loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Oh Boy! I Love You!

Oh Boy! I Love You!

AlbertLang · 66 chapters · 133,097 words

The One Year Ago

Prologue

Kung mayroong mukhang sinasabi nilang “could launch a thousand ships,” mata lang ni Jessie ang katapat ng thousand na yun para lumubog. 

Second year ako nang una akong matitigan ng mga matang iyun. Nakauniporme pa ako, puting polo na may logo ng school sa bulsa. Black pants. Leather shoes. 

Sa CR yun. Recess. Pagkatapos kong magwiwi, pumunta naghugas ako ng kamay. Naghuhugas na rin siya ng kamay niya, nang napansin ko siya sa salamin, nakatingin sa akin. Tumingin din ako. Tinitigan niya ang mata ko. Papangiti na ako nun eh, pero binawi ko. Parang hindi iyun ang gusto niyang makita.

Hindi ko alam ang dapat mararamdaman. Hindi ko pa alam ang pangalan niya noon. Hindi pa kami magkakilala, pero ang tingin niya, parang naging bahagi na ako ng ala-ala niya. Para matapos na, ngumiti na lang ako at tumalikod.

Nakadalawang hakbang na siguro ako nun, papalabas na ng CR nang maramdaman ko ang bigat ng kamay niya sa balikat ko. Itinalikod ako ng kamay at pagkaharap ko sa kanya, itinulak niya ako sa pader. 

Nagulat ako sa mga nangyayari. Umihi lang ako, naghugas ng kamay, ngumiti. Tapos ngayon, may lalaking nakadagan sa akin. Tinutulak ako sa gilid ng pader.

Nandiri ako dahil kahit tiles iyun, pader pa rin iyun ng CR ng lalaki. Amoy pa lang nun dumidikit na, paano ngayong ako pa ang nakadikit sa mga naninilaw na nitong tiles.

Pero mas nanaig ang takot ko nang umangat ang paa ko sa sahig at naramdaman ko ang sakit ng pagkakadagan ng malaking lalaking ito sa katawan ko.

Lumapit ang mukha niya sa aking mukha. Nararamdaman ko ang init ng kanyang paghinga sa aking pisngi. Hindi ko na naisip mandiri sa lugar, mas natakot na lang ako sa ginagawa niya sa akin.

Nakikita ko rin ang pag-aalinlangan niya sa kanyang ginagawa hanggang sa parang nakapagdesisyon na siya ng mararamdaman sa akin. Galit. Ngumiti lang naman ako, bakit naman nanlilisik ang tinging ibinabalik niya sa akin.

“Huwag na huwag mo kong ngingitian!” banta niya.

Binitawan niya ako napaupo ako sa sahig. Napaupo ako sa sahig ng cr ng lalaki sa eskwelahan. Dahil mas pinili kong ngumiti. 

Ang lakas ng kaba ko noon. Gusto kong umiyak. Takot, hiya, hindi ko alam. Kabadong-kabado ako. Ayokong lumabas ng cr.

Lumipas ang buong araw na iyun na hindi ko nauunawaan kung Ano ang nangyari. Bakit may masasamang tao sa mundo? At bakit ako ang naging biktima ng kasamaan nila? Ang mga tanong na ito ay umabot sa pagtulog ko. Naging bangungot ng bawat gabi ko ang mukha ng lalaking iyun, na nakilala ko rin sa pangalang Jessie.

At simula pa lang iyun.

Third year highschool ako nang tinigilan ako ni Jessie. Hindi pala tinigilan, nang mawala si Jessie. Third year kasi ako nang gr-um-aduate siya ng highschool. Natapos na ang araw na natatakot akong tumuntong sa gate ng school kasi baka nag-aabang siya, o lumabas ng klase pag recess kasi baka hinihintay niya ako. Nagkaroon nga ako ng UTI, dahil siguro sa pagpipigil ng ihi dahil ayoko nang bumalik sa CR, kahit saang CR man iyun ng paaralan. Tumigil na ang mga araw ng takot.

Pero hindi tumigil ang mga bangungot. Napapanaginipan ko pa rin si Jessie.

Entrance exam naman para sa college nang muling bumalik ang bangungot. Fourth year na ako, kasama ang mga kaklase ko sa pangarap kong university. Syempre, lalabas ng eskwelahan, civilian kami. Yung iba kong kaklase, bago pa ang damit, napaaga yata ang mga pamasko nila. Ako, simpleng white shirt, maong at rubber shoes. Mukha kaming hindi higschool, pero dahil isang pulutong kami, alam na ng mga tagadoon na magkakaklase kami. Sa pagturo nila sa isang dormitory, may nakita akong isang multo. Hindi pala multo, halimaw. Si Jessie.

Parang bahay na niya ang lugar. Komportable siya sa cargo shorts at loose black shirt. Nakaangat ang manggas niya na iniyayabang ang malalaki niyang braso. Hindi ako naimpress, natakot ako.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Tinanggal ko pa ang salamin ko para punasan, baka lumalabo lang. Pero kailangan kong tiyakin, lumingon ulit ako. Si Jessie nga, at hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Umiwas na lang ulit ako  at nagmadali. Alam ko sa bawat lakad namin, nakasunod ang tingin ni Jessie. Nananakot, isa na naman ako sa mga barkong pinalulubog ng kanyang mga mata.

Nakatalikod man ako ay parang nakikita ko siyang papalapit. Kahit nasa building na ako ng exam ay nararamdaman ko ang pagtitig niya. Parang nasa labas siya ng room nang habang sinasagutan ko ang test papers. Hindi ako maka-focus sa test, hindi effective ang baryang nilagay ko sa loob ng medyas ko para matanggal ang kaba ko. Kung sa entance pa lang, e hindi na ako maka-focus, paano pa pag student na ako dito? Gusto ko pa ba ’to?

Isa ako sa mga huling nakatapos sa exam. Hindi dahil sa nahihirapan ako, kundi dahil iniisip ko na rin kung paano ako uuwi. Ang daan na nilakad namin papunta sa building ang daan ko din pauwi.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang matanawan ko ang dorm nina Jessie. Hapon na naman, wala na siguro siya, pero bakit nandito pa rin ang kaba ko? Naging mabilis na lang ang mga hakbang ko, at lalong bumilis pa nang nasa tapat na ako ng dorm.

Wala akong planong tumigil ngunit nakita ko na lang na may isang lata ng coke na papalapit sa mukha ko. Hindi ako nakaiwas. Ang sakit. Hindi pa pala bukas ang lata, may laman pa. Malakas ang pagkakabato, na pagtama sa pisngi ko ay napaigtad ang katawan ko. Nadapa ako sa lupa. Iyun, pagkatapos ng coke in can,mga paa ang sumunod kong nakita, lupa. Kilala ko ang mga paang ito.

Naramdaman ko na lang na may kamay na kumakapa sa pwet ko. Kinuha ang wallet ko. Nilingon ko habang papatayo ako pero may sipa nang tumama sa tiyan ko. Tama, paa nga ito ni Jessie ito, hindi ko malilimutan ang sakit ng mga sipa niya. Napahiga ako at napahawak sa tiyan, nakatingin lang ako sa mukha ni Jessie. Nakangisi sa ginagawa niya.

“Ikaw bakla ka, hindi ka pa ba nadadala at sinundan mo pa ako dito?” pananakot niya.

Maraming mali sa sentence niya. Hindi ko siya sinundan, dalang-dala na ako sa kanya, at hindi ako bakla. Pero wala akong nasabi, tumitig lang ako sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako sinasaktan, kung ano ang pinagmumulan ng galit niya, at habang pinoproseso ko ang mga bagay na ito sa utak ko, ay itinaas niya ako mula sa kwelyo.

Malaki pa rin si Jessie, at ang laki niyang iyun ay may kaakibat na lakas. Naramdaman ko ang lahat ng iyun nang sapakin niya ako. Hindi na niya ginalang ang salamin ko na tumalsik at sa tunog na narinig ko, nabasag. “Subukan mong mag-aral dito at umpisa pa lang iyan.”

Sinigurado niyang durog ang salamin nang lumyao siya sa akin at tapakan ang mga ito. 

Hirap akong tumayo sa sakit nang pagkakasipa niya. Nadagdagan pa ang kaba at takot ko nang marinig kong papalapit na naman siya. Ano pang nakalimutan niyang saktan sa akin? E pati atay ko, parang kumikirot na. 

Nagulat na lang ako nang mapansin kong may ikagugulat pa ako. Isang bukas na kamay ang tumapat sa akin. Napatingin ako sa may ari ng kamay. Hindi ito si Jessie, sigurado ako. Pero hindi ko siya makilala dahil sobrang blured ng paligid. Higit sa wala akong salamin ay tuluyan nang nawala ang araw.

“You, okay?”

Ang baba ng boses niya, ang lamig. Parang doon pa lang, umayos na ang pakiramdam ko. Nakatayo ako nang tuwid. “Aray!” pero masakit pa rin pala. Inalalayan niya ako ulit. Ako naman, sumama lang. iika-ika akong nakarating sa kotse niya.

“Where are you staying? Hatid kita.”

“Kaya ko na.” Hindi ako sumakay sa kotse.

“Sige na. I’m not a bad person.”

May tunog ang boses niya na parang nagsasabi siya ng totoo. Pero hindi iyun ang nagpasunod sa akin. Kinapa ko ang bulsa ko, wala akong pitaka.

“Marikina, Sto. Nino.”

Iniabot niya sa akin ang telepono niya, ipinalagay sa GPS ang lugar ko. May something sa boses niya na napapasunod ako. Hanggang subdivision lang namin ang ni-type ko. Baka magnanakaw ito e. Pero hindi na siya nagtanong pa. Sumakay na kami sa kotse.

Napansin siguro niya na hindi nga ako masalita kaya naman sa kotse, sa biyahe, wala kaming imikan. Nakikita kong gumagalaw ang ulo niya, nililingon ako, pero hindi ko siya hinaharap, nahihiya ako. Nakita niya kung paano ako gulpihin ni Jessie. Hindi ko naman siya masisi kung bakit hindi niya ako ipinagtanggol kasi kahit ako nga, hindi ko maipagtanggol ang sarili ko sa takot. Doon na ako naiyak. Ang hina-hina ko.

“This is all I have.” May maliit na telang pouch ang kinuha niya. Inalis ang orange na reading glasses na nasa loob. Iniabot sa akin ang tela.

Hindi ko ito kinuha. Tinakpan ko na lang ng mga kamay ko ang mukha ko.

Wala na akong narinig sa kanya hanggang sa makarating sa subdivision namin.

Bumaba ako, pero hindi ako nakalakad kaagad.

“Sakay ka ulit!” utos niya.

Lumingon ako.

“Scared to go home?” tanong niya. “You can join me for a while. Just until you figure out how to explain yourself to your parents.”

Tama siya kaya’t sumakay na rin muna ako.

Nagmaneho siya. Deretso lang ang tingin ko. Pamilyar ang kalsada. Nakadaan na ako minsan dito, alam kong hindi na ito Marikina o bahagi man lang ng National Capital Region. Pero ang gilid na bahagi ng mata ko, napapansin ang maya’t mayang pagtingin sa akin ng lalaking pinagmamaneho ako. Minsan may ngiti siya, minsan parang curious lang. Hindi ko siya tiningnan. Nahihiya ako.

Gabi na iyun, at nang tuluyan nang mawala ang araw ay nasa Antipolo na kami. Hindi sa simbahan, dun lang sa paliko-likong daan kung saan siya pumarada. Bumaba siya.“

“Just a while.”

May kinuha siya sa trunk at may inayos sa labas.

“Lika muna!” tawag niya.

Lumabas naman ako.

May blanket sa sahig, Umupo muna ako. Nakita ko ang langit na puno ng mga bituin, at kapag binaba ko ang tingin ko, parang dagat ng ilaw din ang nakikita ko, Ang ganda. Kahit malabo ang mga mata ko, nakikita ko ang pagkislap nila.

Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang lamig.

“Feeling better now?” bumalik siya at hinagisan ako ng isang lata ng beer.

“Bata pa ako.” sabi ko. Tumawa siya. Natawa rin ako.

“You’re lovelier when you smile.”

Parang ang ganda-ganda rin ng ngiti niya. Pero hindi ko nakikita. Sayang. Kinabisado ko na lang ang mga bagay na kaya kong tandaan. Naka blue hoodie siya. Dark ang maong pants niya na medyo skinny. Tapos chucks. Fit ang white shirt niya sa loob, at parang walang bumabakat na tiyan kahit nang umupo siya sa tabi ko.

Umakbay siya sa akin. Nagulat ako. Napatingin ako sa kanya. Hindi ako nagsasalita pero alam kong nakikita niya ang mga tanong sa nanlalaki kong mga mata at sa mga labi kong walang lumalabas na tinig kahit bahagyang nakabukas na.

Napatingin siya sa mga labi ko. Napahinga siya nang malalim bago ipaling ang tingin sa mga ilaw ng lungsod na nasa aming harapan. Ipinaling ko na rin sa ganda ng mga liwanag ang aking mga mata. Humigpit ang pagkakaakbay niya sa akin habang patuloy ang pag-inom niya ng beer sa lata.

Naiilang ako. Bago sa akin ang pakiramdam na ito. Parang gusto kong kumawala sa braso niyang nakapatong sa balikat ko, pero ang init ng pakiramdam nang pag-akbay niya. Inaalis ang lamig at ang sakit na nararamdaman ko.

Ubos na ang beer na iniinom niya nang buksan ko ang beer na hinagis niya sa akin. Tinikman ko. Napangiwi ako sa lasa.

“First timer.”

At natawa siya.

Inalis niya ang braso niya sa likod ko nang simulan niyang ubusin ang isa pang lata ng beer. Hindi rin kami nag-uusap.

Ngunit dahil nawala ang pagkakaakbay niya, kusang hinanap ng katawan ko ang kanyang init. Napadantay ang ulo ko sa kanyang balikat. Napansin ko na lang iyun nang lumingon siya sa akin. Hindi ako nagpahalatang nagulat sa ginawa ko. Pinanatili ko ang tingin ko sa mga ilaw.

Hanggang sa mag-iba na ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman ito kaba, pero parang mas mabilis sa normal.

Sumunod dito ang kakaibang init na gumapang mula sa kaliwang kamay ko, pataas sa braso hanggang sa humaplos sa puso ko. Nakahawak ang kamay ng katabi ko sa kamay ko.

Napaharap ako sa kanya. Napatitig, na kahit malabo ang aking paningin, naaaninag ko ang kagandahan ng kanyang mukha.

Nakangiti siya na talaga namang nakakatunaw.

“Your parents will look for this,” at isinuot niya sa akin ang salamin kong inapakan ni Jessie kanina. Dala pala niya ito at nasa bulsa ng jacket niya.

Nanigas ako sa ginawa niya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa nararamdaman ko ang hanging nakalibot na sa katawan niya. At kailangan ko ang hangin na yun dahil parang hindi ako makahinga. Ito siguro yung ibig sabihin ng “you take my breath away.”

Disesais anyos lang ako at hindi ko pa nararansang makadampian ang labi ng iba. Ito na ba ang unang halik ko, at sa kapwa lalaki ko. Kakayanin ko ba ito?

Hinawakan niya ang mukha ko.

Huminga muli siya nang malalim. Lumaki ang ngiti niya at napapikit. Napayuko. Napabitiw siya sa mukha ko.

“Sorry, this must be the alcohol,” sabi niya.

Kinuha niya ulit yung lalagyan niya ng reading glasses na orange at pinunasan ang mukha ko.

“That will do,” sabi niya. “Gwapo ka na ulit, hindi na halatang nabugbog.”

Napangiti naman ako.

“So, paano?” tanong niya. “Your parents are sure worrying now.”

“Uhn… Oo nga,” sabi ko na nauutal. “Tara na po.”

Hindi siya nagsalita sa buong biyahe namin. Hindi rin siya tumitingin sa akin. Kaya ako na ang paminsan-minsang tumitingin sa kanya. Minsan, ngingiti siya, minsan mapapabuntong hininga. Minsan, bigla niyang hinuli ang pagtingin ko sa kanya. Ngumiti siya. Kahit wala nang salamin ang salamin ko, nakikita ko ang tamis ng mga iyun. Sayang at hindi ko maanigan ang totoo niyang kagandahan.

“This GPS says this is your place,” sabi niya.

Nakabalik na kami sa subdivision ko.

“Sige, dito na lang ako. Salamat.”

“Sure?”

“Oo, salamat.”

Tahimik muna, bago ako nagsalita ulit. “Okay lang ba, kung kalimutan mo na lang na nangyari ito?”

Ayokong may makaalam sa mga pambubugbog sa akin ni Jessie. Kilala ko man o hindi.

“Oh, okay,” sabi niya. “Let this be your secret. Not ours. It’s okay.”

Ngumiti siya. Iisipin ko sanang sarcastic siya, pero parang totoo ang kanyang ngiti. “Salamat ulit.”

Papahawak pa lang ako sa pinto ng kotse nang makarinig ako ng click. Hindi ko na mabuksan. Na-lock ang mga pinto.

“You better take those glasses off,” sabi niya. “Just tell them it fell and got run over by a truck.”

“Salamat…” sabi ko. Gusto kong isunod ang pangalan niya, pero hindi ko pa pala nakukuha.

“If you passed the exams earlier, we will meet again. Then I will give you my name. And if you wouldn’t mind, even my surname.”

“Ha?” tanong ko. Ang haba ng sinabi niya. English pa. Pero mas nakakalito ang pamisteryosong hamon niya.

“Oh those slightly opened lips, quit that,” sabi niya. “Sige na. We’ll see each other again, and by that time, we cant blame what will happen on the liquor.”

Natawa siya. Pero ako, sinara ko na lang ang bibig ko kahit nagtataka pa rin ako sa mga pinagsasabi niya.

Iyun ang aking bagong pinag-isipan. At iyun din ang paminsan-minsang pumalit sa mga masasamang panaginip ko kay Jessie. Ang mga halik ni… Hala! Bakit ba hindi niya binihay ang pangalan niya.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Who Must Have A Name

CHAPTER 1

Sixteen lang ako. Lalaki ako. Maling mali itong nakadikit ang mga labi ko sa labi ng lalaking ito. Hindi ko nga alam ang pangalan nito. Pero ang lambot ng mga labing ito. At ang ritmo ng galaw ay sumasabay sa tibok ng puso ko. 

Galing malamang sa mga pari ang idea na mali ang ganitong gawain, kasi kung mararanasan nila ito, marahil ay idodoktrina na nila itong gawin ng lahat. At susunod na ang world peace. Siguradong sigurado ako dito. Tulad ng mga nagbabarilan, kung maisip nilang maghalikan na lang nang ganito, ay, mas masarap sa pakiramdam.

Hanggang sa makarinig ako ng barilan. Napadilat ako. Hindi pala barilan ang naririnig ko kundi ang mga katok sa pinto ng kwarto ko. Narinig ko ang boses ni Kuya Albert. Ang kuya kong sa dami-dami ng araw, e bakit ngayon pa naisipang pumunta sa bahay at magsisigaw.

“Alex! Yung alarm mo! Gising na!”

“Gising na ako.” Sabi ko habang dini-dismiss ang phone kong nasa baso na mukhang kanina pa nga nag-a-alarm.

Kinuha ko ang journal sa side table ko. Nagkaputukan. Naghalikan kami, ang lambot. Priest should make this their doctrine. Napaisip ako, hindi kami naghalikan. Hay.

Kung ang ibang mga tao nagsusulat sa diary bago matulog, ako pagkagising. Kailangang maisulat ko ang napanaginipan ko, dahil doon ko na lang naisasabuhay ang nangyari sa akin noong entrance exam.  Wala akong planong makalimot, maging sa kanyang hamon. Dahil habang inaalala ko yun, nagiging maayos ang tulog ko, nawawala ang bangungot na gawa ni Jessie.

Pero masasagot ko na ang misteryo ng lalaking tumulong sa akin laban kay Jessie. Natupad ko ang challenge niya. Nakapasa ako. Makukuha ko ang pangalan niya. Apat na taon din akong mag-aaral sa unibersidad niya, malamang, magkakabangga at magkakabangga kami.

“Makakatulog ka lang ulit, kapag hindi ka pa bumangon diyan! Open this door now!” patuloy pa rin ang katok ni Kuya.

Tama naman ang imagination ni Kuya. Nakahiga pa rin ako, pero sana hindi niya nai-imagine ang kahubdan ko. Binalot ko na lang sa bewang ko ang kumot para matakpan ang katawan kong bacon na brief lang ang suot. Mabigat ang mga paa kong papunta sa pinto para pagbuksan ko si kuya.

Yakap ang isinalubong niya sa akin. “College ka na ’tol! Congrats! Excited na?” Nakasando lang si kuya, shorts at rubber shoes. Iniyayabang na naman ang mapipintog niyang mga braso at binti.

“College lang naman to, kuya,” tanggi ko na napapahikab pa. “Alas sais pa lang, alas nueve pa pasok ko.”

“E nag-aalarm na yung phone mo! ’Tol! Schoolmates na tayo, mababantayan na kita lagi.” Nang bumitiw si kuya ay bumitiw din ang pagkakaipit ng kumot ko sa bewang ko.

Nakahubad ako sa harap ng aking nakattandang kapatid. Naapansin ko ng kakaiba niyang ngiti habang nakatitig sa akin.

Hanggang sa hindi siya makatiis, hinawakan niya ang braso ko. Sinuri. Marahan din niyang sinuntok ang dibdib ko. At huli, pinalo niya ang pwet ko at pinisil. Unti-unti, naging tawa ang ngiti niya.

“Palaki ka pa. Hindi pwede sa college na patpatin tulad niyan.” Lumabas si kuya ng kwarto at bumaba. “Ligo ka na at papasok na tayo!”

Tumuluy tuloy si kuya sa pagbaba ng hagdan na tumatawa.

Kailangan bang magpalaki kasi college na? Pinagmasdan ko ang katawan ko sa salamin. Anubang nakakatawa dito? Okay na naman ang katawan ko. Wala pa akong abs, parang growing up abs lang ito, yung basic na flat na tiyan sa mga nagbibinatang hindi mataba. Mas okay na ito kesa sa poverty abs, yung abs ng mga tambay na bumabakat na sa gutom.

Pwede na rin itong mga brasong pinalaki ng kapu-push up sa CAT, hindi nga lang sinlaki ng kay kuya, pero pwede na ito. At itong dibdib ko, parang kelangan pang patambukin, parang itong pwet ko. Hindi na rin ako dapat nagsusuot ng nogar na brief. At napansin ko ang nasa loob ng nogar na brief. Tinigasan ako. At naalala ko ang panandaliang paghawak ni Kuya sa pwet ko.

Wala yun. Walang ibig sabihin.

Matapos ang fifty push ups, magtanggal ng brief at magtapis ng twalya, inilagay ko na ang contact lense ko. Luminaw na sa wakas ang paligid. Tumingin ako sa study table ko. Sa isang bahagi noon, naka frame pa ang frame at basag-basag kong salamin na “got run over by a truck.” Kinuha ko ang journal sa kama upang ituloy ang sinusulat ko pero wala na. Nakalimutan ko na ang napanaginipan ko. Bumaba na lang ako para maghanda ng agahan.

Tumayo si kuya mula sa panonood ng tv sa salas at nilapitan ako. 

“Ano yang nagbubukas ka pa ng ref?” Tuluy-tuloy na si Kuya habang tinutulak ako papunta sa CR. “Maligo ka na!”

“Mauna ka na, kaya ko na ’to!”

“Sabi ni Daddy, samahan daw kita.”

“Sinunod mo naman.”

“Gusto ko rin, I wanna be the one to orient you sa school natin.”

Papalag pa ako nang buhatin ako ni kuya at ipinasok sa banyo. “Sige na! Bilisan mo na at kailangan maaga ako, may presentation kami sa orientation. You should see it. It’s hilarious.”

Mahigpit ang kapit ko sa towel. Pag bumagsak ito tulad nung kumot, makikita ni kuya ang tinatago ko. At nakakahiya, tumitigas na naman kasi. Inilayo ko na lang ang iniisip ko.

“Kuya, first day of school lang,” sabi ko. “Wala namang kakaiba.”

Kunwari lang naman akong hindi excited sa bagong school. Pa-cool lang, pa usual event lang sa life kunwari, pero ito na siguro ang hinihintay ko talaga. Bagong buhay. Bagong routine.

Siguro, dahil hindi ko na classmates ang mga kaklase ko sa top, e magiging ako na ang mangunguna sa klase. Pwede naman kahit ilan sa top sa college, kahit ilan ang pwedeng cum laude, malamang isa ako dun, hindi na nga lang suma, sobra nang pangarap iyun. At iba pa. Iyan ang mga tumatakbo sa isip ko habang naliligo. Hindi pwedeng mag-concert, may ibang tao.

Paglabas ko ng banyo, iba na ang amoy ng bahay. May fried rice. Ang inakala kong iluluto ko, niluto na ni kuya. Antagal ko palang maligo.

“Mamaya ka na magbihis, let’s eat first,” aya ni kuya.

Magulo pa ang buhok ko. May mga tumutulo pang tubig sa katawan ko dahil hindi pa napupunasan ng twalya. Gusto ko munang magmadaling magbihis, pero hinawakan ni kuya ang kamay ko. Bago pa ako makarating sa hagdan ay hinila niya ako papalapit sa kanyang katawan. Niyakap niya ulit ako nang mahigpit at sa pagkakataong ito, nawirduhan na ako. Kanina pa yakap nang yakap si Kuya sa akin.

Nakayakap pa rin siya nang iupo niya ako sa hapag.

Bacon, itlog na sunny side up, at sinangag. Wow. Perfect ito kung pinagtimpla na rin ako ni kuya ng kape. Kaya kahit medyo basa pa ang katawan ko, nagtimpla na ako ng kape. Hindi ako nakakakain sa umaga pag walang kape, parang hirap dumulas sa lalamunan ko ang pagkain. Pagkatimpla, umupo na ako sa harap ni kuya at kumain.

Pinanood lang niya ako.

“Kain ka na rin, Kuya,” sabi ko.

“Nope, ’tol, all for you.”

Nakailang subo pa lang ako nang tumayo si kuya, magbabanyo. Nag-ring ang telepono niyang naiwan sa lamesa.

“Tol, pakisagot.”

Nakita ko, nakasulat, Bespren. Sino itong bestfriend ni Kuya?

“Hello,” sabi ko.

“Albert, where you? Sabay ba ako sa’yo or should I bring my car?”

Hindi ako nakasagot. Ang pamilyar ng boses niya. Kinabahan ako. Hindi ako nakapagsalita. Siya ito. Hinalikan niya ako kanina. Sinabi niya kapag nakapasa ako…

“Hello, Albert?” Ulit nung lalaki sa phone.

“Nakapasa ako. Anu nang pangalan mo?”

“What?” Tumawa siya.

Napakapamilyar ng tawa niya. Naalala ko nung sinabi kong bata pa ako, at iyun ang tawang narinig kong sumunod..

“Pumupunta ka ba sa Antipolo?” Ano naman at naitanong ko iyun. Pero parang okay lang. Pag sumagot siya e di, baka siya.

“Albert, what’s wrong with you?” sagot niya.

“Ah, eh, Sorry po, nasa banyo si Kuya.” Hindi siya.

“Albert…”

Pero ang boses niya. Gusto ko pang marinig ang boses niya. Pero sana pangalan ko ang binabanggit niya.

“Alex.” Pakilala ko.

“Huh?”

“Ah e, si Alex ako, kapatid niya?”

Nakalabas na si Kuya st kinuha ang phone sa akin. Nag-usap sila at pinanood ko lang.

“Si Gabriel, Mamaya, makikita mo iyun. Sige na, magbihis ka na.” Sabi ni Kuya sa akin.

Gabriel? Gabriel. Lalo akong nagmadali.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Thing Uncertain

CHAPTER 2

“Yung dadaanan natin, hindi ito yung usual way, ngayon lang ito kasi susunduin pa natin si Gabriel, mamaya ituturo ko yung mga sakayan,” paliwanag ni Kuya habang sinususi ko ang bahay. Hindi ko talaga naintindihan dahil huminto na ang utak ko sa linyang “…susunduin pa natin si Gabriel.”

Nakangiti lang ako nang kunin ni kuya ang pansin ko.

“Huy, sigurado ka na ba sa suot mo?” tanong ni Kuya sa akin. 

White shirt at maong pants na nasisira na sa kalumaan lang kasi ang suot ko.

Tumango lang ako. Hindi nagbago ng tingin si Kuya.

“Suot ko ito nung entrance exam, mukhang swerte.”

Parang kailangan ko lang magpaliwanag kaya nagdahilan ako. Ang totoo, kung si Gabriel nga ang boses na iyun, at ang boses na iyun ang lalaki sa panaginip ko, na naghatid sa akin sa subdivision, dapat makilala niya akong muli, kaya’t kahit nasira na ang pants, ito na ang isinuot ko.

Papalabas na kami ng bahay nang may taxi na huminto sa tapat. Si Mama, bumaba. Narinig ko pa siyang kausap ang driver.

“Manong, hintay lang, may kukunin lang ako…” Humarap sa amin si Mama bago pumaling ang tingin sa pulang kotseng nakapark sa tapat ng bahay. Nagbayad sa taxi driver. “Ay hindi manong, ito na, sige na, alis na. Babu!”

Naglakad si Mama patungo sa amin ni Kuya. Bumeso kay Kuya. “Alex, first day, ano ba yang suot mo? Magpalit ka nga! Samahan mo yang kapatid mo, Alabet!”

“Okay lang po yan sa school!”

“Sigurado ka? Baka sabihin ng tatay mo, hindi ko binibili ng damit yang kapatid mo, naku,” nguynguy ni Mama.

“Ako na pong bahala kay Daddy,” sabi ni Kuya. Buti na lang, naipagtanggol ako ni Kuya. Hindi talaga papayag si Mama na mukha akong napabayaan.

“Okay, sige. Tama. Basta ijaw na bahala ha. Maganda ’yan. At ang mas maganda, hintayin na rin ninyo ako, at naiwan ko lang ang birth certificate nitong si Alex. Kailangan for benefits…”

Pa-fade out na sa pandinig ko ang mga sinasabi ni Mama, at ilang sandal lang ay pu-fade in na ulit.

“…Kumusta naman ang mommy’t daddy mo? Ha Alabet?”

“Okay naman po” sagot ni Kuya habang nagte-text.

At tuloy pa rin ang usap nila hanggang sa kotse. Sa harap na ako sumakay. Habang sa likod si mama. Nagsuot na ako ng headphone. Ang headphone na regalo ni Mama sa akin nung graduation. Ang headphone na music on, world off. Pero tinitingnan ko ang mga dinadaanan ni Kuya.

Nang bumaba na si Mama ay hinila ni Kuya ang headphone ko. Kanina pa pala siya nagsasalita at hindi ko naririnig. “Ang sabi ko, anong masasabi mo dun sa Raul? Okay naman ba? Simpogi ba ni Daddy?”

“Sinong Raul?”

“Ah okay, na-shut off mo talaga ang mundo sa headphone mo, ah.”

“Sinong Raul?”

“Wala, tanong mo na lang sa mama mo. Sya nga pala, dederetso ako sa Rep, sa likod lang naman yun ng theatre, yung mga blockmates mo, malamang nasa harapan, lakad ka na lang, kung hindi naman nakakahiya sa’yo.”

“Hindi na tayo dadaan kay Gabriel?”

“HIndi na. Pinauna ko na. Out of the way. Eh, nakakahiya naman sa mama mo, minsan lang mag-request yun. Atsaka malapit lang dito si Gabriel. Baka nga nandyan na yun, pa-spoil lang sa akin.”

Nakarating kami sa campus, nag-park. Medyo mahaba ang lakad at mga sinasabi ni kuya pero ang nasa utak ko lang, “Mama, isa kang malaking abala!”

Hanggang sa makita namin ang mga orgmates niya sa Rep. Nagre-rehearse na nga sila para sa presentation sa orientation. Sino kaya dito ang Gabriel? Nandito na kaya siya? Walang pamilyar na mukha. Hay, baka naman ibang Gabriel itong bestfriend ni kuya sa bestfriend ko sa panaginip ko. Move on na.

Atsaka ko lang napansin. Ganito pala ang itsura ng mga college. Hindi naman nalalayo sa itsura ko. Matanda nga lang at may yabang na. Ganyan din ako in two, three years. Apir at tapikan ng braso sa mga kaibigan niyang lalaki, may isang bakla na bumeso sa kanya, ganun din yung mga babae. At yung isang babae, hinalikan niya sa lips. Ito siguro yung Summer na kinu-kwento niya. Siya nga, nang ipinakilala niya.

“Kapatid ko, si Alex,” Pakilala niya.

Yumakap si Summer, “So the baby brother is here, ano sasali ka rin sa Rep?”

“Next year na, mag-ipon muna siya nang magagandang grades,” sagot ni Kuya.

Ngumiti lang ako. Hanggang sa may magsalita. Mas late dumating kesa kay Kuya.

“Why wait for next year, when he can join now?!” Ito ang boses na iyun. Napalingon ako.

Nakangiti ang nagsalita. Ang ganda ng ngiti niya, na nagawa nitong i-blur ang buong paligid. Pagkangiti ay tinikom niya ang bibig at binasa ang mga labi bago muling bumalik sa pagkakangiti.

Lumapit si kuya sa kanya, nag-apir, nagyakap bago sila lumapit sa akin.

“Alex, si Gabriel,” pakilala ni Kuya.

Akala ko nakangiti ako, pero nahuli ko ang sarili kong bahagyang nakanganga. Kilala ko siya. At sa pagkakatitig niya, alamkong kilala niya ako.

“Quit those lips,” sabi niya. Inilagay niya ang kamay sa baba ko at iniangat para sumara ang bibig ko.

Napakagat siya sa labi, binasa ang mga ito bago ngumiti. Iniabot ang kamay niya sa akin. Kinamayan ko naman.

Tumingin ako kay kuya.

Hinila ako ni Gabriel at niyakap tulad ng yakap niya kay kuya kanina. 

“Sorry, about earlier. I really thought you were Albert,” sabi niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa bitawan niya ang pagkakayakap niya sa akin 

Nakatingin lang sa amin si Kuya. Napansin niyang nakatulala ako.

“Wow, Alex, gulat na gulat sa college,” sabi ni Kuya. “Baka malaglag ang panga mo.”

“No, keep it, you’re cute that way” sabi ni Gabriel. “Ikaw, Albert, niloloko mo ang brother mo.”

Nakatitig lang ako kay Gabriel. Wala akong naririnig. Nagbabalik kasi ang lahat sa akin. Parang umulit ang mga nangyari nung entrance exam, at ngayon, may malinaw ng mukha ang lalaking sa akin ay nagligtas.

Nagising na lang ako nang guluhin niya ang buhok ko.

“Welcome to College,” sabi niya. “We will have lot’s of fun.”

Sabay tumaas ang dalawa niya kilay at nag-iwan nang sobrang nakabibighaning ngiti. 

Teka, ano itong nararamdaman ko. Bakit ako nabibighani sa kanya? Oo, siya ang tagapagligtas ko… pero teka, hindi pa nga ako sigurado doon. Pero nakabibighani talaga ang ngiti niya. Siya man o hindi ang lalaki sa aking ala-ala, sa aking panaginip.

Unti-unti, lumayo siya at humalubilo sa mga kaibigan niya. Bumeso sa mga babae at nakioag apir sa mga lalaki.

Naiwan na niya ako. Hindi niya ako nakilala. O dapat ba niya akong makilala? Si Gabriel ba at ang lalaking naghatid sa akin dati ay iisa?

Lumapit ako kay Gabriel.

“Uhm,” hindi ko alam ang sasabihin ko pero nakuha ko ang atensyon niya.

Magmukha nang tanga kung magmumukhang tanga. Mapahiya na ako sa bestfriend ni Kuya, sige lang.

“Uhm, Kuya Gabriel,” sabi ko.

“Yes, Alex?” tanong ni Gabriel.

“Nakapasa ako,” sabi ko.

“Of course you did.”

Nakangiti si Gabriel na parang naghihintay sa mga susunod kong sasabihin. Pero wala na akong ibang maisip na idugtong pa.

“Ayaw mo ba?” tanong ni Gabriel.

“Gustung-gusto,” sagot ko.

“So?” 

Iyun na. Nagmumukha na nga akong tanga. Hindi ko na alam kung paano ililigtas ang sarili ko sa mga pagtatanong ko kay Gabriel. Baka hindi siya ang akala kong siya.

“Wala, may naka-deal kasi ako dati,” sabi ko. “Sabi niya, sasabihin niya sa akin ang pangalan niya kapag nakapasa ako. Nakapasa na ako.”

“Wow, all for love?” tanong ni Gabriel. “You want me to help look for her?”

Her? Babae? Hindi babae.

“Sana,” sabi ko. 

Hala, anong sana? 

“Don’t worry,” sabi ni Gabriel. “I won’t tell your kuya you’re in love.”

“Salamat.”

At ginulo ulit niya ang buhok ko bago tumalikod at pumunta sa mga kagrupo niyang nagsisimula nang magrehearse.

Sige. Fail. Tumalikod na rin ako at naglakad papunta sa kung saan man kailangan ang mga freshman na katulad kong mukhang tanga.

Hanggang sa tumunog ang telepono ko. May message.

Gabriel Carlos. You passed. Congrats. Save my number.

Napalingon ako sa mga kagrupo ni Kuya na nagre-rehearse. busy sila, maliban kay Gabriel na nakatingin sa akin. hawak ang telepono niya. Nakangiti.

Nabaliw ako. Anung ibig sabihin nito?


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Who Came Back

CHAPTER 3

Ang gulo-gulo.

Hindi pwedeng iisipin mong ‘she’ ang tinutukoy ko, tapos sasabihin mo sa akin ang totoong pangalan mo na may congratulations pa, na parang sinabi mong ikaw nga yung nagpramis na magpapakilala pag pumasa ako, pero hindi naman talaga ikaw.

Nililito mo ako, pogi!

Pero sige na. Mali siguro ako, hindi si Gabriel ang iniisip ko. Hindi naman dahil gwapo itong si Gabriel e siya na ang lalaking nagsagip sa akin noong fourth year ako. At hindi dahil parang sakto ang itsura niya sa lalaki sa panaginip ko, e siya na nga iyun. At kung siya iyun, malamang, nasabi na niya kay Kuya ang pinaggagawa sa akin ni Jessie. Mag-bestfriend sila, di’ba nga.

Tama naman si Kuya. Hindi yata kakayaning panindigan ang suot ko.

Nung sinabi sa akin na pangmayaman ang course ko, dapat naniwala ako. Interior Design, bakit ba ako naligaw sa dito, at ang sira-sira kong pants ay laos na laos sa mga babaeng tinuloy ang summer sa pasukan, mga nakapalda, shorts, dress. Iilan lang kaming lalaki, apat? Dalawa pa dito, unang tingin, bading. Wala ring nagsabi sa akin na hindi panlalaki ang course na ito.

Andaming freshmen. Nakapila ang lahat at may kanya kanyang designated na blocks. I-1 ako at sa harap ng pila ay isang upperclassman na may hawak ng block number namin. Siya ang sinundan namin nang pumasok kami sa theatre.

Anlaki ng theater, kasya kaming lahat ng bagong students. Nakaupo kami sa bandang likod, kasama ang mga ka-college namin sa home economics. Hindi ko man naipapakita sa mga tao sa paligid, anlaki ng ngiti ko sa loob ko. College na talaga ako. Ito na ’to!

Hanggang may isang lalaking tumabi sa akin. “I-1?”

“Oo,” sagot ko.

“Arvin.”

“Alex.”

Lalaking-lalaki ito, medyo pareho ko ng porma, hindi nga lang sira ang pantalon niya, at may kwelyo ang t-shirt.

Tinuro niya ang block na A-1. “Next year, sabay na tayong magshift d’un.”

Ngumiti lang ako.

“Wala ka namang planong magtuloy ng Interior Design di’ba? Pambading ’to, eh. Pero ayos daw itong ID para may subjects ka na ng Arki. Madali naman daw lumipat, lalo pa at makikilala naman tayo n’ung mga prof dun.”

“Oo nga.”

“Pare, hindi parang pera ang salita, huwag mo ipunin. Hindi mo yan mapangtu-tuition.”

Nagtawanan lang kami.

“Tingnan mo yun oh,” tinuro ni Arvin ang isa naming blockmate. “Iyan, bagay ’yan mag Interior Design. Babakla-bakla.”

Ngumiti lang ako.

“Teka, pare,” sabi ni Arvin. “Hindi ka naman bakla diba? Baka masabunutan mo ako. Masyado na akong nagle-label.”

Medyo napaatras ako sa tanong. Medyo napapadalas ang pagtatanong ko nito sa sarili ko. Sinasagot ko na, hindi, lalaki ako. May weird lang na episode na nakikipaghalikan ako sa lalaki sa panaginip, pero panaginip lang iyon. Hindi naman ibig sabihin na gusto ko talagang makipaghalikan sa lalaki. tulad nang hindi ko gustong maging hubad sa classroom, o malagasan ng ngipin tulad ng iba ko ring mga panaginip.

Hindi ako bakla. 

“Hindi, pare,”  sabi ko. “Hindi ako bakla.”

So far.

Sa tingin ko naman, nakumbinsi ko si Arvin. Pero nakatingin siya sa akin ng weird din. Kailangan kong basagin ang itsura niya.

“Pero masyado ka na ngang nanle-label.”

“Sorry, pare,” sabi ni Arvin. “Gusto mo ba talagang mag Interior Design? Hindi ko naman sana namaliit ang pangarap mo.”

“Hindi naman,” sabi ko. “Plano ko ring magshift.”

Ngumiti na si Arvin. Nawala na ang mga tanong niya.

“Ayus,” sabi ni Arvin. “Magkakasundo tayo. Magtulungan na lang tayo. Tutal, tayo lang naman yata ang straight sa block.”

Napangiti na lang ulit ako. Sabi ko na nga ba. Mukha lang akong malambot. O, oo, may kalamyaan talaga ako, pero may naniniwala pa rin sa mundo na lalaki ako, higit pa sa sarili ko.

“Mahalaga daw na mataas ang grades natin ngayong first year,” ayaw tumigil ni Arvin. “1.75 yata ang cut off ng Arki. Hindi ako sigurado. Pero madali lang yun. Tapos, Sali daw tayo sa org dun, magaling daw yung may hawak ng block A-1. ArkiSoc daw. Ayun oh.” 

Tumuro ulit si Arvin sa block. 

Hindi ko na napigilang hindi sundan ng mata ko ang malaking lalaking parang nag-uutos dun sa isa pang lalaking may hawak ng placard ng A-1. Kilala ko ang lalaking iyun. Si Jessie. Jessie Reyes. Uminit ang pakiramdam ko. 

Malaki ang ngiti ni Jessie habang kinakausap ang mga freshmen. May mga kagrupo din siyang nakikipagbiruan sa block na hawak nila. May mga babaeng gustong magpa-picture sa kanya. Ang totoo, gwapo siya, sa suot niyang dark blue shirt na ang ganda ng bagsak sa katawan niya, bakat ang dibdib niya, at simisilip ang laki ng braso niya.

Mukhang tuwang-tuwa siya sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga babae. Palinga-linga siya. Hanggang sa mapahinto. Sa akin. Napatitig siya sa akin na nakatingin sa kanya. 

Naawala ang malaki niyang ngiti. Lumiit ang kanyang mga mata. Sinipat ako.

Inalis ko ang tingin ko. Sinubukan kong mawala sa kinauupuan ko, pero wala pala akong ganung powers. 

Sa pagbalik ng mata ko, nakatingin na rin sa akin si Jessie. Nakangiti na ulit siya, pero hindi ngiti tulad ng kanina. 

Hindi ko alam kung puso ko ba o ang baga ko ang lumolobo, pero sumisikip ang dibdib ko. Nandito siya. Nandito ako, nagkita na kami. Ayoko nang mag-college.

Ito na siguro ang katapusan dahil bumalik ang ala-ala ko mula umpisa.

Paano na ako iihi? Babalik na naman ba ang UTI ko? Hindi na kasi ako makakapasok sakahit anong banyo, dahil baka nakaabang na naman siya. Hindi ito Highschool all over again!

“O, Alex,” sabi ni Arvin. “Kilala ka yata nung may hawak ng block. Nakangiti sa iyo. Kilala mo ba yun? Alam mo ba ang pangalan niya?”

Kung alam mo lang Arvin kung paano ko nalaman ang pangalan niya.

Hindi ko alam kung bakit naisipan kong mag-CAT nung second year highschool ako. Ang aga ko pumasok. Alas singko pa lang. Nag-warm up kami, tapos pinakilala sa amin ang mga officers. Mababati naman sila, kaya hindi ko naintindihan nung sabihin nung isa, “mga forty yata, ayus na yun, may benteng matitira.”

Kalahati ang mababawas sa amin, bakit?

May dumating na isa pang batch ng mga officers. 

Isa doon si Jessie. Hindi ko pa alam ang pangalan niya noon. 

habang nakaformation kami, isa-isa kaming hinarap ng mga officers. Isang kadete, isang officer. Predictable na kung predictable. Pero inisip ko pa rin na hindi mangyari. Pero nangyari, si Jessie ang nasa harap ko.

“Push ups!” sigaw niya.

Mabilis akong sumunod ako. nag push ups ako kahit hindi ko alam kung ilan. Basta hindi ako tumigil hanggat hindi niya sinasabi. 

Hanggang sa bumigay ang mga braso ko. 

Anung pangalan ko?

“Hindi ko po alam?” sagot ko.

Nagtawanan ang mga co-officers niya. 

“Mag sir ka naman,” sabi ng isa.

“Huwag kang tanga, alamin mo,” sabi ng isa.

Tiningnan ko ang nameplate. 

“Sir, Reyes po,” sagot ko.

Nakaramdam ako ng kaunting sipa sa braso ko.

“Ayusin mo ang sagot mo,” sabi ni Jessie.

“Begin with a sir, end with a sir,” sabi ng isang officer.

“Sir, Reyes po, Sir,” sagot ko.

“Apelyido ko yun,” sabi ni Jessie na may kasama na namang mahinang sipa sa braso kong namanhhid dahil sa push ups. 

Kinabahan na ako dahil medyo mas mabigat na ang paa niya kesa sa una. At mukhang may ilalakas pa ito.

Naka-push up position pa rin ako nang maupo siya na nakabukaka sa harap ko.

“Hindi kita pwedeng basta saktan ng walang dahilan dahil CAT ito,” bulong niya. “Pero pag binigyan mo ako ng dahilan, pwede na kitang saktan. Yung masakit na masakit. At isa sa mga dahilan ay ang hindi pagkilala sa akin.”

Tumayo si Jessie.

“State my Rank, name and Designation,” sabi ni Jessie.

“Sir, I don’t know sir,” sagot ko.

“Reyes, masyadong mahirap naman yan, first day pa lang,” sabi ng co-officer niya.

“O sige, just my name, at bawat maling hula, isang sipa,” sagot niya.

“Pwede,” sabi ng co-officer niya.

“Anung pangalan ko,” sigaw ni Jessie.

Nakita ko ang Reyes, J.B. J nagsisimula ang pangalan niya.

“Sir, John, Sir.”

Isang sipa ang katapat nun.

June

Jerick

Jerome

Joshua

Ang dami ko pang nasabing pangalan. Sing dami ng sipang tumama sa katawan ko. Nakikita ito ng iba ko pang kapwa kadete. wala silang pakialam.

Jericho

Jack

Johnson

Jiggy

Wala pa rin. tuluy-tuloy pa rin ang sipa.

Jessie.

Nghintay ako ng paa, walang dumating.

“Sir, Jessie, Sir,” sigaw ko.

Good.

Ganun ko nalaman ang pangalan ni Jessie. At mula noon, hindi ko na iyun nakalimutan.

Pero sinipa pa rin niya ako. 

Yun na ang huli… Noong araw na iyun. 

Hindi ko na tinuloy ang CAT. Pero hindi ibig sabihin nun, tumigil siya. Lumayo lang ako sa mundo ni Jessie, pero hindi siya nawala sa mundo ko.

Kaya madalas, mas maaga akong pumapasok, dumederetso na ako sa kwarto namin, at lalabas na lang ako pag marami ng mga teachers. Minsan naman, magpapa-late na lang talaga ako, o kung minsan, hindi na lang ako pumapasok.

Pero minsan, naabutan pa rin ako ni Jessie. ’Pag nangyari yun, ubos ang baon ko. May suntok pang aabutin ang tiyan ko. Pero sa lahat ng iyun, hindi ko magawang banggitin ang pangalan niya.

Gusto kong magsumbong sa nanay ko, pero nahihiya ako, lagi na niya akong pinaglalaban sa mga umaaway sa akin, itong away na ito, akin na lang. Gusto kong magsumbong sa teacher, pero natakot ako, baka makarating din kay Mama. 

Bakit ang hina ko? Bakit hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko? 

Hindi ako nagsumbong. Kakayanin ko na lang.

Dalawang taon ko iyung tiniis. Nung third year na ako, graduate na si Jessie. Naging maayos ang buhay ko. Nakabalik ako sa section one, pero nung akala kong magiging maayos na ang lahat, binalikan ako ni Jessie, sa labas ng paaralan. Binugbog lang niya ako.

“Mainit lang ang ulo ko.” Iyun ang huli kong narinig bago siya mawala sa paningin ko. Hindi siya umalis, nawalan ako ng malay.

Masasabing magical ang pangyayaring iyun, kasi alam ko, nasa kalsada ako nun e, pero nagising ako sa kama ni Kuya Albert. Binabantayan ako ni Kuya, pagkadilat ko at pagkakita ko sa kanya, niyakap ko siya at sa unang pagkakataon, umiyak ako, ang iyak na hindi ko ibinigay kay Jessie kahit anong pananakit at pananakot niya sa akin.

Hindi nalaman ni Kuya kung anong nangyari sa akin, ipinagpalagay na lang niya na naholdap ako. Sinabi ko sa kanya na huwag na rin sabihin sa mama ko. Ayoko nang palakihin ang pangyayari. Nakisama naman si Kuya.

“Alam kong may tinatago ka,” sabi na lang ni Kuya. “Pero pangako mo sa akin, kakayanin mo ’yan.”

Matagal akong nag-ingat, umiwas kay Jessie, ngunit matapos ang isa pang taon, magkakasama na kami ulit sa iisang campus. Unang araw pa lang, ito na ang nararamdaman ko, tatagal ba ako?

“Nagpa-flashback ka ba?” tanong ni Arvin. “Antagal mong nakatulala, eh.”

Oo, gusto kong sabihin kay Arvin. Pero hindi ko na nagawa.

May umalingawngaw na boses sa loob ng theater. May nagaganap na sa stage na mas interesting kesa sa Alamat ng Pangalan ni Jessie. May mga aktibista na, na may hawak ng mic. Tapos, may isang grupo na naiwan nang mag-alisan ang mga aktibista, isa doon ang kuya ko. Ito pala ang ginagawa ng mga kasama niya.

“Inihahandog ng…”

Iyun lang ang narinig ko dahil nag-shut off na ang buong system ko nang makita ko ang nagsasalita. Si Gabriel, naka jeans at white shirt na may tatak ng org nila. Naka-orange na glasses na hindi naman niya suot kanina. Ipinasa niya ang mikropono kay Kuya. Hindi ko naiintindihan kung tungkol saan ang pinagsasabi nila, parang sa tuition, basta ang dulo, tulad ng sinabi niya, “…kakayanin natin ’to!”

Naalala ko nung nasa kotse siya. Umiiyak ako. Kinuha niya ang salamin sa pouch na ibinigay niya para punasin ko ang mga luha ko. Orange ang salamin na iyun, at ito ang salamin na suot-suot ngayon ni Gabriel.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One More Time

CHAPTER 4

Matapos ang orientation ng lahat ng freshmen, tumuloy na kami sa aming college. Hindi ko alam kung bakit nasa College of Home Economics ang course na ito, samantalang madami kaming Architecture units. Pero ayos na rin ito, kahit papaano, kahit sa kolehiyo man lang, malalayo ako kay Jessie.

Pumunta rin sa orientation namin ang grupo nina Kuya. Matapos nila magperform at magyaya ng mga students para sumali sa org nila, nagpaalam na si Kuya sa akin.

“Mag-lunch ka na kasama ng mga blockmates mo, we’ll be going around pa.” Paalam niya. “Atsaka malaki ka na, kaya mo na ’yan!” sabay yakap at kusot sa buhok ko.

“Sige kuya, ingat!”

“Sige, text-text na lang!”

Si Arvin ang nakasama kong mag-lunch. Sabay na rin naming nilakad ang una naming klase, nagkataon na sa arki ito.

Sumusunod na lang talaga ang mg paa ko kung saan dapat pumunta. Pero sa bilis ng tibok ng puso ko, kung may paa lang din ito, malamang nakauwi na itong mag-isa sa bahay at nagtago sa kumot. Ayoko sa arki. Matapos kong makita ang placard ni Jessie, na sinusundan ng mga architecture freshmen, sigurado na akong architecture din ang course niya.

“Sabi sa akin nung kaibigan ko, dapat daw, ngayon pa lang, sumali na tayo ng mga org sa arki para may tumulong sa atin sa pagsi-shift,” sabi ni Arvin na parang nakaplano na ang buhay at gusto akong idamay. “Yung ibang prof kasi dun, alumni din ng mga orgs dun, kaya makakakuha agad tayo ng koneksyon.”

“First day pa lang ninyo, gusto na ninyong umalis?” hirit ng isang babae. “Jobielyn, blockmates tayo. I-1?”

“Arvin,” pakilala ni Arvin. “Hello, miss beautiful, at ito si… anunga ulit?”

“Alex.”

“ArkiSoc ang sasalihan natin!” pagmamalaki ni Jobielyn. “Alumni dun ang kuya ko. At maraming prof ang naging members nun, pati yung dean.”

“Tama, ArkiSoc nga,” sagot ni Arvin.

Patuloy ang dalawa sa pagku-kwentuhan habang umaakyat kami sa fifth floor ng Engineering Building kung saan naroon ang College of Architecture.

Pagdating sa palapag, hinanap namin kung saan ang klase, hindi pala kami sa classroom, kundi sa lobby magka-klase. Dalawang sets ng mga drafting tables ang nandoon na nakaharap sa mga blackboards, isa sa kanan, isa sa kaliwa.

Sa kaliwa kami. Isang upuan sa bawat drafting table, at kumuha na ako ng sa akin. Katabi nina Arvin at Jobielyn. Habang hinihintay ang prof, nagdatingan na rin ang mga magka-klase sa kabilang side. Mga upper-classmen.

Tanggalin mo ang takot mo sa katawan, Alex. You attract what you fear. You attract what you fear.

Huli na ang lahat ng pagma-mantra ko. Pinilit kong hindi lingunin, pero nararamdaman ko ang presensya niya. Nakikita ko siya, kahit hindi ko tinitingnan. Ayaw tumigil sa pagkabog ang dibdib ko. Nanlalamig ang pakiramdam ko, habang nararamdaman ang pamumuo ng pawis sa noo. Lilingunin ko na siya para magkaalaman na. Kung nakita man niya ako, nakilala, para tapos na. Tapusin na ang takot na ito.

Marahan akong lumingon. Siya nga iyun, suot pa rin niya damit niya sa orientation sa theater, ang dark blue shirt at ang dark pants. Napahinga ako nang malalim. Nakatalikod siya at kausap ang mga kaibigan niya. Sila ang magka-class sa likod namin, pero parang may pagtatalo sila ng kausap niya. Naririnig ko ang pagtataasan nila ng boses, at sa huli, nagtawanan ang mga kasama niya samantalang napakamot ng ulo si Jessie.

“Cruz, Alexander Miguel?!”

Nakatigil na ako, pero pati puso ko ay parang tumigil sa pagtibok sa malakas na pagkakabanggit ng pangalan ko. Napatigil din si Jessie at tumalikod, humarap sa klase namin. Humarap sa akin. Nagkatama ang mga mata namin.

“Cruz, Alexander Miguel? Absent? First day ng class ever sa college life niya? Absent?” andaming nasabi ng prof na kanina pa pala nasa harapan.

“Alex, kunin mo na yung classcard mo,” paalala ni Arvin.

Marahan kong binawi ang sarili ko sa pagkakatitig ni Jessie. Tumayo ako at lumapit sa prof.

“Present,” sabi ko.

May mga sinabi pa ang prof, pero hindi ko naririnig, iniisip ko ang ibig sabihin ng mga tingin ni Jessie. Hindi siya galit, parang gulat, na parang may saya, na parang… basta hind ko maunawaan. At alam ko, ang tingin niyang iyun ay hindi pa niya inaalis kahit nasa harapan na ako ng klase namin.

Hindi ko alam kung paano ako babalik sa silya ko na hindi humaharap kay Jessie. Bakit pa ba ako pumasok? Sana umabsent na lang ako sa first day ng class ever sa college life ko, ika nga nung prof. Pero huminga na lang ako ng malalim. Haharapin ko na lang ulit siya. Titigan lang naman ito.

“Reyes Jessie B!”

“Here!” sagot ni Jessie na papunta na rin sa prof niya. 

Nagbibigayan na rin ng classcard sa kabilang klase. Kaya naman sa pagharap ko ay nakatalikod na si Jessie, papunta na sa prof nila.

Lumuwag ang pakiramdam ko. Nakabalik ako sa upuan. Natapos ang class sa arki. Tawid naman kami sa kabilang building.

Unang araw pa lang ng college, e parang aatakihin na ako sa puso. Parang hindi ko mapaninindigan yung “kakayanin” kong statement kanina. Pero papatapos na naman ang araw, wala namang masamang nangyari.

Nagtext si Kuya na mauna na raw ako umuwi. Kaya pagkatapos ng last class ko, sumabay na ako kina Arvin at Jobielyn. Pababa kami ng hagdan nang makita kong nakaabang dun si Jessie. Tumango siya sa akin, para bang pinauna ako.

“Mauna na kayo, naiwan ko yata yung phone ko,” paalam ko kina Arvin.

Bumalik ako, sa classroom. Una, ayokong mapahiya sa mga blockmates ko. Ikalawa, natatakot ako. Ikatlo, natatakot talaga ako.

May ilan pang classmates ko ang lumabas hanggang sa mapag-isa ako, kunwaring, hinahanap ang phone. Nang wala nang tao. Naupo ako. Maiyak-iyak ako sa takot.

Hanggang sa dumating si Jessie. Sinara niya ang pinto. Kinalma ko ang sarili ko.

Nakatingin lang ako sa kanyaa. Pumunta siya lamesa ng prof at doon umupo. Tumungo ulit siya.

Hindi ako nagpatinag.

“Lalapit ka ba o kakaladkarin pa kita papunta dito?”

“Jess…”

“Uy, babanggitin mo ang pangalan ko?” umalis siya sa pagkakaupo sa mesa at lumapit sa akin.

“Hindi… hindi,” sabi ko na napayuko.

Hindi na lumapit si Jessie. Pumunta siya sa may pinto, bago humarap sa akin, tumungo ulit siya at pinalapit ako sa kanya.

“Lika na!” utos niya.

Tumayo ako at lumapit. Matapos lang ang araw na ito. Para makauwi na rin ako. Mangyari na ang dapat mangyari.

Papalapit pa lang ako ng hablutin niya ang tshirt ko at isandal ako sa blackboard. Diniin niya ang kaliwang bisig niya sa leeg ko. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Hindi naman siguro ako papatayin nito, hanggang pananakit lang ang kaya niyang gawin. Pero ganun pa rin ang kaba ko.

“Paisa naman,” sabi niya na hindi ko nauunawaan. “Welcome ko sa iyo sa university.”

Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Napapangiti siya sa nakikita niyang takot sa mga mata ko. Gusto kong sabihin na gawin mo na ang gusto mo. Tapusin mo na ang araw na ito. Sige na! 

Nabasa naman niya yata, at mula sa kanan niyang kamay, isang malakas na suntok ang tumama sa tiyan ko.

“Masakit ba? Iiyak mo na, bakla ka naman, pwedeng pwede kang umiyak!” sabi niya habang ilang pulgada lang ang lapit n gaming mga mukha. 

Titig na titig siya sa mga mata kong pinipilit dumilat sa sakit. Pero hindi ako iiyak.

Hindi ko nga lang nakayanan ang sakit, napapikit ako at dilim na lang ang naging sa buong paligid. Nawalan ako ng malay.

Hanggang sa makita kong muli ang mukha ni Jessie. Mukhang nagiging halimaw. Nanlilisik ang mata niya, nagkakapangil ang mga ngipin at ang mabuhok niyang braso kasama ng parang bato niyang kamao na sasapak na naman sa mukha ko.

Humingi ako ng tulong, pero walang boses na lumalabas sa bibig. Pinilit kong igalaw ang mga braso ko, ngunit naninigas ang katawan ko. Hindi ako makasigaw, hindi ako makagalaw.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One with the Orientation

CHAPTER 5

Hindi ako bakla.

Malamya ako kumilos, tahimik, may sariling mundo, pero hindi ako bakla.

Alam ko, may discussion pa rin sa utak ko tungkol sa bagay na ito, at pinapanalo ko ang paniniwalang lalaki pa rin ako. 

Hindi pa rin siguro ako nagkakaroon ng girlfriend. Hindi dahil sa hindi ako nagkakagusto sa babae. Hindi ko palang naiisip. Siguro sa estado ng puso, pwede akong ikumpara sa halaman. Oo halaman na lang ako, walang kasarian, pwede ba yun? Pwede yun.

Siguro, hindi ako matapang, hindi ako makalaban kay Jessie kapag binubugbog ako. Pero ibig sabihin nun duwag ako. Hindi naman equivalent ang salitang duwag at bakla. Marami kayang matatapang na bakla at mga straight na duwag. tulad ko. Straight na duwag.

Ayun, yan ang mga pinag-iisipan ko. Hanggang sa mag-alarm nga ang cellphone ko na nasa baso. Mas malakas nga ang alarm, tama yung nakasulat sa internet.

Kanina pa akong alas singko gising, hindi lang ako makabangon kasi gusto ko pang matulog, pero pinipigilan ko rin. Ayoko nang bangungot. Nakakahiya ang gumising sa sahig ng cr na sumisigaw, doon pa nagsimula ang pagbabalik ng masasamang panaginip. Ngayon, tumuloy na rin ang paninigas ng katawan ko sa pagtulog kahit sa sarili kong kwarto, sa sarili kong kama.

Bumangon na lang ako. Tiningnan ang schedule. Biyernes, walang klase sa arki. Maluwag ang mundo ko. 

Naligo ako, at nakita ang note sa ref. May agahan sa mesa. Love, Mama V. May agahan nga. Iluluto pa nga lang. Pagkatapos ko magluto, kumain na ako, tapos naligo, nagbihis, mas maayos na ngayon, maayos na maong, snickers at t-shirt pa rin. Ni-lock ko na ang bahay at ang gate, at naglakad palabas ng subdivision.

Pero may bumusina. Huminto sa tabi ko. Nagbaba ng bintana. “Sakay na.”

Binilisan ko ang lakad ko. Ayoko sa mamang nasa loob ng kotse.

“Alexander Miguel, sakay na,” pamimilit ng mama na muling huminto sa tabi ko.

Hindi ako nagpapilit. Kahit sinasabayan niya ako sa paglalakad.

Dumarami na ang sasakyan sa likod ng kotseng sumusunod sa akin. Nagsisimula nang dumami ang mga bumubusina. Hindi pa rin nagpapatinag ang kotse.

Lumingon ako. Ansama na ng mga tingin ng mga kapitbahay namin. “Alex, sumakay ka na diyan!”

“Halika na,” pilit muli ng mama.

Lumingon muna ako sa mga galit na drivers. Bumuntong hininga muna ako bago buksan ang pinto ng kotse at pumasok.

“Kumusta ang unang araw mo?”

Hindi ako nagsalita.

“Sabi ni Albert, mabilis ka naman daw naka-adjust, parang highschool lang din di’ba?”

“Pwede po bang huwag tayong magpanggap na ayos tayo?” sabi ko.

“Anak…”

“Bababa na po ako.”

“Hindi na. Sige na. Ihahatid na lang kita. Hindi natin kailangang magsalita.”

Ang maganda lang sa mga nangyari ay umaga pa lang, sirang-sira na ang araw ko. Wala nang ikasisira pa. Kung baga, nalampasan ko na ang pinakamasasama, quota na. Bukas na ulit.

Isang mahabang klase sa umaga ang pinasukan ko pagkahatid sa akin ng tatay ko. Parang highschool pa rin talaga, magkakaklase pa rin kaming magkaka-block. Katabi ko pa rin ang mga blockmates kong sina Arvin at Jobielyn. Tanghalian na kami natapos.

Pagkakain, tatlong magkakadikit ng subjects naman. Sa College of Social Science and Philosophy na ulit iyun, kung saan ako nawalan ng malay kahapon. Buti na lang at nagising ako bago maglibot ang mga guards. At ito na naman. Hindi na naman ako siguro tatambangan ni Jessie. Marunong naman sigurong mag-spacing si Lord.

Kaya lang, parang mali ako. Parang pangalawa sa pagsisinungaling, pag-spacing ng problema ko ang isa pa sa hindi kayang gawin ni Lord. Naglalakad ako sa walk sa likod ng building, papalabas sa maliit na gate papunta sa canteen, nang makita ko si Jessie. Nakatingin din siya sa akin. Nakangiti.

Bumuka ang bibig niya. Naningkit ang mga mata ko sa pagbasa ng sinasabi niya.

“Miss mo na ba ako?” pang-iinis niya.

Tumalikod na lang ako at naglakad pabalik sa loob ng building, sa harapan na ako lalabas, makaiwas lang. Pero may mga naririnig ako sa likod ko, mga estudyanteng nagrereklamo at naabala. 

“Ano ba?” 

“Mag-excuse me ka naman!” 

Binilisan ko ang lakad ko. Bahagya akong lumingon at napansin ko si Jessie na nakakasangga nang kung sinu-sino makahabol lang sa akin.

Tumakbo na ako.

Dahil labasan ng mga students, medyo nakalilito akong mahanap, umakyat na lang ako sa second floor. 

Sana lumabas siya ng building, at kapag nawala na ang mga tao, atsaka na lang ako lalabas. 

Dumeretso ako sa CR. Hindi ko alam kung bakit CR na naman ang naging salvation point ko. Pero nandito na ako. Pumunta ako sa isang cubicle at naupo. 

Kahit nakapahinga ako e sobra na naman ang kabog ng dibdib ko, kasabay kasi ng takot ko kay Jessie, e hiningal ako sa pagtakbo. Ilang hinga nang malalim, kahit papaano, napakalma ko ang sarili ko.

“Parang may batang nakikipaglaro ng taguan dito.”

Boses ni Jessie iyun. Bumalik ang kaba ko. Napapikit na lang ako habang nararamdamang ang pawis dahil sa pagod sa pagtakbo, ay nagiging malamig na naman.

“Para mas masaya, magsisimula ako sa dulo, kunwari hindi ko alam na nasa unahan ang bata.”

Hindi ako makagalaw sa pagkakaupo ko. Naririnig ko ang lahat ng bagay sa paligid, hinihintay na ang pinto ko na ang susunod niyang sipain. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Muli, huminga ako nang malalim. Kailangan ng oxygen ang utak ko. At ilang mahinang buntong hininga, nakaipon rin ako ng tapang.

Kung mabubugbog ako, e simulan na. Hindi yung ganitong pinapatay ko ang sarili ko sa takot. At lalaban na ako, ano ba naman yung laki niya sa liit. Naalala ko ang laki niya kahapon nang pitsarahan niya ako sa suntukin sa tiyan, halos maiangat niya ako. 

Mas malaki siya kay Kuya, ang inaakala kong taba niya ay mga muscles pala, anlakas niya. Tama na naman si kuya, kailangan ko ngang magpalaki kasi college na ako. Pero ngayon, kahit maliit ako, basta makasapak lang ako, ayos na, kahit papaano, lumaban ako. 

Lalaban na ako. Narinig kong sinipa na niya ang huling cubicle bago ang punagtataguan ko. Hinihintay ko na siya.

Hanggang sa maramdaman ko na ang tao sa tapat ng cubicle ko. Pero hindi niya ito sinipa. Binuksan niya ito habang nakapaling pa ang mukha sa kausap, kay Jessie. 

“Ei, Man, are you stupid or something. Stop breaking things…”

“Sino ka?”

“College Rep po, You’re destroying properties of my college, so quit it.”

Nasilip ko siya sa kapirasong awang ng pinto. Kahit profile pa lang, kilala ko na siya. Si Gabriel. College Representatvie? Pero mabilis natigil ang paghanga ko kay Gabriel.

Nagbalik siya. At tulad ng ginawa niya noong entrance exam, ililigtas niya ako kay Jessie. Pero hindi nga ako sigurado kung si Gabriel iyun. 

Paano nga kung hindi si Gabriel iyun, makikita niyang bubugbugin ako ni Jessie? Malalaman ni Kuya ang sikreto ko? Bahala na. Kung anuman ang mangyari, haharapin ko. College na ako. kakayanin ko ’to.

Kaya lang, hindi ko kinaya ang sumunod na nangyari.

Pumasok si Gabriel sa cubicle ko na parang hindi ako nakikita. Matapos ay tumingin siya sa akin, inilagay ang hintuturo sa bibig. Quiet daw. Sumenyas pa siya, marahan akong pinapaalis sa bowl. 

Sumunod naman ako. Marahan. Tahimik. Hindi ko alam ang plano niya. Malamang, hindi rin alam ni Jessie ang nangyayari. Ang trip niya ay gumlatin ako sa cubicle na ito, pero ngayon, ang cubicle na inaakala niyang pinagtataguan ko, pinasok ng ibang tao.

Maniniwala kaya si Jessie? Hindi ko alam. 

Alam lang ni Gabriel kung paano gagawing convincing ang plano niya. Theater boy talaga. Mas lalo lang na hindi ko kinaya.

Binaba ni Gabriel ang zipper niya, inilabas ang bagay na hindi ko tiningnan at iyon, may narinig akong talsik ng tubig sa bowl. umihi talaga si Gabriel. Ang kumalma kong dibdib ay kumaba ulit. Lalo kong inilayo ko ang tingin ko sa kanyang bukas na pantalon.

Natapos si Gabriel. Nagflush.

Narinig kong lumakad palayo si Jessie. Naisip siguro niyang para siyang tanga na nagmomonolog at nagsisispa sa banyo na wala namang nanonood at natatakot sa kanya.

Lumabas si Gabriel ng cubicle. Kalmado. Nakita niya si Jessie pero hindi niya pinansin. Naghugas ng kamay si Gabriel habang si Jessie, tuluyan nang lumabas ng banyo.

“Is that guy bullying you?” sabi ni Gabriel. 

May lakas ang boses niya na parang sigurado na siyang walang ibang nakakarinig.

Lumabas ako ng cubicle.

“Huwag mong sasabihin kay Kuya, please.”

Tumango si Gabriel.

“Okay,” sabi niya habang pinupunas ang kamay sa panyo. “This is your story. Not mine.”

“Salamat.”

“He’s gone. You can come out now.”

At lumabas na rin si Gabriel ng CR.

Naghintay pa ako nang ilang sandali bago lumabas. Nanalamin muna ako at napansing namumutla pa rin ako. Hanggang sa naalala ko si Gabriel, umihi siya kanina, walang paki na nandoon ako sa loob sa cubicle. Parang may epekto ito sa akin.

Hindi, pagod lang ako sa pagtakbo, kinakabahan sa takot kay Jessie iyun lang. Hindi nakakadagdag sa kaba ko ang pag-ihi niya sa tabi ko. Hindi pwede ito. Hindi ko nararamdaman ito.

Naghilamos ako para mahimasmasan. Pag labas ko ng CR, may narinig akong sumitsit, paglingon ko, nagsalita. 

“Antagal mo dun ah, kulang pa ba yung College Rep? Naghihintay ka pa ng ibang lalaki?”

Si Jessie. 

Hindi pala siya umalis. At sa unang paghakbang niya, ay tumakbo na ako. Natakasan ko siya. Pagbaba sa lobby, papalabas ng building, napansin kong nakapayong ang mga naglalakad.

Talaga naman, umuulan, pinakamagandang pagkakataon para maghabulan. Nakabangga ko ang mga nakatayo lang at nagpapatila ng ulan, ganun din si Jessie na humahabol sa akin.

Takbuhan kami hanggang sa sidewalk. May mga dumadaang sasakyan. Pagdating sa waiting shed, kung saan maraming tao, may humintong kotse. Binaba ang bintana.

“Get in!” sabi niya.

Si Gabriel.

Nakita ko si Jessie na papalapit na sa akin. Mabilis na akong sumakay sa kotse.

Pagod ako sa pagtakbo. Natatakot ako kay Jessie. Nakasakay ako sa kotse, katabi ko si Gabriel. Alin dito ang dahilan kung bakit ganito ang tibok sa dibdib ko na kung fifty years old na ako, siguro inaatake na ako sa puso.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With Angel Gabriel

CHAPTER 6

Atake sa puso. Oo, may umaatake sa puso ko ngayon. At ayoko siyang payagan.

Nakasakay na ako sa kotse niya at nang umandar ito ay hindi ko na ginawang lumingon pa. Wala na akong pakialam kung nakita ako ni Jessie, kung humabol man siya o may mga pananakot pang iniwan. Ligtas na ako sa kanya. Pero sa katabi ko, sa pagpasok ko sa kotse niya, parang may pinapasok din akong bagong problema sa buhay ko.

Humawak ang kamay niya sa hita ko at pinisil bago nagtanong.

 “When did this start? Why don’t you tell your brother? Bakit mo ’to tinitiis?” sa kalsada lang nakatingin si Gabriel, pero sa mga tanong niya, damang-dama ko ang pag-aalala niya.

Hindi ako nagsalita.

“Has he cut your tongue or something?” tanong ulit niya. “Come on, I’m cool.”

Nito lang niya ako nilingon na nakangiti. Hindi niya ako kayang pagsalitain gamit ang kanyang authoritative voice. kaya siguro naging pabarkada na lang siya.

Hindi pa rin ako nagsalita. Ano naman ang sasabihin ko?

“OK. Sto Nino, Marikina right? Hatid na kita.”

Napatingin ako sa kanya. Bakit niya alam?

Nakita niya ang pagtataka sa mukha ko nang lumingon siya. 

“Why act surprised? I’m Gabriel, remember. You’re kuya’s bestfriend. Hindi ako masamang tao.”

“Bakit mo alam kung saan ako nakatira?” tanong ko. “Ano pang alam mo sa akin?”

“Hindi naman marami,” tumawa si Gabriel. “I’m no stalker.”

Hindi na ulit ako nagsalita.

Nakarating kami sa gate ng subdivision. Ngunit hindi siya huminto sa gate. Ipinasok niya ang kotse. Ipinasilip ako sa guard. Tapos nagtanong sa akin. 

“See, this is just as far as I know. I have no idea what you’re address is or the color of your gate, or the number of your dogs.”

“Wala kaming aso,” sagot ko. “Dalawa lang kami ng nanay ko sa bahay.”

Tinuro ko ang daan patungo sa harap ng bahay. Tapos sa tapat namin, huminto siya. Pagkababa ko, bumaba rin siya. 

Tumingin ulit ako kay Gabriel. May plano ba itong pumasok pa sa bahay?

“May basahan ba kayo?” tanong niya. 

Oo nga pala. Basa ako ng ulan nang pumasok ako sa kotse niya.

“Sige, pasok ka muna,” yaya ko. 

Sige, pasok ka muna, parang napilitan pa ako. Ano ba naman itong sinabi ko. Ano ba namang communication skills ito? 

Pumasok kami sa gate, tapos sa may pinto, napahinto ulit kami.

“Ano, sige, hahanap ako, marami siguro sa loob.” 

Siguro? Bahay ko, hindi ako sigurado?

“Talikod ka muna,” sabi ko. 

Nawirduhan si Gabriel, alam ko, pero sumunod naman. Tumalikod naman siya. Kinuha ko ang susi sa ilalim ng paso. Pagbukas ko ng pinto, pinatuloy ko siya.

“Upo ka muna,” sabi ko. “Wala pala akong maiaalok sa iyo, kape lang?”

“Thanks, Albert told me you do good coffee,” tumango siya sa akin. “Can’t wait for you to do me.”

Parang medyo bastos ang tunog nun. Sa isip ko lang. O baka ako lang ang nag-iisip nun.

Matapos ko gawin ang kape, dalawa, tig-isa kami. Naupo na rin ako sa isang sofa. Dun siya nakaupo sa mahaba, ako dun sa pang-isahan lang. Dahil nasa gitna siya ng mahabang upuan, umusog siya para mapalapit sa akin. Kinuha ang kape niya, inamoy. Si-nip.

“You’re Kuya is right,” sabi ni Gabriel.

“Nescafe lang yan.”

“But it is good. So, what’s the secret with this?”

Nakatingin lang ako sa kanya. Nagtataka, hindi ko napansing medyo nakanganga na naman ako.

Tumingin lang din siya sa akin. Ngumiti. 

“Why do you have to part your lips like that?” sabi ni Gabriel.

“Huh?” tanong ko?

Napangiti lang siya at nag sip ulit ng kape. Nanatili siyang nakatingin sa akin. Nanatili rin akong nakatingin sa kanya. Pero parang kailangan naming mag-usap. Hindi ako sanay nang ganito, yung tahiik lang, pero mayroon namang pwedeng kausapin. Wala naman akong masabi.

Ayoko ng mga ganito. Yung parang kailangan kong magsalita. Kaya hindi na lang ako nagsalita. Magaling naman ako sa ganun, yung kinakausap ko lang ang sarili ko sa utak ko.

Pero parang yun lang din ang ginagawa niya. At ilang sandali pa nang titigan, ngumiti siya. Ano bang meron sa lalaking ito na kapag ngumingiti ay gumagaan ang pakiramdam ko, kung hindi ko nga aalalahanin ang paghabol sa akin ni Jessie, ay makakalimutan ko kung bakit kami magkasama nitong lalaking ito ngayon. Nakakalimutan ko ang lahat sa kanyang mga ngiti.

Hanggang sa ang ngiti niya ay naging mahinang hagikgik

“You find me pogi, ’no?” tanong niya.

Hindi ako nakasagot kaagad, dahil oo. Pogi siya. Bumbayin ang mga mata niya. Matangos ang ilong na hindi bilugan ang butas. Pangahan at may kaunting balbas na nagbibigay frame sa kanyang mukha.

“You find me pogi” pagsasabi niya na parang umoo ako sa tanong niya.

Nakatitig nga ako sa kanya. Maliban kay Jessie, itong Gabriel lang na ito ang natitigan ko nang ganito katagal. Hindi ko alam kung paano ko kinaya, samantalang hindi ko nga kayang tumingin sa mata ng isang tao nang matagalan.

Ang hagikgik niya ay lumakas pa. Kailangan ko na talagang magsalita.

“Hindi ito ang una nating pagkikita, di’ba?”

“Of course not,” sagot niya. “You’re Kuya introduced us.”

“Hindi, mas matagal pa dun?”

“Like? Past life? Naniniwala ka ba dun?”

“Hindi ito ang unang pagkakataong iniligtas mo ako dun sa humahabol sa akin, di’ba?”

“Have i been playing in your dreams?” tanong ni Gabriel.

Nabaliw ako sa tanong niya. Bakit niya alam na napapanaginipan ko siya? Ang totoo, hindi naman talaga. Pero lately kasi, iniisip kong siya yung napapanaginipan ko bago ko pa man siya makilala.

Mabuti na lang at tinuloy niya ang pagsasalita.

“Was there a part where I was nakikipagsapakan with that guy, then i carried you around my arms and you can not resist, kaya niyakap mo na lang din ako?” tumawa siya habang tumatayo at ginagawang parang isang play ang pagsagip niya sa akin.

“Hindi nga siguro ikaw yun,” reyalisasyon ko.

“I don’t know,” sabi ni Gabriel. “But you have to stand up against him. Kung hindi mo kaya, ask help from your parents, from your Kuya. the student council can help you. I can help you?”

“Alam ko,” sagot ko. “Pero nakakahiya. Kalalaki kong tao, nabu-bully ako.”

“It’s not,” sabi ni Gabriel. “It’s not your fault na hindi ka lumalaban. The thing is, wala ka dapat nilalabanan.”

“Ganyan ka ba, kaya ka nanalong College Representative?” tanong ko.

Hindi na ako komportable sa usapan. Kailangan ko nang baguhin.

“I’m always like this,” sagot ni Gabriel. “But I get you. You don’t wanna talk about it. It’s okay. Pero last na lang. It’s enough that that guy is bullying you. Do not help him. Stop being your own bully. Start being your own hero.”

Hindi ako nagsalita. Hanggang sa lumapit pa siya sa akin. Tapiki-tapikin ang balikat ko.

“He is a big guy…”

“Si Jessie.”

“Yuh, that Jessie, is that is his name?” sabi ni Gabriel. “Jessie is a big guy. I get it, you are afraid of him. But you know what. That Jessie guy is also afraid of something. He is actually scared of you. I don;t know what his specifics are, but I’m sure, you remind him of his weaknesses.”

“Highschool pa lang ako nung una niya akong bugbugin…”

Tumuluy-tuloy ang kwento ko mula sa unang pagsuntok sa akin ni Jessie hanggang sa pananakot niya sa akin sa pagpasok sa university. Naikwento ko rin ang tungkol sa lalaking tumulong sa akin na makabalik sa bahay noong unang bugbugin ako ni Jessie sa campus, kung paanong hindi ko iyun nakilala dahil sa nabasag kong salamin, at kung paanong hindi ako nakapagpasalamat.

“Gabriel, sana huwag mong sabihin ito kay Kuya. Mabait sa akin si Kuya. Lagi na lang niya akong pinagtatanggol at tinutulungan. Ganun din si Mama, hindi nila hinahayaang may manakit sa akin. Itong si Jessie, laban ko ito. Kung kakailanganin ko pa sila para lampasan ito, baka tuluyan nang mawala ang tiwala ko sa sarili ko.”

Masasabing andami kong nasabi kay Gabriel. Hindi ko alam kung paano niya nagawang hugutin sa akin ang lahat ng ito. At kasabay nito, hindi ko alam na nanginginig ako. Napansin ko na lang ito nang hawakan ni Gabriel ang mga kamay ko. Kumalma ang pakiramdam ko. Nakahinga ako nang maluwag.

“Sure,” sagot ni Gabriel. “No problem. But you have to be braver, and stronger. You have to have someone, not to fight your fight, kasi ayaw mo namang makialam sa iyo. But someone who will remind you not to lose yourself, when the worst has come. Some to remind you that na kailangan mong matatag without being matigas.” 

“Pari ka ba?” Seryoso akong tanong.

“Just like that, someone to joke around after things got too serious,” biro niya. “You need someone to laugh with your jokes. At sa lahat ng kakailanganin mo. I can be there.

“Bakit?”

“Ayaw mo?”

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Anong mapapala niya sa pagtulong sa akin?

“Bakla ka ba?” tanong ko.

Hindi ko alam kung dapat kong pagsisihan ang tanong na iyun. Pero ang weird na. Alam kong pinapasok ko siya sa bahay namin, pero bakit may ganitong moment. Bakit nandito siya at sinasabing nandito siya para sa akin. 

“May gusto ka ba sa akin?” tuloy pa ang tanong ko. “Kasi hindo ko kasi alam kung kaya ko yung ganyan.”

Ngumiti lang si Gabriel

“Albert is my barkada. Bestfriend,” sagot niya. “I love your kuya. I love those people he loves. And he loves you very much. I’m sure you know that, because he made sure that all of us, his friends know that. And since ayaw mong ipaalam sa kanya ang pinagdadaanan mo, I’ll do the thing na ayaw mong ipagawa sa kanya.”

Hindi ako nakapagsalita. Napahiya ako.

“Well, iyun naman e kung papayagan mo rin ako.”

Yumakap ako sa kanya. Umiyak ako. Iyak ng takot at pagod, na sa lahat ng pinagdaanan kong iyun, pinagdaanan kong mag-isa. At ngayon, may isang taong nagsasabing pwede ko pala siyang maging kakampi.

Bumitiw ako sa kanya. 

“Salamat,” sabi ko na nagpatuloy pa rin sa pag-iyak at pagsinghot ng sipon.

Ang bobo ko. Concerned lang pala ang tao sa akin, pinagkamalan ko pang bakla. Pinag-isipan ko pang may gusto sa akin. Nakakahiya.

May kinapa siya sa bulsa niya. “Sorry, wala akong panyo, ito na lang.”

Inabot niya sa akin ang pouch ng shades. Napahinto ako nang sandali. Pero hindi ko na pinansin, sinabi niyang hindi siya ang lalaking iyun, ibang tao siya. Maniniwala na lang ako. Sa ngayon, siya ang kakampi ko, hindi ang lalaki sa aking ala-ala at panaginip at okay naman ako kay Gabriel.

“I’m knda free tonight,” sabi ni Gabriel. “So if you’re cool, I can stay here for w a while. Do you wanna watch a movie? I have an old film in my laptop, Zoolander.”

“Bili muna tayo ng pagkain, magugutom tayo. Teka lang, papa-deliver ako.”

“Nope, let’s have drive na lng muna,” sabi ni Gabriel. “Gusto ko ring kumilos-kilos. Nakakangawit yung drama mo e.”

Nagtawanan kami.

Masaya ako. Sa unang pagkakataon. Masaya ako. Pinapasok ko na siya sa bahay ko, hindi ko alam kung papapasukin ko siya sa buhay ko.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Thing New In My Life

CHAPTER 7

Hindi pa ako agad nakatulog nang umuwi si Gabriel. Alas tres na rin yun pero hindi pa ako inaantok. Kaya binuksan ko muna ang desktop, facebook at hanap. Gabriel… Hindi ko pa pala alam ang apelyido niya.

Pinuntahan ko ang FB ni kuya, malamang naman friends sila. Friends nga sila. Gabriel Carlos. One friend in common. Add as friend?

Bakit ko naman siya-add as friend. baka tanungin pa ako ni Kuya. Maging issue pa.

Hanggang may mag-pop sa messenger.

“Why are you not adding me up yet?”

Tapos may lumabas na friend request. Gabriel Carlos wants to add…

Bakit niya ako ina-add?

Confirm? Confirm. Confirmed!

“You’ve confirmed my friend request. Now, let’s chat.”

“Kaka-open ko lang ng computer,” sagot ko.

“Why still awake?” tanong ulit niya.

“Bakit andami mong tanong?”

“Ayaw mo?”

“Okay lang. Sige tanong ka lang.”

“Actually, it wasn’t easy searching for you. You aren’t a Mendoza like Albert.”

“Yup, Cruz ako, sa nanay ko.”

“Antagal nating magkasama kanina, hindi mo pa nasabi.”

“Kung sinabi ko, e di wala na tayong pag-uusapan ngayon.”

“Ine-expect mo palang mag-uusap pa tayo ngayon. Bakit hindi mo pa ako in-add kanina?”

Ha? Give away ba ako? Bakit niya alam?

“Seenzoned na ba ako? Bawal mag-isip. Sagot lang nang sagot.”

Hindi ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa screen nang matagal.

“Hindi ko nga pala alam number mo.” Tanong ulit niya.

09159825136 binigay ko ang number ko.

Nag-ring ang phone ko.

“Okay, nakuha ko na ang number mo.” Sagot ko. “Anung ilalagay ko?”

“Sagutin mo ang phone mo.”

“Bakit?”

“Kasi nagri-ring?”

Hindi lang pala ito miscall. Natapos ang chat namin.

“Hello.” Sagot ko.

“Hello,” Sabi ni Gabriel.

“Kuha ko na ang number mo, anong ilalagay kong pangalan.”

“Boy pogi.”

Natawa ako. 

“Ang kapal!” sabi ko. “Gabriel Carlos.”

“You have my full name naman, why did you not add me up in Facebook?”

“Bakit ka English pag kausap, pero pag sa chat, Tagalog?”

“I’m practicing my Tagalog,” sabi ni Gabriel. “But don;t change the topic, why did you not add me up?”

“Mag-chat na lang tayo,” sinubukan kong baguhin ang usapan. “Kung napansin mo kanina, hindi ako sanay magsalita.”

“Sasanayin kita like sinasanay ko ang self kong magtagalog.”

“Ano?”

“Chats gives you time to filter your thoughts,” sabi ni Gabriel. “But when we are actually talking, walang edit-edit ng conversation.”

“Oo nga, yun nga yung hindi ko kaya.”

“Sige, try ko magtagalog as much as I can, basta lang mag-usap tayo.”

“O sige,” mabagal kong sabi. 

Hindi ko sure kung gusto ko ang patutunguhan ng gabing ito. 

“Sige, try natin,” sabi ko.

“Kaya mo yan, umpisahan natin, yung na-seenzoned mong kwento kanina. So bakit hindi mo pa ako in-add e gusto mo rin naman palang mag-usap pa tayo? Atsaka alam mo na rin naman pala ang buong pangalan ko.”

“Alam mo, hindi ka farmer?”

“Bakit?”

“Ang fishing mo e.”

Natawa siya. Natawa ako.

“Joker ka nga. Dapat nagsasalita ka nang madalas, sayang ang mga mapapa-happy mo. i mean mapapasaya. ibig kong sabihin, mapapasaya.”

Napapasaya ko ba siya? Kung anu-ano pa ang nakwento niyang jokes, tungkol sa mga ginagawa nila ni Kuya sa org, tapos ako naman ang magse-share, kung ano ang palagay ko sa campus. Iba-iba pero, napansin nga niya na madalas natitigilan ako.

“O, nag-e-edit ka na naman ng sasabihin.”

“Napapasaya mo ako sa pagtatagalog mo,” sabi ko. “Ito, edit naman kaagad.”

“Para walang dead air,” sabi ni Gabriel. “Patay na hangin.”

“Patay na hangin?” sabi ko. “Ampangit.”

“I don’t know, what dead air is in Filipino,” sabi ni Gabriel. “So, bakit nga hindi mo ako, inimbitahang maging kaibigan?”

Hindi na naman ako nakasagot agad.

’Uy oh, antagal magsagot.“

“Bakit? Bawal na mag-isip?”

“O sige, magkwento ka na lang, pampaantok. Para makatulog na rin tayo.”

“Wow, ginawa mo pa akong TV. So anung telenovela naman ang gusto mong marinig?”

“Actually, alam ko naman na half brothers lang kayo ni Albert. Pero hindi ko alam magkaiba kayo ng apelyido.”

Tumayo na ako mula sa desktop at umupo sa kama. Kung gagawin ako nitong pampaantok, e dederetso na rin ako sa pagtulog. Load naman niya ang mauubos. At nagkwento na rin ako.

“Iyun ba? Kahit kasi other woman si mama, mataas pa rin ang pride niya. Ayaw niyang ipagamit ang apelyido ng daddy sa akin, sabi niya nga, siya na rin daw ang bubuhay sa akin, si Daddy lang ang nagpipilit magpaka responsible sa akin.”

“Ayaw mo ba ’nun, kahit hindi magkasama ang mommy at daddy mo, may dalawang magulang ka pa rin that love… na nagmamahal sa iyo.”

“Hindi ko na kailangan ang pagmamahal ni daddy. Okay na ako kay Mama.”

“Ayaw mo na bang may magmahal sa’yong iba?”

Hala. Napatayo ako. Lakad nang kaunti.

“Meron pa bang iba?” Tanong ko.

“Oo naman.”

“Sino pa?” Alam ko na itong mga ganitong usapan. 

Pag ito sumagot nang, nasa paligid lang sila hindi mo lang pinapansin…

“Nasa paligid lang sila hindi mo lang pinapansin…”

Natatawa ako pero hindi ko pinaririnig. Napahiga at sa hindi ko maintindihang dahilan itinaas ko ang mga paa ko at nagsisipa sa hangin.

May gusto sa akin ito. Final na. Pero paano, gusto ko bang may gusto siya sa akin. bahala na. Padala na lang ako sa nararamdaman ko. 

“O, bakit may earth…lindol dyan sa lugar mo,” sita ni Gabriel.

“Ano ba naman kasing sagot ’yan,” sabi ko. “Kung babae ako, kinilig na ako.”

“Oh, hindi ka babae, huwag kang kiligin,” basag trip na sabi ni Gabriel. “I was talking about your  daddy mo. Ikaw, not listening ka.”

Napagbagsak sa kama ang mga paa ko. Medyo malakas. At narinig sa baba. Dumating na rin pala ang nanay ko.

“Alex! Gising ka na o gising ka pa?” sigaw ni mama.

“Alas singko na ba?” tanong ko kay Gabriel. “Dumating na si Mama.”

“Oo nga, o sige na Mr. Cruz. Matutulog na rin ako. Good Night.”

“Nyt. Salamat sa pagtawag,” sabi ko.

At binaba niya ang telepono.

“Alex, bumaba ka muna,” tawag ni mama.

Bumaba naman ako.

“Bakit ma?”

“Bakit makalat?”

Hindi ko pa pala nalinis ang pinagkainan naming kanina ni Gabriel.

“Ay ma, may kaibigan ako kanina.”

Niyakap lang ako ni mama.

“May kaibigan na ang anak ko.”

“May kaibigan naman ako talaga.”

“Pwes maganda yan dahil may kaibigan din ako.” Tumuro si mama sa salas. 

May lalaking nakangiti. Matangkad. Mukhang artista na kumukuha nang tatay roles. Nasa mga late forties to early fifties. Matangos ang ilong, mestiso. At makapal pa ang buhok para sa edad niya.

Naglakad kami patungo sa sala kanya. Lumaki ang ngiti ng lalaki.

“Alex, si Raul,” pakilala ni mama, “or better call him Tito Raul.”

Saan hahantong ang tagpong ito? Para ngang telenovela ang araw na ito. At parang may dalang pagbabago ang pagdating ni Tito Raul. Nararamdaman ko lang, may pinapaalala sa akin ang ngiti ni niya, at hindi ko pa ito gustong isipin.

Muling nagbalik ang kaba sa akin.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One with Those Smiles

CHAPTER 8

Nagising ako na may tumutuktok sa sahig ko. Si mama, “Alex, bangon na, may bumubusina sa labas, hanap ka!”

Muli akong nag-towel at bumaba para paalisin na si Kuya Albert. Anu na naman at sinusundo ako? Ang aga-agang abala.

Pero nawala ang inis ko nang maamoy ang agahan. Mukhang hindi lamig ang kakainin ko. May nagluto, at pagsilip ko sa kusina, may lalaking labas ang abs na nagluluto. 

Pamilyar ang mukha ng lalaki, hanggang sa lumabas si Mama sa banyo at yumakap sa lalaki, na parang gusto niyang siya na lang ang damit nito.

Doon ko naalala, si Raul pala ito. Yung lalaking dinala niya sa bahay nung nakaraan.

“Good morning Alex,” bati nung lalaki.

“Good morning po, Mang Raul.”

“No Alex, Tito Raul siya,” sabi ni mama sabay halik kay ‘Tito’ Raul. 

Ganito kasi yan, mahalaga kay mama ang pantawag sa mga lalaki niya.

So Tito level na si Tito Raul. Okay. Naglihim si Mama. Huminga na lang ako nang malalim at nagtaas ng kilay.

Ganito kasi yan, mahalaga kay Mama ang pantawag sa mga lalaki niya. Mr at Mang = Malungkot lang si mama. Boyfriend na matatapos in three month time. Pero pag Tito na. Tito - Masaya na si Mama. Na-picture na niya ang sarili niya sa future kasama ang lalaking ito. 

Kaya naman ibig sabihin, tatlong buwan nang may ganap si Mama na hindi ko alam.

“Ibaba mo na ang kilay mo at baka sumama na yan buhok mo,” sabi ni Mama. “Hindi ko na muna pinaalam sa iyo, dahil baka mag-alala ka na naman. Baka mamroblema ka na naman sa lovelife ko. Malaki ka na, mayroon ka nang sarili mong issues na for sure, wit mo rin inispluk sa akin kasi ayaw mo akong mag-isip pa.”

“Huwag kang mag-alala,” sabi ni Tito Raul. “Hindi ako tulad ng mga nagpaiyak sa Mama mo.”

“Ang sweet di’ba,” sabi ni Mama sabay yakap na naman at halik sa bagong boyfriend na parang wala nang planong mag-agahan; kay Tito Raul pa lang, mabubusog na siya.

Ngumiti na lang ako. Aprubado ko na sila. Naglakad na lang ako papunta kay Kuya para sabihing sandali lang. Pero ang in-inhale ko kanina ay nakulong sa baga ko for a while.

“Anak, pakikabit ang panga,” biro ni mama nang mapansing nakanganga ako.

“Good morning,” bati ni Gabriel.

“Good Morning Tito Gab…” What? Anung nasabi ko? At ano itong suot ko sa harap ni Gabriel. Towel. “Bibihis lang ako.”

“Bilisan mo, late na tayo.”

Minadali ko na lahat ng ritual ko sa umaga. Ligo. Buhos, shampoo, sabon, facial wash, buhos. Punas. Deo. Brief. Pants. Socks. Shoes. Tshirt. Toothbrush. Pabango. Bag. Baba. Ngiti.

“Let’s go!” Yaya ko kay Gabriel.

Ayokong makita ang mga lampungan nina mama at Tito Raul kaya’t mabilis kong hinila si Gabriel. Pasok agad kami sa kotse. Nakangiti lang siya habang nagmamaneho. Ako iniisip kung ano ba ang nangyayari. Lalo pa nang hinawakan ni Gabriel ang hita ko. Kumalma naman ako, pero may ibang bigat ang pisil niya sa akin.

“I’ve been keeping you up so late for more than a month now,” paliwanag niya. “To make it up to you, hatid na kita sa class mo.”

Totoo naman. Mula nang maging FB friends kami, lagi na siyang nagcha-chat sa gabi, at kapag may napagtalunan kami, tatawag na siya para ayusin ang pagtatalo. At pagsolve na, chat ulit. 

Hanggang sa 

Goodnight.

Sweet dreams.

See you tomorrow.

See you in my dreams.

Tawanan. 

Goodnight na talaga.

Tapos, pagpasok sa eskwelahan, pagkatapos ng klase, parang highschool akong nagmamadali para makaiwas kay Jessie. Pupunta ako sa tambayan nina Kuya, doon ako kakain, kasama si Kuya Albert. Darating si Gabriel mga five minutes pagdating ko. Iyun, magkikita kami. Magkikita lang na parang hindi kami magkausap nung nagdaang gabi. Busy siya sa mga friends niya. Ako naman, nakikinig lang sa mga kakulitan ng mga ka-org nila ni Kuya.

Pero parang iba ang araw na ito. Hindi ako bahagi ng crowd. Hindi ako isa sa mga taong nakapaligid lang sa kanya sa tambayan. Nasa tabi niya ako, ang lalaking gabi-gabi kong kachat, ngayon, live na live kong kausap.

Sayang nga lang at kailangan niyang hawakan ang kambyo habang nagmamaneho. Gusto ko kasi ang lapat ng kamay niya sa hita ko.

“Arki, right?” tanong ulit niya.

“Oo,” sagot ko. “Salamat.”

“I’m actually wondering how you kept yourself away from your bully,” sabi ni Gabriel. “So I wanna make sure that he isn’t really bothering you.”

“Ayos lang ako,” sabi ko. “Binibilisan ko lang talaga.”

“No,” sabi niya. “I’ll fetch you up for lunch.”

Ano ba itong ginagawa sa akin nitong si Gabriel? Para saan ito? Totoo ba ito?

“Ayaw mo?”

“Hindi naman.”

“What hindi naman?”

“Ano lang kasi, si Jessie kasi… problema ko siya…”

“Then forget about Jessie. I’ll just pick you up and let’s have lunch, wala kasi akong kasabay. Do me a favor, please?”

Humarap siya sa akin. Pinalaki ang bumbayin niyang mga mata, pinaliit ang makikipot ng bibig at isinimangot. At iyun na. Kinuwestyon ko na naman ang nangyayari sa mundo, sa nararamdaman ko. Sa ginagawa ni Gabriel. Bakit niya ito ginagawa? Para pa rin ba ito kay Kuya? Bestfriend duties pa ba ito?

“Gotcha!” bawi agad niya pagkaalis ng puppy face na iyun. “Oo na yan!”

“Pinaglalaruan ako?”

“Sorry, is that how I am making you feel?” sincere niyang sagot. 

Kung alam mo lang gabriel kung ano ang pinapadama mo sa akin. Pakisabi. Kasi ako, hindi ko alam.

“Sorry talaga,” tuloy ni Gabriel. “But please have lunch with me. Everybody will be in the Perfromance in MasCom. Ako lang ang hindi. So please, samahan mo ako.”

Hindi na siya naka puppy face. Hindi niya kailangan. Napaka-charming ng lalaking ito. Kung babae lang ako e hinalikan ko na ito.

“Okay,” sabi ko.

“Thank you.” At humarap ulit siya kasama ang nagpapa-cute niyang mukha.

“Pero wala nang ganyang face?”

“I can’t help it,” sab ni Gabreil. “So just prep yourself for more of these.” 

“Gusto mo yatang mag-lunch mag-isa.”

“I really like you,” tumawa si gabriel. “You’re funny.”

He really likes me? Bakit niya sinabi iyun? Hindi na iyun mawawala sa isip ko. kahit pa nasa harap ko na ang Professor namin. 

Paano ko maiintindihan ang sinasabi ng prof kung ang nasa utak ko lang e “I really like you.”

Kinuha ko na lang ang canister ko at nilabas ang drafting paper, ang t-square at ang mga lapis. Nagsisimula na pala sina Arvin at Jobi sa plate. Ako, lumilipad pa ang utak, tinatangay ang puso. PUSO?!

Lumapit sa akin ang prof.

“Ay Alex, in love?”

“Sir?”

“Okay lang yan, tapusin mo na muna itong plate, tapos ma-in love ka na lang ulit, I’m sure you’ll be done in an hour.”

Binasa ko ang instructions sa board. Oo nga, mabilis lang ito. Pero ‘i really like you’ daw. Matanong na si Gabriel kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya.

Kinuha ko ang phone ko para mag-text kay Gabriel. Pero may message na pala.

“Wala akong class, dito lang ako sa likod mo.”

Nasa drafting area kami, sa lobby ang klase at bukas sa lahat. Lumingon ako at nakita ko siya. Nakatayo sa tabi ng column ng building. Ginagawa na naman ang mukha niyang… haaay! 

Buntong hininga na naman ako. At malaking ngiti sa loob ko.

Nagvibrate ang phone ko. May message.

Antagal mong lumingon.

Kanina ka pa diyan? Reply ko

Kanina pa ganito ang mukha ko para mainis ka. Nangalay na nga e.

Hahaha. Buti nga sa’yo.

“Alex, plates muna? Mamaya na ang landi,” paalala ng prof namin.

“Hala,” sabi ko. “Landi agad. Friend ko lang to kasi, sir.”

“Friend?” sabi ni Sir. “Namamasa na yang upuan mo sa kilig, friend?”

Hinawakan ko ang upuan ko. Hindi naman basa.

“O, natakot ka, kasi, pwedeng totoo?” pansin ni sir.

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Napalingon tuloy ang mga nakatambay na students sa likod namin. Isa doon si Jessie. Nakangiti din si Jessie. Mapang-asar.

Tumingin si Jessie sa akin, at lumingon kay Gabriel. Sumunod ang malakas na tawa. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Jessie. Bumuka ang bibig niya. Nabasa ko ang sinasabi niya. Bakla. Tumawa siya nang mas malakas.

“Wow naman Jessie,” sigaw ng prof. “May pa-audition si Santa Clause?”

Natawa na rin ako.

“Alex, plates,” sabi ng prof sabay talikod. 

Nag-huling-lingon muna ako kay Gabriel na nakatakip ang bibig at alam kong nakangisi.

Kinalimutan ko na muna si Gabriel. Focus sa pag-aaral. Huwag sa…  huwag sa ano Alex? Sige kausapin mo ang sarili mo. Huwag sa landi. 

Iyun. Nung naisip ko ang landi, natauhan ako. Kung anoman itong nararamdan ko, dapat itigil. Lalaki ang nagpapalandi sa akin. Hindi pwede. Sinimulan ko na ang plate. Isang oras. Eksakto. Tapos ang plate.

Tapos na ang paghihintay ni Gabriel. Kaya;t dinala niya ako sa gusto niyang kainan.

Chocolate Kiss. 

Isang maliit na restaurant sa campus, medyo tago at kaunti lang ang kumakain, hindi dahil tago siya kundi dahil sa mga naririnig ko, medyo mahal ang mga order. 

“Antagal mong gumawa ng plates, I’m famished,” sabi ni Gabriel habang papasok sa kainan.

“Famished, tapos dito kakain?” sabi ko kay Gabriel. “Anu’ng mabibili ng allowance ko dito?”

“Anything we want. You see, i don’t spend for a week just to be here on Fridays. Treat ko sa sarili ko. And now, sa iyo na rin.”

“Talaga?”

Naupo kami at inabot na ng waiter ang menu.

“Of course not,” tawa ni Gabriel. “Mayaman ang parents ko. Sobra.”

Natawa rin ako. Pero binawi ko rin nung nakita ko ang menu. Hala, pangnagta-trabaho ang presyo ng pagkain. Bottomless Iced Tea ang afford ng baon ko.

“Hindi mayaman ang parents ko, o ang parent ko pala. Sige, ikaw na lang.”

“Treat ko,” yabang ni Gabriel. “Ako naman ang nagyaya.”

“Hindi ’no,” tutol ko. “Kaya ko.”

“Okay.”

“Sa akin, bottomless iced tea,” sabi ko.

Napatulala ang waiter at si Gabriel. Parang naghihintay pa ng iba kong o-order-in.

“Yun na yun,” sabi ko.

“Bottomless iced tea,” sabi ng waiter sabay sulat sa kapirasong papel.

“Sa akin din, bottomless ice tea lang,” sabi ni Gabriel sa waiter.

“Akala ko ba gutom ka?” sita ko kay Gabriel.

“It wouldn’t look nice if you get an Iced Tea and I have a full meal by myself,” sagot ni Gabriel.

Dumating ang ice tea. Tig isang baso kami. May kasama itong isang baso ng honey, pampatamis. Ang fancy pala nitong restaurant na ito, lalagyan mo ng honey ang iced tea mo depende sa tamis na gusto mo.

Hahawakan ko na ang honey pero nauna ang kamay ni Gabriel. Napadikit ang kamay ko sa kamay niya. Tapos, nagtitigan kami. Binawi ko ang kamay ko. Ngumiti siya.

Iniangat niya ang honey at unang nilagyan ang iced tea ko.

“Gaano ka-sweet ang gusto mo?” tanong niya na may kasabay na kagat sa labi.

Nauumay na ako! Sobrang tamis mo Gabriel, parang honey na pumupuno sa baso ko.

“Tama na ba?” tanong niya.

“Sige pa.”

Ganun lang kami. Sipsip ng ice tea, order ulit, buhos ng honey. Nakakatatlong bottomless ice tea na kami ni Gabriel. Nagtitinginan na ang mga waiter sa amin. Puno na kasi ang restaurant at may naka wait list na, kami, iced tea lang ang order.

“Sige na, um-order ka na,” sabi ko. “Nakakahiya naman sa mga nakapila.”

“No, it’s okay,” sabi ni Gabriel. “I’m fine with this.”

Napapikit siya at pinahalatang nagugutom siya.

“E sa iyo, pwedeng mahiya?” binigay ko na ang hinihingi ng arte niya. “Gutom ka na.”

“I’m okay nga lang.”

“Sigurado ka?”

Umiling si Gabriel.

“E di um-order ka na.”

“Join me?”

Hindi muna ako nagsalita.

At inulit na naman niya ang mukha niyang ang hirap tanggihan. Napakaarte. Kung si Arvin lang ito o kung kahit si mama pa, wo-walk-out-an ko lang ito. Pero ayaw akong patayuin ng nararamdaman ko. Parang tanga lang, pero isa ito sa sa pinakamasarap na katangahan.

“Sige pero magbabayad ako?” sabi ko.

Tinaas ni Gabriel ang kamay niya at tumawag ng waiter. Iniabot ng waiter ang menu. “Isang nachos at isang putanesca. Paki-split ang putanesca.”

Tumingin sa akin si Gabriel. “Kain ha!”

Umoo na lang ako kahit hindi ko alam kung paano ang gagawin sa mga susunod na mangyayari. Paano ako uuwi? Isandaan lang ang baon ko. 75 pa ang ice tea. 25 ang share ko sa meal. Haay. Mamaya pa naman iyun. I-enjoy ko na lang. Nagkwentuhan pa kami habang hinihintay ang order.

Nagbago ang mukha ni Gabriel nang may makita sa likod. SIya kasi ang nakaharap sa pinto at nakakakita ng mga pumapasok.

“Huwag ka na lang lumingon,” sabi niya.

“Si Jessie ba ito?” mahina kong tanong.

Tumungo lang siya.

Hindi na pumasok sina Jessie. Waiting list pa yata sila. Hanggang doon na lang ang iisipin ko. Hindi ako lilingon, kakalimutan kong may demonyo sa likod. Hinga nang malalim at focus lang sa anghel sa harap ko. Anghel talaga, anghel talaga ang naisip ko. Angels vs demons?

Pero napapansin ko pa rin ang mga mata ni Gabriel na sumisilip sa labas.

“Wala naman siyang magagawa,” sabi ko kay Gabriel. “Huwag muna natin siyang isipin.”

“You sure, you’re okay?”

“Opo,” Ngumiti ako para mapanatag siya.

“If you’re fine, then we’re okay,” at ngumiti siya.

Dumating ang order. Pinili ni Gabriel ang mas marami at inilagay sa harap ko. Pinagsisilbihan ba niya ako?

Kinuha ko kaagad ang plate. Pagkaabot niya. Napangiti siya. Medyo naa-awkward ako.

“Don’t worry, hindi kita susubuan.”

“Ano?”

“Unless you want to?”

“Ano?”

“Kain na tayo,” sabi niyang ngumingisi.

Ako e hindi pa rin naiintindihan kung nagjo-joke ba siya. Pero gusto ko ’yun.

Natapos kami kumain na hindi pa nakakapasok sina Jessie. Nagtaas na ulit ng kamay si Gabriel para sa bill.

“One hundred sa iyo,” sabi ni Gabriel. Sana, bigyan ako kahit sampung piso, para may pamasahe ako pauwi. Isandaan lang ang baon ko. Mabait naman ito.

Pagkabayad at pagkasukli ay tumayo si Gabriel. May iniwang mga barya sa mesa, mga bente pesos siguro yun. Tip. Nakatingin lang ako sa mga barya.

“Huwag mo nang pag-interesan. Ihahatid kita mamaya,” sabi niya na parang na-practice na niya ang sasabihin bago pa man kami magsimulang kumain.

Nakakahiya naman, damang-dama kong nakalambitin ako sa poverty line.

Pero hindi pa iyun ang issue kong kailangang harapin. Lalabas na kami, at papasok na si Jessie. May kasama siyang babae. Maganda. Parang magde-date sila. Hindi naman siguro siya aastang halimaw sa harap ng babae niya.

Naglampasan lang kami na hindi nagpapansinan. Hanggang sa narinig ko ang tinig niya.

“Gabriel Carlos,” sabi ni Jessie. 

Mahina ngunit may kapangyarihan.

Huminto ako.

“Huwag mo siyang pansinin,” bilin ni Gabriel na tumuloy ang paghakbang.

Ngunit hindi ako natinag, kaya’t hindi na rin gumalaw si Gabriel. Humarap na lang siya kay Jessie. Hindi ako makalingon pero alam kong nagtitigan silang dalawa.

“What’s up?” tugon ni Gabriel.

“Hindi mo siya laging matatabihan,” banta ni Jessie.

Doon ko hinarap si Jessie. Tiningnan ko lang ulit siya. Hindi ko alam, ngunit napapansin kong kapag malapit sa akin si Gabriel ay nagagawa kong tingnan si Jessie.

Ngumiti si Jessie.

“Let’s go,” yaya ni Gabriel.

Sumunod na ako kay Gabriel at lumabas na kaming tuluyan sa restaurant.

“Let’s not let him spoil our day,” sabi ni Gabriel.

“Oo, salamat sa lunch,” sabi ko.

“Why salamat,” Tanong ni Gabriel. “You didn’t let me treat you.”

“Alam ko, pero hindi ko kasi inakalang makakakain ako sa Chocolate Kiss.”

“Oh, okay,” sabi ni Gabriel. “Just reserce those thank yous. Marami pa tayong kakainan.”

Naglakad na kami pabalik sa kotse. Drive ulit patungo sa next class.

Masaya ako sa lunchna ito kasama si Gabriel. Perfect na nga sana kung hindi ko nakita si Jessie. At nang maalala ko iyun, kahit nasa kotse na ako at katabi si gabriel, kinabahan ako. Nakakatakot ang huling tingin ni Jessie. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga ngiti niya. May iniwang tanong, na hindi ko alam kung ano, at para saan?


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One A Spaghetti Can’t Deny

CHAPTER 9

Only dead fish go with the flow. 

Yan ang sabi ng isang post na nakita ko sa IG. Pero hindi ako naniwala. Nagpaanod na lang kasi ako sa mga ginagawa ni Gabriel. Hindi ko na kinuwestyon. Hindi na ako nagtanong. Sumabay na lang ako. At masaya naman ako. Buhay na buhay ang pakiramdam. Quote lang naman yun, bakit ko ba pinapatulan. Hindi naman ako isda. Hindi ako malansa. Enjoy lang.

Nasasanay na kasi ako sa paghahatid-hatid sa akin ni Gabriel. Nasasanay na rin si Mama sa kanya.

“Anak, yung totoo,” sabi ni Mama. “Anong meron diyan sa Gabriel na ’yan?”

“Hindi ko alam Ma,” sagot ko. “Pero okay naman, may service ako papasok at pauwi. Hindi mo kailangang mag-alala.”

“Sabagay,” sabi ni Mama. “Pero ask mo rin sa kanya kung anung pakay niya, ha. Baka serial killer yan.”

“Wala naman sa itsura niya ang papatay,” sabi ko. “May kilala akong mas malala ang itsura.”

“Ay, you can never can tell,” sabi ni Mama. “Mayroon ngang bata, mukhang 10 years old, pero matanda na pala, pinapatay yung mga umaampon sa kanya.”

“Ma, si Esther yun, pelikula lang yun,” sabi ko.

“I know,” sabi ni Mama. “Pero syempre, may scientific basis yun. Pero proud naman ako sa iyo anak at nakakahanap ka na ng friend.”

Niyakap ako ni Mama. Natuwa din ako. Mayroon akong friend na hindi natatapos sa oras ng klase. First time ko. Kaya na rin siguro hindi ko na tinatanong kung normal ba ang ginagawa ni Gabriel. Wala akong pagkukuparahan. Aprubado na rin naman kay Mama. Okay na. 

Minsan nga, umuwi ako, may note si Mama sa Ref. Alam na niya na may kasama ako.

At ang kasama ko pa ang unang nakakita. Kinuha ni Gabriel ang note sa ref at binasa.

Papasukin mo muna si Gab, pakainin mo, may food pa sa ref, I oven toaster mo na lang, masama daw kasi pag microwave lagi ang ginagamit…

“Ay akin na ’yan!” agad kong binawi ang note na kinuha ni Gabriel. 

“Tita is so sweet,” sabi ni Gabriel, habang kinukuha ang spaghetti sa loob ng ref. “No wonder, your dad fell for her.”

“Ang mga sweet na tao, hindi niloloko,” sabi ko.

Matter of fact-ly lang. Nakasanayan ko nang hirit. Pero parang hindi usual ito sa pandinig ni Gabriel.

“Sorry.”

Napansin kong napahiya talaga si Gabriel. Nanatili siyang nakaharap sa oven kahit napihit na niya ito at pwede nang iwanan. Nakita ko rin ang reflection niya na nakakagat ng labi at lukot ang mukha. Sising-sisi sa kanyang nasabi.

“Okay lang,” sabi ko. “Hindi ko na yun issue.”

Hindi pa rin lumilingon si Gabriel. Parang gusto na niyang matunaw.

“Sixteen years na yang fact,” pagsisiguro ko sa kanya. “Nung mag-twelve ako, tanggap ko na. Tanggap na nga ni mama, ako pa ba?”

Nakumbinsi ko naman siya. Humarap siya sa akin.

“Sorry, that was insensitive,” sabi ni Gabriel. “Now everything is awkward. I should have studied my compliment list.”

“Mukhang marami ka nang nasabihan niya.”

Natawa siya. 

No, i usually get that,“ sabi ni gabriel. “Sinubukan ko lang. And then, see, i found out that it isn’t applicable to everyone. Sorry.”

Mahina kong tinapik ang braso niya. 

“Okay nga lang,” sabi ko. “Applicable naman. Na-touch naman ako.”

Napangiti siya.

“Isa pa nga,” pakiusap niya.

“Na alin?”

“That tap on the arm thing,” habang tinuro niya ang braso niya na napansin kong nag-flex.

“Bakit tumitigas yan?” tanong ko.

Ni-relax niya.

Natawa ako.

“Bakit ba kasi, tinapik lang, pinapaulit pa.”

“Because that’s a first,” sabi niya. “Your hand, your touch, on my skin.”

Anong pinagsasabi nito? At ngumingiti pa na parang namimilit. Kaya iyun. Tinapik ko na lang ulit.

Nagtawanan kami.

Inulit ko pa ang pagtapik sa kanya. Paulit-ulit at pabilis nang pabilis. Lalong gumanda ang ngiti ni Gabriel. Hanggang sa nakatitig na lang siya sa akin at nakangiti. At sa huling tapik ko sa kanya, sinalo niya ang kamay ko. At hinalikan.

Nakangiti pa rin siya at ako ay nakatitig lang. 

Nawala ang ngiti ko, pero alam kong kitang-kita sa mga mata ko na gusto ko ang ginawa niya.

Tumunog ang oven. Thank you oven. Mas awkward pa ito sa pagkapahiya ni Gabriel kanina.

Binawi ko ang kamay ko. Napansin kong iba na ito. Hindi na ito bahagi ng usual na ilog na alam ko. Magpapaanod pa ba ako?

“Walang lasa ’yan,” sabi ko. “Nandun yung spaghetti, kung gutom ka na.”

“It’s maalat kaya.”

Natawa na naman siya.

Napangiti na lang ako. Yung ngiting dapat akong ngumiti kasi ayoko siyang mapahiya. Ang totoo, napapaisip na naman ako. Bakit niya hinalikan ang kamay ko?

Sa salas na ako dumretso dala ang bowl ng pasta at ang sauce na nakahiwalay. Binuksan ko ang TV. Teleserye na ang mga palabas. Tapos na ang balita. Nakasunod sa akin si Gabriel na may dalang dalawang pinggan, mga kubyertos at dalawang baso. Isinunod niya ang isang bote ng tubig. 

Bago siya umupo ay pinatay niya ang TV.

“Bakit?” tanong ko.

Tinuro niya ang TV na nasa harapan namin. 

“Let’s just watch us,” sabi niya.

Inilabas niya ang kanyang laptop at pinatugtog ang playlist niya. Parang lumang album ni Nina ang mga kanta, yung mga ni-revive na love songs. Yung live na kinanta sa rooftop ng isang building. 

Anung kalokohan ito?

“O diba,” ngumiti si Gabriel. “Look at you and me. That is us, in our own teleserye.”

“Ano?” nagulat ako. 

Hindi ko talaga naiintindihan. Saan ito papunta? Anung pinagsasabi niya?

Nilagyan niya ng pasta ang mga pinggan namin. Sinunod niya ang sauce. Hinalo muna niya ang spaghetti ko, tapos yung sa kanya. Pinapanood ko lang siya habang hinihintay ang sagot sa tanong kong “ano?”

“Narinig mo naman, right?” sabi ni Gabriel.

Nagpapaka-cool siya. Parang normal na usapan lang ang ginagawa niya. Pero ako, nababaliw na ako sa paandar niya. Siya nga ang unang kong kaibigan. Pero sa mga napapanood ko sa TV, sa mga nababasa ko sa libro, hindi ganito ang konsepto ng friendship. 

Pero dapat sabayan ko lang ang cool vibes niya. 

Pinanood ko siya. Alam ko kasing habang ginagawa niya ang mga ginagawa niya ay nakikiramdam siya sa mga ginagawa ko. 

Sumubo siya. Ngumuya. 

Tuluy-tuloy ang pagkain na may mga paminsang tingin sa akin. Mga tinging kinukumpirma ang aking nararamdaman sa pagkakataong iyun.

Game na. Sige. Paka-cool tayo sa eksenang ito ng teleseryeng gusto mong pagbidahan natin.

“Sige narinig ko,” sabi ko. “Yun, sa TV, tayong dalawa, teleserye natin.”

“Good, you got it,” sabi ni Gabriel “Because if you didn’t, you might not catch my next lines.”

“At ang next lines na yan ay…” sabi ko na nag-aabang.

Nagpaabang naman talaga siya. 

Tinapos niya ang laman ng bibig niya. Lumunok. Uminom ng tubig. Tapos tumitig siya sa mga mata ko.

Nakipagtinginan ako sa kanya. At ako naman ang napalunok. Napakaamo ng mukha niya. Wala kaming sinasabi, pero nag-uusap kami. 

Hindi iyun sapat. Gusto kong marinig ang mga sinasabi namin. Nagkakaroon na kasi ako ng clue. Pero hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa mga sinasabi o sasabihin niya.

Hanggang sa ang mga nasa isip ay naging salita.

“I like you,” sabi ni Gabriel.

Yun lang pala.

“Sinabi mo na iyan,” sabi ko. “Sabi mo pa nga, you really like me. May really pa nga. Sige, pag-usapan natin ’yan.”

Ako naman ang nag-angat ng aking pinggan at nagsimulang sumubo ng spaghetti.

“Yes, I really like you,” sabi ni Gabriel. 

Sumubo ulit siya at nagtuloy sa pagkain. 

Parang sinabi lang niya na roses are red violets are blue refrigerator. papasa ito sa akin na romantic pero parang normal lang sa kanya ang mga salitang sinasabi niya. 

Walang pambobola, ang totoo, pero parang joke. 

Pero gusto ko. Okay lang ako. Casual lang. Madaling sakyan.

Sinabayan ko na lang siya. Ito ang game mo, kaya ko rin ito.

“Sige,” sagot ko.

Naglagay siya ng tubig sa baso ko at iniabot sa akin.

“Thanks,” sabi ko ulit.

Nagpatuloy ulit kami sa pagkain. Patuloy pa rin si Nina sa pagkanta.

“Tell your mom, her pasta is delicious,” sabi ni Gabriel.

Wow, saan nanggaling ang komento niyang iyun?

“You should try her recipe,” tuloy niya. “Paturo ka. Nakakagwapo lalo sa guy if he knows how to cook.”

“Sa tingin mo gwapo ako?” tanong ko.

“Have you been in the sea, lately?” tanong niyang hindi ko na naman alam kung saan niya hinugot.

“Ha?” saan na naman nanggagaling ang tanong na ito?

“Ang fishing mo kasi,” natawa siya. “Just kidding. Kaya ko ring maging funny.”

“Well, minsan, nagluluto rin ako, pag wala si mama, nag-iiwan siya ng recipe, tapos gagawin ko. Masarap naman. Nauubos ko rin,” kwento ko. 

Tapos tumahimik. Kaya itinuloy ko na lang ang gusto kong itanong bago mag-usap tungkol sa pagkain.

“Gabriel,” sabi ko.

“Yes?” tugon niya.

“Normal ba itong ginagawa mo?” sabi ko. “Masaya kasi ako na magkaibigan tayo. Pero nalilito ako kung ganito ba talaga ang magkaibigan.”

“Not all friends are like this,” sabi ni Gabriel. “This isn’t a normal me with a friend. Hindi ako ganito sa kuya mo. Sinabi ko naman sa iyo. I really like you.”

O sige na. wag nang tanga-tanga. Deretsahan na.

“Bakla ka ba?” tanong ko.

“Yes,” sagot niya.

Tapos sumubo siya. Ako naman, napainom ng tubig. Tahimik ulit.

“Are we still okay?” tanong ni Gabriel.

“Sa tingin ko naman,” sagot ko. “Walang problema.”

Tahimik ulit.

“Other than spaghetti, ano pang recipe ng pasta ang alam mo?” iniba na niya ang usapan. “Like do you know puttanesca or carbonara?”

“Nasubukan ko na rin dati,” sagot ko. “Iba-iba na ring kulay ng pasta ang naluto ko.”

Pero kahit nag-iba na ng topic, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pag-amin niya. Bakla siya. Hindi naman kasi halata sa itsura niya. Pero iyun, hindi naman sa naliwanagan ako sa mga kinikilos niya. More of na-confirm lang yung hindi ko iniisip na ginagawa niya sa akin. 

Pero hindi pa iyun ang napag-usapan namin. Iba. Marami pa kaming napagkwentuhan. Tulad ng colors.

“Oo nga ano, katabi sa in between nga ng colors ng rainbow ang untraviolet at infrared,” sabi ko nang buksan niya ang usapin ng colors.

Tapos naramdaman kong kailangan ko nang sabihin. Mula rin sa kawalan. 

“Gabriel, sabi mo, you really like me,” sabi ko.

“Babalik tayo dyan,” sabi ni Gabriel. “Okay lang sige. Alex, I really like you.”

“Kailangan ko rin bang masabi ang nararamdaman ko sa iyo?” tanong ko.

Tumuloy lang siya sa pagkain at sumagot. 

“I told you and i am telling you that, because that’s what i feel for you,” paliwanag ni Gabriel. “So you won’t be baffled with what’s happening between us.”

“Sige,” sabi ko. “Hindi na ako maba-baffled.”

Kung anoman ang baffled na iyun. Context clues na lang. 

“But to answer you, it’s a no,” tuloy ni Gabriel. “Bahala ka. I don’t wanna tell you what to do, because if I do that, dederetsuhin ko na lang ang pag-uutos na sabihin mong gusto mo rin ako.”

Baffled na naman ako. 

At habang sumusubo ulit siya ng spaghetti, nagtanong ako.

“Nasubukan mo na bang sumali sa marathon?”

“Yes, why?” sumagot siya ng tanong din.

“Ambilis mo, eh!” sagot ko.

Nagtawanan kami. 

Sunod niyang ikinuwento ’yung panahong sumali siya sa Marathon. Silang dalawa ni Kuya Albert daw. Sumampa pa sila sa Skyway. 

Naiba na naman ang topic. Kwento, tawa, kwento tawa. Atsaka pagkain. Alam naming may gusto kaming ibang pag-usapan pero nagpapadala kami sa kwentuhan. 

Dito ko napansin, kinakabahan siguro itong si Gabriel. Hindi niya rin pala kayang dere-deretsuhin ang usapan namin. Marunong naman pala siyang manimpla. Ayaw niyang mahalata na nagiging vulnerable siya sa pagsasabi ng nararamdaman niya. 

Napapansin ko iyun sa ilang kakaiba niyang tingin. Nakikita kong gusto niya ako, pero bigla niyang binabawi tuwing mapapansing magtatanong ako ng iba. At nang mahuli ko ang tingin niya, binalik n iya ang kwento sa marathon.

“I got a very bad blister then,” sabi niya. “I was wearing a new pair of shoes, and it didn’t fit me that well pala kapag itinakbo na. My whole sole was in pain the day after. Paltos lahat.”

Tapos out of the blue. Sisingit ako. Kailangan ko lang sabihin ang nararamdaman ko. Hindi ako patay na isda na magpapaanod lang sa usapan. Naging matapang na si Gabriel sa pagsasabi ng nararamdaman niya. Kailangan ko na rin.

“Okay lang bang hindi ko muna sabihin sa iyo ang nararamdaman ko,” sabi ko. “Hindi pa kasi ako sigurado.”

“Not sigurado is good for now” nakikita kong sinusubukan ni Gabriel na maging okay sa sagot ko. “At least you’re not saying na hindi mo ako gusto. It’s more of, nipag-iisipan mo pa. Right? Tama ba ako?”

Ayoko mang ipakita, pero natatawa ako. Nakikita kong nagtatapang-tapangan si gabriel. Nakikita ko kung paano niya pinipilit itaas ang confidence level niya. 

Kaya naman napasagot ako. Hindi ko pinag-isipan ang sagot ko. Ito ang mga unang pumasok sa isip ko.

“Gusto rin kita,” sagot ko. “Sigurado ako dun.”

“Well, that is so much better,” nakahinga nang maluwag si Gabriel.

Nagtawanan kami. Kwento, tawa, kwento tawa. Atsaka pagkain.

Sa gitna ng kwentuhan tungkol sa panga ni Nina, siya naman ang parang nagbalik nang usapan mula kung saan.

“When you said na gusto mo rin ako. It is the gusto as in gusto, right? Because gusto kita as in gusto na gusto kita, eh. And I assume na when you said na sigurado ka na, na gusto mo rin ako, e ’yun ’yung gusto na gusto mo rin ako. Tama ba?” tanong niya.

“Oo, na kung lalaki’t babae tayo, kung hindi tayo parehong lalaki, e babaguhin na natin ang status natin sa facebook na in a relationship.”

“We can do that. Don’t you want to be in a relationship with me?”

“Gusto,” shet, ang honest ko. “Sigurado akong gusto kita, pero hindi ko sigurado na kaya kong maging in a relationship sa isa ring lalaki.”

“Oh, you haven’t figured your self out yet,” sagot niya. “I thought alam mo na.”

“Alam ko na ang alin?” tanong ko.

“That you’re one of us?” sagot ni Gabriel.

“Us? sinong us?” gulat ko na may nakakatakot na reyalisasyon, “Si Kuya? Bading si Kuya?”

Natawa si Gabriel. Sobrang tawa na hindi ko naintindihan.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With the Love

CHAPTER 10

“Hindi ko rin alam ang baffled anak, pero ito nga siguro yun.”

Matagal tagal ding nakayakap sa akin si Mama. Tapos mas humigpit pa ang yakap niya, tapos humalik sa noo ko bago niya ako bitawan.

Kaya kong ikwento kay Mama ang nangyari sa amin ni Gabriel. Oo, alam ko, pinoproblema ko ito. At mula pa nang iwan ako ni Gabriel sa bahay para mag-isip e wala akong nagawa kundi sundin siya. Ang totoo, kahit hindi niya sabihin, mag-iisip talaga ako. Saan ba papunta ang mga pangyayaring ito? Ginulo niya ako. Pero hindi tulad nang panggugulo ni Jessie. 

Nararamdaman ko na isa itong magandang problema. Gusto ko ang nagaganap na pag-iisip na ito, at kaya ko itong ihingi ng tulong kay Mama, dahil matapos ako, siya ang pinakamaaapektuhan ng magiging desisyon ko. Well, pagkatapos pa pala ni Gabriel. So ang effect ng desisyon ko ay una ako, tapos si gabriel, tapos si Mama na. Kailangan niyang malaman ito.

Hindi ko lang inaasahan ang reaksyon ni Mama.

“Sabi ko na nga ba, eh! Sabi ko na,” paulit-ulit na sabi ni mama. “Dapat talaga, pagkabalik ng alindog ko, naghanap na dapat ako ng bago mong tatay.”

Umupo na ako pagkabitaw ni Mama. Tapos nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin.

“Ma, hindi ka naman nagkulang, okay ka naman,” sagot ko.

“Syempre naman! Alam ko ’yun! Pero tingnan mo ngayon ang problema mo. Hindi naman siguro ikaw matutuluyan kung may tatay kang laging gumagabay sa iyo. ’Yung sasapak sa iyo ’pag lumalambot ka. Pero nandyan na ’yan. Ano pa bang magagawa natin?”

“Talaga, Ma,” tanong ko. “Papayagan mo akong saktan ng iba?”

“Alex, kung ikabubuti mo, bakit hindi,” depensa ni Mama. “Ano ba naman yang masapak ka ng isang beses, kung kapalit naman e hindi kita makikita nasasaktan ng mga tambay dyan habang tinutuksong bakla, bakla, bakla?! Aba, sabi nung baklang officemate ko, mas okay na daw yung binugbog na lang siya kesa araw-araw naman, sa bahay, sa eskwelahan, at ngayon, kahit sa opisina nahuhusgahan siya dahil bakla siya. Mas masakit daw yun.”

“Hindi mo naman ako sasaktan ng ganun dito sa bahay di’ba?” nalungkot kong tanong kay Mama.

“Hindi ko pa sure,” sagot ni Mama.

“Ma?”

“Joke lang, ito parang tanga,” lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. “Syempre, nag-iisa kitang anak. Kung baga sa mga calls ko, scripted na ako na mahalin ka at tanggapin ka kung ano ka pa man. Kung hindi ko susundin yun, baka matanggal ako sa trabaho. Baka itakwil mo ako bilang nanay mo.”

“Ibig sabihin, sinusunod mo lang ang dikta ng society, na mahalin ako para masabing magaling kang ina?”

“Oo, anak! Sige, isipin mo ang gusto mong isipin,” nagtaray ng kaunti si Mama.

“Ma?”

“Joke lang, syempre mahal kita, may society o wala,” sabi ni mama. “Nguynguy-nguynguy ka pa diyan.”

Nagyakap lang kami ni mama.

Tapos nagsalita ulit ako.

“Ma, kung hindi ba ako nag-iisang anak, ganyan ka pa rin?”

“Hindi, mas mahal ko yung kapatid mo, kasi ayoko sa bakla, galit ako sa bakla, malas sa pamilya, salot sa lipunan, peste sa pananim.”

“Ma?”

“E ikaw, e okay na, love na love ka na, puro ka pa pa-confirm.”

Nagtawanan muna kami, bago ako sumingit.

“Pero ma, hindi pa ako ano, ah,” paalala ko.

Hindi ko lang alam kung sinasabi ko ito kay mama o sa sarili ko. Parang paalala ko na rin sa sarili ko.

Bumuntong hininga si Mama. Tapos tumitig sa akin. Tapos ngumiti.

“May chance pa? Pwede ka pang maging straight? Paanong… e gusto mo si Gabriel di’ba?”

“Yun na nga ma. Gusto ko si Gabriel, pero ayoko pang maging ganun. Pwede ba ’yun, ma?”

“Ay, inunahan ako sa tanong,” Sabi ni Mama. “Pwede ba ’yun?”

“Ma, natatakot din akong maging…” Hindi ko masabi. “… gay. Paano kung hindi naman talaga ako ganun, tapos nagka-boyfriend ako. Baka maging ganun na akong habang-buhay, e ang totoo, hindi naman talaga ako sigurado ngayon. Baka mapasubo na ako nito.”

“Mapapasubo ka talaga anak.” At tumawa si Mama. 

Hindi ko naintindihan.

“Okay lang naman, Ma, di’ba?”

Tawang-tawa pa rin sa Mama. Hindi ko naman naintindihan, may joke ba akong nasabi? Hanggang tumigil siya sa pagtawa.

“Sorry, anak, ano ulit? Yung last part lang, pakiulit.”

“Sabi ko, okay lang ba na hindi ko pa alam kung straight ako o kaya ano?”

“Bakla? Okay lang, hindi mo pa nga masabi ang word na bakla.”

Nag-ring ang telepono ni Mama. Kaya naman nahinto muna kami.

“Sasagutin ko lang ’yun, ha, tawagin mo na lang ako pag sigurado ka na?”

Tumayo si Mama at lumapit sa phone.

“Next week na… Hindi ko pa nasasabi, isa-isa lang… oo, may issue pa kaming mag-nanay… di makapaghintay… oo, papayag din ito ’no… o sige, may heart to heart talk pa kami… sige, I love you too. Hindi sige na, ikaw na ang magbaba… hindi ikaw na… ikaw na… o sabay tayo… ay hindi pa niya binaba… o ulit one, two, three… baba mo na… o sige… isa pa… one, two, three… ay binaba na. Gusto ko pa e.”

Papalapit si Mama sa akin. At nakataas ang kilay.

“Baba mo yang kilay mo,” bilin niya sa akin. “Anlakas maka confirm niyan.”

“Ibaba mo na… Hindi ikaw muna… One, two, three… Sige na… Ikaw muna…” pang-iinis ko kay Mama.

“Ay parang hindi niya ginagawa, naririnig kita pag kausap mo ang Gabriel na ’yan, ganito ka rin.”

“Sixteen  lang naman kasi ako.”

“So ikaw na lang ang pwedeng maging masaya, ganyan? Kayo lang ni Gabriel ang may karapatan sa love?”

Natahimik ako.

“Pero anak, hindi ko naisip na ganun si Gabriel. Si Kuya Albert mo rin kaya? Mag bestfriend sila, di’ba?”

“Hindi naman daw, Ma,” sagot ko. “Seryoso si Kuya Albert sa girlfriend niya e.”

“Pero alam ng Kuya mo na may lansa itong si Gabriel?”

“Alam daw ni Kuya.”

“Pwede pala yun, Bakla tapos Straight, mag bestfriend. Lalaki at babae nga, kahit platonic daw, nagkaka-in-love-an, parehong lalaki pa kayang baliko ang isa? Ay anak, paano yan kapag naging karibal mo sa puso mo ang kuya mo. Ay, anlakas maka teleserye, pantapat ng ABS-CBN sa My Husband’s Lover, My Kuya’s Lover. Ay ang ganda, pang MMK.”

Nakatulala lang ako habang nagmomonolog na naman si Mama.

“Ay sorry, na-carried away lang,” sabi ni Mama. “So, binasted mo si Gabriel. Balikan natin, binasted mo siya kasi hindi ka pa sure kung bakla ka o hindi. Paano niya iyun tinanggap. Ay, ang tito Boy na question, I love it?!”

“Okay naman ma,” sagot ko. “Hindi na lang namin napag-usapan ulit. Kain lang kami, tapos kwentuhan nang marami. Nang matapos, nanood kami ng Walking Dead sa laptop niya.”

“Tapos.”

“Hinawakan niya ang kamay ko.”

“Ay para sa hindi pa bakla, nakikipagholding hands na ang anak ko.”

“Ang galing niya ma, e,” tuloy ko. “Hindi ko namalayan, naramdaman ko na lang, yung kamay niya, nasa kamay ko na, at yung mga daliri ko, nasa pagitan na ng mga daliri niya. Naramdaman ko na lang iyun nung ipatong niya ’yung ulo niya sa balikat ko.”

Nakatingin lang si Mama.

“Ma, ang bango ng buhok niya,” kwento ko.

“Anak, masamang sign yan?”

“Alam ko, ma, natatakot nga ako, hindi pa ako ganun, pero hinahayaan kong makipaghawakan ako ng kamay sa kanya.”

“Hindi yun anak, inamoy mo ang buhok niya. Masamang senyales yun,” nakatingin lang sa akin si Mama. “In love ka na.”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With The First Kiss

CHAPTER 11

Natapos ba ang lahat sa pagtatapat ni Gabriel?

Dumaan ang weekend, hindi nagtext, nag PM, o kahit nag poke man lang sa FB si Gabriel. Iyun na ba yun? Hanggang sa dumating ang araw ng klase.  Wala pang alas-singko ay gising na ako. Naghihintay sa busina ng kotse ni Gabriel.

Antagal na, wala. baka wala na talaga. Hayaan mo na. Gusto ko mang mauna sa pagkontak sa kanya, e baka sabihing, ako na ang naghahabol. Hayaan mo na lang siya.

Nang magring ang phone ko.

Agad kong kinuha ang telepono ko sa baso na sa pagmamadali ay nalaglag, mabuti at hindi nabasag.

“Hello,” sabi ko na gising na gising.

“Did i wake you up?”

Si Gabriel. Napataas ang dalawa kong paa at napapadyak na naman sa ere. Pero kaialngang magpanggap na hindi ako masaya.

“Uhm, oo,” nagpanggap akong bagong gising. “Bakit.”

“I don’t wanna wake your neighbors up,” sabi ni Gabriel. “Kaya tinawagan na lang kita. I’m outside. Prepare ka na, pasok na tayo.”

Hala, sinundo pa rin niya ako. 

So katulad nang dati naming ritwal, pinapasok ko siya, tapos nag-ayos ako ng sarili. Tapos sabay kaming kumain ng ininit kong breakfast na niluto ni Mama bago siya matulog pagkauwi niya mula sa opisina kanina. 

Medyo walang masyadong usapan habang kumakain. Hindi niya na-bring up ang nangyaring pagtatapat. at ang ilang araw na walang paramdaman. 

“Ma, alis na ako,” sigaw ko. “I love you!”

Tapos tinuktok ni Mama ang sahig. Go na yun.

Pagkalabas, pinagbuksan ako ni Gabriel ng kotse. At muli, hindi ko napigilan. Napasinghot ako nang mapadaan ako sa kanya. Ang bango ng buhok ni Gabriel. 

Patay. In love na nga siguro ako. Pero baka hindi naman tama ang theory na ito ni Mama.

Inamoy ko lang ang buhok, in love na agad? Paano pa kung sinabi ko kay mama na ambango ng hininga ni Gabriel. Na okay na sa akin kahit yung oxygen-turned-into-carbon-dioxide niya ang hingahin ko tuwing kausap ko siya. Ano pa ang itatawag dun?

Bahala na. padala na lang ulit sa agos. Hindi naman kailangang may magbago. Tuloy lang ito. Ayoko rin naman kasing matapos. Balik kami sa dating ritwal. Araw-araw na ulit kaming nagkikita at gabi-gabing nagkukwentuhan.

“Nasa gym na tayo, nakatulala ka pa diyan?” at naamoy ko ulit ang parang laging bagong sipilyong hininga ni Gabriel, at naisip ko, medyo nakakadiri itong iniisip ko. 

Not cool, Alex, not cool.

“Male-late ka na Alex,” paalala ni Gabriel.

“Sorry,” at nagising ako sa mga kung anu-anong tumatakbo sa isip ko. 

Kaya pala ako nakashorts at Shirt na may nakalagay na PE, e para mag-PE at hindi magmuni-muni. 

“Sorry Gab. Oo nga pala. Thanks!” sabi ko.

Agad akong nag unbuckle ng seatbelt at lumabas. Binaba ni Gabriel ang bintana at pinanood akong pumunta sa gym. Nakalingon ako sa kanya. 

“Salamat ulit! Ingat ka papunta sa class,” sigaw ko.

Nagmamadali na ako kaya’t hindi ko na nalingon ang pag-alis ng sasakyan. Alam ko lang sa tunog nang pag-arangkada ng kanyang kotse na umalis na siya.

Pagdating sa loob ng gym, wala na ang mga classmates ko. May nakasulat lang sa board.

“PE 1 class, dissolved, go to your new respective PE class.”

Sa ilalim ay may listahan ng mga pangalan namin. Cruz, Alexander Miguel. Swimming. Ha, bakit ako nasa swimming?

Matapos ko i-text si Gabriel na lumipat na ako ng PE, dumeretso na ako sa swimming pool. Isang sakay din iyun, at medyo iikutin ang buong campus bago makarating, kaya naman late na ako.

Nakita kong kumakaway si Arvin sa akin at nasa pool na, nakababad nang dumating ako. May kalakihan ang pool, pero maliit pa rin ito sa dami ng students na nadoon, siguro, nasa 20 na ang nandoon.

“Galing ka rin sa class ni Coach Noel?” tanong ng isang lalaking naka-trunks.

“Opo,” sagot ko.

“Punta ka muna dun sa shower room, tingnan mo kung may magpapahiram sa iyo?”

“Po?” narinig ko pero hindi ko naintindihan kung para saan ang sinabi niya.

“Marami na’ng students ko, isa na lang ang tatanggpin ko,” sabi ng coach. “Ikaw ang pinakahuling dumating, pero hindi lang ikaw ang nag-iisang walang trunks. May dalawang nauna sa iyo. Naghahanap na rin…”

Nagmadali na akong pumunta sa shower room. May naunang nagswimming kanina. Sana may ibang students pa na nagsho-shower.

Dalawang lalaking nakaupo sa bench sa may locker area ang naabutan ko. Pamilyar ang mukha nila. Isang naka PE Uniform pa, isang nakabrief na lang. Parang handa nang magpakita sa pool kahit brief lang ang suot.

“Wala na,” sabi nung naka-uniform. “Isa lang ang naliligo dun, at ayaw magpahiram.”

“Sino naman kasi ang magpapahiram sa atin ng trunks, hindi naman tayo kilala nun,” sagot nung isa pa.

“Ano bang nangyari kay Coach Noel?”

“Pumunta na daw sa Singapore. Dun na lang daw magtuturo.”

Tumuloy pa ang usapan ng dalawa. Habang nililinga-linga ko ang paligid, sinisipat kung sino yung naliligo. Patuloy pa rin kasi ang lagaslas ng tubig. Baka lalong magdamot kung papasukin ko.

Umupo na lang muna ako sa tabi ng dalawang lalaking napanghinaan na ng loob. Nakakahawa pala yun. Nanlumo na rin ako. Hay, goodluck na lang sa pangarap kong maging Laude. Dapat kumpleto daw ang PE sa first two years ng class.

Tapos naisip ko, hindi. Hindi ko pwedeng biguin si Inay. Hindi ko maaaring hayaan si Itay na ipamukha sa akin na hindi koi to magagawa na wala ang tulong niya. Hindi ko hahayaang maapi ang mga katulad kong mahihina at silang mga malalakas ang manatiling nasa kapangyarihan.

“Brod, okay ka lang?” tanong nung naka-brief lang. 

Nagsusuot na siya ng damit at parang handa nang umalis.

Hindi ko napansin na nagpupuyos na ako. Mahigpit na ang pagkakasara ng aking kamao, at parang maiiyak na ako sa galit.

“Sorry,” sagot ko. 

Tumayo na ako at napahiya, napalakad tuloy ako doon sa shower area. Tumayo na rin ang dalawa. Tumakbo yung naka PE uniform habang nagmamadaling nagbihis yung isa at humabol, sumisigaw na siya ang nakaisip na bumili na lang ng trunks sa shopping center.

Hahabol sana ako. Mabilis naman akong tumakbo. Napatunayan ko na. Pero tumigil na ang paglagaslas ng tubig. Baka maaari ko nang hiramin yung trunks nung naliligo.

Nakasalubong ko ang isang lalaking nakahubad. May nakatapis na towel sa kanyang balakang. Matangkad siya at matipuno. Malaki ang dibdib. Kapag humihinga siya ay nagkakaroon ng division ang kanyang flat na tiyan. Masyadong mababa ang kanyang towel at kitang kita kung paano tumuloy ang mga guhit  ng kanyang tiyan pababa at papasok sa natatakpang bahagi ng kanyang katawan.

“Hoy bakla, sa mukha ko ikaw tumingin.”

Nanlaki ang mga mata ko. Kilala ko ang boses na iyun. Paanong pag-aari ng lalaking iyun ang katawan na ito? Bakit naman parehas pa kami ng PE ni Jessie.

“Kung saan-saan gumagala ang mga mata mo. Gusto mo ba ito?”

Tinanggal ni Jessie ang towel. Hindi ako tumingin, lumingon ako sa may locker room. Higit pa sa pag-iwas ko sa ipinapakita niya, gusto kong tiyaking wala ang dalawang kaklase ko. Ayokong may makakita sa kung ano man ang gagawin sa akin ni Jessie.

Binato ni Jessie ang twalya sa mukha ko. Napaatras ako habang papalapit siya sa akin. Binaba ko ang twalya mula sa aking mukha at nakita ko si Jessie. Hubad at tanging blue na trunks lang ang suot. Tama siya, yun ang gusto ko, hindi pala gusto, kailangan ko. Pero hindi na lang kung sa kanya manggagaling.

Ngunit lalong lumapit sa akin si Jessie. Habang naglalakad siya ay hinila niya ang garter ng trunks at agad binitawan. Tumunog ang pagtama ng garter sa kanyang balat kaya’t muli akong napatingin doon.

“Huhubarin ko sana ito, pero parang mas gusto kong ikaw na lang ang magtanggal, ikaw naman ang may kailangan, di’ba?”

Tatakbo na ako ngunit mabilis niyang naharang ang kanyang braso. Napasandal tuloy ako sa pader katabi nang malaki niyang brasong nakaharang sa kaliwa kong pisngi. Lilingon sana ako sa kabila, pero humarang naman ang kaliwa niyang kamay. Unti-unti lumapit ang basa niyang hubad na katawan sa akin.

“Ano? Tanggalin mo na.”

Giniling niya ang balakang niya papalapit sa akin. Tumama ang harapan niya sa harapan ko. Napayuko na lang ako sa hiya, ngunit inangat ni Jessie ang mukha ko at kahit anong pilit kong iiwas ang ulo ko ay ipinipihit niya ito papaharap sa kanya. 

Mahigpit ang hawak niya sa panga ko. Nasasaktan ako, ngunit hindi ako makalaban. Hindi dahil sa ayaw ko, masyado siyang malakas talaga. Hindi rin ako makasigaw, maiiskandalo lang ako. Anong iisipin ng mga kaklase ko kapag may isang lalakng hubad na halos nakapatong na sa akin?

Hinarap ko na lang si Jessie. Ito ang gusto niya, titigan ko siya? Tinitigan ko siya. Mata sa mata. Hanggang sa bitawan niya ang mukha ko. Pero masyadong malapit ang mukha niya sa mukha ko. Walang isang pulgada ang layo ng ilong niya sa akin. 

Nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga. Pinilit kong hindi langhapin ang hanging nanggagaling sa kanya, ayokong magkaroon ng kahit anong nanggaling sa kanya.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay sa balakang niya. Muli akong lumaban ngunit mahigpit ang hawak niya sa mga braso ko. Pilit niyang naidikit ang palad ko sa katawan niya. Mainit ang kanyang balat, at inihagod niya ang kamay ko pababa sa kanyang trunks. Doon niya inilapat ang mga kamay niya sa mga kamay ko.

“Tanggalin mo na,” utos niya. “Baka mas magustuhan mo pa ang nasa ilalim nyan.”

Nakakainsulto ang yabang ni Jessie. Lalo pa nang unti-unti niyang naibababa ang garter ng trunks niya gamit ang aking mga kamay.

Sa pagkakataong ito, lumalaban ang kamay ko, kahit gaano pa kasakit ang paglaban na iyun.

“Ang arte mo naman,” bulong ni Jessie sa mukha ko. “Ikaw na nga ang pinagbibigyan, lumalaban ka pa.”

Sobra na.

Iniangat ko ang kanan kong paa at itinapak ko kanya. Wala siyang suot kaya’t alam kong mas masakit ang pagdiin ko ng sapatos sa paa niya.

Pero parang lalo siyang nagalit. Dahil habang idinidiin ko ang pagtapak sa kanya ay lalong dumidiin ang paghawak niya sa akin.

Nagtiim ang bagang ko sa sakit. Hanggang sa may mga impit na tinig na, na lumalabas ang aking bibig.

“Yan lang pala ang kaya mo e,” sabi ni Jessie na lalong lumalapit ang bibig sa akin.

Nararamdaman kong may mga namumuo na akong luha. Ayokong makita ni Jessie ang mga ito. Hindi ko ibibigay sa kanya ang saya na makita akong nasasaktan na at umiiyak pa.

Nasasanay na ang braso ko sa kamay niya, ngunit muli ay lalo pa itong sumakit. May ihihigpit pa rin ang kanyang pagkakahawak sa akin.

Napapalakas na ang pag-aray ko. Papatak na ang luha ko.

Hindi ito pwede.

Hanggang sa may isang kamao akong nakita na dumaan sa harap ko. Tumama sa panga ni Jessie.

Nabitawan ako ni Jessie. Humarap siya sa sumapak sa kanya. Kay Gabriel. Gumanti si Jessie. Sinapak niya si Gabriel. Napatumba si Gabriel. Hindi ako makakilos sa mga nakikita ko.

Natawa si Jessie. 

“Yan muna. Quits lang.”

Pinulot ni Jessie ang towel niya at lumakad papunta sa locker area.

Nanginginig pa rin ako, hindi ko alam kung sa takot o sa galit. Sinundan ko lang ng tingin si Jessie.

Tumayo si Gabriel at lumapit sa akin. Yumakap.

“Sige na, umalis na siya” sabi ni Gabriel.

Hinintay ni Gabriel na kumalma ako. Na mawala ang panginginig ko. 

Mas hinigpitan pa niya ang hawak niya para lalong mawala ang kung anomang iniwan ni Jessie. Hanggang sa mapaiyak na lang ako.

Yumakap na rin ako kay Gabriel. Hanggang sa maubos ang mga hikbi ko.

“Last na ito, promise,” sabi ko.

Isang mahigpit pang yakap bago kami magbitiw.

“Now go to your class,” sabi ni Gabriel sabay abot ng trunks. “Just show him that you have a trunks na, so you can get the slot. Go.”

Muli akong yumakap kay Gabriel.

“Thank you,” sabi ko.

“May kapalit ’yan,” sabi niya.

“Ano?” napalingon ako sa sinabi niya.

“Kidding, just go,” sabi ni Gabriel na may pahabol pang bulong. “Akala ko, may mauuna pa sa akin sa’yo e.”

Papalayo na ako pero napatigil ulit ako.

Bumalik ako kay Gabriel. Hinawakan ko ang kanyang mukha at idinikit ko ang mga labi ko sa mga labi niya.

Ito na ang simula. 


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Where His Hope Starts

CHAPTER 12

Nakuha ko ang last slot. Swimming na ang PE ko.

“Coach, ito na po ang trunks,” sabi ko sa kanya na humahangos pa.

Matapos ko kasing halikan si Gabriel, agad akong tumakbo papunta sa pool area. Ang totoo, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyun. Mabilis na halik lang. Idinampi ko lang ang labi ko sa labi niya. Tapos nanlaki ang mga mata niya. Nanlaki rin ang mga mata ko. Tapos, binawi ko na ang pagkakalapit ng mga mukha namin.

Para hindi na ako magpaliwanag, agad akong tumalikod at tumakbo.

Nagpaalam naman ako. “Sige na, papasok na ako, punta ka na ulit sa class mo,” at kung anu ano pa pero di ko siya nilingon. Nahiya ako sa ginawa ko.

Nakatingin lang sa akin si coach habang ipinapakita ko sa kanya ang trunks na hawak ko.

“Sir ito na po yung trunks,” ulit ko.

“Anong gagawin natin diyan sa trunks?” tanong niya.

“Sorry po,” tumalikod ako at naglakad papunta sa shower area.

Oo nga pala, uniform pala ang trunks, bakit ko naman winagayway sa mukha ni coach.

Habang naglalakad, naalala ko, nandun pa kaya si Gabriel? Anung mukha ang ihaharap ko sa kanya. Hinalikan ko si siya. Nakakahiya.

Malalim ang paghinga ko habang pabalik sa shower area. Sana wala na si Gabriel. Hanggang sa makarating ako sa loob. Wala akong nakitang ni anino. Yes! Ligtas. Lumuwag ang paghinga ko.

Naghubad ako ng damit, tinanggal ko na rin ang brief ko dahil wala akong isusuot pabalik. Ayoko namang umuwing walang underwear. Pero naku, wala akong twalya.

“I left the towel in the car,” si Gabriel sabay hagis sa akin ng twalya.

Tumalikod ako at sinalo ang twalya. Gaano katagal na siya sa likod ko? Nakita niya ba akong naghuhubad?

“Salamat,” sabi ko na hindi makatingin sa kanya.

Lumapit si Gabriel. Nakangiti. Ngumiti rina ko. Alam kong may mali sa mga ngiti ko. Alam kong nababasa niya sa mga mata ko ang nararamdaman ko.

“You don’t have to explain anything,” sabi niya. “Yet.”

“Sorry,” sabi ko.

Pinanood na lang ako ni Gabriel na maglakad pabalik sa pool.

Hinintay ako ni Gabriel buong swimming class. Nakita ko siya sa bleachers na pinapanood kung paanong mula sa parang aso, natuto agad ako ng proper freestyle. Hindi naman perfect, pero pwede ko na raw praktisin, sabi ni coach.

Mula langoy aso, nagmukha akong basang pusa na hiyang hiya sa naghihintay na si Gabriel.

“Hintayin mo ba ako,” sabi ko kay Gabriel with the hopes na hindi.

“Of course,” sabi ni Gabriel.

Kaya naman habang nagbabanlaw at nagbibihis, naisip ko na kung gaano ka-awkward ang magiging byahe namin.

Mga sampung minuto na rin siyang nagmamaneho at pareho kaming walang imik sa loob ng kotse. Nangingiti-ngiti siya. Alam kong alam niya na nahihiya ako sa kanya.

Napatigil kami sa isang intersection.

“Look at the stoplight,” sabi ni Gabriel.

“Okay. Bakit?” tanong ko.

“Mas mapula ka pa dun,” at tumawa si Gabriel.

Nag-init ang pisngi ko na mukhang lalong namula. Nakatingin pa rin sa akin si Gabriel. Napapikit na lang ako. Pwede na lang ba akong matunaw. Bakit ko pa ba kasi tinanggap na sumabay ako sa kanya pauwi?

“Alex, you don’t have to explain anything,” sabi niya. “Yung nangyari kanina, kung ayaw mong pag-usapan, huwag mo na lang isipin. Okay lang sa akin yun.”

Tumingin ako sa kanya.

“We can just forget about it,” sabi ni Gabriel, nakangiti.

Ang ngiting iyun. Parang masayang masaya siya sa naganap. Kahit sinasabi niyang kalimutan ko na lang, alam kong aalalahanin niya.

Umandar na ulit kami na hindi pa rin nagkikibuan. Nagpatugtog na lang siya ng mga love songs. Hindi ko alam kung nang-aasar ang mundo dahil saktong-sakto ang kanta… Strike up the band and make the firelies dance silvermoon’s sparkling. So kiss me.

Natawa kami nang malakas. Pati ako natawa na rin talaga.

Inilipat niya sa hita ko ang kamay niya pagkaayos ng radio. Napatingin ako dito, tapos sa mata niya. Nakangiti. Tapos kinuha ng kamay niya ang kamay ko at hinawakan. Habang nakapatong pa rin sa hita ko.

May kung anong saya akong naramdaman. Kailangan ko na namang kwestyunin ang sarili ko. Teka, gusto ko na bang maging kami? Hinalikan ko na naman kasi siya. Iyun na ba yun, iniisip na kaya niya na kami na? Pero pag tinanong ko, tapos ibinalik niya sa akin ang tanong? Ano’ng isasagot ko?

“If you don’t wanna talk about it,” sabi ni Gabriel. “Dont think about it.”

“Nababasa mo ba ang nasa isip ko?” tanong ko.

“It’s written all over your face.”

“Sorry.”

“So, where do you wanna go. Absent ang prof ko. I’m all yours,” napatigil si Gabriel, tapos tinuloy. “Sana, I can call you mine na.”

“Loko, namba-baffle ka na naman, eh,” sabi ko na. “Sa bahay na lang.”

“Ayaw mo?”

“Si Mama kasi, pinauwi talaga ako,” binago ko na ang usapan. “Inaayos kasi ang bahay.”

Sa bahay kami sa Marikina tumuloy. Nagpark siya sa tapat na bahay namin. Nandoon si Mama sa labas. Nakatingala. Maya-maya, nakita ko si Tito Raul sa bubong. Kumaway.

“Nandyan na pala ang binata mo, may kasamang reinforcement,” sabi ni Tito Raul.

“Ay bano ’tong si Alex ko sa pagkakarpentero,” sabi ni mama.

“Nakow, hindi pwede yang lalaking lalamya-lamya,” sabi ni Tito Raul, “Akyat ka dito at tuturuan kitang maging tunay na lalaki. Palibhasa yata e pagluluto at paglalaba ang naituturo ng Mama mo sa iyo.”

“Ewan ko sa’yo” sigaw ni Mama. “Mas gusto ko nang ganyan ang anak ko, kesa yung anak mong parang mambubugbog anytime.”

“Mukha lang maton yun, pero mabait yung si Je-Ar,” sabi ni Tito Raul. “Huwag kang mag-alala, pag naging anak na kita, magiging mas matigas ka pa sa mga poste ng bahay na ito. Tara, akyat ka na dito.”

Sinamahan na rin ako ni Gabriel sa bubong. Bukas ang kisame at isang yero papunta sa bubong. Kita rin ang pamakuang mukhang sira na.

“Bulok na kasi itong pamakuan,” sabi ni Tito Raul. “Kailangan na ring palitan itong dos por dos. Mukhang kakapusin itong naakyat ko. Hingi ka pa sa mama mo. May nalagare na ako kanina.”

Sinilip ko si Mama sa baba. Hindi ko gusto ang naramdaman ko. Nanlambot ang mga tuhod ko, at may kung anong umiikot sa loob ng sikmura ko. Napaatras ako. Mabuti na lang at nasalo ako ni Gabriel kundi, natumba ako. Nakakahiya kay Tito Raul.

“Tita,” tawag ni Gabriel, “Paakyat na daw po nung nalagareng kahoy.”

“Okay!” sigaw ni Mama.

“Sige na Alex,” sabi ni Gabriel. “I’ll help your Tito. Stay with your mom.”

“Ayus,” sabi ni Tito Raul. “Ano bang alam mo sa pag-ayos ng bubong?”

“Let’s see po,” sabi ni Gabriel habang tinataas ang mga manggas ng white t-shirt.

Dinampot ni Gabriel ang martilyo. Mukhang nagpapasikat, dahil may kaunting pagpe-flex ng muscle akong napansin. Tong poging ito, pasim-flex.

Habang hawak ni Tito Raul ang kahoy, itinapat ni Gabriel ang pako at pinukpok pabaon sa dalang dos por dos. Malakas pero eksakto na pako ang bawat pukpok ni Gabriel. Nang matapos niya, tumingin siya sa akin at ngumiti.

Tapos, ilang pamakuan pa ang pinagdugtong nila habang ako, nasa bubong din. Nabawasan ang takot ko sa heights habang pinapanood si Gabriel. Ilang sandali lang, natapos din.

“Nakakahiya naman,” sabi ko habang pababa na kami.

“Just think of this as my pamamanhikan” bulong ni Gabriel. “Tayo na, di’ba?”

“Luko-loko,” sabi ko.

Natawa naman siya.

Bumaba na ako dahil ayoko na magtuloy pa ang usapan. Iyun na nga ang kinakatakot ko. Hindi pa ako handang maging kami. Oo, hinalikan ko siya, pero spur of the moment lang iyun.

Nag-aayos na si mama ng pagkain nang abutan ko siya. “Pagkatapos ng bubong, papapalitan natin ng kulay ang pader,” sabi ni Mama.

“Bakit Ma?” tanong ko naman.

“Ipaparenta na natin itong bahay,” sabi niya habang dinedrain ang pasta. “Tapos doon na tayo kay Tito Raul mo titira. Magsasama na kami. Isasama na rin kita. Pakikuha naman yung cheese sa ref para magadgad na.”

“Ma,” sabi ko. “Mababago ang buhay natin, tapos yung pagkakasabi mo, ka-level lang ng pagpapakuha ng keso.”

“E paano ba dapat?” tanong ni Mama.

“Sana tinanong mo muna ako kung gusto ko ba yun?” sabi ko. “Ma, college na ako. Mag-e-eighteen na ako. Kasama sana ako sa desisyon.”

“Anak, mahal mo naman si Mama diba?

“Ayan, gagamitan mo naman ako ng ganyan…”

“Oo, gagamitin ko talaga ito, at mag-iiyakan lang tayo, tulad nung pagpapaliwanag ko sa iyo noon tungkol sa daddy mo, at tatanggapin mo lang din lahat ng gusto ko,” tuluy-tuloy na sabi ni Mama. “Anak, magaling akong umarte, at wala ka nang magagawa kapag umiyak na ako. Magtitiwala ka rin naman sa akin as usual e.”

“Wala ka bang ibang atake ma?”

“Anung gusto mo sumbatan?” tanong ni Mama. “Hindi pa natin iyun nagagawa.”

“Reserve na lang natin ang sumbatan next time,” sabi ko. “Malaki ba yung bahay ni Tito Alex?” maganda ba. Subdivision ba? Baka naman Gillage yan.“

“Anung Gillage?”

“GIlid ng Village.”

“Gaga, hindi. Anak, may gate yung subdivision at may Guard din. At required pa-check ang plano ng bahay. Bawal maiba sa theme ng subdivision. O, saan ka pa?”

“O sige na,” sabi ko. “Kung saan ka masaya. Basta ma, huwag akong pakikialaman ha, kung paano ka sa akin, dapat ganun din siya.”

“Anak, mahal na mahal kita, mas nauna ka kesa diyan sa mokong na yan. Nagkataon lang na mahal ko rin siya. Pero pag ayaw mo sa kanya…”

“Iiwanan mo siya?”

“Pag-usapan muna natin. Anak, mahal ko itong si Raul. First time ulit after ni… kita mo na, di ko na matandaan. Nabura na niya lahat ng sakit na naramdaman ko. Siya na talaga. Kaya gustuhin mo na rin siya. Unless papatayin ka niya, e tiisin mo na muna.”

“Ay naku, ’pag ako nabatukan niyan.”

“Batok lang naman, malayo sa bituka,” sabi ni Mama na tumalikod sa ref, may kinuha.

“Talaga, papayagan ninyo akong saktan niyang lalaki mo.”

“Oo.”

“Ha?”

“Charot lang!” sabi ni Mama. “Syempre hindi. E di naghiwalay kami. Pero may balikan pa yun. Mahal ko nga.”

“Ano?” Papayag ka ba o hindi? Ma, alam mo naman na…“ napahinga ako nang malalim. “At parang galit siya sa mga malalambot at malalamya…”

“Nakausap ko na siya. Hindi ka niya pwedeng pagbuhatan ng kamay. Pwede ka lang niyang tapikin, yakapin at hawakan nang may pagmamahal, pero hindi ka niya pwedeng saktan. Syempre nasabi ko na sa kanya iyun. Ikaw nga, huwag mo akong ina-underestimate. Naayos ko nang lahat yan.”

“Okay,” sabi ko. “Basta…”

“Magtiwala ka na lang sa akin.”

“Okay.”

Nang matapos ayusin ang bubong, tumuloy kami ni Gabriel sa kwarto. Akala ko ay uuwi na siya, pero parang hindi pa. Nagyaya siya sa kwarto na tumambay muna. Wala naman akong nagawa. Sabi ni mama, pagpahingahin ko daw muna si Gabriel dahil napagod.

Inayos ko ang laptop niya dahil gusto niyang manood ng Game of Thrones. Pagkatapos ay tumabi na ako sa kanya.

Nagulat na lang ako nang makita ko siyang topless. Hinubad na niya ang t-shirt. Ang katawan niya, tamang-tama ang hugis ng dibdib, at kahit hindi hiwa-hiwa ang abs niya e flat naman ang kanyang tiyan. Maganda rin ang kanyang braso, namintog sa pagpupukpok. Bakit naman napakaganda ng katawan nito? Nahiya akong tingnan.

“Is it okay?” tanong niya. “Wala akong pamalit eh, pawisan na, I don’t wanna stink on my way home.”

“Basta yang shirt lang.”

“Pati na rin itong shoes, please,” sabi niya. “Hindi mabaho ang paa ko.”

“Sige, pero hindi ang pants,” dineretso ko na.

“Okay,” sabi niya “Your turf. Your rules. Pero sa bahay ko, iba ha. Kailan mo nga ba ako plan bisitahin”

Nangiti na lang din ako na nahihiya. Parang dahil sa halik ay nagkakaroon na siya ng expectations. Kaya naman sige na, pag-usapan na ang elephant sa room.

“Gab,” sabi ko. “Yung kiss, walang ibig sabihin yun, ha?”

“Oh, was that a kiss?” sabi niya.

“Oo,” inis ko. “nagdikit kaya ang mga lips natin. Lips to lips nga yun e!”

“Smack lang yun,” sabi niya. “You want me to show you what a kiss is?”

“Yabang,” sabi ko. “Iyun e kung makikiss mo pa ako.”

“Why?” tanong ni Gabriel na nalungkot. “wala bang chance na maging tayo?”

“Meron, syempre,” Shet, ambilis ko na naman sumagot.

E parang sinabi ko na rin na oo, tayo na, nag-iinarte lang ako sa sagot ko na meron.

“Don’t worry, hindi ko iisiping nag-iinarte ka lang,” sabi ni Gabriel. “This is your first and you want it to be right. Walang balikan ang desisyon na yan. Basta I’m ready when you are.”

Niyakap ko na lang si Gabriel. Siya at ang hubad niyang katawan.

“I really thought that kiss was a yes,” sabi ni Gabriel habang nakayakap rin siya sa akin.

“Akala ko ba, hindi pa halik yun?” sabi ko na bumitaw sa yakap.

Pero hindi ako pinayagan ni Gabriel. Hinigpitan niya ang yakap at bumulong, “I don’t want to assume. Ayoko mapahiya.”

“E bakit ngayon,” sabi ko, guto ko ang usapannaming ito habang magkayakap.

“You just said, ‘Meron, syempre,’ and it sounds like a yes to me,” sabi ni Gabriel na bumitaw na at tumitig sa akin.

Ngumiti ako. Ngumiti rin siya. Parang naintindihan na niya ako.

“Gab,” sabi ko.

“Yup?” tugon niya.

“Huwag kang magsasawa sa akin ha,” sabi ko.

“Never,” sabi ni Gabriel. “You’ll always have a space in my heart.”

.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With the Jugs and Teddy

CHAPTER 13

“Lahat ng desisyon, may kapalit.”

Matapos ang Arki class ko, kinausap ko si Sir Cabalfin. Pinakita ko ang plano ng bahay namin, at tinanong ko kung paano mai-improve ang kusina, gusto kasi ng nanay ko na palitan ang mga kitchen cabinets.

“You should have checked in google muna, nandoon naman ang standard sizes ng cabinets,” sabi niya. 

Inayos ni sir ang lalim ng mga cabinets at lapad. Pati na rin ang taas at kung saan ilalagay ang mga handles. Matapos noon, nilibre ko siya ng lunch sa canteen.

“So dear, Alex, anung kapalit nitong pag-aayos ko ng cabinetry ng kusina ninyo?” tanong niya.

“Naku sir, masama yan,” gulat ko. “Hindi pa po ako handa.”

“Gaga,” sabi niya. “Hindi ako pedophile. Makukulong pa ako sa iyo.”

“E anong ibig sabihin ng kapalit?” tanong ko.

“Kapalit,” nagpaliwanag si Sir. “Chikahan mo naman ako ng love life mo. Anu nang score ninyo nung bantay mo? Nagholding hands? Kiss? Sleep together? Bongkang?”

“Nino po?” tanong ko.

“Ni Gabriel,’ sagot ni Sir.

“Alam nyo po?”

“Ang alin?”

“Na ano po si Gabriel.”

“Na ano? Bakla?”

Hindi ako nakasagot. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

“Oo naman,” sagot ni sir na may pagmamalaki. “Some things are hidden from the naked eye. At isa ang mga uri ni Gabriel. Yang yung mga baklang bina-vibes, inaamoy, ginagamitan ng gaydar. At nang matapat ako sa kanya. Ay!!! Nag-vibrate ang aura ko. Check, plangak, pasok sa banga.”

“Bakit hindi ko po nakita yun agad?”

“Hindi mo naman kasi hinahanap,” sabi ni sir. “Eh ngayong knowsung mo na, ano na?”

Hindi ako nakasagot.

“Ay namula ang bakla,” sabi ni sir.

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Hanggang sa magbago ang tingin ni sir. May pagtataka. ayan nanaman, kailangan ko nang magpaliwanag.

“Sir yun na nga po,” sabi ko. “Hindi pa po ako bakla.”

“Ay hindi pa?” gulat ni sir. “Naka-schedule?”

“Sir natatakot pa po ako,” sabi ko, “Kasi diba, wala nang balikan yun?”

“Medyo, at alam kong nakakatakot nga ang stigma,” sabi ni sir. “Pero okay lang. It’s worth it. Look at me. I am old, but I’m happy. Or hindi rin.”

Tumawa si sir na parang baliw. Nakatingin lang ako sa kanya. Tuloy ang pagkain niya ng lunch. Tapsilog ang lunch namin. 

“Sorry,” sabi niya. “Kabe-break ko lang. Kaya gusto ko ng mga happy stories. Para kahit vicariously lang, sumaya ako. So, what’t the real score?”

“Naisip ko na rin po iyan. Pag nag-out ako, baka maging kami na ni Gabriel,” sabi ko. 

Itinuloy ko na rin ang pagsubo sa Tapsilog ko.

“Kainggit naman. May welcoming committee ang paglabas mo sa closet,” sabi ni sir.  

Mukha ngang nainggit siya. Binaba niya ang kutsara’t tinodor, nagsalumbaba at tumingin sa akin na parang batang nakakita ng ice cream. 

Ikinuwento ko na tuloy lahat ng ginawa ni Gabriel para sa akin. Kilig na kilig si sir lalo pa nang sabihin ko na nagkiss na kami sa pool.

“Hanggang kiss pa lang pala, or smack for that matter,” sabi ni Sir. “Eh kiskisan, plantsahan? Ano plano mo? Top ka ba or bottom?”

“Sir wala pa,” nahiya ako sa mga tanong ni sir.

“Sorry, too much na yata,” sabi ni sir. “O sige, change topic. Paano na si Jessie?”

“Wala lang po iyun.”

“Sa iyo wala, pero alam naman nating yung mga tingin niyang iyun sa iyo…” pahiwatig ni sir. 

“Nababasa din ba yun ng gaydar?’ tanong ko.

“Minsan,” sabi ni sir. “At ayon sa vibes ko, parang may gusto sa iyo.”

“Opo,” sagot ko.  “Gusto niya akong patayin.”

Hindi ko ikinuwento kay sir ang pambubugbog sa akin ni Jessie. Ayoko nang may makaalam pa nun. Ayoko nang gawing issue. Ayoko na lang alalahanin. Mabuti na lang at nagring ang phone ko. Si Gabriel.

“Nandito ako sa canteen, with Sir Cabalfin,” paalam ko.

“Wow naman,” sabi ni Sir. “Hindi naman pala kailangan ng plano-plano dyan kay Gabriel mo. Ikaw na si Winnie the Pooh.”

Ibinaba ko ang tawag ni Gabriel.

“Bakit naman sir?” tanong ko.

“SI Gabriel ang pot of honey mo!”

Tumawa na lang ako. Prof ko ito. Nakakahiyang hindi. Medyo matagal na, in three counts, masasabing awkward na, kaya naitanong ko na ang isang awkward na thought.

“Sir paano po kami magse-sex if ever?”

“Now you are asking the relevant question,” sagot ni sir. “Pero ang sagot, malalaman mo kapag nandun na kayo. At kung gusto mong pangunahan ang mga kaganapan, i-google mo na rin. Gusto mo na ba?”

“Actually, sir,” sabi ko. “Hindi ko talaga naisip, hanggang kaninang tinanong ninyo kung ano na ang nagawa namin.”

Ngayon tuloy, andami ko nang iniisip. Bakit ba hindi ko naisip na kung gugustuhin ko talagang maging bakla, e kailangan ko ring makipagsex sa lalaki. Kay Gabriel.

“Sorry,” sabi ni sir. “BInigyan ba kita ng problema?”

“Okay lang po,” sagot ko. “Mukhang kailangan ko naman pala talaga itong pag-isipan.”

“Oo naman,” sabi ni Sir Cabalfin. “Sa karakas nung si Gabriel, e parang hindi natatapos ang lingo na wala iyung jugs and teddy.”

“Anung jugs and teddy?”

“Jugs, kangks, fuckito diaz,” sabi niya habang minumwestra sa kamay niya ang sex.

Noong una, iniisip ko kung kaya ko bang mahalin si Gabriel. Ngayon naman iniisip ko kung kaya kong gawin namin iyun ni Gabriel. Ang naïve ko pala talaga. Andami ko pang hindi alam.

Ilang sandal lang, dumating si Gabriel.

“Oh, nandito na pala ang welcoming committee mo,” biro ni Sir.

“Si sir, puro biro,” sabi ni Gabriel.

“O sya, babushkaneska na!” paalam ni sir. “Gab ha, first timer ito, alagaan mong mabuti.”

“Of course, sir,” at inakbayan ako ni Gabriel at idinikit sa katawan niya.

“Mahihiya ang beverages ng CBTL sa tamis ninyong dalawa,” comment ni sir habang papaalis.

“So pogi, what do you plan to do?” tanong naman ni Gab sa akin.

Gusto ko sanang planuhin na namin ang sitwasyon namin. Pero paan ko naman sasabihin yun. 

Kaya dumeretso na lang kami sa bahay namin. Para na rin maihanda ko na ang mga gamit ko. Mukhang seryoso si Mama sa paglipat namin sa bahay nina Tito Raul. 

“And I am your Welcoming Committee,” biro ni Gabriel habang nasa kotse kami, pabalik sa bahay.

“Gab, huwag mo na akng asarin,” sabi ko.

“I’m not nang-aasar” sabi ni Gab. “Actually, I am flattered.”

“Bakit?”

“Well, I think it is sweet na kinukwento mo ako sa prof mo,” humawak ulit siya sa hita ko at tumingin sa akin. “It means you’re really thinking about us. Pero di ako nagmamadali. Take your time.”

“Thank you,” sabi ko. 

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Is this it?” sabay ngiti at tingin sa kamay kong nakahawak sa kamay niyang nakapatong sa hita ko.

“Hindi ko alam,” sagot ko. “Pero okay na rin naman.”

“Sure?”

HIndi ko na lang pinansin. Kasasabi ko lang na hindi ko alam, tapo smagtatanong kung sure. Nag-assume ba siya? Pinalampas ko na lang. 

“Gab, question lang,” sabi ko. 

Gusto ko lang talagang linawin. Wala naman akong ibig sabihin.

“Yes?” sabi niya. 

Napansin siguro niyang naka-hang ako.

“Hindi, wag na lang,” sabi ko.

“Go, ask.”

“Hindi na,” sabi ko. “Baka ma-spoil ko ang gabi.”

“It wouldn’t.”

Napaisip ako nang matagal.

“Now you are spoiling the night,” sabi ni Gabriel.

“Sige, pag-iisipan ko muna, okay lang ba? Hindi ko alam kung paano sasabihin e.”

“Okay, basta mamaya, tell me.”

Huminto kami sa tapat na bahay. Nandoon din sa labas sina Mama ko at si Tito Raul. Nakatingin sila sa bahay habang may mga lalaking lumalabas na may dalang kanya-kanyang mga plywood.

“Anak, bumagsak ang kisame. Pinapalitan lang ni Tito Raul mo yung socket ng ilaw, tapos bumagsak, buti hindi siya nadaganan, kasi hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ang Tito Raul mo…”

Patuloy sa pagkukwento si Mama sa nangyari na titigil lang kapag hihikbi siya at lalakas ang iyak.

“There you go,” bulong ni Gabriel. “Lagot ka dyan, Alex.”

“Bakit naman?” tanong ko.

“She just said it,” tuloy ni Gab. “She’s setting you up na hindi na niya kayang mawala ang Tito Raul mo sa buhay niya.”

“Anak!” sigaw ni mama habang yakap ako. “Hindi ko kayang mawala ang Tito Raul mo sa buhay ko!”

“Ma, sineset up mo lang ba ako?” tanong ko kay Mama.

“Oo anak,” sabi ni Mama na bumitaw sa akin at nagpahid ng luha at sipon. “Set up lang to. Ikaw, nagda-drama ako dito, anlakas mo mambasag ng trip e.”

“Ma, wala,” sabi ko. “Masaya ako at umiiyak ka ngayon dahil masaya ka.”

“I know my boy,” sabi ni Mama na yumakap ulit sa akin. “At dahil dyan, dahil bumagsak ang kisame, wala tayong tutulugan. Gusto mo ba, dun ka na rin kina Tito Raul mo matulog? Kasi doon ako matutulog. Para makilala mo na rin ang anak niya…”

Gusto ko ba? O sa iba ko gustong matulog? 

“Saan ba si Tito Raul nakatira?” tanong ko.

“Sa Paranaque?” sabi ni Tito Raul. “Naku, sayang, wala si Je-Ar ko. Naka boarding house ngayon. Pwede sana kayong magkita.”

“May next time pa naman,” sabi ni Mama. “Overnight lang naman tayo, ’Nak. Siguro bukas, maaayos na ng karpentero aang kisame, balik bahay na tayo sa gabi.”

“Naku, maaga pasok ko bukas Tito,” paalam ko. “Baka ma-late ako kung sa Paranque pa ako.”

“Well, natawag ko na rin naman kay Albert ang issue. Okay naman daw na doon ka muna,” sabi ni Mama.

“Okay,” sabi ko.

Nagpasama ako kay Gabriel na pumasok sa bahay. Kailangan kong kumuha ng mga gamit pamasok. Para bukas. Medyo maalikabok nga. Parang bumagsak ang kisame dahil sa bigat ng alikabok na natambak sa itaas nun.

Kita na ang bubong namin pag-akyat namin ni Gabriel sa second floor. Sa may kwarto ko, ang isang plywood na kisame ay nakasabit pa. Papalapit ako nang bigla itong bumagsak. Napaatras ako at natalisod. Mabuti na lang at nasalo ako ni Gabriel. 

Itinayo niya ako at napadikit ang likod ko sa harap niya. Naramdaman ko siya. Naramdaman ko rin ang bahagyang paglapit niya ng katawan niya sa katawan ko. Napatingin ako sa kanya. Napatingin din siya. May ngiting kakaiba.

Umiling lang ako. Baka naman sinalo lang talaga niya ako at tiniyak na ligtas ako.

Ngumiti siya at nagnakaw ng halik sa pisngi ko.

Bakit naman kasi sa ganitong pagkakataon, sa maalikabok na lugar. Biglang pumasok ang mga tanong sa akin ni Sir Cabalfin.

“Let’s go,” sabi ni Gabriel. 

Nauna na siya at binuksan ang kwarto ko.

Mabuti naman at hindi damaged ang kwarto ko. Naupo Gabriel sa kama habang kinuha ko ang mga damit na isusuot ko. Shorts at tshirt. Medyas at brief. Hindi na ako nagdala ng towel. Hihiram na lang ako kay Kuya. Coloring materials. Drafting tools. Books at notebooks. Pagkalagay ko sa isang bag, tumabi ako kay Gabriel sa may kama. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

“So what it is that you wanna say?”

Tumingin ako sa kanya. Patingala, hindi ko pa rin inaalis ang ulo ko sa balikat niya. Siya naman, nakayuko sa akin.

Kinunot ko ang noo ko at medyo nilukot ang mukha.

“Sige na nga,” sabi ko.

Tumungo siya at nilukot din ang noo.

Huminga muna ako nang malalim.

“Gab,” sabi ko.

“Yup?”

“Gab, kailangan ba nating mag jugs and teddy?” tanong ko. 

Inalis ko ang ulo ko sa balikat niya at nayuko na lang ako. Hindi ko alam, bakit ko ba kailangang itanong pa yun.

Natawa si Gab.

“Andaya mo naman,” sabi kong nakayuko pa rin. “Dapat…”

Umakbay siya sa akin. Habang ang isang kamay naman ay kinuha ang baba ko sa pagkakatungo at iniharap ang mukha ko sa kanya.

“We don’t have to, if you are not ready,” sagot ni Gab. “Isa-isa lang sa iyo.”

“Seryoso?”

“Yuh.”

“Thanks.”

“No problem,” tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko para tumayo na rin.

Niyakap ko siya. Isa na naman sa mga biglaan kong desisyon.

“Salamat talaga,” sabi ko. “Hintayin mo ako ha.”

“Of course,” sabi niya na nakatitig sa akin. “Even if I’m not sure kung isususko mo ang pagkalalaki mo sa akin.”

“Hala,” sabi ko. “May ibig sabihin ba ’yun?”

“Yuh.”

“Ano?”

“I’m willing to wait for you. And until you’ve decided on going to my world or not, hindi muna ako maghahanap ng iba.”

Napangiti ako. Ngumiti din siya. Kaya’t hinigpitan ko lalo ang yakap ko sa kanya.

“Pero sige, kung gusto mong makipag-jugs and teddy sa iba,” sabi ko. “Papayagan kita. Hangga’t hindi ko pa kaya, sige, hindi ako magagalit kung maghanap ka sa iba.”

Lumuwag ang yakap niya sa akin. Hanggang sa magbitaw kami. Pinisil niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

“Ang cute, cute mo!” sabi niya.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With the Sleep Over

CHAPTER 14

Ting. Ground floor. Door closing

.

Kaming dalawa lang ni Gabriel ang sumakay. Magkatabi kami sa isang sulok ng elevator na kasya naman ang mga labinlimang tao. Sa peripheral ko, sinilip ko si Gabriel. Nakikita ko siyang nakangiti. May ibig sabihin. 

Naramdaman ko rin ang mga daliri niyang dumidikit sa aking kamay. Napangiti na din ako. Binuka ko ang mga daliri ko, at inilagay ni Gabriel ang mga daliri niya sa pagitan ng mga akin. Nagsayaw ang aming magkatalikod na mga  kamay.

Ting. 3rd floor. Door Opening.

May pumasok na batang lalaki na nakita ang laro ng aming mga daliri. Napangiti ang bata. Nakita rin ng nanay nito ang ginagawa ng kamay namin. Hindi natuwa ang nanay. Kinuha ang anak niya at inilagay sa harap niya, malayo sa amin.

Nakaramdam ako ng hiya. Inalis ko ang kamay ko mula kay Gabriel at humalukipkip muna ako.

Hindi nagustuhan ni Gabriel ang ginawa ko. Alam ko. Naramdaman ko. May panlalaban siya sa pagkuha ko ng kamay ko.

Ting. 4th floor. Door Opening.

Bumaba ang mag-ina.

Ibinaba ko rin ang aking kamay. Pero magkakuyom ang mga kamay ni Gabriel sa kanyang harapan.

Tinapik ko ang gilid niya. Tumingin lang siya. Tinapik ko ulit. At iyun, ibinaba na niya ang kamay niya. Nagdikit ulit ang aming mga daliri. Magkatalikod pa rin. Hanggang sa biglang inalis ni Gabriel ang kamay niya. Inikot sa kamay ko, at hinawakan.

Kaming dalawa lang sa elevator. HHSE. Holding Hands Sa Elevator.

Ting. 5th  floor. Door Opening.

Bago pa tuluyang bumukas ang elevator ay inalis ko ang kamay ko sa kamay ni Gabriel. Gusto ko pa syang hawakan, pero parang instinct ang pagbitaw ko. Hindi na naman naghabol so Gabriel Hinayaan lang niya ako.

“It’s okay,” sabi niya.

Ngumiti lang ako. Hindi ko pa kaya ang mga mata ng makakakita.

Bumukas ang elevator totally at tinahak na namin ni Gabriel ang pasilyo papunta sa unit ni Kuya. 5S. Kumatok si Gabriel at si Kuya ang nagbukas. Ayos na si Kuya Albert. Naka-Boxer shorts at sando na.

Pagpasok ng pinto, sa kanan ay ang banyo. Sa kaliwa naman ay kusina. Katapat ng kusina ang dining area at sa tabi nito ay ang salas. May isang three seater sofa na nakaharap sa TV, at isang ottoman. May center table din sa pagitan ng sofa at ng flatscreen TV. Sa likod ng TV ay may pinto papunta sa kwarto. Bakante ang kwartong iyun, studio ni kuya para sa kanyang mga paintings, readings, at kung anumang trip niya. Sa katabing kwarto noon ang kwarto ni Kuya.

Maayos na ang kwarto ni Kuya Albert nang dumating kami. Sa kama ay may dalawang unan at isang kumot. Sa sahig naman ay may nakalatag na kutson. May comforter na nakabalot. May kumot na nakatupi sa tabi at apat na unan.

“Mga gamit ni Gabriel yan,” sabi ni Kuya. “Mahilig kasi siya sa unan kaya siya na ang nagdala ng sarili niya.”

Bihis na si kuya para matulog. Samantalang kami naman ni Gabriel ay suot pa rin ang mga pinampasok namin sa school. Parehas kaming naka t-shirt. Ako, naka walking shorts, siya naka pants. Nagpaiwan muna si Kuya para ayusin ang aircon. Paglabas namin ng kwarto ay nagtanong ako kay Gabriel.

“Madalas ka ba matulog dito kina kuya?”

“Yuh,” sagot ni Gabriel. “When we were too drunk to go home, dito na ako natutulog.”

Dumeretso kami sa salas at naupo. Magkatabi. Hindi ako umiimik. Pag nalalasing sila, dito sila natutulog. Hindi naman siguro…

At parang nabasa ni Gabriel ang iniisip ko.

“No,” sabi ni Gabriel. “Your kuya is straighter than your T-square.”

Dumating si Kuya at parang nakikinig sa usapan namin. Umupo sa isa pang sofa. Kinuha ang remote at binuksan ang TV. Nilagay sa MYX. Nakinig lang ng mga music videos.

“Bestfriend muna ni Gabriel si Summer bago ko naging girlfriend,” sabi ni kuya. “Siya ang naging tulay ko.”

“And i have no plans of damaging our trinity,” dagdag ni Gabriel.

Hindi pa rin ako nagsasalita.

“At dahil magbestfriends kaming tatlo, alam kong lalaki rin ang gusto ni Gabriel,” sabi ni Kuya. “Nakakalungkot nga lang at hindi ako kasama sa mga lalaking type niya.”

“Yes, and it’s not because of your looks,” sabi ni Gabriel. “You know you are gorgeous. Masyado ka lang talagang straight para sa akin.”

Kaya pala ako ang gusto ni Gabriel. Ako ang malambot na version ni Kuya.

“Yan naman ang gusto ko sa’yo e,” sabi ni Kuya kay Gabriel na naglabas na ng beer sa lata. “Alam mong gwapo ako.”

“Of course not” sabi ni Gabriel. “You’re not as dapper, until you met us. Syempre, hindi naman kami papayag ni Summer na dugyutin ang makakasama namin sa mga lakad namin.”

“Perks of having a gay bestfriend,” sabi Kuya at sabay sila uminom ng beer.

Anung nangyayari? Naglalandian ba ang Kuya ko at ang lalaking “nanliligaw” sa akin? Parang may sinusundang tennis ball ang mga mata ko sa pagtingin ko sa kanila.

“Kaya mo na bang uminom?” tanong ni Kuya sa akin.

“I don’t think so, bata pa,” sabi ni Gabriel. 

Napansin yata niya ang iniisip ko. Lumapit si Gabriel sa akin umakbay. 

“You wanna try?” tanong ni Gabriel.

“Parang mas kilala mo na ang utol ko kesa sa akin, ah,” sabi ni Kuya. “Nagkainuman na ba kayo?”

Napangiti lang si Gabriel na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin. Tumayo siya at pumunta sa ref. Kumuha ng beer.

“Not really,” sabi ni Gabriel. “Ngingiwi pa yan.”

Inihagis niya sa akin ang isa pang lata. Sa pagkasalo ko, naalala ko, hindi ito ang unang pagkakataong sumalo ako ng beer. At naalala ko ang unang beses na nakatikim ako ng beer. Napangiwi ako. Sa Antipolo. 

At naalala ko ang taong nakalimutan ko na. Ang lalaking nagdala sa akin sa Antipolo. Hindi ko pa naitatanong kay Gabriel kung siya ba ’yun. Gusto ko pa ba?

“Buksan mo na, parang coke lang yan,” sabi ni Kuya. “Para naman maipagmalki  ko na ako ang nagturo sa iyong uminom.”

“Nakatikim na ako nito,” sabi ko. “Hindi ko gusto ang lasa. May isang lalaking nagpatikim din sa akin noon, sa Antipolo.”

“And why were you in Antipolo, umiinom?” tanong ni Kuya. “Sino yan?”

Binuksan ko ang beer. At uminom ako. Hindi ko talaga gusto ang lasa, pero ang pait ay parang tumatamis na hindi ko alam. 

Ganito pala iyun kapag sobrang lamig. Ang sarap. Kaya naman pala maraming nag-iinuman.

“So who is your mystery Antipolo guy?” tanong ni Gabriel na parang may alam.

Hindi ko alam kung iyun talaga ang itsura niya, o iyun lang ang gusto kong isipin. Kasi gusto ko siya na iyun. Nakallimutan ko na ang lalaki sa Antipolo mula nang makilala ko si Gabriel. 

Hindi na ako nakakasulat sa dream journal ko. Wala na akong pakialam. Hindi na ako umasa sa lalaking iyun, dahl nandito na naman si Gabriel totoo, hindi panaginip, nahahawakan ko.

Muling tumabi sa akin si Gabriel. Mula sa kawalan, hindi ko alam kung saan niya hinugot. Hinawakan niya ang kamay ko at biglang nag-open ng issue.

“Albert, nililigawan ko si Alex,” sabi ni Gabriel.

“Ha?” caught off guard si Kuya. “Well…”

“Kuya,” sabi ko.

Napatingin na lang ako kay Gabriel. Bakit niya ito tinanong? Hindi ba dapat ako ang nagsasabi nito kay Kuya?

Pareho kaming walang nasabi ni Kuya. Hinihintay kong sabihin ni Gabriel na joke lang. Pero may kumatok sa pinto. Muli kong binitawan ang kamay ni Gabriel.

Tumayo si Kuya. Hindi ko maipaliwanag ang expression niya. Pero mukhang hindi naman siya galit. Binuksan niya ang pinto. At ang inaasahan kong galit na reaksyon ni Kuya ay napunta sa akin.

“O, nandito pala si Gabriel at Alex, anak, anong ginagawa mo sa apartment ni Kuya mo?”

Si Daddy. Bakit siya nandito?

“Ginagawa ang bahay nina Tita Veron,” sabi ni Kuya. “Dito muna matutulog si Alex. Sinama na niya si Gabriel para mas masaya sana.”

“Well, sana hindi ako KJ, dito na lang ako sa sofa matutulog,” sagot ni Daddy na dumeretso sa kitchen. 

Kumuha rin ng sarili niyang beer. 

“Pero sali na rin ako sa inuman, kung okay lang,” sabi ni Daddy.

Siguro kung tatanda kami ni Kuya, si Daddy ang magiging itsura namin. Pero maputi si Daddy at si Kuya, siguro dahil maputi ang asawa ni Daddy. Samantalang si Mama, kayumanggi.

“Kumusta ka naman, Alex?” tanong ni Daddy sa akin na nakatayo pa rin sa kusina.

Mabuti na lang at nakatalikod ng sofa namin sa kanya. Ayoko kasi siyang makita. Ayoko rin siyang kausapin. 

Hindi na lang ako umimik. Ininom kong tuluy-tuloy ang beer. Pagkaubos, tumayo ako, kinuha ang bag ko, T-square at canister. Lumabas ako ng bahay ni kuya.

Sumunod si Gabriel sa akin. Malapit na kami sa elevator nang humabol si Kuya.

“Pasensya ka na Alex,” sabi ni Kuya. “Hindi ko naman alam na darating si Daddy.”

“Sorry din,” sabi ko. “Pwede naman akong mag-stay. Pero hindi ko yata kaya.”

“Saan ka na niyan?” tanong ni Kuya.

“He can stay in my place,” sabi ni Gabriel.

Nagulat ako. Napatingin ako kay Gabriel.

Lumapit si Kuya kay Gabriel. Oo nga pala, bago ang drama with daddy, ay hiningi ni Gabriel ang kamay ko sa kuya ko.

Yumakap si Kuya kay Gabriel.

“Ingatan mo ang kapatid ko, ha” sabi ni kuya. “Mahal na mahal ko ’yan.”

Bumitiw si Kuya kay Gabriel at yumakap naman sa akin. Mahigpit.

“Malaki ka na,” sabi ni Kuya sa akin. “Alam mo na ang mga desisyon mo. Alamin mo kung sino ka at ang mga gusto mo. Huwag kang pabigla-bigla.”

“Thanks kuya,” sabi ko. Humigpit din ang yakap ko.

“Nandito lang ako palagi,” sabi ni kuya. “Mahal na mahal kita. Tandaan mo palagi. Pwede mo akong takbuhan, nandyan man si daddy o wala.”

“Is someone going abroad?” tanong ni Gabriel.

Bumitaw si Kuya at ngumiti. “Basag trip ka naman e.”

Hinalikan ako ni kuya sa pisngi at yumakap ulit. “Basta ha, malaki ka na.”

At ginulo ni kuya ang buhok ko.

“Thanks kuya, mahal din kita,” sabi ko.

Dumating ang elevator, bumukas at sumakay kami ni Gabriel.

Hinawakan ko ang kamay ni Gabriel. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

Ting. Fifth Floor Going Down. Door Closing.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With The Brief And The Boxers

CHAPTER 15

Tulala.

Siguro ito yung epekto sa akin ng beer.

Hindi ako nagsasalita buong byahe namin ni Gabriel. Nakarating na kami sa condo niya, naupo na ako. Nakatulala pa rin ako. Nag-ring ang phone niya, sinagot niya, nag-usap sila, nakatulala pa rin ako.

Pero kakailanganin ko nang magsalita. Papalapit sa akin si Gabriel, inaabot ang phone. Si Kuya pala ang kausap niya.

“Sa tingin ko, pareho tayong nagulat sa sinabi ni Gabriel kanina,” paliwanag ni Kuya. “Pero huwag kang mag-alala, mabuting tao yang si Gabriel. Hindi ka mapapahamak dyan. Sinabi na rin niya sa akin na hindi ka pa handa…”

“Sorry, kuya, hindi ko sinabi sa iyo,” sabi ko.

Nahihiya ako kay Kuya. Siya ang bestfriend ko, ang kakampi ko, dapat sinabi ko sa kanya ang kalituhan ko.

“Walang problema,” sagot niya. “Hindi mo pa naman alam, makakadagdag lang ako sa aalalahanin mo kapag sinabi mo sa akin.”

Patuloy pa rin sa pagsasalita si kuya kung paano niya naiintindihan ang pinagdaraanan ko. Ang totoo, higit pa sa pagiging kuya, parang mas nagagampanan niya ang pagiging tatay sa akin. Napakaswerte ko naman. Ang mga taong mahahalaga para sa akin, suportado ako sa pinagdaraanan ko.

Doon ko naisip na siguro, ito na ang gift sa akin ni Lord. Kasi ba naman, punching bag ako ni Jessie. Hanggang ngayon, college na ako, nandyan pa rin siya, hindi na ako nilulubayan, siguro naman, deserve ko ang mga taong mamahalin ako.

Si Dad kaya, mahal niya ako? Mamahalin kaya niya ako kung magiging bading ako? Ano ba namang tanong ito? Ngayon pa nga lang, hindi na niya ako minamahal, paano pa kapag naging salot na ako sa lipunan.

Naalala ko tuloy noong pumunta kami ni mama sa bahay nina Kuya sa Cavite. Kalung-kalong ako ni Mama, nasa gate kami, parang presong nakakapit sa mga bakal na iyun si Mama, nagmamakaawa na mahalin siya ni Daddy. Lumapit si Daddy sa amin. Kinausap si Mama na huwag mag-iskandalo. Pero patuloy si Mama sa pagsigaw at pagmamakaawa. Hindi mapakali si Daddy noon, lalo pa at lumabas ang mag-iina niya. Si Tita Maricel, buhat ang isang sanggol habang si Kuya Albert ay nakayakap sa binti niya. Ano ba naman ang laban ng isang anak ni Mama, ako yun, bilang bala para makuha si Daddy, e may dalawang batang pinapagitnaan ang edad ko. Baby pa ang isa. At syempre pa, kasal si Daddy kay Tita Maricel.

Ano ba naman ito, ganito ba talaga kapag nakakainom ng beer. Kaya pala bigla na lang umiiyak ang mga lasing.

Biglang nag-ring ang telepono sa tenga ko.

“Hello,” sagot ko.

“Anong nangyari sa’yo?” tanong ni Kuya. “Bigla kang nawala. Ano may gusto ka bang sabihin?”

“Ha, Kuya? Wala naman. Salamat.”

“Basta tandaan mo, kung ano ang nararamdaman mo, sundin mo. Hindi ibig sabihin na malambot ka, o malamya ka at tinutukso kang bading, e bading ka na. Hindi ibig sabihin na nililigawan ka ni Gabriel, e mamahalin mo na siya. Bata ka pa, bata pa tayo, marami pa tayong mararanasang iba, kaya’t huwag nating isasara agad ang mga bagay-bagay sa buhay natin. At kung makapagdesisyon ka man ngayon, at mali ka, siguro pagtatawanan kita, o pagsasabihan, o pagagalitan pa, pero kakampi mo pa rin ako ha.”

“Yes, kuya, I love you.”

“I love you, too,” sabi ni kuya. “Sige na, matulog na kayo ni Gabriel. Uminom ka pala ng Gatorade, lasing ka daw. Mag Gatorade ka para hindi sumakit ulo mo bukas.”

“Thanks kuya.”

Lumapit na sa akin si Gabriel. Inabot ko sa kanya ang phone. Kinuha niya at tumabi sa akin.

“I love you,” sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

“I love you, too,” sagot niya sa sarili niya. “I’m just teasing. You dont have to answer.”

Tumawa si Gabriel. Pinisil ang ilong ko, tumayo.

“i’ll get you coffee, para mawala yang amats mo,” sabi niya.

Gusto kong sumagot ng I love you too, pero baka makumplika ang lahat. Ang dami kong naiisip, hindi ko kakayanin madagdagan pa ito nito. Pero kung sasagutin ko siya, hindi kaya makabawas pa ito sa iniisip ko?

Bahala na, may balikan pa naman siguro ito. Sige na, sasabihin ko na. Ipinagtapat na nga niya kay Kuya ang ginagawa niyang panliligaw, mukha namang may blessing na siya. Sige na, mapasubo na kung mapapasubo. Kung anuman ang ibig sabihin nun.

Bamalik si Gabriel, may dalang isang tasa ng kape.

“Sorry about earlier,” sabi ni Gabriel. “Hindi ko napigilan magpaalam kay Albert.”

Naudlot tuloy ang sasabihin ko. Inabot ko ang kape, at nagsimulang inumin.

“Kailangan ko lang maibilin ka sa kuya mo,” paalam ni Gabriel. “I will be in Baguio next week. My Lola passed away. Ate is there. Bukas, after lunch, susunod na ako.”

“Ha?” sabi ko. “Bakit hindi ka pa sumabay sa ate mo?”

“I have class. And I have to attend to you. Lalo pa ngayon, hindi ka makakatulog sa house ng kuya mo.”

“Pero lola mo yun,” sabi ko.

“Hindi naman mabubuhay yun kahit magmadali akong pumunta dun,” sagot niya. “Joke lang, I love you lola.”

“Salamat,” sabi ko.

“Sige na, tayo na,” yaya niya. “Get a shower, then we’ll sleep.”

Tumayo na ako. Kaharap ng sofa ang TV. Katabi nun ang pinto ng kwarto ni Gabriel. Katabi ng pintong iyun ang pinto ng banyo. At katabi ng banyo ang kwarto ng ate niya. Katapat ng CR ang dining table at sa gilid ang kusina, na tuluy-tuloy hanggang sa pinto ng bahay.

May partition ang banyo. Pagpasok ng cr, may lavatory na may salamin. Medicine cabinet siguro ang nasa likod nun. Katabi nun ang bowl at may salamin na hati para sa shower area. Frosted naman ang salamin, pero nagulat ako nang habang nagsasabon ako ay may kumatok sa divider.

“Your towel,” sabi ni Gabriel.

Naiwan ko palang nakabukas ang pinto. Ano ba naman itong kalasingan na ito? Sa isang lata ng beer?

“Sige, salamat,” binuksan ko nang bahagya ang divider para sumagot.

Hindi ko naman akalaing umiihi siya. Napatingin tuloy ako palayo.

“Pakilagay na lang dyan,” pahabol ko.

“Sige, bilisan mo. Ako naman ang susunod. Not unless, handa ka nang may kasabay sa shower…”

Hindi ako nakasagot kaagad. Gusto ko ba?

“Joke,” sabi ni Gabriel. “Makapaghihintay ako.”

Nakahinga ako nang maluwag. Pero parang ayoko nang magpahintay. Parang kaya kong sagutin ang tanong ko. Gusto ko ba? Gusto ko. Gusto ko!

Sumunod kong narinig ang flush at sumara na ang pinto ng cr.

Matapos maligo ay pumasok ako sa kwarto ni Gabriel. Nandoon siya sa kanyang study table, sa harap ng laptop. Nakahubad at towel lang ang nakabalot sa baywang.

“Done?” tanong niya.

“Opo,” sagot ko.

Tumayo siya at nakita ko ang kanyang katawan. Para sa teenager ay buo na ang kanyang dibdib. Flat din ang kanyang tiyan at may definition ang bawat muscle ng abs.

“May holen ka ba dyan?” tanong ko.

“Bakit naman?”

“Higa ka, tapos pabagsakin natin sa dibdib mo. Tingnan natin kung saan babagsak,” sabi kong ngumingisi.

Damn this beer.

“So you think I’m a human pinball,” sagot niya. “Magbihis ka na. Ako naman ang maliligo.”

Kinuha ko sa bag ko ang sando at ang boxer shorts. Humiga na ako hawak ang phone ko. Naglaro muna ako habang hinihintay si Gabriel. Medyo matagal siyang maligo. Kaya’t dinapuan na ako ng antok. Hindi ko namalayan tulog na ako.

Nagising na lang ako nang may makapa akong malamig na bagay. Napayakap pala ako kay Gabriel na nakahiga sa tabi ko. Nakasandal pa siya sa headboard at nagbabasa sa kindle niya.

“Sorry,” sabi ko.

“It’s okay,” sabi niya. “Tulog ka na ang ulit.”

Hita pala niya ang nahawakan ko. Mataas ang nahawakan kong bahagi. Wala akong nakapang shorts. Iniangat ko ang kumot na ngayon ko lang napansing nakatakip din sa’kin. Tiningnan ko kung nakahubad si Gabriel sa ilalim.

“Bakit?” tanong ni Gabriel.

“Naka-brief ka pala,” sabi ko.

“Are you uncomfortable? I can change.”

“Hindi, okay lang. Nakahubad ka rin pala. Ganyan ka ba matulog?”

Ibinaba ni Gabriel ang kindle sa sidetable. Humiga na rin siya.

“Masarap matulog nang nakahubad kahit aircon. Tapos, magbabalot ako sa kumot. You wanna try?”

Tinanggal niya ang damit ko, at ako naman ay hindi na lumaban.

“Let’s sleep na,” yaya niya, sabay hila ng switch ng table lamp.

Doon ko lang napansin na full moon pala. Malaki ang buwan at pumapasok sa bintana niya ang liwanag nito. Hindi naging madilim ang paligid, ngunit nawala ang kulay ng mga bagay-bagay. Sa liwanag ng buwan kami sabay nahiga hanggang sa narinig na namin ang paghinga ng bawat isa. Pero sa paghinga niya, alam kong hindi pa siya natutulog.

Kaya tumagilid ako at yumakap sa kanya. Hindi katulad kanina na malamig siya, naging mainit na ang kanyang katawan.

Iniangat niya ang kanyang kaliwang braso at iniayos para mahiga ako sa kanyang kaliwang dibdib. Isiniksik ko naman ang sarili ko sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Ang sarap. Ang hubad kong katawan, nakadikit sa kanyang kahubdan din.

“Ang init mo,” sabi ko.

“Katabi kasi kita, e” sagot niya.

Ano ba naman ang naitanong ko. May gusto ba akong simulan. Bakit hindi nagpapaalam ang subconscious ko sa conscious side ng utak ko?

“Kanina kasi ang lamig mo,” bawi ko.

Para naman hindi maglaro ang usapan namin sa init. Baka kung saang init pa mapunta.

“Bagong ligo ako nang tumabi ako sa’yo,” sagot niya. “Bakit, ayaw mo ba akong mainit?”

“Pilyo ka,” sabi ko.

Kaya naman gumalaw si Gabriel at tumagilid para humarap sa akin.

“Sa’yo lang naman ako pilyo,” sabi niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako nagsalita.

Napangiti si Gabriel. Hinalikan ako sa ilong.

“But let’s just sleep,” sabi niya at tumalikod.

Napahinga ako nang malalim. Tumalikod na lang din ako.

Tinangka kong matulog pero parang bawal antukin sa ganitong sitwasyon. Parang iyun din ang nararamdaman ni Gabriel, na kahit magkatalikod kami, ay pilit niyang idinidikit ang likod niya sa likod ko. Masarap pala ang pakiramdam noon. Nanigas ako.

Ngunit ilang sandal lang, nawala ang likod niyang kumikiskis sa aking balat. Lumayo si Gabriel. Nagtaka ako.

Nawala ang pagtataka ko nang maramdaman ko ang kamay niyang yumakap sa akin. Naramdaman ko rin ang hiniga niya sa aking balikat.

“Is it okay?” tanong ni Gabriel.

Gusto kong magpanggap na tulog, pero para saan. Gusto ko ang ginagawa ni Gabriel. Gusto ng katawan kong parang alam na ang dapat gawin. Kahit walang salita, ang kamay ko ang nagbigay ng sagot. Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap at inihigpit ko pa ito sa aking katawan.

Lalong uminit. Ang sarap ng init niyang lumilipat sa katawan ko. Nararamdaman ko kung paano niyun niyakap ang kabuuan ko hanggang sa naramdaman kong napapaso ako sa sarili kong balat.

Kumabog ang aking dibdib. Mangyayari na ba? Gusto ko na. Hinalikan ni Gabriel ang balikat ko. May impit na ungol na lumabas sa aking bibig. Hindi ko sadya, tinangka kong pigilan, pero ang sarap, hindi ko ma-contain sa aking sarili. Ang halik niya ay umabot sa aking leeg.

Hindi ko napigilang gumalaw at humarap kay Gabriel.

Idinikit niya ang labi niya sa labi ko. inipit niya ng kanyang mga labi ang itaas ng aking mga labi, at naramdaman ko ang kanyang dila doon habang kanya itong sinisipsip.

Bakit ko alam gawin ito?

Tinuloy niya ang paghalik sa akin, at ginaya ko ang bawat galaw ng kanyang mga labi. Oo nga, hindi halikan ang nangyari sa amin sa swimming pool ng campus. Ito ang halikan. At ang sarap pala.

Himigpit ang yakap namin sa isa’t-isa habang patuloy sa pagpapalit ng dampi ang aming mga bibig.

Hanggang sa ang katigasan ko ay bumabangga na rin sa kanya, at nararamdaman kong matigas na rin siya.

Patuloy ang aming ginagawa hanggang sa mapahinga siya nang malalim at mapatigil.

Nagkatitigan kami. Muli niya akong hinalikan, isang halik lang sa gilid ng aking labi.

“Sorry,” sabi niya. “This isn’t right.”

Hindi ko alam ang sinasabi niya. May nagawa ba ako?

“Sorry,” sabi ko na lang.

“No, it’s not you,” sabi ni Gabriel. “Okay lang siguro na magkatabi tayo ngayon, pero kung may mangyayari, baka multuhin na ako ni Lola.”

Para naman akong nabunutan ng tinik. Tama naman si Gabriel. Makapaghihintay naman siguro ang dapat mangyaring ito.

Yumakap sa akin si Gabriel.

“But I like what we just did,” sabi ni Gabriel. “You are good.”

Napatawa naman ako. Anong magagawa ko, I’m a natural pala.

Nagkwentuhan na lang kami ni Gabriel buong gabi.

Mas nakilala ko siya. Tanggap ng mga magulang niya na bakla siya. Dati, may pinakilala siyang boyfriend. Disappointed ang tatay niya, hindi siya kinausap ng isang linggo. Nanay niya ang kumausap sa tatay niya. Nagkaayos silang mag-ama at ngayon, tanggap na tanggap na siya ng buong pamilya.

Bakit ba naman hindi? Valedictorian mula elementary hanggang highschool. Student leader ngayon sa campus, at may planong mag-law. Mabait na gwapo pa. At ang ganda ng katawan.

“Sana next year, ganyan na rin ang katawan ko,” sabi ko.

“Sige, may gym naman sa campus,” sabi niya. “Be my gym buddy.”

Para naman hindi mapunta na naman sa katawan ang usapan, e ako na ang nagbago. Ako naman ang nagkwento tungkol sa tatay ko. Sa araw na nakatatak sa utak ko. Ang araw na napatunayan kong hindi niya ako mahal.

“Intindihin mo na lang siya,” sabi ni Gabriel.

“Naiintindihan ko naman,” sabi ko. “Pero yung galit na naramdaman ko, hindi maalis.”

“Simulan mo nang alisin,” sabi ni Gabriel. “Just let it go. Baka naman kasi everytime mawawala na, eh inaalala mo pa.”

“Ang hirap e,” sabi ko. “Six years old lang ako nun, Eleven years nang galit, hindi ko na malilimutan yun.”

“Soon, twelve years of galit na ’yan. Kung hindi mo titigilan, lalo iyang lalaki.”

“Ang hirap makalimutan, eh. Nandun ako, hindi lang naman ito kwento ni Mama.”

“You don’t have to forget what happened. Just let go of the feelings that go with it. At malilimutan mo lang yun if you’ll give your dad a chance.”

Napahinga lang ako nang malalim.

“Sorry,” sabi niya.

“Okay lang.”

Yumakap na lang ulit ako kay Gabriel.

Yumakap din siya. Alam ko na. Hindi man ako makapagdesisyon ngayon, alam ko na ang sasabihin ko sa lalaking ito. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Sa mahigpit naming pagyayakapan kami nakatulog.

Mag-isa ako sa kama nang magising. Mataas na ang sikat ng araw. Bumangon akong nakahubad pa rin at nakita ko sa dining area si Gabriel. Nakabrief pa rin siya at apron naghahain ng agahan. Ang ganda ng umaga ko.

“Good morning,” bati niya. “Upo ka na at sabay na tayong kumain.”

Naupo ako. Sumunod na siya. May bacon at sunny side up na itlog. Sinangag. Wow.

Nakatitig lang ako kay Gabriel.

“I’m not in the menu,” sabi niya at natawa.

“Ewan ko sa iyo,” sabi ko.

“Kidding. You look kasi as if sasagutin mo na ako,” napatayo siya at hindi mapigilan ang kanyang ngiti. “Ano? Oo na ba? Tayo na?”

“Hindi pa.”

Nawala ang lahat ng kanyang saya.

“Pero huwag kang malungkot,” sabi ko. “Ayoko lang agawin ang moment ng lola mo. Ayaw kitang pasayahin dahil tama lang naman na malungkot ka sa pagkawala ng iyong lola. Pero…”

Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin Inaabangan talaga ang sasabihin ko.

“Pero,” dugtong ko. “Binigyan ko na ng deadline ang pag-iisip ko tungkol sa iyo, sa atin.”

“Now it’s getting interesting, continue,” bumalik na ang ngiti ni Gabriel.

“Pagbalik mo from Baguio,” sabi ko. “Dapat nakapagdesisyon na ako.”

“And your decision is a…”

“Hindi ko muna sasabihin,” sabi ko. “Basta huwag ka lang mawawalan ng pag-asa.”

“Hope is always good,” hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.

’$Ϲx!e


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With The Big Change

CHAPTER 16

Something has changed within me. Something is not the same. I’m through with playing by the rules of someone else’s game…

“Anung kanta yan?” tanong ko kay Gabriel.

Hindi ko alam ang tumutugtog sa kotse niya. Parang may bagong playlist si Gabriel dahil magi-isang buwan na rin akong sanay sa mga kanta niya, ngayon may bagong tunog.

“Parang narinig ko na, pero parang hindi,” dugtong ko.

“Wicked,” sagot ni Gabriel. “Defying Gravity. Kinanta din yan sa Glee, kaya ka familiar.”

“Wow parang sinabi mo namang wala akong alam sa mga musical,” sabi ko.

“Sorry,” sabi ni Gabriel.

Natawa ako.

“Joke lang, wala talaga akong alam,” sabi ko.

Dumating kami sa bahay namin. Sa tapat na rin kami nagpark. Nandoon pa rin ang mga karpentero, nananghalian na. Niyaya nila ako, pero tumanggi ako. Ngayon ko lang napansin ang mga karpenterong nakahubad na kumakain. Ngayon ko lang napansin na nakahubad pala sila. At ang mga katawan nila, kahit payat ay namumugto ang mga muscles. At napansin ko, fuck, nagiging bading na yata talaga ako.

“Kain, Alex,” sabi ng isang mukhang bata pa, siguro siya ang anak nung matandang gumagawa. Tatlo lang naman sila, yung isa, yung pinsan niya.

“Sige, salamat,” sagot ko.

“Alex,” bulong ni Gabriel. “Nakatitig ka. Kumakain sila, hindi sila ang pagkain.”

“Sorry,” sagot ko.

Dumeretso kami sa loob ng bahay.

Wala na’ng mga gamit.

Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko. Wala na rin.

Kinuha ko ang telepono ko.

“Hello Ma!” sabi ko nang sumagot si mama. “Ma, nanakawan ba tayo? Wala ang mga gamit ko? Ang kama ko, ninakaw?”

“Hindi ninakaw ang kama mo, nandito na sa bahay ni Raul,” sagot ni mama.

“Alam kong hindi mananakaw yun, pero bakit nandyan?”

“May uupa na diyan sa bahay natin pagkagawa, ditto na tayo kina Raul titira.”

“Ambilis naman?”

“Mas maaga may tumira, mas maaga tayo may kita,” sagot ni mama.

“Hindi mo man lang ako hinayaang magluksa?”

“O, mukhang nandyan ka na naman, sige na, halikan mo na lahat ng sulok ng bahay, magpaalam ka na. Tapos sunduin na lang kita sa apartment ng kuya mo.”

Umupo ako sa isang sulok ng kwarto ko matapos ibaba ni mama ang phone.

Tumabi sa akin si Gabriel.

Minasdan ko ang bawat sulok ng kwarto kong wala na ngayong laman. Ang luwag. Hanggang sa humarap ako kay Gabriel na nakatingin sa akin.

“Sad?”

“Hindi ko alam,” sagot ko. “Siguro.”

“It will be okay,” sabi ni Gabriel.

“Alam ko. Ang dami lang nagbabago sa akin. Kahapon, kanina, o mula nung makita kita, alam kong may mababago sa akin. Noong una, hindi ko alam kung gusto ko iyun, pero kagabi, kanina, alam ko, gusto ko na. At masaya ako na gusto ko ’yun.”

“And I am very hapy to hear that,” sabi ni Gabriel. “This would have been very romantic kung hindi patay si lola…”

“At hindi ako magpapaalam sa kwarto kong ito.”

Tumayo na ako matapos ang kanting dramahan. At lumabas kami ng kwarto. Isinara ko ang pinto.

“Kapag may isang pintong nagsara, may panibagong magbubukas,” sabi ni Gabriel.

“At literal na mangyayari ito ngayon,” sagot ko. Napahinga ako nang malalim.

Inihatid na lang ako ni Gabriel sa apartment ni Kuya. Matapos tiyaking wala na doon si Daddy, pumasok kami sa loob.

“O Albert, ikaw na ang bahala kay Alex ko ha,” bilin ni Gabriel kay Kuya.

“Ha?” gulat ni kuya. “Kapapaalam pa lang sa akin nitong mokong sa’yo a, sinagot mo na?”

“Hala,” sabi ko. “Kuya, hindi pa.”

“Pero sasagutin mo?” tanong ni Kuya.

“Pagbalik niya.”

Nanlaki ang mata ni kuya. Nanlaki rin ang mga mata ko.

Tumawa nang malakas si Gabriel, at ang tawa na iyun ay tawa ng saya. Ang saya-saya niya. Nagliwanag ang mukha niya at nakita ko kung gaano siya kagwapo kapag masaya siya.

Napangiti din ako. Ang saya niya ay tumatawid sa akin. Napapasaya ako ng kasayahan niya.

Si kuya naman, hindi ko maipinta ang mukha. Nakatingin sa akin na parang disappointed.

“Buhay mo ’yan,” sabi ni kuya.

“Kuya, sasagutin ko lang siya,” bawi ko “Hindi pa ako sigurado kung ano ang isasagot ko.”

“Ay?” nawala ang saya ni Gabriel. “Akala ko naman…”

“No pressure, Alex,” sabi ni Kuya. At tumingin nang masama kay Gabriel.

“Yuh,” sabi ni Gabriel. “No pressure.”

Pagtalikod ni Kuya ay kumindat si Gabriel sa akin. Napangiti naman ako.

“Nakikita ko kayo sa salamin,” sabi ni kuya. “Lalandi ninyo.”

“Lalandi talaga?” tanong ni Gabriel.

“Bahala kayo!” sabi ni Kuya.

Natawa lang si Gabriel.

“Alam ko namang mahal mo ako, Albert e, at mahal mo rin ang kapatid mo. Kaya’t anuman ang mangyari, kaligayahan lang naming ang gusto mo,” sabi ni Gabriel. “Sige na, una na ako. I’ll be driving to Baguio pa.”

“Tantanan mo ako,” sabi ni Albert, at yumakap kay Gabriel para magpaalam.

“Bye, Alex,” sa akin naman yumakap si Gabriel. “I’m just a text away. I love you.”

Muntik nang lumuwa ang mata ko. Hindi ko alam kung dahil sa higpit ng yakap niya o dahil sa I love you.

Bumitaw si Gabriel.

“Don’t answer yet,” sabay pisil sa ilong ko.

“Bye guys,” paalam ni Gabriel sa aming dalawa.

Sa dining table kami naupo ni kuya. Nagtimpla ako ng dalawang kape. Ako na ang nag-volunteer.

“Hindi mo ako madadaan sa kape,” paliwanag ni Kuya. “Sinuko mo na ba ang Bataan?”

“Hala,” sabi ko. “Wala akong Bataan.”

Nagtawanan na lang kami.

“Hindi kuya,” sabi ko. “Kung tinatanong mo kung may nangyari sa amin, wala pa.”

“Sorry,” sabi ni kuya. “I’m overreacting. Wala naman akong magagawa kung may mangyari sa inyo. Gusto ninyo yan e. Gusto mo. Basta huwag ka lang padadala sa pressure.”

“Syempre, kuya,” sagot ko. “Pero kuya, anon a talaga ko.”

“Ano?” tanong ni Kuya.

“Ganun.”

“Anung ganun?”

“Katulad na ni Gabriel.”

“Sigurado ka?”

“Pakiramdam ko talaga.”

“Pakiramdam na anung katulad ni Gabriel?” kumunot ang noo ni Kuya. Ganyan siya kapag alam na niya ang sagot at tinitingnan na lang kung alam ko na rin.

“Na ganun,” sagot ko ulit.

“Anung ganun?”

“Gay,” mahinang sabi ko.

“Lakasan mo,” utos niya. “Hindi ko narinig.”

“Gay,” nilakasan ko.

“Sigurado ka?” tanong niya.

“Parang oo,” sabi ko.

Uminom ng kape si kuya.

“Kanina, kuya,” kwento ko. “Napatingin ako sa pawisang katawan nung anak nung karpintero ni Mama.”

“Anong naramdaman mo?” tanong ni Kuya.

“Wala naman. Parang ang ganda lang niya tingnan. Parang… ang ganda.”

“Tumigas ba yang si Junior mo?”

“Ha?”

“TInigasan ka ba? Naisip mo ba na niyayakap mo ang katawan nung karpentero? Did you feel any tingling sensation inside you, while thinking of malicious things with the guy?”

“Ha?” napaisip ako. “Wala naman akong napansin.”

“O baka naman appreciation lang yan.” Baka naman sobrang ganda talaga ang katawan nung karpentero na kahit ako e mapapatingin talaga.“

“Siguro.”

Ako naman ang uminom ng kape. Uminom din si Kuya.

“Pero kuya, tumigas si Junjun ko nung maghalikan kami ni Gabriel.”

Napapikit si Kuya habang nilunok ang kapeng kakapasok pa lang sa bibig niya.

“Alex, tell me,” Utos ulit ni Kuya.

“What?”

Kinabahan ako.

“Where do you want me to focus on that statement?” tanong ni Kuya. “Sa tinigasan ka o sa naghalikan kayo?”

“Sorry,” sabi ko. “That’s my way of telling you.”

Tumayo si Kuya

“Tayo,” utos naman niya sa akin.

Tumayo ako.

Niyakap ako ni Kuya.

Tapos bumitaw siya.

“So,” sabi ni Kuya. “Ganun ka na talaga?”

“Oo,” sagot ko.

“Anung ganun?”

“Kuya, ikaw ang nagtanong.”

“Anung ganun, sagutin mo na lang.”

“Gay,” bulong ko ulit.

“Lakasan mo.”

“Gay.” Nilakasan ko.

“Tagalugin mo.”

“Bakla,” mahina ko ulit na sagot.

“Lakasan mo,” utos ni kuya.

“Bakla,” lumakas lang nang kaunti.

“Lakasan mo pa.”

“Bakla.”

“Bakla ka ba?”

Hindi ako nakasagot.

“Sagutin mo ng buong sentence,” utos ni Kuya. “Bakla ka ba?”

Sa unang pagkakataon, hindi ako nakasunod s autos ni Kuya.

“Ano?” tanong ni Kuya.

Hindi pa rin ako nakasagot.

Niyakap ulit ako ni Kuya.

“Kapag nasagot mo na ang tanong ko. Nang malakas. Nang may pagmamalaki sa pagkakasabi, pwede mo nang sabihi sa akin na bakla ka na. Pero ngayon, nalilito ka pa. I don’t know if you are just afraid or you are just really confused. Huwag mo lang madaliin ang sagot mo. Okay?”

“Thanks kuya.”

Need for Speed. Nag-uunahan kami ni Kuya ng kotse nang may pumindot ng doorbell. Si Mama na ito.

“Albert, Tita Veron, to!” sumigaw na si Mama. Kulang sa kanya ang doorbell. Kailangan may kontribusyon siya sa mga nangyayari.

“Coming, Tita,” tumayo na si Kuya.

Pinapasok ni Kuya si Mama at nagbeso sila. Tumayo na rin ako at kinuha ang bag.

“Kumusta ang pagpapaalam mo sa bahay?” tanong ni Mama sa akin.

“Ang bilis naman talaga, Ma,” sagot ko. “Sana nagtext ka man lang kagabi.”

“Deadma na,” sabi ni Mama. “Sayang ang load. Atsaka ayaw mo nun, sa isang mansion sa isang exclusive subdivision ka na gigising. Ipagpapabukas mo pa ba iyun?”

“Sana lang, mas maganda sa kwarto ko ang tutulugan ko,” sabi k okay Mama.

“Well, anak, may very, very slight problem. Slight lang naman,”

“Wala akong kwarto dun?” Sabi ko. “Ma, ayokong tumabi sa inyong dalawa ni Tito Raul. Alam kong marami kang kayang gawin, pero hindi ko gusting makita lahat.”

“Well, hindi ka naman sa amin tatabi,” sabi ni Mama. “Makiki-share ka muna ng kwarto sa anak ni Raul.”

“Sa hindi ko kilala pa?” sagot ko.

“Sa stepbrother mo!”

“Sa future pa yun ma, hindi pa sure.”

“Sure na ’yun, promise!”

“Ma?”

 “Ginagawa na naman yung kwarto mo. Ita-transform ni Raul yung attic para maging kwarto mo, e dahil nga napabilis ang paglipat natin, under construction pa rin,” paliwanag ni Mama. “Sandali lang yun.”

Hindi ako sumagot.

“O sige, gusto mo ditto ka muna sa Kuya mo?” sabi ni Mama.

Nagkatinginan kami ni Kuya.

“I’m cool with that,” sabi ni Kuya.

“Dito muna ako kay Kuya,” sabi ko.

“That’s if you’ll be cool with Dad?” sabi ni Kuya. “May project siya dito at ampon ko siya sa duration ng project.”

Nawala ang ngiti ko.

“Okay,” sabi ni Mama. “Let’s go na, at ang Tito Raul mo ay naghihintay na.”

“Thanks kuya,” yumakap ako kay Kuya at nagpaalam.

“Te-text na lang kita pag wala na si Daddy,” sabi ni Kuya.

“Ay Albert, sige, kunsintihin mo tong galit ng kapatid mo sa tatay ninyo,” sabi ni Mama.

Nagbeso si Mama at Kuya at umalis na kami ni Mama.

“Ingat,” sabi ni Kuya.

“Mabilis lang naman magagawa iyung attic,’ sabi ni Tito Raul habang nagmamaneho papunta sa bahay nila. Bahay na pala namin. Katabi niya si Mama sa passenger seat. At ako, mag-isa sa likod.

“Thanks, Tito,” sabi ko. Hindi ko naman gusting magmukhang ingrato. Mahal ni Mama ang lalaking ito.

Maraming kwento pa si Tito. Nakikinig lang ako. Sasagot paminsan-minsan. Kinikilala ko siya sa bawat sabihin niya.

Mukhang mapagkakatiwalaan naman. Mukhang totoo ang mga alam niya. Mukhang matalino. At mukhang mayaman. Mukhang lalaking-lalaki nga lang. At mukhang iyun ang nagustuhan ni Mama.

Totoo nga. Ang gate nila, may sumasaludong security guard. At may lane para sa mga walang ID na sasakyan. Exclusive.

Ilang liko lang, nakarating na kami sa bahay nila. Mukhang mga modern ang mga bahay. At ang hinintuan naming, maraming salamin na walls. Ang ganda ng bahay nina Tito Raul.

Pagpasok ay napanganga ako. Ang yaman lang talaga. May chandelier.

Sinamahan ako ni Tito sa magiging kwarto ko, sa attic. Mukhang mabilis nga lang matatapos ito.

Pagkagaling sa attic, bumaba kami para naman tingnan ang tutulugan ko, ang pansamantala kong kwarto.

“Dito ka muna katabi ni JR,” sabi ni Tito. “Mabait naman yun at magkakasundo kayo.”

“Thanks Tito,” sabi ko. “Makakaasa kayo.”

“Naman,” sabi ni Mama.

Maayos ang kwarto pagpasok namin. Ang nakagulo lang ay ang mga kahon ng mga gamit ko. Dumeretso ako sa kama, at umupo. Ayos pumili si Mama ng magiging bago kong tatay. At nakita ko sa mukha niya ang gusto niyang sabihin, o, ang best ng nabingkit ko, ni?

Pero parang hindi ko gusto ang naramdaman ko nang makita ko ang picture sa study table.

Ayokong lapitan. Ayokong punasan ang salamin ko. Natatakot akong luminaw ang nakikita ko, at maging totoo ang naiisip ko.

“Tito Raul,” itatanong ko lang ang tanong na dapat pala ay noon ko pa tinanong.

“Ano yun?” sagot ni Tito Raul.

“Tito Raul,” tanong ko. “Ano nga ulit ang apelyido ninyo?”

“Ay, talaga?” sabi ni Mama. “Hindi ko pa ba nasasabi?”

“Tito Raul, ano pong apelyido ninyo?” tanong ko ulit.

“Reyes,” sagot niya. “Jesulito Raul Reyes.”

Ayoko pala ng mga pagbabagong ito.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One In Jessie’s House

CHAPTER 17

Matagal akong natulala. Alam ko iyun dahil lumapit si mama sa akin at nagtanong kung okay lang ako. Doon lang ako nahimasmasan. Kaya lang, doon ko naramdaman ang sikip ng paligid, para akong iniipit, sinasakal. Hindi ako makahinga. Lahat ng bagay sa kwartong ito, nahawakan ni Jessie. At wala akong magagawa kundi mapalibutan ng mga bagay nap ag-aari niya. Pag-aari ng lalaking pinaka… pinakakinatatakutan ko. Sabihin ko mang galit ako sa kanya, o kung anomang emosyon, pero hindi ko maitatago sa sarili ko ang katotohanan. Natatakot ako sa kanya.

“Tito Raul, excuse po muna,” gusto kong lumabas.

Akala niya siguro ay naghahanap ako ng banyo. Tinuro niya ang CR sa kwarto.

Hindi pwede. Mas masikip iyun. Naalala ko ang pagharang sa akin ni Jessie sa CR sa school, ang pagsandal niya sa akin sa pader sa locker area sa swimming pool. Hindi pa nga ang sakit ang natatandaan ko, kundi ang kaba ko sa pagtitig ng kanyang mga mata. Ang mga nanlilisik niyang mga matang hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit.

“Sige po, sa labas na lang muna ako,” paalam ko.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Mama.

“May naiwan naalala ako, may bilin si Kuya,” palusot ko. “Sige po.”

Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Ngunit ang bawat daanan ko, ang bawat paghakbang ko sa hagdan, maging ang malaking salas hanggang sa malaking pinto palabas ng bakuran ay parang lumiliit sa aking bawat tapak. Bawat lingon ko ay lumaapit sa akin ang mga pader at nararamdaman ko ang bigat ni Jessie, ang higpit ng kanyang mga kapit sa akin. Nahihirapan akong huminga.

Hanggang sa makarating ako sa bakuran, papalabas sa kanilang gate, hanggang sa kalsada. Doon ako napayuko, napahawak sa aking tuhod at nakaisang napakalalim na paghinga. Dahan dahan kong nilingon ang bahay.

Bakit dito pa?

Nag-ring ang telepono ko. Mula sa bulsa, kinuha ko at binasa. Si Gabriel. Bumilis ang paghinga ko sa tuwa. Alisin mo ako Gabriel sa lugar na ito, balikan mo ako dito sa Maynila.

“Hello,” mabilis kong sagot.

Wala akong narinig na salita. Narinig ko lang ang mga pagsinghot niya at ilang mga paglabas ng hangin sa kanyang bibig.

“Hello, Gab, okay ka lang?” tanong ko ulit.

Umiiyak si Gabriel.

“Alex, wala na si Lola,” sabi ni Gabriel. “Wala na talaga siya.”

Hindi ko talaga marinig ang mga sinasabi niya, pero naiintindihan ko. Siguro dahil nasasagabalan ng pag-iyak niya ang kanyang pagsasalita. O dahil nasasagabalan ng aking pagdinig ng sarili kong iniisip.

Ilang araw na niyang alam na wala na ang lola niya. Pero parang ngayon lang nag-sink in sa kanya. Umiyak lang siya nang umiyak at nagkwento tungkol sa lola niya. Kung gaano sila ka-close. Kung paanong sa Baguio, habang busy ang parents niya sa pahta-trabaho, e laging nandun ang lola niya para kanya.

SIguro, kaya hindi niya magawang umuwi sa Baguio dahil umaasa siyang nandoon pa talaga ang lola niya, buhay. Kaya pa niya talaga sabihing okay siya kahapon Pero ngayon, nakita na niya ang lola niyang nakahiga sa ilalim ng salamin, walang buhay, wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Wala na si lola niya.

Naging paikut-ikot na lang doon ang mga sinasabi niya. Kailangan niya ito. Kailangan niyang maikwento ang lungkot na nararamdaman niya para mawala sa kanyang sistema. Nakakagaan iyun ng loob.

Ako naman, nagsimula nang makinig na walang naiinintidihan. Sarili ko na ang naisip ko. Paano na ang dinadala ko? Paano ko ito mailalabas kay Gab? Napaka-selfish ko kung makikipagsabayan ako sa problema niya sa pamilya.

“Masakit talaga ’yan, Gab,” sabi ko na parang alam ko ang pakiramdam ng nawalan. Oo, nawalan ako ng tatay, pero nandyan lang naman talaga siya sa totoong buhay.

“Thanks Alex,” sabi ni Gab. “Sorry, baka matagalan pa ako dito sa Baguio. Pero tatawagan kita nang madalas. Hintayin mo mga tawag ko, ha. Dyan ka lang palagi, kasi parang mapapadalas pa ang pag-iyak ko.”

Natawa nang kaunti si Gab. Parang lumuwag talaga ang kanyang pakiramdam nang makaiyak siya sa akin.

Pero saan na ako pupunta? Kay Kuya, nandoon si Daddy? Mas gusto ko bang kasama si Daddy, kesa kay Jessie? Hindi, hindi ko pa napapatawad ang tatay ko. Hindi niya ako makikitang aasa sa kanya. Si Jessie. Alam ko namang kailangan ko siyang harapin, at lampasan. Pero bakit naman dito sa sarili niyang bahay iyun dapat maganap?

“… I thought Ate was laughing when she saw me in front of the coffin, standing still with tears endlessly falling from my eyes, pero hindi pala, she was crying na din…”

Tuluy-tuloy pala sa pagkukwento si Gab.

Kaya tinanggap ko na lang muna ang sitwasyon ko. Naaupo ako sa gilid ng kalsada at pinakinggan ang boses ni Gab. Kahit papaano, gumaan na din ang pakiramdam ko. Mahal ako ni Gabriel, kung anuman ang mangyari, matatapos ang lahat at sa dulo noon, may nagmamahal pa rin sa akin.

“Salamat Gab,” sabi ko.

“Ha?” tanong niyang parang naputol ko ang sinasabi nang magsalita ako.

“Sorry, may sinasabi ka pala,” sabi ko. “Nasaan na ulit tayo?”

“Lumilipad yata utak mo,” sabi ni Gab. “You are not listening na, no?”

“No,” sabi ko. “Sabi ko lang salamat. Na kahit nandyan ka, malayo, nararamdaman pa rin kita dito.”

“Of course,” sabi ni Gabriel. “I’ll always be there for you. Kung nasaan ka, sasamahan kita. Kahit hindi physically. Pero darating din tayo sa physically na yan in a few days.”

Dahil sa tawag ni Gabriel. Lumuwag muli ang mundo ko.

— 

Bihira ang dumadaang sasakyan sa kalsada. Nakaupo pa rin ako kausap si Gabriel. Unti-unti, kumulimlim ang paligid. Medyo lumamig ang hangin. Hanggang sa may marinig akong motor na paparating. May malakas na hanging tumama sa katawan ko, na para bang kinalabit ako para lumingon sa pinanggagalingan ng roar ng motor.

Isang malaking motor ang papalapit sa akin at huminto sa tapat ng bahay nina Tito Raul. Bumaba ang lalaking kahit nakahelmet ay nakatingin sa akin. Naka-jacket siya at nakamaong, nakadagdag sa nakakatakot niyang itusra. Mukha siyang mama, mukha siyang kriminal. Kung ano ang gagawin niya sa akin, hindi ko alam, pero sigurado ako, ito na ang simula.

“Gab, tawag lang ako ni Mama,” paalam ko.

“Sige,” sabi ni Gabriel. “Basta, tawag ka lang pag may kailangan ka. At tatawagan kita palagi to check on you so keep your phone with you always…”

Tuluy tuloy pa rin sa pagsasalita si Gabriel. Naririnig ko pa siya habang nakatitig ang mata ko sa lalaking bumaba sa humintong motor. Inalis niya ang helmet sa ulo niya. Siya na nga.

Nakangisi si Jessie at mayabang na lumapit na akin.

Nakatulala ako.

Kinuha niya ang telepono kong nakatapat pa sa aking tenga. Nagsasalita pa rin si Gabriel.

Hindi ko alam ang gagawin ni Jessie sa phone ko. Itatapon sa malayo? Ibabagsak at tatapakan? Ingungudngod sa mukha ko? Nakatulala lang ako at hindi alam ang tumatakbo sa isip ng malaking lalaking nakaharap sa akin ngayon.

Tinapat niya sa tenga niya ang phone. Pinakinggan.

Naririnig ko pa si Gab na naghe-hello na parang tinatanong kung nandito pa ako.

Muling iniabot sa akin ni Jessie ang telepono ko.

“Last na ’yan,” sabi niya.

Bumukas ang gate. Sumakay muli si Jessie sa motor at pumasok sa loob.

Naiwan akong nakatulala.

“Bye, Gab.”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With His Sweet Smile

CHAPTER 18

Malayu-layo na ang nalakad ko. Nakarating ako sa gate ng subdivision. Doon nasira ang moment ko. Habang tinatanong ko ang mundo at si god: Bakit kailangang maging ganito kahirap ang buhay ko? Bakit wala naman ako sa isang teleserye, pero may kontrabidang namamayagpag sa bawat araw na ginigisingan ko? Bakit…

“Bakit ka lalabas?” tanong sa akin ng guard.

“Ha?” tanong ko.

“Anung pangalan mo?” sagot ng guard sa tanong kong sagot sa tanong niya.

“Ha?” tanong ko ulit.

Nagtatanungan kami pero walang may gustong sumagot. 

“Sino ka, saan ka galing?” nakukulitan na ang guard sa akin.

Nasa loob nga pala ako ng isang exclusive subdivision. Ang mga aliping namamahay ay kailangan ng permiso ng kanilang amo para makalabas.

“Alex,” sagot ko. “Galing ako kina Tito Raul… Reyes.”

Nagsimula nang manghusga ang mga mata ng guard. Nakatitig siya nang matagal sa akin bago siya bumalik sa guard house at magdial ng telepono.

Lumilipad pa ang utak ko nang magsalita ang guard.

“Sorry po sir,” nag-iba ang tono ng guard. “Safety lang po. Alam naman po ninyo, baka manakawan kayo, kung hindi namin tatanungin…”

“Sige po, walang problema,” sagot ko at muli na akong naglakad papalabas ng subdivision.

“Welcome po sa bago ninyong bahay!” pahabol na pagbati ng guard na para sa akin ay isang pagbabanta.

Muling umukilkil sa utak ko ang mga kaganapan. Bakit hindi ko nalaman ito bago pa man ako pumayag na lumipat ng bahay na hindi ko kinikilala ang lilipatan.

Sumabay ang lakad ng paa ko sa pag-iisip at hindi ko namalayan, nakasakay na ako sa jeep. Naglalakad ang paa ko, lumilipad ang isip ko. Kay Kuya, hihingi ako ng tulong kay Kuya. Kailangan ko lang naman nang masasabihan, siguro, gagaan ang loob ko kung may masasabihan ako.

Nagmadali akong bumaba sa jeep na hindi ko alam kung saan papunta dahil alam ko na kung saan ako tutungo. Magsasabi na ako kay Kuya Albert.

Nag-ring ang telepono ko habang naghihintay ng sasakyan. Si Mama.

“Alex,” sabi ni Mama. “Nasaan ka na? Nakita ka na pala ng anak ni Tito Raul mo kanina, hindi ka pa sumabay. Umuwi ka nga muna.”

“Ma, pupunta lang muna ako kay Kuya,” paalam ko.

“Mamaya na si Albert,” sabi ni Mama. “Umuwi ka muna ditto, itong bagong kapatid mo muna ang kilalanin mo.”

Bagong kapatid. Iyun, wala ng ibang pumasok sa utak ko sa mga sumunod na sinabi ni Mama. Bagong kapatid.

 —––

Nakatitig lang ako sa shadow of the valley of death. Papasok ba ako sa mga gate na ito? Oo. Kasi si mama ang bumulaga sa pinto at nakita akong nakatulala.

“Pumasok ka na nga dito?!” mahinang sigaw ni mama na halatang naiirita.

Dumeretso si Mama sa loob. Sumunod na ako. Isang katulong ang nagsara ng pinto nang nasa loob na ako ng bahay. Sumunod ako kay mama na nawala na sa aking paningin. Itinuro ng katulong ang dining area.

Inabutan ko sina Mama na humahalik kay Tito Raul. Napakasaya ni Mama. Hindi ko alam kung anong magic mayroon si Tito Raul at ngayon ko lang nakita ni Mama na ganito kaligaya. SImpleng kainan lang pero hindi mawala ang ningning ng kanyang mga mata.

Kung anumang magic iyun, iyun din siguro ang magic ni Jessie na kahit tayo pa lang ay napapanginig na ang katawan ko. Iyun mismo ang nararamdaman ko, dahil kasama sa ngitian nina Mama at Tito Raul si Jessie na sumusubo rin ng pagkain.

Ngunit may kakaiba. Ngayon ko lang nakitang ganito kaaliwalas ang mukha ni Jessie. Maaari kayang ibang Jessie ito? Kakambal ni Jessie o ibang Jessie na walang kinalaman sa Jessie na bumubugbog sa akin.

Napatingin sa akin si Jessie at iniwas ko ang tingin ko patungo sa chandelier ng kainan. Iba ang yaman nina Tito Raul, kainan lang, may chandelier pa. Doon na lang ako tumingin para hindi makita ang saya ni Mama sa pakikipagkwentuhan kay Jessie.

“Ayan na ang aking anak,” sabi ni Mama. “Alex, ito si Jessie. Architecture ang course niya.”

“Hi Alex,” sabi ni Jessie.

“Diba, gusto mong mag-shift sa Archi, baka matulungan ka ni…”

Hindi ko na napansin ang mga sinasabi ni Mama. NAkatitig lang ako kay jessie.Wala ang kanyang nanlilisik na mga mata. Contact lense lang ba ’yun na pwede niyang tanggalin kung gusto niya? Para siyang isang maamong shitsu, iba sa parang galit na bulldog na lagi kong nakikita. Siya siguro ang anak ng bulldog at shitsu. Bullshit. Pero kung gusto mo ang ganitong game, sige.

“Hi Jessie,” sagot ko.

Gusto mo pala, parang first time tayo magkakakilala ha.

Lumapit si Jessie sa akin at sinubukan akong akbayan. Hindi ko napigilan ang sarili kong umatras. Parang instinct ko na ang matakot sa kanya. Lumapit siya sa akin lalo at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. Ang gaan. Nakakapanibago.

“Kumain ka na ba?” tanong niya sa akin.

“Oo,” busog pa ako.

“Talaga?” tanong ni Mama. “Nagluto pa naman ako ng…”

“O tara na,” parang alam na ni Jessie ang sasabihin at naputol na niya ang sasabihin ni Mama. “Doon na tayo sa kwarto para masanay ka na sab ago mong bahay.”

“Masanay?” tanong ko. Hindi ko gusto ang salitang iyun. Lalo pa nang nanggaling ito sa kanyang bibig.

“Sige na,” sabi ni Tito Raul. “Orient mo na ang bago mong kapatid sa bago niyang bahay.”

So ito na ang aking bagong bahay. Ito na rin ang aking bagong buhay.

Tahimik ang lakad namin ni Jessie. Nauuna siya, nakasunod ako. Palabas ng dining area, paakyat sa second floor hanggang sa papunta sa kanyang kwarto.  Binuksan niya ang pinto at pinauna akong pumasok. Humarap siya sa akin at ngumiti, itinuro ang loob, pinapapasok ako.

Hindi ko inalis ang mga mata ko sa mata niya habang pumapasok ako. Walang katiting na bangis ang kanyang tingin, pero kung anong bagal ng hakbang ko ay siya namang bilis ng tibok ng puso ko.

Tumango lang si Jessie pagkapasok ko. Isinara ang pinto at pinindot ang lock.

Papaupo ako sa kama nang marinig ko siyang magsalita.

“Hindi ka uupo sa kama ko,” sabi niya.

Nanatili akong nakatayo.

Tumuro siya sa isang sulok. Sinundan ko ng tingin ang kanyang daliri.

“Dyan ka lang,” sabi niya sa napakakalmang boses.

Mas nakakatakot ang boses niyang iyun, kesa sa galit na tinig niyang nakasanayan ko noong sa ibang lugar ko siya nakikita. Hindi ako nakagalaw sa kaba. Ito na baa ng umpisa ng aking pagdurusa?

“Lakad na,” utos niya.

Hindi pa rin nagbago ang boses niya. Hindi rin nagbago ang pagkakatayo ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang iniisip niya.

“Huwag mo nang hintaying ako pa ang magbalibag sa’yo patungo sa sulok na iyun!” nagsisimula nang magbago ang pagkakasabi niya ng mga salita.

Doon ako nagulat at napaigtad. Lumakad ako patungo sa sulok, malapit sa kanyang study area, katabi ng maliit na basurahan. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Bumalik ang tamis ng ngiti at pagtingin niya sa akin. Hindi ko naiintindihan ang ginagawang ito ni Jessie.

“Upo ka,” sabi niya.

Umupo ako.

“Ayan,” sabi niyang muli. “Saktong sakto ka. Diyan ka lang, kapag nasa kwarto ko. Maliwanag.”

Tumungo lang ako.

Lumapit siya sa akin.

Yumuko siya at inabot ang aking baba. Itinaas niya ito dahan-dahan hanggang sa sumunod ako sa tumayo. Mas matangkad siya sa akin kaya nanatili siyang nakatungo sa akin. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko at nanatiling nasa baba ko ang kanyang kamay. Nararamdaman ko ang kanyang paghinga. Gabuhok lamang ang layo ng aming mga pisngi. Para bang inaamoy niya ang aking mukha at napapapikit siya habang ginagawa ito. Parang saying saya siya habang ako ay namamawis na nang malamig.

Dumilat siya nang halos magtama na ang aming mga ilong. Bumalik ang matamis niyang ngiti bago niya gawin ang inaasahan ko.

Sinuntok niya ako sa sikmura. Parang nagdidilim ang paningin ko sa sakit.

“Akin ka tuwing nandito ka sa loob ng kwarto ko,” bulong ni Jessie.

Ito ang boses niya na sanay ako. Bumalik na ang kanyang pagiging halimaw.

“Gagawin ko sa iyo ang lahat ng gusto ko. Susundin mo ang lahat ng gusto ko. At wala akong maririnig na sumbong sa kahit anong mangyayari sa loob ng kwartong ito.”

Bago tuluyang mawalang muli ang aking malay, ay may pahabol pa siyang salita.

“Welcome to my humble abode.”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With The Knight in Shining Armor

CHAPTER 19

Nakatingala na lang ako sa langit, at iniisa-isa ang mga bituin, umaasa na sana, kahit isa man lang sa libu-libong kumikinang na liwanag na ito ang magbigay ng katuparan sa aking hiling.

Nakaupo ako sa parang gilid ng bundok at naririnig ko ang mga sasakyang, mangilan-ngilan, dumadaan sa aking likuran. Sa aking harapan, ang dagat din ng liwanag. Kitang-kita ko ang mga ilaw sa gabi ng kamaynilaan. Tulad sa langit, bawat ilaw ng poste ay hinilingan ko rin, nagpapanggap na bawat isa dito ay mga bulalakaw na kayang bumago ng aking kinalalagyan.

“Nakakawala ng prolema, diba?”

Sabi ng isang tinig mula sa aking likuran. Pamilyar ang boses. Nagbalik na siya. Nilingon ko ang boses. Kahit malabo ang aking paningin ay nakita ko siya, ang lalaking nagligtas sa akin kay Jessie noon. Ililigtas niya akong ulit ngayon. Siya nga ito, at tulad ng dati, may beer siyang hawak. Inihagis sa akin.

Salamat, hindi ko man alam kung aling tala ang tumupad sa aking kahilingan, pero salamat.

Ngunit bumagal ang pagkakabato ng beer papunta sa akin. Kitang kita ko kung paanong kusang bumukas ang lata at bumulwak ang alak papunta sa aking mukha. Napapikit ako.

At napadilat.

At nagising.

May tubig na tumatama, hindi, tumatalsik sa aking mukha.

Parang may hose na nakatutok sa mukha ko at tinatalsikan ng kung anong tubig. Si Jessie, syempre siya. Nakahiga siya sa kama, may hawak na water gun at binabaril ang mukha ko. Pagkagising ko, babalik na siya sa pagkakatulog. Alas tres pa lang nang medaling araw.

Iyun, maliligo na ako at magbibihis. Dederetso na ako sa pagpasok sa eskwela.

Papalabas ako ng bahay nina Jessie nang bumukas ang gate. Si Mama, sinundo na pala ni Tito Raul.

“Ops, ops, ops!” sabi ni mama habang bumababa ang bintana ng SUV ni Tito Raul. “Wala pang alas singko?!”

“Ma, Paranaque ito,” sabi ko. “Kakapain ko pa ang daan papasok sa Campus.”

“Bakit hindi ka pa sumabay kay Je-ar?” tanong ni Mama.

“Mamaya pa siya, mas maaga ang klase ko,” nagdahilan ako kahit hindi ko alam ang schedule ni Jessie.

“Sakay ka na dito,” sabi ni Mama. “Hahatid ka na namin.”

“Hindi na po,” sabi ko. “Okay na ako.”

“Sumakay ka na,” narinig ko ang boses ni Tito Raul. “Para matuto ko na rin kung paano mag-commute.”

Wala na akong nagawa. Higit pa sa mas makakatipid ako sa service, at pwede akong matulog sa sasakyan, kailangan ko rin talagang malaman kung paano ang pumasok mula dito.

Matapos ituro ni Tito Raul ang mga sakayan nagtuloy ang mga kwento niya tungkol kay Jessie. Hindi ako nakikinig dahil parang ibang tao ang kinukwento niya. Mabait, masunurin, matulungin. Saan galling ang mga obserbasyon niyang iyun?

“Marunong ka bang mag-drive?” tanong sa akin ni Tito Raul. “May lumang Corolla dun. Ang tagal na nun, ayaw dalhin ni Je-Ar. Mas gusto niya yung motor niya. Gusto mo, ikaw na ang magdala?”

“Ay sobra na ’yan,” sabi ni Mama. “At hindi pa marunong magmaneho yang unico hijo ko.”

“E di mag-driving lessons,” sabi ni Tito Raul.

“Gastos na naman,” sabi ni Mama. “Kay Je-Ar mo na lang paturuan. Bonding na rin nilang magkapatid.”

“Huwag na ’Ma,” sabi ko. 

Si Mama pa talaga ang nagsu-suggest na magbonding kami ni Jessie. Hindi niya alam na sobrang close na kami ng kapatid kong hilaw.

Hanggang sa makarating ako sa klase. Si Jessie pa rin ang iniisip ko. Doon na naman ako matutulog pag-uwi ko. Sa kwarto ng impyerno.

Hindi ko na sinimulang katakutan ang gabing susunod. Naa-attract daw natin ang kinatatakuan natin. Siguro kung hindi ko iyun katakutan, baka hindi mangyari. Pero wala. Iyun pa rin ang nangyari.

Nagpagabi na nga ako sa library para makauwi nang gabi. Para tulog na lang ang gagawin ko sa bahay. Pero wala pa rin pala si Jessie pag-uwi ko. Nakapag-ayos pa ako sa banyo Binilisan ko ang bawat kilos ko dahil maaaring dumating si Jessie anumang oras.

Pero natapos ako na walang Jessie na dumarating.

Nahiga na lang ako sa sulok ko sa kwarto ng impyerno. Ang pagpapanggap kong pagtulog, habang hinihintay si Jessie ay natuloy sa tuluyang paghimbing.

Hanggang sa makaramdam ako ng sipa sa tagiliran. Ang sakit, siguro nakailang sipa na siya bago ako magising. Hinintay niya yata ni Jessie ang pagsasalita ko. Pero hindi ako nagsalita. Hanggang sa hindi ko na kaya. Mahina akong napa-aray habang sinasalag ang mga dumarating pang sipa.

“Good night,” sabi ni Jessie nang magsawa siya.

Napaiyak pa ako sa awa sa sarili ko. Pangalawang araw pa lang ito. May mga susunod pa. At parang wala ng katapusan.

Napansin ko na lang siyang naka-boxer shorts at nakasando. Parang tapos na siyang mag-ayos nang sarili bago niya ako pagsisipain. Humiga siya sa kama niya at nagkumot.

Pinapanood ko siya. Mabilis siyang nakatulog. Gusto kong tumayo at kumuha ng kutsilyo para saksakin siya. Pero matagal pa iyun. Tumayo pa rin ako. Tinitigan ko siyang matulog. Parang malaking aso. Nakakatakot magising dahil sigurado akong kakagatin. Pero hindi niya ako makakagat. Hindi na.

Kinuha ko ang unan at idiniin sa kanyang mukha. Idiniin ko ang katawan ko sa unan sa ulo niya. Doon ko binuhos ang lahat kong lahat. Nagpipiglas siya ngunit masyado akong mabigat para makakawala siya. Hanggang sa bumagal ang kanyang pagpiglas. Hanggang sa wala ng galaw akong maramdaman mula sa kanya. Napatay ko si Jessie. Napatay ko si Jessie.

At nagising akong muli.

Pagdilat ko ng mata, nakita ko si Jessie na nakatingin sa akin. Gising din siya. Pinapanood niya akong matulog.

Nagpanggap na lang akong naalimpungatan lang at tumalikod sa kanya. Nagtulug-tulugan ako. Nakumbinsi yata siya dahil sa mahabang panahon, walang naganap. 

Hanggang sa marinig ko ang boses niya. Mahina. Walang galit. Walang bigat. 

“Goodnight, Alex.”

Lalong dumilat ang mga mata ko. Hinintay ko siyang tumayo. Inihanda ko ang katawan ko sa mga mas matitindi pang mga sipa. Pero wala. Ang pag-iisip ay tumuloy sa aking panaginip. Nahimbing ako na wala nang sakit na nararamdaman.

Nagising na lang akong muli sa mainit-init na tubig na tumatama sa mukha ko. Nakaupo na muli si Jessie sa kama niya at binabaril ako ng water gun.

Ganito na rin ang nangyari sa mga sumunod na araw. Hanggang sa huling araw ng lingo. Pagkabaril niya, gumising na ako at naligo na. Sabay kasi kami ng klase ni Jessie, at kapag nauna siya sa banyo, hindi na ako makakagamit. Male-late ako sa klase kung hihintayin ko siya. Nananadya. Kaya naman maliligo na ako, matutulog ulit at pagkagising, magbibihis at uunahan ko na si Jessie na pumasok sa eskwela.

Iba na ang karanasan ko sa paliligo. Kung dati ay concert series ang nagaganap sa banyo, ngayon parang confessional. Parang nasa simabahan na ako at nagdarasal sa diyos para sagutin naman ang tanong ko. Para saan ba ang lahat ng paghihirap na ito?

Nakiusap na rin sa akin si Mama. Sabi niya, sumabay na daw ako sa motor ni Jessie. Malayo ang Paranaque, nag-offer daw si Jessie na mag-uwian muna at hindi mag-boarding house para makasama ako.

 Alam ko namang kasinungalingan yun. Nagdahilan na lang ako. Wala akong helmet, takot ako sa disgrasya. Pero hindi ko na ito madadahilan sa isang linggo. Sweldo ni Mama at bibili daw niya ako ng helmet. Hindi pa ba sapat na magkasama kami sa kwarto at kailangan pang pati sa sasakyan niya, makikisalo ako?

Pagkatapos maligo, tinapis ko na ang twalya sa katawan ko. Ngunit may bagong pakulo si Jessie. Ayaw bumukas ng pinto.

“Jessie,” sabi ko. “Buksan mo naman o.”

“Jessie!”

Makailang beses ko binanggit ang pangalan niya. Pero parang wala siya. Ang mature. Nakakapikon.

Hindi ako makasigaw, hindi ko bahay ito at hindi ko nais manggulo. Alas tres pa lang nang madaling araw.

Umupo na lang ako sa tapat ng pinto. Paano ko ba makukumbinsi si Mama na humanap na lang ng ibang bahay?

“Ma,” sabi ko kay mama kahapon nang sunduin niya ako sa school, trip lang niya. “Hindi ako masaya sa bahay nina Tito Raul.”

Ilang araw kong inisip kung paano sasabihin ito. Gustung-gusto ko nang isumbong kay Mama ang mga ginagawa sa akin ni Jessie, at ito na ang umpisa ko. Iyun ang napagdesisyunan kong opening line: Hindi ako masaya sa bahay nina Tito Raul.

Tumingin lang sa akin si Mama.

“Hindi ka lang sanay,” sabi ni Mama. “One week pa lang tayo.”

“Pero Ma,” sabi ko, alam kong ito ang sasabihin niya kaya may nakahanda akong sagot. “Ayokong kasanayan ang pagiging hindi masaya.”

Niyakap ako ni Mama. Naramdaman kong may tumulo sa balikat ko. Wala na, umiiyak na si Mama.

“Sige, aalis na tayo,” sabi ni Mama. “Masaya naman ako, kung saan ka masaya e. Titiisin ko. Pipilitin kong pagkasyahin ang sweldo ko para sa ating dalawa. Hindi na nga lang tayo makakabalik sa dati nating bahay kasi may umuupa na. Hahanap na lang tayo nang mas maliit na bahay. Kasi naman, yang paaralan mo, tinawag pang state university pero hindi naman matustusan ng state ang tuition mo. 1,500 per unit. Single mom, bracket A. Pero sige, titiisin kong magtrabaho…”

“Si mama naman,” sabi ko. 

Kailangan kong bumawi, dahil mali ang pagiging masaya para sa opening line. 

“Nagjo-joke lang ako,” bawi ko.

Tama naman si Mama. Ang dami na niyang sakripisyo sa akin. Anu ba naman kung ako naman ang magsakripisyo sa kanya. Hindi naman laging nakakahanap si Mama ng lalaking mahal na niya, mahal pa siya at kayang tustusan ang mahal na pamumuhay. Maaaring magtunog manggagamit si Mama, pero hindi. Alam kong nagkataon lang na mayaman itong lalaking minahal niya ngayon, at nakahandang gastusan siya at ako. Problema nga lang, may anak din si Tito Raul. Ako ang katapat, kabayaran. Buhay nga naman.

Nagising na lang ako nang bumukas ang pinto at mapahiga ako sa sahig.

“Dyos ko naman, Alex,” sabi ni Mama. “Kung ayaw mo sa kwarto ni Jessie, e sana doon ka na lang sa guest room natulog. Hindi yung dito ka sa banyo nagkukulong. Nakakahiya, alam mo bang sa kwarto pa namin nakiligo si Jessie. Iyun, nakapasok na siya. Ikaw ba papasok pa? Alas…”

“Ma,” sabi ko. “Late na ako. Labas ka na. Bihis na ako!”

Lumabas si Mama.

“O basta,” sabi ni Mama. “Nakabasta na ang agahan. Bilisan mo.”

Pagkakain, dumeretso na ako sa school. Commute. Mga bagong daan, mga bagong oras. Ibang-iba na ang buhay ko.

“Sabi ng Prof Garcia,” bungad sa akin ni Sir Cabalfin habang kumakain kami ng lunch sa canteen sa arki. “Kung hindi ka late, e antok na antok ka sa klase. Kung kailan papatapos na ang klase, atsaka ka nagkakaganyan. May issue ba tayo, ha? Alex?”

“Sir, sa Paranaque na kasi ako umuuwi.”

“Okay, anu naman?” sagot ni Sir. “Parang hindi naman iyun ang problema mo. Other than sa geophysical location, anong issue mo?”

“Wala po,” sabi ko.

“Wala po, o wala kasi si Knight in Shining Armor mo?”

“Knight in Shining Armor?” sagot ko. 

Napakaperpekto ng description niya kay Gabriel. 

Tinaasan lang ako ng kilay ni Sir.

“Dahil ba ako ang kanyang prinsesa na nakakulong sa Dungeon, binabantayan ng isang dragon?” dugtong ko.

“Ay isang statement, andaming issues. Isa-isahin natin. Nakakulong sa dungeon, saan yan?”

“Nakipaglive-in na si Mama sa boyfriend niya, at sinama ako.”

“Madilim ba ang dungeon na ito? Masikip, mabaho, ayoko ng putik?” Maricel Soriano acting si sir.

“Sir naman e,” sagot ko. “Mansion.”

“Ay isa pang castle level.”

“Opo. Kaya lang…”

“Sino ang dragon?”

May iba na akong masasabihan ng problema ko. Makwe-kwentuhan ng mga pinagdaraanan ko. Sasabihin ko na ba? Ito na ba ang chance? May kakampi na ba ako? Napaisip ako. Siguro tama lang na sabihin ko na ang mga ginagawa sa aki ni Jessie para matigil na ito, o kung hindi man matigil, kung ang paghinga ko man ang huminto, may suspect na. Sige na.

“Sir, si…”

“Ay!” tili ni Sir Cabalfin. “Dedma na sa Dragon! Nagbalik na ang… Tingin sa likod princess.”

Napatingin na lang ako sa likod ko.

Bago ko pa makita ay nalanghap ko na ang pamilyar niyang amoy, kasabay ng hangin galing sa bintana nang mataas namin gusali. Ang hangin ding iyon ang tumatama sa kanyang buhok at marahan itong hinahaplos. Kahit sa kanyang likod nanggagaling ang liwanag ay may sariling kinang ang kanyang ngiti. Ang ngiting iyon ang nagsabi sa aking, ayos na ang lahat.

“Gab ko?!” sabi ko na lang.

Napatayo na ako at yumakap sa kanya. Niyakap din niya ako. Mahigpit, pahigpitan kami. That felt good. Lahat nang nangyari sa buong lingo, parang inanod nang lahat. Pinilit kong hindi umiyak pero parang hindi ko kaya. Hinayaan ko na lang. Pero tahimik iyun. Hanggat kaya ay hindi ako humikbi. Mga mata ko lang ang nagpakita kung gaano ang nararamdaman ko.

Bumitaw kami ni Gabriel sa pagkakayakap. Hinawakan niya ang mukha ko.

“I missed you so much,” sabi ni Gabriel bago halikan ang aking noo.

Yumakap muli ako sa kanya.

“Sobrang namiss kita,” sabi ko.

“Nandito na ako,” sabi ni Gabriel. “Masasabi mo na ang gusto mong sabihin.”

“Ops,” pigil ni Sir Cabalfin. “PG ang place na ito. Hanggang ganyan lang.”

Ginabayan na ako ni Gabriel pabalik sa upuan ko. Kumuha rin siya ng sarili niyang upuan.

“Ayan na ang Knight in Shining Armor ng prinsesa,” sabi ni Sir. “At iyun ang last issue sa statement mo? Prinsesa ka na ba?”

Hindi ako nakasagot. Prinsesa na ba ako, kaya ko na bang ipangalandakan ito sa lahat. Kaya ko bang isigaw ang pinagawa sa akin ni Kuya Albert. Bakla ako?

Napansin yata ni Gab ang dilemma ko.

“Hindi naman kailangang maging prinsesa para magkaraoon ng tagapagligtas,” sabi ni Gabriel. “Even a prince needs a knight in shining armor sometimes.”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Where He Forgets

CHAPTER 20

“You will be staying in my house,” matigas na sabi ni Gabriel.

Nakasakay kami sa kotse niya at tulad ng dati, passenger seat ako at siya ang nagmamaneho. Nasabi ko na rin ang isang linggong delubyo ko sa bahay nina Jessie. 

Galit na galit si Gabriel. Lulusob na sana siya papunta sa bago naming bahay, pero napigilan ko siya. Ayoko nang palakihin ang issue. Bumalik na lang kami sa campus para magpakalma.

“Opo,” pagsang-ayon ko sa gusto ni Gabriel. 

Nakakatakot kasi ang tono niya. Sa unang pagkakataon, napaka-authoritative niya.

Napansin niya ang gulat ko sa pagkakasabi niya. Huminto muna siya at tinanggal ang seatbelt. Niyakap ako.

“This is so unfair,” sabi niya. “You don’t deserve that.”

“Salamat,” sabi ko. 

Pero hindi na ako naiiyak o nalulungkot o natatakot. Ang yakap niya ang nagtanggal ng lahat ng iyon.

Pagkabitaw niya ay ibinalik niya ang seatbelt.

“Call tita,” utos niya. “Tell her na hindi ka uuwi. Forever.”

Iyun nga ang ginawa ko.

“Kabago-bago lang natin dito, hindi ka na agad uuwi?” iyun lang ang sagot ni Mama. 

But of course may kasundo pa iyun matapos nang isang mahabang pag-iisip.

“Para namang pinapa-feel natin kay Tito Raul mo na ayaw mo dito sa kanila,” tuloy niya.

Ayoko naman talaga, gusto ko sanang sabihin, pero hindi ko naman iyun madedepensahan

Nakabalik na kami ni Gabriel sa bahay niya. Nakaupo ako sa sofa. Samantalang nasa kusina si Gabriel. Naka-boxer shorts na at apron. Kailangan bang ganito ang nakikita kong lalaki sa harap ko habang kausap si mama?

“Isang linggo pa lang tayo dito, they are very welcoming. Kahit si Je-Ar, iniwan muna ang boarding house just to complete our new family,” tuluy-tuloy na sabi ni mama. “Anung idadahilan ko, sad kasi ang anak ko dito?”

“Hindi na ma, tapos na tayo dun,” sagot ko. “Nalalayuan lang ako sa Paranaque.”

“Kaya nga sasabay ka kay Jessie.”

“Wala akong helmet.”

“Bumili na si Jessie para sa’yo!”

“Ay, gusto na niya akong ibangga?’

“Ano?”

“Wala po, Ma.”

“Ay umuwi ka,” sabi ni Mama. “Sige, palipas ka muna diyan nang gabi, pero bukas, umuwi ka na.”

“Ma, hindi pwede.”

“Bakit hindi?”

“Finals week na kami Ma,” totoo ang finals week, pero ang dahilan, hindi. “Yung pagre-review ko kakainin ng biyahe. Sayang naman.”

“Alex,” sabi ni Mama na may kakaibang tono sa boses. “Baka naman kung anung exam ang gagawin mo ngayong lingo. Kasama mo ba si Gabriel ngayon? Pakausap.”

“Ma,” tutol ko. “Wala ha. Huwag mo nga akong pag-isipan ng masama.”

“Ay hindi kita pinag-iisipan, pero tigilan mo yan. Bata ka pa.”

“Akala ko dati okay lang?” sagot ko.

“Dati yun. Ibang issue yung makikitira ka na sa bahay ng boyfriend mo.”

“Ma,” sigaw ko.

Napalingon si Gabriel na nagluluto. Napangiti habang hinahalo ang kung anumang niluluto niya sa kaserola.

Napabulong tuloy ako. 

“Hindi ko siya boyfriend.”

“Ewan ko sa’yo,” sagot ni Mama. “Huwag kayong gumawa ng kung anu-anong kalokohan dyan ha. Bata ka pa. Masakit yun.”

“Bakit mo alam? Nagawa mo na?”

“E birthday ng Tito Raul mo,” sagot ni Mama.

“Yuck!” sabi ko. “Wala kaming ganyan. Darating si Kuya. Alangan namang tatlo kami.”

Hindi nagsalita si Mama.

“Nagawa mo na rin?”

“40th birthday niya kasi yun.”

“Ma, si Kuya yun,” sagot ko. 

Hindi ko na pinansin ang mga ayoko nang marinig na bagay mula kay mama. TMI. Too much information. 

“Atsaka ang haba na nito,” sabi ko. “Basta, tatapusin ko lang itong exam week, tapos, usap ulit tayo.”

“Sige, pero promise mo,” sabi ni Mama.

“Ano po?” anu na naman itong hihingin ni Mama.

“Saturday,” dito ka sa bahay.

Hindi ako nakasagot kaagad.

“Sabado,” gigil na sabi ni mama. “Exam week lang yan. Hindi yan aabot ng weekend.”

Hindi ako sumagot. Hindi rin sumagot si Mama.

“Okay po, sa Sabado.”

“I love you anak. Sige, walang kalokohan diyan ha.”

“Opo.”

Natulala na lang ako. Five days of bliss dito sa bahay ni Gabriel, matatapos sa day of hell pagdating ng Sabado.

Naglalagay na ng pagkain si Gabriel sa mesa. Pasta. Sauce pala ang nasa kaserola. Niyaya na niya ako at naupo na rin ako sa dining area.

“I’ll just put on something,” sabi ni Gabriel. “Relax ka lang muna, pray if you want.”

Sasabihin ko sanang okay na yung apron lang ang suot niya. Para kahit papaano, madistract ako pag-iisip na kailangng matapos ang lahat ng ito sa Sabado.

Bumalik si Gabriel. May dalang isang long stem na rose. Pulang pula. Pero wala namang nadagdag sa suot niya. Kumabog ang dibdib ko. At gusto ko ang kabang ito.

“O, bakit?” tanong ni Gabriel na napangiti. “You’re redder than the rose.”

“Akala ko, may isusuot ka?”

“Pabango,” sagot ni Gabriel. “Hindi ba halata.”

Naamoy ko na nga ang sinasabi niyang suot niya. Ang sarap na niyang tingnan, ang sarap pang amuyin. Anung sense pa baa ng dapat kong gamitin para masarapan din.

“Now taste my spaghetti,” sabi niya.

Kinuha ko ang fork, iniikot ang pagkain. Tumusok ng kapirasong meatball.

“Ang sarap,” at hindi ako nambobola. “Salamat.”

“All for you,” sabi ni Gabriel. “I’m back. Hindi na kita mapababayaan.”

Pati ang pagkakasabi niya ng I’m back, ang sarap pakinggan.

“Salamat, Gabriel,” sabi ko.

Hinawakan ni Gabriel ang kamay ko at tumitig sa aking mga mata. May kuryenteng dumaloy mula sa mga palad niya papunta sa likod ng aking mga kamay paakyat sa aking mga balikat at pinuno ang akin gbuong katawan. Kasabay nito ang kakaiba niyang ngiti. Nangungusap, nagtatanong. Hindi ko mabasa kung ano.

Magju-jugs and teddy ba kami pagkatapos kumain? Masasaktan na ba ako? Sige okay lang. Bahala na. Binalik ko sa kanya ang ngiti. Payag ako.

“I’m back, Alex,” sabi niya.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang iyun. At lumabas iyun sa aking mga mata.

Parang nabasa niya.

Mula sa pagkakatitig sa akin ay napatingin sa baba si Gabriel. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin. Naiwan ang ngiti sa mga labi niya, pero parang nag-iba na ang iniisip niya.

“Bakit?” tanong ko.

“No, nothing,” sabi niya at ngumiting muli. “Let’s eat. Gutom na tayo.”

Mula pa noong magyaya siya kumain, hanggang sa maligo na kami. Hindi sabay. Hanggang sa paghiga namin sa kama. Medyo naging malamig na ang mga sandali. Hindi ko alam kung may nasabi ba ako na ikinabago ng mood ni Gabriel.

Magkatabi kaming nahiga. Nakakumot. May mga kaunting kwento, pero parang walang pinatutunguhan.

“Kumusta sa Baguio?” tanong ko.

“Iyun, malungkot,” sabi ni Gabriel. “Iyak ako nang iyak. Pero iyun, nag-usap kaming family that we have to accept and just be happy that lola is now in a better place.”

Mahaba ang sinabi niya. At iyun, natapos na sa ganun.

“How’s Tita and your stepdad to be?” tanong niya.

“Mahal na mahal ni Mama si Tito Raul kaya nga hindi ko masabi sa kanya ang pinagdaraanan ko kay Jessie,” sagot ko. “Pero silang dalawa, Mama and Tito Raul, sobrang okay sila.”

No follow up questions.

Hanggang sa ako na ang magtanong.

“May nasabi ba ako o nagawa kanina? Nagbago kasi ang mood  mo kanina sa dinner?”

“Wala,” sagot niya. “Ikaw ba? Don’t you want to say anything? Wala ka bang gustong… anything?”

“Wala naman. Nalulungkot lang ako na hanggang Sabado lang ako dito. Tapos babalik na naman ako bahay nina Jessie.”

“Baka kailangan mo ring matutunan na mahalin ang bahay na iyun. You have to accept na, that is also your home.”

May kakaiba sa tono niya. Humarap ako kay Gabriel.

“Pinauuwi mo na ba ako?”

“Nope, don’t get me wrong. Sorry if I sounded like that.”

Humarap sa akin si Gabriel. Niyakap ako.

“Sorry,” sabi ni Gabriel. At ang pagso-sorry na iyun ay puno ng init. Nabura lahat nang pader na nabuo sa pagitan namin kanina lang.

Saan man ako pumunta o tumira, yakap ni Gabriel ang aking uuwian.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With the Confussion

CHAPTER 21

Kaya kong gumising araw-araw sa ganitong kama, katabi ng lalaking pinakaperpekto sa mundo ko. Parang sumang-ayon din sa akin ang langit dahil sa kapirasong siwang ng kurtina ng bintana sumisilip ang liwanag ng umaga at tumatawa sa mukha niya. Ang aking anghel, si Gabriel.

Nakatagilid siya at nakayakap ang kanang braso sa akin. Bahagyang nakabuka ang kanyang bibig at doon lumalabas ang kanyang paghinga. Amoy ko ang hanging nanggagaling sa kanya at kasama iyun sa hanging pumapasok sa akin.

“Good morning,”  nakapikit pa rin siya pero nagsalita niya. Parang alam na pinagmamasdan ko siyang matulog.

“Good morning,” bati ko.

Parang hinintay niya ang pagsasalita ko para mahanap ang aking bibig. Dahil walang sabi-sabi, kahit hindi dumidilat ay lumapit ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Diniin niya iyun na may kasabay na malalim na paghinga.

Ang kanyang braso, hinila ako para maglapit ang aming mga katawan.

“Do you now that hindi ko kayang mainis sa iyo, Alex?” bulong niya sa akin.

Bumitaw ako sa pagkakayakap namin.

“Ha?” gulat ko. “Bakit ka maiinis sa akin?”

Ngumiti lang siya. Inalis ang kumot namin at bumangon na. Inayos ang boxer shorts niyang parang nagulo sa pagkakahiga.

“I’ll prepare our breakfast,” sabi niya.

“Bakit ka naiinis?” Naupo na ako sa kama. 

Nakatapis pa sa akin ang kumot namin. Para akong naluging prosti, hindi naman sa alam ko ang itsura nun.

Bumalik si Gabriel sa akin. Muling humalik sa pisngi ko.

“Hays, I’ll just be making lambing,” sabi niya.

Tumalikod si Gab at lumabas ng kwarto.

“Gab?”

Yung natirang pasta kagabi ang naging breakfast namin. Ininit lang ni Gabriel sa oven toaster, hindi ko alam kung ano pa ang mga binudbod niya, pero iba na ang lasa. Masarap pa rin.

Para naman hindi ako pabigat, nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa. Matapos noon sabay kami kumain, siya, nakaboxer shorts pa rin, ako naman, higit sa boxer shorts na pinantulog ko, nagsuot na rin ako ng sando.

“It’s 7am,” paalala ni Gabriel. “Ready for your exam?”

“Oo,” sagot kong kailangan ding ipasok sa oven toaster dahil kasinlamig na ito ng mga tanong niya.

“What time ka matatapos?”

“12. Tapos may exam ulit ako ng 1pm.”

“Let’s just have lunch together.”

“Ikaw bahala.”

“Is there anything wrong?”

“Is there anything wrong?” ulit ko sa tanong niya.

“The truth is, there is,” sagot niya. “You are forgetting something.”

“Ano?”

“It’s for you to remember and not for me to tell. It will spoil everything if I tell you. Okay?”

“Ano nga yun?” pilit ko. “Sabihin mo na lang.”

“Nope.”

Tinuloy niya ang pagkain. Nakataas ang isang kilay at nakangiti ang mga labi. Siguro ang mga ngiti niyang iyun kahit sinasabi niyang naiinis na siya ang dahilan kung bakit nakalimutan ko ang gusto niyang maalala ko.

After ng isa sa mga exams ko, dumeretso ako sa office ni Sir Cabalfin para tingnan ang standing ko sa course niya. Isang cubicle sa faculty room ng mga professors ang inuokupa niya. Nakaupo siya at sa tabi ay ang mga patung-patong na plates namin mula pa noong Tuesday. Hindi pa niya nache-check-an.

Sinuot ni Sir ang kanyang salamin at tiningnan ang mga grades ko.

“Yung totoo Alex, anong ipapa-check, plates o puso?” tanong niya.

“Puso po,” sagot ko.

“I’m sure,” sabi niya. “Kung gaano tayo ka-close e ganun din ang grades mo. Kaya kwento na, baka tumaas pa lalo iyan, lumampas na ng uno.”

“Sir naman, parang hindi ko pinaghihirapan ang mga plates ko.”

“Chika lang. Sige na, spluk the beans.”

“Sir bakit ba ayaw na lang sabihin ni Gab kung ano yung problema niya sa akin?”

“Wow, deretsahan ka din ha?”

“30 minutes lang ang consulation time.”

“O go!”

“Kasi, may nakalimutan daw ako. Ayaw naman niyang paalala.”

“E baka may kinalaman sa kanya ang nakalimutan mo.”

“Ano naman ang makakalimutan ko sa kanya, e mula noong lumipat naki-sleep over ako sa kanila e kasama ko siya lagi. Magbi-biyernes na bukas.

“At may esquise tayo. Huwag puro landi.”

“Opo,” sagot ko sa pagpapaalala niya ng exam namin. “Pero iyun nga po…”

“Yang mga ganyan, Alex, kailangang alalahanin mo talaga. May mga pangako k aba sa kanya. May hingi ba siya na dapat ibibigay mo? Nagpabake ba siya ng cake? Ano bang huling usapan ninyo bago siya magkaganyan?”

“Huli  naming usap bago ang linggong ito e yung pagpapaalam niya papuntang Baguio.”

Napaisip ako.

“Magkatabi kami, tapos dapat may mangyayari…”

Hala, naparami ang nasasabi ko.

“Ituloy mo,” sabi ni Sir. “Huag kang tumigil sa juicy part, ibabagsak kita.”

“Pero wala namang nangyari, nagkiss lang kami.”

“Ay, walang juice,” sabi ni Sir. “O tuloy.”

“Yun lang ang huling ala-ala ko.”

“Well, mabuti naman at walang nangyari. Huwag kang easy, girl. Hindi pa kayo. Huwag magpadala si libido.”

“Iyun naman sir, hindi naman natuloy.”

“Pero wish mo, sana matuloy?”

“Hindi ko po alam.”

“Baka naman naipangako mo nang iaalaya ang iyong pagkabirhen, tapos e hindi mo pa naibibigay, mag-iisang lingo na kamo siyang nakabalik, tapos lagi pa kayong magkatabi…”

“Naku hindi a, hindi naman ako ganun kamapamahiin.”

“E anung naipangako mo? Baka naman hindi aksyon ang hinihintay niya. Baka naman iyan!” at tinuro niya ang puso ko.

May kumatok at sumilip sa pinto ng faculty. Si Arvin. Tumingin kay Sir Cabalfin.

“Okay Arvin, wait lang,” sabi ni sir. “O paano. Galingan mo na lang bukas. Atsaka mo na isipin ang sagot dyan sa problema mo. Magreview ka, magtingin tingin sa mga magasin at nang may maisagot ka sa exam bukas. Okay?”

“Sagot…” naalala ko na. “Tama sir, alam ko na! Thank you!”

Agad akong lumabas ng office ni sir. Kinuha ko ang telephone. Nagtext kay Gab.

Sasagutin na kita.

Nagreply siya matapos ang ilang minuto: Naalala mo na.

Reply ulit ako: Oo.

Text ulit siya: Hintayin mo ako sa tapat ng building, papunta na ako.

Nagmadali akong bumaba. Basa pinakataas na floor pa naman ang office ni sir. Mabilis ang hakbang ng mga paa ko sa hagdan. Bakit ko ba nakalimutan. Sabi ko kay Gabriel, kapag bumalik siya sa Baguio, ibibigay ko na sa kanya ang sagot ko, kung ano na ang gusto ko sa aming dalawa.

Isang floor na lang at nasa baba na pinakababa na ako. Napahinto ako. Nawala ang excitement ko.

Ano nga bang isasagot ko?

Bumagal ang aking lakad papalabas ng building. Hindi ko pa alam ang isasagot ko. Kung ibigay ko na kay Gabriel ang puso ko, alam kong wala akong talo. Pero gusto ko na ba? Tanggap ko na ba ang lahat ng pagbabago. Magiging kami na ba?

Masyado nang matagal para paghintayin ko pa hindi lang siya kundi maging ang aking sarili. Sige na.

Nakahinto ako sa harap ng building, dala ang bag sa likod at t-square sa balikat. Nakikita ko na ang kotse ni Gabriel.

Ngunit may isang humaharurot na motor na lumampas sa sasakyan ni Gab. Mabilis na nang huminto ito sa harap ko ay umusok ang kalsada.

“Sakay,” sabi ng nakahelmet na lalaki.

Kinabahan ako. Ang buong tindig ni Jessie sa motor, ang kanyang katikasang nananakot. Ang boses niyang nag-uutos. Ang isang lingo kong binuno sa bahay nila, nagbabalik ngayon sa harapan ko.

Napatingin ako sa sasakyan ni Gabriel na bumilis din ang takbo.

Iniabot sa akin ni Jessie ang isa pang helmet. Kulay pula, malaki. Maganda. Bago.

Nagring ang telepono ko.

“Mamaya mo na sagutin yan. Sakay na”

Hindi ko alam.

Sinuot ko ang helmet. Sumakay ako sa likod ni Jessie.

Mabilis na umandar ang motor. Napahawak ako sa bewang ni Jessie. Atsaka ako lumingon. Nakita kong huminto ang kotse ni Gabriel.

Anung ginawa ko?


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With the Fast Ride

CHAPTER 22

“Kumapit ka,” sabi ni Jessie.

Pero hindi ko iyun sinunod. Kumapit ako sa likod ng motor at sinubukang panatilihin ang balance ko kahit weird ang posisyon ko.

Si Jessie naman parang nanandya. Lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo. Ilang beses ako muntik na malaglag pero tinibayan ko lang ang kapit ko.

Pero nang sobrang bilis na, hindi ko nakayanang kumapit. Napabitaw ang kanang kamay ko at napahawak ako sa bewang ni Jessie. Agad kong binawi ang kamay ko ngunit hinawakan niya ito at idinikit sa katawan niya. Wala na akong nagawa. Ikinapit ko na rin ang kaliwa kong kamay kay Jessie. Sa ganitong posisyon, pinanatili ni Jessie ang mabilis niyang pagpapatakbo ng motor.

Hanggang sa huminto kami sa stoplight. Doon ko lang muling narinig ang pag-ring ng aking telepono.

“Akin na ’yan,” utos ni Jessie.

“Ayoko nga,” sabi ko.

“Iiwan kita dito.”

Napalingon ako sa paligid. Ngayon lang ako napadpad sa lugar na ito. Hindi ko alam. Wala rin akong pera, Friday na, ubos na ang baon ko, wala akong pang taxi. Hindi rin ako makakabalik kay Gabriel. Iniwan ko siya.

Bago pa ako makapagdesisyon, bumaba si Jessie sa motor at kinuha ang telepono ko. Pinatay niya ito at ibinulsa.

Muling umandar ang motor sabay sa pag-green ng stoplight.

Mabilis akong bumaba sa motor pagkahinto nito sa loob ng bakuran ng bahay nina Jessie. Hinubad ko ang helmet at iniabot kay Jessie. Hindi niya ito pinansin. Ang humahangos na kasambahay nila ang kumuha ng helmet at nagmamadaling nag-aya sa akin.

“Sir dun po sa kwarto,” sabi ng kasambahay.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni ate, pero sumunod na lang ako sa kanyang paghangos. Dumeretso siya sa loob ng bahay, umakyat patungo sa kwarto nina Mama at Tito Raul. Napahinto lang ako nang huminto si ate at binuksan ang pinto. Hindi siya tumuloy. Nakatingin lang siya sa akin, hinihintay na pumasok ako. Iyun naman ang ginawa ko.

Muling napabilis ang pagkilos ko nang makita si Mama na nakahiga sa kama. Tumingin sa akin na parang nanghihina.

Agad akong lumapit kay Mama, naupo sa kama, sa tabi niya. Hinawakan ni Mama ang kamay ko.

“Mamamatay na yata ako,” sabi niya.

“Anung meron, ma?” tanong ko.

“Nasa trabaho ako kahapon nang bigla na lang akong nahilo at nawalan ng malay,” paliwanag ni Mama na may namumuo pang luha sa mga mata. “Tapos hindi ko na alam ang nangyari Nagising na lang ako, nasa clinic na ako, at sabi ng doctor…”

“Overfatigue,” narinig ko si Tito Raul na kapapasok lang sa kwarto, parang wala lang ang pagkakasabi.

“Anu ba’yan, Raul,” sabi ni Mama na naging singlamig na rin ng tinig ni Tito Raul ang boses. “Nagda-drama pa ako, eh.”

“Veronica, okay lang kung ako lang ang dramahan mo,” sabi ni Tito. “Pag-aalalahanin mo pa ang anak mo.”

Bumaling sa akin si Tito Raul.

“Alex, nasobrahan sa pagta-trabaho ang mama mo,” sabi ni Tito Raul sa akin. “Parang hindi sanay na hindi ka nakikita, hindi sapat na ako lang ang kasama niya, iyan, ginugol ang pagkamiss sa iyo sa trabaho.”

“Ma?” sabi ko. “Hindi mo naman kailangang gawin yun.”

“E name-miss kita, eh?” sabi ni Mama. “Mapipigilan ko ba ’yun?”

“E di sana tinawagan mo ako?” sabi ko.

“Tapos sasabihan mo ako na malaki ka na, kaya mo na, huwag na kitang kulitin, hindi mo na ako kailangan…” tulut-tuloy na sabi ni Mama.

“Ma, sana sinubukan mo muna akong tawagan,” sabi ko.

“E ayoko ngang masaktan, ayokong may marinig sa iyo,” sabi ni mama.

“Hindi mo naman maririnig sa akin yun,” sagot ko. “Mahal kita ma, at kahit kulitin mo ako, hindi ako makukulitan. Hindi ko katatandaan ang pangangailangan ko sayo.”

“Wow, ang deep naman ng anak ko,” sabi ni Mama. “Tagalog na Tagalog, Filipinong Filipino.”

“Bawal kami mag-English sa Kom 1 e,” sagot ko.

“Pero namiss talaga kita anak,” umangat si mama sa pagkakahiga at yumakap sa akin.

Parang ako nga lang ang hinihintay ni Mama dahil pagdating ko e parang walang nangyaring sakit o panghihina sa katawan ni Mama. Siya na ang nagluto at naghain para sa hapunan namin. Hindi ako umalis sa tabi ni mama. Una, dahil namiss ko rin naman talaga siya, ikalawa, wala akong ibang pupuntahan sa loob ng bahay. Ayokong bumalik sa kwarto namin ni Jessie.

Sa tabi ng pool kami nagkwentuhan ni Mama matapos ang hapunan. Inabot na rin kami ng gabi.

“Ma, kailan magagawa yung kwarto ko?” tanong ko.

“Next week, okay na daw,” sagot ni mama. “Ini-install na lang yung aircon at pinapalitan ang bintana. Bakit? Huwag mong sabihing hihintayin mo pa matapos ang kwarto mo bago ka pa bumalik dito? Hoy Alex, tama na ang landi, tapos na ang exam week mo.”

“Hindi naman sa ganun ma,” sabi ko. “Nahihiya lang ako makikwarto kay Jessie. Hindi pa naman kami talaga magkakilala.”

“E kaya nga mas magkakakilala kayo kung magiging magkakwarto muna kayo!”

Hindi makalusot ang mga paliwanag ko. Hindi na lang ako nagsalita.

“Anak, college ka na. Hindi na pwede ang mahiyain. Sanayin mo nang kapalan ang mukha mo. Mabait naman si Jessie. Hindi ko nga alam na siya pala ang sumundo sa iyo sa school para ibalik ka dito.”

“Oo nga,” sabi ko.

Lumapit sa amin si ate kanina, at may iniabot.

“Sir Alex, pinabibigay ni Sir Je-Ar,” at binigay niya ang telepono ko.

“Salamat po ate… anu nga po palang pangalan ninyo?” tanong ko.

“Mabel,” sabi ni Mama. “Salamat Mabel.”

“Salamat Ate Mabel,” sabi ko.

“Sure po sir,” sagot ni Mabel.

“Ay sure po,” sabi ni Mama.

Agad kong binuksan ang phone ko. Ang daming miscalls ni Gabriel.

At andaming text

Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo? Okay ka lang ba?

Kinuha ba ni Jessie ang phone mo?

Kumusta ka na?

Susundan kita dyan.

Susunod sa akin si Gabriel. Hindi pwede.

Dinial ko ang telepono ni Gabriel. Parang gumaganti siya. Hindi rin niya sinasagot. Isa. Dalawa. Tatlong tawag, hindi pa rin niya sinasagot. Ako naman ang nagtext. Pero bago ko pa matapos ang sinusulat ko, nagring ang telepono ko. Si Gabriel.

“Hello,” sabi ko.

“Hello,” sabi niya. “I was in the car and my phone fell. Sorry for not answering agad. where are you? How are you? Bakit ngayon ka lang tumawag? Bakit ka sumama…”

“Okay lang ako,” sabi ko para hindi na niya matuloy ang tanong niya.

Ang totoo, hindi ko alam ang isasagot ko.

“Sure? Whrere is that place? Do you want me to pick you up there? What came up ba at sumakay kasa lalaking yun?”

“May sakit daw si Mama,” na-alibi ko pa ng mama ko. 

Pero totoo naman. May sakit si Mama. Sapat nang dahilan yun para sumakay ako sa motor nang halimaw.

“For real?”

“Oo. Pero okay na si mama nung makita niya ako.”

“Naglalambing lang naman pala ang mama mo.”

“Oo nga.”

“SO, what about me? Kalian naman kita malalambing.”

Napangiti na muli ako sa mga salitang iyun ni Gabriel. Pero nawala ang ngiti ko nang makita ang nakatayo sa may pinto. Nakaboxer shorts lang siya at sando. Nakatitig sa akin.

“Malapit na,” sabi ko. “Sige muna, tawag ako ni Mama.”

“Sure you are okay there?”

“Oo, salamat.”

“I miss you.”

“I miss you too.”

“I love you.”

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko talaga alam. Ibinaba ko na lang ang telepono.

Nakatingin pa rin sa akin si Jessie. Tinitigan ko na rin siya habang tumatayo. Pero pagpasok ko sa bahay, dinaanan ko lang siya. Alam kong nakatingin pa rin siya sa akin kahit hindi siya gumagalaw.

“Sa kwarto,” utos ni Jessie.

Hindi ako nagsalita. Pero wala naman pala akong alam na pupuntahan sa bahay. Ang gusto ko lang kasi ay makaiwas sa mga mata ni Jessie. Makalayo sa mga lugar na malapit siya. Nilampasan ko siya pero sumunod siya sa akin.

“Akyat.”

Utos ulit ni Jessie nang lumampas ako sa hagdan.

Tumalikod ako at tiningnan siya. Saktan na niya ako kung gusto niya pero hindi ako susunod.

“May utang ka sa akin,” sabi ni Jessie.

Hindi ako nagsalita.

“Sinundo kita dahil may sakit si Tita,” sabi ni Jessie. 

Flat ang boses niya; walang emosyon.

Umakyat na lang ako. Tama naman siya.

Dumeretso ako sa kwarto ni Jessie. Hindi ko siya nililingon pero alam kong nakasunod siya. Huminto ako pagdating sa pinto.

“Wala akong planong pagbuksan ka,” sabi ni Jessie.

Hinawakan ko ang knob. Pumasok.

May kaunting pagbabago sa kwarto. Ang sheets na nasa tabi ng basurahan, wala na doon. Nasa tabi na ng kama ni Jessie.

“Maligo ka na, matutulog na tayo,” utos ni Jessie.

Hindi ko naintindihan. Hindi ako gumalaw.

“Hanggat maaari, hindi na kita sasaktan, kaya sumunod ka na lang.”

Pumasok ako sa banyo. Hindi ko naiintindihan kung ano ang bagong plano ni Jessie. Naghubad ako at iniwan ang damit ko sa side table. Pumasok ako sa glass encasing at sinara ito. Binuksan ko ang shower. Medyo nanginig ang katawan ko sa malamig na tubig na unang bumagsak, pero habang umiinit ito, ay sumarap na rin ang aking pakiramdam.

Pumasok si Jessie sa banyo.

“Eto ang towel at ang pantulog mo,” sabi niya at lumabas.

Matapos patuyuin ang sarili, isinuot ko ang damit na bigay ni Jessie. Boxer shorts na maluwag at sando na maluwag din kung isusuot ko. Mukha akong hanger sa suot ko. Mga damit ni Jessie, pinasusuot niya sa akin.

Lumabas akong nakatowel lang para kumuha ng damit ko. Inabutan ko si Jessie na nakahiga sa sahig. Tulog na siya. Baka nalaglag sa kama. O kung anuman.

Hindi ko na muna inisip kung ano ang plano niya. Maginaw dahil bukas ang aircon. Nagmadali akong kumuha ng mga damit ko mula sa bag na malapit sa study area. May shorts ako at tshirt na maluwag.

Pagkabihis at pagkabalik ng twalya sa banyo, atsaka ako lumapit kay Jessie at umupo sa tabi niya.

“Gising na, sa kama ka na,” panggigising ko sa kanya.

Hindi umimik si Jessie. Mukhang malalim na ang pagkakatulog.

Tumayo na lang ako.

Tinitigan ang natutulog na si Jessie. Tinitigan ang kama. Mukhang bagong ayos at bagong palit ng sheets. Hinawakan ko ang kama ni Jessie. Ang lambot. Ang sarap. Dahan-dahan ko nang inakyat ang kama at nahiga. Parang nasa ulap ang lambot. Humiga ako, nagkumot at niyakap ang mga unang pagkalalambot din.

Doon lang nagsalita si Jessie na parang walang pinanggalingang pagkakatulog.

“Bakit ka sumakay sa motor ko?”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With the Gorilla

CHAPTER 23

Nahiga ako sa kama ni Jessie. Sa malambot niyang kama, sa yakap ang malambot niyang unan, balot ng malambot niyang kumot. Malamig ang aircon, pero masarap sa katawan kapag ganitong nakahubad at balot ng kumot. Panandaliang nakalimutan kong kwarto ng kaaway ang tutulugan ko. Hanggang sa magsalita si Jessie. Hindi magsalita, magtanong. Bakit ako sumakay sa motor niya?

Bakit nga ba ako sumakay sa motor niya? Bakit ko nga tinakbuhan si Gab? Hindi ko alam ang isasagot ko.

“Sasagot ka ba?” tanong ulit ni Jessie.

Hindi ako nagsalita. Ang maganda sa ikalawa niyang tanong, nagbibigay siya ng options. PWede akong umoo, pwede akong humindi. Hindi ako nagsalita.

“Tatanungin ulit kita pagkagising. Ihanda mo ang sagot mo.”

Paano niya ako nagagawang pagbantaan habang nagawa rin niyang pahigain ako sa kama niya? Ang totoo, wala siyang karapatang tanungin ako kung bakit ko piniling sumama sa kanya at iwanan si Gabriel. Pero hindi para kay Jessie ang sagot. Hindi rin para kay Gabriel. Para sa akin.

Hindi ko talaga alam kung bakit ako sumakay sa likod ni Jessie. Kailangan ko bang isipin…

Nagising ako sa tunog ng lagaslas ng tubig. Bukas ang ilaw sa banyo na sumisilip sa bukas din nitong pinto. Tumigil ang bagsak ng tubig. Tumahimik. Tuluyang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Jessie. Nakasuot na ang boxers niya habang kinukusot ng twalya ang buhok.

Kumilos siya at nag-ayos habang ako ay nagpanggap na natutulog. Pinanood ko siyang magbihis.

Nang matapos siya ay lumapit siya sa akin. Hindi ko magalaw ang mga mata kong bahagyang bukas para makita siya. Alam kaya nitong lalaking ito na gising ako, o sasakay siya at naniniwala rin siyang hindi lahat ng tao, saradong-sarado ang mga mata kapag tulog.

Braso lang ni Jessie ang nakikita ng isang mata kong kaunti na lang ay tuluyang nakapikit na. Kaunti niya lang ang nakikita ko, pero nararamdaman ko ang pagtitig niya sa akin. Hindi siya gumagalaw. Naririnig ko ang kanyang paghinga. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, kung may plano na naman ba siya, kung papatayin na niya ako ngayon kaya pinatulog na niya ako sa kama niya.

Hanggang sa humakbang siya. Mas malapit siya sa akin. Lumapit ang braso niya at, nilapat ang kamay sa kama. Naupo siya.

Ang kaninang naririnig ko lang niyang paghinga ay naramdaman kong lumalapit sa pisngi ko.

Kumabog na naman ang dibdib ko.

“Je-Ar! Bilis na,” sigaw mula sa baba. 

Si Tito Raul.

Mabilis na tumayo si Jessie. Iniwan ako. Marahan siyang naglakad palabras at tahimik na isinara ang pinto.

Anu yun? Anung nangyari? Anung…

Hindi ko alam kung bakit antok na antok ako at nakakatulugan ko ang pag-iisip. Nagising ako na medyo mataas na ang sikat ng araw. 

Sabado naman, walang pasok. Tapos na ang finals. Magsisimula na ang bakasyon.

Gusto kong isiping ang mga nangyari kagabi ay panaginip lang, pero nandito ako sa malambot na kama. Ayokong tumayo sa mahabang panahon mula dito. Ito ang pinakamagandang bahagi ng panaginip.

 At ang paglapit ni Jessie sa akin habang nasa kama niya ako. Oo nga, anu na nga ulit ang nangyari?

“Alex,” sigaw ni Mama.

“Ma, walang pasok, natutulog pa ako” sigaw ko pabalik.

“Huwag mo akong lokohin,” sigaw ni Mama. “Wala kang powers na magsalita nang tulog. Bumaba ka na dito, may bisita ka.”

“Ano?” sagot ko. 

Mas nauna akong magulat na may bisita ako, kesa kung sino ang maaaring pumunta dito sa Paranaque para sa akin.

Agad akong tumayo at bumaba. Ang layo nang lalakbayin mula sa kwarto patungo sa lugar ng bisita. At wala pa sila doon sa salas.

“Dito sa kusina anak, “ sabi ni Mama.

Inabutan si Mama na may dalang pinggan ng sinangag kasama si Ate Madel na may dalang mga itlog. May lalaking may apron ang marahang humarap sa akin.

 Sa totoong buhay e normal lang naman ang glaw niya, pero parang mabagal ng times two ang pagharap niya sa aking paningin. Yung tipopng naba-blur ang background niya at ang pinakamatingkad na nakikita ko ay ang kanyang mga ngiti.

 “Good morning,” bati ni Gabriel. “Ang haba daw ng tulog mo, sabi ni Tita.”

“Oo nga e,” sagot ko. “Bakit ka napunta dito?”

“Na-miss kita,” sagot ni Gabriel. “I think that’s reason enough.”

“Madel, itapon mo na lahat ng asukal sa bahay,” sabi ni Mama.

“Hindi naman po kailangan tita,” biro ni Gabriel. “Siguro po kung tumakbo si Alex at yumakap sa akin the moment he saw me kanina. Baka mapa-massacre na ang lahat ng bubuyog.”

“Ay naku po, sir Gabriel masama po ang epekto sa kalikasan kapag nawala ang mga bubuyog,” singit ni Mabel.

“Wow, karakter ang Mabel,” sabi ni Mama. “Environmentalist ang peg. Halika, doon na tayo magkwentuhan ng mga pinaglalaban mo at iwanan na natin itong dalawang love birds dito.”

“Ay, bading po ba sila?” tanong ni Mabel.

“Yung Bisita, alam ko, oo,” sabi ni Mama. “Itong anak ko, nagto-toss coin pa.”

“Ay sana po, hindi matuluyan si Sir Alex,” sabi ni Mabel. “Bawal po ang bakla dito sa bahay.”

“Hilig mo rin sa ‘ay’ Mabel, ano?” sabi ni Mama. “Hayaan na natin sila. Let’s go, fly. Chupiparacci!”

Dumeretso na si Mama at si Ate Mabel sa dining area.

“Sorry,” sabi ko kay Gabriel. “Hindi ko lang in-expect na nadito ka. Paano ka nakarating dito?”

“I drove,” sagot ni Gabriel.

“Ibig kong sabihin…” pinutol ako ni Gabriel.

“I asked around,” sabi niya agad.

“Thanks,” sabi ko sabay nang paglaki ng ngiti ko kaya’t hindi ko napigilang magtanong. “Asukarera ka ba?”

“Asukarera? Bakit?”

“Para kang pabrika ng katamisan e.”

“You’re joking now,” sabi ni Gabriel. “You’re making me love you more.”

Dala ni Gabriel ang mga bacon patungo sa dining area.

“Let’s go, and eat,” yaya niya.

“Wala ba akong dadalhin?”

“I’ll carry everything for you. I will even carry you.”

“Gabriel, bakit?”

“Bakit, bakit?”

“Why so sweet? Alam mo namang nakuha mo na ako?”

“I thought so, too. Until you ran away on that motorcycle with Jessie. I felt that I have to get you back.”

Nakatalikod sa akin si Gabriel at at pinigil ko ang kanyang paglalakad. Niyakap ko.

“I’m sorry, Gabriel.”

“It’s okay. You were and still are confused.”

Bumitiw ako. Humarap siya sa akin.

“You’re situation is very confusing. I understand. And at those time, mas madaling takbuhan ang kalituhan kesa sa sakit ng katawan. Kaya you chose to go with Jessie over me.”

Ngumiti na naman si Gabriel na parang walang nagugutom sa Africa. Parang walang nangyaring problema hindi lang sa aming dalawa kundi sa buong mundo.

“Bakit mo naman naisip yun?” tanong ko.

Simpleng tanong na parang nagpapasalamat sa kanyang pag-unawa sa pinagdaraanan ko. Pero ang sagot niya ay parang pinaghandaan na niya.

“Because that is less painful than thinking that you simply chose Jessie over me.”

At kahit nakangiti siya, nakita ko ang pagdaramdam sa mga mata niya.

“Imposible yan. I’ve fallen for you.”

“Yes, you’ve fallen. Actually, you have been falling a long time ago. You just don’t know who you want to catch you.”

Napatigil ako. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang obserbasyon niyang iyun.

Tahimik lang kami, nagtititigan hanggang sa muling sumabay sa mga labi niya ang ngiti ng kanyang mga mata.

“Fall for me please and i’ll always be here to catch you. And then I’ll never let you go,” sabi ni Gabriel.

Hindi isang oras ang magiging byahe namin mula Paranaque pabalik sa Katipunan. Pabalik kasi, ito ang bahay na mas gusto kong balik-balikan. Kahit maliit ang condo ni Gabriel kumpara sa mansion nina Jessie, mas pipiliin kong umuwi sa yakap ni Gabriel.

Hindi isang oras ang magiging byahe namin pero hindi ko ito gugustuhing matapos dahil sa mula nang mag-start ang kotse ni Gabriel ay hindi na niya binitawan ang kamay ko. Maliban na lang syempre kung kakambyo. Pero muling bumabalik ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri ko.

Tumutugtog ang Let’s Wait Awhile nang mapadaan kami sa isang intersection at naging pula ang stop light.

“May plano ka bang mag-law after ng Sociology?” tanong ko.

“Yup,” sagot.“Why did you ask?”

“E parang ngayon pa lang kasi, nagpa-practice ka na,” sabi ko. “Biruin mo, napilit mo si Mama na doon muna ako sa inyo kahit sem-break.”

“Or until fully furnished na ang kwarto mo,” sabi ni Gabriel. “Which I hope will take more than a week or two.”

“Pero sana, huwag na ulit magkasakit si Mama,” sabi ko.

“Kaya nga bibisitahin natin siya sa work niya once in a while.”

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Humigpit din ang hawak niya.

“Thanks, Gab,” sabi ko.

Tumitig lang siya sa akin. Hinigop ako ng kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong gayuma ang meron sa mga titig na iyun. Unti-unti, lumapit ako sa kanya habang mas humigpit ang pagkakahawak namin sa kamay ng isa’t-isa.

Ngunit may bumusina. Napangiti si Gabriel at napailing. Napakagat na lang ng labi. Green na pala ang stop light.

Nag-chorus ang kanta sa radyo. Let’s wait a while before it’s too late…

Inilapag ko na lang ang malaki kong bag sa isang sulok ng kwarto ni Gabriel. Tapos ay umupo ako sa kama ni Gabriel. Malambot din ang kama. Mas malambot nga lang ang kama ni Jessie, pero sino naman ang gustong gustong sa kama ng halimaw? 

Napansin kong mas marami nang unan sa kama. Bagong palit ang sheets at amoy pa ang fabric conditioner mula sa laundry shop.

TInanggal ko na ang sapatos ko at nahiga na. Niyakap ko ang unan. Ang sarap amuyin.

Dumating si Gabriel na dala ang mga canisters ko at t-square. Inilagay niya iyun sa study area. Naghubad na rin siya ng sapatos at tumalon sa kama niya at nahiga.

Tinanggal niya ang unan na yakap-yakap ko.

“Try me,” sabi niya at kinuha ang mga braso ko at pinulupot sa katawan niya.

Matapos nun, niyakap niya na rin ako. Mahigpit. Masarap. Kung makukulong man ako sa kanyang mga yakap ay hindi ko na hahangarin ang kalayaan.

“Oo nga,” sabi ko. “Mas masarap nga ito yakapin.”

Tulad ng unan, nilanghap ko rin ang kayakap ko. Ambango niya talaga. Parang malamig na boses ang kanyang amoy.

“What should I do to keep you here forever,” sabi ni Gabriel.

“Gusto ko rin yun.”

Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Inilayo niya ang kanyang mukha.

“Akin ka na lang,” sabi ni Gabriel.

At ang titig niyang mapang-akit. Ang titig niya, hinihila ako papalapit sa kanya. Napahinga ako nang malalim at isinuko ko na ang aking mga labi sa kanyang mga labi.

Alam na alam ni Gabriel ang ginagawa niya. Puno nang pananabik ang kanyang mga halik. Ipinadarama sa akin ang lambot nang kalingang kaya niyang ibigay sa akin kapag ako ay kanyang kanya na.

Pumatong sa akin si Gabriel. Ipinailalim sa likod ang isang kamay habang ang isa naman ay nasa likod ng aking ulo. Patuloy ang pagkilos ng kanyang mga labi at dila na tumatama sa aking labi, pumapasok sa aking bibig, binibihag ang aking ulirat.

Bahagya akong napadilat at nakita ko siyang nakadilat. Pinagmamasdan ako.

Napatitig ako sa kanya. Panandalian kaming natigil.

“Why?” tanong niya.

“Nakadilat ka?”

“You are so…” sabi niya. “You are so hot. I can’t take my eyes off of you. I don’t wanna miss any of this moment, even a blink. You are so wonderful for me not to look at.”

At hinalikan ko na ulit siya.

Hindi na rin ako pumikit. Magkatitig kami. At kitang kita ko ang pananabik niya sa akin. Sa amin.

Biglang kumanta si Bruno Mars. Gorilla. Telepono ko iyun, nagri-ring mula sa aking bag.

“Will you get it?” tanong ni Gabriel.

Umiling ako.

Patuloy ang pagtugtog ng telepono. Hindi ko sinasadya, sumasabay ang galaw ng katawan ko sa beat ng kanta. Kahit mas malaki at mas mabigat si Gabriel ay nagawa ko siyang itagilid at ihiga. Nagpaubaya naman siya hanggang sa ako na ang nasa ibabaw niya. Patuloy na nagtatagpo an gaming mga labi.

Natpos ang kanta. At umulit pa ito. Hanggang sa umulit pa. Ilang ulit pa.

Hindi ako nagpatinag. Hindi ko sinagot ang telepono.

Napagod na ang tumatawag pero hindi pa rin kami napapagod ni Gabriel.

Hanggang sa ang tawag ay naging text message na lang. Ilang mga text ang sumunod.

Hanggang sa umalis ako sa pagkakadagan ko kay Gabriel at nakatagilid na lang kaming magkaharap sa kama. Unti-unting halik lang. mga matatamis na smacka at ngitian at biuran na lang.

“Sure those calls are not important?” tanong ni Gabriel.

“Iba ang ring tone nina Mama at Kuya sa phone ko,” sagot ko.

“Good,” sabi ni Gabriel at hinalikan ulit ako. “Katulad din kaya ng ring tone nilang dalawa ang ring tone ko sa phone mo?”

“Hindi ko alam,” biro ko. “Baka kailangan mo akong tawagan.”

“Wait,” sabi ni Gabriel at tumayo, lumabas.

Kinuha ko agad ang phone ko para kung tumawag man siya, mapapalitan ko na. Hindi ko pa siya naisasama sa ring tone nina Kuya at Mama.

Agad nag-ring ang phone ko. Ambilis naman niya. Hinanap ko sa loob ng bag ko ang phone na patuloy pa rin sa pagtugtog.

Pumasok si Gabriel. Buking na ako.

“Why busy?” tanong niya.

Nakita ko ang phone ko. SI Jessie. Tumatawag.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With Bataan

CHAPTER 24

Gorilla na sana ang kantang magpapaalala sa akin sa mga halik ni Gabriel. Buong oras na magkayakap kami kanina at magkadikit ang aming mga katawan at mga labi, iyun ang paulit-ulit na tumutugtog. At gusto ko iyun. Pero parang hindi na lang pala.

Si Jessie ang tumatawag.

“Why busy?” tanong ni Jessie.

Hindi ako nagsalita.

“Huy? Sagot!” may tigas ang kanyang pagkakasalita.

Huminga na muna ako nang malalim. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Dropped.

Hindi ko kailangang sumagot kay Jessie.

Tumalikod na ako para bumalik sa kama. Si Gabriel naman, nakatayo na sa pinto. Nagring muli ang phone ko. Gorilla ulit ang tumugtog.

“Awwww,” sabi ni Gabriel. “Im not part of the special ring tone club.”

“Sorry,” sabi ko.

“It’s okay,” sabi ni Gabriel. “Ano ba naman ang paghihintay pa? Ang mahalaga, nahahalikan na kita. Nang ganito.”

Lumapit sa akin si Gabriel at hinalikan muli ako, pabagsak sa kama at paikut-ikot muli.

Tumugtog ulit ang Gorilla. Pinigil ko muna si Gabriel.

“You have to take that call?”

“Nope,” sabi ko.

Pinatay ko ang telepono at bumalik sa kama. Tumayo si Gabriel para salubungin ako. Hinila ako at bumagsak kami sa kama. Sa pagbagsak namin, nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa mga mata ko. Muli, nagsalubong ang aming mga labi.

Hindi tumigil si Gabriel nang pag-iisip ng paraan para makumbinsi si Mama na huwag na akong pabalikin sa mansion. Nagawa na kasi ang renovations sa guest room. Pwede ko nang i-occupy.

Madaling araw, wala nang hila-hilamos, naghintay kami sa tapat ng isang building sa Eastwood. May tig-isa kaming kape ng McDonalds. May naisip na naman si Gabriel. Noong ginising niya ako, medyo hindi ko pa naiintindihan pero sumunod na lang ako. 

Tiwala lang. Pero nang ang kotse niya ay sumampa na sa flyover ng Katipunan, alam ko na. Magugustuhan ko nga ang gusto niyang mangyari.

Bago pa maubos ang kape ko ay lumabas na si Mama. Sumalubong.

“Sorry, tita,” sabi ni Gabriel. “Hindi ko alam kung anong kape ang gusto ninyo.”

“It’s okay,” sagot ni Mama. “Okay nang pampagising itong anak ko.”

Yumakap sa akin si Mama. “Itong anak ko, anlandi-landi. Ang aga-aga makipag-live-in.”

Pagkabitaw niya ay naglakad na kami patungo sa kotse ni Gabriel.

“Ma,” sabi ko. “Hindi naman kami nagli-live-in.”

“Chika lang,” sabi ni Mama. “At hindi ako papayag. Ang babata pa ninyo. Hindi dahil walang mabubuntis sa inyo e papayagan ko na kayong gawin ang mga…”

“Not yet, Tita” sabi ni Gabriel. “I Promise. Hindi pa ako sinasagot ng anak ninyo e.”

“I love it,” sabi ni Mama. “Ganyan kaming mga Bautista, façade lang namin ang kalandian pero hindi namin agad-agad isinusuko ang Bataan.”

“Twenty ka lang kaya nung nabuntis ka ng tatay ko,”

“Gusto mong pag-usapan natin ang tatay mo?” tanong ni Mama.

“Okay na po,” sagot ko.

Dumeretso kami sa unit ni Gabriel. Sumabay na lang ako sa mga plano ni Gabriel. So far, nae-enjoy ko naman. Naupo kami sa dining area. Nagtimpla ng kape si Gabriel para sa aming tatlo. May tinapay na rin at palaman siyang inihain.

Magkatapat kami ni Mama, nagkakape, kwentuhan tungkol sa mga achievements niya sa call center at kung gaano siya kasaya sa bahay ni Tito Raul, at ako, kung gaano kadali ang buhay ko sa bahay ni Gabriel.  

Matapos ang ilang sandal, mainit na ang sinangag at may mga fried ham and eggs na. Umupo na sa tabi ko si Gabriel.

“Wow, thanks chef Gab. But let’s go to business,” sabi ni Mama na parang nag-iba ang tono. “Formality lang naman ito. Ayoko kasing isipin na nagli-live-in kayo, kaya…”

“Ma? Gabriel?” sita ko. “May na-line up na ba kayong discussion points bago tayo magkita-kita?”

“Uy, ang Alex ko,” sabi ni Mama. “Humihirit na. In fairness sa’yo Gab. You’re bringing out the best in my bagets.”

“Thanks,” sabi ni Gabriel. “And so he is to me.”

“Huwag tayong magbolahan,” singit ko. “Nag-usap na kayo, ’no?”

“Tinawagan ako ni Gabriel kagabi,” sabi ni Mama. “Gusto daw niya na magkita tayo ngayong umaga, para daw hindi na kita namimiss habang doon ka nakatira sa kanya. Good idea naman, briliant naman pala talaga ito, sagutin mo na, chika lang… pero diba, kung magkikita nga naman tayo…”

“Ma,” singit ko ulit. “Focus. Ano nang napag-usapan ninyo?”

“E papunta na nga ako dun, kung hindi mo ako siningitan,” sabi ni Mama. “Iyun na nga. Maganda nga na nakatira ka sa kanila, pero parang ayokong nakikitira ka sa kanya. Mukha kayong nagli-live-in. So, we need to pay him. Rerenta ka na sa kanya, bedspacer kumbaga. Like that. Diba, para malinis ang usapan.”

“And I think that’s a good idea as well,” sabi ni Gabriel. “Even your kuya Albert thinks so, too.”

“Ito naman,” may inilabas na card si Mama. “Para hindi ka na mahirapan, ayan, nakasulat na dyan ang password, baguhin mo na lang.”

May atm card na ako. Kahit hindi ko nakikita, alam kong nagningning ang mga mata ko. Tumayo ako at niyakap si Mama.

“Alam ko naman kasing hindi na ako laging nandyan para sayo, una, dahil imposible yun, lumayo ka nga sa akin, e, pero drama aside, alam ko rin na college ka na, may mga issues ka na, na gusto mong solohin. Pero hindi kita tinataboy ha, mahal na mahal kita anak, pwedeng pwede ka pa ring lumapit sa akin. Go lang, anak, push lang, lapit ka lang sa akin at kering keri natin yan. Wala na ako palagi sa tabi mo, pero promise anak, isang tawag mo lang, darating ako.”

Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mata ni Mama.

Hindi naman ako manhid. Humihinga na rin ako ng malalim. Nagpipigil na rin ako ng luha. Pero iyun, tumulo na rin, hindi ko napigilan.

“Mahal na mahal din kita, Ma,” sabi ko. “Alam mo naman yan. Ito na ba ang start ng regular na pagsasabi ng I love you sa isa’t-isa?”

“Oo,” sabi ni Mama. “Yung I love you na live na live worldwide. Hindi text-text lang.”

“Pero, Ma,” sabi ko. “Lagi kitang kailangan. Hindi darating ang panahon na hindi kita kakailanganin. Kaya huwag kang mawawala, ha.”

“Hindi naman ako mamatay, anak,” sabi ni Mama at pinunas ang mga luha niya. “O siya, enough is enough. Tama na ang drama na to. Panira ng make-up, buti at uuwi na lang ako.”

Buong umaga si Mama sa bahay, nanood kami ng DVD, kwentuhan pa. Bumaba siya ng condo, namalengke at nagluto ng lunch. Pagkatapos ay kumain kami. Kwentuhan pa rin. Hanggang sa magpaalam si Mama. Nasa baba na daw si Tito Raul, sinusundo na siya. Gusto ko man si Mama na dito na lang din sa bahay ni Gabriel, gusto ko ring maging masaya si Mama. Si Tito Raul ang nakapagbibigay noon sa kanya.

Malinis na ang bahay pag-akyat ko. Nakaupo na si Gabriel sa sofa at nanonood ng TV. T-shirt at jeans pa rin. Hindi pa nagpapalit mula nang sunduin namin si Mama. Ako, shorts at shirt. Ito rin ang suot ko kanina pa. Tumabi ako sa kanya. Hindi siya gumalaw. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

“Thank you,” sabi ko na hindi tumitingin.

Lumingon siya sa akin.

“That’s it?” sagot niya na may kakaibang ngiti.

Umiling ako. Atsaka ko siya niyakap nang mahigpit.

“Thank you,” ulit ko.

“That’s it? Thanks with a tight hug?”

Hindi pa rin binabago ni Gabriel ang pagkakaupo niya.

Hinalikan ko si Gabriel. Humalik din siya. At napahiga na kami sa sofa.

“You’re welcome,” at ngumiti na si Gabriel.

Natunaw ako. Parang kailangan ko pang magpasalamat ulit para sa sandaling iyun. Salamat Gabriel.

“You’re welcome, again,” sabi ni Gabriel.

“Huy, wala akong sinasabi,” sabi ko.

“But your eyes are thanking me.”

“Yes they are.”

Huminga ako nang malalim. Kumunot ang noo ni Gabriel.

“That, I don’t know kung anong ibig sabihin,” sabi niya.

“Gabriel?” sabi ko. “Medyo matagal-tagal na kasi tayong naghahalikan. Hindi naman sa hindi ko gusto yun. Gustung-gusto ko nga. Pero ayus lang ba ’yun?”

“Fine by me,” sabi ni Gabriel. “Ayaw mo na ba?”

“Gusto pa,” sagot ko.

“Good. I would have been very disappointed otherwise.”

“Pero okay lang ba talaga yun? Naghahalikan tayo, magkayakap tayo matulog. Andami mong ginagawang nagpapasaya sa akin…”

“Where is this leading to?”

“Eh hindi pa kasi TAYO. Okay lang ba ’yun?”

“I’m cool with whatever you want. But I think it is much okay if TAYO na. Gusto mo na ba?”

Inilabas ko ang telepono ko. May binago nang kaunti sa setting. Tapos inilagay ko sa mesa. Matapos noon, lumapit ako kay Gabriel. Yumakap. Humalik. Hindi naman ako binigo ni Gabriel. Mas mainit ang mga halik niyang ibinalik sa akin. At ang kanyang yakap, mas mahigpit.

Nahiga muli kami sa sofa. Ako, nakahiga, siya, nakapatong sa akin. Ang isang kamay niya ay pumailalim na sa likod ko, at ang isa sa aking batok, tinitiyak na hindi bibitiw ang aking pagkakahalik sa kanya. Damang-dama ko ang init nang malalambot niyang mga labi. Ang kanyang dila, nilalasap ang aking bawat halinghing.

Hindi ko na matiis. Hinawakan ko ang kanyang harapan, ang kanyang katigasan. Napahinga siya nang malalim nang gawin ko iyun. Napadilat siya. Nakatitig sa akin. Nagtatanong. Alam ko ang isasagot.

Hinawakan ko ang kanyang damit at sinimulang itaas. Pero hinawakan niya iyun, pinigilan ako.

“Gusto mo na ba?”

Nakangiti ako. Huminga muna nang malalim pang isa. Tumango.

“Gusto ko na.”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With Bataan (part 2)

CHAPTER 24.2

Binitawan ni Gabriel ang mga kamay ko. Sumabay ang pagtaas niya ng kamay sa pag-angat kong kanyang damit. Ang perpekto ni Gabriel. Mabilis lang ang pagtanggal ng damit pero tumatak sa akin ang bawat bahagi ng kanyang katawan. Ang maumbok niyang dibdib. Ang flat niyang tiyan. Hindi maguhit ang kanyang abs, pero ang linya sa gilid na tumutuloy sa loob ng kanyang shorts, gusto kong salatin. Nang tuluyan nang mahubad ang kanyang shirt, muling humalik si Gabriel sa akin. Hinawakan niya ang laylayan ng aking t-shirt at siya naman ang nagtanggal ng damit ko. Nagpaubaya ang katawan ko sa paghuhubad niya sa akin.

Sa pagkakataong ito, napansin kong parang bago pa rin ang pagkamangha niya sa aking katawan. Oo, nakatulog na kami ng hubad noon, pero ngayon ko nang naisip na hindi niya ako pinag-iisipan nang kung anuman noong mga gabing kapwa kami walang damit matulog. Dahil ang mga tingin niya ngayon, makahulugan. Titiningin siya sa aking katawan at titingin sa akin. Ngingiti. Parang may nakitang gustung-gusto niya at ipinapaalam kung maaari na niyang makuha. Ngumiti din ako. Pinapayagan ko siya

Muling naglapat ang aming mga labi. Pero ngayon, ang mga nahahawakan lang niya ay dinadampian na niya ng halik. Sa aking pisngi, binabaybay ang aking mukha pababa sa aking leeg. Ngayon ko lang naramdaman ito. Mainit, at ang bawat paghinga niya’s nagpapaalab sa parang nagbabaga ko nang pakiramdam.

Umpisa pa lang iyun. Bumaba siya sa aking dibdib. Dito, hindi na lang labi ang kanyang ginamit. Inilabas niya ang kanyang dila. Napapikit na lang ako sa pagtama ng kanyang dila. At nang inikot niya ito, hindi ko napaigilan ang kaunting ingay mula sa aking bibig.

“Ahhhh!”

Nagustuhan niya ang impit kong ungol. Ang paghinga niya ay may kasamang ngiti. Lumipat siya sa kaliwang dibdib. Hindi ko mapigilan ang reaksyon ng katawan ko sa kanyang ginagawa. Ang mga binti ko ay napapagalaw. Ang mga kamay ko, pumatong sa kanyang balikat. Pinipigilan ko na siya, hindi ko kaya ang bagong pakiramdam na ito. Pero hinawakan niya ang aking mga kamay. Dinaganan ng kanyang lakas. Wala akong nagawa. Hindi ko rin gustong manlaban. Ang mga impit kong ingay ay napapalakas na.

“Ahhhhhhhhhhhhh! Tama na!” Pabulong pero malakas ang pagkakasabi ko.

At tinigil ni Gabriel ang kanyang ginagawa. Nakangiti siyang umangat papunta sa akin. Nanunukso.

“But this isn’t asking me to stop.”

Nakahawak siya sa aking harapan. Matigas na ako. At sa paghawak ni Gabriel doon, naramdaman ko ang pagpintig ng aking sarili. Ang sarap ng kanyang pagkakahawak. Muling nagtangkang bumaba si Gabriel. Pinigilan ko siya.

“Sandali,” sabi ko.

Ang arte ko. Naramdaman ko iyun. Nakapikit ako at nakahilig sa gilid ang mukha. At ang hiya ko, ay napalitan ng isa pang hiya. Noong una, nahihiya ako dahil wala pang ibang lalaking nakakita nang aking buong kahubaran. At ngayon, ang arte ko. Nandito na ako, pipigilan ko pa ba siya.

Naramdaman kong umangat si Gabriel sa aking mukha. Hinalikan niya akong muli. Sa gilid papunta sa pisngi.

Humarap na ako at sinalo ng aking mga labi ang mga labi niya.

“Do you really want us to stop?” tanong ni Gabriel.

“Sorry, ang arte ko,” sabi ko.

“It’s okay,” sabi niya. “You are perfect, wala kang dapat ikahiya.”

Naramdaman kong tine-trace ng kanyang kamay ang aking katawan. Parang may kuryente ang bawat niyang haplos. At nangsinabayan niyang muli nang halik ang bawat niyang hawak, naging napakagaan ng katawan ko, para akong lumulutang sa kanyang mga kamay.

Hindi ko namalayan na natanggal na niya ang aking shorts at brief. Nang mapansin ko iyun ay tinakpan ko nang mga kamay ko ang aking sarili.

Bumaba si Gabriel. Hinalikan ang akng payat na tiyan, pababa pa sa aking mga kamay na tumatakip sa bahaging ikinahihiya ko. Pero ang mga halik ni Gabriel ang nagpatanggal sa pagkakahawak ko sa aking sarili.

At nang bitawan ko iyun, siya naman ang humawak. Nahihiya ako sa aking katigasan. Pero nawala ang hiya ko, kasabay nang pagkawala ko sa aking sarili nang bumalik sa pagkilos ang kanyang dila. Sinundan ito nang mga halik. Hanggang sa kahit wala na ang kanyang kamay ay nararamdaman ko pa ring may bumabalot sa akin. Sa mga sandaling madidilat ako ay nakikita ko si Gabriel na nakatitig sa akin, pinapanood ang aking kabaliwan habang nagtataas-baba ang kanyang ulo sa aking harapan.

Ilang sandal pa, naramdaman ko na.

“Gab,” sabi ko. “Malapit na ako.”

Hindi tumigil si Gab. Hindi rin siya bumilis. Itinuloy lang niya ang kanyang ginagawa. Hanggang sa hindi ko na mapigil ang aking sarili.

“Ahhhhhhhhhhh”

Hindi pa rin tumigil si Gabriel kahit naramdaman kong may makalima o anim na beses akong napaigtad. At nang natapos na. Bumagsak sa sofa ang aking katawan. Hingal pa rin ako. At nang dumilat ako. Tumayo si Gabriel hindi nagsasalita, pumunta sa CR.

Bumalik si Gabriel. Tanging ang pants lang niya ang suot. Ang kanyang tiyan na kanina ay flat lang, may mga bumabakat ng abs. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang napakagwapong lalaking ito, hindi ako makapaniwalang kanina lang, minamahal niya ako.

Nakahiga pa rin ako sa sofa. Lumuhod siya malapit sa akin, sa may ulunan. Muli niya akong hinalikan. Napapikit ako sa halik niyang iyun. Sa unang pagkakataon, nalasahan ko ang sarili ko sa kanya. At gusto ko iyun.

Bumitiw siya nang halik.

“For starters,” sabi niya. “That’s what boyfriends do.”

Ngumiti lang ako. Oo nga. Ang lalaking ito. Ang napakagwapong lalaking ito. Siya ang aking boyfriend.

“I love you, Gabriel.”

Humalik muli siya.

“I love you, too.”

Matagal kaming nakahiga. Dinadama ang init nang isa’t-isa. Hanggang sa mangalay na kami. Ganito pala yun. Hindi pwedeng umaga agad, tapos nakatapis kami pareho. Yung parang sa pelikula. Iba pala. May dead air din pala after ng ganap.

“I’ll just take a shower,” paalam ni Gabriel.

Tumayo si Gabreil at naglakad. Kasabay nun, ang lakas ng loob kong maging hubad sa harap ni Gabriel ay nawala na. Kinuha ko ang throw at ipinatong sa aking harapan. Naiwan akong nakahiga sa sofa. Nagpapahinga. Ninanamnam ang bagong karanasan. Mula sa aming mga halikan, patungo sa pagbaba niya sa akin, hanggang sa maramdaman ko ang langit sa piling ni Gabriel.

Narinig kong lumagaslas ang tubig sa banyo. Nagsimula nang maligo si Gabriel. Bumangon akong hawak pa rin ang unan. Humarap ako sa TV at nakita ko ang aking repleksyon. Lumalaki na ang katawan ko, hindi napambata, pero hindi pa rin pangmatanda. Malayo pa sa katawan ni Gabriel. Sa totoo, hindi ko gusto ang katawan ko, malayo sa mga artistang nakikita ko sa TV, walang laban sa mga nakahubad na lalaki sa mga magasin. Pero nagawa ni Gabriel na halikan ang bawat kong bahagi.

TInanggal ko ang unan na tumatakip sa akin. Tiningnan ko ang aking kabuuan. Mahal ni Gabriel ang bawat kong bahagi. Napangiti ako.

Nawala ang ingay ng shower. Marahil, tapos na si Gabriel. Agad akong pumunta sa banyo. Hinawakan ang knob. Bukas. Pumasok ako. Nagulat si Gabriel, napatingin sa akin habang ibinabalot sa kanyang bewang ang twalya. Napahinto siya sa aking kahubdan.

“You wanna take a shower?” sabi niya matapos ang sandaling katahimikan.

Umiling ako. Nakangiti. Kinakabisado ko ang bawat kapintugan ng katawan ni Gabriel. Napangiti na rin siya. Alam na niya ang aking iniisip. Alam kong alam niya dahil gumalaw ang twalya kahit wala siyang ginagawa. Lumalaki ang bukol sa kanyang harapan.

Lumapit ako kay Gabriel. Hinawakan ko ang nakakakit niyang ipinagmamalaki. Sabay nito ang paghalik ko sa kanyang labi. Ako ang nauna ngayon. At sa bawat lusob ng aking mga labi, nararamdaman ko ang pagpintig ng aking hinahawakan.

Hanggang sa naramdaman kong ang mga halik ni Gabriel ay pumupunta na sa aking leeg at hindi ko namalayang nasa dibdib ko na muli si Gabriel. Isinindal niya ako sa isang pader ng banyo at sinimulan nang simsimin ang aking katawan.

Hindi ito pwede. Ako naman ang babawi ngayon. Iniangat ko si Gabriel at hindi naman siya nanlaban. Agad siyang tumayo at hinalikan ang aking labi. Patuloy ang pagtatama ng aming mga labi, habang inaayos ko ang aming mga katawan para makapagpalit ng posisyon. Siya naman ang aking isinandal. Matapos noon ay ako naman ang pumunta sa kanyang leeg. Ang bango ni Gabriel, amoy ko pa ang sabon niya dahil katatapos lang niyang maligo. Ngunit hindi ko na maramdaman ang lamig.

“Ang init mo Gabriel,” sabi ko.

“It’s your fault,” ngisi niya.

Napangiti din ako at tinuloy ang paghalik sa kanyang leeg. Napahalinghing si Gabriel. Masarap pala marinig ang mga ganitong ingay kapag ikaw ang dahilan nun.

Lalo akong ginanahan. Mula sa leeg, bumaba ako sa kanyang dibdib, sa maputi niyang katawan patungo sa mamula-mulang bahagi doon. Marahan kong pinaglaruan ng aking dila, sinipsip. Lalong umingay si Gabriel. SInabayan ko, at hindi ko napigilan ang aking sarili, marahan kong nakagat ito.

“Oh, shit,” sabi ni Gabriel.

“Oh, sorry,” sabi ko.

“No, tuloy lang.”

Wow, gusto pala ito ni Gabriel. Lumipat ako sa kanan, at kinagat-kagat ko rin.

Tiningnan ko siya. Nakatingala at nakapikit. Gustung-gusto niya ang ginagawa ko. Pero kailangan kong tigilan ang kanyang dibdib. Bumaba ako sa kanyang tiyan. Binaybay ko ng dila ko ang bawat guhit ng kanyang abs. Napakaganda ng katawan ni Gabriel at sa akin itong lahat ngayon.

Bumigat ang pagkakalagay ng mga kamay ni Gabriel sa aking balikat. Tinutulak ako para pumunta na sa kanyang harapan.

Hindi ko na siya pinaghintay. Lumuhod na ako sa kanya. Tinanggal ko ang twalya at tumambad sa akin ang tigas na tigas na niyang pagkalalaki. Hinawakan ko ang kalahati, at ang kalahati, ay sinimulan kong titigan. Ang ganda. Tinaas baba ko ang pagkakahawak ko at narinig ko ang malakas na paghinga ni Gabriel. Tumingin ako sa kanya na ilang sandali na rin palang nakatingin sa akin. Nang magtitig ang aming mga mata ay napakagat siya sa kanyang labi.

Nanatili ang pagkakatitig ko sa kanya habang sinimulan kong halikan ang dulo ng hawak kong kanyang bahagi. Ang paghalik ay naging pagdila. Naging parang bata akong ninanamnam ang hawak na candy. Hindi ko naiinindihan kung anong masarap sa ginagawa ko pero gustung-gusto ko. Hindi ko gustong tigilan. Habang hawak ko ang kalahati ni Gabriel, nagsimula kong isubo ang natitira pang kalahati.

Ginawa ko ang ginawa niya sa akin kanina. Nagtaas-baba ang aking bibig sa kanyang hinaharap. Hanggang sa maramdaman kong inaalis ng kamay niya ang aking pagkakahawak.

Mas malalim ang kailangan kong ipasok sa aking bibig. Sinubukan ko. Nakakaluha tuwing aabot siya sa dulo ng aking bibig. Para akong nasusuka, pero pinigilan ko.

“Are you okay?” hinila ni Gabriel ang kanyang sarili at lumuhod sa harap ko.

“Tayo ka ulit,” utos ko. “Kaya ko ’to.”

“Hindi mo kailangang pilitin. I’m okay with…”

Tumayo na ako at itinayo ko rin si Gabriel. Hinalikan ko siya sa labi para hidni na siya magsalita. Tapos, ako na ulit ang nagsalita. “Let me do this job.”

Nginitian ko siya at tinanguan ng kilay.

Lumuhod akong muli at hinawakan ang kanyang katigasan. Sinubo ko ulit at pinalaruan ng akingdila at mga labi. Unang beses ko ito, pero parang alam na alam ko ang ginagawa ko.

Hindi ko na hinintay alisin ni Gabriel ang aking pagkakahawak. Nagkusa na ako at pinilit ko muling ilagay sa aking bibig ang lahat ng kanyang kabuuan. Unti-unti, nasanay ako. Nakuha ko ang tamang ritmo. Hanggang sa hawakan na ni Gabriel ang aking ulo at sabayan ng pag-indayog ang aking ginagawa.

Inihinto niya ang aking ulo sa pagtaas-baba at siya naman ang gumalaw. Hinagod niya ang aking bibig. Dahil wala akong ginagawa, ang dila ko na lang ang aking pinakilos.

“Ahhhh,” napalakas ang ungol niya. “Alex, you are good. Ahhhhhh.”

Hinawakan ko ang kanyang matambok na likuran para itulak pa siya palalim sa akin. Gustung-gusto ko ang nangyayari. Kahit pilit na niyang inaalis, gusto kong nasa bibig ko pa rin siya. Bakit ang sarap-sarap nitong gawin? Hindi ko naiintindihan.

Hanggang sa nanigas ang kanyang hinahawakan kong likuran hanggang sa kanyang mga binti.

“Ahhhhhh, Alex,” pabulong niyang pag-ungol.

May maiinit na pagtalsik sa loob ng aking bibig. Sunud-sunod. Naubo ako at iniluwa ang katas ni Gabriel. Tumulo sa aking katawan.

“I’m sorry,” sabi ni Gabriel habang tinatayo ako. “I didn’t mean to come inside your mouth.”

“Okay lang,” sabi ko.  “Ang sarap nun, Gab. Ang sarap pala ng may boyfriend.”

Pinunasan ni Gabriel ang aking bibig bago niya ito halikan.

“Boyfriend is ore than just this,” sabi ni Gabriel.

“Alam ko naman yun,” sabi ko. “Pero kahit naman nung hindi pa tayo, pinapasaya mo na ako. Parang ito lang ang nadagdag.”

“There’s more to this and to what we’ve been doing together in a relationship, Alex. Ngayong mag-boyfriend na tayo, we have to keep this, make it, us grow. There will be times na hindi masaya. Hindi kita mapapasaya. Worse, magaaway tayo. Pero we have to make it, this work inspite of all of that.”

“Tinatakot mo ba ako?” tanong ko. “Matapos mo akong ligawan ng matagal. Matapos mo akong mapasagot, sasabihin mo sa akin ngayon yan.”

“Nope, hindi kita tinatakot. Baka lang kasi pag nagkaroon tayo ng moment na hindi masaya, manibago ka. We’re only human, we are not perfect and its okay. Kaya kahit hindi na masaya, we can be and still, should be okay. Okay?”

“Okay.”

“I love you, Alex.”

“I love you, too, Gab.”

Muli kaming naghalikan. Nagyakap muli ang aming mga hubad na katawan. Mahigpit na yakapan. Hanggang sa pakawalan ako ni Gabriel. At hinila niya ako sa may bathtub.

“Let’s take a shower.”

Bumuhos sa amin ang tubig mula sa shower. Nilinis ng malamig na tubig ang pag-iinit namin. At naisip ko, kahit wala na ang init, habang nakatingin pa rin sa akin si Gabriel, ako rin sa kanya, mamahalin pa rin namin ang isa’t-isa.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With No Reply

“Hindi ka naman pwedeng perpekto. Tao ka lang din.”

Mahina ang pagkakasabi ko. Alam ko nga sa isip ko lang iyun dumaan, pero bumuka pala ang bibig ko at nagbigkas ng mga salita.

“Of course I’m not,” sabi ni Gabriel habang isinasalin ang fried rice pinggan. “I’m real. I’m no fantasy.”

Pero ang perpekto mo sa akin Gabriel, kung alam mo lang. Kaya kong maghintay ng agahan sa mesang ito araw-araw habang nagsasangag ka na suot ang boxers shorts na pantulog at ang apron na may drawing ng abs.

Tumayo ako para naman fair. Kailangang kumilos din ako. Kahit nakalatag na ang mga kubyertos, pinggan at baso. Ang bacon and egg at isang piling na saging.

“Where are you going?” tanong ni Gabriel.

“Tutulong ako sa’yo,” sabi ko. “Nakakahiya naman. Hindi mo naman ako Misis, para gawing reyna.”

“Yuh, I am the King of this house but I’ll never make you my missus or my Reyna… unless you want me to,” sabi ni Gabriel.

Umiling ako.

“Nice,” sabi ni Gabriel. “You are my Prince, kasi. My most prized.”

“Hindi ko alam sinasabi mo,” sabi ko. “Kain na lang tayo at tanggalin mo na ito.”

Iniangat ko ang apron sa katawan.

“Nagdesign ka pa ng abs sa apron,” sabi ko. “Eh it’s a tie naman sa totoo. Magbihis ka nga at baka mapadami ang rice ko.”

Matapos ang agahan, maligo at magbihis, sabay na kaming pumunta sa campus. Enrollment na. Naipalam ko na kay Mama na medyo malaki-laki ang mawawala sa ATM na iniabot niya sa akin.

Nakasakay kami sa kotse, at pinakaayaw ko kapag humihinto ang sasakyan. Kailangan kasi niyang tanggalin ang kamay niyang lagi niyang pinapatong sa aking hita.

Kapag hahawakan ko iyun, hahawakan din niya ang kamay ko at hahalikan.

Hay. Hindi naman pala ganun kasama ang magmahal tulad ng mga kwento ni Mama. Sa dami ng naging boyfriends niya, talaga namang mauumay siya. Pero kay Gabriel, walang dapat ikapagod. Ang dali nga dahil sa lahat ng bagay, may kasama ako.

 Natapos ang Sembreak na hindi ko kinailangang bumalik sa mansion. Si Mama, ayos naman sa set up namin na pinupuntahan siya sa work niya once in a while. At imbes na ako ang nasa mansion, siya ang dinadala namin sa bahay ni Gabriel. Bahay ko na rin pala. 

At sa ikalawang beses nga niyang pagpunta, naloka ako.

“Ma,” sabi ko. “Iyun na, kami na, umoo na ako.”

“Okay,” sabi ni Mama. “Basta mag-ingat kayo ha. Huwag puro kalokohan, maging inspirasyon nyo lang ang isa’t-isa.”

“Ma,” sabi ko. “Parang hindi ka masaya.”

“Masaya ako,” sabi ni Mama. “Bakit hindi ka ba masaya?”

“Masaya,” sagot ko.

“Nanay mo ako,” sabi ni Mama. “Kung saan ka masaya, masaya ako.”

“E bakit parang hindi ka naman masyadong nabigla na naging kami na?” tanong ko.

“Alex,” sabi ni Mama. “Naglolokohan ba tayo? Hindi mo alam kung ano ang kailangan kong ibang isipin kapag dumapo sa utak ko na magkatabi kayo sa kama. Ngayon pa ba ako magugulat?”

Medyo nalungkot ako sa reaksyon ni Mama.

“Huwag na malungkot,” sabi ni Mama. “Pagod lang ako sa work. Atsaka, medyo nagtalo kami ng Tito Raul mo. May dinala kasing mga kaibigan si Je-Ar. Hindi niya nagustuhan yung isa. Pinalayas. Napahiya tuloy yung bata. Lalo naman si Je-Ar. Hiyang-hiya sa mga barkada niya.”

“Hindi ka ba niya sinaktan?” tanong ko.

“Ay subukan niya,” sabi ni Mama. “Alam mo namang may lahi tayong ninja, e di najombag ko siya.”

Natahimik kami. Hanggang sa magsalita si Mama.

“Happy ako sa iyo, Anak,” sabi niya. “Hindi ko man gustong maging ganyan ka, masaya ako na nakikilala mo ang sarili mo at nagiging masaya ka sa napili mo. Happy rin ako at may nagmamahal sa iyo. Pero Anak, ang relasyon, hindi laging saya. Huwag kang masanay, dahil baka pag nagkaproblema, sumuko ka kaagad.”

“Thanks Ma,” sabi ko. 

Niyakap ko si Mama. Iyun ang inabutan ni Gabriel. Napangiti si Gabriel.

“Hoy, Gab ha,” sabi ni Mama. “Ingatan mo ito. Lagot ka sa akin kapag sinaktan mo ito.”

“Don’t worry, Tita,” sabi ni Gabriel. “I have no plans of hurting my self.”

“Good,” sabi ni Mama. “Marunong kang sumagot.”

Natapos ang sembreak. Naubos din ang pila sa enrollment. At nakahanap na ng titirhan ang mga nag-aakalang makakakuha ng dorm sa campus. Balik classes na kami.

At si Gabriel, hindi ko lang housemate, official service ko pa. Ibinaba ako ni Gabriel sa College ko bago siya tumuloy sa kanyang building.

Dahil freshies pa rin naman kami, medyo pare-pareho pa rin kami ng subjects at sections ng mga blockmates ko.

“Ansaya natin, ’tol, ah,” bati ni Arvin na kasabay ko dumating.

“Masarap ang breakfast, eh,” sagot ko.

“Patikimin mo naman ako nyan minsan,” biro nya.

“Bawal magshare,” sabi ko.

“Huh?”

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam ang sinasabi ko. May ibig sabihin ba Si Arvin o ako lang ang naglalagay ng double meaning sa mga sagot ko.

Napangiti na lang ako.

“Sabagay, may mga bagay talagang masarap kaya’t mahirap ibahagi,” sabi ni Arvin.

Umakbay si Arvin hanggang sa makarating kami sa mga upuan. Nagtabi na kami. Umupo ako sa highchair at naglapag ng mga gamit sa drafting table. Matapos nun, inilabas ko ang cellphone.

Napaaga pala tayo. Wala pang prof. Wala pa mga classmates ko. Anu nang gawa mo? ;)

Nakatingin lang ako sa phone ko hanggang sa mamatay ang ilaw nito. Aba, walang reply.

Ibinaba ko ang phone ko. Inilabas ko na ang watercolor paper mula sa canister pero wala pa ring reply. Kinuha ko ang phone at binuksan. Wala talaga hanggang sa magdilim na naman amg phone.

Inilatag ko na ang papel at pinatungan ng t-square. Pinantay, at nilagyan ng masking tape para dumikit sa drafting board.

Kinuha ko ulit amg phone. Baka may naganap na hindi ko napapansin habang busy ako. Pero wala pa rin.

Naglabas na ako ng 0.8 na pen at triangle. Nilagyan ko na ng border ang plate. Kinuha ko na rin amg lapis para maglagay ng guidelines. Wala pa ring reply.

Aga mo naman maging busy.

Hintay pa rin ako hanggang sa dumilim ang phone.

Walang reply.

Dumating ang inaantay ko vibration ng phone pagkalapag ko nito.

Napangiti ako.

;)

Nawala ang ngiti ko sa Smiley. Ano to? Lokohan? Naiinis na ako Smiley pa. At mas nakakainis dahil number ang lumabas.

“Ako lang yan,” sabi ni Arvin. “Hindi yung breakfast mo.”

Ngumiti na lang ako.

“Save mo, bago kong number,” sabi ni Arvin. “Wag mo masyodong isipin yun. Mahal ka nun.”

“Alam ko naman,” sabi ko. “Sana lang mapansin niyang iniisip ko rin siya.”

“Sino yang panghalip na siya na yan?” tanong ni Jobi.

Kadarating lang ni Jobi at umupo sa kabilang side ko. Kasunod na rin niya si Ma’am Vergara, ang prof sa design history class.

Dito na prof ko. Ge. Mamaya na lang.

Isang intricate na Louis XV interior ang ginagawa ko. Matapos kopyahin ang na download kong photo, nilabas ko na ang watercolor.

Pero bago ako magkulay. Nagtext ako.

Sana okay ka. Ako, ito makulay ang mundo dahil sa plate, pero ang totoo, it’s dull without hearing from you.

Napangiti ako. Ang witty ng text ko. Pag ito di pa nagreply.

“Alex, itago mo ang phone mo, baka matapunan ng tubig,” paalala ni Ma’am.

“Sorry po,” sabi ko.

Napansin siguro ni Ma’am na hindi ko ma-focus ang isip ko sa plate. Napansin ko rin. Naiinis ako dahil wala pang reply si Gabriel.

Natapos ko naman ang plate. Hindi naman ako ang huli. Pagkabigay ko kay Ma’am, in-inspect niya.

“Alam natin dalawa Alex na mas maganda ang gawa mo usually than this,” sabi ni Ma’am. “To think na mabagal ka pa ngayon.”

“Sorry po,” sabi ko.

“I tolerate phones in my class lalo pa’t lab class naman ito. Pero wag naman sanang makakaapekto sa plates.”

“Hindi na po mauulit.”

Nilagyan ni Ma’am ng grade ang plate. 1.25.

Lalo along nainis kay Gabriel. Tiningnan ko ang phone para itext sya pero nawalan ako ng gana nang makitang wala pa ring reply.

Naglakad ako patungo sa parking ng buildi ng nya. At doon na nagvibrate muli ang phone ko.

I’m done. Where you? Lunch tayo. Message niya.

Ay, ganito? Ang tagal kong nag-antay, ito ang kanyang reply? Hindi nga ito reply. Independent message ito. Binalewala ang mga text ko kanina.

Yelo ka ba? Ang cold mo kasi. Reply ko.

Nagring ang phone ko. Tumawag na finally.

“Saan ka?” hanap niya.

“Sa parking,” sagot ko.

“Okay. Be there in a while.”

Tinapik ako ni Gabriel sa balikat pagdating niya. In-inlock ang koyse. Tapos pumunta sa likod para maglagay ng gamit.

Pumasok na rin ako sa side ko. Pumasok si Gabriel at pinaandar amg sasakyan.

“Where do you wanna eat?” hinawaka ni Gabriel ang hita ko. “I’m famished.

“Ikaw?”

“Lutong bahay tayo.”

“Sige.”

“Uhm, what’s wrong Alex?” tanong niya.

“Wala.”

“Wala? But you’re answers are… Are I dont know… Lackluster?”

May lackluster pa itong nalalaman.

“Buti nang lackluster. Kesa naman lack reply.”

“What?”

“What, what?” sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. “Buong umaga, walang reply.”

“Uhm, are you you serious?” sabi ni Gabriel. “You know I were in class. We were in our respective classes.”

“Nakaposas ba kayo sa class ninyo? Hindi ka makareply.”

“You can say that,” sabi ni Gabriel.

Medyo nag-iiba na ang tono ni Gabriel. Pagkahinto at pagkakuha niya ngbkamay mula sa aking hita, hindi na niya ito binalik.

“Let’s not spoil the day please,” sabi ni Gabriel. “We had a very great morning. I had a long and gruesome meeting, but I have you to look forward to. Wag natin sirain ang araw.”

“Ikaw ang sumira nang kinalimutan mo ako,” sabi ko. Naiinis talaga ako. Tatlong oras. Ni ha ni ho,wala. Nag-boyfriend pa siya kung hindi naman niya papansinin.

“I just hope that you are joking,” tuloy ni Gabriel. “This is immature.”

“We are supposed to be immature. We are teenagers,” Hala, napa English ako.

“Sige, let’s be immature, let’s act our age, but can we be intelligent teenagers. Nasa class ako. Nasa meeting ako. We are in the campus to study not to…”

“To what? Maglalandi?” sabi kong nagsisimula nang magalit. “Paglalandi ba yung namimiss kita, tapos ako hindi mo man lang naiisip?”

“Naiisip kita, pero nasa class ako. Hindi mo ba yun maintindihan? May kausap ako. Kameeting adviser ko who came in early to discuss something important about our thesis.”

“Anu yun, tuluy-tuloy kayo? Hinfi pwede mag may I go out? Tatlong oras din yun. Walang break?”

“Oo, wala.”

“Ge,” sabi ko.

“Nang-iinis ka lang,” sabi niya na napipikon na rin. “We cannot distract ourselves from our acads. Kasi kung ganun, we will be in a very unhealthy relationship. Destructive pag tumagal pa.”

“Destructive agad?” sabi ko. “Naka 1.25 naman ako sa plate ko kanina, at nagawa pa kitang alalahanin. Eh ikaw ba…”

“That could have been a flat one,” sabi ni Gabriel.

“Okay na yun,” sabi ko. “Basta natext kita.”

“Sige that is sweet pero I won’t accept it. Ano na lang ang sasabihin ni Mama mo pag nalaman niya bumababa ang grades mo because of me.”

“Text lang, nasira na pag-aaral. PakaOA mo.”

“Uulitin ko, we are here to study and not for anything else. Let’s focus on the thing we are here for.”

“Ge. Gusto mo ’yan.”

Matagal na wala kaming imikan. Nagmaneho lang siya. Nakarating kami sa Area 2 kung saan nadoon amg mga kainan. Sumunod na lang ako. Umorder kami, kumain. Walang imikan. Pagkatapos kumain, bumalik kami sa sasakyan. Hinatid niya ako sa Arki building.

Bababa na ako pero huminga nang malalim si Gabriel.

“Wait. Okay, sige. I appreciate your effort. Namiss mo ako. Sobra. And it seems like hindi ko napa feel sa’yo that I appreciate it. Im sorry. I’ll make an effort to reply.on your messages next time.”

Hindi ko siya pinansin. Bumaba na ako at umakyat sa Building. Ang lungkot pala kapag nakikipag-away sa mahal. Hindi ko na kaya ito. Bahal siya. Dito muna ako sa mga kaklase ko.

Nauna na sina Jobi at Arvin nang dumating ako sa drafting area ko. Nagkukumparahan ng plates nila kanina. Pareho silang uno.

“Tingin nga ng gawa mo kanina,” sabi ni Jobi.

Inilabas ko na rin kahit nahihiya ako. 1.25 lang kasi.

“Ayan, puro kasi text. Puro breakfast,” biro ni Arvin matapos ikonekta ang phone niya sa may saksakan.

“Oo nga,” at lalo pang nagsink in sa akin amg Mali.ko nang basahin ko ang oulang note ni Ma’am Vergara.

This could have been an uno.

Mali ako. Tama si Gabriel. Hindi dapat nagiging.sagabal ang relasyon namin sa acads. Nagtext ako kay Gabriel.

Sorry. Unreasonable ako.

Nagreply. Agad agad.

I understand that you needed someone to hold.you always. To secure you that you ar not alone. Your dad left you, and I know, your mom did her best, but you are young being left in the house by yourself must be hard. Don’t worry. I will always be here for you. I will never leave you even if you tell me too. I love you Alex, may text man ako o wala, that wouldnt change.

Nagreply agad ako sa mala nobela niyang message.

Thanks Gabriel. Mahal na mahal kita.

Tanggal na lahat ng lungkot na naramdman ko buong umaga. Hay. Ito nga iyun. Masasaktan, magagalit at lahat ng sinabi ni Mama tungkol sa mga naging boyfriend niya.

Ito pala yung sinasabi niyang worth it ang mga magmahal. Nakakapagod pero worth it.

Ibinaba ko ang phone ko matapos basahin nang paulit-ulit ang message ni Gabriel.

Nagvibrate agad ang phone pagkalapag. Nakangiti pa ako nang pulutin ito.

Hindi mo ba ako namimiss?

Number lang. Hindi ko pa pala nase-save ang number ni Arvin. Ise save ko nang maalala kong nagchacharge siya.

Inikot ko ang paningin ko. Lumingon sa kabilang klase. At nakatayo doon, hawak amg phone niya, si Jessie.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With The Glance

CHAPTER 25

Wake me up. Let’s save water. Let’s shower together. Happy Monthsary.

Yan ang mensahe sa telepono kong nag-alarm, mga thirty minutes bago ang alam kong naset kong oras. Napangiti na lang ako. Humarap ako kay Gabriel para sundin ang utos niya sa telepono ko. Kaya lang, paano ba gigisingin pa ang gising na?

Nakatitig sa akin si Gabriel. Ang mga titig na yun, parang kahit di pa ako bumabangion sa kama, buo na ang aking umaga. Nakangiti din siya at dumudungaw na ang mapipintog niyang dibdib sa kumot namin. Siya ang good morning na nagkatawang tao.

“Ang aga-aga pa…” nabitin kong sabi.

Umangat si Gabriel at agad hinalikan ang aking labi. Ginantihan ko rin ang kanyang halik hanggang sa maging parehas na ng lasa ang aming mga bibig. Hindi naman pala ganun kasamang humalik sa bagong gising.

Pero higit pa sa amin, gising na gising na rin ang aming mga harapan, na hindi ko alam kung tumigas dahil sa lamig ng umaga o dahil sa init ng aming mga katawan.

Binaba ko ang aking kamay at hinawakan siya, pero pinigilan niya ako.

“Ang aga-aga pa for that,” sabi niya. “We only do that pag walang pasok after.”

“Alam ko,” sabi ko. “Baka lang makalusot.”

“Hindi naman tayo maghihiwalay anytime soon, or anytime, or at all. We’ll have plenty pa of what we had last night.”

Bumangon si Gabriel at naglakad patungo sa banyo. Hubad nga pala kami. Nakakasanayan ko na ang sarap ng may boyfriend. Na ngayon, kahit umaga, hinahanap-hanap ko pa. Lalo pa’t ito ang nasa harap kong naglalakad.

Ang ganda pagmasdan ng likod ni Gabriel. Tamang tama ang lapad ng likod sa kanyang tangkad. At ang umbok ng kanyang pwetan. Ang aga-aga pa nga, pero gigil na gigil ako. Lahat ng ito, mga bagong pakiramdam sa akin.

“Get up now, babe,” sabi niya. “Ligo na tayo.”

Tumayo ako. Kahit nakita na niya akong nakahubad nang maraming beses na, nahiya pa rin ako at tinakpan ang aking sarili. Napangiti ulit si Gabriel habang pinapanood ako. Lumakad at lumapit sa akin.

“You are beautiful, babe,” sabi niya sabay kuha sa kamay ko at akay papunta sa banyo.

Nauna siyang pumasok sa paliguan. Binuksan ang shower at tinimpla ang init ng tubig. Nang maligamgam na ang buhos, hinila na niya ako. Sabay kaming nabasa. Hindi ko alam kung masyadong mainit ang tubig o katawan ko lang iyun na nababalot na muli ng katawan ni Gabriel.

“What’s with that weird smile?” Napansin pala nya ang ngiti ko.

“Wala,” oo alam ko, ang arte ko. Sa piling nya, alam ko, pwede akong mag inarte nang ganito.

“Anu na nga?” Napangiti na rin siya.

“Wala nga.”

“Common.”

“Wala lang…”

“That smile can not mean wala lang. Sige na, bakit ka nakasmile?”

“Gusto ko kasi yung babe.”

“Ano?”

“Tinawag mo akong babe. Gusto ko yun.”

“Then I’ll always call you babe. You’ll be my forever babe.”

At hinalikan niya ako habang patuloy ang paglagaslas ng tubig pabagsak sa aming katawan.

“Babe?” gulat ni Sir Cabalfin. “Nakarevolve around the Earth ang moon since naging kayo?”

Bagong semester na pero may mga subjects pa rin ako na si Sir Cabalfin ang prof. Ang totoo, pinili pa rin talaga namin siya noong enrollment.

“Medyo po,” sagot ko

“Kaya naman pala,” sabi ni sir. “Nasa petname stage na kayo. It’s just that I never thought Gabriel is that predicatble. O baka naman gusto niya, maexperience mo rin ang matawag na babe at sya ang magparanas nun sayo! Bongga!”

Nilibre ko si Sir ng cake bilang siya ang number one fan ng love team namin. Sa canteen ng arki kami tumambay habang hinihintay ko si Gabriel. May short meeting daw siya para sa report nila.

“Akala ko nga, sir, baduy yun,” sabi ko. “Pero nakakangiti pala talaga sa kalolooblooban ko. Nahihiya nga ako pakita kay Gab yung kilig ko, pero hindi ko maitago tuwing maririnig ko yung pagtawag niya sa akin.”

“Andameng nasabi?” biro ni Sir Cabalfin. “Pero push mo lang yan Alex! Enjoy while it’s there.”

“Para namang sinabi ninyong maghihiwalay din kami.”

“Well, oo. Pero im talking about that kilig. Bet na bet yan for now,  pero just like that, your favorite cake. Mauubos din yan.”

“Sana hindi,” sabi ko. “Pero kung oo, sana tumagal.”

“Ay, huwag ma-sad. I’m sure makakahanap ng bagong paandar yang si Gabriel bago magsubside yang ngiti mo sa babe-babe na yan. Isang buwan palang kayo. Wait ka pag mga isang taon na.”

At doon, napangiti ulit ako. Aabot kaya kami ng isang taon?

Hanggang sa may pumasok sa canteen. Ang nabura ang ngiti ko. Napalitan ng kaba ang kilig na bumabalot sa puso ko. Bakit ganung kabilis lang nya kayang baguhin ang nararamdaman ko?

Si Jesseie. Mula sa pinto, dumeretso sa counter at umorder. Sandaling lumingon at tiningnan kung may mauupuan pa siya. Mga tatlong lamesa lang ang okupado. Matatamaan nya ako ng tingin. Napaginga ako nang malalim. Pero para pala sa wala. Hindi man lang dumapo ang tingin nya sa akin.

Pwede ba yun? Hindi niya ako pinansin? Bakit hindi niya ako pinansin. San ganyan na siya langi. Huwag na niya akong papansinin. Kahit kailan. Pero napansin niya ako, hindi niya lang ako pinansin. Bakit hindi niya ako papansinin?

Natigil ang pagtataka ko nang may tumakip sa mga mata ko.

“How original?’ comment ni Sir Cabalfin. “Ikaw na lahat ng first nya pati guees who!”

Pinihit ni Gabriel ang ulo ko paharap kay sir. Tinanggal ang kamay at naupo sa tabi ko.

Kinuha niya ang tinidor at kinain ang last slice ng cake ko.

“I’ll eat this na,” paalam ni Gabriel.

“Sige lang,” sagot ko.

“Well actually sir, it’s not a guess who game, “ sabi ni Gabriel. “I just dont wan’t Alex, I don’t want you looking at Jessie anymore.”

“Lagot ka, jealous type si jowa,” sabi ni Sir.

“Pero hindi ko maiiwasang hindi siya matingnan,” paliwanag ko.

“Then just don’t look him in the eyes,” sabi ni Gabriel. “I fear whatever you may feel.”

“Okay,” sabi ko.

“And on that note,” sabi ni Gabriel kay Sir. “Can i borrow my boyfriend now, Sir?”

Tumayo si Gabriel at sumunod na rin ako.

“You mean your babe?” biro ni sir.

“Yup, my babe,” sabi ni Gabriel sabay akbay sa akin at hila palapit sa kanyang katawan.

Hindi ko alam kung bino broadcast ni Gabriel ang relasyon namin sa lahat, kasi parang medyo malakas ang boses niya. Pero hindi pa rin lumingon si Jessie na nakaorder na at napwesto na sa isa sa mga mesa sa canteen.

Habang papalabas kami ni Gabriel, nasagi sa isa sa mga upuan ang kamay ko, nabitawan ko ang telepono ko. Pagkapulot ko, hindi ko naiwasang tumingin sa kinauupuan ni Jesse.

Bakit hindi pa rin siya lumilingon?

Tumayo ako at naglakad sa tabi ni Gabriel.

“Is it okay?” kamusta ni Gabriel sa phone ko.

Binuksan ko ang phone.

“Mukhang oo,” napatawa ako nang kaunti. At lumakad na kami ni Gabriel.

Kaya lang, hindi ko maiwasan, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Lumingon ako. At sa paglingon ko, nakatingin si Jessie. Nagtama ang aming mga mata.

Ito pala yung kinakatakot ni Gabriel na mararamdaman ko.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With The Dreams

CHAPTER 26 Nakakailang beses ko nang nasubukang lumipad sa panaginip. Hindi lipad, talon lang nang mataas, parang lumilipad na rin pero bumabagsak din sa lupa. Hindi pa pala talaga ako nakakalipad sa panaginip.

Pero itong paglalakad namin ni Gabriel, sa lobby ng building na tinitirhan ni Kuya Albert, eh higit pa sa panaginip. Kasing weird, pero totoo.

Isang gwapong lalaki ang katabi kong naglalakad na noon ay hindi ko naisip na magiging karelasyon ko. Hindi ko nga naisip na magkakaroon ako ng karelasyon. Babae o lalaki man. Isa lang akong halaman noon. Pero ngayon, itong lalaking katabi ko, nililingon ng mga babae, nginingitian ng mga lalaki.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ito. Hindi nga pangalawa o pangatlo. Kahit ilang buwan na kami ni Gabriel, laging fresh pa rin sa akin ang ganitong experience. 

Alam kong napapansin ito ni Gabriel. Tulad ngayon, napansin na naman niya na napapansin ko ang mga “lookers” nya. Kaya’t hinawakan niya ang kamay ko. Para bang sine secure ako.

“Hanggang tingin lang sila, babe,” sabi ni Gabriel. “Ikaw lang ang makakahawak sa akin.”

Naghahawak na kami ng kamay ni Gab. Sa bahay, sa sinehan, sa kotse, pero ngayon lang niya hinawakan ang kamay ko sa public.

Nailang ako. Lalo pa’t nagtataasan ng kilay ang ibang nakakapansin.

May mga bulong pa.

“Sayang, ang gwapo, bakla…”

“Baka magkuya, ang sweet naman…”

“Papa pala…”

Tinangka kong bumitiw. Nahihiya ako. Humigpit ang hawak ni Gabriel.

“No, don’t,” sabi ni Gabriel na nakangiti.

“Pero nakatingin sila,” sabi ko.

“Which is good. Pakita natin kung ano tayo, since nanonood na naman sila.”

“Gab…”

“They can’t accept the things we ourselves cannot be proud of.” sabi ni Gabriel. “Hindi pwedeng tayo lang ang nakakatanggap sa ating sarili.”

Tumungo ako. Tama naman si Gabriel. Natanggap ko na kung ano ako. Ipapatanggap ko naman sa iba.

Magkahawak ang kamay namin hanggang sa makarating kami sa unit ni Kuya.

“What’s with that look?” tanong ni Kuya Albert.

Bago umuwi ay dumaan kami ni Gabriel sa bahay ni Kuya. Sasabihin ko na sana iyun kay Gabriel pero hindi ko alam doon na pala papunta ang kotse. Ngayong kami na, ngayong tanggap ko na at niyayakap na ang aking pagkatao, marapat lang na malaman ng isa sa pinakamahahalagang tao sa buhay ko.

“Your smiling weird, the two of you,” pansin uli ni Kuya.

“Well, we are officially a couple,” sabi ni Gabriel.

“Oh,” walang masyadong malaking reaksyon si Kuya. Pumaling lang siya sa akin at nagtanong. “Masaya ka naman ba sa desisyon mo?”

“Ang totoo, Kuya,” sabi ko. “Medyo matagal na kami. Sorry.”

“Okay,” sabi ni Kuya. “Nag-alangan ka pa. Naisip mong try , tapos balik ka sa confused stage pag di mo nagustuhan?”

Tumawa na lang ako. Iyun naman talaga ang plano ko. E nag-enjoy ako.

“Well, at least, Alex is not the type who claims to be a bisexual,” sabi ni Gabriel.

“Yuh. Yung mga baklang nag-out na nahiya pa,” sabi ni Kuya.

Tumawa silang dalawa.

“But you still have some explaining to do,” pananakot ni Kuya kay Gabriel. “Mag-uusap pa tayo.”

“Albert naman,” sabay suntok ni Gabriel kay kuya.

“Pero tatanong ko ulit, one last time,” sabi ni Kuya. “Masaya ka ba sa desisyon mo?”

“Oo,” at di ko na napigilang tumakbo kay kuya at yumakap. “Sorry, kuya. Bakla na ako.”

Napahigpit ang yakap ni Kuya sa akin at narinig ko siyang tumawa.

“Sa akin ka ba nagso sorry o sa sarili mo?” tanong ni Kuya.

“Hindi ko alam,” nilito ako ni Kuya pero parang dapat ko ngang pag isipan ang tanong niya.

Bumitiw na lang ako kay Kuya.

“Bumigay na ako,” sabi ko na lang.

Umupo ako at nakita kong nakangiti sa akin sina Kuya at Gabriel.

“Binigay mo lang sa sarili mo ang dapat,” sabi ni Kuya.

“Ow,” sabi ni Gabriel. “That’s deep.”

Nagsalang si Kuya ng DVD at iyun yung pinanood naming tatlo. Horror. Multo. Nang mapasigaw ako ay yumakap sa akin si Gabriel.

“Sinabi ko na okay lang sa akin yang relasyon ninyo,” pansin ni Kuya. “But don’t make me the third wheel in my own house.”

“Sorry,” sabi ni Gabriel.

Kahit ako ay napahiya.

“I’m kidding,” bawi ni Kuya.

At napatawa kaming tatlo. Napahilig ako sa braso ni Gabriel na nakapatong sa likod ng sofa. Mula sa braso, napapa ako sa kanyang dibdib.

“But seriously, Alex,” pansin ni Kuya. “Don’t.”

“Sorry,” sabi ko.

“Go ahead, do your thing,” sabi ni Kuya na natatawa pa. “Nagbibiro lang ako.”

Pero hindi na ako masyadong dumikit kay Gabriel. Kahit pa sabay sabay kaming napasigaw nang magpakita ang multo sa pinapanood namin.

“Kapag nakakita ka daw multo,” kwento ni Kuya. “Huwag na huwag kang titingin directly sa mga mata nila. They’ll know that you can see them. And that’s when they’ll start to haunt you.”

“Two things,” sabi ni Gabriel. “Alex isn’t looking at anybody’s eyes anymore, living or dead because these beautiful eyes are enough.”

At binigay ni Gab sa akin ang mapang-akit niyang titig.

“Well?” humingi ng confirmation si Gab.

“Oo naman,” bigay ko.

“And second,” tuloy ni Gabriel. “Ghost or not, wala nang makaka haunt kay Alex. Ako lang.”

“Sige, sweet na kayo,” sabi ni Kuya Albert. “Basta Gab, pinagkakatiwala ko sa’yo ang kapatid ko.”

Tinuro ni kuya ang dalawa niyang mata at tinuro ang mga mata ni Gabriel. I’m watching you.

Hindi alam ni Kuya na nakatitig na ako sa mga mata ng multo at oo, parang babalikbalikan ako nito.

Una na sa panaginip. Nagising ako hindi dahil sa bangungot kundi dahil hindi ko gusto ang nakikita ko.

Nasa swimming pool ako ng campus. Pagkaahon ko ay iniangat ako ni Gabriel at isinandal sa isa sa mga pader ng locker room. Diniin niya ako doon hanggang sa daramdaman ko ang bigat ng katawan niya. Napapikit ako sa takot ngunit pagkadilat ko, ang tingin niya ay walang laman. Walang galit, walang saya, walang ekspresyon. Lumapit ang mukha niya sa akin at doon ako gumising.

Napadilat ako sa mukha ni Gabriel na nakaharap sa akin. Hinalikan ko si Gab. Napangiti siya. Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya.

Huwag mo na ulit ako sunduin later, Nak. Hindi pa naman kita namimiss. Atsaka mo na sabihin yang hindi mo kayang itawag o itext. Next time na sa live na live nating chikahan, ha. I love you, though.

Text ni Mama.

Nagkakatawagan naman kami ni Mama. Minsan videocall pa. Nalungkot lang ako kasi namimiss ko rin na mayakap siya. Gusto kong makwento sa kanya na masaya ako sa desisyon ko kay Gabriel. Na nasusunod ko ang mga payo niya tungkol sa pagkapit lang kahit na may mga away na nadaraanan. Alam ko namang iyun din ang gustong gawin ni mama. Yung makinig sa mga kwento ko.  Yung yakapin din ako.

Pero parang kailangan ko na ring ikwento sa kanya ang bawat panaginip ko. Ibig sabihin din nun, kailangan ko nang aminin sa kanya kung sini si Jessie sa buhay ko.

Napanaginipan ko na naman kasi si Jessie. Sa kalsada ng University. Sinasaktan ako. At muli napapikit ako at pagkadilat, ang mga mata niyang walang ekspresyon ang nakaabang. Pero hindi ako gumising, kailangan kong magtanong.

Pero bago bumuka ang bibig ko. Tinulak na ako ni Jessie at sinalo ako ng lalaking nakasalamin na may orange na frame. At katulad ng mga panaginip, nakaupo na kami sa gilid ng bundok at nakatingin sa mga ilaw ng Maynila.

Ngayon ko na lang naalala ang lalaki sa panaginip ko dahil masyado na akong masaya sa mga pagising ko sa piling ni Gabriel.

“Gab, alam mo namang ikaw lang ang nakakaalam ng pananakit sa akin ni Jessie di’ba?” tanong ko habang nag-aagahan.

“Why am I hearing his name this early in the morning?” tanong ni Gab na parang may kaunting galit. “Is he bothering you again?”

“Hindi, hindi. Wala. Ako lang.”

Kumunot ang noo ni Gabriel sa pagtataka.

“Anu lang kasi. Bago pa tayo maipakilala ni Kuya sa isa’t-isa, nagkita na ba tayo?”

Napangiti na si Gabriel.

“Bakit ka ngumingiti nang ganyan?” tanong ko.

“What’s wrong with my smile?”

“Ikaw yun, ’no?”

“What ako yun?”

“Aminin mo na kasi.”

“Aminin ang what?” napapatawa na si Gabriel.

“Alam na naman kasi niya, ayaw pang sabihin.”

“Let’s see. Let me hear your side of the story. “

At kinuwento ko ang lahat ayon sa mga naaalala ko. Yung ibang bahagi, hindi ko na matandaan kung galing lang sa panaginip ko o nangyari rin talaga. Basta ikinuwento ko ayon sa pagkakaalala ko.

“So, that guy with those orange glasses has been in your dreams pala. That’s sweet.”

“So, ikaw nga yun?”

Napangiti ako. Romantic naman talaga ang kwento ko kung siya talaga yun. Parang umikot na ang lahat nang pangyayari at happy ending na.

“Ayaw na lang kasi sagutin.”

“Would it make you very happy, if that guy is in fact me all these time? Thatvguy with an orange pair of glasses?”

“Nang sobra,” sagot ko.

“Well, I have an orange pair in my cabinet. It is my favorite. I wear them in our performances,” sabi ni Gabriel.

“Napansin ko nga eh.”

“So, do you think it is me?”

“Sabihin mo na lang na ikaw.”

Napangiti na ako at yumakap. Alam kong pinapaikot lang ako ni Gabriel. Tinutukso. Alam niya kung paano ako biruin.

“Okay. Let’s keep the mystery in this affair. Para pag nag-away tayo, you can always have another hero waiting for you,” sabi ni Gabriel.

“Andaming drama, theater person talaga,” sabi ko.

“Pero dahil masaya pa tayo. Sige, i was the guy who brought you to Antipolo, who offered you your first beer, the guy who picked you up from Jessie’s beating. I thought you’d never remember.”

“Sige, ikaw na ang ilalagay kong mukha sa panaginip ko. Gabi-gabi ka kayang nasa pagtulog ko. Nawala lang nang makilala na kita at gawin mong parang panaginip ang mga araw ko.”

“That’s poetic. And romantic. And i didnt know you can rhyme.”

Napangiti ako.

“I just wish that i can stay even in your dreams. So you wouldn’t miss me even in your sleep.”

Oo nga. Sana si Gabriel na ulit ang makita ko sa panaginip ko. Paano?

Tumigil ako sa pananaginip sa aking anghel na tagapagligtas nang makilala ko si Gabriel. Pero amg bangungot ko, may mga pagkakataong bumabalik pa rin. Baka mawala lang ang demonyo sa pagtulog ko kapag naharap ko na si Jessie.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One in Parañaque

CHAPTER 27

Madali kung sasabihin ko kay Gabriel ang mga panaginip ko kay Jessie. Pero nahihiya ako. Paano ko sasabihin sa kanyang sinuway ko ang kaisa-isa niyang hiling sa akin, ang huwag titingin sa mata ni Jessie? Kaya heto ako ngayon, natatakot sa nakita ko, sa hindi ko naiintindihan.

Ginawa ko na. Pananagutan ko na. Problema ko lang naman talaga si Jessie. Oo, siguro natakasan ko siya sa tulong ni Gabriel pero tulad lahat ng takas, naiiwan ang kaba na makakatagpo ulit ang pinagtataguan. Hindi ko na hihintayin ito. Naging matapang na ako sa tulong Gabriel. Ngayon masusubok na kung gaano ako katapang.

“Are you sure you’re okay?” narinig ko si Gabriel. “Babe. Babe!”

“Anu yun?” reaksyon ko.

“Are you sure you’re okay?” tanong ulit niya. “Medyo dalawang kanta na ang hindi mo nasasabayan. Kung computer ka, napindot ko na ang ctrl + alt + del.”

“Sorry, naghang,” sabi ko at panandalian, hindi ko alam kung nasaan kami.

“Don’t worry, i think it is healthy na isama natin si Mama mo sa mga events in our relationship,” sabi ni Gabriel.

“Alam ko naman,” sabi ko. “Pero bakit kasi kailangan pang sa Paranaque tayo pumunta. Pwede naman siya sa bahay.”

“Wel,, it’s your call,” sabi ni Gabriel. Tell him about Jessie, and I’m pretty sure na hindi magdadalawang isip si Tita na umalis sa mansion.“

“Alam ko,” sabi ko. “Lilipas naman ang araw. Atsaka lagi kitang tatawagan.”

“Lagi kitang tatawagan, Babe” pagsisiguro ni Gabriel.

Nasa kotse na pala kami. Papunta kaming Paranaque. Doon ako magsa-Sabado at Linggo. Napangiti na ulit ako. Una dahil tinawag niya ulit akong babe. Pangalawa, dahil hindi niya naisip ang nasa isip ko.

“But if you are really bothered by spending a night in that house, I can pick you up at nine,” sabi ni Gabriel.

Akala ko nakalusot na. Tama siya. Napapaisip ako sa mangyayari sa bahay. Makikita ko si Jessie. Hindi, hindi makikita. Makakasama. Kaya susubukan ko na ang tapang ko.

“Kaya ko na to,” sabi ko. “Big boy na ang boyfriend mo.”

“I know.”

“Huh?”

Tumawa si Gabriel. Nagjoke siya na hindi ko nagets.

“Nakakainis ka,” sabi ko na napangiti na rin.

“Of you dont wanna tell me that thing you’re thinking, it’s okay,” sabi ni Gabriel. “Just think of happy thoughts. Think of me. Babe.”

Humarap sa akin si Gabriel. Hinawakan ang binti ko. At habang nakahinto ang kotse, nagtanggal ng seatbelt, lumapit sa akin at nagnakaw ng halik.

Magkahawak ang kamay namin ni Gabriel nang pumasok sa bahay. Nahiya lang ako nang mapatingin ang kasambahay na nagbukas sa amin, sa aming mga kamay. Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko kay Gabriel, pero mas hinigpitan ni Gab ang pagkakahawak nila sa atin. Naalala ko ang sinabi niya. They can’t accept the things we ourselves cannot be proud of.

Sumalubong si Mama. Malaki ang ngiti at mataas ang kilay sa pagkakakita sa magkasugpong na kamay namin ni Gabriel. Lumapit si mama at yumakap sa akin nang mahigpit. Hinalikan niya ako sa noo bago ako bitawan.

“Nakakainis ka Alex, ha,” sabi ni mama. “Dapat sinabi mo para nakapagluto din ako. Big deal yang mga monthsary na yan.”

Tumalikod ako para umupo. Nasa dining area kami, at nakahain na ang spaghetti na pasalubong namin ni Gabriel.

Pero bago ako makaupo, pinalo ako ni Mama sa pwet.

“Masakit?” taning ni Mama.

Napakunot ang noo ko sa tanong ni Mama. Hindi ko na naman naintindihan.

“Good!”

“So, ikaw ang nasasaktan?” tanong ni Mama kay Gabriel.

“Tita, naman,” sabi ni Gabriel.

“Whatever!” sabi ni Mama. 

Naglakad si mama papalapit kay Gabriel at niyakap ito. Pagkabitaw ni mama sa kanya ay naging seryoso ang mukha ni mama. “Basta safe kayo ha. May nategi na sa opisina.”

“Of course Tita,” sabi ni Gabriel.

“Call me Mama na rin.” Hinalikan ni mama si Gabriel sa noo.

Wala akong ideya kung ano ang pinaguusapan nila.

Napaupo na si Gabriel. Magkatabi kami habang si Mama ang nasa tapat ko. Walang nakaupo sa kabisera. Nakangiti pa si Mama habang pinapanood si Gabriel na lagyan ng pagkain ang pinggan ko. Ako naman, pinipilt itago ang saya at kilig. Masaya si Mama para sa akin, at si Gabriel, pinagmamalaki sa nanay ko kung gaano niya ako kapinapahalagahan.

Hanngang sa magsalita si Mama at batiin ang bagong dating.

“Je-Ar, anak,” bati ni Mama sa lalaking nakasilip pala sa dining area. “Kain ka na rin.”

“Thanks Ma,” sabi ni Jessie na parang hindi ako napapansin. 

Hindi ko rin siya nakikita dahil nakatalikod kami ni Gabriel sa kanya. Pero nararamdaman ko ang lamig ng kanyang boses. Mababa at walang emosyon.

“Nadyan ba si Daddy?” tanong ni Jessie.

“Nag gym muna siya,” sagot ni Mama. “May bibilhin din daw sa hardware. Pero dito daw siya mag lunch. Halika na muna, upo ka muna dito.”

“Okay lang po ako, sige po, enjoy,” sabi ni Jessie. “Huwag nyo na lang pakita kay Daddy yang dalawa.”

“Anu yun?” tanong ni Mama.

Narinig ko ang paglayo ng mga yabag ng paa ni Jessie. Narinig ko rin ang mga huling salita niya. Mahina iyun at naiintindihan ko na hindi narinig ni Mama. Parang para sa akin talaga ang mensahe.

“Anu daw iyun?” tanong ulit ni Mama.

“Just wake him up when his dad is back,” sagot ni Gabriel.

Alam din ni Gabriel ang mga pananakot kapag nakarinig siya ng isa.

Matapos kumain, sinama kami ni Mama sa kwarto ko. Ang guest room, maayos na. Akin na. Kwarto ko na. Maganda.

“Para hindi ka naman masyadong manibago, ginawa ko nang kakulay ng dati mong kwarto ang pintura,” sabi ni Mama. “After a long, long time, may tatapak na rin sa kwarto. kaunti na lang, babahayan na yan ng multo. Nandyan na rin yung mga boxes mo. Ikaw na ang bahalang mag ayos kung paano mo gusto. Alam ko namang ayaw pinapakiaalaman ang mga gamit mo…”

Naagsisimula nang matawa si Gabriel. Tumutuluy tuloy na kasi ulit ang bibig ni Mama.

“Ma, thanks,” sabi ko. “Papatulong na lang ako kay Gab dito.”

“Sige,” sabi ni Mama. “Iwan ko na kayo. Parang inip na inip na kayong magsolo.”

“Ma?!,” sabi ko.

“Joke lang,” sabi ni Mama. “O siya. Gabriel ha. May tiwala ako sayo.”

Umalis si Mama. At pagkasarang pagkasara ng pinto, niyakap ako ni Gabriel. Hinalikan. Hanggang sa mapahiga kami sa bago kong kama.

“Bibinyagan ba natin itong kwarto ko?” tanong ko.

“It’s been three hours since my lips touched yours,” sabi ni Gabriel. “I can’t wait for another minute.”

Mahigpit na yakap din ang ibinigay ni Mama kay Gabriel. Bago magtanghalian ay nagdesisyon nang umuwi si Gabriel. Hindi na rin ako tumutol, alam kong mamimiss ko siya pero dapat din namang maghiwalay kami ni Gabriel paminsan minsan. Sa may pinto ng bahay na naganap ang paalaman.

“Alam mo naman siguro ang mga nagaganap sa loob ng kulungan hindi ba?” bulong ni Mama kay Gabriel.

“I’ve heard stories, Tita,” sagot ni Gabriel.

“Mama,” itinama ni Mama si Gabriel. “Alam ko rin kaya’t huwag na huwag mong masubukang saktan ang anak ko.”

“Of course, Ma,” sagot ni Gabriel. “You’re mama so sweet, papakulong nya ako pag sinaktan kita.”

“Ay hindi ganun, Bata,” sagot ni Mama. “Ayokong maranasan ang mga nagaganap sa kulungan. Dahil pag sinaktan mo ang anak ko sasaktan kita. Yung sakit na pwede akong makulong. So maging good boy ka sa Alex ko, okay.”

“Well, that is scary,” sagot ni Gabriel. “Sige po, Ma. Una na po ako.”

Inihatid ko si Gabriel sa kotse nya. Nagyakap din kami nang mahigpit bago siya pumasok at paandarin ang kotse. Tapos bumalik ko kay Mama.

Papasok na kami ni Mama ng bumusina ang isang sasakyan. Si Tito Raul. Dumating na. Hindi na muna kami pumasok ni Mama at hinintay na namin makapasok ang bagong partner ni Mama.

Pagkapark ay umakyat na sa amin si Tito Raul. Hinawakan ako sa ulo at ginulo ang buhok ko. Tapos, humalik siya kay Mama.

“Kaninong kotse yung umalis?” nakangiting tanong ni Tito Raul.

Sasagot na sana si Mama. Punung puno nang energy si Mama at sobrang natutuwang ibahagi ang magandang balita. Pero bago pa siya makapagsalita. Nagsalita si Jessie. Nasa likod pala namin siya.

“Classmate ni Alex, Dad!” sabi ni Jessie. “Anung pagkain, gutom na ako.”

Pumasok na si Tito Raul kasama si Jessie.

“Tera sa loob,” sabi ni Tito Raul. “Pinapasok ko na kay Manang. Hindi ko na pinagluto si Mama mo dahil umorder na nga ako.”

Patuloy na nag usap sina Tito Raul at Jessie habang naglalakad papasok. Sumunod na kami ni Mama. Lumingon si Jessie kay Mama.

“Ma, huwag mo munang sabihin,” sabi ni Jessie.

May takot si Jessie. May kaunting hingal din na parang nagmadali siya para masalubong and tatay niya.

Tapos tumingin siya sa akin. Wala pa rin akong mabasa sa kanyang mga mata. Pero parang pamilyar ito. Parang napanaginipan ko na ito.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One with The Breakfast

CHAPTER 28

Walang nagsasalita.

Hindi ako sanay sa ganito. Nasanay ako sa agahang si Gabriel ang kasama ko, na puno ng kwentuhan at ngiti. minsan nagtatawanan pa kami kahit kaming dalawa lang. Minsan, may tahimik din pala, pag may away kami, pero magaling si Gabriel. nababawi niya agad at napapangiti na ulit ako. 

Pero parang kahit si Mama ay naninibago sa agahan na ito. nakatingin siya kay Tito Raul na nakaupo sa kabisera. Tapos titingin siya kayJessie na katapat niya, sa kabilang side ni Tito. Siyempre si Mama ang nasa kanan at katabi ko. Pare lang kaming mag-ate. 

Si Mama, hindi pa rin nag aayos. Parang naghilamos lang at nagtali ng buhok, kahit walang make up ay maganda si Mama. Kita nga lang ang kaunting wrinkles at ang medyo maitim na eyebags. Dala na rin siguro ng puyat. 

Si Tito Raul, mukhang bumangon lang din at dumeretso sa kainan. Suot pa niya ang pyjama at sando na pinantulog niya kagabi. May eyebags din siya. 

Silang dalawa parang hindi nakatulog kagabi. Kung anuman yun, kanila na lang. Kaya lang parang may natira pang mga dapat pag-usapan para sa agahan. 

May nagaganap na timplahan ng sitwasyon. Si Tito Raul, nakahawak lang sa kubyertos pero hindi pa nagsisiulang kumain. Si Mama naman, bawat subo ay mabagal. Si Jessie, tuluy-tuloy lang kahit alam kong nag-iisip din siya at nakikiramdam. Ako, umiikot din ang mata, sa tinginan ng mga tao sa paligid ko.

Noong huli kong kain, ganito na rin ang aming pwesto pero wala itong nakabibinging katahimikan. Ang tanging naririnig lang ay ang pag-aayos ng mga kasambahay ng pagkain sa mesa. Sina Aling Rosa Mary at Ate Mabel. Dalawa lang sila ngayong nagsisilbi, pero nakikisilbi rin si Mama.

Nilagyan ni Mama ng juice ang baso ni Tito Raul. Binaba ni Tito Raul ang kubyertos na hindi pa niya nagagamit. Kinuha niya ang baso at uminom. Tapos wala na ulit ingay. Nag-ingat din akong gumawa ng tunog sa aking mga kutsara at tinidor. Tahimik din kasi ang pagkain ng mga nasa mesa.

“Walang pasok sa Lunes,” paunang sabi ni Tito Raul. “Punta tayo mamaya sa Pangasinan, sa lumang bahay doon. Gusto ko sanang paayos na. Pero subukan muna nating tirhan. Para malaman kung ano ang aayusin. Maganda dun, malapit sa beach. Pwede tayong mag camping. Tingnan natin kung gaano katapang. Subukan natin ang pagkalalaki ninyo.”

Napatawa si Mama.

“Huwag palang pag-uusapan,” hirit ni mama.

Hindi na nagsalita si Tito. Pero naramdaman ko ang tensyon sa kanilang dalawa ni Mama.

“Kumain ka na,” sabi ni Mama.

Sumunod si Tito Raul. iniangat ulit ang mga kubyertos at sumubo.

Pinanood ko ang ginagawang asta ni Jessie. Tinitimpla din niya ang sitwasyon. Patuloy siya sa pagkain. Kahit nakayuko, Napapansin kong malimit siyang tumingin sa kanyang tatay. Minsan kay Mama. Pero hindi sa akin. Ang huli niyang tingin ay kahapon pa. Hindi pa rin ako nakakakuha ng pagkakataon na kausapin siya.

“Dad,” sabi ni Jessie. “May lakad kasi ang frat…”

“Sasama ka sa Pangasinan,” utos ng tatay ni Jessie sa kanya. Matigas. “Kailangang turuan mong magpakalalaki ’yan kapatid mo. Kung kailangang paranas mo sa kanya ang dinanas mo sa frat, gawin…”

“Subukan nyong galawin ang anak ko,” sabi Mama. Matigas din.

Bumulong si Aling Rosa Mary kay Ate Mabel. Napaatras silang dalawa. Parang alam na nila. Ako, hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Nagulo ba sila nang pagdating ko? Kasi kung oo, aalis na lang ako.

“Ano po bang prob…” hindi ko na natapos ang sinasabi ko.

“Ikaw!” sigaw ni Tito Raul sa akin. Nakatitig sya sa mga mata ko. Ang titig nya ay higit pang nakakatakot sa mga una kong karanasan kay Jessie. “Ikaw bata ka! Bakit kailangan mong maging malamya, malambot… Bakit ka naging…”

“Hoy Raul!” sigaw ni Mama.

Hindi na natapos ni Tito Raul ang sinasabi niya. Nakita ko na lang ang baso niyang tumama sa aking pinggan. Malakas ang kanyang pagkakabato. Nahati ang pinggan ko sa dalawa at tumalsik ang baso papunta sa sahig.

Nagulat kaming lahat. Si Mama. Si Jessie. Masama ang tingin nila kay Tito Raul. Tumingin si Tito kay Mama. Si Tito ang sumuko, inalis niya ang tingin pero hindi nabago ang igting. Pinaling niya ang atensyon kay Jessie.

“Ano, naiinggit ka?!” sigaw ni Tito Raul. Kinuha ni Tito Raul ang pinggan ni Jessie at inihagis sa sahig.

“Tigilan mo nga ang pagsisira ng gamit dito sa bahay?!” sigaw ni Mama.

Parang may salita pang gustong lumabas sa bibig ni Tito pero kita ang kanyang pagtitimpi. Tumayo na lang si Tito. Bumuntong hininga.

“Tuloy tayo sa Pangasinan!” sigaw ni Tito bago tumalikod at umalis ng hapag.

Magsasalita pa sana si Mama, pero pinigil ko na. Kilala ko si Mama. Hindi magpapatalo.

Nagtinginan na lang kaming tatlo. Tumingin na rin si Jessie sa akin. Wala pa ring ekspresyon.

Pumasok ang dalawang kasambahay para ayusin ang mga nabasag. Huminga nang malalim si Mama. Nagtanggal ng bara sa lalamunan.

“Sayang naman yung baso at mga pinggan,” sabi ni Mama.

Napatingin kami ni Jessie kay Mama. Talaga. Pinagbabato na kami, ang naisip pa ni Mama ay yung pinambato sa amin?

“Aling Rosa Mary,” tawag ni Mama sa nakakatandang kasambahay habang hinahawakan ang magkabilang sentido. Parang sumakit nang kaunti ang ulo niya. Nas stress si Mama. 

“Yung pong Mang Nando, buhay pa?” tanong ni Mama. “Papuntahin daw ninyo dito. Ipapaayos ni Raul yung pinto ng banyo, yung mga tiles at pati na rin yung salamin sa kwarto namin. Basta, papuntahin na lang ninyo at patanong kung magkano ang gagastusin sa labor at sa mga papalitan at kukumpunihin.”

“Sige po, buhay pa naman si Nando.”

Hindi pala simple ang naging gabi ni Mama at Tito Raul. Syempre, makakarating ang mga kaganapang ito sa aking boyfriend. kailangan kong magpaalam.

Tulad nang sinabi ni Gabriel, tumawag siya pagkagising niya. Medyo may katagalan din akong nag-miscall at naghintay. Mukhang napasarap ang tulog nya,  Sandali na lang kasi ay tatawagin na kami sa tanghalian. Patapos na rin ako sa pagaayos ng dadalhin sa Pangasinan.

“Tama naman si Mama,” sabi ko sa nag-aalala kong boyfriend. “Kung sasaktan kami ni Tito Raul, nasaktan na kami.”

“Hindi ka ba na-trauma?” tanong ni Gabriel.

“Sinabi ko naman diba, binato din Tito si Jessie, si Jessie na pinakakinatatakutan ko noon. At nakita ko siyang kinabahan. Alam mo, parang nakahinga ako nang maluwag doon. May kinatatakutan pala si Jessie “

“Okay. But you will be with Jessie for a while. Just tell me at once kung saan kayo sa Pangasinan?”

“Oo naman. Tatawag agad ako sayo. Pero parang safe ako kay Jessie. Nagbago na sya. Hindi na nga niya ako pinapansin.”

“Gusto mo bang pansinin ka niya?”

Hindi ako nakapagsalita. Gusto ko nga ba? Naninibago ba ako at hindi ko gusto ang pagbabagong ito?

“Yes, Babe?”

Hala, hindi ako nakapagsalita.

“Nagulat lang ako. Straight na tagalog ang tanong mo,” palusot ko. “Ayus na nga yung ganito. Walang pansinan. Walang sakitan.”

“Just call me when you need help. Or even if you just need someone…”

“Ikaw lang. Walang nang someone o anyone pa akong kakailanganin,” putol ko kay Gabriel. “Tatawagin kita lagi.”

“That’s sweet,” sabi ni Gabriel. “Basta, take care of yourself. There’s a bigger bully in your house.”

Nagpatuloy pa ang pag-uusap namin ni Gabriel. Kailangan ko na nga siyang i-speaker phone para matapos ko ang pag-iimpake. At pagkatapos ko, natapos na rin kami. Kailangan ko nang harapin ang pinakamalaking bully sa mundo.

“Sorry kanina,” sabi ni Tito Raul. “Hindi ko issue ang kabaklaan mo. Issue ninyo yang mag-ina. Basta huwag mong hahawahan ang anak ko.”

Ang pagkakasabi ni Tito Raul ay parang sinabi lang niya na bughaw ang langit. O kaya naman, madilim kapag pumikit ka. Totoo lang. Hinawakan ni Mama ang kamay niya.

“Last na yan,” sabi ni Mama.

Kinuha ni Tito Raul ang kamay ni Mama at hinalikan. Siya ang nagmamaneho ng Montero. Katabi niya sa harapan si Mama. Nasa likod kaming dalawa ni Jessie. Hindi umiimik si Jessie. Hindi rin ako nagsasalita.

Hindi ko nga lang maiwasan ang lingunin siya paminsan minsan. Hindi ko alam kung bakit, pero iniisip ko kung lilingon siya sa akin. 

Nakadikit ang ulo niya sa bintana ng sasakyan. Hindi nakatingin sa labas, deretso lang talaga. May iniisip siya, pero hindi ko na inisip kung ano iyun.

Hanggang sa mapansin kong ang pagtingin-tingin ko kay Jessie ay lumimit.  Hanggang sa nakatingin na lang ako sa kanya. 

Hindi naman pala siya nakakatakot talaga kung sumasabay siya sa kapayapaan ng kapaligiran. Masasabi ngang hindi talaga siya mukhang halimaw na iniisip ko. Siguro dahil may mas nakakatakot na sa kanya. 

Naalala ko si Tito Raul kanina, at naalala kong natakot si Jessie. Ang takot niya ay may halong panliliit. Hindi halimaw si Jessie. Tao lang din siya. At ngayon, sa sandaling nakadikit ang ulo niya sa bintana, nakita ko ang tunay niyang itsura. May itsura ngang masasabi.

Lalo pa nang humarap si Jessie. sa unang pagkakataon, nakita ko ang buo niyang mukha bilang isang normal na nilalang. Wala akong takot na nadarama. Bata nga lang din siya. Parang ako lang din.  

Bumalik na lang ako sa reyalidad nang ang mga mata ni Jessie ay naliit sa pagtitig sa aking mga mata. Humarap na siya at ngayon lang nag-sink in sa akin na nakatitig ako sa kanya. Pangalawang beses na niyang tumingin sa akin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya, inaaral ang mukha niya. Napahiya ako.

Agad kong binawi ang ulo ko at naghanap nang gagawin.

Napansin kong ngumiti siya. Hindi man sa labi niya, alam ko sa mga mata niya, ngumiti siya. 

Kinuha ni Jessie ang wireless headphone niya at nakinig na lang sa music.

Ako naman, kinuha ang telepono ko at nag text kay Gabriel.

Paalis na kami, Gab, sabi ko. PM mo ako lagi.

Tumunog ang telepono ko. Nagreply si Gabriel. Pero bago ko mabasa, napansin kong napansin ni Tito Raul na may ka-text ako. Napatingin ako sa rearview mirror at nakatingin din siya sa akin. Nasa mata na niya ang mata ng halimaw na dati ay na kay Jessie.

Papunta na kami sa Pangasinan. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With the Camping

CHAPTER 29

H’wag ka nang mag-alala, ’Nak,“ sabi ni Mama. “Naayos ko na ang Tito mo bago tayo umalis. If you know what I mean. Naayos.”

Idiniin niya ang salitan naayos na kasamang quote-unquote mula sa kanyang mga daliri.

Dumeretso kami ni Mama sa kusina at iniligay ang mga pagkain sa ref. Pinagluto na rin niya si Mama ng hapunan. Hindi niya ako kinausap. Ang huli kong narinig kay Tito Raul ay ang utos niya kay Jessie na sila na ang magbuhat ng mga gamit dahil sila ang lalaki, sila ang malalakas. Syempre marami pa siyang nasabi, pero yun lang ang tumatak sa akin.

Wala naman talaga akong dapat intindihin sa mga kinikilos ni Tito Raul. Hindi pa naman talaga kami nagkakasama nang matagal, kahit si Mama, alam ko, marami pang malalaman sa kanya. Pero ang pagbabago ay laging nag-iiwan ng tanong sa mga nakakaranas. Bakit? At sunud sunod pang bakit.

“May lahing militar ba sina Tito Raul?” tanong ko.

“Ay, stereotype?!” sagot ni Mama. “Basta militar, galit sa beks?”

Natawa kami ni Mama. Pero tahimik lang. Tapos nang mamatay ang tawanan, nagsalita ulit siya.

“Bawal lang sa kanila talaga,” sabi niya. “Hindi nila naiintindihan kung bakit may kakaiba, so pinili nilang ayawin na lang. Thus, alamat ng homophobia.”

“Hindi ba yung mga may homophobia, sa totoong buhay, homo din?”

“Akala ko din dati. Pero dahil kay Raul. Nabago ang isip ko.” napakagat ng labi si Mama. At sa mukha niyang iyun, parang mas naayos siya ni Tito Raul.

Natawa ulit ako pero hindi iyun nagtagal. Narinig ko na ang mga yabag ng paa nina Tito Raul. Lumapit si Mama at pinunasan ang pawis ni Tito.

“Last na ito,” sabi ni Tito. “Tumulong ka na Jessie sa paglalagay ng mga yan sa ref.”

Mga alak ng mag-ama ang laman ng huling cooler. Iniisa-isa ko nang ilagay ang mga beer sa ref. Binilisan ko na para hindi na kailanganin pa ni Jessie na tumulong. Pero hindi ako ganung kabilis.

Lumapit si Jessie sa akin, sa kabilang bahagi ng cooler. Hindi tumitingin si Jessie sa akin. Kaya’t hindi niya namalayan na ang hawak ko na ang huling lata ng beer. Nahawakan niya ang kamay ko.

Hindi pa rin tumingin si Jessie. Pero hindi niya inalis agad ang kamay niya sa kamay ko. Malamig ang beer sa cooler, pero mainit ang hawak ni Jessie. Napatitig ako sa aming mga kamay. Hindi gumagalaw si Jessie. Naramdaman ko ang parang kuryenteng gumapang mula sa kamay niya patungo sa kamy ko, sa braso, hanggang sa kaloob-looban ko.

Mula sa kamay niya, umangat ang paningin ko sa mukha ni Jessie. Hindi naaalis ang pagtingin niya sa loob ng ref. Napabuntong hininga siya, na sa tingin ko ay dahil naramdaman din niya ang kung anong bagay na dumaloy sa katawan ko.

Sa mahabang pagkakataon, ngayon lang ulit niya ako nadikitan. Sa mahabang panahon, ngayon ko lang naramdaman ang kanyang hawak. At hindi ito masakit tulad nang mga una kong ala-ala.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Mahigpit ngunit hindi marahas. At unti-unti. Inalis niya ang kamay. Tumayo. Na siya.

“Punta lang ako sa tass,” paalam ni Jessie sa tatay niya.

Adobo ang niluto ni Mama. At iyun ang pinagsaluhan namin. Kahit na nalinis na namin ang dining area, hindi pa rin namin mapigilan ang paminsan-minsang mabahing dahil sa alikabok. Kaya’t pagkatapos kumain ay lumabas agad kami.

“Dad, mag camp out na lang kami ni Alex,” paalam ni Jessie. “Masyadong maalikabok. Baka bumalik ang hika ko. You wouldn’t want that.”

Binanggit ni Jessie ang pangalan ko. May kakaiba. Hindi ako sanay. Hindi pasigaw. Malumanay. Parang bago ang pangalan ko sa kanyang bibig. Parang bago rin sa aking pandinig. Pero may kasamang kami sa pangungusap na iyun. Hindi yun maaaring manggaling sa bibig ni Jessie. ‘kami ni Alex?’ mula sa bibig ni Jessie. Nasa ibang mundo ba ako? Nasa probindya lang kami. Hindi ito ibang mundo.

“Mabuti pa nga, para naman…” sabi ni Tito Raul pero natigilan siya nang taasan siya ng kilay ni Mama. “Para naman masolo ko ang Mama ninyo.”

Tumango ang mga kilay ni Tito Raul. Napakagat na naman ng labi si Mama.

“Bilis na ninyo,” sabi ni Mama. “Magcamping na kayo at may camping din kami dito ng Daddy ninyo.”

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang mga ganitong usapan sa pagitan namin ni Mama. Awkward, oo, pero siguro alam naman niyang maiintindihan ko naman.

Pero hindi iyun ang una kong napansin. Camp out kami ni Jessie. Samantalang nitong mga huling araw ay hindi niya ako mapansin.

Tumayo si Tito Raul. Sasamahan ko na muna itong dalawa sa garahe.

“Okay na Dad,” sabi ni Jessie. “Kami na lang.”

“Iche-check ko lang din yung motor ko,” sabi ni Tito Raul.

“Hayaan mo na ang mga bagets, dad,” unrag ni Mama.

“Mabilis lang kami,” sabi ni Tito Raul na may kindat pa.

Hindi normal ang kinikilos ni Tito Raul. Uunahin pa niya ang motor kesa sa mama kong kanina pa nagpapahiwatig. Kung tunay na lalaking homophobic si Tito Raul, uunahin na niya si Mama at hahayaan na kaming umalis. Parang may pinaplano ang mag ama. Pero parang si Tito Raul lang din. Gusto din ako masolo ni Jessie. Wala naman sana silang planong saktan ako. Kinabahan ako.

“Basta bilisan mo,” sabi ni Mama kay Tito. “Alam mo namang maiinipin ako at times.”

“Mabilis na mabilis lang ’to,” sabi ni Tito Raul.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Where They Dipped

CHAPTER 30

“Mabilis na mabilis lang ’to!”

Ang kaninang malambing at nananabik na boses ay naging marahas at nakakatakot. Isinandal ako ni Tito Raul sa isa sa mga haligi ng garahe. Mabigat ang mga kamay niya na nakatulak sa aking mga balikat.

Hindi nakatulong para kampantihin ako ang liwanag ng buwan. Kahit na dumudungaw ito sa bukana ng garahe, nanatiling madilim ang paligid. Bahagya ko lang naaaninag ang mukha ni Tito Raul, kaya mas nakakatakot ito. Alam kong iba ang mukha niya ngayon sa masayahin at mapagmahal na lalaking nakikita ko kapag kasama si mama. Dahil sa kakaunting liwanag, ang naiisip ko ay mas nakakatakot pa ang kanyang itsura. Kaya siguro nakakakaba kapag madilim, naitatago nito ang tunay na anyo ng bagay bagay.

Nakadagdag din sa kabog ng dibdib ko ang lalaking nasa likod ni Tito Raul.

Parang estatwang nakatayo sa likod ni Tito Raul si Jessie. Tumingin ako sa kanya. Tiyak kong abot tenga ang ngiti niya. Malamang ay nakakuyom na ang palad niya at inihahanda ang mga kamaong bakapila sa ginagawa ngayon sa akin ni Tito Raul. May kasama na siya sa pambubugbog sa akin.

Pero mali ang insahan ko. Blangko ang mukha ni Jessie habang pinapanood ang pananakot ng tatay niya sa akin.

“Bawal ang bakla sa bahay ko,” bulong ni Tito Raul pero mas mabigat ang dating nito sa akin kesa sa pagkakadiin niya sa akin. “Bawal ang bakla noon, bawal ang bakla ngayon, bawal ang bakla bukas. At kahit tutol ang nanay mo, tutuwid ka. Pamilya ko na kayo, kita, hindi ko hahayaang may baluktot sa pamilya ko. Pasasalamatan mo rin ako balang araw.”

Binitawan ako ni Tito Raul kaya’t bumagsak ako paupo sa sahig. Ganun sya kalakas, hindi ko namalayang naiangat pala niya ako sa pagkakadiin niya sa mga balikat ko.

“Jessie,” sabi ni Tito Raul. “Alam mo na ang gagawin sa baklang ’yan.”

Nag-ayos ng sarili si Tito Raul. Huminga nang malalim at tinapik si Jessie. Bumulong siya sa anak niya bago lumabas ng garahe. Parang walang nangyari. Pinanood ko syang naglakad palayo.

Hihinga na sana ako nang maluwag, pero gumalaw si Jessie. Naglakad siya, binabaybay ang mga haligi ng luma at madilim na garahe. Hindi siya tumitingin sa akin. May hinahanap siya, may kinakapa sa mga nakasabit sa mga haligi. Hanggang sa makita niya ang hinahanap niya. Mula sa isang gilid ay lumapit si Jessie sa isang bagay na natatakpan ng tela. Marahan niyang inalis ang tela, iniingatan ang alikabok upang hindi kumalat. Sa ilalim noon ay isang motorsiklo. Susi pala ang kinuha niya sa gilid, at nang paganahin niya ang makina ng motor, nagsimula na siyangnagsalita.

“Sakay!” utos niya.

Hindi pa pala tapos. Pauna palang pala si Tito Raul. Dahil sa kaba, hindi ako nakapagsalita kaagad.

“Tumayo ka na dyan at sumakay ka na!” muling utos ni Jessie.

Sumunod ako. Sumampa ako sa likod ng motor.

“Kumapit ka na,” sabi ulit ni Jessie.

Kahit papaano, banayad ang boses ni Jessie. Siguro ay dahil sa nakakatakot na mga pananalita ng tatay niya. Matapos ng mga sigaw at bulong at kung anu ano pang pagbabago ng boses ni Tito Raul, parang wala na akong boses na katatakutan pa. Sumunod ako.

Mabagal ang andar namin habang papalabas ng garahe. Mabagal pa rin hanggang sa mababatong daanan papunta sa kalsada. Hindi pa rin ako nagtatanong kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Hanggang makarating kami sa sementado at patag na kalsada. Napakapit na ako kay Jessie nang bilisan na niya ang pagpapaandar.

Dito ko kang napansin. Motor lang ang meron kami. Paano kami magka camping. Wala kaming tent.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko na. “Anung gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?”

Unti-unti nang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi nga ito si Tito Raul, pero si Jessie ito. Alam ko na noon pa ang kaya niyang gawin. Ngayon, may permiso pa siya mula sa tatay niyang homophobic. At ang akala kong wala nang mas nakakatakot pa sa boses ni Tito Raul ay mali pala. Mas nakakatakot ang katahinikan ni Jessie.

Hindi nagsalita si Jessie. Matulin lang ang pagpapatakbo niya.

Marahan kong kinapa ang bulsa ko. Kailangan ko ang telepono ko. Kahit na mabilis ang takbo namin ay pinilit ko itong ilabas. Nagtext ako.

“Itago mo yan,” utos ni Jessie.

Hindi ako Sumunod. Mas binilisan ni Jessie ang takbo. Dumulas ang telepono ko, ngunit agad kong nasalo.

Nattajot akp. Gelp.

Kung anu ano na lang ang natype ko. Isinend ko agad. Si Gabriel ang una sa phonebook ko. Madali ko iyong nagawa.

Narinig ko na lang ang boses ni Justin Timberlake. Tumatawag na si Jessie. Sasagutin ko na ang telepono nang biglang huminto ang motor. Nabitawan ko ang telepono at tumalsik.

“Bulisan mo. Pulutin mo,” utos ni Jessie. “Sa susunod na mabitawan mo yan, iiwan na natin yan.”

Nagtext na lang ako kay Gabriel.

I’m okay now. Worry not.

Pero tumuloy sa pagkanta ni Justin Timberlake kahit nakabalik na sa bulsa ko ang telepono.

Hindi ko na pinansin at sumakay na lang ako ulit sa likod ni Jessie. Oo, naisip kong tumakbo, pero hindi ko alam kung nasaan ako. At ano, pag nawala ako, magugulo sina Tito Raul at mama? Mahal naman talaga ni Tito Raul si Mama. Mahal din ni Mama si tito Raul. Ayoko ko na nang gulo. Higit pa sa gulo, ayoko nang maranasan na naman ni Mama ang masaktan sa isang lalaki, dahil nagmahal siya ng maling tao. Tama si Tito Raul para kay Mama. Ako ang mali kay Tito Raul. Maliit na bagay na ang ginagawa sa akin ni Jessie. Kung kailangang magpanggap ako kay Tito Raul, maliit na bagay na rin yun. Naisip ko yung lahat habang nakasakay sa motor kasama si Jessie.

Hanggang sa may maramdaman akong kakaiba. Hindi na pala singbilis nang kanina ang takbo namin. At inaalis na ni Jessie ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko na najakapit  sa kanyang tiyan na hindi ko namalayan kung paano naganap. Hindi ko rin namalayan na hindi na kumakanta si Justin Timberlake.

Mas napaisip pa ako. Si Mama lang ba talaga ang dahilan kung bakit nakasakay pa rin ako sa likod ni Jessie?

Ano na kayang iniisip ni Gabriel? Alam kong nagaalala yun. Tumigil lang siya sa pagtawag nang maubos ang baterya ng telepono ko.

Naubos din ang kalsadang binabagtas namin ni Jessie. Naging mabato at maputik na ang daan. Marahan na ulit ang aming andar. Hanggang sa huminto na kami.

“Sumunod ka,” utos ni Jessie.

May kaunting lakad kami papunta sa mapupunong lugar. Ilang sandali nasa isang lawa na kami. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig. May falls na malapit. Sumunod pa ako kay Jessie.

Narating namin ang talon. Ang ganda nitong tingnan sa liwanag ng buwan. Madilim ang paligid pero sapat ang liwanag ng buwan para ilawan ang batis na binabagsakan ng falls. Sa isang bahagi nito ay may parang dock. Gawa sa kahoy na pinagdikit-dikit ng mga bata para mayroon silang talunan papunta sa tubig. Tumuloy ang lakad ni Jessie patungo doon. Naiwan akong nakatayo.

Dito ba inutos ni Tito Raul na iligpit ako? Lulunurin niya ba ako dito at iiwan ang aking bangkay? O ilulublob lang niya ang ulo pataas baba sa tubig at tatanungin kung lalake ako at isasagot ko naman, sirena? Napangiti ako sa huli kong naisip.

Napansin iyun ni Jessie. Napansin din niyang may ilang metro ang layo ko sa kanya.

“Halika,” yaya niya.

Ito ang unang beses na naging banayad ang kanyang boses. Naguluhan na naman ako. Pero ang mga paa ko ay parang nasa ilalim ng kanyang paguutos. Naglakad ako at tumuntong sa dock, katabi ng tinutuntungan nya.

Pinilit kong basahin ko ano ang iniisip niya. Wala akong mabasa. Nakatayo lang siya. Hindi umiimik. Nakatitig sa pagbagsak ng tubig ng talon.

Huminga nang malalim si Jessie. Hinubad niya ang t-shirt at isinunod ang mga sapatos, tapos ang medyas at ang pantalon hanggang tanging puting brief na lang ang kanyang suot.

Pagkatanggal ni Jessie ng pantalon ay humarap siya sa akin.

Nakakatulala siyang pagmasadan. Mas pinabibighani ng liwanag ng buwan ang bawat muscle at umbok sa kanyang katawan na isang lumang puting brief lang ang nagtatakip. Napahinga ako nang malalim.

Hindi ko naiintindihan ang init na bumalot sa akin. Gitna na ng gabi at malamig ang hanging dumadaan muna sa talon bago sa aking katawan, ngunit natalo iyun ng init mula sa aking kaloob-looban.

Napatulala ako sa katawan niya hanggang sa mapansin kong nakatitig siya sa akin. Naagtagpo ang aming mga mata.

Napalunok siya. Siya ang bumasag ng katahimikan naming dalawa.

“Maghubad ka na rin.”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Witnessed by the Moon

CHAPTER 31

Matapos kong maramdaman ang init at pagnanasa sa lalaking nasa aking harapan, maririnig ko ang kanyang mababa at malumanay na boses, naguutos na maghubad ako. Paano pa ako makakatanggi nito?

Ngunit walang pagnanasa sa kanyang mga mata. Hindi katulaad ng mga mata ni Gabriel kapag nakatitig siya sa akin bago mapapikit sa pagdadampi ng aking mga labi.

Si Gabriel. Nagnanasa ako sa lalaking hindi si Gabriel. Pinaghububad ako ng lalaking hindi si Gabriel, na hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin.

“Maghubad ka na,” sabi ulit ni Jesse sa mababa at mahinahon na tinig. “Hindi mo gugustuhing bumalik sa bahay na basa.”

Lalangoy kami sa ilog na ito ngayong gabi? Yun ba ang gusto niyang mangyari?

Hanggang sa mabigla ako sa pagbabago niya ng boses.

“Hubad na!” utos ni Jessie na may kislap ng galit sa mga mata.

Napaatras ako nang bahagya. Nakaramdam ako muli nang takot. Naalala ko ang boses ni Tito Raul. At oo nga, si Tito Raul din ang nagpadala sa akin dito.

Hinawakan ko ang laylayan ng aking damit at tinanggal ito. Hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko kay Jessie na sa pagsunod ko ay muling lumambot ang titig sa akin.

Tinanggal ko ang sapatos ko. Hinubad ang pantalon. Tapos, huli ang mga medyas. Katulad ni Jessie, ibinagsak ko lang sa sahig na kahoy ang mga pinaghubaran ko.

“Sumunod ka,” hindi siya nakatingin sa akin.

Bigla siyang tumalon sa tubig. Malalamig ang mga talsik na tumama sa binti ko.

Lumangoy siya na parang sarap na sarap sa ginagawa. Mukhang may kalaliman ang ilog na ito. Pero marahan naman ang agos. Bagsakan lang kasi talon at mukhang nasa kabilang dulo ay may isa pang falls na mapupuntahan. Pero parang itio ang pinakamaganda. Mukhang kabisado ni Jessie ang lugar na ito. Hindi ito ang una o ikalawang paglangoy niya dito.

Nasa gitna na si Jessie ng tubig nang humarap siya sa akin. Tumutungo tungo ang ulo niya na nagyayaya sa aking tumalon na rin.

Hindi ako gumalaw. Nanigas ako. Hanggang may nagbago sa pagkakatitig sa akin ni Jessie. Hindi siya galit. Mas mukhang nage-enjoy siya na nakatingin sa hubad kong katawan. Kapirasong puting brief na nga lang suot ko, at sa kanyang pagtingin ay parang nahuhubad pa ito. Nahiya ako sa sarili ko kaya’t tumalon ako para maitago ang katawan kong patpatin kung ikukumpara sa mababatong katawan ni Jessie.

Ang lamig!

Ang lalim!

Hindi abot ng paa ko ang sahig ng ilog. Kailangan kong magpapadyak at ia-apply ang mga natutunan ko sa swimming class para hindi malunod. Hala, lulunurin nga kaya ako ni Jessie?

Lumapit siya sa akin. Hinawakan ang aking kamay. Sumunod naman ako. Pumunta kami sa gilid kung saan bunabagsak ang tubig. Naupo lang kami sa may bato doon. Magkatabi. Balat sa balat. Umusog ako palayo ngunit inakbayan ako ni Jessie at pinaglapit ang aming katawan.

“Giginawin tayo.”

Hala, ayaw pala niyang ginawin pero tumalon sa ilog sa gitna ng gabi. Pero hindi ko na nasabi iyun. Anumang iniisip ko ay tinanggal ng init na pinagsasamahan ng aming mga katawan. Nagiging komportable ako. Ganito pala iyun, kapag sobrang lamig, kahit kinatatakutan mo ay yayakapin mo para sa kanyang init.

“Langoy na ulit tayo,” yaya ni Jessie.

Bago pa siya tumalon ay nahawakan ko ang braso niya. Nang lumingon siya at natigilan ay parang tumigil din ang puso ko. Ginawa ko ba talaga yun? Napigilan ko ba siya? Anung gagawin niya sa akin ngayon?

Pero hindi ko nakita sa mukha niya ang inaakala kong galit.

“Bakit?” tanong niya.

“Anu bang plano mo sa akin? Dito mo ba ako papatatin? Lulunurin mo ba ako dito?”

Natawa lang si Jessie.

“Halika na, langoy na ulit tayo.”

Siya naman ang humawak sa braso ko at hinila ako sa tubig. Paglublob namin ay lumangoy siya palayo. Pinanood ko muna siya. Alam na alam talaga niya ang bawat sulok ng lugar na ito. Lalayo siya, babalik, sisisid, aahon.

Nang magbalik ang lamig ay lumangoy na rin ako. Nasanay na ulit ang katawan ko. Ang sarap lumangoy sa ilalim ng buwan. Sumunod ako kay Jessie. Ginaya ko siya. Ang lalim talaga, maging sa mga gilid.

May nakatumbang puno sa isang bahagi malapit falls. Parang iniayos ito dito para may sampahan din ang mga napapagod lumangoy. Tumuntong si Jessie doon, tumayo. Ang laki ng katawan niya, at dahil sa paglangoy, parang lalong namintog ang muscles niya, sa dibdib, sa braso at sa binti. Para siyang isang diyos sa mga Greek Myths na nakahubad at iniilawan ng buwan. Oo, halos hubad na siya sa puti rin niyang brief na dahil nabasa ay parang nakikita ko na ang itinatago. Nahiya ako sa tinitingnan ko. Hinawi niya ang buhok na tumatama sa mukha at ngumiti siya sa akin. Natunaw ako. 

Marahil ay hindi niya iyon napansin. Sana hindi niya napansin. Agad siyang tumalon at umikot sa ere. Ang linis ng dive niya. Parang sanay na siya. Bumalik siya sa may tumbang puno at tumayong muli. Inayos niya ang brief na parang natanggal sa kanyang pagkakatalon kanina. Bakit ko napapansin ang mga ganung detalye sa kanya?

“Halika,” aya niya. “Turuan kita.”

Umiling ako.

Siya na lang ulit ang tumalon. Ang galing niya. Ang linis na bagsak. Kaunting tubig lang ang tumalsik pagpasok niya pailalim.

Ngunit mga ilang sandali na ang lumipas, hindi pa rin siya umaahon. Nakaramdam ako ng panic. Sumisid ako at hinanap siya sa ilalim. Baka tumama ang ulo niya sa bato pag dive niya. Baka naipit sa mga sanga sa ilalim ang paa niya. Baka nalulunod na siya.

Papailalim ako nang makita ko siyang papaakyat naman sa akin. Nakangiti. Parang hinintay talaga ako.

Nang paahon na ako ay pumailalim siya sa akin. Magkarap kami sa ilalim ng tubig. Magkatitig. Alam kong mabilis ang langoy namin, ngunit parang nakikita ko ang detalye ng bawat galaw ng aming katawan. Ang bawat expressions ng kanyang mukha. Hanggang sa makalabas ang ulo namin sa tubig at makalanghap na muli ng hangin.

Tumalikod na si Jessie at lumangoy papunta sa gilid ng tubig. Sumunod ako. Malalim pa rin sa bahaging iyon, pero may mataas na batong pwedeng tuntungan at pahingahan. Doon sa bahaging iyon, hanggang balikat lang ang tubig. Tumayo si Jessie doon. Maliit lang ang tuntungan kaya pagdating ko, naghati kami sa kinatatayuan namin.

Matagal na panahon kami doon. Ako, tinitingnan ko ang reflection ng buwan sa tubig. Magical. Nakakakalma, nakakawala ng lahat ng bumabagabag sa isip.

Siya, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

“Giniginaw na ako,” sabi ko. Marahil ay may katagalan kaming steady lang. At nang gumalaw ako nang kaunti ay nadulas ang paa ko. Nanigas.

“Ouch,” napapikit ako. Pinupulikat ako.

Humarap si Jessie sa akin at ibinigay na ang tuntungan para sa dalawa kong paa.

“Unatin mo lang ang leg mo, then stretch the toes up,” sabi niya.

Sinunod ko siya. Alam kong pinapanood niya ang mukha ko para malaman kung umaayos na ang pakiramdam ko, kung nawawala na ang sakit. At nang parang nabawasan na ang sakit, nagyaya na akong umahon.

“Tara na,” sabi ko. “Malamig na talaga.”

Pero hindi siya natinag. Nanatili si Jessie sa harap ko. At imbes na lumayo ay lumapit siya sa akin. Yumakap. Nasa ilalim ng mga braso ko ang kanya nakabalot niyang mga braso sa katawan ko. Nakadikit ang pisngi niya sa pisngi ko.

Hindi ko alam kung nagyelo na ako sa lamig dahil hindi ako makagalaw. O hindi ako makagalaw dahil hindi ko naiintindihan ang ginagawa ni Jessie. Hindi rin ako makapag-isip. Hindi ko ito inaasahan.

Hanggang sa may mainit na hangin ang dumampi sa aking leeg, at alam kong sumunod sa mga hininga ni Jessie, labi na niya ang humahalik doon.  Naramdaman ko ang marahan at malambot niyang mga labi, ninanamnam ang aking balikat, leeg, panga papunta sa aking mukha.

Doon ako nagising. Hindi pwede to.

“Jessie, hindi ganito… Huwag.”

Pero hindi tumigil si Jessie.

Iniangat ko ang aking kamay at tinulak ang katawan niya sa katawan ko. Ngunit mas humigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin.

Patuloy ang paghalik niya. At tinutunaw ng bawat pagdampi ng labi niya sa katawan ko ang nanlalamig kong pakiramdam. Unti-unti nga, maging ang mga bahagi kong nasa ilalim ng tubig ay nag-iiba na rin ang pakiramdam. Parang tinatanggap ng katawan ko ang init mula sa para na ngayong nagbabagang katawan ni Jessie.

Marami akong dahilan para hayaan si Jessie na magpatuloy. Pero nilabanan ko pa rin. Mahal ko si Gabriel. Mahal ko si Gabriel. Iyun lang ang katapat nang napakaraming dahilan para magpaubaya.

Alam kong ikasisira namin ito ni Gabriel pero gusto ko ang ginagawa sa akin ni Jessie.

Malakas si Jessie. Ang mga halik niya ay napunta na sa aking mga labi. Ngunit kahit pinipilit ng labi at dila niyang ibukas ang sa akin, hindi ko magawa.

Kapag nagpaubaya ako kay Jessie. Para na rin akong pumili, hindi ko pa man alam kung mayroon akong mga pagpipilian.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With All The Distractions

CHAPTER 32

Balik ako sa drawing board.

Kinalimutan ko muna ang lahat nang nangyari noong gabing iyun. Mabilis dumaan ang oras at araw at naka-indian seat na ako sa harap ng building namin. May drafting board sa harapan, at sa tabi ko, mga lapis, rulers at pambura. Nakakalat din sa tabing kalsada ang iba ko pang kaklase. Esquisse namin ngayon. Isa sa mga exams ni Sir Cabalfin sa monochromatic rendering. Kailangan naming i-drawing ang building gamit ang iba’t-ibang lapis.

Nasa kabilang kalsada kami ng gusali kaya’t may mga sasakyang dumadaan sa pagitan namin at ng subject naming building.

“Mas malayo sa light source, mas madilim. Pero hindi pwede biglaan ang pagka-dark lalo na kung smooth surfacre ang tinatamaan, magmumukhang may kanto. Dapat may gradient, gradation,” explain ni Sir Cabalfin.

Gradient-gradient. Bakit ba kailangang monochromatic pa ang mga bagay-bagay? Lalo lang akong nalilito. May black and white na, may mga gray shades pa in between. Kung black, black na lang. Kung ayaw, ayaw na lang.

Kung hindi ka sasagot ng tawag ko, ng mga text ko, ng mga pagpaparamdam ko, e sabihin mo na lang na ayaw mo na. Huwag yung tatlong araw na, hinayaan ko na, atsaka ka magpapabalik-balik sa harap ko, dinidistract ako sa araw ng exam.

“Nagpapadistract ka naman?” sabi ni Sir Cabalfin nang lumapit siya sa akin. “Eight times nang umikot ang kotse ni Gab-Gab mo. Ako na ang nagbibilang. Tapusin mo na yan para maharang mo na siya at makausap.”

“Sorry po,” sabi ko kay Sir.

“Push mo na yan. Sige na.”

Pababa nang building kanina, tinanong na ako ni sir kung ano ang problema ko. Halata siguro masyado. Nagcontact lense na nga ako at nagshades pero kita pa rin ang eyebags ko.

Kahit may sarili na kasi akong kwarto ay hindi ako makatulog sa Paranaque pag-uwi namin mula Pangasinan. At nang mapapikit na ako, ginising na agad ako ni Mama. Pagkatapos maligo, inihatid na niya ako sa campus. Nakatulog din ako nang kaunti sa sasakyan. Pero pagising-gising. Dahil kakukwento ni Mama. Na tinuruan na siyang magmaneho ni Tito Raul. Na mabuti at nagkakasundo kami ni Jessie.

Nagkakasundo nga ba?

Sa totoo lang, yung totoo lang talaga, mas pipiliin kong binugbog na lang niya ako doon sa falls eh. O kahit paglulublubin niya ako dun sa tubig. Tantyado ko na yung mga pananakit niya. By now, wala na siguro akong iniinda. Pero hindi eh. Hinalikan niya ako.

Hinalikan niya ako.

Pero hindi ko siya hinayaan. Mas pinili kita Gabriel. Inisip kita. Alam kong magagalit ka kaya’t tinulak ko siya. Ikaw Gabriel ang pinili ko, tapos gaganyanin mo ako, hindi mo sasagutin ang mga tawag ko.

“Dear wag mong ibuhos sa esquisse mo ang pandidilim ng iyong paningin,” sabi ni Sir Cabalfin. “That’s too dark.”

Dumaan lang si Sir at lumampas na sa akin. Tulad ng kotseng ito. Ayan na naman. Pang siyam na. Kahit na iwasan ko, nagpapapansin ang biglang pagbagal ng kotse niya at paglampas ng building, bibilis.

“Nakaalis na sina Arvin at Jobi,” sabi ni sir Cabalfin. “Nagpaalam sila sayo, dinedma mo.”

“Sorry po,” sabi ko ulit.

“Mabuti na lang at hindi speed test ito,” sabi ni Sir. “Sige na, konti na lang yan. Pasalamat ka at magaling ka, at di keri itumba nang distractions ang plates mo. Ambagal mo nga lang today.”

Siguro sinasadya ng katawan kong bagalan ang esquisse. Mas gusto kong ito na muna ang isipin ko buong araw. Kahit papaano, ito, walang tanong, walang pangamba, walang takot sa kung anuman. Totoo naman si sir, kung normal na araw ito. Kung hindi ako nakipaghalikan kay Jessie noong weekend, eh isang oras lang, nagpapaalam na ako kay Sir.

Teka, may mali doon sa naisip ko. Hindi kami naghalikan, hinalikan ako ni Jessie at tumanggi ako. Tinaggihan ko si Jessie. At kung hindi niya sinimulan iyun, hindi ako hahalik sa kanya.

Mas gugustuhin ko ang matitigas niyang kamao kesa sa malambot niyang labi. Na panandalian akong pinalimot sa bawat pagdampi at nag-iwan ng ala-alang hindi ko alam kung saan ko itatago. Ang marahan niyang paghalik na susundan ng pagsipsip na may dahas sa aking labi. Oo, napapikit ako, para walang makita kung may nakakakakita man, parang maging akin lang ang sandaling iyun, at sa halik. Isang sandali para sa akin at sa halik.

Pero sandali lang iyun, na hindi ko kasalanan, dahil hindi ko iyun masusundan kung hindi inumpisahan ni Jessie.Hindi ko kailangan maguilty kay Gabriel. Hindi ako namoroblema ngayon kung saan ako uuwi ngayon.

Papapasukin pa ba ako ni Gabriel kung kakatukin ko siya? Sa telepono nga lang niya, hindi na niya ako masagot, sa pinto pa kaya ng bahay niya?

Lalong hindi ko kakayanin ang awkwardness sa bahay ni Tito Raul. Hindi ko kakayanin ang pagkahomophibic niya at ang undefine, indefinite, unexplainable phenomenon na itago natin sa katauhan ng anak niyang si Jessie. Pinag-usapan ba nila itong mag-ama? Ito ba ying binulong ni Tito Raul sa kanya, na manyakin ako pagdating sa falls?

Kaya nga nung gabing iyun, umahon ako agad at nagbihis. Wala na akong pakialam kung basa ang brief ko. Sumunod si Jessie na ganun din ang ginawa.

“Sorry,” sabi niya.

“Tara na, umuwi na tayo,” yaya ko.

Para namang may pagpipilian ako kundi sumabay pa rin sa kanya pauwi.

Hindi na binilisan ni Jessie ang pagpapatakbo ng motor. Tama lang. Hindi ko kailangang humawak sa kanya. Wala nang usapan.

Pilit kong binuksan ang telepono ko, pero lobat talaga. Pagkauwi, yun ang una kong ginawa, nag-charge. Tinawagan ko agad si Gabriel. Pero hindi siya sumasagot. Tinawagan ko ulit siya hanggang sa hindi na kayanin ng baterya kahit nakacharge ang pagtawag. Drained na yata.

“Five minutes,” sabi ni Sir Cabalfin.

Nilagay ko na ang pangalan ko. Student number. Title ng plate at pangalan ni sir. Pagkatapos nun, nagpaalam na ako kasabay nang pag-aabot ng plate sa kanya.

“Sir,” sabi ko. “Sorry po. Hindi ko rin kasi alam kung paano sasabihin.”

“Keri lang, Alex,” sabi ni sir. “May mga kwento tayong pilit pa rin nating inaayos para maging katanggap-tanggap para sa sarili natin. Kahit minsan, tayo pa ang may kagagawan sa kwentong yun.”

Niligpit ko na ang mga gamit ko. Nilagay ang mga lapis, ruler, pambura at iba pang tools sa bag, at inilagay ko na sa likod. Isinukbit ko na rin ang t-square ko at canister sa kaliwang balikat. Ang drafting board ko, buhat ko sa kanang kamay.

Naglakad na ako papunta sa sakayan. Sakayan papunta kung saan, hindi ko alam. Bahala na ang paa ko, kung saan nila trip, doon na rin ako.

Hanggang sa may kotseng bumusina. Bumagal ang takbo. Sinabayan ako. Huminto.

Hindi ko pinansin. Naglakad pa rin ako. Tapos na ang paghahabol ko sa kanya para magkwento. Oo, magkwento, hindi magpaliwanag. Wala akong ipapaliwanag. Pinili ko siya. At ikukwento ko lang naman kung paano ko siya pinili, tapos ayaw niyang sagutin ang telepono.

Umandar ulit ang kotse. Binuksan na ang bintana. Sinabayan ako sa paglalakad.

“Sakay na,” sabi ni Gabriel.

Hindi ako tumigil.

“Will you choose him again over me?” tanong ni Gabriel.

Aba, ang kapal ng mukha. Parang nanigas ang paa ko sa tanong na iyon. Humarap ako kay Gabriel humawak ako sa bintana ng kotse niya at dinukwang siya sa loob.

“Anung will you choose him again ka dyan?” sabi ko. Ang init ng tenga. Ito pala yung pakiramdam ng poot. Yung feeling na mas mataas ng isang level sa galit. “Pinili kita. Pinili na kita!”

“Then prove it. Dito ka naman sumakay sa akin! It will be too much to watch you again ride on that motorcycle!”

Hindi humaharap si Gabriel. Tumingin siya sa rear view mirror bago yumuko sa steering wheel. Mahigpit ang kapit niya sa manibela.

Atsaka ko lang narinig ang papalit na motor. Iyun pala ang tiningnan niya.

Paparating ang isang motor, si Jessie ang nakasakay.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Way of Being Sorry

CHAPTER 33

Nakahanda na ang kamay ko sa hita ko. Na kapag pumatong ang kamay niya sa akin ay handa ko nang alisin. Pero hindi niya iyun ginawa. Mas lalo akong nainis. Pinaghihintay niya ako sa wala.

Sa labas na nga lang ako ng bintana nakatingin, pero walang kahit ano sa labas ng kotse ang makakaalis sa bagay na iniisip ko. Naiinis ako kay Gabriel. Na sa mga nakaw kong pagtanaw sa kanya ay hindi ni minsang humarap sa akin. Pinasakay pa niya ako sa kotse niya, e hindi naman ako kakausapin.

May linya pa siya kaninang, “Then prove it. Dito ka naman sumakay sa akin! It will be too much to watch you again ride on that motorcycle!” Tapos ngayong nakasakay na ako sa kanya, ito pagmumukain lang niya akong tanga.

Pinaghihintay niya ako, e nandyan na siya. Katabi ko na siya. Hindi man lang makapagsabi nang kumusta, hindi man lang madampian ang kamay ko, ang hita ko. Na kung normal na araw naman, e lagi niyang pinipisil at pinanggigigilan. Ngayon wala. Naku, mapapalo ko talaga ang kamay niya sa oras na humawak sa akin.

Hanggang sa huminto siya. Nasa parking area kami ng soccer field ng university. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Nasa mga naglalaro ang kanyang mukha, pero sa tingin ko, hindi naman niya pinanonood ang mga yun.

Naramdaman ko na lang ang kamay niya humawak sa hita ko. Ang kanina ko pang hinihintay na gagawin niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Pero hindi ko nagawang alisin, hindi ko mapalo. Namiss ko na ang paghawak niyang ito.

“I’m sorry,” sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit iyun ang nasabi ko. Wala akong planong humingi ng sorry. Wala akong ginawang masama, pero sa paghawak niya, nawala lahat ng katigasan ko. Sumuko na lang. Ito ba ang pagmamahal?

Hindi ako makaharap sa kanya. Hindi rin siya humaharap, pero pinihit niya ang kamay niya, na mula sa hita ko ay humawak na sa kamay ko.

“Galit ka?” tanong ko. Tiningnan ko si Gabriel. Pero hindi pa rin siya humaharap sa akin.

“Galit ako,” sagot niya. Pero walang tigas ang kanyang pagkakasabi. Wala ring pagmamahal. Bumuntung hininga at nagsalita ulit. “Galit na galit ako.”

“I’m sorry,” sabi ko ulit. “Pero ilang beses kitang kinontak. Nagtext ako sa’yo. Nagtext ako. Hindi ka nagparamdam. Hindi mo ako pinansin.”

Hindi nagsalita si Gabriel.

“Nagalit din ako,” sabi ko kay Gabriel. Unti-unti kong binawi ang kamay kong hawak niya.

Nanatili kaming tahimik habang pinapanood ang mga naglalaro ng soccer sa field. Pero hindi naman talaga kami nanonood. May ibang naglalaro sa aming mga isipan. Mga kwentong gustong kumawala ngunit hindi alam kung paano lalabas.

“Bakit?” tanong ko na lang. Basag ko sa katahimikan.

“What do you mean, bakit?”

“Bakit ka galit? Eh ako ang iniwasan mo nang matagal. Ilang araw, Gabriel. Andami kong gustong sabihin, ang dami kong isusumbong, wala akong masabihan, andami kong iniisip pero wala ka para.. Para masabihan ko. Sinanay mo akong laging nandyan ka, tapos bigla mo akong iiwang nag-iisa.”

“Then tell me now. Para hindi ka na galit. Ako na lang.”

“Wala na. Kinalimutan ko na lang lahat.”

“Then we have nothing more to talk about.”

“Siguro nga.”

Pinaandar na ni Gabriel ang makina ng sasakyan.

“Gabriel,” sabi ko. “I’m sorry.”

“May class ka pa?” tugon niya sa paghingi ko ng tawad.

Hinatid niya ako sa klase ko. Pagkatapos ng class, nasa tapat na ulit siya ng building. Naghihintay.

Napaisip pa ako. Sasakay ba ako? Pwede naman kasing hindi. Wala si daddy sa bahay ni Kuya. Gabi pa uuwi. Pwede na akong matulog bago pa man niya ako abutan. Takas drama. Sa lahat ng drama. Kay Gabriel, kay Tito Raul at sa anak niya, at kahit sa Daddy ko.

Pero tuluy-tuloy ang lakad ko na parang may magnet ang kotse ni Gabriel at ang mga paa ko ay bakal na hindi makatakas sa lakas ng hila.

Binuksan ko ang pinto ng kotse. Pumasok ako.

Hindi ako tumitingin sa kanya. Pumatong ang kamay ko sa hita niya. Hinintay kong hawakan niya. Pero wala.

“Where are you going home?” tanong ni Gabriel.

Napahinga na lang ako nang malalim. May tumulong luha sa mata ko. Pumutok ang boses ko sa pagsasabing, “Sa’yo.”


Nasa tapat ng building ang kotse ni Gabriel, hinhintay ako Nagpark. Umakyat ng elevator. Pumasok sa unit.

“Let’s go.” “Bilis.” “Please lock the door.” “Bihis lang ako.”

Para siyang robot na walang emosyon ang mga kilos at pagsasalita. Hindi ako sanay. Kung gaganituhin lang pala niya ako, sana sa iba na lang ako tumuloy, kay Kuya na lang sana. Sana talaga. Nakakainis.

“I’ll just fix myself, then you take a bath na rin,” sabi ni Gabriel, paglabas ng kwarto na nakatapis na lang.

Kung akala niya e mawawala ang inis ko sa ganda ng katawan niya, nagkakamali siya. Pero siguro, nawala na ang poot, nawala na rin ang galit. Naiinis na lang ako dahil ginaganito niya ako. Kung anuman ang tawag sa pantatratong ito, hindi ko alam. But I don’t deserve this.

Nawala na naman ang mga iniisip ko nang balutin ng bango ang kwarto sa kanyang paglabas sa banyo. Yung shampoo niya, yung sabon, yung deodorant niya, sama-sama. Niyayakap ako. Tinatawag ako para yakapin siya, pero hindi ko gagawin. Hindi ako magpapadistract sa kanya. Naiinis ako. Hindi niya ako kinausap nang matagal, tapos siya pa ang galit, at ayaw pa niyang sabihin kung bakit. Napakaarte.

Kinuha ko na lang din ang towel at sumunod na ako sa banyo. Naiwan pa sa loob nun ang amoy niya. Na kahit magdadalawang buwan na kaming nagsasama ay kinahuhumalingan ko pa rin talaga.

Pagkatapos maligo, paglabas ko ng banyo, nakahain na sa hapag. Nagluto na siya ng corned beef at ako na lang ang hinhintay.

“Let’s eat first,” yaya niya.

“Sige, hindi pa ako gutom.” Sinubukan kong gayahin ang walang emosyon niyang pagsasalita. May issue kami, alam ko, pero nagagawa pa rin niyang maging simpatiko. Maging gwapo. Na parang normal na araw, pero ang totoo, nararamdaman ko pa rin ang nais niyang iparamdam. Sinasabi niyang galit siya pero hindi ito ang galit na akam ko. Ginugulo niya ako.

“Kumain na muna tayo.”

“Okay po.”

Umupo na ako at kumain.

Hindi siya nagsasalita. Sumusubo. Ngumunguya. Lumulunok. Iinom ng tubig. Papahinga. Tapos ganun ulit.

“Galit ka pa rin ba?” tanong ko. Kasi namam, hindi naman ito gawain ng couple na magkagalit. Pinagluto pa ako. At masarap. Sa TV kasi, kapag galit ang nagluto, may pait na halo, ito wala, parang puno pa rin ng pagmamahal. Para sa ginisang corned beef, ha.

“Galit na galit pa rin ako.” Matter of fact na pagsasabi niya.

“I’m sorry, Gabriel.”

Tahimik.

“Bakit?” tanong niya.

“Kasi nagagalit ka.”

Tahimik ulit.

Tuluy tuloy lang siya sa pagkain. Dapat nawawalan na siya nang gana kumain sa galit niya. Pero iba ito, ha.

“Why?”

“Anung why?”

“Why? Bakit? Bakit ako galit?”

“Hindi ko alam sayo.”

“Then you’re not sorry.”

“I am.”

Sumubo siya. Lumunok. Uminom ng tubig. At sa napakamahinahong paraan.

“You can not be sorry be for things you dont understand. You are sorry for things that you didn’t mean. For things that caused damages to someone. And you only say sorry if you are willing to fix those damages. Damages that you can not fix if you don’t understand what caused them in the first place.”

“Ikaw ang galit, ako ang dahilan. Hindi ko lang alam kung bakit. And I am sorry dahil hindi ko alam. Sabihin mo sa akin. Tapos susubukan Kong ayusin. I’ll fix it.”

Ibinaba na ni Gabriel ang mga kubyertos niya. Tumingin siya sa akin. Nagsisimula nang mabasa ang mga mata niya. May kinang na nang luhang maaaring tumulo kapag napuno. Nag-iba na rin amg boses niya.

“Alex, you don’t call me for help and then drop a text that you’re okay. Have you any idea how worried I was. Lalo pa nang naubos na ang batteru mo at hindi na nagriring ang phone mo. And the last thing I heard was a raging motorcycle aand i am so sure that it wasnt your mom’s. You were with that Jessie. And I was calling you, sending you tons of messages and you weren’t responding.”

Ibinalik ni Gabriel ang gabing nakaangkas ako sa motor ni Jessie. Inalala ko ang lahat. Atsaka ako sumagot.

“Pero okay na kasi ako. Kaya ko na naman. Kaya sabi ko, okay na.”

“You weren’t okay. You will never be okay when you are with Jessie.”

“Bakit hindi, may nangyari ba sa akin? Buung-buo naman ako ngayon ah, walang galos.”

“Then why did you not answer my call?”

“Ikaw na rin ang nagsabi, alam mo naman, hindi ko naman tinago. Kasama ko si Jessie. At sinabi niya, huwag kong sagutin ang telepono.”

“And that’s the reason why I am this galit na galit. You choose him over me.”

“Hindi ko siya pinili.”

“Natakot ka sa kanya, Alex. At pinili mo yung takot na yun. You chose your fear of Jessie over what I would feel.”

Hindi ko inaasahan ang paliwanag niyang iyun. Totoo naman ang sinabi niya. Mas natakot ako, kesa mas minahal ko si Jessie nang mga oras na hindi ko sinasagot ang telepono ko. May karapatan siyang magalit. At naiinis ako sa sarili ko na hindi ko iyun naisip noon.

“I’m sorry, Gabriel.”

Nakayuko lang ako. Hindi ako makatingin sa kanya.

Hindi na nagsalita si Gabriel. Huminga lang muli siya nang malalim. Tumayo siya. Pumasok sa kwarto.

“I’m sorry, Gabriel,” ulit ko.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One On Top

CHAPTER 34

Patay na ang ilaw sa kwarto. Night lamp lang ang bukas, at iyun, kasama ang buwan, ang nagbibigay ng liwanag sa gabi. Sapat na iyun para kay Gabriel na naabutan kong nakasandal sa headboard ng kama, nagbabasa. Wala siyang pang-itaas at natatakpan lang ng kumot ang kanyang harapan na hindi ko rin alam kung may suot o wala. Nakalabas sa kumot ang kanyang maputi at mabalahibong binti. Nasa libro ang focus niya. Pero nang napansin niyang nasa kwarto na ako, binaba niya ang binabasa.

“Let’s rest,” sabi niya. “It’s been a long day.”

Mahaba nga ang araw. Matapos ang usapan namin kaninang kumakain, inabutan ko na siyang nagbabasa. Nagbihis ako sa harap niya na hindi ako pinapansin. Nagpaalam akong magpapahangin. Tumango lang siya. At ngayong nakabalik na ako. Malamig pa rin ang turing niya sa akin.

Pumunta ako sa cr. Naghugas ng paa. Tumabi na ako sa kanya. Tulad niya, boxer shorts din ang suot ko. Pero hindi ako nagtanggal ng sando.

Bumaba naman siya para mahiga na rin. Nakahiga siya, ako nakatalikod sa kanya.

Pareho kaming hindi gumagalaw. Mga paghinga lang namin ang maririnig na minsan ay bigla na lang lalalim. Naghihintayan kaming makatulog ang isa’t-isa. Pero malabong mangyari iyon na mayroon kaming dinadala. Sana, pareho nga kami. Sana hindi ako lang ang may iniisip. Kaya lang, medyo tumatagal na at at mas nagiging malamig pa sa gabi ang aming kama.

Isang malalim pang paghinga mula kay Gabriel. Nagsalita na ako.

“Nakakailang sorry na ako, Gabriel. Gusto ko nang ayusin ito. Sabihin mo na lang kung paano, please. Ayoko nang ganito tayo. Ang lamig-lamig mo. Ang sungit-sungit mo. Hindi yan ang kilala kong Gabriel.”

Ipinailalim niya ang kaliwang kamay niya sa ulo ko. Ang kanang kamay naman niya, yumakap sa akin at gumabay sa katawan ko para mahiga ako sa braso niya. Ibinigay ko naman.

Ilang sandali kami sa ganoong posisyon. Tahimik pa rin. Naririnig ko na ang mga dumadaang sasakyan sa kalsada. Naririnig ko rin ang paminsang paggana ng elevator. Andami ko nang naririnig, pero wala sa lahat ng iyon ang gusto. Wala ang boses ni Gabriel.

Naghintay pa rin ako pero wala. Iniangat ko ang ulo para kunin na ni Gabriel ang braso niya. Hindi niya ginawa.

“Mangangalay ka,” sabi ko.

Tinapik na lang ni Gabriel ang kanyang kaliwang dibdib. Tinuturo na doon ako mahiga. Huminga ako nang malalim. Tiningnan ko siya. Hindi siya tumitingin sa akin. Ginalaw na niya ang kaliwang braso, iniuusog ako sa dibdib niya.

“Hay,” sabi ko, kasabay nang aking paghinga. Wala akong nagawa. Sumunod na lang ako.

At unti-unti, napapikit ako. Napayakap na kay Gabriel. Ito ang lugar ko. Ito ang uwian ko, ang kanyang dibdib, katabi ng kanyang puso. Ito ang init na hinahanap ng katawan ko, na tumutunaw sa lungkot, takot at lahat ng problema sa mundo.

Hinalikan niya ako sa noo.

“I missed you so much,” sabi niya. At niyakap niya ako nang mahigpit. Yumakap din ako nang singhigpit.

“Miss na miss din kita,” sagot ko.

“Sorry for ignoring you. Sobrang galit ako sa pagtalikod mo sa akin. Kaya inubos ko muna. I kept it to myself thinking that it will eventually fade away. Para pag kinausap kita, hindi na ako galit, okay na ako. But it won’t. Sobrang sakit kasi, Alex… Babe.”

Nakahiga ako sa dibdib niya at nakikinig sa kanya. Hindi ko mapigilang maiyak. Miss na miss ko na si Gabriel.

Tumuloy siya sa pagsasalita.

“And i just have to talk to you dahil mas miss na kita kesa galit ako. Hoping na pag nakita mo ako, kahit galit sayo, e mapapatawad mo pa rin ako. Na kahit awayin kita, eh maiintindihan mo ang pinanggagalingan ko.”

“I’m really sorry, Gabriel,” sabi ko.

“No, Babe, I’m sorry. Napabayaan kita.”

Umangat ang mukha ko at humarap sa kanya. Sinalubong niya ako ng halik. Sinipsip ng labi niya ang labi ko. Kinasasabikan ko ito, kaya’t ginantihan ko ang bawat tulak ng kanyang labi nang mas maiinit pagdampi.

Nagustuhan ni Gabriel ang pagganti ko.

“I miss you so much, Babe,” bulong ni Gab. At mas naging madiin ang mga halik niya.

Mula sa pagkakatagilid ay inihiga ako ni Gabriel. Pumatong siya sa akin at hinawi ang buhok na tumatakip sa aking noo. Tinitigan niya ang mukha ko. Punung puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata. At napansin ko ang kanyang kagwapuhan. Lumiliit ang kanyang mga mata, bumibilis ang kanyang paghinga. Hanggang sa mapakagat siya ng labi.

“How can i resist those parted lips.”

Bumaba muli siya sa akin at hinalikan ang aking mga labing hindi ko napansing nakabuka sa paghanga sa mukha ni Gabriel. Sandali siyang tumigil. Umangat.

Itinaas niya ang sando ko at isinukbit sa batok ko. Pinagmasdan niya ang aking katawan. Gustung gusto niya ang kanyang nakikita. Alam ko iyon base sa kanyang ngiti. Napansin din niya kaya naman bumalik siya sa aking mga labi.

Ipinailalim niya ang kaliwang kamay sa ulo ko para mas maidiin ang mga halik ko sa kanya. Lumilikot ang kanyang dila, itinutulak ang dila kong lumalaban sa kanya. Paminsan naman, hahayaan niyang makapasok ang dila ko sa bibig niya, at sisipsipin niya ito.

Sa mga pagkakataong ganito ko nararamdaman na pumipintig ang aking harapan. Lalo pa’t gumagapang ang kanang kamay ni Gabriel sa aking tagiliran.

Nakapagitna na siya sa aking mga hita. At gumapang ang kamay niya sa aking kanang binti. Inalalayan ito papunta sa kanyang likod. Sumunod ang aking kaliwa hanggang sa nakabalot na sa katawan ni Gabriel ang aking mga binti.

Umindayog siya at nagtama ang aming matitigas na harapan.

Napaungol si Gabriel sa ginagawa niya. At mula sa aking labi, bumaba ang mga halik niya sa aking leeg.

Balikat naman niya ang aking hinalikan. Nilasahan ko ang bahaging iyon, sinipsip, kinagat. Ang sarap na pinadarama ng mga halik ni Gabriel ay naging gigil na siya namang iginanti ko sa kanyang balikat.

Tinuloy ko iyon sa kanyang leeg.

“Ahhh,” isang maiksi at impit na sabi ni Gabriel.

Isa sa mga kahinaan niya ang leeg. Naramdaman ko siyang inilalayo ang sarili sa akin dahil marahil sa labis na sarap. Alam ko dahil kahit na napatigil siya sa pag-indayog sa ibabaw ko, ay nararamdaman ko pa ring pumipintig ang kanya.

Ginamitan ako ng lakas ni Gabriel. Inalis niya ang kamay sa ilalim ng ulo ko at inilipat iyun sa aking mga kamay.

Nang natiyak niyang hindi na ako makakapalag ay sinimsim niya ng halik ang aking leeg. Ginantihan niya ako ng mga ilang pagkagat at pagsipsip.

“Tama na, Gab,” sabi kong sarap na sarap sa ginagawa niya.

Umangat ang ulo niya. Tumitig, bago mas hinigpitan ang pagkakagapos ng kaliwang kamay niya sa mga kamay ko.

Bumalik siya sa leeg ko at ang kabilang bahagi naman ang pinagtuunan ng pansin.

Sumunod na naramdaman ko na lang ay ang kanyang kamay sa loob ng aking boxer shorts. Hawak-hawak na niya ang aking katigasan.

Tumigil sa paglaban ang mga braso ko sa diin nang pagkakahawak ni Gabriel at nang gawin ko iyun ay pinakawalan na niya ako.

Ginamit ko ang mga kamay ko para tanggalin ang shorts ni Gabriel. Pagkababa niya ay lumabas matigas na rin niyang pagkalalaki.

Iniangat naman ni Gabriel ang dalawa kong paa at iniangat ang aking shorts. Pumatong siya sa akin muli. Hinawakan ang aming nakalabas ng mga harapan sa kanyang kanang kamay. Sabay niya iyong itinaas-baba.

Napapikit ako sa ginawa niya at sa pagdilat ko, nakita ko siyang nakatitig muli sa akin. Tinitiyak na nagugustuhan ko ang galaw ng kanyang kamay.

“Wait, Gab, baka matapos ako,” bulong ko.

Bumitaw si Gab at humalik muna sa akin. Pero pagkakataon ko na. Siya naman. Umupo ako hanggang sa magkaharap kaming naghahalikan. Itinayo ko siya, sabay kami sa kama. Tuloy ang mga halik habang isinasandal ko siya sa headboard, at nang nandun na siya, bumaba ang mga halik ko sa kanyang leeg.

“Uhm,” napaungol na si Gabriel pero tahimik lang. Gusto kong lakasan niya.

Bumaba ako sa kanyang dibdib at binigyan ng atensyon ang mga dulo noon. Sinipsip ko at pinaglaruan ng dila.

Nakukuha ko ang gusto ko. Lumalakas ang mga halinghing ni Gabriel.

Ibinaba ko pa ang paghalik ko sa kanyang abs. Dinilaan ko amg mga guhit noon na nagsisimula nang lumabas. Mga halik pababa sa kaunting buhok sa kanyang tiyan.

Ipinatong ni Gabriel mga kamay niya sa balikat ko. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Nararamdaman ko na ring kusang gumagalaw ang matigas na matigas niyang hinaharap, timatama sa aking baba.

Lumuhod ako at hinawakan si Gabriel. Dinilaan ko ang nakalabas na bahagi sa aking kamay. Sa ilalim papunta sa ulo nito. Sa gilid papunta ulit sa ulo. Pinaikot ko ang dila ko sa ulo. Hinalikan at tumitig sa kanya. Ang ganda pagmasdan ni Gabriel.

Itinaas ko ang kanyang ari hanggang sa wala nang nakaharang sa nakabagsak na dalawang balls. Wala itong buhok. Laging tinitiyak ni Gabriel na malinis ang mga ito. Gustung gusto ko naman. Kaya dinilaan ko rin. Ipinasok sa bibig ang, tapos ang, tapos sabay.

“Ahh, Babe.”

Nang matapos ako sa mga balls, dinilaan ko ang kahabaan ni Gabriel, mula sa base papunta sa itaas. Hawak ko ang kalahati at ang kalahati ay sinubo ko. Taas baba ang mukha ko sa harapan ni Gabriel.

Napatingala si Gabriel. Umuungol na siya. Inalis niya ang kamy kong nakahawak sa kanya. Inilagay sa gilid ng kanyang pwet. At ang mga kamay niya, humaplos sa gilid ng aking mukha. Hawak niya ako habang siya naman ang umulos sa aking bibig.

Halos maduwal ako sa ginagawa ni Gabriel. Pero sa pagkakataong ito ay parang bumibigay na rin siya, kung sa mga noon ay titigil siya para tiyaking ayos lang ako, ngayon ay mas lalo siyang ginanahan. Ginanahan din ako dahil buong buo na ang panhalinghing ni Gabriel.

“Ahhhhhhhhh,” sabi ni Gabriel. “God you’re good.”

Tinuluy-tuloy ko ang pagsubo sa kanya. At nakakuha din ang ng saya sa tuwing babaon nang malalim sa loob ng bibig ko si Gabriel. Pero parang nagsawa siya.

Inalis niya ang sarili sa akin at inihiga ako. Nagmamadali siya. Naging mas marubdob ang mga halik niya sa bibig ko nang pumatong siya sa akin. Mula sa.bibig, pumunta siya sa aking leeg, hanggang sa dibdib. Nagtagal siya sa dibdib ko.

“Gabriel, ahhhhhh,” napapaungol ako. Isa ito sa mga pagtatalik na dalang dala ako sa mga nangyayari.

Naramdaman ko na lanmang na hindi na kamay niya ang nakabalot sa aking harapan kundi ang maiinit at basa niyang bibig. Halos maubo rin siya tuwing ibabaon niya ang akin sa kanyang lalamunan.

“Ahhh,” sabi ko. “Gab, ang sarap.”

Basang-basa ang aking harapan sa mga laway at sa kung anupang lumalabas sa bibig ni Gabriel. At ginamit niya ang mga iyun para masahihin ang aking likunan.

Naramdaman ko unti-unti ang kakaibang sarap nang habang subo ako ni Gabriek ay may daliring pumasok sa aking butas. Sabay ang bibig niya sa galaw ng kanyang daliri.

“Anung ginagawa mo Gab? Ang sarap. Fuck!”

Inalis ni Gabriel ang mukha sa hatapan ko at umangat sa aking dibdib. Sinipsip niya ang aking utong habang patuloy ang pagdaliri niya sa akin.

May kakaibang pakiramdam ulit nang hugutin ni Gabriel ang kanyang daliri palabas sa akin.

“Ahhh,” impit kong ungol.

Mas tumindi ang sipsip niya sa dibdib ko. Pero may hinahahanap ang aking likuran. Gusto ko ang ginawa ni Gabriel kanina.

Hindi na niya ako pinaghintay, muling pumunta anh kamay niya sa likuran ko, at mas malaki ang naramdaman kong pumasok sa aking butas. Hindi na ito isang dalari lang.

“Ahhhhhhhhhh,” ungol ko nang magpaikut-ikot ko sa loob ang dalawa sigurong daliri na ni Gabriel.

“Babe, just tell me if it hurts, okay,” bulong ni Gabriel.

Tumango lang ako.

Tinanggal ni Gabriel ang kamay sa likod ko. Pumunta siya sa harapan ko at ibinuka ang aking mga binti. Dumura siya sa kamay at hinawakan ang sarili. Tinaas baba niya ito habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pero nakalublob pa rin ako sa sarap ng ginagawa namin. Nakadagdag pa ang itsura ni Gabriel na parang isang estatwang perpekto ang pagkakaukit. Puno nang pagnanasa ang mga mata niya sa akin. Ang kinis ng katawan niyang mapipintog sa mga tamang lugar, at ngayon ipinapapanood niya sa akin ang gawain niyang hindi nakikita ng iba.

Itinutok niya ang sarili sa likuran ko. Naramdaman ko ang pagtusok ng kanyang ulo. Mas malaki iyun at mas napuno ang bukana ng aking likuran kumapara sa dalawa lamang na daliri.

Napakagat ako ng labi.

“Just tell me if you want me to stop.”

“Sige lang Gab.”

Unti-unti. Dahan-dahan. Mas naramdaman ko ang kanyang katigasan. May nararamdaman akong sakit pero hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kakayanan kong tiisin iyun. Marahil ay dahil sa bawat galaw ni Gabriel ay may sarap na pumapalit sa dapat ay sakit sa loob ko.

Mula sa marahan niyang pag-indayog, unti-unting bumilis ang ritmo niya at sa pagbilis na iyun ay tuluyan na ring bumigay ang aking sarili.

“Gab, ahhhhhhhh,” sabi ko. “Ituloy mo lang.”

Hindi ko alam kung anung meron sa loob ko na tuwing sasayaran ng pagkalalaki ni Gab ay napapaungol ako.

Tuluyang pumatong sa akin si Gabriel. Ang mga binti ko ay bumalik sa pagkakabalot sa kanya. Inlagay ni Gabriel ang kanang kamay sa ilalim.ng likod ko, at ang kaliwa naman sa aking ulo.

Kasabay ng kanyang pag-ulos ay maiinit na halik na nilaban ko kasabay nang pagnanasang sumasakop sa aking katawan.

“Ahhhhhhhh, babe, ahhhhhhhh.”

Yun lang maririnig kay Gabriel tuwing bibitaw siya sa aming mga halik.

Hanggang bumulong si Gabriel.

“Babe, malapit na ako.

Napahawak ako sa matambok na likuran ni Gabriel naparang ginabayan ko pa siya sa pagpasok sa akin. Hindi ko alam.kung bakit ko nagawa iyun, pero nais kong manatili pa siyang matagal sa aking loob. Pero malapit na talaga siya.

Humigpit ang yakap niya at naramdaman ko na sa loob ko ang maiinit na paglabas mula kay Gabriel. Hindi pa niya tinggal agad pagkatapos. Pumintig pa ng ilang ulit sa loob ko si Gabriel.

At nang mapahinga siya nang kaunti. Bumaba siya sa akin at isinubo ang hindi lumambot kong harapan.

Nang magsawa siya ay bumalik siya sa aking dibdib at kamay naman niya ang itinaas baba sa aking harapan.

“Tell me pag malapit ka na.”

Tumango ako habang sinasabayan nang katawan ko amg kamay ni Gabriel.

Mas sumarap ang sipsip ni Gabriel sa utong ko kasabay nang pagbilis ng kanyang kamay.

Hindi ko na kaya. Bumibigat na ang aking harap. Parang napupuno na ng sarap.

“Malapit na ako, Gab.”

Inalis ni Gabriel ang bibig sa aking dibdib at isinubo ang aking pagkalalaki.

“Ahhhhhhhh,” malakas na ungol ko.

Taas baba ang bibg ni Gabriel. Damang dama ko ang pag dikit ng ilong niya sa aking harap. Baon na baon ako sa bibig niya nang maramdaman ko ang pagsabog ng sarap sa aking katauhan.

Hindi inangat ni Gabriel ang ulo. Hindi hinayaang may katas na makatakas sa kanyang bibig. Namilipit ako sa sarap sa patuloy na paggalaw ng kanyang dila habang nasa loob pa rin ako ng kanyang bibig.

Inalis lang niya iyun nang maglabas ako ang isang mahabang hinga.

Umangat si Gabriel at humiga sa kama. Yumakap ako sa kanya. Parehas kaming basa ng pawis na patuloy pa rin sa paglabas sa aming pagpapahinga.

“I love you, babe,” sabi ni Gabriel.

“I love you, too, Gab,” sagot ko.

Humigpit ang yakap ko kay Gabriel.

“Babe, I understand why you kept your phone unattended when you were with Jessie that night. You had to face your fear. Kung kailangan mo ng kasama o hindi, desiayon mo iyun. At dapat tanggap ko na minsan, hindi mo ako kailangan for you to grow. Im sorry.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari. I want to know of course, pero if you decide to keep it to youraelf. Just tell me you’re fine. You’re done with him. You’ve conquered him. I wouldnt ask for anymore details.”

Bigla na lang. Matapos ang masarap na pangyayari, bumilis ang kaba sa aking dibdib. Sasabihin ko ba kay Gabriel ang tungkol sa mga halik ni Jessie?


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One with the Ball

CHAPTER 35

“Kuya, alam mo bang lahat kay Ate Summer? May sikreto kaya siya? May mga bagay kaya siyang hindi sinasabi sa’yo?”

Maaga pa lang ay sinundo na ako ni Kuya Albert. Medyo magalaw ang pagkakaupo ko sa passenger seat habang binabasa ang grocery list na halos lahat ay may check na. Nakapamili na kami ng panghanda para sa salu-salo sa gabi. Ang kulang na lang ay mga bulaklak. Two years na kasi sila ng Girlfriend niyang si Summer. Anniversary nila at nagtanong ako ng intriga. Ang galing kong kapatid.

“May nakwento ba si Gab sa’yo?” tanong agad ni Kuya. Medyo may panic sa boses niya, pero kalmado naman.

“Wala,” sabi ko. “Sorry. Wala talaga. Hypothetical lang.”

Napahiya ako sa tanong ko.

“May nalalaman ka pang hypothetical,” sabi ni Kuya. “Kutusan kita dyan, eh, nang mahypothetical ka.”

“Sorry,” sabi ko.

“Can you just sit properly, ang likut-likot mo. Nakakadistract ka. May masakit ba sa’yo?”

“Wala. Na-awkward lang. Mali yung tanong ko.”

Pero may masakit talaga. Ngayon ko lang naramdaman ang epekto nang ginawa namin kagabi ni Gabriel. Lalo pa nang mapadaan sa humps.

“Ouch,” mahina kong sigaw

“Sorry,” sabi ni Kuya. “Invisible kasi yang humps na yan. Why can’t I get used to that. Nauntog ka ba?”

Umiling ako.

“O, huwag ka nang ma-awkward. Isipin mo na lang nakutusan na kita with that bump in the road.”

“Okay. Sabi mo eh,” sagot ko.

“So ano? Sa tingin mo ba, may tinatago si Gabriel sa iyo? O baka naman ikaw ang may hindi masabi kay Gabriel?”

Kagabi, sabi ni Gabriel, sabihin ko lang, I’m fine, I’m done with Jessie. Sinabi ko iyun. Pagsisinungaling iyun. At sa likod ng kasinungalingang iyun ay isang sikreto. Ang mga nangyari sa falls. Ang mga halik ni Jessie. Hindi ko pa nasasabi kay Gabriel. Mag-iisang buwan ko na ring sinasarili.

“Ikaw ba kuya, may mga hindi sinasabi kay Ate Summer?”

“Meron din,” sagot ni kuya. “I never told her that you are gay, that you were confused, and now you found yourself.”

“Hindi naman niya kailangan malaman yun,” sabi ko.

“Yuh. That’s why I didn’t tell her. But she eventually found out. From Gabriel. Sinabi ni Gabriel na kayo na. Tama naman, mag bestfriend sila, at magtatampo si Summer kay Gabriel kung sa iba pa niya malalaman. Pwede naman sa akin, magmumukha lang akong tsismoso.”

Hindi pa rin ako nakaimik. Nag-iisip.

Si Kuya naman, may kinuha sa isa sa mga taguan sa kotse. Stress ball. Iniabot niya sa akin.

“Upuan mo yan,” utos ni kuya.

Talaga naman. Ngayon pa naisip ni kuya ang magpa-exercise.

“Kuya, okay lang ba, deretso ka na lang sa point. Medyo hindi komportable…”

“Hmmm?!” humarap si kuya, nanlaki ang mata, tumaas ang kanang kilay.

Nahiya ako kay Kuya. Parang alam na niya.

“Upuan mo yan,” utos niya na may halong kaseryosohan at pananakot. “Gagawa-gawa kayo ng kalokohan tapos… Basta, upuan mo yan.”

“Kuya, wala,” pagtanggi ko. “Eto nga o, uupuan ko na, o. Hindi naman masakit, o.”

At inilagay ko ang stress ball sa upuan ko at inipit.

“Okay na ba?” tanong ko kay Kuya.

“Hindi pa.” Parang nagti-trip na si kuya.

“Sabihin mo na lang ang point. Kahit naman walang nangyari kagabi, hindi kumportable ang may bolang ganito sa upuan.”

“That’s meant to be uncomfortable. That’s your secret. Hindi ka makakaupo nang maayos. Pwede kang masanay eventually, pero tatayo at tatayo ka pa rin kasi, kailangan mong lumipat ng pwesto. At kapag nakita iyan nang pinagtataguan mo ng bolang iyan, ng sikretong iyan, kakailanganin mong magpaliwanag. Kaya pumili ka na ngayon. Aalisin mo na lang ba yang bola sa pwet mo, o hihintayin mo pang makita niya yan, na sa dulo, kailangan mo rin namang magpaliwanag.”

Inalis ko na ang bola sa upuan ko at iniabot kay kuya. Hinawakan niya ang bola at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.

“Gets mo? Yan kasing mga sikreto, may sariing buhay yan. Kahit gaano mo itago, makakalabas at makakalabas ang mga iyan. At makakasakit sila sa pinagtataguan. At ang mas makakasakit pa, pag sa iba pa nila nalaman.”

“Wow, kuya, andami mong alam,” reaksyon ko.

“I got that from dad, that if you’ve only given him the chance, siya na rin siguro ang nagsasabi sayo nito.”

“Okay lang kuya, nandyan ka naman.”

“But I’m just a kuya. A daddy is so much better. Our daddy is so much better,” nagiging serious si kuya. “Naalala ko nung pumunta kayo ng Mommy mo sa bahay namin. Nung pinili kami ni Daddy over you and Tita Veron. Alam kong iyun ang umpisa ng galit mo kay Daddy. I understand that. Daddy understands that.

“He isn’t a perfect person, we all know that. My mom knows that oh so well. Pero ginagawa niya ang lahat para mapasaya ang mga mahal niya. Dati, may mga sikreto din kami, yung tatakas kami sa gabi para kumain ng ice cream. Pupunta kami sa club house para mag swimming, hihiga kami sa bubong para ituro niya sa akin ang mga stars. Mga sikreto namin yun sa mommy ko. Ayaw kasi ni mommy yun. Delikado, sisipunin ako, tataba ako. Pero gusto ni Daddy na mapasaya ako. Kaya nung nalaman kong may kapatid pala ako sa ibang mommy, tinanong ko si Daddy, ‘Dad, bakit hindi mo na kang sinikret sa amin yung ibang family mo?’ sabi ni Daddy, ‘para makapagsimula na tayong lahat maging masaya.’ It must have taken Dad five years for that secret to come out, but mom never found it out by herself. Si Daddy ang umamin. And it was a good decision. Hindi man naging madali para sa ating lahat, eventually things turned out to be okay. Okay sila ni Mommy ko ngayon. Tita Veron seems to be very happy with your Tito Raul. And we, his kids are doing great.

“We can only move forward if we let go of everything that is holding us back. I’m not saying this to take away your grudges on our father. I’m telling you this para maka-move forward na kayo ni Gabriel. Sabihin mo na sa kanya yang ginawa mong kalokohan. I’m sure he’ll understand.”

“Yun na nga kuya. Lagi niya akong naiintindihan. Talo pa niya ang google,” sabi ko.

“Mas mahal ka kasi niya kesa sa kung anu ano pang gusto niyang isipin. Mas mahalaga ka kesa sa mga takot at pangamba niya.”

“Nararamdaman ko naman yun,” sagot ko.

“Nararamdaman din niya yang tinatago mo,” sabi ni Kuya. “Hinihintay ka lang niyang magsalita. How long have you been uncomfortable?”

“Isang buwan na rin, halos.”

“Ang tagal na ’tol,” sabihin mo na. “Pero sa tingin ko, iintindihin pa rin ni Gabriel yan.”

Napaisip ako.

Hanggang sa makarating kami sa Dangwa. Andaming bulaklak. Bumaba kami. Umakbay sa akin si Kuya.

“Daddy is just like that, too. He loves us more than anything else in the world. He always tells me that, ‘mahal ko kayo ng mga kapatid mo.’ Mga daw, e isa lang ang kapatid ko sa mommy ko. That means ikaw yung ka-mga.”

Hindi ako nagsalita.

“Okay, enough of dad. Sorry. Pinipilit ko.”

“Okay lang, kuya.”

“O sige, sayo na muna ito,” sabay abot ni kuya ng bola sa akin.

Tama lang na binigay ni Kuya Albert ang bola, dahil kulang ang balls ko para sa lakas ng loob. Paano ko nga ba sasabihin?

Gabriel, I’m not fine. Naghalikan kami ni Jessie.

Gabriel, hinalikan ako ni Jessie.

Gabriel, dinala ako ni Jessie sa may falls, kaming dalawa lang. Lumangoy kami hanggang sa pulikatin ako. At nang tinulungan niya ako, lumapit ang pisngi niya sa pisngi ko, naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko, na naging halik, gumapang sa leeg ko, papunta sa pisngi, papunta sa mga labi. Tumanggi ako. Nagpumilit siya.

Gabriel, nagustuhan ko. Hindi pala. Oo. Konti lang.

Lahat nang ito, iniisip ko sa sasakyan ni Kuya, pabalik sa bahay niya, habang nagluluto, hanggang sa magdatingan na ang mga bisita niya sa party.

Pinanood ko sila habang nasa isang sulok ng rooftop ng condo ni Kuya. Nag-iinuman na ang mga kaibigan ni Kuya sa theater. Wala pa si Gabriel, may tinapos lang siyang meeting. Kanina pa yung umaga kaya’t hindi siya nakasama sa amin. Pero mas okay na rin na wala pa siya. Hindi ko alam kung paano magsisimula.

At iyun naman daw ang buhay. Walang handa-handa kahit nasa gitna na ng handaan. Dumating si Gabriel at bumati, humalik, yumakap sa mga kaibigan niyang kainuman ni Kuya. Luminga-linga. Hinahanap ako. Kaya’t ngumiti ako at kumaway nang tumama ang mga mata niya sa akin.

Lumapit si Gabriel at yumakap. Nasa isang sulok kami ng gusali. Tanaw ang mas mabababang buildings sa baba, at sa itaas, ang mga bituin at ang hanggang ngayon, ang maliwanag na buwan.

Isang matamis na halik sa labi ang isinunod ni Gabriel, hawak niya ang aking mukha at ako, nagpaubaya sa bawat galaw ng kanyang mga labi.

“I miss you babe,” sabi niya. “Sorry, antagal ng meeting namin.”

“Okay lang,” sagot ko.

“Kumain ka na? Let’s eat. I’m famished.”

Kumuha kami ng food. Fettuccine carbonara. Chicken lollipops. Isang cup ng ice tea for me, at beer naman sa kanya. Humila kami ng dalawang upuan at bumalik kami sa sulok ng rooftop.

“We were planning thia trip to Kalinga. We are to study a community there. Siguro mga one week kami doon,” kwento ni Gab sa napagmitingan nila kanina.

“One week?” gulat ko. “Ang tagal nun!”

“Not naman one week,” bawi niya. “Mga five days siguro.”

“Matagal pa rin yun,” sabi ko. “Hindi mo naman ako, hinanda sa plano mong yan.”

“We were not sure, before. Ngayon lang kami nagdecide na sa Kalinga. We could have opted for a community in Tondo…”

“Pero kahit na sa Tondo, limang araw ka pa rin doon. Alam mo na naman yan, simula pa lang ng sem, diba?”

“What’s wrong? Bakit parang nagkakaproblema tayo?”

“Wala,” sagot ko.

“We were so okay last night. Saan nanggagaling ito? Dont say wala, because we both know na meron.”

Ang hinahon magsalita ni Gabriel pero naramdaman kong may kaunting bigat ang mga salita niya.

“Wala nga,” ulit ko. Hindi ko rin kasi alam kung saan nanggagaling ang pagtatanong ko.

“Okay, I’m sorry, i didn’t tell you about my subject requirements. Alam ko na ito noon pa. I just forgot to tell you. I’m sorry. “

Napailing na lang ako.

“Gab, please, huwag kang magsorry.”

Naguilty ako.

“Kanina, you sounded like I’m a big liar for keeping my trip from you, and now you’re asking me not to be sorry? I’m not getting you babe.”

“Alam ko,” napangiti na lang ako. “Gab, ako ang may problema.”

“Ano ’yun? Sa akin ba?”

“Wala, akin lang,” sagot ko.

“Will you tell it to me? Will you let me help you?”

Napaisip ako. Nakatingin lang sa akin si Gabriel. Napakasincere ng mga mata niya. Na kahit na nakikita ko ang pagod ng buong araw.na meeting niya, ay nagagawa pa rin niyang maging perpekto.

Sumagot na lang ako. Di pa ako handang magsabi nang totoo.

“Syempre.”

“Thank you. I love you, babe.”

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako.

“Mamaya na yan,” sigaw ng isa sa mga kaibigan nila ni kuya. “Dito na kayo. Inuman na.”

“Let’s go,” yaya sa akin ni Gabriel.

Ubos na rin ang food namin. Ubos na rin ang beer niya sa cup. Naglakad kami papunta sa circle.ng inuman.

Tumabi si Gabriel kay Summer. Syempre, kay Gabriel ako tumabi. Nakangiti sa akin ang mga kasamahan niya. May mga tanong, sasagot ako. Tapos kwento, makikinig ako. Tapos umiikot ang alak. sa buong oras, magkahawak ang mga kamay namin.

Masaya naman akong nakipagkwentuhan. Pero mas masaya akong nakikita si Gabriel sa mundo niya.

Ang dami niyang alam. Ang dami niyang kwentong sinasagot sa kwento ng mga kaibigan niya. Ibang Gabriel ang nakita ko.

Hanggang sa napaparami na siya ng inom.

“Gab, tama na ang beer,” sabi ko.

“Hala, may bantay na ang Gabriel,” biro ng isa niyang friend.

“Hayaan mo siya,” sabi ni Summer. “Alam naman niya ang tolerance niya sa beer. Malakas uminom yan.”

“Ah, talaga,” sabi ko.

“Nope, I’m done,” sabi ni Gabriel. “Coffee na ako.”

Tumayo si Gabriel. Niyaya ako.

“Let’s go, babe,” tawag niya sa akin.

Okay pa talaga siya. Hindi siya ang inexpect kong susuray-suray.

Tumingin siya kay Kuya Albert.

“Una na kami sa unit ha,” paalam niya. “Hindi kami magkakalat.”

Nagtawanan ang mga friends niya.

“Basta huwag ninyo kaming unahan sa kama,” sabi ni Kuya.

Ngumiti lang si Gabriel at kumaway. Bumaba na kami mula sa rooftop at pumunta sa elwvator para makababa sa unit ni Kuya.

Nasa elevator kami nang yumakap sa akin si Gabriel at humalik sa noo ko.

“Hindi mo pa naman kailangang umalis,” sabi ko. “Nage enjoy pa kayo. Baka isipin ng mga friends mo, Kj ako.”

“They wouldn’t think that,” sabi ni Gabriel. “And I’ve spent enough hours with them. Namimiss ko na ang mga oras for the two of us.”

Naghawak ang mga kamay namin. Isang kamay ko, nasa kamay niya. Ang isa, nasa loob ng aking bulsa. Nahawakan ko ang bolang iniabot ni Kuya.

Humarap ako kay Gabriel. Humalik. At sa pagbitiw ng aming mga labi, hindi ko napigilan ang aking bibig.

“Gab, gusto ko munang umuwi sa amin.”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Where

CHAPTER 36

“Saan?”

Iyun ang unang salita ni Gabriel. Mahaba-habang oras at byahe rin ang hinintay ko bago lumabas ang salitang yun sa kanyang bibig.

Pero may mga narinig naman ako sa bawat niyang kilos. Mula sa paghawak pa rin niya sa kamay ko habang pababa ang elevator. Sa pagbukas niya ng pinto ng kotse at pagpisil sa aking hita habang umaandar kami. Hinawakan muli niya ang kamay ko habang pabalik sa bahay niya. At ngayong nakaupo na kami, magkatabi, magkahawak pa rin ang mga kamay, binigay na niya ang aking hinihintay.

Pero hindi ‘saan’ ang pinaghandaan kong tanong. ‘Bakit’ dapat ang itatanong niya. Dahil iyun ang tanong na alam ko ang sagot.

Kaya nanatili akong tahimik. Nag-iisip.

“Saan ka na uuwi?” tanong ulit ni Gabriel. Humigpit nang bahagya ang hawak niya sa kamay ko.

“Hindi ko alam, Gab,” sagot ko. “Pero hindi muna sana dito.”

“Did I do anything?”

“Wala.”

“Babe, please don’t use the “it’s not you, it’s me” excuse. That’s unacceptable.“

Hindi ako nakasagot. Dahil wala naman talagang problema sa kanya. Nasa akin ang mali. Ako ang may pag-iinarte sa katawan na hindi ko makayanan. Kailangan ko munang mailabas ang pag-iinarteng ito.

Pero parang hindi na kinaya ni Gabriel ang kawalan ko ng reaksyon.

“Don’t you like my friends?

“Do I drink too, much? Don’t you want me drinking?

“Did you hear anything, because whatever that is that you heard, just tell me, para malaman mo kung may katotohanan iyun.”

Tuluy-tuloy ang mga tanong niya. Pero bakit ayaw niya na lang itanong kung bakit gusto ko munang umalis sa tabi niya. Kung anu-ano ang tinatanong niya tungkol sa kanya, eh wala naman akong masabi, pero hindi pwedeng hindi ko sagutin.

“Wala akong narinig. Gusto ko ang mga kaibigan mo. At bilib ako sa iyo na nakakainom ka na hindi nalalasing. Gabriel, walang problema sa’yo. Ako ang may problema.”

“Then sabihin mo. Let’s talk about it. Let’s fix it. Huwag naman yung magdedesisyon kang iiwan mo ako.”

“Hindi kita iiwan. Uuwi lang ako sa amin.”

“But you said before, ako na ang iyong inuuwian.”

Patay. Nasabi ko nga iyun. Pero hindi ko na kayang makatabi si Gabriel.

“Huwag kang tumahimik please. Sabihin mo na lang sa akin ang nasa isip mo.”

“Pero hindi ko na kayang makatabi ka,” patay na talaga, deretso ang nasa isip ko sa bibig ko.

Napatahimik si Gabriel. Marahil may mga script na rin siya sa utak niya, kaya nagugulat sa mga biglaang maririnig. Tapos, nagsalita na siya.

“Hindi mo na ba gusto ang ginagawa natin. We can stop that. We can change what we do. We can do whatever. Sabihin mo lang maiintindihan ko naman.”

“Naiintindihan mo kasing lahat. Kahit hindi na dapat,” at iyun talaga ang nararamdaman ko. Naiintindihan niya ako kahit sa mga pagkakataong ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko.

“Because I love you,” mahina niyang sinabi. Hindi pa rin siya humaharap sa akin. Pero nakikita ko ang kaamuan ng mukha niya sa reflection sa at TV.

“Mahal din kita,” sagot ko.

“But you wanna leave me.”

“Dahil napakamaunawain mo.”

“When has being a maunawain become a reason for leaving someone?”

Hindi ako nakasagot. Siya na ulit ang nagsalita.

“Then I won’t be maunawain na. Aawayin na kita. Gusto mo ng away, aawayin kita. But please, dont leave me babe.”

Binitawan ko ang kamay ni Gabriel. Kumuha ako ng unan at niyakap.

Tumingin lang si Gabriel. Hinayaan ako.

Tahimik habang naghihintay siya. Hindi ko na kailangan ang tanong niya.

“Hinalikan ako ni Jessie. Sa Pangasinan…”

Narinig ko ang pagbabago sa paghinga ni Gabriel. Mas lumalim. Mas bumilis. Mas lumakas.

“Fuck that Jessie!”

“Oo, tinakot niya ako. Pero hindi talaga ako natakot kaya hindi kita sinasagot. Gusto kong malaman kung saan kami papunta ni Jessie. Dinala niya ako sa isang falls doon. Tapos. Hinalikan niya ako.”

Tuluyan nang tumayo si Gabriel. Iniwan ako sa sofa. Nagmadali siya sa pagpunta sa bag, kinuha ang telepono niya.

“Give me Jessie’s number,” naguutos na si Gabriel.

“Gab, huwag na. Kasalanan ko ito. Issue ko to.”

“Your issues are mine. Sinasaktan ka man niya o hinahalikan, anuman ang gawin niya sayo, issue ko. Boyfriend kita. Now give me his number.”

“Hindi ko rin alam ang number niya.”

“Give me your phone.”

“Hindi ko nga alam. Kahit na halughugin mo dyan.”

“He has been calling you, di’ba? So his number would still be in your call logs.”

“Bahala ka,” sabi ko sabay abot ng telepono.

Hinawakan niya ang telepono. Kinuyom sa palad. Tapos ay ibinalik na lang niya sa akin. Tumalikod siya. Naglakad patungo sa kwarto. Ibinalibag ang pinto. Ito ang unang beses na kinabahan ako sa aming relasyon.

Nakakulong si Gabriel sa kwarto nang matagal. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Ito na ito. Nasabi ko na. Tuluy-tuloy na. Gusto ko lang naman mawala itong nasa loob ko, itong sikreto ko. Kung magkakahiwalay kami dahil dito, kasalanan ko naman, pagtitiisan ko na lang. Pero kung magtitiis ako. Ngayon na, simulan ko na.

Tumayo ako. Binuksan ang pinto ng kwarto. Wala si Gabriel.

Pumunta ako sa banyo. Nandoon siya. Basag ang salamin. Nakaupo si Gabriel sa bowl. May dugo sa kamao.

Nanatili akong nakatayo sa pinto ng banyo Hindi tumitingin si Gabriel. Pero narinig ko siya. May hikbi. Tapos nagsalita.

“You pushed him, right. You pushed him away. He forced you, pero lumaban ka, di’ba?”

“Oo, pinilit niya ako. Lumaban ako. Naisip kita, eh.”

Humarap si Gabriel sa akin.

“Pero sa pagpipilit nya,” tinuloy ko. “Nakuha niya ang gusto nya.”

“Pero gusto lang naman niya yun, diba?”

Hindi ako nagsalita.

“Fine. You liked it, too. Pero you came back to your senses, right. It was a quick kiss. A lapse in judgment…”

“Tama na Gabriel.”

“Why tama na?”

“Huwag mo muna akong maintindihan, please. Huwag mo na akong ipagtanggol sa sarili mo dahil lalo akong nagi-guilty. Napakaperpekto mo.”

“I’m not,” sabi ni Gabriel.

“You are. I’m the one who’s not.”

Tumayo siya. Niyakap ako.

Yumakap din ako. Nagsimula na akong umiyak. Na kahit na nagsabi na ako ng kasalanan ko, natanggap pa rin niya ako.

“We all make mistakes, babe. I make mistakes. But we forgive each other. We try to understand each other. Because I believe that our love is greater than our mistake,” sabi ni Gabriel na mas humigpit ang yakap sa akin.

Napailing ako. Patuloy ang pagpatak ng luha ko. I don’t deserve his love. Bumitiw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinayaan niya ako.

“Natalo na ba ako?” tanong ni Gabriel.

“Hindi, Gab,” sagot ko.

“Thanks.”

Yumakap ulit ako sa kanya. Mahigpit. Mas mahigpit sa yakap niya kanina. At sa pagbitiw ko, nagtapat ang aming mga mata. Naglapat ang aming mga labi. Iba ang mga halik na ito. Marubdob ngunit may hinahon na parang kinakabisado ang bawat galaw.

Huminto siyang sandali at bumulong.

“Mahal na mahal kita, Alex ko,” tapos ay bumalik sa paghalik.

Napadilat ako at nakitang pikit na pikit si Gabriel. May kakaibang ritmo ang paghinga niya. Hanggang sa may tumulong luha tungo sa kanyang pisngi, ngunit hindi niya alintana iyun. Patuloy ang paghalik niya sa akin na para bang ito na ang huli naming halik.

Napapikit na muli ako. Sinabayan kong muli si Gabriel. Ang kanyang labi, ang kanyang paghinga, maging pati kanyang pagluha.


Nasa kama kami, nakaupo. Katabi ko si Gabriel. Ang ulo ko, nasa kanyang balikat. Sa kabilang bahagi ko, katabi ko ang tsquare, drafting board, canister, bag sa school at ang aking mga damit.

“As much as i dont want you to leave,” sabi ni Gabriel. “I want you to start moving forward.”

Tumungo ako. Sumang-ayon.

Tumayo na kami. Dinala ko na ang mga gamit ko. Yung iba, si Gabriel ang bumuhat.

Magkahawak ang aming mga kamay sa elevator. Pababa. Sa pagbukas nito, nagbitiw na kami. Naglakad sa lobby hanggang sa labasan. Naghintay ng taxi.

“Alam kong mahal na mahal mo pa rin ako, babe,” sabi ni Gabriel. Nakangiti siya. Mukhang maluwag ang loob niya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Oo naman,” sagot ko.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Ang ngiti niyang nakakatanggal ng problema sa mundo. Ang mga mata niyang nawawala kasabay ng mga issues ng lipunan. At ang labi niyang hindi ko na malilimutan.

“Mahal na mahal kita, Gabriel,” sagot ko sa kanyang ngiti.

At doon na iyun natapos kasabay ng pagdating ng taxi. Ipinasok namin ang gamit ko sa likuran. Mga archi stuff at bags.

Bago ako sumakay sa unahan ng taxi, yumakap muna ako kay Gabriel.

“Alam kong ito ang issue ko sa’yo, pero salamat sa pag-unawa. Sa pag-intindi,” sabi ko.

“Oo naman,” sagot ni Gabriel.

Pagkabitaw namin sa yakap, siya naman ang nagsalita.

“Babalik ka naman sa akin, di’ba?” tanong niya naman.

Oo naman, ang sagot na pumasok sa utak ko. Pero iba ang lumabas sa aking bibig.

“Bakit naman hindi?” sabi ko.

Parang hindi niya nagustuhan ang sagot kong iyon. Nabawasan ang ngiti niya, na alam kong pinigilan lang niyang mawala.

“Oo naman,” bawi ko kaagad.

At pagbukas ko ulit ng taxi, narinig ko si Yeng Constantino na kumakanta sa radyo.

“ …Sarili ay di maintindihan. Hindi ko malaman, kung ano ba ang dahilan. Nang pansamantalang paghingi ko ng kalayaan. Minamahal kita, pero kailangan ko lang mag-isa…“

Napangiti ako. Humarap kay Gabriel.

“Bye, Gab. Salamat.”

“Bye, Alex. I love you.”

“I love you, too.”

Umupo ako, sinara ang pinto. Nakatingin pa rin si Gabriel. Hanggang sa umandar ang taxi.

Tama si Gabriel. I have to move forward.

“Boss, saan po tayo?” tanong ng driver.

“Parañaque po.”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Answered Prayer

CHAPTER 37

“Lord, bigyan po ninyo ako ng tapang.”

Parang mali ang dasal ko.

Si mama ang nagturo sa aking magdasal. Sabihin ko daw kay god ang gusto ko. Laruan, paborito kong ulam, madaling exam. Nabibigay naman sila. Nakukuha ko kinabukasan, o ilang araw lang.

Pero hindi ko pa sigurado kung nakarating na ang sagot sa dasal ko. Isang linggo na akong naghihintay dito sa bahay, hindi pala bahay, mansion pero hindi ko pa rin nagagamit yung tapang na hiningi ko. At tuwing may darating na sasakyan, may bubukas na pinto, parang nawawala yung tapang na binigay sa akin.

Isang linggo na pero wala pa rin si Jessie sa bahay na ito. Ang pinaghandaan kong paghaharap namin, hindi pa rin natutuloy. Pero hindi ibig sabihin na wala akong hinaharap.

Kahit na nagpapakahermetanyo na lang ako sa kwarto, hindi ko maiwasang lumabas kung may kumakatok. At bawat katok ay may kasamang kaba. Nandyan na ba siya? Siya na ba ito? Kaya ko na ba talaga siyang harapin.

Toktoktok. Sabi ng pinto.

Jugjugjug. Sabay ng puso ko.

“Sino yan?,” tanong ko.

“Tawag po kayo ng mama mo,” si Mabel pala.

Kaya’t mga tanong muna ni Mama ang nakabangga ko.

“Nag-away ba kayo? First major LQ?” intriga ang salubong sa akin ni Mama.

Umiling ako. Agahan na kami nagkita ni Mama pagkauwi ko. May trabaho kasi siya. Iba na naman ang shift. Ayus din at wala si Tito Raul nun. Wala nga lang din ang anak niya. Nabalewala ang kaba ko.

“Kailangan lang namin siguro magpahinga,” sabi ko. “Masyado yata kaming mabilis.”

“Ay chinika ako ng anak ko,” sabi ni Mama. “Yung totoo, huwag mo akong bigyan ng eklat na paliwanag.”

“Yun na nga ma…”

“O sige, nabilisan. Sinong nabilisan, siya o ikaw? Pinalayas ka ba nya, gaga sya, nagbabayad tayo ng renta sa kanya,” singit ni Mama nang tuluy-tuloy na salita.

“Ako ang umalis. Ako ang nabilisan.”

“Ang junakis ko, kaka-out lang. Nag iinarte na. Ilang buwan na ba kayo?”

“Tatlo? Roughly.”

“Ay, papatotoo na pala kasi yan. Requirement na nga ang major away. So, anung pinag-iinarte mo? Bakit ka nabibilisan, may dahilan ba para nagmabagal?”

“Hindi naman sa ganoon…”

“Anu yung ganoon na tinutukoy mong hindi?” parang elevator ang mga kilay ni mama. May hinihintay ba siyang isasagot ko. May tamang sagot ba?

“Ma, ako ang anak mo. Bakit hindi mo ako maintindihan na lang?” isang generic na sagot. Umiwas na lang ako.

“Ikaw ba, naiintindihan mo ang sarili mo?”

Hala. Wala na yata akong kawala. Hindi ako nakasagot. Hindi na lang ako nagsalita.

“Naiintindihan kita. Syempre may dahilan ka. At valid yan. Gusto ko lang na alam mo kung ano ang dahilan mo. Itago mo sa akin yan, i dont ker. Basta wag mo itago sa sarili mo. Hindi lang si Gabriel ang masasaktan. Pati ikaw. Masakit makasakit.”

Si mama na ang nagsalita. Siya na ang umintindi sa akin. Kailangan ko siyang pasalamatan.

“Alam ko naman po. May kailangan akong ayusin sa sarili ko, Ma,” paliwanag ko. “May tinatakbuhan ako nung pumasok ako sa relasyon. Ngayon, nabalikan ako nunhg tinatakbuhan ko.”

“Utang ba yan?”

“Hindi naman, Ma. Puro joke pa eh.”

“Anak, ’yang problema, parang utang yan. Hangga’t hindi mo nababayaran, babalikan at babalikan ka ng maniningil,” nag-hanash si Mama.

Hindi na ako nakapagsalita. Kaya nga ako nandito, magbabayad na ako. Haharapin ko na ang naniningil, kahit siya ang dapat may pagbayaran sa akin.

“So, yang maniningil, ano ba yan o sino?”

“Ako na munang bahala, Ma,” sagot ko.

“Okay,” ngumiti si mama kasabay nang pagtaas ng kilay. “Ikaw na ang empowered.”

Thanks ma. Pero mukha kakailangan ko rin ng power. Dapat sinama ko na rin yun sa dasal. Nakahanda na ako sa pagharap kay Jessie nang marinig ko ang motor na paparating.

Toktoktok.

Jugjugjug.

Hindi ko pala nakandado ang pinto. Bumukas ang pinyo. Nanlaki ang mga mata ko. Pero hindi Jessie ang pumasok. Hindi ko rin alam kung ikatutuwa ko ito o ikatatakot. Si Tito Raul.

“Papasok na ako ha,” paalam ni Tito Raul na mukha namang hindi magpapapigil kahit tumutol ako.

At na-finalize din ang nararamdaman ko. Takot. Hindi ako nakagalaw. Nanatili akong nakaupo, sa harap ng table ko, hawak pa rin ang pinsel na pinangkukulay ko sa plate ko.

“Sorry sa ginawa ko nung nakaraan. Alam kong natakot ka. Binato kita, nasakal kita, natakot ka,” sabi ni Tito Raul.

Kung umaarte man siya, masasabing magaling siyang artista. Nakukumbinsi ako. Pero ang hindi natanggal ang kaba ko sa mga sinasabi niya gaano man iyun ka-sincere. Nanatili akong walang imik.

“Pero tingnan mo ngayon,” pagpapatuloy ni Tito. “Dahil sa ginawa ko, tinigil mo na yang kaabnormalan mo. Nandito ka na ulit sa bahay natin. Makakasama mo na ang mama mo, kaming pamilya mo.”

Mabuti na lang kumuha si Tito Raul ng isa pang upuan at tumabi sa akin. Hindi niya nakita ang mga pagbabago sa mukha ko. Mukhang nanlaki ang mata ko at napabuka ang bibig ko.

Umakbay si Tito Raul.

“Sabi ng Mama mo, hindi ka pa daw nagkaka girlfriend. Subukan mo lang. Mas masarap yun at tama. Sasabihin ko sana mas tama pero hindi tama yung dalawa kayong lalaki sa relasyon. Mali yun, Alex.”

Napaisip ako. Si Mama, naikukwento ako kay Tito Raul? Nakumbinsi na kaya ni Tito ang Nanay ko na gawin akong straight?

“Siguro, isasama ka namin minsan ni Alex sa Quezon Avenue. Pero wag mo akong susumbong sa mama mo, ikaw lang ang kukuha namin, kung gusto ni Je-Ar, e di kayong dalawa. Pero hindi na ako. Masaya ako sa mama mo.”

“Naku,” gulat ko. “Wag na po.”

“Para naman makatikim ka na. Makikita mo, tama ang desisyon mo. Experience lang ang kulang mo, eh, bata.”

“Baka po magalit si Mama.”

“Good,” sabi ni Tito. “Kini-consider mo na. Ako nang bahala sa mama mo. Hindi naman niya kailangang malaman.”

“Pero po wala akong pera.”

“Niloloko mo ba ako. Syempre, sagot ko na yun,” napansin niya na nagpapalusot ako. “Huwag ka nang tumanggi. Ito na rin ang pambawi ko sayo dahil sa pananakot ko sayo.”

Mukhang hindi papatinag si Tito. Sige na nga. Sasakyan ko na lang muna siya. Ilang araw lang naman ako dito. Kakausapin ko lang si Jessie. Isasara ko lang ang mga nararamdaman ko sa kanyang hindi ko naiintindihan. Babalik din ako kay Gabriel. Walang point ang makipagtalo pa ako.

“Pag-iisipan ko pong mabuti.”

“Wag ka nang mag-isip. Paano, kailan ka pwede?”

“Sige po, tatapusin ko lang ang mga final plates ko.”

“Ayos. Pangako, mae-enjoy mo yun. May mga babae dun, simbata mo lang din siguro. Sariwang sariwa pa.”

Napatawa si Tito sa mga naiisip niya.

“Mabuti at sinama ka ni Jessie dun sa falls. Nakakalinis talaga yung lugar na yun…

“Alam po ninyo yun?” untag ko.

Bahagya akong napaatras. Inalis ni Tito Raul ang pagkakaakbay niya sa akin.

“Oo naman,” ngumiti si Tito Raul na parang kontrabidang may naisakatuparang masamang plano.

Tumayo si Tito Raul at nag-inat.

“O, paano, dito ka na lagi, hindi ka na babalik dun sa bahay ng bakla,” paalam niya.

Napabuntong hininga ako. Hindi na lang ako nagsalita. Pero dahil nandito na rin naman siya. Inipon ko na ang lahat ng tapang na binigay ni lord sa aking dasal.

“Tito,” sabi ko. “Pwede po bang magtanong?”

“Oo naman.”

“Ano po ang ibinulong ninyo kay Jessie nung nasa garahe tayo, nung nasa Pangasinan tayo?”

“Naaalala mo pa pala,” sabi ni Tito Raul. “Wala naman, sabi ko lang siya na ang bahala sa iyo. Yung ginawa ko sa kanya noon, gawin na niya sa iyo.”

Nagpaalam si Tito Raul. Lumabas ng kwarto ko. Akala ko, malilinawan ako, lalo akong naguluhan.

“And what’s that supposed to mean?” tanong ni Gabriel.

Gabi-gabi pa rin naman kaming nag-uusap. Pag nagtext ako sa kanya dahil namiss ko siya. Magriring na ang telepono ko. Videocall. Eh gabi-gabi ko rin naman siyang namimiss. Gabi-gabi, gusto ko pa rin siyang makatabi, pero mahalaga sa akin ang pag-iinarte kong ito. Alam kong may mali pa akong dapat itama.

Nagkikita pa rin naman kami sa school. Pero hindi na ako nagpapahatid pabalik dito sa Paranaque. Ang totoo, may saya akong nararamdaman sa biyahe ko. Ang dami kong nakikita, at lalo akong nakakapag-isip. Siguro isa sa mga iisipin ko nga ay kung ano ang ibig sabihin ni Tito Raul.

“Dalawa lang naman,” sagot ko kay Gabriel. “Inutusan niya si Jessie na halikan ako. O may iba siyang inutos. At hindi iyun sinunod ni Jessie.”

Hindi ko mabasa ang mukha ni Gabriel sa maliit na screen ng telepono ko. Nakahiga lang siya sa kama. Hubad. Nakahanda nang matulog.

“Which would you prefer?” tanong ni Gabriel.

Hindi ako nakahandang sagutin yun. Anu nga ba ang mas gusto ko? Anuman ang piliin ko, masasaktan si Gabriel. Pero sa pag-iisip ko. Mayroon akong sagot na nabuo.

“Do not overthink, just say the first thing that pops,” utos ni Gabriel.

“Wala,” sagot ko. “Wala akong gusto dun. Parehas mali iyun.”

Hindi ko kayang masaktan si Gabriel. Pero parang alam niyang nagsinungaling ako. Nararandaman ko.

Toktoktok.

Jugjugjug.

Kinabahan ako sa katok. Ito na banag hinhintay kong pagbabalik ni Jessie. Ito na ba ang isang linggo kong takot na matatapos na sa wakas. Alas dos nang madaling araw.

“Sino yan?” tanong ko.

“Sir, may bisita kayo,” sabi ni Aling Rosa.

Agad akong nagbihis. Bumaba ng kwarto at hinarap ang bisita.

Mula sa pagkakaupo, tumayo si Gabriel nang makita ako.

Nagmadali ako at yumakap kay Gabriel.

“I miss you so much babe,” sabay higpit ng yakap.

“Miss na miss din kita, Gab,” sabi ko.

Pero kailangan kong tanggalin ang pagkakayakap namin. Tumingin ako sa paligid. May mga mata ba ni Tito Raul?

“Tulog na po,” sabi ni Aling Rosa.

“Aling Rosa, salamat po. Huwag na po sana ninyong sabihin…” sabi ko.

“Wala pong problema,” sagot ni Aling Rosa.

Dumeretso kami sa kotse ni Gabriel. At pagkasakay na pagkasakay ay lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Nagulat ako sa kanyang kasabikan. At sa bawat galaw ng kanyang mga labi, naalala ko ang kanyang pagmamahal. Bumigay ang aking pag-iisip at nagpaubaya na sa aking katawan. Namiss ko rin ang kanyang halik.

Inalis ni Gabriel ang kanyang mga labi, ngunit hinabol ko siya at pinantayan ang pananabik na naun aniyang ipinadama. I can’t get enough of this kiss.

Pero si Gabriel na rin talaga ang bumitaw.

“We’ll have more of this later,” sabi ni Gabriel. “Iuuwi muna kita. If you want to go back here, ihahatid kita bukas.”

Humalik muli siya. Isang simpleng halik at sinimulan nang paandarin ang kotse. Kaunti na lang ang mga sasakyang dumaraan. Madaling araw na, at sa gitna ng mga nagmamabikis na mga kotse, ang sasakyan lang namin ang mabagal.

“I just can’t let this week pass without you sleeping by my side,” dugtong niya habang nagmamaneho. “People get used to sadness eventually, and i don’t want to get used to this. I want to have some more, new memories that will pain me when we part again.”

“Namiss kita, Gab,” sabi ko. Nakangiti.

Nangingiti na lang ako sa mahaba niyang paliwanag. Hindi ko alam ang isasagot sa mga hanash niya.

Tumingin siya sa akin. Ngumiti din. Hinawakan niya ang hita ko. Ipinatong ko sa kamay niya ang kamay ko. Ipinasok niya sa mga daliri ko ang kanyang mga daliri. Iniangat ang aming kamay at hinalikan ang likod ng sa akin. Tumitig.

“I love you so much, Babe,” sabi niya. “I can’t let you go.”

“Mahal na mahal din naman kita Gab ko,” sabi ko.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sobrang intensity ni Gabriel. Una, kakausap lang namin, tapos hindi na siya nagpaumaga pa para sunduin ako. Nagkita naman kami sa videocall. Tapos, ngayon ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. At ang mga sinasabi niya, sa una, kinikilig ako pero ngayon, parang pinag-iisip ako. At mula sa utak, deretso sa bibig, nagtanong ako.

“Saan nanggagaling ang gabing ito, Gab,” tanong ko.

“You find me acting crazy, don’t you?”

“Ang totoo, oo.”

“Nababaliw ako, oo. Forgive me. Pero miss na miss na kita.”

“Miss na din kita.”

“I know. And you just have to do this. Pero nababaliw akong hindi kita nakakatabi sa pagtulog. At kahit sabihin mong hindi pa rin umuuwi si Jessie dyan, eh natatakot akong baka umuwi siya at kung anong gawin niya.”

“Wala siyang magagawa.”

“Alam ko rin yun. And i trust you. Pero hindi ko maalis ang takot ko kapag hindi kita katabi. Iniisip kita. I want to stop, but i can’t.”

“Magkakatabi rin naman tayo ulit,” sabi ko. Nadadala na ako sa mga sinasabi ni Gabriel. Para siyang sweet, pero nakakatakot din.

“I know, pero ang tagal na. One week na.” sabi ni Gabriel. “Ayokong masanay ka na wala ako sa pagtulog mo.”

“Hindi mangyayari yun, Gab.”

Ginilid ni Gabriel ang sasakyan at huminto. Tinaggal niya ang seatbelt. Lumapit siya sa akin. Nabasa ko ang nasa mata niya. kumawala din ako sa seatbelt. Lumapit din ako sa kanya. Muling nagtagpo ang aing mga labi. At ang bawat paglalapat ay naging mas mainit kesa sa kanina. Nagsimula nang tumawid ag dila niya sa aking bibig. Itinulak ko ito ng akin, ngunit agad naman niyang sinipsip nang pumasok ang dila ko sa kanyang bibig.

Nagsimula nang humawak ang kanyang kamay sa aking braso, hanggang yumakap na siya sa akin.

Sabik na sabik kami sa mga yakap at halik ng isa’t-isa. Naririnig ko ito sa kanyang mga singhal at mabilis na paghinga. Nadadala na kami ng init ng sandali.

Dahil na rin siguro sa dalang ng mga dumaraang sasakyan, naging kampante kami sa aming ginagawa. Wala namang papansin sa amin. Kahit gaani pa karubdob ang aming halikan.

Hanggang sa may maliwanag na ilaw ang pumasok mula sa windshield ng kotse. Napadilat ako, napahinto. Hindi napansin ni Gabriel ang ilaw dahil nakatalikod siya dito.

Nawala ang ilaw. Nanggagaling ito sa isang motor. At nang mapansin ng nakasakay na napansin ko na siya, na naabala na niya ang aming ginagawa, humarurot siya pabalik sa direksyon na pinanggalingan ng sasakyan namin ni Gabriel.

Naiwan sa akin ang mukha ng nakasakay sa motor. May lungkot, may galit. Nasa mga mata niya iyun bagi niya ibaba ang salamin ng helmet niya.

Tumigil na din si Gabriel sa paghalik.

“Is everything okay?” tanong ni Gabriel.

Napansin ni Gabriel ang paghinto ko. At ang pag-aalala ko.

“Are we okay?” tanong nya.

Ang tanong na iyun pala ang paggagamitan ko ng tapang na hiniling ko kay lord. Paano ko sasabihin kay Gabriel na kailangan ko nang bumalik.

Wala nang isip-isip. Ito siguro nga iyung tapang na iyun. Yung pagtalon na lang sa kung saan man babagsak.

“Oo. Oo naman,” sagot ko. “Pero kailangan ko nang bumalik muna.”

“May naiwan ka ba?”

“Gab,” tumingin ako sa mga mata ni Gabriel. “Nasa bahay na si Jessie.”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One More Time Again

CHAPTER 39

Ito pala yung nakabibinging katahimikan.

Isang mahabang innnnnggggggggg lang ang naririnig ko habang nakasakay sa kotse ni Gabriel. Wala siyang imik mula nang mag-U-turn kami. Nanatiling nakahawak ang dalawang kamay niya sa manibela. Ang mga mata niya, sa kalsada lang nakatingin. May mga ilang mabibigat na paghinga minsan, pero walang sumusunod na salita tulad nang inaasahan ko.

Nung una ay mga patakas pa ang pagtingin ko sa kanya. Sinusubukan ko kung titingin si Gabriel. Wala. Hanggang sa tumitig na lang ako sa kanya. Baka kasi hindi nagkakasalisi lang kami ng tinginan. Tutok na, nakapaling na ang katawan ko’t ulo sa side niya, pero wala. Wala talaga.

Nanatili na lang ako sa ganoong posisyon. nakaharap kay Gabriel. Hindi ako sumuko. Umasa akong lilingunin niya ako, haharap siya sa akin. Magsasalita, magpapaliwanag.

Ganun naman diba dapat? May mga away na kami dati. Pag may na-late sa usapan, may namiss na bilin, pag hindi nakasagot sa text. at yung pinakamalala, yung hindi niya ako inimik dahil… pero nalampasan naman namin yun. pinansin niya ako. Pinansin ko siya, nag usap kami.

Ganun din sana ngayon. Ayoko lang kasing manguna, yung parang itatanong ko sa kanya kung galit siya. Kasi mukhang oo. Yung oo na pwede syang sumagot na, ‘tanga ka ba? tinatanong mo pa kung galit ako, syempre galit ako.’

Kaya dun na lang ako sa hindi obvious.

“Bakit ka galit?” tanong ko.

Umiling lang si Gabriel. Hindi ko alam kung ibig bang sabihin nun ay hindi siya galit, o na-shrug off lang ang tanong kong pinag-ipunan ko ng lakas ng loob.

Nakabalik kami sa mansion na iyun lang ang tanging conversation namin. Bakit ka galit? Iling.

Bumaba ako ng sasakyan. Nanatili ako sa

“Salamat, Gab,” sabi ko. “Kita tayo sa Monday. Text kita.”

Tumango si Gabriel. Hindi humaharap sa akin.

Tumalikod na ako. nakahakbang na, pero wala pa rin siyang imik. Hinawakan ko na ang pinto pero wala pa rin siyang paramdam.

Ambigat-bigat pala sa dibdib nito. Ako yung tumalikod pero parang ako yung tinatalikuran. At kapag naglakad ako palayo, parang may maiiwang takot sa akin, dahil baka wala akong mabalikan.

Kaya hindi muna ako humakbang. Tumalikod ako at bumalik sa sasakyan. Umupo. Sinara ang pinto.

Ilaw lang ng kotse ang bukas habang nasa harapan kami ng mansion ni Tito Raul. Maaari siyang lumabas kahit anung oras, pero atsaka ko na popreblamahin yun. Itong si Gabriel ang mas mahalaga.

Hinawakan ko ang binti ni Gabriel tulad nang paghawak niya sa aking binti palagi. Pero nanatili pa rin ang kamay niya sa manibela, ang mga mata sa kalsada. Hindi niya hinawakan ang aking kamay.

“Mas mahalaga ka, Gabriel,” sabi ko. “Pero kailangan ko munang harapin si Jessie. Huwag mo sanang isipin na inuuna ko na naman siya. Alam ko, kahit biglaan, nakagawa tayo ng plano na aalis, at oo nasira rin yun agad-agad sa pagdating ni Jessie. Pero hindi si Jessie ang inuuna ko…”

Bago pa ako makapagpatuloy ay hinawakan na niya ang kamay ko.

“I understand, but that doesn’t make it okay. “ sabi ni Gabriel.

“Ang sakit-sakit kasi dito,” tuloy ni Gabriel habang sinusuntok ang dibdib niya. “My heart’s every beat calls for your name, but you just keep on walking away.”

“Gab, huwag kang masaktan, please,” sabi ko. “Hindi ako lumalayo sa iyo. Wala naman akong ibang pupuntahan.”

“No,” sabi niya na sa wakas ay humarap din sa akin. “Don’t do those poetics with me. Just right now, you decided to go back here and go back to that Jessie. Kaya don’t tell me na wala kang ibang pupuntahan dahil papunta ka na sa kanya… at inihatid pa kita. Fuck!”

“Kailangan ko lang tapusin ang mga issues ko kay Jessie,” sagot ko.

“Ano bang nasimulan ninyo?” sagot niya agad. “Why don’t you just decide na whatever that is, it is over, just forget about it, move on. Then you can go back home with me. Dahil ako naman ang uwian mo, diba?”

“Oo, ikaw ang uwian ko. Pero…”

“Just go,” untag ni Gabriel.

“Gab…”

“Just go, please. It’s okay.”

“Pero galit ka.”

“Of course I am.”

“Maghihiwalay tayo na galit ka?”

“May mga galit na pinagpapabukas.”

“Hindi ko ba ’yan mapapalipas ngayon?”

Umiling si Gabriel.

“Just go. End what you have to end.”

Tumango ako.

Bubuksan ko na ang pinto, nang marinig kong tanggalin ni Gabriel ang seatbelt niya. Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay. Humarap ako sa kanya. Lumapit siya sa akin, hinila ako sa katawan niya. At sa maliit at masikip na puwang sa kanyang sasakyan, sinimulan niya akong harapin. Tinitigan niya ako. Hinawakan sa mga pisngi. At marahan, idinampi ang kanyang mga labi sa akin. Naramdaman ko ang mapagmahal niyang pagsimsim sa aking bibig. Hindi magalaw, isang mahabang paghalik lamang. Hanggang sa siya ay bumitaw.

“Mahal na mahal pa rin kita, Alex ko,” sabi niya.

“Sandali na lang, Gab. Uuwi na ako.”

Umiling si Gabriel. Tikom ang mga labi niyang hindi makangiti. At naramdaman ko ang sakit na nararamdman niya. Ito yung sinasabi ni Mama. Masakit makasakit. Paano ko nagawang saktan ang isang napakabuting tao.

“Gab, I’m sorry,” sabi ko.

“Don’t be, “ sabi niya. “Just go.”

Galit pa rin siya. Sige na, tatapusin ko na si Jessie. habang pinatatagal ko to, lalo Kong nasasaktan ang lalaking mas mahalaga sa akin.

“Okay,” sabi ko. “Tatawagan kita pagkatapos na pagkatapos naming mag-usap. Tapos babalik na ako sa bahay. Kailangan ko…”

“Sige na,” mahinahon niyang pagpigil sa pagsasalita ko. “We’re just going round in circles. Just do everything you have to do. Mukhang hindi naman kita mapipigilan.”

“Sorry,” iyun na ang huli kong sinabi.

Bumaba ako at pinanood ang pag-alis ng sasakyan ni Gabriel. Tapos, pumasok na ako sa mansion.

Gawin na agad ang pakay. Pinakiramdaman ko ang buong bahay. Baka may iba pang gising at sana si Jessie na iyun. Pero wala. Kaya umakyat ako sa taas. Humarap ako sa kwarto niya.

Kakatok na ang kanang kamay ko nang pigilin ito ng kaliwa. Bakit hindi ko magawa? Natatakot ba ako?

Matagal na kumbinsihan sa sarili. Hanggang sa maisip ko. May naghihintay sa akin. Kailangan ko nang tapusin ito.

Kumatok ako.

Walang sumagot.

Nilakasan ko nang kaunti. Ayoko namang magising ang buong bahay.

Wala pa rin.

Ginawa ko nang mas malakas.

Pero wala talaga.

Umatras na ako at pumunta sa kwarto. Nahiga. pero parang ngayon pa naisipan ng Rexona i-schedule ang kanilang fun run sa utak ko, andaming tumatakbo. Hala. Pwede kayang wala si Jessie. Imagination ko lang ba na nakita ko siyang nakamotor, pauwi kanina?

Bumaba ako at nagpahangin sa may pool area. Gusto ko nang tawagan si Gabriel, pero parang mas makakagulo iyon. Nagmo-moment kami sa kotse niya tapos na-imagine ko si Jessie. Kasalanan iyun na may kaparusahang ilang taong singlehood.

Hindi pa ako handa. Gusto ko pa ang mayroon kami ni Gabriel.

Hanggang sa tumunog ang telepono. Si Gabriel, nagtext.

I didn’t hear you say you love me. Not even once. But I hope you did. And i just didn’t hear it.

Binalikan ko ang usapan namin sa kotse. Ang paalaman. Nag “I love you” ako. O hindi ba? Hala, napakasama ko.

Nagcompose ako ng message.

Nagsabi ako, Gab. I love you. Hindi mo lang narinig. Pero para sure, ito, I LOVE YOU GAB.

Hala, parang siya pa ang may kasalanan. Ginawa ko pa siyang bingi. Erase.

Sorry Gab, hindi ko rin alam kung nakapagsabi ako o hindi. Pero mahalaga pa ba yun kung ang totoo naman eh totoong iyun ang nararamdaman ko. Mahal kita Gab. Mahal na mahal.

Ay, parang sinabi ko na hindi na mahalagang sabihin yun. Baka pag ako naghanap ako ng Gi Love You, ibalik lang sa akin ito.

Kahit papaano, nakakalimutan ko ang mga iniisip ko. Napapangiti ako nitong ginagawa ko. Itong pagtetext kay Gabriel. Alam ko namang mahal ako ni Gabriel. At mahal na mahal ko rin siya. Malalampasan din namin ito.

Gabriel, mahal kita tulad ng aking paghinga. Hindi ko na naiisip, pero lagi ko nang ginagawa. Kahit nakakalimutan ko, tuluy-tuloy lang. Bahagi na ng aking sistema. At pag tinigil ko… basta Gabriel I LOVE YOU. I LOVE YOU. I LOVE YOU.

Nahiya ang pizza ng Greenwich sa ka-cheesy-han na ito. Pero kinikilig ako. Okay na siguro ito.

Nakangiti akong pipindutin ang send button nang makita ko na lang ang telepono kong tumilapon papunta sa swimming pool. Atsaka ko na lamang naramdaman ang parang naipit kong mga daliri mula sa pagkakasipa ng isang paang dumaan sa harap ko.

Pero wala na akong pagkakataong indahin ang sakit. Nilingon ko ang may-ari ng paa. Isang malaking lalaking walang ekspresyon ang mukha. Nakasando lang siya at nakaboxers, namimintog ang siga niyang mga braso at malatroaong mga binti. Komportableng pambahay ang suot, pero isang kriminal sa preso ang naiisip ko sa kanya. Bakit nang hindi ko na siya hinahanap, doon siya nagpakita?

“Ginising mo ako,” sabi ni Jessie. Malat pa ang boses niya, napakababa. Bagong gising.

Hindi ako nakapagsalita.

“Tayo,” utos niya.

Hindi ko alam kung bakit ako agad napasunod sa kanya. Huminga ako nang malalim at pumikit na lang. Tapang, tapang, nasaan ang pinadalang tapang ni God. Ano bang form kita matatagpuan. Bato ka ba, tulad ng kay Darna? Barbel ni Captain Barbel? O isang ala-ala na makakapagpalakas. Anuman yan, ngayon ko na kailangan.

Lalo pa nang sa pagdilat ko ay wala nang isang hakbang ang layo ni Jessie sa akin.

“Ginising mo ako,” sabi niya.

“Sorry,” sabi ko.

Napaatras ako dahil hindi ko kayang masyadong malapit ang kanyang mukha sa akin. Na kaya niyang abutin ang aking mga labi sa isang kilos lamang.

Ngunit sa aking pag-atras, hindi ko naiwasan ang isang bato. Napahiga ako.

Akala ko, ay hahayaan na ako ni Jessie. Pero iniabot niya ang kamay niya sa akin para tumulungan akong tumayo. Bago ito. Napaisip ako. Nakatitig ako sa kanya, kaya’t kitang kita ko kung paano sa walang ekspresyong mukha ay nagkakunot ang noo niya at lumaki ang butas ng mga ilong niya. Natakot ako. Paano ba mawala ang pakiramdam.na ito? Naisip ko, tumutulong lang naman siya. Bakit ko siya babastusin?

Iniabot ko ang kamay ko. Iniangat niya ako, ngunit nang naibigay ko na ang bigat ko sa kanya, ay binitawan niya ako. Mabuti at malambot ang luoa at mga damo.

Nabigla ako, kesa nasaktan, pero mas ikinagulat ko ang pagdapa niya sa akin.

“Ginising mo ako,” ulit ni Jessie.

“Oo,” sabi ko. “Sorry.”

“Bakit? Matapang ka na? Kaya mo na akong harapin. Kaya mo na akong lusubin?”

“Hindi…”

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Huy tapang, nasaan ka na? Nanlalambot na ang tuhod ko.

“Anung hindi? Kakatuk-katok ka ng madaling araw, tapos sasabihin mo hindi? Hindi ano?”

Tama siya. Bakit ko ba yun ginawa? Dahil gusto ko nang matapos ang kung anuman ang meron sa amin. Para masabi kong tigilan na niya ako. Para matapos na at makapagsimula na ulit ako kay Gabriel. Si Gabriel. Siya ang tapang ko.

“Bakit mo ba ako sinasaktan, bakit mo ako ginaganito? Ano bang ginawa ko sa iyo?”

“Gusto mo naman di’ba?”

“Hindi ko gusto! Tigilan mo na, parang awa mo na. Ayoko na.”

“E bakit ka nandito? Pwede ka namang lumayo na, at sumama na sa karelasyon mo?”

“Dahil gusto ko nang tumuloy kami na wala akong takot sayo. Na hindi na kita iniisip. Na hindi mo na ako ginugulo.”

“Hindi na naman kita ginugulo, ah.”

Tama siya. Ilang buwan na rin nang makaramdam ako ng sakit sa kanya. At sa huli baming pagkikita, ibang ala-ala ang iniwan niya. Ngunit tulad din ng kanyang pambubugbog, ginulo ako nang ala-ala ng mga halik ni Jessie. At kailangan ko na itong makalimutan.

“Jessie, hinalikan mo ako!”

“Nagustuhan mo ba?”

“Bakit mo ako hinalikan?”

“Nagustuhan mo ba?”

Hindi ko napigilang maging totoo. Dahil kung magiging totoo ako, sana,maging totoo rin si Jessie sa mga sagot niya sa akin.

“Hindi… Hindi ko alam. Ayokong malaman. Ngayon sagutin mo naman ako. Yung totoo rin. Bakit mo ako hinalikan?”

“Dahil gusto ko. At gusto kong magustuhan mo na hinahalikan kita.”

Nagulat ako sa sagot ni Jessie. Masyadong totoo na hindi ako nakaimik. Tulad nang hindi ako nakatutol sa paglapat ng mga halik niya sa mga labi ko.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One with the Plan

CHAPTER 40

Ito ba talaga ang binalikan ko?

Naalala ko ang lahat. Sa aking pagpapaubaya, sa aking pagpikit, bumalik ang ilang mahahalagang sandali sa falls. Ang mga naisip ko bago ako magpumiglas kay Jessie noong gabing ’yun.

Paano naging ganito kalambot ang labi ng isang matigas na nilalang na tulad ni Jessie.

At sa pagbalik ko sa nagaganap, pagdilat ko ng aking mga mata, nakita ko ang mukha ng lalaking nakapatong sa akin. Nakapikit, dinadama ang bawat dampi ng labi niya sa akin. Para ring may kinabisado ng galaw ang kanyang dilang malaya kong pinapapasok sa aking bibig.

Gusto ko ang ginagawa ni Jessie sa akin. Gusto ko ang ginagawa namin. Ang pagbitaw niya sa braso kong kanina lang ay ginagapos ng kanyang bigat hanggang sa paggapang ng kanyang kamay sa aking katawan.

Iniangat niya ang aking damit. Itinaas ko ang aking kamay para matanggal niya ang t-shirt ko. Hinayaan na lang niya ako nang makita niyang kusa na akong naghuhubad. Pumunta naman siya sa aking pantalon. Nang shorts ko na lang ang suot ko, muli siyang pumatong sa akin.

Muli kaming nagpalitan ng halik. Nagsimula na rin ang paglalakbay ng kamay ko sa katawan ni Jessie. Malaman, matigas, mapintog, malaki. Nagustuhan niya ang ginawa ko dahil napahalinghing siya kasabay ng kanyang halik.

Mula sa bibig, tumungo siya sa aking leeg.

“Matagal ko na itong gustong gawin, Alex,” sabi ni Jessie.

Alam ko. Doon pa lamang sa falls, naisip ko na. Pero hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa.

Marahas ang kanyang mga pagsipsip sa aking balat. At ang haplos niya sa akin ay humihigpit, iniipit ako ng kanyang yakap. Damang dama ko ang gigil ni Jessie.

“Gusto mo ba ’to?” tanong ni Jessie.

At dito bumalik ang aking katinuan. Hindi ko gusto ito. Panandalian akong na-guilty. Bumigay na naman ang aking katawan. Pero wala akong panahon makonsensya. Magagamit ko ang pagkakataong ito. Para ito kay Gabriel. Para ito sa akin at kay Gabriel. At sana, hindi napansin ni Jessie na nasakop na ng puso ko ang tawag ng aking katawan.

Nakatitig si Jessie sa akin. Puno ng pagnanasa ang kanyang mga mata. Tama ako. Gusto ako ni Jessie.

Ito ang binalikan ko. Ito ang kasagutan. At hindi ko alam kung saan galing ang kakayanan kong mag-isip nang ganitong mga bagay, pero gusto ko ang naiisip ko.

“Marami ka nang nagawa sa akin na hindi ko gusto, Jessie,” sagot ko.

Napatigil si Jessie. Tumayo siya. Hindi ko pinakita pero napangiti ako. Tumayo na rin ako.

“Bakit ka natigilan?” tanong ko. “Binibigyan mo na ba ako ng karapatang pigilan ka?”

Hindi nagsalita si Jessie.

Tumayo na rin ako. Kinuha ko ang mga gamit kong hinubad. At sa pagtayo ko, nakita ko si Tito Raul, nakapantulog pa, papalapit sa amin, hindi ko maipaliwanag ang kanyang mukha.

Nakita niya kaya kami?

Kinabahan ako.

Nawala ito nang marinig ko ang splash mula sa pool. Nag dive si Jessie.

“Wanna join us, Dad?” sigaw ni Jessie sa kanyang ama.

Ibinaba ko ang mga damit ko sa upuan sa gilid ng pool. Sumakay ako sa naiisip ni Jessie.

“Good morning, Tito,” bati ko.

Tumalon din ako sa pool.

Napangiti si Tito Raul.

“Kailangan mo lang talagang umuwi dito nang madalas-dalas para masanay ka na ring tawagin akong Daddy,” sabi ni Tito Raul. “Sige dyan muna kayo, papahanda na muna ako ng almusal.”

Bumalik si Tito Raul matapos mag-unat-unat.

Sumisid naman ako para kunin amg telepono kong napunta sa pool kanina lang. Matapos nun ay tinangka ko nang umahon.

Tinangka. Dahil papaakyat ako sa gilid ng pool nang hilahin ako pababa ni Jessie. Nasa likod ko siya, dumidiin sa akin. Nakahawak siya sa aking gilid at nakadikit ang kanyang harapan sa aking likuran.

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking balikat. At unti-unti ring nanigas ang bahagi niyang kumakaskas sa aking likuran. Nakakapag-init ang kanyang bigat, ang kanyang matigas na katawan sa aking balat.

Pero napatingin ako sa kamay ko. Napahigpit ang hawak ko sa telepono. Kailangan nang matapos ito. Hanggang dito lang ito.

Muli kong iniangat ang sarili ko sa pool. Hindi ko man iyun natuloy, nakuha ni Jessie ang message. Hinila pa rin niya ako pababa.

“Nandyan lang ang tatay mo,” sabi ko. Na maaaring dahilan nang pagbilis ng tibok ng aking puso.

Iniikot ako ni Jessie. Ang lakas niya, nagawa niya akong iharap sa kanya. Muli niya akong hinalikan. Mabilis. At sa huli, kinagat niya ang aking labi, hinila, bago pakawalan. Masakit.

Napakagat labi si Jessie habang sinusubukan kong alisin ang kirot ng pagkakakagat niya sa akin.

“Wala ka pa rin karapatan,” sabi niya.

Tumalikod si Jessie at lumangoy papalayo sa akin.

Parang alam din ni Jessie ang larong ito. Ngayon ko pa nga lang ito susubukan, ngayon ko pa lang uumpisahan, pero parang nakalamang na siya. Kaya ko to.

Umahon ako at duneretso sa kwarto. Hindi na ako nakapag-agahan. Mas pinili kong bumawi ng tulog.

Nagising ako sa katok sa pinto. Sino naman ito? Kinabahan ako. Kung si Jessie ito, hahalikan na naman ba niya ako? At kung gagawin niya iyun, ano ang gagawin ko? Napahinga ako nang malalim.

“Alex, anak,” si Mama pala, sumisigaw. “Kain muna tayo, sabay sabay na bilis. Matulog ka na lang ulit mamaya. Sayang ang moment.”

“Opo,” sabi ko.

“Okay, gising ka na. Bilisan mo, babalik na ako sa hapag.”

May isang kahon sa mesa at nakalagay iyun sa tapat ng lagi kong upuan.

“Buksan mo,” sabi ni Tito.

Sumunod naman ako. Nagpakita ako ng ngiti at kaunting enthusiasm. Hanggang sa maging totoo. Bagong telepono.

“Kinuha ko yung phone mo sa bigasan” sabi ni Jessie. “Sinubukan kong pagawa, hopeless. Ako naman ang may kasalanan kung bakit yun nabasa kaya, iyan.”

Ngumiti si Jessie at kumindat.

Naiwan ang ngiti niya habang nakatingin siya sa akin. Parang kasabay kong napatulala ang puso ko. Nakalimutan nitong pumintig panandalian bago ito tumuluy-tuloy. Mas mabilis sa usual.

“Alex, hoy,” sabi ni mama. “Magpasalamat ka naman. Wag yung tulaley ka dyan. May bagong phone lang, nganga na.”

Hindi lang alam ni mama na hindi lang ang telepono ang bago sa paningin ko. Pati ang ngiti ni Jessie. Ngiti, hindi ngisi. Ngiting kaya kong balik-balikan.

“Nakalagay na rin dyan ang sim card mo,” sabi ni Jessie. “Baka may kailangan kang tawagan. Kailangan mong sabihan na sa school na lang kayo magkita.”

Sa mga huling salita niya nanumbalik ang dating Jessie. Concern ba siya o nananakot? Nagsasabi ba siya o nag-uutos? Ako ang may plano, pero bakit ako ang natatalo.

Pagkabukas ko ng telepono, agad kong dinial ang number ni Gabriel.

“Excuse me lang po,” paalam ko kay Tito. Tumango siya bago ako lumakad palayo sa dining area.

Nagring. Isa. Dalawa. Tatlo. Sumagot.

“Hello, Gab,” bati ko.

“Alex, how are you?” tanong ni Gabriel na mababa pa ang boses, bagong gising, pero dama ko ang mabilis na pag-aalala. “Everything okay? Should i pick you up na?”

“Hindi,” sabi ko. “Huwag muna. Nandito si Mama, lunch lang kami. Okay ako.”

“Okay,” sabi ni Gabriel. “I love you.”

“Alam ko,” sagot ko. “Lagi kong naaalala.”

Tumahimik. Hindi ko alam kung nawalan ng signal sa lugar ko o hindi talaga nagsalita si Gabriel.

“Gab,” tanong ko. “Inabduct ka ba ng alien? Nawawala ka. Gab…”

“No, I’m still here. That’s just not answer I’m waiting for. Though to be honest, I kinda expected that. It’s okay.”

“Gab ko,” mahina kong sabi. “Nandito ako sa mansion. Malapit lang si Tito Raul. Baka marinig niya.”

“I know. That’s why i expected it. It’s okay.”

“Gab, naman. Alam mo naman diba…”

“Yeah. I know that you love me, too. I understand. I always understand. I believe everything you say. That’s why, just for us to stay longer, you better choose the words you use. Because i know how honest you are.”

“Anu naman ang nasabi ko, Gab?”

“Babe, there’s a difference between laging naaalala and hindi nalilimutan.”

Napatigil ako. Parang may dalawa o higit pang multo ang nagpulong at napunta ako sa kanilang presensya. Puso ko na lang yata ang nagpa-function dahil walang ibang bahagi ng katawan ko ang gumagalaw. At meron pa pala sa tiyan, may butterflies sa stomach ko, pero mukhang mariposa ito sa laki.

“I stiil love you, Alex,” sabi ni Gabriel. “Go back to Tita Veron. Kain na kayo. Matutulog lang ako ulit. I haven’t got a decent sleep waiting for your call. Just so you know.”

“I’m sorry Gab,” sabi ko.

“I don’t need your I’m sorry. I need your I love you. Is it that difficult to say now?”

“Nandito ako…”

“Sa mansion! Mansion yan. Ang laki-laki nyan. Singlaki ba nyan ang tenga ng Tito Raul mo at maririnig ka kahit saang sulok nyang mansion ka magsabi ng I love you.”

“Galit ka, Gab. Sumisigaw ka na. Na straight na tagalog.”

“Just say ‘I love you!’”

“Teka,” sabi ko habang naglalakad patungo sa may pool area.

“Aren’t you far away enough. I have been begging you since last night for that I love you. Sabihin mo na…”

“Bakit ka ba nagmamadaling marinig ang I love you?” napipikon na rin ako dahil nagtataas na siya ng boses sa hindi ko maintindihang dahilan. “Password ba yun ng butas ng ilong mo? Hindi ka ba makakahinga pag hindi mo narinig? Ikamamatay mo ba? Ha?”

“Oo, baka ikamatay ko, pag hindi ko na narinig.”

“Ay, I’m sorry,” alam kong puyat si Gabriel, galit, mainit na ang ulo, pero kaya pa rin niyang maging ganito katamis. Na-guilty ako lalo.

“I told you, I don’t need your I’m sorry. It’s the I love you that i am waiting for,” sabi niya na parang nahimasmasan na rin. “Sige na. Enough of this cheesiness. Say your I love you so i can say my I love you, too, na. And you can go back to eating your lunch, and i can have my sleep…”

“I love you,” sabi ko, hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. “I. Love. You.”

“I love you, too.”

Sagot ni Gabriel.

Pero may isa pang boses akong narinig na hindi galing sa telepono.

Tumalikod ako. Nakatayo si Jessie. Nakatingin sa akin.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With the Punch

CHAPTER 41

“Noong una, kamao ni Jessie ang madalas na naghe-hello sa mukha ko, pero ngayon, parang yung mga lips na niya ang gustong tumambay sa mga lips ko,” kwento ko kay Sir Cabalfin.

Consulation na lang naman kami para sa final plate. Nagpahuli talaga ako para makaextra kwentuhan pa. Wala naman akong ibang masabihan. Alam na marahil ni Mama, ni Kuya ang pagkatao ko, pero hindi ko pa kayang ipagsigawan ang dinanas ko.

“Alam mo, hindi pa huli ang lahat, pwede pang ma-expel si Jessie sa pambu-bully niya sa’yo,” sagot niya.

Kay Sir Cabalfin ko lang kayang sabihin lahat. Mula sapak hanggang halik. Mula sa unang sigaw na gago ka, pak u. Hanggang sa sabay niyang pagbigkas kay Gabriel ng I love you, too.

Kay Sir Cabalfin ko lang inamin ang mga bangungot ko. Kung paanong ang mga suspense thriller na panaginip ko na si Jessie ang kontrabida, ay pinawi ni Gabriel at pinalitan nang magagandang gising. At nang bumalik si Jessie, naging mahirap na muli sa akin ang matulog. Kailangan kong maintindihan si Jessie. Hindi sapat ang pagdating ni Gabriel.

“Sir wag na po, andaming magugulo,” sagot ko.

“Hindi pwede. Witititit keri. Dapat may makaalam pa niyan. Dapat malaman yan ng nanay mo,” sabi ni Sir. “Nakikisali pa ang Tatay. Nakakaloka.”

“Kaya ko naman po,” sagot ko. “Masaya na si Mama kay Tito Raul. Matagal siyang nagtiis para sa akin. Ngayon lang siya naging ganyan kasaya. Ayoko nang alisin sa kanya yun. Kahit ako naman ang magtiis.”

“Cherry Pie, ikaw ba yan? Ulirang ina awardee?”

“Sir naman, eh,” sagot ko. “Umookay na naman, hindi na naman niya ako sinasaktan.”

“Oo, pinagnanasaan na lang,” sabi ni Sir.

Hindi ako nakaimik.

“Ay, bet mo?” pansin ni Sir.

“Hindi naman sa bet, Sir,” sabi ko. “Pero, gusto ko po ang nangyayari ngayon?”

Tumaas ang kilay ni Sir.

“Masama po ba ako?” tuloy ko. “Gusto ko po kasing gamitin yung mga ginagawa niya sa akin ngayon against him.”

“Uy, uma-against him ka na ha,” sagot ni Sir Cabalfin. “Expound, anung evil plan ba ang naiisip ng isang newly annointed scheming bitch?”

“Di’ba nga po, nag I love you too sya. Yun na yung hinihintay ko Sir, eh. Alam ko na, may gusto siya sa akin. Nung hinalikan niya ako, pwede kasing trip lang niya yun, tapos nung hinalikan niya ko ulit…”

“Trip na trip?” untag ni Sir.

“Hindi po,” sabi ko. “Sinabi niya nga diba, matagal na niya yung gustong gawin. So iyun na yung clue ko, trip niya, naging gusto tapos love na. Sir, mahal ako ni Jessie.”

“Ay, akala ko, dito University mo. Assumptionista ka pala.”

“Sir, hindi ako naga-assume. Alam ko. Feel ko.”

“O sige, granted, mahal ka niya. Anu yang nabubuo mo evil scheme?”

“Ipaparamdam ko sa kanya na gusto ko rin siya. At aalamin ko kung bakit niya ginawa sa akin lahat ng ginawa niya. At pag alam ko na iyun, gaganti ako, ilalaglag ko siya…”

“At tatapakan. At dudurugin. At duduraan. At iihian. At… At… At…”

“Sir naman eh.”

“Akala ko kasi Cherry Pie ka. Cherie Gil pala.”

“Pero Sir tama na biro, sa tingin ninyo? Ano? Okay lang ba?”

“Ang tingin ko, andami mong time. Andali-daling isumbong sa Nanay mo ang issues ng mag-amang yan para mapag-usapan na ninyo. Explain mo sa nanay mo na napatawad mo naman ang mag-ama, hindi niya kailangang hiwalayan ang Tito Raul mo, and if their love is strong enough, jusko, maaayos yan in jutay. I mean due time. Tapos niyan magkakapatawaran kayo. Then charan… Peace of mind. Hindi kailangan yang ganti ng naapi hanash.”

Hindi ako sumagot. Naisip ko, tama si Sir. Peace of mind. Pagpapatawad ang daan para makuha yun. Pero pwede ring pagganti.

“Pero since bakla ka na. You’re into those theatrics, teleserye pasabog ng bus, amnesia, kidnapan plot lines and mga paandar. Go ahead. Andami mong time, gawin mo lahat ng gusto mo.”

Tuluy-tuloy na si Sir. Medyo naiinis siya. Naramdaman ko.

“Huwag ko na lang pong ituloy?” sabi ko. “Sige po. Kaya ko na to.”

“Yang nguynguy na yan, jusko, bahala ka,” sabi ni Sir. “Nababasa ko sa mata mo na gagawin mo pa rin ang gusto mo. Well, just learn from that mistake.”

“Mistake agad? Hindi ko pa nga nasisimulan.”

“Believe me,” nakataas na ang kilay ni Sir habang nagsasalita. “Mistake yan.”

“Kakayanin ko Sir. Ito na lang po ang ibibigay ko sa sarili ko. Ang mga kasagutan ko sa katauhan ni Jessie, kailangan ko siyang maunawaan para mapatawad ko siya. At dun lang po siguro ako matatahimik.”

“Alex, ang arti-arti mo. Ang subject natin, Architecture, hindi Arte-tecture. Tama na yan. Sundin mo ang boyfriend mo, bago mo pa siya masaktan. Move on, just forget. Dedma sa forgive, Basta forget na. May nagmamahal na naman sa’yo. Sayang si Gabriel. Jowa na, naging bato pa.”

Napapikit ako. Napabuntong hininga.

“Ay sige. Gawin ang gustong gawin, malaki ka na, bakla pa, Wala kang hindi kayang kayanin. Final na ba talaga yan?” tanong ni Sir.

“Final na,” sagot ko.

“O siya, gudlak na lang sayo. Sinabay mo pa talaga ngayon. Finals na.”

Matapos magconsult kay Sir Cabalfin tungkol sa aking final plate at final decision, nanatili pa rin ako sa lobby para mag draft ng mga floor plans.

Kasama ko ang mga blockmates kong sina Jobi at Arvin. May iba rin kaming classmates pero sa dalawang ito ako pumagitna.

“Arvin, magtatapos na ang sem, may bagong classmate pa tayong pumapasok?” sabi ni Jobi.

“Ay ang sama,” reaksyon ko.

“Arvin,” pang aasar pa ni Arvin. “Si Jobi naman yun. Ikaw, tsong?”

“Sige pa. Asar pa,” sabi ko. “Kayo, ngayon na nga lang ako gumawa dito, pagtitripan pa ako.”

Matagal na panahon din kasing sa bahay ni Gabriel ako deretso lagi. May drafting area ako sa kwarto dun, at ang pagbabasa ni Gabriel ang kasabay ng pagguhit ko.

“Baka naman may issue lang sa lablayp,” sabi ni Jobi.

“Oo nga, ganun naman diba, pag walang loblayp, balik sa friendship.”

“Hala,” pangiti kong sinabi. At least nasa linya pa rin ako ng friendship nila. “Hindi naman.”

Nagkakatuwaan pa kaming tatlo nang tumawag si Gabriel.

“Alex, babe, I’m almost done with our meeting. I’ll pick you up in about twenty?”

“Wag na, okay lang ako,mga tatlong plates pa ang tatapusin ko ngayon,” sagot ko.

“I can wait for you?”

“Huwag na, kasama ko rin kasi sina Jobi at Arvin. May mga catching up kaming dapat gawin.”

“Catching up naman pala” bulong bi Arvin kay Jobi.

Nagtawanan ang dalawa.

“Okay. Daan ka na lang sa house after that. I’ll cook dinner.”

“Sige,” sagot ko.

“Cool. So I’ll just wait for you. I’ll send you a message pag tapo na ako. Bye, I love you.”

“Sige. I love you, too.”

“Catching up pala ah,” sabi ni Jobi. “Baka naman may iba ka lang talagang gustong macatch sa floor ngayon?”

Kung makahirit si Jobi parang may alam. Pero hindi ko na lang pinatilan. Tumawa na lang ako. Ayoko nang palakihin.

Tuloy lang ang catch up sessions naming tatlo nang dumating ang mga upperclassmen. May scaled model ng isang builsing silang dala. Naupo sila sa likod ng area namin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kanilang pagdating. Isa sa kanila si Jessie. Alam ko. Naririnig ko ang mababa niyang boses. Tumatawa, nagkukwento.

Ilang sandali pa ay tumahimik. Sa narinig kong usapan, hindi si Jessie ang mag-uuwi ng project dahil motor ang dala niya. Matapos ang desisyon, tumahimik. Noon lang ako nagkalakas ng loob lumingon.

At muling napahinto ang tibok ng puso ko. Nakaupo sa drafting table si Jessie. Nakatingin sa akin. Walang ngiti, pero hindi rin nananakot. Gumalaw ang kilay niya nang magtama ang aming mga mata.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Ngumiti ako nang hindi lumalabas ang ngipin. Tumalikod mula kay Jessie at itinuloy ang pagdo-drawing.

Ramdam ko ang presensya ni Jessie. Hindi siya umaalis. Pinapanood lang niya ako.

Naunang matapos si Arvin. Sumunod si Jobi. Sabay silang nagpaalam. Hindi na rin ako nagpahintay. Baka gusto nilang magsolo, ayokong maging third wheel. Nakatapos ako ng tatlong plates na mga apat na lang kami sa floor. Nang makapag ayos ako, umalis naman sa pagkakaupo sa drafting table niya si Jessie.

Sumunod siya nang maglakad ako. Sinabayan niya ang pagbaba ko ng hagdan. Hindi siya nagsasalita. Sumasabay lang. Hindi ko pinansin ang presensya niya. Hanggang sa hawakan na niya ako sa balikat. Napahinto ako at kinabahan. Ang totoo, hindi ko pa rin mabasa ang mga kilos ni Jessie.

Pagkahinto ko, kinuha ni Jessie ang mga nakasukbit sa balikat ko. Dinala niya. Hindi ko alam kung bakit, pero nauna siyang maglakad. Sumunod naman ako. Hindi ko alam kung dahil dala niya ang gamit ko, O dahil guato ko.ring mapunta kung saan man siya pupunta. Kailangan bang isa lang ang dahilan. Pwede namang parehas. Sumunod ako kay Jessie.

“Hindi pa ako uuwi sa atin,” sabi ko. “May dadaanan pa ako.”

“Sabi sa’yo kailangan mo pa ’yang telepono,” sabi ni Jessie na parang walang paki sa opening statement ko. “Text mo na ang shota mo. Hindi ka na dadaan.”

“Huy, hindi pwede yun.”

Hindi nagpatinag nang paglalakad si Jessie. Patungo na kami sa parking area.

“Sige,” sabi ko. “Itetext ko si Gabriel. Sa isang kondisyon.”

Hindi magtatanong si Jessie kung Ano ang kondisyon. Wala siyang pakialam sa akin. Kaya kasabay ng aking pagbabakasakaling mag work ito, Sinabi ko na agad ang proposisyon ko.

“Sasagot ka ng isang tanong ko.”

Mukhang nagustuhan ni Jessie ang game. Napatigil siya at napaharap sa akin.

“Text mo na.”

Nagulat ako sa reaksyon ni Jessie. Binuksan ko ang telepono kong bigay niya. Pinuntahan ang conversation namin ni Gabriel. Si Gabriel pa ang huling nagmessage.

I’m home. I’ll start cooking in a while.

Hindi pala ako nakareply. At ngayon magmemessage ako, magpapaalam pa. Hala, paano kung nakaluto na siya?

Bahala na. Mas kailangan ko ang mga sagot ni Jessie.

Uwi na ako, Gab. I’m sorry. Kailangan ko nang madaliin ang mga plates. I love you po.

Sent.

Tumingin ako kay Jessie.

“Go, shoot,” sabi ni Jessie.

Nakahanda nang aumagot si Jessie. Pero hindi ko inasahang aabot ako sa puntong ito. Anung itatanong ko?

Mahal mo ba ako?

Bakit mo ako hinalikan?

Bakit hindi mo na ako binubugbog?

“5-4-3-2…” binilangan ako ni Jessie.

“Anong binulong sayo ni Tito Raul nung nasa Pangasinan tayo? Anung pinagawa niya sayo?”

“Sumunod ka,” utos ni Jessie.

Napakadominante talaga ni Jessie. Nakakainis. Wala naman akong magawa kundi sumunod.

Medyo mahabang lakarin ito na walang usapan. Susukuan ko na sana ang kagustuhan kong sundan lang siya, pero hostage niya ang mga final plates ko.

Pumasok kami sa pool. Hapon na, tapos na ang huling swimming class. Kami na lang ni Jessie ang nandoon.

“Ang hilig mo sa tubig?” sabi ko. “Gustung gusto mong nababasa .”

Walang imik si Jessie. Naghubad mula siya hanggang sa boxers na lang ang suot.

“Hubad,” utos niya. Walang galit, walang pwersa, pero utos.

Hindi ako sumunod. Baka ito na ang sinasabi ni Sir Cabalfin na pagnanasa.

Binuksan ni Jessie ang canister kung saan nakalagay ang mga plates ko. Itinapat niya sa pool.

Wala akong nagawa. Naghubad ako.

“Talon na,” utos niya.

Tumalon na ako. Sa malalim na part. Doon ang tinuro ni Jessie. Nagsimula akong mag threadin fb oara hindi lumubog.

Inilapag ni Jessie ang canister at t-square. Tapos Ay Tumalon din siya.

Lumapit siya sa akin.

Naghintay ako. Nakatingin ako sa kanyang mga mata. May pag-aalinlangan. Hahalikan na naman ba ako ni Jessie. Napabasa ako ng labi sa paghihintay.

Pero ang totoo, hindi ko iyon sinadya. Kung maaari nga lang Ay irerewind ko, at hindi na gagawin ulit. Baka isipin ni Jessie na hinihingi ko ang kanyang halik. Ayokong maging inviting. Sana Ay hindi niya maisip iyun.

Pumatong ang mga kamay niya sa aking mga balikat. Nawala ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Jessie. Napunta iyun sa aking mga mata. Nagsimula akong matakot. Nanlisik ang tingin ni Jessie. Hanggang sa magsimula siyang itulak ako pababa sa tubig.

Hindi ako handa.

Ibinabad niya ang ulo ko. Nagsimula akong pumalag, pero malakas si Jessie. Iniangat niya ako.

“Gagong kabaklaan yan, aalisin natin yan sa katawan mo!”

Hindi pa ako nakakabawi ng hininga nang muli niya akong ilublob. Nagsimula akong makainom.ng tubig sa pool.

Napapaubo ako sa paghahabol ng hnagin tuwing iaangat niya ako. Wala akong maintindihang buong pangungusap.

“Bakla…”

“Lulunurin natin…”

“Masama…”

Hindi ko maintindihan.

“Walang bakla sa lahi natin!”

“Lalaki ka ba?”

“Lalaki ka na ba?”

Sa bawat tanong, nilulunod ako ni Jessie.

Hanggang sa hindi ko na kaya.

“Tama na!” sigaw ko nang paulit-ulit.

Hanggang sa huling sigaw ko, napakapit ako nang mahigpit kay Jessie. Yumakap ako. Tumigil siya. Niyakap din ako. Mahigpit. At sa hindi ko maunawaang dahilan, naintindihan ko si Jessie.

Pagkaahon ko Ay nahiga muna ako sa gilid ng pool. Pagud na pagod ako. Umahon si Jessie. Nakatayo. Iniabot ang kamay sa akin. Kinuha ko amg kamay niya para makatayo ako.

Iniaangat ako Jessie nang bigla na lang may kamaong nakita kong dumeretao sa mukha niya. Napatumba si Jessie at nahila niya ako pabagsak.

Pareho kaming nasa sahig ni Jessie. Tinitingala namin ang lalaking bagong dating, pagod, humahangos, nagmamadali at galit na galit. Si Gabriel.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Where it Breaks

CHAPTER 42

Nakahiga ako sa sahig. Basa, tanging puting brief lang ang suot. Sa kanan ko ay si Jessie, nakahubad din maliban sa basang boxers shorts. Hawak niya ang pangang tinamaan ng sapak ni Gabriel. At si Gabriel, naglalakad palayo sa amin.

Agad akong tumayo. Kinuha ang mga damit, sapatos, bag at mga plates. Humabol ako kay Gabriel na papalabas na ng pool area.

“Gab, teka lang,” sigaw ko.

Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad. Alam kong narinig niya ako. Alam ko rin na sinasadya niya akong hindi pansinin.

Umabot ang paghabol ko sa kanya sa may parking area. Sumakay siya sa kotse, mabigat ang pagsara niya ng pinto. Pumunta ako sa kabilang side para buksan.

Sasama ako kay Gabriel, saan man siya pumunta. Tapos na ang kalokohan ko kay Jessie. Hindi kalokohan, pag-iinarte. Tama sa si Sir Cabalfin, ang arte arte ko. At gusto ko yung isigaw kay Gabriel. Sorry, Gab, ang arte arte ko.

Pero hindi muna ako sumigaw. Mukha na akong tanga na nakahubad, tumutulo ang tubig sa katawan, may mga bag at kung anu-anong nakasabit sa balikat at mga damit at sapatos sa kamay. Pag sumigaw pa ako, mapagkakamalan na akong baliw. Kanina pa ang uwian, pero may iilan pa ring mga taong napapatingin sa akin.

Bubuksan ko na ang pinto ng kotse nang tumama ang tingin sa akin ni Gabriel. Namumugto ang mga ito. Umiling siya at narinig ko ang click ng lock. Nagsimulang tumunog ang makina ng kotse, at napabitaw ako nang magsimula itong umandar.

“Gab, hindi pa ako nakakasakay,” bulong ko sa sarili ko.

Oo, alam kong masakit ang inabutan niyang kasama ko si Jessie, pero nasasaktan din ako sa ginagawa niya ngayon. Ang sakit pala nito. Yung mabigat ang dibdib, nanginginig ang mga binti, nanghihina ang katawan, nahihirapang huminga.

Bumigay ako. Napaupo ako, walang pakialam kung may nakatingin sa akin. At hindi ko na alam kung saan naimbak ang napakaraming luhang tuluy-tuloy na dumaloy sa aking mga mata. Ayaw tumigil.

Hinayaan ko ang sarili ko sa ganoong sitwasyon. Ang arte-arte ko. Ang sama-sama ko kay Gabriel. Deserve ko ’to. Niyakakap ko ang kahihiyan. Parusa ko ito sa sarili.

“Hayaan mo siya,” Si Jessie. Alam kong siya tong boses sa likod ko. “Nandito ako.”

Nanlaki ang mga mata ko. Kinailangan ko ang lahat ng hangin sa paligid ko. Pagkahinga ko, agad akong tumayo. Binitawan ko ang lahat ng dala ko at hinarap ko si Jessie.

Sinugod ko siya. Pinagsusuntok, tinulak, gusto ko syang itumba.

“Aanhin kita, gago ka! Baliw ka! Baliw ka!” tuluy tuloy kong salita.

“Tama na,” mahinahon niyang sabi.

“Ikaw ang tama na,” sagot ko na patuloy na sumusgod kay Jessie. “Gusto mo akong umiyak di’ba? Ayan na, umiiyak na ako. Napaiyak mo na ako. Nakuha mo na ang gusto mo. Tigilan mo na ako!”

Ibinuhos ko ang lahat ng galit ko sa kanya. Alam kong wala na akong sense. Kung anu-ano ang hugot nang pinagsasabi ko. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ang sakit-sakit, ang gulu-gulo. Ang totoo, hindi ko naiintindihan kung anong uunahin ko sa lahat ng nararamdaman ko. Basta ang gusto ko, maitumba si Jessie. Kasalanan niyang lahat ng ito. Siya ang may kasalanan. Siya!

Pero kahit sa ganoong pagkakataon, malakas pa rin siya. Matikas pa rin siya kumpara sa nagbibunata kong katawan. Bawat suntok ko ay nasasalag niya. Ang pagtulak ko ay sinabayan niya nang pag-atras. Hanggang sa yakapin na niya ako. Inipit niya ang magkabila kong braso.

“Tama na!” sigaw niya.

Hindi pa rin ako tumigil sa pagpupumiglas hanggang sa manghina ako sa pagod. Naramdaman siguro yun ni Jessie at lumuwag ang pagkakahawak sa akin. Inilagay ko ang mga kamay ko sa mukha ko at tinuloy ang pag-iyak. Tapos na akong maging mahina sa harapan niya.

Tumalikod ako. Pinulot ang mga gamit ko at bumalik sa pool area. Hinagis ko ang mga gamit ko sa isang gilid ng locker area, bago pumunta sa shower area.

Hinayaan kong bukas ang shower at itinapat ko lang ang katawan ko sa bumubuhos tubig. Dahil nanghihina, nakatukod ang dalawang kamay ko sa haligi. Nakayuko ako at sumabay sa tubig ang luha kong hindi pa rin humuhupa.

Kasalanan ko ito. Tapos na ba kami ni Gabriel? Kasalan ko.

Kahit malamig ang tubig, ang nararamdaman ko ay parang init na sinusunog ang loob ko. Naglalagablab, pinabibigat ang dibdib ko, minamanhid ang aking mga braso. Kailangan kong ilabas.

Binawi ko ang kamay ko sa sa pader at pinagsusuntok ang tiles. Masakit ang kamao ko, pero lumuluwag ang pakiramdam ko.

“Ang tanga-tanga mo, Alex!” sabi ko sa sarili ko. “Napakaarte mo. Antanga-tanga. Antanga-tanga.”

Hanggang sa mapagod ulit ako. Maupo sa isang sulok. Napaisip.

Totoo pala yung mga ganitong nasa pelikula. Nakakapagod nga. At kailangan yung pagod, kasi kapag may lakas pa ako, gusto kong ilabas lang din lahat, ubusin, kasi kung hindi ito nagiging galit, nagiging lungkot, kabaliwan.

Pero sa pelikula, hindi naman pinapakita na tumatayo yung bida mula sa sulok ng banyo matapos mag-moment nang ganito.

Nang magbalik ako sa katinuan, naalala kong hindi ko ito bahay. Sa natitira kong lakas, tumayo ako at nagbihis. Mabagal akong lumabas.

Inalala ko si Gabriel. Iyun na ba yun? Tapos na ba talaga kami? Iniwan niya ako. Hindi naman niya yun ginagawa. Hindi niya kayang gawin, maliban na lang kung… Kung hindi na niya ako babalikan.

At kung mangyari yun. Dalawa lang ang options ko. Una. Hayaan siya, mamimiss naman niya ako ni Gab at balikan niya ako at kung hindi, mamimiss ko siya at gagawin ko ang pangalawa. Hahabulin ko siya. Umaasa ako sa una.

Pero iba ang naghihintay sa akin. Si Jessie. Nakaupo siya sa hagdan sa labas ng shower area. Nakashorts pa rin siya at nakahubad. Ito ang suot niya nang sundan niya ako kanina. Hawak lang niya ngayon ang tshirt niyang hinubad.

Ang hayup na to. Nagawa pang magbihis kanina.

Tumingala siya nang dumating ako. Tumayo. Sinubukang kunin ang mga gamit kong nasa balikat.

Umatras ako. Umiling. Hindi.

Lumapit pa rin siya.

“Huwag mo ’kong hawakan! Bakla ka. Yung nakakahiyang klase ng bakla. Dahil takot ka! Takot kang bakla ka!”

Kung anu-ano na naman ang sinasabi ko.

Hindi iyun nagustuhan ni Jessie. Nag-iba ang mukha niya. Kinuyom niya ang palad.

“Ano, sasapakin mo ako? Sasaktan? Hindi mo na kaya. Durug na durog ako. Kahit anung bugbog mo, wala na akong idudurog pa.”

Hinayaan ako ni Jessie. Alam kong pinapanood niya akong maglakad papalayo sa kanya. Ang huli ko na lang narinig ay sigaw nya at ang pagsipa niya sa sahig. Matapos nun, wala na. At wala na rin akong pakialam.

Si Kuya Albert ang nagbukas ng pinto sa akin. Wala naman akong ibang pupuntahan kundi ang unit ni kuya.

Nakatayo lang ako. Tiningnan ako ni Kuya. Hindi ko alam kung iiyak ako o kung ano ang gagawin ko. Mata ko na lang ulit ang nagdesisyon. Tumuluy-tuloy na naman ang mga ito sa pagluha.

“Pumasok ka na,” sabi ni Kuya.

Sumunod na lang ako. Umupo. Tinakpan amg mukha at pilit pinunasan ang pinipigilang maglawang mga mata.

“Sige, ubusin mo muna yan,” sabi ulit ni Kuya.

“Okay na ako,” sabi kong humihikbi-hikbi pa.

“Sige lang, hindi ka pa okay. At unang tingin ko, mga isang sem yang hindi ka magiging okay. Break na kayo ni Gabriel. Gusto mo bang kausapin ko?”

Umiling ako. Pero napatigil ako nang bumukas ang pinto ng banyo. Bakit naman nandito ang tatay ko?

Tumayo ako.

“Kuya, sige, uuwi na muna ako,” paalam ko.

“Hindi,” sabi ni Daddy. “Albert, paupuin mo yang kapatid mo. Ako na muna ang aalis.”

“Umupo ka na,” utos ni Kuya.

Sumunod naman ako.

“Kung walang issue yan sa Paranaque e dun na dumretso yan. Uunahin ka ba nyan sa Nanay niya,” tuluy-tuloy na sabi ni Daddy habang nagsusuot ng sapatos. “Mas kailangan ka niya. Tama ba anak?”

Alam kong ako ang tinutukoy niya sa salitang anak.

Tumayo siya at kinusot ang buhok ko.

“Dumito ka na muna. Albert, ampunin mo muna yang kapatid mo.”

Matapos noon ay umalis na si Daddy. Inihatid siya sa pinto ni Kuya. At nang bumalik si kuya, tumabi siya sa akin.

“Sakit ba, ’tol?” ngisi ni Kuya. “Sa umpisa lang yan. But it wouldn’t get better. Sorry to say.”

“Oo, kuya,” Akala ko ay mapapatahan ako, pero lalo pa akong bumigay.

“Kukwento mo ba sa akin, o iiyak ka lang talaga? I can get the story from Gabriel.”

“Sige, kuya. Sa kanya mo na lang itanong. Hindi rin alam kung ano ang nangyari. Basta nasaktan ko siya. Alam ko yun.nakita ko kung gaano siya nasaktan. Tapos, iyun, iniwan niya ako. Kuya, tapos na ba kami? Break na ba kami?”

“Naku, ’tol, kayo lang ang makakasagot nyan. Anu bang nangyari? Anung sabi niya?”

“Wala pa. Tinatawagan ko siya. Hindi siya sumasagot. Antanga-tanga ko Kuya. Mahal ko si Gabriel pero sinaktan ko siya. Ang sama-sama ko.”

Kinalma ako ni kuya. Hinagod niya ang likod. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

“Mapapatawad pa ba niya ako, kuya?”

“Oo naman. Gabriel is a forgiving person. Hindi ko lang alam if things will still be like before. Nasira na kayo eh.”

“Bakit ang honest mo? Kuya gusto kong bumalik kami sa dati. Huwag mo naman munang tanggalin sa akin yun.”

“Tol, hindi ko alam ang detalye ng away ninyo. But I know Gabriel. Mabait siya. Napakalaki lang talaga nang nagawa mo para makipagbreak siya. Like niloko mo siya, or may iba kang… Oh no, Alex, hindi ka naman nagkaroon ng affair with someone? Hindi ka talaga nun mapapatawad.”

“Hindi naman affair yun, Kuya. Si Gabriel lang ang mahal ko. Siya lang.”

“Dapat lang. Sige, kakausapin ko siya. Pero Huwag muna ngayon. Malamang umiiyak din yun. Pakalmahin muna natin ang sitwasyon.”

“Kuya, sabihin mo sa kanya, mahal na mahal ko siya ha. Nagkamali ako, pero hindi ibig sabihin nun, kinalimutan ko siya. Walang iba. Siya lang ang mahal ko. Sabihin mo, hindi pa kami break.”

“Ikaw ang magsabi niyan sa kanya. Don’t worry. Kakausapin ka ulit nun.”

Unti-unti. Napansin kong paulit-ulit na lang ang sinasabi ko. Pero unti-unti, sa kauulit-ulit. Medyo nawala ang bigat. May natitira pa rin pero hindi na singbigat nang kanina.

Sa tapat na ng TV naghain si kuya ng hapunan namin. Tocino at itlog at kanin.

Nakatutok ako sa TV pero hindi ako nanonood. Lahat ng mga sinasabi ng mga artista, tinatamaan ako. Tapos mapapaisop ako sa issues ko.

Ganito pala pag namomroblema sa pag-ibig, parang sa buhay ko hinango lahat ng love story. Relate na relate ako.

“Baka mga hanggang bukas to one week ka pa walang gana, pero sumubo ka kahit tatlo lang. Ako na uubos ng matirira mo.”

Sumubo ako. Hindi ko nalalasahan. At totoo naman ang sinabi ni Kuya. Kinain niya ang natira.

Maya’t maya, napapatingin ako sa phone. Wala pa ring messages.

Andami ko nang nasend na apologies kanina kay Gabriel. Pero wala pa rin siya reply.

Minessage ko na rin siya sa Fb. Wala. Seenzoned.

Nagmessage ulit ako. Sabi ko. “Seenzoned?”

Iyun, na seenzone ulit.

Gusto ko lang naman magpaliwanag sa kanya. Naintindihan ko na si Jessie. Titigilan ko na. Yung plano kong kinwento kay Sir Cabalfin, kakalimutan ko na. Alam ko na ang mas mahalaga. Si Gabriel.

Pero hindi ko pa masasabi yun. Ayaw pa niyang makipag-usap.

Kinabukasan. Exam sa Kas. History class namin. Mabuti at maraming essay dahil kung objective ang mga ito, hindi ko masasagot. Hindi ko nareview ang mga pangalan, mga dates at mga lugar na pinangyarihan ng mga isasagot ko.

Kahit hawak ko ang notebook kagabi, pangalan pa rin ni Gabriel ang tumatakbo sa utak ko. Papasa naman ako dito. Pero Kay Gabriel, hindi ko alam kung ano ang sitwasyon ko. Namin.

Natapos ko rin ang mga final plates ko. Napansin ni Sir Cabalfin ang ilang patak ng tubig sa sheets. Alam na niya. Pero hindi pa.siya nagtanong. Mabuti na rin kasi hindi ko pa alam ang isasagot ko. Iniiwasan ako ni Gabriel.

“Nag-iisip pa raw siya,” sabi ni Kuya.

Nakaupo kami sa Oval ni Kuya. May hawak na fishballs. Libre niya. Nakakakain na naman ako. Hindi naman pwedeng maghintay lang ako. Kailangang ituloy ang buhay ko, kahit hindi ako pinapansin ng dahilan nito.

“Ginamit ko na nga ang bestfriend card. Sabi ko, ‘bestfriend, you promised not to hurt my brother, but look at what you’re doing to him now.’ Syempre English. Inglesero yun. E sumagot. ‘As far as I remember, it is him who hurt me.’ Mukhang tama naman siya dun.”

“Tama naman,” sagot ko. “Pero kumusta sya kuya? Okay ba siya?”

“Stop worrying about him,” sagot ni Kuya. “Malaki na yun.”

“Mahal pa ba niya ako? Ilang araw na niya akong di kinikibo.”

“Hindi naman yun huhugot nang ganun kung hindi na. May nararamdaman pa yun. Stop worrying na sabi.”

Tumango ako. Sige. Stop worrying. Susubukan ko. Kahit alam kong imposible.

Kay Kuya na muna ulit ako umuwi. Tatapusin ko lang ang finals week na ito. Ayos nga at may distraction sa nararamdaman ko. Kahit papaano, kailangan kong isipin ang acads. Pero parang ang acads ko ang nadidistract sa pag-iisip ko kay Gabriel.

Math. Last na ito. Isa sa mga pinakamahirap para sa mga Freshman. Pinilit kong magfocus. Nakaya naman. Pagdating sa exam. Nakaya rin naman. Hindi ko lang alam kung pasado. Pero mukhang nasagutan ko naman lahat.

At parang masasagutan na rin ang tanong ko.

Paglabas ko ng Math Building, nandoon ang kotse ni Gabriel. Nakatayo siya sa labas ng sasakyan, nakasandal. Nang makita niya ako. Umayos siya at binuksan ang pinto.

Napatingin ako sa paligid. Ngumingiti ang mga blockmates kong aina Arvin at Jobi. Medyo nahiya pero aanhin ko iyun. Mas mahalaga ito. Pumasok ako sa kotse. Sinara ni Gabriel. Tapos siya naman ang pumasok sa kabilang side.

Kahit papaano, napangiti ako sa ginawa ni Gabriel. Magandang senyales ito. Mahal pa nga niya ako. Naramdaman kong namumugto na ang mata ko. Bumibigat.

Tama si Kuya. Mabait si Gabriel. Mapagpatawad. Maunawain. Tatanggapin niya ang sorry ko. Lalo pa’t maipapaliwanag ko na ang mga natutunan ko kay Jessie. Ayos na kami.

Umandar ang kotse. Hindi nagsasalita si Gabriel, pero kalmado naman kami. Paminsan-minsan, tumitingin siya sa akin. Ngunguti naman ako kapag nagkakasalubong ang mga mata namin.

Hanggang sa mapansin kong hindi pa dumadampi ang kamay niya sa binti ko. Nag-iba na ang tingin ko nang lingunin ako ni Gabriel.

“You have any questions?” tanong niya. Walang kaemo-emosyon.

Ang lamig bigla. Akala ko, kotse ang pinasok ko, ref pala.

Kaya iyun. Walang isip-isip. Nagtanong ako.

“Tayo pa ba?”

Sumagot si Gabriel. Hindi pala. Hindi siya sumagot. Umiling siya.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One More Chance

CHAPTER 43

“Bakit?” tanong ko.

Ganun yun ka-vague. Hindi ko rin alam kung anong bakit ang itatanong ko. Bakit umiiling ka lang? Bakit ambait-bait mo? Bakit hindi na tayo?

Sumagot siya na sumagot sa lahat ng iyun.

“It just has to be this way.”

Patuloy lang sa pagandar ang kotse. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Gabriel. Hindi ko rin sigurado kung alam niya.

Patuloy pa rin ang pagtingin niya sa akin paminsan-minsan. May ngiti pa rin siya na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Kung gusto niya akong ngumiti rin, hindi ko iyon magagawa. Isang linggo kong binuo ang pag-asa na aayos din kami. At sa isang sandaling pag-iling, gumuho lahat iyun.

“You’re not okay,” sabi ni Gabriel. “It’s alright. I’m not okay myself. But we’ll get through this. Ginusto natin ito.”

“Hindi ko ’to gusto, Gab,” tutol ko. “Ang gusto ko, tayong dalawa. Magkasama tayong dalawa. Mahal pa kita Gab.”

“I know that. At mahal pa rin kita. We just have to forget that. Kasi parehas lang tayong masasaktan. You love me, but you love someone more.”

“Hindi ko mahal si Jessie.”

“That’s your talk. Not your walk.”

Bakit ba naiisip ni Gabriel na mahal ko si Jessie? Alam ko sa sarili kong hindi. Siya ang mahal ko.

Nawala ang ngiti niya. At ang nararamdaman kong dinadamdam niya na tinatago ng kanyang saya kanina ay nawawala na.

Kung galit man ang meron siya sa akin. Ito na ang oagkakataon kong tanggalin iyun. Kailangan ko nang magpaliwanag, pero ang mga naisip ko na noon ay nawala na sa aking bibig. Hindi ko na alam ang sasabihin.

Inuna kong hawakan ang kanyang hita habang nagmamaneho.

Hindi niya iyon pinansin. Tumingin lang siya at umiling ulit.

Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kanya.

“Akala ko naiintindihan mo na ginagawa ko ito para sa sarili ko. Na kailangan kong masagot ang mga dahilan ni Jessie sa pananakit niya sa akin,” paliwanag ko na.

“I perfectly understand everything, Alex,” nagbago na ang boses ni Gabriel, nawala na ang pagpapanggap na ayos siya. Sumuko na ang kanyang saya-sayahan. “Maintindihan ko. Iintindihin ko. Kaya ko yun. Desisyon ko yun. But not this time. You keep on hurting me kahit na sinabi ko nang nasasaktan ako.”

“I’m sorry,” sagot ko. “Hindi ko sinasadya.”

“Never naging hindi sinasadya ang pagsisinungaling.”

“Hindi ko talaga alam kung bakit ko siya pinili. Kung bakit ako nagsinungaling,” paliwanag ko. “Pero hindi ibig sabihin nun na mas mahal ko si Jessie. Hindi ko nga siya mahal.”

Sinabayan ko na ang gusto niyang klase nang sagutan. Tumataas na rin ang boses ko. Hindi dahil sa nagmamalaki ako, kundi dahil gusto kong ilaban ang nararamdman ko.

“Now you’re lying to yourself,” muli siyang huminahon. “That’s pathetic. Don’t do that to yourself.”

“I’m not,” nagagalit na rin ako. “Bakit mo ba sinasabi yan, e ako na nga ang nagsasabi sa’yo.”

“Alex, I’m not here to have a clean break up with you,” sabi niya.

Wala akong nasabi. Hindi ko alam kung bakit yun ang sinabi niya. Hindi man lang niya pinansin ang huli kong mga salita.

“There’s no such thing,” tuloy niya. “We can cover all the pain and frustrations and could have been, but it will always be curse the heaven hard.”

“Kaya nga huwag tayong magbreak,” sagot ko. “Wala namang may gusto nun.”

“I want. But it can’t be a clean one,” sabi ni Gabriel. “I just want us to empty our chests, our hearts of all the things that would be left unsaid, so it would be easier, not easy, just easier for us to move on. Because my life will really be messy after this. I hope yours won’t, though.”

Ako naman ang umiling.

“Hindi,” sabi ko. “Walang ganito, Gab. Walang move on-an please. Walang messy-messy na yan. Kung ginagawa mo ito para turuan ako ng leksyon, natutunan ko na. Alam ko na ang halaga mo, nabalewala kita. Huwag mo sanang sabihin too late kasi, nandito pa ako, nandyan ka, buhay pa tayo…”

Nakangiti si Gabriel. Walang pumapasok sa tenga niya. Kumbinsido siya sa desisyon niya at hindi na iyon mababago.

“Kahit isa pang chance, hindi mo ba ako mapagbibigyan?” nawala ang energy ko. Nanghina na ako. Iyun na lang. Parang pagmamakaawa.

Natahimik ako panandalian.

“Gabriel, inalam ko lang naman kung bakit pinaglalaruan ako ni Jessie, kung bakit niya ako sinasaktan,” paliwanag ko ulit. “Para maintindihan at mapatawad ko siya. At nalaman ko na, nung nakita mo kami sa pool. Nakita ko amg ginagawa sa kanya ng tatay niya dahil bakla din siya.”

Tumingin si Gabriel sa akin na parang naghahanap ng kasunod na paliwanag. Hindi siya kumbinsido.

“Gab, naiinggit siya sa akin,” tuloy ko. “Mahal ako ng nanay ko kahit na malambot ako. Hindi ko kailangang magtago kung ano ako, tanggap ako ni Mama. Tapos, nang nakita niyang napalaya ko ang sarili ko nang makilala kita, tumindi ang inggit niya, na naging galit, kaya niya ako ginugulo.”

“It’s that how you really took it?” tanong ni Gabriel.

“Oo,” sagot ko. “Ano pa ba?”

“Ano pa ba?” ibinalik ni Gabriel ang tanong.

Hindi ako makasagot agad. Alam ko kasi ang tamang sagot. Pinilit kong itago sa mga sinabi ko kanina. Totoo rin naman ang mga sinabi ko, ang paliwanag ko, mayroon lang akong hindi sinasabi. At alam ko iyun. Ayokong magsinungaling.

“Inggit lang ba talaga?” tanong ni Gabriel.

“Mahal niya ako,” sagot ko. “Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman, pero oo, mahal niya ako, naramdaman ko na lang bigla.”

“Naramdaman mo na,” sabi ni Gabriel. “And yet you still kept your distance close to him. Kung hindi mo siya inaakit, then what are you doing? Research? Isnt Google enough?”

“Oo, Gabriel, na-curious ako,” sagot ko. “At naisip kong samantalahin ang nararamdaman niya sa akin, para makaganti, para mahawakan naman siya, para maramdman kung paano maging mas mataas sa kanya. Pero tapos na yun. Ayoko na. Gab, isa pang chance naman o.”

“Chance for what?” tanong ni Gabriel. “You see, I love you and I can do what your doing now. I can be pathetic, to ask for your love again. But right now I just can’t. I wont go to a level where I have to ask for a love that is isnt for me.”

“Para sa’yo nga lang ito…” sabi ko. Nangagalaiti na ako.

“Itong para sa iyo,” sabi ni Gabriel. “I’ve been keeping you from letting someone in, in your life. Now I’m letting you go. I’m saying goodbye. Puntahan mo na si Jessie. And see if it was worth it, losing me for him.”

“Gabriel, hindi iyun magiging worth it. Alam ko na ngayon pa lang. Hindi ko kayang mawala ka.”

“Kailangan mong kayanin. Nawala mo na ako,” sabi niya. “Last week, nang hindi ka dumating sa bahay at sumama ka kay Jessie…”

Umiling na ulit siya.

“Pero nandyan ka pa. Nahahawakan pa kita. Kailangan mo lang akong patawarin sa ginawa kong yun. Katangahan yun. Kaartehan. Oo Gabriel, antanga-tanga ko. Ang arte-arte ko ko. Mali iyun. Sorry, Gabriel, sorry. Huwag na tayong ganito. Mahal na mahal kita.”

Nagsimula na akong umiyak. Ito siguro yung pathetic na sinasabi ni Gabriel kanina na kaya niya ring gawin. Damang dama ko ang kababaan ko. Ang pagpipilit sa sarili ko sa taong itinataboy ako. Tanggap ko, dahil alam kong mahal pa niya ako. At alam ko iyun dahil kahit nagmamaneho siya, nakikita ko siyang patuloy na nagpupunas ng luha. Tulad nang sa akin, patuloy din ang pag agos ng sa kanya.

Hanggang sa dumating kami sa Parañaque. Huminto siya sa gate, nag-iwan ng ID. Pumasok sa subdivision at huminto sa tapat ng mansion.

Alam kong pinabababa na niya ako nang marinig ko ang click ng lock ng kotse. Bubuksan ko na sana at bababa na. Pero huminto ako.

“Anong kailangan kong gawin para patunayan kong hindi ko mahal si Jessie? Para patunayan kong ikaw lang ang mahal ko?”

Hindi nagsalita si Gabriel.

Sige na. Hindi ako sumuko. Alam ko yun. Siya ang sumusuko sa akin. Kanina pa. Inikaban ko na at ilalaban ko pa. Pero hindi muna ngayon, pagpapahingahin ko muna siya. Ang totoo, napagod din ako.

Binuksan ko na ang pinto. Bumaba. Naglakad palayo.

Pero hindi ko narinig na umalis ang sasakyan. Ang narinig ko ay pagsara ng pinto ng kotse.

“You see, I told myself for a week that I’m ready to lose you,” sabi ni Gabriel.

Hindi ko siya hinarap pero alam ko na. Chance na ito. At tama ako.

“But I actually, I still can’t. I just can’t. So I’m giving us a chance. Please do it for us.”

Tumalikod ako. Hinarap ko siyang nakangiti. Marahan akong naglakad sa kanya. Para yakapin siya nang mahigpit, halikan siya, mahalin siya. Pero hindi ko iyun nagawa. Umatras siya.

“Not yet, Alex,” sabi niya. “Galit pa ako, and I’m still ready to lose you.”

“Okay lang,” sabi kong nakangiti kahit napahiya. “Tatanggalin ko yang galit na yan. And you wont lose me.”

“Thank you,” sabi ni Gabriel. “Just make it quick.”

Pinanood ko siyang tumaliko at mabilis na naglakad. Sumakay sa kotse niya at umalis. Hindi lumingon, walang busina, tuluyan akong iniwan. Pero yun ang nangyari, hindi iyun ang kanyang iniwan sa akin. Pag-asa.

Break kami. Pero break lang. Parang itong first year ko sa college. Magbe break lang, pero tutuloy pa next sem. Hindi pa tapos, tuluy-tuloy lang.

Hindi pa nawawala sa paningin ko ang kotse ni Gabriel nang marinig ko ang paparating na motor.

Huminto ito sa harap ko. Bumusina. Hindi ako nakakilos. Nakatingin lang ako sa kanya, kay Jessie na nakasakay sa Motor. Hindi niya ako pinapansin.

Hanggang sa bumukas ang gate. Ipinasok niya ang motor.

Sumunod ako.

Hindi pa pala tapos ang finals. Tatapusin ko na.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With Two Reasons

CHAPTER 44

“Mahal mo ako di’ba?” tanong ko kay Jessie.

Mula sa gate,sa pagpasok niya ng motor. Nakasunod lang ako kay Jessie. Iniipon ko ang lakas ng loob na harapin siya.

Pero hindi ako nililingon. Ayaw niya akong harapin. Ayaw niya akong pansinin.

Naglakad siya papasok sa mansion. Sumunod ako. Binuksan niya ang pinto. Naglakad lang siya at hinayaan niyang bukas ang pinto para makasunod ako. Iyun ang paraan niya ng pagbubukas ng pinto para sa akin.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Nakasunod ako. Hanggang sa huminto siya. Humarap. Tumitig sa mga mata ko.

Napahinto rin ako. Isang malalim na paghinga. Itinanong ko na.

“Oo,” sagot niyang hindi bumibitaw ng tingin sa akin. “Mula pa noong una kitang makita.”

Natigagal ako.

“Ngayon, ano na ang gagawin mo?” siya naman ang nagtanong.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala iyun sa naisip kong isasagot niya.

“Break na kami ni Gabriel,” sabi ko. “Dahil sa’yo.”

“Hindi mo sinagot ang tanong ko.”

“Wala akong gagawin. Wala akong pakialam. Wala akong gusto sa iyo. Mahal ko si Gabriel at magkakabalikan kami.”

“Ano bang ginawa ng Gabriel na yan para mahalin mo siya?”

“Ano bang ginawa mo sa akin para hindi kita mahalin?”

“Hindi ko na gagawin ulit yun.”

“Hindi pa rin kita mapapatawad. Ilang taon mo akong tinakot. Sinaktan. Bangungot kita. Tapos sasabihin mo sa aking mahal mo ako. Anung klaseng pagmamahal yan?”

Hindi nagsalita si Jessie. Tumalikod siya.

“Sumagot ka,” utos ko.

Huminto si Jessie.

“Alam kong mahal mo si Gabriel. Pero huwag mong lokohin ang sarili mo. Mahal mo rin ako.”


“Saan ba galing ang assumption na mahal ko siya, si Jessie?” tanong ko kay Sir Cabalfin.

Pinatawag ako ni Sir Cabalfin at tunatanong kung gusto kong ulitin ang final plate ko. Ilang sheets kasi doon ay puro patak ng luha.

Doon ko rin naapaliwanag kay Sir na nakabreak kami ni Gabriel at may isang chance na lang ako para iligtas ang aming relasyon.

Iyun, sermon ang inabot ko. Inemphasize ni Sir ang kaartehan ko. At kung paanong tama siya, sinabi na niya, bakit ba daw hindi ako nakinig sa kanya bilang nakatatandang bakla. Tapos sinabi niya, tapos na,nangyari na, anu na ang problema ko. At iyun. Sinabi ko at sinabi rin niya na Oo, ako ay may gusto nga kay Jessie.

“Kasi hinalikan mo siya,” sabi ni Sir Cabalfin.

“Siya kaya ang nauna!” tutol ko.

“Dedma na who kissed who first. Gumanti ka. Lumaban yang labi mo, nakipagespadahan ang dila mo. Naglipchukan kayo. Kung wala kang gusto sa kanya, that will make you a malanding paasang bakla. Which is not, diba? So ibig lang sabihin nun, may nararamdaman ka rin.”

“Spur of the moment lang yun,” sabi ko .

“Wit mo hinanap?”

“Hindi…” sabi ko. “Pero inisip. Pero hindi ibig sabihin nun na mahal ko na siya.”

“Anung ibig sabihin nun?”

“Nagtataka lang ako, curious. Bakit niya ako hinahalikan. Mahal ba niya ako? Gusto ko lang yung masagot.”

“Nasagot ba?”

“Oo.”

Nagiging mabilis na ang pagsagot ko.

“Anung sagot?” tanong ni Sir.

“Mahal nya ako,” deretso kong sagot.

“Gusto mo yun?” si Sir ulit

“Oo,” mabilis kong sabi.

“Bakit?” napangiti na si Sir.

“Hala… Sabi ko ba oo?” nadala ako sa tanungan hanggang sa mahimasmasan.

“Oo,” sabi ni Sir Cabalfin na nakataas na ang isang kilay. “Oo, sinabi mo, kasi mahal mo siya.”

At hindi na ako nakapagsalita.


Hindi rin makapagsalita si Gabriel.

Pero okay na ito. Kahit papaano, pumayag siya na makipagkita at makipag-usap. Pero dahil hindi nga siya nagsasalita. Mukhang pumayag lang siyang makipagkita.

Matapos kong makipag-usap kay Sir Cabalfin, niyaya ko si Gabriel na mag-cake. Merienda. Sa coffee shop lang kami sa loob ng campus. Isa sa mga unang lugar na pinag-treat-an niya sa akin.

Nauna pa siya. Nadagdagan tuloy angvdapat kong sorry.

“I’m sorry,” sabi ko.

“What do you want?” tanong niya.

“Hindi,” sabi ko. “Akong nagyaya. Anung gusto mo?”

“Blueberry cheesecake,” sabi niya. “And bottomless iced tea.”

Nagtaas ako ng kamay at lumapit ang waiter.

“Blueberry cheesecake, Devil’s food cake at dalawang bottomless iced tea,” order ko.

“Why do you want to see me?”

“Ayaw mo ba akong makita?”

Hindi siya sumagot. Naisip ko na lang na hindi siya pupunta dito kung ayaw niya akong makita. Kinilig naman ako.

Pero inalis ko muna iyun. Namiss ko lang naman talaga si Gabriel kaya ko siya niyaya. May naipon naman ako para lumabas kami. Atsaka, baka nahimasmasan na siya. Baka mahal na niya ulit ako. Pero amg kilig na iyun, binigyan ako ng lakas ng loob.

“Mahal mo na ba ako ulit?” tanong ko.

Walang ngiti. Walang emosyon. Kailangan kong itago. Ayoko munang mapahiya.

“You know the answer.”

“Sagutin mo na lang.”

Dumating ang mga order naming cakes. Ang tamis-tamis.

Dumating din ang mga baso ng iced tea. Nilagyan ko ng honey ang sa akin. Lalagyan ko na sana ang kay Gabriel pero pinigilan niya ako.

“No, let me,” sabi niya.

“Okay,” sabi ko. “So anu na?”

“What anu na?”

“Mahal mo na ba ako ulit?”

Sumubo ng cake si Gabriel. Ninamnam. Ang sarap.

“Of course. Pero unti-unti ko nang inaalis yun in my system. Mahirap but I have to.”

Parang naapektuhan ng cake ang sagot niya. Walang pait. Parang kwentuhan lang.

“Wag mo na lang alisin. Mahal na mahal kita Gab.”

“But you love Jessie, too.”

“Yes,” sagot ko. “I do.”

“Well, at least, you’re being honest now.”

Hindi ko maisip kung paano nagagawang maging kalmado ni Gabriel sa usapan na ito. Walang galit akong nararamdaman.

“Hindi ko alam kung paano nagsimula, kung kailan. Naramdaman ko na lang.”

“Do you want me to go now?”

Ibinaba ni Gabriel ang tinidor. Tumingin sa akin. Wala pa ring emosyon.

“Nagiging totoo na ako. Hinaharap ko lang ang nararamdaman ko. Dahil kung tatakbuhan ko, tatagal at baka lumaki pa. Ina-acknowledge ko lang para matapos ko na.”

“Good,” sabi ni Gabriel. “But I don’t want to bet my heart, still. Bilisan mo, bago ko mabawi ang puso ko from you.”

“Bakit mo pa rin ako tinatakot?” nalungkot ako sa reaksyon ni Gabriel.

“Dahil natatakot din ako,” sabi ni Gabriel. “Kung may kahati ako sa puso mo, ayoko nang makipaglaban pa. It’s too painful to lose in this game. Ayoko nang masakatan ulit.”

Dahil parang isang interview lang for scholarship ang pag-uusap namin, naramdaman kong dapat kong magpaliwanag lagi sa mga desisyon ko at sagot.

“Hindi ka masasaktan,” paniniguro ko kay Gabriel. “You help me accept myself. Pinakilala mo sa akin kung sino talaga ako. Kung paano ako magiging mas masaya bilang tao. Binago mo ako.”

“Binago mo naman siya,” sabi ni Gabriel. “Now you choose. Sinong mas mamahalin mo? Yung binago mo o yung bumago sa’yo?”

“Una kitang minahal,” depensa ko sa pagmamahal ko kay Gabriel.

“How can I be sure of that,” laban niya. “You just said that you dont know kung kailan o paano mo siya minahal?”

“Gusto mo bang piliin ko na lang si Jessie over you?” tanong ko. “You are pushing me away.”

“Hindi, Alex,” sagot ni Gabriel. “I’m just telling you my fears, dahil may mga dahilan ka para piliin si Jessie over me.”

Hindi ganito ang inaasahan kong intensity ng usapan. Hindi kalmado. yung mga napapanood ko kasi, sa mga ganitong level ng relasyon, parang dapat, nagsusuntukan na kami. Pero hindi. Maging ang cake na kinakain ni Gabriel ay nagpapaubaya sa kanyang marahang pagkain nito.

“Gabriel,” sabi ko. “Oo, kaya kita niyaya dito, e dahil miss na kita pero higit pa doon, gusto ko lang sabihin na yung chance to save our relationship ay ginagawan ko na ng paraan. Kinausap ko na si Jessie kagabi. Inamin na niya sa aking mahal niya ako, pero sinabi ko na rin sa kanya na walang patutunguhan ang pagmamahal niyang iyun. dahil ikaw Gabriel ang mahal ko. Ikaw lang.”

“Were you convincing enough?” tanong ni Gabriel.

“Oo naman.”

“Titigil na ba siya sa panggugulo sa iyo?”

“Oo naman.”

“You’ve just convinced yourself. Not me. Not that Jessie.”

“Paano mo na naman nalaman?”

“Saan ka uuwi mamaya?”

“Kung pwede na sa’yo, sa’yo na.”

“Not until Jessie is out of the picture.”

“Pinaalis ko na nga siya.”

“Pero hindi siya umalis. You just challenged him more. At hindi siya magpapatalo.”

“Ikaw ba, magpapatalo?” tanong ko.

“Oo,” sabi ni Gabriel. “If Jessie will make you happier. Oo, I will. Kaya siguraduhin mong hindi ka mapapasaya ni Jessie more than I can.”

“Gabriel, ikaw ang anghel na nagligtas sa akin mula sa demonyong si Jessie. Ipinaglaban mo ako, at nararamdaman ko ngayon, kahit na pinagtutulakan mo ako, ipinaglalaban mo pa rin ang pagmamahalan natin. I appreciate that. I love that. At hindi iyun matatapatan ni Jessie,” sabi ko.

Napangiti naman si Gabriel na patuloy pa rin sa pagkain ng cake. Pero hindi siya naglita. Tumuloy na lang ako.

“At tulad ng pag-aalis mo nang nararamdaman mo sa akin. Magtiwala ka. Kaya ko ring alisin ang nararamdaman kong ito kay Jessie. Dahil ikaw ang mas mahal ko. Dahil binago mo ako, at si Jessie, binago ko lang siya.”

Ngumiti lang ulit si Gabriel. At sinubo ang huling subo ng cake niya. Uminom ng iced tea. Nagpunas ng bibig. Tumango sa akin.

“Thanks,” sabi niya. “Para sa cake at sa pag-asa. Bit I can not invite you to our house yet. Clear your heart first of all the nameas but mine. I will still wait. Mahal pa rin kita. But I have to go. Thanks.”

“Thanks din, Gabriel.”

Naiwan ako. Mag-isa. Pero may pag-asa. Ngayon, paano ko aalisin itong nararamdaman ko kay Jessie.

Oo, mahal ko si Jessie dahil binago ko siya. Pero kailangan nang mabago yun.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With Lalaki One

CHAPTER 45

“Akala ko rin, tapos na kami,” sagot ko kay Mama.

Madaling araw na pero nasa harap pa rin ako ng drafting table. Kinuha ko ulit ang mga sheets ng final plate ko kay Sir Cabalfin. Kung kailangang ulitin, uulitin ko. Kailangang maayos ko ito. Kailangan ko rin naman ng pagkakaabalahan habang hinihintay kong bumalik si Gabriel sa akin.

“Madaling araw na, kailan ba ang deadline niyan?” follow up question ni Mama.

Nakatayo siya sa may pinto ng kwarto ko sa Mansion nina Jessie. Umiinom ng kape, bakit kailangan niyang maging gising, hindi ko alam.

“Within the week naman, Ma,” sagot ko.

“Eh itulog mo na muna ’yan. May ilang araw ka pa.”

“Sayang ang momentum. Ikaw ma? Bakit gising pa?”

“Work from home muna ako. Napapadalas ka naman dito sa bahay, ano ba naman yung samahan na kita. Baka mamaya, may ginagawa yung mag-ama sa’yo na hindi ko alam.”

Natawa si Mama. Joke pala yun para sa kanya.

Nangiti lang ako. Wag nating pag-usapan yan ma, sabi ko sa sarili ko.

“Pero bakit ka nga nandito madalas, war ba kayo ni Jowa? Kayo pa ba?”

“Iyun naman,Ma,” sabi ko. “Parang itong mga plates ko. Akala ko rin, tapos na kami.”

Lumapit si Mama sa akin. Ibinaba ang kape niya sa mesa ko. Malayo sa mga plates ko. Inalis niya ang pen sa kamay ko at saka ako niyakap.

“Ay, ang lalandi ng mga teenagers,” sabi ni Mama. “May nalalaman ng pagsubok sa love story. Anyare? Kwento mo kay Mama.”

“Ma, gumagawa ako ng plates,” sinubukan kong ibahin ang usapan.

“Ay dedmahin mo ang momentum mo dyan. Matagal pa ang Friday. Spluk na ang kwento.”

Hindi ako umimik. Ngumiti lang ako kay Mama.

“Alex, tayong dalawa lang ang magkakampi. Lahat ng sa akin sinasabi ko sa’yo. Ayoko ring may hindi nalalaman sa’yo. Kwento na bilis,” sabi ni Mama na medyo nagbigay ng kaba sa akin.

Napilitan akong magkwento.

“Kasalanan ko, Ma,” umpisa ko.

“Ay, guilty as charged!” reaksyon ni Mama.

Hanggang doon lang ang kaya kong sabihin. Ayokong magsinungaling kay Mama. Pero paano ko ikukwento si Jessie sa kanya?

“May nagkagusto kasi sa akin, Ma,” sa ganitong paraan ko na lang siya tinago.

“Pangalanan natin yan bilang si Lalaki 1,” sabi ni Mama. “Nagkagusto sa’yo. Nagkagusto ka rin ba sa kanya?”

“Opo.”

“Ay, deretsahang sagot. I love the tapang.”

“Inamin ko na para madali kong malimutan.”

“Bakit? Sino bang mas mahal mo? Si Gabriel naman, di’ba?”

“Opo. Pero hindi okay kay Gab na mas mahal ko siya. Gusto niya, mahal ko siya at siya lang. Walang kahati.”

“Wow, in fairness. Na-gets ko si Jowa. Tama naman.”

“Kaya ito, kailangan kong mapatunayan sa kanya na siya lang ang mahal ko at wala na akong nararamdaman kay Lalaki 1.”

Noon lang bumitiw si Mama sa pagkakayakap sa akin. Tumayo siya, kinuha ang kape. Uminom at nag isip.

“Eh ang tanong, gaano ka ka-sure na si Gab ang gusto mo at hindi si Lalaki 1? Baka kasi sanay ka lang kay Gabriel. Siya lang ang komportableng piliin, pero ang totoo, manghihinayang ka pag nawala ang bagong boylet.”

Magsasalita ako pero hinawakan ni Mama ang bibig ko. Parang sitcom.

“Huwag ka munang kumontra. Yan ang initial reaction mo for sure. Huwag muna. Digest mo muna ang sinabi ko.”

Napaisip ako. Nakita iyun ni Mama at inalis ang kamay niya sa bibig ko.

“Hindi mo naman kasi iaa-acknowledge ang feelings mo kay Lalaki 1 kung hindi mo nakita ang sarili mo na kasama siya,” paliwanag ni Mama.

“Pero ma, yung totoo,” sabi ko. “Hindi ko pa nakikitang nagmamahalan kami. Tulad nang hindi ko nakikitang magkahiwalay kami ni Gabriel.”

“Sinubukan mo na bang makita?”

“Hindi pa rin talaga.”

“Well ito na ang pagkakataon mong tingnan. Ano ba kayo ngayon ni Gabriel? Cool off naman kayo diba?”

“Break. Na parang Sem Break. Cool off ba tawag dun? Opo, cool off nga siguro.”

“Pero may assignment ka?”

“Assignment na may deadline. Kasi pag late ko naipasa, baka hindi na niya tanggapin.”

“Ay, ang lupit naman ng Jowa,” sabi ni Mama. “Eh bakit parang hindi ka nagmamadali? Bakit inuna mong tapusin yang plates mo?”

“Ma, pag-aaral muna bago lovelife.”

“Good answer,” sabi ni Mama habang tinitingnan ang original plates na nasubmit ko na. “Pero anak, may grades na, o. 1.5. Okay na sa akin yan. Pwede mo yang hayaan at isunod mo nang ayusin ang issues of the heart mo.”

Ito na naman ba ang sinasabi ni Gabriel. Iba ba ang sinasabi ko sa ginagawa ko?

“Hindi ko kilala si Lalaki 1 mo. Hindi ko knows kung bakit mo siya na-bet-an. Pero may dahilan ka. Kaya dapat mag-isip ka muna.”

“Ayaw mo ba Ma kay Gab?”

“Bet ko si Gabriel. Pero mas bet ko yung desisyon mong hindi mo pagsisisihan in the end.”

“Wala akong pagsisisihan sa pagpili ko kay Gabriel. He is perfect Ma. At hindi naman kami magkakaganito kung hindi ako naging marupok.”

“Sige na nga. Bet na bet mo talaga si Gabriel. Swerte niya. May nagtatanggol sa kanya.”

“Matagal na akong ipinagtanggol ni Gab. Ito na siguro ang pagkakataon kong makabawi.”

“Okay. Push mo yan Anak,” paalam ni Mama.

At lumabas siya ng kwarto ko.

Bago sumikat ang araw, tinapos ko ang plates ko. Wala nang luha. Pero puno ng confidence na mas mataas na grades ang makukuha ko. Tulad ng confidence na magkakabalikan kami ni Gabriel bago ko pa makuha ang classcard. At walang magagawa si Jessie para mapigilan pa iyun.

Pero hindi sumuko si Jessie.

Tanghalian na nang magising ako. May natira pang breakfast, fried rice, bacon, itlog at corned beef. Kumuha ako at at lumabas. Sa may pool area ako kumain.

Lumabas si Jessie sa pool area. Tinanggal ang damit hanggang trunks na lang ang suot niya. Tumingin siya sa akin, ngumiti at nag dive.

May kakaiba akong naramdaman sa katawan ko. Nanatiling na kay Jessie ang mata ko. Nag-iba ang pakiramdam ko. Gusto kong sumama kay Jessie sa pool.

Pero hindi ko pinagbigyan ang naisip kong iyun. Pinilit kong hindi tumungin kay Jessie habang lumalangoy sa pool. Napapansin ko ang pagsilip niya sa akin. Pagtiyak kung tumitingin ako sa kanya. Hindi ko maiwasan iyon kapag umaahon siya at magsisimulang mag-dive. Oo, ang sarap panoorin ni Jessie.

Umahon si Jessie. Tumutulo ang tubig sa katawan niya. Sa kanyang mapipintog na braso, matikas na dibdib, at ang kanyang abs na ngayon ko lang nakitang nagkakaguhit na. Iyun ang huli kong tinitingnan bago ako mapadako sa kanyang mata.

Napangiti si Jessie. Hindi ngiting nangangamusta. Nang-aakit. Gusto niya ito. Sinasadya niya. At successful siya.

Umupo siya kasama ko, pero hindi siya humarap sa akin. Hindi nagsasalita. Hindi rin ako nagsasalita. Kumuha siya ng bacon sa aking pinggan. Sinubo. Kinain.

Ang sarap niya panoorin.

Naalala ko ang lasa ng kanyang mga labi sa aking bibig.

At sa pag-flex ng kanyang braso, nanigas ang kanyang mga biceps. Lumapad din ang kanyang dibdib nang ayusin niya ang pagkakaupo. Dala na rin siguro ng paglangoy kaya’t namumuo ang mga muscles niya. Pero pwede rin kasing sinasadya niya.

Umeepekto ang ginagawa niya. Doon ko naisip, paano kaya ako yayakapin ng mga brasong bumubugbog sa akin dati. Siguro mahigpit iyun ngunit tama lang para hindi ako masakal.

Ang kanyang katawan. Naisip ko kung paano ang init nito kapag ang buong bigat nito ay sa akin na nakadagan.

Ang kanyang kamay na panakit, ano kaya ang pakiramdam kung sa kamay ko nakahawak.

Kasalanan ito ni Mama. Naiisip ko na nga paano si Jessie kung makakasama ko. Paano kaya magmahal ang isang masamang tao.

Oo isa pa rin siyang masamang tao. At iyun ang dahilan kung bakit mahal ko si Gabriel. Inilayo niya ako sa masamang taong ito.

“Sarap ba?” tanong ni Jessie.

Kumuha ulit siya ng bacon sa aking pinggan.

Nagulat ako. Hindi na lang ako sumagot.

“Hayaan mo na si Gabriel,” sabi ni Jessie. “Subukan mo naman ako.”

Kukuha ulit siya ng bacon sa pinggan ko. Hindi ko siya pinayagan. Binawi ko ang pinggan ko at tumayo.

Pumasok ako sa bahay. Sa kusina. Doon ko kinain ang natitira ko pang agahan o tanghalian na pala. Naalala ko ang bacon habang kinakain ni Jessie. Ang labi niya. Ang lasa ng labi niya. Ang kanyang halik.

Hindi ko mapigilan. Lumayo lang ako kay Jessie pero siya parin ang nasa isip ko.

Tinigil ko ang pagkain. Iniwan sa kitchen island ang pinggan at sinimulang linisin ang aking isip. Nakatulong na wala na si Jessie sa pool, na tanaw mula sa bintana ng kusina.

Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Gabriel. Siya dapat ang iniisip ko. Isang minutong nagring ang phone niya bago may magsalitang babae. Cannot be reached si Gabriel.

Dalawa. Tatlo. Apat na ring. Wala pa rin. Nasa panlimang tawag ako nang may humablot ng phone ko. Akala ko sa Quiapo lang may mandurukot, kahit sa mansion, meron din pala. Si Jessie.

Pagkakuha ng phone, inilagay ni Jessie ang phone sa tenga niya. Pinakinggan.

Pinanood ko lang si Jessie habang pinapanood niya ako. Wala akong kilos samantalang siya, kumukuha ng karne sa pinggan kong hindi ko pa nauubos.

Pinipilit kong sa mata lang ni Jessie tumingin. Sa bilugan niyang mata na bumabagay sa mamula-mula niyang mukha. Matangos ang kanyang ilong at sa ibaba nito ay may kaunti nang bigoteng tumutubo. Manipis ang kanyang mga labi na Nababasa ng mantika ng bacon.

Kailangan kong manatili sa mata ni Jessie dahil nagsisimula nang sakupin ng init ang katawan ko. Gusto kong dumampi ang mga labing iyun sa akin.

Kailangan kong pigilan. Sa mga mata lang ako ni Jessie titingin. Inalala ko ang mga panahong naniningkit ang malalaking matang iyon habang nakasangga ako sa banyo ng school. Habang tinatakot niya ako at sinasaktan. Iyun ang kailangan kong isipin. Kaaway ko ang lalaking ito.

Kailangan matandaan ko iyun dahil kapag bumitaw ako sa idea na iyun. Mahuhulog ako sa ginagawa ni Jessie. Alam kong sinasadya niya na towel lang ang tumatakip sa ibaba ng kanyang katawan. Towel na pinantapis lang at hindi niya ginamit dahil may tumutulo pang tubig, gumuguhit sa mga tamang cuts sa kanyang halos perpektong katawan.

“Hello,” sabi ni Jessie.

Nagulat ako. Nabulag ako ng katawan ni Jessie at nakalimutan kong tinatawagan ko si Gabriel.

“Kanina ko pa pinapanood si Alex,” sabi ni Jessie sa kausap habang nakatitig sa akin.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kausap ni Jessie si Gabriel.

“Kanina ka pa niya tinatawagan, bakit ayaw mong sagutin?”

Iniabot ni Jessie ang telepono sa akin. Nakangiti.

Itinapat ko ang phone sa tenga ko. Walang nagsasalita. Napahinga ako nang maluwag. Nagjo-joke lang si Jessie.

Pero may nagsalita.

“Who was that?” tanong ng lalaki sa akin, si Gabriel. Sinagot niya ang tawag ko.

Magsisinungaling ba ako?

“Alex,” tawag ni Gabriel na may tunog ng disappointment. “Was that Jessie?”

Sorry, Gabriel, pero oo, magsisinungaling ako.

“Yes,” sagot ko. “Magkaharap kami ni Jessie ngayon. Tinatawagan kita, dahil inaakit ako ni Jessie. Nakahubad siya sa harap ko ngayon, kumakain sa pinggan ko at tinitingnan ako na parang ako ang pinakamahalagang tao sa mundo.”

Napangiti si Jessie. Pinapanood kung paano ko tatakasan ang panibago niyang pagsubok sa akin.

Hindi ko rin inalis tingin ko kay Jessie. Nakakatapang pala kung ang ipinaglalaban ay hindi lang ang sarili. Nakakatapang kung ang dahilan ay pagmamahal.

“Tinatawagan kita Gab para sabihing hindi umeepekto sa akin ang ginagawa niya. Na wala siyang kwenta, na ikaw ang mahal ko at walang makakapagbago nun.

“Gusto ko lang sabihin na alam ko na, nalampasan ko na ang pagsubok ko sa sarili ko. Ikaw talaga ang mahal ko at kung may nararamdaman man ako kay Jessie, ito ay galit. At kung may pagnanasa man ako sa kanya, iyun ay pagnanasang makaganti.

“Hindi ko alam kung enough na yun para tanggapin mo ulit ako. Sabihin mo lang, makakapaghintay pa ako. Mag-iisip pa ako ng paraan. Hindi pa rin ako susuko sa iyo, sa atin. Ikaw ang mahal ko Gab. Ikaw lang.”

Walang nagsalita nang tumigil ako. Hindi si Gabriel. Hindi si Jessie.

Oo, disappointed ako. Nangilid ang luha ko. Hindi pa rin ba? Wala pa rin?

“Ibababa ko na ba, Gab?” tanong ko.

Inalis ko na ang telepono sa tenga ko. Papatayin ko na lang ang tawag. Pero may humabol na boses.

“No,” sabi ni Gabriel. “Meet me later. Dinner tayo. Maybe, I’ll pick you up.”

“Yes, please. Salamat, Gab,” sabi ko. “Mahal kita.”

Hindi pa rin sumagot si Gabriel. Siya na ang nagbaba ng tawag.

“Walang I love you, too?” tanong ni Jessie.

Hindi ako sumagot. Naglakad na lang ako. Nilampasan ko ang katawan niyang iniiwasan ko pa ring tingnan.

“You have to practice your pambobola,” sabi ni Jessie. “Dinig na dinig sa boses mo ang pagsisinungaling. You have to believe what your saying first bago mo mapaniwala si Gabriel. Bago mo mapaniwala ako.”

Hindi ako tumigil sa paglalakad. Pero narinig ko si Jessie.

Bakit nila alam na nagsisinungaling ako? Paano ba matatapos ito?


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Final Test

CHAPTER46

“Pasado ako.”

Iyun ang hatol ko sa sarili ko. Nagsinungaling ako. Niloko ko ang sarili. Pero hindi mali ang ginawa ko. May bahagi nang mga sinabi ko ang totoo.

Marahil ay bumibigay ang katawan ko sa pang-aakit ni Jessie. May timbang na rin siya sa aking puso. Pero alam ko, sa isip ko, kay Gabriel lang ako. Kay Gabriel ko lang isusuko ang aking pagkatao, at kay Gabriel ko lang ihahain ang puso ko. Kung may kahati man siya dito, kundi man kaya nang biglaan, uunti-untiin ko. Aalisin ko.

Pumili na ako.

Mas mahal ko ang bumago sa akin. Ang nagpakilala sa akin kung sino ako at kung saan ako masaya. Si Gabriel ang nagligtas sa akin mula kay Jessie.

Siya ang nagtayo sa akin noong nakasadsad ako sa lupa, putikan at bugbog mula sa pananakit ni Jessie. Siya ang nagtago sa akin nang gugulpihin ako ni Jessie sa CR. Siya na nagpasakay sa akin sa kotse noong habulin ako ni Jessie habang umuulan.

At kahit nakita ni Jessie ang aking pagsisinungaling. Kung hindi man makatotohanan ang pagkakarinig ni Gabriel sa akin sa telepono. Magiging totoo ang lahat ng sinabi ko sa kanya.

“Pwede rin naman kasing kinukumbinsi mo lang ang sarili mo, pwede yun, ganun yun minsan,” sabi ni Sir Cabalfin. “Yung totoo, ano ba talaga ang gusto mo? Ano bang pumipigil sa’yo?”

“Mahal ko po si Gabriel,” sagot ko. “Hindi pa ba sapat yun?”

“Sapat,” sabi ni Sir. “Eh ano bang ginawa ni Jessie at iniisip mo pa rin siya?”

Napaisip ako habang naglalakad kami ni Sir pababa ng building. Hinintay ko ulit matapos magpacheck lahat ng classmates ko bago ko ipasa kay Sir ang revised final plates. Tapos iyun, hingi ulit ako ng payo. Hindi ko naman alam na matapos ang mga payo, may mga tanong pa si Sir sa akin na kailangan ko na namang pag-isipan.

“Wala,” sagot ko.

“Wala siyang suot,” sabi ni Sir. “Yan ang sabihin mo. Kung nalaglag kaya ang twalya niya habang tinitikman niya ang bacon mo, hindi ka kaya napadamba sa katawan niyang kung idescribe mo kanina ay parang Lupang Hinirang. Namemorize mo ring masasabi.”

“Nagtanong ka kasi Sir. Kung di mo naman tinanong, hindi ko naman sasabihin yung mga detalye.”

“Okay,” sabi ni Sir. “Eh bakit nga ba kasi binibigyan mo pa ng chance ai Jessie na mapalapit sa iyo? Hindi ka na lang bumalik sa bahay ni Gabriel.”

“Cool off nga kami. Nakakahiya namang isiksik ko ang sarili ko…”

“Kung gusto mo talaga, huwag kang papigil, walang hiya-hiya,” untag ni Sir.

“Nahihiya talaga ako,” sabi ko. “Sinarhan na nga niya ako ng kotse. Ayokong masarhan din ng pinto.”

“E bakit hindi mo subukang tumira sa kuya mo?” tanong ni Sir.

“Ayokong maipit si Kuya. Damay nga siya dito dahil kapatid niya ako at bestfriend niya si Gab, pero hanggang doon na lang. Kapag tumira ako kay Kuya. Mapipilitan yung maging tulay para magkabati kami.”

“Ayaw mo ba nun?”

“Hindi yun ang gusto ni Gabriel. Ako ang may problema, ako ang sosolusyon.”

“Sinabi ba yun ni Gabriel?” tanong ni Sir.

“Hindi po.”

“Bakit ka assuming?”

“Ito po ang nararamdaman kong dapat kong gawin. Alam kong nasa tamang direksyon ako, Sir,” sabi ko. “Kung hindi, hindi na sasagutin ni Gab ang tawag ko. Wala ng chance siyang ibibigay.”

“May point ka naman dyan,” sabi ni Sir. “Matalino ka rin naman pala.”

“Sir, hindi ko alam kung compliment yan.”

“Compliment,” sabi ni Sir. “At kung ako rin si Gabriel, masakit man, siguro, keri ko ring sumama ka muna kay Jessie. Kasi half brothers na kayo. Inevitable na magsama kayo, at kailangang sure ako na maubos ang kakerengkengan mo kay Jessie habang katabi mo siya. Kasi kung malayo ka kay Jessie, tapos nagkita kayo at may bumalik na spark sa hert mo, masakit iyun para sa akin.”

“Ito nga siguro ang ultimate test sa akin,” sabi ko. “Pasado naman ako Sir, di’ba?”

“So far,” sabi ni Sir. “Babagsak ka pa doon, may buffet na nakahain sa iyo, hindi mo.man lang tinikman. Check na check yun. At thanks sa vivid description mo kay Jessie. Parang mag-iiba na ang tingin ko sa kanya.”

“Kayo na Sir ang kerengkeng,” sabi ko. “Ginamit talaga ninyo Sir ang word na kerengkeng.”

“Ay gamit lang nang gamit ng words para hindi mamatay.”

“Opo. Itong nararamdaman ko lang kay Jessie ang dapat kong patayin.”

“Nakonek mo rin talaga.”

“Kasi Sir, miss na miss ko na si Gabriel,” sabi ko.

“Ay, ang arte ni bakla. Nasasad. Pakainin kaya kita ng mamon sa SM Dasmarinas para sumaya ka.”

Nagtawanan kami ni Sir.

Pagdating sa steps ng building, nagpaalam na ako. Naupo ako habang tumuloy si Sir sa parking area.

Nagtext na ako kay Gabriel. Sabi niya susunduin niya ako.

Walang reply.

Walang kotse.

Naupo ako. Naghintay sa wala.

Hanggang sa marinig ko ang paparating na motor. Alam kong problema iyun. Tumayo ako at naglakad papalayo sa building.

Kung hindi darating si Gabriel. Uuwi akong mag-isa.

Huminto ang motor. Hindi ako lumingon. Alam ko, si Jessie yun.

“Umangkas ka na dito. Uuwi na tayo.”

Hindi.

Lumakad ako nang mabilis.

Narinig ko ang motor na umandar. Sumunod sa akin.

“Angkas na,” sabi ni Jessie.

Alam kong masaya siya sa ginagawa niya. Pero kilala ko amg lalaking ito. Susuko ito. At magiging inis ang nararamdaman niya. Ang pagyayaya niya ay magiging pananakot.

Binagalan ko ang paglalakad. Hindi makasabay si Jessie dahil mataas ang motor niya at tutumba siya kapag binagalan niya ang andar.

Bumaba si Jessie para masabayan ako. Hindi madali ang ginagawa niya dahil akay niya ang kanyang motor habang sumasabay sa akin.

“Pahihirapan mo talaga ako?” tanong niya.

“Hala,” sabi ko. “Ako daw ang nagpapahirap?”

“Gumaganti ka?” sabi ni Jessie.

“Hindi na yun kailangan,” sabi ko. “Pinahirapan mo ako noon, Oo, pero hinayaan ko na. Kung aalalahanin ko pa, masisira lang ang meron ako ngayon.”

“Pero pinag-iisipan mo na rin naman kung ano ang gusto mo ngayon, di’ba?”

Naririnig ko na sa boses niya ang bigat ng motor. Wala akong pinansin sa sinasabi niya at sa dinadala niya.

“If that Gabriel truly loves you, hindi ka niya susubukin. Magtitiwala lang siya. Hindi ka niya iiwan sa kamay ng kaaway.”

“Yun ang pagtitiwala niya, na kahit alam niyang may nararamdaman ako sa’yo, alam niyang siya ang pipiliin ko.”

“E di inamin mong may gusto ka sa akin. Ayus na yun, Sakay na, uwi na tayo.”

“Alam mo naman yun. At gusto mo yun. Ako, ayoko nun.”

“Sigurado ka?”

Huminto ako. Humarap ako kay Jessie.

“Bakit ko gugustuhin yun? Hindi ko alam kung bakit ko naramdaman itong nararamdaman ko sa iyo, pero ayoko nito. Para kang sakit na hindi ko alam kung paano ko nakuha, pero gusto kong mawala na para umayos na ang buhay ko.”

“You wanna know kung bakit mo ako mahal?” sabi ni Jessie na alam kong itutuloy niya sa sagot. “Dahil takot ka sa akin. Tinakot kita. At ngayong naging mahina ako, gusto mong maramdaman na ako na tumatakot sa’yo ay nasakop mo na.”

Tama ba si Jessie.

Napansin niyang napaisip ako. Tinuloy niya ang pagsasalita.

“I am you’re fear, and now you can conquer me. You just have to love me back.”

“Sige,” sagot ko. “Tama ka. Pero I don’t want to love you back. Na-conquer na kita nang hinalikan mo ako, at nang hinalikan mo ako ulit. Na-conquer kita nung nakitang kong nabago na kita.”

Naglakad na ulit ako. Sumunod ulit si Jessie. Dala pa rin niya ang motor.

“What can I do for you to love me, then” tanong ni Jessie.

“Wala. Iwan mo na ako.”

“Pag iniwan ba kita, mamahalin mo ako?”

“Wag ka nang makulit?”

“Ikaw ang makulit,” sabi ni Jessie.

Bumibigat na ang boses niya.

“Sumakay ka na para makauwi na tayo,” pilit ni Jessie. “Huwag ka nang maarte. Mabigat itong motor. Huwag mo na akong pahirapan.”

“Ikaw ang may gusto nyan,” sabi ko. “Wala naman akong pakialam kung iwan mo ako. Mas gusto ko nga yun.”

Deretso lang ang lakad ko na unti-unti ay bumibilis. Hindi ko tinitingnan si Jessie. Wala akong pakialam sa kanya. Napansin ko na lang na wala siya sa tabi ko.

Sumakay siya sa Motor at sumabay sa bilis ko

Nang nakasabay na siya sa aking bilis. Huminto naman ako. Sinubukan kong maglakad pabalik. Pero napahinto ako.

May bumusina. Amg kotse ni Gabriel. Kanina pa ba siya nakasunod sa amin?

Huminto din ang motor ni Jessie. Alam ko. Naririnig ko kahit hindi ko nililingon.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kotse. Hinawan ang pinto. Nagclick, binuksan ko. Hay, sa wakas, hindi na naka-lock.

Pagkaupo ko, natanaw ko si Jessie na nakatingin sa akin.

Nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Jessie. Proud siya nang sumigaw sa akin. Naabutan ko pa ang maangas niyang mata at kaunting ngiti na may confidence, alam na mapipilit niya akong mapaangkas. Nawala iyun at naging disappointment.

Parang nangamba siya, nanghinayang. Nawala ang saya sa mukha niya. Ngunit hindi galit ang pumalit. Lungkot. Napalungkot ko si Jessie. Nalungkot din ako.

Pero agad napawi iyun. Katabi ko na ang una at tunay kong mahal.

“Saan tayo?” tanong ko kay Gabriel.

“Thanks,” sabi ni Gabriel.

Tumingin si Gabriel sa akin. Nakangiti. Inilagay ang kamay sa hita ko.

“Finally, you chose me,” dugtong ni Gabriel.

Napatigil ako sa paghinga. Nanlaki ang mata ko. Napatitig lang ako kay Gabriel. Naramdaman kong nangingilid ang luha ko pero pinilit kong hindi.

Ang tagal kong hinintay ito. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Dalawa kamay ko. Iniangat ko ang kamay niya at hinalikan.

Napahikbi ako habang ginagawa yun. At hindi ko na napigilan ang luha. Hinayaan ko na lang.

At kahit umiiyak, napangiti na rin ako. Nagawa ko na ba ang hinihintay niyang gawin? Naipasa ko na ba ang final test ni Gabriel?

“Lagi naman kitang pipiliin,” sabi ko. “Naging maarte lang ako. Naging kampante. Alam ko kasi, lagi kang nandyan. Na-take for granted kita.”

“I’m always here,” sabi ni Gabriel. “But I get hurt, too. And sometimes the pain is too much, I cannot contain it. Nagiging galit. I’m sorry Alex.”

“Huwag na lang nating pag-usapan,” sabi ko. “Alam ko kasalanan ko. Sinasabi mo rin may kasalan ka. Okay na yun. It’s a tie naman pala.”

“Wow, this cool off thing is kinda good for you,” sabi ni Gabriel. “Nag-mature ka bigla.”

“Nakaka-mature palang masaktan, eh,” sabi ko.

“Sorry, I hurt you,” sabi ni Gabriel.

“Deserve ko yun. Ang arte ko. At ang maaarte, sinasaktan para magtino.”

Natawa si Gabriel.

“Then I am maarte, as well,” sabi ni Gabriel. “And I deserve some punishments.”

Umiling lang ako. At parang alam na ni Gabriel ang nasa isip ko, ang gusto ko. Inilapit niya ang ulo niya sa akin, at idinikit ang mga labi niya sa labi ko.

Napahinga ako nang malalim. Napapikit. Ang tagal ko itong hinintay. At ang bawat pagdadampi nang aming mga halik ay parang laging una, laging sabik.

Natigil kami nang may bumusina na sa amin. Pinaandar ni Gabriel ang sasakyan. At doon ko lang napansin at naalala, kanina, nasa harapan nga pala namin si Jessie at ngayon, wala na siya.

Nag-drive thru na lang kami for dinner at sa sasakyan na kami kumain. Magkasama naming binagtas ang EDSA papuntang Parañaque. Traffic. Walang katapusan. Ito pala ang forever. At okay lang, si Gabriel ang kasama ko.

Sobrang gabi na nang makarating kami sa mansion. Si Mama ang nagbukas sa amin.

“I will be borrowing your son again, for awhile,” sabi ni Gabriel. “Sorry because I hurt him, though I promised I wont. Pero sana, pasamahin pa rin ninyo siya sa akin.”

“Anak, ano to?” tanong ni Mama sa akin. “Namamanhikan?”

“What’s namamanhikan?” tanong ni Gabriel.

Natawa si Mama.

Naputol iyun nang dumating si Tito Raul.

“Anung katarantaduhan ito?” sabi ni Tito.

Nakakatakot ang boses. Mas nakakatakot pa sa ala-ala ng pananakot ni Jessie. Kunot ang noo niya at mabigat ang paa sa paglapit. Dinuro ni Tito Raul si Gabriel.

“Ito bang salot na ito ang nanghahawa ng kabaklaan sa pamamahay ko?”

Humarang ako.

“Hon,” sabi ni Mama. “Wala silang ginagawang masama.”

“Gab, umuwi ka muna,” sabi ko kay Gabriel at inakay ko na siya palabas.

“Will he hurt you?” sabi ni Gabriel. “I wont leave without you.”

“Ma, aalis muna kami,” sabi ko kay Mama.

Nalilito ako. Andaming nagaganap. Magpapaalam.lang naman kami ni Gabriel, bakit kailangang sumingit pa si Tito Raul.

“Teka, hindi. Raul, ano ba?” sabi ni Mama na alam kong lito rin.

“Sige lumayas muna kayong mga bakla, bago kayo makatikim sa akin,” pananakot ni Tito Raul.

“Hoy, ang baklang pinapalayas mo ay anak ko!” laban ni Mama.

Nanlilisik ang mata ni Tito Raul. Hindi alam kung kanino titingin. Sa akin, kay Mama, kay Gabriel. Si Gabriel ang napili niya.

Kinuwelyuhan niya si Gabriel at inihagis. Napahiga si Gabriel sa sahig. Nakita kong nasaktan siya. Tumakbo ako papunta sa kanya. Napaupo at humarang sa kung ano man ang plano pang gawin ni Tito Raul.

“Raul, anu ba?” sigaw ni Mama.

“At susuportahan mo pa yan,”

Lumusob papalapit sa akin si Tito Raul. Sa Amba niya, alam kong matinding sipa ang mararanasan ko. Nagawa na sa akin ito ni Jessie at ngayon alam ko na kung saan niya natutunan.

Pero bago tumama ang sipa ni Tito Raul sa akin. May humarang. Ang kanyang anak.

Tumama and tadyak ni Tito Raul sa binti ni Jessie.

“Dad, huwag,” sabi ni Jessie. “Hindi lang sila ang bakla sa bahay na ito.”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One That Set Them Free

CHAPTER 47

Walang nagsasalita.

Puro tinginan, pakiramdaman at kaba lang ang nasa paligid. 

Ilang kasambahay na rin ang nagising at nakatayo lang na nanood. Nasa isang gilid lang sila na may sapat na layo sa nagaganap na gulo. Parang sanay na sila sa ganitong mga episodes kung saan hihintayin na lang nilang matapos ang nagaganap para makapagligpit.

Nanatiling nakaharang si Jessie sa pagitan ni Tito Raul at namin ni Gabriel. Iika-ika ang binti niyang humarang sa sipa ng kanyang tatay.

Napansin ko ang takot kay Jessie, sa likod ng kanyang pagtatapang-tapangan. Unti-unti siyang napapaatras habang papalapit sa amin ang tatay niya.

Kahit naman ako ay matatakot. Galit na galit si Tito Raul. papalit-palit ng tingin. kay Jessie, tapos, sa amin ni Gabriel. May kalituhan siya, parang hindi alam kung sino ang uunahing bugbugin, kung kami o ang anak niya. 

Mas pinili niya si Jessie. Lumapit si Tito Raul kay Jessie at hinawakan sa kwelyo, iniangat.

“Ipapahiya mo na naman ako,” bulong ni Tito Raul.

Ibinalibag niya si Jessie pabalik sa sahig.

Pero hindi pa tumigil si Tito. Sinundan niya kung saan bumagsak si Jessie. Naglakad siya patungo sa anak. Muling iniangat at inihagis.

Nakita kong takot na takot si Jessie. nasaktan siya sa paghahagis-hagis sa kanya ng tatay. Napapaatras muna siya para makaiwas sa sakit ng katawan. Paatras siyang gumagapang hanggang sa makarating sa gilid ng sofa.

Nakita kong nanliliit si Jessie. Ang liit-liit niya. Dikit na dikit siya sa sofa. Nakabaluktot ang tuhod papalapit sa kanyang katawan. Nakakipkip ang mga balikat at ang mga kamay ay tumutulak pa rin para lalong makalayo sa tatay niya. Ngayon ko lang nakita si Jessie na ganito.

Tinulungan ko si Gabriel na tumayo para makalayo kami sa magtatay. Kumapit sa akin si Gabriel. At hinawakan ang aking kamay. Mahigpit. Nakaramdam ako nang kaunting security sa kanyang hawak, Dama ko rin ang takot niya. Hindi sanay si Gabriel sa mga ganitong gulo, hindi niya alam ang gagawin, pero alam niyang hindi tama ang nangyayari.

“Tama na po,” mahinang ni Gabriel.

Napalingon si Tito Raul. Napalingon din si Mama. Nanlaki ang mga mata ni Mama. doon sa mga titig na iyun, umiwas si Tito Raul. Bumalik siya sa kanyang anak.

Nangingiyak si Jessie sa takot. Malalim ang kanyang paghinga. Bawat yabag ng paa ng tatay niya ay naglalagay sa kanyang nang mas malakas na kaba. At ang kaba ay nagkaroon ng tunog. May hikbi na ang iyak ni Jessie. Hindi noon napigilan ang paglapit ng ama. 

“Raul tama na yan!” sigaw ni Mama.

Kumilos na si Mama para umawat. Nakuha niya sa tingin si Tito, sinubukan naman niya ang umaksyon. Pero napatigil si Mama nang huminto si Tito at tumingin sa kanya.

“Veron, huwag kang lalapit at baka masaktan ka,” mahinahong sabi ni Tito Raul. “Anak ko to, pinatitino ko lang.”

HIndi na nakahakbang pa si Mama.

“Pero Raul…” hindi na natapos ni Mama ang sinasabi.

“Veron, hindi kita kayang saktan, alam mo yan,” sabi ni Tito. “Pero kapag lumapit ka at pumigil, kapag nasagi kita, hindi ko iyon sinasadya.”

“Bakit mo ako sasagiin?” sabi ni Mama na nagmamatapang.

“Dahil hindi ako magpapagil hangga’t hindi tumutuwid ang ugali ng batang ito,” napatingin na si Tito Raul kay Jessie.

“Raul, anak mo yan,”

“Veron, wag makialam!” mababa, nakakanginig hanggang buto ang boses ni Tito Raul.

Pinantayan ng boses ang kanyang itsura. Malaking tao si Tito Raul. Lalong lumaki ang mapintog niyang mga braso sa pagbuhat at paghagis kay Jessie. Sinamahan pa ito nang nakakatakot niyang kalaparan. para siyang pader. Napansin iyun ni Mama at marahil naisip niyang, kapag nadaganan siya noon, masasaktan talaga siya. 

Hindi na kumilos si Mama habang si Tito ay nagpatuloy sa paglapit sa anak. Nang abutan niya si Jessie, iniangat niyang muli ito at sinabihan. 

Wala kaming magawa kundi manood sa ayaw na magpapigil na malaking mama. 

“Hindi lang ba sila ang bakla? Pati ba ikaw? Nagiging abnormal ka na naman ba?”

Napatingin sa akin si Jessie.  Tumingin din si Tito sa akin. Hindi ko alam ang gagawin.

Pumunta sa harap ko si Gabriel. 

“Kasalanan ninyo ito,” sabi ni Tito. “Mga salot kayo. Nakakahawa kayo!”

Tumakbo si Mama papunta sa akin. Kung pumayag siya sa ginagawa ni Tito Raul kay Jessie, nakita kong hindi papayag si Mama na saktan ako ng kinakasama niya.

Pero bago pa magsalita si Mama, si Jessie na ang nagsalita.

“Wala silang kasalanan dad,” sabi ni Jessie.

Alam kong may kaakibat na sakit sa na nararamdaman si Jessie para lang makapagsalita. Mahina ang boses niya at paputol-putol.

Muling humarap si Tito Raul kay Jessie at binigyan ito ng isa pang sipa sa tagiliran.

Ang bawat sakit ni Jessie ay naranasan ko na. Pinanood ko lang ang isang bagay na wala akong magawa. Nagbalik ang takot ko, hindi lang pala nagbalik. Nadoble.

“Hindi sila,” pilit na nagsalita si Jessie sa kanyang mahinang boses. “Hindi sila ang may kasalanan. Hindi si Alex. Ako ang may kasalanan sa kanya. Nasaktan ko siya. Ako ang masama.”

Nakita ko ang pagtataka kay Mama.

Pero hindi iyun pinansin ni Tito. Muli niyang iniangat si Jessie. Ibinalibag sa sofa. Parang isang magaang manika lang si Jessie sa lakas ni Tito Raul. Tumama ang pisngi ni Jessie sa matigas armrest ng sofa. Pumutok. May dugong tumulo. 

Akala ko  ay magigising na si Tito Raul pag nakitang may dugo na ang anak. Pero hindi pa rin. Parang sanay siya sa kanyang ginagawa. mukhang hindi ito ang unang beses na ginawa niya ito kay Jessie.

“Sige, dad, saktan mo ulit ako,” sabi ni Jessie. 

Bumaling si Jessie sa akin. 

“Ito na ang parusa ko. Ang dami kong kasalanan sa iyo Alex, sana sapat na ito,” pumikit si Jessie at sa abot ng kakayanin, sumigaw. “Saktan mo pa ako, Dad. Saktan mo pa ako!”

Parang nagustuhan ni Tito Raul ang hamon ni Jessie. 

Napaiyak ako. Naalala ko ang sarili ko.

Sinampal, sinuntok, sinikmuraan.  Hindi tumigil si Tito Raul. Nanliit na ang kaliwang mata ni Jessie. May dugo na ring lumalabas sa kanyang kilay. Maging ang kanyang braso ay parang nawalan ng lakas dahil nang sinubukan niyang tumayo, bumigay ang kanyang pagkakatukod.

Naramdaman ko na ang lahat ng iyon. Pero parang mas masakit ito. Hindi ko matanggap noon na isang lalaking hindi ko kilala ang bumubugbog sa akin na hindi ko alam ang dahilan. Itong nasasaksihan ko ngayon, higit na hindi katanggap-tanggap. Mas malaki si Tito Raul, pero higit pa doon, mas masakit na sa tatay pa manggagaling ang pananakit sa anak. 

Tama lang ito, dapat ay doble ang sakit na maramdaman niya sa lahat ng pinaranas niya sa akin.

“Sige po, bugbugin ninyo siya, yan ang dapat sa anak ninyo!” sigaw ko.

Nagulat si Mama. Ngayon lang niya ako narinig na sumigaw. Kahit ako, nagulat. Ngayon lang ako nakapaglabas nang ganoong kalakas na boses.

Nakuha ko naman ang atensyon ni Tito Raul. Napatigil siya sa ginagawa niyang pambubugbog sa anak.

Napatingin ako kay Jessie. Nakatitig din siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa likod ng kanyang titig. Paghingi ng tawad ba? Pagpapasalamat at napatigil ko ang ama? O pakikiusap na wag na akong makisali?

Wala akong pakialam.

“Napakasama mo?” sigaw ko sa kanilang dalawa.

Nagbago ang mukha ni Jessie. Napahiya. Nakita ko ang pagsisisi. Parang alam na niya ang mga susunod kong sasabihin.

“Sorry, Alex,” sabi ni Jessie. “I’m sorry.”

Sa sigaw ni Jessie, napatigil si Tito Raul.

“Anak, bakit?” napansin ni Mama na sobra ang galit ko.

“Mama,” napahikbi ako. “Mama, sinaktan din nila ako.”

Yumakap ako kay Mama. Pero nanatili ang tingin ko sa mag-ama. Napaiyak ako. Hindi ko kayang magsumbong noon, pero ngayon, parang gripong bumukas ang mga itinatago ko.

Mula sa pagkakatingin sa akin, napatingin si Mama sa mag-ama.

“Mama, si Jessie. Ilang taon niya akong tinakot. Binugbog niya ako. Highschool pa lang. Paulit-ulit. Tinatakot pa niya ako.”

Nanghina si Mama sa sinabi ko. Nanatili siyang nakatingin sa duguang si Jessie.

Si Gabriel naman ang nanatiling nakatingin sa akin. Nakayakap. Nagbibigay ng lakas.

“Sorry, hindi ko sinabi sa’yo,” sabi ko kay Mama. “Akala ko, kaya kong itago lang. Pero eto na, hindi ko na kaya, Ma, nakakatakot silang magtatay. Ayoko sa kanila, Ma.”

“Sorry, Alex,” sabi ni Jessie. 

Paulit-ulit si Jessie. Mahina, pero naririnig ko. Gustung-gusto ko ang naririnig ko. Ito ang hustisya. Ito ang kanyang parusa. Panandaliang nagkaroon ng saya sa aking kalooban.

Ngunit ang mga dugong tumutulo sa kanyang mukha, nagparamdam sa akin ng awa. 

May putok pa sa labi niya at sa ilalim ng mata. May dugong tumutulo at walang pumapansin. Hindi siya makagalaw sa pagkakatumba sa sofa. Masakit pa rin ang katawan niya mula sa pananakit ng ama.

May mga katanungang nasagot. Naintindihan ko na.

“Sorry, Tita, Mama,” sabi ni Jessie.

“How dare you? Sinaktan mo ang anak ko?” sabi ni Mama. Mahina, pero punung puno ng galit.

Hindi na nakagalaw si Tito Raul. Nagulat siya sa narinig. Nagulat siya sa reaksyon ni Mama.

Patuloy ang pag-iling ni Mama. Bagsak ang mga braso niya. Nanghihina pa rin siya sa kanyang narinig.

“Sorry po,” sabi ni Jessie, at ang pag-iyak niya ang humagip sa aking puso.

Hindi kay Mama.

“Hindi mo ako Mama, kahit Tita, huwag mo akong matawag-tawag,” mahinang sabi ni Mama. “Baliw kayong magtatay.”

“Sorry po,” sabi ni Jessie. “Mahal na mahal ko si Alex. Sinabi ko iyun kay Daddy. Nireto ni Daddy yung anak ng ka-gym niya, sabi ko,hindi na pwede, may mahal na ako, si Alex. Pinagtawanan kami ni daddy. at pag-uwi, binugbog niya ako. At Binugbog pa ulit ako, sinasabing hindi ako bakla.”

Nakatingin si Jessie kay Mama. Hindi lang nagpapaliwanag si Jessie nang kanyang pagsisisi. 

“Mama, binubugbog ako ni Daddy,” sumbong ni Jessie.

Patuloy ang pagputok ng boses ni Jessie kasabay ng kanyang pag-iyak. Tulad nang pagtatago ko nang kanyang pagbubugbog, mukhang wala ring nakakaalam ng ginawa sa kanya ng kanyang tatay. Pero mas mapalad ako sa kanya, mayroon akong nanay na nakakaintindi. Si Jessie, matagal nang walang kakampi.

“Hindi ko alam kung bakit ako kayang saktan nang ganun ng sarili kong daddy,” sabi ni Jessie. “Kaya’t si Alex ang sinisi ko. Lahat ng galit ko, kay Alex ko binuhos. Kung di kita minahal, hindi ako mabubugbog ng Daddy. Sabi ko, kasalanan mo eh. kay sinaktan kita. Sorry Alex. Hindi ko kasi naiintindihan ang nangyayari. At ikaw ang nasisisi ko. Ikaw na mahal na mahal ko, una ko palang nakita. Sorry Alex. Sorry po, Tita.”

“Sinaktan mo si Alex. Ang laki-laki mo…” lumusob si Mama papunta kay Jessie na nakahandusay sa may sofa.

“Ma, huwag na,” nahabol ko si Mama at hinila paatras.

“Mga baliw ba kayo?” nakatingin si Mama Kay Tito Raul. “At ikaw anung ginawa mo sa anak ko?”

“Mama, tama na,” sabi ko. Sapat na na alam ni Mama ang sikreto ko.

“Bakla ang anak mo,” sabi ni Tito Raul. “Tama lang na bigyan sya ng leksyon ng anak ko.”

“Bakla din ang anak mo,” sabi ni Mama. “At kung pinalaki mo lang yan ng tama, naging mabuting tao sana siya. Hindi katulad mo. Hindi pala kita kilalang hayop ka.”

“Tama na Mama,” sabi ko.

“Tama na talaga,” hinila ako ni Mama. “Aalis tayo dito.”

“Tita, Mama, Alex,” tawag ni Jessie. “Sorry. Huwag ninyo akong iwan. Alex, please.”

Napahinto ako sa sinabi ni Jessie. Nakikiusap siya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Nalito ang nararamdaman ko sa kanya.

“Tantanan mo kami,” sabi ni Mama na nagmamadaling lumabas.

Napayuko si Jessie. Pinunasan ang mga luha na humahalo na sa dugo sa kanyang mukha. Sising-sisi si Jessie. Pumapayag na siya na umalis kami.

“Hindi kayo aalis,” utos ni Tito Raul.

“Shut up ka,” sabi ni Mama. “Gago ka!”

Nanlaki lang ang mata ni Tito Raul. Tumalikod siya at naglakad.

“Dalhin ang susi ng sasakyan ko sa labas,” sigaw niya.

Agad kumilos ang isa sa mga kasambahay. 

Nang makalabas si Tito Raul, nagyaya na rin si Mama.

“Alex, patawarin mo ako,” iyak ni Jessie. “Mama, sorry po. Sorry po.”

“Halika na anak,” sabi sa akin. “Gabriel tera na.”

Nauna si Mama na matagumpay, taas noo. Hawak naman ni Gabriel ang kamay kong hindi pa niya binibitawan mula nang tumayo kami. Nagsimula na kaming lumabas tatlo.

Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Jessie. Talo na siya. Suko na siya. Ito na ang pinakamahina niya.

“Tita, if you want, you can stay in my place,” sabi ni Gabriel.

“Thank you, but hindi,” sabi ni Mama. “Pakihatid na lang kami sa bahay ni Albert. If that’s okay.”

“Of course, Tita,” sagot ni Gabriel.

Papalabas kami ng pinto nang marinig ko ang malakas na pag-iyak ni Jessie.

Napaiyak akong muli. Tumulo ang luha ko, pero hindi ko pinahalata kina Mama at Gabriel.

Pagdating sa sasakyan, binuksan ni Gabriel ang pinto para kay Mama. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Sumakay si Mama. Sumunod niyang binuksan ang para sa akin. Hindi ako sumakay.

Nanatili akong nakatayo.

“Gabriel,” sabi ko. “Dito muna tayo. Walang kasama si Jessie.”

Sa mahabang panahon, ngayon lang siya bumitaw sa aking kamay. Umiling.

“No, Alex,” sabi ni Gabriel.

Hindi ako gumalaw. Hindi rin gumalaw si Gabriel.

“Please, babe,” sabi niya. “Get inside the car.”

Kahit mahina na ang pag-iyak ni Jessie ay naririnig ko pa ito. Hinahanap ng aking tenga. Gustong alamin ang nangyayari sa kanya. Mahina ang kanyang pag-iyak, pero malakas ang pagtawag niya sa akin. 

Kailangan ako ni Jessie. 

Pero kailangan ko rin si Gabriel.

At kapag pinuntahan ko si Jessie ngayon, alam kong mawawala nang tuluyan sa akin si Gabriel. 


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Back

CHAPTER 48

Bumitaw ako sa kamay ni Gabriel. Isinara ko ang pintong binuksan niya para sa akin. Nakita ko ang pangamba sa mukha ni Gabriel. Umiling ako.

“Gab, hindi muna ako dyan,” sabi ko. “Sa likod muna ako. Kailangan ako ni Mama.”

Nakita ko ang relief sa mukha ni Gabriel.

“Of course,” sabi ni Gabriel.

Yumakap siya sa akin. Mahigpit.

“Thank you for staying with me,” sabi ni Gabriel.

Alam ko kasing iyun ang tamang gawin. Ang sumama kay Gabriel, at hindi lumingon sa iyak ni Jessie. Pinili ko siya, sasamahan ko siya. Siya ang boyfriend. Pero bakit minsan, ang tamang sinasabi ng isip, ay masakit gawin para sa puso.

“Ikaw ang mahal ko, Gabriel,” sabi ko. “At sa iyo ako sasama. Kailangan ko lang si Mama ngayon.”

Humalik si Gabriel sa noo ko at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako at tumabi kay mama. Niyakap ako ni Mama. Tahimik lang kami. Nararamdaman ko ang pagpipigil ni Mama ng kanyang naaramdaman.

Nagmaneho na si Gabriel. may mga pagkakataong sinisilip niya ako sa rear view mirror. Minsan ningiti ako. Minsan hindi ko na lang papansinin.

“Akala ko, si Raul na,” bumubulong si Mama. “Gago pala siya. Baliw na magtatay. Paano ba ito, Gabriel, sa akin na muna si Alex ko. Siya na muna ang lalaki sa buhay ko habang naka rest mode ang lovelife ko.”

“Sure po, Tita,” sabi ni Gabriel. “Alex has so much love to give. Enough for the two of us.”

“Hay, Alex. Humanda ka,” sabi ni Mama kasabay ng isang malalim na paghinga. “Pati ang love ko para sa bayan, para sa ekonomiya, sa’yo ko na muna ibubuhos. Mag-aral ka lumangoy at lulunurin kita.”

Napangiti lang ako.

Nakikita ko ang effort nila na gawing magaan ang biyahe. Gawing comfortable. Naiintindihan ko naman. Nakikisakay lang kami ni Mama sa boyfriend ko. Ang boyfriend ko naman, syempre, pa-good shot sa nanay ko. Ako. Ito, nag-iisip. Ang close na nina Mama at Gabriel. Ang close nila.

“Ihahatid muna kita bahay ng kuya mo, doon ka muna, tapos babalik ako dito kukunin ko ang mga gamit natin. Kailangan lang muna nating makaalis sa bahay ng mga baliw na yun. Okay ka lang ba Alex, anak?”

Tumango lang ako. Wala akong masabi. May kasalanan pa ako kay Mama. Naglihim ako sa kanya. Si Jessie, hindi ko sinabi sa kanya ang lahat ng tungkol kay Jessie.

Binugbog ako ni Jessie dahil mahal niya ako. Mahal niya ako una palang niya akong makita. Minahal niya ako kaya siya sinaktan ng Daddy niya. At hanggang ngayon, nararamdaman kong mahal pa rin niya ako.

Hindi ko namalayang nakarating na kami sa bahay ni Kuya. Pinagbuksan niya kami. Beso kay Mama. Yakap sa akin. Yakap kay Gabriel. Pero si Gabriel, nagpaalam na rin.

“Una na ako, Tita,” paalam ni Gabriel.

“Sige, Anak,” sabi ni Mama. “Salamat sa paghatid ha.”

“No problem po,” sagot ni Gabriel.

“Alis ka na agad?” tanong ni Kuya na naglabas ng inumin para sa amin.

Hinatid namin ni Kuya si Gabriel hanggang sa elevator.

“You have some family issues to discuss,” sabi ni Gabriel.

Tumingin sa akin si Kuya.

“Mamaya na lang,” sabi ko.

“Albert, magsabi ka ng totoo, alam mo ba ang mga nangyayari ditto sa kapatid mo?” tanong ni Mama kay Kuya?

Nagtaka si kuya.

“Wala siyang alam Ma,” sabi ko. “Wala akong nasabihan. Si Gabriel lang. Siya ang tumulong sa akin dati, nung sinaktan ako ni Gabriel. Entrance exam ko yun.”

At tuluyan na kaming naupong tatlo. Kinuwento ko sa kanila ang mga napagdaanan ko kay Jessie. Lumuwag ang pakiramdam ko. Nawala ang galit ko. ang sarap ng may nasaasbihan.

Kita ko ang disappointment nina Kuya at ni Mama. Pero nawala din iyun. Naramdaman kong mahal na mahal nila ako.

“Anak, paano mo naman naisip na magiging truly happy ako kay Raul kung binubugbog ka pala ng anak niya?” tanong ni Mama. “Kung isang lalaki na lang sa mundo ang ibibigay sa akin ng Diyos, ikaw ang hihilingin ko. Ikaw lang ang mamahalin ko nang walang tanung-tanong. Ikaw ang pinakamahalaga sa akin. Mas mahalaga pa sa sarili ko. Kaya huwag mong kakalimutan ang sarili mo para sa akin. Okay?”

“Mali ako, Ma. Sorry po.”

“Next time, Alex ha,” sabi ni Kuya. “Mahal ka namin. Ayaw naming nasasaktan ka. Sasabihan mo kami.”

“Oo, kuya,” sabi ko. “Mahal na mahal ko rin kayo.”

Niyakap ko si Mama. Nanood lang si Kuya. Nakangiti siyang masaya para sa amin.

Sa sofa natulog si Kuya Albert. Ipinahiram niya sa amin ni Mama ang kwarto niya para doon matulog. Pero parang kabaligtaran ang nangyari.

Alam kong hindi makatulog si Mama. Tumitingin din siya sa telepono niyang parang nalobat na dahil walang nagbabago. Parang ako rin pala si Mama. Kapag nahiwalay sa mahal, hindi mapakali sa paghihintay ng paramdam.

Hindi ko nga iyun naiintindihan. Patuloy naman ang pagtanggap ko ng text message. Patuloy din ang pagsagot ko. Mula kasi nang iniwan kami ni Gabriel sa bahay ni Kuya Albert, hindi na siya tumigil sa kaka-check sa akin. Alam kong may hinihintay siyang sabihin ko, pero hindi ko pa kaya. ayoko pang pag-usapan ang nangyari kanina. Ako na ang nagsimula ng pagpapaalam.

Antok ka na ba?

Medyo.

Sige, Mahal, tulog na tayo.

Sige. I love you.

I love you more.

I love you more and more.

Goodnight mahal.

Goodnight, Alex ko.

Tumigil ang palitan namin ng messages. Pero hindi pa rin ako makatulog. Hinihintay ko rin, tulad ni mama, na tumunog ang phone ko. Hindi si Gabriel ang hinihintay ko. Hindi siya ang inaalala ko.

“Ma, pengeng 200,” sabi ko.

“Alas tres na nang madaling araw,” sabi ni Mama. “May shift ka?”

“Babalik ako sa bahay?” sagot ko.

Nagising si mama sa sinabi ko. “Anyon?”

“Kailangan kong balikan si Jessie.”

Nagkatitigan lang kami ni Mama.

“Siya ba ang lalaki one mo?”

Napayuko ako.

“Ang labo mo anak?” sabi ni Mama. “Minahal mo ang lalaking nananakit sa’yo? Ang masokista mo naman.”

“Hindi ko rin alam Ma,” sabi ko. “Pero mahal ko si Gabriel. Ayokong magkahiwalay kami ni Gabriel. Alam yun nang isip ko. ginusto na iyun dati pa ng puso ko. Pero ma, gusto rin ng puso kong puntahan si Jessie ngayon. At hindi ako matatahimik kung hindi koi to gagawin.”

“Kawawa naman si Gabriel sa ginagawa mo,” sabi ni Mama.

“Alam ko po. at naiintindihan ko kung bakit nananamlay kaming dalawa. Kasalanan ko.:

“Buti’t alam mo.”

Nagiging brutal na naman ang honesty ni Mama.

“Noong una, lagi akong may bangungot. Paano kung makita ko si Jessie, baka saktan niya ako. Iniligtas ako ni Gabriel at nawala pansamantala ang mga bangungot. Sinagip na ako ni Gabriel.

“Ngunit nagbalik nang makita ko ulit si Jessie. Sabi ko sa sarili ko, siguro, titigil ang panaginip ko kung malalaman ko kung bakit ako sinaktan ni Jessie. Habang inaalam ko iyun, naramdaman kong may nararamdaman siya sa akin. Nalito ako lalo.

“Ngayon alam ko na. Hindi ko nga lang alam kung ano na ang magiging panaginip ko kay Jessie, pero parang hindi ko masasagot iyun. Hindi ako makakatulog na alam kong mag-isa si Jessie ngayon. At kailangan niya ng kasama.”

Ang haba ng paliwanag ko kay Mama. Sana naintindihan niya ako.

Tumayo si Mama. Pumunta sa bag niya. Kumuha ng pera.

“O ito, limangdaan. Ibalik mo ang sukli,” sabi ni Mama. “May request lang ako. Sabihin mo kay Gabriel ang gagawin mo.”

Niyakap ko si Mama.

“Sige po,” sabi ko.

Nasa taxi ako, iniisip kung paano magsasabi. Nasimulan ko na, kaya ang hirap lagyan ng salita ang pagpapapaalam. 

Tinawagan ko siya. Bahala na kung anong lalabas sa bibig ko. Iyun na. Bahala na. Pero walang sumagot ng telepono. Baka tulog talaga siya.

Nag-text na lang ulit ako.

Sorry, Gabriel. Magagalit ka ditto, pero pupunta ako kay Jessie. Sana maintindihan mo. Mas gugustuhin kong hindi natin ito pag-awayan kahit gawin ko, pero kung magiging dahilan man ito ng ating paghihiwalay, tatanggapin ko. ang hiling ko lang, maintindihan mo kung bakit ko ito ginawa. Mahal na mahal kita Gabriel.

Naghintay ako ng reply pero wala. Baka tulog na siya talaga.

Mabilis naman ang biyahe. Alas kwatro na yata nang madaling araw.

Pinapasok ako sa gate ng subdivision. Kumatok ako sa mansion. Pupungas-pungas pa si Aling Rosa Marie nang pagbuksan ako.

“Si Jessie po?”

“Nasa kwarto na po niya,” sabi ni Aling Rosa Marie.

“Kumusta na po siya?”

“Ayos naman po. Inalalayan namin siya pabalik sa kwarto. Ayaw kasi ng tatay niyang makita siyang iiyak-iyak sa sofa. Mas mabubugbog pa yun.”

Habang nagpapaliwanag si Aling Rosa, napansin ko ang paligid. Parang walang nangyaring gulo sa bahay. Maayos na ang lahat, nasa lugar ang mga sofa. Walang marka ng pawis o dugo ang sahig. Naayos na nila ang lahat, ang bahay, si Jessie.

Hindi ko alam kung matutuwa ako na may kasama naman pala si Jessie dito. Pero sa pagsasabi ni Aling Rosa Marie, parang hindi ito, una, pangalawa o pangatlong beses na nagyari sa bahay na ito. Mukhang nakasanayan na.

Umakyat ako papunta sa kwarto ni Jessie. Kumatok. Walang reaksyon.

Kumatok ulit ako. Wala pa rin.

Binuksan ko ang pinto. Inikot ang paningin. Wala si Jessie. Binuksan ko ang cr. Wala. Lumabas ako ng kwarto, naghanap ng matatanong kung nasaan si Jessie. Pero wala na ring tao.

Nilibot ko ang bahay wala si Jessie. Hanggang sa salubungin ulit ako ni Aling Rosa Marie.

“Kukunin po ba ninyo ang mga gamit ninyo?” tanong ni Aling Rosa Marie. Kailangan po ba ninyo ng tulong? Gigisingin ko si…“

“Huwag na po,” sabi ko. “Nandito po ako para kay Jessie. Wala po siya sa kwarto niya.”

“Mabuti naman po,” sabi ni Aling Rosa Marie. “Kasi po, naitapon po ni Mabel yung mga project ninyong naiwan.”

“Projects?” gulat ko. 

“Yung pong malalaking papel. yung mga drawing ng bahay,” paliwanag ni Aling Rosa.

“Ha?” gulat ko. “Ang mga plates ko!”

“Hindi po pinggan,” sabi ni Aling Rosa. 

Hindi ko na lang siya pinansin.

“Saan po?” sabi ko. 

Nalito ako. Si Jessie lang naman ang pinunta ko dito, tapos ang mga plates na tinapos ko nang buong sem, nawala na.

Hanggang sa makarinig ako ng splash sa swimming pool.

Pumunta ako sa pool area. Doon ko siya nakita.

Nakatayo si Jessie, nakababad sa isang sulok ng pool. Hindi siya lumalangoy. Hindi gumagalaw. Parang tinitiis lang ang lamig. Baka pinapamanhid ang katawan niya.

“Jessie,” tawag ko.

Lumingon sa akin si Jessie, pero muling bumalik sa gilid ng pool ang kanyang tingin.

Maputla na siya. Kumulbot na ang balat. Mukhang matagal na siyang nakababad doon.

“Halika na, ahon ka na.”

Hindi na muling gumalaw si Jessie.

Naghubad ako ng damit at lumusong. Ang lamig ng tubig. Ito ang kanyang tinitiis nang matagal na panahon. Lumangoy ako at pagdating sa kinatatayuan niya. Inalalayan ko siya papunta sa hagdan. Hindi na nanlaban si Jessie.

Pagkaahon namin. Yumakap sa akin si Jessie. Umiyak.

Nanginginig siya sa lamig.

Inalalayan ko siya papasok sa bahay.

Kumuha ako ng bathrobe at isinuot kay Jessie. May bathrobe din akong nakasuot sa akin. Sa kusina kami nagpahinga, sa may breakfast nook.

Itinimpla ko siya ng kape. Tinitigan nya lang ito. Nanatili siyang nakaupo, at ang mga kamay, magkasapo sa pagitan ng dalawang tuhod.

Pumunta ako sa likod ng malaking katawan ni Jessie. Hinawakan ko ang malalamig niyang kamay at idinikit sa baso ng kape. Kailangan niya ng init.

Nang nakakapit na siya sa baso ay binitawan ko na siya, para pumunta sa upuan ko. Pero tumalikod si Jessie hinabol ang kamay ko at hinawakan. Idinikit sa kanyang bibig. Natitigan ko ang napakaamong mukha ni Jessie. Hindi ito ang naaalala kong mukha niya Pero kahit namay putok sa labi. May namumuong dugo sa ilalim mata at may nagsisimula nang mamasa sa pisngi. Nanatiling maamo ang mukha ni Jessie.

“I’m sorry, Alex,” sabi niya.

Tumango lang ako. Pero nagsimula nang mamugto ang aking mga mata. Kailangan ko ito. Ito ang matagal ko nang hinahanap.

Binawi ko ang kamay ko para punasan ang luha. Hindi ko na ito hinayaang tumulo pa sa aking pisngi. Hindi pa yata ako handa kung ano ang susunod na mangyayari.

“Magkape ka muna,” sabi ko. “Magpainit ka muna ng katawan.”

Iniwan ko si Jessie bumalik ako sa swimming pool area at kinuha ang mga hinubad kong damit. Nagbihis na rin ako.

Pagbalik ko ay sinalubong ako ni Jessie. Niyakap niya ako. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Yumakap din ako. Naramdaman kong nawawala na ang ginaw sa paligid. Nawawala na ang lamig na bumalot sa katawan namin kanina sa pool. Kasabay na rin ito nang paglabas ng araw.

                                                                                                                                                                                                                            At sa aming pagbibitaw. Inilapat ni Jessie ang kanyang kamay sa aking mukha tumitig siya sa akin. At inilapat ang kanyang mga labi sa aking bibig. 

        

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One on the Rooftop

CHAPTER49

Ito ang pangatlong beses na hinalikan ako ni Jessie.

Hindi ako nakagalaw. Naalala ko lang ang tanong ni Mama. Kung nakita ko na ang aking hinaharap kasama si Lalaki 1. Hindi. Hindi ko inisip. Kaya’t kahit patuloy ang pagkilos ng bibig ni Jessie sa aking mga labi, ay hindi ko nagawang gumalaw.

Napahinto si Jessie. Umatras. Bumalik sa upuan niya.

“Sorry,” sabi niya.

Tumango lang ako.

Bumalik siya sa kape. Ininom na niya ang timpla ko. Kaunti lang, tapos ibinaba niyang muli ang baso.

“May lason yan,” sabi ko.

Muli niyang kinuha ang kape, ininom. Mas marami. 

“Kung hindi lang mainit masyado, uubusin ko ’to,” sabi ni Jessie.

Hindi ako nagsalita. Umupo na lang ako sa kabila ng mesa, sa harap niya. Pinapanood ko lang siya. Nahihirapan siyang tumingin sa akin. Nawala na ang dati niyang tapang. Hindi na tulad nang dati ang kanyang titig, yung naka-focus lang sa akin, at hinihintay masalo ng mata ko ang tingin niya. Tapos ay manlilisik, at ako ang susuko dahil nalagyan na niya ako ng kaba.

“I’m sorry, Alex,” sabi niya ulit habang nakatingin sa malayo.

“Pinapatawad na kita,” sabi ko.

“Sigurado ka?” tanong ni Jessie. 

“Oo,” sabi ko. 

“You, making it sounds so easy, make it so hard for me to believe,” sabi ni Jessie. 

“English talaga?”

“Bakit ang dali-dali  mong magpatawad?”

“Siguro dahil naintindihan na kita,” sagot ko. “At kahit mali man ang intindi ko, Okay na yun, paniniwalaan ko pa rin. Kasi gusto na kitang mabitawan. Gusto ko nang lumaya sa kahit anong nag-uugnay sa atin dalawa. Galit man yan o…”

“O ano?” tanong ni Jessie.

“O kahit ano?” sagot ko.

Walang malisya ang sagot ko. Naintindihan naman yata niya. Natahimik kaming dalawa.

“Sana, palayain mo na rin ako. Tanggapin mo na lang ang pagpapatawad ko,” sabi ko.

“Saan mo ako pinapatawad?”

“Sa lahat-lahat na sorry ka.”

“Anu-ano yun?”

“Ikaw? Sige, kung ano ang makakapagpatanggap sa iyo ng pagpapatawad ko, sabihin mo na. ilinya mo na lahat ng guilt mo sa akin.”

“Nasabi ko na kagabi, ang pananakit, pananakot, sa lahat ng kaba sa lahat ng abala,” sabi ni Jessie. “Pero hindi pa doon, sa tangka kong paninira ng buhay mo. Sinubukan kong sirain kayo ni Gabriel. Alam kong masaya ka sa kanya, at ayoko nun. Dahil gusto ko sa akin ka maging masaya.”

Tumingin sa akin si Jessie. Hindi ko napigilang hindi tumingin din sa kanya at malunod sa katotohanang nasa harap ko. 

“Sorry for my inconsistencies,” tumuloy siya, “Me not making peace with my contradictions affected you so much. Gusto lang kitang mahalin, pero hindi ko magawa. I’m so sorry.”

Wala akong nagawa kundi ang mapatango. Hindi ko rin nagawang magpigil. Naramdaman ko na lang na nababasa ang pisngi ko ng aking luha. 

Ininom pa ni Jessie ang natitirang kape. Hindi na niya alintana ang init.

“Salamat,” sabi niya. “Matagal ba bago umepekto ang lason nito? Pwede na kasi akong mamatay. Napatawad mo na ako.”

Umiling ako. 

Pinahid ko ang mukha ko sa mga luha. Gusto ko pa sanang magpatuloy ang pagtulo ng mga iyun, dahil kakaiba ito. hindi ito dahil sa sakit o takot na gawa ni Jessie. Lumuluha ako dahil masaya ako, at si Jessie ang dahilan.

“Walang lason yan,” sabi ko. “At hindi ka pa pwedeng mamatay.”

“Wala na naman akong hinihintay,” sagot ni Jessie. “Wala nang nagmamahal sa akin. Ikaw lang ang nakapansin sa akin. Ang tanging naghahanap, sinaktan pa kita. Kaya pag nakita mo ako, nagtatago ka na. Hindi ako mahalaga para kahit kanino.”

“Oo, hindi kita mahal,” sabi ko.

Nakita ko ang pagbabago sa mukha niya. Nalungkot.

Napangiti ako.

“Hindi kita mahal, pero mahalaga ka sa akin,” sabi ko. “Hindi ko alam kung paanong sa pananakit mo sa akin, naging mahalaga ako. Siguro dahil ikaw ang nagturo sa aking maging matapang. Ikaw ang takot na hinarap ko. Basta.”

“Sorry,” sabi ulit ni Jessie.

Hinawakan ko ang mga kamay ni Jessie na nakahawak sa kape.

“Okay na ako,” sabi ko. “Sana maging okay ka na rin.”

Nagkatitigan kami. Napangiti ako. Buong pagkatao ko ang ngumiti. Alam ko na, napagtagumpayan ko na si Jessie.

“Kailangan ko nang umalis,” sabi ko.

Umalis ako sa pagkakaupo. Tumalikod at naglakad.

“Alex,” tawag ni Jessie.

Napalingon ako.

“Hanggang mahalaga lang ba ako sa iyo, hindi pa ba pwedeng mahal na talaga?”

Ngumiti ako. 

“Huwag kang abuso,” sabi ko. “Kapapatawad ko palang sa’yo.”

“Pagpapatawad pa lang ba ang pwede? Hindi pa kayang pagmamahal?”

“Mahal ko pa si Gabriel,” sagot kong umiiling.

Iniwan kong mag-isa si Jessie sa kusina. Umakyat ako sa kwarto, nagbihis. May mga damit pa rin ako sa mansion. hindi na ako lumingon papalabas ng pinto. Hindi na ako nagpaalam ulit kayJessie. Hindi ko na siya hinanap.

Masaya ako sa pagbukas ng pinto papalabas ng mansion. Nakaramdam ako ng kalayaan. Ito ang matagal ko nang hinahanap. Makakatulog na ako nang mahimbing.

Panandalian lang ang pakiramdam na iyon. Dahil sa labas ng gate ng mansion, may pamilyar akong sasakyan na nakita. Ang kotse ni Gabriel.

Nakatayo si Gabriel sa may pinto ng kotse. Nakangiti. Mabilis akong lumapit sa kanya. Niyakap siya nang mahigpit. Mas mahigpit ang ginanti niyang pagyakap.

Nang magbitaw kami ay agad niyang kinuha ang aking mga kamay, inilagay ang mga daliri niya sa pagitan ng sa akin. Tinitigan niya ako. Walang pagdududa ang kanyang mga mata, tanging saya. hindi ko naiintindihan pero sinabayan ko na lang ang kanyang nararamdaman. Ganito naman dapat minsan. Huwag nang magtanong, sunod agad sa sinasabi ng puso. At puso ni Gabriel ang susundin ko. Masaya siya, masaya rin ako.

Lumapit ang mga labi niya sa akin. Nagpaubaya pa rin ako. Hanggang sa isang mahabang paghinga habang magkadikit ang aming mga bibig, bumitiw siya sa halik. 

“Mahal na mahal kita, Alex,” sabi ni Gabriel.

Hindi ako nakasagot.

Pero syempre kailangan kong sumagot.

“Bakit?” tanong ko.

Doon ko lang naisip, parang mali ang reaksyon ko. Ang tamang gawin pag sinabihan ng i love you ay sumagot, hindi tumulala. At kapag napansin na na medyo dead air na, dapat balikan na agad ng i love you too. Iyun ay kung I love you too talaga ang nararamdaman. Pwede rin namang thank you. Pero hindi bakit ang isasagot. Hindi bakit. Anu ba naman ako?

Nasa gitna pa lang ako nang pagpoproseso ng mali kong sagot nang sumagot si Gabriel.

“Because that is what i feel,” sagot ni Gabriel. “Always remember that… please.”

“Hindi ko iyun malilimutan,” sabi ko. “Alam ko ’yun, at mahal na mahal din kita.”

Iyun. Ganun ang sagot.

Yumakap sa akin si Gabriel. Yumakap din ulit ako. Pakabitaw namin sa isa’t-isa, pinagbuksan niya ako ng kotse. Siya na rin ay pumasok at nagmaneho.

Nakahawak si Gabriel sa hita ko. Nakapatong naman ang kamay ko sa kamay niya. kapag kailangan niya ito sa pagmamaneho, binabawi niya, ngunit muling binabalik.

Maliban sa mga galaw na iyun, walang ganap sa sasakyan. Wala ring usapan. 

Doon ko naramdaman na tapos na siguro ang pagpapadaloy na lang. Baka hinihintay niya akong magkwento. 

“Salamat sa pagsundo,” sabi ko.

“Of course,” sabi ni Gabriel. “I miss you in our home.”

“Kanina ka pa ba naghihintay sa labas?”

“Not really. Some twenty minutes, maybe.”

“Salamat.”

“So, how’s Jessie?” tanong ni Gabriel.

Kinabahan ako. Hindi ko inaasahang kakabog ang dibdib ko nang ganito katindi. 

“Why, what’s wrong?” pansin ni Gabriel.

“Hindi ko alam,” sagot ko. “Kinabahan ako sa tanong mo.”

“Thanks for your honesty.”

“Bakit naman kailangan ko pang itago,” sabi ko. “Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ako kinabahan.”

Napangiti lang si Gabriel.

Nang magpalit siya ng gear, hindi na niya ibinalik ang kamay niya sa hita ko.

Natakot ako.

Tahimik.

“Nag-iisip ka ba nang masama?” tanong ko. “Pabababain mo ba ako?”

“Of course not,” sabi ni Gabril. “Mahal na mahal kita. Always remember that.”

Humarap siya sa akin at ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.  

“Come on, let me help you understand that kaba.”

Ito siguro ang dahilan kung bakit ang naisagot ko sa mahal na mahal kita niya kanina. Kaba.

“Una siguro, dahil iyun dapat ang una kong naramdaman nang makita kita paglabas ko ng gate,” sabi ko. “Pero ang kalmado mo. Nakakatakot, iyun Gab.”

“Why?”

“Tigilan mo nga ako sa why na yan?”

“Well, i did not question your ‘bakit’ on my ‘mahal na mahal kita’ a while ago.”

Hala, ambilis bumalik sa akin nun ah. nasa Guadalupe pa lang kami. 

“So, why were you supposedly be scared of seeing me?”

“Dahil mali na pinuntahan ko si Jessie. Alam kong magagalit ka.”

“But you told me about it. And maybe you did that, thinking that it would make it less painful for me. And i appreciate that. That’s why I’m here. I chose to appreciate your honesty.”

“At ngayon nagiging mabait ka na naman,” sabi ko. 

Magsasalita pa lang si Gabriel, pero inunahan ko na siya.

“At hindi ko minamasama iyun,” untag ko.

“So, yun lang ba ang cause of your kaba?”

“Hindi ko alam,” sabi ko. “Gusto mo, kwento ko na lang mula nang tumuntong ako sa gate?”

“Shoot.”

Bang. Patay. Iyun na. 

Kinuwento ko mula nang tumuntong ako sa lupain nina Jessie. Sa paghahanap ko sa kanya sa bahay na parang walang naganap na kaguluhan sa nagdaang gabi. Sa pagtanggal ko nang damit ko para kunin sa pool ang namumutlang si Jessie. sa pagtitimpla ko ng kape. Sa paghalik niya sa akin. Sa hindi ko pagkilos sa kanyang halik kaya’t binawi na lang ni Jessie, mahalaga yun. 

Sa pagpapatawad ko sa kanya. Sa hindi niya pagtanggap. Sa pag-iisa-isa niya ng dahilan para mas maging madali sa kanya ang pagso-sorry. At sa pag-amin niya nang tangka niyang sirain kami ni Gabriel. 

Sa pagtulo ng luha ko. Yung tears of joy.

Sa hirit ni Jessie na “mahal na talaga.” Yes, natandaan ko iyun at tumatak sa utak ko. Hanggang sa pagpapaalam ko at paglabas sa gate. Pati ang naramdaman kong pagpapaanod sa saya ni Gabriel nang makita niya ako. nasabi ko kay Gabriel.

Nakangiti lang si Gabriel buong biyahe, sa bawat detalye ng kwento kong hindi niya kinukwestyon. Tumitingin-tingin lang siya sa akin. Napapa-ahh, napapa-oh. Pinapatuloy lang sa akin ang pagkukwento. Ang kanyang kamay, pabalik-balik lang din sa  aking hita. May pagkakataon pang kinuha niya ang aking kamay at hahalikan. 

“Thanks,” sabi ni Gabriel. “For trusting me. For knowing that I’ll understand. For choosing me still.”

“Syempre naman,” sabi ko. “Bakit naman hindi?”

“Why naman not hindi?” tanong ni Gabriel.

Nakangiti pa rin si Gabriel. Hindi ko naintindihan. Napansin niya iyun.

“I mean, why keep on choosing me?” sabi ni Gabriel.

“Dahil mahal kita,” sagot ko. “Iyun lang yun.”

“Mahal na mahal din kita,” sabi ni Gabriel. “Always remember that.”

Parang isang “mahal na mahal kita” at “always remember that” ang pabaon sa akin ni Gabriel sa bawat beses na hinalikan ako ni Jessie.

Nakarating kami ni Gabriel sa building ng unit ni Kuya Albert. Sumakay kami elevator. Pero imbes na sa floor ni Kuya kami bumaba. Sa pinakataas ako dinala ni Gabriel. 

Muling bumilis ang tibok ng puso ko. 

Huminto ang elevator. Bumukas. Lumabas kami. 

Bakit kailangang dito pa? Ang taas-taas nito. Kinakabahan ako. Umiikot ang sikmura ko. Hindi ko kaya ang matataas na lugar.

Pero hindi iyun inalintana ni Gabriel. Hinila niya ako papunta sa isang sulok na minsan naming tinayuan. Muli niyang hinawakan ang mga pisngi ko. Hinalikan. Isang halik na parang unang beses pa lang niya nahalikan ang aking mga labi.

nawala ang takot ko. Ito naman kasi ang kapangyarihan ni Gabriel sa akin Nakakalimutan ko ang lahat ng takot ko kapag kasama ko siya. Lalo na’t niyayakap na ng mga labi niya ang bibig ko.

Damang dama ko ang pagmamahal niya. Ang tatlong beses niyang sinabi, ngayon, muli niyang pinapaalala. At hindi ko talaga malilimutan. 

Pagkatapos nang mahabang walang hanggan na alam kong hindi ko pa gustong matapos, marahang inatras ni Gabriel ang kanyang mga labi. Naiwan ang aking bibig na bahagya pang nakabuka, naghihintay sa kanyang pagbabalik.

Ngunit wala ng labing dumikit sa akin.

Dumilat ako.

Nakita ko si Gabriel. Nakatingin sa akin. Ang mga mata niyang nakatitig. Namumugto. Hindi rin tumitigil ang pagluha. Walang hikbi, may ngiti. Pero alam kong hindi tulad ng sa akin kanina, hindi siya masaya. Malungkot siya. 

“I’ll be making the biggest mistake of my life, Babe.”

Iyun lang. Tinapos ni Gabriel ang lahat nang namamagitan sa amin.

Ito ang pangalawang beses na hiniwalayan ako ni Gabriel. 


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One in the Dark

CHAPTER50

Pinakamahirap talaga ang gabi.

Noong una, ayoko kahit maidlip dahil sa masasamang panaginip, ngunit mas pipiliin ko na iyun, kesa ngayon, na kahit anong pilit kong matulog, e hindi ko magawa dahil sa sakit.

Dahil bakasyon, ipinagkatiwala ni Kuya ang unit niya sa amin. Ako na muna ang nasa kwarto niya, at si Mama, sa kwartong ipinahihiram sa akin ni Kuya dati. Ilang araw na ito. Mabuti nga at wala nang pasok dahil ilang araw na akong inaabutan ng galit sa manok. Dahil sa oras na mapipikit na ako, doon nila maiisipang mag-ingay. Hindi naman nila kasalan.

Ako ang may kasalanan. At ito ang kabayaran ko. Hindi ako makatulog. Pero ano bang kasalanan ko? Mahal na mahal ko si Gabriel. Alam kong mahal na mahal niya, pero bakit kailangan naming maghiwalay? Bakit kailangan niyang makipaghiwalay sa akin?

Pero iyun naman talaga. Araw-araw may hanash si Mama sa breakfast.

Noong una, hindi ako makausap. Pero magaling si Mama.

“Anak, Walang forever. Lahat nagbabago, lahat naghihiwalay. Tingnan mo kami ni Raul. Natapos din.”

Napansin ni Mama na ayokong mapag-usapan ang kahit anong may kinalaman sa pamilya ni Jessie.

“Sorry, bad example,” sabi ni Mama. “Tingnan mo na lang ako at ang Daddy mo. Akala ko, happy na, pero ano, Nagkaroon ng kabit ang Daddy mo. Nagkataon nga lang na ako ang kabit. Kaya move-on lang.”

Napahiya si Mama. Ayokong maramaman niya iyun kaya napilitan akong sumagot.

“Eh bakit sina Lolo at Lola?” tanong ko. “Kinatandaan at kinamatayan na nila ang isa’t-isa? Ano yun long term fling? Friends with benefits?

“Anyare? Nauna naman ang lolo mo, di’ba? Na deds,” defend ni Mama. “Kahit lolo’t lola ko, walang magagawa kapag naki-third party na sa kanila si Kamatayan. Walang forever.”

“Wala namang naki-third party sa amin ni Gabriel,” sabi ko.

“Ano si Jessie?” sabi ni Mama. “Hindi ba, siya nga ang lalaki 1 mo? Shet, Nak, ampangit pakinggan. Pag inalis mo yung one, magiging, ‘siya ba ang lalaki mo?’ Hindi maganda.”

“Ma, hindi ko lalaki si Jessie,” sabi ko. “Hindi ko siya mahal. Si Gabriel ang mahal ko.”

“Mahal mo si Jessie,” sabi ni Mama. “Sa kung anong freak of nature na dahilan, hindi ko alam. Pero mahal mo siya anak.”

Napahinto ako.

“Pero lagi ko namang sinasabi kay Gabriel na hindi ko mahal si Jessie, na kahit anong mangyari, siya ang pipiliin ko, at iyun ang ginagawa ko.”

Tumayo si Mama. Hinawakan ang ulo.

“Alex, hindi maitatago nito,” tinuro ni Mama ang ulo bago lumipat ang kamay sa dibdib ko. “Ang nararamdaman nito. At nararamdaman ni Gabriel iyun.”

“Pero mas mahal ko si Gabriel,” sabi ko.

“Bakit ba tayo iniwan ng Daddy mo?” tanong ni Mama.

Hindi ko alam kung anong point of comparison.

“Sinabi rin niya iyan sa asawa niya, na mas mahal niya siya kesa sa akin. Hindi iyun pwede. May chance kasi na galingan ko ang performance ko, at magawa kong mas mahalin ako ng asawa niya, kesa sa kanya. Hindi pwedeng mas mahal mo si Gabriel. Dapat walang comparison. Dapat siya lang.”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko doon.

“Kaya mo yan, Alex,” sabi ni Mama. “Puso lang yan, malayo sa bituka.”

Hindi pa rin ako sumagot.

“Ay, ayaw mangiti,” sabi ni Mama. “Gusto mo ba ng kasama? Pwede naman akong hindi pumasok muna.”

Pinilit kong ngumiti.

“Kaya ko po, Ma,” sabi ko.

“Good,” sabi ni Mama. “I-fake mo lang hanggang maging totoo. Start na ’yan.”

Napangiti ako nang medyo totoo.

“Aalis na ako,” sabi ni Mama. “Huwag kang magpapakamatay ha, gago ka. Love lang yan, tao ka.”

“Hindi po, Ma,” sabi ko.

PAg uwi ni Mama galling work, binigyan niya ako ng hard drive. Kinopya niya ang mga movies, TV series, reality shows at mga competitions sa States. At iyun nga ang ginawa ko sa mga gabing hindi ako makatulog. Marathon.

May mga sumunod pang umaga. May mga sumunod pang hanash.

“Marami ka namang natutunan, di’ba? Okay na’yun.”

“Anak, alam mo, uwag mong isipin natapos na ang kwento mo, isang chapter lang yan. Pwede ka nang mag-start ng bago.”

“Mas maraming magagandang naghihintay sa iyo kesa sa mga nangyari na. Hintay ka lang, may darating pang iba.”

“Huwag kang mag-dwell sa mga bagay na hindi mo mababago. Feelings nya yun, sya na nakakaalam dun. Feelings moa ng i-adjust mo. Simulan mo nang ilayo sa kanya.”

“Anak, yung moving on, okay na experience daw. Gusto mong subukan?

Unti-unti, nakakaya ko nga. Mas nakakangiti ako nang mas totoo. Napapatawa ako nang malakas sa mga napapanood ko. Nakakaya ko. Nakangiti ako nang lumabas ng kwarto. Nakaligo na ako at nakahanda nang kumain. Masaya din ang bati ni Mama.

“Mukhang doing good ang anak ko, ah,” sabi ni Mama. “Masakit pa ba?”

“Medyo po,” sagot ko.

“Sabi sa iyo, kung gaano ka sumaya, ganun din yan kasakit. Kaya ang tanong, sulit ba?”

“What’s sulit Mama?”

“Anak, ang luma naman ng Kris and Bimby commercial as a reference sa joke. Kumusta na tulog mo kagabi?”

“Mas mahaba na po.”

“Anong nang mas basa, yung unan mo sa luha bago matulog o yung unan mo sa laway pagkagising?”

“Yung laway na po.”

“Good,” at niyakap ako ni Mama.

Napatawa na nga ako.

Oo hindi pa ako nakaka-move on. Pero nakakatulog na ako, hindi sapat, pero mas mahaba na kesa nung nakaraan. Kailangan. Kuhaan na ng classcard. Malapit na ang enrollment para sa summer class. Iniisip ko pa kung mag-e-enroll ako.

Papaupo na kami sa hapag nang bumukas ang pinto. Si Daddy.

“Oh! Hello stranger,” bati ni Mama.

Sinalubong ni Mama si Daddy at nagbeso. Ang cool lang nila. Parang walang past.

“Sumabay ka nang mag-breakfast sa amin ng anak mo sa akin,” aya ni Mama.

“Oy, Veron,” sabi ni Daddy. “Wala ka bang pasok?”

“Wala,” sabi ni Mama. “Pero si Alex mo, meron. Kukuha daw ng classcards.”

“Una na po ako,” paalam ko.

“Hindi ka ba muna kakain?” tanong ni Mama.

“Hindi na,” sabi ko.

“Kumain ka na muna,” sabi ni Daddy.

Hindi ko pinansin. Tumuloy na ako sa pag-alis. Isa-isa lang. Kay Gabriel muna ako. Huwag muna Daddy Issues.

Halos wala nang klase nang makipaghiwalay sa akin si Gabriel;. Ngayon na lang ulit ako tatapak sa Campus. Ang totoo, ngayon lang ulit ako nakalabas ng bahay. At ang akala kong natakasan ko nang sakit, kaya palang bumalik na parang boomerang.

Walang laman ang jeep na nasakyan ko, maliban syempre sa driver. Sa unahan na ako umupo. Umandar ang jeep at naalala ko ang mga kamay ni Gabriel sa bawat pagkambyo ni Manong Driver. Hindi naman sa gusto ko ring ilagay niya ang kamay niya sa hita ko. Pero naalala ko ang malambot na kamay ni Gabriel. Ang paghawak niya sa kamay ko at paghalik sa dito. At ang pagtingin-tingin niya sa akin paminsan, hinuhuli ang pagtingin ko sa kanya para ngitian.

Bumaba ako ng jeep kahit hindi pa ako nakakarating sa dapat kong babaan.

Sa sumunod sinakyan, sa likod na ako, malapit sa pinto. Wala naman sigurong dala si Gabriel na memory dito. Pero mali ako. Ang mga nilakaran namin, ang mga inikot namin ng kanyang sasakyan. Ang mga kainan, kwentuhan, andaming ala-ala. Ala-ala, oo, kasi wala na.

Wala na.

Wala na.

Inabutan na lang ako ng lalaki sa harapan ko ng tissue ng kinakain niyang burger. Doon ko lang napansin na patuloy pala sa pagtulo ang luha ko. Nakakahiya.

Bumaba na lang ulit ako. Doon ko lang napansin na lumampas na rin pala ako sa dapat kong babaan.

Nag-abang ulit ng jeep.

Tirik na tirik ang araw, ang init-init, at ako, nasa kalsadang hindi kayang takpan ng puno ang powers ng araw. Pero hindi napansin ng balat ko ang hapdi, dahil mas masakit ang nasa dibdib ko. Nararamdaman ko ang patuloy na pagbagsak ng luha ko. Ang lungkut-lungkot. Ang sakit-sakit.

At ang bawat kotseng dumadaan ay nagiging kotse ni Gabriel. Bakit ganito ito? Ayoko na nito.

Hanggang sa ang pananaginip ko nang gising ay binasag ng isang pamilyar na ingay. Ingay ng motor.

“Sakay na,” sabi ni Jessie.

Mukhang ayos na siya.

Ako hindi. Kaya hindi ko siya pinansin. Naglakad na lang ako papalayo.

“I thought we were cool,” sabi ni Jessie.

Hindi ko siya pinansin.

Sumunod pa rin siya.

“Maayos naman ang paghihiwalay natin diba. Akala ko, napatawad mo na ako.”

Hindi ko pinansin.

“Alam mo, nangyari na ito,” sabi ni Jessie. “Lalakad ka, bibilis, babagal, tapos mahihirapan ako kasi may dala akong motor.”

Bumaba si Jessie sa motor at naglakad kasabay ko.

“May problema ba?” tanong ni Jessie.

Ibang-iba si Jessie. Hindi siya galit Hindi siya malungkot. Ang kalmado niya.

Pero katulad ko, napansin kong nahuhulas na rin siya. Tumatagatak na rin ang pawis niya.

“Jessie, okay lang ako,” sabi ko. “Mauna ka na. Hindi mo kailangang maglakad sa init.”

“Pero gusto ko ito,” sabi ni Jessie.

“Huwag mo nang gustuhin,” sabi ko.

Nagsalita siya. Hindi ko naintindihan. Hindi ko na lang din siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang sa walang salita. Walang kibo. Wala na akong kasabay.

Mabuti naman at iniwan ako ni Jessie.

Huminto na ako at nag-abang na ulit ng jeep.

Doon lang muling bumalik si Jessie.

Nagulat.

“Hindi ka nga nakikinig,” sabi ni Jessie. “Ipinark ko lang yung motor. Hirap maglakad na may dalang mabigat. Kailangang bitawan muna.”

Hindi ko pa rin siya pinansin.

“Natatakot ka ba na baka makita tayo ni Gabriel?” sabi ni Jessie. “Don’t worry, kakausapin ko siya. Wala naman tayong ginagawang masama.”

“Jessie, tigilan mon a ako,” sabi ko. “Pinatawad na kita. Okay na yun. Tama na please. Layuan mo ako.”

“Sorry,” sabi ni Jessie. “Nag-away ba kayo ni Gabriel.”

Tumingin ako kay Jessie.

“Wala na kami,” sabi ko.

“I’m sorry,” sabi ni Jessie.

Umiling ako. Hindi ka sorry, Jessie. wala kang karapatang maging sorry. Hindi yang sorry na naaawa ka. Kung magiging sorry ka, e dahil sa ginulo mo kami. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ako iniwan ni Gabriel. Ikaw Jessie ang dahilan

Gusto ko siyang sapakin. Gusto ko siyang siagawan. Gusto ko siyang mawala. Ngunit hindi ko magawa. Hindi ako makakilos. Naktitig lang ako kay Jessie. Hanggang lumabo ang lahat. Nawala. Nagdilim.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Game to Play

CHAPTER51

“Nasaan ako?”

Naramdaman kong may mga daliring nakapagitan sa aking mga daliri. Malabo ang paligid habang unti-unti akong dumidilat. Medyo naguguluhan ako. Hindi ko alam kung nasaan ako.

Naging pamilyar na lang ang lahat nang mapansin ko ang green na telang nakapalibot sa akin. Ang puting kama na may bakal na frame. At ang ilaw. Infirmary ito.

Tiningnan ko ang kamay ko. At ang kamay na may hawak dito. Si Jessie.

Agad kong binawi ang aking kamay. Napaatras din ako. Nakaramdam ako nang kaunting kaba. Minsan naaalala ko pa rin na binubugbog ako ng lalaking ito. Pero agad na rin iyong nawawala. Naalala ko rin kaagad na iba na ang dahilan kung bakit niya ako nilalapitan.

Sa ala-alang iyon, lalo akong lumayo. Pero hindi takot ang dahilan. Inis. Galit. Poot.

“Bakit ba ayaw mo na lang akong layuan?” sabi ko.

Mahina ang boses ko pero naramdaman kong nagtiimbagang ako. Naiiyak ako sa galit.

“Hinimatay ka,” sabi ni Jessie.

“At ano?” sabi ko, habang unti-unting nagbabalik ang nangyari sa maiinit na kalsada. “Ikaw ang tagapagligtas ko? Hindi ikaw Jessie, hindi ikaw?!”

“Bakit ka ba galit na galit?” tanong ni Jessie.

“Lapit ka kasi nang lapit?” sagot ko. “Sinira mo ang buhay ko noon, piatawad kita. At ngayon, nandyan ka pa rin, sinisira mo pa rin ako.”

Halata kong hindi naiintindihan ni Jessie ang mga sinasabi ko.

Hindi na ako nakapagpaliwanag dahil may humawi sa green na kurtina. Si Mama, lumapit sa akin at yumakap. Nakasunod sa kanya si Daddy.

“Sobrang init daw po, Ma… Tita… Ma’am,” sabi ni Jessie. “Baka gutom daw siya o puyat o parehas.”

“Doktor ka ba?” taong ni Mama. “Salamat sa pagtawag sa akin, Jessie. Pwede ka nang umalis.”

“Ikaw si Jessie?” nakita ko ang galit sa mata ni Daddy.

Napaatras si Jessie. Pero maliit ang lugar namin. Nahawakan pa rin siya ni Daddy sa collar. Nakaambang sasapakin.

Nakita ko ang ngiti ni Mama.

“Daddy, huwag na po,” mahina, pero may igting kong sinabi.

Binitawan ni Daddy si Jessie mula sa kanyang pagkakapitsara.

“Umalis ka na lang at huwag kang magpapakita sa akin,” sabi ni Daddy. “Pagbubuhulin ko kayo ng tatay mo.”

Lumapit sa akin si daddy.

“At ikaw Alex,” sabi niya sa akin. “Hindi kita pinagsasabihan dahli alam kong wala akong karapatan. Pero pagagalitan kita ngayon. Kapag may nananakit sa iyo, huwag mong sasarilinin. Sabihin mo sa amin, o sige, kahit sa nanay mo na lang. Hindi namin kakayanin na may mangyaring masama sa iyo. At kung may taong gagawa nun sa’yo, mananakit sa’yo. Uunahan namin yung taong yun. Hinding-hindi kami papayag na masaktan ka nila.”

Hindi ko napigilan ang luha ko . Ang haba ng speech ni Daddy. Sinubukan kong huwag pansinin pero hindi ko maiwasan. Tama siya. Pinilit kong hindi umiyak dahil ayokong tama siya. Pero ko kaya.

Tumango na lang ako.

Dumating ang doctor at kinausap ako at sina Mama at Daddy. Matapos ang ilang pirmahan, proseso. Pinalabas na kami.

Sa unang pagkakataon, kahit sa image lang, nakita kong buo ang pamilya ko. Ako ang nasa gitna habang nasa magkabila ko sina Mama at Daddy, naglalakad papalabas ng infirmary.

May isang imahe naman ang panandaliang gumulo sa aking ilusyon. Inabutan namin sa tapat si Jessie na nakatayo. May kausap siya, si Gabriel.

Hindi ko alam ang dahilan pero kinabahan ako.

Tumingin si Gabriel sa amin. Lumakad papalapit.

Si Jessie naman. Tumingin din, tapos lumakad papalayo.

Tumingin sa akin si Mama.

“Okay na po ako,” sabi ko.

“Hello po, Tita, Tito,” bati ni Gabriel.

Tumaas ang kilay ni Mama.

“Hindi pala sasaktan ang anak ko, ha,” sabi ni Mama.

“Ma, ako na lang po,” sabi ko kay Mama.

“Gabriel,” sabi ni Mama. “Mag-ayos kayo. Babatukan ko kayong dalawa.”

“Yes Tita,” sabi ni Gabriel.

“Sige Alex,” paalam ni Mama. “Una na kami ng Daddy mo.”

Naglakad sila sa parking, sa sasakyan ni Daddy.

Naiwan kaming nakatayo ni Gabriel.

“Bakit ka nandito?” tanong ko kay Gabriel.

“Jessie told me that you passed out and that you were here in the infirmary,” sabi ni Gabriel. “What happened?”

“Iyun, hinimatay ako,” sabi ko. “Kulang ako sa tulog. Hindi ako nakakain kasi… kailangan ko ba talagang magpaliwanag sa’yo?”

“Not necessarily,” sabi ni Gabriel. “So where are you going now? Hatid na kita. At least, ako naman ang sasalo sa iyo when you pass out again.”

“Gusto mo ba talaga iyun?” tanong ko.

“Of course,” sabi ni Gabriel.

“Bakit mo ako nilaglag nung una?” tanong ko.

“Kasi gustong-gusto mo nang bumitaw,” sagot niya.

Hindi ako nakasagot. Ibabalik na naman niya na lagi kong pinipili si Jessie.

“Kukuha ako ng classcards,” sabi ko.

“Me, too,” sagot ni Gabriel.

Naglakad kami papunta sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto para sa akin. Tapos siya naman ang sumakay sa side niya.

Umandar ang sasakyan.

Walang usapan. Pangiti-ngiti lang siya na parang wala kaming nakaraan at walang puputahan. Gago ka. Alam ko na ito, ganito tayo nung nakipag-break sa akin eh. Ang taas ng level ng sweetness tapos bigla akong ibabagsak. Gago ka, diskarte mo bulok.

Galit pa pala ako. Galit pa talaga. Pero hindi ako papatalo sa galit ko.

Ngiti lang din ako. Hindi nya dapat makitang ipinagpalit ko ang pagkain at pagtulog sa pag-iyak.

“Anong ginagawa natin?” tanong ko.

“Getting our classcards,” sagot niya.

Pinipilosopo niya ako. Ako na nga itong naglakas ng loob na magsimula ng usapan.

“Okay,” sabi ko.

Tahimik ulit.

“Don’t get me wrong,” sabi ni Gabriel. “I was just worried when I got the call from Jessie. After all, we are still friends, right?”

“Of course we are,” ay galit ako talaga, napapa-ingles. “You care pa pala.”

“Of course I do,” sagot niya.

Tahimik ulit.

Bumaba kami sa building ng college niya. Nagkataon na may mga subjects ako doon, at parehas kami ng department na pupuntahan. Sabay na kami. Kumuha rin siya ng classcards niya. Iyun lang naman. After nun, pwede na kaming maghiwalay.

Hindi ko alam ang nangyayari sa amin, pero nasasaktan ako. Para niya akong pinalalakad sa bubog, naka-tsinelas naman, pero yung tsinelas na kaaawaan ni Korina Sanche.

Yung tsinelas yung saya eh. Kasi nararamdaman ko na may saya pa rin kapag kasama ko siya. Pero kailangan kong alisin, kasi hindi na kami. Mahal pa namin ang isa’t-isa pero ayaw na niya. Malinaw naman sa akin yun. Masaya, masakit. Hindi ko alam.

May kausap si Gabriel na kaklase niya nang lumabas ako sa room ng prof ko matapos kunin ang classcard. Iiwan ko na sana siya, kasama ng mga kung ano pang nararamdaman kong dapat nang kalimutan. Hindi ko naman kailangan ng closure eh. Malinaw naman sa akin ang lahat.

Tama na itong nagkita kami. Friends. Sige na. okay na.

Naglakad ako papalayo. Nang narinig ko ang pagtakbo ni Gabriel.

Oo alam kong si Gabriel iyung tumatakbo kahit hindi ko nilingon. Ayokong tiyakin. Masasaktan ako kapag nalaman kong hindi sa kanya ang mga paang nagmamadali para pigilan akong lumayo. Ipinagpatuloy ko ang paglakad.

Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

Si Gabriel ito. Sana si Gabriel ito. Huminto ako.

“Wait up,” sabi niya.

Napahinto ako. Napaiyak. Si Gabriel nga. Pinigilan niya ako.

“I was just talking to my groupmate,” sabi ni Gabriel na tumuloy sa paglakad.

Napalakad din ako at sumabay sa kanya.

“We’ll be staying in Bontoc, early in the first semester,” sabi ni Gabriel. Hopefully we’re done in a month or two. Too many preparations.“

Tuluy-tuloy siya sa kwento niya.

“So are you heading to your college na?” tanong ni Gabriel.

“Oo,” sabi ko.

Sasamahan mo ba ako?

“Okay,” sabi ni Gabriel. “We’ll be meeting our adviser in a while. Hintay lang kami ng text.”

Ay busy pala. Paasa naman. Well. Ano ba naman ako? Ang hopia pagkain. Hindi ako.

“But if you want, we can get some hopia in the cafeteria?” sabi ni Gabriel. “Wala pa naman text eh. ’You in a hurry?”

“Nang-aasar ba yang hopia mo?”

“Hindi,” at ngumiti si Gabriel.

Ito ang ex kong napakagwapo. Inaakit na naman ako.

“Come on,” sabi ni Gabriel. “My treat. As friends. Hindi naman mawawala ang mga classcards mo sa college mo.”

Pumayag naman ako. Kung bakit, hindi ko alam. Sinunod ko na lang ang… puso ko?

Pagkaupo, may dala ngang hopia si Gabriel. May dala rin siyang kape.

Pero hindi siya sa tabi ko pumwesto. Sa harap ko. Magkaharap kami. Hindi na mangyayari ang inaakala kong paglapat ng kamay niya sa hita ko habang kumakain kami.

“May sugar yan,” sabi ni Gabriel. “Hindi yan bitter.”

“Nang-aasar ka ba?” sabi ko. “Alam mong pwede kitang walk-outan. Tulad ng ginawa mo sa akin sa rooftop.”

“Oy ha, I didn’t walk out on you,” sabi ni Gabriel. “I broke up with you, pero nagpaalam ako nung aalis na ako. We even sealed our goodbyes with a kiss.”

“At proud ka pa na ikaw ang nakipag-break,” sabi ko.

“Yuh, because I still love you,” sabi ni Gabriel. “And I know that you are trying but you still love me. Maybe not as much as before, I don’t wanna assume. But it is safe, I think if I say that you still have some love for me, your Gab.”

“Alam mo, yung mukha mo, feel ko hanggang dito,” sabi ko. “Ang kapal, hindi kayang harangan ng table.”

Ngumiti lang siya.

Ngumiti rin ako.

“Okay, sige,” sabi ko. “Mahal pa rin kita.”

“Good that you acknowledge it,” sabi ni Gabriel. “That’s the first step. Acceptance of the problem. Because, Alex, you have to forget all those love that you have for me. You have to throw them all away. I cannot accept that anymore.”

“Ayan ka na naman, ang gago mo eh,” sabi ko.

“No cursing,” sabi ni Gabriel. “We don’t do that.”

“No,” sabi ko. “Yang ginagawa mo ang we don’t do. Yung pasasakayin mo ako sa mga salita mo. Papa-feel mo sa aking mahal mo ako. Paaaminin mo ako ng nararamdaman ko, tapos dadalhin mo sa gaguhan. Gago ka, Gabriel.”

Kahit ako, natakot sa sinabi ko. Na-feel ko ang galit ko. Ibang galit ito, hindi katulad ng naramdaman ko kay Jessie.

At napaisip ako. Bakit ko iniisip si Jessie? Bakit ko ngayong kinukumpara si Gabriel kay Jessie.

“I’m sorry,” sabi ni Gabriel. “I deserve that gago.”

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

“But that galit, is good,” sabi ni Gabriel.

“Tantanan mo nga ako,” sabi ko. “Lalo akong napipikon sa’yo. Wala kang point! Sasabihin mong mahal mo ako, tapos ako, dapat kalimutan ko yung mahal kita. Ano yan, Gabriel ha? Ano yan?!”

“Because I don’t want your tainted love,” sabi ni Gabriel.

Tahimik kami parehas.

Ang deep nun ha. Tainted love. Igu-google ko yun pag-uwi.

Hanggang sa magsalita si Gabriel.

“I talked to Jessie,” sabi niya.

Yun pala yung inabutan namin na magkausap sila sa labas ng infirmary.

“I told him na wala na tayo,” tuloy niya. “That he has a chance to win your love.”

Hinintay ni Gabriel na magsalita ako. Kaya lang, wala naman akong masabi.

“He said that I was stupid for giving you up,” tuloy ni Gabriel. “Dahil aagawin ka na daw niya. At kahit kaunti lang ang maibigay mo sa kanya, hindi na raw niya pakakawalan. Some of the words he actually used. Yet I told him, go for it. But I would not make it easy. Kasi I’ll fight for you, Alex.”

“You’ll fight for me… Aagawin niya ako…” sabi ko. “Kung sa tingin mo, mapa-flatter ako, hindi. Gabriel, hindi ako bola. Huwag ninyo akong pag-agawan. May pakiramdam ako. Tao ako. Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayong ipinapasa mo ako kay Jessie?”

“The same thing I felt nung pinaasa mo siya sa iyo,” sabi ni Gabriel.

Natigagal ako.

“You gave him a chance. Kaya nga if you choose him, I’ll be very happy for the two of you,” tuloy ni Gabriel. “Wala naman akong magagawa. Pinili mo siya. But I’m not saying that I am giving up. Hindi ko aalisin ang pagmamahal ko sa iyo, Alex dahil itutuloy ko ito. Because I want you to love me again. Again, because I want you to unlove me first. And love me like the first time you fall in love with me. ’Yung ako lang. ’Yung walang kahati. ’Yung walang pinagkukumparahan.”

“Pero mahal na mahal pa kita ngayon,” sabi ko.

Naiiyak na naman ako. Napaka vulnerable ko sa situation namin.

“I don’t want that love,” sabi ni Gabriel. “I tried, pero nasasaktan ako. I know that loving can be painful, but we don’t love to get hurt.”

Nakikita ko rin ang hirap ni Gabriel. Bagsak din lahat ng walls niya. Kitang-kita ko ang lungkot niya sa mga mata. Kung gaano ko siya na-disappoint. Kung paanong mahal niya ako pero masakit.

Pero hindi sapat iyun para pglaruan nila ako ni Jessie.

“Ang dami ninyong drama,” sabi ko.

Naririnig ko na si Sir Cabalfin na nagsasabing ay, nag-comment ang hindi maarte. Pero ang unfair. Ang unfair-unfair ng nangyayari.

“I’m sorry, Alex kung paglalaruan ka namin,” sabi ni Gabriel. “But you also have the option of just leaving the game.”

Hindi na ako nakapagsalita. Tumitig na lang ako kay Gabriel. Hinihintay na sabihin niyang joke lang ito. Pero wala na. Iyun na ang mga huling salita ni Gabriel.

Hindi na rin ako nagsalita.

Hindi ko alam eh.

Hindi ko alam ang sasabihin.

Hindi ko na naman alam kung nasaan ako.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Where Summer Starts

CHAPTER52_

“Bakit laging kahit iwanan mo ang feelings mo, nakakagawa ito ng paraan na makahabol?”

Nagsimula naman ako sa wala. Pero nung nagkaroon ako, bakit ang hirap-hirap mag-adjust pabalik sa dati? Sinubukan ko naman. Sinusubukan. Iyun lang pala ang solusyon. Subukan hanggang sa makayanan.

Pero umiiyak pa rin ako kapag gabi. Bago matulog. Hanggang sa pag-gising, iiyak pa rin. Para ngang walang chance ang luha kong maging muta. Matutuyo pa lang, mababasa na ulit ng bagong batch ng tears.

Pero sa ilang araw na nagiging habit ko ito, nababawasan naman. Hanggang sa isang araw, pagbangon ko, si Kuya Albert, nakapaghain na ng agahan.

Hawak ko ang telepono ko, magte-text kay Gabriel ng good morning, pero hindi ise-send. Or pag-iisipan kung ise-send o hindi, pero sa mga nakaraang araw, hindi naman nase-send. Parang ngayon lang din. Lalo pa’t bumabati na si Kuya.

“Kumusta na ang kapatid ko?” bati ni Kuya.

“Oh Kuya, napadaan ka,” sabi ko. “Okay naman.”

Lumapit sa akin si Kuya at tinaggal ang muta sa mata ko.

“May muta ka pa,” sabi niya. “Hindi ka ba magsa-Summer? Sabay ka na sa akin, kukuha na ako ng subjects. Agawan ngayon sa subject na kailangan ko. Ayoko nang magpa-prerog.”

Tiningnan ko ang muta sa kamay ni Kuya. Binilot, bago pinitik. Napangiti ako.

“O kung makatingin ka, muta ’yun, hindi kulangot,” sabi ni Kuya.

Napangiti ako bago balikan ang tanong na iniwan niya.

“Hindi muna,” sabi ko. “Nag-usap na kami ni Mama.”

“Where’s Tita, by the way?” hanap ni Kuya.

“Ma,” sigaw ko.

Walang sumagot.

“Baka pumasok na,” sabi ko.

Naupo na ako at sinamahan si Kuya sa pagkain. Tocino at itlog lang. May friend rice. At syempre, nagtimpl ana ako ng kape.

Kwentuhan tungkol sa grades ko. Ayos naman. May incomplete ako, pero nagkamali lang ang prof ng nailagay na grade 1.75 naman. Other than that, ayos naman.

Wala ring masustansyang usapan ang naganap hanggang sa mabanggit ni Kuya si Gabriel.

“Friends naman kami,” sabi ko.

“Sakit ba ’tol?” tanong ni Kuya.

“Okay lang,” sabi ko.

“Tiisin mo yan, makakasanayan mo rin.”

“Wow naman si Kuya,” sabi ko. “Naging hobby mo ba ang masaktan?”

“Hindi naman,” sabi ni Kuya. “Sapat na yung isang beses para matuto. Pero sabi nila, iba rin daw sa bawat relationship. Buti nga, friends kayo ni Gabriel.”

Gusto kong itanong kay Kuya kung ano ang kwento ni Gabriel tungkol sa akin. Hindi naman kasi ako nagku-kwento kay Kuya.

Ano kaya ako sa pananaw ni Gabriel? Nasabi kaya niya kay Kuya ang plano niya? Para alam ko kung paano ako kikilos. Para alam ko kung ano ang aasahan.

Oo, umaasa pa rin ako.

Napabuntong hininga na lang ako. Iyun na lang. Tapos tumayo ako.

“Kuha lang akong tubig,” sabi ko.

Pero ang totoo, ayokong makita ni Kuya na may lhang namugto sa mata ko. Nakakahiya.

Habang nasa ref ako, tumuloy sa pagkwento si Kuya.

“Tuluy na tuloy na yata si Gabriel sa Bontoc,” sabi ni Kuya. “Bago mag-start ang summer classes, bibisita na yata siya. Mauuna na sa mga ka-group niya.”

“Hindi naman niya naikwento sa akin,” sabi ko.

As a matter of factly lang ang pagkakasabi ko. Yung parang wala akong pakialam, pero nalungkot talaga ako. Aalis pala si gago, hindi man lang nagpaalam. Mahal pala, ah. Gago.

Parang hindi kayang palamigin ng ref ang ulo ko. Nagbabalik lahat ng galit ko. Nakakainis naman. Kung kalian nakakatuyo na ako ng luha, mukhang mababasa na naman.

“Hindi naman naikwento,” sabi ni Kuya. “Kinukuha kasi namin siyang director sa play. Tumanggi. Baka daw hindi niya kayanin dahil nga sa thesis niya.”

Iyun naman pala. Akala ko pa naman makakapagtanong ako kay Kuya.

Matapos kumain, nag-ayos na si Kuya. Dumaan sa kwarto niya na kwarto ko na ngayon at may kinuha.

“Try ko dumaan mamaya,” sabi ni Kuya.

Nagpaalam si Kuya at naiwan ako sa bahay niya. Mag-isa. Iniisip ang mga gagawin kay Gabriel. Pupunta pala sa Bontoc. Hindi man lang nagpaalam friends pala.

Naligpit ko na ang kinainan nang bumukas ang isa pang kwarto. Nagulat ako. Si Mama, biglang lumabas. Ngayon ko lang naabutan si Mama sa bahay. Magulo ang buhok niya. Mukhang bagong gising.

“Sinong bisita mo kanina?” tanong ni Mama.

“Si Kuya, dumaan, nagbreakfast bago pumunta sa school,” paliwanag ko.

Nagbalik ako ng pinggan at inalis ang takip ng ulam. Naupo si Mama. Tahimik kami. Nagtimpla ako ng kape, dalawa, isa sa kannya, isa pa ulit para sa akin.

Umupo muna ako sa harap niya.

“Ayaw mo talgang mag-summer?” tanong ni Mama. “Baka mabagot ka dito sa bahay. Wala ka pa namang jowa, wala kang hahanapan ng pagkakaabalahan.”

“Kahit naman may jowa ma, hindi ko naman maaabala yun, pupuntang Bontoc,” sabi ko.

“Parang naiba ang ihip ng hangin,” sabi ni Mama. “Mukhang si Gabriel ang iniisip mo ngayon. Ano? Nauntog ka na? Tinantanan mon a si Jessie? Wala ng lalaki one?”

Hindi ako nakapagsalita.

“Ganyan talaga, kailangang mawala muna ang isang bagay sa iyo para maisip mo rin na may pinupunan siya sa iyo.”

Parang may sariling hugot si Mama sa pagkakasabi niya. Mukhang may sakit pa ring naiwan ang huling niyang relasyon. Doon ko lang napansin na kahit gulu-gulo ang buhok ni Mama, kahit amoy gutom pa ang hininga niya, wala rin siyang muta.

“Sorry, Ma,” sabi ko.

Umiling lang si Mama.

“Kaya ko pa namang i-extend ang ganda ko,” sabi niya. “Makakabingwit pa ito ng true love.”

Nakatitig lang ako kay Mama. Alam kong nagpapakatatag lang din siya. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

“Unahin mong ayusin yang puso mo, ako na dito sa nasa dibdib ko,” sabi ni Mama, at inayos ang suso niya. “Ayan, konting balik-alindog program pa.”

Pero dahil sa pag-galaw niya, napigtas ang strap ng bra niya.

“Di’ba masamang matulog ng nakabra?” tanong ko.

“Eh wag ka nang matanong? Marunong ka pa sa suso ko,” sabi ni Mama. “Pakikuha yung isa pang strap sa bag ko sa kwarto.”

Tumayo ako at sumunod kay Mama. Alam ko, siya nagsabi nun, hindi komportable, at pwedeng maka-cancer, pero mukhang mas maraming inuuna si Mamang isipin bago ang bra niya. Mag-nanay nga kami. Mana ako sa kanya.

Sa kwarto, pagkakuha ko ng strap sa bag niya, napansin kong nagba-vibrate ang isang bahagi ng kama. Cellphone ni Mama. May tumatawag Kinuha ko para iaabot sa kanya kasabay ng bra strap. Pero hindi ko naiwasang basahin ang pangalan ng caller. “Raul Kupal.”

Naubos ang ring. Matapos noon, may nag-pop na message.

Magkita na tayo. Hirap na hirap na ako. Pag-usapan natin ito.

Binitawan ko na lang ang telepono at iniwan sa kama.

Pagkaabot ko ng bra strap ni Mama ay bumalik ako sap ag-inom ng kape. Inayos naman niya ang bra niya sa harap ko. Lagi naman niya itong ginagawa. Sanay na ako. Sanay ako sa itsura ni Mama na ganito.

Doon ko lang naisip, na ganito lagi siya kapag nakaharap sa akin. Pero alam kong may problema siya. Alam kong nasasaktan siya. Ayaw rin niyang makarating sa akin ang mabigat niyang dinadala.

Gusto ko sanang pabayaan siya. Desisyon naman niya, pero paano kung may magagawa ako?

“Ma,” sabi ko. “Mahal mo pa ba si Tito Raul?”

“Anak, hindi ako necromaniac,” sabi ni Mama.

“Ha, bakit?” binili ko naman ang kung anomang joke ang sine-set up ni Mama.

“Mas mahal kita anak,” sabi ni Mama. “At yung ginawa niya sa iyo, yung ginawa nung magtatay na iyun sa iyo, hindi kapata-patawad. Kung baga kay Lord, deadly sin na iyon, kamatayan lang ang katapat. Kaya naman patay na siya sa akin. At wala akong planong magmahal ng patay.”

“Ma, andami mong nasabi,” sabi ko.

Tahimik kami.

“Ma, napanood mo yung Sarah,” sabi ko.

“Sino, yung batang babaeng papatas?” tanong ni Mama.

“Opo,” sabi ko.

“Bakit, ganun k aba inapi nung magtatay? Pinaghanap k aba nila ng patatas sa ulan?” tanong ni Mama na biglang nanlaki ang mga mata. “Pinagbalat ka ba nila ng patatas?”

“Hindi po,” sabi ko. “Iniisip ko lang kasi, si Sarah kaya at saka si Gertrude, nagkabati?”

“Sino si Gertrude?”

“Yung bestfriend ni Lavinia.”

“Sino si Lavinia?”

“Yung kontrabida.”

“Di’ba si Miss Minchin ang kontrabida? Si Miss Minchin yung nagpapabalat ng patatas?”

“Opo, pati rin si Lavinia. Si Lavinia yung classmate niya na bully. At bestfriend ni Lavinia si Gertrude. Pero sa tingin ko, kung wala si Lavinia, pwedeng naging magkaibigan siya Gertrude at Sarah.”

“O bakit ko kailangang makilala si Gertrude?”

“Kasi galit din siya kay Sarah, pero yung galit niya, dahil kay Lavinia. Sa ending, nagkabati si Sarah at si Lavinia, hindi ko alam kung nagkabati rin si Sarah at Gertrude.”

“E malamang nagkabati din yun, damay lang naman si Gertrude sa away nina Lavinia at Sarah,” sabi ni Mama habang sumusubo ng pagkain. “So, ano naman ang magandang dulot ng usapan na ito sa pamilya ito? Ikaw ba si Sarah? At yung magtatay sina Lavinia at Gertrude mo?”

“Ako po si Lavinia,” sabi ko.

“Ay ang taray ng name ng anak ko,” sabi ni Mama. “Shume Chery Gil.”

“At kayo po Ma si Gertrude,” sabi ko. “Napatawad ko na po si Tito Raul. Sana po, mapatawad na rin ninyo siya.”

“Bakit ka affected?”

“Sorry po kung martyr ako,” sabi ko. “Pero tama lang pala na hindi ko sinabi sa inyo ang mga pinagdaanan ko sa magtatay. Kasi yung saya mo nung nakatira tayo sa mansion, iyun yung pinakamasaya kang nakita ko.”

Doon napansin kong mamugto ang mga mata ni Mama. Itinikom niya ang kanyang bibig. At hindi niya naawat ang pagpatak ng luha niya.

Tumayo na lang ako at niyakap si Mama.

Matapos ang ilang sandal, pinunasan ni Mama ang mga mata niya. Humingan nang malalim. Niyakap ako pabalik at bumitaw.

“Mag-Summer ka na Anak,” sabi ni Mama. “Kung anu-ano ang naiisip mo kapag wala kang ginagawa.”

Sinunod ko na lang ang payo ni Mama. Kumuha ako ng subject. Comm 3 at Hum 2. Dalawang subjects lang. Mabilis lang naman akong naka-enlist. Hindi muna ako nagbayad dahil nagdidilhensya pa si Mama. Medyo biglaan kasi ang desisyon naming mag-aral ako ngayong bakasyon.

Ayun. Simula na ng klase.

Umaga ang Comm 3 ko. Ayos naman. Mga bagong mukha. Wala sina Arvin at Jobi. After lunch naman, mga bagong mukha rin ang nasa class. Pagpasok ng prof nagpakilala siya. Matanda na pala ang prof namin sa Hum 2. Tinawag ang mga pangalan ng nakalista sa klase niya. Taasan kami ng kamay.

Maluwag ang klase niya. Kaunti lang ang kumuha ng course. Kaya naman bukas pa sa mga hahabol na students.

Habang naghihintay, sinubukan kong magtext kay Gabriel.

‘Nag-enroll ako this summer. Pag nakita mo ako, huwag ka magulat. Iyun ay kung nasa campus ka rin at wala sa Bontoc, pupunta ka pala doon ngayon, kay Kuya ko pa nalaman…’

Ise-send ko ba ito o hindi?

Nagsisimula na ang klase. Ibinibigay na ang mga requirements nang may kumatok.

“Ma’am, prerog po?”

Pamilyar ang boses. Ayokong tingnan.

“Sure,” sabi ng prof. “Just have a seat, mamaya na natin ayusin.”

Narinig ko ang paglapat ng mga paa sa lupa ng bagong dating.

At sa kung anomang sumpa ang dumating sa akin, ang sa tabi ko pa ang napili niyang upuan.

Sa kaba ko, kinuha ko ang telepono ko para magbusy-busy-han. Hindi ko napansin na nakabukas pa ang message ko kay Gabriel. Nasend.

Magre-reply kaya siya, yung ang iniisip ko, pero nadi-distract ang pag-iisip ko sa text sa lalaking alam kkong nagnanakaw ng tingin sa akin.

Hindi ko na lang siya pinapansin. Ayokong tingnan ang mukha niya dahil baka masigurado kong siya ang kaklase ko, ang katabi ko.

Hindi ko tinitingnan ang katabi ko. Naka-focus lang ako sa prof na nagsasalita, at sa telepono kong hinihintay ko kung may magre-reply.

Hanggang sa may lumapag na kapirasong papel sa arm chair ko.

‘Can we start over again?’

Gusto kong lamukusin ang papel, pero sobra naman yata iyung statement. Hindi ko na lang pinansin.

Kinuha niya ang papel.

Mabuti naman.

Bumalik ang papel. Sinilip ko ulit.

’Please, give me a chance?“

Hindi ko pinansin.

May sumunod na ballpen sa papel.

Kinuha ko ang ballpen. Ibabato ko ba ito?

Sumulat na lang ako.

‘No.’

Tumayo ako at lumipat ng upuan.

Hindi pinansin ng prof ang ginawa ko.

Natapos ang klase namin. Nagtayuan ang mga kaklase ko, pati ang katabi ko kanina, agad na lumapit sa prof.

“O, yung iba pang mga prerog, maiwan, Jessie Reyes?”

Nagmadali na akong lumabas dahil imi-meet ko lang si Mama sa cashier para magbayad.

“Yes, ma’am,” sabi ni Jessie na alam kong humahabol pa ng tingin sa akin.

“Okay, bayaran mo na, good ka na sa class ko,” sabi ng prof.

Mabilis na sumunod si Jessie sa lakad ko.

“Huwag mo nga akong sabayan,” sabi ko.

Naiinis na kasi ako talaga.

“Hindi kita sinasabayan,” sabi ni Jessie. “Pero kung sa Cashier ka pupunta, okay lang ba na sabay na tayo?”

“Hindi ako pupunta doon,” sabi ko.

Lumiko ako at nag-iba ng direksyon, papalayo sa cashier kahit doon din naman ang punta ko.

“Okay,” sabi niya at hindi naman niya ako sinundan.

Medyo tagaktak ang pawis ko nang makarating ako sa cashier. Buti na lang at wala pa rin doon si Mama.

Ang masama, nandoon si Jessie. Papalabas na, mukhang tapos nang magbayad.

Nakita ako ni Jessie. Nag-iba ang tingin niya. Kung kanina ay gusto niya akong samahan. Ngayon, gusto niya akon gpaalisin sa daraanan niya.

Pero hindi si Jessie ang nagpaabog sa dibdib ko.

Sumunod sa kanya ang tatay niya. Napatingin din si Tito Raul sa akin. Hindi pala Tito, Mang. Mang Raul.

Gusto kong umurong. Aalis na muna ako at iiwas, pero may tao sa likod ko na bumangga.

“No, Anak, hindi ka aalis, sasalubungin natin sila, taas no, chin up, stomach in, chest out,” sabi ni Mama.

Lumakad kami papalapit sa kanila. Patuloy ang kaba ko, pero mas secured ako na katabi ko si Mama.

Hindi naman umiwas ng daana ng magtatay.

Pero walang galit sa mukha ni Mang Raul ngayon.

“Veronica,” sabi ni Mang Raul.

“Raul,” sabi ni Mama.

“Alex,” sabi ni Mang Raul.

“Jessie,” sabi ni Mama.

Nagkatinginan lang kami ni Jessie. Parehas naming hindi alam kung paano kikilos sa paligid ng dalawang matanda.

Hanggang sa may isang mabilis na lalaking humabol sa aming apat. Nakita ko na lang si Mang Raul na nakahiga sa sahig. Isang sapok ang inabot niya mula sa aking Daddy.

Bumangon si Mang Raul para harapin ang sumapak sa kanya.

Mas malaki si Mang Raul kaysa kay Daddy. Batak sa gym si Mang Raul at walang laban ang mga braso ni Daddy sa kanya. Pero kahit na lean lang si Dad, mas malaki kay Mang Raul ang kanyang determinasyong itumba ang kalaban niya.

“Tarantado ka,” sabi ni Daddy. “Ang laki-laki mong damulag, pumapatol ka sa bata. Gago ka, ako ngayon ang harapin mo.”

“Pare, sorry,” sabi ni Mang Raul. “Gago ako.”

“Gago ka talaga,” sabi ni Daddy.

“Miguel! Tama na yan,” sigaw ni Mama. 

Papalapit na rin ang guards sa amin.

“Daddy, huwag na po,” sabi ko.

“Alex, sorry,” sabi ni Mang Raul.

Umakto na silang aalis ni Jessie. Pero si Mama ay may pahabol.

“Mamaya, same place,” sabi ni Mama. “Isama mo si Jessie.”


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With The Safeguard

CHAPTER53_

Maganda ang restaurant na pinagdalhan sa amin ni Daddy.

Maraming kainan sa street na ito, pero parang mga naka-graduate na at may trabaho ang nakakapunta dito. May mga anak mayaman akong schoolmates na umiingles ang nakikita ko, pero yung mga katulad ko, siguro, isang linggong walang lunch para makadinner lang sa lugar na ito.

Isa na lang iyun sa mga iniisip ko para magtagal pa kasama ni Daddy. May free treat, check sa bucket list.

Bukod pa iyun sa wala akong magagawa, kasama ko si Mama, at gusto ni Mama na kumain kaming tatlo. Magpanggap kaming isang buong pamilya. Sumakay na lang ako. For the first time, kakain kaming sabay-sabay. Parang normal na pamilya.

Carbonara ang order ko, si Mama naman, salad lang. Kasama ang diet sa #BalikAlindogProgram niya. Si Daddy, steak.

Parang magandang bahay lang ang restaurant. Maganda ang tiles sa sahig. Walang patterns pero ang kukulay. Kabaliktaran naman ito ng puting walls na may mga guhit lang in black and white. Dahil siguro walang pasok, mga pamilya ang kasama naming kumakain.

Ako si Mama at si Daddy, katulad ng mga kumakain sa ibang mesa. Pamilya rin kami ngayon. Itong munting restaurant na ito ang aming bahay.

Nang matapos ang pagkain namin, kinuha ni Daddy ang phone niya. Nagtext bago nagkaroon ng mga payo sa akin. Medyo may kahabaan din. Nakabayad na kami ng bill, pero nakaupo pa rin kami, nakikinig sa kanya. Gusto ko naman ang mga sinasabi ni Daddy.

Nakayanan kong hindi umiyak. Pero tinanggap ko ang lahat ng sinabi niya.

“Yung nangyari sa amin ng Mama mo, sa’min iyun hindi ka damay,” sabi ni Daddy. “Kung may nabago man sa relasyon natin, sa ating dalawa, wala. Mananatili kang anak ko, at mahal na mahal kita.”

Tumango lang ako at ngumiti kay Daddy.

Ito ang tunay na dahilan kung bakit ako sumama. Hindi mawala sa isip ko ang pagsapak ni Daddy kay Mang Raul. Ang laki ni Mang Raul, eh si Daddy, mukha lang matangkad dahil lean ang katawan niya, pero kaunti lang ang taas niya sa akin. Kahit pala binabastos ko si Daddy sa mahabang panahon, pagtatanggol pa rin niya ako.

Kahit alam niyang bakla na ako.

Mas mapalad ako, na kahit anak ako sa ibang babae ni Daddy, tanggap niya ako.

Mas mapalad ako kay Jessie.

Natapos ang mga muni-muni ko nang tumunog ang telepono ni Daddy. Nagyaya na siyang umalis. Tumayo kaming sabay-sabay.

May kotseng huminto sa amin. Si Kuya Albert ang nagmamaneho. Lumabas sa unahan ng kotse ang nanay niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Ngayon ko lang ulit sya nakita. Maganda siya at maayos manamit. Kung si Mama ay naka skinny jeans at simpleng blouse, ang tunay na asawa ni Daddy ay naka-dress. Ngumiti siya sa amin.

Siniko ako ni Mama at bumulong.

“Naku, nandyan pala si Regina,” sabi ni Mama. “Magmano ka.”

Nagmano naman ako.

Ngumiti naman si Tita Regina.

“Ito na ba si Miguel mo?” sabi ng nanay ni Kuya Albert. “Ang umagaw ng pangalan ng asawa ko para sa anak ko.”

“Ewan ko sa’yo, Regi,” sabi ni Mama. “Kung gusto mo talaga yang pangalan ni Miguel sa anak mo, sana, pinangalan mo kay Albert.”

Napatingin ako kay Daddy. Nakangiti. Natutuwa ba siya na pinag-aawayan siya ng dalawang babae?

Lumapit si Tita Regina kay Mama.

Bumeso.

“Mukhang takot ka na talagang maipagpalit nitong si Miguel, no,” sabi ni Mama. “Paganda ka nang paganda. Hindi ka tumatanda, anung sikreto mo?”

“E di si Miguel din,” sabi ni Tita Regina. “Hindi na tumigil sa pagbawi sa akin, after you.”

Nagtawanan ang dalawa.

Namula si Daddy.

“Kumusta ka naman,” sabi ni Tita Regina kay Mama. “Anong balita sa latest mo?”

“Palpak pa rin ang ipinapalit ko sa asawa mo,” sagot ni Mama. “Kaya ito, nagbabalik-alindog ulit.”

Nagtawanan ulit ang dalawa.

Hindi ko naiintindihan kung bakit friends ang dalawang nanay na ito. Akala ko kanina, magsasabunutan na matapos magsagutan, tapos biglang nagbeso. Tapos ngayon, sabay pinagkakatuwaan ang tatay ko.

Ang tatay ko, napangiti ako sa naisip kong iyun. Kaya lang, tapos na ang moment namin. Nakaramdam ako nang kaunting kirot.

Katatanggap ko lang kay Daddy. Tapos aalis na siya. Kasing fancy lang ng restaurant na kinainan namin ang pagkakasama ko sa kanya.

Huminga na lang ako ng malalim.

Napansin iyon ni Mama kaya’t inakbayan niya ako.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa kotse. Pero tuloy pa rin ang kwentuhan ng dalawang naanakan ni Daddy.

“Sayang, akala ko pa naman, tapos na ang pagdikit-dikit mo sa may asawa, at mayroon ka nang masasabing iyo lang, walang kahati,” sabi ni Tita Regina.

“Eh wala, ayan, sinapak pa ni Miguel,” sabi ni Mama. “Bahala na. Kung para sa akin, para sa akin, kung hindi, bahala na. May Miguel din naman ako, Alexander Miguel nga lang.”

Ngumiti ako. Pero wala. Hindi totoo. May isa na namang nawala sa akin. Si Daddy.

“Huwag kang sumuko sa love,” sabi ni Tita kay Mama. “Darating din yan.”

Nakarating kami sa tapat ng kotse ni Kuya Albert.

“O siya, kay Albert na kayo sumabay, at kami naman ni Miguel ay lalabas pa,” paalam ni Tita Regina

“Samalat Regi,” sabi ni Mama.

“Ikaw din Miguel, pakabait ka,” bilin ni Tita sa akin.

Tumango lang ako.

Nauna nang tumalikod si Tita Regina. Sumunod si Daddy matapos akong tapikin sa balikat at magpaalala.

“Tandaan mo ang sinabi ko sa iyo.”

Hindi ko napigilan. Natandaan ko kasi kaagad ang sinabi niya. Mahal na mahal kita anak.

Humabol agad ako kay Daddy at yumakap sa likod niya.

Nagulat silang lahat.

Humarap si Daddy sa akin. Yumakap din nang mahigpit.

“Daddy, sorry po,” sabi ko.

“Naiintindihan ko,” sabi ni Daddy. “Wala kang dapat i-sorry.”

Humigpit lalo ang yakap ni Daddy. Naramdaman ko ang kakaibang bilis ng tibok ng puso niya kasabay ng kakaiba ritmo nang paghinga. Alam kong nagpipigil ng luha ang tatay ko.

“Lalabas ulit tayo, anak ha,” sabi ni Daddy. “Magsisimula tayo ulit.”

Tumango lang ako nang tumango dahil walang mabigkas ang bibig ko. Iyak lang ako nang iyak.

Nilapitan ako ni mama at niyakap din. Nagpaalam na din si Daddy. Nakita ko si Tita Regina na nakangiti sa amin.

Matapos nun, sumakay na kami sa kotse ni Kuya. Tahimik lang noong una, hanggang sa umpisahan na ni Mama.

“Anak anong drama yun? Pakiexplain?” sabi ni Mama sa akin.

Nasa harapan siya, samantalang ako, naiwan sa likuran.

“Ayan, kasi,” sabi ni Kuya. “Arte-arte pa kay Daddy, sinabi na naman kasi sa kanya dati pa. Dad loves us so much.”

Hindi na lang din ako nagsalita.

Nahihiya ako.

Mali ako.

Hindi ko dapat natrato si Daddy tulad nang ginawa ko sa kanya.

Salitan sina Kuya at Mama sa pagsermon sa akin. Pero hindi ko na ininda. Tama naman sila. Ang mahalaga, may Daddy na akong kinikilala.

Ibinaba kami ni Kuya sa isang Hotel.

Pagka-park, inilabas ni Kuya mula sa trunk ang mga bags namin ni Mama.

Nakabook na pala doon si Mama. Doon daw kami magpapalipas ng gabi.

“Nasabi kasi ni Tita Regina mo na napagku-kwentuhan siya ng mga amiga niya,” sabi ni Mama. “Yung dating kabit daw, binahay pa.”

“Tita naman, hindi naman pinatulan ni Mama yung mga ka-mahjong niyang iyun,” depensa ni Kuya.

“Huwag mo nang ipagtanggol ang nanay mo, dahil alam ko naman yun,” sabi ni Mama. “Ako na lang din ang nahihiya. Makapal ang face ko, pero foundation lang talaga ito.”

“Nagdesisyon na naman kayo Ma na hindi ako sinasabihan,” sabi ko.

May tampo talaga ako nang kaunti.

“Hoy tumigil ka, Alex ha,” sabi ni Mama. “Pero don’t worry anak, aayusin natin ito. Tulong tayo.”

Pumasok kami sa unit. Malaki. May kwarto pa sa loob. Pumasok si Mama sa kwarto at nag-ayos ng gamit. Naiwan kami ni Kuya.

“Nagreply na ba si Gabriel?” tanong ni Kuya.

Kinabahan ako sa tanong ni Kuya.

“Oh, nanlaki mata mo,” sabi ni Kuya. “Ikaw nga yung nag-text ’no?”

Hinuhuli lang pala ako. Nahuli naman.

Nasa meeting pala sina Kuya at Gabriel kanina, kasama ng mga ka-org niya. Nagsasalita daw si Gabriel. Bigla itong tumigil nang tumunog ang telepono. Ilang araw na rin daw na may inaabangang text si Gabriel. Pero iba nang tumigil siya kanina. Binasa ang nasa telepono. Nag-isip. Kinantyawan daw siya nina Kuya. Mag-reply na at ituloy ang sinasabi. Kaya lang nag-excuse me siya. Lumabas. Mga ilang minuto daw bago bumalik. Nakangiti na ulit si Gabriel pero hindi daw yung ngiti nung mag-umpisa ang meeting nila. Kung malungkot na ang ngiti ni Gabriel nitong mga huli. Mas malungkot daw ngayon.

“What’s happening between you two?” tanong ni Kuya. “Pinapahirapan ninyo buhay ninyo. Kung gusto nyo pa, e di magbalikan kayo. Kung ayaw na, move on.”

“Talaga, Kuya,” sabi ko. “Ganun lang kadali yun?”

“Hindi,” sabi ni Kuya. “But it will never get easier kahit pa palipasin ninyo ang forever. Dadaanan at dadaanan ninyo ang process. So better start now para alam na ninyo kung saan kayo pupunta. Mahal mo pa ba?”

“Mahal pa.”

“Mahal ka pa ba niya?”

“Mahal na mahal pa raw.”

“Sinabi niya?” kinumpirma ni Kuya.

“Oo.”

“Gabriel is a smooth talker but he isn’t a liar,” sabi ni Kuya.

“Alam ko.”

“Eh anong problema?”

“Ang arte niya,” sabi ko. “Kung anu-ano pang nalalamang unlove him first. Napipikon na ako. Tapos pagpapasahan pa nila ako ni Jessie. Kuya, sumasakit ang ulo ko.”

Parang yun ang cue ko. Ang may magtanong sa akin kung anong problema. Sumabog na lang bigla lahat nang iniisip ko deretso sa bibig.

“Buti nga ulo lang,” sabi ni Kuya.

“Pati kaya puso,” sabi ko. “Kuya, mahal na mahal ko si Gabriel.”

Napahinto ako.

“Pero iniwan niya ako.”

Napaiyak na naman ako.

“Naiintindihan mo naman kung bakit ka niya iniwan? Kung bakit siya nagpaalam?”

“Oo,” sabi ko. “Pinaliwanag naman niya.”

“Tinanggap mo ba?”

“May magagawa ba ako?” tanong ko. “Gusto na niya iyun. E di iyun.”

“Hindi mo tinanggap?”

“Hindi pa ba pagtanggap yun? Hinayaan ko na siya sa gusto niya.”

“Hindi mo nga tinaggap. Hindi mo naiintindihan ang pinagdadaanan niya. Hindi kaya sarili mo lang ang iniisip mo, yung nararamdman mo lang?”

“Ako ba ang may kasalanan?” sabi ko. “Kung oo, bakit ako nasasaktan, dapat mas nagsisisi ako.”

“Nagsisisi ka ba?”

“Oo,” sabi ko. “Na ibinuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Na napunta na sa kanya lahat nang makakapagpasaya sa akin. Kaya nang umalis siya. Natangay na niyang lahat. Lahat ng maliwanag sa buhay . Ang dilim-dilim na lang ngayon. Wala nang natira sa akin. Kundi ito. Lungkot. Luha.”

Tumuloy ako sa pag-iyak.

“Ganun pala yun,” sabi ko. “Maiiwan lang akong mag-isa. Sana, umpisa pa lang, kinaya ko na, na ako na lang talaga. Ang sakit-sakit kuya.”

“Ano pa?”

“Anung ano pa?”

“Ano pang ginawa niya sa iyo?”

“Ha?”

“You been thinking of what he’s done to you, how he made you feel” sabi ni Kuya. “Have you asked yourself what you’ve done to him or how he really felt?”

“Si Jessie lang naman,” sabi ko. “Sinabi ko na naman sa kanya. Wala lang si Jessie. Mas mahal ko siya kay Jessie. Kung baga sa multo, si Jessie, unfinished business ko. Tinapos ko na nga. Pwede na akong pumunta sa langit, sa kanya. Kaya lang hindi niya maintindihan. Bakit ba hindi niya iyun maintindihan?”

“Bakit sa tingin mo hindi niya maintindihan?”

“Kasi masyado siyang nagseselos,” sabi ko.

“May dahilan ba siya para magselos?” tanong ni Kuya.

“Wala. Sinabi ko na sa kanya.”

“E di baka mali ka. Baka hindi siya nagseselos. Baka hindi iyun ang dahilan niya.”

“Ano?” tanong ko. “Kuya, may sinabi ba siya sa iyo?”

“Wala,” sabi ni Kuya. “Masasagot mo lang yan kung iintindihin mo siya at hindi lang sarili mo ang iisipin mo. Kung hindi lang nararamdaman mo ang pahahalagahan mo.”

Lumabas si Mama. Dinaanan lang kami para kunin ang mga gamit ko naman. Pero bago pumasok sa kwarto, may hirit pa.

“Alabet,” sabi ni Mama. “Hindi Safeguard ang sabon namin, wala yang konsensya, kaya tantanan mo yan. Hayaan mong masaktan nang matuto.”

“Kuya duties lang, Tita,” sabi ni Kuya.

Nang tuluyan nang makapasok si Mama, nagsalita ulit sa akin si kuya.

“Sigurado ka bang tinangay niya ang liwanag, o ikaw ang nagdala ng dilim? I know you are new to this. In a relationship, pag may problema, laging dalawa ang may kasalanan. Alamin mo rin ang sa iyo. Baka kaya nawala ang liwanag ni Gabriel sa iyo, e dahil lagi kang may dalang dilim. Try to see if you have your fault as well.”

“Maniwala ka sa kuya mo,” sabi ni Mama na lumabas ulit. “Tandaan mo, it takes two to Tango. And at least three to Tinikling. But it only takes one, only one to interpretative dance. Kaya naman, mag-isip ka nang mag-isa. Interpret mo lahat ang nangyayari sa love life mo sa banyo. Maligo ka na. Pero bilisan mo lang at may kakausapin tayo sa baba.”

Medyo nahimasmasan na naman ako kay Kuya. Napaisip na talaga ako. Ano bang kasalanan ko? Mahalaga pa ba iyon? Ano bang gusto ko sa amin ni Gabriel.

Pwede nang pang entrance exam ang dami nang nagawa kong tanong sa utak ko. at kung ako ang magte-take, babagsak ako. Wala akong nasagutan. Essay pa naman ang karamihan.

Pero nakakarelax ang mainit na tubig mula sa shower. Iba rin talaga pag hotel. May Bath tub. Ia-avail ko ’to mamaya. Tapos naka-glass ang shower area. Paglabas ng partition, kulay dilaw ang ilaw, at ang sarap pagmasdan ang sarili sa malaking salamin.

Iyun naman muna. Matapos ang drama, itong paliguan ang pahinga.

Nasa harap ako ng salamin, nagbo-blower ng buhok ng mapansin ko ang nagbi-blink na ilaw sa phone ko.

May mensahe.

Tiningnan ko.

Number.

Walang pangalan.

‘Nasaan ka?’

Sabi ng message.

Gusto kong magpanggap na hindi ko siya kilala at tanungin ng Hu U? Pero kalokohan. Alam niyang mahal ko siya. Alam niyang kabisado ko ang number niya.

Halos forty five minutes ago na ang message. Kapapasok ko lang sa banyo nun. Naghihintay na iyun ng sagot. Naiinis na iyun. Buti nga sa kanya.

Naku, kinausap pa ako ni Kuya. Bumalik tuloy ang galit ko. Argh.

Nag-ring ang telepono. Parehong number. Inilapag ko ang phone sa harap ng salamin. Itinuloy ko na lang ang pagpapatuyo ng buhok.

Hanggang sa katukin ako ni Mama.

“Alex, anak,” sabi niya. “Buhay ka pa ba?”

“Ma, nagbibihis na po,” sabi ko.

Napagod na rin sa pagri-ring ang telepono ko.

Kinuha ko. Binasa kko ulit ang message.

Nagtype ako.

’Luxent. Bakit?“

Sent.

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ko nasend? Nagpapahabol ba ako? Oo.

“Alex, anak,” si Mama ulit. “Anung sinusuot mo? Pang cosplay? Transformers ka ba? Sabihan mo lang kung kailangan mo ng tulong. Pababalikin ko ang Kuya mo.”

“Ma, tapos na po.”

Lumabas ako ng banyo. Nakahalukipkip na si Mama na naghihintay.

Ang t-shirt niya, napalitan ng yellow tanktop. Kita ang magandang braso ni Mama. At ang pants, parang nalabhan. Umiksi at naging isang dangkal na lang.

“Ma, bakit?” tanong ko.

“Nasa baba na sina Raul at Jessie,” sabi ni Mama.

“Bakit pa?”

“Kukumbinsihin tayong bumalik na sa bahay nila,” sabi ni Mama.

“Papakumbinsi kaba?”

“Alam mo, Anak,” sabi ni Mama. “Kung may sagot na ako, sasabihin ko, sinusundo na tayo para bumalik sa kanila. E hindi pa ako desidido kung sasama na ako. Kasi, gusto ko ring marinig ang opinion mo. At para fair, since open book na tayong magnanay from now on, sabay tayong magpapakumbinsi. Ayos ba yun?”

“Kayo pong bahala,” sabi ko.

“Okay na yang sagot na yan sa akin,” sabi ni Mama.

Lumabas kami ng unit. Bumaba gamit ang elevator.

May restaurant sa baba ng hotel. Nakita ko na ang mga taong tinutukoy ni Mama. Tahimik si Jessie. Maayos ang upo. Ganun din si Mang Raul. Wala silang kagalaw-galaw.

Naalala ko ang tatay ko. At naalala ko kung gaano ako kaswerte. Napangiti ako.

Napatingin si Jessie. Ngumiti din siya.

Hala, baka isipin niyang nangiti ako sa presence niya. Tumingin na lang ako sa paligid. Hindi inaalis sa aking mukha ang ngiti sana isipin niyang namamangha lang ako sa lugar.

Mukhang napansin na rin ni Mama ang magtatay. Hinila niya pababa ang kanyang shorts.

“Magsusuot ng maiksi, tapos pipiliting hilahin para humaba,” sabi ko.

Narinig pala ni Mama.

“Mamaya pa yan iiksi, pag-upo,” sabi ni Mama. “Baka sabihin naman na nang-aakit ako. Surprise ang tawag dyan.”

Habang naglalakad, hindi na ako nakatiis.

“Ma, bakit ka baliw?” tanong ko.

“Para may pagmanahan ka,” sagot ni Mama.


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With the Looks

CHAPTER54

Nagsimula kami sa wala.

Buffet naman ang kainan pero wala pa ring pagkain sa mesa nang umupo kami. Tulad ito ng isip ko, na ang dami-daming pwedeng maging laman pero hinayaan ko munang mawalan ng laman.

Tumayo ang magtatay sa pagdating namin ni Mama. Inayos ni Mang Raul ang uupuan ni Mama. Humawak si Jessie sa uupuan ko, ngunit napansin ko ang tinginan nilang magtatay. Obviously, hindi pa sila ayos. “Ayos” sa sense na alam ko, na tanggap na ng tatay niya ang katauhan niya.

Napansin din ni Mama ang tinginan nina Mang Raul at Jessie. Nagkatinginan din kami ni Mama. Alam na namin ang iniisip ng isa’t-isa. Wala naman palang nagbago. Walang patutunguhan ito.

“Para saan ang pagkikitang ito?” tanong ni Mama.

Doon ko napansin ang mas higit na pag-iksi ng shorts niya dahil nakaupo na siya.

“Kain muna tayo,” sabi ni Mang Raul.

“Treat mo ito, Raul,” sabi ni Mama.

“Of course,” sabi ni Mang Raul.

Tumayo kaming apat. PInauna ni Mang Raul si Mama papunta sa pila. Tiningnan niya ako para sumunod kay Mama, pero hinayaan ko na siya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyun. Alam ko, para kay Mama. Alam ko namang gusto iyun ni Mang Raul, at gusto ng maiksing shorts ni Mama. Pero kasabay kasi nun, si Jessie ang makakatabi ko.

Bago pa man ako kumuha ng pinggan, mayroon nang platong nakaabot sa akin.

“Salamat,” sabi ko kay Jessie.

Ngumiti lang si Jessie.

Matapos kumuha ng pagkain, bumalik kami sa aming mesa. Pang fiesta ang pinggan ni Mama kaya siniko ko.

“Ma, buffet to,” sabi ko. “Pwedeng bumalik.”

“Alam ko,” sabi ni Mama. “Bakit mo naman naisip na hindi ako babalik?

“Kain na tayo,” sabi ni Mang Raul.

Habang kumakain, napapansin ko ang mga nakaw na tinginan nina Mama at Mang Raul. Ang mga minsang pag-irap ni Mama ay nangangahulugang may nararamdaman pa siya dito.

Iyun siguro ang dahilan kung bakit ayokong tingnan si Jessie. Baka mairapan ko siya, at isipin niyang may nararamdaman ako sa kanya.

Meron naman talaga. Galit. At hindi dahil binugbog niya ako. Tapos na iyon. Galit ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit hirap na hirap ako ngayon kay Gabriel.

Itinuloy ko na lang ang pagkain ko bago pa ako mawalan ng gana. Naisip ko na naman si Gabriel. Kaharap ko si Jessie, at si Gabriel na ang iniisip ko. Sapat na siguro itong dahilan para patunayan sa sarili ko na si Gabriel talaga ang laman nitong isip ko. Kung si Gabriel ang laman ng puso ko, hindi na naman tinatanong yun. Siya naman talaga. Oo, may kumatok ngang iba minsan, at sinilip ko. Siguro pinapasok ko nang kaunti. Pero kaunti lang. Naging polite lang ako, pinaupo ko sa sofa. Siguro nabigyan ko rin ng tubig. Pero ganun lang. Hindi na nahalughog ni Jessie ang iba pang bahagi ng puso ko. Dahil kay Gabriel lang ito. Sa kanya lang. Kay Gabriel lang.

Iyun lang. habang nginunguya ko ang pagkaing laman ng bibig ko, si Gabriel naman ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na napansin ang usapan, ngitian at kung ano pang kilig ni Mama dahil nakasama niya si Mang Raul. Mukhang ilang sandali na lang, magiging Tito ko na ulit ang Mamang ito.

Natapos lang ito nang malaglas ang phone ko na nakapatong sa table. Nasagi ko.

Agad akong yumuko para pulutin ang telepono.

Pero kung bakit kailangang mangyari ito, hindi ko alam. Dahil iyun din ang ginawa ni Jessie na nagpapakabait yata.

Yumuko din siya, kinuha ang telepono ko. Nauna siya. At dahil nawala ako sa balance, hindi ko napigilang itukod ang kamay ko sa kamay niyang nasa telepono ko.

Pero walang sweet o kahit anopang sumunod doon. Tumunog kasi ang telepono ko bago pa man ang moment kung saan dapat magtatagpo an gaming mga mata.

Agad akong tumayo. Iniabot naman sa akin ni Jessie ang telepono.

Binuksan ko ang message.

Number lang ng nag-send.

‘Saan ka dito?’

Anong ibig sabihin nito? Dito? Nasa Luxent siya? Agad akong lumingon-lingon.

At nakatayo nga malapit sa pasukan ng restaurant ang lalaking kanina lang ay nasa isip ko. Kaya pala siya nawala sa utak ko, pumunta na siya sa harap ko.

At naisip ko, naabutan kaya niya ang paghahawak namin ng kamay ni Jessie? bakit naman ang eksakto ng dating niya. Sana ay hindi na lang niya naabutan dahil ayoko nang maging issue pa.

Pero bakit naman magiging issue, mag-uusap ba kami? eh nasa table ako kasama sina Mama. Hindi naman siguro siyamakiki-table sa amin.

Nang-iinis yata ang paligid dahil kahit sarado ang bawat gilid ng hotel ay may nakapasok na hanging tumama sa buhok ni Gabriel. Mabagal nitong hinaplos ang bawat hibla nito. Ang paggalaw nito ay sinabayan naman ni Gabriel ng isang maliit na ngiti. Lumiwanag ang bawat niyang madaanan. Nakakapikon siya. Alam niyang gwapo siya. Alam niyang iniisip ko siya. At heto siya ngayon, isang perpektong creation ng diyos, at pinapakita sa akin ang bawat nawala sa akin dahil sa aming paghihiwalay.

“No just me,” sabi ni Gabriel.

Habang nakangiti sa akin, hindi ko napansin na kausap pala ni Gabriel ang waiter.

Kakain din siya dito.

Umupo si Gabriel sa mesa hindi naman kalayuan sa amin. Iniwan niya ang telepono niya sa mesa. Isang bagay na alam kong hindi magandang ugali, tapos ay pumunta sa buffet table.

Kumuha siya ng pagkain. Konti lang, hindi katulad ng kay Mama. Mas kaunti pa nga yata sa kinuha ko. Matapos nun, umupo na siya.

Bago sumubo, tumingin siya sa akin. Ngumiti.

Agad kong binawi ang tingin ko at bumalik sa pagkain.

Sumimple ulit ako ng tingin kay Gabriel.

Sumusubo siya ng pagkain. At habang ginagawa niya iyun, nakatingin siya sa akin. Agad kong binawi ang mga mata ko.

Hindi ko naman inaasahan na sa pagbawi ko, sa mga mata naman ako ni Jessie napatingin.

“Gusto mong lumipat doon?” tanong ni Jessie.

Napatingin ako kina Mama at Mang Raul.

Hindi ko pa kasi alam ang reaksyon ni Mang Raul kapag nakita niyang nag-uusap kami ng anak niya. Wala, busy sila.

“Sige na,” sabi ni Jessie. “Para makakain ka nang maayos.”

Aba, itong si Jessie. Pinamimigay na rin ba ako? E ano naman? E bakit ko iniisip?

“Ma,” paalam ko. “Nandoon si Gabriel, puntahan ko lang.”

“Go lang nang go,” sabi ni Mama.

“Mang Raul…”

“Sige,” sabi ni Mang Raul.

Iaangat ko pa sana ang plato ko pero pinigilan ako ni Jessie.

“Kuha ka na lang ng ibang plate,” sabi ni Jessie. “Okay na ’yan dyan.”

Tumayo ako at sinunod si Jessie.

Kumuha ako ng bagong plato. Kumuha ng bagong pagkain. Kumuha ako ng pansit, ng sushi at maki, gumawa ako ng sauce at sa huli, lechon. Tumingin ako kay Gabriel na nakatingin sa akin. Pinapanoodniya akong kumuha habang siya ay kumakain. Tiningnan ko rin siya habang ginagawa ang ginagawa ko.

Kumuha ako ng litson, at nilagyan ng sauce.

“Boss,” bulong ng waiter sa harap ko. “Sa lechon po ang sauce, hindi sa maki.”

Hindi ko napansing ibang pagkain ang nilalagyan ko ng sarsa.

“Ay hindi po,” sabi ko. “Mas masarap yan pag may sarsa ni Mang Tomas. Subukan po ninyo.”

Palusot ko. Nakalusot naman.

Nakangiti si Gabriel habang naglalakad ako papalapit sa kanya. Hindi ko naman mabalikan ang ngiting iyon. Ayoko nga. Para saan. Hindi kami okay, bakit kami magngingitian. Ang arte-arte niya.

Nakarating ako sa table niya.

“Okay lang?”

“Sure,” sabi ni Gabriel.

Umupo ako sa harap niya. Hindi pa rin ako nakangiti.

Walang nagsasalita.

“Alam mo, hindi magandang gawing pang-save ng upuan ang telepono,” sabi ko. “Paano kung may dumampot niyan?”

“You’re watching my phone naman, diba?” sabi ni Gabriel. “You’ll know if somebody tries to pick it up.”

“Ginawa mo pa akong CCTV,” sabi ko.

“Why you are just like a CCTV,” sabi ni Gabriel. “You never took your eyes off me kaya iyan, nalagyan mo ng sauce yang maki.”

“Masarap ito,” kaya kumuha ako at sumubo.

Ayaw tumuloy sa lalamunan. Ang pangit nga ng lasa. Pero kinaya ko. Mas madali itong lunukin kesa sa pride.

Natawa si Gabriel.

“Masarap kaya, huwag ka ngang tumawa diyan,” sabi ko.

“Being a contrabida doesn’t suit you,” sabi ni Gabriel. “You can smile now.”

“Ah, ako pa pala ang kontrabida?” sabi ko. “Sige, ikaw na ang bida. Ikaw naman ang maarte sa ating dalawa.”

Tumawa si Gabriel.

“At anong nakakatawa?”

“You’re funny,” sabi ni Gabriel.

“At ikaw, ano ka?” sabi ko.

“I don’t know,” sabi ni Gabriel. “Ano ba ako sa’yo?”

Leading man. Heartbreaker. Maarteng bakla.

“Ewan,” sabi ko. “Kumain ka dyan. Kakain lang din ako.”

Kumain nga siya. Hindi na nagsalita. Pero nakatingin pa rin siya sa akin. Nakangiti.

“Alam mo ayan ka, eh,” sabi ko. “Sasabihin mong kalimutan kong mahalin kita, tapos nandito ka, nagpapa-cute. Sabihin mo, paano kita malilimutang mahalin nang ganyanan?”

“I don’t know,” sabi ni Gabriel. “This is my thing, do you’re thing.”

“Thing-thing,” sabi ko. Titi mo. “Bakit ka ba nandito?”

“Bakit ako dapat wala dito?” tanong ni Gabriel. “First, I’m a free man, I’m not supposed to be behind bars so I can be anywhere I want. Secondly, this place is open to those who can afford, and I checked my wallet, I think I have enough cash. And third, maybe my last and best reason, you told me you are here and I miss you.”

Ngumiti siya.

Hindi ako nakapagsalita.

“So much, Alex,” sabi ni Gabriel. “So much. And I don’t want to miss you more. I’m going North in a few days. Hopefully Albert hasn’t told you yet. I wanna make paalam to you personally.”

“Wala naman,” nagsinungaling ako.

Hindi ko alam kung para saan ang pagsisinungaling. Pero sige na.

“Magtatagal ka ba?” tanong ko.

“I’m just checking the place, ocular,” sabi ni Gabriel. “Then I might stay in Baguio. That is if I find no reason to go back here in Manila.”

“Hindi pa ba ako reason enough?” tanong ko.

“Pwede na ba kitang gawing reason enough?” tanong niya.

“Siguro kung tatanggalin mo ang kaartehan mo,” sabi ko. “Mahal na mahal naman kita eh.”

“I know,” sabi ni Gabriel. “But I just saw you holding hands a while ago.”

Yung you niya, tinutukoy ako at si Jessie na tinuturo ng mga mata niya.

“Nalaglag kasi yung phone ko, inabot…” hindi na ako nakatapos.

“This universe can really play stupid pranks on us, ’no?” sabi ni Gabriel.

“Alam mo naman palang prank, hindi totoo, pero bakit yun ang gusto mong paniwalaan?”

“I don’t know. Maybe because, even if I am sure na that thing is nothing, my heart just can’t stop hurting. And you can’t take that feeling away from me.”

“Gabriel,” sabi ko. “Mahal kita. Kaya kong lumuhod sa harap mo. Kaya kong magmakaawa. Pero alam kong hindi iyun ang kailangan mo. Ang kailangan mong makita ay wala na si Jessie sa buhay ko. At Gabriel, sinasabi ko sa iyo. Wala na. Kahit siya alam niyang wala na. Alam mo bang siya pa ang nagsabi sa akin na puntahan kita dito. At sana huwag mong isiping ginawa ko iyun dahil sinabi lang niya. Gustung gusto ko ring sumabay sa iyo sa pagkain. Dahil miss na miss na rin kita.”

“I know that,” sabi ni Gabriel. “And I know na hindi mo siya sinunod lang. Pero we both know why he told you to go here.”

“Hindi ko alam.”

“Alam mo.”

“Hindi nga.”

“Try to think.”

Natahimik ako. Napatingin ako sa table nina Mama.

Masayang tumatawa si Mama. Nakangiti na rin si Mang Raul. At si Jessie. Nakatingin sa mesa namin ni Gabriel.

At doon naisip ko.

“Kasi alam niyang babalik ako sa kanya pagkaalis mo,” hindi ko sinasadyang nasabi ko. Napa Ed Sheeran ako. Thinking Out Loud.

“Papayagan mo ba akong bumalik sa kanya?” tanong ko kay Gabriel.

“I’m leaving,” sabi ni Gabriel. “It’s set. You know I love you, but there are things that we have to do. We have other priorities. And you understand that, di’ba?”

“Papayagan mo ba akong bumalik sa kanya?”

“No,” sabi ni Gabriel. “But you have to.”

“Ayan ka na naman sa kaartehan mo,” sabi ko. “Kung sasabihin mong No, e di no. hindi ko siya babalikan, hindi ako sasama sa kanya, pero kung mag-iinarte ka ng ganyan, e sasama talaga ako kay Jessie. Hindi ko naman siya kailangang mahalin para sumama sa kanya. Pero sasama pa rin ako, mapagbigyan lang ang kaartehan mo.”

Natawa lang si Gabriel.

“You talk a lot,” sabi ni Gabriel. “But don’t get me wrong, I like how empowered you are , right now.”

Natahimik ako. Hindi ko na naman siya maintindihan.

Hanggang sa magsalita ulit si Gabriel.

“I really don’t know why you are here,” sabi ni Gabriel. “But when I saw the magtatay, and you magnanay here, I knew that someone will be making balikan. And mukhang magkakabalikan na ulit sila.”

Napatingin ulit ako sa table nina Mama.

Masaya nga sila. Mukhang Tito na ulit ang itatawag ko kay Mang Raul. Final na.

“Mukhang babalik ka na ulit sa mansion,” sabi ni Gabriel.

“Kahit na bumalik ako doon, sa iyo pa rin ako babalik, Gabriel,” sabi ko.

“I know,” sabi ni Gabriel. “Pero wala ako. Mawawala ako. I’m just happy na safe ka na doon with Jessie. Wala nang bubugbog sa iyo. My only fear is baka pag tumagal akong nawala, baka may ibang bumalik diyan sa puso mo.”

“Gabriel, wala siyang babalikan,” sabi ko. “Hindi ko nga siya pinapasok sa puso ko. Naisip ko na’yan kanina.”

“Pinapasok mo siya,” sabi ni Gabriel.

“O sige,” sabi ko. “Naisip ko na rin yan. At inabutan ko pa siyang tubig. Pero iyon lang, hanggang sa salas lang.”

“Alex,” sabi ni Gabriel. “We both know that you did more than that. Hinalikan ka niya, and you let him. And if he’ll kiss you once more, I may never know. You can be honest with it, but you can not be honest on how you will feel. And that’s okay. Kaya hahayaan ko na muna ikaw. Be strong without me. Because I am not sure if I will be back.”

Napakatok ako sa mesa.

“Para ka namang mamamatay,” sabi ko. “Kumatok ka nga.”

Kumatok si Gabriel.

“But I won’t die,” sabi ni Gabriel. “Mawawala lang talaga.”

“Don’t worry, I’ll take care of our boy,” sabi ni Jessie.

Hindi na nagpaalam si Jessie at naupo na sa pagitan namin ni Gabriel.

Kinabahan ako. Bakit kayang gawin ito ni Jessie. Hindi na ba niya inisip ang mangyayari kapag nakita ito ng tatay niya? Bakit nakahanda siyang masaktan para sa akin? Ayos na ang pamilya naming. Guguluhin na naman niya. Para lang sa akin?

“Thanks,” sabi ni Gabriel. “And by take care, sana hindi ibig sabihin nun na bubugbugin mo na naman siya. Malaman ko lang na may gawin kayo ng Daddy mo kay Alex, ipapupulis ko talaga kayo.”

“Tapos na iyun, I learned my lesson,” sabi ni Jessie.

“Ah, hindi ba dapat, awkward ang sitwasyon na ito?” sabi ko.

“Na-awkward ka ba?” tanong ni Jessie.

“Para sa inyong dalawa,” sabi ko. “Oo. Sobra.”

“Ang ganda-ganda mo kasi,” sabi ni Jessie. “Pinag-aagawan ka namin.”

“Sarcastic ba yun?” tanong ko.

“I think, that’s supposed to make you feel better,” sabi ni Gabriel. “And pangungunahan ko na ang mga mangyayari. Let’s start this, now. Nakapagpaalam na ako Aex, nasabi ko na ang mga dapat kong masabi.”

Tumayo si Gabriel. Lumakad. Lumapit sa counter.

Tatayo na dapat ako, pero pinigilan ako ni Jessie. Hinawakan niya ang kamay ko. At mula kamay niya. May parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Napatitig ako sa mga mata ni Jessie. Ang amo ng mga ito.

Pero hindi ito pwede. Tama na.

“Naramdaman mo rin,” sabi ni Jessie. “Naramdaman ko rin kasi nung pinulot natin ang telepono. Alam kong sandali lang, pero…”

Umiling ako.

“Hindi,” sabi ko. “Wala akong naramdaman.”

Nagmadali ako sa pagbawi ng aking kamay. Hahabulin ko si Gabriel.

“Huwag mo na siyang sundan,” sabi ni Jessie. “Kung may pag-uusapan pa kayo, pwede naman niyang tawagin ang waiter at kunin ang bill. Nagmamadali na rin siyang iwan tayo.”

Wala akong pakialam. Bumitaw ako kay Jessie at tumakbo ako kay Gabriel.

Inabutan ko si Gabriel habang pumipirma. Credit card ang pinambayad niya. Nagsinungaling siya. Wala siyang enough cash. Pero hindi iyun ang pinunta ko.

“Yes?” tanong ni Gabriel.

“Sasamahan na kita palabas,” sabi ko.

“Of course,” sabi ni Gabriel. “Gusto ko iyun.”

Naglakad kami papalabas.

“Teka lang, last na gimik na lang,” sabi ko.

“What’s up?” tanong ni Gabriel.

“Yes up,” sabi ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Gabriel. Hinila ko siya papunta sa elevator. At hanggang makapasok kami, hindi ko binitawan ang kamay niya. Iba rin ang hawak ni Gabriel sa akin. Hindi kuryente kundi comfort.

“Where’s up?” tanong ni Gabriel. “Where are we going?”

“Basta!” sabi ko.

Bumukas ang elevator at lumabas kami, hila ko pa rin ang kanyang kamay. Kaunting lakad lang, at paglabas ng pinto, nasa pool area na kami.

Asul na asul ang langit, at ang kulay nito, kasama nang ilang mala bulak na puting ulap ay nagre-reflect sa pool.

Tanaw ang malaking bahagi ng lungsod mula sa itaas namin.

“Gaganti ako sa iyo,” sabi ko kay Gabriel.

“What do you mean, gaganti?”

“I’m breaking up with you,” sabi ko.

“May mahaba ka rin bang speech?” sabi ni Gabriel na nangingiti pa. “Don’t you wanna be near the edge?”

Agad kong hinalikan si Gabriel.

Ilang sandal at binawi niya ang kanyang mga labi sa aking bibig.

Tumingin siya sa mga mata ko.

“You get me?”

“Get na get na,” sabi ko.

“Then let’s break up,” sabi ni Gabriel at hinawakan ang mukha ko.

Muli niyang inilapit ang aming mga labi. Ang lambot ng kanyang mga halik. Ang tagal koi tong hinanap. Ngayong nasa bibig ko na ulit, napakahirap pakawalan.

Kaya lang, kailangan. Marahan kong iniatras ko ang aking mga bibig.

Pero hindi ko nagawa nang tuluyan. Hawak pa rin ni Gabriel ang aking mga pisngi.

Magkadikit pa rin an gaming mga ilong, nang magsalita si Gabriel.

“Not yet babe,” sabi ni Gabriel at muling ibinalik ang aming mga labing ayaw magpapigil sa aming mga isip.

Bumitaw na siya sa aking ulo, ngunit patuloy pa rin kami sa pagpapalit ng aming nararamdaman. Yumakap siya sa akin nang mahigpit, na para bang ayaw niya akong pakawalan. Iyun din naman ang ginagawa ko na sa kanya. Ganun din ang nararamdaman ng aming mga bibig. Damang dama ko ang pagkapit ng kanyang mga halik sa bawat bahagi ng aking mga labi.

Hanggang sa habol-hininga kaming nagbitaw.

“I love breaking up with you,” sabi ni Gabriel.

“Oo, sarap lang,” sabi ko. “Pero pwede naman natin itong gawin kahit hindi tayo nagbe-break, di’ba?”

“Let’s see,” sabi ni Gabriel.

“Alam ko,” sagot ko.

“Let’s not say I love muna,” sabi ni Gabriel. “Let’s wait until it’s more than true.”

“Alam ko,” sabi ko. “Sorry, nasaktan kita.”

“It’s okay,” sabi ni Gabriel. “But let’s look at it as a new start. For me, for you and for love and happiness.”

Yumakap ulit nang mahigpit si Gabriel.

“Stay,” sabi ni Gabriel. “Aalis na ako, and please don’t follow. Let’s not cry together this time. Let’s have a poging last memory of each other.”

“Andaya mo, nag-ayos ka,” sabi ko.

“Gwapo ka, even if your na nag-ayos,” bola ni Gabriel.

At umalis na nga si Gabriel habang ako ay nagpaiwan.

Hinabol ko siya ng tingin na hindi na niya nilingon. Mabuti na rin iyon. Dahil kung tumingin pa siya, hindi ko mapipigilan ang sarili kong habulin na naman siya.

Tumalikod na lang ako. Hinubad ang sapatos, iniangat ang laylayan ng pantalon at naupo sa pool. Hinayaan kong ang hangin muna ang yumakap sa akin. Kailangan ko ngang mag-isa. mag-isip. Gets ko na siya. Naiintindihan ko na. Tama si Kuya. Puro sarili ko ang iniisip ko. Puro paliwanag ko. Ngayon ko lang nabigyan ng pagkakataong unawain ang gustong mangyari ni Gabriel. Kailangan nga. May mga nakikita siyang hindi ko nakikita. At hindi multo ang tinutukoy ko.

Hindi ko napansin na may tumabi sa akin.

Binalikan ako ni Gabriel?

Hindi.

Multo nga.

Si Jessie.

“Sorry, selfish ako,” sabi ni Jessie. “Okay lang sa akin manira ng relasyon, para lang maging masaya ako. Pero alam ko namang sa umpisa mo lang iyon makikitang masama. Dahil kaya kitang paligayahin nang higit pa sa kaya ni Gabriel. And then you wouldn’t find me selfish anymore. Kasi all I want is you to be happy more than anything else.”

“Alam ko,” sabi ko. “Pero kung mahihigitan mo yung naibigay sa akin ni Gabriel, hindi ko alam. Hindi naman natin alam kung masusubukan mo nga, eh.”

“Are you saying na binibigyan mo ako ng chance?” tanong ni Jessie.

“Yes,” sabi ko. “You are selfish, Jessie. Yes you are selfish.”

“Akala ko naman, yes na,” sabi ni Jessie.

“Jessie, alam mo naman e,” sabi ko. “Yun nga siguro ang pagkakamali ko, kaya kami nasira ni Gabriel. Binigyan kita ng pag-asa.”

“Hindi ba dapat?” tanong ni Jessie.

“Hindi dapat,” sagot ko. “Kasi nasa isang masayang relasyon na ako. Kaya sorry sa iyo. Nabigyan kita ng pag-asa nang hindi ko sinasadya.”

“Okay lang, wala namang masama sa pag-asa. Lagi iyung maganda.”

“Alam ko.”

Nanatili kaming nakaupo sa gilid ng pool.

“Nandyan pa ba ang pag-asa ko,” tanong ni Jessie.

“Hindi ka aso, Jessie,” sabi ko. “Huwag mo akong habulin.”

Tumayo ako mula sa pool. Kinuha ang sapatos ko at naglakad papalayo.

Hindi ko rin nilingon si Jessie. Dahil ayokong bigyan siya ng pag-asa. At kapag nilingon ko siya, na alam kong nakatitig sa akin, mababasa niya ang aking mga mata.

Meron pa.



Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With the Mask

CHAPTER55

“Paano na ’to?”

Hindi ko masasabing namiss ko ang kwarto na ito. Isang room sa mansion na pina-renovate para sa akin, pero hindi ko nararamdamang akin. Mas gusto ko pa rin ang kwarto ko sa Marikina. O ang kwarto ko sa bahay ni Kuya. Pero syempre, pinakagusto ko ang kwarto namin ni Gabriel.

Hindi ko na iyun makakalimutan. Ang kwarto ni Gabriel. Pero sa tingin ko naman. Hindi naman dapat makalimutan iyon. Oo, nakipag-break na rin ako sa kanya. Pinalaya ko na kami sa relasyon namin, pero hindi naman kasamang mawawala nun ang mga ala-ala. Amnesia na lang ang katapat nun. At so far, kahit yata sa mga teleserye, hindi na uso ang amnesia.

Kailangan ko na lang tiisin ang mga ala-ala, hanggang sa mawala na ang mga pakiramdam na kasama ng mga ito. Hanggang sa ang mga ala-ala ay maging ala-ala na lang talaga. Tulad ng photosynthesis.

Naaalala ko nung tinuro ito noong Elementary ako. Pero wala itong kasamang sakit. Walang kasamang saya. Fact lang. Photosynthesis. Haysts. Kailan kaya magiging photosynthesis na lang sa akin si Gabriel.

Nakahiga ako sa kama, nagmumuni-muni nang may kumatok. Tumayo ako. Doon ko lang naalala na naglilipat nap ala ako ng mga gamit ko sa aparador. Inayos ko muna ang mga damit sa gilid bago ko buksan ang pinto.

Si Jessie.

“Antagal mo, may ginagawa ka ba?” tanong ni Jessie.

“Hindi yung iniisip mo,” sagot ko.

“Okay lang ba?” sabi niya.

Umatras ako at pumasok si Jessie.

“Oo naman,” sabi ko. “Kwarto ko lang ito. Bahay ninyo ito.”

Dumeretso si Jessie sa kama ko at nagpaka-komportable. Aaminin ko, iyung itsura niya ngayon ang nagbibigay ng kuryente sa pakiramdam ko. Lalo pang wala na si Gabriel. Parang si Jessie ang makakatanggal ng pangungulila ko.

Nakasando naman si Jessie. Isang lumang blue t-shirt na ginupit ang manggas para maging sando. Pro hindi basta sando. Masyadong mababa ang pagkakagupit na kapag humangin ay lumalabas na rin ang dibdib niya, at minsan, pati ang flat niyang tiyan. Luma na rin ang boxer shorts niya. At sa likot ng galaw niya, napansin kong yun na lang talaga ang suot niya.

“Bakit iniisip mo pa yan?” sabi ni Jessie. “Ayos na si Papa ko at Mama mo. Sila na nga ang nagsabi, tama na ang katatawag natin sa kanila ng Tito at Tita. Magiging magkapatid na tayo. Kaya huwag mo na ring analisahin ang suot ko.”

“Wow, magsu-suot-suot ka ng ganyan, tapos kapag tiningnan ka, may judgment ka na,” sabi ko. “Sana sinubukan mong pumunta dito na naka-coat and tie.”

“Ay. Kahit na coat and tie ang suot ko, mai-in-love ka pa rin sa akin,” sabi ni Jessie.

“Wag na, sige na, okay na ’yan. Baka mapahiya ka at nag-effort ka pa,” sabi ko.

“Or gusto mo lang talagang ito na ang suot ko,” sabi ni Jessie na inilabas pa ang ibdib mula sa gilid ng kanyang damit.

“Huwag ka ngang ganyan,” sabi ko. “Alam mong malungkot ako ngayon at marupok.”

“Huwag mo akong landiin kung hindi mo ako pagbibigyan,” sabi ni Jessie na ngumingisi.

“At ako pa daw ang nanlalandi?” sabi ko

Nagtawanan kami.

“Ang yabang mo rin,” sabi ko. “Pero sige. Nakaka in love ka naman talaga. Pero wala na, magkapatid na tayo.”

“Kung hindi ba tayo magiging magkapatid…” hindi na nakatapos si Jessie dahil nauntag ko na siya.

“Para namang nagpapigil ka doon noong hinalikan mo ako sa falls,” sabi ko. “Magkarelasyon na ang mga parents natin nun.”

Ngumiti lang si Jessie.

“Mas lalo kitang nagugustuhan,” sabi ni Jessie.

“Gusto mong empowered na ako?” sabi ko.

“Oo,” sagot ni Jessie.

“Sinabi rin sa akin yan ni Gabriel,” sabi ko.

“Ang laki na nang pinagbago mo,” pansin ni Jessie.

“Pansin ko din,” sabi ko. “Ganun pala iyun. Kapag nasasaktan ka, wala kang magagawa kundi i-adjust ang mga bagay-bagay sa buhay mo para malampasan ang sakit. Tiis lang nang tiis hanggang sa makayanan. At kapag na kaya na, nagiging mas malakas na. Mas empowered. Tulad nang napapansin ninyo sa akin ngayon.”

“Dami mo ring natutunan,” sabi ni Jessie.

Natahimik kami nang kaunti. Bumalik ako sa pag-aayos ng mga damit ko sa parador. Tumayo si Jessie at tinulungan ako. Napatabi siya sa akin at naramdaman kong nagtama ang aming mga braso. Ang aking medyo patpating braso sa namimilog niyang biceps.

“Ako na lang,” sabi ko. “May sarili akong ayos.”

Totoo naman yun. Magkakasama ang magkakakulay at ang mga okasyon na isusuot ko.

Bumitaw si Jessie sa mga damit. Pero hindi siya umalis sa tabi ko. Naupo siya doon at nagpatuloy sa pagtingin sa akin.

“Hinalikan kita kasi baka iyun na lang ang huling pagkakataong pwede kong gawin iyun,” sabi ni Jessie. “Kasi alam kong seryoso na si Papa kay Tita Veron.”

Hindi ako nagsalita. Ako ang nagbring up ng usapin na ito. Hindi ko naman alam na tutuloy. Natigil na nga.

At itinuloy pa ni Jessie.

“Pero pinagsisihan ko iyun,” tuloy niya.

“Hala,” sabi ko. “Bakit? Iyun ba yung turning point mo?”

“Pinagsisihan ko kasi, ang sarap pala,” sabi ni Jessie. “Gusto ko pa. Hinanap ko pa. At alam ko na hindi na pwede.”

Tumayo ako at inilagay ang mga nasalansan kong damit sa aparador.

Tumayo na rin si Jessie at umupong muli sa kama.

“Sorry dahil sa akin, naging bakla ka,” sabi ko kay Jessie.

Natawa lang si Jessie

“Sana pala, hindi ko binigay ang best ko sa pagkiss back,” tuloy ko. “Ganun pala ako kagaling, parang si Prince Charming. Nagising ang sleeping beauty sa loob mo.”

Natawa ako sa joke ko. Natawa din si Jessie. Pero sandal lang. Yung tawang nabibilang, na ’pag sinabing andami kong tawa, twelve, parang twelve lang talaga ang tawa niya.

“Nasabi ko na naman iyun sa iyo, bago pa kita bugbugin, gusto na kita, interesado na ako sa’yo,” sabi ni Jessie. “Baka nga mahal na kita noon pa. Hindi ko lang alam tulad ngayon. Mahal na mahal kita.”

“Thanks,” sabi ko.

Tumabi ako kay Jessie. Huminga nang malalim. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko naman ang hinliliit niyang dumidikit sa kamay ko.

“You’re welcome,” sabi ni Jessie at naramdaman ko ang hiniga niya sa buhok ko, bago ang kanyang halik.

“Ehem,”

Napaupo ako nang tuwid, bigla nang marinig namin si Tito Raul.

“Good,” sabi ni Tito Raul. “Nagba-bonding na kayong magkapatid. Siguro next time, labas na lang tayo.”

Uhm, wag na lang po. Yung huli nating labas.

Nabasa yata ni Tito Raul ang iniisip ko.

“Huwag kang mag-alala,” sabi ni Tito Raul. “Hindi na mauulit kung anuman ang nangyari nung huli tayong magkasama-sama.”

Napangiti naman ako.

Lumapit sa amin si Tito Raul at umupo sa tabi ko. Ngayon ay nasa pagitan ako nina Tito Raul at Jessie. Hindi ko alam kung bakit kahit pilitin kong maging kalmado ay pumipintig ang puso ko na wala sa usual nitong pagtibok.

“Sorry, anak,” sabi ni Tito Raul.

Uhm ulit. Medyo mahirap i-digest ang nangyayari. Weird. Awkward. Tong magtatay nasa tabi ko.

Nagpatuloy sa speech si Tito Raul pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. May natandaan akong verse mula sa bible pero hindi ko nga naintindihan. Hindi ko alam ang nangyayari at nasa point ako nang tinatanong ang mundo, para saa lahat ng ito?

Tapo napansin ko, parang lecture ito ni Tito Raul tungkol sa mga bakla at kung paano niya ito tinatanggap sa ngayon.

“Pero pwede naman kayong magbago, malay ninyo, phase lang yan,” tuloy ni Tito Raul.

Tapos tahimik.

“Sorry po,” sabi ko. “Pero wala naman po kayong dapat ipag-alala sa amin ni Jessie. Wala po kaming gagawing masama.”

Hindi ko alam kung bakit iyun ang lumabas sa bibig ko. Pero parang nag-aabang kasi siya ng sasabihin. Parang yung bahagi sa simbahan, yung magsasalita ang pari, tapos dapat salmon tugunan. Iyun. Kailangan kong tumugon.

“Alam ko naman yun,” sabi ni Tito Raul. “Nakausap ko na si Je-Ar. Nalinawan na naman siya.”

Ngumiti si Jessie.

“Hindi naman bakla si Je-Ar ko, di’ba anak,” sabi ni Tito Raul na tumingin kay Jessie.

Ang daliri ni Jessie na kanina ay kumakalabit sa akin, ngayon ay nakahawak na sa kamay ko.

“Alam ko, hindi mo maiintindihan ito,” sabi ni Tito Raul. “Pero oo, hindi siya bakla. Napag-usapan na namin. Nalinawan na siya. Siguro minahal ka niya. Inamin niya sa akin iyun, dati pa. Nagkasakitan na kami dahil doon, pero naisip na naming kung ano ang nangyari.”

Nabaliw ako pero hindi ko pinakita sa magtatay. Anong pinagsasabi niya, mahal niya ako pero hindi siya bakla?

Tumayo si Tito Raul at tumingin sa harap ng salamin sa kwarto. Iniwan niya kami ni Jessie sa kama, nakaupo.

“Minahal ka lang naman ni Jessie,” sabi ni Tito Raul. “Ikaw lang. Sa iyo lang siya nakaramdam nang ganyan. Hindi sa kahit sinong lalaki, o kahit sinong babae.”

“Bakla ka,” bulong ko kay Jessie. “Huwag na tayong mag-inartihan ditto.”

“Shhh,” sabi ni Jessie.

“Ngayon, dahil magkapatid na kayo, pwede ka na niyang mahalin nang higit pa sa gusto niya,” sab ni Tito Raul. “Magpapakasal kami ni Veron, kung papaya ang tatay mo, aampunin kita, pero kung hindi man, magiging magkapatid pa rin kayo sa paningin ng lahat. At hindi lang sa paningin nila. Maging sa inyong dalawa. Magkapatid na kayo. Pwede na ninyong mahalin ang isa’t-isa, wala nang tututol.”

“Opo,” sabi ko.

Tumingin ako kay Jessie. Nakangiti rin siya. Kumbinsido sa sinabi ng tatay niya.

“O paano?” sabi ni Tito Raul. “Susunduin ko na muna ang Mama mo.”

“Sige po,” sabi ko. “Ingat po.”

Umalis si Tito Raul at naiwan kami ni Jessie sa kwarto ko.

“Naniwala ka ba sa mga pinagsasabi ng tatay mo?” tanong ko.

“Gusto mo ba akong maniwala?”

Napaisip ako. Nandoon lang ako sa point na sinasabi ng tatay niya na lalaki si Jessie. Pero maganda yung point na pwede na kaming magmahalan bilang magkapatid.

Bumalik ako sa pag-aayos ng damit habang iniisip ko kung ano ang isasagot ko kay Jessie.

“Iniisip ko rin,” sabi ni Jessie. “Don’t worry. Kung baga sa concept paper, maganda ang proposal. Mahirap lunukin, pero kung mas beneficial sa ating dalawa.”

“Ano nga?” tanong ko.

“Anung ano nga?” tanong ni Jessie.

“Hindi ka ba talaga bakla?” sabi ni Jessie. “Ako lang ba talaga ang minahal mo?”

“Ikaw lang talaga ang minahal ko,” sabi ni Jessie. “Bakit kasi kailangang maging lalaki ka pa?”

Hindi na lang ako sumagot. Tapos na rin akong mag-ayos ng mga gamit sa aparador. Umupo ako sa tabi ni Jessie sa kama. Tapos, nagsalita ulit si Jessie.

“Dito pala ako matutulog,” sabi ni Jessie.

Napatingin ako sa kanya.

“Sana huwag,” sabi ko.

“Hindi kita hahalikan,” sabi ni Jessie “Titiisin ko.”

“Pagtitiisin mo rin ako?” sabi ko. “Huwag mo akong landiin, dahil ayokong pagbigyan ka.”

“Okay,” sabi ni Jessie. “Sorry at naisip ko.”

Tumayo na si Jessie at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko.

“Okay lang,” sabi ko. “Naisip ko rin naman, pero hindi ko na in-open up.”

Pero bago siya tuluyang lumabas. Huminto muna siya at nagsalita.

“Ang open mo,” sabi ni Jessie.

“Wala na namang kailangang itago,” sabi ko. “Nawala na ang pwedeng mawala.”

Ngumiti lang si Jessie na binalikan ko rin ng ngiti.

Nahiga na ako sa kama ko. Nagdasal. Nagtext. Goodnight. Sent kay Gabriel.

Goodnight din. Sweet dreams.

Nagreply si Gabriel.

Pumikit ako, pero hindi ako nakatulog agad.

Nagbibihis na ako nang may kumatok.

“Papasok na ako, sasabay ka ba?” si Jessie.

“Oo,” sigaw ko.

“Sunod ka na sa labas,” sabi ni Jessie.

Agad kong sinuot ang t-shirt at sapatos. Tapos nagmadali akong lumabas ng kwarto.

Nasundan ko si Jessie, nakasakay na siya sa motor. Inabot ko ang helmet na ibinibigay niya. Bago pa. Ito siguro yung sinabi ni Mama dati. Naitago pa pala ni Jessie. Sinuot ko na lang ang helmet at umangkas.

Yumakap ako kay Jessie sa pag-aakalang paaandarin na niya ang motor.

Pero hindi niya iyun ginawa.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Hinigpitan pa ang pagkakayakap ko sa kanya. Nakapa ko ang kanyang matigas na tiyan, pero hindi dahil sa kabag. Alam ko namang batu-bato ang abs ng lalaking ito.

Dahil na rin sa pagkakadikit ko kay Jessie, pumatong na ang ulo ko sa balikat niya. At sa paglingon niya, kinailangan kong umatras dahil baka magtama na naman ang among mga labi.

Ngumiti si Jessie.

“Sayang,” sabi niya.

“Gusto mo pa ba talaga?” tanong ko. “Single ako.”

“You want to play this game with me?” tanong ni Jessie.

“Hindi,” sabi ko. “Joke lang.”

Mabilis na umandar ang motor pero hindi ko inalis ang mahigpit na pagkakayakap ko kay Jessie.

Mahirap mag-usap habang may nagmamaneho.

Pero tuwing humihinto kami para sa stoplight, dumadaan ang kamay ni Jessie sa kamay ko.

Sige lang, sabi ko sa sarili ko. Gusto ko rin naman ito. Kailangan ko ito. Idiniin ko na lang lalo ang ulo ko sa likod ni Jessie.

Nakarating kami sa parking area ng campus. Mabilis lang. Hindi pa kami late. Nauna akong umalis sa pagkakaangkas. Sumunod si Jessie. Sabay kaming nagtanggal ng helmet. Doon na lang din naming nakita ang paglabas sa kotse ni Gabriel.

Ngumiti si Gabriel sa amin. Ngumiti din ako. Kumaway si Jessie.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa totoo lang. Si Jessie na ang nanguna.

“Sa Faculty ka?” tanong niya kay Gabriel.

“Yup,” sabi ni Gabriel.

“Sabay na tayo,” sabi ni Jessie. “Sa tapat lang kami.”

“Sure,” sabi ni Gabriel.

Sabay-sabay na kaming lumabas ng parking lot. Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. Bakit kasi kailangan pang maging polite nitong dalawang ito sa isa’t-isa. Ito, awkward tuloy. Sabay nga kaming tatlo, wala namang nagsasalita.

“Kailan ang alis mo?” tanong ni Jessie.

“Hopefully, Friday,” sabi ni Gabriel. “I just have to have this framework approved para wala na akong ibang iniisip when I’m far North na.”

“Oo nga,” sabi ni Jessie. “Mahirap na kung babalik ka pa ditto sa Manila, e nandoon ka na.”

“Well,” sabi ni Gabriel. “Paper or not, I will go back here as long as may babalikan ako.”

“Si Alex ba ang tinutukoy mo?” sabi ni Jessie.

Kinabahan ako. Bakit wala tayong preno?

Ngumiti lang si Gabriel.

“I’m keeping that between us,” sabi ni Gabriel bago siya tumingin sa akin. “Alam mo na yun.”

Napangiti lang ako. Alam ko na naman talaga.

Magkatabi pa rin kami ni Jessie sa klase. Kahit nakikinig sa teacher, napapansin ko siyang nagnanakaw ng tingin sa akin. Minsan nga nang tumingin ako sa kanya, nakangiti siya, at napangiti na rin ako.

“Is there something to smile about the lesson, Alex?” tanong ng prof.

“Nothing sir,” sagot ko.

“Then why are you smiling?” tanong nung prof.

Nagtaas ng kamay si Jessie.

“Excuse me sir,” sabi ni Jessie. “But actually, my classmate is a little shy and he is telling me something about commercialization.”

Napatingin ako kay Jessie. Hidni ko alam ang pinagsasabi niya.

Bumulong na lang siya tungkol sa akin.

“Magsalita ka, commercialization, kahit anung alam mo,” bulong ni Jessie.

Inayos ko ang sarili ko at nagpanggap na alam ko ang sinasabi ko.

“I think sir, that commercialization has its good points but it is not a very good idea especially for the youth,” sabi ko. “Their, our education should be given as right and not as a privilege.”

“And what is so funny about that?” balik ng prof.

“Sir,” sabi ni Jessie. “I was the one who made a comment that made him laugh, I mean smile.”

“And would you mind sharing it with the class?”

Nakatingin na sa amin ang mga kaklase namin.

“Well I just said that, we all knew that, but we are doing nothing about it,” sabi ni Jessie.

“And that’s funny because?”

“Because it’s not funny at all,” sabi ni Jessie.

Natahimik kami. Pero nanatiling nakatingin ang prof kay Jessie.

“You see, it is a painful fact, but we need to survive bearing that pain. So we tend to mask the pain with a smile, laughter, other feelings, just not to feel the painful truth.”

“Okay,” sabi ng prof.

Sinamahan na rin ako ni Jessie mag-lunch. Nagtext ako kay Gabriel pero hindi siya nagreply. Kaya ito, si Jessie na lang.

Nagmotor ulit kami sa isang street sa campus, at doon kami umorder ng burger. Nakatayo na lang kami sa tabi ng motor niya, doon na kami kumain kasi ang daming tao.

“Magthank you ka naman,” sabi ni Jessie.

“Bakit naman?” tanong ko. “Dahil sumagot ka para sa akin sa class? Eh ikaw kaya, tingin ka nang tingin. Ikaw ang wala sa focus. Kaya ako napangiti.”

“Wala sa focus pero nasagot ko ang tanong.”

“E di ikaw na ang magaling.”

Natawa lang siya.

“Pero saan naman galing ang hugot mon a masking the pain,” sabi ko. “Andami mong alam.”

“Alam mo naman ang pinagdadaanan ko, sa bahay, kay Papa, sa’yo.”

“Ako talaga?” sabi ko. “O sige, huwag na nating pag-usapan.”

Napangiti na lang ulit si Jessie at tinuloy naming ang pagkain ng Burger.

Hinatid ako ni Jessie sa next kong klase. Siya naman tumuloy na sa susunod niyang class. Okay naman ang lahat, madali lang. Hindi na ako napapangiti nang walang dahilan para biglang matawag ng prof. 

Natapos ang klase. Umaasa akong magrereply si Gabriel sa mga text ko sa kanya. Pero wala. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko, makikita ko si Gabriel na naghihintay sa akin. 

Pero iyun. Wala. 

Smile na lang. 

Deretso ang lakad ko. Hanggang sa may narinig akong tumawag sa akin.

“Alex,” sabi ng boses, “Saan ka pupunta?”

Napangiti ako. Si Jessie. Hindi siya si Gabriel, pero may sumalo sa ngiti ko. 

“Wala na,” sagot ko. “Uuwi na.”

“Let’s go,” sabi ni Jessie.

Sumabay na ako sa paglalakad papunta sa parking. Nandoon na rin ang motor niya. Pagsakay ko sa likuran ni Jessie, doon ako nakaramdam ng lungkot. Nasaan si Gabriel. Bakit hindi siya nagparamdam. Aalis na ba siya?

Nakarating kami sa Mansion sa Paranaque. Napansin ni Jessie na telepono ko agad ang tiningnan ko pagtapak sa bahay. Ngumiti lang siya at iniwan ako. Nahiya ako nang kaunti, pero mas napaibabawan ang pakiramdam na iyon ng lungkot. Wala pa ring reply si Gabriel. Kinatulugan ko na ang paghihintay. Paghihintay sa wala.

Nagpatuloy ang mga araw na ganoon. si Jessie, ihahati ako. sabay kaming magla-lunch. Burger. Tapos uuwi kami. Si Gabriel, wala na yata talaga. pinabayaan na ako.

Hanggang sa isang beses. Natapos ang huling klase ko. Paglabas ko, hindi si Jessie ang nakita kong nag-aabang. Naghihintay si Gabriel.

Gusto kong mainis. Pero wala akong karapatan. Hindi naman kami. 

“Uy, napadaan ka,” sabi ko.

“I’m sorry i didn’t reply on your messages,” sabi ni Gabriel. “I did that deliberately.”

“Sinadya mo o hindi, hindi naman mahalaga,” sabi ko. “Nasaktan ako. Pero hindi naman dapat di’ba? Hindi naman tayo.”

“I know,” sabi ni Gabriel. “And I’m sorry. You have the right for your feelings.”

Nagsimula na kaming maglakad papalabas ng building.

“You wanna go somewhere, eat maybe?” sabi ni Gabriel.

“Okay lang,” sabi ko. “Nagburger kami ni Jessie.”

“I know,” sabi ni Gabriel. “Anyway, the framework needs more adjustment, said my prof. Ayaw naman niyang madaliin ko. He gave me till Monday to submit. Baka next week na ako makaalis.”

“Good,” sabi ko.

“Good?” sabi ni Gabriel.

“Oo,” sabi ko.

Tahimik kaming naglakad. Walang usapan. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin. Nararamdaman ko rin na walang plano si Gabriel na magsimula ng usapan. Ayoko ng katahimikang ganito. Yung may hinihintay.

“Gabriel, andaya mo,” sabi ko. “Ano ba talaga ito? Tayo ba o hindi?”

“Hindi,” sabi ni Gabriel. “You broke up with me remember?”

“Oo,” sabi ko. “Pero parang niloloko lang natin ang sarili natin. Eto tayong dalawa, magkasama pa rin. At kapag hindi naman, nasasaktan tayo. nararamdaman mo rin naman ito di’ba?”

“We’re just friends,” sabi ni Gabriel. “And we feel this with our friends, too.”

Natahimik kami.

“And frankly, it feels better,” sabi ni Gabriel. “Kasi kung hindi, I would have made a scene in the burger joint everytime makikita ko kayong kumakain doon. At least, dahil hindi tayo, hindi ko kailangang masaktan when you were enjoying your burger with Jessie.”

“Mahigpit ang yakap ko sa kanya sa motor tuwing pumapasok kami at umuuwi,” sabi ko.

“Gusto mo bang magwala ako dito?” tanong ni Gabriel.

“Nope, wala kang karapatan, hindi na tayo,” sabi ko.

“Then why tell me that?”

“Kasi kaibigan kita. Pinaka-close kong kaibigan. Wala naman akong masasabihan, ikaw lang.”

“Okay,” sabi ni Gabriel na walang pakiramdam.

Nagpatuloy siya sa paglakad. Naiwan ako nang bahagya kaya agad ko siyang niyakap sa likuran niya.

“Ganito kahigpit o,” sabi ko habang hinihigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.

“Stop it,” sabi ni Gabriel.

Naramdaman kong nangingiti na siya.

“Huwag ka munang magselos,” sabi ko. “Ayan, it’s a tie na ha. Gusto mo, kain din tayo ng burger?”

“Yes, I’m hungry and I’m craving for one.”

Si Gabriel na rin ang naghatid sa akin sa Mansion. Marami kaming kwentuhan pero bilang magkaibigan lang. Kinuwento niya ang mga sinabi sa kanya tungkol sa thesis nila. Kung gaano kalaki ang mga changes na kailangang baguhin dahil nagkaroon ng bagong naisip ang adviser niya.

Ako naman, mga kwento tungkol sa paglipat ko sa mansion. Yung pagbisita sa akin ni Jessie noong gabi. Pati na rin ang lecture ni Tito Raul. Mga napag-usapan naming ni Mama tungkol sa buhay at iba pa.

Gustung gusto pa rin ni Gabriel na marinig ang mga kwento tungkol kay Mama.

Hanggang sa makarating kami sa mansion.Huminto ang sasakyan, pero hindi pa ako agad bumaba.

“Gab, hindi mo pala nahawakan ang binti ko buong biyahe,” napansin ko.

“I wanted to,” sabi ni Gabriel. “But what we are doing is confusing enough. Let’s just be friends and do what usual friends do.”

“Salamat sa paghatid,” sabi ko. “Anlayo nito sa QC.”

“I’m going to Alabang din,” sabi ni Gabriel. “I’ll be picking up some props for the play.”

“Ngayon mo lang sinabi,” sabi ko.

Nagpapalusot pa kasi.

“Well,” sabi ni Gabriel. “We’re just friends. I don’t have to tell you everything.”

“Sabagay,” medyo nasaktan ako.

“But then again,” sabi ni Gabriel. “I’ve just told. Parang nagpaalam na naman ako.”

Natawa si Gabriel.

Natawa na lang din ako.

Bumaba ako at nagpaalam kay Gabriel.

Masaya akong pumasok sa mansion. Wala pa si Mama. Gabi pa siguro uuwi iyon. Kasabay na niya malamang si Tito Raul. Or Papa Raul na pala.

Maid lang ang nandoon.

“Si Jessie po ba, nakauwi na?” tanong ko.

“Opo, nasa kwarto po niya,” sagot sa akin.

Hinayaan ko na si Jessie. Dumeretso na ako sa kwarto ko.

Pero may nakahiga na sa kama ko.

Si Jessie.

Galit na galit. Masama ang tingin sa akin.

May kung anong takot na bumalik sa akin.

Parang lahat ng nakita kong mukha ni Jessie nitong huli ay maskara lamang at ito na, ang dating mukhang nagpapakaba sa akin, ang totoo niyang anyo, ngayon nasa harapan kong muli.

Anong nangyayari? Nanlilisik ang mga mata niya.

Hanggang sa may mga lumabas ng salita sa kanyang bibig.

“Paano mo ito nagagawa, Alex?” tanong ni Jessie.

74QXAc<$


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Without Gabriel

CHAPTER56 

Galit ka ba?

Syempre, hindi ko na tinanong. Pag may mga ganitong moment, dapat hindi na nagtatanong ng yes or no questions ang mga obvious.

Nakatayo lang si Jessie. Nakasara ang mga kamao. Naniningkit ang mga mata, nag-iiba ang butas ng ilong, at parang fault line na nagkikis-kisan ang mga ngipin. Nagngingit-ngit siya. At wala pa akong na-experience na ngit-ngit of joy. Malamang galit si Jessie. Pero bakit?

“Bakit?” tanong ko kay Jessie na hindi ko alam kung ano ang pinagpupuyos ng mukha.

“Anung bakit?”

Yun naman ang tanong na hindi ako handa. Bakit niya tinanong sa akin? May nagawa ba ako? Ako ba ang dahilan?

“Anong ginawa ko?” tanong ko.

Napahinga nang malalim si Jessie habang parang natatawa siya.

“Gago ka pala, eh,” sabi niya. “Tinatanong mo pa?”

Kinabahan ako nang makarinig ako ng mura sa kanya. Mula sa mga nakaraang ala-ala ang kaba. Hindi ito bagong pakiramdam. At nang maisip ko ang mga lumang ala-ala, lalo akong kinabahan.

Inihanda ko na ang katawan ko. Matagal-tagal na rin mula nang huli akong makaramdam ng sakit. Nakasanayan ko na noon. Kung maulit kaya ngayon, makakaya ko pa rin kaya?

Bahala na.

“Sasaktan mo ba ako?”

Napahinga siya nang malalim. Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Pero sa paglabas ng hangin mula sa kanyang katawan, parang lumabas din ang kanyang lahat ng lakas.

Pumikit si Jessie. Napaupo sa kama ko.

Pero hindi nawala ang takot ko. Sarado pa rin ang kanyang mga kamao at nakatiimbagang pa rin siya.

“Antanga ko,” sabi ni Jessie. “Ako talaga ang gago. Ang gago-gago ko.”

Sabay suntok sa hita niya.

May impit na ingay akong narinig mula sa kanya. Alam kong nasaktan siya sa kanyang ginawa. Ang inakala kong nawalang lakas niya, parang muling nagbalik. At inulit niya yun. Inulit nang inulit. At naramdaman ko ang kanyang sakit kahit pa hindi ako sa kanya lumalapit.

Hindi huminto si Jessie. Itinuloy niya. Hanggang sa maging mga braso na niya ang kanyang sinusuntok.

Papunta na sa kanyang mukha ang kanyang kamao nang tumakbo ako papalapit sa kanya.

“Tama na, Jessie,” sabi ko. “Ano bang nangyayari sa’yo?”

“Ang tanga-tanga ko,” ulit niya.

“Sige na, tanga ka na,” sabi ko. At hindi nakakatalino ang ginagawa niya. “Tama na yan.”

Hawak ko ang dalawa niyang kamay na nagpupumiglas para saktan pa niyang muli ang sarili.

Nanlaban ako.

Malakas si Jessie. Mas malakas kesa sa akin. Matagal ko nang alam ito, pero may kakaiba ngayon. Mas malakas ako ngayon. Kahit papaano, napipigilan ko siya. Nababawasan ang sakit tuwing tatama ang kamao niya sa kanyang katawan. Mas lumalakas ako kung kailangan kong magbigay ng lakas para sa iba. At sa pagkakataong ito, mas malakas ako para kay Jessie.

Unti-unti, napagod si Jessie.

Sinamantala ko ang kahinaan niya. Niyakap ko siya. Ibinalot ko ang katawan ko sa katawan niyang pilit niyang sinasaktan.

Dahan-dahang tumigil ang pagsuntok niya sa hita niya. Hinawakan niya ang mga braso kong nakahawak sa mga braso niya. Nag-ekis ang aming mga braso. Magkayakap kami. Magkatapat at hinila niya ako papalapit sa kanya.

Malakas ang pagkakahila niya na napahiga siya at napapatong ako sa kanya sa kama.

Alam ko na ang susunod na mangyayari.

Pumatong ang mukha ko sa kanyang mukha. Tumama ang labi niya sa akin, ngunit nagawa kong ipaling nang bahagya ang aking mukha. Gilid lang ng aking labi ang kanyang nahalikan. At tinuloy niya iyon.

Bumitiw siya sa pagkakayakap at ang mga labi na lang niya ang dumikit sa akin.

Napapikit ako habang dinarama ang kanyang mga halik sa aking pisngi.

Hindi ako gumalaw.

Hindi ako nagpadala sa init na kanyang ibinibigay sa akin. Hindi ko iyon tinanggap. At napansin niya iyon.

Tumigil si Jessie. Niyakap nya ako at tumagilid hanggang kapwa kami nakatagilid, magkaharap sa kama. Doon ako nagpadala. Tumitig siya sa akin. Ang daming tanong sa mga mata niya. Hindi ko kayang sagutin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin.

Napagod siguro si Jessie. Kaya’t nahiga siya. Nahiga rin ako.

Magkatabi kami sa kama. Parehong nakatingin sa puting kisame ng aking kwarto.

“Bakit mo pinipigilang ibigay sa akin ang pagmamahal mo?” tanong ni Jessie.

“Dahil kay Gabriel lang ito,” sagot ko. “Dahil si Gabriel ang mahal ko.”

Tumahimik si Jessie.

Hindi rin ako umimik.

“Naghintay ako sa iyo kanina,” sabi ni Jessie. “Sabay dapat tayong uuwi ngayon. Naghintay ako. Pero hindi mo man lang ako pinansin. Dinaanan lang ninyo ako si Gabriel. Mukha akong tanga. Nasa college mo ako, hinihintay ka, nandoon ka pero wala ka. O ako ang wala doon, dahil hindi mo man lang ako nakita.”

Napaharap ulit ako kay Jessie.

“Hindi ko alam,” sabi ko.

Na-guilty ako nang kaunti.

“Paano mo malalaman,” sabi ni Jessie. “Para kang lumulutang na kasama si Gabriel.”

Napahiga ulit ako. Ang totoo, wala siyang karapatan sa kung ano man ang nararamdaman ko kung kasama ko si Gabriel. Para naman talaga siyang tanga, kung yun ang iniisip niya, oo nga. Mukha siyang tanga. At hindi ko kasalanan iyun.

“Pero wala na kayo, di’ba?” sabi ni Jessie. “Wala na kayo, pero kung makaasta kayo, parang kayo pa rin.”

“Oo. Wala na kami. At kung paano kami kikilos, huwag ka na sanang maapektuhan. Sa amin na lang iyon.”

“Ang bait mo,” sabi ni Jessie. “Pwede mo namang sabihing wala akong pakialam.”

“Iyun ba ang gusto mong marinig?”

“Oo,” sabi niya. “Para masabi ko sa iyong, mayroon akong pakialam. Dahil pinapaasa ninyo ako. PInaglalaruan ninyo ako. Alam ninyong mahal kita. Tapos maghihiwalay kayo na ako ang dahilan.”

“Hindi ka namin pinapaasa,” sabi ko. “Sorry, Jessie.”

“Kasalanan ko naman,” sabi ni Jessie. “Pwede ko namang pigilan ang sarili ko na huwag umasa.”

Napatingin ako kay Jessie. Nakatitig lang siya sa kisame.

“Pero hindi ko kaya. Hindi ko magawa,” tuloy ni Jessie. “Hangga’t alam ko, hangga’t nararamdaman kong may nararamdaman ka sa akin, hindi mawawala ang pag-asa ko. May nararamdaman ka pa sa akin, diba?”

“Oo.”

Para saan ang pagsisinungaling. Alam naman ni Jessie iyun. Alam ni Gabriel. Sinubukan kong itago sa sarili, pero walang patutunguhan ang pagsisinungaling. Ikinagulat ni Jessie ang honesty. Hindi siya nakapagsalita.

“Gusto mo pa nang mas totoo, minahal kita… mahal kita,” tuloy ko. “At alam mong ayokong mahal kita.”

“Bakit mo inaayawan ang pagmamahal?” tanong ni Jessie.

“Ayaw ni Gabriel na may kahati siya sa pagmamahal ko,” sabi ko. “At kahit ako, kung mararamdaman kong may iba pang mahal si Gabriel, masasaktan ako. Mahal ko si Gabriel, eh. Kailangan siya lang.”

Natahimik kami pareho.

“Ikaw ba, kung mamahalin kita, okay lang sa iyo kahit may minamahal pa akong iba?” tanong ko naman kay Jessie.

“Oo,” nagulat ako sa sagot niya.

Hindi ako naniwala.

“Pero sa pagtagal, siguro, magiging selfish din ako to want you for myself alone,” sabi ni Jessie. “Tapos mag-aaway tayo. At papipiliin din kita. Magmamakaawa akong piliin ako, pero kahit na hindi ako ang piliin mo, alam ko, magiging masaya ako na naramdaman ang pagmamahal mo.”

Magaling magsalita si Jessie. Nakumbinsi niya ako. At natunaw ako sa mga sinasbi niya.

Tumuloy nang pagsasalita si Jessie.

“Mas masakit pa rin na hindi maramdaman ang isang bagay na gusto mo, kesa sa makuha mo ito at mawala sa iyo.”

“Paano ka naman masasaktan sa isang bagay na nawala na hindi mo naman naangkin?”

“Hindi mo naiintindihan,” sabi ni Jessie. “Sa isip ko, naangkin na kita. Akin ka na. Pangarap kita eh. At mas malungkot ang pangarap na hindi naabot, kesa sa pangarap na nakamtan at nawala. Lahat naman natatapos, pero hindi lahat nasisimulan.”

May naramdaman ako sa puso ko. Nasaktan ako. Nadurog. Naramdaman ko si Jessie. Hindi ko napigilang tumagilid at yumakap sa kanya.

Hindi gumalaw si Jessie. Hinayaan lang niya ako. Okay na ako dun.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Kinuha ko ang kamay niya na noon ko lang napansin na sarado pa rin. Nagmamatigas ang kanyang kamao.

Hinawakan ko ang kamay niya. Pinilit kong buksan.

Hindi madali pero natanggal ang kanyang pagmamatigas. Isinalansan ko ang mga daliri ko sa pagitan ng kanyang mga daliri. Hanggang sa humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

“Huwag mo nang sasaktan ang sarili mo please,” pakiusap ko kay Jessie.

“Bahala na,” sagot ni Jessie. “Kahit ano kasing suntok, mas masakit pa rin ang makita ko kayong magkasama ni Gabriel. Na masaya ka rin na kasama siya. Mas masakit na baka mas masaya ka pa.”

“Sorry, Jessie,” sabi ko. “Ayokong umasa ka. Wala akong maipapangako sa iyo. Mahal ko si Gabriel.”

Humarap si Jessie sa akin.

Hinalikan ako sa noo.

Tapos sa ilong.

Natakot akong bumaba siya sa labi, pero hindi niya iyon itinuloy. Ang totoo, umasa ako. Pero mas okay na rin na hindi niya ginawa.

Nagsalita na lang siya.

“Give me a week and I’ll make love me more.”

Hindi ko na matandaan ang huling beses na sumakay ako ng swing. Pero kung kailan man iyon, Ang alam ko, uupo ako, hahawak sa dalawang chains sa gilid. Aatras. Atsaka iaangat ang mga paa. Doon ako magkakaroon ng bwelo para magpanggap na lumilipad, forward and backward. Hindi ko matandaang mayroong nagtutulak sa akin para mapanatili ang masarap na galaw.

Ngayon, nasa likod ko si Gabriel. Malakas ang pagtulak niya, at gustung-gusto ko iyon. Hindi ko lang alam kung bakit pusturang-pustura siya sa playground. Maganda ang jeans niyang halos nakayakap sa kanyang binti. Naka dark long sleeves siya pero nakatupi ang manggas hanggang sa ibaba lang ng kanyang siko. Tama lang din ang luwag ng manggas para humapit ang kanyang braso. Brown leather shoes, na kung sisilip ang medyas, may pattern. Ang ayos din ng kanyang buhok, naka-wax paitaas. Brush up.

Pero lahat ng iyon, kulang kung wala ang kanyang ngiti.

At sa pagsilip ng kanyang ngipin, nakumpleto na ang aking umaga.

Tuluy-tuloy ang kanyang pagtulak na nasasanay na ako sa haplos ng hangin sa aking mukha.

Hanggang sa mapansin kong wala nang tumutulak.

Bumagal ang aking paggalaw, hanggang sa biglang huminto. May pumigil. May lalaki sa likod ko.

Hindi ako agad lumingon. Nakita ko ang kanyang mga paa. Wala siyang suot doon. Malaki ang muscular ang kanyang binti at hita. Wala rin telang bumabalot doon. Tumalikod na ako at tumapat sa akin ang harapang natatakpan ng maliit na swimming trunks. May kaunting buhok na sumisilip doon pataas sa kanyang abs. Alam ko kung kaninong abs ang mga ito. Pero ang tanong ko nalang. Bakit siya nakahubad sa playground? Si Jessie.

Tinulak niya muli ang swing.

Naenjoy kong muli ang hangin sa aking katawan.

Itinuloy ni Jessie ang pagtulak hanggang sa maramdaman kong wala na namang tao sa likod ko.

Unti-unti huminto ang swing.

Tumayo ako at iniikot ang aking paningin.

Nakita ko ang falls. May lalaking lumalangoy. Naka puting brief lang. Kahit na malamig ang gabi, sa ilalim ng bilog na buwan, hindi ako nagdalawang isip. Naghubad ako para sundan siya. Nag-dive ako sa falls. Ngunit malamig masyado ang tubig. Naramdaman kong nanunuyo ang aking binti. Ang sakit. Pinupulikat ako. Hindi ko na nasundan ang lalaking lumalangoy. Lumulubog ako at pinipilit umahon.

Ngunit pag-ahon ko, nasa itaas na ako ng building at sa kabilang building may isang lalaking naka-boxer shorts.Kailangan kong talunin ang kabilang building. Pero mataas, nakakalula. Sinubukan ko pa rin. Hindi ko alam kung saan galling ang tapang ko. Pero hindi ako nakaabot. Sa sobrang takot ko, dumilat ang aking mga mata.

Nagising akong matindi ang kaba.

Tumingin ako sa orasan. Sa oras na iyon, alam kong male-late na ako. Agad akong bumangon, mabilis na naligo. Nagbihis. Pumunta ako sa second floor ng bahay, sa kwarto ni Jessie. Wala na siya. Agad akong bumaba sa kusina. Wala si Jessie. Lumabas na lang ako. Wala ang motor ni Jessie.

Naglalabasan na ang mga kaklase ko sa first subject nang dumating ako. Pumasok pa rin ako. Pero hindi ko na inabutan ang hinahanap ko.

Wala pa rin si Jessie.

Hayaan mo na nga siya.

Siguro, sumuko na siya at tinigilan na ang pag-asa sa akin. Okay naman ako doon. Yun naman ang gusto ko.

Dumeretso na ako sa second subject ko. Kahit na patuloy ang prof sa pagtuturo, hindi mawala sa isip ko kung nasaan na si Jessie. Ang labo naman. Pero kailangan kong alisin si Jessie sa Sistema ko. Kung ako nga tinanggal niya sa kanya. Panahon na para tanggalin ko siya sa akin. Yun naman kasi ang akala niya, tinatanggal ko siya sa buhay ko. Iyun naman talaga. At oo, kinukumbinsi ko lang din ang sarili ko.

Kailangang mawala ang pag-iisip ko kay Jessie. Hindi nakakatulong ang lesson. Hindi nakakatulong ang mga doodles ko sa notebook, na parang mata ni Jessie ang iginuguhit ko. Bura-bura.

Inilabas ko na ang telepono ko sa ilalim ng desk.

Anong oras tapos mo?

Nag-text ako kay Gabriel. Matapos ang tatlong minute, wala pa rin siyang reply.

Hindi siguro ako ang priority ni Gabriel sa oras na ito, sabi kasi, kapag sa loob ng tatlong minute, nagrepl agad ang tine-text mo, sobrang interesado siya. Pero si Gabriel, baka busy sa class.

Pero hindi na makatarungan ang thirty minutes. Wala pa rin siyang paramdam.

Hey, Gab, okay ka lang. Saan ka?

Wala pa ring reply.

Mas okay na ito. Si Gabriel na walang paramdam ang iniisip ko at hidni si Jessie.

Shit, naisip ko si Jessie na naman.

Gab, okay ba tayo? May problema ba?

Wala pa rin.

“Please keep your phone when you are in my class,” sabi ng prof.

Kinabahan ako. Agad kong tinago ang phone ko.

Mabuti na lang at nakita ko ang biglaang mga reactions ng mga kaklase ko. Mukhang hindi lang ako ang nagte-text.Pero tinago ko na rin ang telepono ko.

Natapos ang klase. Bago ko isara ang notebook, napansin ko ang pangalan ni Jessie na nakasulat. To be fair, nandoon din naman ang pangalan ni Gabriel. Isinara ko na. Inilagay sa bag.

Kinuha ko ang telepono ko. Umaasang may reply na si Gabriel. Hala. Wala talaga.

Naglakad na ako papapalabas ng building. Lilinga-linga. Baka nandoon si Gabriel. O kung wala man si Gabriel. Baka mapansin ko si Jessie. At hindi na siya magalit, saktan ang sarili, magdrama na naman na invisible siya.

Pero wala ring Jessie.

Ay, bahala nga kayo. Malaki na rin ako. Nakapasok nga ako kaniang mag-isa, makakauwi rin akong mag-isa.

Nakalabas na ako ng building, naglalakad nang may marinig akong tunog ng kotse. Paparating na ang kotse mula sa aking likuran. Humihinto malapit sa akin.

Finally.

Tumalikod na ako para harapin si Gabriel. Para marinig ang paliwanag niya kung bakit hindi siya nagte-text.

Kaya lang, may isa ng babaeng nagbubukas ng pinto ng kotse. At hindi ito ang kotse ni Gabriel.

Wala talaga. Uuwi akong mag-isa.

Tumalikod ako. Itutuloy ko na ang lakad ko papunta sa sakayan, pero napahinto ako. May lalaki sa harapan ko. Naamoy ko ang kanyang bango, kilala ko na sya, bago ko pa siya makita.

“Sorry, hindi kita nasabay kanina, may kinausap ako,” sabi ni Jessie. “Sakay na.”

Tumingin ako sa kotse. Mukhang hindi naman darating si Gabriel. Sumakay na ako sa motor ni Jessie.

Kumapit ako sa katawan ni Jessie. Ipinatong ko ang ulo ko sa likod niya. Iniisip ko kung bakit wala si Gabriel at kung bakit hindi siya nagpaparamdam.

At naisip ko, finally, si Gabriel na ang iniisip ko. O dahil kasi nandito na si Jessie, kasama ko, kaya’t si Gabriel na ang iniisip ko. Nasaan ka na ba kasi Gabriel at bakit hindi ka nagpaparamdam?

Papadilim na ang paligid. Medyo lumulubog na ang araw. Doon ko lang napansin, iba ang dinadaanan namin ni Jessie. Hindi kami papunta sa Paranaque. Mukhang papunta kami sa dati naming bahay sa Marikina. Pero hindi aabot doon. Umiba na naman ng direksyon si Jessie.

Sa may sementeryo kami lumiko. At sa isang musoleyo kami huminto. Pumasok si Jessie. Sumunod na lang ako.

May bagong mga bulaklak sa loob. Hindi naman siguro tripper itong si Jessie at sa sementeryo ako dinala para mag-date. Wala naman siguro siyang pagkain sa motor niya. Hindi naman siguro ito candle lit dinner, kahit may mga kandilang may sindi pa sa loob.

Pero maganda ang museleyo. Kung hindi lang talaga ito museleyo, e pwedeng mag-date dito ang mga tao. Romantic din iisipin kung dito magpo-propose. 

Lalong nakita ang ganda ng loob nang buksan ni Jessie ang chandelier. 

Granite ang buong paligid. at sa gitna ay may nitso na parang kitchen island. Sa likod nito, may isang krus na gawa sa marble. Ang kaputian nito ay kontra sa itim na granite. May floor to ceiling na mga bintana kung saan pumapasok ang liwanag sa labas. Dahil madilim na, buwan at mga street lamps na ang source ng ilaw. May grills ang labas ng bawat bintana pero kita pa rin ang mgandang mga halaman na tumutubo sa mga garden pockets sa labas. 

Pero kahit sa loob, bawat sulok ay may bulaklak din. Sa harap ng lapida, may mga kandilang may sindi pa. Pero mukhang mga kalahating araw na iyung nasindihan.

Tahimik lang kami.

Doon ko lang sinilip ang pangalan sa musuleyo. Kristina Reyes. At ang araw ng kapanganakan, ngayong araw.

Muli kong tiningnan si Jessie. Tahimik siya. Nagdarasal.

Matapos niyang mag-sign of the cross. Tumingin siya sa akin. Tapos tumingin sa lapida.

“Ma, si Alex po pala,” sabi ni Jessie. “Ang kaisa-isang lalaki… taong minahal ko higit sa iyo. Happy Birthday po ulit.”

Nagulat ako sa sinabi ni Jessie.

“Let’s go,” sabi ni Jessie sa akin.

Napatulala pa rin ako. Ang tagal niyang nagtitipid ng salita, tapos ito? ano ito?

“Huwag ka sanang magagalit kasi,” bitin ni Jessie. “This will be my day one.”  


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With Four Days

CHAPTER57 

Ano na naman kaya ang nakita ni Gabriel?

Last time na hindi siya nagparamdam, nakita niya kaming kumakain ng burger ni Jessie. Ngayon, wala naman akong ginagawa. O baka naman masyadong stressful ang thesis niya. Siguro, kailangan ko muna talaga siyang hindi guluhin para maka-focus sa acads niya. Pero isang text lang naman.

Iyan ang mga iniisip ko kagabi, na-text ko na lahat kay Gabriel, wala namang reply. Kaya ito, pagkagising ko, minumuni-muni ko pa rin. Wala pa rin kasing paramdam. Ano bang problema niya?

Magte-text pa sana ako ng isa pa, nang maamoy ko ang niluluto. Nasa bahay pa si Mama, sigurado ako. Siya lang may kakayanang gumawa nang ganung kabangong lutuin. At amoy iyun ng paborito ko.

Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Hilamos, toothbrush, hindi na ako nagpalit ng sando. Hindi na rin ako nag-contact lense. Salamin na lang muna. Bumaba ako at pumunta sa kusina.

Pero wala si Mama.

Sa dining area ko nakita ang pinanggagalingan ng masarap na amoy. At ang naghahain, si Jessie.

“Tatawagin sana kita pag-prepared na ang lunch,” sabi ni Jessie.

Tumingin ako sa phone ko. Alas-onse na nga. Tanghalian na.

“Si Mama?” hanap ko.

“With Papa,” sabi ni Jessie. “May pinaayos lang.”

Pagkalapag ni Jessie ng ulam. Ngumiti siya at tumingin siya sa akin.

“Favorite mo ito di’ba?” sabi ni Jessie. “Pickles. Recipe ninyo sa Marikina.”

“Oo,” sagot ko.

Tinutuloy talaga niya ang one week. Impress naman ako. Pinagluto nya ako ng paborito ko.

“Good morning di’ba?” sabi ni Jessie sa akin. Napansin niya siguro ang ngiti ko. Hindi ito nawala nang tumingin ako sa mga mata niya.

Napangiti din si Jessie.

Lumapit ako. Kumuha ng kutsara sa table. Hindi na ako nag-serving spoon. NIluto naman ito para sa akin. Pwede kong tikman.

Napatingin sa akin si Jessie at nakita niya kung paano ako nasarapan sa ulam. Nadagdagan pa ang ngiti niya. Ibang ngiti pa sa ngiti niya noong nagkatitigan kami. May iba-iba palang level ang ngiti at nakikita ko ito ngayon kay Jessie. May ingingiti pa pala ang ngiting yon. At nakikita ko iyon sa kanyang mga mata. Hindi ko sinadya, parang nag-ibang level din ang ngiti ko.

“Masarap ha,” sabi ko.

Natawa na si Jessie.

“Hindi ako nagluto, nito,” sabi ni Jessie.

At lumakas pa ang tawa niya nang makitang wala na ang ngiti ko talaga. Basag trip naman ito. Ang sweet na sana ng moment.

“Pero siya ang nag-suggest na iyan ang iluto ko.”

Dumating si Mama na naka-abrisiete sa braso ni Tito Raul. Parang tama ang desisyon kong pagbigyan si Mama na bumalik sa mansion. Masaya talaga siya sa piling ni Tito.

“At tinulungan niya ako,” tuloy ni Mama. “Sabi ko nga, pang pickles, mas malaki sa menudo, mas maliit sa adobo, ayun, marunong naman siyang maghiwa. Check ka dyan Je-Ar.”

“Thanks, Ma,” sabi ni Jessie.

“Upo na,” sabi ni Tito. “Mas masarap ’yan habang mainit.”

Naupo na kami at kumain. Si Tito Raul sa kabisera, sa kanan si Mama, sa kaliwa si Jessie. At ako, napaupo na sa tabi ni Jessie. Hindi na ako nakaikot papunta kay Mama dahil may kalakihan ang mesa.

Madaldal pa rin si Mama. Kwento nang kwento. Sa trabaho niya. Sa mga kaopisina niya. Sa mga tawag na natatanggap na ginagawa niya. At nakapagbigay lang ako ng totoong atensyon nang magkwento siya tungkol sa magtatay.

“Kumusta ka naman sa dalawang ito?” tanong ni Mama. “Hindi ka na ba inaaway?”

Deretsahan naman kasi. Napatingin ako kay Tito Raul. Inabangan ko ang reaksyon niya. Tumingin muna si Tito kay Mama. Natakot ako. Pero nawala rin agad nang tumawa siya.

Tumawa na lang din ako.

“Ito ngang si Jessie,” sabi ni Mama. “Gustung-gusto bumawi. Akala ko, kay Honeybunch ko galing ang roses sa mesa pag-uwi ko, sa kanya pala.”

Andaming nasabi ni Mama. Honeybunch na ang tawagan nila? At may roses si Mama. Bakit? Tumingin ako kay Jessie. Naramdaman ko ang tuhod niyang tumama sa tuhod ko. Parehas kaming naka-shorts kaya’t balat niya ang dumikit sa balat ko. Naramdaman ko pa ang pagdidikit ng mga mga balahibo namin sa hita. May kuryente itong kasabay at nakuryente ako. Ngumiti na naman si Jessie.

Nag-usap ang mga mata namin. Ang lokong ito, nililigawan ang mama ko. Napangiti na rin ako. Pero may taas ng kilay na kasama.

“Inggit ka, no? Ikaw wala,” biro ni Mama. “Huwag ka nang umasa dahil bawal na ang mga kalokohan ninyo.”

“Pero pwede naman silang magmahalan bilang magkapatid,” sabi ni Tito Raul. “At hindi magtatagal, konting panahon na lang. mangyayari na iyon.”

Doon ako nagising sa usapang iyun.

Iba na namang level ito. Nakakadalawang araw pa lang si Jessie, pero parang kailangan na niyang tumigil. Malaking hadlang ang Tatay niya sa relasyon namin kung nagkataon. At parang sang-ayon na si Mama kay Tito Raul.

Ngumiti lang si Jessie. Ngumiti na lang din ako.

Inabutan ko si Jessie sa entertainment area ng bahay. May dalawang malaking sofa set doon, at bean bag. Nakaupo si Jessie sa pangdalawahang sofa habang nakataas ang mga paas sa table. May popcorn siyang kinakain habang nanonood ng mga spaceships na naghahabulan.

“Akala ko ginagawa mona yung paper natin,” sabi ni Jessie.

“You need help with yours? Tara, gawin natin,” sabi ni Jessie.

“Hindi naman, hindi pa rin ako nagsisimula,” sabi ko. “Tinatamad pa rin ako. “Mamayang gabi na. Sa Monday pa naman yun. Kahit bukas ko pa gawin.”

“Nice,” sagot ni Jessie. “Ako bukas pa rin.”

Umupo ako at nakinood. Every once in a while, tinitingnan ko ang phone ko. Wala pa rin kasing paramdam si Gabriel. Hindi rin naman ako sumusuko sa pangungulit. Hindi pa naman ako nagagalit.

“Have you seen this, nagma-marathon ako ng episodes 3-5. Start pa lang,” sabi ni Jessie.

“Hindi pa,” sagot ko. “Pinanood namin ni Mama yung 1, 2 and 3. Pero hindi ko na rin maalala ang mga nangyari. Tagal na rin kasi noon at bata pa ako.”

“Huwag mo nang tingnan ang phone mo,” sabi ni Jessie. Nakita niya akong dinukot na naman ang phone ko sa bulsa. “Hindi na magre-reply yun.”

Ngumiti na lang ako at sinamahan ko siyang manood.

Inabutan niya ako ng popcorn. Merienda na naman. Kumuha na rin ako.

“Will you sit beside me kung yayayain kita sa tabi ko?” tanong ni Jessie.

Hindi na ako sumagot.

Umalis ako sa inuupuan ko at naglakad patungo sa tabi niya. Ipinatong ko na rin ang ulo ko sa balikat niya.

“Thank you,” sabi ni Jessie.

“Salamat din sa pagtulong mo kay Mama,” sabi ko. “At sa pag-suggest mo ng ulam kanina.”

“Oh, wag mo muna akong mahalin,” sabi ni Jessie. “Day two pa lang.”

“Ang yabang mo,” sabi ni Jessie. “Para namang may pag-asa tayo.”

“Paanong pag-asa tayo?” tanong ni Jessie.

“Magkapatid lang tayo,” sabi ko. “Hanggang doon lang. Sabi ng Papa mo. Sabi ng Mama ko.”

Inalis ni Jessie ang ulo ko sa balikat niya. Iniangat niya ang braso niya at iniakbay sa akin, sabay tulak sa akin nang mas malapit sa kanya. Napasandal ako sa dibdib niya. Matigas. Tinablan ako. At ang amoy. Mabango. Nakakainis.

Tiningnan ko siya sa mukha. Masayang-masaya siya.

“Ano ito?” sabi ko. “Kasasabi ko lang na wala tayong pag-asa.”

“Atsaka mo na isipin yun,” sabi ni Jessie.

Nagtaka ako. Anong ibig nitong sabihin?

“Akala ko kasi, wala tayong pag-asa kasi wala akong pag-asa sa iyo,” sabi ni Jessie. “Parang meron na yata.”

Ang yabang nito.

Tinangka kung umalis sa katawan ni Jessie. Pero naramdaman niya iyun. Bumigat ang pagkakaakbay niya sa akin. Ibinalik ako sa kanyang dibdib.

“Wala na,” sabi ni Jessie. “Wala nang bawian.”

Hindi ko alam, pero napangiti na lang din ako.

Maganda naman pala ang pelikulang ito.

Gumising ako na nag-iisip. Ano naman kaya ang paandar ni Jessie ngayon? Wala namang naggigising na amoy. Mukhang one-time-big-time ang best way to a man’s heart is through his stomach. Bumangon na ako at kinuha ang telepono ko. Mainit kaya nagpatugtog muna ako habang dumeretso na ako sa paliligo. Tanghali na rin kasi.

Lumabas ako ng kwarto, at naghanap ng tao. Maliban sa mga kasambahay, wala ang mga taong hinahanap ko. Note na lang sa may ref ang naiwan mula kay Mama.

May pickles pa sa ref. Init mo sa toaster, wag sa microwave. Iwas radiation. Love you Anak.

“Kuya, ako na po,” sabi ni Mabel na biglang sumulpot.

“Salamat. Ako na lang,” at ginawa ko ang mga utos ni Mama.

“Kuya, sorry dun sa mga projects mo ha,” sabi ni Mabel. “Hinabol ko pa kaya lang, hindi na rin makita doon sa tambakan.”

“Hayaan mo na yun,” sabi ko. “Tapos na naman yun. Di rin naman mga kaganahan.”

Tumawa ako nang kaunti para hindi naman sumama ang pakiramdam ni Mabel. Pero ang totoo, medyo nanghihinayang ako. Yung mga plates kasi na iyun ang katibayan na may mga kaya pala akong hindi ko alam hangga’t subukan ko. Pero wala na. hayaan na. May magagandang bagay pa naman na pararating. At mas mahihirap na plates.

Tumunog ang oven toaster. Naghain ako para sa sarili ko.

“Kain,” yaya ko kay Mabel na ngumiti lang. “Si Jessie ba, kumain na?”

“Hindi ko pa po nakikita si Sir,” sabi ni Mabel. “Kung okay na po kayo…”

“Ayos lang ako. Malaki na ako,” sabi ko.

Pero ang totoo parang hindi. Hindi na nga nagre-reply si Gabriel. Nawawala pa si Jessie. Ayoko naman i-text si Jessie. Nasabihan na ako ng ‘Paasa’ ayoko namang magkatotoo pa iyun.

Kinagabihan, matapos ang dinner na wala pa rin akong kasama, ginawa ko na ang paper ko. Patapos na ako nang may kumatok. Nanlaki ang mga mata ko. Lumundag ang puso ko. Buti at may rib cage ako at hindi ito nalaglag. Sana si Jessie.

Binuksan ko ang pinto. Napangiti ako.

“Liitan mo ’yan,” sabi ni Jessie. “Baka mapunit ang bibig mo.”

Nakaginupit na shirt ulit siya at shorts. Mukhang katatapos lang mag-workout. Hindi ko napigilang tumingin sa mga cuts sa braso niya, at sa guhit sa gilid ng dibdib niyang sumisilip sa nawalang manggas.

“Saan ka galing?” tanong ko na medyo napahiya.

“May inasikaso lang,” sagot niya. “Bakit mo ako hinahanap? Sa Day 5 pa yan.”

“Hinahanap ka diyan,” sabi ko. “Magtatanong lang ako sa paper natin.”

“I’m done with it,” sabi niya. “Read my work later. Tara na muna, bilis.”

Nakasando lang ako at boxer shorts nang hilahin niya ako. Nagpahila naman ako. Pumunta kami sa may terrace sa second floor. Tumungtong siya sa pasimano at kumapit sa may bubong. Hinila niya ang sarili niya pataas.

“Hindi,” sabi ko. “Hindi ko kaya yan.”

“Kinaya mo nga ako noon,” sabi ni Jessie na inaabot ang kamay kong hindi ko magawang itaas.

“Hindi ko talaga kaya,” ulit ko. “Takot ako dyan. Manginginig ako.”

Sa isang mabilis na galaw, nakababa si Jessie sa bubong.

“Sorry,” sabi niya.

Nakita kong disappointed siya.

“Hawakan mo ako,” sabi ko. Patalikod akong kumapit sa pasimano. Ito ang literal na pikit matang ginagawa ang mga bagay-bagay. Nakapikit talaga ako. Hinawakan ni Jessie ang kamay ko. At nang nakatayo na ako. Pinilit kong maging steady.

Doon tumuntong si Jessie sa pasimano at umangat ulit sa bubong. Ang lakas niya, at ang bilis. Sandal lang niya nabitawan ang kamay ko, at nahawakan niya ulit.

“Come on,” sabi ni Jessie.

Hindi ko talaga kaya. Pero gusto kong subukan.

“Dumilat ka kasi,” sabi ni Jessie. “Dapat tingnan mo sa mata mo ang kinatatakutan mo, hanggang sa mawala ang takot mo.”

“Tulad ng ginawa ko sa’yo dati,” sabi ko.

“Oo,” sabi niya. “Pero pwede mo rin akong titigan ngayon na hindi takot ang makikita ko. Try mo, love na ang makikita mo.”

Unti-unti akong dumilat. Alam kong nakangiti ako. Inilgay ang isa kong kamay sa bubong, at ang isa, nasa kamay ni Jessie na humihila sa akin pataas.

Mablis din akong nakaakyat. Sobrang bilis, na paghila sa akin ni Jessie ay natumba kaming parehas. Napadapa ako sa kanya.

Magkatitig pa rin kami. At oo, may love nga.

Malakas na kalabog ang dumadundong sa mansion dahil sa pagbagsak namin sa bubong. Napalabas tuloy sina Ate Mabel.

“We’re okay,” sigaw ni Jessie.

Ako, hindi ko magawang tumingin sa mga naglabasang kasambahay.

“Tingin ka lang sa mga bubong. Isipin mong hindi ito mauubos, para hindi ka matakot,” sabi ni Jessie habang inaalalayan niya ako.

Nakarating kami sa isang comforter na nakalatag sa bubong. Pinaghandaan niya itong gabing ito. At doon ako napatingin kay Jessie.

“Anong meron sa Day three?” tanong ko.

“Higa tayo,” sabi ni Jessie.

Nauna na si Jessie sa paghiga. Dahan-dahan, tumabi ako sa kanya. Inilagay ko ang mga kamay ko sa ilalim ng ulo ko para higaan. Ginaya ko lang siya.

“Ayaw mo na ba dito?” tanong ni Jessie habang tinatapik ang dibdib niya. “Pinatigas ko pa naman ito para impressive.”

“Sige na nga,” sabi ko. “Pero pag malaki na rin ang dibdib ko, ikaw naman ang pahihigain ko dito.”

“Oo ba,” sabi ni Jessie.

Humiga ako sa dibdib ni Jessie. Matigas nga. Pero gusto ko ang pakiramdam doon. Parang kahit nasa mataas na bubong kami, ligtas ako. At mahirap na mangyari yun sa mga tulad kong takot sa heights.

At napag-usapan namin ang mga bagay na kinatatakutan namin. Napag-usapan din namin ang workout. Ang diet. Ang pangarap niyang katawan. Ang pangarap niya. Ang pangarap ko. Ang University. Ang paper namin. Ang mga kaklase namin. Ang Tax na kahit nag-aaral pa lang kami ay binabayaran na namin. Ang gobyerno. Then ang universe.

Iyon ang pinakamagandang usapan. Kung tutuusin, perpekto ang gabing ito para sa mga nafa-fascinate sa ganda ng kalawakan. Hugis suklay lang kasi ang buwan. Hindi masyadong maliwanag. Kitang-kita ang napakaraming bituin kahit nasa city kami. Ang ganda.

“When you look into the universe,” sabi ni Jessie. “The universe also looks into you.”

“The abyss kasi yun,” sabi ko kay Jessie. “Nabasa ko yun, favorite ko kaya si Friedrich Nietzsche.”

Natawa siya at napatingin sa akin. Napatingin din ako sa kanya.

“Now my universe is looking back at me.”

Medyo matagal siyang tummitig sa akin. At parang nakita ko rin ang aking mundo sa kanyang mga mata. Alam ko na kung saan ito papunta. Napahinga ako nang malalim. Hindi ito pwede. Pero hindi ko kayang balewalain si Jessie.

“Hindi universe yan,” sabi ko. “Contact lense ko lang yan.”

Nangiti si Jessie lalo. At natawa.

Naputol ito nang dumaan ang isang shooting star.

“Magwish ka,” sabi ko.

Pero mabilis naglaho ang bulalakaw.

“Wala na,” sabi ko ulit. “Nakadaan na.”

“Ang hirap naman kasi,” sabi ni Jessie.

“Anong mahirap?”

“Magwish pa,” balik ni Jessie. “May script na kasi ako para sa mga wish granting devices na yan. Shooting Stars, Lucky Hours like 3:33 or 11:11. Dandelions. Kahit nga nahulog na pilik-mata, pinapatulan ko na.”

“Eh bakit hindi mo ginamit ang script na iyun sa shooting star?”

Ngumiti lang si Jessie. 

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi ko kasi naintindihan ang ngiting iyon.

“Bakit kaya?”

Hindi ko na p-in-ursue ang usapan. Tumuloy na lang ang kwentuhan namin kung saan kami natigilan nung may dumaang falling star. Maganda pa rin naman ang mga kwento niya.

Bacon and eggs ang breakfast namin kinaumagahan. Maaga ang gising ngayon. Mabilisan dapat ang kilos. Mahaba pa ang biyahe. Hindi naman namin gustong ma-late.

Naipasa naman namin ang papers namin. Matapos naman kasi namin magkwentuhan sa bubong, tinapos ko pa ang sa akin para maipasa ngayon. Sinamahan din ako ni Jessie sa kwarto habang tinatapos ang assignment ko.

Lunch, sa burger stand ulit kami. Ibang burger naman ang sinubukan ko. Kahit mas mahal, okay lang, may service naman ako pauwi. Tuloy ang kwentuhan namin nang may pamilyar na kotseng dumaan. Huminto nang sandal, tapos umalis din agad.

“That’s Gabriel,” sabi ni Jessie.

Hindi na ako nagsalita. Gustung-gusto kong ilabas ang telepono ko para tanungin na siya. Nakita na niya ako, sigurado. Pero umiwas pa rin siya.

“Hindi ka rin niya kayang tiisin,” sabi ni Jessie. Napansin siguro niya ang iniisip ko.

“Alam ko,” sabi ko. “Hindi ko rin siya kayang tiisin.”

“E di i-text mo na,” sabi ni Jessie.

Ginawa ko ang sinabi ni Jessie. Napangiti siya habang pinapanood ako. Wala akong nakitang lungkot sa pagtingin niya sa akin habang kinokontak ko si Gabriel. Alam kong apektado siya. Ayaw lang niyang ipakita. Trying to be cool ang atake niya. Sensitive naman ako. Tinago ko ang telepono ko. Alam ko namang hindi magre-reply si Gabriel.

Si Jessie na lang ang nagreply sa pagkawala ni Gabriel.

Hanggang sa pag-uwi, magkasabay kami ni Jessie. Hanggang sa pagkatapos kumain. 

Hanggang sa pagpasok niya sa kwarto ko.

“Wala naman tayong homework diba?” paalala niya.

“Wala naman.”

“You sill have anything to do for your other class?” 

“Wala rin naman.”

“Tara,” sabi ni Jessie. “Pahabain pa natin ang gabi.”

Lumabas kami ng bahay at pumunta sa garahe. Inilabas niya ang kanyang motor. tapos itinuro niya ang mga bahagi nito. Throttle, brake, clutch at iba pa. 

“Marunong ka namang magbisikleta diba?”

“Marunong naman,” sagot ko.

“O sakay na,” utos niya

Sumunod naman ako. Siya naman, nanatili sa gilid ko.

“Mahalaga ang right hand para sa acceleration at break,” turo niya sabay hawak sa kamay ko namay kasabay na pisil kun gpaano gamitin ang mga sinasabi niya.

Marami siyang sinasabi pero hindi ko alam kung bakit hindi ko naririnig, siguro dahil sa madalas na pagdikit ng katawan niya sa akin. Nag-iiba ang pakiramdam ko. 

At tuwing titingin siya sa mata ko…

“Huwag ka munang magwapuhan sa akin,” sabi ni Jessie. “May time tayo para dyan. Makinig ka. This can save your life.”

Ang hirap naman kasing hindi magwapuhan sa kanya sa pagkakataong ito. 

Pero hininaman kasi mahalaga ang mga pinagsasabi niya.

Umangkas siya sa likod ko at sinimulan naming patakbuhin ang motor. 

Malamig ang hangin sa gabing ito, pero iba ang init ng katawan ni Jessie na nakapatong sa aking likuran. Iba ang mga pihit ng kanyang mga kamay na nasa ibabaw ng aking mga kamay. 

Kaya naman kahit marahan lamang ang aming takbo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

“Saan ka ba kinakabahan?” tanong ni Jessie. “Sa motor o sa akin?”

“Ewan ko sayo,” sagot ko.

Nakangiti ako. Alam naman kasi ni Jessie ang sagot. Wala nang dahilan para magpakipot.

Magkasama pa rin kaming bumalik sa loob ng bahay. Inihatid niya ako sa kwarto. At iyun, naghiwalay lang kami nang matutulog na.

Mag-a-alas-onse na. Iyun na ba iyun? Iyun na ba ang paandar ni Jessie ngayong araw. Okay naman. Hindi naman sa naghahanap ako ng more. Pero parang… Sige na nga. Masaya naman ang araw ko.

Nakahiga na ako sa kama ng tumunog ang phone ko. Call. Baka si Gabriel na. Finally.

“Hello,” bati ko.

“Si Jessie ako,” sabi ng nasa kabilang linya.

“O bakit?” tanong ko. “Sana kumatok ka na lang.”

“Gising ka pa ba?” tanong ni Jessie.

“Tulog na,” sagot ko.

“O gising ka muna,” sabi ni Jessie.

“Gising pa ako, syempre,” sabi ko. “Hindi naman ako nakikipag-usap nang tulog.”

“Ano nang ginagawa mo? Papatulog ka na ba?”

“Nakahiga na ako. Oo, papatulog na rin.”

“Bangon ka muna,” sabi ni Jessie. “Para makapasok pa ang Day four ko. Wala pang midnight.”

“May pasok pa tayo bukas,” sabi ko.

Ang totoo, excited ako. Sabi ko na nga ba. Hindi pa tapos ang araw.

Nagbusy na ang telepono. At ang mga beep sa kabilang linya ay napalitan ng mga katok sa pinto.

Tayo ako. Lapit sa pinto. Bukas.

Blurred pa ang itsura ni Jessie sa akin. Nakasando siyang black at boxer shorts. Mukhang bagong gym pa rin ang katawan niya. Ito ba ang pang day four niya. Magiging sexy siya sa paningin ko?

Hinawakan niya ako sa braso at hinila.

Papunta sa kwarto niya.

Hindi ko nakikita nang malinaw ang buong paligid. Bukod sa gabi na, wala akong salamin o contacts na suot.

May mga bago sa kwarto ni Jessie mula nang huli akong mapunta dito. May mga art works na. At may kakaibang amoy. Pagkain na naman. Paborito ko.

“Pansit?”

“Sabi ni Mama, mahilig ka rin sa pansit,” sabi ni Jessie. “Midnight snack sana, pero dahil pang day four ito, early midnight snack na lang.”

“Okay, pero balik lang ako sa kwarto,” paalam ko. “Kunin ko lang salamin ko.”

“No,” sabi ni Jessie.

Sabay abot sa akin ng isang maliit na kahon.

“Open it,” Utos ni Jessie.

“Hindi ko ito makikita,” sabi ko.

“Just open it,” sabi ni Jessie.

Hindi na ako tumutol. Binuksan ko.

Napangiti ako sa regalo niya sa akin. Alam niya. Hindi nakalimutan ko na ito, pero siya, hindi niya nalilimutan. Ito ang salamin ko dati. Ang salamin na nabasag. Hindi, hindi nabasag. Binasag niya.

“Naka-frame pa rin yung salamin mong totoo, naghanap lang ako ng kaparehas na design,” sabi ni Jessie.

“Saan ka nakahanap?” tanong ko. “Naghanap ako nito, wala akong nakita.”

“Maliit na bagay ang paghahanap niyan,” sabi ni Jessie. “Mapapalitan yan, pero yung mga nagawa ko sa iyo, hindi. Forver na iyun.”

Sinukat ko. Tama ang grado. At nakita ko nang malinaw ang pagsisisi sa mukha ni Jessie.

“Sorry for all the hurt I’ve done to you,” sabi ni Jessie. “Kahit kailan, alam ko, hindi ko na maibabalik ang oras para alisin ang sakit na nagawa ko sa iyo. Para mawala na ang mga iyon sa ala-ala mo. Pero kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, pagbabayaran ko iyon araw-araw. Mula ngayong day four hanggang day five, day ten, day one hundred… one thousand… till all the days end.”

“Tapos na iyun,” sabi ko. “Nakalimutan ko na. Iba na ang ala-ala ko sa iyo.”

At doon ko lang napansin ang mga bagong art works sa kwarto niya. Hindi sila mga paintings o kung anumang gawa ng kung sinong artist. Ako ang may gawa ng mga iyon. Ang mga plates ko. Nakuha ni Jessie. Pina-frame. At ngayon, nakapalibot sa kwarto niya.

“Jessie…”

Hindi ko na nadugtungan ang gusto kong sabihin dahil hindi ko talaga alam ang isusunod ko.

“Nagustuhan mo ba?” Tanong ni Jessie. “Sa iyo pa rin ang mga iyan. Hiniram ko lang. Ang ganda eh.”

“Akala ko, naitapon ni Mabel…” sabi ko.

“Hinanap ko yung truck na kumukuha,” sabi ni Jessie. “Hindi naman mahirap…”

Siya naman ang hindi na nakapagtuloy ng sinasabi dahil niyakap ko na siya nang mahigpit.

Maganda naman pala ang mga gawa ko, lalo pa’t pinaganda ni Jessie.

Iyun na lang ang binaon kong ala-ala ng day four. Hindi kasi ako nakatulog kahit na naghiwalay na kami. Inalis niya ang mga plates ko sa ding-ding niya at dinala sa kwarto ko. Pinapili ko siya ng isa, yung pinakagusto niya. Iyun na lang ang pasasalamat ko. Hindi ko pa kasi kayang ibigay ang hinihingi niya.

“Mahal ko pa si Gabriel,” sabi ko.

“Okay lang,” sabi ni Jessie. “May bukas pa.”

Alam kong malungkot siya na lumabas ng kwarto ko. Ito na kasi ang best na ginawa niya para sa akin. At pakiramdam ko, sa higpit ng yakap ko sa kanya. Sa sayang naidulot niya sa akin. Sapat na iyon para makalimutan ko na ang nararamdaman ko sa karibal niya. Pero parang hindi pa. At naipamukha ko iyon kay Jessie bago kami maghiwalay. Alam kong napakasama ko. Nagi-guilty ako. Pero ito yata ang kabayaran ng pagpapakatotoo.

Lahat nang ito, na-text ko kay Gabriel. Pero wala siyang reply.

Kaya ito, dilat na dilat ako habang naga-alarm ang cellphone ko. Hindi ko pa kasi ito tinutulugan.

Mabagal akong kumilos para magbihis at pumasok. Pagdating ko sa dining area para kumain, may iba. Wala si Jessie. Lagi naman kaming sabay dito sa breakfast. Ibig ba sabihin nito, wala rin akong kasabay pumasok?

Si Tito Raul ang dumating at sumabay sa akin. Sinamahan niya akong kumain. Hindi ako masyadong komportable, pero sinubukan kong hindi iyon ipakita.

“Umalis na si Jessie,” sabi ni Tito. “May aasikasuhin. Ako na lang ang maghahatid sa iyo para hindi ka ma-late.”

“Hindi na po, okay lang ako,” sabi ko.

Ayoko ng awkward moment sa sasakyan. At mahaba-habang awkward moment ang Paranaque hanggang QC.

At iyun na nga ang nangyari.

“Kumusta kayo ni Je-Ar?” tanong ni Tito Raul habang nasa sasakyan niya kami.

“Okay naman po,” sagot ko.

“Kinausap niya ako kahapon. Medyo mahaba-habang usapan.”

“Ang dami po kasi niyang time eh,” bulong ko.

“Ano yun?”

“Ay wala po.”

“Iyun nga,” sabi ni Tito Raul. “Mahal ka pa rin daw niya. At yung mahal na hindi tulad nang ipinakiusap ko sa kanya. Mahal ka daw talaga niya.”

Kinabahan ako. Anong oras kahapon nanganap ang usapan? Kaya ba wala si Jessie ay tinago na siya ni Tito Raul? Ano pa ba ang kayang gawin ni Tito Raul kay Jessie. Noon kasi ay hindi napigilan ng pagiging mag-ama nila ang pambubugbog niya sa anak niya. Ano pa? Ano pang magagawa ni Tito kay Jessie?

“O para kang nakawitness ng krimen,” sita ni Tito Raul.

“Nasaan po si Jessie?” tanong ko.

“Hindi ko alam,” sabi ni Tito Raul.

Sabay nagbigay siya ng kakaibang ngiti.

Hindi na tumigil ang dibdib ko sa pagkaba. Gusto kong magtanong, pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. Si Tito Raul na ang bumasag ng katahimikan sa loob ng sasakyan.

“Anong iniisip mo?” tanong ni Tito.

“Anong oras po kayo nag-usap ni Jessie?” tanong ko.

“Pinuntahan ko siya sa kwarto niya kagabi,” sabi ni Tito Jessie. “Habang sinasabit yung regalo mo daw na plate sa kanya. Ang husay mo pala gumawa. Bakit hindi ka mag-shift sa arki, para parehas na kayo?”

“Ilang plate po?” tanong ni Jessie.

Sinisiguro ko lang. Kung marami kasi, yun ay bago ako pumasok sa kwarto niya. Kung isa lang naman, iyun ay pagkagaling na ni Jessie sa kwarto ko. Baka iyun na ang huling pagkakataon kong makita si Jessie.

“Buhay pa si Jessie,” sabi ni Tito Raul.

Ngumiti si Tito Raul sa akin. Hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero magaan ang ngiting ito. Hindi nakakatakot.

“Mahal ko ang anak kong iyon,” tuloy ni Tito Raul. “Mali lang ang pagmamahal kong ginagawa. Nasasaktan ko siya. Akala ko kasi, yung pagmamahal ko lang ang tama. Naging malupit pala ako. At nadamay kita. Anak… okay lang bang tawagin kitang anak?”

Tumango ako. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil okay lang talaga. Basta tumango na lang ako.

“Sorry ha,” sabi ni Tito Raul. “Gawin mo kung ano ang makakapagpasaya sa iyo. Basta walang masasaktan na ibang tao. At pinayagan ko na si Jessie na gawin din ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.”

Hindi pa rin ako nagsalita.

Nakarating kami sa Campus. Huminto ang sasakyan. Tumingin si Tito Raul sa akin.

“Sa inyo ni Veronica ko natutunan ang mas magandang paraan ng pagmamahal. Salamat.”

Niyakap niya ako. Napayakap din ako.

“Salamat po, Tito Raul sa pagmamahal ninyo kay Mama.”

“At mamahalin din kita parang tunay na anak,” sabi ni Tito Raul. “Kaya kung okay lang, tawagin mo na rin akong Papa. Sana hindi ikagalit ng Daddy mo at baka masapak na naman ako.”

“Tito Papa na lang,” sabi ko.

“Okay na ’yun,” sabi ni Tito Raul.

Naghiwalay kami ni Tito Raul at pumasok na ako sa klase. Hindi ko nakita si Jessie sa classroom. Hindi ko siya nakitang naghihintay sa akin nang dumating ang oras ng uwian.

Hindi na ako nakatiis, habang nasa bus ako pauwi, ag text ako.

“Nasaan ka?”

Walang reply.

“May problema ba tayo?”

Wala pa rin.

Marami pa akong na-text.

Wala pa ring reply.

Hanggang sa makarating ako sa bahay.

Hinanap ko si Jessie, pero wala siya.

Nasaan si Jessie?

Parang hindi maganda ang araw na ito.

May nakita ba si Jessie na hindi niya nagustuhan?


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One with The Blanks

CHAPTER58

Paanong nangyari na last week lang, nasa akin ang lahat, tapos ngayon, gumigising ako na parang wala nang naghihintay sa akin?

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagising ako na nasa dibdib ko ang telepono. Pero hindi tulad noong nakaraan, si Gabriel ang nasa loob nito. Ngayon, si Jessie ang hinihintay ko. At parehas sila. Walang paramdam buong magdamag.

Nandyan lang silang dalawa noong nakaraan, ngayon parehas na silang wala.

Ang totoo, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Mayroon ba akong dapat sisihin. Mayroon bang may kasalanan? Wala naman. Wala namang gumawa ng mali. Walang mali. Pero bakit ko nararamdaman ito? Bakit ako nasasaktan?

Kasi, nag-expect ako.

Ito siguro ang sakit na nararamdaman ni Jessie sa ginagawa ko sa kanya. Hindi ko naman sinasadya na umasa siya. Ginusto niya iyun. Kaya sana hindi naman niya ako ginagantihan.

Pero ibig sabihin ba nun, ginugusto ko rin ito? Pinipili ko rin bang umasa?

Ang sakit-sakit naman pala nito.

Kaya naman hindi ko na inisip na mayayakap ko si Jessie habang nakaangkas ako sa motor niya papasok sa campus. Hindi ko na inisip na makakasabay ko siya kumain. Hindi ko na inisip makikita ko si Jessie sa paglabas ko ng kwarto.

At iyun. Wala nga siya paglabas kong kwarto.

Pagdating sa dining area, wala din siya.

Wala ring ingay ng motor.

Wala. Wala rinang pagsubok kong hindi umasa. Pinigilan kong hindi umasa, pero umasa pa rin ako. At eto ako. Umasa sa wala.

Pero bumusinang muli ang sasakyan ni Tito Raul. Tito Papa na pala.

“Hindi umuwi si Jessie,” sabi ni Tito. “Sabay na kita, kailangan ko ring daanan ang mama mo.”

“Salamat po,” sabi ko.

Sumakay ako sa kotse.

Nag-iisip pa rin ako.

Nagsalita si Tito Papa.

Hindi ko narinig.

“May problema ba sa school?” tanong niya.

“Wala naman po,” sagot ko.

“Para kasing ang lalim ng iniisip mo.”

“Wala naman po. Kulang lang sa tulog.”

“Ah, sige tulog ka na lang pagbalik mo,” sabi ni Tito. “Nagkita ba kay ni Je-Ar kahapon?”

“Hindi nga po, eh,” sagot ko at hindi ko na rin napigilan. “Hindi po ba siya umuwi?”

“Hindi,” sabi ni Tito. “Hindi ba nagpaalam sa iyo? Sa Boarding house niya siya natulog. May inaayos.”

“Hindi po siya nagsabi,” sagot ko.

“Namimiss mo na ba ang kapatid mo?” tanong ni Tito.

May kakaibang bugso sa loob ko ang sinabi ni Tito. Oo nga. Namimiss ko si Jessie. At oo, kapatid ko siya.

Tumango lang ako. Alam na ni Tito Papa yun.

“Namimiss ka rin nun,” sabi ni Tito Papa. “Pero mayroon siyang mga kailangang gawin din para sa sarili niya. May mga desisyon siyang kailangang gawin, para sa iyo, para sa akin, para sa pamilya natin.”

Hindi ko naunawaan ang last part ng mga sinabi ni Tito Papa. Mas nag-focus ako dun sa sinabi niyang namimiss din ako ni Jessie. Pero nagpatuloy si Tito Papa sa pagsasalita.

“Ikaw din,” sabi niya. “Magdedesisyon ka. Kapatid mo si Jessie. Pwede mo siyang mamiss. Pwede mo siyang mahalin. Pwede mo siyang makasama habang buhay sa iisang bahay. Sa bahay natin. Kasi kapatid mo siya.”

Napatingin ako kay Tito Papa. 

Tumingin din siya sa akin. Ngumiti. 

Ngumiti din ako. Pero may kakaibang sakit sa dibdib ko.

“Opo,” sabi ko. “Kapatid ko po si Jessie.”

Nakaupo na si Jessie sa tabi ng uupuan ko nang dumating ako sa classroom.

Pinilit kong hindi ngumiti. Pinilit kong isipin ang sinabi ni Tito Daddy, ng tatay niya. Iniba ko ang nararamdaman ko. Pinilit kong magalit. Pinilit kong hindi siya pansinin.

“Huwag mo nang pilitin, ngumiti ka na,” sabi ni Jessie.

Napatingin lang ako sa kanya.

Tumitig lang din siya sa akin.

Unti-unti, ang ngiti niyang tikom ay nagpasilip ng mapuputi niyang mga ngipin. Sumasabay na rin ang kanyang mga mata. Magaganda ang mga ngiting iyon. Hindi ko nakayanan. Sumuko ako. Ngumiti na rin ako.

“Anong problema mo?” sabi ko.

“Miss mo ako?” tanong ni Jessie.

Inilabas ko na lang ang notebook ko at pencil. Binuksan ko ang ang notebook, iniumang ang lapis sa papel, kahit wala naman akong isusulat. Unti-unti akong tumingin kay Jessie.

Nandoon pa rin ang titig niyang nakangiti.

Sumuko na naman ang katawang lupa ko. Pinilit kong hindi ibuka ang bibig ko. Pero alam kong basang-basa niya sa mga mata ko ang nararamaman ko.

“Sabihin mo na kasi,” sabi ni Jessie.

Ang ngiti ko ay napalitan ng pagkabagabag. Inalis ko ang tingin ko kay Jessie at bumalik sa papel na nagkakaroon na ng sulat na walang kahulugan.

“Hinatid ako ni Tito Daddy kanina,” sabi ko. “Nakapagdesisyon ka na ba?”

“Hinihintay pa kita,” sabi ni Jessie. “Hindi pa tapos ang seven days ko, hindi ba?”

Hinawakan ni Jessie ang kamay kong may hawak na lapis.

“Yung desisyon mo, whatever that is,” tuloy ni Jessie. “Sana hindi pa final. Patapusin mo muna ang mga araw ko. may bukas pa naman eh.”

Tumingin ako kay Jessie. Nahiya ako. Bakit ang aga kong nagdesisyon sa harap ng tatay niya? 

“Nakapagdesisyon ka na ba?” tanong niya.

“Hindi,” sabi ko na may muling pagtitig kay Jessie.

“Hindi?” balik ni Jessie sa akin na may kasamang ngiti sa mga labi niya.

Inalis ko na ang tingin ko kay Jessie at bumalik ako sa notebook kong nadidiinan ko na ng lapis. Iniba ko na lang ang iniisip ko. At ang pag-iisp, nahaluan ng ibang pakiramdam. Hindi pagkagulo, hindi galit. Lungkot. Frustration. Inis. Lungkot. At nasabi ko na bang… Lungkot?

“Hindi mo ako pinatulog,” sabi ko. “Nagme-message ako sa’yo. Hindi ka nagre-reply. Ano yun? Apat na araw kang…”

Hindi ko alam ang salitang gagamitin ko. Manliligaw ba? Magpapaka-sweet? Magpaparamdam ng pagmamahal?

“Tapos,” tinuloy ko na lang na parang fill in the blanks.

“Tapos, bibitawan kita?” tanong ni Jessie.

Nawala ako sa sinusulaat ko. Wala naman talaga akong sinusulat pero natigil ang pagpapaitim ko sa page ng notebook ko.

“Binitawan mo na ba ako?” tanong ko, pero hindi pa rin ako tumitingin kay Jessie.

“Seven days diba?” sabi ni Jessie. “At sinabi ko naman sa iyo, sa fifth day, you will miss me. Effective pala.”

Napahinga ako nang malalim. Oo, tama siya. Sinabi niya nga iyon. Nadaanan lang, pero sinabi niya. May kaunting kiliti sa puso kong sumabay sa pagkabunot ng tinik na nararamdaman ko. At ang kiliti, nagbigay sa akin ng ngiti. Pero hindi ko iyon ibibigay lang basta-basta.

“Ang sama mo,” sabi ko. “Hindi kita namiss. Pinag-alala mo lang ako.”

“Okay na rin yun,” sabi ni Jessie. “Nag-aalala ka na sa akin.”

“Dati na naman yun,” sabi ko. “Kaya nga kita binalikan nung…”

Isa na namang fill in the blank. Ayoko nang sariwain ang pambubugbog sa kanya ng tatay niya. Pero paalala iyon ng totoo naming sitwasyon. Ang hindi ko pinakikitang ngiti, ay tuluyan na namang nawala.

“Jessie, magiging magkapatid na tayo,” sabi ko.

“Iniisip mo na ba yun?” tanong ni Jessie. “Huwag na muna.”

Dumating ang professor. Iba na ang dapat isipin.

Nang matapos ang class. Hindi pa kami tumayo agad ni Jessie. Hinintay muna namin na makalabas ang mga kaklase namin bago kami tumayo. Marahan kaming kumilos na parang lumalabas sa katatapos lamang na sine.

Magkatabi kaming naglakad, at unti-unti, nararamdaman ko ang kamay niyang sinasayaranang likod ng kamay ko.

“Seryoso ka ba d’yan?” tanong ko.

Ngumiti si Jessie at aga nang kinuha ang kamay ko. inipit ng mga daliri niya ang mga daliri ko. iniangat, tapos ay hinalikan.

Ibinaba niya ang mga kamay namin at naglakad patungo sa pintuan.

Bumagal lalo ang paglakad namin. At habang papalapit kami sa pinto, naramdaman kong unti-unting lumuluwag ang hawak niya sa kamay ko.

Doon ko naisip, hindi pa yata handa si Jessie na makita ng iba kung ano siya.

Naalala ko si Gabriel. Kung paanong mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami sa lobby at nakikita ng lahat na may dalawang lalaking nagmamahalan.

At doon na nga napabitaw si Jessie sa paglabas namin ng pinto.

“Nahihiya ka ba?” tanong ko.

“No,” sabi ni Jessie. “Rumerespeto lang.”

At itinuro ni Jessie ang lalaking naghihintay sa corridor.

Nakatayo at nakatingin sa amin si Gabriel.

“I’m sorry, but we have to talk,” sabi ni Gabriel.

“Gab…” fill in the blanks na naman ako.

Pero si Jessie ang sumalo.

“Alex,” sabi ni Jessie. “Kami ang mag-uusap.”

“Gab?” tanong ko kay Gabriel.

“Yes,” sabi ni Gabriel. “Please excuse us.”

Hindi na ako nagreact. Ako na ang umalis at pumunta sa steps ng building. Doon ko na hinintay kung sinoman sa kanila ang darating. Kung silang dalawa, e di mas mabuti.

Anong pag-uusapan nila? Bakit hindi ako kasama?

Lalayo pa dapat sila sa akin, pero ako na ang nagsabing, hindi sige, hintayin ko na lang kayo sa steps.

Iniwan ko sila, at heto ako ngayon na nakatulala. Nagbibilang ng mga jeep at kotseng dumadaan. Na lagi namang nawawala sa bilang tuwing maiisip ko kung bakit sila nag-uusap. Anong pinag-uusapan nila sa akin?

Nakaka thirty seven kotse na ako, labindalawang jeep, at walong bike kung saan ang dalawa ay dalawang beses nang nakaikot, nang may umupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang gusto ko.

“Jessie here,” sabi niya. “Sasama ka ni Gabriel mag-lunch.”

“Eh ikaw?” tanong ko kay Jessie.

“Okay lang ako,” sagot ni Jessie.

Tumayo siya. Tumayo din ako at nagpagpag ng pants.

Tumingin lang ako kay Jessie pagkatayo. Nakatingin lang din siya sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa mata niya. Wala na ang matatmis na ngiti. Ganoon din naman ako. Hindi ako natutuwa sa nangyayari. Ang totoo, may kaunting tanong ako sa sarili ko na nagiging inis na. Anong pinag-usapan nila?

“Sorry,” sabi ni Jessie.

“Hindi ko alam,” sagot ko.

Ayoko nang itanong kung bakit. Naramdaman ko na lang. May mali sa sitwasyong ito. At parang kung sasagot si Jessie, mabubura ang apat na araw niyang ibinigay sa akin.

Wala kaming usapan ni Gabriel kahit nakasakay na ako sa kotse niya. Bumaba kami sa dati naming kinakainan. Sa mamahaling restaurant sa loob ng campus. Ngayon, mas malakas na ang loob ko umorder. Nakatipid yata ako byahe dahil may hatid sundo na ako.

In-order ko ang usual na ice tea. Usual, pero nagiging paborito ko na ito. Nagpasta na rin ako. Ganun din ang order ni Gabriel.

Wala pa rin kaming pinag-uusapan.

Kinuha lang niya ang honey pagkalapag nito sa table at nilagyan niya ang ice tea ko. Alam pa rin niya kung gaano katamis ang ice tea ko.

“Salamat,” sabi ko.

“Sorry,” sabi ni Gabriel.

Hindi ako nagsalita.

Wala na ring idinugtong si Gabriel.

Naghintay ako.

Pero wala siyang sinabi

Ako na ang nagdugtong.

“Sorry kayo nang sorry kasi alam ninyong magagalit ako sa ginagawa ninyo,” sabi ko. “Bakit ninyo ako pinaglalaruan?”

Pinilit kong hindi magtunog galit. Gusto ko lang nang usapan. Kaya sinabi ko iyon habang kinukuha ang tinidor para kumain na ng pasta.

Pero hinawakan ni Gabriel ang kamay ko.

“I know it’s unfair,” sabi ni Gabriel. “I’ve asked so much from you. We, Jessie and I asked so much from you.”

“Love ba itong ina-ask ninyo?” sabi ko. “Alam mo naman Gabriel, ikaw lagi ang pipiliin ko.”

“I know,” sabi ni Gabriel. “That’s why when Jessie asked me for seven days with you…”

“Alam mo ang ginagawa ni Jessie?” tanong ko.

“Yes,” sagot ni Gabriel. “And after that, he will never bother us, you.”

Tumigil siya. Tapos, humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

“But I cannot just watch you realise how much you really love him.”

Nararamdaman ko ang sakit sa mga mata ni Gabriel. Hindi ko naiintindihan. Nakikita kong isinusuko na niya ako kay Jessie.

“Hindi Gab,” sabi ko.

“I wish you were telling the truth,” balik niya sa akin.

Nagpatuloy lang siya sa pagkain. Tahimik. Nagpapakatatag, pero nakikita ko ang sakit.

“Sinasaktan ba kita?” tanong ko.

“Yes,” sabi ni Gabriel. “But I’m making sure that it isn’t just your fault. That’s why I’m letting you.”

“Huwag mo naman akong pabayaan,” sagot ko. “Sana ipaglaban mo ako.”

“This is what I’m doing now,” sabi ni Gabriel. “I’m trying to get you back. No more seven days. I will bring you home with me now.”

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan.

“Pero…” pigil ko.

“No pero,” untag ni Gabriel.

“Iniisip ko lang si Mama. Hindi niya…”

“I’ll call her.”

“Pero,” singit ko pa rin.

“Okay,” sabi ni Gabriel. “I get it. But ihahatid kita.”

“Salamat,” sabi ko.

Matapos kumain. Hinatid ako ni Gabriel sa next class ko. Nakita ko si Jessie nag-aabang sa isang sulok. Nakatago. Hindi ko alam kung nakita itun ni Gabriel, pero kung oo, hindi na niya iyon binigyan ng halaga.

Sa klase, pinilit kong hindi isipin ang dalawa. Pero nagpakabusy ako sa pinagagawa ng prof. Effective. Natapos ko ang plate nang wala pang isang oras. At para sa susunod na dalawang oras, napaisip ako, hindi pwede ito, nakatulala lang ako. Kakain ako nang pag-iisip. Mababaliw ako.

“Those who are finish can go,” sabi ng prof.

Nagtayuan ang mga kaklase ko. Sumunod na rin ako.

Mabuti na rin ito, walang nag-aabang sa kanila. Solo ko ang sarili ko.

Lumabas ako ng classroom. Naglakad sa building. Hanggang sa makalabas at makarating sa kalsada. Ito ang me time. Sarili ko lang at ang buong paligid. Pagkarating ko sa may Oval, sa gitna noon, may mga naglalaro ng Frisbee. Hinahabol ng isa ang Frisbee, tapos ibabato sa isa. Tapos pagkasalo, ibabalik sa naghagis sa kanya. Naupo ako sa isang bench at pinanood ang naglalaro. At doon ko nakita ang sarili ko.

Ako ang Frisbee. At ang mga naglalaro, sina Gabriel at Jessie. Sila lang ang mga buhay sa game, at ako isang bagay lang na pinagpapasapasahan. Ayokong maging Frisbee lang.

Nasa gitna ako nang pag-iisip na iyon nang may tumabi sa aking lalaki.

“I wouldn’t mind if you were comparing yourself to that lifeless disc,” sabi ng tumabi.

Alam ko na ang boses na iyon. At alam ko na rin na nababasa na naman niya ang iniisip ko.

“X-Men ka ba?” tanong ko.

“Nope,” sagot ni Gabriel. “Because I would feel the same if I was in your shoes.”

Tahimik muna kami.

“I was holding you, then I’ll let you go for Jessie to catch,” sabi ni Gabriel. “And Jessie is now throwing you back to me. And I don’t know, I might throw you back away again. I don’t know. I don’t want to, but I don’t know.”

Hindi pa rin ako nagsalita.

“But please don’t feel bad for being that Frisbee,” sabi ni Gabriel. “Those players are nothing without that disc. They would be nothing without it. Just like me, I would be nothing without you.”

“Ikaw pa?” sabi ko. “Nothing, eh naipasa mo nga ako.”

“And being nothing is like death,” bawi ni Gabriel. “And I was waking up just to die in those days that I let you be with Jessie.”

Alam ko kung paano mamatay, at magising para mamatay lang ulit kinabukasan. Naramdaman ko iyun nung araw na nakipaghiwalay ka sa akin. At ang sakit-sakit nun.

Hindi ko na iyun nasabi, pero naramdaman iyun ni Gabriel nang hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit.

“Pinabayaan mo rin ako, Gabriel,” sabi ko. “Ang sakit-sakit din nun. At si Jessie. Siya lang ang nagpapasaya sa akin. Wala akong magawa. Sinubukan kong umiwas pero, sobrang sakit din eh, at kahit anong makakapag-alis, papayagan ko. Si Jessie yun.”

“Did he…”

“Hindi, Gab,” sabi ko.

Hindi ko na hinayaang ituloy ni Gabriel ang sasabihin niya. Dahil hindi iyun totoo. Wala pa rin. Pero bakit nasasaktan ako ngayon kay Gabriel. Bumalik lahat. Hindi tama ang mga ginawa niya sa akin. Sinaktan niya ako.

“Don’t cry, please,” sabi ni Gabriel at nagsimula na siya yakapin ako.

Yumakap ako pabalik sa kanya. At lahat ng sakit na naramdaman ko, ibinuhos ko na. Iniiyak ko na. Dahil sa lahat ng sakit na naidulot niya, mas nangibabaw ang nararamdaman ko Miss na miss ko ang taong ito.

Bumitaw si Gabriel sa akin, at niluwagan ko na rin ang pagkakayakap ko sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko. Alam ko na ang susunod. Ang tagal ko na itong hindi nararamdaman. Sabik na ako sa mga tinging ito, sa mga labing dadampi sa akin. Marahan, napapikit ako. Naramdaman ko ang kanyang hiniga, hanggang sa ang ilong niya ay nasa akin na ring mga ilong.

Pero sa gitna ng aming sandali, biglang may pumigil. May humila kay Gabriel patayo at biglang sumapak.

“Lunch lang!” sabi ni Jessie. “Kakain lang kayo! Hindi nguso ni Alex ang kakainin mo.”

Sasapak pa dapat si Jessie, pero nasalag siya ni Gabriel. Si Gabriel naman ang sumapak kaya’t napaatras si Jessie.

Napatigil ang mga tao nang makitang may dalawang lalaking nagsasapakan.

“Tama na ’yan,” sabi ko habang tinitingnan ang mga nanonood.

Tuloy ang away nila.

“Five days is enough,” sabi ni Gabriel.

“Tigilan na nga ninyo yan,” sabi ko na nahihiya na sa nangyayari.

Wala nang mga salitaan. Puro suntok at sipaan lang. Hindi ko alam kung sino ang nanalo.

“Tama na sabi,” pigil ko.

Kinabahan ako lalo pa’t nakarinig ako ng sirena ng pulis.

“Tama na!” pigil ko ulit.

Pero hindi sila nagpapigil.

Napayakap si Jessie kay Gabriel para mapigilan ang mga suntok nito Si Gabriel naman, ibinangga ang nakayakap sa kanya sa puno. Tumama ang likod ni Jessie sa puno.

Nakita kong nasaktan si Jessie. Pero kinuha ni Gabriel ang pagkakataon. Sinapak ni Gabriel si Jessie.

Napatumba si Jessie.

Sisipain na siya ni Gabriel. Pero humarang ako.

“Tama na sabi!” sigaw ko. Napipikon na ako. Nahihiya ako sa mga tao, at nagagalit ako sap ag-aaway ng dalawa.

Napatigil si Gabriel.

Napatingin siya sa akin.

Tinulungan kong tumayo si Jessie. Pero hindi siyanagpatulong. Tumayo siyang mag-isa. May galit ang mga mata niya, kahit sa akin.

Sinuklian ko rin ng galit ang kanyang mga mata.

Matapos noon, kay Gabirel naman ako tumingin Nagtataka si Gabriel. Galit pa rin ako.

Nang bumitaw ako ng tingin, Bumitaw na rin ako sa kanilang dalawa. Naglakad ako papalayo.

“Bahala kayo,” sabi ko. “Matatanda na kayo, matuto kayong magtino.”

Naghihintay pa ang taxi sa tapat ng mansion nang lumabas si Mama ng gate at inabutan ako ng pera. Iyun ang ipambabayad ko dahil naubos ko na sa restaurant ang budget ko.

“O nasaan nga si Jessie?” tanong ni Mama habang papasok kami sa mansion.

“Ewan ko sa kanya,” sagot ko.

“Ay, tough-tough-an? Walang pakialam?” sabi ni Mama. “Eh kulang na lang nung nakaraan magsubuan kayo ng pickles.”

Natawa si mama sa sinabi niya

“Ma, hindi kami magsusubuan,” sabi ko. “Walang nakakatawa.”

Muntik na akong masubsob nang batukan ako ni Mama.

“Ma, ang lakas nun,” sabi ko. “Sitcom tayo?”

“Eh yung sinasagut-sagot mo ako na walang nakakatawa?” sabi ni Mama na nakataas ang kilay. “Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin, huwag mo sa akin ibunton.”

Napahinto ako. Napatingin kay Mama.

“Sorry po,” sabi ko. “Sila kasi…”

At umiyak na ako.

“Sila po kasi, pinagpapasa-pasahan nila ako…”

“Ganyan talaga tayong magaganda anak,” sabi ni Mama. “Sumpa talaga itong sitwasyon natin. Akala nila madali ito para sa atin, hindi. Hindi madaling magustuhan ng lahat. Mahirap pumili at masakit makasakit ng hindi mapipili. Nakapili ka na ba?”

“Ayoko pong pumili sa kanila?”

“Anak hindi pwedeng dala-dalawa,” sagot ni Mama. “Masama iyun.”

Hindi ako nagsalita.

“Pero pwede namang wala kang piliin sa kanilang dalawa.”

“Gusto ko po munang magpahinga,” sabi ko.

“And that’s what I mean, pahinga ka muna. Reevaluate your feelings,” sabi ni Mama. “Piliin mo ang sarili mo.”

Pinili ko ang sarili ko.

Nagkulong muna ako sa kwarto. Doon, nagbukas ng laptop. Nagpatugtog ng playlist na nakakaiyak at ninamnam ko ang lungkot. Ginagawa akong laruan ng dalawang ito, and it is not fair.

Masaki tang ginawa ni Gabriel sa akin na hinayaan niya si Jessie.

Si Jessie naman, nakikipaglaro Hindi niya sinabi sa akin na may kasunduan sila ni Gabriel. Ano yung seven days niya? Challenge lang? Hindi ako challenge lang. May nararamdaman ako. Hindi ako laruan. Hindi ako pwedeng pagpasa-pasahan lang.

Sa pagmumuni-muni ko, biglang may kumatok sa pinto ko. Medyo malakas. Parang emergency. Naisip ko agad si Mama. Bakit?

Agad kong binuksan ang pinto. Indi ko inaasahang ako pala ang mai-emergency.

Pumasok si Jessie. Isiniara ang pinto. Hinawakan ako sa magkabilang braso at kinaladkad bago ibato sa kama.

Kahit wala na ang pagkakakapit niya sa akin, naiwan sa mga braso ko ang sakit ng higpit ng kanyang pagkakakapit.

Pero mas masakit ang mga salitang binitawan niya.

“Hinawakan mo na ang kamay ko,” sabi ni Jessie. “Tapos makikipaghalikan ka pa kay Gabriel?! Sa gitna ng campus?! Malandi ka ba?!”

Natakot ako kay Jessie. Galit na galit siya Kitang-kita koi to sa kanyang mga mata.

Nakasara ang kanyang mga kamao na kayang-kaya akong bugbugin na naman.

“Jessie,” sabi ko. “Wala namang ibig sabihin…”

Napatigil ako sa paglapit ni Jessie sa akin. Dumapa siya sa ibabaw ko.

“Anong walang ibig sabihin?” tanong ni Jessie ulit.

Tinangka ko siyang itulak pero hinawaka niya ang mga kamay ko. Inilagay sa ibabaw ng ulo ko at galit ang isa niyang kamay at buong bigat, binihag niya ang mga iyun.

“Yung paghawak mo sa kamay ko?” tuloy ni Jessie. “Walang ibig sabihin iyon? Hindi ba pagpapaasa mon a sa akin iyun. Napakasama.”

“Hindi iyun, Jessie,” sabi ko.

“Ah, yung halikan,” sabi ni Jessie. “Walang ibig sabihin iyun? Halikan lang iyon. Sige, tingnan natin.”

Lalong bumigat ang katawan ni Jessie nang dumagan ang buo niyang katawan.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Tinangka kong umiwas Ayoko sa gagawin niya. Hindi tama.

Pero gamit ang Malaya niyang kamay, pinigilan niya ang pagkilos ng aking mukha.

Pikit-mata kong hinayaan si Jessie na idampi ang kanyang mga labi sa akin. Marahas ang una niyang halik na tinatangka ko pa ring salagin.

Hanggang sa parang napapagod na siya, nawala ang lakas na nakadagan sa akin, at ang mga halik ay naging banayad.

At napansin ko na lang ang sarili kong sumasabay sa kabanayadang iyon.

Naalala ko ang halik niya sa falls. Oo, hanggang ngayon, hindi ko pa rin iyon nalilimutan. Pilit ko mang itago sa sarili ko, dumarating ang mga pagkakataong naaalala ko pa rin. At ngayon, isang mas magandang ala-ala ang halik na ito.

Damang dama ko ang pagmamahal ni Jessie. Gusto kong ibalik. At nanguna na ang aking mga labi sa pagpapadama nito kay Jessie.

Nilabanan ko ang kanyang mga labi.

Hanggang sa nawala na kamay niya sa mga kamay ko. Nasa ilalim na iyon ng aking damit, gumagapang sa aking dibdib.

At ang kamay niyang nasa aking mukha ay malaya na ring humahaplos sa aking likuran.

Hinayaan ko siya. At ang kamay ko naman ang ipinasok ko sa kanyang damit para mahawakan ang malapa at matikas niyang likod.

Dama ko ang init ng katawan ni Jessie. Tumatagos patungo sa kanyang halik. Mga halik na marahan ngunit may kasamang kapusukan.

Ngunit hindi ito tama.

Si Gabriel ang mahal ko. Si Grabriel.

Inalis ko ang kamay ko sa likod ni Jessie at ginamit ko ito para humarang sa kanya. Marahan ko rin siya pinigilan.

“Mali ito,” sabi ko. “Sorry.”

Parang natauhan si Jessie.

“Naiintindihan ko,” sabi ni Jessie. “Sorry din. Nagpadala na naman ako sa galit ko.”

Tumayo si Jessie. Nagsimulang maglaka papalabas ng pinto.

“Jessie,” sabi ko. “Sorry. Hindi ko sinadyang paasahin ka.”

“Ayos na yun,” sagot ni Jessie. “Ako na lang ang hindi aasa. Gawin mo lang ang ginagawa mo.”

Lumabas si Jessie at naiwan akong nag-iisisp sa kama.

Hihiga na ako nang maramdaman ko ang matigas na bagay sa likod ko. Kinapa ko at kinuha USB. Hindi sa akin ang USB na ito.

Ano naman ito?

Inilagay ko sa laptop ang usb.

6thday.mp4

Double-click ako sa file.

Si Jessie. Mukha niya.

“Alam kong na-miss mo ako kahapon. Sinadya ko iyun. Para malaman ko kung iniisip mon a talaga ako. At sigurado akong iniisip mo ako. Ang yabang ko di’ba? Hindi. Ayokong lang isipin na hindi.”

Tapos tumwaa siya.

Naramdaman kong napapangiti ako.

Tapos nagsimula nang pumasok ang intro ng isang kanta. Pamilyar naman ang kanta. Luma na, pero pamilyar pa rin.

Tapos may lumabas ng boses.

“Said all I want from you is to see you tomorrow…”

Kinanta ni Jessie ang kanta na parang boses niya talaga ang lumalabas, pero ang totoo kay Justine Timberlake.

Tuluy-tuloy ang kanta.

Napapangiti na ako. Pero hindi ito pwede. Pag tinapos ko ang video na ito, makakalimutan ko na si Gabriel.

Stop.

Kinuha ko ang telepono ko at nag dial. Calling Gab.

“Hello,” sagot niya.

“Gab, saan ka?” sabi ko. “Pupuntahan kita.”

“No don’t bother,” sabi ni Gabriel. “I’m off to finish my thesis.”

“Teka lang,” sabi ko. “Aalis ka na ng Maynila?”

“Not aalis,” sabi ni Jessie. “Nakaalis na ako ng Manila.”

“Hindi pwede, pupuntahan kita!”

Pupuntahan ko si Gabriel. Siya ang mahal ko. Siya ang pinipili ko. 

Pagkababa ko ng telepono. smayad ang kamay ko sa laptop. Muli itong tumunog.

“Don’t act like it’s a bad thing to fall in love with me…”. 


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One To Cross When I Get There

CHAPTER59 

Naniniwala akong ang kaligayahan ay pinipili at hindi isang bagay na dumarating, kaya naman nagdesisyon ako, pupuntahan ko ang taong magpapasaya sa akin. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat.

“Anong pupunta sa Baguio?” tanong ni Mama. “Gabing-gabi na. Mag-isip ka nga?”

“Kung hindi ko mahahabol si Gabriel, Ma, hindi na siya babalik,” paliwanag ko kay Mama.

“Babalik yun,” sabi ni Mama. “Kukuha yun classcards, pipirma ng mga forms, ga-graduate pa siya. Hindi yun mamumundok para magrebelde. Nag-aaral pa rin siya. Anak ha, natatanga ka na sa love na ’yan. Babalik pa yun.”

“Pero matagal pa iyun,” sabi ko. “Makakalimutan niya ako.”

“Kung makakalimutan ka niya, hindi ka para sa kanya,” sabi ni Mama.

“Binigyan ko na siya ng dahilan para isipin yun, Ma,” sabi ko. “Kailangan kong bawiin! Para pa rin kami sa isa’t-isa.”

“Andami mong alam,” sabi ni Mama. “Itulog mo yan. May pasok ka pa bukas. Mag-aral ka para makalimutan mo yang si Gabriel.”

“Ma, parang-awa mo na po,” pagmamakaawa ko.

“Hoy Alex ha,” nag-iba na ang itsura ni Mama. “Pinayagan ko kayong maglandian ni Gabriel kasi alam kong makakabuti sa pag-aaral mo. Pero kung ganyanan na kayo, may pasok bukas tapos nag-iinarte kayo, ay Alex, hindi makatwiran yan. Makakatikim kayo sa akin.”

Napahinga na lang ako ng malalim. Naiintindihan ko si Mama. Suportado niya ako mula umpisa. Ngayon lang siya tumutol. Kalabisan kung magpipilit ako sa kanya.

Ako lang ang makakasolusyon dito. Pero paano?

Pumasok ako sa kwarto ko at tumitig sa telepono. Binuksan ko, walang mensahe. Parehas kami. Bumubukas pa, pero wala namang buhay.

Wala naman akong magagawa. Wala naman akong pera. Wala akong paraan para makasunod kay Gabriel.

Doon ko napansin ang patung-patong na mga plates kong pina-frame ni Jessie. Tama si Jessie. Matutulungan niya ako.

Lumabas ako ng kwarto, papalabas ng bahay, patungo sa garahe. Nandoon ang motor ni Jessie. Nakasabit lang naman doon ang susi. Napakakapal na lang naman talaga ng mukha kung gagawin ko iyon. Pero may mga options pa ba ako? Mauunawaan naman niya ako.

Ayos na sana ang plano, kaya lang, nakaharang si Mama pagating ko sa garahe.

“Ano?” sabi ni Mama. “Hindi magpapapigil sa akin? Kakapalan ang mukha? Mangka-carnap na lang ng motor ng isang lalaki para puntahan ang isang lalaki niya?”

“Hindi naman sa ganon,” sabi ko. “Hihingi lang ako ng tulong. Kaibigan ko pa rin naman si Jessie.”

“Ilalaban mo talaga iyan?” tanong ni Mama.

Hindi ako nakasagot. Napayuko na lang ako sa kahihiyan. 

“Gustung-gusto mo ba talaga yan?” tuloy ni Mama. “Yan na lang ba talaga ang source ng kaligayahan mo? Wala ng iba? Final na?”

“Opo,” mahinang sagot ko. “Sorry po Ma. Hindi ko naman inakalang aabot sa ganito. Wala naman sa plano ito. Kaya naman naming isabay sa pag-aaral ang relasyon namin.”

Napatigil ako. May kung anong kurot sa dibdib ko ang naglagay ng luha sa aking mata. Tumulo.

Lumapit sa akin si Mama at pinunasan ang luha.

“May problema lang. Pero maaayos namin Ma, huwag kang mag-alala, hindi ko pa rin pababayaan ang pag-aaral ko.”

Nakatitig lang si Mama sa akin, habang nakahawak pa rin sa aking pisngi ang isang kamay.

Hindi ko na naiangat ang ulo ko. 

Maybe I failed. I failed myself. I failed Gabriel. And now, I’m failing Mama.

Tumuloy sa pagluha ang aking mga mata.

“Sorry po, Ma,” sabi ko sabay yakap.

Naramdaman ko ang buntong hininga ni Mama.

“O siya, sige na,” sabi ni Mama.

Nabuhayan ako ng loob. Agad akong bumitaw kay Mama at tumingin sa kanya.

Ngumiti si Mama.

Iyun na ang sign ko at tumakbo ako papunta sa garahe.

Pero hindi pa rin ako nakatuloy.

Nahawakan ni Mama ang damit ko at nahila niya ako paharap sa kanya.

“Pinayagan lang kitang lumandi ulit, pero hindi mamatay,” sabi ni Mama. “Naturuan ka lang mag-motor, feeling mo kaya mo na yang dalhin sa kalsada.”

Hindi ko alam ang kanyang ibig sabihin.

“Hala, sige, sunod sa akin. Ihahatid kita,” sabi ni Mama.

“Talaga, Ma?”

“Oo!”

“Promise?”

“Oo nga,” sabi ni Mama. “Promise, cross my heart, hope to die, final answer, come on. Bago magbago isip ko.”

Yumakap ulit ako kay Mama.

“I love you, Ma!”

“I love you, too,” sabi ni Mama na parang wala namang emosyon at parang nangangaral pa. “Basta ang pag-aaral, huwag pababayaan ha?”

“Opo,” sagot ko naman.

“Saan ba sa Baguio yang si Gabriel?”

“Sa Batad po.”

“Luka-luka ka,” sabi ni Mama. “Hindi Baguio yan, Almost Sagada na yan, Banaue! Hagdan-hagdan palayan. Bawal bakla doon, salot sa pananim!”

Pero dahil sa promise, sa cross my heart, sa hope to die, kahit na nadagdagan ng ilang oras at ilang milya ang biyahe mula Baguio, tumuloy pa rin kami ni Mama.

Madilim na ang kalsada. Sapat lang ang ilaw ng mga poste para sa liwanag.

Pero minsan, hindi na rin iyun sapat. Ilaw na lang kasi ng kotse namin ang nagpapakita sa amin ng daan. Pero kasabay naman noon, sa itaas namin, sa gitna ng kalsadang napapagitnaan ng mga bukirin ay ang kalangitan.

Ang daming bituin. At sa pagtitig ko, kasabay ng isang bulalakaw na dumaan, hindi na ako nakahiling. Ambilis eh. Sana pala gumawa na rin ako ng script para sa mga wishing devices na ganito.

Tapos napangiti na lang ako.

Malamig din ang hangin. Mas pinili ni Mama na huwag nang mag-aircon dahil wala na naman kami sa mausok na Maynila. Iba ang amoy ng simoy ng hangin sa aming dinaraanan. Lahat ng iyon, nakakagaan ng pakiramdam, ngunit nakakabigat ng mata.

Ginising ako ni Mama para tanuningin kung ano ang gusto kong breakfast. Nasa drive thru kami. Hamdesal at Kape na lang ang inorder ko. Sa kotse na rin kami kumain.

“Okay din pala ito, no, Nak?” sabi ni Mama. “Nakakapag-bonding tayo. Tinutulugan mo nga lang ako, pero okay na rin. Miss ko na rin ang long drive.”

“Talaga Ma, nakapag-long drive na kayo dati?”

“Oo naman no,” sabi ni Mama. “Made in Baguio ka kaya, at ako ang nag-drive sa amin ng tatay mo. Kotse nga lang niya. At siya ang nagturo sa aking magmaneho.”

May kung anong feels sa puso ko ang kwentong ito ni Mama. May naalala ako, pero kinalimutan ko. Hindi na ako pwedeng magpahadlang pa kay Jessie. Papunta na ako kay Gabriel.

May liwanag na nang makarating kami sa Banaue ni Mama. Nagtanong na rin kami sa mga tao doon tungkol sa maaaring kinaroroonan ni Gabriel .

Syempre mas madali ito kung sinasagot ni Gabriel ang telepono niya, pero parang desidido talaga siyang hindi na ako makita.

Sa local government na kami nakakuha ng information. Apparently, marami ring mga estudyante ang nagpupunta dito, interesado sa kultura ng mga tagarito. At nang i-describe ko si Gabriel. Kilala nila. Pero hindi nila kung dumaan. Malamang daw kasi, dumeretso na iyon sa community na inaaral niya. Nakakuha na kasi siya ng permit dati pa.

Sumama sa amin ang isang local tour guide. Ronaldo ang pangalan. Tama lang ang taas, kayumanggi at kulot ang buhok na mahaba para sa isang lalaki. Kilala din niya si Gabriel at siya na raw ang maghahatid sa akin.

Gusto ko nang sumugod pero nagpigil si Mama.

“Ay, puro puso, wala nang sikmura?” sabi ni Mama. “Kain muna tayo.”

May isang oras pang drive para makarating sa Batad mula sa Banaue. Tapos hanggang sa isang lugar lang ang pwedeng abutin noon. Kailangan nang maglakad. Magtrek. Tumawid ng bundok, ng ilog.

Tama naman si Mama, ikagugutom namin iyon.

Dinala kami ni Kuya Ronaldo sa isang kainan. Marami ring putahe pero wala akong gana. Si Mama, sinubukan ang mga pagkaing dito lang niya nakita.

“Iuuwi kita, kumain ka,” sabi ni Mama.

Ayoko pang umuwi. Kaya tinuro ko na lang ang safe na kainin. Pansit.

Habang kumakain. Naging pamilyar ang lasa ng pansit. Ito ang gusto kong lasa. Napadalas ang subo ko hanggang sa maalala ko kung kailan ko huling natikman. Napatigil ako. Napainom ng tubig. Busog na ako.

Hindi ito pwede.

Pero patuloy pa rin si Mama sa pagkain hanggang sa kailanganin na niyang tumigil.

“CR lang ako ha, ang sarap ng mga ito, pero parang hindi kaya ng tiyan ko.”

Tumayo si Mama. Naiwan akong nag-iisip.

Kailangan ko nang mahanap si Gabriel, pero paano?

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang sigaw.

“Alex!” sigaw ni Mama.

Agad akong pumunta sa CR. Sumunod din ang tour guide.

Naabutan namin si Mama sa sahig ng banyo. Nadulas.

Iniangat ko si Mama. Tumayo siya, pero nahirapan siya.

“Anak, ang paa ko, nagkamali nang tapak, ang sakit,” sabi ni Mama.

“Anung nangyari?” tanong ko.

“Alam mo namang ayokong umuupo sa hindi natin CR. Pagtapak ko, nadulas.”

“Hala naman Ma,” sabi ko. “Paano natin mahahabol si Gabriel?”

“Kaya yan,” sabi ni Mama. “Pahinga lang tayo sandali. Kaya ko ito.”

Sinubukang tumayo ni Mama ulit. Hindi niya kaya.

“Akin na ang bag ko,” sabi ni Mama. “Patulong na tayo saTito Papa mo.”

Pagkakuha niya sa bag, may nakita siya sa telepono.

“Wait, teka, hindi pala tayo nakapagpaalam!” sabi ni Mama. “Lagot na!”

May ilang missed calls mula kay Tito Papa. Agad tumawag si Mama kay Tito Papa.

Mahaba ang paliwanag ni Mama, pero nang marinig ko ang I love you niya, alam kong wala na. Under her spell na naman ang step dad ko. Good job.

Naiba lang ang timpla ng sitwasyon nang mapasigaw si Mama.

“Airport?” sabi ni Mama.

“Airport?” sabi ko.

Nagkatinginan kami ni Mama.

“Anong gagawin mo sa airport?” tanong ni Mama.

Kahit na nag-aalala ako sa paa ni Mama, napaisip ako nang kung anumang pinag-uusapan nila.

“Umalis si Jessie,” sabi ni Mama. “Hindi nagpaalam kay Raul. Baka tumuloy na sa Australia.”

“Bakit siya pupunta sa Australia?” tanong ko.

“Baka nakapagdesisyon na siya,” sabi ni Mama. “Hindi na niya siguro kaya ang nararamdaman niya sa iyo.”

“Anong alam ninyo sa pagdedesisyon niya?” tanong ko kay Mama. May alam kaya siya sa sinabi sa akin ni Tito Papa.

“Ay hindi ko alam,” sabi ni Mama. “Ang alam ko lang, nag-usap na sila ng Papa. Kung kailangan niyang lumayo, lumayo siya. Kaya nga pinaalam niya sa akin na sana, makapagbonding muna kayo bago siya umalis.”

“Pero hindi pa kami tapos,” sabi ko. “Umalis na siya agad.”

“Paanong hindi pa tapos?” sabi ni Mama. “Mayroon ba kayong nasimulan?”

Hindi ako nakasagot.

“Hindi ko alam sa’yo ha,” sabi ni Mama. “Kung makatahimik ka, as if naman meron nga.”

Wala pa rin akong imik.

“Ay ang labo mo,” sabi ni Mama. “Inakyat natin ang kabundukan para sa Gabriel mo, tapos may kung ano pa rin palang tumitibok diyan para sa stepbrother mo.”

Umiling na lang ako.

“Wala po, Ma,” sabi ko.

“Dapat lang,” sabi ni Mama. “Kasi ang gulu-gulo mo na. Mahihiya sa’yo ang hindi na-trim na pubies.”

Hindi ulit ako nakaimik.

“Well, mabuti na rin na nakaalis na si Je-Ar,” Sabi ni Mama. “Masasaktan lang iyon kapag nakitang pinili mo na si Gabriel.”

“Masyado ko ba siyang nasaktan?” tanong ko kay Mama.

“Hindi ako manghuhula,” sabi ni Mama. “Nararamdaman niya yun, hindi ko yun alam. Pero kung nagi-guilty ka. Malamang sa hindi.”

Hindi na naman ako nakasagot. Lumipat si Mama sa tabi ko. Umakbay sa akin.

“Kung anuman ang nararamdaman ni Je-Ar, hayaan mo na. Huwag mo nang isipin. Malilito ka lang. Nagdesisyon na siya. At nagdesisyon ka na rin, di’ba? Si Gabriel ang kaligayahan mo. Habulin mo na siya.”

“Opo,” sabi ko.

“Anung opo?” tanong ni Mama. “Go na, sige na. Ako na muna dito.”

“Papayagan po ninyo ako mag-isa?” na-excite ako. Pwede pa rin akong tumuloy kahit wala si Mama.

“Hahadlangan ko ba ng pilay ko ang happiness mo?” sabi ni Mama. “Hindi mo naman ako mapapag-trek ng ganito ang paa ko.”

“Wag kang mag-alala ma,” sabi ko. “Kaya ko naman ang sarili ko.”

“Ronaldo, huwag mong pabayaan ang anak ko. Ako nang bahala sa iyo pagbalik ninyo.”

“Wala pong problema,” sabi ni Kuya Ronaldo.

“Okay, just keep your phone open ’Nak,” sabi ni Mama, sabay kuha sa bag niya ng power bank. “May charger naman ako, sa iyo na ito.”

Agad akong lumabas. Sabi ni Kuya Ronaldo, may oras ang mga jeep na dumadaan at wala na kami sa schedule. Tricycle na ang sinakyan ko. May kamahalan nga lang. Pero ano naman ang mahal na pamasahe kung para naman sa pagmamahal ko.

Mabilis ang tricycle. At may sounds pa. Okay din ito.

“Boss, konti na lang, Saddle na,” sabi ni Manong Driver na mayroong matigas na accent. Parang hinasa niya ang sarili niya para sa Tagalog. “Doon na po kayo magsisimulang maglakad para doon sa sinabi ninyong pupuntahan ninyo.”

“Salamat po,” sabi ko.

Kaunti na lang, mayayakap ko na ulit si Gabriel. Matatanggal na niya ang lamig na bumabalot sa akin, hindi lang dahil sa taas ng lugar na ito, kundi dahil sa tagal nang pagkakalayo ko sa kanya.

At habang iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaction ni Gabriel kapag nakita niya ako, nagpalit ng tugtog ang radio.

Pamilyar na kanta, pero hindi para sa amin ni Gabriel. At kahit mag-isa ako, may naramdaman akong init.

Said all I want from you is to see you tomorrow.

Nagpaulit-ulit ang kantang iyon sa isip ko. Kahit pilitin kong palitan ng Sa Kabukiran , o ng Sa Bukid Walang Papel , o Paru-Parong Bukid , wala. Dumating kami sa Batad ng tour guide ko. Nakausap din namin ang local leader sa Batad, at sinabi ngang dumaan na doon si Gabriel.

Agad kaming lumabas para magsimula na ng trekking. Kung saan, hindi ko alam. Iaasa ko na lang sa tour guide ang daan. At kung hindi siya, hindi naman siguro ako bibiguin ng puso ko.

Inihanda ko na ang sarili ko sa pagod. Pero hindi ko pa man nararamdaman, parang napawi na ito nang makita ko ang tanawin. Kaya pala ito dinarayo ng mga turista. Kaya pala ito iniingatan ng bansa. Ang hagdan-hagdan palayan. Napakaganda. Walang katapusang mga bundok na ginuhitan ng mga luntiang pilapil. Sa malayo ay para talagang mga steps ang mga ito, na kahit hindi pantay-pantay, napakaperpekto nang pagkakagawa.

May ilang pulu-pulong bahay din na umuusbong sa parang luntiang karagatang may hindi gumagalaw na alon. At sa pagitan ng mga luntiang linya ay ang asul na langit na nananalamin sa lupa.

Nagmadali akong bumaba sa mga minsan ay luntian, minsan ay putikang taniman. At sa gitna ng pinagmamalaking wonder of the world, nakita kong naglalakad papalapit sa isang hanging bridge ang lalaking nagbigay ng wonder sa puso ko.

“Gab!” sigaw ko.

Napalakas ang sigaw ko. May kaunting alingawngaw. At kasabay noon ang pagtigil ng mga tao sa kanilang ginagawa para lang lingunin ako.

Napahiya ako nang kaunti. Sa pagtigil ko, muling bumalik sa kanilang gawain ang mga naabala ko. Maliban kay Gabriel. Hindi siya tumuloy sa paglalakad sa patutunguhan niya. Nagsimula siyang maglakad para salubungin ako.

Ako naman, hindi na nagpapigil. Binilisan ko ang pagkilos para mapalapit sa kanya.

Unti-unti kong napansin ang kasabikan din ni Gabriel na makita ako. Ang mga lakad niya ay naging takbo na. At sa mga pilapil at baitang ng hagdan-hagdan palayan, doon ko siya agad na niyakap.

“Gab,” sabi ko. “Sorry. Ikaw ang pinili ko. Ikaw ang lagI kong pipiliin.”

Yumakap din sa akin si Gabriel.

“I know, thanks,” sabi ni Gabriel. “But you don’t have to go here to tell me that. You’ve told me that so many times, I lost count.”

“Pero kailangan ko,” sabi ko, walang bitaw sa pagkakayakap. “Baka makalimutan mo. Kailangan kong ipaalala lagi sa iyo.”

Humigpit muna ang pagkakayakap ni Gabriel bago niya ako binitawan. Ako rin naman ay bumitaw.

“Hinabol kita agad kahit sinabi mong paalis ka na,” sabi ko. “Buti naabutan pa kita. Ipinag-drive ako ni Mama. Nagpaiwan na si Mama sa Banaue kasi.

Hindi pa ako tapos pero sumingit na si Gabriel.

“Your Mama is so sweet,” sabi niya. “I left early because I took the bus. And I had the long way. I want to think things through. And that would be very dangerous if i preferred to drive.”

“Isa ba ako sa mga iniisip mo?” tanong.

“You’re not isa sa mga,” sabi ni Gabriel. “It was just you. And the things you do to me.”

Napahinto siya.

“And to Jessie,” tuloy niya.

Napatikom ang bibig ko. Ang tour guide na ang bumasag ng katahimikan.

“Gab-gab, una na ako,” paalam ng guide. 

“Salamat, Kuya Ron,” sabi ni Gabriel sa tour guide ko. “Ako na’ng bahala kay Alex. Pakisabi na lang sa Mama niya, Alex is safe kasama na niya si ako.”

“Okay po, boss,” sabi ni Kuya Ron.

“Thanks Kuya Ronaldo,” sabi ni Gabriel.

Hindi pa kami nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan. Ayoko namang balikan ang naiwang awkward moment. Ano? Itutuloy na lang ang awkwarness? 

Si Gabriel na lang ang gumawa ng paraan.

“I’m more than happy that you are here,” sabi ni Gabriel. “But don’t get me wrong, I have to meet my community here. You can join me if you want, but i will be a little busy. You have other plans ba?”

“Syempre…” sabi ko na hindi alam ang itutuloy. “Yung samahan ka. Pakabusy ka lang. Panonoorin lang kita. Okay lang ako. Basta kasama ka.”

“That’s nice,” sabi ni Gabriel.

Ang inaakala kong lamig na mawawala pagkakita ko kay Gabriel ay nanatili. Hindi ko alam kung dahil talaga ito sa klima ng lugar. O dahil sa turing sa akin ni Gabriel. Hindi ko na iyon inlinta. Hinawakan ko ang kamay ni Gabriel. Kahit papaano, may init akong naramdaman lalo na’t humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

Nagsimula na kaming maglakad. Hanggang sa makita ko ang tulay. Ang hanging bridge na dapat sana ay tatawirin na ni Gabriel kung hindi ko siya tinawag.

Iniisip ko na kung kaya ko itong tawirin.

Pinagmasdan ko ang tulay.

May kahabaan ang tulay, at mas lalo itong nagmukhang mahaba dahil sa kakitiran nito. Gawa sa bakal ang frame nito. At may mga taling bakal pa na sumusuporta. Ang sahig naman, bakal din, pero butas-butas, kita ang taas ng babagsakan kapag nahulog ka. Dahil nasa bundok, habang papalapit sa gitna, lalong papalalim ang matatanaw sa ibaba.

“Hindi ba pwedeng bumaba na lang tayo, tapos, umakyat na lang tayo sa kabilang bundok?” tanong ko kay Gabriel.

“That’s a very long way,” sabi ni Gabriel. “Don’t worry, I’ll just be by your side.”

Mabuti na lang at hawak ko ang kamay ni Gabriel. Humigpit pang lalo ang hawak ko sa kanyang pagkakahawak. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, o dahil sa antagal ko ring hinintay mahawakan ang kamay niyang ito.

Tapos, may kung anong naramdaman ako sa paa ko, paakyat sa sikmura at doon ay umikot. 

Ito na yung moment na I’ll cross the brigde when I get there. Totoong bridge to. Paano ko ito tatawirin. Kailangan ko, kailangan kong samahan si Gabriel kung saan man siya pupunta. Kung ano-ano nalang ang inisip ko para makalimutan ang lula. 

Nagsimula kaming lumakad. Mabagal at nakatingala. Masasabing naninigas ang paa ko sa bawat kong hakbang.

“The indigenous people here has somehow maintained their culture,” sabi ni Gabriel.

At nagpatuloy siya nang kung anu-anong trivia sa lugar na inaaral niya. Sinusubukan kong makinig, pero walang pumapasok.

Napansin iyon ni Gabriel. Kaya binago niya ang usapan.

“Has Jessie left?” tanong ni Gabriel sa akin. “Or is he still waiting till today ends?”

Parangnaging iba ang dahilan ng aking kaba.

“Bakit mo naman biglang naisip si Jessie?” sabi ko. “Wala na siya, hindi na tayo dapat maabala pa, kahit ng pangalan niya.”

“You need to be occupied,” sabi ni Gabriel. “Apparently, my hand isn’t enough to take your fear away. You’re still shaking. Maybe we need to keep your mind…”

“Andami mong sinasabi,” sabi ko.

Napangiti kami pareho. Pero ako, natakot sa pagkakasabi ni Gabriel ng pangalan ni Jessie. Wish ko lang na hindi niya iyun napansin. Kaya inalis ko na lang din sa isip ko. At sa pagkawala ng thought ni Jessie, pumalit ang thought ng tulay.

Hindi ko namalayan, ilang hakbang na lang kami bago ang dulo ng tulay. At doon bumalik ang kaba dahil higit pa sa taas nito, namali ng tapak ang paa ko at muntik akong madapa.

Sinalo ako si Gabriel.

“Salamat,” sabi ko. “Lagi mo akong nasasalo.”

“I know,” sabi ni Gabriel. “That why you thought you were falling.”

“Ha?” narinig ko naman talaga ang sinabi niya. Hindi ko lang naintindihan.

“Don’t look down,” sabi ni Gabriel na binago ang usapan na may kasamang ngiti. “Just look into my eyes.”

Yun nga ang ginawa ko. Pero ayaw maalis ng kaba.

“Okay,” sabi ni Gabriel. “Look into my eyes and tell me something, anything, just talk.”

“Umalis na si Jessie,” sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit sa gitna ng kaba, ng takot, ng lahat ng nararamdaman ko. Iyon ang naisip kong sabihin. Kasasabi ko lang na ayoko na syang makasagabal sa amin.

“Is that why you are here? Or is it you’re here that’s why he left?” tanong ni Gabriel na napatigil din sa paghakbang.

“Hindi ko alam,” sagot ko. “At hindi na mahalaga. Kasi ikaw na ang kasama ko.”

Nanatili kaming nakatayo at doon ko napansin na wala na kami sa tulay. Natawid na namin. at natawid na rin problema namin ni Gabriel.

“Sorry, I left without telling,” sabi ni Gabriel. “I was hurt. No need to lie. I can see you falling for Jessie.”

“Hindi,” sagot ko.

“I said there’s no need to lie,” sabi ni Gabriel.

“Gusto mo yung hindi lie?” sabi ko. “Nagkasundo kayo na wala akong kaalam-alam. Pinamigay mo ako nang wala akong kamuwang-muwang. Oo, hindi ko mapigilang mapagbigyan siya sa mga ginagawa niya. Nasa iisang bahay kami. Siya ang naghahatid sundo sa akin.”

Napahinto ako para huminga.

“Hindi ako masamang tao para hindi magpasalamat o tumanaw ng hiya sa mga ginagawa niya para sa akin,” tuloy ko. “Pero iyun lang yun! Ngayon wala na siya. Nasa Australia na siya. Kahit sa tatay niya hindi nagpaalam. Kakalimutan na niya ako. Kakalimutan ko na rin siya. Wala ka nang pagseselosan.”

“Thank you for choosing me between your options,” sabi ni Gabriel.

“Hindi kita option,” sabi ko. “Hindi ko alam na nakaalis na si Jessie nang umalis kami ni Mama sa Maynila. Walang kinalaman ang pag-alis ni Jessie sa pagpunta ko sa iyo dito.”

“Then what made you decide to go here?” tanong ni Gabriel.

“Dahil hinalikan ako ni Jessie,” sabi ko.

“This isn’t the first time,” sabi ni Gabriel.

“Ikaw kasi dapat ang humahalik sa akin at hindi siya,” sagot ko.

Doon humarap si Gabriel sa akin. Nagulat ako sa kanyang pagkakatitig. Unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa akin. Ang bibig sa aking bibig. Naramdaman ko ang kanyang paghinga. Naramdaman ko ang tibok ng puso niya. Naramdaman ko ang galaw ng labi niya.

Hindi ko dapat iyon nararamdaman. Hindi ko kasi iyun nasasabayan. May ibang tumatakbo sa isip ko.

Hindi na rin humalik si Gabriel. Tumigil siya sa ginagawang pagdama sa labi kong nakukulangan.

Lumayo ang mukha niya sa aking hanggang sa magkaharap na lang kami.

Napahiya ako.

Si Gabriel na lang ang nag-alis ng nararamdaman ko. Ngumiti siya.

“It’s okay,” sabi ni Gabriel. “You don’t feel my kisses anymore. And it’s okay.”

“Hindi naman sa ganun,” depensa ko.

“If it’s not sa ganun, then sa ano?” tanong ni Gabriel.

Bigla na lang, hindi ko alam ang isasagot.

Napatitig na lang ako sa mga mata ni Gabriel na nagtatanong. Wala akong maisagot.

“Do you know that It pains me every time you tell me that he kissed you?” tuloy ni Gabriel. “You should have known that by now, and yet, you keep on telling me. For what? Para sugurin ko siya at awayin? Or for me to show you that I can still kiss you better than he does.”

“Ayoko lang na may hindi sinasabi sa iyo,” sagot. “Hindi kita gustong saktan. Gusto ko lang magpaka-honest.”

“Who do you wanna be honest to, to me or to yourself?” tanong ni Gabriel. “Telling me he kissed doesn’t take away the taste of his lips in your mouth. And the truth that you want that taste more than you like mine.”

“Sorry,” singit ko. “Pero…”

Pero hindi na ako pinatuloy ni Gabriel.

“You don’t have to be sorry,” sabi ni Gabriel. “Afterall, you owe me nothing. Wala kang kailangang tanawing hiya. I will never look at you as a masamang tao. I just saved you from Jessie before. But now, Jessie has to save you from me. Because I can never make you happy as he can. Because he is the one you really love.”

“Ikaw ang mahal ko, Gabriel,” sabi ko, na alam kong kahit ako, sa pagkakataong ito, nagdududa na.

“Alex enough!” nagtaas na ng boses si Gabriel.

Hindi ko na iyun natutulan. Dahil ang pagdududa ko ay lumilinaw na sa akin.

Oo, tinatanggap ko na. Pinagdududahan ko na ang nararamdaman ko kay Gabriel.

Oo, gusto ko ang halik ni Jessie. Mas gusto ko na. Hinahanap ko na. Masama na ba ako?

“Sorry, Gabriel,” sabi ko.

Nakikita ko ang sakit sa mata niya. Nakikita kong alam na niya ang pagdududa ko sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano aalisin ang sakit na iyon. Sa dahilang iyon, kahit ako ay nasasaktan.

Hinawakan ko na lang ang kanyang kamay. Walang lakas ang pagkakabagsak ng mga iyon, ngunit may panginginig na kasama.

Nakayuko akong humingi ulit ng tawad. Kapag nakasakit naman, iyun lang ang pwedeng gawin. HIndi ko naman matatanggal ang sakit na nagawa ko sa kanya.

“Sorry,” sabi ko.

“It’s okay,” sabi ni Gabriel. “We both knew it. Jessie and I. That’s why I left. I was always there to catch you and that confuses you, making you think that you are still falling. But you are not. I mean, yes you are still, but no longer for me.”

Hindi ako nakapagsalita. Iniisip ko ang sinasabi niya. Gusto ko pang itanong, magtanga-tangahan, sino ba ang tinutukoy niya, pero sinagot na rin niya.

“But for Jessie,” sabi ni Gabriel.

Umiling ako. Marahan. Gusto kong tumutol. Pero hindi tumawid ang mensahe.

At kahit sa ang mga mata ko ay nasa mga kamay namin nakatingin, alam kong may luha na siya sa kanyang mga mata.

“You keep holding on the fact that he hurt you, he bullied you, he broke you,” tuloy ni Gabriel. “But the truth is, you changed him, and I know Alex that when you realized that, you learned to love him more that you hate him. You learned to love him more than you love me. And I couldn’t tell that to your face, because I don’t want you to feel that I am pushing you away. I don’t want you to hate me, too. I don’t want to lose you that way. I am still your soulmate…”

Napatigil si Gabriel.

“And so is Jessie. And he is your better soulmate.”

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Gabriel. Humigpit din ang pagkakahawak niya

Pumatak na lang ang mga luha ko pabagsak sa mga pilapil na aming tinutuntungan. At nakita ko ang mga luha ni Gabriel, bumabagsak na rin sa aming paanan.

Binitawan niya ang kamay ko at humawak sa aking mukha. Itinaas niya ito at tinitigan ako sa aking mga mata.

“Don’t be afraid to fall for him,” sabi ni Gabriel. “I’m setting you free. “

“Im sorry Gabriel,” sabi ko.

Alam kong makapal ang mukha ko. Pero hindi ko napigilan. Niyakap ko si Gabriel.

“It’s okay,” sabi ni Gabriel.

“Salamat.”

Salamat at malaya na ako. Hindi si Gabriel ang magpapasaya sa akin, tama siya. Si Jessie.

Napakasaya ko sa mga huling araw na nakasama ko si Jessie. Pinipilit ko pang hindi tanggapin ang pagmamahal na binibigay niya. Niloko ko ang sarili ko. Sinaktan ko siya. Kailangan kong makausap si Jessie.

“I’m sorry Alex, but i have to go,” paalam ni Gabriel. “People are waiting for me.”

Ngumiti lang ako.

“You want me to help you cross the bridge back?”

“Hindi na,” sabi ko. “Hindi na salamat.”

Pinilit kong magmukhang matatag, buo, kahit durog na durog ako sa loob ko.

Gusto ko pang magpasama pabalik ngunit hindi na. Baka pareho pa kaming malito. Kapag nagsama pa kami ng kahit isang segundo, maliligaw na naman ang kaligayahan namin sa isa’t-isa. At ligaw iyon na ang kalalabasan ay paulit-ulit lang na ganito. Iba na ang aming kaligayahan. 

At naniniwala akong ang kaligayahan ay pinipili at hindi isang bagay na dumarating, kaya naman nagdesisyon ako, pupuntahan ko si Jessie, ang taong magpapasaya sa akin. 

Pero nasaan siya? Paano ko siya makikita kung nasa Australia na siya?  

Sana lang ay hindi pa huli ang lahat.  


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One Without an End

CHAPTER60

Parang totoong isang emosyon lang ang pwedeng maramdaman ng tao sa bawat pagkakataon.

Ngayon, sobrang lungkot lang itong nasa dibdib ko. Sobrang lungkot. Ang sakit-sakit na.

Kahit anong lingon ko sa tulay, wala na akong takot. Wala na ring lula. Mayroon lang sakit. Mayroon lang luha. Ang sakit lang na iyon ang pumipigil sa akin na kumilos at tumawid pabalik sa mataas, makitid, at nakakalulang tulay.

Naupo ako sa isang sa gilid ng poste ng tulay kung saan nagpaalam sa akin si Gabriel. Kanina ay nakatayo ako ditto habang pinapanood ko siyang lumalayo. Sumandal ako, nakatalikod sa tulay, at nakaharap sa papataas na mga hagdanang taniman paakyat sa mas mataas pang langit.

Iniikot ko ang aking mata sa napakalawak na mga kabundukan at inisip kung gaano ako kaliit at ang aking pinagdaraanan sa lahat ng ito. Napakaganda nito para malungkot. Marami pang magagandang bagay sa mundo.

Pinilit kong ibahin ang aking nararamdaman. Na baka mawala ang sakit kung susubukan kong tabunan ito ng nakabibighaning paligid ko ngayon.

Pero hindi sapat. Hindi mawala-wala ang sakit. Hindi kayang ibsan ng kahit ano ang nararamdaman ko.

Wala nang maganda.

Wala na ang lahat.

Wala na si Gabriel. Mahal ko siya. Pero hanggang ganun lang. Hindi kasi sapat iyon para sa kanya. Hindi ko siya sinisisi. Hindi rin kasi sapat ang pagmamahal kong iyon para unahin ko siya.

Ang tunay na tinitibok kasi ng puso ko, wala na.

Kasabay nito, tuluyan ko nang tinanggap na mas mahal ko nga si Jessie. Maganda naman ang katotohanang iyon. Siya naman kasi talaga pala. Kaya lang huli na. Wala na siya. Gusto ko man siyang habulin, hindi ko na magagawa. Nasa magkaibang kontinente na siguro kami.

Hindi lang bundok, hindi lang dagat ang naghihiwalay sa amin.

Bakit kung kailan maari nang maglapit ang aming mga puso, doon pa kami nagkalayo? Kung kailan alam ko nang mahal ko siya, doon siya nagpakalayo para kalimutan ako.

My god, napakalungkot ko na yata talaga para ganito na ako mag-isip. Para na akong tumutula.

At muli, isa pang luha ang naramdaman ko sa aking pisngi. Ganun na lang kasi, isa-isang pumapatak.

Isang luha para sa nakaraang ala-ala. Tulad nang halikan niya ako sa falls, pati na rin sa kama.

Isang luha para sa mga bagay na hindi na mangyayari. Tulad nang pitong araw na hindi na matatapos.

Iyun na lang.

Marahan ang pagpatak, singrahan ng pagkawala ng nararamdaman ko.

Nakaupo lang ako. Nakatulala, minsan, nililingon ang tulay. Hindi ko alam ang susunod kong gagawin. Sabi naman nila, natatapos ang lahat. Matatapos din siguro ito. Pakshet, ang sakit.

Pinahid ko ang mga luha ko. Tama na muna ang pagda-drama. Hindi ko man kayang matanggal ang sakit, kaya ko naman itong takpan muna, para hindi makita ng iba. Ng mga magsasaka, ng mga taumbayan, ng mga local dito sa Batad.

Higit sa lahat, hindi ko kakayaning ipaliwanag ito kay Mama. Nakakahiya. At kahit alam kong mauunawaan niya, malulungkot akong makita siyang masasaktan para sa akin. Hindi niya iyon mapipigilan, sinabi na niya. Anak niya ako. Ang nararamaman ko, doble para sa kanya.

Tumayo ako. Isang tapak papalayo kay Gabriel, isang hakbang papalapit sa katotohanan.

Nakakatakot ang katotohanang ito. Una, ang tulay na mataas na kailangan kong tawiring mag-isa. At ikalawa, ang katotohanang ang paglampas sa tulay ay patungo sa kawalan. Wala na akong babalikan. Ako na lang, wala si Jessie. Ako na lang.

Hanggang sa mapahinto ako sa pagring ng telepono ko.

Jessie, ikaw ba ito, nasaan ka?

“Hello?”

“Kumusta, Anak? Nagkita ba kayo ni Gabriel?” tanong ni Mama.

Bumilis ang paghinga ko. Hindi na ako muling nakahakbang pa. Nanghina ang tuhod ko at muli akong napaupo.

Isang malakas na iyak.

Hindi ko mapigilan. Ang iisa-isang patak ng luha, parang falls na sa pagbagsak. Lumalakas. Ang paghinga ko ay naging paghikbi. Gusto kong magsalita, ngunit hindi ko makontrol ang aking sarili. Iyak lang ang kaya kong gawin.

“Anak,” nagtataka ang boses ni Mama. “Sabi ni Ronald, okay ka daw kasama si Gabriel…”

“Ma, wala na si Gabriel,” sabi ko. “Wala na kami…”

Tapos ay iyak na lang ulit.

Sinubukan kong pigilan, dahil baka nakakahiya para sa ibang tao. Pero naisip ko lang ang hiya, hindi ko maramdaman. Itong sakit lang. At ang sinasabi ng sakit, wala silang pakialam, hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko.

At tumuloy lalo ang pag-iyak ko.

“Pinagtabuyan ka ba niya? Pinahiya ka niya sa harap ng maraming tao? Inayawan ka ba niya?” tanong ni Mama

“Opo,” sagot ko naman.

“Aba, ang gagong baklang iyan…” nauntag ko si Mama.

“Ma, kasalanan ko…” sabi ko. “Hindi ko pala siya ganun kamahal.”

“Ay ang aarte ninyong dalawa,” sabi ni Mama.

“Ma naman,” sabi ko na hindi pa rin singlinaw ang mga salita dahil umiiyak pa rin ako. “Suporta naman dyan. Mamaya na ang sermon. Ang sakit-sakit pa.”

“Masakit talaga yan,” sabi ni Mama. “ O sige, sige, nasaan ka ba? Hintayin mo na ako.“

Hindi ako nakasagot.

Naramdaman ko ang pag-aalala ni Mama.

“Huy, Anak,” sabi niya. “Salita ka naman. Relax ka lang. Hinga lang nang malalim. Wait ka lang, darating ako dyan. Ano?”

Hindi na muli ako nakapagpigil.

Ganito pala kapag masakit na masakit. Kung ano ang naisip, sasabihin aga ng bibig. Wala nang sala-sala ng sasabihin.

“Ma, si Jessie naman ang puntahan natin,” sabi ko.

“Lumipad na iyun,” sabi ni Mama. “Hindi ka na niya matutulungan.”

“Pero Ma,” sabi ko.

Lalong lumakas ang pag-iyak ko. May parang nakabara sa lalamunan ko kaya’t nahihirapan akong banggitin ang susunod kong sasabihin. Pero kinaya ko.

“Siya pala ang mahal ko,” sabi ko. “Ma, si Jessie ang mahal ko. Pero wala na siya. Ma, wala na si Jessie.”

“Jusko naman, Alex,” sabi ni Mama. “Napaka Cliché mo naman. Nare-realize mo ang halaga ng isang tao pag nawala na.”

Lalong hindi ko napigil ang sakit. Lalong napalakas ang aking mga hikbi.

Nagsisimula na muli akong tumingin sa paligid para pansinin kung may nakakapansin. Nababawasan naman ang sakit para magbigay daan sa kahihiyan, pero hindi iyun sapat para mapatahan ako.

“Sige,” sabi ni Mama na nagkakaroon na ng tunog ng concern sa kanyang boses. “Iiyak mo nang lahat iyan.”

Umiyak na muli ako.

“Mama,” sabi ko. “Maling-mali ako. Ang sakit din palang magkamali.”

“Masakit talaga yan,” sabi ni Mama. “Yang mga ganyang pagkakamali, pagsisisi. Pero nangyayari talaga. Iiyak mo na lang. Puntahan na kita.”

“Sige Ma, pero huwag mong ibaba ang phone,” sabi ko. “Mukha akong tanga dito, umiiyak ako sa palayan.”

“Ay, kawawa naman ang anak ko,” sabi ni Mama. “Sige na, lakad na. Papasama na ako kay Ronaldo. Hintayin mo ako sa hindi ko na kailangang mag trek. Mataas-taas daw ang aakyat-babain.”

Taas? Akyat-Baba. Naramdaman ko ang mga ugat ko sap aa na hindi naman laging nararamdaman. Para kasing nagmamadali ang mga dugo ko papataas sa aking ulo. At nagesisyon ang ulo ko na paikutin ang mga nasa loob ng tiyan ko.

Napalitan ng takot sa taas ng tulay ang aking nararamdaman. Natapos ko na kasi ang mga desisyon sa puso. Kakalimutan ko na si Gabriel. Hindi ko na iisipin si Jessie. Kailangan ko lang makita si Mama. Nagpaalala lang ang tulay at ang takot ko sa heights.

Paano ko ito tatawirin?

Isa na namang pagsisisi sa huli ito. Dapat kasi, nagpahatid na ako kanina kay Gabriel nung niyaya niya ako. Pero hindi. Hindi ko na kailangan ang pagtulong niya. Tama kasi siya, ang mga pagtulong niya sa akin ang dahilan kung bakit ako nalilito sa nararamdaman ko sa kanya.

Tama na, haharapin ko itong mag-isa. Ako lang. Kaya ko ito. Tulay ka lang, tao ako. At taong nasaktan, kaya im stronger. What doesn’t kill me makes me stronger. At sobrang sakit nitong nilalampasan ko ngayon. Ang strong-strong ko na dapat. Pwede na akong superhero. Ako na si the Hulk!

Napangiti ako sa naisip ko. Pero naisip ko rin na nagpapanggap lang ako. Ganito baa ng nasaktan sa pag-ibig? Bawal talagang maging masaya? Pag may moment na mapapangiti ako, maaalala kong malungkot ako, may sakit akong nararamdaman?

At ang reasoning naman ito, pinatungan ng isa pang issue. May tulay. Hindi ko alam kung paano ko ito malalampasan.

Takot pa rin akong tumawid.

Sa gitna ng takot at sakit na nagsasalitan, isang pamilyar na tinig ang aking narinig.

“Alex!”

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses.

Gusto ko ang boses na iyon!

“Nasaan ka?” sabi kong naiiyak na naman. Hindi sa lungkot, hindi sa sakit, kundi sa saya sa pagkakarinig ng pamilyar na boses.

Mula sa mga pilapil na binaybay ko para makarating sa tulay na ito. Mula sa bahagi ng bundok kung saan ilang sandal lang ako ay sumisigaw, nakita ko ang taong kukumpleto sa kagandahan ng kanina lang ay walang kahulugang kapaligiran. Paakyat sa bundok ang langit, ngunit bumababa ngayon, palapit sa akin ay ang anghel ng aking kaligayahan.

Ang ulap ay nagmukhang pinto ng langit na nakayakap sa hagdan ng bundok pababa sa akin. May dalang liwanag si Jessie, pinatitingkad ang luntiang mga palayan. At ang asul na tubig ay singlinaw na aking nararamdaman ngayon.

“Jessie,” mahina kong nasabi. “Jessie ko.”

Sa kanya lang ako nakatingin. Inaabangan ang kanyang paghawak sa akin. Ngunit hindi ko na iyon mahintay.

Hindi ko na tinanggal ang pagkakatingin ko sa kanya. Baka ilusyon lang ito, na kapag pumikit ako, mawawala. Nasa Australia si Jessie. Wala siya dito.

Sa kanya lang ako nakatitig. Sa kanyang ngiti, at sa mga matang may pananabik. Natumbasan ko ang pananabik na iyon. Tumakbo ako, Gusto ko na ang init niyang magtatanggal sa lamig na bumabalot sa akin.

Bawat hakbang papalapit sa kanya, ay mabilis, ngunit bumabagal dahil nagkakaroon ng ibig sabihin ang aming paglalapit.

Matagal ko na itong alam, ngunit hindi ko kinikilala. Iniwasan ko pa nga. Tinangka ko pang ayawan. Ngunit ngayon, narito na. Ang paglapit kay Jessie ay pagsuko sa pagmamahal. At taas kamay ko iyong tatanggapin.

Sa aming paglalapit, hindi na kami nakapagpigil na magyakap. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Natunaw ang yelo ng kalungkutan na kanina lang ay nakatarak sa akin.

Sabik na sabik ako kay Jessie. Iyon lang ang aking naramdaman. Bahagyang napalitan lang iyon ng takot nang makita kong malayo na ako sa tulay. Natawid ko ang tulay na hindi ko namamalayan.

Ang kinatatakutan ko, nalampasan ko nang ahil kay Jessie.

“Mahal na mahal kita,” sabi ni Jessie. “At hindi ko iyon kayang kalimutan. Ayoko iyong malimutan.”

Hindi ko alam ang isasagot ko. Masaya akong marinig ang mga iyon, pero iniwan niya ako. Akala ko wala na siya. Biglaan ito. Wala akong masabi.

“Nandito k aba talaga?” tanong ko.

Hinawakan ko siya. Baka tumagos ang mga kamay ko sa katawan niya. Pero hindi.

“Buhay ako,” sabi ni Jessie. “Hindi ako multo. Hindi ako ilusyon.”

“Saan ka pumunta? Akala ko…” tanong ko na lang.

“Akala ko rin,” sabi ni Jessie. “Akala ko kaya ko. Pero hindi eh.”

“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung iniwan mo ako,” sabi ko. “Kasi alam kong hindi lang ako ang masasaktan. Nasaktan mo rin ang sarili mo. At ginawa mo iyon dahil masakit ang ginawa ko sa iyo. Hindi kita pinili. Akala ko kasi si Gabriel eh.”

Napatigil ako. Napahikbi. Naiiyak na naman ako.

“Ikaw pala,” tuloy ko. “Ikaw pala talaga.”

“Alam ko naman iyun,” sabi ni Jessie.

Ngumiti siya. Ang yabang. Pero gusto ko ang yabang na iyon.

“Pero huwag mong sisihin ang sarili mo,” tuloy niya. “Dahil hindi ako umalis dahil nasaktan ako. Pinili kasi kita eh. Akala ko hindi iyon tama.”

Hindi ko nauunawaan ang mga sinasabi ni Jessie.

“Nagkasundo kami ni Pa,” paliwanag ni Jessie. “Kung mamahalin kita, masisisira ang pamilya natin. Malulungkot siya. Tapos malulungkot ang Mama mo. Tapos malulungkot ka. At kapag nalungkot ka, malulungkot ako. Makasarili ang pagmamahal ko. Kaya dapat kong kalimutan ang nararamdaman ko sa para iyo.”

Iyon pala ang tinutukoy ni Tito Papa na desisyon ni Jessie.

“Pero bago ko iyon kalimutan, kailangan ko munang ibigay,” sabi tuloy ni Jessie. “Sinabi ko kay papa, bigyan ako ng pitong araw para ubusin ang kung anomang pagmamahal ang meron ako sa iyo. Para na rin wala akong pagsisisi.”

“Pero anim na araw pa lang tayo?” sabi ko.

“Alam ko,” sabi ni Jessie. “At yung fifth day pa, nagpamiss ako. Inasikaso ko ang Visa ko sa Australia. Doon na ako magtatapos. Titira ako sa mga Tita ko doon. Doon ko kakalimutan ang kahibangan ko sa iyo.”

“Kahibangan?”

“Oo,” sabi ni Jessie. “Nahihibang ako sa iyo. Nababaliw ako sa pagmamahal sa iyo. Binago mo ako, Alex. Gusto ko iyon. At patuloy mo akong binabago. Kaya umalis na ako. Dahil ang inakala kong mauubos na pagmamahal kapag binuhos ko sa iyo, sa anim na araw pa lang ay lalo pang dumarami. Umalis ako hangga’t kaya ko pa. “

Doon siya tumigil.

“Pero hindi ko na kaya,” sabi ni Jessie at muli niya akong niyakap. “Hindi ko kinaya.”

“Hindi ko rin alam ang gagawin ko nang malaman kong wala ka na,” sabi ko. “Kung kailan ko nalamang mahal kita, akala ko, mawawala ka na.”

“Bahala na,” sabi ni Jessie. “Pero huwag kang mag-alala. Alam ko na ang gagawin ko.”

Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Pero nang hinatak niya ako, hindi na ako pumalag.

“Halika,” sabi ni Jessie. “Dahil nandito na naman tayo, may pupuntahan tayo.”

Tumakbo kami ni Jessie, at matapos ang pagpapalam ko kay Mama, si Jessie naman ang nagtanong sa mga nakakasalubong namin tungkol sa kung anong lugar na hindi ko alam.

“Saan ba iyan?”

“Surprise,” sabi ni Jessie.

Nagpadala na lang ako sa kung anomang sorpresa meron ngayon.

Nalampasan namin ang bahagi ng kabundukan na may taniman. Sa pagpapatuloy namin sa bahaging ito ng mga bundok, nakakita ako ng ilog na lumiliko na. Matanda na siguro, pero hndi ko na naalintana dahil sa pagmamadali ni Jessie.

Hila-hila niya ako, nagsasabing magmabagal sa mga matatarik na bahagi, inaalalayan ako nang buong puso. At kahit na patag naman ang daraanan, hindi niya binibitawan ang aking kamay.

Hindi malambot ang kanyang kamay, at ang tigas nito ang nagbibigay sa akin ng seguridad. Katulad ng pagmamahal niyang matigas ngunit mapagkalinga.

Sa pag-iisip na iyon ko siya napansing huminto. Napahinto rin ako. Nakita ko ang nakahuhumaling na pagbagsak ng tubig sa pagitan ng mga kabundukan.

Sumabay dito ang aking mga mata.

“Jessie, napakaganda” hindi ko napigilang sabihin.

“Alam ko,” sabi ni Jessie.

Isang falls sa gitna ng kabundukan. Sa gitna ng taas ng bundok ay ang kataasang talon din. Makitid lang ito, hindi kalat ang bagsak ng tubig, at ang lagaslas nito ay parang nangangako ng kapayapaan.

Nagtanggal ng damit si Jessie. Nagtanggal ng sapatos. Naiwan ang maong na pantalon.

Hindi nagpatalo ang kakisigan si Jessie sa buong paligid.

Kaya’t hindi na rin ako nagpahuli. Tinanggal ko na ang aking sapatos at damit. Tinira ko rin ang aking shorts. Nakita ko ang paghihintay ni Jessie at ang kasabikan niya nang makita ang aking katawang handa na sa pagsuong sa tubig.

Ang aking katauhang handa sa pagsuong sa kanyang pagmamahal.

Sa mga mabatong daan, maingat kaming tumapak patungo sa tubig.

Malamig ang tubig sa aming paa. Hindi ko na iyon naalintana. Masarap ang lamig kasabay ng mainit na trek sa ilalim ng araw. Sa mainit na pag-alalay ni Jessie.

At nang makarating kami sa tubig. Sa may lalim na bahagi. Muli akong niyakap ni Jessie.

“Sa ganitong lugar ko unang inamin sa aking sarili na mahal kita, sana hindi ako mabigo ngayon,” napatigil si Jessie. “Alex, mahal na mahal kita. Sana tanggapin mo ang pagmamahal ko.”

“Mahal na mahal din kita Jessie,” sabi ko. “Hindi ko na nakakalimutan ang nangyari sa atin noong gabing iyon.”

“Huwag,” sabi ni Jessie. “Huwag mo iyung kalimutan. Doon mo na lang unahing buuuin ulit ang ala-ala mo sa akin. Sana makalimutan mo na ang mga mali kong nagawa. Mayroon akong mga bagong ala-ala para sa iyo. Ito ang isa pa.”

Hinawakan niya ang aking mukha at idinikit ang labi niya sa aking mga labi.

Wala nang pag-iisip, gumalaw ang aking bibig kasabay ng sa kanya. At ang aming mga halik ay sumayaw kasabay ng ritmo ng pagbagsak ng tubig sa talon. Hindi natatapos. Na sana ay katulad din ng aming nararamdaman ngayon. Na kung may isang bagay na lang akong mararamdaman habang buhay, ito ay ang pagmamahal. Pagmamahal kay Jessie na sana ay walang katapusan.

D�d


Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

The One With the Epilogue

CHAPTER61

Sabi ni Jessie siya na ang bahala. Ito pala ang ibig niyang sabihin.

Nine PM, nakaabang na ako sa laptop ko. Bukas na ang Skype. Hinihintay na magkaroon ng pagbabago. Pero limang minuto na ang nakakaraan, wala pa rin.

Hindi ito ang gawain ni Jessie. Noong unang araw kasi niya, fifteen minutes bago mag alas nueve, hindi na tumitigil ang telepono ko sa mga messages niya. Pinapaakyat na ako sa kwarto para magkita na kami. Ngayon, siya ang late. Kahit limang minuto lang, alam kong hindi siya male-late.

Nagmessage na ako sa viber.

Isa.

Dalawa.

Tatlong messages.

Wala. Hindi man lang seen.

Tiningnan ko ang huling message niya, mga 10 hours ago na. “Goodluck sa pila sa enrollment,” sabi sa message niya.

Reply ako ng “Thanks. Ingat ka dyan.”

Tapos nun wala na? Anong nangyari kay Jessie.

Nagsimula na akong mag-alala. Malayo siya sa akin. Hindi na siya dito sa mansion nakatira. Kung may mangyari sa kanya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Hanggang sa may kumatok sa kwarto.

“Sir, may ipinaaabot ang mama ninyo,” sabi ng kasambahay naming si Mabel siguro.

“Di’ba umalis sina Mama?” ang alam ko kasi ay nagbubulalo sila sa Tagaytay mula pa kaninang hapon.

“BIlisan ninyo daw, kasi naghihintay si Sir Raul sa labas. May pupuntahan pa raw sila.”

Bakit naman sila bumalik? Bakit naman inutusan ng mama si Mabel? Hindi naman namin ugali ang mag-utos sa mga kasambahay. Anung mali sa gabing ito?

Pinagbuksan ko si Mabel.

Laking gulat ko nang makita ko si Jessie. Agad niyang sinara ang pinto, iniwan si Mabel at ako, niyakap niya at dinala sa kama.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nadadala lang ako at nakabalik lang ako sa ulirat na nasisimsim na ang aking labi ng mga halik ni Jessie.

Ayoko ng ulirat ko. Muli kong kinalimutan ang lahat at nagpaubaya sa nararamdaman ko, sa kagustuhan ko, sa pagmamahal na umaagos sa aking katawan papunta sa mga labi ni Jessie.

Bumalik na lang ang aking pag-iisip nang nakahiga na ako sa kanyang matigas na dibdib at nakadantay sa matikas niyang katawan. Siguro, maganda kaming tingnan kung may salamin sa kisame, sa tapat ng kama ko. Kapwa kami naka boxers, at iyun lang ang aming suot.

Humarap sa akin si Jessie at hinalikan ako nang mabilis.

“Surprised?”

“Sobra,” sabi ko.

“Parang hindi ka naman nagulat,” sabi ni Jessie.

“Ayoko na lang magtanong kasi nandito ka. Iyun naman ang mahalaga,” sabi ko.

“Ayoko lang magsimula ang klase na hindi mo ako nakikita,” sabi ni Jessie.

“Iniisip mo pa rin bang makakalimutan kita?” tanong ko.

“Maaalis mo ba sa akin?” sabi ni Jessie. “Nasa Australia ako para kalimutan ka. Bawal tayo mag-usap. Bawal tayo magparamdaman, Pero ginagawa ko ang lahat para hindni kita malimutan. Gusto ko, ganun ka din sa akin.”

“Mula nang una kitang makita, sa salamin ng banyo, habang umiihi ka,” sabi ko. “Hindi na kita nakalimutan. Ngayon pa ba, na hini na takot ang meron ako sa iyo. Ngayon pa ba kita aalisin sa isip ko? Sa puso ko?”

Hinalikan ulit ako ni Jessie.

“May isip-isip, puso-puso ka pang nalalaman,” sabi niya.

Mahirap naman kasing hindi mag-isip. Mahalagang desisyon ang ginawa ni Jessie para sa aming dalawa. 

![](https://img.wattpad.com/de19a454d78da2e84ae0a57e3f4851fa15d2c6ef/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5655756c632d69387667734630673d3d2d3232343836313531392e313433363366353935666336623464662e6a7067)

Pagkauwi mula sa Batad, sinabi ni Jessie na aalis na siya sa poder ng kanyang ama. Malaki na siya, kaya na niyang magtrabaho. May call center na kukuha sa kanya, tutulungan siya ni mama. Habang ginagawa naman niya iyon, tatapusin niya ang pag-aaral. Ito pala ang plano niya. Ito ang bahala na plan.

Isang malakas na batok ang inabot ni Jessie kaya’t agad siyang napahinto habang nagmamaneho.

Akala namin tulog si Mama habang pinag-uusapan namin iyun. Hindi pala.

“Kayo, ambabata ninyo kung magdesisyon kayong titigil para magtrabaho, akala ninyo andali-dali,” sabi ni Mama. “Ako, yang kalandian ninyo, pinapayagan ko, pero hindi ko hahayaang masira ang kianbukasan ninyo. Bata kayo at ina-allow ko kayong mag-have fun, because we girls, of course, just wanna have fun. Pero fun lang. Hindi fun ang kahihinatnatan ng plano ninyo…”

Mahaba pa ang litanya ni Mama. Pero ang gist, hindi pwedeng tumigil sap ag-aaral dahil kapag nangyari iyon, pati siya, hindi na papaya sa mga nangyayari sa pagitan namin ni Jessie.

“Ikaw, Alex,” sabi ni Mama. “Mabubuting tao tayo. Hindi tayo masamang impluwensya. Kausapin mo yang… ano bang itatawag ko, Kuya mo o jowa mo? Jusko, pasalamat kayo, hindi kayo tunay na magkapatid, kundi, bakla na kayo, incest pa. Double murder na yan. Lagot kayo na kay Pacquiao. Kahit Nike hindi kayo susuportahan pag nagkataon.”

Kaya naman sinabi ko kay Jessie, sundin na lang namin ang papa niya. Huwag na lang namin ipaalam.

Pero iba ang gusto ni Jessie.

Pag dating sa bahay kinausap niya ang papa niya.

“Dad, Mahal ko si Alex,” sabi ni Jessie. “Higit pa sa gusto ninyong pagmamahal na maramdaman ko para sa kanya.”

“Alam mo na ang mangyayari,” sabi lang ni Tito Daddy.

Sumunod si Jessie sa kasunduan nila ni Tito Daddy. Kung higit pa rin sa pagmamahal ng isang kapatid ang nararamdaman ni Jessie para sa akin, kailangan niyang lumayo.

Lumayo si Jessie naman para makalimutan niya ako.

Para sa akin naman, walang hiling si Tito Daddy. Nirerespeto niya na hindi niya ako tunay na anak, at wala siyang ganap na karapatan sa buhay ko.

Mayroon isang taon si Jessie para kalimutan ako. Sa Australia na niya tatapusin ang kanyang pag-aaral.

Babalik si Jessie matapos ang isang taon at sasabihin sa tatay niya na mahal pa rin niya ako. At kung pabalikin siya sa Australia ulit para makalimot, susunod na lang ulit siya. Hanggang sa mapansin ng tatay niya na hindi Australia ang sagot. Dahil kahit anong layo, kahit anong tagal, hindi mapuputol ang tunay na pagmamahal.

Hindi kinaya ni Jessie na iwanan ako noong una. Kaya nga kahit desidido na siyang bumili ng ticket para sa earlier flight, e hindi na niya tinuloy. Instead, nagmaneho siya papunta sa Batad para sunduin ako. Pero sa sumunod na araw, kaming lahat na ang naghatid sa kanya.

Malungkot ang paghihiwalay, pero para saan naman ang technology. Parang ang lapit-lapit lang din namin. Viber-viber. Skype-skype. Iyun.

https://youtu.be/Y8ygKnBtKAk

Matapos magbihis, hinila ako ni Jessie papunta sa swimming pool.

Maliwanag ang kapaligiran dahil sa malaki ang buwan sa gabing ito. Manilaw-nilaw pa nga na kung may aalulong na aso, parang nasa horror movie na ako.

Pero si Jessie ang kasama ko ngayon. At ang malaking buwan na ito ay nakadagdag sa pagiging romantiko ng pagkakataon.

Pero parang hindi naman yata tama kung las diyes na ng gabi, e lulublob kami sa tubig. Hindi yun nakakakilig, nakakanginig.

“Gabing-gabi na, malamig,” sabi ko. “Ayokong sipunin.”

“Hindi tayo lalangoy ngayon.”

Sa pagkakasabi niyang iyon, biglang may umilaw na bahagi sa pool area. Isang gazebo ang hindi ko namalayang naitayo doon, kumpleto sa set up ng mga bulaklak, at may dining set na nakalagay.

Naku, nakanood na ako ng ganito. Magpo-propose ba sa akin ng kasal ito? Malabo. Hindi pa tanggap ang kasal ng parehong lalaki sa Pilipinas.

“Sana hindi ka pa kumakain,” sabi ni Jessie.

Lumapit kami at itong si Jessie, sumosobra na, pinag-ayos pa ako ng upuan.

“Huwag kang mag-alala,” sabi ko. “Hindi ka mapapahiya sa akin.”

Umupo kami. Inalis ni Jessie ang takip ng pagkain.

Pickles.

“Inaral ko yan sa Australia,” sabi ni Jessie. “Sa tingin ko, na-perfect ko naman.”

“Amoy pa lang,” sabi ko. “Mukhang masarap na.”

“Bolero,” sabi ni Jessie.

At doon nagsimula na kaming kumain. Masarap nga.

“Gusto mo?” tanong ni Jessie sa unang subo ko.

“Sobra,” sabi ko.

Ngumiti siya, at doon lang siya sumubo rin.

Ang dami kong kwento sa kanya.

Pero may mga pagkakataong napapansin kong hindi siya nakikinig at nakangiti lang sa pagkakatingin sa akin.

“Kung yelo ako, natunaw na ako sa tingin mo,” sabi ko.

“Kayang-kaya naman kitang patigasin ulit,” sabi naman ni Jessie.

At mayroon siyang ngiting medyo nakakatigas nga.

Sa mga tanong ko naman, ang tipid niya sumagot.

“Yun na yun,” sabi ko. “Malungkot sa Australia? Nami-miss mo ako?”

“Oo,” sabi ni Jessie. “Kaya nga titig na titig ako sa iyo. Babawiin ko na ulit ang mga pagtitig ko sa iyong hindi ko magagawa kapag magkalayo na tayo.”

“Sinong bolero sa atin ngayon?” sabi ko.

Nagtawanan kami.

“Gusto mo ba, mas mahaba ang mga sagot ko?” tanong ni Jessie.

“Hindi naman,” sabi ko.

“Sabihin mo lang,” sabi ni Jessie. “Ayoko lang magkamali. Ngayon lang tayo nagkita, maiksing oras lang. Kaya gusto, everything is perfect.”

“Hindi,” sabi ko. “Ang totoo, ngayon pa lang na nandito ka, ang perpekto na ng gabi ko. At kahit ngayon lang ito, dahil alam kong aalis ka na ulit, ayos lang. Aalis ka lang naman, hindi ka mawawala, at dahil doon, perpekto na rin ang buhay ko.”

“You make my life perfect, too,” sabi ni Jessie.

Matapos noon, may kinuha siya sa bulsa. Isang maliit na kahon.

Magpo-proppose nga yata talaga.

“I will not ask you to marry me,” sabi ni Jessie. “Don’t worry.”

“Salamat naman,” sabi ko. “Hindi pa ako handa.”

“Pati naman ang Pilipinas,” sabi ni Jessie.

Binuksan niya ang maliit na kahon, at mayroon doon dalawang singsing.

Kinuha niya ang kamay ko at sinuot ang isa sa aking palasingsingan.

“Alex,” sabi ni Jessie. “Hindi ako naghanda ng speech. Hindi rin ako luluhod. At ulit, hindi kita yayayaing magpakasal. Hindi pa sa ngayon. Pero ang sing-sing na ito ay para sa isang pangako. Hindi kasi madali ang tinatahak nating landas ngayon. Nasa magkaibang kontinente tayo. At kung nahihirapan ka na, pwede mo na itong hubarin. Pero pangako ko, hangga’t suot mo ang sing-sing na ito. Iyong-iyo ako. Hindi kita malilimutan. Pero kung nabibigatan ka na, pwede mong hubarin. Hindi ko nga alam kung malilimutan kita, pero palalayain kita…”

Doon ko naman hinawakan ang kanyang mga kamay kaya naman natigilan si Jessie sa pagsasalita.

Kinuha ko ang isa pang sing-sing. Iniangat ko ang kaliwang kamay ni Jessie at isinuot ko sa kanyang palasingisingan.

“Hindi pa natin kailangang isipin ang pagpapalaya, Jessie,” sabi ko. “Huwag muna ngayon. Kasisimula pa lang natin. Huwag muna tayong maging realistic.”

Napangiti si Jessie.

“Pero kung yan ang pangako mo, mayroon din ako,” sabi ko. “Sana isuot mo palagi ang singsing na iyan. Isusuot ko rin itong sa akin lagi. Masaya man tayo, malungkot. Magkasama man o magkahiwalay. Basta suot natin ito, alam natin, na kakayanin natin. At ito ang pangako ko. Hangga’t may isa sa ating nakasuot ng sing-sing, hindi ako susuko.”

Nakita ko ang isang luhang tumulo sa pisngi ni Jessie.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin.

Tumayo din ako.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinalikan.

Muli akong bumigay sa init ng kanyang yakap.

“Mahal na mahal kita Alex ko,” sabi ni Jessie.

“Mahal na mahal din kita, Jessie ko.”

END

~i-��F\y�

The One With The Thanks From Albert Lang

Maraming salamat sa pagbabasa. Hindi ko inakalang magiging ganito kainit ang pagtanggap ninyo sa aking sinulat. Imagine, na-publish pa ang libro.

Kung gusto po ninyong magkaroon ng kopya, available po ang libro sa Precious Pages Shop, National Bookstore, Pandayan at iba pang mga bookstores nationwide.

Kung hindi naman kayo makahanap sa malapit na mga bookstores, pwede kahong umorder online sa preciouspagesebookstore.com.phor www.preciousshop.com.ph

At para naman mas makilala ninyo ako at ang mga pinaggagawa ko sa buhay at mga kinakain ko at mga binabasa ko at kung anu-ano pang bagay tungkol sa akin, follow me sa IG: JustAlbertLang.

Maraming maraming maraming salamat po. hindi nyo lang po alam kung gaano ako ka-grateful sa pagbibigay ninyo sa akin ng pagkakataong makapagsulat para sa inyo. 

God Bless sa lahat at sana’y matagpuan natin ang pag-ibig na para sa atin.

Albert Lang

The One With Alex

Sinong excited ma meet si Alex? #OhBoyILoveYou #BLSeries

The One Big Sale

99 pesos na lang po ang book na Oh Boy I Love You

kaya sa mga gusto ng kopya, pwede na itong ma-avail sa Shopee!

sa September 9 nga lang.

kaya abang-abang.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.