Nonetheless • BxB
sojuniverse · 6 chapters · 5,439 words
Nonetheless
Disclaimer
This book is a purely work of fiction. Therefore names, events, characters and place that has been stated in this story is all just products of author’s imagination or in fictitious manners. Any resemblance to the actual person, places nor events are just a purely coincidental.
All rights reserved ©2024_sojuniverse
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Do not make soft copies!
Do not plagiarize!
Warning:
This story may contain explicit scenes, vulgar words, trigger warning that is not suitable for young readers. Read at your own risk. You all have been warned by the author.
Again, widen your reading comprehension because narrow-minded isn’t welcome to read this book.
Note:
Don’t mention any characters here from the other book or from the other author. Do respect me and my story. Thank you!
Important note:
If you don’t enjoy reading stories with a boy’s love theme, you should quit reading this story right away and choose something else.
Prologo
Umibig.
Nasaktan.
Umibig ulit at nasaktan pa rin.
Ganito pala ang umibig; palaging nasasaktan, paulit-ulit na lang. Nakakasawa na!
Pakiramdam ko ay ayaw ni Kupido sa ’kin.
Wala kang kwenta, Kupido!
Kabanata 1
Kabanata 1
Dear love,
It’s our one year anniversary as couple, we both know that we faced a lot of trials in our relationship, but one thing is for sure… I love you. Of course, I’ve told you that before, but I will never get tired of saying it. Isang taon na ang nakalipas no’ng tinanggap mo ang pagmamahal ko sa ’yo, since then I’ve changed a lot because of you. Honestly, I didn’t expect that our relationship would come this far. Nonetheless, I’ve found the one I would love forever and it’s you. Mahal na mahal kita. ♡
Lovingly,
Luis
Agad na napangiwi si Skye nang matapos niyang basahin ang love letter ng ex boyfriend niya no’ng anniversary nila, ang nasabi niya lang sa nabasa niya ay cringe at corny . Hindi sukat akalain ni Skye na sumulat ng gano’n ka-cringe na letter ang ex boyfriend niya para sa kaniya. Pero noong panahaon na ’yon at sa sukat ng ala-ala niya ay kilig na kilig siya kasi first time na may nagbigay sa kaniya ng letter at boyfriend pa niya!
Ilang taon naman na ang nakalipas, syempre nakapagmove on na siya sa mga nangyari noon. Kinailangan niyang tanggapin kahit mahirap na hindi sila para sa isa’t isa ng lalaking ’yon. Hindi naman lahat ng gusto mo ay magiging sa ’yo eh.
May mga tao talagang dadating sa buhay natin tapos iiwan rin tayo kalaunan para maging aral.
Medyo makalat na ang bahay ni Skye kaya naisipan niyang mag general cleaning, nagsimula muna siya sa kwarto niya. Habang inisa-isa niyang kinuha ang mga box na nasa ibabaw ng cabinet niya, hindi niya naiwasan na halungkatin ang mga laman nito. At sa hindi niya inasahan ay nahalungkat niya ang box na pinaglagyan niya ng mga love letters galing sa ex boyfriend niya, hindi niya rin naiwasang basahin ang mga letters. Natawa na lang siya sa mga nakapaloob dito kasi sobrang cheesy ng mga nakasulat.
Nagpatuloy na siya sa paglinis ng kwarto niya, napaisip na lang ang binata kung kumusta na ’yong ex boyfriend niyang si Luis. Wala na talaga siyang balita pagkatapos ng hiwalayan nila.
Ba’t ko pa ba naiisip ang taong ’yon? Jusko naman!
Napatingin ang binata sa kama niya nang marinig niya na nag-ring ang cellphone niya. Agad siyang tumayo at kinuha ang cellphone tsaka niya sinagot ang tawag.
“Oh? Napatawag ka?” aniya na abot tainga ang ngiti sa labi.
“Wala naman, na-miss lang kita. Bawal ba?”
sagot naman ng kausap niya sa kabilang linya.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ng binata dahil kinikilig na siya sa mga sandaling ito. “Hala, mukhang tanga ’to. ’Wag ka mag-alala magkikita rin naman tayo bukas sa school eh.”
Mahinang natawa ang kausap ni Skye sa kabilang linya.
“Sabay tayo maglunch bukas ah.”
“Basta’t libre mo, g ako diyan!” masigla na tugon ng binata.
“Oo naman, malakas ka sa ’kin eh. Siya nga pala, baka may ginagawa ka ngayon, baka naistorbo pa kita.”
“Naku! Ayos lang. Naglilinis lang ako ng kwarto ko, medyo marumi na rin kasi ang buong bahay eh, naisipan ko na mag general cleaning. At para na rin may pagkaabalahan ako rito habang walang pasok.”
“Tulungan na lang kaya kita para mapadali ’yan,”
suhestiyon ng kausap ni Skye.
“Sus, ’wag na. Ayos lang, kaya ko na ’to. Don’t worry, ok?”
“Ok, ibababa ko na ’to ah? Para makapaglinis ka na ulit, bye Skye.”
“Sige, bye na rin Axyl,” pinatay na ni Skye ang tawag. Binalik ulit ni Skye ang cellphone sa kama na may ngiti sa labi, excited na siya para bukas.
Buo na ang araw niya dahil narinig at nakausap niya ang ka-MU niyang si Axyl. Crush na crush ni Skye si Axyl simula no’ng first day of school pa lang, kahit na malayo ang building ng mga Criminology students ay pumupunta si Skye doon as if na naliligaw. Hanggang sa isang araw ay nabunggo ni Axyl si Skye sa hallway at natapunan pa ng juice ang damit ni Skye, dahil do’n ay naging close na ang dalawa. Hindi rin inakala ni Skye na crush rin pala siya ni Axyl and the rest is history.
Nagpakita ng motibo si Axyl kay Skye, eh gano’n rin ang ginawa ng binata kay Axyl. Pero may mapait na katotohanan, medyo matagal na ang ganitong set up ng dalawa at nababahala na si Skye dahil dito. Pero kahit gano’n ay iniisip niya pa rin na hindi naman kailangang madaliin ang lahat.
Lunes na ng umaga, bilang isang mabuting estudyante ay nakagawian na niya ang paggising ng maaga, maliligo at papasok sa school na walang laman ang tiyan. Dali-dali nang pumunta sa bus stop si Skye, may nakakasabay rin siyang mga estudyante at mga taong papunta na sa trabaho nila. Madali lang na nakarating ang bus na sinakyan ni Skye sa school, bumaba na siya at tinahak na ang daan papunta sa class room ng first subject niya ngayong araw na ’to.
Pagpasok ng binata sa silid ay medyo marami-rami na ang estudyante, hinanap agad ng mga mata niya ang dalawa niyang kaibigan, as usual nasa pinakalikod sila nakaupo. Humakbang na si Skye papunta sa kaibigan niya.
“Buti naman at nakarating ka na himpapawid Santos,” bungad na wika ng kaibigan niya.
“Magandang umaga sa ’yo, little Pony Veen,” sagot niya sa kaibigan niya, umupo na si Skye sa tabi ng upuan ni Pony na may ngiti pa sa labi.
“Teka, akala ko ba kasama mo si Zayn? Malapit na magsimula ang first subject natin,” wika niya sa dalaga, nagkibit-balikat ang dalaga dahil sa sinabi ng kaibigan niya.
“Ewan ko rin sa kaibigan mo, baka papunta na ’yon dito,” saad naman ni Pony.
Ilang sandali lang ang lumipas ay pumasok na ang prof nila na kasama si… Zayn. Nagkukuwentuhan pa ang dalawa habang papasok sa loob ng silid, nagtapon ng tingin si Zayn sa dalawa niyang kaibigan kaya dali-dali na siyang umupo sa tabi ni Skye na abot tainga pa ang ngiti.
Nagtinginan sina Skye at Pony sa isa’t isa tila ba nag-uusap ang dalawa gamit ang mga mata. Binaling ng dalawa ang tingin nila sa kaibigan nilang si Zayn, nagtaka si Zayn dahil sa inasal ng dalawa niyang kaibigan.
“Bakit? May dumi ba sa mukha ko?”
“Wala,” sabay na tugon nina Skye at Pony. Sanay na si Zayn sa inakto ng dalawa niyang kaibigan kaya pinabayaan na niya lang ang mga ito.
“By the way, Skye. Si Axyl nga pala ay may surprise daw sa ’yo mamaya,” ani Zayn kay Skye na kumikinang pa ang mga mata at tila kinikilig pa ito.
“Pa’no masu-surprise si bakla niyan, Zayn eh sinabi mo na sa kaniya, tanga-tangahan lang o sadyang tanga ka lang talaga?” Napairap na lang si Pony sa kaibigan niya, pero tumawa lang si Zayn.
Hindi agad na-absorb ng utak ni Skye ang mga sinabi ng kaibigan niya patungkol kay Axyl. Bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil do’n dahilan para matahimik siya saglit.
Ano kaya ang sorpresa ni Axyl para sa ’kin?
“Sa’n mo naman napulot ang chismis na ’yan? Baka gawa-gawa mo lang ’yan ah, malilintikan ka talaga sa ’kin,” ani Skye na may pagbabanta sa kaibigan.
Malaking ngiti ang pinakita ni Zayn sa mga kaibigan niya, excited na siyang sabihin ang chika na nasagap niya. “Ganito kasi ’yan, pagdating ko rito sa school, pumunta agad ako sa cafeteria para bumili ng bottled water kasi nauuhaw ako. ’Di ko inexpect na nando’n ang mga Criminology students na nakatambay sa loob, nando’n rin ang ka-fling mo,” salaysay ni Zayn mula sa umpisa, nakinig lang sina Skye at Pony sa kwento niya, “medyo malapit sila sa pwesto ko kaya narinig ko ang usapan nila which is si Axyl ay gagawin na raw niyang official ang relasyon niyong dalawa! At mamayang lunch break daw sa covered court.”
Nang marinig ang sinabi ng kaibigan ay hindi mapagsidlan ang tuwa ni Skye sa narinig niya mula sa kaibigan. Sa wakas ay matutuldukan na ang paghihirap niya sa relasyon nila at magkaka-label na silang dalawa ni Axyl! At magiging magaan na para sa kaniya ang lahat.
“Ayiee. Magiging official na ang relasyon nila! Hindi na kayo ‘mukhang unggoy’!” kantyaw ni Zayn.
Mahinang natawa ang binata. “Ano ka ba, ’wag kang ganiyan,” aniya.
“Sana all, ako kaya… when?” ani Pony.
Napakamot na lang ng batok si Skye. “Sinabi niya sa ’kin kahapon na sabay kami maglunch, kaya pala nag-aya siyang sabay kami,” wika ni Skye, hindi niya maitago ang kilig na kaniyang nararamdan sa mga sandaling ito. Dumating na rin ang panahon, jusko!
Napatingin ang buong klase sa harap ng bigla nilang narinig na may pumalakpak ng dalawang beses. “Let’s start our class!” ani ng prof nila.
Tapos na kumain ng lunch ang tatlo, tinatahak nila ngayon ang daan papunta sa covered court ng school. Hindi pinahalata ni Skye na hindi siya mapakali sa mga sandaling ito, kilig na kilig siya habang kumakain kanina hanggang ngayon na papunta sila sa covered court. Hindi na natuloy ang lunch break nina Skye at Axyl dahil sa plano nito.
Pagpasok nila sa covered court bumungad sa kanila ang kumpulan ng estudyante na nakapalibot kay Axyl, may hawak pa siyang kumpol ng bulaklak. Dahil sa nakita nila ay mas kinilig ang dalawang kaibigan ni Skye, hindi rin sila makapaghintay sa mga susunod na mangyayari.
Hahakbang na si Skye papunta kay Axyl nang bigla siyang may narinig na boses sa likod niya. Napatingin ang lahat sa kung saan galing ang boses na ’yon.
“Anong gagawin natin dito?” ani ng lalaki na naka-blind fold at may dalawang escort, dahil sa uniporme nila ay nalaman agad ni Skye kung ano ang kurso ng naka-blind fold at no’ng dalawang escort; tourism student at crim students, sigurado si Skye na classmate ni Axyl ang dalawang escort.
Dinala ng dalawang classmate ni Axyl ang gwapong lalaki sa harap nito. Kilig na kilig ang mga estudyanteng nakakita sa mga pangyayari sa loob ng covered court, habang si Skye at ang dalawang kaibigan niya ay hindi mapakali sa nakikita nila.
Teka, ’di ko naiintindihan ang nangyayari. Naguguluhan ako! Dapat ako ’yang nasa harapan ni Axyl ngayon. Bakit ibang tao ang nasa harapan niya? Ano ba ang nangyayari?
Tinanggal ni Axyl ang pagkaka-blind fold ng lalaki, hindi magkamayaw ang mga estudyante dahil sa kilig. Ilang sandali pa ay ibinuka na ng lalaki ang mga mata niya, tila nagulat ang lalaki dahil sa nakita niya.
“Surprise,” wika ni Axyl, ngumiti ito na abot tainga at kitang-kita sa mga mata niya ang saya at kilig.
Bakas pa rin sa mukha ng lalaki ang gulat dahil sa mga pangyayari sa paligid niya, hindi siya makapagsalita.
“Will you be my boyfriend?”
Walang kaalam-alam si Skye na unti-unti na palang bumubuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang kumuwala sa mga mata niya. Hindi siya makapagsalita sa nakikita niya ngayon, tila ay umurong ang dila niya. Gusto na niyang umalis sa covered court pero pakiramdam niya ay napako siya sa kinatatayuan niya ngayon.
“Skye.” Ani ng dalawang kaibigan ni Skye. Hindi nag-aksaya ng oras sina Zayn at Pony na hilahin palabas ng covered court si Skye, alam nilang pareho ang nararamdaman ng kaibigan nila ngayon. Nang nasa labas na ang tatlo ay agad nilang niyakap si Skye, dahilan para mas bumuhos pa ang mga luha nito.
“Bakit gano’n? Ako ’di ba dapat ang nando’n kasama si Axyl? Pero bakit iba? Hindi ko naiintindihan,” humagulgol lalo ang binata. Punyeta, ansakit lang eh, parang sinaksak ng ilang libong patalim ang puso ko ngayon.
Rinig na rinig sa labas ng covered court ang hiyawan ng mga estudyante na nasa loob ng covered court. For sure, napasagot na ni Axyl ’yong lalaki.
Kumalas na sa yakap si Skye, pinunasan na niya ang mga luha niya at inayos ang sarili. Nagtataka ngayon ang dalawang kaibigan niya.
“Skye…” ani Pony.
“Ok guys, balik na tayo sa class natin baka ma-late pa tayo sa next subject,” ani Skye, nauna na siyang naglakad palayo sa covered court. Hindi na rin nagsalita ang mga kaibigan niya dahil naiintindihan nila si Skye, sumunod na rin sila sa kaibigan nila.
Kabanata 2
Kabanata 2
Dumaan ang mga araw, maayos naman na si Skye sa labas pero durog na durog siya sa loob. Kahit sino naman ay madudurog sa pangyayaring ’di mo inaasahan, pero gayunpaman ay pinilit niyang magpakatatag at pinilit niya ring ibaon na lang sa limot ang mga nangyari sa araw na ’yon.
Napatawa siya ng mapakla ng maalala niya ang nangyari kinagabihan; tinawagan at ti-next lang naman siya ni Axyl, syempre hindi siya sumagot dahil ayaw niyang makausap ang kumag na ’yon. Puro ‘sorry’ ang mga menshaeng pinadala ng binata pero balewala lang lahat ng ’yon kay Skye.
Jerk.
Sabado na naman, walang ibang ginawa si Skye kundi ang kumain nang kumain sa condo niya. Gusto sanang pumunta nina Pony at Zayn pero sinabi niya na gusto muna niyang mapag-isa sa ngayon. Kaya nagstress eating siya ngayon, ito palagi ang ginagawa niya kaya hindi na nagtataka ang mga kaibigan niya kung bakit gusto ni Skye na mapag-isa sa bahay niya.
Agad na nabaling ang tingin niya sa pintuan ng condo niya, may nag-doorbell. Sabing gusto ko muna mapag-isa eh, ang kulit naman ng mga kabigan ko na ’to.
Busy ako sa kinakain ko. Napabuntong-hininga na lang ang binata nang makalapit siya sa pintuan at binuksan ito.
Napaigting ang panga ni Skye nang mabuksan ang pintuan at nakita niya ang nasa labas ng pintuan. Of all people… why you?
“Pwede ba kitang makausap, Skye?” bakas sa mukha ng bisita ni Skye ang panghihinayang pero walang pakielam si Skye dahil mas nangibabaw ang galit niya sa taong kaharap niya ngayon. Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, kumag ka!
“Ano pa ba ang pag-uusapan natin, Axyl? Hindi pa ba sapat na dinurog mo ang puso ko at pinaasa mo ako. Pinaasa mo lang ako sa wala, Axyl! Hindi mo ba nakuha ang punto ko?! Ano pa ba ang gusto mo sa ’kin?!” Nagbabadya na naman ang mga luha ni Skye, “plano mo ba sa una pa lang na paasahin ako? Nagpakita ka ng motibo sa ’kin, Axyl. Kaya gano’n din ang ginawa ko pero akala ko—” hindi na natapos ni Skye ang sasabihin niya dahil umagos na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
“Sorry talaga, Skye,” ani Axyl. Hindi alam ni Axyl kung anong dapat niyang gawin.
“Sorry? Magagamot ba ng sorry mo ang puso ko? ’Di ba hindi?! Kung alam ko lang sana sa simula pa lang na gagaguhin mo lang rin naman pala ako, hindi na lang sana kita nakilala!”
“Skye, pakinggan mo muna ako, please. Nagmamakaawa ako sa ’yo.”
“Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo. At wala akong pakielam kahit ano pa ang gawin mo. You’re such a jerk, Axyl.” Ani Skye, hindi nagdalawang isip ang binata na pagsarhan niya ng pintuan si Axyl. Nanghihina ang mga tuhod niya dahilan para mapasandal siya sa pintuan habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha niya.
“Skye… mag-usap tayo, please. Nagmamakaawa ako sa ’yo,” sabi ni Axyl sa kabilang pintuan, nanunubig na rin ang mga mata niya. Gusto niya lang kausapin si Skye ng masinsinan para ipaintindi sa kaniya ang mga nangyayari.
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Axyl! Umalis ka na! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Umalis ka na!” Pagmamakaawa ng binata. Durog na durog ang puso niya dahil sa nangyari tapos andito pa ang dahilan kung bakit siya nagkaganito. Kahit punasan pa niya ang mga luha niya ay kusang tumutulo at hindi nagpapapigil ang mga ito. Niyakap na lang niya nang mahigpit ang tuhod niya dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.
Sobrang sakit ng ginawa niya sa ’kin. Hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad sa ginawa niya. Ano ba ang ginawa ko para ganitohin lang ako?
Sa labas ng pintuan ay hindi napigilan ni Axyl na mapasandal na lang dahil alam niya sa sarili niya na kahit anong pilit niya kay Skye ay hinding-hindi siya nito pakikinggan. Skye, sana dumating ang araw na mapapatawad mo ako.
Nagpaka-busy si Skye sa pag-aaral niya lalo na’t naging isa siya sa mga dean’s lister noong freshmen pa lang siya, inisip niya na dapat maintain ang grades niya para hindi masayang ang efforts ng mga magulang niya at kailangan din na hindi siya magpapaapekto sa mga nangyayari sa buhay niya.
Wala na siyang balita kay Axyl, hindi niya rin ito nakikita sa school campus. Bahala siya sa buhay niya, karma na ang bahala sa kaniya. Hindi mapaghiganti na tao si Skye, gusto niya na karma na ang bahala sa mga taong nangalipusta sa kaniya.
Nagtataka rin ang mga kaibigan ni Skye dahil wala na siyang pakielam sa nangyaring heartbreak. Well, kailangan talaga na ipamukha mo sa kaniya na hindi siya kawalan. Hindi niya deserve ang oras at luha mo, at higit sa lahat hindi siya para sa iyo.
Napakurap si Skye sa pagmunimuni niya dito sa food court dahil nag-ring ang cellphone niya. Friday na ng hapon, tapos na ang klase niya kaya tumambay muna siya sa food court para kumain.
Zayn calling…
“Bakla!!!”
bungad na sigaw ni Zayn sa kabilang linya, buti na lang talaga at nailayo kaagad ni Skye ang tainga niya sa telepono.
“Punyeta ka! Kailangan talaga sumigaw, ha? Tuhugin ko kaya ’yang ngala-ngala mo, baklang ’to!” Sagot naman niya dahilan para tawanan siya ni Zayn sa kabilang linya.
“Sorry naman, na-excite lang ako sa chismis na nasagap ko.”
“Anong chismis na naman ’yan? ’Yong chismis na nasagap mo dati ay naging dahilan para magkalayo kami ni Axyl—”
“Yes, bitch! Kung hindi sa ’kin, ano ka ngayon? Anyway, narinig ko kasi ang usapan ng mama ni Luis at mga kumare niya, eh ’di ba nasa iisang subdivision lang kami? Si Luis daw ang ikakasal na!!!”
Walang bakas na emosyon ang mukha ni Skye, hindi niya rin alam kung ano ang isasagot sa balita niya kay Zayn. Matagal na panahon na silang wala, sa loob ng matagal na panahon ay wala siyang balita sa ex boyfriend niya. Ngayon na ikakasal kuno ang ex niya ay wala siyang nararamdaman, wala siyang pakielam. Edi wow ikakasal na siya.
“Ay, talaga? Pakisabi best wishes.”
“Okay lang ’yan, bes. Alam kong masakit kasi mahal mo pa ’yong tao. Ayos lang ’yan, iiyak mo lang lahat ng hinagpis mo.”
Napailing na lang ang binata. “Muntanga ka, ibababa ko na ’to ah. Kumakain ako eh, bye.” Hindi na niya inantay ang sagot ng kaibigan at pinatay na niya ang tawag.
Good for him at magsi-settle down na siya.
Si Luis ay isa sa mga naging ex-boyfriend ni Skye. Maghihiwalay-magbabalikan palagi ang nangyayari sa relasyon nila noon dahilan para magdesisyon ang dalawa na tuldukan na ang relasyon nila. Nagsawa na rin kasi ang dalawa sa ginagawa nila, nag-aaksaya lang sila ng panahon at oras para sa relasyon na walang kasiguraduhan kaya mas mabuti nang matapos na kaysa sa tumagal pa. Kung gano’n lang rin naman palagi ang sitwasyon nilang dalawa ay wala silang patutunguhan.
“Kahit ilang taon pa ang lumipas, panigurado sa ’kin pa rin ang bagsak mo.”
’Yan ang mga salitang tumatak sa isipan ni Skye noong huli nilang hiwalayan.
Ang kapal naman ng mukha niya para sabihin niya ’yon. Well, saan ang bagsak niya ngayon…? Eh ’di sa babae.
Alam naman ni Luis na may jowa na siya, pero tumitira pa rin ng ibang pwet. Sino ba naman ang hindi magagalit niyan ’di ba? Sawa na siyang patawarin ang cheater niyang ex boyfriend.
Pagkauwi ni Skye sa condo niya ay diretso agad siya sa couch niya, nilapag niya sa sahig ang bag at nahiga. “Busog na busog ako,” aniya habang nasa tiyan niya ang kamay. Gusto na niyang humilata na parang baboy dahil sa pagkabusog.
Hindi nawala sa isip niya ang sinabi ni Zayn kanina, kinuha niya sa bulsa ang cellphone, dahil sa nalaman niya kanina ay naisipan ni Skye na magpadala ng pagbati kasi ikakasal na ang ex boyfriend niyang cheater. Nasa contact list pa rin ng cellphone niya ang numero nito, nakapagtataka.
Sana ito pa rin ang numero na ginagamit niya.
“Hi Luis, best wishes.”
Ilang sandali lang ay nagreply si Luis. “Salamat.”
Ibig sabihin ay parehong nasa contact list ng isa’t isa ang numero nila, hindi man lang nila binura ang numero.
Pinagmasdan na lang ni Skye ang reply ni Luis sa kaniya, hindi na niya rin kasi alam kung ano pa ang isasagot. Nakakapagtataka na hindi niya binura sa contact list ang numero ko. Muntikan nang matapon ang cellphone ni Skye dahil hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari.
Luis calling…
Nangibabaw ang gulat at kaba niya habang pinagmamasdan ang telepono. “B-Bakit?” nagdadalawang-isip siya kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi pero…
“H-Hello Luis?”
“Hi Skye,”
sa tagal ng panahon, ngayon lang niya ulit narinig ang boses ng dating kasintahan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Skye.
“Alam ko kung kanino mo nasagap ang balita, Skye.”
“Ah… oo, kay Zayn.”
Tumawa ang nasa kabilang linya.
“Busy ka bukas, Skye?”
“H-Hindi ako b-busy, bakit?” nauutal siya dahil hindi niya alam ang gagawin. Shit! Sana hindi ko sinabi na hindi ako busy bukas.
“Gusto lang sana kitang makita eh. Matagal na panahon na rin kasi, kung ayos lang naman sa ’yo.”
Mahinahon na tugon ni Luis sa kabilang linya, hindi maipagkakaila na kinikilig siya dahil narinig ulit niya ang boses ni Skye.
“Ah… a-ayos lang, w-wala naman a-akong gagawin bukas,” nang marinig ang sagot ni Skye ay sobra ang tuwa si Luis.
“That’s great! Three pm sharp sa paboritong tambayan natin dati,”
puno ng excitement ang boses ni Luis habang si Skye ay pinagsisisihan niyang ki-nontact niya ang ex boyfriend niya.
Kinakabahan ako na ewan, help me!
Alam ni Skye kung saan ang paborito nilang tamabayan kaya napailing nalang ang binata. Sa parke dati nagdi-date ang dalawa—noong high school years nila—kapag ubos na ang allowance nilang pareho. Mag-uusap lang ang dalawa ng mga bagay-bagay para magpalipas ng oras. Kahit gano’n lang ang set-up ng dalawa ay masaya na sila basta ba’t magkasama sila. Bare minimum man pero masaya sila sa presensya ng isa’t isa, hindi kompleto ang araw ’pag hindi sila nagkikita.
Noon ’yon at hindi na ngayon.
Kabanata 3
Kabanata
3
“Anong ibig mong sabihin?”
“Arrange marriage lang ang lahat, Skye. Paano ko papakasalan ang babae na ’yon, eh takot ako sa ano eh! Sina Mama at ang pamilya no’ng babae lang ang may gusto na magpakasal kaming dalawa. Tuwang-tuwa sina Mama at Papa no’ng naghiwalay tayo kasi nasa isip nila na matutuloy ang plano nila.” Maiiyak na wika ni Luis. Hindi rin sang-ayon ang pamilya ni Luis sa relasyon nilang dalawa.
Sa una pa lang talaga ay ayaw talaga ni Luis sa plano ng mga magulang niya, araw-araw siyang pinipilit ng mga ito na sumang-ayon na lang. Pero ayaw talaga ni Luis kaya ngayon ay may naisip siyang paraan para matuldukan na ang lahat para sa sarili niya.
“Bumalik ka na sa ’kin, Skye.”
“A-Ano?!”
“Please, bumalik ka na sa ’kin, Skye.”
Nagloko na minsan ang dating karelasyon niya dahilan para magkalabuan at maghiwalay ang dalawa. Pero eto siya ngayon… nagmamakaawang balikan?
Hindi alam ni Skye kung ano ang isasagot niya sa mga salitang binitawan ni Luis. Ang lakas pa ng kabog ng puso niya, halo-halo na rin ang nararamdaman niya sa mga sandaling ’to; kaba, tuwa at takot.
Kinakabahan sa kung anong mangyayari sa pamilya ni Luis ’pag nalaman nila na nakipagbalikan silang dalawa. Matutuwa dahil ayaw ni Luis sa pinaplano ng mga magulang nito at ibig sabihin hindi matutuloy ang kasal. At natatakot rin si Skye kung sasagutin niya ang binata ay baka magloko lang ulit ito kagaya ng dati. Ayaw na ulit niya magsakripisyo ng tiwala sa dating karelasyon niya.
“Luis… alam kong alam mo ang dahilan ng hiwalayan natin, alam kong malinaw pa rin sa isip ang nangyari.”
Bakas sa mukha ni Luis na naguguluhan siya sa mga sinabi ni Skye. “A-Anong ibig mo’ng sabihin, Skye?”
“Grabe, nagmaang-maangan ka pa talaga.”
“Ano? Wala akong naiintindihan.”
“You once cheated on me, jerk!”
Mas lalong naguluhan si Luis.
“Anong sinabi mo? Nagloko ako?” hindi makapaniwala ang binata sa narinig, “hindi ako nagloko, Skye. Never kong ginawa ang bagay na ’yon at hinding-hindi ko kayang magloko sa ’yo dahil mahal na mahal kita!”
Hindi sumagi sa isip ni Luis dati na magloko dahil sobra ang pagmamahal niya kay Skye. Kaya pala gusto ni Skye na makipaghiwalay kasi inakala niya na nagloko ang dating nobyo. “Ngayon naiintindihan ko na kaya pala gusto mo’ng makipaghiwalay sa ’kin dati.”
“Ibig mo’ng sabihin…”
“Oo Skye. Hindi ako nagloko sa ’yo.”
“Pero sabi ng Mama mo na—” nangigilid na ang luha ni Skye.
Napahilot ng sintido si Luis. “Sabi ko na nga ba eh, tama nga ang hinala ko.”
Set-up lang pala ang lahat para hiwalayan ni Skye si Luis para ikasal si Luis sa babae na gustong-gusto ng pamilya niya para sa kaniya. Ngayon ay naging malinaw na sa dalawang binata ang mga nangyari noon.
“A-Akala ko—”
“Kaya pala atat na atat kang makipaghiwalay sa ’kin kasi sinabihan ka ni Mama nagloko ako.”
Hindi na napigilan ni Skye ang maiyak. Hindi nakinig si Skye sa side ni Luis noon, hindi niya matanggap na nagloko ang binata sa kaniya dahilan para magdesisyon agad siyang makipaghiwalay.
Ngayon ay andito sa harap niya ang dating nobyo nagmamakaawa na makipagbalikan sa dati nilang pagmamahalan.
“Okay sige,” ang tanging nasambit ni Skye. Ibig sabihin ay sang-ayon si Skye na makipagbalikan sa kaniya ang dating nobyo.
Kung tutuusin hindi pa talaga totally nakapag-move on si Skye kay Luis. Pinilit ni Skye na mag-move on pero wala rin namang saysay ang lahat. Iniisip niya na nakapag-move on na siya pero hindi talaga. Simply said, he is deceiving himself.
“’Pag may nabalitaan akong nagloko ka puputulin ko talaga ’yang kaligayahan mo.”
Hindi makapaniwala si Luis sa sinabi ni Skye, dahil dito ay niyakap ni Luis ng sobrang higpit si Skye sa tuwa. “Oo, Skye. Promise ’yan, hinding-hindi kita sasaktan. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko, alam mo naman ’yon eh.”
“Siguraduhin mo lang ’yan,” kumalas na sa pagkakayakap si Skye. “Patawad kasi hindi ako nakinig sa side mo at nagpadalos-dalos ako sa desisyon ko. Sadyang nasaktan lang talaga ako sa sinabi ng Mama mo at may pinakita pa siyang litrato sa ’kin no’n na may kayakap kang iba habang tulog kayong dalawa. “ Ani Skye pero si Luis ay tumawa lang. “Teka lang, pa’no mo sasabihin sa pamilya mo ang plano—”
Puno ng kasiguraduhan ang mukha ni Luis. “Ako na ang bahala sa kanila basta magtiwala ka lang sa ’kin.” Sumilay ulit ang matamis na ngiti sa labi ni Luis, hindi alam ni Skye kung ano ang tumatakbo sa isip ni Luis kaya hinagkan niya lang ang binata na ikinagulat naman ni Luis.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ni Luis dahil sa inakto ni Skye. Matagal na panahon na rin nang huli siyang nayakap ni Skye na ganito kahigpit. Bumalik sa ala-ala niya ang panahon na masaya pa sila sa relasyon nila.
“Luis, ayoko nang masaktan.” Umigting ang panga ni Luis nang marinig niya ang sinabi ni Skye. Alam na niya agad ang nangyari sa dati nitong karelasyon. Niyakap rin ni Luis si Skye, ngayon ay mas naramdaman niya ang init ng katawan ng binata.
“Ipinapangako ko sa ’yo, Skye. Hinding-hindi mo na ulit mararanasang masaktan pa.”
“Sa’n ba tayo pupunta? Ba’t kailangan naka-blindfold ako?” Kanina pa hindi mapakali si Skye kasi sabi ng boyfriend niya ay may pupuntahan daw silang maganda. Wala siyang alam kung saan dahilan para hindi siya mapakali.
“Basta maganda. Just trust me.” Ani Luis na ginagabayan si Skye sa paglalakad papunta sa kung saan na si Luis lang ang may alam.
“Kanina mo pa sinasabi sa ’kin ’yang maganda na ’yan, Luis. Kanina pa ako kinakabahan sa mga sinasabi mo, bushet ka!”
Tumawa lang si Luis sa sinabi ng kasintahan. “Isang hakbang pa, mahal.” Humakbang naman si Skye.
“Siguraduhin mo lang na maganda ’to. Kung hindi alam mo na ang mangyayari sa ’yo!”
“Oo na, alam ko. Diyan ka lang, ’wag kang gagalaw sa kinatatayuan mo at ’wag mo rin tangkaing tanggalin ang blindfold mo.”
“Hoy! Sa’n ka pupunta? ’Wag mo akong iwan dito, Luis!” Walang narinig na sagot si Skye. Iniwan na talaga niya ako dito, bushet na Luis.
Ilang sandali pa ay may narinig siyang nagsalita. “Tanggalin mo na ang blindfold mo.”
Hindi nagdalawang isip si Skye at tinanggal na niya ang blindfold. Pagmulat niya ng mga mata ay tumambad sa kaniya ang mga LED lights na naging ilaw nila. Inilibot niya rin ang paningin, nasa parke sila ngayon—lugar na paborito nilang pareho.
Nagulat si Skye ng ma-realize niya na may nakapalibot pala sa kaniyang hugis puso na mga rose petals sa paanan niya.
Hindi naman Valentine’s day ngayon ah.
“Anong pakulo ’to, Luis Ocampo—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang malingon niya si Luis; may hawak na rosas ang binata at may ngiting nakakatunaw pa sa mga labi.
Unti-unting lumapit si Luis sa kinatatayuan ni Skye, hindi alam ni Skye kung ano ang gagawin niya dahil mas nangibabaw ang gulat niya.
“A-Ano ’to, Luis?” Mangiyak-ngiyak na saad ni Skye.
Ngumiti lang ang binata bilang sagot. Inabot niya agad ang hawak na rosas kay Skye at taos-puso niya itong tinanggap. Nang makuha ni Skye ang rosas ay agad naman na lumuhod ang isang tuhod ni Luis sa lupa.
Nanlaki ang mga mata ni Skye dahil sa ginawa ng binata. “Anong ginagawa mo hoy?”
“Will you mary me, Skye Santos?”
Pinakita ni Luis ang isang singsing.
Pakiramdam ni Skye ay napako siya sa kinatatayuan niya dahil sa tanong ni Luis. Speechless siya dahil hindi niya inasahan na may ganito palang plano si Luis.
Totoo ba ’to? Hindi ba ako nananaginip?
Biglang naiyak si Skye hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa tuwa. Pakiramdam niya ay umurong ang dila niya.
“Yes, Luis. Yes!”
Tuwa rin ang nangibabaw kay Luis nang marinig niya ang sagot kay Skye.
Agad na nilahad ni Skye ang kamay at si Luis mismo ang naglagay ng singsing sa palasingsingan ni Skye, hinalikan agad ni Luis ang kamay ni Skye.
Tumayo na si Luis at hinagkan ng sobrang higpit si Skye.
“I love you, Skye Santos.”
“I love you more, Luis Ocampo.”
Matapos alalahanin ni Skye kung gaano sila kasaya at katatag dati ay napatingin siya kay Luis.
“Mahal…” ani ng binata na nakahiga sa kama ng ospital. May oxygen tube na nakalagay sa bibig nito, nanghihina rin ang mga mata ng binata na nakatingin sa nobyo niya.
“Hmmm.” Malumanay na sagot ni Luis.
“Andami na nating pagsubok na nalagpasan, mahal. Nalagpasan mo dati ’yong arrange marriage eh, ’di ba? Pinaglaban mo ang relasyon natin para sa ikakasaya natin. Alam ko kaya mo rin labanan ang sakit na ’yan, mahal. Malakas ka, alam mo ’yan.” Tumulo na naman ang mga luha ni Skye na kanina pa niya pinipigilan.
Hawak ni Skye ang kamay ng binata at hinalikan ang likod ng palad nito.
“’Di ba sabi mo magpapakasal pa tayo sa ibang bansa? Magta-travel pa tayong dalawa. Kaya mahal, magpaggaling ka ah.”
Mas lalong naiyak ang binata ng bumitaw ang kamay ni Luis mula sa pagkakahawak niya.
“Mahal…” Ani Skye habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata niya.
Epilogo
They were both happy; nonetheless, human life is not always happy.
If your fates are truly meant to be, a path will be cleared for you both. However, once fate itself has decreed that we must accept and go till then, there is nothing more we can do.

