Noong Natutunan Ko Na (BXB 2022)
ThePageWriter · 1 chapter · 1,366 words
NOONG NATUTUNAN KO NA
Noong Natutunan Ko Na (BXB) Short Story
ACE
PASADO alas-onse na ng gabi ngunit hindi pa rin ako binabati ni Karlo para sa aking kaarawan. Ika-24 na kaarawan ko na kasi ngayon at siya ang in-expect kong unang babati sa akin ngunit ngayon ay tila nakalimutan na niya dahil matatapos na ang kaarawan ko. Ni hindi niya rin ako in-update man lang.
Napainom na lang ako ng tubig bago ko inilapag ang aking cellphone sa gilid ng aking unan. Patay ang ilaw sa aking kwarto pero hindi ko ramdam ang kadiliman dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Napaisip ako bigla kung masama bang pinagsabihan ko si Karlo na bawas-bawasan ang pagme-makeup at pagiging palasagot sa mga magulang niya lalo na sa tatay niya.
“Putang ina talaga!” bulyaw ko bago ako umupo at sumandal sa headboard ng aking higaan.
‘Baka gusto mo akong kausapin, Karlo’
iyon ang mensaheng itinipa at isinend ko kay Karlo. Naiinis na talaga ako sa ginagawa ni Karlo sa akin. Simula noong mag-face-to-face sila ay hindi na niya ako nabibigyan man lang ng simpleng update at kahit kapiranggot na oras. Lagi siyang galit kapag kausap ako. Ayaw din niyang pinagsasabihan ko siya.
‘Oh, ano’ng mayroon?’
sagot niya kaya napaluha na lang ako sa sama ng loob. Makikipaghiwalay na talaga ako. Itutuloy ko na. Hindi ko na kayang ginaganito ako ni Karlo. I deserved to be loved at hindi para isang-tabi na lang.
‘Sige na, magpahinga ka na. Pagod ka ata. Hindi mo man lang ako binati. Birthday ko ngayon. Ang nice mo talaga.’
Iyon ang mahabang mensahe ko kay Karlo bago ko sinikap na matulog na may dalang sama ng loob.
Kinabukasan, araw ng Linggo. Minabuti kong maligo nang maagap at sumilip ako sa likod bahay namin mula sa bintana ng second floor. Maaaliwalas. Hindi umulan dahil tuyong-tuyo ang lupa at kung minamalas ka nga naman ay nandoon si Karlo kasama ang ilan kong mga binatang pamangkin at nagba-volleyball sila.
“Tito Ace, tara na. Laro na tayo!” tawag ng pamangkin kong si Rae nang makita niya akong nakasilip sa bintana.
After kong magpatuyo ng buhok ay dumiretso na ako sa likod ng aming bahay kung saan may naka-set up na net na nakakabit sa dalawang pole at pumunta na ako agad sa gitna para mag-set ng bola dahil setter ako. Nasa kabilang team ako, kalaban ni Karlo. Limahan ang aming set-up at halos mga pamangkin ko ang kalaban ko. Unang tingin ko pa lang kay Karlo ay mainit na agad ang ulo ko kaya hindi ako ngumiti. Naaalala ko kasi ang hindi niya pagbati sa birthday ko. Ano pang silbi ng pagpapahiram ko sa kanya ng cellphone kung hindi rin naman siya makikipag-usap sa akin. Nakakainis.
Matapos ang laro namin ay naglakad na ako pabalik sa loob ng aming bahay at ako naman ang nang-ignore. Ngayon ko lang ito gagawin ngunit alam kong deserve niya ito. Lahat ng sakripisyo ay ginawa ko para kay Karlo tapos gagaguhin niya lang ako. Akala siguro niya hindi ko nakikita ang mga malalandi niyang comment sa ibang mga friends niya sa social media. Ang ilan sa comment niya ay ’ pogi naman ‘, ’ pwedeng i-mine’, ’crush ko ’to ’ at marami pang iba. Akala siguro ni Karlo puro trabaho lang ako. Hindi niya alam mino-monitor ko siya. Hindi rin ako tanga para hindi ko malamang harap-harapan niya akong ginago last week dahil nagsama siya ng isang lalaki para makalaro namin ng volleyball at hindi niya ako ipinakilalang boyfriend niya. Tsaka tagamalayong lugar iyon, paano sila naging magkaibigan. Putang ina.
Ang mahirap pa ay legal kami sa both parties. Mataas ang expectation ng mga tito at tita niya sa akin at ganoon din ang mama niya. On the other hand, talagang hindi ko na kaya.
After one week, after work, kinausap na ako ni Karlo.
“Ba’t hindi ka nakikipag-usap?” tanong niya.
“Ba’t mo sinira ang birthday ko? Mahirap bang bumati ng happy birthday? Nakakagala ka pero hindi mo man lang ako naisip? Nakakasama ka ng loob,” sabi ko naman.
“Sorry na. Nakalimutan ko,” aniya.
“Alam mo Karlo, itigil na natin ’to. Tutal parang hindi mo na rin naman ako kailangan sa buhay mo eh. Sawang-sawa na akong umintindi at magpatawad,” sabi ko at sinubukan kong i-contain ang emosyon ko dahil ayokong bumitaw.
“Sige. Kung iyan ang gusto mo,” sagot niya bago siya lumabas palabas ng aming gate. Iyon lang ang aksyon niya. Wala lang ako sa kanya. Four years lang naman ang age gap namin pero bakit ang hirap sa kanya magpahalaga.
After 3 days ay nag-message ang nanay ni Karlo, si Tita Carol. Tinanong niya kung break na raw ba talaga kami ni Karlo at kung maaari raw ayusin namin dahil hindi raw makakain nang ayos si Karlo. Ni hindi rin daw nalabas ng kwarto. Because of what Tita Carol said, inayos ko. Nakipagbalikan ako kay Karlo.
At hanggang dumating na kami sa 7th monthsary namin. He didn’t even change. Mas lumala pa.
“Karlo, ba’t hindi ka nagre-reply?” tanong ko sa kanya sa tawag.
“Tinatamad ako,” sagot niya.
“Ah, sige at baka pagod ka lang,” sabi ko at doon ko pinatay.
Day after day, he keeps on ignoring me hanggang napagsabihan ko siya about his makeup na makapal. Understand ko naman na passion iyon pero ang kanya, parang sasali na ng pageant sa kapal.
“Karlo, parang nagiging bakla ka na ata,” sabi ko.
“Kung tatawagin mo lang akong bakla, huwag mo na lang akong kausapin,” at bigla siyang nag-offline.
“Hindi ko naman sinabing bakla ka. Sinabi ko, parang nagiging. Comprehension mo, pakiayos,” sabi ko sa kanya sa chat.
After that, 3 days siyang walang update, no chat kahit tuldok. Until sumapit ang Friday.
“Karlo, hindi ka na ata magbabago. Ayoko na talaga. Inilalaban kita pero parang wala lang ako sa’yo. Nakakapagod ka na,” sabi ko sa chat.
“Eh ’di mag-break. Lagi ka namang mag-break!” sagot niya.
Actually, hindi lang naman ako nakikipaghiwalay dahil sa pang-i-ignore niya, nagagalit ako sa kanya at sa mga ginagawa niya na nalalaman ng mga pamangkin ko. Like, he wears heavy makeup sa school, nagka-cutting classes, nag-iinom at may kasamang lalaki na sweet. Hindi ko na rin kaya dahil nasasakal na ako. Nanlalagas na rin ang buhok ko.
After 5 years of being single bago siya dumating, tamad akong mag-chat, mag-cellphone at ayoko ng nanunuyo. But I did all the things na akala ko hindi ko kayang gawin. I spent my life on a 20-year-old shit habang nadudurog ako. I remember how he showed himself as a red flag na ginawa niya akong rebound pero pumayag ako. I allowed him to hurt me. Binuo ko siya mula sa ex niyang may alter. Hindi siya kinakausap. Iniwan siya ng trauma.
“Salamat sa trauma ha,” sabi ni Karlo sa chat kaya nag-init ang ulo ko sa inis.
“Kapal naman ng mukha mo. Alam mong hindi ako nagkulang sa’yo. Binuo kita at lahat ng gusto mong gawin sinusunod ko kaya wala kang karapatang magsabi na salamat sa trauma. Sa’yo ako nagpapasalamat sa trauma. Pakibalik na rin ng pinahiram kong cellphone. Kapal ng mukha mo!” sabi ko sa chat at hindi na siya nag-reply.
Nagtuloy-tuloy ang mga araw hanggang sa nag-Saturday. Naglalaro kami ng family ko ng card games sa garahe ng bahay nang may sumisipol. Paglabas ko, I saw Karlo. He’s holding a bouquet na may mga chocolate. Malaki rin ang ngiti niya pero hindi ako nagsukli ngiti kahit kasama niya ang mga pinsan niya.
“Hindi ko matatanggap ’yan. Umuwi ka na. Gabi na,” sabi ko at pumasok na ako sa gate ng bahay namin.
Tinadtad ako ng mama niya ng chat. Gusto niyang mag-ayos kami. Ayoko na lang talaga. Pina-prank lang daw ako noong nakaraan na hindi ako reply-an kasi isu-surprise raw ako. I don’t buy it. Pagod na pagod na ako. I don’t need someone na hindi ako kayang pahalagahan.
“Mabuti iyang ikaw na lang uli. Sinabi ko naman sa iyo noong una pa lang na itigil mo na iyan,” sabi ng ate ko.
Tumango lang ako. Tama na siya. Natutunan ko nang bumitaw. Hindi na ako babalik. Sana sa susunod na papasok ang isang tao sa relasyon, pure ang intention. Hindi pang-display. Hindi pang-puchu at hindi pang-convenience.
END.

