danny boy! Nagjo-joke lang naman ako!” pag-awat naman ni Popoy habang iniilagan ang pagbatok ni Daniel.

Akala ko ay hindi na maaawat ang dalawang iyon, pero mabilis na nagtungo si Tita Mavel na magulang nina Xander at Daniel para awatin ang mga ito.

“Mga, anak, mamaya na ’yan, ha? Nasa kalagitnaan tayo ng kasal nina Rigo at Randy. Hala, sige, sabay na lang kayong magmartsa na dalawa.” pakiusap niya sa mga ito.

“Tita Mavel?!! Mas kinakampihan mo pa siya?! Ako ang anak mo rito!” pag-alma ni Daniel.

“Daniel! Sinisigawan mo ba ako?!” tanong niya kay Daniel habang pinanglalakihan ito ng mata.

Hindi nakasagot si Daniel. Kung hindi lang siguro nagbago si Daniel para kay Tom noon, baka nasigawan na rin niya si Tita Mavel ngayon. Dakilang pasaway rin kasi noon itong si Daniel.

“Just listen to me, Daniel, okay?! Sabay na kayong magmartsa ni Popoy!” sunod pang utos ni Tita Mavel sa kanyang anak-anakan.

Minsan ay napapatanong din ako kung anong pinakain ni Popoy sa mga magulang nina Xander at Daniel. Saglit pa lang silang nagkakakilala pero napakalapit na nito sa mga ito lalo na kay Tita Mavel.

“Kaya lab na lab kita, Mommy, eh!” si Popoy na niyakap pa nang mahigpit si Tita Mavel. Nakiki-mommy siya na akala mo ay tunay na anak siya.

Ngayon ay alam ko na, sipsip si Popoy sa mga magulang ng magkapatid na bully.

Walang nagawa si Daniel kundi ang pagbigyan ang pakiusap ni Tita Mavel. Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa aking pwesto kasabay si Popoy.

“Rigo, congrats, ha?!” masayang bungad sa akin ni Popoy at kinamayan ako.

“Salamat, Popoy.” sagot ko naman.

“Ronnie na lang, pare. Hindi pa tayo super close kaya Ronnie lang dapat.” pagtatama nito sa pagtawag ko sa kanyang palayaw.

Gago rin talaga ang lalaking ito. Hindi pa pala kami close sa lagay na ’to? E, tuwing magkakasama kami, palibre nang palibre. Kuripot na nga, buraot pa.

“Okay… Ronnie.” pagsuko ko na lang.

Tumayo ito nang tuwid at bumitaw na sa pagkamay naming dalawa.

“Huh! Akala mo ikaw lang ang natupad pangarap, ’no? Natupad din ang pangarap ko, Rigo! Nakasabay ko siyang maglakad sa aisle!” pagyayabang ni Popoy sa akin habang tinuturo si Daniel sa kanyang tabi.

“Isa pa!” pagsaway na nakasimangot ni Daniel sa kanya.

“Tatluhin mo na para ‘ay-lab-yu’!” si Popoy na walang takot lay Daniel.

Napailing na lang si Daniel sa kagaguhan ni Popoy. Mukhang wala na siyang magagawa sa isang ito. Sasakitan talaga siya rito ng ulo.

Hinarap ako ni Daniel. Huminga siya nang malalim at sinubukang ibalik ang kanyang ngiti para batiin ako.

“Congrats sa inyo, Rigo. Masaya akong natagpuan n’yo na ni Randy ang kasiyahan sa isa’t isa.” pagbati ni Daniel sa akin at kinamayan ako.

“Salamat, Daniel.” sagot ko naman sa kanyang nakangiti.

“Alam ko namang inaalagaan mo siyang mabuti. Kaya ang hiling ko na lang, ’wag ka sanang mapagod. Alam mo namang parang Kuya ko na rin si Randy kahit lagi kaming nag-aaway noon.” natatawa na niya ngayong bilin.

Natawa rin ako dahil doon. Tama naman si Daniel, mortal silang magkaaway ni Liam noon. Lagi silang nagtatalo dahil ang sipag ni Liam sa pagsusumbong ng mga kalokohan niya.

“Makakaasa ka, Daniel. Aalagaan ko siya hangga’t may natitira akong hininga.” sagot ko sa sinabi niya.

Sumabat naman ang magaling na si Popoy.

“Luh? Paano ’pag bagong gising ka lang, Rigo, tapos ’yon na lang ang natitirang hininga mo? E, ’di bad breath ka no’n?!” walang kakwenta-kwenta niyang tanong.

Makisali na rin kaya ako sa pambubully ng magkapatid sa Popoy na ’to? Ang sarap niyang upakan, sa totoo lang!

“Tarantado ka talaga!” si Daniel na binatukan na naman si Popoy. “Tara na nga! Wala ka talagang masabing matino!” sunod na pagyaya ni Daniel at mahigpit nang hinawakan sa kwelyo si Popoy para pumunta na sa kanilang uupuan.

Natatawa at napapailing na lang kami ni Dom dahil sa nangyari.

“Tang*na! Akala ko pasaway na ako! May mas pasaway pa pala sa akin, brad?!” reaksyon ni Dom.

“Sinabi mo pa! Sana lang tumagal si Daniel sa kanya!” pagsang-ayon ko rin.

Ang kasunod naman ay ang paglalakad ng mga babaeng kabilang sa entourage. Pinangunahan naman iyon ni Olyn na mahaba ang suot na gown ngunit halos umabot na sa kanyang singit ang hati kaya litaw na litaw ang kanyang binti.

“May oras pa para magbago ang isip mo, Rigo. Hindi ka ba naaakit sa katawan ko? Eng sherep ke, ’de be?” maarte niyang pagbibiro sa akin.

Natatawa na lamang ako na sinagot siya ng pag-iling. Kalog talaga siya. Kaya ayan, magkasundong-magkasundo sila ni Lojie.

Inirapan niya ako dahil sa pagtanggi ko sa kanya.

“Hay! Wala na talaga akong pag-asa na magkajowa!” reaksyon niya. “Bueno, congrats na lang sa inyo ni General Manager. Sana naman lagi mo siyang paalalahanan na ’wag masyadong masungit! Ilang empleyado na namin ang hindi tumagal sa kanya! Wala kasi siyang patawad! Sana araw-araw mo siyang patuwarin para good vibes lang siya!” sunod pa nitong pagbati.

Natawa na lang kami nang malakas ni Dom dahil sa tindi ng mga salitang binitiwan niya. Ibang klase talaga siyang babae, sumobra sa laswa.

Niyakap lang ako ni Olyn bago siya patakbong nagtungo sa tabi ni Lojie kahit na dapat ay doon siya sa mga silyang nasa kabilang bahagi.

Ang sumunod na nagmartsa ay si Charm na mas naging blooming ngayon. Bakas sa kanya ang saya at hindi maikakailang dahil iyon sa boyfriend niyang si Ben.

“Congrats, Chef Rigo! Salamat at napigilan mo si Chef Randy na isesante ako noong inokray ko siya sa pamamanhikan mo!” bungad nito sa akin.

“Kayo naman kasi. Alam n’yo nang mainitin ang ulo no’n pero inaasar n’yo pa rin.” natatawa ko namang pagsaway sa kanya.

“Ang cute niya kasing magalit, eh! Hindi na nakakatakot! Nakakatuwa na ’pag nakikita ko ang ugat niya sa ulo!” sagot naman niya sa akin.

“Bawas-bawasan n’yo na lang. Ayaw kong lagi siyang nai-stress.” paalala ko na lang.

Katulad noong mga nauna ay niyakap ko rin si Charm.

“Salamat dahil lagi kayong nandiyan, Charm.” sambit ko habang yakap siya.

“Kami ang dapat magpasalamat sa inyo. Hindi lang kayo naging mabuting boss para sa amin, naging mabuting kaibigan din kayo.” sagot niya sa sinabi ko.

Ang sumunod na magmamartsa ay ang hinihintay ng taong nasa tabi ko. Siya ang babaeng itinuring ko nang nakababatang kapatid, siya rin ang bumago sa pinsan ko.

“Hi, baby. I miss you.” bati ni Dom kay Dee nang makarating ito sa aming pwesto.

Walang reaksyon ang mukha ni Dee na tiningnan lang si Dom at hindi sinagot ito.

“Nakakakilig talaga ang pagiging isnabera mo, baby. Ang sweet-sweet!” sarkastikong wika ni Dom sa kanyang girlfriend.

Muli, hindi iyon pinansin ni Dee. Hinarap na lang ako nito saka ako niyakap nang mahigpit.

“Binabati ko kayo, Rigo. Alam kong nasa mabuting kamay kayo ng isa’t isa kahit pa masungit ang mapapangasawa mo. Nakikita kong mahal na mahal ka niya at gano’n ka rin sa kanya. Masaya ako para sa inyong dalawa.” mahaba niyang pagbati.

Natawa naman ako sa kanya.

“Ang haba ng sinabi mo ngayon, Dee, ah? Baka maubusan ka ng ikekwento sa pinsan ko mamaya? Hindi pa naman ako sanay na hindi ’to nangungulit.” pagbibiro ko sa kanya. Bihira lang kasi siyang magsalita kaya natutuwa ako tuwing kakausapin niya ako nang matagal.

“Hayaan mo siya. Naririndi na rin ako minsan sa ingay niya.” sagot lang nito na mas ikinatawa ko.

“Grabe ka naman, baby!” nakasimangot na reaksyon ni Dom.

“Manahimik ka. ’Wag ka ritong gumawa ng eksena.” si Dee na seryoso pa rin ang ekspresyon.

Matapos iyon ay bumitaw na rin sa akin si Dee at mabilis din na umalis sa aming pwesto.

“Ang sungit talaga!” bulong ni Dom. “Pasalamat lang talaga siya at mahal ko siya!” dugtong niya pa.

Wala na talagang nagbago sa kanilang dalawa, para pa ring mga aso’t pusa.

Ang huling abay sa linya ng mga babae ay ang isa sa pinakaespesyal na tao sa buhay ni Liam. Siya ang nag-iisang kapatid niya na matagal din sa kanyang nahiwalay.

“Rigo, hindi ko na siya kailangang ihabilin sa ’yo dahil alam kong maaalagaan mo siya. Ang gusto ko lang ipaabot ay ang taos-puso kong pasasalamat sa ’yo… Salamat sa pagmamahal mo sa kapatid ko… Salamat dahil ikaw ang nandiyan para sa kanya simula pa noon… Maraming salamat sa ’yo…” emosyonal niyang bigkas habang yakap ako.

“Wala po ’yon. Alam n’yo naman kung gaano ko siya kamahal, ’di ba?” sagot kong nakangiti sa kanya.

Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon at bumitiw na rin sa pagkakayakap naming dalawa.

“Paano ba ’yan? From now on, call me Ate na rin, ha?” utos nito sa akin.

Natawa naman ako nang bahagya.

“Hindi pa ako sanay dahil wala naman akong natatawag na ‘Ate’ simula pa noon! Pero sige po, Ate Sandra.” natatawa kong pagsang-ayon sa kanya.

“Good!” natatawa niya ring reaksyon at saglit akong hinawakan sa pisngi.

Matapos ang mga babaeng abay ay ang mga bata at miyembro na ng pamilya ni Liam ang nakatakdang magmartsa. Nanguna ang anak ni Jamie na si Nicole. May dala itong basket na may lamang mga bulaklak ng sampaguita at inihahagis ang mga iyon sa aisle na kanyang nilalakaran.

“Congrats po, Tito Rigo!” nakangiti nitong pagbati sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Napaka-cute niya talaga at napakabait kaya natutuwa ako sa kanya. Nakakatuwa rin na ngayon ay tuwid na siyang nakakapagsalita.

“Thank you, Nicole.” sagot ko naman sa kanya.

Sumunod naman na nagmartsa ay ang panganay na anak nina Xander at Tom na si Carla. Ganoon din ang kanyang ginawa bilang flower girl, naghagis din siya ng mga bulaklak sa aisle.

“Congratulations, Tito Rigo!” bati niya nang makarating siya sa aking pwesto. Hinalikan niya rin ako sa pisngi at niyakap pa ako.

“Thank you, baby Carla.” nakangiti kong sagot sa kanya.

Nasundan pa ng dalawang flower girls na nagsaboy ng bulaklak sa aisle. Sila naman ang mga pamangkin ni Liam na sina Yam at Ran. Sila na ngayon ang mga pamangkin ko. Manang-mana sa Tito Randy nila dahil magaganda rin ang mga mukha nito.

Nang masilayan ko ang susunod na magmamartsa ay hindi ko maiwasan ang matawa at maging emosyonal. Naroon ang gwapong batang lalaki sa dulo at nakasuot din ng white tuxedo tulad ko.

“Hi, fans!!” bati niya sa lahat habang kumakaway.

Naglakad siya habang nasa loob ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Malawak ang kanyang ngiti na sinasalubong ako at bakas sa kanya ang labis na tuwa.

Ang akala ko ay tuloy-tuloy na ang nag-uumapaw niyang tiwala sa sarili. Pero nang makararing siya sa gitna ng aisle at nagtagpo ang aming mga mata ay nasorpresa ako dahil bigla itong tumakbo patungo sa aking pwesto.

“Daddy…!!!” sigaw niyang umiiyak at niyakap ako. Napaluhod tuloy ako nang wala sa oras para salubungin din ito.

Pinigilan kong umiyak dahil sa naging emosyonal na rin ako habang yakap ko si Ar-Ar.

“Tahan na, anak… Bakit ka umiiyak..?” tanong ko sa kanya habang hinahaplos ko ang likod nito.

Mas naging malakas ang kanyang iyak nang sagutin niya ako.

“Ang saya-saya ko po kasi, Daddy… Ang saya-saya ko… Masaya ako kasi masaya ka… Masaya ako kasi masayang-masaya rin si Ma… Masaya tayong pamilya…” umiiyak niyang sagot sa akin.

Alam ko. Alam na alam ko ang pakiramdam ng anak ko. Dahil sa wakas ay matutupad na ang magkakahiwalay lang noon na pangarap naming tatlo. Ang magkaroon ng sarili at buong pamilya na nakita namin sa isa’t isa.

Sinong mag-aakala? Ako na nangangarap lang noon na magkaroon ng sariling pamilya, si Liam na nanlilimos lang noon ng kalinga mula sa kanyang pamilya, at si Ar-Ar na naghahanap ng tatayong magulang para sa kanya dahil sa pagkaulila, ay magtatagpo at tutuparin ang pangarap ng bawat isa?

Heto kami. Naririto kami at sabay-sabay naming tinutupad ang pangarap naming tatlo nang magkakasama.

Bumitiw ako kay Ar-Ar at pinunasan ko ang kanyang mga luha.

“Tahan na, anak… Masaya tayo kaya dapat ngumiti lang tayo, okay?” pangungumbinsi ko sa kanya. “Sige ka, magagalit ang Ma mo ’pag nagdugyot ka dahil sa kakaiyak!” natatawa ko na ring pananakot sa kanya.

Maraming paghinga nang malalim ang ginawa ni Ar-Ar para mapatigil sa kanyang pag-iyak. Takot talaga siya tuwing mapapagalitan ng Ma niya.

Muli akong niyakap ni Ar-Ar.

“D-daddy… Salamat po sa inyo ni Ma… Mahal na mahal ko po kayo ni Ma… Masayang-masaya po ako dahil dumating kayo sa akin…” umiiyak niya pa ring lahad.

“Salamat din, anak… Masayang-masaya rin kami ng Ma mo dahil dumating ka sa buhay namin… Lagi mo rin tatandaan na mahal na mahal ka namin, okay..?” lahad ko rin sa kanya pabalik.

Ilang minuto pa kaming magkayakap ng aking anak hanggang sa bumitiw kami. Gusto nang pumatak ng mga luha ko ngunit nagpakatatag ako para sa anak ko. Ako ang pagkukunan niya ngayon ng lakas ganoon din sa hinaharap. Kaya hangga’t kaya kong tiisin ang mga pagsubok na haharapin ng buhay namin, gagawin ko para lang hindi siya panghinaan.

“Okay ka na?” tanong kong nakangiti sa kanya.

Tumango-tango naman siya habang humihikbi pa rin. Sinusubukan niya pa ring tumigil sa kanyang pag-iyak.

Sumabat na rin si Dom at hinaplos ang kanyang ulo.

“Ang tapang talaga ng kumpare ko, oh?! Manang-mana kay Uncle!” pagkumbinsi na rin niya kay Ar-Ar.

Sa wakas ay ngumiti na si Ar-Ar. Ang lakas talaga ng impluwensiya ni Dom sa kanya. Magkasundo talaga sila.

Hinalikan ko si Ar-Ar sa pisngi.

“Very good. Go to your Lolo and Lola muna. Sabayan mo akong abangan si Ma mo, ha?” utos ko sa kanya.

“Mmmm!! Gusto ko na rin siyang makita kasi ang ganda-ganda-ganda niya raw ngayon, Daddy!!” may kalakasan niyang pagbabalita habang may malawak na pagkakangiti.

Natawa ako sa sinabi niyang iyon. Mahal na mahal niya talaga si Liam. Parang ako rin siya, si Liam ang pinakamaganda sa aming mga mata.

“I know! Lagi namang maganda si Ma mo, ah?!” sagot kong natatawa sa kanya.

Ngayon ay tatlo na kaming natatawa rito sa entablado. Ilang minuto rin iyon hanggang sa halikan na rin ako sa pisngi ni Ar-Ar at nagtungo na sa pwesto nina Tito Ed at Tita Eve.

Nang makatayo ako nang tuwid ay pinanood ko naman ang huling bata na magmamartsa sa mga oras na ito.

Lahat ng tao ay naaliw nang makita ang cute na anak nina Xander at Tom na si baby Drey. Napapalakpak silang lahat nang makita itong sakay ng isang ride on toy car dahil hindi pa ito marunong maglakad. Si Tom naman ang nasa likod nito na siyang may hawak ng remote control para mapaandar ang sinasakyang maliit na kotse ni baby Drey.

Sa bumper ng kotse ni baby Drey ay naroon ang ring bearer pillow at ang dalawang sing-sing na isusuot namin mamaya ni Liam.

Tawa kami nang tawa dahil medyo inaantok na si baby Drey. Pumipikit-pikit na ang kanyang mga mata at bahagyang natutumba na ang ulo niya. Mukhang komportable siya sa sinasakyan niya ngayon. Pero ang kanya namang Papa Tom ay tuwang-tuwa naman sa pagmamaniobra ng kotse ng anak niya.

Nang makarating sila sa aking pwesto ay si Tom na rin ang nag-abot ng ring bearer pillow sa akin.

“Congrats sa inyo ni Randy, Rigo!” nakangiti niyang pagbati sa akin. Kitang-kita na naman ang isang dimple nito na kinababaliwan ng kaibigan naming si Xander.

“Salama––”

“Sige, mauna na kami.” biglang pagputol sa akin ni Tom. Hindi na niya ako pinatapos na magpasalamat dahil muli na naman niyang pinaandar ang kotse ni baby Drey. Mukhang aliw na aliw talaga siya sa ginagawa nila ng kanyang anak.

Lahat tuloy ng nakasaksi ay natawa na lang sa naganap. At kahit malakas ang naging tawanan naming lahat, wala pa ring pakialam si Tom. Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkalikot sa remote control.

Ang sumunod na magmamartsa ay magkapares hindi tulad ng mga nauna. Dapat ay isa lang ang maid-of-honor ni Liam, pero dalawa ang kinuha niya at wala kaming nagawa kundi ang sundin na lang siya.

Naroon sa dulo ang kaibigan kong si Shai na napakaganda ang kasuotan ngunit hindi binagayan ng nakasimangot niyang ekspresyon. Sa kanyang tabi naman ay ang isang tao na malawak ang pagkakangiti na akala mo ay isang artista na napapanood sa telebisyon.

Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko. Pero si Dom sa likod ko, hindi na yata napigil ang matawa nang todo.

“Tangna, brad! Tingnan mo! Badtrip si Shai!” reaksyon niyang natatawa. “Galak na galak naman si Coke! Tangna, sakit ng tiyan ko!” dugtong pa nitong pagpuna sa katabi ni Shai.

Tama si Dom, isa nga si Coke sa kinuhang maid-of-honor ni Liam. Hindi pa nga ako makapaniwala noong una kaya hiningian ko si Liam ng eksplanasyon tungkol dito.

“Siyempre, para may panabla! Masyadong maganda si Shai kaya baka masapawan niya ako sa paglabas ko! Kaya para hindi masyadong agaw-pansin, kukunin ko na rin si Coke!”

’Yan ang eksaktong dahilan ni Liam noong tinanong ko siya kung bakit kinuha niya si Coke na maging maid-of-honor kahit na kailan lang sila nagkaroon ng bonding na dalawa.

Pero sa kabila noon, alam ko namang naging espesyal na rin si Coke kay Liam. Kilala ko na siya. Hindi niya pag-aaksayahan ng oras ang mga taong walang halaga sa kanya. Hindi siya basta magiging malapit sa tao dahil hirap siyang magtiwala sa iba.

Pero magmula nang magkasama sila ni Coke ay naging bukambibig niya na rin ito. Madalas niya man itong inaasar ay maya’t maya niya rin itong iniistorbo at tinatawagan. Si Liam pa nga ang personal na pumili ng susuotin ngayong suit ni Coke para sa aming kasal. Hindi niya man maamin ay alam kong itinuturing na rin niya itong malapit na kaibigan.

“Congratulations, Rigo! Feeling blessed talaga ako! Feeling ko BFF na talaga kami ni Randy!” masayang bungad ni Coke at niyakap ako.

“Salamat, Coke. Masaya ako para sa inyo ni Randy dahil magkasundo na kayo.” natatawa kong sagot.

Si Shai naman ang yumakap sa akin matapos ni Coke ngunit nakasimangot ito.

“I deserve an explanation, Rigo. I deserve an acceptable reason.” bulong nitong may diin sa akin.

Alam ko nang magtatanong talaga siya. Inaasahan na niyang magiging maid-of-honor siya ni Liam dahil silang dalawa ang malapit sa isa’t isa, pero hindi niya akalaing may makakasabay siya sa pagmamartsa.

Natatawa naman akong sinagot din siya nang pabulong.

“Sige, Shai. Right after the wedding. But for now, pwede bang ngumiti ka muna? C’mon, it’s my special day.” pagkumbinsi ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim bilang pagsuko. Kasunod nito ay bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin.

“Fine,” sagot niya at naiikot niya ang kanyang mga mata. Kasunod nito ay ngumiti na rin siya. “Congratulations to both of you, Rigo. Ganito lang ako pero masaya talaga ako para sa inyo.” dugtong niya pang pagbati at hinaplos ako sa pisngi. Ramdam ko ang senseridad sa kanyang mga sinabi.

“Thanks, Shai. You’ve been a big part of our lives. Thank you.” sagot ko rin sa kanyang nakangiti.

Muli niya akong niyakap at paulit-ulit niyang sinabi na alagaan kong mabuti si Liam na sinagot ko rin naman ng mga pagtango.

Matapos iyon ay naghanda na ako sa huling bahagi ng entourage. Inayos kong muli ang suit ko at tinulungan pa rin ako ng pinsan ko.

Nang tingnan ko ang dulo ng aking kinatatayuan ay hindi ko naiwasan ang magbalik ang kaba sa aking dibdib. Tatlong tao na lamang ang nakatayo roon ngayon. At sa likod nila ay nakita ko ang isang anino na nasa likod ng manipis na telang nasa arko.

“Konti na lang, brad!” nakangiting sambit ni Dom at siniko pa ako.

Hindi ko siya matugunan dahil kabado talaga ako. Tanging paglunok lang ng laway ang paulit-ulit na nagawa ko.

Nagsimulang maglakad ang tatlong tao na ihahabilin sa akin si Liam patungo sa akin. Ang dalawang babae ay napakaespesyal para sa kanya. Sila ang mga babaeng hindi man nagluwal sa kanya ay naging ina rin para sa kanya. Ang kanyang Mama at si Nanay Elise na pareho ngayong emosyonal.

Sa gitna naman ng dalawang babae ay naroon ang lalaking naging malaki rin ang bahagi sa buhay ni Liam. Siya ang taong naging daan para makilala ko ang mahal ko. Siya ang taong nagbigay ng lakas ng loob kay Liam para takasan ang masalimuot nitong pamumuhay sa nakaraan. Ang lalaking una mang minahal at nagbigay sa kanya ng kabiguan ay nanatiling matalik niyang kaibigan.

Si Xander.

Sinasalubong nila ako ngayon ng ngiti habang naglalakad. Sa kabila ng pagluha ng dalawang ina ni Liam ay nanatili namang nasa kanilang tabi si Xander at pareho silang dinadamayan.

Nang makarating sila sa aking pwesto ay si Nanay Elise agad ang yumakap sa akin nang mahigpit.

“Anak… Masayang-masaya ako para sa inyo… Hindi n’yo lang alam kung gaano ako kasaya na sa wakas, nangyari na ito… N-nasaksihan ko ang lahat ng pinagdaanan n’yo… Alam ko ang mga hirap n’yo para makamit lang ito… Masayang-masaya ang Nanay n’yo… Masayang-masaya ako…” humahagulgol na bungad ni Nanay Elise sa akin.

Huminga ako nang malalim dahil nagbabadya na rin ang mga luha ko. Si Nanay Elise ang pinakamalaki ang naging bahagi sa buhay ni Liam, at siya rin ang naging malaki ang bahagi sa akin para mas maalagaan ko pa si Liam.

“A-Alam ko, ’Nay… Alam ko po… Kaya nagpapasalamat po kami sa inyo… Malaki ang naging bahagi n’yo sa amin, ’Nay… Salamat dahil sinuportahan n’yo kami simula pa noon… Hindi mo kami iniwan kahit minsan… Salamat, Nanay… Salamat po…” hirap na hirap kong pakikipag-usap kay Nanay Elise.

Paulit-ulit pa akong huminga nang malalim mapigilan lang ang mga luha ko. Nangako ako kay Liam, hindi ako iiyak at ngingiti lang ako sa buong oras na mangyayari ang espesyal na araw na ito.

Nagbitiw kami ni Nanay Elise sa aming pagkakayakap. Kinuha ko ang hawak niyang panyo at ako na rin mismo ang nagpunas ng mga luha niyang patuloy sa pagdaloy mula sa mga mata nito.

“A-ang tagal ko siyang inalagaan… Alam mo kung gaano ko kamahal si Liam… At ngayon, nagtatapos na rin ang papel ko bilang tagapag-alaga niya dahil nandito ka na… Ibinibigay ko na sa ’yo ang kamay ng alaga ko… Panahon na para ikaw naman ang mag-alaga sa kanya… At umaasa ako, Rigo… Habang-buhay mo siyang aalagaan tulad ng ipinangako mo…” nahihirapan pa ring pagsasalita ni Nanay Elise.

Umiling ako nang marahan at muli kong pinunasan ang kanyang mga luha.

“Hindi, ’Nay… Hindi naman kita inaalisan ng karapatan… Ikaw pa rin ang Nanay namin ni Liam… Magkakaroon man ng kaibahan dahil magsasama na kami, ikaw pa rin ang Nanay Elise namin na una naming tatakbuhan tuwing magkakaproblema kami… At alam kong gano’n din si Liam, alam kong sa ’yo siya unang magsusumbong tuwing may mga bagay siyang hindi nagugustuhan… Kaya sana, ’wag mong iisipin na kakalimutan ka namin, ha?” pagkumbinsi ko na ngayon sa kanya.

Tumango naman si Nanay Elise bilang pagsagot sa akin ngunit patuloy pa rin siyang umiiyak dahil sa halo-halong nararamdaman niya.

Alam kong kahit masaya siya para sa amin ni Liam ay nalulungkot pa rin siya dahil kailangan nang harapin ni Liam ang panibagong buhay niya. Alam kong masakit sa parte ni Nanay Elise na ang batang inalagaan niya ng maraming taon ay iba na ngayon ang makakasama kaya kailangan ko siyang makumbinsi na wala siyang dapat ipag-alala. Dahil kahit ano mang magiging pagbabago sa buhay namin, parte pa rin siya ng aming magiging pamilya.

“Salamat, Nanay… ’Wag po kayong mag-alala dahil nangangako po ako, dodoblehin ko pa ang pag-aalaga sa kanya para mapanatag ka…” wika ko pa kay Nanay Elise at hinalikan siya sa noo.

“S-salamat, anak… Salamat…” tangi niya lang nasabi habang umiiyak.

Kasunod nito ay nagbigay daan si Nanay Elise para ang Mama naman ni Liam ang makalapit. Agad din ako nitong niyakap nang mahigpit habang patuloy rin siyang umiiyak at humihikbi.

“Nanghihinayang man ako dahil sa mga panahong kinailangan ako ng anak ko, nagpapasalamat pa rin ako, Rigo… Salamat dahil dumating ka sa buhay ng anak ko… Salamat sa buong-pusong pagtanggap sa kanya… Salamat dahil ikaw ang nagpuno sa mga kakulangan namin ng ama niya… Sa inyong dalawa ni Nanay Elise, maraming salamat sa inyo…” mahaba nitong mensahe.

“Wala po ’yon, Tita… Mas malaki ang pasasalamat ko dahil dumating siya sa buhay ko… Marami akong napatunayan sa sarili ko dahil nakilala ko siya…” sagot ko naman sa kanya habang hinahaplos ang likod niya.

Bumitiw kami sa pagkakayakap habang may ngiti sa labi naming dalawa.

“Ituloy mo lang ang pagtrato sa kanya bilang espesyal, ha..?” bilin pa nito sa akin.

Muli akong natawa.

“Makakaasa po kayo. Gagawin ko ang lahat para sa prinsesa ko.” sagot ko at mas malawak na ngayon ang pagkakangiti ko.

“Saka isa pa, Rigo… Tawagin mo na rin akong Mama simula ngayon… Pwede ba ’yon..?” pakiusap pa nito.

Bahagya akong nakaramdam ng hiya kaya napakamot pa ako sa batok ko.

“S-sige po, M-mama…” sagot kong nahihiya sa kanya na ikinatawa rin niya.

Sunod na hinarap ko ay ang lalaking naging karibal ko nang mahabang panahon. Tumayo siya nang diretso sa aking harapan habang seryoso ang kanyang ekspresyon.

Hindi ko maipaliwanag, pero sa mga oras na ito ay tila naging estranghero sa akin ang kaibigan ko. Diretso din kaming nakatingin sa mata ng isa’t isa at hindi ko alam ang tumatakbo ngayon sa isip niya.

Si Xander, siya ang lalaking unang minahal ni Liam. Siya ang lalaking labis ko noong kinaiinggitan. Siya ang dahilan kung bakit wala akong lakas ng loob para ipagtapat ang tunay kong nararamdaman. Siya ang taong walang kahirap-hirap na napaibig si Liam.

Siya si Xander. Ang pinakamatalik na kaibigan ni Liam.

“Tang*na ka.” seryoso niyang pagmumura sa akin.

“Tang*na ka rin.” seryoso ko ring balik.

Hindi ako nagpasindak sa kanya. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para makompronta siya nang ganito kaya sasamantalahin ko na.

“’Wag mo siyang pababayaan, tarantado ka.” seryoso niya pa ring bilin.

“Hindi mo na kailangang sabihin ’yan, gago ka.” balik ko rin sa kanya.

Walang kumukurap sa aming dalawa. At sa talim ng tingin namin sa isa’t isa, iisipin mong may kuryenteng nagsasalubong mula sa aming mga mata.

“Sa oras na pinaiyak mo siya, ako mismo ang papatay sa ’yo kahit kaibigan pa kita.” may diin niyang pagbabanta habang nanlilisik ang mga mata niya.

“Hindi ako natatakot sa pagbabanta mo! Dahil sinisiguro ko sa ’yo, hindi siya iiyak dahil sa pagkabigo tulad ng ginawa mo! Makikita mo pa rin siyang iiyak, Xander! Pero sinisigurado ko rin sa ’yo, mangyayari lang ’yon dahil pasasayahin ko siya. Ako ang magbibigay ng mga bagay na hindi mo noon kayang ibalik sa kanya!” mas madiin kong pagsagot sa kanya habang nakakuyom ang aking mga kamao.

Hindi ko alam kung bakit ko ito nasasabi sa kabigan ko. Siguro ay dahil ito ang itinago kong saloobin sa loob ng maraming taon ngunit hindi ko sa kanya masabi dahil wala naman ako sa posisyon, dahil wala akong karapatan noon.

Hindi nakapagsalita si Xander. Nanatili lang kaming seryoso ang mga ekspresyon.

Ngunit makalipas pa ang ilang segundo….

“Tang*na ka naman, Rigo! Hinatid ko lang ang best friend ko! Ako lang ang tumayong tatay sa kasal niya! Inaano kita?! Bakit parang ang laki ng galit mo sa akin, gago ka?! Personalan na ’yang mga sinasabi mo, ah?! Foul na ’yan, brad! FOUL!!” maktol nito sa akin at dinuduro pa ako.

Dahil sa inasal ni Xander ay nagtawanan ang mga tao. Maging si Dom ay mamatay-matay na rin sa katatawa sa likod ko.

Napailing na lang ako dahil sa kagaguhan ng Xander na ito. Anong bang nagustuhan ni Liam dito noon?! Napaka-isip bata pa rin hanggang ngayon!

Ilang sandali pa ay tinapik-tapik nito ang balikat ko.

“Pero seryoso na, brad,” muling pagkausap nito sa akin at nagbalik siya sa pagiging seryoso. “Alam ko naman na malaki ang pagkukulang ko sa kanya nitong mga nakaraan. Alam ko naman na nasaktan ko rin siya noon. Gago nga ako, eh! Pero sa kabila no’n, gusto kong malaman mo na mahalaga siya sa akin kaya gusto kong makasiguro na hindi mo siya mapapabayaan.” dugtong pa nitong pag-amin.

Hindi ako nakapagsalita at naghintay lang ako sa mga susunod niya pang sasabibin.

“Alam mo naman, ’di ba? Naging parte na rin siya ng pamilya namin. Kaya nga siguro hindi ko nasuklian ang nararamdaman niya noon para sa akin dahil nakikita ko lang siya bilang kapatid ko. At alam ko rin, ikaw ang karapat-dapat na makasama niya habang-buhay. Sapat na ang mahabang taon na paghihintay at pag-aalaga mo sa kanya para patunayan na ikaw lang ang para sa kanya.” mahabang paglalahad ni Xander.

Dahil sa mga narinig ko mula kay Xander ay nagawa ko nang ngumiti.

“Salamat, brad,” una kong sambit habang nakangiti. “Gusto ko ring malaman mo na malaki ang pasasalamat ko sa ’yo. Ikaw ang naging daan para makilala ko siya. Salamat pa rin kahit na nasaktan mo siya noon. Dahil kung hindi nangyari ’yon, sa tingin ko, walang kasalang magaganap ngayon.” mahaba ko pang dugtong.

Matapos ang pasasalamat namin ay niyakap na rin niya ako.

“Mahal na mahal ko ’yang si Randy kahit lagi ko pang inaasar. Alam kong napipikon ka na rin sa akin minsan, pero gusto kong malaman mo na ginagawa ko lang ’yon para masanay siyang ilabas ang totoo niyang nararamdaman. Sinasanay ko siyang ’wag kimkimin ang galit tulad ng nakasanayan niya. Iyon ang naisip kong paraan noong humingi ako ng payo sa psychiatrist niya. Kaya kahit malagas ang buhok ko sa kakasabunot niya, ayos lang! Ang mahalaga, nagiging daan ’yon para mas maging bukas siya para sa iba at sa nararamdaman niya.” mahabang pagtatapat ni Xander.

Nasorpresa ako sa sinabi niyang iyon. Ngayon ko lang iyon narinig at hindi ko maiwasang humanga sa kanya. Maaasahan talaga siya at nakakagawa siya ng solusyon sa paraang siya lang din ang nakakaalam.

Ngayon ay naiintindihan ko na. Mas naiintindihan ko na.

“Salamat, brad. Maraming salamat.” nakangiti kong sagot sa mga inilahad niya.

Matapos naming magbitiw sa pagkakayakap ni Xander ay nagpalakpakan ang aming mga kaibigan. Marahil ay dahil iyon sa magandang tagpo na kanilang nasaksihan. Alam naman kasi nilang lahat ang istorya naming tatlo. Kung paano minahal ni Liam si Xander noon, at kung paano naman kami nagkatuluyan ni Liam ngayon.

“Ready ka na ba? Ang gwapo, este, ang ganda ngayon ng best friend ko!” tanong at pagmamalaki ni Xander.

Nagbalik na naman ang kabang nararamdaman ko.

Handa na nga ba ako?

Hindi ko alam. Ang malinaw lang sa akin ngayon ay gusto ko na ring makita si Liam.

Ito na ang pinakahihintay ng lahat ng naririto.

Dumating na rin sa wakas ang oras para masilayan ko ang taong mahigit sampung taon nang tinitibok ng puso ko.

Ang taong nagpabago sa pananaw ko.

Ang taong nagbigay ng dahilan para maging masaya ako sa panahong pakiramdam ko ay nag-iisa ako.

Ang taong matagal kong pinagdasal at pinangarap na tanggapin ako.

Si Randy Liam.

(A/N: Paki-play po ang nasa main na media. Iyon po ang music na ginamit sa entrance ni Randy. ❤ Song title: Ikaw - By: Yeng Constantino)

Nagbago ang musikang tumutugtog sa mga oras na ito. At simula nang tugtugin ito ay mas lalong dumoble ang kaba ko.

Wala na akong makita sa kapaligiran. Kahit ang apat na taong naririto sa aking tabi na nag-aabang sa paglabas ni Liam ay hindi ko na maramdaman.

Sa mga oras na ito, tanging ang arkong may ilang metro rin ang layo na lang ang nakikita ko. Unti-unti na ring humihina sa pandinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao na nag-aabang na rin ngayon sa paglabas ni Liam. Ang malinaw na lang sa akin ngayon ay ang magandang musika na aking napapakinggan.

Hindi ko maipaliwanag, pero tila bumagal na rin ang takbo ng oras sa mga oras na ito.

Nakikita ko na, unti-unti nang nabubuksan ang manipis na tela sa arko kung saan lalabas ang taong makakasama ko sa buong buhay ko.

Una kong nasilayan ang puting pares ng mga sapatos na suot niya. Umangat pang lalo ang tela hanggang sa makita ko naman ang puting pantalon na suot niya.

Mas naging mabagal pa ang oras habang nag-aabang ako sa magaganap. Pero ang puso ko, napakabilis na ngayon ng takbo.

Umangat pang muli ang tela hanggang sa makita ko ang suot niyang tuxedo. Nakita ko na rin ang kamay niyang may hawak ngayon ng isang bugkos ng puting bulaklak na hinahaluan ng tila mga diyamante kaya kumikinang ito.

Nang umabot ang telang patuloy na umaangat sa bandang leeg niya ay kusa na lamang gumalaw ang aking isang kamay patungo sa dibdib ko dahil parang aatakihin na ako sa puso. Naramdaman ko rin ang panlalamig at panginginig ng katawan ko.

Nakita ko na ang labi niya at nasaksihan ko ang matamis niyang ngiti.

At nang tuluyan nang umangat ang tela hanggang sa masilayan ko na ang kabuuan ng kanyang mukha ay agad na nagtagpo ang aming mga mata.

Ngunit ang hindi namin inaasahan, habang nakatingin kami sa isa’t isa ay kusa na lamang bumagsak ang aming mga luha.

Ang usapan namin ay hindi kami iiyak, pero nang masilayan namin ang isa’t isa ay hindi na rin namin napigilan ang mapaiyak dahil sa labis na saya.

Ito pala ang sinasabi nilang pakiramdam sa araw ng kasal. Iyong maiiyak ka na lang sa sobrang sayang nararamdaman.

Naririto na siya.

Nasa harapan ko na siya.

Ang nag-iisang dahilan kung bakit may Rigo na isinilang sa mundo.

“Ang ganda-ganda mo… Ang ganda ng prinsesa ko…” bulong ko sa kanyang papuri habang patuloy na dumadaloy ang mga luha ko. Kinakausap ko siya kahit malayo pa rin ang aming pwesto.

Totoo naman ang sinabi kong maganda siya. Lalo pa siyang gumanda dahil sa flower crown na suot niya na gawa sa pinagdugtong-dugtong na sampaguita.

Nasaksihan ko ang mas paglawak pa ng ngiti ni Liam sa kabila ng mga luha niyang nag-uunahan.

“Thank you… Ikaw rin, ang gwapo-gwapo mo ngayon…” bulong niya rin mula sa malayo.

Nagsimula siyang humakbang nang mabagal sa aisle na ngayon ay marami nang bulaklak na nagkalat. Sinabayan niya ang musika na dinig na dinig ngayon sa buong lugar na ito. Patuloy pa rin kaming umiiyak, ngunit kasabay nito ang mga ngiti naming malawak.

Habang pinagmamasdan ko si Liam sa kanyang mga paghakbang ay kusa na lamang nagpakita sa aking isipan ang oras kung paano ko siya unang nakilala. Kusa na lamang nagpakita ang senaryo kung paano niya binago ang aking nakasanayan at sistema.

“H-hello, Randy. Nice to meet you. I-i’m Rigo.” nauutal kong pakilala sa kanya habang nakalahad ang isang kamay ko.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nangyari sa akin na magandahan ako sa mukha ng isa ring lalaki tulad ko. Ang mas nakakabigla pa, bumilis ang tibok ng puso ko nang matitigan ko ang magagandang pares ng mga mata niya.

“Not interested.” sagot niyang nakasimangot at hindi inabot ang nakalahad na kamay ko.

Natawa ako nang maalala ko ang senaryong iyon kung paano ko siya unang nakilala, kung paano siya sa akin pinakilala ng kaibigan naming si Xander.

Masungit na siya noon pa, pero iyon din ang isang ugali na minahal ko sa kanya.

Habang palapit nang palapit si Liam sa aking pwesto ay ang paulit-ulit din na pagpapakita ng mga senaryo kung paano niya ako noon paulit-ulit na tinanggihan.

“Hindi kita magugustuhan, Rigo! Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo!”

“Rigo, makuntento na lang tayo kung ano tayo at kung anong ugnayang meron tayo.”

“Imposibleng magustuhan kita. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa ’yo.”

“Hindi kita mahal! Hindi kita mamahalin! At hinding-hindi ’yan mangyayari kahit ipilit mo pa sa akin!”

“Kung talagang mahal mo ako, irerespeto mo kung ano ang desisyon ko. Hinding-hindi mangyayaring magiging tayo.”

“Umalis ka na!! Iwan mo na ako!! Hindi kita kailangan dahil hindi kita mahal!!”

Habang inaalala ang paulit-ulit na pagkabigo ko noon sa kanya ay hindi ko na naiwasan ang mas umiyak pa.

Ilang beses na ba niya akong tinanggihan? Hindi ko na mabilang. Paulit-ulit iyon sa loob ng maraming taon.

Pero heto, heto siya ngayon sa harap ko. Naririto siya dahil ako ang pinili niyang makasama hangga’t nabubuhay siya sa mundo.

Nakarating sa gitnang bahagi ng aisle si Liam nang hindi napuputol ang aming tinginan.

“I love you, Liam… I love you… I love you…” paulit-ulit kong ibinubulong iyon sa kanya habang patuloy din sa pagdaloy ng aking mga luha.

“I love you too… I love you more… I love you most…” sagot din niyang pabulong habang lumuluha.

Hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Gusto ko mang takbuhin siya para mahawakan man lang ay hindi ko na kaya dahil parang nanghihina ako. Alam kong gano’n din siya, nakikita ko iyon dahil sa nanginginig ang kamay niya habang hawak ang bugkos ng bulaklak.

Ilang segundo pa ang lumipas nang sa wakas ay nakaabot siya sa aking tapat. At nang tuluyan kaming magkalapit ay kusa na lamang gumalaw ang aming katawan para yakapin nang mahigpit ang isa’t isa.

“T-thank you… Thank you, Liam… Sobrang saya ko… Akala ko… akala ko, imposible nang mangyari ’to… Salamat…” wika ko sa pagitan ng pag-iyak habang mahigpit ang aking yakap.

“Ako, Rigz… A-ako ang dapat magpasalamat… Kung iisa-isahin ko ang dahilan kung bakit ako dapat na magpasalamat… h-hindi sapat ang isang araw… Kaya… k-kaya pasasalamatan kita habang-buhay… Thank you… Thank you, Rigo… Salamat…” sagot niya rin sa pagitan din kanyang pag-iyak.

Ngayon lang nagbalik sa normal ang kapaligiran. Nakikita ko na ang mga taong naririto ngayong yakap ko na si Liam. Naririnig na rin namin ang kanilang malakas na palakpakan. Ang ilan pa sa kanila ay luhaan dahil emosyonal na rin ngayon.

Ilang minuto pa kaming magkayakap ni Liam hanggang sa marinig ko ang pagsasalita ng aking pinsan.

“Ganito na lang ba tayo? Hindi na ba natin sisimulan ang kasal n’yo? Aba, bitiw na! Nagsisimula pa lang tayo, oh?!” pagsaway nito sa amin na ikinatawa rin ng aming mga kasama.

Doon lang kami natauhan ni Liam. Nagbitiw kami mula sa pagkakayakap at natatawang hinarap ang isa’t isa.

“Ang usapan natin walang iiyak, ’di ba..? Bakit ka umiiyak..?” tanong niya sa akin habang pinupunasan ng tissue ang aking mga luha.

Kinuha ko ang tissue na iyon mula sa kanya at pinunasan ko rin ang kanyang mga luha.

“Eh, ikaw..? Bakit ka umiiyak..? Ikaw nga yata ang naunang umiyak sa ating dalawa..?” tanong at pagbibiro ko sa kanya.

Muli ay natawa kaming dalawa kahit may luha pa rin sa aming mga mata.

Sumabat na rin si Xander sa pagkakataong ito.

“Simulan na! Mamaya n’yo na ibigay ang mensahe n’yo sa isa’t isa!” pagsaway nito sa amin.

Ngumiti kami ni Liam sa kanila. Kasunod nito ay hinarap ni Liam si Xander at kumilos siya para yakapin ito.

“Salamat, Xandz… Salamat sa lahat… Marami akong utang sa ’yo… Simula pa noon sinuportahan mo na ako… Maraming salamat dahil ikaw ang naging daan para matagpuan ko ang kasiyahan ko… Gusto kong malaman mo na napakaswerte ko dahil ikaw ang pinakamatalik na kaibigan ko…” mahabang mensahe ni Liam para kay Xander.

Hinaplos naman nang marahan ni Xander ang likod ni Liam.

“Wala ’yon. Maswerte rin naman ako sa ’yo. Sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa nakaraan, naging mabuti ka pa ring kaibigan. Hindi ako nagsisisi na ikaw ang napili ko noong kulitin para maging best friend ko lang. Dahil kung hindi kita napilit, walang successful businessman na Alexander Alvarez ngayon. Naging matiyaga ka sa kabila ng pagiging pasaway ko.” mahaba ring sagot ni Xander kay Liam.

Alam ko ang bagay na iyon. Sabay-sabay naming naranasan ang mapait at masayang karanasang iyon.

Nagbitiw sila sa pagkakayakap habang natatawa. Kasunod namang hinarap ni Liam ang kanyang Mama at niyakap din ito.

“Mama… Gusto kong malaman mo na masaya ako ngayon dahil nandito ka… Wala man ngayon si Papa, masaya pa rin ako dahil sa wakas, nangyari na ang matagal ko nang hinihiling sa inyo… Nandito kayo ni Ate para saksihan ang pinakamasayang sandali ng buhay ko…” umiiyak na mensahe ni Liam sa kanyang ina.

“Randy, anak… Masayang-masaya rin ang Mama dahil nasamahan ka… At kahit wala ngayon ang Papa mo, alam kong masayang-masaya at proud na proud din siya sa ’yo… Sigurado ako, kasabay rin namin siyang pumapalakpak sa oras na ito…” sagot naman ng kanyang ina sa kanya.

Ilang sandali pa silang magkayakap hanggang si Nanay Elise naman ang hinarap at niyakap nang mahigpit ni Liam. At kung kanina ay medyo maayos pa ang kanyang pagsasalita habang umiiyak, ngayon ay bahagya na siyang nahihirapan.

“N-nanay… Ang saya-saya ko po… Sa wakas nangyari na po ang lagi n’yong sinasabi sa akin noon… Na mahahanap ko rin ang kasiyahang matagal din na ipinagkait sa akin… Salamat, ’Nay… K-kasi… kasi… kahit miserable ako noon… hindi n’yo pa rin ako pinabayaan… Ikaw lang ang natira sa akin kahit noong tinalikuran ako ng lahat… Mas inuna mo ang kapakanan ko kesa sa sarili mo… Sorry po, Nanay… Sorry po… Sorry po kung matagal ko kayong pinag-alala at pinalungkot…” humahagulgol na mensahe ni Liam kay Nanay Elise.

Lahat kami ay sinabayan ang madamdaming kaganapan sa kanila ni Liam. Hindi namin naiwasan ang muling umiyak dahil dama namin ang nakapaloob sa mensaheng iyon ni Liam.

Hinaplos ni Nanay Elise ang likod ni Liam. Nagsimula rin siyang magsalita nang nahihirapan.

“Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad, anak… Masaya ako na ikaw lang ang kasama ko… Sapat na ang makasama at maalagaan kita… Ikaw lang din naman ang nagpakita at nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa… Hindi mo ako itinuring na iba… Ramdam ko ’yon, Liam… Ramdam ko ang pagpapahalaga mo sa akin kaya wala na akong hinangad pang iba sa buhay ko… Napakaswerte ko dahil itinuring mo akong ina kahit hindi naman tayo magkadugo… Sapat na ang lahat ng iyon, anak… Sobra-sobra pa…” mahaba ring mensahe ni Nanay Elise para kay Liam.

Halos makusot na ang suot nilang pareho dahil sa higpit ng pagkakayakap nila sa isa’t isa. Kitang-kita sa kanila ang pagmamahal na maikukumpara sa tunay na mag-ina.

Hinahaplos na naming lahat silang dalawa para mapakalma. Ilang minuto rin iyon hanggang sa bumitiw rin sila.

“Tahan na, anak… Sayang ang ganda, oh..? Sige ka, baka magbago ang isip ni Rigo ’pag hindi ka pa tumigil sa kakaiyak diyan..?” panunuyo ni Nanay Elise habang pinupunasan ang luha ni Liam.

“H-hindi niya gagawin ’yon, ’Nay… Alam mo namang sa akin lang ’yan patay na patay…” sagot naman ni Liam.

Lahat ng nakarinig ay natawa maging ako. Hindi ko na iyon ikakaila dahil totoo naman ito.

Matapos ang madamdaming tagpo sa pagitan ni Liam at ni Nanay Elise ay hinarap na rin ni Dom si Liam. Si Dom na ang yumakap dito at sinimulan na rin ibigay ang mensahe nito.

“Hindi muna ako manggagago ngayon, Randy, ha? Serious mode muna ako,” panimula ni Dom habang yakap si Liam. “Ikaw na ang bahala sa pinsan ko. Salamat dahil sa wakas, natanggap mo na siya. Tang*na, ang tagal din akong tinulig niyan, eh! Sumbong nang sumbong ang gago! Isang dekada rin ’yon! Akala ko nga poreber na! Pero buti na lang at napansin mo na siya! Makakapagpahinga na rin ang tenga ko sa wakas sa mga ngal-ngal ng hinayupak!” mahaba pang dugtong ni Dom.

“Uhm! Tarantado!” pagbigay ko sa kanya ng batok. Naging dahilan tuloy iyon para magbitiw sila ni Liam.

“Aray! Tang*na, totoo naman, eh! Sino bang lagi mong inaabala tuwing sasabihin mong nasasaktan ka dahil hindi ka napansin nito?! Ako naman, ’di ba?!” sumbat sa akin ni Dom habang timuturo si Liam.

“Ang sabi mo kasi magseseryoso ka! E, puro kagaguhan pa rin ’yang lumalabas sa bibig mo!” sermon ko sa kanya.

“Lul! Iba ang kagaguhan sa katotohanan!” balik naman niya sa akin.

Hindi na ako nagsalita matapos iyon. Tama naman kasi si Dom, siya ang lagi kong inaabala noon. Minsan ay bigla na lang akong papasok sa kwarto niya para lang maglabas ng sama ng loob. Inaabala ko siya sa paggising at sa pagtulog.

“Tama na nga ’yan! Mamaya n’yo na lang ’yan ituloy!” pag-awat na ni Xander.

Kasunod nito ay nakangiti nang hinarap ulit ni Liam si Dom.

“Dom, salamat din sa pagtanggap, ha? Ikaw ang unang tumanggap sa amin… Salamat din dahil kahit minsan, hindi mo pinaramdam sa akin na nagagalit ka na dahil nasasaktan ko noon ang pinsan mo… Salamat dahil naging mabuti ka pa ring kaibigan sa kabila ng nangyari sa amin ni Rigo… Salamat dahil wala akong hirap na pinagdaanan para matanggap ako…” mensahe nito kay Dom.

Lumawak ang ngiti ni Dom sa sinabi ni Liam. Kasunod nito ay inangat nito ang isa niyang kamay para haplusin sana ang ulo rin ni Liam ngunit mabilis din siya nitong pinagsabihan.

“Subukan mo lang guluhin ang flower crown at buhok ko, Dom. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ’pag ginawa mo ’yon.” pagbabanta at pagpigil ni Liam kay Dom.

“E, ’di ’wag! Napakaarte mo namang hipag!” maktol na ni Dom kay Liam.

Natawa kaming lahat dahil doon. Normal na sa paningin ko ang pagbabangayan ng dalawang ito. Madalas silang magtalo lalo na tuwing tungkol sa anak naming si Ar-Ar ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Tara na nga! Simulan n’yo na ang kasal dahil nagugutom na ako! Ang tagal mong maglakad kanina, Randy! Akala ko kailangan ka na naming hilain papunta rito, e!” reklamo at utos na sa amin ni Dom.

Doon na nga nagsimulang maghanda ang lahat. Hawak nang mahigpit ang kamay namin ni Liam ay umakyat kami ng isa pang hakbang sa entablado para harapin ang officiant na magkakasal sa amin ni Liam.

Ang officiant din na ito ang nagkasal kina Xander at Tom noon sa US. Pinadala siya rito nina Tita Mavel at Tito Ian. Bahagi rin iyon ng kanilang sponsorahip para sa kasal naming ito ni Liam.

Dahil sa minadali ko ang kaganapang ito ay hindi pa kami sigurado kung kikilalanin ng batas ng Amerika ang kasal naming ito dahil dito sa Pilipinas namin isinagawa ito. Wala namang kaso sa akin iyon. Dahil sakaling hindi man ito kilalanin, nasabi ko na rin naman kay Liam na handa ko siyang dalhin sa Amerika para isagawa ang aming ikalawang kasal maging legal lamang ito.

Noong sinabi ko kay Liam ang bagay na iyon ay naging napakasaya niya. Iyon naman ang gusto ko, ang lagi siyang mapasaya. Medyo nagkaroon lang ako ng kaba noong una, dahil noong sinabi kong handa akong pakasalan siya sa pangalawang pagkakataon ay nagsimula na naman siyang magplano sa pangalawang beses ko ring pamamanhikan sa kanila.

Pero nakapagdesisyon na rin ako. Kung sakali man na hilingin niya ulit ang bagay na iyon, kahit ilang beses pa ay ibibigay ko rin iyon. Dahil simula pa man noon ay nangako na ako, pasasayahin ko lang si Liam sa bawat araw na kasama ko ito.

“We gather here today, in the presence of family and friends to join Randy and Rigo in matrimony. We celebrate the coming together in love of these two men. We remember that marriage is a time when growing love is made public, when two people share mutual promises. We join in our support of them as they offer themselves to each other. We celebrate their joy, their love and their expectations. “ panimula ng officiant sa kasal namin ni Liam.

Nagpatuloy pa ang seremonya sa pamamagitan ng ilang mga dasal at hiling para sa aming dalawa.

Makalipas ang mahabang minuto pa ng seremonya ay pagkakataon naman para ipahayag namin ni Liam ang mensahe namin sa isa’t isa. Hawak ang dalawang kamay ni Liam ay hinarap ko siya habang nakatingin nang tuwid sa kanyang magagandang mata.

“Bilisan mo, baby Rigz, para ‘kiss the bride’ na! Ang tagal magsalita ni Judge! Malapit na akong mapunyeta!” bulong sa akin ni Liam na ikinatawa namin ng officiant. Pilipino rin kasi ito na nakabase sa US kaya naintindihan niya ang sinabi ni Liam.

Inihanda ko na ang sarili ko. Huminga ako nang malalim para ipaabot ang mensahe para sa prinsesa ko. Tahimik rin ang kapaligiran at tanging musika lang ang naririnig sa mga oras na ito.

“Liam,” panimula kong pagtawag sa kanya. “Madalas akong tanungin noon. Hindi raw ba ako napapagod? Hindi raw ba ako nagsasawa? Masyado na raw kasi akong umasa nang matagal. Marami na rin daw kasi akong isinakripisyo. Hindi raw ba ako napapagod na masaktan nang paulit-ulit dahil sa ’yo? Kasi hindi mo naman daw masusuklian ang nararamdaman ko…” panimula kong mensahe sa kanya.

Nawala na ang pagkakangiti ko habang sinasambit ang mga mensaheng iyon. Ganoon din si Liam, nanatili lang siyang nakikinig at nagsimula na ring maging malungkot ang magaganda niyang mga mata habang ibinabalik ko ang nakaraan naming dalawa.

Humugot ako ng malalim na hininga saka nagpatuloy sa mga sasabihin ko. Pero tulad kanina, nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko.

“Lagi ’yang tinatanong sa akin, Liam… Madalas kong naririnig ang mga katanungang ’yan… Kung minsan nga, pinangungunahan pa nilang hindi ako tatagal… Na magsasawa rin daw ako… Na matututo rin daw ako…” dugtong ko at huminga muli ako nang malalim. “Aaminin ko… Minsan na akong nag-isip na itigil na ’to… Minsan ko nang sinubukang lumayo sa ’yo… Minsan ko nang sinubukang sumuko sa ’yo…” umiiyak kong pagpapatuloy.

Nasaksihan ko kung paano mabilis na dumaloy ang mga luha ni Liam nang marinig niya ang huli kong mga kataga.

Inangat ko ang aking isang kamay para punasan ang kanyang mga luha. At habang ginagawa ko iyon ay nagpatuloy ako sa pagsasalita.

“P-pero, Liam… Gusto kong malaman mo na tuwing sinusubukan kong gawin ko ’yon, parang namamatay rin ako… Ilang oras pa lang kitang hindi nakakasama, iniisip ko na kung kamusta ka..? Kung kumain ka ba sa tamang oras..? K-kung nakapagpahinga ka ba..? Kung nakatulog ka ba nang mahimbing..? O kung nanaginip ka na naman ba ng masama..?” sunod-sunod kong tanong noong mga panahong iyon. “At tuwing naiisip ko ’yon, nakikita ko na lang ang sarili kong nasa tapat na naman ng pinto ng bahay mo… K-kasi… kasi hindi ko kaya, Liam… Hindi ko kayang mahiwalay sa ’yo kahit ilang oras lang…” dugtong ko pa at hindi ko naiwasang mapahagulgol.

Sa pagkakataong ito ay sumilay ang ngiti ni Liam kahit pa may luha siyang nag-uunahan. Kasunod nito ay inangat niya ang isa niyang palad para punasan din ang aking mga luha na hindi ko na kaya pang pigilan.

“K-kaya nga… kaya nga kahit hindi naging maganda ang ugnayang meron tayo noon, tiniis ko… Kahit gusto ko nang isigaw sa lahat na mahal kita, pinigilan ko… Kahit gusto kong ipagmalaki na akin ka, hindi ko magawa dahil alam ko kung hanggang saan lang ako…” pagpapatuloy ko sa pagitan ng pag-iyak.

“S-sorry… I’m sorry…” sambit ni Liam habang pinupunasan ang luha ko.

Umiling ako nang maraming beses.

“’Wag… wala kang dapat na ihingi ng tawad, Liam… Kasi… kasi kahit gano’n ang nangyari, masaya pa rin naman ako… Masaya ako kasi ako lang ang pinayagan mong makapasok sa buhay mo… H-hindi ka naghanap ng iba kahit malaya ka… Hindi mo pinaramdam sa akin na may dapat akong kainggitan… Hindi mo pinaranas sa akin na wala akong kasama at nag-iisa lang… Ikaw… ikaw ang nagturo sa akin para maging matapang… Ikaw ang nagturo sa akin na maging palaban… Ikaw ang nagturo sa akin na maging matatag sa mga hamon ng buhay…” paliwanag ko sa kanya.

Huminga muli ako nang malalim dahil kinakapos na ako sa hininga. Kasunod nito ay sinubukan kong ngumiti sa kabila ng patuloy na pagdaloy ng aking mga luha.

“Pero tingnan mo ngayon, Liam..? Sa dami ng sumubok sa atin… sa dami ng taong gustong sumira sa atin… heto tayo… Nandito ka sa harap ko… Kasama pa rin kita… Kasama ko pa rin ang unang taong nagpatibok sa puso ko… Nandito ka at pinatutunayan sa lahat na mapalad ako… Na may magandang kapalit ang mahabang panahong paghihintay ko sa ’yo…” humihikbi ko nang pagsasalita ngayon.

Patuloy pa ring pinupunasan ni Liam ang mga luha ko. At base sa nakikita ko ngayon sa kanya, gusto na niya akong patigilin sa pagsasalita dahil nahihirapan na rin ako.

Pero wala pa akong planong tumigil. Hindi pa ako tapos sa mga gusto kong sabihin sa kanya kaya nagpatuloy pa rin ako.

“Liam… alam kong marami na akong ipinangako sa ’yo… Natupad ko naman, ’di ba..? May nakalimutan ba ako..? May nakaligtaan ba ako..?” tanong kong humihikbi sa kanya.

Umiling siya habang umiiyak. “Wala, Rigz… Wala… Lahat ng pinangako mo, tinupad mo… S-salamat… Maraming salamat…” sagot niya.

Napangiti ako nang malawak dahil sa saya. Ang sarap sa pakiramdam na nagawa ko ang mga pangako ko sa kanya.

“Liam, marami pa akong gustong ipangako sa ’yo… Marami pa akong gustong gawin at patunayan sa ’yo… Kasi… kasi gusto ko, lagi kong makikita ang ngiti mo tuwing may natutupad akong kahilingan mo… At kung hindi magkakasya ang buhay ko ngayon para magawa ko ang lahat ng hihilingin mo… magmamakaawa ako sa Diyos na bigyan ulit ako ng pagkakataong mabuhay sa mundo… At kung mapapagbigyan Niya ako… gusto ko, ikaw pa rin ang ibigay Niya sa akin… Gusto kong ikaw pa rin ang makikilala ko… Ikaw pa rin ang makakasama ko sa pangalawang pagkakataon ng buhay ko…” mahaba ko pang lahad.

Hinahaplos niya ang aking pisngi nang bigla siyang nagtanong. “Okay lang ba sa ’yo kahit mabaliw pa ulit ako, Rigz..?” tanong niyang natatawa habang umiiyak.

Natawa rin ako bago iyon sinagot.

“Ayos lang…” una kong sagot. “Baliw din naman ako… Baliw na baliw ako sa ’yo…” dugtong ko pang medyo natatawa.

Narinig ko ang mahihinang pagtawa mula sa aming mga bisita. Narinig ko rin ang kantiyawan ng aming mga kaibigan.

“Ang lalandi talaga! Bumabanat pa!” nadinig kong kantyaw ng pinsan kong si Dom.

Nagpatuloy pa ako sa pagsasalita at hinawakan na ang kamay ni Liam na nasa pisngi ko.

“Ngayong dumating na ang sandaling ito sa atin, Liam… gusto kong magkaroon ako ng panibagong mga pangako…” panimula ko habang nakatingin sa kanya nang diretso.

Tumango si Liam bilang pagsagot na magpatuloy ako.

Muli akong ngumiti para sa huling bahagi ng sasabihin ko, ang aking magiging mga pangako.

“Simula ngayong araw na ito, simula ngayong oras na ito, nangangako akong mas dadagdagan ko pa ang pagsisikap ko… Sisiguraduhin kong mas mapapasaya kita, mas mapapangiti kita, mas mapoprotektahan, mas iintindihin, at mas lalo pa kitang aalagaan at mamahalin… Pangako, Liam… Gagawin ko ang lahat ng ’yan habang nabubuhay ako sa ibabaw ng mundo… Ikaw lang… Ikaw lang ang mamahalin ko hangga’t may natitirang hangin ang katawan ko…” pagtatapos ng mensahe ko at hinalikan ko ang palad niyang nasa pisngi ko.

Lumuluha si Liam nang sumilay ang magandang ngiti nito. “Salamat, Rigz… Salamat…” sagot niyang umiiyak.

Ilang segundo pa ang lumipas nang ibaba niya ang kanyang kamay upang ibalik sa aming mahigpit na pagkakahawak. Pagkakataon naman niya ngayon para magbigay ng mensahe sa akin.

“Rigz…” pagtawag niya sa pangalan ko habang diretso siyang nakatingin sa mga mata ko.

Ngumiti ako bilang pagsagot na ipagpatuloy niya ang nakatakdang pagbibigay mensahe at pangako niya para sa akin.

“G-gusto kong malaman mo na kung gaano karami ang taong gustong sirain at subukin tayo noon, gano’n din ang dami ng pagkakataon na paulit-ulit akong nagdarasal… Na sana… sana, hindi ka makinig sa kanila… Sana, magpatuloy ka… Sana, hindi ka magpadala sa mga sinasabi nila…” panimula ni Liam.

“Alam ko naman, Rigz, e… Hindi ako karapat-dapat sa ’yo… Para sa akin, masyado kang perpekto… Samantalang ako, marami mali sa pagkatao ko… Aminado naman ako, hindi ko deserve ang kagaya mo… Kaya nga hangga’t kaya kong pigilan noon ang nararamdaman ko, ginagawa ko…” kasunod ng kanyang naunang mensahe.

“K-kaso lang… kaso lang, sa bawat araw na ikaw ang kasama ko, mas nadadagdagan din ang pagmamahal ko sa ’yo… Hindi ko na ’yon nakontrol, Rigz… Dahil isang umaga, nagising na lang ako na mahal na mahal na kita… Na hindi ko na kayang mawala ka… Na hindi ako mabubuhay kung hindi kita kasama…” mahaba pang dugtong ni Liam at napahagulgol na siya. Naramdaman ko rin ang mas paghigpit pa ng pagkakahawak niya.

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagpunas ng kanyang mga luha.

“Tuwing kumakatok ka sa pinto ko, Rigz, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya… G-gusto kitang yakapin… Gusto kong isigaw na dito ka na lang… Pero alam mo rin kung gaano katigas ang ulo ko, ’di ba..? Kaya bumubungad akong nakasimangot pa rin sa ’yo… Sorry, Rigz… Sorry sa mga nagawa ko noon sa ’yo… Sorry kung naging mahina ako… Sorry kung mag-isa kang nakipaglaban… Sorry kung paulit-ulit kitang iniiwang luhaan…” tuloy-tuloy niyang pagsasalita.

Pinisil ko nang bahagya ang malambot niyang pisngi habang may ngiti sa aking labi.

“Tapos na ’yon, Liam… Ang mahalaga, magkasama na tayo ngayon…” pagtutol ko sa paghingi niya ng tawad.

Tumango naman siya bilang pagtugon. Ayaw kong paulit-ulit niyang sinisisi ang kanyang sarili dahil sa nangyari noon. Ang dapat kong iparamdam sa kanya ay limot ko na ang mapapait na bagay na iyon.

Huminga nang malalim si Liam at nagpatuloy ito.

“S-sa buong buhay ko, Rigz… lagi kong iniisip na malas ako… na walang saysay ang buhay ko… na salot ako… na wala akong silbi sa mundo… Pero simula noong dumating ka… Natutunan kong makita ang halaga ko… N-natutunan kong isipin na may dahilan kaya nabuhay ako… Naramdaman ko na may tatanggap sa akin nang buo… At ikaw, Rigz… Ikaw ang dahilan ng lahat ng mga pagbabago ko… S-salamat, Rigz… Salamat dahil nakilala kita… Salamat dahil dumating ka… Ikaw ang nagturo sa akin para makaramdam ng saya…” nahihirapang pagsasalita ni Liam.

Nakikita kong nahihirapan na rin siya, pero tulad ko kanina ay ramdam kong nilalabanan niya ang hirap ng pagsasalita para lang masabi sa akin ang lahat ng gusto niyang ipahayag.

“A-alam kong marabing beses ko pang pasasakitin ang ulo mo… Alam kong maraming beses ka pang mapipikon sa akin dahil sa ugali ko… Pero ngayon pa lang, Rigz… nagmamakaawa na ako sa ’yo na ’wag kang magsasawa sa akin… Na sana… sana, hindi ka mapagod sa akin… Nangangako naman ako, e… makikinig ako sa ’yo… Susubukan kong kontrolin ang ugali ko… Kaya, please..? ’Wag mo akong iiwan… K-kasi… kasi… hindi ko kaya… Hindi ko kaya, Rigz… Hindi ko kakayanin…” humahagulgol pa rin niyang pakiusap sa akin.

Hinaplos kong muli ang kanyang pisngi para mapakalma siya.

“Hinding-hindi mangyayari ’yon, Liam… Tanggap kita simula pa noon… Tanggap ko kung ano ka at makakaasa kang kahit anong mangyari, kakampi mo ako… Naiintindihan mo..?” pagpapaunawa ko.

Tumango naman siya at alam kong nakumbinsi siya sa sinabi ko.

Nagpatuloy pa siya makalipas ang ilang segundo.

“Hindi ako perpekto, Rigz… H-hindi man ako kasing galing ng ibang asawa… hindi man ako magiging isang ulirang ina para sa anak nating dalawa… gagawin ko naman ang makakaya ko… Nangangako ako sa ’yo, Rigz… Nangangako ako na gagawin ko ang lahat para mapasaya ka… Araw-araw… oras-oras… at minu-minuto… ipaparamdam ko ang pagmamahal ko sa ’yo… Lahat ng nasayang na panahon sa atin noon, Rigz… pinapangako kong babawiin ko…” unang bahagi ng pangako ni Liam.

Saglit siyang huminto para kumuha ng hangin bago siya nagpatuloy sa huling bahagi ng kanyang pagbibigay mensahe sa akin.

“At tulad mo, Rigz… kung hindi magkakasya ang buong-buhay ko… hihilingin ko rin sa Diyos na mabigyan ulit ako ng pagkakataon para mabuhay sa mundo… At kung matutupad man iyon, gusto kong ikaw pa rin ang makilala ko… Gusto kong ikaw pa rin ang makakasama ko… At pangako, sa oras pa lang na makilala kita… sasabihin ko agad sa ’yong mahal kita… Na mahal na mahal kita kahit kakikila pa lang nating dalawa… Hindi ko na hahayaang maulit ang senaryo na naghintay tayo nang matagal na dalawa… Pangako ’yan, Rigz… Pangako…” pagpapatuloy pa nito.

Matapos niyang sabihin iyon ay kusa na lamang gumalaw ang aming mga katawan para yakapin ang isa’t isa. Pareho kaming lumuluha, ngunit ramdam kong pareho rin kaming nalulunod ngayon sa saya.

“Mahal na mahal kita, Rigz… Mahal na mahal… Salamat sa tiyaga… Salamat sa paghihintay… Salamat sa pagpapahalaga… Salamat sa lahat… Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko… Ikaw ang katuparan ng lahat ng pangarap ko…” wika ni Liam habang yakap ako.

“Mahal na mahal din kita, Liam… Mahal na mahal higit pa sa alam ng karamihan… Mahal kita at handa akong paulit-ulit kang ipaglaban… Salamat sa pagdating sa buhay ko… Salamat sa pagtupad ng simpleng pangarap ko… Salamat sa ’yo… Ikaw rin ang katuparan ng lahat sa akin… Ikaw lang, Liam… Ikaw lang…” sagot ko ring mahaba sa kanya.

Matapos naming sabihin iyon ay tumayo ang lahat ng bisita at pinalakpakan kaming dalawa. Nakita namin ang mga malalapit sa aming tao na lumuluha ngunit suot ang magandang ngiti nila. Kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mga mukha dahil sa wakas ay nangyari na ito sa amin ni Liam makalipas ang mahabang panahon na paghihintay naming dalawa.

Ilang minuto pa naming yakap ni Liam ang isa’t isa hanggang sa binigyan na rin kami ng officiant ng kautusan na sagutin ang talumpating aming bibitiwan.

“Will you, Rigo, have Randy to be your husband? Will you love him, comfort and keep him, and forsaking all others remain true to him as long as you both shall live?” tanong sa akin ng judge.

Kaharap ko pa rin si Liam at hawak ko pa rin kamay niya. Ngumiti ako at diretsong nakatingin sa kanyang mga mata nang sagutin ko ang officiant.

“I will.” sagot kong malawak ang pagkakangiti.

Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Liam tanda ng kanyang kasiyahan.

Matapos iyon ay si Liam naman ang tinanong ng officiant.

“Will you, Randy, have Rigo to be your husband? Will you love him, comfo—”

“I will!” mabilis na sagot ni Liam na hindi na pinatapos sa pagtatanong ang officiant.

Nagtawanan ang mga tao maging ang judge dahil sa inasal na iyon ni Liam.

“Napakarami pa kasing sinasabi! I will! Siyempre, I will!” bulong pang reklamo ni Liam na lalo kong ikinatawa.

Gusto ko nang kurutin ang kanyang pisngi dahil ang cute-cute niya tuwing nagsusungit siya tulad nito.

Napapailing habang natatawa ang judge na binigyan naman kami ng kautusan na ulitin ang kanyang mga sasabihin bilang pangako namin ni Liam sa isa’t isa.

Nagpatuloy pa ang seremonya hanggang sa umabot naman kami sa sandali ng pagsusuot namin ni Liam ng aming mga singsing.

Kaharap si Liam at hawak ang isang kamay niya ay itinapat ko ang singsing sa kanyang daliri na magiging simbolo ng aming pagiging mag-asawa.

“Liam, as I give you myself, with love and affection, wear this ring in peace always.” nakangiti kong pagkausap kay Liam.

Ngumiti si Liam at marahang tumango sa akin bilang pagsagot. Matapos iyon ay dahan-dahan kong isinuot ang singsing sa daliri niya. At nang maisuot ko na ito ay muli ko siyang tiningnan sa mga mata.

“Asawa na kita, aking prinsesa.” nakangiti kong sambit sa kanya.

Mas lumawak ang ngiti niya. Kitang-kita ko ang saya sa mata ni Liam na labis kong ikinatuwa.

Kasunod nito ay pagkakataon naman ni Liam para isuot ang singsing sa akin.

“Rigo, as I give you myself, with love and affection, wear this ring in peace always.” nakangiti niyang lahad habang nakatapat sa aking daliri ang singsing na isusuot niya sa akin.

Tumango rin ako bilang pagtugon sa kanya. Kasunod nito ay dahan-dahan niya rin itong isinuot sa daliri ko.

“Asawa na rin kita, baby Rigz. Akin ka na at wala nang makakagaw pa sa ’yo. Sasakalin ko ang lumandi sa ’yo! Sasabunutan ko. Sasampalin ko! Tatapyasin ko an––”

“Ssshhh!! Oo na, sige na, Liam. Sa ’yo lang ako! Iyong-iyo lang ang buong pagkatao ko!” pagputol ko na sa kanya. Napansin ko kasing nanggigigil na siya. Mukhang gumagana na naman ang imahinasyon niyang may lumalandi sa aking iba.

“Very good.” nakangiti na niya ngayong sagot sa akin.

Ibang klase talaga siya. Namumukod-tangi siya. Pero ang ugali niyang ito ang mahal ko rin sa kanya. Lalo kong nararamdaman ang pagmamahal niya.

May mga sinasabi pa ang officiant bilang bahagi ng seremonya. Pero si Liam, pinanlikisikan na siya ng mga mata.

“Punyeta talaga! Napakatagal! Ang dami pang sinasabi! Kiss the bride na!” bulong na naman ni Liam na ikinatawa na naman namin ng judge. Aliw na aliw kami sa pagiging atat ni Liam.

Makalipas pa ang ilang sandali ay inutusan na naman kami ng officiant na mas lumapit pa sa isa’t isa.

“And now we’re on the most awaited moment, Randy.” natatawang pagkausap ng judge kay Liam.

“Pakibilisan!” sagot naman ni Liam at inirapan pa ang judge.

Umiling muli ang judge habang natatawa bago muling nagsalita sa mas malakas na niyang boses.

“Inasmuch as you, Rigo, and you, Randy, have thus consented in matrimony and have witnessed the same before family and friends, by virtue of the authority vested in me as an Officiant and the laws of this state, I now pronounce you Married!” malakas niyang pagdeklara.

Matapos ang pagdedeklarang iyon ay nag-ingay ang paligid dahil sa sigawan at palakpakan. Lahat sila ay nagbubunyi dahil sa huling bahagi ng kasal namin ni Liam.

Saglit na tumigil ang judge bago ibigay ang kautusan ng pinakamahalagang bahagi ng seremonya.

Hawak pa rin namin ni Liam ang kamay ng isa’t isa. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Liam tanda na kinakabahan siya. Ganoon din ako, bumilis din ang tibok ng puso ko dahil sa panibagong yugto ng buhay namin ni Liam na ngayon ay asawa ko na.

Ilang segundo pa ang lumipas nang marinig namin ang boses ng officiant tanda ng huling kautusan na magmumula sa kanya.

“Rigo and Randy, you may now seal your marriage with a kiss!” malakas niyang utos sa amin.

Nang marinig namin ni Liam ang mga salitang iyon ay gumuhit sa amin ang malawak na ngiti. Lumakas din ang musika na kanina pa tumutugtog sa paligid.

Ilang segundo pa kaming nakatitig sa mata ng isa’t isa hanggang sa iangat ko ang dalawa kong kamay patungo sa magkabilang pisngi ni Liam. Siya naman ay marahang humawak sa magkabila kong bewang.

Unti-unti, humakbang kami ni Liam upang lalo pang magkalapit.

Inangat ko ang mukha ni Liam at mula roon ay pinaliit ko ang aming pagitan.

Parang naging mabagal ang oras nang dahan-dahan ko pang pinaliit ang pagitan ng aming mga mukha.

At nang ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha naming iyon ay napapikit na kaming dalawa.

Hindi na nga nagtagal pa, kasunod nito ay naramdaman na namin ang pagdidikit ng labi naming dalawa.

Parang isang panaginip ang lahat. Ibang-iba sa pakiramdam na nahalikan ko ngayon si Liam. Tila ba ito ang unang beses na nangyari ito sa aming kasaysayan.

Nagbunyi ang lahat ng nakasaksi. Umalingawngaw ang sigawan at palakpakan habang ang labi ni Liam ay magkadikit. Naramdaman ko na rin ang pagsaboy sa amin ng mga bulaklak mula sa mga taong naririto.

Hindi pa rin kami nagbitiw ni Liam. Mula sa pagkakadikit ay sinimulan naming iparamdam ang aming pag-iibigan sa pamamagitan ng mas mainit pa naming paghalik.

Napakasaya ko.

Natupad na ang pangarap ng isang Rigo.

Sa wakas ay maaangkin ko na siya.

Hindi na lang bilang kasama.

Hindi na lang bilang kaibigan niya.

Hindi na lang bilang boyfriend niya.

Akin na siya.

Asawa ko na siya.

Si Randy Liam de Torres ay magpapalit na ng pagkakakilanlan niya.

Siya na ngayon ang nag-iisang Randy Liam Silvestre.

Siya na ang aking mahal na asawa.


A/N

Salamat po sa matiyagang paghihintay! Sana ay natuwa kayo rito sa first part! Meron pa, ha?! Hanggang tatlo ito at may bonus pa na mababasa sa nakahiwalay na libro. Ayyiiee~ Ano iyon? Secret! Hahahahaha!

Mahal ko kayo! Salamat sa pagmamahal sa dalawang bidang sina Randy at Rigo!

–– cold_deee ❤

FINALE - PART 2

A/N

Guys, advice ko lang ito. Mas maganda kung may internet kayo habang binabasa ang Part 2 na ito. Musicale ang peg dahil maraming music ang nakapaloob dito. Dagdag din iyon para mas lalo kayong ganahan sa pagbabasa ninyo. Depende pa rin po, pwede rin namang hindi. Hehe!

Part 2 finale is dedicated to

JohnMichaelClaour

! Salamat sa pagsupport sa story, bebe! Isa ka sa mortal na kaaway ni Randy! Nakikita ’yon ko sa FB! Hahahaha!

Enjoy reading po!

––> Ang ilang cast po sa media.


RANDY’s POV

Lumalalim na ang gabi, pero ang mga imbitado sa kasal namin ni Rigo ay nagsisimula pa lang sa kanilang kasiyahan. Marami na ang nag-iinom at ang ilan naman ang nagsasayawan.

“Baby Rigz, babalik muna ako sa mga kaibigan natin, ha? Medyo masakit na kasi ang paa ko. Kanina pa tayo naglalakad at nakikipag-usap sa mga tao.” malambing kong pakikipag-usap sa aking asawa habang nakapulupot ang dalawa kong kamay sa kanyang isang braso.

Syet, kinikilig na naman ako. Asawa ko na talaga si Rigo. Marami na naman ang maiinggit sa kagandahan ko.

Hinawakan niya naman ako sa isang pisngi at hinalikan niya rin ako sa noo.

“Sige, Liam. Pupuntahan na lang kita mamaya. Magpahinga ka muna.” sagot niya naman sa aking nakangiti. Kasunod ng pagsagot niyang iyon ay hinalikan niya ako sa labi.

Narinig ko ang mahinang kantiyawan sa aming harapan dahil sa kanilang nasaksihan.

Marami kaming kausap sa mga oras na ito. Mga negosyante, representatives, at ilang may-ari ng mga produktong ineendorso ni Rigo.

“Who would have thought? Ang isa sa pinakasikat na modelo ay ikinasal na rin sa wakas! Sigurado akong mag-iingay lalo ang pangalan mo nito, Rigo, hindi lang dito sa Pilipinas.” wikang nakangiti ng may edad na lalaki sa aming harapan.

Sino nga ba ang huklubang ito? Nakalimutan ko na ang pangalan niya. Ang naaalala ko lang ay isa siya sa may-ari ng pinakasikat na perfume company sa bansa. Si Rigo ang endorser nila kaya naimbitahan din siya. Sa dami kasi ng ipinakilala ni Rigo sa akin ay hindi ko na matandaan ang ilan sa kanila.

“Hindi naman po siguro? Hindi naman ako kagaya ng mga Hollywood celebrities na dapat nilang pag-usapan at pagkaguluhan.” natatawang sagot naman ni Rigo sa lalaking iyon.

Napaka-humble talaga nitong asawa ko. Halatang-halata namang sikat na siya. Kanina nga ay sabay pa kaming naimbitahan na ma-feature sa isang magazine na ipa-publish pa sa Canada. Hindi lang iyon, kasama rin namin ang aming anak na si Ar-Ar na mapapabilang sa gagawin naming photoshoot doon.

“Well, hindi nga siguro ngayon. Pero malay natin bukas, ’di ba? Masyado ka nang sikat, Rigo! Hindi lang iyon, mukhang pati ang asawa mo ay mapapabilang na rin sa industriyang kinabibilangan mo. Tingnan mo naman kasi, napakaganda ng mukha. Marunong din siyang makisama at makihalubilo sa media. Makikita mo agad na matalino siyang tao base na rin sa kilos niya.” sabat naman ng isang hukluban ding babae. Siya naman ay may-ari ng isang kilalang wristwatch hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ilan pang mga bansa.

“Salamat po.” sagot ko namang nakangiti sa babaeng iyon.

Kanina pa ako ngiti nang ngiti sa kanila. Kanina pa ako nakikisama. Kanina pa ako kumakaway sa mga pagbati ng media. Kaninang-kanina pa simula nang ipakilala ako ni Rigo sa kanila.

Pero, punyeta!! Napapagod na talaga ako sa pagpapanggap kong mabait sa harap nila! Pagod na pagod na ako! Gusto ko na silang pagsasampalin at palayasin dito sa resort! Hindi ko na masolo si Rigo dahil wala kaming ginawa kundi kausapin silang mga mukha namang uod!

“Rigz, gigil na ako. Ayaw ko na rito. Gusto ko nang umupo.” madiin kong bulong kay Rigo at hinalikan ko siya sa pisngi para hindi naman mapansin ng aming mga kausap na napepeste na ako sa mga pagmumukha nila. Kasunod nito ay ibinalik ko ang aking sarili sa pagkakangiti at hinarap muli ang aming mga BWISITA.

Mukhang madali ko namang nakumbinsi si Rigo dahil nakisakay rin ito sa palabas ko. Nginitian niya rin ang aming bisita at alam kong peke rin ito.

“Aalis muna saglit ang asawa ko, ha? Kakamustahin lang muna niya ang iba pa naming mga bisita.” magalang na pagpapalusot at pagpapaalam sa akin ni Rigo sa kanila.

“Go ahead, hijo! Puntahan mo muna sila para makisaya sa kanila. Don’t worry about us. Nag-e-enjoy naman kami rito.” masaya namang pagsang-ayon ng isang may edad na babae. Medyo napupunyeta rin ako sa hitsura niya dahil may suot siyang maliit na korona. Debutante ka, ’te? Debutante sa edad na sixty?

“Maraming salamat po. Enjoy lang po, ha? Don’t hesitate to ask us kung may mga kailangan pa kayo. Gusto naming maging masaya ang gabi ninyo.” pekeng ngiti ko namang sagot sa kanila.

Sinabi ko iyon na aakalain mong natutuwa talaga ako. Pero sa totoo lang, gusto ko nang lagyan ang inumin nila ng pampatulog. Gusto ko na silang manahimik at mapagod.

Tumango naman ang ilan pang mga naririto bilang pagpayag sa pagpapaalam ko. Itinaas pa nila ang wine glass na iniinom ng mga ito.

Ihampas ko kaya ’yon sa mga ulo nila? Napupunyeta talaga ako sa kanila!

Hindi na ako nagsalita pa, tanging pagtango habang nakangiti na lang ang ibinigay ko sa kanila.

“Pupuntahan na lang kita mamaya.” paalam sa akin ni Rigo at hinalikan na naman ang labi ko.

Syet, ang sweet ng asawa ko. Kinikilig na naman ako.

Matapos iyon ay tinalikuran ko na sila. Naiintindihan ko naman si Rigo, kailangan iyon sa kanyang trabaho. Pero napapagod na talaga ako. Kailangan kong magrecharge para may panibagong lakas ako mamaya.

“Hi! Okay lang ba kayo rito?” plastik ko na namang ngiti nang may madaanan akong grupo ng mga media sa isang table.

“Yeah! Nag-e-enjoy naman kami, Randy! Ang sasarap ng mga nakahandang pagkain sa kasal ninyo ni Rigo! Saka parang hindi nauubos!” sagot naman ng matabang babae na abala pa rin sa pagkain.

Patay-gutom. Kanina ko pa napapansin na pabalik-balik siya sa buffet table.

“Enjoy lang, ha? Marami pang nakahandang pagkain kaya hindi magkakaubusan.” sagot ko pa ring puno ng kaplastikan. Pero ang totoo, gusto ko na siyang mabulunan.

Matapos ang kaunti pang pakikipag-usap sa kanila ay nagkaroon din ako ng tiyansang iwan sila. Wala lang akong choice kanina dahil nadaanan ko ang table nila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at kinailangan ko namang daanan ang gitnang bahagi nitong reception area. Dito pa rin sa isang parte ng malaking garden ng Miracle Island kung saan naganap ang aming kasal ay naroon ang isang pavilion sa gitna. Iyon din ang nagsilbing dance floor para sa mga gustong sumayaw na bisita.

Maraming iba’t ibang ilaw ang patay-sindi. Maging ang dancefloor ay nagliliwanag sa mga oras na ito dahil umiilaw rin ang ilalim nito. Malakas din ang magandang tugtog na maririnig na talagang nakakaengganyo. Pinangunahan kasi ng aming kaibigang DJ na si Anthony ang pagpapatugtog ngayong gabi. Siya ang namahala sa sound system para lalong matuwa ang lahat dito sa party.

Napakaganda talaga ng reception ng kasal namin ni Rigo. Hindi lang kami ni Rigo ang namangha kundi pati na rin ang lahat ng bisita namin dito.

Nasa dance floor ang ilan naming mga kaibigan at abala sa pagsasayaw. Masayang-masaya sila maging ang mga bata.

“’Nak, pinagpapawisan ka na yata? Ayokong mangangamoy pawis ka, ha?! Kukurutin talaga kita ’pag natuyuan ka rin ng pawis sa likod mo!” paninita ko kay Ar-Ar nang madaanan ko itong humahataw sa pagsasayaw. Kasayaw niya rin sina Carla, Nicole, at ang dalawa kong pamangkin na sina Ran at Yam.

“Hindi, Ma! Kakapalit ko lang po ng damit! Saka heto, oh?! Nilagyan ako ni Lola ng towel sa likod! Saka pinulbusan niya pa ako! Woohhh!!” sagot niyang may kalakasan habang ipinapakita sa akin ang towel na nilagay ni Tita Eve sa kanyang likod. Nakikipag-usap din siya sa akin habang patuloy pa rin siya sa kanyang pagsasayaw.

Kung makahataw naman ang anak kong ito, akala mo ay napakahusay! Puro lundag lang naman ang ginagawa!

“Ma, sayaw tayo!!” galak na galak niya pang pagyaya sa akin. Kinuha niya pa ang isang kamay ko habang sumasayaw pa rin sa harap ko.

Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang nag-init ang ulo ko. Wala akong katalent-talent at alam ’yon ng anak ko. Pero heto siya at halos hatakin na ako para lang mapagbigyan ang kanyang gusto.

Gustuhin ko mang pagalitan si Ar-Ar ay pilit kong pinakalma ang sarili ko. Maraming nakakakita sa amin kabilang na ang mga taga-media. Ayaw kong maakusahang inaabuso ang sariling anak ko. Kaya sa halip na kurutin o pagalitan ko si Ar-Ar ay yumuko ako para bulungan ito.

“’Nak, gusto mo bang ma-high blood si Ma? Aakyat tayo sa kwarto ninyo ng Tito Dom mo at kukurutin ko ’yang singit mo. Punyeta. Alam mong walang talent ang Ma, ’di ba? Gusto mo ba akong mapahiya?” nakangiti ngunit may diin kong pagbabanta.

Hindi pa rin natinag si Ar-Ar sa sinabi kong iyon, panay pa rin ang hataw niya nang sagutin ang sinabi kong iyon.

“Ayaw ko, Ma! ’Wag ka nang magalit! Ang saya-saya ko lang kasi kasal na kayo ni Daddy! Ang saya-saya ko kasi nakita kong masaya kayong dalawa! Masayang-masaya si Ar-Ar, Ma!! Labyu, Ma!!” sigaw nito at niyakap ang leeg ko.

Hayy… Ang bilis talagang mawala ng inis ko ’pag ganito sa akin ang anak ko. Wala tuloy akong nagawa kundi ang mapangiti at yakapin din ito.

“I love you too, anak…” sagot ko at hinalikan siya sa pisngi.

Hinalikan niya rin ako, kasunod nito ay bumitiw na rin siya at nagpatuloy na sa pagsasayaw sa entablado. Ako naman ay natatawa na lamang na iniwan na rin siya.

“’Yung anak ko, ha? Bantayan mo ’yan! Kundi, sasamain ka sa akin!” pagbabanta ko kay Tita Eve nang masalubong ko ito. Mukhang pupuntahan na naman niya ang kanyang apo para tingnan ang kalagayan nito.

Sinagot naman niya ako ng mga pagtango habang nakangiti ito. Iyon lamang at mabilis na rin niyang pinuntahan ang anak ko. Nagmukha tuloy siyang Yaya ni Ar-Ar ngayong kasal namin ni Rigo. Halos hindi na niya makausap ang mga inimbitahan nilang bisita dahil lagi siyang nakabantay sa kanyang apo. Si Tito Ed na lamang ang humarap sa kanilang mga inimbitahan at nakipag-usap dito.

Wala naman akong masasabi sa ginagawang pag-aalaga ni Tita Eve kay Ar-Ar. Ganoon na siya simula pa noon. Kitang-kita namin kung paano niya alagaan sina Dom at Rigo noong mag-aaral pa lang kami ng mga ito. Kung minsan nga ay inaasar pa namin nina Xander at Shai na mga Mama’s boy silang dalawa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad para magtungo na sa table ng aking ilang mga kaibigan. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakaalis sa dance floor ay may malagkit na kamay na naman ang humawak din sa aking kamay.

“Mars! Sayaw tayo!” biglang pagsulpot ng hunyango.

Huminga ako nang malalim. Masyadong maganda ang mood ko dahil nilambing ako ng anak ko.

“Ninang, ikaw na lang. Wala ako sa mood sumayaw.” may pekeng ngiti kong pagtanggi kay Coke.

“No! Kailangang sumayaw ka! Moment mo ’to! Feel this moment, Mars, dahil ikaw ang bida ngayong gabing ito!” pang-e-engganyo niya pa rin sa akin at mas hinatak pa akong lalo.

“Ninang, hindi nga pwede. Please? Manonood na lang ako sa karima-rimarim na sayaw mo.” pagtanggi ko pa rin sa kanyang nakangiti habang binabawi ko ang aking kamay mula sa nakakadiring kamay nito.

Hindi siya nakinig, mas lalo pa akong hinila ng ulikba.

“Sige na kasi, Mars! Nandito rin ang friends mo, oh?! Sali ka na sa amin!” mas malakas niya pang pag-imbita sa akin habang tinuturo ang mga kaibigan namin ni Rigo. Naroon sila at nakatingin sa amin ni Coke na naghihilaan sa mga oras na ito.

Nakita ko sina Xander na karga si baby Drey, si Tom at ang kapatid nitong si Julius, si Popoy, Charm, Ben, Dom, Vinci, Lojie, Olyn at Eunice. Ang saya talaga nila sa mga oras na ito, enjoy na enjoy sila sa pagsasayaw habang nakapabilog ang kanilang pwesto. Ang wala lang doon ay sina Dee, Daniel at Shai na mga wala ring hilig sa pagsasayaw tulad ko.

“Hindi nga pwede, Ninang!” pagtanggi ko pa rin at pilit ko pa ring kinokontrol ang dugo kong nagsisimula na namang kumulo sa mga oras na ito.

Nagulat ako nang yakapin na ni Coke ang braso ko.

“Halika na kasi! ’Wag ka nang mahiya!! Pumunta ka sa gitna namin tapos doon ka magtwerking at gumiling!!” galak na galak niya pang pagpilit sa akin.

“PUNYETA!! SINABI NANG AYOKO!!” sigaw ko na at sinampal ko na rin siya!

Wala na! Inubos na ni Coke ang pasensya ko! Sinabi ko nang ayaw ko pero pilit pa rin ng pilit ang ulikbang ’to!

Nilibot ko ang aking paningin. Doon ko natagpuan ang maraming tao na nakatingin sa amin. Lahat sila ay natigilan dahil sa naging eksena namin ni Coke na ngayon ay sapo ang kanyang pisngi .

Punyeta. Mukhang masisira na ang pagpapanggap ko bilang mabait ngayong araw na ito! Nakakainis naman kasi ’tong si Coke, e! Mawawalan tuloy ng saysay ang mga hirap na pinagdaanan ko para lang magpakaplastik sa mga tao rito!

Napalunok ako at hindi ko naiwasang kabahan. Iniisip ko na bukas ay laman na kami ng balita at pahayagan. Ngunit dahil sa likas akong bibo sa kalokohan ay niyakap ko si Coke kahit gusto ko na siyang sabunutan.

“Ninang, tumawa ka! Sabihin mong close lang talaga tayong dalawa kaya nasampal kita! Pagtakpan mo ako! Dahil kung hindi, itatakwil kitang Ninang ng anak ko! Hahanapan ko pa ng bagong manager si Rigo!” pagbabanta kong pabulong sa kanya.

Naramdaman kong natigilan si Coke. Kasunod nito ay binitiwan niya ako at nagpakawala ng pekeng pagtawa ito.

“Guys, wala lang ’yon! Ganito lang talaga kami ng kumare ko! Hayaan n’yo, bukas na bukas din, ako naman ang sasampal dito! Ganito lang talaga kami ka-close kaya minsan nagkakasakitan kami nito!” natatawang paliwanag ni Coke sa mga tao.

Tumango naman ang mga nakasaksi, ngunit ang mga kaibigan namin lalo na si Xander ay rumehistro sa mukha ang reaksyong hindi sila nakumbinsi. Kilala naman nilang maldita talaga ako.

“Sige, ituloy na ninyo ang sayaw! Let’s party!! Woohhh!!” sigaw muli ni Coke sa mga tao habang winawagayway ang mga kamay nito.

Doon lamang nagpatuloy ang mga tao sa naunsyaming pagsasayaw nila. Kasunod nito ay hinarap na ako ni Coke at nagpatuloy sa kanyang pekeng pagtawa.

“May araw ka rin sa akin, Mars! Masakit ’yon, ha? Isusumbong kita kay Rigo! Kasusumpa mo pa lang kanina sa kanya na susubukan mong magpakabait, pero heto at sinampal mo na naman ako!” pekeng pagtawa niyang pagbabanta sa akin. Nagawa niya pang sumayaw sa harap ko na akala mo ay natutuwa talaga siya sa mga oras na ito.

“Ikaw naman kasi! Bakit ba pilit ka nang pilit na sumayaw ako?! Gusto mo talagang mapahiya ako, ’no?! Pang-quiz bee lang ang ganda ko okay?! Hindi ako kagaya ninyo na pang-buwis-buhay ang talento!” buska ko sa kanya.

“Pisti! E, ’di ’wag! Ang dami mong hanash! Diyan ka na nga! Ako na lang ang eeksena!” buska nito pabalik. “Wooohh!! Party tayo, mga besh!! Wooohhh!!” sigaw naman niya at mabilis na rin akong iniwan sa aking kinatatayuan.

Ang tigas at ang gaspang talaga ng mukha ng kumare ko. Parang hindi man lang tinablan sa lakas ng sampal ko.

Nagpatuloy na naman ako sa paglalakad habang kumakaway. Nagsimula na naman ako sa aking pagpapanggap dahil marami na naman ang nakabantay. Ganito pala ang maging celebrity? Kailangan lagi kang nakangiti. Nakakapunyeta. Nakakapagod.

Nakarating ako sa isang table at tanging si Daniel lang ang naabutan ko roon. Abala siya sa panonood sa kumpulan ng aming mga kaibigang nagsasayaw ngayon. Gusto ko sana siyang kamustahin ngunit mukhang malalim ang iniisip nito. Nakabusangot na naman siya at nakakunot ang kanyang noo.

Ayaw kong mabwisit si Daniel. At dahil dakilang mabait ako ay kinalabit ko ito.

“Hoy, Daniel! Nasa’n sina Shai?!” masungit kong tanong sa kanya.

Matalim naman akong tiningnan ni Daniel. Napangiti naman ako dahil doon. Ang sarap niya talagang titigan tuwing mapipikon.

“Malay ko! Bakit ako ang tinatanong mo? Bisita mo siya, ’di ba?” pagsusungit niya rin pabalik sa akin.

Ang malas ni Daniel, siya ang naabutan kong pagkatuwaan habang nagpapahinga ako.

“Ang sungit mo naman!” nakangiti kong pang-aasar sa kanya. “Bitter ka pa rin kay Kuya?” dugtong ko pang tanong na ang tinutukoy ko ay ang kuya niyang si Xander na naging karibal niya.

Nagsalubong ang kilay niyang iyon tanda ng pagkapikon. Alam ko naman ang kahinaan ni Daniel, si Tom. Pero sa nakikita ko, medyo okay na siya ngayon.

“Tigilan mo ako, Randy! Hindi mo ako katulad na ubod ng pait!” pagkontra niya sa akin. Kasunod nito ay ngumiti rin siya nang peke sa akin. “Alam kong intensyon mo akong asarin. Kilala na kita. Kung inaakala mong kagaya pa rin ako ng dati na madaling mapikon, pwes, hindi na ngayon. Sinasabi ko sa ’yo, mapapagod ka lang kaya iba na lang ang pagtripan mo.” mahaba pa nitong dugtong.

Punyeta. Wala na talagang silbi sa akin itong si Daniel. Tama siya, malaki na ang pinagbago niya. Hindi na siya gaya ng dati na madali kong mapikon sa mga pang-aalipusta ko noon.

Naiikot ko na lang ang mga mata ko. Hahanap na lang ako ng ibang mapagkakatuwaan dahil boring na si Daniel para maging biktima ko.

Tinanaw kong muli si Rigo, abala pa rin siyang kausap ang mga hukluban sa kasalan naming ito. Ang mga kaibigan naman namin ay naroon pa rin sa dance floor at mas humahataw na sa pagkakataong ito.

“Hatawin ko kayo ng kawayan, makikita n’yo.” bulong ko habang nakatingin sa mga kaibigan ko.

May nalalaman pa kasi silang showdown-showdown. Aliw na aliw sa patugtog ni Anthony kaya isa-isa silang nagpupunta sa gitna para magsayaw.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa para makahanap ng biktima, pero nang lumingon ako sa kabilang mesa na katabi rin ng mesa kung nasaan kami ni Daniel ay umilaw na lamang ang bombilya sa isip ko nang kusa.

Natagpuan ko ang nakaupong babae na imbitado rin sa kasal namin ni Rigo. Ang anak niya ay kabilang sa entourage at flower girl ang naging papel nito. Siya si Jamie, ang kapatid ng punyetang si MJ na naging tinik naman sa lalamunan ko.

Mahigit isang metro rin siguro ang pagitan ng upuan naming dalawa dahil medyo magkalapit lang ang aming mga mesa. Pumapalakpak siya habang nakangiti sa mga oras na ito at nakatanaw sa kanyang anak na si Nicole na kasayaw rin ang ibang bata kabilang na ang aking mga pamangkin at si Ar-Ar na akin namang anak.

“Hoy!” pagtawag ko sa kanyang magalang. Sa sobrang galang ko ay nakataas pa ang isang kilay ko at nakasimangot din ako.

Agad naman siyang natigilan sa ginagawang pagpalakpak at hinarap ako.

“Hi, Randy! Congratulations!” bati nito sa aking nakangiti.

Naiikot ko na naman ang mga mata ko. Mabuti na lamang at pinaintindi sa akin ni Rigo ang sitwasyon ng babaeng ito. Nakakaawa siya dahil pinagtaksilan siya ng kanyang asawa at sariling kapatid niya. Kung hindi ko lang iyon nalaman, baka kanina ko pa siya sinabunutan. Kadugo niya si MJ kaya damay-damay na kung sakaling hindi siya nakatulong sa pagbubunyag ng katotohanan.

“Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Siraulo ka ba? Tawa ka nang tawa kahit wala ka naman kasama diyan! Baliw ka? Baliw?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Natawa naman ang gaga.

In fairness, maganda siya. ’Yun nga lang, mas maganda pa rin ako sa kanya.

“Nakakatuwa kasi ang mga anak natin. Ang saya nila. Aakalain mong matagal na silang magkakakilala.” sagot niyang medyo natatawa sa akin.

Ay, baliw nga talaga. Napakababaw ng kaligayahan niya.

Sa halip na patulan pa ang pagkasinto-sinto niya ay nag-isip na lamang ako ng ibang bagay na mapag-uusapan naming dalawa.

“Kamusta ang kapatid mo?” tanong ko sa kanya.

Saglit siyang natigilan at bahagyang nabawasan ang pagkakangiti niya. Pero makalipas ang ilang sandali ay nagbuntong hininga siya.

“Sa totoo lang, wala na akong balita sa kanila. Processing pa rin ang annulment namin ni Tristan. Ang sabi ng lawyer ko, mukhang mapapadali naman ang kaso. Hindi na rin ako nakipag-usap pa sa kanila kahit minsan. Ang huli kong narinig sa kanila, lumipad sila sa ibang bansa at doon na rin sila nagsama.” nakangiti niyang paliwanag ngunit bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.

“’Te, ang haba naman ng paliwanag mo. Kinamusta ko lang ang kapatid mo, pero ang sagot mo dinaig pa ang sagot sa beauty contest, ’no?” sarkastiko kong reaksyon.

Natawa naman siya sa sinabi kong iyon.

Sa totoo lang, hindi ko naman intensyon na barahin siya. Ginawa ko lang iyon para tumawa siya. Nakikita ko kasing nalulungkot pa rin siya, na nasasaktan pa rin siya.

“Wala ka bang balak gumanti?”

Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla ko iyon naitanong sa kanya.

Natigilan naman siya sa kanyang pagtawa. Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko sa kanya.

Nang maiproseso na ng kanyang isip ang aking sinabi ay nagbitiw siya ng tipid na ngiti.

“Hindi na siguro, Randy. Masaya naman na ako dahil kasama ko ang anak ko. Iyon naman ang mahalaga sa akin. Kaya kong mawala ang lahat, ’wag lang ang anak ko.” sagot niyang nakangiti sa akin. “Isa pa, bahala na ang karma sa kanila. Hindi naman ako ang hahabulin ng konsensya kundi sila.” pahabol niya pa.

Napairap naman ako sa sagot niya.

Nakakainis! Napakabait naman ng babaeng ito! Kung sa iba lang ito, baka pinakulam na sila!

Kumilos ako at bahagyang inusog ang aking silya para mas makalapit pa ako sa kanya. At nang tuluyan na kaming magkaharap ay kinausap ko siya sa tonong puno ng pakikisimpatya.

“Alam mo, Jamie, kung ako ang nasa sitwasyon mo, hindi ako papayag. Kailangan nilang pagbayaran ang kasalanan nila. Kaya kung ako sa ’yo, mag-isip ka. Hihintayin mo pa ang karma kung pwede namang ikaw mismo ang magparanas sa kanila?” pang-e-engganyo ko sa kanya.

Oo na, inaamin ko na, dinedemonyo ko talaga siya. Si Rigo naman kasi, noong sinabi kong gusto kong gumanti, sinabi niyang hayaan na lang daw namin sila. Ang importante naman daw kasi ay kami na ngayon ang magkasama.

Pero hindi ako papayag. Ano ’yon? Gano’n-gano’n na lang ba ’yon? No! Gusto kong masampal si MJ kahit isang beses man lang!

Natigilan si Jamie dahil sa aking sinabi. Naging seryoso ang kanyang ekspresyon at tiningnan ako nang diretso, sinusuri ang aking mga mata kung seryoso ba ako sa sinabi ko.

“’Wag mo akong pagdudahan, Jamie. Seryoso ako sa sinabi ko. Kung gusto mong gumanti sa kanila, nandito ako. Tutulungan kita hanggang sa malugmok sila sa lupa.” nakangiti kong pag-anyaya sa kanya.

Napalunok siya sa aking sinabi, at sa nakikita ko sa kanya, mukhang mahihirapan ako sa pagkumbinsi.

“Randy, hindi na siguro kailangan ang gano’n. Masaya naman ako, e. Saka isa pa, kasal ka na rin naman kay Rigo. Sa tingin ko, tayo pa rin naman ang panalo.” nag-aalangan niyang pagtanggi sa akin.

“No, Jamie! No! Hindi dapat ganyan! Kaya ka naaabuso dahil diyan sa kabaitan mo!” malakas kong pagtutol sa kanya.

Nagulat siya sa akin dahil sa bigla kong pagtataas ng boses sa kanya. Bahagya pa siyang napaatras at nanlaki ang mga mata niya.

Huminga ako nang malalim at napapikit pa ako. Pinakalma ko muna ang aking sarili dahil gusto ko talagang maging tagumpay ang aking plano.

Nang masiguro kong mahinahon na ako ay kinuha ko ang dalawang kamay nito. Hinawakan ko siya habang suot ko ang aking ekspresyong pinaamo.

“Jamie, listen to me.,” una kong pagkumbinsi. “Ako ang magiging kakampi mo. Dalawa nating paghihigantihan ang kapatid at ex-husband mo. Isa lang, Jamie. Gusto ko lang talagang sabunutan at kaladkarin ang kapatid mo. After that, si Tristan naman na ex-husband mo ang aasikasuhin natin. Gusto mo ba siyang matokhang? Palalabasin lang natin na adik siya. Kung ayaw mo naman siyang madedo, e ’di kahit ipagbugbog na lang natin siya? Hindi tayo mabubuko, promise! Marami akong pwedeng i-hire na gumawa no’n para sa atin kaya hindi tayo sasabit.” mahaba ko pang pagkumbinsi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Jamie. Sa nakikita ko sa kanya, tinitingnan niya ako na isang bihasang kriminal talaga. Hindi na naman siya nakapagsalita tulad kanina.

“Kaya halika na, sumapi ka na sa akin. Ang brilliant ng idea ko, ’di ba? Right, Jamie? Right?” pangungulit ko sa kanya.

Magsasalita na sana si Jamie ngunit may isang boses ang naunahan siyang magsalita.

“Right, Liam. Right.”

Natigilan ako sa ginagawa kong pagkumbinsi kay Jamie nang marinig ko ang pagsasalitang iyon mula sa aking tabi. Nanigas ako na parang bato dahil ramdam ko ang diin sa boses ng nagsalitang iyon ang pagkontrol sa galit nito.

Unti-unti ay nilingon ko ito. Una kong sinulyapan ay ang pares ng sapatos nito paakyat sa pantalon at tuxedo na kapareho ng suot ko. At nang tuluyan akong makatingala ay nakita ko ang salubong na kilay ng taong narinig yata ang malagim kong plano.

“B-baby Rigz… H-hello… Tapos ka na sa pakikipag-usap sa mga hukluban, este, sa mga bisita mo..?” may alanganin kong ngiti na pagtatanong sa kanya.

Ngumiti naman si Rigo nang peke bago sinagot ang tanong ko. Inilagay niya pa ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon na tila handa na siya sa panenermon.

“Ano sa tingin mo, Liam? Bakit ako ngayon nakatayo sa tabi mo kung hindi pa ako tapos?” tanong niyang sarkastiko. “Saka ano itong narinig ko? Anong mga sinasabi mo kay Jamie? Sino kamo ang sasabunutan at kakaladkarin mo? Sino ang ipapatokhang at ipapagulpi mo? Hhmm?” pahabol niya pang tanong habang nakataas ang isang kilay nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Gumuhit din ang hindi makapaniwalang ekspresyon ko.

“What?! Anong sinasabi mo, Rigo?!” tanong ko sa kanya. “May pinag-uusapan ba tayong gano’n, Jamie?! Wala naman, ’di ba?!” baling ko naman sa babaeng nasa tapat ko.

Sinubukan ko kung makakalusot ako. Kailangang mapaniwala ko si Rigo na walang katotohanan ang ibinibintang nito.

“Talaga, Liam?” tanong nito sa akin na may pekeng ngiti pa rin. “Totoo ba ang sinasabi niya, Jamie?” tanong naman nito sa babaeng nananahimik.

Nang tingnan ko si Jamie ay napalunok ito. Naging malikot din ang kanyang mga mata tanda na natataranta ito.

Punyeta! Hindi magaling magsinungaling ang mga kagaya niya! Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi siya makapagsalita!

Magsasalita na sana si Jamie para siguro sabihin kay Rigo ang totoo pero naging maagap ako. Ang ginawa ko ay hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay nito.

“A-aray!!” pagdaing ni Jamie sa kamay niyang muntik nang madurog dahil sa diin ng pagkakahawak ko.

Doon na mabilis na kumilos si Rigo. Agad niyang binawi ang aking kamay mula kay Jamie at pinaghiwalay kami nito.

“Sorry, Jamie! I’m so sorry! Hindi niya sinasadya! Sorry, sorry!” sunod-sunod na paghingi ng tawad sa kanya ni Rigo.

Yeah. Si Rigo nga ang nagsorry at hindi ako.

“O-okay lang… Hindi naman gano’n kasakit. Nagulat lang talaga ako.” sagot naman ni Jamie habang hinihilot ang kamay nito.

Ay, gusto pa yatang madagdagan? Halika, lapit ka, ’te. Pilipitin na rin natin para masaya.

Nang masiguro ni Rigo na okay na si Jamie ay nakapamewang na naman itong hinarap ako.

“Liam, magsorry ka sa kanya.” may diin na utos sa akin ni Rigo.

Napataas naman ang isang kilay ko na tiningala siya. Nakangiwi pa ako tanda na hindi ako sumasang-ayon sa gusto niya.

Huminga nang malalim si Rigo at napapikit pa.

“Magsorry ka na. Isa!” pagbibilang niya pa at mas naging mataas na ang boses niya.

Hindi ako nakapagsalita. Nakikita kong pilit pa ring nagpapakahinahon si Rigo sa kabila ng inis na nararamdaman nito.

“Liam, naaalala mo ba ang sinabi mo kanina sa pledge natin? Ang sabi mo, susubukan mong kontrolin ang ugali mo,” pagpapaalala ni Rigo sa kaganapan kanina. “Sabihin mo nga sa akin, kalokohan lang ba ’yon sa ’yo? Kasi ako, sineryoso ko ’yon. Hindi ko kinalimutan ang lahat ng sinabi mo.” dugtong pa nito sa malungkot nang tono.

Nang marinig ko iyon mula kay Rigo ay nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. Tama nga naman si Rigo, nagbitiw ako ng mga pangako ko sa kanya sa harap ng maraming tao. Pero heto ako, hindi ko na naman nakontrol ang kamalditahan ko.

Nalulungkot ako, nahihiya ako sa sarili ko. Dahil din doon ay napayuko ako. Bihirang magalit si Rigo kaya tuwing nangyayari ito ay natatahimik talaga ako.

Ilang segundo rin ang lumipas na walang kumikilos sa aming tatlo. Dahil sa sobrang hiya sa aking ginawa ay hindi ko sila kayang lingunin kaya nanatili lang akong nakayuko. Nararamdaman ko rin na nagsisimula na namang manikip ang dibdib ko kaya isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Marahil ay nasaksihan iyon ni Rigo, dahil matapos kong huminga nang malalim ay kumilos ito para lumapit sa akin. Bahagya siyang lumuhod sa tapat ko at marahang inilagay ang dalawa niyang kamay sa bewang ko.

“Liam…” malambing na niya ngayong pagtawag sa aking pangalan habang pilit na tinitingnan ako sa mata. “Nakapanakit ka. Alam kong hindi mo sinasadyang mapalakas ’yon, pero kailangan mo pa ring magsorry sa kanya. Hindi ’yon makakabawas sa pagkatao mo, okay? Don’t worry, hindi ako galit. But please, magsorry ka sa kanya?” sunod nitong pakiusap at pinilit na ngumiti habang nakatingin sa mga mata ko.

Ramdam ko ang senseridad sa mga sinabi ni Rigo. Inaamin ko naman, mali talaga ako. Hindi ko naman sinasadyang mapalakas ang pagkapit sa kamay ni Jamie. Nawala sa isip kong lalaki pa rin ako at iba ang lakas na taglay ko.

Tiningnan ko na nang diretso si Rigo at nakita kong mas lumawak pa ang pagkakangiti nito. Nababasa ko sa ngiti niyang iyon na wala akong dapat ipag-alala, na kahit anong mangyari ay hindi niya ako huhusgahan tulad ng ginawa sa akin noon ng iba.

Dahil sa nakita ko kay Rigo ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para unti-unting lingunin si Jamie na naghihintay sa paghingi ng tawad ko.

“J-jamie… S-sorry… I’m sorry…” nahihiya kong paghingi ng tawad kay Jamie.

Nasaksihan ko ang mabilis na pagngiti sa akin ni Jamie. Kasunod ng ngiti niyang iyon ay tumango siya katunayan na napatawad na niya ako sa aking kasalanan.

“Good.” sambit ni Rigo at hinalikan ako sa sentido.

Tumayo si Rigo mula sa tapat ko at hinawakan ang isang kamay ko.

“Please, excuse us, Jamie. Or if you want, dito ka na lang sa table namin para may kasama naman.” nakangiting paanyaya ni Rigo sa kanya.

“Okay lang ako rito, Rigo. Saka binabantayan ko rin ang anak ko. Alam mo naman ang batang ’yon, medyo malikot.” magalang naman na pagtanggi ni Jamie.

Tumango na lamang si Rigo bilang pagsang-ayon dito. Kasunod nito ay ako naman ang binalingan nito.

“Halika, Liam. Bumalik na tayo sa table ni Daniel.” nakangiti nang pagyaya ni Rigo sa akin.

Hindi na ako sumagot pa, nagpadala na lang ako sa paggaya niya pabalik sa mesang iniwan ko kanina.

“Ayan, kasi!” paninisi sa akin ni Daniel nang makarating kami. Mukhang nasaksihan niya ang naganap sa amin nina Rigo at Jamie kaya iyon din ang bungad niya sa akin.

Hindi na ako nakasagot kay Daniel dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako.

“Daniel, not now, please?” mahinahong pagsaway naman sa kanya ni Rigo.

Natahimik naman si Daniel at pinakinggan na lamang ang pakiusap na iyon ni Rigo.

Unang umupo si Rigo sa silyang nakaharap sa stage at puno pa rin ng mga taong nagsasayaw sa mga oras na ito.

“Liam, dito ka.” utos niya sa aking nakangiti at iginagaya akong makaupo sa kandungan nito.

Hindi na ako nagpakita ng pagtutol, umupo na ako nang patagilid sa kanyang kandungan at niyakap ang leeg nito. Siya naman ay niyakap din ang katawan ko at marahang hinaplos ang aking likod tanda na pinapakalma niya ako. Ang posisyon namin ngayon ay nakatalikod ako sa stage at si Rigo ang naging abala sa panonood ng mga nagsasayang tao.

Alam kong parang batang paslit na naman ako ngayon. Una ay nanakit ako, pangalawa naman ay napagsabihan o napagalitan ako ni Rigo. Nagsimula na naman ang ugali kong hindi gusto ng maraming tao. Pero dahil sa nandito si Rigo, madaling naayos ito.

“’Wag nang malungkot, Liam… Ayokong nalulungkot ang asawa ko… Araw ng kasal natin ngayon kaya dapat, nagsasaya lang tayo…” malambing na panunuyo sa akin ni Rigo at hinalikan pa ang leeg ko.

Nang mabanggit niya ang salitang ‘asawa ko’ ay bahagya nang gumaan ang pakiramdam ko, kusa na ring gumuhit ang ngiti sa labi ko. Pero hindi pa rin ako umalis sa aking pwesto, nanatili lang akong nakayakap sa leeg at nakakandong kay Rigo. Ang ginawa ko ay sinagot siya sa pamamagitan din ng paghalik sa leeg nito. Pinaramdam ko na lamang sa pamamagitan ng paghalik kong iyon na bahagya na akong kumalma at ’wag na siyang mag-alala.

Maraming minuto pa ang lumipas at ganoon pa rin ang posisyon namin ni Rigo. Yakap ko pa rin siya at patuloy niya pa ring hinahaplos ang likod ko. Paminsan-minsan ay nag-uusap sila ni Daniel at kung minsan ay tumatawa siya dahil sa napapanood niyang kasiyahan ng mga kaibigan naming nagsasayaw pa rin sa mga oras na ito.

“Liam, panoorin mo sina Tom, Charm at Popoy! Magsasayaw na silang tatlo sa gitna!” biglang pang-e-engganyo ni Rigo sa masaya niyang tono.

Nang sabihin niya iyon ay bahagya akong nakaramdam ng excitement. Iyon na yata ang sinasabi nilang surprise nilang tatlo para sa kasal namin ni Rigo.

Dahan-dahan ay bumitiw ako sa pagkakayakap sa leeg ni Rigo. Sunod nito ay iginaya niya naman akong humarap sa entablado habang kalong pa rin niya ako. Yakap niya pa rin ang aking bewang at nakasandal naman ako sa kanyang katawan. Ngayon ay pareho na naming nakikita ang stage at naroroon na nga sina Tom, Charm at Popoy at handa nang sumayaw sa mga oras na ito.

Nagsimula ang musika at lahat kami ay napapalakpak. Si Charm na nag-iisang babae ang nasa gitna habang nasa kanyang tabi naman sina Popoy at Tom.

(A/N: Paki-play po ang nasa media sa baba. ’Yan po ang sinayaw ng tatlo.

Song title: Chinito - By: Yeng Constantino

)

https://www.youtube.com/watch?v=slusLUQhbk8

Naaliw ang lahat ng manonood dahil sa husay nilang sumayaw na tatlo. Maging ako ay natawa dahil ang cute ng choreography nila, para silang mga batang nagsasayaw sa mga oras na ito.

“Asawa ko ’yan!!!” sigaw ni Xander bilang pagcheer sa kanyang asawa na si Tom.

“Girlfriend ko ’yan!!” sigaw naman ni Ben bilang suporta kay Charm.

Kawawang Popoy, wala man lang sumisigaw para sa kanya. Pero kahit ganoon, parang hindi naman siya apektado sa bagay na iyon. Napakayabang niya pa ngang sumasayaw habang tinuturo si Daniel na nasa aming tabi. Ito namang si Daniel, binabato lang siya ng pagmwestra ng kamao habang nakaangat ang gitnang daliri nito. Nakakatuwa talaga ang asaran ng dalawang ito.

“Baby Rigz, anong title ng sinasayaw nila?” tanong kong nakangiti kay Rigo.

“Chinito, Liam.” natatawa namang sagot sa akin ni Rigo.

Bihira akong maka-appreciate ng mga performance tulad nito. Pero nang makita ko sila ay walang sawa akong pumapalakpak lalo na at bagay sa kanila ang tugtog. Pare-pareho kasi sila ng katangian na mga singkit. Nakangiti pa sila kaya mukha na silang nakapikit.

“Liam, tingnan mo si Daniel!” biglang bulong sa akin ni Rigo makalipas ang ilang sandali.

Sinunod ko naman si Rigo, nilingon ko si Daniel na nanonood din sa mga oras na ito.

Sinuri kong mabuti kung saan nakatutok ang mga mata ni Daniel. At nang masiguro ko kung kanino siya nakatitig ay kusa na lamang kaming nagkatinginan ni Rigo habang may nakakalokong ngiti kaming pareho.

“Daniel!” pagtawag ko sa kanya.

Nagulat pa si Daniel dahil sa biglang pagtawag ko.

“B-bakit?” nauutal nitong tanong.

“Ang cute niya, ’no?! Ang galing pang sumayaw! Bagay sa kanya ang kanta! Pwede mo na ring maging theme song sa kanya!” kantiyaw ko sa kanya.

Gumuhit ang inis sa mukha ni Daniel dahil sa sinabi ko.

“Anong cute diyan?! Tang*nang mukha ’yan! Ang sarap gulpihin, e! Bigyan n’yo lang ako ng go signal at kakaladkarin ko talaga ang gagong ’yan hanggang sa mawalan ng malay ’yan! Ang sakit niya sa ulo!” galit na galit nitong pagkontra sa amin.

Dahil sa naging reaksyon ni Daniel ay natawa kami ni Rigo nang malakas. Ang akala ko ay tuluyan na siyang naging pasensyoso, pero sa nakikita namin ngayon ay mukhang may isang taong kayang palabasin ang tunay na ugali nito.

Natatawa pa rin si Rigo na sinagot si Daniel.

“Daniel! ’Wag kang magpahalata! May binanggit bang pangalan si Liam?! Wala naman, ’di ba?! Si Tom ang tinutukoy naming cute at magaling sumayaw! Siya rin ang ine-expect namin na panonoorin mo! Sino bang iniisip mo?! Sino bang tinititigan mo?!” simpleng pang-aasar sa kanya ni Rigo.

Nang sabihin iyon ni Rigo ay natigilan si Daniel. Namula rin ang kanyang mga pisngi senyales na nahihiya siya dahil nabuking namin siya.

“Lul! Tigilan n’yo ako!” depensa lang nito at sinimangutan kami.

“Ayyiiieee~~” sabay pa naming pang-aasar ni Rigo sa kanya.

Naku, ’wag kami ng baby Rigz ko. Alam na namin ang mga titig na tulad ng kay Daniel. May pagkislap pa siya ng mga mata habang pinapanood sa pagsasayaw si Popoy.

“Sa tingin mo, baby Rigz, may something na kaya sa kanila ni Popoy?” bulong kong tanong kay Rigo.

Nagkibit-balikat muna si Rigo bago ako sinagot nito.

“Ewan? Pero sa tingin ko, may posibilidad, kaya magmatyag pa tayo.” sagot niyang medyo hindi sigurado.

“Bagay ba sila? E, parehong top ’yan, ’di ba?! Pareho silang nagkagusto kay Tom at pareho rin silang binasted dahil winner ang best friend ko?” pang-iintriga ko. Tuwing mga kaibigan talaga namin ang usapin ay nagiging tsismosang maganda ako.

Natawa si Rigo at saka ako hinalikan sa dulo ng ilong ko.

“’Yan ang abangan natin, Liam! At kung magiging direktor lang ako para gumawa ng pelikula ng dalawang ’yan, mabibigyan ko agad ng title ang mga ’yan!” may pagmamalaki niyang pagbabalita sa akin.

“Ano?! Anong title?!” atat na atat ko namang tanong sa kanya.

“ REJECTED TO LOVE YOU! “ may kalakasan niyang sagot. “Pareho silang binasted ng iisang tao, e! Parehong binasted ni Tom!” dugtong niya pa at mas lalong tumawa ito.

Maging ako ay natawa rin sa titulong sinabi niya. May point nga naman si Rigo. Halos sabay silang ni-reject ni Tom, parehong hanggang malapit na kaibigan lang ang turing niya sa mga ito. At ngayong silang dalawa na ang laging magkasama dahil pareho silang na-assign sa Baguio, may posibilidad nga na magkalapit ang dalawang ito.

Natapos sa pagsasayaw ang tatlo naming kaibigan at lahat kami ay hindi naiwasan ang tumayo para sila ay palakpakan.

Nagpatuloy pa ang kasiyahan kahit malapit nang maghating-gabi. Hindi nga nabawasan ang energy ng mga kaibigan namin pati na rin ng mga bata dahil mahusay ang DJ namin sa pagpapatugtog na walang iba kundi si Anthony.

Nanatili lang naman kaming nanonood ni Rigo habang nakakalong pa rin ako rito. Wala kaming ginawa kundi ang tumawa at pumalakpak sa aming mga kaibigan dahil ang kukulit talaga nila.

Naroon ang isa-isa silang pupunta sa gitna at maghihintay na lang sila kung ano ang mapipiling music na patutugtugin ni Anthony na magdedescribe sa katauhan nila.

Noong si Xander nga ang nagpunta sa gitna ay pinatugtog ni Anthony ang ‘Jumbo Hotdog’ ng Masculados. Tawa naman kami nang tawang mga manonood. At kahit nahihiya si Xander, wala siyang nagawa kundi ang sumayaw na lang sa gitna. Mabuti na lang at may talent din kahit paano sa pagsasayaw ang best friend ko kaya marami ang naaliw rito.

https://www.youtube.com/watch?v=6MH0HKaiR0M

Ang kulit ng steps ni Xander. Nasa unahan ang dalawa niyang kamay na tila may hawak siyang mahabang hotdog sandwich. Panay ang martsa niya nang pasulong at paatras. Nahihiya pa noong una ang punyeta, pero sa bandang kalagitnaan ng kanta ay may pagkagat-labi pa siyang nalalaman habang nakapikit at nakatingala. Urong-sulong din ang kanyang bewang na tila may kababalaghan siyang ginagawa. Napakalaswa!

Noong si Dom naman ang sumayaw, pinatugtog naman ni Anthony ang kantang, ‘Macho Gwapito’ ni Rico Jay Puno. Bagay naman sa kanya ang kantang iyon dahil dati siyang babaero. Wala rin siyang choice kundi ang sayawin iyon dahil inulan siya ng kantiyaw na KJ mula sa aming mga kaibigan.

https://www.youtube.com/watch?v=h_Jl6NjlIF0

Ayaw pa raw ni Dom, pero noong magsimula na ang kanta ay kinuha niya pa ang nakalapag na microphone sa DJ booth kung nasaan si Anthony. Kasunod nito ay nag-lip sync siya at umarte na akala mo’y gwapong singer talaga siya. Hindi pa siya nakuntento roon, nilapitan niya pa ang girlfriend niyang nasa mesa na rin namin ngayon. Binuksan niya ang kanyang polo sa mismong harap ni Dee at gumiling-giling na animo’y macho dancer siya habang nakalabas ang ganda ng hubog ng katawan niya.

Kung ang akala naman ni Shai ay makakaligtas siya sa mga kaibigan namin, nagkakamali siya. Dahil noong mapadaan siya sa dance floor ay hinila siya sa gitna hanggang sa patugtugin naman ni Anthony ang kantang, ‘New Thang’ ng Redfoo. 

https://www.youtube.com/watch?v=-O_kLoRrPpc

At para lang mapagbigyan ang aming mga kaibigan, rumampa na lang si Shai na akala mo ay isang model. Maparaan talaga siya, ’wag lang mawala ang poise niya. Kaya ang gaga, pinalakpakan pa.  

Halos mamatay-matay naman kami sa katatawa noong nagpunta si Tom sa gitna. Dahil kahit dancer pa siya, hindi niya alam kung paano sasayawin ang kantang, ‘So Slow’ ng Freestyle. Tawang-tawa kami dahil bagay talaga sa kanya ang kanta. Napakabagal kasing magproseso ng mga pangyayari sa kanya.

https://www.youtube.com/watch?v=x_UC68am1VQ

Napakamot siya ng ulo kaya to the rescue naman ang asawa niyang si Xander. Pinuntahan niya si Tom sa gitna at sumayaw na lang sila ng sweet na dalawa. Ayun, mas naagaw nila ang atensyon ng madla.  

“Yes! Ako naman! I-play mo ang kagaya ng music kay Shai, ha?! Pero sasayaw ako! Hindi ako rarampa!! Magte-twerking ako!!” sigaw ng kumare kong baluga kay Anthony. Excited pa itong pumunta sa gitna at nagawa pang magwarm up ng gaga.

Maganda ang panimula ng music para kay Coke. Pero ilang saglit pa ay nagbago ito na biglang ikinatawa ng lahat.

https://www.youtube.com/watch?v=l_jHuoKKfLU

“Baby Rigz, ano ’yang kanta?” tanong kong nagtataka kay Rigo habang kalong pa rin niya ako. Wala talaga akong alam sa music kaya kanina pa ako nagtatanong kay Rigo sa mga pinapatugtog ni Anthony.

Halos hindi ako masagot ni Rigo nang diretso dahil tawa na rin nang tawa ito.

“Humanap Ka Ng Panget ni Andre E.!” sagot ni Rigo habang tumatawa.

Pagsagot pa lang sa akin no’n ni Rigo ay halos magwala na rin ako sa katatawa. Nang muli kong tingnan si Coke na nasa gitna ay lalo pa akong natawa sa hitsura nito. Nanlilisik kasi ang kanyang mga matang tinitingnan si Anthony.

“Pisti ka, Anthony, ha?! Namemersonal ka na!!” sigaw ni Coke kay Anthony na nasa kanyang DJ booth.

Sinagot naman siya ni Anthony ng peace sign habang natatawa rin.

Galit na galit si Coke noong una, pero noong magsimula na ang pagkanta ni Andrew E. ay humataw na rin siya. Tawa kami nang tawa dahil nagpanggap siyang rapper sa gitna. Ang sagwa niyang sumayaw pero game na game pa rin siya. Pawisan na nga ang kumare ko pero heto at wala pa ring tigil sa pagsasayaw niya.

Nagpatuloy pa ang kasiyahan hanggang sa maubos ang aming mga kaibigan na magsasayaw sa gitna. Ilang sandali pa ay may pinatugtog si Anthony na sa wakas ay pamilyar na sa akin.

“Liam, sayaw tayo! Alam mo ang kantang ’yan, ’di ba?! Noong napanood natin ’yan sa isang series, nagustuhan mo ang kantang ’yan, ’di ba? Kaya nga nagdownload ako niyan sa cellphone ko para mapakinggan mo!” biglang pagyaya sa akin ni Rigo.

Agad na binalot ng pinaghalong kaba at inis ang katauhan ko dahil sa sinabi ni Rigo.

“Rigz, naman?! Alam mo bang nasampal ko kanina si Coke noong pinilit niya akong sumayaw?! Tapos ngayon naman, yayayain mo ako?! No!! Alam mo namang wala akong talent, e!!” pag-alma ko agad sa kanya.

Biglang nangunot ang noo ni Rigo.

“Sinampal mo si Coke?!” tanong agad nito.

Natigilan ako.

Punyeta. Sa bibig ko pa mismo nanggaling ang pang-aalipusta ko kay Coke!

“S-sorry… Saka nagkaayos din naman kami agad ni Coke, e…” kinakabahan kong paghingi na naman ng tawad sa kanya.

Hindi agad na nakapagsalita si Rigo. Naging seryoso lang ang kanyang ekspresyon kaya mas lalong nadagdagan ang kaba ko.

Huminga nang malalim si Rigo. Kasunod nito ay seryosong nagsalita ito.

“Sige, tatanggapin ko lang ang sorry mo kapag pumayag kang sumayaw tayo.” naging kondisyon nito.

Gumuhit ang hindi makapaniwalang ekspresyon ko.

“What??!!” malakas kong tanong. Parang nabingi kasi ako sa sinabi niyang iyon.

“Sasayaw tayo o tatanggapin ko ang apology mo?” may pekeng ngiti na niya ngayong tanong sa akin.

“Ayoko, Rigz!! A-YO-KO!!” pagmamatigas ko na sa kanya habang pinapadyak ko pa ang aking mga paa.

Nagbago ang ekspresyon ni Rigo, naging maamo ang kanyang mukha at nagsimula nang makiusap ito.

“Liam, naman. Alam mo bang sa mga ikinakasal, dapat may first dance? Wala pa tayong first dance, e. Saka eversince, never pa tayong sumayaw. Never pa rin kitang nakitang nagsayaw. Gawin naman nating memorable ang espesyal na ito sa atin, please? Gusto kong ako ang maging first dance mo sa buong buhay mo. Wala na akong ibang hihilingin sa ’yo kundi ang maisayaw ka lang. Hindi mo ba pagbibigyan ang ASAWA mo?” mahabang pagkumbinsi sa akin ni Rigo sa malungkot niyang tono.

Ayan na naman ang salitang ‘asawa’! Mukhang nakukuha na ni Rigo ang kahinaan ko, ah?!

Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niya. Gusto kong pagbigyan si Rigo dahil hindi pa nga nangyari na makita niyang sumayaw ako.

“Rigz, naman… Kinakabahan ako! Baka mapahiya lang tayo?!” medyo mahinahon ko nang pagkontra sa pagkakataong ito.

Gumuhit ang ngiti kay Rigo at hinalikan ako sa pisngi nito.

“Hindi ’yan! Ako ang bahala sa ’yo! Papayag ba naman akong mapahiya ang asawa ko?! Siyempre, hindi! Iga-guide naman kita, e!” pagkumbinsi nito.

Ilang segundo akong nanahimik para makapag-isip. Gusto kong mapagbigyan ang kahilingan niya at alam ko namang hindi niya kayang gawin na mapahiya ako, tiwala ako roon. Pero kinakabahan talaga ako!

“Sige na naman, Liam, please? Kahit saglit lang? Kahit kalahati lang ng kanta?” panunuyo pa nito at paulit-ulit na hinalikan ang aking pisngi.

Naikagat ko ang ibaba kong labi.

“D-dahan-dahan lang, ha? B-baka matapilok ako o kaya madapa?” nag-aalangan kong pagpayag sa request niya.

Dahil sa naging pagsagot ko ay mahigpit akong nayakap ni Rigo.

“Thank you, Liam! Thank you!” tuwang-tuwa niyang sambit at hinalikan na ako sa labi nang paulit-ulit.

Matapos iyon ay mabilis din siyang tumayo habang hawak ang kamay ko.

“Tara na, Liam! Doon tayo sa gitna!” galak na galak niyang pagyaya.

Wala na nga akong nagawa dahil hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ako para makarating kami sa entablado.

“Woah?!! Seryoso, Randz?! Sasayaw ka?!” gulat na gulat na reaksyon ni Xander nang makarating kami malapit sa kanila.

“Tang*na, brad! Magpapatawag ako ng pamisa pagdating natin sa Maynila!” si Dom naman ang nang-asar dahil hindi rin siya makapaniwala.

Nang tingnan ko naman ang pwesto kung nasaan si Shai nakaupo ay nanlalaki rin ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Hindi talaga sila makapaniwala na magsasayaw ako. Sa tinagal-tagal naming magkakasama ay ngayon pa lang nila masasaksihan ang kahayupang gagawin ko.

“Ako lang, mga brad! Ako lang ang may kakayahang mapasayaw ang isang Randy Liam! Kaya back off na lang!” pagyayabang naman ni Rigo sa kanila.

Hindi na sila nagsalita pa, mukhang naghahanda na rin sila sa bangungot na masasaksihan nila.

Inilagay ni Rigo ang dalawa kong kamay paikot sa leeg niya. Siya naman ay inilagay ang dalawa niyang kamay sa bewang ko bilang paghahanda.

Naging sunod-sunod na ang mga paglunok ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

“Kanta rin tayo, Liam, ha? Duet tayo.” nakangiti pang utos sa akin ni Rigo.

Nanlaki ang mga mata ko.

“Punyeta naman, Rigo! Nangangatog na nga ang tuhod ko ngayon dahil sasayaw ako! Tapos gusto mo naman ngayon, kumanta pa ako?! Sabihin mo nga ang totoo?! Gusto mo ba ng maagang deborsyo?!” pagbubunganga ko na sa kanya at mabilis na bumitiw ako.

Sa halip na maapektuhan si Rigo ay mabilis niya akong hinatak muli at ibinalik ang posisyon namin sa pagsasayaw.

“Ayoko nga! Hindi ko pipirmahan ang divorce paper!” pagkontra niyang nakangiti at hinalikan ako sa labi. “Sige na, Liam! Nandito na ’to, e! Saka ibubulong mo lang naman sa akin ang pagkanta mo! Hindi mo kailangang mahiya dahil asawa mo naman ako!” pahabol niya pang pagkumbinsi.

Punyeta! Ginamit na naman niya ang magic word na ‘asawa’!

“Rigz, naman, e…” reklamo ko na lang na nanghihina habang nakatago sa kanyang leeg ang aking mukha.

“Liam, please..? Ayaw mo bang pagbigyan ang kahilingan ng asawa mo? Ako na ang pinakamasayang groom kapag narinig ko rin sa unang pagkakataon ang pagkanta ng asawa ko.” panunuyo pa nito sa akin.

“Hindi ba pwedeng ibang pagkanta na lang ang gawin ko sa ’yo..? Promise, gagalingan ko ang paggamit sa microphone mo… Kakanta pa ako ng, ‘Nilunok Ko Ang Lahat’, kung ’yan ang gusto mo…” medyo naiiyak kong pakiusap sa kanya. Naaalala ko kasing ginawa niyang biro iyon noong minsan kaming gumawa ng milagro.

Natawa naman si Rigo dahil sa sinabi ko.

“Iba naman ’yon, e! Gusto kong marinig ang boses mo!” pagkontra niya sa akin.

“Mapapaungol naman ako kaya maririnig mo pa rin ang boses ko!” pakikipagtalo ko pa rin.

Sa halip na ituloy niya pa ang pakikipagtalo sa akin ay niyakap niya ako nang mahigpit.

“Please, Liam..? Kahit sa mga bagay lang na ’to, gusto kong ako ang maging firsts mo… Pagbigyan mo na ako…” bulong niya at ramdam ko na ang labis na pakikiusap nito.

Kapag ganito na si Rigo ay nanghihina talaga ako. Bihirang-bihira siyang humiling sa akin kaya nahihirapan akong tanggihan ang mga pakiusap niyang tulad nito. Nakokonsensya ako lalo na at naiisip ko kung paano ako sa kanya paulit-ulit na nangakong babawi simula nang maging opisyal kaming dalawa.

“Ibubulong ko lang sa ’yo, ha..?” tuluyan ko nang pagsuko sa kanya.

“Yes! I love you!” malakas niyang sambit at hinalikan ako sa pisngi.

Naku! Pasalamat talaga ito at mahal ko siya! Kung ibang tao lang siya, baka sinakmal ko na siya!

Nagbalik kami sa dati naming posisyon, nakapalibot ang aking mga braso sa kanyang leeg at nakayakap naman siya sa aking bewang. Magkatapat ang aming mukha at kitang-kita ko ang kasiyahan ng mahal kong asawa.

Ilang sandali pa ay sinenyasan ni Rigo si Anthony na ulitin ang music na pinatutugtog nito. Sila lang ang nagkakaintindihan sa senyasan nilang iyon bilang mga DJ noong suma-side line pa si Rigo sa bar na pagmamay-ari rin ng kaibigan naming si Anthony.

Nagsimula ang tugtog at nagsimula na rin ang dibdib ko sa pagkabog. Sa unang parte ng kanta ay si Rigo ang mauuna. Siyempre, sa kanya ang part ng lalaki at akin naman ang part ng sa babae.

(A/N: Paki-play po ang nasa main na media hanggang sa matapos itong chapter na ito. Iyon po ang sinayaw at kinanta nina Rigo at Randy.

Song title: [I’ve Had] The Time Of My Life - By: Glee cast cover

)

Nang simulang kumanta ni Rigo ay napangiti ako, nabawasan din nang bahagya ang kabang nararamdaman ko. Bukod kasi sa maganda ang boses ni Rigo ay damang-dama ko ang nota niya, este, ang madamdaming pagkanta niya.

Now I’ve had the time of my life

No I never felt like this before

Yes I swear it’s the truth

and I owe it all to you

Panimula ni Rigo habang magkalapit ang aming mukha at nakatingin siya sa mga mata ko.

’ Cause I’ve had the time of my life

and I owe it all to you

“Pfftt!” pinipigilang matawa ni Rigo nang kantahin ko ang parte ko.

“Sige, tawa pa, Rigz. Magdi-divorce talaga tayo.” may diin kong pagbabanta sa kanya.

“Joke lang!” pagbawi naman niya at hinalikan nang mabilis ang labi ko.

Aminado naman ako, sintunado talaga ako! Wala akong karapatang kumanta dahil delubyo ang hatid ng boses ko! Kaya nga ayaw ko sanang gawin ito! Pinagbigyan ko lang ang asawa ko!

Nagpatuloy pa sa pagkanta si Rigo. Nagliliwanag ang kanyang mga mata habang marahan na niya akong ginagabayan sa pagsasayaw.

I’ve been waiting for so long

Now I’ve finally found someone

To stand by me

We saw the writing on the wall

As we felt this magical fantasy

Now with passion in our eyes

There’s no way we could disguise it secretly

So we take each other’s hand

’Cause we seem to understand the urgency

Nang umabot kami sa linya ng kantang iyon ay tuluyan nang nawala ang kaba ko. Ramdam ko kasi ang nakapaloob sa kanta at nababagay ito sa amin ni Rigo.

Na dumating na nga ang pinakahihintay naming dalawa, magkasama na kami dahil natagpuan na namin ang isa’t isa.

Just remember

You’re the one thing

I can’t get enough of

So I’ll tell you something

This could be love because

I’ve had the time of my life

No I never felt this way before

Yes I swear it’s the truth

and I owe it all to you

Nagpatuloy pa kami sa pagsasayaw at pagkanta ni Rigo. Ngayon ay nakangiti na rin kaming pareho.

Dinama ko na ang pagkakataong ito dahil ako naman ang bida sa gabing ito. Kaya kahit masagwa akong sumayaw, sinundan ko nang walang takot ang bawat paggabay sa akin ng asawa ko. May pagkakataon na umiikot pa ako habang hawak niya ang isang kamay ko sa itaas. Prinsesang-prinsesa ang dating ko at nai-imagine kong lumolobo ang imaginary gown ko habang umiikot ako.

“Ay, punyeta!” gulat na gulat kong sambit at napayakap na ako sa kanyang leeg nang mahigpit. Bigla kasing niyakap ni Rigo ang katawan ko na nasundan nang pagbuhat niya sa akin bago niya ako inikot-ikot sa aming pwesto.

“I love you, Liam!!!!” sigaw niyang tuwang-tuwa habang patuloy sa pag-ikot sa akin na buhat niya pa rin.

Ang sarap sa pakiramdam na marinig kong isinisigaw iyon ni Rigo. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan niya dahil malaya na niyang nagagawa ito. Hindi na tulad ito ng dati na kailangan niya pa itong itago.

Nang maibaba ako ni Rigo ay natatawa akong hinawakan ang dalawa niyang pisngi. Kasunod nito ay bumwelo rin ako.

“I love you too, Rigo!!!” malakas ko ring sigaw bilang pagsagot sa isinigaw niya kanina.

Matapos kong isigaw iyon ay kusa na lamang nagdikit ang labi naming dalawa habang patuloy na tumutugtog ang magandang musika.

Dito sa gitna ng entablado at sa harap ng maraming tao, nagawa na naming isigaw ni Rigo ang nararamdaman naming matagal din naming itinago.

Habang magkadikit ang labi naming dalawa ay narinig namin ang malakas na pagsabog ng fireworks mula sa kalangitan. Tuloy-tuloy iyon na sinasabayan pa ng palakpakan mula sa aming mga bisita at mga kaibigan.

Nang maghiwalay ang labi naming dalawa ay may mumunting luha pa sa aming mga mata dahil sa labis naming tuwa.

“Mahal kita…”

“Mahal din kita…”

“Mas mahal kita…”

“Mas mahal na mahal kita…”

Paulit-ulit naming binibigkas ang mga salitang iyan habang magkadikit ang noo namin ni Rigo.

Matapos ang magandang kaganapan na iyon sa amin ni Rigo ay tumabi na rin sa amin ang ilan naming mga kaibigan para batiin kami nang paulit-ulit. Maging sila ay natuwa dahil sa nasaksihan nila mula sa amin ng aking asawa.

Nagpatuloy pa ang pagtugtog ng magandang musika. Nanatili naman kami ni Rigo sa gitna at sinasabayan sa pagsasayaw ang aming mga bisita.

Tuwang-tuwa kaming tinitingnan ang pagsasayaw ng aming anak na si Ar-Ar kasama si Carla. At habang nasa ganoon silang tagpo ay nakita rin namin ang paggapang ni baby Drey patungo sa kanilang pwesto na dalawa. Naroon naman si Nanay Elise na nakasunod sa cute na bunso nina Tom at Xander.

“Baby Drey, madumi ang sahig!” pagsaway ni Ar-Ar sa batang wala pang kamuwang-muwang. Mabilis niya rin itong nilapitan at kinarga habang nakaalalay pa rin si Nanay Elise sa kanilang dalawa.

Ang akala namin ay hanggang doon na lang, pero natigilan kami ng aking asawa dahil sa sunod naming nasaksihan.

Lumawak ang pagkakangiti ni baby Dray habang magkatapat ang mukha nila ni Ar-Ar. Lumitaw na naman ang nag-iisang dimple nito na namana niya sa kanyang Papa Tom.

Ito naman ang bagay na hindi namin inaasahan. Matapos kasing ngumiti ni baby Drey kay Ar-Ar ay hinawakan naman nito ang magkabilang pisngi ng anak namin ni Rigo. Hindi lang iyon, nanlaki ang mga mata namin nang biglang halikan ni baby Drey ang labi ni Ar-Ar dahilan para matigilan ito.

“Oh my gosh!!” tili ni Carla dahil sa labis na pagkagulat.

Mabilis namang nakuha ang atensyon ni Xander sa pagsigaw na iyon ng kanyang panganay na anak.

“Anong nangyari?!” tanong agad nito nang makalapit sa pwesto nina Ar-Ar.

Walang nakasagot, maging si Carla ay hindi alam kung paano sasabihin sa ama ang naganap kay Ar-Ar at sa bunso niya.

“Teka, bakit hawak ni baby Drey ang mukha mo, Ar-Ar?! Hinahalikan mo ba ang bunso ko?!” malakas na pagtatanong agad ni Xander sa aming anak.

Dito na kami kumilos ni Rigo at nagtungo sa kanilang pwesto. Nagkaroon na kami ng pag-aalala dahil salubong na ang kilay ng best friend ko. Kitang-kita na namin ang galit nito. At kung manonood lang kami, siguradong hindi na magiging maganda ang susunod na tagpo.

“Teka, brad! Relax lang! Binuhat lang ng anak namin si Drey dahil gumagapamg sa sahig!” mabilis na pag-awat at depensa agad ni Rigo sa aming anak.

Natigilan naman si Xander. Saglit siyang nag-isip bago napapikit.

“Pasensya na, brad. Akala ko kasi kung ano nang nangyari, e.” paghingi ng dispensa ni Xander kay Rigo.

Tinanguan naman siya ni Rigo bilang pagtugon dito.

Kasunod nito ay dahan-dahang kinuha ni Xander si baby Drey mula sa anak ko. Nawala na rin ang pagsimangot nito at napalitan na ito ng ngiti.

“Halika nga rito, anak. Dito ka na lang kay Daddy. Tayong dalawa na lang ang magsasayaw kung gusto mo!” masayang pagyaya ni Xander kay baby Drey at isinayaw na niya ito.

Doon lang kami nakahinga nang maluwag nina Rigo, Nanay Elise at Carla.

Ibang klase talaga si Xander! Overprotective sa bunso niya!

Matapos ang tagpong iyon ay nagulat kami ni Rigo nang bigla kaming yakapin sa bewang ng anak namin na biglang nanahimik sa naging tagpo.

“Wala ’yon, son. Hindi galit ang Tito Xander mo.” nakangiting pagkumbinsi ni Rigo sa aming anak habang hinahaplos ang ulo nito.

Dahan-dahan naman akong tiningala ng anak ko.

“Ma…. S-si baby Drey….” tila naiiyak niyang pagsusumbong sa akin.

Sa halip na maawa ako sa aking anak noong makita ko ang mukha nito ay natawa pa ako.

“’Nak! Bakit ka namumula?!” natatawa kong pagtatanong sa kanya habang hawak ang pisngi niya.

Hindi siya nakasagot, sa halip ay muli niyang itinago ang kanyang mukha sa tiyan ko at mas mahigpit na niyakap ako.

Tawa kami nang tawa ni Rigo dahil sa nasaksihan namin kay Ar-Ar.

Jusko, anak! ’Wag muna! Masyado ka pang bata! At ’wag si baby Drey! Sasamain tayo sa best friend ko! Sigurado kami ng ama mo na magkakaroon ng malaking gulo!

Ilang minuto pa naming sinusuyo si Ar-Ar dahil ayaw na sa akin nitong bumitiw. Mabuti na lamang at maagap din ang kanyang Uncle Dom dahil mabilis niya rin itong nilapitan at inuto. Kaya ayun, nagsimula na namang sumayaw ang anak ko.

Nagpatuloy pa ang kasiyahan. Hating-gabi na kaya ang ilan naming mga bisita ay nagtungo na sa kani-kanilang kwarto na naririto pa rin sa isla kung saan ginanap ang kasal namin ni Rigo. Nauna na ring magpahinga ang mga bata dahil masyado nang malalim ang gabi at bawal mapuyat ang mga ito.

May ilan pang mga bisitang natitira. Naririto pa rin ang aming mga kaibigang abala na ngayon sa pag-iinuman.

“Baby Rigz, pagod na pagod na ako… Gusto ko nang magpahinga…” hinang-hina kong reklamo kay Rigo.

Naririto kami sa malaking mesa at kaharap ang mga kaibigan naming balak yatang magpang-abot ng umaga at ubusin ang mga alak na nakahanda. Magkatabi kami ni Rigo at nakasandal ako sa balikat nito.

“Sige, sumandal ka muna sa balikat ko, Liam. Tatapusin ko na lang itong nasa baso ko.” nakangiti namang sagot sa akin ni Rigo.

Narinig ko ang pagsingit ni Dom na nasa tabi ni Rigo.

“Boom basag!” sambit nito. Mukhang narinig niya kung paano ako tinanggihan ni Rigo.

Hindi ko pinansin si Dom kahit alam kong ako ang pinatatamaan nito.

“Gusto ko nang matulog, e…” pakikipagtalo ko naman kay Rigo at humikab pa ako.

“Saglit na lang, Liam. Give me ten minutes. Tapusin lang din natin ang laro nina Olyn at Lojie. Panoorin mo kasi sila! Matatawa ka!” si Rigo pa rin na ayaw talagang magpatalo sa akin.

Sinulyapan ko sina Olyn at Lojie na nasa aming tapat.

Punyeta. Ano bang nakakatawa sa kanila? Naglalaro ng Pinoy Henyo pero hindi naman nila mahulaan ang sagot dahil lasing na lasing na sila! Nagsasampalan na lang ang mga punyeta!

Sa totoo lang ay hindi na ako natutuwa. Kanina pa silang lahat na nagkakasiyahan at nag-iinuman. Kanina pa sila nagpapakalunod sa alak na nasa kanilang harapan. Pero ako, puro tubig at juice lang ang iniinom dahil ayaw akong payagan ni Rigo na alak ang inumin kahit kalahating baso man lang.

“Rigz, sige na naman… Pumasok na tayo sa kwarto natin…” paglalambing ko pa rin kay Rigo at niyakap ko na rin ang kanyang braso.

Si Xander naman ang sumingit sa pagkakataong ito.

“May gusto yatang magpakamot? Atat na atat nang umalis.” pagpaparinig nito.

Kung hindi lang ako nag-iinarte ngayon, baka nasabunutan ko na naman ang epal na Xander na ’to! Pagsasabayin ko pa sila ni Dom!

“Five minutes, Liam. Sige na, pagbigyan lang natin ang mga kaibigan natin.” pakiusap pa rin sa akin ni Rigo habang nakangiti.

Nagdikit ang mga ngipin ko ngunit hindi ako nagpahalata. Kailangan kong makumbinsi si Rigo na inaantok na talaga ako. Kailangan ko siyang mapaniwala dahil masasayang ang effort ko nitong mga nakaraang araw bago ang kasal naming ito.

Nagsimula na ako sa aking drama, ipinikit ko ang aking mga mata habang nakahilig pa rin ako sa balikat niya.

“Hala? Nakapikit na si Randy, Rigo. Inaantok na siya siguro?” narinig kong pagtatanong ni Tom makalipas ang ilang sandali.

Punyeta, Tom! Malamang! Dalawa lang anag dahilan para pumikit ang isang tao, inaantok na siya o kaya naman ay nadedo na!

Pero salamat na rin kay Tom, siya kasi ang unang nakahalata sa drama ko.

“Master, ’wag kang nagpapadala sa drama ni Randy. Kilala ko ’yan. Hindi agad ’yan nakakatulog sa loob ng ilang segundo lang.” narinig kong pagkontra naman ni Xander.

“Yeah. Xander is right. Kahit noong sa house pa namin ’yan nakatira, siya ang pinakahuling natutulog sa aming dalawa.” pagsang-ayon naman ni Shai.

“Saka kahit ngayon sa bahay namin, naaabutan ko pa ’yang gising. Aswang be like!” si Dom naman ang sumang-ayon ngayon.

Mga punyeta! Kaibigan ko ba talaga sila?!

Naku! Gigil na talaga ako! Malamang ay hindi rin naniniwala si Rigo na nakatulog na ako! Kilala na rin niya ako kaya wala akong pag-asa na makumbinsi ito!

Wala na nga akong choice, iminulat kong muli ang aking mga mata at itinigil na ang pagpapanggap ko.

“Hindi talaga ako makakatulog dahil ang iingay n’yo! Mga bwisit kayo!” buska ko sa kanila at binato sila ng tissue.

Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanila tanda na nanalo sila sa pang-aasar nila.

“Mars, ’yung totoo? Gusto mo nang umakyat sa kwarto dahil may binabalak kang malaswa, ’no?” pakikisali ni Coke sa pang-aalaska ng mga kaibigan ko.

Gusto ko sanang sampalin si Coke, pero dahil nandito sa tabi ko si Rigo ay pinigilan ko.

“Manahimik ka, Ninang, ha? ’Wag ka nang makisali dahil sasamain ka talaga. Kilala mo naman ako, ’di ba? Alam mo kung paano ako magalit, ’di ba? Gusto mong pumangalawa?” may pekeng ngiti kong pagbabanta kay Coke.

“Sshhh…” malambing na pagsaway naman sa akin ni Rigo at tinakpan ang bibig ko.

Gusto ko sanang kagatin ang kamay ni Rigo dahil napupunyeta na ako. Pero bago ko pa iyon magawa ay inalis na rin niya iyon sa bibig ko.

Inis na inis na ako. Ano bang kailangan kong gawin para lang makaalis na kami rito ni Rigo?

Mukhang kailangan kong mag-isip ng panibagong plano. Hindi umepekto ang pagpapanggap kong inaantok kaya iba na lang ang gagawin ko.

Nagpatuloy pa sila sa pag-iinuman hanggang sa umilaw na naman ang bombilya sa utak ko.

Ngayon ay alam ko na ang dapat kong gawin. Kung hindi ko nakumbinsi si Rigo sa kasinungalingan ko, susubukan ko namang maging mabait sa harap nito.

Muli kong inikot ang aking mga braso sa isang braso rin ni Rigo. Isinandal ko rin muli ang aking ulo sa kanya at ngumiti rin ako.

“Baby Rigz, mag-inom ka lang. Mag-enjoy lang, ha? Okay lang naman sa akin. Sasamahan pa rin kita kahit malasing ka pa,” una kong paglalambing sa kanya nang pabulong. “Okay lang kahit mapuyat ako. Okay lang kahit hindi ako makainom ng gamot ko sa oras. Okay lang na magkasakit ako. Okay lang talaga, baby Rigz. Basta makita lang kitang masaya, okay na ako. Kaya sige lang, mag-inom ka lang.” sunod ko pang pangongosensya.

Ginamit ko na ang sakit ko para lang makuha ko ang loob ni Rigo. Alam kong dito ko siya makukumbinsi dahil alagang-alaga ako nito.

Naramdaman kong naestatwa si Rigo. Sa likod naman ng isip ko ay ang malakas ko nang pagtawa na parang isang dragona.

Well, sino ngayon ang panalo? Ako pa rin. Ang Reyna ng Punyeta pa rin.

Hindi ako sinagot si Rigo, pero kasunod nito ay kinausap niya ang mga kaibigan naming hampas-lupa at mga impakto.

“Guys, maiwan na namin kayo. Bawal kasing magpuyat si Randy, e. Enjoy lang kayo rito, ha? Marami pang alak kaya hindi kayo mauubusan.” pagpapaalam agad ni Rigo sa kanila.

Nang sabihin iyon ni Rigo ay natigilan sila. Hindi yata sila makapaniwala na mabilis na nakapagdesisyon si Rigo na iwan sila.

Unti-unti nila akong nilingon habang nakataas ang isang kilay nila. Naroon sa kanilang mga mukha ang katanungan kung anong ginawa ko para makumbinsi si Rigo.

Pero sa halip na magsalita ako ay nginisian ko lang sila at tinapatan ang pagtaas ng isang kilay nila.

Ano na? Sino ngayon ang winner? Ako pa rin, ’di ba? Si Mrs. Randy Liam Silvestre pa rin, ’di ba?

“Whatever.” sagot lang ni Shai at umirap pa.

Whatever-whatever pa ang gagang ’to. Napakainggetera talaga.

Hindi na muli pang nagsalita si Rigo, mabilis niyang hinawakan ang isang kamay ko at saka siya tumayo.

“Let’s go, Liam. Umakyat na tayo sa kwarto natin.” nakangiti nitong pagyaya sa akin.

“Sure ka? Hindi mo ba tatapusin itong iniinom mo?” pagkukunwari kong nag-aalala habang hawak ang alak na iniinom niya.

“Hindi na,” sagot niyang nakangiti pa rin. “Marami pa namang araw para mag-inom at magsaya. Ayaw kong napupuyat ang asawa ko kaya kailangan na naming magpahinga.” dugtong niya pang paglalambing.

Huminga ako nang malalim na kunwari ay nanghihinayang pa rin. Tumayo na rin ako at pumulupot na naman ako sa kanyang braso.

“Ikaw ang bahala,” nakanguso kong sagot sa kanya. “Let’s go na?” sunod ko pang pagyaya nang masaya.

Hindi na rin kami nagtagal at tinalikuran na naming lahat sila. Akbay ako sa balikat ni Rigo at nakahawak naman ako sa kanyang bewang.

“Landi mo!”

“Haliparot ka!”

“Magkamot ka na lang! Nandamay ka pa!”

“Sulitin mo, ha?! May araw ka rin, bruha!”

Ilan lamang ’yan sa mga isinisigaw ng aming mga kaibigan mula sa aming likuran.

Sa halip na patulan ko pa ang kanilang sinasabi ay nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad ni Rigo palayo sa kanila.

Pero dahil ako si Randy Liam, itinaas ko ang isa kong kamao na nasa likod ni Rigo at siniguro kong makikita ng mga kaibigan namin ito. Kasunod nito ay sinaluduhan sila ng gitnang daliri ko habang nagse-sway-sway ang buntot kong mala-demonyito.

’Wag ako. Iba na lang. Makukuha ko ang gusto ko hangga’t nasa panig ko si Rigo.

Nagbubunyi na ang imaginary minions ko. Chini-cheer na ako ng aking little demonyitos dahil kasama ko na si Rigo. Nakikita ko pa ngang sinasabuyan nila ako ng bulaklak ngayong mga oras na ito.

Dumating na ang pinakahihintay ko.

Magaganap na ang pinakaaasam ko at sigurado na akong hindi na makakapalag si Rigo sa pagkakataong ito.

Kay tagal ko itong hinintay!

Mabibigyan ko na ng hustisya ang aking paglalaway!

Ayayay!


A/N

Alam kong bitin. Hahahahaha! Paano po? Feel you sa last part, ha?

Salamat sa pagbabasa! Mahal ko kayo!

–– cold_deee ❤

FINALE - PART 3

A/N

Eto na nga, ang LUST & LAST part ng Finale.

Sana ay magustuhan ninyo, guys! May iiwan din akong palaisipan sa chapter na ito, ewan ko lang kung mage-gets n’yo. Bwahahaha!

Para sa ’yo,

Jaydan29

, ang chapter na ito. Ikaw ang kauna-unahang nagcomment sa kwentong ito simula nang mai-publish ito. At hanggang ngayong matapos ito, nandito ka pa rin. Salamat sa ’yo! ❤

Start na natin, guys! Enjoy~

Pwede n’yo rin pong i-play ang nasa media na kanta habang nagbabasa. (Song title: Killing Me Softly - KZ Tandingan version)

––> ang book cover ng kwentong ito, ang kauna-unahang book cover na nagawa ko para sa sarili ko ring kwento.


RANDY’s POV

Akbay pa rin namin ni Rigo ang isa’t isa nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng aming kwarto ngayong gabi.

“Enjoy your night, Mister and Mister Silvestr—”

“Mister and MISIS Silvestre.” patatama ko sa lalaking staff ng resort na naghatid sa aming kwarto ng asawa ko.

Napakamot naman ng ulo ang staff na iyon. Ginagarapata na yata si Kuya?

“Pasensiya na po.” paghingi nito ng paumanhin sa amin.

“May magagawa ba kami? Maibabalik pa ba natin ang nangyari? Tapos na, ’di ba?” pagtataray ko sa kanya.

Nang sabihin ko iyon ay hinigpitan ni Rigo ang pagkakaakbay sa akin.

“Liam, stop that,” pagsaway nito sa aking mahinahon. “Sige. Thank you, ha? Nasa loob na ba ang mga gamit namin?” tanong naman nito sa staff habang nakangiti.

Tumango naman ang staff at nagbitiw rin ng alanganing ngiti.

“Opo. Maayos na rin po naming nailagay sa wardrobe ang mga damit ninyo.” sagot naman nito at saglit na tumigil. “Kaso lang po, may isang maliit na bag po kaming hindi binuksan dahil may mga padlock po. Ayaw naman po naming pakialaman dahil baka may mga importanteng laman––”

“Punyeta! Saan n’yo inilagay ang bag na ’yon?!” bigla kong pagputol sa staff gamit ang boses kong pasigaw.

Dahil sa aking pagsigaw ay parehong nagulat ang staff at si Rigo. Natigilan sila at hindi nakapagsalita.

Agad naman akong binalot ng kaba. Dahil kasi sa aking narinig mula sa staff ay mabilis din akong nataranta.

“A-ahm… Saan mo nilagay ang bag na ’yon, Kuya?” may peke at mahinahon ko nang pagtatanong ngayon sa staff.

Wala na akong pakialam kung iisipin man nitong nasisiraan na ako ng bait dahil sa pabago-bago kong pakikitungo sa kanya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay malaman kung saan niya inilagay ang bag na nakita niya!

Nakakunot ang noo ng staff dahil sa pagtataka nang sagutin niya ako.

“D-doon din po sa wardrobe… Nasa drawer na nasa baba lang po…” kinakabahan nitong sagot.

Nang masiguro kong ligtas ang bag na iyon ay napanatag na ang loob ko.

“Thank you, Kuya.” malawak ko nang pagkakangiti sa kanya. “Baby Rigz, bigyan mo siya ng malaking tip, ha?” pagbaling ko naman kay Rigo.

Nakakunot din ang noo ni Rigo tanda ng pagtataka dahil sa inaasal ko. Alam kong gusto na niyang magtanong sa akin ngunit iniiwasan niya muna dahil may ibang tao pa sa harap namin.

“O-okay…” nauutal na sagot sa akin ni Rigo habang tumatango.

Matapos ang kaganapang iyon ay kumilos na rin si Rigo para kunin ang kanyang wallet mula sa bulsa nito.

“Salamat ulit, brad. Kayo na lang din muna ang bahala sa mga bisita naming hindi pa natutulog ngayon, ha?” pakikipag-usap ni Rigo sa staff habang inaabutan ng pera ito.

“Sige po, Sir. Salamat po rito. Ito naman po ang susi ninyo.” sagot naman ng staff at iniabot ang card key nitong kwarto namin ni Rigo.

Nang makaalis ang staff ay si Rigo na rin ang nagbukas ng pintuan. Ito rin ang kwarto na aming tutulugan dahil ilang araw rin kaming mamamalagi rito kasama pa rin ang aming mga kamag-anak at mga kaibigan. Gagamitin na namin ni Rigo ang natitirang araw na maaari kaming mamalagi sa exclusive resort na ito.

Nang tuluyang mabuksan ang pintuan ng kwartong iyon ay parang gusto ko nang sumigaw dahil sa pagkamangha. Napakaganda ng buong kwarto at halatang napakaespesyal talaga. Pakiramdam ko ay mabubuhay ako rito na tila isang tunay na prinsesa.

“Liam, ang ganda ng kwarto, ’no?!” hindi napigilang pagkamangha ni Rigo habang hinihila ako papasok sa loob ng kwarto.

“Yeah…” kunwari ay walang gana kong sagot sa kanya. Pero ang totoo, gusto ko na ngayong lumundag sa kama. Kailangan ko lang talagang panindigan ang simula ng aking drama.

“Hindi ka ba natutuwa?! Ibang-iba ito sa kwarto na ibinigay sa atin kanina!!” reaksyon pa rin niya habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

Tama si Rigo, triple siguro ang laki nito kumpara sa kwartong ibinigay sa amin nang magkahiwalay kanina. Magkaiba kami ng tinuluyang kwarto bilang paghahanda sa kasal namin kanina. Kinailangan ’yon para mas maging kaabang-abang ang pangyayari sa oras na magkita kaming dalawa.

Hinilot ko muna ang aking sentido at nagpatuloy sa madramang pag-arte ko.

“Nagandahan naman, baby Rigz… Mas malaki ang kwartong ito kumpara sa kwarto na ibinigay sa atin kanina… Ang kaso, ang sakit na talaga ng ulo ko dahil sa antok at pagod kaya hindi ko magawang magcelebrate kagaya mo…” pag-iinarte ko pa rin. “Kaya sige na, Rigz, maligo ka na para makahiga na tayo sa kama…” pahabol ko pa.

Punyeta. Hindi ko napigilan ang excitement ko. Baka mahalata na ako ni Rigo sa binabalak ko?!

Natigilan si Rigo sa paglilibot ng kanyang paningin sa kabuuan ng aming kwarto. Kasunod nito ay lumapit siya para halikan ako sa sentido.

“Sorry…” malambing niyang paghingi ng tawad sa akin. “Gusto mo bang maunang maligo? Iche-check ko muna ang heater ng shower kung okay. Baka kasi mapasma ka?” sunod pa nitong alok.

“Ikaw na lang muna ang maunang maligo, baby Rigz… Magpapahinga lang ako saglit.. Tapos, ihahanda ko na rin ang susuotin na pangtulog nating dalawa…” malamya kong utos sa kanya.

“Okay…” pagsang-ayon niya. “Umupo ka muna sa kama. Bibilisan kong maligo para maihand—”

“No!!” biglang pagsigaw ko dahilan para matigilan si Rigo. “I mean, okay lang kahit tagalan mong maligo, baby Rigz!” medyo mahinahon ko nang dugtong.

Nagtataka naman si Rigo na tiningnan ako.

“Liam, kailangan ko pang hanapin ang medicine kit mo. Sa luggage ko ’yon inilagay at hindi ko alam ngayon kung saan naitago ng staff nitong resort. At gusto ko, bago ka lumabas sa banyo, nahanap ko na ’yon.” pakikipagtalo nito.

Pipitikin ko na si Jaime na alaga nitong asawa ko! Bakit ba kontra siya nang kontra?! Nauubusan na ako ng palusot dahil sa pakikipagtalo niya!

Huminga ako nang malalim para ikalma ang sarili ko.

“Meron naman akong sariling stock, baby Rigz, eh. Kaya sige na, tagalan mong maligo. Ayaw kong amoy pawis kang tatabi sa akin mamaya.” pagkumbinsi ko pa rin.

“Sure ka? Saan mo inilagay ang stock ng gamot mo?” paniniguro naman niya.

“Sa luggage ko rin.” sagot kong puno ng pagtitimpi.

“Saan? Patingi—”

“Rigz, maliligo ka ba o hindi? Kasi lalo lang tayong matatagalan kung makikipagtalo ka pa sa akin. Malapit na rin talaga akong mapunyeta, alam mo ba?” may halo ko nang pagbabanta sa kanya habang pinanlilisikan na rin siya ng mga mata.

Kaunti na lang talaga ay magbubuga na ako ng apoy dahil sa kakulitan ni Rigo. Malapit na talagang maubos ang pasensiya ko.

Huminga siya nang malalim at napapikit pa ito.

“Okay, Liam. Sorry kung naging makulit ako. Nag-aalala lang ako sa ’yo.” pagsuko niya at bakas talaga ang pag-aalala rito.

Hindi ako nakaimik dahil bigla akong na-guilty sa inaasal ko ngayon kay Rigo. Masyado akong nadala ng bugso ng kalandian, este, ng bugso ng damadamin ko.

Nginitian ko si Rigo at niyakap ang bewang nito.

“Sige na, Rigz, maligo ka na para ako naman ang susunod. Medyo nalalagkitan na rin ako dahil sa suot ko.” utos ko na lamang sa malambing kong tono at hinalikan sa labi ito.

Tumango naman si Rigo saka hinalikan din ang labi ko.

“Sige, Liam. Magpahinga ka muna saglit habang naliligo ako.” pagsang-ayon na niya sa wakas at marahang hinila ang kamay ko para igayang makaupo sa malaking kamang naririto.

Yes! Sa wakas ay nakumbinsi ko na rin siya! Punyeta! Kailangan lang palang lambingin ko siya!

“Ano nga palang laman ng bag na sinasabi ng staff kanina, Liam? Saka bakit may mga padlock daw ’yon?” tanong ni Rigo habang naglalakad na ito patungo sa banyo.

Bahagya na naman akong nataranta, pero dahil napaghandaan ko na ang isasagot ko sa kanya ay nagpatuloy na lang ako sa aking drama habang nakaupo rito sa malambot na kama.

“Wala ’yon, baby Rigz… Mga personal na gamit ko lang ’yon na pampaganda. Alam mo na? Ayaw kong may ibang nakakaalam ng beauty secrets ko, ’di ba..? Kaya nilagyan ko ng padlock…” sagot ko naman sa kanya.

“Mmmm…” sagot lang ni Rigo habang tumatango. Kasunod nito ay pumasok na rin siya sa banyo para maghanda sa kanyang pagligo.

Nakiramdam ako. Parang akong estatwa dahil wala akong kagalaw-galaw nang makapasok na si Rigo sa banyo. May ilang minuto rin iyon hanggang sa hindi na muli pang nagparamdam ang aking asawa. Mukhang nagsisimula na siya sa pagligo niya.

“Yes! Punyeta! Ang lambot ng kama! Walang langitngit ’pag umalog-alog kami ni Rigo mamaya! Punyeta! Perfect para sa magaganap na giyera! Saglit na lang, Randy! Ready, set, go! Putukan na!” masaya kong reaksyon sa boses kong pabulong habang nasa ibabaw ng kama at gumugulong-gulong.

May ilang segundo pa ako sa ginagawa kong paggulong sa kama hanggang sa….

“Liam! Nandito ang mga beauty kit mo sa banyo! Ano ba talagang laman ng bag na dala mo?” si Rigo na biglang lumabas sa banyo habang may tapis na towel ang bewang nito.

Natigilan ako sa aking pagbubunyi. Hindi rin ako nakagalaw dahil mukhang nahuli ako ni Rigo parang bulateng inasinan sa kama naming naririto.

“Teka? Bakit nakahiga ka na sa kama? Hindi ka pa nakakapagpalit ng damit, Liam. Mamaya ka na matulog diyan.” sunod na utos sa akin ni Rigo.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Mabuti na lang pala at ang naabutan niya sa akin ay nakahilata lang ako.

Dahan-dahan akong umahon mula sa pagkakahiga ko. Kasunod nito ay hinilot kong muli ang aking sentido para ituloy ang pag-arteng nahihilo.

“Humiga lang ako saglit, Rigz, habang hinihintay kang matapos maligo… Kaso lang mukhang bukas ka pa matatapos dahil ang dami mong tanong… Gusto mo yatang magkasakit talaga ako, ’no..?” paliwanag ko sa kanya at pangongosensya sa dulo.

Ito na naman ako, ginagamit ko na naman ang sakit ko para lang makumbinsi si Rigo.

Siya naman kasi! May pagkamakukit din!

“Sorry, sorry! Sige, bibilisan ko na para makapagpahinga ka na!” natataranta na ngayong sambit ni Rigo at mabilis na ring bumalik sa loob ng banyo.

“Kahit tagalan mo pa! ’Wag kang magmadali dahil ayaw kong amoy pawis ka!” pahabol ko namang utos sa kanya.

Hindi na siya sumagot pa mula sa loob. Kasunod nito ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig tanda na nagsimula na siya sa pagligo niya.

May ilang minuto rin akong panay ang hilot pa rin sa aking sentido. Baka kasi bigla na naman lumabas si Rigo at maabutan na naman akong nagse-celebrate sa mga oras na ito.

Kailangan kong galingan ang aking pag-arte para lang matuloy ang plano ko. Sa ginagawa ko tuloy ngayon, parang dinaig ko pa ang mga batikang aktres dahil sa husay ng acting ko.

Nang masigurong hindi na lalabas pa si Rigo ay mabilis na rin akong tumayo mula sa kamang inuupuan ko. Hindi na ako dapat magsayang ng oras dahil baka mabuko pa ako ni Rigo.

Nagtungo ako sa wardrobe na tinutukoy ng staff at hinanap ang bag na dala-dala ko. At nang tuluyan ko itong makita sa drawer ay kusang gumuhit ang malapad na ngiti ko.

Hindi na rin ako nagsayang pa ng sandali, kinuha ko na rin mula sa aking bulsa ang mga susi ng padlock para mabuksan ang mga ito.

“Tingnan ko lang kung makapalag ka pa sa akin ngayon, Rigo? Pasensiyahan na lang, ha? Masyado ka kasing pahabol kaya kailangan ko nang gawin ito.” wika ko habang nakaangat at tinititigan ang bagay na gagamitin ko mamaya kay Rigo.

“Syet, kinikilig ako. Makikita ko na ulit si Jaime. Mararamdaman ko na ulit siya nang buo.” pahabol ko pang pagsasalita nang nakangiti habang ikinikiskis sa aking mukha ang bagay na hawak ko.

Gusto ko mang ipagpatuloy pa ang aking pagpapantasya ay pinigilan ko muna. Dapat ay maihanda ko na ang aking gagamitin bago pa matapos si Rigo sa pagligo niya.

Saglit lamang ako sa ginawa kong paghahanda. Nang masiguro kong nailagay ko na ang mga bagay na iyon sa dapat nitong pagtaguan ay ang mga robes naman na gagamitin namin sa pagtulog ang aking kinuha para ilapag sa ibabaw ng kama. Bumalik na rin ako sa pag-upo para ituloy ang aking pagda-drama.

“Liam, sige na, maligo ka na. Okay na rin ang tubig, hindi na malamig.” bungad ni Rigo nang makalabas ito mula sa banyo.

Nang iangat ko ang aking paningin para tingnan si Rigo ay napalunok ako. May tapis itong towel sa kanyang bewang na tumatakip sa bandang ibaba ng kanyang katawan. Basa pa rin ang katawan niyang iyon maging ang kanyang buhok na pinupunasan niya rin ng isa pang tuwalya.

“Liam?” pagtawag nitong muli sa aking pangalan.

Nagulat ako dahil nasa harapan ko na siya. Hindi ko na namalayang nakalapit siya dahil sa pagpapantasya ko sa kanya.

Sa halip na sagutin pa siya ay mabilis na lamang akong kumilos at tumayo para takbuhin ang banyo dala ang robe na susuotin ko sa oras na matapos akong maligo.

Punyeta! Ang sarap talaga ng asawa ko! Mamaya lang siya sa akin! Susulitin ko talaga ang sarap ng katawan niya!

Halos ibato ko na ang mga damit ko nang mahubad ko ito. Sinimulan ko nang maligo at siniguro kong malinis ang bawat sulok ng katawan ko.

“Aray, punyeta!” daing ko dahil sa sobrang pagkuskos na ginagawa ko sa aking balat.

Hinilod ko ang dapat hilirun.

Inahit ko ang dapat na ahitin.

Nilinis ko ang dapat linisin.

Lahat ay ginawa ko bilang paghahanda sa pagniniig namin ng baby Rigz ko!

Yes, magniniig talaga kami ngayon sa ayaw at sa gusto ng asawa ko!

Matapos ang mahabang minutong paghahanda ay saglit kong sinilip si Rigo sa labas nitong banyo. Naabutan ko siyang nasa tapat ng isang malaking salamin at bino-blower ang basang buhok nito. Nakasuot na rin siya ng silk na robe at mukhang handa na talaga siyang matulog sa mga oras na ito.

Bumalik ako sa loob ng banyo at nakangising hinarap ang salamin na naririto.

“Walang matutulog, Rigo. Magpapang-abot tayo ng umaga dahil sa gagawin ko sa ’yo.” pagbabanta ko sa kanya habang tinitingnan ang repleksyon ko. “Syet, kinikilig ako! Ang ganda-ganda mo talaga! Walang duda na naka-jackpot si Rigo dahil ikaw ang napangasawa niya!” pakikipag-usap ko pa rin sa aking repleksyon habang nakangiti at hawak ang aking isang pisngi.

Matapos kong purihin ang aking sarili ay sinimulan ko na ring paliguan ng lotion at pabango ang buong katawan ko. Kailangang sa amoy ko pa lang ay gugutumin na sa akin si Rigo. Kailangan ay lalo siyang mabaliw sa alindog ko.

Lumabas ako sa banyo na walang imik. Suot ko na rin ang aking silk na robe na kapareho sa kanya. Siyempre, couple’s goal ang drama naming dalawa.

Naabutan ko naman ngayon si Rigo na nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard nito. Hawak niya ang kanyang cellphone at abala siya sa pagtingin at pagpindot dito.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagtungo na lamang ako sa tapat ng salamin. Habang naghahanda sa pagblower ng aking buhok para patuyuin ay napansin ko ang bumabalot na mabangong amoy sa paligid.

Paulit-ulit kong sininghot iyon dahil alam kong ang paboritong pabango iyon ni Rigo tuwing kami ay magniniig. Ilang beses ko pang nilanghap iyon hanggang sa balingan ko ng tingin si Rigo. Naroon pa rin siya sa kama at abalang nakatingin sa cellphone niya.

’Nagpabango ka pa talaga, ha? Tapos ‘pag inakit naman kita, pumapalag ka! Nakakapunyeta ka rin minsan talaga!’

’Yan ang tumatakbo sa aking isip habang pinaniningkitan ko siya ng mata.

Saglit lamang akong napasimangot dahil doon. Nagbalik na rin ako sa pagbo-blower ng aking buhok nang may maisip din ulit ako.

‘Well, tingnan ko lang kung makapalag ka pa sa akin mamaya, Rigo.’

May ilang minuto pa akong nagpapatuyo ng aking buhok at wala pa ring umiimik sa aming dalawa ni Rigo. Abala pa rin siya sa kanyang cellphone at hindi rin nakaligtas sa akin ang pagngiti nito.

Kung sa ibang maybahay ay maghihinala na sila kung makikita nila ang kanilang asawa na napapangiti habang nakatingin sa cellphone nila, iba naman ako. Dahil bukod sa maganda ako, alam kong ako lang din ang dahilan kung bakit napapangiti si Rigo habang nakatingin sa cellphone nito. Maaaring nakatingin siya sa kanyang gallery na puno ng selfie ko, o kaya naman ay binabasa niya ang mga naging conversation naming dalawa tuwing magkalayo kami nito.

Punyeta. Ang ganda ko talaga. Masubsob na sana ang inggitera.

Matapos ang ginagawa kong pagblower ay dahan-dahan na akong lumapit sa pwesto ni Rigo sa kama. Huminga pa ako nang malalim dahil bahagya akong nakaramdam ng nerbiyos dahil sa magaganap mayamaya.

Wala pa ring umiimik sa aming dalawa hanggang sa makarating ako sa kanyang pwesto. Nakatayo ako sa kanyang tabi at hindi pa rin niya ako nililingon hanggang sa mga oras na ito.

Medyo napapaisip na ako. Ang inaasahan ko kasi ay kukulitin ako nito at sasabihing uminom na ako ng gamot ko, pero wala siyang sinabi kahit na ano.

Sa halip na madismaya ay nagpasalamat na lamang ako. Mabuti na rin ito para mas madali kong maisasagawa ang aking plano.

Sinimulan ko nang gumalaw. Inangat ko ang aking isang paa paakyat sa kama na animo’y hahakbang ako para makatawid sa katawan niya.

Pero hindi.

Dahil nang maitawid ko ang isa kong paa ay nanaliti na ako roon at umupo sa bandang puson niya. Ngayon ay nasa pagitan na ng aking mga hita ang katawan niya.

Dahil sa aking ginawa ay nakuha ko na ang atensyon ng aking asawa. Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang mga mata sa hawak niyang cellphone at tiningnan ako nang diretso habang may katanungan sa ekspresyon niya.

“Hi, baby Rigz~~~” may kalandian kong pagbati sa kanya habang may malawak akong ngiti sa aking labi.

Nangunot naman bigla ang noo niya.

“Liam, humakbang ka na kung hahakbang ka. Akala ko ba masakit ang ulo mo? Humiga ka na rito at kukunin ko na rin ako ng gamot mo.” pag-uusisa nito.

Hindi ako nagpaapekto sa sinabi niyang iyon kahit medyo napunyeta ako. Nanatili na lamang ako sa aking pwesto at mas pinalawak ko pa ang ngiti ko.

“Ayoko nga… May gagawin pa kasi tayo bago matulog, eh…” mas malandi ko nang pagtutol sa kanya. Bahagya ko pang iginalaw ang aking balikat sa pagbabakasakaling malalaglag ang aking robe para mas nakakaakit sa paningin niya. Pero ang punyetang robe, ayaw yatang makisama dahil hindi man lang umalis sa balikat ko.

Hindi na bale, labas naman ang dibdib ko kaya nakakaakit pa rin ako.

“Gagawin? Nating dalawa?” tanong niya pa ring nagtataka.

“Oo…” sagot ko pa ring mapang-akit. “Ano bang ginagawa ng mga mag-asawa pagkatapos ng kasal nila..? May iba pa ba..?” makahulugan na tanong ko pa sa kanya.

Hindi nakasagot si Rigo. Naroon pa rin sa kanyang ekspresyon ang pagtataka tanda na wala siyang ideya sa katanungan ko sa kanya.

Sa halip na magbunganga ako tulad ng lagi kong ginagawa tuwing ganito kabagal mag-isip si Rigo ay kumilos na lamang ako para marahang kunin ang cellphone na hawak nito.

“Gagawin natin ang ginagawa ng mag-asawa tuwing matatapos ang kasal nila, Rigz… You know..? Doon na tayo sa next level…” paliwanag ko pa ring mapang-akit at itinapon ang kanyang cellphone sa mas malayong bahagi nitong kama.

Hindi pa rin nakagalaw si Rigo at suot pa rin niya ang naguguluhang ekspresyon nito.

Nilubos-lubos ko na ang pang-aakit ko. Inilapag ko ang dalawa kong palad patungo sa maumbok niyang dibdib at marahan akong lumapit sa kanyang tenga para bulungan ito.

“Hayaan mong sabihin ko kung ano iyon, Rigz…” bulong ko sa kanya. “Pulot-gata, Rigz… ’Yan ang gagawin nating dalawa…” mas mapang-akit ko pang bulong at marahan kong kinagat ang kanyang tenga.

Naramdaman kong natigilan siya. Hindi rin siya nakapagsalita tanda na nasorpresa siya.

Pagkakataon ko na ’to! Wala na talagang kawala sa akin si Rigo!

Nagpatuloy ako sa paglalandi sa ibabaw ni Rigo. Inalis ko ang isa kong kamay sa kanyang dibdib para abutin ang isang bagay na itinago ko kanina sa ilalim ng unan na nasa likod nito. Ang bagay na gagamitin ko para hindi na makapalag si Rigo, ang mga bagay na nilalaman ng bag na dala-dala ko.

Habang kinakapa ang bagay na aking itinago sa ilalim ng unan ay nagpatuloy ako sa pang-aakit sa asawa ko.

“Wala nang palag-palag, Rigz… Ilang buwan kong hinintay ’to… Ilang araw ko ring pinagplanuhan ang gagawin ko para lang mangyari ’to… At ngayong nandito na ’to, hindi na ako papayag na masira ang plano ko… Magaganap ang pag-iisa natin sa ayaw at sa gusto mo…” mahaba kong litanya habang kinakapa ang ilalim ng unan sa likod niya.

Napakahaba ng sinabi ko at nakakaakit ang aking tono, pero ang hinahanap ko, hanggang ngayon ay hindi ko makapa sa mga oras na ito.

“Punyeta! Nasaan na ba ’yon?!” may diin kong bulong habang patuloy sa aking pagkapa.

Nang masambit ko ang mga salitang iyon ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rigo habang nasa ibabaw niya pa rin ako.

“Anong hinahanap mo diyan, Liam?” tanong niya.

Natigilan ako dahil sa katanungan niya. Nanigas ako sa aking pwesto at hindi nakapagsalita.

“Ito ba?” sunod niyang tanong habang natatawa.

Nang sabihin niya iyon ay mabilis ko siyang nilingon. Nasaksihan ko kung paano niya inangat ang kanyang isang kamay habang hawak ang isang bagay na kanina ko pa kinakapa.

“Akin na ’yan!!!” sigaw kong bigla at pilit na inaabot ang kamay niya.

Inaabot ko ang kamay niya pero iniwas lang iyon nang iniwas ni Rigo. Sa bawat tangka kong pagkuha mula sa kamay niya ay ang pagpasa rin niya sa kanyang isa pang kamay dahilan para hindi ko talaga maabot ito.

“Liam, naman!! Bakit ka may posas?!!” natatawa niya pa ring tanong habang iniiwas ang bagay na iyon sa akin.

Tama, posas nga ang itinago ko sa ilalim ng unan dito sa kama namin ni Rigo.

“Obvious ba, Rigo?! Ipoposas kita para hindi ka na makapalag pa!! Gagahasain na lang kita dahil ayaw mo namang may mangyari sa ating dalawa!! Kung hindi ka rin lang naman makuha sa santong-dasalan, dadaanin na kita sa santong-paspasan!! Punyeta!!” pasigaw kong sagot sa kanya. “Kaya, akin na ’yan!!” sigaw ko pang muli at nagbalik na naman ako sa pakikipag-agawan sa kanya.

“Saan mo ’to nakuha?! Bakit ka nagkaroon ng ganito?!” tanong niya pa rin sa akin.

“Sa guard natin sa mansyon! Pinagbantaan ko siyang tatanggalin sa trabaho ’pag hindi niya ako pinahiram!!” sagot ko namang tapat sa kanya.

Tawa pa rin nang tawa si Rigo habang iniiwas sa akin ang posas na iyon na makuha ko.

“Rigo, isa!!! Hina-high blood mo na naman ako!!! Ibigay mo na sa akin ’yan kung ayaw mong magwala ako!!” pagbabanta ko na sa kanya.

“Hindi ka pa ba nagwawala sa lagay na ’yan, Liam?! High blood ka na kaya!!” pamimilosopo niyang natatawa.

Nagpatuloy pa kami sa pag-aagawan hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Dahil sa mukhang wala talaga siyang balak na ibigay sa akin ang posas ay nanghihina na lamang akong napaupo sa kanyang puson para ipinagpatuloy ang aking pagmamaktol.

“Rigo, naman, eh… Ibigay mo na sa akin ’yan…” pakiusap kong mangiyak-ngiyak. “Bakit mo ba ako ginaganito..? Mag-asawa na tayo, ’di ba..? Kinasal tayo kanina kaya dapat lang na may mangyari ngayong gabi sa ating dalawa… Hindi ko na kaya, Rigo… Kailan mo pa natutunang paasahin ako..? Nasasaktan na ako, alam mo ba ’yon..? Feeling ko, nandidiri ka na sa akin kaya ayaw mo akong galawin…” dugtong ko pang panunumbat.

Napatigil si Rigo sa kanyang pagtawa ngunit nanatiling suot ang magandang ngiti niya. Huminga siya nang malalim at nagulat ako nang itapon niya ang posas sa sahig.

Hindi ako muli pang nakapagsalita at napatingin na lamang ako sa posas na ngayon ay malayo na sa aming pwesto.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Rigo sa mga balikat ko at iginapang niya ito patungo sa mga kamay ko. Dahil doon ay muli ko siyang nilingon habang malungkot pa rin ang ekspresyon ko.

“At sino namang nagsabi na pinandidirihan kita, Liam?” tanong niya sa aking nakangiti. “Itigil mo ang pag-iisip ng ganyan. Tandaan mo, hindi kita pakakasalan kung pinandidirihan kita. Saka mahal na mahal ko ang asawa ko kaya walang dahilan para pandirihan ko siya.” dugtong niya pang paliwanag at saglit akong hinalikan sa labi.

Napahigpit ang hawak ko sa kanyang mga kamay. Damang-dama ko ang senseridad sa mga sinabi ni Rigo, pero hindi ko pa rin magawang ngumiti sa pagkakataong ito.

“E, bakit kasi ayaw mo pa akong galawin..? Ano bang mali, Rigz..? Ano bang balak mo..? Bubulukin mo na lang ba ang matres ko, o ibuburo mo ako..?” nanghihina kong tanong.

Saglit siyang natawa dahil sa mga salitang binitiwan ko.

“Sino ba kasing nagsabi na walang mangyayari sa atin ngayong gabi?” tanong niya pabalik habang malawak ang kanyang pagkakangiti.

Dahil sa aking narinig ay ako naman ang natigilan. Hindi ko maintindihan kung ano ang tumatakbo ngayon sa kanyang isip kaya hinayaan ko siyang magpaliwanag.

Umayos sa pagkakaupo si Rigo habang nasa ibabaw pa rin ako nito. Hawak niya pa rin ang dalawa kong kamay hanggang sa magsalitang muli ito.

“Liam, tulad mo, matagal ko ring hinintay ang pagkakataon na ’to. At ngayong dumating na ’to, sa tingin mo ba, matutulog na lang tayo nang hindi mangyayari ang isa sa pinakaimportanteng kaganapan sa buhay ng bagong mag-asawa katulad nating dalawa?” mahaba niyang litanya habang magkalapit ang aming mga mukha.

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang hindi makapaniwala. Gumuhit ang pagtataka sa aking mukha tanda ng pagtataka.

Nagpatuloy si Rigo sa kanyang pagsasalita habang may ngiti pa rin sa labi niya.

“Siyempre, gusto kong maangkin ang asawa ko. Lahat naman ng ikinakasal, gano’n ang gustong mangyari, ’di ba? Kaso lang, noong sinabi mo kaninang masama ang pakiramdam mo, medyo nanghinayang ako. Pero dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa ’yo, mas nangibabaw rin ang pag-aalala ko. Mas gusto kong maging maayos ang pakiramdam mo kaya kinumbinsi ko na lang ang sarili kong ipagpaliban muna ang pulot-gata na sinasabi mo.” mahaba niya pang paliwanag.

Dahil sa aking narinig mula sa kanya ay bahagya nang napanatag ang kalooban ko.

“Talaga..?” paniniguro ko na sa kanya.

Tumango naman siya bilang pagtugon saka muling nagsalita.

“Pero kanina, noong hinahanap ko ang gamot na iinumin mo, aksidente ko namang nakita ang mga itinatago mo sa ilalim ng unan dito. Doon na ako napaisip, doon ko lang na-realize kung bakit pabago-bago ang mood mo bago tayo makapasok dito sa kwarto. At habang nag-iisip ako, doon ko na rin nakumpirma ang plano mo.” muling paliwanag nito at hindi napigilang matawa sa huling sinabi nito.

Nakaramdam ako ng hiya sa mga sinabi ni Rigo. Ang akala ko ay slow siya paminsan-minsan, iyon pala ay umaarte lang din siya gaya ko.

Punyeta. Bakit ngayon ko lang naalala na may dugong showbiz nga pala siya?! Natural, magaling din siya sa acting!

Hindi ako nakapagsalita. Ang tanging nagawa ko lamang ay kagatin ang ibaba kong labi dahil sa hiya.

Marahang inangat ni Rigo ang isang kamay ko patungo sa kanyang labi at hinalikan ito.

“Liam, gusto mo bang malaman kung bakit ayaw kong may mangyari sa ating dalawa simula nang makabalik ka?” bigla niyang tanong habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata.

“’Di ba, ang sabi mo, natatakot ka na baka bumalik ako sa dati dahil medyo wild ka sa kama? Iyon ang sinabi mo sa akin, baby Rigz…” sagot kong malambing sa kanya.

Sa pagkakataong ito ay hinalikan niya naman ang dulo ng ilong ko bago muling nagsalita.

“Bukod doon, Liam, may pinakadahilan pa.” tipid niyang sagot sa akin.

Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi. Meron pa?

“A-ano ’yon?” nauutal kong tanong sa kanya dahil sa pagtataka.

Hindi muna ako sinagot ni Rigo. Inangat niyang muli ang isa niyang kamay at hinawi ang ilang hibla ng buhok kong tumatakip sa mga mata ko.

“Liam, gusto kong malaman mo na simula noong araw na sinabi mong official na tayo, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.” panimula niya.

“Alam ko, Rigz. Alam ko na ’yon.” sagot ko naman sa kanyang sinabi habang seryoso ang aking ekspresyon.

Huminga siya nang malalim saka niyakap ang aking bewang at nagpatuloy sa pagsasalita niya.

“At simula noong araw na iyon, Liam, nangako akong itutuwid ko na ang lahat at gagawing tama.” sunod niyang wika.

Muling nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Hindi na naman ako nakapagsalita kaya nagpatuloy na rin siya.

“Liam, nagsimula tayo sa mali, ’di ba? Fubu tayo, walang opisyal na relasyon, nagkakaroon lang ng ugnayan dahil sa tawag ng mga laman. At aaminin ko, noong una nagkaroon talaga ako ng takot na galawin ka. Pero nitong mga huli, kahit gusto na kitang angkinin, sinikap kong pigilan na may mangyari sa ating dalawa. Alam mo ba kung bakit, Liam?” sagot niyang mahaba at pagtatanong sa huli.

“H-hindi…” nauutal kong sagot sa kanya dahil pa rin sa pagtataka.

Ngumiti siya at nanatiling nakatingin nang diretso sa aking mga mata.

“Dahil naisip ko, ito ang bagay na gusto kong gawin simula pa noon. Gusto kong alagaan ka lang at iparamdam ang pagmamahal ko sa ’yo kahit wala tayong ginagawang milagro. Gusto kong maging masaya ka lang sa bawat araw na gigising ka. At ako, ako lang ang gusto kong magparanas no’n sa ’yo. Wala nang iba.” sagot niya sa kanyang katanungan kanina.

Parang natutunaw ang puso ko sa kanyang mga sinasabi. Ramdam ko ang nag-uumapaw na pagmamahal sa akin ni Rigo. Wala akong maipipintas doon ngunit may mga katanungan pa rin ako.

“Pero, Rigz, hindi naman pwedeng gano’n lang tayo araw-araw, ’di ba? Importante pa rin na may kahindik-hindik na mangyayari sa ating dalawa. Parte pa rin ’yon ng relasyon para mas maging matatag tayo. Hindi naman pwedeng sa araw-araw na magdadaan, tatawa lang tayo. Hindi naman tayo baliw, ’di ba? Kaya nagtataka ako kung bakit iwas ka nang iwas sa pang-aakit ko? Bakit kailangan mo pang maghintay ng kasal kung gabi-gabi namang magkatabi tayo?” mahaba kong pakikipagtalo sa kanya.

Natawa na naman siya bago ako sinagot.

“Kasi nga, gusto kong ituwid ang lahat. Gusto kong masunod ang tamang proseso sa isang relasyon.” una niyang sagot. “Ipagpalagay na lang natin na walang nangyari sa atin sa loob ng sampung taon na magkasama tayong dalawa. Isipin nating sa loob ng sampung taon na ’yon, niligawan lang kita. Ginawa ko ang lahat para lang mapasagot ka. At noong sinagot mo na ako, niyaya agad kitang pakasalan.” una niyang paliwanag.

Naghintay pa ako sa kasunod kaya hindi na muna ako nagsalita.

“Ngayong kasal naman na tayo, ipagpalagay naman nating ngayon lang din ang unang gabi na magiging isa tayo. Sa madaling salita, ito ang unang gabi na magaganap ang pag-iisa natin simula noong maging tayo. Gano’n ka kahalaga sa akin, Liam. Gusto kong maramdaman mong espesyal ka. Na handa akong maghintay hanggang sa pwede na talaga kitang maangkin dahil asawa na kita. Iyon ang isa sa naisip kong paraan para maituwid ang maling simula nating dalawa.” mahabang paliwanag ni Rigo.

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko dahil sa naging paliwanag ni Rigo. Gusto kong maiyak dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan ko. Paano ako nabigyan ng kagaya niya? Alam kong hindi ako mabuting tao, pero heto at ipinagkaloob sa akin ang isang tulad ni Rigo.

Matapos mai-proseso ng aking isip ang mga salitang binitiwan ni Rigo ay nakapagsalita na rin ako.

“Ibig bang sabihin niyan, baby Rigz, kailangan ko rin magpanggap na virgin ngayong gabing ito?” tanong ko sa kanya.

Natawa si Rigo bago sinagot ang katanungan ko.

“Ikaw ang bahala! Basta ako, iisipin kong ito ang unang gabi na may mangyayari sa atin dahil mag-asawa na tayo!” sagot niya at mabilis na hinalikan ang labi ko.

Ngayon ay naiintindihan ko na. Tama naman si Rigo, nagsimula kami sa mali. At ngayong nabigyan kami ng pagkakataon na magkasama habang-buhay, dapat kaming magsimula sa tama.

Dahil sa reyalisasyon ay napangiti na rin ako sa wakas. Kasunod nito ay inikot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg para siya ay mayakap.

“Sige, baby Rigz. Gagalingan ko ang acting kong virgin. Iisipin kong ngayon ang first time na gagawa tayo ng milagro. Kaya sige na, pulot-gata na tayo!” nakangiti kong pagyaya sa kanya habang tumatango.

Umalingawngaw ang tawa ni Rigo dahil sa sinabi ko. Hinayaan ko lamang siya dahil napakasarap sa mata na makitang napapatawa ko siya tulad nito.

“Bakit ba ang cute ng asawa ko?! Nakakagigil!” halos pasigaw niyang reaksyon at madiin na hinalikan ang labi ko dahil sa panggigigil.

Saglit lamang ang halik niyang iyon hanggang sa manatiling magkadikit at noo naming dalawa. Pinagsawa namin ang pagtitig sa isa’t isa habang suot ang magandang ngiti naming dalawa.

“Ang ganda ng asawa ko. Amoy na amoy ko rin ang paboritong pabango mo. Lalo tuloy akong nanggigigil sa ’yo.” papuri niya sa akin sa malambing niyang tono.

“Ang swerte ko rin sa asawa ko. Mabango na, masarap pa. Pakagat nga?” sagot ko naman at marahang kinagat ang ilong niya.

Natatawa pa rin siya, at base sa pagtawa niyang iyon, alam kong kinikilig siya.

“I love you, Liam…” masuyo niyang sambit habang nakatingin sa aking mga mata.

“I love you too, Rigz…” sagot ko ring malambing habang nakatingin din sa kanya.

“Mahal na mahal kita…”

“Mahal na mahal din kita…”

“Ikaw ang buhay ko…”

“Sa ’yo na umiikot ang mundo ko…”

“I love you more than anything else…”

“I love you more than anyone else…”

Matapos ang pagpapalitan ng mga salitang hindi namin noon masabi sa isa’t isa ay napapikit na ang aming mga mata. Wala nang nagsalita pa matapos iyon dahil ang kasunod nito ay nagdikit na ang labi naming dalawa.

Yakap ni Rigo ang aking bewang at yakap ko naman ang kanyang leeg habang nasa pagitan siya ng aking mga hita. Walang sawa naming sinusuklian ang halik ng isa’t isa. Sa una ay banayad lamang, ngunit sa mga sandaling lumipas ay ang hininga na naming naghahabulan. Naramdaman ko na rin ang mahigpit na pagkapit ni Rigo sa aking bewang tanda na may kakaiba na siyang nararamdaman. Ganoon din ako, naging mahigpit na rin ang kapit ko sa likod at balikat nito.

“Baby Rigz…” namamaos na boses kong pagtawag sa kanyang pangalan nang makabitiw kami sa aming paghalik.

Magkayakap pa rin kaming dalawa at magkadikit ang noo namin habang nakatingin sa isa’t isa. Nakita ko ang nagliliwanag na mga mata ni Rigo na ngayon ay naging maamo.

“Hhhmmm..?” namamaos niya ring tanong sa akin habang tila naghahabol sa hininga niya.

“M-may…. may…. may nararamdaman ako sa likod ko… Pumipintig-pintig at parang kinakalabit ako…” nauutal ko sa kanyang pagbabalita. Mayroon kasing isang matigas na bagay ang nasa pagitan ngayon aking likuran na wala naman kanina.

Naikagat ni Rigo ang ibaba niyang labi bago niya sinagot ang aking sinabi.

“Gusto mo bang malaman kung sino ang kumakalabit sa ’yo, Liam..?” tanong niya pabalik sa tono niyang mapang-akit.

“U-uhhmm…” sagot ko sa kanya habang marahang tumatango.

“Sige… Kapain mo, Liam, dahil nami-miss ka na niya…” utos niya sa akin.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinunod ko na lamang ang utos niya.

Nakaramdam ako ng kaba kaya dahan-dahan ako sa pagkapa ng bagay na patuloy sa pagkalabit ng aking hiwa. At noong mahawakan ko ang bagay na iyon ay kusang nanlaki ang aking mga mata.

Walang suot si Rigo sa mga oras na ito kundi ang robe para matakpan ang katawan niya! Handang-handa na pala siya simula pa kanina?!

“’Yan ang dapat na kinakapa mo, Liam…” wika ni Rigo at muling napakagat sa labi niya. “Nakikilala mo pa ba siya..?” sunod pa nitong tanong habang hawak ko ang alagad niyang ngayon ay galit na galit na.

Nang makumpirma ko ang nasa aking palad ay ako naman ang napakagat ng ibabang labi ko.

“Na-miss kita…..

….. Jaime.“ pagkausap ko sa alaga ni Rigo at hinimas ito tanda ng pangangamusta ko.

(A/N: Wooopppsss!! Alam na, ha? Nasa ‘Restricted Chapter’ ang kasunod na tagpo. Nakahiwalay iyon na libro na makikita n’yo pa rin sa profile ko. Pakisunod ang instruction na nasa aking ‘BIO’ o ‘ABOUT’ kung paano mababasa ito. Title ng chapter: NSA - FINALE)

Hingal na hingal kami ni Rigo nang makatapos kaming pareho. Naririto pa rin siya sa aking ibabaw at nakatingin nang tuwid sa mga mata ko.

Nang pareho na kaming makabawi ng hangin ay kusang gumuhit ang ngiti sa aming labi. Wala muna sa aming nagsalita nang ilang segundo hanggang sa makita ko kung paano dahan-dahang ibinuka ni Rigo ang bibig nito.

“Liam…” pagtawag niya sa aking pangalan. “Thank y––” dugtong niya pa sana ngunit hindi na niya naituloy ito.

“Ssshhh…” sambit ko habang nakalagay ang aking isang daliri sa labi niya nang pigilan ko siya sa kanyang pagsasalita.

Bago ako nagsimulang magsalita ay iginawad ko muna ang pinakamaganda kong ngiti sa kanya.

“Rigz…” pagtawag kong malambing sa kanya.

“Hhhmmm?” malambing niya ring tanong habang nasa labi niya pa rin ang isa kong daliri.

Ibinaba ko muna ang daliri kong nasa labi niya bago ko ipinagpatuloy ang gusto kong sabihin sa kanya.

“…. I love you.” masuyo kong sambit habang nakatingin sa kanya nang diretso.

Nasaksihan ko kung paano natigilan si Rigo nang ilang segundo. Ngunit nang maiproseso na niya nang tuluyan ang salitang binitiwan ko ay napangiti rin ito.

“L-liam…” nauutal niyang pagbanggit sa aking pangalan.

Naghintay ako sa pagpapatuloy niya sa kanyang sasabihin, ngunit bahagya akong nasorpresa nang makita ko ang mabilis na pag-ipon ng kanyang mga luha sa mata.

“Rigz…” pagbanggit ko sa kanyang pangalan at hinaplos ko ang kanyang mukha.

Dahil sa nakita ko sa kanya ay hindi ko rin naiwasan ang maluha.

Ito ang bagay na hindi namin noon nagagawa, ang sabihin ang salitang napakaganda sa pandinig tuwing kami ay natatapos sa pag-iisa.

Hindi namin napigilan ang aming mga luhang kumawala. Tumulo ang luha niyang iyon sa aking mga pisngi kaya yumuko siya para halikan ang mga iyon ganoon din ang mga luha kong dumaloy mula sa mga mata ko.

“I love you, Liam…”

“Mahal kita, Liam…”

“Mahal na mahal kita, Liam…”

“I love you…”

“I love you, Liam…”

“Mahal na mahal na mahal kita…”

Paulit-ulit niya iyong sinasambit sa bawat paghalik niya sa aming mga luha na nasa aking mukha.

Naikagat ko ang ibabang labi ko dahil sa naririnig ko mula sa kanya.

Ang sarap pala sa pakiramdam na marinig iyon mula sa kanya tuwing magtatapos kami sa aming pag-iisa.

Ang saya ko, sa wakas ay nangyari na rin ito.

Noon ay isang pangarap lang ito, noon ay isang malaking ‘sana’ lang ito.

Pero ngayon, nagkaroon na ng katuparan ito.

“I love you too, Rigz…”

“M-mahal kita…”

“Mahal na mahal kita, Rigo…”

“Mahal na mahal…”

“I love you…”

“I love you…”

Paulit-ulit ko ring bulong sa kanya sa pagitan ng aking patuloy na pagluha.

Gumuhit ang mas malawak na ngiti ni Rigo, kasunod nito ay yumuko siya para hagkan ang labi ko.

Banayad ang kanyang paghalik na akin din namang ibinalik.

Habang magkadikit ang aming mga labi ay pinaramdam namin ang nag-uumapaw naming pagmamahal sa isa’t isa. Siniguro naming maibibigay namin ang aming mga mensahe sa bawat isa kahit sa pamamagitan lamang ng paghalik naming dalawa.

Natupad na ang pangarap ko.

Natupad na ang pinakamasayang sandali ng buhay ko.

May makakasama na ako hanggang sa pagtanda ko.

May nagmamahal na sa akin sa kabila ng hindi magandang imahe at pag-uugali ko.

Nandito siya sa tabi ko.

Kasama ko na ito.

Kasama ko na si Rigo.

May ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon hanggang sa makuntento kami. Naghiwalay ang aming mga labi ngunit naiwan sa amin ang magagandang ngiti.

“Shower na tayo?” nakangiting pagyaya sa akin ni Rigo.

“Mmmm…” sagot ko namang tumatango habang nakangiti.

Inalalayan akong makatayo ni Rigo mula sa pagkakahiga ko sa kama. Magkahawak ang aming mga kamay nang tunguhin namin ang banyo. Nagkaroon pa kami ng kaunting tawanan habang tinitingnan ang katas naming hanggang ngayon ay nasa dibdib at tiyan ko.

Sabay na kaming naligo ni Rigo. Masayang-masaya pa kami habang sinasabunan ang katawan ng isa’t isa. Tawanan at lambingan na natural lang naman sa mag-asawa.

Nasa loob pa rin kami ng banyo nang biglang lumapit sa akin si Rigo habang nakapwesto siya sa likuran ko. Niyakap niya ang aking bewang at marahang hinaplos ito.

“Another round..?” tanong niyang nakangisi habang ikinikiskis sa aking likuran ang alagad niyang buhay na naman.

Hindi na sa akin bago ito. Sa tinagal-tagal naming magkasama ni Rigo ay normal na sa amin ang dalawa hanggang sa tatlong round na aming pag-iisa.

Hinarap ko siya at iniikot ang dalawa kong braso sa leeg niya. Ngumiti rin ako habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

“Ang tibay mo, ha? Pero tingnan lang natin kung makakatagal ka.” paghamon ko na naman sa kanya.

“Talaga lang, ha? Sige, tingnan lang natin kung sinong susuko sa ating dalawa.” nakangisi niya ring paghamon sa akin.

Matapos iyon ay agad niya rin akong hinalikan habang hubad pa rin ang aming mga katawan.

Naulit ang aming pagniniig dito mismo sa loob ng banyo. Nakatalikod ako sa kanya habang ang dalawa kong kamay ay nakadikit sa tiles sa aking harap para maging suporta ng katawan kong niyayanig na naman sa mga oras na ito.

Ganoon pa rin si Rigo, marahas pa rin sa ginagawa niyang pag-ayuda sa likuran ko. Halos masiraan na ako ng ulo dahil sa paraan ng pagtatalik naming dalawa.

Nakatapos kami at nagsimula na naman kaming maglinis ng aming katawan. Halos hindi ako makapaglakad nang maayos pagkalabas ko mula sa banyo dahil ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Nauna na akong lumabas kay Rigo dahil mas nauna rin akong matapos sa pagligo.

Paglabas ko sa banyong iyon ay saglit akong napasandal sa pader dahil ramdam ko ang labis na pagod. Hubad pa rin ako at hawak lang ang isang towel na gagamitin kong pampatuyo ng katawan ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ang lumipas habang nakatulala lang akong nakasandal sa pader na naririto. Nagulat na lang ako nang matagpuan ko si Rigo na nasa aking tapat na hubad pa rin sa mga oras na ito.

“B-bakit, Rigz?” nauutal kong tanong dahil sa pagtataka ko.

Ngumisi si Rigo bago sinagot ang tanong ko.

“Isa pa, Liam?” pagyaya na naman niya ng panibagong pulot-gata.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko.

Punyeta! Hindi ba siya napagod?! Nakailang pagpapalabas na ba siya?!!

Nasaksihan ko kung paano siya dahan-dahang lumapit habang suot ang pagngisi niya.

“R-rigz…” nauutal kong pagtawag sa kanya habang may alanganing ngiti sa aking labi.

“Hhhmmm?” tanong naman niya pabalik habang patuloy pa rin sa paghakbang niya papalapit.

Napalunok na ako dahil nakakaramdam na ako ng kaba. Gustuhin ko mang umatras ay hindi ko na magagawa dahil sa pader na nasa likuran ko.

“P-pwede bang… uhhmm… pwede bang magpahinga muna..?” nauutal kong pagpapaalam sa kanya.

“Bakit, Liam..? Naiihi ka ba..?” diretso niyang tanong sa akin.

Mas lalo nang nanlaki ang mga mata ko.

Punyeta!! Ibig bang sabihin, ihi lang ang magiging pahinga naming dalawa?!!

Magrereklamo pa sana ako, pero bago ko pa iyon nagawa ay mabilis din si Rigo na hinalikan ang labi ko at itinaas ang isang binti ko.

Saksi ang pader na nasa likuran ko, muli akong inararo ni Rigo.

Nakatapos kami ni Rigo at nakakaramdam na ako ng uhaw sa mga oras na ito. Paika-ika akong naglakad patungo sa ref na naririto habang hubad pa rin ang katawan ko. Kailangan kong uminom ng tubig para kahit paano ay makabawi ako.

Hapong-hapo ako na binuksan ang ref para makahanap ng maiinom ko. Laking pasasalamat ko dahil may bottled water ang naririto kaya agad kong kinuha ito.

“Hay, salamat…” sambit ko nang mangalahati ang laman ng bottled water na nainom ko.

Muli pa akong lumagok ng tubig at hindi ko muna iyon nilunok kaya nanatili ito sa bibig ko. Dahil sa hindi ko naman naubos ang tubig na iyon sa bote ay nakapagdesisyon akong ibalik muli ito sa ref kaya muli rin akong yumuko.

“Liam… Uuhhmmm…”

“Pfffttt!!!!” hindi ko naiwasang maibuga ang tubig na nasa bibig ko. Habang nakayuko kasi ako ay naramdaman kong ikinikiskis na naman ni Rigo ang matigas na naman niyang alaga sa likuran ko.

Punyeta talaga!!! Hindi ba siya natutuyuan?!!

“Sandali lang, Ri–– aaahhhhh!!!” hindi ko na naman naituloy ang tangka kong pag-awat sa kanya dahil bigla niya ring ipinasok sa aking lagusan ang alaga niya.

Saksi ang refrigerator na ngayon ay bukas sa mga oras na ito ay muli na naman akong inararo ni Rigo.

Nakatapos si Rigo. Ako? Parang tubig na lang ang nailabas ko. Malabnaw na yata at puro.

“Liam, anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nakaluhod diyan sa carpet?” tanong sa akin ni Rigo.

Kalalabas niya lang mula sa banyo dahil naglinis na naman ang katawan ito. Nauna na akong lumabas sa kanya matapos kong maglinis ng katawan dahil mukhang nanganganib na naman ako.

“A-ahm… W-wala naman, baby Rigz… M-may hinahanap lang ako…” nanghihina kong pagpapalusot sa kanya.

Bakit nga ba ako nakaluhod sa sahig habang hubad pa rin ang katawan ko?

Punyeta!!! Nakaluhod ako dahil gumagapang na ako para makaakyat sa kama!!! Hinang-hina na ang katawan ko at hindi ko na kayang tumayo!!!

Hindi ko narinig na nagtanong pang muli si Rigo. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.

“Hay, salama—– uugghhhh!! Aahhh!!” hindi ko na naman naituloy ang pagpapasalamat dahil muli na naman akong napahiyaw habang nakakapit sa malambot na carpet. Itong carpet naman ang naging saksi sa pagniniig na naman namin ni Rigo.

Naiiyak na ako. Ano bang nainom ni Rigo at mukhang hindi napapagod ito? Ano-ano pa kayang bagay ang dapat na makakasaksi sa pagpupulot-gata namin dito?

Nakatapos na naman si Rigo. At ako? Tuluyan nang natuyuan ang katawan ko.

“R-rigz… T-tama na… S-suko na ako… Sige na… Tanggap ko nang talunan ako sa ’yo… Panalo ka na… L-last na ’to, please…?” hinang-hina kong pagsuko kay Rigo habang nakadapa ako sa lamesitang naririto sa loob ng aming kwarto. Nagkalat din sa aking likod ang ebidensyang nakatapos na naman si Rigo.

Hindi ko na talaga kaya. Hanggang sa lamesita na lang ang kakayanin kong maging witness sa aming ginagawa. Nakatapos na rin kami sa tapat ng TV pati na rin sa bintana.

Hindi ko alam kung naririnig pa ba ni Rigo ang mga pakiusap ko. Masyado nang mahina ang aking boses at kahit ako ay parang nabibingi na rin sa mga oras na ito.

“P-parang awa mo na, Rigz… B-bukas na lang ulit kung gusto mo… Umaga na rin, oh..?” muli kong pakiusap habang itinuturo ang labas ng bintana na maliwanag na sa mga oras na ito. Pinipilit ko pang iangat ang aking kamay para ituro ang labas ngunit bumagsak din ito. Inumaga na kami sa pagpupulot-gata ni Rigo.

Nakasandal na ang aking mukha sa lamesita. Ramdam ko na rin ang tumutulo kong laway rito dahil kahit ang pagsara ng aking bibig ay hindi ko na magawa dahil sa labis na panghihina.

Sana ay mabigyan ako ng makakausap sa mga oras na ito. Gusto ko na ring magpakonsulta sa psychiatrist ko. Pakiramdam ko kasi, tuluyan na akong mababaliw dahil sa naganap sa amin ni Rigo.

“Kaya mo pa ba, Liam? Gusto mo bang buhatin na lang kita papunta sa banyo para sabay na lang ulit tayong maligo?” nag-aalala na ngayong tanong sa akin ni Rigo. Naririto siya sa aking tabi habang hawak ang balikat ko.

Muli akong nakaramdam ng kaba dahil sa paanyaya niya. Gusto ko sana siyang bulyawan ngunit wala na talaga sa aking lakas na natitira.

“Halika na, Liam. Tutulungan na kita.” nakangiti pa niyang paanyaya.

Punyeta!!! Kilala ko na ang mga ngiting ganito ni Rigo!!! Alam kong sa oras na sumama ako sa kanya sa banyo ay wawasakin na naman niya ako!!!

Kahit nanginginig na ang aking katawan dahil sa labis na pagod ay pinilit kong tumayo.

Tama na. Hindi ko na talaga kakayanin kung may susunod pa. Baka sumuka na ako ng dugo kung magpapatuloy pa kami sa pagpupulot-gata!!

Sa wakas ay nagawa kong makatayo sa harap niya, pero hindi ko naiwasang mapahawak sa dalawa niyang braso para maging suporta sa pagtayo ko. Hindi ako sigurado kung nakikita niya ba ang mga tuhod ko, pero literal na nanginginig na talaga ang mga ito.

“A-ako na lang… Kung may natitira ka pang awa, Rigz…. bigyan mo ako kahit isang oras lang na pahinga… Nagmamakaawa na ako sa ’yo… Warak na warak na ang buong pagkatao ko…” hinang-hina ko nang pakiusap sa kanya.

Nawala ang pagkakangiti ni Rigo at mabilis na napalitan ito ng pag-aalala.

“L-liam… S-sorry…” sambit niya at parang maiiyak na rin siya.

Kitang-kita ko ang labis niyang pag-aalala. Mukhang ngayon niya lang nakita ang aking panghihina dahil pilit pa akong lumalaban kanina.

Kung tutuusin ay wala naman siyang kasalanan. Aaminin ko rin, kahit na ganito ang aking kinahinatnan ay wala akong pagsisising nararamdaman. Sa katunayan ay masaya pa nga ako, dahil sa bawat pagniniig namin kanina ni Rigo ay paulit-ulit niya ring binulong at isinigaw na mahal niya ako.

Ayaw kong mag-alala si Rigo kaya pinilit kong bigyan ng ngiti ito. Kasunod nito ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Naramdaman ko naman ang mahigpit niya ring yakap habang hubad pa rin ang katawan naming dalawa.

“Don’t worry, Rigz… Okay lang ako… Masayang-masaya pa rin ako kahit nanghihina ang katawan ko… Alam mo ba kung bakit..?” wika kong nanghihina at pagtatanong sa huli habang yakap namin ang isa’t isa.

“B-bakit..?” tanong niyang nauutal at ramdam kong nag-aalala pa rin siya.

“Dahil ngayon ang unang beses na ginawa natin ’to ngayong mag-asawa na tayo… Masaya ako, Rigz… Sobrang saya ko…” malambing ko namang sagot sa kanya.

Hindi nakapagsalita si Rigo nang ilang segundo dahil mukhang natigilan ito. Pero matapos iyon ay naramdaman ko ang mas paghigpit ng kanyang yakap at hinalikan din niya ako sa ulo.

“Ako rin, Liam, sobrang saya ko… Sobra rin akong nasabik kaya hindi ako nakapagpigil sa ’yo… Sabik na sabik kasi ako sa asawa ko… Siya lang din ang may kakayahan na gawin akong ganito… Sorry, Liam… Sorry…” malambing niya ring sagot sa akin at paulit-ulit na hinalikan ang sentido ko.

Dahil sa narinig ko mula sa kanya ay parang nagkaroon ako ng panibagong lakas kaya hindi ko naiwasang mapangiti. Nadagdagan din ang tiwala ko sa aking sarili dahil sa kanyang sinabi. Higit sa lahat, mas lalo pang lumalim ang tiwala at pagmamahal ko sa kanya dahil sa tingin ko ay hindi na siya lilingon pa sa iba.

“I love you, baby Rigz…” malambing ko na lamang na sambit at hinalikan ang leeg niya.

“I love you too, Liam…” sagot naman niya at ramdam kong nakangiti siya.

Ilang segundo pa kaming magkayakap ni Rigo. Hindi niya rin alintana kung mapadikit sa kanyang mga kamay ang katas niyang nagkalat na ngayon sa likod ko.

“Hakika na, Liam. Tutulungan na kitang maglinis ng katawan mo para makapagpahinga na rin tayo.” pagyaya niya makalipas ang ilang sandali nang makabitiw kaming dalawa.

“No. Sinabi ko nang mauuna ako, ’di ba? Baka hindi mo na naman mapigilan ’pag nandoon na tayo sa loob, eh.” pagkontra ko sa kanya habang pinaniningkitan siya ng mga mata.

Natawa muna si Rigo at mabilis na hinalikan ang labi ko.

“Hindi na, promise! Titiisin ko na muna hanggang sa makabawi ka!” natatawa niyang sagot sa aking sinabi.

Gusto kong masiguro kung tutuparin ni Rigo ang sinabi nito. Kaya ang ginawa ko ay tiningan siya nang tuwid habang seryoso ang ekspresyon ko.

Napansin niya yata ang pagdududa ko kaya bahagyang natawa ito. Kasunod ay hinalikan niya ang dulo ng aking ilong bago ito nagsalita habang may ngiti sa labi nito.

“Nagpromise ako, Liam, ’di ba? At lahat ng promise ko sa ’yo, tinutupad ko naman, ’di ba? Kaya sige na, sasamahan na kitang magshower ulit. Nag-aalala lang talaga ako sa ’yo kaya gusto kitang masamahan. Ako na rin ang magpapaligo sa ’yo dahil alam kong nanghihina ang katawan mo.” mahaba niyang pagpapaintindi sa akin.

Napangiti ako. Tama si Rigo, wala siyang ipinangako na hindi niya natupad sa mahabang taon na magkasama kami nito.

“Sige na nga!” sagot kong nakangiti sa kanya.

Inakbayan ako ni Rigo at inalalayan ako sa bawat paghakbang ko. Napayakap na lang ako sa kanyang bewang dahil paika-ika na talaga ang paglalakad ko.

Matapos ang pagligo namin ni Rigo ay nagdesisyon na rin kaming magpahinga na dalawa. Ngayon ay naririto na kami sa kama at nakaunan ako sa isang braso niya. Maliwanag na sa labas at naririnig na namin ang mga huni ng ibon tanda na umaga na talaga.

Habang naghihintay na makatulog ay nagkwentuhan muna kami. Nakaangat at magkatabi ang aming mga kamay na nakatapat si kisame. Sabay naming pinagmamasdan ang aming mga kamay na ngayon ay may mga suot na singsing.

“Asawa na talaga kita, Liam. Sobrang saya ko talaga. Kahapon pa tayo ikinasal, pero pakiramdam ko, nananaginip pa rin ako sa mga oras na ito.” wika ni Rigo habang sabay naming pinagmamasdan ang mga simbolo ng aming pagiging mag-asawa.

Hindi ko napigilang makapagbitiw ng mahinang pagtawa dahil parang bata siyang nagsasalita.

“’Wag kang tumawa…” malambing niyang pag-awat sa akin. “Hindi lang kasi ako makapaniwala… Akala ko kasi, hanggang pangarap ka lang noon… Pero tingnan mo, asawa na kita ngayon…” dugtong niya pang pagmamalaki.

Pinagmasdan ko ring mabuti ang singsing naming dalawa at hindi ko rin maiwasang mapangiti.

“Rigz, maniwala ka na… Hindi ka nananaginip… Natupad na ang pangarap mo… Nandito na ako sa tabi mo… Asawa mo na talaga ako…” malambing kong pagkumbinsi sa kanya at tiningnan na siya nang diretso.

Kung tutuusin ay ako nga ang dapat na mapapatanong kung katotohanan ba ang lahat ng nangyayaring ito. Hindi naman kasi ako naghangad ng sobra-sobra tulad nito. Ang tangi ko lang gusto noon ay may taong tatanggap sa buong pagkatao ko, kung sino ako. Pero heto, may Rigo sa buhay ko na hindi lang basta tanggap ako, nandito siya at minamahal ako nang buo.

Ibinaba namin ni Rigo ang mga kamay naming may suot na singsing. Kumilos si Rigo para tingnan din ako nang diretso.

“Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, Liam…” wika niyang malambing habang may ngiti sa labi niya.

“Ako ang dapat na magpasalamat, Rigz… Salamat dahil dumating ka sa buhay ko…” sagot ko ring malambing sa kanya.

Saglit siyang napatigil ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin. Nilibot ng kanyang mga mata ang bawat parte ng aking mukha at ganoon din ang ginawa ko sa kanya.

“Liam, pwede bang magsimula ulit tayong magbilang ng taon?! Bilangin natin ang bawat taon na lilipas na magkasama tayo hanggang sa umabot tayo ulit ng sampu! At ’pag natapos ang sampung taon, magsimula ulit tayo sa unang taon hanggang sa umabot ulit ng sampu! Dekada ang bibilangin natin nang paulit-ulit!” bigla niyang mungkahi makalipas ang ilang sandali.

Gumuhit naman ang pagtataka sa ekspresyon ko.

“Anong ibig mong sabihin? Pabalik-balik lang sa sampu? Bakit pa tayo magbibilang ng panibagong sampung taon? Hindi ba dapat ang bibilangin na lang natin, ’yung tagal ng pagsasama natin? Ten years, twenty years, thirty, forty, o kung posible, umabot tayo ng century o one hundred years?! Gano’n dapat, Rigz!” sunod-sunod kong tanong na naguguluhan sa kanya.

Hinalikan niya muna ang dulo ng ilong ko bago sinagot ang katanungan ko.

“Hindi. Mas gusto kong ang bibilangin natin, kada ten years.” ganado pa nitong sagot.

“Ang gulo mo naman, Rigz!” reaksyon ko. “Bakit gano’n?!” tanong ko pa ulit.

Umayos siya ng pwesto para mas matingnan ako nang diretso.

“Liam, nagbilang tayo ng sampung taon bago tayo naikasal, ’di ba? At gusto ko, tuwing sasapit ang ika-ten years anniversary nating dalawa, magre-renew rin tayo ng vows sa isa’t isa. Gusto kitang pakasalan nang paulit-ulit sa bawat sampung taong magdadaan.” mas malinaw na niyang pagpapaliwanag sa pagkakataong ito habang naliliwanag ang kanyang mga mata tanda ng kasiyahan niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Ang akala ko ay natanggap ko na ang lahat ng magagandang sorpresa sa buhay ko, pero hindi ko inaasahang may mga panibago pang sorpresang darating na walang ibang makakapagbigay kundi tanging si Rigo.

Dahil sa aking narinig ay naramdaman ko ang mainit na likidong nagsisimula nang mamuo sa aking mga mata. Hindi ako naluluha dahil sa lungkot, naluluha ako dahil sa labis na saya.

“Rigz…” sambit ko lang sa pangalan niya habang naluluha. Hindi ko kasi malaman kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya.

Bago pa tuluyang pumatak ang aking mga luha ay maagap na iyong pinunasan ni Rigo gamit ang palad niya.

“Liam, please, no more tears..?” malambing niyang utos sa akin.

Natawa naman ako dahil doon kahit pa lumuluha pa rin ako hanggang ngayon.

“Sorry…” paghingi ko ng dispensa dahil sa paninita niya.

“Ayoko ng sorry mo… Ang gusto ko lang marinig, kung ‘Yes’ or ’No…” muli niyang pakikipagtalo.

Muli na naman akong natawa sa kanya ngunit hindi ko na siya kinontra pa.

Dahan-dahan ay inilagay niya sa aking pisngi ang kanyang palad na ginamit niyang pampunas sa aking mga luha bago siya muling nagsalita.

“Liam, will you marry me again after ten years?” malambing niyang tanong sa akin habang nagliliwanag ang kanyang mga mata.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mas naging emosyonal na ako at napayakap na lang ako sa leeg nito.

“Ang aga namang magpropose ng asawa ko,” una kong reaksyon habang lumuluha dahil pa rin sa nag-uumapaw kong tuwa. “Yes, Rigz… My answer is yes…” dugtong ko pa at mas hinigpitan ko pang lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Rigo dahil sa saya. Niyakap din niya ako nang mahigpit at ipinuwesto pa sa ibabaw niya.

“Thank you, Liam! I love you!” halos isigaw niya ang bagay na iyon at ramdam ko ang labis niyang tuwa.

“I love you too, Rigz…” sagot ko namang malambing sa kanya.

Ang akala ko ay nagtatapos na ang aming kwento dahil kasal na kami ni Rigo. Akala ko ay ipagpapatuloy na lamang namin ang maganda naming nasimulan dahil magkasama na kami nito. Pero sa tingin ko, nagsisimula pa lang kami rito.

Walang perpektong relasyon, alam kong may mga pagdadaanan pa kaming pagsubok sa mga darating pang mga taon.

Pero ang tanong ko, kaya pa bang buwagin ng mga unos na iyon ang pagsasama namin ni Rigo?

Sampung taon.

Pitong taon doon ay magkakilala lang kaming dalawa. Magkaibigan lang na handang damayan ang isa’t isa.

Tatlong taon naman doon ay naging mas malapit kami. May koneksyon ngunit walang relasyon. Nagsasama ngunit walang namamagitan.

Pero nasaan na kami makalipas ang sampung taon?

Heto kami, masayang nagsasama bilang mag-asawa.

We are now happily committed,

Husbands labeled,

With

HEART STRINGS ATTACHED

.

-Fin-

January 02, 2018


A/N Any comments, violent reactions, or questions sa huling bahagi ng kwento? 😁 Wala akong ibibigay na clue. Charot!

Guys, may special chapters pang paparating, ha? Tawa lang ang hatid ng mga special chapters na iyon. May isang clue lang din sa magiging story ni Ar-Ar. 😉

AUTHOR’S MESSAGE

Magandang araw sa lahat!

Kung kayo ay nakaabot sa parteng ito, nais kong ibigay ang taos-puso kong pasasalamat sa inyo dahil natapos ninyong basahin ang buong kwento. Maraming salamat, mga mahal ko!

Hindi ko alam kung nagustuhan ninyo ang kwentong ito, pero gusto ko pa ring pasalamatan ang pagbibigay ninyo ng oras para basahin ito. Alam ko pong may mga typographical error kayong nakita, maling spelling, maling grammar dahil hindi naman ako bihasa sa Ingles (aminado ako diyan! Sorry na. 😢), at kung ano pang mali na natagpuan ninyo habang binabasa ninyo ang kwentong ito. Pero sa kabila ng pagkakamaling iyon, salamat pa rin dahil napagtiyagaan ninyo. Salamat sa mga ilang nagcorrect sa akin, na-appreciate ko po nang sobra. Sa mga hindi naman nagcorrect, salamat pa rin sa pag-intindi sa inyong lingkod. 😘

Sa mga nakabasa ng ‘Taste of a True Love’, alam kong hindi ninyo nagustuhan ang role ni Randy roon. Pero sa pagbabasa nitong kwento, naramdaman ko kung gaano ninyo siya na-appreciate. Hindi lang iyon, alam kong minahal na rin siya ng ilan sa inyo. Alam kong marami ang naka-relate sa ugali niya dahil karamihan sa atin ay may itinatagong kapilyuhan sa pagkatao (umamin kayo! Kasi ganyan din ako! Hahahahahaha!). Pagdating naman kay Rigo, alam kong ang ilan sa inyo ay nangarap na magkaroon ng tulad niya (kabilang na ako. Hahahahahaha!). Paulit-ulit kong nababasa sa comment na ‘Kailan ko kaya mahahanap ang Rigo ng buhay ko?’. Mga besh, tiwala lang. May darating sa atin basta’t maging bukas lang tayo para sa iba. ’Yan lang ang maipapayo ko sa inyo.

Paano ko nga ba nabuo ang No Strings Attached? Ito ay inspired sa kadalasang napagdadaanan ng nasa ikatlong-kasarian. Kung ano ang pinagdaanan ng ilan para lang makuha ang minimithi nilang pagtanggap. Ang ilan sa mga eksena tulad ng naabutan si Randy ng kanyang ama na may dalang basket na may mga bulaklak ay hango sa napagdaanan ng isa kong kaibigan at nasaksihan mismo ng dalawang kong mata. Nangyari iyon noong kami ay bata pa. Nakita ko kung paano siya napagbuhatan ng kamay ng sarili niyang ama noong nahuli siyang nasa ganoong tagpo. Yas, that’s a fact! Good thing at ngayon ay tanggap na rin siya. ❤

Ang kwentong ito ang naging pinakamalaking challenge sa akin dahil piniga nito ang utak at mata ko. Nagkaroon ako ng research at marami akong inabalang tao para lang masagot ang ilang katanungan ko. Maraming salamat sa kanila! Mahal ko kayo! ❤

Ilan na ba ang natanggap kong mura dahil napaiyak sila? Hindi ko na alam. Pero tuwing nababasa ko ang ganoong komento, natatawa ako, or masasabi kong natutuwa ako? Bakit? Dahil alam kong umabot sa inyong puso ang daloy ng kwento. I’m so proud of you, guys! May puso kayo! May puso kayo para sa iba at hindi kayo pusong-bato! Real talk ’yan! Hindi kayo manhid at kaya ninyong makaramdam ng awa. Ituloy n’yo lang ’yan, pero ’wag over, ha? Chos!

Marami pa ba akong sinasabi? Hahahahahaha! Sorry na. Basta gusto ko lang kayong pasalamatan dahil isang taon din ang naging takbo nitong kwento. Salamat sa matiyagang paghihintay, sa pagtatanong kung kailan ang update, at sa walang sawang pagbibigay ng boto at komento. Sobrang busy kasi talaga ako pero hinahanapan ko talaga ng oras para maituloy ang kwentong ito. At ngayong nagtatapos na nga ito, sobra akong natutuwa. Sana ay na-inspire kayo. Sana, bukod sa luha ay napatawa rin kayo nito.

Nais ko ring humingi ng paumanhin kung may mga pagkakataon na hindi ako nakakasagot sa ilang mga comments. Guys, pasensiya na talaga. Pero nababasa ko ang mga iyon, sobra ko pong naa-appreciate ang effort na iyon. Sadyang may mga pagkakataon lang na hindi ko na masagot ang ilan dahil mas mahaba ang oras na ginugugol ko sa trabaho. Sana ay hindi ninyo isiping nagsusuplada ako kagaya ng #ReynaNgPunyeta. Hahahaha! Labyu, guys! 😘

Nais ko ring pasalamatan ang mga taong naging parte simula nang mai-publish ko ang unang chapter nito. Marami kayo at hindi ko na iisa-isahin. Kilala n’yo na kung sino-sino kayo dahil nagkaka-usap tayo sa FB, sa text message at maging dito sa Watty. Salamat sa inyo dahil tuwing down ako ay binibigyan n’yo ako ng lakas ng loob. Ibinabalik ninyo ang gana ko sa pagsusulat tuwing may natatanggap akong hindi magandang feedback. Naiintindihan ninyo na tao lang ako at marunong ding masaktan. Naks! Salamat, guys! Naging kaibigan ko na rin sa inyo ang ilan. I love you! ❤

Sa mga nagbibigay ng boto bawat chapter, maraming salamat din! Kahit hindi kayo nagko-comment, ramdam kong na-appreciate ninyo ang kwento dahil kahit natatagalan minsan ang update ay patuloy pa rin ang pag-aabang ninyo. Salamat, guys!

Sa mga silent readers, maraming salamat po! Salamat po sa oras na ibinigay ninyo. Alam kong ang ilan ay humahanap lang ng paraan para makuha ang bagong update kaya hindi na magawang bumoto o magkomento. Wala po iyong kaso sa akin, ang mahalaga sa akin ay kung nabigyan kayo ng inspirasyon at kasiyahan nitong kwento. 😊

Sa mga ilang nagtatanong ng,

‘Ano ang susunod mong ipa-publish na kwento, author?’

KASAGUTAN:

-His Substitute Husband

-Positive

Yes, pagsasabayin ko po ang dalawang ’yan. Ang kapal ko, ’no? Pinagsabay pa ang dalawa samantalang minsan ay umaabot ng dalawang linggo bago ako mag-update. Hahahaha! Pero ’wag kayong mag-alala, ready na ang draft ng His Substitute Husband, at hindi na kasing haba ng bawat chapter ng TOATL at NSA ang nakapaloob dito kaya magiging mabilis ito kahit paano.

So ayun, hindi ko na rin po pahahabain pa ang mensaheng ito. Ang nilalaman lang naman nito ay purong pasasalamat sa inyo. Maraming-maraming salamat po, mga mahal ko! Naging parte na rin kayo ng kwento kaya nagpapasalamat din sina Randy at Rigo sa inyo. Sana ay pare-pareho tayong natawa, naiyak, at natuto sa kanilang kwento.

Hanggang sa muli, mga mahal ko!

Mahal ko kayo! Tagos sa puso! Ugh!

–– cold_deee ❤

Jan.02.2018

SPECIAL CHAPTER 1

A/N

Hello! Natagalan po ba? Sorry naman!

Para po kay

chanxiaoliu

ang first special chapter na ito. Thank you, baby Carla! Maaari rin po kayong bumisita sa profile niya para mabasa ang works niya.

Hindi ko na patatagalin pa! Enjoy reading, guys!

––> si Randy po sa media.

![](https://img.wattpad.com/6ff56187ec2e7ff46dfa1ae2e40bea6434edba4f/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f626234613867576a6330686330513d3d2d3437393538393035392e313531346439373236653034646137343339303633323636353536372e6a7067)

RIGO’s POV

“Liam?” pagtawag ko sa kanya mula rito sa labas ng banyo.

“S-sandali lang, Rigz…” sagot niya na tila nanghihina.

Kanina pa ako nag-aalala. Naririto kami sa aming kwarto at nakahanda na kaming pareho para pumasok sa aming mga trabaho. Nasa kalagitnaan kami ng almusal kanina nang bigla siyang tumayo at tumakbo rito sa banyo dahil hindi niya raw gusto ang amoy ng ulam na niluto ng isang kasambahay namin dito.

“Liam! Ayos ka lang ba?! Buksan mo na kasi itong pinto! Nag-aalala na ako sa ’yo! Thirty minutes ka nang nandiyan pero hindi ka pa rin lumalabas!” may kalakasan ko nang pagtawag sa kanya at malakas na rin ang mga naging pagkatok ko sa pintuan.

Hindi siya sumagot sa akin kaya lalo na akong nag-alala. Dahil dito ay hindi ko na naiwasan ang bulyawan siya.

“Liam, ano ba?!! Ano nang nangyari sa ’yo?!! Mamamatay na ako sa nerbiyos dito!!! Sisirain ko na ’tong pinto!!” sigaw ko sa kanya habang sinisipa at kinakalabog ang pinto.

Wala na akong pakialam kung akyatin na ako rito nina Tita Eve dahil sa pagsigaw ko ngayon. Mas gugustuhin ko pa nga iyon para mas madali akong makahingi ng saklolo mula sa kanila.

Alam nila kung gaano ako nag-aalala sa aking asawa lalo na sa kalusugan niya. Hindi ako papayag na madikitan siya kahit ng lamok o kahit langgam man lang.

Ilang pagsigaw pa ang aking ginawa hanggang sa dahan-dahang bumukas ang pinto ng banyo. Iniluwa nito si Liam na tila namumutla habang pawisan ang noo.

“Baby Rigz….” tila naiiyak niyang pagtawag sa aking pangalan habang nakatingin sa aking mga mata.

Dahil sa nakita ko sa kanya ay lalo akong nakaramdam ng pag-aalala. Nanlalambot ang aking katawan na niyakap ang aking asawa. Ginatihan naman niya iyon at naramdaman ko rin ang kanyang panghihina.

“What happened? May masakit ba? Tell me. Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?” sunod-sunod kong tanong sa nag-aalala kong tono habang hinahaplos ang likod niya.

“Uhm-uhmmm…” malamya niyang sagot habang marahang tumatango.

Hinalikan ko siya sa ulo para pakalmahin. Ilang segundo pa kami sa ganoong posisyon hanggang sa dahan-dahan akong bumitiw sa aming pagkakayakap at iginaya siyang makaupo sa aming kama. Kasunod nito ay lumuhod ako nang bahagya para magpantay ang aming mukha.

“Ano bang nangyari, Liam? Anong masakit sa ’yo?” tanong ko pa rin at hinawakan ko na rin ang mga kamay nito.

Nakita ko kung paano siya nag-aalangang sagutin ang tanong ko. Tila hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin sa akin ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.

“Liam, sige na, sabihin mo na sa akin kung may masakit sa ’yo. Nag-aalala na ako rito, oh? Gusto mo bang ’wag munang pumasok sa trabaho? Ipagpapaalam na lang kita kina Xander.” nag-aalala kong pagkumbinsi pa rin sa kanya.

Ilang segundo muna ang pinalipas ni Liam bago niya ako sinagot.

“Rigz… Nagsusuka kasi ako kanina… Hindi ko alam kung bakit, pero nitong mga nagdaang araw, palagi na akong gano’n…” pagsusumbong niya.

Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niyang iyon.

“Teka? Nagpapalipas ka ba ng gutom tuwing wala ako?” simula na ng pag-uusisa ko sa kanya.

Umiling siya nang maraming beses.

“Hindi! Saka lagi ko namang pinapadala sa ’yo ang pictures ng kinakain ko tulad ng lagi mong bilin, ’di ba? Binabantayan din ako nina Tita Eve pati na rin ng anak natin sa mga kakainin ko! Kahit nasa office ako, nalalaman mo pa rin ang mga kinakain ko dahil sinasabi nina Xander at Tom sa ’yo! Kaya paano ako makakapag-skip ng meal?” mahaba niyang depensa sa akin.

Natahimik ako, lalo ring nadagdagan ang pag-aalala ko. Nitong mga huling araw kasi ay hindi ko siya nasusubaybayan nang personal dahil naging abala ako sa pagtatrabaho sa restaurant at sa mga shoot ko.

Nasa kalaliman ako ng pag-iisip nang tawagin ni Liam ang atensyon ko.

“Baby Rigz, may napapansin pa akong kakaiba sa akin nito mga nagdaan… Hindi ko lang sinasabi sa ’yo tuwing kakamustahin mo ako kasi ayaw kong mag-alala ka… Saka alam ko namang imposible pero lahat ng symptoms, nararanasan ko…” tila naiiyak niya pang pagbabalita.

Mas lalo na ako ngayong nag-alala nang marinig ko iyon mula sa kanya. Inangat ko ang aking isang kamay at hinaplos ang kanyang mukha.

“What is it, Liam?” pag-aalala ko pa rin.

Nagulat ako dahil sa halip na sagutin niya ako agad ay niyakap niya ako sa leeg.

“Rigz… Lagi na akong nagsusuka… ’Pag may naaamoy akong pabango o kahit ulam lang, nasusuka at nahihilo na ako… Hindi naman ako ganito dati, eh… Kahit ang sarili kong pabango, ayaw ko nang maamoy ngayon… Tapos, heto pa… Napapansin mo ba na tuwing magpapadala ako ng pictures ng mga kinakain ko, hindi nawawala doon ang hilaw na mangga at ice cream..? Ang weird na pinagsasabay ko silang kainin, ’di ba..? Meron pa… Nagkakaroon na ako ng mood swings… Natatakot ako, baby Rigz… Natatakot na ako…” mahaba nitong pagsusumbong.

Hindi ako nakapagbigay ng reaksyon. Medyo duda ako sa huli niyang sinabi na nagkakaroon na siya ng mood swings dahil dati na siyang mayroon no’n. Pero totoo ang sinabi niyang tuwing magpapadala nga siya sa akin ng pictures ng mga kinakain niya ay hindi nawawala roon ang ice cream at mangga. Ganoon din ang pagsusuka niya tulad na lang ng nangyari kanina. Naamoy niya lang ang ulam, tumakbo na ito palayo para sumuka.

Wala akong nagawa kundi ang haplusin lang nang paulit-ulit ang likod niya para kumalma. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin dahil mas nadagdagan na ngayon ang aking pag-aalala.

“Rigz…” pagtawag niya sa aking pangalan na tila naiiyak pa rin.

“Liam…” sagot ko naman habang yakap pa rin ang kanyang katawan.

May ilang segundo pa siyang pinalipas bago siya nagpatuloy sa sasabihin nito.

“S-sa tingin ko… Sa tingin ko…

buntis ako..?“

Nang marinig ko iyon mula sa kanya at mabilis kong binitiwan ang katawan niya. Alam kong mas malaki na ngayon sa barya ang pamimilog ng aking mga mata habang tinitingnan siya.

BUNTIS?! SI LIAM, BUNTIS?!!!

Hindi ko magawang makapagsalita. Hindi ko alam kung ano bang dapat na maging reaksyon sa sinabi niya.

Nagsimulang magmaktol si Liam sa pamamagitan ng pagkamot sa kanyang ulo sa marahas na paraan.

“Rigo, naman, eh! Alam kong imposible! Alam kong ’yan ang iniisip mo dahil lalaki pa rin ako! Pero naaalala mo ba ang sinasabi ko sa ’yo na may posibilidad ’yon?! Kinekwento ko ’yon sa ’yo gabi-gabi bago tayo matulog! May mga kaso nang nagbubuntis ang lalaki at may article na nagpapatunay sa bagay na ’yon! Hindi ako naniniwala noong una! Pero noong mabasa ko ang symptoms at nangyayari sa akin ang lahat ng ’yon, unti-unti akong nakumbinsi na posible nga talaga ’yon!” halos pasigaw niyang pagkumpirma.

Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok dahil sa pagkabigla. Hindi sana ako makukumbinsi sa ibinalitang iyon ni Liam, ngunit nang masaksihan ko ang pag-ipon ng mga luha sa kanyang mga mata ay nagsimula na rin akong magduda sa aking paniniwala.

Tama ang sinabi niyang bago kami matulog ay paulit-ulit niyang sinasabi sa akin ang posibilidad na magbuntis ang isang lalaki. May mga nabasa raw siyang cases sa internet tungkol dito at sa iba pang research. Hindi ko naman magawang mapakinggan iyon nang maiigi dahil nakakatulugan ko ito dahil sa labis na pagod sa pagtatrabaho.

Habang nakatitig lang ako kay Liam ay nasaksihan ko kung paano dumaloy ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Doon lang ako tila nagising kaya mabilis kong inangat ang aking palad para punasan ang kanyang mga luha.

Ayaw ko siyang nakikitang umiiyak. Iyon ang bagay na nagiging dahilan para ako ay manghina.

“Liam… Please, tahan na…” pagpapakalma ko sa kanya dahil nagsimula na rin siyang humikbi nang paulit-ulit.

“’Yan naman kasi ang hirap sa inyo, eh… Kapag may sinasabi ako, ayaw n’yo akong paniwalaan… Nakatatak na kasi sa isip n’yong sinungaling ako… Na wala akong ginawa kundi ang gumawa ng kwento… Kung minsan nga, iniisip ko kung paano na lang ’pag napahamak ako..? Tapos magsumbong ako sa inyo..? Maniniwala pa rin ba kayo..? Lahat na lang ng sinasabi ko, tingin n’yo puro kasinungalingan lang…” panunumbat nito sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

Parang pinipiga ang aking puso dahil sa narinig ko sa kanya. Simula nang ikasal kami ni Liam, wala siyang ginawa kundi ang ipakita sa akin ang pagmamahal niya. Wala araw o oras na kinalimutan niya ang kanyang pangakong sasabibin sa akin kung gaano niya ako kamahal. Lagi siyang nakangiti at lagi niya akong nilalambing. Pero hindi ko alam na may ganito na pala siyang pinagdadaanan.

Natatakot ako. Pakiramdam ko ay nagbabalik na naman siya sa dati niyang kondisyon. Nakakaramdam na naman siya ng pagkaawa sa sarili at isa ako sa dahilan no’n. Ako pa mismo na nangakong aalagaan siya at bibigyan siya ng proteksyon ang magiging sanhi no’n.

Hindi. Hindi ako papayag. Hindi iyon pwedeng mangyari dahil mahal na mahal ko si Liam. Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya. Tutuparin ko ang lahat ng mga ipinangako ko sa kanya.

Patuloy pa rin si Liam sa pag-iyak nang magdesisyon akong kumilos para muli siyang mayakap. Hindi naman siya nagpakita ng pagtutol ngunit mas naging malakas pa ang kanyang pag-iyak.

Sinikap kong ngumiti kahit pa hindi niya nakikita ang aking mukha. Pinaramdam ko na lamang sa kanya ang ngiti kong iyon sa pamamagitan ng aking paulit-ulit na paghaplos sa kanyang likod.

“Tahan na, Liam… Naiintindihan ko na… Please, ’wag mo naman isipin na hindi ako naniniwala… Asawa mo ako, ’di ba? Kung mayroon man taong unang dapat na maniwala sa ’yo, ako iyon… Kahit kailan, hindi ko iisiping gumagawa ka lang ng kwento… Higit sa lahat, hinding-hindi mangyayari na ’pag hihingi ka ng saklolo, hindi rin ako maniniwala sa ’yo… Dahil kung may taong unang pupunta sa kinaroroonan mo, walang iba ’yon kundi ako…” mahaba at malambing kong pagkumbinsi sa kanya.

Naramdaman ko ang mas paghigpit ng pagkakayakap niya.

“T-talaga..?” paniniguro niyang nauutal dahil pa rin sa pag-iyak niya.

“Yeah,” sagot kong malambing habang tumatango pa. “I promise.” dugtong ko pa habang nakangiti.

Mukhang nakumbinsi ko naman siya dahil kahit patuloy pa rin siyang umiiyak ay naramdaman ko ang kasiyahan niya. Hindi niya iyon sa akin maikakaila dahil kilang-kilala ko na siya.

Hindi kami nagbitiw ni Liam sa aming pagkakayakap. Wala akong balak na bitiwan siya hangga’t hindi nagiging maayos ang pakiramdam niya.

Nagsimula akong mag-isip ng paraan para mas lalo pa sa kanyang patunayan ang aking pagmamahal. Kailangan niyang maramdaman ang seguridad mula sa akin kaya kailangan ko ring ipakita ang pagmamalasakit ko sa kanya.

“Liam…” pagtawag kong malambing sa kanyang pangalan.

“Baby Rigz…” sagot niya ring malambing habang humihikbi.

“’Wag muna tayong pumasok sa trabaho. Magpapaalam ako kina Xander dahil may pupuntahan tayo.” sagot ko sa kanya.

“Saan..? Magde-date ba tayo..?” tanong niya ulit.

“Hindi,” una kong sagot at saglit na tumigil. “Pupunta tayong doktor. Gusto kong masiguro na magiging safe ang pagbubuntis mo. Sa tingin ko, marami kang test na pagdadaanan dahil kakaiba nga ang kaso mo. ’Wag kang mag-alala, hindi naman kita iiwan habang isinasagawa ang lahat ng test sa ’yo. Gusto ko rin makita ang lahat ng pagbabago sa ’yo. I don’t want to miss every single thing lalo na at sariling laman at dugo natin ang nananalaytay sa magiging baby natin.” mahaba ko pang dugtong na pagyaya sa kanya.

Nang sabihin ko ang mga salitang iyon ay naramdaman kong natigilan si Liam. Agad din siyang napatigil sa pag-iyak at lumuwag din ang kanyang pagkakayakap.

Dahan-dahan siyang humiwalay sa akin para magkaharap kaming dalawa. Nakita kong bahagyang nanlalaki ang kanyang mga mata na tila nasorpresa siya.

“A-ano nga ulit ang sinabi mo, Rigz..?” tanong niyang nauutal.

Mas lumawak ang aking pagkakangiti bago siya sinagot. Gusto ko kasing maramdaman ni Liam na masayang-masaya ako sa ibinalita niya.

“Ang sabi ko, magpunta tayo sa doktor para magpa-check up. Gusto kong masiguro ang kaligtasan ninyo ng anak ko.” paglilinaw ko sa kanya.

Napalunok siya sa hindi ko malamang dahilan. Inisip ko na lang na baka nakakaramdam siya ngayon ng nerbiyos. Hindi ko naman siya masisisi dahil kakaibang kaso nga ang kinakaharap niya ngayon.

“K-kailan..?” nauutal niya pa ring tanong.

Hindi agad ako sumagot. Pinunasan ko muna ang kanyang mga natitirang luha at tumayo na rin ako nang tuwid.

“Ngayon na, Liam. Tara na. Nakabihis naman na tayo kaya pwede na tayong umalis.” nakangiti kong pagyaya habang hawak ang isang kamay niya.

Naging malikot ang kanyang mga mata, ramdam ko rin ang panginginig ng kamay niya. Marahil ay ninenerbiyos talaga siya.

“Liam, ’wag kang kabahan. Kasama mo naman ako, e. Hindi kita iiwan. Kaya halika na, umalis na tayo.” pagkumbinsi ko pa rin sa kanya.

Hindi ko na hinayaang makipagtalo pa sa akin si Liam. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay at marahan siyang hinila para makatayo na rin mula sa pagkakaupo sa kama.

Habang naglalakad palabas ng kwarto hanggang sa pasilyo nitong mansyon ay ramdam ko ang pagtutol ni Liam, pero kahit ganoon ay hindi naman siya nagsalita para magreklamo.

“Dahan-dahan lang, Liam. Baka madulas ka?” nakangiti kong paalala habang inaalalayan siyang makababa sa hagdan.

Nakikita kong pinagpapawisan si Liam sa hindi ko malamang dahilan kaya tinanong ko siya dahil pa rin sa pag-aalala.

“Nasusuka ka na naman ba ang asawa ko?” tanong kong malambing sa kanya.

Napakamot siya sa kanyang ulo habang nakatungo.

“B-baby Rigz… A-ano kasi…” nauutal niya na namang pagsasalita.

Ang ginawa ko ay hinawakan siya sa magkabilang pisngi at inangat ang kanyang mukha.

“Hayaan mo, magdadala na lang tayo ng plastic bags. Tatanggalin ko rin ang air freshener sa kotse para hindi ka magsuka kung hindi mo magustuhan ang amoy.” mungkahi ko sa kanya.

Akmang magsasalita na naman siya ngunit hindi na iyon natuloy dahil tinawag ko ang isang kasambahay namin na ngayon ay abala sa paglilinis dito sa sala.

“Ate Sonia!” pagtawag ko rito. “Kuhanan mo naman ako ng plastic bags at pakilagay iyon sa kotse ko, please? Ngayon na po!” utos ko sa aming kasambahay.

“Sige po, Kuya.” sagot naman ng kasambahay naming iyon at agad na iniwan ang kanyang ginagawa.

Nasa ganoon kaming tagpo nang pumasok si Tita Eve. Mukhang galing siya sa aming garden at katatapos lang magdilig ng mga paborito niyang orchids.

“Rigo, Randy, aalis na kayo? Mag-iingat kayo, ha?” paalala nito sa amin. Kasunod nito ay binalingan nito si Liam habang nakangiti. “Randy, ’wag mong kalimutan na may lakad tayo mamaya, ha? Nakapagpa-schedule na ako sa derma clinic na pinupuntahan natin. Natawagan ko na rin si Coke para sumama sa atin. Doon na lang daw tayo magkita. Si Dom na lang din daw ang magsusundo kay Ar-Ar mamaya sa school dahil mamimili na naman daw sila ng mga laruan.” dugtong pa nitong paalala kay Liam.

Sa nakalipas na mga buwan mula nang maikasal kami ni Liam, malaki na rin ang nagbago sa kanilang samahan. Malapit na sila sa isa’t isa at madalas na silang magkasama. Laking pasasalamat ko naman at wala nang tensyon sa kanilang pagitan. Iyon nga lang, minsan ay mas hinihiling kong sana ay bumalik na lang sila sa dati na mainit ang dugo sa isa’t isa.

Bakit? Dahil masyadong ini-spoil ni Tita Eve si Liam. Kahit mali na ang ginagawa ng asawa ko, sa kanya pa rin kumakampi ito.

Last week lang, sabay naming sinundo ni Tito Ed sina Liam at Tita Eve sa admin ng isang kilalang shopping mall. Pareho kasi silang inereklamo ng ilang mga babaeng customer at umabot iyon sa eskandalo. Nalaman namin na nagkaroon daw kasi sila ng pagtatalo dahil sumingit daw ang mga babaeng iyon sa pila noong sila ay nasa counter. Mabuti na lang at madaling naayos iyon dahil nakilala ako ng mga babaeng nagrereklamo. Inimbitahan ko na lang din sila para makapanood ng fashion show na gaganapin next month.

“Tita Eve…” may pagsusumamong pagtawag ni Liam sa aking tiyahin.

Tinaasan naman siya ni Tita Eve ng isang kilay bago sumagot ito.

“Randy, it’s Mamita, not Tita Eve. Nakalimutan mo na ba?” pagtatama sa kanya nito.

“Sorry,” sambit ni Liam. “Mamita, pwede bang… Pwede bang ngayon na lang tayo umalis..? As in ngayon na..?” bigla nitong pagyaya sa aking tiyahin.

Agad na nangunot ang aking noo dahil sa narinig ko.

“No, Liam! Mamaya na kayo umalis! At hindi na kita papayagan ngayon na umalis nang hindi ako kasama!” pagtutol ko sa sinabi ni Liam.

Sumabat naman ang tiyahin ko habang nakapamewang pa ito.

“Rigo, pinapagalitan mo ba si Randy? Baka gusto mong ako ang dumisiplina sa ’yo?!” paninita nito sa akin.

Ayan na, nagsisimula nang magkampihan ang dalawa. Kung minsan nga ay pinag-uusapan namin ni Dom kung kami pa ba ang itinuturing na anak nitong si Tita Eve? Lagi niyang sinasang-ayunan ang sinasabi ni Liam kahit wala na ito minsan sa katwiran.

Nasa ganoon kaming pag-uusap nang pumasok muli ang kasambahay naming inutusan ko kani-kanina lang.

“Kuya Rigo, nasa loob na po ng kotse n’yo ang mga plastic na pinapakuha ninyo.” pagbibigay nito ng impormasyon.

Huminga ako nang malalim saka ito hinarap.

“Salamat, Ate Sonia.” tipid ko lang na sagot dito.

Kasunod nito ay muli kong hinarap sina Tita Eve at Liam habang seryoso ang ekspresyon ko.

“Tara na, Liam.” pagyaya ko sa aking asawa. “Tita Eve, kayo na lang muna ni Coke ang pumunta sa derma clinic. Kailangan muna naming malaman ni Liam kung pwede pa rin ba siyang magpunta sa derma. Kailangan may advise muna siya galing sa OB-Gyne.” pagbaling ko naman kay Tita Eve.

Nangunot ang noo ni Tita Eve matapos kong sabibin iyon. Alam ko na ang dahilan no’n kaya hindi ko na rin siya hinayaan pang makapagtanong. Unti-unti akong ngumiti saka ko sinabi ang magandang balita na alam kong ikatutuwa rin nila.

“Tita, pupunta kaming OB dahil buntis si Liam! Buntis ang asawa ko!” halos isigaw kong anunsyo sa kanya.

Inaasahan ko na ang pagkabigla mula sa kanila. Maging ang aming kasambahay ay hindi napigilan na mabasag ang isang vase nang magbalik ito sa paglilinis niya. Hinayaan ko na lamang iyon dahil nangingibabaw talaga sa akin ang saya.

“A-anong sinabi mo..?” nauutal na pagtatanong ni Tita Eve habang takip pa ng dalawa niyang palad ang kanyang bibig.

“Buntis ang asawa ko, Tita Eve! Madadagdagan na ang apo ninyo ni Tito Ed!” pagkumpirma ko pa.

Walang nakapagsalita kahit na isa sa amin matapos ko iyon sabihin. Si Liam naman ay napayuko na lamang sa hindi ko malamang dahilan. Naiintindihan ko naman iyon. Marahil ay tulad ng nangyari kanina, baka nalulungkot na naman siya. Marahil ay iniisip niyang hindi na naman maniniwala ang makakarinig ng maganda niyang balita.

Dahil sa ayaw kong muli na namang umiyak si Liam ay mabilis ko na lamang siyang hinila habang hawak pa rin ang isa niyang kamay upang makaalis na kami sa sala.

“Babalik din kami agad once na matapos ang check up ni Liam! And please, hayaan n’yong kami na lang din ang magbalita kay Ar-Ar mamaya na magiging Kuya na siya!” pagpapaalam at bilin ko kay Tita Eve habang hinihila ko pa rin si Liam palabas ng mansyon.

Habang nasa biyahe kami ni Liam ay hindi maputol-putol ang ngiti ko.

“A-ahm… R-rigz… A-ano kas—”

“Bakit, Liam?! Nasusuka ka ba?! Sandali, ihihinto ko muna itong kotse!” tanong ko agad sa kanya.

“Hindi! Sige, ituloy mo lang ang pagda-drive! Hindi ako nasusuka!” mabilis niya ring sagot habang umiiling pa.

Tumango naman ako habang nakangiti pa rin at sinunod ang sinabi niya.

“Kung alam mo lang, Liam! Sobra akong nae-excite ngayon! Ano kayang magiging anak natin?! Lalaki o babae? O baka mas maganda kung kambal na lalaki’t babae?! Saka anong ipapangalan natin sa kanila?!” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Hindi siya nakasagot sa akin. Napansin kong medyo balisa pa rin siya. Mukhang kinakabahan pa rin siya sa pupuntahan naming dalawa. Gusto ko siyang kumalma kaya hinawakan ko ang isa niyang kamay na nakapatong sa hita niya.

“Relax, Liam, okay? ’Wag kang matakot. Kagaya nga ng kinekwento mo sa akin gabi-gabi, successful naman ang naging procedure sa panganganak ng may kasong male pregnancy, ’di ba?! Siguro, kailangan mo lang din doblehin ang pag-iingat. Gano’n din ako, dodoblehin ko rin ang pag-aalaga sa ’yo!” pagpapalakas ko sa kanyang loob.

Wala talagang mapaglagyan ang saya ko ngayon. Daig ko pa ang nanalo sa pinakamalaking papremyo sa lotto dahil sa excitement ko. Sino ba namang hindi matutuwa? Sa dinami-rami ng mag-asawang lalaki sa lalaki, isa kami ni Liam ang sinuwerte.

Nang makarating kami sa ospital na pinakamalapit dito sa amin ay isinagawa ang iba’t ibang test kay Liam. Papalit-palit ang doktor na kumonsulta sa kanya at hindi na ako nabigla sa bagay na iyon. Siyempre, kakaibang kaso nga itong kay Liam. Ganoon pa man, maayos naman nila kaming inasikaso lalo na si Liam. Nanatili lang din naman akong naghihintay sa labas ng bawat kwarto tuwing isinasagawa ang tests.

Natapos ang lahat ng procedure at inabot din kami ng ilang oras. Ngayon ay nasa labas kami ng opisina ng pinakahuling doktor na tumingin sa kanya. Nagpakilala naman ito sa akin at nalaman kong siya si Dr. Oliver Santillan na isang Physician.

“Mr. Silvestre, gaya ng tanong ko kanina, may medical history ba ang pasyente na may kinalaman sa kanyang pag-iisip?” tanong muli sa akin ng doktor.

Ilang beses na ba niyang naitanong sa akin ang bagay na iyon? Hindi ko na mabilang. Dahil simula nang sabihin niya ang lahat ng resulta sa tests na isinagawa kay Liam ay bigla na lamang akong natulala.

Huminga nang malalim ang doktor tanda ng pinapahaba niyang pasensiya. Hindi ko pa rin kasi magawang makatugon sa mga katanungan niya.

“Anyway, based on my observation, mukhang kailangan n’yong kausapin si Mr. Randy Liam Silvestre o ang asawa mo. Siguro ay may mga bagay na pinagdadaanan siya ngayon kaya naisip niyang siya ay nagdadalang-tao. Ang cause ng kanyang pagsusuka ay dahil sa hindi balanseng pagkain niya.” unang paliwanag sa akin ng doktor.

Doon ko lamang siya nagawang tingnan nang tuwid para marinig ang iba niya pang paliwanag.

“Nabanggit mo sa akin kanina ang tungkol sa male pregnancy na nababasa ni Randy sa internet, hindi ba? Well, sa totoo lang ay may kaso ngang gano’n. But, ang unang lalaking nagbuntis ay isang transgender na si Mr. Thomas Beatie. Dati siyang babae kaya nagkaroon ng posibilidad na magbuntis siya.” pagpapatuloy pa nito.

Nanatili naman akong walang imik hanggang sa magpaliwanag pa ito.

“About naman sa ibang cases, nangyayari lamang iyon kung ipinanganak ang isang tao na may dalawang kasarian. Maaari silang magbuntis ngunit magiging risky iyon na pwede pa nilang ikamatay. But on Mr. Randy’s case, napakaimposible dahil everything is normal sa pangangatawan niya. I’m sorry to tell you this, Mr. Silvestre. Pero alam mo naman siguro na lalaki pa rin ang asawa mo, hindi ba?” malumanay na pagpapatuloy ni Dr. Santillan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa mga nalaman ko. Nahihiya akong tingnan ang doktor. Hindi ko alam ang dapat na isagot sa lahat ng sinabi nito. Wala tuloy akong nagawa kundi ang maihilamos ang aking dalawang palad sa mukha ko.

Tinapik ako nang marahan ni Dr. Santillan sa aking balikat tanda ng pakikisimpatya.

“I think, kailangan na natin siyang balikan sa loob para makausap na rin natin. Ako na lang din ang bahalang magpaliwanag sa kanya. But, please? Kausapin mo rin siya mamaya.” pagyaya na nito makalipas ang ilang segundo.

Tanging pagtango lang ang naisagot ko dahil hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ako sa nalaman ko.

Binuksan ni Dr. Santillan ang kanyang opisina kung saan niya iniwan kanina si Liam. Naabutan namin ang aking asawa na nakaupo sa tapat ng isang mesa at may hawak na picture frame na mukhang pagmamay-ari ng doktor. Nakatalikod siya sa aming pwesto kaya hindi niya mapapansin ang taong papasok kung hindi rin siya lilingon.

“Sorry to keep you waiting, Mr. Silvestre.” bungad ni Dr. Santillan kay Liam matapos umupo sa silyang nasa kabilang bahagi nito.

Ako naman ay nanatiling nakatayo lang sa likod ni Liam dahil sa tingin ko ay hindi na rin kami magtatagal pa rito.

“Correction, Dr. Santillan. It’s MISIS SILVESTRE.” seryoso at may diin namang pagtatama ni Liam sa doktor.

Tumikhim naman ang doktor at inayos ang kanyang sarili.

“I’m sorry, Mr., I mean, Mrs. Silvestre.” pagpapakumbaba naman ng doktor.

Matapos iyon ay ilang segundong katahimikan muna ang namayani sa aming tatlo. Napansin kong kumukuha ng tiyempo si Dr. Santillan para simulan ang pagpapaliwanag sa asawa ko. Si Liam naman ay nanatiling nakatitig lang sa larawang hawak nito.

“Pamilya mo ba ’to?” tanong ni Liam sa doktor na ang tinutukoy ay ang nasa larawan.

Sinilip ko ang hawak na picture frame ni Liam. Nakita kong may apat na tao ang naroroon at isa na ang doktor doon. May katabi siyang isang lalaki at may kalong silang dalawang bata na lalaki at babae.

Bago sumagot ang doktor ay nagpamalas muna ito ng malawak na ngiti.

“Yeah. Siya ang asawa ko at may dalawang anak na kami. My husband’s name is Weldy. Ang cute niya, ’no?” may pagmamalaking sagot ni Dr. Santillan.

“Hindi naman. Sapat lang.” kaswal naman na sagot ni Liam.

Medyo nakaramdam ako ng hiya sa sinabing iyon ni Liam sa asawa ng doktor.

Mukhang nahiya rin ang doktor kaya tanging pagtawa lang ang nagawa nito. Dahil din doon ay nagpatuloy pa si Liam sa pagtatanong habang nakatitig pa rin sa larawan.

“So, you’re also gay, Dr. Santillan?”

Nagbalik sa pagkakangiti ang doktor at tumango ito bilang pagsagot. Mukhang tulad namin ni Liam ay proud din ito ano man ang itawag sa aming kasarian.

“Hhmmm…” reaksyon ni Liam habang tumatango. “Gwapo ka rin, Dok. ’Yon nga lang, sa tingin ko ay mas gwapo pa rin ang asawa kong nasa labas ngayon ng kwartong ito.” sunod pa niyang komento.

Mukhang hindi pa alam ni Liam na naririto na ako sa loob. Gusto ko nang takpan ang bibig niya sa totoo lang, pero nakita kong nginitian at tinanguan ako ni Dr. Santillan. Pinaparating niya sa ngiti niyang iyon ang mensahe niyang ’ okay lang ’.

Muling nagsalita ang doktor para kausapin si Liam.

“Mrs. Silvestre, according sa asawa mo noong nakausap ko siya, may isa na kayong anak, tama ba?” tanong ng doktor.

“Mmm… Gwapo, malambing at mabait ang anak ko. Kutong-lupa lang talaga dahil napakapilyo.” sagot ni Liam at dama ko ang pagmamalaki niya sa anak naming si Ar-Ar.

“Well, I heard na adopted son n’yo siya. Isa iyon sa magandang paraan para makabuo kayo ng tinatawag na pamilya. Pero gaya nga ng nabanggit ko, pwede n’yo rin i-consider ang surrogacy gaya ng ginawa namin ng asawa kong si Weldy.” suhestyon ng doktor.

Sa palagay ko ay ito ang paraan ng doktor para simulan ang pagpapaliwanag kay Liam. Hinayaan kong magpatuloy ang doktor ganoon dim si Liam na hanggang ngayon ay nakatitig sa larawan.

“Gaya ng nakikita mo sa picture namin, Mrs. Silvestre, maaaring madagdagan ang anak ninyo ng asawa mo. Mas magiging masaya ang bahay ninyo kung dadami ang anak ninyo.” pagkumbinsi ng doktor kay Liam.

“Alam ko, Dok. ’Wag mo nga akong gawing tanga. Masyadong basic ang pinapaliwanag mo. Diretsuhin mo na ako bago pa ako mapunyeta sa ’yo.” sagot ni Liam na may halong pagbabanta.

Muling tumikhim ang doktor bago ito nagpatuloy. Mabuti na lang at mahaba ang pasensiya ng mga tulad nilang may ganitong propesyon.

“Uhhmm.. Gaya ng suggestion ko, subukan n’yo rin ang procedure ng surrogacy. Kung gusto mong magkaroon ng lakas ng loob, pwede n’yo akong kausapin ng asawa mo since nagawa na namin ng husband ko ang bagay na ’yan. Or, kung ayaw mo naman akong kausap, pwede rin naman kitang ipakilala sa asawa kong si Weldy para mabigyan ka niya ng advice. I’m sure magkakasundo kayo dahil mabait ang asawa ko.” sunod pang suhestyon ng doktor.

Nang marinig ni Liam ang sinabing iyon ng doktor ay doon niya lang binitiwan ang hawak nitong larawan. Marahan niya rin iyong ibinalik sa mesa at doon lang niya tiningnan si Dr. Santillan.

“No, thanks. Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga hindi kagandahan. Panget na nga ang isa kong kaibigan na si Coke, madadagdagan pa ng another panget na kaibigan? Are you damn serious?” tanong na may pangungutya ni Liam sa doktor.

Dito na ako hindi nakatiis. Akmang lalapitan ko na si Liam para awatin ay muli na naman akong sinenyasan ng doktor. Mukhang hindi naman siya naapektuhan sa sinabi ni Liam kaya nagpaawat na rin ako.

“Okay, naiintindihan ko.” tanging naisagot ng doktor sa mga sinabi ni Liam.

“Mabuti naman.” sagot din ni Liam pabalik at humalukipkip pa ito.

“Going back to our topic, tatapatin na kita, Mrs. Silvestre. Base sa mga test na isinagawa namin sa ’yo, medyo imposible kasing magbuntis––” hindi naituloy ng doktor.

“I know. Alam kong imposible na magbuntis ako, Doc. Gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi ako tanga. Alam ko ’yon at nabasa ko ang lahat ng iyon.” mga naging pagbubunyag ni Liam sa tapat ng doktor.

Natigilan ako sa naging rebelasyon ni Liam. Ang buong akala ko ay mahihirapan kaming kumbinsihin ito ngunit nagkamali ako. Mukhang kami ang naisahan ng asawa ko. Nawala sa isip kong matalinong tao ang asawa ko.

Hindi nakaimik ang doktor at nakita kong maging siya ay nabigla. Sinubukan niyang lumingon sa akin para siguro humingi ng tulong na makisali na sa kanilang pag-uusap ngunit sinenyasan ko rin siya gamit ang aking isang palad. Pinaparating ko sa aking pagsenyas na magpatuloy sila sa pag-uusap.

“Nagulat ba kita, Doc?” tanong ni Liam na alam kong ngayon ay malawak na ang pagkakangisi. “Alam ko ang lahat ng ’yon. And to tell you the truth, sinadya kong kumbinsihin ang asawa ko na buntis talaga ako.” muling pagbubunyag nito.

Hindi ko man gustuhin ay naikuyom ko ang aking mga kamao. Nagdikit na rin ang mga ngipin ko habang naniningkit ang mga mata ko. Hindi ako madaling magalit kay Liam, pero dahil sa narinig ko ay parang gusto ko na siyang sigawan.

Nagpatuloy pa si Liam sa pagsasalita. Kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay alam kong mas lumapad na rin ngayon ang pagkakangisi niya.

“Hindi ko naman in-expect na maniniwala agad ang asawa ko. Malay ko rin bang dadalhin niya agad ako rito sa ospital, ’di ba? Pero dahil nandito na ’to, nag-isip na lang din ako ng ibang plano.” pagmamalaki pa nito.

Muli ay tiningnan ako ng doktor at nakita kong may pagtatanong sa tingin niyang iyon. Sinenyasan ko na lamang siya na sakyan niya lamang ang sinasabi ng aking asawa.

“A-anong plano ba ang naisip mo, Mrs. Silvestre?” nauutal na pagtatanong ng doktor.

Sa halip na sagutin agad ang doktor ay kumilos si Liam para makalapit pa rito. May ilang segundo rin siyang pinalipas hanggang sa sabihin nito ang nabuo niyang plano.

“Simple lang ang plano, Dok. Sasabihin mo sa asawa ko na positive ang result ng tests. Sasabihin mong nagbubuntis nga ako.” pagbibigay nito ng kautusan sa doktor habang nakangisi pa ito.

Rumehistro ang pagkagulat sa doktor. Hindi niya magawang makapagsalita kaya nagpatuloy pa si Liam sa pagkumbinsi sa kanya.

“’Wag kang mag-alala dahil babayaran kita, Dok. Kayang-kaya kitang bayaran kahit magkano pa ang gustuhin mo. Hindi naman makakahalata si Rigo dahil magpapagawa ako ng unan na ilalagay ko sa tiyan ko buwan-buwan. Hindi ko hahayaang masilip niya iyon kaya magpapalusot na lang ako. Saka na lang natin planuhin ang iba pa bago dumating ang kabuwanan ko. Gano’n lang, Dok. Madali lang naman, ’di ba? Wala kang ibang gagawin kundi ang isara lang ’yang bibig mo.” kasunod pa niyang pagkumbinsi sa doktor na may halong pagbabanta.

Dito na ako hindi nakatiis dahil sa aking mga narinig. Kung pakiramdam ko kanina ay para akong nanalo sa lotto, ngayon ay para na akong sinaniban ng demonyo.

“E, kung ’yang bibig mo kaya, Randy, ang isara ko?!” may kalakasan kong pagtatanong kay Liam mula rito sa kanyang likod. Hindi ko na rin napigilan ang tawagin siya sa una niyang pangalan dahil sa galit ko.

Nasaksihan ko kung paano siya natigilan sa pagkakataong ito. Maging ang doktor ay hindi naiwasan ang mapatayo at naghahanda na yata kaming awatin ng asawa ko.

Nilingon ako nang dahan-dahan ni Liam. Kitang-kita ko kung paano nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ang aking imahe na parang handa nang magwala.

“R-rigo…” nauutal niyang pagtawag sa aking pangalan.

Mabilis na kumilos ang doktor at tumayo ito sa aming pagitan.

“Mr. Silvestre, please calm down. Kausapin mo nang maayos ang asawa mo. Baka may dahilan siya kaya ganito?” nag-aalalang pakiusap sa akin ni Dr. Santillan.

Hindi ko pinakinggan ang doktor, agad kong kinuha ang kamay ni Liam at sapilitan siyang pinatayo mula sa pagkakaupo.

“Let’s go! Mag-uusap tayo sa bahay!” pagyaya ko kay Liam at sinimulan ko na rin ang humakbang.

Halos kaladkarin ko na siya nang makalabas kami ng opisina. Naramdaman ko pa na sinundan kami ng doktor kaya muli akong huminto para kausapin siya.

“Sorry for all the troubles, Dr. Santillan. Ako na po ang kakausap sa kanya. Ipadala n’yo na lang din po ang billings namin sa business card na ibinigay ko sa inyo kanina.” pilit na kinokontrol kong boses na pakikipag-usap sa doktor.

Sasagot pa sana ang doktor sa akin ngunit pareho kami nitong nagulat nang harapin siya ni Liam para komprontahin.

“Punyeta ka! Sinadya mo ’to, ’no?! Sinadya mong marinig ng asawa ko ang mga plano ko!!” pag-aakusa niya sa doktor.

Nagulat ang doktor kaya hindi ito nakapagsalita. Iyon na rin ang ginamit kong pagkakataon para muling hatakin si Liam na muling humakbang.

“Magbabayad kang doktor ka! Punyeta ka! May araw ka rin sa akin, tandaan mo ’yan! Hindi ko kakalimutan ’yang mukha mo! Pati ang mukha ng asawa mong si Weldy na hindi naman kagandahan, natatandaan ko! Sinisiguro ko! Magbabayad kayong mga punyetang hampas-lupa kayo!” pagbabanta ni Liam kay Dr. Santillan habang naglalakad kami sa mabilis na paraan.

Pinagtitinginan na kami ng mga taong nadadaanan namin sa pasilyo nitong ospital dahil sa kaingayan niya.

“Liam, enough!!” sigaw ko na sa kanya.

Dahil sa lakas ng aking boses ay mukhang naawat ko na ito. Kilala na rin naman niya ako, hindi ako madaling magalit, pero ’pag nagalit ako, matatahimik ang kahit na sino.

Nagpatuloy kami sa mabilis na paglalakad habang mahigpit ko pa ring hawak ang isa niyang kamay.

Galit talaga ako. Galit na galit ako dahil sa pangloloko sa akin ng sariling asawa ko. Hindi ko matanggap na magagawa niya sa akin ang bagay na iyon. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, naniwala ako at mabilis kong inalis ang pagdududa ko sa kanya kanina.

“Pasok!!” sigaw kong utos sa kanya matapos ko siyang pagbuksan ng pinto ng kotse.

Mabilis naman siyang sumunod sa aking utos. Kitang-kita ko pa ang pagkataranta sa kanya dahil na rin sa nadiskubre kong kalokohan niya.

Padabog kong sinara ang pinto ng kotse at mabilis na rin ang akong nagtungo sa kabilang bahagi para simulan ang pagmamaneho.

Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse nang magsimula kaming bumiyahe pabalik ng mansyon. Kahit galit na galit pa rin ako ngayon, pilit ko pa rin itong kinokontrol. Si Liam naman ay nanatili sa kanyang pagkakaupo habang paulit-ulit na hinihilot ang kanyang mga kamay dahil sa labis na nerbiyos.

“R-rigz…” nanginginig ang boses na pagtawag niya sa aking pangalan. Sinubukan niya rin abutin ang aking kamay na nasa manibela nitong sasakyan.

“’Wag mo akong hahawakan, Randy! Hindi pa tayo tapos!” madiin kong pag-awat sa kanya nang sinubukan niya akong hawakan. Tinawag ko rin siyang muli sa una niyang pangalan para maramdaman niyang hindi pa rin humuhupa ang galit ko.

Mabilis naman niyang binawi ang kamay niyang iyon at ibinalik sa kanyang kandungan para hilutin muli habang siya ay nakayuko.

Nakarating kami ng mansyon at kinailangan ko pa siyang pagbuksan ng pinto ng kotse dahil wala na yata siyang balak na gumalaw mula sa pagkakaupo.

“Labas!” madiin kong utos sa kanya.

Hindi siya kumilos kaya inabot ko ang pulsuhan niya. Doon lamang siya kumilos at nagpadala sa paghatak ko sa kanya.

Malalaki pa rin ang bawat paghakbang na aking nagagawa kaya ramdam kong halos tumatakbo na si Liam habang nasa likod ko siya.

“Oh? Tapos na kayo? Kamusta pala ang check up ni Randy? Nagpa-ultra sound na ba siya? Lalaki ba o babae? Kambal?” kaswal na pagsalubong sa amin ni Tita Eve nang masalubong namin siya sa sala.

Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o naniwala talaga siya sa inanunsyo ko kanina. Kahit pa babae si Liam, wala namang resulta na makikita agad ang kasarian ng baby sa mga unang buwan pa lang.

“Not now, Tita! Mainit ang ulo ko! Mag-uusap muna kami nito!” sagot ko kay Tita Eve habang patuloy pa rin sa paghakbang ko.

“Mamita….” narinig kong pagtawag ni Liam kay Tita Eve sa nag-aalala niyang tono. Mukhang nanghihingi siya ngayon ng saklolo sa tiyahin ko.

Ilang segundo rin ang lumipas hanggamg sa magproseso kay Tita Eve ang mga nagaganap.

“Hoy, Rigo! Anong gagawin mo kay Randy?! Umayos ka, ha?! Kahit pamangkin pa kita, talagang makakatikim ka sa akin ’pag sinaktan mo siya!” sigaw na pagbabanta sa akin ni Tita Eve.

’Yan ang isang bagay na nakakainis. Masyado na silang komportable sa isa’t isa kaya nagkakampihan na sila.

“Mag-uusap lang kami, Tita! At ’wag ka munang pumasok sa kwarto dahil kilala mo kung paano magalit ang pamangkin mo!” pagbabanta ko rin kay Tita Eve pabalik habang umaakyat kami ni Liam sa hagdan.

Mukhang nakuha ko naman sa pagbabanta ang tiyahin kong iyon kaya natahimik na lang ito. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Liam hanggang sa makarating kami sa aming kwarto.

“Umupo ka sa kama!” utos ko sa kanya matapos kong isara ang pinto nang padabog.

Halos takbuhin naman ni Liam ang kama at mabilis na umupo roon. Sinimulan na naman niyang hilutin ang kanyang mga kamay habang siya ay nakayuko dahil pa rin sa takot. Kung titingnan mo siya ngayon, akala mo ay isa siyang maamong tupa dahil nakakaawa ang hitsura niya.

Aaminin ko, sa nakikita ko ngayon sa kanya ay parang unti-unti nang bumibigay ang kalooban ko. Hindi ko kayang makita na ganito ang hitsura ng asawa ko. Pero hindi rin naman kasi pwedeng lagi siyang ganito. Pinapalampas ko na nga ang kalokohan niya sa ibang tao, pero ’wag naman na pati ako.

Katahimikan muna ang bumalot sa amin sa loob nitong kwarto. Kinakalma ko muna ang aking sarili dahil ayaw kong umabot sa puntong may masabi akong hindi mabuti. Nagpabalik-balik ako sa paghakbang at maraming buntong-hininga muna ang aking pinakawalan.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa aking sarili o maiinis dahil sa nangyari. Sumagi kasi sa aking isip ang pangyayari noon nang sabihin sa akin ni MJ na ako ang ama ng batang ipinagbubuntis niya. Kahit gaano kapilit ang babaeng iyon pati na rin ibang tao na ako nga ang ama ng bata, kahit minsan ay hindi ako naniwala. Pero si Liam na lalaki?! Isang beses niya lang sa akin sinabing buntis siya, naniwala agad ako sa kanya?! For heaven’s sake!! Gano’n na pala ako kabaliw sa kanya?!

Muli akong nagbitiw ng malalim na buntong-hininga bago ko nagawang makapagsalita.

“Now, ipaliwanag mo sa akin, Liam. Bakit mo ginawa ’yon?!” panimula ng aking pagtatanong.

Nakita kong nanginginig na ngayon ang kanyang katawan nang sinimulan ko ang pagtatanong.

“S-sorry…” nauutal at tipid niya lang na sagot habang nakayuko.

“Sorry?! Nakita mo ba kung anong kahihiyan ang inabot natin doon sa ospital?!” tanong ko pa rin sa malakas kong boses. “Pinagbibigyan kita sa lahat ng gusto mo! Lagi mo akong kakampi kahit mali na ang ginagawa mo! Kahit ang kalokohan mo sa ibang tao, pinapalampas ko! Pero ako mismo?! Ako mismo, Liam! Ako mismong asawa mo ang pinagkatuwaan mo! Sa tingin mo ba, mapapalampas ko pa ’to?!” panimula na ng pangaral ko.

Naghintay ako sa kanyang magiging kasagutan ngunit hindi iyon nangyari. Nanatili siyang nakatungo at hinihilot ang kanyang mga kamay.

“Sabihin mo nga, may kulang pa ba?! Bakit kailangang pati ako gaguhin mo?! Alam mo ba ang pakiramdam na umaasa?! Gano’n, Liam! Gano’n ang naramdaman ko kanina! Umasa ako na nagsasabi ka ng totoo dahil may tiwala ako sa ’yo! Dahil asawa kita at malaki ang tiwala ko sa ’yo! Pero bakit nagawa mo pa rin sa akin ’yon?! Nagawa mo pa ring magsinungaling kahit sa akin!” simula na ng aking panunumbat.

Inobserbahan ko siya. Naghintay na naman ako ng ilang segundo para sumagot siya ngunit hindi niya pa rin nagawang magsalita.

“Sumagot ka dahil tinatanong kita! And make sure that this time, totoo na ’yang sasabihin mo!” utos kong may halong pagbabanta sa kanya.

Sa kabila ng pagbabanta kong iyon ay mukhang wala pa rin siyang balak na tumugon. Dahil dito ay nagbalik na naman ang inis ko.

“Sagot, Liam!! Sagot!!” sigaw ko sa kanya.

Nasaksihan ko kung paano siya nagulat dahil sa ginawa kong pagsigaw sa kanya. Sa lakas ng boses ko, alam kong umabot din iyon maging sa iba pang parte nitong mansyon.

Huminga nang malalim si Liam habang nakatungo. Iyon ang bagay na hindi ko matagalan dahil alam kong naninikip na ngayon ang dibdib nito. Mas lalo lang din akong napanghinaan nang makita ko ang sunod-sunod na pagpatak ng kanyang luha kahit pa nayuko ito.

“S-sorry, Rigo… M-maniwala ka… hindi ko naman gusto na umabot tayo sa ganito… Ang plano ko lang naman, hindi tayo papasok sa trabaho pero napasobra ako… Naiinip na kasi ako, eh… Nami-miss na kita dahil lagi kang busy sa trabaho… Lagi na lang si Tita Eve ang kasama ko… Si Ar-Ar naman, laging kasama ni Dom… O kung hindi naman, mas gusto niyang pumunta sa bahay nina Xander at Tom… Mas gusto niyang makalaro si Carla at alagaan si baby Drey… Tuwing pupunta naman ako doon, busy rin si Nanay Elise kaya wala akong makausap… Wala rin naman dito sina Mama at si Ate Sandra kaya wala rin akong ibang makasama…” mahaba niyang paliwanag sa pagitan ng pag-iyak niya.

Nakaramdam ako ng panghihina at hindi nakapagsalita. Ngayon lang nagbabalik sa aking isip ang mga pangyayari nitong huli. Tama siya, naging abala nga kami ng anak niya. Madalas kaming mag-usap ni Liam pero sa video call lang iyon. Tuwing uuwi naman ako sa gabi, pagod ako at nakakatulugan ko na siya kahit sa kalagitnaan pa lang ng pagkekwento niya.

Para akong pinagbaksakan ng langit at lupa dahil sa hiya sa aking asawa. Nawala sa aking isip na iba pa rin tuwing personal niya akong makakasama. Mas inabala ko kasi ang aking sarili sa pagtatrabaho dahil sa pagnanais na mabigyan sila ng magandang kinabukasan ng aming anak.

Mula rito sa aking pwesto ay kitang-kita ko kung paano paulit-ulit na humihinga nang malalim si Liam dahil sa labis na pag-iyak niya. Dama ko ang labis niyang pagsisisi dahil sa nangyari.

Hindi ko na kaya pang tagalan na nakikita siyang umiiyak. Nangako ako noon na hindi na siya makakaranas ng lungkot at paghihirap. Pero heto ako, ako mismo ang nagbigay kalungkutan sa asawa ko.

Kahit nahihirapan ay ginawa ko ang aking makakaya para makakilos. Mabibigat ang aking mga paa na humakbang patungo sa tapat niya. Kasunod nito ay lumuhod ako at inilagay ang aking mga braso para yakapin ang bewang niya.

Sinipat ko ang kanyang mukha. Lalo lang akong napanghinaan nang makita ko ang mga mata niyang patuloy na lumuluha. Parang hinahati sa pira-piraso ang aking puso nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. Wala talagang duda, siya talaga ang kahinaan ko.

“Liam…” malambing kong pagtawag sa kanyang pangalan.

Hindi niya magawang tumugon dahil humihikbi na rin siya ngayon.

“May gusto ka pa bang sabihin..?” tanong ko pang muli sa kanya.

Tumango naman siya nang paulit-ulit habang umiiyak pa rin.

“S-sorry… I’m sorry, Rigz… Sorry… H-hindi na mauulit… Sorry…” humihikbi niyang paghingi ng tawad sa akin.

Napangiti ako nang tipid dahil sa aking narinig. Ramdam ko naman ang kanyang pagsisisi kaya tiwala akong hindi na niya gagawin sa akin ang bagay na iyon.

“Hindi ’yan ang gusto kong marinig…” nakangiti kong pagkontra sa kanyang sinabi.

Mukhang mabilis niyang nakuha ang gusto kong ipahiwatig dahil mabilis siyang napangiti. Matalino talaga ang asawa ko at alam niya kung ano ang lahat ng gusto ko.

Inangat niya ang kanyang dalawang palad at inilagay iyon sa magkabilang pisngi ko. Kahit pa patuloy siyang umiiyak ay ramdam kong kalmado na ito.

“I love you… I love you, Rigz… I love you…” malambing niyang pagsasalita sa pagitan ng kanyang pag-iyak. Kasunod nito ay paulit-ulit niya ring hinalikan ang labi ko.

Iyon ang bagay na gusto kong marinig. Sa araw-araw na magkasama kami, isa iyon sa tinupad niya simula nang maging kami. Hindi ko na nga minsan mabilang sa isang araw kung ilang beses niya ba iyon sinasabi. At simula noong araw na marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya ay pareho pa rin ang dala nitong saya sa aking dibdib.

Niyakap ko siya matapos iyon na kanya ring tinugunan habang may ngiti sa aming mga labi. Paulit-ulit ko ring hinaplos ang kanyang likod para tuluyan na siyang kumalma mula sa pag-iyak niya.

“I love you, Rigz… I’m really sorry… Hindi na talaga mauulit… I love you…” malambing niya pa ring pagsasalita habang yakap ako.

Hindi ko napigilang magbitiw ng mahinang pagtawa dahil sa labis na saya.

“I love you too, Liam… I love you more and I love you most…” sagot ko naman sa kanya.

Alam kong marami pang pagkakataon na mauulit ang ganitong senaryo na magtatalo kaming dalawa, pero kahit anong mangyari, sisiguraduhin kong bago magtapos ang araw ay magiging maayos kami. Mahihirapan man ako minsan na kontrolin ang kanyang pag-uugali, masaya naman ako dahil nakikinig pa rin siya sa akin sa huli.

Nagtagal pa kami ni Liam nang mahabang oras sa loob ng kwarto. Hindi ko tinigilan na halikan at yakapin siya nang paulit-ulit para lang mapatigil sa pag-iyak ito. Nangako rin ako sa kanyang hihingi ng bakasyon sa trabaho para makalabas naman kami nito. At tulad din ng inaasahan, nauwi kami sa mainit na tagpo. Inangkin ko na naman ang aking asawa nang ilang beses dahil nakaramdam na naman ako ng panggigigil sa kanya.

“Ma!! Daddy!! I’m house!! Ar-ar finishing schooling!! Please, open sesame!!” narinig naming pagtawag ng aming anak na si Ar-ar mula sa labas ng pinto na sinasabayan pa ng paulit-ulit niyang pagkatok.

“A-aahhh… S-sandali lang, Liam… B-baka pumasok ang bata..?” pagpigil ko kay Liam sa pagitan ng aking pag-ungol.

Nakahiga sa kama si Liam habang nasa ibabaw niya ako at dinadama ang aking kabuuan.

Sa halip na pakawalan ako ni Liam ay iginapos niya ang aking bewang sa pamamagitan ng kanyang mga hita dahilan para manatili kaming iisa.

“A-ako ang bahala sa kanya… Uuhhmmm… Ituloy mo lang, Rigz… Ituloy mo lang…” utos naman sa akin ni Liam sa pagitan din ng pag-ungol niya.

Hindi na ako tumutol pa sa aking asawa. Mas hinusayan ko ang pag-indayog sa ibabaw ni Liam habang iisa ang aming katawan. Ayaw ko rin naman ang mabitin kaya ipinagkatiwala ko na sa kanya ang pakikipag-usap sa anak namin na hanggang ngayon ay kumakatok pa rin.

“Punyeta, Ar-Ar!! Tigilan mo ako sa English-barok mo, ha?!” paninita ni Liam kay Ar-Ar nang pasigaw. “Ahhh… Sige pa, Rigz… Uuhhmm…” bulong niyang umuungol sa akin.

“Why, Mamshie?! I’m good in englishing bekows I’m schooling hard! My classmates is calling me idol that’s why my fans is now thousand hundreds!!” pakikipagsagutan naman ni Ar-Ar pabalik.

“Stop!!” sigaw ni Liam.

Napahinto ako sa aking ginagawang pag-ayuda dahil sa sinabi niyang iyon.

“No! It’s not you, baby Rigz! Just continue!” pagbawi naman ni Liam.

Ang akala ko kasi ay ako ang sinasabihan niya, ang amin palang anak na magmula nang maging kaibigan si Carla ay na-challenge na yatang magsalita ng ingles.

Nagpatuloy ako sa pag-indayog at hinalikan ko na rin leeg ni Liam.

“Pumunta ka muna sa kwarto mo, Ar-Ar!! Magbihis ka! Kumain ka! Gawin mo kung anong gusto mo!! Basta umalis ka muna diyan!!” utos naman ni Liam kay Ar-Ar. “Harder, Rigz… Uuhmmm…” utos naman niya sa akin at hinalikan ako nang madiin.

“Why, Mamshie?!! I want to kissing you and Daddy!!”

“You can’t, anak!! Not now!!”

“Please?? I will telling you that I missing you, Mamshie!! I will hugging you also many-many!!”

“I said, not now!! Just do it later, okay?!!”

“No!!!”

“Yes!!!”

Patuloy na nagtatalo ang dalawa habang ako ay patuloy na tinatrabaho ang aking asawa.

Marami pang pinagtalunan ang dalawa hanggang sa hindi na ako nakatiis sa kanila.

“Uuhhm… Sabihin mo, Liam, maligo siya sa pool… Makikinig ’yan…” utos kong umuungol kay Liam.

Tila doon lang naalala ni Liam na iyon ang kahinaan ng aming anak, ang maligo nang paulit-ulit sa loob ng isang araw.

“’Nak!! May bagong salbabida akong binili kahapon!! Nasa room mo ’yon!! Magpatulong ka na lang sa mga kasambahay na lagyan ’yon ng hangin!! Sabihin mo rin na kung kaya nila, gamitin nila ang bibig nila para lagyan ’yon ng hangin kung ayaw nila akong mapunyeta!!” mahabang utos ni Liam sa bata.

Matapos iyon isigaw ni Liam ay nawala rin agad ang pag-iingay ng aming anak. Narinig na lamang namin ang mga yabag na nagawa nito at mukhang papalayo na rin ito sa aming kwarto.

Kahit pa patuloy naming pinapaligaya ni Liam ang isa’t isa ay hindi namin naiwasan ang matawa.

“Sirena yata ang anak natin? Laging gustong naliligo!” reaksyon kong natatawa kay Liam habang patuloy na umiindayog sa ibabaw niya.

“Syokoy ang batang ’yon! Syokoy na naghahanap ng sirena at kapwa niya syokoy!” pagtatama niya sa akin.

“You think so..?” paniniguro ko naman.

“Yeah… Na-observe ko ’yon sa kanya…” sagot naman niya.

Matapos ang maikling pag-uusap ay nagpatuloy na rin kami sa mainit na ganap.

Napakasarap isipin na kahit ilang taon na rin ang lumipas magmula nang una naming gawin ni Liam ang ganitong pag-iisa ay walang nagbago sa aming dalawa. Hindi nabawasan ang pananabik at naroon pa rin ang masidhing pagnanais. Ako pa rin ang kanyang pantasya at siya lang din ang may kakayahang buhayin ang aking pagnanasa.

Kung may nagbago man sa dati naming ginagawa, iyon ay may nag-uumapaw nang pagmamahal ang nakapaloob sa aming pagniniig.

“I love you, Liam….” malambing kong sambit matapos ang matindi naming pag-iisa.

Nasa ibabaw niya pa rin ako at nasa loob pa rin niya si Jaime ko.

“I love you too, Rigz…” sagot niya ring malambing sa akin.

Kasunod ng mga salitang iyon ay nagtapos kami sa pamamagitan ng pagbibigay sa isa’t isa ng matamis na paghalik.

May mga bagay man siguro kaming pagtatalunan pa bilang mag-asawa, sigurado naman akong hinding-hindi ako magsasawa sa kanya. Dahil sa bawat araw na lumilipas, mas lalo ko pa siyang minamahal bilang siya.

Kahit ano pa siguro anong gawin ni Liam, mananatili akong kakampi niya. Sa tindi ng pagmamahal ko sa kanya, handa akong sakyan ang lahat ng kapilyuhan at kalokohan niya.

Sabihin man ng iba na baliw siya, pagtatawanan ko lang sila.

Kung tatanungin ako kung bakit, iisa lang din ang magiging dahilan ko,

Higit na mas baliw ako, baliw na baliw ako sa asawa ko.


A/N

Ayan! Sa wakas, nai-post ko rin! Hahaha!

Dito sa special chapter na ito ay ipinakilala ko sina Dr. Oliver Santillan at ang asawa nitong si Weldy. Sila ang mga bida sa kwento kong, “His Substitute Husband”. Salamat din po pala sa mga nakapagbasa na ng kwentong iyon! ❤

Paano po? Sana ay nag-enjoy kayo sa special chapter nitong NSA! Hanggang sa susunod na special chapter! Labyu!

–– cold_deee ❤


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.