NYEBE (BXB) COMPLETED
CHAKASALSAL · 18 chapters · 10,454 words
CHAPTER 1
Sa pinakadulo ng Northern Wastes, kung saan ni isang ibon ay ayaw dumapo at ang hangin ay tila laging galit, nandoon ang Kaharian ng Krysalem, isang lugar na binalot sa yelo at katahimikan.
Sa kabila ng lamig na kayang pumutol ng hininga, nananatiling matatag ang marangal na palasyo, kumikislap sa puting niyebe at frostbite.
Sa loob ng isang silid na punung-puno ng frosted mirrors at mga snow-orbs na kumikislap ng bughaw at pilak, isang nilalang ang abalang-abala.
“Yaya, nasaan yung fur cape ko na may snowflake embroidery?” singhal ng isang tinig, malambing pero may utos mula sa dressing room.
“Ito na, Elian! Diyos ko, parang rampahan na naman ito!” sagot ni Yaya Lira habang pinipilit hawakan ang napakahabang puting fur cape na may burdang parang snowstorm sa dulo.
Mula sa loob ng silid ay lumabas si Elian. Suot niya ang isang icy blue silk robe na parang yakap ng hangin ng Disyembre. Sa ulo niya’y nakapatong ang isang silver crown na may maliliit na kristal ng yelo, at sa buhok niya’y naglalaro ang mga glowy snowflakes na tila may sariling buhay. Parang si Elsa, oo, pero kung mas beki, mas fierce, at mas marunong mag-smize.
“Rampahan talaga, yaya,” sabi niya habang humaharap sa pinakamalaking salamin. “You never know kung kailan mo mamimeet ang destiny mo. Baka mamaya, habang naglalakad ako sa hallways, may biglang guwapong warrior na mahuhulog sa harap ko at boom, instant love story.”
Umiling si Yaya Lira. “Anak ng yelo ka nga talaga. Pero kahit sinong mandirigma, matutunaw sa drama mo.”
Si Elian ang nag-iisang anak ni Queen Mitena, ang malamig ngunit makapangyarihang Ice Queen ng Krysalem. At sa kabila ng kasikatan niya sa mga royal ball at snow festivals, may mabigat na kapiraso ng yelo sa dibdib niya. Hindi dahil wala siyang admirers, dahil marami. Pero may isa siyang hindi malimutang pahayag mula sa kanyang ina noong siya’y bata pa.
“Ang anak ng yelo ay mamahalin ng apoy. Ngunit ang apoy ay maaaring magdulot ng pagkalusaw.” Prophecy of the Frozen Heart
Mula noon, tinanim na ito sa kanyang isip. Maaaring totoo, maaaring hindi. Pero gaano man siya ka-open sa pag-ibig, may takot pa ring nakatago sa ilalim ng kanyang icy glow.
“Hindi ako natatakot magmahal,” bulong niya sa salamin habang hinahaplos ang kwintas niyang hugis snowflake. “Pero natatakot akong mawalan. Ayokong matunaw sa dulo.”
Sa kabilang banda ng mundo, sa disyertong Southlands kung saan ang araw ay tila sinisilaban ang balat, isang lalaki ang walang sawang sumusuntok sa isang training dummy. Pawis. Galit. Gwapo.
“Focus, Kael! Hindi mo madadala ang emosyon mo sa North!” sigaw ng isang matipuno at brusko ring lalaki, si Commander Rugar, ang lider ng Southland Royal Guards.
Hinubad ni Kael ang pawisang bandana sa noo at tumitig sa dummy na halos nabiyak sa lakas ng suntok niya.
“I don’t like the cold,” bulong niya habang nilalagyan ng bandage ang kamay. “I don’t like royals. And I definitely don’t like being ordered around like some glorified babysitter.”
“You don’t have to like it,” ani Commander Rugar. “But orders are orders. You’ve been assigned to protect the heir of Krysalem.”
“Elian,” sagot ni Kael na parang sinabayan ng hangin ang pangalan. “Ice Queen’s son.”
“Yes. The Frozen Prince. You leave in the morning.”
Kael didn’t answer. He just stared at the horizon, where the sun met the sand, wild, free, and burning.
“I don’t care who he is,” bulong niya. “This is just another mission.”
Pero hindi niya alam na sa ilalim ng lahat ng yelo sa North, may apoy na naghihintay na magliyab sa loob niya. At ang misyon na ito ang magpapabago sa takbo ng mundo, at ng kanyang puso.
“Wala akong pake kung anong sinasabi ng prophecy,” mariing sambit ni Elian sabay bagsak ng yelong kristal sa mesa. Ang tunog ng pagsabog ng yelo ay kumalat sa marbled floor ng throne room, nag-echo sa katahimikan. Nakatayo siya sa gitna ng hall, ang kanyang balikat ay nakataas, ang mga mata’y naglalagablab sa kabila ng lamig ng paligid.
Nasa trono si Queen Mitena, tahimik na nakamasid sa anak. Mahaba ang kanyang buhok, puting-puti na parang niyebe. Ang kanyang presensya ay kasing lamig ng hangin ng Disyembre. Sa bawat titig niya, tila may dalang hamog ng taglamig.
“Anak, hindi mo naiintindihan,” mahinang sabi ng Reyna. “The prophecy isn’t just a warning. It’s a curse.”
Lumapit si Elian, ang robe niyang may kristal ay bahagyang lumilipad sa bawat hakbang. “Eh ano ngayon kung may curse? Hindi ba ikaw nga ang nagsabi sa akin na ang totoong lakas ay ang kakayahang magmahal kahit natatakot?”
Bahagyang napangiti si Mitena, halos hindi mo makikita. “At sinabi ko rin na ang pagmamahal ay pwedeng maging dahilan ng pagkasira, lalo na kapag hindi ito patas.”
Napairap si Elian. “Seryoso? Parang teleserye.”
Tumayo si Mitena mula sa trono, ang kanyang kapa ay humaba na parang ulap ng niyebe. “Makinig ka, Elian. You are the Son of the North. Your magic is tied to the balance of snow and storm. If your heart breaks… the entire kingdom breaks with you.”
Naputol ang titig ni Elian. Hindi siya sumagot. Umikot siya, hawak ang balikat, at lumabas ng throne room. Sanay na siyang pagsabihan, ngunit sa pagkakataong ito, parang may ibang bigat ang mga salitang iniwan ng ina niya. Isang bigat na hindi kayang tunawin kahit ng pinakamainit na yakap.
Sa Southlands, habang pinupuno ni Kael ang kanyang travel pack ng armas at extra gear, tinawag siya ni Commander Rugar papasok sa isang pribadong tent. Ang liwanag mula sa bonfire sa labas ay nagbibigay ng anino sa loob ng tolda.
“Kael, may kailangan kang malaman tungkol sa Ice Queen,” seryosong sabi ni Rugar habang nakatayo sa harap ng war table.
“Let me guess. Matanda, malamig, malupit?” Sarkastikong ngumiti si Kael habang sinisilip ang strap ng kanyang armor.
“Hindi lang ’yon. There’s a legend. A prophecy. And somehow… you’re connected to it.”
Napatigil si Kael. “Ako? Anong konek ko sa reyna na ’yan?”
Tahimik si Rugar. Tumitig sa mapa ng Northlands bago muling nagsalita. “Ang tunay mong ama… ay hindi isang ordinaryong sundalo ng South.”
Umakyat ang kilay ni Kael. “Anong pinagsasabi mo?”
“Ang ama mo ay si Eron, the Fire Reaper. Ang dating kaaway ni Queen Mitena. At ang propesiya ay tungkol sa anak ng yelo… at ang pag-ibig ng apoy.”
Napatawa si Kael. “Seriously? Ako, anak ng apoy? E allergic nga ako sa init, e.”
“Hindi mo pa nararamdaman, pero nasa dugo mo ang apoy. Kaya ikaw ang pinili naming ipadala. You might be the only one who can deal with the Snow Prince.”
Tumalikod si Kael, kunwaring walang pake. “Deal with him? Hindi ko trabaho ang makipag-date sa frost prince na ’yan.”
Ngumiti si Rugar. “Hindi nga. Pero baka hindi lang siya ang kailangang iligtas… baka pati ikaw.”
Sa Krysalem, dumilim na ang langit at nagsimula nang sumayaw ang Northern Lights sa itaas. Sa isang mataas na ice balcony, tahimik na nakaupo si Elian, nakatanaw sa frozen lake sa ibaba. Sa kamay niya’y may hawak siyang baso ng mainit na cocoa, na kahit paano’y nagpapainit sa palad niyang sanay sa lamig.
“Kung totoo ngang may prophecy,” bulong niya sa sarili, “then maybe I was never meant to be happy.”
Tahimik na lumabas si Lira mula sa likod, dala ang isa pang tasa ng cocoa.
“Anak, tandaan mo,” malumanay niyang sabi habang iniaabot ang tasa, “kahit malamig ang mundo, pwedeng mainitan ang puso kapag may tamang taong dumarating.”
Tumingin si Elian sa kanya. “Eh paano kung hindi ako ang tamang tao para sa kanya?”
Ngumiti si Lira, puno ng pag-unawa at init. “Eh ’di maging ikaw ang dahilan kung bakit siya magiging tama.”
Tumingin si Elian pabalik sa langit. Sa sumasayaw na ilaw, may isang hiling ang pinalaya niya sa hangin.
“Then bring him to me.”
At sa malayong bahagi ng niyebe, isang karwaheng gawa sa bakal at apoy ang lumalapit sa mga tarangkahan ng Krysalem. Sa loob nito, may isang mandirigmang hindi pa alam kung anong klaseng unos ang sasalubungin niya.
O kung anong klaseng apoy ang matatagpuan niya sa puso ng yelo.
CHAPTER 2
Bumungad sa harap ng northern gates ng Krysalem ang karwaheng gawa sa itim na bakal, makintab at matigas ang hulma, parang handa sa gyera. Sa gilid nito, malinaw na naka-ukit ang insignia ng Southlands: isang leong may pakpak, may apoy sa bunganga, tila nagbabanta sa sinumang lalapit. Halos matunaw ang manipis na yelo sa lupa habang humihinto ang karwahe. Nang bumukas ang pinto, lumabas ang isang lalaki. Mataas, matikas, at parang may sariling init na dumudurog sa lamig ng paligid.
Si Kael.
Suot niya ang pulang battle coat na may mga palamuting metal sa balikat, kasinglapad ng espada at kasintigas ng kanyang aura. Ang mukha niya ay parang laging galit, o siguro, laging seryoso. Sa isang iglap, nabihag niya ang atensyon ng lahat ng servant at guards ng kaharian.
“Tangina ang lamig,” mahinang bulong ni Kael habang hinihila pataas ang balabal na gawa sa balahibo ng flamehawk, isang nilalang mula sa disyerto ng Southlands.
Kasunod niya ang apat na Southland guards, lahat armado at alerto. Pero walang duda kung sino ang sentro ng atensyon. Si Kael, kahit tahimik at tila walang pakialam, ay parang magnetong humihigop ng mata ng bawat nilalang sa courtyard. Sa bawat hakbang niya, parang may nagigising sa ilalim ng yelo ng Krysalem.
Sa loob ng Ice Palace, abalang-abala si Elian. Ang kwarto niya ay parang beauty salon na tinamaan ng snowstorm. May enchanted curling wands, misting crystals, at mga yaya na parang stylists ng mga fairy godmothers.
“Yaya, paano ’to?” sabi ni Elian habang nagmamasid sa sarili sa frost mirror. “Straight ’yung escort ko, diba? Baka ma-fall ako tapos iwan niya ako sa snow. Alam mo naman ako, mahilig sa hopeless.”
Pinabango niya ang buhok gamit ang enchanted vanilla mist, at pinaikot ang strand sa daliri, nagpa-cute kahit wala namang audience.
“Anak, trabaho lang ’yan,” sagot ni Lira, ang pinakamatagal na yayang nag-alaga sa kanya. “Malay mo, di naman pala bato ang puso niya. At kung bato man, e di tunawin mo.”
“Naku yaya, ’di lang puso niya ang gusto kong tunawin. Charot!” sabay tili at talon sa kama.
“Behave ka, Elian,” sabay kindat ni Lira, bago inabot ang snowflake tiara na may glitters na parang bituin.
Lumapit si Elian sa bintana, at sa pagitan ng mga nagyeyelong vines, nasilayan niya ang bagong dating na bisita. Isang lalaking nakapula, matangkad, may angas, at… mukhang may anger issues.
“Pucha. Ang gwapo.”
Hinila niya ang kurtina. “Okay. Confirmed. Crisis na ’to.”
Pumasok si Kael sa throne room ng Ice Palace. Tahimik. Malamig. Ang bawat hakbang niya ay lumilikha ng mahinang tunog ng bakal sa marmol. Sa dulo ng silid, nakaupo si Queen Mitena sa trono, nakasuot ng shimmering silver cape at crown na gawa sa yelo at buwan.
Tumigil si Kael sa gitna. Lumuhod nang bahagya.
“Your Majesty,” bati niya nang tipid, walang alinlangan pero may galang.
“Kael of Southlands,” sagot ni Mitena, mahinahon ngunit may timbang ang bawat salita. “You are welcome in my kingdom.”
Tiningnan siya ni Kael, diretso, walang takot. “I don’t like the cold.”
“Then perhaps it is fate that brought you here,” ani Mitena. “To teach you how to survive it.” Tumango siya. “At para makilala mo ang anak ko.”
Biglang bumukas ang pinto sa itaas ng grand staircase.
Lumabas si Elian, pababa sa hagdan na parang runway ng celestial fashion show. Suot niya ang silver and blue layered robe, may trail na parang ulap, at snowflake tiara na nagniningning sa bawat hakbang. May glowing snowflakes at fog effect na sumusunod sa kanyang galaw, courtesy of enchanted steps.
“Kael,” ani Elian, may mahinang ngiti habang nilapitan ang lalaki. “Welcome to Krysalem. Ako si Elian.”
Napatingin si Kael sa kanya, medyo nanlaki ang mata. Parang hindi makapaniwala sa nakita.
“Uh… hi.”
Tahimik ang buong silid. Pati si Queen Mitena, mukhang aliw sa tensyon. Tinitigan ni Elian ang escort. Matikas. Strong jawline. Deep-set eyes. May faint scar sa kaliwang pisngi. Malamig ang ekspresyon. Pero gwapo. Sobrang gwapo.
“You’re quiet,” ani Elian. “Na-starstruck ka ba sa kagandahan ko o natutunaw ka lang sa presensya ko?”
“Neither,” sagot ni Kael, diretso at walang arte. “Just wondering kung totoo ’tong assignment ko. Kasi parang… hindi ko to kaya.”
Napangiti si Elian. “Relax. Wala pa tayo sa climax. Warm-up lang ’to.”
Nagkatinginan sila. Ice versus fire. Walang nagsalita pa. Pero sa katahimikang iyon, may naumpisahang tensyon na hindi na basta mawawala. At sa mismong sandaling ’yon, kahit hindi nila alam, nagsimula na ang pagbabago ng tadhana nila.
Kinagabihan, sa guest quarters ng Southland escort, tahimik si Kael habang nakaupo sa harap ng fireplace. Tinanggal niya ang balabal at inilapag ang sword sa tabi ng kama. May kumatok.
Si Rugar, isang matandang alalay ni Queen Mitena, pumasok at tahimik na nag-abot ng sulat.
“Basahin mo ’to sa tamang oras,” ani Rugar. “May mga bagay na kailangan mong matuklasan… at may dapat kang protektahan.”
Tiningnan ni Kael ang sulat. May pulang wax seal na hugis phoenix flame.
Nakasulat sa harap ng sobre:
To the Son of Fire.
Napatingin siya sa bintana, kung saan kita ang Northern Lights na tila naglalaro sa kalangitan. Hindi pa niya alam, pero ang liham na iyon ang magiging simula ng mas masalimuot na kwento. Ng pag-ibig. Ng tunggalian. At ng apoy na susubok sa yelo ng kanyang puso.
CHAPTER 3
Sa loob ng Grand Hall ng Krysalem, punong-puno ng liwanag ng aurora at mga chandelier na gawa sa yelo. Ang sahig ay parang salamin, habang ang kisame ay may illusion ng sumasayaw na Northern Lights. Lahat ng maririnig ay ang tunog ng enchanted violin na pumapailanlang na parang sinasayaw ang mga dumalo.
“Tonight is the annual Ice Summit Ball,” paliwanag ni Yaya Lira habang inaayusan si Elian. “And tonight, you will be introduced to the rest of the realm bilang rightful heir.”
“Yaya, kailangan ko ba talagang magsalita sa harap ng lahat?” tanong ni Elian habang pinaplancha ng magic ang buhok niya. “Wala bang hosting partner o back-up dancers man lang?”
“Naku, hindi ito drag show, anak. Royal ball ’to.”
“Gosh. Pero bakit parang mas nakakakaba ’to kaysa first kiss?”
“Eh baka kasi ’yung first kiss mo, tonight na rin mangyari.”
Napalingon si Elian. “Hala ka yaya. Kinilig ako.”
Sa kabilang silid, pinipilit ni Kael isuot ang formal uniform ng Southlands, a black fitted coat with red flames stitched on the collar. Mas sanay siya sa armor at leather, pero ngayon, mukha siyang formal escort sa kasal.
“Tangina,” bulong niya habang inaayos ang sinturon. “Anong ginagawa ko dito?”
“Try not to punch anyone,” sabi ni Rugar sa pinto. “This is a peace summit. And remember, you’re here to guard Prince Elian.”
“Prince Elian,” ulit ni Kael. “’Yung baklang anak ng Ice Queen?”
Tinapik siya ni Rugar sa balikat. “Yes. The one na ’di mo dapat i-underestimate.”
Nang magbukas ang malalaking pinto ng hall, tumigil ang musika. Lahat ng mata ay tumingin sa dulo ng grand staircase.
At doon siya lumabas.
Si Elian.
The Snow Prince.
Suot niya ang isang transparent snow-crystal cloak, body-fitting icy blue velvet suit na may makislap na gemstones sa dibdib, at ang kanyang koronang parang sinag ng buwan.
He walked down gracefully, every step leaving behind soft frost that sparkled.
Lahat ay namangha. Lahat ay natahimik.
Lahat… maliban kay Kael.
“What in the name of fire…” bulong niya habang napatingin sa kanya. Hindi niya maipaliwanag, pero parang tumigil ang mundo.
At si Elian?
Pagkakita niya kay Kael na nakatayo sa tabi ng Southlands table, naka-pose ng parang may sariling spotlight parang may humawak sa dibdib niya.
“Tangina. Ang gwapo.”
Ilang saglit pa, nagsimula ang sayawan. Ang mga royals at diplomats ay nagsimulang magsayaw sa gitna. Si Elian ay nakaupo sa high table, pero hindi mapakali.
“Yaya,” bulong niya. “May protocol ba kung gusto mong isayaw ’yung escort mo?”
“Tignan mo siya. Kung hindi siya busy suntukin ’yung sarili niya, go.”
Tumayo si Elian, lumakad palapit kay Kael.
“Kael,” sabi niya, ngiting-ngiti. “As the Snow Prince of Krysalem, I officially ask for your presence sa dance floor. Will you?”
Kael blinked. “…What?”
“Sayaw tayo,” sabay abot ng kamay ni Elian.
“Uh… I don’t dance.”
“Lahat ng tao marunong magsayaw. Ang iba nga lang, nagkukunwaring hindi.”
Kael sighed, but something in Elian’s eyes made him… stand.
Hinawakan niya ang kamay nito.
Naglakad silang magkasama papunta sa dance floor. Lahat ay napatingin. May ibang napatigil. May bulungan. Pero wala silang pakialam.
Elian smiled. “Tignan mo, buhay ka pa. Hindi pa kita natutunaw.”
Kael smirked. “I’m still wondering kung bakit ako pumayag.”
And just like that, they danced.
Yelo at apoy.
Tahimik ang paligid habang umiikot sila sa gitna ng enchanted melody. Isang straight guy na ayaw sa ballroom, at isang prince na sanay magtago ng feelings sa likod ng charm.
At kahit sandali lang… parang lahat ng balakid, natunaw.
Wala pang limang minuto mula nang magsayaw sila, pero ramdam agad ni Kael na hindi ito ordinaryong sayaw.
Hindi dahil sa graceful na paggalaw ni Elian, o sa magical na musika ng hall, kundi dahil sa sarili niyang reaksyon. Parang… hindi siya nababastusan. Hindi rin siya naiinis.
At mas lalo siyang naguguluhan doon.
“Relax,” bulong ni Elian habang umiikot. “Para kang may iniisip na mas malalim pa sa yelong ‘to.”
Kael exhaled. “I just don’t like being the center of attention.”
“Too late for that. Pasensya ka na, ang ganda ko kasi eh.”
Napangiti si Kael, pilit man.
Hindi iyon napansin ni Elian, pero si Mitena na nakaupo sa trono ay tahimik na nanonood. Tahimik… pero alerto. Lira, na nasa likuran niya, ay lumapit.
“Reyna, ayos lang po ba kayo?”
“May kakaibang magic na umiikot sa paligid nila,” bulong ni Mitena. “Hindi ito simpleng sayawan lang.”
Matapos ang sayaw, lumayo si Kael para uminom sa isang corner ng hall. Lumapit si Elian, dala ang isang basong may yelo at sparkling frost juice.
“Thirsty much?” biro niya.
“Hindi ako sanay sa ganito. Sa Southlands, walang ganitong party. Puro training, missions, at… sunog.”
Elian chuckled. “So ‘di ka talaga mahilig sa mga formal events?”
Kael shrugged. “Hindi ako mahilig sa kahit anong may maraming tao. Or maraming expectations.”
Elian nodded. “Same.”
Tahimik sila saglit.
Then Kael looked at him.
“You’re… different.”
“Teka. ‘Different’ as in weird? O ‘different’ as in… fascinating?” sabay kindat ni Elian.
Kael blinked. “Different as in… hindi ko alam.”
Nagkatawanan ang mga tao sa background, pero para sa kanila, tahimik ang paligid. Ang lamig ng hangin, may kaunting kinang, at ang pagkakatitig nila sa isa’t isa ay para bang… may sunog sa ilalim ng snow.
Pero bago pa nila maipagpatuloy ang pag-uusap, biglang dumating ang isang marahas na energy.
Zzztttt!
Biglang nag-flicker ang mga ilaw ng yelo.
Napatingin ang lahat sa kisame. May dumaan na pulang liwanag sa langit ng Northern Lights.
“Anong ’yon?” sigaw ng isang royal adviser.
Biglang humampas ang malamig na hangin sa loob ng hall, mas malamig pa sa karaniwan. Pero sa loob ng lamig, may halong init. Parang usok. Parang apoy.
Naglakad si Mitena papunta sa gitna. Ang mga guards ay nakapalibot na.
“This… is a warning,” bulong niya.
“Warning galing kanino?” tanong ni Elian.
Tahimik si Mitena. Tumingin sa hilaga.
“Someone I thought I had buried… is starting to rise again.”
Matapos ang ball, sa hallway ng palace habang naglalakad pabalik sa kanyang silid, sumabay si Kael kay Elian.
“Okay ka lang?” tanong niya.
“Yeah. Sanay na akong may pasabog sa huling eksena.”
Napahinto si Kael. Tumingin kay Elian, medyo seryoso na ngayon.
“You’re really not what I expected.”
“Bakit? Akala mo ba ang anak ng Ice Queen ay walang sense of humor at may frostbite ang personality?”
Kael shook his head. “Akala ko… hindi ko siya makakasundo.”
“Pero ngayon?”
Hindi agad sumagot si Kael. Pero bago siya tumalikod, sagot niya ng mahina:
“Hindi ko pa alam. Pero gusto kong malaman.”
Sa silid niya, habang tinatanggal ni Elian ang crown niya, ngumiti siya sa salamin.
“Okay, heart. Chill. Huwag kang magpakalunod sa fire boy na ‘yon.”
Pero habang pinikit niya ang mga mata, ang huling imahe sa isip niya: si Kael, nakatitig, tahimik… pero mainit.
At sa kabilang kwarto, si Kael ay gising pa rin. Nakatingin sa kisame.
“ Hindi siya tulad ng iniisip ko.”
CHAPTER 4
Kinabukasan, sinag ng araw sa Northern Wastes.
Mas maliwanag kaysa karaniwan, pero hindi pa rin sapat para tunawin ang yelo sa paligid ng Krysalem.
Sa loob ng training yard, naroon si Kael. Topless. Pawis. Nagsasanay ng sword drills.
“Left. Twist. Counter.” Sabay tagpas ng hangin gamit ang espada.
Tahimik na nanonood mula sa itaas na balcony si Elian, suot ang fluffy robe at may hawak na iced coffee.
“Anak ng snowflake,” bulong niya. “May abs pala siya. Pa-straight pero pang-gay magazine ang katawan.”
Lalapit na sana si Elian para manlait or ma-flirt pero dumating si Queen Mitena.
“Elian.”
Napalingon siya. “Mother.”
“May assignment ka today. You will accompany Kael sa forest border. Gusto kong may mag-inspect ng frost wall sa hilaga. You will lead.”
“Me?” Elian blinked. “Bakit hindi nalang si General Vala?”
“I want you to work with him,” sabay tingin kay Kael. “May matututunan kayo sa isa’t isa.”
Napakunot-noo si Elian. Pero hindi siya tumutol.
Sa loob ng isang enchanted sled pulled by two snow wolves, magkasama sila ni Kael papunta sa northern forest. Tahimik. Awkward.
Si Kael ay nakatingin sa labas ng sled, tahimik lang. Si Elian, nasa gilid, kinakagat ang straw ng iced coffee.
“Sooo,” panimula ni Elian, “this is nice.”
Kael didn’t look. “Tahimik.”
“Tahimik nga. Pero ‘di boring.”
Kael finally looked at him. “Hindi mo talaga kaya ng walang sinasabi, no?”
“Hmm, allergic ako sa dead air,” sabay ngiti ni Elian. “Pero gets ko. You’re the serious, mysterious type.”
Kael rolled his eyes. “Hindi ako mysterious. Gusto ko lang ng peace.”
“Well… peace is overrated. Try a little chaos minsan. Like, wearing pink.”
“Hindi bagay sa’kin.”
“Lahat ng bagay mababagay sayo kung may confidence. Kahit feather boa.”
Napatawa si Kael. Sandali lang, pero sapat na para mapansin ni Elian.
“Ooohhh. Did I just see a smile?” tanong ni Elian. “Record ‘yan. First smile mo sa Krysalem.”
“Wag kang masyadong proud.”
“Too late.”
Pagdating nila sa frost wall, tumigil ang sled. Bumaba si Elian at Kael. Sa paligid nila, puro puting kagubatan at nahulog na mga yelong petals mula sa mga puno ng Winterblossom.
“Looks stable,” sabi ni Kael habang sinusuri ang yelong barrier.
“Yeah, pero may napansin ako kagabi. May pulang crack sa east side,” ani Elian.
“Lead the way.”
Naglakad sila papunta sa dulong bahagi ng wall. Habang naglalakad, lumalalim ang snow. Biglang nadulas si Elian.
“AAHH—”
Agad siyang nasalo ni Kael. Isang kamay sa baywang, isang kamay sa likod.
Frozen. Literally and emotionally.
“You okay?”
Nakatingin si Elian sa kanya. Lapit ng mukha nila. Tipong konting galaw lang… puwedeng romcom moment na.
Elian blinked. “Okay naman. Pero kung gusto mo akong hawakan ulit, wala akong reklamo.”
Kael quickly let go. “Tumayo ka na.”
Nagkunwaring na-offend si Elian. “Wow. So cold. Mas malamig ka pa sa snow.”
Naglakad na si Kael. “We’re checking the crack. Focus.”
Pero kahit nakatalikod na si Kael, nakangiti siya.
Gabi na nang makabalik sila sa palace. Habang naglalakad sa hallway, tahimik si Elian. Di siya sanay na hindi siya ang bida sa usapan.
“So,” biglang sabi ni Kael, “salamat kanina.”
Napalingon si Elian. “Huh?”
“For showing me the crack. At… for being less annoying than usual.”
Napanganga si Elian. “Did you just compliment me?”
Kael shrugged. “Don’t get used to it.”
Ngumiti si Elian. Hindi ‘yung pa-cute na ngiti. ‘Yung totoo. ‘Yung bihira. ‘Yung genuine.
“I won’t,” sagot niya. “Pero thanks. Coming from you, parang medalya na ‘yon.”
Sa gabi, magkatabi ang silid nila. Si Kael ay nakatitig sa kisame ng guest room. Tila di mapakali.
At si Elian?
Nakahiga, pero may hawak na maliit na ice crystal.
“Maybe he’s not just fire. Maybe… he’s warmth.”
CHAPTER 5
Gabi.
Tahimik ang Krysalem. Ang buong kaharian ay natutulog sa ilalim ng liwanag ng Northern Moon.
Pero sa terrace ng palace, may dalawang nilalang na gising.
Si Kael, naka-armor pa rin, nakaupo sa frozen bench. At si Elian, nakatapis lang ng fluffy robe, hawak ang mug ng hot choco na may floating mini snowflakes.
“Hindi ka pa rin natutulog?” tanong ni Elian, naupo sa tabi niya.
“Hindi ako sanay sa malamig na kama.”
“Gusto mo bang painitin ko—“
“Don’t.”
“Yung kama. Gusto ko lang i-offer ‘yung enchanted heating rune ng kwarto ko!”
Kael smirked. “Right.”
Tahimik sila sandali.
“Alam mo,” panimula ni Elian, “you’re not as uptight as I thought.”
Kael looked away. “You’re not as annoying as I thought.”
Napatawa si Elian. “That’s probably the most romantic thing anyone’s said to me.”
Umihip ang malamig na hangin. Pero parang hindi nila naramdaman.
Kinabukasan, nagpunta sila sa Ancient Snow Archives isang enchanted cavern sa ilalim ng palasyo na may hawak ng lahat ng kasaysayan ng Krysalem.
Sama silang dalawa.
“Bakit tayo nandito?” tanong ni Kael, habang sinusundan si Elian sa loob ng nagyeyelong silid.
“Sabi ni Mother, I should learn more about our family legacy. Pero ang totoo, curious lang ako kung may mga family chismis dito.”
Pagdating sa dulo ng chamber, may isang malaking salamin The Mirror of Eternal Frost
Ayon sa alamat, ipinapakita raw nito ang sikreto ng dugo mo.
Tumigil si Elian sa harap ng salamin. Sumunod si Kael.
“Subukan mo,” udyok ni Elian. “You first.”
“Huwag na—”
“Takot ka?”
Kael sighed. Tumayo sa harap ng salamin.
Sandaling katahimikan.
Tapos, unti-unting lumitaw sa yelo ang imahe…
Isang batang Kael. Nasa apoy. Nagtatago. May umiiyak na babae isang reyna ng apoy.
Napakunot-noo si Elian. “That’s not… a fire kingdom. That’s… Embercrest.”
Biglang nag-fade ang imahe.
Kael stepped back. “Tama na.”
“Wait,” hinawakan siya ni Elian. “Are you… from Embercrest? The enemy kingdom?”
“Hindi ko alam kung sino ako noon. Basta ang alam ko, dito ako ngayon. At wala akong balak maging kaaway mo.”
“Bakit di mo sinabi?”
Kael looked straight at him. “Dahil hindi mo rin sinabi kung ano ka talaga.”
Natahimik si Elian.
“What do you mean?”
“You pretend to be all jokes and glitter and sass. Pero kitang-kita ko. Malungkot ka.”
Elian blinked.
Hindi siya sanay na mabasa. Hindi siya sanay na makita beyond the surface.
“Hindi ko alam kung naiirita ako sayo o… naa-attract.”
Napatingin si Kael. “Anong sabi mo?”
“Wala. Huwag mo nang ulitin!”
Pagbalik nila sa surface, parang parehong mabigat ang dibdib nila. Parehong may tinatago, parehong may takot, parehong hindi sigurado.
Pero isa lang ang malinaw.
Hindi na sila strangers.
At ang yelo tyaka apoy ay unti-unti nang natutunaw at naiilawan ang isa’t isa.
CHAPTER 6
Isang linggo na ang lumipas mula nang magpakita ang Mirror of Eternal Frost ng nakaraan ni Kael.
Hindi na muling binuksan ang usapin. Walang nagtangkang ungkatin ang nakita sa salamin.
Pero simula no’n, iba na ang tinginan nilang dalawa.
Mas mahaba.
Mas matagal.
Mas… may ibig sabihin.
Niyaya ni Elian si Kael sa frozen lake sa likod ng palasyo.
“Skating?” kunot-noo si Kael.
“Hindi. Magbubuo tayo ng ice sculpture gamit ang magic ko. Tapos babasagin natin gamit ang sword skills mo. Parang therapy.”
Napailing si Kael. “That doesn’t sound like therapy.”
“Therapy ko, hindi sa’yo.”
Nagkasayahan sila. Si Elian, tumatawa habang nag-sculpt ng mukhang snow bear. Si Kael, seryoso habang hinihiwa ito ng sword na parang art project.
“Huwag mong gupitin ’yung tenga! Ang cute ng bear!”
“Ang sabi mo, babasagin, di ba?”
“Nagbago isip ko. Gawin na lang nating ice pet.”
“Seriously?”
Nagtawanan sila.
Tapos biglang natahimik.
Nakaharap sila sa isa’t isa, malapit.
Sobrang lapit.
Huminga si Elian.
“Alam mo, ang weird no? Na kahit ang daming sikreto, kahit hindi kita kilala totally… parang gusto kong mag-stay sa tabi mo.”
Nag-angat ng tingin si Kael.
“Totoo ba ’yan, o parte ng drama mo ’yan?”
“Kael…”
“Huwag mong simulan ‘to kung hindi mo kayang tapusin.”
Nag-aalab ang mata ni Kael.
Naglalambing ang boses ni Elian.
“Hindi ko alam kung ano ‘to. Pero hindi ko rin kayang huwag pansinin.”
Tumigil ang oras.
Hangin lang ng yelo at tibok ng puso nila ang maririnig.
Tapos, biglang lumapit si Elian, unti-unti.
Kael didn’t move away.
But he also didn’t close the gap.
“May limitasyon ako,” bulong ni Kael. “Lalo na kung… lalaki ang kaharap ko na hindi naman sigurado kung ano talaga ang nararamdaman niya.”
Nag-init ang pisngi ni Elian. “Alam ko kung ano ako.”
“Straight?”
Elian smirked. “Mostly. Pero kung ikaw ang exception…”
Tumingin si Kael.
Tahimik.
Tapos biglang umiling. “Ugh. You’re so confusing.”
“Attracted ka rin, ‘di ba?”
Hindi umimik si Kael.
Pero ang titig niya ay hindi na ‘yon titig ng isang sundalong nagtitiis. Titig na ‘yon ng isang taong gustong tumakas… papunta sa taong laging nandiyan.
Sa gabing ‘yon, naglakad silang dalawa pabalik ng palasyo. Magkatabi. Hindi magka-holding hands, pero magkalapit ang balikat. Hindi sila nag-usap. Pero pareho silang ngumingiti.
Kahit wala silang inaamin, ramdam nilang pareho na.
Unti-unti na silang natutunaw sa isa’t isa.
CHAPTER 7
Gabi na. Ang buong Ice Realm ay natatabunan ng liwanag ng aurora borealis — sumasayaw ang berde, asul, at lilang ilaw sa kalangitan. Isa itong gabi na hindi malilimutan ng sinuman, lalo na nina Elian at Kael.
“First time mo ba makakita ng ganito?” tanong ni Elian habang nakaupo sila sa pinakamatayog na bahagi ng north tower.
Kael, nakasandal sa batong malamig pero matatag, ay tumango.
“Akala ko CGI lang ‘to sa mga fantasy movies.”
“Natural ‘yan dito. Parang… display ng universe kung paano niya pinaparamdam na buhay siya.”
Tahimik.
Nagkatinginan sila, pero walang nagsalita.
Hindi nila kailangan ng salita.
Naghilera sila sa taas ng tower, malamig ang paligid pero mainit ang pakiramdam. Wala silang suot na armor o royal robe — simpleng fur coat lang na gawa mula sa snow bear na gawa rin sa magic ni Elian.
“Alam mo,” biglang sabi ni Elian habang nakatingala sa mga bituin, “mas nakakakaba ka kaysa sa aurora.”
“Ha?”
“Kapag kasama kita, hindi ko alam kung malamig ba o kinikilig lang ako.”
Umiling si Kael. “Huwag kang corny.”
“Huwag kang torpe,” balik ni Elian, sabay ngisi.
Nagkatawanan sila. Pero agad ding napalitan ng katahimikan nang magdikit ang kanilang kamay — aksidente.
Pero hindi nila binawi.
Tahimik.
Walang gumalaw.
Tila tumigil ang hangin.
Ramdam na ramdam ni Elian ang tibok ng sariling puso — mabilis, malakas, parang may sariling isip.
Tumingin siya kay Kael.
Si Kael… nakatingin sa kamay nilang magkadikit.
Walang salita. Pero malinaw ang mensahe.
Hindi ito pagkakamali.
Hindi lang ito curiosity.
May nararamdaman na sila at hindi na ‘yon maitatanggi.
Biglang may umihip na malakas na hangin, napahawak si Kael sa balikat ni Elian para ‘di siya matangay. Sa isang iglap, magkalapit na naman sila.
Mas malapit kaysa dati.
Mas totoo.
“Elian…” mahina ang boses ni Kael. “You’re dangerous.”
“Dangerously cute?”
“Dangerously confusing.”
Ngumiti si Elian. “Pero hindi mo na kayang umiwas, ‘di ba?”
Hindi sumagot si Kael.
Pero hindi niya rin tinanggal ang kamay niya kay Elian.
At minsan, sapat na ang katahimikan para makumpirma ang nararamdaman.
Sa ilalim ng aurora, dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo — isa’y prinsipe ng yelo, at isa’y mandirigmang sinubok ng apoy — ay sabay na nag-init sa gitna ng malamig na gabi.
Hindi pa ito pag-ibig.
Pero isa na itong simula.
Ng isang kwentong hindi nila akalaing papasok sa puso nila.
CHAPTER 8
Umaga sa Ice Realm, pero parang gabi pa rin — makapal ang ulap, at tahimik ang paligid. Para bang may nagtatagong bagyo sa hangin.
Si Elian ay nasa silid-aklatan ng palasyo, nakasubsob sa isang lumang scroll na may tatak ni Mitena, ang kanyang ina. Hindi niya alam kung anong humihila sa kanya para basahin iyon, pero parang may pwersang nagtutulak.
“Kael…” bulong niya sa hangin, habang ang mga daliri’y marahang dumaan sa pahina. “Parang may kaugnayan ka rito.”
Biglang bumukas ang pinto.
Si Kael, hingal at basang-basa ng niyebe, dumating.
“Elian! May sumugod sa outer gates! Hindi sila normal na nilalang—para silang ginawa sa anino!”
Napakunot ang noo ni Elian. “Shadowwalkers?”
“Anong meron sa mga ‘yon?”
“Matagal na silang pinatalsik ni Ina. Hindi sila dapat makapasok ulit sa realm namin.”
Bumangon si Elian, mabilis na kinuha ang yelo’t espada sa gilid.
Sa labas ng palasyo, isang kakaibang nilalang na balot sa itim at pilak na usok ang lumulutang, humaharang sa mga guardiyang yelo. Sa isang iglap, nawala ito… at lumitaw sa likuran nila.
Pinaulanan ng sibat ng yelo ang anino — pero natunaw lang ito. Tila sinusubok lang ang depensa ng kaharian.
“Elian, what the hell are those?” tanong ni Kael habang lumalaban sila, magkasama sa harap.
“Mga dating tagasunod ni Mitena… hanggang sa itinakwil sila. May… dahilan.”
Bago pa makasagot si Kael, biglang tumigil ang hangin.
Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan.
Tapos mula sa anino, may nagsalita.
“Elian, anak ni Mitena… ang susunod na hari ng yelo. At Kael… ang tagapagdala ng apoy.”
Napatingin si Kael kay Elian.
“Tagapagdala ng—?”
“Anong ibig sabihin nito?” tanong ni Kael, kinakabahan.
Hindi sumagot si Elian. Ngunit sa puso niya, may gumuguhit na koneksyon.
Hindi aksidente ang lahat.
Hindi aksidente ang pagkakakilala nila.
Pagkatapos ng labanan, nauwi sila sa silid ni Elian, parehong tahimik.
“May mga sikreto akong hindi pa alam tungkol sa pamilya ko,” sabi ni Elian. “At sa’yo rin, Kael.”
“Wala akong alam sa sinasabi nilang apoy,” mariing sagot ni Kael. “Wala akong kapangyarihan.”
“Elian…” napabuntong hininga siya, “Pero kung ako nga ang ‘tagapagdala ng apoy’ — bakit ako napunta rito? Bakit ako pinadala ng mismong orakulo ng South Flame Kingdom sa lupain ng yelo?”
Nagkatinginan sila.
At sa gitna ng katahimikan, pareho nilang alam — ito na ang simula ng mas malalim na misteryo.
At ang tanging paraan para masagot ang lahat…
Ay sama-sama nilang tuklasin ang katotohanan.
CHAPTER 9
Tahimik ang buong silid. Ang tanging tunog ay ang mahinang pagputok ng yelong haligi na humihinga sa lamig. Si Elian, nakaupo sa tabi ng malaking bintana, nakatingin sa malayo. Sa labas, puting kapatagan ng niyebe. Sa loob, isang puso niyang hindi mapakali.
“Hindi normal ’tong nararamdaman ko,” bulong niya sa sarili. “Hindi dapat ganito…”
“Anong hindi dapat?” tanong ni Kael, biglang sumulpot mula sa likod ng pintuan, may dalang hot tea na may halong herbs ng Fire Kingdom.
Elian turned, medyo gulat, pero ngumiti.
“Wala. Iniisip ko lang… mga nangyari kahapon.”
“Hindi lang ikaw ang iniisip ’yon,” sagot ni Kael. Umupo siya sa tabi ni Elian, ibinaba ang dalawang tasa.
Tahimik.
“Kanina sa training,” sabi ni Kael, “nakaramdam ako ng init sa kamay ko. Literal. As in parang may apoy na gustong lumabas.”
“Baka… nagising na ang kapangyarihan mo,” tugon ni Elian, sabay hawak sa tasa.
“Baka nga. Pero Elian… bakit parang may nararamdaman din ako na iba? Hindi apoy eh… kundi…”
Tumigil si Kael.
Tumingin siya kay Elian.
“Parang… may nabubuong koneksyon sa atin.”
Ang puso ni Elian, parang binagsakan ng avalanche.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” mahina niyang tanong.
Kael smiled. Hindi niya kayang magsinungaling.
“I don’t know what this is. Pero everytime na kasama kita… parang may hinahanap ako na sayo ko lang natatagpuan.”
Elian blinked. Biglang nag-init ang pisngi niya, kahit nasa gitna sila ng Ice Realm.
Hindi niya alam kung anong sasabihin. Pero alam niyang hindi siya nag-iisa sa nararamdaman niya.
“Kael…” humugot siya ng malalim na hininga. “Alam mo bang… ako ay…”
“Alam ko,” putol ni Kael, bago pa siya matapos.
Nagkatinginan sila.
Hindi galit. Hindi gulat.
Puno ng pag-unawa.
“I may not be like you,” dagdag ni Kael. “Pero gusto kong makilala pa kung sino ka talaga.”
At doon, sa gitna ng yelo, nagbukas ang isang bagay na mas mainit pa sa apoy.
Kinagabihan, lumabas sila ng palasyo. Nilakad ang malamig na kagubatan ng yelo, tahimik lang, magkatabi. Si Elian, nakatingin sa bituin. Si Kael, nakatingin sa kanya.
“Gusto kong malaman mo,” bulong ni Kael, “na hindi ako takot sa kung ano man ’tong nararamdaman natin. Weird man. Unexpected. Pero totoo.”
“Hindi mo ako tinatrato na parang kakaiba,” sagot ni Elian, “at ’yon ang pinaka… nagpapalambot sa puso ko.”
Kael smiled again, this time, mas totoo, mas malalim.
“Hindi ka kakaiba. Ikaw si Elian. At kung totoo ngang may koneksyon tayong dalawa… gusto kong tuklasin ’yon. Kasama ka.”
Sa huling bahagi ng gabi, humiga sila sa yelong damuhan. Magkatabi. Hindi hawak ang kamay, pero halos magkadikit ang mga balikat. Tahimik, pero punung-puno ng damdamin.
At sa gitna ng katahimikan, si Elian, pumikit, at hinayaang ang puso niya’y bahagyang lumaya.
CHAPTER 10
Kinabukasan, ang langit ng Ice Realm ay tila mas madilim kaysa dati. Ang karaniwang malinaw at kristal na ulap ay napalitan ng bughaw na makulimlim, na para bang may paparating.
Pero ang buong atensyon ni Elian ay wala sa langit.
Nasa tabi niya. Kay Kael.
Magkasama silang nagtuturok ng mga ice crystals sa ilalim ng training hall — isa sa mga sinaunang training grounds ng mga Frostblood. Mahigpit ang mga lesson, pero ngayon, hindi training ang dahilan kung bakit mas mabilis ang tibok ng puso ni Elian.
“Hoy,” tawag ni Kael, sabay tapik sa balikat niya. “You okay?”
Napakunot si Elian. “Oo, bakit?”
“Kanina ka pa nakatitig sa pader. Akala ko sinasaniban ka na ng isa sa mga espiritu dito.”
Ngumiti si Elian, napakamot sa batok.
“Wala. Iniisip ko lang… yung sinabi mo kagabi.”
Tumigil si Kael sa ginagawa. Tiningnan siya nang diretso.
“About sa connection natin?”
Elian nodded.
“Di ko kasi maintindihan, Kael. Parang… may parte sa’kin na gustong tumakbo palayo. Takot. Pero mas malakas yung parte na gustong lumapit sa’yo.”
Kael took a deep breath. Tumingin sa yelong sahig. At dahan-dahan niyang sinapo ang kamay ni Elian.
Hindi mahigpit. Hindi pilit. Sapat lang.
“Elian… di ko man alam kung saan ‘to patungo. Pero gusto kong sabayan ka sa kahit anong daan.”
Elian froze.
Not because of fear — but because of warmth.
Kakaibang init. Parang apoy sa kalamnan niya. Sa puso niya.
That night, habang abala ang mga tagapag-alaga ni Mitena sa pagbabantay sa paligid, si Elian at Kael ay nasa tuktok ng ice tower. Tanaw nila ang Aurora. Iba ngayon — may pula at bughaw na umiikot na tila apoy at yelo ang naglalaban.
“Elian,” bulong ni Kael, “gusto kong malaman mo… I’m still straight.”
Tahimik si Elian. Hindi siya umalis, hindi rin umiwas ng tingin. Tiningnan lang niya ang aurora sa langit.
“Alam ko,” mahina niyang sagot.
“At hindi ko pa rin maintindihan bakit ikaw ang hinahanap-hanap ko.”
Lumingon si Elian. Puno ng gulat, at pag-asa.
Kael continued. “Siguro dahil ikaw ang kauna-unahang taong nagpatingin sa’kin beyond kung ano lang ako. Hindi bilang mandirigma. Hindi bilang lalaki. Kundi bilang Kael… yung taong minsang walang alam, pero may gustong maramdaman.”
Tumulo ang luha ni Elian.
Sa wakas, hindi dahil sa lungkot.
“Kael… kahit ano ka pa, kung ano ka man… salamat. Dahil hindi mo ako tinuring na panganib. Na kakaiba. Na dapat takasan.”
Umihip ang malamig na hangin.
Kael smiled. “Hindi mo na kailangang magpaliwanag, Elian. Basta’t kasama mo ako…”
Sabay silang tumingin sa langit.
“…lumalaban na rin ako.”
Ngunit sa di kalayuan, sa mismong hangganan ng Ice Realm, may isang nilalang na nagmamasid.
Isang mata na apoy, isang katawang anino.
At sa kanyang bibig, isang ngiting naghuhumiyaw ng paghihiganti.
“Anak ni Mitena… nagising ka na rin.”
CHAPTER 11
Sa gitna ng malamig na gabi, may kakaiba sa paligid. Hindi lang ito basta lamig ng hangin o yelong pader ng Ice Castle. Ito’y isang pakiramdam. Isang babala.
Gumising si Elian mula sa isang bangungot.
May mga sigaw. May apoy. May mga imahe ng isang babaeng nilalamon ng dilim at iyon ay si Mitena. Ang kanyang ina. Pero sa panaginip, hindi siya ang reyna ng yelo… kundi isang nilalang na humihingi ng tulong, nanghihina, natatakot.
Huminga ng malalim si Elian habang nakaupo sa kanyang kama. Nanginginig ang mga kamay niya pero hindi sa lamig.
“Kael,” bulong niya.
“Bad dream?” tanong ni Kael habang pinupunasan ang pawis ni Elian sa noo. Magkasama silang dalawa ngayon sa personal quarters ni Elian, na pinayagan ni Mitena mismo dahil “may tiwala ako sa inyo,” ang sabi niya noon.
Elian nodded. “Si mama… she was calling for help.”
Kael frowned. “She’s strong. She’s the Ice Queen. She can’t be that helpless.”
“But something’s wrong,” sagot ni Elian. “Nararamdaman ko.”
Tumayo si Kael at nilapitan ang malaking bintana ng silid. Tiningnan niya ang langit — at doon nila nakita ang hindi pangkaraniwan.
Ang aurora borealis — dati’y berde at asul — ngayo’y may halong pulang alon. Umiikot, sumasayaw… pero may kasamang init. Init na hindi dapat naroroon.
“Apoy,” bulong ni Elian. “Sa mismong langit ng Ice Realm…”
Sa trono ng yelo, naglakad si Elian papunta kay Mitena, habang kasama si Kael sa kanyang likuran. Nakatayo ang reyna, nakaharap sa enchanted mirror, habang tahimik na pinagmamasdan ang mga alon ng aurora.
“May nagising na sa ilalim ng Northern Veil,” mahina niyang sabi.
“Sino, mama?” tanong ni Elian, nanginginig ang boses.
Mitena slowly turned to face her son. Sa kanyang mga mata, may bahid ng takot na noon ay hindi pa kailanman nakita ni Elian.
“Ang ama mo.”
Tumigil ang mundo ni Elian.
“W-What? I thought… patay na siya?”
Mitena’s lips parted. “Hindi siya namatay. Hindi rin siya tao. Isa siyang apoy na nilikha mula sa pinagsamang galit at paghihiganti. Isang nilalang na tinawag nilang Ignarion.”
Kael looked shocked. “So… Elian, ikaw…”
“I am half fire… and half ice,” sabay pikit ni Elian. “That’s why I’ve always felt torn.”
Ngumiti si Mitena, malungkot. “Akala ko kaya ko siyang ikulong habang buhay. Pero ngayon, gumising na siya. At ang kanyang paghihiganti… ay simula na.”
Sa labas ng kastilyo, may narinig silang pagsabog.
BOOOM!!!
Yumanig ang buong Ice Realm. Nag-crack ang yelo sa pinaka-ilalim ng kanilang lupain. Naramdaman ni Elian na tila may humahaplos sa kanyang puso na para bang isang pulang sinag na pumupunit sa kanya mula sa loob.
“Elian!” sigaw ni Kael habang inaalalayan siya.
Sumisigaw si Elian habang hinahawakan ang dibdib niya.
“I… I can feel him! Kael! He’s calling me!”
Pagkatapos ng ilang segundo ng pananahimik, muling bumangon si Elian, pinagpapawisan, nanginginig, pero may apoy na sa kanyang mga mata, literal.
Nagniningas.
Hindi nasusunog pero nag-aalab.
Kael stepped back, shocked. “Elian… your eyes.”
“Kael… I think… I’m not just my mother’s son anymore.”
CHAPTER 12
Mainit.
Sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, naramdaman ni Elian ang apoy na hindi galing sa panaginip, hindi rin galing sa ibang nilalang — kundi sa loob niya mismo. Habang naglalakad siya sa pasilyo ng kastilyo kasama si Kael, kita sa paligid ang mga yelong unti-unting natutunaw sa bawat hakbang niya.
“Stop,” sabi ni Kael, hawak ang kanyang balikat.
“Kael…”
“I need to know if you’re still… you.”
Tahimik si Elian. Ramdam niyang kakaiba na ang tibok ng puso niya. Mas mabilis. Mas mabigat. Pero hindi lang dahil sa apoy — kundi dahil sa presensya ni Kael.
“Hindi ko alam kung ako pa rin ’to,” bulong niya. “Pero kahit nag-aalab na ang katawan ko… ikaw pa rin ang gusto kong kapiling.”
Nagkatinginan sila. Matagal. Tahimik. Tila bumagal ang oras.
Si Kael, nakatitig sa mga mata ni Elian — na ngayon ay tila sumasayaw sa apoy at liwanag. Ngunit sa kabila ng apoy, naroon pa rin ang parehong titig — malambot, totoo, at may halong takot na baka hindi siya tanggapin.
“Elian,” bulong ni Kael. “Alam mong hindi ako tulad mo.”
Tumango si Elian. “Alam ko. Straight ka. Alam ko naman.”
“Pero alam mo rin na hindi ito about labels.”
Napatingin si Elian sa kanya, nagulat.
“Ever since that night sa lawa… nung niyaya mo akong sumayaw kahit giniginaw na tayo… I knew something was different,” patuloy ni Kael.
“Kael…”
“I may not be like you, Elian. But when I’m with you, I feel like I don’t have to pretend.”
Naglakad si Kael papalapit sa kanya. Sinalubong niya ang apoy, kahit pawisan at nanginginig. Hinawakan niya ang pisngi ni Elian — mainit sa balat, pero hindi masakit.
“You’re not just a prince of ice… or fire. You’re just… Elian. And that’s who I…”
Tumigil siya, parang nalunok ang salita.
“Sino ako sa’yo, Kael?” mahina pero diretso ang tanong ni Elian.
Saglit na katahimikan.
Then finally, isang malalim na buntong hininga.
“You’re the one I’d choose. Kahit pa sunugin ako ng mundo.”
Tumulo ang luha ni Elian. Hindi ito yelo ngayon. Hindi rin apoy. Basta… luha. Sincero. Tao.
“Kahit hindi mo ako kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko sa’yo… thank you,” mahina niyang bulong.
Pero ngumiti si Kael. “Wag kang bobo.”
Nagulat si Elian.
“I’m not saying I don’t feel something,” sabi ni Kael. “I just don’t know what to call it. But I know one thing — I want to protect you.”
“Even from myself?”
“Yes. Even from the fire inside you.”
Biglang may umalulong sa labas. Isang sigaw na parang mula sa halimaw. Tumindig ang balahibo ni Elian.
Napaakap siya kay Kael.
Kael held him tight.
“Whatever comes next,” bulong ni Kael, “I’m with you.”
At sa gitna ng yelo at apoy, nagtagpo ang dalawang pusong hindi pareho, pero parehong handang umibig.
CHAPTER 13
Gabi.
Tahimik ang kagubatan ng Hilaga, pero bawat dahon, tila nanginginig sa papalapit na panganib. Sa gitna ng clearing, nakaupo si Elian at si Kael sa isang malaking ugat ng punong kahoy. Malapit silang magkatabi pero hindi magkadikit.
Hangin. Bughaw ang buwan. Kumikinang ang yelo sa paligid nila, pero sa dibdib ni Elian… naglalagablab ang damdamin.
“Naalala mo nung una tayong nagkita?” tanong ni Kael habang nakatingin sa kalangitan.
“Hmm,” tumango si Elian. “Akala ko lalaban ka. Pero tinulungan mo pa akong tumayo.”
Kael smiled. “Akala ko sirena ka. Pero ‘yung tinig mo… parang may kulog.”
“Hindi ako sirena. Ice prince ako with a temper,” natatawang sabi ni Elian.
Tahimik.
Pero ibang klase ang katahimikang iyon. Hindi awkward kundi puno ng tensyon. Puno ng damdaming hindi pa binibigkas.
“Elian…” sabay lingon ni Kael. “What happens kung sabihin ko sayo na… hindi ko na kayang itago?”
Napatingin si Elian sa kanya. “Itago ang alin?”
“‘To.”
At bigla niyang hinawakan ang kamay ni Elian. Hindi siya umatras. Sa halip, naramdaman niya ang init. Hindi lang init ng apoy niya… kundi init ng isa pang taong naglalakas loob.
“Kael…”
“Hindi ako sigurado kung ano ‘to. Hindi ako sanay. Pero when I’m with you… I don’t feel lost anymore.”
Lumapit si Elian. Dahan-dahan. Para bang bawat segundo ay sinisigaw ang matagal nang tinatago.
“Gusto mong malaman ang totoo?” tanong ni Elian, halos pabulong.
“Gusto ko.”
“Elian,” sabi ni Kael, “I don’t care if the world calls me straight, confused, or whatever… Basta ikaw ang pinili ng puso ko.”
Parang sumabog ang buwan sa sobrang liwanag ng emosyon. Tumulo ang luha ni Elian pero ngayon, kasabay nito ang pagbukas ng paligid.
Sa harap nila, sa di kalayuan, may pumutok na yelo. Mula roon, lumabas ang isang nilalang na may pulang mata, balat na parang abo, at mga pakpak na yelo na may apoy sa dulo.
“Anak ni Mitena,” wika ng halimaw, “At tagapagmana ng Apoy ng Silangan… Sa wakas, magtatagpo rin tayo.”
Napalunok si Elian. Napatayo si Kael.
“Sino ka?” sigaw ni Kael.
“Siya ang dahilan kung bakit ako may apoy,” bulong ni Elian. “At kung bakit si Mama… nawala.”
Ngayon, hindi lang damdamin ang kailangang ipaglaban kundi ang sarili nilang buhay. Pero isa ang malinaw:
Hindi na sila mag-isa.
Kahit bumalot ang dilim, kahit lumaban ang apoy at yelo sa isa’t isa…
Ang puso nila, iisa lang ang pintig.
CHAPTER 14
Nakatayo si Elian at Kael sa gitna ng clearing, tahimik pero alerto, habang ang nilalang na may pulang mata ay dahan-dahang lumalapit. Ang hininga nito ay may amoy ng paso at lamig ng kamatayan. Sa bawat hakbang, natutunaw ang yelo sa lupa pero muling nababalutan ng yelo sa likod nito, parang sinasadyang paglaruan ang balance ng mundo.
“Anak ni Mitena,” ulit ng nilalang. “Taglay mo ang kanyang yelo… at taglay ko ang kanyang pagkukulang.”
Nag-init ang dibdib ni Elian. “Sino ka ba?”
Tumawa ang halimaw, isang tunog na parang halakhak ng nawalan ng katinuan. “Ako si Skaed, anak ng apoy. Dati akong tagapagtanggol ng South Flame Realm hanggang ipagkanulo ako ng ina mo.”
Kael stepped forward, nakataas ang kamao. “Hindi mo siya kilala. Hindi mo rin kilala si Elian.”
“Ah, Kael. Anak ng mortal, tagapagmana ng apoy, lingid sa ‘yong kaalaman… may dugo ka ng Flame King sa iyong ugat.”
“What?” halos sabay na tanong nina Elian at Kael.
Napatras si Kael, parang tinamaan ng katotohanang hindi niya kayang lunukin. “Anong ibig mong sabihin? Wala akong kapangyarihan. Normal lang ako!”
“Hindi. May apoy kang natutulog. At ‘yang nararamdaman mong koneksyon kay Elian ay hindi aksidente. Dahil kayo, magkaibang bahagi ng parehong hula.”
Nagkatinginan sina Elian at Kael.
“Hula?” bulong ni Elian.
Tumango si Skaed. “Dalawang magkaibang nilalang mula sa yelo at apoy. Kapag nagkaisa, sila lang ang kayang magpabagsak sa akin… o kaya’y magwasak ng buong mundo.”
Kinagabihan, sa loob ng isang kweba sa bundok ng niyebe, naglatag si Kael ng apoy habang si Elian naman ay tahimik na nakaupo sa tabi niya.
“Kael…” basag ni Elian sa katahimikan. “Kung totoo nga ‘yung sinabi niya… ibig bang sabihin, pinagtagpo tayo ng tadhana para sa giyera?”
Kael shook his head. “Hindi ko alam. Pero sigurado ako sa isang bagay.”
Napalingon si Elian sa kanya.
“Pinili kita, Elian. Kahit walang hula. Kahit walang giyera. Kahit… kahit sa ordinaryong mundo lang tayo nagkita.”
Tumitig si Elian sa kanya, ramdam ang bigat sa puso. “Pero paano kung ako ang maging dahilan ng pagkasira ng lahat?”
Kael smiled. “Then sabay nating ayusin.”
Dumampi ang noo ni Elian sa balikat ni Kael. Tahimik. Malamig ang paligid, pero mainit ang mga puso nilang dalawa. Sa isang mundong puno ng lihim, sila lang ang malinaw sa isa’t isa.
Sa malayo, sa madilim na bulubundukin, pinagmamasdan sila ni Skaed.
“Magpahinga kayo, mga anak ng hula,” aniya. “Dahil sa susunod na pagkikita natin… isa sa inyo ang kailangang mamili: ang pag-ibig… o ang buong mundo.”
CHAPTER 15
“Isa lang ang paraan para mabuhay kayo,” sabi ni Isolde, ang tagapangalaga ng Northern Rune, habang nakatayo sa harap nina Elian at Kael. “Matutunan n’yong gamitin ang kapangyarihan n’yo nang magkasama.”
Maaga pa lang ay naroon na sila sa gilid ng isang frozen lake. Sa paligid, puro kahoy na may yelong tila kinagat ng mahika. Tahimik si Elian habang pinagmamasdan ang sariling palad, parang may hinahanap.
“Elian,” sabi ni Kael, palapit. “Okay ka lang?”
“Sa totoo lang, hindi,” sagot niya. “May part ng sarili ko na natatakot… kasi kung tama si Skaed, puwedeng magkasira tayo.”
“Pero may choice tayo, ‘di ba?” hinawakan ni Kael ang balikat niya. “At pinili kitang samahan, tandaan mo ‘yan.”
Napayuko si Elian, ngumiti. “Salamat.”
“Alright, lovebirds!” sigaw ni Isolde. “Simulan na natin. Step one: control.”
Unang Araw
Si Elian, tinuruan kung paano kontrolin ang snowstorm na di niya sinasadyang nabubuo sa tuwing kinakabahan siya. Mahirap sa una. Naka-ilang beses siyang napatumba ni Isolde gamit ang staff ng yelo, habang si Kael ay pinipigilan ang pagtawa.
“Focus, Elian!” sigaw ni Isolde. “Hindi mo kailangan ng drama, kailangan mo ng disiplina!”
“Yes, coach!” sagot niya, tumayo kahit nanginginig.
Nang siya’y makapag-concentrate, isang maliit na whirlwind ng snow ang nabuo sa palad niya, ito ay manipis, pero puro.
Ikatlong Araw
Si Kael naman, nagtaka. Wala raw siyang apoy. Pero nang pinatayo siya ni Isolde sa gitna ng frozen ground, at hinarap kay Elian na nagpapasabog ng yelo, doon ito nangyari.
“Nakakainis ka na, Elian!” sigaw niya, habang tinamaan siya ng malamig na blast. “Sabi ko huwag mong gawin ‘yun!”
Biglang may umalab sa kanyang palad — literal. Nagliyab ito, hindi masakit, pero matinding init.
“WOAH!” sigaw ni Elian, umatras. “Kael! You’re burning!”
“I know! Pero ang cool!” tawa ni Kael, habang nagliliyab ang mga kamay niya sa kauna-unahang pagkakataon.
Napatango si Isolde. “Finally. Gising na rin ang apoy sa ‘yo.”
Ika-limang Araw
Sa kalagitnaan ng isang mock battle, pinaharap sila ni Isolde sa isa’t isa.
“Now, gamitin n’yo ang powers n’yo. But this time, sabay.”
“Ready ka na?” tanong ni Kael, nakangiti.
Tumango si Elian. “Kahit hindi, basta nandito ka.”
Hawak ni Elian ang malamig na hangin, habang si Kael ay may apoy sa kamao. Pinagsama nila ang kanilang lakas at isang malaking flash ng steam ang bumalot sa paligid, parang ulap na buhay.
Nang luminaw, may spiral sa gitna ng clearing: ice and fire combined, swirling in harmony.
“Success,” sabi ni Isolde, proud. “Pero huwag kayong kampante. Sa labas ng training ground na ‘to… wala nang safety nets.”
Nagkatinginan sina Elian at Kael, parehong pawisan, parehong pagod.
Pero sa ngiti nila, malinaw: handa silang sumabak, basta magkasama.
Habang nagpapahinga sila sa ilalim ng punong may mga nagyelong dahon, bumulong si Elian.
“Kael… sa tingin mo, tayo pa rin ‘to kapag natapos ang giyera?”
Tumingin si Kael sa langit, bago sumagot. “Kung sakaling hindi… papiliin ako ulit ng tadhana.”
“At?”
“Ikaw pa rin ang pipiliin ko.”
At doon, sa gitna ng yelo at apoy, alam nilang mas matibay pa sa mahika ang ugnayang nabuo sa kanila.
CHAPTER 16
Tahimik ang gabi sa Northern Glacien. Ang buwan, bilog na bilog, tila nakamasid mula sa itaas habang nagpapahinga sina Elian at Kael matapos ang isa na namang araw ng training. Pero hindi mapakali si Elian. May bumabagabag sa kanyang mga tanong na matagal na niyang tinatago.
“Kael, gising ka pa ba?” bulong niya habang nakahiga sa fur blanket.
“Mm-hmm,” sagot ni Kael, nakapikit pero gising. “Di mo mapakali, ‘no?”
“Oo. Parang… may hindi sinasabi si Isolde. Tungkol kay Mama.”
Umupo si Kael, tinapik ang puwesto sa tabi niya. “Halika. Tara sa great hall. Baka nandoon si Isolde.”
Habang naglalakad sa yelong pasilyo ng kastilyo, kita ni Elian ang mga ukit sa pader, mga kuwento ng kanilang lahi. Mga reyna ng yelo, mga mandirigmang may pakpak ng niyebe, at isang babae… si Mitena.
Pero may isang ukit na nagpatigil sa kanya.
“Kael… tignan mo ‘to.”
Isang imahe ng dalawang magkapatid, isang babae na may korona ng yelo, at isang lalaki na tila… may sungay ng anino. Magka-akbay sila, pero sa ilalim ng ukit, may nakasulat na salitang lumang wika: “Nagkahiwalay sa kadiliman.”
Biglang lumitaw si Isolde mula sa likod.
“Oras na, Elian,” sabi niya, malumanay. “Dapat mo nang malaman ang totoo.”
Sa loob ng silid-aklatan ng yelo, inilahad ni Isolde ang lihim ni Mitena.
“Ang nanay mo… hindi lang basta reyna. Isa siyang tagapangalaga ng balanse sa pagitan ng yelo at dilim. Noon, may kapatid siyang si Skaed, ang panganay, ang tagapagmana dapat.”
Napakunot-noo si Elian. “Si Skaed… tiyuhin ko?”
Tumango si Isolde. “Oo. Pero nung nalaman niyang mas pinili si Mitena ng mga Matatanda ng Glacien para mamuno… pinili niyang maghimagsik. Naglaho siya sa anino. At dinala niya ang kanyang galit sa mundo ng dilim.”
“At ako?” mahinang tanong ni Elian. “Bakit niya ako gustong patayin?”
“Pinanganak ka sa prophecy. Ikaw ang tinatawag na Anak ng Yelo’t Liwanag. Ang makakabawi sa anino ng iyong tiyuhin.”
Humigpit ang hawak ni Kael sa kamay ni Elian. “Bakit ngayon lang ‘to sinasabi sa kanya?”
“Proteksyon,” sagot ni Isolde. “Kapag nalaman ni Skaed na alam mo na, mas lalo siyang magiging mapanganib.”
Napatitig si Elian sa isang lumang portrait ni Mitena, ang mata nitong tila umiiyak ng niyebe, pero matatag.
“Kung anak ako ng yelo’t liwanag… anong gagawin ko ngayon?”
“Matuto kang magpatawad,” sagot ni Isolde. “At matuto kang lumaban. Hindi para gumanti, kundi para itama ang kasaysayan.”
Sa labas ng kastilyo, habang malamig ang simoy ng hangin, niyakap ni Elian ang sarili.
“Kapatid ng nanay ko si Skaed… kaya pala ganito ang galit niya.”
“Kung ako si Elian,” sabi ni Kael, tumabi sa kanya, “hindi ko alam kung makakaya kong harapin ‘yan. Pero… nandito ako.”
Tumitig si Elian sa kanya. “Kael…”
“Alam kong mahirap. Pero kung ako ang magiging liwanag mo sa gitna ng yelo, okay lang sakin.”
Ngumiti si Elian, may luha sa mata. “Ikaw lang ang gusto kong kasama sa laban na ‘to.”
At habang ang buwan ay unti-unting tinakpan ng ulap, alam nilang mas malapit na ang bagyong paparating.
CHAPTER 17
Kinabukasan, nabalot ng tensyon ang buong Northern Glacien. Sa gitna ng bulwagan, nakapalibot ang mga elder, warriors, at si Isolde naman ay nakasuot ng battle cloak ng Royal Guard. Si Elian, nakatayo sa gitna, suot ang puting balabal ng kanyang ina. Sa kanyang balikat, naroon ang crest ni Mitena ang niyebeng ibon.
“Magsisimula na ang pagsalakay sa Shadow Gate,” wika ni Isolde. “Nandun ang puwersa ni Skaed. At ang huling bahagi ng prophecy… doon magaganap.”
“Handa na kami,” sabat ni Kael. Suot niya ang armor na gawa sa Froststeel, at sa kanyang tagiliran ay ang enchanted sword na ibinigay ni Isolde.
“Kael,” sabi ni Elian, “sure ka ba talaga? Hindi mo kailangang sumama.”
“Elian,” ngumiti ito, pero seryoso, “baka nga ‘di ko pa alam lahat tungkol sa mundo n’yo. Pero alam ko sa sarili ko na hindi kita iiwan sa laban man o hindi.”
Tumango si Elian, pinilit ang ngiti. Sa totoo lang, gusto niyang yakapin si Kael nang mahigpit. Pero sa harap ng mga tao, kailangan niyang magpakatatag. Isa na siyang anak ng yelo’t liwanag, hindi lang basta prinsipe kundi mandirigma rin.
Habang naglalakad papunta sa Shadow Pass, bumigat ang simoy ng hangin. Ang mga yelong bundok na madalas nilang ginagalawan ay tila tahimik ngayon, parang may hinahandang sigwa.
“Elian…” bulong ni Kael, “ano sa tingin mo ang itsura ng Shadow Gate?”
“Isa siyang pintuan patungo sa pagitan ng mga mundo. Kalahating dilim, kalahating alaala.”
Pagdating nila sa lambak ng Valkra, naroon na ang unang senyales ng anino: ang mga Shadow Crows ni Skaed. Itim ang mga ito, may matang pula at tinig na parang sigaw ng multo.
“Brace yourselves!” sigaw ni Isolde.
Bigla silang sinalubong ng mga nilalang mula sa dilim na may hugis tao, pero walang mukha. Tumalon si Elian at agad naglabas ng yelong sibat mula sa kamay.
“Para sa Northern Glacien!” sigaw niya.
Mabilis ang labanan. Si Kael, bagama’t hindi galing sa mundong ito, ay sanay sa espada. Pinoprotektahan niya si Elian habang si Isolde ay nakikipaglaban sa harapan.
Nang matapos ang unang alon ng kalaban, hiningal si Elian. “Ang dami nila…”
Isang nilalang ang biglang lumitaw sa gitna ng ulap ng itim na usok. Isang boses ang pumuno sa paligid.
“Anak ni Mitena…”
Lumitaw si Skaed, matangkad, maputla, at may matang tila lumuluha ng anino.
“Sa wakas, nagpakita ka,” wika niya. “Handa ka na bang kunin ang trono ko?”
“Tingin mo ‘yun ang gusto ko?” sigaw ni Elian. “Ayokong mamuno sa takot. Dumating ako para wakasan ‘to!”
Tumingin si Skaed kay Kael.
“Ah… at may dala ka pang tau-tauhang mortal. Anong gagawin mo kapag pinili mong iligtas siya o ang buong mundo?”
Tila tumigil ang oras. Napalingon si Elian kay Kael, si Kael na ngayon ay nakatayo pero dahan-dahang kinakain ng anino sa paanan.
“Elian…” mahina ang boses ni Kael, “…huwag mo akong pipiliin. Tapusin mo ang laban.”
“Hindi!” sigaw ni Elian. “Hindi ito dapat maging ganito!”
Nag-umapaw ang kapangyarihan mula kay Elian. Ang lupa ay nagyelo, at ang hangin ay tila pumutok. Lumipad siya sa ere, at mula sa kanyang kamay lumabas ang dalawang espada ng niyebe’t liwanag na regalo ng kanyang ina. Sa sobrang lakas, kahit ang mga anino ni Skaed ay umatras.
Ngunit hindi pa tapos ang laban. Sa likod ng Shadow Gate, may nilalang na nagmamasid, mas matanda pa sa dilim. At naramdaman ni Elian ang totoong kaaway: ang nilalang na sumanib kay Skaed.
At sa huling sigaw ni Elian, binuksan niya ang yelong sigil sa kanyang dibdib at doon nagsimulang mabasag ang Shadow Gate.
“KAEL!!!”
Isang aninong liwanag ang bumalot sa katawan ni Kael, at sa huling saglit bago sila mawala sa dilim, nagkatitigan sila ni Elian.
“Maghintay ka, ha?”
“Oo,” sagot ni Kael. “Babalikan mo ako.”
FINAL CHAPTER
Tahimik ang paligid. Wala kang maririnig kundi ang pagputok ng yelo sa ilalim ng paang ni Elian. Sa harap niya, ang Shadow Gate na ngayon ay basag, kalahati’y lumiwanag, kalahati’y puno pa rin ng anino. Sa loob nito, naroroon si Skaed, sugatan, nanginginig… ngunit buhay pa.
“Tapusin mo na ‘ko,” bulong ni Skaed. “Iyon naman ang gusto mo, ‘di ba? Ang wakasan lahat?”
Pero hindi sumagot si Elian. Sa halip, lumapit siya. Sa kanyang mga palad ay lumiwanag ang yelo at hindi ito malamig, kundi mainit, parang yakap ni Mitena.
“Hindi ko gustong pumatay,” wika niya, mababa pero matatag. “Gusto kong tapusin ang kadilimang ‘to. Pero hindi sa paraan ng paghihiganti.”
“Pagkalinga?” natawa si Skaed, duguan ang labi. “Galing sa isang anak ng reyna ng yelo? Kalokohan.”
“Ang lamig ng yelo ay hindi hadlang sa pag-ibig,” sagot ni Elian. “Kundi isa itong paalala na kahit sa gitna ng nagyeyelong mundo, puwedeng mamuhay ang pag-asa.”
Mula sa likod ng gate, nagsimulang umalulong ang nilalang ng kadiliman ang orihinal na halimaw, mas malakas pa kay Skaed. Ito ang tunay na ugat ng Shadow Gate, ang halimaw ng mga takot at trauma ng nakaraan.
Ngunit ngayon, hindi na nag-iisa si Elian.
Biglang lumiwanag ang paligid. Sa gitna ng liwanag, isang anino ang lumitaw hindi itim, kundi kulay pilak.
“KAEL!” sigaw ni Elian, nanlaki ang mata.
Lumabas si Kael, buhay. Suot ang isang armor na gawa sa mga liwanag ng alaala na kaloob ng mismong sigil ni Elian. “Sorry, na-late ako. You know me, lagi namang nahuhulog sa maling lugar.”
Napangiti si Elian, kahit may luha. “Halika na. Taposin na natin ‘to.”
Sabay silang humarap sa nilalang ng dilim. At sa huling pagkakataon, magkasamang lumaban ang prinsipe ng yelo at ang lalaking mula sa mundo ng mga mortal. Magkaibang mundo, pero iisa ang layunin.
Lumipad si Elian at binuksan ang huling sigil ni Mitena ang Frozen Aurora , isang pagsabog ng yelo’t liwanag na kayang takpan ang langit.
“Para sa lahat ng nawalan. Para sa mga iniwan. Para sa mga lumalaban,” sigaw niya.
Si Kael naman, buong lakas na ibinato ang kanyang espada, at sabay silang tumalon at hinayaan ang puso nilang magdesisyon kung sino ang mananatili.
Nang bumalik ang liwanag, tahimik ang paligid. Wasak ang Shadow Gate. Wala na si Skaed. Wala na ang dilim.
Sa gitna ng yelong lambak, nakatayo si Elian na sugatan, pagod, pero buhay. Sa tabi niya, si Kael, nakaupo sa isang tipak ng yelo.
“Buhay tayo,” ngumiti si Kael.
“Buhay ka,” sagot ni Elian, huminga ng malalim.
“At buhay ka rin,” sabay kurot sa tagiliran ng prinsipe.
Nagkatawanan silang dalawa. Sa wakas, walang anino, walang halimaw, walang hadlang. Sa gitna ng nagyelong mundo, mainit ang titig nila sa isa’t isa.
“Anong plano mo ngayon, Elian?” tanong ni Kael, seryoso na.
“Tayo,” sagot ni Elian. “Tayo ang plano ko.”
Makalipas ang ilang linggo, sa bagong itinayong bulwagan ng Northern Glacien, may kasal na naganap. Hindi tradisyonal. Hindi rin inaasahan. Pero totoo.
Si Elian at Kael na suot ang kanilang snow-white cloaks ay humarap sa lahat, sabay na nanumpang sa kahit anong bagyo o niyebe, sila’y magtatagpo’t mananatili.
At sa likod nila, isang alingawngaw ng yelo’t hangin ang bumati: ang tinig ni Mitena, na tila nagsasabing, “Anak ko… sa wakas, natagpuan mo ang sarili mo.”
Sa gitna ng malamig na mundo, isang mainit na pag-ibig ang nanalo.
At iyon ang simula ng bagong alamat.
Wakas

