loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Noon, Ngayon At Bukas (A West Side Series 3)

Noon, Ngayon At Bukas (A West Side Series 3)

CengCrdva · 6 chapters · 6,363 words

NOTE

This story is only exclusive on Patreon. [All-Access VIP/tier 3]


This is a side story of 
The Bachelor Series 2
. 

(
HOW TO WIN THE BACHELOR'S HEART & HOW TO BE THE BACHELOR'S WIFE
) read it first as well as the first and second book of this series because this one contains a lot of spoilers for those stories,

but whatever. You do you.

–

A West Side Series 1 : Sana Bukas.

A West Side Series 2 : Sana Ngayon.

A West Side Series 3 : Noon, Ngayon At Bukas.

# DEDICATION

To everyone who's still clinging to all the
 'what if's'
 in life,

This one is for you.

;

# Noon, Ngayon At Bukas

A WEST SIDE STORY III

[ This story will only be available on Patreon. All-Access VIP/Tier 3 ]

***

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.

This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author's imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.

It also contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout. 

(R-18)

 

Read at your own risk!

-

Follow all my social media accounts for more updates!

Facebook Page:

 Ceng Crdva

Facebook Group: 

CengCrdva Wp

Instagram: 

CengCrdva / Cengseries

Twitter: 

CengCrdva

--------------------------------------------------------------------------------------------

A West Side Series 3

👑

202

1 

© 

CengCrdva

All rights reserved

# PROLOGUE

Prologue

Rigel Del Rio 

"Paano kung ayaw ko na?"

"Wilt..."

Maluha-luha kong inangat ang mukha para titigan siya. Her eyes were filled with sadness, too. We've already talk about this countless of times pero habang palapit ang araw nang pinag-usapan namin ay parang gusto ko na lang ring umatras. Parang gusto ko na lang ihinto ang oras at yakapin siya nang mahigpit na mahigpit at hindi na pakawalan kahit kailan.

Hindi ko napigilang suminghap para pigilan ang mga luhang tutulo na sa mga mata ko.

"Rigel... Paano kung hindi ko kaya? Paano kung ayaw kong mawala ka? Paano kung hindi ko na gustong ituloy 'yon?"

"Nag-usap na tayo, 'di ba?"

"I know, but what if I can't?"

"Wiltshire..."

"Rigel, ayaw ko na. Hindi ko kayang mawala ka. I don't want to break up with you anymore, binabawi ko na–"

"Wilt, listen to me, I will never be good enough for you and you know that. Ganito lang ako habang-buhay, mahirap. Isang kahig, isang tuka. Ni hindi ko nga alam kung may kakainin pa kami ng mga kapatid ko bukas. Kahit gusto kong pagbigyan ang sarili kong mahalin ka, wala akong maibibigay pabalik. You will just suffer with me. Isa pa, mga bata pa tayo at ayaw kong magsisi ka kapag dumating na ang taong para sa 'yo–"

"But I want you to be that guy, Rigel... Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Ikaw ang gusto ko kahit mahirap–"

"Baby..." hindi ko na napigilan ang maluha habang dahan-dahang inaangat ang kamay niya para buong puso itong halikan. "'Yon ang hindi ko kaya... Kaya kong mamatay para sa 'yo pero ang makita kang nahihirapan para sa akin at dahil lang sa akin? Hindi ko kayang gawin. Wilt, hindi ko gagawin."

"Rigel..."

"Mahal na mahal kita Wiltshire... Sobra-sobra kaya gagawin ko ang lahat para mapabuti ka... Even if it means letting you go... Basta kaya kang alagaan at bigyan ng magandang buhay ng lalaking makakatagpo mo, magiging ayos ako doon." hirap kong pinunasan ang mga luha niya, she's crying so hard, too.

Pinilit kong ngumiti. "You'll find someone better. Hindi man ngayon pero bukas... Alam kong bukas ay darating ang lalaking para talaga sa'yo. Ang lalaking magbibigay sa 'yo ng buhay na gusto ko at dapat para sa'yo. We're only teenagers. Marami pang mangyayari kaya huwag ka nang malungkot."

"How can I do that when the only man I've ever love is breaking up with me?"

Pinilit kong ngumiti sabay hagkan sa kanyang pisngi, niyakap ko siya ng mas mahigpit pagkatapos.

"Someday, you will find someone better than me. Kapag dumating ang oras na 'yon, hindi mo na ako maaalala. You will live the best days of your life with that guy and he will give you everything you deserve, everything that I couldn't give you... Baby, you will eventually forget about me and that's alright. Basta sa ikabubuti mo, magiging masaya ako. Ako ang unang-unang magiging masaya kapag dumating ang araw na 'yon kaya huwag kang magdalawang-isip na kalimutan ako."

Dahil sa sunod-sunod na paglaglag ng mga luha niya ay hindi na niya nagawa pang sumagot. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang yakapin siya... nang mahigpit na mahigpit... Mahalin kahit sa mga huling sandali, maging masaya hanggang sa huli... 

Maging masaya gaya noong umpisa at magiging masaya pa rin hanggang ngayon at sa lahat ng bukas... kahit sa piling pa ng iba.

"Mahal kita, Wiltshire... Sobrang mahal na mahal kita..."

This story is only exclusive and will be posted on Patreon. Click the link on my bio to subscribe.

To those who doesn’t want to go all through the patreon payment hassle, we’ve created an alternative and easy way for you (in line with Patreon rules). You can now use GCash for direct pledge and

read all of my contents

. Just message me for details.

Thank you!

CHAPTER 1

Chapter One

Noon

Rigel Del Rio

“Why are you smoking here?!” agad na uminit ang ulo nang makita si Kuya Ramiel na walang pakialam na hinihithit ang sigarilyong hawak sa aming kwarto.

“Fuck off.”

Dumiin ang kapit ko sa hamba ng pintuang hawak dahil sa sinabi niya. Kung sa ibang pagkakataon ay nagrambulan na naman kami pero dahil ayaw kong makipagtalo sa kanya ngayon ay wala na akong nagawa kung hindi ang buksan na lang ang mga bintana.

“You know she’ll get mad if she finds out you’re smoking, right?”

Hindi siya sumagot, nananatiling nakapikit ang mga mata habang nakasandal sa dingding.

“Sinabi na ni Ate Skyrene na tigilan mo ’yang paninigarilyo dahil walang maidudulot ’yang maganda sa kalusugan mo.”

Umiling siya pero hindi pa rin ako nagawang sagutin, mukhang nananadya o talagang gusto lang manahimik.

“Ramiel–”

“Isa pa, putang ina.” putol niya sa akin kaya agad kong naitikom ang aking bibig.

Hindi naman sa natatakot ako sa kapatid ko dahil kung tutuusin ay kayang-kaya ko siya pagdating sa sapakan pero ayaw kong maabutan na naman kami ni Ate Skyrene na parehong sabog ang mukha. She’s been through so much at ayaw ko nang dumagdag pa sa mga problema niya lalo na ngayon.

“Ano bang problema mo?” mas kalmado kong tanong maya-maya nang makalahati na niya ang hawak na yosi.

Doon lang bumukas ang mga mata niya. “Wala. Tangina ang ingay mo.”

“Is this because of a girl? Iyon bang sinasabi mo noong nakaraan?”

Nagsalubong ang mga kilay niya at pagkatapos ay iniwas ang mga mata sa akin. Yup, it’s because of a girl. Naging ganito lang naman siya simula nang makilala niya ang babaeng ’yon.

I’ve never saw him like this. Iyon bang parang lagi na lang may problema at gustong manakit ng kung sino araw-araw.

Last day, muntik na talaga siyang mapatalsik sa eskwelahan dahil sa pambubugbog niya sa kaklaseng anak pa ng isa sa mga teacher na ang tanging dahilan lang ay sinamaan daw siya ng tingin. Walang pinipili ang kapatid kong ’to lalo na pagdating sa basagan ng ulo.

Hanggang ngayon, simula ng mag-aral kami sa eskwelahang ’yon ay hindi na nawala ang kanyang pagrerebelde. Naiintindihan ko naman. Kahit na pampublikong paaralan ’yon ay hindi talaga maiiwasan ang pagdidiskrimina lalo na sa aming mga taga West Side. We are treated like some kind of parasite in that school. Na sa tuwing may gulo ay kaming mga taga West Side kaagad ang pinagbibintangang may kasalanan. Ang siste, ginagawa na lang ni Ramiel para totoong kami talaga ang may gawa.

“Hoy.”

“Didn’t you hear me say fuck off?” He spat again. Napabuntong hininga na lang ako.

“Wala ka bang tutor ngayon? Akala ko pupunta ka kina Lotti?”

“Mamaya.”

Tumango na lang ako. Dahil mukhang wala naman talaga siyang balak na kausapin ako at baka mapasama lang ako kapag nangulit pa ay minabuti ko na lang na lumabas, pero bago iyon ay nag-iwan pa ako ng salita sa kanya.

“Bayaran na ng mga bills. Nasa alkansiya na ’yong ambag namin nila Cassy. ’Yong sa ’yo na lang ang hinihintay para mabuo na ni Ate Sky ’yong kulang. Baka maputulan na naman tayo ng tubig.”

“Putang inang mga ’yan eh. Kapag naabutan ko ’yang sila puputulan ko ng ulo mga tangina nila.”

“Kaya nga bago pa umabot do’n ’yung ambag mo ihulog mo na.”

Walang amor na ikinumpas niya ang kamay kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tuluyang umalis.

I don’t really get why he was being so grumpy these days. Daig niya pa si Ate Skyrene kapag mayroong regla.

Siguro nga talagang ang laki ng tama niya sa babaeng ’yon, but fucking hell. I didn’t even know how they met. The girl was so out of his league. Ang sabi niya, nakilala niya ito dahil sa isang kaibigan. They were bar hopping. Yes, even if he was still underage, nakakagawa ito ng paraan para sa lahat ng kanyang kalokohan kaya gano’n na lang ang sakit ng ulo ni Ate Skyrene pagdating sa kanya. Hindi naman sa pagmamalinis pero kumpara sa kapatid kong ’yon, marami pa naman akong katinuang naipon.

Pagbaba ko sa hagdan ay nakita kong nanunuod sila Cassy. Ginulo ko ang buhok niya gano’n na rin ang kay Zuben bago nagpaalam na aalis.

“Saan ka pupunta, Kuya Rigel?” si Cassy.

“Magpapahangin muna. Baka mag-basketball rin ako kasama sila Charles. Kapag nakauwi na si Ate Sky sabihin mong huwag na akong hintayin mamaya sa pagkain. Raraket ako.”

Tumango ito bilang pag-intindi sa akin, umalis na ako. Ang totoo, hindi ko alam kung kaya kong maglaro ngayon o rumaket para makatulong sa kapatid ko para sa pang araw-araw naming pagkain kaya nanuod na lang ako sa sira-sirang court na pinagtatiyagaan naming mga taga West Side.

“Laro ka?” si Kuya Lando.

Agad akong umiling. “’Di na, wala ako sa mood.”

“Babae?”

Kumunot ang noo ko . I wish . “Hindi.”

Hinihingal niyang pinunasan ang mukhang basa ng pawis pagkatapos ay tumabi sa akin.

“Gano’n ba, kaya naman pala.”

“Ha?”

“Kaya wala ka sa mood kasi wala kang babae.”

Natawa ako at umiling ulit sa kanya. “Eguls diyan kuys.”

He laughed too. “Kumusta pala ang Ate Sky mo?”

“Ayos naman. Medyo busy pero ayos lang ’yon. Matatag ’yon.”

“Mabuti naman. Hindi ko na kasi naaabutan. Kapag pumupunta ako, kaaalis lang. Sobra na yatang naging workaholic.”

“Lagi naman.”

“Sabihin mo masama ’yon.”

“Walang masama-masama do’n. Baka ako lang ang samain kapag pinuna ko.” natatawa kong sagot na nagpahalakhak na rin sa kanya.

“Si Ramiel nasaan?”

“Nasa bahay, nagdadrama.”

“Babae?”

Agad akong tumango. “Parang. Ang korni eh.”

“Sus, babae lang pala. Sabihin mo iinom na lang natin ’yan.”

Tumawa ako pero hindi na nakasagot dahil sa pagtayo niya’t pag-anunsiyo sa mga naglalaro na tapusin na ang laban para makapag-inuman na.

Naghiyawan kaagad ang lahat lalo partikular sa sinabi niyang libre niya ang lahat ng alak ngayong gabi. Kahit hindi ko gustong uminom ay sumama ako sa kanila.

Sa kabila ng hiyawan at tawanan ay parehas kaming tahimik ni Ramiel habang nasa inuman. Ilang oras na barberong usapan ang lumipas ay saka lang ako nabuhayan ng loob nang makita ang pagdating ng isang text sa telepono ko.

I didn’t expect a single text could make my mood so much better, but it did. Pangalan niya pa lang sa screen ng di-keypad kong telepono ay parang nabuhay na ang lahat ng organs ko.

Nagmamadali ko iyong binuksan matapos tunggain nang mabilis ang shot ko.

Wilt:

Hello!

Isang simpleng salita lang ’yon pero ang puso ko ay parang gagong nag-alburoto. Para akong nauhaw bigla habang nag-iisip ng reply.

Ako:

Hey! Kumusta? Baka wrong sent ka na naman, ha. Umasa na ako.

Wilt:

Haha! Bakit? Ayaw mo ba?

Ako:

Hindi ka wrong sent?

Wilt:

No, pero kung ayaw mo akong ka-text okay lang naman.

Ako:

Are you kidding me? Gusto syempre! Hindi ko lang in-expect pero masaya ako, promise. This made me happy.

Wilt:

Bakit malungkot ka ba?

Ako:

I don’t know, but your text made me better.

Wilt:

Are you hitting on me Del Rio?

Wala sa sariling napangiti ako dahilan nang pagtikhim ni Ramiel at pagbusangot sa akin pero mas lumawak lang ang ngisi ko para mas maasar siya. Nagpatuloy ako sa pakikipag-text kay Wilt at binalewala ang pakialamero.

Ako:

Hindi ah! Bakit? Ngayon lang ba may nagsabi sa ’yong napasaya mo sila dahil lang sa pag-text mo?

Wilt:

I think so?

Ako:

Kasi hindi mo ako palaging tini-text. Kung ako ang tini-text mo, sana palagi kang may napapasaya.

Wilt:

Del Rio, bolero… It rhymes.

Lumawak ang ngisi ko sa puntong nakagat pa ang labi. I don’t know why, but exchanging text with her now was probably the best thing that happened to me this week. Sino ba naman kasing hindi matutuwa?

Dinala ako ng aking utak sa unang beses na nagtagpo ang landas naming dalawa.

Wiltshire Carice Romanov, campus queen, sassy, beautiful and one of the most intelligent girl I’ve ever met my whole life.

Galing siya sa maganda, mayaman at sikat na pamilya kaya hindi pwedeng hindi ako matuwa na matapunan niya kahit na kakarampot na atensiyon dahil hindi ito iyong tipo ng babaeng kayang magbigay ni tingin sa isang lalaki, lalo na sa mga katulad ko. Puta, sino ba naman ako, ’di ba?

Habang nilalagok ang panibagong shot ay parang gusto kong pasalamatan ang katangahan ni Charles na mag-cutting class kami noon dahil kung hindi ay hindi kami mapapadaan sa gymnasium kung saan ito nagpa-practice ng cheer dance.

Her graceful move caught my attention, tuluyan nang hindi nakasunod kay Charles na nakatalon na sa kabilang bakod ng eskwelahan. Imbes na sumunod nga ay dinala lang ako ng mga paa ko patungo sa bakal na bintana ng building.

She moved delicately like an angel, and I felt like time stood still when my eyes laid on her. Pakiramdam ko ay sa sumasabay rin sa pag-ikot niya ang aking mga lamang loob.

And her eyes… oh damn her eyes easily brightens my day. Kung siguro isa siya sa drogang nagkalat sa West Side, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na malulong.

She saved me that day. Hindi lang sa pagka-cutting kung hindi sa mga iba pang mga kagaguhan ko.

Simula noon, sa tuwing matatapos ang klase ay palagi ko siyang hinahanap. I became her stalker. Kung noon ay nagka-cutting class ako, ngayon ay banyo na lang ang ipinapaalam ko hindi para mag-CR kung hindi para dumaan sa classroom niya at makita siya.

I never believe in love at first sight, but with her, I felt like everything is possible. Hindi lang love at first sight kung hindi, forever at first sight… Iyon ang nahanap ko simula nang makita ko siya.

I bribed someone to get to know her. Nagtagumpay naman ako at dahil sa tulong ng angas ng pangalan ni Ramiel at nang pagkakakilanlan namin sa school ay napadali ang mga impormasyon.

I still remember the first time my heart couldn’t contain so much happiness after knowing her full name. Para akong gagong mas lalo yatang nahulog doon pa lang. To think na para na akong nababaliw sa tuwa sa tuwing nakikita siya sa malayo, isipin na lang kung paano ako nahirapan nang sa wakas ay magharap na kami.

It was as if my tongue got cut off at isang linggo kong pinagalitan ang sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang magpakilala sa kanya. I didn’t even get to say hi to her. I was dumb alright, pero ano ba kasing alam ko sa ganito? Wala.

Nag-try out ako ng basketball noon at saktong naroon siya kasama ang kanyang mga kaibigan. I didn’t know what to feel at first knowing that she was watching me kaya ginalingan ko. Ang ending, hindi lang ako natanggap, nakuha ko pa ang atensiyon niya.

“Hey!” pakiramdam ko ay huminto ang buong mundo nang marinig sa unang pagkakataon ang malamyos niyang boses na parang kumiliti sa buo kong pagkatao.

I knew I was the one she was talking to pero lumingon pa rin ako just in case para hindi ako mapahiya.

“You!” natatawa siyang lumapit sa akin. “You’re new here, right?”

Natutulala akong tumango. God damn it, she was so beautiful up-close. Akala ko maganda na siya sa malayuan pero mas maganda pa pala sa malapit!

Namimilog ang kanyang kulay kayumangging mata, mas makinis at mala-perlas ang kanyang balat at wala akong nakitang kapintasan sa kanyang mukha. Her skin was delicate as a glass, it looks so fragile.

Hindi ko napigilang mapalunok nang bumaba ang mga mata ko sa kanyang mapupulang labi. She was talking non-stop, but I didn’t catch even one word because I was so mesmerized by her.

Putang ina, totoo ba ’to? Is she really standing in front of me? Speaking to me?

“Uy!” nahihiya niyang sabi sabay tapik sa aking braso para kunin ang atensiyon ko and at that moment, I knew I was touched by an angel…

Lord, nasa langit na ba ako? Favorite mo

na

ba ako? Pwedeng akin na lang ’to?

“H-Ha?”

“Natulala ka na.” natatawa niyang pagpapatuloy kahit na mukhang naiilang sa kabaliwan ko. Her cheeks blushed a bit, napangiti ako.

“Nakakatulala ka… I-I mean, ano nga ’yon?”

Mas lalo siyang namula. “Sabi ko congratulations at ngayon pa lang gusto na kitang i-welcome sa Saxons, I’m pretty sure you’ll be on team A!”

“R-Really?”

She nodded cheerfully.

“Thank you.”

Ngumiti siya at kahit na gusto pang magsalita ay hindi na nagawa dahil sa pagbalik ng kanyang mga kaibigan para ilayo ito sa akin.

Her friends didn’t greet or congratulate me, but it didn’t matter. All that matters to me was her, ang atensiyong ibinigay niya sa akin na dahilan kung bakit narito kami ngayon. Kung bakit nakakausap ko siya ngayon at kung bakit parang puputok na ang puso ko sa saya habang patuloy siyang kapalitan ng text message ngayon.

“Parang gago amputa.” si Ramiel ulit nang mapansin na naman akong nakangisi at inaabala ang sarili sa pagtitipa ng reply para kay Wilt.

Natawa lang si Kuya Lando pero ipinagtanggol ako.

“Hayaan mo na. Mabuti na ’yan kaysa kaninang parang Biyernes santo ang mukha!”

“Who got you smiling like that, bro?”

Sabay-sabay kaming natawa nang batukan ng malakas ni Kuya Tanding ang nagsalitang si Charles.

“Tangina ka kaka-tiktok mo ’yan! Sabi kong ibenta mo na ’yang nakaw na telepono eh! Tignan mo’t para kang gago.”

“Kuys, why naman like that? It hurts you know!”

“Pangit mo Charles. Halatang kulang ka talaga sa ligo.” Si Kuya Billy naman.

Napakamot na lang ito sa ulo. Umiling naman si Ramiel habang ako ay hindi na nakialam sa asaran at tawanan nila. Ni hindi ko nagawang makisali dahil ayaw kong maputol ang pag-uusap namin ni Wilt. There’s no fucking way I’d slip this angel away.

Ako:

I’m telling the truth. Try me.

Wilt:

Ayaw ko namang makaistorbo sa ’yo, no. Isa pa, ’di ba may practice kayo bukas? Bakit gising ka pa?

Ako:

Umiinom pa.

Wilt:

Alak? Nang ganito kalalim ang gabi?

Ako:

Why? Does that surprise you?

Wilt:

Yeah.

Ako:

People here drink alcohol twenty four hours a day. Walang pinipili, pero kung sabagay, ako rin naman nagugulat na ngayon kinakausap mo ako. Hindi ba magagalit sa ’yo ’yong mga kaibigan mo?

Wilt:

Why would they be mad at me? They’re not my parents and the last time I check, I still have my free will. I can talk to whoever I want to talk.

Ako:

So, gusto mo akong kausap?

Wilt:

Ayaw mo ba?

Ako:

I’m asking you.

Wilt:

Gusto.

Matagal akong hindi nakapag-text at nagawang inumin ang shot ko pati na rin ang shot ni Kuya Lando dahil sa sobrang saya ng puso ko! Am I dreaming? Is this really her I was talking to? Parang hindi ako makapaniwala! Tangina!

Wilt:

Sorry. I don’t want to make it awkward. Sorry talaga sige na. Bye! Good night!

Ako:

Hey! You didn’t make it awkward! Kailangan ko lang huminga. Parang sasabog na ’tong dibdib ko sa saya, eh.

Wilt:

You’re really good at this you know.

Ako:

At what?

Wilt:

Making me smile like crazy.

Ako:

Am I? Masama ba ’yon?

Wilt:

I don’t know, Rigel. I don’t know.

Ako:

May magagalit ba kapag kinilig ka sa ’kin?

Wilt:

Wala akong boyfriend if that’s what you’re really asking.

Ako:

Good.

Wilt:

Sige na pala. Drink alcohol well.

Ako:

Matutulog ka na?

Wilt:

No. Baka nakakaistorbo na ako sa ’yo. I don’t want that.

Ako:

Hindi. Gusto nga kitang kausap, Wilt.

Wilt:

I don’t know what to say.

Ako:

Ikaw ba? Bakit gusto mo akong kausap? Are you bored?

Wilt:

No, but I don’t know. Gusto ko lang.

Pakiramdam ko’y mas nalasing ako sa palitan namin ng texts kaysa sa iniinom naming hard na alak. Mauuna yata akong susuko hindi dahil doon kung hindi dahil nababaliw na ako at ang mga labi ko ay nangangalay na sa kangingisi.

What the hell is going on with me?

Ako:

Pwede ba tayong mag-usap bukas? Can I take you out on a proper date?

Ilang minuto akong naghintay ng text niya pero wala na akong natanggap. Napabuntong hininga ako nang malalim pero parang sa pagkalungkot ko ay doon napirmi si Ramiel. Hindi na ako nito inusisa at inabala na lang ang sarili sa paghithit sa hawak na yosi.

Hindi naman na bago sa akin iyon dahil noon pa man ay pumupuslit na talaga siya ng sigarilyo sa bahay pero ngayong nagiging habit na niya ay parang gusto ko na rin talaga siyang batukan gaya ni Ate Skyrene. Iyon nga lang, alam naman naming lahat na walang makapipigil sa kanya. Ramiel does what he does. Kung ano ang trip niya, walang pwedeng pumigil kahit pa si Ate Sky. He listens, but the decision was still always up to him.

Dahil naramdaman kong natamaan na ako at tama si Wiltshire na may pasok pa bukas ay ako ang naunang nagpaalam sa kanila.

Ramiel stayed with them. Hindi ko na kinulit dahil alam ko namang kahit na magdamag siyang uminom ay hindi siya tatamaan at magagawa pa ring pumasok kinabukasan. Kahit nga hindi ito pumasok ay nakahahabol pa rin siya sa mga lesson. Namana niya ang talino ni Mama kaya hindi na kami nagtataka kung minsan ay halos perfect niya pa rin ang mga grades niya sa kabila ng mga kabulastugang ginagawa.

Pagkatapos maligo para malamigan ang katawan ay nahiga na ako sa kama. Magse-set lang sana ako ng alarm pero muling sumilay ang ngiti ko nang makitang may reply pala si Wilt sa huling text ko kanina.

Wilt:

Sure, Del Rio. You can take me out on a date.

This story is only exclusive and will be posted on Patreon and Private Facebook group (direct pledge). Click the link on my bio to subscribe or message me for direct pledge.

Thank you!

CHAPTER 2

Chapter Two

Noon - Love

“Sige na, ibabalik ko rin naman kapag nanalo ako sa pustahan ng basketball bukas. Kailangan ko lang talaga ngayon.” kulit ko kay Ramiel habang naglalakad kami palabas ng West Side para pumasok sa school.

“Saan mo gagamitin?”

“Basta.”

“Saan nga?”

“Basta nga, ang kulit mo.”

“Limang daan? Gago ka ba? Saan ako kukuha ng limang daan Rigel?”

“Ang hirap mo naman! Minsan lang ako mangutang, Ramiel.” sinamaan niya ako ng tingin. “Sige na, ibabalik ko rin.”

Inalis niya ang matalim na titig sa akin at iritadong dumukot sa kanyang bulsa. Aarte-arte pa magbibigay rin naman.

“Gago ka ibalik mo ’to, ha? Pambayad ’to sa meralco,” aniya sabay abot sa akin ng limang daan. “Kapag naputulan tayo ng kuryente ikaw ikakabit ko sa poste tignan mo.”

Napahalakhak na lang ako bilang sagot. Ganito naman palagi ang kapatid ko sa akin. Kahit na alam kong ayaw niya at marami siyang nasasabi, sa huli ay pinagbibigyan pa rin ako. Nagpalibre na rin ako sa kanya sa jeep para hindi mabawasan ang inutang ko at kahit na nakailang mura pa siya sa akin ay wala na akong naging pakialam.

Ang totoo, nangutang ako para sa date namin ni Wiltshire ngayong araw. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta at kung anong trip niya pero sana ay magkasya ito. Alam kong malaking tulong na ito sa mga kapatid ko pero hindi na bale, magbabantay na lang ako sa computer shop o sasama sa liga nila Kuya Lando para magkaroon ng extrang pambayad kay Ramiel. Ayaw ko ngang matali sa poste.

“Bro!” sinalubong ako ng mga kaibigan ko pagkatapos magpaalam ng kapatid ko sa akin.

I was so excited to see Wilt today kaya kahit yata anong sabihin nila ay tatango lang ako.

“Ano sama ka?” natigil ako sa pagtingin sa aking cell phone dahil sa pagsiko ni Tim.

“H-Ha?”

“Ayos ka lang brad? Parang kanina ka pa wala sa mundo.”

Muli kong ibinalik ang mga mata ko sa aking hawak, wala talagang pakialam sa kanila. I texted Wilt habang sila ay nagpapatuloy sa pag-uusap habang hinihintay ang teacher namin ngayong araw.

Ako:

Good morning! Sana hindi nagbago ang isip mo kagabi.

She texted right away. Parang gusto kong manapak mailabas lang ang nag-uumapaw na kasiyahan sa puso ko.

Wilt:

The dance troupe have practice later after class. Okay lang bang pagkatapos?

Ako:

Hindi ka ba pagagalitan kapag ginabi ka?

Wilt:

I’m good. See you later, Del Rio.

Ako:

Alright, then. See you Romanov.

Wilt:

:)

Napangisi akong para gago dahil sa smiley na ’yon. The fuck is wrong with me? Oo nga’t hindi naman ito ang unang beses na nagkaroon ako ng ka-text na babae pero iba si Wiltshire. Ibang-iba sa lahat at walang katulad.

Tumango ako kay Tim nang sikuhin niya ako kahit na hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Umayos ako ng upo nang makita ang pagpasok ng adviser namin.

I’m not good in math at si Kuya Ramiel ang pinapagawa ko ng mga assignments ko sa subject na ito pero ngayon, parang kakayanin ko lahat dahil sa energy na ibinigay sa akin ng pagkakataon—at ni Wilt. Damn it, I can’t fucking wait for our date!

Buong durasyon ng klase ay nakangiti ako. Kahit nga nagsasalita si Ma’am Mateo sa gitna ay malawak ang ngisi ko. Naiiling na lang ang mga tropa ko dahil talagang iba ang mood ko ngayong araw.

Nang mag-recess ay nanatili ang atensiyon ko sa aking telepono, nag-aabang sa texts ni Wilt. I didn’t saw her in the cafeteria kaya hindi na ako nakatiis. I texted her.

Ako:

Recess ka na. Bababa ka ba sa cafeteria?

Wilt:

Sorry. I can’t. I’m doing homework, may nakalimutan ako.

Ako:

Need help?

I wished I had Kuya Ramiel’s intelligence right now. Kung siguro kasing talino ako ng kapatid kong ’yon ay baka kahit hindi ko pa siya nililigawan ay sagutin na niya ako.

Wilt:

I’m almost done naman na.

Ako:

Do you want to eat? Anong gusto mo?

Kahit na kinakabahan dahil baka sa mamahalin ang gusto niya ay hindi ko na binawi ang text ko. Bahala na mamaya.

Wilt:

I’m fine, thank you.

Ako:

You sure? Sige na pala. Text me kapag may time ka. See you later.

Hindi na ako nangulit. Pinag-igihan ko na lang ang pagkaing libre ni Tim sa grupo namin. Sa aming apat ay siya ang mas nakakaluwag-luwag kaya siya palagi ang bumibili ng pagkain namin. Pabor naman iyon lalo na kung minsan ay wala kaming baon o kahit pera.

“Rigel, sasama ka ba?” tanong ulit ni Sam ilang minuto ang lumipas.

Hindi ko sigurado kung nasagot ko ’yon o ano pero um-oo pa rin ako kaya gano’n na lang ang gulat ko nang mag-bell ay imbes na pumunta kami sa class room ay umibis kami patungo sa daan kung saan kami nag-o-over the bakod.

“Where the fuck are we going?” nalilito kong tanong na humihinto sa paglalakad. Para akong na budol ng mga gago.

“Sa bilyaran, saan pa ba? Tara na! Malaki raw ang pustahan ngayon!”

Hindi na ako nakatanggi nang magsitakbuhan na sila at tumalon sa kabilang bakod kung saan kami dumadaan tuwing kami ay nag ka-cutting class.

Hinihingal kong kinalma ang sarili pagkatapos makalabas. Tinapik ako Marky pagkatapos ay sabay-sabay na kaming tumakbo palayo ng school. Hindi kami tumigil hanggang sa makarating sa bilyaran.

The place was crowded with college students when we got there, but there were also high school students like us.

“Ano g?” nakangiting tanong ni Sam habang papunta sa dulo ng lugar kung saan ang pwesto namin “Our pool table was occupied.”

Tumabi muna kami nila Marky sa gilid habang si Sam ay kinakausap ang lalaking kaibigan niya at may-ari ng bilyaran. Ilang sandali pa ay nagsialisan na ang mga naglalaro sa pwesto namin kahit hindi pa sila tapos.

“Ayos!” Excited na hiyaw ni Tim.

Kinuha niya ang isang tako sa gilid at inihagis sa akin habang si Marky naman ay inaayos ang mga bola.

“Laro muna tayo ng isang round, mamaya pa naman yung pustahan, eh!” Si Sam habang sinusubukan nang asintahin ang mga bola.

Kahit na naglalaro na ay hindi ko pa rin maiwasang sulyapan ang telepono ko, still waiting for Wilt’s text.

I don’t know why the fuck I’m here, pero huli na para bumalik sa eskwelahan. Sa buong durasyon ng laro namin ay wala akong ibang inisip kung hindi ang pustahang mangyayari mamaya. Wilt isn’t texting me, baka nasa klase pa kaya hindi ko na lang rin inistorbo.

When our game was done, niyaya na kami ni Sam pumunta sa pinakagitnang pool table. Some guys we’re already cheering. Marami ring mga babaeng naro’n, but all of them we’re college students like the players.

Siniko ako ni Sam, Si Tim at Marky ay humuhugot na ng pera sa bulsa.

“Magkano sa’yo, bro?” Tim asked.

“Magkano ang panalo sa five hundred?” Kuryoso kong tanong pabalik, hawak na rin sa bulsa ang natitira kong pera.

“triple, five hundred ka?”

May pag-aalinlangan kong inilabas ang limang daang inutang ko kay Ramiel kanina. I borrowed it for my date with Wilt later, but I’m gonna take the risk now. Malay mo manalo.

“Sige.”

Lumawak ang ngiti niya nang ibigay ko sa kanya ang pera. Tim and Marky handed him five hundred bills, too.

“Do or die na! Tangina!” Si Marky.

“Alright!”

This wasn’t the first time we’ve done this, but this was the first time that we gamble that kind of amount. I just wish that luck is with me this time because if not… then I’m fucked!

Nang mag-simula na ang laro ay tumahimik ang lugar. We all bet on the college guys who were wearing blue uniform.

Habang nagpapatuloy ang laro ay wala akong inisip ay kung hindi ang manalo. Kinuha ko ulit ang telepono ko at tinignan kung may text na si Wilt. Hindi ko pa alam kung saan niya gustong pumunta o kumain mamaya. Ni hindi ko alam kung ano ang mga trip niya pero isa lang ang sigurado, kailangan ko ’yong paghandaan.

Napangiti ako nang makita ang text niyang dumating sa kalagitnaan ng laro.

Wilt:

Done with my class, how about you?

I mumbled curse before replying.

Ako:

Same. See you later! Susunduin kita later sa gym.

Wilt:

Okay, See you!

Napaangat ang tingin ko nang maghiyawan ang mga lalaki sa kabilang gilid namin. The men in red uniform began cheering loudly.

Sa pagsiko sa akin ni Marky ay napalunok na ako. Tangina, talo.

“Malas ang bobobo naman!” Inis na bulong ni Tim. My other friends cursed, too.

Parang biglang sumakit ang ulo ko hindi lang dahil sa paglalabas ng sama ng loob nila Marky kung hindi sa ngayo’y problema ko. Una, ang gagastusin mamaya sa date at pangalawa ang pambayad ng pera kay kuya Ramiel.

Inis na akong tumayo at hindi na inintindi ang mga tawag ng kaibigan dahil baka kapag nilingon ko pa sila ay ano pa ang magawa ko.

I walk back to school without them. The gate wasn’t open yet kaya tumambay muna ako sa eskinitang tambayan namin. Hihintayin ko munang mag-uwian upang makapasok at masundo si Wilt sa gym.

Napabili ako ng yosi sa sobrang bad trip ko pagkatapos ay walang pakialam na hinithit iyon.

Wala sa mood akong napaalis sa pagkakaupo nang matanaw ang mga kaibigan kong parating.

“Bro, ba’t ka nang-iwan?” si Tim, hinihingal pa sa pagtakbo.

Imbes na sagutin ay ipinagpatuloy ko lang paninigarilyo. Bumili na din silang ng yosi. Siniko ako ni Tim matapos tumabi.

“You okay?”

Umiling lang ako at hinayaan silang mag-usap. Ilang minuto ang lumipas ay saka lang ako sumingit sa kanila.

“I need that money. May date ako mamaya.”

Hindi na ako nagtaka nang magtinginan sila sa akin. Like what I said was a fucking joke.

“Brad, ’di nga?”

Pinitik ko ang yosi at walan sabi na lang na tumango.

“Una na ako.” I said coldly before walking past them.

Narinig ko ang pagtawag nila pero wala na akong pinansin. Ni hindi ko sila nagawang lingunin. I just want to get away from them dahil talagang naiirita ako.

Binilisan ko ang mga hakbang hanggang sa makarating ako sa gate. Dahil sarado pa rin ay wala akong choice kung hindi ang mag-over the bakod pabalik.

Kung sabagay, kami lang naman yata ang gumagawa ng mga kalokohan rito. Kung mayroon mang iba, lahat iyon ay mga taga West Side lang rin.

South Side people were treated differently as well pero ang mga tao roon ay madaling mapasunod sa mga patakaran. Unlike us, we make our own rules. We also break some and that’s why we were labeled as the schools virus. Kung baga sa mga tao rito ay kami ang dapat iwasan at kasuklaman. It has been that way since we started studying here kaya nasanay na lang rin kami.

Nahinto ako sa paglalakad papunta sa gym nang tumunog ang telepono ko.

Wilt:

It will only be an hour. You sure you can wait?

I replied right away.

Ako:

I’m going now. Hihintayin kita.

Wilt:

Okay. Ikaw ang bahala.

Ibinalik ko na ang cell phone sa aking bulsa at tinahak ang daan patungo sa gym. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang sigawan ng mga cheer dancers. Wala naman masyadong tao sa labas ng gym pero nang sumilip ako ay maraming nasa loob.

Hinanap ng mga mata ko si Wilt. I didn’t really like being surrounded by other students because it always end up badly, but today was an exemption.

Walang takot akong pumasok sa loob. The glares I got from the people my age was awful but I felt nothing when my eyes laid on her.

She was busy following their routine. Hindi nawala ang mga mata ko sa kanya hanggang sa makarating ako sa isang bench. Tahimik akong naupo roon at hinayaan ang sariling mamangha sa babaeng nagsisimula nang kabaliwan ng puso ko.

Everyone instantly became curious about what a West Sider like me doing inside the gym. I’m not even a varsity player. I mean I could, pero dahil nga umiiwas kami sa mga mata ng mapanghusgang tao rito ay minabuti kong huwag na lang mag-try out.

Ate Skyrene said that we’re here to study. Sabi niya, hindi na importante ang tingin ng iba sa amin basta’t makapagtapo lang kami. Iyon lang daw ang importante sa lahat.

“Fuck!” hindi ko napigilang isigaw nang mawala ang titig ko kay Wilt at mapapikit matapos maramdaman ang pagtama ng bola sa aking ulo.

I groaned when I heard people laughing, but the gym went silent when I stood up.

“Ops! Sorry not sorry!” natatawang sabi ni Falkon, a grade eight student like me.

Ang lalaking kilala sa pagiging hambog palibhasa ay mayaman ang pamilya at star player ng basketball.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang lumapit siya sa akin at sinadya akong banggain. Naikuyom ko kaagad ang aking mga kamao.

“Masakit ba?” tanong niya sabay pulot ng bola pero bago pa ako makasagot ay muli niya iyong inihagis sa mukha ko kaya nasadlak ako sa sahig!

Nabingi ako sa tawanan nila. Gusto kong lumaban. Gusto kong hilahin ang damit ni Falkon at bigyan siya ng matinding sapak sa mukha pero bago pa ako mawala sa sarili at masangkot muli sa gulo ay natigil na ako nang makita ang nagkukumahog na anghel palapit sa akin. Wiltshire…

Pakiramdam ko’y bumagal ang paghinga ko habang tumatakbo siya palapit sa akin. Ang mahaba’t nakapusod niyang buhok ay sumasabay sa kanyang bawat hakbang. Her eyes were filled with worry, but that was made my heart pound more.

“You’re so mean, Falkon! Stop bullying him!” itinulak niya ng malakas ang lalaki kaya nawalan ito ng balanse at agad nalaglag sa sahig.

The man cursed her for what she did , but she did not care. She turned to me instead. Mas lalo kong nabanaag ang pag-aalala sa kanyang magandang mukha.

“Rigel… Are you okay?” her voice serenades my ears. “Rigel?”

“H-Ha?”

“Are you okay?”

“What the hell are you doing, Wilt? Are you seriously defending that asshole?” putol ni Falkon rito.

Pinilit kong tumayo habang inaalalayan niya. Matapang niyang hinarap ang mga lalaki na hindi nawala ang gulat dahil sa pagtatanggol niya sa akin.

“Ikaw ang asshole, Falkon! Ikaw ang masama ang ugali rito!” inis niyang singhal na lalong nagpatigagal sa lalaki.

I know I shouldn’t let her do all the talking because I can do it myself, but I was truly mesmerized by her. And damn… nababaliw ako sa pagkakahawak niya sa akin. I’m literally under her spell…

Hindi na ako nakagalaw nang hilahin niya ako palayo sa lahat. Nagmamadali kong hinaklit ang bag kong nasa bench at sumunod sa kanya kahit na ilang beses siyang tinawag ng kanyang mga kaibigan.

Everything felt like the movies… pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng oras habang palayo kami sa lahat.

I never knew that love could exist in an early stage of life, but now… with her, it’s possible…

Full version of this story will only be posted on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to read this book or message me for details.

Thank you!


Return to top?

Part of a series

Noon Ngayon At Bukas A West Side

Part 1 of 1
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.